loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Beki La Fea! (boyxboy) - COMPLETED!

Beki La Fea! (boyxboy) - COMPLETED!

YorTzekai · 21 chapters · 35,661 words

Beki La Fea! (boyxboy)

PROLOGUE ~

“Im sorry pero hindi kami hiring ngayon.” napanganga sya sa narinig at nanlaki ang kanyang mga mata.

“Pero Sir,nakalagay sa labas na in needs of applicants po kayo.” pag sagot nya sa nag interview sa kanya,kung matatawag ngang interview ang agad na pag reject nito sa kanya,ni hindi pa nga nag iinit ang puwit nya sa pagkaka upo. Hindi pwedeng hindi sya matanggap,nakailang apply na sya,naubos na ang dala nyang bente pirasong resume at pagod na sya sa kakalakad.

“That’s all Mr.Ballesteros,thank you.” ang walang patumanggang sabi nito na parang hindi sya narinig. Napabuntong hininga sya bago tumayo at walang lingon likod na nilisan ang lugar na iyon.

Pagkalabas nya sa building ay malapit na magdilim. Bigo na naman syang magkatrabaho,maganda naman ang records nya,maayos at malinis ang mga cridentials nya,galing sya sa maayos na eskwelahan,pero bakit ganon?. Halos dalawang taon na ang nakakalipas ng maka graduate sya bilang marketing,dalawang taon na din syang panay apply,pero lagi syang umuuwi ng bigo.

Ano ba ang mali sa akin? Ang naitanong nya sa sarili.

Ubos na ang pamasahe nya kaya maglalakad na lamajng sya pauwi. Kahit nananakit na ang mga paa nya ay kailangan nyang magtiis. Iniisip na lamang nya na pag nagkatrabaho na sya ay masusuklian din ang lahat ng pagod nya.

Napadaan sya sa isang shop kung saan napansin nya sa glass window ang kanyang repleksyon. Napabuntong hininga sya.

“Ang pagmumukha ko sigurong ito ang problema at dahilan kung bakit hindi ako matanggap tanggap sa trabaho.” aniya sa sarili.

“May braces ako sa pang ibaba at pang itaas na mga ngipin. Kailangan kasi ito,hindi pantay pantay ang mga ngipin ko noon,at pinag ipunan ko pa talaga para makapag pagawa ng mgaj ito. Malaki at makapal ang aking salamin sa mata,malabo ang aking mga mata at mataas ang grado. Kulot ang buhok ko na hanggang leeg. Sino nga ba ang tatanggap sa akin sa trabaho sa itsura kong ito?” ang pagsasalita nya sa glass window na akala mo ay may kausap talaga.

“Hoy PANGIT! Umalis ka dyan! Baka walang pumasok na costumer sa shop ko!” sigaw ng may ari ng shop na hindi nya namalayang nasa tabi na pala nya.

Maka pangit naman ang isang iyon! Eh puro tigyawat nga mukha nya! Hmp!.

Ito ang hirap pag pangit. Pangit talaga ang tingin sayo. Unang kita pa pa lang sayo ay nahusgahan ka na agad,hindi man lang inalam ang ugali at pagkatao. Hindi gaya ng mga gwapo at maganda,unang tingin pa lang,hinahangaan na kahit hindi naman alam ang ugali nila. Kung sana,ang ugali at pagkatao ay nakikita at napapansin agad sa unang tingin,siguro lahat ay magiging masaya. Pero alam ko namang imposible yon. Sa mundong ito na mapanghusga? I doubt.

Yan ang litanya ni Farencio Ballesteros o mas kilala sa tawag na Faye. Patuloy syang naglakad,kumakalam na din ang sikmura nya dahil ni hindi man lang sya nakapag agahan at tanghalian sa pagmamadali at pagbabaka sakaling swertihin syang makahanap ng trabaho sa araw na ito.

Gusto na nyang makauwi para makapag pahinga. Para kinabukasan ay makapag apply na ulit sya. Ayaw nyang habang buhay ay umasa sa mga magulang nya. Ayaw nyang maging pabigat.

Nagpalinga linga sya sa paligid habang naglalakad. Tuluyan na talagang nag gabi at ang liwanag ng syudad ang nangingibabaw. Napatigik sya sa paglalakad ng may mapansin syang nakapaskil sa isang pader. Binasa nya ito at medyo nag alangan pa sya.

“Hmmm,wala naman sigurong masamang sumubok.”

LA BEAU CORPORATION: Hiring- Secretary. Male or Female. College Graduate. Please inquire at our office.

Agad nyang kinopya ang address,maaga pa naman, alas sais pa lang,pwede pa siguro humabol sa pag a-apply at mukhang malapit lang naman din ito. Ng marating nya ito ay tinanong sya ng security guard kung mag a-apply sya,pag sagot nya ay agad syang pinapasok nito. Nagtanong tanong sya kung saan ang office ng mag i-interview,sa awa ng Diyos ay wala namang dumedma sa kanya kaya maayos nyang narating ang pakay.

“Good evening po. Uhm gusto ko pong mag inquire about dun sa secretary position. “ ang agad nyang sabi pagka pasok pa lamang. Nakayuko yung lalaki na parang may mga pinipirmahan. At ng mag angat ito ng tingin ay nagulat ito at napaurong kasama ng swivel chair na inuupuan nito. Tinitigan sya nito mula ulo hanggang paa,pabalik sa kanyang mukha. Ngumiwi ito kaya napalunok sya.

Alam ko na,hindi na naman ako tanggap. Malungkot nyang sabi sa isipan.

“Let me see your cridentials.” seryosong sabi nito. Lumapit sya at iniabot dito ang kanyang envelope. Binuksan nito ito at binasa ang laman.

“May tanong ako,huwag ka sanang ma offend.”

Nako! Huwag naman sana nyang tanungin kung bakit ganito ang itsura ko,dahil maski ako ay hindi ko alam ang sagot.

“Sige po Sir. Ano po iyon?” ang kinakabahan nyang sabi.

“Are you a gay?.”

“Uhm.. Opo sir. Hindi po ba pwede?.” ang laglag balikat nyang sabi at tanong.

“That’s all I want to know. Tanggap ka na,you may start tomorrow as my secretary,agahan mo,ayaw ko ng tamad at laging late. You may go now.” anito at muling yumuko at ipinagpatuloy ang pag pirma sa mga papeles nito.

Halos lumundag ang puso nya sa tuwa. Na sa wakas,after two years ay nagkatrabaho na din sya.

“Sige po sir. Salamat!” aniya at tiningnan ang pangalan ng gwapong boss na nakalagay sa ibabaw ng table nito.

KAEL C. CUANGCO

Beau # 1

NOTE- This will be my last update. Titigil na ako sa pagsulat. At kung bumalik agad ang drive ko sa pagsulat,I hope sa madaling panahon ay babalik agad ako. I just cant bare it,wala na akong mukhang maihaharap,my name’s been drag,at ayoko ng ganun,nadamay pa mga idol kong sina ZILDJIAN at ONOMATOPOEIA,sobrang nakakapang liit,when it fact na sa kanila ako kumukuha ng Idea ay sila pa ang nasabihan na ginagaya daw ako,I dont know what to do,kundi ang tumigil. Iyon lamang po at maraming maraming salamat sa lahat!

\

FAYE’s POV —

Maaga akong gumising at naligo,naghanda na ako para sa first day of work ko. Nang makapag bihis ay nagpaganda na ako. Sad to say,ayaw talaga! Pambihira! Bakit ko pa pag aaksayahan ng panahon tong mukhang to? Hmp!

“Ferancio,papasok ka na ba sa bago mong trabaho?” ani Papa ng makalabas ako sa kwarto,duplex lang tong bahay,walang taas pero malawak at may tatlong kwarto.

“Opo Pa,sasabay po ba kayo?” sagot ko. Hindi na ako mag aalmusal,dahil ayon sa boss kong si Kael,ayaw nya ng late at tamad.

“Mamaya pa ako ng kaunti,mauna ka na,may lalakarin pa kami ng Mama mo.” sagot nito habang tinutupi ang dyaryo.

“Ganon po ba? Pakisabi na lang po,mauna na akong umalis.” at yumakap muna ako kay Papa bago lumabas ng bahay.

6:30AM na,dapat saktong 7AM nandun na ako. Agad na akong pumara ng taxi na papadaan pa lang. Ngayon lang to,bukas mag jeep na ako. 7:45am ay nakarating na ako sa La Beau Corp. kinamusta at binati pa ako ng gwardya,matapos ko magpasalamat ay sumakay na ako sa elevator. May mga kasabay akong kapwa ko empleyado,tinitingnan nila ako na mga naka ngiwi pa.

Sige,tingnan nyo ako ng ganyan,baka hindi nyo alam,ako ang secretary ng boss dito. Ani ko sa aking isipan at lihim na napangiti. Naisip ko din na ako pa lang ata ang kauna unahang baklang secretary. Sa bagay,no choice siguro talaga si Boss at nagmamadaling makakuha ng secretary. Syempre hindi ko sasayangin ang pagkakataon,I will do my best,ayaw kong mapahiya.

TING!

Dito na ako sa floor ng opisina ni Boss. Agad na nag unahan ang mga kasama ko sa elevator at ginitgit pa talaga ako,mapa babae man o lalaki. Mga walang budhi.

Ako ang huling lumabas ng elevator. Super ngiti pa ako,gusto kong magpaka good vibe sa unang araw ko sa trabaho. At sila super tingin at super ngiwi sa akin. Bakit ba? Mukha ba akong kriminal? O ngayon lang sila nakakita ng kakaibang ganda?

Direderetso ako hanggang sa pinto ng opisina ni boss. Ramdam kong sinusundan nila ako ng tingin. Kumatok muna ako ng tatlong beses.

“Tuloy.” boses ni sir Kael! Parang bigla tuloy akong kinabahan. Dahan dahan akong pumasok. Agad na nag angat ng tingin si sir Kael. “Youre just in time. See that door? That will be your little office,pinalagay ko na din ang computer at telepono,nandun na din ang ibang paperworks,for this day pag aralan mo muna yon,yon ang mga listahan ng kinikita at nilalabas na pera ng kumpanya,paki audit na din.”

Sabi nito na nakatuon na ulit ang atensyon sa trabaho. Tinungo ko na yung sinasabi nyang pinto. Pagbukas ko madilim. Bakit dito ako?

“Sir dito po talaga?”

“Unless gusto mo sa labas? Ayaw kong naka balandra ka dun at kung sinu-sino ang nakaka kita. I know you know what I mean.” sagot nito.

Aray naman! Napaka harsh ni sir Kael. Pero mainam na to kesa wala diba? I should be thankful.

“O-okay po sir. Salamat.” ang sabi ko na lang. Pumasok na sa loob,tinungo ang aking desk,kung saan ang dami na ngang nakapatong na papeles. Binuksan ko na ang computer at sinimulang ireview ang history ng kumpanya. Madami akong kinalkal,at napag alaman kong naka connect ang mga secret data’s ni sir Kael sa kanyang PC sa akin.

Buong duration ng time na iyon ay inaral ko lahat. Pati yung mga papeles,medyo sumasakit na ang ulo ko,nagugutom na din ako,at higit sa lahat masakit na mata ko,mabuti na lamang at maliwanag ang ilaw mula sa sinag ng PC kaya nababasa ko pa ang mga naka saad sa mga papeles.

Its almost quarter to twelve ng may kumatok.

“Ferancio. Its lunch time,nasa ground floor ang canteen.” si Sir Kael.

“Thank you sir!” sagot ko pero mukhang wala na sya. Inayos ko muna ang mga papeles at saka lumabas sa lungga ko,nanibago pa ako sa liwanag. Wow! Para lang akong paniki! Wala na din si Sir. Lumabas na ako,at syempre all eyes are on me. I doubt kung may magtangka makipag kaibigan sa akin dito.

Sumakay na ulit ako sa elevator at iniisip ang mismong kumpanya,nagpoproduce ito ng mga damit para sa mga models at nagpoproduce din ng mga models,two in one. Kaya hindi na nakakapagtaka na ganito na ito katatag at katanyag.

Ng makarating sa canteen ay madami ng tao. May mga empleyado,mga models at iba pang uri ng mga tao. When I say iba pang uri,kasama ako dun. Im glad hindi ako nag iisa sa misfortune na ito.

Pumila na ako at takam na takam na tiningnan ang mga pagkain. Jusme! Ganito epekto ng sobrang gutom. At nung turn ko na,dalawang putahe pa ang inorder ko,pero ng magbayad na ay nalaglag ang mga balikat ko,ang mahal! Parang sa mga first class restaurant ang presyo. Nakikinita ko na tuloy na walking alone ang tema ko mamayang gabi pag uwi.

Halos wala ng bakanteng mesa. Ganito pala kadami ang mga empleyado dito sa kumpanyang ito. Saan ako uupo?

Hayun sa sulok! May bakanteng pangdalawahan! Kaya dali dali kong tinungo ito at inilapag ang tray at nagsimulang magpaka taong java sa pagkain. I dont care kung tingnan nila ako. Adobo at karekare ang inorder ko at dalawang kanin. Kaya inabala ko na ang sarili ko sa pag ngasab,dahil habang tumatagal,nagtatayuan na ang balahibo ko dahil sa ginagawa nilang pagtingin sa akin.

“Hi! Pwedeng maki share? Wala na kasing pwesto eh.” sabi ng isang boses ng lalaki kaya nag angat ako ng tingin. Nalaglag ang panga ko at nabilaukan ako,agad ko din naman nainum ang tubig.

“Ah eh.. Sure,patapos na din kasi ako.” sabi ko habang kinakalma ang sarili. Ang gwapo naman nito. Bihira lang akong makakita ng gwapo talaga tulad ni sir Kael.

“Thanks.” nakangiting sabi nito at naupo na sa harap ko,inilapag na din nya ang mga pagkain nya. “Ngayon lang kita nakita dito,bago ka lang ba? Sabagay,ngayon lang ulit ako kumain dito.”

Ang gwapo! Isa syang Adonis! Ang hirap idescribe! Firm lips na mapula,makakapal na kilay,mga matang hugis almonds at kulay brown,matangos ngunit maliit na ilong,may pagka tan na kulay ng balat. Haaay! Busog na ako!

“Ah eh.. Oo,ako ang bagong secretary ni Boss Kael. No choice na siguro,dahil kahit ganito ako eh tinanggap nya ako.” nahihiya kong sagot. And oh my kalabaw! Mas lalo kaming pinagtitinginan,and this time,may kasama ng bulungan! Ano ba mga taong ito?

“Ah.. Kaya pala,balita nga namin na may bago ng secretary si Boss,huwag kang magtaka na tinanggap ka nya,karaniwan diba puro babae? At usap usapan na nakikipag affair sya sa mga naging secretary nya kaya pinapalayas ng fiance nyang si Grazilda,huwag kang maingay ah?” nakangiti at pabulong na sabi nito. My kalabaw! Napaka kumportable nya namang magkwento eh ngayon lang kami nagkakilala.

“Talaga? Ganon pala yon.” ang tanging nasabi ko na lamang at pinagpatuloy namin ang pag kain. Yun pala ang rason kaya ako natanggap. Sa bagay,sir Kael wouldn’t dare na makipag affair sa isang baklang panget. Im sure maligaya ang fiance nya.

“Kanina pa tayo nag uusap hindi pa tayo formal na nagpapakilala,by the way Im Faust Madrigal,and you?” sabay lahad nito ng kanyang kanang kamay.

“Uhm..Im Ferancio Ballesteros,pero Faye tawag sa akin.” sagot ko.

“Ikaw lang ang pangalawang bading na naka usap ko. Nice meeting you Faye.” naka ngiting sabi nito. Killer smile lang.

“Nasan na ang Top Male Model ko? FAUST! FAUST!” sigaw ng isang bading na kalbo.

“Andyan na sya. Si Homer ang mga naghahandle samin. Nice meeting you again Faye. See you around.” anito at umalis,lumapit dun sa baklang kalbo.

Napatingin ako sa pinagkainan nya,ubos na pala. Yung akin paubos pa lang.

Male Top Model sya dito? Ihhh! Nakakahiya! Sugapa pa naman akong lumamon sa harapan nya. But I think hindi magiging problema yon,kinausap nya ako kahit alam nyang halimaw ang pagmumukha ko,hindi sya nanghusga sa itsura at pagka sino ko,pwede siguro kaming maging magkaibigan balang araw.

Sa sobrang pagmamadali ko sa pagbalik sa opisina namin ni Sir Kael ay hindi na ako kumatok. Agad kong binuksan ang pinto.

Nagulat ako.

Nagulat sila.

Huling huli sa akto na nakikipag halikan si sir Kael sa isang magandang babae. At may palagay akong hindi sya yung fiance. So totoo ang sinabi ni Faust? Mahilig makipag affair ang boss namin.

Parang nahiya yung babae at inayos ang sarili. Umalis sa pagkaka kandong kay sir Kael at lumabas. Galit na tumayo si Sir Kael. I was not looking at his face,natakot ako kaya tumungo ako and I noticed how hard he was by that bulge in his slack,and oh my karabaw,I can now imagine how big is that.

“Hindi ka ba marunong kumatok? Youre invading our intimate moment!” bulyaw nito sa akin. Kahit nakayuko ako ay napakislot ako. Ayokong tumingin sa mga mata nya,baka pag tiningnan pa lang nya ako ay malait na nya ako.

“I-im so sorry sir,nagmamadali lang po ako dahil ayokong ma late. Sorry po talaga,sorry po.” nanginginig kong sagot. Ganito pala sya pag nagagalit at nabibitin. Nakakatakot talaga.

Matagal na katahimikan ang namayani. Hinihintay ko na lang na sabihin nya ang magic words na “Youre fired!”.

“Next time kumatok ka. Bumalik ka na sa trabaho.” malamig na sabi nito.

“Yes sir.” maglalakad pa lang ako papunta sa lungga ko ng bumukas ang pinto.

“Sino bago mong secretary hon? Gusto kong makita. Baka magsimula ka na naman,at sasabihin ko sayong hindi lang sipa ang gagawin ko.” sabi ng isang boses ng babae. Napaharap ako dito.

“Grazilda!” ani Sir Kael.

“Who’s this ugly creature? Nagpapasok ka na ng Ogre dito hon?” taas kilay at nandidiring sabi nito. Parang gusto ko na lang maging Ogre talaga at durug durugin sya. Walang manners!

“He’s Ferancio,my secretary,and he’s a gay okay? Kaya Im assuring you na hindi totoo ang mga pang aakusa nyong nakikipag affair ako sa mga secretary ko.” sagot ni Sir Kael. Oh gawd! He’s such a good liar!.

“Kinuha mo yang faggot na yan para patunayan sa aming lahat na mali kami? Hmmn.. Come to think of it. This time,I will believe you hon. Sa mukha nyang secretary mong yan,I know wala talagang magtatangka.” anito at tumawa. Lumapit kay sir Kael at walang pakundangang naglapaan ng mga labi sa harapan ko.

Maingat akong bumalik sa aking lungga. Hindi ako dapat magpa apekto sa mga panglalait at pang aalipusta nila. Nandito ako para sa trabaho,para sa pamilya ko. At higit sa lahat,mas mainam na hindi na ako lumabas sa madilim na lunggang ito hangga’t hindi pa tapos ang trabaho,para naman hindi sila nakakakita ng maligno tuwing titingnan nila ako.

Beau # 2

Ikalawang araw ko na sa La Beu,kaya naman kinondisyon ko na ang sarili ko. Tulad nung unang araw ay pinagtitinginan pa din ako. Well,wala silang magagawa,ako din naman walang magagawa,ganito na ang pagmumukha ko eh.

This time mas maaga ako ng thirty minutes,sisiguraduhin kong mauuna ako kay sir Kael.

“Hi,ikaw yung bagong secretary ni boss diba? Im Deborah,just call me Debbie,absent ako kahapon kaya hindi mo siguro ako nakita.” salubong sa akin ng isang babaeng may kulay ang buhok at kulot,sexy sya at may itsura.

“Ha? Hi? Yup ako nga. Im Ferancio, pero Faye na lang.” ang nahihiya kong sagot.

“Nice meeting you Faye,I hope magtagal ka dito. Nga pala,mamayang break sa akin ka sumama ah? See ya later.” nakangiti nitong sabi. Ngumiti lang ako at pumasok na sa opisina,wala pa nga si sir Kael kaya tinungo ko na ang lungga ko,only to find out,tambak na naman ng paper works. It means,si sir Kael ang naglagay at nauna pa din sya.

Napa buntong hininga ako at naupo na,binuksan ko na ang PC at nagsimula na sa trabaho ko. Madami akong kailangang i-canvass at i-audit. Pati yung ibang dapat ay si sir Kael na ang gagawa ay ako na gumawa,napaka hayahay naman ng buhay ng isang iyon.

Nasa gitna ako ng pag tatrabaho ng may kumatok at saka bumukas ang pinto.

“Ferancio,mag break ka muna.” ani sir Kael.

“Pero sir,maaga pa po?” sagot ko at tiningnan pa ang oras,10:30AM pa lang.

“Susunod ka or I’ll fired you?” galit na sabi nito. Nagtataka man ay sumunod na ako. Ayoko kayang masesante,ikalawang araw ko pa lang masisisante na ako? Ang saklap naman nun diba? Its a big NO NO.

Paglabas ko sa lungga ko ay agad kong napansin ang isang napaka gandang babae. Makinis,maputi at naka micro mini pa. At alam ko na kung bakit nya ako pinag be-break ng maaga. Gagawa na naman siguro sya ng kahalayan. Nako,sana biglang dumating si Maam Grazilda,ewan ko lang kung anong mangyayari.

Nginitian ko lang ang babae at lumabas na.

“Ngayon san na ako pupunta? Hindi pa naman ako nagugutom,at hindi din naman sinabi kung anong oras ako babalik.” sabi ko sa sarili ko ng makalabas.

“Oh Faye? Ang aga mo ata? Excited ka? Mamaya pa ang break.” ang biglang sulpot na si Debbie.

“Ha? Eh pinag advance break ako ni sir Kael eh. Wala nga akong pupuntahan,hindi pa naman ako gutom.” ang sagot ko.

“Mukhang alam ko na ang rason. Kung ganon,halika sa department namin,papakilala kita sa mga kasamahan namin. Masaya to,ikaw pa lang ang pangalawang beki dito sa La Beau” anito.

“Ha? You mean wala nang ibang bading dito?” taka kong tanong. Ibig sabihin kami lang nung Homer ang bading dito?

“Noon madaming beki na pumasok dito,magaganda,magagaling. Eh ang chika na kumalat noon,nainsecure daw si Homer kaya penitisyon nyang mawala ang mga yon. Pero huwag kang matakot,hindi ka nun ipepetisyon.” nakangisi nyang sabi.

“Dahil chakka ako?” ang nanunubok kong tanong. Baka kasi ningas kugon lang ang isang to eh.

“Medyo,but not that naman talaga. Nasa puder ka ni sir Kael kaya hindi ka nya mapapatanggal. Tara na nga at ipapakilala na kita sa kanila.” ani Debbie at hinila na ako,nagpatianod na lang ako. Okay na ito siguro yung madaming kilala sa trabaho,kesa naman panisin ko ang sarili kong laway.

“Hi girls! Ito nga pala si Faye,ang beki na secretary ni sir Kael. Faye sya si Monica ang babaeng pula ang buhok,tapos si Manang Julia ang pinaka matagal ng sastre dito,at ang huli,si Perry ang babaeng.. Uhm never mind.” ang agad na pagpapakilala ni Debbie sakin sa mga kasamahan nya.

“Hello po sa inyong lahat.” ang pagbati ko. Gumanti din sila ng bati. Maliban dun sa Perry na tiningnan lang ako na parang nandidiri. Well,I dont give a damn.

“Mula ngayon,dito na sya sa grupo natin. Since wala pa naman syang mga friendship dito. Diba Faye?” ani Debbie.

“Uhm. Kung okay lang sa inyo?”

“Oo naman Faye. Matagal tagal na din na walang nadadagdag sa samahan namin.” sabi ni Manang Julia.

“Tama si Manang! Masarap pa naman kasama ang mga beki.” segunda nung Monica.

“Salamat naman kung ganun!” ang nakangiti kong sabi. Masarap sa pakiramdam na may mga bago akong kaibigan.

“Hey Faye! Whats up? Nalipat ka ng department?” sabi ng familiar na boses. Sabay sabay namin itong nilingon.

“F-faust!” ang gulat kong sabi saka tiningnan ang mga kasama ko. At mga literal silang nakatulala maliban kay Manang Julia na bineso at niyakap ni Faust.

“Kamusta na Nay Julia? Okay ba kayo dito?” anito. “Ano sagot sa tanong ko Faye?” nakangiti pang baling nito sa akin.

“Uhm. Hindi ako nalipat ng department. Maaga akong pinagbreak ni sir Kael,sakto paglabas ko nandun tong si Debbie kaya dinala nya ako dito.” ang sagot ko at nagulat pa ako ng lumapit si Perry kay Faust at nag flirt. Ambisyosa pala ang isang ito eh.

“Hi Faust! Mabuti at dinalaw mo ako dito.” sabi ni Perry. Napatingin ako sa mga kasama namin, nagtaas ng kilay sina Debbie at Monica,napailing naman si Manang Julia.

“Perry,stop that. Hindi ako nagpunta dito para sayo. Napadaan ako at nakita ko si Faye kaya lumapit ako.” ang naiilang na sagot ni Faust,nagdadabog namang lumayo kay Faust si Perry. “By the way Faye,kung maaga kang pinag break ni boss Kael,edi samahan mo muna ako,kaen muna tayo.”

“Ha? Baka hanap–”

“Huwag ng mag alala teh,wait mo na lang tawagan ka ni sir Kael,at isa pa naaabala mo na kami,sige sumama ka na kay Faust.” ang naka ngising pagtulak sa akin ni Debbie kay Faust. Nilingon ko si Faust,nakangiti lamang ito habang naghihintay.

“Ambisyosang baklang pangit.” dinig ko pang sabi ni Perry pero hindi ko na lang binigyang pansin.

Papunta na kami sa elevator ng bumukas ito at lumabas si Maam Grazilda. Agad nitong binati si Faust at ako naman ay pinagtaasan ng kilay.

“Oh? Oras ng trabaho pagala gala ka? Nasan ang boss mo?” anito sa akin. Bigla akong kinabahan para kay sir Kael.

“Ah eh.. Uhm Maam. Maaga po nya akong pinag break eh.” ang kinakabahan kong sabi.

“Maagang pinagbreak? That’s odd. Nasan sya?” taas kilay pa din nitong tanong.

“Uhm nasa office po.” sagot ko pa din at tiningnan ako ni Faust na parang nagtatanong.

“Okay. I dont think its a good idea na gumagala ka sa oras ng trabaho.” anito. “Faust,nakasalubong ko si Homer,hinahanap na nya kayo.” baling nito kay Faust.

“Ganun? Wala pa akong thirty minutes nawawala at kakain pa kami ni Faye.” sagot dito ni Faust.

“Hmm.. Faust its okay. Babalik na ako sa opisina. Hindi pa naman ako gutom.” naka ngiti kong sabi. “Sige po maam Grazilda,mauna na ako.” umalis na ako at hindi ko na hinintay ang sagot nila at nagmamadali na akong naglakad pabalik sa opisina. At ng makarating dun ay agad kong binuksan ang pinto.

“Walang tao? Nasan si sir?” taka kong sabi sa sarili saka pinasok ang lungga ko.

“Shit! Diba sinabi kong magbreak ka muna?” ang gulat na sabi ni sir Kael. Agad na umalis sa pagkaka patong dun sa babae,naka baba ang pantalon at brief. Nakita ko tuloy ang makinis nyang puwit. Pati yung babae ay nagulat at agad itinaas ang panty at inayos ang micro mini nya.

“Im so sorry sir! Nandyan po kasi si Maam Grazilda.” ang hirap kong sabi. Grabe,napaka horny at napaka pervert pala talaga nitong boss ko. Pati ang desk ko ginamit pa sa kahalayan,nagkalat tuloy sa lapag ang mga papeles.

“Si Grazilda? Damn!” anito na naiyos na ang sarili. “magtago ka muna dali.” baling nito sa babae.

“Huh? Pero hindi pa tayo tapos.” ang protesta nung babae.

“Saka na natin tapusin. Magtago ka muna.” ang tarantang sabi ni sir Kael. Ganyan pala mataranta ang isang gwapong tulad nya.

“San naman? My god! Sabi na kasi na mag hotel na lang tayo eh!”

“Magtago ka na!” anito at hinila ang babae papunta sa ilalim ng desk ko. “Nasan na si Grazilda?” baling nito sa akin.

“Baka po nandyan na sa labas.” ani ko at pinulot isa isa ang mga papeles na nagkalat. Haay! Aayusin ko na naman to ayon sa pagkaka sunod-sunod.

“Hey! Anong ginagawa mo dito?” ang boses mula sa pintuan. Si Maam Grazilda.

“Tinatanong ko lang si Ferancio kung tapos na sya magbreak kasi nga nagkalat mga papeles.” ang agad na sagot nito. Gosh! Ang galing magsinungaling.

“Nakita ko nga sya kanina lang with Faust. Isn’t it odd na pinagbreak mo sya ng maaga? Whats the reason?” ani Maam Grazilda na dama kong nakatingin din sa akin habang pinupulot ko pa din ang mga papeles. My gawd! Hindi ko pinangarap na pagtakpan ang kasalanan at pagkakamali ng iba.

“Masyado kasing madami syang gagawin. At naisip ko na mas magandang kumain muna sya para mas madami syang magawa kung busog sya.” sagot ulit nito. “Tara na sa labas,naaabala pa natin si Ferancio.” anito at lumapit kay Maam Grazilda.

“Bakit pawis ka? At amoy pabango ka ng iba?” ani pa rin ni Maam Grazilda.

Patay ka sir Kael!

“Hindi mo ba ramdam? Mainit dito at yung pabango ay pabango ni Ferancio,dahil obviously opisina nya ito.”

“Baka naman may kababalaghan kayong ginawa ng halimaw na yan? Parehas ko kayong sisipain,huwag nyo akong subukan.”

Huh? Bakit pati ako nadamay?

“The hell? Bakit naisip mo yan? Hindi ako papatol sa kapwa lalaki,at hindi ako pumapatol sa pangit. Tara na nga!” at hinila na nito si Maam Grazikda palabas ng lungga ko.

Aray naman! Pangalawang araw ko pa lang pero kota na ako sa mga panglalait nila. Nako lang sir Kael,huwag ka sanang makarma!.

Nakaka wala talaga ng mood ang mga ito. Hay! Ayusin ko na nga lang itong mga papeles.

Habang nag aayos ako ng mga papeles ay nadidinig ko silang nag uusap sa labas. At pagkalipas lang ng ilang minuto ay bumukas na ang pinto.

“Keep your mouth shut. Or I’ll wreck your neck! Nakaka dalawa ka na sa akin ah? Kumatok ka muna bago pumasok!”

“O-opo sir! Sorry na talaga. Isipin ko na lang na wala akong nakita. Sorry po talaga.” ani ko at matagal ako nitong tinitigan.

“Nakita mo ba yung ano ko?” ang parang nahihiyang tanong nito.

“Aling ano po sir? Hindi ko ma gets?” ang kunwari ay inosente kong tanong. Naalala ko na naman ang makinis nyang puwit.

“Yung ano ko.” this time lumapit na sya sa desk ko at mahina ang boses.

“Yung ano po? Sir ano po ba ibig nyong sabihin?”

“Huwag ka ngang magkunwaring walang nakita. Im asking you if you saw my dick earlier!” singhal nito. Kahit medyo madilim ay alam kong namumula na sya.

“Of course hindi po sir!” ang agad kong sagot.

“Good! Ayokong may ibang makakita dito maliban kay Grazilda at sa mga babae ko!” anito sa akin.

“Hindi ko po yon nakita sir! Yung puwit nyo lang!” ang agad ko din namang sabi.

“What? Ang alin?” gulat na tanong nito.

“Yung puwit nyo lang po nakita ko.” pigil ang ngiti at tawa ko ng sumagot.

“Damn!”

Beau # 3

“Ahm Excuse me!” sabi ng isang boses na ikinagulat namin ni sir Kael.

“Ay kabayo!”

“Shit!”

“Hoy bakla,umalis ka dyan,lalabas na ako!” boses ng babae. At dun ko lang naalala na nagtatago nga pala sa ilalim ng table ko ang babae ni sir Kael.

“Ay sorry!” ani ko at tumayo,lumabas na ang babae at inayos ang sarili.

“Betina,nandyan ka pa pala.” ani sir Kael at inakbayan ito. Pumiglas naman ang babae at agad na pumunta sa pintuan.

“Hindi ka na makaka ulit.” anito at lumabas. Tumalikod ako para mapigilan ang ngiti.

Mabuti nga senyo. Mga makakati kasi.

“Ferancio..” ani sir Kael ng makaupo na ulit ako. Pero ng ipasok ko sa ilalim ng desk ang paa ko ay dumulas.

“Basa? Bakit basa?” ang taka kong tanong sa sarili.

“Anong basa? Ferancio,tulad ng sabi ko,you have to zipped you–”

“Wait lang sir.” ani ko at yumuko,hinawakan ng daliri ko yung binasa at inamoy,napangiwi ako sa amoy. Muli akong dumiretso ng upo. “Sir mukhang nabitin at nagsarili si Miss Beautiful. May bakas pa oh.” at inilapit ko sa ilong nya ang daliri ko.

“Shit! Ano ba? Linisin mo yan! Baka may ibang makakita!” ang namumulang sabi ni sir Kael.

“Sus! Kunwari pa eh ito ang gusto mo sa babae. Dumi nyo ako maglilinis? Ang unfair ah.” ang bulong ko at tumalikod para kunin sa gilid yung mup.

“May sinasabi ka Ferancio?” ani sir Kael na ikina kislot ko. Akala ko lumabas na sya,nandito pa pala.

“Wala po sir,at saka Faye na lang,masyadong mahaba ang Ferancio.” ang sagot ko at minap na ang basa. Grabeng babae yon ah? Infairness,madami ito,parang basa. Ganun siguro katindi ang pagnanasa nya kay sir Kael.

“Okay Faye. Aasahan ko ang pananahimik mo.” anito at lumabas na din. Hay! Secretary nga ako,taga tago ng sikreto.

Buong araw nagpaka abala na lamang ako sa trabaho,ni hindi na ako naglunch kahit gutom na gutom na ako. Sa sweldo na lang ako babawi,mabuti na lang talaga one ride lang itong trabaho mula sa bahay.

Nang oras na ng uwian ay wala na si sir Kael. Mainam na Boss,unang dumadating,una ding umuuwi.

Pagkalabas sa building ay naglakad muna ako,baka sakaling sa paglalakad ko eh may makita akong murang tindahan ng pagkain,kahit burger lang,mawala lang ang hilo at pagkalam ng sikmura ko. Panigurado sa bahay ay kumakain na sila,pero wala na naman akong maaabutan.

Hindi ko alam kung lumindol ba o ano,parang gumewang yung nilalakaran ko,alam kong mabubuwal na ako pero hindi ko na nakontrol ang katawan ko. Ang alam ko lang,bumagsak ako sa semento bago magdilim ang paningin ko.

“Anong nangyari?” ang agad kong sabi ng magkamalay ako. Inilibot ko ang paningin sa paligid,maliit na kwarto,parang ospital.

“Mabuti at gising ka na,kumain ka muna.” pamilyar ang boses kaya hinanap ko.

“Faust? Anong nangyari?” ang taka kong tanong. May katabi syang lalaki.

“Nahimatay ka. Mabuti at nakita agad kita.” ani Faust at inilapag ang pagkain sa desk na katabi ng hinihigaan ko.

“Nahimatay ka dahil sa sobrang gutom at pagod. I suggest na huwag ka na ulit magpapagutom ulit.” sabi ng isang lalaki,na isa palang duktor. “Maiwan ko muna kayo, bro pakainin mo muna yan bago ihatid sa kanila.”

“Pasensya na sa abala.” ani ko ng makalabas yung duktor at lumapit si Faust.

“Your my friend,hindi ka abala. Bakit kasi nagpaka gutom ka?” anito at naupo na din sa kama. “Kainin mo na yan.”

“Naging abala ako sa trabaho kanina kaya nakaligtaan ko. Salamat at pasensya ulit.” ani ko at nagsimula ng kumain. Kanin at manok ang pagkain,hindi na ako nahiyang kumain since nakita na ni Faust ang pagiging halimaw ko sa pagkain.

“Youre really amazing.” nakangiting sabi ni Faust na ikinatigil ko sa pag nguya na parang taong tabon.

“Bakit naman? Dahil sa mukha ko? I know.” ang nakangiti kong sagot at tinuloy ang pagkain.

“No,hindi yon. Ano ka ba? Bakit mo ba minamaliit ang hitsura mo?” ang parang nainis nyang sabi.

“Ano ka ba? Yon naman ang totoo,sanay na ako,sanay na ako sa mukha ko,ewan ko lang sa ibang tao kung sanay na sila sa mukha ko.” muli kong sagot at dinugtungan ko pa ng tawa.

“Ewan ko sayo Faye. Basta pag ako kasama mo huwag mong ginaganyan ang sarili mo. Bilisan mo na dyan at ihahatid na kita,baka hinahanap ka na senyo.” aniya at lumabas na.

Ang bait naman nito ni Faust. Kung ibang tao pa yun,nasuka at napangiwi na yon dahil sa hitsura ko. Sana lang yung kabaitan nya huwag abusuhin ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Pagkatapos kumain at uminom ng gamot ay nagpumilit syang ihatid ako sa bahay kaya pinagbigyan ko na.

Hindi na sya pumasok dahil may pupuntahan pa daw sya. Ang mga kapitbahay naman namin na walang ginawa kundi ang laitin ako mula pagkabata ay parang mga giraffe na humaba ang leeg kakatingin kay Faust sa loob ng kotse nito.

“Oy Faye! Sino yung naghatid sayo?” halos mapatalon ako sa nagsalita kaya inis ko itong hinarap. Si Pipo pala,ang kababata ko at dakilang siga dito sa lugar namin.

“Wala yon. Kaibigan ko sa bago kong pinagtatrabahuhan.” ang sagot ko at naglakad na papunta sa bahay.

“Ikaw talaga! Lagi mo akong tinatalikuran! Tandaan mo to Faye,oras na yumaman ako,hindi ka makakatakas!” ang sigaw ng mokong kaya alam kong nagtitinginan na ang mga kapitbahay naming mga staff ata sa Buzz ng bayan.

Nakakahiya talaga tong Pipo na to! Hindi ko alam kung bakit ako ang lagi nyang pinagtitripan. Bahala nga sya sa buhay nya.

Pagkapasok ko ng bahay ay tahimik na. Mukhang tulog na sina Mama at Papa. Tahimik kong tinungo ang kwarto ko at humiga sa kama.


“Oy bakla! Balita ko magkasama daw kayo ni Papa Faust kagabi.” ang agad na panimula ni Debbie nang kakain na kami dito sa canteen.

“Assumera talaga.” bulong nung Perry kaya tiningnan namin sya pero kumain lang sya at hindi kami pinansin.

“Napaka bait talaga ng batang yon,napaka swerte ng mapapangasawa nya.” ang sabi naman ni Nay Julia.

“Nako Nay,I agree!” ang sabi ni Monica habang inaayos ang pagkain nya.

“Pwede na bang magsalita? Sunod sunod kayo eh,hindi ako makasingit.” ang sabi ko na tinawanan nila. “Ayun nga,hindi sinasadyang pagkikita yon. Uhm,ano kasi,hinimatay ako sa daan sa sobrang gutom at pagod,diba nga maaga akong pinagbreak kahapon ni Sir Kael? Hindi naman ako nakakain,kaya ayon.”

At yun nga,nagsimula na silang sermunan ako ng kung anu-ano. Nginitian ko lang sila,masarap kasi sa pakiramdam na may nag aalala sayo maliban sa mga magulang mo. Sa kanila ko nahanap ang mga kaibigan na matagal ko ng hinahanap.

“Faye. Nandito ka lang pala.” napatingin kami sa nagsalita.

“Sir Kael!” ang sabay-sabay naming sabi.

“Sir bakit po?” ang agad kong tanong.

“Dun ka na muna sa opisina,may mga naiwan akong paperworks,pakitrabaho,may pupuntahan lang ako.” ang ma awtoridad nitong sabi kaya agad na akong tumayo para sundin ang utos nya.

“Sige po sir!” ang sabi ko pagkatayo ko pa lamang.

“Good.” aniya at bumaling sa mga kasama ko. “At kayo,pagkatapos nyan,balik agad sa trabaho.”

Pagpasok ko sa opisina ay nagulat pa ako na may babae. Ibang babae na naman.

“Sir?”

“Ang totoo nyan. Kailangan ko lang ng magbabantay dito at haharap kay Grazilda pag dumating sya na wala pa ako. Here’s my number,itext mo agad ako if anything happen.” aniya at kinopya ko ang phone number nya saka sila lumabas nung babae.

Oh my gad! Sana si Maam Grazilda na talaga makahuli sa kanya. Bakit ba kasi ako nadamay dito? Bakit ba kasi ganyan ang boss ko?

He’s manwhore. Nakaka turn off sya. Pero ano nga bang pakialam ko? Bahala sya sa buhay nya,huwag lang sana syang magkasakit. Pero mukha namang hindi basta basta ang mga babae nya,sa bagay napaka gwapo at napaka yaman ni sir Kael,kahit sino sigurong babae na naglalaway sa kanya ay ibibigay agad nila ang perlas ng silangan nila.

Mabuti na lang talaga at hindi ako naging babae. Dahil Im sure,baka biktimahin din nya ako.

Wala pa sigurong sampung minuto eh hinihingal na pumasok ulit si sir Kael.

“S-sir? Anong nangyari?” ang taka kong tanong.

“Sshhh! Hinahabol ako nung mga babae ko. Galit na galit. Itago mo ako.” ang natataranta nyang sagot at naghahanap nga ng pagtataguan nya.

Sa totoo lang gusto kong humagalpak ng tawa,sana nandito din si Maam Grazilda para mas masaya.

“Ha? Ah eh,sir,dun po sa lungga ko.”

“Lungga? What do you mean?”

“Sa opisina ko po.”

“That’s a good idea. Thanks!” aniya at hinila ako papasok sa lungga na pinagtako.

“Sir bakit pati ako?” ang kumakalabog kong tanong ng pumasok kami sa isang cabinet na ngayon ko lang ata nalamang meron pala dito.

“Kailangan wala silang maabutang tao dito.” ang pabulong nyang sagot. Naamoy ko ang mabango nyang hininga,halos magdikit na nga ang aming mga mukha at sobrang lakas at bilis bigla ng tibok ng puso ko.

“Natakasan tayo!” sabi ng isang boses ng babae.

“Napaka manloloko ng Kael na yan.” boses naman na pamilyar sa akin,parang yung babae kahapon.

“I swear! I’ll crushed his genetals pag nakita ko sya.” sabi pa ng isang babae. Napangiwi ako. Ayan kase eh,pumapatol at nagpapa-uto kayo sa taong committed na.

“Nako mga Maam,hindi po pwedeng basta na lang pumasok dito pag walang tao o wala si sir Kael.” boses iyon ni Debbie.

“At saka huwag kayo dito mag eskandalo. Pwede namin kayo pakaladkad sa mga security guards namin.” boses naman iyon ni Monica.

“Oo na aalis na kami! Pakisabi sa boss nyong manloloko na hindi pa kami tapos!” at mga yabag palabas na lang ang nadinig namin.

“That was close.” ang bulong ni sir Kael. Nakatungo ako kaya nag angat ako ng tingin na sya namang pagyuko nya.

At sa unang pagkakataon,natanggal ang virginity ng labi ko. My first kiss!

Beau # 4

“The fuck? Bakit ka nanghahalik? Pwe!” gulat na sabi ni sir Kael,tinulak ako at pinunasan nya ang labi nya saka lumabas sa pinagtataguan namin.

Wow huh? Nahiya naman daw ako,at ako pa nanghalik? Ganda ko naman! Bahala sya dyan,karma nya yan.

Lumabas na din ako sa pinagtataguan namin at dumiretso sa table ko,magtatrabaho na lang ako. Dapat nga ako ang mainis dahil ninakaw nya ang virginity ng lips ko. Tiningnan ko si sir Kael na nasa pinto at sinisilip kung may tao pa.

“Dont do that again Faye,nagtayuan ang balahibo ko at gusto kong masuka.” aniya ng mapansing nakatingin lang ako sa kanya.

“Ang alin sir? Yung halik? May I remind you na hindi ko yun sadya at hindi ko din yon ginusto. Alam kong pangit ako at isa pa akong bakla,pero hindi naman siguro kailangang harap harapan nyo akong bastusin.” inis kong sabi. Wala akong balak maulit pa iyon lalo na kung ang bibig nya ay galing sa kung saan saang parte ng katawan ng babae.

“Pinagtataasan mo ba ako ng boses? Ako ang boss dito,I can fired you whenever I want to.” galit nyang sabi at hinarap ako.

Bumuntong hininga ako,ewan ko,parang bigla akong napuno,hindi ko na iniisip kung mawawalan ba ako ng trabaho.

“Hindi naman sa ganun sir,ang sakit nyo po kasing magsalita eh. Pero sige po,kung doon kayo sasaya sa pagsisante sa akin. Magpre-presinta na ako. Im resigning,pakihintay na lang po ang resignation letter ko.” sabi ko at tumayo na saka kinuha ang bagpack ko at dumiretso na sa pinto.

“What?! Ferancio! Im not done talking to you! I didnt mean that,huwag kang umalis.” aniya pero hindi ko na sya pinakinggan,gusto ko sanang matuwa na hindi nya gusto ang panglalait sa akin,pero kailangan kong itaas ang depensa ko,ang pride ko,dahil yon na lang ang meron ako. At sa mga tulad kong pangit,yung pride na yon lang ang pwede naming kapitan.

Nagdire-diretso ako ng labas,nadidinig kong tinatawag ako ni sir Kael at pinagtitinginan na din ako. Pero wala akong pakialam,ang tanging gusto ko lang ay makalayo sa lugar na ito.

Nang bumukas ang elevator ay agad akong pumasok,hahabol pa sana siya pero hindi sya umabot dahil agad din itong nagsara. Pagdating sa lobby ay tumakbo na ako palabas,baka kasi hanggang dito ay sumunod sya.

Wow! Ganda mo neng! Sabi ng kabilang pag iisip ko.

Tse! Tumigil ka dyan! Sagot naman ng kabila.

Agad na akong tumawid,akala ng iba magpapakamatay ako. Pero nako naman,hindi porket nawalan ako ng trabaho ay sasayangin ko na ang buhay ko. Im not that emo.

At ngayong nakasakay na nga ako sa jeep,saka ako biglang napaisip.

Pano na ngayon? Balik na naman ako sa umpisa? San naman ako mag a-apply,lagi naman akong nare-reject dahil sa pagmumukha ko. Parang bigla tuloy ako nagsisi. Pero hindi! Kailangan kong manindigan sa desisyon ko.

Kahit siguro dish washer,janitor o tindero ng burger papatusin ko na. Hindi ko kailangan ng malaking sahod kung lagi ako matatapakan.

Bumaba na ako sa harap ng street namin na laglag ang mga balikat. Paano ko ba ito ipapaliwanag sa mga magulang ko?

Pagdating ko sa bahay,mabuti na lang walang tao. Agad akong pumunta sa kwarto ko at kinalkal ang aking drawer kung san tinago ko ang mga extra biodata at resume ko,hindi nga ako nagkamali ng ginawa,magagamit ko din pala talaga ang mga ito.

Kinuha ko ang phone sa bulsa ko dahil kanina pa ito nag va-vibrate. Pagtingin ko puro missed calls at text. Syempre kanino pa ba galing? Sa ex boss kong mayabang at pervert. Bahala na talaga ang karma sa kanya.

Nilapag ko muna ang phone sa kama at nagpalit ng pambahay. Haay! Balik na naman ako sa dati. Nakakainis! Ni hindi man lang ako umabot ng isang buwan,kung kailan malapit na ang pasko saka nagka ganito. Ang buhay nga talaga! Ang unfair.

Natigil lang ako sa pagkaka tulala sa kisame ng sunod sunod na ang pag ring ng phone ko. Bwisit! Dapat hindi ko na tinanggal sa pagkaka silent. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si sir Kael pa din.

Inis ko itong sinagot.

“Hello?”

“Ferancio Ballesteros! Bumalik ka dito sa La Beau!” aniya,napaikot ang mga mata ko ng wala sa oras. Sya lang ata ang boss na kinukulit bumalik ang empleyadong nag resign na.

“Hindi na po sir. Makakahanap pa po kayo ng madaming secretary.” matabang kong sagot.

“Hindi ko tinanggap ang pag resign mo kaya ako pa din ang boss mo. Wether you like it or not,ikaw pa din ang secretary ko. Babalik ka dito o kakaladkadin kita pabalik dito mula dyan sa bahay mo? That’s an order!” malakas na ang boses na sabi nito kaya nabigla ako. Pero nangibabaw pa din ang inis ko.

“Nag resign na ako sir. Humanap na lang kayo ng iba. Yung kayang tiisin ang panglalait nyo at kaya kayong pagtakpan. Trabaho ang kailangan ko sir,yun ang inapplyan ko.” sabi ko pa din,bumangon ako at nag indian seat sa kama.

Nadinig kong huminga sya ng malalim bago nagsalita ulit. Mga salitang hindi ko inaasahang maririnig mula sa kanya.

“Look. Im really sorry sa mga nasabi ko,sorry if I offended you. Hindi ako nag iisip ng sinabi ko yon.” aniya sa malumanay ng boses.

“Obviously.” pag intterupt ko.

“Im trying to explain myself here,makinig ka. Basta bumalik ka dito,hindi na kita idadamay sa mga kagaguhan ko,hindi na kita lalaitin. The company needs you. Hindi na din kita gagambalin,lets just be civil and proffessional. Just come back,Faye.” mahaba nyang sabi. Napangisi ako,para kasi syang nobyo na sinusuyo ang nobya. At saka hindi ako makapaniwala na ginawa nya lahat ito. Ganon talaga ako ka importante bilang secretary?

“Okay sir. I’ll think about it,tatawag–”

“Papasok ka ulit ngayon o sisirain ko tong pintuan nyo?” aniya. Literal akong napanganga.

Anong ibig nyang sabihin? Agad akong napatayo at napasilip sa bintana.

Walangya! Nandito nga sya! Ini-end ko na ang tawag at nagmamadaling lumabas sa kwarto ko at tinungo ang pinto. Pagbukas ko ng pinto ay nandun sya. Titig na titig sa akin.

“Sir,”

“Madami pang pending paper works,may meeting pa kami ng board members kaya kailangan nandun ka.” seryoso nyang sabi. Napapraning na ata ako,ang tingin ko kasi sa kanya mas gumwapo sya.

“Ahm.. Sige po. Magbibihis lang ako.” oh diba? Ang tapang ko kanina sa phone diba? Ngayon para na akong asong nabahag ang buntot.

“Pakibilisan. Pinagtitinginan na ako ng mga kapitbahay mo.” aniya at pumasok na sa kotse. Tumingin ako sa mga kapitbahay. Nakita ko agad si Pipo na hindi maipinta ang pagmumukha.

Anong problema ng ungas na yon? Makapag bihis na nga.

Pagdating sa La Beau ay usap usapan na agad ang ginawa kong pag wo-walk out at paghabol sa akin ni sir Kael,lalo na ngayon at sabay kaming naglalakad. Parang tinalbugan ko na ang mga modelo dito. Extra ordinary talagang maituturing ang pagmumukha ko. Ang lakas ng charm!

Diretso lang kami hanggang makarating sa office,medyo naging kakaiba nga lang ang pakiramdam ko,kung nakakamatay lang ang pagtitig,kanina pa ako bumulagta sa sama ng tingin sa akin ng ibang empleyado.

“Pupunta na ako sa meeting. Stay here,do your work,huwag kang aalis hangga’t wala ako. Malinaw ba?” ani sir Kael.

“Ha?”

“Malinaw ba Faye?”

“O-opo sir!”

“Good! I’ll be back.” anito at lumabas na.

Teka nga? Bakit parang naging preso naman ako bigla? Parang nung una lang,ayaw nya akong palabasin. Sa bagay,ayaw ko din dumisplay sa labas,sabihin pa nila na nagmamaganda ako,eh ang pangit pangit ko nga.

Kaya ayon,ang ending ay inabala ko na lang ang sarili ko sa trabaho. Hindi ko na nga namalayan ang oras eh,nagulat na lang ako ng may nagsalita bigla.

“Tapos na ang oras ng trabaho Faye. Lets go home.” agad akong napa angat ng tingin at nanlaki ang mga mata.

“Ha?”

“I said lets go home. Tama na yan.” ang monotonous nyang sabi.

“Ay! Sige po,hindi ko namalayan ang oras. Mauna na kayo sir. Aayusin ko lang po ang mga ito.” ani ko at niligpit na ang mga kalat sa desk ko.

“Pakidalian.”

“Sige po sir,mauna na po kayo,salamat.”

“No,sabay na tayo. Ihahatid kita.”

At nalaglag ang panga ko sa sahig.

Beau # 5

“Nako sir! Huwag na po!” ang agad kong sabi ng maka recover ako sa pagka shock.

“No! I insist,sabay na tayo at ihahatid kita,kaya bilisan mo dyan,no buts,just follow me.” anito at lumabas na.

“Anyare kay sir? Anong masamang hangin ang nasinghot nya?” sabi ko at lumabas na din.

“I heard you Faye,masamang kinakausap ang sarili,tara na,gutom na din ako.” seryosong sabi nito at naglakad na kami sa hallway. Usually normal na sa akin ang pagtinginan ng mga ibang nagtatrabaho dito. Pero ngayon,iba ang tingin nila,para bang kasalanan na makasabay ko ang boss ko.

“Tapos na ang oras ng trabaho,magsi uwi na kayo.” ma awtoridad na sabi ni sir Kael,at parang mga natarantang langgam sila na nagmamadaling mag unahan sa elevator at hagdanan.

Sana lang hindi ako mapag chismisan no? Panigurado makakarating agad to kina Debbie at i-interogate na naman ako ng mga bruhang iyon.

“Close na pala kayo ng model naming si Faust?” ani sir Kael habang nagdadrive,dahan dahan ko syang nilingon. Eh ano naman sa kanya kung close kami ni Faust? Does it matter? Pakialamero talaga tong boss ko.

“Medyo lang sir. Sya kasi ang kauna unahang nakipagkaibigan sa akin sa La Beau.” ang tanging sagot ko. Naisip ko tuloy si Faust,nasan kaya ang gwapong iyon?

“Ah,I see.. Baka nagsawa na sya kay Homer.”

“Ha?”

“Wala. Daan muna tayo sa restaurant,nagugutom na ako.” aniya,hindi na lang ako umimik. Bibili na din ako para kina Mama at Papa.

Pagkapasok namin sa Chansu ay namangha agad ako. Dati ko pa nakikita ang resto bar na ito pero ngayon lang ako nakapasok. Gwapo at magaganda ang mga waiters at waitress,maganda din ang uniform nila. At yung banda na nagpeperform ay magaling.

“Order nyo po.” sabi ng isang magandang waitress. Bigla tuloy akong nanliit. Ewan ko ba,pag nakakakita ako ng sobrang gwapo at sobrang ganda,pakiramdam ko wala na talagang pag asa ang pangit kong pagmumukha.

“Rice,steak at juice ang akin,sa kasama ko ganon din.” ang sagot ni sir Kael.

“Pwede mag take out?” ang pagsingit ko sa kanila.

“Pwede po.” ang sagot ng waitress. Nakatitig lang si sir Kael pero hindi ko sya pinansin.

“Sige,uhm apat na rice,adobo dalawang order.” sabi ko at itinuon ang pansin sa kumakantang banda.

“Yon lang po? Sige po,just wait for a while.” at umalis na yung waitress.

“Nilibre na nga kita,nag take out ka pa? Ganon ka kalakas kumain? Bakit ang payat mo?” ani sir Kael kaya napalingon ako sa kanya.

“Para kina Mama at Papa yon sir. Unfair naman ata na masarap ang kakainin ko pero sila hindi.” ang inis kong sagot. Kung bakit? Hindi ko alam.

“Ganon ba? By the way may christmas party ang La Beau sa 23,isama mo parents mo. At sa January 3 naman ay may out of town ako,isasama kita. Hindi ka pwedeng tumanggi.” mahaba nyang litanya na ikina nganga ko.

“O-okay,sir.”

Nang dumating ang order namin ay tahimik na kaming kumain. Naiilang ako kasi panay ang tingin ni sir Kael. Panget ako,oo. Pero hindi naman kailangang titigan ang pagmumukha ko.

“May babae akong dadating bukas,alam kong sinabi kong hindi na kita idadamay. Pero baka kasi biglang dumating si Grazilda,kailangan ko ng back up.” aniya sa gitna ng pagkain ko. Dahan dahan akong nag angat ng tingin at tiningnan sya ng taas ang kanang kilay.

“Hindi sa nakikialam ako sir,pero baka pwedeng itigil mo na yan? Sobrang sakit na binibigay mo kay Maam Grazilda at yung mga babae naman umaasa. Kung hindi mo kayang itigil,pwede kang mag hotel,huwag sa opisina kung ayaw mong mahuli. Mabilis po ang karma,at hindi maganda sa image mo bilang boss namin ang mga ganyang bagay.” mahaba at prangka kong sabi. Hindi na ako takot magalit sya sa akin,nag away na nga kami diba?

Pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagliit ng mga mata nya at pag igting ng bagang nya.

“You dont know anything Faye,ako ang boss pero hindi ako ang may ari ng La Beau. Im doing all of this because I have my reasons. Lalaki ako at kailangan ko ng sex,at hindi iyon laging naibibigay ni Grazilda,ayaw ko din dahil gusto nilang mabuntis ko si Grazilda para lalo nila akong mahawakan. At ang mga babaeng ginagalaw ko ang humihiling ng sex,Faye. Mas gugustuhin ko pang isa sa kanila ang mabuntis ko.” litanya ni sir Kael na ikinatahimik ko.

Sana pala nanahimik na lang ako. Wala kasing preno ang bibig ko pag naiinis. Pero sa kabilang banda,masaya ako na malaman ang saloobin ni Sir Kael,na may rason pala ang ginagawa nya. Kung ano man ang mas malalim na dahilan,ayokong makialam pa,that’s none of my bussiness.

May naisip akong idea pero nakakahiya. Coming from me siguradong pagtatawanan nya ako,but I have to try.

“M-may naisip akong paraan sir.” ang nahihiya kong sabi.

“And what is it Faye?” at uminom sya ng juice. Nag ipon muna ako ng madaming lakas ng loob bago nagsalita.

“K-kung sa pangangailangan mo bilang lalaki ay makakatulong ako. Para hindi ka na mambabae.” ang sabi ko na agad nagpasalubong sa mga kilay nya. Kinabahan na ako ng tuluyan.

“Anong ibig mong sabihin?” seryoso nyang tanong. At pakiramdam ko,pinagpapawisan na ako ng malamig.

“K-kung sex lang ang hanap mo,pwede ako. I mean,hindi pa ako mabubuntis,hindi ka din magkakasakit dahil sa paiba-ibang baba-” hindi ko pa natatapos sabihin ang gusto ko ay humalakhak na sya. Pinagtinginan tuloy kami ng mga tao.

Syet na yan! Sabi ko na nga ba eh! Sinong matino ang tatanggap ng offer mula sa isang baklang pangit? Kingina talagang utak ko e.

“Are you kidding me? Tapusin mo na ang pagkain at ihahatid na kita. Grabe ka Faye,tsk tsk.” aniya at na offend na ako ng tuluyan.

Kaya habang hinahatid nya ako ay tahimik lang ako. Kasalanan ko din naman kasi. Nahihiya na tuloy ako kay sir Kael. Pano na bukas? Bahala na nga.

“Salamat po sa paghatid sir.” ani ko at bumaba na.

“Basta agahan mo bukas. Good night.” at pinaandar na nya ang kotse nya paalis.

“Napapadalas ata ang pagpunta nun dito ah?” sabi ng isang boses sa likod ko na halos ikatalon ko sa sobrang gulat.

“Pipo!”

“Dyowa mo ba yon?” ang dagdag pang tanong nito. Ewan ko dito kay Pipo bakit sya ganyan. Nung bata pa kami sobrang close kami,tagapagtanggol ko pa nga sya pag may nang aasar sa sakin. Pero nung fourth year high school namin ay inamin kong gusto ko sya,mula nun umiwas na sya kaya ako naman umiwas din at kinainisan sya.

“Anong akala mo sa akin? Baklang hayok sa mayamang lalaki? Boss ko yon.” inis kong sabi at naglakad na papunta sa bahay,sinundan nya ako.

“Gwapo pa ako dun eh! Diba ako ang gusto mo?” aniya na nagpatigil sa akin sa paglalakad.

Tiningnan ko sya. Gwapo si Pipo at semi kalbo,maganda ang katawan,tama lang ang kulay ng balat,simple manamit,at kung maaayusan ay mukhang artista. Badboy nga lang,umiinom,nagyoyosi,may hikaw sa dila at sa kanang tenga.Pero hindi ko na sya gusto,namatay na yung damdamin ko sa kanya,tama na yung iniyakan ko sya noon.

“Hindi kita gusto. Isang pagkakamali ang magka gusto sayo. Ayaw ko sa mga nang iiwan!” singhal ko sa kanya. Kita ko kung paano lumungkot ang mga mata nya. Pero hindi ako dapat magpa apekto,alam ko kung bakit nya ako iniwasan pagkatapos kong umamin. Ayaw nyang may nagkaka gusto sa kanyang pangit.

Agad ko syang tinalikuran at mabilis na naglakad. Nakatingin na naman kasi ang mga tsismosa naming kapitbahay.

“Gagawin ko ang lahat para maibalik yong nararamdaman mo sa akin Faye! Dahil mula ng inamin mo iyon,akin ka na!” pahabol nyang sigaw bago ko maisara ang pinto ng bahay. Kumakalabog ang dibdib ko.

Anong ibig sabihin ng kalbong iyon? Gago sya ah?! Mapag tsitsismisan na naman ako nito bukas.

Naabutan kong naghahanda ng pagkain sina Mama at Papa kaya lumapit na ako at ibinigay yung take out ko. Nasiyahan sila,kaya habang kumakain sila ay nakipag kwentuhan muna ako sa kanila,namiss ko yung ganito. Simula kasi ng na adik ako kakahanap ng trabaho ay nawalan na ako ng time sa kanila,pero ngayon ay babawi na ako.

Matapos nun ay nagpunta na ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Sakto tumunog ang cellphone ko.

Si Faust! Tumatawag si Faust kaya agad ko itong sinagot.

“Hello?”

“Hey! Kamusta? Namiss kita ah? Hindi kita nakita sa La Beau ngayong araw ah?” ang masiglang sabi ni Faust kaya napangiti ako.

“Kinulong at tinambakan ako ni sir Kael ng trabaho eh. Uhm,napatawag ka? Anong atin?” ani ko at sumandal sa headboard ng kama ko na walang kasing luma.

“Wala naman. Nangangamusta lang. Pabayaan mo si sir Kael ganon talaga iyon.” aniya. Gusto ko sanang ikwento sa kanya ang mga nangyari pero nakaramdam ako ng matinding hiya,ngayon ko lang narealize na stressfull ang araw na ito.

“Okay lang para naman sa trabaho.” ani ko at tumunog ang call waiting ko. “Teka,may call waiting,tingnan ko kung sino.”

At nang tingnan ko kung sino ay napanganga ako.

Si sir Kael!

AN / PASENSYA KUNG NGAYON LANG. NAGING BUSY KASI AKO NUNG DECEMBER EH HAHA! VOTE AND COMMENT PO KUNG NAGUSTUHAN NYO =)

Beau # 6

Bigla akong nataranta ng makita ko sa call waiting ang pangalan ni Sir Kael. Bakit sya napatawag? Anong meron?

“Uhm. Faust?”

“Yes Faye? May problema ba?”

“Pwede bang ibaba ko muna ang tawag mo? Nasa kabilang linya kasi si sir Kael,baka importante ang sasabihin nya.” ang nahihiya kong sabi kay Faust.

“O sige,bye.”

“Hello? Sir Kael?” ang kinakabahan kong sagot dito. Ano kaya ang sadya nya?

“Bakit ang tagal mong sagutin? Sinong kausap mo?” halata ang pagkairita sa boses ni sir Kael. Anong problema nya? Eh halos buong araw kaming magkasama ah?

“Uhm,ano. Si Faust po kasi Sir,tumawag at nangangamusta lang.” ang naisagot ko na lamang.

“I dont want to talk about him. May iba akong sadya.” ang seryoso nyang sabi na ikinanganga ko.

“H-ha?”

“About your offer. Lets talk about it in the office tomorrow. Goodnight Faye.”

tut tut tut tut

dug dug dug dug dug

Anong sabi nya? Y-yung offer ko? Shet! Tinanggap nya ang offer ko? Hala? Anong gagawin ko?

Biglang tumunog ang cellphone ko na ikinagulat ko. May text,at galing ito kay Sir Kael at Faust.

Faust :

Mukhang nakatulog kna. Goodnight Faye,see you tomorrow :)

Sir Kael :

Payag na ako,basta walang makaka alam. Lets talk about it tom. Goodnight!

Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog o nakatulog ba talaga ako. Masyado akong nawiwindang sa bilis ng mga pangyayari. Kaya pagdating sa opisina ay tensyonado ako na hindi ko mawari.

Pagpasok ko sa opisina ay nakayuko si Sir Kael,busy sya sa mga paperworks nya.

“Good morning po Sir Kael.” ang pagbati ko pa sa kanya pero hindi man lang nya ako tinapunan ng tingin.

Problema nya? Bahala nga sya dyan.

Dumeretso na ako sa aking lungga. Binuksan ang Pc at nagsimula na sa trabaho. Ayaw ko munang mag isip ng kung anu-ano. Baka lalo akong pumangit.

Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas. Bigla na lang bumukas ang pinto at iluwa si Debbie.

“Anong ginagawa mo dito?” ang agad kong tanong.

“Bakla ka. Syempre kakaladkarin na kita papunta sa pantry. Oras na ng pagkain no? Nagpaalam naman ako kay sir Kael na susunduin kita,kaya tara nya.” sagot ni Debbie ng makalapit sa akin at bigla akong hinila.

“Hindi ka naman gutom nyan?” ang pang iinis ko habang palabas kami ng private office.

“Hindi naman. May importante lang tayong pag uusapan regarding sa Christmas Party ng La Beau.” sagot nya at hinila na ako papunta sa elevator.

Mukhang excited na nga silang lahat para sa christmas Party ng La Beau. Ako nga wala pang bagong damit,ni hindi ko pa nasasabihan sina Mama at Papa.

Pagdating namin sa Pantry ay nandun na sina Monica,Nay Julia at Perry.

“Okay,since kumpleto na tayo,ito ang plano.” agad na sabi ni Debbie ng makaupo na kami.

“Plano? Para saan?” ang agad kong tanong.

“Duh? Para sa Christmas party! Boobito.” ani Perry sabay irap.

“Bunganga mo teh,ang baho!” bara dito ni Monica na ikinatawa namin.

“Tumigil nga kayo.” suway ni Nay Julia. “Sige Deborah. Ituloy mo na ang sinasabi mo.”

“Ayun na nga. Lahat tayo ay dapat naka pula,pati mga bitbit nating bisita dapat nakapula. Dapat din maganda tayong lahat.” pagpapatuloy ni Debbie at saka sila naglingunan sa akin.

“Bakit kayo nakatingin sa akin?” inis kong tanong.

“Friend,huwag kang ma o-offend ah? Pero na try mo na bang pumasok sa parlor?” ani Debbie sa akin.

“Obviously,hindi pa,retoke kailangan nyan.” sabat ni Perry at tumawa pa.

“Shut up biatch!” singhal dito ni Monica.

“Sa totoo lang hindi pa. Saka mukhang wala naman silang magagawa. Tama si Perry,retoke ang kailangan ng mukha ko.”

“Hmp! Huwag kang nega. Bago mag 23,magkita tayo. Ako ang bahala sayo.” ani Debbie at ngumisi. Tumango na lang ako at ipinagpatuloy na namin ang pagkain. Nagkekwentuhan sila at ako naman ay nakikinig lang.

Sa gitna ng pagkain ay tumunog ang phone ko. Ng tingnan ko ito ay nagtext pala si Faust. Hindi ko muna binasa hanggang sa naka balik na kami sa kanya kanya naming trabaho.

Wala pa si Sir Kael kaya dumeretso ako sa aking lungga. Binuksan ko ang ilaw at humarap sa salamin.

“May pag asa pa nga bang mabago ang pagmumukha ko? Pag gumanda ba ako ay may magmamahal na sa akin? Kailangan ko nga bang magparetoke para gumanda?” ang pagkausap ko sa sarili kong repleksyon sa salamin.

Mahaba ng hanggang tenga ang kulot kong buhok,nagtitikwasan na. Ang salamin kong ubod ng laki ay luma na,hindi ko naman pwedeng tanggalin dahil sobrang labo ng aking mga mata. Ang ngipin ko ay nababalot ng braces. Baduy ang aking pananamit. Pero anong magagawa ko? Ako ito,ito lang ang kaya ko?

Pag nagparetoke ba ako ay mababago ang tingin nila sa akin?

Halos mapatalon ako ng biglang bumukas ang pinto.

“Nasan ang boss mo?” mataray na sabi ni Maam Grazilda habang nakapamewang.

“H-hindi ko po alam Maam? Kakabalik ko lang galing sa Pantry.” ang sagot ko dito. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa,pabalik sa aking ulo. Muli,nakaramdam ako ng pangliliit sa sarili.

“Nakakadiri ka talagang tingnan,dito ka nagtatrabaho,pero look at you. Your– ah! Never mind. Ito tatandaan mo baklang pangit. Once na malaman kong pinagtatakpan mo si Kael,ikaw ang unang mananagot. Gets mo?!”

“Opo! Opo Maam!” grabe! Nakakatakot talaga ang babaeng iyon.

Tinapunan nya ulit ako ng tingin bago tuluyang lumabas. Muli tuloy akong napaharap sa salamin.

“Mukhang kailangan ko nga magpa retoke. Kailangan kong mag ipo–” hindi pa ako tapos magsalita ng biglang bumukas ang cabinet na dati naming pinagtaguan ni Sir Kael. “Ayy! Kabayong bakla!”

“Wala na ba?” ang humihingal na sabi ni Sir Kael habang isinasara ang zipper ng slocks nya. Napataas ang kanang kilay ko.

“That was close.” sabi naman ng isang mestizang babae at dinilaan pa ang lower lip.

Mukhang alam ko na kung anong nangyari. Hindi na talaga sya magbabago. At nahihiya na talaga ako kung bakit inialok ko pa ang sarili ko sa kanya nung gabing iyon.

“Wala na Sir.” ang inis kong sagot saka bumaling sa babae. “Miss try mo dumighay,amoy zonrox. May cr dyan o,mag mumug ka.”

“Ferancio!”

“Pakialamerang pangit na beki la fea!” namumulang sabi nung babae pero hindi ko sila pinansin. Pumunta na ako sa table ko.

“Pakialamero? May I remind you that youre in my office? Naaabala po kasi ang trabaho ko at ayaw kong madamay sa kahit anong gulo.” matapang kong sagot dito. Masama na ang tingin sa akin ni sir Kael,but I dont care.

“Aba bastos to ah?!” ani ng babae. Susugod sana pero hinawakan ni Sir Kael ang braso nya.

“Mas bastos ka. Tingnan mo gilid ng labi mo oh?! May nata de coco.” sagot ko naman. Nakita kong ngumisi si sir Kael.

Anong nginingisi ngisi nya dyan? Baliw ba sya? Edi kung sana ako yon,walang matitira,walang masasayan- teka? Ano ba tong iniisip ko? Erase! Erase! Hindi dapat ako nag iisip ng ganito.

“Sige na Berry,lumabas ka na.” ani Sir Kael sa babae. Umirap ito at nagdadabog na lumabas. “Bakit namumula ka Faye? Are you thinking of something?” nakangisi nitong baling sa akin.

“Ha? Wala sir. Naba-bothered lang kasi ako.” ang sagot ko naman.

“Bothered? Dont worry hindi ka madadamay,at saka may offer ka pa diba?”

“Kalimutan nyo na yon Sir! I changed my mind. Pwedeng huwag nyong iharap sa akin yan?” sagot ko sabay nguso sa harap nyang nakasaludo pa. My gad! How big is that?! Ni hindi kayang itago ng slocks ang pagiging magiting nito.

Sa gulat ko ay humagalpak sya ng tawa. Napanganga ako,ito ang unang beses na tumawa sya. Parang dapat akong mag fiesta dahil napatawa ko sya.

“Im sorry,ganyan lang yan,kahit tapos na ay nakasaludo pa din. Anyway,kung binabawi mo na ang offer mo,thats okay with me. Sige,maiwan na kita dyan.” at tumalikod na sya’t naglakad palabas.

Baliw ba sya? Napaka bipolar nya! Sala sa init,sala sa lamig. In short,buang!

At ng oras na ng pag uwi ay nagulat pa ako dahil nakita kong nakatayo si Pipo sa labas ng building. Parang may hinihintay,at infairness maganda ang porma nya.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko ng makalapit sa kanya.

“Obvious ba? Sinusundo kita. Gusto kong ibalik ang dati Peng.” nakangiti nyang sabi.

“Kaya ko naman umuw–”

“Faye! Hatid na kita!” si Faust na nakangiti ng makalapit.

“Salamat na lang tol,pero ako na ang maghahatid sa kanya,kapitbahay ko lang naman sya.” pagsingit ni Pipo.

“Ganun ba? Sayang naman.”

“Naku hindi! Kaya kong umuwi mag isa! Hindi ko kailangan ng maghahati–”

“Faye! Tara sa condo. Lets talk.”

Si Sir Kael!

Beau # 7

“Ha?” ang tanging nasabi ko na lang. Parang bigla akong nahilo na hindi ko maintindihan.

“C’mon Faye.” at bigla akong hinila ni sir Kael. Kita ko kung paano nagbago ang expression ng mga mata ni Faust,at ang pagbagsak ng panga ni Pipo. Bigla tuloy akong naguluhan.

“Teka! Ako nauna!” ang biglang sabi ni Pipo na hinabol kami.

“S-sir,saglit lang po.” ang pagpigil ko din. Pero huli na,agad akong naisakay ni Sir Kael sa kotse nya at mabilis din syang umikot para makasakay. Hindi ako makapaniwala na nangyayari ito.

“I want to talk to you. In my condo. Mas tahimik at mas pribado.” ang seryoso nyang sabi at pinaandar na ang makina.

“Condo? Baka naman ma-Vhong Navarro ako nyan?”

“Huh? What do you mean?” taka nyang tanong. Sasagot na sana ako ng biglang may kumatok sa salamin.

Si Pipo!

“Tsk. Sino ba yan? Napaka squatter kung umasta.” ang sabi ni Sir Kael at pinaandar na ang sasakyan. Kitang kita ko kung paano mapasuntok sa hangin si Pipo dahil sa pagkainis.

“Ano bang pag uusapan natin?” ang sabi ko ng makalayo na kami.

“Wala naman.” ang tipid nyang sagot kaya awtomatikong nagsalubong ang mga kilay ko.

“Biniyabit mo ko dito,yun pala wala tayong pag uusapan?!” inis kong sabi. “Itigil mo na Sir ang kotse at bababa na ako.”

Pero hindi sya sumagot. Nagpatuloy lang sya sa pagdadrive. Hindi na ako nagsalita dahil baka kung ano na naman ang masabi ko na ikabubula ng bibig nya.

Tumigil kami sa tapat ng isang building. Nauna akong bumaba at sumunod sya. Nakahalukipkip akong tumingin sa paligid. Pang mayaman ang lugar,bakit ko nasabi? Dito pa lang sa parking lot ay naghuhumiyaw na ang mga sasakyan kung gaano sila ka expensive. Nakaramdam na naman ako ng panliliit sa sarili,ramdam na ramdam ko na hindi ako nababagay sa ganitong lugar.

“Follow me,Faye.” ang pagpukaw sa akin ni Sir Kael. Pagpasok pa lang ay binati na sya ng guard at ng ibang mga tao dito sa lobby. Nakayuko lang akong sumusunod sa kanya. At ang tanging kita ko lamang ay ang kanyang mga paa.

Pumasok na kami sa elevator,kaming dalawa lang ang tao. Mas naamoy ko tuloy ang pabango nya,at hindi ko alam kung bakit parang nangatog ako at nanlalambot ang mga tuhod ko.

Nang makarating kami sa floor kung saan ang unit nya ay sunod-sunuran pa rin ako hanggang sa makapasok na sa unit nya. Namangha ako,everything is in black and white,malinis,lalaking lalaki. Naisip ko tuloy kung bakit hindi na lang nya dito dinadala ang mga babaeng parausan nya.

Lumunok muna ako bago nagsalita,para kasing may nakabara sa lalamunan ko at bigla akong kinabahan.

“Sir Kael? Ano ng pag uusapan natin?”

“May mini bar sa kaliwa,malapit sa kusina,hintayin mo ako sa may island dun. Maliligo lang ako.” ang tangi nyang sagot na ikinalaglag ng panga ko sa sahig.

What the fox? Anong nangyayari? Is this real?

Magsasalita na sana ako ulit pero pumasok na sya sa isang kwarto. Wala naman akong magagawa kundi sundin ang gusto nya. Pumunta ako sa mini bar,kumuha ng dalawang kopita,nakita ko agad ang red wine kaya kinuha ko,bitbit ko ang mga iyon sa kusina,tiningnan ko ang ref,buti may icecubes.

“Ano bang ginagawa ko dito? At anong pag uusapan namin ni Sir Kael?” ang sabi ko tumagay. “Hmm masarap pala ang redwine pag malamig.”

Hindi ko alam kung gaano na kadami ang nainom ko. Basta medyo nahihilo na ako at naiinitan na ako.

Lumabas si Sir Kael dun sa pinasukan nya na banyo pala. Napasunod sunod ang lunok ko. Ngayon lang ako nakakita ng ganito,at pakiramdam ko mas nag init ang pakiramdam ko at mas uminit ang paligid. Nakatapis pa sya,basa ang buhok nya na tumutulo pa ang tubig sa katawan nya. Ang ganda ng katawan nya. Shit!

May ganitong lalaki pala? Parang napaka perfect na nya. Ang dibdib nyang hindi gaano kalaki pero mukhang napakatigas,ang kanyang abs na parang nag a-anyaya na hawakan sya.

Is this for real?

“Hey? Are you drunk?” ang taka nyang tanong at lumapit. Napasinghap ako,amoy ko pa ang sabon at after shave na ginamit nya,at hindi ko alam kung bakit parang kinakapos ako sa paghinga.

“H-hindi no? Matino pa ako.” ang sagot ko.

“Really? Kaya pala nangalahati ang redwine.” nakangisi nyang sabi. At dun ko lang napagtanto na nangalahati na nga ang redwine.

“U-uhm.. Bakit mo ba ako dinala dito Sir? Anong pag uusapan natin? Hinahanap na ako sa amin.” bagkus ay sabi ko na lang.

“Hmm.. About that. Tanda mo yung offer mo? I want to try it,and I will claim it now.”


“Ferancio! Gising na!” ang sigaw at katok ni Mama sa pintuan ng kwarto ko.

“Saglit lang Ma! Nagbibihis ako.” ang sagot ko naman.

“Nasa baba yung katrabaho mong si Deborah. Dalian nyo,magbibihis na din kami ng Papa mo.”

Napabuntong hininga na lamang ako. Ngayon na ang Christmas Party ng La Beau. Sa totoo nyan parang ayaw ko ng pumunta. Mula ng araw na unang may nangyari sa amin ni Sir Kael,naging aloof na sya,dapat hindi ako apektado,pero ewan kung bakit nakakaramdam ako ng ganito.

Nang dahil sa sex nagbago ang lahat. Parang hindi kami magkakilala,kung kakausapin man nya ako,napaka civil na.

Lumabas na ako at naabutan ko si Debbie na may kinakalkal sa mga paper bag na dala nya.

“Oh my! Akala ko maghihintay ako ng matagal. Tara na.” aniya ng makalapit ako at hinila ako pabalik sa kwarto ko.

“Huh? Teka,bakit? Anong gagawin mo?” ang taka kong tanong.

“Alam kong hindi ka naman chakka talaga. Ilalabas natin ang natatago mong ganda.” aniya at pinaupo ako sa harap ng salamin.

“Ano ba ang ibig mong sabihin? Kinakabahan ako sayo.” ang sabi ko at tiningnan ang ginagawa nya. May kinuha sya paperbag. Isang flat iron.

“Mahaba na buhok mo teh at buhag-hag pa,okay sana kung hindi ka kulot eh. Pero dederetsuhin natin yan.” nakangising sabi ni Debbie habang tinitingnan ako sa salamin. “Nasan ang plug?”

“Nasa gilid,right side.” ang tahimik kong sagot at pinabayaan na lang sya ng nagsimula na syang magtrabaho,naisip ko na minsan lang naman to kaya pagbibigyan ko na. Pumikit na lamang ako at inalala ang nangyari sa amin ni Sir Kael,ang sarap balik balikan,yun nga lang,hindi maganda ang naging bunga.

“Tapos na.” ani Debbie at dinilat ko ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko,pwede pa palang maremedyuhan ang buhok ko.

“Ayan! May next pa.” ang masiglang sabi ni Debbie at tinanggal na ang pagkakasaksak ng flat iron. “Sabi ko na nga ba,maganda ka talaga. Tanggalin mo nga yang salamin mo,dyan ka nagmumukhang gurang.” at tinanggal nya ang eyeglass ko,lumabo na ang paningin ko.

“Wala na akong makita Debbie. Lumabo na ang lahat. Akin na ang eyeglasses ko.” ang sabi ko at pumikit. Bigla kasi akong nahilo.

“Nako ah! May remedyo dyan,remember nung tinanong kita kung anong grado ang mga mata mo? Nagpagawa ako ng para sayo. Contact lens!” ang halos tumili nyang sabi. Ganon ba talaga sya ka excited?

“Ano?”

“Now,open your eyes and I will put it now. Huwag ng umarte te,para sa future mo ito.” at sinunod ko ang sabi nya. Medyo nanibago na naman ako,malinaw na nga ang paningin ko,pero para kasing may nakadikit sa mata ko. “Masasanay ka din. Now the final touch. Me-make up-an kita,yung natural lang.”

“Ha? Ayoko! Ayokong magmukhang baklang prostitute!” ang agad kong reklamo sa kanya. “Hindi ako nagme-make up!”

“Bakla ka! Huwag maarte ah? Dali na! Pikit.” at iyon,sinunod ko na naman sya. May pinapahid sya sa mukha ko,panigurado foundation iyon,at may nilagay din syang parang liquid sa eyelid ko. “Oh my gad! Mas mukha ka pang babae sakin bruha ka!”

Agad akong napadilat ng mga mata at tiningnan ang aking itsura sa salamin.

“Parang hindi ako Debbie. Ako ba talaga to?”

“Oo ikaw yan! Ang ganda ganda mo bakla! Sinong nagsabi na opera ang kailangan mo? Oh my! Excited na ako,paniguradong magugulat ang lahat ng taga La Beau!” ang masayang sabi ni Debbie na pumapalakpak pa.

“I feel different.” ani ko at hinawakan ang buhok kong tuwid na tuwid na hanggang leeg.

“Kasi ngayon mo lang nalaman na pwede kang gumanda ng walang ibang ginagawa kundi ang mag ayos.”

“Oo nga. Salamat talaga.” ani ko at ngumiti.

Biglang sumimangot si Debbie na pinagtaka ko agad.

“Yun lang. Huwag kang ngingisi ng ganyan teh. Panira yang braces mo eh. Tanggalin din natin yan.” inis na sabi nya sa akin na agad kong dinepensahan.

“Huwag! Mahal to no?!”

“Okay ganito. Pag ngingiti,huwag na lang ilabas ang mga ngipin. Ngiting Maria Clara ang gawin mo mamaya.”

“Okay!”

Nang makarating kami sa Venue ay madami ng tao,sobrang kinakabahan na ako. Panay pa din ang pagdaldal nina Mama at Papa tungkol sa transformation ko,at proud na proud naman si Debbie sa ginawa nya.

Pumasok na kami sa loob,inilibot ko ang aking paningin. Wala pa akong makitang kakilala.

“Nakakahiya,uwi na tayo.” ani Mama sa amin.

“Ano ka ba? Minsan lang tayo makapunta sa ganito.” ang pagtutol naman ni Papa.

“Oo nga naman Tita. Tara na po at humanap ng pwesto.” pagsabat ni Debbie. “At ikaw naman Faye,hanapin mo ang mga bruha.”

“Huh? Ako talaga?”

“Aarte pa teh? Ibalandra mo sa lahat ang bagong ikaw! Gora!”

“Okay.” sagot ko na lamang at muling inilibot ang paningin. Malaki itong venue,madaming tao,ang mga desenyo sa paligid ay paskong pasko na,nagkalat na din ang mga waiter na abala,at sa hindi kalayuan ay natanaw ko na ang buffet table. “Hindi naman siguro mahirap hanapin sina Nang Julia,ang sabi nila mag pula kami.”

Naglakad pa ako ng naglakad hanggang sa may makabunggo ako. Tumapon dito ang dala nyang wine.

“Shit!”

“Maam Grazilda?!” ang biglang ninerbyos kong sabi. Takte,ang malas ko naman.

“Who are you? Sino kang bakla ka? Do you belong here? Alam mo ba kung magkano ang dress na to huh?” nanliliit ang mga matang singhal sa akin nito.

“Naku po! Sorry po Maam! Magbabayad po ako,kahit huwag nyo na akong swelduhan ng dalawang buwan!” ang agad ko namang pakiusap.

“What do you mean? Employee ka ba namin? Dalawa lang ang bakla sa La Beau,hindi kita– oh my god! Ikaw yan Feran–”

“Grazilda,anong nangyayari dito?” boses iyon ni Sir Kael. Yumuko ako,parang hindi ko na sya kayang harapin. Nanginginig na din ako.

“Yan! Yang secretary mong nagbagong anyo,itinapon sa dress ko ang wine!”

“Secretary? Si Faye?” ani sir Kael.

“Sino pa ba? Tsk! Makapag palit na nga ng damit.” naglakad palayo si Maam Grazilda.

“Sorry po talaga,Maam Grazilda.“pahabol ko at nag angat ng tingin. Ngunit nagkasalubong ang aming mga tingin.

Para syang nabigla,naguluhan na hindi ko alam.

“Ikaw ng ba yan Faye?.”

Beau # 8

“Opo sir ako nga ito.” diretso kong sagot. I dont know pero nakaramdam ako ng confidence. Siguro dahil alam kong hindi ako malalait ngayon. Pagkatapos ng unang may mangyari sa amin,ngayon lang ulit nya ako pinansin. And I think,I should thank Deborah later dahil sa ginawa nyang pagbabago sa itsura ko.

“You look so different. In a positive way.” ani sir Kael na nakatingin pa din sa akin. And again,I dont know,pakiramdam ko kinilig ako na ewan? Nagsimula lang naman ito pagkatapos nung nangyari sa amin.

“Thank you sir.” ang tanging sagot ko at luminga linga sa paligid. Lahat ay abala,ang tanging bumabagabag lamang sa akin ay ang pangbayad sa damit ni Maam Grazilda,tae talaga.

“Mabuti at dumating ka. Is youre family here?” aniya at namulsa. Lalo syang gumwapo sa paningin ko,lumapit pa sya,kaya naman nagulat ako ng makaramdam ako ng malakas na pag pintig ng puso kaya medyo napaatras ako.

“Opo sir,kasama sila ni Debbie,pupuntahan ko na nga po sil–” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang may humablot sa akin.

“Hello po sir! Advance merry christmas! Hiramin ko lang si Faye ah?” at kinaladkad na ako ng walangyang si Debbie.

“Ano ba? Makahila ka naman! Nadala mo na ba kina Nanay Julia sina Mama at Papa?” ani ko habang kinakaladkad ako nito,nilingon ko si sir Kael,sinusundan lamang nya kami ng tingin ni Deborah.

“Huwag mo ng problemahin yon,masaya na silang nagchichikahan ngayon.” sagot ni Debbie habang hinihila pa din ako sa kung saan.

“Eh san mo ako dadalhin?”

“Oh,nandito na tayo.” at tumigil kami sa likod ng mga nag uusap na tao. Kilala ko sila. Sila ang mga models ng La Beau. “Excuse me,nandito na ang hinahanap mo.” sabay kalabit nito sa lalaking nakatalikod. Humarap ito at nalaglag ang braces ko.

“Faust?” ani ko. Napaka gwapo ni Faust. Hindi lang sya pang model,pwede din syang mag artista.

“Huh?” ang parang nangingilalang tugon nito.

“Naku si Faust talaga! O sya maiwan ko na kayo!” at parang ninja na biglang naglaho si Debbie.

Kapatid ba sya ni Naruto o kaya ni Sakura?

“Excuse me guys.” ani Faust sa mga kausap nya. Tiningnan ako ng mga ito pero yung tinging walang panlalait,kundi tinging nagtataka. Nagtataka siguro sila kung bakit isang bakla ang kakausapin ni Faust. “Ikaw ba talaga yan Faye?”

“Uh..Siguro?” nakangisi kong sagot. Ngumiti na din sya.

“Ikaw nga yan! Tara dun tayo.” aniya at sumunod ako sa kanya.

“Maganda at maayos dito,ganito pala mag christmas party ang La Beau.” ani ko ng makarating kami dun sa maliit na tulay.

“Yup. La Beau wants the best for their employees,family and friends. Pero ginulat mo talaga ako.” nakangiting sabi ni Faust.

“Bakit naman? Did I gave you a heart attack?” ang pabiro ko namang sabi.

“To be honest with you. Yes,you almost gave me a heart attack. Dati ko pang nakikita ang kagandahan mo,pero I didn’t expect na ganyan,youre gorgeous Faye.” seryosong sabi ni Faust,at alam ko,kung hindi lang medyo dim ay makikita na nya ang pamumula ng mukha ko.

“Ikaw talaga. Si Deborah ang may kagagawan nito eh.” ang nahihiya ko na lamang ng sabi.

“Youre beautiful Faye. Inside and out.” aniya. Im lost for words. Ngayon lang may pumuri sa aking lalaki and I dont how to react.

“Salamat.” ang sabi ko na lang. Dahil sa tingin ko,yun lang ang dapat sabihin.

“By the way. Where’s your family? I want to meet them.” pagkuway sabi nya.

“Ganon ba? Tara!” at ako na mismo ang humila kay Faust. This time hindi na ako nahirapang hanapin sila,dahil sa lahat. Sila ata ang may pinakamaingay na pwesto. Mukhang tapos na din silang kumain at may nakita pa akong alak sa lamesa.

“Ang gwapo naman nyan nak,sino yan?” ani Mama ng makalapit kami ni Faust.

“Si Faust po. Isa sa mga male top model ng La Beau. Faust sila ang Mama at Papa ko.”

“Magandang gabi po and merry christmas.” ani Faust at nakipag kamay sa mga magulang ko.

“Ganyan ako ka gwapo noong araw.” ang biglang sabi ni Papa na ikinatawa namin.

“Naku! Lasing na yan!” ang pambubuska ni Mama. Magkatabi kaming umupo ni Faust sa harap nila. Si Monica parang tanga na inginunguso kami ni Faust at sumesenyas pa ng puso. Tapos si Perry naman ay iniirapan ako,kakaiba talaga ang babaeng ito.

“Kumain ka na ba Faye? Kumain ka muna.” ang pagsingit ni Nanay Julia.

“Hindi pa po.”

“Ikukuha na kita.” sabi ni Faust at tatayo na sana pero pinigilan ko.

“Ako na lang. Dyan ka muna.” at tumayo na ako para tunguhin ang buffet table. Madami akong kinuhang putahe,kaya ng makabalik ako sa pwesto ay pinabayaan ko lang sila maghuntahan habang ako naman ay kumakain.

Mabilis na lumipas ang oras,panay tawanan na kami dahil kina Mama at Papa na parang mga teenager lang.

“Mula sa January,sa grupo nyo na ako sasama.” tumatawang sabi ni Faust.

“Faust. Halika dito mag uusap tayo.” ani ng isang boses na kinalingon naming lahat. Si Homer pala,and as usual,tinaasan nya ako ng kilay.

“Okay.” at tumayo si Faust. “Faye,Tito,Tita and girls,excuse me for a while.” at magkasunod silang umalis ni Homer.

“May countdown mamaya, 10minutes before 12 midnight.” ani Monica.

“Oo nga,taon taon ganyan ang La Beau.” pag sang ayon ni Nanay Julia.

“Naku bakla,ang gaganda pa ng fireworks.” sabi pa ni Deborah. Tiningnan ko ang oras,11:30PM na pala,ang bilis ng oras.

“CR lang ako.” ang agad kong paalam dahil parang puputok na ang pantog ko.

Sa totoo lang nahirapan akong hanapin ang CR mabuti na lamang ay may napag tanungan ako. Pero sadyang tanga ata ako,sa ibang parte ako napunta,sa may pinuntahan namin ni Faust mamaya. May natanaw akong lalaki sa may tulay at may hawak itong kopita.

Bigla itong lumingon sa akin. Si Sir Kael pala. Hindi ko alam kung aatras ba ako o mananatili sa pwesto ko,pero nang sumenyas sya na lumapit ako ay parang may sariling mga pag iisip ang aking mga paa at kusang kumilos hindi pa man ako nakakapag isip.

“Sir?” ani ko ng makalapit. At ito na naman,naghuhurementado na naman ang aking puso. Pero bakit kay sir Kael lang?

“Nasabi ko na ba sayo na napaka ganda mo?” titig na titig nyang sabi. Napalunok ako,ito ang unang pagkakataon na pinuri nya ako,and I must admit,naghatid iyon ng mumunting kiliti sa aking puso.

“Salamat po sir.” ani ko na nakatitig din sa kanya. Minsan ko lang magawa ang makipagtitigan sa kanya kaya susulitin ko na.

Lumapit pa sya,mas kumalabog ang dibdib ko,parang napigil ko ang paghinga ko.

“Na miss ko yung ginawa mo sa akin at ginawa natin. Hindi naman siguro masamang ulitin total ikaw naman ang nag alok diba?” ang halos paos nyang anas at linapit ang bibig sa tenga ko. “I want to do it again with you,right here right now.”

Nagtayuan ang mga balahibo ko at parang natuyo ang lalamunan ko,ramdam ko na din ang panglalambot ng aking mga tuhod.

“P-po?”

“You heard it right Faye.” seryoso pa din nyang sabi.

Sasagot na sana ako pero nakarinig kami ng malalakas at sabay sabay na boses.

“Five!”

“Four!”

“Three!”

“Two!”

“One!”

“MERRY CHRISTMAS!”

Kasabay ng pagsabog at pagkalat ng liwanag sa kalangitan ay hinigit ako ni Sir Kael at naglapat ang aming mga labi. Its a another first,nung unang may nangyari sa amin hindi nya ako hinalikan,and this time,its different,para akong lumulutang sa alpaap,bago ako pumikit at tugunin ang halik ay nakita ko pa sa langit ang pagsabog ng mga magagandang fireworks.

Hanggang sa namalayan ko na lang na kapwa na kami hubad. Sya sa ibabaw ko at ako nakahiga,nandito kami sa isang tagong parte ng garden,bawat ulos,bawat indayog ay para akong mababaliw.

Sa kanya ko lamang ito binigay,sya ang naka una at sya din ang pumangalawa. Hindi ko alam pero wala akong nararamdamang pagsisisi.

Akala ko lang pala yon. Ngunit ng matapos kami at humupa ang init ay nakaramdam ako ng matinding paniningil ng konsensya.

“Maling mali ito. Hindi dapat kita isinama sa kamaliang naisip ko.” ang agad kong sabi ng kapwa na kami bihis at nakapag ayos na.

“What do you mean Faye?”

“Nagago ko na si Maam Grazilda ng unang may nangyari sa atin,at ngayon muli ko syang ginago. Sana pala hindi na ako nag alok.” ang sagot ko at umiwas ng tingin.

“Yon lang ba ang rason mo? Ako kasi,handa akong gumawa ng pagkakamali para pakawalan niya ako at ng mga magulang nya.” ang sagot nya at bakas sa boses nya ang galit.

Napanganga ako,ano nga ba ang rason ko? Ang takot na mahuli at kagalitan ni Maam Grazilda,o ang takot na mahulog ng tuluyan ang damdamin ko kay Sir Kael.

Beau # 9

Dumaan ang pasko at bagong taon na pre occupied ang pag iisip ko. Ang tanging laman nito ay ang nangyari sa amin ni Sir Kael at ang mga sinabi nya.

Bakit ako pa ang gagamitin nya para makawala? At ano ang totoong nangyayari? Pangalawang beses na nyang sinabi iyon,gusto nyang makawala,bakit hindi na lamang nya deretsuhin si Maam Grazilda at ang pamilya nito?

Ugh! Ang sakit sa ulo,bakit ko ba iniisip ang mga iyon? Hindi ko dapat iniisip ang mga ganon dahil hindi naman ako kasali dun.

At saka isa pa,sa lumipas na mga araw ay may nakumpirma ako sa aking sarili,na hanggang ngayon ay hindi ko pa din tanggap,nagbabaka sakali ako na lilipas din ito.

“Late ka na at hinahanap ka na ni Sir Kael,may out of town down kayo.” ang pagsalubong sa akin ni Debbie. Oo nga pala,january na,ito na yung sinasabi ni Sir Kael na isasama nya ako,hindi ko alam pero kinakabahan ako,ngayon lang ulit kami magkikita after ng christmas vacation.

“Salamat sa info,napuyat kasi ako eh.” ani ko dito at ngumiti,sya naman ay ngumiwi. “Bakit?”

“New year na teh,2014 na! Dapat iba na itsura mo. My gad! Bakit binalik mo dati mong itsura?”

“Debbie,sa itsurang iyon ako komportable,iyon ang totoong ako.” sabi ko at bumuntong hininga.

“Hay! Bahala ka na nga.” aniya. Nagkibit balikat na lamang ako at pumasok na. Abala si sir Kael sa pagbabasa kaya dumiretso na ako sa lungga ko. At saka isa pa,kung kakausapin nya ako,hindi ko alam ang isasagot ko,pwera na lang kung tungkol ito sa trabaho.

Binuksan ko lahat ng ilaw,parang hindi na ako sanay sa madilim,hindi gaya nung bago pa ako,kahit madilim ay ayos lang basta may ilaw na nagmumula sa liwanag ng monitor ng computer.

Humarap ako sa salamin at tinitigan ko ang aking sariling repleksyon,ibang iba ang itsura ko noong christmas party,maging ako hindi ko nakilala ang sarili ko,pero itong nasa harap ko,ang pangit na Faye ang totoong ako. Hindi naman siguro kailangang baguhin ko ang itsura ko para maplease ang mga tao,ito ako,simple at pangit.

Nang magsawa na ako sa kakatingin sa sarili ko ay naupo na ako,binuksan ang computer at nagsimula ng magtrabaho.

Napaka bilis ng panahon,noon patay na patay akong magkaroon ng trabaho. Pero ngayon parang nagdadalawang isip na ako kung magtatagal pa ba ako dito sa La Beau o hindi na. Pero pag naiisip ko ang mga magulang ko ay nawawala ang pagdadalawang isip ko.

Napabaling ang tingin ko sa pinto ng bumukas ito,agad akong kinabahan dahil baka si Sir Kael ito,mabuti na lamang at hindi.

“Bakit Debbie?” ang agad kong tanong.

“May naghahanap daw sayo sa lobby tumawag ang gwardiya.” ang sagot nya habang pinapanood ako sa pagtatype ng mga na audit ko na.

“Sino daw?” ang taka kong tanong. Wala naman akong maisip na maghahanap sa akin.

“Bakit hindi mo na lang puntahan? Baka yayayain ka mag lunch since malapit na ang break.” ang sagot naman ni Debbie.

“Sige,sabay na tayong lumabas.” ani ko,sineyb ko muna ang ginagawa ko saka pinatay ang computer at tumayo na.

Nang lumabas kami ay sakto namang pumasok si Sir Kael,tinitigan ako nito kaya nag iwas ako ng tingin. This is becoming really weird,tingin pa lang nya dumadagundong na ang dibdib ko,at hindi ko maiwasang maisip ang mukha at pag ungol nya sa ibabaw ko. Agad kong pinilig ang aking ulo at nagmadaling makalabas.

“Ano yon? Tinitigan ka lang ni Sir Kael nagblush ka? May something?” ang naghihinalang sabi ni Debbie.

“Wala no? Nahihiya lang ako kasi nga sa nagawa ko si suot ni Maam Grazilda nung christmas party.” ang agad kong depensa. “O sige,baba na ako.” at dali dali ko ng tinungo na ang elevator.

Nang makarating sa lobby ay agad kong napagtanto kung sino ang naghahanap sa akin. It was Pipo,bihis na bihis,ang ganda ng porma habang kausap ang gwardiya.

“Bakit mo ako hinahanap?” ang agad kong sabi ng makalapit.

“Magandang tanghali po sir! Balik na po ako sa pwesto ko.” sabi ng gwardya. Nginitian at tinanguan ko ito at umalis na.

“Gusto sana kitang imbitahan mag lunch Faye.” ani Pipo. Aaminin ko,gwapo talaga sya,bad boy image,hindi ko akalain na mas gagwapo sya pag nagbihis ng maganda.

“Marami pa akong gagawin Pipo.”

“Sige na. Huwag mo naman akong ireject. Gusto kong bumalik tayo sa dati.” nagmamaka awa ang mga mata nya sa bawat pagbigkas nya ng salita.

I looked at him. And I must admit,I missed the good old times,nung mga bata pa kami. Oo at sya ang gumawa ng paraan na magkaroon kami ng gap,at ngayon sya ang gumagawa ng paraan para magka ayos kami. I think its not that bad to give him a chance diba?

“Alright then. Basta sagot mo.” nakangiti kong sabi na ikinangiti din nya.

“Syempre! Kaya nga ako pumorma! Pinaghandaan ko talaga ito.” aniya,nginitian ko lang sya. Lumabas na kami,and to my surprise may naghihintay na taxi sa amin.

“Wow! Bigtime ka na ah?” ani ko bago kami sumakay,ngisi lang ang isinagot nya.

I was not expecting na sa isang bonggang restaurant nya ako dadalhin at talagang nakapag pareserve na sya,na para bang siguradong sigurado na sya sa araw na ito.

“Anong meron Pip? Anong nangyari?” ang agad kong tanong habang hinihintay ang order namin. Nakapagtataka kasi na parang ang dami nya biglang pera.

“Madaming nangyari Faye. Isang araw,biglang dumating ang totoo kong tatay.” aniya habang tinititigan ako.

“As in,yung mayaman mong tatay na biglang naglahong parang bula?” nanlalaking mga matang tanong ko.

“Yup. Finally after how many years nagpakita na sya. At ngayon nga ay sa kanya na kami ni Nanay nakatira kasama ang dalawa kong mga kapatid.” nakangiti nyang sagot.

“Im happy for you. Sadyang mabait ang Diyos.” totoo sa pusong sabi ko.

“Here’s your order Sir.” ani ng waiter at nagsimula na kaming kumain. Parang walang gap na namagitan sa amin,dahil sa gitna ng pagkain ay pinag uusapan namin ang mga nangyari dati. Hanggang sa ihatid nya ako pabalik sa La Beau.

“Pwede bang manligaw Faye?” ang tanong agad nya bago ako bumaba ng taxi.

Nagulat ako. Hindi ko inaasahan na muli nya iyong babanggitin.

“Uhm. Hindi ko alam. Bahala ka.” sabi ko at bumaba na. “Salamat sa masarap at masayang lunch.” ani ko at isinara na ang pinto.

Nang umalis na ang taxi ay si Pipo pa din ang nasa isip ko habang sakay ako ng elevator. Buti pa si Pipo,maganda na ang buhay ngayon,hindi na sya magtitiis dun sa lugar namin at sa mahirap na buhay.

Pagdating ko sa private office ay may mga nilalagay na gamit si Sir Kael sa maleta at brief case. Agad nya akong nilingon.

“I thought umuwi ka para kumuha ng damit?” kunot noo nyang sabi. “Ngayon ang out of town natin at kailangan maaga tayong makarating Faye.” dagdag pa nya.

“Sorry po sir! Sige,uuwi po muna ako.” ang sabi ko naman at akmang lalabas na pero pinigil nya ako.

“No,sabay na tayo! Ihahatid at hihintayin na kita at diretso na tayo sa pupuntahan natin.” aniya at binitbit sa magkabilaang kamay ang maketa at brief case.

“Ha?”

“Anong ha? Tara na,mahaba ang byahe at ayaw kong ma-late.” aniya at naunang naglakad. Wala akong nagawa kundi ang sumunod. And again,parang mga adik na naman ang ibang empleyado na pinagtitinginan kami.

Nakasalubong namin si Homer malapit sa elevator.

“Goodluck Kael! Alam kong mapapapayag mo sila.” ani Homer saka bumaling sa akin at tinaasan ako ng kilay. “Isasama mo pala to? Nako tsk tsk.”

Problema ng baklang kalbo na to? Gawin ko syang bunot eh.

“Stop that Homer. Pakisabi na lang kay Grazilda pag dumating na naka alis na ako.” ani sir Kael,sakto bumukas na ang elevator at nauna na akong pumasok at sumunod si Sir Kael.

Pagdating sa bahay ay iniwan ko sa sala si sir Kael at nagmadali na akong nag impake,sabi nya kanina habang papunta kami dito sa bahay na 3days daw kami don. Paglabas ko ay kausap nya sina Mama at Papa at nagtatawanan pa sila.

“Tara na.” ang pag interrupt ko sa tawanan nila. “Ma,Pa alis na po kami.” at tumayo na si sir Kael.

“Pano po? Sa susunod na lang.” ani sir Kael.

“Mag iingat kayo.” nakangiting sabi ni Mama.

“Ingatan mo anak ko ser! Birhen pa yan.” segunda ni Papa na ikinalaglag ng panga ko.

“Pa!” ang reklamo ko at nagtawanan lang sila.

“Tara na,mahaba ang byahe.” at kinuha sa akin ni Sir Kael ang bag ko at lumabas,kumaway lang ako kina Mama at Papa at sumunod na din ako sa labas.

“San ba tayo sir?” ang tanong ko ng makapasok na at maka upo sa frontseat ng kotse nya.

“Batangas.” aniya at ini-start na ang makina.

“Malayo nga. Pwedeng matulog?”

“Huwag! Baka antukin ako sa byahe.” ang agad nyang sabi at pina andar na ang sasakyan.

“Mukhang nagkakamabutihan kayo ng parents ko Sir ah?” ang pag uumpisa ko sa usapan. Pinilit kong huwag makaramdam ng kung anu-ano,dahil sa malakas na tibok pa lang ng puso ko ay hindi na ako makahinga.

“Yeah,I like them,and I like you too.”

Beau # 10

Ito ang first out of town ko. At kahit hindi ko na kinibo si sir Kael ay nag enjoy naman ako sa tanawing nadadaanan namin.

Nag enjoy ako ng nasa tagaytay na kami,kitang kita ko ang sikat na Taal lake at taal volcano.

“Next time dyan na tayo pupunta.” ani sir Kael. Saglit ko lang syang nilingon at kinunutan ng noo. Ewan ko sa kanya,sala sa init,sala sa lamig.

“San ba tayo sa Batangas sir?” bagkus ay tanong ko na lang,nakakapagod din kasi pag walang imik,parang mapapanis ang laway ko.

“Sa Matabungkay.” aniya at ngumisi. Parang bigla akong nagduda. Outing ba ito o meeting talaga?

Makalipas ang isa pang oras ay nakarating na kami sa Matabungkay. Namangha ako dahil sa ganda.

“Diretso tayo sa meeting. Nasa function hall sila.” ani Sir Kael at sumunod lang ako. Gusto ko sanang mag reklamo dahil hindi man lang kami nagpalit ng damit.

Pagdating namin sa function hall ay medyo nailang ako. Alam mo yung pwesto ng lamesa pag may press con ang artista? Ganon! Tapos pinagtitinginan pa kami. Hindi ko sila masisisi,late kami.

“And finally,the Big boss of La Beau!” ani ng isang lalaki at nagpalakpakan sila.

“Thank you everyone. And this is my secretary,Ferancio Ballesteros.” sabi ni sir Kael,kinikilig yung mga babae tapos yung iba nagbubulungan kung bakit siguro bading ang secretary ni sir Kael.

Naupo na kami,nagsimula na nilang idiscuss ang pakikipag merge ng maliliit na modeling company na ito sa La Beau. Ako naman ay tahimik na nakikinig lamang habang nagpe-play ang record sa aking phone,ayokong mag take down list kaya record na lang.

“Paano kami makaka siguro,na ang mga ipapasok naming modelo ay nasa magandang daan?” sabi ng isang lalaking medyo may edad na.

“Well,we have Homer na hahawak sa mga models,madami kaming connections,at bawat isang modelo ay kikinang sa kanyang sariling bituin. Hindi lang yon,may magagaling kaming make up artist at mga mananahi,de kalidad din ang mga gamit naming tela. At ang bawat model ay mayroong monthly allowance,hindi pa kasama doon ang sweldo.” ang kalmado at nakangiting sagot ni Sir Kael. Nagsitanguan ang lahat ng nasa meeting.

“Perhaps,lets say na may modelong maganda ang katawan,pero hindi maganda ang mukha. Anong ginagawa nyo? Sagot nyo ba ang pagpaparetoke?” tanong naman ng isang babae.

“Im sorry,pero hindi kami mga surgeon,magagawan iyan ng paraan sa make up kung kinakalaingan,naniniwala ako na pag maganda ang kalooban mo ay maganda ka din.” sagot pa din ni Sir Kael. Parang gusto ko syang sikuhin,parang hindi naman ganon ang tingin nya sa akin nung una.

“Well then. Pwede mo ba iyang patunayan sa amin? Sa pamamagitan ng Secretary mo.” sabi nung lalaking unang nagsalita kanina. Napalunok ako at nanlaki ang mga mata.

Bakit ako nadamay dito?

“Im sorry,pero huwag naman sana nating idamay ang secretary ko.” tiim bagang na sabi ni sir Kael.

“Kailangan may mapatunayan ka. 3days pa tayo dito sa resort,pwede mong tawagin ang mga stylist mo at papuntahin dito.” sabi nung babae kanina.

Tiningnan ako ni sir Kael,at hindi ko alam kung anong reaksyon ang naibigay ko sa kanya.

“We all know that he’s a gay,hindi sya babae para imake over.” mataas na ang boses ni sir Kael kaya kinabahan ako. Kailangan kong magsalita.

“Do it or hindi kami tutuloy sa pakikipag merge sa La Beau. Isipin mo,tatlong company din kami. And may I remind you na hindi lang babae ang mini make over,and last may mga lalaking model na mukhang babae.”

“You can’t do that!” singhal ni sir Kael.

“S-sir.” ang pagtawag pansin ko dito. Nagtinginan sa akin ang lahat.

“What?” iritang baling sa akin ni Sir Kael.

“Payag po ako sa gusto nila.” ang sagot ko. Ewan at parang biglang nagliwanag ang lahat ng mga mukha nila.

“Well,that’s it! Simulan nyo na,we’ll see the resort after 2 days.”

At nagsitayuan na sila. Ako naman ay nanatiling nakaupo. Sa totoo lang wala akong pinagsisisihan sa desisyon ko. Para naman to sa La Beau,at para din sa sarili ko.

Pumunta na kami ni sir Kael sa cottage namin. May kausap na sya sa cellphone. Inayos ko ang mga gamit ko at tumingin sa dagat at sa mga taong nagsasaya.

“Dadating ang mga mag aayos sayo in just an hour. Matutulog muna ako. Kung gusto mo mamasyal ka muna sa paligid.”

“Hihintayin ko na lang sila sir.” hindi na sumagot si sir at nahiga na sa kama. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko syang humiga. Hindi ko alam kung kailan ko ba sya nagsimulang mahalin. Ang tanging alam ko lang,kailangan ko itong itago,mas gusto ko pa syang makilala,misteryoso pa rin sya para sa akin.

“Bakit mo ako tinititigan? Inlove ka na sa akin no?” biglang mulat ng mga mata nya kasabay ng pag ngisi.

“H-ha? Hindi no! Asa ka naman! Tinitingnan lang kita kung paano ba matulog ang mga mayayaman!” ang agad kong palusot at tumayo. Shet na yan! Akala ko tulog na,nagulat ako dun ah?

“Ayos lang naman yon sa akin Faye. Para makawala na ako sa kulungang ginawa nila para sa akin.” aniya at tumawa.

“Baliw! Masisira ka sa lahat! Pag uusapan ka at pagtatawanan.” seryoso kong sabi at hinarap sya. Umayos sya ng upo at sumandal sa headboard ng kama,ang gwapo nya sa pwestong iyon,para syang modelo.

“Ganon nga ang gusto ko,ang masira ako para bitawan na ako ni Grazilda at ng pamilya nya. You see,nalubog sa utang ang pamilya ko,ipinagkasundo ako kay Grazilda dahil alam nilang gusto ako ng anak nila,were engagaed but I dont love her. Ginawa nila akong CEO ng La Beau para mabantayan nila ang bawat kilos ko at para mas masakal ako ni Grazilda.” ang litanya nya na nagpatigil sa akin.

“Im sorry,I don’t know that.” hinging paumanhin ko.

“Its okay Faye. At alam mo bang sinasadya ko ang pambabae mismo sa loob ng La Beau,gusto kong mahuli ako ni Grazilda para isuka na nya ako. Pero hindi ganon ang nangyayari,nagbubulagbulagan sya,inaaway lang nya yung mga babae pero hindi na nya ako hinihiwalayan.” ang pagpapatuloy nya pa. Nahabag ako,ang hirap siguro ng sitwasyon nya,ngayon naiintindihan ko na ang mga ginagawa nya,lahat pala ito ay may rason.

“Im sorry to hear that. Pero anong balak mo sir? Diretsuhin mo na lang sila kaya?”

“That won’t work. Kaya nga blessing in disguise ka,mejo ginising mo ako sa mga katarantaduhan ko,tama ka,hindi ko naisip yung mga babaeng ginamit ko at nadamay. Pero alam mo,sayo ko lang sasabihin ito. Malaki na ang naipon ko,and one of these days,ako na ang legal na may ari ng La Beau,at dun tuluyan akong makakawala,mababayaran ko sila at hindi na nila matatakot sina Mommy at Daddy.” aniya,tiningnan ako at ngumiti.

“Susuportahan po kita sir.” ang tanging nasabi ko na lang,kasunod nun ay ang sunod sunod na katok sa pinto. Tumayo ako at binuksan ito.

“Ola Sir Kael! Nandito na kami. Lahat ng sinabi nyo sa tawag ay nakahanda na.” sabi ng isang bading din.

“Well,thats good. Lalabas muna ako,gawin nyo na ang dapat. Kakausapin ko din yung dentista at optimologist dyan sa may labas ng resort.” ani sir Kael,kumindat sa akin at umalis na.

“Para saan ang dentista at optimologist?” taka kong tanong.

“Naku,later malalaman mo. Tara na guys,imake over na natin si Faye para lalong makalbo si Homer.” anito na ikinatawa ng mga kasama nya,syempre pati na din ako. “Aminin mo yan teh,maldita yung kalbong bading na yon. This time sya ang mapapahiya sa gagawin namin sayo.” dagdag pa nito.

“Ano bang nangyari?” tanong ko ng paupuin na ako sa mono block.

“Nagpaalam kaming imemake over ka namin. Ang dami ng sinabi.” sagot ng isa.

“Ganon? Medyo hindi nga kami close,pag nakikita nya kaming nag uusap ni Faust halatang nagagalit sya.” sabi ko habang may ginagawa sila sa buhok ko. “Ano yan?” tanong ko pa.

“I-extension namin ang buhok mo. By the way Im Chike,itong beking itim si Rara,at itong maputi ay si Powder.” at tumawa si Chike. “Eh patay na patay yon kay Faust eh!” dagdag nito.

I-extension nila ang buhok ko? Hahaba na ang buhok ko kung ganon. At yon madami pa silang sinabi,madami din naman ang napag usapan namin tungkol sa ibang bagay habang patuloy sila sa ginagawa sa akin. Manicure,pedicure. At nagulat na lang ako na tapos na pala. Madilim na din sa labas.

“Sa ngayon plantsahin lang muna namin ang buhok mo. Pagbalik na sa manila natin irebond. Baka masira lang kasi maliligo din tayo sa dagat.” ani Chike. At ng tuluyang matapos ay hinarap ako sa salamin.

“Ako ba talaga to?” ang hindi ko makapaniwalang tanong. Akala ko ay napaganda na ako ni Debbie dati,mas may hihigit pa pala.

“Ikaw nga iyan teh,pero kailangang idespatsa yang salamin mo at yang braces mo!” ani Chike.

“Maganda ka pala talaga Faye,wala ka pang make up nyan. Kailangan lang talagang mag ayos ka.” ani Powder.

“Tama! Sabi pa ni Homer plastic surgery daw kailangan mo.” inis namang sabi ni Rara.

“Nako! Sya nangangailangan nun! Bwisit sya!” ani Chike habang nakatingin sa phone nya. “Hatid ka na daw namin sa labas.”

At lumabas nga kami ng resort,may maliit na dental clinic na may katabing isa pang clinic.

“Salamat Chike! Maaasahan talaga kayo. Sige na,enjoy the night.” ani sir Kael sa tatlong bading. Nanukso muna ang mga ito bago umalis. “Wow! Wala akong masabi Faye.” aniya ng bumaling sa akin. Para na naman akong teenager na nagpipilit na huwag mapangiti.

Una kaming pumasok sa Dental clinic. Natakot pa ako. Pero ng sabihin ni Sir Kael na hindi nya ako iiwan ay kumalma na ako. Simple lang naman ang ginawa. Tinanggal ang mga braces ko. Medyo nanibago ako,pero ng tingnan ko sa salamin,ay mas maganda ngang tingnan pag walang braces.

Nagpaalam at nagpasalamat kami sa dentista na parang crush pa si sir Kael. Landi lang ni Ati! Hoy! Engaged na yan kay Maam Grazilda. Aray.

Sunod naming pinuntahan ay ang katabi lang nitong Optical clinic. This time hindi na ako takot. Nagkaroon lang ako ng eye test,at pagkatapos makuha ang grado ng mga mata ko ay nilagyan na ako ng contact lense. Binigyan pa kami ng complete set.

Hanggang makabalik sa cottage ay hindi ko pa din nakikita ang resulta ng lahat ng ginawa nila sa akin.

“Face the mirror Faye.” ani Sir Kael. Hinarap ko ang salamin at halos hindi ko makilala ang sarili ko.

“You are really beautiful inside and out.” at bigla nya akong niyakap mula sa likuran. Na rattle ako at kumalabog ng napaka bilis ang puso ko. “I don’t mind kung magtagal pa tayo dito,basta ikaw ang kasama ko. With you,I feel free. With you,nailalabas ko ang sarili kong ako.” ang bulong nya sa tenga ko. Nakaramdam ako ng kakaibang kiliti.

“S-sir. Baka makita nila tayo.” ang kinakabahan kong sabi pero hindi pa din ako kumikilos,nakatingin lang ako sa repleksyon namin.

“At yung sinabi ko kaninang umaga na gusto kita. Totoo yun Faye. I really like you.”

Beau # 11

“Olaaaa!!” biglang bumukas ang pinto ng cottage at pumasok si Chike,kasama sina Rara at Powder.

Agad inalis ni sir Kael ang pagkakayakap nya sa akin at humarap sa mga bagong dating. Dun ko lang narealize na hindi na pala ako humihinga kanina.

“Hindi ba kayo tinuruan kumatok ng fairy Godmother nyo?” nakangising sabi ni Sir Kael. Napangiti ako,kaya din pala nyang makipagbiruan.

“Sorry sir! We are not inform na may yakapan palang nagaganap.” ani Chike.

“Naabala ba namin kayo sir?” sabi naman ni Rara.

“Obvious naman mga bakla!” segunda pa ni Powder.

“Anong bang sadya nyo?” ang pagsingit ko sa usapan.

“Well,may kasiyahan dun sa kabila ng mga ka meeting kanina ni sir Kael. Ang daming foods and drinks kaya naisipan naming mag enjoy muna tayo ng bongga para pagbalik sa La Beau ay masaya tayong lahat.” ani Chike na nagtataas baba pa ang mga kilay.

“I like that. C’mon Faye,lets just enjoy and forget all about the stress.” ani sir Kael at hinila ako,nauna kaming lumabas at sumunod ang tatlo.

Pagdating namin dun ay sa amin napako ang tingin ng lahat. Lalo na sa akin. Binati nila kami at inanyayahang sumalo na pinaunlakan naman naming apat since pare pareho kaming hindi pa nakaka kain ng dinner.

“Nasan ang secretary mo Kael?” tanong nung lalaki. Isa din sa mga palatanong nung meeting.

“Katabi ko.” nakangising sagot ni sir Kael. Literal na napatingin sila sa akin ng nakanganga. Parang gusto ko tuloy matawa.

“Sya na yon? Akala namin babae!” sabi ng babae na nasa meeting din kanina.

“So. This means na sa iyo na namin ipagkakatiwala ang aming mga models. Magpirmahan tayo ng contract bukas.” sabi ng isa pa.

“Ang ganda na nya.” komento ng isa.

“Maganda na po talaga si Faye,tamad lang syang mag ayos. See? Wala pa syang make up nyan. Salamin at braces lang ang tinanggal namin at inextension lang namin ang buhok nya.” proud na pagsingit ni Chike.

“Its a close deal. Mula ngayon nasa La Beau na ang aming suporta. Lets drink to that!”

At yun nga. Kain at inum ang nangyari. Hindi ko alam pero panay na ang pagiging sweet ni sir Kael. Ang ingay ingay ng lahat. Bumibida sina Chike,Rara at Powder sa pagpapatawa. Yung iba nananakit na ang panga kakatawa,yung iba naman ay naluluha na.

Nang lumalim na ang gabi ay mas naging wild na. May mga nagsasayaw pa. Syempre ang tatlo nanguna sa pagsasayaw. Hanggang sa napalitan ng sweet song.

“Lets dance Faye.” bulong ni sir Kael sa tenga ko.

“Hindi po ako marunong.”

“Hindi naman kailangang marunong ka eh. C’mon.” at inalalayan nya akong tumayo. Nakihalo kami sa mga sumasayaw. Madaming nanonood,punong puno ang function hall.

“Sa araw na makalaya ako kay Grazilda. Mapapangako mo ba sa akin na mananatili ka pa din sa tabi ko.” ang mahina nyang sabi at mas dinikit ang katawan sa akin.

“Diba sabi ko nga sir susuportahan kita?” ang sagot ko naman at nakipagtitigan sa kanya. Bago sa akin ang lahat,ang pagiging sweet nya,ang uri ng pagtingin nya sa akin,ang paghawak nya. Ang layo na nya sa unang pagkakakilala ko sa kanya,ito ang totoong sya. At hindi ko din masisisi ang sarili ko kung bakit unti unti akong nahuhulog sa kanya.

“Yan lang ang gusto kong malaman.” aniya at kinabig nya ang ulo ko. Naglapat ang mga labi naman. Napaka smooth ng paghalik para akong lumulutang at walang patid sa pagtambol ang dibdib ko.

“Paano si Maam?”

“Ako ang bahala. Now,pwede na ba kitang masolo?”

Sasagot na sana ako pero nagulat kami sa palakpakan. Kami na lang pala ang nasa gitna,tapos na din ang kanta. Nakaramdam ako ng ibayong hiya. Hiya hindi para sa akin,kundi para kay sir Kael,kasi mapag uusapan at huhusgahan sya ng mga hindi makakaintindi. Kekwestyunin nila kung bakit sa bakla sya napunta.

“Lets go.” aniya at hinila ako palabas ng function hall. Lumingon pa ako dahil gusto kong makita yung tatlo,hindi naman kasi ata tama na iwanan namin sila. Pero hindi ko sila nakita.

“Teka? Yung tatlo yon diba?” sabi ko ng makalayo kami sa function hall.

“Paano silang napunta dyan?” takang tanong ni sir Kael. Nasa dalampasigan ang tatlo at may bonfire pa. “Tara,makisali tayo.” at lumapit kami sa tatlo na seryosong nag uusap.

“Sir? Alam nyo na kung anong mangyayari.” puno ng pag aalalang sabi ni Chike. Pag upo namin ay binigyan kami ni Rara ng tig isang bote ng RH.

“Yes. Gulo ito,at ayaw kong madamay si Faye. Kaya sana protektahan nyo sya. Kailangan ko kayong tatlo para matupad ang pangarap natin.” seryosong sabi ni sir Kael.

“Hindi naman siguro ako aawayin diba? Oo magagalit si Maam Grazilda pero wala naman syang dapat ikagalit,hindi kami ni sir Kael.” ang agad kong sabi. Ngayon lang nag sink in sa akin na isa nga itong gulo.

“Halimaw si Maam Grazilda teh! Tulad ng mga magulang nya.” ani Powder.

“Hindi nga namin alam paanong nakuha nila kina Sir ang La Beau,bigla na lang isang araw sila na ang may ari.” ani Rara habang nilalaro sa apoy ang patpat na hawak nya. Natakot tuloy ako bigla. Ganon kalupit si Maam Grazilda?

“Mababawi din natin ang La Beau sa legal na paraan at iginagapang ko na iyon. Malaki na din ang ipon ko kaya huwag kayong mag alala,mabibili ko din ang mga shares ng ibang board members. Pero huwag nyo iyong alalahanin,basta protektahan nyo si Faye.” mahabang sabi ni sir Kael at tumagay.

“Kung mag resign na lang ako? That way mamamatay agad ang issue bago pa man magsimula.” ang pagsali ko sa usapan.

“That won’t be a good idea girl. Basta lagi kaming nakabantay.” ani Chike.

Umakbay sa akin si sir Kael. Ngumiti ang tatlo. Hindi ko alam kung bakit hinahayaan ko itong mangyari,ganito siguro pag umaasa,kasi wala naman sinasabi si sir Kael kung ano ba talaga kami. At iyon ang isa pang gumugulo sa aking isipan.

Nagpaalam na kami ni sir Kael sa tatlo at bumalik na kami sa cottage. At pagkasara pa lang nya ng pinto ay inangkin na nya ang aking labi. Dahil na din siguro sa hindi ko na mapigilang damdamin ay tumugon ako. Mapusok si sir Kael ngayon,sabik na sabik,maging ako man ay hindi na makapag pigil. Dinala nya ako sa kama,pinatalikod nya ako at pinaluhod. Nasa likod ko sya at magkalapat pa din ang aming mga labi. Napakasarap nya talagang humalik. Sobrang nalulunod na ako at tinutupok na din ako ng sobrang pagnanasa. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang dahan dahan nyang pagpasok. Ni hindi ko man lang namalayang natanggal na ang aming pang ibabang saplot. At ng marating namin ang rurok na aming inaabot ay nasabi ko ang aking lihim.

“I love you sir Kael.”

Natapos ang out of town,bumalik kami sa syudad na tagumpay ngunit may pangamba. Ako nandito sa bahay at nag iisip kung papasok pa ba ako sa La Beau bukas o hindi na.

Ngunit wala akong nagawa. Pumasok pa din ako kinabukasan,this time syempre nag ayos na ako,ayokong masayang ang effort nina Chike.

Pagpasok pa lang ng building ay pinagtitinginan na ako,kahit yung mga kasabay ko sa elevator ay hindi man lang nahiya na titigan ako mula paa hanggang ulo. Kahit ng naglalakad na ako sa hallway,bawat makasalubong ko ay parang hindi ako kilala.

Anong problema nila? Kung tingnan nila ako parang ngayon lang nila ako nakita.

“FERANCIO!!” napatigil ako sa sigaw. Sigurado akong si Deborah yon. Hindi nga ako nagkamali.

“Oh Debbie bakit?” ang gulat kong tanong ng makalapit sya.

“Punyeta ka! Nawala ka lang ng tatlong araw sobrang ang ganda ganda mo na!” anito at nagtatalon pa. Lumapit na din tuloy sina Nanay Julia at Monica. Inusisa na ako at panay ang tanong. Syempre sinabi ko ang totoo,pwera sa kung anong nangyayari sa amin ni sir Kael.

“Kaya ayon,kesa naman hindi makuha ni sir yong dapat diba?” ang pagtatapos ko sa kwento.

“Faye! C’mon. May mga tatapusin pa tayo.” ang biglang silip ni sir Kael mula sa pinto ng private office.

“Susunod na po!”

“I feel a connection between the two of them.” ani Monica na ikinanganga ko.

“Lagi ka namang ganyan.” pagsuway dito ni Nanay Julia.

“Sige girls,pasok na ako,baka mabadtrip pa si sir Kael.” ani ko at papasok na sana ng sumigaw si Deborah.

“Mamayang break ah? Mamaya sa pantry tayo.” tumango lang ako. Binuksan ko na ang pinto at laking gulat ko ng pagpasok ko ay salubungin ako ng halik ni sir Kael.

“Kamusta na? Kagabi pa kita iniisip.” nakangiti nitong sabi kaya napangiti na din ako.

“Ang aga namang ka kornihan nyan sir.” ang nakangisi kong sabi. Sana huwag nyang maalala yung sinabi ko after naming magtalik.

“Ganon? Hindi ka na malambing.” aniya at nagpout kaya natawa ako.

“Nasa trabaho naman kasi tayo eh.”

“O sige,mamaya magdinner tayo pagkahatid ko kay Grazilda.” nakangiti nyang sabi at mabilisan akong hinalikan sa labi. “Go to work. Paki lock ang pinto baka hindi ako makatiis at pasukin kita.” dagdag pa nya. Kaya ganon nga ang ginawa ko.

Wala naman na masyadong paperworks kaya tiningnan ko na lang ang mga records ng La Beau. Malaki ang nagagastos pero malaki din naman ang kinikita. Tama lang sa pangangailangan ng kumpanya at pangpapa sweldo sa mga trabahante. Magaling nga si sir Kael humawak ng negosyo. At kung san man sya dalhin ng mga plano nya ay susuporta ako.

Maging handa lang sana ako sa galit ni Maam Grazilda. By now,Im sure nakarating na sa kanya ang nangyari sa resort.

Nang sumapit ang break ay hinintay talaga ako nina Debbie sa labas ng pinto. Kaya sabay na naming tinungo ang pantry at naupo sa lagi naming pwesto.

Nasa kalagitnaan kami ng pag kain at kwentuhan ng may lumapit.

“Wow! Totoo nga ang naririnig kong bulung bulungan.” nakangiting sabi ni Faust.

“Faust! Tara join us.” ang pag anyaya ko dito.

“Salamat! Wala na din akong makitang bakante kaya makikisiksik ako sa inyo.” ani Faust at naupo,nilapag din nya sa mesa ang pagkain nya.

“Okay lang. Maganda nga kung lagi kang sasabay sa amin.” ang malanding sabi ni Perry,hinampas ni Nanay Julia ang kamay nito kaya napa aray. Napabungisngis tuloy kami. “Gumanda lang yumabang na.” pabulong pang dagdag nito pero hindi ko na pinansin.

“Uhm,Faye? I guess pagbibigyan ko si Perry para lagi na kitang makita at makasama.” nakangiting sabi ni Faust at kumindat pa. Tumili naman sina Debora at Monica,umira si Perry at tahimik si Nanay Julia.

“Adik ka! Baka awayin ako ni Homer!” ang nahihiya kong sabi. Alam kong namumula na ako.

“No,hindi gagawin ni Home–”

“FERANCIO BALLESTEROS!” umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Maam Grazilda sa buong Pantry. Napatayo ako. Agad akong nakita ni Maam Grazilda at mabilis syang lumapit.

At hindi ko naiwasan ang malakas na sampal nya sa aking mukha.

Beau # 12

Nagwangwang ang pandinig ko,namanhid ang pisngi ko sa lakas ng sampal ni Maam Grazilda. Hindi ko inaasahan yon ah?

“Teka maam! Bakit nyo sinampal si Faye?” ani Faust at pumagitna. Malapit na akong maiyak pero pinipigilan ko.

“He deserve that! Ang kapal ng mukha ng baklang yan! Ilusyunada! Kahit magpaganda ka ng magpaganda,bakla ka parin! Ang kapal ng mukha mong ahasin si Kael sa akin!” sigaw nya. Lahat ng tao dito sa pantry ay sa amin na nakatingin.

“Maam,hindi ko po alam ang sinasabi m–” at may hinampas sya sa mukha ko.

“Yan! Magdeny ka pang ahas ka! Kitang kita sa litratong yan na hinahalikan mo si Kael! Kaya pala una palang ay kumukulo na dugo ko sayo,aahasin mo pala si Kael.”

Pinulot ni Deborah ang picture,yon yung picture namin ni sir Kael habang nagsasayaw.

“Hindi naman po sad–”

“Damn you! From now on you are fired!!”

“You can’t do that maam.” pagprotesta ni Faust.

“I just did!” anito at tumingin sa lahat ng nakikinig. “Tularan nyo ang baklang to at mawawalan kayo ng trabaho gaya nya!”

“Okay po. Kukunin ko lang mga gamit ko.” nakayuko kong sabi. Wala akong maiharap na mukha sa kanilang lahat. Nanakbo ako palabas ng pantry,dun lang tumulo ang mga luha ko.

I deserve this. Alam kong dadating talaga sa ganitong punto,hindi ko lang napaghandaan. Mahirap ngang kalaban si Maam Grazilda,sa yaman nya ay pwede nyang magawa ang lahat sa tulong ng pera.

At si sir Kael? Tama na siguro yung mga pinagsamahan namin. Itatago ko na lang ng tuluyan ang nararamdaman ko para sa ikatatahimik ng lahat. Alam kong mapagtatagumpayan ni sir Kael ang laban nya kahit wala ako.

Papunta na ako sa private office ng bumukas ang pinto. Agad akong nagtago,lumabas dun sina Chike,Rara,Powder na kasunod si sir Kael. Lahat sila ay nagmamadali. Ng makasakay sila sa elevator ay saka ako pumasok sa loob. Kinuha ko agad ang aking bag at nagmadali na akong umalis,sa hagdan ako dumaan.

Nang makalabas na ako sa La Beau building ay saktong may tumigil na kotse sa harap ko. Hindi ko ito pinansin at naglakad ako ngunit umandar ito at sumunod. Tumigil ako at bumaba ang salamin ng kotse.

“Anong nangyari?”

“Pipo!” ang gulat kong sabi.

“Wala,pauwi na ako,nag half day lang ako.” ani ko at lumingon sa La Beau. Baka kasi may makakita.

“Hindi ako naniniwala. Sakay na.” at wala akong nagawa kundi ang sumakay sa front seat.

“Kakahatid ko lang kay Dad sa La Beau,may meeting daw sila with the CEO,gusto kasi ni Dad na magkaroon ng pagrampa ng mga modelo sa party na gagawin nya. Kaso daw baka daw mamaya pa ng konti matuloy,naghihintay daw silang lahat sa conference room dun sa CEO,hindi pa daw dumadating nagka aberya daw.” ani Pipo habang nagdadrive.

Hindi ako sumagot,alam kong ako ang dahilan kung bakit wala pa si sir Kael sa meeting. And he’s probably looking for me now.

“Pipo?” pagkuwa’y pukaw ko sa kanya. I have this idea,hindi muna ako uuwi,alam kong pupunta si sir Kael sa bahay. Alam na alam ko dahil ginawa na nya ito noon.

“Hmmmn?”

“Pwede bang maki sleep over muna? Ngayong gabi lang?”

“Sure. Mukhang may problema ka ah? Lets talk about that later.” at nagpatuloy sya sa pagmamaneho.

Napahawak ako sa pisngi kong sinampal ni Maam Grazilda,namamanhid na ito at mainit,parang may nagwawangwang pa din sa aking pandinig.

Napatingin ako sa bahay kung san kami tumigil. Sobrang laki. Hindi ako makapaniwala na dito na nakatira si Pipo. Masagana na ang kanyang buhay,hindi na katulad dati na isang kahig isang tuka. Napaka swerte nya.

“Anong nangyari sa mukha mo? Sinong sumampal sayo? Bakat na bakat pa oh?” ani Pipo ng makababa kami.

“Ito? Wala ito,malayo ito sa bituka.” ang sagot ko at muling tumingin sa bahay.

“Tara sa loob,gamutin natin yan.” aniya at hinila ako. Pagpasok namin sa main door ay sinalubong kami ng isang maid na naka uniform pa. “Pakidalhan ako ng icecube sa kwarto at malinis na towel.” ani Pipo sa katulong.

“Okay lang ako Pipo.”

“You don’t look okay,tara sa kwarto.” at umakyat kami sa hagdanan nilang dinaag pa ang grand staircase ng titanic.

Napanganga ako ng makapasok sa kwarto nya. Mas malaki pa sa bahay namin eh!

“Ang laki na ng pinagbago ng buhay mo.” sabi ko sa sobrang pagkamangha.

“Hindi yan ang gusto kong pag usapan. Anong nangyari sayo sa La Beau?” umupo sya sa couch at naupo ako sa kaharap nyang couch.

May kumatok sa pinto,kasunod ang pagpasok ng katulong na may dalang towel at icecubes.

Nilapag ito sa lamesita at umalis din ang katulong. Kinuha ni Pipo ang bimpo at nilagyan ng icecube saka ito idinampi sa pisngi ko.

“Dahan dahan.” ani ko habang nakatingin sa seryoso nyang mukha.

“Buti at sampal lang ito. Ano bang nangyari?” aniya.

“Nagalit si Maam Grazilda sa akin. May nagpadala sa kanya ng picture na naghalikan kami ni sir Kael.” ang pag amin ko. Tumigil sya sa kanyang ginagawa at tinitigan ako. Nakaramdam ako ng matinding hiya.

“Nakipag halikan ka sa boss mo? Kaya ka nya pinaganda para ba pagselosin yung Grazilda?” ang galit nyang tanong kaya na rattle ako.

“No! Hindi ganun. Hindi sadya yung halik.” kahit papaano ay kailangan kong pagtakpan si sir Kael. Nadungisan na ang pangalan nya dahil sa nangyari,huhusgahan na sya ng lahat dahil pumatol sya sa bakla. At ang baklang iyon ay ako.

“Huwag ka ngang magsinungaling. Matagal ko ng napapansin na type ka ng boss mong iyon,pati yung isang lalaki dun. Kung masasaktan ka lang dun,mabuti pang umalis ka na sa La Beau,irerekomenda kita kay Dad.”

“Hindi na kailangan Pipo.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Tinanggal na ako ni Maam Grazilda sa trabaho.” ang pag amin ko. Matagal nya akong tinitigan,ako ang unang nagbawi ng tingin.

“Mas mabuti na yan. Dun ka na lang sa kumpanya ni Dad. Mababantayan pa kita.” aniya at tinapos na ang pang gagamot sa akin. “Mamaya mawawala na pamumula at pamamaga nyan.” at tumayo sya. May pinasukan syang maliit na kwarto,pag labas nya ay may dala na syang mga damit.

Napanganga ako ng maghubad sya sa harapan ko. Hindi ko alam na ganito kaganda ang katawan ni Pipo. Matagal din naman kasi kaming hindi nagpansinan at kailan ko lang din sya pinansin diba,

Naka brief na lang sya ng lingunin nya ako. Ngumiti sya at kumindat kaya nag iwas ako ng tingin. Natutukso kasi ang mga mata ko na titigan ang malaki nyang bukol.

“Nasan si Tita?” ang naisip kong itanong,tiningnan ko ulit sya pero naka brief pa din sya. Balbon pala si Pipo,ang dami nyang buhok at dun sa ano. Ugh! Shet.

“Nasa probinsya,dinalhan ng groceries ang mga kamag anak namin dun.” aniya habang nakatingin sa mga damit na pinatong nya sa kama nya. Napatigil ako sa paghinga ng hubarin nya ang brief nya.

Oh my gahd! I saw it!

Nagsuot sya ng boxers kasunod ng short at sando.

“Ang init.” sabi ko at pinaypayan ko ang aking sarili.

“Hindi naman. Ang lakas nga ng aircon. So dapat itext mo na sina Tito at Tita na mag overnight ka dito.” at naupo sya sa tabi ko. Ang bango ng natural masculine scent nya.

“Buti pinaalala mo.” sabi ko na lang at kinuha ang cellphone sa bulsa ko,saka ko tinext sina Mama at Papa,sinabi ko din sa text na huwag sasabihin kahit kanino kung nasaan ako.

“May karanasan ka na ba sa sex Faye?” ang seryosong tanong ni Pipo kaya nilingon ko.

“Ha? Ano bang tanong yan? Syempre meron.” ang sabi ko at itinago ulit sa bulsa ko ang cellphone ko.

“Kanino? Sa boss mo?” tumango ako bilang sagot. Ano ba ito? Bakit umaamin ako sa kanya? “Shit!” dagdag nya at huminga ng malalim.

“Does it matter to you?” lakas loob kong tanong.

“Oo naman! Alam mong mahal kita,at gusto ko sanang ako lang,pero may nauna na pala.”

Natahimik ako sa sinabi nya. Pag nagsalita pa ako,madami pa syang itatanong at malalaman nya ang lahat. Natural,mas masasaktan sya.

“Nagugutom ako.” bagkus ay sabi ko.

“Tara sa baba. Panigurado nagluluto na sila ng meryenda.” aniya at tumayo. Sumunod na ako sa kanya. Habang pababa kami sa hagdanan ay napaisip ako.

Bakit kasi ako pa? Madami namang babae sa paligid,madaming magaganda,matalino at mababaet. Dapat sila na lang ang mahalin ng mga lalaking ito. Kasi ako,tanggap kong panandalian lang kung magkakaroon ng pag ibig ang mga bakla. Iyon ang katotohanan sa mundo.

Sa kusina kami dumeretso,sakto katatapos lang ata ng cook nilang gumawa ng meryenda. Pinaypay na saging,napangiti ako,paborito kasi iyon ni Pipo.

“Manang sa garden lang kami,pakisunod na lang ng juice.” at kinuha ni Pipo ang meryenda at tinungo namin ang garden. Ang ganda ng garden nila,ang gaganda ng mga halaman at bulaklak.

Uupo na sana kami ng tumunog ang cellphone ko.

“Sagutin mo muna. Para tuloy na meryenda natin pagkatapos nyong mag usap.” ani Pipo.

Tumango ako. Lumayo at dinukot sa bulsa ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag.

Si sir Kael.

Huminga ako ng malalim bago ito sinagot.

“Hello sir?” ang kinakabahan kong sabi.

“Where are you Faye?” ang agad nitong sabi. Bakas sa boses nya ang pag aalala.

“Im just here,sa bahay ng kaibigan ko.”

“Bakit ka umalis sa La Beau? Mag usap tayo sa personal.” frustrated na sabi nya. Napapikit ako.

“Hindi na ako kailangan dyan,Maam Grazilda fired me,ayoko na din makagulo sa inyo. Besides kahit wala ako,alam kong magtatagumpay ka sir.” pinilit kong gawing natural ang boses ko kahit medyo naiiyak na ako.

“Hindi totoo yan. I need you Faye. I badly needed you here beside me.”

At tumulo na ng kusa ang mga luhang pinipigilan ko.

Beau # 13

Hindi ko alam kung bakit. Pero nung gabi ding iyon ay nagpahatid ako kay Pipo sa tapat ng La Beau building. Ayaw pa nya nung una,pero nung sinabi ko na aalis ako kahit hindi nya ako ihatid ay wala na syang nagawa.

“Tawagan o itext mo ako kung may mangyari. Hindi ako kumportableng iwan ka dito ngayong alam ko na ang nangyari.” ani Pipo.

“I’ll be fine Pipo. Maraming salamat talaga.” sabi ko at ngumiti saka bumaba sa kotse nya. Nang makaalis na sya ay saka ako nagpunta sa lobby ng kumpanya. Hindi ako aakyat dahil alam kong gulo lang ang idudulot ko,pero kailangan ako ni Sir Kael.

“What are you doing here?” pagkalipas ng ilang minuto ay nadinig ko ang boses na yon na nagpanginig agad sa akin. Hindi ako takot na takot,sadyang ayaw ko lang ng gulo at hindi ako pumapatol sa babae.

“Maam Grazilda!” ang sabi ko ng harapin ito. Tinangnan nya ako mula ulo hanggang paa.

“May kapal ka pa talaga ng mukha na magpakita dito pagkatapos ng ginawa mo? Bakit? Hindi mo nakuha ang sweldo mo? Titriplehin ko iyon huwag ka lang ulit magpapakita!” singhal nya sa akin,napaatras ako at nagtinginan na ang mga tao sa amin.

“Hindi po sa ganon Maam.”

“Lumayas ka dito! Hintayin mo ang pera sa account mo! Ambisyoso kang bakla ka! Naayusan ka lang nag feeling babae ka na?!”

“Maam hindi po ganon. Tinawagan po kasi ako ni sir Kael.” ang bigla kong sabi. Natigilan sya at tinitigan ako. Ngunit hindi ko napaghandaan ang ginawa nya.

“Lumayas ka! Ahas! Ambisyosa!” sinabunutan nya ako at kinaladkad. Masakit,sobrang sakit lalo na at extension pa ang aking buhok.

“Maam! Tama na po,nasasaktan ako.” ang pagmamakaawa ko. Gusto kong lumaban pero alam kong ako lang ang mapapasama,lalaki pa din ako,at kung masaktan ko sya,sa akin talaga ang sisi.

“Mas masasaktan ka pa!” at tinulak nya ako palabas ng building kasabay ng pagsipa sa akin.

“Maam,tama na po.” ang agad na awat ng gwardiya.

“Huwag kang makialam kung ayaw mong masisante!” sigaw nito sa gwardya. Natigilan ang gwardya at naaawang tumingin sa akin. “Kayo! Kayong lahat na nagtatrabaho dito,traydurin nyo ako at matutulad kayo sa baklang iyan!!” at naglakad na ito papuntang elevator at sumakay. Lumapit ang gwardya at inalalayan akong tumayo.

“Ayos ka lang ba Faye? Pasensya ka na,ayaw ko lang mawalan ng trabaho.”

“Ayos lang ako. And its okay. Kung bumaba na si Sir Kael,pakisabi na lang na dumaan ako.” ani ko at ngumiti. Saka tumalikod at naglakad palayo.

Puro sakit ata ng katawan ang aabutin ko sa pagmamahal kay sir Kael. Wala akong alam sa pagmamahal kaya hindi ko alam kung paano ito ihahandle. Hindi ko alam kung lalaban ako o hindi. Pero kasi may maling pag ibig na kahit anong gawing laban ay hindi ka magtatagumpay.

“Now what?” ang tanong ko sa sarili ko dahil wala na akong pupuntahan. Hindi ako pwedeng umuwi na ganito ang itsura ko,paniguradong puputaktehin ako ng tanong nina Mama at Papa. Nahihiya na din akong abalahin pa si Pipo. Ayokong may sinasandalan pag ganito,dahil sarili ko naman itong problema.

Naglakad na lang ako ng naglakad. Kung san man ako dalhin ng mga paa ko ay bahala na. Panay na din ang vibrate ng phone ko,it means madami ng nagtetext. Panay na din ang tunog,at sigurado akong si sir Kael ang tumatawag.

Ayaw ko sanang magtampo sa kanya,dahil kasalanan ko din naman na hindi ko sya nasabihan na pupunta ako pagkatapos naming mag usap.

Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Mas mabuti pa nung panget pa ako,malaya ako,wala akong problema,kahit mainis at mandiri sila sa mukha ko ay wala akong pakialam. Pero ngayon,ganito na ang nangyayari.

Hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala ako ng isang playground. Wala ng tao dun,nakita ko ang swing,pumasok ako at naupo doon.

Okay lang naman siguro na magpalipas ako ng gabi dito,para makapag isip,at para kinabukasan ay maayos na ulit ang takbo ng isipan ko.

Dahan dahan akong nag swing. Pakiramdam ko para akong bumalik sa pagkabata. Hindi ko na enjoy ang kabataan ko dahil panay lang ako iyak dahil sa pang aapi at pang aaway sa akin ng mga kapwa ko bata noon,hanggang sa makilala ko nga si Pipo.

“Im sorry kung wala ako kanina para protektahan ka laban kay Grazilda.” napatigil ako sa pag swing dahil sa boses na iyon.

“Sir,anong? Pano mo ako nahanap?” ang taka kong tanong ng magpunta sya sa harapan ko. Kumalabog na naman ang puso ko.

Iniangat nya ang phone nya saka sumagot. “Nung nasa calatagan tayo,inactivate ko ang GPS nating dalawa. Kaya alam ko kung nasaan ka.” aniya at umupo sa katabing swing. Hindi ako makapag salita,hindi ko alam kung anong sasabihin. “Iyon din ang isa sa mga inayawan ko kay Grazilda. Im really sorry.”

“Okay lang. Kasalanan ko naman. Pero I dont think na babalik pa ako dun.” ang sagot ko at nag swing ulit.

“Hindi kita pipilitin ngayon. Pero darating ang araw na babalik ka dun Faye.” seryoso nyang sabi kaya nilingon ko sya.

“I don’t think its needed. Magagawa mo ang plano mo without me. Dati mo na iyong nasimulan. At kahit wala ako,mapagtatagumpayan mo iyon. Hindi na ako babalik ng La Beau sir,Im sorry.” totoo sa sariling sabi ko. Hindi naman sa nang iiwan ako sa ere,pero baka kasi madamay ang pamilya ko sa galit ni Maam Grazilda.

“I told you,I need you Faye. Just be my side. Kahit wala ka ng gawin.”

“Naririnig mo ba ang sarili mo sir? Dahil sa akin nasira ka. Sa tingin mo may mga magtitiwala pa sayong kliyente at mga board of members? Alam kong nasabi mo na sa akin ang lahat. Pero kasi sir,pinapasugod mo ako sa isang laban na hindi ko alam kung anong ipaglalaban at wala din akong pinanghahawakan.” mahaba kong sabi. I tried my best na huwag mag crack ang boses ko,I did. Pero hindi nakisama ang mga luha ko. Huli na para itago ko ito. Yumuko na lang ako.

Nakita kong lumuhod sya sa harap ko. Hinawakan nya ang mga kamay ko.

“Im sorry kung nahihirapan ka dahil sa akin. Alam ko at naiintindihan ko ang sinasabi mo. Gusto ko yung ibigay sayo pero hindi pa kasi ako malaya ng tuluyan.” sa sinabi nya ay tinitigan ko sya sa kanyang mga mata.

Ganon ba ang ibig sabihin ng mga sinabi ko? Siguro ganon nga. Siguro naghihintay lang ako na magsabi sya na kung ano kami. Para may panghawakan ako at may ilalaban ako,ngunit sinabi nya iyon ngayon lang na hindi nya mabibigay.

Napahikbi ako. Hindi ko alam na ganito na pala kalalim ang nararamdaman ko sa kanya. At hindi ko din alam kung makaka ahon pa ako.

“Please don’t cry.” mahinang sabi ni Sir Kael. Parang tinitibag lalo ang puso ko. Parang konti pa nyang salita ay babawiin ko lahat ng mga sinabi ko kanina sa sarili ko. Na pag nagsalita pa ulit sya,ay kahit hindi kami ay lalaban ako kasama nya,na kahit wala akong mapala ay lalaban pa din ako.

“Pasensya na.” ani ko at pinunasan ko ang aking mga luha. Hindi man namin sinasabi ang mga nararamdaman namin para sa isa’t isa ay alam na namin iyon,nga lang,sa side ko ay hindi ako nakakasiguro.

“Faye.” aniya,hinawakan nya ang baba ko at tinitigan nya ako. May nakikita ako sa mga mata nya pero hindi ko alam kung ano. Lumaban ako ng pakikipagtitigan sa kanya.

“Sir Kael.” ang mahina ko ding sabi.

“I think Im falling for you. No,scratch that. I think Im inlove with you.”

And that’s it. Natibag ang sistema ko,nangatog ang mga kalamnan ko,may mga kung anong parang nagliliparan sa sikmura ko at ang puso ko ay nagwawala na,na parang any moment ay lalabas na sa dibdib ko. Nag unahang lumandas ang aking mga luha.

Gusto kong magsalita pero dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko ay kinakapos na ako sa paghinga.

Napapikit na lamang ako ng lumapat ang labi nya sa akin. For the first time,iba ang pakiramdam ko iba ito sa mga nauna naming halikan. Yung pakiramdam na para kang dinuduyan sa alapaap. Akala ko dati OA lang sila mag describe,pero totoo pala. Iba ang halik pag may pagmamahal.

“I love you too sir.” sabi ko mula sa aking puso ng maghiwalay ang aming mga labi. Ngumiti sya,isa sa pinaka magandang ngiting ibinigay nya sa akin.

Lahat ng tampo,pag aalinlangan at galit ay pinawi ng sinabi nya at ng halik nya. Its really true,love is really powerful.

“Sabi ko na nga ba mahal mo din ako eh. Sinusupress mo lang ang feelings mo. But Im glad,hindi ito one sided love.” ani sir Kael at niyakap ako.

Sana laging ganito. Sana sa tuwing masasaktan ako ay mapawi nya agad ang sakit. He told me that he needs me. At ngayon napagtanto kong mas kailangan ko sya,na mas dapat lagi akong nasa tabi nya.

“Maghihintay ako sir Kael. Maghihintay ako hanggang sa tuluyan ka ng maging malaya. Ayokong magsabay kami ni Maam Grazilda. Pareho kaming masasaktan. Oo nga at masasaktan ako pag kayo ang magkasama,pero kaya mo namang pawiin ang sakit pag tayo na ang magkasama diba?” ani ko at ngumiti.

“Yes Faye! Thank you for understanding me. Thank you for everything. Thank you for loving me.” aniya at niyakap ako. Ang sarap sa pakiramdam. Ang sarap sa pakiramdam na mahal ka ng mahal mo. Yun bang alam mong hindi sayang na sya ang minahal mo?

“You don’t need to thank me. Loving me is enough. Sobra pa nga,dahil hindi ko inaasahan. Sino ba naman ang mag aakala? Never in my wildest dream na mangyayari ito.” sagot ko. Kumalas sya sa pagkakayakap sa akin,tumayo sya at tumayo na din ako,ginagap nya ang aking kanang kamay at pinagsalikop nya ang aming mga kamay.

“Ako din naman. Hindi ko ito inaasahan. Lahat pala talaga posible sa pag ibig. Ni hindi pumasok sa isip ko noon na magmamahal ako ng seryoso. Lalo na ang magmahal ng bakla.” aniya at ngumiti.

“Higit sa lahat,pangit na bakla.” ang dagdag ko. I want to see his reaction. Nagsalubong ang mga kilay nya at sinimangutan ako.

“Hindi ka panget. Hindi ka lang nag aayos noon. Pero tingin ko nga dun sa itsura mong iyon ako na fall. Yung tipong wala kang pakialam sa pangit na sasabihin sa iyo ng mga tao. You are beautiful inside and out Faye.” aniya at naglakad na kami.

“Kung ganon,ibabalik ko ang dati kong itsura.” ang nakangisi kong sabi.

“Okay lang. Yung dating Faye naman ang una kong natikman.” nakangisi din nyang sabi. Sinapak ko nga.

“Yan! Sige,hindi ka na makaka ulit.” sabi ko at tumigil sa paglalakad.

“Aarte pa? You can wait,but I cant wait.” nakangisi nyang sabi at hinila ako papunta sa kotse nya.

Pagsakay namin ay nagkatinginan kami at nagtawanan. Alam na namin kung san kami pupunta.

“Handa ka na?” ang tanong nya matapos ang tawanan namin.

“Huwag mo akong tanungin. Lagi akong handa.”

Beau # 14

Isang araw pagkalipas ng isang linggo mula nung nagkagulo ay pinuntahan ako nina Chike,Powder at Rara dito sa bahay. Isang linggo na din kaming hindi nagkikita ni Sir Kael,ayos lang naman dahil marami syang inaasikaso sa La Beau at busy din ako sa paghahanap ng bagong trabaho.

“Haay! Napaka swerte talaga nito ni Faye! From panget to Beauty,at ngayon sila na ata ni sir Kael.” ani Rara habang nagmemeryenda kami.

“Huwag kang mainggit. Hindi panget si Faye. Maganda na sya dati pa.” ang agad na sagot ni Chike kay Rara.

“Kainis! Sana magka lovelife na din ako.” segunda pa ni Rara at ngumuya ng junkfoods.

“Huwag kang umarte,hindi ka maganda.” ani Powder dito.

“Sobra ka!”

“Bakit? Maganda ka ba?” dagdag pa ni Chike na ikinatawa namin.

“Kayo talaga. Wala na kayong ginawa kundi mag okrayan. Kamusta sa La Beau?” ang sabi ko naman. Miss ko na sina Debbie,nanay Julia at iba pa.

“Ganun pa din,empyerno. Mas naging malditha si Maam Grazilda,at si sir Kael at mas tutok sa plano nya,alam mo naman.”

Napabuntong hininga ako. Sana matapos na ang mga kaguluhang ito. Sana matapos na ang problema ni sir Kael. Madami na masyadong naaapektuhan,kaya nga mas minabuti ko na lamang na huwag ng bumalik sa La Beau kahit ilang beses na akong pinilit ni sir Kael.

Ang isa ko pang problema ay si Sir Kael,inamin nga namin sa isa’t isa na mahal namin ang isa’t isa,pero kinakabahan pa din ako na malaman yon ni Maam Grazilda at ng lahat,pandidirian sya,madaming mate-turn off sa kanya at baka ayawan sya ng mga clients and investors.

Pero ganon pa man,napapangiti pa din ako pag naaalala ko ang nangyari sa park. Yon na ata ang isa sa pinaka hindi ko makakalimutang nangyari sa buhay ko. Hanggang ngayon ay dala dala ko pa din ang kilig.

“By the way,may nahanap ka na bang trabaho Faye?” biglang pag iiba ng topic ni Powder kaya bumaling kami sa kanya.

“Tungkol dyan,inaalok na nga ako ng kababata ko na dun na lang daw ako sa company nila since marketing naman ang natapos ko.” ang agad kong sagot. Nagpunta kasi dito nung isang araw si Pipo at inaalok ulit ako.

Sabi ni Pipo,mas maganda na yung may trabaho daw agad ako para walang masabi si Grazilda,at sinabi kong pag iisipan ko. Ayoko kasing isipin ng mga tao na nag te-take advantage ako sa pagiging magkaibigan namin ni Pipo.

“Talaga? Lalaki ba yon o babae?” excited na tanong ni Rara na nanlalaki pa ang mga mata.

“Lalaki.” sabi ko naman. At mukhang pati sina Chike at Powder ay naging interesado na.

“Gwapo?”

“Mabango?”

“Matangkad?”

“Malaki?”

Nanlaki mga mata ko sa huling tanong.

“Hoy mga bakla! Grabe kayo ah?! Natatakot na tuloy akong ipakilala yon sa inyo.” ang sabi ko naman na ikinalaglag ng mga balikat nila.

“Yan tayo eh? Gahaman?!” ani Chike.

“Ikaw lang anak ng Diyos ganun?” segunda naman ni Powder.

“Mabait naman kami ah? Chakka nga lang.” di pahuhuling sabi ni Rara na ikinatawa na naming apat.

Nang umalis na ang tatlo ay naisipan kong mag grocery na muna. Magandang pagkakataon ito,atleast may maitatabi na kaming pagkain,hindi gaya dati na sobrang kapos kaya nga hindi ako tumigil sa paghahanap ng trabaho eh.

Habang nasa jeep papunta sa grocery ay naisip ko si sir Kael. Kamusta na kaya sya? Hindi talaga ako makapaniwala na mahal din pala nya ako. Mahirap nga lang,mahal namin ang isa’t isa pero wala kaming commitment. Pero sabi ko naman diba maghihintay ako? Ayokong makipagsabayan kay Maam Grazilda,ayoko ding maging sagabal sa mga plano niya.

Miss ko na sya,ang tagal na naming hindi nagkikita,pakiramdam ko napakatagal na ng isang linggo naming hindi pagkikita,ni text at tawag ay wala,pero tulad ng sabi ko kanina,naiintindihan ko iyon.

Pagdating sa grocery ay dumiretso ako sa vegetable section. Mahilig kasi sa gulay sina Mama at Papa. Alam kong pinagtitinginan ako ng mga tao at hindi pa din ako sanay. Pinagtitinginan na nga ako nung sobrang pangit ko pa,hanggang ngayon ba naman?

Concious tuloy akong napatingin sa paligid tapos sa sarili ko.

Masagwa ba itsura ko? Hindi ba bagay sa akin ang mahabang buhok at magdamit ng pambabae? Eh kasi naman kailangan kong ibagay ang suot ko sa itsura ko. Alangang ganito na itsura ko pero yung mga dati ko pa ding damit ang isuot ko? Baka mapagkamalan na akong ermitanyo nun.

Matapos makapili ng mga gulay ay dumiretso naman ako sa mga veberage,pagkatapos ay sa mga tinapay,isinunod ko din ang mga pang araw araw naming kailangan. Ayos lang na maubos ang pera ko,atleast sa maganda ko iginastos.

Naisipan ko ding pumunta naman sa mga junkfoods,para ba may mangata kami pag walang ginagawa.

Narealize ko lang na sobrang dami pala ng pinamili ko ng nakapila na ako sa counter.

“Mabubuhat ko ba ang lahat ng ito?” ang tanong ko agad sa sarili ko habang isa-isa na itong pina-punch ng cashier.

“I can help you with that.” sabi ng boses sa likuran ko na ikinalingon ko.

“Faust!” ang gulat kong sabi. Ngayon lang ulit kami nagkita.

“Musta na? Tagal nating hindi nagkita ah?” aniya habang yung binili naman nya ang pinunch ng cashier.

“Okay lang,eto naghahanap ng bagong trabaho.” sagot ko at kinuha na ang mga pinamili ko,agad naman nya akong tinulungan sa pagbitbit.

“Yeah,I heard everything. Pasensya ka na kay Grazilda.” sabi nya at naglakad na kaming dalawa palabas sa grocery. “Kain muna tayo,para makapag kwentuhan din tayo,I brought my car.” dagdag nya.

“Sige. Gusto ko din namang malaman kung ano na ang nangyayari sa La Beau.” ang sagot ko naman. Dumiretso kami sa parking at sumakay na sa kotse nya. Naisip ko tuloy na sobrang kalat na siguro nung nangyari,dahil sa akin nasira si sir Kael.

Sa isang restaurant kami pumunta. Hindi ako mapakali,feeling ko kasi may nagmamatyag sa amin,feeling ko,pati itong hindi sinasadyang pagkikita namin ni Faust ay makakarating kay Maam Grazilda at maaari nyang bigyan ng kulay at gamitin para masira ako kay Sir Kael.

“So,I won’t ask. Gusto ko lang malaman kung kamusta ka na.” sabi ni Faust ng magsimula na kaming kumain.

“Im good. Pero nahihiya ako,dahil sa akin napahamak si sir Kael at nasira sya,nakaladkad ang pangalan nya.” ang pag amin ko naman. Mabuti na din na may nakaka alam kung ano ang aking saloobin.

Nagtaka ako ng titigan ako ni Faust kaya napatitig din ako sa kanya. Gwapo sya talaga,maganda katawan,mabait. Kaya ganun na lang din siguro ang galit sa akin ni Homer pag lumalapit sa akin si Faust. Tulad ni sir Kael ay madami ding handang magpaka baliw na babae at bading mapansin lang ni Faust.

“So its true. May affair kayo ni Sir Kael?” aniya. Napalunok ako,kailangan ko pa bang mag deny o aamin na lamang ako.

Uminom muna ako ng iced tea bago sumagot. “Yes. Pero hindi sadya iyon. Hindi namin namalayan na mahal na pala namin ang isa’t isa. At sa maniwala ka at hindi,hindi ko iyon ginusto,sinabihan ko din si sir Kael na maghihintay na lamang ako dahil ayokong pagsabayin nya kami ni Maam Grazilda,at alam kong ganon din si Maam Grazilda.”

Sumandal sya sa upuan at tinitigan ako. I don’t know,pero na bother ako sa paraan ng pagtitig nya sa akin,there’s something in his eyes that I just can’t decipher.

“I won’t judge you’re feelings for him. Pero nakakasiguro ka ba na totoo sya? I’ve seen him dated so many girls,I’ve seen him fuck so many girls. Nagawa nyang magloko kay Maam Grazilda at pwede din nyang ulitin sayo. Paano ka nakakasigurong mahal ka talaga nya? You see Faye,ikaw ang inaalala ko dito. I don’t want you to get hurt by them.” ang litanya nya na ikinagulo ng pag iisip ko.

May punto si Faust. Maging ako man ay nasaksihan ang mga iyon. Pero sinabi naman sa akin ni sir Kael ang lahat. Pero ganon pa man,paniniwalaan ko ba ito o magdududa na din ako? Ang hirap pala.

“Ayoko munang isipin yan Faust. Kung muli mang magkabukuhan ay lalaban na ako. Ilalaban ko na ang pagmamahal ko kay sir Kael.” ang sagot ko naman.

“Matigas talaga ang ulo ng mga taong nagmamahal. Pero kasi,iba ang sitwasyon nyo,Faye. Hindi ka babae,pareho kayong nasisira at hihilahin nyo lang pababa ang bawat isa.”

Nasaktan ako sa sinabi ni Faust. Pero totoo iyon. Pero kasi buo na ang desisyon ko,ngayon lang ako nagmahal at ayaw kong mawala ito sa akin. Mahal ko si sir Kael,na kahit ano pa mang dumating na pagsubok ay lalaban ako at hindi bibitaw.

“Maaaring tama ka Faust. Pero problema ko ito,kakayanin ko ito. Ayaw kong dumating ang panahon na magsisi ako na hindi ako lumaban. Love is about taking risk,ngayon lang ako nagmahal kaya lalaban at susugal ako. Kung masaktan at matalo ako,kahit gaano kasakit ay tatanggapin ko. Atleast may natutunan ako. Love is taking chances.” ang taos sa pusong sabi ko. Hindi ko alam na kaya ko palang magsalita ng ganito.

Dahan dahang ngumiti si Faust kaya lalong lumitaw ang kanyang kagwapuhan.

“Im proud of you Faye. Noon pa man alam kong matatag ka ng tao kaya nga I admire you so much. Naiintindihan ko na ang nararamdaman ni Sir Kael,posible pala talaga ito.”

Nagtaka ako sa sinabi nya. Magsasalita na sana ako ng tumunog ang cellphone nya. Sumenyas sya na kailangan nya muna itong sagutin.

Nadinig kong si Homer ang tumawag,may relasyon kaya sila?

Tumingin na lamang ako sa entrance ng restaurant habang pinagpapatuloy ko ang pagkain.

Ganon na lamang ang gulat ko ng may mga pumasok.

Sina Sir Kael at Maam Grazilda. Napako ang tingin ko sa kanilang dalawa at nagsimula ng kumirot ang aking puso. Masakit pala talaga ang katotohanang pangalawa ka lamang.

Ginala ni sir Kael ang kanyang paningin sa buong restaurant habang naglalakad sila. Hanggang sa magtama ang aming mga mata.

Agad nagsalubong ang mga kilay nya ng mapatingin sya kay Faust na busy sa kausap sa cellphone. Napatingin din sa amin si Grazilda,ngumiti ito at naglakad palapit sa table namin.

Napatingin din si Faust kaya agad syang nagpaalam sa kausap nya ng tuluyan ng makalapit sina Sir Kael at Maam Grazilda.

Hindi ako natatakot kay Maam Grazilda,natatakot ako sa paraan ng pagtingin sa akin ni sir Kael. Pakiramdam ko ay para ko syang pinagtaksilan kahit hindi naman.

“Sir Kael! Maam Grazilda!” ang agad na bati ni Faust sa mga ito. Ako naman ay muling uminom ng Iced tea.

“Tingnan mo nga naman. Pagkatapos ahasin ang CEO,ang top Model naman? Ganyan ka ba kapatay gutom sa lalaki Ferancio? Bakit hindi ka sa mga strip club pumunta? Alam kong sabik ka ng makainom ng gatas ng lalaki.”

Sa narinig ko kay Maam Grazilda ay nagpanting na ang aking tenga. Sobrang pang iinsulto na sa pagkatao at pagkasino ko ang natatanggap ko mula sa kanya.

Hawak ang baso na may lamang Iced tea ay marahas akong tumayo.

Beau # 15

“Tingnan mo nga naman. Pagkatapos ahasin ang CEO,ang top Model naman? Ganyan ka ba kapatay gutom sa lalaki Ferancio? Bakit hindi ka sa mga strip club pumunta? Alam kong sabik ka ng makainom ng gatas ng lalaki.”

Sa narinig ko kay Maam Grazilda ay nagpanting na ang aking tenga. Sobrang pang iinsulto na sa pagkatao at pagkasino ko ang natatanggap ko mula sa kanya.

Hawak ang baso na may lamang Iced tea ay marahas akong tumayo.

“Faye!” gulat na sabi ni Faust at Sir Kael ng ibuhos ko sa ulo ni Maam Grazilda ang iced tea.

“You son of a bitch! Ang kapa–” gulat na reaksyon ni Maam Grazilda at susugurin sana ako pero mabilis kong nahawakan ang dalawa nyang mga kamay.

“Sige ituloy mo! Hindi ako pumapatol sa babae pero sa pagkakataong ito napuno na ako sayo!” singhal ko.

“I’ll sue you faggot!” susugod sana ulit ito pero hinila sya ni sir Kael,maging ako ay hinila ni Faust. Pinagtitinginan na kami ng mga tao at nakita kong naglalakad na palapit ang guard.

“Gawin mo! Kulang pa ang iced tea na yan panglinis sa madumi mong utak at madumi mong budhi! Ayos na sa akin ang ilang beses mo akong sinaktan ng pisikal. Pero Maam Grazilda,ang insultuhin ako ng paulit ulit ay sobra na. Hindi na ako matatakot sayo.” mahaba at taas noo kong sabi,kahit na nanginginig na ang mga kalamnan ko.

“Tingnan mo ang ginawa nya sa akin Kael?! Yan ang ipapalit mo sa akin? Isang baklang panget,na gumanda lang ay mapagmataas na?” galit na baling nito kay Sir Kael.

“Grazilda,ikaw ang nauna! For pete’s sake!”

“Humanda kayo sa akin!” ani Maam Grazilda at galit na umalis. Tinulak pa nito ang guard na kakalapit pa lamang.

“Ano pong problema.?”

“Wala naman.” sagot ni Faust at bumulong sa akin. “Let’s get out of here,Faye.”

Tumango ako at tiningnan si Sir Kael. Madilim ang pagkakatingin nya sa akin,at mukhang alam ko na kung anong dahilan.

Dahil kasama ko si Faust.

“Mag uusap tayo Faye.” at umalis na din si sir Kael. Saka lamang bumigay ang mga tuhod ko,mabuti at naalalayan ako ni Faust.

“Makaka alis ka na. Wala ng gulo.” ani Faust sa guard,tumalima naman ito. Muling bumaling sa akin si Faust. “I didn’t know na kaya mo si Maam Grazilda. Dapat dati mo pa syang ginanun.” nakangisi pa nyang sabi.

“Napuno na kasi ako eh. Pero natatakot ako sa maaari nyang gawin. Okay lang kung sa akin,pero ramdam kong tuso sya,baka idamay nya ang pamilya ko.” ani ko at kinuha ang baso,iinum sana ako ngunit napansin kong wala itong laman. “Bakit wala ng laman?”

Humagalpak ng tawa si Faust kaya narealized ko agad kung bakit. “Silly,ibinuhos mo kaya kay Maam Grazilda.” at tumawag sya ng waiter,umorder ulit ng iced tea. Ng maubos ko ito ay nagbayad na sya at umalis na kami ng restaurant.

“Maraming salamat Faust. Alam kong baka pati ikaw ay pag initan ni Maam Grazilda.” sabi ko ng nasa labas na kami ng restaurant,pauwi na ako at sya naman ay babalik pa sa La Beau para sa isang photoshoot.

“She’s a girl. Hindi sya mananalo sa akin. At ikaw,if ever na may mangyari,don’t hesitate to call me,and I will be there.” naka ngiti nyang sabi.

At ng maghiwalay na kami ay hindi mawala sa isip ko ang nangyari sa restaurant kanina. Natatakot ako sa maaaring gawin ni Maam Grazilda,nagliliyab ang mga mata nya kanina sa sobrang galit,lalo na nung hindi sya paboran ni Sir Kael.

Si sir Kael. Alam kong galit din sya,damang dama ko sa paraan ng pagtingin nya sa akin kanina. Maaaring sanay ako dati na nag aaway at nagsasagutan kami,pero sa relasyong meron kami ay natatakot ako na galit sya. Natatakot ako na baka sa isang maling salita ko lamang pag kinausap nya ako ay matapos ang aming relasyon. At ayaw kong mangyari iyon,dahil sa ngayon,sobrang mahal na mahal ko na sya,at hindi ko na alam kung paano aahon kung bibitawan nya ako.

Kaya ng makarating ako sa bahay ay tulala ako. Mabuti na lamang at wala pa sina Mama at Papa,kung hindi magmumukha akong baliw sa paningin nila.

Humiga ako sa sofa. Saktong pagkuha ko ng phone ko sa bulsa ay tumawag si Pipo. Hindi ko ito sinagot,hinayaan ko lang itong mag ring ng mag ring,pakiramdam ko ay wala ako sa mood na makipag usap kahit kanino.

Naka tatlong missed call din si Pipo,itetext ko na lang siguro sya mamaya. Tumayo na ako at naisipang maghanda na lamang ng para sa hapunan,sayang ang mga pinamili ko kung hindi magagamit.

Nagsaing na ako at ang ulam na niluto ko ay fried chicken. Siniguro kong crispy ito,dahil minsan lang naman kami makakain ng mga ganitong pagkain. Yung mga gulay na pinamili ko ay bukas na lang,chapsuey ang naisip kong rekado para bukas.

Nadinig kong bumukas ang pinto pero hindi ko pinansin sa pag aakalang sina Mama at Papa lang ito. Napangiti ako,paniguradong matutuwa sila nito.

“Isang linggo lang akong hindi nakapagparamdam at nagpakita nakipagdate ka na sa iba? Really,ganyan ba ang mga tulad mo?” sabi ng isang pamilyar at galit na boses sa likod ko kaya medyo nagitla ako.

“S-sir Kael?” ani ko ng humarap.

“Bakit kayo magkasama ni Faust,ha Faye? Are you cheating on me?” tagis bagang nyang sabi. Napanganag ako ng wala sa oras.

Nagkita lang,cheating na agad?

“Hindi ah?! Nagkita kami sa supermarket,tinulungan nya ako sa pagbitbit ng mga pinamili ko,then nag offer ako na ilibre sya bilang pasasalamat.” ani ko at huminga ng malalim. Tumalikod ako at pinatay na ang kalan,nilagay ko sa plato ang mga fried chicken at tinakpan.

“Good. Ayoko ng niloloko ako,though ginagawa ko yon kay Grazilda,but you know my reason.” aniya,hinila ang upuan at naupo. “Gutom ako,hihintayin pa ba natin sina Mama at Papa? Tsk! Hindi ako nakakain dahil sa ginawa nyo ni Grazilda sa restaurant.”

Lahat ng alalahanin ko kanina ay naglahong parang bula dahil sa ngiti ni sir Kael. Hindi ko alam kung anong kapangyarihan mayroon sya at bakit ang bilis nyang mapawi ang mga alalahanin ko. Unti unti na din akong napangiti.

“Maghintay ka. Malapit na silang dumating. Ihanda ko lang ang hapag.” nakangiti kong sabi at pumunta na sa lagayan ng mga plato at naglagay sa mesa. Paniguradong magugulat sina Mama at Papa at magtataka kung bakit narito si Sir Kael.

Tulad ng inaasahan ay nagulat nga sina Mama at Papa. Pero sa una lang iyon,dahil sa kalagitnaan ng aming hapunan ay panay na ang tawananan nila. Naisip ko tuloy,na kung magiging okay na ang lahat ay pwede na kaming umamin sa kanila ni Sir Kael.

Pero alam ko din sa sarili ko na matatagalan pa iyon,lalo na sa nangyari kanina sa restaurant. Kaya mas dapat pa akong maghintay.

Matapos kumain ay pumasok kami ni Sir Kael sa kwarto ko para mapag usapan ang nangyari kanina.

Nakahiga kami sa kama,nakapatong ang ulo ko sa dibdib nya at sinusuklay ng mga daliri nya ang aking buhok. Dinig na dinig ko yung mabilis at malakas na pagtibok ng puso nya. Parehong pareho kami.

“Kinabahan ako sa ginawa mo kanina. At the same time ay natuwa. Ikaw pa lang ang kauna unahang gumawa ng ganun kay Grazilda,lahat ay kinakatakutan at iniiwasan sya.”

“Natakot din ako. Pero hindi habang buhay ay takot na lang lagi ang iiral. Napuno na ako kanina. Hindi ako natatakot sa maaari nyang gawin sa akin. Natatakot ako sa gagawin nya sayo,o baka idamay nya pa ang pamilya ko.” ang mahina kong sabi at nilingon sya. Nagtama ang aming mga mata,may nakikita akong kakaibang kislap sa mga mata nya.

“Whatever happens,huwag kang bibitaw. Sabay tayong lalaban,Faye. Maaaring tuso sya at ang mga magulang nya,pero nakapag handa na ako.” aniya at hinalikan ang aking ulo. Pumikit ako at dinama ang pintig ng puso nya.

Ni sa panaginip ay hindi sumagi na aabot kami sa ganito. Iba nga talagang maglaro ang tadhana.

“Naapektuhan ba nito ang plano mo at mga ginagawa mo?” ang nababahala kong tanong.

“Huwag kang mag alala masyado,Faye. Basta kapit lang. Kaya natin to. Ayokong masyado kang nag iisip. Baka ma stress ka.”

Sa sinabi nya ay bumangon ako at umupo sa kama. Halatang nagulat naman sya sa ginawa ko.

“Pag na stress papanget. Takot ka bang bumalik ako sa dati? Kasi sa totoo lang mas gusto ko yung dati kong itsura. Sabihin mo lang.” taas kilay kong sabi sa kanya at nag cross arms pa ako.

“No! No! That’s not what I meant. Ayokong ma stress ka dahil ayokong pati problema ko ay poproblemahin mo.” aniya sabay hawak sa aking mga kamay. Ang hindi ko inaasahan ay ang bigla nyang paghalik. Na agad ko namang tinugon.

Sobrang namiss ko sya,sobrang namiss ko ang pakiramdam na kasama sya at katabi. Ang pakiramdam na magkalapat ang aming mga labi. At ang pag iisa ng aming mga katawan.

Pagkalipas ng tatlong araw,araw ng linggo ay nagising ako na parang maingay sa labas. Kahit na ata may muta at panis na laway pa ako ay agad akong lumabas ng kwarto dahil nadinig ko ang pagsigaw ni Mama.

“Hindi nyo ito pwedeng gawin sa amin!” ani Papa sa dalawang lalaki na nasa pinto,ang isa ay parang naka barong,ang isa naman ay naka amerikana. Agad akong lumapit para malaman ang nangyayari.

“Wala na po kayong magagawa Mister and Misis Ballesteros. Legal ang mga papeles na ipinakita namin. Nabili na ang lupang ito,at ngayon mismo ay pinapa alis na kayo.” sabi nung naka amerikana at inayos ang salamin sa mata.

“Pero wala pa po kaming malilipatan! Bakit hindi man lang kami binigyan ng notice ng unang may ari ng lupa? Hindi makatao itong ginagawa ninyo.” umiiyak ng sabi ni Mama kaya niyakap ko sya.

“Pwede po bang bigyan nyo kami ng panahon?” ang wala ko na ding magawang sabi. Hindi pa tumatakbo ng tama ang utak ko dahil sa pagkabigla. Bakit biglaan naman ata?

“Pasensya na po. Pero dapat bago mag alas sais ng gabi ay naka alis na kayo. Legal po itong ginagawa namin. At kung hindi pa kayo aalis,magkita kita po tayo sa korte.” sabi naman nung naka barong.

Nang gigigil ako sa inis. Bagay sa kanila ang mga suot nila,ang sarap nilang ilibing ng buhay!

Tumalikod na ang mga ito at naglakad palayo. Humagulhol si Mama at mas humigpit ang yakap sa akin,si Papa naman ay parang hindi na alam ang gagawin.

Paano na kami? Saan na kami titira ngayon?

Biglang may pumasok sa isip ko. Kumalas ako sa yakap ni Mama at hinabol ang dalawang lalaki.

“Teka lang! Saglit,may gusto lang akong itanong.” sabi ko ng harangan ko ang dalawa. Agad silang nagtinginan at ibinalik ang tingin sa akin. “Sinong nag utos nito? Sino ang bumili ng lupang kinatitirikan ng bahay namin?”

“Si Mister Kael Cuangco.”

Parang biglang gumuho ang mundo ko.

Beau # 16

AN/ SALAMAT KAY RHAINE ABLA. Dahil sa kanya nakapag update ako :) maraming salamat po! Makakabawi din ako balang araw. Enjoy reading guys! =)

Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Nanginginig ako sa galit at tensyon na unti unting sumasakop sa buong sistema ko.

“Hindi nila ito pwedeng gawin.” umiiyak na sabi ni Mama. Naawa ako sa kanya. Naaawa ako sa nangyari sa amin.

Bakit ito nagawa ni Sir Kael? Nilinlang nya lang ba ako?

“Ma,kumalma ka muna. Naghahanap na si Papa ng malilipatan natin.” ang pagpapakalma ko kay Mama.

“Pero buong buhay natin ay dito na tayo nakatira!”

“Ma,legal po ang nangyari at wala na tayong magagawa. Now,kumalma ka at magpahinga,may haharapin lang ako.” ani ko at tinungo na ang aking kwarto para magbihis.

Kung si Sir Kael nga ang may kagagawan nito,kaya kong isakripisyo ang pagmamahal ko para sa kanya. Mas matimbang pa din ang pamilya ko.

At kung si Maam Grazilda naman,ay makakatikim sya sa akin ng higit pa sa naranasan nya sa restaurant. Punong puno na ako sa mga pinag gagawa nya.

Matapos maligo at makapag bihis ay naabutan ko si Mama na naglalagay ng mga gamit namin sa mga kahon. Muling kumirot ang puso ko. Hindi namin deserve ang ganito,wala kaming ginagawang masama sa kahit sinong tao.

“Makakabalik ka ba anak bago mag gabi? Paano kung dumating ulit sila?” maiyak iyak na sabi ni Mama. “Humingi kaya tayo ng tulong kay Pipo?”

“Sandali lang ito,Ma. At saka problema natin ito. Huwag tayong mandamay.” ani ko at humalik sa pisngi nya. “Babalik ako agad.” at tuluyan na akong lumabas ng bahay.

Agad akong pumara ng taxi at sinabi kung saan ang destinasyon ko. Mabuti at hindi traffic,agad akong nakarating sa La Beau.

“Nandyan ba si sir Kael at Maam Grazilda?” agad kong tanong sa guard.

“Oo Faye. Nasa board meeting ata sila.”

“Salamat.” agad akong pumasok at tinungo ang elevator. Habang sakay ng elevator ay kung anu-ano ng eksena ang pumapasok sa isipan ko.

Parang lumolobo ang ulo ko at para ding humihinga. Unti-unti na namang bumabangon ang aking galit.

At ng nasa tamang palapag na ako ay diretso ang lakad ko patungo sa conference room. I don’t care kung mabulabog silang lahat! Matitikman nila ang galit ko.

Padarag kong binuksan ang pinto. Maingay sila at parang hindi nagkakasundo,ngunit agad din silang napatingin sa akin.

“Kael,Grazilda! Mag uusap tayo!” ang galit kong sabi.

“What’s this? Paano sya nakapasok dito?” ang galit na tanong ni Grazilda.

“I can’t believe this! Sino na ang bagong may ari ng La Beau?” sabi ng isang board member.

“Go out Fag! What’s happening? Bakit hindi na ang pamilya ko ang may ari ng La Beau?” ang tensyunadong sabi ni Grazilda. Parang umurong ang dila ko. Pero hindi ito ang oras para umatras.

“Bakit nyo ginawa sa pamilya ko yon?” ang sigaw ko na ikinatigil nilang lahat. Ngumisi si sir Kael kaya lalo akong naguluhan.

“This meeting is nonesense! I can’t believe na wala na kaming karapatan sa La Beau! What did you do Kael? You betrayed us!” sigaw ni Grazilda,tumayo at naglakad papunta sa akin.

“Tulad ng napag usapan. Binenta sa akin ng mga share holders at stock holders ang mga share nila. So 10% na lang ang natira sa inyo Grazilda.” ani Kael. Napatigil sa paglalakad si Grazilda at nilingon si Kael.

Umatras ako. Wrong timing,aabangan ko na lamang sila sa hallway. Hindi sila makakaligtas sa kasalanan nila sa pamilya ko.

“And you all agree with this? Mananagot kayo kay Dad!”

“Tapos na ang pagtitiis namin sa inyo Maam. Nung pinahawak nyo kay sir Kael ang La Beau ay nagkaroon kami ng pag asa,gumanda ang sales ng company,dumami ang mga nag invest kumpara nung kayo pa ang namamahala. Kaya ng kausapin kami ni Sir Kael sa pagbili ng La Beau ay pumayag kaming lahat.” sabi ng isa sa pinaka matandang board member.

“This is crazy–”

“At ang taong nakatayo sa pintuang iyan. Ang dati kong secretary,si Ferancio Ballesteros.” ani Sir Kael kaya napatigil ako sa pagpunta sa pinto. Lalabas na sana ako para abangan sila. “Siya na ang bagong may ari ng La Beau. Sa kanya ko ipinangalan ang lahat.”

Katahimikan.

Parang nabingi ako sa sinabi ni Sir Kael.

Anong sabi nya? Nagkamali ba ako ng dinig? Nililinlang lang ba ako ng pandinig ko? Panong naging ako? Is this a part of their game?

Pumalakpak sila kaya nagulat ako. Ngunit hindi ko napaghandaan ang sunod na nangyari.

“Ikaw ang may kasalanan ng lahat! Youre a pest! Salot ka nga! You will pay for this!” galit na galit si Grazilda habang sinasabunutan ako.

“Grazilda! Stop that!!” sigaw ni Sir Kael. Masakit na ang ulo ko. Hanggang sa napalayo na si Grazilda. Pag angat ko ng ulo ay hawak na sya ng mga board members. Agad naman akong niyakap ni Sir Kael,literal na masakit ang ulo ko,nasa mga kamay pa ni Grazilda ang aking mga buhok.

“You will all pay for this!!” nagwawalang sabi ni Grazilda.

“Legal lahat ng ito Grazilda. Im sorry,ginamit nyo ako,ginamit ko din kayo. Tapos na ang panggagamit at pananakal nyo sa akin.” sabi ni Sir Kael at hinigpitan ang yakap sa akin.

Ako naman ay parang sasabog na ang ulo. Pati ang dibdib ko ay parang sasabog na din.

“Sige! Magsaya kayo! Tama lang ang ginawa ko sa pamilya ng baklang iyan! Pero hindi p ako tapos! Hindi ako susuko!” at tuluyan na itong lumabas ng conference room.

“Tapos na ang meeting. Maraming salamat sa lahat. Bukas ulit,same time.” ani Sir Kael at isa-isa ng lumabas ang mga board members.

Ako naman ay kumalas sa pagkakayakap ni Sir Kael.

“Tapos na Faye.”

“Tama ka. Tapos na. Tapos na tayo! Pagkatapos ng lahat ng ito,hindi ko na kaya! Nawalan kami ng tirahan dahil sayo! At ngayon hindi namin alam kung saang kangkungan kami pupulutin!” ang singhal ko sa kanya na ikinagulat nya.

“What do you mean?”

“Huwag ka ng painosente pa! At ano yung sinasabi mong ako na ang may ari ng La Beau? Ginagago mo nga akong talaga!” at agad akong lumabas ng confession room.

“Ferancio! I don’t know what youre talking about. Bumalik ka dito. Hindi mo pwedeng iwanan ang La Beau!” habol nya sa akin. Dahil medyo nahihilo ay mabagal ang pagtakbo ko.

“Sayo na ang La Beau. I don’t need that. Masaya ako na nagawa mo na ang gusto mo. Pero tama na,ng dahil sa akin nahihirapan ang pamilya ko. Nang dahil sa pagmamahal ko sayo,umabot tayo sa ganito. Were done.” ani ko at naglakad ulit.

Sobrang sakit para sa akin ng pakikipaghiwalay sa kanya. Pero hindi pwedeng patuloy kaming magmamahalan hanggat may Grazilda na nasasaktan at mananakit.

Ang bigat lang sa dibdib. Akala ko ay magiging okay ang lahat. Alam kong mali na medyo sinisi ko sya,pero pamilya ko ang na agrabyado.

Pero sumisiksik pa din sa isipan ko ang sinabi nyang ako na ang may ari ng La Beau. Bakit sa akin nya ipinangalan? Hindi ko iyon kailangan at hindi ko iyon hiningi sa kanya. Nag aksaya lang sya ng panahon.

Bakit kasi sya pa ang minahal ko? Una palang ay hindi ko na sya gusto. Pero tae kasi tong puso ko,masyadong malambot,bumigay agad ako. Nakalimutan kong bukod sa langit at lupa ang agwat ng mga buhay namin ay isa akong bakla. Bakit ba kasi ako nagpadala? Bakit ba kasi ako umasa?

Pagdating ko ay ganun na lamang ang gulat ko na nakapadlock na ang bahay.

“Nasan sila?” ang kinakabahan kong tanong sa sarili.

“Faye? Naka alis na ang Mama at Papa mo,dala lahat ng gamit nyo ay may sumundo sa kanila.”

“San daw sila Manang Ising? Bakit hindi ako hinintay?” ang nanlalambot kong tanong.

“Hindi ko alam eh. Teka? Bakit ganyan ang buhok mo? Anong nangyari sayo?” ani Manang Ising at lumapit.

“Wala po ito Manang Ising.” ani ko. Shit! Ang sakit ng ulo ko at hapdi ng anit ko. Natanggal talaga yung extension ko kanina.

“Sigurado ka? Uhm tawagan mo kaya?”

“Batt empty po ako eh.” ani ko. Which is true,okay na din iyon para hindi ako ma-contact ni Sir Kael.

“Tumuloy ka kaya muna sa bahay Faye? Namumutla ka eh.”

“Naku,hindi na po. Sige po aalis na ako.” ani ko,ngumiti at naglakad na palayo.

May isa akong taong kilala na pwedeng kumuha sa mga magulang ko. Tinawagan siguro sya nina Mama at Papa. Pero ayoko nun,ayokong may ibang tao kaming magambala dahil sa problema namin.

Nag aabang na ako ulit ng taxi ng may tumigil na kotse sa harapan ko. Kotse ni sir Kael,kaya agad akong umatras.

“Faye,lets talk. Alam ko na ang nangyari. Alam ko na ang ginawa ni Grazilda. Mag usap tayo,pwede kayong tumira sa condo unit ko ng libre lahat.”

“Huli na.”

“Hindi pa,Faye. At saka ngayong ikaw na ang may ari ng La Beau,hindi ka na muling maghihirap pa. You deserve it.”

“Bakit?”

“Dahil mahal kita Faye,mahal na mahal. Lahat ay kaya kong ibigay sa iyo. Gusto kong maging masaya ka sa akin.” aniya at hinawakan ang mga kamay ko.

“Pero nadamay na ang pamilya ko.” ang naiiyak ko na namang sabi.

“We can fix this. Alam kong mahihirapan tayo kay Grazilda. Pero dalawa tayong lalaban. Huwag kang bibitaw.” aniya at niyakap ako.

I don’t know,pero lahat ng galit at hinanakit ko ay biglang nawala. Natunaw na lamang bigla,ganun ko talaga siguro kamahal ang lalaking ito. To the point na agad nyang napapawi ang mga hindi magaganda kong nararamdaman.

Kaya ng isakay nya ako sa kotse nya ay agad akong sumama. Naisip ko na hindi ako dapat magduda sa kanya. Ginawa nya ang lahat para sa akin,pero pagdududa lamang ang isinukli ko.

“Puntahan natin sina Mama at Papa kina Pipo. Alam kong nandun sila.” ani ko ng nasa byahe na kami.

“As you wish. Anything for you.” nakangiti nyang sabi at kumindat pa. Para tuloy nagkaroon ng drum and lyre sa dibdib ko dahil sa ngiti at kindat nyang iyon.

Pagdating sa tapat ng bahay nina Pipo ay nag ring ang phone ni Kael. Agad nya itong sinagot.

“Yeah? Napatawag ka?” ani Kael at tumingin sa akin. Natigilan sya at namutla. “Totoo ba yan? Nasan sya? Okay pupunta ako.” pagtatapos nya sa usapan at tumingin sa akin ng may nangungusap na mga mata.

“Anong nangyari? Bakit namumutla ka?” ang kinakabahan kong tanong. Hindi maganda ang nase-sense ko.

Huminga sya ng malalim bago nagsalita.

“Nag suicide si Grazilda.”

Beau # 17

“Ano?” ang hindi makapaniwala kong tanong. Bakit gagawin ni Grazilda yon? Akala ko ba matalino sya?

Ngayon ay sinisisi ko na ang sarili ko. Its all my fault. Kasalanan ko kung bakit naging ganito ang lahat. Ako ang gumulo,akala ko magiging okay ang lahat,pero hindi din pala.

“Faye. I know what youre thinking. Please stop that.” ang nag aalalang sabi ni Kael.

“Kasalanan ko lahat.” ani ko at pinunasan ang mga luhang kumawala.

“Please don’t say that. Ayusin mo sarili mo. Ipapakita mo ba sa mga magulang mo na ganyan ang itsura mo?” aniya at hinawakan ang kamay ko,naramdaman ko ang init nya. “Ililipat ko muna kayo,pagkatapos ay mag usap tayo saka ko pupuntahan si Grazilda. Please huwag kang mag isip ng hindi maganda.” at hinalikan nya ang likod ng palad ko,huminga ako ng malalim.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi at ginawa nya. Paano nya nagagawa iyon? Ang pawiin ang mga negatibong bagay na naiisip at nararamdaman ko?

“Lets go inside.” aniya,tinanggal na namin ang seatbelt namin at sabay kaming bumaba ng kotse.

“Nandyan ba si Pipo?” ang agad kong tanong sa guard. “Pakisabi nandito si Faye.”

“Opo. Itatawag ko lang sa maid’s quarter.” anito at dinampot na ang telephono. Ilang saglit pa ay bumukas na yung maliit na pinto sa kanilang gate.

“Pasok po kayo.” sabi ng isang katulong. Ang laki na talaga ng pinagbago ng buhay ni Pipo. At masaya ako sa nangyayari sa kanya. Pagkatapos ng mahabang panahon ng kanyang paghihirap at ito sya ngayon,maginhawa na ang buhay nya.

“Yumaman pala talaga ang kaibigan mong yon.” ani Sir Kael habang sinusundan namin ang katulong.

“Oo. Dahil ang ama nya mismo ang humanap sa kanila ng pamilya nya.” ang agad ko namang sagot. Tumigil kami sa tapat ng isang pinto.

“Nasa loob po sya. Pasok lang kayo.” ani ng katulong at umalis na. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago binuksan ang pinto,agad kaming pumasok ni Sir Kael.

“Pipo.” ang pagtawag pansin ko dito dahil abala ito sa pagbabasa ng kung ano. Nag angat sya ng tingin at nginitian ako,ngunit ng mapatingin sya kay Sir Kael ay agad ding nawala ang tingin nya.

“Faye! Mabuti at naisipan mo akong puntahan! Na miss kita!” agad syang tumayo at lumapit. Yayakapin nya sana ako pero nagsalita si Sir Kael.

“Don’t you even dare. Nandito kami para kunin ang mga magulang ni Faye,lilipat na sila sa condo ko.”

Biglang nangunot ang noo ni Pipo at bumaling sa akin.

“Wala dito sina Tito at Tita Faye. Anong nangyari? Teka? Bakit ganyan buhok mo?” napanganga ako. Wala dito sina Mama at Papa? Nasan sila?

Magsasalita na sana ako ng biglang tumunog ang phone ni Sir Kael.

“Tell him. At kakausapin ko lang itong tumatawag.” ang pagtango ni Sir Kael,dinukot ang bulsa sa phone at lumabas na.

“Wala sila dito?” ang kinakabahan kong tanong. Hindi pwede ito. Nasan ang mga magulang ko.

“Teka,kumalma ka at sabihin sa akin ang nangyari. Huwag ka munang mag isip ng hindi maganda.” ani Pipo at hinawakan ang aking mga balikat,nagsisimula na kasi akong maiyak.

Kinwento ko sa kanya ang lahat,walang labis,walang kulang. “Hindi ko na alam kung saan ko sila hahanapin,Pipo.”

“We’ll do something about this. Kumain ka muna,maligo at magpahinga.” ani Pipo habang mataman ding nag iisip.

Bumukas ang pinto at pumasok si Sir Kael. Galit sya at hindi ko alam kung anong pinag usapan nila ng kausap nya.

“May hinala na ako. Pupuntahan ko ang puno’t dulo ng lahat ng ito. Huwag kang mag alala,makakabalik din agad ang mga magulang mo.” ani sir Kael ng makalapit. Agad ko syang niyakap.

“Sasama ako.”

“Dito ka lang. Magpahinga ka. Ako ang dahilan ng lahat ng ito at ako din ang tatapos. Iwasan mong mag isip ng mga negatibong bagay.” at hinalikan nya ako. Tinugon ko ang halik nya. God! This man really knows how to ease my burden.

“Ahem.”

Agad kaming naghiwalay ni Sir Kael. Napayuko ako,nakakahiya at nakita ako ni Pipo na ganon. But shet talaga! I can still feel his lips,nalalasahan ko pa din ang matamis na laway ni Sir Kael.

“And you. Iiwanan ko lang saglit si Faye sayo. Don’t dare or don’t even think of doing something behind my back.” ang pagbaling ni Sir Kael kay Pipo.

“Okay.” nakangising sabi ni Pipo.

Muli akong hinalikan ni sir Kael at tuluyan ng lumabas.

“Nakakainggit naman ang Kael na yon. I wonder,anong lasa ng labi mo? Matagal ko ng pinapantasya na mahalikan ka.” ani Pipo at nilapitan ako. Biglang tumambol ang dibdib ko.

“Pipo,huwag.”

“But I won’t kiss you. Nahalikan ka na nya. Nagsisisi tuloy ako na nagpakagago ako dati. Edi sana,noon pa man naging akin ka na.” aniya at tumalikod.

Ewan ko. Hindi na ma absorb ng isipan ko ang mga nangyayari. Ang tanging gusto ko na lang ay matapos na ang lahat ng ito.

“Pipo,please. Pagod na ako.” ang nanghihina ko ng sabi. Pagkatapos ng lahat ng nangyari,pakiramdam ko ay sasabog na ang utak ko. Para bang any moment ay mabibiyak na ang ulo ko.

“Im sorry. Samahan na kita sa guest room.” aniya. “Sumunod ka sa akin.” at lumabas na kami.

Talagang malaki ang bahay nina Pipo. Hindi ko mabilang kung ilan ang kwarto,napaka haba ng paliko likong pasilyo,maliligaw ka kung hindi mo kabisado. Naisip ko tuloy,kailan ko kaya maititira sa ganitong bahay sina Mama at Papa? Sana ayos lang sila.

Pag lipas ng limang oras at hindi pa din bumabalik si Sir Kael,ako na ang kikilos,hindi pwedeng manatili ako dito na walang ginagawa. Pero sa ngayon,tama si Pipo at Sir Kael,kailangan ko munang magpahinga.

“Maraming salamat Pipo. Balang araw masusuklian ko din ang kabutihan mo.” ani ko ng nasa loob na kami ng guest room. Malawak ito,may malaking kama sa gitna,puti ang pintura sa paligid na may mga kaunting itim. Napaka presko sa mga mata,malinis. May isa ding aircon at may sariling banyo.

“Wala yon. That what’s friends are for diba? Sige na,maligo ka na,hahanapan kita ng maisusuot tas kakain ka na din at magpapahinga.”

“Salamat talaga.” ani ko. Kumindat lang sya at lumabas na. Naupo ako sa kama,kinuha ang phone ko at tinitigan ito. Wala pang text o tawag si Sir Kael,ano na kayang nangyari?

Kung si Grazilda ang kumuha sa mga magulang ko,hindi ko talaga sya mapapatawad. Pero paano nyang magagawa iyon eh nasa La Beau din sya ng mawala sina Mama at Papa? At ngayon nga daw ay nag suicide sya?

Ugh! Ang sakit sa ulo!

Tumayo na ako at pumasok sa banyo. Namangha ako dahil pati banyo ay napaka ganda,nasa loob ng isang cubicle ang toiletbowl na sliding ang pinto,naka hiwalay naman ang shower.

Naghubad na ako at ipinatong sa sink ang lahat ng damit ko,lalabhan ko ito pagkatapos kong maligo.

Tumapat na ako sa shower at binuksan ito. Ang lamig ng tubig,ang sarap sa pakiramdam. Nagsisimula na akong magsabon ng katawan ng bumukas ang pinto. Sa gulat ay hindi ako agad nakakibo.

“Im sorry,wala kasing sumasagot kaya dito ko sana ilalagay ang damit mo.” ani Pipo na nakatitig sa akin. “Maliligo na din naman ako,so pwede bang makisabay?” pumasok sya at isinara ang pinto.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi agad umandar ang utak ko kaya nanatili akong nakatingin sa kanya.

“A-ahm.. Pipo.” pero tumabi na sya sa akin at tumapat na din sa shower. Dun ko lang napansin,na tulad ko ay hubo’t hubad na din sya.

Napatingin ako sa gitna nya at napasinghap. Shit! Bakit nadedemonyo ako? Kaya ang ginawa ko ay tumalikod at pinagpatuloy ang pagsasabon.

“Ako na magsasabon sa likod mo.” aniya at kinuha ang sabon sa akin. Wala na akong nagawa dahil sobrang kinakabahan na ako.

Ang gwapong mukha ni Pipo,na bumagay sa pagiging semi kalbo nya,ang hikaw nya sa kanang tenga,ang pagka badboy image nya ay may tinatago palang magandang katawan. Ngayon ko lang sya nakitang hubad,at aaminin ko,sobrang lakas ng tukso.

Nang lumapat ang palad at sabon sa aking likod ay muli akong nagpigil na huminga,kakaiba ang ginagawa nyang pagsabon,nararamdaman ko din ang init ng katawan nya.

Alam kong pareho na kaming nadadarang,at nakumpirma ko ito ng dumikit sya sa akin at damang dama ko sa likod ko ang naghuhumindig nyang pagkalalaki.

“I can’t take this anymore. Im sorry,Faye.” at hinawakan nya ang ulo ko,itinagilid nya at siniil ako ng halik. At sa pagkadarang ko ay tinugon ko ito.

Habang mainit kaming nagpapalitan ng halik ay naramdaman kong sinabon nya ang aking butas. Napasinghap at ungol ako sa sensasyon.

“Hindi tama ito Pipo.” ani ko ng saglit na maghiwalay ang aming mga labi.

“Isang beses lang Faye. Ang tagal kitang minahal. Ang tagal kong pinagpantasyahan ang araw na ito. Now,I know what your lips taste. But I won’t more,at isang beses lang please.” aniya at dinilaan ang earlobe ko,kasabay ng paghimas nya sa butas ko kaya napaghiwalay ko ang aking mga hita.

“P-pero hindi ito tam-aahhh shit.” hindi ko na naituloy dahil dahan dahan na nyang ipinasok ang mahaba at mataba nyang pagkalalaki.

“I love you Faye.” at siniil nya ako ulit ng halik. Nakatalikod pa din ako sa kanya habang nakatagilid ang ulo ko at naghahalikan kami at habang naglalaba’s pasok sya sa akin.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Kakaiba ito sa pagtatalik namin ni Sir Kael,siguro ay dahil nabigla ako? Nanginginig ang mga tuhod ko at hindi alam kung saan ako kakapit para makasuporta ang katawan ko dahil sa malakas at mabilis na pag indayog ni Pipo sa aking likod.

Nagulat na lamang ako ng nasa tapat na ulit kami ng shower. Napakapit ako sa pader at napapikit. Damang dama ko ang kiliti at kakaibang sensasyong dinudulot ni Pipo. Basang basa na kami sa tubig na nagmumula sa shower.

Hanggang sa ibang posisyon naman. Iniharap nya ako,itinaas ang kaliwang hita at muling pinasok ng pabigla kaya napasandal ako sa pader.

Hanggang sa may matamaan sa loob ko si Pipo kaya sinabayan ko ang kanyang ritmo. Panay mga pangalan lang ng bawat isa ang aming binabanggit. Napuno ng musika ng pag ungol at halinghing ang apat na sulok ng banyo.

Hanggang sa sumabog ako at naramdaman ko din ang pagsabog nya sa loob ko,damang dama ko ang mainit nyang likido.

Hinugot nya ito at hinalikan ako. Ngunit hindi na ako tumugon pa.

“Maraming salamat,Faye.” aniya at tumapat muli sa shower at nagsabon.

Maling mali ito. Hindi ako nararapat kay sir Kael,pinagtaksilan ko sya. Nadala ako sa tawag ng laman. Hindi ko alam kung may maihaharap pa akong mukha sa kanya.

Beau # 18

Matapos ang nangyari sa amin ni Pipo ay hindi na ako matahimik.

Kumain kami ni Pipo,kinakausap nya ako pero oo at tango lang tugon ko. Hindi ako galit sa kanya,galit ako sa sarili ko dahil nagtaksil ako kay sir Kael,nagpatalo ako sa tukso. Pero naisip ko din na hindi dapat nadadamay si Pipo sa problema ko.

“Magpahinga ka na. Pupuntahan na lang kita sa kwarto mo pag dinner na,you need to regain your energy,para pagdating ni Kael ay handa ka sa kung ano man ang ibabalita nya.” ani Pipo ng nasa tapat na kami ng guest room.

“Maraming salamat ulit.” ngumiti ako at tumango,saka ko binuksan ang pinto at pumasok sa loob.

“Ano na ngayon?” tanong ko sa sarili. Pumasok ako sa CR at tiningnan ko ang aking repleksyon sa salamin. Halatang ang dami kong pinoproblema.

Agad kong napansin ang maliit na cabinet sa taas ng salamin. Binuksan ko ito,may mga gamot at kung anu-ano pa. Nakita ko din ang gunting at agad na may pumasok na ideya sa isipan ko.


Nagising ako sa pakiramdam na may parang humahalik sa akin. Kaya agad akong nagmulat ng mga mata.

“Sorry kung nagising kita.”

“Kael!” agad akong bumalikwas at niyakap sya.

“Ang sarap naman!”

“Ano ng nangyari?” ang agad kong tanong ng bumitaw ako sa pagkakayakap.

“Everything’s fine. Nasa condo unit ko na ang mga magulang mo at ikaw na lang ang hinihintay nila. Ikaw? What happened? Bakit pinutol mo ang buhok mo? Hindi yan magugustuhan nina Chike.” aniya at mabilis akong hinalikan sa labi.

“Maraming salamat! Pwede na ba natin silang puntahan?” ani ko at tumayo na. “Sina Chike? Maiintindihan naman siguro nila.”

“Okay. Tara na.” at magkahawak kamay kaming lumabas. Naabutan namin sa may labas mismo ng bahay si Pipo na may kausap. Nang mapansin kami ay umalis din agad ang kausap nya.

I feel awkward. Magkakaharap na kami ngayon at damang dama ko ang pagka guilty.

“Salamat sa pagbabantay kay Faye.” ani Sir Kael kay Pipo.

“That was nothing. Kahit walang magsabi ay babantayan ko pa din sya. That’s what friends are for.” sagot ni Pipo,napalunok ako. Alam kong hindi nya sasabihin yung nangyari,pero kinakabahan ako na baka mahalata sya.

“Good.” maikling sabi ni Sir Kael.

“Uhm,Pipo. Maraming salamat ulit ah? Don’t worry,makakabawi din ako someday.” ang mahina kong sabi. Ngumisi si Pipo kaya kinabahan ako lalo.

“Don’t mind it. Bayad ka na.” aniya at kumindat pa.

“Lets go,Faye.” agad akong hinila ni Sir Kael papunta sa sasakyan nya.

Habang nasa byahe kami ay panay ang buntong hininga ni Sir Kael. Nagkaroon tuloy ako ng hinala na hindi maganda,pakiramdam ko ay may mali,may hindi tama.

“M-may problema ba?” ani ko at ipinatong ko ang kaliwa kong kamay sa hita nya.

Saglit nya akong nilingon at muling tinutok ang atensyon sa pagmamaneho.

“Pagod lang siguro ako. This whole thing ay sobrang nakaka stress.”

“May magagawa ba ako para mawala ang pagod mo?” pinilit kong lambingan ang boses ko,I know its the only way.

“May magagawa ka. Ang ihanda ang katawan mo mamaya.” aniya,kumindat at kumagat sa labi. Napaka pilyo talaga nya.

“Deal! Kahit ilang rounds pa!” ang napangiti ko na ding sabi.

“Yan! Ganyan dapat!” aniya at tumawa. At ayon,parang nabura na naman ang mga problema ko dahil sa ngiti at tawa nya.

Pagdating namin sa condo ay muli akong namangha. Napaka taas na building. Pumasok na kami at sumaludo kay sir Kael ang guard. Pumasok kami sa elevator at nakita kong pinindot nya ang number 15.

“Nasa pinaka taas ang unit ko,penthouse kumbaga,dati nung college pa ako dito ako nakatira. Pero ngayon inyo na ito.” aniya at kumindat.

“Sobrang dami mo ng nagawa para sa akin. Pero ako wala pa kahit isa.” ang nahihiya kong sabi.

“Stop being like that,Faye. Ang suklian mo lang ang pagmamahal ko ay sapat na.” aniya,inilapit nya ang mukha nya,pumikit ako dahil naaamoy ko na ang mabango nyang hininga.

Pagkalapat ng mga labi namin ay tumunog ang elevator at bumukas kaya agad kaming naghiwalay.

Kunot noong pumasok ang isang parang janitress,yung parang sa house keeping.

“Gusto ko lang pong ipaalala sa inyo na Elevator ito,hindi motel.” anito na nakataas noo pa.

Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi nito. Si Sir Kael naman ay nagpipigil ng tawa.

Tae! Nakakahiya!

10th floor ay bumaba na yung babae. Paglabas pa lang nito ay humagalpak na ng tawa si Sir Kael.

“Adik ka!” at sinapak ko sya sa braso na lalo nyang ikinatawa.

TING!

15th floor pala ang pinaka taas,kaya pala penthouse. Buong 15th floor,at masasabi kong mas malaki pa ang lawak nito sa dati naming bahay.

“What can you say?” aniya ng pumasok kami. Namangha ako sa ganda,maayos ang mga gamit, maaliwalas sa mata ang pintura. “Ang kusina ay nasa kanan,tatlo ang room,bawat room ay may sariling banyo. Kung ayaw magpa laundry ni Mama mo,pwede syang maglaba may labahan sa labas ng pinto sa may kusina,pwede din dun magsampay.”

“Hindi ko alam kung anong sasabihin ko,pero maraming maraming salamat dito Kael!” at agad ko syang siniil ng halik,tinugon naman nya at nanlambot ako ng sipsipin nya ang lower lip ko.

“Teka,huwag dito.” nakangisi nyang sabi. Nakaramdam tuloy ako ng hiya.

“Nasan sina Mama at Papa?” ang tanong ko na lamang at tumingin sa paligid.

“Probably natutulog na sila dahil sa pagod. Bukas ka na lang makipag kamustahan sa kanila. Pwede ko na bang kunin ang reward ko?” aniya at tinitigan ako. Nakakatunaw talaga ang paraan nya ng pagtingin sa akin.

At ng tuluyang maglapat ang aming mga labi ay kinalimutan ko muna ang lahat ng problema. Ni hindi ko namalayang nasa loob na pala kami ng isang kwarto kung hindi pa lumapat ang likod ko sa kama.

At ang buong gabi na iyon ay pinagsaluhan namin ang aming pagmamahal. Ni hindi ko alam kung ilang beses namin iyon inulit. Nagpaka wild ako na talagang ikinagulat nya.

Hanggang sa kapwa kami pawisan at pagod kahit na malamig ang buga ng aircon. Nakatulog ako na nakapatong sa kanya at nakapasok pa din ang kanya sa akin.

Nang magising ako ay sobrang sakit ng katawan ko. Saglit pa akong napatulala dahil nanibago ako sa paligid. Agad kong tiningnan ang tabi ko ngunit wala na doon si Sir Kael. Naalala ko yung nangyari kagabi kaya napangisi ako. Hindi ko alam na kaya ko pala magpaka wild ng ganun sa kama.

Bumangon na ako at dumiretso sa banyo. Pagkatapos maligo ay napansin ko agad ang mga gamit ko. Bakit hindi ko ito napansin kagabi?

Lumapit ako sa closet,pagbukas ko ay nandun ang mga damit ko. Si Mama siguro ang naglagay. Nagbihis na ako at saka lumabas. Nasa may kusina sina Mama at Papa,naghahanda na ng almusal.

“Ferancio! Anak,halika at mag agahan na tayo.” ang pag anyaya ni Papa at lumapit na.

“Naku anak! Ang dami naming ikekwento sa iyo.” segunda naman ni Mama ng maka upo na ako.

“Teka po. Nasan si Sir Kael?”

“Nandito ba sya? Naku,sayang at hindi kami nakapag pasalamat ng personal.” ang sabi ni Papa kaya nagtaka na ako.

“Huh? Sinong nagdala sa inyo dito?” ang taka kong tanong at kumain na din.

“May sumundo sa amin kahapon,naka kotse,tas may truck,dun nakalagay ang gamit natin.” ani Papa.

“Sorpresa daw iyon kaya sumama kami. At nung nilagyan ng piring ang mga mata namin ay hindi na kami nagreklamo.” ani naman ni Mama.

Piring? Teka,parang may mali? Hindi muna ako nagsalita at hinayaan ko silang magpatuloy sa pagkekwento.

“Tapos ayun nga,may pinagdalhan sa amin,ang tagal din siguro namin dun. Tapos pagkalipas ng ilang oras ay umalis na kami,pagtanggal namin sa mga piring nandito na kami.” masigla pa ding pagpapatuloy ni Mama sa kwento nya. Pero ako ay may iba ng naiisip.

“Tinanong namin kung bakit ganun. Basta daw,tas magpasalamat na lang daw kami kay sir Kael,at ayun umalis na sila. Masyado kaming namangha sa bahay na ito kaya agad kaming nag ayos,sa pagod ay nakatulog kami ni Mama mo.” dagdag pa ni Papa at nagpatuloy sa pagkain.

May mali talaga eh. Ramdam na ramdam kong may hindi tama sa pangyayari. Paano magagawa ni Sir Kael iyon kung the whole time ay magkasama kami? At sa una pa lang ay wala ng alam si Sir Kael,kaya nga pareho naming pinuntahan si Pipo dahil buong akala ko ay nakina Pipo ang mga magulang ko. Wala syang ibang kausap maliban lang nung may tumawag at sinabing nag suicide si Grazilda,at bakit daw sorpresa? At ng bumalik si Sir Kael ay ayos na ang lahat?

Agad akong napatayo ng may marealized ako. Hindi ito pwede!

“Bakit anak?” sabay na tanong nina Mama at Papa ngunit hindi ko sila pinansin. Agad akong bumalik sa kwartong pinanggalingan ko.

Tiningnan ko ang buong kwarto. Agad kong napansin ang nakatiklop na papel sa ibabaw ng bed side table.

Lumapit ako,kinuha ito at naupo sa kama. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at nanginginig ako. Hindi ito pwedeng gawin sa akin ni Sir Kael. Pero kung tama ang nasa isip ko,karapat dapat pa ba ako sa kanya gayong pinagtaksilan ko sya?

Nanginginig na binuklat ko ang sulat. At nahiling ko tuloy sa sarili ko,na sana ay hindi ko na lamang ito binuksan at binasa.

PRE-FINALE

PRE FINALE

AN/ Ayon! Umabot na tayo sa puntong ito. Huwag sana kayong mainis sa akin. You’ll know everything sa Grand Finale. Enjoy reading po! =)

~

KAEL’s Point of view

Matapos ang mainit naming pagtatalik ni Faye ay hinintay ko syang makatulog. This will be the last,ayokong masaktan pa sya pero kailangan kong magsakripisyo para hindi na sila guluhin ni Grazilda.

Nagbihis na ako,kinuha ko sa bulsa ng pantalon ko ang sulat na kahapon ko pa nagawa dahil sa kagustuhan ni Grazilda. Call me weak,coward,but its the only way para hindi na magulo ang pamilya ni Faye.

I really love him. Never in my wildest dream na magmamamahal ako ng same sex,but I just did. Kung bakla na din ako dahil minahal ko si Faye ay malugod kong tatanggapin.

Tinupi ko ang sulat at ipinatong ito sa bedside table. Masakit para sa akin ang gawin ito,sobrang mahal ko na talaga sya at ang gawin itong bagay na ito ay tumutusok sa puso ko.

“Mahal na mahal kita,Faye. Sana maintindihan mo ako. At sana mapatawad mo din ako.” bulong ko sa natutulog na si Faye at mabilisan syang hinalikan sa labi saka ako nagmamadaling lumabas.

Pagpasok ko sa kotse ko ay alas sinco na ng madaling araw. Makakahabol pa ako sa airport,paniguradong nandun na si Grazilda at naghihintay.

Habang nagmamaneho ay hindi ko maiwasang maisip ang nangyari kahapon. Sobrang kinakabahan pa ako dahil sa ginawa nyang pag suicide,pero ng makarating ako sa bahay nila,it was just a trap. Plinano nya ang lahat,and I can’t even believe na makakagawa sya ng ganon.

“Hindi pa huli ang lahat Kael,sumunod tayo kina Mom and Dad sa Houston at papakawalan ko ang mga magulang ni Ferancio.” aniya pa habang nakaupo sa sofa.

“So,hindi ka talaga nag suicide? You planned this? Tama nga ang hinala ko.” tiim bagang kong sabi habang tinitingnan sya ng masama.

“Kael you know me? Ano,sasama ka ba sa akin o mawawalan ng mga magulang ang baklang iyon?” aniya at nag de quatro saka ako nginitian.

She’s really evil. Hindi ko alam kung bakit nagpaka tanga ako nun. Pero ngayon,kung gamitan ang gusto niya ay game ako. Besides,sigurado na ako sa magandang kinabukasan ni Faye at ng pamilya nya dahil sa kanya ko nga ipinangalan ang La Beau.

“Sige. Pakawalan mo ang mga magulang ni Faye. Susundin ko ang gusto mo,pero mangako kang hinding hindi mo na sila guguluhin,Grazilda.”

“Mangako ka din na ako lang,na hindi mo na iisipin ang baklang pangit na iyon. Pumayag na akong nasa kanya na ang La Beau,pero hindi ako papayag na pati ikaw ay maagaw nya sa akin. Hindi ako magpapatalo.” aniya,tumayo at lumapit sa akin,ipinulupot nya ang mga kamay nya sa batok ko.

“Sige,pero pakawalan mo na ang mga magulang nya at ihatid sa condo unit ko.” ang sabi ko. Patawarin sana ako ni Faye,sana sundin nya ang gusto ko na bumalik na sya sa La Beau.

“Then,that’s a deal. Pagdating sa Houston ay magpapakasal tayo. Bubuo tayo ng pamilya,tama ng pinagbigyan kitang tumikim ng iba’t ibang babae noon. This time,magpapaka asawa ka at magpapaka ama sa mga magiging anak natin.” mahaba nyang sabi.

She is really wise,pero I have other plans. Sa ngayon,kunwari ay sunod-sunuran ako sa kanya.

Nang makarating ako sa airport ay nakita ko agad si Grazilda na naghihintay habang nakaupo.

“I thought youre not coming.” aniya at hinalikan ako.

“Marunong akong tumupad sa usapan Grazilda.” ani ko at naupo sa tabi nya. Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa Houston,pero sisiguraduhin kong babalik ako sa Pilipinas para kay Faye,at sana sa mga panahong iyon ay may balikan pa ako.

Alam kong may mga umaaligid kay Faye,pero tiwala ako sa pagmamahal nya sa akin. Naalala ko pa nung una sobrang ayaw ko sa kanya,bakla na nga pangit pa. Pero yung pangit na baklang iyon ang minahal ko.

Tama nga sila,kahit sino ay pwede mong mahalin,sino nga ba ang mag aakala,na ang katulad kong pervert,manwhore ay magmamahal ng isang bading? Hindi ko alam kung paano at kailan nagsimula,pero mahal na mahal ko talaga sya.

Sigurado ako na sa mga panahong ito ay maaaring gising na sya at nabasa na nya ang sulat. Pero huwag sana syang bumitaw,kailangan ko pa sya,at babalikan ko pa sya.

Nang tinawag na ang mga pasahero papuntang Houston ay tumayo na kami ni Grazilda at tuluyang pumasok sa loob.

“Babalikan kita Faye.” ang bulong ko.

Nang makapasok at makaupo na kami sa eroplano ay panay na ang daldal ni Grazilda,but Im not listening,si Faye pa din ang iniisip ko hanggang ngayon.

====================

Faye’s Point of view

Hindi ko matanggap ang mga nangyari. Sinisisi ko ang sarili ko,pero tapos na yon eh,ang tangi ko na lamang magagawa ay sundin ang gusto ni Sir Kael,ang bumalik sa La Beau at hawakan ito.

Hindi man ito bukal sa aking loob ay tinanggap ko na lamang para kay sir Kael. Naniniwala din kasi ako na kung kami talaga ang para sa isa’t isa ay gagawa ng paraan ang tadhana,pero kung hindi,ako mismo ang gagawa ng paraan,I just need time.

Pagpasok ko pa lang sa lobby ng La Beau ay lahat bumati agad at nagbigay galang,naninibago ako,hindi ako sanay sa ganito.

Isang buwan ko itong pinag isipan. Maya’t maya na din kasi ako kinukulit nina Chike at ng iba ko pang kaibigan sa La Beau na kailangan na daw nila ako bago pa mag meeting ulit ang mga board of members at magbotohan ng bagong CEO. At ngayon pinagbigyan ko na ang gusto ni sir Kael,alam kong dito nya ako babalikan. Kung ano man ang balak ni Grazilda,alam kong may balak din si Sir Kael,at dito ako sa La Beau maghihintay sa pagbabalik nya,dahil ibabalik ko din ito sa kanya.

“Mr.Ballesteros,dumeretso daw po kayo sa conference room.” ani ng receptionist.

“Sige,salamat.” ani ko at ngumiti. Dumiretso ako sa elevator at sumakay.

Naaalala ko pa yung huling punta ko dito,halos isang buwan na din pala yon,isang buwan na ding wala si Sir Kael.

“Aasahan ko pong gagabayan at susuportahan nyo ako sa posisyong ito. Maaaring magkamali ako ngunit sa pagkakamali ay matututo ako. I will do anything para magpatuloy at umangat tayo. Hanggang sa dumating ang panahong bumalik si Sir Kael. Maraming salamat po sa tiwalang ibinigay ninyo.” ang mahaba kong pagtatapos sa aking speech. Pumalakpak sila at nagsitayuan,lumapit sa akin at kinamayan ako at binati.

Masaya na sana ako sa suporta,pero may isang tiningnan lang ako ng masama saka lumabas ng conference room.

Si Homer,alam ko naman na si Grazilda ang kinakampahin nya. Pero trabaho ito,kung ayaw nya sa akin,kailangan nyang magpaka propesyunal.

“Ikaw ang secretary ni Kael,alam naming alam mo kung paano patakbuhin ang La Beau. Congratulations again Mister Ballesteros.” ang pinaka huling bumati sa akin,ang pinaka matagal na sa La Beau at isa sa may pinaka malaking share dati bago nya ibenta ito kay Sir Kael.

Nang wala ng tao sa conference room ay napag pasyahan ko ng lumabas. Ngunit ganon na lang ang gulat ko paglabas.

“CONGRATULATIONS FAYE!!” ang sabay sabay nilang pagbati. Nandito sila lahat,mula kina Chike,Powder,Rara,Nay Julia,Debbie,Monica,Perry at si Faust.

“Salamat! Pero alam nyo namang panandalian lang ito.”

“Hindi na importante yon. Sa pagbalik ni Sir Kael,dalawa na kayong boss namin!” ani Debbie at niyugyog pa ako.

Nalungkot ako bigla. Isang buwan pa lang na wala si Sir Kael pero ang laki na ng nagkulang sa buhay ko. Miss na miss ko na sya.

“Oh,huwag ng malungkot teh! Babalik si sir Kael,at pagbalik nun,wala na talagang Grazilda!” ani Chike at nagbeso sa akin.

“Tama na yan! Naghihintay na yung mga pagkain sa inarkila kong restaurant! Baka mapanis!” ang pagsingit ni Faust na ikinatawa naming lahat.

Masaya kami sa lunch na naganap. Walang patid ang kamustahan at kwentuhan. Buo sana ang kasiyahan ko kung nandito si Sir Kael.

Kamusta na kaya sya? Ano na kayang ginagawa nya? Medyo masakit pa din pala talaga ang katotohanang si Grazilda ang kasama nya at hindi ako. Pero madami din naman ako kasing pagkakamali. All he ever did was love me,pero puro pagdududa ang isinukli ko.

Alam kong iniisip nya na galit ako sa kanya dahil sa ginawa nya. Pero hindi,naiintindihan ko na parte na naman iyon ng pagsasakripisyo nya. At ngayon,ang paraang maisusukli ko sa lahat ng ginawa nya ay ang tuparin ang kagustuhan nya na bumalik ako dito sa La Beau,higit sa lahat ay magtiwala na babalik sya,dahil lahat kami ay iyon ang pinaniniwalaan.

At pag dumating ang araw na bumalik sya,at pwede pa kami ay wala na akong sasayanging pagkakataon. Hinding hindi ko na sya bibitawan,ibibigay ko na sa kanya ang buong ako.

Mabilis na lumipas para sa akin ang mga araw,mabuti na lang at nandito ang mga kaibigan ko sa La Beau,kahit papaano ay nawawala na ang pagkatulala ko dahil sa kakaisip kay sir Kael.

“Ihanda mo ang sarili mo. May gustong makipag meeting sayo. They want La Beau to organize their coming event at may iba pa din silang pakay.” direderetsong sabi ni Homer pagkabukas nya ng pinto ng opisina ko.

“S-sige. Ngayon na ba?”

“Oo! Nasa isang restaurant ang makakameeting mo. My god! Kung hindi lang ano eh hindi ako ang pupunta dito.” inis na sabi ni Homer at lumabas na.

Napangiti ako. Hindi man ako gusto ni Homer ay nagpaka propesyunal naman sya. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay inis pa din sya sa akin,pareho lang naman kaming bakla.

Agad na akong naghanda. Tumingin muna ako sa salamin. Who would have think na ang isang effeminate gay ay magiging CEO ng isang kilalang company? Ang laki na ng pinagbago ng itsura ko,hanggang leeg ang buhok ko na bobcut,ang pananamit ko ay formal pag nasa opisina,hindi naman ata kaaya aya na pambabae ang outfit ng isang CEO,besides Mr.Ballesteros ang tawag nila sa akin.

“I really think you should get a secretary.” ani Faust ng makasabay ko sa elevator.

“Hindi na kailangan. Para sa akin ako padin ang secretary,at si sir Kael pa din ang boss.” ang sagot ko at ngumiti.

“You really love him. Miss mo na ba sya?” ani Faust. Parang gusto ko tuloy maiyak dahil sa tanong nya.

“Oo sobra.” sagot ko,tumulo ang mga luha ko at agad ko ding pinunasan.

“Don’t cry. You’ll see him soon.” sabi ni Faust at tinapik ang balikat ko. Tumunog ang elevator at bumukas. “Dito na ako,see you around,Faye.” at lumabas na sya.

Abala ako sa pagpunas ng mga luha ko kaya hindi ko na napansin ang lalaking pumasok.

Umaandar na pababa ang elevator ng biglang umalog ang paligid,kasunod nun ay ang pagkamatay ng ilaw.

“Fuck!” tensed kong sabi. At naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin. Kasunod nun ay naramdaman kong dumausdos ang elevator pababa.

The Grand Beki FINALE!

AN/ GUSTO ko lang po kayong pasalamatan,dahil hanggang dito sa huling pahina ng buhay pag ibig ni Ferancio ay sinamahan nyo sya. Alam kong marami sa inyo ang nagtataka na natapos na ito. Tulad ng lagi ko pong sinasabi,hindi ko hilig pahabain ang kwentong gawa ko,pero depende din minsan sa takbo ng pangyayari. Pero itong kwento ni Ferancio ay hanggang dito lang po talaga. Again,maraming salamat po sa pagbabasa,pagcomment at pag boto. Maraming maraming salamat po. =)

===================

Pagmulat ko ng mga mata ay madilim parin,pero medyo nasanay na ng konti ang mga mata ko sa dilim. Nakasubsob ako sa balikat ng taong yumakap sa akin.

Shit! Sino to?

Agad ko syang tinulak,naramdaman kong umuga ang cart kaya napamura ako.

“Its alright Faye. Makaka alis din tayo dito.” at tumayo sya.

Nanginig ako sa narinig ko. Nananaginip ba ako? O patay na ako dahil tuluyang bumulusok pababa ang elevator. Siguro nga patay na ako,paano mapupunta dito sa loob si Sir Kael eh nasa Houston sya kasama si Grazilda.

Dahan dahan syang lumapit at halatang nag iingat na huwag umuga ang cart. Naglahad sya ng kamay. Kahit medyo madilim ay nasisigurado kong sya iyon. Agad kong tinampal ang sarili ko para kung panaginip man ito ay agad akong magising.

“What are you doing? Bakit mo sinampal sarili mo?”

“Ikaw nga!” agad akong tumayo at niyakap sya. Kaya pala pamilyar ang amoy at init ng katawan nya. Ngunit sa ginawa kong iyon ay umalog ang cart at muling bumulusok pababa. Napahigpit ang yakap namin sa isa’t isa dahil dun.

Kung mamamatay man ako,atleast sa kahuli-hulihang hininga ko ay kasama ko si Sir Kael.

Yan ang nasa isip ko ng mga panahong ito.

“Kalma lang. We’ll find a way to get out of here.” ani Sir Kael ng tumigil muli ang cart. Dinig na dinig ko ang mabilis at malakas na tibok ng puso nya. I want to kiss him but I know its not the right time lalo na at nasa bingit kami ng kamatayan.

Dinig na dinig ko ang sigawan ng mga tao. Sigurado akong lindol ang dahilan,its not really safe na nasa ganito kang lugar pag lumilindol.

Napasinghap ako ng kumalas sa yakap si Sir Kael,gusto kong magprotesta. Pero hindi ito ang panahon para maglumandi. Gusto ko din syang tanungin,but it can wait.

Bumukas ang ilaw. Probably ang generator ng La Beau ang ginamit.

“May butas sa taas. Doon tayo pwedeng dumaan.” ani Sir Kael.

“Huh? Baka mas lalo tayong bumulusok pababa pag nadagdagan ang bigat sa itaas.” ang agad kong hindi pag sang ayon. Ngunit huli na dahil naka akyat na sya sa itaas ng cart.

“Do you trust me?” aniya.

“Yes.” sabi ko at napalunok. May tiwala ako sa kanya,tapos na ang mga panahong puro pagdududa ang aking isip.

“Give me your hands Ferancio. Nauubusan na tayo ng panahon! I just dont wanna die here ng hindi ko nagagawa ang gusto kong gawin sayo. Gusto pa kitang makasama hanggang sa pagtanda natin.” ma awtoridad nyang sabi ngunit nagdulot ng kakaibang kilig sa akin na humaplos sa puso ko.

Without hesitation ay iniabot ko ang mga kamay ko sa kanya,buong lakas nya akong hinila pataas. Pagdating sa ibabaw ng cart ay muli itong umalog kaya napayakap ako sa kanya.

Swerting ilang pulgada lang ang taas sa amin ng isang pinto ng elevator. I don’t know kung nasaang floor na kami pero naririnig kong ginigiba nila iyon at may sumisigaw sa labas. Sobrang pinagpapawisan na ako at kinakapos sa hangin.

Paglingon ko kay Sir Kael ay may hawak na syang bakal at hindi ko alam kung saan nya nakuha. Ito ang ginamit nyang pangbukas sa pinto ng elevator,at ng bumukas ito ay nakakita agad ako ng pag asa.

“Dali,tumuntong ka sa akin para maka alis ka na agad.” aniya at inilahad ang mga kamay.

“Paano ka?”

“Huwag mo akong alalahanin. Hindi ako mamamatay ng hindi ka nahahalikan.” aniya na nagpangiti sa akin.

Agad akong tumuntong sa mga kamay nya. Iniangat nya ako at naabot ko ang pinto ng elevator.

“Faye!” si Faust,agad nya akong hinila pataas. Kompleto ang lahat,nandito din ang mga empleyado.

Ngunit pagtapak na pagtapak ko sa sahig ay nadinig kong bumulusok ang cart pababa kaya agad akong napalingon.

“SIR KAEL!!” ang sigaw ko agad at lumapit sa elevator. Hindi ko na agad napigilang tumulo ang mga luha ko.

“Stop crying you cry baby!”

“Huh?” ang gulat kong reaksyon. Dun ko lang napansin na nakakapit pala sya sa sahig. Agad ko syang hinila at tinulungan ako nina Faust.

Pagka angat kay Sir Kael ay agad ko syang niyakap at hinalikan. Nagulat man sya ay tinugon din nya ang halik ko. Pakiramdam ko ay muling nakompleto ang buhay ko dahil sa halik na iyon.

“Akala ko tuluyan ka ng nawala sa akin.” ani ko ng kumalas ako sa aming halikan.

“That would never happened. Pero ngayong nahalikan na kita ulit,pwede na akong mamatay.” aniya,at sya na ang humalik sa akin.

“Baka pwedeng dalhin ka muna sa ospital sir Kael,dumudugo ang ulo mo.” boses iyon ni Nay Julia.

“Hindi makapag hintay? Nahiya naman daw kaming lahat na nakakakita.” sabi naman ni Debbie kaya agad kaming kumalas sa halikan.

“Now that you mention it Nay Julia. Kailangan ko ngang magpadala na sa ospital. Bukod sa masakit ang ulo ko at nahihilo ako ay ang bilis pa ng tibok ng puso ko.” nakangising sabi ni Sir Kael at bumangon.

“Baliw!” at hinampas ko sya sa braso na ikinatawa lang nila. Nakakahiya!

“Kung makalaplap uhaw na uhaw!” pahabol pa ni Chike na mas ikinatawa ng lahat.

======================

Kakalabas ko lang ng private room ni Sir Kael dito sa ospital ng makasalubong ko si Faust kasama si Homer.

“Gising ba sya? May sulat akong dala galing kay Graz.” ani Homer.

“Oo,nanonood sya ng Tv.” ang sagot ko naman at ibinaling ang tingin kay Faust na nakangisi. May mga gusto akong itanong kung paano napunta si Sir Kael sa elevator.

“Okay! Haay! Hindi ko alam kung bakit ako ginagawang messenger this past few days! Pasalamat kayo at nagpapaka bait na ako.” ani Homer at pumasok na sa private room. Nagkatinginan kami ni Faust at saka napatawa.

“May relasyon ba kayo?” ang hindi ko mapigilang tanong. Matagal ko na din kasi iyong iniisip,napaka over protective kasi ni Homer kay Faust.

“Hahahaha! Wala! Ang totoo nyan ay half brother sya ni Mama. Nang mamatay ang mga magulang ko ay si Homer na ang nag alaga sa akin.” napanganga ako dahil sa rebelasyon ni Faust. “Magkapatid talaga ang turingan nila ni Mama,halos magpatiwakal na nga sya sa depression,anak sya sa labas at kami lang ni Mama ang malapit sa kanya. Kaya ayon,naging protective na sya sa akin,pero huwag ko daw sya tawaging Tito dahil baka hindi daw ako magka girlfriend,kaya pasensya na din kung sinusungitan ka nya.” mahaba pa nyang dagdag.

Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin.

“Ah. Now I understand. Pwede naman kaming maging magkaibigan ng tito Homer mo.” nakangiti kong sabi.

“He would loved too,nahihiya lang yon.”

“Teka nga,paano napunta sa elevator si Sir Kael? At yung meeting na pupuntahan ko dapat nun,ano ng nangyari?”

Tumawa si Faust kaya tinaasan ko agad sya ng kilay. May nasense tuloy akong sabwatan.

“Actually,its his idea. Sinabihan nya kaming nandito na sya sa bansa at huwag daw ipaalam sayo. Si Homer ang naging messenger,the original plan was holdapin ka sa elevator at dalhin sa isang restaurant. But the earthquake occur,kaya ayon ang nangyari. Tama nga ako na hindi mo mapapansin na sya ang pumasok sa elevator.” mahaba nyang sabi at tumawa ulit.

“Pinagkaisahan nyo ako! Mga baliw!” ang tanging nasabi ko na lamang. Tumawa sya at nagpaalam na kakausapin din nya si Sir Kael.

Ako naman ay nagpatuloy na sa paglalakad palabas ng ospital. Kailangan kong bumili ng mga prutas dahil naubos na ni sir Kael ang dala nina Chike na prutas.

Sa supermarket ko naisipang bumili. Idadamay ko na sina Mama at Papa na nagrereklamong puro meat na lang daw ang nakakain nila mula ng maging CEO ako ng La Beau. 

Nasa counter na ako ng may bumati sa akin.

“Nabalitaan ko ang nangyari sa La Beau. Nagkaganun din sa company namin ng lumindol.”

“Yeah. Nagka trauma ata ako,hadanan na lang ang gagamitin ko.” ani ko. Sakto natapos na ang pag punch sa mga pinamili ko.

“Nagbalik na din pala loverboy mo. It means wala na talaga akong pag asa.”

“Oh Pipo. Please? Huwag natin yan pag usapan dito.” nahihiya kong sabi dahil pinagtitinginan na kami.

Isipin pa ng mga nakakarinig napaka ambisyosa kong bading.

“Pwede ba tayong maglunch?” sa halip ay sabi nya. Theres something in his eyes na hindi ko matanggihan.

Sa isang coffee shop kami nagpunta.

“Mahal na mahal kita Faye pero mukhang wala na talagang pag asa.” ang malungkot na sabi ni Pipo. Naaawa ako sa kanya,sana hindi na lang ako ang minahal nya,madaming ibang nababagay sa kanya,maraming babaeng maghahabol sa kanya.

“Makakahanap ka din ng iba Pipo. Hindi ako ang para sa iyo. Huwag mong sayangin sa akin ang damdamin mo. Kaya kitang suklian ng pagmamahal na pagkakaibigan,pero ang pagmamahal na gusto mo ay hindi. Dadating ang araw na makakahanap ka ng para sayo. Pero mananatili akong kaibigan mo.” ang mahaba kong sabi at hinawakan ang mga kamay nya.

“Youre right. I think I have to start a new. Mas gugustuhin ko nga sigurong magkaibigan lang tayo. Maraming salamat sa lahat ah?”

“Its nothing. Remember,you’re my bestfriend?” ani ko at nginitian sya. Hiniling ko na sana ay agad nyang makita ang karapat dapat para sa kanya.

Matapos ng pag uusap naming iyon ay sumama si Pipo sa ospital para kamustahin at kausapin si Sir Kael.

Masaya ako sa kinalabasan ng mga pangyayari. Pero kailangan pa naming magkausap at magkaintindihan ni Sir Kael.

======================

Kabadong kabado ako dahil ngayon ang dinner date namin ni Sir Kael with his family. Sa tinagal tagal naming magkakilala ay ngayon ko lang talaga makikilala ang pamilya nya.

“Pumikit ka ng maayos! Nanginginig ang talukap mo! Hindi malagyan ng eyeshadow!” ang reklamo ni Chike habang mini-make-up’an ako. Kasama din sina Mama at Papa.

“Kinakabahan kasi ako. Dapat ba talagang magbihis at mag make up?”

“Natural! Gusto mo bang humarap sa pamilya ni Sir Kael na mukha kang gusgusing beki?” ang segunda ni Rara na inaayos ang buhok ko.

“Babae ka sa paningin ni Sir Kael,kaya dapat babae ka talaga! Huwag mong sayangin ang pinaghirapan natin! Bruha ka.” ani Chike na ikinatawa namin.

“Ang taray ng Beki La Fea natin. Pamamanhikan na agad? Ang swerte ng mga baklang gaya mo.” ani Powder na katatapos lang ayusan si Mama sa labas.

“Makakahanap din kayo. Huwag atat.” sabi ko na lamang.

Maya maya pa ay may nag doorbell na. Isa siguro kina Mama at Papa ang nagbukas ng pinto. Hanggang sa pumasok si Papa sa kwarto ko.

“Nandyan na ang maghahatid sa atin kina sir Kael. Tapos na ba iyan?” ani Papa na pormang porma. Lumabas tuloy ang kagwapuhan nya.

“Yes father dear! Off to go na kayo!”

At sabay sabay na kaming lumabas.

Sina Chike ay may pupuntahan pa daw,samantalang kami nina Mama at Papa ay sumakay na sa kotse na sumundo sa amin. Panay ang papuri nila at daldalan,pati ang driver ay dinadaldal nila,samantalang ako ay hindi mapakali.

Paano kung hindi ako magustuhan ng pamilya nya? Paano kung mas gusto pa din nila si Grazilda? Paano kung…

Ugh! Hindi dapat ako nag iisip ng mga negative na bagay! Yun ang laging bilin sa akin ni Sir Kael. Paano ba naman,dati wala akong insecurities,wala akong pakealam kung laitin ako. Pero mula ng maging kami ay panay na ang insecurity ko,lagi na akong natatakot sa sasabihin ng ibang mga tao.

Pagdating kina Sir Kael ay mas lalo akong kinabahan. Sa pakiwari ko nga ay nanlalamig at nanginginig ako. Blouse at leggings lang naman suot ko,masyado ba itong manipis kaya nilalamig ako?

Sinalubong kami ng isang maid,natanong ko tuloy sa sarili ko kung nasaan si Sir Kael.

“Finally! Kinabahan ako? Akala ko hindi kayo makakarating.” biglang sulpot ni Sir Kael mula sa kung saan. Nag mano sya kay Mama at Papa saka bumaling sa akin. “Ang pangit mo talaga!”

“Wow huh? Ngayon mo lang ulit ako ginanyan! Maraming salamat!” sarkastiko kong sabi.

“Im just kidding! Lets go! Hinihintay na nila kayo.” at kinurot nya ang ilong ko.

“Ngayon ako kinabahan.” ang pagsingit ni Mama na nakahawak pa sa dibdib. “Ang laki ng bahay nyo Sir,tas yung mga muebles parang mas mahal pa sa buhay ko.” dagdag ni Mama,sinuway sya ni Papa kaya napahagikgik kami ni Sir Kael.

“Don’t be,’ma! Mas mahal ko pa din si Ferancio.” aniya at kumindat pa. Parang tumalon ang puso ko ng tawagin nyang ‘Ma’ si Mama.

Dinala nya kami sa napakalaki nilang dinning hall. Napaka haba ng mesa. Nasa pinaka dulo ang papa ni Sir Kael,sa right side ang Mama nya. Nakakatakot,mukha silang sobrang istrikto.

“Have a seat ang let’s start our dinner.” ang ma awtoridad na sabi ng Papa ni Sir Kael,bigla tuloy kaming napaupo.

“Mom,Dad,natatandaan nyo si Faye diba? Sya yung dati kong secretary na ngayon ay mahal na mahal ko. At sila naman sina Papa Bert at Mama Fatima,parents ni Faye.” ang pagpapakilala ni Sir Kael.

“Goodevening po!” sabay naming sabi nina Mama at Papa. Nakaka intimidate sila.

“Im Karlo and this is my wife Klare. Hindi namin inaasahan na lalaki din ang mamahalin ng kaisa isa naming anak,inaasahan pa naman naming sya ang magpapatuloy ng lahi namin.” ani ng Dad ni sir Kael.

“Pero kailangan naming tanggapin dahil kung sino ang mahal ng anak namin ay dapat din naming mahalin.” dagdag ni Maam Klare na kahit may edad na ay maganda pa din. “Akala talaga namin ay si Grazilda na,pero ng malaman namin ang ginawa ng pamilya ni Grazilda ay nanlambot kami.”

“Mom,Dad? Please,ibang bagay na lang ang pag usapan.” ang pagsingit ni Sir Kael. Kami naman nina Mama at Papa ay tahimik lang.

I need to say something,hindi pwedeng puro si Sir Kael na lang ang naninindigan.

“Listen.” ani sir Karlo. Ma awtoridad at talagang matatahimik ka. “Gusto naming malaman ang lahat kaya pinaimbistigahan namin ang pamilya ni Grazilda,and then nalaman din namin na isang bakla nga ang kinababaliwan ni Kael kaya nagkaganun si Grazilda,hindi ko matanggap na–”

“Pa!” ang pagputol dito ni Sir Kael.

“Mawalang galang na po,pero ang sinasabi nyong isang bakla ay anak namin. At mahal na mahal namin si Ferancio.” ang pagsingit ni Papa. Kailangan ko na ding magsalita.

“Hindi ko po alam kung kailan at paano nangyari. Pero nagising na lamang ako na mahal ko na si Sir Kael. Nilabanan ko naman po pero sadyang makapangyarihan ang pagmamahal.” ani ko at nilingon si Sir Kael na halatang nagulat sa sinabi ko,ginagap nya ang aking kamay at pinisil. “Wala po sa estado ng buhay at sa kasarian ng isang tao masusukat ang pagmamahal. It just glow and flow naturaly,pinapangako ko po na wala akong ibang intensyon kundi mahalin ang anak nyo with all my heart and soul.” ang pagtatapos ko. Nagkatinginan sila,nasabi ko na ang dapat kong sabihin,bahala na kung hindi pa din nila kami matanggap.

“Mom,Dad. Mahal na mahal ko po si Faye,at ngayong ayos na ang lahat,gusto kong kayo ang unang makaalam kaya nga pumayag ako ng sinabi nyong gusto nyong makilala si Faye at ang pamilya nya.” ani Sir Kael.

Nagulat na lamang kami ng sabay na tumawa sina Maam Klare at sir Karlo.

“Sino bang nagsabi na tutol kami? Ipapaliwanag lang sana namin ang nangyari pero nag interrupt kayo.” ani Maam Klare na nagpupunas ng luha dahil sa kakatawa. Kami naman ay gulantang pa din.

Anong nangyari?

“Na amazed nyo kami Faye,kayo din Bert at Fatima.” sabi naman ni Sir Karlo. “Welcome to the family.”

Nagkatinginan kami ni Sir Kael,yung kaba ko tuluyan ng nawala,pero ang luha ko dahil sa kaba kanina ay kumawala. Pinunasan ito ni Sir Kael. “Don’t cry. Pasensya na kung kinabahan kayo. Ganyan talaga mag power trip sina Mom and Dad.”

Power trip? Jusme! Halos mawalan na ako ng ulirat sa sobrang kaba,trip lang pala?! Pag untugin ko kaya ang pamilyang ito?

“Kinabahan ako,pakiramdam ko na flat ang dibdib ko.” biglang sabi ni Mama,halos mapa facepalm ako,hindi na makahinga sa kakatawa si Maam Klare.

“Ako nga din. Mag agree nga sana ako kanina,kasi inaasahan ko din na si Ferancio ang magpapadami sa lahi ko eh.” pagsabat ni Papa kaya pati si Sir Karlo ay humagalpak na sa tawa.

Mga magulang ko ba talaga sila?

Matapos ang dinner ay umakyat kami ni Sir Kael sa kwarto nya. Napaka masculine ng kulay,malinis at mabango,ang itsura ng kwarto nya ay tulad ng itsura ng kwartong gamit ko sa condo unit nya.

Umakbay sya sa akin at naupo kami sa kama.

“Anong nangyari sa inyo ni Grazilda sa Houston?” ang tanong ko habang nakahilig ang ulo ko sa balikat nya.

“Patawarin mo ako at iniwan kita.” aniya at mas hinigit ako.

“Hindi mo kailangan humingi ng tawad,naiintindihan kita. Nagsakripisyo ka para sa akin at sa pamilya ko. Ako ang dapat humingi ng tawad.” ang sabi ko naman. Handa na akong aminin sa kanya ang nangyari sa amin ni Pipo.

“Dahil ba nagpagamit ka kay Pipo? Sobrang sakit nun,pero naiintindihan kita. Mahal kita at lagi kitang iintindihin.” mahina nyang sabi. Agad nanlaki ang mga mata ko. Paano nya nalaman iyon? “Nagtataka ka siguro. Nung gabing may nangyari sa atin,nagulat ako dahil agad kitang napasok.”

“Im sorry. Hindi ko naisip na–”

“Sshh. Huwag na natin yan pag usapan. You know what happened diba? Pag punta namin sa Houston ay balik kami sa dati ni Grazilda,she want us to get married. Pero on the 3rd week,she met this guy,eventually,at that very moment nainlove sya. Siya na mismo ang pumutol sa kung anong meron kami. On the 4th week nagplano na ako ng gagawing surprise para sayo,and that’s how we end up on that elevator.” mahaba nyang paliwanag. Wala na akong masabi,lahat ng gusto kong malaman ay nasagot na.

“Thank you.” sincere na sabi ko.

“For what?” taka nyang tanong.

“For loving me for who am I,for loving me the way you loved me. For everything.“ang maiyak iyak ko ng sabi. Sobrang overwhelming kasi ng nararamdaman kong pagmamahal para sa kanya.

“And thank you too. I don’t like cheesy and flowery words. I just love you and I don’t know how much. Its overflowing. I just want to prove it.” aniya at hinawakan ang mukha ko. Nagkatitigan kami. Ang mga mata nyang walang kasing ganda na naglalaman ng kanyang nararamdaman ay nakatutok lamang sa akin.

“Mahal na mahal kita. You don’t have to prove it. Nararamdaman ko iyon mula pa nung umpisa.” ang sagot ko at ipinagpatuloy ang pagtitig sa napaka gwapo nyang mukha.

“You know what? Love is not just saying how much you love the person. Love is how you do it with that person.” paanas nyang sabi at tinawid nya ang pagitan ng aming mga mukha.

Buong magdamag naming pinagsaluhan ang aming pagmamahalan na matagal tagal din naming hindi naipadama sa isa’t isa.

Sino ba ang mag aakala,na ang isang panget na baklang gaya ko ay makakahanap at makakatagpo ng isang lalaking mamahalin ako ng tapat at totoo? Hindi lang sa teleserye at fairytale nangyayari yon no? Kaya sa mga gaya ko,huwag kayong mawalan ng pag asa.

Hindi porket panget ka ay wala ka ng karapatang sumaya at lumigaya. Tandaan nyo,minsan hindi sa panlabas na anyo tayo minamahal ng taong magmamahal sa atin,hindi din sa estado ng buhay at lalong lalo ng hindi sa kasarian.

Ako nga pala si Ferancio Ballesteros,at dito na nagtatapos ang kwento ng buhay pag ibig ko.

THE END 

All rights reserved: June 30,2014

Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.