Birthday Boy
Peaceandlove Cupid · 1 chapter · 1,598 words
Kabanata 1: Paghingi ng Permiso
Ang amoy ng spaghetti at fried chicken ang unang sumalubong sa akin nang bumaba ako mula sa kuwarto ko. Birthday ko na nga pala ngayon, pang labing-walo ko na. Suot ko ang paborito kong puting oversized shirt at light-blue shorts. At dahil kakagising ko lang ay medyo gusot pa ang buhok ko mula nang dumilat ang aking mata.
Una akong pumunta sa living room, kung saan nakaupo na sina Mama at Papa sa mahabang sofa, nakaharap sa telebisyon. Sa tabi nila, nakatayo si Raffy ang aking mas nakatatandang nobyo, na suot ang dark gray polo at black pants. Suot pa niya sa kanyang kamay ang relo na binigay ko noong Christmas. Ngumiti siya nang makita ako.
“Happy birthday, Lian,” sabi niya nang dahan-dahan, ang boses niya ay mababa at pamilyar.
Lumapit siya at niyakap ako nang mahigpit. Ang init ng katawan niya ay dumaan sa manipis kong damit. Naamoy ko ang cologne niya—malinis, slightly woody—habang ang isang kamay niya ay dahan-dahang dumaan sa likod ko, mula sa balikat pababa sa baywang. Hindi ko mapigilang mapayuko ng konti habang dinadama ang pamilyar na yakap at amoy. Ang pisngi ko ay idinik ko sa dibdib niya gayong mas matangkad siya ng sobra kesa sa akin. Ang buhok niya ay medyo kumiskis sa noo ko dahil sa higpit ng yakap niya.
Ng makita kami ng parents ko sa ganoong posisyon. Si Mama ang unang nagsalita, habang may ngiti sa kanyang labi. “Uy, gising na pala ang birthday boy. Mamaya na yang yakapan niyo. Parang hindi kayo araw araw na magkasama. Tara, kain muna tayo.”
Umupo kami sa dining table. Ang puting tela ay may maliit na cake sa gitna. Chocolate ang flavor sa tuktok nito ay may eighteen candles na hindi pa sindi. Ng makaposisyon na ang lahat sa dining table. Si Papa ang naghiwa ng chicken, si Mama naman ang naglagay ng kanin sa plato ko. Si Raffy naman ay nakaupo sa tabi ko, ang tuhod niya ay dumadausdos sa aking tuhod sa ilalim ng mesa.
Sa table na iyon ay nagsimulang tumibok ang puso ko. Medyo mabilis ang pagtibok nito. Alam kong may plano siya. Palagi naman. Ilang beses na rin naming napagusapan ang pagpapalalim ng aming relasyon, ngunit dahil wala pa ako sa wastong gulang ay pinili naming hintayin ang tamang panahon. At ang panahon na yun na dati ay pinaguusapan lang naming dalawa ay ngayo’y dumating na. Ito na ang araw na iyon.
Pagkatapos kumain, bumalik kami sa living room. Si Mama ay nag-aayos ng mga plato, si Papa ay muling umupo sa sofa, hawak ang remote habang pinapalipat lipat ang channel sa TV. Si Raffy naman ay nanatiling nakatayo sa harap nila, ang isang kamay ay nasa bulsa.
“Tito, Tita,” simula niya, ang boses niya ay kalmado pero may bigat. “Pwede po ba na makasama ko si Lian mamayang gabi? May plano po kasi sana akong party para sa kanya, walang ibang taong kasama na hindi ko kilala. Pangako po, ibabalik ko din po siya sa inyo bukas ng umaga.”
Napatigil si Mama sa pagpupunas ng kamay. Tiningnan niya ako, tapos si Raffy. Si Papa naman ay medyo nagtataas ng kilay, pero hindi galit, ang titig niya ay may bahid ng curiousity.
“Party?” tanong ni Mama. “Anong klaseng party naman ba iyan?”
Napangiti lang si Raffy ng bahagya. “Simple lang naman po. Wala pong inuman dito, kung meron may ay konti lang at sisiguraduhin kong di masosobrahan si Lian. Gusto ko lang po siya bigyan ng something special ngayong eighteen na siya.”
Napaupo na lang ako sa sofa katabi ni Papa saka ako tumingin sa sahig. Kinakabahan kung papayag ba ang aking mga magulang sa hinihiling ni Raffy. Ang mga daliri ko ay nakakapit sa dulo ng shirt ko. Parang nahihiya ako at hindi ko alam kung bakit, pero ang pakiramdam na pinag-uusapan ang party na para sa akin ay nagpapainit sa tenga ko.
Si Papa ang sumagot. “Lian, ikaw ba ay gusto mong sumama sa nobyo mo mamayang gabi?”
Tumingala ako nang konti. “Opo, Pa. Gusto ko po.”
Dahil sa tanong ni Papa at sa sagot ko ay napatingin si Mama kay Raffy. “Alam mo naman na strict kami. Pero… kilala ka namin. Naintindihan ko ang relasyon niyo kaya kahit malayo ang agwat ng edad niyo ay suportado pa rin namin kayo. Matagal ka nang kasama ni Lian. Huwag mo lang siyang pauwiin nang lasing o may problema ay ayos na ang lahat para sa akin.”
“Promise po,” sagot ni Raffy. “Babalik po siya nang buo at masaya.”
Nagsimulang pumatak ang gabi ng may konting katahimikan. Ang aircon sa loob ng bahay aymahinang humuhuni. Sa labas, ay mga kotse na dumadaan. Hawak ni Raffy ang aking kamay at sa pang huling pagkakataon bago kami umalis ay humihiling si Raffy ng permiso sa aking mga magulang.
“Nakaayos naman na ang lahat para sa inyo. Basta itext mo kami pagdating niyo doon, at bago pa kayo matulog,” huling paalala ni Papa bago kami umalis ni Raffy.
“Opo,” sagot ni Raffy ng may ngiti sa kanyang mga labi.
Hindi man niya literal na sinabi sa akin ang plano niya ngayong gabi. May hinala na ako kung ano ito, kaya’t ang puso ko ay tumibok nang mas mabilis. Matagal ko nang hinihintay ang araw na ito. Ang pakiramdam na siya ang unang hahawak sa akin nang ganoon. Excited na ako pero syempre hindi mawala sa aking sistema ang kaba.
Lumapit si Mama at niyakap ako upang magpaalam. “Ingat, anak. Happy birthday ulit.”
“Salamat, Ma,” bulong ko.
Si Papa naman ay lumapit at hinawakan ang balikat ko. “Huwag kang masyadong makulit. Alam mo naman ang curfew natin, pero since birthday mo…”
Tumango ako. Hindi ko kayang magsalita nang malakas, lalo na’t ang lalamunan ko ay medyo tuyo.
Nang matapos ang pamamaalam kinuha ni Raffy ang kanyang jacket mula sa upuan. Muli siyang lumingon sa akin at saka ako inaya paalis sa bahay. “Tara na, baby.”
Sa labas ng bahay, ang gabi ay medyo malamig. Ang ilaw ng poste ay nagbibigay ng dilaw na liwanag sa driveway. Hawak ni Raffy ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa kotse niya, isang black sedan na laging amoy leather sa loob. Binuksan niya ang pinto para sa akin. Pumasok ako at muling naramdaman ang pamilyar na lambot ng upuan ng kanyang sasakyan. Nang sumakay siya sa driver’s side, isinara niya ang pinto at hindi agad nagpatakbo.
Tumingin siya sa akin. Ang kaniyang mga mata ay seryoso pero may soft na ngiti sa gilid. Dahil sa ilaw sa poste sa labas, ang slight stubble sa panga niya ay medyo kumikinang pa sa ilaw ng dashboard.
“Tonight, baby… lahat para sa’yo,” sabi niya nang mababa.
Hinawakan niya ulit ang kamay ko, pagkatapos ay iginala niya ang kanyang kamay sa aking likuran. Mainit ang palad niya, at dahil sa lapit naming dalawa, ang amoy ng cologne niya ay mas malakas ngayon sa loob ng sasakyan. Ang buhok niya ay medyo nakaayos, pero may konting buhok na natangay sa hangin ng aircon.
Hindi ko alam kung gaano kaspecial ang party o regalo na inihanda niya para sa akin ngayong gabi. Basta isa lang ang malinaw sa aking isipan. Handa akong ibigay ang lahat ng pagmamahal sa aking nobyo ngayong gabi.
“Raffy…” bulong ko. “Salamat.”
Ngumiti siya nang mas malawak. “Hindi mo pa nga nakikita ang hinanda ko para sa iyo. Hintayin mo lang at sigurado akong magugustuhan mo.”
Pinatakbo niya na ang makina. Ang kotse ay dahan-dahang lumabas sa driveway. Napatingin ako sa salamin kung saan nakita ko ang bahay namin na unti-unting lumiliit. Ang ilaw sa living room ay naka-on pa. Si Mama ay nakatayo sa bintana, hinahatid ang aming sasakyan gamit ang kanyang tingin. Bago pa man kami makalayo ni Raffy ay kinawayan ko pa si Mama na sinagutan niya lang ng isang matamis na ngiti at pagtango.
Tahimik ang aming naging byahe. Ang radyo ay naka-low volume at pinapatugtog ang soft R&B playlist ni Raffy na busy sa kanyang pagmamaneho. Ang isang kamay niya ay nasa manibela habang ang isa ay nasa hita ko. Ang init ng kamay niya ay dumadaan sa manipis kong shorts habang ang lungsod ay dahan-dahang nagiging mas maliwanag habang papalapit kami sa highway kung saan nagsimulang lumabas ang mga neon lights, matataas na buildings, at billboards. Dahil dito ay nalipat ang paningin ko mula sa kanya papunta sa view na nakikita ko sa labas ng sasakyan.
“Kinakabahan ka ba?” kalmadong tanong ni Raffy. Marahil dama niya ang panginginig ng aking hita na kanina niya pa hinahawakan.
Muli akong tumingin sa kanya. “Medyo lang.”
“Normal ‘yan.” Hinaplos niya ulit ang aking hita, sa pagkakataong ito ay mas mabagal. “Ikaw ang birthday boy. Dapat masaya ka ngayong gabi, hindi mo naman kailangang kabahan. Kasama mo ako.”
Tumango ako. Hindi ko masabi ang totoo—na ang buong araw ay para bang may something na naghihintay. Na tuwing hinihimas niya ako, ang isip ko ay napupunta sa mga gabi na kami lang, sa mga halik na matagal, sa mga kamay niya na hindi pa umaabot nang sobra. Ngayon, labing-walo na ako. Wala na kaming hinihintay. Ngayong gabi, lahat ay pwede na…
🚨
BITIN BA
Kung nabitin kayo, huwag mag-alala! Continue the excitement dahil available na ang kasunod na mga kabanata sa aking
VIP Reading Channel
!
Dahil exclusive space ito, doon niyo mababasa ang unedited, fast-pass, at kumpletong kwento na advanced at exclusive lang sa ating readers channel. Unlocked na agad all 10 chapters of this book plus many more!
Paano magpatuloy sa pagbasa?
👉 I-message ako sa Telegram:
peaceandlove_cupid
Come and be an angel today in our private sanctuary! See you there! 💘

