loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Between Maybes (Novel Version)

Between Maybes (Novel Version)

makiwander · 21 chapters · 26,539 words

Paalala

Ang nobelang ito ay base sa screenplay ng
Between Maybes
the Movie ni Direk Jason Paul Laxamana. Naisa-pelikula ito noong 2019. Available ang movie sa Netflix starring Julia Barretto and Gerald Anderson kung gusto mong mapanood.

Wala akong kinalaman sa break-up ni Gerald at Bea, parehas na rin naman silang masaya. Wala rin akong kinalaman sa ending ng movie, Blacksheep ang produksyon so medyo masakit talaga. Wag ka magalit =) Binuo ang Blacksheep para manakit, blacksheep nga e, hindi
White sheep
. Waley.

Wag mo rin basahin kung hind ka mahilig sa Chicklit
. Wag mo basahin kung galit ka sa gumanap na artista kasi maririnig mo ang mga boses nila sa iyong isip. Char.

Wag mo rin basahin kung naghahanap ka ng pasabog na plot twist. This should be a feel good movie / story. Chicklit nga ‘e. 

No to bashing! Happy lang!

Ako Si Hazel Ilagan

Nakapalibot sa akin ang maliwanag na mga ilaw, nagkakagulo ang mga entertainment press, ang malaking video camera at mikropono ay halos idikit sa mukha ko.

"O, huwag kayong magkagulo, mahahawakan niyo rin ako. Hi fans!"

Buong pagmamalaki akong kumaway sa lahat na parang nanalo ng kung ano. Nagsilungunan ang mga reporters sa likod para hanapin ang 'fans' na tinutukoy ko. Wala silang nakita.

Mahinhin akong ngumiti. Bakit nga ba hindi? Ngayon lang nila ulit ako pinagtuunan ng pansin, mag-iisang taon na akong hindi nasisilayan ng madla. This is my time to shine, mga Bakla!

"Miss Hazel, kung ikaw ang magiging Pangulo ng Pilipinas, paano mo babaguhin ang simpleng mga alituntunin na magiging mas epektibo ito at hindi mahihirapang sumunod ang mga mamamayan?" Napawi ang ngiti ko at kumurap-kurap ako ng ilang beses sa reporter na si Jun na nasa pinakaunahan ng nagkakagulong press.

"A-ano?"

"Paano mo nga ba babaguhin ang alituntunin ng bansa bilang kumakatawan sa mga Batang Hamog?" Ulit ng reporter. Humagikgik ang ilang mga taong nakikinig, umubo ang reporter, pinipigilan ang matawa, "I mean, Batang Humahamon sa Alituntunin ng mga Makalumang Ordinansa ng Gobyerno in short, Batang Hamog."

"Uhm, ano." Nag-isip ako ng mabuti. Masyado namang pinag-isipan ang tanong. Hindi ako ready! "Jun, hindi naman ako presidente, ano ka ba. Bakit ako ang tinatanong mo?" Humalakhak ako.

"Kung sakali lang naman, Miss Hazel." Mas inilapit niya sa akin ang mikropono. Never give up ang peg ni Bakla. Naroon sa likod niya si Mama, umaarteng ginigilitan ang leeg. Tumaas ang kilay ko,

‘Ano?’
bulong ko. Inis na napakamot ng ulo si Mama dahil hindi ko siya na-gets.

"Bakit nga ako? Kung ang presidente nga nahihirapan mapasunod ang mga pasaway na iyan, ako pa kaya? Huwag na ako ang tanungin mo, iba na lang. Siguro mas maigi kung si General the Rock ang tanungin mo." Suhestiyon ko pa.

Bakas ang pagkadismaya ni Jun sa sagot ko. "Sige, ganito na lang, mensahe na lang sa mga pasaway."

"Kaway-kaway mga pasaway na masasarap ang buhay! Tambay-tambay hanggang sa maumay!" Parang mga bubuyog na nagbulungan ang mga reporters. Mali ba ang isinagot ko?

"Sa pangulo na lang, may masasabi ka ba?" Napakamot ng ulo si Jun.

"Hwaiting!" Kumindat pa ako sa camera bago ako hinila papalayo ni Mama.


"Hindi ba sinabi kong huwag ka nang sumagot?" Ipinatong ni Mama ang salad sa hapagkainan. "Hazel naman eh!"

"Ma, hindi mo sinabing huwag akong sumagot, sumenyas kang ginigilitan ang leeg mo, magkaiba iyon. Malay ko ba kung malapit ka nang mastroke kagabi dahil sobrang init sa location na iyon, palibhasa basketball court ng Baranggay. Saka bakit mo ba ako isinali diyan sa

Batang Hamog
na iyan? Anong malay ko sa ipinaglalaban ng mga iyon?”

"Dahil iyon lang ang offer na dumating pagkatapos ng limang buwan. Aba, magpasalamat ka nga na meron. Kasi naman ikaw, magriribbon-cutting ka lang, ibinukas mo pa ang bibig mo. Anong akala mo riyan sa bunganga mo? Gunting? Naturn-off na naman sa iyo tiyak ang mga press!"

"Mhie, tama na. Nangyari na." Singit ni Papa na ibinaba ang freshly squeezed orange juice sa harapan ko.

"Correct, Papa. Si Mama hindi maka-move on." Umirap ako sa hangin habang nakatingin sa isang travel magazine sa harap. Inilipat ko ang pahina at nagliwanag ang mata ko sa pamilyar na nakita.

"Tingnan mo, Papa, o! Merry Blossom na pala sa Japan. Ang saya! Kakatapos lang ng Merry Christmas, Merry Blossom naman."

Tumikhim si Papa, "Cherry anak, hindi Merry."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Papa at nanatiling nakatingin sa magazine. Inilipat ko iyon para sa mas marami pang litratong kuha sa Japan.

"Ulitin mo."

Napawi ang ngiti ko nang magsalita si Mama, seryoso siyang nakatingin sa akin. "

Cherry
. Ulitin mo, Hazel.”

"Ma naman, nagkamali lang. Masyadong perfectionist."

"Cherry Blossom, sakura. Tandaan mo. Baka interbyuhin ka na naman at magkamali ka. Baka sabihin hindi ka naturuan."

"Cherry Blossom, sakura. My God, ayoko na ngang magsalita, lahat na lang ng sabihin ko, may nasisilip ka. Daig mo pa ang basher."

"Ano, Hazel?"

Ibinaba ko ang magazine at kinuha ang bowl ng salad, "Sa taas na lang ako kakain ng almusal, iyong hindi ako maja-judge."

Hazel Ilagan, 21. Mestiza, maganda, may dimples, biniyayaan ng freshness, ayun nga lang kinulang sa boobs pero pupwede na. Sabi ni Mama pwedeng padagdagan kapag kapit na kapit na kami sa patalim at kailangan ko nang mag-pose sa sexy magazine. Si Mama ang tumatayong manager ko, si Papa naman ang PA.

Sikat na sikat ako dati eh, pero ngayon, hindi na....

Ako si Louie Puyat

Ang pinakamatandang bato sa earth ay nasa Northern Quebec at tinatawag itong Nuvvuagittuq Belt, which is about 4.28 billion years ago. Mabuti na lang wala rito sa Japan ang mga batong iyon dahil baka nasira na ng lindol sa dalas ba namang yumanig ang lupa rito.

Speaking of lindol, lumilindol din sa buwan at hindi earthquake ang tawag, ito ay ang moonquake.

"Jishin wa chōdo anata ga rirakkusu shite shūryō shimasu." (Earthquake has just ended. You may relax.)

Dumilat ako nang tapikin ako ni Sadako sa braso. Hindi iyong lumalabas sa TV doon sa horror movie na

‘The Ring’
ah, pero kung titingnan mo siya, parang ganun na nga. Madalas siyang nakasimangot at parang galit sa mundo. Ilang taon ko na rin siyang amo sa seafood restaurant kung saan ako nagtatrabaho. Ilang lindol na rin ang pinagsaluhan namin.

"Hai." (Yes)

"Sore wa anata no tanjōbidesu. Kyō wa yasumu kamo shiremasen.." (It is your birthday. You may rest today.) Tumalikod na siya pagkasabi n'on. Hindi man lang ako binati ng Happy Birthday, parang galit pa at galing sa ilong na mag-day off ako.

"Louie!" Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Hindi ko alam kung mangingiti ako o magtatago kay Noel, ang pinsan ko sa Pilipinas. "Nandito ka pa rin?"

"Obvious ba?" Kinuha ko ang basahan sa bulsa ng apron ko at nagpanggap na abala sa pagpupunas ng lamesa.

"Tsk, ito naman. Ang suplado mo." Hinampas ako ni Noel sa balikat. Napangiwi ako sa lakas 'non. "Ano? Hindi ka pa ba uuwi sa Pilipinas? Sabi ni Tyang Lottie, hindi ka na raw napapagawi ng Hiroshima. Hindi nga raw niya alam kung buhay ka pa."

"Bakit hindi niya ako puntahan para malaman niya?"

Malakas na humalakhak si Noel, "Ano ka, espesyal? 'Yung may itlog na pula? Saka matanda na iyon, bakit ka pupuntahan dito sa liblib?"

"Ikaw, bakit napadpad ka rito?" Lumipat ako sa kabilang lamesa, umupo naman si Noel doon. Hinanap ng mata ko si Sadako, nag-aalalang makita niya ako at sitahin dahil nakikipagkwentuhan ako sa oras ng trabaho.

"Ayoko nga sana. Kaso kabilin-bilinan ni Tyang Diana, kumustahin kita kapag nagbakasyon ako rito sa Japan." Tumigil ng kusa ang kamay ko sa pagpupunas ng lamesa nang marinig ko ang pangalan ni Mama.

"Bakit daw? May problema ba sa Pilipinas?"

"Wala. Kasi ikaw, para kang others. Hindi mo man lang sagutin ang video call naming tuwing may reunion kapag Bagong Taon. Inaano ka ba namin? Parang galit ka ah." Kinuha ni Noel ang cellphone niya. Maya-maya ay itinapat iyon sa akin. Hindi na ako nakailag nang makita ko roon si Mama, nakangiti sa akin.

“Happy Birthday, Louie, Happy Birthday, Louie, Happy Birthday---”

Hindi pa nakakatapos si Mama sa kanta niya para sa akin, tinalikuran ko na sila ni Noel. Bumagsak ang ilang display sa lamesa dahil sa pagmamadali ko sa paglayo. Hinabol ako ni Noel hanggang doon sa display ng mga live seafood.

"Louie, anak?"

Mabilis kong inagaw ang cellphone ni Noel. "Ma, nasa trabaho ako. Pauwiin niyo na si Noel."

"Anak, pinapunta ko talaga diyan si Noel para samahan kang mag-celebrate. Ikaw kasi, ayaw mong dumalaw dito. Okay naman ang estado ng visa mo, hindi ba?"

"Sinong pupuntahan ko diyan?"

"Ano ka ba, Louie. Kami. Gusto ka rin makilala ng Tito Ismael mo at ng kapatid mong si—"

"Sige na, Ma. Tinatawag na ako ng amo ko. Umuwi ka na, Noel. Salamat." Tinapik ko ang pinsan ko sa balikat at saka nagmamadaling lumabas ng seafood restaurant.

Ang pinakamainit na recorded na temperatura ay 57.8 degree celsius na naitala sa Libya noong 1922. Ang pinakamalamig naman ay sa Antartica na naitala ang negative 89.2 degree celsius sa Russia noong 1983. Tinuktok ko ang ulo ko at pumikit ng mariin. Nag-isip ng ilang geological facts ng earth pero hindi gumagana.

Bumabalik lang ang alaala ko sa mukha ni Mama at sa halos hindi ko na maalalang mukha ni Papa. Kalahati ng buhay ko hindi ko sila nakasama, hindi malabo na makalimutan ko sila.

"Ano ba namang drama 'yon?" Pagmulat ko, nasa harapan ko si Noel. "Hindi ka na bata, Louie." Bakas ang inis sa mukha niya.

"Hindi mo alam ang pinagdaanan ko."

"Alam ko, kaya nga nagtataka ako sa inaasal mo kay Tiyang Diana. Ilang taon ka pa ba aamuhin ng Nanay mo? Ganun talaga, ang mag-asawa, naghihiwalay. Walang forever. Bahala ka nga riyan. See you next year." Iniwanan na ako ni Noel.

Walang forever.

Siguro nga, totoo. Wala pang twenty years bumigay na sa isa’t isa ang mga magulang ko. Nagdesisyon silang maghiwalay na hindi ako isinama sa plano. Siguro dahil malayo sila. Nandon sila sa Pilipinas, samantalang ako, naiwan sa Japan. Inisip nilang siguro okay lang ako dahil namumuhay naman na ako para sa sarili ko.

Nasanay na rin akong mag-isa. Ang mga Hapon dito sa Saga ang itinuring kong pamilya.

Inabot na ako ng gabi sa pagmumuni-muni. Bumalik ako sa restaurant ni Sadako, nakita ako nang katrabaho kong si Maruko. Nagtaas ako ng kamay at humingi ng ang paborito kong beer. Ang isa, naging dalawa, naging tatlong beer na nasa lata at ang mga sumunod, hindi ko na nabilang. Binigyan na rin nila ako ng pulutan na inihaw na isda.

May ilang earth facts ang naglalaro sa isip ko nang matagpuan kong basang-basa na ang pisngi ko. Suminok ako habang pinaglalaruan ang lata sa kanang kamay. Unti-unti ko iyong diniinan kasabay ng pagpatak ng luha. Panay lang ang pagluha ko, ang dahilan? Sobrang kalungkutan. Ilang taon na akong nagce-celebrate mag-isa. Walang bago. Hindi ako makauwi dahil wala rin naman akong uuwian.

Humiga ako sa bangko at saka pumikit. Noong birthday ko nalaman na hiwalay na ang mga magulang ko. Umasa akong babatiin nila ako ng sabay pero hindi nangyari. Magkaibang oras nila ako tinawagan at tandang tanda ko pa kung paano sinabi sa akin ni Mama ang mga salitang,

‘Malaki ka na, Louie. Dapat maintindihan mo kung maghihiwalay kami ng Papa mo. Enjoy na lang sa birthday mo riyan.‘

Mali, hanggang ngayon, hindi ko pa rin gets kung bakit sila naghiwalay.

Hazel

Punong-puno ng usok ang silid sa music studio at nilamon ng buga ng vape ng mga kasama ko ang buong pwesto kasabay ng pagkampay ng baso na may lamang alak. Ang bibilis ng bibig ng mga ka-jamming ko sa pagbigkas ng rap. Pa-sway-sway pa ang ulo ko at dalang-dala sa tugtugan.
Hiphop is life.

Minahal kita na parang isang sikreto, kaunti lang ang nakakaalam pero damdamin ko’y umaasenso. (Asenso!)

Sobrang ganda mo, pero ako'y mukhang aso

Anong magagawa kung ikaw ang tinitibok nito..

Nang humupa ang makapal na usok, napatingin ako sa kagrupo kong si Douglas na prenteng nakaupo sa harapan ko, nakakasilaw na bling-bling niya na kulay ginto, makintab rin ang loose jersey jacket niya at

bes,
matakot ka sa singsing niyang kasing laki ng buto ng langka, feeling ko, ginagamit niyang pang-self defense sa mga agaw-cellphone na hitik na hitik daw sa inuuwian niyang apartment sa Bagong Bantay. Ginaya ko ang kilos niya, ang pagbukaka at pagpitik ng balikat kahit hindi kumakanta, gangster na gangster ang datingan,
ang cool
.

"Malapit na ang chorus, Hazel." Paalala ni Douglas na siya ring tumatayong leader namin nina Johnny at Kokoy- ang dalawa pang rapper na halos lumubog ang lalamunan sa paghitit ng e-cigarette na amoy strawberry ang usok.

This is it pancit

, nangingig ang kamay kong iniangat ang piraso ng papel na kodigo ko ng lyrics, bumukas na ang bibig ko nang biglang nakita ko Mama, umayos agad ako ng upo at pinigilan ko ang panlalaki ng mata, walang use iyon dahil mas malalaki ang mga mata ni Mama na kasunod si Papa,
patay na.

"Hazel, uwi na! Gabi na! Ano ba 'yang suot mo? Para kang hostess!" Galit na galit si Mama pero hindi na ako nagulat. Kinuha ko ang cardigan na ibinato sa akin ni Mama, pinatay naman ni Douglas ang music, bakas ang kaba sa mukha.

"Good evening po, Tita, Tito." Magalang na hinarap ni Douglas si Mama at Papa pero si Mama, tumaas lang ang kilay.

"Sino ka?" Umismid si Mama.

"Ma, huwag OA. Kaibigan ko iyan."

Inilagay ni Douglas ang hintuturo niya sa labi ko, nalasahan ko pa ang alat 'non. "Okay lang Hazel."Binuksan niya ang zipper ng jersey jacket niya at ipinakita ang mukha ko sa t-shirt niya. Hindi ko napigilang pasimpleng mapahilamos ng mukha.

"Douglas Capati po, big fan po ng anak niyo." Buong gilas na sambit ni Douglas, tumango-tango ako at saka nagpeke ng ngiti para sakyan siya. "Kilala rin ako sa hiphop world bilang Dougstyle Douglas." Itinuro niya ang iba pa naming kasama, "si Johnny AKA Mastafaka, si Kokoy po AKA Kanto Boytoy X."

Mas lalong tila nilamukos ang mukha ni Mama. Paano pa kung marinig niya ang bansag na iniisip ko para sa sarili?

Hazesherep
pa nga sana. Ininguso ni Papa si Douglas sa akin at saka umiling.

"Sakay na sa kotse sa labas, anak. May audition ka pa bukas." Kalmadong sabi ni Papa.

"Opo, Pa."

Tumango ako kina Johnny at Kokoy, tipid na kumaway si Douglas na halata ang panghihinayang sa practice namin na nasayang.

Dumiretso kami ng pamilya ko sa open parking lot ng studio na panay ang tago ko sa likod ni Papa na parang isang human shield. Kung nakakamatay lang kasi ang titig ni Mama, kanina pa ako nakabulagta. Dumampi sa pisngi ko ang malamig na hangin sa labas pero wala nang kakabog pa sa malamig na tingin ni Mama habang hinihintay namin ang sasakyan na sunduin kami. Hindi na nakapaghintay pa ang maaanghang na patutsada ni Mama, walang pasintabi sa tainga ko, walang censorship, walang paki sa rated SPG.

"Putragis naman, Hazel! Ano'ng klaseng mga tao ang kinakaibigan mo? Eh kung ma-r*pe ka ng mga durugistang iyon?"

"Hindi sila ganu'n. Musikero sila."

‘Hiphop never hurt anyone’
kaya.

"At saka hindi ba sabi ko, huwag kang masyadong nakiki-close sa fans? Iyang mga ganyan, Hazel, oportunista lang ang mga iyan! Gusto lang magpa-picture! Kasi artista ka!" Gigil si Mama na binitiwan ang pangmamaliit sa mga bago kong kaibigan. Napatahimik lamang siya nang may dumaan na dalawang ale sa aming harapan na nakilala ako. Awtomatikong ngumiti sina Mama at Papa pero hindi ako.

Siniko ako ni Mama, "Smile ka! Smile!" Tiningnan ko siya nang hindi makapaniwala. Meron bang pinapagalitan na mangingiti at masaya pa? Mas lumakas ang paniniko ni Mama sa akin habang papalapit ang mga ale. Ang ending ngumiti rin ako ng matamis, iyong ngiting showbiz.

Anak ng tinapay! Kailangan laging mabait. Kailangan laging maganda. Kailangan laging good mood. Bawal magkamali ng sagot. Kailangan pati ang utot, tahimik at hindi mabantot.

Bumagsak ang ngiti ko nang makalagpas na ang mga ale.

"Ma, pahinging pera. Bibili lang ako ng pizza 'dun, hindi pa ako kumakain."

Palinga-linga si Mama habang naghihintay ng sasakyan, "Tataba ka, may salad doon sa bahay."

"Hayaan mo na siyang mag-pizza, 'Mhie. Paminsan-minsan lang naman." Tabingi ang ngiti ni Papa. Lagi siyang ganyan. Nasa gitna pero ang madalas pa rin namang nananalo si Mama. Ang ending, wala akong kakampi. Useless din ang pagiging patas niya. Kung patas nga ba iyon.

"Disiplina, 'Dhie." Pagpupunto ni Mama.

See?

Nagkatinginan na lang kami ni Papa. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam pa ako ng pagkadismaya nang nagkibit-balikat na lang si Papa, lagi namang ganoon ang akto niya, sasabihan pa niya akong mabuti nga at sinubukan niyang ipagtanggol ako.

Nasa sasakyan na kami nang muli akong mapagbalingan ni Mama, nagtama ang mga mata namin sa rearview mirror. “Tingnan mo ang eyebags mo ‘o! Para kang zombie! Puyat ka kasi ng puyat! Wala ka na ngang masyadong taping, ‘di ka pa matulog ng maaga? Pa’no ka kukunin ni Direk niyan?”

"May makeup naman 'pag taping." Pahina ng pahina ang boses ko.

Nanlaki ang mga mata ni Mama, "Tigiyawat ba iyang nasa baba mo? Hazel naman!"

Umikot ang mga mata ko. Bilib na talaga ako sa linaw ng mata ni Mama, kahit gabi kitang-kita niya ang mali sa mukha ko. "Eh anong magagawa ko? Utusan ko 'yong pimples na huwag tumubo? Baka lalong magprotesta, alam mo naman ang mga bagay na pinipigilan, mas lalong kumakawala."

"Uy, uy, uy." Napatingin ako kay Papa na may itinuturo sa bintana, "tingnan niyo 'o!"

Natahimik kami ni Mama habang tinitingnan ang malaking billboard ng isang child actress na merong ini-endorse na biscuit. Si Tana Frias. Ako ang nasa posisyon niya noon. Bawat sulok ng EDSA merong mukha ko. Pero ano pa nga ba, nagbabago ang panahon. Nagising na lang ako at 21 years old na ako, hindi na ako bata na kinagigiliwan noon. Dumaan sa awkward stage at unti-unting nakalimutan ng mga tao. Isang malaking ilusyon na lang ang inaarte ni Mama na para bang sikat pa rin ako. Overprotective pa rin siya na akala mo ima-mob ako kapag dumaan ako sa public place ng walang disguise. Kilala na lang ako sa pangalan, pupwedeng mamukhaan pero hindi na pagkakaguluhan. Isang 'Da-who' na nga lang ako sa isang tabloid na nabasa ko noong nakaraang buwan.

"Bago lang iyan, ano?" Si Mama.

"May bago rin siya sa NLEX." Dagdag ni Papa.

"Magkano kaya ang bayad sa kanya riyan?"

Naiinggit na naman ang bruha sa career ng iba. Na para bang kasalanan ko na nalaos ako. Nagpatuloy ang sermon sa akin hanggang sa makarating kami sa bahay. Nagpanggap akong busy sa pagbabasa ng kung ano sa cellphone ko nang nagmamadali akong nilapitan ni Papa.

"Pumasok ka na sa kwarto mo nang tumigil na ang Mama mo." Bulong niya nang umupo ako sa sofa.

"Talaga ba, 'Pa? Pati ba naman sa bahay natin kailangan kong magtago? Nakikitira ba ako? Alipin ba ako dito?"

Napakamot ng ulo si Papa, "Hazel, alam mo naman iyang Mama mo kapag mainit ang ulo."

"Gawa na kasi kayo ng kapatid ko para hindi na lang lagi ako. Paano pa kapag nag-decompose na 'yan?" Bulong ko.

"Anong decompose?"

"I-iyong hindi na dinadatnan! Sabi nila masungit ang mga babae kapag ganon."

"Ah, menopause, Hazel. Menopause iyon."

Mayabang akong umirap, hindi ipinahalata ang pagkapahiya, "Whatever,

Justin Bieber
!”

Natahimik kami nang pumasok si Mama, game-face on. Mahaba na naman ang gabi ko nito dahil sa sermon.

"Alam mo kung bakit inuulan ng blessing si Tana? Kasi masunurin siya sa mga magulang niya. Ikaw ang tigas ng ulo mo!"

Tamad ko siyang tiningnan, "baka naman mabait din ang parents niya kaya siya masunurin."

"Anong sabi mo?!"

"'Mhie, na-deliver na pala 'tong stockings na inorder mo online—" May kinuha si Papa mula sa centertable na mga kahon.

Hindi inalis ni Mama ang tingin niya sa akin. Punong-puno iyon ng panunumbat at hinanakit.

Wow, siya pa.

"Isang taon ka nang bakante, Hazel! Pero imbes na paghandaan mo ang audition, nakikipag-rap-rapan ka pa!"

"Kung ako ang gusto nilang i-cast, kukunin at kukunin nila ako." Totoo iyon. Palagay ba nila ay ipinanganak ako kahapon? Pupwede namang i-offer sa akin ang role kagaya ng dati! Ngayon ay parang ako pa ang kailangan na maghabol.

"Kunin ko sa ref 'yung salad, Anak?" Malambing na tanong ni Papa pero umirap lamang ako, dumiretso ako sa hagdanan para umiwas.

"Pa'no ka nila magugustuhan kung hindi mo gagalingan sa audition? Tonta!"

Ibinaba ko ang cellphone ko dahil sa salitang 'tonta' at saka sinalubong ang galit na titig ni Mama.

"Eh kung maghanap kayo ng sarili niyong trabaho para hindi kayo umaasa sa kinikita ko?" Malamig na tanong ko, napaawang ang labi ni Papa.

"Huwag naman ganyan anak." Kalmadong wika ni Papa na nakahawak sa pinto ng ref. "Tumigil sa pagti-teacher ang Mama mo para suportahan ang pag-aartista mo."

"Magkano ang sweldo niya 'dun? P 15,000 a month? Ikaw, Pa? Mapapatayo ba natin ang bahay na ito kung umasa tayo sa vulcanizing mo?"

Napayuko lang si Papa imbes na sumagot. Lumatay ang sakit sa mukha pero hindi ako tumiklop. Ilang beses suminghap si Mama pero hindi niya maituloy ang sasabihin.

"Tama na iyan. Kailangan na niyang matulog." Hinawakan ni Papa ang kamay ni Mama pero pinalis lang nito ang hawak niya.

"Alam mo, Hazel, kung bakit pinilit ka naming mag-artista?" Nanginginig ang labi ni Mama at nangingislap ang mata, naluluha sa galit. "Dahil boba ka." Mariin iyon para mas maunawaan kong mabuti.

Napalunok ako pero mas lalo lamang dumiin ang tapak ko sa lupa habang nakakuyom ang mga palad ko.

Boba.
Madalas kong marinig iyon. Kung ang ibang mga bata ay pinagmamalaki ng mga magulang nila dahil sa mga achievements sa school, kabaliktaran ang sa akin. Hindi ako matalino, kulang ako, hindi ako kagaya ng ibang mga anak na karapat-dapat ipagparangalan tuwing katapusan ng school year dahil may medalya.

"Bata ka pa lang, napapansin na namin ng Papa mo- pati na ng mga tito at tita mo na hindi ka katalinuhan. Laging kang bagsak sa school 'di ba?"

Realtalk

. Hindi talaga nakakalimutan ni Mama ilagay ako sa lugar ko.

"Pasalamat ka at ipinanganak ka naming maganda. Saan ka na lang pupulutin kung 'di ka nag-artista? Kaya matulog ka na. May audition ka pa bukas."

Nagpatiuna na si Mama sa pag-iwan sa akin na sinundan naman ni Papa. Kusang tumulo ang luha ko na agad ko ring pinahid. Ako pa ang nasisi kung bakit ako bobo.

Tiningala ko ang pinto ng kuwarto nina Mama at Papa, "Kapag bobo ako agad? Bakit? Kanino ba ako magmamana? Kaya huwag niyo akong iniismol! Iisa lang takbo ng utak natin dito." Umismid ako pagkatapos.

Dumiretso ako sa kuwarto ko nang mabibigat ang hakbang ng paa. Nalamangan ng galit ang pangungulila ko sa maayos na pamilya. Nakita ko ang poster ng isa sa patok ko na show ten years ago, ang

Mighty Baby Nene
.

"Mighty Baby Nene. Pwe!" Pinunit ko ang poster ng walang panghihinayang at saka nagtungo sa walk-in closet ko. Pinili ko ang pinakamalaking maleta at saka itinambak ang napakaraming damit ng wala sa ayos. Tiniyak kong sa hand-carry bag ko ay naroon ang lahat credit cards, IDs at bundle ng cash. Basher ka talaga, Mama! Tikman mo ang ganti ng isang api!

Wala akong inaksayang oras, agad akong sumakay sa taxi suot ang shades ko kahit disoras na ng gabi. Panay ang silip sa akin ng driver mula sa rearview mirror kaya nawala ang atensyon ko mula sa panggigigil kay Mama sa isip.

"'Di ba kayo po yung artista?" Naniniyak na tanong ng driver. Umiwas ako ng tingin, ang linaw naman ng mata ni Manong, parang Nanay ko lang.

"Kamukha ko lang. Maraming nagsasabi."

"Oo, kamukha mo talaga. Hindi ko na lang maalala kung anong pangalan 'non. Hindi na kasi iyon masyadong lumalabas sa TV." Natatawang komento ni Manong.

"Focus po tayo sa daan, baka madisgrasya tayo." Mukhang gusto pang ikwento ni Manong in my face kung gaano ako kalaos.

Maigsi lang ang naging byahe mula sa bahay hanggang airport dahil alanganin na ang oras. Dumaan ako sa standard airport security check at ipinagpasalamat ko na walang pila. Nagtungo sa airline ticketing station para maghanap ng flight. Papalayo. Papalayo kina Mama at Papa at sa sakit na ulo na career na ito. Gusto kong tumakas at makalimot, at kagaya nga ng pabebe girls, walang makakapigil sa akin. Tingnan natin kung ano ang gagawin ni Mama kung mawawala ako.

"Anong international flight ang aalis na?" Binalewala ko ang masiglang pagbati ng frontdesk officer.

"Bound for where, Ma'am?"

Natigilan ako. "A-ano?" Bound for where? Pang-Miss Universe rin ang tanong ng isang ito.

"Papunta po saan?"

"Kahit saan. Ay, 'yun palang hindi na kailangan ng visa. 'O kaya Japan na lang, may multiple entry ako."

"For a while, Ma'am."

Matiyaga akong naghintay habang nagtitipa ang ticketer sa kanyang computer. Napadako ang mata ko sa isang janitress na kipkip ang mop sa kanyang kili-kili habang ang isang kamay ay may hawak na cellphone, kinukuhanan ako. Aba, aba, aba. Mapupurnada pa ang plano ko kapag may nakaalam agad na nandito ako. Hindi na ako nag-isip at sinugod ang janitress doon sa puwesto niya.

"Ate, i-delete mo 'yan kung hindi, isusumbong kita sa boss mo."

Napawi ang ngiti ng janitress na nanginginig ang kamay na ibinaba ang kanyang cellphone, "sorry po. Fan na fan po ninyo kasi ang lola ko. Ipapadala ko lang sana sa kanya 'yung video niyo kasi birthday niya. Delete ko na lang po."

Binura nga ng janitress sa harapan ko ang video pero naalala ko ang tabloid na tiyak na magsusulat na naman ng laban sa akin. Ma-bash na naman ako.

"Anong pangalan ng lola mo?" Hindi pa rin ako makangiti pero pinipigilan ko ang pagsusungit.

"Po? Janet Toledo po."

"Ilang taon na?"

"77 po."

Kinuha ko ang cellphone ng janitress at kinuhanan ang sarili ko ng video. "Hello Lola Janet Toledo! Happy 77th birthday po sa inyo! Sana maging mas mahaba at mas masaya ang buhay n'yo. God bless!" Nag-flying kiss pa ako sa camera para kunwari atat na atat ako sa video greetings.

Natulala ang janitress nang iabot ko sa kanya ang cellphone pagkatapos ay naging malawak ang ngiti at saka sunod-sunod na nagpasalamat. Tinapik ko lamang ang kamay niya at saka bumalik sa ticket counter.

"Mam, Fukuoka po. Departing in two hours."

"Saan?"

"Fu-ku-o-ka."

"Saan ba iyon?" Never heard. Ang hirap pang bigkasin. Nag-ring ang cellphone ko at nang silipin ay nakita ko ang picture ni Papa sa caller ID. Pinatay ko agad ang tawag.

"Sige Ate, okay na 'yan, pakibilisan."

Habang pino-proseso ang ticket ko ay muling nag-ring ang cellphone ko, this time, si Mama naman. Sinagot ko na iyon dahil pakiramdam ko ay sinisigawan din ako sa paraan ng pag-ring. Hindi na niya ako mapipigilan, mas lalong hinding-hindi na magbabago ang isip ko.

"Hazel! Nasaan kang bata ka? Bakit ang gulo ng kuwarto mo? May audition ka pa mamaya!"

"Magbabakasyon ako. Huwag n'yo akong guguluhin."

"Anong bakasyon? Hindi puwede! May audition ka pa—"

Napasimangot ako sa cellphone ko nang ilayo ko iyon sa aking tainga at saka ko pinatay ang tawag. Nagtataka akong tiningnan ng ticketer. Huminga ako ng malalim at saka pekeng ngumiti, ikinumpas ko ang kamay ko para magmadali na siya, ibinalik niya ang atensyon sa computer.

Pinakatitigan ko ang plane ticket nang mapasakamay ko na. Sa wakas, 'me' time. Hindi ko maririnig ang boses ni Mama o 'di kaya makikita ang mukha ni Papa na parang laging maiiyak tuwing pinapagalitan ni Mama. Ako lang mag-isa this time. Laban!

Louie

They said, we’re born alone, we live alone, we die alone.

Sanay na akong gumising mag-isa sa umaga.

Kinusot ko ang mga mata ko habang aantok-antok na nagpapainit ng tubig. Pinilit kong imulat ang sarili sa pakikinig ng music habang bumubulong ng lyrics sa kanta ni April Boy na naging kasa-kasama ko na araw-araw.

Simple lang ang bahay na tinitirhan ko sa Japan. OFW eh. Ako rin lang mag-isa. Walang bisita, ilang taon na.

Inihalo ko ang fresh sensha tea leaves sa tubig at saka in-enjoy ang sarili sa pag-amoy ng ginagawang tsaa. Maganda sa pakiramdam ang preskong amoy 'non. Nakakawala ng pagod.

In-enjoy ko ang katahimikan nang sinisimsim ko ang tsaa mula sa tasa ko. Tipikal ang araw na ganito sa Japan lalo na sa mga kagaya kong mag-isang naninirahan. Peaceful at simple, pero para sa akin, sobrang ganda, tahanan kung tatawagin. Tiningnan ko ang wristwatch ko at saka minadaling ininom ang tsaa.

Hindi ka bakasyunista, Louie. Don't take your time.

Mula sa suot kong asul na fishing jumpsuit ay nagpalit ako ng t-shirt, jeans at jacket at saka sumampa sa sasakyan kong mini truck. Hindi kailanman ako napagod sa pagmamaneho sa Tara, ang maliit na fishing village dito sa Japan. Hindi ka magrereklamo sa pagod dahil sa ganda ng paligid mo. Bubusugin ka sa tanawin ng dagat pati na ang maliliit na bahay at mayayabong na puno na ang mga dahon ay nagiging 'sing pula ng apoy o di kaya nagiging 'sing dilaw ng sikat ng araw bago ito tuluyang malagas bilang pagsalubong sa taglamig.

Pakiramdam ko maigsi ang mga araw dahil sa apat na panahon na nangyayari dito sa Japan sa loob ng isang taon. It helps. Para sa isang Pilipinong naninirahan bilang dayuhan sa isang bansa, hindi biro ang magbilang ng araw. Hindi biro na malayo sa pamilya sa merong pamilya. Mabuti na lang, wala na akong inuuwian sa Pilipinas kaya bawas na rin sa iisipin.

"Ohayou gozaimasu!" Binagalan ko ang pagmamaneho ng truck para batiin ang isang lokal na mangingisda dito sa Tara, yumuko ako at ganun din siya bilang tanda ng respeto sa isa't isa. "How's the catch?" Tanong ko sa Nihongo.

"Not so good. Fish aren't as plenty as before."

Napailing ako at nakisimpatya, "climate change sucks." Tumango ako at saka nagpatuloy sa pagmamaneho sa ikalawa kong trabaho ngayong araw. Sa isang seafood restaurant iyon. Dali-dali kong isinuot ang uniporme ko at ang apron ng restaurant saka binitbit ang mop para hindi ma-highblood ang amo kong si Sadako.

"We have visitors from Kyoto, arriving later, Louie. Clean the tables thoroughly." Stoic na utos ni Sadako in Nihongo.

"Hai!" (Yes)

"And fix your collar." Itinuro niya ang uniporme ko.

"Hai!" I energetically responded. Natigilan ako nang mapatingin ako sa isang dako ng mga lamesa habang nag-aayos ng kuwelyo. Alam ko agad na hindi siya taga-rito base sa porma niya. Overdressed kung tutuusin para sa maliit na bayan ng Tara. Mamahalin kasi ang suot niyang boots, yung winter jacket niya ay may fur pa kahit patapos na ang winter at papunta na sa spring season.

"Irasshaimase!" I greeted.

Tiningnan ako ng babae. Natigilan ako sandali at nailang. Her eyes were expressive, her nose was straight and lips were thin. Ang ganda. Nakasanayan ko na ang singkit na mata ng mga Hapon kaya hindi ko maiwasang mapahanga sa bilugang mata ng customer na walang kangiti-ngiti sa akin.

Tumayo siya at nilagpasan ako. Nagtungo siya roon sa display ng fresh seafood counter kaya sinundan ko agad. Iba't ibang klaseng isda ang naroon, shellfish, mollusk, crustaceans- ang kadalasang huli dito sa Tara. Panay lang ang turo ni Miss na maganda sa gusto niya, panay naman ang masiglang pagtango ko.

"Hai!" Iniisip ko kung may kasama ba siya, napakarami niya kasing ipapaluto. Hindi pa nakuntento, kinuha niya ang makapal na menu book at nagturo pa roon ng noodles, appetizers at side dishes. Nakatitig lang ako sa kanya na parang nananaginip hanggang sa malakas niyang isara ang menu book at saka tinaasan ako ng kilay. Naglakad siya pabalik sa lamesa at saka tahimik na sumilip sa bintana na hindi man lang nagpapasalamat.

"Takaw." Bulong ko sa sarili.

Kahit puro pagsusuplada lang ang ginawa ni Miss na maganda, matiyaga ko pa rin siyang pinagsilbihan. Nang dumating na ang lahat order niya ay kinabitan ko siya ng bib para hindi marumihan ang damit niya sa pagkain ng seafoods. Ako na rin ang nag-set up ng charcoal grill sa harapan niya at inilagay ang ilang pirasong oyster doon para umpisahan ang pag-ihaw. Napatingin ako kay Miss na maganda na nahuli kong nakatingin din sa akin. Hindi ko maibaba ang tingin ko sa paninitig niya. Nakaramdam ako ng kakaiba. Masyadong intense, at masyadong maganda.

Boom!
Sumabog ang isa sa mga oyster dahil nabigla sa init ng grill.

"Ay puta kang malandi!"

Pinigilan kong itago ang pagngiti dahil sa pagkapahiya ni Miss na maganda na nagmamadaling nagsuot ng shades pagkatapos magsalita. Unang beses niyang nagsalita, nagmura pa.

Tumikhim ako, "nangyayari talaga iyon."

Umirap si Miss na maganda na parang walang nangyari. Naging masaya ako ng makumpirmang Pinoy din siya, nakakamiss mag-Tagalog. "Mauubos niyo ba ang lahat ng inorder niyo, Ma'am?"

"Huwag mo nang problemahin iyon. Babayaran ko naman lahat."

Natameme ako. Mas malamig pa sa winter ang pagsusungit ni Miss na maganda. Sayang, maganda pa naman si Kabayan.

Hazel

“Lansa!” inamoy ko ang kamay ko at agad na naghanap ng sanitizer para takpan ang matapang na amoy ng lahat ng kinain ko. Hindi ko na inalis ang suot kong shades dahil baka nakilala pa ako ng waiter kanina at ichismis na si Hazel Ilagan, nagsabi ng bad words dahil sumabog ang oyster sa harap niya.

"Miss?"

Hindi ako agad lumingon.

Patay kang bata ka, nakilala ka agad!

"Kuya, nakabakasyon ako. Bawal muna picture-picture." Bago pa man may masabi si Kuya Waiter ay sinuway ko agad siya. Nagtataka niya akong tiningnan.

"Picture? Bakit naman ako magpapa-picture?" Iniangat ng lalaki ang hawak niya at nakita kong cellphone ko iyon, "nahulog yata sa restaurant."

Hinablot ko agad ang cellphone ko sa kamay niya at saka mabilis na tumalikod. Mahirap na at baka makilala pa ako kapag matagal kaming magkausap.

"Sige, Miss, ingat!" Nilingon ko ang waiter na nagsimula nang maglakad papabalik sa seafood restaurant.

Huminga ako ng malalim nang mapagtantong wala naman balak mangulit ang waiter, "huy, saglit!"

Huminto ang lalaki at hinarap ako. Iwinagayway ko ang hawak kong tourism brouchure. Itinuro ko ang

Floating Torii Gate
na gusto ko sanang puntahan ngayon pero naligaw ako at inabutan na ng gutom sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya.

"Pa'no makarating dito?"

Nagpamulsa ang lalaki, ngayon ko lang napakatitigan ang features niya. Matangkad siya, tisoy, merong dimples at maganda ang mga mata. Mukha siyang mabait at mapagkakatiwalaan naman.

"Kotse?" Sagot niya. Sosyal, kotse ang option. Hindi ba siya nagkocommute dito? Burgis naman pala.

Umiling ako, "Bus. Train. Lakad kung malapit."

"I-download mo 'yung

Saga Travel
support app. Nandun lahat.”

"Naka-off ang phone ko." Ilang araw na simula umalis ako sa Manila.

"Bakit hindi mo na lang i-on? May wifi kami sa loob kung gusto mo—"

"Ituro mo na lang kasi!" Giit ko. Nagtatanong ako ng maayos, pa-hard to get naman siyang sumagot!

"'Di ko alam kung paano kapag commute. Sige, Miss, pasok na ako." Tinalikuran na ako ng lalaki. Nanggigil ako sa inis pero wala akong choice.

"May kotse ka? Dalhin mo ako 'dun!"

"Naka-duty ako." Sagot niya pa na tipid akong nilingon.

"Babayaran kita!"

"May trabaho ako." Huminga ng malalim ang lalaki, halatang nagtitimpi pero tumalikod na lang siya at naglakad papalayo sa akin. Suplado naman ng isang ito! Hindi man lang magkandakumahog na pagsilbihan ako! Aba, kahit hindi na ako sikat, atat na atat pa rin ang sambayanang Pilipino na makita ako.

"Kuya naliligaw ako!" Nagpapadyak ako! Natigilan ang lalaki at saka ako binalikan. Hindi ko mabasa ang mga mata niya. Parang gustong mainis pero siguro naaawa sa akin dahil Pinoy siya at responsibilidad niya ako. Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako papabalik sa loob ng restaurant. Ibinalik ko ang poise ko at itinago ang pagkapahiya sa pangangailangan sa isang stranger. Ang mapa kasi na iyon! Ang tagal kong tinitigan pero hindi ko pa rin maintindihan.

"Magkano 'to?" Tanong ko nang ibinaba ni Kuya Waiter ang isang mug ng local beer sa harapan ko. Nagduda pa ako roon pero bumigay din ako at kinuha iyon at nilaklak na parang wala ng bukas. Umupo si Kuya Waiter sa harapan ko.

"Ako na ang magbabayad."

"Ako! May pera ako!"

"Bahala ka. 350 yen."

Binalikan ko ang alak at muling ininom iyon. Mas lalo iyong naging swabe sa lalamunan at alam kong hindi sasapat ang isang mug. Grabe, ang sarap uminom ng walang nagsasalita sa likod mo o kamerang nakatutok sa iyo. Ganito pala ang feeling na maging ordinaryong mamamayan.

"Paano ka napadpad dito sa Saga? 'Di ganun karami ang turista rito. Lalo na ang mga Pinoy."

"Iyon 'yung point. 'Yung walang nakakakilala sa akin. 'Yung wala akong kakilala."

Tiningnan niya ako ng walang kangiti-ngiti na parang sinasabi niyang parang ewan ang desisyon ko. "Maliligaw ka talaga kapag ganyan."

"Wala namang taong forever na naliligaw." Matamis akong ngumiti kay Kuya waiter at saka nagparinig, "lalo na kung may mga taong mababait na tumutulong. Lalo na 'yung kababayan mo pa. 'Di ko sinasabing ganun ang gawin mo, ha? Pero parang ganun na nga."

Tiningnan ni Kuya Waiter ang paligid, "kung mahihintay mo ang out ko, pupwede kitang ihatid pabalik sa hotel mo. Saan ba?"

"Saga. As in Saga City."

Napaawang ng labi si Kuya Waiter dahil sa sinabi ko, kumunot ang noo ko. "Bakit? Malayo ba iyon dito?"

"Apat na bayan ang pagitan." Napakamot siya ng ulo.

Sumilip ang isang Haponesa na mukhang may-ari ng seafood restaurant, tutok ang mata kay Kuya Waiter. Nagsalita ito ng Nihongo kaya hindi ko na-gets. Nagmamadaling tumayo si Kuya Waiter pagkatapos.

"Hai!"

Nilingon niya ako at saka mabilis na nagsalita. "Nandiyan na ang guests namin galing Kyoto. Pagka-out ko, ha? Alas-siyete."

"Alas-siyete?!" Aba, parang nag-duty din ako! Sayang ang araw ko.

"Alas-siyete." Ulit niya. Napabuntong-hininga ako. Sabi ko nga, wala akong choice.

Feeling ko forever akong naghintay. Inagiw na ata ako roon sa seafood restaurant at kung hindi lang nakakatuwang pagmasdan ang mga Hapon at ang kanilang paraan sa pagkain, baka kanina pa ako umuwi. Magagalang sila at tahimik kung mag-usap. Paano kaya nila nae-enjoy ang pagkain kung nagbubulungan sila?

Nakita ko si Kuya Waiter na nakabihis na ng puting t-shirt at wala nang apron. Isinenyas niya ang labas kaya nagmamadali ko rin siyang sinundan.

"Magkano ang sahod mo dito?" Kyuryoso kong tanong habang naglalakad kami papalabas ng restaurant.

"Hindi dapat tinatanong iyan."

"Nagtatanong lang 'e! Hindi ko naman ipagkakalat. Hindi naman ako taga-rito."

Huminto kami sa tapat ng mini-truck na luma pero maayos naman ang itsura. Sumampa ako sa likuran ng truck nang pumasok na si Kuya Waiter sa driver's seat.

"Dito ka sa loob." Sumilip siya sa bintana. Umiling ako.

"Mas bet ko dito." Malamig pero parang iyon ata ang kailangan ko para mamanhid ako sa lahat ng mga iniisip ko na bitbit ko dito sa Japan.

"Baka ginawin ka sa hangin. At saka baka mahulog ka."

"'Di ako tanga." Umirap ako sa hangin.

"Wala naman akong sinabi."

Nagsimula nang umandar ang truck, kinatok ko ang bubong nito nang may maalala.

"Daan tayong convenience store, ha? Bibili ako ng snacks at drinks."

Malakas na napabuntong-hininga si Kuya Waiter. Gusto pa yatang magreklamo. Naghintay kaya ako, tapos magrereklamo siya riyan.

Hindi nagbibiro si Kuya Waiter nang sabihin niyang apat na bayan ang layo ng restaurant sa hotel ko. Paano ba naman, napakahaba ng byahe pero alam kong malayo pa rin kami. Hindi ako tumiklop sa lamig, sinamantala ko na nasa labas ako ng sasakyan para makita ang magagandang tanawin kahit gabi.

Alam ko na kung bakit pabalik-balik ang mga tao sa Japan, walang katulad ang linis ng hangin pati na ang paligid. Pakiramdam ko naaattract ng lugar ang positive vibes. Parang pinapaliguan ka ng energy para marecharge. Uwian ko kaya ng hangin ang nanay ko?

Panay ang silip ni Kuya Waiter sa akin mula roon sa driver's seat. Mabuti na lang at hindi nagpaka-fanboy ang isang ito. Maya-maya pa ay huminto na ang sasakyan sa isang strip ng mga tindahan. Palagay ko ay iyon na lang din ang bukas dahil karamihan sa mga nadaanan namin ay either papasara na o sarado na talaga.

"Ay! Ang cute ng bag, 'o!" Nakakuha ako ng atensyon sa paglapit doon sa maliit na pitsel.

"Hinaan mo ang boses mo." Bulong sa akin ni Kuya Waiter. Napasimangot ako.

"Bakit? Customer naman ako dito!"

"Kahit na! 'Di ganun ang kultura dito."

Sinundan ko si Kuya Waiter patungo roon sa convenience store. Pinamili ko na ang lahat ng kakailanganin ko. Tiniyak kong hindi ako mamatay sa gutom kahit ano ang mangyari. Bumili ako ng napakaraming chips at drinks na hindi pamilyar, excited akong subukan ang lahat ng iyon.

"Bakit mainit ang aircon sa kuwarto ko sa hotel?" Nakakasakal kapag nakabukas. Mas mabuti pa iyong bintana kapag binuksan, malamig ang hangin.

"Hindi kasi aircon 'yon. Kapag ganito ang panahon sa Japan, centralized heaters ang ginagamit ng hotel."

"Ay, ganun ba iyon? Kaya pala pawis na pawis ako ilang araw na."

Mabigat ang paperbag namin ni Kuya Waiter nang lumabas kami sa convenience store pero mas mabigat ang buhat niya. Papabalik na kami sa mini truck nang makakita ako ng vending machine, huminto ako roon.

"Paano 'to?" Ipinasa ko ang paperbag ko kay Kuya Waiter at kumuha ng barya sa bulsa ko.

"Ang dami mo nang biniling inumin."

Ha! As if mapipigilan ako. "Pera ko naman ang gagamitin ko. Dali, gusto kong i-try." Walang nagawa si Kuya Waiter kundi tulungan ako. Pinindot ko lahat, tinikman ko na ang iba bago pa kami makaalis.

Nagpatuloy ang aming byahe pabalik sa hotel ko. Gusto ko nang ipahinga ang likod ko. Napatingin ako kay Kuya Waiter. Sigurado akong mas pagod siya, babalik pa siya sa pinanggalingan namin kanina. Nagkibit-balikat ako. Nag-volunteer naman siya at saka sabi ko magbabayad ako pero ayaw niya.

Hazel

Binuksan ko ang ilaw ng hotel room ko at dumiretso ako sa pag-upo sa kama. Maliit ang room, typical na Japanese hotels, walang sinasayang na space. Nakasunod sa akin si Kuya Waiter na mukhang bigat na bigat sa mga pinamili ko.

"Hay, kapagod!" Reklamo ko kasabay ng pagpapahinga ng likod sa malambot na kama.

"Saan 'to?" Tukoy ni Kuya Waiter sa mga pagkain ko.

"Kahit saan."

Inilagay niya naman ang lahat ng plastic bags sa TV rack, halatang hinihingal. "Pwedeng paupo saglit?" Turo niya sa sofa sa gilid ng kama.

"Go lang."

Nahulog ako sa malalim na pag-iisip habang tinitingnan si Kuya Waiter. Oo, hindi ko pa rin alam ang pangalan niya, oo, maaaring hindi na kami magkikita ulit kaya kahit hindi ko rin naman tanungin, at oo, hindi niya rin alam ang pangalan ko, which is weird.

"Ano?" Masungit na tanong ni Kuya Waiter.

"Pinoy ka 'di ba?"

"Oo."

"'Di mo talaga ako namumukhaan?" Alam kong hindi na ako ganoon kasikat pero kilala pa rin ako ng mga tao. Yung iba nga ay nahihiya pang dikitan ako.

"Hindi." Blangko lang ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

Mabagal akong tumayo at naglakad papalapit sa kanya, ramdam ko ang kaba niya. Parang sira. Napakurap-kurap pa siya nang bigla akong sumayaw. Lahat ng steps ko sa isa kong cheddar cheese jingle noong bata pa ako. Nung hindi niya na-gets, umakting ako na kunyari mayroong hawak na baso.

"Uuuuuu-haw? Quenchie, quenchie, now in pomelo flavor!"

Napalunok si Kuya Waiter, lukot na lukot na ang noo niya sa pagkakakunot. Sinisilip niya ang pinto at humakbang ang paa niya ng isa patungo roon. Tumalon ako sa kama.

"Huwag matakot, ebribadeh! Narito na si... Mighty Baby Nene!" Ginawa ko pa ang superhero moves ko para mas convincing.

Mabilis na tumayo si Kuya Waiter at dali-daling lumapit sa pinto.

"U-uwi na ako, 'ha? Ilang oras din ang byahe. Sige."

Mas lalo akong nagtaka. Iniisip niya atang baliw ako! Siya ang baliw dahil hindi niya pa rin ako maalala. Sa bawat sulok ata ng Pilipinas alam iyon. Kahit ang bihira manood ng TV, alam na nag-e-exist ang shows ko. Bukambibig ng mga bata at matatanda ang Mighty Baby Nene at halos lahat ng commercials ko, merong recall.

"'Di mo alam ang mga iyon?"

"Hindi."

"Seryoso?" Paniniyak ko.

Tumaas ang dalawang kilay ni Kuya Waiter at nagkibit-balikat. Hala siya! Ganoon na ba ako kalaos? Tama nga ata si Mama. Laos-tsina na nga ako. My gulay! Naglakad ako pabalik-balik sa maliit na hotel room at saka nag-dive sa kama, nagtago pa ako sa ilalim ng kumot at nag-isip ng mabuti.

"Ano ba iyong ginawa mo kanina?" Inosente ang boses ni Kuya Waiter kaya alam kong wala talaga siyang alam tungkol sa pagkatao ko. Sumilip ako mula sa blanket at pinanliitan ko siya ng mata.

"Mga sikat kong commercial iyon n'ung bata pa ako! Tapos si Mighty Baby Nene hindi mo kilala? Tagapagtanggol ng mga hampaslupa? Taas kaya ng ratings 'nun! Saan ka ba lumaki? Sa ilalim ng lupa?"

"Sa Japan, simula 10 years old. Wala akong alam masyado sa mga palabas sa Pilipinas. At saka, akala ko ba gusto mong walang makakilala sa'yo? Tapos ngayon, ngangawa-ngawa ka."

Itinapon ko ang kumot at saka umupo ng maayos. Nag-init ang sulok ng mga mata ko, maya-maya pa, hindi ko na napigilan ang sariling umiyak sa harap ng isang estranghero. Naglakad siya papalapit sa akin at tumabi.

"Laos na talaga ako. Iyon lang 'yon."

"Uh.. Kaya mo yan." Walang kalatoy-latoy na subok ng comforting words si Kuya Waiter.

"Alin?"

"Ang pagkalaos."

Pagkalaos. Mas lalo akong pumalahaw ng iyak. Nadagdagan ang sama ng loob ko nang sabihin iyon ng ibang tao bukod kay Mama. Ang mga tao kasi sa showbiz, hindi naman nila sasabihin sa iyo iyon ng harapan pero malamang sa likod mo pinagchi-chismisan ka naman. Oh my God, laos na nga ako! Meron na rin na ibang tao na nagsabi sa akin. Sa pagmumukha ko pa!

" H-hindi. Ang ibig kong sabihin.. Ano.."

Umupo na lang si Kuya Waiter sa tabi ko at tinapik-tapik ang balikat ko sa napaka-awkward na paraan. Pero kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko. Hinagod niya ang likod ko na parang bata. Never pa akong nahawakan ng kahit sino sa likod, kasi kung gagawin nila iyon, for sure kakasuhan sila ni Mama ng sexual harrassment.

"Dyudyugdyugin mo na ako?" Tanong ko sa kanya. Parang napasong inalis ni Kuya Waiter ang kamay niya sa likod ko.

"Ang weird ng takbo ng utak mo."

"Kasi okay lang naman." Sa sobrang lungkot ko, bahala na si Batman. Ang dami kong namiss dahil sa career na siyang nagpapalungkot sa akin ng husto. Hindi man lang naging grateful ang career na ito sa lahat ng pagpupuyat ko! Buti pa ang pag-aaral, may kapalit na diploma, pero ang showbiz, kapalit nga ang pera pero soon enough, hinanakit din naman ang balik sa iyo kapag hindi ka na relevant.

Tumayo si Kuya Waiter at tuluyan na ngang lumayo sa akin, pero hindi pa ako tapos mag-emote. "Lakad-lakad tayo sa labas." Aya ko.

Louie

Weird. Ang weird na babae. Although hindi naman malabo na artista siya kasi napakaganda niya, ang weird nung nasa kanya naman na ang lahat, nagrereklamo pa. Yung mga rich kids talaga, feeling entitled. Kaunting issue, big deal, mag-iimpake, magso-soul search kuno pero ang totoo, nag-aaksaya lang ng pera. Ang daming time.

"'Pag-pumupunta kami ng parents ko sa mall noon, naku, nagtatakbuhan ang mga tao para makapagpapicture sa akin. Literal na stampede. 'Yung iba madampian lang ang balat ko—'

Ahhh- oh my God!’
Ganun!”

Pinakinggan ko siya, nababawasan ang lungkot ng mukha niya tuwing inaalala niya yung mga panahong 'sikat' pa siya.

"Tapos nung eleven ako, first time kong reglahin! Sa set pa ng Might Baby Nene! Na-headline 'yun sa maraming tabloid."

Natawa ako. "Importanteng malaman ng sambayanan iyon?" Hindi niya ako sinagot. May kinang sa mga mata niya na parang pangarap lang ang sinasabi niya pero hindi, isa iyong alaala na nangyari sa kanya.

"Lahat ng gustuhin ko 'nun, nakukuha ko. Chocolates, laruan, gadgets.."

"Boyfriend?"

"Maliban dun. Sasakalin ako ng Mama't Papa ko." Finally, naramdaman niya rin ang presence ko. "Tapos nung nagdadalaga ako, tumumal ang projects ko."

"Dahil?"

"Eh siyempre, nagustuhan ako ng mga tao bilang child star. Ang cute-cute ko kaya 'nun."

"Hindi na sila nakukyutan sa'yo ngayon?" Ang taas naman pala ng standards ng mga Pilipino sa Pinas, kasi kung ako ang tatanungin, ang ganda talaga niya. Hindi basta cute ah. Maganda, sobra.

Hindi sinagot ni Miss na Maganda pero weird ang tanong ko.

"Tapos may bago pang kid sensation ang sumulpot. Si Tana Frias. Akala mo naman ang ganda-ganda, mukha namang bisugo. Tapos may putok iyon, sobra! At saka andaming lisa! Kadiri. Feeling ba niya, pagtanda niya, maku-kyutan pa rin ang mga tao sa kanya? Bwisit!" Hindi itinago ni Miss na Maganda pero weird ang himutok niya, nanatili pa rin akong nakikinig.

"Alam mo, kung ayaw na ng mga tao sa akin, eh 'di ayaw ko rin sa kanila! Kaya ko kahit wala sila! Kaya ko kahit ako lang."

She was full of conviction. Sa harap ko ay isang babaeng pagod na pagod na sa lahat ng shits sa buhay. Hindi masyadong malaki ang shits niya pero sino ba naman ako para humusga ng baggage ng kahit sino? Hindi ko naman pupwedeng ipilit na meron pang mas malalaki ang problema kaysa sa problema niya kaya hindi dapat siya nag-iinarte. She tilted her head and looked at me with her naked eyes. I saw a lot of emotions, sadness, angst, insecurity.

"Hindi ka na mag-aartista?" Tanong ko.

"'Di na! I quit!" Malakas ang pagkakasabi non ni Miss Maganda pero weird. It echoed through the streets of Saga, paano kasi ay tahimik na talaga at wala nang ibang taong lumalaboy ng ganitong oras. Ang lamig kaya. Saka sa probinsya ng Japan, wala masyadong activities ang mga tao, kahit nga sa Tokyo, sarado na ang karamihan ng alas-otso. May kaunting bukas na restaurants at Karaoke bar sa paligid pero hindi ibig sabihin pupwede na siyang magsisisigaw.

"I quit!" Mas malakas na iyon kaya pinanlakihan ako ng mata.

"Ssssh! Wala ka sa Maynila!"

Nagkibit-balikat lang si Miss na Maganda pero weird sa suway ko. "Ano na ang gagawin mo sa buhay kung magku-quit ka?"

As if I heard a sound effect of crickets, Miss na Maganda pero weird stared at me blankly. Lumiwanag lang ang mukha niya nang may makita siya sa likuran ko.

"Ay, o! Piktyuran mo 'ko!" Tumakbo si Miss na Maganda pero weird sa isang tipikal na restaurant sa Japan, maraming Katakana characters at mga itim na flaglettes kung saan nakasulat ang menu, may malaki ring salamin na kinalalagyan ng 'sampuru' o plastic food models. I sighed, ang bilis magbago ng mood niya. Inilahad ko ang palad ko sa kanya.

"Phone mo."

"Naka-off. Sa'yo na muna. Pa-bluetooth na lang mamaya."

Wala na naman akong choice. Hinayaan ko siyang mag-pose habang nagpi-picture ako. Merong fierce, sobrang happy, meron din na kunwaring stolen. Her beautiful face lits up. Kada pitik ko sa hawak kong cellphone camera, sumasaya siya. Hanggang sa hindi ko na alam kung gaano katagal. Kung lumang de-rolyong film lang ang pangkuha ko ng litrato, malamang ubos na ang film.

"Maglalakad ako, kuha ka lang ng kuha, ha?" Utos niya.

"Okay."

Naglakad nga papalayo si Miss na Maganda pero weird. Tumatawid kami sa maliit na intersection crossing pero mabagal ang lakad niya, hindi nagmamadali dahil wala namang sasakyang dumaraan. Tapos bumalik siya, papalapit siya sa akin ng papalapit- ng papalapit. Tinitingnan ko ang image niya sa cellphone camera, bumibilis ng kaunti yung tibok ng puso ko. Kaba? Excitement dahil papalapit na siya?

Kinuha ni Miss na Maganda pero weird ang cellphone ko sa kamay ko.

"Maganda?"

Gusto kong sumagot na 'magandang maganda' pero baka isipin niyang pervert ako. Ang weird pa naman niya mag-isip. Hinayaan ko lang tingnan niya ang mga kuha ko sa kanya.

"Doon!" Ibinalik niya ang cellphone ko sa kamay ko pagkatapos ay tumakbo papalapit sa telephone booth at nagpanggap na merong kausap. Sumensyas siya na kunan ko siya at ganon naman ang ginawa ko. Lumabas siya roon para i-check ang shots pero nag-request pa siya ng mas marami pang kuha.

"Three-two—"

"Huwag ka nang magbilang. Basta kuha ka lang ng kuha."

Tumango ako. Pakiramdam ko ay ilang oras ko siyang kinuhanan ng litrato, namamanhid na nga ang kamay ko kakahawak ng cellphone at sa unang beses, marami rin nabawas sa battery ko na bihirang mangyari. I only charge once in two days or three kapag busy talaga ako sa trabaho.

"Marami na 'yan. Pa-bluetooth ha."

Kinuha niya ang cellphone niya pero nag-alangan siya kaya ibinalik lang niya sa bulsa.

"O kaya pa-email na lang."

"Ba't ayaw mong i-on ang phone mo?"

"Baka may mag-message o tumawag sa akin."

"Eh ano naman?"

"Ayoko."

Napabuntong hininga muli ako, "puwedeng mag-bluetooth kahit airplane mode."

"Talaga?"

Tumango ako. Kinuha muli ni Miss na maganda pero weird ang cellphone niya pagkatapos ay binuksan iyon, hindi pa tuluyang lumalabas ang wallpaper ng phone niya ay sunod-sunod na ang notification. Parehas kaming nataranta sa dami ng alerts.

"Airplane mode! Dali!"

Nagmamadali namang ni-set ni Miss na Maganda pero weird ang cellphone niya saka pa lang sila nakahinga ng maluwag.

"Naka-on na ang bluetooth." She later on said.

"Sanay na sanay ka sa pictorial, ano?" Sabi ko habang sinusubukan ipadala lahat ng litrato.

"Naman! Sa tagal ko sa showbiz!"

"So ano nga ang gagawin mo kung tatalikuran mo ang showbiz?"

"Kailangan ba ngayon na ang sagot? 'Di ba puwedeng namnamin ko muna 'tong bakasyon ko? Ngayon ko na nga lang ine-enjoy ang sarili kong ipon eh." Iritado kaagad siya.

"Inaalam ko lang naman." I reasoned. Pinahinga ko ang mata mula sa digital screen at saka tumingala sa mga bituin sa langit. "Baka kasi may iba kang hilig o talent maliban sa pag-arte. Meron ba?"

Imbes na sumagot ay nginitian lang ni Miss na Maganda pero weird ang cellphone niya, "transfer complete!"

Napakamot ako ng batok. Fine kung ayaw sagutin. Nakakainggit siya. Ako, alam ko ang gusto ko pero hindi ko makuha. Sana hindi ko na rin lang alam ang gusto ko para hindi ko isiping wala akong choice kung bakit nagtitiis akong mamuhay mag-isa.

Nang matapos na ang mini-pictorial namin, pinilit ako ni Miss na maganda pero weird na sumama ulit sa hotel niya pabalik.

"Nakakahiya! Baka akala nila mag-ano tayo." Tinulungan ko lang naman siya kanina na buhatin ang mga pinamili niya pero wala akong balak tumambay sa kuwarto ng babae. Pinagtitinginan pa kami ng hotel staff dahil sa paghihilahan namin sa lobby.

"Wala silang pake!"

"Uuwi na ako, ang layo ko pa." Pagdadahilan ko pero hindi niya iyon binili.

"Ihahatid mo lang naman ako sa room ko. Para namang 'di ka gentleman!"

"Gentleman?! Ang layo ng binyahe ko para maihatid ka!"

"May ibibigay ako sa iyo." She was smiling.

"Ano?"

"Autograph! Charot! Basta, tara na!"

Umakyat kami sa room niya. Busy pa rin siya sa pag-check ng photos na kuha ko. "Maganda rin 'tong sa phone booth 'oh! Adjust ko na lang ang brightness. Ito ang unang ipo-post ko kapag nag-reactivate ako ng IG."

Nanatili ako sa pinto ng kuwarto niya, siya naman umupo sa sofa sa tabi ng bintana.

"Anong ibibigay mo sa akin?"

"Pa-on naman ng TV." She said, without looking. Humakbang ako papasok ng kuwarto tapos pinindot ko ang remote at sinarhan ang bintana niya.

"Akin na 'yong ibibigay mo."

Itinuro niya yung bag ng pinamili namin kanina. "May tsaa diyan, nakabote. Kuha ka habang malamig pa."

"Kadiri. Kung sana home-brewed."

"Arte."

"Iyon ang ibibigay mo? Bottled tea?"

"Ayaw mo? Ako na lang. Penge."

Inabot ko sa kanya ang tsaa, "alam mo, mas healthy pa rin ang mga authentic na tsaa kaysa mga ganyan."

Tumapon sa gilid ng labi niya ang iniinom niya, parang bata kasi. "Tissue! Sa banyo! Bilis!"

As if it was a matter of life and death, nagmadali naman ako para kunin ang hinihingi niya. Pinanood ko lang siyang punasan ang labi niya pagkatapos nagmamadaling tumalikod na. Masyado na ring lumalalim ang gabi, hindi naman niya ako kapitbahay.

"Wait! Favor?"

Hindi na ako lumingon, nagmamadali kong inabot ang doorknob at tumakbo papalabas. Baka hindi pa ako makatakas kung sakali.

Naglalakad ako sa corridor nang may makita akong batang Hapon na umiiyak. Nilapitan ko ang bata at kinausap sa Nihongo.

"Mondai wa arimasu ka? "(Is there a problem?)

"Watashinoheya ga doko ni aru ka wasurete imashita." (I forgot where's my parents' room is.)

Nag-iisip pa lang ako ng paraan para tulungan siya nang may isang babaeng Hapon na nagmamadaling nilapitan ang bata.

"Anata wa dokoni ita? Anata no otōsan to watashi wa shinpai shite imashita!'" (Where have you been? Your Dad and I were worried!)

I nodded to greet the mother.

"Kare ga mayotte maigo ni naranai yō ni, tsuneni kare ni chūi shite kudasai." (Please keep a close eye on him always so he doesn't wander off and get lost.)

Tiningnan ako ng masama ang Nanay. Pilit namang kinukuha ng atensyon ko ang bata, kunwaring binabaril ako. I acted like I was shot, pumikit ako at kunwaring natumba. Pagkadilat ko, wala na ang mag-ina.

Ilang sandali akong natulala nang maalala ko ang Mama ko. Hindi rin 'non hinahayaang mawaglit ako. Natataranta kapag nawawala ako kasi iyakin ako dati. Ang laki ko na talaga, kayang kaya ko na ang sarili ko kahit walang Mama sa tabi ko.

Naisip ko na naman si Miss na Maganda. Parang siya yung bata na naliligaw. Napatapik ako ng noo. Paano na lang kung umiyak yun? Parang may sariling isip ang paa ko na naglakad pabalik ng kuwarto niya. Naabutan ko siyang kinakausap ang sarili sa salamin, napalingon siya nang maramdaman niya ang presensya ko.

"Ano?" I asked.

"Akala ko, umuwi ka na." Malungkot niyang sabi.

"Ano 'yung favor na hihingin mo sana kanina?"

"Uh, pwedeng.. pwedeng pa-on ng TV?"

Hindi ako sumunod. Tiningnan ko lang siya. "Takot ka mag-isa, 'no?"

Umirap siya, "ang bigat naman ng 'takot'."

I threw my arms on my chest, looking at her intently. Hinahanap ko ang totoong sagot sa tanong ko. After all, kanina pa ako dapat nakauwi pero hindi ko magawa. Kailangan niyang pananagutan ang amusement ko.

"Puwedeng i-check mo ako araw-araw habang nandito ako sa Saga?"

"Check?" Tumuwid ako ng tayo, siya naman, nag-indian sit sa kama.

Ibinaba niya ang hawak niyang cellphone at sinagot ang mga titig ko.

"Kasi malay mo, kumain ako ng mani. Tapos mabilaukan ako. O kaya mag-slide ako sa banyo. Tapos mabagok ako. O kaya... sobrang malungkot ako. Tapos ma-overdose ako sa sleeping pills. Tapos walang makakaalam agad kasi mag-isa lang ako."

"Ang bata-bata mo pa, nag-i-sleeping pills ka na."

"Mahirap ang may insomnia sa trabaho ko."

Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Hindi ko alam. Siguro dahil naiintindihan ko kung gaano kahirap mabuhay ng mag-isa sa hindi mo bansa. Sa Pilipinas kasi kapag malungkot ka, pupwede kang mag-aya ng inuman pero naiintindihan kong hindi naman niya pupwede gawin iyon basta-basta dahil sabi nga niya, 'sikat' na artista siya,

dati.

"Pupuntahan kita rito araw-araw? Laking abala 'nun."

Hindi siya sumagot. Siguro alam niyang illogical iyon, at sobra-sobrang favor para sa kagaya niyang mataas ang pride na ayaw umamin na kailangan niya ng ibang tao para magsurvive.

"Puwede kitang tawagan araw-araw. Kaso naka-airplane mode ang phone mo." I hinted.

Nagmamadaling pinindot ni Miss na Maganda pero weird ang cellphone niya. I bet she switched off the airplane mode. Naging sunod-sunod na naman kasi ang pagtunog 'non. Inabot ko ang kamay ko para kunin ang phone niya. Pinindot ko rin ng ilang beses pagkatapos ay ibinalik na sa kanya na hindi na iyon tumutunog.

"Anong ginawa mo?"

"In-on ko 'yung

Do Not Disturb
, so ‘di mo maririnig ang kahit anong notification. Sinave ko

yung number ko –
Louie Puyat
–sinet as Favorite. Magri-ring lang iyan kapag ako ang tumawag.”

She let out a nervous laugh.

"Ang talino mo naman. 'Di ko in-expect. Pero pa'no kung tumawag halimbawa 'yung Mommy o Daddy ko?

"Walang ring. Ako lang. Gusto mo ba, pati sila, isama natin sa Favorites para—"

"HUWAG! Huwag. Ilang beses mo ako tatawagan sa isang araw?"

"Isa. Sa gabi, pagka-out ko." Inabot ko yung cellphone ko sa kanya. "Number mo?"

"So kung malunod ako sa bath tub sa umaga?" Tanong niya habang itinitipa ang numero niya sa cellphone ko.

"Sige. Tatlo. Isa sa umaga, isa sa tanghali, isa sa gabi."

"Eh pa'no kung busy ako kaya 'di ko nasagot ang tawag mo?"

"Kapag 'di mo nasagot ang at least isa sa tatlong tawag ko kada araw, ibig sabihin, baka may nangyari sa'yo. So saka palang ako mag-aalala. Okay na?"

"Okay."

"Alis na ako."

"Sige, pero pa-on muna ng TV."

Hay, ang bait talaga!

Louie

First day of being a guardian to a stranger. Tinitingnan ko ang numero ni Miss Maganda sa cellphone ko. So Hazel Ilagan pala ang pangalan niya. Nagkibit-balikat ako habang idina-dial ang numero niya.

"Hello?" She answered on the second ring.

"Buhay ka pa?"

"Oo."

Nagpatuloy ako sa pag-gawa ng miso soup para sa breakfast. Hindi naman pala ganoon katrabaho ang maging guardian.

Kahit naglilinis ako ng lamesa sa trabaho nung tanghali, hindi ko siya nakalimutang tawagan. Mabuti at hindi naman ako pinagbabawalan ni Sadako na magcellphone siguro dahil alam niyang OFW ako, kaligayahan ko na ang may katawagan. Akala niya lang 'yon. Madalang pa sa patak ng ulan ang tawag na ginagawa ko sa isang araw, madalas pa tungkol sa trabaho.

"Hello?" She answered.

"Okay ka pa?"

"Heto, may binibisitang shrine. Ang ganda nito 'oh!"

Napapikit ako, ang ingay talaga niya. "Hinaan mo lang ang boses mo. Tawagan kita mamaya."

"Okay fine!"

Nang dumating ang gabi, tinawagan ko muli siya. Sinagot niya ang tawag pero hindi siya nagsalita.

"Hello?" Ako na mismo ang nagsalita.

Nakarinig ako ng pagpukpok ng malakas. "Ba't ayaw lumabas nung pinili ko?"

"Saan?"

"Sa vending machine!"

"Magkano ang ipinasok mo?"

"100 yen."

"Magkano ang nakalagay sa pinipindot mong button?"

"130.. Ay kaya pala."

Nakangiti kong ibinaba ang telepono. At least merong conversation. Kahit papaano, nakakalibang pala na merong katawagan. I can live up to this.

Day 2. Naglalakad ako papabalik ng apartment galing sa pagtulong sa pangingisda.

"Hello?" Mahina at mabagal na sagot ni Hazel.

"Humihinga pa?"

She just sighed as an answer. Ibinaba ko na ang tawag dahil tingin ko nagising ko siya. Tumawag lang ako ulit nung tanghali na. Personal na oras ko iyon dahil lunchtime.

"Hello?"

"Buo pa ang bungo?"

"Yes!" Nagmamadali niyang sagot, I heard a dial tone after.

Nang gumabi, tumawag ulit ako kay Hazel. Nakarinig ako ng ingay sa paligid.

"O?" Walang ganang sagot niya.

"Tumitibok pa ang puso?"

"Ano sa tingin mo?" It was as if she was annoyed. "Uy, Louie, parang masyadong marami ang tatlong tawag kada araw. Dalawa na lang. Isa sa umaga, huwag masyadong maaga, ha? At saka isa sa gabi."

I shrugged. Second day pa lang, pakiramdam niya hindi na rin niya ako kailangan. Ang bilis naman niya ma-dettach. But then, sino ba ako para magtanong?

Day 3. Medyo matagal sinagot ni Hazel ang tawag. Kakababa ko lang sa fishing boat.

"Buhay ako!" Nagulat pa ako nang sigawan ako ni Hazel kaysa mag'hello'.

Nung panggabi kong tawag, hindi pa ako nagsasalita, nagsalita na siya.

"Buhay na buhay!"

Day 4. Sumagot siya sa isang ring pa lang nang umagang iyon.

"Wala na, patay na."

Nung gabi naman..

"Booo... hayyy."

Day 5. Ilang beses kong sinubukang tawagan si Hazel. Nagri-ring naman pero hindi siya sumasagot. Nakaramdam ako ng pag-aalala pero sabi niya, isang tawag lang ang kailangan niyang sagutin para malaman kong ayos siya. Susubukan ko na lang ulit mamaya.

Ano ba, Louie. She’s okay. Baka ayaw lang ng kinukulit.
Sabi ng konsensya ko.

Bakit? Ako ba ang humiling na tawagan ko siya? Siya naman 'di ba? So bakit ako nag-aalala?

Sagot naman ng isa ko pang konsensya.

Nakatingin ako kay Sadako na abala sa cashier. Ayoko sanang gawin pero..

"Miss Sadako?"

"Nani?" (What?)

"Watashi wa 3-kakan ofu ni toru koto ga dekiru baai, watashi wa omotte imashita." (I was wondering if I could take three days off.)

"Itsu?" (When?)

"Ashita kara hajimarimasu." (Beginning tomorrow)

Tiningnan ako ng masama ni Sadako. This time para talaga siyang si Sadako ng

The Ring
.

"Doko ni iku no?" (Where are you going?)

"Doko nashi." (No where.) Chismosa rin pala ang Haponesa na ito. May vacation leave naman talaga ako at hindi ko iyon nagagamit.

Gabi nang sinubukan kong i-dial ulit ang number ni Hazel. Umaasa akong sasagutin niya dahil kung hindi, mapapraning na naman ako at hindi ako sanay na mapraning para sa ibang tao. Bakit ba ako pumayag na gawin siyang responsibilidad? I heard a beep tone after three rings. Sinubukan ko ulit pero ganun ulit ang ginawa ni Hazel, kina-cancel niya ang tawag. Ibinaba ko ang cellphone ko. Pagkalipas lang ng ilang sandali, sinubukan kong tawagan siya pero kahit ring ay hindi na nangyari. Pinatay na niya ang cellphone niya. Ayaw siguro ng kausap. Usap? Usap ba yung mga one word niya tuwing sinasagot ang mga tawag ko? Siya na nga rin ang nagbababa. Wala pang thank you 'yun ha.

"Eh di huwag." Masama ang tingin ko sa cellphone ko. Napailing ako. Ito pa ang igaganti niya sa pag-aalala ko?

Hazel

Pagkatapos kong bumili ng napakaraming drinks sa vending machine, umupo ako habang nilalaklak ang matatamis na inumin. Sana nakikita ako ni Mama. For sure, maiinis iyon kapag nakita ang nutrition facts ng mga kinakain ko. Mataas ang calories, sugar at carbs. Ha, uuwi ako (ayun ay kung uuwi pa ako) ng may bilbil at nag-gain ng three pounds!

Tiningnan ko ang facebook messenger ko, punong puno ng messages at missed calls mula kina Mama at Papa pati na rin sa mga chismosang palaka na mga tabloid writers. Huminto ako sa pangalan ni Direk Fred Ismael. Nabuhayan ako. At least, kahit papaano, meron pa ring naghahanap sa akin bukod kay Mama at Papa. Tinawagan ko agad si Direk. Swerte na sumagot siya agad.

"Hello, Direk Fred?"

"Hazel, ikaw ba talaga ito?"

"Yes, Direk." Napapikit ako. Nakaramdam ako ng comfort sa boses ng paborito kong direktor.

"Akala ko account ng poser, 'di ka kasi sumasagot."

"Sorry, Direk, naka-silent kasi."

"Kaloka, ilang araw na naka-silent? Anyway, kaya ako tumatawag diretso sa'yo, kasi ganito. Nagpa-audition kami last time para sa upcoming serye ko, 'di ba? Kaso hindi ka sumipot.

Sabi ng Mommy mo, nagka-amoebiasis ka.”

Mapait akong napangiti. Hindi talaga papayag si Mama na lumabas na nawawala ako dahil sa higpit niya. Of course, sino pa ba ang sisisihin ng mga tao? Ang dami pa namang judgemental sa Pilipinas. Daig pa kaya ni Mama ang artista, allergic 'yun sa basher, mas affected pa sa akin, gumawa pa nga ng dummy account para makapagreply sa mga mapamintas.

"Yes Direk, sobrang kati nga po."

"Kati? Ng ano? May ganun ba kapag amoebiasis?"

Nag-panic ako, ano ba kasi ang amoebiasis na yan? Hindi na lang lagnat o ubo ang inimbentong sakit ni Mama. "..ng ano.. ng lalamunan po."

"Ah okay. Anyway, hindi pa ako satisfied sa mga nag-audition last time. May second round next week. Sana naman makapunta ka na. Personally, gusto kita as bida."

"Talaga po?"

"Pero sabi ng mga utaw dito, bukod sa kokonti na lang ang fans mo, OA ka raw umarte..."

Ganun?

Pang-best actress kaya ang mga birada ko sa roles.

"I want to prove them wrong. Kaya punta kang second audition, ha?" Sabi pa ni Direk Fred nang mapansin ang pananahimik ko. Shino-showbiz answer pa ako nito ni Direk Fred, e!

"Ayoko nang mag-artista, Direk."

"Ha?! Ikaw ba talaga 'to, Hazel? Poser account ka, no?" Nagsimula nang maghysterical si Direk sa kabilang linya. Nagtawag pa ng bakla para sabihing poser ang kausap niya. Ibinaba ko na ang tawag.

Ano namang mali kung ayaw ko nang mag-artista? Ang lagay, ang sambayanan lang ang pupwedeng umayaw sa akin, ako hindi? 'Yung hindi ka na nga nakikinabang sa kanila pero trying hard ka pa rin na kunin ang atensyon nila?

Tiningnan ko muli ang cellphone ko at nakita ang mga tawag ni Louie. Buti pa ang isang ito, masunurin. Kahit hindi ko siya fan, kinukumusta pa rin ako. Ilang fan groups na ba ang nang-iwan sa akin? Dati kung makapagpadala ng cake tuwing birthday ko, pupwedeng maki-celebrate ang kalahating populasyon ng Pilipinas. Ngayon, hindi man lang ako makumusta. Baka nga hindi nila napansin na nagdeactivate ako sa IG.

Maaga akong nagising kinabukasan. Mabuti na lang at naalala ko pa ang train station nung minsang naligaw ako sa restaurant na pinagtatrabahuhan ni Louie dahil ngayong araw, magpapasama ako sa kanya. Nakangiti sa akin ang masungit na amo ni Louie nang makita ako.

"Looking for Louie." Isinenyas ko ang sarili ko.

Tumango ang ale at itinuro ang upuan. Umiling siya. "No Louie."

Nadismaya ako. Kinuha ko ang cellphone ko at idi-nial ang numero ni Louie. Sumagot siya sa ika-apat na ring. Grabe, a-tapang a-tao, hindi a-rupok! Suplado masyado!

"Hello?" Napakunot ang noo ko sa malamig na pagsagot ni Louie sa kabilang linya.

"Ba't di ka tumawag kaninang umaga?" Sumbat ko.

"Kagabi, tumatawag ako—"

"Eh kung nahulog na pala ako mula sa tuktok ng hotel?"

"Binababaan mo ako kahapon, 'di ba? Pinatayan mo pa ako ng phone! At saka ramdam ko na eh. Sa tono mo? 'Yung parang... parang... naiirita ka na, nakukulitan. So bakit pa ako tatawag?" Hindi ko alam kung bakit nangingiti ako sa reaksyon ni Louie. Over naman! Napasama ko agad ang loob niya nang dahil 'don?

"Masyado ka namang tampururot! Pagod lang ako kahapon. Tadyakan kita diyan eh." Pinipigilan ko ang matawa pero hala si Louie, pikon na pikon talaga.

"Sige nga, gawin mo. O, 'di mo magawa, no? Paano mo ako tatadyakan, eh ang layo-layo ko sa'yo! Akala mo—"

"Nandito ako sa resto."

Tahimik. Natahimik ang kabilang linya.

"Nandito ako sa resto kung saan ka nagtatrabaho! Wala ka naman." Pang-aasar ko.

"Sorry ka na lang, day-off ko." Nahihimigan ko ang kaunting yabang sa boses niya.

As if effective ang kayabangan niya! Nag-internalize agad ako. Umarte ako na kunwaring naiiyak, "Louie.." Suminghot ako, "naliligaw ako ulit." Malungkot na anunsiyo ko. Kagat-labi kong hinintay ang sasabihin niya.

"Hintayin mo ako. Nandyan na ako."

Nagbackflip ang puso ko nang sabihin niya iyon. Hay, Louie. Wala ka pala, eh! Hindi effective ang pagmamatigas mo.

Tumatawa-tawa pa ako mag-isa nang ibaba ng amo ni Louie ang isang tasa ng tea. Tatlong tao lang ang nasa loob ng restaurant pero nagulat pa rin ako nang umupo si Sadako sa harapan ko. Ipinakita niya sa akin ang cellphone niya at nakalagay doon ang salitang, 'My name is Sadako.' Sa ibabaw 'non ay Japanese characters.

"Hazel." Itinuro ko ang sarili ko. Nagtipa muli ng salita si Sadako sa cellphone niya.

"Louie's friend?"

Tumango ako. Magde-deny pa ba ako, hindi ko rin naman alam kung friends ba kami ng Louie na iyon o concerned lang siya sa akin dahil Pilipino ako. O baka naman, nakukulitan.

"Louie likes you." Nabasa ko roon sa cellphone niya.

Pinanlakihan ako ng mata. Assuming naman pala ang Haponesa na ito. Shipper ba itong si Miss Sadako? Talo pa ang mga Pilipino kung pumili ng OTP ah! Kinuha ko ang cellphone ko at nag-download din ng Japanese translator.

Ipinaliwanag kong kababayan ko lang si Louie.

"Filipinos are like that. Treats everyone a family, especially abroad. They look after each other." Pagmamalaki ko roon sa inilagay ko sa translator ko.

"Ohayou." Natigilan kami ni Sadako sa chikahan nang dumating si Louie, mula sa pagngiti, sumimangot ulit si Sadako kay Louie. May lihim na galit ata ang ale kay Louie, tapos ichini-chismis pang may gusto sa akin.

"Bukas zipper mo." Tumingin ako sa malayo. Nagmamadali namang sinarhan ni Louie ang zipper niya.

"Ba't napadpad ka na naman dito? Saan ba ang punta mo talaga?" Masungit na tanong niya.

Nagmamadali kong ipinakita ang brochure, hindi naman talaga ako pupunta roon, kailangan ko lang ng palusot. Itinuro ko ang pagawaan ng porcelainware.

"Malayo kasi 'yan." Iritableng sambit niya.

"Galit ka?"

Imbes na sumagot, tumango si Louie at saka tumalikod. Sinundan ko siya papalabas ng restaurant.

"Ikaw ang nagsabing i-check kita araw-araw, kasi sabi mo, mag-isa ka. Baka mapano ka." Litanya niya.

Masyado namang seryoso! Hindi lang nasagot ang tawag.

"The fact na ibinababa ko, ibig sabihin, buhay ako, tama? Pa'no ko maibababa kung patay na ako? Ang hina mo naman pumick-up."

"Ikaw nga diyan, lagi kang naliligaw 'e."

"Siyempre, 'di ako taga-rito. Teka, ba't masyado kang affected?"

"Masyado ka kasing ano!"

"Ano?"

"Masyado kang... magulo! Alam ko namang may pinagdadaanan ka, pero alam mo iyon? Wala kang appreciation sa ginagawa ng ibang tao para sa'yo."

"Wow! Eh 'di salamat! Sobrang salamat sa'yo! Teka, ba't ang OA? Gets ko 'yung tampo, pero galit? Init-ulo? Sa'n galing, Kuya?" Sinabayan ko na rin ang inis niya. Ang lalim naman kasi ng hugot ng isang ito. Hindi ko naman sinabing hindi ko naaappreciate, hindi ba puwedeng prumeno muna ako?

Ilang beses nagpakawala ng buntong-hininga si Louie, palagay ko ay nagtitimpi. Kaya nang lumabas ang sumunod na salita sa bibig niya, mahinahon na iyon, hindi na kagaya kanina.

"Hindi ako tumatawag kahapon para lang i-check kung okay ka. Sigurado naman, buhay ka – napakatahimik dito; tanga ka na lang kung may masamang mangyayari sa'yo."

Tumaas ang kilay ko, ayan na naman ang word na 'tanga', hate na hate ko 'yan, e! Lalo na't si Mama ang nagsasabi. Pero at least hindi pala ako tanga kasi safe and sound pa rin ako kahit mag-isa ako ng more than one week na.

"Yayayain sana kitang mamasyal. May tatlong day-off ako simula ngayong araw na 'to."

Hindi ko mapigilan ang pagngisi, lumikot naman ang mga mata ni Louie.

"Kasi siyempre, magkababayan tayo, tapos... iyon." Dagdag niya.

"Ang thoughtful naman pala ni Lou-lou."

Tumikhim si Louie sa gitna ng pang-aasar ko, "Lou-lou? Hoy, 'di ako nag-day off para sa'yo, ha? Kinaklaro ko lang. Hatid na kita sa train station para makauwi ka na bago lumubog ang araw." Kinuha na niya ang bike niya na nakaparada sa harapan ng restaurant.

"Teka, teka. Na-guilty naman ako. Sinayang ko ang day-off mo." Nagpalinga-linga ako sa paligid, "Eh kung dito na lang ako mag-overnight para bukas makapamasyal tayo? Sagot ko na ang food."

"May kinuha na akong trabaho sa tatlong day-off ko. Hindi dito, pero may mga kailangan akong i-deliver."

"Eh 'di pagkatapos! Buong araw ba ang mga iyon?"

"Hindi."

"Iyon naman pala. Basta go tayo bukas."

Mukhang hindi pa rin siya kumbinsido. Or, nagpapakipot pa. Nagpuppy eyes ako. Umiwas ulit siya ng tingin.

"Bahala ka. May murang inn malapit dito, okay ka na 'dun?"

"Anong inn? Ba't sa inn?"

"Saan mo balak mag-overnight?"

"Sa bahay mo!"

Kunwaring natumba si Louie. Ang OA talaga! Pagkatapos ay sumeryoso siya.

"Ako lang mag-isa don."

"Eh ano naman? 'Di naman tayo mag-gagapangan. Tara na—"

Parehas kaming nagulat ni Louie nang nagmamadaling lumabas si Sadako mula sa restaurant at mukhang takot na takot. Kinausap niya kami in Japanese pero si Louie lang ang sumagot.

"Ano daw?" Tanong ko.

"Earthquake."

Hindi na namin ulit naramdaman ang earthquake sa sandaling pananatili namin sa loob ng restaurant para samahan si Sadako. Nang matiyak namin na walang after shock anytime soon, naglakad na kami ni Louie papunta sa bahay niya. Mahabang lakaran, pero hindi nakakahaggard dahil sa lamig ng paligid. May mga lumilipad na malalaking ibon sa ibabaw namin at napakagandang tingnan ng asul na asul na ulap. Walang ingay, malayong malayo sa Maynila. Bakit kaya hindi pinili ng mas maraming tao ang tumira sa Japan? Siguro dahil takot din sila sa lindol.

"Mga isang libo't limandaang earthquake ang nararanasan ng Japan kada taon. Nu'ng 1923, nagkaroon ng malakas na lindol. Sandaang libo ang namatay."

Dinaanan ako ng kilabot. "Grabe naman, bakit kasi may lindol pa."

"'Yung Japan kasi, liban sa malapit siya sa Pacific Ring of Fire, nakapuwesto siya sa taas ng apat na tectonic plate – Pacific plate, North American Plate, Eurasian plate, at Philippine Plate. Nagbabanggaan at naggigitgitan sila, kaya malaki ang chance ng lindol dito."

"Wala akong naiintindihan." At iyon ang totoo. Hindi ko na yata inabot yan nung nag-aaral pa ako a very long time ago. Pinigilan ko ang sarili kong magsalita, baka kasi mapahiya pa ako. Pero ang makilala ko si Louie sa napakaigsing panahon, pakiramdam ko, madaling mag-open up sa kanya. Hindi kasi siya mabilis humusga, siguro dahil dito na siya lumaki. Kung sa Pilipinas, naku! Pati atay at balun-balunan ko siguro, hinusgahan na niya.

"Ang sarap siguro ng feeling ng nakapag-aral no? Mas may tapang kang harapin ang mga bagay-bagay kasi mas gets mo ang mundo. Hanggang Grade 3 lang ako, alam mo ba? Tapos

pinag-artista na ‘ko.”

Hinintay ko ang panghuhusgang comment kay Louie pero wala. Parang hangin lang dumaan ang sinabi ko. Dati, kapag nalaman nilang Grade three lang ang inabot ko, sasabihin nila,

‘Maganda nga, boba naman.’
Tanggap ko na nga iyon, pero ang manggaling kay Mama na boba ako? Sino bang may kasalanan kung bakit hindi ako natuto? Sila. Pinagkakitaan kasi nila ako.

"Hindi ko sa school natutunan 'yung mga iyon. Nu'ng bata pa ako, lagi akong bumibisita sa National Planetarium sa Maynila. Janitor ang Papa ko du'n noon kaya libre akong nakakapasok. Kaya nahilig ako sa geology at planetary science." Feeling ko sinabi niya iyon para pagaanin ang loob ko na hindi lahat ng bagay natututunan sa apat na sulok ng classroom.

"So bakit ka nauwi lang sa pagwe-waiter at pangingisda?"

Huminto si Louie sa paglalakad. Mas intense pa ang reaksyon niya kaysa sa sinabing kong hanggang grade 3 lang ako.

"Huwag mong nila-lang-lang ang mga iyon, ha? Hindi gaya sa Pilipinas, hindi nakakahiyang maging waiter, mangingisda o magsasaka dito sa Japan."

"Okay, nandun na tayo. Pero ang ibig kong sabihin—"

"'Yung kinikita ko nga dito sa pangingisda't pagde-deliver, mas mataas pa sa kinikita ng isang nag-o-opisina sa Pilipinas. Na college grad pa, ha? Ako, high school graduate lang dito."

Hindi pa rin tapos! Hindi ito pupwedeng mag-artista, masyadong defensive!

"Okay, gets ko iyon! Ang ibig kong sabihin, hindi mo naman hilig ang pangingisda't pagwe-waiter."

"Okay din naman." Nagkibit-balikat siya.

"Kumpara sa geology at planetary ek-ek?"

"Science!" Pagtatama niya.

"Whatever! Kung malaki ang kinikita mo, ba't di ka mag-enroll sa university para iyon ang

pagkaabalahan mo sa buhay?”

"Eh bakit ikaw hindi ka mag-enroll? Artista ka 'di ba? May pera ka."

"Ano 'yun? Mag-gi-grade 4 ako sa ganitong edad?" Hindi ko maimagine! Tiyak na kahit malaki na ako, ibubully pa rin ako ng mga bata.

"Bakit hindi? Kung gusto mo talaga."

"Kahit gustuhin ko, wala akong time! Sa'n na lang kami pupulutin ng parents ko?"

"Laos ka na, 'di ba? Marami ka nang time!"

Malakas ko siyang itinulak. Nakaka-offend, ha! "Tang-ina nito! Suntukan na lang 'o!"

Nagpalinga-linga ulit si Louie. Takot na takot na may makarinig pero hindi naman nila naiintindihan ang sinabi ko.

"Huwag kang maingay!"

"Paki ko, hindi naman ako Hapon! At saka ba't binabalik mo sa akin? Sina-suggest ko lang na mag-enroll ka sa college, ang dami mo nang kinuda!"

Nagpamulsa siya at saka tumingin sa kawalan, "Kuntento na ako sa ganito." Tumigil kami sa harap ng isang simpleng bahay sa ituktok ng parang burol. Tiningnan ko si Louie na may pagtataka.

Hazel

“Iyan na iyon?”

Hindi ko na maalala ang huli na nakatira kami sa maliit na bahay, madilim at hindi maayos, pero ngayon ko lang naisip na sa hindi pala kaming kumportableng sitwasyon noon. Saka maliit pa naman ako 'non, lahat ng bagay at lugar sa akin dati, malaki. Mas nag-suffer ang parents ko, nagtiyaga sila sa maliit na space. At para kay Louie, siguro sapat na ito kasi mag-isa siya pero parang hindi naman makatarungan na magpapakamatay siya sa tatlong trabaho tapos sa ganitong bahay siya uuwi. Yes, up and down, majority ng parte binuo gamit ang kahoy. Kaunting ihip lang ng hangin palagay ko bibigay ang bahay.

"Makasabi ka na panay ang lindol dito pero gawa sa kahoy ang bahay mo. Imba ka rin ano?"

"Anong imba? Hindi ito gawa sa kahoy dahil nagtitipid ang nagpagawa. Lightweight materials ang kadalasang ginagamit ng mga hapon kahit sa mga structures like buildings, para kapag lumindol at gumuho ang bahay, injury lang, hindi deadbol. Kung sa Pilipinas, bagyo ang kalaban, dito lindol kaya naghahanda ang mga tao."

Nakuha ko naman ang sinabi niya, pero ang liit pa rin ng bahay.

"Dito mo iwan ang sapatos mo." Pinanood ko si Louie na mabagal na inalis ni Louie ang sapatos niya at maayos na inilagay sa isang sulok kung nasaan ang wooden shoerack cabinet. Aba strikto pa siya sa napakaliit niyang bahay. Gumaya din naman ako. Walang masyadong palamuti ang bahay niya, isang maliit na porcelain plate lang na merong drawing, siguro binili niya roon sa porcelain museum na balak kong puntahan. Ang damot talaga nito ni Louie, kundi ko pa pinilit, baka hindi ako samahan bukas eh nakarating na pala siya roon. Sabi niya pa, malayo.

"Sa'yo ang bahay na 'to?"

"Oo."

"As in sa iyo? Ikaw ang nagpatayo?"

"Binili ko."

Oh well, nag-expect ako na nirerentahan niya lang. Kung sa kanya naman pala ang lupa, pupwede naman pala niyang patayuan ng mas maganda kapag sinipag siya.

"Paano mo ito binili?" Umupo ako sa maliit na lamesa, siguro iyon ang living room.

"Isa siyang 'Akiya'. Abandonadong bahay. Bagsak presyong binebenta ng gobyerno. Nu'ng nabalitaan ko ang tungkol sa mga akiya, kinuha ko agad 'to. Kahit malayo sa Hiroshima. Kesa tumira sa bahay ng tita kong talakera. Yakuza pa asawa nu'n. Putol ang kaliwang kalingkingan."

Napatakip ako ng bibig. Masyadong morbid. Kalmado lang si Louie na nagtitimpla ng tea mula sa porcelain ware niya. Iniabot niya sa akin ang isang tasa.

"Heto o, totoong tsaa."

Umupo ako sa mababang lamesa, ang tipikal na lamesa ng mga Japanese na madalas kong makita sa cartoons. Hinipan ko ang mainit na tsaa. Hindi ko pa natitikman, ang bango na ng amoy, parang ang sarap-sarap!

"Ang dali mo namang nakakuha ng sariling bahay. Kami, pitong taon naming pinag-ipunan." Komento ko.

"Ako lang din kasi ang interesado sa bahay na ito."

"Kasi?"

"'Yong dating may-ari, matandang dalaga. Uminom ng muriatic acid. Natagpuan ang bangkay diyan mismo. Kung saan ka nakaupo."

Bigla akong nasamid sa sinabi ni Louie. Wait lang ha, alam kong makiki-overnight ako, pupwede naman siyang tumanggi kung ayaw niya, hindi iyong tatakutin pa ako!

"Seryoso ka?"

"Mukha ba akong nagpapatawa?"

Nagpalinga-linga ako. Nakakatakot pa naman kung gumawa ng ghost movies ang mga Japanese, baka mamaya pangmalakasan ang takutan dito in real life. Sabagay, kahit multuhin niya ako, hindi ko naman siya maiintindihan so dapat hindi ako affected. Bahagya kong itiniklop ang mga tuhod ko nang makaramdam ng panlalamig. May naglalarong maliit na ngiti sa mga labi ni Louie.

"Nu'ng unang linggo ko rito, naalala ko, mga ganitong oras din. Nagluluto ako ng hapunan sa kusina, tapos may naririnig akong parang yapak."

Hinampas pa ni Louie ang lamesa ng mababagal ngunit malalakas na hampas.

"Parang galing sa taas. Eh ako lang mag-isa rito." Patuloy niya pa.

Napayakap ako ng sarili.

"Tangina mo, nananadya ka eh! Strategy mo iyan, 'no? Tinatakot mo ako para mapilitan akong matulog sa kwarto mo!"

Nagmukhang inosente bigla si Louie. "Ang weird mo talagang mag-isip!"

"Bistado ka, 'no?"

"Kine-kwento ko lang naman ang karanasan ko rito."

Hinawi ko ang buhok ko at mayabang siyang tinaasan ng kilay. "If I know! Sabi kasi sa akin ni Miss Sadako, may crush ka sa akin."

Si Louie naman ang nasamid mula sa pag-inom niya ng tsaa. Namula pa ng bahagya ang pisngi niya. Maharot na lalaki! Sinasabi na nga ba't may itinatago siyang kalandian. Masungit on the outside, marupok on the inside.

"Imbento ka!" Alma niya. Mas lalo akong naging pursigidong inisin siya. Lalo kasing nadaragdagan ang pagba-blush niya.

"Simula raw nu'ng nakita mo ako, wala ka nang bukambibig sa kanya kung gaano ako kaganda. Tama ba?"

Naku, Hazel, sana tama.

"Mali! Alam mo, lakas ng trip mo. Diyan ka na nga! Luto na ako!"

Nagmamadaling umalis si Louie sa harapan ko pero sinundan ko lang siya. Nagmamadaling binuksan ni Louie ang ref pero maya-maya ay sinarhan din. Binuksan niya ang cupboards na parang may hinahanap pero wala naman. Binuksan ang gripo at sinarhan. Napangiti ako sa pagka-taranta niya.

"Kaya ka nagpresintang ihatid ako sa hotel, ano?" Pamimilit ko.

"Binobola mo lang ang sarili mo." Itinulak ako ng balikat ni Louie na parang isang kalat na paharang-harang.

"Pasimple ka pa." Umupo ako sa kitchen counter at pinagmasdan si Louie na kumilos sa kusina, iniinom pa rin ang tea.

"Banidosa ka. Masyadong bilib sa sarili." Umikot ang mga mata niya, may kinuha siyang gulay sa ref pagkatapos ay muling nagsalita habang nakaharap sa fridge, "ano pang pinag-usapan n'yo?"

"Secreeeettt!" Tukso ko.

"Dali na."

"Belat!"

Tumayo si Louie, stoic muli ang mukha. Mukhang nakabawi na muli ng confidence. Ngumisi siya at saka ako tinaasan ng kilay. "Baka naman ikaw ang may pagnanasa sa akin kaya pinilit mong mag-overnight dito."

"Nilagyan agad ng malisya?"

"Sinong babae ang mag-vo-volunteer na makitulog sa bahay ng isang lalaki?"

"Double-standards?"

"Aminin mo na kasi, crush mo rin ako, 'no?"

"Kapal mo. Sa dami ng mga lalaking artistang nakatrabaho ko, sa tingin mo mata-type-an kita?"

"Pero bawal kang magboyfriend, 'di ba? Natigang ka na."

"So padidilig ako kung kani-kanino? Hoy, kung akala mo—" Natigilan ako nang may maalala, naihampas ko ang palad sa noo ko, "shit."

"Bakit? Earthquake?" Pinagmasdan ni Louie ang paligid, nakatitig sa hanging furniture pero hindi ito gumalaw.

"Wala akong dalang ekstrang damit!"

"Akala ko kung ano na. Sumunod ka." Napailing si Louie. Aba, importante ang magpalit ng damit bago matulog para hindi mag-overnight ang germs sa katawan mo. Dapat nga ay hindi ako mapakali dahil hindi ko dala ang beauty soap, toner at creams ko. Nasanay pa akong nagsa-shower bago matulog. At paano ang panty ko? Side A at side B? Cannot be!

In fairness naman kay Louie, binigyan niya ako ng pinakadisente niyang t-shirt at jogging pants sa closet niya. Masyado iyong malaki para sa akin pero wala naman akong choice so gora na. Naghilamos na rin ako, natutulala pa ako sa harap ng salamin nang may kumatok sa labas ng banyo.

"Tapos ka na? Papasok ako." Si Louie. Tiningnan ko ang sliding bathroom door, wala nga iyong lock, para talaga ang bahay sa mag-isang naninirihan kagaya ni Louie at yung matandang dalagang namatay. Bago pa kung saan lumipad ang isip ko, bumukas ang pinto at iniluwa 'non si Louie na dala ang liquid detergent at fabcon. Iniabot niya sa akin ang mga iyon.

"Labhan mo na." Ininguso ni Louie ang washing machine.

"Isama mo na lang sa wash day mo." I smiled sheepishly.

"Araw-araw, wash day ko. Bago matulog naglalaba ako para hindi maipon."

"Eh 'di isabay mo na nga. Ikaw na lang."

"Magluluto pa ako."

"Hindi pa ako gutom."

"Hindi lang para sa'yo ang lulutuin ko."

"Tss, sige na. Crush mo naman ako."

"Nagandahan lang. Hindi crush."

Iniwanan na ako ni Louie sa banyo na sa wakas ay meron nang word para feelings niya sa akin. Nagagandahan lang pala ah. Doon naman nagsisimula 'yan. Nakangiti kong hinarap ang labahan.

"Ihahanda ko na ang tutulugan mo." Sumigaw si Louie mula sa labas ng banyo.

"Thanks! Crush mo talaga ako pero ayaw mo ipahalata!"

"Whatever!"

Masarap ang hapunan. Pakiramdam ko ay nasa bahay lang ako. O dapat ko bang sabihing, mas mabuti pa ang kalagayan ko kaysa nung nasa bahay ako. Nakakain ako ng kanin, two cups, take note, dahil sa sobrang sarap ng

gohan
sa Japan. Gyoza, omelet, sauteed spring beans at isda lang ang inihanda ni Louie pero busog na busog ako. Magaling din magluto ang loko.

Nakahiga ako sa kuwarto na inihanda ni Louie sa unang palapag. Sa ikalawang palapag naman ang kuwarto niya. Sobrang tahimik sa buong bahay, kahit ata ang mga kapitbahay, walang balak na manood ng TV sa gabi kaya natutulog na lang. Naku, kung may kapitbahay silang pamilya na Pilipino, siguro narindi na sila sa pa-videoke hanggang madaling araw. Saka ang lamig sa labas, nakakatuwa kaya magtagu-taguan sa ilalim ng buwan kapag ganito ang klima.

Hinila ko ang makapal na kumot hanggang sa leeg ko. Kumaluskos ang pinto na gawa sa kahoy at papel dahil sa ihip ng hangin sa labas. Iginala ko ang mata ko sa paligid na bahagyang maliwanag dahil sa full moon sa labas. Naalala ko ang kuwento ni Louie. Saan kaya ang kuwarto ng nagpakamatay na matandang dalaga?

So, ano sa palagay ko kung bakit siya matandang dalaga? Baka hindi masyadong maganda kaya walang nagkagusto sa kanya. Paano na lang kung narinig niyang tinutukso ko si Louie na may crush sa akin? Paano kung crush niya pala si Louie? OMG! Hindi na ako nag-isip. Nagmamadali akong bumangon at patakbong umakyat sa second floor kung nasaan si Louie. Naabutan ko pa siyang naka-brief lang at nagpapalit ng pantulog. Hindi man lang ako nagulat pero nagmadaling magsuot ng pajama si Louie na parang isang dalagang Pilipina na hindi dapat masilipan.

"Putaragis ka! Hindi ako makatulog dahil sa ghost stories mo!" Galit na bungad ko.

"Kaya ka umakyat sa kuwarto ko at sinilipan ako?" Mas malakas ang boses niya.

"Wow ha, excuse me. Nakakita na ako ng bukol na mas malaki pa riyan!"

"Akala ko ba virgin ka pa?"

"Ano ka ba? Taon-taon may underwear fashion show sa Pilipinas. Normal na iyan doon. Siguro dapat kang makipag-mingle sa aming laki sa Pilipinas para hindi ka ganyan ka-naïve!"

"Sige na, sige na. Bumaba ka na. Mag-sleeping pills ka na lang." Itinulak niya ako papalabas ng kuwarto niya pero nagpabigat ako.

"Hindi uubra. So either jo-join ako sa'yo rito, 'o sasamahan mo ako sa baba."

"Walang multo, okay?"

"Kakasabi mo lang meron e."

"Nagdadahilan ka lang ata."

"Na-corrupt na ang imagination ko! Kasalanan mo! Magpapatugtog ako ng malakas na music sa baba, sige ka!"

"Huwag mong gagawin yan."

"Gagawin ko hanggang sa katukin ka ng Baranggay Tanod!"

"Walang Baranggay Tanod dito!" Balik niya at inis na ginulo ang buhok niya. "Okay! Okay! Pero para klaro, ha? Gagawin ko iyon dahil humihingi ka ng pabor."

Inis akong napakamot ng ulo at saka nagpatiuna sa paglabas ng kanyang kuwarto.

"Hindi dahil may gusto ako sa iyo." Pagdidiin pa niya na ikinatawa ko. Masyadong defensive kaya masyado ring obvious!

Nag-set up kami ni Louie ng isa pang higaan sa sahig para sa kanya. Magkalayo kami ng halos six feet para maging kumportable siya. Akala naman mapagsasamantalahan, 'e! Nakahiga na kami at nakatitig ako sa maliwanag na ilaw sa kisame.

"Off ko ang ilaw." Suhestyon ni Louie.

"Huwag."

"Mahihirapan akong matulog."

"Magtalukbong ka."

Malakas na napabuntong-hininga si Louie, sinilip ko siya na tumagilid pero bumalik rin naman sa higa na nakatihaya.

"Ano nang balak mong gawin sa Pilipinas pag-uwi mo?"

"Hm?"

"Hindi ka na mag-aartista, 'di ba?"

Mabilis akong napabangon at hinagilap ang cellphone ko. Hinanap ko roon ang jamming namin ng grupo ni Douglas at saka ko kinabitan ng earphones ang phone at iniabot kay Louie. May pagmamalaki akong ngumiti. Gumulong si Louie papalapit sa higaan ko.

"Anong meron?" Tanong niya.

"Napag-isipan ko actually 'yung tanong mo. Sa totoo lang, mahilig ako sa Pinoy hip-hop. 'Yung underground? So bilang hobby, nagre-recording kami nu'ng mga tropa kong rappers sa Pilipinas, mga original na rap. Pakinggan mo 'tong isang ginawa namin. Kalahati pa lang."

Napangiwi si Louie, "ikaw 'yong nag-ra-rap?"

"'Yung kumakanta ng chorus."

"Kumakanta ka?"

Nagkibit-balikat ako kaya ikinabit na lang ni Louie ang earphones sa tainga niya.

"Oo, pero hindi birit, ha? 'Yung chill lang na parang si Moira."

"Sino 'yun?"

My God, meron pa palang Pilipinong hindi nakakakilala kay Moira.

"Basta, pakinggan mo!" Mayabang akong ngumiti habang hinihintay ang reaksyon ni Louie nang i-play ko na ang music file. "Chorus na?"

Umiling si Louie, maya-maya pa ay sumenyas na si Louie.

"Ayun!" Para akong sinisilihan sa excitement. Gusto ko pa ngang sabayan ang kanta kaso ay gabi na. Sobrang catchy ng song, nai-imagine ko na mayayanig ang showbiz industry kapag mag-rebrand ako from Soap Opera Princess to Queen of Rap. Ipinanganak na talaga ang magmamana sa galing ni Francis M. Naitatag na ang grupong magpapatumba sa Salbakuta.

Maya-maya pa ay inialis na ni Louie ang earphones sa tainga niya.

"Tama ba ang pagkakaintindi ko? Titigil ka na sa pag-arte, at—"

"Magfo-focus sa hip-hop music. Magbubuo ng hip-hop group na parang Black Eyed Peas. Tapos ako 'yung babanat ng mga pakantang parts. Parang Fergie. Kilala naman ang Black Eyed Peas dito, 'di ba?" Pagpapatuloy ko. Makikita talaga ni Mama at Papa. Hindi sa paraan nila ako sisikat kundi sa talent ko.

Ilang beses na yumuko si Louie, umangat ang gilid ng labi pero pilit niyang pinakukunot ang noo, ilang sandali pa ay sumabog mula sa kanya ang napakalakas na tawa.

"B-bakit?" Takang-tanong ko.

Hindi pa siya agad nakasagot. Nagpagulong-gulong siya sa sahig at tinapik-tapik pa niya ang tiyan na parang hindi makahinga sa kakatawa. Ang OA!

"Baka mas lalong lumubog ang career mo niyan." Sumisinok-sinok pa rin ng tawa si Louie at mukhang hindi pa rin tapos.

"Sakit mo namang magsalita." Humiga na ako pagkatapos bawiin kay Louie ang cellphone ko. Nakasimangot akong pumikit.

"Good night, Fergie." Humahagikgik pa rin siya.

Bastos!

Louie

Nagising ako sa regular na alarm na pinatutunog ko kapag ordinaryong araw na merong trabaho. Kinusot ko ang mga mata ko, handa na sanang batiin ng ‘magandang araw’ si
Fergie
pero wala siya sa higaan niya.

Nagmadali akong bumangon at tumakbo papalabas ng bahay. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko roon si Hazel, nakaupo siya sa malaking tipak ng bato na malapit sa bahay, nakatalikod sa akin. Naglakad ako papalapit sa kanya at naabutan ko siyang umiiyak habang hawak ang cellphone niya pagkatapos ay nagsimula siyang humakbang. Napahilot ako ng batok, bakit ba hindi na lang ako nanahimik kagabi kaysa nakasakit pa ako ng damdamin.

Pero shet, nakakatawa talaga, hindi ko mapigilan. Hindi naman sa magaling akong kumanta pero hindi naman ako bingi. Flat at awkward ang rap pati na rin ang kanta.

"Sorry na. Pangit naman talaga 'yung rap song niyo."

Sinamaan niya ako ng tingin pero tumingin lang siya ulit sa malayo at iniabot ang cellphone niya sa akin. Kung isa na naman 'tong sample ng rap song ng grupo niya, mabuti pang pauwiin ko na lang siya para harapin ang katotohanan, iparinig na lang niya sa ibang tao kaysa sa akin na walang kaide-ideya sa showbiz. Sinilip ko ang cellphone niya, isa iyong showbiz article, 'HAZEL ILAGAN, LAOS NA TALAGA'. Hindi ko na binasa ang content, malisyoso naman ang mga iyon basta chismis.

"Ba't mo iniiyakan 'to? Aminado ka naman, 'di ba?"

"Hindi lang 'yon. Matapos mo akong pagtawanan kagabi—"

"Tsk, sorry na."

"--napag-isip-isip ko na wala akong ibang alam gawin kundi umarte."

I sighed. "Ayaw mo na ba talaga?"

"Ayaw na sa'kin ng mga tao, 'e."

"Dahil bano kang umarte?"

"Ihampas ko kaya sa'yo ang awards ko nu'ng bata pa ako?"

"So bakit ayaw ka na ng mga tao?"

"Ewan."

"Talaga? 'Di mo alam?"

"Ewan ko nga!"

"Baka naman sumama ang ugali mo? O kaya lumaki ang ulo mo? Ginoogle kita kagabi. Karamihan ng mga tao, iyon ang sinasabi, tingin mo mas mataas ka sa iba. Ayaw mo raw sumakay sa elevator kapag merong kasabay na 'di mo kilala? Kapal. Mabango ang tae mo? Ginto ang kalansay mo? Pati fans mo sinusuplada mo—"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. I immediately glared at Hazel, ganoon din ang ginawa niya pero lumambot siya, niyakap niya ako ng mahigpit at saka umiyak. Umiyak lang siya sa dibdib ko. Iyong inis ko nang sampalin niya ako, naglaho na lang basta. Akala ko dalawang taon akong magtatampo kay Hazel pero ngayong umiiyak siya, pakiramdam ko, handa akong ibigay ang lahat para humupa ang luha niya.

"Lumaki ako sa ilusyon, Louie. Walang gumabay sa'kin habang tumatanda. Hindi ako pinagsabihan ng...

‘Hoy, Hazel, artista ka, sikat ka, pero hindi ka Diyos! Maging mabuti ka sa kapwa mong tao!’
Sapat na kina Mama’t Papa na kumikita ako ng limpak-limpak.”

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Bukod sa sarili kong buhay, ngayon lang ako nakarinig ng drama ng ibang tao. Wala akong kaibigan sa ganitong level. Kaswal na kumustahan lang ang alam ko, wala pang nagbubukas ng puso nila sa akin ng ganito. Panay ang haplos ko sa likod ni Hazel para patahanin siya, iyon lang ang magagawa ko.

"'Yung masaklap? Kahit deep inside, alam ko ang mga mali sa pagkatao ko, ang hirap umayos mag-isa."

"Bad trip talaga ang mga magulang minsan, no? Mahal natin sila, oo, pero may sablay talaga minsan eh."

Something in my chest pumped harder than its usual stillness. Suddenly, I felt a rush of emotions that I couldn't believe my voice cracked. Naalala ko ang mga magulang kong matagal ko nang ibinaon sa limot. Ang dahilan kung bakit mag-isa ako at nakuntento na rin na maging malayo.

"Pero matatanda na tayo, Hazel." I continued. "Hawak na natin ang sarili nating buhay. Tayo dapat ang may control sa takbo nito. Naging masama ka dahil sa ibang tao? Sige, kasalanan nila. Pero nanatili kang masama? Kasalanan mo."

Inabot ko ang mukha ni Hazel at pinunasan ang luha niya gamit ang sarili kong palad. Marahan siyang tumango at saka pilit na ngumiti.

Louie

Nagsimula ang araw namin sa breakfast (bukod sa iyakan kaninang umaga diyan sa labas). Tahimik lang kami, probably absorbing our early serious conversation. I realized that it is easier to talk to people who barely knows you. Hindi ka huhusgahan agad, makikinig lang. And maybe Hazel doesn’t need advices, she actually knows what to do, she just need someone who will listen. Kagaya ko.

"Iwan mo na lang sa lababo iyan, ako na ang bahala." Tukoy ko sa pinagkainan ni Hazel. Nakatulala lang siya sa akin, spaced-out, pagkatapos ay ngumiti siya.

"Hindi, ako na. Kapag tapos ka na, dalhin mo ang pinagkainan mo rito. Ako ang maghuhugas." There's a slight change in Hazel's mood. Hindi na siya masungit, masipag pa. Kung ganyan siya lagi, magkakasundo kami.

Pagkatapos namin ng agahan, nagsimula na ako sa maagang trabaho ko. Ikinakarga ko ang mga seafood crates sa likod ng truck. Si Hazel naman nasa isang sulok, pinapanood ako. Nang magkatinginan kami, pinilit niya akong mag-pose ng 'stolen shot' para kuhanan sa cellphone camera niya kasama ang malaking isdang nahuli ko. Sinunod ko kahit may mga kaibigan akong mga Hapon na mangingisda na nakakakita. Tiyak na nagtataka ang mga iyon na may kasama ako ngayon.

Hazel was enjoying the view at Tara Fishing Village while I was driving. Naroon siya sa shotgun seat, bukas ang bintana at pinapanood ang bawat madaanan namin. Her eyes would widen everytime she sees something interesting. Minsan iaangat niya ang palad niya para kalabitin ako pero mag-aalinlangan siya na abalahin ako sa pagmamaneho.

"Ang ganda dito sa Japan, 'no?" I opened up. Tumingin sa akin si Hazel at tumango.

"Sobra."

"Mamaya ipapasyal pa kita. Matapos lang itong delivery ko."

Hazel smiled calmly. Anticipation kicks in her eyes.

"Kapag pagod ka na kahit hindi na. Sulit na rin sa bahay mo, ang ganda rin ng paligid." She said politely.

"Mas marami pang mas maganda kaysa sa bahay ko. Makikita mo."

Nang dumating kami sa restaurant na pagdadalhan ko ng freshly caught seafood, tinulungan na ako ng mga trabahador na magbuhat ng crate. Lahat sila tumitingin muna kay Hazel bago sa akin.

"Your friend is beautiful. She could be an actress." Isang Hapon na trabahador ang nagsabi. Natawa na lamang ako, kung alam lang nila na artista si Hazel, baka mamangha pa sila.

Maaga natapos ang delivery ko. Chill na lang ang driving ko pabalik malapit sa bahay. Nag-long cut na rin ako para mas marami pang makita si Hazel sa Saga. Ang Saga prefecture sa isla ng Kyushu ang isa sa lugar na pinapahalagahan ang makalumang kultura ng Japan. Espesyal ito dahil dalawang dagat ang nakapalibot sa kanya, ang Japan Sea at ang Ariake Sea na malapit naman sa tinitirhan ko.

Para itong sariling bansa na malayo ang itsura sa Tokyo. Ibang-iba kasi ang pamumuhay dito, tahimik at pangunahing source of income ang fishing at porcelain making.

Huminto ako sa pagmamaneho nang ituro ni Hazel ang vending machine sa gilid ng kalsada bumaba ako kasama niya. Bumili siya ng dalawang ion water at iniabot sa akin ang isa.

"Masyadong matamis. Ayoko." I declined.

"Sige na! 'Di ka pa ba nauumay sa green tea?"

Napailing ako at kinuha na lang ang tonic water. Pikit-mata kong ininom.

"Ang gagalang ng mga tao dito, 'no? Sana sa Pilipinas din." Hazel commented.

"Kapag tumira ka rito, mahahawa ka talaga sa pagiging magalang nila."

"Eh bakit ikaw, ang barubal mo sa akin?"

"Pasaway ka, 'e." Pinitik ko ang ilong niya. Tiningnan ko ang oras, "maaga pa. Pupwede na tayong mamasyal."

"Sure ka? Hindi ka pagod?"

"Hindi. Iyon naman ang ipinunta mo rito 'di ba? Bisita ka. Ayaw kong madisappoint ka."

Ilang sandali pa, nasa bayan na kami ng pinakamalaking pagawaan ng porcelain. Binigyan ko si Hazel ng oras para mag-ikot ikot sa kalsada ng Arita. Napapalibutan ito ng puting mga buildings dated back in 1930s. Kilala sila sa makikipot na kalsada na mas lalong pinasikip ng ceramic shops. Once a year, pinupuno ang 20,000-population town ng milyon-milyong turista para sa Arita Ceramic Fair. Mabuti at hindi ito ang araw na iyon pero hindi naman na-miss ni Hazel na makita ang mga pinagmamalaking porcelainware ng Arita.

We watched a ceramic doll play at the auditorium. Hindi masyadong naappreciate ni Hazel dahil Nihongo ang lenggwahe pero nagandahan siya sa presentation. Sumunod naming pinuntahan ang

Porcelain Painting Workshop
kung saan sikat ang Arita. Binigyan kami ng blangkong ceramic plate at mga paintbrushes na may kasamang asul na tinta.

"Arigatou gozaimasu!" Sabay naming pagpapasalamat ni Hazel sa facilitator na nagtuturo kanina.

"Game."

Hazel panicked while holding the brush, "hindi ako marunong nito!" Sinubukan niyang isawsaw ang brush sa ink.

"Kahit ano lang ang i-drawing mo."

"Ikaw na lang."

"Dali na."

Nagsimulang gumuhit si Hazel ng isang babaeng nakangiti at nakahawak ito sa lalaking katabi. Hazel relaxed after seeing her drawing, "ang pangit!" She complained laughing.

"Dagdagan mo." Kinuha ko ang paintbrush ni Hazel. Naglagay ako ng night sky. Stars at falling stars ang naroon. "May gusto ka pang idagdag?"

"Oks na iyan."

Ibinaliktad ko ang plato, "pirmahan mo."

"Pa'no isulat ang Hazel in Japanese?"

"

‘Hezeru’
ang pangalan mo dito. Pero ang madalas gawin dito, imbes na whole name, sinusulat lang ‘yung unang syllable ng pangalan. So ikaw
, ‘He’
.” Isinulat ko ang Japanese character katumbas ng ‘He’ sa blankong papel. Kinopya naman ni Hazel ang
Katakana
roon sa plato.

"Tama ba pinagagagawa ko?"

"Okay yan!"

"Pwede ko bang bilhin ito para may souvenir ako?" Hazel asked.

Nagtawag agad ako ng staff na Hapon, "Excuse me. Can we buy the plate as souvenir?"

"It will take three months for the glaze fire to finish." Sagot naman ng staff.

Hinarap ko si Hazel, "Tatlong buwan daw para i-glaze ang plato. Gusto mo, i-claim ko na lang kapag libre ako tapos ipadala ko sa iyo?"

"Sige." She answered simply. I just realized that I just connected my life with a celebrity. Siguro hindi siya basta-basta nalalapitan sa Pilipinas, pero ako, abot kamay ko lang. Parang normal na tao rin naman, may topak din saka hang-ups.

"I'll just claim it once it is done. How much?" Sambit ko sa staff.

Binayaran ko ang plato kahit ipinilit pa ni Hazel na siya na. I felt good paying for a celebrity.

After our Arita day tour, dinala ko siya sa

Floating Torii Gate.
Sikat na sikat ito sa mga turista dahil ito lang ang makikita sa google na top 1 na pupwedeng gawin. Tuwing sunset ito pinakamaganda, pero madalas umaga ito dinadayo dahil isa sa pinakamalayong puntahan mula sa sentro. Usually, ang mga tourist buses inuuna ang pinakamalayo kagaya nito.

Nakaharap kami sa Ariake sea habang nakaupo sa likod ng truck, nakakalat ang mga chips at drinks habang nagmumuni-muni. Maya-maya pa ay nagyaya si Hazel na maglakad lakad para lapitan.

"Nakikita mong ganyan iyan ngayon pero kapag high tide, lulubog 'yan." Tukoy ko sa Torii Gate.

"Ang galing 'no? Nagtataas-baba ang tubig." Hazel absent-mindedly chugged her coke.

"Tatlong bagay ang nagde-determine kung high tide o low tide. Pinaka-malakas na factor ang buwan, pero may kinalaman din ang araw at rotation ng Earth."

Humagalpak ng tawa si Hazel, "balinguyngoy, oy!"

"Nakakamangha kaya!" I reasoned.

"Oo, pero hindi kayang sakyan ng kukote ko 'yung ganyan. Mag-enroll ka na kasi sa university para kahit buong araw kang dumaldal tungkol diyan, may makikinig sa'yo."

I shook my head in amusement. Talaga 'tong si Hazel, wala naman sa layo ng inabot ng pag-aaral ang kakayanan umintindi ng kaalaman. Siguro kung maniniwala kang hanggang doon ka na lang, iyon na. Pero hindi kasi 'e. Kailangan mong labanan 'yong paniniwala mong mahina ka, otherwise, magiging mahina ka nga talaga. Bumaba ako ng truck, sumunod si Hazel sa paglalakad ko papalapit sa dagat.

"Sa bahay mo pa rin ba ako ngayong gabi?" She asked.

"Okay lang sa akin. Kung bitin ka sa bakasyon mo rito, okay lang na sa akin ka muna tumuloy."

"Gaano katagal pwede?"

"Ikaw.."

"Paano 'yon kapag balik-trabaho ka na? Ipagkakatiwala mo sa akin ang bahay mo habang wala ka, ganon?"

"Eh ano naman? Hindi ka naman masamang tao. Kapag may ginawa kang masama, iba-bash kita sa facebook para lalo kang malaos."

Bigla na lang hinablot ni Hazel ang braso ko at saka kinagat na kunwari monster.

"Aray!"

Ngumiti siya at hinilot ang braso ko na kinagat niya, "salamat. Puta, paano yung mga multo?"

"Tsk, sa gabi naman nasa bahay na ako. Kapag umaga at takot na takot ka, maglakad-lakad ka sa labas o 'di kaya sumama ka sa akin sa trabaho. Close naman kayo ni Sadako." Iniwanan ko si Hazel sa tabing dagat pero tumakbo siya papalapit sa akin.

"Seryoso, salamat. Pero Louie, pupwede ko bang kunin ang gamit ko sa hotel?"

I opened the truck's door for her. She said thank you. Bumabait talaga yata si Hazel o baka dahil nasampal niya ako kaninang umaga kaya bumabawi sa kasalanan.

Pinagbigyan ko ang request ni Hazel para sa dinner. Saga beef daw ang gusto niyang subukan. Usually, I cringed to fatty meat but seeing Hazel eating happily, I enjoyed my portion too.

"Pag-landing ng eroplano sa Fukuoka Airport, humanap ako agad ng CR. 30 minutes! 30 minutes kong fini-figure out kung pa'no paganahin 'yung toilet sa dami ng pinipindot!"

I smiled at Hazel. Sumubo siya ng malaking tipak ng karne at walang kemeng ngumuya.

"Bakit ka pa dumayo sa Saga? Mas malaking siyudad ang Fukuoka."

"Two days akong nag-stay sa Fukuoka. Kaso andaming Pinoy na nakakakilala sa'kin. So

nag-train ako hanggang makarating sa Saga. Sakaling marami ding Pinoy dito, ang plano ko nu’n, didiretso ako kundi sa Nagasaki, sa Kagoshima.”

"Ginusto mo talagang magdisappear, ano?"

Nagkibit-balikat siya at saka pinagmasdan ang paligid.

"Ang tahimik naman dito sa Japan. Na-miss ko tuloy ang ingay sa Maynila."

"Talaga? Bakit?"

"Nakakarindi minsan pero at least, ramdam mong di ka nag-iisa. Patugtog ka naman."

Tumigil ako sa pagkain at saka lumapit sa CD player. Inilagay ko ang isa sa pinakamagandang CD na meron ako.

‘Kumusta ka aking mahal.. sana ay nasa mabuti ka…’
Sumabay pa ako sa kantang memoryado ko na.

"Tanders! Nakarating na ba rito ang salitang

tanders
?”

Umiling ako pero base sa reaksyon ni Hazel, bina-bash niya ako.

"Pang-matanda! Pang-matanda ang music mo! Seriously? Asin? Ilang taon ka na ba? Sure ka ba na wala kang sapi ng matandang multo?"

Natataranta kong pinalitan ang music. Tumugtog ang Halik ng Aegis. Napangiwi ulit si Hazel.

"Wala bang upbeat diyan? Jusko, laslas songs ang playlist mo!"

Pinalitan ko ng 'Dayang-Dayang' ang Halik. Medyo ini-sway ko pa ang ulo ko na kunyaring masaya.

"Anong kanta 'yan?" She wrinkled her nose.

Nagkibit-balikat ako, "nandito lang sa mga CD nina Mama't Papa."

"Palitan!"

"Ito lang ang upbeat na meron."

"Ang squammy mo!"

"Anong squammy? Tara na. Na-Google ko kung pa'no ka na-discover nu'ng bata ka. Sa Munting Mutya Ng Maynila, 'di ba? Pa'no nga 'yung sinayaw mo?" I was smiling. Naalala ko pa kung paano iyon. Ginaya ko ang steps niya pero tumili si Hazel at tinakpan ang mukha niya sa kahihiyan.

"Kadiri! Tama na!"

But I did not stop. This is fun! Inabot ko ang kamay ko kay Hazel, she looked at me, as if asking me if I was serious. But I was. Minsan lang magmukhang tanga na may nakakakita. Kinuha ni Hazel ang kamay ko at sabay kaming sumayaw nang wala sa tiyempo. Parehas naming sinabayan ng tawa ang pagsasayaw sa palibot ng bahay. Sayaw, sayaw, sayaw hanggang sa mapugto ang hininga. Hanggang sa kunin ni Hazel ang kamay ko.

Wrong move. Napatitig ako sa magagandang mga mata niya. Unti-unting inilalapit ang katawan ko sa kanya

. Huwag, Louie,
part of me said, but it was faint, so faint that my heart beats seized it. Hindi na ako humakbang, pero siya, alam kong siya ang mas lumapit. Wala akong ginawa para pigilan siya. Hinintay ko lang, tapos ginaya ko siya. May kuryenteng bumalot sa mga daliri ko, palagay ko nga ay dumaloy sa kanya dahil sa magkahawak ang mga kamay namin.

Hanggang sa nagpatong na lang ang mga labi namin. Ilang segundong walang gumalaw hanggang sa naging matapang akong tumalon sa walang kasiguruhan kung sasampalin ba niya ako o masasarapan. But she caught my lips. At first it was gentle, until it became fierce. Magaling siyang humalik. Maybe it wasn't new to her, but to me, it was my first kiss. Every part of my body heated up. Bumagal ang ritmo ng mapusok na halik. Nagpahinga ang noo namin sa isa't isa. Walang naramdamang kahit anong pagkapahiya. We're adults, and we're happy.

Maya-maya pa ay tumawa na lang kami at nagpatuloy sa pagsasayaw. Walang nonsense drama. Walang samapalan, walang nagtago sa kuwarto o pintong nasarhan. It was light, almost like a feather. Parang normal kahit na alam kong hindi. Basta, masaya.

Hazel

Minsan, merong mga desisyon na kahit ayaw natin, kailangan pa ring gawin. Kumbaga sa larong Super Mario, kung hindi ka tatalon sa pagitan ng biyak na lupa, hindi ka makakarating sa next level ng laro. Pero wala ako sa laro, buhay ko ito.
Ano ba, Hazel? Umayos ka.

Tiningnan ko si Louie na parang mayroong banner sa mukha na '

Kaya mo yan, Hazel Ilagan!
’ , naroon siya sa harapan ko sa kabilang banda ng lamesa. Kinuha ni Louie ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit. Ilang beses akong huminga ng malalim habang hinihintay na lumabas sa screen ng cellphone ko si Papa.

"Hazel? Hazel?" Napatuwid ang upo ko nang marinig ko ang boses ni Papa.

"Hello.. Pa..."

"Ano ba itong nabasa namin sa tabloid na nasa Japan ka raw, anak?" Inilayo ni Papa sa mukha niya ang cellphone kaya naman ngayon, nakikita ko na lang ang kamay niya.

"Naka-video ka, Pa."

"Ay ganun?" Inayos ni papa ang posisyon ng cellphone niya, "ayan." Inilapit pa niya ang labi sa mouthpiece ng phone, "ano, anak? Bakit 'di mo sinasagot ang mga tawag namin ng Mama mo? Nasaan ka ba?"

"Sa Japan po."

"Japan!? Kinukulit kami ni Direk Fred tungkol sa audition next week! Hindi na namin alam kung paano ka pa pagtatakpan."

'Si Hazel ba iyan?'

Narinig ko si Mama sa background, namutla kaagad si Papa.

"Hala, ang Mama mo! Sige, baba ko muna—"

"Huwag. Akin na. Kausapin ko."

Bago pa ibigay ni Papa ang cellphone niya kay Mama, inagaw na ito sa kanya. Gusto kong iiwas ang tingin ko sa galit na galit na mukha ni Mama pero dumating na nga yata ako sa puntong pagod na pagod na talaga ako na makipagtalo. Gusto ko na lang sabihin ang nilalaman ng puso ko kasi tapos na akong sumabog. Napalitan na ang lahat ng pamamanhid at alam kong mas mapanganib ako kapag ganito. Pinipili ko pa ring maging mabuti kagaya ng sinasabi ni Louie. Na kasalanan ko na kung magiging masamang tao ako sa ending dahil pinalaki ako sa maling paraan.

"Mabuti naman at naisipan mong tumawag! Kapal ng mukha mong 'di sagutin ang mga tawag namin. Ano, akala mo kaya mong wala kami ng Papa mo? Tinatakwil mo na kami? Nagmamalaki ka na?"

"Hindi ako tumawag para makipag-away." Kalmado kong sabi.

"Nasaan ka?"

"Nandito nga sa Japan."

"Ano? Magja-Japayuki ka na lang? Ha? Pagkatapos ng lahat, sa ganyan ka lang mauuwi?"

"Hindi ako magja-Japayuki! Tumawag ako dahil... gusto ko lang mag-sorry." Pinakawalan ko ang pinanghahawakan kong galit noong mga nakaraang araw. Bakas ang gulat sa mukha ni Mama. Ilang segundo siyang natahimilk at nagsimula nang mamula ang mga mata.

"Ang hapdi mong manumbat, Hazel. Pinapalabas mo, puro pera ang habol namin sa'yo. Palibhasa hindi mo naranasan kung pa'no maghirap. Nu'ng bata ako? Lima lang ang panty ko. Paulit-ulit ko lang nilalabhan para may masuot. Ikaw, ilan ang panty mo? Tigmamagkano?"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at pilit ko ring pinapatatag ang sarili. Sa tapat ko, pinipigilan ni Louie ang matawa sa narinig pero hindi ako makangiti dahil alam kong totoo ang sinasabi ni Mama tungkol sa panty. Totoong pine-pressure niya ako para sumikat pero alam ko naman na ang tanging dahilan 'non ay para hindi ko maranasan ang naranasan niya.

"Ano ba kasing problema mo, anak? Ba't 'di ka nagpaalam na pupunta ka riyan?" Humikbi si Mama. Gumuho ang mataas na pader na madalas niyang ipakita sa akin at ngayon, ang tanging nakikita ko na lang ay ang Mama ko kagaya nung bata pa ako.

"Hindi niyo naman ako papayagan, 'di ba? Kumain lang ng pizza, 'di niyo 'ko pinapayagan. Bibili lang ng bagong damit, pahirapan pa bago kayo umoo. At kung umoo man kayo, papa-guilty-hin niyo pa ako, na para bang maluho akong tao" Sumbat ko na halos tumulo ang sipon kasabay ng luha.

"Pati pakikipagkaibigan ko sa ibang tao, gusto niyo kayo ang may pasya. Tapos kapag natsismis akong suplada, ako na naman ang may kasalanan. Kapag hindi ako nakuha sa audition, kasalanan ko. Kapag may taghiyawat ako, kasalanan ko. Pambihira. Wala akong kontrol sa sarili kong buhay, pero kapag may palpak, ako ang sisisihin."

Mas lalong pumalahaw ng iyak si Mama. Ganoon din ako. Parang may showdown nga 'e. Palakasan, palaliman ng hugot. Humigpit ang hawak ni Louie sa mga kamay ko, si Mama naman yakap-yakap ni Papa. Nung hindi na niya kaya, nag-walkout. Ibinigay niya kay Papa ang cellphone.

"Usap lang kami ng Mama mo, ha? Palamigin muna natin ang mga ulo natin. Tawagan tayo ulit."

"Okay." Kahit ayaw ko.

"Basta tandaan mo, anak. Mahal ka namin ng Mama mo." Pagkasabi 'non, nawala na si Papa sa screen. Hindi roon natapos ang pag-iyak ko, pakiramdam ko kasi nagkampihan na naman iyong dalawa sa Pilipinas. Etchepwera na naman ako. Ako na naman ang masama.

Nakabukas ang mga braso ni Louie sa harapan ko, hinihintay ang aksyon ko. Lumapit ako sa kanya at nagpayakap, parang may sariling isip ang mga braso niya at alam kung gaano kahigpit ang kailangan ko. Dahil sa kanya, gumaan ang loob ko.

Louie

Waking up smiling is the best way to start your day. Ngayon ko lang napagtanto ang sabi nilang ‘every gising is a blessing’. Napahawak ako sa labi at napangiti, may humalik sa akin kagabi.

"Ohayou Gozaimasu!" Napangiti ako nang batiin ako ni Hazel na naroon sa kusina, gumagawa ng tsaa. Mukhang walang pinagdaanan kagabi.

"Hindi magandang umiinom ng tsaa kapag walang laman ang tyan." I dismissed Hazel's bubble bringing a cup of tea at the dining.

"Tikim lang." Hinipan niya ang tasa at tinikman iyon, "Ikaw nga."

Tinikman ko ang tsaa na inihanda niya, napangiwi ako. "Dapat hinayaan mo munang mag-brew ng mas matagal."

"Ay, ganon?"

Naglakad ako patungo sa kusina, sumunod naman si Hazel. Inobserbahan ko ang inihanda niyang brew, "at saka masyadong kaunti ang dahon."

Hinablot ko ang kamay ni Hazel, natigilan ako dahil sa init na dumaloy sa dugo ko sa muling pagdampi ng aming mga balat. Inilagay ko ang kamay niya sa container ng sencha tea at nagpanggap na seryoso, kinontrol ko ang pagkuha niya ng karagdagang dahon at dinala ko iyon sa teapot nang hindi binibitawan ang kanyang kamay. Ayaw ko mang aminin pero gusto ko ang pakiramdam na hawak ang kamay niya at nangangarap ako na sana ganoon din siya.

"Louie, kung dito na lang kaya ako?"

Huminga ako ng malalim, hindi nagmadali sa isasagot. I don't want to look too eager.'

"Extend mo ang bakasyon mo?" Kunwa'y balewalang tanong ko.

"As in dito na lang ako. Kasama ka. Tulungan kitang humuli at magdeliver ng isda. Igagawa kita ng tsaa. 'Pagluluto kita. Madali lang naman matutunan ang mga 'yun."

May naglarong ngiti sa labi ko. Hindi ko maintindihan kung natatawa ako sa idea o kinikilig.

"Hindi ko maimagine." I said, having cute thoughts in my mind that I internally shoo-ed.

"Yung dito lang ako o yung nangingisda ako?" Hazel asked innocently.

"'Yung araw-araw kong nakikita ang pagmumukha mo."

"Ayaw mo nun? Para kung malungkot ka, ako ang magpapasaya sa iyo, ganern."

"Bakit naman ako malulungkot?" Nakaramdam nga lang ako ng lungkot nung dumating si Hazel. Sa sobrang emo niya, naalala ko na naman iyong mga nagpapalungkot sa akin.

"Wait, so ayaw mo sa idea ko?" She looked offended.

"Idea na?"

"Dito lang ako."

Seryoso siya. Hindi ko magawang barahin siya this time. Napakawalang puso ko naman kung gagawin ko iyon.

"G-gusto." I truthfully said. "Pero—"

"Pero?"

"Pag-isipan mo muna ng mas matagal." Minadali kong tikman ang tsaa para maiwala ang usapan. "Ayan, mas may lasa."

Pagkatapos ng breakfast, isinama ko si Hazel sa fishport. Nakasuot din siya ng jumpsuit kagaya nu'ng sa akin. Nanghiram kami ng fishing boat sa kaibigan kong mangingisda dahil sa ganitong oras nakauwi na ang mga mangingisdang magdamag pumalaot para sa huli. Wala naman akong balak manghuli kagaya ng normal kong nakagawian, vacation mode pa rin ako. Gusto ko lang maintindihan ni Hazel ang trabaho ko para kabahan naman siya sa mga 'idea' niya.

Good mood si Hazel habang tinutulungan akong hilahin ang net ng isda sa ibabaw ng balsa na nakalutang sa dagat.

"Louie! Never pa akong nagkakaboyfriend." Natatawang sambit ni Hazel.

"Sabi mo nga nu'ng isang gabi."

"Puwede bang ikaw ang pinakauna?"

"H-ha?" Mabuti na lang at nakakapit ako sa banlsa, kundi, baka nalaglag na ako sa dagat.

"Narinig mo ako."

"Paano kapag umuwi ka na sa Pilipinas?" Sumakay naman ako sa sinabi niya.

"Dito na nga ako, 'di ba? Ano game ka?"

Hindi ko maiwasan ang matawa, ang lakas ng trip ni Hazel. Tumango ako at nagpamewang. Hazel threw her arms at me. Gumalaw ang balsa pero wala siyang pakialam.

"Thanks, Babe. I love you. Tandaan mo ang petsang 'to, ah? Para 'pag monthsary at anniversary natin, aasa ako ng regalo."

Napailing na lang ako. Gusto lang yata magka-boyfriend ni Hazel para sa regalo. At saka 'I love you' agad? Hindi niya inisip na baka maniwala ako at mag'I love you too' sa kanya, mabilis pa naman akong umasa.

Tanghali nang nakabalik kami sa port. Hinila ko ang malaking crate na puno ng huli pero ipinilit ni Hazel na siya na ang gagawa.

"Pa-try, Babe."

Malayo ang inabot ng paghila ni Hazel sa net papalapit sa likod ng truck pero hirap na hirap siya. Tumakbo ako papalapit para tulungan siya. Dripping with sweat, she nudged my elbow and smiled, "pasado ba?"

"Mukhang bibigay na ang matres mo, 'o!"

"Sanayan lang iyan, Babe." She flexed her arm and creased her forehead, "Might Baby Nene!" Pagkasabi niya non ay pinatakan niya ako ng mabilis na halik sa labi. I looked around. Nakahinga ako nang walang nakakita.

"Teka, seryoso ba ang lahat ng 'to? Girlfriend na kita? At boyfriend mo na'ko?" Ang bilis naman. Hindi man lang ako nakapanligaw.

"Oo. At saka seryosong dito na rin ako for good."

"Bakit? Ano ba ang visa mo? Hindi naman puwedeng basta-basta ka na lang magpasyang tumira rito. May proseso." Nakalapit na kami sa mini truck ko.

"Magti-TNT ako."

Hazel said that as if it was easy. She hit something again inside me. That word triggered my sleeping anger.

"Maraming gan'un sa Japan hindi ba?" She continues.

"Huwag."

"Kaya dapat turuan mo akong mag-Nihongo para hindi mahalata na hindi talaga ako residente—"

"Tama na!" I growled, panting. Hazel took a step back. I knew I scared her.

"Ang lakas ng boses mo." Pinilit kong ibulong.

Hazel

“Ready na ako, Louie! Tara na! Saan tayo today?” Excited na ako sa panibagong pamamasyal. Kailangan lang magrelax nito ni Louie para mabawasan ang sungit. Sigawan daw ba ako kanina?

"Babe!" I giggled. Natigilan ako nang makita ko ang porcelain plate na display ni Louie na nagkapira-piraso sa sahig. Nag-aalala kong hinanap si Louie sa buong bahay. Nadatnan ko siya roon sa kuwarto niya, nakaupo sa sahig, wala sa sariling nakasilip sa malaking bintana, nakaharap sa magandang view ng bundok.

"Louie.."

"Gusto mo?"

Umupo ako sa tabi niya, inabutan niya ako ng shot glass.

"Ano yan?"

"Sochu."

Ininom ko. Bottoms-up. Napangiwi ako sa pait na gumuhit sa lalamunan ko. Mahinang natawa si Louie.

"Lakas 'no?"

"Nakita ko sa baba. Basag 'yung platong may painting ng ano ba yun? Templo?"

"Bahay iyon. Mansiyon. Tatlong palapag. Nahanginan siguro at natumba kaya nabasag. O kaya, tinabig ng multo. Halaaa.." Humagikgik si Louie, mukhang may tama na. Ang bilis naman. Naka-ilang shot ako para bumagal ang pag-inom ni Louie at mas lalo pang malasing.

"Louie, question. Bakit humagulgol ka't naglasing nu'ng birthday mo?" Ibinaba ko ang shotglass na dapat ay iinumin ko. Kinukuha sana iyon ni Louie pero hindi ko ibinigay.

"Saan mo nalaman 'yan?"

"Kay Miss Sadako."

Ngumiti siya pero hindi umabot sa mata, "ano pa ba kasi ang sinabi niya sa iyo bukod sa nagandahan ako sa'yo?"

"Masipag ka naman daw. At charming."

"Buladas!"

"Pero parang may tinatago ka raw dito." Itinuro ko ang dibdib niya, sa tapat ng puso. "Lungkot, hapdi, sama ng loob. Parang bulkang nag-iimbak ng lava."

Tinapik ni Louie ang darili ko nang natatawa, "magma. Lava lang siya kapag umabot sa ibabaw ng lupa."

Hindi ko binili ang sagot niya kaya sumeryoso rin siya, inagaw niya sa akin ang shotglass. Lumagok muli nung alak na walang reaksyon ang mukha. Kumuyom ang kamao niya. Mas lumapit ako sa tabi ni Louie at sumandal sa balikat niya. Ramdam ko rin, kung ano man iyon, ramdam ko ang pait sa kanya. Ang pinagkaiba lang siguro namin ni Louie, madalas kog sabihin ang lungkot ko, ang galit, pero siya, lagi niyang itinatago kaya hirap na hirap din siya maging masaya.

"Ano'ng nangyari n'un? Birthday na birthday mo, miserable ka." Pilit kong inusisa.

Sinarhan ni Louie ang bote ng sochu, nag-iwas ng tingin.

"May napanood akong malungkot na pelikula nu'n. Japanese movie."

"Ganun kalala ang impact? May paglalasing na involved? Anong pamagat ng movie?"

"Nakalimutan ko na." Tumayo siya pero nakayuko, hindi makatingin sa akin. "I-ready mo na ang gamit mo."

"Gamit? Anong gamit? Para saan?"

"Ihahatid na kita sa hotel mo sa Saga."

Nagtataka kong tiningnan si Louie na balewalang lumabas ng kuwarto. Sinundan ko siya pababa ng bahay.

"Pauuwiin mo na ako?"

"May trabaho na ako ulit simula bukas."

"Akala ko ba puwedeng dito muna tumuloy? Ayaw mo ba?"

"Hindi ka bagay dito. Ang dami mo pang puwedeng maabot sa Pilipinas, sinasayang mo."

"Hindi na ako babalik sa pag-aartista!" Tumaas ang boses ko.

"Paano na ang mga magulang mo? Breadwinner ka 'di ba?"

Napaisip ako. Hindi ko rin naman gustong pabayaan sina Mama at Papa lalo't ngayon na matatanda na sila at balewala na ang experience nila sa trabaho.

"Magpapadala pa rin ako sa kanila. 'Di ba sabi mo, malaki ang kita rito kahit waiter o mangingisda?"

"Mahihirapan kang makahanap ng trabaho."

"Bakit? Anong tingin mo sa akin? Bobo? Walang alam gawing trabaho?"

Nagpalinga-linga siya, umiiwas ng tingin pero nang wala siyang ibang makita, bumalik ang mga mata niya sa akin. Kagaya nung kanina nung galit siya, parang pumapasok sa pagkatao ko ang mga tingin niya, napaatras ako. Natatakot ako dahil mukhang mas malala pa iyong galit niya ngayong namumula na ang mukha niya at may luha sa gilid ng mga mata. Sasabog siya. Isang pitik na lang.

"Kasi magiging ilegal ka kapag nag-overstay ka dito! Ide-deport ka nila kapag nahuli ka! Katulad ng ginawa nila kina Mama't Papa!"

Napakurap-kurap ako. Iyon na.

Naintindihan ko agad si Louie.

"Hinaan mo ang boses mo." Kalmadong bulong ko.

Bumagsak sa sahig si Louie. Malalakas ang paghikbi niya. Parang sa isang bata na inagawan ng laruan. Lahat ng inipon niyang sama ng loob, narinig ko kahit walang salita ang patak ng luha. Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit, hinihiling na sana kahit papaano, mabawasan ko ang sakit na nararamdaman niya. Kung posible ba iyon, hindi ko alam.

Namuhay pala siyang walang magulang, matagal na pala siyang mag-isa at ang kapal ng mukha kong magreklamo na bantay sarado ako ng Mama at Papa ko sa Pilipinas kung may mga taong kagaya niya.

Nang kumalma na si Louie, nagpasya kaming magpahangin sa labas ng bahay niya. Malungkot pa rin pero at least nagkukwento na siya.

"Sampung taong gulang ako nu'ng nagpasya kaming mag-Japan. Hirap kasi ng buhay sa'tin eh. Tipikal na kuwentong TNT, nag-overstay kami. Anim na taon. Nu'ng nalaman ng gobyerno, inisyuhan kami ng deportation order. Dise-sais na ako nu'n. Marunong na akong mag-Nihongo. Nangolekta ako ng mga pirma mula sa mga kapitbahay para masuportahan ang petisyon naming mabigyan ng tamang visa. Sumulat pa ako sa justice minister – diretsong Japanese ah, hindi English – para magmakaawa na huwag kaming paalisin. Ang naging pasya ng mga judge, ako, puwedeng tumira sa Japan. Special permanent resident. Iyon ay kung babalik sa Pilipinas ang mga magulang ko."

"Pumayag kayo?"

"Sa totoo lang, ayokong mahiwalay kina Mama't Papa nu'n. Handa naman akong bumalik sa Pilipinas, kahit nahiyang na'ko dito

. ‘Dito ka na lang, Louie,’
sabi nila. ’
Para magkaroon ka ng maayos na buhay at kinabukasan
.’”

Nakarating kaming dalawa sa Shinto Shrine dahil lang sa paglalakad. Nagpahinga muna kami roon saglit.

"Naging okay naman ang buhay mo dito, 'di ba? Sabi mo, kuntento ka na."

"'Yung suggestion mo na mag-enroll sa college? Binalak ko rin iyon. Pinangarap ko iyon, akala mo ba? Nu'ng iniwan ako ng Mama't Papa ko sa tita ko sa Hiroshima, hinusayan ko lalo ang pag-aaral ko. Sineryoso ko ang senior high school. Ang plano ko, mag-enroll sa Kyushu University pagkatapos. Kumuha ng Planetary and Earth Sciences. Tapos, pagka-graduate, maging isang... geophysicist. Iaahon sina Mama't Papa. Papatayuan ko sila ng bahay sa Pilipinas. Mansiyon. Tatlong palapag. May swimming pool at malawak na garden. Bawal silang magtrabaho. Gusto ko, relax lang sila araw-araw."

"Iyon yung naka-drawing doon sa porcelain plate na nabasag kanina?"

Tumango si Louie, "oo, binasag ko iyon. Kanina lang. Naalala ko na naman kasi."

"Sorry."

"Wala kang kasalanan. Wala rin naman akong amnesia para kalimutan ang mga nangyaring iyon. Walang magbabago sa sitwasyon namin dati na pinagtitiisan ko pa rin hanggang ngayon."

Hinawakan ko ang kamay ni Louie ng mahigpit habang nakikinig sa kanya.

"Di baleng pagtripan at upakan ako ng mga kaklase kong Hapon halos linggo-linggo. Titiisin ko, sige. Tanggap ko namang taga-labas ako."

Nahihirapan akong isipin na inapi at sinaktan ang kasingbait ni Louie. 'Di hamak na mas mabait pa siya sa akin.

"'Di baleng tratuhin ako ng tita ko na parang pesanteng nakikitira sa bahay nila ng asawa niya. Basta malinaw ang plano ko sa buhay. Nu'ng gumradweyt ako ng highschool, bago pa ako maka-enroll sa Kyushu, nalaman ko, naghiwalay na pala sina Mama't Papa sa Pilipinas. Pareho nang may kinakasamang iba. Isipin mo: 'yung natitirang dahilan mo sa pagtitiis at pagsisikap – wala na. Tampo na 'ko sa kanila simula nu'n."

"So tinalikuran mo 'yung pangarap mo dahil dun? Para mangisda? Para mag-waiter?"

"Oo."

"Diyos ko! Ang dami mo pang pupwedeng maabot. Ayusin mo kaya--"

Natigilan ako, tinaasan ako ng kilay ni Louie.

"Sa sarili mo kaya ipayo yan?" Balik niya.

"Eh bakit ikaw, hindi mo ipayo sa sarili mo?"

"Tinalikuran ko na, Hazel. Ikaw, tatalikuran mo pa lang. Handa ka bang ipagpalit kung ano ang meron ka sa Pilipinas sa ganitong buhay?" Sambit niya kaya napaisip ako.

Bumalik kami sa bahay ni Louie, magdu-duty na raw siya kay Sadako dahil kulang sa tao, ako ang naiwan mag-isa.

This time, ako naman ang kumuha ng itinabi niyang sochu at mag-isang ininom iyon. Napatingin ako sa cellphone ko, kinuha ko iyon at inalis ang 'Do Not Disturb' mode. Inulan ako ng notifications. Nabingi ako roon at nagpanic.

"Bwisit!" Inilagay ko na lamang iyon sa silent mode at napagtantong tawagan si Mama.

"Anak.." Gulat ang boses ni Mama na tinawagan ko siya ulit.

"Kumusta diyan?"

"Nandito ako sa kuwarto mo, naglilinis. 'Yung mga pingapunit-punit mong poster sa pader—"

Pinigilan ko ang pagpatak ng luha pero kumawala ang isa nang yumuko ako, "Sorry, Ma. Iniwan kong magulo riyan."

"Nag-usap na kami ng Papa mo. Pasensya na, anak, sa kung ano man ang pagkukulang namin sa'yo. Para rin naman sa kapakananan mo ang mga ginagawa namin. Hindi namin napansing hindi ka na bata. Bente uno ka na nga pala. May sarili nang pag-iisip. Pero makikiusap kami ng Papa mo. Umuwi ka na. Huwag mong sayangin 'yung alok ni Direk Fred."

"Paano kung ayaw ko nang mag-artista, Ma? Pa'no 'pag nalaos na ako nang tuluyan? 'Pag di na ako kumikita? 'Pag wala na akong silbi? Mamahalin niyo pa ba ako?" Subok ko.

"Natural, Hazelita! Anak ka namin. Tayo ng Papa mo ang pinagsama-sama ng Diyos sa mundong ito. Wala tayong choice kundi magmahalan."

Napangiwi ako, "Ang showbiz niyo, Ma!"

"Hindi ka namin mapipilit kung ayaw mo na. Sabihin na lang namin kay Direk Fred, kuwan... namatay ang pinsan ng Papa mo. Makikipaglibing tayo doon sa kanila sa Bayombong next week. Sige, anak. Magbakasyon ka diyan. Sabihan mo na lang kami kapag uuwi ka na, ha? Para masundo ka namin sa airport. Kung gusto mong pasundo."

Nakapagdesisyon na ako matapos ang tawag na iyon. Ngayon na nasabi ko na lahat ang bigat ng loob ko kina Mama at Papa at sa wakas, napakinggan na rin ako. Handa na akong bumalik sa Pilipinas. Siguro iyon lang ang kailangan kong marinig, na meron pa ring magmamahal sa akin kahit na hindi na ako kapaki-pakinabang. Hindi ko naman kailangan ang buong Pilipinas sa likuran ko, kahit ang mga magulang ko lang na suportado ang desisyon ko, sapat na.

Inayos ko na ang mga gamit ko. Nadatnan ako ni Louie sa ganon. Merong guilt sa pagmumukha niya.

"Hazel, iyong sinabi ko kanina. Hindi naman sa pinapaalis kita—"

"Pero parang ganun na nga? Hindi, okay lang. By this time, sanay na dapat ako sa rejections." Umarte akong nagtatampo kunyari.

"Uy, hindi ah. Gusto ko lang na mag-isip kang mabuti. Ayokong magsisi ka. Been there, hindi madali magdesisyon na iwanan ang magulang. Lalo ka na, lahat ng kakilala mo, naroon. Hindi kagaya ko na nandito na talaga ako simula pa dati. Mahirap na adjustment sa akin ang tumira sa Pilipinas."

"Grabe, ang seryoso." Natawa ako, "Biro lang. Gusto ko na rin bumalik para ayusin ang gusot sa amin nina Mama at Papa. Ayaw ko nang palakihin."

Mabagal na tumango si Louie. "Sige, hintayin na kita sa labas."

Medyo natagalan akong mag-empake sa dami ng pinamili ko habang nandito sa Japan. Hindi ko lubos maisip na kagabi lang, nagdesisyon akong ibuhos ang buhay ko rito, na talikuran ang lahat. Pero hindi pa rin pala, importante pa rin ang pamilya kahit nakakainis sila. Hindi biro ang manirahan malayo sa lahat.

Naabutan ko si Louie na matiyagang naghihintay sa truck. "Kahit sa train station mo na lang ako ihatid. Alam ko na.. Ang daan ko pauwi."

"Puwede pa kitang ipasyal sa Saga kahit saglit. Tapos dinner tayo. Saga beef ulit kung gusto mo. Tapos hatid kita sa hotel."

"Huwag na, maabala ka pa."

"Okay lang. Boyfriend mo naman ako." Kinurot pa niya ako sa tagiliran.

"Kinikilig ka na n'yan?"

"Medyo."

Mahina ko siyang sinapak sa braso, "Boyfriend tapos pinagtatabuyan mo ako? Kaloka ka. Tara na nga!"

Inabot na ng hapon ang pagmamaneho ni Louie. Hindi ko alam pero ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Sinaid na yata ang lahat ng emotions ko nung nagpunta ako rito. Nabuksan ko na rin ang social media accounts ko nang hindi sumasama ang loob. Naexcite na akong umuwi.

Kinuha ni Louie ang kamay ko habang nagmamaneho siya. Hinalikan ang likod ng palad ko. It makes everything else easy to face. May karamay ako 'e, si Louie. Hindi niya ako hinusgahan at isa pa, kagaya niya rin pala ako. Halos parehas kami ng pinagdaanan kaya naiintindihan niya ako at pinigilan niya akong mapariwara.

Nag-enjoy akong mag-stroll kasama si Louie sa Saga City. Nakakita pa kami ng shrine kung saan kami pupwedeng magsulat ng wish sa piraso ng kahoy kasama iyong wish ng napakaraming tao na nagtungo na rito. In Katakana, isinulat ni Louie ang '

I wish to walk on the dark side of the moon.’
sabi niya iyon ang ibig sabihin ‘non, pa-deep na naman. Ako naman, sa Tagalog, isinulat ang
‘Sana ‘di traffic sa EDSA pag-uwi ko.’,
at sobrang normie ng wish ko.

Nagpunta rin kami sa Cherry Blossom Park, sa wakas ay kilala ko na ang Cherry Blossom sa tulong ni Mama. Wala sa isip ko ito nang pumunta rito pero swerte na rin na dinala ako ni Louie rito.

"Ano, piktyuran kita dito?" Tanong ni Louie na itinuturo ang puno na hitik sa cherry blossom. Umiling ako.

"Tayong dalawa ang gusto ko."

Napangiti si Louie. Bagay sa kanya ang masaya at in fairness, guwapo talaga ang loko pero mukhang hindi niya iyon alam. Naghanap si Louie nang makaka-eyecontact para pakisuyuan ng litrato. Nakakita siya ng teenager na Hapon na nakabisikleta.

Napaalam siya sa Nihongo kung pupwede kaming kuhaan ng litrato. Inassume ko lang pero hindi ko talaga naintindihan, basta kinuha ng teenager ang cellphone niya.

"Sure."

Umupo kami sa ilalim ng Cherry blossom tree at saka nag-pose.

"Arigatou." Sabay naming sabi doon sa kumuha ng litrato.

Malayo ang inabot ng mga paa namin sa pagbaybay ng hilera ng cherry blossom. Sobrang ganda ng kulay puti at pink na bulaklak na hindi na naglaan ng space para sa dahon. Huminto ako sa pinakamalaking puno na nakita ko at saka hinarap si Louie.

"Bakit?"

"Maraming salamat, ha? Kung 'di kita nakilala dito sa Japan, malamang nagkanda-ligaw-ligaw na ako nang tuluyan."

"Ayaw mo kasing i-download ang travel guide. Saka bakit ganyan ang tono mo? Parang nagpapaalam ka na?"

"Akala ko ako lang ang slow. Hindi ba sabi ko nga, aalis na ako? Pinaalis mo nga ako sa bahay mo 'e."

"Malay ko ba kung mag-stay ka pa ng ilang araw?"

"Bukas ng umaga, biyahe na ako pa-Fukuoka. Tapos lipad pa-Maynila. Paghahandaan ko ang audition next week."

"Napag-isipan mo na pala." Tipid siyang ngumiti.

"Pangit ang boses ko. Ayoko namang mag-aral. Pag-arte lang talaga ang kaya ko, so aayusin ko. Ilalaban ko. Sabi nga nila dito, di ba? HWAITING!"

"Sa Korea iyon. Pero ba't nagpapaalam ka na? Kakain pa tayo, di ba? Ihahatid pa kita

sa hotel mo.”

"Actually dinownload ko na 'yung travel guide kanina. O iyan, ha? Promise, di na ako maliligaw."

Natahimik si Louie, hindi na itinago ang lungkot.

"Iiyak na 'yan! Iiyak na 'yan!" I teased. Bumelat lang siya sa akin. Hindi ako tumigil sa pang-aasar pero maya-maya, teary eyed na nga si Louie.

"Paano tayo? Long-distance?" Napaasip ako sa kaseryosohan ni Louie sa 'relasyon' namin, "Huwag na 'no?"

"Hassle." Sang-ayon ko.s

"Ano, break na tayo?" Kaswal na tanong niya.

"Parang ganun. Kaloka, isang araw lang akong nagka-jowa!"

"Wala man lang tayong maanghang na break-up lines?"

Nag-isip ako at saka nag-internalize. "It's not you, it's me."

"I love you, but I am not inlove with you." Patol naman ni Louie.

"You deserve someone better."

"How can I love you if I can't love myself?"

Parehas kaming sumabog ng tawa. Napalingon tuloy sa amin ang ibang turista. Nahulog ako sa paninitig kay Louie. Siguro kung ibang pagkakataon lang, baka sineryoso ko ang isang ito. Hindi na kami nagkaroon ng madramang pamamaalam. Five hours to six hours lang naman ang layo namin sa isa't isa kung sakali. Hindi imposibleng magkita kami ulit. Kagaya ng paniniwala lagi ni Louie, naka-depende sa amin ang lahat.

"'Pag nagawi ka sa Pilipinas, inform mo 'ko, ha? Dalhin mo 'ko sa Planetarium para masakyan ko iyang mga planet planet tectonic eme mo. Salamat ulit. Bye."

Nagpatiuna ako sa paglalakad. Merong lungkot, oo, pero lamang iyong masaya ako para sa sarili ko at para na rin kay Louie na nalibang ko kahit ilang araw.

Louie

“Tomodachi wa dokodesu ka?” (Where is your friend?) Nag-angat ako ng tingin mula sa mga bote ng beer na nakakalat sa lamesa ko. Ibinagsak doon ni Sadako ang grilled seafood. I smiled goofily.

"Arigatou gozaimazu!"

"Hezeru, Dokode?" (where?) Inirapan ako ni Sadako sa pagpapasalamat ko.

"Kanojo wa jibun no michi o mitsuketa." (She found her way.) I shrugged. Iyon lang naman ang dahilan kung bakit kami nagkakilala ni Hazel, naliligaw siya at tinulungan ko siya. I also wish I can find my way too.

Kinuha ko ang cellphone ko para i-facetime si Mama at Papa sa isang group videocall. Si Papa ang naunang sumagot. Tumanda ang itsura niya, hindi kagaya noong nandito pa siya.

"Anak! Napatawag ka? Kumusta ka?" Bakas ang excitement kay Papa. Hindi ko naman kasi gawaing tumawag sa kanila simula nang magkahiwalay sila ni Mama.

"Pa.. Hintayin lang natin si Mama, ha?"

Tumango si Papa. Hindi naman kami naghintay ng matagal bago sumagot si Mama.

"Louie, nakikita mo na ako?" Mama asked.

"Oo, Ma."

"O, Bernard, nandiyan ka pala. Parang namayat ka." Napangiti ako sa paninita ni Mama kay Papa, parang dati. Pero alam ko namang hindi na ito kagaya ng dati.

"Hindi na ako kumakain o umiinom ng kahit anong matamis." Pagmamalaki ni Papa.

"Okay iyan, pati kanin, tanggalin mo na rin."

"Brown rice na kami dito ngayon." Gustong-gusto ko silang pagmasdan na ganoon. Nag-uusap, nagpapaalalahanan. Paano nauwi ito sa hiwalayan? Siguro dahil malayo ako? Dahil walang anak na nagdidikit sa kanila? "Oy, Louie, bakit ka napatawag?" Tanong ni Papa.

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Parang may kumukurot sa puso ko. Guilt? I don't know. Lost opportunity, maybe. Sana hindi ako nagpaiwan sa Japan. Sana hindi nila ako nakalimutan, sana hindi sila bumigay sa mga awayan nila dahil alam nilang masasaktan ako.

Umiyak na rin si Mama kasunod ko, ganoon rin si Papa. Walang kahit isa ang nagsalita. Pakiramdam ko, inilalabas namin ang lahat ng inipon namin noon. After a while, they both said sorry. Parehas nilang sinabing ipinagdadasal nila na gumaling na ako, emotionally.

Hazel

“Hindi naman porke ganito ako hindi na ako nasasaktan! Alam mo sumosobra na kayo eh. Balang araw, tatamaan din kayo ng karma
, kingina
niyo. At ‘pag tinamaan kayo, panalangin ko, sa nguso kayo tamaan. Nang mabawas-bawasan iyang pamimintas niyo.”

"Cut!" Sigaw ni Direk Fred. Isang linggo pagkatapos kong umuwi galing sa Japan, sa wakas ay nakapunta rin ako sa audition ngayong araw. Inayos ko ang buhok ko at naghabol ng hininga dahil sa matinding eksena. Nakatulala ang mga staff- production assitant, cameraman, at ang producer dahil sa acting ko. Nakikipagbulungan si Direk Fred sa producer bago sinulatan ang papel at nagtaas ng tingin sa akin.

"Iha, I like your acting, 'no? May pagka-bitchesa pero posibleng may heart of silver — sorry, I find silver better than gold. Fight me. But you get the idea, 'di ba?"

Tumango-tango ako, kinakabahan.

"Kaya I don't see you sa role ng bida. Kasi dapat 'yung bida natin, isang tingin mo lang – pak! – bida. Miss Friendship. Santa Lutgarda. Gets mo?"

"Yes, Direk."

Nagbulungan ulit sina Direk. Naiinip ko namang pinagsiklop ang mga daliri ko.

"Iha, are you willing to play a kontrabida role?"

Napatingin ako kina Mama at Papa na nakasilip sa malayo. They shrugged. Hinahayaan nilang ako ang magdesisyon sa pagkakataong ito. Sana itinext na lang ako ni Direk ang alok niya hindi itong ni-on the spot ako. Pero naisip ko ang career ko, nung nakaraang linggo lang, G na G ako maging rapper, kontrabida roles lang, tatanggihan ko pa?

"Game po ako." Kahit hindi ako sure kung kaya ko ba. Huminga ako ng malalim, naghahanap ng tamang sasabihin. "Banas naman na ang mga tao sa akin, so I think magiging effective po akong kontrabida."

"Hindi namaaaan..." Isang pekeng ngiti ang pinakawalan ng producer.

"Okay then, welcome to the project, Hazel. Oo nga pala, ate ka dito ni Tana."

Napakurap-kurap ako. "Tana.. Frias po? Siya po ang bida?"

"Tatlo kayong magkakapatid, puro babae. Ikaw 'yung middle child. Ikaw 'yung napariwara, kaya kontrabida ka. Si Tana at saka 'yung ate niyo sa kuwento, sila talaga 'yung bida sa show."

May bida na pala kaya wala na talaga akong tsansa para roon. Tumango ako.

Magtiis sa kung anong meron, Hazel.

Lumabas ako ng audition room, tatalon-talon si Mama at masaya akong niyakap. Ngumiti na rin lang ako kahit hindi ako sigurado kung paano ako magsisimula bilang kontrabida.

"Hazel, masaya akong tinanggap mo. Tiyak na magiging maingay ang pagtanggap mo na kontrabida dahil malayong-malayo ito sa branding mo!"

"Ma, no choice lang tayo kaya huwag tayong magdiwang na parang big deal."

Inakbayan ako ni Mama, naramdaman ko ang init ng haplos niya sa buhok ko. "Walang kalatoy-latoy ang bida kung walang kontrabida. Huwag ka ngang nega! Masyado pang maaga."

Hindi ko na namalayan ang paglipas ng mga araw. Sabi nung ibang artista, swerte pa nga ako dahil sa daan-daang artista, isa ako sa may project. Nagsimula na rin akong makisama sa mga kapwa ko sa industriya. Mas gumaan ang trabaho ko nang hindi na nila ako pinag-uusapan sa likod ko.

"Ma'am Hazel, heto na po ang ipinabibili niyo."

"Ay, salamat Kuya Poi." Tinanggap ko ang box ng paborito kong cheesebread.

"Sukli niyo po." Inabot sa akin ni Kuya ang palumpon ng barya.s

"Itago mo na iyan, Kuya. Inabala naman kita. Kuha ka 'o."

Kumuha ng isang cheesebread si Kuya Poi pero pinilit ko siyang dagdagan pa. Inalok ko rin ang stylist at ang iba pa na naroon sa waiting area.

Nag-ring ang cellphone ko habang nagmemeryenda, unknown number pero sinagot ko.

"Hello? Sino 'to?"

"Ano buhay ka pa?"

Pinanlakihan ako ng mata, "Sino 'to? Louie?"

"Nasa Manila ako."

Ni-double check ko pa ang caller ID para makasiguro. "Seryoso? Oo nga 'no, pang-Pilipinas ang number na pinantawag mol My God! Nandito ka nga!"

"Puwede ba tayong magkita?"

"Naku, nasa shooting kasi ako ngayon. Madaling-araw pa kami magpa-pack up sigurado."

Hindi agad nagsalita si Louie, siguro nag-iisip ng ibang araw, pero gusto ko na siyang makita kaya naman, "Punta ka na lang kaya dito sa set? Text ko sa'yo ang address."

Louie

Maliwanag ang paligid ng shooting. Maraming nanonood. Iyong iba meron pang dalang banner na ‘JacZel Forever’. Sikat na sikat pa rin pala si Hazel. Ang taas talaga ng standards ng taong iyon pagdating sa buhay niya, gusto pa yata nasa kanya na talaga ang lahat ng swerte sa mundo kaya nagnga-ngawngaw sa Japan nung mawala lang sa limelight ng kaunti.

Pinanood ko si Hazel na umiiyak yakap ang isang artistang lalaki. Kahit ako, dalang-dala sa akting niya. At least nakumpirma ko na magaling siyang umarte hindi basta maipilit lang na may talent sa pagkanta kagaya nu'ng iniisip niya.

"Cut! Playback!"

"Grabe, bagay na bagay sila!" Kilig na kilig ang isa sa miron sa shoot.

"Diyos ko, pati Tita ko kilig na kilig sa kanilang dalawa kahit kontrabida sila."

Nagkatinginan kami ni Hazel kahit ilang dipa ang layo ko sa kanya, ngingitian ko sana pero nagbawi siya agad ng tingin. Baka mali ako, baka hindi niya ako nakita. Naghintay pa ako ng ilang sandali hanggang sa may lumapit sa aking utility guy.

"Kayo po ba si Louie?"

"Opo."

"Sunod po kayo sa akin."

Sinundan ko ang utility guy na inalis ang barrier para magkasya kami kung nasaan ang mga camera, dinala niya ako sa isang malaking tent. Nagulat ako nang sumampa sa akin si Hazel na tuwang-tuwa.

"Louie! Kaloka, nandito ka! Uy pasensiya ka na, 'di kita pinansin kanina sa labas, ha? Nakatingin kasi ang mga fans ng love team namin ni Jacob."

"'Yung JacZel?"

"Iyon! Konting eme lang sa ibang lalaki, maghihimutok na ang mga fans."

"Big star ka na ulit ah." Papuri ko.

"Sinuwerte lang. Bakit ka napauwi?"

"Bumibisita lang. Nagsi-stay ako sa bahay ng Papa ko at saka 'yung live-in partner niya. Nandu'n din ang half-brother ko."

"Okay na kayo?"

Tumango ako.

"Eh Mama mo?"

"Next week. Du'n naman ako sa kanya sa Bulacan." Malawak na ngumiti si Hazel. I felt awkward.

"Bakit ganyan ka makangiti?" Tanong ko.

"Gumwapo ka, in fair."

"Ulul. Libre ka ba bukas?"

"Zel, picture daw with fans bago sila umuwi." Iyong kaeksena kanina ni Hazel pumasok din sa tent.

"Sige, Jacob. Friend ko pala galing Japan, si Louie." Maayos na pakilala sa akin ni Hazel sa kaloveteam niyang mukhang inaantok.

Tipid na tumango si Jacob, "Buongiorno."

Nagkatinginan kami ni Hazel. A little bit mortified. "Saglit lang ha." Hinawakan ni Hazel ang braso ko bago ako iniwanan, si Jacob naman pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago lumabas ng tent.

Matiyaga akong naghintay para kay Hazel. Hindi siya nakabalik agad pero naiintindihan ko. Sinilip din ako ng isa sa mga utility guy at binigyan ng upuan sa loob ng airconditioned tent pati na rin tubig at meryenda. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Pagmulat ko, ginigising na ako ni Hazel.

"Louie.. Louie.."

Napakusot pa ako ng mata. I thought I was home. Masyadong malalim ang tulog ko.

"Sorry, ha? Pinatawag kami ni Direk para manood ng rushes. Marami siyang comments."

"Anong oras na?"

"Two o' clock. Gusto mong kumain—"

'Miss Hazel, sequence 47 daw muna imbes 32.

’ Isang staff muli ang sumilip sa tent.

"Ah, so, magpapalit ako?" Hazel asked.

"Yes po."

Tumayo na ako nang umalis ang staff mula sa tent entrance, "Mukhang hectic ka ngayon."

"Sorry, ha? Bukas, gusto mo? May guesting lang kami ni Tana sa isang morning talkshow. Puwede tayong mag-lunch after nu'n."

"Sige. Text mo na lang ako kung saan. Goodluck sa shoot." I bid goodbye and Hazel nodded.

Handang-handa ako pagkagising ko kinabukasan. Nagtext si Hazel ng madaling araw, sabi niya wala pa siyang tulog pero didiretso siya sa taping ng morning talkshow. She texted the place and time of our meeting. Napangiti ako nang sabihin niyang nakapagpareserve siya ng restaurant. Pinili ko ang damit na akong-ako, simple pero neat. Sabi naman niya gumwapo ako, siguro dahil hindi ako balot na balot sa Pilipinas, napakainit kasi.

But then, walking in the streets of Metro Manila would challenge your patience. Mga batang nagtatakbuhan, sobrang ingay na kalsada at mga sasakyan, malayong malayo sa nakasanayan ko. Malapit ko nang isipin na hindi talaga ako para sa Pilipinas. Pumara ako ng taxi pero nakalock ang pinto at hindi ako agad pinayagang pumasok. Ibinaba lang ng driver ang bintana niya.

"Saan?" The taxi driver asked in a cold tone.

"Pasay."

"Four hundred." Lumingon ang driver sa likuran na binubusinahan na siya dahil huminto siya sa kalsada kahit napakatraffic pa.

"Four hundred? Wala ka bang metro?" Tutol ko.

"Ma-traffic, e." I looked around, fair enough, pero nakakainis.

"Sige, sige." Tiningnan ko ang wristwatch ko. Ayokong paghintayin pa si Hazel na wala pang tulog kaya kumagat na ako sa four hundred.

I was welcomed warmly in a fine dining restaurant. Pakiramdam ko, out of place ako dahil masyadong jologs ang porma ko. May ilan na nilingon ako at tumigil sa pagsasalita. The place is too quaint, warm-litted, and quiet.

"May reservation kami. Nakapangalan kay Hazel Ilagan. Nandito na ba siya?"

Nagtipa ang receptionist sa computer at tiningnan ang puwesto ng mga lamesa, "Wala pa, Sir."

"Puwede nang pumasok?"

"This way po."

Naghintay ako ng dalawang oras na walang alisan sa puwesto. Inabutan ako ng tea bag at mainit na tubig ng waiter, tinikman ko pero hindi ko gusto ang lasa. Suddenly, I miss Japan. Siguro sa mga oras na ito, tahimik ang buhay ko na nagtatrabaho para kay Sadako, hindi iyong nagsusunog ako ng oras na kagaya nito. Sinubukan kong tawagan si Hazel pero pagkatapos ng dalawang ring, ni-reject niya ang tawag, ganoon din ang ginawa niya sa mga sumunod ko pang tawag.

Isa pang oras na paghihintay, tumayo na ako. Minsan kailangan nating maghintay, pero dapat alam natin kung hanggang kailan.

Hazel (Wakas)

“Mama, hindi na muna ako magbubura ng make-up. Nandito iyong kaibigan kong ikinuwento ko sa inyo. Iyong taga-Japan?” Hinahabol ako ni Mama ng suklay para alisin ang kulot ng buhok ko. Kay Papa naman naka-toka ang wetwipes para bago ako sumakay ng sasakyan, pupwede na akong matulog. Iyon ang routine namin pagkatapos ng trabaho.

"Ah, ganoon ba? Hindi ka muna uuwi?" Tanong ni Mama habang lumalabas kami sa studio.

"Sasaglit lang ako. Promise." Bumeso ako kay Mama at Papa saka tinawagan ang driver.

Gusto kong magalit sa traffic sa EDSA. Pucha, kung kailan ka nagmamadali at saka naman siksikan sa daan. Nag-text ako kay Louie ng maraming beses pero wala akong natatanggap na sagot. Nabuhayan ako nang nakita ko na ang pangalan ng restaurant, halos talunin ko pa mula van ang entrada ng resto. Humahangos akong pumasok sa loob habang nagpapagala-gala ang mga mata sa mga lamesa.

"Good afternoon. Hazel Ilagan po?" Sinalubong ako ng receptionist ng tanong.

Tumango ako, "Yes, dumating na ba 'yung kasama ko?"

"He left an hour and half ago po."

Napasabunot ako ng sariling buhok. Pinagalitan ko ang sarili ko dahil hindi ako nakapagsabi kay Louie. Tatlong beses akong tumawag kay Louie pero pinapatayan niya lang ako ng tawag. Desperada na ako at sobrang guilty kaya hindi ako tumigil na sumubok sa pagtawag. Sumagot siya sa wakas.

"Louie? Sorry, sorry! Na-delay ang taping ng dalawang oras. Nagka-earthquake drill kasi eh. Sorry talaga. Nandito na ako. Nasa'n ka?"

"Ilang oras akong nagmukhang tanga diyan." Halatang napikon siya, inis. Mas dumoble ang guilt na nararamdaman ko.

"Sorry na, please? Nasaan ka? Puntahan kita."

Hindi ko alam kung napatawad na ba ako ni Louie pero nung sinabi niyang nasa National Planetarium siya, kahit alam kong panibagong traffic ang pagdaraanan ko, sinundan ko siya para mag-sorry. Lutang na ako dahil wala akong tulog pero mas inaalala ko pa rin na maharap si Louie para magsorry at para na rin kumalma.

Walang laman ang madilim na auditorium kung saan merong 360-degree presentation ng solar system. Nakita ko agad si Louie, literal na nasa ibang planeta. Tumabi ako sa kanya at mahina siyang siniko.

"Louie.." Tawag ko pero hindi siya sumagot. "Huy!"

Sinenyasan ako ni Louie na huwag maingay. Pinanood ko na lang tuloy ang pinapanood niya. Napatingin ako sa kamay ni Louie na nakapatong sa upuan, kinuha ko iyon at pinagsiklop ang mga daliri namin. Maliit ang kamay ko kumpara sa kanya, ayun nga yun eh, kaya siguro ang sarap sa pakiramdam. Ang sarap sa pakiramdam na merong mas malaki pa sa'yo na handa kang protektahan at alagaan.

Humilig ako sa balikat ni Louie. Sumaya ng husto ang puso ko sa pamilyar na pakiramdam na ibinigay ng paglalapit namin. Siguro parehas kami ng nararamdaman. Nagkatinginan kaming dalawa. Tinitingnan niya ang mga labi ko kaya inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya. Idinampi niya ang labi niya sa akin para sa isang halik. Nakakapanghina ang labi ni Louie, simple iyon, walang keme pero masarap. Pakiramdam ko huminto ang orasan, nawala ang lahat ng pagod ko sa magdamag. Ibinuhos niya ata ang lahat sa halik na iyon para pahupain ang pagod ko. Para siyang tahanan na inuuwian.

Naabala lang kami nang may narinig kaming pumasok sa loob ng auditorium. Mahina kong itinulak ang dibdib ni Louie papalayo sa akin. Hindi ko iyon sinasadya pero natakot akong may makakita.

"Lipat ako ng upuan?" Tanong niya. Hindi ako sumagot, guilty. Umalis si Louie sa tabi ko, hindi ko alam kung saan siya naupo. Nagkita lang kami ulit nang lumabas kami sa auditorium kung saan kaming dalawa ang nagpahuli na makalabas. Nakayuko ako, hinihiling na sana walang makakilala.

"Wrong timing lang, Louie. Kakabalik lang ng career ko kaya nag-iingat." Wala pa man, alam ko agad na mali ako. Pero mukhang hindi naman naghihintay si Louie ng paliwanag. Ngumiti siya na parang nakakaunawa.

"Naiintindihan ko ang trabaho mo. Hindi lang ako sanay. Solong-solo kasi kita sa Saga. Siguro ang mali ko, umasa ako na... magiging pareho lang pagdating dito sa Maynila, lalo na't kontrolado mo na ang buhay mo."

"Sorry.."

"Wala ka naman kasalanan." Mas lalo siyang ngumiti, "At saka hindi rin. Nag-inquire na ako sa Kyushu University bago umalis ng Japan. Mag-e-enroll ako pagbalik ko."

Naramdaman ko ang kasiyahan niya, ganoon din ako para sa kanya. "Talaga? Ayos iyan, Louie!"

"So kung magiging tayo man pala habang nandito ako, hindi rin magtatagal 'no?" Pasimpleng bumulong si Louie sa akin. Mabagal akong tumango nang may pait sa ngiti. Sayang.

"O pa'no, mauna ako lumabas, ha? Para di nila tayo makitang magkasama. Oo nga pala..."

May kinuha si Louie sa backpack niya. Isang box na maganda ang pagkakabalot na parang regalo. Binuksan ko iyon at namangha nang makita ang porcelain plate kung saan kami nag-drawing ni Louie. Hindi ko akalaing maaalala niya pa ito pero si Louie iyan 'e. Sentimental talaga ang taong ito. Lahat ng sinasabi ko, sinusunod niya kahit alam niyang mas matalino siya sa akin.

"Ang ganda! Salamat."

Ngumiti siya na parang sinasabing maliit na bagay ang ginawa niya pero para sa akin, importante ang plato. Alaala ko ito, alaala namin. Tumalikod na si Louie, malalaki ang hakbang at humalo sa mga tao na nasa auditorium. Nagulat na lang ako nang marinig ko ang boses niya mula sa malayo.

"Uy, si Hazel Ilagan o! Si Hazel Ilagan! Artista iyon, di ba? Si Hazel Ilagan!"

Kumindat sa akin si Louie, isinenyas ko sa kanya ang kamao ko bago pa ako dumugin ng mga tao para humingi ng picture. Sa huling pagkakataon, sumulyap sa akin si Louie. Mukha siyang masaya. Sana nga ay totoo. Natigilan ako nang sayawin niya ang step ko sa Munting Mutya ng Maynila bago tumakbo papalayo.

"Bye, Louie.." Bulong ko. "Til next time."

Wakas

Wala sa Film pero kung ako lang sana…

Hazel

5 years later…

"Hoy! Ang kapal-kapal talaga ng mukha mo!" Ni-record ko ang boses ko at ipinadala kay Louie ang voice message. Walanghiya. Parang timang talaga ang isang iyon para paghintayin ako ng thirty-minutes.

Tumalikod na ako sa Floating Torii Gate at naglakad papalayo. Natigilan na lamang ako nang may humarang sa daraanan ko.

He was wearing a decent white polo and a trench coat. Nakabalot rin ng makapal na scarf ang leeg niya panlaban sa lamig. Ang mga mata niya? Nagtatago sa makapal na eyeglasses. Ngumiti siya pero umiwas ako ng tingin. Anong akala niya? Madadala ako sa pangiti-ngiti? Yuck!

"Ilang taon mo akong pinaghintay, tapos thirty-minutes lang, umuusok na iyang ilong mo?" Malambing na kinabig ni Louie ang beywang ko patungo sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko sa pagkakalapit namin na iyon, limang taon na pero wala pa rin talagang nagbabago. "Welcome back, Babe."

Pinukpok ko siya sa ulo ng bitbit kong mga hopia na pasalubong ni Mama para sa kanya. Hinilot niya ang ulo niya, "Aray naman, Hazel. Kanina pa ako doon sa likod ng puno, pinagmamasdan ka."

"Magpapalusot ka pa!" Angil ko na nagpatiuna na sa paglalakad.

"Hindi ah. Tatlong beses mong inilabas ang compact mirror mo sa bag mo. Apat na beses kang nagpalit ng hairstyle, mula sa lugay, ginawa mong ponytail, tapos half pony hanggang sa ngayon, nag-braid ka. Dalawang beses kang naglagay ng liptint—"

Hinampas ko si Louie sa dibdib, "Eh kanina ka pa pala! Bakit hindi ka lumapit? Papatayin mo ba ako sa lamig?"

"Sorry. Pakiramdam ko kasi kanina, namamalikmata lang ako na nandito ka talaga ulit."

"Etchos mo! Kung ano-ano ang pinagsasasabi mo riyan. Siguro nakulot na iyang utak mo sa pagtatrabaho."

"Mas nakulot 'to kakaisip sa iyo."

"Gago!"

Malakas na humalakhak si Louie at hinila ang kamay ko patungo sa sasakyan. BMW na ang service ng loko. Hydrogeologist siya sa isang kumpanya sa Amerika at ngayon nga'y meron siyang pag-aaral na gagawin sa Saga kaya siya bumalik.

Kadramahan lang pala ang pamamaalam sa akin 'non ni Louie sa Pilipinas. Pagbalik niya sa Japan, hindi niya ako tinigilan sa Facetime tuwing wala akong trabaho. Ako naman, maharot din, tuwang-tuwa naman sa pakikipag-usap ko sa kanya. Pinakinggan ko siya sa lahat ng hardships niya sa exams, thesis at kung ano-ano pa at kinalma naman niya ako tuwing may mga projects akong hindi nakukuha o 'di kaya nagtatalo kami ni Mama kung bibili ba ako ng milktea o hindi. Homeschooled na rin ako, natuto pero hindi napahiya sa school.

‘May secret boyfriend ka ba?’
Naalala ko pa ang sikat na late night TV host na itinanong sa akin ng diretsahan. Naging bulong-bulungan na binasted ko si Jacob na natsismis naman sa iba’t ibang babae later on.

Ngumiti ako sa tanong na iyon ng talkshow host at sinabing,

‘Let’s just say, in between maybe.’
Hindi na ako nag-elaborate pa at hindi na rin ako pinilit na magkuwento pa. I only have one person in mind that time, si Louie. Tanga na kung tanga, but I felt committed to him that time. Malay ko ba kung meron siyang kinakalantari sa Japan habang asang-asa ako sa Pilipinas?

I slept nervously after that interview, updated pa naman si Louie sa mga TV appearances ko. Ano namang iisipin 'non? Baka tawagin pa akong ilusyonada dahil malinaw naman na walang kami.

Pero pagkagising ko, nasa bahay na namin si Louie, inaasikaso nina Mama at Papa ng isang magarbong almusal sa hapag. Sa tabi ng plato niya, ang tanim ni Mama na sunflower, tatlong piraso. Tumayo siya nang makita ako. Nanginging ang kamay na inabot sa akin ang mga sunflower, tinatanong ako kung pwede bang maging kami officially. Naloka ako pero mas naloka si Mama sa kilig.

Umoo ako. Para siyang nabunutan ng tinik. Hindi niya pala alam kung sino ang tinutukoy kong 'secret boyfriend' at nag-take lang siya ng risk na tanungin ako kaya siya napauwi ng Pilipina bigla. Para raw kung maging kami ng secret boyfriend ko, matatahimik siya dahil nakapagtapat siya. Para talagang tanga. Hindi pa nakahalata na siya lang ang gusto ko. Ang saya pa nga ni Mama dahil ibinubuhos ko ang oras ko sa kaka-Facetime sa kanya, hindi na ako lumalabas ng bahay.

We made it work. Third year college na siya noong officially naging kami. Salitan kami sa pagpunta sa isa't isa. Alam na rin ng mga tao na in a relationship ako sa kanya at wala namang violent reaction. Kinukuha pa rin ako sa mga projects dahil palagay ko naman, masarap na akong katrabaho kasi mabait na ako.

"Anim na buwan na lang." Bago pumasok ng sasakyan, may kinuhang papel si Louie sa bulsa. Iniabot niya sa akin iyon para basahin. Minadali ko ang pagbabasa, napaawang ang labi ko.

"Nagpa-assign na ako sa Pilipinas pagkatapos ng anim na buwan ko dito. O, baka lumaki ang butas ng ilong mo, ah? Tumatanda na sina Mama at Papa, gusto ko rin silang makasama bago sila mawala. Isa pa, may krisis daw ng tubig sa Pilipinas ngayon. Pag-aaralan ng team ko ang iba bang ground water source para may iba pang option ang mga water companies. Bakit hindi mo sa akin sinabi na meron kayong problema sa tubig? Siguro hindi ka naliligo kaya wala kang paki, ano?"

Hindi ko pinansin ang pang-aasar niya. Niyakap ko na lang siya ng mahigpit. Hindi ko naman hiningi sa kanya ang bumalik sa Pilipinas, kung paano niya inirespeto ang trabaho ko, gusto ko, ganoon rin ang ibigay ko sa kanyang respeto.

"Mahal kita, Hazel. Ikaw lang ang tiyak ko sa lahat ng siguro."

"I love you too, Louie. Ikaw ang gitna na bumabalanse sa pag-iisip ko."

Inabot na yata kami ng gabi sa pagyayakapan bago kami bumalik sa sasakyan. Nagmaneho si Louie pabalik sa luma niyang bahay. Tumigil kami at pinagmasdan iyon, nandon pa ang luma niyang truck. Memories rushed in my mind, humigpit ang hawak ni Louie sa kamay ko. The house was better than his dream mansion. Dahil ang pinakamagandang bahay? Iyong nagre-record ng maraming magagandang memorya.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.50.274
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.