loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Beloved Bastard (Completed)

Beloved Bastard (Completed)

Nickolai214 · 49 chapters · 88,022 words

Major Characters

Rafael “Ralf” Certeza Jasper Ivan Gutierrez

Aurelia Gutierrez Lyndon Gutierrez Lola Corazon Certeza

Celine Ortiz Jako Iriola

Chapter 1

Beloved Bastard

Season 1

Ivan Gutierrez

2019

Napakurap ako nang magsimula ng mapagod ang mga mata ko dahil mula pa kanina ay walang hanggang kadiliman at malakas na buhos ng ulan na lamang ang tanging nakikita ko sa kahabaan ng delikadong daan na tinatahak ko.

Hindi ko na halos makita ang daan dahil sa hamog at bagsak ng tubig mula sa madilim na kalangitan.

Sinasabayan pa ito ng malalakas na pagkulog at nakakadama ako ng matinding kaba sa tuwing guguhit ang mahahabang kidlat sa langit.

Hindi na halos kinakaya ng wiper sa windshield ko ang malakas na buhos ng ulan sa salamin ng kotse ko.

Kinakabahan na rin ako dahil anumang sandali, sa isang pagkakamali ko lang ay maaaring dumiretso ang sasakyan ko sa mga bangin sa magkabilang bahagi ng daan.

Putcha! Anong klaseng kalsada ba kasi ito? Hindi na ako magtataka kung bakit madalas ang aksidente sa lugar na ito.

Sumulyap ako sa oras. Halos mag-aalas-nueve na pala ng gabi. At hindi ko pa rin natatanaw ang kabayanan. My God!

Napakadilim sa magkabilang bahagi ng daan at walang ilaw sa lugar dahil puro gubat at bangin ang mga nakapaligid sa daan.

Bakit ba naman kasi ngayon pa umulan ng ganito kalakas kung kailan nasa kalagitnaan na ako ng biyahe ko pauwi ng San Isidro.

Tinantiya ko na kanina na makakarating na ako sa bayan bago pa mag-alas-sais ng gabi.

Subalit ang dapat na apat na oras na biyahe ko ay humaba pa dahil hindi ako makapagpatakbo ng matulin sa gitna ng napakalakas na ulan na ito at sa kadiliman ng gabi.

Hindi ko alam kung may bagyo ba na pumasok sa bansa dahil sa mga nagdaang mga araw ay halos hindi na ako nakakapanood man lang ng balita sa tv o nakakapakinig man lang sa radyo.

Pilit kong inaalis ang takot na nararamdaman ko sa pamamagitan ng pagkainis sa mga politiko sa bayang ito.

Napakarami nilang pinapangako sa mga tao kapag nangangampanya sila tuwing eleksyon subalit mapalad na ang mga mamamayan dito kung may natutupad nga kahit na isa man lang sa mga iyon.

Katulad na lamang halimbawa ng kalsadang tinatakhak ko ngayon. Five years ago ay ganito rin ang daan, walang ipinagbago. Aspaltong naturingan pero ni hindi pinagkaabalahang ayusin at tapalan ang malalaking lubak.

Five years. Five long years.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko. Sa nakalipas na mga taon, dapat ay nakalimot na ako. Dapat ay hindi na ganito ang nararamdaman ko.

Pero katulad ng kalsadang tinatahak ko ay wala ring ipinagbago ang damdamin ko. Nararamdaman ko pa rin ang kirot sa dibdib ko.

Inabot ko ang windshield at pinunasan ko gamit ang palad ko ang hamog doon na sanhi ng ulan sa labas at air-conditioning ng sasakyan ko nang bigla akong napahugot ng maluwag na paghinga.

May natatanaw na akong liwanag mula sa malayo. Nangangahulugan na ilang minuto na lamang ay makakarating na ako sa bayan.

Umusal ako ng pasasalamat at bahagya ko nang binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan ko.

Ilang sandali pa, sa wakas ay binabaybay ko na ang kabayanan. Dahil sa malakas na ulan ay wala na akong makitang bahay na nakabukas ang mga bintana.

Ang iba nga yata ay mga natutulog na. Kunsabagay ay probinsiya ito. Hindi ito kagaya sa maynila na kung kailan gabi ay saka pa lamang nagsisimulang magsilabasan ang mga tao.

Tinunton ko ang pakanan na kalye na alam kong kinaroroonan ng nag-iisang hotel sa bayan na ito. Doon muna ako magpapalipas ng gabi at bukas ko na muling ipagpapatuloy ang biyahe ko patungo sa Hacienda Aurelia.

Bagaman mahigit isang oras na lamang ang biyahe mula dito sa bayan patungo sa hacienda ay hindi ako mangangahas na magpatuloy pa sa pagmamaneho sa lakas ng ulan na ito nang nag-iisa.

Nang sa wakas ay marating ko ang hotel ay ipinarada ko ang sasakyan ko sa parking area ng dalawang palapag na hotel na ito.

Bukod sa sasakyan ko ay marami ring ibang sasakyan pa ang naroon at nahirapan pa ako sa paghahanap ng mapagpaparkingan.

Mabuti na lamang at may nahanap pa ako sa may bandang dulong bahagi ng lugar.

Katulad ko ay mga biyahero rin marahil ang mga taong nagmamay-ari sa mga sasakyang narito ngayon.

Inabot ko ang maleta na dala ko mula sa passenger seat at ang maliit na payong na nasa dashboard ng kotse ko.

Mabuti na lamang at ipinilit iyong iabot sa akin ni Rita nang paalis na ako sa bahay.

Mabilis akong lumabas ng sasakyan at tinakbo ko na ang lugar patungo sa entrada ng hotel para kahit papaano ay hindi ako gaanong mabasa ng ulan.

Dahil sa lakas ng hangin ay nabasa pa rin ako ng bahagya kahit na may dala na akong payong at sinigurado ko na hindi mababasa ang maleta na dala ko.

Nasa covered entrance na ako ng hotel nang bigla ay bumangga ako sa matigas at tila pader na dibdib.

Sa pagkabigla ko ay nabitawan ko ang maleta at payong na hawak ko. Kahit ako ay mawawalan rin sana ng balanse kung hindi lang ako mabilis na nahila sa braso ng malalakas na kamay ng lalaking nakabanggan ko.

Dahil sa lakas ng paghila niya ay halos napasubsob ako sa matipunong dibdib niya at hindi ko naiwasang masamyo ang napakabangong amoy ng katawan niya na humalo sa mamahaling cologne na gamit niya.

“Are you alright?” sabi ng lalaki sa malalim na tinig.

Nag-angat ako ng paningin uoang humingi ng paumanhin sa lalaking nabangga ko.

“I’m sor-” nabitin sa lalamunan ko ang sasabihin ko sana. May pakiramdam rin ako na huminto rin ako sa paghinga sandali dahil nakatitig ako ngayon sa pares ng pamilyar at madidilim na mga mata. “R-ralf?”

“What took you so long, Ivan?” may galit sa tinig niya nang bigkasin niya ang mga salitang iyon.

Gusto ko na ring dumaing dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko. Ano bang problema ng lalaking ito?

“Paalis na talaga ako para sana salubungin ka sa daan. Holyshit, Ivan! Ano pa bang silbi ng cellphone mo kung palagi na lamang ay hindi ka makontak ng maayos?” sermon niya.

Pahablot kong hinila ang braso ko at sa patuyang paraan ay sinagot ko siya.

“After five years, you haven’t changed a bit. You’re still the same arrogant bastard you used to be.”

Dinampot ko ang payong ko saka ko isinara. Pagkatapos ay hinawakan ko ang maleta ko bago ako muling humarap sa kanya.

“How did you make it through the hard rain?” galit na sambit ko sa kanya habang nakatitig ako sa mga mata niya.

Five years. Five long years. Pero hindi pa rin nagbabago ang katotohanan na hanggang ngayon ay si Rafael pa rin ang pinakagwapong lalaki na nakilala ko.

Hindi ko alam pero sa kabila ng pagkainis at disgusto ko sa lalaking ito ay hindi pa rin siya pumapalya na pahangain ako sa mga physical features niya.

Matangkad, moreno, hindi siya kaguwapuhan sa unang tingin pero napakalakas ng dating niya at makisig. Mas pinatingkad ng panahon ang nakakaakit na physical features na taglay niya.

Kaya hindi ako nagtataka kung bakit kahit noon pa ay hindi na mabilang na mga babae at pusong babae na ang nagpapakabaliw sa kanya.

Napasulyap pa ako sa malalim na hiwa sa pagitan ng mga dibdib niya na sumisilip sa suot niyang damit na nakabukas na pati ang ikatlong butones.

Hindi naman nakaligtas sa akin ang pagtiim ng mga bagang niya habang nakatitig siya ng diretso sa akin.

“Inaasahan ko na darating ka dito ng alas sais kaya five thirty pa lang ay nandito na ako sa bayan.” inis na sabi niya.

“Hindi ko sinabing salubungin mo ako kaya huwag mong isisisi sa akin na naghintay ka ng matagal!” pilosopong sabi ko sa kanya sa pagalit na paraan.

“Hindi ang paghihintay ko ang ikinagagalit ko. You’ve got me worried. Gabi na at nagsimulang umulan ng malakas kanina paalis pa lamang ako ng hacienda. At nag-aala ako kung ano na ang nangyari sayo sa daan.” sa puntong iyon ay bumaba na ang tinig niya mula sa galit niyang tono kanina na sinasalubong ko rin ng galit na tono ko.

Sa isang sandali ay nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala na iglap din na nawala at may palagay ako na imahinasyon ko lamang iyon.

“Thanks a lot.” sarkastikong sagot ko sa kanya. “You have a funny way of showing it. And there’s your answer, malakas ang ulan. Ano ba naman ang malay ko na aabutan ako ng bagyo sa daan?”

“Kung umalis ka sana ng maaga ay hindi ka aabutan ng malakas na ulan sa saan. But as usual, walang mahalaga sayo kundi ang trabaho mo sa maynila. Gusto ko na ngang isipin kanina na hindi ka na darating. Pero hindi ako makapaniwala na magagawa mo iyon sa Papa mo sa mga huling sandali niya dito sa mundo.” mahabang litanya niya na mas lalong nagdagdag ng inis ko sa kanya.

Yumuko siya upang kunin sa akin ang maleta na hawak ko pero inilayo ko iyon sa kanya.

“I can handle this. Hindi ako baldado.” masungit na sabi ko sa kanya saka ako sumulyap sa loob ng hotel.

Sinubukan niyang akbayan ako ngunit muli ay iniiwas ko na naman sa kanya ang katawan ko. Hindi ako kumportable sa ganoong set up kahit noon pa. Lalo na kung si Ralf ang aakbay sa akin ng ganoon.

Nagkibit na lamang siya ng mga balikat saka niya ipinasok sa bulsa niya ang mga kamay niya.

“Tara na sa loob.” aniya.

Nagsimula na siyang maglakad patungo sa receptionist na sinundan ko naman batbit ang mga gamit ko.

“Dalawang single room, John.” sabi niya sa receptionist pagdating namin sa counter.

“Wait a minute,” singit ko. “Bakit kailangan nating magcheck-in eh pwede naman tayong magpatuloy sa biyahe ngayon?”

Sinulyapan ko sandali ang relo ko sa braso saka ako muling bumaling kay Ralf. “Nine Forty-five pa lang. Bago mag alas-onse ay naroon na tayo.”

Totoong binalak ko kanina na sa hotel na magpalipas ng gabi pero kung nandito lang rin naman ai Rafael at sinusundo ako ay mapapanatag ako sa pagbibiyahe hanggang sa hacienda.

Subalit hindi man lang pinansin ng damuho na Ralf na ito ang mga sinabi ko. Impatiently he tapped his long fingers on the wooden counter.

Mula naman sa pagkakayuko sa record book ay nag-angat na ng tingin ang receptionist na tinawag niya na John kanina sabay kamot sa ulo nito.

“Pasensya na po, Mr Certeza pero isa na lang po ang bakanteng room at single bed lang po ang naroon. Marami kasing biyahero ang sumilong ngayon dito dahil sa biglaang buhos ng malakas na ulan.” sabi ng lalaki sa apologetic na tono.

“Sabi sa forecast ay bukas pa tatama ang bagyo.” bulong ni Ralf saka siya pumalatak.

“Ibigay mo sa akin ang susi.” utos ni Ralf sa receptionist na mabilis namang sinunod nito.

Pagkatapos makapirma ni Ralf sa record book ay iniabot na ni John ang susi.

Nagulat pa ako nang bigla na lamang akong hawakan ng mahigpit ni Ralf sa braso saka niya ako hinila patungo sa hagdan.

Damuho talaga ang lalaking ito. Magpoprotesta sana ako pero kakaibang init ang nararamdaman ko na dumadaloy mula sa kamay niya na nakahawak sa braso ko patungo sa balat ko na hawak niya.

Halos magkandapa-dapa ako dahil sa bilis niyang maglakad kaya natauhan ako saka ko siya sinigawan.

“Ano ka ba? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Pwede naman tayong magpatuloy na sa biyahe.” medyo hininaan ko na ang boses ko nang mapansin ko na nakaagaw na ako ng pansin sa mga ibang guests sa reception area ng hotel.

Huminto sa paglalakad si Ralf. Humarap siya sa akin ngunit hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. Pumalatak siya saka siya napapailing na nakatitig sa akin.

“Nahanginan ka ba? Putcha naman Ivan dito ka ipinanganak at nagkaisip. Alam mo na kapag lumakas ang ulan ay umaapaw ang ilog patungo sa hacienda. Sa palagay mo paano tayo tatawid doon? Range Rover ang dala ko, hindi lantsa.” iritadong sabi niya.

Gusto kong magalit sa pang-uuyam sa tinig niya pero alam ko na totoo ang mga sinabi niya. Bakit ba nawala sa isip ko iyon?

Alam kong hindi kami makakatawid sa tulay kahit gaano pa kalaki ang mga gulong ng sasakyan niya.

“Huwag mong sabihin sa akin na magsasama tayo sa iisang silid. Sa iisang kama. Hindi maaaring mangyari iyon. Ayaw kitang kasama!” mahina ngunit matigas na sabi ko sa kanya.

Hindi ako sinagot ni Rafael. Nagpatuloy siya sa pagpanhik at sa puntong iyon ay binitawan na niya ang kamay ko.

Dahil mabigat ang dala kong maleta ay hirap na hirap ako sa pagdadala nito paakyat sa hagdan. Naiwanan tuloy ako ni Ralf sa ibaba at nang sulyapan ko siya ay nahuli ko pa ang pilyong ngiti sa mga labi niya habang pinagmamasdan niya ako na nahihirapan sa pagbuhat ng maleta ko.

“Ginusto mo yan diba? Napakachildish mo kasi.” nang-iinis na sabi pa niya na lalo kong ikinainis.

Chapter 2

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

San Isidro Hotel

Inirapan ko siya saka na ako nagpatuloy sa pag-akyat ngunit nang nasa kalagitnaan na ako ay bumaba siya para salubungin ako saka na niya kinuha sa kamay ko ang maleta na ibinigay ko naman.

“Bubuhatin din pala kung anu-ano pa ang sinasabi.” naiinis na bulong ko.

Hindi naman iyon pinansin ni Ralf. Nagpatuloy siya sa pagpanhik habang bitbit ang maleta ko. Ako naman ay sumunod na sa kanya sa itaas.

Pagdating namin sa itaas ay iniikot ni Ralf ang mga mata sa dalawang pasilyo na naiilawan lamang ng malamlam na bombilya.

Kumanan siya matapos niyang sulyapan ang numero sa susi na hawak niya. Sa dulo ng pasilyo ay naroon ang silid. Ibinaba niya ang maleta at ipinasok sa susian ang susi.

“Get inside.” utos niya nang tuluyan nang nagbukas ang pintuan.

“No!” matigas na sagot ko. “I wouldn’t share a room with you!”

Isang naiiritang paghinga ang pinakawalan ni Ralf bago niya ako sinagot. “Did you think I had that in mind?” nasa tinig niya ang panunuya sabay hagod niya ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa at pabalik ulit.

“Kilala kita Rafael. Kahit lalaking-lalaki ka ay hindi ka mapagkakatiwalaan pagdating sa bagay na iyan.” matigas na sabi ko.

“You’re a sex maniac na kahit ang mga katulad ko ay hindi mo pagdadalawang isipan na pagsamantalahan basta sinumpong ka ng sakit mo.” dagdag ko pa.

Hindi siya nakakibo dahil alam niya kung ano ang sinasabi ko. Sumulyap pa siya sa katawan ko hanggang sa dumako ang mga mata niya sa medyo matambok na mga dibdib ko.

Medyo malusog kasi ako pero hindi ako mataba dahil may regular exercise at diet ako. Kaya medyo matambok ang mga dibdib ko.

Gusto ko siyang sampalin dahil sa malisyang nasa mga mata niya na sinadya niyang ipakita sa akin.

Sa pakiramdam ko ay nakahubad ako dahil sa paraan ng pagkakatitig niya sa katawan ko. Napasulyap pa ako sa dibdib ko at nakita ko na nakabakat iyon sa suot kong tshirt dahil nabasa ako sa ulan kanina.

“Pagdating sa akin ay napakaselan mo. For all I know, ilang lalaki na rin ang naka-” hindi na niya natapos pa ang sinasabi niya dahil malakas na dumapo ang palad ko sa kaliwang pisngi niya na lumikha pa ng malakas na tunog.

Ilang sandaling maigting na katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Nakita ko pa ang paggalaw ng muscles niya sa mukha dahil sa lakas ng impact ng pagsampal ko sa kanya.

Nakita ko ang galit at pagkainis sa gwapo niyang mukha bago siya tumingin sa akin gamit ang naniningkit niyang mga mata.

“Don’t do that again or you’ll be sorry.” aniya. Nasa tinig niya ang pagbabanta kasabay ng paggalawan ng mga muscles niya sa mukha.

Pinaikot pa niya ang dila niya sa loob ng bibig niya saka niya hinaplos ang pisngi niya na nasampal ko.

Wala akong maisagot sa sinabi niya. Nakatitig lang ako sa kanya na tila natutulala. Nagulat din ako sa ginawa ko.

Hindi ako bayolenteng tao. At ang nakapagtataka ay kung bakit sa muli naming pagkikita ni Ralf makalipas ang ilang taon ay agad niyang napukaw ang galit ko sa kanya. Katulad din noon.

Bahagya pa akong nagulat nang bigla na lamang niluwagan ni Ralf ang pagkakabukas ng pinto. Natatakot ako na baka saktan din niya ako.

“Hindi kita sasaktan kung iyan ang naiisip mo ngayon.” sabi niya sa mahinahon nang tinig.

Pagkasabi niya sa mga katagang iyon ay pumasok na siya sa loob ng silid saka niya inihagis ang maleta ko sa ibabaw ng kamang yari sa bakal na may kutsong kapok. Wala sa loob na lang akong napasunod sa kanya sa loob.

Nilampasan ko si Ralf na humakbang na pabalik sa may pinto. Nasa labas na siya nang lumingon siya sa akin.

“We will leave tomorrow at dawn. Magdelubyo man o umaraw.” matigas na sabi niya pagkatapos ay tumalikod na siya kasabay ng pagkabig niya sa pinto pasara.

Tinulak ko pabagsak ang pinto bago pa man niya iyon tuluyang maisara saka ko diniinan ang doorlock dahil sa pagkainis ko sa kanya.

Napaka-arogante kung umasta. Samantalang badtardong apo lang naman siya ng lola ko.

Sandali akong napapikit habang nakasandal sa likod ng pintuan. I sighed wearily.

Iniikot ko ang paningin ko sa loob ng munting silid na ang puting pintura ay natutuklap na. May isang munting bintana at kulay berdeng kurtina na sa palagay ko ay isang taon nang nakasabit doon.

Ang pang-isahang kama ay may isang nakatuping kumot na puti at may isa ring unan na pinag-iisipan ko pa kung gagamitin ko ba o hindi.

May isang silyang gawa sa kahoy at isang maliit na lumang tokador na may maliit din na salamin.

Dumako pa ang paningin ko sa kabilang bahagi ng silid. May maliit na built-in closet sa may bandang dulo at wala akong balak na buksan iyon at silipin kung ano ang nasa loob.

Humakbang ako patungo sa may pinto ng banyo at itinulak ko iyon pabukas. Sa loob ay isang metro kuwadradong toilet and bath.

Malinis naman ito para sa pamantayan ng mga ganitong mumurahin na pangbiyaherong hotel. 

Ngunit parang gusto kong kiligin sa mga kalawang na nasa dating kulay puting tiles at dating puting toilet bowl.

Pero ano nga ba ang aasahan ko sa mga ganitong uri ng lugar?

Humakbang ako patungo sa may bintana sa may gilid ng kama. Bahagya kong hinawi ang kurtina upang silipin ang nasa ibaba.

Hinanap ko mula sa mga sasakyan na iyon ang sasakyan ni Rafael kahit na hindi ko naman alam kung alin sa mga iyon.

Hanggang sa bigla ay nakita ko siya na patakbong nilapitan ang isang range rover na nakaparada sa may bandang dulo. Dalawang sasakyan mula sa kinapaparadahan ng kotse ko.

Basang basa siya dahil sa malakas na ulan. Sinulyapan ko ang payong ko na ipinatong ko sa may ibabaw ng tokador.

Kahit papano ay nakadama ako ng bahagyang surot ng konsensya. Muli ay sinulyapan ko si Ralf na ngayon ay kasalukuyang naghuhubad ng suot niyang damit pang-itaas.

Nang tuluyan na niya iyong nahubad ay piniga niya iyon saka niya inilagay sa may passenger seat ng sasakyan.

Kitang-kita ng dalawang mata ko kung gaano kakisig at kaganda ang hubog ng katawan ng lalaking ito.

Katawan na kung tutuusin ay daig pa ang ganda ng cuts kaysa sa mga sikat na modelo na rumarampa sa catwalk.

Maaaring naiinis ako palagi kay Ralf ngunit hindi ko maitatanggi na hinahangaan ko minsan ang mga physical features niya. Lalo na ang katawan niya. I find it kinda sexy!

Minsan nga ay hindi ko na rin naiiwasan na pagnasahan ang katawan niya.

Hindi ko alam kung bakit nagagawa ko pang mag-isip ng ganung makasalanan na bagay samantalang mula pa pagkabata ay galit na ako sa lalaking iyon.

Nabitawan ko bigla ang kurtina saka ako napaatras nang bigla na lamang nag-angat ng tingin si Ralf at nahuli niya ako na pinapanood ang ginagawa niya.

Nagtago ako sa pader at sumilip ako sa maliit na siwang sa pagitan ng pader at kurtina.

Nakita ko na nakangiti siya habang nakatingala pa rin sa silid na kinaroroonan ko.

Hindi nagtagal ay pumasok na si Ralf sa loob ng sasakyan saka niya kinabig ang pintuan pasara.

Nagpasya na akong magbihis at wala akong balak na gamitin ang banyo ng hotel na ito.

Pagkabihis ko ay muli akong napasulyap sa labas ng bintana. Napakalakas pa rin ng ulan.

Muli ay hindi ko naiwasan na sumilip doon. Pinagmasdan ko ang sasakyan ni Rafael. Napakatahimik na ng gabi at wala ka nang ibang maririnig pa kundi ang buhos ng malakas na ulan at ang malalakas na pagkulog.

Walang ibang bakanteng silid ang hotel na ito kaya sigurado ako na sa sasakyan na rin matutulog si Ralf. Muli ay nakadama na naman ako ng konsensya.

Masyadong masama ang panahon para matulog sa sasakyan. Pero kaagad ko ring inalis sa isip ko ang bagay na iyon. Hindi pa rin ako kumbinsido sa ideya na magsasama kami ni Ralf sa iisang silid. Sa iisang kama.

Sumulyap ako sa nag-iisang kama na kahit si Ralf ay hindi kakasya dahil sa laking lalaki niya.

No way! bulong ng isip ko saka na ako muling sumukyap sa labas.

Mas lalo pang lumakas ang buhos ng ulan kumpara kanina. Sa lakas din ng hangin sa labas ay halos wala na akong maaninag masyado ngayon.

Humahampas na ang mga dahon ng kung anong puno sa salamin ng bintana dahil sa lakas ng hangin.

Muki ay ibinaba ko na ang kurtina saka na ako humakbang patungo sa kama.

Mayroon pa akong ilang oras para matulog. Iyon ay kung makakatulog ako.

Punung-puno ang isip ko ng mga alalahanin. Ng sama ng loob. Ng dalamhati sa dahilan kung bakit ako uuwi ngayon ng Hacienda Aurelia makalipas ang limang taon na pananatili ko sa Maynila.

Lumipas na ang halos isang oras ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Nararamdaman ko na rin na kumakalam ang sikmura ko dahil ang huling kain ko pa pala ay kanina pang lunch.

Dumaan lamang ako sandali sa nadaanan kong food chain sa gasoline station kung saan ako nagpagasolina kanina.

Pasta lamang ang inorder ko at bukod doon ay wala na akong iba pang kinain dahil nagmamadali na nga akong makauwi.

Bangon ako saka ko kinuha ang wallet ko sa bag ko. Nagpasya ako na lumabas ng silid at bumaba sa canteen ng hotel upang maghanap ng makakain.

Bigla ay pumasok sa isip ko si Ralf. Naghapunan na kaya ang lalaking iyon?

Napailing na lamang ako dahil sa naisip ko. Bakit ko ba naiisip ang ganung mga bagay? Hindi naman siguro siya ganun ka-ignorante para magpabaya siya sa sarili niya.

Naglakad na ako sa pasilyo saka ako bumaba ng hagdan. Tinalunton ko ang daan patungo sa nakita kong canteen kanina. Mabuti na lamang at bukas iyon kahit sa ganitong oras ng gabi.

Dumiretso na ako doon at naghanap ng pagkain na maaari kong bilhin. Dahil hatinggabi na ay ayoko nang kumain ng kanin.

Pinili ko na lamang ang isang sandwich na ibinebenta nila saka ako nagrequest ng kape.

Nagbabayad na ako nang bigla na lamang may tumawag sa pangalan ko mula sa likuran.

“Ivan?” sabi ng isang pamilyar na tinig.

Mabilis naman akong lumingon at seryosong mukha ni Jako ang sumalubong sa akin. Nang makasiguro siya na ako nga ang tinawag niya ay ngumiti na siya.

“Jako.” sambit ko na lang saka ko siya tipid na nginitian.

Natutuwa siya at akma siyang yayakap sa akin nang bigla ay tila may naalala siya.

Jako Iriola

Kababata at ex-boyfriend ko noo ng highschool. Open kasi ako sa pamilya ko at tanggap naman nila ang mga nagiging relasyon ko kahit sa kapwa lalaki.

Hindi rin naman kung sino lang si Jako dahil anak siya ng isa sa mga kaibigan ni Papa.

Mas matanda siya sa akin ng isang taon pero halos sabay lamang kaming nagtapos ng highschool.

Siya rin ang unang boyfriend ko na ipinakilala sa mga magulang ko.

Nagkaroon din naman ako ng mga lover, fling at boyfriends sa Maynila ngunit wala rin namang tumagal at hindi ko sineseryoso ang mga iyon.

Kapag may nakita na akong kapintasan nila ay hinihiwalayan ko na sila kaagad nang hindi na hinihingi ang approval nila.

Pagdating naman sa sex life ay active ako pero hindi ako lumalampas sa limitasyon na itinakda ko para sa sarili ko.

Sumeryoso ang anyo ni Jako saka siya malungkot na tumitig sa akin.

“Nakikiramay ako sa nangyari sa papa mo, Van.” sinserong sabi niya. “Nabalitaan ko iyon mula kay papa kanina.”

“Salamat!” sinserong sagot ko naman.

Dumating na ang order ko kaya nagpaalam na ako kay Jako ngunit hindi siya pumayag na basta ko na lamang siya iwanan.

Hinintay ko siya sa isang mesa na naroon at napagtanto ko na beer pala ang binili niya.

Ngumiti naman siya nang makita niya na nakatingin ako sa tatlong bote ng beer na dala niya.

“Hindi kasi ako makatulog kaya naisipan ko na magbeer muna. Tamang-tama malamig ang panahon.” sabi niya.

“It’s okay! I think I also need that pero nakabili na ako ng kape. Hindi na rin naman siguro ako makakatulog ngayon dahil maaga ang alis ko mamaya patungong hacienda.” sagot ko.

“Subukan mo kahit isang bote lang para makatulog ka rin. Kailangan mo ng pahinga para pagdating mo sa hacienda ninyo ay may lakas ka.” sabi naman niya saka niya inilapag ang isang bote na dala niya sa tabi ng tasa ko.

Ngunit akma ko pa lamang iyong aabutin upang ibalik sana sa kanya nang isang mabilis na kamay ang bigla na lamang iyong dinampot at pabagsak na inilapag sa tabi ni Jako.

Sabay pa kaming napatingala sa lalaking nasa gilid ng mesa namin at nakita ko ang apoy sa mga mata ni Rafael habang nakatitig siya kay Jako.

Chapter 3

Beloved

Bastard

Ivan Gutierrez

San Isidro Hotel

Matapos ang nagbabagang mga tingin na ipinukol niya kay Jako ay lumipat ang mga tingin ni Ralf sa akin.

“Bakit ka nandito sa baba? Hindi ba dapat ay nagpapahinga ka na?” galit na tanong niya sa akin.

Nagkibit ako ng balikat saka ko ipinagpatuloy ang pagkagat ko sa sandwich na hawak ko.

Habang ngumunguya ako ay nag-angat ako ng tingin kay Ralf.

“Nagutom ako kaya bumaba ako. Nagkataon naman na nandito rin pala si Jako. May problema na dun?” sabi ko.

“Wala akong problema sa pagbili mo ng pagkain pero ang uminom ka ng alak sa mga sandaling ito ay hindi ko mapapayagan. Mahiya ka naman sa papa mo. Para kang nagcecelebrate imbes na nagluluksa ka.” sabi niya.

Gusto ko siyang sigawan dahil sa accusation niya nang wala namang basehan pero nasa public place kami at ayoko nang gumawa pa ng eskandalo sa lugar na ito.

“Magpapahinga na ako. Wala akong balak na inumin ang beer na inaalok sa akin ni Jako.” mahinahon na sabi ko sa pagsisikap na pigilan ang pagkainis ko kay Ralf.

Mabilis kong inubos ang sandwich ko saka ako bumaling kay Jako. “Magpapahinga na ako. Aasahan kita bukas sa hacienda.” sabi ko na ikinalukot ng mukha ni Ralf.

Nagsimula na akong tumayo para bumili ng bottled water sa counter. Nabangga pa ako ng lalaking may kausap sa cellphone niya na mabilis din namang humingi ng paumanhin.

Mabilis din siyang naglakad palabas ng canteen at hindi ko naiwasang sundan siya ng tingin.

Matangkad, moreno, gwapo and he’s sexy sa suot niyang damit na halos kita na rin ang matipuno niyang dibdib dahil sa pagkakabukas ng ilang butones nito.

“Hindi mo na dapat pinag-uukulan ng pansin ang makisig na lalaking iyon dahil masaya na siya sa piling ng asawa at pamilya niya.” narinig kong sambit ni Ralf habang nakatitig sa akin.

Bumaling naman ako sa kanya at out of curiousity ay tinanong ko siya. “Kilala mo ba siya?” sabi ko.

Patamad na ngumiti si Ralf saka siya namulsa at nagpatiuna nang nagkakad patungo sa counter.

“Siya si Harvin Buenavista. Nagmamay-ari ng malawak na lupain ng mga Buenavista sa Cervantes. Nagpakasal siya sa stepbrother niya sa amerika at ngayon ay tahimik na silang namumuhay sa hacienda nila kasama ng mga kapatid nila na mga haciendero na rin.”

“Stepbrother?” nakataas ang kilay na sambit ko.

“Hindi ko alam kung ano ang kwento sa pagitan nilang dalawa pero ikinasal sila sa California. Hindi makwento si Harvin bukod pa sa hindi naman kami malapit sa isa’t-isa kaya hindi ko na alam ang iba pang detalye sa buhay nila.”

I

nteresting.

He’s my type, a typical farm hunk na papangarapin ng lahat ng babae at mga katulad ko. Ngunit hindi siya ang ipinunta ko sa lugar na ito at wala akong balak na pasukin ang tahimik na mundo nila ng asawa niya.

Hindi ko na sinagot pa si Ralf at kinuha ko na ang binili kong tubig saka na ako naglakad pabalik sa may hagdanan.

Sumunod naman sa akin si Ralf.

Nauna akong nakaakyat sa itaas at dumiretso ako sa silid na inookupa ko hanggang sa mapahinto ako sa tapat ng pintuan at matalim ang mga tingin ko nang balingan ko si Ralf.

Sa halip na mabahala siya ay isang amused na ngiti lang ang gumuhit sa mga labi niya saka nito hinugot mula sa bulsa ang susi at binuksan nito ang pintuan.

Mabilis akong pumasok saka ko sana kukunin sa kanya ang susi ngunit nangibabaw sa isipan ko ang ginawa niyang pagpapahiya sa akin kanina sa harapan ni Jako at ng iba pang tao sa ibaba.

“How dare you, Bastard!” galit na baling ko sa kanya saka ako nagpatuloy sa mga sinasabi ko. “Wala kang karapatan na ipahiya ako nang ganoon lalo na sa harapan ni Jako. Hindi mo alam ang lahat ng detalye Ralf kaya dapat ay itikom mo na lang yang makasalanan mong bibig.”

Nakita ko ang galit at pagkainis sa mga mata niya. Marahil ay dahil sa pagtawag ko ng bastardo sa kanya.

“Oo bastardo ako pero hindi mo kailangan na ipaalala sa akin iyon ng paulit-ulit. Naturingan kang nakapag-aral sa napakagandang eskwelahan pero kung umasta ka ay daig mo pa ang hindi nakapag-aral.”

Muli ay hindi ko na naman napigilan ang kamay ko at muli ko iyong napadapo sa gwapong mukha niya.

Galit na galit siya nang muli niya akong harapin saka niya ako marahas na pinitseran at ilang sandali pa ay narinig ko na ang malakas na pagbangga ng likod ko sa matigas na pader habang hawak pa rin ako ni Ralf sa kwelyo.

“Sumusobra ka nang gago ka. I’ve already warned you! Hindi ka na nadala.” galit na sabi niya saka niya mabilis na sinakop ng malambot na mga labi niya ang nakaawang ko na mga labi.

Dahil sa pagkabigla ay hindi ako kaagad na nakanawi. Sinamantala naman iyon ni Ralf at mas lumalim pa ang mga halik niya hanggang sa maramdaman ko na ang sensual na paglikot ng dila niya sa loob ng bibig ko.

Nagsisimula na akong makadama ng kakaibang sarap mula sa marahas at mapangahas na paghalik niya. Ngunit isang eksena mula sa nakaraan ang mabilis na dumaan sa isip ko na nagpabalik sa akin sa tamang katinuan.

Mabilis ko siyang naitulak sa maskuladong dibdib niya kasabay ng pagkalas ng mga labi namin ay ang sunud-sunod na paghampas ko ng mga kamay ko sa matigas niyang dibdib habang sinasambit ang hindi mabilang na mga mura ko sa kanya.

“I hate you Rafael Certeza. Ikaw na ang pinakamapagsamantalang tao na nakilala ko. Lumabas ka sa silid na ito bago pa kita magawan ng mga bagay na hindi mo magugustuhan.” galit na sigaw ko sa kanya saka ko siya marahas na ipinagtulakan palabas ng silid na iyon.

Malakas kong ibinagsak ang pintuan nang sa wakas ay maitulak ko na siya sa labas. Marahas ko ring pinindot ang doorlock saka ako napasipa doon dahil sa sobrang inis.

Napapahilot na lamang ako sa sentido ko habang naglalakad ako patungo sa kama at marahas kong ibinagsak ang katawan ko doon.

Napahiyaw pa ako nang mauntog ang ulo ko sa bakal na headrest saka ako naiinis na bumangon. Dinampot ko ang unan at ang headrest na kinauntugan ko ang pinagtuunan ko ng galit ko.

Hindi nagtagal ay napagod din ako sa ginagawa kong pagpalo ng unan sa kama at napahiga na lang ako doon habang iniisip pa rin ang ginawang kapangahasan ni Ralf sa akin.

Noon na nagbalik sa akin ang dahilan kung bakit ako uuwi ng hacienda ngayon.

Alas-kuwatro na ng hapon nang makabalik ako kahapon sa showroom namin sa Makati mula sa bahay ng isang kliyente sa Forbes Park.

Hindi pa ako halos nakakaupo sa swivel chair ko nang makatanggap ako ng tawag sa telepono na kaagad ko rin namang sinagot.

“Hello!”

“So you’re in at last.” sabi ng pamilyar na tinig sa kabilang linya ng telepono dahilan upang magsalubong ang mga kilay ko. Nasa tinig nito ang iritasyon at ang kawalan ng pasensya.

“I’ve been trying to reach you since this morning pero hindi kita mahagilap. Ang cellphone mo ay iisa lang ang sinasabi. The usual shit ng computerized voice na nagpapatindi lalo ng inis ko.” litanya niya.

“To whom do I owe this call, Rafael?” kalmadong sagot ko sa kanya. Hindi ko gustong salubungin ang init ng ulo niya dahil alam ko na magtatalo lamang kami.

Sinikap ko na huwag ipahalata ang garalgal sa tinig ko nang makilala ko kung sino ang kausap ko.

Malalim at buong-buo. Rafael would have make money as a DJ. Bukod sa magandang tinig ay alam ko na ang personalidad ng lalaking ito ay sapat na upang kabaliwan siya ng kahit na sinong babae.

Sa nakalipas na limang taon ay ngayon ko lang muling narinig ang boses ng lalaking ito. Ang kanang kamay at tanging pinagkakatiwalaan ni papa. Ang manager at one-man army ng Hacienda Aurelia.

“Your father died in his sleep, Ivan,” narinig kong sambit niya. Sa pagkakataong ito ay banayad na ang paraan ng pagsasalita niya. Taliwas sa ginamit niyang tono kanina nang una kong iangat mula sa cradle ang telepono.

Marahil ay iniisip ng lalaking ito na sa ganoong paraan ay magagawa niyang pagaanin ang sakit na maidudulot sa akin ng nakabibiglang balita na sinasabi niya.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa telepono. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin at iisipin ko. I probably have stopped breathing for a while.

“Ivan,” masuyong sambit ni Ralf sa pangalan ko mula sa kabilang linya. Ang gentleness sa tinig niya ay sapat na upang tuluyan na akong maiyak. Ngunit nanatiling tuyo ang mga mata ko.

“Ivan, are you still there?” tanong niya at sa pagkakataong ito ay may halong pag-aalala na ang nahihimigan ko sa tinig niya.

“A-alam na ba ni…ng lola?” sambit ko.

“Tinawagan ko siya kaninang umaga. Sinabi ko sa kanya na ako na ang tatawag at magsasabi sayo.” nasa tinig niya ang simpatya.

“Are you alright?” dagdag pa niya.

“I… I will be,” sabi ko. Sinikap kong lumunok dahil may pakiramdam ako na nagbabara ang lalamunan ko.

“Thank you, Ralf,” dagdag ko saka ko na banayad na ibinalik sa cradle ang telepono.

May ilang sandali akong nakatitig kamang sa kawalan. Gusto kong humagulhol ng iyak dahil sa labis na sama ng loob at pait sa dibdib ko.

Namatay si Papa at ang huling pag-uusap namin ay dalawang buwan nang mahigit.

Hindi ko alam kung kanino ko ibubunton ang sisi dahil hindi ko man lang siya naalagaan. Kay Papa ko ba dapat isisi iyon o kay Rafael? O higit sa sarili ko dahil hindi man lang ako umuwi ng San Isidro kahit minsan sa nakalipas na limang taon.

Nagsimulang manghina ang katawan ni Papa mula nang mamatay si Mama. Dinamdam niya nang husto ang pagkamatay ng asawa niya.

Kahit ako ay nagdamdam rin sa pagkawala ni Mama ngunit sinikap kong sikilin ang damdamin ko dahil naroon pa rin ang lihim na galit ko aa kanya. At ang hinanakot ko kay Papa sa ibang kadahilanan naman.

Madalas akong dalawin ni Papa dito sa maynila. Sa tuwing nagpapatingin siya sa Heart Center.

Lumala ang sakit sa puso ni Papa. Kapag nagkaka-usap kami ay gusto kong sabihin sa kanya na gusto ko siyang alagaan pero kahit minsan ay hindi man lang niya ako hinimok na bumalik sa hacienda.

“You’re doing fine here, Ivan. At huwag mo akong alalahanin sa atin, naroon si Rafael. Hindi niya ako pababayaan.”

Damn that bastard! sigaw ko sa isip ko nang marinig ko ang mga katagang iyon mula sa bibig mismo ng sarili kong ama.

Nagsisikip ang dibdib ko. Wala na si Papa. Hindi man lang kami nagkausap. Si Rafael ang naging kasa-kasama niya sa mga huling araw niya sa mundo. Hindi ako samantalang ako ang anak niya.

“Something’s wrong?”

Nag-angat ako ng tingin patungo sa may pintuan at nakita ko doon si Rita na nakatayo. Assistant at kaibigan ko. Nagsasalubong ang mga kilay niya habang pinagmamasdan niya ako.

Tumingala ako at isinandal ko ang ulo ko sa headrest. Napapikit ako bago ako muling nagmulat ng mga mata. Sinulyapan ko si Rita.

“W-wala na si Papa, Rita.” I said brokenly.

Bumakas ang pagkabigla sa magandang mukha niya, pagkatapos ay ang simpatya.

“I’m sorry, Ivan,” sinserong sabi niya.

Matalik na kaibigan ko si Rita mula pa noong nagpasya ako na manirahan sa maynila. Hindi ko itinago sa kanya na may sakit si Papa at lalong hindi ko itinago sa kanya na may matinding hinanakit ako sa mga magulang ko.

Si Rita ang tanging matiyaga na nakikinig sa akin. Sa mga kadramahan ko. Bukod kay lola na minsan ay hindi ko alam kung sa akin ba kampi o kay Ralf na inalagaan din niya ng matagal na panahon.

Ganunpaman ay naiintindihan ko siya. Hindi lamang basta ampon ang turing niya kay Ralf kundi parang tunay na rin niyang apo at anak.

Isang banayad na tango ang isinagot ko kay Rita pagkatapos ay suminghot ako. “Ikaw na muna ang bahala dito. Uuwi ako ng San Isidro. “ sabi ko.

“Sure!” mabilis na sagot niya. “Take your time, Ivan, at nakikiramay ako.” sabi niya.

Mabilis na akong tumayo saka ako nagmamadaling umuwi ng bahay para makapaghanda ako ng mga gamit na dadalhin ko pauwi sa San Isidro.

Chapter 4 (Special Chapter)

Beloved Bastard

Rafael Certeza

San Isidro Hotel

Tahimik akong nakasandal ngayon sa nakareclined na upuan ng sasakyan ko. Nakatitig ako sa labas ng bintana habang patuloy na bumubuhos ang napakalakas na ulan na sinasabayan pa rin ng malalakas na pagkulog at pagkidlat.

Umayos ako ng pagkakaupo saka ko sinulyapan ang silid na inookupa ngayon ni Ivan sa itaas ng hotel na ito.

Kanina habang naghuhubad ako ng damit ko dahil basang basa na ako ng ulan ay nakita ko siya na nakasilip sa bintana ngunit mabilis din naman siyang lumayo doon nang makita niya ang pag-angat ko ng tingin.

Napangiti ako sa kaisipang iyon dahil napatunayan ko na hindi pa rin siya nagbabago mula pagkabata hanggang sa magbinata na siya.

He always have this habit na pagmasdan ako mula sa bintana ng silid niya. Binabantayan niya ang bawat kilos ko na para bang isa akong kriminal na kailangan subaybayan dahil anumang sandali ay maaari akong gumawa ng krimen.

Noong una ay naiinis ako sa ginagawang iyon ni Ivan. Ngunit sa katagalan ay nasanay na rin ako at hindi ko alam kung bakit sa nakalipas na limang taon ay hinahap-hanap ko ang pakiramdam na ito.

Sa villa ay hindi ko pa rin naiiwasan minsan ang tumingala sa silid niya at inaalala ko ang mga araw na kahit gabi na ako umuwi galing sa mga handaan na dinadaluhan ko ay nahuhuli ko pa rin siya na nakabantay sa bintana ng silid na iyon.

Nakikita ko siya kahit pa magtago siya sa kadiliman ng silid dahil sa liwanag ng buwan na tumatama sa bintana.

Kung ibang tao siguro ang gagawa ng mga bagay na iyon sa akin ay maaaring mainis at magalit ako pero iba si Ivan.

Hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang cute na anyo ng musmos at salbaheng bata na minsan nang nakapagpalayas sa akin sa hacienda.

Sa kabila ng lahat ng hindi magagandang bagay na ginawa niya sa akin noon ay hindi ko pa rin maiwasan na hanap-hanapin ang presensiya niya sa nakalipas na limang taon na wala siya sa hacienda.

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga saka ako muling tumingin sa bintana ng silid ni Ivan. Para akong tanga na nakatitig lamang doon.

Halos isang oras na rin ang lumipas mula nang iwanan ko siya sa loob ng silid na iyon nang inis na inis siya sa akin.

Hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko siya na naaasar sa akin at pinagtutuunan niya ako ng kanyang pansin ay nakakadama ako ng tuwa.

Bahagya akong umayos ng upo nang maramdaman ko ang pagkahulog sa lapag ng isang maliit na bagay.

Bumangon ako saka ko sinilip kung ano iyon. Saka lang ako napailing nang makita ko na susi pala iyon ng silid ni Ivan na hindi ko na naiabot sa kanya kanina dahil pinalayas niya ako sa silid na inookupa niya.

Napangiti ako saka ko dinampot ang jacket ko. Sumulyap ako sa oras. Past midnight na.

Dahil hindi pa rin ako dalawin ng antok ay nagpasya ako na silipin si Ivan sa itaas.

Isinuot ko ang jacket ko saka ako mabilis na lumabas ng sasakyan. Patakbo kong tinungo ang lobby saka ko pinasuyo sa guwardiya na kilala na rin ako ang basang jacket ko.

Nagsimula akong naglakad paakyat sa ikalawang palapag at tinungo ko kaagad ang silid na okupado ni Ivan.

Kumatok ako ng mahina ngunit walang sumagot mula sa loob. Kaya kinuha ko sa bulsa ko ang susi saka ko ipinasok sa keyhole.

Bumukas ang pinto saka ako maingat na sumilip sa loob. Kumunot ang noo ko nang makita kong walang tao sa loob.

Dumako ang tingin ko sa nakabukas na pintuan ng banyo. Sinilip ko siya doon ngunit wala siya.

Tahimik lang sa loob ng silid at ang tanging ingay na maririnig ay ang patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan sa labas. Malalakas na hangin na sinasabayan ng pagkulog.

Lumabas ako ng silid saka ako bumalik sa ibaba ng hotel. Naglakad ako patungo sa nag-iisang canteen na maaaring puntahan ni Ivan.

Isang pamilyar na mukha ang nakita ko sa may lobby. Si Miguel Buenavista. Kasama niya ang isang batang babae na nakahiga sa kandungan niya at mahimbing na natutulog.

Marahil ay naabutan sila ng makalas na ulan sa biyahe at siguradong baha na sa dadaanan nila patungong Cervantes.

Ngunit punuan na ang hotel ngayon at duda ako na makakakuha pa sila ng bakanteng silid.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad patungo sa canteen. Mabilis na nagtungo sa counter ang mga mata ko ngunit wala doon si Ivan.

Si Harvin Buenavista ang nakita ko na nasa counter at kasalukuyang bumibili ng inumin.

Iginala ko sa paligid ang tingin ko at sa isang mesa malapit sa counter ay nakita ko ang hinahanap ko.

Naningkit ang mga mata ko nang makita ko na hindi siya nag-iisa. Kasama niya si Jako Iriola. Binatang anak ni Dr. Iriola. Kababata at ex-lover ni Ivan.

Hindi ko na sana pagtutuunan ng pansin ang pagkikita nila ngunit nang makita ko na inabutan ni Jako ng beer si Ivan ay bumangon ang matinding inis ko sa kanya.

Pahinga ang kailangan ni Ivan, hindi alcohol. Mabilis akong lumapit sa mesa nila.

Akma pa lang aabutin ni Ivan ang bote ng beer mula sa mesa ngunit inunahan ko na siya.

Mabilis ko iyong dinampot saka ko pabagsak na inilapag sa harapan ni Jako. Sabay pa silang napatingala sa akin bakas ang pagkabigla sa mga mukha nila.

Sinalubong ko ng nagbabagang tingin ang inosenteng tingin sa akin ni Jako. Matapos ang nagbabagang mga tingin na ipinukol ko sa kanya ay dumako ang mga mata ko patungo kay Ivan.

“Bakit ka nandito sa baba? Hindi ba dapat ay nagpapahinga ka na?” galit na sita ko sa kanya.

Nagkibit lang siya ng mga balikat saka niya balewalang ipinagpatuloy ang pagkagat niya sa sandwich na hawak niya.

“Nagutom ako kaya bumaba ako. Nagkataon naman na nandito rin pala si Jako. May problema na dun?” sabi niya.

“Wala akong problema sa pagbili mo ng pagkain pero ang uminom ka ng alak sa mga sandaling ito ay hindi ko mapapayagan. Mahiya ka naman sa papa mo. Para kang nagcecelebrate imbes na nagluluksa ka.” sabi ko sa paraan na para bang pinapagalitan ko ay isang batang paslit.

“Magpapahinga na ako. Wala akong balak na inumin ang beer na inaalok sa akin ni Jako.” mahinahon na sagot niya bago niya mabilis na inubos ang sandwich na kinakain niya.

Nakadama naman ako ng guilt. Marahil ay totoo nga na bumaba lang talaga siya dito para kumain dahil nakita ko ang isang cup ng kape sa tabi niya.

Nang maubos na niya ang kinakain niya ay bumaling siya kay Jako. “Magpapahinga na ako. Aasahan kita bukas sa hacienda.” ani Ivan na ikinalukot ng mukha ko.

Tumayo si Ivan upang magtungo sa counter pero nakabangga siya ni Harvin na kasalukuyang palabas ng ng canteem at may kausap sa cellphone niya.

Mabilis din naman itong humingi ng paumanhin kay Ivan. Mabilis din siyang naglakad palabas ng canteen at nakita ko pa ang pagsunod ng tingin ni Ivan sa kanya.

Hindi ko siya masisisi kung mapukaw ni Harvin ang atensyon niya. Si Harvin ang tipo ng lalaki na pinapangarap ng halos lahat ng kababaihan.

Ngunit hindi si Harvin ang tipo ng lalaki na maghahanap pa ng iba. Dahil ang asawa niya ay nasa lobby lang ng hotel na ito kasama ng anak nila na si Maisie.

“Hindi mo na dapat pinag-uukulan ng pansin ang makisig na lalaking iyon dahil masaya na siya sa piling ng asawa at pamilya niya.” sambit ko habang pinagmamasdan ko si Ivan na kay Harvin pa rin nakatuon ang mga tingin.

Bumaling naman siya sa akin at out of curiousity ay nagtanong siya. “Kilala mo ba siya?” aniya.

Patamad naman ako na ngumiti saka ako namulsa at nagpatiuna nang nagkakad patungo sa counter.

“Siya si Harvin Buenavista. Nagmamay-ari ng malawak na lupain ng mga Buenavista sa Cervantes. Nagpakasal siya sa stepbrother niya sa amerika at ngayon ay tahimik na silang namumuhay sa hacienda nila kasama ng mga kapatid nila na mga haciendero na rin.”

“Stepbrother?” nakataas ang kilay na bulalas niya.

“Hindi ko alam kung ano ang kwento sa pagitan nilang dalawa pero ikinasal sila sa California. Hindi makwento si Harvin bukod pa sa hindi naman kami malapit sa isa’t-isa kaya hindi ko na alam ang iba pang detalye sa buhay nila.” sagot ko.

Hindi na ako sinagot pa ni Ivan. Marahil ay napaisip na siya sa sinabi ko. Kinuha niya ang binili niyang tubig na inaabot sa kanya ng tindera saka na siya naglakad pabalik sa may hagdanan.

Sumunod naman ako sa kanya dahil alam ko na wala siyang hawak na susi ng silid niya. Hindi man lang niya naisip iyon nang lumabas siya kanina.

Nauna siyang nakaakyat sa itaas at dumiretso kaagad siya sa silid na inookupa niya hanggang sa mapahinto siya sa tapat ng pintuan at matalim ang mga tingin niya nang balingan niya ako.

Sa halip na mabahala ay isang amused na ngiti lang ang gumuhit sa mga labi ko saka ko hinugot mula sa bulsa ko susi ng silid niya. Balewalang binuksan ko ang pintuan.

Mabilis siyang pumasok saka niya ako marahas na binalingan.

“How dare you, Bastard! Wala kang karapatan na ipahiya ako nang ganoon lalo na sa harapan ni Jako. Hindi mo alam ang lahat ng detalye Ralf kaya dapat ay itikom mo na lang yang makasalanan mong bibig.”

Nakadama ako ng matinding galit at pagkainis dahil sa mga terminong ginamit niya. Hindi pa rin talaga nagbabago ang lalaking ito. Masyado pa ring matalim ang dila.

“Oo bastardo ako pero hindi mo kailangan na ipaalala sa akin iyon ng paulit-ulit. Naturingan kang nakapag-aral sa napakagandang eskwelahan pero kung umasta ka ay daig mo pa ang hindi nakapag-aral.” galit sa sagot ko sa mga patutsada niya.

Muli ay hindi ko na naman inasahan ang mabilis na pagdapo ng palad niya sa pisngi ko. Huli na nang malaman ko iyon. Nasampal na naman niya ako.

Galit na galit na ako nang muli ko siyang hinarap. Hindi ako papayag na makasanayan niya ang ganitong pag-uugali niya. Hindi sa pagkakataong ito.

Dahil sa inis ko sa kanya at sa kagustuhan ko na madisiplina siya ay marahas ko siyang pinitseran at isinandal ko siya sa pader ng silid na iyon.

Lihim pa akong napamura nang mapalakas ang pagtulak ko sa kanya dahilan upang marinig ko ang pagbangga ng likod niya sa pader. Ngunit hindi ako ipinahalata iyon. Sinikap kong panatilihin ang galit sa anyo ko upang kahit papaano ay katakutan niya ako.

“Sumusobra ka nang gago ka. I’ve already warned you! Hindi ka na nadala.” galit na sabi ko saka ko mabilis na sinakop ng mga labi ko ang tila nang-aakit at nakaawang na mga labi niya.

Dahil sa pagkabigla ay hindi kaagad siya nakabawi. Sinamantala ko ang pagkabigla na iyon at mas lumalim pa ang mga paghalik ko sa kanya hanggang sa naging sensual na paglikot ng dila at mga labi ko sa loob ng bibig niya.

Napakalambot ng mga labi niya na sa wari ko ay ayoko nang pakawalan pa. Mas pinalalim ko pa ang mga paghalik na ginagawa ko sa kanya.

Para siyang droga na kapag sinimulan ko nang halikan ay hindi ko na maiwasan pang tigilan.

Hindi ako bakla pero pagdating kay Ivan ay umaakto ako na parang nababaliw. Siya lang ang nakakapagpawala sa akin ng kontrol sa sarili.

Siya lang ang tanging nakakagawa nito sa akin. Nakakapagpadama ng ganito kasarap na pakiramdam. Sa simpleng pagdidikit ng mga balat namin. Sa simpleng pagkalapat ng mga labi namin ay libu-libong emosyon ang binubuhay niya sa akin.

Gusto kong kumawala sa kahibangan ko na ito ngunit hindi ko magawa kahit na anong pilit ko sa sarili ko.

Nadadarang na ako ng matinding pagnanasa at sa pinakaabot ng makakaya ko ay sinisikap ko nang pigilan ang sarili ko bago ko pa maulit ang pagkakamaling nagawa ko sa kanya five years ago.

Kakalas na sana ako sa paghalik ko sa kanya ngunit malakas niya akong naitulak sa dibdib ko kasabay ng pagkalas ng mga labi namin ay ang sunud-sunod na paghampas niya ng mga kamay niya sa dibdib ko habang sinasambit ang hindi mabilang na mga curses niya para sa akin.

“I hate you Rafael Certeza. Ikaw na ang pinakamapagsamantalang tao na nakilala ko. Lumabas ka sa silid na ito bago pa kita magawan ng mga bagay na hindi mo magugustuhan.” galit na sigaw niya kasabay ng marahas na pagtulak niya sa akin palabas ng silid na iyon.

Malakas niyang ibinagsak ang pintuan nang sa wakas ay maitulak na niya ako sa labas. Narinig ko pa ang pagpindot niya ng doorlock at ang pagsipa niya sa pintuan dahil sa galit niya sa akin.

Huminga ako ng malalim saka na ako nagpasya na bumalik sa sasakyan ko.

Hindi na ako makakatulog kaya nagpasya na lamang ako na magpalipas ng magdamag sa pag-iisip ng mga bagay-bagay tungkol sa aming dalawa ni Ivan.

Ngayon na wala na sina Aurelia at Lyndon ay hindi ako makakapayag na hindi ko maaalagaan ng mabuti si Ivan. Wala nang iba pang gagawa niyon kundi ako dahil tumatanda na rin si Lola Corazon.

Chapter 5

Beloved Bastard

Ivan

Gutierrez

San Isidro Hotel

Alas dos na ng madaling araw ngunit nananatili pa rin akong gising. Hindi pa rin nagbabago ang panahon sa labas at duda ako kung titigil ba ang napakalakas na ulan na ito bukas ng umaga.

Ibinalot ko ng kumot ang katawan ko saka ako bumaligtad ng pwesto sa pagkakahiga ko sa kama.

Nakatanaw na ako ngayon sa labas ng bintana at wala akong ibang nakikita kundi malalakas na bagsak ng ulan at hamog sa buong paligid.

Muli ay nagsimula na namang bumalik ang realidad sa akin. Ang dahilan kung bakit ako uuwi ngayon sa lugar na ito.

Kung saan ako lumaki. Kung saan ako nagkaisip at kung saan ko pinangarap noon na buoin ang pamilya ko na winasak ni Rafael.

Nagsimula na namang mamasa ang mga mata ko. Banayad akong suminghot at sinikap ko na pigilan ang mga luha na gustong dumaloy sa mga mata ko.

Pero pinanlalabo ng mga iyon ang paningin ko kaya kumurap ako at hinayaan ko nang tumulo ang mga iyon.

Mag-isa lamang ako sa loob ng silid na ito at malaya kong mailalabas ang lahat ng bigat na nadarama ko sa dibdib ko.

“You’re so unfair, Papa.” anas ko sa nagsisikip na kalooban saka na ako tuluyang napahagulhol.

Nakikipagsabayan ang mga luha ko sa malakas na ulan sa labas ng hotel.

Hinayaan kong lumabas ang lahat ng sama ng loob na kinikimkim ko sa dibdib ko sa nakalipas na limang taon.

Mga emosyong sinarili ko sa kagustuhan ko na ipakita sa lahat na hindi ako ang talunan.

Nagsilabasan ang mga luha na pinipigilan ko mula pa kahapon nang malaman ko ang nangyari sa sarili kong ama.

Napapikit ako dala na rin ng pagod sa biyahe ay nagsisimula na akong makadama ng pamimigat ng mga mata ngunit nagawa pa ring sumingit ng isang maliit na alaala sa utak ko.

“ Are you alright, Jasper?“ banayad na sabi ni Lola Corazon sa nag-aalalang tinig.

Tanging si Lola lamang ang tumatawag sa akin sa pangalan na Jasper dahil ang lahat ay nasanay na sa tawag sa akin ng mga magulang ko na Ivan.

Pinagulong niya ang wheelchair niya saka niya ako nilapitan habang nakatanga ako sa loob ng silid ko at hindi ko malaman kung nag-eempake ba talaga ako o nakatanga lang.

“I’m f-fine, Lola.” sagot ko sa gumagaralgal na tinig.

Hindi ko sinalubong ang mga tingin niya at nagpatuloy na ako sa paglalagay ng mga damit ko sa loob ng maleta.

“It’s just t-that…” tumingala ako upang pigilan ang mga luha ko. “…hanggang sa huling sandali ay… hindi ako naging mahalaga sa kanya.” dagdag ko pa sa nababasag na tinig.

Kinabig ako ni Lola saka niya ako niyakap ng mahigpit. “Jasper, hijo. Nagkakamali ka sa iniisip mo. Mahal ka ng papa mo. Mahal na mahal.” aniya sa naghihirap na loob.

Hindi ako sumagot. Masakit na ang lalamunan ko sa pagpipigil ng pag-iyak ko. Hinayaan ko na lamang si Lola na yakapain at ikonsola ako.

“Sana ay kaya ko pang magbiyahe.” sambit niya. “Kaya lang ay laging umaatake ang arthritis ko at malamig sa asyenda.” dagdag pa niya.

Kumalas ako mula sa pagkakayakap niya saka ko hinawakan ang mga kamay niya bago ako nag-angat ng tingin at sinalubong ang nag-aalalang mga titig niya.

Sa mga nakalipas na panahon ay ngayon ko lamang napagtuunan ng pansin ang anyo ni Lola Corazon.

Hindi na siya kagaya ng Lola ko years ago na masigla at napakaliksi.

Mas lalo pa siyang tumanda sa paningin ko ngayon lalo na at nababanaag ko ang labis na pag-aalala niya sa akin.

Hindi ko gustong maging dahilan ng pag-aalala niya kaya mula pa kanina ay sinisikap ko nang magpakatatag sa harapan niya kahit deep inside ay durog na durog na ako.

Pinisil ko ang mga palad niya saka ko siya payak na nginitian na ginantihan din naman niya ng masuyong ngiti.

“Hindi ninyo ako kailangang samahan, Lola. Makakasama sa inyo ang klima sa hacienda bukod pa sa hindi na ninyo kakayanin pa ang napakahabang biyahe patungong norte.” sabi ko.

“Naroon naman po si… si Ralf.” dagdag ko kahit na labag sa loob ko na banggitin ang pangalan ng lalaking iyon.

Then I thought I hated him. Bakit ba nanulas pa sa bibig ko ang mga salitang iyon na para bang pati ako ngayon ay umaasa na rin sa lalaking iyon.

Never!

Dahil sa inis ko ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako habang binabalikan sa isipan ko ang mga eksena sa pagitan namin ni Lola kahapon bago ako bumiyahe patungong norte.

Nagising ako na medyo maliwanag na ang paligid. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata.

Sandaling hindi marehistro sa isip ko kung nasaang lugar ba ako. Hindi pamilyar ang kisameng namulatan ko.  Hindi rin pamilyar ang silid na kinaroroonan ko.

Kasalukuyan akong nakahiga sa maliit na kama at nakatanga sa bintana. Makulimlim pa rin sa labas at kasalukuyang pumapatak tubig sa labas ng bintana.

Mahihinang ambon din ang nakikita ko na nagmumula sa makulimlim na langit. Nagkakaroon na ako ng ideya kung nasaan ako.

Napakurap ako at naagaw ng isang mahinang pagtikhim ang atensyon ko.  Natataranta ako na napaangat ng katawan mula sa pagkakahiga ko sa kama.

Nasa tabi ng kama si Ralf. Nakaupo siya sa maliit na silya na nasa loob ng silid. Bakit ba ang cute niya sa paningin ko ngayong umaga na ito?

Mabilis kong pinalis sa isipan ko ang kalokohang naiisip ko. Nasa tabi ko lang siya at tahimik na nakatitig sa mukha ko.

Nagsalubong ang mga kilay ko. Kanina pa ba niya ako pinagmamasdan? Habang natutulog ako? Papaano siya nakapasok sa silid ko?

Doon ko narealize na hindi ko nga pala silid ito. Silid ito ng hotel na tinuluyan ko.

“A-ano ang… ginagawa mo dito?” Lumipad ang mga mata ko sa nakasarang pinto. “P-papaano kang nakapasok?” puno ng malisyang tanong ko sa kanya saka ko ibinalot ng kumot ang ibabang bahagi ng katawan ko.

Sumulyap ako sa bintana. Naalala ko na sinabi niyang aalis kami ng madaling araw pero maliwanag na ay narito pa rin kami.

Hindi ko na rin namalayan na napahaba na pala ang tulog ko. Muli ay ibinalik ko ang tingin ko sa lalaking kasama ko ngayon.

“A-anong oras na?” tanong ko sa kanya.

Bahagyang tumaas ang isang sulok ng  labi niya na tila nangangako ng isang matamis na ngiti pero sinalungat ng isip ko iyon. Hindi si Ralf ang tipo ng tao na madaling ngumiti.

“Good morning,” sabi niya sa halip na sagutin ang mga tanong ko sa kanya.

Gusto ko pang magpigil ng paghinga nang masuyo siyang ngumiti sa akin matapos akong batiin ng magandang umaga.

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba sa wari ko ay napakagwapo ni Ralf sa paningin ko. Hindi iyon ang dapat na naiisip ko lalo na sa mga sandaling ito.

“It’s already nine thirty in the morning. I had the key, remember?” nakangiting sabi niya sa akin na sinabayan ng sarkasmo sa tinig niya.

Mabilis na nanlaki ang mga mata ko saka ako napabangon bigla mula sa kama.

“Hindi mo kinuha sa akin kagabi ang susi at narito ako ngayon para hintayin kang magising. Gigisingin na sana kita kanina pa pero napakahimbing ng tulog mo at ayaw kitang istorbohin.” sabi niya at bahagyang lumalim ang ngiti sa mga labi niya ngunit agad ring nawala at napalitan ng pagsasalubong ng mga kilay nang mapuna niya ang suot ko.

Hindi na ako nagpalit pa ng damit kagabi matapos kong magtungo sa canteen dahil ang sabi niya ay madaling araw kami aalis kahit pa magdelubyo.

Pero ngayon ay sasabihin niya sa akin na mahimbing ang tulog ko at ayaw niya akong maistorbo? My foot!

Naiinis akong tumingin sa kanya ngunit ayokong umpisahan ang araw na ito ng masama ang timpla ko kaya sinikap ko na pigilan ang inis ko.

Sa pagtitig ko sa kanya ay hindi ko namamalayan na nasa mga labi na pala niya ang tingin ko.

Mapupulang labi na animo’y nang-aakit na halikan. Mga ekspertong labi na kung humalik ay para bang wala nang bukas.

Mga labing masuyo at marahas na humalik sa mga labi ko kagabi at nagdulot ng kakaibang kilabot sa buong katawan ko.

Muli ay nanariwa sa isipan ko ang napakainit na halik na pinagsaluhan naming dalawa kagabi sa loob ng silid na ito.

Shit!

Mabilis akong nag-iwas ng tingin saka ako tumalikod sa kanya. Naglakad ako patungo sa bintana saka ako kunwari na sumulyap sa labas.

May pakiramdam kasi ako na namumula ang mga pisngi ko dahil sa napaka-awkward na bagay na naiisip ko.

Ilang mga labi na kaya ang nahalikan ng lalaking ito?

Lihim akong napailing dahil sa mga naiisip ko. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi ako makapag-isip ng maayos mula pa kaninang magising ako.

Muli ay naglaro na naman sa maruming bahagi ng kaisipan ko ang mapangahas na paghalik sa akin ni Ralf nang nangdaang gabi.

Marahas na may halong lambing. Masuyo na mapaghangad. Malalambot na labi na kumikiskis sa mga labi ko sa kabila ng tikas at kisig ng pangangatawan niya.

Paano siya nagkaroon ng ganoon kalambot na mga labi na kung humalik ay daig pa ang eksperto?

Nagpatuloy pa ang maharot na mga eksena sa isip ko hanggang sa bigla ay naghubad siya ng pang-itaas niya at tumambad sa akin ang perperktong hugis ng kanyang katawan.

Basang basa ito at dumadaloy sa bawat cuts na tila nililok ng isang dalubhasang iskulptor ang mahaharot na daloy ng tubig ulan kasabay ng malamlam na mga titig niya sa akin at ang paghawak niya sa kamay ko.

Tila naman ako sunud-sunuran na nakatitig lang sa mga mata niya habang dinadala niya ang palad ko patungo sa matipunong dibdib niya hanggang sa tuluyan na iyong lumapat sa katigasan ng katawan niya.

“Fuck!” sigaw ko kasabay ng pagdapo ng kamao ko sa katabi kong pader sa gilid ng bintana.

Marahas akong sumulyap kay Ralf na ngayon ay kasalukuyan pa rin na nananatili sa kinauupuan niya.

Nagtatanong ang mga mata niya habang nakatingala siya sa akin. Marahil ay dahil sa ikinilos ko ngayon lang.

“Bakit hindi mo ako ginising? Pinagmamasdan mo ba ang pagtulog ko?” masungit na tanong ko sa kanya.

Isang pilyong ngiti ang nakita ko sa mga labi niya saka siya tumayo at nakapamulsang naglakad patungo sa kinaroroonan ko.

Sumilip pa siya sa bintana at hindi ako mapakali dahil hinihintay ko ang paglapat ng katawan niya sa likuran ko na ngayon ay halos ilang sentimetro na lang ang layo.

Sa sandaling madidikit siya sa akin ay itutulak ko siya palayo dahil hindi ko gusto ang nararamdaman ko sa tuwing nagkakalapit kami ng lalaking ito.

“May masama ba kung pagmamasdan kita?” bigla ay sabi niya habang nakasilip pa rin sa labas ng bintana. “Ikaw lang ba ang may karapatan na pagmasdan ako?” dagdag pa niya.

“Dream on!” sabi ko sa kanya saka ko siya tinulak at bumalik ako sa pagkakaupo ko sa kama.

“Nakita kita kagabi. Pinagmamasdan mo ako. Dito mismo sa bintanang ito. Naeenjoy mo pa rin ba ang panonood sa bawat kilos ko? Papasa na ba ang katawan ko sa napakataas na standards mo?” sabi niya saka niya ako sinulyapan.

Naningkit naman ang mga mata ko saka ako tumayo. Sinalubong ko ang nanghahamong mga tingin niya.

Hindi ko gustong simulan ang umaga na ito nang mainit ang ulo. Mahilig maglaro ang lalaking ito. Puwes, sasabayan ko siya.

“Paanon kung sabihin ko sayo ngayon na oo. Matutuwa ka na ba?” hamon ko sa kanya.

Muli ay tumaas na naman ang sulok ng mga labi niya ngunit sa pagkakataong ito ay nakikita ko na pati ang mga mata niya ay nakangiti.

“Syempre matutuwa ako. Napakalaking karangalan na makapasa sa standards mo.” sagot niya saka siya lumapit sa akin at hinawakan ng mga daliri niya ang baba ko.

Marahas ko iyong iniiwas sa kanya saka ko siya tinitigan ng masama.

“Don’t touch me!” I coldly said.

“Don’t worry, sweetheart. You can always touch me wherever you want. I’m yours!” he whisper.

“Hindi ako interesado sayo. Tandaan mo iyan. And one more thing, I’m not your sweetheart.” sagot ko na tinawanan lang niya.

Tinitigan ko siya ng masama. Nakangiti pa rin ang gago saka na siya naglakad patungo sa may pintuan.

Pinihit niya ang doorknob saka siya muling bumaling sa akin.

“Hindi pa tayo makakatawid sa tulay sa mga sandaling ito. Dito na tayo magpalipas ng oras hanggang sa tanghalian. Magbihis ka na. Hihintayin kita sa canteen.” sabi niya saka na siya tuluyang lumabas.

Chapter 6

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

San Isidro

Sa canteen ay naabutan ko si Ralf na nakaupo sa isang mesa na nasa malapit sa main door.

Nagbabasa siya ng peryodiko. Hawak niya iyon sa isa niyang kamay habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa isang tasa ng mainit na kape sa sa isang kamay.

Hindi ko siya pinansin at nagtuloy ako sa may counter. Naghanap ako ng maaari kong kainin sa ganitong oras.

Nag-order ako ng isang tasa ng kape at isang order ng kanin at ulam. Pinili ko ang tapa ng kabayo dahil matagal na akong hindi nakakakain ng ganoong uri ng putahe.

Napasulyap ako sa kabilang estante at natakam ako sa nakadisplay doon na chocolate cake kaya idinagdag ko iyon sa order ko.

Ilang sandali akong naghintay bago naiserve ng tindera ang mga inorder ko na pagkain.

Inilagay ko ang mga iyon sa tray saka ako nagrequest ng bottled water dahil hindi talaga ako sanay uminom ng tubig sa poso. Pero kung sa hacienda manggagaling ang tubig ay ayos lang dahil alam ko na malinis iyon.

Saktong naiabot sa akin ng tindera ang chocolate cake nang magsalita si Ralf mula sa likuran ko.

“I-charge mo na rin sa akin iyan, Letty.” sabi niya na ikinalingon ko sa kanya.

“Sige sir. Basta ikaw.” maarteng sagot naman ng babae at nahuli ko pa ang pagpapacute niya habang nakatitig siya kay Ralf.

“No! Magbabayad ako ng sarili ko. Hindi mo na kaila-”

“Pati ba naman itong simpleng pagbabayad lamang ng kinain natin ay pagdidiskusyunan pa natin, Ivan?” putol niya sa sinasabi ko.

Ibinalik ko sa bulsa ko ang wallet ko. Nagulat pa ako nang bigla na lamang bitbitin ni Ralf ang tray ko saka na siya magpatiunang naglakad patungo sa mesa na inookupa niya kanina.

Nagsimula na akong kumain nang makaupo kami pareho doon.

Muli niyang dinampot ang peryodiko na binabasa niya saka siya humigop sa kape niya.

“Hindi ka ba mag-aalmusal?” bigla ay namutawi sa bibig ko.

“Hindi ako sanay sa almusal. Unless ikaw ang maghahain sa akin.” nakangiting sagot niya.

Sumimangot ako saka na ako sumubo ng pagkain. Wala akong plano na makipaglokohan sa lalaking ito ngayon.

“Kapag ako ang naghain sa pagkain mo ay sisiguraduhin ko na ang pinakamatinding lason ang ilalagay ko doon.” sabi ko.

Ngumiti naman siya saka niya ako sinulyapan. Ibinaba niya ang hawak niyang peryodiko saka niya ako pinagmasdan habang nakapalumbaba siya sa mesa gamit ang isang kamay niya.

Nagsisisi tuloy ako na nagsalita pa ako. Nakakadama na ako ng pagkailang dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

“Kahit lagyan mo pa ng lason ang pagkain ko ay kakainin ko pa rin basta ikaw ang naghanda.” sabi niya habang nakangiti pa rin siya.

I rolled my eyes. Imposible din ang lalaking ito. Lalasunin na nga siya ay natutuwa pa. Nahihibang na siya.

Nagpatuloy na ako sa pagkain at hindi ko na lang siya pinansin pa. Nakatitig pa rin siya sa akin at minsan tuloy kapag napapasulyap ako sa kanya ay parang gusto ko nang tusukin ng hawak kong tinidor ang mga mata niya.

“May boyfriend ka ba sa maynila?” bigla ay tanong niya.

“Meron. Bakit?” sagot ko kahit ang totoo ay wala naman talaga.

Nagkibit siya ng mga balikat at nawala ang ngiti sa mga labi niya.

“Hindi ko alam na interesado ka pala sa lovelife ko.” sabi ko.

“Hindi naman sa interesado. Naitanong ko lang. Mahaba pa ang oras natin at wala akong ibang makakausap.” paliwanag niya.

Tumango ako saka ako humigop ng kape.

“Halos mag-iisang taon na kami. Balak nga namin magtravel abroad sa anniversary namin.” pagyayabang ko sa kanya.

Hindi ko alam na magaling pala ako sa pagtatahi ng mga kasinungalingan.

“Masyadong magastos ang alam ninyo.” sabi ni Ralf.

“We can afford it.” sagot ko naman.

Napailing na lang siya saka na niya inubos ang kape niya.

“Ikaw. May girlfriend ka ba?” usisa ko.

Ngumiti naman siya saka siya sumulyap sa akin. Nilantakan ko naman ang chocolate cake sa plato ko.

“Meron. Kilala mo siya.” sagot niya.

Hindi ko alam kung bakit nakadama ako ng inis dahil sa sinabi niya. May kaunting kirot sa dibdib ko dahil sa kaalaman na may nagmamay-ari na sa kanya.

Sinikap kong burahin sa isipan ko ang nararamdaman ko at sumubo ako ng cake para mawala ang bitterness at mapalitan ng tamis.

Hindi ko na tinanong pa kung sino ang girlfriend niya dahil hindi naman ako interesado sa kanila.

“Bakit hindi ka man lang sinamahan ng boyfriend mo na umuwi dito? Hindi ba dapat ay supportive siya sayo lalo na sa mga panahong ganito at kailangan mo siya?” seryosong tanong niya.

“He’s out of the country. Nasa business trip siya sa France.” pagsisinungaling ko.

Tumango siya. “France huh?” aniya saka siya ngumiti ng mapakla.

“Yes! At kakaalis lang niya kahapon bago ko nasagot ang tawag mo.” balewalang sagot ko saka ko dinampot ang bottled water ko para uminom na ng tubig.

Hindi ko na pinansin pa ang pagtiim ng mga bagang ni Ralf dahil sa sinabi ko.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa hanggang sa maghikab ako.

“Ikinalulungkot kong hindi naging komportable para sayo ang silid ng hotel.” matabang niyang sabi.

“Nakatulog pa rin naman ako kahit papano. Puyat lang talaga ako sa mga nagdaang araw dahil sobrang busy sa office.” sagot ko.

“Gaano katagal ang ilalagi mo rito?” masuyong tanong niya.

“Hanggang sa mabawi ko na sayo ang lahat ng para sa akin.” diretsong sagot ko dahilan upang lumukot ang mukha niya.

Lihim akong nangiti saka na ako tumayo. “Magpapahinga ako sa silid ko. Katukin mo na lang ako kapag aalis na tayo.” sabi ko sa kanya.

“Aakyatin kita mamayang lunch. Pagkatapos nating kumain ay saka na tayo bibiyahe.” ani Ralf.

Inilatag ko ang kamay ko sa harapan niya saka ko siya tinitigan ng makahulugan.

“Give me the key.” utos ko sa kanya.

Kinuha naman niya iyon sa bulsa ng jacket niya saka niya iniabot sa akin.

“Naninigurado lang ako. Magpapahinga kasi ako kahit mga isang oras lang. Ayoko na nagigising ako na nasa loob ka ng silid ko.”

Nakita ko ang pagtalim ng mga tingin niya sa akin pero tinalikuran ko na siya saka na ako mabilis na umakyat pabalik sa silid ko.

Hindi rin naman ako nakatulog sa loob ng silid ko. Lumipas ang halos dalawang oras na nakatanga lang ako doon.

Quarter to twelve ay nagpasya na ako na babain si Ralf sa sasakyan niya. Kahit papaano ay sumisilip na ang araw sa kalangitan na sinusundan pa rin ng manaka-nakang pag-ambon.

Kumpara sa panahon kagabi ay di hamak na mas maganda na ang panahon ngayon dahil nawala na ang malakas at walang tigil na buhos ng ulan.

Siguro naman ay bumaba na rin ang tubig sa ilog pagdating namin ng Hacienda Aurelia.

Pagbaba ko sa lobby ay naabutan ko ang receptionist na parang baliw na nakangiti habang pinagmamasdan ang nakasandal na lalaki sa sofa na naroon at kasalukuyang natutulog.

Hawak ng haliparot na babae ang cellphone niya habang kasalukuyan niyang pinagnanakawan ng shots si Ralf.

Alam ko na receptionist siya dahil nakita ko na siya sa front desk kanina pagkagaling ko ng canteen.

Sinulyapan ko si Ralf.

Nakatulog pala doon ang hinayupak na lalaking iyon kaya hindi niya ako kinatok sa itaas. At ngayon nga ay sinasamantala siya ng makating babae na ito.

Walang masyadong tao sa hotel dahil malamang ay kanina pa nagsipag-alisan ang mga stranded na guests.

Wala namang pakialam ang guard na nakatayo lang sa may entrance at tulala na nakatitig sa labas.

Tila baliw naman ang babae na pinagmamasdan ang mga kuha niya sa cellpone niya habang hindi mawala-wala sa mga labi niya ang mga ngiti niya at kilig na kilig pa siya habang kinakausap si Ralf.

Tumikhim ako kaya mabilis siyang napabaling ng tingin sa akin. Sinalubong ko naman ang mga tingin niya nang nakataas ang isang kilay ko.

“Diyan ba ang trabaho mo?” mataray na sita ko sa kanya.

Mabilis naman siyang naglakad pabalik sa front desk habang nakasimangot na sinusulyapan ako.

Nilapitan ko na si Ralf saka ko siya pinagmasdan muna ng ilang sandali. Kaya naman pala halos tumulo ang laway ng babae ay halos bukas na ang kalahati sa mga butones ng suot niyang damit na nagpalitaw sa maskuladong katawan niya.

Infairness. Nakakaakit siyang pagmasdan sa ayos niya ngayon. Ilang sandali ko pa siyang pinasadahan ng tingin bago ako nagpasya na gisingin siya sa pamamagitan ng marahang pagsipa ko sa paa niya.

Ilang beses ko siyang sinipa bago siya tuluyang nagising. Nagkatinginan kami nang bumukas ang mga mata niya.

Bakas na bakas pa rin ang antok sa mukha niya at naguilty tuloy ako na ginising ko siya pero tumatakbo ang oras.

Kailangan na naming makarating sa hacienda as soon as possible.

“It’s twelve noon.” sabi ko sa kanya.

Mabilis naman siyang bumangon.

“I’m sorry hindi ko namalayan ang oras.” aniya saka siya sumulyap sa orasang pambisig niya.

“Let’s eat first before we go.” sabi niya saka niya ako inakbayan ngunit mabilis ko ring inalis ang kamay niya sa balikat ko.

Naglakad na ako patungo sa canteen at sumunod naman siya sa akin.

Mabilis lang ang ginawa naming panananghalian doon pagkatapos ay umakyat na kami sa itaas upang kunin ang mga gamit ko.

Hinayaan ko na si Ralf na dalhin ang maleta ko tutal ay mapilit din naman siya. Mas lalo lamang kaming matatagalan kung makikipag- argumento pa ako sa kanya.

Pagkababa namin ay nagcheck-out na kami. Hindi ako magawang sulyapan ng tingin ng malanding receptionist.

Nagbayad si Ralf pagkatapos ay naglakad na kami patungo sa parking area.

Isinakay niya sa likod ng range rover niya ang maleta ko pagkatapos ay hinarap niya ako.

“Dito tayo sasakay?” naguguluhang tanong ko sa kanya.

“Hindi pa humuhupa ang tubig sa ilog kaya hindi kakayanin ng sasakyan mo ang tumawid doon.” sagot niya.

“Pero paano ang sasakyan ko?”

“Ipapakuha ko na lang bukas sa mga tauhan ko. Sa ngayon ay kailangan mong sumabay muna sa akin. Magdamang mo na rin naman akong tinitiis na makasama kaya sagad-sagarin mo na.” sabi pa niya.

“Fine!” sabi ko na lang saka ko binuksan ang pintuan sa likod pero mabilis akong pinigilan ni Ralf.

“Damn you, hindi mo ako driver. Doon ka sa harapan sumakay katabi ko.” matigas na utos niya.

Napailing na lang ako saka ako padabog na sumakay sa harapan.

Mabilis na ring sumakay si Ralf sa driver’s seat at sinimulan na niyang buhayin ang makina.

Palabas na kami ng bayan nang magsimula na namang umambon. Binuksan ko ang bintana saka ko nilanghap ang sariwang hangin ng probinsiya.

Sinulyapan naman kaagad ako ni Ralf saka niya hininaan ang aircon.

Bumaling ako sa kanya saka ako nagsalita.

“Gusto kong langhapin ang sariwang hangin dito sa probinsiya. Hindi ako nakakaranas nito sa Maynila.” sabi ko saka ko pinuno ng hangin ang dibdib ko.

Malamig ang dapyo ng hangin na sumasalubong sa akin at may kasama pang pinong ambon.

Hindi nagtagal ay bahagya na akong nakadama ng lamig at iniyakap ko ang mga braso ko sa katawan ko.

Napansin naman ako ni Ralf kaya tuluyan na niyang pinatay ang aircon ng sasakyan niya. Huminto siya sandali saka niya hinubad ang jacket niya.

Pinigilan ko siya ngunit hindi siya nagpapigil at kahit inaayawan ko ay nagpilit pa rin siya na ipatong iyon sa harapang bahagi ng katawan ko.

Hinayaan ko na siya at nagpatuloy na kami sa biyahe.

“Tama ka, Ivan. Wala ngang ganyan sa Maynila. And I wonder why you-”

“Bakit ba kasi kailangan pa nating iwanan ang sasakyan ko sa hotel.” putol ko sa sinasabi niya dahil more or less ay alam ko na kung saan iyon patungo.

“Hindi na ako sanay na nakikiangkas. Dapat ay nagtig-isang sasakyan na lang tayo.” dagdag ko pa.

Nakita ko naman ang naiiritang pagsulyap sa akin ni Ralf bago siya muling bumaling sa daan.

“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? Marahil ay huminto na ang malakas na ulan pero hindi ibig sabihin noon ay bumaba na rin kaagad ang tubig sa ilog. Subukan mong idaan sa tulay ang kotse mo. Tingnan ko lang kung hindi ka itirik doon.” sarkastikong sabi niya.

Nilingon niya ako na para bang isa akong turista sa lugar bago siya nagpatuloy sa pagsasalita.

“Huwag kang mag-alala. Walang gagalaw ng sasakyan mo sa hotel dahil ipinagbilin ko na iyon sa mga guwardiya. Bukas ng umaga ay ipapakuha ko kaagad iyon.”

Hindi ko na siya sinagot. Sumandal na lang ako sa upuan ko saka ako tahimik na tumanaw sa labas.

Inaalala ko sa isip ko kung paano nga ba nagsimula ang walang katapusan na pagtatalo sa pagitan naming dalawa ni Ralf.

Chapter 7

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

13 Years Ago

2006

Unang linggo noon ng bakasyon namin sa school. Nasa elementary pa lang ako at kapag bakasyon ay tinatanghali talaga ako ng gising maliban na lamang kapag pinapagising ako ng maaga nina Mama.

Pagkababa ko ng hagdan ay nakasalubong ko si Nana Sita. Sinabi niya sa akin na nasa library si Mama at may bisita.

Nakangiti si Nana Sita habang pinagmamasdan ako saka niya inayos ang magulong buhok ko na hindi ko na napagka-abalahang ayusin kanina.

Naglakad ako patungo sa library saka ako maingat na sumilip sa may pinto. Napasulyap naman sa gawi ko si Mama.

“Gising ka na pala, Ivan.” nakangiting sabi niya nang makita niya ako na nakasilip sa may pinto.

“Halika dito anak. Gusto kong makilala mo si Rafael.”

Lumapit sa akin si Mama saka niya ikinawit ang braso niya sa baywang ko habang naglalakad kami patungo sa kinatatayuan ng binatilyong bisita namin.

Ngumiti ng matamis si Mama nang humarap siya kay Rafael pagkatapos ay sumulyap siya sa akin bago siya muling bumaling sa bisita niya.

“Ralf, this is my son Ivan.” pakilala sa akin ni Mama.

Hindi man lang ngumiti si Ralf. Matiim lamang siya na nakatitig sa akin.

“He is nine years old at kasalukuyang nasa grade three.” patuloy ni Mama sa pagpapakilala niya sa akin kay Ralf.

Sumulyap kay Ralf si Mama. Lumunok muna siya bago siya muling bumaling sa akin.

“Ivan, siya si Rafael Certeza, he’s sixteen at kaga-graduate lang niya sa highschool noong nakaraang linggo. Naaalala mo ba siya? Nabanggit na namin siya sayo ng Papa mo nung nakaraan. Lola mo ang nagpalaki sa kanya kaya kuya dapat ang itatawag mo sa kanya.” sabi sa akin ni Mama.

Wala sa loob na tumango na lang ako pero matapang kong sinalubong ng tingin ang madidilim na mga mata ni Ralf.

Hindi man lang siya naglahad ng kamay niya sa akin katulad ng dapat na ginagawa ng mga bagong magkakilala.

Hindi rin ako naglahad ng kamay ko. Kung masungit ang ampon ni Lola ay masungit rin dapat ako sa kanya.

Naikwento na siya sa akin ng parents ko dati. Dahil ulila na raw siya ay si Lola na ang nagpalaki sa kanya.

Ngunit mali ang pagkakakwento nina Mama sa akin dahil hindi naman talaga mabait si Rafael katulad ng sinabi nila sa akin.

Bukod sa masungit na siya ay mukha pa siyang hindi gagawa ng maganda.

Hinagod ko ng tingin ang kabuuan ng ampon ni Lola. Matangkad siya kahit may kapayatan ng kaunti.

Hindi rin siya maputi kahit pa sa Maynila siya lumaki. Siguro ay katu-katulong lang siya ni Lola doon. O baka naman dakilang hardinero.

Lihim pa akong natatawa sa mga naiisip ko tungkol kay Ralf.

Matangos ang ilong ni Rafael kumpara sa karaniwan. Makapal ang mga kilay niya na para bang palagi na lamang nagsasalubong. Kasingdilim din ng gabi ang kanyang mapanuring mga mata.

“Bakit siya nandito, Ma?” tanong ko kay Mama.

Tumikhim si Mama at matamis niyang nginitian si Ralf bago siya bumaling sa akin.

“Bakasyon din nila, anak. Gusto ni Ralf na magbakasyon dito sa atin. Mas mabuti na rin iyon kaysa nasa sa Maynila lamang siya. Atleast sa pagdating niya ay magkakaroon ka na ng makakasama. Paturuan mo siya na mangabayo kay Mang Berto.” sabi ni Mama sa akin.

Sinulyapan ko ang masungit na lalaki. Hindi pa rin siya ngumingiti at nakatingin lang siya ng diretso sa akin na para bang hindi niya ako gusto.

Dahil ba medyo malamya ako hindi katulad niya na lalaking lalaki siya? Galit ba siya sa bakla?

Hmp! Magpaturo kang mag-isa mo. bulong ko sa isip ko.

“Eh Mama, bakit nga pala hindi na lang tayo ang dumadalaw kay Lola? Bakit si Lola lang ang pumupunta dito sa hacienda paminsan-minsan?” usisa ko.

Muli ay nakita ko ang pagtikhim ni Mama. Nakita ko ang sandaling pagkailang ni Mama ngunit mabilis din namang nawala iyon.

Hindi ba sila magkasundo ni Lola? Pero kapag narito naman sa hacienda si Lola ay nakikita ko naman sila na nag-uusap ni Mama. Madalas nga lang ay parang galit sa kanya si Lola.

“S-sa ibang pagkakataon ay tayo naman ang dadalaw sa Lola mo, Ivan.” ang pag-ulit ni Mama sa hindi na mabilang na pangako niya sa akin.

Noon ko pa gustong makita ang bahay ni Lola at noon ko pa gustong mapuntahan ang Maynila ngunit palagi na lamang ay hindi tinutupad ni Mama ang pangako niya sa akin na dadalawin namin si Lola.

Narinig ko pa nga minsan na nag-uusap sila ni Papa. Umiiyak noon si Mama sa hindi ko malaman na kadahilanan.

Kayakap siya ni Papa saka siya sinabihan ni Papa na kung hindi pa kaya ni Mama ang bumiyahe patungong Maynila ay hindi na namin kailangan pa na lumuwas.

Nainis ako noong araw na iyon dahil palagi na lamang ay hindi natutuloy ang tangka naming pagpunta sa Maynila.

May ilan na sa mga kaklase ko ang nakarating doon at sa tuwing nagyayabang sila dahil nakakita na sila ng mga nagtataasan na buildings ay hindi ko maiwasan na mainggit.

Sila na hindi naman ganun kayaman ay malayang nakakapunta ng Maynila samantalang ako na anak ng haciendero ay hindi man lamang makalabas ng San Isidro at sa mga kalapit bayan nito.

Ganunpaman ay naiintindihan ko sina Papa. Hindi ko alam kung ano ang sakit ni Mama pero ayon kay Papa ay makakasama raw kay Mama ang mahabang biyahe kaya hindi kami natutuloy sa pagluwas.

Nagrequest pa nga ako na kaming dalawa na lang ni Papa ang lumuwas kung hindi kaya ni Mama ang bumiyahe ngunit tumanggi si Papa.

Kesyo marami siyang trabaho ma kailangang asikasuhin dito sa hacienda kaya hindi niya ako maaaring samahan doon.

Sa huli ay ako pa rin ang talunan dahil kahit gustong-gusto ko na makarating sa Maynila ay hindi ko magawa.

Napasulyap ako kay Ralf. Madilim pa rin ang mga mata niya habang nakatitig sa may bintana. Hindi ko alam kung ano ba ang ikinagagalit niya. O sadya kaya na ganoon lang ang anyo niya?

Mabuti pa ang ampon ni Lola ay sa Maynila lumaki at nakapag-aral. Nakarating pa siya dito sa San Isidro.

Samantalang ako na totoong apo ay hindi man lang magawang magtungo sa bahay ng Lola ko.

Lumipas ang mga araw at hindi ko talaga sinubukan man lang na kausapin o pansinin si Ralf.

Naiinis din ako kapag sinasabay siya nina Mama at Papa sa oras ng pagkain namin.

Bakit niya kailangan na sumabay sa amin samantalang ampon lang naman siya?

Dapat ay sumasabay siya sa mga katulong dahil doon naman talaga siya nababagay. Utusan lang din naman ang papel niya sa bahay ni Lola kung nasa Maynila siya ngayon.

Mula nang dumating siya ay siya na ang bukambibig ng mga magulang ko. Kesyo napakatalino at napakabait niyang bata.

Kung si Papa lang daw ang tatanungin ay nanaisin raw niyang maging anak si Ralf. Tutal ay ulila na rin naman daw ito at hindi pa raw huli ang lahat para magkaroon siya ng mga magulang. Bagay na lalo kong ikinainis.

Ayoko kay Ralf. Hindi ko siya gustong maging kapatid. Hindi ko nga siya tinatawag na Kuya katulad ng bilin sa akin nina Mama.

Kaya kanina ay napagalitan tuloy ako ni Papa dahil hoy ang naririnig niyang itinatawag ko sa ampon ng pamilya.

Matuto raw akong magbigay galang sa nakakatanda sa akin at bilang parusa ay hindi niya ako pinayagan na makalabas ng villa sa buong maghapon na labis kong ikinainis at ang lahat ay isinisisi ko kay Rafael.

Lumipas pa ang mga araw at hindi ko naitanong sa mga magulang ko kung gaano katagal ba ang ilalagi ni Rafael dito sa Hacienda Aurelia.

Basta ang alam ko lang ay lumipas na ang lampas sa isang linggo pero nandito pa rin ang ampon na iyon.

Tumutulong siya sa paglilinis ng kuwadra. Nagpapaligo siya ng mga kabayo namin. Tumutulong siya sa pagdadamo sa harapan ng villa namin na siya naman talagang nababagay na trabaho sa kanya dahil sa Maynila ay isa lang naman siyang hamak na hardinero sa bahay ng Lola ko.

Bukod sa mga iyon ay kung anu-ano pang gawain sa bahay at hacienda ang ginagawa niya na ikinatutuwa ng lahat maliban sa akin.

Para sa akin ay ginagawa niya ang mga bagay na iyon dahil gusto niyang magpabida at mapuri ng lahat.

Bagay na labis kong ikinaiinis sa tuwing nakikita ko siya na nakangiti. Sa halos lahat ng tao dito sa hacienda ay ngumingiti siya at nakikipag-usap ngunit tanging sa akin lang niya iyon hindi ginagawa.

Minsan pa nga ay isinasama na rin siya ni Papa sa niyugan. Balak yata siyang gawing tauhan sa hacienda ni Papa.

Sa mahigit isang linggong pananatili ni Ralf sa lugar namin ay nakita ko na kinagigiliwan siya ng husto ni Papa. Lalo nang higit ni Mama na wala na yatang ibang bukambibig kung hindi Rafael.

Masipag, magalang, mabait at kung anu-ano pang mga hindi matapos-tapos na papuri na labis kong ikinaririndi.

Hindi ko maunawaan ang labis na pagkabuhos ng pansin ng halos lahat ng tao dito sa hacienda kay Ralf.

Masyado silang nabibilib sa pabibong ampon na iyon ng Lola ko. Lalo na ang mga magulang ko.

Isang gabi ay bumaba ako sa kusina para magtimpla ng gatas. Hindi kasi ako makatulog at ang bilin sa akin ng mga magulang ko na kapag nagpapahinga na ang mga katulong ay huwag ko na raw iistorbohin.

Marunong naman akong magtimpla kaya ako na mismo ang bumaba para gawin ang gusto ko.

Madilim na sa buong kabahayan at kasalukuyan na ring nagpapahinga ang mga katulong namin sa quarters nila.

Mabilis akong nakapagtimpla ng gatas ko at kumuha pa ako ng cookies na balak kong kainin sa silid ko.

Paakyat na sana ako sa hagdan nang mapansin ko na nakabukas ang main door.

Naglakad ako patungo doon saka ako maingat na sumilip sa labas. Sa may porch ay nakita ko si Rafael na tahimik na nakaupo.

May hawak siya na gitara at kasalukuyan siyang nakatulala sa madilim na kalangitan.

Nakaside siya sa akin kaya kitang-kita ko siya mula sa kinatatayuan ko. Sa likod ng main door.

Ilang sandali pa ay nagsimula na siyang tumugtog ng gitara kasabay ng pagkanta niya.

It took one look

Matapos niyang mabigkas ang mga unang linya ng kanta ay huminto siya saka niya pinag-aralan muli ang chords sa gitara.

Ilang sandali pa ay muli na naman siyang kumanta.

It took one look

Then forever laid out in front of me

One smile then I died

Only to be revived by you

There I was

Thought I had everything figured out

Goes to show just how much I know

’Bout the way life plays out

Huminto siyang muli saka siya tumingala sa kalangitan. Ilang sandali pa ay muli na naman siyang tumugtog at ipinagpatuloy ang sinimulan.

I take one step away

Then I find myself coming back to you

My one and only, one and only you ooh

Alam ko kung ano ang kinakanta niya. Madalas ko iyong naririnig sa radyo. Sikat na sikat sa FM Station na madalas kong pakinggan sa gabi.

Now I know

That I know not a thing at all

Except the fact that I am yours

And that you are mine

Ooh

If you told me that this wouldn’t be easy

And no

I’m not one to complain

I take one step away

Then I find myself coming back to you

My one and only, one and only

I take one step away

Then I find myself coming back to you

My one and only, one and only

you

Hindi ko inasahan na maganda pala ang boses ng lalaking ito. Nawili tuloy ako sa pakikinig sa kanya.

Sa palagay ko ay para akong idinuduyan habang kumakanta siya kanina. Napakasarap pakinggan ng tinig niya.

Para sa akin ay mas magaling pa siya kaysa sa Parokya na orihinal na kumanta ng awiting iyon.

Ngunit hindi pa rin sapat na dahilan iyon para mawala ang pagkainis ko sa kanya.

Muli ay tumipa na naman siya sa gitara niya saka siya nagsimula muli na kantahin ang kantang pinag-aaralan niya.

Marahan ko namang isinara ang main door saka ko iyon dinouble lock.

Bumalik ako sa kusina at isinarado ko rin ang pintuan doon. Pati na rin ang lahat ng pintuan na maaari niyang daanan papasok ng villa.

Tulog na ang lahat ng tao dito sa bahay kaya siguradong wala nang iba pang magbubukas ng pintuan para kay Ralf.

Bahala siyang mamatay sa ginaw sa labas. Doon siya nararapat na magpalipas ng magdamag.

Nang masiguro ko na naisarado ko na ang lahat ay natatawa pa ako na umakyat sa silid ko at doon ko na rin inubos ang mga cookies ko at ang gatas na tinimpla ko.

Chapter 8

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Hacienda Aurelia

Nagising ako sa malakas na pagbalya ng pinto sa silid ko. Napipikit pa ako na napaangat ng ulo para silipin kung sino ang pumasok.

Galit na anyo ni Papa ang bumungad sa akin dahilan upang manlaki ang mga mata ko.

Napabalikwas ako ng bangon at nanlalaki ang mga mata ko na sinalubong ang galit na mga mata ni Papa.

“P-papa…” nahihintakutan na sambit ko.

“Bakit mo pinagsarahan ng pintuan kagabi si Rafael? Hindi mo ba alam na maaari siyang magkasakit nang dahil sa ginawa mo?” galit na sita niya sa akin.

Dahil sa pagkabigla ay hindi ko nagawa man lang na bumigkas kahit na anong salita.

Para akong napipi at wala akong maisip na tamang sabihin dahil totoo naman ang ibinibintang niya sa akin.

“Hindi kita pinalaki nang walang disiplina. Maliit ka pa lang ay tinutubuan ka na ng sungay. Ako mismo ang babali ng mga iyan. Dumapa ka sa kama.” mabalasik na utos niya saka niya sinimulang kalasin mula sa pantalon niya ang gawa sa balat na sinturon niya.

“P-papa…” angal ko ngunit labis akong nahintakutan nang mas lalo pang naging mabalasik ang tinig ni papa habang inuulit ang iniutos niya sa akin.

“Dapa!” sigaw niya kasabay ng tuluyang pagkakalas niya sa sinturon niya saka niya iyon ipinulupot sa palad niya.

“S-sorry po.” halos mangiyak-ngiyak ko nang paghingi ng tawad kahit na hindi pa dumadapo sa akin ang sinturon.

“Ahhhh!” sigaw ko nang maramdaman ko ang sakit na dulot ng malakas na paghampas sa akin ni Papa ay halos mapasubsob ako sa kama dahil sa sakit.

Isa pa muling palo ang naramdaman ko at tuluyan na akong naiyak.

“Hindi mo naisip na walang tutulugan ang Kuya mo. Sa lamig ng klima sa labas ay siguradong magkakasakit siya dahil sa ginawa mo.”

Dalawang magkasunod na palo pa ang naramdaman ko at halos iiwas ko na ang pwet ko sa kanya. Sinundan pa ng isa kaya napaupo na ako sa kama habang umiiyak.

“Sorry po! Hindi ko na po uulitin.” umiiyak na pakiusap ko habang sinasalubong ko ang galit na mga tingin sa akin ni Papa.

Ilang sandali pa ay bigla na lamang lumambot ang anyo niya. Para bang nakadama siya ng awa sa akin at muli na niyang ibinalik sa pantalon niya ang sinturon niya.

Iyak pa rin ako ng iyak habang nakasiksik sa headboard ng kama.

“Kay Rafael ka humingi ng tawad.” matigas na sabi niya niya ako pinagmasdan na para bang naaawa siya sa akin dahil sa ginawa niya.

“Huwag mong isipin na dahil pinalo kita ay hindi na kita mahal. Anak kita kaya gusto ko na matuto ka sa mga pagkakamali mo. Humingi ka ng paumanhin sa Kuya mo at wag na wag mo na ulit gagawin ang ginawa mo kagabi.” sabi niya saka na siya mabilis na lumabas ng silid ko.

Pagkalabas ni Papa ay siya namang pagpasok ni Mama sa silid ko mabilis niya akong nilapitan at niyakap habang inaalo ako sa pag-iyak ko.

Napasulyap ako sa may pintuan at ang galit na anyo ng nakasilip na si Rafael ang sumalubong sa akin. Sa likod niya ay ang dalawang katulong na kapwa seryosong nakatitig sa amin ni Mama.

Matapos ang pangyayaring iyon ay naiiyak pa rin ako na umupo sa may porch kung saan ko nakita kagabi si Ralf.

Namamaga pa rin ang mga mata ko habang nakatanaw ako sa malawak na daanan palabas ng hacienda.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko na hindi na ako nag-iisa kaya nagbaling ako ng tingin sa bandang kanan ko.

Nakita ko si Ralf na nakatayo malapit sa akin. Seryoso ang anyo niya at nakapamulsa siyang nakatingin sa akin.

“Akala mo ba hindi ko alam na ikaw ang nagkandado ng mga pintuan kagabi?” malumanay na sabi niya.

Naningkit naman ang mga mata ko saka ko sinalubong ang mga tingin niya.

“Nakuha mo na ang gusto mo diba? Nagsumbong ka na kay Papa.” galit na sabi ko.

Nagpakawala siya ng malalim na paghinga bago siya muling nagsalita.

“Iniisip mo ba na dahil pinagsarahan mo ako ng pintuan ay dito na ako matutulog sa labas?” sabi niya.

Hindi ako sumagot.

“Hindi mo ba naisip na nasa labas lamang ang maids quarter at maaari naman akong makitulog doon?” patuloy pa niya.

Hindi pa rin ako kumibo. Ngayon ko lang napagtanto na pwede nga pala siyang makitulog doon.

Saka ko lang naisip na hindi naman pala talaga siya napahamak nang dahil sa ginawa ko.

Napalo at napagalitan pa ako ni Papa dahil nagsumbong siya at ngayon ay napakasama na ng tingin sa akin ng lahat ng tao dito sa villa.

“Gagawa ka ng kalokohan tapos ngayon iiyak-iyak ka diyan?” sabi pa niya.

Marahas akong bumaling sa kanya at sa naniningkit na mga mata ay sinagot ko siya. “Ikaw ba kapag napalo ka hindi ka iiyak?”

Isang pilyong ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Pinakaunang ngiti na natanggap ko mula sa kanya. Ngunit hindi naman iyon totoong ngiti.

Ngiti lamang iyon ng amusement dahil sa tapang na ipinapakita ko kahit na napagalitan at napalo na ako nang dahil sa kanya.

“Hindi na ako umiiyak. Binata na ako eh.” sabi niya saka siya amused na tumingin sa akin.

Hindi ko na siya sinagot.

“Bakit mo ba kasi ginawa iyon?” bigla ay tanong niya.

“Dahil ayoko sayo. Masungit ka at hindi mo man lang ako nginingitian. Samantalang ampon ka lang naman ni Lola.” masungit na sagot ko nang hindi bumabaling sa kanya.

Nawala ang amusement sa mukha niya at napalitan iyon ng malalim na pag-iisip.

“Masungit ka rin naman sa akin ah.” sabi niya.

“Kasi ampon ka.” mayabang na sagot ko.

Sinulyapan niya ako saka siya nagpakawala ng hangin mula sa dibdib niya.

“Sa tingin mo ba dahil sa ginawa mo mapapahamak ako? Ipinahamak mo lang yung sarili mo. Nagalit tuloy sayo si Tito Lyndon.”

“Nagalit siya dahil nagsumbong ka.” galit na sagot ko sa kanya.

Natawa naman siya na lalo kong ikinainis. Nang-aasar ba siya? Kaya ba niya ako nilapitan ngayon dito ay para inisin pa lalo?

“Hindi ako nagsumbong sa Papa mo. Sina Nana Sita ang nagsabi sa kanya ng ginawa mo. Sinubukan ko silang pigilan pero hindi pumayag si Nana Sita na hindi malaman ng mga magulang mo ang nangyari.” paliwanag niya ngunit hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya.

“Sinungaling!” sigaw ko sa kanya saka na ako tumakbo pabalik sa loob ng villa.

Kinabukasan ay bisita namin sa hacienda si Celine, anak ng doktor sa kabilang farm. Matanda siya sa akin ng tatlong taon at nasa huling taon na siya ng elementary.

Palagi na lamang nakabuntot si Celine sa kanyang ama sa tuwing dumadalaw ito dito sa hacienda para suriin si Papa.

Dahil madalas na rin naman siyang nagpupunta dito ay sa akin siya laging lumalapit at nakikipagkaibigan.

“Sino ba yung nagpapaligo ng kabayo, Ivan?” bigla ay tanong niya habang nakaupo kami sa ilalim ng puno ng mangga na madalas naming pagtambayan kapag naririto sila ng ama niya.

Sinulyapan ko si Ralf na buhos ang atensyon sa pagpapaligo ng kabayo ni Papa. Hindi ko siya pinapayagan na paliguan ang kabayo ko kaya hindi niya iyon pinapakialaman.

Bumaling ako kay Celine saka ko sinagot ang tanong niya sa akin.

“Adopted grandson siya ni Lola. Taga-Maynila at nagbabakasyon ngayon dito. Bakit ba?” medyo iritado kong sabi sa kanya.

Humagikgik si Celine habang nakatitig siya sa nakahubad-baro na si Ralf at banay buhos ng tubig sa katawan ng kabayo.

“Crush ko siya, halika kausapin natin.” kinikilig na sabi sa akin ni Celine na ikinasimangot ko.

Sinubukan niyang hilahin ang kamay ko upang lapitan namin si Ralf pero mabilis ko iyong iwinaksi saka ko siya inis na tiningnan.

“Lapitan mo kung gusto,” nakasimangot na sabi ko sa kanya. “Isusumbong kita sa daddy mo. Pati ba naman katulong pinapansin mo. Saka ang tanda tanda na niyan.“sabi ko.

“Anong matanda? Loka ka talaga. Ang hot kaya niya. Tingnan mo nga teenager pa lang siya pero ang ganda na ng katawan niya.” sagot ni Celine na hindi inaalis ang namumungay na mga mata sa nakahubad na si Ralf na ngayon ay napasulyap na sa amin.

“Gosh Ivan, nakatingin siya sa atin.” parang sinisilihan na tili sa akin ni Celine at nagsisimula na akong makadama ng pagkairita sa kanya.

“Ano kaya ang pakiramdam kung makakasama ko siya sa iisang kama. Pagkatapos maghahalikan kami.” dagdag pa niya na ikinalaki ng mga mata ko.

“Ano ka ba Celine, ang bata pa natin. Sabi ng teacher ko masama daw pag-usapan ang ganyang mga bagay.” nabibiglang sabi ko sa kanya.

She rolled her eyes. “Ikaw bata ka pa pero ako malapit na akong maging dalaga. Si Kuya nga dinadala pa sa bahay ang mga girlfriends niya tapos nung nakaraan lang sinilip ko pa sila habang nagsesex sila. Sarap kaya nilang panoorin.”

“Tumigil ka na nga sa mga sinasabi mo. Mamaya may makarinig pa sa atin mapagalitan na naman ako.” inis na sabi ko sa kanya.

Muli na naman niyang pinaikot ang mga mata niya na napakasarap daklutin at durugin.

“Sabi mo ampon siya ng Lola mo. Edi hindi siya katulong.” sabi na naman niya.

Napakadaldal talaga ng babaeng ito at minsan ay naiirita na talaga ako sa kanya.

“Pareho din iyon. Katulong lang din naman siya sa bahay ni Lola sa Maynila.” nakasimangot na sagot ko.

“Basta, crush ko pa din siya.” sabi ni Celine saka na siya tumayo at malanding naglakad papalapit kay Ralf.

Nagsasalubong ang mga kilay ko na sinundan ko ng tingin si Celine. Nakita ko na kinausap niya si Ralf. Hindi ko alam pero bigla akong nainis sa nakikita ko.

Naiinis ako sa atensyong ibinibigay ni Rafael kay Celine. Pati ba naman ang kaibigan ko ay nakukuha na rin niya ang loob.

Naging sanhi iyon upang mas lalong manibugho ang batang puso ko. Lalo na at ginagawa lahat nina Mama at Papa ang lahat ng paraan para lamang maging palagay ang loob ni Rafael dito sa hacienda.

Nagtataka lang ako dahil wala akong nakikitang tugon mula kay Ralf. Sa halip ay nakikita ko sa mga nagdaang araw na para siyang pilit na umiiwas sa mga magulang ko. Lalo na sa akin.

Minsan ay inabutan ko siya na nasa loob ng library at nagbabasa ng libro doon. Pumasok din ako saka ko siya nilapitan mula sa kinauupuan niya.

“Ano ang ginagawa mo dito?” masungit na tanong ko sa kanya dahilan upang mapatingala siya sa akin.

“Hindi ba dapat ay nasa kuwadra ka at naglilinis doon?” patuloy ko pa.

Nagdikit ang mga kilay niya saka niya isinara ang libro na hawak niya.

“Katulad mo ay may karapatan din ako dito.” sagot niya.

Umismid ako. “Ampon ka lang naman ni Lola Corazon diba? Kaya paano ka magkakaroon ng karapatan na umupo diyan at magbasa ng mga libro. Nalinis mo na ba ang kuwadra?” sabi ko.

Nakita ko ang banayad na paggalawan ngbmga muscles sa mukha niya na tila ba pinipigilan niya na magalit sa akin dahil sa mga pinagsasasabi ko sa kanya. Pagkatapos ay galit siya na tumingin sa akin bago nagsalita.

“Kaya lang naman ako naglilinis ng kuwadra ay dahil ayoko na wala akong ginagawa. Walang nag-uutos sa akin na gawin iyon. Hindi ako sanay na magbuhay hari tulad mo, Prinsipe Ivan.” sarkastikong sabi niya.

Ibinagsak niya ang libro na hawak niya sa ibabaw ng study table saka siya pagalit na tumayo at mabilis na lumabas ng silid.

Naiwan ako na nakatanga sa pintuan na dadaanan niya. Dumila pa ako habang nakatalikod siya.

Nang tuluyan na siyang makalabas ay wala sa loob na sinulyapan ko ang libro na binabasa niya kanina.

Tom Sawyer and Huckleberry Finn.

“If I know, you look like Huck Finn.” bulong ko saka na rin ako naglakad palabas ng library at nagtungo na lang ako sa kusina para magpahanda ng merienda kina Ate Mely.

Hindi ko na nakita pa si Ralf sa buong araw na iyon kundi sa hapunan na lamang namin kinagabihan.

At kagaya ng dati ay nasa kanya na naman ang buong atensyon ng mga magulang ako at ako ay para na namang hindi nag-eexist na nakaupo lang sa tabi nila at tahimik na kumakain.

Chapter 9

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Hacienda Aurelia

Hindi pa doon natatapos ang inis na nararamdaman ko para kay Rafael.

Nagpatuloy pa ang mga araw ngunit sa bawat araw na nagdaraan ay mas lalo lamang tumitindi ang galit ko para sa lalaking iyon.

Nagbibigay na ng sapat na atensyon sa akin ang mga magulang ko ngunit nakakadama pa rin ako ng inggit sa tuwing may bagong natututunan si Rafael samantalang ako ay wala.

Matapos ang insidente sa library ay hindi na talaga ako kinausap o pinansin man ni Ralf kahit pa nakaharap ang mga magulang ko.

Ganoon din ang ginawa ko at dahil hindi matapos-tapos ang malamig na pakikitungo namin sa isa’t isa ay nasanay na ang mga tao kaya hindi na lang nila kami pinipilit na magsama.

Halos ika-apat na linggo na ni Rafael sa Hacienda Aurelia nang mapadaan ako sa guest room sa ibaba ng villa kung saan natutulog si Ralf.

Pasimple akong pumasok doon saka ko inikot ang mga mata ko sa kabuuan ng silid na iyon.

May mga gamit sa loob si Ralf na pinasadahan ko ng tingin habang naglalakad ako papasok.

Ilang sandali rin akong nagpaikot-ikot doon. Binuksan ko ang mga drawers pati na sa banyo ay sumilip ako.

Mula sa mesa hanggang sa loob ng closet niya. Nagsalubong ang mga kilay ko nang maikot ko na ang buong silid at ma-inspeksyon ko ang mga gamit niya.

Akala ko ba ay nagbabakasyon lang dito si Rafael? Pero bakit puno na ang buong silid na ito ng mga gamit niya?

Natuunan ko ng pansin ang isang baseball cap na nakalagay sa mesa kasama ng iba pang mga gamit ni Ralf.

Kung kanina ay pinapasadahan ko lang ng tingin ang mga gamit niya, ngayon ay napukaw na ng baseball cap na iyon ang atensyon ko.

Mabilis akong lumapit doon saka ko dinampot iyon mula sa pagkakalapag sa mesa.

May nakatatak doon na pangalan ni Rafael at may nakasulat din na captain.

Nagulat pa ako nang makita ko ang logo at ang pangalan ng eskwelahan na pinasukan niya noong highschool siya.

La Salle

Naningkit ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung ano ang ibig sabihin ng nakikita ko na iyon.

Sa De La Salle University pinag-aral ni Lola Corazon si Ralf. Sa sikat na eskwelahang iyon nakapagtapos ng highschool ang magaling nilang ampon.

Samantalang ako ay hindi man lang makapunta ng Maynila kahit makapamasyal man lang.

Dumako pa ang mga mata ko sa isang kuwadro sa ibabaw ng mesa kung saan nakalagay ang larawan ni Ralf kasama ng mga kasing edad niyang mga kalalakihan na may hawak na trophy.

Nanalo marahil ang team nila kaya masayang-masaya sila sa larawan. Doon ko lang nakita ang kakaibang ngiti sa mga labi ni Ralf. Mahahalata mo talaga na masaya siya.

Doon na may pumasok na kalokohan sa isip ko. Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko pero iyon talaga ang gusto kong gawin sa mga sandaling iyon.

Sa ikalawang pagkakataon ay gumawa na naman ako ng hindi magandang bagay na alam kong pagsisisihan ko na naman.

“Captain pala, ha?” sabi ko na sinamahan ko ng nakakalokong ngiti.

Dinampot ko ang gunting na nasa pencil holder sa ibabaw ng mesa saka ko sinimulang guntingin ang baseball cap ni Rafael.

Hindi pa ako natuwa sa kakaunting gupit lang. Patuloy ko iyong ginupit-gupit at doon na ako napasukan ni Ralf sa loob ng silid niya.

“What are you doing?” bulalas niya na nagpahinto sa akin sa ginagawa ko.

Mabilis siyang nakalapit sa akin saka niya marahas na inagaw mula sa kamay ko ang baseball cap niya.

Ngunit kahit naagaw niya iyon ay wala na rin siyang magagawa dahil gupit-gupit na iyon.

Nanlulumo niyang pinagmasdan ang sumbrero niya bago siya sumulyap sa akin gamit ang nagbabagang mga mata.

Nakatunghay siya sa akin na para bang anumang sandali ay lalapain niya ako nang walang kalaban-laban.

Kahit paano’y kinabahan ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Nakadama na rin ako ng takot kaya napaatras ako at akma na akong tatakbo palabas ng silid niya ngunit nahawakan niya nang mabilis ang isang kamay ko.

“Bakit mo ginawa ito?” sabi niya.

Hindi sumisigaw si Ralf pero nakamamatay ang galit na nahimigan ko sa tinig na ginamit niya.

Halos manghina ang mga tuhod ko at bakas na bakas na marahil sa mukha ko ang takot ko sa kanya.

Lumikot ang mga mata ko para makapag-isip ng mabuting idadahilan at para maiwasan ko na rin ang mga nakakatakot na tingin sa akin ng lalaking ito.

“Eh… Kasi… K-kasi…” nagkandautal na ako dahil sa matinding kaba.

Marahil ay namumutla na ako at namumuo na ang luha sa mga mata ko nang mga sandaling iyon.

“S-sasaktan mo ba ako?” bigla ay nasabi ko.

Nakita ni Ralf kung gaano katindi ang takot ko sa kanya sa mga sandaling iyon at sa mabilis na sandali ay nabawasan ang bagsik sa mukha niya at naramdaman ko na ang pagluwag ng pagkakahawak niya sa maliit na kamay ko.

Tuluyan nang nawala ang galit sa mukha niya saka siya nagpakawala ng malalim na paghinga.

“Sana. Pero mukha ka nang kawawa diyan hindi pa nga kita inaano.” sabi niya saka siya tumingin sa sumbrero niya na ginupit-gupit ko.

“Alam mo bang napakahalaga sa akin ng sumbrero na iyan?” sabi pa niya saka siya nanlulumo na napailing na lang dahil sa pagkasira ng gamit niya.

Kahit ako ay nakadama ng guilt dahil sa ginawa ko at dahil sa nakita kong anyo ni Rafael.

Gusto kong pagsisihan ang ginawa ko subalit hindi ko magawang humingi sa kanya ng sorry. Hindi ko kayang bigkasin ang mga katagang iyon sa kanya.

“Ano ba ang masamang ginawa ko sayo at palagi ka na lang galit sa akin?” tanong niya nang hindi pa rin ako nagsasalita.

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko kayang sabihin sa kanya na kinukuha niya ang lahat ng atensyon ng mga magulang ko. Na halos wala nang panahon si Mama sa akin mula nang dumating siya dito sa hacienda.

“A-ayoko sayo. Ayoko na nandito ka. Hindi kita gusto dahil masungit ka.”

“Masungit ka rin naman sa akin ah. Ang salbahe mo pa.” sabi niya.

“Dahil sayo galit na sa akin si Papa. Hindi ko na nararamdaman na mahal ako ni Mama. Masama ka, Rafael. Napakasama mo!” ninenerbiyos na sabi ko.

Hinila ko mula sa pagkakahawak niya ang kamay ko saka na ako patakbong lumabas ng silid niya.

Dalwang araw matapos ang pangyayaring iyon ay narinig ko si Rafael na nagpapaalam sa mga magulang ko.

Mula sa pagkakasilip ko sa barandilya ng hagdan ay kitang-kita ko ang matinding kalungkutan sa mukha ni Mama nang sabihin ni Ralf na babalik na siya ng Maynila.

Ganoon din ang nakita ko sa anyo ni Papa. Ngunit hindi naman masyadong halata ang sa kanya.

Sa hindi ko malaman na kadahilanan ay naghahalo ang tuwa at lungkot sa dibdib ko nang malaman ko na aalis na si Ralf sa Hacienda Aurelia.

Marahil ay dahil guilty ako sa pag-alis niya. Sigurado ako na ako ang dahilam kung bakit siya nagpasya na umalis na sa bahay namin.

Kinabukasan ay inihatid siya ng mga magulang ko sa kabisera. Hindi nila ako isinama at hindi man lang nila binanggit sa akin ang tungkol sa pag-alis ng ampon nila.

Bago sumakay sa sasakyan si Ralf ay lumingon pa siya at tumingin sa itaas. Sa may bahagi kung nasaan ang silid ko.

Mabilis kong ibinaba ang kurtina sa bintana. Hindi ko gusto na makita niya ako habang nakasilip sa kanyang pag-alis. Kahit paano ay may guilt akong nadama sa naging desisyon niya.

Mula sa araw na iyon ay inasahan ko na muling magbabalik sa dati ang lahat. Magbabalik kami sa normal naming buhay nung wala pa sa bahay namin si Ralf.

Ngunit laging bukambibig na ni Mama si Rafael. Kung minsan pa nga ay naririnig ko pa siya na tumatawag sa Maynila at kinukumusta niya si Ralf kay Lola.

Napansin ko rin ang nagiging madalas na pagluwas ng mga magulang ko sa Maynila at kahit minsan ay hindi man lang nila ako isinama.

Labis akong nainis dahil sa mga nangyayari sa pamilya namin. Akala ko ba makakasama kay Mama ang pagluwas sa Maynila? Pero bakit ngayon ay halos buwan-buwan na sila kung dumalaw doon?

Subalit ang tampo at galit na nararamdaman ko ay sinarili ko na lang at hindi ko na tinangka pa na sabihin kahit na kanino.

Present Time

2019

Hacienda Aurelia Bridge

Matapos ang pagdaloy ng mga alaala mula sa kabataan ko ay hindi ko namamalayan na nakarating na pala kami ni Ralf sa Hacienda Aurelia.

Ilang beses din kaming nalubak sa dinaanan namin papasok ng hacienda at naisip ko na tama nga si Ralf.

Hindi kakayanin ng sasakyan ko ang daan patungo dito sa hacienda. Tama lamang na ang Range Rover niya ang ginamit namin pauwi sa villa.

Medyo malayo pa kami dahil nasa bukana pa lamang kami ng hacienda kaya pinili ko na isandig ang ulo ko sa sandalan.

Balsamo sa damdamin ko ang malamig na haplos ng hangin sa aking mukha. Nasasamyo ko na rin mula sa kinauupuan ko ang amoy ng basang gubat at ang huni ng mga ibon sa paligid.

May kalahating oras na rin kaming nasa biyahe ni Ralf nang hindi nag-iimikan. Hanggang sa marinig ko ang pagmumura niya.

“Shit!” aniya na nagpalingon sa akin sa gawi niya. Kasabay noon ay ang pagpreno niya ng sasakyan. Bago pa ako nakapagtanong kung ano ang nangyari ay nagbukas na siya ng pinto saka siya lumabas.

Napaunat ako sa pagkakaupo at itinun ko ang tingin ko sa palusong na daan. Nasa bukana na pala kami ng ilog at kahit ako ay nanlumo nang matanaw ko ang dahilan ng paghinto namin.

Sa di-kalayuan ay ang ilog na tuloy pa rin sa mabilis na pag-agos. Bagaman huminto na ang malakas na pag-ulan kaninang umaga ay patuloy pa rin na naaapawan ng tubig ang tulay at sa gitna noon ay isang malaking troso ang nakaharang na marahil ay inanod ng malakas na agos ng tubig kanina.

Mabilis kong kinalas ang seatbelt ko saka na rin ako bumaba ng sasakyan. Nilapitan ko ang nakatayo na si Ralf at sabay naming pinagmasdan ang tulay.

“Paano mo maitatawid ang sasakyan diyan?” tanong ko sa kanya.

Pinagsalikop ko ang mga braso ko sa katawan ko habang nakatitig ako sa tulay na patuloy na inaagusan ng tubig sa ilog.

Hindi lang ang banayad na ambon at hangin ang dahilan kung bakit tila may kung anong lamig na gumapang sa buong pagkatao ko habang nakatitig ako sa tulay.

Hindi ako nilingon ni Ralf na kasalukuyang nakapamaywang at tinatantiya ang agos ng tubig. Malakas pa rin iyon at mapanganib ang pagtawid.

Marahil ay lampas pa rin sa beywang ang taaa ng tubig mula sa tulay kaya kahit na walang nakaharang na troso ay hindi pa rin makakatawid kahit ang Range Rover ni Ralf.

Lumingon sa akin si Rafael saka na siya nagsalita. “Tatawirin natin ang ilog, Ivan. Iiwanan na natin dito ang Range Rover ko.” sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko.

“N-no!” nahihintakutan na bulalas ko. Parang gusto kong panginigan ng mga tuhod dahil sa sinabi ni Ralf.

Sa tulay na ito binawian ng buhay si Mama. Hindi pa ba nadala ang lalaking ito at pati ang buhay naming dalawa ay itataya niya para lang makatawid sa mapanganib na tulay na ito?

No! bulong ko sa isip ko.

Chapter 10

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Hacienda Aurelia Bridge

“P-papaano tayo tatawid diyan? Tingnan mo nga yang troso. Humarang lang iyan sa pundasyon ng tulay kaya hindi tuluyang inanod ng tubig.” sabi ko.

“Iyan mismong troso na yan ang kakapitan natin para makatawid tayo sa kabilang dulo.” sabi niya saka niya hinagod ng tingin ang suot ko.

Maiksing blue above the knee shorts lang ang suot ko. Simpleng plain navy white shirt at rubber shoes. Malapit na rin naman kami sa hacienda kaya iyon na ang pinili ko na suotin. Isa pa ay maulan pa rin ang panahon.

“Nagputi ka pa talaga ah.” sabi niya kasabay ng pagtitig niya sa may puwetan ko.

Bastos!

Nakita ko sa mga mata niya ang pagsang-ayon niya sa suot ko pagkatapos ay naglakad siya patungo sa sasakyan.

Kinuha niya ang bag ko at iniwanan na ang maleta sa loob. Ni-lock niya ang sasakyan saka na siya naglakad pabalik sa kinatatayuan ko.

“Let’s go!” sabi niya sa akin saka niya iniabot sa akin ang maliit na bag ko.

“Tiyak na nag-aalala na sa atin si Nana Sita.” dugtong pa niya.

Para naman akong itinulos sa pagkakatayo. Nanlalaki angvmga mata ko habang nakatitig ako sa malakas na agos ng tubig sa ibabaw ng tulay.

Sa tulay na ito binawian ng buhay si Mama five years ago. Bumabagyo rin noon at galing sila sa kabisera kasama ng driver ng pamilya.

Pilit nilang tinawid ang tulay na ito gamit ang bagong four-wheel drive pickup na kakabili lang ni Papa noon.

Kumpiyansa si Papa na kaya ng bagong sasakyan niya ang tumawid sa tulay dahil hindi pa naman gaanong mataas ang tubig.

Tinawid nila ng walang pag-aalinlangan ang tulay subalit hindi nila inasahan ang mga putol na puno at troso na inaanod ng malakas na agos. Humampas ang isang malaking sanga ng puno sa four-wheel drive at sapat na iyon upang makalikha ng trahedya.

Buhay si Papa subalit kasamang nasawi ni Mama ang driver ng pamilya namin.

Hawak na raw ni Papa si Mama noon ngunit isang malaking kaputol na kahoy ang bumangga sa ulo ni Mama.

Nakabitaw si Mama sa pagkakakapit niya kay Papa saka siya lumubog sa tubig.

Sinubukan pa siyang sisirin ni Papa pero dahil sa paglakas ng agos ay hindi na niya ito nahabol pa.

Mabuti na lamang at nakahawak siya sa isang inaanod na kahoy at nakaahon siya nang mapadako siya sa may mababaw na parte ng ilog.

“Ivan,” untag ni Ralf sa akin. Bahagya pa akong napapitlag.

Hinawakan niya ako sa braso. “Halika na.” sabi niya kasabay ng pag-akay niya sa akin pero hindi ako nagpahila sa kanya.

“A-ayoko.” matigas na sabi ko. May bahid na ng histerya ang tinig ko. “A-ayokong tumawid diyan. Baka… Baka… Oh!” nanghihinang sabi ko saka na ako naiyak.

Hindi ko talaga kayang tawirin ang tulay na ito. Nakikita ko pa lang kung ano ang tatawirin namin ay parang gusto ko nang panghinaan ng loob.

Ngayon lang ako muling nagkaganito sa harapan mismo ni Rafael. Una ay noong mahuli niya ako na ginugupit ang sumbrero niya.

Hindi rin ako makaapuhap ng sasabihin ko noon at nakakadama ako ng matinding takot at kaba. Ganoon din ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito.

“Please, R-ralf,” garalgal kong pakiusap.

Bigla namang lumambot ang anyo ni Ralf dahil sa nakita niyang takot at histerya sa mukha ko.

Marahil ay nahuhulaan na niya kung ano ang dahilan ng labis na takot ko na tawirin ang tulay na ito.

“It’s all right, Ivan,” malumanay niyang sabi sa akin. “Lampas tuhod na lang natin ang tubig at kaya nating tawirin iyan dahil hindi naman kalakasan na ang agos.”

Umiling ako. “No! H-hindi ako tatawid sa tulay na iyan.” matigas na sabi ko na may bahid pa rin ng takot. Kahit ano ang mangyari ay hindi ko talaga tatawirin ang tulay.

“Hihintayin ko na bumaba ang tubig.” sabi ko sa kanya.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Ralf. Itinaas niya ang kamay niya at hinawakan niya ako sa baba para itaas ang mukha ko paharap sa kanya.

Nakita ko ang malalamlam na mga mata niya. Napilitan ako na salubungin ang mga iyon.

“I won’t let anything happen to you, pangako,” sambit niya. Halos bulong na lang iyong lumabas mula sa bibig niya.

Nakita ko ang mga mata niya na naglakbay sa kabuuan ng mukha ko na tila ba minememorya niya ang bawat bahagi nito.

Nagtagal ang mga mata niya sa medyo nakaawang ko nang mga labi at hindi nakaligtas sa akin ang pagtaas at pagbaba ng adams apple niya.

Sa paglunok niya ay mabilis na pumasok sa isip ko na hahalikan na naman niya ako kaya mabilis ko siyang itinulak saka ako lumayo sa kanya.

Mabilis kong ibinalik sa huwisyo ang isip ko saka ako nagbigay ng malaking distansya sa pagitan naming dalawa.

He was a good kisser. Alam ko iyon dahil sa tuwing hinahalikan niya ako ay nawawala ako sa sarili kong katinuan dahil sa sarap at kilabot na dulot ng mga halik niya.

Hindi ko alam pero kakaiba ang mga labi ni Rafael. Hindi iilang lalaki na ang nahalikan ko. Halos lahat ng naging boyfriends at flings ko ay natikman ko na ang labi.

Ngunit iba ang pakiramdam kapag si Rafael  na ang humahalik. Kagaya na lamang ng ginawa niya sa akin kagabi. Hindi ko na hahayaan pa na maulit iyon dahil hindi siya ang lalaki para sa akin.

“Huwag mong sabihin sa akin iyan, Ralf. Dahil hindi ako katulad ng mga magulang ko na hindi matinag ang pagtitiwala sayo. Kung bakitbay hindi ko alam.” malamig na sagot ko sa sinabi niya kanina.

“At kung hindi dahil sayo ay hindi naman talaga ako dapat aalis sa lugar na ito noon. Hindi sana ako ihahatid ng mga magulang ko sa kabisera. At hindi sana nalunod si Mama!”

Hindi ko naman talaga gustong sabihin iyon pero huli na para bawiin ko pa. Iyon ang unang pumasok sa isip ko para mapagtakpan ang nararamdaman ko.

“Fuck you!” marahan pero nag-iigting ang mga bagang ni Ralf nang sabihin niya sa akin iyon.

Marahas niya akong hinawakan sa isang braso at pinetserahan niya ako gamit ang kabilang kamay niya. Saka ko sinalubong ang galit sa mga mata niya.

“Huwag mong ibigay sa iba ang sisi para lang mapagtakpan ang sariling guilt mo, Ivan!”

Parang patalim na humihiwa sa dibdib ko ang tinig niya. Bumabaon sa puso ko ang bawat katagang sinabi niya.

Pero mas pipiliin ko pa na malunod na lamang sa ilog na ito kaysa ipaalam ko kay Ralf na nasasaktan ako.

Kahit paano ay totoo ang lahat ng sinabi niya. Kasalanan ko rin kung bakit namatay si Mama. Pero hindi ko aaminin kay Ralf iyon.

Matapang ko siyang tiningala dahil mas matangkad siya sa akin. Saka ako umismid.

“Bakit, Ralf? Itatanggi mo ba na ikaw ang dahilan kaya ako umalis dito sa San Isidro? Na nag-alaga si Papa ng ahas dito sa hacienda?”

Kumunot naman ang noo ni Ralf. “Ano ba ang pinagsasasabi mo?” naguguluhang tanong niya sa akin.

“Bakit? Hanggang sa huling sandali ba ay nagbulag-bulagan pa rin si Papa sa totoong relasyon mo kay Mama?” patuloy ko sa nanunuyang tinig.

Nakita ko ang biglang pag-iiba ng ekspresyon ng mukha ni Rafael. Tumiim ang mga bagang niya at sandali niya akong tinitigan na tila tinatantiya.

“Tigilan na natin ang walang kwentang argumento na ito, Ivan.” puno ng iritasyon niyang sagot sa akin.

“Tatawid tayo sa tulay na iyan sa ayaw at sa gusto mo.”

Naalarma ako nang bigla niya akong dakmain aa braso saka niya ako kinaladkad ng hila pababa ng tulay.

“N-n-noooo!” sigaw ko habang patuloy ako sa pagmamatigas.

“Kailangan na natin makatawid dahil bukas ng umaga ay ililibing na ang Papa mo. Kapag namatay daw siya ay hindi ko dapat patagalin ang burol niya. Sa ikatlong araw ay kailangan daw siyang mailibing dumating ka man o hindi. Iyon ang mahigpit niyang bilin sa akin noong nabubuhay pa siya kaya iyon ang susundin ko.”

Patuloy pa rin siya sa pagkaladkad sa akin patungo sa tulay. Nagpupumilit pa rin ako na kumawala sa pagkakahawak niya dahil hindi ko talaga kayang tawirin ang tulay.

Nagtuloy-tuloy na si Ralf sa paglusong sa tubig kasama ako. Napakalakas ng lalaking ito at hindi ko man lang magawang kumawala sa kanya.

Agad na nanuot sa kalamnan ko ang lamig ng tubig sa pagkakalusong namin na iyon. Nanginginig na ako at patuloy ako sa pilit kong pagkawala sa pagkakahawak niya.

“P-please Ralf, maawa ka sa akin.” nanginginig na pakiusap ko.

Sandaling natilihan si Ralf. Totoong natatakot ako sa nilulusong namin. Ang galit na kanina ay nakikita ko sa mga mata niya ay napalitan ng pag-aalala.

Niyakap niya ako saka kami pumakabila sa troso para hindi kami matangay ng agos.

“Ivan, Listen,” sabi niya habang hawak niya ako sa magkabilang balikat. “It’s all right. Makakatawid tayo.” paniniyak niya pero hindi talaga ako kumbinsido.

Sinamantala ko ang pagkakataon na maluwag ang pagkakahawan niya sa akin sa balikat.

Mabilis akong tumakbo pabalik sa pinanggalingan namin ngunit natamaan ko ng malakas ang troso na nasa tulay at naiba ito ng posisyon.

Napasigaw pa ako nang bigla akong masapa at dahil sa pagkadulas ko ay tuluyan na akong tinangay ng agos palayo sa tulay.

“Putang-ina!” narinig ko pang malakas na mura ni Ralf bago siya mabilis na tumalon sa ilog at sinundan ang direksyon na pagdadalhan sa akin ng agos.

Marunong akong lumangoy pero hindi ako eksperto lalo na kung ganito na natatangay ako ng agos.

Sinisikap ko na makalangoy patungo sa pampang kahit na dinadala ako ng agos ng tubig.

“Ivan!” naririnig kong sigaw sa akin ni Ralf pero hindi ko magawang lumingon sa kanya dahil natatakot ako na baka kung saan na ako dalhin ng agos ng tubig.

Ilang sandali pa ay nakita ko na ang mabilis na paglangoy niya palapit sa akin.

Hindi ko na kayang labanan pa ang agos ng tubig at pilit ako nitong inilalayo sa pampang.

Naiiyak na ako at nakakadama ng pagod ngunit hindi tumigil sa paglangoy si Rafael hanggang sa makalapit na siya sa akin.

“Sikapin mo na salungatin ang agos!” sigaw niya na ginawa ko naman.

Ilang sandali pa ay tuluyan na niya akong naabutan at mabilis akong yumakap ng mahigpit sa kanya na para bang siya ang may hawak ng buhay ko.

Mahigpit din niya akong hinawakan gamit ang isang kamay niya saka na siya lumangoy patungo sa pinakamalapit na pampang na kaya naming puntahan.

Nang sa wakas ay makaahon na kami ay pagod na pagod kaming nahiga sa lupa. Nakita ko pa ang paghihirap ni Ralf sa pagbawi ng lakas.

Tuluyan naman akong naiyak saka ako giniginaw na tumalikod sa kanya.

Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap niya sa akin mula sa likuran.

Naramdaman ko ang maskuladong katawan niya na nakayakap ng mahigpit sa akin.

“Thank God at naabutan kita. Hindi mo alam kung gaano katindi ang takot  na naramdaman ko kanina nang anurin ka ng agos mula sa tulay.” hinihingal pa rin niyang sambit.

Inalis ko ang kamay niya mula sa pagkakayakap sa akin saka na ako nagsimulang bumangon at maglakad palayo sa lugar na iyon.

Mabilis din namang bumangon si Ralf at sinundan ako sa paglalakad ko.

“Hey, saan ka pupunta? Hintayin mo ako.” sabi niya saka niya ako hinawakan sa balikat pero isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa mukha niya na ikinabigla din niya.

Nasasaktan siya na muling bumaling sa akin at akma na naman niya akong hahawakan pero umiwas ako.

“Ano bang problema mo?” kunot-noong tanong niya.

“Tinatanong mo kung ano ang problema ko?” galit na sagot ko sa kanya.

“Ikaw ang problema ko. Sinabi ko na sayo na hindi ko kayang tumawid sa tulay na iyon pero pinipilit mo ako. “

“Hindi ko naman ginusto na matangay ka. Kung hindi ka kasi tumakbo pabalik nakatawid na sana tayo.” sabi niya.

“Kasalanan mo kung bakit muntikan na akong malunod sa ilog na iyan. Masyado ka kasing bilib sa sarili mo.” sabi ko.

Hindi siya sumagot.

“Alam ko naman na gusto mo na rin akong mawala. Sayo mapupunta ang lahat ng kayamanan ng pamilya kapag nawala ako hindi ba?” bintang ko sa kanya.

Nakita ko naman ang paggalaw ng mga muscles niya sa mukha kasabay ng pagtitig niya sa akin.

“Hindi ko kayang gawin sayo iyon, Ivan. Kung totoo yang sinasabi mo ay hindi ko itataya ang buhay ko para tumalon sa ilog na iyon at sagipin ka.”

May point si Rafael. Pero hindi ko maaaring ibaling ang sisi sa sarili ko dahil sa simula pa lang ay tumatanggi na ako na tumawid doon.

“Hindi ko alam kung paniniwalaan mo ako. Pero sa mga sandaling ito matapos mawala ni Tito Lyndon ay ikaw na lang ang nag-iisang pamilya na mayroon ako. Maliban kay Lola Corazon na nasa Maynila.” sabi ni Ralf.

“Kahit galit na galit ka at kaaway ang turing mo sa akin ay hindi na ako makakapayag na pati ikaw ay mawala pa, Ivan.”

Chapter 11

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Hacienda Aurelia

Naglakad kami nang hindi nag-iimikan hanggang sa makabalik kami sa bungad ng tulay.

Kaagad akong nagpalit ng damit sa loob ng sasakyan. Pero syempre pinaalis ko muna si Ralf.

Hindi ako komportable na nagbibihis ako na nasa malapit lang siya.

Natapos na akong magbihis nang makita ko si Ralf na nakaupo sa isang bato na nakausli sa lupa.

Hinubad na pala niya ang damit niya at tanging ang basang pantalon na lamang niya ang suot niya.

Nakabalandra tuloy sa mga mata ko ang matikas na likuran niya. Malalapad na balikat. Malalaking braso na para bang napakatigas kung hahawakan mo.

Bumaba pa ang mga mata ko sa makinis niyang likod na kahit doon ay mababakasan mo ng muscles.

Hindi siya maputi ngunit hindi ko rin naman masasabi na maitim siya. He’s a good example of a hunk. Tama ang laki ng mga muscles sa katawan at naaayon sa tikas at tangkad niya.

Patuloy pa ako sa pagsuri sa hubad na katawan ng nakatalikod na lalaki nang maagaw ang atensyon ko ng isang buhay na pilat sa may tagiliran niya.

Nagsalubong ang mga kilay ko at wala sa loob ako na humakbang papalapit sa kanya habang nakafocus pa rin ang mga mata ko sa pilat na para bang likha ng bumaon na patalim.

Hindi ko nakikita iyon five years ago dahil madalas rin namang magtanggal ng damit sa harapan ko ang lalaking ito kaya nakakasiguro ako na bago pa lamang iyon.

Hindi pa ako tuluyan na nakakalapit sa kanya nang bigla siyang nagbaling ng tingin sa akin at nahuli niya ang mga mata ko na nakatingin sa pilat niya.

Mabilis naman siyang tumayo saka niya isinuot ang napiga na niyang tshirt. Marahil ay upang takpan ang pilat na tinitingnan ko.

“Saan mo nakuha ang pilat mo sa likod mo?” bigla ay hindi ko naiwasang tanong sa kanya.

Humarap siya sa akin saka siya ngumiti. Ngiting pilit at walang buhay. Hindi iyon umabot sa mga mata niya.

“Nakapagbihis ka na pala. Hindi ka ba nagugutom?” paglilihis niya sa tanong ko.

Umiling ako pagkatapos ay umupo ako sa nakausling bato na kanina ay inuupuan niya saka ako tumitig sa agos ng tubig ng ilog sa ibabaw ng tulay.

“Hindi ka ba magpapalit ng damit? Basa na iyang suot mo.” sabi ko sa kanya nang maupo siya sa isa pang bato na halos malapit lang sa kinauupuan ko.

“Hindi ko naman inasahan na maaabutan tayo ng bagyo kagabi kaya hindi ako nagdala ng pamalit.” sagot niya.

Hindi ko na siya kinulit pa tungkol sa pilat na nakita ko sa kanya. Hindi niya sinagot ang tanong ko kaya alam ko na wala siyang balak na sabihin sa akin iyon.

Saka hindi kami close para magkwento siya sa akin ng tungkol sa personal niyang buhay. Bukod pa sa hindi naman ako masyadong interesado pero ngayon ay parang may nabubuhay na curiousity sa isip ko.

Hindi ko lubusang kilala si Rafael. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pinanggalingan niya. Basta ang narinig ko lang noon sa pag-uusap ng mga katulong ay masamang tao daw ang ama niya at si Rafael ngayon ang nagbabayad sa mga kasalanan nito.

Mabuti na lamang daw ay may mabuting puso si Donya Corazon at kinupkop at pinalaki niya ang batang si Ralf na parang tunay niyang apo matapos itong maulila sa mga magulang.

Hindi ko na nausisa pa ang tungkol doon dahil narinig ni Papa ang pag-uusap nila at sa araw ding iyon ay pinalayas niya ang dalawang katulong.

Hindi ko rin alam kung may katotohanan ba ang pinag-uusapan nila na iyon o pawang mga haka-haka lang din nila.

Pero ayon kay Papa bago niya pinaalis ang dalawa ay wala naman daw silang sapat na basehan o katunayan tungkol sa pinagtsi-tsismisan nila. At hindi dapat nila pinag-uusapan ang tungkol sa buhay ng may buhay.

Hindi ko na pinalawak pa ang pag-iisip sa nakaraan ni Ralf. Sumulyap ako sa kanya at nakita ko na parang nakakadama na siya ng ginaw.

“You can borrow my shirt if you want.” sambit ko na ikinalingon niya sa akin. Kahit paano ay may konsensya pa rin ako. Natuto na ako sa mga pagkakamali ko noon.

Ngumiti siya saka siya napapailing na sumulyap muli sa gitna ng ilog.

“Bago sa pandinig iyan ah. Parang gusto ko tuloy magduda sa motibo ng pag-ooffer mo sa akin ng damit mo.” biro niya. Alam kong biro iyon dahil walang halong tono ng sarkasmo.

“Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin. I did my part by offering you my help. Hindi naman ako ganun kasama sa iniisip mo. Kahit paano ay nagmature na rin naman ang isip ko.”

“Not totally,” singit niya. “Masasabi kong nagmature ka lang talaga kapag natanggap mo na ako sa buhay mo.” aniya.

“Never na mangyayari iyan!” sagot ko sa kanya na tinawanan naman niya.

“Napakatindi talaga ng galit mo sa akin kahit wala naman akong intensyon na masama sayo.”

“Sana nga ay wala. Dahil ako mismo ang magpapalayas sayo sa lugar na ito.” kibit balikat kong sagot sa kanya.

“Again?” tuya niya.

Hindi ko na siya sinagot. Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin. Napakatahimik din ng lugar. Wala kang ibang maririnig sa paligid kundi ang malakas na agos ng tubig, mga huni ng ibon, at ihip ng hangin sa mga dahon ng puno.

Hanggang sa siya na mismo ang bumasag noon.

“I’m sorry, Ivan.” bulong niya. “Hindi ko naisip na naging trauma sayo ang pagkamatay ni Tita Aurelia sa tulay na iyan.”

I detected bitterness and pain in his voice na ikinalingon ko sa kanya. So afterall, nakadama rin pala siya ng guilt sa pagkamatay ng Mama ko. He should be!

Then, naalala ko ang eksena na naabutan ko sa silid nina Mama at ang paghalik sa akin ng lalaking ito kagabi sa mismong silid ng hotel na tinulugan ko.

Damn! I was so stupid to let my mother’s lover kissed me like there’s no tommorrow.

Bagaman hindi ako tumugon ay hindi rin naman ako tumanggi kagabi nang sunggaban niya ang mga labi ko ng kanyang maiinit na halik.

At kung magpapakatotoo lang ako ay aaminin ko na nagustuhan ko rin ang ginagawa sa akin ni Rafael kagabi.

Hindi ko siya kinibo.

“Hintayin natin na bumaba ang tubig saka tayo tatawid sa tulay. Mga ilang oras lang siguro ay makakadaan na ang sasakyan ko riyan. Kung gusto mong magpahinga ay bumalik ka muna sa sasakyan.” sabi niya.

Dahil na rin sa nangyaring pagkaanod namin sa ilog ay wala na ring nagawa si Ralf kundi ang magpasya na hintayin ang pagbaba ng tubig sa tulay.

Halos tatlong oras din kaming nakatanga doon. Naghihintay  sa pagbaba ng lebel ng tubig sa ilog.

And then napasulyap ako kay Ralf. Nakasandal siya ngayon sa isang puno na malapit sa kinauupuan ko.

Kagaya sa hotel kanina ay mahimbing siyang natutulog kahit na hindi komportable ang lugar na tinutulugan niya.

Kung ako iyon ay hindi ako makakatulog nang ganun kahit na gaano pa ako kapuyat.

Patuloy na umiihip ang masarap na dampi ng hangin at nakita ko kung gaano kaamo ang mukha ni Ralf habang bahagya pang nakabuka ang mga labi niya.

Nagtagal ang mga mata ko doon pagkatapos ay bumaba sa halos litaw na dibdib niya dahil hindi nakasarado ng maayos ang mga butones ng damit niya.

Napaungol ako nang marealize ko kung ano ang ginagawa ko. Umiwas na ako ng tingin at matiyaga akong naghintay sa pagbaba ng tubig sa ilog.

Halos tatlong oras din ang matulin na lumipas. Nagising si Ralf dahil sa pagbagsak ng isang dahon sa mukha niya.

Alas-kuwatro na ng hapon at tuluyan na ngang humupa ang malakas na agos.

Hinarap ako ni Ralf . Nag-unat muna siya ng katawan saka niya ako muling sinulyapan.

“Pwede na ba tayong tumawid ng tulay?” paghingi niya ng permiso.

Tumango naman ako. “Kanina pa kita gustong gisingin pero nakita ko na napakahimbing ng tulog mo kaya hindi na kita inabala.” sabi ko saka na rin ako tumayo.

“Let’s go. Medyo mahaba pa ang kakahuyan na dadaanan natin bago tayo makarating sa villa.” aniya.

Naglakad na rin ako patungo sa sasakyan. Ngayon na halos hanggang sakong na lang ang tubig ay panatag na ako na makakatawid kami sa tulay gamit ang Range Rover niya.

Makalipas nga ang halos sampung minuto ay narating na namin ang Villa Aurelia.

Dahil naging masama ang panahon sa nagdaang gabi ay halos ang mga taga hacienda lang ang naabutan kong tao sa villa.

Marahil ay iniwasan din ng mga kaibigan ng pamilya ang pagtaas ng tubig sa tulay kaya hindi sila nakadalo sa burol ni Papa.

Halos lahat yata ng tao na nakikiramay ay nakasunod ang tingin sa akin nang bumaba ako mula sa sasakyan ni Ralf.

Suddenly, there was a hushed silence as I moved through the crowd. Ang mga tao ay nahawi na para bang dagat na pula upang bigyan ako ng daan sa pagpasok ko sa kabahayan.

Subalit walang masyadong malinaw na anyo ang nakikita ko. Bahagya nang rumehistro sa pandinig ko ang mga bulung-bulungan ng mga tao na naroon na sinaway naman ni Ralf.

Sa dulong bahagi ng maluwang na sala ay ang casket ni Papa. Sandali akong napatda. Tila bumalik ako sa araw na si Mama ang inuwian ko dito.

My heart pounded. I coudn’t breathe. Knowing that my father was dead was something. But seeing his coffin was another matter.

Nilagyan niyon ng tuldok na totoong wala na si Papa. Na namatay siya nang hindi man lang kami nakakapag-usap ng maayos.

Namatay siya na masama ang loob ko sa kanya. Kagaya rin ni Mama. Pero wala naman akong magagawa. Hindi ko maibabalik ang buhay nila.

Tears pooled in my eyes as I stared at his coffin. Humakbang ako papalapit kay Papa ay nang tuluyan na akong makalapit ay niyakap ko ang kabaong niya saka ako humagulgol ng iyak doon.

Naramdaman ko ang paghawak ni Ralf sa balikat ko at ang pagyakap sa akin ni Nana Sita.

Halos kalahating oras din akong nasa tabi lang ni Papa at patuloy na nagluksa. Hindi ko na pinansin pa ang mga tao sa paligid ko.

Kinagabihan ay dumagsa na ang maraming tao sa villa. Ang mga kaibigan ng pamilya at iba pang mga negosyante na kasosyo namin sa negosyo ay nagsidatingan.

Hindi ko na nga halos kilala ang iba at si Rafael na ang nag-asikaso sa kanila.

Dumating din si Celine kasama ng ama niya. At sa sandaling tumapak sila sa loob ng bahay namin ay hindi na siya humiwalay pa kay Ralf.

Nakalingkis siya dito na para bang ahas. Kung umasta din siya ay daig pa niya ang isang asawa na takot maagawan ng minamahal.

Lihim akong natawa at nainis sa nakikita ko. Panay naman ang sulyap sa akin ni Ralf na tila ba binabantayan niya ang bawat kilos ko.

Hindi nakapunta si Jako pero nangako naman siya sa akin na hindi siya mawawala sa libing.

Kinabukasan nga ng umaga ay nagpasya na si Rafael na ipalibing si Papa sa family mausuleo. Ayon sa kanya ay walang dahilan upang patagalin pa ang libing.

Tinupad naman ni Jako ang pangako niya sa akin at hindi siya umalis sa tabi ko hanggang sa makauwi ako ng villa.

Kanina bago ang libing ay para akong estranghero sa sariling bahay ko. Iniikot ko ang paningin ko at naghahanap ako ng pamilyar na mga mukha. At mula sa kung saan ay lumitaw si Jako.

“Ivan…” sambit niya sa pangalan ko.

Nang hawakan niya ako ay bigla akong yumakap ng mahigpit sa kanya.  Naghahanap ng kalinga mula sa mga pinagkakatiwalaan kong tao.

Hindi naman ako binigo ni Jako at mahigpit din niyang tinugon ang pagyakap ko sa kanya.

Nakita ko pa si Ralf na nakatingin aa amin at nag-iigting ang mga bagang niya subalit wala naman siyang sinabi.

Lumayo siya sa amin ni Jako saka niya kinausapa ang ibang mga tao sa paligid. Nakalingkis pa rin ang mukhang linta na si Celine.

Hanggang sa isang maliit na batang lalaki ang mabilis na tumakbo palapit kay Ralf at yumakap sa hita nito.

“Papa!” sambit nito.

Napangiti naman si Ralf. Kumalas siya mula sa pagkakahawak ni Celine. Nakita ko pa ang pag-asim ng mukha nito dahil sa pagdating ng bata.

Si Ralf naman ay mabilis na yumuko at kaagad niyang kinarga ang bata saka niya hinalikan sa pisngi.

“Kumusta ang baby boy ko?” masayang sambit niya saka siya masuyong sumulyap sa akin.

Nabigla naman ako sa nasaksihan ko.

May anak na si Ralf? Hindi ko man lang nabalitaan mula kay Papa na nag-asawa na siya samantalang nagkikita naman kami kapag dinadalaw niya ako sa Maynila.

Pinagmasdan ko ang bata at sa tingin ko ay nasa mga tatlo o apat na taong gulang na ito.

Chapter 12

Dear Readers

Medyo nakailang revise po ako sa pagsulat ko ng chapter na ito. Hindi ko na po siya maproofread tonight kasi inaantok na ako.

Kung may mapapansin po kayo na mga mali or hindi tugmang mga informations wag po kayo mahiya na punahin at magcomment po kayo sa mismong part na iyon para maedit ko po kaagad. Salamat.

Nickolai214


Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Villa Aurelia

Kasunod ng bata na lumapit kay Ralf ay isang dalagitang katulong. Natatandaan ko siya dahil siya rin ang naghatid ng pagkain ko sa silid kagabi. Iniutos daw ni Rafael.

Pero nasaan ang asawa niya? Umikot ang mga mata ko sa paligid ngunit wala naman akong nakitang babae na posibleng maging asawa ni Ralf.

Imposible naman na si Celine ang ina ng bata dahil base sa nakikita ko ay parang walang gana si Celine sa bata at hindi rin naman lumalapit sa kanya ang bata.

Nag-iwas na ako ng tingin sa kanila at nakipag-usap na lang ako kay Jako.

Matapos ang libing ay halos magkasabay lang kaming nakarating ni Rafael sa villa.

Nagkatinginan pa kami at kapwa napahinto nang paraho kaming bumaba sa mga sasakyan namin.

Nauna akong nag-iwas ng tingin saka na ako nagsimulang maglakad patungo sa villa ngunit kaagad din na nakaagapay sa akin si Ralf.

“Ayos ka lang ba?” may bahid ng pag-aalala na tanong niya. “Ako na ang bahala sa mga bisita magpahinga ka na sa silid mo.”

“Yes. I think I need to rest. Hindi rin naman ako masyadong nakatulog kagabi.” sagot ko na hindi siya nililingon.

“Kumain ka muna. Sabi ng mga kasambahay natin ay hindi ka raw nag-almusal kanina. Itinanong kita sa kanila.”

“Napakasweet mo naman. Parang gusto ko tuloy kiligin.” sarkastikong sagot ko habang hindi pa rin siya nililingon.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa may hagdan. Hinawakan ni Ralf ang braso ko saka niya ako iniharap sa kanya.

Nagtama ang mga mata namin. Nakita ko ang pagod sa mukha niya at ang matinding pag-aalala. Pero bakit naman siya mag-aalala?

Nag-aalala ba siya na baka sa akin lahat mapunta ang mga mana at wala siyang makuha kahit singko?

Nararapat lang naman talaga na sa akin mapunta ang lahat dahil ako ang tunay na anak at siya, ampon lang naman siya. Bastardo ng pamilya.

“Papahatiran kita ng mainit na kape at almusal kay Nana Sita. Hindi mo rin daw masyadong ginalaw kagabi ang iniakyat na pagkain sayo.”

Natawa ako ng pagak saka ko siya malisyosong pinagmasdan.

“Bakit parang pakiramdam ko ay estranghero ako sa sarili kong pamamahay?” sabi ko at sinadya ko na lagyan ng sarkasmo ang tinig ko.

“Masyado ka yatang naspoil ng mga magulang ko at pakiramdam mo yata ngayon ay pati buhay ko hawak mo na rin.”

“Hindi iyan ang gusto kong ipakahulugan sa mga sinasabi ko sayo. Nag-aalala lang ako sayo.” mahinahon na sagot niya.

Tumaas ang isang sulok ng mga labi ko saka ko siya tiningnan sa mata.

“Well, salamat sa pag-aalala mo. Aakyat na ako.” sabi ko saka ko na inalis ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.

“Ipadala mo na lang sa itaas ang pagkain na gusto mong ipahanda. Pero ayoko na katulong ang mag-aakyat. Gusto ko si Nana Sita lang.” sabi ko habang paakyat na ako ng hagdan.

Hindi ko susundin ang lahat ng sasabihin ni Ralf dahil wala siyang karapatan na manduhan ako sa sarili kong pamamahay.

Mangyari ay nakakadama na talaga ako ng pagod sa pagkakataong ito kaya minabuti ko na iwasan na ang pakikipagtalo kay Rafael.

Wala na pareho ang mga magulang ko para sabihin sa akin na kailangan kong sundin si Rafael dahil para rin daw naman sa kabutihan ko ang gusto nito.

Nagpasya ako na magbihis na. Binuksan ko ang closet ko saka ako kumuha ng isang simpleng pares ng damit at iyon ang isinuot ko.

Nagtataka pa ako dahil mabango ang mga lumang damit ko na tila ba kahit hindi ako umuuwi ay regular na nalalabhan.

Matapos akong makapagbihis ay nagpasya ako na magpahinga sa loob ng silid ko. Ilang sandali rin ang lumipas na nakatanga lamang ako sa kisame nang bigla akong makarinig ng mga katok sa pinto.

“Bukas iyan!” sigaw ko na nakatanga pa rin sa puting kisame.

Narinig ko ang pagpihit sa pinto at ang pagbukas niyon. Sumilip si Nana Sita at nakangiting pumasok sa loob ng silid ko.

Kasunod niya ang isa sa mga katulong na inilapag sa side table ang dalang tray pagkatapos ay inutusan na ito ni Nana Sita na lumabas.

Bumangon naman ako mula sa pagkakahiga ko sa kama saka ko payak na nginitian si Nana.

“Sadya talagang ipinalilinis madalas ni Rafael ang silid mo na ito kahit pa noong mga panahon na hindi ka umuuwi dito sa atin.” nakangiting bungad niya sa akin.

“Salamat, Nana.” sinserong sagot ko naman.

“Mabuti at nagkakasya pa sayo angga lumang damit mo? Sa pagkakakita ko sa iyo ay mas lalo kang gumuwapo at bahagya ka rin na tumaba.”

“Binobola mo na naman ako, Nana.” nakangiting sagot ko sa kanya.

Natawa naman siya saka niya ako pinagmasdan ng husto na para bang miss na miss na niya ako.

“Siya nga pala. Wala ka bang dalang gamit, Ivan?” usisa niya. “Hindi ka ba magtatagal dito?” tanong pa niya ulit.

Marahil ay napansin din niya na ang suot ko kanina sa libing ay nanggaling din sa mga lumang damit ko na naiwan dito.

“Naiwan po sa sasakyan ni Ralf ang maleta ko. Hindi pa po niya naibababa pero mamaya po ay kukunin ko iyon.” paliwanag ko.

“Ganoon ba? Aba’y pagpasensyahan mo na ang pinsan mo na iyon. Masyado kasing maraming inaasikaso dito kaya baka nawala na sa isip niya. Hayaan mo at ipapaalala ko kaagad sa kanya pagkababa ko.” sabi niya.

Hindi ko na siya sinagot kaya inihain na niya sa mesa ang pagkain na dala niya saka niya kinuha ang isang silya at inilagay sa gilid ng side table upang may magamit ako.

Habang nag-aayos siya ng mga plato ay may biglang pumasok sa isip ko.

“Nana,” tawag ko sa kanya.

“Bakit hijo?” aniya.

“May anak po ba si Rafael?” usisa ko sa kanya. Hindi ko gustong usisain pero hindi ko naiwasan na maitanong.

Ngumiti naman siya saka siya umupo sa silya na inilagay niya kanina sa gilid ng table.

“May anak nga si Rafael hijo. Marahil ay nakita mo siya kanina. Si Ryle. Tatlong taong gulang pa lamang siya pero napakacute na bata. Naku! Napakabait rin ng batang iyon. Nagmana talaga sa ama niya. Hindi mo na siya nakita kahapon dahil maaga siyang ipinapasok ni Rafael sa silid niya dahil maraming bisita at baka makaabala siya.” masiglang kwento niya at lihim akong napaismid.

Ngunit napalitan ng pagtataka ang anyo niya nang tila may mapagtanto siya.

“Teka, hindi ba naikukwento sayo ni Sir Lyndon ang tungkol doon sa tuwing dinadalaw ka niya sa Maynila?” nagtatakang tanong ng matanda.

Bahagya akong umiling saka ko sinagot ang tanong niya.

“Hindi po namin napag-usapan ni Papa si Rafael kahit minsan noong nasa Maynila pa ako. Alam naman po ninyo na hindi kami magkasundo na dalawa ni Ralf diba? Kaya hindi rin siya binabanggit sa akin ni Papa.”

“Naku! Ikaw talagang bata ka. Ewan ko ba sayo kung bakit ganoon na lamang kainit ang dugo mo sa batang iyon. Napakabait naman niya, masipag at responsable.”

Lihim akong nakadama ng inis dahil pati si Nana Sita ay nakuha na ni Rafael ang loob. Ngunit hindi ko iyon ipinahalata sa matanda.

“Hindi lang po talaga siguro nagkakatugma ang mga ugali namin.” sabi ko na lang.

“Hay ewan ko ba sayong bata ka. Kung minsan ay hindi rin kita maintindihan.” sabi niya.

“Osya kumain ka na dito at baka lumamig na ang pagkain mo.” dugtong pa niya saka na siya umupo mula sa upuan.

“Nasaan po ang asawa ni Rafael?” tanong ko naman bigla.

Napahinto siya sa pagtayo at tila ba ay bahagya siyang nagulat sa itinanong ko sa kanya.

“Ah… Ehh… Namatay sa panganganak kay Ryle. May sakit kasi sa puso si Isabel kaya hindi rin niya nakayanan ang panganganak.”

Napatango na lang ako saka na ako nagsimulang umupo sa iniwanan niyang upuan.

“Kumain ka ng marami. Kung may kailangan ka ay magsabi ka lang sa kahit sinong tauhan na makita mo. Kailangan na ako sa ibaba at marami pa akong aasikasuhin doon.” paalam niya.

Tumango na lang ako saka ko na dinampot ang kutsara at tinidor.

“Sige po, Nana. Maraming Salamat!”

Ngumiti naman siya saka na naglakad palabas ng silid ko. Naiwan ako na nakatulala sa pagkain at iniisip ang tungkol sa sinabi sa akin ni Nana Sita.

Kinagabihan ay tinawagan ako ni Jako sa linya ng telepono sa bahay dahil mahina ang signal ng cellphone dito sa hacienda.

Sa simula ay halos kumustahan lamang ang napag-uusapan namin dahil hindi namin iyon nagawa noong libing ni Papa.

Hindi nagtagal ay nagsimula na siyang mag-usisa tungkol sa aming dalawa ni Rafael.

Sinabi ko sa kanya na hindi ko papayagan na makuha ni Ralf ang lahat ng gusto niya. Sinabi ko rin na ngayong pareho nang wala ang mga magulang namin ay babawiin ko na ang lahat ng tinangka niyang kunin sa akin. At kung kailangan kong palayasin dito si Ralf ay gagawin ko.

Hindi ko namamalayan na may nakakarinig na pala sa akin mula sa likuran ko.

Matapos akong kausapin ni Jako ay nagpasya na ako na umakyat sa silid ko.

Kasalukuyan kong nirereview sa laptop ko ang mga documents na ipinasa sa akin ni Rita nang makarinig ako ng mahihinang katok.

“Bukas yan!” sigaw ko at pumasok si Nana Sita. Nginitian ko siya ngunit hindi man lang niya ako sinagot ng ngiti.

“Nagpatimpla ng gatas si Rafael at pinapaakyat niya dito sayo.” malamig na sabi niya na ikinasalubong ng mga kilay ko.

“Pakilapag na lang po sa table.” sabi ko na sinunod naman niya. Akma na rin sana siyang lalabas ngunit nagsalita ako.

“Kumusta na po kayo, Nana Sita? Pasensya na po kung hindi ko man lang kayo nakumusta agad kahapon. Marami kasing gumugulo sa isipan ko sa mga nagdaang araw.”

“Walang nababago sa mga tao rito sa asyenda, Ivan,” banayad niyang sagot ngunit sa malamig na tinig. “Tulad pa rin kaming lahat ng dati.” dugtong pa niya.

Hindi ko malaman kung ano ang susunod ko na sasabihin dahil sa kalamigan ng tinig niya. Malayo sa paraan ng pakikipag-usap niya sa akin kaninang umaga.

“N-namiss ko po kayo, Nana.” naiilang kong sabi.

Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago niya ako sinagot.

“Kahit ako ay ganoon din sayo, Ivan. Nakakalungkot lang isipin na kung hindi pa dahil sa nangyari sa Papa mo ay hindi ka uuwi dito.” aniya saka niya sinulyapan ang gatas na dala niya. “Inumin mo na iyon at baka lumamig na.”

“Huwag po kayong mag-alala at magtatagal ako dito. Kahit na mga isang buwan ay pwede ako, Nana.” sabi ko. “Marami kasi akong aasikasuhin ngayong wala na si Papa.”

Nagsalubong ang mga kilay niya. “Wala kang kailangang asikasuhin, Ivan. Lahat dito sa asyenda ay maayos na napapangasiwaan ni Rafael.”

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Tinitigan ko siya at nagtataka na talaga ako sa mga ikinikilos niya.

“Noon iyon, Nana Sita.” giit ko sa kanya. “Pero ngayong wala na si Papa ay magkakaroon na ng pagbabago.”

“Hindi kita naiintindihan, Ivan.” umiiling na sabi niya. “Wala akong makitang dapat na baguhin. Nasisiyahan ang mga tao sa palakad dito ni Rafael.

“Pati ba naman kayo, Nana Sita? Wala na bang gagawing mali si Rafael sa paningin ninyong lahat?” naghihinakit na sabi ko sa dating yaya ko.

“Narinig ko ang usapan ninyo ni Jako kanina sa telepono. Kasama ba sa mga pagbabago na gusto mong mangyari ang pagpapaalis kay Rafael dito?” galit na sita niya sa akin.

“Kung kinakailangan ay bakit hindi?” mabilis na sagot ko.

“Kung ako ang tatanungin ay mas gusto ko na ikaw na lang ang aalis dito at hindi si Rafael.” matapang na sabi niya na nagdulot ng labis na kirot sa dibdib ko.

Sa lahat ng tao dito sa hacienda ay hindi ko lubos maisip na si Nana Sita pa ang magsasabi sa akin ng mga masasakit na salita na iyon.

Tumigas ang anyo ko saka ko matapang na sinagot ang mga sinabi niya.

“Nana, ako ang anak. Si Ralf ay estranghero lang kung tutuusin. Ampon lang siya ni Lola na binigyan ng trabaho dito sa hacienda. Bakit parang nagiging mas mahalaga pa siya ngayon kaysa sa akin?” puno ng hinanakit na sambit ko.

Walang emosyon sa mukha ng matanda maliban sa marahang iling.

“Hindi na kita kilala, Ivan. Habang tumatagal ay mas lalong humahaba ang mga sungay mo.”

“Nana!”

“Matulog ka na. Maaga ka pang ipapagising ni Rafael bukas dahil may mga bisita kayong darating galing sa kabilang bayan.”

Pagkasabi niya niyon ay mabilis na siyang lumabas ng silid ko. Naiwan ako na naguguluhan at hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko saka ako tila pagod na pagod na nahiga sa kama.

Si Nana Sita na ayon kay Mama ay narito na sa bahay na ito sanggol pa lang ako.

Siya ang naging pangalawang ina ko at anak na rin ang turing niya sa akin noon.

Subalit sa naging pag-uusap namin ngayon ay parang naging ibang tao na ang kaharap ko.

Napakalayo ng Nana Sita na nakasagutan ko ngayon sa malambing na Nana Sita na nakasama ko noon.

Sa paglipas ng mga taon na wala ako sa lugar na ito ay nalipat na lahat kay Rafael ang loyalty ng lahat na lalong nagpapatindi ng galit ko sa kanya.

At ang labis na nagpadagdag sa sama ng loob ko ay ang katotohanan na nagtagumpay na siya na maagaw sa akin ang lahat ng taong malalapit sa akin.

Muli, habang nakahiga ako dito sa kama ko at mabigat ang dibdib na nakatitig sa puting kisame ay dumaloy na naman ang mga alaala ng nakaraan sa naguguluhang isipan ko.

Chapter 13

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Six Years Ago

2013

Matapos ang biglaang pag-alis noon ni Rafael sa Hacienda Aurelia ay matulin na lumipas ang mga taon.

I was almost seventeen at nakatakda na akong magkolehiyo.

Katulad noong una ay bakasyon muli nang muling magtagpo ang mga landas namin ni Rafael Certeza.

“Ano ang nangyari? Bakit tayo huminto?” tanong ko kay Jako nang bigla na lamang huminto ang owner-jeep na minamaneho niya.

Sa mga panahong iyon ay boyfriend ko na siya at tanggap na rin ng mga magulang ko ang totoong pagkatao ko.

Hindi rin naman nila kami pinigilan sa relasyon namin at dahil doon ay masasabi ko na tuluyan ko na talagang naibalik sa dati ang samahan namin bilang pamilya.

Sa paglipas ng mga taon ay tuluyan na ring nawala sa isipan ko si Rafael at hindi na rin ako nakakadama ng galit sa dibdib ko.

Si Jako ay matanda sa akin ng isang taon at madalas talaga siya sa hacienda kaya panatag ang loob ng mga magulang ko na siya ang naging boyfriend ko.

Bumaba si Jako sa sasakyan saka niya binuksan ang hood ng jeep. Wala akong interes sa pagbutingting ng mga sasakyan dahil ang gusto ko lang ay gumagamit.

Hinayaan ko si Jako na gawin ang ginagawa niya.

“Ewan ko ba. Wala pa naman akong alam sa makina.” sagot niya sa magkahalong iritasyon at pagkapahiya sa tinig niya.

Umikot ang mga mata ko. This is our official first date outside the hacienda.  Mula nang sagutin ko ang panliligaw niya ay ngayon pa lang kami magtutungo sa bayan nang magkasama.

Madalas kaming magsama sa school pero ibang bagay pa rin kapag sa labas ng paaralan kami magde-date.

May isang kilalang fast-food chain na binuksan sa bayan noong nakaraang linggo. Balak akong itreat ni Jako doon.

“Sana pinatingnan mo muna sa Papa mo ang jeep bago mo ginamit.” sabi ko saka na rin ako bumaba ng sasakyan.

Pinanood ko siya sa ginagawa niya at sa nakikita ko ay parang hindi naman siya sigurado sa mga pinagbubu- butingting niya doon.

“Paano iyan kapag hindi na umandar?  Malayo na tayo sa amin.” sambit ko.

Napakamot naman siya sa ulo niya at tila napapahiya na sumulyap sa akin. Pinunasan pa niya ang pawis sa mukha niya at sa kabila ng iritasyon ay napangiti pa ako nang makita kong nagkaroon siya ng grasa sa pisngi.

Gwapo si Jako. Maputi, matangkad at may pares ng mga mapupungay na mga mata na nagustuhan ko sa kanya.

Bukod pa sa maganda ang pangangatawan niya bagay na pinanghihinayangan nang husto ng halos lahat ng kababaihan sa school dahil sa akin lang siya bumagsak.

Well, may magagawa ba ako kung ako ang nagustuhan ng lalaking ito?

“Wala tayong pagpipilian kundi ang maglakad na lang pabalik.” hopeless niyang sagot.

Ginalaw niya angbkung anu-ano sa loob at napahiyaw pa siya nang mapaso siya bigla sa mainit pang makina ng sasakyan.

Pasimangot akong nagbuntong- hininga saka ko pinagkrus ang mga braso ko sa dibdib ko.

“Hindi ko alam kung sino sa ating dalawa ang may balat. This is so frustrating. Isipin mo na lang, hindi na nga tayo natuloy sa pagpunta natin sa bayan ay paglalakarin mo pa ako pauwi.” litanya ko sa kanya.

“Eh ano bang magagawa ko?” medyo naiinis na ring sagot ni Jako sa akin. “Ginusto ko ba na tumirik tayo?”

Sasagot na sana ako nang isang sasakyan ang natanawan namin mula sa dulo ng daan. Pareho pa kaming napatingin doon ni Jako.

“May parating.” nabuhayan ng pag-asa na sambit niya.

“Parahin mo.” sabi ko sa kanya habang hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa paparating na sasakyan.

Kulay puti na pickup iyon. Marahil ay bisita ni Papa ang nagmamaneho niyon dahil ang daang ito ay pribado at patungo sa hacienda.

Siguro ay isa itong mamimili ng mga prutas at balak na mamili ngayon dito sa hacienda.

Itinaas ni Jako ang dalawang kamay niya uoang parahin ang sasakyan. Agad naman iyong huminto sa tapat nito. Nagbaba ng salamin ang driver.

“May problema ba?” sabi ng baritonong tinig.

Mula kay Jako ay dumako sa akin ang mga mata niya. May kung anong kaba ang bumundol sa dibdib ko dahil sa mga matang iyon.

He looks familiar.

“Itinirik kami boss.” napapakamot sa ulong sabi ni Jako. “Baka may alam ka sa makina.”

Hindi sumagot ang lalaki at sa halip ay nagbukas ito ng pinto saka siya bumaba ng sasakyan niya.

Ang mga mata niya ay sandaling dumaan sa akin bago siya humakbang patungo sa manibela ng jeep at saka niya pinaandar ito.

Ilang beses din niyang pinihit ang susi sa ignition bago siya humakbang patungo sa hood ng sasakyan.

Tahimik lamang ako na nakatayo sa may lilim ng puno. Pinagmamasdan ang bawat galaw ng lalaking tumutulong sa amin ngayon.

Matangkad ito. Malaki ang katawan. Ang balat niya ay kakulay ng pulang lupa. He could be mistaken for an Indian.

And I must have been watching a lot of foreign movies lately para iyon ang ihambing ko sa lalaking ito.

Kung ikukumpara ko siya sa mga kilala kong mga gwapo at mga foreign idols na hinahangaan ko ay hindi gwapo ang lalaking ito kung tutuusin.

Ngunit napakalakas ng kanyang dating at hindi mo masasabi na pangit siya. Sa katunayan nga ay kung pagmamasdan mo lang talaga siya ng mabuti ay saka mo lang malalaman na gwapo pala siya.

Hindi rin maikakaila ang pang-akit na taglay niya. At higit sa lahat, he’s sexy sa puntong ang lumang blue jeans at T-shirt na suot niya ay nagmumukhang mahalay tingnan.

Oh, gosh, I’m only sixteen. Ano ba ang malay ko sa salitang sexy pagdating sa mga lalaki. Pero sa pamantayan ko ay ang kagaya ng lalaking ito ang masasabi ko na sexy.

Sumulyap pa ako sa suot niyang pantalon. Bakit ba sa tingin ko ay napakasikip nito at halos nakayakap na ng mahigpit sa mga binti niya.

Sumulyap na naman siya sa akin at nakadama na ako ng pagkailang. Hindi ito normal na nagyayari sa akin. Kadalasan ay nakakadama pa ako ng tuwa dahil nakakatawag ako ng pansin sa iba.

Dahil ba sa maiitim niyang mga mata na tila humahalukay sa sikmura ko sa tuwing pagmamasdan niya ako? There’s something familiar about those eyes.

Muli niyang itinuon ang atensyon niya sa sasakyan na inaayos niya. Ilang sandali pa ay umangat na muli ang katawan niya mula sa pagkakayuko sa hood ng sasakyan.

“You’re out of gas.” he said.

“Out of gas!” naiiritang bulalas ko sabay sulyap ko kay Jako nangbmay akusasyon sa mga mata. “Hindi mo muna tiningnan kung may gasolina ang sasakyan bago mo ginamit?”

“Sira kasi ang fuel gauge.” nakaguhit ang guilt sa alanganing ngiti ni Jako. “I’m sorry, Ivan. Ginamit kasi ni Papa ang sasakyan kahapon kaya ang inakala ko ay marami pa iyang lamang gasolina.”

“Sorry?” umikot paitaas sa kulay asul na kalangitan ang mga mata ko. “You are so unreliable, alam mo ba iyon?”

“Ivan, naman.” sabi niya na napapahiya dahil may ibang tao na nakakarinig sa mga sinasabi ko sa kanya.

“Ginusto ko bang mangyari ito?” dagdag pa niya. “Huwag ka nang magalit. Babawi na lang ako sayo sa ibang pagkakataon.”

“What now?” naiinis na tanong ko sa kanya.

Napahugot ng paghinga si Jako saka siya sumulyap sa lalaki na nakasandal sa hood ng sasakyan habang amused na pinapanood ang sagutan naming dalawa.

Kahit paano ay nakadama ako ng pagkapahiya dahil sa naging attitude ko.

“Excuse me, Sir.” sabi ni Jako na sinabayan ng tikhim. “Pribado po ang lugar na ito at ang tunutumbok ng sasakyan ninyo ay ang Hacienda Aurelia. Doon po ba kayo patungo ngayon?”

“Doon ang punta ko.” sagot ng lalaki sa malalim na tinig.

“Kung gusto ninyong makisakay…” sumulyap muna ito sa akin at matamis niya akong nginitian. Pagkatapos ay nagkibit ng ng mga balikat saka niya idinagdag: “…be my guest.”

Kumislap ang mga mata ni Jako saka siya masayang bumaling sa akin. “Come on, Ivan.” sabi niya.

Nagtungo siya sa jeep saka niya hinugot ang susi mula sa ignition pagkatapos ay isinara niya ang hood at ang mga pintuan ng sasakyan.

“Mabuti na lang mabait si kuya. Magpahatid na lang tayo sa inyo. Saka ko na pababalikan ang sasakyan. Pasensya ka na talaga sa nangyari. Alam ko kasalanan ko ito.” ani Jako.

Sinulyapan ko ang lalaki at hindi pa rin nawawala ang mga mata niya mula sa pagkakatitig sa akin.

Ano ba ang problema ng lalaking ito? Masyado ba siyang nagagandahan sa akin kaya kanina pa hindi maalis ang mga mata niya sa akin?

Lihim akong natawa sa mga kalokohang naglalaro sa isipan ko. Feeling babae ampota.

Hindi ko ugali na magtiwala at makisakay sa kahit kanino man na estranghero. Pero nasa loob kami ng Hacienda Aurelia at kasama ko si Jako.

Sa mga ganitong sitwasyon ay praktikal na ang makisakay kaysa sa maglakad kami ng tatlong kilometro pabalik ng villa.

Nagpatiuna nang naglakad ang lalaki pabalik sa sasakyan niya. Sumunod naman kaming dalawa ni Jako.

Si Jako na ang nagbukas ng pintuan sa likuran ng pickup. Kaagad naman akong sumakay doon. Akala ko ay tatabi siya sa akin ngunit natigilan ako nang bigla niyang isinarado ang pinto saka siya sumakay sa harapan katabi ng driver.

“Bakit ka diyan sumakay?” sabi ko sa kanya.

Lumingon naman siya sa akin saka niya ako sinagot. “Nakikisakay lang tayo, Ivan. Hindi naman magandang tingnan kung pareho tayong nasa likuran. Hindi naman natin driver si Kuya.” paliwanag niya.

“Fine!” sabi ko saka ko inikot ang mga mata ko.

Mula sa pagkakasulyap ko sa tabi ko ay narealize ko na hindi rin pala kakasya si Jako kahit sumakay siya sa likod.

Sa bandang kaliwa ko ay may nakalagay na dalawang maleta. Isa sa may upuan at isa sa sahig.

Nagsalubong ang mga kilay ko doon. Sumulyap ako sa bandang likuran at nakita ko na may nakalagay doon na dalawang malalaking kahon.

“Komportable ka ba diyan?” lingon sa akin ng estrangherong nagdadrive ng sasakyan.

Isang tango ang isinagot ko saka ko rin kaagad na iniwas ang mga mata ko sa kanya.

Sa pagkakaupo ko ngayon dito sa likuran ay komportable ako. Ngunit hindi sa presensya at mga nakakailang na titig sa akin ng lalaking ito.

At hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito.

Marami nang naging bisita ang mga magulang ko dito sa hacienda at karamihan sa mga iyon ay halos mga negosyante at kilala talaga sa lipunan ang iba ngunit hindi ako nailang ng ganito sa kanila minsan man.

“Mabuti na lang po at nadaanan ninyo kami.” magalang na sabi ni Jako habang tumatakbo ang sasakyan dahilan upang mapasulyap ako sa kanya.

“Kung nagkataon po kasi ay baka nilalakad na lang namin ngayon ni Ivan ang napakalayong kalsadang ito pabalik sa bahay nila.”

Nangiti naman ang lalaki saka niya sinulyapan si Jako.

“Sa susunod na gagamit ka ng sasakyan ay siguraduhin mo muna na natingnan mo ng mabuti ang mga dapat i-check. Lalo na ang gas at ang preno. Importante ang mga iyon.” kaswal na sabi niya saka na naman niya ako muling sinulyapan sa rearview mirror.

Nagsalubong ang mga tingin namin doon. Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ng matagal ang mga mata niya.

“Lalo na kung malayo ang biyahe ninyo.” dagdag pa nito.

“I’ll remember that next time.” nakangiting sagot ni Jako.

“Saan mo gusto na ihatid kita?” tanong ng lalaking estranghero sa boyfriend ko.

“Ihahatid ko na po muna si Ivan sa bahay nila. Pagkatapos ay tatawag na lamang ako sa bahay namin saka ako magpapasundo sa mga tao doon.” sagot ni Jako.

Tumikhim ang lalaki saka niya ako muling sinulyapan sa rearview mirror. “Don’t worry about him. Ihahatid ko siya ng ligtas sa villa matapos kitang maihatid sa inyo.” sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. “No!” mabilis kong naisagot na may kasamang takot.

Napakatikas ng katawan ng lalaking ito at kung pagtatangkaan niya ako ng hindi maganda ay siguradong wala akong kalaban-laban sa kanya.

“I mean… hindi pa kasi uuwi si Jako sa kanila. Baka mamaya pa. Kaya pareho mo na lang kaming ihatid sa villa.” sabi ko na pilit itinatago ang takot sa mukha ko.

Nagkibit ng mga balikat ang lalaki saka na siya nagconcentrate sa pagmamaneho niya.

Hindi na siya nagtangka pa na magsalita hanggang sa makarating kami sa villa.

Kaagad naman nakita nina Mama at Papa ang sasakyan saka sila mabilis na nag-abang sa labas ng villa.

“Rafael!” malakas na sigaw ni Mama nang maiparada na ng lalaki ang sasakyan sa tapat ng villa. Kasunod naman niya ang nakangiti na si Papa na sinundan ang asawa.

Napakurap ako at napahinto sa paglabas ko ng sasakyan nang marinig ko ang pangalan na isinigaw ni Mama.

Rafael

.

Chapter 14

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Hacienda Aurelia

Nagpasya ako na sulyapan ang lalaki sa driver’s seat at sa nagsasalubong na mga kilay ay pinagmasdan ko siya.

Hindi pa rin ako makapaniwala na siya ay tinawag na Rafael ni Mama.

Napakalaki talaga ng ipinagbago niya mula nang huli kaming magkita seven years ago kaya marahil ay hindi ko siya kaagad na nakilala.

Nakita ko pa ang paglingon ni Rafael sa akin kasabay ng pagtaas ng sulok ng labi niya na tila ba binibigyan niya ako ng isang tipid na ngiti.

“Nice to see you again, Ivan.” he said huskily, pagkatapos ay binuksan niya amg pinto sa tabi niya saka na siya lumabas ng sasakyan.

Umikot pa siya saka niya ako pinagbukas ng pinto pagkatapos ay humakbang na siya patungo sa malaking bahay.

Hindi ako kumilos sa kinauupuan ko. Natitigilan pa rin ako na pinagmasdan ang paglakad ni Ralf patungo kina Mama.

“Magkakilala kayo?” nalilitong tanong sa akin ni Jako na ikinalingon ko sa kanya.

I was shocked. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Mula sa bintana ng sasakyan ay nakita ko ang mainit na pagsalubong sa kanya ni Mama.

Niyakap siya ng mahigpit ni Mama ngunit nakita ko ang tila pagkailang ni Rafael dahil nakatingin sa kanila si Papa.

Nang kumalas siya sa pagkakahawak ni Mama ay tila alanganin siyang tumingin kay Papa ngunit tinapik siya nito sa balikat kaya nawala rin ang pagkailang niya.

“Hey,” pukaw ni Jako sa atensyon ko. “Hindi mo na ako sinagot.”

“Magkakilala pala kayo pero hindi ka nagsasalita diyan.” dagdag pa niya.

“I… I… didn’t recognized him,” wala sa loob na sagot ko.

“Sino siya?” usisa pa niya.

“My… my grandmother’s adopted grandson.” sagot ko at hindi halos lumabas sa bibig ko ang mga sinabi ko.

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ng mga magulang ko nang mapasulyap sila sa amin ni Jako sa loob ng sasakyan.

Narinig ko pa na nagtatanong sila kay Ralf kung bakit kami nito kasama. Pinaliwanag naman kaagad niya ang nangyari sa amin sa daan saka na kami tinawag ni Mama para pumasok sa loob.

“Tara na,” narinig kong yaya sa akin ni Jako saka na siya lumabas ng sasakyan.

Napasulyap naman ako sa dalawang maleta na nasa loob ng sasakyan pagkatapos ay lumingon ako sa dalawang malalaking kahon sa likuran ng pickup.

Napadiretso ako ng tingin sa harapan at sa nababahala na anyo ay sinulyapan ko nag main door ng villa kung saan pumasok sina Mama kasama si Ralf.

Naramdaman ko naman ang paghawak ni Jako sa braso ko dahilan upang mapatingin ako sa kanya.

“Tara na,” muli niyang sabi kaya wala na rin akong nagawa kung hindi ang bumaba na rin ng sasakyan.

Pinasadahan ko pa ng sulyap ang dalawang maleta habang isinasara ko ang pintuan ng sasakyan.

Pagkatapos ay muli ko ring binalingan ang mga kahon sa likuran saka na ako nagpaakay kay Jako patungo sa villa.

Hindi maipinta ang mukha ko dahil sa kakaibang kaba na bumalot sa dibdib ko. Hindi ko na rin matukoy kung anong klase ng mga emosyon ang naghahalu-halo ngayon sa dibdib ko.

Sa tanghalian ay hindi ko na magawa pang kumibo. Nakayuko lamang ako sa pagkain. Monopolado ni Mama ang usapan.

Kinukumusta niya si Ralf. Kung ano ba ang mga plano nito sa buhay. Kung ano ba ang mga nangyari dito sa mga nagdaang buwan na hindi sila nagkikita.

Si Papa naman ay tuwang-tuwa at sa nakikita ko sa kanya ay proud na proud siya sa mga achievements ni Ralf.

Hindi rin ako masyadong makarelate sa mga pinag-uusapan nila dahil halos lahat ay tungkol sa pagpapatakbo ng hacienda at iba pang mga bagay na konektado dito.

Hindi rin siya minsan lang tinanong ng mga magulang ko kung may girlfriend na ba siya sa Maynila. Bagay na ikinapagtaka ko dahil nakakadama ako ng inis.

“Mabuti na lamang at nadaanan mo sina Ivan at Jako sa libis, Rafael.” sabi ni Mama kapagkuwan na ikinaangat ng tingin ko sa kanya.

“Kung nagkataon ay naglakad sana pauwi ang mga iyan. Kung bakit ba naman kasi napakabata pa ay nagdi-date na.” dugtong pa ni Mama.

“Ma,” sabi ko. Nakikiusap ang mga mata ko na tiningnan si Mama pagkatapos ay nagbaling ako ng tingin kay Papa.

Hindi ko gustong pag-usapan lalo na sa harapan ng lalaking iyon ang tungkol sa tunay na kasarian ko. Hindi ako komportable.

Bagaman tanggap naman iyon ng mga magulang ko ay palagi pa rin nila akong pinapaalalahanan.

“Honey, pinayagan mo ang dalawa, hindi ba?” sabi ni Papa sa mahinahon na tono matapos ko siyang sulyapan.

Nagkibit lamang ng mga balikat si Mama na tila hindi rin mahalaga para sa kanya ang pag-usapan kami ni Jako.

Bagay na kahit ako ay gusto ko rin.

Tumaas ang isang sulok ng labi ni Ralf saka siya makahulugang sumulyap sa akin. Umiwas ako ng tingin dahil nakakadama ako ng pagkailang sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

“Sa gandang lalaki ni Ivan ay inaasahan ko na maraming babae ang magkakagusto sa kanya.” aniya.

Hindi ko alam kung iniinsulto ba niya ako o pinupuri dahil sa hindi malinaw na laman ng mga salita niya.

“Sayang nga lang at gwapo din ang gusto.” biro ni Papa.

“Pa!” sigaw ko saka ko sinulyapan si Jako na tahimik lamang na nakikinig sa mga pinag-uusapan namin.

Natawa naman si Papa. “Nagbibiro lang ako. Alam mo naman na kung saan ka masaya ay palagi lamang kaming nakasuporta sayo ng Mama mo.”

“Lalo na at hindi na rin naman naiiba sa pamilya natin si Jako. Mabait na bata at masunurin sa mga magulang.” dugtong pa niya na pinupuri ang pagiging masunuring anak ni Jako na palagi na lamang ibinibida sa amin ng ama niya.

Hindi pa rin inaalis ni Rafael ang tingin niya sa akin na tila ba amused na amused siya dahil sa mga nalaman niya na mas lalong nagpapatindi ng inis ko.

“Sana naman ay totoo na ang pananatili mo dito, Rafael. Nagkaka-edad na si Lyndon at hindi na magampanan ng maayos ang mga dati niyang trabaho.” pag-iiba ni Mama sa usapan.

Mula sa pagkakayuko ay pailalim kong sinulyapan si Ralf na tumingin din sa akin bago nagsalita.

“Nangako ako kay Lola Corazon, Tita Aurelia.” sabi niya habang sa akin pa rin nakatuon ang mga mata.

“You don’t know how you made me happy.” nasisiyahang sagot ni Mama.

Kung ano man ang ibig ipakahulugan ni Mama sa sinabi niya ay hindi ko alam. Ngunit nakitaan ko ng malisya ang paraan ng pagtitig niya kay Rafael.

Para bang gusto niya itong yakapin at halikan sa paraan ng pagkakatitig niya kasabay ng makahulugang mga ngiti.

Hindi na sinagot pa ni Ralf ang sinabing iyon ni Mama. Nagpatuloy na lang siya sa pagkain matapos ang tila naiilang niyang pagsulyap kay Papa.

Hindi naman nahalata ni Papa ang mga kakaibang kilos ng dalawa na napansin ko. Sa halip ay masuyo pa siyang nagtanong ng mga makabagong paraan ng pagsasaka.

Mahusay naman ang mga naging mungkahi ni Ralf. Tahimik lang kami ni Jako na nakikinig kaya nagulat na lamang ako nang iderekta ni Ralf sa akin ang sinasabi niya.

“How fast you’ve grown, Ivan.” kaswal niyang sabi na tila ba umalis siya noon dito sa hacienda na magkaibigan kami.

“Nasaan na yung cute na bangs mo noon?” dagdag pa niya. Pinapaalala ang anyo ko noong unang beses siyang magbakasyon dito sa hacienda.

Straight cut ang bangs ko noon na hanggang sa itaas ng mga kilay ko na tumatakip sa buong noo ko. Ngayon ay nakataas na iyon at kitang-kita na ang noo ko.

Naunahan naman ako ni Mama sa pagsagot sa tanong ni Rafael.

“Naku, ang batang iyan ay nagmamadali sa pagbibinata.

Teenager pa lamang ay parang kaedaran mo na kung gumayak at mag-ayos.“

Natawa naman si Ralf. “Hindi naman po ako mahilig pumorma. Mas maporma pa po siya kaysa sa akin kung tutuusin.” sagot niya.

“Sabi ko nga’y samantalahin niya ang pagiging bata niya, pero hayan at mukhang may boyfriend na.” sabi ni Mama.

“Future boyfriend pa lang.” singit ko sa sinasabi niya.

Napailing na lang si Mama bago siya muling bumaling kay Rafael. “I’m glad you’re here now, Rafael. Mababantayan mo ang batang iyan.”

Dumilim ang mga mata ko pagkarinig ko sa sinabi ni Mama.

“Ma, Agrikultura ang tinapos ni Rafael hindi bodyguard.” inis na sabi ko.

Palihim kong sinulyapan ng matalim si Ralf and to my surprise unti-unting lumitaw ang isang ngiti sa mga labi niya.

Bahagya ko nang hindi mapigil ang mapasinghap dahil sa taglay niyang kakisigan.

Napailing ako dahil sa mga naiisip ko. Bakit ba nag-mature ng ganito kakisig ang lalaking ito? Napakahirap niyang iresist.

“I am a flexible man, Ivan. I can do both.” sabi niya na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi niya na ngayon ay nahahaluan na ng amusement.

I don’t doubt it. Gusto ko sanang isagot pero pinigilan ko ang sarili ko na sabihin iyon.

His smile melted me. Kasabay noon ay ang inis na naramdaman ko dahil sa sinabi niya.

Mukhang sa pagkakataong ito ay mas magiging problema ko na si Rafael kumpara noon na sa tuwing inaapi ko siya ay nananahimik lang siya.

Maliban sa pagkakataon na nahuli niya ako na ginugupit ang baseball cap niya na naging dahilan ng pag-alis niya sa lugar na ito noon.

Matapos ang tanghalian ay namasyal na lamang kami ni Jako sa loob ng hacienda.

Hinayaan ko na ang mga magulang ko kasama ni Ralf. Hindi rin naman ako matutuwa sa mga pag-uusapan nila.

Maiinip lang ako at maiinis kung pakikinggan ko sila na nag-uusap maghapon.

Alas-kuwatro na nang magpasya kaming bumalik sa villa. Naroon na ang sundo ni Jako kaya nagpaalam na rin kaagad siya sa mga magulang ko.

Pagkaalis ng sasakyan niya ay nagpasya na ako na pumasok sa bahay.

Dumiretso ako sa kusina upang uminom ng malamig na tubig. Hindi ko inasahan na maaabutan ko doon si Ralf na nagtitimpla rin ng kape.

Nagsalubong naman ang mga kilay ko. Kape? Sa hapon? So weird!

Hindi ko na lang siya pinansin at nagtuloy ako sa ref upang kumuha ng malamig na tubig saka ako nagsalin sa baso.

“Kumusta ka na?” bigla ay tanong ni Ralf habang hawak niya ang tasa ng kape niya.

“I’m good! Ewan ko lang ngayon na nandito ka na ulit.” malamig na sabi ko saka na ako uminom sa baso.

Ngumiti si Ralf saka siya muling humigop sa tasa niya.

“Hindi ako nagpunta dito para makipag-away sayo, Ivan. Kung ano man ang mga naging hindi pagkakaunawaan natin noon ay sana kalimutan na lang natin. Magsimula tayo nang hindi nag-aaway. Bilang magpinsan.”

“Hindi kita pinsan at hindi ko maipapangako sayo na hindi tayo mag-aaway. Basta huwag mo lang akong papakialaman ay magkakasundo tayo.” masungit na sabi ko saka ko na siya iniwanan.

Umakyat na ako sa silid ko saka na ako naligo. Nagkita kami muli ni Rafael sa hapunan ngunit mabilis kong tinapos ang pagkain ko para makaiwas sa mga nakakainip na usapan nila habang nasa hapag kami.

Chapter 15 (Season Finale)

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Villa Aurelia

Galing ako sa party ng isa sa mga kaklase ko na taga bayan at ginabi na ako sa pag-uwi. Mabuti na lamang at inihatid ako ni Jako.

Hindi na rin siya nagtagal dahil malalim na ang gabi at pinapauwi na siya ng mga magulang niya.

Gusto ko na rin naman magpahinga kaya pagkababa ko sa sasakyan ay kaagad na akong nagpaalam sa kanya.

Hinintay ko pa ang pag-alis ng sasakyan niya bago ako naglakad patungo sa villa.

Kasalukuyan na akong patungo sa may pinto nang isang malakas na pagtikhim ang nagpahinto sa paglalakad ko.

Sumulyap ako sa kanya at nakita ko ang seryosong panunuri niya sa buong katawan ko. Nakadama tuloy ako ng bahagyang pagkailang.

“Masyado yata kayong ginabi. Kumain ka na ba?” tanong niya in a friendly tone.

Napangiti naman ako saka ako naglakad palapit sa kanya.

“Oh! Hindi ko alam na hinihintay mo pala ako.” sabi ko saka ko siya nginitian na para bang close kami.

Tumaas naman ang sulok ng labi niya saka niya binitawan ang hawak niyang gitara sa isang sulok saka niya ako muling hinarap.

Napalunok pa ako nang mapasulyap ako sa nakaumbok na dibdib niya. Bakat na bakat iyon sa suot niyang sando at sa braso niya ay litaw na litaw ang mga muscles.

Damn! Bakit ba ang ganda ng katawan ng lalaking ito? Nagkakasala tuloy ako sa ginagawa kong pagtitig sa mga muscles niya.

“Nagustuhan mo ba ang nakikita mo?” sabi niya na nagpaangat ng tingin ko sa mukha niya.

Nakangisi siya na tila ba gusto niyang bigyan ng kahulugan ang pagtitig ko sa katawan niya na totoo naman talaga na may kahulugan.

Napahiya ako at nag-init ang mga pisngi ko dahil sa napaka-awkward na sitwasyon.

Ngunit hindi ako basta magpapatalo sa lalaking ito. Legal akong anak samantalang ampon lang siya.

“Hindi ikaw ang unang gumawa sa akin ng ganyan. Sanay na ako na pinagmamasdan ng iba ang katawan ko.” sabi niya.

Ngumiti naman ako saka ko siya hinarap. Hindi ako lasing. Nakainom lang ako. At nasa matinong estado pa rin ang pag-iisip ko.

Sinikap kong alisin ang pagkapahiya sa anyo ko saka ko matapang na sinalubong ang mga mata niya.

“Well, you have a perfect body na pagnanasahan ng kahit na sino.” lumapit pa ako sa kanya saka ko tinitigan ang mga mata niya na seryoso ring nakatitig sa akin.

“Hindi ka na patpatin katulad noon. Hindi nga kita nakilala kaagad dahil sa laki ng ipinagbago mo.”

Bumaba ang mga mata ko sa dibdib niya. Inangat ko ang kamay ko saka ko pinagapang sa malalim na hiwa ng maskuladong dibdib niya ang hintuturo ko ngunit mabilis na hinawakan ng kamay niya ang braso ko.

“Shit!” mura ko saka ako tumingin sa kanya.

“Sa pagkakatanda ko. Ang pinakahuling gumawa sa akin ng ginagawa mo ay dinala ko sa kama. Doon ko siya pinaligaya at magdamag na inangkin. Baka gusto mo rin masubukan?” galit na banta niya sa akin.

Marahas kong binawi ang kamay ko saka ko siya tiningnan ng masama.

“Bastos!” inis na sabi ko sa kanya.

Tinawanan lang ako ng gago.

“Hindi ang katulad mo lang ang magdadala sa akin sa kama. I’m just teasing you.”

“Do it again and you’ll be sorry.” banta niya saka na siya muling umupo at inabot ang gitara niya.

Naglakad na ako pabalik sa pinto ngunit napahinto na naman ako nang muli siyang magsalita.

“Hindi mo naman siguro uulitin ngayon ang ginawa mo sa akin noon.” sabi niya.

Sumulyap ako sa kanya habang hawak ko ang pinto.

“Do not lock the doors. Dahil ikaw rin ang mapapahamak kapag ginawa mo iyon.”

Hindi ko na siya pinansin pa at naiinis akong pumasok na sa bahay. Dumiretso ako sa silid ko at pinigilan ko ang sarili ko na huwag ibalibag ang pinto.

Damn! Bakit ko ba kasi naisipan na hawakan ang dibdib niya?

Napailing ako sa kaisipang iyon saka ko sinisi ang kaunting alak na nainom ko sa pinanggalingan ko na party.

Kinabukasan ay napagpasyahan ko na mangabayo sa paligid ng hacienda. Kinuha ko ang kabayo ko sa kuwadra saka ko iyon sinimulang lagyan ng saddle.

“Sayo ba ang kabayo na iyan?”

Napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig. Nasa likod ko na pala si Ralf nang hindi ko man lang namalayan. Katulad din kagabi.

He was a big man but he moved like a cat. Hindi ko man lang naramdaman ang paglapit niya sa akin.

“Yeah!” sagot ko sabay bawi ko ng tingin mula sa kanya at ipinagpatuloy ko na lamang ang paglalagay sa saddle ng kabayo.

“I’m sorry about last night. Hindi ko sinasadya na bastusin ka. Ayokong lagyan muli ng lamat ang samahan nating dalawa. Gusto ko na sa pagkakataong ito ay magkasundo na tayong dalawa.” sabi niya.

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy ako sa ginagawa ko.

“Hindi mo man lang ba ako kakausapin?” tanong niya nang ilang sandali na ang lumipas ay hindi ko pa rin siya kinikibo.

Sumulyap ako sa kanya saka ako nagsalita. Gusto ko nang matapos ang usapan namin tungkol sa nangyari kagabi kaya ibinalik ko sa kabayo ang topic.

“Regalo siya nina Mama at Papa pagkagraduate ko ng highschool. I named him Greywind.” sabi ko.

“Congratulations,” sagot niya. “Nabanggit sa akin ni Tita Aurelia na Salutatorian ka raw.” dagdag pa niya.

Hindi ko naman siya naringgan ng sarcasm sa sinabi niya. Bahagya na lamang akong nagkibit ng mga balikat.

“Sayo rin,” sapilitan kong sagot, out of politeness. “Narinig ko na pinag-uusapan ng mga magulang ko ang pagtatapos mo more than three years ago.”

Sinulyapan ko siya ngunit kaagad din akong nagbawi ng tingin dahil nakatitig siya sa akin.

“Not that I care, why didn’t you come then?” tanong ko sa kanya.

Humakbang palapit sa akin si Ralf. Huminto siya sa harap ng kabayo at walang anumang hinaplos iyon.

Napako ang mga mata ko sa kamay niya na humahaplos doon. It was so gentle that for a fleeting moment ay naisip ko na sa ganoong paraan din kaya niya hinahaplos ang mga babae niya?

He must be about twenty three at sigurado ako na hindi na mabilang na mga babae ang nagdaan sa mga kamay na iyon lalo pa at sa maynila ito lumaki at nanirahan sa matagal na panahon. Idagdag pa na napakatikas ng lalaking ito at sa isang simpleng ngiti lang niya ay siguradong makakapukaw na siya ng pansin.

Tumikhim si Ralf na ikinalipad ng mga mata ko patungo sa kanya. Bahagya akong namula nang marealize ko kung ano ba ang naiisip ko.

Sa tingin ko ay nababasa niya ang itinatakbo ng isip ko kanina base na rin sa paraan ng pagngiti niya sa akin na tila ba may kahulugan ang mga iyon.

“Architecture ang tinapos ko pero sinabihan ako ni Lola Corazon na kumuha ng ilang units sa kursong Agriculture.” paliwanag niya at ipinagpatuloy niya ang paghaplos niya sa kabayo ko.

“Siguro dahil binalak na rin niya na pauwiin na ako dito.” dugtong pa niya.

“You’re very lucky,” sambit ko.

We are on a normal speaking terms pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nahaluan ng bahagyang panunuya ang paraan ng pagkakasabi ko sa mga katagang iyon.

“Akalain mo iyon, nakapag-aral ka na sa isang mamahaling university ay halos dalawang kurso pa ang natapos mo. Hindi na ako magtataka kung pamanahan ka ni Lola kapag namatay na siya.” nakagat ko ang dila ko pagkasabi ko sa mga salitang iyon. Huli na para bawiin ko pa ang mga sinabi ko.

Nakita ko ang pagdilim ng mga mata niya at ang unti-unting paniningkit ng mga iyon. Bahagya akong kinabahan sa nakita ko kaya nagyuko na lamang ako ng ulo.

Kahit papano ay may takot ako kay Ralf. Hindi ko lamang iyon pinapahalata upang hindi niya ako basta maapi.

“Are you always this snobbish?” tila patalim na humihiwa sa akin ang galit sa tinig niya. Hindi ko dapat sinabi ang mga iyon. Sumobra na yata ako sa pagkakataong ito.

“Dapat ba ang mga katulad mo lang ang may karapatang makapag-aral at makapagtapos? Paano naman ang mga katulad ko na pinagkaitan ng pagkakataon ng mundo na magkaroon ng normal na buhay sa kabila ng pag-abandona sa akin ng mga magulang ko?”

“I-I’m sorry,” halos hindi ko na marinig ang sariling tinig ko dahil sa pagkapahiya at guilt.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Ralf. Nakakabinging katahimikan ang namagitan sa amin bago siya muling nagsalita.

“Boyfriend mo nga ba talaga si Jako?”

Mula sa saddle ay lumipad ang mga mata ko sa kanya. Nakita ko ang seryosong mukha niya na nakatitig sa akin. Hindi ko rin inasahan ang tanong niya.

“Wala kang karapatan na tanungin ako ng ganyan!” madiin na sagot ko sa kanya.

Nagkibit na lamang siya ng kanyang mga balikat. “Kung mangangabayo ka ay sasamahan na kita. Sa likod mo ako and show me how to-”

“No!” mabilis na sagot ko sa kanya. “Huwag mong seryosohin ang sinabi sayo ni Mama! Hindi ka bodyguard! Kung gusto mong mangabayo, mangabayo kang mag-isa mo!”

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nagiging reaksyon ko sa lalaking ito. Para bang palagi na lamang ay nakahanda ako sa pakikipag-away sa kanya.

Humakbang palapit sa akin si Ralf at sa pagkabigla ko ay hinawakan niya ako sa baywang at sinubukang iakyat sa kabayo ngunit nagpumiglas ako kaya nawalan siya ng panimbang at sabay kaming bumagsak sa lupa nang magkayakap.

Nahalikan ko pa siya sa gilid ng labi niya na ikinalaki ng mga mata ko.

Mabilis akong lumayo sa kanya ngunit naitukod ko pala ang isang tuhod ko sa pagitan ng mga hita niya kaya napasigaw siya sa sakit.

“Awwww!” hiyaw niya. “Be gentle, Ivan. Gusto ko pang magkaanak.”

Sa pagkataranta ko ay pinili ko na lamang na itukod ang mga palad ko sa matitigas na dibdib niya upang mabilis akong makabangon.

Nakangiwi namang umupo si Ralf saka siya tumingala sa akin. Nagtama ang mga mata namin kaya mabilis na rin akong nag-iwas ng tingin.

Gusto ko pang magkaanak.

Paulit-ulit na nagsink in sa utak ko ang mga katagang iyon. Dahil doon ay napaisip din ako. Kahit minsan ba naisip ko rin ba na magkaanak sa future?

Mabilis ko nang inalis sa isipan ko ang mga kaisipang iyon.

“Hindi mo kasi dapat ginawa iyon.” inis na sermon ko sa kanya. “Tingnan mo nasaktan ka pa tuloy.”

Ngumiti naman siya saka niya ako pinagmasdan. “Ginawa ko na.” sabi niya.

“Hindi ko naisip na masarap pala ang mga labi mo.” dagdag pa niya.

“Damn you! Hindi iyon dumikit.” inis na sagot ko sa kanya.

“Pero muntikan na. Sayang, sana pala hinalikan na lang kita para nasagot yung mga tanong ko sa isip ko.”

Napasulyap naman ako sa mga labi niya. Mapula ang mga iyon at para bang napakasarap humalik.

Pero syempre isa na naman akong dakilang istupido dahil naisip ko ang bagay na iyon.

Inirapan ko na lamang si Ralf saka na ako sumakay sa likod ni Greywind.

“Stop teasing me! Hindi ang katulad mo ang pinapangarap ko na mahalikan.”

Tumaas naman ang isang sulok ng mga labi niya saka siya tumingala sa akin.

“Kung ganun, sino? Si jako ba?” tanong niya sa akin.

“Wala ka nang pakialam pa doon.” sagot ko.

Pinatakbo ko na ang kabayo ko palayo sa kinaroroonan ni Rafael.

Rafael Certeza

Good day readers

Need ko po ng mga candidates para magmodel sa Character nina Ralf at Ivan.

Pwede po Celebrities, Social Media Artists or mga Models. Thanks.

Chapter 16 (Special Chapter)

Beloved Bastard

Rafael Certeza

Villa Aurelia

Nang makalayo mula sa kinaroroonan ko ang kabayo ni Ivan ay tumayo na ako at sinundan ng tingin ang direksyon na tinahak niya.

Hindi ko namalayan na mula sa likuran ko ay nakalapit na pala sa akin si Tito Lyndon.

“Don’t take my son seriously, Rafael.” sabi niya na ikinalingon ko sa kanya.

“He resented me.” tiim bagang na sagot ko sa kanya nang magbawi ako ng tingin.

“Tulad noon?” naghahamon ang tinig na sabi niya. Inaasahan na niya na ikakaila ko iyon katulad ng ginawa ko noon nang tanungin nila ako kung bakit nagpasya ako na umalis sa lugar na ito.

Nagsasalubong ang mga kilay na nilingon ko siya.

“Oh, I know,” aniya na dinugtungan pa ang sinabi. “Si Ivan ang dahilan kung bakit napilitan kang bumalik ng Maynila noon. Sa isang banda’y mabuti na rin iyon, Rafael. Bata ka pa rin noong mga panahong iyon at maaaring hindi mo alam pakitunguhan ang anak ko. Kind of spoiled dahil nag-iisa.”

“Sa palagay mo ba ay kaya ko na siyang pakitunguhan ngayon?” ganting hamon ko sa sarkastikong paraan. “Isang linggo na mula nang dumating ako at wala akong natatandaan na kinausap niya ako ng maayos.”

Tinitigan niya ako. Matagal bago siya sumagot. “He’s only a boy pretending to be a man, Rafael. At nagtitiwala ako sayo.” pagkasabi niya doon ay tumalikod na siya at bumalik sa villa.

Naiwan ako na napapabuntong- hininga at muli kong sinundan ng tingin ang dakong dinaanan ni Ivan na para bang makikita ko pa siya doon.

Napaisip ako sa mga sinabi ni Lyndon.  Masyadong childish kung umasta si Ivan ngunit sa kabila ng mga pagsusungit niya sa akin ay hindi ko maiwasan na isipin siya.

Lalo na sa gabi. Habang nakahiga na ako sa madilim na silid ko ay si Ivan pa rin ang huling tao na naglalaro sa isipan ko.

Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa alaala ko ang anyo ng siyam na taong gulang na bata na nagpalayas sa akin sa lugar na ito.

Gwapo siya kung tutuusin. Para siyang pinabatang bersiyon ni Lyndon. Maputi si Ivan at napakakinis ng balat hindi katulad ng kanyang ama na bilad sa araw dahil sa trabaho sa hacienda.

Mayroon siyang magagandang pares ng kulay brown na mata ngunit makikita sa mga matang iyon ang galit sa tuwing tititig siya sa akin.

Hindi ko siya masisisi dahil sa pakiramdam niya ay inaagaw ko ang lahat mula sa kanya.

Mula sa mga magulang niya hanggang sa mga bagay na maaaring maibigay sa kanya ng mga ito sa takdang panahon.

Bigla na lamang tumigas ang anyo ko nang sumagi sa isipan ko ang salitang magulang.

Kahit minsan ay hindi ko naranasan na magkaroon ng kumpleto at masayang pamilya.

Lumaki ako na puno ng galit sa mga totoong magulang ko. Partikular na sa aking ama. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko dadanasin ang mamuhay na may matinding galit sa aking dibdib.

Napailing ako saka ko sinikap na pagaanin ang nararamdaman kong bigat ng kalooban.

Muli ay ibinalik ko kay Ivan ang takbo ng kaisipan ko.

Naalala ko pa kung gaano katinding takot ang lumarawan sa maamo niyang mukha noong mahuli ko siya na ginugupit at sinisira ang baseball cap ko.

Matinding galit at pagkainis ang naramdaman ko noon sa kanya ngunit nang makita ko na halos mawalan na siya nang kulay dahil sa sindak sa akin ay naglaho bigla ang lahat ng iyon.

Kagaya ko ay naging biktima lamang din si Ivan ng malupit na mundo. Hindi ko gusto ang kaisipan na ako ang nagiging dahilan kung bakit nakakadama siya ng galit sa akin at tampo sa mga magulang niya.

Kung ako lamang ang masusunod ay nanaisin ko na bumalik na lamang sa Maynila at ipagpatuloy ang buhay ko doon kasama ni Lola Corazon.

Ngunit kagaya nga ng sitwasyon namin ngayon ay hindi ko maaaring gawin iyon.

Naging mapilit sina Lyndon at Aurelia na sa haciendang ito na muli ako manirahan kasama ng pamilya nila.

Dahilan nila ay nagiging masasakitin si Lyndon sa mga nagdaang buwan at kailangan nila ng hahalili sa kanya.

Dahil ako ang tanging pinakamalapit na kapamilya nila ay wala akong pagpipilian kundi sundin ang kagustuhan nila sa pakiusap na rin ni Lola Corazon.

Hindi pa maaaring ipasa ni Lyndon kay Ivan ang pamamahala dito sa hacienda dahil masyado pa siyang bata at base na rin sa nakikita ko ay masyado siyang immature at parang wala siyang hilig sa agrikultura.

Kung sa pagmamana lamang ng malawak na lupaing ito ang pag-uusapan ay hindi ko kailangan makipag-agawan kay Ivan.

Ngunit kailangan kong pangalagaan ang mga ari-arian ng pamilya Certeza. Hindi iyon kayang gampanan ni Ivan sa mga panahong ito kaya walang ibang kailangan gumawa nito kundi ako rin.

Ginugol ko ang buong maghapon ko sa pagsama sa mga trabahador ng hacienda. Hindi naman nasayang ang oras ko dahil marami akong natutunan sa pagsama ko sa kanila.

Nadaanan pa kami ni Ivan kanina sa taniman ng niyog ngunit para siyang prinsipe na dinaanan lamang kami ng tingin pagkatapos ay pinatakbo na niya ng mabilis ang kabayo niya palayo sa kinaroroonan namin.

Kinagabihan ay tahimik kaming nagsalo sa hapunan. Kagaya rin ng mga naunang araw ko sa Hacienda Aurelia ay panay tanong sa akin si Aurelia tungkol sa naging araw ko sa niyugan.

Nag-uusisa rin si Lyndon at hindi niya itinatago ang kagustuhan niya na pamahalaan ko ang buong hacienda sa oras na matutunan ko na ang lahat ng trabaho dito.

Napasulyap ako kay Ivan. Tahimik lamang siya na naghihiwa ng karne sa plato niya at wala akong makitang ibang emosyon sa mukha niya kundi pagkainis.

Napalunok ako. Marahil ay hindi niya nagugustuhan ang mga naririnig niya. Tumikhim ako upang alisin ang bara sa lalamunan ko bago ako nagsalita.

“Sa tingin ko ay kailangan na ring pag-aralan ni Ivan ang pagpapalakad ng hacienda. Sixteen na siya at natitiyak ko na gusto rin niyang matutunan ang pagpapatakbo ng negosyo ng pamilya ninyo.”

Natawa naman si Lyndon at ganun din si Aurelia na ikinasimangot lalo ni Ivan.

“Hindi ikaw ang unang nakaisip sa bagay na iyan, Rafael. Sa totoo lang ay iminungkahi ko na rin iyan sa anak ko nung nakaraan ngunit may gusto pa niya ang namamasyal sa bayan kasama ni Jako at ng iba pang mga kaibigan niya.” sabi ni Lyndon.

“Hindi ko naman sinabi na ayokong matutunan ang pagpapalakad sa hacienda. Sabi ko lang ay masyado pang maaga para matutunan ko iyon at hindi ninyo ako mapagtatrabaho sa mga mabibigat na gawain kasama ng mga trabahador natin.” inis na singit ni Ivan.

“Paano mo pa mapag-aaralan ang pamamalakad sa hacienda kung sa Maynila ka magkokolehiyo? Sinabi ko naman sayo na marami nang magaganda at prestihiyosong unibersidad ngayon dito sa lugar natin. Hindi ka pa malalayo sa amin.” sagot ni Aurelia.

“Ma, Suhestiyon ko lang naman iyon pero hindi naman ninyo ako gustong payagan hindi ba? Naisip ko lang na kung si Ralf ay nagsasanay na sa mga gawaing bukid. Kaya ko na rin siguro na magsimula nang pag-aralan ang paggawa sa mga paper works sa library ni Papa.” sagot ni Ivan.

Muli ay natawa si Lyndon. “Ikaw talagang bata ka. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto mong gawin sa buhay mo. Paiba-iba ka ng nagiging desisyon. Pero gusto ko ang sinabi mo ngayon. Hayaan mo at sa lalong madaling panahon ay sisimulan ko na ang pagtuturo sayo ng mga bagay na gusto mong matutunan.”

Sumulyap sa akin si Ivan at sinalubong ko ang mga nagbabagang titig niya.

Hindi na siya sumagot pa. Mabilis na niyang tinapos ang pagkain niya saka na siya nagpaalam na aakyat na sa silid niya dahil may gagawin pa raw siya.

Nang matapos ako sa pagkain ko ay nagpasya na rin ako na magtungo sa silid ko upang kunin ang gitara ko.

Palabas na ako sa silid ko nang salubungin ako ng isang kasambahay.

“Sir, pinapatawag po kayo ni Ma’am Aurelia.”

“Bakit daw?” tanong ko.

“Hindi ko po alam. Basta sabi lang po niya ay paakyatin kayo sa itaas. Nandun po siya sa Masters Bedroom.” sagot niya.

Nagtataka man ay iniwanan ko na ang gitara ko sa living room saka na ako umakyat sa itaas.

Naglalakad na ako patungo sa silid nina Aurelia nang mapansin ko ang pintuan ng silid ni Ivan. Bahagya iyong nakaawang at bukas din ang ilaw sa loob.

Marahan akong naglakad papalapit doon at natukso ako na silipin kung ano ang pinagkakaabalahan niya.

Nagmamadali siya kanina sa pag-akyat. Sana lang ay wala siyang kalokohan na ginagawa sa mga sandaling ito.

Pagsilip ko sa pintuan ng silid niya ay nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko.

Nakatalikod si Ivan mula sa kinatatayuan ko at kasalukuyan siyang nakayuko at hinuhubad ang shorts niya.

Tanging manipis na underwear na lang ang suot niya at malayang napagmasdan ng mga mata ko ang malagatas na kulay ng balat niya.

Naglandas ang mga mata ko sa makinis niyang likuran pababa sa puting underwear niya na bakat na bakat sa may katambukan niyang pwet.

Napalunok ako nang magtagal sa parteng iyon ang mga mata ko kasabay ng pagharap niya sa gawi ko.

Natigilan pa siya saka siya nagtakip ng maseselang parte ng katawan niya gamit ang mga kamay niya.

“A-anong ginagawa mo?” garalgal ang tinig na tanong niya.

Hindi ako kaagad nakasagot at naglandas ang mga mata ko sa kahubaran niya.

Hindi ko maiwasan na hindi hangaan ang makinis na balat niya. Mas makinis pa siya sa mga babaeng nagdaan na sa buhay ko.

Medyo bilugan ang katawan ni Ivan ngunit nasa tamang korte ang mga muscles at fats niya.

Muli ay pinasadahan ko ng tingin ang buong katawan niya mula sa tinatakpan niyang umbok sa harapan niya hanggang sa medyo nakaumbok niyang dibdib.

“Hindi na tayo mga bata. Bakit nakatayo ka pa diyan? Hindi ba ang dapat na gawin mo ay umalis ka na at isara mo ang pinto?” masungit na pukaw ni Ivan sa lumilipad na kaisipan ko.

“S-sorry!” sambit ko. “Bakit kasi hindi ka nagsasara ng pintuan?” tanong ko ngunit isang malakas na pagbalya ng pintuan ang tumapos sa pag-uusap namin kasunod ng tunog ng lock mula sa loob.

Napahugot ako ng malalim na paghinga saka ako napapailing na nagtungo sa silid nina Aurelia.

Kumatok ako at narinig ko ang malambing na tinig ni Aurelia na nag-uutos na tumuloy na ako sa loob.

Pinihit ko ang doorknob saka ko marahan na itinulak pabukas ang pintuan.

Nakita ko ang matamis na pagngiti sa akin ni Aurelia na mabilis na bumaling sa kinatatayuan ko nang marinig niya ang pagbukas ng pinto.

Suot na niya ang pantulog niya at hindi maitatanggi na sadya siyang maganda sa kabila ng edad niya.

“Ipinatawag mo raw ako?” seryosong sabi ko habang nakatayo ako sa may pintuan.

Chapter 17

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Villa Aurelia

Sa loob lamang ng halos isang buwan mula nang dumating sa Hacienda Aurelia si Rafael ay hindi mabilang na kadalagahan ang tuwina’y gustong makatawag ng kanyang pansin.

May mga imbitasyon sa party na dumarating sa bahay para kay Ralf. Galing iyon sa mga babaeng nakakakilala na sa kanya sa lugar na ito.

Pinagbibigyan naman lahat iyon ng hudyong ampon ni Lola.

Ngunit ang nakapagtataka ay hindi ako natutulog hangga’t hindi pa siya dumarating ng bahay kahit inaabot na ako ng madaling araw sa kakahintay.

“Bakit gising ka pa? Alas-dos na nang madaling araw.”

Nagulat ako nang mula sa ibaba ay bigla na lamang tumingala si Ralf sa bintana ng silid ko saka siya nagsalita.

Mabilis akong umalis mula sa pagkakadungaw sa bintana at sumandal ako sa katabing pader nito saka ko hinayaan na sumara ang kurtina.

Hindi ko lubos maisip kung paano niya ako nakita sa kabila ng napakadilim sa loob ng silid ko.

“Don’t hide behind the curtains, Ivan. Bakit hindi ka pa natutulog?” patuloy niya sa malakas na tinig.

Napapikit ako. Sa lakas ng boses niya ay imposibleng hindi magigising ang sinumang nasa villa dahil napakatahimik ng gabi.

Napilitan tuloy ako na hawiin muli ang kurtina saka ako dumungaw sa bintana.

“N-nagising lang ako sa pagdating ng sasakyan mo.” sagot ko sa kanya.

Mula sa malamlam na liwanag na nagmumula sa may portico ay nakita ko na nagflash sa dilim ang mapuputing ngipin niya bilang pagngiti.

“Hindi ko gustong maniwala sa sinabi mo but I’ll buy that. Now, be a good boy at matulog ka na.  I came home unscathed, Darling.”

Bago pa ako nakaisip ng matalim na isasagot sa kanya ay mabilis na siyang nawala sa paningin ko.

Walanghiyang bastardo na iyon. Nagawa pa niya akong ipahiya sa sarili ko.

Gusto kong matunaw sa labis na pagkapahiya kaya ang unan ang napagdiskitahan ko ng inis ko.

Hinampas ko na nang hinampas iyon sa kahit saang parte man ng kama iyon tumama.

Nang mapagod ako ay hinihingal kong ibinagsak sa kama ang katawan ko baon pa rin sa isipan ang nangyaring kahihiyan ngayun-ngayon lang.

Bakit ko pa kasi siya sinilip sa bintana? Nakakainis!

Dalawang araw matapos ang insidente sa bintana ay naimbitahan ako ng mga kaklase ko na sumama sa party ni Jea.

Dahil may sakit si Jako ay hindi ako pinayagan ng mga magulang ko na sumama sa party na iyon lalo pa at medyo malayo at overnight sa beach.

Gusto ko talagang sumama sa party na iyon lalo pa at bihira lamang ako makadalo sa mga beach party na ganun.

Walang beach na malapit sa Hacienda Aurelia maliban sa dagat na nasa loob ng Hacienda na pag-aari ng mga Buenavista sa kabilang bayan.

Ngunit private property iyon at hindi naman malapit sa kanila ang pamilya ko dahil kalaban namin sila sa negosyo.

Nagpapahangin ako sa may porch nang bigla akong tabihan ni Ralf.

Napasulyap ako sa kanya at isang masuyong ngiti ang isinalubong niya sa akin.

“Hindi ka raw napayagan na sumama sa beach party. Kaya ka nagmumukmok ngayon dito?”

I rolled my eyes at hindi ko siya pinansin. Ininom ko ang orange juice na ipinatimpla ko sa maid kanina saka ako muling tumingin sa kabilang side malayo sa kinaroroonan ni Ralf.

“Gusto mo ba talagang sumama sa party na iyon?” tanong niya.

Nagbaling ako ng tingin sa kanya at sa nakataas na kilay ay nagsalita ako.

“Kung sasabihin ko bang oo, may magagawa ka ba para payagan nila ako?” hamon ko sa kanya.

Ngumiti si Ralf at sa kauna-unahang pagkakataon ay napagtanto ko na hindi naman pala siya pangit katulad ng pilit kong isinisiksik sa utak ko.

“Kung papayag ka sa iaalok ko sayo ay baka matulungan kita.” sabi niya.

“Really?” sarkastikong sagot ko sa kanya.

“Narinig ko na nag-uusap kanina sina Aurelia at Lyndon. Kung sasamahan daw kita ay papayagan ka nila.”

Bumuka ang mga labi ko ngunit wala akong maapuhap na sasabihin. Nanatili lamang akong nakatingin kay Ralf at inaanalisa ko sa isip ko ang mga sinabi niya.

Papayagan ako ng parents ko na sumama sa party kung isasama ko si Ralf? Pero hindi pupwede iyon.

Kahit gustong-gusto ko na makapunta sa party na iyon ay hindi kami maaaring magsama ni Rafael nang matagal.

“H-hindi. Ayoko. Kung ikaw ang makakasama ko doon ay hindi na lang ako aattend.” naguguluhang sagot ko sa kanya.

Tumayo na ako uoang iwanan si Ralf ngunit mabilis niyang nahawakan ang braso ko kasabay ng pagtayo rin niya.

“Hindi mo ba naiisip na ito na ang magandang pagkakataon natin para magkasundo tayong dalawa?” matigas na sabi niya.

“Kahit kailan ay hindi ko naisip na magkakasundo tayo Ralf.”

“Bakit hindi muna natin subukan? Hindi ako bumalik sa lugar na ito para lang ipagpatuloy ang hindi magandang pakikitungo natin noon sa isa’t isa.”

Natawa ako saka ko binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.

“Ilang beses mo nang sinabi sa akin iyan mula pa nung araw na dumating ka dito. Pero sa bawat pag-uusap natin ay nauuwi pa rin tayo sa pagtatalo.” sagot ko sa kanya.

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa amin hanggang sa maisipan ko nang talikuran siya.

“Magkakasundo tayo kung bibigyan mo lang ako ng pagkakataon na mapalapit sayo.” sambit niya kaya napahinto ako sa paghakbang.

“Kung masama ang loob mo sa akin dahil pakiramdam mo inaagaw ko lahat ng meron ka. Patawarin mo ako. Pero sana tigilan na natin ang malamig na pakikitungo natin sa isa’t isa.”

Nanatili ako na nakatayo ngunit hindi ko siya tinangka na lingunin man lang.

“Please, Ivan! Gusto ko na sa pagkakataong ito ay maging maayos na ang pakikitungo natin sa isa’t isa.”

Hindi ko siya sinagot. Nagpatuloy na ako sa paghakbang.

“Pag-isipan mo ang offer ko sayo.” pahabol pa niya ngunit hindi ko na siya hinintuan pa. Dumiretso na ako sa loob ng villa.

Nasa ikaapat na baitang na ako ng hagdan nang bigla ay natisod ako dahilan upang mapasigaw ako pabagsak sa sahig.

“Ivan!” narinig kong sigaw ni Ralf sa pangalan ko kasabay ng mabilis na pagtakbo niya palapit sa akin.

Sinubukan kong tumayo ngunit masakit ang kanang paa ko. Napilayan yata sa pagkakatisod ko.

Sinubukan akong alalayan ni Ralf ngunit iwinaksi ko ang mga kamay ko.

“Bitiwan mo ko! Kaya kong maglakad mag-isa.” inis na sigaw ko sa kanya.

Kumapit ako sa hamba ng hagdan saka ko sinubukan na ihakbang ang paa ko ngunit masakit na talaga at hindi ko kayang ihakbang.

Nanghihina ako na napaupo sa sahig saka ako parang bata na naiyak sa harapan ni Rafael.

Hindi ako maaring makita ni Ralf ng ganito. Siguradong pinagtatawanan na niya ako sa isip ni sa mga sandaling ito.

Sinubukan ko muling tumayo ngunit mabilis na akong pinangko ni Ralf. Sa pagkabigla ko ay napakapit ako sa matigas na braso niya.

Nagtama ang mga mata namin at may nababakas akong concern sa mga mata niya.

Naaamoy ko ngayon ang nakakabaliw na amoy ng katawan niya. Katulad din nung nahulog ako sa kabayo at bumagsak ako sa katawan niya.

Hindi ko gusto ang pakiramdam na halos magkayakap na kami. May binubuhay siya na kung anong pakiramdam sa akin na hindi ko maipaliwanag.

“Hindi ka okay kaya huwag ka nang pumalag pa.” sabi niya. Dahil sa pagsasalita niya ay hindi maiwasan na dumampi sa mukha ko ang mabangong hininga niya.

Hindi na ako pumalag pa hanggang sa maipasok niya ako sa loob ng silid ko.

Marahan niya ako na ibinaba sa ibabaw ng kama. Kumapit ako ng mahigpit sa mga braso niya habang ginagawa niya iyon.

Nang tuluyan na niya akong maibaba ay umupo siya sa tabi ko saka niya kinuha ang paa ko.

Marahan niya iyong hinaplos. Napaungol ako nang makadama ako ng sakit.

Hinilot pa niya iyon. Napapapikit ako sa tuwing makakadama ako ng sakit sa bawat hagod niya.

“Magrelax ka para hindi mo na maramdaman ang sakit.” bulong niya.

Napamulat ako ng mata saka ko siya pinagmasdan habang hinahaplos ng mga palad niya ang paa ko.

Napaiwas pa ako ng tingin nang mag-angat siya ng tingin sa akin.

“Masakit pa ba?” tanong niya.

“Oo kapag dinidiinan mo.” sagot ko.

“Hintayin mo ako. Huwag kang bababa sa kama. Kukuha lang ako ng pampahid sa pilay mo.” sabi niya saka na siya tumayo at lumabas sa silid ko.

Pagbalik niya ay may dala na siyang langis at ipinagpatuloy niya ang paghilot sa paa ko.

Hindi nagtagal ay nawala na ang sakit at nakakadama na ako ng ginhawa.

“Kahit sa ibang tao ba ay ganun ka makitungo sa tuwing may nag-aalok ng tulong sayo?” bigla ay tanong niya kaya napasulyap ako sa kanya.

“Hindi ko gusto na nagkakaroon ako ng utang na loob sa kahit kanino para wala silang maisumbat sa akin pagdating ng araw.” sarcastic na sagot.

Tinitigan ako ng matagal ni Ralf. Sinalubong ko naman ang mga titig niya.

“Minsan hindi masama ang magkaroon ng utang na loob. Matuto kang tumanggap ng tulong minsan sa kapwa mo.” sabi niya.

Hindi ko na siya sinagot ngunit hindi ko inalis sa mukha niya ang tingin ko.

“Siguro naman ay nakatulong na ang ginawa ko para mabawasan ang sakit na nararamdaman mo. Ngunit kailangan pa rin nating ipatingin sa doktor ang pilay mo. Ihahanda ko lang ang sasakyan ko at ipagpapaalam kita sa mga magulang mo.”

Hindi na niya ako hinayaan pa na makasagot. Muli ay mabilis na naman niya akong naiwanan at pagbalik niya ay kasama na niya si Mama.

Nagpakita siya ng pag-aalala dahil sa nangyari sa akin ngunit dahil masama ang loob ko sa kanila ni Papa ay hindi ko naappreciate ang concern niya.

Gusto ni Mama na samahan kami hanggang sa ospital ngunit nag-insist si Ralf na siya na ang bahala sa akin.

Makalipas lamang ang halos kalahating oras ay binabagtas na namin ang kahabaan ng main road.

Lumilipad ang isip ko at tahimik lamang ako na nakatanaw sa labas ng bintana nang biglang magpreno si Ralf.

Hindi sinasadya na napasulyap ako sa bus na katabi ng sasakyan namin.

Isang halos kaedaran ko na lalaki ang nakita kong umiiyak habang nakatanaw sa labas ng bintana.

Kumunot ang noo ko saka ko inayos ang pagkakaupo ko upang mapagmasdan ko pa siya ng mabuti.

Payat siya at talaga namang maputi. Magaganda ang mga mata niya na kababakasan ng pait at lungkot sa mga sandaling ito.

Hindi niya ako napapansin dahil tulala siya sa kung saan.

Mas lalo ko pa siyang pinagmasdan. Base sa facial features niya ay maaari siyang maihalintulad sa mga sikat na modelo na nakikita ko sa mga magazines.

Medyo feminine ang features niya na bumagay naman sa itsura niya dahil talaga namang gwapo siya. Idagdag pa ang kissable lips niya na sa tingin ko ay natural na pinkish talaga.

Hindi ako mahilig sa mga feminine guy ngunit may kakaiba sa kanya na nakaagaw ng atensyon ko. Ang kakaibang pait at lungkot sa mga mata niya.

Nagpunas siya ng mga mata pagkatapos ay may nakita ako na umupo sa tabi niya na nakaagaw sa kanyang pansin.

Pero bakit kaya siya umiiyak? Kahit hindi ko siya kilala ay nararamdaman ko ang labis na sakit ng kalooban na nararamdaman niya.

Bigla nang umandar ang sasakyan at nauna kaming nakaalis ni Ralf. Naiwan ang bus at hindi ko na siya nakita pa.

Maayos naman akong nadala ni Ralf sa ospital ng Cervantes. Kulang kasi sa gamit ang ospital sa bayan namin kaya karamihan sa mga tao doon ay dumadayo pa sa Cervantes.

Mabuti na lamang at hindi naman malala ang naging pilay ko. Wala rin naging damage sa mga buto ko sa paa.

Hapon na nang maiuwi ako ng magaling na bisita ng pamilya namin.

Hindi na nga ako tuluyang nakasama sa beach party ng mga kaibigan ko na labis na ikinasama ng loob ko.

Nagkulong na lamang ako sa silid ko at ipinaakyat ni Mama ang hapunan ko dahil bilin ng doktor na ipahinga ko muna ang paa ko hanggang bukas.

Hindi ako dinalaw ng antok kinagabihan. Naiisip ko si Ralf. Sa buong durasyon na magkasama kami kanina ay hindi kami nagtalo.

Nakita ko rin ang pag-aalala niya sa akin ngunit hindi ko siya dapat na pagkatiwalaan.

Maaaring magaling lang siyang magpanggap dahil ang totoo ay may motibo siya kaya sinisikap niya na kunin ang loob ko.

Madaling araw na nang maigupo ako ng antok.


Author’s Note

Feeling ko hindi kagandahan ang chapter na nagawa ko ngayon. Pero enjoy na lang ninyo ang second cameo appearance ni Miggy ng The Naughty Stepbrothers. Siya po yung nakita ni Ivan sa bus.

Yung timeline po ng scene ay yung time na inihatid siya ni Harris sa bus terminal at pinauwi ng maynila kaya kung mapapansin ninyo ay umiiyak si Miggy doon.

Nickolai214

Chapter 18

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Hacienda Aurelia

Lumipas pa ang mga araw. Mas lalo pang dumami ang mahahart na babae na nagpapapansin kay Rafael.

Kabilang na sa mga babaeng iyon na nakakahalubilo ni Ralf ay si Celine, who renewed her acquaintance with him.

Nasa huling taon na si Celine sa isang sikat na kolehiyo sa bayan at may reputasyon sa pagiging flirt at malanding babae.

Sino na nga ba ang lalaking naeskandalo sa kanya nung nakaraan lang?

Si Javi Lorenzo. Anak ng isang dating sikat na boldstar noong kapanahunan niya na ngayon ay nagmamay-ari na ng isang sikat na restaurant sa Maynila.

Ayon sa kwento na nakarating sa akin ay nahuli daw ni Javi si Celine na nakikipagtalik sa boyfriend ng Mama nito.

She’s so disgusting!

Hindi na niya binigyan ng kahihiyan ang kanyang ama. Balewala lang sa kanya na pinag-uusapan siya ng mga tao.

Nagpapatuloy pa rin siya sa paglandi sa kahit na sinong lalaki na natitipuhan niya.

Ngayon ay si Rafael naman ang dinidikitan niya. Naiinis ako sa presensiya niya dito sa hacienda.

Hindi ko na nga mapaalis si Ralf ay dadagdag pa ang haliparot na babaeng ito.

At ngayon nga ay narito na naman ang babaeng kinaiinisan ko simula pa nung makilala ko ang tunay na kulay niya.

Sinabi ko sa kanya noong second year highschool ako na crush ko ang schoomate ko na si Levi pero sa halip na itago niya ang sikreto ko ay ipinagkalat niya iyon sa lahat ng tao sa campus saka niya nilandi si Levi.

Mabuti na lamang at hindi nagtagal ang relasyon nila. Nawalan na rin ako ng gana sa pesteng lalaki na iyon dahil mula nang malaman niya na nagkagusto ako sa kanya ay lumaki ang ulo na akala mo napakagwapo.

Well, gwapo naman talaga siya pero sa katagalan ay nakakaumay siyang pagmasdan.

Nang magkahiwalay sila ni Celine ay sinubukan akong landiin ni Levi. Siguro naisip niya na nagmula ako sa isang mayaman na pamilya pero sinupalpal ko siya sa harapan ng maraming tao.

Nakatayo ako sa veranda nang dumating ang kabayo ni Celine sa tapat ng villa.

Nakangiti pa siyang sinalubong ni Ralf at nakita ko na tinulungan niya ito na makababa sa kabayo.

Natawa ako sa eksenang nakikita ko. Malandi talaga ang babaeng iyon. Pagkababa niya sa kabayo ay maarte siyang yumakap kay Ralf at ginawaran niya ito ng malanding halik sa labi habang hinihimas ang mamasel na braso nito.

Nawala ang mga ngiti sa labi ko. Hindi ko maintindihan kung saan nanggaling ang galit na umahon sa dibdib ko para sa kanilang dalawa.

Hindi na namimili ng tamang lugar ang mga ito na para bang mga aso sila na kung saan na lamang abutan ng libog ay doon magme-make love.

Mabilis na akong tumalikod saka ako bumaba sa kusina. Hindi ko gustong ipagpatuloy ang nakakasukang landian ng dalawa.

Nasa ibaba si Nana Sita at tinutulungan sa pagluluto ang kusinera.

“Gising ka na pala, Ivan. Ano ang gusto mong ihanda ko sayo na almusal?” tanong ng matanda.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Sa halip ay nagtanong ako sa kanya. Out of curiousity.

“Nasa labas si Celine, Nana. Kararating lang. Ano ang sadya niya dito? Hindi niya kasama si Doctor Ortiz.” sabi ko aaka ako padabog na umupo sa kitchen stool.

Hindi lingid sa kaalaman ni Nana Sita at ng mga magulang ko na galit ako kay Celine.

Pero bilang paggalang kay Doctor Ortiz na naging mabuting kaibigan ng pamilya namin sa loob ng mahabang panahon ay hinahayaan ko ang haliparot na babaeng iyon na makapasok sa pamamahay namin kahit na labag sa kalooban ko.

“Siguro’y si Rafael ang sadya niya.” balewalang sagot sa akin ng matanda saka na siya nagsimulang maglabas ng pagkain mula sa ref.

“Para ka namang bago ng bago sa babaeng iyon.” dugtong pa niya na sinabayan niya ng iling. “Ewan ko ba kung bakit umuubra kay doktor ang mga pinag-gagagawa ng anak niya.”

Bago pa ako may naisagot ay bumukas na ang screen door sa kusina at pumasok doon ang dalawang pinag-uusapan namin.

Nakangiti pang bumati sa akin ang plastikadang babae.

“Hi, Ivan. How’s Jako?” tanong pa niya.

“Hi yourself!” sarkastikong sagot ko sa kanya.

Umismid siya. “Sungit mo ah. Pasalamat ka nga at binabati pa kita.” sabi niya.

“Thank you, Celine! I’m fine!” pilosopong sagot ko. “Kinukumusta mo si Jako? Sa pagkakaalam ko hindi ka pa rin niya gusto.”

“Kasi bakla siya.” diretsahang sagot niya.

“Pero hindi siya pokpok na gaya mo.” diretsong sagot ko rin.

Napasinghap siya sa sinabi ko. “How dare you!” galit na sita niya sa akin.

Nakita ko ang pagpipigil niya ng galit habang naniningkit ang mga mata niya na nakatitig sa akin.

Marahil ay naiisip niya na nasa loob kami ng teritoryo ko at kung papatulan niya ako ay siya rin ang kawawa.

Hindi ko na siya pinansin pa. Lumapit ako sa percolator saka ko nilagyan ng kape ang tasa ko.

Mula sa pagtingin sa amin ay nilapitan ni Ralf si Nana Sita nang makita niya ang paglayo ko kay Celine.

“Pwede bang magkape rin kami, Nana?” magalang na tanong niya sa matanda.

Nang malagyan ko ng kape ang tasa ko ay bumalik ako sa kinauupuan ko kanina. Humigop ako ng kape at hindi ko inalok na maupo ang dalawa.

Bakit ko naman sila aalukin? Kung gusto nilang tumayo maghapon ay wala akong pakialam sa kanila. Isa pa ayoko rin silang makaharap sa mesa.

“Oo, anak!” masuyong sagot ni Nana Sita. “Teka at ipaghahanda ko na kayong tatlo ng almusal ninyo.”

Halos matumba ang kitchen stool na ikinagulat nilang lahat nang padabog akong tumayo.

“Wala akong ganang mag-almusal, Nana. Kung si Celine lang din naman ang nasa harapan ko. Mamaya na lang ako babalik dito.” sabi ko.

Hindi ko na tinapunan ng pansin ang dalawa. Naglakad na ako palabas ng kusina.

“Masama ang gising ng alaga ninyo, Nana.” narinig ko pang biro ni Rafael sa matanda pero wala na ako sa mood na patulan pa sila.

Dahil sa inis ko ay naligo na lamang ako saka ako nagpahatid kay Mang Andoy sa bayan.

Nagkita kami ni Jako sa kapitolyo saka ko siya niyaya na kumain sa paborito naming food chain.

Hindi ko na binanggit pa sa kanya ang tungkol sa naging sagutan namin ni Celine sa bahay kanina.

Nagpalipas kami ng oras sa park na naroon pagkatapos ay nanood kami ng sine.

Maaga pa nang makauwi kami kaya niyaya ko siya na magtungo sa paboritong tambayan namin sa loob ng hacienda.

Sa ilalim iyon ng makapal na puno ng mangga. Malapit iyon sa taniman ng mga niyog.

Hinila ako ni Jako saka niya ako niyakap ng mahigpit habang nakasandal kami sa katawan ng puno.

“Ano ba talaga ang nakain mo at bigla mo akong niyaya na magdate ngayon?” tanong niya.

Kinabig pa niya ako palapit sa kanya saka niya ako hinalikan sa labi. Tinugon ko naman iyon.

“Bakit ba kasi?” pangungulit pa niya. “May problema ka ba sa bahay ninyo? Nag-away na naman ba kayo nung ampon ng Lola mo?”

“Tumigil ka ng kakatanong.” banayad kong angil sa kanya. Ganito ang kinaiinisan ko minsan kay Jako. Masyado siyang makulit.

“Nagtatanong lang naman eh.” reklamo niya saka niya hinaplos ang nakalantad ko nang hita dahil sa maiksi ang suot kong shorts.

Naipasok pa niya iyon at muntik na niyang maabot ang natatagong yaman ko sa pagitan ng mga hita ko.

Nakadama ako ng matinding pangingilabot dahil sa ginawa niya. Dahil sa pagkabigla ay napaigtad ako saka ko tinabig ang kamay niya.

“Off limits pa iyan.” sabi ko sa kanya.

“C’mon, Ivan.” protesta niya saka niya tinangka na muling haplusin ang hita ko kaya muli kong inalis ang kamay niya.

“Ano pa ba naman ang gagawin natin?” inis na tanong niya sa akin. “Gusto mo ba gawin natin sa bahay namin? Hindi naman tayo makikita nina Mama. Busy pa yun sa mga halaman niya.”

“Jako, ilang beses ko na bang sinabi sayo. Hindi pa ako handa sa ganyan. Masyado pa tayong bata para gawin iyon.”

“Wala namang masama kung gagawin natin iyon. Boyfriend mo naman ako. Saka sixteen na tayo. Kaya na nga kitang buntisin eh.” biro pa niya.

“Siraulo ka ba?” inis na sagot ko sa kanya saka ako bahagyang lumayo dahil naiilang na ako sa kakulitan niya. Idagdag pa na napakalikot na ng mga kamay niya. Kung saan saan na dumadapo.

“Sige na kasi. Pumayag ka na. Matagal ko nang gustong gawin iyon. Subukan lang natin.” pangungulit pa niya.

Muli ay mabilis na dumapo sa hita ko ang kamay niya na ikinalaki ng mga mata ko.

Kasabay ng paghaplos niya doon ay ang malakas na pag-ungol niya.

Sabay pa kaming napatingala ni Jako sa taong sumipa sa tagiliran niya.

Galit na anyo ni Ralf ang sumalubong sa amin.

“Sinabi na niya na ayaw niya diba? Bakit mo ba pinipilit?” sabi niya saka niya hinila ang damit ni Jako dahilan upang mapatayo ito at mapatingala kay Ralf.

“Tigilan mo ang ginagawa mo kung ayaw mong makatikim ng bugbog sa akin.” banta ni Ralf kay Jako saka niya ako sinulyapan.

“Get up, Ivan!” utos niya sa akin saka niya binitawan si Jako na muling napasalampak sa damuhan.

Hindi malakas ang tinig niya ngunit panganib ang ibinabadya ng mukha niya.

“At ikaw, Jako. Umuwi ka na!” matigas na utos niya.

Teka bakit ba siya nakikialam? At bakit siya nandito? Hindi ba at kasama niya ang malanding babae niya kanina?

“Wala kang karapatan na pakia-”

“Shut up, Ivan!” putol niya sa sinasabi ko. Hindi niya ako hinayaan na makapagprotesta man lang.

“Kung hindi mo gusto na sa harapan ng boyfriend mo tayo magtalo ay kuhanin mo ang kabayo mo at tayo nang umuwi.” banta niya.

Nilingon ko si Jako. Umaasa ako na ipagtatanggol niya ako ngunit nakayuko ang ulo niya.

Ilang sandali pa ay marahan na siyang naglakad patungo sa kabayo na hiniram niya sa kuwadra namin saka na siya sumakay doon at nagpatiunang umalis.

Galit na tiningala ko si Ralf. “I hate you, Rafael. I always have hated you!” sigaw ko sa kanya.

Nagpupuyos ang dibdib ko na tinakbo ko ang kabayo na dala ko. Sumampa ako sa kanya at mabilis ko na siyang pinatakbo pabalik sa villa.

Narinig ko na sumunod na rin sa akin si Ralf sakay ng kabayo na dala niya ngunit hindi na siya nagtangka pa na makipaghabulan sa akin sa daan.

Paalis na si Jako nang makarating ako sa villa. Nagpaalam siya sa akin at humingi ng dispensa sa mga ikinilos niya.

Pagkaalis ng owner-jeep na sinasakyan niya ay siya namang pagdating ng kabayo ni Ralf.

Mabilis na akong bumaba sa kabayo ko at hinayaan ko na ang matandang katiwala na magbalik sa kanya sa kuwadra.

Hindi ko nilingon si Rafael at nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad papasok sa villa.

Nakasalubong ko pa si Mama na binati ako at inaya na magmerienda ngunit kahit siya ay hindi ko pinagtuunan ng pansin.

Dire-diretso lang ako sa hagdan at gusto ko na munang magpahinga sa loob ng silid ko.

Masama rin ang loob ko kay Mama dahil sa sandaling magsumbong sa kanya si Rafael tungkol sa nakita niyang ginagawa namin ni Jako kanina ay siguradong ako na naman ang masasabon nila ng sermon ni Papa.

Pagkapasok ko sa silid ko ay inilock ko iyon saka ko ibinagsak ang katawan ko sa kama.

Kinuha ko ang cellphone ko saka ako naglaro ng mobile games at nakinig ng music.

Sinadya ko na lakasan ang volume at gumamit ng earpiece uoang hindi ko marinig ang mga katok ng nasa labas kung may kakatok man.

Sa mga sandaling ito ay wala na ako sa mood na makipag-argumento sa kahit na sino sa kanila.

I hate you, Rafael Certeza! I hate you! I hate you! I hate you!

Inis na sigaw ko sa isip ko.

Chapter 19

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Kamalig

Pagkatapos ng nangyari sa ilalim ng puno ng mangga ay sinikap ko na huwag magtagpo ang landas namin ni Ralf.

Hindi rin naman niya ako pinagtangkaang kausapin matapos ang insidenteng iyon.

Natutuwa ako at hindi niya sinabi sa mga magulang ko ang nakita niyang pangungulit sa akin ni Jako dahil kapag nagkataon ay ako na naman ang lalabas na masama.

Ngunit hindi niyon matatakpan ang inis ko sa ampon ni Lola. Habang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang galit na nararamdaman ko para kay Rafael lalo na at nakikita ko na palagi na lamang ay masuyo sa kanya si Mama.

Hindi iilang beses ko silang nahuli na nag-uusap ng sarilinan bagaman hindi ko maulinigan ang mga sinasabi nila.

Ngayon naman ay patungo ako sa may kamalig at natanaw ko ang kabayo ni Celine.

Nagsalubong ang mga kilay ko. Narito na naman ba sa hacienda si Celine? Dumadalas na ang pagpunta-punta ng babaeng iyon dito na para bang totally welcome siya.

Suyang napabuntong-hininga na lamang ako saka ko ipinagpatuloy ang paglakad ko patungo sa kamalig.

Sa araw na ito kasi ay napagpasyahan ko na mag-iikot ako sa buong hacienda tutal ay nasa koprahan pa naman si Papa kasama ni Mama.

Nakarating na ako sa bungad ng kamalig. Binuksan ko ang pinto papasok.

Napahinto ako nang bigla na lamang akong nakarinig ng tinig at ang malambing na tawa ng babae.

Si Celine!

Dala ng kuryosidad ay dahan-dahan at maingat akong humakbang patungo sa lugar na pinanggalingan ng tinig.

Walang ingay ako na nakarating sa may dingding na pinagsasabitan ng mga saddle at kung anu-ano pang mga gamit ng kabayo.

Mula sa sala-salabat na siwang ay sumilip ako upang magulat lang dahil sa nakita ko.

Naghahalikan sina Ralf at Celine sa may dayami. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko upang huwag kumawala ang singhap ngunit nakalikha na yata ako ng ingay dahil nag-angat ng ulo si Ralf saka siya tumingin sa lugar kung saan ako naroon.

Hindi ko magawang kumilos dahil sa kaba. Hindi ko rin gustong huminga dahil baka makalikha na naman ako ng ingay at mahuli ako ng dalawa na nanunubok.

Sandali lang ang ginawang paglingon ni Ralf sa gawi ko saka nila muling ipinagpatuloy ang naantala nilang paghahalikan.

No, please, don’t do it,

pakiusap ko. Kung kanino ko ipinapatungkol iyon ay hindi ko matiyak.

Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pagpasok ng kamay ni Ralf sa loob ng palda ni Celine habang patuloy pa rin sila sa napakainit nilang halikan.

Nakita ko ang paggalaw ng kamay ni Ralf sa loob kasunod ng pagsakmal ng isang kamay niya sa malusog na dibdib ng haliparot na si Celine.

Nagliliyad at umuungol na napakapit sa braso ni Ralf ang malanding babae. Pagkatapos ay tumawa siya ng malakas saka kinapa ng mga daliri niya ang butones ng damit ni Ralf.

Sa sumunod na mga sandali ay nakita kong lumabas mula sa palda ni Celine ang kamay ni Ralf ngunit hila na niyon pababa sa mga binti nito ang manipis na underwear.

Gusto ko nang tumakbo palabas dahil hindi ko na makayanan ang kababuyan na ginagawa nilang dalawa subalit kapag ginawa ko iyon ay siguradong malalaman nila na nanunubok ako.

Gusto ko na ring ipikit ang mga mata ko pero hindi ko magawa. Sa kaibuturan ng dibdib ko ay hindi ko nais na ituloy ni Rafael ang anumang binabalak niyang gawin sa babaeng iyon.

Ilang sandali pa ay nakita ko nang hinila ni Celine pahubad sa katawan ni Ralf ang suot nitong damit.

Lumantad sa paningin ko ang napakagandang katawan ng hudyong lalaki na kinaiinisan ko.

Kasunod niyon ay ang pag-angat ng katawan ni Ralf mula sa pagkakadagan niya kay Celine.

Kinalas niya ang sinturon niya saka niya binuksan ang butones ng suot niyang jeans.

“Oh, Gosh! I can’t wait to see that huge thing inside your jeans.” malanding sambit ni Celine.

Nakita ko ang pagngisi si Ralf saka siya bahagyang sumulyap sa gawi ko. Shit! Alam yata niya na nasa loob ako ng kamalig.

Muling humarap si Ralf kay Celine saka niya ibinaba ang zipper ng pantalon niya.

Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagflex ng mga muscles niya sa braso at dibdib.

Sumunod niyang ginawa ay ang pagtulak niya sa pantalon niya pababa dahilan upang mapapikit ako.

That was it! Hindi na mapipigilan ang nakatakdang mangyari sa dalawa.

Kakaibang kirot ang bumundol sa dibdib ko kaya maingat na akong umalis mula sa mga siwang ng dingding at dahan-dahan akong umatras palabas hanggang sa makarating ako sa may pinto.

Maingat kong binuksan ang pinto at nang makalabas ako ay tumingala ako upang punuin ng hangin ang dibdib ko na kanina pa halos panawan ng hininga.

Hindi ko alam na nagpigil pala ako ng paghinga kanina at halos punuin ko na ngayon ng hangin ang baga ko.

At ang isa pang ipinagtataka ko ay kung bakit ako umiiyak. Hindi ko napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko dahil sa sama ng loob kay Rafael.

Patakbo akong bumalik sa bahay at nagtuloy ako sa loob ng silid ko. Hindi ko pinansin ang katulong na nakasalubong ko sa may hagdanan.


Rafael Certeza

Natigilan ako nang maramdaman ko ang maingat at biglaang pag-alis ni Ivan mula sa pinagtataguan niya.

Mabilis kong hinila muli pataas ang pantalon ko saka ko iyon ibinutones at isinara ang sinturon ko. Hinila ko rin ang zipper pasara saka ako napahugot ng malalim na paghinga.

“W-what’s wrong?” tanong sa akin ni Celine nang makita niya ang ginawa ko sa pantalon ko.

“Hindi tama ang ginagawa nating ito, Celine.” sagot ko bago ko dinampot ang damit ko na hinubad niya saka ko na iyon muling isinuot.

Isinasara ko na ang mga butones nang bumangon si Celine saka niya pinigilan ang kamay ko sa pagsasara ng damit ko.

Inalis ko ang mga kamay niya saka ko na ipinagpatuloy ang pagsasara ko ng mga butones hanggang sa dalawa na lamang ang matira.

Sinulyapan ko si Celine at huminto ang mga mata ko sa underwear niya na nasa kabilang binti pa niya.

Ngumisi si Celine saka siya malanding humiga at binuka pa niya nang husto ang mga hita niya upang lumantad sa mga mata ko ang tinatago niyang yaman.

“Ayusin mo na ang sarili mo dahil baka abutan tayo nina Tito Lyndon at Tita Aurelia.” sabi ko sa kanya.

Mabilis siyang bumangon muli saka niya pinadapo sa pisngi ko ang isang palad niya.

“Hindi kita maintindihan!” aniya saka niya sinimulang ayusin ang sarili niya. “You were so hot at hindi ko kayang isipin kung paano mo nakontrol ang sarili mo.”

Nagkibit ako ng mga balikat saka ko siya sinagot. “Hindi ito ang tamang lugar, Celine.”

“C’mon, Rafael. Ilang beses na natin itong ginawa. Sa sasakyan mo. Sa bahay. Sa kusina namin. Sa kakahuyan. Kahit minsan ay hindi mo ako binigo. Ngayon lang.” galit na litanya niya sa akin.

“ Because you always insisted to do it kahit pa sinasaway na kita. Isa pa ay hindi natin teritoryo ang lugar na ito, Celine.“ sabi ko.

“Ginagawa ko iyon dahil gustong gusto talaga kita. I really like you, you know. Kakaiba ka sa kanilang lahat. You’re perfect!”

Hindi ko siya sinagot.

“Pero legal na Certeza ka na rin naman diba? Dahil legal ang ginawang pag-ampon sayo ng Lola mo.” sabi pa niya.

“Huwag na nating pagtalunan pa ito.” patamad na sagot ko. “Pamilya ni Ivan ang kasalukuyang nagmamay-ari ng legal rights sa lugar na ito. Hindi ko gustong gumawa ng bagay na ikasisira ng tiwala nila sa akin.”

Unti-unting nawala ang galit sa anyo ni Celine. Marahil ay naintindihan na niya na tama ang sinasabi ko.

Tumayo na siya saka na niya tinapos ang pag-aayos niya sa sarili niya. Pagkatapos ay naglakad siya palapit sa akin saka niya ako niyakap.

“Then name the place, Rafael. Sasama ako sayo. I want to feel you inside. Simula nang unang beses na makita kita ay hindi na kita nakalimutan. Kakaiba ka sa lahat.”

Isang banayad na tango ang isinagot ko. Tinapik ko siya sa likod saka ko siya binulungan.

“Umuwi ka na sa inyo at baka hinahanap ka na ng mga magulang mo.”

Gusto pa sana niyang tumanggi pero maagap ko siyang tinanguan. Napasimangot siya saka niya dinilaan ang hiwa sa dibdib ko bago niya inangkin ang mga labi ko.

“Sa susunod ay hindi na ako papayag na huminto ka sa ginagawa mo.” sabi niya.

Napailing na lang ako saka ko na siya inakay palabas ng kamalig.

Atubili pa siyang umalis ngunit kinalas ko na mula sa pagkakatali ang kabayo niya saka ko siya pinasakay.

Wala na rin siyang nagawa kundi ang umalis na lang. Napatingala ako sa villa saka ko hinilot ang batok ko.

Ilang sandali pa ay mabilis na akong naglakad patungo sa bahay upang sundan si Ivan.

Hindi ako maaaring magkamali. Sigurado ako na si Ivan ang nakita ko sa loob ng kamalig kanina.

Muli ay naglaro sa isip ko ang eksenang nabungaran ko sa loob ng silid niya dahilan upang manumbalik ang matinding init ng katawan ko.

Simula nang gabing iyon ay hindi na nawala pa sa isip ko ang anyo niya.

Chapter 20

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Villa Aurelia

Mula sa pagkakasubsob ko sa unan ay nag-angat ako ng mukha nang marinig ko na bumukas ang pintuan sa silid ko at pabagsak din na naisara.

“A-ano ang ginagawa mo dito?” gulat na tanong ko nang makita ko si Ralf na nakatayo sa loob ng silid ko.

“Iyan ang napala mo sa paninilip,” aniya sa naniningkit na mga mata.

Sandali akong nalito. Mabilis akong bangon at umupo ako sa gilid ng kama.

“Wala kang karapatan para pumasok dito sa silid ko,” sabi ko at bahagya nang tumaas ang boses ko.

“Wala kang karapatan na pakialaman ako sa relasyon ko kay Jako dahil kahit ikaw ay-” hindi ko itinuloy ang sinasabi ko nang may maisip ako bigla.

Mapapatunayan niya na ako nga ang nasa kamalig kanina kapag nagpatuloy pa ako sa sinasabi ko.

“Dahil kahit ako ay ano?” galit niyang ulit sa sinasabi ko kanina saka siya dahan-dahan na humakbang papalapit sa akin. “Ano ang ginagawa mo sa kamalig? Manubok? Panoorin ako?”

“Hindi ko alam na naroon kayo!” hiyaw ko. Napapahiya at nagagalit na ako. “Bakit ikaw? Hindi ba at nandoon ka rin naman sa tagpuan namin ni Jako? Nagkataon lang na walang kamalig na nagtatago sa amin kaya agad mo kaming nakita!”

“Damn you!” galit na mura niya.

Naglalabas ng apoy ang mga mata niya. Pagkasabi niya sa mga katagang iyon ay yumuko siya at hinawakan niya ako sa magabilang balikat ko saka niya ako marahas na itinaas.

“Jako wouldn’t get as far as I’ve gone. Nakalantad man o kahit na nasa loob pa kayo ng kuweba! Hindi ko hahayaan na mahawakan ka pa niya ulit. I’ll kill him first!”

Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya. Ang alam ko lang ay nagagalit siya sa mga sandaling ito at nagagalit din ako at natatakot ako sa kanya.

Natatakot ako sa bagsik ng anyo niya. Kagaya ng nangyari noong nine years old ako sa loob ng silid niya. Nang sinira at ginupit-gupit ko ang paboritong baseball cap niya.

Natatakot ako sa galit na nakikita ko sa mga mata niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa mga balikat ko at bahagya na akong napangiwi.

“Bitiwan mo ako! Hayop ka, wala kang karapatan na saktan ako nang ganyan!” sigaw ko sa kanya saka ko sinubukan magpumiglas pero mabilis din niyang nahawakan ang mga braso ko.

Malakas ang lalaking ito at hindi ako makawala dahil parang mga bakal sa higpit ang pagkakahawak ng mga kamay niya sa mga braso ko.

Nakita ko na tumigas ang anyo niya saka siya mataman na tumitig sa akin. Sinalubong ko ng tingin ang mga mata niya.

Sa pagkakataong ito ay hindi ko iiwasan ang mga iyon. Kung galit siya ay kanina pa ako nagagalit din sa kanya.

“You were behind that wall for minutes before you turned chicken at the last minute?” nagtatagis ang mga ngipin niya sa galit.

“Bakit ka umiiyak? Hindi mo ako kayang panoorin?”

Marahas niyang pinahid ang mga luha na nagkalat sa mukha ko gamit ang isang kamay niya.

“Wala kang pakialam!” sabi ko saka ko siya tinangka na sampalin gamit ang isang kamay ko na pinakawalan niya dahil sa pagpahid sa luha ko ngunit mabilis din niyang nahuli muli iyon.

“Bitawan mo ako at lumabas ka dito!” galit na sigaw ko sa kanya.

“Gusto mong malaman kung paano ko dapat gagawin iyon kay Celine kanina? Ha?” halos matanggal ang mga balikat ko sa lakas ng pagkakayugyog niya sa akin.

Sinubukan ko siyang itulak gamit ang buong lakas ko ngunit naunahan niya ako. Sabay kaming bumagsak sa ibabaw ng kama.

Nakapaibabaw siya sa akin at sa isang iglap ay bumaba ang ulo niya at nagulat na lamang ako nang marahas niyang angkinin ang mga labi ko.

Parusa ang halik na iyon pero natigil ako sa pagpiglas. I was stunned, shocked. Para akong jelly na nanlambot sa mga bisig ni Rafael.

Huminto siya sa paghalik sa akin saka niya ako pinagmasdan nang may pagnanasa.

Napatitig din ako sa mga mata niya. Ilang sandali ang mabilis na lumipas. Nakatitig lamang kami sa isa’t isa.

Bago pa ako nakaisip ng kahit na ano ay muli na naman niyang inangkin ang mga labi ko.

Nakahiga ako ngayon sa ibabaw ng kama ko at nakadapa sa akin si Rafael. Kissing my lips, bruising them, fondling my young body.

Ginagawa sa akin ngayon ni Rafael ang mga bagay na gustong-gustong gawin sa akin ni Jako noon pa.

Bigla na lamang umikot ang buong kaisipan ko. Hindi ko maintindihan kung alin sa mga sama-samang emosyon na nararamdaman ko ngayon ang dapat na mangibabaw.

At parang eksena sa video na biglang inireplay ay naging masuyo na sa pagkakataong ito ang paraan ng paghalik ni Ralf.

Naramdaman ko ang kamay niya na bumaba sa balakang ko at bigla na lamang ay nakalas niya ang pagkakabuhol ng tali sa harapan ng shorts ko.

Bahagya siyang nag-angat ng katawan kasunod ng marahas na paghila niya pababa sa shorts at brief ko.

Napasinghap ako sa bilis ng mga pangyayari at mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang kalasin niya ang pagkakahook ng sinturon niya.

Mabilis niyang nakalas iyon kasunod ng may pagmamadali niyang pag-un-snap sa butones ng jeans niya. Kasunod ngabilis din na pagbaba ng zipper niya.

Hindi ko alam pero sa pagkakataong ito ay tila parang naubusan ng lakas ang buong katawan ko.

Hindi ko maigalaw ultimong mga daliri ko. I knew he unzipped his jeans. Narinig ko iyon habang patuloy niya akong hinahalikan sa mga labi ko.

Nararamdaman ko ang magaspang na kayo ng maong sa balat ko. The he moved, nudged my legs with his powerful thighs.

Muli ay napasinghap ako nang maramdaman ko ang matigas na pagkalalaki niya sa bukana ng lagusan ko.

Pilit kong pinakawalan mula ang mga labi niya ang labi ko na sinundan ko ng marahas na paghinga. My chest heaving, naghahabol ako ng paghinga.

Grabe ang lalaking ito. Hindi talaga niya balak pakawalan ang mga labi ko. Hindi ko alam ngunit nagugustuhan ko ang kakaibang kilabot na naidudulot ng kanyang ginagawa.

Nanlaki ang mga mata ko dahil nararamdaman ko na ang pagpipilit na makapasok sa lagusan ko ng matigas na bagay na nasa pagitan ng mga hita niya.

Doon na ako tuluyang nagising sa katotohanan na kahit gusto ko ang pakiramdam ng kanyang ginagawa ay hindi iyon tama.

“R-ralf!” nanginginig ang tinig na sambit ko kasabay ng paghikbi. Muli ay umagos ang mga luha mula sa mga mata ko. “P-pinsan mo ako.” hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga katagang iyon pero iyon ang lumabas sa bibig ko.

He stiffened. Crushed my shoulders with his fingers na para bang lahat ng kontrol ay pilit niyang inaabot.

“I know!” he whispered savagely. “I know, damn you, Ivan! Mas masahol ka pa sa drugs!” frustrated na hiyaw niya.

Sa isang iglap ay naramdaman ko ang dapyo ng hangin mula sa bintana na humaplos sa katawan ko nang umangat mula sa katawan ko si Ralf.

Lumundo ang gilid ng kama nang makaupo siya saka niya sinapo ng dalawang palad niya ang ulo niya.

I’m afraid to move, kahit yata ang huminga. I’m just ataring at his tensed back nang walang iniisip.

Nakabibingi ang katahimikan na namagitan sa loob ng silid. Nagulat pa ako nang bigla ay tumayo siya.

“I’m–sorry,” sambit niya. Hindinko halos marinig iyon. Mabilis siyang humakbang patungo sa pinto. Binuksan niya iyon at wala siyang lingon na lumabas.

Nang tuluyan na siyang nakalabas ay saka ko pa lamang pinakawalan ang pinipigil ko na paghinga kasabay ng pag-iyak.

Kung iniwasan ko si Ralf bago ang pangyayaring iyon ay mas lalo higit pagkatapos. Ni hindi ko gusto nga gusto na magkasalubong kami ng tingin.

Kung hindi lang magtataka ang mga magulang ko ay hindi ako sasabay sa pagkain sa kanila. Sa pagkakataong ito ay nagpapasalamat na ako sa halip na mainis dahil monopolado ni Mama ang usapan sa mesa.

“Bakit hindi ka yata kumakain, Ivan?” bigla ay tanong ni Papa na ikinapitlag ko.

Nag-angat ako ng tingin at nasalubong ko ang mga mata ni Rafael na matiim na nakatitig sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin at inilipat ko iyon sa aking ama na katabi niya sa mesa.

“Nag… nag-snack ako kanina, Pa…” nauutal na sagot ko.

“May problema ka ba, Ivan?” tanong ni Mama. “You’ve been acting strange lately. Nag-away ba kayo ni Jako?”

“H-hindi, Ma,” sagot ko. “I-ilang linggo na lang kasi at pasukan na ulit. Yes! I–I was wondering what c-course to take…”

Ngumiti si Mama. “Goodness, napakaaga pa para isipin mo iyon. Anyway, sa isang buwan ay luluwas tayo ng Maynila para mamili ng mga gamit mo.”

Kung sa ibang pagkakataon ay magtatatalon na siguro ako sa tuwa pero hindi muna sa mga sandaling ito.

Subalit marami ang nangyari bago lumipas ang isang buwan na sinasabi ni Mama.

Chapter 21

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Villa Aurelia

“Hindi ba kayo papasok, Papa?” tanong ko kay Papa nang ihinto niya sa tapat ng villa ang bagong-bagong four-wheel-drive pickup.

Bumaba siya mula sa sasakyan. Sinadya pa niya iyon sa kabisera at sumama ako dahil ipinagmamalaki niya ang bago niyang sasakyan.

Dahil gusto ko rin makaiwas kay Ralf ay hindi ako nagdalawang isip na sumama sa pag-alis ni Papa kaninang umaga.

“Mauna ka na, Ivan. Susunduin ko muna ang Mama mo sa clinic ni Dr. Luis. Ang sabi ko sa kanya ay dadaanan ko siya doon. Para na rin maiikot ko sa lugar natin itong pick-up bago ko ipasa sa driver natin.” nasisiyahang wika niya.

Nagkibit na lang ako ng mga balikat saka na ako naglakad patungo sa bahay. Nilingon ko pa si Papa na kasalukuyang inililiko ang sasakyan sa daan patungo sa kabilang farm.

Nang makalayo na siya sa villa ay nagpasya na ako na pumasok sa loob.

Papanhik na sana ako sa silid ko nang mapasulyap ako sa guest room. Doon pa rin natutulog si Rafael kagaya noon at bahagyang nakabukas ang pinto.

Siguradong nasa orchard si Ralf sa mga sandaling ito at marahil ay naiwanan niya na bukas ang pinto sa kanyang silid.

Humakbang ako patungo doon upang isara iyon nang bigla na lamang ay narinig ko ang boses ni Mama.

Ang unang pumasok sa isip ko ay ang tumalikod na. I didn’t want to eavesdrop. Nangyari na minsan na nanubok ako nang hindi sinasadya pero napahamak ako. Hindi ko na gusto pang maulit iyon. Baka sa pagkakataong ito ay hindi ko na matakasan pa ang kalupitan ni Rafael.

Pero nanaig ang kuryosidad nang may bigla akong maalala. Akala ko ba ay nasa clinic si Mama?

Kung narito ngayon si Mama at nagsasalita ay siguradong si Rafael ang kausap niya.

Mas lumapit pa ako sa may pintuan ng silid. At sa ikalawang pagkakataon ay nanlaki ang mga mata ko saka ako napasinghap.

Lamang ay nagawa ko nang huwag magpakawala ng anumang ingay dahil natakpan ko kaagad ng mga kamay ko ang bibig ko.

Malalamlam ang mga mata ni Mama habang nakatingin siya sa mukha ni Rafael. Hinaplos niya ang mukha ng lalaki pagkatapos ay bumaba ang kamay niya sa dibdib nito.

Teka, bakit walang damit si Rafael? Mula sa kinaroroonan ko ay kitang kita ko ang mamasel niyang katawan na wala nang suot na pang-itaas.

Bumaba rin ang mga mata ni Mama saka niya hinaplos ang maskuladong dibdib ni Ralf. Nakatagilid sila pareho mula sa kinaroroonan ko kaya kitang-kita ng dalawang mata ko ang kalokohan na ginagawa nila.

Malas lang nila at nakalimutan nilang isara ang pintuan at nagkataon naman na napadaan ako at napansin ko iyon.

Ilang sandali pa ay nakita ko na yumakap ng mahigpit si Mama sa hubad na katawan ni Rafael. Ganoon din ang ginawa ng hudyong lalaki sa Mama ko.

Hindi na sila nahiya. Dito pantalaga sila sa loob ng bahay gumagawa ng mga kalokohan. Kapag wala kami ni Papa.

“Paano kapag nalaman niya ang tungkol sa atin?” sambit ni Rafael.

Kumalas mula sa pagkakayakap si Mama. “Hindi niya malalaman, Ralf. Pangako ko sayo iyan. Mula ngayon ay mag-iingat na tayo.” sagot niya.

Tumingala si Mama sa lalaki at sinapo niya nang dalawang palad niya ang mukha nito. Ilang sandali pa ay kinabig niya payuko ang ulo ni Ralf saka niya iyon hinagkan sa pisngi.

“Kung alam mo lang kung gaano kita pinanabikan.” masuyong bulong ni Mama.

Hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko. Parang sasabog na ang dibdib ko dahil sa mga narinig at nasaksihan ko.

Mabilis na akong naglakad palabas muli sa bahay. Kung paano ako nakalabas ay hindi ko na alam.

Sa mga sandaling ito ay kinasusuklaman ko sila pareho. Silang dalawa. Gusto kong sumigaw at magwala.

Paano nagawa ni Mama iyon kay Papa? Paano niya nagawa iyon sa amin?

Paano iyon nagawa ni Rafael sa aming lahat? Kinupkop siya ni Papa. Pinakain at pinagkatiwalaan. Mas anak pa nga ang turing nila sa kanya kaysa sa akin.

Mas lalong tumindi ang galit na nararamdaman ko sa kanya. Ngunit sa kaibuturan ng dibdib konay may nakakapa ako na kakaibang kirot at hapdi.

Parang pinipiga ang puso ko sa kaalaman na si Rafael ang taong sumisira sa pamilya ko.

Bigla ay nagbalik na naman sa isipan ko ang mga eksenang nasaksihan ko sa kamalig.

Si Rafael at si Celine na halos nagtatalik na.

Kasunod ay ang eksena sa silid ni Ralf. Silang dalawa ni Mama. Ang hubad niyang katawan. Ang paghaplos ni Mama sa dibdib niya. Ang paghalik sa kanya ni Mama.

Kung alam mo lang kung gaano kita pinanabikan.

Oh God! Sumasakit na ang ulo ko sa mga nangyayari. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang dapat kong maramdaman sa mga sandaling ito.

Hindi pa ako nakakahuma mula sa alaala ng kataksilan ni Mama ay sumunod naman na nanariwa sa isipan ko ang nangyari sa amin ni Ralf sa loob ng silid ko.

Muntikan na niya akong maangkin at natatakot ako sa galit na nakita ko sa mga mata niya nang mga sandaling iyon.

Hindi ko maitatanggi sa sarili ko na nagugustuhan ng katawan ko ang kakaibang pakiramdam sa tuwing didikitan ako ng lalaking iyon.

Ngunit hindi ko dapat hinahayaan na matalo ng emosyon ko ang katinuan ng isip ko. Mabuti na lamang at hindi niya iyon naituloy.

Kinasusuklaman ko siya dahil sa mga kapangahasan niya. Kinasusuklaman ko rin ang sarili kong ina dahil sa kataksilan niya.

Hindi ako umuwi sa bahay hangga’t hindi pa nagdidilim. Nagpalipas na lang ako ng oras sa gitna ng taniman ng mangga.

Hindi naman panahon ng pamumunga ng mga iyon dahil kakatapos pa lang nilang magharvest noong nakaraang buwan kaya walang tao doon.

Kinagabihan ay sinadya ko na puntahan si Papa sa loob ng library nang mabanggit sa akin ng katulong na naroon siya at may tinatapos na mga gawain.

Kumatok ako dahil baka maabala ko siya sa ginagawa niya ngunit kaagad din naman niya akong pinatuloy.

Nag-angat pa siya sa akin ng tingin mula sa binabasa niyang mga papel sa mesa.

“Ikaw pala, anak.” nakangiting sabi niya na ikinahinto ko sa paghakbang.

Kinakabahan ako na nakatitig sa kanya at hindi ko malaman kung dapat ko bang ituloy ang sasabihin ko sa kanya dahil nakikita ko sa kanya na nasa magandang mood siya ngayon at ayoko sanang sirain iyon.

Ngunit kailangan ko nang mapaalis si Rafael sa bahay na ito. Sa buong hacienda na ito na pag-aari ng pamilya namin.

“Lumaki ka nang ganyan kagwapo nang hindi ko man lang namamalayan. Kaya lang ay gwapo rin pala ang gusto mo.” nakangiting biro niya.

Hindi ko siya sinagot at nanatili lamang ako na nakatitig sa kanya. Undecided pa rin sa gagawin kong pagkumbinsi sa kanya na paalisin na si Rafael dito.

Tumayo siya saka niya ako nilapitan. Niyakap niya ako ng mahigpit at tila nilalambing na parang baby.

“Namiss ko na yakapin ang anak ko. Mula kasi nang tumuntong sa sampung taong gulang ay hindi na yumayakap sa akin.” malambing na sabi pa niya saka niya ako hinalikan sa pisngi.

“Pasensya ka na kung hindi kita masyadong napag-uukulan ng panahon sa mga nagdaang taon. Masyado lang talaga akong naging abala sa pagpapatakbo nitong hacienda natin pero hayaan mo at sisikapin ko na bumawi sayo sa mga susunod na araw.”

Napakasarap sa pakiramdam na yakap ako ngayon ni Papa. Hindi ko naramdaman ang mga ganitong sandali sa mga lumipas na taon mula nang unang beses na dumating si Rafael sa buhay namin.

Kumalas na ako mula sa pagkakayakao niya. “Hindi iyan ang isinadya ko sayo dito, Papa.” seryosong sabi ko sa kanya na nagpawala naman sa mga ngiti niya.

Nagsalubong ang mga kilay niya saka niya ako pinagmasdan ng mataman.

“May problema ba ang anak ko?” masuyong tanong niya.

“Papa, gusto kong paalisin mo si Rafael dito sa hacienda natin.” diretsong sabi ko sa kanya.

Nagsasalubong ang mga kilay ni Papa habang seryoso siyang nakatitig sa akin. “Ano ba naman iyan, Ivan? Bakit ba mainit na lang palagi ang ulo mo sa taong iyon. Mabait si Rafael, mapagkakatiwalaan at…”

“Mabait? Mapagkakatiwalaan?” putol ko sa sinasabi niya. “Hindi mo alam ang sinasabi mo Papa. Nadadaya kayo ng lalaking iyon!”

“Tumigil ka na sa kalokohan mong ito, Ivan.” kung kanina ay malambing niya ako na kinakausap ngayon ay may bahid na ng galit ang tinig niya.

“Pumanhik ka na sa silid mo.” matigas niyang utos sa akin.

Sinalubong ko ang mga tingin niya at sa nakikita kong labis na pagtitiwala niya kay Ralf ay nakakadama ako ng labis na sakit sa dibdib.

Nagsimula nang mamuo ang mga luha sa mga mata ko kasabay ng kalokohan na nasaksihan ko kanina sa silid ng mga magulang ko.

Si Ralf. Si Mama. Ang hubad na katawan ni Ralf. Ang paghaplos ni Mama sa maskuladong dibdib nito at ang halik.

Kasunod na pumasok sa isipan ko ay ang eksena sa pagitan namin ni Ralf ilang araw pa lamang ang nakakaraan na hindi na maalis sa isipan ko at nagdudulot ng pagkaligalig.

“Papa, that man almost raped me!” lumabas na sa bibig ko iyon bago ko pa napigilan at nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Papa at nakita ko na natitilihan siya dahil sa sinabi ko.

Hindi ko man gusto na malaman ni Papa ang tungkol sa nangyari sa amin ni Ralf ay pinili ko nang sabihin.

Marahil sa pagkakataong ito dahil sa isinumbong ko ay mapapaalis ko na ng tuluyan sa Hacienda Aurelia si Ralf.

Ang pagka-shock sa mukha ni Papa ay nahalinhan ng panlulumo. Bumuntong-hininga siya saka siya umiling.

“Huwag kang gumawa ng kwento para lang siraan si Rafael, Ivan.” wika niya sa tonong kailanman ay hindi ko pa narinig na ginamit niya sa akin.

Tumigas ang anyo ko. Saka ko sinalubong ang nanunuring mga tingin niya.

“Nagsasabi ako ng totoo, Papa.” giit ko. “At kayo, bakit kayo nagbubulag- bulagan gayong nakikita na ninyo na lagi na lamang ay malapit si Mama sa lalaking iyon!”

“Tumigil ka na, Ivan!” galit na sigaw ni Papa sa akin. “Lumabas ka na. Hindi ko alam na sa pagpapasunod namin sayo ng Mama mo ay iyan ang naging pag-uugali mo.”

Napapikit ako dahil sa frustration. Pero wala akong balak na tumalikod at magpatalo. Hindi sa pagkakataong ito.

“Sisirain ni Rafael ang pamilyang ito. Maniwala ka, Papa. Si mama, pinagtataksilan…”

“I haven’t laid a hand on you, Ivan.” mapanganib na banta ni Papa sa akin. “Pero wag kang magsasalita ng anumang bagay na hindi maganda tungkol sa Mama mo.”

Hindi ako makapaniwala sa nangyayari kaya lumabas na lang ako ng library nang may sama ng loob kay Papa.

Pati siya na tanging iniisip at inaalala ko ay hindi pa ako pinakinggan.

Sa may puno ng hagdan ay nakasalubong ko si Rafael na seryosong nakatingin sa akin.

Isang nakamamatay na titig ang ibinigay ko sa kanya bago ako tumakbo papanhik sa silid ko.

Hindi na ako naghapunan pa. Hindi ko rin naman maipapasok sa katawan ko ang pagkain.

Dinalhan pa ako ni Nana Sita sa silid ko. Ipinagbilin daw iyon ni Ralf ngunit hindi ko rin iyon ginalaw.

Napakasama ng loob ko sa lahat ng tao na narito ngayon sa hacienda. Lalo na kay Ralf na sinasadya yata talaga na sirain ang buong pamilya namin.

Hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo siya napulot ni Lola Corazon ngunit iyon na yata ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa ni Lola.

Hindi ako halos nakatulog buong gabi dahil sa dami ng mga bagay na naglalaro sa isipan ko.

Ngunit bago pa muling sumikat ang araw ay nakabuo na ako ng pasya. Kung hindi ko mapapaalis si Rafael sa lugar na ito ay ako na ang aalis.

Kahit kailan ay hindi kami maaring magsama ng lalaking iyon sa iisang lugar. Para kaming tubig at langis na kahit anong pilit na pagsamahin ay hindi maaaring magsama.

Natanggap ko na rin sa sarili ko na hanggang doon na lang talaga ang kaya kong ibigay na pag-uunawa sa mga magulang ko.

Hindi ko na kaya pang tiisin ang mga pambabalewala nila sa mga opinyon ko. Dahil ang lahat ay manipulado na ni Rafael.

Chapter 22

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Villa Aurelia

“Bakit pabigla-bigla ka ng desisyon, anak?” malambing na sabi ni Mama nang kumpirmahin ko sa kanya ang tungkol sa plano ko na sa Maynila na ako mag-aaral ng kolehiyo.

Hindi na ako napigilan nina Papa dahil dumirekta na ako kay Lola tungkol sa naging pasya ko.

Kahit hindi nila ako payagan ay aalis pa rin ako sa lugar na ito ano man ang mangyari. Iyon ang sinabi ko kay Papa na talaga namang plano kong gawin.

Mabuti na lamang at hindi na siya nangulit pa at sa huli ay wala din siyang nagawa kundi ang payagan ako.

Kaysa mapariwara daw ako ay mas gugustuhin na niya na sa Lola Corazon ko sa Maynila na ako manatili habang nag-aaral ako ng kolehiyo.

Muli siyang nagsalita nang hindi ako kaagad na nakasagot sa tanong niya.

“Kunsabagay ay mas mabuting magkaroon ka ng ibang environment hindi iyong dito ka lang sa hacienda. Tama marahil na sa Mama sa Maynila ka na manatili habang nag-aaral ka na sa kolehiyo. Kaya lamang ay nagugulat ako sa biglaang pagpapasya mo na ito.” litanya niya.

Hypocrite!

Gusto ko iyong isigaw sa sarili kong ina. Kunwari ay nagulat pa siya pero alam ko naman na ikinatutuwa niya na mawala ako sa villa.

Magagawa na niya ng husto ang kanyang kataksilan. Silang dalawa ni Rafael.

Sinulyapan ko si Papa na nananatiling walang kibo. Marahil ay galit siya sa akin dahil sa inasta ko sa kanya kagabi at kaninang umaga.

Gusto kong maawa sa kanya. Dahil sa labis na pagmamahal niya kay Mama ay binubulag niya ang sarili niya. Kahit ako ay binabalewala niya.

“Sinabi ko na sa inyo na pinag-iisipan ko ang kolehiyo ko, Mama.” pormal na sagot ko. “Ngayon ay sigurado na ako sa gusto kong gawin.”

“Hindi ka na ba talaga namin mapipigilan?” malungkot na tanong ni Mama na sinamahan pa niya ng malungkot na ekspresyon ng mukha.

Gusto kong matawa. Ngunit pinili ko na magkunwaring walang alam. Sa palagay ko ay hindi naman nababanggit sa kanya ni Papa ang tungkol sa sinabi ko kagabi at sa naging pag-uusap namin kanina.

Kaya hahayaan ko na lamang na sa ganitong paraan kami magkakahiwalay. Ako na lang ang iiwas sa kanila. Kay Rafael.

“Buo na ang pasya ko. Kagabi ay nakapag-isip na ako ng mabuti. Doon na ako kay Lola maninirahan. Tawagan ninyo si Lola. Bukas ako aalis.”

Hindi na ako masyado pang kinulit ni Mama. Siya na rin ang nagkumpirma kay Lola na matutuloy ang pagdating ko sa susunod na araw.

Kinagabihan ay nagulat na lamang ako nang bigla na naman akong pasukin ni Ralf sa loob ng silid ko.

Mabilis akong napabalikwas ng bangon mula sa pagkakahiga. Seryosong anyo ni Rafael ang sumalubong sa akin habang matiim siyang nakatitig sa akin.

“Ano ang kailangan mo? Bakit narito ka na naman sa loob ng silid ko? Hindi ka na ba talaga marunong kumatok?” wika ko.

Pilit kong itinago ang nararamdaman kong poot sa dibdib ko para sa lalaking ito. Upang magawa ko iyon ay sinikap ko na manatiling pormal.

“Ivan,” sambit niya na hindi malaman kung ano ang sasabihin. “Kung… kung dahil sa ginawa ko sayo nung nakaraan kaya ka aalis ay humihingi ako sayo ng tawad. You don’t have to go.”

“Buo na ang pasya ko, Ralf.”

Tiningala ko siya saka ako nagpatuloy. “Pag-alis ko ay magagawa mo na ang lahat ng gusto mong gawin. Sa hacienda… sa Mama…”

Bigla ay naningkit ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. Marahil ay nahihinuha na niya kung ano ang nais kong tukuyin.

“Ano ang ibig mong sabihin?” sabi niya sa naguguluhang tono.

“I don’t want to play games with you, Ralf. At gusto ko nang matulog. Maaga pa ang alis ko bukas.”

Nanatili ng ilang sandali sa pagkakatayo si Ralf habang masuyo siyang nakatitig sa akin.

Matagal siyang tumitig sa akin nang may tanong sa mga mata bago siya walang kibo na lumabas sa silid ko.

Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang pagpinid ng pinto.

Hindi rin ako dinalaw ng antok sa buong magdamag.

Magmamadaling-araw nang magsimulang umulan. Gusto kong matawa dahil sa palagay ko ay nakikiramay ang panahon sa nararamdaman ko.

Kinaumagahan ay maaga akong bumaba upang mag-almusal. Naabutan ko si Mama na naghahanda ng almusal katulong ang mga kasambahay.

Ngumiti pa siya sa akin nang makita niya ako na bumaba. Humingi lang ako ng isang tasa ng kape sa isang kasambahay saka na ako umupo sa puwesto ko.

“Maaga ka yatang nagising ngayon?” nakangiting bati niya sa akin.

“Hindi ako masyadong nakatulog.” patamad na sagot ko.

“Excited ka siguro sa pagluwas mo. Hindi ba matagal mo nang gustong makarating sa Maynila?” natatawang sagot niya.

“I think you’re right. Excited lang siguro talaga ako.”

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa amin hanggang sa dumating na ang hiningi kong kape sa kasambahay.

Nakita ko na bumaba na rin si Papa saka siya dumiretso sa komedor.

“Good morning!” masiglang bati ni Mama saka siya humalik sa pisngi ni Papa.

Gusto kong matawa dahil sa iniasal niya. Paani niya nagagawang magpanggap na parang wala siyang ginagawang kalokohan sa harapan ni Papa?

“Good morning!” sagot naman ni Papa saka siya sumulyap sa akin.

“Good morning, anak!” bati niya.

Sinagot ko naman siya saka ako humigop ng kape sa tasa na hawak ko.

“Maulan sa labas. Huwag ka muna kayang tumuloy ngayon sa Maynila?” sabi ni Mama habang nakatingin siya sa akin.

Nakita ko na napasulyap din sa akin si Papa at hinihintay nila ang sagot ko.

“Mahina lang naman ang ulan mula pa kaninang madaling araw. Magpapahatid na lang ako sa driver natin kung hindi ninyo ako maihahatid.” sabi ko.

“Magstay ka muna kahit dalawang araw lang dito. Gusto ko na sulitin muna ang mga sandali na kasama ka pa namin. Kapag nasa Maynila ka na ay bihira ka na namin madadalaw doon.” sabi ni Mama.

Lihim akong natawa. Kung si Rafael nga noon ay halos dalawang beses sa isang buwan ninyo kung dalawin. Tapos ako bihira? Bulong ko sa isip ko.

“Buo na ang pasya ko Ma. Aalis ako ngayong araw na ito dahil gusto kong sanayin na ang sarili ko sa lugar na iyon bago magbukas ang klase.” sabi ko.

“Well, kung iyan ang gusto mo ay tutuloy tayo ngayon. Pero hindi kami papayag na ang driver ang maghatid sayo. Hindi ba hon?” tingala ni Papa.

“Of course!” masiglang sagot naman ni Mama saka na niya ipinahanda ang pagkain sa mga kasambahay.

Ilang sandali pa ay bumaba na rin si Rafael at sumulyap pa siya sa akin bago siya umupo sa puwesto niya.

Bumati siya sa mga magulang ko. Binati rin niya ako pero hindi ko iyon tinugon. Tahimik lang ako sa buong durasyon ng almusal namin.

Matapos ang almusal ay hindi ko na nakita pa kahit ang anino ni Rafael.

At nang umaga ring iyon ay nagpumilit ako na makaalis kahit pa ilang beses akong sinabihan ni Mama na ipagpaliban ang biyahe dahil medyo may kasamaan ang panahon.

Inihatid nila ako sa istasyon ng bus sa kabisera. Bago ako sumakay ay niyakap pa ako ng mahigpit ni Mama ngunit para akong tuod na nakatayo lamang doon at hinayaan ko siya na gawin ang lahat ng gusto niya.

Halos ilang oras din ang inilagi ko sa loob ng bus at nang makarating ako sa terminal ay nagpahatid ako sa taxi sa address na ibinigay sa akin ni Mama.

Papadilim na nang makarating ako sa bahay. Hindi ko maiwasan na hindi mamangha sa ganda ng bahay ni Lola.

Nakita ko na iyon sa mga larawan ngunit mas maganda pala iyon sa personal.

Mas maliit iyon ng kaunti kumpara sa villa namin sa San Isidro ngunit mas makabago ang disenyo nito sa labas dahil ayon kay Mama ay naiparenovate na ito bago pa man makapagtapos ng kolehiyo si Ralf.

Nagdoorbell ako at isang kasambahay ang mabilis na lumabas upang pagbuksan ako.

Tinulungan naman ako ng kasama niyang binatilyo na buhatin ang mga gamit ko.

Pagpasok ko sa bahay ay napahinto ako nang makita ko na umiiyak si Lola Corazon habang yakap niya ang larawan ni Mama na nasa malaking frame.

“Lola,” sambit ko.

Inabot niya ang larawan sa kasambahay na sumalubong sa akin saka siya naging histerikal at mabilis na yumakap sa akin.

Humagahulhol siya ng iyak at sa paputol-putol na pagsasalita niya ay nalaman ko ang nangyaring trahedya sa San Isidro.

Itinawag daw ni Rafael ang nangyari kay Mama habang sinisikap nilang tawirin ang tulay sa may bukana ng hacienda.

Galing sila sa kabisera dahil inihatid nila ako sa terminal ng bus. Umaapaw na ang ilog nang makabalik sila at pinilit daw iyong tawirin ng mga magulang ko.

Buhay si Papa ngunit si Mama ay tinamaan ng inaanod na troso sa ulo na naging dahilan ng kanyang pagkalunod.

Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko sa mga sandaling iyon. Sa nanghihinang mga tuhod ay napaluhod na lang ako habang mahigpit pa rin na nakayakap sa akin si Lola.

Kinabukasan din ay bumalik ako sa San Isidro kasama si Lola Corazon. Sinisi ko ang sarili ko sa pagkamatay ni Mama.

Naging padalus-dalos ako sa naging mga desisyon ko. Kung hindi ako nagpumilit na tumuloy kahit na alam ko na masama na ang panahon ay hindi mangyayari iyon.

Kahit galit ako sa kanilang dalawa ni Rafael ay hindi ko nanaisin na mangyari sa kanya ang trahedyang iyon.

Sana ay nakinig ako sa kanya na kahit na dalawang araw lang ay manatili pa ako sa hacienda. Ngunit sadyang matigas ang ulo ko bagay na pinagsisisihan ko.

Subalit inako ni Papa ang kasalanan. Inako niya ang lahat ng sisi. Inakala daw niya na kaya pang tawirin ng four-wheel-drive ang tulay na noon ay nagsisimula nang apawan ng malakas na agos.

Sa kabila ng walang sumisi sa akin kahit isa ay nakadama pa rin ako ng matinding usig ng budhi na dinala ko ng matagal na panahon.

Tanging ang kaisipan na sina Mama na rin ang dahilan kung bakit nagpasya ako na umalis ng San Isidro ang tanging naging konsolasyon ko sa sarili ko.

Kahit kay Papa ay ganoon na lamang katindi ang hinanakit ko dahil hindi niya ako pinaniwalaan. Ni hindi nga niya ako pinigilan na umalis nang araw na iyon.

Sa burol ni Mama hanggang sa mailibing siya ay nakita ko kung gaano nagdusa si Papa sa pagkawala ng pinakamamahal niyang asawa.

Ganun din sina Rafael at Lola Corazon.

Matapos ang libing ni Mama ay sumama muli ako kay Lola Corazon pabalik ng Maynila.

Sa unang mga buwan ko doon ay madalas ang ginagawang pagdalaw sa akin ni Papa. Halos dalawang beses sa isang buwan at nagtatagal siya ng halos tatlong araw para makasama ako.

Ngunit hindi na ako ang dating Ivan na naglilimos ng pagmamahal at atensyon mula sa mga magulang.

Nagsimula ako na irebuild ang sarili ko bilang independent na tao. Sinuportahan naman ako ni Lola sa bawat desisyon na ginagawa ko.

Hindi ko naman inaalis ang ugnayan namin ni Papa pero hindi rin naman ako gumagawa ng paraan upang ibalik iyon sa dati.

Napakarami na ng nangyari at kahit gustuhin ko man ay iba na talaga ang sitwasyon.

Sa mga lumipas na buwan hanggang sa abutin na ng taon ay hindi nawala sa tabi ko si Papa.

Madalas pa rin ang pagdalaw niya sa akin lalo na sa mahahalagang okasyon at araw sa buhay ko.

Bagay na ipinagpapasalamat ko pa rin kahit na may lamat na ang aming samahan.

Chapter 23

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Present Time

2019

Villa Aurelia

Halos tanghali na nang magising ako. Bumaba ako sa komedor at nagpatimpla ng kape sa kasambahay na naabutan ko doon.

Hindi naman ako kinikibo ni Nana Sita kaya hinayaan ko na lang din siya.

Nang maibigay sa akin ang kape ay nagpasya ako na pumasok sa sala upang doon maupo.

Kasalukuyan na akong humihigop ng kape nang matuunan ko ng pansin ang mga peryodiko na nasa mesa.

Inilapag ko muna ang kape ko sa mesa at inabot ko ang mga iyon saka na ako nagsimulang magbasa ng balita.

Halos ilang sandali rin akong tahimik na nagbabasa nang sa paglipat ko ng pahina ay lumitaw sa bandang ilalim nito ang maliit na bata na seryosong nakatitig sa akin.

Natigilan ako saka ko ibinaba ang hawak kong peryodiko.

“Kanina ka pa ba diyan?” tanong ko sa bata.

Umiling ito saka siya mabilis na tumakbo palayo ngunit nasabit sa carpet ang isang paa niya kaya mabilis siyang lumagapak sa sahig.

Nag-iiyak siya dahil siguro nasaktan kaya mabilis ko siyang dinaluhan at iniupo.

“Shhh! Saan ang masakit? Hihilutin ko.” alo ko sa kanya ngunit hindi pa rin siya tumigil sa kakaiyak.

Iyon ang nabungaran na eksena ni Ralf na hindi ko inasahan na pag-iisipan niya nang masama.

Mabilis niyang binuhat ang anak niya saka niya iyon hinalikan sa ulo. Yumakap naman ng mahigpit ang bata saka niya iyon pinatahan.

Nakatingin lang ako sa kanila at hindi ko pa rin lubos na maisip na may anak na si Ralf.

Pero naiintriga pa rin talaga ako tungkol sa ina ng batang ito. Sino si Isabel? Paanong hindi ko man lang siya nakilala noon?

Bakit hindi siya nabanggit sa akin ni Papa kahit minsan? Hindi ko naman matanong si Nana Sita dahil alam ko na nakay Rafael na ang loyalty niya.

Bukod pa sa hindi naging maganda ang huling pag-uusap namin nang nagdaang gabi.

Nasa malalim akong pag-iisip nang bigla na lamang ay mabigla ako dahil napansin ko ang mga naniningkit na tingin sa akin ni Rafael.

“Sa susunod kung gusto mo akong saktan, ako na lang. Huwag mo nang idadamay pa sa galit mo sa akin ang anak ko. Wala siyang kinalaman sa ating dalawa.” galit na sermon niya sa akin saka na siya nagmamadaling umakyat sa hagdan.

Naiwan ako na hindi malaman kung matatawa o maiinis dahil sa pagbibintang niya.

Hindi ako makapaniwala na ganoon na pala kakitid ang utak ng lalaking iyon.

Matapos ang tanghalian ay sinundo ako ni Jako upang ipasyal sa kabilang bayan. Kumain kami sa isang sikat na Restaurant sa Olivares.

Higit na maunlad ang bayan na iyon kaysa sa bayan namin na pinababayaan lang ng mga walang kwentang nanunungkulan.

Nabanggit sa akin ni Jako na pag-aari raw iyon ng isang sikat na chef mula sa kontrobersiyal na pamilya ng mga Montevista.

Si Nigel Montevista Laurel. Kilala ko siya dahil nakikita ko ang mga larawan niya sa mga magazines na binabasa ko sa opisina.

Hindi maipagkakaila na gwapo ang lalaking iyon at pinagnanasahan ng karamihan.

Pero hindi si Nigel ang tipo ng lalaki na magugustuhan ko. Mas naaakit ako sa dashing hunk na pinsan niya. Si King Lewis Montevista.

Siya ang nagmamay-ari ng pinakasikat at maunlad na hotel sa bahaging ito ng Norte.

Ngunit kaakibat ng pangalan nila ay ang isang matagal nang kwentong barbero sa bayan nila na mga hindi nag-iisip ng matino lamang ang maniniwala.

Bata pa ako nang marinig ko ang tungkol sa pagkawala ng padre de pamilya ng mga Montevista.

Sumama raw ito sa isang disgrasyadang babae. Nagalit ang mga engkantada at hindi na sila nakalabas pa mula sa kagubatan ng Montevista kung saan sila nagtago.

Naging masaya naman ang araw namin ni Jako. Katulad pa rin ng dati. Hindi siya nauubusan ng kwento.

Kahit hindi ako masyadong tumutugon ay hindi naman naging boring ang maghapon.

Dahil may kalayuan mula sa San Isidro ang Olivares ay ginabi na kami ni Jako sa biyahe.

Hindi ko na pinababa pa si Jako mula sa sasakyan niya. Paghinto namin sa may tapat ng villa ay nagpaalam na ako saka ko hinintay ang pag-alis niya.

Napahinga ako ng malalim nang makalayo na ang sasakyan.

Kahit papano ay gumaan naman ang pakiramdam ko mula sa katotohanan na ulila na ako ng lubos.

Mabuti na lamang at hindi nagbago ang samahan namin ni Jako kahit pa ilang taon akong hindi nagparamdam sa kanya.

Mula nang lisanin ko ang lugar na ito ay pinutol ko na ang lahat ng ugnayan ko sa mga tao na narito. Including Jako.

He’s a good man. Sa lahat ng naging kaibigan ko dito sa San Isidro ay tanging si Jako lang ang talagang napagkatiwalaan ko.

Kahit noong mga panahon na nakikipagdate na ako sa kanya. Ang hindi ko lang gusto sa kanya noon ay masyado siyang makulit at sabik sa sex.

Ngunit sa nakikita ko ngayon ay mukhang nagmature na rin naman pati ang pag-iisip niya. Responsable at masunuring anak pa rin katulad noon ayon na rin sa mga naikwento niya tungkol sa naging buhay niya sa loob ng limang taon.

Napalingon ako nang bigla ay marinig ko ang tunog ng gitara mula sa may portico.

Bakit parang sa’kin lamang may galit?

Madayang tadhana iyong pansinin

Wala na bang karapatan,

Na pagbigyan ang hiling?

Nakita ko si Ralf na nakaupo doon at tumutugtog. Ilang sandali kaming nagkatitigan hanggang sa ako na mismo ang unang nag-iwas ng tingin saka na ako naglakad patungo sa pintuan.

Huminto siya sa pagtipa saka niya tinawag ang pangalan ko. Napahinto ako ngunit hindi ako nag-abala na lingunin siya.

“Gusto ko lang ihingi ng tawad ang iniasal ko sayo kaninang umaga.”

Marahan akong lumingon sa kanya ngunit hindi ko siya sinagot.

Binitawan niya ang gitara niya saka siya tumayo at naglakad palapit sa akin.

Hindi ko tuloy naiwasan na hindi tumingin sa maskulado niyang katawan.

Shit! Bakit ba wala siyang suot na pang-itaas? Napalunok ako saka ko mabilis na inilipat sa mukha niya ang tingin ko.

“Hindi makatuwiran ang ginawa kong pag-akusa sayo kanina. Alam ko na mali ako sa bagay na iyon kaya humihingi ako ng paumanhin sayo.” mahinahon na sabi niya.

“Ryle told me what really happened. It was his mistake. Sana tanggapin mo ang apology ko.”

Natawa naman ako. Saka ako napasulyap muli sa matipuno niyang dibdib. Isang eksena mula sa nakaraan ang mabilis na nagdaan sa isipan ko na nagpawala ng ngiti ko.

Muli ay sinulyapan ko siya saka ako ngumiti ng mapakla.

“Sa dami ng kasalanan mo sa akin iyon lang ang inihihingi mo ng tawad?” sarkastikong sagot ko.

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Tila inaarok niya sa isip niya kung ano ba ang dapat niyang isagot.

“Kung tungkol sa kapangahasan na ginawa ko sayo five years ago, humingi ako ng tawad sayo noon pero hindi mo iyon tinanggap.”

“Dahil hindi katanggap-tanggap ang ginawa mo!” taas noo kong sagot sa kanya. “Hindi lang iyon ang huling beses na nangahas ka. Sa hotel. Bakit mo ako hinalikan?”

“Hindi ko inihihingi ng tawad ang ginawa kong paghalik sayo nung nakaraan. Dahil ang halik na iyon ang nagbigay sa akin ng pag-asa na maipagpapatuloy ko pa ang buhay ko. Kasama ka. Kayo ng anak ko.”

Tinaasan ko siya ng kilay. “Pag-asa? Tayong dalawa, magkasama?”

Natawa ako saka ako napailing. “Nababaliw ka na, Rafael. Hindi kailanman tayo maaaring magsama ng matagal sa iisang lugar. Hindi noon, hindi ngayon at lalong hindi bukas o sa mga susunod pang mga araw.”

“Pero isang pamilya lang tayo. Ngayon na wala na ang mga magulang mo ay ayoko na magkawatak pa tayo.”

Tumigas ang anyo ko saka ko siya matapang na hinarap. Mata sa mata at wala akong balak na mag-iwas ng tingin. Hindi sa mga sandaling ito.

“Nawala sila dahil sayo. Kung hindi ka dumating sa buhay namin ay hindi magkakagulo ang lahat. Nagkandaletse-letse lang naman ang buhay namin mula nang dumating ka.” galit na sagot ko.

Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa at pabagsak kong binuksan ang main door. Galit ko rin iyong isinara at naglakad na ako paakyat sa silid ko.

Kinabukasan ay naulinigan ko ang pagtatalo sa library nang makababa ako mula sa silid ko.

Dinala ako ng mga hakbang ko doon at luminaw ang mga salita nila nang makalapit na ako at makasilip ako doon.

“There’s no need to read the will, attorney.” narinig kong sabi ni Ralf habang nakatukod ang mga kamay niya sa malaking round table.

“Hayaan na lang natin na manatiling hindi nababasa ni Ivan ang testento.” patuloy pa niya.

“Hindi maaari ang gusto mo, Rafael,” banayad na sagot ng matandang abogado.

“Dapat nga ay noon ko pa binasa ito nang mamatay si Mrs. Aurelia Gutierrez. Pinagbigyan ko lang si Mr. Gutierrez at ikaw, Rafael.”

Maluwang na binuksan ko ang pinto ng library saka ako tila hari na naglakad papasok doon sa pagkabigla ni Ralf.

“Good morning. Siguro ay may karapatan ako na malaman kung ano at tungkol saan ang pinagtatalunan ninyo.” sabi ko at isang alanganing ngiti ang ibinigay ko sa matandang abogado.

“I wasn’t expecting you to come down this early. Madaling araw na ay nakita kong bukas pa rin ang ilaw sa silid mo kanina.” sabi ni Rafael na sinuyod ako ng tingin.

I am wearing a simple white shirt at isang may kaiksiang shorts na halos nagpalitaw sa makikinis na hita ko.

Sanay ako sa ganitong bihis kapag matutulog ako. Bukod sa presko ay kumportable pa sa katawan.

Nagkibit ako ng mga balikat saka ako ngumiti sa kanya ng ubod ng tamis ngunit hindi naman iyon umabot sa mga mata ko.

“I’m here now to attend my father’s business.” sabi ko pagkatapos ay nilipat ko ang tingin ko sa matandang lalaki na kausap niya.

Kasunod na pinasadahan ko ng tingin ay ang attache case na nasa ibabaw na ng malaking mesa at nakabukas na.

“You look like the lawyer. Isn’t it?” ani ko.

“Good morning, hijo.” bati ng abogado sa akin saka siya ngumiti. “You must be Ivan. Ako si Attorney De Guzman.” pakilala niya saka niya inilahad sa akin ang kamay niya na mabilis ko namang inabot.

“Kung narito kayo attorney upang basahin ang testamento ng mga magulang ko,” sinadya kong sulyapan si Ralf na nagtiim ng mga bagang at nag-iwas ng tingin sa akin.

Pasumandali ay gusto ko nang magtaka sa ikinilos niya. He looked worried.

“…hindi marahil kinakailangan dito ang mga hindi miyembro ng pamilya.” patuloy ko sa sinasabi ko.

Tumikhim ang matanda. “Pero kailangan na narito si Rafael, Mr. Gutierrez.” mahinahong wika ng abogado.

Marahang itinuro nito ang silya malapit sa kinatatayuan ko na mabilis ko namang inokupa.

Si Rafael ay na nakatayo. Naglakad siya patungo sa bintana. Patalikod sa kinaroroonan namin ng matandang abogado.

“He knew the contents of the will and-”

“Alam niya!” bulalas ko. Bahagyang tumaas ang tinig ko saka ko sinulyapan si Rafael na nasa may bintana at tahimik na nakatanaw sa labas.

Ilang sandali pa ay humarap siya sa amin saka siya muling naglakad patungo sa may mesa.

“Maaari nating ipagpaliban ang pagbasa ng testamento, Ivan.” seryoso siyang nakatitig sa mata ko.

Nakikiusap ang tinig niya habang sinasabi iyon na labis kong ipinagtaka.

Hindi ang tipo ni Ralf ang nakikiusap nang ganito. Hindi ito normal. May nangyayaring hindi ko alam.

“I don’t understand this, attorney. Bakit kailangang kasama natin dito si Mr. Certeza? Bakit alam niya ang tungkol sa nilalaman ng testamento ng mga magulang ko? Hindi po ba bukod sa mga magulang ko ay kayo lamang ang dapat na nakakaalam ng tungkol doon?”

Itinaas ng abogado mula sa ilong ang salamin niya sa mata saka niya ako sinagot.

“Sa sandaling mabasa ko ang nilalaman ng testamento ay masasagot ang lahat ng tanong mo, Mr. Gutierrez.” mahinahong sabi niya.

“Ang totoo’y ang Mama mo ang may iniwang testamento at hindi ang Papa mo. Pero bilang anak ay tatanggapin mong lahat ang conjugal savings nina Aurelia at Lyndon sa tatlong bangko dito sa bayan ng San Isidro.”

May iniabot siyang papel sa akin na kinuha niya mula sa attache case niya.

“Nariyan ang eksaktong halaga ng mga perang minana mo mula sa mga magulang mo. Nakasaad din diyan ang pangalan ng mga bangko at anumang araw mula ngayon ay maaari ka nang makipag- negotiate sa kanila.”

Dinaanan ko ng tingin ang mga nakasulat doon. Hindi birong halaga ang conjugal savings ng mga magulang ko.

Kahit hindi na ako magtrabaho pa ay hindi ko mauubos ang mga iyon.

Ilang sandali pa ay tumingala ako sa nakatayong abogado. “Ano ang nilalaman ng iniwang testamento ni Mama, Attorney?” tanong ko sa kanya.

“Ibig ba ninyong sabihin ay may iniwang testamento si Mama noong mamatay siya five years ago?” kumpirma ko sa mga narinig ko kanina.

“Oo, hijo, ngunit hindi na binago pa ng Papa mo iyon. Sa katunayan ay may pirma pa nga doon si Lyndon bilang testigo.” sagot ng matanda.

“Basahin ninyo sa akin ang testamento, Attorney.” mariing utos ko.

Tumikhim ang abogado. Inangat mula sa bunton ng mga papel ang isang dokumento saka ito nagsimulang magsalita.

“Hindi ko alam kung alam mo na kay Donya Corazon Certeza pa rin nakapangalan hanggang sa ngayon ang buong Hacienda Aurelia.” tanong-paliwanag ng abogado.

Hindi ko alam ang tungkol doon pero hindi na ako kumibo kahit na maraming katanungan ang gustong ilabas ng isip ko sa rebelasyong iyon ng abogado.

“Samakatuwid ay mananatiling nasa pangalan ng matandang Certeza ang nasabing propriedad pati na ang lahat ng kinita ng hacienda sa nakalipas na maraming taon.”

Tumango ako nang wala sa loob. “Go on, Attorney.” sabi ko.

“Pero ang villa at ang lupang kinatitirikan nito ay nasa pangalan ni Mrs. Aurelia Gutierrez na minana pa niya mula sa kanyang namayapang ama. Ipinamana ni Mrs. Aurelia Gutierrez ang villa pati na ang lahat ng nilalaman nito kay Rafael Certeza.” patuloy ng abogado.

Nanlaki ang mga mata ko sa huling mga kataga na narinig ko. Rafael Certeza. Ang villa.

“N-noooo!” gilalas na hiyaw ko.


Author’s Note

Sorry guys medyo nadelay ang update. Syempre busy slsm niyo na. Holiday. Hehe.

Merry Christmas to everyone. 😊

Love, Nickolai

Chapter 24

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Villa Aurelia

Hindi ko matiyak kung tama nga ba ang narinig ko. Nakita ko na muling naglakad patungo sa bintana si Ralf saka siya tahimik na tumanaw doon.

“H-hindi ba kayo… nag… nagkakamali lang, Attorney?” nauutal na sambit ko.

Sinulyapan ko si Ralf na nanatiling nakatalikod sa akin at nakaharap sa bintana. Kung ano man ang tinatanaw niya sa labas ay hindi ko alam.

Huminga ng malalim ang matandang abogado pagkatapos ay may nakita akong simpatya sa mga mata niya nang tumingin siya sa akin.

“This will was executed five years ago, Ivan. Sa harapan mismo ng Papa mo. Pero may kundisyon na naka-attached sa testamento.” sabi niya.

Hindi ko natatandaan na tinanong ko ang tungkol sa kundisyon. Basta nakatulala lang ako sa labas ng bintana kung saan nakatanaw si Ralf.

Ilang sandali pa ay binasa pa rin ng abogado ang kundisyon kahit na hindi ako nagbigay ng pahintulot.

“Ang sabi dito sa testamento ay nasa pagpapasya pa rin ni Rafael kung ililipat niya sa iyo ang karapatan na magmay-ari nitong villa. Iyon ay kung pagkatapos basahin ang testamento sa harapan mo ay mananatili kang naninirahan sa bahay na ito kasama ni Rafael sa loob ng tatlong buwan. O di kaya naman ay kung hindi mag-aasawa si Rafael sa loob ng tatlong buwan na iyon. Ngayong araw ang simula nito.”

Mahabang katahimikan ang namagitan sa loob ng silid. Binasag na lang iyon ng matandang abogado nang marahil ay mainip siya.

“Hindi ko alam kung anong alitan ang mayroon sa pagitan ninyong dalawa ngunit maipapayo ko na sana ay maayos ninyo ang problema ninyo. Kung may kailangan kayo ay tawagan na lamang ninyo ako. Alam ni Rafael ang numero ko.” sabi ng abogado.

Hindi ko na namalayan pa ang pag-alis ng matanda. Shock is an understatement sa nararamdaman ko sa mga sandaling ito.

Nanlalamig ang buong katawan ko at gusto kong sumigaw nang malakas upang maibsan ang bigat sa dibdib ko.

“Ivan,” narinig kong sambit ni Ralf sa pangalan ko.

“Shut up!” galit na sigaw ko sa kanya.

Nagbabaga ang mga tingin na ipinukol ko sa kanya kasabay ng pamumuo ng mga luha ko.

“Hindi ko alam kung paano mo na-manipulate si Mama na gawin ang bagay na ito! At lalong hindi ako makapaniwala na sinang-ayunan ni Papa!” sigaw ko sa kanya.

Buong panlulumo kong iniikot ang paningin ko sa loob ng malaking silid na kinaroroonan namin.

“This is my home,” halos bulong na lang na sabi ko nang tuluyan na akong maiyak. “Ikaw ang dahilan kung bakit sa kauna-unahang pagkakataon ay iniwan ko ang bahay na ito. Hindi bale na ang ibang materyal na bagay na nawala pero ang bahay na ito… I grew up here… I… I…”

Hindi ko na naituloy pa ang ibang sasabihin ko dahil sa matinding panlulumo. I sobbed painfully.

At sa dalawang hakbang ay nasa tabi ko na si Rafael. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat saka niya ako itinaas.

Wala na akong sapat na lakas para tabigin pa siya. Nanghihina na nang husto ang buong katawan ko.

Nagulat pa ako nang bigla na lamang ay yakapin ako ng mahigpit ng lalaking kinamumuhian ko.

Nararamdaman ko na naman ang kakaibang pakiramdam sa tuwing nagkakadikit kami ng ganito ni Ralf.

“Maniwala ka, Ivan. Hindi ko alam ang tungkol sa testamento ni Tita Aurelia.” aniya sa garalgal na tinig.

“Kung nalaman ko lang kaagad ay ako mismo ang tatanggi. It was your father who told me about the will noong nabubuhay pa siya. Isang linggo matapos mailibing ang Mama mo. Ilang beses ko ring kinausap ang abogado kung maaari bang baliktarin ang-”

“Sinungaling!” putol ko sa sinasabi niya.

Buong pagkasuklam akong kumawala sa mga yakap niya.

“Ginawan mo ng paraan ang lahat upang gawin ni Mama ito! To the extent of sleeping with her!”

Nanlaki ang mga mata ni Rafael dagil sa sinabi ko. Pinagsamang galit at pagkamangha ang nakita ko sa mukha niya. “You… you… you don’t know what you’re talking-”

“Hindi ba?” matapang na putol ko sa mga kasinungalingan niya.

Itinaas ko ang luhaang mukha ko saka ko iyon pinahid ng mga kamay ko. Pagkatapos ay buong pagkasuklam ko siyang tinitigan.

“Did you really think na hindi ko alam ang tungkol sa ginagawa ninyong dalawa ni Mama? At natitiyak ko na alam din ni Papa ang tungkol doon. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nanatili siyang nagbubulag-bulagan.”

“Fuck you!” hiyaw ni Ralf dahilan upang bahagya akong mapaurong sa gilid ng mesa.

Mas higit na kinakabahan ako sa galit na nakikita ko ngayon sa mga mata niya kaysa sa mga salitang sinabi niya sa akin.

“Wala kang alam sa sinasabi mo! Kahit minsan ay hindi pa kita nasaktan ng husto kahit na sumusobra na ang mga pagmamaliit at panghahamak mo sa akin. Huwag mo sanang sagarin ang pasensya ko.”

Mabilis niyang tinahak ang daan palabas ng library. Napapitlag pa ako dahil sa lakas ng pagbagsak niya sa pinto.

Matagal akong nanatili na nakatayo sa lugar na iyon. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Kung ano ang gagawin ko. Ang tanging alam ko lang ay kinasusuklaman ko si Rafael.

“You took everything from me,Rafael.” paimpit na sambit ko.

“Mama, hindi ako makapaniwalang nagawa mo ito sa akin. Ikaw din, Papa.” naiiyak na sambit ko sa sarili ko.

Paglabas ko sa library ay inayos ko na ang sarili ko saka ko mabilis na tinawagan si Lola Corazon na kasalukuyang nasa Maynila.

Kung hindi lang dahil sa kalusugan niya ay kasama ko sana siyang bumiyahe pauwi dito sa San Isidro.

Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa binasang testamento ng abogado ni Mama. Para akong bata na nagsusumbong kay Lola.

“I’m sorry about your mother’s will, Ivan.” aniya sa mahinang tinig matapos kong mailahad sa kanya ang nilalaman ng dokumento.

Nararamdaman ko na nakikisimpatya siya sa pinagdadaanan ko. Ngunit maliban doon ay wala man lang iba pang paliwanag mula sa kanya para sana kahit papaano ay magkaroon man lang ng justification ang ginawa ng Mama ko.

“B-but this is my home, Lola.” sabi ko sa pagsisikap na huwag mabasag ang tinig dahil naiiyak na naman ako. “At sa inyo rin. Ipinundar ito ng Lolo para sa inyo, sa atin. Bakit pinahihintulutan ninyo na mapunta na lang nang ganoon sa isang estranghero?”

Narinig ko na tumikhim siya at matagal bago nagsalita. And when she did, it was with pain.

“Your parents left you so much, Ivan. Kung ano man ang sinasabi ng testamento. Let it be. At si Rafael ay mananatiling enkargado ng buong hacienda.”

Napapikit ako dahil sa narinig ko. “You all trusted him that much, huh?” sabi ko na hindi itinago ang tono ng akusasyon at pagdaramdam.

“Kung nasa pangalan lang ni Mama ang buong hacienda ay malamang na ipinamana rin sana niya iyon kay Rafael.” patuloy ko pa.

Hindi na rin ako magtataka kapag pinamanahan ni Lola si Ralf sa sandaling mawala na rin siya considering na inampon niya at inalagaan ng matagal na panahon ang lalaking iyon.

Dahil sa tingin ko ay wala rin naman akong makukuhang suporta kay Lola ay nagpaalam na ako sa kanya na ibababa ko na ang telepono.

Mabigat pa rin ang dibdib ko na lumabas sa may portico. Nagulat na lamang ako nang biglang lumitaw si Jako sa harapan ko.

Hindi ko na napansin man lang ang pagdating niya dahil sa dami ng mga gumugulo sa isip ko. Naupo siya sa tabi ko at hinayaan ko siya na akbayan ako.

“Are you all right?” tanong niya kasunod ng paggagap niya sa isang kamay ko. “Namumugto yang mga mata mo.”

Tumango ako saka ko pinuno ng hangin ang dibdib ko. “I’m fine, Jako. I should be,” mapait na sagot ko at sa paputol-putol na salita ay sinabi ko sa kababata ko ang nilalaman ng testamento ni Mama.

“Bakit ginawa ng Mama mo iyon?” nagtatakang tanong niya. Hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol kina Mama at Rafael. Sikreto ng pamilya iyon na hindi na dapat pang lumabas.

“This villa is a generation house, Ivan. Hindi ba niya naintindihan iyon?” patuloy pa niya.

“That’s what I thought.” sagot ko sa kanya.

Iginala ko ang tingin ko sa malaking bahay. Mayroon itong anim na malalaking silid sa itaas. Dalawang guest rooms sa ibaba. Isang paikot at malaking hagdan na tipikal sa isang lumang bahay-kastila maliban sa hindi ganoon kaluma ang villa dahil narenovate na ito at nalagyan na ng mga makabagong amenities pero ipinreserba ang lumang arkitektura.

The pieces of furnitures are priceless. Ang grand piano na ang sabi ng Lola ko’y pamana pa mula sa ama niya.

Hindi ko naman sana talaga balak na iwanan ang bahay na ito kung hindi lang dahil sa natuklasan ko five years ago.

Marami akong magagandang alaala sa bahay na ito. Dito na rin ako nagkaisip at lumaki.

Totoong pinangarap ko noon na makarating sa Maynila ngunit hindi nangangahulugan na gusto ko nang iwanan ang lugar na ito.

Ang pagnanais ko na makarating noon sa siyudad ay dala lamang ng kuryosidad kung ano nga ba ang mayroon doon at kung bakit gustong-gustong marating ng mga taga probinsiya.

Ninais ko noon na makarating ng Maynila upang pasyalan si Lola. Hindi upang iwanan ang kinalakihan kong lugar.

Ngunit masakit para sa akin na ang lahat ng ito ay mauuwi lamang sa isang estranghero. Sa isang lalaki na sa simula pa lamang ay kinaiinisan ko na. Sa mayabang na bastardo ng pamilya namin.

“Hindi mo ba pwedeng ikontesta ang testamento ng Mama mo?” untag sa akin ni Jako. “Baka wala siya sa sariling kaisipan noong mga panahon na ginawa niya ang dokumento.”

Totoong wala.

Sabi ng isip ko. My mother was seduced. Nakita ko kung paanong nangayupapa kay Rafael ang mga babaeng kilala ko. The bastard used his charms on women para sa sarili niyang pakinabang.

“I still have to talk to a lawyer, Jako.” sabi ko bagaman mabuway ang pag-asa na dala noon. “Pansamantala ay dito muna ako. This is my inheritance at kailangang ipaglaban ko.”

“Paano kung bigla na lamang mag-asawa si Rafael bago pa man matapos ang tatlong buwan na taning?” sagot ni Jako.

Lumipad ang mga mata ko sa kababata at ex-lover ko. Hindi ko naisip ang tungkol sa bagay na iyon. At sa kasulok-sulukan ng puso ko ay may tinig na tila nagpoprotesta.

Hindi malayong mangyari ang sinabi ni Jako. If Ralf was that desperate to own the villa, hindi siya magdadalawang isip na mag-asaws kaagad.

Maraming babae ang dalawang palad siyang tatanggapin. Isa na sa mga iyon ang malanding si Celine.

Si Celine. Noong araw na ilibing si Papa ay narito siya sa villa. Hindi humihiwalay sa tabi ni Ralf na tila ba si Ralf ang namatayan at kailangan ng suporta.

At sa tuwing lalapitan ako ni Ralf ay kabuntot niya ang makating babae na iyon na animo asawang nagbabantay sa nagtataksil na asawa.

Hindi ko maintindihan kung saan nanggaling ang hapding tila humihiwa sa dibdib ko sa kaisipang hanggang ngayon ay may namamagitan pa rin sa kanilang dalawa.

Sa pagnanais ko na pawiin ang sakit sa dibdib ko ay bigla na lamang pumasok sa isipan ko ang inosenteng anyo ni Ryle. Ang anak ni Rafael.

Napalingon ako kay Jako.

“Jako, hindi ba madalas ka pa rin naman dito sa villa kahit nung mga panahon na nasa Maynila ako?” tanong ko sa kanya.

Tumango naman siya. Hindi na kasing dalas kaysa noong narito ka pa. Pero si Papa madalas pa rin.

“Kung ganun sino ang ina ng anak ni Rafael? Nasaan siya at bakit hindi ko man lang kilala ang Isabel na iyon? Tagarito lang din ba siya sa San Isidro?” sunud-sunod na tanong ko.

Napakurap naman si Jako saka siya nagpakawala ng malalim na paghinga bago niya sinagot ang mga tanong ko sa kanya.

“Si Isabel ay anak ng isang matandang trabahador sa kabilang hacienda. Sa pagkakaalam ko ay may basagulerong nobyo ang babaeng iyon nung mga panahong mabuntis siya ni Rafael. Ngunit namatay rin siya sa panganganak kay Ryle. Hindi ko na alam ang iba pang mga detalye dahil hindi naman ako interesado sa buhay ng lalaking iyon.”

Chapter 25 (Special Chapter)

Beloved Bastard

Rafael Certeza

Villa Aurelia

Hindi ko napigilan ang pagkuyom ng mga kamao ko habang tahimik kong pinagmamasdan sina Ivan at Jako sa may portico.

Palabas na sana ako nang mapahinto ako at nakita ko na seryosong nag-uusap ang dalawa.

Hindi ko na narinig pa ang mga naunang pag-uusap nila pero narinig ko ang pag-uusisa ni Ivan tungkol kay Isabel.

Hindi nakaligtas sa akin ang paghawak ni Jako sa kamay ni Ivan na mas lalong nagpatindi ng inis na nararamdaman ko.

Mabilis akong naglakad pabalik sa silid ko. Hindi pa ako nakakapasok ay narinig ko na ang masiglang halakhak ni Ryle habang nakikipagharutan siya kay Nana Sita sa may sala.

Napahugot ako ng malalim na paghinga saka na ako nagtuloy sa silid ko.

Naihilamos ko ang mga palad ko sa mukha ko saka ko naalala ang nangyari sa amin ni Isabel.

Four Years Ago

2015

Halos isang taon na ako sa San Isidro nang makilala ko si Isabel. Serbidora siya sa isang kilalang kainan sa bayan.

Nakuha niya ang atensyon ko dahil sa pagiging palangiti at maasikaso niya sa mga customer nila.

Sa kalaunan ay nagkapalagayan kami ng loob dahil na rin sa madalas na pagpunta ko sa kainan na iyon.

Napag-alaman ko na anak pala siya ng isa sa mga trabahador sa kabilang hacienda.

Dahil sa taglay niyang ganda sa kabila ng simpleng ayos niya ay madalas siyang nababastos ng mga walang modong lalaki.

Madalas ay ipinagtatanggol ko siya dahil hindi ko maatim ang pambabastos sa kanya.

Nagiging kumpulan tuloy kami ng tukso ng mga kasamahan niya sa trabaho.

Hindi iilang babae na kasamahan niya ang nagpakita ng motibo sa akin ngunit dahil napapansin nila na tanging kay Isabel lang ako magiliw ay sumuko kaagad sila.

Napansin ko rin naman ang mga kakaibang titig at ngiti niya sa akin ngunit hindi ko naman binalak na palawigin pa ang kung ano mang namamagitan sa amin.

Hindi ko kayang lampasan ang pagiging magkaibigan namin dahil sa mga panahong iyon ay okupado na ni Ivan ang puso’t isip ko.

Hanggang sa nalaman ko na lang na may nobyo na pala siya. Madalas ko siyang nakikita na dumadayo sa Hacienda Aurelia dahil ang trabahador namin na si Nestor ang naging boyfriend niya.

Dahil kilala naman ako ni Nestor ay hindi naging hadlang ang relasyon nila sa pagiging magkaibigan namin ni Isabel.

Ngunit may isang problema kay Nestor. Sa tuwing nalalasing siya ay mahilig siyang makipagbasag-ulo. Hindi na iyon bago sa kanya lalo na kapag nadadayo sila sa bayan.

Lumipas ang mga araw ay naging sakit na ng ulo ni Isabel si Nestor. Hanggang sa lumapit na siya sa akin na umiiyak at sinabi niya na nais na raw niyang hiwalayan ang nobyo niya.

Hindi pumayag si Nestor kaya nagpatuloy ang naging relasyon nila. Hindi ko naman nais na makialam sa problema nila ngunit paminsan-minsan ay pinagsasabihan ko si Nestor na ikinagagalit niya sa akin.

Hindi na rin niya nagagampanan ng maayos ang trabaho niya at naramdaman ko na rin ang paglayo ng loob niya sa akin.

Sumunod na nalaman ko ay sa kabilang hacienda na pala siya nagtrabaho nang hindi man lang nagpapaalam sa akin.

Isang araw ay napansin ko ang pasa sa kanang labi ni Isabel habang inihahain niya ang inorder kong pagkain sa kanila.

Tinanong ko siya ngunit hindi naman niya ako sinagot ng maayos at bumakas ang lungkot sa magandang mukha niya.

Hindi ko na siya kinulit pa ngunit sinadya ko na abangan siya sa oras ng kanilang pag-uwi.

Pinasakay ko siya sa sasakyan ko saka ko siya dinala malapit sa tulay ng Hacienda Aurelia upang magkausap kami ng maayos.

Sa simula ay hindi siya umiimik kahit na tinatanong ko na siya kung ano ang nangayari.

Hanggang sa humagulgol siya ng iyak saka niya isinalaysay ang problema niya sa pagitan ng mga hikbi.

Dalawang buwan na pala siyang ginagahasa ni Nestor. Kahit tumanggi daw siya ay pinipilit siya ng lalaki. Binabantaan na papatayin siya nito pati na ang ama niya sa oras na tumanggi at magsumbong siya.

Matanda na si Mang Pedring at sa isip ni Isabel ay wala silang kaya kay Nestor at naniniwala siya na magagawa nito ang mga banta sa kanila lalo na kapag nakagamit na ito ng ipinagbabawal na gamot.

Dahil sa nalaman ko ay minabuti ko na samahan si Isabel upang magsabi sa kanyang ama tungkol sa problema niya.

Nangako rin ako sa kanya na tutulungan ko siya upang maipakulong si Nestor at pagbayaran ang kahayupan na ginawa nito sa kanya.

Nakumbinsi ko naman si Isabel at sa gabi rin na iyon ay nagsumbong na siya sa kanyang ama.

Ngunit hindi katulad ng inasahan ko ang sumunod na mga pangyayari.

Kinagabihan, bandang hatinggabi ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Isabel. Umiiyak siya at nagmamakaawa nantulungan ko siya.

Sinugod raw ni Mang Pedring si Nestor at nag-aalala siya nang husto sa maaaring mangyari sa ama niya.

Nagmamadali akong lumabas ng villa at natataranta kong pinaandar ang sasakyan ko patungo sa bahay ni Nestor.

Naabutan ko si Mang Pedring na nakahandusay sa lupa habang sinisipa siya ni Nestor.

Hawak naman ni Nestor sa buhok si Isabel saka niya ito sinampal nang malakas.

Nang makita niya na dumating ako ay ngumisi siya na parang demonyo saka niya hinarap si Isabel.

“Nagsumbong ka pa talaga sa lover mo, ah.” sabi niya.

“Tarantado ka talaga. Hindi ka na naawa sa babae at sa matanda!” galit na sigaw ko sa kanya na nginisian lang ni gago.

Dahil sa galit ko ay mabilis ko na siyang sinugod. Tinulak niya nang malakas si Isabel na napasadsad sa lupa.

Nagpalitan kami ng suntok ngunit mas nakalamang ako sa kanya at bugbog ang inabot niya sa akin.

Narinig ko ang pagsigaw ni Isabel habang hawak niya sa kandungan niya ang walang malay na ama.

Mabilis ko silang nilapitan upang madala sana namin kaagad sa ospital si Mang Pedring.

Ngunit hindi ko napansin na nasa lupa pala ang dalang kutsilyo ng matanda. Mabilis na pinulot ni Nestor iyon saka niya ako sinugod ng saksak.

Bumaon ang patalim sa may tagiliran ko sa bandang likod. Napaungol ako sa sakit at nakita ni Isabel ang nangyari.

Gimbal na isinigaw ni Isabel ang pangalan ko kasunod ng pagbagsak ng mga tuhod ko sa lupa.

“Rafaeeeeeeeellll! Tulooooong!” malakas na sigaw niya.

Doon na nabulabog ang mga kapitbahay na medyo malalayo ang bahay doon.

Naalarma naman si Nestor mabilis siyang tumakbo upang tumakas ngunit hinabol na siya ng mga kapitbahay niya.

Dinala kami ng ibang mga residente sa ospital ngunit sa kasamaang palad ay binawian ng buhay ang matanda. Inatake siya sa puso habang binubugbog ni Nestor.

Labis na dinamdam iyon ni Isabel. Naipakulong namin si Nestor at siniguro ni Lyndon na mabubulok na siya sa bilangguan.

Sinubukan pang baligtarin ni Nestor ang mga pangyayari. Ayon sa kanya ay nagawa lamang niya ang bagay na iyon dahil pinagtataksilan siya ni Isabel.

Matagal na raw kaming may lihim ng relasyon ng nobya niya at sa katunayan raw ay nabuntis ko na ito.

Hindi naman iyon napatunayan ngunit dahil wala naman talagang nakasaksi sa mga pangyayari bago ako nasaksak ay pinaniwalaan nila na may relasyon nga kami ni Isabel.

Kumalat sa buong bayan ang tsismis hanggang sa aminin na sa akin ni Isabel na totoong nagdadalang-tao siya.

Nakiusap siya sa akin na kung maaari ay akuin ko ang dinadala niya upang hindi na mahabol pa ni Nestor ang bata.

Hindi ko naman daw siya kailangan pakasalan basta mailagay lamang sa pangalan ko ang pangalan ng bata ay sapat na sa kanya.

Kung sa ibang pagkakataon lang sana nangyari ang lahat ay imumungkahi ko na pakasalan na lamang siya.

Ngunit hindi pa nababasa ni Ivan ang nilalaman ng testamento ni Aurelia. Hindi ko nanaisin na lalong pagmulan pa ng matinding galit ni Ivan sa akin ang pagpapakasal ko.

Dinala ko si Isabel sa villa. Doon ay inalagaan namin siya at itinuring na kapamilya. Naging maselan ang pagbubuntis niya kaya naging maingat kami sa kanya sa paglipas ng mga buwan.

Hanggang sa maipanganak niya si Ryle. Ngunit sa kasamaang palad ay binawian siya ng buhay sa panganganak.

Bilang pagtupad sa pangako ko sa kanya ay inangkin ko si Ryle bilang totoong anak ko.

Certeza ang ginamit kong pangalan niya. Napamahal na sa akin ang bata at sa puso ko ay anak ko talaga siya.

Ngunit may kaba pa rin sa dibdib ko na isang araw ay babalikan siya ni Nestor.

Hindi ko hahayaan na mangyari iyon. Dadaan muna siya sa bangkay ko bago niya makukuha sa akin si Ryle.

Ngunit ang sabi sa akin ng abogado na nakausap ko ay mahihirapan na si Nestor na makalaya sa bilangguan. Lalo na at murder ang kaso na isinampa namin laban sa kanya.

Present Time

2019

Nagmulat ako ng mga mata nang marinig ko ang ugong ng sasakyan ni Jako sa labas.

Mabilis akong bumangon saka ko sinilip ang papalayong sasakyan.

Ilang sandali pa ay nakita ko na ang pagpasok ni Ivan sa villa.

Napahinto pa siya nang makita niya ako na nakatayo sa may main door.

Ilang sandali niya akong pinagmasdan bago siya walang emosyon na nagpatuloy sa paglakad.

Nilagpasan niya ako saka na siya nagtuluy-tuloy patungo sa hagdan.

May tumawag sa cellphone niya at hindi sinasadya na narinig ko ang mga sinabi niya.

“Sige. Hintayin mo ako sa bayan. Aayusin ko lang ang mga gamit ko.” sabi niya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Bigla ang pagbundol ng kaba sa dibdib ko kasabay ng pagtataka. Saan pupunta si Ivan? Bakit ihahanda niya ang mga gamit niya?

Hindi kaya… Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kaisipang nagdaan sa utak ko. May balak ba siyang bumalik na ng Maynila dahil sa nabasa niyang testamento?

Mabilis kong isinara ang main door saka ko sinundan si Ivan paakyat sa silid niya.

Hindi ako papayag na makaalis pa siyang muli sa lugar na ito. Hindi ko na hahayaan na sa ikalawang pagkakataon ay malalayo na naman siya sa akin.

Kailangan ko siya sa buhay ko.

Sa nakalipas na limang taon ay hindi ako pinatahimik ng nararamdaman ko para sa kanya.

Palagi na lamang may kulang. Hindi ako nakakatulog sa gabi nang hindi si Ivan ang nasa isip ko.

Lalo na sa nagdaang mga araw. Sa paggising ko sa umaga ay siya kaagad ang gusto kong makita. Si Ivan ang hinahanap ng mga mata ko.

Masakit man isipin pero hindi ako pinatahimik ng damdamin ko sa nakalipas na mga taon.

Lalo na at alam ko na galit siya sa akin dahil sa ginawa ko sa kanya kaya siya umalis.

Sisikapin ko na itama ngayon ang lahat. Sa pagkakataong ito ay wala nang mas higit na mahalaga pa kaysa kay Ivan.

Kahit pa ang maging kapalit ay ang pagkawala sa akin ng lahat ng bagay na maaaring mapunta sa pangalan ko.

Chapter 26

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Villa Aurelia

“Saan ka pupunta?” sabi ni Ralf mula sa likod ko.

Napalingon naman ako sa kanya saka ko binitawan ang mga damit na ipinapasok ko sa bag ko.

“Hindi ka ba marunong kumatok?” angil ko sa kanya. “Bakit ba mula pa noon at hanggang sa ngayon ay basta-basta ka na lamang pumapasok sa silid ko!”

“Sagutin mo ang tanong ko, Ivan.” idinidiin ng tinig niya na sumagot ako bagaman hindi naman niya ako sinisigawan.

Dumako ang mga mata niya sa mga gamit na ipinapasok ko sa overnight bag ko.

“Uuwi ako ng Maynila. Kailangang ayusin ko ang mga naiwan kong trabaho doon at ipagbilin sa assistant ko bago ko iwan.” walang emosyon na sagot ko saka ko na ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

Lumambot naman ang kanina ay seryosong anyo niya habang tinatanong ako.

“Kung ganun ay sasamahan kita at kasama mo rin akong pabalik dito.” aniya.

Mula sa pagkakayuko ko sa kama ay tumuwid ako ng tayo saka ko siya binalingan.

“Hindi ko kailangan ng bodyguard, Ralf. Marami kang gawain dito sa hacienda. Isa pa ay sasamahan naman ako ni Jako.”

“Don’t count on it,” madiin na sagot niya. “Kung pinagkaabalahan mong basahin ang ibang clause sa testamento ay nakalagay doon na mula nung araw na nawala si Ma-”

Napailing siya nang mahinto sa sinasabi niya. “Mula nang mawala ang Mama mo ay nasa ilalim ka na ng aking pangangalaga hanggang sa umabot ang takdang taning na ibinigay sa atin.”

Hindi ako sumagot. Nadaanan nga ng mga mata ko ang tungkol sa bagay na iyon na lalo kong ikinainis.

“May tatlong buwan pa ako para gawin iyon. Darling!” nakangiting sambit niya.

“Damn you!” inis na sigaw ko sa kanya. “Sa loob ng limang taon ay mag-isa akong namumuhay kasama ni Lola. Hindi ko ngayon kailangan ang pangangalaga mo dahil kaya kong alagaan ang sarili ko!”

“Isa pa ay wala namang nabanggit noon sa akin si Papa tungkol sa bagay na iyan kaya iisipin ko na wala namang kwenta ang clause na iyon.” patuloy ko.

“Tama ka,” mahinahong wika niya. “Dahil buhay pa noon ang Papa mo ay hindi ko binibigyan ng halaga ang clause sa testamento ni Tita Aurelia. Pero ngayong wala na si Tito Lyndon ay titiyakin ko na masusunod ultimong tuldok sa testamento.”

Mabalasik ko siyang nilapitan saka ko siya sinuntok ngunit hindi iyon nakaabot sa mukha niya dahil kaagad niya nahawakan ang kamay ko.

Dahil sa inis ay pinagsusuntok ko siya sa dibdib niya na sinasangga naman niya ngunit nakakatama pa rin naman ako kahit papano.

“Damn you! Damn you!” halos maiyak ko nang mura sa kanya.

Mahigpit na hinawakan ni Ralf ang dalawang kamay ko saka niya ako tinitigan sa mga mata.

“At wala ka sa sariling katinuan para pangalagaan ang sarili mo, Ivan. You are upset.”

Naglagablab na tila apoy ang mga ko nang tingnan ko siya.

“Hindi ko alam kung saan ka nanggaling! Basta ka na lamang dumating sa buhay namin pagkatapos ay nagulo na ang lahat!”

Huminga ng malalim si Ralf at banayad niya akong inihakbang patungo sa kama at iniupo niya ako doon.

“Ikaw ang nagpapagulo sa lahat, Ivan. Sinasabi sa akin ni Lola Corazon na malaki na ang ipinagbago mo sa Maynila. Independent and matured,”

Umiling siya. “No. You haven’t changed at all. Ikaw pa rin ang dating Ivan na nakilala ko. Spoiled and selfish!”

Nasaktan ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko akalain na pati si Lola Corazon ay nagiging topic ako. At ang kaisipang ikinukwento niya ako kay Rafael ay hindi ko matanggap.

Hindi na niya dapat ginagawa iyon. Hindi niya dapat ako ikinukwento sa isang ampon lang na tulad ni Ralf.

“Maghihintay ako sa ibaba.” sabi niya sa awtorisadong tinig nang hindi ko na siya kibuin at tahimik lang akong nakatulala sa may pintuan.

“At kung ako sayo ay tawagan mo na si Jako at sabihin mo sa kanya na ako ang maghahatid sayo sa Maynila. He’s welcome though to travel with us.”

Hindi na niya ako hinintay na makasagot pa. Naglakad na siya patungo sa pinto saka niya iyon banayad na isinara.


Author’s Note

Hindi po ito putol. Sadya lang po talaga na maiksi ang chapter na ito dahil trip ko lang. Hahaha! Bale sa history ng pagsusulat ko sa wattpad heto na ang pinakashort chapter na nagawa ko. Para lang siyang teaser.

Happy New Year sa lahat at sisikapin ko na magpahabol pa ng isang Regular Chapter mamayang gabi bago matapos ang taon.

Nickolai214

Chapter 27

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

On the Road

Dahil na rin sa kakapiranggot na pag-asa na magbabago ang ihip ng hangin at sa huli ay mabawi ko pa rin ang villa kay Rafael ay minabuti ko na sundin na lang muna ang clause ng punyetang testamento ni Mama.

Subalit tumanggi si Jako na makisabay sa amin sa kabila ng pakiusap ko sa kanya.

Hindi ko gusto na makasama sa biyahe si Rafael sa loob ng ilang oras pero wala akong magagawa.

Sa loob ng isang oras na biyahe mula nang makaalis kami sa San Isidro ay wala na kaming kibuan.

Si Ralf ay nakatuon ang buong pansin sa daan. Sa sulok ng mga mata ko ay pinagmamasdan ko siya ng lihim.

Tall, big, and sexy. Hindi ko maitatanggi iyon.

I had never met anyone like him.

Kahit si Jako na kung tutuusin ay higit na magandang lalaki kay Ralf. Higit na pino at gentle.

This man is rough and a little bit savage. Bihirang ngumiti at kapag ngumiti naman ay tila ba inobliga lang niya ang kanyang sarili.

Prominente ang square jaw na nangangasul-ngasol mula sa razor blade. A hard face, hawkish like.

I thought that the only thing that look soft sa mukha niya ay ang mga labi niya na napakasarap humalik.

It looked soft and firm and sexy. And it felt soft too.

No man could have a sexier mouth. Ang halik na ibinigay niya sa akin sa hotel ay lubusang tinakpan ang mga halik na ginawa niya sa akin five years ago.

Ang mga mata naman ni Rafael… maiitim na tila nagtatago ng napakaraming lihim bagama’t sa maraming pagkakataon ay naroon ang pain and bitterness.

“Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Ivan,” bigla ay sambit niya saka niya ako nilingon sandali bago niya ibinalik sa daan ang tingin niya.

“You have this habit of staring and watching me silently,” hindi ko matiyak kung amusement nga ba ang nahihimigan ko sa tinig niya.

“Pinapanood mo ako mula sa silid mo sa tuwing naglilinis ako ng kuwadra at pinapaliguan ko ang mga kabayo. Lihim mo akong tinititigan sa tuwing magkakasama tayong kumakain sa mesa. And I saw fire in your eyes sa tuwing kausap ko si Tita Aurelia at si Celine at iba pang mga babae na nagpupunta sa villa…”

Napahugot ako ng matalim na paghinga dahil sa mga huling sinabi niya. Nag-alis ako ng bara sa aking lalamunan to say something back pero walang tinig na lumabas dahil sa pagkapahiya. Dahil alam ko sa sarili ko na totoo ang lahat ng iyon.

“Minsan ay masarap isipin na kaya ka ganoon ay dahil nagseselos ka kay Tita Aurelia at kay Celine atbsa iba pa.” dugtong niya.

Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng bibig niya nang lingunin niya ako bilang pagngiti.

Hindi siya nanunuya. I am sure that there was something wistful in those eyes.

“Mangarap ka!” asik ko.

Lumapad ang mga ngiti ni Rafael dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang ay parang ang gwapo niya kapag nakangiti siya.

“Parati kitang pinapangarap, Ivan.” sabi niya at bumaba ang tingin niya sa makikinis kong hita na nakalantad dahil mas pinili ko na magsuot ng may kaiksiang short kaysa magpantalon.

Bakit ba? Uso ngayon ang above the knee na shorts at mainit ang panahon.

Napatingin ako sa kakaibang mga ngiti ni Ralf. Naconscious tuloy ako. Pakiramdam ko ay hinuhubaran niya ako sa mga tingin niya. At least mentally.

“Five years ago ay pinangarap ko na makasundo ka man lang. Hindi miminsan kitang nilapitan at sinubukan na kaibiganin subalit sadya talaga na napakailap mo.” aniya.

“Madalas ay nagagalit ka sa akin kahit na wala naman akong ginagawa sayo. Minsan tuloy naiisip ko na hindi kaya may gusto ka sa akin at dinadahilan mo lang ang galit at pagkainis mo upang mapagtakpan mo iyon?” seryosong sabi niya.

“Hell, No! Imposible iyang sinasabi mo. Nagagalit ako sayo dahil may mga sariling dahilan ako. Hindi ako basta na lamang nagagalit nang walang sapat na dahilan.” inis na sagot ko sa kanya.

“Kung ganun ano ang mga dahilan mo? Gusto kong malaman.” hamon niya sa akin.

Patamad ko siyang sinulyapan saka ko siya sinagot. “Matalino ka, alam mo ang sagot sa mga tanong mo, Ralf. Hindi ko na kailangan isa-isahin pa iyon sayo.”

“Selos!” mariing sabi niya. “Hindi mo kailangan magselos sa akin, Ivan. Pinangarap ko rin ang magkaroom ng totoong mga magulang. Pinangarap ko na maramdaman ang pagmamahal nila.”

“Kung tutuusin ay kaya naman talaga natin mamuhay nang masaya na magkasama tayo kung gugustuhin mo lang. Kahit noon. Pero mas pinipili mong pairalin ang galit mo sa akin.”

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa aming dalawa bago siya muling nagsalita.

“Gusto kong burahin sa isip ko ang seventeen years old na Ivan na nakilala ko. Changed the image of an innocent child into a grown up man.” the amusement gone. His voice in ragged whisper. “At hindi ako nagkamali. Five years have changed you a lot… at least physically.”

“Don’t use your charm on me, Rafael. Wala iyang epekto!” mabilis na sagot ko.

“Then why the blush?” tukso niya kaya kaagad akong pasimpleng napasulyap sa side mirror na nasa gawi ko.

Halata ba talaga na namula ako?

Sinikap ko na maging normal ang mga kilos ko saka ako luminga sa labas. Puro kagubatan ang nakikita ko sa gilid ng daan.

Kapagkuwa’y nagsalita ako. “Sabihin mo sa akin kung useless ang gagawin kong pananatili sa hacienda sa loob ng tatlong buwan.” pag-iba ko sa usapan.

“Bakit mo nasabi iyan?” tanong niya.

“Hindi ba’t nakalagay sa testamento na hindi rin sa akin mauuwi ang villa sa sandaling mag-asawa ka sa loob ng taning na panahon.” I said. Bitterly.

Matagal na sandali bago sumagot si Ralf. Walang ibang maririnig kundi ang banayad na tunog ng air-conditioning sa loob ng sasakyan.

“Ganoon ba talaga kahalaga sayo ang villa o kaya ka lang nagpupursige ay dahil sa katotohanang ako ang nagmana nito?” tanong niya makalipas ang ilang sandaling pananahimik.

“Hindi ako makapaniwalang itinanong mo sa akin iyan.” nanggagalaiting baling ko sa kanya. “Ang bahay na iyon ay minana pa ni Lolo sa mga magulang niya. Balewala ang monetary value ng bahay, Rafael. Kung ano ang nirerepresenta ng bahay ang mahalaga.”

“Then stay. You have three months at least.” kaswal niyang sabi.

“You bet I will. Kahit pa mangahulugan iyon na araw-araw ay makakasama kita.”

“I oftentimes wonder why you hate me this much.” sabi niya sa tinig na kasing lamig ng yelo at gusto kong panginigan ng laman.

“Alam mo kung bakit.” sagot ko.

Hindi niya sinagot iyon. Sa halip ay iba ang lumabas mula sa bibig niya.

“Hindi ba pumasok sa isip mo na pakasal na lang sa akin sa ibang bansa para manatiling sayo ang villa? Madali mo naman akong mapapaibig dahil kahit noon pa man ay naaakit na ako sayo.”

Mabilis akong napaangat ng likod mula sa sandalan ng sasakyan. “Hell will freeze over bago ko maisip iyan!”

Nagkibit siya ng mga balikat. “Naisip ko lang naman. Nothing serious. That would be a very good solution para mapasayo ang bahay. At siguro naman ay hindi mo mamasamain kung isa sa mga araw na ito ay mag-asawa ako. I am twenty nine at panahon na para magkaroon ako ng sariling pamilya ko.”

I felt sick nang maglaro sa isipan ko ang isang hindi magandang imahinasyon. Si Rafael at si Celine, o kung sino mang pakakasalan niya, sa loob ng Villa Aurelia.

Hindi ko matiyak kung alin ang higit na nakapagdudulot ng kaguluhan sa isip at puso ko.

Ang pagkawala ba ng villa sa akin o ang babaeng maaaring pakasalan ni Ralf.

“Huwag kang mag-alala, Ivan. Sa ngayon ay wala pa naman akong napipisil sa mga babaeng nauugnay sa akin para pakasalan. Pero kung ikaw ang mag-ooffer ay hindi ako magdadalawang isip na umoo.” sabi niya.

Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako ng lalaking ito o sinasadya niya lang akong inisin. Pero nakadama ako ng bahagyang pamumula dahil sa huling sinabi niya at gusto kong sampalin ang sarili ko dahil hindi tama na makadama ako ng kilig lalo na at alam kong bina-bluff lang ako ni Ralf.

Muli na akong humarap sa labas ng bintana upang hindi na ako mahalata pa ng hudyong lalaki na ito.

Dahil mahaba pa ang kailangan naming ibiyahe ay nagpasya si Rafael na huminto muna sa isang gasoline station.

Doon ay may kilalang mha food chain at doon namin napili na kumain muna.

Si Rafael na ang bumili ng pagkain namin at nang mailapag niya ang tray sa mesa ay dinampot ko kaagad yung drinks.

Sakto naman na aabutin din sana niya iyon ngunit naunahan ko siya kaya dumapo ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ko.

Pata akong nakuryente sa biglaang paghawak niya kaya mabilis ko iyong inalis saka nagsalubong ang mga tingin namin.

Napangiti naman si Ralf. Inabot na niya ang baso saka niya inilagay ang straw doon bago niya inilapag sa harapan ko.

“Here!” friendly na sabi niya.

Kinuha ko naman kaagad iyon saka na ako uminom dahil nakakadama na ako ng uhaw.

“Kumain ka ng maayos. Mamahalin pa rin naman kita kahit tumaba ka.” aniya.

Inirapan ko na lang siya saka na ako nagsimulang kumain.

Hindi na ako pinatahimik pa ng mga ikinikilos ni Ralf hanggang sa makarating kami sa Maynila.

Doon ako nagpadiretso sa opisina dahil kailangan kong maibilin kay Rita ang mga kinakailangan nang documents.

Nang maiparada ni Ralf ang sasakyan sa parking area ay mabilis na akong bumaba. Hindi ako nag-abala man lang na tanungin siya kung okay lang ba siya doon o gusto niyang sumama at maupo muna sa loob.

Bahala siya sa buhay niya tutal ay siya rin naman ang may gusto na bumuntot pa sa akin dito sa Maynila.

Inalis ko sa sistema ko ang lahat ng konsensya na natitira sa akin para kay Ralf.


GoodNight Readers Happy New Year Nickolai214

Chapter 28

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Manila

“Bakit ginawa ng Mama mo iyon?” tanong ni Rita nang ikwento ko sa kanya ang mga nangyari sa probinsiya.

“Bakit basta na lang din hinayaan ng Papa mo?” dugtong pa niya.

Humugot ako ng matalim na paghinga saka ko siya sinagot. “Because he was my mother’s lover.” akusa ko.

Napasandal sa sandalan ng swivel chair si Rita saka niya ako pinagmasdan.

“Hindi kaya nagkakamali ka lang ng akusasyon, Ivan?” banayad niyang sabi.

“I saw them, Rita, with my own eyes!” sagot ko. Napaangat ako mula sa executive chair at halos ipukpok ko sa mesa ang mga kamay ko.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng kaibigan ko.

“You were seventeen. You might have concluded something from a child’s point of view. Hindi marahil gagawin ng Mama mo na iwan ang isang family heritage sa Rafael Certeza na ito nang walang matibay na dahilan. Lover or not. At isipin mo na lang. Pinayagan iyon ng Papa mo.” aniya.

Umismid ako. “My father was hopelessly and unreasonably in love with my mother, Rita. She was twelve years younger than my father and she’s very beautiful.”

Tahimik lang na nakikinig sa akin si Rita habang nagpapatuloy ako sa pagsasalita.

“My mother adored Ralf the first time she set her eyes on him when he was about sixteen.”

“Sixteen?” ulit niya. Nagsalubong ang mga kilay ni Rita doon. “And your mother must be around…”

Nag-isip siya at sinagot ko ang binibilang niya sa isip niya.

“Thirty three.” sabi ko.

Ilang sandaling nag-isip si Rita bago siya napailing. “Surely ay hindi gagawin ng Mama mo iyon, Ivan. Napakabata pa noon ni Rafael…”

“He doesn’t look his age then,” putol ko sa sinasabi niya. Then I close my eyes for awhile. Saka ko inalala sa isip ko ang anyo ni Rafael noong sixteen pa lang siya.

“He was tall and kind of… s-sexy.” tila hindi ko mabigkas na paglalarawan sa kanya. “H-he is more so now…”

“Hmm… really?” naaaliw na sabi ni Rita dahil sa pagkautal ko sa pagdedescribe kay Rafael.

“You were barely nine pero nasabi mong sexy siya. When do I get to meet this sexy man?” may bahid ng tukso ang tinig ni Rita sa paraan ng pagtatanong niya.

Sumimangot ako dahil sa tono niya. “Huwag kang magbigay ng kulay sa description ko sa kanya, Rita. Gusto ko lang i-justify sayo kung bakit na-attract ang mother ko sa kanya.”

“Uh-huh,” sabi ni Rita saka niya itinaas ang dalawang palad niya.

“Wala akong ibang ibig sabihin.” aniya saka siya kunwaring nagpipigil ng ngiti niya. “Baka mamaya niyan crush mo lang pala siya. Kaya ka inis na inis sa kanya.” nang-aasar na bulong niya.

Buwisit talaga tong babae na to. Inis ma bulong ko sa isip ko. Dinampot ko ang nakita kong magazine na nasa ibabaw ng table ko saka ko iyon inihagis sa kanya.

Napatili naman siya habang umiilag na iniurong ang swivel chair niya. Natatawa siyang tumingin sa akin nang hindi ko siya natamaan.

“Bakit ka ba nambabato?” natatawang sabi pa niya.

“Nabubuwisit kasi ako sayo.” asar na sagot ko na tinawanan lang niya.

Ganito talaga si Rita sa akin. Palibhasa ay alam niya na madali akong mapikon kaya madalas niya akong tuksuhin.

Nasanay na rin naman ako sa kanya. Importante ay may napagsasabihan ako ng mga problema ko na hindi aki jina-judge.

Sina Jako at Rita lamang ang tanging nakakaunawa sa totoong nararamdaman ko.

Naibilin ko na kay Rita ang lahat ng dapat ipagbilin. Naayos ko na rin ang lahat ng kailangan ayusin nang maalala ko si Ralf na iniwanan ko sa labas kanina.

Napangiti ako nang makaisip ako ng kalokohan. Sinulyapan ko si Rita saka ko siya inutusan na magpadeliver ng pagkain sa office.

Mapilit si Ralf na sumama at bumuntot sa akin dito sa Maynila. Kaya gusto ko na makainipan niya at pagsisihan ang pagsama sa akin dito.

Halos isang oras ang hinintay namin bago dumating ang delivery dahil sinadya ko na sa mabagal na fastfood magpa-order.

Natutuwang inilagay ni Rita ang pinagkainan namin sa trash can sa labas. Paborito kasi niya ang lahat ng binili ko.

“Hindi ka pa ba uuwi?” tanong niya.

Sumulyap ako sa orasang pambisig ko. Napasulyap din ako sa labas. Madilim na pala.

“Maya-maya na siguro.” sabi ko. “Kwentuhan mo naman ako tungkol sa inyo ni Jaime.” sabi ko na ang tinutukoy ko ay ang boyfriend niya na naging kaibigan ko rin noong college.

Natutuwa naman siyang nagkwento at nawili siya sa pagsasalaysay. Naaliw naman ako dahil sigurado na naiinip na sa paghihintay sa akin si Rafael sa labas.

Marami pang naging kwento si Rita hindi lang tungkol sa kanila ng boyfriend niya kundi pati sa mga paborito niyang palabas na sinusubaybayan.

Likas na kay Rita ang pagiging madaldal ngunit hindi sa mga bagay na alam niyang makakasira sa kapwa niya. Bagay na nagustuhan ko sa kanya.

Halos alas diyes na nang gabi nang magpasya na kaming umuwi. Napapangiti pa ako dahil alam ko na naiinip na nang husto si Ralf sa labas.

Ngunit paglabas namjn ay ako ang nasorpresa. Wala ang sasakyan niya sa parking area. Inikot ko ang tingin ko sa buong paligid.

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko saka ko siya tinawagan. Hindi niya sinagot ang tawag ko.

Pinauna ko na si Rita dahil sinundo na siya ni Jaime. Nagprisinta pa sila na ihahatid ako ngunit mariin na akong tumanggi.

Masyado ko nang inubos ang oras ni Rita sa maghapon. Hindi ko na sasayangin pa ang oras niya upang magpahinga.

Naiwan ako na mag-isa sa gilid ng kalsada. Hindi dumadaan sa area na ito ang mga public vehicles kaya nagbakasakali na lamang ako na may taxi na maliligaw.

Halos isang oras bago ako nakapara ng taxi. Hindi ko balak ang maglakad ng malayo patungo sa main road.

Halos maghahatinggabi na nang makauwi ako sa bahay ni Lola Corazon.

Naabutan ko pa si Ralf na nakaupo sa labas at hawak ang gitara niya.

Nakangisi siya habang sinusundan ako ng tingin.

“Akala ko wala ka nang balak na umuwi pa kaya iniwanan na kita.” nakangiting bungad niya nang makalapit ako.

“Pagod ako. Wala akong panahon na makinig sa mga sarcasms mo.” matabang na sagot ko saka ko na pinihit ang pinto.

“Saan ka napagod? Sa pakikipagkwentuhan mo sa kaibigan mo? O baka naman sa paghihintay mo ng masasakyan pauwi dito!”

Ngumiti ako saka ko siya binalingan. “Hindi ko kailangan i-adjust ang oras ko para lang sayo. Ikaw ang nagpilit na sumama sa akin dito kaya wala kang karapatan na magreklamo at umangil sa akin ng ganyan.”

Napailing na lang si Ralf dahil sa walang kwentang dahilan ko.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo, Ivan.” malungkot na wika niya.

“Wala kang kailangan gawin para sa akin. Ibalik mo sa akin ang villa ng pamilya ko. Matatapos ang problema mo.” sagot ko sa kanya.

Natawa siya ngunit hindi iyon matatawag na tawa dahil bakas na bakas sa anyo niya ang matinding disappointment.

“Ibabalik ko sayo ang pesteng bahay na iyon magtiis ka lang ng tatlong buwan na kasama ako.” galit na sagot niya.

“Okay!” balewalang sagot ko saka ko na itinuloy ang pagbubukas ng pinto.

“Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Para ka pa rin yung nine years old na Ivan na nakilala ko. Hanggang ngayon ay gumagamit ka pa rin ng mga childish tricks mo.”

Hindi ko siya kinibo ngunit hinintay ko ang susunod pa niyang mga sasabihin.

“Exactly five kanina ay sinilip na kita sa opisina mo. Nakita ko na patapos ka na sa mga ginagawa mo. Six nang dumating ang delivery ng pagkain ninyo. Bumalik ako sa loob ng Seven. Pati ang mga lihim mong pagsulyap sa relo mo habang inaaliw mo ang kaibigan mo ay nakita ko.”

“Iniwanan mo rin naman ako, hindi ba? So quits lang tayo.” may hinanakit na sagot ko sa kanya.

Umiling siya. “Hindi kita iniwanan. Nandun lang ako sa di kalayuan. Pinagmamasdan kita. Gusto ko kasi na marealize mo na hindi tama ang mga kalokohan na ginagawa mo.”

“Kung hindi ka lang nakasakay ng taxi ay sasalubungin na sana kita. Hindi makakaya ng konsensya ko ang mapahamak ka.”

Naglakad siya palapit sa akin at tuluyan na niyang itinulak ang pinto. Dumaan siya sa gilid ko at dahil nakaharang ako ay hindi maiiwasan na magkadikit ang mga katawan namin.

Kagaya ng nangyari sa food chain sa may expressway ay nakadama ako ng malakas na daloy ng kuryente sa pagdidikit ng mga katawan namin kaya mabilis akong napaatras.

Pumasok sa ilong ko ang napakabangong natural scent ng kanyang katawan na humalo sa pawis at cologne na gamit niya.

Napapikit ako at nang magmulat ako ng mga mata ay nakita ko na paakyat na siya sa hagdan.

Isinara ko na rin ang pinto saka na ako naglakad patungo sa silid ko na malapit lang din sa silid ng mayabang na lalaking iyon.

Hindi ako pinatulog ng mga kakaibang pakiramdam sa damdamin ko nang gabing iyon.

Kinabukasan ay hindi na kami nag-abot ni Ralf. Sa almusal ay sinabi sa akin ni Lola Corazon na may importanteng bagay na inasikaso ang lalaking iyon kaya maagang umalis.

Nagpahatid na lang ako sa driver ni Lola patungo sa opisina. May kailangan akong daanan na dokumento doon bago ako uuwi ng San Isidro.

Naiwanan ko iyon kagabi dahil sa mga kalokohan ko.

Chapter 29

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Manila

Dahil may mga isinangguni pa sa akin si Rita tungkol sa mga deal na hindi niya maintindihan ay inabot na ako ng tanghalian sa opisina.

Nagdecide kami na kumain muna sa labas bago ako magpahatid sa driver ni Lola.

Matapos ang tanghalian ay bumalik na kami ni Rita sa office. Nagsalubong ang mga mata ko nang makita ko ang sasakyan ni Ralf sa tapat.

Mabilis na iginala ko ang tingin ko sa paligid ngunit hindi ko na makita ang sasakyan ni Lola.

Lumapit kami sa sasakyan at doon ay napansin kami ni Ralf saka siya lumabas.

“Bakit ka nandito?” malamig na tanong ko sa kanya.

“Ngayon ang uwi natin sa San Isidro diba?” sagot niya.

Hinahanap pa rin ng mga mata ko ang sasakyan ni Lola at napansin iyon ni Ralf.

“Pinauwi ko na si Teroy. Nagbilin si Lola na salubungin ka na dito dahil inabot ka na ng pananghalian.” aniya.

Tumikhim si Rita at sabay kaming napasulyap ni Ralf sa kanya.

“Hindi mo ba ako ipapakilala sa gwapong kausap mo?” nakangiting sabi niya sa akin saka niya tinaas-baba ang mga kilay niya.

Hay. Buwisit talaga ang babaeng ito. Wala na akong nagawa pa kundi ipakilala sila sa isa’t-isa. Out of politeness.

“Nice to meet you, Rafael,” sabi ni Rita nang kamayan siya ng hudyong lalaki.

Tinitigan mabuti ni Rita si Ralf with a friendly smile on her lips.

“You are exactly what Ivan told me about.” sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko. Hindi ako pinansin ng walanghiyang babae na to.

Nakita ko naman ang pagtaas ng sulok ng bibig ni Ralf dahil sa tipid na ngiti. “Really?” sabi niya.

Nakangiti namang tumango si Rita.

“Then it must be to my disadvantage dahil hindi magsasabi ng mga magagandang bagay si Ivan tungkol sa akin, Rita.”

“Then you don’t really know my friend, Rafael.” makahulugang sagot ni Rita na sinamahan niya ng ngiti saka siya sumulyap sa akin.

Dahil sa mga pinagsasasabi ni Rita ay umusok ang ilong ko sa inis at pagkapahiya. Bruha talaga ang babaeng ito. Balak pa yata niya kaming i-matchmake ni Ralf.

Mabilis kong binuksan ang pintuan ng sasakyan ni Ralf saka ko siya binalingan. “Let’s go,” sabi ko saka ako padabog na sumakay doon.

Itinaas ni Rafael ang dalawang kamay niya, in mock frustration.

“Huwag mong intindihin si Ivan, Rafael. He’s a nice guy despite the thorns…” sabi ni Rita.

Inirapan ko siya na nginitian lang niya.

“Then I’ll have to find that out.” makahulugang sagot naman ng hudyong lalaki bago siya nagpaalam sa kaibigan ko.

Humanda talaga sa akin ang babaeng ito pagbalik ko.

“Bye, Ivan. Enjoy the ride.” nakangising paalam ni Rita sa akin. Itinaas ko naman ang kamao ko bilang warning sa kanya na tinawanan lang din ng walanghiya pagkatapos ay kumaway na siya sa akin saka na siya nakangiting naglakad papasok sa loob.

Nagsimula nang magdrive si Ralf. Itinanong ko ang mga gamit ko sa kanya uoang mailihis ang isip niya.

Sinagot naman niya ako. Dinala na raw niya iyon at nasa likod na ng sasakyan niya. Sinulyapan ko ang likod at nakita ko nga ang bag ko.

“Pwede ko bang malaman kung ano ang sinabi mo kay Rita tungkol sa akin” bigla ay tanong niya.

Hindi ko siya sinagot. Nagkibit lang ako ng mga balikat ko.

“I couldn’t believe that you said something in my favor.” aniya sa naa-amuse na tono.

“Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano Rafael!” angil ko sa kanya. “I said you’re sexy enough para patulan ka ni Mama!”

Mabilis na nagpreno si Ralf at iginilid niya ang sasakyan. Muntik na akong nasubsob sa dashboard kung hindi lang ako nakahawak.

“Huwag mong ubusin ang pasensya ko, Ivan.” mapanganib niyang sabi.

“Sana ay iyan na ang huling beses na magbabanggit ka ng nakakasirang bagay tungkol kay Aurelia. Bilang anak na dumanas ng pagmamahal mula sa kanya ay ikaw dapat ang nagtatanggol sa pangalan niya.”

Tama siya. Naranasan ko ang pagmamahal ni Mama. Mula nung maliit ako hanggang sa tumuntong ako sa edad na seventeen.

Ngunit nawala iyon mula nang dumating sa buhay namin ang lalaking ito. Nabawasan iyon mula nang unang beses siyang nagbakasyon sa bahay namin. Iyon ang ikinasasama ng loob ko kung bakit palaging malamig ang pakikitungo ko noon pa man sa lalaking kaharap ko ngayon.

“Pero tingnan mo ang ginagawa mo. Hindi ko alam kung saan ka kumuha ng pruweba para sa walang kakuwenta-kuwenta mong akusasyon. You’re nothing but a judgemental, self righteous and selfish asshole!”

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga sinabi niya. Sa buong buhay ko ay tanging sa lalaking ito pa lamang ako nakarinig ng mga ganoong uri ng insulto.

At sa kaibuturan ng puso ko ay nakadama ako ng guilt tungkol kay Mama. Wala naman talaga akong nakita kung hindi ang munting eksena noon sa guest room.

Ngunit napakalinaw pa rin sa isip ko ng eksenang iyon. Kaya hindi iyon maipagkakaila.

Napasinghap ako nang makita ko na magkasama sina Mama at Ralf sa loob ng guest room. L

amang ay nagawa ko nang huwag magpakawala ng anumang ingay dahil natakpan ko kaagad ng mga kamay ko ang bibig ko.

Malalamlam ang mga mata ni Mama habang nakatingin siya sa mukha ni Rafael. Hinaplos niya ang mukha ng lalaki pagkatapos ay bumaba ang kamay niya sa dibdib nito.

Nagtataka ako kung

bakit walang damit noon si Rafael. Mula sa kinaroroonan ko ay kitang kita ko ang mamasel niyang katawan na wala nang suot na pang-itaas.

Bumaba rin ang mga mata ni Mama saka niya hinaplos ang maskuladong dibdib ni Ralf. Nakatagilid sila pareho mula sa kinaroroonan ko kaya kitang-kita ng dalawang mata ko ang kalokohan na ginagawa nila.

Malas lang nila at nakalimutan nilang isara ang pintuan at nagkataon naman na napadaan ako at napansin ko iyon.

Ilang sandali pa ay nakita ko na yumakap ng mahigpit si Mama sa hubad na katawan ni Rafael. Ganoon din ang ginawa ng hudyong lalaki sa Mama ko.

Bumangon ang matinding galit sa dibdib ko.

Hindi na sila nahiya. Dito pa talaga sila sa loob ng bahay gumagawa ng mga kalokohan. Kapag wala kami ni Papa.

“Paano kapag nalaman niya ang tungkol sa atin?” sambit ni Rafael.

Kumalas mula sa pagkakayakap si Mama. “Hindi niya malalaman, Ralf. Pangako ko sayo iyan. Mula ngayon ay mag-iingat na tayo.” sagot niya.

Tumingala si Mama sa lalaki at sinapo niya nang dalawang palad niya ang mukha nito. Ilang sandali pa ay kinabig niya payuko ang ulo ni Ralf saka niya iyon hinagkan sa pisngi.

“Kung alam mo lang kung gaano kita pinanabikan.” masuyong bulong ni Mama.

Bumalik ang isip ko sa kasalukuyan.

“I saw you. Both of you. Ikaw… si Mama. Nakahubad ka sa guest room. Hawak niya ang dibdib mo.”

Napapikit ako. Naalala ko ang paghalik sa kanya ni Mama. That kiss… parang tinutusok ng libu-libong karayom ang dibdib ko sa tuwing naaalala ko iyon.

“I heard she whisper a promise. Kung hindi ako nagkakamali parang sinabi niya na hindi malalaman ni Papa. Na mag-iingat na kayo simula sa araw na iyon. And then I saw her. Kissing you.” halos bulong na lang ang mga iyon.

Hindi na sumagot pa si Ralf. Shock ang nakikita ko sa anyo niya. Nanlalaki ang mga mata niya. Nakabuka ng bahagya ang mga labi. Para bang nais niyang magsalita ngunit wala siyang maisip na sasabihin.

“M-mali ka ng iniisip. Wala kaming ginagawang masama ni Aurelia.” mahinang sambit niya saka siya bumaling sa akin.

Naniningkit na mga mata naman ang isinalubong ko sa kanya. Nakikita ko na nanlalalim ang mga mata niya sa pagkakataong ito. Ganun na ganun ang itsura ng mga guilty na nahuli na sa mga kasalanan na ginawa nila.

“Liar!” naiiyak na sagot ko.

Hinugot ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko saka ko tinawagan si Jako.

“Hello!” sagot ni Jako mula sa kabilang linya.

“Where are you?” gumagaralgal ang tinig ko ngunit sinikap ko na patatagin iyon.

“Where are you?” nag-aalalang sagot naman niya nang marahil ay nahalata niya ang boses ko.

“Hey, Ivan!” aniya nang hindi ako kaagad nakasagot.

“Sunduin mo ako. Babalik na ako sa San Isidro.” sagot ko sa kanya.

“Ivan,” narinig kong sambit ni Rafael sa pangalan ko.

Nanlilisik na mga tingin ang isinagot ko sa kanya. Mabilis akong bumaba ng sasakyan niya. Nasa makati pa rin kami at isang sikat na mall na ang nasa kabilang dako ng lugar.

“Sunduin mo ako dito sa Lancaster Mall sa Makati. Hihintayin kita.” sabi ko kay Jako saka ko na pinatay ang tawag.

Binuksan ko ang pintuan sa backseat saka ko kinuha mula doon ang bag ko.

Lumabas si Rafael at sinubukan pa niya akong pigilan.

“Ivan hindi mo na kailangang istorbohin pa si Jako. Ihahatid kita sa San Isidro. Sabay tayong nagtungo dito kaya sabay din tayong baba-”

“Shut up, Rafael!” galit na sigaw ko sa kanya.

Pabagsak kong isinara ang pintuan ng sasakyan niya saka ko na binitbit ang bag ko.

Galit ang nasa mga mata ko nang salubungin ko ang malalalim na mga mata niya.

“Hayaan mo muna ako. Nakikiusap ako sayo. Hindi kita gustong makasama sa mga sandaling ito.” sabi ko.

Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa. Tumalikod na ako at tinahak ang daan patungo sa mall.

Hindi ko na rin tinangka pa na lingunin siya hanggang sa makarating ako sa loob ng isang kilalang coffee shop.

Hindi rin naman nagtagal ay dumating kaagad si Jako. Naalala ko na malapit lang din pala sa lugar na ito ang bahay ng Tiyahin niya. Mabuti na lamang at nakasunod na siya sa amin dito. Bagay na ipinagpasalamat ko.

“Anong nangyari?” nag-aalalang tanong niya.

“Nagkaroon kami ng hindi magandang pagtatalo ni Ralf. Hindi ko na nais pang mapag-usapan ang tungkol doon. Please, umuwi na tayo.” pakiusap ko sa kanya.

Mabilis naman niya akong inakay patungo sa parking area ng mall. Siya na rin ang nagdala ng bag ko.

Sa buong durasyon ng biyahe namin pabalik ng San Isidro ay hindi na ako inusisa pa ni Jako tungkol sa naging pagtatalo namin ni Ralf.

Nirespeto niya ang desisyon ko na manahimik na lamang muna.

Ngunit sa kalagitnaan ng biyahe namin ay nagulat ako dahil bigla na lamang niyang hinawakan ang kamay ko.

Napatingin ako sa kanya. Seryoso ang mga mata niya nang sumulyap siya sa akin.

Nasa loob na kami ng expressway at maluwag ang mga lanes.

“Nandito lang ako parati, Ivan. Hindi ako magsasawa na damayan ka sa lahat ng problema mo.” sabi niya saka niya hinalikan ang likod ng palad ko.


Author’s Note

Kung may mga mapapansin po kayo tungkol sa mga lugar or scenes na hindi nagtutugma sa totoong buhay. Iyon ay dahil likha lamang ang mga iyon ng imagination ko.

Tulad na lang ng pangalan ng mall at ang lugar na dinadaanan nila sa Makati. Hindi po talaga ganoon ang itsura ng lugar in real life. Ginawa ko lang na ganun para magtugma sa mga eksena.

Abangan. Next na po ang Season 2 Finale ng story na ito. Marereveal na po doon ang totoong nangyari dun sa scene na naabutan ni Ivan sa guest room five years ago na naging dahilan ng pagkakagulo ng pamilya nila.

Maraming Salamat

Enjoy Reading

Nickolai214

Chapter 30 (Season Finale)

Beloved Bastard

Rafael Certeza

Manila

Tahimik akong lumalagok ng beer sa sala nang lapitan ako ni Lola Corazon. Tumayo siya sa tabi ko saka niya ako pinagmasdan nang may kalungkutan.

Tiningala ko naman siya saka ko siya nginitian ngunit hinawakan lang niya ang balikat ko saka niya iyon bahagyang hinaplos bilang tanda ng pagkonsola.

Hinawakan ko ang kamay niya saka ako malungkot na tumingala sa kanya. Kanina ay nabanggit ko na sa kanya ang nangyari sa amin ni Ivan habang pauwi na sana kami sa San Isidro.

“Dahil sa kagustuhan mo na protektahan ang damdamin ni Ivan ay ang damdamin mo naman ang nahihirapan, Apo. Bakit hindi mo na lang ipagtapat sa kanya ang totoo? Masasaktan siya pero makakalaya ka na sa masakit na katotohanan mula sa nakaraan mo.” puno ng simpatya na sabi niya.

Mabilis akong umiling saka ako frustrated na tumingin sa mga mata niya. Matanda na si Lola Corazon. Maliban sa kanya at sa anak kong si Ryle ay wala nang iba pang matitira sa akin kundi si Ivan.

“Mahal ko si Ivan, Lola. Sa sandaling malaman niya ang totoo ay natatakot ako na baka lumayo na siya. Hindi ko na kaya pang malayo ulit sa kanya. Ilang taon na rin akong nagtiis. Kaya gagamitin ko ang lahat ng magagamit kong paraan upang hindi na siya mawala pa sa buhay ko.”

Malungkot na tumitig sa akin si Lola. “Hindi kaya nagiging makasarili ka na sa ginagawa mong iyan? May sariling pag-iisip si Ivan. Hindi tamang kontrolin mo ang buhay niya. May karapatan siya na malaman ang totoo. Kung hindi mo kaya ay ako ang magsasabi sa kanya. “

Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay niya. “Please, let me handle all of this. Nakikiusap ako sayo. Hayaan mo na makakuha ako ng tamang tiyempo para sabihin sa kanya ang totoo. Hindi ko kaya na mawala sa buhay ko si Ivan. Baka tuluyan na akong bibigay kapag nangyari pa iyon. Nawala na lahat sa akin. Kahit ang mga natitirang bagay na mayroon ako ay isusuko ko para sa kanya.”

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Lola bago niya ako niyakap ng mahigpit.

“Hindi mawawala sa atin si Ivan, apo. Tayo ang pamilya niya. Kaya sa atin pa rin siya mananatili kahit pa malaman niya ang buong katotohanan.”

“Paano kung hindi? Paano kung mas lalo nang lumayo ang loob niya sa atin?” tanong ko nang may pag-aalala.

“Magtiwala ka. Hindi mangyayari ang ipinangangamba mo. Matalinong bata si Ivan. Sigurado ako na maiintindihan niya ang lahat. Maaaring masaktan siya sa simula ngunit alam ko na darating siya sa punto na matatanggap niya ang lahat.”

Hinaplos ni Lola ang buhok ko saka siya nagpatuloy habang nakayakap pa rin siya sa akin.

“Kung ako lang sana ang masusunod ay ninanais ko na noon pa na ipaalam sa kanya ang totoo. Pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataon dahil na rin sa pakiusap ninyo ni Lyndon.”

“Pareho kayong nakakulong ni Ivan sa kinalalawang nang rehas ng nakaraan. Kung tutuusin ay matagal na dapat kayong nakawala doon kung nakinig lang kayo ni Lyndon sa akin.”

“Dumating na ang araw na ikinakatakot ko. Dahil sa pagsisikap nina Aurelia at Lyndon noon na pangalagaan ang batang damdamin ni Ivan ay hindi na nila nasabi man lang ang totoo hanggang sa pareho na silang nawala.”

“Hindi pa nagtapos sa kamatayan ni Lyndon ang lahat. Narito ka ngayon sa harapan ko. Sinisikap na ipagpatuloy ang baluktot na pananaw nila.”

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Muli ay para siyang nawalan ng lakas na napaupo sa kabilang upuan. Puno ng lungkot ang mga mata habang nakatitig sa akin.

“Hindi ako manhid upang hindi mahalata ang mga ikinikilos ni Ivan. At alam ko na alam mo rin kung ano ang tinutukoy ko.”

Nakita ko ang pamamasa ng mga mata niya at gusto kong pagsisihan na pati ang Lola ko ay nahihirapan na sa mga kasinungalingan naming lahat.

“Nakakadama ng matinding selos at panibugho sayo si Ivan. Iyon ang dahilan kung bakit palagi na lamang ay hindi kayo nagkakasundo at malamig ang pakikitungo niya sayo.”

“Hindi mo siya masisisi. Pakiramdam niya ay kinukuha mo ang lahat sa kanya. Mula sa atensyon ng mga magulang niya hanggang sa mga materyal na bagay. Maraming mga tanong ang naglalaro sa isipan niya na nangangailangan ng mga kasagutan. Kasagutan na pilit ninyong ipinagkakait sa kanya.”

“Hindi mo ba nakikita? Dahil sa mga sikreto na pilit ninyong itinatago sa kanya ay mas lalo nang gumugulo ang sitwasyon ninyo. Hangga’t hindi niya nalalaman ang buong katotohanan ay hindi kayo matatahimik na dalawa.”

“Pakawalan mo na ang lahat ng hinanakit at galit na namamahay diyan sa dibdib mo para sa mga magulang mo.”

“Matagal ko nang pinakawalan iyon.” sagot ko sa kanya.

“Hindi magagamot ng mga sikreto ang mga sugat ng kahapon, apo. Pakawalan mo na si Ivan. Pakawalan mo na rin ang sarili mo.”

Hindi ko siya sinagot. Nakatulala lang ako sa sahig habang inaanalisa sa isip ko ang mga sinasabi ni Lola.

“Pag-isipan mo ang sinabi ko, Rafael. Matagal nang naghahanap ng mga kasagutan si Ivan. Pakawalan na ninyo ang mga sarili ninyo sa seldang kinalalagyan ninyo.”

Hinaplos pa niya ang balikat ko bago siya naglakad na paakyat sa silid niya.

Naglaro sa isipan ko ang tinig ni Ivan.

I saw you. Both of you. Ikaw… si Mama. Nakahubad ka sa guest room. Hawak niya ang dibdib mo.

Napapikit ako. Muli ay bumalik sa akin ang mga pangyayari sa nakaraan.

Nasa villa ako noon at kasalukuyang nagpapahinga dahil hindi maganda ang pakiramdam ko.

Nakahiga ako sa higaan ko nang marinig ko ang marahan na pagkatok ni Nana Sita sa pintuan ng silid ko.

Mabilis akong bumangon saka ko siya pinagbuksan.

“May kailangan ho ba kayo?” magalang na tanong ko sa kanya.

“Ah, eh. Tumawag kasi sa telepono si Ma’am Aurelia. Nagpapasundo na siya sa clinic at may dadaanan pa raw siya. Hindi pa nakakabalik si Sir Lyndon. Kasama niyang umalis kanina si Ivan. Baka pwede mo siyang sunduin sa bayan?”

Napatango na lang ako ngunit hindi ako desidido sa gagawin ko.

“S-sige ho. Ako na ang bahala.” sagot ko.

Nagmadali ako sa pagbibihis at mabilis kong sinundo si Aurelia. Nagulat pa siya nang ako ang makita niya na sumusundo sa kanya.

Hindi kaila sa akin ang pagnanais ni Nana Sita na paglapitin kami ni Aurelia. Ngunit sa isang sulok ng dibdib ko ay gusto ko rin ang ginagawa niya.

Marahil ay napapanahon na upang tuluyan ko nang alisin sa dibdib ko ang galit at hinanakit ko. Siguro ay napapanahon na upang patawarin ko si Aurelia sa mga kasalanan niya sa akin.

Saka ko na iisipin sina Ivan at Lyndon. Sa araw na ito ay gusto kong pagsilbihan at makasama si Aurelia bilang isang anak na matagal na nangulila sa kanyang tunay na ina.

Ngunit hindi ko iyon kailangan na madaliin. Sisimulan ko iyon sa paggawa ng maliliit na bagay na alam kong ikatutuwa niya.

Mabilis na napalitan ng galak ang pagkagulat sa napakagandang mukha niya. Kahit hindi siya magsalita ay alam ko na napasaya ko siya dahil lamang sa simpleng pagsundo ko sa kanya dito sa bayan.

Nagpahatid muna siya sa bangko dahil may ipinahuhulog na pera sa kanya doon si Lyndon.

Ngunit sa kalagitnaan ng naging transaksyon sa loob ng bangko ay pinasok iyon ng mga holdaper.

Mabilis kong nailayo sa kanila si Aurelia ngunit nakita kami ng isa sa kanila. Nilapitan niya kami at pilit niyang kinukuha ang bag na hawak ni Aurelia.

Hindi ako nagdalawang isip na labanan ang mga holdaper dahil mga patalim lang naman ang hawak nila at sa tingin ko ay hindi naman talaga sila mga notorious na holdaper.

Pero dahil tatlo sila ay nagawa akong madaplisan ng isa sa kaliwang dibdib ko.

“Rafaeeeel!” gimbal na sigaw ni Aurelia.

Ngunit dahil nagsimula na rin manlaban ang iba pang mga tao doon kabilang na ang guwardiya na nakaduty ay mabilis naming napatumba ang mga kriminal.

Nagbalak si Aurelia na dalhin pa ako sa Cervantes upang magpagamot sa ospital doon ngunit hindi ko siya sinunod.

Mababaw lang ang sugat ko at hindi na kailangan pa ng doktor upang magamot iyon. Kahit ako ay kayang kaya ko na gamutin ang sarili ko.

Wala kaming kibuan ni Aurelia hanggang sa makabalik kami sa villa.

Mabilis akong naghubad ng T-shirt ko pagkapasok ko ng silid ko ngunit hindi pa ako nakakakuha ng first aid kit ay mabilis nang bumukas ang pintuan saka mabilis na pumasok si Aurelia.

Hindi ka nagpadala sa ospital. Hindi ako papayag na hindi natin kaagad na magagamot ang sugat mo.“ matigas na sabi niya saka niya inilapag sa kama ang dala niyang mga gamot.

Pinaupo niya ako saka na siya nagsimula na linisan ang sugat ko.

“Hindi mo na kailangan pang gawin iyan. Kaya ko na ang sarili ko.” sabi ko sa kanya ngunit wala namang kilos ng pagtanggi.

Huminto siya sa ginagawa niya saka siya seryosong tumingin sa mukha ko. Nag-iwas kaagad ako ng tingin.

“Hindi ko nagawa ito sayo noong maliit ka pa. Bilang ina mo ay masakit para sa akin na makita ang anak ko na nasusugatan nang ganyan.” mahina ngunit madiin na sabi niya.

Tumigas naman ang anyo ko saka ko sinalubong ang mga tingin niya.

“Ngayon mo pa ba gagawin sa akin iyan kung kailan malaki na ako at kaya ko nang pangalagaan ang sarili ko?” bulong ko sa kanya ngunit kahihimigan ng galit ang tinig ko.

Nakita ko ang pamumuo ng mga luha sa mga mata niya. Nakadama ako ng guilt dahil sa sinabi niya.

“Alam ko na huli na para gawin ko pa sayo ang mga bagay na ito. Pero sa nakalipas na mga taon ay alam mo na sinisikap kong makabawi sayo.”

“Patawarin mo ako sa lahat ng naging pagkukulang ko sayo. Patawarin mo ako sa mga panahong lumalaki ka at hindi mo ako kasama. Pinagsisihan ko na ang lahat ng iyon.” sabi niya.

Tuluyan nang pumatak ang mga luha sa mga mata niya. Nakadama ako ng bigat sa dibdib ko dahil sa mga luhang nakikita ko mula sa mga mata niya.

Inangat ko ang kamay ko upang punasan ang mga iyon.

“Hindi kita sinisisi sa mga naging pagkukulang mo sa akin. Sinisisi ko ay ang sarili ko at ang hayop na lalaking iyon!” napalakas na ang boses ko sa pagbigkas ko ng mga huling kataga.

“Matagal na siyang wala. Palayain mo na ang sarili mo sa galit mo sa kanya. Napatawad ko na siya.”

Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

“Paano mo siya napatawad ng ganun na lang? Pagkatapos ng ginawa niya sayo?” galit na tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya saka niya hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

“Dahil sayo.” nakangiting sambit niya. “Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako magkakaroon ng anak na kagaya mo.”

Hindi ko siya sinagot. Nanatili lamang na magkahinang ang mga mata namin. Nagsisimula na rin mamuo ang mga luha mula sa mga mata ko.

“Mahal na mahal kita. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sayo. Hindi mo na dapat nilabanan pa ang mga lalaking iyon. Pera lang ang kailangan nila. Marami tayo nun. Nakahanda ako na ibigay ang maliit na halaga na nasa loob ng bag ko kung kapalit naman niyon ay ang kaligtasan mo.”

“Hindi mo kailangan mag-alala sa akin. Kaya ko nang pangalagaan ang sarili ko.”

Tumitig siya sa akin at hindi nakaligtas sa paningin ko ang amusement sa mukha niya.

Sinimulan na niyang lagyan ng gamot ang sugat ko pagkatapos ay muli siyang tumingin sa akin. Ngumiti siya ng bahagya bago muling naging seryoso ang anyo niya.

Malalamlam ang mga mata niya habang nakatingin siya sa akin. Hinaplos niya ang mukha ko pagkatapos ay bumaba ang kamay niya sa dibdib ko na katatapos lang niyang linisan ng sugat.

Hinaplos ng daliri niya ang palibot ng sugat na iyon habang may lungkot sa mga mata niya.

Ilang sandali pa ay bigla na lamang siyang yumakap ng mahigpit sa akin.

Hindi ko alam kung bakit nakakadama ako ng matinding pagnanais na yakapin siya.

Marahil ay napakatagal na panahon ko na ring tinitikis ang sarili ko na maging malapit sa kanya.

Sinisikap ko na ignorahin ang mga paglalambing niya sa akin. Dahil may galit pa rin akong kinikimkim dito sa dibdib ko para sa kanya.

Pero kanina nang masaktan ako ay nakita ko kung gaano siya nag-alala sa akin. Nakita ko kung gaano niya pilit na sinisikap na kunin ang loob ko.

Nanay ko siya pero tang-ina bakit para kaming mga kriminal na nagtatago ng pagmamahal sa isa’t isa?

Hindi ko siya mayakap sa harapan ng ibang tao simula pa noong bata ako. Hindi ko man lang siya mahalikan bilang tanda ng paglalambing ng isang anak sa kanyang ina.

Higit sa lahat ay hindi ko man lang siya matawag na Mama sa loob ng napakaraming mga taon.

Sa pagkakataong ito ay hindi ko na kailangan pang tiisin ang sarili ko. Hindi ko maitatago sa sarili ko na hanggang ngayon ay nasasabik pa rin ako sa kanya.

Nasasabik pa rin ako na mayakap siya at maramdaman ang napakasarap na pakiramdam na alam mo na may nanay ka at nag-aalala siya sayo.

Niyakap ko rin siya ng mahigpit saka ko iinikit ang mga mata ko. Sinusulit ang pagkakataon na malaya namin itong nagagawa.

Ilang sandali din kami sa ganoong eksena nang bigla ay pumasok sa isipan ko si Ivan. Marahan akong nagmulat ng mga mata ko.

“Si Ivan.” halos hindi ko man lang narinig na lumabas iyon sa bibig ko. Nasambit ko iyon nang halos pabulong na lang.

“Paano kapag nalaman niya ang tungkol sa atin?” patuloy ko, puno ng pangamba na baka malaman ni Ivan ang katotohanan.

Hindi ko gusto na ako ang magiging dahilan ng mga kasawian niya. Masyado pa siyang bata para maintindihan ang lahat. Ayoko na masaktan ang batang puso niya kagaya ng pagprotekda doon nina Aurelia at Lyndon.

Kumalas mula sa pagkakayakap sa akin si Mama. “Hindi niya malalaman, Ralf. Pangako ko sayo iyan. Mula ngayon ay mag-iingat na tayo.” sagot niya.

Tumingala siya sa akin at sinapo niya nang dalawang palad niya ang mukha ko. Ilang sandali pa ay kinabig niya payuko ang ulo ko saka niya ako hinagkan sa pisngi.

“Kung alam mo lang kung gaano kita pinanabikan.” masuyong bulong niya saka niya ako muling niyakap ng mahigpit.

Chapter 31

Author’s Note

Skip po muna natin yung Season Finale. Medyo madugo kasi paggawa ng chapter na iyon.

Don’t worry hindi naman iyon makakaapekto sa kwento kasi POV naman ni Rafael iyon after ng pagtatalo nila sa kotse dun sa chapter 29.

Heto naman ay POV ni Ivan after ng scene sa chapter 29.

Bago ako mawala ng ilang araw ay magpapabaon muna ko ng isang chapter.

Thank you!

-Nickolai214

••••••

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Villa Aurelia

Nang maihatid ako ni Jako sa Villa Aurelia mula Maynila ay mabilis na rin siyang nagpaalam.

May aasikasuhin daw siya sa bayan at iniutos ng Papa niya sa kanya iyon noong nakaraang araw pa ngunit dahil nasa Maynila siya ay hindi niya kaagad nagawa.

Bitbit ang bag na dala ko ay nagpasya ako na pumasok na sa loob ng villa. Pagkabukas ko pa lang sa pinto ay marinig ko na kaagad ang malakas na boses ni Ryle.

“Tito Aybaaan!” sigaw niya.

Natigilan naman ako saka ako napalingon sa kanya. Iginala ko ang tingin ko sa paligid ngunit wala akong makita na ibang tao doon.

Bahagya ko nang isinara ang pinto saka ako humakbang patungo sa hagdan nang bigla na lamang tumakbo ang bata patungo sa akin.

“Tito Ayban can we play?” inosenteng taning niya sa akin habang nakatingala siya.

Hindi ko alam ngunit naku-cute-an ako sa batang ito ngunit hindi ko makita ang resemblance niya kay Rafael.

Napailing ako. Maaaring nagmana siya ng facial features sa nanay niya. Gusto ko tuloy makadama ng inggit sa Isabel na iyon na kahit minsan ay hindi ko nakilala.

Napasulyap ako sa kaliwang kamay ng bata. Hawak niya ang isang laruang kotse saka siya matiyaga na naghihintay sa isasagot ko.

“Tito Ayban?” muli ay sambit niya sa mahinang tinig.

Napahinga ako ng malalim saka ko siya muling sinulyapan. “Pagod ako ngayon Ryle. Makipaglaro ka na lang sa yaya mo.” sabi ko sa kanya.

“Pero ikaw po gusto ko makalaro. Sabi po ni Daddy you’re a nice guy. Tapos love ka daw niya kaya dapat love din daw kita.” sabi niya.

Napakurap naman ako. Hindi ko inasahan na sasabihin iyon ni Ralf sa anak niya.

Ngunit sa kabila ng pagtataka ko ay nakadama rin ako ng amusement sa bata. Sa pagkakatanda ko ay three years old pa lang siya pero malinaw na siya kung magsalita.

Well, except for my name. Napangiti ako sa kaisipang iyon.

Ginulo ko ang buhok ng bata saka ako umupo sa isang baitang ng hagdan.

Kung ginagalit ako ng ama niya ay ang batang ito naman ang nagpapawala ng inis ko. Kaya hindi naman siguro masama kung makipaglapit ako sa kanya.

Hindi naman siya kasama sa galit ko sa ama niya. This boy is innocent. Magaan ang loob ko sa kanya.

“Okay! Maglalaro tayo mamaya. Pero iaakyat ko muna ang mga gamit ko, ha?” malambing na sabi ko sa kanya.

“Can I go with you upstairs?” tanong niya.

Natawa naman ako saka ko isinukbit sa balikat ko ang bag ko. “Okay! Masyado kang nagpapalambing sa akin ah. Hindi ka siguro nilalambing ng Papa mo no?” wala sa loob na sambit ko.

Napasulyap ako sa bagong pasok na si Nana Sita. Nakatingin siya sa amin at mababakas ang pag-aalala sa anyo niya dahil ako ang kasama ng bata.

“Ryle, pagod ang Tito Ivan mo.

“Don’t worry, Nana. Gusto lang pong makipaglaro ng bata.” mahinahon na sabi ko.

Tumango naman siya saka niya inutusan ang kasama niyang kasambahay na bitbitin ang mga gamit ko.

Hinayaan ko naman siya saka ko na kinarga si Ryle paakyat ng hagdan hanggang sa loob ng silid ko.

Nang mailapag ko siya sa kama ay kinuha ko na sa maid ang dala kong bag upang ayusin iyon.

Natuwa naman ang bata dahil malambot ang kama sa silid ko. Nagtatalon siya doon habang malapad ang mga ngisi na nakatingin sa akin.

“Be careful! Baka mahulog ka.” paalala ko sa kanya.

Inilagay ko na lang sa gilid ng cabinet ko ang bag ko. Mamaya ko na iyon aayusin dahil kinakabahan ako sa makulit na batang ito.

Kaagad ko siyang nilapitan saka ko siya akmang pipigilan sa pagtalon nang bigla na lang siyang bumaba ng mabilis sa kama saka siya tawa nang tawa na lumayo sa akin.

“Halika na dito. Ipapasyal kita sa bayan.” nakangiting sabi ko sa kanya.

Tuwang-tuwa naman siyang tumakbo palapit sa akin. “Yehey!” masiglang sabi niya saka na niya hinawakan ang kamay ko gamit ang napakaliit na kamay niya.

“Pero bawal kang maglikot doon. Kapag naglikot ka iuuwi kita.” pananakot ko.

“Opo! Promise po, Tito!” natutuwang sabi niya.

Hinila na niya ang kamay ko saka siya patalun-talon pa habang naglalakad kami palabas.

Ipinagpaalam ko siya kay Nana Sita. Sa simula ay atubili pa ang matanda na payagan kami ngunit sa huli ay pumayag din siya.

Dinala ko ang bata sa amusement park na nasa bayan ng Cervantes at doon ay masaya siyang naglaro kasama ako.

Hindi naman ako nahirapan sa pagbabantay sa kanya dahil katulad ng ipinangako niya kanina ay hindi siya naging malikot.

Sumusunod siya sa lahat ng sinasabi ko at mas lalo pa siyang naging clingy sa akin sa paglipas ng mga oras.

Kahit ako ay hindi nakadama ng pagkabagot sa buong durasyon na magkasama kami.

Kung hindi lang sana ako galit sa ama niya ay nakakaisip ako ng masayang eksena kasama siya.

Kahit papano sa loob ng maghapon na ito ay naramdaman ko na masaya ako kasama si Ryle.

At habang nakatitig ako sa kanya na tuwang tuwa sa kinakain niyang ice cream ay napaisip ako.

Magkakaanak din kaya ako sa future? Pero paano? Lalaki rin ang gusto ko.

“Hindi ba pumasok sa isip mo na pakasal na lang sa akin sa ibang bansa para manatiling sayo ang villa? Madali mo naman akong mapapaibig dahil kahit noon pa man ay naaakit na ako sayo.”

Mabilis akong napailing sa kaisipang iyon. Bakit ba naiisip ko pa ang sinabing iyon ni Rafael? Napaka-imposible ng bagay na iyon.

Hindi kami kailanman magkakasundo ng lalaking iyon.

Baliw! Kasama mo nga ngayon ang anak niya diba!

Sermon sa akin ng isang bahagi ng isip ko.

Nakita ko na nagkalat sa gilid ng labi ni Ryle ang ice cream kaya mabilis akong kumuha ng tissue upang punasan iyon.

Hindi ko namalayan na fiesta pala sa isa sa mga barangay ng Cerventes kaya nagsimulang magliwanag sa kalangitan ang mga fireworks.

Mabilis namang napatayo si Ryle at tuwang-tuwa sa mga nasasaksihan niya.

Halos alas-otso na ng gabi nang makauwi kami. Mabilis na sumalubong sa amin si Nana Sita at ang isa pang katulong nang marinig nila ang engine ng sasakyan ko.

Binuhat ko mula sa passenger seat ang nakatulog nang si Ryle.

“Naku, bakit ba ginabi na kayo?” nag-aalalang tanong ng matanda.

“Nawili po kasi si Ryle sa mga fireworks na nakita niya sa Cervantes.” sabi ko.

Iyon lang at kinuha na ni Nana Sita mula sa akin ang bata. Ngunit nagising ito saka siya tumingin sa matanda bago mahigpit na yumakap sa akin.

“Halika na. Matutulog na tayo.” sabi ni Nana Sita.

Bugnot na umiling naman ang bata saka niya mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

“Gusto ko tabi kami ni Tito.” bugnot din na sagot nito.

Nagkatinginan kami ni Nana Sita.

“Hayaan niyo na po. Sasamahan ko na siya sa silid niya. Marahil ay hinahanap lang niya si Ralf. Nakauwi na po ba siya?” tanong ko.

Umiling si Nana Sita at malungkot na tumingin sa akin. Ngunit nararamdaman ko pa rin sa kanya ang panlalamig sa tuwing kami ang magkausap.

Mula pa iyon kanina nang dumating ako sa Villa Aurelia at simulan akong kulitin ni Ryle.

“Hindi pa nakakauwi si Rafael. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa Maynila. Magkasama kayong umalis pero hindi mo siya kasama sa pag-uwi mo.” may hinanakit na wika niya.

“May hindi lang po kami napagkasunduan.” sabi ko.

“Kailan ka nga ba nakipagkasundo sa kanya?” may bahid ng paninisi na sabi niya.

“Nana!” sagot ko.

Nang hindi na siya sumagot ay iniakyat ko na si Ryle sa silid na ginagamit nito.

Pagkalapag ko sa kanya sa kama ay binalak ko na iwanan na si Ryle sa oras na makatulog na siya ng mahimbing ngunit hindi ko namalayan na pati ako ay nakatulog na rin.

Nagising na lang ako kinabukasan na maliwanag na at humuhuni ang mga pang-umagang ibon. Mahimbing pa rin ang tulog ni Ryle na nakayakap sa akin.

Bahagya akong gumalaw upang hindi siya magising. Bumangon ako at lumipat sa silid ko upang mag-ayos ng sarili.

Kakahilamos ko lang nang makarinig ako ng mga katok sa pinto. Mabilis ko namang binuksan iyon at isang katulong ang nabungaran ko.

“Nasa ibaba po si Sir Jako. Hinahanap po niya kayo.” sabi nito.

Napakunot naman ang noo ko. Napakaaga naman yata niya.

Mabilis ko nang inayos ang sarili ko saka na ako sumunod sa baba.

Naabutan ko si Jako na nagkakape sa komedor. Nang makita niya ako ay kaagad naman siyang ngumiti at tumayo.

“Hi! Napakaaga mo yata?” bungad ko sa kanya.

“Nahihiya kasi ako sayo kahapon. Basta na lang kita iniwan dito pagkahatid ko sayo. Kaya bumawi ako.”

“Hindi mo na kailangan gawin iyan. I’m fine.” sabi ko saka na ako umupo upang sabayan si Jako sa almusal.

Matapos naming makakain ay niyaya ko siya sa portico.

“May sadya ka ba sa akin?” tanong ko sa kanya nang mahabang katahimikan ang namagitan sa amin.

Tumikhim siya saka niya mabilis na ginagap ang mga palad ko at ikinulong sa mga palad niya.

“I’ve thought this over last night, Ivan. Kilala na natin ang isa’t isa simula pa noong mga bata tayo. Hindi mo na kailangan magbalik pa dito sa hacienda. Tinitiyak ko sayo na hindi pakakawalan ni Rafael ang villa. It was a chance of a lifetime. And staying here for three months is a waste of time.”

Huminga ako ng malalim. Maaaring tama si Jako. Pero sinabi ni Ralf sa akin na ibabalik niya ang villa. Paniniwalaan ko ba iyon?

Malungkot akong sumulyap kay Jako. “Sa maikling salita, sinasabi mo ba sa akin na i-give up ko na ang inheritance ko, ganoon ba?” tanong ko sa kanya.

“You have no choice. I wondered why your mother gave such ridiculous provision gayong kahit saan daanin ay mawawala pa rin sayo ang villa. Kapag nagpasya si Rafael na mag-asawa ay automatic na sa kanya na mapupunta ang bahay, di ba?”

Bahagya ko nang naintindihan ang sinabi ni Jako na kawalang-halaga ng mga provision ni Mama.

Natuon ang pansin ko sa huling sinabi niya. Bakit parang may sumusugat sa dibdib ko dahil sa kaisipang maaaring mag-asawa si Rafael?

Galit ako sa kanya pero kapag napag-uusapan na maaaring may babae nang mag-aangkin sa kanya ay parang may pumipiga sa dibdib ko.

What’s wrong with me?

Nang hindi ako kaagad na nakasagot ay hinawakan ni Jako ang baba ko at iniharap niya ako sa kanya.

“Listen, we’re childhood sweethearts, Ivan. Kilala na natin ang isa’t isa. Noon pa man ay minamahal na kita ng totoo. Nararamdaman ko rin na kahit papaano ay mahalaga ako sayo.”

Totoong mahalaga si Jako para sa akin ngunit hindi ko masasabi na mahal ko rin siya katulad ng pagmamahal niya sa akin.

“Bakit hindi na lang natin ibalik ang dating relasyon natin? Magsimula tayong muli bilang magkasintahan.”

Hindi ako kumibo. Naguguluhan ang isip ko sa mga pinagsasasabi ni Jako mula pa kanina.

“Nakahanda ako na maghintay sayo, Ivan. Kahit gaano pa katagal iyon. Siguro hindi mo pa ako mahal ngayon kagaya ng nararamdaman ko sayo. Pero alam ko na kaya mo naman akong mahalin kung gugustuhin mo lang.”

“Let’s start over. At kapag sigurado ka na ay maaari na tayong magsama. Nakahanda ako na magpakasal sayo sa kahit saang lugar mo man gustuhin.”

“Kalimutan mo na ang villa. Hindi mo na iyan mababawi pa. I have more than enough upang makapamuhay tayo ng maayos and more or less ay compatible tayo sa lahat ng bagay. Just like the old times.”

Hindi ko inasahan ang biglaang mga desisyon ni Jako. Hindi pa sumasagi sa isip ko ang mga bagay na iyon.

Ngunit may punto siya. Pero hindi ko maaaring basta na lamang isuko ang villa. Mahalaga iyon sa akin.

Umiwas ako ng tingin bago ako nagsalita. “P-pag-iisipan ko ang mga sinabi mo, Jako. Besides, hindi ko basta ibibigay ang villa nang walang laban. At sa ngayon ay wala pang babaeng napupusuan si Rafael.”

“Don’t be so naive. It’s very easy for him to pick any one para lang sa makasariling motibo. Marry me at kalimutan mo na itong villa.”

“No! Kailangan ko munang sumugal. Tatlong buwan lang naman ang hinihinging palugit. Madali lang na lilipas iyon. Nag-usap na kami ni Rafael. Sinabi niya sa akin na ibabalik niya ang villa basta manatili lang ako dito sa loob ng tatlong buwan kasama siya.”

“Naniwala ka naman sa kanya?” medyo inis na sagot na ni Jako dahil sa kakulitan ko. “Magising ka nga, Ivan!”

Napatingin ako sa kanya at sumagi sa isip ko anh matinding kalituhan. Mapanghahawakan ko nga ba talaga ang mga salita ni Rafael?

Alam kong hindi pero bakit ako umaasa na totoo ang mga sinabi niya sa akin? Bakit ako umaasa na totoong ibabalik niya ang villa sa kabila ng katotohanan na alam kong hindi siya mapagkakatiwalaan.

Chapter 32

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Hacienda Aurelia

Sa buong maghapon na pananatili ko sa Villa Aurelia ay hindi ko nakita kahit man lang ang anino ni Ralf.

Tanghali na nang iwanan ako ni Jako. Hindi ko man lang siya naasikaso ng maayos dahil mula nang magising si Ryle ay hindi na ito umalis sa tabi ko at pilit na nagpapalambing.

Kahit hindi nagsabi si Jako ay naramdaman ko ang pagkainis niya kanina dahil hindi na halos kami makapag-usap ng maayos dahil kay Ryle.

Sa tuwing sinasaway ni Nana Sita ang bata ay umiiyak lalo ito dahil sa maling pamamaraan.

Hinahanap ng bata si Rafael. Hindi rin ito nagbilin kung kailan siya uuwi dito sa San Isidro.

Marahil ay wala na siyang mukha pa na maihaharap sa akin dahil bistado ko na ang sikreto niya. Sikreto nilang dalawa ni Mama na inakala niya na walang nakakaalam sa nakalipas na mga taon.

Ngunit nasaan na nga ba ang lalaking iyon? Bakit basta na lang niya iniiwanan nang ganito ang anak niya? Ako tuloy ang naaawa dito sa bata.

Hindi ko alam kung ano ba ang nagustuhan sa akin ni Ryle at mula pa kahapon ay ayaw na niyang humiwalay pa.

Nabasa yata ni Nana Sita ang nasa isip ko at sa pagalit na tono ay pinagsabihan niya ako.

“Masyado mong ini-spoil si Ryle kaya nagiging matigas na rin ang ulo niya kagaya mo. Hindi iyan dating ganyan. Dahil pinalaki siya ni Rafael nang maayos at may paggalang.”

Hindi ko alam ngunit sa pagkakataong ito ay nakakadama na ako ng kaunting pagkairita sa dating yaya ko.

Close kami ni Nana Sita. Noong maliit pa ako at kahit noong nagbibinata na ako. Ngunit nagsimula iyong magbago mula nang bumalik dito sa hacienda si Rafael five years ago.

Napasulyap ako sa kanya. Matapang naman niyang sinalubong ang mga tingin ko. Ilang sandali pa ay binalingan ko si Ryle.

“Sandali lang Ryle may pag-uusapan lang kami ni Nana Sita.” paalam ko sa bata na nakangiti namang tumango habang naglalaro.

“Huwag kang malikot. Huwag ka rin aalis dito. Sandali lang kami.” sabi ko.

Tumango naman siya saka siya nagpatuloy sa paglalaro.

Napahugot ako ng malalim na paghinga saka ako humarap kay Nana Sita.

“Sumunod kayo sa akin, Nana.” maawtoridad na sabi ko sa kanya saka ako nagpatiunang naglakad patungo sa may portico. Sumunod naman kaagad siya.

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa amin bago niya ako matapang na inabala sa pag-iisip ko.

“Maaari ka nang magsalita.” aniya sa malamig na tinig na ikinainis ko na ngunit sinikap ko pa ring pigilan ang sarili ko.

Binalingan ko siya saka ko sinalubong ang mga mata niya.

“Hindi ko kayo nais na bastusin dahil kahit papaano ay kayo pa rin ang nag-alaga sa akin noong maliit pa ako. Bilang paggalang na rin kaya hindi ko na lang pinapansin ang mga parinig ninyo sa akin.”

“Pero sa mga lumipas na mga araw ay para bang sobrang nakakainsulto na ang mga salitang lumalabas sa bibig ninyo.” patuloy ko.

“Nagsasabi lang ako ng totoo. Kung naiinsulto ka ay wala akong magagawa.” paismid na sagot niya.

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga bago ako frustrated na sumulyap sa kanya. Bahagya akong napailing. Bakit tila yata tumatanda nang paatras si Nana Sita?

“Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko pero kahit magalit pa kayo ng magalit ay aalagaan ko ang bata hanggang sa pagbabalik dito ng magaling niyang ama.” sabi ko.

Humalukipkip ako saka ako nagpatuloy sa mga gusto kong sabihin sa kanya.

“Maaaring galit ako kay Rafael ngunit hindi naman nangangahulugan iyon na idadamay ko na ang bata kagaya ng iniisip ninyo. Labas si Ryle sa kung anumang alitan ang namamagitan sa aming dalawa ni Rafael. Hindi ako ganoon kasama para idamay sa galit ko sa ama niya ang walang kamalay-malay na bata.”

Hindi siya nakakibo ngunit mababakas pa rin sa anyo niya ang hindi pagsang-ayon sa akin.

“Sa tingin ko ay masyado na kayong nape-pressure sa mga nagyayari ngayon dito sa hacienda. Gaano katagal na po ba mula nang huli kayong dumalaw sa pamilya ninyo sa Maynila? Siguro ay dapat na magbakasyon muna kayo doon para makapagrelax kayo at maliwanagan ang isip ninyo.”

Napasinghap siya at nanlalaki ang mga mata niya nang tumingin siya sa akin na para bang napakasama ng sinabi ko sa kanya.

“P-pinapaalis mo ba ako?” aniya sa histerikal na tono. “Hindi na talaga kita kilala, Ivan. Hindi na ikaw ang batang inalagaan ko noon.”

“Ako pa rin ang batang iyon, Nana. Kayo ang nagbago. Mula nang dumating dito sa Hacienda Aurelia si Ralf ay nagbago na kayo sa pakikitungo ninyo sa akin.” sabi ko nang hindi itinatago ang pagdaramdam sa tinig ko.

“Sa ating dalawa ay hindi ako ang nagkulang. At sa nakalipas na mga araw mula nang umuwi ako dito ay sinisikap ko na balewalain ang mga ikinikilos at inaasal ninyo sa akin. Pero sumusubra na kayo.” puno ng hinanakit na patuloy ko sa sinasabi ko.

“Sinasabi ko lang ang mga opinyon ko sa kung ano ang mga nakikita ko. Si Rafael, napakabuti niyang bata pero mula pa noon ay lagi na lamang mainit ang dugo mo sa kanya.”

“Kasundo niya ang lahat ng tao sa buong hacienda maging sa mga karatig-bayan. Kahit ang mga magulang mo ay nakikita ang mga mabubuting katangian niya. Kaya hindi mo kami masisisi kung bakit mas pinapaboran namin siya kaysa sayo na wala nang ibang ginawa kundi isipin ang sarili.”

Hindi iyon totoo. Maaaring iyon ang ipinapakita ko dahil sa mga sinasabi at ikinikilos ko pero hindi iyon ang talagang gusto kong mangyari.

Sinisikap kong patatagin ang sarili ko dahil hindi ko mapapayagan na kagaya ng mga magulang ko ay basta na lamang ako paiikutin ni Ralf sa mga kamay niya.

Totoong mahina ako at matigas ang puso ko pero hindi ako makasarili.

“Nasasabi ninyo ang mga bagay na iyan dahil wala kayong alam sa totoong mga nangyayari.”

“Ikaw ang walang alam sa totoong mga nangyayari. Kung ano man ang natanggap ni Rafael mula sa mga magulang mo ay sadyang para sa kanya ang mga iyon.” pagalit na sagot niya.

“Kaya niyang pamahalaan nag buong asyenda nang hindi naisasa-alang-alang ang kapakanan ng mga trabahador. Nirerespeto siya, iginagalang at higit sa lahat ay kaya niyang pakisamahan ang lahat hindi kagaya mo na lumaking sunod ang lahat ng gusto at mas inuuna pa ang sariling mga kagustuhan kaysa sa mga bagay na mas nakabubuti para sa nakararami.”

“Hindi ko man kayang gawin iyon sa ngayon ay kaya ko iyong pag-aralan. I am a fast learner. Isa o dalawang buwan lang ay makakaya ko na ring gawin ang mga trabaho dito sa hacienda.”

“Hindi sapat ang panahong iyon upang mapantayan mo ang kakayahan ni Rafael sa pamamahala ng buong asyenda. Hindi ka nakapag-aral ng agrikultura at-”

“Kaya ko.” matigas na sansala ko sa mga sinasabi niya. “Marahil hindi ako nag-aral ng agrikultura pero hindi ako bobo. At kung idadaan natin sa legal na proseso ang lahat ay ako pa rin ang nag-iisang legal na anak ng mga magulang ko.”

“Hindi mo alam ang sinasabi mo, Ivan. Sa bandang huli ay ikaw rin ang mahihirapan kapag hindi mo pa tinigilan ang mga kalokohan mo.”

Nagsisikip ang dibdib ko dahil sa patuloy na pag-init ng mga palitan namin ng salita.

Sasagot na sana ako nang mahagip ng paningin ko ang nakatayong bata sa may pintuan at gimbal na nakatitig sa amin.

“R-Ryle…” sambit ko.

Mabilis din naman na napalingon sa may pintuan si Nana Sita pagkatapos ay nagkatinginan kaming dalawa.

“Pag-isipan po ninyo ang iniaalok ko na bakasyon sa inyo. Makukuha pa rin naman ninyo ang regular na sweldo ninyo habang nagpapahinga kayo.” sabi ko sa mababa nang tinig.

“Hihintayin ko si Rafael. Siya ang magpapasya ng lahat.” sagot niya saka na niya nilapitan ang bata at inakay papasok ng bahay. Sumama naman sa kanya ang bata.

Hindi ako makapaniwala na sinundan na lamang sila ng tingin. Dahil sa inis ko ay sinipa ko ang mesa na naroon ngunit napahiyaw ako sa sakit nang tumama doon ang kuko ko.

Napaupo ako sa pinakamalapit na upuan saka ko hinaplos ang nasaktan kong paa.

Hindi pa iyon tuluyang nawawalan ng kirot ay nakarinig na ako ng mga yabag ng kabayo.

Napaangat ako ng tingin at nang makilala ko kung sino ang paparating ay sumimangot ako.

“Bitch!” mahinang bulong ko habang hinihilot pa rin ang paa ko.

Ilang sandali pa ay bumaba na si Celine mula sa kabayo saka siya akmang maglalakad papasok sa villa kaya mabilis akong tumayo upang salubungin siya.

“What do you want?” malamig na tanong ko sa kanya.

Maarte naman siyang ngumisi saka niya pinagsalikop ang mga braso niya sa dibdib niya.

“Don’t worry, Ivan. Hindi ikaw ang sadya ko dito. Alam mo naman siguro kung sino. Your handsome cousin, Rafael. Gosh, namiss ko yung mga muscles niya.” aniya sa malanding tinig.

“Wala dito si Rafael. Kung nangangati ka ay ipakamot mo muna sa iba. Hindi ko alam kung kailan siya babalik.” diretsong sagot ko.

Nakita ko ang pagbalatay ng galit sa mukha niya saka niya mabilis na pinadapo ang palad niya sa mukha ko.

Pero wala pang ilang segundo ay mabilis din na lumipad ang palad ko patungo sa mukha niya at isang malutong na sampal ang inabot niya.

Napatili siya at akmang susugurin niya ako pero napigilan ko ang mga kamay niya saka ko siya naitulak palayo.

Marahas siyang bumaling sa akin at kung gusto kong matawa sa kanya. Makikipag-away na lang ay ang arte pa ng mga galaw niya.

“How dare you! Bakla!” sigaw niya.

“I know, and I’m proud that I am what I am. Bitch!”

Napasimangot siya dahil sa narinig niya. “Hindi pa tayo tapos, Ivan. Tandaan mo yan. Pagbalik ni Rafael ay sasabihin ko sa kanya ang lahat ng ginawa mo.” banta niya.

“Go on! Do it! Tell him every details. Para pati siya ay masampal ko din.”

Natawa naman siya. Tawa na nang-iinis. “Sulitin mo na ang pagtatapang mo dahil malapit nang mawala sayo lahat ng pinagyayabang mo.”

Nawala ang ngiti sa mga labi ko.

“Hindi mangyayari ang bagay na iyan.” madiin kong sagot.

Umismid si Celine pagkatapos ay mabilis na siyang sumampa sa kabayo saka niya iyon pinatakbo ng mabilis palayo.

Ginugol ko ang oras ko sa pagbabasa ng mga dokumento sa library at hindi ko namalayan na hapon na pala.

Napasulyap ako sa labas ng bintana at bumungad sa akin ang kulay kahel na kalangitan sa may bandang kanluran.

Ilang sandali akong tumitig sa papalubog na araw bago ako nagpasya na lumabas na ng library.

Naabutan ko si Nana Sita na kausap ang isa sa matandang trabahador ng hacienda.

“May kailangan po ba kayo, Mang Ben?” tanong ko sa kanya.

Nagkatinginan naman ang dalawang matanda saka sila sumulyap sa akin na sa wari ko ay ayaw sabihin ang sinadya ng matandang lalaki.

“Hinahanap niyo ho ba si Rafael? Hindi pa siya nakakauwi.” magalang na sambit ko.

“Ah… eh… Kakausapin ko lang po sana siya tungkol sa dalawang baka natin na nawawala. Kulang po kasi ang naipasok ni Tonyo kanina.” hindi makatingin na sabi sa akin ng matanda.

Noong nakaraan ay narinig ko sila ni Rafael na nag-uusap. Kulang din ng isa ang mga baka na naipasok at kinailangan pang sumama ni Ralf sa paghahanap.

“Balikan po ninyo ang mga baka at sabihan ninyo si Tonyo na bilangin ulit ang mga iyon. Hindi ho ba at kayo ang naatasan na magmomonitor ng mga iyon?” sagot ko sa kanya.

“Nagkasakit po kasi ako mula pa kahapon kaya hindi ako nakapasok sa trabaho. Pero nagpunta po ako kaagad dito nang ireport sa akin ni Tonyo na kulang ang mga baka natin.”

Kumunot ang noo ko saka ko pinagmasdan si Mang Ben. Mukha ngang hindi maganda ang pakiramdam niya.

“Magpahinga na po kayo. Ako na ang bahalang kakausap kay Tonyo ngayon” sagot ko sa kanya.

“Sige po. Maraming salamat, Ser Ivan.” magalang na sagot ng matanda saka na siya akmang tatalikod nang may biglang pumasok sa isip ko.

“Sandali lang ho.” pigil ko sa kanya kaya kaagad naman siyang humarap muli sa akin.

“Ilang taon na ho kayo dito sa hacienda?” tanong ko sa kanya.

“H-ho?” naguguluhang sagot niya.

“Sabi ko po. Ilang taon na kayo na naninilbihan dito sa Hacienda Aurelia?” ulit ko.

“Halos magtatatlumpung taon na ako dito, iho. Dito na ako nakabuo ng pamilya ko.” magalang na sagot naman niya.

Napatango naman ako saka ko binilang sa isip ko ang edad niya. Sa tingin ko ay nasa early fifty’s na siya.

“Hindi pa po ba sumagi sa isip ninyo na magretiro na? Katulad nga po ng sinabi ninyo ay nagkakasakit na kayo. Hindi na po ninyo magagampanan ng maayos ang trabaho ninyo dito dahil nga nagkakaedad na rin kayo.”

Nakitaan ko naman siya ng pagkabahala saka siya mabilis na sumagot.

“Pero, Ser. Kung hihinto po ako ngayon sa pagtatrabaho ay mahihirapan ang pamilya ko. Nag-asawa na ang panganay na anak ko at kasalukuyan pa pong nag-aaral ang bunso ko. Ako lang ang inaasahan ng pamilya ko.”

“Hindi kaya padalus-dalos ka sa sinasabi mo? Hindi ka maaaring basta na lamang magdesisyon ng biglaan sa pamamalakad ng asyenda. Mahihirapan ang mga tauhan ninyo.” singit ni Nana Sita.

Sumulyap naman ako sa kanya. “Alam ko ho kung ano ang ginagawa ko. Hindi ko naman basta ipapatupad ang nasa isip ko. Kailangan ko munang makausap ang mga tauhan. Pati na si Rafael pagbalik niya.”

Muli akong bumaling kay Mang Ben na nababahala pa rin dahil sa sinabi ko.

“Narinig niyo po ako. Hindi pa naman ngayon ang sinasabi ko na pagreretiro ninyo. Kakausapin ko pa si Rafael tungkol dito at kakausapin ko rin ang iba pang matatandang trabahador dito sa hacienda para sa benepisyong matatanggap ninyo sa sandaling huminto na kayo sa pagtatrabaho.”

“Pero hindi kami maaaring basta na lamang huminto sa aming trabaho. Walang kakainin ang mga pamilya namin.”

“Kaya nga ho kakausapin ko muna si Rafael para maibigay din namin sa inyo ang mga benepisyo na kakailanganin ninyo. Magpahinga na po kayo at ipapatawag ko na lang kayo kapag may malinaw na desisyon na kami na napag-usapan.

Hindi ko na siya hinintay pa na makasagot. Naglakad na ako patungo sa kamalig upang kumuha ng kabayo. Kakausapin ko si Tonyo at ipapabilang ko ulit sa kanila ang mga baka.

Hindi ko na nakita pa ang labis na panlulumo sa anyo ng kawawang matanda.

Chapter 33

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Hacienda

Aurelia

Noong araw din na iyon ay pinuntahan ko si Tonyo at nahanap ang mga nawawalang baka. Nagkamali lang sila ng bilang.

Pagbalik ko sa villa ay inasikaso ko kaagad si Ryle at doon ko na rin siya pinatulog sa silid ko.

Nagising na lamang ako na may mabigat na braso na nakayakap sa akin.

Mabilis akong nagmulat ng mga mata at dagling napabangon sa sobrang pagtataka ko.

Nakita ko si Ralf na mahimbing ang tulog sa ibabaw ng kama ko habang nakasiksik at nakayakap din sa kanya ang napakaliit na katawan ni Ryle.

Hindi ko naiwasan na pagmasdan siya. Dahil sando na kulay puti lamang ang suot niya ay litaw na litaw ngayon sa mga mata ko kung gaano siya kakisig.

Hindi ko maialis sa mga muscles niya sa braso ang mga mata ko na tumulay pa patungo sa malapad na dibdib niya.

Napalunok ako dahil sa tanawin na nakikita ko. Dahil sa paggalaw niya ay mabilis na akong nagbawi ng tingin.

Tumayo na ako saka ko na inayos ang sarili ko. Pagbaba ko ay may nakahanda nang almusal na inihain sa akin ni Nana Sita.

Kasalukuyan na akong kumakain ng agahan habang pasulyap na binabasa ang nasa headline ng peryodiko nang bigla na lamang sumulpot sa komedor si Rafael.

Nag-angat ako ng tingin at ang galit na anyo ni Ralf ang sumalubong sa akin.

“Totoo ba?” galit na tanong niya sa akin.

Tumaas ang isang kilay ko saka ko sinalubong ang mga nagbabagang tingin niya sa akin.

Mula nang magtalo kami sa loob ng sasakyan niya sa Maynila two days ago ay ngayon lang kami nagkaharap muli.

“What do you mean?” patamad na sagot ko sa kanya saka ko dinampot ang tasa ng kape at bahagya ko iyong hinigop upang mainitan ang sikmura ko.

“Totoo ba ang sinabi sa akin ni Tonyo na sinabihan mo si Mang Ben kahapon na tatanggalan mo na siya ng trabaho pati na rin ang iba pang matatanda sa hacienda?” maawtoridad na tanong niya. Halata na nagpipigil siya ng galit.

Ibinalik ko sa platito ang tasa ng kape saka ako pumormal na tumingala sa kanya.

“Matanda na si Mang Ben. Bukod pa sa may dinaramdam na siya sa katawan niya. Hindi na niya kaya pang gampanan ng maayos ang trabaho niya. Kaya naisipan ko na imungkahi sana sayo ang tungkol sa pagreretiro ng matatandang tauhan natin.” sabi ko sa normal na tinig.

Dinampot ko ang table napkin saka ko pinunasan ang bibig ko. “Hindi ka umuwi ng dalawang araw kaya hindi ko kaagad nasabi sayo ang tungkol sa plano ko. May karapatan pa rin naman siguro ako sa hacienda hindi ba? Knowing na ang villa lang naman ang nasa pangalan mo.”

Tumigas ang anyo niya at nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao niya habang sinisikap niya na pigilan ang galit niya sa akin.

“Hindi kaila sa lahat na galit ka sa akin mula pa noon pero hindi ko inasahan na aabot ka sa ganito. Wala ka bang puso? Kabuhayan ng mga tapat na trabahador natin ang gusto mong alisin. Para sabihin ko sayo ay nagkaroon ng mild stroke si Mang Ben kagabi dahil sa kakaisip sa mga sinabi mo sa kanya.”

Nabigla ako sa sinabi niya ngunit nang mapagtanto ko na mild stroke lang naman ang nangyari ay nawala ng bahagya ang kaba ko.

But then, hindi rin biro ang mild stroke. Dahil sa narinig ko ay bahagya akong nakadama ng guilt.

Hindi ko dapat binigla ng ganoon kahapon si Mang Ben. Dapat ay ipinaliwanag ko muna ng maayos sa kanya ang nais kong ipahiwatig sa mga sinabi ko.

Nag-angat ako ng tingin kay Ralf saka ko sinalubong ang mga nakakatakot niyang tingin.

Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi ako dapat na magpasindak sa kanya. May karapatan pa rin ako sa hacienda kahit pa sabihin na siya ang namamahala nito.

“Ikinalulungkot ko ang nangyari kay Mang Ben.” sinsero kong sagot sa kanya. “At dahil diyan ay mas lalo na akong nagkaroon ng sapat na dahilan upang ipagpatuloy ang plano ko na pahintuin na ang lahat ng matatanda sa pagtatrabaho nila sa hacienda.”

Muli ay humigop ako ng kape pagkatapos ay tumayo na ako upang mag-ayos ng sarili ko. Kailangan kong kausapin si Mang Ben at ang iba pang mga matatanda sa hacienda.

“Saan ka pupunta? Hindi pa ako tapos na makipag-usap sayo!” sigaw ni Rafael.

“Mamaya na tayo mag-usap. May importante akong ipakikipag-usap sayo. Sa ngayon ay may kailangan akong puntahan. Hindi naman ako magtatagal doon.” sabi ko saka na ako tumuloy sa silid ko.

Gamit ang kabayo ko ay mabilis kong narating ang bahay nina Mang Ben.

Pinapasok ako ng maybahay niya bagama’t binati niya ako ng magandang umaga ay nahihimigan ko ang galit sa tinig niya.

Nakita ko rin ang galit na mga tingin sa akin ng kanyang binatilyong anak na nakaupo sa tabi ng nakaratay na si Mang Ben.

“Maupo ka, Ser Ivan.” malamig na sambit ni Aling Rosing.

“Salamat,” sagot ko ngunit mas pinili ko na ang manatili na nakatayo.

Sinulyapan ko si Mang Ben saka ko na siya sinimulang kausapin.

“Kumusta na po kayo? Naibalita sa akin ni Rafael ngayong umaga lang ang tungkol sa nangyari sa inyo.”

Hindi ako sinagot ng matanda. Nakatingin lamang sila sa akin. Nagpasya na ako na ipagpatuloy ang sasabihin ko.

“Iyan ang ipinupunto ko sa inyo kahapon. Matanda na ho kayo at kailangan na ninyong magpahinga sa pagtatrabaho. Mabibigat ang mga gawain dito sa hacienda. Baka mamaya ay higit pa riyan ang abutin ninyo kung hahayaan ko pa kayo na magtrabaho.”

“Tama ka, Ser Ivan. Pero paano naman ho ang pamilya ko? Itong anak kong si Ariel ay kasalukuyan pang nag-aaral ng kolehiyo sa bayan.” sinulyapan niya ang anak niya.

Ilang sandali pa ay muli siyang tumingin sa akin. “Hindi na namin maaasahan ang anak kong panganay dahil may sarili na rin siyang pamilya na siyang binubuhay.”

Nagpakawala ako ng malalim ba paghinga bago ko siya sinagot.

“Naiintindihan ko iyon. Kaya nga sinabi ko sa inyo kahapon na saka ko na kayo kakausapin dahil hinihintay ko pa ang pagbabalik ni Rafael mula sa Maynila. Pero dahil sa nangyaring iyan sa inyo ngayon ay naisip ko na hanggang ngayon na lamang ang pagtatrabaho ninyo dito sa hacienda. Tatanggapin ninyo ang kaukulang pensiyon buwan buwan bilang benepisyo dahil sa matagal na panahong ninyong pagsisilbi ng tapat sa amin. Ngunit hindi ko pa nakakausap si Rafael tungkol sa bagay na ito dahil nang ibalita niya ang kalagayan ninyo ay nagmadali ako na magtungo kaagad dito.”

Nagkatinginan ang mag-anak. Tila ba hindi nila maanalisa sa isip nila ang mga sinabi ko.

“Ideya ni Papa ang tungkol sa pensiyon na ito, Mang Ben. Nabasa ko na ito minsan sa mga papeles na ipinaayos niya sa akin five years ago. Ang hindi ko lamang alam ay kung bakit sa nakalipas na mga taon ay hindi pa rin ito naipatupad hanggang sa ngayon. Marahil ay nakaligtaan na niya dahil sa napakarami niyang inaasikaso.”

Totoo na nabasa ko na ang tungkol doon nang minsan na tulungan ko si Papa noon sa mga paperworks niya.

Ngunit marahil ay nawala na sa isip niya iyon dahil sa nangyari kay Mama at sa biglaang pag-alis ko sa San Isidro. Idagdag pa na nailipat na kay Rafael ang pamamahala ng buong hacienda.

“Siguro ay madadagdagan ang perang makukuha ninyo kung magpa-file kayo ng disability sa ahensiya ng gobyerno kung saan miyembro kayo. Pero balak kong ipakipag-usap na lang kay Rafael na ang hacienda na ang gumasta para sa mga huling taon ni Ariel sa kolehiyo.”

“May… may pensiyon ba kamo, Ser Ivan? At pag-aaralin pa ninyo ang anak ko?” hindi makapaniwalang tanong sa akin ng matanda.

“Opo. Kung buhay lang si Papa ngayon ay sigurado ako na iyon din ang imumungkahi niya sa inyo. Pag-uwi ko ay kakausapin ko na si Rafael tungkol sa plano kong ito. Saka ko na kayo ipapatawag kapag may desisyon na kami.”

Nakita ko na napangiti si Mang Ben dahil sa mga sinabi ko. Sinulyapan ko naman ang anak niyang si Ariel at ngiti rin ang nakita ko sa mga labi niya.

Kahit si Aling Rosing ay napangiti na rin at hindi makapaniwala sa mga narinig nila.

“Tutuloy na ho ako, Aling Rosing, Mang Ben.” paalam ko sa mag-asawa saka ko tinanguan ang anak nila na ngumiti na sa akin.

Palabas na ako sa pintuan nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Mang Ben. Huminto ako sa paghakbang at nilingon ko siya.

“Maraming salamat, hijo. Maraming salamat.” halos maluha niyang sambit. “Patawarin mo ako kung mali ang naging pang-unawa ko sa mga sinabi mo sa akin kahapon. Sana ay hindi iyon maging dahilan ng kumplikasyon sa pagitan ninyong dalawa ni Rafael.”

Nagkibit na lang ako ng mga balikat saka na ako nanaog. Sa isip ko ay nahuhulaan ko na kung ano ang naging pagkaintindi ng matanda sa mga sinabi ko. Iyon din marahil ang nakarating kay Rafael kaya galit na galit siya sa akin kanina sa almusal.

Dinaanan ko ang iba pang matatanda sa hacienda at ipinaliwanag ko ng maayos ang tungkol sa mga sinabi ko sa nagdaang araw.

Hindi naman ako nagkaroon ng problema sa pakikipag-usap ko sa kanila at kahit papaano ay nararamdaman ko na ang respeto nila sa akin.

Matapos ko silang kausapin ay mabilis na akong bumalik sa villa upang makausap sana si Rafael.

Nagtungo muna ako sa silid ko upang itawag muna kay Lola ang tungkol sa plano ko. Natuwa naman siya at sinabi sa akin na isangguni na kaagad iyon kay Rafael upang mabilis na maipatupad.

Ngunit pagbaba ko pa lang ng hagdan ay narinig ko na kaagad ang tinig ni Nana Sita kaya mabilis akong napalingon sa guest room kung saan nakasilid si Rafael.

“Sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo?” mahihimigan ang lungkot sa tinig ng matanda. “Baka nabibigla ka lang sa mga desisyon mo. Mabuting bata si Ivan. Hindi lang siya nakakapag-isip ng maayos sa ngayon dahil nabubulag siya ng galit niya sayo. Ngunit umaasa pa rin naman ako na sa mga susunod na araw ay magkakasundo rin kayo.”

“Ilang taon akong umasa na mangyayari nga ang bagay na iyan, Nana. Pero sagad sa buto ang galit sa akin ng alaga ninyo.”

“Kakausapin ko si Ivan.” sabi ng matanda.

Mabilis akong naglakad patungo sa silid na pinanggagalingan ng mga tinig. Nakabukas iyon at bahagya akong sumilip sa loob.

Nakita ko na nakatayo malapit sa may kama si Nana Sita. Malungkot na nakatingin sa mga damit na ipinapasok ni Ralf sa isang malaking maleta.

Hindi ko alam ngunit nang makita ko ang ginagawang pag-eempake ni Ralf ay parang may sumuntok ng malakas sa dibdib ko.

Hindi ba at ito naman ang matagal ko nang gustong mangyari? Ang tuluyan nang mapaalis si Rafael sa Hacienda Aurelia?

Pero bakit naiisip ko pa lang na iiwanan na niya ako ay nakakadama na agad ako ng matinding sakit sa dibdib ko? Para itong pinipiga at hindi ako makahinga ng maayos.

Nag-angat si Ralf ng tingin sa matanda. “Paki-ayos na lang po ang mga gamit ni Ryle para makaalis na kaagad kami.”

“Sige. Kung iyan ang desisyon mo ay hindi naman kita pipigilan. Pero kapag nagbago ang isip mo ay bumalik ka kaagad dito. Kailangan ka ni Ivan. Hindi niya sasabihin sa atin iyon pero alam ko na kailangan ka niya. Dahil ikaw na lang ang nag-iisang kapamilya na mayroon siya maliban kay Donya Corazon. Kapag nawala na ang Lola ninyo ay maiiwan si Ivan na nag-iisa sa loob ng madilim na pader na binuo niya. Hindi ko nanaisin na mangyari iyon.”

Bahagyang tumango si Ralf at nang makita ni Nana Sita iyon ay mabilis na siyang naglakad palabas.

Mabilis rin akong nagtago para hindi niya ako makita. Dumiretso naman siya sa itaas upang marahil ay sundin ang utos ni Ralf na ayusin ang mga gamit ni Ryle.

Nang tuluyan nang makaakyat si Nana Sita ay mabilis akong pumasok sa loob ng silid ni Rafael.

Napalingon pa siya sa akin nang maramdaman niya ang mga yabag ko. Nagkatinginan kami at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

“Huwag kang umalis.” mahinang sambit ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga katagang iyon.

Hindi ako pinansin ni Ralf at nagpatuloy siya sa paglalagay ng damit sa maleta niya.

“Huwag kang umalis!” sa pagkakataong ito ay nilakasan ko na ang tinig ko.

Napahinto naman siya saka siya seryosong sumulyap sa akin.

“Hindi ba ito naman ang gusto mo? Ang mawala ako sa buhay mo? Bakit mo ako pinipigilan ngayon?” iritadong tanong niya.

“Hindi ko alam kung sino ka ba talaga sa buhay ko at bakit ako nagkakaganito. Sa nakalipas na mga taon ay napuno ng galit ang dibdib ko para sayo. Pero bakit sa pagkakataong ito ay parang ayaw kong makita na nag-eempake ka?” sagot ko sa kanya.

Napailing naman siya saka siya nagpatuloy. Muli ay inulit ko ang mga unang kataga na sinabi ko kanina.

“Huwag kang umalis.”

“Hindi ko rin alam kung sino nga ba talaga ako sa buhay mo at bakit pinipigilan mo akong umalis ngayon. Hindi mo maaaring sabihin na mahal mo ako dahil hindi kapani-paniwala iyon. Bakit hindi mo na lang ako pakawalan? Kami ng anak ko?” sabi niya saka na niya isinara ang zipper ng maleta niya.

Binuhat na niya ang maleta niya saka na siya naglakad palabas ng pinto. Nilampasan niya ako ngunit mabilis ko siyang pinigilan at dahil nakatalikod na siya sa akin ay nayakap ko siya mula sa likuran niya. Nasa flat na tiyan niya ang mga kamay ko. Sa malapad na likod naman niya nakasandal ang kaliwang pisngi ko.

“Huwag mo akong iiwan.” desperadong sabi ko sa kanya.

Napahugot siya ng malalim na paghinga saka niya kinalas ang mga kamay ko sa katawan niya.

Hahakbang na sana siya ulit pero mabilis kong niyakap ng mahigpit ang kaliwang paa niya.

“Huwag mo akong iiwanan. Hindi ko kayang mabuhay nang mag-isa.” naiiyak na pakiusap ko sa kanya.

Nawala na ang mga magulang ko. Matanda na si Lola. Kapag nawala siya ay tuluyan na akong mag-iisa. Tama ang sinabi ni Nana Sita. Kailangan ko si Rafael. Kailangan ko siya sa buhay ko.

Marahas na inalis niya ang mga kamay ko sa paa niya saka na siya humakbang palayo.

“Huwag mo akong iwanan. Kuyaaaa!” sigaw ko.

Napahinto siya sa paghakbang saka siya bahagyang lumingon sa akin. Nagkaroon ako ng pag-asa na mapipigilan ko siya.

Ngunit ilang sandali pa ay muli na naman siyang tumalikod saka siya naglakad palabas ng pintuan.

Nanlulumo ako na napatitig sa pintuan na nilabasan niya.

Chapter 34

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Villa Aurelia

Hindi ko na napigilan ang pagragasa ng mga luha ko dahil sa labis na sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko dapat ginagawa ito. Hindi ko dapat ibinababa nang ganito ang sarili ko sa harapan ni Rafael.

Ngunit iba ang nararamdaman ko kaysa sa naglalaro sa matinong kaisipan ko.

Hindi ko pala kaya. Hindi ko kaya na wala si Ralf sa tabi ko. Hindi ko kayang pamahalaan ang buong hacienda nang wala siya.

Nagagalit siya sa akin dahil ang akala niya ay masama ang intensyon ko kay Mang Ben at sa iba pang mga tauhan niya.

Pero hindi ko siya maaaring hayaan na lang na makaalis sa lugar na ito. Matapos niyang guluhin ang buhay ko ay basta na lamang niya ako iiwanan nang ganito?

Hindi. Hindi ko kakayananin mag-isa ang sitwasyon dito sa hacienda. Hindi ko kakayanin na mawala si Rafael. Ngunit paano ang mga kasalanan niya sa akin? Kay Papa. Hahayaan ko na lang ba nang ganun na lang iyon?

Napapikit ako. Hindi ko inasahan na aabot kami ni Rafael sa ganito. Hindi ko napaghandaan ang mga sandaling ito sa buhay ko.

Buong buhay ko ay nabalot ako ng galit at sama ng loob sa lalaking iyon. Sinikap ko na patatagin ang sarili ko upang maipanalo ko ang laban ko sa kanya.

Pero sa pagkakataong ito ay nakikita ko na ang katotohanan. Nararamdaman ko na ang pagkatalo ko sa laban na nagsimula pa noong mga bata pa kami.

Napahikbi na ako sa realisasyon sa mga pangyayari sa buhay ko.

Ilang sandali kong hinayaan ang sarili ko na damhin ang sakit na nararamdaman ko. Sa sobrang bigat ng dibdib ko ay kailangan kong ilabas ang lahat ng sakit.

Nang bahagya na akong makadama ng kaunting ginhawa ay nagmulat na ako ng mga mata.

Sinubukan ko na makatayo kahit na nanlalambot ng husto ang mga tuhod ko.

Nang sa wakas ay nakatayo na ako. Sinimulan ko nang ihakbang ang mga paa ko palabas ng silid ni Ralf.

Naabutan ko siya na nakatayo sa may ibaba ng hagdan. Naghihintay sa pagbaba ni Nana Sita kasama ng anak niya.

Mas lalong nagsikip ang dibdib ko nang mapasulyap ako sa maleta na nasa tabi niya.

Nang maramdaman niya ang presensiya ko ay marahan siyang sumulyap sa akin. Kababakasan ng lungkot ang gwapong mukha niya.

Buong buhay ko ay pinaniwala ko ang sarili ko na hindi siya gwapo dahil kailangan kong protektahan ang damdamin ko sa matinding atraksyon na nararamdaman ko sa kanya.

Pero ngayon ay hindi ko na maloloko pa ang sarili ko. Para sa akin ay si Rafael ang pinakagwapong lalaki na nakilala ko.

Matagal na sandali ang dumaan na tahimik lang kaming nakatayo at nakatingin sa isa’t isa.

Hindi nagtagal ay nakitaan ko siya ng disgust sa anyo niya habang nakatitig siya sa akin.

Hanggang sa marinig namin ang mga hakbang sa hagdan kaya sabay pa kami na napatingala doon.

Kasalukuyan nang bumababa si Nana Sita bitbit si Ryle. Kasama nila ang isa pang katulong na may dala namang bag lulan ang mga gamit ng bata.

“Sumunod kayo sa akin sa labas.” sabi ni Ralf saka na niya hinila ang maleta niya at nagpatiuna na siyang naglakad patungo sa pintuan.

Napahinto siya sa paghakbang nang sa pagbukas niya ay nakasalubong niya si Aling Rosing na may bitbit na supot.

“Aling Rosing, may sadya po ba kayo?” nagtatakang tanong ni Rafael.

“Nasa loob po ba si Ser Ivan? Nagbilin ho kasi si Ben na ipagdala ko siya ng tinitinda kong biko. Bilang pasasalamat na rin sa pagmamagandang loob niya sa pamilya namin.”

Bumuka ang bibig ni Rafael upang magsalita sana ngunit walang kahit na anong salita na namutawi doon.

Bahagya pa siyang napasulyap sa akin at sa nagtatanong na mga mata ay tinitigan niya ako.

Napatingin na rin sa akin si Aling Rosing na nawala ang mga ngiti nang makitang umiiyak ako.

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko gamit ang likod ng palad ko saka ako nagpasalamat sa matanda.

“Hindi na po dapat kayo nag-abala pa. Nabawasan pa tuloy ang kikitain ninyo.” sinserong sabi ko sa kanya.

“Balewala ho ang maliit na halagang nawala sa amin kumpara sa malaking bagay na nais ninyong itulong sa pamilya namin.” magalang na sagot ng matanda.

“Maraming salamat po, Aling Rosing. Iabot na lang po ninyo kay Ester at mamaya ko na ho kakainin. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko.”

Pagkasabi ko niyon ay mabilis na akong umakyat patungo sa silid ko at mula sa pheripheral visionnaramdaman ko pa ang pagsunod ng tingin sa akin ni Rafael.

Ilang minuto na akong tahimik na nakatanaw sa labas ng bintana ng silid ko habang tahimik na umiiyak nang maramdaman ko ang pagbukas ng pinto.

Marahas akong napalingon doon at nakita ko si Ralf na nakatayo doon at malungkot na nakatingin sa akin.

Mabilis akong nagbawi ng tingin. Pinunasan ko ang mga luha ko saka ako muling tumanaw sa kawalan.

“Lumabas ka sa silid na ito!” malamig na utos ko sa kanya.

Hindi niya ako pinakinggan. Sa halip ay isinara niya ang pintuan saka siya naglakad palapit sa akin. Huminto siya ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko.

“Bakit hindi mo sinabi kaagad sa akin na maganda naman pala ang hangarin mo tungkol sa pagreretiro ng mga matatandang trabahador natin? Nagtanong ako sayo kanina bago ka umalis ng bahay.” aniya sa mahinahon na tinig.

“Sa tingin mo ba ay masasabi ko pa iyon sayo?” galit na sagot ko sa kanya saka ko siya hinarap. “Sinalubong mo ako kanina na halos isampal mo na sa mukha ko na isa akong napakasama at walang puso na tao. Nag-alala ako sa kalagayan ng matanda kaya mas inuna ko ang pagtungo sa bahay niya kaysa sa makausap ka.”

Nabigla ako nang bigla na lamang ay niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ako nakagalaw at nanlalaki ang mga mata ko na napahawak sa matipunong mga braso niya.

“I’m sorry, Ivan. Hindi dapat ako nagpadala kaagad sa galit ko. Hindi ko alam na mabuti pala ang hangarin mo para sa mga trabahador natin sa hacienda. Ngayon na alam ko na ang totoo ay gusto ko nang itama ang lahat sa pagitan nating dalawa.”

Napapikit ako. Halos ilang sandali rin ang pinalipas ko upang maramdaman ang kakaibang init ng mga yakap niya bago ako nagpasya na itulak siya sa matitigas niyang dibdib palayo sa katawan ko.

Pinagmasdan ko siya at ganun din ang ginawa niya sa akin. Sinalubong niya ang mga tingin ko.

“M-maitatama mo lang ang lahat kung ibabalik mo sa akin ang Villa Aurelia.” matapang na sagot ko sa kanya.

Bumakas ang pagkabigla sa gwapong mukha niya pagkatapos ay nakitaan ko siya ng pagsuko.

Marahan siyang tumango saka niya hinawakan ang kaliwang pisngi ko at nilaro ng thumb finger niya ang ibabang bahagi ng labi ko.

“I will. Kung iyon ang magpapagaan ng loob mo.” sabi niya saka niya masuyong inangkin ang mga labi ko.

Sa simula ay masuyo lamang ang kanyang mga halik hanggang sa lumalim iyon na para bang tumutupok sa katinuan ng isip ko.

Napapikit ako at ninamnam ko ang sarap ng mga labi niya. Hindi ko siya maaaring tugunin ngunit napakahirap paglabanan ang damdamin ko.

Napapikit ako. Nagsimula ako sa marahan na paggalaw ng mga labi ko. Humawak ako sa matitigas niyang braso at walang pag-aalinlangan ko nang tinugon ang mga halik niya.

Mas dumiin pa ang mga iyon hanggang sa maisandal na niya ako sa pader. Nagpatuloy siya sa paghalik. Dumiin na rin ang ibabang bahagi ng katawan niya at nadama ko ang issng napakatigas na bagay sa loob ng pantalon niya.

Napasinghap ako at nagmulat ng mga mata. Ngunit sinamantala lamang iyon ni Rafael at tuluyan na niyang naipasok ang dila niya sa loob ng bibig ko.

Mas humigpit pa ang kapit ko sa mga braso niya na ngayon ay naglalakbay na sa katawan ko.

Nagpatuloy siya sa malalim na paghalik na para bang ang mga labi ko ang pinagkukuhanan niya ng lakas.

Hindi ko na rin maiwasan ang hindi makadama ng masarap na pakiramdam. Sa wari ko ay para bang nabuo ako sa pamamagitan ng mga halik na ito.

Ngunit hindi pa rin nawawala ang pangamba na baka masaktan lang ako kapag hinayaan ko ang sarili ko na madarang sa mga halik ni Rafael.

Isang eksena mula sa nakaraan ang mabilis na nagbalik sa isipan ko na nagpabalik sa lahat ng natitirang katinuan sa isip ko.

Mabilis akong natauhan at marahas kong itinulak si Ralf palayo sa katawan ko.

Kasabay ng pagkakatulak ko sa kanya ay nakarinig ako ng tunog ng sasakyan. Kilala ko ang sasakyan na iyon.

Mabilis akong napasilip sa bintana ng silid ko at nakita ko ang sasakyan ni Jako na pumarada sa harapan ng villa.

“Siya ba ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay tinitikis mo ako?” galit na sambit ni Rafael mula sa likuran ko.

Mabilis akong napalingon sa kanya. Madilim ang anyo niya at nakikita ko ang pagpipigil niya ng galit.

“Ibabalik ko lang sayo ang villa kung mangangako ka sa akin na magsasama tayong dalawa dito mismo sa bahay na ito. Hindi ko na hahayaan pa na mawawala ka ulit sa buhay ko, Ivan.”

“W-what?” nalilitong sagot ko.

Hindi ako sinagot ng hudyong lalaki. Ilang sandali pa ay padabog na siyang lumabas ng silid ko.

Naiwan ako na napapaisip sa mga huling sinabi niya.

Chapter 35

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Villa Aurelia

Dinalaw ako ni Jako kagaya ng mga nagdaang araw. Sinisikap pa rin niya akong kumbinsihin na hayaan na kay Ralf ang villa at ibalik na lamang namin ang dating relasyon namin na nasira ng pag-alis ko noon sa San Isidro.

Ngunit ang hindi ko pa rin maintindihan ay kung bakit hindi ko kayang bitawan ang villa. Basta ang nasa isip ko lang ay kailangan kong manatili sa bahay na ito kagaya ng sinabi sa akin ni Rafael.

Sa villa na rin nananghalian si Jako ngunit ang ipinagtataka ko ay kung bakit hindi umalis ng bahay si Ralf gayong ilang araw na siyang wala sa hacienda.

Palagi na lamang ay nakamasid siya sa amin ni Jako na tila ba binabantayan ang bawat kilos at sasabihin namin.

Hindi rin niya itinago ang animosity niya sa kaibigan ko. Hinayaan na lamang namin siya dahil kung papansinin pa ay baka mauwi na naman kami sa pagtatalo.

Kasalukuyan kaming nag-uusap ni Jako sa may portico nang marinig namin ang natatarantang pagtawag ni Nana Sita kay Rafael mula sa loob ng bahay.

Napukaw ang atensyon ko at mabilis akong sumilip doon. Natagpuan ko siya na nasa tapat na ng pintuan ng silid ni Rafael na sakto namang bumukas.

“Bakit, Nana?” nakakunot ang noo na tanong ni Ralf.

“Nakatanggap ako ng tawag mula sa Maynila. Isinugod sa ospital si Donya Corazon.” naghihisteryang balita ng matanda.

Para akong nawalan ng kulay dahil sa narinig ko. Mabilis na sumulyap sa akin si Rafael at nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

Naramdaman ko naman ang paghawak ni Jako sa balikat ko saka niya ako sinabihan na sasamahan niya ako pabalik sa Maynila.

Hindi naman nakaligtas sa akin ang nakamamatay na tingin ni Ralf na ipinagkibit ko na lang ng mga balikat.

Kahit pa nagpilit si Ralf na sa kanya ako sasabay at iwanan ko na lamang ang sasakyan ko sa villa ay hindi ako nagpatinag.

Hindi na ako muli pang magpapasailalim sa kanya. May sariling isip ako. Gagawin ko kung ano ang gusto ko magalit man siya o hindi.

Wala rin akong balak na ulitin ang nangyari sa amin noong nakaraan lang. Dahilan kung bakit ilang araw siyang nawala sa hacienda.

Gabi na nang makarating kami ni Jako sa Maynila. Nakatanggap ako ng tawag mula kay Ralf kanina nang palabas na kami ng NLEX.

Naiuwi na raw si Lola sa bahay. Nauna siyang umalis sa amin ni Jako dahil kinailangan ko pang payapain ang sarili ko.

Sa totoo lang ay nanlalamig ang buong pagkatao ko kanina dahil sa masamang balita na natanggap namin.

Nawala na sa akin ang mga magulang ko. Hindi ko na kakayanin pa kung ngayon pa sasabay si Lola.

Kahit pa sinabi ni Ralf na pananakit ng rayuma lang ang dahilan ng pagkakaospital ni Lola ay hindi pa rin ako napanatag.

Labis ang naging pag-aalala ko sa kanya. Hindi ko kayang magdrive kaya tinanggap ko ang alok ni Jako na samahan ako doon.

Naabutan namin sila na nakaupo na sa hapag kainan at masayang nag-uusap.

Mabilis akong lumaput kay Lola saka ko siya kinumusta. Pinigilan naman niya ako sa pag-aalala ko. Sa halip ay pinaupo niya kami ni Jako saka na ini-ahin ng mga kasambahay ang mga plato sa harapan namin.

“Masyadong nagpapanic itong si Melba. Sinabihan ko nang simpleng pananakit lang ito ay hindi pa rin pala nagpapigil na tawagan kayo.” sabi niya saka niya sinulyapan ng may warning look ang kasambahay.

Humingi naman ito ng paumanhin marahil ay nahihiya sa abala na ginawa niya sa amin.

“Siya nga pala. Hindi ko na kayo papayagan na bumalik ng San isidro ngayong gabi. Kung maaari ay manatili na rin muna kayo dito nang magkasama kahit isang araw lang.”

Hindi ko sinagot si Lola. Sinulyapan ko si Ralf na ngayon ay nakatingin din pala sa akin.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin saka na ako kumuha ng pagkain ko. Inunahan naman ako ni Jako at siya na mismo ang naglagay ng kanin sa plato ko. Hindi nakaligtas sa akin ang pailalim na mga sulyap ni Ralf.

“Masarap ang ang kare kare. Bago ba ang cook ninyo dito?” baling niya sa matanda.

Ngumiti naman si Lola saka niya nilagyan ng kanin ang plato ni Ralf.

“Namamayat ka na. Huwag mong masyadong pinapabayaan ang sarili mo. Sigurado ako na magiging maayod din ang mga problema na kinakaharap mo.” sabi ni Lola. Tahimik lang ako habang pinagmamasdan silang dalawa.

Ilang sandali pa ay tahimik na kaming kumakain. Nakabibingi ang namamagitan na katahimikan hanggan sa bigla na lamang ay nagtanggal ng bara sa lalamunan niya si Jako na ikinalingon naming lahat sa kanya.

Napasulyap siya sa amin saka siya ngumiti sa akin. Pagkatapos ay bumaling siya kay Lola Corazon.

“Hmm! Uhm! Lola, alam ko po na hindi ito ang tamang panahon para sabihin ko ito sa inyo pero dahil nandito na rin lang naman ako ay nais ko po sanang hingin ang basbas ninyo para sa aming dalawa ni Ivan.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Lola. Si Ralf ay seryoso namang nakatingin sa amin. Hinihintay ang susunod na mga sasabihin ni Jako.

“Hindi naman po lingid sa kaalaman ninyo na may history na kami ni Ivan mula pa noong mga teenagers pa lamang kami. Kahit sina Tita Aurelia at Tito Lyndon ay hindi naman salungat sa relasyon namin. Pero gusto ko pa rin pong pormal na hingin ang basbas ninyo bilang natitirang guardian ni Ivan. Kung maaari po sana ay gusto kong pakasalan si Ivan.”

Marahas akong napabaling kay Jako dahil sa mga narinig ko. Seryoso naman siyang tumingin din sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko saka niya pinisil ang palad ko.

“Mahal na mahal kita, Ivan. Hindi ko iyan itinago sayo kahit pa noon. Alam ko na nag-usap na tayo tungkol sa bagay na iyan ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko na huwag madaliin na ang lahat.”

Napalingon ako kay Lola at ang nagtatanong na mga tingin niya ang sumalubong sa akin.

“Totoo ba ang sinabi ni Jako, apo? Magpapakasal na nga ba kayo?” tanong niya.

“Ahh. Ehh. Hindi pa naman po sa ngayon, Lola. Sa totoo lang ay marami pa akong kailangan na asikasuhin. Maybe next year? I think!” hindi ko na alam ang mga isasagot ko dahil kahit ako ay binigla ni Jako sa mga sinabi niya.

“Nasa hustong gulang na po kami, Lola pero gusto ko po na maging legal at dumaan sa maayos na paraan ang pagpapakasal namin ni Ivan.”

“Kung ganun ay dalhin mo dito ang mga magulang mo at nang magkausap kami.” sabi ni Lola ngunit mabilis din siyang napailing.

“Hindi. Ako pala ang tutungo sa San Isidro sa mga susunod na araw. Matanda na ako at gusto ko munang magbakasyon doon. Gusto kong makasama ng matagal ang dalawang apo ko. Hihintayin ko kayo sa sandaling makauwi na ako doon.” patuloy ni Lola.

Hindi pa man kami nakakasagot ay mabilis nang nagsalita si Ralf.

“Congratulations!” aniya sa eksaheradong pagbati. “Pagkahaba haba man daw ng prusisyon ay sa simbahan din ang tuloy.

Sinulyapan ko si Ralf. Nakakita ako ng mga hindi maipaliwanag na emosyon sa mga mata niya.

Hindi ko maintindihan kung ano nga ba talaga ang mga nakapaloob sa mga iyon ngunit nakakadama ako ng kaba at gustong manayo ng mga balahibo ko sa katawan.

Nagpatuloy ang hapunan nang tahimik at wala na kahit isa man ang nagtangka na magsalita.

Matapos kaming kumain ay nagpalipas lamang ng ilang sandali si Jako. Pagkatapos ay nagpaalam na siya at nangako na babalik sa susunod na araw.

Maaga na rin naming pinagpahinga si Lola dahil nag-aalala pa rin kami sa naging lagay niya.

Hindi rin naman ako kaagad na nakatulog nang gabing iyon sa kabila ng pagod sa biyahe at ng maagang paggising ko kaninang umaga.

Pasado alas dose na ng madaling araw ay nakatulala pa rin ako sa kisame ng silid ko. Parang gusto kong pagsisihan na nagpatangay ako kay Jako sa pagsasabi niya kay Lola ng tungkol sa aming dalawa.

Dahil hindi na rin namab ako dinadalaw ng antok ay nagpasya na lamang ako na lumabas ng silid at bumaba upang magtimpla ng gatas.

Paglabas ko sa silid ko ay kinapa ko ang pader. Akma ko nang bubuksan ang mga ilaw sa pasilyo nang mapansin ko ang liwanag na nagmumula sa isang silid malapit sa may hagdan.

Nakabukas ang silud kaya lumabas ang liwanag mula dito. Wala sa loob na sumilip ako at bahagya ko pang itinulak ang pinto upang icheck kung may tao.

“May kailangan ka sa akin?” sabi ng baritong tinug mula sa likuran ko. Nagulat ako kaya napasinghap ako habang lumilingon sa kanya.

Kung hindi ko lang natakpan ang bibig ko ay baka napasigaw na ako sa pagkagulat.

Nasa harapan ko si Rafael, almost naked dahil sa ang tanging suot lamang niya ngayon ay isang hapit at kulay puti na bikini briefs.

Napakalaki bg nakaumbok sa harapan nito dahilan upang mapalunok ako. Shit! Bakit ba ganito lang ang suot niya?

Mabilis kong inalis ang mga mata ko sa harapan ng brief niya. Inangat ko iyon paakyat sa tiyan niya na may nakalatag na mga pandesal. Naaaninag ko pa ang balahibo mula sa pusod niya pababa sa loob ng brief niya.

Nag-angat pa ako ng tingin. Maskuladong dibdib at sa gitna ng mga iyon ay ang malalaki at tayong tayo na mga utong niya.

Ano kaya ang pakiramdam kapag nilalaro ko na ang mga iyon gamit ang dila ko? Mabilis akong napailing sa mga naiisip ko.

Nagkakasala ang mga mata ko dahil sa anyo ng lalaking ito. Ngunit hindi ko mapigilan ang makadama ng kakaibang init habang pinagmamasdan ko ang perpektong katawan na pagnanasahan ng maraming babae at pusong babae.

Para bang napaka-erotic ng ambiance sa paligid. Nakikitaan ko ng pangingintab ang hiwa sa gitnang bahagi ng dibdib niya patungo sa pecs niya.

Nang dumako ang mga mata ko sa mapulang labi niya ay muli na naman akong napalunok. This man has the sexiest lips.

Hindi lang isang beses na lumapat ang mga iyon sa mga labi ko. At inaamin ko na sa lahat ng pagkakataon na iyon ay nakadama ako ng sarap.

Nakita ko ang pagtaas baba ng adams apple niya sa leeg at hindi ko maiwasan na makadama ng arousal.

Hindi rin nakaligtas sa akin ang pagtaas ng isang sulok ng labi niya.

“Did I scare the living daylights out of you?” amused niyang tanong kasabay ng paghakbang palapit.

Humakbang din ako paatras. Wala sa loob ko na papasok na pala sa nakabukas na silid ang landas na tinatahak ng mga paa ko.

Naglakbay sa buong katawan ko ang mga mata ni Rafael. What I saw was unmistakable desire.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ko na manipis na sando lang din pala ang suot ko at napakaiksing shorts na nagpakita sa makikinis kong hita. Hindi naitago ng shorts ko ang arousal ko kaya mabilis na tinakpan ko iyon ng mga kamay ko.

“Y-you… could say that…” nauutal kong sagot. “E-excuse me…”

Tinangka kong dumaan sa kapirasong espasyo sa may pinto subalit itinukod ni Rafael ang kamay niya sa may hamba.

Dahil sa ginawa niya ay tuluyan nang naharangan ang dapat sana ay dadaanan ko palabas ng silid na kinaroroonan ko.

“May kailangan ka ba sa akin?” muling ulit niya, his voice is husky, then I saw a flash of wickedness in his eyes as he again surveyed me.

I shook my head frantically. “B-bukas ang pinto at ilaw. I… I got… c-curious and-”

“Curiosity kills a cat.” agap niya sa sinasabi ko.

“Hindi ko alam na silid mo ito. Akala ko ay sa guest room ka sa ibaba natutulog dahil doon kita nakita na pumasok nung nakaraan. If… you’ll excuse me, babalik na ako sa silid ko.” sabi ko. Dumako ang mga mata ko sa maskuladong braso niya.

Hindi na naman ako makahinga dahil sa makapal na buhok niya sa kilikili na lalong nagpainit sa pakiramdam ko. Gosh, ano ba itong nangyayari sa akin?

I’ve seen many shirtless men pero iba pala kapag nasa mismong harapan ko na pala ang malakas na tukso.

Nararamdaman ko na pinagpapawisan na ako ng malamig sa noo ko at pasimple ko iyong pinunasan gamit ang kunwa’y pagkamot ko doon.

Nakahinga lang ako ng maluwag nang magkibit siya ng mga balikat saka niya ibinaba ang maskuladong braso niya mula sa hamba ng pinto.

Sinamantala ko na ang pagkakataon. Mabilis akong humakbang palabas ng kanyang silid ngunit mabilis din niya akong nahila pabalik sa kanya.

Ang sumunod na naramdaman ko na lamang ay ang pagkakulong ng buong katawan ko sa mga bisig niya.

Ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula sa kanyang hubad na katawan.

“Liar,” masuyong bulong niya sa akin then he planted a soft kiss on my temple.

I didn’t know what sent shivers down to my body, the sexy voice or the kiss o ang mga bisig niya na pumulupot sa katawan ko o di kaya naman ay ang lahat ng iyon.

“B-bitiwan mo ako, Rafael,” sabi ko but I didn’t really mean it at all. Natatangay na ako sa masarap na pakiramdam habang magkayakap kaming dalawa.

Sa pagkakataong ito ay para bang ayoko nang kumawala pa sa mga bisig niya. It feels like I’m finally home.

Nagugustuhan ko ang kakaibang init na nagmumula sa katawan niya. Mas lalong tumindi ang arousal ko kaya sinisikap ko na ilayo sa kanya ang ibabang parte ng katawan ko ngunit mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

“I want you, Ivan. And I know that you really want me too. I can feel it now. Hindi mo maitatanggi iyon.” bulong niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Mabilis kong iniiwas ang mga tingin ko ngunit mabilis na niyang nasakop ng mga labi niya ang labi ko.

Chapter 36

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Manila

Mabilis lang ang naging paghalik niya sa akin ngunit hindi pa rin nawawala sa mga mata niya ang matinding pagnanasa.

Naalarma ako nang magsimula nang maglakbay sa balat ko ang mga labi ni Rafael.

Hinalikan niya ako sa ilong. Sumunod ay lumapat ang mga labi niya sa kaliwang pisngi ko.

Napapikit ako. Pagkatapos ay hindi ko namamalayan na napadiin ang pagkakahawak ng mga palad ko sa maskulado niyang mga braso.

Walang protesta na kumakawala sa bibig ko. I was just here in his arms pliant.

Narinig ko ang pagsara ng pinto kasabay ng pag-akay niya sa akin papasok ng tuluyan sa loob ng kanyang silid.

Sana’y sapat na ang pagkalabog ng pintuan upang manumbalik ang katinuan ng isip ko. Pero nakaliliyo ang ginagawa sa akin ni Rafael.

Muli ay naramdaman ko ang pag-angkin niya sa mga labi ko kasabay ng pagsandal niya sa akin sa likod ng pinto.

Idiniin niya sa akin ang harapan niya. Muntik pa akong mapasinghap ngunit hindi niya pinapakawalan ang mga labi ko.

Naramdaman ko ang malaki at matigas na bagay na kumikiskis sa mga hita ko.

Halos mabaliw ako sa tindi ng mga nangyayari. Hindi ko na rin inaksaya pa ang pagkakataon ko.

Sinimulan ko nang tugunin ang mga halik niya habang ang mga kamay ko ay kusang yumakap sa maskulado niyang katawan.

Mainit, marubdob, malalim at mapaghanap na mga halik ang iginawad niya sa akin na buong puso ko namang tinugon.

Sa bawat paggalaw ng mga labi niya ay siyang paghabol ng sa akin.

Sa kabila ng brusko at matigas na anyo ni Rafael ay napakalambot ng mga labi niya na napakasarap halikan.

Para akong idinuduyan sa sari-saring emosyon at damdamin na binubuhay niya sa katawan ko.

Napahawak ako sa kaliwang dibdib niya at wala sa sarili na hinaplos ko iyon. Tinamaan ko ang maselan na parte na ikinaungol niya dahilan upang kumalas siya mula sa kanyang mga halik.

Kapwa kami hinihingal habang masuyo na magkahinang ang mga mata namin.

“Just like the old times. Para kang drugs na sumisira sa buong sistema ko. Pati ang isip ko ay naaapektuhan na rin ng mga halik mo.” bulong niya.

Bumaba ang mga tingin ko sa dibdib niya. Hindi nakaligtas sa akin ang mapupula at nakatayong mga nipples ni Rafael.

Nilaro ko iyon gamit ang daliri ko. Napapikit siya saka siya napamura na lalong nagpatindi ng nararamdaman ko sa kanya.

“Shit!” he cursed kasunod ng malalalim niyang paghinga habang pinagmamasdan ang bawat galaw ng kamay at daliri ko sa hubad niyang katawan.

“Kiss me!” pakiusap ko sa kanya sa napapaos ko nang tinig.

Hindi naman ako nagdalawang salita. Bigla ay na inangkin na muli ng mga labi niya ang naghihintay ko nang mga labi.

Marahan, masuyo at walang pagmamadali.

Kumalas siya sa mga halik saka niya ako dinampian ng isa pang pahabol na halik sa mga labi ko.

Ilang sandali kaming nagtitigan at nakita ko ang pagsilay ng payak na ngiti sa mga labi niya habang pinagmamasdan niya ang namamasa ko nang mga labi.

Napalunok ako nang mapadako ang tingin ko sa bakabuka niyang mga labi.

Marahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya saka ko siya binigyan ng isang mabilis at masuyong halik.

Nang humiwalay na ako sa mga labi niya ay sinadya kong kagatin ang ibabang bahagi ng sa kanya dahilan upang mahila iyon.

Hindi ako nakuntento sa isang beses na paglalaro lang sa mga labi niya. Ilang beses ko pang inulit ang mga kalokohang iyon.

Ilang sandali pa ay napangiti si Rafael. “You’re naughty!” bulong niya saka niya muling sinakop ng maaalab na halik ang mga labi ko.

Nakaliliyo ang bawat halik na iginagawad sa akin ng lalaking ito. My beloved enemy. My beloved bastard.

At sa pagkakataong ito na nasa loob na ako ng mga bisig niya, malayang dinadama ang init ng kanyang perpektong katawan.

Wala akong balak na umahon mula sa kabaliwan na ito. Hindi sa pagkakataong ito. Tuluyan nang naglaho ang lahat ng natitirang katinuan ng isip ko.

Nilamon iyon ng pagnanasa at kagustuhan na pakawalan ang matagal ko nnag tinitikis na damdamin ko para sa lalaking ito.

Wala na akong pakialam kahit pa hindi na niya ibalik pa ang villa. Basta ang mahalaga ay mafulfill niya ang pangangailangan ko ngayon sa kanya.

Si Rafael at ako. Fulfilling our needs and starting playing fire inside his damn room.

Ilang sandali pa ay nakulong na kami sa mas matindi pang mga kaganapan.

Naramdaman ko ang paghila niya sa isang hita ko payakap sa balakang niya. Ginawa rin niya iyon sa kabila at mas hinigpitan pa niya ang pagkaka-kapit niya sa katawan ko.

Para akong idinuduyan sa ere habang walang sawa niyang inaangkin ang namumula ko nang mga labi.

Naramdaman ko na lamang na ibinababa na niya ako pahiga sa ibabaw ng kama niya kasunod ng pagdapa sa akin ng maskulado at hubad niyang katawan.

Tuluyan na akong nailapag ni Rafael sa ibabaw ng kama niya saka siya mas lalong naging mapangahas.

Nararamdaman ko sa ibabang bahagi ng katawan ko ang matigas na bagay na gusto nang kumawala sa nagsisikip na niyang briefs.

Wala na akong pakialam sa nangyayari pa sa paligid ko. Basta ang nasa sulok lamang ngayon ng isipan ko ay ang kaisipan na kay tagal ko nang pinangarap ang mga sandaling ito ngunit mas pinili ko noon na pigilan ang sarili ko.

Mula sa mga labi ko ay bumaba sa leeg ko ang mga labi ni Ralf. Down to my collar bone.

Bahagya pa siyang nag-angat ng kanyang katawan kasunod ng may pagmamadali niyang pag-angat sa suot kong sando. Madali niyang naialis iyon saka niya hinuli sa bibig niya ang kaliwang utong ko.

I moaned in pleasure at napakapit ako ng mahigpit sa likod ng ulo niya na nakasubsob ngayon sa dibdib ko.

Nagmistulang musika naman sa pandinig niya ang pag-ungol ko kaya mas lalo pa niyang pinagbuti ang ginagawa niya sa katawan ko.

He sucked my nipple the play it with his tongue before sucking it again then he bite the most sensitive part of my chest. I moaned arching my back.

Lumipat siya sa kabila at inulit niya doon ang mga ginawa niya sa isa.

Halos ilang minuto rin siya sa ginagawa niyang kapangahasan sa katawan ko hanggang sa muli niyang sakupin ang mga labi ko.

Ilang sandali siyang nanatili doon bago bumaba ang mga halik niya patungo sa magkabilang balikat ko.

Hindi pa siya nakuntento at bumaba pa ang mga labi niya sa dibdib ko. I cried in delight as his lips played and sucked again my nipples.

Pagkatapos ay muli pang bumaba ang mga labi niya patungo sa tiyan ko. Nilaro ng dila niya ang pusod ko dahilan upang mapasabunot ako sa buhok niya.

Bumaba sa kama si Rafael then he pulled down my underwear. Itinaas ko ang mga hita ko upang tulungan siya na alisin iyon.

Pagkatapos ay para siyang hari na tumayo sa harapan ko saka niya mabilis na tinanggal ang sariling brief niya.

Napasinghap ako nang sa wakas ay kumawala ang pinakatatago niyang yaman.

Gusto kong iiwas ang mga mata ko subalit hindi ko iyon magawa. Nakita ko na ang katawang ito noon ngunit kakaiba pa rin pala talaga kapag nasa malapitan ka na at malaya mo itong napapagmasdan.

Now I know why Celine is head over heels craving for this man. Napailing ako sa kaisipang iyon.

Mabilis akong bumangon saka ko marahas na itinulak pahiga sa kama si Rafael.

Sumampa ako sa kama saka ko marahan na kinulong sa palad ko ang mahabang shaft ng kanyang kaangkinan.

He moaned in pleasure. Napapikit siya at nang muling magmulat ng mga mata ay nakita ko ang matinding pagnanasa sa mga mata iyon.

Nagsimula akong igalaw ang kamay ko na nagiging dahilan ng kanyang malalalim na paghinga.

Hinalikan ko ang tiyan niya. Tinungo ng mga labi ko ang bawat isang pandesal na nakaukit doon.

Hindi rin iyon pinaligtas ng dila ko na nagpaungol ng malakas kay Rafael.

Mas bumilis pa ang pagtaas baba ng kamay ko sa napakainit na niyang pagkalalaki.

Malalalim na paghinga at halinghing ang naririnig ko na namumutawi sa mga labi niya habang pikit-mata siya na nakatingala sa kisame ng silid na kinaroroonan namin.

Hindi ko na pinatagal pa ang ginagawa ko sa katawan niya. Nagpatuloy pa ako paakyat sa malapad at maskuladong dibdib niya.

Katulad ng ginawa niya ay hinuli ng mga labi ko ang matigas at tayong tayo na utong niya na lalo niyang ikinabaliw.

“Don’t stop!” he murmurs. “Please baby, don’t stop!” pakiusap niya.

Pinagsawa ko ang mga labi ko sa magkabilang dibdib niya. Ngayon lang ako nakadama ng ganito katinding pagnanasa. Sa katawan pa mismo ng kaaway ko.

Pero hindi ko pinagsisisihan ang mga ginagawa namin ngayon. Siguro nga ay nababaliw na ako ngunit kailangan ko si Rafael. Kailangan ko ang init na nagmumula sa maskuladong katawan niya. Kailangan ko ang init ng pagmamahal niya. Kailangan ko ang nag-iisang lalaki na minamahal ko.

Matapos ang matagal na pag-angkin ko sa katawan niya ay umangat na ako saka ko muling inangkin ang mga labi niya.

Mabilis naman niya akong naitulak at sa isang iglap lang ay siya na muli ang nasa ibabaw ko.

Naglakbay ang mga kamay ko sa kanyang moreno at hubad na katawan. Kinakabisa sa isip ang bawat kurba ng kanyang matigas na katawan.

Dahil sa ginagawa niya ay nakadama ako ng deja vu. Nararamdaman ko na ang pagkatok ng kanyang pagkalalaki sa pintuan ng aking pagkatao.

Nangyari na ito noon. Nangyari na ito five years ago. Sa San Isidro. Sa loob mismo ng silid ko ay nangahas si Rafael na galawin ako.

Nangyari na ito maliban sa ngayon ay ibinibigay ko na sa kanya ang lahat ng kooperasyon. And Ralf is gentle.

“Five years ago, we’re almost there, Ivan. Itinuloy ba ni Jako ang hindi ko nagawa noon?” he said.

His voice was laced with sharpness na nagpamulat sa mga mata ko. Nagkatitigan kami at nakita ko ang matinding passion sa mga mata niya, and an intense longing?

Hindi na nagkaroon pa ng puwang sa isip ko ang tanong na iyon. I am now mindless. Nasa ibabang bahagi na ng katawan ni Rafael ang pag-iisip ko and the delicious teasing little thrust na ginagawa niya.

“Answer me,” he whisper.

“Don’t talk,” sagot ko sa kanya saka ko sinalubong ang pagsalakay niya.

Napaungol si Rafael. He cupped the back of my head with his hand. He kissed me again as he sweetly made his entrance.

Napaungol ako saka ko mas hinigpitan ang pagkakayakap ko sa katawan niya.

Nakadama ako ng matinding sakit. Napapikit ako kasabay ng pagtiis sa sakit na nararanasan ko. Naramdaman ko ang paggapang ng luha mula sa mata ko pababa sa pisngi ko.

Finally, natugunan na rin ni Rafael ang matinding pangangailangan ko sa kanya.

Nagmulat ako ng mga mata. Nakatitig sa akin si Ralf. Tila ba ingat na ingat siya at ayaw niyang gumalaw upang hindi ako masaktan.

“Nasaktan kita.” nag-aalalang bulong niya.

“Don’t stop. Please Ralf, take me.” pakiusap ko sa kanya.

Napapikit siya na tila ba nahihirapan siya sa pagdedesisyon kung itutuloy ba niya o hindi.

Ngunit narito na kami. Desperado na ako na maramdaman siya sa loob ng katawan ko.

Inangat ko ang isang palad ko saka ko hinila ang ulo niya. Muli ay nagsalo kami sa isang napakainit na halik.

Nagsimulang gumalaw si Rafael mula sa ibabaw ko. Sa simula ay nararamdaman ko pa rin ang hapdi ngunit nang masanay na ako ay binilisan pa niya ang bawat paggalaw niya.

Nagtagal kami sa ganoong posisyon at tila walang kapaguran si Rafael sa pag-angkin sa akin.

Natapos ang lahat sa isang napakasarap na pag-iisa.

Chapter 37

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Manila

Matapos ang maiinit na tagpo sa pagitan naming dalawa ni Rafael ay hinihingal siya na humiga sa tabi ko.

Nararamdaman ko pa rin sa balat ko ang init na nagmumula sa katawan niya dahil sa pagkakadikit ng mga braso namin.

Sinulyapan ko siya. Nakapikit siya at naghahabol pa rin ng paghinga.

Napatitig ako sa kisame ng kanyang silid. Hindi ko na mababawi pa ang nangyari. Naangkin na ako ni Rafael. Ginusto ko rin naman ang nangyari ngunit napakarami pa rin ng mga agam-agam ko sa isip ko.

Kahit nagustuhan ko ang nangyari ay hindi ko pa rin pala kaya na pagkatiwalaan si Ralf.

Marami pa rin akong hindi alam. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya sa mga sandaling ito.

Oo inaamin ko na sa sarili ko na mahal ko siya pero hindi sapat iyon upang masagot ang lahat ng mga tanong sa isipan ko.

Bumangon ako saka ako nagtangka na bumaba na sa kama. Mabilis naman akong nahawakan sa palapulsuhan ni Ralf upang mapigilan sa tangkang pag-alis.

Muli ay napahiga ako sa tabi niya saka niya ako niyakap at hinalikan niya ang balikat ko.

“Saan ka pupunta?” tanong niya sa masuyong paraan.

“B-babalik na ako sa silid ko.” sagot ko at nagpatuloy ako sa pagbangon mula sa pagkakahiga ko sa kama.

After the passion ay hindi ko na makuha pa na tingnan siya.

Bumangon na rin siya saka niya muling dinampian ng masusuyong halik ang balikat ko na naghatid na naman ng kakaibang kilabot sa buong katawan ko.

Para akong mauupos sa bawat pagdampi ng mainit na labi niya sa hubad na katawan ko.

“Mahaba pa ang gabi, Ivan, and there’s no need to go back to your room.” sabi niya at tumaas sa batok ko ang mga labi niya.

Nag-iiwan ng masarap na kilabot sa bawat himaymay ng katawan ko ang pagdampi ng mga iyon sa aking balat.

Dahil sa sensasyon na nararamdaman ko ay hindi ko napigilan ang sarili ko. Napatingala ako saka ko hinawakan ang braso niya na pumulupot sa katawan ko.

Nasa ibabaw kami ngayon ng kama. Nakaupo ako habang siya ay nakaupo rin sa likuran ko. Nararamdaman ko na naman ang matigas na bagay na kumikiskis sa bandang likuran ko.

Nakayakap ang braso niya sa katawan ko at pinapaulanan niya ako ng masusuyong halik.

“Damn, you’re driving me crazy.” bulong niya saka niya nilaro ng dila niya ang kaliwang tenga ko.

Napapikit ako. Katatapos ko lamang ipagkaloob sa lalaking ito ang sarili ko ngunit ang pagdaloy ng kakaibang init sa katawan ko ay hindi ko na naman mapigilan.

Nothing had ever prepared me for the kind of pain, Rafael inflected to me but the pain was nothing compared to the pleasure and ecstacy that he also gave to me.

Nagmulat ako ng mga mata nang maalala ko bigla si Lola Corazon na nasa kabilang silid lamang sa mga oras na ito.

“B-baka malaman ng Lola na narito ako, Rafael. Babalik na ako sa silid ko.” sambit ko.

Sinisikap ko na alisin sa isip ko ang ginagawa niya sa katawan ko. Nakaluhod na siya ngayon sa harapan ko and I could still feel his hardness on my lower back.

Muli ay naramdaman ko ang magaspang niyang palad na naglakbay mula sa mga hita ko paakyat sa makinis kong tagiliran na umabot pa sa dibdib ko.

“I don’t mind,” he whisper.

He gave me another gentle bites on both shoulders and then he encircled wet kisses afterwards.

“Mas gusto ko kung maaabutan nga tayo ni Lola dito ngayon sa ganitong kalagayan.” sabi pa niya.

“W-what?” gulat na sambit ko.

Bigla akong kumalas mula sa pagkakayakap niya. Napatayo ako at tuluyan na akong bumaba sa kama.

Nakalimutan ko na hubo’t hubad pa rin ako matapos ang mainit na pag-angkin sa akin ng lalaking kinaiinisan ko.

Nahagilap ng tingin ko ang sando ko sa may sahig. Mabilis ko iyong pinulot at isinuot pagkatapos ay hinanap ng mga mata ko ang suot ko kanina na underwear ngunit hindi ko iyon makita.

Mula sa kung saan ay nakita ko na may dinampot si Rafael pagkatapos ay itinaas niya ang kamay niya hawak ang hinahanap ko.

“Looking for this?” nanunukso niyang sabi. Ibinagsak niya ang sarili niya sa ibabaw ng kama spreading the muscular thighs and legs, uncaring if he is still very much erected.

Mabilis kong iniiwas mula sa pagitan ng mga hita niya ang tingin ko. Napadako iyon sa perpektong hugis ng kanyang mga muscles sa tiyan at dibdib paakyat sa mga labi niyang nakangiti sa akin.

“Come here and get it.” panunukso pa niya.

“H-hindi ako nagbibiro, Rafael. Gusto ko nang lumabas.” sabi ko.

Itinuon ko na ang paningin ko sa mukha niya. His eyes were equally lethal. Nakabakas doon ang matinding pagnanasa at pangangailangan.

At kung hindi ko ngayon ipapako sa kinatatayuan ko ang sarili ko ay gugustuhin kong tumakbo pabalik sa higaan.

“Hindi rin ako nagbibiro, Ivan,” sagot niya. Ipinailalim niya sa likod ng ulo niya ang mga braso niya kasama ng hawak niyang underwear ko. “I still want you and it’s obvious right?”

He twisted his lips in a sexy smile.

“Kailangan kita. Bumalik ka na dito sa kama para muli na kitang maangkin.” sabi niya.

Nang hindi ako tumugon sa sinasabi niya ay mabilis siyang bumangon saka niya ako hinila pabalik sa kama.

Natangay niya ako sa isang iglap lang. Mabilis niyang inalis muli ang sando ko saka niya ako ipinuwesto sa ibabaw niya.

Napahawak ang dalawang palad ko sa matitigas niyang dibdib saka siya marahan na umulos.

Napapikit ako nang muli ko na namang maramdaman ang pagpasok niya sa loob ng katawan ko.

Napaungol ako nang magsimula na siyang bumaon. Mabilis siyang bumangon at umupo sa kama.

Nakaupo naman ako sa ibabaw niya at nakahawak na ako sa maskulado niyang mga braso.

Ramdam na ramdam ko pa rin ang kalakihan niya at hindi katulad ng nauna ay kakaibang init na ang dumadaloy sa katawan ko.

Hindi ko na nararamdaman pa ang sakit mula sa kanyang muling pagsalakay.

“Damn, you’re so tight, baby.” sambit niya saka na niya sinimulan ang kanyang paggalaw.

Napakapit ang isang kamay ko sa balikat niya saka ko sinalubong ang mga labi niya na akmang hahalik sa mga labi ko.

Muli kaming nagsalo sa isang napaka-passionate na halik habang patuloy siya sa pag-angkin sa katawan ko.

Nagtagal kami ng halos ilang minuto sa maiinit na tagpo sa ibabaw ng kanyang kama. Hanggang sa muli ay matapos kami sa kanyanh ikalawang pagsabog sa kaloob-looban ko.

Hindi siya kaagad na umalis sa ibabaw ko nang matapos siya sa kanyang orgasmo.

Nanatili pa siya sa loob ko saka niya ako masuyonh hinalikan sa labi. Malugod ko naman iyong tinugon at ilang sandali pa ay humiga na siya sa tabi ko.

Hinila niya ang katawan ko palapit sa katawan niya saka niya ako niyakap nh mahigpit.

Kinumutan niya ang ibabang bahagi ng aming mga katawan ngunit nararamdaman ko pa rin ang semi-erected niyang pagkalalaki sa may bandang hita ko.

“Hindi mo maaaring ipagkaila sa akin ang katotohanan, Ivan. Hindi mangyayari ang mga bagay na ginawa natin ngayon kung hindi mo rin ako gusto.”

Hindi ko siya kinibo at hinayaan ko lanh siya sa kanyang masuyong paghalik sa bawat parte ng katawan ko na mahuli ng mga labi niya.

“Hindi tama ang nangyaring ito sa atin Ralf. May anak ka at hindi ako babae.”

“Hindi na mahalaga pa iyon, Ivan. Importante ngayon ay nailabas na natin ang matinding pagnanasa na nagdudugtong sa ating dalawa.” sagot niya.

“Lust! Iyon ang namagitan sa ating dalawa. You know I’m gay at sinamantala mo iyon upang maidala mo ako sa kama. Sa anong kadahilanan? Para ba mapasunod mo na ako sa lahat ng gusto mo?” sabi ko.

Chapter 38

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Manila

“No, you’re wrong. Hindi lamang basta pagnanasa ang dahilan kung bakit nangyari sa atin ito. Pareho natin itong ginusto. Please, believe me. Walang kinalaman dito ang lahat ng materyal na bagay na nagpapagulo ng sitwasyon natin.” Ralf said.

“Kung ganon ano ang dahilan at bakit mo ito ginagawa sa akin?” tanong ko sa kanya.

Muli na akong bumangon. Mabilis akong nagbihis ngunit nasa ilalim ng unan na hinihigaan niya ang underwear ko.

“Dahil ito ang gusto ko at alam ko na gusto mo rin ito. Mahaba pa ang gabi. Hindi pa ako kuntento sa dalawang beses na pag-angkin ko sayo. Come here, Ivan. Alisin mo ang lahat ng negativities na namamahay diyan sa utak mo.”

“N-no! Kailangan ko nang umalis. Baka abutan pa ako ni Lola dito.” sabi ko sa nanginginig na tinig. “Ibalik mo na ang underwear ko.”

Nagkibit lang siya ng mga balikat kaya nagsisimula na akong mainis sa kanya. “Bakit ka ba natatakot na mahuli tayo ni Lola? Pananagutan naman kita. I’ll marry you. Saan mo ba gusto?”

Lumipad ang tingin ko sa kanya. Hindi ko inasahan ang mga sinabi niya. “W-what?”

Ngumiti siya saka niya sinalubong ang mga mata ko na nakatitig sa kanya. “Alam ko na conservative ka. Sigurado ako na ako ang nakauna sayo hindi iyon ipagkakaila ng mantsa na ito.” sabi niya saka niya hinaplos ng palad niya ang bahid ng dugo sa bedsheet ng kama.

Napasinghap ako. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko at gimbal ako na napatulala sa kanya.

“Hindi pa legal ang same sex marriage dito sa Pilipinas. Pero pakakasalan kita kahit saang bansa mo naisin. Kung posible lang sana ay ngayon mismo gusto na kitang maangkin hindi lamang dito sa ibabaw ng kama kundi pati sa legal na paraan.”

“Y-you’re crazy!”

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Sa halip ay iba ang lumabas mula sa bibig niya.

“Ihanda mo na ang passport mo. Magpapabook ako ng ticket patungong amerika o kung saan mo man gusto. Magpapakasal tayo, Ivan. Dahil mahal kita.”

“N-no!” mabilis na sambit ko. Hindi ko alam kung bakit lumabas bigla iyon mula sa bibig ko. Kung pagtanggi ang ibig kong sabihin o pagkabigla ay hindi ko matiyak.

Dahil hindi ko makuha ang underwear ko ay isinuot ko na ang boxer shorts ko. Nalilito na ako sa totoo lang.

“Bakit hindi?” frustrated na tanong niya.

“Nagsabi pa lang si Jako kay Lola kagabi na pakakasalan niya ako.”

Mabilis na napabangon si Ralf nang marinig niya ang huling sinabi ko.

“Magpapakasal ka sa ibang lalaki and yet you came here and wantonly gave yourself to me?” hindi makapaniwalang sabi niya.

Nakita ko ang galit na mababakas ngayon sa kanyang mukha.

“I-I promise to marry him lalo na at sa nakikita ko ay napakalabo nang mabawi ko pa mula sayo ang villa. Kapag nagpakasal ka ay tuluyan na akong mawawalan ng karapatan sa bahay na iyon.”

“Hindi iyon mangyayari kung sa akin ka magpapakasal.” matigas na sabi niya.

“At ano ang kapalit? Buong hacienda?”

“Fuck you!” galit na mura niya sa akin.

“You already did, Ralf. Ngayun-ngayon lang. You fucked me twice. Here, inside this damn room.” pilosopong sagot ko sa kanya.

Ilang sandali siyang natahimik. Ngunit ang galit sa mga mata niya ay hindi pa rin nawawala. Mas tumindi pa iyon sa nakikita ko. Nakadama tuloy ako ng bahagyang takot sa kanya.

Napatangu-tango siya saka siya nag-angat ng tingin sa akin. Ngayon naman ay labis na sakit at paghihirap ang nakikita ko sa anyo niya.

“So, ang pagkakaloob mo sa akin ngayon ng sarili mo ay paraan mo para kusang loob ko nang ilipat sa pangalan mo ang villa, ganun ba?” tanong niya sa malamig na tinig.

“N-no… h-hindi ganoon ang ibig kong sabihin.” nauutal na sagot ko.

Hindi ako makaapuhap ng mga tamang salita upang hindi niya maisip na ginamit ko ang katawan ko para lang makuha ang punyetang villa na iyon.

Bakit ba umabot pa kami sa ganito? Kung tutuusin ay maliit na bagay lang naman talaga ang bahay na iyon. Pero huli na upang pagsisihan ko pa ang mga naging desisyon ko.

Nagagalit na ngayon si Rafael at kinakabahan ako sa kanya. Gone was the gentle lover moments ago. Ang nasa harapan ko ngayon ay parang galit na leon na gustong manlapa.

Bakit ba kasi ipinagpilit ko pa ang kasal na ipinipilit lang din sa akin ni Jako? Kung nanahimik na lang sana ako ay makakausap ko pa ng maayos si Ralf hindi kagaya ngayon na mainit na rin ang ulo niya.

“You prostituted yourself, gave me your virginity pero ipinasya mo pa rin na magpakasal kay Jako para lang sa putang inang villa na iyon?” galit na wika niya. Hindi siya sumisigaw ngunit nahihimigan ko ang matinding galit sa tinig niya.

Napakurap ako. Prostituted myself? Hindi ako makapaniwala na inakusahan ako ng ganito ni Rafael.

Kusa kong ipinagkaloob sa kanya ang sarili ko dahil iyon ang nararamdaman ko, dahil nasisiguro ko na kanina sa sarili ko na walang ibang lalaki na maaaring umangkin sa katawan ko kundi siya lang.

Tumigas ang anyo ko saka ko na siya hinarap. “Isipin mo kung ano ang gusto mong isipin!” nagagalit kong ganti.

“At hindi ako magpapakasal sayo dahil lang may nangyari sa atin at naangkin mo ako. Because you deliberately seduced me! I cannot hand you in silver platter all my inheritance. Kapag pinakasalan kita, you will have all the control-”

“Shut up!” mabalasik na sigaw niya at nagpupuyos siya sa galit.

Ngunit hindi ako dapat magpasindak sa kanya. Natalo na kaagad ako kanina pa lang nang mapagtagumpayan niya akong angkinin. Hindi ako papayag na magpapatuloy akong maging talunan.

“Hindi ba totoo naman ang sinasabi ko? Nagtagumpay ka na nang ipamana sayo ni Mama ang villa. Ngayon naman ay gusto mo akong pakasalan para makuha mo na ng tuluyan ang buong kayamanan ng mga Certeza!” walang pakundangan na sigaw ko sa kanya. Nadadala na rin ako ng galit ko sa kanya at ng pagkapahiya ko sa sarili ko.

“Get out, Ivan,” sabi niya.

Sa pagkakataong ito ay hindi na sumigaw si Rafael ngunit nakikita ko ang paggagalawan ng mga muscles niya sa mukha at naniningkit ang mga mata niya sa matinding galit.

“Lumabas ka na hangga’t kaya ko pang pigilan ang sarili ko na huwag kang saktan!” patuloy pa niya nang hindi ako natinag.

Nakadama na ako ng pagod sa walang katapusan at paulit-ulit na lamang na mga argumento namin.

Umatras na ako pahakbang saka ko na tinungo ang pinto pero muling nagsalita si Rafael.

“Take this with you, slut! “

Napalingon ako sa kanya. Nakita ko na hawak niya ang brief ko saka niya iyon inihagis sa akin. Nalaglag iyon sa sahig malapit sa kinatatayuan ko.

Napapahiya ako na dinampot iyon saka na ako nagmamadaling lumabas. Nagtatakbo ako pabalik sa silid ko at doon ay ibinagsak ko na padapa sa kama ang katawan ko.

Doon ay hindi ko na pinigilan ang sarili ko. Nag-iiyak na ako sa loob ng madilim na silid ko.

Everything turned sour and ugly. Bakit kasi hindi na lang ako pumayag nang sabihin niya kanina na magpapakasal kami?

Kanina habang inaangkin niya ako ay napagtanto ko sa sarili ko na sa mga sandaling iyon ay wala na akong iba pang gustong mangyari kung hindi ang magkasama na lamang kaming dalawa.

Hindi ko nais na pakasalan si Jako. Matagal na panahon akong nilamon ng galit ko kay Ralf at sa nakalipas na mga araw ay tuluyan na niyang nabuwag ang makapal na pader na iniharang ko sa pagitan naming dalawa.

Bakit hindi na lang ako umoo kanina nang sabihin niya na siya na lang ang pakasalan ko?

Dahil ba mas nananaig ang kahihiyan ko dahil kusa kong ipinagkaloob sa kanya ang sarili ko gayong sa buong panahon na magkakilala kami ay kinasusuklaman ko siya?

O dahil sa kabilang sulok ng isip ko ay totoong hindi ko matanggap ang kanyang pagkatao?

Na baka ang tanging gusto lamang talaga niya ay ang kayamanan na mamanahin ko?

Gaano ba talaga katotoo ang hinala ko tungkol sa totoong namagitan sa kanila noon ni Mama?

Sumasakit na ang ulo ko sa sobrang gulo na ng sitwasyon.

Lahat ng akusasyon na ipinaparatang niya sa akin kanina ay tinanggap ko ngunit hindi ko matanggap ang pinakahuling salita na lumabas mula sa bibig niya.

Totoong nasaktan ako dahil sa pagtawag niya sa akin ng puta. Hindi ko siya kayang sisihin sa bagay na iyon dahil totoo naman na nagpakaputa ako kanina dahil mahal ko siya.

Dahil sa kaisipang iyon ay tuluyan na akong nawalan ng pag-asa na maaayos ko pa ang sarili ko.

Durog na durog na ako. Hindi ko na alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko. Masakit para sa akin na kay Rafael ko pa mismo narinig ang salitang iyon. Nakakababa ng pagkatao.

Hindi ko namalayan na nagsisimula na palang umahon ang araw nang makatulog ako dahil sa matinding pagod at sakit ng katawan na dulot ng nangyari sa amin ni Rafael.

Nagising ako nang masilaw ako sa liwanag na nagmumula sa nakalilis na kurtina sa bintana ng silid ko.

Halos hindi ko maimulat ang mga mata ko na namumugto pa dahil sa magdamag na pag-iyak.

Marahan akong nag-inat saka ko ikinurap-kurap ang mga mata ko upang masanay sa liwanag.

Nang tuluyan nang magising ang aking diwa ay namulatan ko si Lola Corazon na kasulukuyang binubuksan ang mga kurtina ng silid ko.

“Good morning, Ivan.” pormal niyang bati.

Hindi ko pa rin masyadong maaninag ang mukha niya dahil inaantok pa rin ako.

“A-anong oras na po ba?” tanong ko sa kanya sabay sulyap ko sa orasan na nasa tabi ng nightlamp. Alas-diyes na pala ng umaga o mas tamang sabihin na tanghali na.

“Napahaba yata ang tulog mo, Ivan?” sabi ni Lola. “Hindi kita gustong gisingin pero dalawang beses na kasing tumatawag si Jako sa telepono. Hindi ka raw niya makontak sa cellphone mo.”

Marahan akong bumangon. Napakabigat pa rin ng katawan ko. Nananakit ang halos lahat ng parte partikular na sa balakang at likod ko pati na rin sa ibabang bahagi ng katawan ko.

“Ano ho ba ang sabi?” wala sa loob kong tanong. Wala ako sa kundisyon na kausapin si Jako ngayon.

“I invited him for lunch. Baka nasa daan na iyon.” sabi ni Lola.

Napaungol ako.

“May problema ba, hijo? Hindi ko ba dapat inimbita si Jako dito?” tanong niya.

Umiling ako saka na ako tumayo.

“H-hindi po, Lola. Okay lang ho. Maliligo lang muna ako.” sabi ko saka na ako mabilis na pumasok sa banyo.

Paglabas ko ay wala na sa loob ng silid ko si Lola. Mabilis na akong nagbihis pagkatapos ay lumabas na ako ng silid upang sumunod na kay Lola sa ibaba.

Bigla na lamang akong napahinto nang mapadako ang tingin ko sa silid ni Rafael.

Bukas na bukas ang pinto. Wala sa loob akong lumapit doon na ang nasa isip ay upang isara ngunit nagimbal ako sa nabungaran ko.

Napasinghap ako at sa nanlalaking mga mata ay hinagod ng tingin ko ang kabuoan ng silid.

Walang nabago doon mula sa iniwanan kong anyo ng silid kagabi. Naroon ang lahat ng bakas ng nangyari sa aming dalawa ni Ralf.

Doon na biglang bumangon ang kaba sa dibdib ko. Nakita na ba ito ni Lola? Imposimbleng hindi.

“Hindi ko pinahintulutang pumanhik dito sa itaas ang mga katulong, Ivan.”

Mabilis akong lumingon. Nakita ko si Lola sa likod ko na nang-aarok ang mga titig.

Chapter 39

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Manila

“Hindi ko na nagisnan si Rafael. Natitiyak ko na bumalik na siya sa hacienda kaninang madaling araw.” sabi ni Lola saka niya nilingon ang loob ng silid. Pagkatapos ay bumalik sa akin ang kanyang tingin. “I saw blood spots on the cover, Ivan,”

Parang gusto ko nang matunaw dahil sa mga sinabi ni Lola. May palagay ako na tinakasan na ng lahat ng dugo ang buong mukha ko.

“K-kung ano man ang… iniisip n-ninyo’y-”

“Ano ba ang maaari kong isipin?” agap niya sa sinasabi ko habang nakatitig pa rin siya sa akin. Pagkatapos ay nagbuntong-hininga siya. Then she said wearily:

“Nalilito ako sa mga nangyayari. Bagaman matagal na kayong magkakilala ni Jako ay alam ko na matagal mo nang pinutol ang relasyon mo sa kanya at nanatili kayong magkaibigan. Nakabibiglang malaman na nagsasabi kayo na magpapakasal kayo.”

Malungkot akong pinagmasdan ni Lola at sa tingin ko ay para siyang tumanda lalo dahil sa anyo niya ngayon.

“Ngayong umaga ay dinatnan ko na ganyan ang silid ni Rafael. May bahid ng dugo ang mga kumot, ikaw ay pagod at puyat at mugto ang mga mata. Wala si Rafael.”

“L-Lola…” muli ay wala na naman akong maapuhap na sasabihin sa kanya. Kahit ako ay nalilito na rin talaga sa mga nangyayari. Lalo na sa mga ikinikilos ko sa nagdaang mga araw.

“I would have thought that he must have… raped you. Dahil sa matagal na panahon na magkakilala kayo ay palagi ka na lamang nasusuklam sa kanya,” buong kapaitan niyang sabi na ikinagulat ko.

“Pero nangyari ang lahat dito mismo sa silid ni Rafael. Kahit paano’y nangangahulugan na ikaw ang nagpunta dito. Ganoon nga ba ang nangyari, Ivan?”

Napaiyak na ako sa bahaging iyon. Hindi ko matanggap na sa mga nangyari ay ako nga talaga ang lumalabas na may kasalanan ng lahat.

Sana pala ay hinayaan ko na lamang na nakabukas ang silid ni Rafael kagabi. Sana ay hindi na lamang ako nagtungo doon. At sana ay hindi ako nagpatangay sa damdamin ko at ako pa mismo ang nagbigay ng permiso kay Ralf upang galawin ako.

Mabilis akong tumakbo patungo sa silid ko. Hindi ko kayang harapin si Lola dahil sa mga nalaman niya ngunit sumunod pa rin siya sa akin doon.

“He didn’t raped you, did he?” tanong niya sa nagmamadaling tinig. Tila ba may mangyayaring hindi maganda kapag hindi ko sinagot ang tanong niya. Nahihimigan ko kay Lola ang pagpapanic niya at ang pag-aalala dahil sa nalaman niyang nangyari kagabi.

“He didn’t drag you inside at ginawa sayo ang anumang nais niyang gawin? Sagutin mo ako, Ivan! Pinuwersa ka ba ni Rafael?” may bahagyang galit akong nahihimigan sa tinig niya.

Hindi ko siya kayang sagutin. Hindi ko na kaya pa ang patuloy na kahihiyan dahil sa mga maling desisyon ko.

Ilang sandali niya akong hinintay na sumagot ngunit walang salita ang gustong kumawala mula sa bibig ko.

Nag-angat ako ng mukha mula sa pagkakasubsob ko sa unan. Nakita ko ang concern at pag-aalala sa mga mata niya.

“Five years ago ay sinabi sa akin ni Rafael ang nagawa niyang kasalanan sayo, Ivan.” wika ni Lola nang wala talaga siyang makuhang sagot mula sa akin. “Sinabi niya sa akin na muntikan ka na niyang magahasa noon sa loob mismo ng silid mo.”

Nanlaki ang mga mata ko saka ako mabilis na napabangon mula sa kama. Hinarap ko si Lola. Hindi ako makapaniwala na sinabi sa kanya iyon ni Rafael.

“S-sinabi niya sa inyo?” nauutal na tanong ko.

Tumango si Lola saka niya ako sinagot. “Itinawag niya sa akin iyon noon noong nalaman niya na gusto mo nang lisanin ang Hacienda Aurelia. He hated himself so much after that. And I’m sure he told your father about it.”

“Oh!” tanging naisagot ko.

“Huwag kang magsinungaling sa akin, Ivan. Ginawan ka ba ng masama ni Ralf kagabi?” seryosong tanong niya habang pinagmamasdan ako ng mataman.

Umiling ako. Ilang sandali akong nanatiling nakatulala sa kawalan bago ako nag-angat ng tingin sa Lola ko.

“I-I came to his room last night. Nakita ko na bukas ang pinto at ang ilaw. Isasara ko sana iyon pero hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala si Ralf.”

Nakagat ko ang ibabang labi ko saka ako napapikit. Kailangan ko ba talagang sabihin kay Lola ang lahat? Nakakahiya.

Nakita ko na naghihintay siya na dugtungan ko ang mga sinabi ko.

“Anong ginawa sayo ni Rafael?” muli ay tanong niya.

Nagbuga ako ng malalim na paghinga saka ko na lakas loob na isiniwalat ang buong katotohanan.

“I saw him, almost naked. He teased me, though…” lumikot ang mga mata ko. Naghahagilap ng tamang mga salita na hindi magiging masama sa pandinig ni Lola. “…though what happened afterwards wasn’t really planned, p-pareho naming ginusto ang nangyari. Ginusto ko at hindi ko iyon pinagsisisihan.”

Tuluyan nang pumatak ang mga luha ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa kahihiyan dahil sa mga actions na nagawa ko o dahil alam ko sa sarili ko na kailanman ay hindi namin matutugunan ni Rafael ang nararamdaman namin para sa isa’t isa.

Para kaming tubig at langis na kailanman ay hindi mo maaaring maipagsasama. Magkaiba kami ng paniniwala at paninindigan sa buhay.

Bukod pa sa mahabang panahon na ang namamayani sa pagitan naming dalawa ay galit at animosity.

Ralf is not the right man for me. Hindi rin ako ang nararapat sa kanya dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko siya katulad.

Maaaring natutukso siya sa akin pero hindi ko kailanman maibibigay ang mga tunay niyang pangangailangan bilang isang lalaki.

Napatitig ako kay Lola. Nakita ko na maaliwalas na ngayon ang mukha niya hindi gaya kanina na puno iyon ng pag-aalala. Tila ba naalis sa mga balikat niya ang isang mabigat na dalahin.

Dahil ba nalaman niya na hindi naman talaga ako pinuwersa ni Rafael? Iniisip ba niya na ito na ang simula ng pagkakasundo naming dalawa ng ampon niya?

Pero galit na sa akin ngayon si Ralf. Hindi ko rin kaya na ibaba ang pride ko para lang sa kanya. Masyado nang marami ang nawala sa akin at hindi ko na hahayaan buwagin ng nararamdaman ko sa kanya ang pader na nagsisilbing panangga ko sa kanya.

“What happened to the hatred you feel for him, Ivan?” bigla ay sambit ni Lola.

Napakurap ako saka ko sinalubong ang mga mata niya? Akma na akong sasagot ngunit nakarinig kami ng busina mula sa ibaba.

Nakaharap sa entrada ng bahay ang silid ko kaya maririnig mo talaga doon ang busina ng sasakyan sa ibaba.

“That must be Jako, Lola.” sabi ko saka na ako tuluyang tumayo at bumaba.

Naging maayos naman ang tanghalian namin ngunit hindi ko na kaya pang patagalin ang napagpasyahan ko.

Matapos ang pananghalian ay kinausap ko si Jako sa labas ng bahay. Gusto ko nang itama ang maling pag-asam niya na maibibigay ko sa kanya ang pangarap niyang kasal.

Ayoko na makulong sa isang bagay na alam kong pagsisisihan lang namin sa huli.

Nasa terrace kami nang ipagtapat ko sa kanya ang buong katotohanan maliban sa nangyari sa amin ni Ralf kagabi.

Naging tapat sa akin si Jako sa nakalipas na mga taon. Kahit noong mga bata pa kami ay ramdam ko na ang suporta at pagmamahal niya kahit na hindi ko iyon binibigyan ng halaga.

Pero ayokong maging unfair sa kanya. Karapatan niyang malaman ang katotohanan. Mabuting tao si Jako. Kung ako ang tatanungin ay siya ang gusto kong mahalin. Kaya lang ay iba ang itinitibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang masuklian ang atensyon na ibinibigay sa akin ni Jako kahit pa noon.

Kaibigan ko na siya mga bata pa lamang kami. Siya lang ang nag-iisang nagtiyaga sa ugali ko at siya lang din ang nag-iisang naging tapat sa akin maliban kay Rita.

Celine was my friend during my elementary days pero sinira niya iyon nang landiin niya si Levi at ipagkalat niya ang sikreto ko.

Noong highschool naman ay wala akong masyadong naging kaibigan dahil karamihan sa mga schoolmates ko ay kinaiinisan ang pagiging prangka ko.

Well hindi ko iyon ginawang big deal. Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Hindi ko kailangan baguhin ang sarili ko para lang sa kanila.

Jako was there. Hindi niya ako pinabayaan. Iyon ang dahilan kung bakit minsan sa buhay ko ay naisipan ko rin siyang pakasalan.

Pero buo na ang pasya ko. Gusto ko rin siyang maging masaya. Ayokong maging selfish sa kanya. Sapat na sa akin ang loyalty na ipinakita niya sa loob ng napakaraming taon para itreasure ko siya sa puso ko.

Kaya ngayon ay inihahatid ko na siya patungo sa sasakyan niya. Malugod naman niyang tinanggap ang naging desisyon ko.

Hindi rin namin kailangan putulin ang pagkakaibigan namin. Si Jako ang itinuturing kong bestfriend. My partner in crime.

Masaya kami pareho sa naging desisyon namin. Nanghihinayang lang din pero hindi mabigat sa loob.

Sa kanya ko rin iniiyak kanina ang lahat ng problema ko. Dinamayan niya ako nang hindi hinuhusgahan.

Nasa tapat na kami ng sasakyan niya nang humarap siya sa akin saka niya hinaplos ng palad niya ang pisngi ko.

“Natitiyak mo ba ang sarili mi, Ivan?” tanong niya.

Tumango ako. “I’m sorry, Jako. I hope you really understand.” sagot ko.

Ngumiti naman siya ngunit nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya.

Huminga ng malalim si Jako saka niya ako muling tinitigan. “I do,” he said. “Sa kabila ng galit mo kay Rafael. Kahit noon pa lang ay naghihinala na ako na may ibang damdamin na nakatago diyan sa puso mo para sa kanya.”

“Nakikita ko kung paano ka magalit noon sa tuwing nakikita mo siya na may kasamang mga babae.”

“Kahit na nakakahalata na ako ay umasa ako na hindi pag-ibig iyon kundi panibugho dahil kinuha ni Rafael ang lahat ng atensyon ng mga taong nakapaligid sayo. Pero hindi ako sa pag-asa na makikita mo iyon.”

Ngumiti ako saka ko nilaro ang butones ng kanyang polo. “Nakita ko iyon. Kaya nga hindi ko kaya na mawala ka sa buhay ko. Pero hindi ki kayang suklian ang pagmamahal mo.”

“It’s okay, Ivan. Tanggap ko na.” natatawang sagot niya bago siya nagseryoso. “Mauuna na ako. Gagamutin ko pa ang puso ko.” biro niya.

Natawa naman kami pareho saka niya ako hinalikan sa pisngi.

“I gotta go. Sana sa susunod na magkita tayo ay masaya ka na. Hindi man kay Rafael ay sa taong magugustuhan mo.”

“I wish it was you!” wala sa loob na sagot ko.

Napailing naman siya saka na siya sumakay sa sasakyan niya.

Nang mawala na ang sasakyan niya sa paningin ko ay nagpasya na ako na bumalik sa loob.

Nakasalubong ko sa sala si Lola Corazon na tila ba hinihintay talaga ako. Sa kamay niya ay may nakita akong lumang notebook na ipinasok niya sa bulsa ng kanyang daster.

Chapter 40

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Manila

“Hindi ko sinasadyang makinig sa pinag-uusapan ninyo ni Jako, Ivan. Pero naulinigan ko na nakipagkasira ka na sa kanya.” sabi ni Lola.

Naupo siya sa sofa at sumunod naman akong naupo sa kabila. Humugot ako ng paghinga bago ko siya sinagot.

“Pagkatapos po ng nangyari sa amin ni Ralf, Lola, magiging unfair para sa lahat kung itutuloy ko pa ang pagpapakasal ko kay Jako.”

Isinandal ko sa headrest ng upuan ang ulo ko saka ko tahimik na pinagmasdan ang mga dahon sa puno na nasa labas ng bintana.

“He’s a nice man but I don’t love him. I never did.” bulong ko.

“At sino ang minamahal mo, Ivan?” sagot niya.

Umayos ako ng pagkakaupo saka ko siya tinitigan. Sa malungkot na mga mata ay inamin ko sa kanya ang buong katotohanan.

“Hindi ko kailanman naisip na mahal ko si Ralf, Lola…”

“But you love him? Don’t you?”

“It seems to fall into that line,” sabi ko. Nagyuko ako ng ulo, ipinatong ko ang dalawang paa ko sa couch saka ko niyakap ang mga iyon. “Pero walang pag-asa iyon, Lola. We hated each other.”

Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ni Lola saka niya hinawakan ang kamay ko na nakayakap sa mga paa ko.

“Hindi ka kinamumuhian ni Rafael kagaya ng iniisip mo, Ivan. Mahal ka niya. Hindi mo lamang iyon nakikita dahil mas nangingibabaw ang disgusto mo sa kanya.”

“Hindi mo ako masisisi, Lola. Si Rafael na mismo ang nagbibigay ng dahilan sa akin upang kamuhian ko siya.” sagot ko.

“Hindi mo kailangan magalit sa kanya. Kung ang mga materyal na bagay ang dahilan ng ay hindi mo na kailangan pa na magkaganyan. Maaari ninyong pag-usapan iyan nang hindi na kayo nagtatalo pa. Matanda na ako at ayoko kayong iwanan na ganyan kayo.”

Tumigas ang anyo ko saka ko siya hinarap. Nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ba ang sasabihin ko o hindi. Pero sa huli ay nagpasya ako na sabihin iyon.

“Hindi materyal na bagay o basta selos lang ang dahilan ko kung bakit ako nagagalit sa kanya, Lola. May mas malalim na dahilan ako.”

“Kung ganun ay ano ang dahilan? Bukod sa panibugho dahil naagaw ni Rafael ang atensyon ng mga magulang mo at ng pagkakaloob ni Aurelia ng villa kay Ralf ay wala na akong maisip na ibang dahilan pa.”

“I saw them, Lola!” galit na sambit ko. Nagsimula nang pumatak ang mga luha ko. “Nakita ko si Mama na nakayakap sa hubad na katawan ni Rafael sa loob mismo ng silid ng bastardong ampon ninyo. Inakit ni Ralf si Mama kaya sa huli ay sa kanya ipinamana ang villa!”

“Dios mio, Ivan. Nagkakamali ka ng iniisip. Hindi iyon ang dahilan kung bakit ginawa iyon ng Mama mo.” nahihintakutan na sagot ni Lola.

“Nakita ko sila. Bago pa mangyari iyon ay napapansin ko na si Mama. Masyado siyang magiliw kay Ralf. Mas hinahap pa nga niya ang lalaking iyon kaysa sa akin na sarili niyang anak. And then I heard them. Narinig ko si Mama. Sinabi niya na hindi malalaman ni Papa ang totoo at mag-iingat na sila.”

Sumeryoso ang anyo ni Lola saka niya ako pinagmasdan. Puno ng simpatya at lungkot ang kanyang mga mata.

“Iyon ba ang dahilan kaya mas pinili mo na manirahan dito kasama ko imbes na naroon ka kasama ng mga magulang mo?” tanong niya.

Tumango ako saka ako nagpahid ng mga luha. “Hindi ko kayang makita na sinisira ni Ralf ang pamilya ko. Maging si Papa ay hindi ako pinaniwalaan sa nakita ko.”

“Dahil alam niya na nagkakamali ka lang ng hinala. Hindi magagawa ng Mama mo o ni Ralf ang ipinaparatang mo, apo.”

“Paano ninyo nasasabi iyan? Wala kayo doon nang mga panahon na iyon. Naroon ako at narinig ko ang lahat.”

Umiling si Lola saka niya ako niyakap ng mahigpit. Gumanti naman ako ng yakap sa kanya.

Nang kumalas na siya ay pinahid niya ang mga luha ko saka siya muling naupo sa tabi ko.

“Matagal ko na dapat sinabi sayo ito. Noon pa lang nang ilibing si Aurelia ay gusto ko nang ipagtapat sayo ang buong katotohanan. Karapatan mong malaman iyon. Pero pinigilan ako ni Lyndon. Nakiusap siya sa akin na hayaan nang maibaon sa limot ang lahat.”

“Pagbalik ninyo dito mula sa San Isidro matapos mailibing si Lyndon ay binalak ko nang ipagtapat sayo ang totoo pero pinigilan ako ni Ralf. Iniingatan nila ang damdamin mo na huwag masaktan. Ngunit sa nakikita kong sitwasyon ninyo ngayon ay nakabuo na ako ng pasya. Nararapat lang na malaman mo ang katotohanan. Dahil iyon lang ang magpapalaya sa inyong dalawa ni Rafael mula sa masalimuot na nakaraan.”

“Anong katotohanan, Lola? Please, sabihin na ninyo.” pakiusap ko matapos niyang magsalita.

“Si Rafael ay bunga ng panggagahasa ni Manuel kay Aurelia.”

Shock ang bumalatay sa anyo ko. Napakurap ako at inaanalisa ko sa isip ko ang mga sinabi ni Lola.

“A-ano ang gusto ninyong sabihin?” naguguluhang tanong ko sa kanya.

“I should have told you this a long time ago, Ivan. Iyon din ang ipinayo ko noon aa mga magulang mo pero natakot si Aurelia. Maging si Rafael.”

“Si Rafael na rin mismo ang kusang umayaw noon na ipaalam sa lahat ang tungkol aa tunay na ugnayan nila ni Aurelia. Ginawa niya iyon upang pangalagaan ako at ang ina niya.”

“Totoong inampon ko si Rafael, Ivan.” patuloy niya saka niya isinandal ang katawan niya sa sandalan sa nahahapong paraan.

“Inampon ko siya mula pa nang isilang siya subalit hindi siya iba sa akin. Si Rafael ay sarili kong dugo, dugo ng aking dugo. Hindi man ako ang nagluwal sa kanya ay minahal ko siya na para na ring akin.”

“K-kung ganon ay magkapatid kami? Pero may nangyari sa amin kagabi. Oh God!” nababahala kong sagot saka ako nanlulumong napasandal sa kinauupuan ko.

Umiling si Lola. “Hindi mo siya kapatid, Ivan. Katulad ng alam mo ay kaisa-isa kong anak si Aurelia. Dalawang taon pa lamang siya nang magpasya kami ni Adolfo noon na ampunin ang isang batang lalaki. Pitong taon noon si Manuel nang mamatay ang mga magulang niya mula sa isang nakawan noon sa hacienda. Uso pa noon ang cattle rustling. Mararahas ang mga magnanakaw. Sinunog nila ang mga kubong tinitirahan ng mga tauhan ng hacienda.”

“Nakaligtas sa nakawang iyon ang batang si Manuel. Inampon at pinalaki namin siya ni Adolfo bilang sarili naming anak. Kasabay ng pagpapalaki namin kay Aurelia.”

“Totoong minahal at itinuring na tunay na kapatid ni Manuel ang anak ko. Natutuwa ako na naging tagapagtanggol ni Aurelia ang aming ampon.”

Nakita ko ang pagsilay ng bahagyang ngiti sa mga labi ni Lola sa parteng iyon ng kanyang paglalahad.

“Subalit lingid sa aming kaalaman ay natuto na palang gumamit ng ipinagbabawal na gamot si Manuel. Nahikayat ng mga hindi mabubuting kaibigan at kamag-aral.”

Ang kaninang ngiti niya ay napalitan ng kapaitan. Base sa nakikita ko kay Lola ay nahihirapan siya na balikan sa isipan niya ang lahat.

Nakadama naman ako ng guilt at nakita ko na tila nahahapo na siya. Mabilis akong napatayo saka ko siya inalalayan.

Tinawag ko ang mga katulong at dinala namin si Lola sa loob ng silid niya. Mabilis namang dumating ang ipinatawag kong doktor at habang nagpapahinga siya ay nakita ko ang pagsilip ng notebook sa bulsa niya.

Kinuha ko iyon saka ko binuklat. Nakita ko sa unang pahina ang pangalan ni Mama.

Binuklat ko pa iyon saka ko napagtanto na isa iyong lumang diary. Ipinagbilin ko si Lola sa maid saka ko dinala sa silid ko ang diary.

Doon ay malaya ko nang nabasa ang lahat ng nakatagong sikreto sa nakaraan na gusto nang ilahad sa akin kanina ni Lola kung hindi lamang sumama ang kayang pakiramdam.

Aurelia Certeza’s Diary

Linggo iyon at kaarawan ni Manuel. Nagkaroon sila ng salusalo sa loob mismo ng bahay na iyon sa Maynila.

Napakarami niyang naging bisita at ang iba sa mga iyon ay hindi kilala ni Aurelia. Nagsidatingan ang lahat ng kaibigan at kamag-aral ng binata.

Habang tumutulong siya sa paghahanda ng pagkain at pag-aasikaso sa mga bisita ay halos mapatalon sa gulat si Aurelia nang maramdaman niya ang paghimas ng isang kamay sa puwet niya.

Nakita iyon ni Manuel at dahil sa galit niya ay nabugbog niya ang kaklase niya saka na tuluyang pinaalis sa mansyon.

Sa kabila ng nangyari ay nagpatuloy pa rin ang handaan kahit na mainit na ang ulo ng binata.

Nagsimula na silang mag-inuman hanggang sa inabot na sila ng gabi. Dahil sa pagod sa paghahanda ay nauna nang umakyat ang mag-asawang Certeza at nagpahinga na sa kanilang silid sa itaas.

Naiwan si Manuel at ang ilan sa mga kabarkada niya. Dahil wala nang tao sa ibaba ay naglabas sila ng droga saka sila gumamit sa loob mismo ng bahay.

Nang maramdaman nila ang pagbaba ni Aurelia upang uminom ng tubig sa kusina ay mabilis nilang naitago iyon ngunit hindi ang amoy sa pagtataka ng dalaga.

Hindi na lang niya iyon pinansin at tumuloy na siya sa kusina. Ilang sandali lang ay muli na itong umakyat sa itaas.

Binulungan naman ng isang kaibigan si Manuel. “Pare maganda yung kapatid mo. May syota ba yan?”

“Gago bawal yan. Bata pa siya at maraming pangarap sina Papa at Mama para sa kanya.” sagot ni Manuel.

“Pero parang masarap siya sa kama. Hindi mo ba naiisip minsan na patulan na lang siya?” bulong ng isa pa niyang kasama sa sala.

Napaisip naman doon si Manuel. Ngunit mabilis din siyang napailing.

“Hindi, pare. Magkapatid kami.” sagot niya.

“Hindi naman talaga kayo magkapatid. Hindi ba sabi mo nga ampon ka lang? Kung si Aurelia ang makakatuluyan mo ay sayo lahat mapupunta ang kayamanan ng mga magulang ninyo.” sulsol ng isa.

“Mag-inom na nga lang tayo. Kung anu-ano ang naiisip ninyo.” sagot niya.

“Pero nakakainip ngayon. Wala man lang tayong maikakama na mga babae. Nagsiuwian na lahat.”

“Tigang pa naman yang si Manuel. Iniputan sa ulo ni Mindy.” biro ng isa.

Doon na nag-init ang ulo ni Manuel.

“Ulitin mo nga ang sinabi mo?” madilim na sabi niya. Pinitserahan niya ang kaibigan saka niya iyon sinuntok ng malakas kaya napasadsas ito sa sofa.

“Ikaw kaya ang kantutin kong gago ka? Ako tigang? Tarantado pokpok lang yung si Mindy. Maraming babae ang halos maghubad na sa harapan ko.”

Akma niya ulit susugurin ng suntok ang kaibigan ngunit umawat na ang mga kasama nila saka na nagpaalam na aalis na ang mga ito.

“Pare, pasensya ka na. Lasing na kasi kaya hindi na alam ang sinasabi.” sabi ng isa na sinisikap na mapagaan ang sitwasyon.

Nang makaalis ang mga kaibigan ay nagpasya nang umakyat si Manuel sa itaas ngunit nakasalubong niya doon si Aurelia.

“Bakit gising ka pa?” tanong niya sa sa dalaga.

“Nakarinig kasi ako mg komosyon. Akala ko ay may nag-aaway sa ibaba kaya lumabas ako.”

“Wala yun. Nagpapaalam lang sila. Mga lasing na kasi.” pagsisinungaling niya.

Ngumiti naman ng napakatamis si Aurelia saka niya ikinawit sa braso ni Manuel ang braso niya. Likas na sa kanila ang pagiging malambing sa isa’t isa.

Inalalayan siya ni Aurelia papasok sa silid niya dahil nakita nito na lasing na rin siya. Pagkatapos ay inutusan niya ito na ikuha siya ng malamig na tubig.

Lumabas ang dalaga upang kumuha ng tubig. Inilabas naman ni Manuel ang droga saka siya muling humithit sa loob ng silid niya.

Lutang na siya sa alapaap nang makabalik si Aurelia. Binigyan siya nito ng isang baso ng tubig ngunit natapon iyon sa katawan niya dahil sa likot niya.

Mabilis naman siyang hinubaran ng pang-itaas na damit ni Aurelia saka siya nito inayos sa pagkakahiga sa kama.

“The party is successful, Manuel. Wala yata ang girlfriend mo ha? Hindi ko siya nakita kanina.” sabi ni Aurelia habang kumukuha ng sando sa closet upang ipasuot kay Manuel.

Hindi niya namamalayan na masama pala ang loob ni Manuel dahil sa ginawa ni Mindy at binanggit pa ni Aurelia ang pangalan nito.

Nagmulat ng mata si Manuel saka niya tinitigan si Aurelia.

“Ang tak…sil na iyon,” wika niya na lasing sa alak at droga. “Papatayin ko sila kapag nakita ko sila ng lalaki niya.”

Nahintakutan naman si Aurelia sa mga pinagsasasabi ni Manuel. Mabilis na niya itong nilapitan upang iangat ang katawan at ipasuot dito ang hawak niyang sando.

“Lasing ka na, Manuel. Matulog ka na.” sabi niya saka niya ipinasuot kay Manuel ang sando.

Ngunit mabilis siyang nahila ng binata saka siya inihiga sa kama. Mabilis din itong pumatong sa kanya saka siya nito siniil ng maiinit na halik.

“M-Manueeel!” tili ng dalaga.

“Mindy,” bulong ni Manuel saka niya pinaulanan ng halik ang leeg ni Aurelia. Sa kanyang paningin ay ang kasintahan niya ang naroon sa ibabaw ng kanyang kama.

“Manuel, hindi ako si Mindy, ano ba!” sigaw ni Aurelia sa pagpipilit na paglabanan ang ginagawa ng binata.

Subalit lulong na sa alak at droga ang kaisipan nito at wala na itong iba pang nais gawin kundi ang makaniig ang babaeng nasa ibabaw ng kanyang kama.

Mabilis na nahubad ni Manuel ang mga damit nilang dalawa. Nagsimulang tumili si Aurelia ngunit napasok na siya ni Manuel.

Nagpatuloy ang panghahalay nito sa kanya hanggang sa tuluyan na itong makaraos.

Doon na sila napasukan ng mag-asawa. Nag-iiyak na si Aurelia habang nasa ibabaw pa rin niya ang nakatulog nang binata.

Halos maghisteria siya dahil sa kanyang sinapit. Hindi mapigilan ang walang tigil na paghikbi at pagdaloy ng kanyang mga luha.

“A-Aurelia? Anong nangyari dito?” tanong ni Don Adolfo.

Sa hindi maintindihan na salita ay naipahayag ni Aurelia ang nangyari.

“G-g-ginahasa p-po ako n-ni M-manuel,” aniya sa pagitan ng mga paghikbi.

Mabilis naman siyang nilapitan ni Donya Corazon at ni Sita. Inilayo nila sa katawan ni Manuel ang dalaga at tinakpan ng kumot ang kanyang hubad na katawan.

Tinulungan siyang makatayo ng mga ito upang ilabas sana sa silid na iyon ngunit mabilis na nakabalik sa loob ng silid si Don Adolfo hawak ang isang revolver saka niya pinagbabaril ang noon ay nakadapang binata sa ibabaw ng kama.

Nagtilian ang mga babae sa loob ng silid at nabalot ng karahasan ang napakatahimik na gabi.

Matapos mapatay ni Don Adolfo ang kanilang ampon ay inatake ito sa puso at hindi na umabot pa sa ospital.

Chapter 41

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Manila

Napasinghap ako nang mabasa ko ang mga huling kataga. Hindi ko na nakagisnan si Lolo Adolfo ngunit walang nabanggit sa akin sina Lola tungkol sa kanya.

Dala ng kuryosidad ay ipinagpatuloy ko ang pagbabasa sa diary ni Mama. May palagay ako na narito ang lahat ng kasagutan sa mga bagay na matagal nang bumabagabag sa isipan ko.

Aurelia Certeza’s Diary

Sabay na inilibing sina Don Adolfo at Manuel na hindi nadaluhan ni Aurelia dahil sa trauma na sinapit niya.

Nalaman ni Aurelia at ni Donya Corazon mula sa mga kaibigan ni Manuel na ang kasintahan ni Manuel na si Mindy ay pumatol sa ibang lalaki.

Iyon at ang alak at ang droga ang naging dahilan upang magawa niya ang bagay na iyon kay Aurelia.

Upang makaiwas sa eskandalo at sa mga usap-usapan ay ipinadala ni Donya Corazon si Aurelia sa ibang bansa.

Ang mga dating katulong na naroon noong araw na mangyari ang krimen sa tahanan ng mga Certeza ay pinaalis at pinalitan lahat ng bago maliban kay Sita na itinuring na nilang kapamilya.

Ngunit hindi pa doon nagtapos ang lahat. Sa amerika ay nagbuntis si Aurelia at binalak niya iyong ilaglag ngunit napigilan siya ni Donya Corazon dahilan upang magkaroon ng alitan ang mag-ina.

Sa buong durasyon ng pagbubuntis ni Aurelia ay binantayan siya ni Donya Corazon upang hindi makagawa ng bagay na pagsisisihan nila.

Matapos maipanganak si Rafael ay hindi man lang ito magawang tapunan ng tingin ni Aurelia.

Sa habag ng matanda ay napilitan siya na ampunin ang bata bilang sa kanya. Nakita niya kung paano kasuklaman ni Aurelia ang anak.

Dahil sa labis na pag-aalala ay ipina-therapy ni Donya Corazon si Aurelia at nang tuluyan nang makarecover ay pinauwi na niya ito sa Maynila.

Nagsimula ng bagong buhay si Aurelia. Kinalimutan niya ang lahat ng masamang pangyayari sa buhay niya. Maging ang anak niya ay kinalimutan na rin niya at hinayaan na sa pangangalaga ng ina.

Bilang mabuting ina ay inalagaan at minahal ng matandang Certeza ang bata. Sa unang taon ay naging masasakitin ito ngunit sa katagalan ay sumigla at lumusog.

Si Aurelia ay pinili na magtrabaho bilang tagapamahala ng furniture factory ng mga Certeza. Namuhay siya na malayo na ang loob sa ina dahil sa mga panenermon nito sa kanya dahil lang sa bata na ayaw niyang makita.

Grade one na si Rafael nang makilala ni Aurelia si Lyndon. Isa sa mga mahuhusay na salesman ng kanilang kumpanya.

Nagkaroon ng lihim na pagtingin ang dalagang puso ni Aurelia para sa makisig na lalaki. Ngunit hindi niya maaaring aminin iyon dahil si Lyndon ay may asawa na at kasalukuyang buntis sa magiging anak nila.

Tinanggap naman ni Aurelia ang katotohanan na hindi na sila maaaring magkatuluyan pa ni Lyndon. Ngunit hindi nila tinapos ang pagkakaibigan nila. Maging si Teresa na asawa ni Lyndon ay nakagaanan na rin niya ng loob.

Sa kabila ng pagiging maingat ni Aurelia tungkol sa kanyang nararamdaman ay nahalata pa rin siya ni Teresa at nang minsan naagkasarilinan sila ay kinausap siya nito.

“Babae ako, Aurelia. Nararamdaman ko na may pagtingin ka sa asawa ko. Kahit ganun ay wala akong maipipintas sayo.” sabi ni Teresa.

“Hindi ko gusto na makasira sa pamilya ninyo. Totoong nahulog na ang loob ko kay Lyndon ngunit nang malaman ko na may asawa na siya ay sinikap ko na itago iyon at tanggapin na lamang ang katotohanan na hindi kami maaaring magmahalan.”

Napahugot ng malalim na paghinga si Aurelia saka siya tumanaw sa labas ng bintana.

“Kuntento na ako sa pagiging magkaibigan namin ni Lyndon. Nang makilala kita at tinanggap mo ako ng walang pag-aalinlangan ay ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako magiging balakid sa pagsasama ninyong mag-asawa.”

Hinawakan ni Teresa ang kamay ni Aurelia kaya napasulyap siya sa babae.

Nakangiti si Teresa ngunit may lungkot na nagtatago sa mga mata niya.

“Kahit na matagal ko nang napapansin ang mga lihim na sulyap mo kay Lyndon, kahit minsan ay hindi ako nakadama ng galit sayo, Aurelia.”

“Tao lang din ako. Nakakadama ako ng insecurities. But at the end of the day ay nakikita ko na mabuti kang tao at hindi mo kailanman sinamantala ang pagiging malapit mo sa asawa ko.”

“Sa sarili ko mismo ay alam ko na may pagmamahal din para sayo si Lyndon. Ngunit isa siyang madignidad na tao. Nararamdaman ko na mahal niya ako pero nararamdaman ko rin na mahal ka niya.”

Napailing si Aurelia saka siya masuyong tumitig sa buntis na babae.

“Hindi ko sisirain ang pagkakaibigan natin, Teresa. Kung ano man ang nararamdaman ko ay sinisikap ko na pigilan.”

Ngumiti rin si Teresa saka niya pinisil ang palad ni Aurelia. Pagkatapos ay hinaplos niya ang malaki at bilog na bilog niyang tiyan.

“Kinausap kita ngayon Aurelia dahil may gusto sana akong hilingin na pabor sayo.”

Napakurap si Aurelia at hinintay ang susunod na mga sasabihin ni Teresa.

“Malaki na ang tiyan ko. Nalalapit na rin ang araw na kinatatakutan ko.” sabi ni Teresa. Puno ng pangamba at pag-aalala.

“Ano ang ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ni Aurelia.

“May sakit ako sa puso at simula pa lamang ay alam na namin ni Lyndon na mahihirapan ako sa panganganak. Masyadong mahina ang puso ko at nararamdaman ko na sa sandaling lumabas na ang anak namin ay hihinto na rin ito sa pagtibok.”

Napailing si Aurelia. “Huwag mong sabihin iyan. Kailangan ka ni Lyndon. Kailangan ka ng magiging anak ninyo.”

Sa pagkasabi ni Aurelia ay may kung anong sumuntok sa dibdib niya. Bigla ay pumasok sa isipan niya ang anak na si Rafael na pinabayaan at inabandona niya sa pangangalaga ng kanyang ina.

Sa pagkakataong iyon ay nakadama ng guilt si Aurelia at nagsisimula nang magiba ang pader na itinayo niya sa pagitan nila ni Rafael.

“Matagal ko nang natanggap ang katotohanan, Aurelia. Ang hindi ko lamang matanggap ay ang kaisipan na maiiwan ang anak ko na walang ina na gumagabay at nagmamahal sa kanya. Ikaw ang nakikita kong solusyon sa problema ko.”

“B-bakit ako?” naguguluhang tanong niya.

“Nakita ko kung gaano mo kamahal si Lyndon. Natitiyak ko na mawala man ako sa buhay niya ay nariyan ka at aalagaan mo siya at mamahalin. Pero gusto ko sanang makiusap sayo na sana pati ang magiging anak namin ay mahalin mo. Akuin mo siya na parang tunay na sayo. Hindi bale nang hindi niya ako makilala bilang ina niya basta masiguro ko lamang na lalaki siya ng maayos at walang insecurities.”

Hindi sumagot si Aurelia. Naguguluhan pa rin siya sa mga sinasabi ni Teresa.

Muling ginagap ng babae ang kanyang mga kamay at sa nagsusumamong mga tingin ay napapayag siya ni Teresa sa gusto nito.

Pinag-awayan iyon ng mag-asawa ngunit sa huli ay naintindihan rin ni Lyndon ang ninanais na mangyari ng kanyang asawa.

Namatay si Teresa sa panganganak niya sa bata. Bago pa man iyon isinilang ay napag-usapan na nila ni Lyndon na Ivan ang ipapangalan sa bata.

Ngunit nang mahawakan iyon ni Aurelia ay nakadama siya ng kakaibang saya at lungkot.

Naisipan niya na idugtong sa pangalan nito ang Jasper bilang tanda na siya na ang tatayong tunay na ina ng bata.

Dahil sa pangyayaring iyon ay tuluyan nang nabuwag sa pagkasilang ni Ivan ang pader na itinayo ni Aurelia sa pagitan nila ng tunay niyang anak na si Rafael.

Makalipas ang isang taon mula nang pumanaw si Teresa ay nagpakasal sina Lyndon at Aurelia.

Ninais nila ni Lyndon na bawiin na si Rafael mula sa pangangalaga ni Donya Corazon at bumuo ng sarili nilang pamilya ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay namamayani na pala sa batang puso ni Ralf ang galit at hinanakit para sa ina.

Kahit na pinaliwanagan na ng matandang Certeza ang bata ay hindi pa rin nila ito napapayag na sumama kay Aurelia na ikinadurog ng puso nito.

Bilang parte ng kanilang pagbabagong buhay ay nagpasya ang bagong mag-asawa na sa San Isidro na manirahan at si Lyndon na rin ang namahala sa hacienda na hindi na nalingunan mula nang mamatay si Don Adolfo.

Dahil na rin sa pagkabigo ni Aurelia na mabawi ang anak ay nagkaroon muli ng lamat ang samahan nila ni Donya Corazon at hindi na rin ninais pa ng matanda na makigulo pa sa tahimik nang buhay ng kanyang anak kasama ng bagong pamilya nito.

Hindi naman pumalya sa pagdalaw sina Aurelia at Lyndon sa Maynila. Ngunit walang pagkakataon na pinakiharapan sila ni Rafael.

Nagpatuloy ang ganoong set-up hanggang sa nagbinata si Rafael ay hindi siya sinukuan ng mag-asawa.

Lumaki si Rafael na may pait at matinding sama ng loob para sa ina. Dahil nakaya nitong magmahal at mag-alaga ng ibang bata samantalang siya ay hindi man lang nito nadalaw kahit minsan noong maliit pa lamang siya.

Ngunit nang magkaisip siya ay napagtanto niya na sa nangyari sa buhay niya ay si Manuel ang tunay na may sala.

Nagsimula nang lumambot ang puso ni Rafael para kay Aurelia. Ngunit hindi niya iyon kayang ipakita sa ina.

Nang makagraduate nga siya ng highschool ay nagpasya siya na magbakasyon sa Hacienda Aurelia at subukan na makisama sa bagong pamilya ni Aurelia.

Natuwa naman ang matandang Certeza at sa madaling panahon mula nang magsabi ang apo ay ipinahatid niya ito sa San Isidro.

Siyam na taon na si Ivan nang mga panahong iyon at nang unang beses siyang masilayan ni Rafael at nakita niya kung paano ito maglambing sa kanyang ina ay nakadama siya ng panibugho.

Kaya ang ginawa niya ay sikap niya na sungitan si Ivan sa mga unang araw ng kanyang pananatili sa hacienda.

Pero lumambot din naman ang puso niya para sa bata nang makita niya kung gaano ito ka-cute at kasungit dahil sinusungitan na rin siya nito sa bawat pagkikita nila.

Hanggang sa dumating ang araw na nahuli niya ito na ginugupit ang paborito niyang baseball cap.

Inamin ng bata sa kanya na ayaw nito sa presensya niya. Doon na naisip ni Rafael na hindi pa iyon ang tamang panahon para makasama niya ang kanyang tunay na ina.

Hindi niya nanaisin na ang isang bastardong kagaya niya na anak ng isang addict na rapist ang sisira sa masayang pamilya ng kanyang ina.

Nagpasya siya na magbalik ng Maynila sa kabila ng pagpigil sa kanya ni Aurelia.

Sa Maynila na rin niya ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Chapter 42

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

San Isidro

Matapos kong mabasa ang mga lihim ni Mama ay napatulala na lamang ako sa pader ng aking silid.

Mugto ang mga mata ko at puno ng luha ang mga pisngi ko.

Isinara ko ang diary saka ko pinunasan ang mga luha ko.

Nagkamali kayo, Mama Lumaki ako na puno ng insecurities. Totoong minahal ako ng pamilya Certeza ngunit hindi naging sapat iyon para punan ang ilang taon kong paghahanap sa kasagutan sa mga tanong na naglalaro sa isipan ko.

Ngayon ay malinaw na ang lahat pero bakit ang sakit? Napakasakit isipin na ang buhay na kinalakihan ko ay isang malaking kasinungalingan lang pala lahat.

Hindi ako tunay na Certeza at kahit bali-baligtarin ko ang mundo ay kay Rafael pa rin pala talaga nararapat ang lahat.

Napahikbi ako dahil sa sobrang sama ng loob. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na hindi na ako nag-iisa sa loob ng silid ko.

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Lola na nakatayo sa may pintuan. Puno ng lungkot ang mga mata niya habang nakatingin siya sa akin.

Naglakad siya papalapit sa kama saka niya ako niyakap ng mahigpit. Gumanti rin ako ng yakap sa kanya saka ako muling napahikbi.

“Lola,” sabi ko sa pagitan ng pagsinghot. “My whole life has been a lie.”

“Shhh!” alo niya sa akin. “Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano. Mahal ka nila at ayaw nilang isipin mo na hindi ka parte ng pamilya kaya nila inilihim sayo ang katotohanan. Lalo na si Rafael.”

“Pero ang sakit, Lola. Ang sakit sakit!” umiiyak na sagot ko sa kanya.

“Buong buhay ko ay naghahanap ako ng kasagutan sa mga bagay na bumabagabag sa isipan ko. Umabot pa ako sa punto na pinag-isipan ko na ng hindi maganda sina Ralf at Mama.”

Naramdaman ko ang paghugot niya ng malalim na paghinga bago siya nagsalita.

“Noon ko pa sana gustong ipagtapat sayo ang totoo pero pinigilan ako ni Lyndon. Pero sa nakikita ko na nangyayari sa inyo ngayon ni Rafael ay hindi ko na kaya pang itago ang lahat.” garalgal na pagkakasabi ni Lola.

“Huwag mo sanang iisipin na hindi ka namin mahal. Minahal ka namin na parang sariling dugo’t laman namin. Minahal ka ni Aurelia pero mahal din niya si Rafael.”

“Marahil ay nakadama ng guilt noon si Aurelia na ikaw na hindi niya dugo’y inalagaan at minahal niya gayong ang sarili niyang anak ay ipinaubaya niya sa akin.”

“Unti-unti na ngang lumambot noon ang puso ng anak ko subalit hindi si Rafael. Natuto siyang maging mapait at nagkaroon siya ng matinding sama ng loob sa ina niya.”

“Nagsisimula pa lamang silang magkaayos na mag-ina noon nang mapagpasyahan mo na lisanin ang San Isidro. Nawala si Aurelia na hindi man lang nakakabawi kay Rafael.”

“Oh God! I know it’s my fault. I’m sorry, Lola. Hindi ko sinasadya.” paninisi ko sa sarili ko habang patuloy ang pag-agos ng mga luha sa mga mata ko.

Hinaplos naman ni Lola ang likod ko saka niya hinigpitan ang kanyang yakap sa akin.

“Hindi mo kasalanan ang lahat. Walang may kagustuhan ng nangyari.” aniya.

“Kung hindi sana ako nagpilit noon na magtungo rito ay hindi mapapahamak si Mama. Alam ko na sinisisi ako ni Rafael sa nangyari noon.”

Kumalas sa pagkakayakap sa akin si Lola. Pinunasan niya ang mga luha ko saka niya pinisil ang balikat ko.

“Hindi ka kailanman sinisi ni Rafael, Ivan. Minahal ka niya sa kabila ng mga nangyaring alitan sa pagitan ninyong dalawa.”

Humugot siya ng malalim na paghinga bago siya nagpatuloy.

“He hated you at first. Lalo na nang bumalik dito si Rafael sa unang pagkakataon na sinikap ni Aurelia na ibigay ang buong atensyon niya sa anak niya.”

“Hindi ko siya masisisi, Lola,” sabi ko na sinundan ng sunod-sunod na paghikbi. “I was mean.”

Umupo si Lola sa kama ko saka siya tumingin sa labas ng bintana.

“Nitong nakalipas na mga taon na narito ka sa akin ay panay ang tawag ni Rafael dito. Palihim ka niyang kinukumusta. Tulad din ni Manuel noon kay Aurelia. Masyadong overprotective…” sandaling nahinto sa pagsasalita si Lola at pinuno niya ng hangin ang dibdib niya.

“Hindi itinago sa akin ni Rafael ang ginawa niyang kapangahasan sayo noon na iniisip niyang dahilan kung bakit nagpasya ka na lisanin ang hacienda. Kaya nang makita ko ang ayos ng silid niya kanina ay gayun na lamang ang takot ko na muling naulit ang nakaraan.”

“I-I gave myaelf freely… it… it was such a wonderful thing. Matagal na akong may lihim na pagtingin kay Rafael sa kabila ng galit ko sa kanya.”

“Pero ang lahat ay nagbago dahil ipinilit ko sa kanya na magpapakasal ako kay Jako. Pinagbintangan ko rin siya na kaya niya ako inaalok ng kasal ay dahil gusto niyang makuha mula sa akin ang lahat ng kayamanan ng mga Certeza.” I bit my lip saka ako tumingin sa nahahapong mukha ni Lola.

Kinakabahan ako na baka lalong makasama kay Lola ang mga ipinagtatapat ko sa kanya.

“Nagalit siya nang husto sa akin. Ngayon ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Oh God, kasalanan ko ang lahat.” frustrated na sambit ko habang muling pinupunasan ang mga luha ko.

Hinaplos ni Lola ang pisngi ko. Napasulyap ako sa kanya. Nakita ko ang mga ngiti sa labi niya ngunit malungkot ang mga mata niya.

“Nasa sa iyo na ang daan kung paano kayo muling magkakasundo ni Rafael, Ivan.”

Marahan siyang tumayo saka na nagpaalam. “Gusto ko na munang magpahinga.”

“Lola,” sambit ko.

Humarap naman siya sa akin at pinagmasdan niya ako sa nakakaunawang tingin.

“Maraming salamat po.” sabi ko. “Sa pagmamahal at pag-aalaga.”

Umiling siya. “Hindi mo kailangan magpasalamat dahil kahit ano pa man ang natuklasan mo ay mananatili tayong isang pamilya.”

“Hindi man lang ako nakahingi ng tawad kay Mama. Inakusahan ko siya behind her back. Napakasama ko para paghinalaan sila ng ganun.”

“Nariyan si Rafael, iho. Sa kanya ka humingi ng tawad. Mahal na mahal ka niya at sana ay huwag mo nang sayangin pa ang pagkakataon na maging masaya kayo na magkasama.”

“Lola,” muli ay tawag ko sa kanya. “Thank you so much for caring and loving me sa kabila ng katotohanan na hindi ninyo ako tunay na apo. Sa kabila ng katotohanan na inangkin ko ang pagmamahal ni Mama sa halip na kay Rafael niya iyon ibinigay. No one could have love me better…” muli ay suminghot ako at sa gumagaralgal na tinig ay idinugtong ko: “But you know I love you so much. Kayo ni Mama.”

Isang ngiti ang sumilay sa tuyot niyang labi. “You’re not that bad. Malambing at mabait ka. Maalalahanin. Kaya nagtataka ako kung bakit masungit ka kay Rafael. You’ve got me curious for a long time, now I know, you love him.”

Humakbang na siya patungo sa pinto. Pagkatapos ay muli siyang lumingon. “And Ivan, I love you too.” sabi niya.

Napangiti naman ako saka na siya tuluyang lumabas ng silid ko.

Hinayaan ko muna na makapagpahinga si Lola. Habang nasa bahay ako ay iniisip ko na kung paano ko kakausapin si Rafael.

Alam ko na galit siya sa akin matapos ang masasakit na salita na natanggap ko mula sa kanya. I deserved them.

Hindi ko alam kung may mukha pa akong maihaharap sa kanya matapos ang mga natuklasan ko tungkol sa totoong pagkatao namin.

Marami akong naging kasalanan kay Rafael at sa pagkakataong ito ay hindi ko na alam kung mapapatawad pa ba niya ako.

Ngunit kailangan kong sumugal. Lalo na ngayon na napatunayan ko na sa sarili ko na mahal ko nga siya.

Hindi ako papayag na mawalan ng saysay ang lahat ng pinagdaanan namin. Ngunit paano kung ayaw na niya sa akin? Matapos ko siyang pagbintangan ng kung anu-ano.

Nanlulumo ako na napasubsob sa unan ko. Siguro ay kailangan ko nang tanggapin ang magiging kapalaran ko sa sandaling hindi na niya ako tanggapin pa sa buhay niya.

Kinabukasan ay ibinigay ni Lola sa akin ang pangalan ng totoo kong ina. Sinabi rin niya kung saang sementeryo ko matatagpuan ang kanyang mga labi.

Nagtungo ako doon at nagpasalamat sa pagbibigay niya ng buhay sa akin kahit na ang naging kapalit ay ang kanyang sariling buhay.

Kahit hindi ko siya nakilala mula noong maliit pa ako ay nararamdaman ko sa puso ko ang pagmamahal ko para sa kanya.

Matapos kong dumalaw sa puntod ng Nanay ko ay nagpasya na ako na bumalik sa San Isidro upang itama ang lahat ng mali sa buhay ko.

Hindi ko muna isinama si Lola dahil gusto ko munang makasiguro na magkakasundo nga kami ni Rafael.

Sa sandaling hindi niya ako tanggapin ay ipapahatid ko na lamang doon si Lola saka na ako magpapakalayu-layo upang hanapin ang sarili ko.

Hindi ako dumiretso sa hacienda. Nagtungo muna ako sa puntod nina Mama at Papa.

Nagpasalamat ako sa ibinigay nilang pagmamahal at pag-aalaga sa akin. Humingi na rin ako ng tawad para sa lahat ng naging kasalanan ko sa kanila. Lalo na kay Mama.

Madilim na nang makarating ako sa villa. Masayang sumalubong sa akin si Ryle. Niyakap ko siya at hinalikan.

Pagkatapos ay hinanap ko si Rafael kay Nana Sita ngunit ang sabi niya ay hindi pa raw ito nakakauwi. May importanteng bagay na inasikaso at hindi niya alam kung anong oras na ito makakabalik.

Hinintay ko siya na makauwi. Pinatulog ko na rin si Ryle at dahil sa paghihintay ko sa kanya ay nakatulog na rin ako nang hindi ko namamalayan.

Kinabukasan ay muli ko siyang itinanong kay Nana Sita. Ang sabi niya ay maaga raw dumating at hindi na rin daw natulog.

Nagtungo raw kaagad ito sa manggahan at nanlumo ako nang sabihin niya na kasama nito si Celine.

Chapter 43 (Special Chapter)

Beloved Bastard

Jako Iriola

San Isidro

Halos magdidilim na nang makauwi ako ng San Isidro.

Dahil sa sama ng loob ko sa pagkabasted sa akin ni Ivan ay niyaya ko ang mga tropa ko na mag-inuman sa isang kilalang bar sa Olivares.

Doon ay nilunod ko na ang sarili ko sa alak saka ako nagpakasaya. Masakit ang pagtanggi sa akin ni Ivan ngunit ang ipinagtataka ko ay kung bakit pakiramdam ko ay ayos lang ang lahat.

Madaling araw na nang inihatid ako ni Nigel sa tapat ng bahay namin. Nag-offer na rin siya na ihatid ako hanggang sa loob dahil lasing na ako ngunit ipinilit ko na kaya ko ang sarili ko.

Napapailing na lamang siya na inihatid ako hanggang sa may gate. Naglakad na ako papasok sa main door.

Madilim na sa loob ng kabahayan nang pumasok ako.

Hindi na ako nag-abala pa na magbukas ng ilaw. Tinalunton ko ang daan patungo sa hagdan.

Kumapit ako ng mahigpit sa hamba ng hagdan habang umaakyat ako. Masaya ako na naglakad patungo sa silid ko. Humming a song na kahit ako ay hindi alam kung anong awitin ba iyon.

Napangisi ako saka ko ipiniling ang ulo ko dahil sa kabaliwan na ginagawa ko.

Nakadama ako ng alinsangan saka ko nilakasan ang aircon sa loob ng silid ko na bahagya ko nang napansin na bukas na pala.

Nagsimula na akong alisin isa-isa ang mga damit ko saka ko na lamang itinira ang boxers ko.

Dahil hilong-hilo na ako ay nakapikit na akong dumiretso sa kama at marahan kong ibinagsak ang sarili ko doon.

Napangiti ako saka ko ipinasok ang katawan ko sa loob ng kumot. Napakatagal na rin mula nang umuwi ako sa bahay ng ganito kalasing.

Halos makulingling noon ang mga tenga dahil sa walang katapusang sermon sa akin ng parents ko. Pati na rin si Kuya na daig pa si Mama kung magbunganga.

Malamang na bukas ay uulalin na naman ako ng sermon at kailangan ko nang ihanda ang sarili ko.

Gumulong ako patungo sa gitna at nagtaka ako nang may makapa ako na isang matipuno at hubad na katawan ng lalaki sa ibabaw ng kama ko.

Niyakap ko iyon saka ko sinamyo ang kanyang balat. Shit! Ang bango at ang tigas ng mga muscles.

Bahagya na siyang gumalaw nang marahil ay maalimpungatan siya sa ginawa kong pagsalat sa maskuladong dibdib niya.

Oh Shit! Saan ba nanggaling ang lalaking ito at bakit napakasarap niyang yakapin.

Dinampian ko pa ng masusuyong halik ang hubad na likuran niya saka ko pinasadahan ng pasaway na dila ko ang masarap niyang balikat.

Naramdaman ko na napabalikwas siya ng bangon ngunit malakas ko siyang hinila payakap at muli ay napaatras siya na napahiga sa kama.

“Fuck!” narinig kong usal ng baritonong tinig niya na kay sarap sa pandinig.

“Kung panaginip lang ito ay ayoko nang gumising.” unconsciously ay sambit ko without knowing na totoong nangyayari ang lahat at hindi ko alam ang ginagawa ko.

“What is a perfect man like you doing in my bed? Hindi mo ba alam na nakakaturn-on ka?” playful na sambit ko.

Isang mabilis na pagbangon ang ginawa niya. Tumayo siya sa gilid ng kama. Binuksan niya ang lampshade saka niya ako binalingan.

“Shit! What the heck! What are you doing, man?” frustrated na sambit niya.

Napamulat ako ng mga mata nang mapagtanto ko na hindi ako nananaginip.

Sumalubong sa akin ang isang napakagwapo at maskuladong lalaki na hubad baro at tanging puting brief lang ang suot.

Napalunok ako at nawala ang lahat ng antok ko nang mapatitig ako sa napakalaking bagay na nasa loob ng brief niya.

Marahan akong nag-angat ng tingin sa kanya at nakita ko na magkasalubong ang mga kilay niya. Nakakunot din ang noo niya habang nakatunghay siya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko saka ako napakurap-kurap.

This man is perfect. Lahat ng muscles sa katawan niya ay perpekto ang pagkakaukit. Handsome is an understatement. He is devilishly handsome. That’s the right term to use.

“W-who are you?” naguguluhang tanong ko.

Isang pilyong ngiti ang nakita kong sumilay sa mga labi niya saka siya sumagot.

“Kristoff, Jake’s friend.” sabi niya.

“Ah, hehe sige matutulog na ko. Lasing ako eh.” sabi ko saka ko mabilis na ibinagsak ang katawan ko sa kama.

Buwisit ang tanga ko talaga. Magpapalusot na lang hindi pa kapani-paniwala. Pero nandito na ako. Bahala na.

“Hey, bakit mo ginawa sa akin iyon? Bading ka ba?” tanong niya.

Fuck! Nakakahiya ang ginawa ko. Mabuti na lamang at madilim sa loob ng silid ko. Sa palagay ko kasi ay halos mapula pa sa kamatis ang buong mukha ko dahil sa sobrang pagkapahiya.

Bakit ba kasi dito pa pinatulog ni kuya ang kaibigan niya? Wala na akong mukha na maihaharap sa lalaking ito.

“Hey,” tawag niya sa akin saka niya tinapik ang balikat ko. “Wake up!”

Hindi ako gumalaw. Nagpanggap na ako na nakatulog. Kahit anong mangyari ay hindi na ako magmumulat pa ng mga mata.

Mas lalo kong ipinikit ang mga mata ko nang maramdaman ko na nakaupo na siya sa kama ko at marahil ay pinagmamasdan ako.

“Alam kong gising ka.” narinig kong sambit niya sa tonong naa-amuse.

“Umayos ka na diyan. Makikitabi muna ako ah.” paalam niya saka ko na naramdaman ang paghiga niya sa tabi ko.

Bahagya akong nagmulat ng mata ngunit hindi ako nagtangka na gumalaw. Kapag gumalaw ako ay mahahalata niya na gising nga talaga ako.

Tang-ina naman kasi. Bakit ko ba kasi minolestiya? Ganoon na ba ako kalibog?

Napakalamig ng silid pero pinagpapawisan ang mukha ko dahil sa tindi ng pressure na nararamdaman ko.

Muli na naman naglaro sa isip ko ang magandang katawan niya at ang malaking bagay na nakita kong nakaumbok sa brief niya.

Lihim na akong napailing saka na ako muling pumikit.

“Huwag mo akong gagapangin. Baka maidala kita sa langit.” pilyong biro niya saka na siya nag-ayos ng higa.

Tangina neto nang-aalaska pa. Bahala ka diyan. Basta hindi ako gagalaw kahit na anong mangyari.

Naramdaman ko ang bahagyang paghila niya sa kumot at itinakip niya iyon sa ibabang bahagi ng katawan niya.

Nararamdaman ko na rin ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Sa buong buhay ko ay ngayon pa lang ako napahiya sa sarili ko ng ganito.

Hindi rin ako nakatulog kaagad dahil sa presensiya ng lalaking ito sa mismong kama ko.

Nangangawit na ako sa puwesto ko dahil kung paano ko naibagsak kanina sa kama ang katawan ko ay ganun pa rin ako ngayon.

Halos ilang minuto pa ang matulin na lumipas ay pinakikiramdaman ko lang ang masarap na lalaki sa tabi ko.

Hindi na rin ako nakatiis at kunwari ay gumalaw na ako upang makapagpalit ng puwesto.

Humarap na ako sa gawi niya saka ko siya pinagmasdan. Malapad ang mga dibdib niya at malaki ang mga braso.

Para siyang hunk sa mga american series na napapanood ko. Makinis ang balat. Nakikita ko iyon sa kabila ng kadiliman sa loob ng silid ko.

Naramdaman ko na gumalaw ang uli niya saka siya sumulyap sa akin. Mabilis akong pumikit at nagpanggap na tulog pa rin.

Narinig ko pa ang bahagya niyang pagtawa saka na siya nag-ayos ng higa patalikod sa akin.

“Matulog ka na. Huwag mo na akong pagnasahan.” pilyong sambit niya.

Gago to. Mayabang ka ah. Inis na bulong ko sa isip ko.

Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog pero nang magising ako ay mataas na ang araw.

Wala na rin sa tabi ko ang lalaking nakitulog sa silid ko. Nakahinga ako ng maluwang.

Sana panaginip lang ang kagabi. Sabi ko sa isip ko.

Sinubukan ko nang bumangon ngunit gumuhit ang matinding kirot sa ulo ko. Shit! Nagka-hangover pa ako.

Napapikit ako at ilang sandali akong nagbabad sa kama bago ako nagpasya na muli nang bumangon.

Mabilis akong nagtungo sa banyo upang maghilamos at mag-ayos na ng sarili. Nakaligo na rin ako nang magpasya ako na lumabas.

Hawak ko na ang doorknob nang mapaatras ako. Bigla ko kasing naisip. Paano kung nasa labas pa pala yung lalaki na iyon?

Napangiwi ako saka ako inis na inis na naglupasay sa kama ko. Tangina dis. Ayoko nang lumabas.

Pero nakaramdam na ako ng pagkalam ng sikmura ko. Nakasimangot ako na napatingin sa tiyan ko habang hawak ko iyon.

Bahala na. Magpapanggap ako na lasing ako at wala akong natatandaan sa nangyari kagabi.

Jako, galingan mo ang acting. Magpaka-artista ka naman. Dignidad mo ang nakasalalay dito. Pagmomotivate ko sa sarili ko.

Mabilis na akong lumabas ng silid ko. Nakahinga ako nang makarating na ako sa kusina at kahit anino ng lalaki ay hindi ko nakita.

Kumakain na ako ng sandwich nang bigla na lamang pumasok sa kusina si Kuya. Pawis na pawis siya at parang galing sa workout.

“Good morning, bunso.” masiglang bati niya sa akin.

“Good morning!” sagot ko naman.

Halos mabulunan ako nang makita ko ang lalaking kasunod niyang pumasok.

Mabilis akong uminom ng juice dahil nauubo na ako sa biglaang pagkalunok ko sa kinakain ko.

Tawa naman ng tawa si Kuya at nakita ko rin ang mga pilyong ngisi sa mga labi ng lalaki

Halos mamula ako sa pagkapahiya saka na ako nagkunwari na busy sa kinakain ko.

“Siya nga pala. Kaibigan ko, si Kristoff.” pakilala ni Kuya sa kasama niya bago niya ito binalingan. “Kris, si Jako.”

“Hi! Feel at home!” sabi ko habang mabilis ko lang siya na sinulyapan. Hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya dahil sariwa pa rin sa isip ko ang mga nangyari kagabi.

“Nice to meet you, Jako.” nakangiting sabi niya.

Hindi ko na sila pinansin at nagfocus na ako sa kinakain ko.

“Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?” narinig kong tanong ni Kuya pero dahil akala ko ay ang kaibigan niya ang kausap niya ay hindi ko na lang siya pinansin.

“Kinakausap kita hoy,” sabi niya.

“H-ha?” napapitlag na baling ko sa kanya.

“Sabi nitong si Kristoff ay lasing na lasing ka raw na umuwi.”

Sinulyapan ko si Kristoff at nakita ko ang pilyong ngiti sa mga labi niya. Ako na rin ang mabilis na nag-iwas ng tingin.

Nakakabuwisit na ang lalaking ito sa totoo lang.

“Napasarap lang ang inuman namin ng mga tropa ko. Hindi ko namalayan na nakarami na pala ako.” sabi ko.

“Alam mo ba kung ano ang ginawa mo kagabi?” tanong ni Kuya.

Halos manigas ako sa kinauupuan ko dahil sa kaba na bumundol sa dibdib ko.

Tangina nitong lalaki na ito. Sinabi ba niya kay Kuya ang nangyari? Shiet!

Binalingan ko sila na kasalukuyan na ring kumakain ng sandwich saka ko sinikap na ikalma ang sarili ko.

Jako, panindigan mo na ang plano mo kanina. Lasing ka kagabi at wala kang natatandaan sa mga nangyari.

“Ginawa? Bakit, ano bang ginawa ko?” painosenteng sagot ko.

Ngumisi naman ng nakakaloko si Kuya saka niya ako makahulugan na tiningnan.

“Hindi mo alam?” dudang kumpirma niya.

“Nalasing ako. Pag-uwi ko nakatulog agad ako. Hindi ko na nga matandaan kung paano ako nakauwi.” pagsisinungaling ko saka ko sinabayan ng oa na pagtawa.

Nakita ko pa rin sa anyo ni Kuya na hindi siya kumbinsido. Mabilis kong kinain ang sandwich ko saka ko ininom ang juice ko.

“Mauna na ako sa inyo. May gagawin pa ako.” paalam ko saka na ako mabilis na kumaripas ng lakad palayo sa kusina.

Hindi ko na nga rin tinangka pa na lingunin sila pero nararamdaman ko na pinagtatawanan ako ng gago kong kapatid.

Buwisit!

Habang paakyat ako sa silid ko ay naglaro na naman sa isip ko ang nangyari kagabi.

Ang masusuyongvoaghalik ko sa makinis niyang likod. At ang pagdila ko sa malapad niyang balikat. Heaven!

Nang mapagtanto ko kung ano ang naglalaro sa isip ko ay napasimangot ako saka ko pabagsak na naisara ang pinto.

Dinama ng mga daliri ko ang mga labi ko na dumampi sa masarap na katawan ni Kristoff.

Gago ka talaga, Jako! Kung kumilos ka ngayon ay para ka nang bading na teenager na kinikilig sa crush niya.

Hindi ko siya crush! Tanggi ko sa isip ko.

Chapter 44 (Special Chapter)

Beloved Bastard

Rafael Certeza

Hacienda Aurelia

“Ilang kaing hong mangga ang naani ninyo ngayon, Mang Domeng?” tanong ko sa katiwala namin sa manggahan.

Halos dalawang araw na rin ang nagdaan mula nang umuwi ako dito sa hacienda at marami ang mga gawain na sumalubong sa akin dahil sa ilang araw na pananatili ko sa Maynila.

“Kulang dalawang libo po, Ser Rap.” sagot sa akin ng matanda saka na niya ipinagpatuloy ang pagtatali sa mga kaing ng mangga.

Nakita ko si Celine na naglalakad papalapit sa kinatatayuan ko. Swabe ang paggalaw ng balakang niya ngunit mabilis ko nang iniiwas ang mga mata ko doon. Tama na ang isang beses na pagkakamali at ayoko nang dagdagan pa ang mga kasalanan ko.

Hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin si Ivan. Sinilip ko silang dalawa ni Ryle kanina na kapwa mahimbing ang pagkakatulog.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pag-uwi dito ni Ivan matapos ang naging pagtatalo namin sa mansyon noong nakaraang gabi.

Natawa ako sa sarili ko. Malamang na ang villa ang dahilan. Ang putang-inang bahay na nagpapagulo sa sitwasyon naming dalawa.

Marahil ay kailangan ko na nga talagang tanggapin sa sarili ko na hanggang doon na lang talaga kami ni Ivan.

Kahit na anong gawin ko ay mag-aaway at mag-aaway pa rin kami.

Hindi naman siguro kahangalan kung hahayaan ko na siya kay Jako. Kung sa lalaking iyon naman talaga siya sasaya ay wala akong magagawa.

Maraming babae ang handang tanggapin ako. Ngunit hindi ko na siguro kaya pang magmahal ng iba higit sa pagmamahal ko kay Ivan.

Hindi na rin naman ako bumabata. Kailangan ko nang bumuo ng sarili kong pamilya. Kung hindi man kay Celine ay marahil sa ibang babae na tatanggap sa akin.

Pero si Celine ang masigasig na nang-aakit sa akin. Nagawa pa nga niya akong maidala sa kama nang malasing ako noong nagdaang gabi.

Napailing na lang ako sa itinatakbo ng alaala ko. Hindi na iyon kailangan na maulit pa.

Hindi ko gustong abalahin si Ivan sa mahimbing nilang pagtulog ng anak ko kaya nang dumating si Celine kanina ay nagtungo na kaagad ako sa manggahan.

Ikinawit ni Celine ang braso niya sa baywang ko saka niya ako matamis na nginitian.

“Matagal pa ba iyan? Tayo na.” malambing niyang yaya sa akin paalis ng manggahan.

Inalis ko ang kamay niya sa katawan ko saka na ako nagpatuloy sa pagmomonitor ng gawain dito sa manggahan.

Sa totoo lang ay nakakadama na rin ako ng pagkairita dahil sa masyadong pagdididikit sa akin ni Celine. Napapansin ko na tuloy ang kakaibang tinginan ng mga trabahador.

Pero out of politeness ay sinisikap ko siya na huwag bastusin. Ayokong isipin niya na ginawa ko siyang parausan nang gabing devastated ako dahil kay Ivan.

Maging kaninang umaga nang bigla niyang dakmain at mabilis na isinubo ang pagkalalaki ko habang nasa kamalig kami.

Sinabihan ko siya na hindi tama ang ginagawa namin at baka masaktan ko lang siya sa bandang huli.

Pero hindi naman niya iyon binigyan ng pansin at mas lalo pa siyang nagdidikit sa akin ngayon na parang linta.

“Sandali na lang ito.” sabi ko. “May ipagbibilin lang ako sandali kay Mang Domeng.”

Nilapitan ko na ang matanda at ibinilin ko na ang mga kailangan nilang gawin.

Nauna na sa akin si Celine. Sumakay na siya sa kabayo niya. Ilang sandali pa ay sumunod na rin ako sa kanya. Sumakay ako sa stallion ko.

“Where to?” nakangiting tanong niya sa akin.

“Sa bahay.” patamad na sagot ko naman.

“Sa bahay?” nagsasalubong ang mga kilay na ulit niya. Alam niya na kung sa bahay kami tutuloy ay walang mangyayaring pagtatalik sa pagitan naming dalawa.

“You promised me na buong maghapon mo ay sa akin.” nakalabing sabi niya.

“O, hindi ba? Sana naman ako buong maghapon.” amused na sagot ko sa kanya. “Tara sa villa.” patuloy ko.

Nawala ang mga ngiti sa labi niya. “Ralf, I wouldn’t let you use me again like the way you did kaninang umaga.”

“And how was it?” amused na tanong ko sa kanya. Banayad ko nang pinatakbo ang kabayo ko at sumunod naman siya.

“I hate quickie,” nakasimangot na sagot niya. “Just as I hate the hays.” dagdag pa niya.

Natawa ako nang malakas dahil sa sinabi niya.

“Iyon naman ang gusto mo diba? Kung saan mas delikado, doon mas masarap.” paalala ko sa linyahan niya noon.

“Ngayon ka na nga lang pumayag na pasukin ako matapos ang ilang taon na pangungulit ko sayo pero pakiramdam ko ay para lang akong puta mo na pinaparausan mo.”

“That’s part of your reputation bago pa man ako dumating sa buhay mo. Ilang lalaki na ba ang gumalaw sayo bago ako?” inis na sagot ko sa kanya.

“Babalikan na naman ba natin ito? Hindi ba sinabi ko naman sayo na nagbago na ako? Ginawa ko ang lahat para lang mapansin mo.”

Nakadama naman ako ng kaunting guilt dahil sa sinabi niya. Totoo naman na wala nang iba pang napabalita na nakarelasyon niya mula nang mawala si Isabel.

Sinikap ni Celine na magbago para da akin kahit na hindi ko sinusuklian ang pagmamahal niya.

Sinabi ko naman sa kanya mula pa noon na hanggang sa sekswal na paraan lamang ang kaya kong ibigay sa kanya.

“I’m sorry.” sincere na sagot ko. “Pero sana ay intindihin mo rin ako. Hindi ipinipilit ang pagmamahal.”

Minsan na rin akong naging makasarili dahil sa pagmamahal na iyon.

Alam ko na nasaktan ko si Ivan dahil sa pagpipilit ko na itago sa kanya ang buong katotohanan. Pero ginawa ko lang naman iyon dahil natatakot ako na tuluyan na siyang mawala sa buhay ko.

At sa nakalipas nga na dalawang araw na hindi kami nagkikita ay napagtanto ko na sa sarili ko ang lahat ng pagkakamali ko.

“Matagal na akong naghihintay sayo, Rafael. Nung mawala si Isabel ay sinikap ko nang gawin ang lahat mapansin mo lang. Pero hindi ako sumuko kahit ilang beses mo akong itaboy at sabihin sa akin na hindi mo ako mahal. Nakahanda ako na maging puta mo kahit panghabangbuhay pa na ganito lang tayo.”

Pinahinto ko ang kabayo saka ko siya nilingon. “Hindi ko kailangan ibaba nang ganyan ang sarili mo para lang sa akin, Celine. Find a man na kayang ibigay sayo ang mga pangangailangan na gusto mo. Hindi ako ang lalaking makakapagpaligaya sayo.”

“Pero ikaw ang gusto ko, please hayaan mo ako na gawin ang gusto ko. Pangako, hindi na ako magiging mareklamo. You can fuck me anywhere. Kahit sa damuhan man yan o kung saan pa.”

Napapailing na lamang ako na ipinagpatuloy ang pag-uwi sa villa. Kahit anong sabihin ko ay hindi ko talaga masakyan ang takbo ng isip ng babaeng ito.

Malayo pa lang kami ay natanaw ko na ang sasakyan ni Ivan na nasa harapan ng villa. Kaninang umaga ay wala iyon. Marahil ay sa gilid niya iginarahe at ngayon ay ginamit niya kaya iyon napunta sa harapan.

Saan siya nagpunta? Kay Jako? Nagsimula na naman akong makadama ng inis dahil sa naiisip ko.

Kung gusto ko talaga na maging maayos ang lahat, ngayon pa lang ay kailangan ko nang patayin ang damdamin ko para kay Ivan.

Sooner or later ay maaari silang magpakasal ni Jako. Maiiwan ako na nasasaktan at ayokong magmukhang kaawa-awa.

“May bisita ka ba?” tanong ni Celine nang mapuna na rin niya ang sasakyan.

Nagkibit na lang ako ng mga balikat. Hindi ko na gustong sagutin pa ang mga tanong niya.

Nang malapit na kami sa villa ay mabilis na akong bumaba sa kabayo. Si Celine ay akma na rin sanang bababa nang bigla ay lumabas mula sa may portico si Ivan.

“Don’t bother to get off the horse, Celine,” wika niya.

May nahimigan akong warning sa tinig niya na ikinasalubong ng mga kilay ko.

“May importante kaming pag-uusapan ni Rafael at natitiyak ko na matatagalan kami.” maawtoridad na sabi ni Ivan.

“Oh,” usal ni Celine. Ibinaling niya ang tingin niya sa akin, naghihintay ng sasabihin ko.

“Sa katunayan ay kanina ko pa kayo hinihintay na makabalik. Nakakapagtaka naman na inabot na halos kayo ng maghapon sa farm.” muling singit ni Ivan habang sa akin siya nakatingin. Nararamdaman ko na may ibang kahulugan ang pagkakasabi niya sa bagay na iyon.

Nag-iwas ako ng tingin saka ko binalingan si Celine.

“Go home, Celine,” utos ko sa babae. “I’ll see you later. Promise.”

“Don’t count on it,” mabilis na singit ni Ivan.“ napasulyap ako sa kanya.

“Hmp!” inis na buntong-hininga ni Celine saka na siya tumingin sa akin. “Hihintayin ko ang tawag mo. Aalis na ako.” malambing na paalam niya sa akin.

Tinanguan ko siya saka na niya pinatakbo ang kabayo palayo. Dinaanan muna niya ng matatalim na tingin si Ivan bago siya tuluyang umalis.

Nakita ko ang pag-ikot ng mga mata ni Ivan nang makita niya ang ginawa ni Celine saka na siya sumulyap sa akin.

Nagsimula na akong humakbang papasok ng bahay. Nilampasan ko si Ivan na nakatayo sa may portico. Sumunod siya sa akin sa loob.

“What do you want?” singhal ko sa kanya nang hindi siya nililingon.

“I-I came to say I’m sorry.” sabi niya.

“So you’re sorry. What now?” patuloy ko. Kailangan ko itong gawin para na rin mabilis ko nang matanggap sa sarili ko na hindi talaga kami pwede ni Ivan.

Hindi ko binago ang tono ko. Tuloy pa rin ako sa paglakad at patuloy lang din siya sa pagsunod.

Hindi ko siya gustong lingunin dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at sa kama ko na naman ang bagsak niya.

Galit pa rin ako sa kanya dahil sa mga sinabi niya sa akin noong nagdaang gabi. Hindi ko matanggap na matapos ko siyang maangkin ay sasabihin niya sa akin na magpapakasal siya sa ibang lalaki.

Noong mga sandaling iyon ay naramdaman ko na para bang napakawalang kwenta kong tao.

Hindi ba siya nasarapan sa ginawa ko sa kanya? Dalawang beses ko siyang inangkin nang gabing iyon for Pete’s sake.

Hindi ko ba siya nasatisfy? Malaki naman ang sa akin ah.

O baka naman ganoon na lamang talaga siya kagalit sa akin at hindi talaga niya ako kayang mahalin kahit ano pa ang gawin ko.

Kasalanan ko ba kung mas naunang dumating sa buhay niya si Jako kaysa sa akin? I know him, he’s always nice kahit pa lagi na lang ay pinag-iinitan ko siya.

Iyon marahil ang dahilan ni Ivan kung bakit mas gusto niyang piliin si Jako kaysa sa akin. Dahil hindi ako naging mabuti sa paningin niya kahit kailan.

“Hindi ba sinabi mo sa akin na gusto mo akong pakasalan?” sabi niya.

“Did I?” tuya ko sa kanya pero hindi ko pa rin siya nilingon. Dumiretso ako sa kusina. Nakasunod pa rin siya.

“Will you please stop and let’s talk?” aniya. Sa pagkakataong ito ay nahihimigan ko na ang iritasyon sa tinig niya.

So, this is the point. Hindi pa nga kami nagtatagal na magkausap ay mainit na kaagad ang ulo niya.

“We are talking,” sabi ko naman. Huminto ako sa tapat ng ref. Binuksan ko iyon. Kumuha ako ng isang pitsel ng tubig.

Lumakad ako patungo sa cupboard. Kumuha ako ng baso. Nagsalin ako ng tubig doon saka ako uminom.

“I broke my engagement with Jako. Nakipaghiwalay na ako sa kanya.” sabi niya. Of course para sa villa na ipinangako ko na ibibigay ko sa kanya.

“So?” sagot ko sa kanya.

Nakita ko ang hesitation sa mukha niya. Nararamdaman ko na malapit na siyang masiraan ng loob dahil sa malamig na pakikitungo ko sa kanya.

“Tinatanggap ko na ang alok mo na sayo na lang ako magpakasal.” sa wakas ay sambit niya.

Natigilan ako sa narinig ko ngunit hindi ko iyon ipinahalata sa kanya. Ibinaba ko ang baso sa counter saka ako pumalatak.

“That’s bad luck for you, Ivan.” sabi ko. Ibinalik ko na sa ref ang pitsel saka ako sumandal doon nang maisara ko iyon.

“I’ve changed my mind. Forget my offer.” sabi ko sa kanya at nakita ko ang matinding sakit sa mga mata niya.

Chapter 45 (Final Chapter)

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Villa Aurelia

Gusto ko nang maupos dahil sa isinagot ni Rafael. Pero sa pagkakataong ito ay hindi ko na siya isusuko.

“D-dahil ba kay Celine?” garalgal na tanong ko sa kanya.

“None of your damn business.” matigas na sagot niya.

Halos maluha na ako dahil sa lamig ng pakikitungo niya sa akin. “Why are you making this hard for me?” puno ng pait na tanong ko sa kanya.

Nagsalubong ang mga kilay ni Rafael. “Ikaw ang nagpapahirap, Ivan.”

Hindi na siya nagtaas ng tinig ngunit nahihimigan ko pa rin na galit siya. “Ano ba talaga ang gusto mo? Bakit ka narito? Kung ang villa villa ang dahilan ay huwag ka nang mag-alala. Nakausap ko na ang abogado at ipinalilipat ko na sa pangalan mo ang bahay na ito. Hindi ako ganoon kasama para balewalain ang pagkakaloob mo ng sarili mo sa akin.”

Hopeless na akong napasandal sa pader. Doon na lamang ako umaamot ng lakas uoang patuloy na makatayo.

“You could have called. Sinayang mo ang oras mo sa pagparito.” sambit pa niya.

“R-Ralf,” sambit ko sa pangalan niya. “I know I’ve hurt you. And I’m so sorry. Hindi na ako interesado sa villa. I know it’s yours… legally.”

Lumipad ang mga mata niya sa mukha ko. Hindi niya inasahan ang sinabi ko sa kanya.

“Inamin na sa akin ni Lola ang buong katotohanan, Ralf. Nabasa ko rin ang diary ni… ni Mama. Nasaktan ako sa katotohanan pero masaya ako at nalaman ko iyon.” sabi ko.

“In nauseating detail…” puno ng irony na sambit niya. “Muntik ko nang naulit ang istorya, ’di ba?”

Nakuha ko ang ibig niyang tukuyin sa sinabi niya. Ang nangyari sa loob ng silid ko dito mismo sa villa na ito five years ago.

“It was my fault. I pushed you to it.” sabi ko upang pagaanin ang loob niya.

“That wouldn’t change a thing. I am still a bastard. Still a rapist’s son.” nakita ko ang pait sa mga mata niya pagkasabi niya sa mga kataga na iyon.

Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang yakapin pero alam ko na hindi niya ako hahayaan na gawin iyon.

“Huwag kang magsalita nang ganyan. Maliwanag ang pagkakaintindi ko sa nangyari noon. Hindi sinadya o ginustong gawin ng ama mo ang nangyari noon. He paid already for it.”

“Namatay din si Lolo dahil sa nangyaring iyon.” puno ng pait na sagot niya.

“Ngayon na alam mo na ang lahat. Bigla bang nagbago ang isip mo at gusto mo na akong pakasalan?”

Hindi ko siya sinagot. Nakatitig lang ako sa kanya.

“Why, Ivan? Dahil ba alam mo na ngayon na ako ang magmamana ng lahat ng kayamanan ng mga Certeza?”

“Hindi kita masisisi kung ganyan ang naiisip mo sa akin I made the same mistake about you.”

Ralf gave me a humourless laugh. “Ano ang nakain mo, Ivan? Bakit para ka nang maamong tupa ngayon? Hindi mo na kailangang umarte pa dahil hindi ka naman maghihirap kahit hindi mo manahin ang hacienda at ang pabrika. Hindi biro ang perang iniwan sayo nina Lyndon at Aurelia. Hindi mo kayang gastusin iyon sa buong buhay mo.”

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga bago ko siya muling tinitigan.

“I came here to make amends, Ralf. Para humingi ng tawad. I-I love you, you know,” napalunok ako. “All my love for you was coiled up iside me through the years. Kinaiinisan ko ang lahat ng babae na nadidikit sayo. Remember that night nang mahuli mo ako na nakasilip sa bintana ng silid ko matapos mong umuwi nang sobrang late galing sa isang party…”

“What’s this? A revelation?” patuyang putol niya sa sinasabi ko. Dahil doon ay tuluyan nang gumuho ang pag-asa ko na magkakaayos pa kaming dalawa.

Sinikap ko na pigilan ang pagbuhos ng mga luha ko. Pero hindi ako iiyak sa harapan niya. At least, kahit ang pride ko man lang ay maisasalba ko.

“I’m sorry if I made a mistake for coming here now. Sinabi kasi sa akin ni Lola na mahal mo ako. I guess she’s wrong.”

Ilang sandali kaming nagkatitigan ni Rafael. Hindi ko mabasa ang mga emosyon na nakaukit sa mukha niya.

“I think kailangan ko nang umalis, goodbye R-Ralf.” sabi ko saka na ako tumalikod upang maglakad palayo. Out of his life forever.

Nakalabas na ako ng kusina at paakyat na sana ako sa hagdan nang bigla kong maramdaman ang malakas na paghatak ni Rafael sa braso ko.

Napahawak ako sa matigas niyang dibdib at napatingala ako sa kanya. Puno ng pagmamahal ang nakikita ko ngayon sa mga mata niya.

“Hindi nagkamali si Lola nang sabihin niya sayo na mahal kita.” masuyong bulong niya.

“Kanina ay inisip ko na makakaya na kitang tikisin. Pero ngayon na nakita kong iiwanan mo na ako ay parang may sumuntok sa dibdib ko. Sobrang sakit at gusto ko na ring murahin ang sarili ko sa pagiging gago ko.” aniya sa naghihirap na damdamin.

“Mahal kita, Ivan. Noon pa lang ay minahal na kita. Kahit palagi na lamang ay nag-aaway tayo. Sinasadya ko talaga na mas lalo ka pang inisin sa tuwing nagagalit ka sa akin. Dahil sa ganoong paraan mo lang naman talaga ako napag-uukulan ng pansin.”

“Pero ngayon na narinig ko na mismo mula sa mga labi mo na mahal mo rin ako. Hindi ko na pakakawalan pa ang pagkakataon ko.”

“Patawarin mo ako sa lahat ng naging kasalanan ko sayo, Ivan. Kung hahayaan mo ako na makabawi sayo ngayon ay pinapangako ko na hindi na kita sasaktan pa dahil sa mga kasinungalingan ko…”

Hindi ko na siya hinayaan pa na ituloy ang speech niya. Mabilis kong inangkin ang mga labi niya sa pagkabigla niya.

Hindi rin naman nagtagal ay naramdaman ko na rin ang mainit na pagtugon ni Ralf sa bawat halik na iginagawad ko sa kanya.

Nagsimulang lumalim ang mga halik ni Rafael na masuyo ko rin namang tinutugon. Naramdaman ko ang bahagyang paghakbang ng mga paa niya habang magkahinang pa rin ang aming mga labi.

Nagsimula na siyang maglakad upang ipasok ako sa loob ng silid niya. Para naman akong wala sa tamang katinuan na nagpatangay na lamang sa kanya.

Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko si Nana Sita na nakatunghay sa amin mula sa itaas. Mababakas ang tuwa sa mukha niya at isang malapad na ngiti ang nakita ko sa mga labi niya.

Hindi ko na siya pinansin pa dahil mas naging mapaghangad ang mga labi ni Rafael.

Sumunod ko na lamang na naramdaman ay ang pagsara ng pintuan ng kanyang silid at hindi ko na namalayan pa na nakarating na pala kami sa gilid ng kanyang kama.

Hindi na nagtagal pa ay marahan na akong ibinaba doon ni Ralf. Nakahiga ako sa kama habang siya ay nakapatong na ngayon sa ibabaw ko.

Kumalas ang mga kabi niya sa paghalik sa mga labi ko saka niya ako masuyong pinagmasdan.

Umangat naman ang palad ko sa mukha niya saka ko siya hinaplos. Bumaba ang tingin ko sa mga labi niya saka ko nilaro ng thumb finger ko ang ibabang bahagi ng mga iyon.

Muling bumaba ang mukha ni Ralf saka niya muling inangkin ang mga labi ko.

Ilang sandali pa ay bumaba ang paghalik niya sa pisngi ko pababa sa leeg ko dahilan upang mapatingala ang ulo ko at bahagya kong naibuka ang mga labi ko dahil sa tindi ng sensasyon na idinulot ng mga labi ni Ralf.

Sinamantala naman iyon ni Ralf at muli niyang inangkin ang mga labi ko ngunit sa pagkakataong ito ay napagtagumpayan na niya na maipasok ang ang mainut na dila niya sa loob ng bibig ko.

Naglakbay iyon doon saka ko buong pusong tinanggap ang bawat paggalaw nito.

Halos ilang sandali rin kami sa napakainit na halikan nang bigla ay kumalas siya sa mga labi ko at muli niya akong pinagmasdan.

Puno ng pagnanasa ang makikita sa mga mata niya.

“Ngayon na napatunayan ko nang mahal mo rin ako. Hindi ko na hahayaan pa na malapitan ka pa ng ibang mga lalaki. You’re mine, Ivan Gutierrez. At madamot ako pagdating sa mga pag-aari ko.” sabi niya.

Kinurot ko naman siya sa tagiliran kaya napapangiwi siya na dumaing habang natatawa.

“Napakayabang mo talaga, Rafael Certeza.” sita ko sa kanya.

“Mayabang pala ah. Sa akin ka lang, Ivan. Hmp. Hmp.” sabi niya saka niya ako pinaulanan ng mga basang halik sa pisngi at leeg ko.

Nakikiliti naman ako dahil sa mga papatubong balbas niya kaya tinutulak ko ang ulo niya palayo.

Hanggang sa huminto siya sa ginagawa niyang panghaharot sa akin saka niya ako muling tinunghayan nang may matinding pagnanasa.

“Seryoso ako sa sinasabi ko, Ivan Gutierrez. Baka makapatay na ako kapag may nagtangka pa na umagaw sayo.” biro niya.

Napangiti naman ako saka ko na muling hinila ang batok niya upang patahimikin na ang pilyo niyang bibig.

Nagsalo kami sa pinakamasarap na halik na naranasan ko sa buong buhay ko at ilang sandali pa ay nakadama na rin ako ng kakaibang init ng katawan nang simulan niyang haplusin ang katawan ko na nababalutan pa ng damit.

Kahit ang mga kamay ko ay nagsimula na ring lumikot sa matigas na katawan niya. Naramdaman ko pa ang paghila niya sa mga hita ko upang maibuka ang mga iyon.

Mabilis naman siyang nakapuwesto sa ibabaw ko at naramdaman ko na ang pagkiskis ng kanyang matigas nang pagkalalaki sa kaselanan ko.

Hinawakan naman ng dalawang kamay ko ang magkabilang laylayan ng Tshirt na suot niya saka ko iyon iniangat exposing his muscled body.

Kumalas sa paghalik sa akin si Rafael saka siya bahagyang nag-angat ng katawan upang tulungan ako na alisin sa katawan niya ang damit niya.

Nang maialis na namin iyon ay inihagis ko iyon sa kung saan lang at hindi ko naiwasan ang matinding paghanga ko dahil muli ko na namang nasilayan ang perpekto niyang katawan.

Naglakabay ang mga mata ko mula sa matatambok niyang dibdib at nakakaakit niyang nipples pababa sa anim na masasarap niyang pandesal sa tiyan.

Napalunok ako at alam ko na hindi iyon nakaligtas sa paningin niya.

Marahan akong nag-angat ng tingin mula sa tiyan niya patungo sa leeg niya at nakita ko rin ang paggalaw ng kanyang adams apple na tila ba napakasarap halikan.

Nang muli pang umangat ang tingin ko sa gwapo niyang mukha ay sinalubong niya ako ng matatamis na ngiti.

“I’m all yours now, Ivan Gutierrez.” he said in a husky voice saka niya kinuha ang kamay ko at ipinatong sa matitigas niyang abs.

“You’re mine!” bulong ko rin saka na rin ako nag-angat ng katawan.

Kapwa na kami nakaupo ngayon sa ibabaw ng kama habang ang kamay ko ay patuloy sa pagkabisa sa bawat parte ng mamasel na katawan ni Rafael.

Ilang sandali pa ay muli niyang hinuli iyon saka niya dinampian ng masuyong halik ang likod ng palad ko habang nakapikit siya.

Napangiti naman ako at tahimik ko lang siyang pinagmasdan hanggang sa magmulat na siya ng mga mata niya.

“I think I need to put a ring on this damn finger.” aniya saka niya masuyong hinalikan ang palasingsingan ko.

“You should!” nakangiting sagot ko.

Napangiti na rin siya saka niya muling inangkin ang mga labi ko.

Natapos ang lahat sa isang napakainit na pagtatalik na pinagsaluhan naming dalawa.

Kakaiba sa mga nauna dahil sa pagkakataong ito ay wala na ang mga pader na nakaharang sa pagitan naming dalawa.

Nararamdaman ko pa ang mabilis na pagtibok ng puso niya habang nakahiga ako sa hubad na dibdib niya. Nakayakap naman siya sa akin at masuyo niyang hinahalikan ang noo ko.

“Nasiyahan ka ba?” bulong niya.

“Masaya ako.” sagot ko naman saka ko nilaro ang daliri ko sa hubad na dibdib niya.

“May kasalanan ako sayo.” pagkuwa’y sabi niya.

Hindi ko siya sinagot. Naghintay lang ako ng susunod pa niyang sasabihin.

“Nagalaw ko si Celine nung mga panahong devastated ako dahil sa naging pagtatalo natin sa Maynila. I was drunk on the first time but the second is…”

Bumangon ako saka ko inangkin ang mga labi niya upang tumigil na siya sa pagsasalita. Hindi ko na gusto pang marinig ang mga susunod na sasabihin niya.

Kung ano man ang mga nangyari sa nakaraan ay hindi na mahalaga para sa akin sa mga sandaling ito.

Mahalaga na lang sa akin ay si Rafael at ang ipinangako niya kanina na mamahalin niya ako ng buo simula sa araw na ito.

Nang kumalas ako ay hindi makapaniwala na napatitig sa akin si Ralf.

“Tigilan mo na ang pagbanggit sa pangalan ng babae na iyon. Kung ano man ang namagitan sa inyong dalawa ay wala na akong pakialam pa. Pero ayoko nang makita pa siya na nakadikit sayo simula sa araw na ito.”

Ngumiti si Ralf saka niya ako itinulak pahiga sa kama. Siya na naman ngayon ang nakaibabaw sa akin.

“Huwag ka nang masyado pang mag-isip. Sisiguraduhin ko na hindi na niya tayo guguluhin pa sa mga susunod na araw. Pero sa ngayon ay kailangan na muli kita.” sabi niya saka niya pilyong idiniin sa katawan ko ang matigas na namang harapan niya.

Nanlaki ang mga mata ko. “Rafael,” saway ko sa kanya.

“Hindi mo ako masisisi kung palagi akong nata-turn on sayo. Matagal mo akong pinaghintay at sa bawat araw na lumilipas noon na hindi ko nagagawa sayo ang mga bagay na ito ay para akong tinotorture.” nagpapaawang sabi niya.

Inirapan ko naman siya saka ko na muling hinila ang batok niya uoang gawaran siya ng nag-aalab na mga halik.

Natapos na naman kami sa isang napakainit na pagniniig. Kung hindi pa kami kinatok ni Nana Sita ay hindi ako titigilan ni Rafael sa walang sawang pangangailangan niya sa akin.

Natatawa na lamang kami nang lumabas kami mula sa silid niya. Nakita kami ni Ryle na noon ay naglalaro ng kanyang laruan sa may hagdan.

Patakbo siyang lumapit sa amin at kaagad naman siyang kinarga ni Rafael.

Humalik siya sa ama niya at pinahalik din siya sa akin ni Ralf. Pagkatapos ay inilapit ni Rafael ang bibig niya sa tenga ko saka siya pilyong bumulong.

“May anak na kaagad tayo.” mahinang sabi niya na sinundan naman niya ng pilyong ngisi.

Inirapan ko naman siya ngunit hindi ko napigilan ang mapangiti dahil sa kalokohan niya.

Nagsalo kaming tatlo sa isang masarap na hapunan at masasabi ko sa sarili ko na sa nakalipas na mga taon ng buhay ko ay ngayon na lamang ako muling sumaya nang ganito.

The

End

I’m Dead! Saraleo

Parang ayoko muna magsulat. Please kurutin ninyo ko. Ayy wag pala. Ayoko muna magising. Haha.

Hayop ka Tine. Sinaktan mo si Sarawat. 😡😡

Naiiyak na siya oh. 😭😭

Tapos iimaginin mo hinahalikan ka niya? Dapat ako na lang. Sarawat lika dito ako na lang magmamahal sayo. Hahaha.

Pero dito ako muntik na ma heart attack.

Sige Tine umamin ka na. Para sumaya na si Sarawat. Pasalamat ka ok lang sakin na ikaw mahalin niya. Wahahaha

Gwapo mo talaga Bright. Hahaha. Nababaliw nako.

At yun na nga. One week ako nag abang tapos feeling ko 10 minutes lang yung pinanood ko. Tapos next week mabubugbog pa si Sarawat. Buset.

Sana Friday na ulit. 😭😭😭

En of Love

Nawala spark nina Tine at Sarawat sa last 3 episodes ng 2gether. Kinilig ako kina Ming at Kit ng 2moons2. Pero dito talaga titigan pa lang kilig na kilig na ko. Nabasa ko na yung book dito sa wattpad pero iba ang spark nila sa series. I like the actor who portrayed Praram. Young and innocent. 😍

En of Love: This is Love Story