loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Between Maybes

Between Maybes

talklikeaboss · 17 chapters · 25,995 words

AUTHOR’S NOTE

Hello everyone! 💖 Bago ko simulan ang story na ito, gusto ko munang magpasalamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa akin at sa mga sinusulat ko. Thank you so much for reading, voting, commenting, and patiently waiting sa bawat update. Sobrang naa-appreciate ko kayo—from the bottom of my heart. ❤️ Kung wala kayo, baka matagal na akong tumigil sa pagsusulat.

Alam ko naman na hindi ako katulad ng ibang writers dito na laging may updates at super active makipag-interact sa followers nila. Medyo malayo pa ako sa level nila. HAHAHA. Pero kahit ganun, ginagawa ko pa rin ang best ko para kahit papaano ay makapagbigay ng isa o dalawang updates sa mga stories ko. Pasensya na kung minsan natatagalan ang updates—busy lang talaga sa life, pero promise, hindi ko kayo nakakalimutan. Hihi.

Anyways, enough muna sa drama.

Here’s another story from me—continuation ito ng Uncle Trilogy . Excited akong i-share sa inyo ang susunod na chapter ng series na ito.

I proudly present…

Uncle Sid

.

Sana ay magustuhan ninyo ang story na ito at samahan ninyo ulit ako sa panibagong journey. Happy reading!

Talklikeaboss 🫶🏻

Chapter One

“Class, dismiss!” masiglang sabi ni Miss Perillio, at agad namang nag-ingay at naghiyawan ang mga kaklase ko na para bang nanalo sila sa jackpot.

Ako naman, tahimik lang sa upuan ko habang isa-isang inaayos ang mga gamit ko. Maingat kong inilalagay sa backpack ang mga notebooks at libro, habang unti-unting nauubos ang mga estudyante sa loob ng classroom.

“Bakla, mall tayo?”

Napalingon ako sa likod ko. Si Leo—classmate ko at gay best friend ko—nakasandal sa mesa, nakangisi na naman na parang may binabalak.

Umiling ako. “Hindi muna, baks. Uuwi ako ng maaga. Hinihintay ako ni Uncle.” pinilit kong maging kaswal, pero hindi ko maiwasang mag-iwas ng tingin habang nag-aayos ng gamit.

“Ayan ka na naman,” sabi niya sabay iling. “Feeling mo talaga may special connection kayo ng Uncle mo, ’no?”

Mabilis ko siyang sinamaan ng tingin. “Sira ka talaga. Hinaan mo nga ang boses mo, baka may makarinig sa’yo.”

Tinaasan niya ako ng kilay. “Eh totoo naman. High school pa lang tayo, crush mo na siya. Hanggang ngayon, wala pa ring pagbabago.”

Natigilan ako. Napatigil ang kamay ko sa pag-aayos ng gamit, at napatitig na lang sa kawalan.

At tulad ng madalas mangyari, kusang pumasok sa isip ko ang mukha ni Uncle Sid.

Hindi ko alam kung kailan eksaktong nagsimula ang lahat. Basta ang alam ko, simula nang kupkupin nila ako matapos mawala ang mga magulang ko, unti-unti ring nagbago ang tingin ko sa kanya.

Labintatlong taong gulang ako noon. Bata pa, magulo ang isip, at naghahanap ng masasandalan. Si Uncle Sid ang madalas kong makita bilang matatag na presensya sa bahay—maaasahan, tahimik, at laging handang tumulong.

Siya ang asawa ni Auntie Sabel, bunsong kapatid ng nanay ko. Tinuring nila akong parang sariling anak, at doon nagsimula ang panibagong buhay ko sa lungsod.

Hindi ko na maalala kung anong eksaktong sandali nagbago ang paghanga ko sa kanya. Basta isang araw, napansin ko na lang na masyado ko na siyang nabibigyan ng atensyon. Simpleng ngiti niya, o kapag tinatanong niya kung okay lang ako sa school, sobra na ang epekto sa akin.

Habang tumatagal, mas lalo kong napapansin ang mga simpleng bagay tungkol sa kanya—kung gaano siya kasipag, kung paano niya inaasikaso ang pamilya niya, at kung paano niya pinaparamdam na ligtas kami sa bahay.

At habang tumatanda ako, lalong nagiging komplikado ang nararamdaman ko.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong pinilit pigilan ang sarili ko sa kaka-isip sa kanya. Ilang beses kong sinabihan ang sarili ko na mali iyon. Na dapat hanggang paghanga lang.

Pero mahirap pigilan ang damdamin, lalo na kung araw-araw mo siyang nakikita.

“Hoy!” Napakurap ako nang marinig muli si Leo. “Iniisip mo na naman ang Uncle mo, ’no?” Mabilis akong nagkunwaring nag-aayos ng bag.

“Yan ka na naman, puro ka kakaisip sa Uncle mo. Ni hindi mo nga magawang maka-first move sa kanya. Hanggang pantasya ka na lang lagi,” sermon ni Leo sa akin.

Napakamot ako sa batok at napailing. “Eh Uncle ko pa rin siya, baks. Kahit anong mangyari, pamilya ko pa rin sila. Kailangan kong limitahan ang sarili ko kung hanggang saan lang ako.”

Napabuntong-hininga ako nang malalim.

Minsan, gusto ko na lang mawala lahat ng nararamdaman ko para mas madali ang lahat. Mas simple. Yung tipong wala kang kailangang itago o pigilan sa sarili mo.

Pero hindi ganon ang realidad.

Hindi ko kayang sirain ang relasyon namin bilang mag-Uncle dahil lang sa damdaming ako lang naman ang may alam.

“Alam mo,” dagdag ni Leo, “ang problema sa’yo, masyado kang mabait. Mas inuuna mo lagi kung anong tama kaysa sa kung anong gusto mo.”

Napatingin ako sa kanya. “Hindi naman sa mabait. Natatakot lang ako.”

“Kasi?”

“Baka kapag may nagbago, mawala sila sa akin. Wala na nga akong magulang, Leo. Sila na lang ang pamilya ko.”

Sandaling natahimik si Leo.

Hindi na siya nakipagtalo pa. “Bahala ka na nga. Basta ako, pupunta ng mall. Kita na lang tayo bukas.” Kumaway pa siya bago tuluyang lumabas ng classroom.

Napabuntong-hininga ako.

Siguro nga, tama rin si Leo. Kailangan ko ring tanggapin kung ano ba talaga ang nararamdaman ko at kung hanggang saan lang dapat iyon.

Wala pang kinse minutos, nakauwi na ako sa bahay. Palubog na rin ang araw nang makauwi ako.

Pagpasok ko ng gate, agad kong nakita si Uncle Sid sa garahe. Nakahiga siya sa ilalim ng sasakyan, may inaayos na parte ng makina. Mukhang kagagaling lang niya sa trabaho at dumiretso agad sa pagkukumpuni.

Napatigil ako sa paglalakad.

Hindi ko alam kung bakit, pero parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ilang beses ko na naman siyang nakitang nag-aayos ng sasakyan, pero iba ang pakiramdam ko ngayon.

Puno ng grasa ang katawan nito, nakahubad ang pang-itaas nitong damit, nakabukaka pa ito kaya halos makita ko na ang suot nitong brief.

“O, Renz. Nandyan ka na pala?” bati niya matapos gumapang palabas mula sa ilalim ng kotse. Umupo siya sa sahig at ngumiti sa akin.

Napangiwi ako, biglang nailang. “U-uncle…”

Napangiti siya. “Pasensya na, medyo marumi pa ako. Kumain ka na ba?”

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Parang natuyo ang lalamunan ko.

Kaya bago pa ako tuluyang mahalata, mabilis akong pumasok sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto ko.

Ibinagsak ko ang bag sa kama at naglakad-lakad sa loob ng kwarto, hindi mapakali.

Hindi mawala ang kaba sa dibdib ko. Parang sasabog ang puso ko sa bilis ng tibok nito.

Hindi ko alam kung may napansin ba siya kanina. Parang saglit kasing nag-iba ang tingin niya sa akin.

O baka naman, ako lang ang nag-iisip nang sobra.

Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ko ang mahinang katok sa pinto ng kwarto ko.

“Renz,” tawag ni Uncle Sid mula sa labas. “May nilutong sinigang na baboy ang Auntie Sabel mo bago ito umalis. Gusto mo bang sabay na tayong kumain?”

Parang biglang tumahimik ang paligid.

Napatingin lang ako sa pinto, hindi agad nakasagot. Muli na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit. Simpleng yaya lang naman iyon sa hapunan, pero parang ang bigat ng pakiramdam ko.

Ilang segundo akong napatulala. Hindi ko alam kung lalabas ba ako agad o magpapanggap na tulog na.

Hindi ko alam kung bakit ako naiilang.

Lumipas ang ilang sandali at muling nagsalita si Uncle Sid.

“Sige, hihintayin na lang kita sa hapag-kainan,” sabi niya, mas mahina na ang boses, bago tuluyang lumayo ang mga yabag niya sa pintuan.

Napabuntong-hininga ako nang malalim.

Ano ba ang nangyayari sa akin?

Dati naman, normal lang ang lahat. Kaya ko siyang kausapin, sabayan kumain, makipagbiruan. Ngayon, parang bawat kilos niya, bawat salita niya, may epekto na sa akin.

Parang lahat ng may koneksyon sa kanya, nagiging big deal.

Mabilis kong winaglit ang kung anu-anong iniisip ko. Baka pagod lang ako. Baka nadadala lang ako ng emosyon dahil sa matagal ko nang nararamdaman para sa kanya.

Tumayo ako at kumuha ng damit na pambahay. Ilang sandali lang, nakapagpalit na ako ng uniporme. Huminga ako nang malalim, pilit pinapalakas ang loob ko.

Normal lang ito, sabi ko sa sarili ko.

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa hapag-kainan.

Naabutan ko si Uncle Sid na naglalagay ng plato sa mesa. Mukhang bagong ligo na siya; naka-pambahay na at mas mukhang presko kaysa kanina sa garahe.

Napansin niya ako at ngumiti.

“Mabuti naman at lumabas ka na. Tara, sabayan mo akong kumain,” aya niya.

Pilit akong ngumiti at naupo sa tapat niya. “P-pasensya na po pala kanina, Uncle. Medyo pagod lang po kaya hindi ako agad nakasagot.”

Natural, hindi ko sasabihin ang totoo. Hindi ko kayang sabihin na sa simpleng presensya niya lang, naguguluhan na ako.

Ayokong masira ang trato niya sa akin. Ayokong magbago ang tingin niya.

“Okay lang iyon,” sagot niya habang naglalagay ng kanin sa plato ko. “Lahat naman tayo ay napapagod. Kahit ako, gusto ko na lang minsan matulog pagkauwi.”

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti rin.

At sakto namang nagtama ang mga mata namin.

Ngumiti siya pabalik.

Bigla akong nailang at mabilis na nag-iwas ng tingin, napayuko na lang ako sa plato ko. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa kaya lalo akong nahiya.

Pakiramdam ko tuloy, namumula na ang pisngi ko.

“Ah, oo nga pala,” sabi niya habang nagsasandok ng sabaw sa mangkok. “Wala muna dito si Auntie Sabel mo.”

Napatingin ako sa kanya. “Po?”

“Mga dalawang buwan din siyang mawawala. May sakit kasi ang nanay ko sa probinsya, kaya siya muna ang pinapunta ko roon para magbantay. Hindi kasi ako pwedeng mag-leave sa trabaho ngayon.”

Saglit akong napatigil sa pagkain.

Ibig sabihin… kaming dalawa lang ang maiiwan dito sa bahay?

Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko, halo-halong kaba at kung anong pakiramdam na hindi ko maipaliwanag.

Napansin kong nakatingin lang siya sa akin, tila may gustong sabihin.

“Kaya…” bahagya siyang ngumiti.

Saglit siyang tumawa bago nagsalita.

“Ikaw muna ang magiging asawa ko dito sa bahay.” biro niya.

Napabuga siya ng tawa.

Ako naman, parang natulala.

Hindi ko alam kung tatawa ba ako o magpapanggap na normal lang ang lahat.

Pero isang bagay ang sigurado—

Hindi magiging madali ang susunod na dalawang buwan.


# Chapter Two

Pagkatapos naming kumain ni Uncle Sid, ako na ang nagprisinta na maghugas ng mga plato. Siya naman ay dumiretso sa sala at binuksan ang TV, mukhang gusto lang magpahinga pagkatapos ng mahabang araw.

Habang naghuhugas ako, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi niya kanina sa hapag-kainan.

"Ikaw muna ang magiging asawa ko dito sa bahay."

Alam ko namang biro lang iyon. Natural na biro ng isang kuya o tito sa bahay. Pero ewan ko ba, bakit parang may kakaibang epekto sa akin ang simpleng biro na iyon.

Napailing ako habang hinuhugasan ang huling plato.

Alam naman ni Uncle Sid kung ano ako. Hindi ko man lantaran na ipinapakita sa bahay, alam nilang may pusong babae ako. Hindi lang talaga ako yung tipong sobrang ladlad sa harap ng pamilya. Nahihiya pa rin akong ipakita ang buong sarili ko sa kanila—lalo na sa kanya.

Sa labas ng bahay, ibang Renz ang kilala ng mga tao. Kasama ko si Leo at kung saan-saan kami napapadpad para lang gumimik, tumambay, o maghanap ng saya sa mga lalaki. Doon ako malaya, doon ako hindi nag-iisip kung paano ako kikilos o magsasalita.

Pero pagdating dito sa bahay, ibang tao ako. Tahimik. Maingat. Parang ayokong may mabago sa tingin nila sa akin.

Siguro dahil ayokong mawala ang pamilyang tumanggap sa akin.

Pero sa dami ng lalaking nakilala ko sa labas, sa dami ng mga sandaling panandalian lang, may isang taong hindi ko maalis sa isip ko.

At iyon si Uncle Sid.

Thirty-two years old na siya, matangkad, malakas ang dating, at natural na may appeal kahit simpleng damit lang ang suot. Iyong tipong hindi kailangang mag-effort para mapansin.

Siguro iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong humanga sa kanya.

Para tuloy isang espesyal na biro ang sinabi niya kanina, kahit alam kong wala naman iyong ibang kahulugan para sa kanya.

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko dapat bigyan ng malisya ang mga ganoong bagay.

"Renz."

Napalingon ako nang marinig ko ang boses niya mula sa sala. Nakaupo siya sa sofa, mukhang komportable na habang nanonood ng TV.

"Po?"

"Pwede bang pabili ako ng beer sa tindahan? Parang gusto ko lang mag-relax ngayon," sabi niya.

Tumango ako agad. Tapos na rin naman ako sa paghuhugas.

Lumapit ako para kunin ang pera na iniabot niya. Saglit na nagdikit ang mga kamay namin.

Simple lang na sandali iyon, pero hindi ko maipaliwanag kung bakit parang may dumaan na kuryente sa katawan ko.

Agad kong binawi ang kamay ko, pilit nagpapaka-normal.

"Sige po," mabilis kong sabi.

Hindi ko na hinintay na may masabi pa siya. Lumabas agad ako ng bahay, pilit pinapakalma ang sarili ko habang naglalakad papuntang tindahan.

Hindi ko alam kung ako lang ba ang gumagawa ng komplikasyon sa mga simpleng bagay.

O baka... kailangan ko na talagang ayusin ang sarili ko bago pa ako tuluyang madala ng nararamdaman ko.

Pagbalik ko sa bahay, inabot ko kay Uncle Sid ang tatlong bote ng beer na pinabili niya. Nagpasalamat naman siya nang hindi inaalis ang tingin sa pinapanood sa TV.

Saglit ko pa siyang sinilayan bago ako tuluyang pumasok sa kwarto ko.

Lumipas ang ilang oras habang tinatapos ko ang mga takdang-aralin ko. Nang matapos ako, napatingin ako sa orasan. Tahimik na ang buong bahay.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, pero naisip kong silipin kung gising pa si Uncle Sid.

Tahimik akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa sala.

Nadatnan ko siyang nakahiga na sa sofa. Bukas pa ang TV, pero mukhang nakatulog na siya. Ilang bote ng beer na rin ang walang laman sa mesa.

Lumapit ako at pinatay ang TV para hindi na maingay sa sala.

Saglit akong napatayo roon, nakatingin sa kanya.

Tahimik ang mukha niya habang natutulog. Relaxed, walang iniintinding problema. Para bang ibang tao kumpara sa seryoso niyang aura kapag nandito sa bahay.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong pagmasdan siya. Minsan naiisip ko kung gaano kaswerte si Auntie Sabel sa kanya—maaasahan, responsable, at maalaga sa pamilya.

Napailing ako sa sarili ko.

Hindi ko dapat iniisip ang mga ganitong bagay.

Tatalikod na sana ako para bumalik sa kwarto ko nang biglang may kumapit sa kamay ko.

Nagulat ako at napalingon.

Si Uncle Sid.

Gising na pala siya, at hawak niya ang kamay ko. Nakatingin siya sa akin, tila kalahating gising pa.

"May gusto ka ba sa akin, Renz?" diretso niyang tanong.

Parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nanuyo ang lalamunan ko.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Nagkunwari akong hindi ko narinig ang tanong niya.

"Uncle... ihahatid na lang kita sa kwarto mo," sabi ko, pilit na pinapakalma ang sarili.

Aalalayan ko na sana siya para makatayo, pero bigla niya akong nahila pabalik dahil siguro nawalan siya ng balanse.

Napahiga ako sa kanya.

Nanigas ang buong katawan ko sa gulat. Saglit kaming pareho na hindi gumagalaw.

Amoy ko pa ang bahagyang halo ng sabon at beer sa kanya. Lalong nagulo ang isip ko.

"Alam kong matagal mo na akong gusto, Renz," mahina niyang sabi, tila inaantok pa rin.

"Uncle..." halos pabulong kong sagot.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko inaasahan na darating ang ganitong sitwasyon. Parang sabay-sabay na nagulo ang utak ko at damdamin ko.

Gusto kong magsalita. Gusto kong sabihin ang totoo. Pero parang nawala ang boses ko.

Nanatili lang akong nakahiga sa katawan niya, hindi makagalaw.

At sa sandaling iyon, alam kong kapag nagkamali ako ng kilos, maaaring magbago ang lahat sa pagitan namin.

Pinilit kong tumayo kahit parang hinihigop ako ng init ng katawan niya, na para bang may bahagi sa aking gustong manatili roon kahit ilang segundo pa.

Pero alam kong kapag pinatagal ko pa iyon, baka tuluyan na akong madala ng nararamdaman ko.

Kaya lakas-loob akong humiwalay. Tumayo ako at agad na inabala ang sarili sa pagliligpit ng mga bote at baso sa mesa, pilit pinapakalma ang mabilis kong paghinga.

Sa likod ko, nanatiling nakaupo si Uncle Sid. Tahimik siya, tila may malalim na iniisip.

"Bakit mo ba ako gusto, Renz?" mahina niyang tanong. "Bakit ako pa?"

Natigilan ako sa paglalakad.

Hindi ako lumingon. Hindi ko alam kung kakayanin kong harapin ang mga mata niya kung sakaling tumingin ako.

Nakatayo lang ako roon, hawak ang mga bote, habang paulit-ulit sa isip ko ang mga salita niya.

Bakit nga ba siya pa?

Maraming lalaking dumaan sa buhay ko, pero siya pa rin.

"Gusto mo ba akong matikman?"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Narinig ko ang mga yabag niya palapit hanggang sa maramdaman ko ang init ng hininga niya sa batok ko. Biglang nagtayuan ang balahibo ko.

Hindi pa rin ako gumagalaw. Para akong estatwang hindi makapili kung tatakbo ba o haharap sa katotohanan.

Hanggang sa maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinihit ang katawan ko para humarap sa kanya.

Nagtagpo ang mga mata namin.

Malapitan kong nakita ang mukha niya—pagod, bahagyang namumula dahil sa alak, pero malinaw na gising na gising ang mga mata niya ngayon.

"Pagbibigyan kita kung iyon ang gusto mo," sabi niya sa mababang boses.

Saglit na natigilan ang mundo ko.

Unti-unti niyang ibinaba ang kamay ko sa katawan nito, tila tinutukso akong pumili kung susunod ba ako sa gusto ko o iiwas.

Pero sa sandaling iyon, parang biglang lumiwanag ang isip ko.

Biglang bumalik lahat—si Auntie Sabel, ang pamilya niya, ang tiwala nila sa akin, at ang posibilidad na hindi na maibalik ang dati kapag tumawid ako sa linyang iyon.

Bigla kong hinila ang kamay ko pabalik.

"Hindi... hindi dapat ganito," mahina kong sabi, nanginginig ang boses ko.

Napaatras ako ng isang hakbang, pilit kinokontrol ang emosyon ko.

"Lasing ka lang, Uncle. Bukas... baka hindi mo na maalala ito."

At mas natatakot ako sa posibilidad na maalala niya.

Tahimik kaming nagkatinginan ng ilang segundo na tila napakahaba.

Sa unang pagkakataon, ako ang umiwas ng tingin.

At doon ko napagtanto—mas mahirap palang labanan ang sarili kaysa sa damdaming pilit kong itinatago sa loob ng maraming taon.

Chapter Three

“Baks! Magkwento ka nga, dali! Anong ganap sa’yo? Umamin ka na ba sa Uncle mo?” halos pasigaw na bungad ni Leo nang makita niya akong nakaupo sa school cafeteria kinabukasan.

Imbes na sumagot, napabuntong-hininga lang ako at inikot ang straw sa iced coffee ko.

Tumaas agad ang kilay ni Leo, halatang dismayado. “Ano ’yan? Huwag mong sabihing olats ka na naman, ate ko?”

Hindi ako sumagot. Uminom lang ako at tumingin sa malayo, kunwari’y may mas interesting na tanawin sa kabilang mesa.

“Oh my gosh,” dagdag pa niya, dramatikong napahawak sa dibdib. “Sinasabi ko na nga ba. Tinamaan ka na naman ng pagka-overthinker mo. Ayun, zero ka na naman kay Uncle. Jusko, Renz! Ano bang mahirap sa pag-amin? Sasabihin mo lang naman na gusto mo siya. Tapos bahala na kung anong mangyari.”

Binaba ko ang hawak kong baso at tumingin sa kanya. “Hindi naman ganun kadali ’yon, baks. Uncle ko pa rin siya. Buti sana kung ibang lalaki lang.”

Bigla na namang bumalik sa isip ko ang nangyari kagabi.

Kung paanong diretsahan niyang sinabi na alam niyang may gusto ako sa kanya. Kung paanong parang wala lang sa kanya iyon. At kung paanong muntik na akong mawalan ng lakas para umatras sa sitwasyon.

Hanggang ngayon, nahihiya pa rin ako kapag naaalala ko iyon.

Pagkagising ko kaninang umaga, wala na siya sa bahay. Maaga siyang umalis. Pero nag-iwan siya ng almusal sa mesa.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil inasikaso niya pa rin ako pagkatapos ng lahat, o mas lalo akong maiilang dahil alam na niya ang sikreto ko.

“I know, baks,” sabi ni Leo habang nakasandal sa upuan. “Pero kasi, puro ka daydream sa kanya. Walang mangyayari kung puro isip ka lang. Kung ako sa’yo, grab the opportunity na agad. Andiyan na, bakit ka pa uurong?”

Napabuntong-hininga ako ulit. “Pero iba kasi ang nangyari kagabi.”

Agad siyang napatuwid ng upo. “Anong ibig mong sabihin?”

Tumingin ako sa paligid para siguraduhing walang nakikinig. “Matagal na palang alam ni Uncle na may gusto ako sa kanya.”

Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Leo. “O. M. G. Totoo ba?!”

Tumango ako.

“Paano?” halos pabulong niyang tanong, pero halatang excited.

Nagsimula akong magkwento. “Kagabi kasi, sinabi niyang mawawala si Auntie Sabel ng dalawang buwan dahil magbabantay siya sa nanay ni Uncle sa probinsya. Tapos habang kumakain kami, nagbiro siya na ako muna raw ang magiging asawa niya sa bahay.”

Napapalakpak si Leo. “Winner! Parang drama series lang ah. Tapos?”

Napailing ako. “Tapos bumili ako ng beer para sa kanya. Ilang oras ang nakalipas, paglabas ko ng kwarto, tulog na siya sa sofa. Pinatay ko ang TV, tapos… ewan ko ba, napatitig ako sa kanya.”

Bigla akong napahinto nang hampasin niya ako sa balikat.

“Ayan! Nandun na eh! Perfect timing na sana!” reklamo niya.

“Sandali nga!” reklamo ko rin. “So ayun, paalis na sana ako, tapos bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Nawalan siya ng balanse kaya napahiga ako sa kanya.”

Muling napapalakpak si Leo na parang nanonood ng teleserye. “Perfect ending! Tapos? Nagkaroon na kayo ng eksena?”

Inirapan ko siya. “Hindi, ’no! Hindi ko kayang gawin ’yon.”

Muli niya akong hinampas. “Ang shunga mo talaga minsan.”

“Hoy, masakit na ha. Nakakarami ka na,” reklamo ko.

Ngumiti lang siya at nag-peace sign.

Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy. “Tapos… sinabi niya na kung gusto ko raw siyang matikman… pagbibigyan niya ako.”

Biglang natahimik si Leo.

Dahan-dahan siyang yumuko palapit sa akin.

“Wait… seryoso?” bulong niya.

Tumango ako.

“So, anong sunod na nangyari?” tanong ni Leo, halatang bitin na bitin sa kwento ko.

Huminga ako nang malalim bago sumagot. “Pinagapang niya ’yung kamay ko sa katawan niya—”

Papalakpak na sana si Leo sa sobrang excitement nang mabilis ko siyang pinigilan.

“Pero hindi ko tinuloy,” dagdag ko.

Parang biglang nawalan ng hangin ang excitement niya. Nalaglag ang mga balikat niya sa dismaya.

“What?!” reklamo niya. “Ang shunga mo talaga minsan. ’Yung Uncle mo na nga ang kusang nag-aalok ng sarili niya, umatras ka pa?”

Napapikit ako sandali, pilit kinokontrol ang sarili ko. “Baks, hindi naman kasi pwedeng ganun lang. Hindi ko pwedeng gawin ’yung matagal ko nang gustong gawin sa kanya. Hindi ganun kadali ’yon.”

Tumingin ako sa mesa, pilit inaayos sa isip ko ang mga dahilan ko.

“Paano kung may mangyari nga? Anong mangyayari sa amin pagkatapos? Paano ko siya haharapin araw-araw? Paano ang Auntie ko? At saka… mali naman talaga, ’di ba?” dagdag ko.

Napabuntong-hininga ako. “Sana lang talaga huwag niyang maalala ang mga nangyari kagabi.”

Nagkibit-balikat na lang si Leo. Mukhang naubusan na siya ng argumento para sa akin.

Tahimik lang kaming nagmamasid sa paligid. Hanggang sa siya ulit ang bumasag ng katahimikan.

“Uy, si Banjo oh. Crush mo ’yan, ’di ba?”

Napalingon ako sa direksyong tinuturo niya.

At doon ko nakita si Banjo, kasama ang mga ka-team niya sa basketball. Nagtatawanan sila habang naglalakad, halatang galing pa sa training ng basketball.

Tama si Leo.

Crush ko nga si Banjo. Noong una ko siyang makita dito sa school, parang biglang bumagal ang mundo ko. Matangkad, maputi, natural ang dating, at may aura ng kumpiyansa sa sarili.

Pero hanggang paghanga lang naman ako. May girlfriend na siya—si Lily, ang sikat na leader ng cheerleading squad. Maganda, popular, at halos perfect sa paningin ng lahat.

Kaya alam kong wala akong laban doon.

“Hinaan mo nga ang boses mo,” saway ko kay Leo. “Baka marinig pa nila.”

Pero imbes na tumahimik, bigla niya akong niyugyog.

“OMG, baks! Papalapit sila dito!”

Agad akong napalingon.

At tama siya.

Papunta nga sa direksyon namin si Banjo kasama ang tatlo niyang kaibigan.

Bigla akong kinabahan.

Hindi nga ako nito kilala. Bakit siya lalapit dito? May nagawa ba akong mali? May nagsabi ba sa kanya na may gusto ako sa kanya?

Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko.

At bago pa ako makapaghanda, nasa harap na namin sila.

“Hi, Banjo,” bungad agad ni Leo, halatang kinikilig.

Ako naman, pilit umiiwas ng tingin, pero hindi ko rin maiwasang mapansin kung gaano siya ka-appealing sa malapitan.

“Hi,” bati ni Banjo, sabay lipat ng tingin sa aming dalawa.

Tapos bigla siyang nagtanong, “Sino sa inyo si Terrence Claridad?”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Agad akong napatingin sa kanya.

“A-ako,” sagot ko, halos maiyak sa kaba. “Bakit?”

Wala naman akong atraso sa lalaking ’to, ’di ba?

Ngumiti siya—’yung ngiting buo, kita ang mapuputing ngipin niya.

“Hi,” bati niyang muli, pero ngayon, sa akin na siya direktang nakatingin.

“Hi?” sagot ko, halatang hindi ko alam kung anong susunod na sasabihin.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit siya nandito.

At mas lalo akong kinabahan dahil pakiramdam ko, may dahilan kung bakit niya ako hinahanap.

“Pwede ba tayong mag-usap?” tanong ni Banjo, hindi nawawala ang ngiti sa mukha niya, pero halatang naiilang dahil napapatingin na sa amin ang ibang estudyante sa cafeteria.

Napakunot-noo ako. “Bakit? May atraso ba ako sa’yo?” seryoso kong tanong, kahit sa totoo lang, gusto ko nang matunaw sa kaba.

Mahina siyang natawa. “Wala, wala. May favor lang sana ako sa’yo.”

Mas lalo akong nagtaka. Napatingin ako kay Leo na mukhang equally confused. Nagkibit-balikat lang siya, na parang sinasabing bahala ka diyan .

Binalik ko ang tingin kay Banjo. “Favor? Para saan?”

Sa mga sandaling iyon, halo-halo na ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako, pero hindi ko maikakaila na kinikilig din ako. Sino bang hindi kikiligin kung mismong si Banjo Luis Esguerra ang lalapit sa’yo?

Team captain ng basketball team. Campus heartthrob. Halos lahat ng babae—at pati na rin ilang bakla sa campus—crush siya.

At ngayon, nasa harap ko siya, humihingi ng pabor.

Napakamot siya sa ulo, tila nahihiya. “Ano kasi…” nagsimula siya, pero parang hindi niya alam kung paano ipapaliwanag. Panay pa ang tingin niya sa paligid, halatang hindi komportable na pinag-uusapan sa harap ng maraming tao.

Hanggang sa bigla siyang nagdesisyon.

“Kunin ko na lang ang number mo. Tetext na lang kita,” sabi niya sabay abot ng cellphone sa akin.

Parang natigilan ang mundo ko nang ilang segundo.

Hindi ko alam kung paano, pero bago ko pa namalayan, hawak ko na ang cellphone niya at tina-type na ang number ko.

Pagkaabot ko sa kanya ng phone, ngumiti siya. “Thanks, ha.”

At ganoon lang, nagpaalam na sila ng mga kasama niya at lumabas ng cafeteria.

Ako naman, naiwan na tulala sa kinauupuan ko.

Parang hindi pa rin nagpo-process sa utak ko ang mga nangyari.

“OMG, baks!” sigaw ni Leo pagkalayo nila. “Ano ’yon?! Anong nangyari?! Bakit ka hinihingan ng number ng campus crush ng bayan?!”

Napakurap ako. “Hindi ko rin alam…”

Sa totoo lang, wala akong ideya kung bakit ako ang nilapitan niya.

Sa dami ng estudyante sa university, bakit ako?

Hindi naman ako varsity player. Hindi rin ako sikat. Scholar lang ako na halos puro pag-aaral at bahay ang buhay. Hindi ako party person, hindi ako atleta, at lalong hindi ako influencer sa campus.

At mukhang alam pa niyang bakla ako.

Kaya lalo akong naguguluhan.

Bakit ako?

At anong klaseng pabor ang kailangan ni Banjo sa isang taong halos hindi nga napapansin sa school?


# Chapter Four

"Kanina ka pa tingin nang tingin diyan sa phone mo. Inaabangan mo na mag-text sa'yo si Banjo, 'no?" tudyo ni Leo habang naglalakad kami.

Agad kong ipinasok sa bag ko ang cellphone ko at nagkunwaring tumitingin sa mga tindahan sa paligid.

"Eme mo, teh. Masyado kang halata. Obvious namang hopia ka rin doon kay Banjo. Akala ko ba kay Uncle ka lang?" patuloy na pang-aasar niya.

Inirapan ko siya. "Ewan ko sa'yo," sagot ko sabay naglakad ng mabilis para maunahan siya.

Narinig ko naman ang paghahabol niya sa akin.

"Joke lang! Ito naman, hindi mabiro!" sabay angkla niya sa braso ko.

Nasa mall kami ngayon, nagpapalipas-oras lang dahil maagang natapos ang klase namin. Paikot-ikot lang kami, tingin dito, tingin doon, kahit alam naman naming wala kaming balak bumili.

Habang nagwi-window shopping kami, biglang nag-vibrate ang phone ko sa loob ng bag.

Tumigil ako sa paglalakad at kinuha iyon.

Unknown Number: 
Hi, Terrence. Si Banjo pala ito. Pwede ba kitang tawagan?

Para akong napako sa kinatatayuan ko.

Ilang segundo—o baka isang minuto—akong nakatitig lang sa screen, paulit-ulit na binabasa ang mensahe na para bang mag-iiba ang laman niyon kapag kumurap ako.

Napansin iyon ni Leo.

"Baks... si Banjo na ba 'yan?" tanong niya, nanlilisik ang mata sa excitement.

Tatango na sana ako nang bigla niyang hablutin ang phone ko.

"Hoy!" reklamo ko.

Pero huli na.

"OMG!" malakas niyang reaksyon matapos basahin ang mensahe. "Tatawagan ka raw! Tatawagan ka ng campus crush ng bayan!"

"Hoy, hinaan mo ang boses mo!" saway ko, sabay linga sa paligid kung may nakarinig.

"Bakit ka pa kasi nag-iinarte? Replyan mo na!" sabi niya habang ibinabalik sa akin ang cellphone.

"Hindi ko alam ang sasabihin ko," pag-amin ko.

Tinitigan niya ako na parang gusto na akong kalugin. "Baks, simpleng tao ka lang pero complicated ka mag-isip. Oo o hindi lang ang sagot diyan!"

Napabuntong-hininga ako.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan nang ganito. Tawag lang naman.

Pero parang pakiramdam ko, kapag sinagot ko 'to, may magbabago na naman sa buhay ko.

At hindi ko alam kung handa ba ako doon.

"Baks, nagta-type ka na ba?" sabik na tanong ni Leo.

Tumingin ako sa screen, nanginginig pa ang daliri ko habang nagta-type:

Yes, pwede.

Ilang segundo lang ang lumipas, biglang nag-ring ang phone ko.

At halos mahulog iyon sa kamay ko sa sobrang gulat.

Napahawak si Leo sa braso ko. "Sagutin mo na!" bulong-sigaw niya.

Napatingin ako sa tumatawag na pangalan sa screen.

Unknown number calling...

Huminga ako nang malalim.

At saka ko pinindot ang answer button.

"Hi, Terrence." Masiglang bati ni Banjo sa kabilang linya.

Ewan ko ba, pero hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib ko. Kahit napatunayan ko namang wala akong atraso sa kanya kanina, heto ako ngayon—parang may kung ano pa ring gumugulo sa tiyan ko.

Napatingin ako kay Leo na nakaabang sa tabi ko, halatang gusto ring marinig ang buong usapan namin.

"Are you there?" tanong ni Banjo.

"A-ah, yes! Hello, Banjo," sagot ko, pilit na pinapakalma ang sarili ko.

Samantalang si Leo naman sa gilid ko, impit na impit ang kilig, parang siya pa ang kausap ni Banjo.

"Sorry pala kanina. Hindi ko agad nasabi kung anong pakay ko sa'yo. Medyo nahiya kasi ako. Baka kasi isipin ng mga tao na ang bobo ko," sabi niya, medyo nahihiyang tumawa.

Doon ko na nahulaan kung ano siguro ang pabor na gusto niyang hingin.

"Ah, ganun ba?" sagot ko, kahit wala pa talaga akong ideya kung paano ko itutuloy ang usapan.

Sandaling natahimik ang linya, parang nag-iipon siya ng lakas ng loob.

Maya-maya, nagsalita ulit siya. "Bagsak kasi ako sa History. Tapos nalaman ko na pareho pala tayo ng prof—si Miss Perillio. Sabi niya, kung gusto ko raw pumasa, hanapin daw kita at magpaturo sa'yo."

Napatango ako. Tama nga ang hinala ko. Akala ko kung ano nang pabor ang hihingin niya.

Napatingin ako kay Leo na tila hinihintay ang magiging sagot ko.

"Ah... ganun ba," sabi ko ulit, sabay kamot sa ulo. Hindi ko talaga inaasahang ire-recommend ako ni Miss Perillio sa kanya. At saka, first time ko pa lang din naman magtu-tutor kung sakali.

"Kung pwede sana, tulungan mo akong makapasa. Kailangan ko talaga 'to," dagdag niya, parang ako na lang ang pag-asa niya.

Syempre, handa naman akong tumulong. Sino ba naman ako para tumanggi sa isang Banjo Luis Esguerra?

"Oo naman, walang problema. Kailan ka ba free para maayos ko ang schedule ko?" sagot ko.

Narinig ko ang maluwag niyang pagbuntong-hininga. Parang nabunutan siya ng tinik.

"Free ako sa Friday. Okay lang ba sa'yo?" tanong niya.

Tumango-tango ako kahit hindi niya nakikita. "Okay lang. May isa lang naman akong class nun. Magkita na lang tayo ng mga three p.m."

"Sige," mabilis niyang sagot. Ilang segundo ring natahimik ang linya bago siya nagsalita ulit. "By the way, magkano rate mo per hour?"

Napaisip ako. First time ko pa lang naman itong gagawin.

"Ah... hindi naman ako naniningil," sagot ko.

"Talaga? You help people for free?" tanong niya, parang nagulat.

"Hindi naman kasi ako professional tutor. First time ko pa lang din," pag-amin ko.

"So, first time mo?" ulit niya.

"Mmm," sagot ko, medyo nahihiya.

"Thank you, ha. Ito na lang talaga ang kulang ko para maka-graduate. Malaking tulong 'to," sabi pa niya.

Napangiti ako kahit hindi naman niya ako nakikita. "Don't worry. Tutulungan kita," sagot ko.

Ilang sandali pa, nagpaalam na siya dahil tinatawag na raw siya ng mga ka-team niya.

At nang maputol ang tawag, saka ko lang napansin na ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko.

Nanatili pa rin akong nakatitig sa screen ng phone ko, parang hindi pa nagsi-sink in sa utak ko ang lahat ng nangyari.

"Baks? Hello? Buhay ka pa ba?" tanong ni Leo habang winawagayway ang kamay sa harap ng mukha ko.

Napakurap ako at napatingin sa kanya. "Magpapaturo raw siya sa'kin sa History."

Halos mapasigaw si Leo. "ANO?!"

Agad kong tinakpan ang bibig niya. "Hoy! Nasa mall tayo, mahiya ka naman."

Tinanggal niya ang kamay ko at halos mangisay sa kilig. "Baks! Tutor ka na ng campus heartthrob! Ano 'to, Wattpad adaptation in real life?"

Inirapan ko siya pero hindi ko rin maitago ang ngiti ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mas kakabahan.

"So, kailan ang first session?" tanong niya.

"Friday. Three p.m."

Napahinto siya sa paglalakad. "Friday na agad? Kailangan mong maghanda! Outfit check, lesson plan, at emotional preparation!"

"Tutor lang 'to, Leo. Hindi date," sagot ko.

Ngumisi siya. "Hindi mo sure."

Napabuntong-hininga ako.

Sa totoo lang, gusto kong isipin na simpleng tutoring lang ito. Walang ibang meaning. Tutulungan ko siya, tapos tapos na.

Pero bakit ganito? Bakit pakiramdam ko, simula pa lang ito ng panibagong gulo sa buhay ko?

Isang may asawa na Uncle na gusto ko.

At ngayon, isang campus crush na lalong nagpapagulo ng isip ko.

"Hoy," biglang sabi ni Leo, medyo seryoso na. "Real talk lang."

Napatingin ako sa kanya.

"Kung gusto mo si Banjo, okay lang. Pero huwag kang masyadong umasa. May girlfriend 'yon."

Parang biglang bumigat ang pakiramdam ko.

Tama siya.

May Lily si Banjo.

At ako? Tutor lang.

Scholar na halos walang nakakakilala sa campus.

Tumango ako. "Alam ko naman."

Ngumiti ulit si Leo at bumalik ang pagiging makulit niya. "Pero kung maghiwalay sila, ready ka dapat ha!"

Tinulak ko siya. "Baliw ka talaga."

Nagpatuloy kami sa paglalakad, pero iba na ang laman ng isip ko.

Friday.

Unang tutoring session namin ni Banjo.

At hindi ko alam kung alin ang mas kinakatakutan ko—

ang posibilidad na maging close kami...

o ang posibilidad na lalo lang akong mahulog sa taong hindi ko naman pwedeng angkinin.

Chapter Five

Alas-siyete na ng gabi nang makauwi ako sa bahay. Pagpasok ko sa kusina para kumuha ng tubig sa ref, nadatnan ko si Uncle Sid na abala sa pagluluto.

Balak ko sanang kumuha lang ng tubig at dumiretso na sa kwarto ko, pero napansin niya agad ako.

“Nandyan ka na pala,” bati niya.

Napahinto tuloy ako. Pilit kong hinarap si Uncle kahit parang lalabas na sa dibdib ko ang puso ko sa sobrang kaba.

Sana talaga hindi na niya maalala ang nangyari kagabi, sabi ko sa isip ko.

Pagharap ko sa kanya, nakangiti siya. Pero ang hindi ko napigilan ay ang mapatitig sa katawan niya. Nakahubad siya sa pang-itaas, at boxer shorts lang ang suot habang hawak niya sa kanang kamay ang sandok na ginagamit sa pagluluto.

Parang bigla akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko ang dibdib at abs niyang halatang alaga sa gym. Kulang na lang talaga, maglaway ako sa harap niya.

Agad kong iniiwas ang tingin para hindi niya mahalata.

“Kakarating ko lang po, Uncle,” sagot ko, pilit na kumakalma kahit magulo pa rin ang isip ko.

“Ganun ba? Malapit nang maluto itong adobo. Sabay na tayong kumain mamaya,” sabi pa niya, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mukha niya habang hinahalo ang niluluto.

Naaamoy ko ang halimuyak ng adobo na kumakalat sa buong kusina, pero mas nangingibabaw pa rin sa isip ko ang nangyari kagabi. Hindi ko tuloy alam kung normal lang ba na ganito siya ka-relaxed sa harap ko, na parang walang nangyari, o sadyang wala talaga siyang naaalala.

Napakagat ako sa labi ko habang pilit na kumakalma.

Normal lang ba talaga ito? O nagpapanggap lang siya? tanong ko sa sarili ko.

Napailing na lang ako at tumango. “Sige po. Magpapalit lang po ako ng damit,” sagot ko, pilit na pinapakalma ang boses ko kahit ang totoo, magulo pa rin ang isip ko.

Mabilis akong umiwas ng tingin kay Uncle Sid at halos tumakas papunta sa kwarto ko.

Hindi ko kayang titigan siya nang matagal. Sa tuwing napapatingin ako sa katawan niya—sa balikat niyang malapad, sa dibdib niyang halatang alaga sa gym—parang may kung anong mainit na pakiramdam na gumagapang sa katawan ko. Pakiramdam ko, kapag tumagal pa ako sa harap niya, baka makagawa ako ng bagay na pagsisisihan ko.

Pagdating ko sa kwarto, agad kong isinara ang pinto at napasandal ako roon. Napahawak ako sa dibdib ko, pilit pinapakalma ang mabilis na tibok ng puso ko.

“Kalma ka lang…” bulong ko sa sarili ko.

Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nangyari kagabi—kung paano niya ako hinila palapit, kung gaano kalapit ang mga mukha namin, kung paano halos mawalan ng lakas ang mga tuhod ko sa sobrang kaba at pagnanasa na pilit kong pinipigilan.

Imposibleng wala siyang maalala, sabi ko sa isip ko.

Pero posible rin naman na wala nga talaga siyang naaalala dahil sobrang lasing siya kagabi. Ilang bote rin ng beer ang naubos niya bago mangyari ang lahat.

Unti-unti akong nakahinga nang mas maluwag sa ideyang iyon. Mas mabuti nang wala siyang maalala kaysa harapin ko ang katotohanan.

Hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Ayokong magbago ang pakikitungo niya sa akin. Ayokong maging awkward kami sa iisang bahay.

Nakatayo pa rin ako roon, hindi pa nagpapalit ng damit, nang biglang may kumatok sa pinto.

Tok. Tok.

“Renz, kain na tayo,” tawag ni Uncle Sid mula sa labas.

Muntik na akong mapatalon sa gulat. Napahawak pa ako sa bibig ko para hindi mapasigaw.

“S-susunod na po!” mabilis kong sagot, pilit na pinapakalma ang sarili.

Narinig ko ang mga yabag niyang papalayo. Doon lang ako tuluyang nakahinga nang malalim.

Napailing ako sa sarili ko.

“Bakit ba ako ganito kaapektado?” bulong ko.

Agad akong naghubad ng uniform at nagsuot ng pambahay. Pero kahit nagpapalit ako ng damit, hindi pa rin mawala sa isip ko ang katawan ni Uncle kanina sa kusina—ang pawis sa balat niya, ang natural na tikas ng katawan niya, at kung paanong kahit simpleng pagngiti niya lang ay sapat na para guluhin ang buong sistema ko.

Napabuntong-hininga ako.

Delikado na talaga ’to, sabi ko sa sarili ko bago tuluyang lumabas ng kwarto para sumabay sa kanya sa hapag-kainan.

Tahimik lang kaming kumakain ni Uncle. Tanging tunog lang ng kutsara at tinidor na tumatama sa plato ang maririnig sa buong kusina. Paminsan-minsan, palihim akong napapatingin sa kanya.

Nakasuot na siya ng damit ngayon, tila walang bakas ng anumang nangyari kagabi. Relax lang siya, kumakain na parang normal na gabi lang ito. Kunsabagay, masarap naman talaga ang luto niyang adobo, kaya kahit ako, naparami ng kain.

Pero nang muli akong mapatingin sa kanya, bigla kaming nagkatitigan.

Seryoso ang mukha ni Uncle, tila may malalim na iniisip. Hindi ko alam kung tungkol saan, pero may kakaiba sa tingin niya—parang may gustong sabihin pero pinipigilan lang.

Hindi agad ako nakaiwas ng tingin. Para bang napako ang mga mata ko sa kanya. Parang hinihila ako ng titig niya, at kahit gusto kong umiwas, hindi ko magawa.

Ilang segundo rin kaming nagkatitigan bago siya nagsalita.

“Masarap ba?” tanong niya.

Napakurap ako at agad na tumango, hindi pa rin tuluyang naiaalis ang tingin ko sa kanya.

“Alam kong paborito mo ’yan kaya ’yan ang niluto ko,” dagdag pa niya, sabay balik sa pagkain.

Bigla tuloy akong nailang. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kung anong kumurot sa dibdib ko sa sinabi niya.

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, sinadya kong ihulog ang hawak kong kutsara.

Agad akong yumuko para pulutin iyon sa ilalim ng mesa.

Pagyuko ko, akmang kukunin ko na sana ang kutsara nang hindi ko sinasadyang mapatingin sa kinauupuan ni Uncle Sid.

Naka-boxer shorts pa rin siya, at dahil medyo nakabuka ang pagkakaupo niya, hindi ko naiwasang mapansin ang umbok na bahagyang bumabakat sa tela.

Biglang uminit ang pakiramdam ko.

Mabilis kong iniiwas ang tingin, pero huli na. Nakita ko na.

Napakagat ako sa labi ko habang pilit pinapakalma ang sarili. Ramdam kong umiinit ang tenga ko at parang namumula na naman ang mukha ko.

Agad kong dinampot ang kutsara at mabilis na umangat ng tayo, pilit nagpapaka-normal na parang walang nangyari.

Pero sa loob-loob ko, magulo na naman ang isip ko.

At mas lalong naging mahirap kumain nang hindi naaalala ang lahat ng pilit kong kinakalimutan.

Matapos naming kumain, naghanda na ako para matulog. Pero kahit anong pilit kong i-divert ang isip ko, bumabalik at bumabalik pa rin sa alaala ko ang nakita ko kanina sa ilalim ng mesa.

Parang may kung anong humihila sa utak ko—isang boses na nagsasabing lapitan ko siya, hawakan, at alamin kung hanggang saan ang kaya kong gawin. Nakakainis dahil alam kong mali, pero hindi ko rin maitanggi na may bahagi sa akin na gustong magpatalo sa tukso.

Napabuntong-hininga ako habang nakahiga sa kama, nakatitig sa kisame.

Kung hindi ko lang alam kung hanggang saan lang dapat ang limitasyon ko bilang pamangkin, baka matagal ko nang sinunod ang mga pantasyang pumapasok sa isip ko. Mabuti na lang at kahit papaano, may natitira pa akong konsensya.

Ngunit kahit anong pigil ko, kung anu-ano pa rin ang naiisip ko.

Mga eksenang kami lang dalawa—kumakain sa labas na parang magkasintahan, nagtatawanan, nagkukwentuhan, minsan pa nga’y naiimagine kong sinusubuan niya ako habang nakangiti. Simpleng mga bagay lang, pero sapat na para kiligin ako.

Napailing ako sa sarili ko.

Hindi pwede. Hindi dapat.

Napakabait ni Uncle Sid sa akin. Siya at si Auntie Sabel ang tumayong magulang ko mula nang mawala sina Mama at Papa. Utang ko sa kanila ang lahat ng meron ako ngayon.

Kaya pilit kong itinulak palayo ang mga iniisip ko at ipinikit ang mga mata ko para makatulog na.

Pero ilang minuto pa lang ang lumipas, may narinig akong mahina at halos pabulong na tunog mula sa kabilang kwarto.

Napadilat ako.

Sandali akong nakinig, inakala kong imahinasyon ko lang. Pero muli kong narinig iyon—parang may kausap si Uncle.

Napabangon ako at dahan-dahang lumapit sa dingding na naghihiwalay sa kwarto namin. Hindi ko man sinasadyang makinig, kusang napalapit ang tenga ko sa dingding.

Mahina, pero malinaw na may kausap siya.

Maya-maya’y napagtanto ko kung sino ang kausap niya.

Si Auntie Sabel.

Siguro’y nagvi-video call ang dalawa.

Narinig ko ang mahina niyang boses, puno ng pananabik at pangungulila para sa asawa niya. Mga salitang malinaw na para lang sa taong mahal niya—mga salitang hindi ko dapat naririnig.

Biglang may kung anong kumirot sa dibdib ko.

Hindi ko alam kung selos ba iyon, lungkot, o simpleng paalala na hanggang pangarap lang ako sa buhay niya.

Mabilis akong umatras palayo sa dingding at bumalik sa kama ko, pilit pinapatahimik ang sarili.

Pero sa kabila ng lahat, hindi ko maiwasang isipin—paano kaya kung ako ang nami-miss niya?

At doon ko napagtanto kung gaano na kalalim ang nararamdaman ko para sa kanya.


# Chapter Six

Friday

"Bakit ba hindi ka mapakali d'yan?" puna sa akin ni Leo habang nakatambay kami sa cafeteria—doon mismo sa pwesto kung saan ako nilapitan ni Banjo noong Martes.

Kanina pa ako palipat-lipat ng upo, tapos maya't maya ay chine-check ang oras sa cellphone ko. Hindi ko tuloy malaman kung alin ba talaga ang nararamdaman ko—excitement ba o kaba.

First time ko magtu-tutor, at hindi lang kung sino ito. Si Banjo Luis Esguerra lang naman—ang varsity captain ng university, ang campus heartthrob, at ultimate crush ng halos lahat ng babae... at bakla.

I mean, matalino naman ako, pero hindi naman ako genius level. Favorite subject ko lang talaga ang History, at siguro dahil doon kaya ako paborito ni Miss Perillio—kaya niya rin ako ni-recommend kay Banjo.

Pero kahit na, hindi ko pa rin ma-process hanggang ngayon kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon.

"Anong hindi mapakali? Kita mong chill lang ako, oh." depensa ko, kahit halatang-halata na nanginginig ang paa ko sa kakakuyakoy.

Tinaasan ako ni Leo ng kilay, halatang hindi kumbinsido. "Eme mo, baks. Kita nga sa aura mo na excited kang makita si Banjo." tudyo niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Tumigil ka nga. Sino bang hindi kakabahan? Sa dami ng estudyante dito, ako pa talaga ang napili niya? Pwede naman siyang tumanggi kay Miss Perillio kung ayaw niya. Pero hindi eh." paliwanag ko.

Tumaas ang kilay ni Leo, tapos ngumiti nang pilyo. "What if destiny pala kayo?"

Napailing ako. "Duh. Naniniwala ka sa ganyan?" tanong ko.

"Hoy! Huwag mong minamaliit ang power of destiny, baks," sabi niya habang tinuturo ako gamit ang straw ng milk tea niya. "Malay mo, si Banjo pala ang totoong nakatadhana sa'yo... at hindi ang Uncle mo."

Agad ko siyang pinandilatan ng mata. "Napakaingay mong bakla ka! Mamaya may makarinig sa'yo!" saway ko habang palinga-linga sa paligid.

Napangisi lang si Leo at kunwaring zinipper ang bibig niya, sabay taas ng dalawang kamay na parang sumusuko.

"Hi, Terrence."

Pareho kaming napalingon ni Leo sa pinanggalingan ng boses. Para bang automatic na nag-freeze ang paligid ko nang makita kung sino ang tumawag.

Nakatayo sa harap namin si Banjo, mukhang kakagaling lang sa training. Suot pa rin niya ang varsity shirt na bahagyang kumapit sa katawan niya dahil sa pawis. May nakasukbit na sports bag sa balikat, at may mga patak pa ng pawis na dumadaloy mula sa gilid ng leeg niya pababa sa dibdib.

At putangina—ang hot niya tingnan.

Ngumiti siya sa akin na para bang normal lang ang lahat, na parang hindi siya campus heartthrob na kinababaliwan ng kalahati ng university.

Natigilan ako. Pakiramdam ko'y may malamig na tubig na ibinuhos sa ulo ko. Hindi ako makapagsalita. Mas lalo siyang gumwapo kapag pawisan—mas lalong lumilitaw ang linya ng panga niya, pati na ang hubog ng mga braso.

"Hi, Leo," bati rin niya kay Leo, kaswal na kaswal.

Hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin—babatiin ko ba siya o tititig lang ako hanggang maghapon? Parang nawala sa utak ko kung paano maging normal na tao.

Kung hindi pa ako siniko ni Leo, baka nakanganga na ako sa harap ni Banjo.

"H-hi, Banjo," bati ko, pilit na kinokontrol ang boses ko na parang gustong pumiyok.

Ngumiti siya nang bahagya, at ewan ko ba kung ako lang pero parang may kakaibang init na dumaloy sa sikmura ko.

"Okay lang ba kung doon tayo sa apartment ko mag-session?" tanong niya. Diretso ang tingin niya sa akin, kalmado lang, pero ako itong parang kinakabahan na ewan.

Hindi agad ako nakasagot. Napatingin ako kay Leo, para bang humihingi ng tulong kung anong isasagot ko.

Ngumisi lang ang loko.

"Sige na, baks. Uuwi na rin naman ako," sabi nito, halatang ine-enjoy ang sitwasyon ko.

Alam kong mamaya, aasarin niya na naman ako tungkol dito.

Binalik ko ang tingin kay Banjo at ngumiti, kahit ramdam kong namumula na ako.

"S-sige," sagot ko, medyo nahihiya pa.

Tumayo na ako at mabilis na nagpaalam kay Leo. Paglabas namin ng cafeteria, sabay kaming naglakad ni Banjo papunta sa parking lot.

Habang naglalakad kami, ramdam kong may mga matang nakasunod sa amin. May mga nagbubulungan, may mga napapatingin nang paulit-ulit. Parang hindi sila makapaniwala na ang isang tulad ko ay kasama ni Banjo.

Sa totoo lang, ako rin mismo hindi makapaniwala.

Hanggang ngayon, parang panaginip pa rin.

Pagdating namin sa parking lot, agad niya akong pinagbuksan ng pinto ng sasakyan niya. Napangiti ako sa simpleng gesture na iyon.

"Salamat," sabi ko bago sumakay.

Sumunod siyang pumasok sa driver's seat. Pagkaupo ko pa lang, naamoy ko na agad ang loob ng sasakyan—malinis, malamig, at may halong pabango at faint na amoy ng pawis niya na, nakakainis mang aminin, ay medyo sexy sa pang-amoy ko.

Hindi naman ito ang unang beses kong makasakay sa kotse, pero iba pala kapag kasama mo ang taong lihim mong crush.

"Pasensya ka na, medyo marumi pa ako. Kakagaling ko lang kasi ng training," sabi niya habang pinupunasan ang braso at leeg gamit ang bimpo. Kita ko kung paano gumalaw ang muscles niya sa bawat punas.

Napaiwas ako ng tingin bago pa ako tuluyang matulala.

"Nako, wala 'yon. Hindi ka naman marumi. Pawis lang," biro ko.

Napatawa siya. Mababa at medyo paos ang tawa niya, at hindi ko alam kung bakit parang may kung anong gumugulo sa loob ko kapag naririnig ko iyon.

"Sabagay," sagot niya, saka isinaksak ang susi sa ignition.

Pero bago pa niya paandarin ang sasakyan, binuksan muna niya ang stereo. Unti-unting napuno ng mellow na tugtog ang loob ng kotse—isang love song na swak sa tahimik na biyahe.

Umusad na ang sasakyan palabas ng campus.

Tahimik lang kami sa una. Ako, kunwari'y nakatingin sa labas, pero ang totoo, pilit kong kinokontrol ang sarili ko na huwag mapatingin sa kanya nang madalas.

Paminsan-minsan, naaamoy ko pa rin ang halong pabango at pawis niya, at nakakainis dahil parang mas lalo akong nagiging conscious sa presensya niya.

First tutoring session ko ito.

Pero hindi ko alam kung bakit parang mas kinakabahan ako sa pagiging magkasama namin sa isang saradong sasakyan kaysa sa mismong pagtuturo.

At sa isip ko, iisa lang ang tanong:

Ano kayang mangyayari sa apartment niya?

⸻

Pagdating namin sa apartment ni Banjo, literal akong napanganga pagpasok ko sa loob. Hindi ko inaasahan na ganito kaayos ang tirahan niya. Sa isip ko kasi, dahil athlete siya at halos araw-araw nasa training, baka magulo ang bahay nito.

Pero kabaliktaran ang tumambad sa akin.

Malinis ang sahig, maayos ang pagkakaayos ng mga gamit, at may kakaibang tahimik na aura sa loob. Sa isang gilid, naka-display ang mga tropeo at medalya niya—mga patunay kung gaano siya kagaling sa court. Itim at puti ang motif ng apartment niya, simple pero classy. Hindi rin ganoon karami ang furniture—sakto lang para sa isang taong namumuhay mag-isa.

At hindi ko alam kung bakit, pero parang mas lalo akong kinabahan.

"Upo ka," alok niya habang inilalapag ang sports bag sa gilid.

Tumango ako at naupo sa sofa, pilit na nagpapakalma ng sarili. Pakiramdam ko'y nasa ibang mundo ako.

Pero bigla, sa harap ko mismo, hinubad niya ang varsity shirt niya.

Nanlaki ang mata ko.

Parang walang kamalay-malay si Banjo na may ibang tao sa harap niya. Diretso niyang hinila pataas ang damit, at sa isang iglap, tumambad sa harap ko ang hubad niyang katawan—pawisan pa, makintab ang balat, at malinaw ang hubog ng dibdib at tiyan niya.

Para akong natulala.

Hindi ko alam kung saan ako titingin.

Napatingin siya sa akin, saka lang yata niya napansin ang reaksyon ko.

"Ay, sorry!" sabi niya, medyo napatawa pa. "Nasanay na kasi akong naghuhubad ng damit pagdating sa bahay."

Mabilis niyang itinakip ang damit sa katawan niya, halatang nahiya rin.

Napailing ako kahit halos nagkakagulo na ang utak ko.

"O-okay lang," sagot ko, pero ang totoo, parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang nakita ko.

Putangina.

Sa personal, mas grabe pala talaga ang dating niya.

"Magpapalit lang ako ng damit at magha-half bath na rin. Sandali lang," paalam niya bago pumasok sa kwarto.

Nang isara nito ang pinto, saka lang ako nakahinga nang maayos.

Napahawak pa ako sa dibdib ko.

Hindi ko kinaya ang eksena kanina. Para akong high school student na unang beses nakakita ng crush na topless.

Umiling ako at pilit ibinalik ang sarili sa realidad.

Tangina. Focus, Terrence.

Bago pa tuluyang magulo ang utak ko dahil sa kanya, inilabas ko na ang mga gamit ko at ang reviewer na ipinagawa niya. Kagabi ko pa ito inihanda, kaya halos maga-ala una na ako nakatulog.

Wala rin kasi si Uncle kagabi. May sunog daw sa kabilang barangay kaya rumesponde siya.

Sa totoo lang, mas madali para sa akin kapag wala siya sa bahay. Kahit paano, nakakahinga ako. Hindi ko kailangang iwasan ang sarili kong nararamdaman.

Kapag nasa bahay kasi siya, pakiramdam ko'y nasasakal ako sa presensya niya. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ako ngayon.

Madalang na nga kaming magkasabay sa bahay dahil sa trabaho niya bilang bumbero at sa mga volunteer work pa niya. Palaging may outreach, may emergency, may pinupuntahan.

Kaya minsan, parang mas madali na lang na umiwas kaysa harapin ang nararamdaman ko.

Ilang minuto ang lumipas nang bumukas ulit ang pinto ng kwarto.

Napatingin ako.

Lumabas si Banjo na bagong ligo. Presko ang itsura, basa pa nang bahagya ang buhok, at nakasuot na ng simpleng sando at shorts.

Pero kahit simple lang, puta, ang lakas pa rin ng dating niya.

Halos kailangan ko pa siyang tingalain dahil sa tangkad niya.

At bago ko pa namalayan, napasinghot ako nang bahagya. Amoy sabon at pabango siya—malinis, presko, at ewan ko ba kung bakit parang nakakaadik.

Agad kong winaglit ang isip ko roon.

Focus ka rito, hindi sa katawan niya.

"Hi," bati niya habang pinupunasan ang buhok gamit ang maliit na bimpo.

Napakurap ako bago ngumiti.

"H-hi," sagot ko, saka umiwas ng tingin.

Pero imbes na umupo sa kabilang sofa, lumapit siya sa kinauupuan ko at tumabi.

Napakalapit.

Awtomatiko akong napaatras nang kaunti.

Napansin niya iyon.

"Naiilang ka ba sa akin?" tanong niya, diretso pero kalmado.

Hindi ko magawang tumingin sa kanya kaya tumango na lang ako.

Narinig ko siyang napabuntong-hininga nang mahina.

"Don't worry," sabi niya. "Hindi ako gaya ng iniisip mo. May respeto ako sa lahat ng uri ng tao."

Bahagya siyang ngumiti bago nagpatuloy.

"And yes, alam kong gay ka. Walang kaso sa akin iyon."

Napatingin ako sa kanya, gulat.

Diretso ang tingin niya sa akin, walang panghuhusga, walang pag-iwas. Normal lang.

Hindi ko inaasahan na maririnig ko mismo sa kanya ang mga salitang iyon.

At sa unang pagkakataon mula nang dumating ako dito, pakiramdam ko'y medyo gumaan ang dibdib ko.

Hindi ko alam kung bakit, pero sa sandaling iyon, pakiramdam ko mas naging komportable akong manatili dito sa tabi niya.

Ngumiti ako kay Banjo. "Thank you. Hindi lang siguro ako sanay sa mga kagaya mong popular. Simpleng tao lang naman kasi ako," sabi ko habang inaayos ang mga papel sa mesa para may mapagtuunan ako ng pansin at hindi sa kanya.

Mahina itong natawa. Yung tipong hindi pilit, natural lang. "Ako? Popular? Psh. Kung hindi ako marunong mag-basketball, baka wala ring pumansin sa akin sa school," sagot niya.

Napakunot-noo ako at napatingin sa kanya. "Ha? Hindi lang naman dahil magaling ka sa basketball kaya ka popular. Gwapo ka rin. Kaya nga naging kayo ni Lily, 'di ba?" dagdag ko.

Mahina ko lang iyong sinabi, pero mukhang narinig pa rin niya.

Napailing siya at bahagyang ngumisi na parang may halong inis. "Tss. Si Lily. Crush ng buong campus," sabi niya, pero iba ang tono—parang may bigat.

"Bakit? May problema ba kayo?" tanong ko, medyo nag-aalangan na baka sensitive ang topic na iyon para sa kanya.

Umiling siya agad. "Huwag na natin siyang pag-usapan."

Tumango na lang ako. Ramdam kong ayaw niya talaga. Kaya hindi na ako nagtanong pa. Hindi ko rin alam kung bakit, pero may kaunting kirot sa dibdib ko nang maalalang may girlfriend nga pala siya.

Bumaling siya sa akin, saka ngumiti nang bahagya. "Oo nga pala, sure ka bang free lang ito?"

Napatingin ako sa kanya. "Oo naman."

"Hindi ba nakakahiya sa'yo? I mean, inabala na nga kita, tapos libre mo pa akong tuturuan," dagdag niya.

Ngumiti ako. "Eh, tungkol naman sa pag-aaral ito. At saka, ikaw na rin ang nagsabi na kailangan mo 'to para maka-graduate ka. Tulong ko na lang ito sa'yo."

Napabuntong-hininga si Banjo at sinandal ang likod sa sofa. Tinaas pa niya ang dalawang braso na parang nag-stretch.

At doon ko napansin—

Shit.

Mabilis akong napaiwas ng tingin, pero huli na. Kita ko pa rin sa gilid ng mata ko ang hubog ng katawan niya sa sando, ang balikat niyang malapad, ang malago niyang buhok sa kilikili, at ang muscles nito na halatang sanay sa training.

Napalunok ako.

Bakit ba ang hirap mag-focus kapag ganito siya kalapit?

Napansin niya yata ang pananahimik ko kaya napatingin siya sa akin, seryoso na ulit ang mukha.

"Hindi," sabi niya. "Nag-effort ka pa rin para tulungan ako. Kaya hindi pwedeng walang kapalit ang pagtulong mo sa akin."

Natigilan ako.

Biglang nagulo ang utak ko.

Kapalit?

Anong kapalit?

Kung ano-anong kalokohan ang pumasok sa isip ko. Muntik pa akong mabilaukan sa sarili kong iniisip.

Kumalma ka, Terrence. Hindi lahat ng bagay bastos.

"Ano bang gusto mong kapalit?" tanong ko, pilit pinapakalma ang boses ko.

Ngumiti siya nang bahagya. "Ako na ang bahala sa pagkain natin tuwing tutoring sessions. Or kape. Or kahit anong gusto mo. Treat ko."

Parang may hangin na biglang lumabas sa dibdib ko.

Hayop ka, Terrence. Ang layo ng iniisip mo.

"Ah... yun lang pala," sabi ko, napakamot pa sa ulo ko.

Napatawa siya. "Ano bang iniisip mo?"

"W-wala!" mabilis kong sagot, sabay buklat ng notebook para mag-iba ang usapan. "Simulan na natin bago pa ako magbago ng isip."

Napangiti lang siya at lumapit pa nang kaunti para makita ang reviewer.

At doon ko napansin—

Sobrang lapit na niya.

Halos magdikit na ang mga braso namin.

Naamoy ko ulit ang sabon at pabango niya.

At sa loob-loob ko, alam kong mahirap itong magiging tutoring session namin.

Hindi dahil sa History.

Kundi dahil sa kanya.

Carl Vincent Tamayo as Banjo Luis Esguerra

Hindi ko pa ma-figure out kung sino ang magiging character ko for Uncle Sid. Kung may maisip kayo na puwedeng maging portrayal ni Uncle Sid, i-comment niyo lang yung name at titingnan ko kung bagay. Thanks, and happy reading!

P.S. Malapit na ang mga bed scene, kaya kapit lang kayo. HAHAHA.

talklikeaboss 🫶🏻

Chapter Seven

“Bading, anong nangyari kahapon? Nagkantutan ba kayo ni Banjo sa apartment niya?” walang prenong bungad ni Leo habang magkasabay kaming naglalakad sa corridor papunta sa next building.

Napahinto pa ako sa paglalakad sa sobrang lakas ng boses niya. Agad ko siyang sinamaan ng tingin. “Punyeta ka talagang bakla ka! Lakasan mo pa! Baka gusto mong ipagsigawan pa sa buong campus?” inis kong sabi habang tinatangkang hilahin siya palayo sa dumaraang mga estudyante.

Tawang-tawa lang si gago. “Ay, sorry naman. Ang fresh mo kasi ngayon. Akala ko nadiligan ka kagabi.”

Pinamilugan ko siya ng mata. “Gago ka talaga,” sabi ko sabay irap. Kunwari’y hindi ko na siya papansinin at nagpatuloy sa paglalakad.

Pero syempre, si Leo ’to. Hindi titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang tsismis na gusto niya.

Sumabay ulit siya sa akin, nakaangkla pa ang braso sa balikat ko. “Sige na nga, seryoso na. Kamusta ang first session niyo ni Banjo? Mabait ba siya in person?”

Napabuntong-hininga ako. Pero hindi ko napigilan ang sariling mapangiti nang maalala ang buong hapon kahapon—kung paano kami nag-aral, nagbiruan, at kung gaano siya ka-relaxed kapag wala na ang mga taong nakapaligid sa kanya.

Napansin agad ni Leo ang ngiti ko. “Ayan! Ayan na naman! Bakla, napaka-daya mo! ’Yung ngiti mo abot na hanggang MOA! Magkuwento ka na!”

Napailing ako pero hindi nawala ang ngiti ko. “Mabait siya. As in, sobra. Iba siya sa akala natin na suplado at laging seryoso. Kapag kaming dalawa lang, palangiti siya, makulit, at ang dami niyang kuwento.”

Habang nagsasalita ako, kusa na lang bumabalik sa isip ko ang itsura ni Banjo kahapon—nakaupo sa tabi ko, seryosong nakikinig, tapos bigla akong aasarin kapag nagkakamali siya ng sagot.

Hindi ko talaga inaasahan na ganoon siya ka-approachable.

“Sa malayo kasi,” dagdag ko, “parang lagi siyang may sariling mundo. Hindi namamansin. Kapag may nagpi-feeling close sa kanya, ngingiti lang siya ng konti tapos balik serious mode na.”

Napanganga si Leo. “So special treatment ka?”

Tinulak ko siya ng kaunti. “Hoy, tutor niya ako, hindi jowa.”

“Sa ngayon,” dagdag niya na may malisyosong ngiti.

Inirapan ko lang siya.

Pero hindi pa siya tapos.

“Oh, sige. Next question. ’Yung apartment niya? Anong amoy? Mabaho ba? Pawisin pa naman ’yon palagi.”

Napairap ako. “Grabe ka naman mang-judge.”

“Eh syempre, lalaki. Laging nasa training. Expected mo na magulo ang bahay niyan.”

Tinapik ko siya sa balikat. “Sorry ka na lang, girl. Mali ka.”

Napahinto siya. “Ha? Weh?”

Tumango ako. “Sobrang linis ng apartment niya. As in, mahihiya kang itapak ’yung paa mo sa sahig ng bahay niya. Maayos ang lahat. Walang kalat. Organized pa ang mga gamit.”

Nanlaki ang mata ni Leo. “Talaga?”

“Oo. At hindi rin siya mabaho,” dagdag ko. “Grabe, ang bango niya kahapon. Parang ginagawa niyang pangligo ’yung cologne niya. Kahit pawis siya, ang linis pa rin tingnan.”

Biglang ngumisi si Leo. “So naamoy mo siya nang malapitan?”

Napatigil ako. “Hindi naman sinasadya—”

“Ha! Confirmed! Inaamoy mo ang pawis ni Banjo!” tawang-tawa niyang sabi.

Napailing na lang ako, pero hindi ko rin maitago ang hiya sa mukha ko.

“Baks,” dagdag pa niya, “delikado ka na. Mukhang malapit ka nang ma-in love.”

Napatawa ako nang mahina. “Over ka.”

Pero sa loob-loob ko, hindi ko rin sigurado kung biro pa ba talaga ang lahat ng nararamdaman ko.

Habang naglalakad kami, bigla ko na lang naalala kung gaano ako ka-comfortable kahapon kasama si Banjo. Kung paano kami nagtatawanan habang nag-aaral. Kung paano siya magpasalamat na parang malaking bagay ang ginagawa ko para sa kanya.

At kung paano biglang bumilis ang tibok ng puso ko kapag napapalapit siya sa akin.

Napahinga ako nang malalim.

“Hoy,” sabi ni Leo, “wala pa namang nangyari kahapon, ’di ba? Walang biglang halikan? Walang nauwi sa kama?”

Tinulak ko siya ulit. “Wala nga! Nag-aral lang kami!”

“Sayang,” sagot niya. “Akala ko may hot scene na agad.”

Napailing na lang ako.

Pero habang naglalakad kami papunta sa susunod naming klase, hindi ko maiwasang isipin—

Kung sakaling mangyari nga iyon balang araw…

handa ba talaga ako?

Bandang alas singko ng hapon nang matapos ang huling klase namin ni Leo. Pareho kaming pagod, gutom, at halos sabog na ang utak sa dami ng activities na kailangang ipasa.

“Coffee tayo,” biglang sabi ni Leo habang nag-aayos ng gamit.

Napatingin ako sa kanya. “Wala akong pera.”

“Libre ko,” sagot niya agad.

“Go,” mabilis kong tugon.

Kaya ilang minuto lang ang lumipas, nandito na kami sa mall na malapit sa university. Punuan ang mga tao—may mga estudyanteng kagaya namin, mga empleyadong kakauwi lang sa trabaho, at mga magkakaibigan na naglalakad-lakad para mag-unwind.

Habang naglalakad kami ni Leo at naghahanap ng kapehan, biglang may isang restaurant na nakaagaw ng atensyon ko. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kung anong pamilyar na nakita ko sa loob.

Napahinto ako.

Nanliit pa ang mata ko, pilit inaaninag kung tama ba ang nakikita ko.

“Hoy, bakla! Ba’t ka tumigil?” tanong ni Leo nang mapansing hindi na ako sumusunod sa kanya.

Hindi ako sumagot. Nakatitig lang ako sa loob ng restaurant.

Napatingin din siya sa direksyong tinitingnan ko.

At bigla siyang napasinghap. “OMG.”

Hindi pa rin ako makapagsalita. Para bang ayaw ko pang paniwalaan ang nakikita ko.

“Uncle mo ’yan, ah,” sabi ni Leo.

Napalingon ako sa kanya, naguguluhan. “Ha?”

Tumingin siya sa akin na parang ako pa ang tanga sa sitwasyon. “Hindi mo kilala ang Uncle mo?”

Muli akong tumingin sa loob ng restaurant.

At doon ko tuluyang nakumpirma.

Si Uncle Sid nga iyon.

Nakatapat sa kanya ang isang babae. Maganda. Mukhang kaedad niya. Nakangiti. At—mas lalong kumirot ang dibdib ko—magkahawak ang mga kamay nila sa ibabaw ng mesa.

Nanlaki ang mga mata ko.

Parang biglang tumahimik ang paligid. Hindi ko na halos marinig ang ingay ng mall.

“Baks,” mahina pero mariing sabi ni Leo, “nangangaliwa ang Uncle mo.”

Bigla akong kinabahan. Parang may kung anong malamig na tubig na ibinuhos sa ulo ko.

Hinila ko agad si Leo palayo sa restaurant. Hindi ko kayang tumayo roon nang mas matagal. Pakiramdam ko’y anumang oras ay may makakapansin sa akin—o mas malala, makita ako ni Uncle.

Nang makalayo kami, tinapik ako ni Leo sa balikat.

“Kung ako ’yan,” galit na sabi niya, “papasok ako doon at sasabunutan ko ’yung babae ng Uncle mo. Sasampalin ko. Ingungudngod ko ’yung mukha niya sa pagkain niya. Ang kapal ng mukha niya agawin ang lalaki ng best friend ko.”

Napatingin ako sa kanya, naguguluhan. “Baka… kaibigan lang ni Uncle ’yon.”

Inirapan niya ako nang malala. “Girl. Tigilan mo nga ako sa pangga-gaslight mo sa sarili mo.”

Hindi ako nakasagot.

“Kaibigan?” dagdag niya. “May magkaibigan bang magkahawak ang kamay sa restaurant? At ang sweet na sweet pa? Tingnan mo nga ang sarili mo. Halatang nasasaktan ka.”

Napayuko ako.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

Dahil tama siya.

Hindi magkaibigan ang kilos nila.

Ilang sandali kaming naglakad nang tahimik bago muling nagsalita si Leo.

“Red flag na sa’kin ang Uncle mo, baks.”

At nauna na siyang maglakad, marahil para bigyan ako ng oras mag-isip.

Ako naman ay naiwan, mabigat ang mga paa habang sumusunod.

Gulong-gulo ang isip ko.

Hindi ko akalain na kayang gawin ni Uncle Sid iyon kay Auntie Sabel. Sa tagal kong nakasama sila, akala ko’y maayos ang pagsasama nila. Akala ko mabuting asawa siya.

Pero kasabay ng galit at pagkadismaya, may isa pang emosyon na pilit kong itinatanggi.

Selos.

Mas lalong kumirot ang dibdib ko nang aminin ko iyon sa sarili ko.

Dahil sa isang sulok ng puso ko, matagal ko nang pinapangarap na balang araw, masasabi ko rin sa kanya ang nararamdaman ko.

Na baka, kahit imposible, mapansin niya ako na hindi lang bilang isang pamangkin.

Pero ngayong nakita ko siyang masayang kasama ang ibang babae, biglang parang may pumutol sa lahat ng pantasya ko.

Siguro nga, ito na ang sign.

Sign na dapat tumigil na ako.

Tama na ang mga maling iniisip ko tungkol sa kanya.

Tama na ang mga lihim na pagnanasa.

Dahil sa huli, ako rin lang ang masasaktan.


# Chapter Eight

Pag-uwi ko ng bahay, halos bagsak ang mga balikat kong napaupo sa sofa. Tahimik ang buong sala. Wala ni anino ni Uncle Sid.

Napatingin ako sa orasan.

Siguro'y magkasama pa rin sila nung babaeng nakita ko.

Bigla na namang kumirot ang dibdib ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ako kaapektado. Wala naman akong karapatan. Hindi ako asawa. Hindi ako girlfriend. Hindi ako kahit ano.

Pero puta, bakit parang ako ang niloko?

Pinipilit kong pigilan ang sarili ko na huwag magselos. Pinapaalalahanan ko ang sarili ko na wala akong karapatan. Pero traydor ang puso ko.

Hindi ko namalayan na namumuo na pala ang luha sa mata ko. Agad kong pinunasan iyon, naiinis ako sa sarili ko.

"Ang drama mo," bulong ko sa sarili ko.

Ilang minuto pa lang ang lumipas nang marinig ko ang tunog ng sasakyan niya sa labas ng gate.

Bigla akong napatayo.

Parang may kung anong kaba na gumapang sa dibdib ko.

Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Hindi ko alam kung dapat ko bang komprontahin siya o magpanggap na wala akong alam.

Bumukas ang pinto.

"Nandyan ka na pala?" bungad ni Uncle pagpasok sa loob.

Kaswal. Normal. Parang wala lang.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung papasok ba ako agad sa kwarto o haharapin siya.

Pero pinili kong magpaka-normal.

Huminga ako nang malalim. "K-kakarating lang po," sagot ko, pilit na kinakalma ang boses.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig.

Binuksan ko ang ref at kumuha ng baso. Nanginginig ang kamay ko habang nilalagyan ko ito ng tubig. Halos mapuno ko ang baso hanggang sa umapaw dahil hindi ko na namalayan kung gaano karami ang nailagay ko.

Kumalma ka, Renz.

"Kumain ka na ba?" tanong ni Uncle.

Nagulat ako nang maramdaman kong sumunod pala siya sa kusina. Hindi agad ako nakasagot dahil nilalagok ko pa ang tubig.

"Nagdala ako ng pagkain para sa atin," dagdag niya.

Napatingin ako sa hawak niyang paper bag.

At doon ko nakita ang pangalan ng restaurant.

Parehong restaurant kung saan ko siya nakita kanina.

Parang may kumurot ulit sa dibdib ko.

"Busog pa po ako," sagot ko, halos walang emosyon.

Maglalakad na sana ako papunta sa kwarto ko nang bigla kong maramdaman ang paghawak niya sa braso ko.

Mainit ang palad niya.

Napahinto ako.

Hindi ko siya nilingon.

"May problema ba, Renz?" tanong niya, mas mahina ang boses ngayon.

Napatawa ako sa isip ko.

Gusto kong sabihin: 
Oo, may problema. Nakita kita. Sino 'yung babaeng kasama mo? Niloloko mo ba si Auntie?

Pero hindi ko magawa.

Kaya umiling na lang ako.

"Wala po."

"Para kasing may problema ka," dagdag niya, bahagyang hinigpitan ang hawak sa braso ko.

Doon ko siya hinarap.

At tangina.

Isang tingin ko pa lang sa kanya, parang nanghina na agad ako.

Malapit siya. Amoy ko ang pabango niya—halo ng sabon at kung anong pamilyar na amoy na matagal ko nang kinabibighani.

Seryoso ang mukha niya.

Walang bakas ng pagkakasala.

Walang bakas ng pagtatago.

At doon lalo akong naguluhan.

Kung may tinatago siya... bakit parang ako ang mukhang may kasalanan?

"Sigurado ka?" tanong niya, diretso ang tingin sa mga mata ko.

Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba, galit, o selos, pero pakiramdam ko'y lalabas na ang lahat ng kinikimkim ko.

Isang maling salita lang...

At baka tuluyan ko nang masira ang lahat.

"Pagod lang siguro ako, Uncle," sagot ko, walang gana.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya sa braso ko at hindi na ako lumingon. Diretso akong pumasok sa kwarto ko.

Pagkasara ng pinto, napasandal ako roon.

At doon na bumigay ang lahat.

Unti-unting pumatak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko na napigilan. Parang lahat ng bigat—ang nakita ko sa mall, ang selos, ang guilt, ang mga pantasya ko—sabay-sabay na bumuhos.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang mas masakit.

Dahil ba sa posibleng niloloko niya si Auntie Sabel?

O dahil sa pakiramdam na tuluyan nang malabo para sa akin ang kahit anong pag-asa na aminin sa kanya ang nararamdaman ko?

Dapat galit ako sa kanya.

Pero tangina, marinig ko lang ang boses niya, natutunaw na naman ako. Bumabalik ako sa Renz na may lihim na pagnanasa sa sariling Uncle.

Napamura ako nang mahina sa sarili ko.

Habang nakasandal pa rin ako sa pinto, narinig ko ang mahinang mga katok sa labas.

Agad kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili bago ko binuksan ang pinto.

Nakatayo roon si Uncle.

Seryoso ang mukha niya.

"Pwede ba tayong mag-usap, Renz?" tanong niya.

Hindi na niya hinintay ang sagot ko. Tumalikod na siya at naglakad papunta sa sala.

Wala akong ideya kung ano ang sasabihin niya, pero sumunod ako.

Pagdating ko sa sala, nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa, nakayuko, parang mabigat ang iniisip.

Naupo ako sa kabilang dulo ng sofa.

Tahimik ang buong bahay. Parang masyadong malakas ang tunog ng sariling paghinga ko.

Napabuntong-hininga siya bago nagsalita. Tumingin siya sa akin, diretso at seryoso.

"Hindi ko alam kung paano ko sisimulan," panimula niya.

Humugot siya ng mahabang paghinga.

"Pero kailangan mong malaman."

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"Renz... nagkakalabuan na kami ng Auntie Sabel mo."

Parang may sumabog sa dibdib ko.

Napaawang ang bibig ko. Hindi ako makapaniwala.

Nagpatuloy siya.

"Alam kong nakita mo ako kanina sa mall."

Nanlaki ang mga mata ko.

Paano niyang nalaman?

"Hindi ko sinasadyang makita mo iyon," dagdag niya. "Pero panahon na rin para malaman mo ang totoo."

Hindi ako makapagsalita. Nakaupo lang ako roon, parang nakapako.

"Lahat ng sinabi ko sa'yo, totoo. Nasa probinsya talaga si Sabel para bantayan si Nanay. Pero hindi lang 'yon ang dahilan. Pinakiusap niya ring umalis muna siya... para makapag-isip."

Tahimik lang ako.

"May mga bagay kaming hindi na maaayos. Matagal na," dagdag niya.

Ramdam kong may gusto pa siyang sabihin.

"At saka..." panimula niya ulit.

Mas lalo akong kinabahan.

"Alam ko ang lahat ng nangyari noong gabing lasing ako."

Parang tumigil ang mundo ko.

Napaawang ang bibig ko.

Hindi nga siya nakalimot.

Mas lalo akong nahiya. Parang gusto ko na lang maglaho.

"S-sorry, Uncle," bulong ko.

Bahagya siyang ngumiti. "Para saan?" tanong niya nang mahina. "Hindi mo kasalanan kung humanga ka sa akin."

Napailing ako. "Pero mali iyon."

Tumahimik siya sandali.

Pagkatapos, dahan-dahan siyang lumapit at hinawakan ang kamay ko.

Mainit ang palad niya.

"Mali sa mata ng ibang tao," sabi niya. "Pero kung ang puso mo ang nagdidikta kung sino ang magugustuhan mo... wala namang mali doon."

Hindi ko na napigilan ang pagluha.

Pero hindi lang iyon dahil sa hiya.

Kundi dahil sa paraan ng pagkakasabi niya.

Walang galit.

Walang paglayo.

Walang pagkasuklam.

Sa halip... parang may pag-unawa.

Tumingin siya sa akin ng diretso.

"Renz... hindi kita hinuhusgahan."

At sa sandaling iyon, hindi ko alam kung mas dapat ba akong matakot...

O mas umasa.

"Sinabi ko naman sa'yo... handa kitang pagbigyan kung iyon ang magpapasaya sa'yo."

Mas lumapit siya.

Halos magdikit na ang mga mukha namin. Ramdam ko ang init ng hininga niya sa balat ko. Para akong mawawalan ng kontrol sa bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi ko inaasahan na hahantong ulit kami sa ganito—sa puntong wala nang distansya, wala nang takas.

Kinuha niya ang kamay ko.

Dahan-dahan.

Parang binibigyan pa ako ng pagkakataong umatras.

Pero hindi ako umatras.

Ipinatong niya ang kamay ko sa dibdib niya. Mainit ang balat niya. Matigas ang hubog ng katawan niya sa ilalim ng palad ko.

"Kung ito ang gusto mo..." bulong niya, hindi inaalis ang tingin sa akin. "Hindi kita huhusgahan."

Napakagat ako sa labi.

Hindi ko alam kung alin ang mas malakas—ang pagnanasa ko o ang kaba.

Unti-unting gumalaw ang kamay ko. Nararamdaman ko ang bawat pag-angat at pag-baba ng dibdib niya sa bawat paghinga. Parang may kuryenteng dumadaloy mula sa balat niya papunta sa akin.

"Uncle..." mahina kong tawag.

Pero sa mga sandaling iyon, hindi ko na siya makita bilang isang kamag-anak. Nakikita ko siya bilang isang lalaki—malapit, mainit, at handang ibigay ang sarili niya.

Hindi ko namalayan na naalis na niya ang suot niyang pang-itaas.

Tumambad sa akin ang katawan niyang matagal ko nang pinapangarap makita nang ganito kalapit.

Makinis na balat. Malapad na dibdib. Mga muscle na halatang inaalagaan.

Parang nanuyo ang lalamunan ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong lumapit pa.

Hinawakan ko siya nang mas buo, mas matapang. Ramdam ko ang init ng balat niya sa mga daliri ko.

"Renz..." bulong niya ulit, pero hindi iyon pagtutol.

Isa itong pahintulot.

Doon ko napagtanto kung gaano ako katagal naghintay sa sandaling ito.

Pero kasabay ng init at pagnanasa, may bumubulong din sa likod ng isip ko—

Na may hangganan ang lahat.

At kapag tinawid ko iyon...

Wala nang balikan pa.

Chapter Nine

Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Banjo kaninang hapon. Dapat may tutoring session kami ngayon—second week pa lang namin—pero ang sabi niya ay may match game raw sila sa Araneta Coliseum kaya baka hindi matuloy ang session.

Napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa screen ng phone ko.

Hindi naman sa nadismaya ako dahil hindi kami makakapag-aral ngayon. Naiintindihan ko naman na varsity player siya at mas priority niya ang game. Pero kung magiging totoo ako sa sarili ko, may konting lungkot.

Umaasa kasi ako na magkikita ulit kami.

Hindi ko alam kung bakit, pero parang nasanay na akong nakikita siya—kahit isang linggo pa lang naman ang lumipas mula noong unang session namin. Parang may routine na agad sa utak ko na “Friday equals Banjo.”

Napagkasunduan kasi namin na tuwing Biyernes kami magkikita para sa tutorial niya. Pumayag naman ako agad dahil swak sa schedule ko. Wala namang tatamaan na klase o commitment.

Pangalawang linggo pa lang namin ngayon.

Kaya medyo nanghihinayang ako.

Nakaupo ako ngayon sa favorite spot namin ni Leo sa cafeteria—sa may bandang sulok na medyo tahimik at may view ng buong paligid. Wala si Leo ngayon; may lakad daw siya pero hindi niya sinabi kung saan.

Tahimik ang paligid. Maingay pa rin ang cafeteria pero parang ang layo ng tunog sa akin. Nakatingin lang ako sa kawalan, iniisip kung ano na kayang ginagawa ni Banjo ngayon—nasa locker room na ba siya? Nagwa-warm up na kaya siya?

Habang tulala ako, may biglang tumigil sa harap ko.

Napatingin ako.

Isang lalaki, nakasuot ng jersey na pareho ng kulay ng school team namin. May sports bag sa balikat. Mukhang kakagaling lang sa training.

Medyo nahihiya pa siyang tumingin sa akin.

Napakunot ang noo ko. “Yes?” tanong ko.

Walang paligoy-ligoy, may inabot siya sa akin. “Pinabibigay ni Banjo. Manood ka raw,” mabilis niyang sabi, saka agad tumalikod at umalis.

Naiwan akong nakaupo, hawak ang inabot niya.

Hanggang ngayon, nakakunot pa rin ang noo ko.

Dahan-dahan kong tiningnan ang papel na hawak ko.

Dalawang ticket.

Araneta Coliseum.

Match game.

5:00 PM.

Napatingin ako sa relo ko.

4:15 PM.

May oras pa.

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, bigla akong napangiti.

Hindi naman dapat ganito kalaki ang epekto nito sa akin. Ang usapan lang naman namin ay tutulungan ko siya para makapasa at makagraduate.

Pero heto ako—may hawak na ticket para sa isa sa pinakamahalagang game nila.

Parang… isinama niya ako sa mundo niya.

Hindi naman ako umaasa na may mangyayari sa amin. Alam ko ang realidad. May girlfriend siya. At tutor niya lang ako.

Pero ’yung maalala niya ako sa araw na ganito—sa araw na puno ng pressure at expectations—malaking bagay na iyon para sa akin.

Para bang kahit sandali, naging parte ako ng buhay niya.

Habang nakatitig pa rin ako sa ticket, biglang nag-vibrate ang phone ko.

1 message received

From Banjo:

Nood ka ng game namin. Pambawi ko sa absent ko sa session natin today. :)

Parang tumigil ang mundo ko sandali.

Pambawi.

Ibig sabihin, naisip niya na baka nadismaya ako.

Halos malaglag ang panga ko sa nabasa ko.

Hindi ko alam kung tatawa ba ako, sisigaw, o tatayo at mag-iikot sa cafeteria sa sobrang kilig.

Napahawak ako sa pisngi ko.

“Kumalma ka, Terrence,” bulong ko sa sarili ko.

Pero paano ako kakalma kung ganito?

Isang linggo pa lang kaming magkakilala.

At heto ako ngayon, may hawak na ticket, may text na may kasamang smiley face, at may pusong halos lumabas na sa dibdib sa sobrang saya.

Nang makarating ako sa Cubao, halos mapahinto ako sa dami ng tao sa labas ng Araneta Coliseum. Para bang may piyesta. Iisa ang kulay ng karamihan—maroon para sa university namin, at blue para sa kalaban.

May mga estudyanteng naka-face paint, may suot na headbands, may dalang bandila. Ang iba, sinisigaw na ang pangalan ng mga players kahit hindi pa naman nagsisimula ang laro. Ramdam mo agad ang excitement sa hangin.

Syempre, hindi mawawala ang mga fans ni Banjo.

May mga hawak na placards na may pangalan niya. May naka-print pa ang jersey number niya. May ilan pa ngang may dalang malaking picture niya na halatang idol na idol talaga siya.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Proud? Kinikilig? O maiilang?

First time ko manood ng live game nila. Si Leo ang mahilig sa ganito. Kung nandito siya ngayon, sigurado akong basag na ang boses niya sa kakasigaw.

Pagpasok ko sa loob ng Araneta, mas lalo akong na-overwhelm.

Halos dumagundong ang buong arena sa lakas ng hiyawan. Sa kaliwang bahagi ang mga kalaban—naka-blue, may dalang drums, torotot, at kung anu-ano pang pampaingay. Sa side naman namin, puro maroon ang alon ng kulay.

Hindi pa man nagsisimula ang game, parang finals na ang energy.

Nang makahanap ako ng upuan ko at makaupo, automatic na hinanap ng mga mata ko si Banjo.

Naroon siya sa bench area nila, kasama ang mga ka-team niya. Nagwa-warm up. Stretching. May hawak na bola.

At kahit nasa gitna siya ng napakaraming tao, kitang-kita ko siya.

Nakasuot ng jersey niya. Maayos ang tindig. Focus ang mukha.

Napangiti ako.

Sa court, mas lalong lumilitaw ang presensya niya. Hindi lang dahil gwapo siya—kundi dahil may kumpiyansa siyang hindi kayang itago.

Kaya hindi rin nakakapagtaka kung bakit maraming humahanga sa kanya.

Habang nakatitig ako, bigla siyang tumigil sa pagwa-warm up.

Umiikot ang katawan niya, parang may hinahanap sa crowd.

Siguro ay ang girlfriend niya.

Kumirot ang dibdib ko sa isipin na iyon.

Pero nang dumako ang tingin niya sa direksyon ko, bigla siyang huminto.

Diretso ang tingin niya sa akin.

At ngumiti.

Isang malinaw, totoo, at mabilis na ngiti.

Para akong natunaw sa kinauupuan ko.

Hindi ko alam kung ngingitian ko ba siya pabalik. Pero bago pa ako tuluyang ma-conscious, napangiti na rin ako.

At sa sandaling iyon, parang wala nang ibang tao sa paligid.

Hanggang sa—

Biglang may sumulpot sa gilid niya.

Si Lily.

Ang girlfriend niya.

Maganda. Confident. Naka-school colors din, pero mas maayos ang dating. Lumapit siya kay Banjo na parang natural na natural lang ang lahat.

At bago pa ako makapag-isip—

Hinalikan niya si Banjo sa labi.

Isang mabilis at malinaw na halik.

Dumagundong ang buong arena.

Sigawan. Hiyawan. Parang kinilig ang lahat sa “good luck kiss” bago ang game.

Nakangiti si Lily.

Nakangiti si Banjo.

At ako?

Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko.

Hindi ko alam kung anong klaseng sakit iyon.

Wala naman akong karapatan magselos.

Wala naman kaming label.

Tutor lang ako.

Pero sa sandaling iyon, ramdam ko ang pagitan.

Ang realidad.

Na kahit maalala niya ako. Kahit ngumiti siya sa akin kanina.

May taong mas may karapatan sa tabi niya.

At sa gitna ng ingay ng buong arena, pakiramdam ko—

Ako lang ang tahimik.

Ilang sandali pa’y nag-umpisa na ang laro. Umalingawngaw ang buzzer sa buong Araneta at sabay-sabay na nagsigawan ang crowd.

Kasama sa starting line-up si Banjo.

Pagpasok pa lang niya sa court, ramdam mo na agad ang presensya niya. Ang bilis ng galaw. Ang linis ng dribble. Parang sanay na sanay sa pressure ng ganitong kalaking arena.

Nang maagaw niya ang bola mula sa kalaban, halos tumayo ako sa kinauupuan ko.

Isang mabilis na crossover.

Isang hakbang paatras.

At—

Swish.

3 points.

Sumabog ang buong arena sa sigawan.

Hindi ko rin napigilan ang mapahiyaw. Pumalakpak ako nang todo. Parang ako pa ang mas malakas ang cheer kaysa sa mga hardcore fans sa likod ko.

“Let’s go, Banjo!” sigaw ko nang hindi ko namamalayan.

Kung makapag-cheer ako, daig ko pa ang girlfriend niya.

Nakailang puntos rin siya sa first quarter. May lay-up, may assist, may steal pa ulit. Halatang ganado.

Lamang ang school namin.

At sa bawat puntos niya, parang may kung anong tumataas din sa dibdib ko—pinag-halong pride at kilig.

Ilang minuto rin silang nag-break.

Nakaupo si Banjo sa bench, umiinom ng tubig, pawis na pawis. Bakat na bakat ang hulma ng katawan niya sa jersey. Kahit nakaupo lang siya, halata ang lakas ng dating.

Hindi ko naiwasang mapangiti habang nakatitig sa kanya.

Pero biglang naglaho ang ngiti ko.

Dumating ulit si Lily.

May dala itong maliit na towel. Lumapit siya kay Banjo at pinunasan ang pawis nito sa noo at leeg. Malambing. Natural. Parang sanay na sanay sa ganitong eksena.

Naghiyawan na naman ang crowd.

May mga sumigaw pa ng, “Sana all!”

Kitang-kita ang tuwa sa mukha ni Lily. Halatang gustong-gusto niya ang atensyon.

Nag-iwas na lang ako ng tingin.

Ayokong masaksihan pa ang pagiging sweet nila sa isa’t isa.

Wala akong karapatang magselos.

Pero masakit pa rin.

Makalipas ang ilang minuto, may biglang lumapit sa pwesto ko.

Napatingin ako.

’Yung lalaki kanina—’yung nag-abot sa akin ng ticket.

Mukha siyang naiilang dahil pinagtitinginan siya ng mga tao sa paligid ko.

“Terrence, right?” sabi niya, kamot ang ulo.

Napakunot ang noo ko. “Oo. Bakit?”

May inabot siya sa akin.

Isang maroon na letterman jacket.

“Pinabibigay ni Banjo,” sabi niya agad, saka umiwas ng tingin.

Mas lalo akong naguluhan.

Tiningnan ko ang jacket. Mabigat. Makapal. Halatang original team jacket.

“Bakit daw?” tanong ko.

Nagkibit-balikat siya. “Hindi ko alam. Basta pinabibigay.”

At umalis na siya agad.

Naiwan akong hawak ang jacket habang unti-unting nadadako sa akin ang tingin ng mga tao sa paligid.

May mga nagbubulungan.

May mga nakataas ang kilay.

May mga mukhang curious.

Dahan-dahan kong binuklat ang jacket at pinagmasdan.

Sa likod, malinaw ang nakatahi:

Esguerra

18

Napalingon ako sa court.

Nakatingin si Banjo sa direksyon ko.

Nakangiti.

At sinenyasan niya ako—isuot ko raw.

Mas lalo akong kinabahan.

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nito.

Pero sa gitna ng lahat ng matang nakatingin sa akin, wala na akong choice kundi isuot ito.

Dahan-dahan kong ipinasok ang mga braso ko sa manggas.

Medyo malaki sa akin. Amoy pa nito ang pabango niya—ang amoy nito na pamilyar na sa akin.

Pagtingin ko ulit sa kanya, nakita kong ngumiti siya.

Isang mas malinaw, mas personal na ngiti.

Hindi para sa crowd.

Kundi para sa akin.

Pagkatapos noon, bumalik na ang focus niya sa game.

Ilang saglit lang, nagsimula na ulit ang second quarter.

Pero habang nanonood ako, hindi ko maiwasang mapahawak sa manggas ng jacket na suot ko.

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito.

Pero sa gitna ng libo-libong tao sa arena—

Pakiramdam ko, napansin niya ako.


# Chapter Ten

Natapos ang laro na halos mabingi na ako sa kakasigaw.

Panalo ang university namin.

MVP si Banjo.

Halos buhatin siya ng buong crowd sa sobrang tuwa. Sa court pa lang, kitang-kita kung gaano siya kasaya. May yakapan, may batuhan ng towel, may nagbubukas pa ng champagne sa gilid.

Ako naman, tahimik lang na nakatayo sa upuan ko, suot pa rin ang letterman jacket niya.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.

Proud?
Masaya?
O masyado lang akong nadadala?

Uuwi na sana ako. Ayokong magmukhang epal sa celebration nila. At saka, sigurado namang nandiyan si Lily para maki-celebrate sa kanya.

Pero bago pa ako tuluyang makalabas ng arena, may dalawang lalaking biglang humarang sa daraanan ko.

Parehong malalaki ang katawan. Pawisan pa. 'Yung isa ay naka-jersey, kakulay ng team namin. 'Yung isa naman ay naka-letterman jacket—kapareho ng suot ko ngayon.

Napakunot ang noo ko.

"B-bakit?" tanong ko, medyo nag-aalangan.

"Pinapatawag ka ni Boss," sagot ng naka-letterman jacket.

Mas lalo akong naguluhan.

"Boss? Sinong boss?"

Nagkatinginan silang dalawa.

Parang ako pa ang tanga sa tanong ko.

"Basta sumama ka na lang," sabi naman ng naka-jersey.

Hihilahin na sana nila ako pero umatras ako ng bahagya.

"Pwede bang sabihin niyo muna kung bakit? At sino ba 'yang boss niyo?" medyo naiinis ko nang tanong.

Sa totoo lang, kahit alam ko naman na kung sino ang 
boss 
na tinutukoy nila, may bahagi sa akin na kinikilig.

Pero may mas malaking bahagi na nagtataka.

Okay na 'yung ticket. Pambawi niya sa missed session namin ngayon.

Pero 'yung jacket?

Tapos ipapatawag pa ako sa locker room nila?

Hindi ba dapat ay girlfriend niya ang kasama niya sa ganitong selebrasyon?

"Please," sabi ng naka-jacket, medyo nagmamakaawa. "Malilintikan kami kapag bumalik kami doon na wala ka."

Napabuntong-hininga ako.

Wala na akong choice.

Sumama na lang ako.

Pagdating namin sa locker room—o "dodge room" nga kung tawagin nila—punong-puno ng players ang loob. Maingay. May nagsisigawan. Amoy pawis, alak, at victory.

Nasa gitna si Banjo.

Buhat siya ng mga ka-team niya habang sumisigaw ng "MVP! MVP!"

Nang mapansin nila na may pumasok na iba, unti-unting tumigil ang ingay.

Ibinaba nila si Banjo.

At sabay-sabay na napunta ang tingin sa akin.

Bigla akong na-conscious sa jacket na suot ko.

Naglakad si Banjo papunta sa akin, pawis na pawis pa rin, may suot pang cap ng university namin at medalya sa leeg.

"Hi," bati niya, nakangiti.

Ngunit halata ang tensyon sa paligid. Pinagtitinginan kami ng mga ka-team niya na parang may inaabangan.

Napansin iyon ni Banjo.

"Mind your own business, guys," sabi niya nang seryoso.

May ilan pang umoo at nagbalik sa kani-kanilang ginagawa, pero halatang nakikinig pa rin.

Bumalik ang tingin niya sa akin.

"Para saan 'to?" tanong ko, diretsahan.

Hindi ko na kayang magpaka-cute ngayon. Gusto ko ng malinaw na sagot.

"Pambawi ko sa'yo," sagot niya, simple.

Napabuntong-hininga ako.

"Banjo, hindi mo kailangang gawin 'to. Naiintindihan ko naman. Isang session lang ang namiss mo. Okay na 'yung tickets. Pero 'yung jacket? Tapos ipapatawag mo pa ako dito? Hindi ba parang over na?" sabi ko.

Tumahimik siya sandali.

Hindi na siya nakangiti ngayon.

"Over?" ulit niya.

"Oo," sagot ko. "Hindi pa nga tayo gano'ng magkakilala. At saka..." nag-atubili ako, "may girlfriend ka. Hindi ba't siya dapat ang kasama mo rito?" May halong inis na sabi ko.

Saglit na dumilim ang ekspresyon niya.

Tumingin siya sa paligid, saka bahagyang lumapit sa akin para hindi marinig ng iba.

"Minamasama mo ba ang ginagawa ko sa'yo?" tanong niya, diretso ang tingin sa akin.

Napabuntong-hininga ako. "Hindi naman sa gano'n, Banjo," sabi ko, pilit na pinapakalma ang boses ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at nagkunwaring may inaayos sa strap ng bag ko. "Hindi lang siguro ako sanay na ginaganito ako," dagdag ko.

At totoo naman. Hindi ako sanay na may taong biglang nag-aalaga, nagbabayad ng pagkain, o basta na lang nagsasabing siya na ang bahala sa lahat.

"Alam ko ang iniisip mo," sabi niya.

Napatingin ako sa kanya. Mas seryoso ang mukha niya, hindi tulad ng madalas kong nakikita kapag nasa court siya—kampante, mayabang nang kaunti, parang alam na niya ang ending ng laro.

"Baka siguro iniisip mo na ginagamit lang kita," dugtong niya. "Like I said, pambawi ko sa'yo 'to, because you're helping me para mapasa ko ang History. And also, sinabi ko naman sa'yo na akong bahala sa lahat."

Hindi ko alam kung bakit parang mas lalo akong na-conscious sa sinabi niya. Hindi ko naman talaga iniisip na ginagamit niya ako. O baka iniisip ko rin, pero hindi ko gustong aminin—kahit sa sarili ko. Mahirap kasing masanay sa isang bagay na alam mong puwedeng mawala.

Matagal akong napatitig sa kanya, at gano'n din siya sa akin. Ilang segundo kaming walang imik. Parang may gusto siyang sabihin na mas malalim pa roon, pero pareho kaming nagpipigil.

May sasabihin pa sana si Banjo nang may tumawag sa kanya. Isang matandang lalaki ang kumakaway mula sa may gilid ng locker room—mukhang coach niya. Mabilis ang lakad nito at mukhang hindi sanay na maghintay. Hinila siya sa braso, may sinasabing hindi ko na narinig.

Hindi na nakapagpaalam si Banjo. Saglit lang siyang lumingon sa akin, parang may gustong ipahiwatig sa tingin niya. Tapos sumunod na siya.

Naiwan akong nakatayo, tulala, habang pinapanood siyang maglakad palayo. Ang ingay sa paligid—may mga estudyanteng nag-uusap, mga staff na nagpapa-picture sa mga players—pero parang biglang humina ang lahat. Parang may naiwan sa ere na hindi namin natapos pag-usapan.

Huminga ako nang malalim at inayos ang bag ko sa balikat. Dahil wala na rin naman si Banjo, nagdesisyon na lang akong umuwi. Mas mabuti na ring makapagpahinga. Marami pa kaming aaralin para sa susunod na linggo.

Hindi pa ako nakakalayo nang may biglang humarang sa akin.

Napatingin ako sa kanya. Siya 'yung lalaking naka-letterman jacket kanina kasama 'yung naka-jersey na  inaya akong magpunta rito sa locker room nila dahil pinapatawag raw ako ng "boss" nila.

Napakunot-noo ako.

Nakangiti siya, pero hindi halatang nakangiti. Parang pilit o kaya'y may ibang ibig sabihin ang kurba ng labi niya. "So, ikaw pala ang tutor ni Mr. MVP?" sabi niya. Patanong ang tono, pero parang sigurado na siya sa sagot.

Nag-aalangan akong ngumiti. "Ako nga," maikli kong sagot.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Wala naman siyang ginagawang masama, pero may kung anong pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Parang sinusukat niya ako.

"Professional job mo ba ang mag-tutor?" tanong niya, seryoso ang mukha.

Umiling ako. "Hindi. Nirekomenda lang ako ni Miss Perillio kay Banjo," sagot ko. Simple lang naman ang lahat. Wala naman talagang espesyal doon.

Napatango-tango siya, parang may iniisip. Saglit siyang tumingin sa direksyong pinuntahan ni Banjo bago bumalik ang tingin sa akin.

"Sige na, uuwi na ako. Congratulations," bati at paalam ko, sabay hakbang palayo.

Maglalakad na sana ako nang marahan niya akong pigilan sa braso. Hindi naman mahigpit, pero sapat na para mapahinto ako. Napatingin ako sa kanya nang may pagtataka.

Ngumiti siya—ngayon mas malinaw na. "Lorenz nga pala," pakilala niya. "Ka-team ni Banjo."

Saglit akong tumango. "Nice to meet you," sagot ko.

"Alagaan mo si Banjo," sabi niya, parang biro, pero hindi ko matukoy kung may laman ba talaga. "Mahina 'yan sa History." Natatawang dagdag niya.

Napangiti ako nang kaunti. "Kaya nga may tutor," sagot ko.

Nagpaalam na ako rito at hindi na ito hinintay pang magsalita. Naglakad na ako pauwi.

Pero habang naglalakad ako pauwi, hindi mawala sa isip ko ang paraan ng pagbanggit niya sa pangalan ni Banjo. Parang hindi lang simpleng teammate ang dating. Parang may gusto siyang alamin. O bantayan.

At ako, na dapat ay simpleng tutor lang, biglang napapaisip kung hanggang saan ba talaga ang papel ko sa buhay ni Banjo.

Tutor lang ba?

O may iba pa?

# Chapter Eleven

Pagbukas ko ng pinto ng bahay, agad kong naamoy ang pamilyar na halimuyak ng ulam na kanina pa siguro niluto. Tahimik ang buong bahay, maliban sa mahinang tunog ng TV mula sa sala.

Naabutan ko si Uncle Sid doon. Nakaupo siya sa sofa, nakataas ang mga paa sa lamesa, walang pang-itaas habang nakatutok sa pinapanood. Relax na relax ang postura niya, parang pagod pero komportable.

Hindi ko napigilang mapatitig sa katawan niya. Makinis ang balat, batak ang mga braso, at halatang inaalagaan ang sarili. Para bang may kung anong hatak ang presensya niya—'yung tipong hindi mo gustong tumingin, pero hindi mo rin kayang umiwas agad.

Pero mabilis kong pinigil ang sarili ko. Hindi puwede.

Napatingin siya sa akin nang maramdaman ang presensya ko. Seryoso ang mukha niya, tila ba may iniisip. Agad akong yumuko bilang respeto, gaya ng nakasanayan ko, at dideretso na sana sa kwarto ko nang magsalita siya.

"Ginagabi ka ata ng uwi?"

Napatigil ako. Hindi ako agad lumingon. "M-may pinuntahan lang po," sagot ko, pilit na pinapakalma ang boses.

Ilang segundo siyang hindi nagsalita. Tanging pagbuntong-hininga niya lang ang narinig ko—mahaba, mabigat, parang may gustong sabihin pero nagdadalawang-isip.

"Iniiwasan mo ba ako, Renz?"

Napalingon ako sa kanya. Nakatayo na siya at akmang lalapit sa akin. Mas ramdam ko ang presensya niya kapag ganito—kapag malapit siya.

Napangiti ako nang alanganin. "Ha? B-bakit naman po kita iiwasan?" dahilan ko.

Pero sa loob-loob ko, alam kong totoo ang sinabi niya.

Simula nang mag-confess siya sa akin—tungkol sa kalaguyo niya at sa totoong nangyari noong gabing lasing siya—parang may nagbago sa pagitan namin. Hindi na ako komportable tulad ng dati. May bigat sa bawat tingin. May alaala sa bawat paglapit.

At noong gabing may nangyari sa amin... kahit alam kong pareho kaming nadala sa emosyon, kahit alam kong hindi niya ako pinilit, hindi ko pa rin maalis ang pakiramdam na may hangganang nalampasan.

Oo, gusto ko iyon noon. Matagal ko iyong inasam sa isip ko.

Pero kapag nahimasmasan ka na, iba pala ang bigat.

Nilalamon ako ng konsensya ko. Sa tuwing nakikita ko ang mukha niya, ang seryosong mga mata niya, ang katawan niyang parang laging mainit sa paningin ko—pakiramdam ko ay babalik ang lahat. Parang isang maling galaw lang, mauulit na naman.

Kaya mas minabuti ko na lang na umiwas.

Napapansin niya na pala iyon.

"Simula kasi nang may nangyari sa atin, parang napapansin ko na lumalayo ka sa akin," sabi niya, mas mababa na ang boses.

Hinawakan niya ang baba ko upang mapilit akong tumingin sa kanya. Saglit kaming nagkatitigan. Ang mga mata niya—hindi galit, hindi rin malamig. Mas parang nasasaktan.

Pero agad kong iniwas ang tingin ko. Hindi ko talaga kaya.

"Hindi po kita iniiwasan, Uncle. Sadyang hindi lang nagtutugma ang mga oras natin," dahilan ko, kahit alam kong mahinang dahilan iyon.

"Huwag mo akong lokohin," sagot niya. "Palagi kang nasa kwarto mo kapag nandito ako. Ni hindi mo na ako nasasabayan sa pagkain. Alam kong iniiwasan mo ako, Renz."

Tumingin ako sa kanya. Ngayon ko lang napansin ang lungkot sa mga mata niya. Parang may hinahabol siyang paliwanag na ayaw kong ibigay.

May parte sa akin na gustong lumapit. Gustong yakapin siya at sabihing hindi ako galit, na hindi ko siya sinisisi. Na ako ang magulo.

Pero may isa ring bahagi sa akin na natatakot.

Dahil kapag napalapit ulit ako, baka hindi ko na kayaning umatras.

"Uncle..." panimula ko. Tumalikod ako sa kanya at huminga nang malalim, parang kinukumbinsi ang sarili ko na maging matatag. "Mabuti na rin siguro ito. At least, nadidistansya ko ang sarili ko sa'yo."

Masakit iyong sabihin. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko habang binibigkas ko ang mga salitang iyon.

Muli akong tumalikod at maglalakad na sana papunta sa kwarto ko nang pigilan niya ako. Hinawakan niya ang braso ko—hindi mahigpit, pero sapat na para mapahinto ako.

Napatingin ako sa kamay niya, saka sa mukha niya.

Seryoso. Walang bakas ng ngiti. Walang lambing.

"Sinimulan mo ito, Renz. Kailangan mong tapusin ito," makahulugan niyang sabi bago niya ako binitawan at muling bumalik sa sala.

Parang mas mabigat pa sa sigaw ang mga salitang iyon.

Naiwan akong nakatayo sa gitna ng sala, tulala. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang tinutukoy niyang dapat kong tapusin—ang pag-iwas ko, ang nararamdaman ko, o kung ano mang namamagitan sa amin.

Isa lang ang sigurado ko.

Habang tumatagal, mas lalo kong nararamdaman na hindi simpleng distansya lang ang kailangan ko.

Kundi lakas ng loob.

⸻

Nakatulala lang ako habang nagle-lesson si Miss Perillio sa harapan namin. Nakikinig naman ako—pero wala roon ang utak ko. Paulit-ulit lang na umiikot sa isip ko ang boses ni Uncle Sid kagabi.

"Sinimulan mo ito, Renz. Kailangan mong tapusin ito."

Hindi ko alam kung anong ibig ipahiwatig niya roon. Ano ba ang sinimulan ko? At paano ko tatapusin ang isang bagay na ako mismo hindi sigurado kung saan nagsimula? Sa isang gabi ba? Sa mga tingin? O sa matagal ko nang tinatago sa sarili ko?

"Hoy! Kanina ka pa tinatawag ni Miss Perillio."

Napakurap ako. Si Leo pala ang kumakalabit sa akin. Doon ko lang napansin na tahimik na ang klase at nakatingin sa akin ang ilan.

Napatingin ako sa kanya ng may pagtataka.

"Terrence, how was your tutoring session with Mr. Esguerra?" tanong ni Miss Perillio.

Napatuwid ako ng upo. "Okay naman po," maikli kong sagot.

Napatango-tango si Miss Perillio. "Good to hear that. Sa makalawa'y exam week na. I hope na magamit talaga ni Banjo ang mga natutunan niya sa'yo. I'm counting on you, Terrence."

Mabigat ang mga huling salita ni Miss Perillio. Parang hindi lang simpleng tutoring ang ginagawa ko—parang may nakasalalay na reputasyon. O mas tama siguro, parang ako ang magiging dahilan kung papasa o babagsak si Banjo sa klase niya.

Ngumiti ako kahit hindi ako sigurado sa sarili ko. "Yes, Ma'am."

Ilang minuto pa ang lumipas at nag-ring na ang bell. Sabay kaming nag-ayos ni Leo ng mga gamit at lumabas ng classroom.

"Kamusta naman ang naging araw ng beshy ko kahapon?" tanong ni Leo habang naglalakad kami sa corridor.

Nagkibit-balikat ako. "Okay naman."

Napahinto siya. "Anong klaseng sagot 'yan? Baks, hindi ka ganyan magkwento. Usually, excited kang mag-share. Ngayon parang wala ka sa mood."

Napabuntong-hininga ako. Tumigil ako sa paglalakad at napasandal sa balcony ng second floor. Mula roon, tanaw ang quadrangle kung saan may naglalaro ng volleyball. Ang ingay ng hampasan ng bola, ang sigawan ng mga estudyante—pero parang malayo ang lahat.

"Ano bang mga nangyari kahapon at bakit parang kanina pa nasa ibang dimensyon 'yang utak mo?" tanong niya ulit.

Tumingin ako sa kanya. "Naguguluhan ako, baks."

Napakunot ang noo ni Leo. "Ha? Paanong naguguluhan? Can you please further explain it to me?"

Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "Kahapon kasi, may session dapat kami ni Banjo. Pero dahil may match game sila, hindi natuloy."

Tahimik lang si Leo, hinihintay ang susunod kong sasabihin.

"Tapos may nag-abot ng ticket sa akin. Galing daw kay Banjo. Pambawi niya raw dahil na-miss niya 'yung second day ng tutoring session namin."

Napaawang ang bibig ni Leo. "OMG! Really? Tangina, sana pala nanghingi na lang rin ako kay Banjo ng ticket. Nagbayad pa tuloy ako ng ticket kahapon!"

Tinaasan ko siya ng kilay. "So, nagpunta ka rin pala para manood?"

Napatawa siya. "Sorry, baks. Alam ko namang hindi ka sasama sa akin. Hindi ka naman mahilig sa mga ganun."

Hindi ko na siya sinagot.

"So, ayun nga. Pumunta ako. Sayang naman ang ticket. Nanood ako kahit mag-isa lang."

"Sayang, hindi tayo nagkita. VIP ka siguro. General ad lang ako," singit niya.

Hindi ko it pinansin at nagpatuloy ako. "Nung second quarter, may nag-abot sa akin ng letterman jacket niya. 'Yung mismong jacket ni Banjo—may apelyido at number niya sa likod."

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maipaliwanag ang pakiramdam ko nang isuot ko iyon. Parang may espesyal na kahulugan, kahit alam kong baka para sa kanya normal lang iyon.

"OMG!" sigaw ni Leo, halos mapatalon. "Parang feeling ko papalitan mo na si Lily sa buhay ni Banjo."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Over ka. Straight 'yon si Banjo. At may Lily na siya. 'Wag kang gumawa ng kwento."

Pero sa loob-loob ko, may maliit na parte sa akin na kinilig sa ideyang iyon.

"Pinatawag niya pa ako sa locker room nila pagkatapos ng game," dagdag ko. "Hindi ba parang sobra na 'yon para lang sa pambawi?"

Humarap sa akin si Leo, seryoso. "Baks, isa lang ibig sabihin niyan... may gusto sa'yo si Banjo."

"Over!" mabilis kong sagot. "Ang OA mo. Straight 'yon. Malabo 'yan."

Pero bakit parang masyado akong defensive?

Hindi ko maiwasang isipin—kung wala siyang ibig sabihin, bakit kailangan pang ipaabot ang jacket? Bakit kailangan pang ipatawag ako sa locker room? At bakit sa tuwing malapit siya, parang may kakaibang tensyon na hindi ko maipaliwanag?

Nag-uusap pa kami ni Leo nang mapansin ko si Banjo kasama ang mga ka-team niya, naglalakad papunta sa direksyon namin.

Bigla akong kinabahan.

Seryoso ang mukha niya. Hindi tulad ng dati na may bahid ng biro o ngiti. Ngayon, parang may desisyon siyang dala.

Huminto sila sa harap namin. Nakatitig siya sa akin—diretso, walang iwasan.

"Let's talk. Sa Garden area," mabilis niyang sabi.

Walang paliwanag. Walang ngiti.

Naglakad siya agad, kasabay ng mga ka-team niya na parang bodyguards.

Naiwan akong tulala. Ramdam ko ang mga tingin ng ibang estudyante sa amin—may nagbubulungan, may nagtataka.

Napatingin ako kay Leo.

"Tingnan mo," bulong niya, halos nangingiti. "Main character ka talaga ngayon."

Pero hindi ako makangiti.

Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan namin ni Banjo. Tungkol ba sa tutoring? Sa game? O sa mga bagay na hindi namin parehong pinapangalanan?

At mas kinabahan ako sa posibilidad na baka hindi lang si Uncle Sid ang gumugulo sa isip ko.

Kasi sa totoo lang, hindi ko alam kung tama ba itong nararamdaman ko.

Chapter Twelve

Nagtungo ako sa garden area ng campus gaya ng sabi ni Banjo.

Habang naglalakad ako, pakiramdam ko mas mabagal ang bawat hakbang ko kaysa karaniwan. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o dahil gusto kong patagalin ang sandaling wala pa siya sa harap ko.

Pagdating ko roon, hindi ko naiwasang mamangha.

Ngayon ko lang napasok ang garden area ng campus. Puno ito ng iba’t ibang uri ng bulaklak—may mga rosas sa gilid, may maliliit na puting bulaklak na nakahilera sa pathway, at may ilang halaman na hindi ko man alam ang pangalan pero ang gaganda ng kulay. May maliit pang fountain sa gilid na nagbibigay ng mahinang tunog ng tubig. Tahimik. Malayo sa ingay ng quadrangle.

Parang ibang mundo.

Sa gitnang lamesa, nakita ko si Banjo. Nakaupo siya roon, nakayuko nang bahagya, may hawak na gitara. Hindi ko alam na marunong pala siyang tumugtog.

Saglit akong napatigil. Ang liwanag ng araw na tumatama sa kanya. Simple lang ang suot niya—school uniform pa rin—pero parang may kakaibang dating siya kapag ganito ang suot niya. Tahimik. Wala sa court. Hindi napapaligiran ng teammates niya.

Dahan-dahan akong lumapit sa kinauupuan niya.

Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Parang bawat hakbang ko, mas lumalakas ang kabog sa dibdib ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit ganito ako kaapektado.

Nang mapansin niya ako, tumigil siya sa paggigitara at tumingin sa akin.

Bahagya siyang ngumiti.

“Hi,” bati niya.

“Anong pag-uusapan natin?” tanong ko agad. Wala nang paligoy-ligoy pa. Mas mabuti nang diretso kaysa paikot-ikot na naman.

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako nang ganito. Ang daming pumapasok sa isip ko—baka tungkol sa pag-uusap namin kahapon, baka may sasabihin siya tungkol sa pagka-panalo nila, o baka… baka tungkol sa amin.

“Kumain ka na?” tanong niya, imbes na sagutin ako.

Napabuntong-hininga ako.

Hindi ko maintindihan kung bakit lagi niyang iniiwas ang seryosong usapan sa simpleng tanong. Parang sanay siyang kontrolin ang takbo ng pag-uusap.

“Banjo,” tawag ko, mas seryoso na ang tono ko. “Ano bang pag-uusapan natin?”

Tumingin siya sa akin, may maliit na ngiti sa labi niya. Hindi ’yung mayabang na ngiti kapag nanalo sila sa game. Mas tahimik. Mas personal.

“Hindi ba pwedeng gusto lang kitang makita?” sabi niya.

Natigilan ako.

Parang may kung anong huminto sa loob ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman—kilig ba? Inis? O mas lalong kaba?

Gusto lang niya akong makita.

Simple lang ang sinabi niya, pero bakit parang may bigat?

Pinilit kong panatilihing kalmado ang mukha ko. Ayokong mahalatang apektado ako. Ayokong makita niya kung gaano kalakas ang epekto ng mga simpleng salita niya sa akin.

“Pwede naman,” sagot ko, pilit pero kaswal. “Pero kailangan pa ba talaga na sa garden area?”

“Mas tahimik dito,” sagot niya. “At mas maganda.” tapos ay napatingin ito sa akin.

Hindi ko alam kung ang tinutukoy niya ay ang lugar o… ako?

Umupo ako sa tapat niya, may konting pagitan sa amin. Ramdam ko ang presensya niya kahit hindi siya gumagalaw. Nakapatong ang gitara sa hita niya, pero hindi na siya tumutugtog.

“Bakit mo ’ko pinatawag?” tanong ko ulit, mas mahinahon na ngayon.

Tumingin siya sa mga bulaklak sa paligid bago bumalik ang tingin sa akin. “Kasi kahapon… hindi tayo nakapag-usap nang maayos.”

“Anong pag-uusapan natin tungkol doon?” tanong ko, kunwari’y wala lang.

“Kahapon kasi,” sabi niya, “hindi lang pambawi ’yung ticket.”

Napakurap ako.

Hindi ko alam kung bakit biglang uminit ang pakiramdam ko.

“Eh ano pa?” tanong ko, kahit pakiramdam ko na alam ko na ang posibleng sagot.

Tinitigan niya ako. Diretso. Walang iwasan.

“Hindi ko alam kung napapansin mo,” sabi niya, mas mababa ang boses, “pero iba ka.”

“Iba?” ulit ko.

“Oo,” sagot niya. “Hindi ka tulad ng ibang tao sa paligid ko.”

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mas lalo akong maguguluhan. Tutor niya lang ako. Hindi naman ganun kalalim ang samahan namin. Ilang sessions pa lang ba kami?

“Banjo,” sabi ko, pilit pinapakalma ang sarili ko, “tutor mo lang ako.”

Bahagya siyang ngumiti. “Alam ko.”

“Hindi ba dapat hanggang doon lang tayo?” dagdag ko, halos pabulong.

Saglit siyang natahimik. Parang nagulat siya sa sinabi ko.

“Bakit? Ano bang iniisip mo?” tanong niya, may kasamang mahinang paghalakhak.

Napakunot-noo ako. Hindi ko rin maintindihan kung ano nga ba ang iniisip ko. O baka ako lang talaga ang naglalagay ng kulay sa mga simpleng kilos niya. Ako lang ba ang nag-a-assume na may ibig sabihin ang ticket, ang jacket, ang pagtawag niya sa akin dito?

Agad akong umiling. “A-ah, wala.”

Tumigil siya sa pagtawa. Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya—mas naging seryoso. Tumingin siya nang diretso sa akin, parang sinusukat kung nagsasabi ba ako ng totoo.

“Kaya ko nasabing iba ka,” panimula niya, “dahil hindi ka pangkaraniwan. Oo, alam ko na bakla ka… at tanggap kita.”

Saglit akong natigilan sa diretsahang sinabi niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mas lalo akong kakabahan.

Huminto siya sandali, saka hinawakan ang mga kamay ko.

Napatingin ako roon.

Mainit ang palad niya. Matibay ang hawak, pero hindi masakit. Doon na naman nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang may kung anong bumabara sa lalamunan ko habang hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin.

Sa isip ko, kung ano-ano na ang tumatakbo. Baka aamin siya. Baka may linawin siya tungkol sa kanila ni Lily. Baka…

“Gusto kitang maging bestfriend,” sabi niya.

Parang may kung anong bumagsak sa loob ko.

Natigilan ako. Hindi ko agad napansin na bahagyang humigpit ang hawak ko sa sarili kong kamay bago ko marahang hinila palayo ang kamay ko sa kanya.

Bestfriend.

Iyon lang pala.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. May bahagi sa akin na natuwa—hindi biro ang maging malapit sa taong tulad ni Banjo. Pero mas malakas ang parte sa akin na napahiya.

Sabi ko na nga ba.

Ako lang ang nagbibigay ng kahulugan sa mga ginagawa niya. Ako lang ang naglalagay ng malisya sa ticket, sa jacket, sa mga tingin niya. Para sa kanya, siguro normal lang ang lahat. Friendly lang. Baka ganun talaga siya sa lahat.

“Bestfriend?” ulit ko, pilit na ngumiti.

“Oo,” sagot niya, mas kampante na ngayon. “Wala kasi akong ganun. ’Yung kaya kong pagsabihan ng totoo. ’Yung hindi ako huhusgahan.”

Tumingin siya sa akin na parang umaasa.

“Sa team, puro laro. Sa bahay, puro expectations. Kay Lily…” Sandali siyang natigil. “Iba rin.”

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng “iba rin,” pero hindi ko na tinanong.

Mas okay na siguro ito.

Mas mabuti na rin ang bestfriend kaysa maging kabit. Mas mabuti na rin ang malinaw kaysa umasa sa wala.

Pero habang nakaupo ako sa harap niya, habang nakatingin siya sa akin na parang mahalaga ako sa kanya, hindi ko maiwasang maramdaman ang konting kirot sa dibdib ko.

Kasi kung bestfriend lang ang gusto niya, bakit parang nasasaktan ako?

“Sure,” sagot ko sa wakas. “Bestfriend na tayo.”

Pinilit kong gawing magaan ang tono ko, parang wala lang.

Ngumiti siya—’yung totoo at maluwag na ngiti. “Good. Ayokong mailang ka sa’kin.”

Sa loob-loob ko, parang mahirap ata ang sinasabi niyang huwag akong mailang sa kanya.

Dahil kung siya ay kaya akong pagkatiwalaan at sabihin ang mga nangyayari sa buhay niya… paano naman ako? Paano ko aaminin sa kanya ang nararamdaman ko?

Naglalakad na ako palabas ng campus. Kakatapos lang ng tutoring session namin ni Banjo sa History. Dahil hindi nga kami nakapag-session kahapon dahil sa game nila, ngayon namin ito ginawa—doon mismo sa garden area.

Sa parehong lugar kung saan sinabi niyang gusto niya akong maging bestfriend.

Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang balikan ang nangyari kanina. Akala ko magiging mas madali na ang lahat pagkatapos ng usapan namin. Akala ko, dahil malinaw na bestfriend lang ang tingin niya sa akin, magiging komportable na ako.

Pero mali pala ako.

Mas naging mahirap.

Siguro dahil bago pa man niya sabihin ang salitang bestfriend , nakagawa na ako ng sariling kwento sa isip ko. Nag-expect ako nang hindi niya alam. Kaya ngayong malinaw na ang lahat, ako ang nahihirapang mag-adjust.

Hindi madaling maging bestfriend ang taong crush mo.

Kanina habang nagtuturo ako, ramdam ko ang pagitan sa amin. Dati, nakakapag-biruan pa kami habang nagre-review. Ngayon, parang may manipis na pader sa gitna namin. Maayos naman siyang nakikinig, sumasagot kapag tinatanong ko, pero iba ang pakiramdam. Mas maingat ako.

O baka ako lang ang nag-iisip n’un.

Napahinto ako sa paglalakad nang may biglang humarang sa harap ko.

Si Lily.

Napakunot-noo ako habang nakatingin sa kanya. Nakangiti siya—’yung tipong pang-public smile niya. ’Yung pang-Instagram. Maayos, pero hindi umaabot sa mata.

“Hi,” kaswal niyang bati.

“Hi, Lily,” sagot ko rin, tipid ang ngiti.

Maglalakad na sana ako nang muli siyang magsalita.

“Terrence, right?”

Napahinto ako.

Sa totoo lang, parang alam ko na kung saan papunta ang eksenang ito. Ilang beses ko nang napapanood sa mga series—’yung girlfriend na magwa-warning sa kung sinumang babaeng malapit sa boyfriend niya.

Huminga ako nang malalim bago humarap sa kanya. “Yes, I am.”

Hinalukipkip niya ang mga kamay niya at tinaasan ako ng kilay. Nawala ang ngiti niya.

“I don’t care who the fuck you are. Leave Banjo alone. Or else—”

“Or else, what?” putol ko agad. Bahagya akong natawa, kahit sa loob ko nanginginig na ako. “Sasampalin mo ako? Ipapabugbog mo ako?”

Tumaas ang kilay niya lalo.

“Come on, Lily,” tuloy ko, pinipilit na pakalmahin ang boses ko. “I’m Banjo’s tutor. Miss Perillio recommended me to him. I’m basically his only hope para mapasa ang History. Kaya mo bang tulungan si Banjo na pumasa kung lalayuan ko siya?”

Natahimik siya.

Kaya nagpatuloy ako.

“If not, wala kang karapatan na palayuin ako sa kanya. And if you think na nagte-take advantage ako sa kanya? You got it wrong. Tumutulong lang ako dahil kailangan niya ng tulong ko. Kaya please, don’t be mean sa taong tumutulong sa boyfriend mo.”

Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko habang nagsasalita. Pero hindi ako umatras.

Napa-nganga siya. Hindi agad nakasagot.

Hindi ko na siya hinintay pa. Nilagpasan ko na siya at dire-diretso nang naglakad palabas ng campus.

Nang makalayo na ako, saka lang ako nakahinga nang maluwag.

Halos manghina ang mga tuhod ko.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na sagutin siya nang ganoon. Takot na takot ako kanina. Hindi dahil sa kaya niya akong saktan—kundi dahil baka tama siya.

Baka iniisip din ng ibang tao na may mali sa pagiging malapit ko kay Banjo.

Pero isa lang ang malinaw sa akin.

Wala akong ginagawang masama.

Oo, may nararamdaman ako. Pero hindi ko iyon ipinipilit. Hindi ko iyon ginagamit para makasingit sa relasyon nila. Kung may kasalanan man ako, iyon ay ang umasa sa mga bagay na hindi naman inialok sa akin.

Habang naglalakad ako pauwi, napagtanto ko na mas lalong gumulo ang sitwasyon ko.

Bestfriend ako ng taong gusto ko.

At may problema rin ako kay Uncle Sid.

At sa gitna ng lahat ng iyon, kailangan ko pa ring harapin sila—kailangan kong ipakita na hindi ako naaapektuhan sa lahat ng nangyayari sa buhay ko.

Hindi ko alam kung saan ako lulugar.

Pero isa lang ang alam ko—

Hindi ako ang lalayo.

Dahil wala naman akong ginagawang mali.


# Chapter Thirteen

"Auntie Sabel?"

Nagulat ako nang maabutan ko siya sa labas ng bahay. Nakatayo lang siya sa harap ng gate, hawak ang strap ng bag niya, parang gustong pumasok pero may pumipigil.

Napatingin siya sa akin, halatang nabigla rin. Pero ilang segundo lang, napangiti siya at agad akong niyakap.

"Kamusta na, Renz?" tanong niya nang mag-kalas kami.

"Okay naman po," sagot ko, pero bigla akong kinabahan. "A-ano pong ginagawa niyo rito sa labas? Bakit hindi kayo pumasok?"

Napangiti siya, pero may kung anong lungkot sa mga mata niya. "Huwag na, Renz. Wala rin naman akong sasabihin sa Uncle mo."

Napakunot-noo ako. "Ano pong ibig niyong sabihin, Auntie?"

Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "Siguro nasabi na rin sa'yo ng Uncle mo ang tungkol sa amin."

Natahimik ako. Hindi ko alam kung saan ako titingin.

"Ikaw nang bahala sa Uncle mo, Renz," dagdag niya. "Alam ko namang crush mo 'yun."

Bahagya pa siyang natawa, parang tinutukso ako.

Lalong kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan kung paano niya nasabi iyon nang ganoon kadali.

"H-ha? Hindi ko po kayo maintindihan, Auntie."

Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin nang diretso sa akin. Hindi galit. Hindi rin mapanumbat.

"Renz, pamangkin kita. Naiintindihan ko kung magkagusto ka man sa Uncle Sid mo. Okay lang 'yon," panimula niya. "At saka, nakapag-usap na rin kami ng Uncle mo tungkol sa amin. Maayos kaming naghiwalay."

Parang tumigil ang mundo ko.

"Sinabi na rin niya sa akin na may nangyari sa inyo. Inamin niya sa akin ang lahat."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Napaatras ako nang bahagya. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong maramdaman—hiya o takot.

"A-auntie... s-sorry po..." paumanhin ko. Halos hindi ko mailabas ang mga salita. Ramdam ko ang paghapdi ng lalamunan ko.

Bahagya siyang natawa, pero hindi iyon panunuya. Mas parang pagpapagaan.

"Ano ka ba? Sabi ko naman sa'yo na naiintindihan kita. Wala kang kasalanan," sabi niya. "At saka, wala na rin naman akong pagtingin pa sa Uncle Sid mo. Matagal na rin kaming hindi okay. Hindi lang namin masabi agad. Okay na ako, Renz. Naka-move on na."

Hindi ko napigilang yakapin siya.

Hindi dahil gusto kong magmukhang inosente, kundi dahil ramdam ko na kahit sinasabi niyang okay lang siya, may pinagdaanan pa rin siya. Hindi madaling aminin na tapos na ang isang relasyon, lalo na kung naging bahagi ito ng buhay mo.

Kumalas ako sa pagyayakapan namin.

"Auntie, masaya ako na masaya ka na," sabi ko, nangingilid ang luha ko. "Sorry dahil hindi ko alam na may pinagdadaanan ka pala. Sana kahit paano, naging maayos ang lahat para sa'yo. At thank you... sa pagtanggap mo sa akin. Alam kong hindi madali 'to."

Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ko. "Ang importante, maging totoo ka sa sarili mo. At siguraduhin mong hindi ka masasaktan."

Naiwan akong tahimik matapos siyang umalis.

Sa totoo lang, gusto ko nang itigil kung ano man ang namamagitan sa amin ni Uncle Sid.

Oo, matagal ko na siyang pantasya. Matagal ko nang iniisip kung ano ang pakiramdam na mapalapit sa kanya nang ganoon. At noong nangyari iyon, hindi ko maitatangging ginusto ko rin.

Pero sa kabila ng lahat, alam kong mali pa rin.

Hindi lang dahil Uncle ko siya.

Kundi dahil kahit sabihin pa ni Auntie na okay lang sa kanya, alam kong may sakit pa ring kaakibat ang lahat ng ito. Hindi naman basta nabubura ang taon ng pagsasama.

Habang nakatayo ako sa harap ng gate, pakiramdam ko mas luminaw ang isip ko.

Hindi sapat na sabihing "okay lang" para maging tama ang isang bagay.

At kung may kailangan mang tapusin, siguro ito na 'yon.

Hindi dahil pinipilit ako.

Kundi dahil kailangan kong piliin kung anong klaseng tao ba ang gusto kong maging.

⸻

Pagpasok ko sa loob ng bahay, bumungad agad sa akin si Uncle Sid na nakahiga sa sofa, mahimbing ang tulog at hubad ang katawan. Nakabukas ang ilaw sa sala kaya malinaw kong nakita ang bawat detalye ng hubad niyang pang-itaas—ang matitigas na balikat, ang dibdib na marahang umaangat-bumababa sa bawat paghinga, at ang hulma ng kanyang tiyan na tila inukit nang perpekto.

Napabuntong-hininga ako.

Hindi ko dapat siya tinititigan nang ganoon. Pero hindi ko rin magawang umiwas. Para bang may kung anong humihila sa mga mata ko pabalik sa kanya. Sa bawat segundo ng pagtitig ko, mas lalo kong nararamdaman ang init na unti-unting gumagapang sa loob ko.

Para bang inaanyayahan ako ng katawan niyang lapitan siya. Hawakan. Damhin.

Ilang beses kong pinagsabihan ang sarili ko. 
Tigilan mo na 'to. Mali 'to.
 Pero habang sinasabi iyon ng konsensya ko, mas malakas naman ang bulong ng pagnanasa sa utak ko.

Pakiramdam ko'y napapaso ako sa tuwing nakikita ko siya—hindi dahil sa galit, kundi dahil sa sobrang init na hindi ko maipaliwanag.

Maglalakad na sana ako papunta sa kwarto ko nang bahagya siyang gumalaw. Napalingon ako. Unti-unting bumukas ang mga mata niya, medyo inaantok pa.

"Nandyan ka na pala," paos niyang sabi habang bumabangon.

Sa simpleng tono pa lang ng boses niya, parang nanghina na ang tuhod ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung saan ako titingin—sa mukha niya ba o sa katawan niyang lantad sa harap ko.

Tumayo siya at tuluyang humarap sa akin. Mas lalo kong naramdaman ang presensya niya nang magsimula siyang lumapit. Hindi ako makagalaw. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko.

"Gusto mong kumain?" tanong niya, mahina pero malalim ang boses.

Para akong nauhaw sa tunog ng bawat salita niya. Parang may kung anong dumadaloy sa loob ko sa tuwing nagsasalita siya.

Hindi ko namalayang masyado na pala siyang malapit. Ramdam ko ang init ng katawan niya, ang halimuyak ng sabon na humahalo sa natural niyang amoy. Ilang pulgada na lang ang pagitan namin.

At bago pa ako makapag-isip—

Nakadikit na ang labi ko sa labi niya.

Pareho kaming natigilan. Hindi gumagalaw. Hindi humihinga. Para bang huminto ang oras sa pagitan ng mga labi naming magkadikit.

Hindi ito ang plano ko. Ang plano ko ay itigil na ang nararamdaman ko. Lumayo. Irespeto ang relasyon nila ni Auntie Sabel—kahit pa hiwalay na sila. Kahit pa sinabi niyang ayos lang sa kanya ang lahat.

Pero sa sandaling iyon, wala nang plano. Wala nang tama o mali.

Mayroon lang kami.

Nang mag-sink in sa akin ang ginawa ko, agad kong inalis ang labi ko at tumalikod. Hawak ko ang sariling labi, basa pa mula sa kanya. Gusto kong maglaho. Hindi na ito bago sa akin, sa isip at pantasya—pero iba pala kapag totoong nangyari na.

"Bakit mo tinanggal?" mahina pero may bigat niyang tanong.

Naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa braso ko. Isang simpleng hawak lang, pero parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko.

Dahan-dahan niya akong hinarap. Nakayuko ako. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya.

"Huwag mong pigilan ang sarili mo, Renz," bulong niya. "Sinabi ko naman sa'yo... handa akong ibigay ang gusto mo."

Hinawakan niya ang baba ko at inangat. Napatingin ako sa kanya. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya—na may halong pagnanasa na hindi niya tinatago.

"U-uncle... mali ito," nanginginig kong sabi.

Hindi siya sumagot. Sa halip, kinuha niya ang kanang kamay ko at dahan-dahang idinikit sa nakalantad niyang dibdib.

Napasinghap ako.

Ramdam ko ang init ng balat niya sa palad ko. Ang tigas ng mga kalamnan niya sa ilalim ng mga daliri ko. Dahan-dahan niya akong ginabayan, pababa, papunta sa tiyan niyang matigas at maumbok.

Napakagat ako sa labi ko habang dumudulas ang kamay ko sa makinis at mainit niyang balat. Nararamdaman ko ang bawat linya, bawat kurba ng abs niya na parang minememorya ng mga daliri ko.

Napapapikit siya habang hinihimas ko siya. Mas bumigat ang paghinga niya.

"Tangina..." mahinang ungol niya.

Sa puntong iyon, hindi na niya kailangang gabayan ang kamay ko. Kusang gumagalaw ang mga daliri ko, mas naging mapangahas, mas naging pamilyar sa bawat bahagi ng katawan niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Muli ko siyang hinalikan—mas mariin, mas gutom.

Hindi siya umatras. Sa halip, sinalubong niya ang halik ko. Binuka niya ang labi niya para sa akin. Nagdikit ang mga dila namin, nagsalubong at naghanapan, parang pareho kaming sabik na sabik sa isa't isa.

Ang mga kamay ko ay gumagala na sa likod niya, sa balikat, sa dibdib—kung saan man ako dalhin ng pagnanasa ko. Ramdam ko rin ang mga kamay niya sa bewang ko, hinihigpitan ang hawak, tila ba takot na pakawalan ako.

Mas lalo pang lumalim ang halikan namin hanggang sa wala na akong marinig kundi ang magkahalong paghinga namin.

Bigla niya akong binuhat.

Napasinghap ako habang awtomatikong kumapit sa leeg niya. Hindi siya nagsalita. Hindi na kailangan.

Habang buhat niya ako, hindi niya inaalis ang labi niya sa akin. Tuloy-tuloy ang paghalik niya habang naglalakad papunta sa kwarto ko.

At sa bawat hakbang niya, mas lalo kong nararamdaman na wala na talagang atrasan ito.

Maingat niya akong ibinaba sa kama, ngunit hindi pa rin naghihiwalay ang mga labi namin. Parang sa bawat pagdikit ng bibig namin, mas lalo kaming hinihila pailalim sa bagay na pareho naming alam na hindi na dapat tinutuloy.

Hindi ko namalayang isa-isa nang nahuhubad ang suot kong uniporme. Sa pagitan ng magulong paghinga at mariing halikan, naramdaman ko na lang ang lamig ng hangin sa hubad kong katawan. Hindi ko alam kung paano niya iyon nagawa nang ganoon kabilis—ang alam ko lang, wala na akong suot at wala na ring natitirang hiya sa pagitan naming dalawa.

Lumayo siya nang bahagya, sapat na para magkatitigan kami.

Pagkatapos, siya naman ang naghubad.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang suot niyang shorts, hindi inaalis ang tingin sa akin. May kakaibang apoy sa mga mata niya—hindi lang basta pagnanasa, kundi parang matagal na niyang gustong mangyari ang gabing ito.

Nang huling saplot na lang ang natira sa kanya, napakagat ako sa labi. Muli kong nasilayan ang katawan niyang matagal ko nang pinipigilang isipin sa ganitong paraan. Parang bumalik lahat ng alaala ng una kong pagkakita rito—ang pagkagulat, ang pagkasabik, ang init na agad sumiklab sa loob ko.

"Ikaw na ang magtanggal," bulong niya.

Ang paraan ng pagkakasabi niya ay sapat na para manginig ang tuhod ko.

Lumapit ako. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko sa dibdib ko. Dahan-dahan kong hinawakan ang huling saplot niya, tila ba sinusukat ko ang lakas ng loob ko. Isang sandali pa, tuluyan ko na itong naalis.

Humiga siya sa kama, tinaas ang mga kamay, para bang hinahayaan akong pagmasdan siya nang walang pag-aatubili. Walang pagtatago. Walang pag-iwas.

Mas lalo akong nilamon ng init sa sandaling iyon.

Nakatingin siya sa akin, may bahagyang ngiti sa labi—hindi mapang-uto, kundi mapanghamon. Parang sinasabing nasa akin na ang susunod na galaw.

Ako naman, nakatayo sa harap niya, hubad at nanginginig—hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa bigat ng gusto ko.

Hindi ko alam kung saan magsisimula.

Pero isang bagay ang malinaw—hindi na ito basta pantasya. Nasa harap ko na ang matagal ko nang iniisip, at sa pagkakataong ito, wala nang balak umatras ang puso ko.

"Ikaw nang bahala d'yan," sabi niya, parang tuluyan na niyang ipinauubaya sa akin ang lahat.

Napakagat ako sa labi.

Nakatitig lang ako sa kanya, sa paraan ng pag-igting ng katawan niya habang naghihintay sa susunod kong galaw. Ramdam ko ang init sa pagitan namin—ang mabigat na katahimikan na punô ng kahulugan.

Dahan-dahan kong inilapit ang kamay ko.

Nang mahawakan ko siya, para akong tinamaan ng kuryente. Isang matinding sensasyon ang gumapang mula sa palad ko papunta sa dibdib ko. Mainit siya. Buhay na buhay. Ramdam ko ang pag-igting sa ilalim ng mga daliri ko.

Marahan kong hinaplos, sinusukat ang reaksyon niya. Sa bawat galaw ko, mas bumibigat ang paghinga niya.

Napatingin ako sa kanya.

Tahimik lang siya, pero ang dibdib niya'y mabilis ang pag-angat-baba. Ang mga mata niya'y nakatutok sa akin—madilim, naglalagablab, tila ba hinihintay kung hanggang saan ako aabot.

Mas lalo akong nilamon ng init sa sandaling iyon.

Ang kamay ko'y patuloy na gumagalaw, mas naging matapang, mas naging sigurado. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin—ang manipis na hibla ng kontrol na unti-unti nang napuputol.

At habang hawak ko siya, mas lalo kong naramdaman na wala na talagang atrasan ang gabing ito.

Dahan-dahan kong ginagalaw ang kamay ko, sinusundan ang ritmo ng paghinga niya.

Napatingin ako kay Uncle Sid. Tahimik lang siya, pero kitang-kita ko sa mukha niya ang epekto ng bawat galaw ko. Bahagyang nakapikit ang mga mata niya, at ang dibdib niya'y mabilis ang pag-angat-baba.

Mas lalo akong naging matapang.

Sa bawat marahang paghaplos at paggalaw ng kamay ko, mas lalo siyang napapahinga nang malalim. Ang mga daliri ko'y tila may sariling isip, kusang hinahanap ang paraan para maramdaman niya ang lahat ng gusto kong iparamdam.

Ilang sandali kaming ganoon—ako ang gumagalaw, siya ang nagpaparamdam.

Hanggang sa nagdesisyon akong ilapit pa ang sarili ko.

Dahan-dahan akong yumuko, ramdam ang init ng sandali. Ang pagitan namin ay halos wala na. Ang bawat galaw ko'y sinasabayan ng mahinang pag-ungol niya, ng mga salitang pilit niyang pinipigilan pero kusang kumakawala.

"Shit..." mahinang usal niya, habol ang paghinga. "Renz..."

Ang paraan ng pagbanggit niya sa pangalan ko ay sapat na para tuluyan akong lamunin ng apoy sa loob ko.

Mas lalo kong pinaghusayan ang bawat galaw, pinakikinggan ang reaksyon niya—ang pag-arko ng katawan, ang paghigpit ng hawak niya sa kama, ang paghingang mas lalong bumibigat.

Sa sandaling iyon, wala nang ibang tunog kundi ang magkahalong paghinga namin.

At wala na ring ibang mahalaga kundi ang init na pareho naming piniling ipagpatuloy.

Hawak ko ang matigas na pagkalalaki ni Uncle Sid, marahang pinisil iyon bago ko muling isinubo. Mas lalo kong binilisan ang pag-indayog ng aking ulo, hinahayaan na dumausdos ang kanyang kabuuan sa loob ng aking mainit na bunganga.

"Aaaahhh... tangina! Ang init ng bibig mo, Renz..." ungol niya, paos at wasak ang boses.

Napapapikit siya habang napapakagat-labi, kita sa mukha niya ang matinding sarap. Ramdam ko ang pagpitlag ng kanyang ari sa loob ng bibig ko, at lalo ko pa iyong hinigpitan gamit ang aking labi at dila. Pinaglaruan ko ang dulo, saka ko iyon isinagad muli hanggang sa halos sumayad sa lalamunan ko.

Hindi pa nakuntento si Uncle Sid. Hinawakan niya ang ulo ko at siya mismo ang nagsimulang umulos sa bunganga ko. Napapahawak ako sa kanyang hita habang walang habas niyang ipinapasok at inilalabas ang kanyang pagkalalaki sa aking bibig.

Halos mabilaukan ako sa tuwing sinasagad niya iyon. Napapaluha ako, pero hindi ako umatras. Puno na ng laway ang bibig ko, humahalo ang alat ng kanyang precum sa bawat paggalaw niya. Dumadaloy iyon sa gilid ng aking labi habang patuloy ang marahas niyang pag-ulos.

Pawis na pawis ang katawan namin. Dumidikit ang balat namin sa isa't isa, lalong umiinit ang paligid sa bawat ungol at hagod ng aming pagnanasa.

Bigla niya akong itinayo at isinandal sa dingding. Hawak ang aking buhok, muli niyang ibinaon ang kanyang ari sa aking bunganga. Mas mabilis, mas madiin, mas mapusok.

"Fuck! Putangina, Renz... sobrang sikip at init ng bibig mo..." garalgal niyang sigaw habang patuloy ang pagbira.

Bukang-buka ang aking labi, pilit humihinga sa pagitan ng kanyang mga pag-ulos. Hindi ko na alam kung paano ko kinakaya ang laki at tigas ng kanyang ari, pero sa kabila ng pagkabigla at pagkapuno ng bibig ko, may kakaibang sarap na bumabalot sa akin.

"Fuck naman kita, Renz?" bulong niya, punong-puno ng pagnanasa.

Hindi ako sumagot. Sa halip, dumapa ako sa kama at iniangat ang aking balakang, tahimik na pahintulot sa gusto niyang mangyari. Ramdam ko ang kanyang mabigat na titig sa aking hubad na katawan.

Lumapit siya at hinawakan ang aking baywang. Ang isang kamay niya ay pinipisil ang kanyang ari, pinahiran iyon ng sapat na laway at likido bago niya ipasok sa aking bukana. Dahan-dahan niyang pinasadahan ang pagitan ng aking mga hita, pinapakiramdaman ang init ko.

Ilang saglit pa, naramdaman ko ang malamig na dulo ng kanyang pagkalalaki na tumutulak sa aking pasukan.

Impit akong napaungol nang unti-unti niya itong ipinasok. Masikip, mainit, at masakit sa umpisa. Napahigpit ang kapit ko sa kumot habang dahan-dahan niyang ibinabaon ang sarili niya sa akin.

"Ahh... U-uncle..." napakagat-labi ako habang nararamdaman ang bawat pulgadang pumapasok.

Hindi siya nagmadali. Dahan-dahan, paulit-ulit ang pag-ulos niya hanggang sa tuluyan niya akong mapasok nang buo. Napasinghap ako nang maramdaman ko siyang sumayad sa pinakaloob ko.

"Masarap ba, Renz?" bulong niya malapit sa tainga ko, habang marahang gumagalaw ang balakang niya. "Hindi mo ba pinagsisisihan na nagpapakantot ka sa sarili mong Uncle?"

Wala sa sariling napatango ako, sabay kagat sa labi upang pigilan ang malakas na ungol.

Unti-unting bumilis ang kanyang galaw. Mas malalim, mas madiin. Humahampas ang kanyang balakang sa akin, lumilikha ng tunog sa balat na nagtatama sa bawat pagbayo.

"Tangina... ang sikip mo, mahal..." sigaw niya habang lalo pang bumibilis ang pag-ulos.

Nanginginig ang katawan ko sa pinaghalong sakit at sarap. Sa bawat pagbaon niya, pakiramdam ko'y mas lalo akong nabubuksan at napupuno. Napapapikit ako, tuluyang nilulunod ang sarili sa init ng sandaling iyon, hinahayaan ang pagnanasa na manaig sa lahat ng alinlangan.

Chapter Fourteen

Nagising ako dahil sa halimuyak ng ginigisang bawang at sibuyas na tila ba marahang humahaplos sa ilong ko. Saglit akong nanatiling nakapikit, ninanamnam ang bango at ang init ng umaga. Pero nang tuluyan akong magmulat, agad bumalik sa isip ko ang mga nangyari kagabi.

Napangiti ako.

Hindi ko inaasahan na mauulit pa ang lahat. Akala ko isang beses lang iyon—isang pagkakamaling dulot ng lungkot at pangungulila. Isang sandaling hindi na mauulit. Pero heto ako ngayon, nakatitig sa kisame, kinikilig na parang estudyanteng may crush.

Hindi pala ganoon kadali kalimutan ang isang bagay kapag pareho kayong nakatira sa iisang bubong. Kapag bawat ingay ng yabag niya ay kilala mo na. Kapag bawat pag-ubo niya sa madaling-araw ay naririnig mo. Kapag ang simpleng pagsabay ninyo sa hapag ay parang may sariling kwento.

At lalo na ngayon… na parang may pahintulot na.

Naalala ko si Auntie Sabel. Ang mahinahon nitong mga mata nang kausapin niya ako. Ang pilit nitong ngiti. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko. Hindi ko ginusto na masaktan siya. Wala akong balak agawin o sirain ang kung ano man ang natitira sa kanila.

Sa totoo lang, akala ko pantasya lang ito. Isang lihim na mananatili sa isip ko, hindi sa realidad.

Pero totoo na.

Totoong naramdaman ko ang mga kamay niya kagabi—ang init, ang pag-iingat. Hindi iyon madalian o padalos-dalos. Parang pareho kaming takot at sabik sa parehong oras.

Napabuntong-hininga ako at napahawak sa labi ko, na tila ba sariwa pa rin ang alaala ng halik niya.

Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako mag-isa nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

Lumapit ang liwanag mula sa sala at kasabay niyon ay ang anino niya.

Si Uncle Sid.

Tumayo siya sa may pintuan, nakasuot lang ng puting sando na walang manggas at maong shorts. Basa pa ang buhok niya, may patak ng tubig na dahan-dahang dumadaloy mula sa sentido pababa sa leeg niya. Napalunok ako.

“Good morning,” bati niya, malambing ang boses.

Parang may sariling buhay ang mga labi ko nang awtomatiko akong ngumiti pabalik. “Good morning.”

Lumapit siya at umupo sa gilid ng kama ko. Naramdaman ko ang bahagyang pag-uga ng kama sa bigat niya. Amoy sabon at shampoo siya—malinis, sariwa, at nakakabaliw.

“Kain na tayo?” tanong niya.

“Busog pa ’ko, Uncle.” sagot ko, kahit alam kong hindi iyon totoo. Ang totoo, mas busog pa ako sa alaala ng kagabi kaysa sa kahit anong almusal.

Ngumiti siya nang bahagya, parang alam niyang nagsisinungaling ako.

Unti-unti siyang lumapit. Masyadong malapit. Ramdam ko ang init ng katawan niya kahit hindi pa siya dumidikit sa akin. Yumuko siya at inilapit ang mukha sa tenga ko.

Napapikit ako.

Ang marahan niyang paghinga ay tumama sa balat ko, at agad nagtayuan ang balahibo ko sa batok.

“Pwede bang huwag mo na akong tawaging Uncle?” bulong niya, mababa at medyo paos ang tinig. “Para kasing ang tanda ko na.”

Napadilat ako at napatingin sa kanya. Ang lapit ng mukha niya—ilang pulgada na lang, magtatama na ang ilong namin.

“Eh, ano naman ang itatawag ko sa’yo?” tanong ko, pilit na pinapanatiling steady ang boses ko.

Ngumiti siya. Hindi iyong pangkaraniwang ngiti. Iyon ’yong tipong may lihim, may hamon, may konting panunukso.

Bago pa ako makapag-react, marahan niyang hinawakan ang baba ko at inangat nang bahagya. At saka niya ako hinalikan.

Hindi iyon mabilis o magaspang. Mabagal. Malambing. Parang gusto niyang iparamdam sa akin ang bawat segundo. Parang sinasabi niyang hindi ito pagkakamali.

Napahawak ako sa braso niya nang bahagya. Ang lambot ng labi niya, pero may diin.

Nang maghiwalay ang mga labi namin, ilang segundo akong hindi nakapagsalita. Nakatingin lang siya sa akin, parang sinusukat kung ano ang nararamdaman ko.

Tumayo siya, inayos ang shorts niya, at naglakad palabas ng kwarto ko. Pero bago siya tuluyang lumabas, huminto siya sa may pintuan at lumingon.

“Mosh,” sabi niya.

“Ha?” halos pabulong kong sagot.

“Mosh ang itawag mo sa’kin.” Kumindat pa siya bago tuluyang umalis.

Naiwan akong nakaupo sa kama, tulala.

Mosh?

Inulit-ulit ko iyon sa isip ko. Mosh . Hindi Uncle. Hindi Tito. Hindi kahit ano na may distansya.

Parang gusto niyang burahin ang pagitan namin.

At sa unang pagkakataon, hindi ako natakot sa ideyang iyon.

Dahan-dahan akong tumayo at tumingin sa salamin. Namumula pa ang labi ko. May kakaibang ningning ang mga mata ko—parang hindi na ako iyong dating ako.

“Mosh…” bulong ko sa sarili ko, sinusubukan kung paano ito tunog sa bibig ko.

Hindi ko alam kung saan kami dadalhin ng lahat ng ito. Hindi ko alam kung tama ba o mali. Pero sa bawat pag-alala ko sa halik niya, sa bawat paghinga ko ng amoy niya na naiwan sa kwarto—

Alam kong hindi na ito basta pantasya lang.

At ngayong umaga, sa ilalim ng iisang bubong, parang mas malinaw ang isang bagay:

Hindi na ako makakatakas sa nararamdaman ko.

At mukhang ayaw ko na ring tumakas.

“Hey!”

Napahinto ako sa paglalakad nang may tumapik sa balikat ko.

Si Lily.

Nakatayo siya sa harap ko, nakaangat ang isang kilay, parang may hinuhusgahan. Perpekto ang ayos niya—maayos ang buhok, makinis ang balat, at suot ang varsity jacket na alam kong kay Banjo.

Napakunot-noo ako. “Lily, kung gusto mong palayuin sa akin si Banjo, I think you should talk to him. Dahil ako, ginagawa ko lang ang part ko—”

“Ang dami mong satsat, bakla! Sumama ka sa akin.”

Parang kutsilyo ang salitang iyon sa tenga ko. Pero mas lalo akong naguluhan nang hindi na niya ako hinintay na sumagot. Tumalikod siya at naglakad nang mabilis.

Hindi ko alam kung anong pakay niya, pero sumunod ako.

Pumasok siya sa lumang school gymnasium. Pagpasok ko, bumungad sa akin ang ingay. Sigawan, bulungan, tawanan. Parang may inaabangan.

Napatigil ako sa may pintuan. Pakiramdam ko, mali ang pagpunta ko rito. Pero bago pa ako makaatras, may tumulak sa akin mula sa likod.

Napunta ako sa gitna.

Sa gitna ng bilog ng mga estudyante.

Lahat ng mata ay nasa akin.

May mga nagtatawanan. May nagbubulungan. May mga nakataas ang cellphone—parang naghihintay ng eksena.

Nanlamig ang kamay ko.

“Lily… anong ibig sabihin nito?” tanong ko, pilit na pinapakalma ang sarili ko.

Humakbang siya palapit sa akin. Nakahalukipkip, nakangisi.

“I’m giving you a lesson.”

Mas lalong kumunot ang noo ko. “Lesson? Anong—”

“I warned you, Terrence.” Bumaon sa akin ang pagbanggit niya sa buo kong pangalan. “Ayokong may lumalapit kay Banjo. Lalo na sa mga katulad mo.”

“Mga katulad ko?” mahinang ulit ko.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na parang may nakadikit na dumi sa katawan ko.

“Don’t act innocent. Feeling mo ba hindi ko napapansin kung paano ka tumingin sa boyfriend ko? Feeling mo porke’t ikaw ang tutor niya sa History, may karapatan ka na?”

Gusto kong sumagot. Gusto kong sabihin na wala akong inaagaw. Na ginagawa ko lang ang responsibilidad ko dahil si Miss Perillio mismo ang nag-rekomenda sa akin kay Banjo.

Pero natuyo ang lalamunan ko.

“P-pasensya na kung ano man ang nasabi ko kahapon. Sige, lalayo na ako kay Banjo,” sabi ko.

Masakit man, pero mas ayokong ako ang maging dahilan ng mas malaking gulo.

Pero ngumisi lang siya.

“Nah. Too late, girl.”

Humakbang siya palayo sa akin at humarap sa mga nanonood.

“Guys!” sigaw niya. “This freak over here is so delusional and disgusting! Feeling niya, porke’t binigyan siya ni Banjo ng jacket at pinanood sa game, may gusto na sa kanya ang boyfriend ko! Ginagamit pa ang pagiging tutor niya. Ewww!”

Sabay-sabay ang pag-boo ng mga tao.

May narinig akong, “Kadiri.” “Feelingera.” “Ang kapal ng mukha.”

Parang unti-unting lumiliit ang mundo ko. Parang gusto kong maglaho na lang.

Hindi ko pinilit ang sarili ko kay Banjo. Oo, may pagtingin ako sa kanya. Pero alam ko ang limitasyon ko. Hindi ko siya inaagaw. Hindi ko siya hinihila palayo.

Nananahimik ako.

Pero ngayon, para akong kriminal sa gitna ng hukuman.

“See?” sabi ni Lily, galit na galit. “Kung may natitira ka pang hiya dyan sa katawan mo, layuan mo ang boyfriend ko!”

Nakayuko lang ako. Hindi ako makapagsalita. Kahit anong sabihin ko, sino ba ang maniniwala sa akin?

Siya ang sikat.

Ako? Isa lang akong honor student na madalas nakatago sa likod ng libro.

“Renz!”

Napalingon ako.

Si Leo.

Patakbo siyang lumapit at agad akong niyakap. Ramdam ko ang pag-uga ng balikat ko sa paghinga ko.

“Anong nangyayari?” tanong niya, halatang naguguluhan pero alerto ang mga mata.

“Oh dear. So you’re the bestfriend?” ani Lily, may halong pangungutya.

“Oo, ako nga. Ano bang problema mo?” sagot ni Leo, diretso ang tingin.

“Ako ang may problema?” natawa si Lily. “Hindi ba dapat ’yang bakla mong bestfriend ang tanungin mo?”

Dumuro siya sa akin.

Doon ako napatingin kay Leo. Hindi ko alam kung anong gagawin niya. Pero ang alam ko—hindi siya aalis.

“Hoy, Lily,” malamig ang boses ni Leo pero ramdam ang galit. “Maganda ka nga, pero ’yung utak mo kasing liit ng isda. Ay, hindi pala—baka nga wala.”

Nagbulungan ang mga tao.

“Naalala mo ba nung high school tayo? Muntik ka nang hindi makapasa kasi wala kang sagot sa test paper mo? Sino nga ulit ang nagpakopya sa’yo?”

Tumahimik ang paligid.

“’Wag mong iismolin ang pagiging bakla namin. Kasi kahit bakla kami, may utak kami.”

Parang may sumabog na bomba sa gitna ng gym. Napatingin ang lahat kay Lily.

Namula ang mukha niya.

“Ano’ng—” aamba sana siya ng sampal kay Leo pero mabilis itong nakaiwas.

“Sige. Subukan mo lang,” babala ni Leo. “Lahat ng alam ko sa’yo, ipagkakalat ko.”

Nanigas si Lily.

Hindi na nagsalita si Leo. Inakbayan niya ako at dahan-dahan kaming naglakad palabas.

Pero bago pa kami tuluyang makalabas, may nakasalubong kami.

Si Banjo.

Nakatayo siya sa may pintuan.

Tila ba kakadating lang niya.

Nagkatitigan kami.

Sa mga mata niya, may kung anong hindi ko mabasa. Gulat? Pagkalito? O… pag-iwas?

“Banjo…” mahinang tawag ko.

Pero wala siyang sinabi.

Wala siyang ginawa.

Yumuko lang siya.

At dumaan sa tabi ko.

Para lang akong hangin.

Diretso siyang naglakad papunta kay Lily.

May kung anong bumagsak sa loob ng dibdib ko.

Hindi man lang siya nagtanong kung okay ako. Hindi man lang niya ako tinignan ulit.

Sinundan ko siya ng tingin. Nasa gitna na ulit siya ng bilog. Si Lily, agad siyang nilapitan.

At ako?

Nakatayo sa may pintuan.

Kasama si Leo.

Pero pakiramdam ko, mag-isa ako.

Mas masakit pa sa mga sinabi ni Lily ang katahimikan ni Banjo.

Dahil sa katahimikang iyon, parang mas malinaw ang isang bagay—

Kahit anong paliwanag ko, kahit anong totoo ang nasa puso ko…

Kung hindi niya kayang ipagtanggol ako, baka ako lang talaga ang lumalaban para sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan.


# Chapter Fifteen

"Ano ba kasing problema ng Lily na 'yon at ganoon na lang siya kagalit nang nalaman niyang ikaw ang tutor ni Banjo?" inis na tanong ni Leo habang palakad-lakad sa harap ko.

Parang leon na paikot-ikot sa kulungan.

Ako naman ay nakaupo lang sa silya, nakasandal ang likod at nakatingin sa kawalan. Parang may ulap na nakatakip sa isip ko.

Iyon din ang tanong ko sa sarili ko.

Bakit galit na galit sa akin si Lily?

Wala naman akong ginagawang masama. Gusto ko lang namang tulungang makapasa si Banjo sa History.

"Masyado siyang insecure," patuloy ni Leo, halatang gigil pa rin. "Palibhasa kasi, maganda lang siya, pero walang laman ang utak."

Napabuntong-hininga ako.

"Hayaan mo na siya," mahina kong sabi. "Baka siguro... tama rin siya. Kailangan ko nang lumayo kay Banjo."

Biglang huminto si Leo sa paglalakad at napatingin sa akin na parang may sinabi akong kabaliwan.

"Ano?" Umupo siya sa tabi ko. "Susuko ka na lang ng gano'n? Magpapatalo ka sa babaeng 'yon?"

Napailing siya.

"Girl, 'wag ka ngang feeling masokista diyan. Wala kang ginagawang mali. Dapat nga mas lalo mo pa siyang asarin. Malaki ang naitutulong mo kay Banjo. E siya? Wala naman, 'di ba?"

Napatingin ako sa kanya.

"Ayokong maging dahilan ng pag-aaway nila, Leo," sabi ko. "Masyado nang magulo ang buhay ko para dumagdag pa sa kanila. Kung 'yon ang gusto niya... gagawin ko na lang."

Masakit sabihin iyon.

Dahil sa totoo lang, nanghihinayang ako.

Si Banjo na rin ang nagsabi na iba raw ako sa lahat. Na gusto niya akong maging best friend. Na komportable siya kapag kausap niya ako.

Pero kanina...

Nang magkasalubong kami sa gym...

Nilagpasan niya lang ako.

Ni hindi man lang ako tinanong kung okay ako.

Akala ko ba kaibigan niya ako?

"Sabagay," sabi ni Leo, pero halatang may sama pa rin ng loob. "Kasi kanina, nilagpasan ka lang ni Banjo—"

Bigla siyang tumigil.

Napansin kong napaawang ang bibig niya at nakatitig sa isang direksyon.

Napalingon ako sa tinitingnan niya.

Nakatayo si Banjo sa may pintuan ng classroom.

Nakasandal siya sa door frame, nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa ng varsity jacket niya. Tahimik lang siyang nakatingin sa akin.

Hindi ko alam kung gaano na siya katagal doon.

Pero sa mga mata niya...

May lungkot.

At parang may pagsisisi.

"Baks," biglang sabi ni Leo, sabay tayo. "May gagawin pa pala ako. Kita na lang tayo later. O baka bukas na."

"Ha? Leo—"

Pero hindi na niya ako hinintay. Mabilis siyang lumabas ng room, at sa pagdaan niya kay Banjo ay tinapik pa niya ito sa balikat na parang may sinasabing, 
ikaw na ang bahala.

Tahimik ang classroom.

Ako.

At si Banjo.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin.

Bawat hakbang niya, parang mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

Naupo siya sa harap ko.

Hindi ko siya matingnan nang maayos.

Parang nanginginig ang dibdib ko.

Ang dami kong gustong sabihin sa kanya. Gusto kong magalit. Gusto kong itanong kung bakit hindi niya ako pinagtanggol.

Pero parang umurong ang dila ko.

"Okay ka lang ba?" tanong niya sa malalim niyang boses.

Parang may kuryenteng dumaan sa katawan ko nang marinig ko iyon.

Hindi ako sumagot.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana.

Pero marahan niyang hinawakan ang baba ko at iniharap ang mukha ko sa kanya.

Napahinto ang paghinga ko.

Ang lapit niya.

Ngayon ko lang ulit napagmasdan nang ganito kalapit ang mukha ni Banjo.

Napakagwapo niya.

Medyo magulo ang buhok niya, katamtaman ang singkit ng mga mata niya, at napakaitim ng kulay nito. May maliit siyang nunal sa pisngi na ngayon ko lang napansin.

Mapuputi ang ngipin.

At mapula ang labi.

Napakagat ako sa labi ko.

Kaya bago pa niya mahalata na pinag-aaralan ko ang mukha niya, mabilis akong umiwas ng tingin.

Napabuntong-hininga ako.

"Bakit nandito ka pa?" sabi ko, pilit pinapakalma ang sarili. "Hindi ba dapat kasama mo si Lily? Ayaw niyang makitang magkasama tayo. Baka kung ano pa ang gawin n'on sa akin."

Huminga ako nang malalim.

"Ise-send ko na lang sa email mo 'yung mga notes sa—"

"I broke up with her."

Naputol ang sasabihin ko.

Unti-unti akong napalingon sa kanya.

"A-ano?"

Huminga siya nang malalim at sinandal ang likod sa upuan, pero hindi niya inaalis ang tingin sa akin.

"Nakipag-break na ako sa kanya kanina."

Kaswal niya iyong sinabi.

Parang wala lang.

Pero para sa akin, parang may bumagsak na meteor sa loob ng classroom.

"B-bakit?" nauutal kong tanong. "Ano namang dahilan mo at nakipag-break ka sa kanya?"

Gusto kong malaman.

Dahil kung sasabihin niyang ako ang dahilan...

Hindi ko alam kung kakayanin kong tanggapin iyon.

"You don't need to know it, Renz," sabi niya, seryoso ang boses. "Basta nakipaghiwalay na ako sa kanya."

Pero hindi ako mapalagay.

"Banjo," sabi ko. "Gusto kong malaman kung bakit. Kung dahil sa nangyari kanina... hindi iyon sapat na dahilan para hiwalayan mo siya."

Napayuko ako.

"Baka nga tama si Lily. Baka dapat na layuan na kita."

Napatahimik siya.

Naramdaman ko ang bigat ng tingin niya sa akin.

"I broke up with her dahil nasasakal na ako."

Mahina ang boses niya.

Pero ramdam ko ang bigat ng bawat salita.

"Pagod na ako, Renz," patuloy niya. "Sa basketball pa lang, sobra na ang pressure. Ako ang inaasahan ng team. Sa pamilya ko naman, gusto nila maging doktor ako kahit ayaw ko."

Bahagya siyang tumawa, pero walang saya roon.

"Tapos si Lily... bawal akong makipag-usap sa kung sino. Bawal akong makipagkaibigan."

Tumahimik siya sandali.

Pagkatapos ay bahagya siyang lumapit sa akin.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"Then I met you."

Diretso ang tingin niya sa mga mata ko.

"Parang nakahinga ako nang maluwag."

Hindi ako makapagsalita.

"I've never felt this before," mahina niyang dagdag. "Hindi ko alam kung ano 'to. Pero kapag nandiyan ka... gumagaan ang pakiramdam ko."

Tahimik lang ako.

Ayokong sirain ang sandaling ito.

"I'm sorry kung hindi man lang kita napagtanggol kanina," sabi niya. "Sobrang daming gumugulo sa isip ko. Kinuha ko na rin 'yung timing na 'yon para tapusin na ang sa amin." Bahagya siyang ngumiti. "And that is the best choice na nagawa ko sa buhay ko."

Hindi ko napigilang mapangiti rin. Bigla tuloy akong nakaramdam ng inis sa mga sinabi ko kanina.

"Sorry, Banjo. Hindi ko naman alam na—"

"Shhh."

Marahan niyang inilagay ang daliri niya sa labi ko. Para akong napako sa kinauupuan ko.

"That's okay," sabi niya, malambing ang boses. "Wala kang kasalanan."

Hindi niya agad inalis ang kamay niya. Sa halip, marahan niyang hinawakan ang kamay ko.

Mainit ang palad niya.

At hindi ko alam kung bakit...

Pero parang ayaw ko nang bitawan iyon.

⸻

Inaya ako ni Banjo na magpunta sa condo niya para doon na lang kami mag-aral. Dahil hindi na rin naman nasusunod ang schedule ng pagtuturo ko sa kanya, pumayag na rin ako. Wala na rin naman akong klase, at sa totoo lang... gusto ko rin siyang makasama.

Dumaan muna kami sa isang drive-thru restaurant para bumili ng meryenda habang nagre-review. Habang nasa kotse kami, paminsan-minsan ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin, pero kapag napapansin ko ay agad siyang nag-iiba ng tingin at ngumingiti lang.

Pagdating sa condo niya, mabilis kong inilabas ang mga notes na ginawa ko para sa review. Naupo ako sa sofa at inayos ang mga papel sa mesa sa harap ko.

Si Banjo naman ay dumiretso sa kusina para ayusin ang mga pagkaing binili namin.

Ilang sandali lang, bumalik na siya.

May dala siyang tray na may burger, fries, at dalawang baso ng soda.

Pero ang unang napansin ko ay hindi ang pagkain.

Kundi ang hubad niyang katawan.

Wala siyang suot na pang-itaas.

Para akong napako sa kinauupuan ko.

Kahit malamig sa loob ng condo dahil sa aircon, pakiramdam ko'y biglang uminit ang paligid. Nakita ko na ang katawan niya dati—pero iba pala kapag ganito kalapit.

Mas malinaw.

Malapad ang mga balikat niya, at halatang sanay sa training ang katawan. May bahagyang pawis sa leeg niya, marahil dahil kagagaling lang niya sa shower o sa paggalaw sa kusina.

Napasinghap ako nang mahina at napalunok ng ilang beses.

Nang makalapit siya sa akin, iniabot niya ang burger at fries.

Halos manginig ang kamay ko habang kinukuha iyon.

Napangisi siya.

Hindi ko alam kung napansin niya ba ang pagkatulala ko, kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin at inabala ang sarili sa pag-aayos ng notes sa mesa.

Pero kahit anong pilit kong mag-focus, hindi pa rin mawala sa isip ko ang hubad niyang katawan.

"Kain ka muna."

Napatalon ako sa gulat nang bigla siyang bumulong sa tenga ko.

Napalingon ako sa kanya at nakita kong natatawa siya sa reaksyon ko.

Umupo siya sa sofa at sumandal, tinaas pa ang dalawang kamay at inilagay sa likod ng ulo niya. Lalong lumitaw ang hubog ng dibdib at braso niya.

Para bang sinasadya niya.

Hindi ko napigilan ang sarili kong kumagat sa hamburger habang nakatitig sa kanya.

"Mainit kasi," sabi niya, na para bang ipinapaliwanag kung bakit siya nakahubad.

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako.

Iniwas ko ang tingin ko at mabilis akong kumain.

Isang kagat.

Dalawang kagat.

Hanggang sa maubos ko ang burger.

"Hinay-hinay lang, Renz," natatawa niyang sabi.

Hindi ko siya pinansin.

Sunod kong inubos ang fries, parang doon ko na lang binubuhos ang atensyon ko para hindi ko na siya masyadong tignan.

"M-mag-aral na tayo," nauutal kong sabi.

Iniabot ko sa kanya ang notes na ginawa ko.

Pero imbis na kunin iyon, bigla siyang lumapit.

At bago ko pa maintindihan ang nangyayari—

binuhat niya ako.

"Banjo—!"

Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Napaupo na ako sa hita niya bago pa ako makapag-protesta.

"Banjo, ano bang ginagawa mo?" tanong ko, may halong inis at kaba.

Hindi ako makaalis sa hita niya dahil hawak niya ang dalawang braso ko. At dahil mas malaki at mas malakas siya, halos wala akong laban.

"Laro muna tayo," sabi niya, nakangiti.

"B-Banjo, kailangan mong mag-aral. Malapit na ang exam mo," sabi ko, pilit kumakawala.

Pero tila wala siyang pakialam.

Sa halip, hinigpitan pa niya ang yakap niya sa akin.

Doon ko naamoy ang natural niyang amoy—pinag-halong pabango, sabon, at bahagyang pawis.

Hindi ko maintindihan kung bakit... pero parang nakakahilo iyon sa kakaibang paraan.

"No need," sabi niya. "Alam ko na ang lahat ng 'yan. I already studied it."

Napakunot ang noo ko.

"Ano?"

"I don't need your help anymore, Renz," dagdag niya. "Ayoko nang pahirapan ka."

Napatingin ako sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?"

Unti-unti niyang binitawan ang mga braso ko, pero hindi niya ako pinabababa sa hita niya.

Nakatitig lang siya sa akin.

Hindi seryoso ang mukha niya, pero may kakaibang kislap sa mga mata niya.

"I like you, Renz."

Parang tumigil ang oras.

Diretsahan niya iyong sinabi.

"I know I'm straight as hell," dagdag niya habang bahagyang napapangiti. "Pero ewan ko ba... iba ang hatak mo sa akin."

Natahimik ako.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Isang pambihirang pagkakataon na marinig mo sa taong matagal mo nang hinahangaan na may gusto pala siya sa'yo.

Ni sa panaginip, hindi ko inakala na magiging magkaibigan kami ni Banjo.

Masyado siyang mataas para sa akin.

Kaya kontento na ako noon kapag nakikita ko siya sa court o kapag napapadaan siya sa hallway.

Pero ngayon...

narito ako sa condo niya.

Nakaupo sa hita niya.

At sinasabihan niyang may gusto siya sa akin.

Unti-unting lumapit ang mukha niya.

Ramdam ko ang mainit niyang paghinga.

Ilang pulgada na lang.

Magdidikit na sana ang mga labi namin.

Pero bigla akong umiwas.

Tumayo ako mula sa hita niya at lumipat sa katabing sofa.

Napakunot ang noo niya.

"Why?" tanong niya. "Gusto mo rin ako, 'di ba?"

Huminga ako nang malalim bago sumagot.

"Banjo... oo, gusto kita."

Napayuko ako sandali bago nagpatuloy.

"Pero okay na sa akin na crush lang kita."

Napatingin ako sa kanya.

"Kasi alam ko namang hinding-hindi mo ako magugustuhan. Una, bakla ako. Pangalawa, basketball player ka. Lahat ng mata nasa 'yo. Hindi magiging madali 'to para sa'yo."

Napabuntong-hininga ako.

"Baka naguguluhan ka lang. Baka natutuwa ka lang sa akin kasi komportable kang kausap ako."

Saglit akong tumigil bago marahang dinagdagan ang mga sinasabi ko.

"Baka... hindi talaga ako ang gusto mo."

Hi guys!

Thank you so much for supporting Between Maybes . This is supposed to be a continuation of Uncle Trilogy . Pero dahil masyado akong na-overwhelm sa mga characters na pinasok ko, I just make it as a Stand Alone story. Hihihi. Anyway, here’s a short update for ya’ll.

Team Uncle sid or Team Banjo?

Sino ang bet ng mas nakakarami? HAHAHAHA.

By the way, medyo matatagalan ang susunod na update dito sa BM, ’coz I’m currently proofreading one of my finished story here. I’ll be making an announcement very soon kapag confirmed na. 😁

At sana… suportahan niyo pa rin ako sa magiging journey ko on the following days. 🫰🏻

Lovelots, and ingat kayong lahat. 💖

talklikeaboss x

SECRETLY YOURS, BOSS

Hi, guys!

OMG!!! I still can’t believe this. Naiiyak ako… charot! HAHAHAHA.

I have an announcement to make…

drumroll, please… 🥁

SECRETLY YOURS, BOSS has officially entered The Wattys 2026!!! 😭✨ WAAAAAAAAAH!!!

Grabe. Hindi ko ma-explain kung anong nararamdaman ko right now. I’m just genuinely happy because after all the sleepless nights, overthinking, editing, deleting, rewriting, at pagre-revise ng ilang beses, finally, this story gets the chance to be part of something so special.

I know that Secretly Yours, Boss is very different from my previous books. Iba talaga siya sa usual na sinusulat ko. But I just want you to know that I poured my whole heart into this story. Siguro nga kaya ko rin siya natapos nang mabilis dahil sobrang inspired ako habang sinusulat ko sina Liam at Brix. Every chapter, every scene, every emotion—I gave it everything I had.

This story was actually inspired by some of my former workmates and close friends, kaya sobrang personal at espesyal talaga siya sa akin.

If you’ve already read Secretly Yours, Boss , you probably remember Sheena (Shin) and Trish , Brix’s best friends. Fun fact—they’re real people! They’re actually my former workmates. 🤭 Even Brix’s siblings got their names from some of my old colleagues. Kaya every time I reread the story, napapangiti na lang talaga ako.

And before anything else…

Hindi po ako si Brix. HAHAHAHAHA.

Brix is actually… YOU.

Yes, ikaw.

When I was writing this story, I wanted every reader to feel like they are Brix. I wanted you to experience every kilig, every heartbreak, every fear, every victory, and every moment of choosing yourself.

Most especially to my brothers and sisters in the LGBTQIA+ community—especially those who have never experienced being loved the way they deserve—I wrote Brix with you in mind. I hope that through her story, maramdaman ninyo na deserve din ninyong mahalin. Na may taong tatanggap sa inyo nang buo, without asking you to become someone else.

And who knows?

Baka balang araw, mahanap n’yo rin ang sarili n’yong Mr. Human Ring Light. 🥹✨

So… I’m humbly asking for your support as Secretly Yours, Boss joins The Wattys 2026.

Thank you for reading, for staying, for crying, laughing, getting frustrated, and falling in love with Liam and Brix together with me. Without all of you, this story would’ve just remained another idea inside my head.

From the bottom of my heart…

Thank you so, so much.

Manifesting that after The Wattys…

Published book naman ang next. 🤞🏻📖✨

Claiming it. Charot. HAHAHAHA.

Love,

talklikeaboss 🤍


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.