BOOK 1:(S)HE USED TO BE MINE (TRANSGENDER)
MixWithRed · 24 chapters · 30,930 words
––
Hi there my fellow reader, If you want to watch the trailer I made, here is the link.
Sorry, but I can’t put the video here since I can’t find it and there’s a lot of videos with same link, so I hope you just copy the link and search it on YT.
–MixWithRed❤️✨
CHAPTER 1
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental .
Someone’s
Pov.
Habang naglalakad sya ay hawak-hawak niya ang kanyang wine glass at sumimsim rito at tumingin kay Alexander.
“Hindi ka maaaring pumalpak, sa sunod na buwan or sa sunod pa ay magme-merge na ang company ng ama ng baklitang iyon at ang company ng furniturity, nalaman ko ring hindi magme-merge hangga’t hindi pa na-ikakasal ang baklitang Amara na iyon.” Putol nya sa sinasabi niya at nilapitan si Alexander at inikot-ikot pa ang neck tie nito at tinignan ito ng malagkit.
“I will pay you a half million.” Sabi ni Velvet at naglakad palayo.
“Pag nagawa mong ma-inlab sya sayo at ikaw ang piliin nyang mapakasalan…. ngunit, hindi ka ikakasal sa kanya dahil, hindi mo sya sisiputin sa kasal, at….dahil don… walang mangyayaring kasalan at hindi rin matutuloy ang pagme-merge ng dalawang company.” Dagdag pa niya at tumawa na parang demonyita.
“Ano? Deal na ba tayo?” Tanong ni Velvet.
“Okay, yun lang ba?” Maangas na sagot ni Alexander.
“You’re quite confident, I really like it, pero hindi ang angas mo ang kelangan ko, kelangan ko ay ang galing mo sa pagpapa-inlab at galing mo sa pagpipigil ng damdamin.” Sagot ni Velvet.
“Amara is not that easy, baka nga ikaw pa ang ma-fall sa kanya, that transwoman was lovely, maraming nahuhumaling sa kanya, kung tutuusin? Mas babae iyon sakin….at, mas marami ring interesado sa kanya. Sagot ni Velvet.
“I can handle that, but when we will start?” Tanong ni Alexander kay Velvet.
“As soon as possible.” Sagot ni Velvet at inalok ng wine ni Velvet si Alexander at nagcheers pa sila.
‘Velvet really wanted to take down her opponents in the business of her family, even the closest friend of her, I don’t know if it will be good but let see how it goes, for sure it will be fun, besides I’m enjoying watching them.’
Simula sa pagpapakilala ni Velvet kay Amara at Alexander sa isa’t isa.
Ang pagseset up kay Amara na hoholdapin at ililigtas ni Alexander para mas mahulog ito at magkaroon ng malaking tyansa kay Amara.
Ang pagmamanman sa kunwaring relasyon ng dalawa.
Ang pang-aakit sa mga business partners ng ama ni Amara.
Ang unti-unting pang-aakit ni Velvet sa mga tauhan nila Amara upang alamin ang kahinaan nito.
’ I
know Velvet so well, she’s into something that I need to find out, and
ofcourse
as a friend of her, to help and to drag that Amara down.’
CHAPTER 2
Alexander’s Pov.
Papauwi na ako galing sa isang mansion ni Velvet ng kamalas-malasang abutan ako ng ulan at nabasa ako.
Nang marating ko pa lang ang gate ay kita ko ng naka-abang sa akin si Amara at nang makita pa lang niya ako kay agad syang sumigaw.
“Yaya, get some towels.” Sigaw niya gamit ang natural na boses.
“Bakit ka nagpaulan?” Tanong niya.
Nang makalapit ako sa kanya ay ewan ko, bigla ko syang niyakap.
‘eto ang kelangan ko’
“Hey handsome, sagutin mo’ko, bat ka nagpaulan?” Tanong niya at yumakap rin sakin, binalewala kahit mabasa ko pa siya.
Bumitiw ako sa yakapan namin ng makita ko ang yaya sa likod niya.
Agad iniabot ng yaya ito kay Amara at agad niya naman itong ipinunas sa akin.
“Bat ba kase nagpaulan ka? Pano pag nilagnat ka?” Tanong niya habang hinahaplos sa akin ang twalya upang tuyuin ako.
“Tara na, maligo ka na sa itaas at baka tuluyan kang magkasakit.” Oa na dagdag pa niya at natawa naman ako.
“Ba’t moko pinagtatawanan?” Galit na tanong pero angganda pa rin.
“Iloveyou.” Sabi ko at nginitian sya.
Binato nya ko ng twalya at sumagot.
“Tigilan mo’ko, maligo ka na sa itaas!” Inis na sabi niya pero bahagyang natatawa.
Agad ko namang sinunod ang ginawa niya, pagkatapos kong maligo ay agad rin akong nagbihis at nakita ko syang nakahiga sa aming kama at busy sa kanyang cellphone.
“Love?” Tawag ko.
“Baket?” Tanong niya habang nakatutok pa rin sa cellphone niya.
“Matulog ka na.” Sabi ko at niyakap pa siya.
‘ako ang gumagawa pero ako yung kinikilig’
Napangiti naman ako sa naisip at mas yumakap pa.
“Wait lang.” Sagot niya at natatawa.
“Ano ba kase yan?” Tanong ko.
“Wala no HAHAHAHA!” Tanggi niya at tumawa kaya nainis naman ako.
“Sino nga yan? May kabet ka siguro?” Tanong ko at natawa naman siya lalo.
“Ano? HAHAHAH kabet? Wala ako nun!” Sagot nya at tumawa ulit.
“Sino nga kase yon?” Tanong ko pa at medyo isinama kunwari ang tingin.
‘I really enjoying being part of this plan Velvet, not just enjoying, I’d loving it’
“Wala naman akong kausap e, nag-sscroll lang ako sa fb, tignan mo pa.” Sabi niya at ibinigay ang phone niya kaya chineck ko at totoo ngang nag-ffb lang siya.
Ibinalik ko ang cellphone at niyakap sya ulit.
“Sige, ihinto mo na yan at matulog na tayo love, pagod ako e.” Sabi ko at nginitian siya.
“Okay as you say so, handsome!” Sagot niya at hinalikan ako sa pisngi at napangiti naman ako.
Niyakap nya ako at natulog kami.
Kinabukasan ay maaga akong naghanda dahil date namin ito ni Amara.
Agad kong sinabi sa driver ang pupuntahan para hindi na sya magtanong mamaya.
Nang matapos ako magbihis ay agad kong hinalikan sa pisngi ang natutulog na si Amara.
At ng maramdaman niya ito ay agad nyang idinilat ang mata niya at ipinikit ito ulit ng makita ako.
“Ang aga mo a, san ka?” Tanong niya at hinalikan ulit siya.
“Hindi mo ba naalala?” Tanong ko pa at hinalikan sya sa labi.
“Ano?” Tanong niya.
“Hays, date natin ngayon Love.” Pa-kyut na sagot ko at dumilat naman siya at tinitigan ako.
“Uy sorry loves, nakalimutan ko, just wait me kikilos na ako.” Sagot niya at natawa naman ako sa taranta sa bawat kilos niya.
Maya-maya lang rin ay natapos na si Amara mag-ayos.
Nagpants siya at nag-off shoulder, casual lang, hindi kagaya ko na naka-longsleeve at maong pants at naka-boots.
Agad naman kaming bumaba upang maka-sakay na sa sasakyan at makapag-date na.
Sa biyahe ay sumandal lang sakin si Amara at nagcellphone habang ako ay tutok lamang sa daanan at ninanamnam ang saya at pilit ibinabaon sa aking utak ang pangyayaring ito.
‘It was the moment that I don’t really wanted to forget, the moments that we give our time for each other.’
Gusto kong umasa na magiging kami ngunit alam kong masasaktan lang din ako dahil malabo iyong mangyari. Bayad lang ako ni Velvet kaya naparito ako at umiibig sa kanya ngayon.
Maya-maya lang din ay narating na namin ang pinaka-sosyal na resto dito, kahit alam kong hindi kaya ng budget ko ay sinabi ni Velvet na dito ko dalhin si Amara upang mas dagdag pogi points daw.
Pagpasok namin ay agad kaming naupo at si Amara ay parang hindi kumportable na ewan.
“Okay ka lang ba?” Tanong ko.
“Yeah, pero dito talaga tayo kakain?” Tanong niya.
“Yes, why?” Alalang tanong ko.
“Wala naman, pero sorry hindi ako sanay na dinadala ako ng ibang tao sa mamahaling restaurant.” Sagot niya at naguluhan ako.
“What do you mean?” Tanong ko at hinawakan ang kamay niya habang naka-upo kami sa table for two na ni-reserved sa amin.
“Sorry love, but I’m not really used to eat in fancy restaurants, hindi kami sanay ni Dad na lalabas for date or kakain in fancy or deluxe restaurants, we prefer to eat in simple fastfood chains, kahit pa mayaman kami ni Dad, we never tried to act like millionaires cause we really love where we came from, from being a low-profile person.” Sagot niya sakin at mas naantig naman ako.
‘Hindi talaga lahat ng mayaman nagmamataas, may ibang marunong pa irn lumingon sa pinanggalingan’
“So are you okay that we’re going to eat here or not?” Tanong ko at pinisil pisil ang kamay nyang hawak ko.
“Can we just go to streets, buy streetfoods, I will surely love it, just let the guards watch us.” She suggested.
“Okay sure, sige pupunta tayo ng street at kakain ng streetfood.” Sagot ko at inalalayan syang makatayo sa upuan niya at nginitian nya naman ako.
Agad kaming sumakay ng kotse paglabas namin ng resto na iyon, kahit nasa loob kami ng kotse ay naka-dungaw sa labas ng kotse si Amara dahil abala raw sya sa paghahanap ng streetfood vendor.
Maya-maya sa pag-ikot namin ay may nakita kaming nagtitinda ng kwek-kwek. Agad namang bumaba si Amara ng makahinto ang kotse sa gilid.
Agad kong sinenyasan ang mga bodyguards ni Amara na bantayan ang mga gilid-gilid.
Paglapit namin kay Manong ay naglalagay na sya ng kwek-kwek sa plastic cup para kay Amara.
Pagkaabot nito ay agad ko syang binayaran at kumuha rin ako ng kain.
At puro ako tawa dahil sa parang batang Amara ang nasa harap ko ngayon na tuwang tuwa sa palamig at kwek-kwek na kinakain nya.
‘Nang dahil sa mga pinapakita mo, mas minamahal kita at mas natatanggap ko na mahal na kita’
Habang nakatitig sa kanya ay naalala ko ang aking pananaw sa mga mayayaman, kung bakit ayaw kong angkinin ang business ng magulang ko ay akala ko kapag mayaman na ang isang tao ay magmamalaki sila at magiging sakim sa lahat ng yaman.
Na kapag may pera sila ay pakiramdam nila ay may kapangyarihan sila, kaya ko tinanggihan ang parents ko sa business na alok nila sakin, naghanap ako ng trabaho sa pilipinas, ngunit itinuro ng binabaeng nasa harap ko, na hindi lahat ng mayaman…pera ang kasiyahan.
Nang mabusog si Amara ay kumuha pa sya ulit para raw may kakainin sya sa bahay kung sakaling mag-crave ulit siya.
Agad ko namang binayaran ang nakain ni Amara na hindi naman umabot ng 150, at agad na inuwi si Amara.
Pagbaba ng sasakyan ay nakangiti kaming magkahawak kamay.
“Ang saya ko.” Sabi ni Amara at nakangiti pa.
“Bakit naman?” Tanong ko.
“Akala ko kase magagalit ka nung sinabi kong ayaw kong kumain dun sa resto kung saan mo ko dinala, pero hindi…sinamahan mo pa akong kumain sa kalye ng streetfood.” Sagot niya at pinisil ang kamay ko.
“Bat naman ako magagalit e, mahal kita.” Sabi ko at hinalikan sya sa noo.
“Mahal din kita no, kaya nga kita pakakasalan e!” Sagot nya at tumawa at naki-tawa rin ako.
‘Sana nga ikasal ako sayo e, kung pwede lang.’
CHAPTER 3
Amara’s Pov.
Ngayong araw ay papunta kami sa kompanya ni Papa.
Kasama sana namin ngayon si Alexander ngunit sya ay may lakad kaya naman kami lang ni Papa ang natuloy sa pagpunta ngayon.
Balak sanang magpahinga ni Papa ngunit hindi naman pwede dahil ngayon dumating ang representatives ng makaka-merge naming kompanya.
This day was not that very special for me kaya I’m just wearing my formal coat and my fitted shimmered silver jeans and also my shimmered silver top. At ito rin ang pinaka-disenteng damit na pwede kong suotin.
Pagkarating namin sa office ni Daddy ay hinihintay na pala sya nito sa itaas.
Kaya naman ay naupo na lang ako sa sofa dahil alam naman ni Papa na mahiyain ako lalo na’t may pagka-homophobic ang anak ng partner niya. Ayaw na nga sana ni Papa ituloy ito ngunit tumutol ako.
Hindi rin naman sa nahihiya ako sa lahat ngunit marunong akong umiwas sa mga taong may ayaw sakin.
Alam ko na rin naman ang mga kondisyon bago tuluyang mag-merge ang company kaya sinabi ko kay Papa na ituloy na ito.
Kasama sa kondisyong ’yon ay kailangang ma-ikasal ako bago ang palugit nila na 3months, kung tutuusin ay kaya naman ng company namin to stand on its own but ako ang nagsabi kay Papa na mas lalago ang business kung may merge na magaganap.
Hinayaan ko lang sila mag-usap at binasa na lang muna ang text mula kay Alexander.
Message:
Him: Ingat kayo ni Tito, magsuot ng disente , don’t be too daring.
Nangiti naman ako sa mensahe niyang ’yon at saka ako nagreply.
Me: Hindi ako ganon manamit. I’m classy and kinda choosy about the clothes I wear, but I choose the right one. I wear silver jeans and silver top with my coat, don’t you worry! :>
Maya-maya lang ay nakatanggap ako ng reply galing sa kaniya. Agad ko naman iyong binasa.
Him: Good, kase kung hindi? Uutusan kitang umuwi para magpalit.
Medyo natawa naman ako sa mensahe niyang ’yon ngunit hindi ko na ito pinansin pa.
Mga ilang minutos ang lumipas ay narinig ko ang usapan nila Dad at nung ceo ng kompanyang makaka-merge ng kompanya namin.
They’re really on it, they really want me to get married agad agad para matuloy ang merge dahil ang anak nyang homophobic ay ayaw pumayag na magkaroon ng merge hangga’t hindi ako naikakasal sa iba.
Hindi na rin naman ako against doon actually, and maswerte ako dahil alam kong ikakasal ako sa taong mahal ko.
Natagalan kami sa kumpanya ni Papa dahil may mga kailangan pa syang pirmahan at puntahan na mga meetings, ako naman ang naghandle sa iba niyang clients dahil sa iyon ang utos niya. Kinita ko rin si Mr.Cheng na magiging future investor once na maganap na ang merging ng furniturity at Dri-foams.
Inilathala lang naman ni Mr.Cheng kung magkano ang possible investment niya at nagtanong lang rin sya ng kung ano-ano tungkol sa plano namin sa nalalapit na pagme-merge ng dalawang company, kaya naman hindi ako nahirapan at naging chill lang din naman ang trabaho ko.
Pagkatapos ni Papa ay sinabi niyang hindi pa kami uuwi dahil didiretso muna kami sa factory upang tignan ang sitwasyon roon.
Kasama ang mga bodyguards ay may apat na sasakyan na nakapalibot sa sasakyan namin. Ako na rin ang nag-suggest na magdala ng maraming bodyguards dahil ako’y takot rin sa kung anong pwedeng mangyari lalo na ngayon, maingay ang pangalan ni Papa dahil sa mangyayaring merging ng kumpanya namin. Mas magiging mainit ang pangalan ng aking papa sa ibang competitors na may malansang plano.
Pagkarating namin roon ay agad na pinagtatanong-tanong ng kung ano-ano ni Papa ang mga trabahador roon. At para sa akin, everything seems so right naman based on the employee’s reaction na nakausap ni papa.
Sumunod lang naman ako sa aking Papa at nang masatisfied s’ya at nasigurong ang lahat ay okay ay nag-aya na syang umuwi dahil gusto na rin daw n’yang magpahinga.
Agad naman kaming umuwi kagaya ng gusto niya, dahil kahit ako’y medyo nanakit na ang talampakan sa heels na aking suot. Sana pala, hindi ako nagheels.
Pagkarating ko pa lang sa pintuan ng aming bahay ay agad kong hinubad ang heels ko dahil medyo nananakit na ang aking paa. I won’t ever wear you, again. I swear.
Ngunit nagulat ako ng may nag-abot ng furred slippers at nakita ko ang seryosong ekspresyon ni Alexander na nakatingin sa akin. Ang gwapo niya, hmp.
Agad naman syang yumuko dahil hindi ko nakuha ang tsinelas sa kanya at s’ya ang nagsuot nito sa akin at ako’y tameme lang. What did I do to deserve this kind of treatment? argh my heart.
At bigla kong naalala na may lakad nga pala siya. Bakit kaya siya narito? sinungaling, hmp.
Pagkatayo niya ay halos umangat ulit ang aking paningin dahil mas matangkad sya sa akin.
“Uy.” Sabi niya at blanko ang ekspresyon ko lang siyang tinignan at sumagot.
“Sabi mo may lakad ka?” Tanong ko at nakatitig lang sa mata niya. Because eyes, doesn’t lie.
“Meron nga.” Sagot niya at inakap ako papalapit sa kanya kaya naman mas natingala ako sa kaniya.
Ang mga yaya naman ay nagsisi-balik na sa kanilang mga trabaho at dinedma kami, si Papa naman ay nauna na sa itaas.
“E, bat mas nauna ka pa sa’min?” Tanong ko pa ulit at ngumiti naman siya.
“Meron nga akong lakad, pero hindi ko sinabing magtatagal ako, at wala rin akong sinabing isang araw akong mawawala, kaya ako nauna dahil gusto kita agad makita, ganun ako kabaliw sayo, e.” Sagot niya at hinalikan ako sa ilong. Nangiti naman ako at saka sumagot.
“Abnormal.” Sagot ko na lang at yumakap rin.
Binuhat nya naman ako na siyang kinagulat ko ngunit agad akong nabalik sa ulirat ng magtanong siya.
“Eh ikaw ba’t ka nagtagal?” Tanong niya pa habang buhat ako at naglalakad papunta sa kwarto namin.
“Uhm, nagpunta pa kami sa factory para tignan kung may problema ba do’n.” Tugon ko at mukhang sinusuri niya pa kung nagsasabi ba ako ng totoo.
“And?” tanong niya pa at napa-isip pa ako kunwari bago sumagot.
“So ayun, everything is alright naman edi umuwi na kami.” Sagot ko sa kaniya at ngumiti siya at saka nagsalita.
“HAHAHA iloveyou.” Sabi niya at natawa. Natawa rin ako at saka sumagot.
“Iloveyoutoo HAHA” At pareho kaming natawa sa kalandian namen.
Pagkarating sa kwarto ay hinayaan nya akong magpahinga. Hindi ko na rin sya tinanong kung saan sya pupunta nang lumabas s’ya ng kwarto ko.
Nagcellphone lang naman muna ako at naka-receive ng message galing sa aking bestfriend na lalaki na si Felix.
Him: Uy, jamming daw mamaya sa Ozone Club, game ka?
Me: What time?
’wag lang sana masyadong gabi dahil hindi
papayag
si Alexander for sure.’
Him: 7pm magkikita dito sa subdivision na tinitirhan ko, tas after ng hintayan deretso sa club.
Me: okay sure, join ako.
Pagkatapos no’n ay bumangon ako upang maghanap ng mai-susuot ko. Para maging handa na ako dahil ilang oras na lang rin ang natitira sa akin para magprepare. I don’t want to be late, tho.
Habang kinakalkal ang mga damit sa aking aparador ay biglang pumasok si Alexander na may dalang pagkain. Nilingon ko siya at nang makita niya ang ginagawa ko ay nagtanong siya.
“Oh, anong ginagawa mo?” Tanong niya pa habang inilalapag ang pagkain sa side table ng kama ko. Ibinalik ko ang tingin sa mga damit at saka sumagot.
“Naghahanap lang nang mai-susuot.” Pagsisinungaling ko at buti na lang ay naniwala siya. Ilang segundo pa ay sumagot siya.
“Okay. mamaya na yan, upo ka na dito, kumain ka.” Utos pa niya at nakinig naman ako para hindi siya maghinala.
Pagka-upo ko ay agad nya akong inambaan ng kutsara kaya ngumanga ako upang masubuan niya. Ang sweet naman nito, hihi.
“May lakad ka ba? Napansin ko kase dun ka naghanap ng damit sa mga pang-alis mo. Oh ayan o, masyado pang revealing yang nailagay mo sa gilid mo oh.” Sabi pa niya at itinuro ang damit habang sinusubuan ako.
“Oo, may lakad ako e.” Pakyut kong sagot at tinitigan s’ya sa mata at binigyan nya ako ng nagtatakang tingin. Pumayag ka, please.
“Okay, sinong kasama?“Usisa niya pa at nakangiti akong sumagot
“Si Felix tas yung iba naming barkada.” Sagot ko at agad ulit siyang nagtanong.
“Oras?” Dagdag pa niya.
“8 daw.” Tugon ko naman.
At tumahimik sya at tinitigan lang ako, at sa tingin niyang ’yon ay parang alam ko na ang ibig-sabihin. Hindi ako papayagan neto, for sure.
“Basta pupunta ako ha, promise maaga akong uuwi, magpapahatid ako.” Sabi ko pa para ma-convince sya kahit kaonti.
“No, you won’t go.. unless kasama ako.” Pinal na sagot niya at ako naman ang nakunot ang noo ngayon, ngumanga naman ulit ako dahil inambaan nya ko ng kutsara.
“Eh?” Sagot ko habang ngumunguya. Ba’t kelangan kasama pa siya?
At nagtitigan kami, binigyan ko sya ng nagtatakang tingin habang siya ay masama ang tingin sa’kin. At bigla syang umiwas ng tumingin at nagsalita.
“Okay pupunta ka mag-isa. Basta, ako ang maghahatid at susundo sayo pauwi.” Sabi niya at halatang inis sa pagkatalo nya. Tingin pa lang ’yon, ha.
“Yes, promise maaga naman ako uuwi e.” Sagot ko at hinalikan sya sa noo.
“Oo na, kainin mo na’to, narinig ko sa mga bantay n’yo na hindi ka raw kumain sa kumpanya.” Inis na sagot niya at natawa ako.
“Oo nga, nakalimutan ko na kumain HAHAHA!” Sagot ko at tumawa at tinignan naman nya ako ng masama.
“Manahimik ka na at kumain.” Sabi pa niya at nanahimik naman ako at kinain ang pagkaing isinusubo nya sa akin. Sungit, palibhasa di nakuha ang gusto, tss.
Pagkatapos ay tinulungan nya rin akong iligpit ang damit na hinalughog ko nang makita ko ang susuotin ko para sa lakad ko.
Gusto ko sanang suotin yung glittered silver tube at partneran ng maong jacket na black at magshort ngunit hindi nya ito nagustuhan dahil masyado raw agaw pansin sa mga lalaki, kaya naman ang ending ay sya ang namili ng aking susuotin, nakielam rin naman ako kahit papaano.
Ang susuotin ko mamaya ay itong blue maong dress at papatungan ko ng coat or jacket to accesorize at para mas lit.
At sinabi nyang mag-rubber shoes na lang ako upang hindi na manakit ang aking paa, ngunit wala syang nagawa ng sinabi kong heels ang susuotin ko.
Nahiga lang naman kami at nag-usap dahil wala rin naman kaming magawa.
Puro tawanan at asaran lang ang ginagawa namin ngunit ramdam ko ang saya.
’Ang swerte ko sa lalaking ‘to Lord, thank you.’
CHAPTER 4
Amara’s Pov.
Agad akong naligo ng sumapit ang alas-sais dahil ako’y mag-aayos pa.
6:40pm na nang matapos akong mag-make up.
Iniabot naman sa akin ni Alexander ang isusuot ko ng makita nyang tapos na ako mag-make up.
“Thank you.” Sabi ko at ngumiti naman sya.
“You’re always welcome my angel.” Sagot niya.
“Yieee HAHAHA!” Pang-aasar ko.
“Iloveyou HAHA” Sabi niya.
“Iloveyoutoo.” Sagot ko.
’Ang sweet ng lalaking ’to,
nakakabaliw
.’
Paglabas ko ay wala na si Alexander at binalewala ko na iyon at kinuha ang aking hermes na bag at inilagay ang kakailangan ko.
-wallet -face powder -beauty blender -phone -wipes -tissue -face pallete -lip gloss
Pagkatapos ko itong ilagay lahat sa aking bag ay agad akong bumaba.
Paglabas ko ng bahay ay naabutan ko na nakahanda na ang sasakyan ni Alexander upang ihatid ako gamit ang kanyang Lamborghini Huracan LP580-2
Nang makalapit ako ay agad nya akong pinagbuksan at nang maka-pasok ako ay agad nya itong isinara at pumasok na sa driver’s seat.
Habang nagsisimulang maniobrahin ang manibela ay tinanong kung saan nya ako ihahatid at sinagot ko naman siya.
“Hindi ba talaga ako pwede sumama?” Tanong niya.
“H’wag na, saka wala naman kaseng sinabi na magdala ng jowa.” Sagot ko
’ayaw
ko lang talaga na tayo ang maging center of attraction kaya hindi kita
isasama
’
“Okay, mag-iingat ka ro’n, pag may emergency or if you need something, tawagan moko.” Sabi niya at bumuntong hininga.
“Okay sige.” Sagot ko.
Nang makarating kami sa Subdivision nila Felix ay hinalikan ko muna sya sa pisngi at nagpaalam.
“Sige na, umuwi ka na.” Sabi ko.
“Mag-iingat ka ha, iloveyou.” Sagot niya at hinawakan pa’ko sa kamay.
“Oo nga, iloveyoutoo.” Sagot ko at ngumiti,
Pagkababa ko ng sasakyan ay sumigaw sya mula sa bintana
“Hoy Amara, umayos ka ah.” Dagdag pa niya
“Oo na.” Sagot ko at natawa sa bugnot nyang mukha.
Alam kong gusto nya kong samahan ngunit alam nyang buo na ang desisyon ko kaya naman nakasimangot at pagkabugnot na lang ang kanyang naipapakita.
“Tumawag ka ah! Dapat maaga kang umuwi.” Sigaw pa niya.
“Oo na, ang kulit!” Inis kunwaring sigaw ko at inirapan nya naman ako at pinaandar na ang sasakyan at umuwi.
Ako naman ay tumuloy na upang puntahan ang mismong bahay ni Felix.
Pagkarating ko roon ay nagulat ako sa mga imbitado, medyo nagtataka ako dahil ang iba rito’y hindi ko ka-close ngunit tumuloy naman muna ako at hinanap si Felix.
Nakita ko si Felix, suot nya ang gift kong Jacket sa kanya at may kausap syang mga babae na hindi ko kilala.
Natignan ko kaagad ang kabuuan ni Felix, bumagay sa kanya ang jacket at ripped jeans at high cut na sapatos.
Agad ko naman syang tinawag at tinanong dahil medyo nalilito rin ako.
“Felix.” Pagtawag ko.
“Uy Amara, nakarating ka na pala.” Bungad niya.
“Oo e, pero teka… Ba’t andaming tao?” Tanong ko.
“Sorry Amara HAHAHA, nagsinungaling ako, hindi lang talaga ’to simpleng jamming, birthday kase nung isa kong kaibigan si Kael, sabi niya imbitahan ko lahat ng kilala ko, kaya inimbitahan kita.” Sagot niya.
“Nakakahiya, dapat sinabihan mo’ko.” Mahina at diin na sagot ko.
“Sorry, alam ko kasing pag sinabi ko, gagawa ka nang paraan para hindi makapunta, kilalang kilala kita e.” Sagot niya at nangiti naman ako sa dahilan niya.
Actually tama sya roon e, kung sakaling sinabi nya agad na ganon? Baka gumawa lang ako ng mga rason para hindi makasama.
“Okay lang, sabay ako sayo mamaya ah, wala akong dalang kotse, hinatid lang ako e.” Sagot ko na lang at ngumiti.
“Okay, sure sige.. my pleasure.” Pagbibiro nya at natawa ako.
Sumabay lang naman muna ako sa kanya maglakad at tila inaalam kung kumpleto na kami.
Sa tantsa ko ay lagpas 50 katao ang invited, dahil iilan lang ang ka-close ko.
Nang maka-receive ng message si Felix na kumpleto na raw ay agad na kaming sumakay sa kanyang kotse.
Napuno ang iilang kotse dahil marami nga ang inimbitahan, naki-sakay rin kay Felix ang aming isa pang bestfriend, si Tilla.
Pagkasakay pa lang niya ay agad kaming nagchikahan ng kung ano-ano at binalewala ang bagal ng usad dahil isa-isang lumalabas ang kotse ng subdivision.
“Gaga ka, ba’t di mo sinama jowa mo?” Tanong sakin ni Tilla at nailang naman ako kaya nabigyan ko sya ng pekeng tawa.
“E ikaw? Ba’t di mo sinama jowa mo?” Pagbabalik tanong ko.
“Gaga ka, nasa ibang bansa sya, sabi pa nga niya kung nandito lang daw siya, sinamahan na raw nya ’ko.” Sagot niya.
“Ahhh ganun ba? Kelan ba ang uwi nyang jowa mo?” Tanong ko pa.
“Sa March, uuwi sya sa kasal nyo ng jowa mo, pero teka ba’t nga di mo isinama ang jowa mo?” Tanong nya pa at binigyan ako ng mataray na tingin at nang-aasar na ngiti.
“Ayoko lang maging center of attraction kami mamaya, alam mo naman yun..masyadong confident yun, lahat yata ng trip nasasakyan nun, at saka mahirap na baka makakita nang iba yun.” Sagot ko at sumabat naman si Felix.
“Tangeks ka talaga, inlab kaya sayo yun, at saka proud lang yun na sya ang boyfriend mo.”
“Oo nga, Gaga ka talaga.. pero alam nyang pumunta ka rito mag-isa?” Tanong pa ni Tilla.
“Oo, sya nga naghatid sakin dito e, medyo inis pa nga yun kase ayaw ko sya isama.” Sagot ko at tumawa naman sila.
“Abnormal HAHAHA!” sabay nilang sabi at natahimik naman na kami.
Pagkarating sa venue ay medyo maingay na at dim na ang lights, not like any other clubs, masyado itong malawak at sobrang laki ng dancefloor.
Ang halos kabuuan ng club ay na-okyupahan namin, pagkapasok pa lang namin ay nagdatingan ang waitresses/waiters at naglagay ng appetizers at wines sa table.
Pumasok rin ang kasamang caterers nang mga kasamahan namin at ipinasok ang mga pagkain at inilagay sa isang mesa na halatang sinadyang ilagay doon upang paglagyan ng mga pagkain.
Nasabi rin sa akin ni Felix na bayad ang club kaya walang magrereklamo.
Mabilis naman na nagsimula ang lahat, ang pinakauna ay ang mensahe ng may kaarawan, sumunod naman agad ang bigayan ng gift at regalo kabilang na si Felix sa magbibigay ng regalo.
Hindi lahat ay may regalo, kagaya ko ay naimbitahan lang din ang iba at hindi rin yata inaasahang birthday pala ang aming pupuntahan.
Nahihiya ako dahil kilala ang kumpanya namin ngunit wala man lang ako kahit simpleng regalo lang ngunit iniwakli ko iyon sa aking isip.
Pagkatapos ay agad na pinasimulan ang pa-games.
Nandyan ang nagputukan ng balloons, at nagpasahan ng simpleng karton gamit lamang ang bibig at sa isang game ay nasali ako.
Hindi ito pamilyar sakin at never ko pang nalaro, tatanggi sana ako ngunit ayoko naman magmukhang KJ lalo na’t na-eengganyo rin ang may kaarawan na manood sa games.
Sa larong ito ay palaki ng palaki ang baso at parami rin ng parami ang laman at ang pera sa ilalim nito ay gano’n rin.
Sa isang parang mc ay narinig ko ang brand ng alak na ito, at napag-alaman kong ito ang pinakamahal na alak.
Ang pangalan nito ay Henri IV Dudognon Heritage Cognac Grande Champagne
Amoy pa lang ay ramdam ko na ang sipa ngunit binalewala ko iyon.
Pagkarinig ko sa hudyat na simula na ay agad kong ininom ang nasa pinakamalaking baso at ang lahat ay nagsigawan dahil tila iba ang aking diskarte.
Sa bawat sigaw ay ramdam ko ang pagtakbo nito sa aking sistema at ang mabilis na pag-init ng aking buong katawan.
Inayos ko ang tayo ko at tumingala at kinuha ang sunod na baso.
Tiniis ko ang lahat at nagpatuloy lang sa pagtungga kahit pa sa pakiramdam ko’y napuno na ang aking katawan.
Sa ika-anim na baso ay medyo lumiit na at medyo umikot ng mabilis ang paningin ko dahil malakas talaga ang sipa ng alak na ito.
Hindi ko na rin naman inisip kung anong itsura ko dahil naka-make up naman ako.
Pagkatapos kong lagukin ang lahat ng inumin ay narinig kong ako ang panalo.
Kabilaang palakpak at hiyaw ang narinig ko ngunit umeepekto na ang alkohol sa aking katawan.
Maliban sa prize na nasa ilalim ng baso ay nabigyan pa’ko ng additional prize.
Nagpatuloy naman sila sa games at ako’y nagpahinga at inalalayan naman ako ni Tilla.
“Uy, kaya mo pa?” Tanong niya sakin.
“Oo naman, medyo nahilo lang ako.” Sagot ko.
“Onti lang kase kinain mo e, tas uminom ka agad ng ganun.” Sabi pa niya at umiling
Ako naman ay yumuko na sa lamesa at pumikit dahil feeling ko ay umiikot ang buo kong mundo.
Ang paningin ko’y hindi ko mai-focus, masyadong malabo ang iba kong nakikita kaya naman pumikit lang ako.
Nagpatuloy lang ang ingay at ang laro at nang mahimasmasan ako ay nakisali ako sa sigawan at palakpakan at pagsasayaw habang naka-alalay sakin si Felix at si Tilla.
Nang matapos ang games ay naglabas pa ulit ng alak ang mga bartenders kaya naman kumuha ako roon ng isa at nilagok iyon.
Sinaway naman ako ni Felix ngunit wala na syang nagawa nung inumin ko ito, kaya naman nginitian ko na lang siya.
Si Tilla ay kagaya kong umiinom kanina pa at tila wala na rin sa wisyo, nagsasayaw kaming dalawa nang mag-excuse sya dahil nasusuka raw siya.
Tumingin naman ako sa wrist watch ko.
Nung una ay hindi ko makita ng maayos kung saan nakaturo ang kamay ngunit ng maklaro iyon sa paningin ko ay para akong nabalik sa wisyo.
“Kelangan ko na umuwi” Sabi ko sa sarili at lalakad na sana ako palayo nang may humablot sa braso ko.
“Teka sa’n ka pupunta?” Tanong ni Felix matapos nyang hatakin ako.
“Uuwi na’ko, baka mag-alala sila.” Sagot ko habang pinipigilan ang hilong nararamdaman ko.
“Buti pa sila naiisip mo, e ako? Hindi mo ba ako naiisip?” Tanong niya at nakatitig pa sakin na parang naiiyak.
“L-lasing ka na yata e.” Sagot ko na lang.
Nagulat ako ng hatakin nya ako palabas ng club.
At huminto kami malapit sa parking lot.
“Amara, ako? Hindi mo ba’ko naiisip?” Tanong niya at hinahaplos nya ng bahagya ang braso ko’t tila nagtataasan ang balahibo ko sa parteng iyon.
“A-ano ba sinasabi mo Felix?” Tanong ko at pumikit dahil sa hilo dulot ng alak sa aking sistema.
“Amara, gusto kita matagal na.” Sagot niya at iniangat ang muka ko at ginawaran ako ng naniniil na halik na syang nagpalaki sa mata ko.
Sa sobrang gulat ko ay naitulak ko siya at para akong nagising.
“A-amara sorry.” Pagpapaumanhin nya.
“N-no, it’s okay.” Sagot ko at sumenyas na wag syang lumapit.
“Sorry talaga, hindi ko sinasadya.” Sabi pa niya at tumango lang ako ngunit mas nagulat pa ako sa sumunod na nangyari.
Mabilis na sumulpot si Alexander at sinapak si Felix.
Sa sobrang taranta ay agad akong pumagitna at niyakap si Alexander.
“Wag mo na syang patulan, lasing siya.” sabi ko at naiyak sa sobrang takot.
’nakakainis
, dapat hindi ako
uminom
.’
“Pasalamat ka, yan lang ang inabot mo.” Sigaw pa niya kay Felix na nakahandusay sa daanan.
Mabuti na lang ay walang masyadong tao rito at walang nakakita sa nangyari ngunit natatakot ako kay Alexander.
Agad naman niya akong hinatak at dinala sa sasakyan niya.
Pinagbuksan nya ako at pinapasok at pagkatapos nun ay mabilis syang nagmaneho papunta nang bahay at hindi ko na alam ang sunod na nangyari.
CHAPTER 5
Amara’s Pov.
Nagising ako sa matinding hilo na nararamdaman ko at mabilis ko namang naalala lahat nang nangyari kagabi at agad akong napadilat at napatingin sa tabi ko.
Wala na si Alexander sa tabi ko at agad naman akong nakonsensya.
“Ano ba kaseng pumasok sa kokote ng Felix na yun?” Mahinang sigaw ko pa.
Agad naman akong bumangon kahit pa nahihilo ako.
Pumunta ako sa kusina at nakita kong nagliligpit ang isang yaya namin.
“Yaya.” Pagtawag ko.
“Yes ma’am?, Ano pong breakfast ang gusto nyo?” Tanong nito.
“Anything, btw.. nasaan sila Alex?” Tanong ko.
“Ah si Sir. Alexander po? Kasama po siya ni Senior na pumunta sa kompanya kanina.” Sagot nito.
“Okay.” Sagot ko na lang.
“Sige Ma’am, ipagluluto ko na po kayo.” Sabi pa nito.
“Okay, thank you.” Sagot ko at umupo na lang muna dito sa dining chair at naghintay sa pagkain.
Gabi na nang makauwi si Papa at si Alexander galing sa kumpanya.
Pagkarating nila ay agad ko silang sinalubong at ngumiti naman sa akin si Papa.
“Uy pa.” Pagtawag ko at lumapit ako paea magmano.
“Yes, darling?” Sagot naman niya.
“Kamusta?” Tanong ko at ngumiti naman sya.
“Okay lang, medyo pagod..sige mauna nako’t magpapahinga ako.” Sagot niya sakin at agad naman akong humabol.
“Uy pa, hindi ka na ba kakain?” Tanong ko.
“Hindi na, kumain na ako kanina.” Sagot niya at hinayaan na syang umakyat sa hagdan.
Agad naman akong bumaling ng tingin kay Alexander na umuna ng lumakad papuntang kusina.
“Uy” pagtawag ko ngunit hindi lumingon.
‘yari na, nagtatampo nga.’
“Sweetie” pagtawag ko at hindi ulit sya lumingon.
“Handsome uy!” Pagtawag ko pa at hinahabol ang mabilis nyang lakad.
“Alexander.” And this time, lumingon na siya at binigyan ako ng blankong tingin.
“Oh?” Sagot niya.
“Sorry na.” Nasabi ko na lang.
“Ayos lang yon, tara na, kumain na tayo.” Sagot niya at lumakad na at sumunod na lang ako.
Talagang nalulungkot ako sa pagtrato nya sa akin ngayon, ni hindi ko man lang nakita yung ngiti nyang nagpapagwapo sa mukha nya na nagpapakilig sa akin at bumubuo ng araw ko.
Gusto ko tuloy syang yakapin at bigyan ng halik para magbati na kami dahil parang lahat ng nasa paligid ko ay matamlay at walang gana.
Agad namang naghanda ang mga katulong pagka-upo pa lang namin.
Hanggang sa matapos kaming kumaing dalawa ay wala talaga kaming imikan.
Ngayon ay nasa kwarto na kami at ako’y ginagawa na lamang ang paglalagay ng kung ano ano sa mukha para maging mas glowing ako tignan.
Pagkatapos ay agad akong humiga sa tabi niya ngunit hindi pa rin nya ako pinansin at nagfocus lang sa binabasa nyang libro.
“Love?” Pagtawag ko at yumakap sa kanya.
“Oh?” Sagot nya at ayan na naman ang blanko n’yang tingin.
“Sorry talaga, di ko alam na may mangyayari na ganon e..sorry din kase nagpakalasing ako.” Pagpapaumanhin ko.
At bumuntong hininga lang siya at tumingin sa akin.
Alexander’s Pov.
Nang banggitin nya iyon ay parang niyamukos na papel ang puso ko.
Gusto kong bugbugin yung bestfriend nyang iyon ngunit ayoko dahil alam kong mas kakampi sya roon.
I felt so very weird kase kahit na alam kong niloloko ko sya, naaapektuhan pa rin ako ng ginagawa niya.
Nasasaktan ako at ayokong tanggapin ang sorry niya ngunit mas lamang sakin yung nararamdaman ko para sa kanya.
Ngumiti na lang ako at umiwas ng tingin.
“Okay lang talaga, kaya siguro ayaw mo rin ako isama kase alam mong wala syang kasama at ikaw lang ang pwedeng sumama sa kanya.” Sagot ko na lang at agad naman syang sumagot.
“Hindi yun ganon.” Sagot niya at bumangon at tinignan ako sa muka.
“Hindi kita isinama kase hindi ka inimbitahan at wala rin sa napag-usapan na pwedeng magdala ng jowa.” Dagdag pa niya.
“Okay.” Sagot ko na lang.
“Love, sorry na kase… Kahit ako ngayon, pinagsisisihan kong hindi kita isinama.” Dagdag pa niya at dumagan sakin
“Okay nga lang.” Sagot ko.
“Hindi yun okay, kaya sorry talaga.” Sabi pa niya at hinalikan ako sa pisngi.
Eto talagang baklang to, alam na alam kung paano ako lalambingin.
Agad naman syang umalis sa pagkakadagan sa akin at nagsalita.
“May naisip ako” Sabi pa niya at napatitig naman ako sa kanya.
“Ano naman?” Pagtatanong ko.
“Magdate tayo bukas, ito lang kase yung paraan ko para makabawi sayo e.” Sagot niya at ngumiti sa’kin.
“Date? Bukas? Busy ako bukas e.” Seryoso kunwaring sabi ko at inilapag ang libro sa side table.
‘gaganti ako, dapat mainis kita.’
“Anong busy? Sa’n ka naman busy? Kase kung sasabihin mong sa kompanya, hindi pupunta do’n si Papa bukas dahil sabado bukas at bibisita yun sa puntod ni Mama.” Batbat pa niya.
“Basta busy ako.” Seryosong kunwaring usal ko.
“Sige, magtatampo ako pag hindi mo’ko pinagbigyan.” Nakangiti pa rin nyang sabi.
’abnormal
talaga kahit kailan’
“Okay sige, magtampo tayo pareho.” Pang-aasar ko.
“Okay sige, goodnight.” Sabi pa niya at hinalikan ako sa pisngi at nabadtrip naman ako.
’Parang alam ko na ang mangyayari, sa huli ako
susuyo
rito’
Humiga naman muna ako at nagmuni-muni at nang dapuan ng antok ay niyakap ko ang natutulog na si Amara at natulog na rin.
Nang magising ako ay natutulog pa sa tabi ko si Amara
Napangiti naman ako sa itsura at posisyon nito at hinalikan ko ito sa pisngi.
Naalala ko ang usapan namin kagabi at natawa naman ako sa pinakahuli.
“Mautak pa rin, alam nyang susuyuin ko sya e.” Bulong ko sa sarili ko.
At naalala ko naman ang plano namin ni Velvet.
Tama nga si Velvet, ako nga ang na-inlove sa kanya, at hindi ko ito pinagsisisihan dahil kung magsisisi ako sa ginawa ko ngayon? Para ko na ring pinagsisihan na nakilala ko siya.
At lahat nang iniutos ni Velvet ay gagawin ko dahil hindi ako ang lalaking deserve ni Amara, deserve nya yung lalaking ibibigay sa kanya ang lahat lahat, at alam kong hindi ko ’yon kayang gawin.
Iniwakli ko naman ang iniisip at naligo na lang.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako upang gisingin na si Amara.
Agad naman akong lumapit sa kama nang matapos akong magbihis.
“Love” panggigising ko.
“Hmm” ungot niya at idiniin ang muka sa unan.
“Sabi mo mag-dedate tayo? Ba’t natutulog ka pa dyan?” Tanong ko.
“Ang aga pa kaya, mamayang hapon pa yun.” Sagot niya at natulog ulit.
“Kahit na, gumising ka na dyan, sabay tayo magbreakfast.” Paglalambing ko dahil alam kong tinotopak sya.
Ganyan talaga sya sa umaga pero mahal ko yan.
“Hindi ka ba makakakain nang wala ako?” Tanong pa niya at salubong ang kilay at unti-unti ng bumabangon.
“Makakakain, pero mas gusto kong kasama ka.” Sagot ko.
“Nubayan, nagdistorbo ka pa ng tulog.” Reklamo niya at natawa ako sa pagkakanguso niya.
“Sorry na, sige sakay ka sa likod ko, buhatin kita para sabay tayo kakain sa baba, ayoko lang din kase malipasan ka ng kain.” Sagot ko at umupo sa kama at isinabit naman nya ang kamay niya.
Agad ko naman syang binuhat, bale piggyback.
Pagkarating namin sa kusina ay agad namang inihanda ng maids ang pagkain at maya-maya lang din ay dumating ang papa ni Amara at sabay sabay kaming kumain.
Gusto ko sanang subuan na lang si Amara ngunit ayaw niya, dahil lang siguro sa inis dahil inistorbo ko ang tulog niya.
’kahit
ganyan ka, mahal talaga kita HAHAHA!’
CHAPTER 6
Alexander’s Pov.
Alas-dos na nang matapos si Amara sa mga ginagawa nya.
Ngayon ay papunta na kami kung saan para magdate.
As what she wanted, gusto nya sa street lang kami magdate, yung simple lang daw.
Kaya this time, dala lamang ang aking motor, pitaka at phone ay nag-date kami sa may gilid ng kalye kung saan maraming nagtitinda.
Nagpark naman muna ako sa motor sa gilid ng isang establishment at saka kami magkahawak kamay na pumunta roon.
Habang nakatingin ako sa nakangiti nyang mukha, napansin kong pareho kami ng kulay ng tshirt kahit na hindi kami nag-usap.
’bagay
talaga kami, soulmate HAHAHA!’
Nagbayad naman agad ako kay manong at kumuha, dito kami kay manong bumili dahil hindi pa masyadong matao sa kanyang cart.
Pagkatapos ay tumambay kami sa may parke at nakatitig sa langit.
Nag-usap kami habang umiinom at kumakain nitong binili naming pagkain.
Nagulat ako ng i-open nya ang topic about sa kasal namin ngunit hindi ko iyon ipinahalata sa kanya.
“Alam mo? Kinakabahan ako sa kasal natin.” Sabi niya at nakatitig lang sa langit habang nakasandal sa bench na inuupuan namin.
“Bakit ka naman kinakabahan?” Tanong ko.
“Ewan ko ba? Alam mo yun, ito kase yung moment na pinakahihintay ko tas tignan mo oh, 2months na lang ikakasal na tayo.” Sagot niya.
“Wag ka kabahan, dapat nga masaya ka e.” Sagot ko.
“Masaya naman ako, yung kabang nararamdaman ko kase dulot yun ng excitement.” Sabi pa niya at ngumiti sakin.
“Haha, iloveyou.” Sagot ko na lang.
“Iloveyoutoo.” Sagot niya.
At natahimik naman kami.
“Pero, sorry talaga dun sa nangyari nung isang araw.” Sabi pa niya.
“Oo nga, okay na ako.” Sagot ko pa at pinag-isa ang mga palad namin.
“Alam ko naman, pero ako na nagsasabi sayo, para sakin walang meaning yun.” Sabi pa niya at ngumiti ako.
“Meron yung meaning para sa kanya kaya sasamahan na kita kahit saan ka pa magpunta.” Sagot ko naman at napangiti siya.
“Talaga?” Paninigurado nya habang nakangiti.
“Oo nga, kaso ayaw mo naman ako isama e.” Lungkot-lungkutang sagot ko kunwari.
“Uy hindi a, promise… Isasama na kita kahit saan pa ’yan.” Bawi nya at pinisil ang kamay ko at para naman akong lalaking tinadtad ng kolorete sa mukha.
‘basta kinilig ako HAHA.’
“Okay deal, sabi mo yan..pag yan hindi mo tinupad, yari ka sa’kin.” Pananakot ko.
“Okay HAHAHA, Iloveyou.” Sabi niya at tumawa.
“Iloveyoumore.” Sagot ko.
“Malapit na pala yung engagement party natin.” Sabi ko.
“Oo nga e, this coming week na yun, dahil magkakaroon din tayo ng party sa ibang bansa para sa mga business partners at investors doon ni daddy.” Sagot niya.
“Okay lang yun, kahit marami at kahit mapagod tayo, basta ikaw kasama ko, gagawin ko lahat yun.” Sabi ko pa.
“HAHAHA” tawa niya
“Kinikilig to e.” Pang-aasar ko e.
“Buset HAHAHA.” Sagot nya na lang.
At tumitig na lang sya sa langit at ginaya ko sya.
At naisip ko ang lahat ng plano namin nila Velvet.
I know it’s too bad pero ito ang gusto nyang gawin ko bilang kabayaran sa pagpapa-opera nya sa magulang ko noong lugmok sa hirap ang business at sabay na nagkasakit ang papa at mama.
Si Velvet ang tumulong sa kanila upang makabangon at bilang kapalit ay ito ang hiniling nya sa akin.
Pero hindi ko naman akalain na ma-iinlove ako at talagang nahihirapan ako.
Pero buo na ang desisyon ko, alam kong hindi makatarungan ngunit sigurado na ako na ito ang desisyon na gagawin ko.
Nagtagal kaming dalawa na nasa ganoon lang na posisyon at nang mag-alas singko ay inaya ko na syang umuwi.
“Tara uwi na tayo, didilim na.” Sabi ko at iniabot ang kamay ko sa kanya.
“Sige para makapagpahinga rin ako kahit saglit.” Sagot niya at nagtaka naman ako.
“Ba’t saglit?” Tanong ko.
“Wala lang.” Sagot niya at binalewala ko na iyon at naghawak kamay kami habang naglalakad patungo kung saan naka-park ang aking motor.
Nang makarating kami roon ay agad ko itong pinaandar at hinintay syang maka-sakay at nagmaneho pauwi.
Mabuti na lang ay umuwi kami agad dahil biglang kumulimlim at bumuhos ang malakas na ulan.
Alas singko pa lang pero ang langit ay mas madilim kumpara sa kulay ng kalangitan sa ganoong oras.
Habang ako’y nakaupo at naglalaro ng isang mobile game ay napansin ko si Amara na parang balisa habang pinapanood ang ulan sa labas mula sa bintana.
“Love? Are you okay?” Tanong ko.
“Oo naman.” Sagot nya na lumingon pa sa akin at ibinalik din agad ang tingin nya sa labas ng bintana.
“E, bat parang may problema ka?” Tanong ko pa.
“Wala nga.” Sagot nya at tumalikod at tumingin lang sa bintana.
“Ba’t parang may hindi ka sinasabi sa’kin.”
“W-wala nga, grrrr… Okay fine, meron akong hindi sinasabi sayo.” Biglang sagot niya na lumapit pa sa’kin at lumuhod malapit kung saan ako naka-upo.
“Aalis kase ako.” Dagdag pa niya.
“Sa’n ka naman pupunta?” Tanong ko at naglalaro pa rin.
“May friend akong babae na galing sa ibang bansa, kanina lang daw sya naka-uwi actually, and she’s throwing a girl’s party and gusto kong pumunta.” Sagot niya.
“Okay, sabihin mo sa kanya, hindi ka makakapunta.” Simpleng sabi ko at nakita ko naman ang inis sa mukha niya at bigla syang tumayo at nagsalita.
“Yan, kaya ayaw kong sabihin kase alam kong hindi ka papayag.” Sabi pa niya at bumalik sa may bintana malapit at umupo sa upuan malapit roon kung saan nakatalikod sya at hindi ko nakikita ang ekspresyon niya.
Medyo natawa naman ako sa inis nyang mukha na yon kaya tinawag ko siya.
“Love?” Pagtawag ko ngunit hindi ako pinansin.
Agad ko namang inilapag ang cellphone ko sa side table at nilapitan sya at ako naman ang lumuhod sa harapan nya at nakita ko naman ang kunot nyang noo at magkasalubong na kilay.
“Okay, talo ako…payag na ako na pumunta ka.” Sagot ko na may pagkatalo sa boses.
“Talaga?” Masayang sagot naman niya na pinisil pa ang magkabilang balikat ko.
“Oo, pero may kondisyon.” Sabi ko.
“Anong kondisyon naman?” Confident nyang tanong.
“Ako ang maghahatid sayo at tatawag ka time to time, and please wag mo patayin ang phone mo.” Sagot ko sa kanya at ngumiti naman sya.
“Deal.” Sabi niya at kiniss ko sya sa labi at bumalik ako sa kinauupuan ko at masaya naman syang pumunta sa cr para maligo at maghanda para sa girl’s party daw nila.
CHAPTER 7
Tilla’s
Pov.
(Flashback into the chapter 4 part.)
“Velvet, okay na lahat.. nautusan ko na si Felix na i-invite si Amara.” Sagot ko sa telepono.
“Nautusan mo na ba si Felix na umamin kay Amara?” Tanong niya.
“Oo, at ako nang bahala kay Alexander, nasa akin na ang number niya, itetext ko sya agad bago pa matapos ang pag-amin ni Felix.” Sagot ko.
“Good, you’re doing a great job.” Sabi niya at napangiti naman ako.
“Btw, ba’t nga pala nagkaroon nang sudden changes sa plans mo?” Pagtatanong ko.
“There’s no changes at my plans at all, it was an additional plan, aalamin ko lang kung dapat pa ba tayong magtiwala kay Alexander.” Sagot niya.
“Bakit? Anong ibig mong sabihin? Tinraydor tayo?” Tanong ko at narinig ko naman ang tss niya.
“Stupid..aalamin ko kung ginagawa niya ang lahat para sa plano natin o kung inlove na ba siya sa Amarang yun.” Sagot niya at nagets ko naman na.
“Ahh, yun pala yun, okay gagawin natin yan.” Sabi ko na lang.
“Dapat lang, at ikaw ang magiging mata ko riyan dahil busy pa ako, balitaan mo’ko.
Agad ko namang ibinaba ang tawag at pumunta na sa subdivision nila Felix.
(End of flashback)
Ako ngayon ay narito sa mansion nila velvet.
Habang naka-upo sa isang sofa rito sa loob ng kanyang kwarto ay tinanong ko sya habang naglalagay ng make-up sa kanyang mukha para sa party na magaganap mamaya sa isang bar na pupuntahan namin.
“So, what’s our plan for tonight?” Tanong ko habang umiinom ng alak na narito sa ibabaw ng lamesang nasa gilid ko.
“Just to have informations of their wedding, I heard it will be exclusive only for their business partners and the details will be so private, so ang plano ay dapat nating mapagsalita si Amara about it, yun lang..dahil sa nangyari nung isang araw? Alam kong wala na tayong aasahan kay Alexander ngunit hindi nya ba alam na may plan b,c,d at e pa ako? HAHAHA.” Sagot niya at tumawa at nakitawa rin ako.
“HAHAHA, Akala siguro nya e maiisahan ka niya.” Gatong ko pa at sumimsim sa alak na hawak ko.
“Yun ang akala nila, ngunit ang plano ko ay malinis at walang palpak.” Confident nyang sagot at pumalakpak naman ako sa excitement.
“Ano kayang mangyayari after nito?” Tanong ko pa sa hangin kunwari.
“Well then, expect na ang company ng La Fea cotton ang makaka-merge ng furniturity.” Sagot naman ni Velvet.
“At makaka-angat ka na sa company nila Amara.” Dagdag ko pa.
“Exactly.” Sagot nito na may confidence at sabay kaming nagtawanan.
Naghanda naman muna siya at ako’y tinext na lang si Amara kung saan gaganapin ang girl’s party na ito.
Pagkatapos no’n ay inihanda ko ang ibinigay na powder sa’kin ni Velvet, ito ay para mapabilis ang pagkalasing ni Amara.
Alexander’s Pov.
Pagkatapos naman nyang magbihis ay agad syang umupo sa vanity niya at nag-ayos doon.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nagpahatid sya sa isang bar dahil doon daw sila magkikita ng mga kaibigan nya.
Hindi ko naman napansin na masyadong revealing kanina, kaya naman nang makita kong halos makita na ang kanyang bundok ay agad kong ibinigay ang suot kong jacket.
‘umuulan na nga, ang nipis pa nang suot..tss!’
“Isuot mo’to!” Abot ko sa kanya ng Jacket ko pagkahinto ng sasakyan.
“Bakit?” Tanong niya.
“Isusuot mo o iuuwi kita?” Balik tanong ko na may inis sa boses.
“Okay isusuot ko.” Sagot niya at agad ko itong isinuot.
“Sa susunod na magsuot ka ng ganyan at hindi mo ko kasama? Hindi ako papayag na pumunta ka kung sa’n man.” Sabi ko pa.
“Sungit.” Bulong niya na narinig ko.
“Ano?” Galit na tanong ko.
“Wala, sabi ko ang gwapo mo.” Sagot naman niya at hinalikan ako sa pisngi at bumaba na siya at sinarado ang pintuan.
At wala akong nagawa at umuwi na lang sa bahay at maghintay sa tawag niya.
Amara’s Pov.
Pagkababa ko sa sasakyan ay agad akong dumiretso kung saan ako hinihintay nila Velvet at Tilla.
Si Velvet ay matagal ko nang kaibigan also Tilla, we all treat each other as sister.
Kamustahan at onting dramahan pa ang nangyari bago nagsimula ang party kasama ang iba pang friends namin at friends ni Velvet.
Agad namang nagkaroon ng games dito sa may vip room, nagulat ako ng may pumasok na mga lalaki, agad naman akong umiwas upang hindi masali sa game.
Maswerte namang hindi ako nasali dahil ang game kay pwede mong hawakan si Boy kahit saang parte mo gustuhin.
At maya-maya ay dumating na ang inumin at agad naman akong inabutan ng isa ni Tilla at syempre nagpasalamat ako.
Tuloy naman ang chismisan at paglalaro ng ibang kasama namin, tuloy ang paglantak sa pagkain na ipinasok kanina.
Kami naman ay umiinom at ramdam ko na ang hilo sa aking ulo at ramdam ko ang init sa aking katawan.
Habang nakapikit ako at umiinom ay biglang nagtanong si Velvet. “Uy girl balita ko may boylet ka na raw?” Tanong ni Velvet sa’kin na talaga namang nagpailang sakin.
“Oo meron na hehe.” Alinlangang sagot ko at si Tilla ay may impit ng tili dulot ng kilig at natawa naman ako.
“Ano ka ba Tilla, umayos ka nga.” Sabi ko pa at sumimangot naman siya.
“Sorry na, kinilig lang e.” Sagot niya at natwa naman ako.
“At nabalitaan ko ring i-eengaged ka na.” Dagdag pa nito at nangiti naman ako sa naalalang bumalik sa akin.
Simula sa pagkakakilala namin, sa pagliligtas nya sa akin, sa paglalambing, sa panghaharana, sa pangliligaw, sa pagdiskarte, sa paghatid sundo, sa pag-eeffort.
“Ayieeee, you’re smiling.” Kilig na sambit ni Velvet.
“HAHAHA” Tawa ko sa sinabi niya.
“Pero hindi mo sinagot yung tanong ko, i-eengage na ba kayo?” Tanong ni Velvet.
“Oo nga sis, di mo pa sinasagot” dagdag pa ni Tilla.
“Okay eto na, oo malapit na–” Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ay nagsigawan na sila na ultimong mas kinikilig pa sila sa’kin.
Pagkatapos nilang tumili ay saka ulit ako nagsalit kahit pa ramdam ko na ang antok at sakit ng ulo ko.
“Next week na ang engagement party naming dalawa at magkakaroon pa sa iba’t-ibang bansa para sa iba pang business partners na hindi makakapunta ng pilipinas.” Sagot ko habang nakapikit at hinihilot ang temple ko at iniinom ang hawak kong tequila.
“Is it only exclusive for business partners then?” Tanong ni Velvet at sinagot ko siya.
“Yes of course, pero syempre makaka-attend kayo, bestfriends ko kayo e.” Sagot ko at niyakap naman nila ako at diniinan ko ang pikit ko dahil sa sayang ramdam ko dulot ng yakap ng aking mga kaibigan.
Agad naman nag-aya na magsayaw kami ang mga kaibigan namin kaya naman nagsayaw kami at lumabas ng vip room.
Kahit nahihilo ay todo sayaw ako, galaw dito galaw doon ang ginawa ko kahit hindi ako gano’n kagaling sumayaw.
Medyo natagalan kami sa dancefloor dahil sa ganda ng music na inilalapag ng DJ, kaya naman ng matapos kami ay para na kaming lantay na gulay, sinabi naman ni Tilla na tinext na nya si Alexander upang sunduin ako at nagpasalamat naman ako.
At nang bumalik kami sa vip room ay agad akong nahiga sa isang couch doon at hindi ko alam ang sumunod pang nangyari.
CHAPTER 8
Alexander’s Pov.
Habang nag-sscroll sa fb ay naka-receive ako ng message galing sa kaibigan ni Amara.
From: Tilla
“We’re drunk and Amara is sleeping here, can you fetch us?”
Agad ko naman syang nireplyan
Me:
“Stay there and watch Amara, I’m coming.”
Sent.
Pagkatapos no’n ay agad akong bumaba at agad na pinaharurot ang sasakyan papunta sa bar na kanilang kinaroroonan.
Agad akong nagpark nang makarating ako at pumasok sa nasabing Bar.
Pagpasok ko ay rinig ko ang hiyawan at ang malakas na music.
Agad namang hinanap ng mata ko si Amara at Tilla ngunit hindi ko sila makita.
Agad naman akong lumapit sa bartender at umorder ng juice.
“Juice aken.” Sagot ko ng magtanong sya kung anong akin.
Pagkabigay nya nito ay agad akong nagtanong at sumimsim naman ako sa Juice pagkatapos.
“Sir, may nakita ka bang babaeng naka-jacket ng itim dito kanina? Kulot at may mga kasama ring babae?” Pormal na tanong ko sa bartender na nagbigay ng order ko.
“Parang may napansin ako kanina sir, maraming babae ang nasa vip room at napansin ko nga ang babaeng naka-jacket.” Sagot nito at agad naman akong tumayo.
“Thank you.” Sagot ko at ininom ng mabilisan ang juice at iniwan ang baso roon.
Agad akong pumunta sa vip room at naabutan ko ang mga babaeng nakahilata na sa table at couch ngunit hindi ko sila pinansin.
Ang aking paningin ay direktang tumama sa natutulog na Amara sa couch at ang naka-yukong si Tilla sa gilid niya.
Agad ko namang tinapik si Tilla upang makuha ang atensyon nito.
“Okay ka lang?” Tanong ko nang mag-angat ito ng tingin.
“Yeah, sige na tara na.” Sagot nito at agad ko namang nilapitan si Amara upang i-piggyback.
“Girls, hindi pa kayo uuwi?” Tanong ni Tilla sa kasamahan nila.
“No, we’re enjoying pa e, una na kayo.” Sagot nung isa.
“Yes, una na kayo.” Sagot pa nung isa.
At halos lahat ay sumagot ngunit hindi ko na pinakinggan at inintindi na lang si Amara na mahimbing nang natutulog sa likod ko at si Tilla na ihahatid ko rin.
“Btw, Tilla, sino bang naka-isip nitong girls party nyo na ’to?” Tanong ko kay Tilla.
“Yung isa pa naming bestfriend.” Sagot nito.
“Asan siya? Bat kayo na lang dalawa naiwan?” Tanong ko.
“Nauna na siya, sinundo sya.” Sagot nito at nagtaka naman ako ngunit baka sabihin nitong chismoso ako kaya naman hindi na ako nagtanong.
Sa aking sariling opinyon, ang pangit nang ikaw ang nag-aya at nagset ng party pero ikaw ang unang mauuwi at iiwan mo lang ininvite mo, It’s kinda rude but nevermind.
Inintindi ko na lang ang dalawa kong kasama at mabilisan kong hinatid si Tilla sa kanila nang maibigay nya ang kanyang address.
Pagkahatid ko sa kanya ay agad na akong nagmaneho pauwi.
Si Amara ay nagsasalita pa habang natutulog.
“Te–quila” sabi niya.
“Pasaway talaga, sabing wag iinom ng marami.” Sabi ko na lang sa hangin.
Pagkarating sa bahay ay agad ko syang binuhat ngunit pangkasal na buhat na ang ginawa ko sa kanya at dinala sa kwarto namin.
Pagpasok ko pa lang ng kwarto namin ay nakita ko na ang mukha nyang pulang-pula dulot ng alak.
“Sobrang dami siguro nitong ininom.” Sabi ko pa at saka ko hinubad ang jacket na ipinasuot ko sa kanya.
Gusto ko sanang tanggalin ang make-up na suot nya ngunit wala akong alam sa mga gamit nya kaya tinanggal ko na lang ang kung anumang idinikit nya sa mata niya at inilagay ito sa vanity nya at saka ko sya pinalitan ng damit, dinamitan ko na lang siya ng pantulog nya at saka ako natulog habang nakayakap sa kanya.
Mas nauna akong nagising sa kanya.
Ang posisyon namin ay nakayakap sya sakin at ako naman ay nakasiksik sa yakap niya malapit sa dibdib niya at ang paa niya’y nakapatong malapit sa bewang ko.
Amoy na amoy ko ang alak sa katawan niya kaya agad akong bumangon at hinalikan sya sa pisngi.
Pagkabangon ko ay agad akong nagpahanda ng sinabawang manok sa maid at saka ako umakyat ulit at naligo dahil naalala kong ngayon kami mag-aarrange ng mga kung ano-ano para sa engagement party at sa mismong kasal namin.
Pagkatapos kong maligo ay agad ulit akong bumaba upang tignan kung luto na ang pinaluto ko.
Naghintay pa ko ng ilang minuto bago tuluyang naluto ang pinaluto kong sinabawang manok.
Pagkahanda nito ay ako na ang naglagay sa tray at inihatid ito patungo sa kwarto namin ni Amara.
Pagpasok ko sa kwarto ay agad kong inilapag sa isang table ang tray at inilapit ito sa kama namin.
Pagkalapit ko nito ay agad ko syang ginising at bumangon naman siya ngunit agad syang napahawak sa ulo niya.
Agad ko namang iniabot ang tubig na nasa tray na dala ko at inalalayan syang uminom dito.
“Hindi kase marunong makinig e, sinabing wag uminom ng marami.” Sumbat ko.
“Hindi naman ako uminom ng marami e.” Sagot niya matapos uminom ng tubig.
“Hindi nga marami ininom mo, hard drink naman.. ganon pa rin yun.” Sagot ko at sumimangot na lang siya
“Kumain ka na dyan, aalis ako.” Galit kunwaring sabi ko at tumingin pa sa salamin ng vanity nya at nag-ayos kunwari ng buhok ko.
“Sa’n ka pupunta?” Tanong niya at hindi ko sya pinansin.
“Hala? Ayaw makinig, oy sa’n ka pupunta?” Inis na tanong niya at natawa ako ng palihim.
“Ikaw nga hindi nakikinig e, edi ako rin.” Parang batang sagot ko sa kanya.
“Ahh ganon? Okay.” Sabi niya at kinuha ang mangkok at nagsimulang humigop ng sabaw doon.
“Joke lang, pupunta tayo sa company ngayon kaya bilisan mo.” Bawi ko agad dahil baka biglang magbago ang mood, may hangover pa naman HAHA.
“Ba’t kasama ako?” Kunot noong tanong niya.
Umupo naman ako sa tabi niya at sumagot.
“Kase po, ngayon po yung arrangement para sa kasal at engagement party, dumating na raw ang mga portfolios para sa mga yun at kelangan nating mamili dahil sa susunod another plan na naman para sa engagement party sa ibang bansa po, okay na po?” Sagot ko.
“Para kang tanga.” Sabi niya at nagpatuloy sa pagkain at natawa ako.
“Joke lang, iloveyou.” Sabi ko sa kanya at nagpatuloy lang siya.
“Bilisan mo dyan ha, antayin kita sa baba.” Dagdag ko pa at tumango lang siya kaya lumapit ako ulit para humalik sa noo niya at tuluyan ng bumaba.
CHAPTER 9
Amara’s Pov.
Ngayon ay nasa kompanya na kami at nandito kami sa office ni Dad dahil nandito rin ang event organizers/planners.
They let me look at every picture in portfolio and tell me every details of that pic, like on how it is made, what’s the material used and every meaning of it.
Nakapili naman na ako ng magiging venue which is sa isang bonggang five star hotel na pagmamay-ari ng isang business partner ni Dad, aside sa main business ni Dad ay naimbitahan rin nya ang investors sa tatlong islands namin na may mga nakatayong hotels at restaurants kaya naman hindi lang isang venue ang pinili ko kundi apat. Ang tatlo ay sa iba’t ibang lugar sa magkakaibang araw at ang isa ay sa ibang bansa.
Agad namang lumapit sa’kin si Alexander at agad naki-upo sa inuupuan ko at humawak pa sa bewang ko at ipinakita sa’kin ang portfolio na naglalaman ng mga pictures ng cake.
Meron 3 layered cake at meron namang mas malaki pa.
“Nahihirapan ako mamili, sa’n ba ang maganda dyan?” Tanong niya pa at humalik sa pisngi ko at tinapik ko naman agad sya, senyales na hindi ko nagustuhan ang ginawa niya.
“Sungit.” Bulong pa niya at hinayaan ko na lang
Pinili ko naman ang 6layered na cake na may simpleng design dahil yun ang napusuan ko.
“Eto na lang, maganda e.” Sagot ko sa kanya.
“Okay eto raw.” Sabi niya dun sa isang wedding organizer.
Habang nag-titingin tingin ako nang iba pang portfolio ay dumating si Papa at may kasama syang mga taong may dalang naglalakihang gamit.
Nang makita ako ni Papa ay agad syang lumapit sa’kin.
“Can you please stop that for a while anak? There’s one magazine who wants to featured us, and we’ll be having photoshoots.” Sabi niya.
“Okay Pa, pero kaya ba nilang maghintay?” Tanong ko.
“Why anak?” Tanong nya sakin.
“Tatawagan ko sila Chanels at Kristy para ayusan tayo at ikuha tayo ng maisusuot para sa photoshoot.” Sagot ko at sumang-ayon naman si Papa.
Sinabihan ko naman muna ang organizer na i-take down at maghanda na lang ng pwedeng i-recommend while we’re preparing for the photoshoot.
Tinanong ko kung tungkol saan ba ang ilalagay nilang detalye sa magasin at nang malaman ko ay agad ko itong sinabi kay Chanels.
Si Chanels ay Kristy ay kaibigan ko na since my highschool days.
Silang dalawa ang madalas mag-ayos sa’kin kapag may ganitong mga event sa aking buhay.
Si Chanels ang nagmamake-up sakin at si Kristy naman ang bahala sa buhok ko at sa damit kong susuotin.
Habang hinihintay sila Kristy at Chanels ay nakikipag-usap pa rin naman ako sa organizer.
Pagkatapos non ay nagpasya akong bukas na lang ituloy ang hindi natapos ngayong araw.
Habang nakaupo rito at naghihintay ay tumabi sa akin si Alexander.
“Love.” Pagtawag niya sakin at sumandal sya.
“Oh?” Sabi ko.
“Napagod ako.” Sabi niya.
“Napagod ka e magdamag ka lang naman naka-upo.” Pang-aasar ko.
“Nakakapagod kaya mag-isip.” Sagot niya
“Tapos? Anong gagawin ko?” Mapang-asar na tanong ko pa.
“Lambingin mo’ko.” Seryosong sagot niya at natawa naman ako ng isiksik nya ang kamay niya sa kamay ko.
“Bahala ka dyan.” Sagot ko.
“Sige na, minsan lang magpalambing asawa mo.” Sabi pa niya at nailang naman ako dahil may ibang taong nakakakita sa’min.
Inirapan ko naman sya at saka ako tumayo at iniabot ang kamay ko sa kanya.
“Tara.” Aya ko.
“Saan tayo?” Takang tanong niya habang naka-upo.
“Basta, tara.” Sagot ko at isinenyas pa ang kamay ko.
Agad naman nya itong inabot at tumayo.
Magkahawak kamay kaming naglakad palabas ng opisina at habang naglalakad ay nagtanong ulit sya.
“Saan ba tayo love?” Tanong niya.
“Dyan lang.” Sagot ko at saka ako pumindot at sabay kaming pumasok sa elevator.
Sa groundfloor kami bumaba at lumabas ng company.
Takang-taka naman si Alexander ngunit nagpatianod lang siya sa paghatak ko sa kanya.
Kanina ko pang umaga nakuta itong tindahan na ito kaya naman naisipan ko syang dalhin rito dahil medyo nagugutom na rin ako.
Agad ko naman syang pinapili
“Uy, anong sayo?” Tanong ko.
“Kahit ano, ikaw bahala.” Sagot niya at dinalawa ko na lang ang order ko para pareho kami.
Tindahan to ng palamig at kwek-kwek, lumpia, fishball, hotdog.
Kwek-kwek ang binili ko at palamig para panulak.
Nang iabot sakin ni ate ang binili ko ay agad kong iniamba sa kanya ang isa.
“Ahhh” sabi ko at nung magets niya ay ngumanga sya at saka ko isinubo sa kanya ang kwek-kwek na nasa stick.
Agad nya naman itong kinain at napangiti naman ako.
Ang ending e, nauwi sa pagiging sweet naming dalawa ang pagkain sa harap ng tindahang ito.
Nang maka-receive ako ng message na malapit ng makarating sila Chanels ay naglakad na kaming pabalik sa kumpanya ng magkahawak kamay.
Pagkarating pa lang namin sa harap ay sya na namang bati ng guard at tinanguan ko lang ito at nginitian.
Hanggang sa makabalik kami sa office ay hindi pa rin kami nagbibitaw.
Naka-set up na ang mga photo lightings at kung ano-anong tela.
Bumitaw naman muna ako sa pagkakahawak kamay namin at isinenyas na may kakausapin lang ako, agad naman syang tumango at nagtungo sa isang sofa at umupo roon.
Agad naman akong lumapit sa isang lalaking may nakasabit na camera sa leeg.
“Sir, can you wait a little longer pa, wala pa ho kase yung taga-ayos ko.” Sabi ko.
“Yes ma’am, nagpapasalamat nga kami dahil pinaunlakan ninyo ang request naming i-featured kayo sa magasin namin.” Magalang na sagot pa nito at nginitian sya.
“Salamat po hehe.” Sabi ko na lang at hindi pa ako nakakahakbang ay syang dating nila Kristy at Chanels.
Agad naman nilang inihanda ang gamit at iniayos na ni Kristy ang outfit ko na nasa Garment bag/ protective clothes bag.
Agad namang ginawa ni Chanels ang make-up ko dahil nahihiya na rin akong paghintayin pa ang mga photographers.
Inutusan ko rin naman si Kristy na ayusan na rin si Alexander habang inaayusan ako ni Chanels.
Mabilis lang din na natapos ni Chanels ang make-up ko dahil hindi naman ito ganon kabongga.
Itinuloy ni Chanels ang pag-aayos ng buhok ni Alexander at sumunod naman si Kristy sakin upang ipasuot sa akin ang damit na kanilang inihanda.
Habang nandito sa comfort room ng opisina ni Papa ay iniba na rin ni Kristy ang kulay ng aking buhok gamit ang hair chalk.
Pagkalabas ko ng comfort room ay inalalayan pa ako ni Kristy dahil sa suot kong medyo mataas na heels.
Agad akong lumapit sa photographer at kinausap ito.
“Tapos na po ako, pwede na po magsimula.” Sabi ko rito at nginitian nya naman ako.
Agad naman nyang pinabuksan ang mga lightings sa mga kasamahan nya at ipinalagay ang isang set ng sofa sa gitna ng sinet-up nilang mga tela.
Sumenyas naman syang umupo ako roon at agad ko naman syang sinunod.
Habang gumagawa ng pose at uma-awra ay napansin kong inayusan din ni Chanels si Papa.
Naging mabilis rin ang pagpapalit ng team nila ang background at agad kaming pinatayo at pina-pose ni Alexander para sa iba pa nilang article tungkol sa amin.
Nang matapos ay pinicturan kaming magkasama ni Papa at ang hula ko ay ito ang gagamitin nilang pic para sa article nila tungkol sa pag-memerge ng furniturity at dri-foam.
Nang matapos ay para kaming lantay na gulay dahil na rin siguro may iba pa kaming ginawa pagkatapos
Hindi namin natapos ang lahat kaya babalik pa kami ni Alexander bukas upang i-finalize ang iba naming desisyon tungkol sa kasal at sa engagement party.
Agad naman kaming umuwi at kumain, pagkatapos no’n ay maaga kaming nagpahinga.
“Goodnight love.” Sabi ni Alexander habang nakahiga kami sa kama at nakayakap sya sa akin.
“Goodnight.” Sagot ko at tumitig sa kisame.
“Wala akong kiss?” Tanong niya.
“Kelangan pa ba yun?” Pang-aasar ko.
“Oo para maganda tulog ko.” Sagot nya naman at alam kong talo ako sa kanya kaya binigyan ko sya ng kiss sa pisngi ngunit bago pa ako makalayo ay binigyan nya ako ng halik sa labi.
Diniinan nya ang ibabang parte bago tuluyang bumitaw.
“Hindi ako makakatulog sa halik sa pisngi lang.” Sabi niya at nginisian ako.
“Matulog ka na.” Asar na sambit ko at ngumiti lang siya at yumakap sakin ng mas mahigpit.
“As you wish my love.” Sagot pa niya at saka pumikit.
Ngumiti naman ako sa ginawa nya bago tuluyang pumikit at saka natulog.
CHAPTER 10
Amara’s Pov.
Ngayong araw ay nasa kumpanya kami at nafinalize na ang lahat para sa party naming dalawa.
Kinailangan ko namang tulungan si Papa na isaayos ang mga papeles na kekelanganin sa pagmemerge ng dalawang kumpanya.
Si Alexander ang nakikipag-usap sa event organizer dahil nga tinutulungan ko si Papa.
Abala rin ang business partners ni Dad dahil ang iba pa nitong kasosyo sa negosyo ay imbitado rin sa kasal ko at ni Alexander
Gusto ko sanang onti lang ang tao sa kasal ko ngunit hindi pwede dahil maraming business partners ang magkabilang kumpanya at kailangang dumalo dahil sila’y bahagi ng kumpanya.
Nang matapos ang lahat nang gawain ay nagpasya na kaming umuwi.
Si Papa ay nagpahinga nang maaga dahil babalik pa sya sa kompanya kinabukasan at kami naman ni Alexander ay isusukat na ang tinahi saming mga damit para sa engagement party.
Dumeretso naman kami sa kusina ni Alexander.
“Love?” Tawag niya.
“Oh?” Sambit ko.
“Wala lang.” Sagot niya at parang nainis naman ako.
’sino
ba namang matutuwa,
tatawagin
ka tas wala lang daw’
“Bakit nga?” Tanong ko.
“Wala lang, namiss lang kita.. kahit magkasama tayo hindi naman tayo masyadong nakakapag-usap kaya gusto ko lang kausapin ka kahit walang topic.” Sagot niya at napangiti naman ako habang naglalakad.
Huminto naman ako saglit at hinawakan sya sa kamay.
“Namiss din kita, sorry medyo busy tayo pareho e HAHAHAHA, hayaan mo na para rin naman to sa’tin.” Paglalambing ko.
“I know, kase alam kong pag nangyari to, hindi mo na’ko pwede iwan.” Sabi pa niya at natawa naman ako.
“Hindi rin naman kita iiwan kahit pwede pa o hindi.” Sagot ko at binigyan nya ko ng tingin na hindi makapaniwala.
“Talaga?” Tanong pa niya.
“Oo nga.” Sagot ko at niyakap sya.
Niyakap rin nya ako pabalik
“Iloveyou.” Sabi niya
“Iloveyoutoo.” Sagot ko.
“Tara na, nagugutom na ako asawa ko.” Sabi naman niya at nagtaka naman ako sa itinawag nya sa’kin kaya tinignan ko siya.
“Oh bat ganyan ka makatingin?” Tanong niya nang mapansin ang tingin ko.
“Kahit tumingin ka sakin nang ganyan, magiging asawa pa rin naman kita kaya okay lang yan, ansarap kayang tawagin kang asawa ko.” Sabi pa niya at tila kinilig naman ako.
“Ewan ko sa’yo.” Sabi ko at hinatak na sya papuntang kusina para makakain na kami.
Pagkarating namin doon ay nakahanda na ang pagkain at agad naman akong pumikit upang magpasalamat.
Pagkatapos non ay agad akong kumuha ng kanin at ulam
Nang magsimula akong kumain ay napansin kong hindi man lang kumuha ng pagkain si Alexander bagkus ay nakatitig lang sya sa akin at nakangiti.
“Oh, bat di ka kumakain?” Takang tanong ko sa kanya at mas nginitian nya ako.
At nagulat ako ng ngumanga sya
“Ahhh” sabi pa niya, nagpapahiwatig na subuan ko siya.
Nakuha ko naman ang tingin nyang yon at natawa ako dahil alam kong nagpapalambing lang siya.
“Ahhh” sabi ko at iniamba sa kanya ang karne na may kanin.
At agad nya naman itong kinain at nginuya at nginitian ako na para syang paslit na pinapakain.
Natawa naman ako sa itsura nya at ipinagpatuloy ko naman ang pagpapa-kain sa kanya.
Nang matapos kaming kumain ay sinabihan ko ang mga katulong na magsikain muna bago tuluyang iligpit ang pinagkainan.
Pagkatapos non ay sabay kaming umakyat ng kwarto ni Alexander.
Pagkarating ko roon ay agad naman akong naligo at nang matapos ako ay nagbihis ako at nahiga sa kama katabi ni Alexander.
“Ambango mo love.” Sabi niya habang nanonood sa tv dito sa kwarto.
“Syempre, bagong ligo e.” Sagot ko naman at kinalikot ang phone ko.
“Pakiss nga.” Sabi niya at nagsalubong naman ang kilay ko.
‘ang abnormal talaga nitong isang to.’
’pwede
namang humalik na lang kung gusto niya, di nya ba alam na
nakaka-akward
nung
ginagaw
nyang
pagpapa-alam
/ pagsasabi.’
“Ayoko nga.” Sagot ko at nagscroll na lang sa fb.
“Sige na love, kiss lang e.” Sabi pa niya at tinapik pa ako.
“Ang kulit mo naman e.” Sagot ko na lang dahil nahihiya talaga ako.
“Sa iba nagpapakiss, tapos ayaw ako i-kiss.” Bulong niya at tumalikod ng onti sakin at pinatay nya ang tv.
’amps
, abnormal talaga’
“Oy, anong sabi mo?” Tanong ko kunwari kahit narinig ko at dinungaw ko siya
“Wala, matulog ka na dyan.” Sagot niya at pumikit.
“Sus, eto oh kiss na kita.” Pang-aasar ko.
“Sus, wag na.. napipilitan ka lang e.” Sabi niya at napansin kong seryoso na ang tono niya.
“Sige na, sorry na..harap ka na dito.” Sabi ko at humarap naman siya.
Pagharap niya ay agad ko syang binigyan ng damping halik sa labi ngunit bago pa ako makabitiw ay agad nyang hinawakan ang ulo ko at siniil ang ibabang parte ng labi ko.
“Iloveyou.” Sabi niya ng magbitiw ang labi namin at nginitian pa ako.
“Iloveyoutoo.” Sagot ko.
“Sa susunod kase kung gusto mo’ko i-kiss, wag ka na magpaalam kase mas nahihiya ako.” Pag-amin ko.
“Ahhh, kaya ba hinayaan mo lang si Felix na halikan ka?” Tanong niya pa at tila namula naman ako.
“Abnormal ka” sigaw ko at hinampas siya.
“Hindi ko ginusto yun, lasing ako nun at hindi ko rin inexpect na ganun ang gagawin niya.” Pasigaw kong sagot.
“Kung hindi ako nakapagtimpi no’n? Baka nasa ospital pa rin yun hanggang ngayon.” Sabi niya pa.
“Sorry tungkol don a, basta ikaw lang mahal ko at wala akong nararamdaman para sa kanya.” Sabi ko naman at hinawakan ang kamay niya at isiniksik doon ang kamay ko.
“Nagpahalik ka pa rin HAHAHA.” Pang-aasar niya at nainis naman ako.
“Ewan ko sayo, bahala ka nga.” Inis na sambit ko at humiga at bumitiw sa pagkakahawak ko sa kamay niya at tumalikod.
“Joke lang e, sorry loves.” Malambing nyang sabi at niyakap ako sa likod.
“Ewan.” Sagot ko na lang at diniinan naman nya ang yakap niya.
“Sorry na loves, iloveyou.” Malambing pa niyang sabi.
“Iloveyoumore, goodnight.” Walang emosyong sagot ko at mas yumakap pa siya.
“Sorry talaga loves, iloveyou bati na tayo.” Sabi pa niya at medyo natawa naman ako sa tono ng pananalita nya.
“Oo na, matulog ka na.” Sagot ko naman
“Iloveyouuuu.” Pagdidiin nya sa sinabi niya.
“Iloveyoutoo.” Panggagaya ko sa tono niya at pareho kaming natawa.
Pinatay ko naman ang lamp sa gilid ko at sabay kaming natulog habang nakayakap sya sa akin.
CHAPTER 11
Alexander Pov.
Ilang linggo na rin ang nakalipas at ngayon na ang engagement party namin dito sa pilipinas.
Habang inaayos ko ang aking suot ngayon ay naalala ko naman ang pag-uusap namin ni Velvet sa phone nung isang araw.
Flashback
…
“Oh Velvet.” Pagsagot ko sa biglaang pagtawag ni Velvet habang nag-aayos kami ng gamit dito ng katulong.
“Nandito ako para ipa-alala sayo ang plano mo.” Sagot niya.
“Oo alam ko, hindi ako makakalimot.” Sabi ko naman.
“Good, alam mo ang consequences kung sakaling tumalikod ka.” Sabi niya naman at lihim akong napakamot sa ulo.
“Oo.” Sagot ko at kusa naman niyang ibinaba ang tawag at nakahinga naman ako nang maluwang.
End of flashback.
Agad ko namang sinalubong nang ngiti ang pababa ng hagdan na si Amara.
’ang hindi ko
akalaing
mamahalin
ko nang ganito’
Nung medyo malapit na sya sa akin ay humakbang ako ng tatlo palapit sa hagdan at iniabot ang aking kamay sa kanya at inabot naman nya ’yon at hinawakan.
“Ang ganda mo.” Sambit ko habang nakatingin sa kanya at nakangiti.
“Make-up lang yan.” Pabirong sagot niya at tila kiniliti ako sa ngiting ipinakita niya.
Yung ngiting hindi ganoon kalapad pero ang lakas nang dating.
“Sus, kahit naman noong wala kang make-up pag katabi kita, maganda ka e.” Sambit ko pa habang inaalalayan syang lumakad.
Ang suot nya ngayon ay glittered at backless na gown ngunit hindi ko naman na iyon pinansin dahil natatakpan naman nang mataas at unat nyang buhok ngayon.
Medyo mataas ang sapatos nya suot nya kaya halos magpantay ang height namin.
Nang makarating kami sa labas ng bahay nila ay inalalayan ko syang makasakay sa family van na narito upang sunduin kami.
Kaninang umaga ay pinagtalunan kung anong sasakyan ang dadalhin ngunit napagdesisyonan ni Amara na ito ang dalhin dahil marami kaming kasama at maraming gamit ang dinala.
Naka-upo naman kami dito sa bandang gitna at pinapaypayan ko naman si Amara dahil tila kahit gaano kalakas ang Aircon ay pinagpapawisan sya.
“Natatae ka ba?” Pabulong kong tanong sa kanya habang pinapaypayan siya.
“Sira ka ba? Hindi no.” Mahinang sagot niya.
“Eh bat ka pinagpapawisan nang ganyan?” Pabulong pa ulit na tanong ko sa kanya habang itinuturo ang kabuuan niya habang patuloy naman ang isa kong kamay sa pagpaypay.
“Kinakabahan kasi ako.” Sagot naman niya.
“Bakit naman?” Tanong ko.
“Kase alam mo na, hindi ako sanay humarap sa mga madla.” Malungkot na sagot niya at kinuha ko naman ang kamay niya at inihinto saglit ang pagpaypay.
“Wag ka mag-alala kasama mo naman ako, di kita pababayaan dun.” Sagot ko at ngumiti naman sya sa’kin at dinampian ko naman sya nang halik sa pisngi.
At bumitiw naman ako sa pagkakahawak ng kamay namin at pinaypayan na lang ulit sya habang ang isa kong kamay ay nasa bewang na niya.
(Venue)
Nang makapasok kami ay talagang namangha ako sa nakita kong disenyo nang bawat gilid nang silid na ito
Simula sa disenyo ng kurtina at sa paligid na hindi nawawalan ng mga artificial flowers na may led light sa bandang ibaba nito na mas lalong nagpapaganda at nagpapaliwanag kahit papaano.
Nang tumingala ako ay nakita ko ang magandang malaking chandelier na nagbibigay ng liwanag sa dilim ng silid na ito.
Ang stage na tila binalot nang mga bulaklak at nag-gagandahang ilaw na syang umaakit sa mata ng tao upang hindi nila alisin ang kanilang paningin rito.
Tila ba ito’y may hipnotismo na paulit-ulit mo itong tititigan dahil sa kakaibang ganda kahit na ilaw at bulaklak lang naman iyon.
At sa gitna ng entablado ay may hagdan na may pulang carpet na para bang ito ang daanan para mapunta ka sa kakaibang ganda na nasa harap mo.
At ang tunog nang violin na tila ba ikaw ay nasa harap na ng pintuan ng langit, masarap sa tenga, nakaka-kalma ng damdamin.
Iwinakli ko ang aking imahinasyon nang may lumapit sa aming isa yata sa event organizer.
“This way ma’am.” Sabi niya kay Amara na tila abala sa paghawak sa gown nyang may kahabaan.
Agad ko namang tinulungan si Amara sa paghawak nya sa gown at nginitian naman nya ako.
“Thank you.” Sabi niya pa at ngumiti ako pabalik.
“You’re always welcome” sagot ko matapos ko ngumiti.
Agad naman kaming sumunod sa babae hanggang sa ihatid nya kami sa isang table na sobrang lapit lang sa stage.
Marami na rin ang naka-upong mga tao at napansin kong may nagsisi-upo na rin dito sa malaking table kung saan kami naka-upo ni Amara.
Magkatabi kami at parehong nakaharap patungo sa entablado.
“Loves, kilala mo ba lahat nang nandito?” Tanong ko dahil ang dami talagang tao sa paligid.
“Hindi lahat no, si Papa ang nakakakilala sa iba riyan.” Sagot naman niya at nagtingin-tingin din sa paligid.
“Eh, yang mga naka-upo rito sa table natin? Kilala mo?” Tanong ko pa habang hawak ang kanyang kamay.
“Oo, mga kamag-anak ko yan pero hindi ko talaga sila close, for sure business matters lang din ang ipinunta nila rito, it’s also their way to para makapag-invest at para lumaki ang pera nila.” Pabulong na sagot niya at tinignan ko na lang siya.
Maya-maya pa ay mas humina pa ang tunog nang violin at nagsimula na ring mag-ikot ang tila ba mga waiters/waitress at nag-ikot upang lagyan ng wine ang mga basong nakahanda na sa mga lamesa.
At sa bandang gilid ay nakita ko ang Papa ni Amara, or should I say Tito.
Nasa gilid sya at tila kausap niya ang isang event organizer at tila ipinahihiwatig nito na magsisimula na ang programa.
Pagkatapos nilang mag-usap ay mabilis na umakyat si Tito sa stage at kinuha ang mic na nasa lectern.
“Good evening Ladies and Gentleman.” Sabi naman ni Tito at mabilis naman nyang nakuha ang atensyon ng mga tao at lahat nang nakaupo ay nakatingin na ngayon sa entablado.
“It’s my pleasure to welcome you all here tonight to celebrate the engagemet of my daughter Amara to my future son in law Alexander Lucas.” Sambit pa niya na itinuro ang dako kung saan kami naroroon.
“To those who don’t know me yet, I’m Amara’s very proud father.” Dagdag pa niya at ang lahat ay nakikilig lang.
“I wanted to say thank you to all of you for coming here tonight, It means so much to me, my wife in heaven, and to my future son in law and to my one and only daughter Amara.” Pagpapasalamat niya.
“We thank everyone who attended this occasion marking the beggining of their life being commited to each other.” Dagdag pa niya at patuloy naman sa pakikinig ang mga tao.
“Ngayon, magtatagalog na ako dahil pakiramdam ko’y rereglahin ako,,,biro lang.” Pagbibiro nya at natawa naman ako ng kaunti roon gayun na din ang iba pang bisita.
“Masaya rin akong nakilala ang magulang ng aking future son in law, si Alexia Lucas, ang ina ni Alexander at si Benedict Lucas ang ama ni Alexander,,, but sadly hindi sila naka-uwi para sa once in a moment na okasyon na ito dahil sila ay busy sa business, but anyways hindi naman dapat malungkot dahil makakasama rin naman natin sila sa araw ng kasalan kaya walang dapat ikalungkot.” Sambit pa niya at patuloy lang sa pakikinig ang mga tao.
Hanggang ang speech niya ay tungkol na sa pagku-kwento niya sa buhay ni Amara sa puder niya.
“Ako ang nag-alaga sa kaniya simula nang mawala ang mama niya, ngunit hindi naging madali para sa akin lalo na para sa kanya ang lahat, dahil bago ko sya matanggap ay nagawa ko syang pahirapan.” Naiiyak na sambit ng Papa ni Amara at ganun na rin si Amara sa tabi ko na umiiyak na dahil siguro naalala nyang lahat nang pinagdaanan nya kaya naman inihawak ko ang isa kong kamay sa bewang niya at hinayaan ko syang sumandal sa balikat ko at iniabot ko ang panyo ko sa kanya at hinayaan na gamitin iyon.
“Hindi ko matanggap na ang kaisa-isa kong anak na lalaki ay binabae kaya naman ginawa ko lahat nang pagmamalupit sa kagustuhan kong maging lalaki sya.” Dagdag pa nito at ang lahat naman ng tao ay nakatitig lang sa entablado
Lahat ng tao ay bukas ang tenga sa pakikinig at ang iba ay tila naiiyak dahil sa malungkot na kwentong naririnig nila.
“May mga oras na pinalo, hinampas, binato, sinigawan ko siya.. ngunit wala akong narinig na reklamo bagkus lahat iyon ay tinanggap nya lang, nung mga panahong ginamit nya ang baon nya para ipambili ng make-up ay inis at galit ang naramdaman ko, inakyat ko siya sa kanyang kwarto at hinataw ng sinturon, sinabi ko pang ibigay nya sa akin ang mga make-up niya dahil itatapon ko ngunit ayaw nyang ilabas kaya naman… Mas malalang bugbog ang sinapit nya at ang mas malala pa roon ay pinalayas ko siya nang wala kahit anong dala.” Sambit pa nito at tuluyan nang umagos ang luha sa mata.
Pati si Amara ay umiiyak na kaya todo patahan ako.
Pati ang ibang tao ay nagsisipunasan na nang tissue sa kanilang mata dulot siguro nang madamdaming istorya.
Agad namang nagpatuloy si Tito matapos nyang punasan ang mata niya.
“Hindi ganon naging kadali ang lahat para sa kanya, ngunit sa sobrang pagmamatigas ko na ayaw ko syang tanggapin ay ako na lang din ang nanglambot, masakit isipin na naging bakla ang anak ko, ngunit mas masakit isipin na sinapit nya mismo ang mga ganung bagay sa taong dapat mismong unang maka-intindi sa kanya.” Sabi pa niya sa mikropono habang humihikbi.
“Natutunan ko syang tanggapin, hanggang sa nasabi ko sa sarili ko na, hindi sya ang may problema kundi ako, dahil naging maka-sarili ako at hindi inisip ang kapakanan niya, kaya naman bumawi ako sa kamalian kong iyon, ibinigay ko ang lahat.. ako mismo ang naghanap nang doktor para sa kanya, nang tumuntong sya nang 18 niya ay sinabi nyang handa na siya at doon na nangyari ang lahat, pagbabago ng pangalan, nang kasarian sa lahat nang papeles niya.” Kwento pa ni Tito at ngayon ay unti-unti na syang ngumingiti.
“Kahit medyo masakit para sa’kin ay nawalang lahat iyon nang makita ko ang anak kong masaya, kaya ngayon na ang anak ko’y ikakasal na at nakikita kong masaya siya ay, masaya na rin ako.” Sabi pa ni Tito na nilingon si Amara na medyo naiiyak pa at hindi pa tumatahan.
Buti na lang din ay naka-upo lang malapit sa amin sila Chanels at Kristy na kaibigan ni Amara para ayusin ang nagugulo nyang make-up at buhok.
Tinulungan ko rin naman silang patahanin si Amara dahil siya na ang susunod na mag-sspeech.
Maya-maya pa ay patapos nang mag-speech si Tito.
“So, Ladies and Gentleman please join me by raising all your glasses and let’s toast for my daughter Amara and his fiance Alexander.” Sambit pa ni Tito habang hawak na niya ang isang wine glass na ibinigay ng isang waiter sa gilid ng stage.
“May God bless and keep them always, may their wishes all come true. Amara my daughter… Alexander we all love you, may you stay together forever.” Sabi pa ni Tito sa mic habang nakatingin sa amin at nginitian ko naman siya.
’I
never thought that I would be this happy, hope it won’t end’
Maya-maya pa ay kami na ni Amara ang mag-sspeech kaya naman inalalayan ko sya habang papaakyat kami sa hagdan sa gitna ng entabladong ito, binigyan naman ako ng isa pang mic kaya inabot ko ang nasa lectern kay Amara.
Si Tito ngayon ay nasa table na at kausap ang mga kamag-anak nila roon.
Agad ko namang hinawakan si Amara at tinignan sa mata at sa paningin ko ay yon ang pinakamagandang matang nakita ko.
Yung tingin nyang parang dinadala ako sa langit.
“Good evening everyone, Amara and I are happy, delighted and honoured to share this memorable moment of our life with all of you.” Sabi ko pa at nilingon ko ulit si Amara na nakangiti sa akin at napangiti rin ako.
“Standing together in front of you and all of the special persons in our lives to announce our engagements is a dream come true for us.”
“Amara and I thank all of you for being here, for your love and for your support, for your well wishes.”
“Noon, nung wala pa si Amara sa buhay ko.. ang akala ko ang kelangan mo lang para sumaya ay pera, materyal na bagay at kung ano-ano pa, pero nung makilala ko siya lahat nang iyon ay nabago, she make me realized that what we need to be happy is love, she make me realized that what I really need is someone who’ll love me more than I love myself.” Madamdaming sabi ko sa mic na pinipisil pa ang kamay ni Amara na hawak ko at nililingon ko naman sya kahit papano at ibinibalik ko rin ang tingin sa madla.
“Although itong party na ito ay medyo nagdulot ng onting pagkalito sa akin ngunit naiintindihan ko naman.” Magulong sabi ko at tumawa at natawa rin naman ang ibang bisita pati si Amara.
“I do understand the importance of every detail of this party, the themed colors for the reception, color of the cake and everything pero lahat nang iyon ay hindi mahalaga para sa’kin.” Sabi ko sa mic at tahimik naman ang lahat na nakikinig.
“Pero kahit na hindi iyon mahalaga para sa’kin ay ginawa ko pa rin, dahil alam kong ang bunga nito ay magdudulot sa’kin nang panghabang-buhay na saya, at yun ay ang matawag ko si Amara na aking asawa.” Sabi ko sa mic at nginitian sya at ayan na naman ang luha ni Amara na nagbabadya kaya agad ko naman itong pinawi.
“We’ll see you at the church next month, thank you .” Sabi ko pa sa Mic at nagpalak-palakan naman sila.
Ngayon ay si Amara naman ang mag-sspeech at talagan nangingiti ako sa mga sasabihin nya.
Kaya naman nang magsimula sya ay sa kanya lang ako nakatitig at hindi lumingon kahit saan, gusto kong panoorin ang lahat nang paggalaw ng mata at bibig nya.
“Alex, I’m filled with happiness and great pride to stand with you here in front of our family, close friends, acquaintances.” Sabi pa niya na nakangiti at nakaharap sa akin at maya-maya ay nilingon nya ang madla at doon na tumingin ngunit ako’y tutok pa rin sa kanya.
“Sa pagmamahal na ipinadama mo sa’kin, walang binatbat dun yung mga awards sa school, panalo sa mga contest kase eto yung pang-habang buhay kong madadala at madadama.” Sabi nya pa at talagang hinaplos ang puso ko sa sinabi nyang iyon.
’nung
mahalin kita, daig ko pa ang
nanalo
sa lotto’
“Alex is my bestfriend, boyfriend, parent, and soon to be my husband, kapag kasama ko sya, lahat nang imposible para sa’kin nagiging posible at alam kong ito pa lang ang simula, maaaring marami tayong harapin na pagsubok love pero pinapangako kong hindi ako susuko at hindi kita iiwan.” Sabi niya habang nakatitig na sa’kin at para naman akong natutunaw.
’nakakabakla
naman tong si Amara,
hahalikan
talaga kita mamaya,
pinapakilig
mo na naman ako.’
“At sa inyong lahat, salamat sa pagdalo at suporta.. maraming salamat.” Sabi pa niya at inalalayan ko naman sya pababa nang stage.
“Love.” Tawag ko sa kanya habang pababa kami.
“Oh?” Mahinang sagot niya.
“Iloveyou.” Sabi ko at ngumiti naman siya at nangiti rin ako.
“Iloveyoutoo.” Sagot niya.
“Kiss mamaya a.” Pang-aasar ko pa
“Baliw ka.” Sabi pa niya at binitawan ang kamay ko at agad ko naman yong kinuha.
“Baliw sayo.” Pang-aasar ko pa at nagpatuloy naman na kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa table nang magkahawak ang kamay.
Pinaupo ko naman sya at sinubuan ko siya nang hinandang pagkain sa harap namin habang nagpapatuloy ang engagement party.
CHAPTER 12
Alexander’s Pov.
Dalawang linggo mahigit na rin ang lumipas nang matapos namin ang tatlong engagement party namin sa magkaka-ibang bansa.
Sinadya talagang magkaroon nang engagement party sa ibang bansa upang maka-attract pa nang mas maraming investor since may merging na magaganap.
Ngayon ay nandito ako sa isang flowershop upang maghanap nang pulang rosas.
Agad naman akong nagtanong sa isang babaeng nag-aayos nang bulaklak.
“Miss, may pulang rosas ba kayo rito.” Tanong ko at agad naman syang huminto sa ginagawa at sumagot.
“Yes sir meron po, this way po.” Sabi nya pa at pumunta naman sya sa tila likod nang store na ito at naroon pa ang ibang naggagandahang bulaklak ngunit napako ang tingin ko sa kumpol na rosas na tila nasa isang basket o parang timba, hindi ko mawari ang kinalalagyan ngunit maganda at nakaka-akit ito sa paningin.
“Miss, magkano iyang may pangalan na yan?” Tanong ko tungkol sa aking natipuhang bulaklak.
“3,000 po sir, pero kung gusto mong may kasamang chocolates sir, 3,800 po ang babayaran nyo.” Sabi niya pa at natuwa naman ako.
“Okay, roses with chocolates. Kukunin ko na yan ngayon na.” Sagot ko pa at agad naman niyang kinuha ang rosas na natipuhan ko.
“Okay sir.” Sagot pa niya.
Nang makita ko nang mas malapitan ang bulaklak ay nakita ko na maganda ang pagkaka-arrange nito at hindi lang ito ordinaryong basket o timba dahil may initials pa ito nang pangalan ng flowershop na ito.
Iniabot naman sa’kin ng babae ang chocolate at iniabot ko naman ang bayad.
Iaabot pa sana niya ang sukli ngunit agad ko itong tinanggihan.
“Keep the change.” Sabi ko at kinuha ang mga binili ko at umuwi.
Pagka-uwi ko ay nadatnan kong abala si Amara sa paghahanda sa aming kasal.
Agad naman akong yumakap at hinalikan sya sa pisngi.
“Ang busy naman nang asawa ko.” Paglalambing ko pa at dinungaw ko ang rosas at chocolate na nilapag ko sa isang table sa di kalayuan sa kinauupuan nya.
“Nahihirapan kase ako e, ano bang bagay sakin dito?” Malungkot na tanong niya at natawa naman ako.
“Pumili ka na lang nang isa, tutal lahat naman yan bagay sa’yo.” Sambit ko at agad naman nyang inalis ang kamay kong nakayakap sa kanya.
“Umayos ka nga, puro ka biro e.” Inis na sagot nya at inilipat sa ibang disenyo at tumitig doon.
Agad ko ulit syang niyakap at hinalikan.
“Sorry, pero totoo naman kase, bagay lahat sayo yan.” Sabi ko pa at hindi naman sya umimik kaya naisip ko ang rosas at tsokolate.
“Sandali lang loves ah.” Paalam ko pa at agad kinuha ang rosas at chocolate.
Hindi naman ulit sya kumibo at nagpatuloy lang sa paglilipat lipat ng tingin sa mga designs hanggang sa makalapit ako sa kanya.
“Loves?” Pagtawag ko nung nasa likod na niya ako.
“Oh?” Kibo nya pa at unti unting tumingin at nagulat sya.
Nagulat sya nang makita niya ang rosas at tsokolateng nasa lalagyan na hugis puso.
“Para…sakin yan?” Tanong niya pa.
“Oo, hindi ka kase mawala sa isip ko e.” Sagot ko at iniabot sa kanya ito at tinanggap nya naman.
“Thank you loves.” Sabi niya at agad na nilantakan ang chocolate.
“Ang sarap.” Sabi niya pa.
“Hahaha, kiss mo nga ako.” Sabi ko pa at agad naman nya akong sinunod.
Hinalikan nya ako sa pisngi ngunit agad akong lumingon at hinalikan ko sya sa labi.
“Baliw ka talaga.” Natatawang sabi niya at umupo naman ako sa tabi niya at niyakap sya ngunit bigla syang bumitaw.
“Bakit?” Tanong ko.
“Wait, magpapalit ako, picturan mo’ko habang hawak ko yang rosas.” Sabi niya pa.
“Ba’t pa magpapalit? Pwede naman kitang picturan na lang?” Sambit ko pa.
“Tignan mo ’tong suot ko, basta magpapalit muna ako tas picturan mo’ko.” Sagot niya at wala naman akong nagawa.
“Okay.” Sagot ko at tinanggap ang rosas nang iabot nya ito sa’kin at naghintay ako sa kanya.
Maya-maya pa ay nakapagpalit at nag-ayos na rin sya at bumaba at pumwesto sa isang sulok ng bahay.
“Loves dito, bilisan mo.” Sabi pa niya at agad naman akong lumapit at iniabot ang rosas sa kanya.
“Anong ipang-pipicture ko?” Tanong ko nang wala syang iabot na cp sa’kin.
“Hala, yung cellphone ko nasa taas, sandali kukunin—” hindi pa sya natatapos ay pinigilan ko na sya.
“I have my phone here, sige na pipicturan na kita.” Sabi ko at hindi naman na sya tumanggi.
Agad naman syang nag-pose at ngumiti at pinicturan sya.
Nagbilang pa ako ulit at pinicturan pa sya at sinabi kong okay na.
Nagpapicture pa sya sa kung saan-saang sulok ngunit ayos lang naman sa’kin dahil masaya ako kapag nakikita ko syang masaya.
Ngayon ay nandito na kami sa kwarto at ako naman ang nagtingin tingin sa designs ng gown nya dahil hindi raw sya makapili at sya naman ay abala sa aking cellphone dahil namimili sya nang ipo-post nya sa kanyang insta.
Kinabahan pa ako kanina na baka mabasa nya ang messages namin ni Velvet ngunit naalala kong idinelete ko na ito kaya nakahinga ako nang maluwag.
“Love” pagtawag ko.
“Hmmm?” Siya.
“Eto na lang kaya? Hindi kase ’to revealing tas ma-eemphasize yung kurba mo which is your thing, what do you think?” Sambit ko pa.
“Okay sige, yan na lang.” Sagot niya at ngumiti naman ako at ginulo ang buhok niya na siyang ikinabago nang mood niya.
“Anu ba yan? Sinira mo yung hairstyle ko oh?” Sambit niya pa at natawa ako sa itsura nya.
“Tatawa-tawa ka pa, kunin mo yung suklay ko dyan sa gilid mo.” Sambit nya pa at agad naman akong bumangon upang kunin ang suklay.
“Chill, I’m sorry love.” Pagpapaumanhin ko.
“Tss.” Singhal nya.
Agad ko namang inabot ang suklay sa kanya at pagalit naman nya itong kinuha.
“Sorry na asawa ko.” Paglalambing ko.
“Okay lang, abnormal to.” Sabi pa niya.
“Iloveyou.” Sabi ko pa.
“Iloveyoutoo, alam mo namang hindi kita matitiis.” Sagot niya pa at tinawanan ko naman siya.
“Ang gwapo ko kasi e.” Pagyayabang ko pa.
“Grabe sa confidence ah.” Pang-aasar din nya.
“Gwapo naman talaga ako a.” Sabi ko pa.
“Oo nga, may sinabi ba akong hindi?” Pamimilosopo niya.
“O kita, pati ikaw nagagwapuhan sa’kin.” Pagyayabang ko.
“Ang yabang mo.” Inis na sagot niya at nagpatuloy sa pagsusuklay.
“Syempre, ako ba naman magkaroon ng Amara sa buhay ko, talagang yayabang ako.” Sagot ko pa at niyakap sya.
“Puro ka pambobola, manahimik ka na nga.” Sambit pa niya.
“Hindi naman bola yun e.” Seryosong sambit ko.
“Basta manahimik ka na, gusto mo ipakain ko sayo tong suklay?” Dilat matang tanong nya sa akin at pinigilan kong matawa.
“Okay tatahimik na.” Sambit ko at yumakap na lang sa kanya.
Maya-maya ay humiga sya sa braso ko at nang gawin nya iyon ay niyakap ko sya habang siya ay abala pa rin sa pagtingin tingin sa pictures nya kanina.
“Tigilan mo na nga iyan, matulog na tayo.” Sambit ko at hinatak sa kamay nya ang phone.
“Akin na, hindi pa ko tapos.” Sabi nya pa at hinampas ako at inilayo ko naman ang kamay ko upang hindi nya makuha ang phone.
“Bukas na lang, matutulog na tayo.” Sabi ko pa sa kanya at alam nyang talo na siya kaya naman yumakap na rin sya sa’kin.
“Pahiram ako nang phone mo bukas ah.” Pagpapaalam nya pa at nginitian ko naman sya at hinalikan sa ilong.
“Sure, pero sa ngayon matulog na tayo.” Sambit ko pa at inilapag ang phone ko sa table at natulog na katabi ang mahal ko.
‘It’s a dream come true, to sleep in one bed with you’
CHAPTER 13
A/N: This part was kinda boring, but kaya medyo maikli at ilang transition ang nangyari para mas ma-elaborate ko yung situation, please do listen to sad song while reading this para mas dama LOL XOXO.
Tilla’s
Pov.
“Malapit na ang wedding nila, so what’s your plan?” Tanong ko.
“Diba pinagtago kita no’n upang i-record ang magiging usapan namin ni Alexander?” Patanong niyang banggit.
“Oo bakit?” Patanong na sagot ko.
“Kung hindi nya gagawin ang planong pag-iwan kay Amara, si Amara mismo ang gagamitin natin para paalisin siya.” Sabi niya pa at ngumisi nang nakakatakot.
“So tell me your plans, tutulungan kita.” Sambit ko at ngumiti naman siya at saka sinabi ang plano.
“Okay, I got it.. ako nang bahala.” Sagot ko at umalis na upang gawin ang ipinapagawa nya.
Amara’s Pov.
Maagang umalis si Alexander dahil pupuntahan nya raw ang designer nang aming susuotin sa kasal.
Bago nga sya umalis ay hinayaan nyang suotin ko ang paborito nyang kwintas, sinabi kong hihiramin ko lang ngunit sinabi nyang akin na lang daw ito dahil lahat daw nang meron sya ay parang akin na rin.
Abala naman ako sa pagbubuklat nang portfolio ng mga disenyo ng mga table para sa reception, klase nang bulaklak at kung ano-ano pa.
Nakatanggap naman ako ng text galing kay Tilla at sinabi nyang pumunta agad ako sa kanila kaya naman parang kinabahan ako at nawala ang saya ko.
Agad kong inutusan ang driver na ihatid ako kila Tilla na agad naman nitong sinunod.
Habang nasa byahe ako ay hindi ako mapakali at mas palapit nang palapit ay mas kinakabahan ako.
’wala naman sigurong
masamang
balita.’
Tilla’s Pov.
“Papunta na siya, gagawin ko na ang plano.” Sabi ko kay Velvet at ibinaba ang tawag at ipinagpatuloy ang pagsesend ng record gamit ang iba’t ibang sim cards na binili ko sa number nang mga kakilala namin nila Amara.
Maya-maya pa ay narinig ko na ang isang sasakyan na huminto sa tapat nang bahay ko kaya agad kong kinuha ang simcards at itinago ito sa ilalim ng carpet dito sa aking kwarto.
Agad naman akong bumaba upang makasigurado.
Habang pababa nang hagdan ay narinig ko na ang doorbell kaya naman sigurado akong siya na yon
Agad ko namang pinalitan ang ekspresyon nang muka ko para mas effective ang pag-acting.
Pagkabukas ko nang pinto ay nagbatian kami at niyakap siya.
“Ano bang meron?” Tanong niya at bumitiw naman ako sa yakapan namin at binigyan ko sya nang malungkot na tingin.
“May dapat kang malaman.” Sabi ko at naglakad pabalik sa loob ng bahay at hinatak siya at nagpatianod naman siya.
“Kinakabahan tuloy ako lalo.” Sambit nya pa at hindi ko naman siya sinagot bagkus ngumiti lang ako nang palihim.
Mabilis kong narating ang kwarto ko at kinuha ko ang cellphone ko.
“Eto ang dapat mong malaman.” Sabi ko pa at ibinigay ang phone ko habang may malungkot na tono
“Anong meron dito?” Tanong niya na para bang nalilito sa nangyayari.
“Edi i-play mo, para malaman mo.” Sagot ko gamit ang malungkot kong boses
Agad nya naman itong ni-play.
V: “Hindi ka maaaring pumalpak, sa sunod na buwan or sa sunod pa ay
magme
-merge na ang company ng ama ng
baklitang
iyon at ang company ng furniturity, nalaman ko ring hindi
magme
-merge hangga’t hindi pa na-ikakasal ang
baklitang
Amara na iyon.“
V: “I will pay you a half million.”
V: “Pag nagawa mong ma-inlab sya sayo at ikaw ang
piliin
nyang
mapakasalan
…. ngunit, hindi ka ikakasal sa kanya dahil, hindi mo sya
sisiputin
sa kasal, at….dahil don… walang
mangyayaring
kasalan
at hindi rin
matutuloy
ang
pagme
-merge ng dalawang company.“
V: “Ano? Deal na ba tayo?”
A: “Okay, yun lang ba?”
V: “You’re quite confident, I really like it, pero hindi ang
angas
mo ang kelangan ko, kelangan ko ay ang galing mo sa
pagpapa
-inlab at galing mo sa
pagpipigil
ng
damdamin
.“
V: “Amara is not that easy, baka nga ikaw pa ang ma-fall sa kanya, that
TRANSGAY
was lovely, maraming
nahuhumaling
sa kanya, kung tutuusin? Mas babae iyon sakin….at, mas marami ring interesado sa kanya.“
A: “I can handle that, but when we will start?”
V: “As soon as possible.”
Naibalik nya sa’kin ang cellphone at napa-upo sya sa isang sofa sa aking kwarto at nagtakip nang mukha dahil sya’y naiiyak.
“A-ang kapal ng mukha niya.” Sambit nya habang humihikbi.
“Hindi ko rin alam kung sinong nagsend, pati sila Felix at mga kakilala natin, nakatanggap nang message na ganun.” Kunwaring sabi ko pa.
“Ang sakit.” Sambit niya pa at umiiyak na.
“Pinaasa lang pala niya ako, niloko.” Natatawa nyang sabi kahit umiiyak.
Tahimik lang naman akong nakikinig at umupo at kunwaring pinapatahan siya.
“Gusto mo bang mag-usap kayo?” Tanong ko pa kunwari.
“W-wala kaming dapat pag-usapan.” Sagot ni Amara at kitang-kita ko naman ang pagsmudge nang suot nyang mascara marahil sa kakakusot at punas nya sa kanyang mata.
“A-akala ko totoong mahal nya’ko, pero niloloko lang pala niya ako sa simula pa lang, ni–loloko nila ako.” Sambit nya at mas umiyak pa.
Hanggang sa iyak pa rin sya ng iyak at pinapatahan ko na lang siya at lihim naman akong ngumiti.
’the
triumph is yours,
Velvet.’
Alexander’s Pov.
“Wala po ba dito si Amara?” Tanong ko kay Tito nang makita ko sya sa kusina.
“Wala sya rito, pumunta sya sa bahay nang kaibigan nyang si… Tilla siguro yon, may pag-uusapan daw.” Sagot ni Tito at nagpaalam naman ako.
“Okay Tito, pupuntahan ko muna siya.” Paalam ko at agad nagmaneho papunta sa bahay nila Tilla.
Buti na lang ay alam ko na rin ang bahay nila Tilla dahil minsan ko na itong naihatid.
Mabilis naman akong nakarating doon at agad naman akong nagdoorbell.
At naghintay muna ako na may magbukas
Nang buksan ang pinto ay nakita ko ang malungkot na mukha ni Tilla at pinatuloy nya naman ako at parang nag-alala naman ako para kay Amara sa kanya.
Pakiramdam ko ay may kakaibang nangyari dito.
“Nasaan si Amara?” Tanong ko.
Agad nya namang itinuro ang itaas kaya alam kong nandoon si Amara.
Umuna naman sya at sumunod ako at pagka-akyat namin ay nakita ko si Amara na umiiyak sa isang sofa kaya mabilis akong lumapit sa kanya upang patahanin sya.
“Anong nangyari?” Tanong ko pa at bigla syang tumayo at itinulak ako.
“Umalis ka rito.” Sigaw nya habang mas tumotodo ang pag-iyak niya.
“Ano bang nagawa ko?” Tanong ko at lalapit pa sana nang pigilan nya ako.
“H’wag kang lalapit, parang awa mo na… Tama na, ayoko na, tigilan mo na tong…panloloko mo.” Pagmamaka-awa nya at napaluhod pa at umiiyak sa harap ko.
“Ang sakit na Alex, tigilan mo na.. alam ko na ang lahat.” Sabi pa niya na naguluhan ako at lumuhod din ako sa harap niya.
“Ano bang ginawa ko? Amara?” Tanong ko na naiiyak na rin sa pagmamakaawa niya.
“Huwag ka nang magmaang-maangan pa, please lang!” Sigaw pa niya at umiyak at tinakpan ang mukha at hinatak naman ako ni Tilla at nagpadala naman ako.
“Tilla, paalisin mo na ’yan, ayoko na syang makita.” Sabi pa ni Amara at bumalik sa sofa at doon yumuko para umiyak.
Agad ko namang tinanong si Tilla.
“Ano bang nangyayari? Ba’t sya nagkaganyan?” Tanong ko at agad naman sumagot si Tilla.
“May nagsend kase samin ng isang recording, sa lahat ng circle of friends nya, ang laman nang recording ay eto.” Sambit nya at ni-play ito at narinig ko ang usapan ni Velvet at parang gumuho ang mundo ko.
Hindi ko na tinapos ang pakikinig at agad nilapitan si Amara para yakapin ito nang mahigpit.
“Amara, hindi yon totoo.” Sambit ko at hinigpitan ang yakap nya at pilit syang kumakawala.
“Bitawan mo’ko.” Sigaw niya habang umiiyak.
“Amara, mahal kita.” Sambit ko at umiiyak na rin habang naka-yakap.
“Ayoko na Alex, wag mo na’kong lokohin, please!” Sigaw nya at itinulak ako nang malakas at nakawala sya sa yakap ko at agad ko naman syang hinabol ngunit dinuro nya ako.
“Amara, hindi yon totoo, mahal na— mahal kita.” Sabi ko habang humihikbi at pinunasan ko muna ang luha ko at tinignan sya.
“Wag mo na akong paasahin, tama na.” Sambit nya at ibinato sa’kin ang singsing na isinuot ko sa kanya.
“Amara, magpapaliwanag ako, wag namang ganito.” Sabi ko pa ngunit pinunasan nya ang luha sa mata niya.
“Kahit wag ka na magpaliwanag, tapos na tayo Alex, ayoko na.” Sagot niya at tumulo na naman ang luha sa mata niya.
“AYOKO!” malakas na sigaw ko at pinigilan maiyak.
At sa sagot kong iyon ay mas naiyak naman siya.
“Alex, maawa ka naman sa’kin, durog na durog ako sa narinig ko.” Sambit niya.
“Durog na durog ako sa panloloko mo… Umasa akong totoo lahat nang iyon e, ikakasal na tayo oh, ilang araw na lang tapos malalaman kong niloloko mo lang pala ako.” Dagdag pa niya at mas umiyak ulit.
“Para sa’n pa yung mga buwan na pinagsamahan natin, ang sakit kase sobrang tagal mo akong niloko.” Sabi niya at mas umiyak.
“Hayaan mo muna akong magpaliwanag, mahal talaga kita Amara, maniwala ka.” Sagot ko ngunit ngumiti lang siya habang umiiyak at nakatingin sa’kin.
“Hindi ko alam, kung kaya pa kitang paniwalaan.” Sagot niya at pinunasan ang luha sa mata.
Pagkasabi nya no’n ay para akong sinaksak nang ilang beses
“Nasasaktan ako kase ikaw ang lahat lahat sa’kin, pero mas masakit na ikaw pa mismo yung nagdulot nang ganitong sakit sakin kung saan minahal naman kita pero niloloko mo lang pala ako…sa simula pa lang.” Dagdag pa niya at mas umiyak na syang nagpapaiyak din sa’kin.
“Amara..” pagtawag ko sa pangalan niya.
“Hindi ko na tutuparin yung pangako kong hindi kita iiwan, tinatapos ko na ang lahat lahat sa’tin, kahit masakit….alam kong kakayanin ko.” Sabi pa niya at mas naiyak ako.
Ang naiisip ko na lang ay ang galit ko kay Velvet.
Ngunit wala akong karapatan dahil alam kong pumayag rin ako sa kasunduan.
Yung luha ko ay patuloy lang sa pagtulo dulot nang galit at lungkot.
Sinuntok ko ang pader at mabilis namang namanhid ang kamay ko.
Umiiyak akong tinignan si Amara na tumalikod lang kaya naman umalis ako dahil ayokong mas masaktan pa siya kahit nasasaktan ako sa desisyon niya.
Ang sakit isipin na sa ganito kami humantong
’Amara, niloko kita pero hindi ko
pineke
lahat ng sinabi ko’t nararamdaman ko para sayo.’
Lumabas ako nang bahay na iyon at pinuntahan ang taong puno’t dulo nito.
Masakit ang hapong ito para sa’kin, ang sakit sakit yung tipong hihilingin mong namatay ka na lang sana.
Amara’s Pov.
Lahat nang nangyari ngayon ay hindi ko kailanman inasam at inasahan.
Umiiyak pa rin ako sa katotohanang naloko ako nang taong minahal ko nang sobra na tipong wala akong itinira para sa sarili ko.
Naubos ako sa taong niloloko lang ako at hindi ko alam kung makakabangon pa ba ako.
Masakit ang katotohanang tinapos ko na ang lahat sa’min, gusto kong magpahinga at pumikit ngunit gustuhin ko man ay hindi ko magawa dahil paulit ulit kong naririnig sa utak ko ang hikbi niya at ang record kanina.
“Talaga bang hihiwalayan mo na siya? Paano na yung business nyo?” Tanong ni Tilla at tila mas nalungkot naman ako.
Tumingala ako at tumulo naman ang luha ko.
‘Hindi pa ako tapos sa personal kong isyu, pero may mga problemang dadating pag hindi natuloy ang kasal’
“Ang hirap naman nito” Sabi ko at umiyak sa kawalang gawa.
Gusto kong matuloy ang merge ngunit alam kong imposible yun dahil hindi ko rin hahayaang makasal ako sa taong alam kong wala naman talagang nararamdaman para sa’kin.
“Tilla, hirap na hirap nako.” Sambit ko sa kanya at hinagod naman nya ang likuran ko.
“Sorry friend, wala akong magawa para sa’yo.” Sambit nya pa at umiyak na lang ako dahil pakiramdam ko’y pagod na pagod ako.
Medyo nahihiya pa nga ako dahil naka-abala pa ako nang kaibigan, kung tutuusin dapat ako lang ang involve sa problema ko.
’Ang simple lang naman sana nang buhay pero may mga taong
gagawing
kumplikado
ito para sa’yo.’
Ipinagpatuloy ko ang pag-iyak dahil yun lang ang kaya kong gawin sa oras na yon at wala pang plano ang nabubuo sa isip ko.
Masikip sa dibdib at talagang nakakadurog ng pagkatao at puso itong nangyari pero wala naman akong magawa.
’What I hated the most is the part when I could do nothing but just to
cry’
CHAPTER 14
Tilla’s
Pov.
“Okay ba?” Tanong ko kay Velvet nang nandito na’ko sa mansion nya.
Nakangiti ako ngayon dahil alam kong nagtagumpay kami
“Ang galing mo, napahanga mo’ko ‘friend’” madiin nya pang sabi sa word na friend.
’sabi
ko na e’
“So, where’s my prize? Matutulungan mo ba ako sa business ko?” Tanong ko sa kanya dahil ito naman talaga ang pakay ko ngunit tinignan nya lang ako nang nagtataka.
“Your prize? Baket? Nanalo ka ba? Bat nanghihingi ka nang prize, wala naman akong ipinangako sa’yo.” Sagot niya habang sumisimsim sa wine niya.
And my mood change.
“Ginawa ko ang lahat, tinulungan kita, tas ano? Wala lang?” Balik tanong ko sa kanya habang pinipigil ang sarili ko.
“Hep hep, What I could only recall is, you offer your help and I just accept it, I’d never ask for it, so don’t you dare act as if I did ask help to you!” Mataray na sigaw niya sa’kin at natameme naman ako.
Talagang hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagsalita na.
“Akala ko tutulungan mo’ko matapos kitang tulungan.” Inis na sabi ko pa at natawa naman siya.
“Akala mo lang yun pero hindi, at saka wag ka ngang trying hard sa business mo, pang small type lang yan, hindi yan babagay sa naglalakihang business kagaya nang sa’min, you’re nothing but just a trying hard small business owner.” Sambit pa nito at talaga namang ikina-galit ko.
Lumunok naman muna ako at ngumiti nang sarkatisko sa kanya at lumakad nang kaunti.
“Tignan natin kung sinong magiging small type sa huli.” Mataray kong sabi at umalis sa mansyong iyon.
‘Humanda ka sa ganti ko, naka-handa ako Velvet, ibubunyag kita sa buong mundo’
Umalis ako roon nang may galit at inis sa aking puso.
Hindi ko matanggap na ganun lang ang gagawin n’ya matapos ko syang tulungan sa lahat nang plano niya.
Ni hindi man lang ako tulungang pabalik.
Agad ko namang iwinakli ang iniisip ko at nag-isip isip.
Habang naglalakad ay nakabuo ako agad nang plano para sa ganti ko kaya naman tila nawala ang inis sa akin at napalitan ito nang tuwa.
’tuwa
dahil alam kong
magtatagumpay
ako’
Pagka-alis ko sa mansion ni Velvet ay agad kong tinawagan ang kambal ni Alexander Lucas.
Oo, may kambal si Alexander Lucas.
Matagal na kong nagsasaliksik tungkol sa pagkatao niya.
Ang parents nila ay merong business na Casino na hawak na ni Velvet ngayon, ngunit ang magulang nila ay parte na lang at hindi na ang mismong nagmamay-ari nito.
Si Alexander ay isang investors sa iba’t-ibang business kaya kahit papano ay kumikita sya nang malaki lalo na’t ang pera niya ay nakalapag sa mga business na kumikita nang malaki in just a day.
Si Alejandro na kakambal ni Alexander ay may simple lang pamumuhay sa kanilang bahay, suportado sa magulang at mabait, hindi sya kagaya nang kuya niya na madiskarte sa buhay, siya ay umaasa pa rin sa magulang hanggang ngayon.
Agad kong ki-nontact ang nalalaman kong number niya at ginawa ang binabalak kong plano para pabagsakin si Velvet at itama ang ginawa kong mali kay Amara.
’Just wait for me Velvet, I will be your greatest
karma’
’and
for my dearest friend Amara, hayaan mong ako ang
gumanti
para sa
patalikod
na
pagtira
ni Velvet sa’yo.’
Amara’s Pov.
Masakit ang katotohanang nagtapos kami ni Alexander ngunit kailangan kong tiisin ang lahat.
Kahapon ay umuwi akong maga ang mata kakaiyak, ni hindi ko na nga nagawang maghapunan dahil pagpasok ko rito ay agad akong natulog at nagpahingang mag-isa.
Tuwing ipipikit ang mata ko ay tila naririnig ko lahat nang meron sa record na iyon na patuloy na dinudurog ang puso kong durog simula kahapon.
Para akong hinati sa milyon-milyong piraso at pakiramdam ko ay hindi na mabubuo ang pagkatao ko.
Gusto kong alisin lahat nang alaala kasama sya ngunit hindi ko naman magawa, masyadong masakit ang ginawa nya sa’kin na sa sobrang sakit ay para na akong pinatay.
‘Kung kelan naman hulog na hulog at mahal na mahal ko na siya saka ko naman narinig yun, ang sakit kase pakiramdam ko walang natira para sa’kin.’
Habang naka-upo ay umiiyak ako at iniisip si Alexander.
Naiiyak ako kase kahit na ganun yung ginawa nya, alam kong mahal ko pa rin siya.
’Siguro
, ang saya nya ngayon kase alam nyang
nagtagumpay
sya at alam nyang nasasaktan ako.’
Sa naisip kong iyon ay mas napaiyak ako, pakiramdam ko ito lang ang kaya kong gawin dahil kahit sino pang lumapit sakin ngayon ay hindi nila magagawang ibsan ang sakit na nararamdaman nang puso ko.
Habang umiiyak ay biglang kumatok si Papa sa pintuan.
Agad ko namang kinuha ang kumot ko at pinunasan ang luha sa mata ko.
Pagkatapos ay agad kong binuksan ang pinto upang pagbuksan si Papa.
Pagbukas ko nang pinto ay napatingin agad si Papa sa’kin at medyo nagulat nang onti, marahil sa maga kong mata..kakaiyak.
“Anong nangyari?” Alalang tanong niya na hinaplos pa ang aking pisngi.
“Wala po Pa, nanood po kase kami nang movie kahapon.” Sagot ko at ngumiti nang malapad upang hindi sya makahalata sa nangyayari.
’Masyado
nang matanda si Papa para sa mga drama, ayokong mag-
alala
sya.. baka may mangyari pang masama sa kanya.’
“Kung nanood kayo nang movie, ba’t ganyan ang nangyari sa mga mata mo?” Alala pang tanong niya.
“Kase po, sad movie po yung napanood namin.. kung sa’n namatay yung minamahal nyang babae, so ayun iyak kami nang iyak tas sinabi ko rin kay Tilla na hindi na’ko papayag na panoorin ulit yun.” Pagsisinungaling ko pa at ngumiti kay Papa at tila naniwala naman siya.
“Mabuti pa ngang hindi mo na ulit panuorin iyon, tignan mo…dahil sa kadramahan mo, magang maga yang mata mo.” Sabi nya pa at inayos ang buhok kong nakaharang sa mukha ko.
“Opo Pa.” Sagot ko at napalingon naman sya sa kabuuan nang kwarto ko at nagtaka.
“Oh teka… Asa’n si Alexander?” Tanong ni Papa at hindi ko iyon inaasahan kaya medyo nagulat ako ngunit nang makabawi ay ngumiti ako ulit kay Papa at nagsinungaling.
“Hindi po umuwi si Alexander kagabi Pa, may lakad daw po kase siya e, hindi nya rin po nasabi kung kelan ang uwi n’ya.” Pagsisinungaling ko at tumingin lang naman sya sa’kin.
“Tapos nyo naman ba ang paghahanda sa kasal?” Tanong ni Papa tungkol sa event planning.
“Opo pa, hinihintay na lang namin ang araw nang kasal.” Pagsisinungaling ko pa at nakahinga naman ako nang maluwag nang ngumiti sa akin si Papa.
“Good, sigurado naman akong uuwi ’yon para sa kasal nyo.”
“Opo.” sagot ko at nameke ako ng tawa upang hindi makahalata si Papa na may problema.
Hindi ko alam kung papa’nong sasabihin kay Papa na hindi na matutuloy ang kasal namin ni Alexander.
Sinabi naman ni Papa na kumain na lang ako pag nagutom ako at tumango naman ako sa kanya bilang sagot.
Pagkatapos n’yang sabihin iyon ay isinara nya ang pintuan ng aking kwarto kaya naupo naman agad ako sa aking kama ng may malungkot na muka.
Natatakot akong magsabi kay Papa na hindi na matutuloy ang kasal namin ni Alexander dahil baka maka-sama ito sa kalagayan nya at magdulot pa ng hindi maganda.
May naisip naman akong plano na lalapit na lang ako kay Alexander upang ituloy ang kasal ngunit alam kong hindi nya iyon gagawin dahil ginawa nila ito upang hindi matuloy ang merging ng kumpanya.
Galit at hinanakit ang nararamdaman ko para kay Alexander at pag-aalala para sa aking Papa.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya naman inginudngod ko ang muka sa aking unan at baka sakaling makapag-isip ako.
Ngunit sa sobrang pag-iisip ay tumulo na ang aking luha sa kawalang gawa, pakiramdam ko’y walang lusot at solusyon sa problemang ito.
Hindi ko alam kung sinong makakatulong sa’kin ngayon o kung meron bang gustong tumulong.
Sa problema ko ngayon, ramdam na ramdam kong mag-isa ako. Mabuti sana kung nandito si Mama ngunit wala naman na siya.
Gusto kong mag-isip ng paraan para maresolba ko ang lahat ngunit walang lumalabas na paraan sa aking isip kaya naman luha ang tumutulo dulot ng sobrang pag-iisip.
Nang mapagod ako ay humiga ako ng maayos at tumitig sa kisame at hindi ko namalayang nakatulog ulit ako.
CHAPTER 15
Alejandro’s Pov.
Nakakapagod ang naging byahe ko mula China papuntang pilipinas kaya naman ang mukha ko ay hindi maipinta.
Medyo masakit pa nga ang aking likod nang kaunti, ngunit kaya naman kaya ayos lang.
Kinelangan kong umuwi upang tulungan ang isang kaibigan na nanghingi nang tulong at alam kong may maitutulong naman ako kaya gagawin ko na.
Nabanggit na rin n’ya nang detalyado ang lahat nang nangyari kaya eto ako upang ibigay ang aking maitutulong.
Habang kinakaladkad itong maleta ko ay bigla naman malakas na tumunog ang cellphone ko na syang ipinagtaka ko
Agad ko naman itong kinuha sa aking bulsa habang patuloy sa paglalakad at habang kinakaladkad ang maleta
Medyo nagtaka naman ako nang makitang si Alexander ang tumatawag
’ano
naman kayang kelangan neto?’
Huminto naman muna ako at agad ko namang sinagot ang tawag at sinalubong naman nya agad ako ng tanong.
“Bakit ka umuwi ng pilipinas?” tanong naman agad nito na s’yang nagpabago nang aking mood.
‘Hays kambal, hindi ba ako pwedeng umalis ng mag-isa?’
“Why do you mind?” bastos kong tanong sa kanya at halata namang nainis sya ngunit wala akong pakielam.
“I’m just curious brother, I know you won’t leave the house unless there is a problem.” maangas na sagot niya na halatang pinipigilang mainis.
“Yeah, there is, and I won’t tell all the details to you until we settled it.” sagot ko sa kanya dahil alam kong magtatanong siya.
“If you can’t tell all the details, just give me few, just to know what you’ll gonna do here in Philippines.” sabi niya at napabuntong hininga naman akong dahil ayokong makarinig ng mga sermon.
‘Okay, I’ll give some details for him to shut the fuck up.’
“I’ll gonna help my friend because her friend got fooled by someone and she need me.” sagot ko at natahimik naman siya at nakahinga naman ako ng maluwag.
“May I know the name of your friend?” tanong niya na s’ya namang dahilan at napaisip ako.
’Hindi
naman siguro
makikielam
si
Kuya
, knowing him.. ang alam ko wala
s’yang
paki sa mga bagay-bagay na ganito.’
“Tilla is her name, okay bye.. I need to go.”
“Wait––” Habol pa nyang sabi ngunit ni-end ko na ang tawag at ni-mute ang phone ko para hindi na nya matagawan
Bumuntong hininga naman muna ako at saka nagpatuloy sa paglalakad palabas ng airport at sumakay ng taxi.
Alexander’s Pov.
Nasasaktan pa rin ako sa nangyari sa amin ni Amara na tila ba ang gusto ko na lang ay magpahinga upang mawala na ang nararamdaman kong ito.
Gusto kong manisi ngunit alam kong sa simula pa lang ay ako ang may kasalanan nito.
’Hindi
ko rin naman kase alam na mamahalin ko
s’ya
ng ganito.’
Upang maibsan at makalimutan ang sakit ay ibinabaling ko ang atensyon sa plano kung paano ko syang mapapaniwala na totoo ang nararamdaman ko at kung gaano ko s’yang kagusto.
Ngayon habang naka-upo ay nakatitig ako sa perang ipinadala ni Velvet dito sa aking tinutuluyan at ang mensaheng kalakip nito.
Kahapon ko pa ito natanggap at siguro nang dahil sa galit at inis sa aking puso ay nakabuo na ako ng plano.
Habang naka-upo at nakasalong baba ay nakatanggap ako ng mensahe galing sa mga katulong sa bahay sa China.
Sa mensaheng ipinadala ng aming katulong ay sinasabing umalis ang kakambal kong si Alejandro sa aming bahay sa China.
Nang matanggap ko ito ay tila mas nadagdagan ang aking inis ngunit hindi ako nagpadala roon dahil alam kong hindi ito magdudulot ng maganda.
Tumayo naman ako at kinuha ang aking phone upang tawagan ang aking kakambal at tanungin s’ya.
Pagkasagot na pagkasagot n’ya pa lang sa tawag ko ay sinalubong ko na s’ya ng tanong.
“Bakit ka umuwi ng pilipinas?” agarang tanong ko habang tinitignan ang perang nasa harap ko.
“Why do you mind?” walang galang sagot naman niya sa’kin na syang ikina-inis ko namang talaga
Nagsalubong ang kilay ko ngunit agad ko itong inalis at saka nagsalita nang prente at maangas.
“I’m just curious brother, I know you won’t leave the house unless there’s a problem.” Sabi ko pa at kinutkot ang mga kuko ng daliri ko kahit wala namang dumi roon.
“Yeah, there is, and I won’t tell all the details to you until we settled it.” sagot niya na s’yang ikina-bahala ko kaya kahit alam kong hindi nya sasabihin ay nagpumilit pa’rin ako.
“If you can’t tell all the details, just give me few, just to know what you’ll gonna do here in Philippines.” sabi ko at dinilaan ang labi kong medyo natuyo.
‘ano naman kayang problema ang kelangan nitong ayusin?’
“I’ll gonna help my friend because her friend got fooled by someone and she need me.” sagot niya na s’yang ikinatahimik ko.
Hindi ko alam pero biglang pumasok sa isip ko si Tilla at si Amara.
Kaya naman dulot ng kuryosidad ay binalewala ko ang kanyang sinabi at nagtanong muli kahit na medyo marami nang kung ano-anong isipin ang nasa aking utak.
“May I know the name of your friend?” Tanong ko at medyo kumakabog ang dibdib ko at parang nanlalamig ako sa di malamang dahilan.
Napatayo ako at napasinghap ng hangin habang hinihintay ang sagot niya.
“Tilla is her name, okay bye.. I need to go.” Sagot nya na siyang nagbigay ng taranta sa’kin.
“Wait––” Pigil ko ngunit naputol na ang linya.
’I
knew it, damn you brother!’
Dulot ng aking narinig mula sa kapatid ko ay para akong tarantang ewan, sa susunod na araw na ang kasal namin at nahuhulaan ko ng si Alejandro ang papalit sa’kin dahil talagang sobrang magkahawig kami.
Pinilit ko pang tawagan ang numero ng aking kakambal habang nagpapaikot-ikot dito sa munting mesa sa aking harap ngunit out of reach na ang kanyang numero.
Kaya naman salubong ang kilay na napaupo ako sa sofa at napatitig sa cellphone ko.
Naisipan kong tawagan si Tilla ngunit wala naman akong numero nya kaya napabuntong hininga ako.
Ngunit naisipan kong may mga social media accounts siya kaya naman napangisi ako ulit at sinubukang hanapin ang isa sa mga roon.
Nakita ko ang account niya na ang pangalan ay Tilla Velasco.
Habang nakatukod ang kamay ko sa aking baba ay tinignan ko ang account niya at maswerteng nasa bio nya naman ang kanyang private number dahil s’ya pala ay isang negosyante rin.
Napangiti naman ako at agad ko itong tinawagan at tumayo dahil sa excitement at kabang nararamdaman.
’magkaka-ayos
din tayo Amara, hindi mo na’ko pwedeng iwan, hindi na rin ako aalis.’
Nang sumagot ito ay napasinghap ako ng hangin nang magtanong siya.
“Who is it, hello?” Maarte at slang n’yang pagsabi sa linya.
Nagbuga muna ako ng hininga bago sumagot.
“Hello Tilla, it’s me.. Alexander.” sagot ko.
“Oh, anong kelangan mo?” Mataray na sagot niya at alam kong dulot iyon ng pananakit ko sa kaibigan niya.
“Tulungan mo’ko!” pakiusap ko at nagpaikot-ikot pa.
“Tulungan kita? Na ano… Lokohin si Maara?” Sarkastiko nyang sabi at napapikit naman ako.
“No, Tilla… Look, I need your help, I want Amara to marry me…mahal ko na ang kaibigan mo! Please I need your cooperation, just please! Help me.” madamdaming sabi ko sa linya at puno ng pagmamaka-awa ang boses ko.
“Hindi ko alam ang sasabihin ko.” pagpapakatotoo niya at napangiti naman ako.
“No need to speak Tilla, sabihin mo lang kung asan kayo, kelangan lang na matuloy ang kasal namin ni Amara, please tulungan mo’ko!” Pagmamaka-awang sagot ko kay Tilla at narinig ko naman ang buntong hininga niya.
“Okay fine, pupuntahan ko siya sa kanila ngayon.. papunta na rin doon ang kakambal mo….at tutulungan ka namin.” Sagot niya at napangiti naman ako at agaran kong dinampot ang susi kong nasa mini table malapit sa sofa.
“Salamat, papunta na’ko…magkita na lang tayo.” Sabi ko pa at mabilis na pumunta sa mansion nila Amara.
’Kahit
pa
itaboy
mo’ko o magalit ka, di ko
hahayaang
mauwi
ang lahat sa
wala’
CHAPTER 16
A/N : Okay guys, I will used third person’s Pov here just to emphasize and give a little more detail to the scene :> XOXO
3rd Person’s Pov.
Nang makumpleto ang tatlo ay agad na sinabi ni Tilla ang plano sa walang kaide-ideyang si Alejandro.
“Alejandro? Thank you pero nabago ang plano natin” Nahihiyang sabi ni Tilla marahil siguro sa biglaang pagbabago sa plano.
“What do you mean?” Nalilitong sagot ni Alejandro habang kunot ang noo.
“Ako ang pakakasalan ni Amara at hindi ikaw… I just need your help and your cooperation to make it happen.” sabat ni Alexander at pinagpag ang suot nyang jacket.
“Wait…what do you mean” nalilito pa ring sagot ni Alejandro at tila narindi naman si Tilla dahil napatakip ito sa kanyang tenga.
“Alejandro, just don’t ask, stick with the plan, I’ll tell you all the details later!” Madiing sagot ni Tilla kay Alejandro at kinaladkad ito.
“Let’s go!” Sabi pa ni Tilla na nagpa-umuna na pumunta sa harap ng mansion nila Amara upang makapasok habang kinakaladkad si Alejandro.
“You all need to explain to me later! Inis na sagot ni Alejandro at nagpatianod kay Tilla.
Nang makapasok sila sa Mansion ay sinalubong sila ng katulong at binati sila.
Maya-maya pa.
“Mauna na kayo sa itaas, gisingin nyo na si Amara.. may pupuntahan lang ako.” Utos ni Alexander at hindi na hinintay ang sagot nila at sumegway na ng daanan.
Dahil alam naman ni Tilla ang daan papunta sa kwarto ni Amara ay pumunta na sila roon at hinayaan na si Alexander.
“Where is he going?” tanong pa ni Alejandro kay Tilla na kinakaladkad pa rin siya.
“I don’t know, just shut up for a while.” inis na sagot ni Tilla at tumahimik naman si Alejandro na inipit pa ang bunganga niya.
Mabilis din naman nilang narating ang kwarto ni Amara at agaran itong kinatok ni Tilla.
“Amara?” Sabi pa ni Tilla habang kinakatok.
“Amara?” Ulit pa ni Tilla habang patuloy na kinakatok ang pintuan ni Amara.
“Sino ’yan?” Tanong ni Amara mula sa loob at agaran naman sumagot si Tilla at sumenyas pa kay Alejandro na manahimik.
“Si Tilla ’to.” Sagot ni Tilla sa tanong ni Amara.
“Pasok ka, bukas ’yan.” Sabi pa ni Amara at nanlaki ang mata ni Amara nang makita si Alejandro na pumasok kasunod ni Tilla
“What are you doin—” Hindi pa natatapos sa sasabihin si Amara ay pinigil na siya ni Tilla.
“Sis, hindi ’yan si Alexander!” Depensa agad ni Tilla at nagtaka naman si Amara.
“Hi, I’m Alejandro, Alexander’s twin.” Sabat ni Alejandro at tinarayan naman siya ni Tilla.
“Teka? Ang aga-aga, at bakit naman nandito yang kambal ni Alexander at saka ba’t ba andito kayo?” Medyo masungit na tanong ni Amara dulot yata ng pagkabigla at dulot ng pagiging bagong gising lamang.
“Sis, nandito ako para tulungan ka.. may pag-uusapan tayo mamaya!” Sabi naman agad ni Tilla na umupo pa sa kama ni Amara
Ngumiti naman si Tilla at punong-puno naman ng pagtataka si Amara.
“Ano namang pag-uusapan natin?” Litong tanong nito at nginitian lang naman siya ni Tilla at hinimas pa nito ang balikat ni Amara.
“Mamaya na nga, just relax muna!” Nakangiting sabi pa ni Tilla at inutusan nyang mag breathing exercise muna si Amara na sinunod naman nito.
Habang ginagawa nila iyon ay bigla namang pumasok si Alexander na may dalang tray ng pagkain at may rosas pa sa gilid.
Napatitig lang naman sa kanya si Amara at ng magtama ang paningin nila ay sinalubong sya ng tanong ni Amara.
“What are you doing here?” Mataray na tanong nito kay Alexander na inilalapag ang tray sa side table.
“Mamaya ka na magtanong Loves, kumain ka muna.” Mahinahong sagot ni Alexander at agarang sumingit si Tilla kaya nabaling rito ang tingin niya.
“Tama siya sis, kain ka muna!” Nakangiting sagot ni Tilla sa kanya at binigyan nya naman ito ng masamang tingin.
“You need to explain this to me!” Mataray na sabi ni Amara at nginitian lang naman sya ni Tilla.
“Of course sister, mag-uusap tayo mamaya diba?” Mapang-asar na sagot ni Tilla at sininghalan lang naman siya ni Amara na medyo maga pa ang mata dahil sa pag-iyak.
Agad naman itong kumain ng tahimik at lumayo naman si Alexander at dumungaw lang sa bintana.
Mabilisan namang inexplain ni Tilla ang lahat kay Alejandro at tila nalinawan naman si Alejandro.
Short but precised ang pagkakasabi ni Tilla kaya agad naintindihan ni Alejandro at sumang-ayon naman na siya.
Si Amara ay wala namang pakielam dahil sya’y kumakain at tila malalim rin ang iniisip.
Matapos kausapin ni Tilla si Alejandro ay nilapitan nya si Alexander na nakadungaw lamang sa bintana at tila may malalim na iniisip.
“Oh, anong problema?” tanong ni Tilla kay Alejandro na namamasa ang mata.
“Wala ’to.” pabulong na sagot naman ni Alexander at mabilisang pinahid ang mata niya dahil sa pamamasa nito.
“Alam ko na, nasasaktan ka sa treatment sa’yo ni Amara.” biglang sabi naman ni Tilla at tila tama sya dahil pumeke ng ngiti si Alexander at sumagot.
“Alam ko namang ganon ang magiging reaksyon nya e, di ko lang maiwasang masaktan.” Pag-amin nito.
“H’wag ka mag-alala, tutulungan kitang magka-ayos kayo, para pareho na kayong sumaya, halata namang isa’t- isa ang kailangan nyo para sumaya ulit e.” pabulong na sagot pa ni Tilla at nilapitan na si Amara.
Umupo naman sya sa tabi nito na may malaking ngiti.
“Tapos ka na ba sis?” Tanong niya at inirapan lang siya ni Amara.
“Oo, tapos na.” mataray na sagot ni Amara na dinungaw pa si Alexander habang nakatalikod ito.
“Uyyyy, lumilihim na pagtingin!” pang-aasar ni Tilla kay Amara at nakatanggap naman siya ng mahinang sabunot rito.
“Aray!” Sigaw ni Tilla at tumawa.
Tumayo naman si Amara sa kama at kinuha ang kinainan niya.
“Tara doon tayo sa kusina mag-usap! Maiwan na muna namin kayo!” Sabi ni Amara at nagpa-umunang lumabas ng kwarto niya.
Nagkibit-balikat naman si Tilla sa kambal na parehong nagtataka sa inasal ni Amara.
“Maiwan ko muna kayo, dyan lang kayo.” paalam ni Tilla at sumunod kay Amara.
Pagkarating sa kusina ay agad nilagay ni Amara sa lababo ang plato at umupo sa dining chair at saka nagsalita.
“Magkwento ka na.” mataray na usal naman ni Amara at umupo naman muna si Tilla sa isang bakanteng upuan bago nagsalita.
“Okay, ganito kase yon…alam kong may kakambal si Alexander kaya naisip kong gamitin sya sa plano ko.” kwento ni Tilla at nakikinig lang naman ito habang nakatitig kay Tilla.
“Ang plano ko is tulungan ka na maikasal dahil alam kong hindi matutuloy ang merge ng company nyo kapag hindi ka naikasal, yan ang kwento mo sa’kin diba? Kaya naman naisipan kong tawagan si Alejandro upang pamalit kay Alexander dahil pareho naman sila ng mukha—” kwento ni Tilla ngunit hindi pa sya natatapos ay pinigil na sya ni Amara.
“Teka? Kung yan ang plano mo? Ba’t andito si Alexander?” naguguluhang tanong ni Amara at itinuro pa ang isang direksyon na para bang andun ang tinutukoy niya.
“Eto na nga, teka lang kase!” may inis kunwaring sagot ni Tilla at humingi naman ng dispensa si Amara.
“Sorry naman!” si Amara.
“Okay ganito nga, matapos kong tawagan si Alejandro nung isang araw ay agaran syang umuwi ng pilipinas at kanina lang din s’ya nakarating, tas hindi ko malaman kaninang umaga biglang tumawag sa’kin si Alexander at alam mong sinabi niya?” si Tilla.
“Ano?” tanong naman ni Amara habang iniikot ang dulo ng kanyang buhok
“na tulungan ko raw s’ya sa plano nya para makasal kayo….at naramdaman kong mahal ka niya sis, naki-usap pa s’ya sakin as in ramdam na ramdam ko yung sinseridad nya kanina, nauna pa nga yang makarating dito e, hinintay nya lang kami.” kwento pa ni Tilla at natahimik naman si Amara.
“Sis, maniwala ka…mahal ka niya, kase kung hindi ka n’ya mahal hindi nya magagawang maki-usap sa iba para lang tulungan syang makipag-balikan sa’yo!” seryosong sabi ni Tilla kay Amara at binigyan naman s’ya nito ng malungkot na ekspresyon.
“Hindi ko alam…kung kaya ko pang magtiwala sis, ayokong magtiwala kase natatakot akong ginagawa nya lang ’to…para saktan ulit ako!” Sagot pa ni Amara na tinuro pa ang sarili niya at natahimik naman si Tilla dahil ramdam nya ang takot at sakit kay Amara.
“Magiging ayos rin ang lahat sis, at hanggang kelangan mo’ko, tutulong ako’t hindi ako mawawala sa tabi mo.” Pagbibigay lakas ni Tilla kay Amara at nagyakapan naman sila.
“Salamat ha, parati kang andyan para tulungan ako.” Sagot naman ni Amara na animo’y na-touch sa sinabi ni Tilla sa kanya.
“Sus, wala yun sis, ikaw pa.” Sagot naman ni Tilla at diniinan pa ang yakap kay Amara.
Pagkabalik nila sa kwarto mula sa kusina ay agarang ipinaliwanag ni Tilla ang lahat
Binigyan na rin sila ni Amara ng invitation upang makapasok sa mahigpit na seguridad ng venue.
CHAPTER 17
Amara’s Pov.
Ngayong araw ay nandito kami sa bahay dahil kinausap kaming muli ni Alexander tungkol sa aming kasal.
Ang mga naimbitahan ay nasa simbahan ngayon upang mai-ayos at makapag-rehearse sa kanilang magiging lakad at kung saan sila dapat pumwesto.
Gusto ko sanang natural ngunit sinabi ng mga planners na kung ganon ang gagawin ay baka hindi maging arrange at presentable ang mangyayari.
Wala naman ng rehearsal para sa’min dahil unang una si Alexander ay maghihintay sa akin sa unahan at ako nama’y ihahatid ni Papa kay Alexander.
Nang matapos kaming kausapin ay nagtitingin tingin ako sa mga susuotin kong alahas, gown, sapatos at kung ano-anong abubot.
Habang ginagawa ko iyon ay lumapit sa akin si Alexander at tinanong ka niya.
“Loves, okay ka lang?” Tanong ni Alexander na para bang wala kaming naging problema.
“Yeah” walang emosyong sagot ko at hinawakan pa kunwari ang mga alahas at sinuri ’yon.
“Baka napapagod ka na, pwede ka namang umupo…kanina ka pa kasi nakatayo.” sambit pa niya at kinulong ako ng bahagya gamit ang isa n’yang braso at kumawala naman ako.
‘Ano naman sa’yo kung pagod ako?’
“Ikaw? Baka pagod ka na…pwede ka namang umupo.” pagbabalik ko sa kanya ng sinabi n’ya habang inaalis ang kamay n’yang nasa bewang ko.
“Gusto ko katabi kita.” sinserong sabi niya at napabuntong hininga naman ako.
’Ang hirap maging
marupok’
“Okay.” malamig na tugon ko at hinawakan n’ya naman ang kamay ko at ini-upo ako sa isang sofa at saka sya umupo sa tabi ko.
Inihiga pa niya ang ulo nya sa balikat ko at hindi ko naman maiwasang mailang.
’dati
na rin naman n’ya tong ginagawa pero bat parang
naiilang
ako’
’Hindi
ka dapat
naiilang
Amara, tandaan mo ginagawa mo ‘to para sa Papa mo..hindi na para sa kanya!’
Medyo nagulat pa ako ng kunin nya ang kanang kamay ko at pinag-isa ang mga palad namin.
“Ilang oras na lang, magiging asawa na kita… na-eexcite akong mai-kasal sa’yo.” sambit niya habang nakahiga ang ulo sa balikat ko.
“H’wag kang ma-excite.” sagot ko at napatayo naman sya at napatingin sa’kin ng kunot ang noo.
“Why? Anong ibig mong sabihin?” tanong niya at nakatingin sa’kin ng direkta at tinignan ko rin s’ya ng direkta bago tuluyang sumagot
“Hindi ko naman ginagawa ’to dahil gusto kong maikasal sa’yo, ginagawa ko ’to para kay Papa, para sa business at hindi para sa’yo.” Prangkang sagot ko na akala ko’y hindi ko maitatawid.
’Kahit
meron sa
parteng
kong gusto talagang
maikasal
ako sa’yo, hindi ko ’yon
ipapa
-alam
dahil madalas kapag alam ng isang tao ang nararamdaman ko,
sinasamantala
nila ito para saktan ako.’
’Nasaktan mo’ko pero hindi kita
sasaktan
ng sobra gaya ng ginawa mo, pero hindi ko na rin
hahayaang
saktan mo ulit ako.’
Natahimik naman siya sa sinabi ko at umubo pa kunwari at ibinalik ang pagkakahiga ng ulo nya sa balikat ko.
“Kung ’yan ang dahilan mo? Ayos lang dahil iba naman ang dahilan ko e, ang dahilan kung bakit ko gustong maikasal sayo e dahil mahal kita” sinserong sabi niya at pinisil-pisil ang kamay kong hawak niya.
“Humihingi ako ng tawad sa nagawa ko kahit alam kong malabong patawarin mo ako…. pero kahit na inutusan akong lokohin ka, hindi ko kailanman niloko ang sarili ko…at alam kong mahal kita kaya ipaglalaban kita kahit sumuko ka na.” sabi pa niya at ramdam na ramdam ko ang sakit at pagmamahal sa sinabi niyang iyon
Nagbadya ng mabilis ang luha kaya medyo tumingala ako upang hindi ito tumulo, nagpanggap akong tumitingin sa disenyo ng kisame.
’
Nakaka
-inis
kase kahit nasaktan n’ya
’ko
, alam ko sa sarili kong mahal ko siya at hindi ko
maiwasang
manlambot
sa mga salita niya.’
Alexander’s Pov.
Habang nag-eexplain ang ibang event planner dito sa amin ng kung ano-ano at dumating si Felix, Alejandro at Tilla dito sa kwarto mula sa rehearsal sa simbahang napili namin noon.
Nag usap-usap lang naman sila at nanatili lang naman akong nasa tabi ni Amara.
Maya-maya pa ay tumabi si Felix kay Amara at nag-usap sila at hindi ko naman masyadong marinig ang usapan nila kaya kumunot ang noo ko.
Mas kumunot pa ang noo ko ng tumayo si Felix at i-abot ang kamay niya kay Amara at pagkaabot ni Amara sa kamay niya ay mabilis kong hinatak si Amara para sya ay mapasandal sa akin.
“Kung mag-uusap kayo, gusto ko dito kung saan nakikita ko kayo.” malamig na tugon ko at hinawakan ang kamay ni Amara.
“Mag-uusap lang kami, wag ka mag-alala.” Bulong sa’kin ni Amara at pakiramdam ko madadali nya ako sa ganong pamamaraan
“Dito kayo mag-usap!” madiing sagot ko sa sinabi niya at napapikit naman siya.
“Mag-uusap lang kami, babalik agad ako…maghintay ka rito.” at sa sinabi n’yang iyon ay alam kong talo na ako.
“Loves.” Sabi ko pa habang hindi binibitawan ang kamay niya.
“Babalik ako uy, umayos ka nga.” Inis nang sagot niya.
’
lambingin
mo muna ako, bago kita
payagang
umalis’
“Bilisan mo, oorasan kita.” Sambit ko pa at sumaludo na lang siya at sumunod na kay Felix na hindi man lang ako tinignan
At nainis naman ako sa naisip ko.
’Pag nalaman kong hinalikan mo ulit si Amara,
sasabog
talaga
nguso
mo’
Habang naghihintay ay hindi ako mapakali dahil pakiramdam ko’y sobrang tagal na nilang nawala kahit pa iilang minutos pa lang ang lumilipas.
Habang nakatitig sa relo ko ay nagpapa-ikot ikot ako rito sa kinauupuan ko kanina at nagulat ako ng sawayin ako ni Tilla.
“Magtigil ka nga sa kakaikot-ikot mo d’yan, nahihilo ako sayo e! Babalik ’yon.. maghintay ka lang.” Inis na sabi pa ne’to at pinagpatuloy ang sinasabi kay Alejandro.
Napaupo naman ako sa kinauupuan ko at nang maburyo na ako kahihintay ay sumunod ako.
Nakunot naman ang aking noo sa naisip.
’Ano naman kayang
pinagsasabi
nung abnoy na yon?
Naka-
kinse
minutos
na sila
a’
Mabilis akong bumaba at narinig ko naman ang boses nila mula sa kusina kaya pumunta ako roon.
Nakita kong hinahawakan ni Felix ang kamay ni Amara at may sinasabi.
Naglakad naman ako ng dahan-dahan para hindi nila ako mapansin dahil nakatalikod naman sila ng onte.
“Amara,makinig ka naman sa’kin..niloko ka na niya, magpapaloko ka pa rin ulit?” Madiing tanong ni Felix kay Amara na pinipisil-pisil pa ang kamay nito.
“Felix, h-hindi mo naman kase naiintindihan e.” sagot ni Amara at parang nainis naman si Felix at nandito lang ako nakikinig at nag-aabang
’One wrong move Felix,
mababali
’yang
buto
mo!’
“Pa’no kong maiintindihan kung hindi mo ipapaliwanag?” Inis na tanong nito at dumampi ng halik sa labi ni Amara at para namang nagdilim ang paningin ko.
Nagsalubong ang kilay ko at nilapitan ko sya at hinatak palayo kay Amara at saka ko s’ya sinapak.
“Alex!” awat ni Amara ngunit parang may demonyong sumapi sa’kin at ang gusto ko ay makitang nagdedeliryo ang lalaking itom
Hindi ako nakuntento at sinapak ko pa ulit sya ng madiin at nung matumba sya ay tinapakan ko sya sa bandang dibdib ng madiin at hinatak naman ako ni Amara.
“Alex magtigil ka!” Awat niya habang hawak na ang dalawang kamay ko.
“Ano? Ako na naman ang mali?” Sarkastikong tanong ko sa kanya.
“Pareho kayong may mali, okay? Wala akong kinakampihan!” Pasigaw na sagot niya at natahimik naman ako at napatingin ng masama sa tumatayo nang si Felix.
“Isa pang lapit mo sa asawa ko, di lang yan aabutin mo!” Madiing sabi ko habang pinipigil ang galit dahil alam kong mas magagalit si Amara sa’kin kung gagawin ko iyon.
“Masyado kang advance pre! Ikakasal pa lang kayo at saka ba’t ba ganyan ka umarte e diba niloko mo naman s’ya?” tanong niya na may mapang-asar na tono at nag-init naman ang tenga ko.
“Felix!” sigaw ni Amara ngunit ang atensyon namin ay wala sa kanya.
“Wag kang magsalita na parang alam mo ang lahat!” Madiin kong sabi at pinigilan ako ni Amara.
At tinitigan ko na lang siya kesa mabadtrip sa mukha ng kaibigan nya.
“Magtigil na kayo! Ikaw Felix layuan mo muna ako, kaibigan lang ang turing ko sa’yo, mas mabuting lumayo ka muna, mas makakatulong ’yon.” Sabi sa kanya ni Amara at hinatak naman ako ni Amara at nagpatianod naman ako at binigyan si Felix ng masamang tingin.
“Amara, I’m sorry!” Sigaw pa niya ngunit agad syang binara ni Amara.
“Just save it, I don’t wanna hear it!” Sigaw pabalik ni Amara at naiinis pa rin ako.
Ramdam ko ang nginig sa aking kamao dahil sa galit sa lalaking ’yon.
’Kung
wala lang si Amara baka
basag
na
bungo
nung
hayop
na ‘yon e!’
Pagkapasok namin sa kwarto n’ya ay inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa’kin at padabog na umupo sa isang upuan.
Napansin naman yata nilang salubong ang aking kilay at iba ang ihip ng hangin kaya nagtanong agad si Tilla kay Amara at nakinig lang naman ako habang hinahayaang humupa ang galit sa mga ugat ko.
“Sis, anyare?” Tanong nito at napabuntong hininga naman si Amara at umupo sa may kama niya.
“Hays, pwede bang wag muna ngayon?” Balik tanong nito kay Tilla.
“O-kaaay” Nahihiyang sagot ni Tilla at inaya naman agad si Alejandro na lumabas.
“Uhm, labas muna kami ah, babalik kami!” Paalam ni Tilla at hinatak palabas si Alejandro at nanatili lang naman akong tahimik at salubong ang kilay.
Amara’s Pov.
Naririnig ko ang pagtunog ng buto sa kamay ni Alexander, dulot siguro ito ng galit nya kanina at nakokonsensya naman ako.
’ Ikaw na nga
ipinagtanggol
,
sinigawan
mo
pa’
Naka-upo sya at nakatagilid ng onti mula sa direksyon ng aking kama kaya hindi nya ako masyadong pansin.
Gusto ko s’yang lapitan ngunit pinangungunahan ako ng pride ko.
Ngunit habang tumatagal ay tila kinakain din ako ng pride ko kaya lumapit ako at umupo sa tabi niya.
’dapat
ako yung galit kaso dahil sa nangyari, parang wala na lang ang lahat’
Hindi man lang nya ako nilingon at nanatiling nakatitig sa kung saan at umiigting ang panga dulot pa rin ng inis.
Hinarap ko naman siya at niyakap sya mula sa gilid kahit naiilang ako
“Sorry!” sambit ko at tinignan sya sa mukha at sininghalan nya lang ako.
“Tss!”
“Uy, sorry na!” ulit ko pa at niyugyog sya ng onte.
“Okay lang.” Walang emosyong sagot niya at akmang aalisin ang kamay ko sa bewang niya kaya naman mas hinigpitan ko ang yakap ko at isiniksik ang ulo ko sa tiyan niya.
“Hindi ka naman okay loves e, sorry na.” Sabi ko at nagulat ako ng natahimik sya at parang walang reaksyon
Nang tumingala ako ay nagtama ang paningin namin at ang ekpresyon niya ay para syang nasorpresa.
At nang ma-alala ko ang sinabi ko ay maski ako parang nagulat.
’bat
ko ba nasabi yung Loves?
Dapat
Alex sinabi ko e.’
“Ulitin mo nga yong sinabi mo?” Sambit nya pa at niyugyog ako habang nananatili akong nakayakap sa kanya.
“Ayoko nga.” Maarteng sagot ko.
“Sige na, ulitin mo!” Inis na sambit niya at humigpit ang hawak nya sa braso ko.
“Ayoko nga!” Inis ring sagot ko at bumitiw naman sya sa hawak nya at inalis nya ang yakap ko sa kanya at bumalik ang pagkakasalubong ng kilay niya.
At alam kong seryoso talaga sya kaya naman lumunok muna ako bago ko ulitin ang sasabihin ko.
“Loves, sorry na!” Dahan dahan at sinsero kong sabi at napalingon naman s’ya sakin na may seryosong ekspresyon.
Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin matapos kong sabihin iyon.
Habang yakap nya ako ay para naman akong kiniliti sa puso at feeling ko ako na ang pinaka-marupok na tao sa buong mundo.
Bumitaw sya sa yakap at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
“Isa pa nga loves, gusto ko ulit marinig.” Sabi pa niya at nakangiti na ng bahagya.
“Loves.” Sambit ko at lumabas na ng tuluyan ang mga ngipin nya dahil sa pagkaka-ngiti.
“Ang saya ko, tinawag mo na ulit akong Loves.” Sabi pa niya hinatak ako ng bahagya upang ihiga ako sa dibdib niya at sumunod lang naman ako.
“H’wag kang masyadong masaya, sinabi ko lang yon para patawarin mo’ko.” Pang-aasar ko at narinig ko naman ang singhal niya.
“Ano?” sigaw na tanong niya.
“Uy, joke lang.” sambit ko at bumangon mula sa pagkakahiga sa dibdib niya.
“Joke mo mukha mo, di nakakatuwa.” inis nyang sabi at inalis ang kamay kong nasa hita niya.
“Loves, parang joke lang e… iloveyou!” pasweet kong sabi at napatingin ulit s’ya sa’kin
“Totoo ba ’yon?” seryosong tanong niya at tumango naman ako bilang sagot.
“Mahal mo’ko?” tanong niya pa at tumango ulit ako.
Inihiga nya ulit ako sa dibdib nya at napangiti naman ako.
“Gusto ko marinig ulit, yung mas sincere.” Sabi nya pa habang naka-yuko sa ulunan ko at hinalikan pa ito.
“Iloveyou Loves.” sambit ko at niyakap na naman nya ako for a millionth times.
“Iloveyoumore Loves, tsk tsk tsk…. Wala na, wala na agad lahat ng galit at tampo ko.. kasalanan mo ’to!” paninisi nya sa’kin habang nakayakap.
“Ba’t kasalanan ko?” kunwaring tanong ko at yumakap na rin pabalik habang nakahiga sa dibdib niya.
“kase mabilis mo’ko mapaamo e, pasalamat ka..mahal na mahal kita.” Maangas na sagot pa niya at natawa naman ako.
At nauwi na kami sa asaran at harutan.
’Dapat
galit-
galitan
ako e!’
’lahat
naman ng tao nagiging marupok basta sobrang mahal nila yung tao.’
CHAPTER 18
A/N : I will use 3rd person’s pov again to make it more detailed :> XOXO btw, shout out to Tokita shippers ^_^
3rd person’s Pov.
Ngayon ay paghahanda at pagseset-up na para sa venue ng kasal.
Dumating na rin ang mga bulaklak sa bahay nila Amara at ipinalagay ito sa medyo malamig na lugar para hindi ito agad malanta.
Ngayong araw ay dapat na nasa ibang bahay o hindi dapat na magkita ang ikakasal dahil magdadala raw ito ng malas ngunit nagpumilit si Alexander na gusto nyang makasama si Amara hanggang sa maikasal sila.
Kahit pa kinabahan ang iilan sa mga kamag-anak ni Amara na mahilig maniwala sa mga pamahiin ay wala silang nagawa sa desisyon ni Amara at Alexander.
Naipaliwanag din naman nila na mas magandang hindi na maghiwalay dahil mahirap ang ganung sitwasyon lalo na ngayon at abala ang lahat para sa kasal bukas.
Sumang-ayon rin naman ang mga event planners sa desisyong iyon kaya naman mas wala ng nagawa ang mga kamag-anak ni Amara.
Kino-contact na rin nila Amara ang event planner nila sa ibang bansa para sa kasal nila roon, hindi naman ito para ulitin ang kasal dahil proud sila ngunit inuulit ito para sa mga business partners na hindi makakadalo sa pilipinas at para na rin sa negotiation thing ng mga businessmens/ businesswomens.
Parehong napagod ang dalawa kaya nang sumapit ang dilim ay agad silang nahiga sa kama sa kwarto ni Amara.
“Para sa’n yang garter?” tanong ni Alexander kay Amara ng mapansin nya itong naglagay ng garter sa legs nito.
“Ewan ko e, sinabi ng Tita ko na ilagay ko ’raw to sa legs ko hanggang sa maikasal tayo.” Sagot naman ni Amara habang inilalagay ang garter sa legs niya.
“Hindi ko alam bat may naniniwala sa mga ganyan, e hindi naman yan totoo.” Maangas na sambit ni Alexander at humiga.
Tinawanan lang naman siya ni Amara at saka ito sumagot.
“Gagi wag kang ganyan,alam kong noon..naniwala ka rin sa mga ganyan!” pang-aasar ni Amara at tumawa lang din naman si Alexander
“Oo noon yun, pero ngayon? Hindi na no!” natatawang sagot niya kay Amara na humiga na rin at tumabi sa kanya.
“Matulog ka na nga!” sabi pa ni Amara at nginitian lang siya ni Alexander.
“Okay, excited na rin ako ikasal sayo e!” banat pa nito at inirapan lang sya ni Amara kahit pa nakangiti ito.
“H’wag ka ma-excite, baka hindi matuloy!” sambit pa ni Amara habang tumatawa.
“Matutuloy yan kung pareho tayong magpapakita at pupunta sa simbahan!” natatawang sagot ni Alexander at natawa naman ulit si Amara.
“Oo na matulog ka na!” sambit pa ulit nito.
“Okay goodnight loves, Iloveyou.” sagot ni Alexander at yumakap kay Amara
“Goodnight Loves, Iloveyoutoo.” tugon ni Amara at yumakap rin kay Alexander
Hinalikan naman sya ni Alexander sa noo bago tuluyang pumikit at natulog.
kinabukasan..
Lahat ng tao sa mansion ay abala sa kasal na magaganap, naroon ang make-up artist at hairstylist, naroon din ang ibang event planner.
Halos lahat ng katulong ay tumulong sa pag-aayos ng mga table dahil ang reception ay dito sa malawak na bakuran nila Amara
Napili nilang dito na lang ang reception dahil mas ligtas at bantay sarado ito ng guards
Pagkatapos maayusan ni Alexander ay nasabihan na syang pumunta sa simbahan at doon na lang maghintay.
Lumapit naman muna sya kay Amara para magpaalam.
“Mauuna na’ko sa simbahan loves a, hintayin kita.” masayang sabi ni Alexander kay Amara na minamake-upan ngayon ni Chanel.
“Okay.” sagot ni Amara habang nakapikit dahil sa nilalagay na eyeshadow sa kanya.
“Maghihintay ako ro’n, Amara Lucas .“madiing sambit ni Alex sa pangalan ni Amara.
“Amara Lucas ka dyan, mauna ka na ro’n.” sagot naman ni Amara na walang kaemo-emosyon dahil sya ay minemake-upan.
“Iloveyou, bye!” sambit pa ni Alexander at saka naglakad palabas upang pumunta sa simbahan.
Medyo marami na rin ang tao sa simbahan ayon sa event planner doon.
Ang Papa naman ni Amara ay kinakausap ang mga guards na magbabantay at mag-cocover sa simbahan para sa proteksyon ng bisita at ibang mga businessmens/businesswomens bago tuluyang umalis ng bahay kasama ang mga ito.
Makalipas pa ang ilang minuto ay isinusuot na ni Amara ang makapal na gown, nakakabighani ang ganda ng gown na ito, simula sa detalye sa bandang dibdib, masyadong perpekto dahil kahit alam mong medyo revealing ng onti ay hindi naman ito lantaran at ang detalye sa pinakalower nito ay magmumukha kang parang prinsesa.
Tinulungan naman si Amara ng kanyang mga assistant na maisuot ito dito sa harap ng isang malaking salamin.
Nang maisuot ito ay saka nila inayos ang mga nasanggi/nagusot na parte ng gown.
Pagkatapos no’n ay pinaupo nila si Amara upang isuot ang pares ng sapatos.
Matapos maisuot ang lahat ay ikinabit ni Chanel ang belo sa ulunan at kung ano-ano pang abubot na syang mas lalong nagbigay ganda at kinang kay Amara.
Matapos nilang gawin iyon ay tila inuhaw si Amara kaya nanghingi ito ng tubig na agad naman binigyan ng isang katulong.
Pagkatapos no’n ay tinulungan si Amara na makasakay sa sasakyan na maghahatid sa kanya sa simbahan
As usual, bantay sarado na naman ng iba pang sasakyan ang kanyang kina-sasakyan bilang proteksyon sa kung sino man ang may masamang balak na magtatangka.
Pagkarating sa simbahan ay agad na nagkaroon ng koneksyon ang mga event planner at sinabing magsisimula na ang kasal.
Sa hagdan pa lang sa laba ng simbahan ay meron ng nakalatag na pulang carpet na siyang lalakaran ng bride.
Agad na tinulungan ng assistants si Amara upang makababa ng sasakyan at agad na inilapag ng maayos ang dulo ng gown at iniayos rin ang belo.
Pagkatapos no’n ay nagsimula ng maglakad si Amara ng may ngiti sa labi habang hawak ang bulaklak na iniabot kanina sa kanya.
Nang marating nya ang pintuan ay dahan dahan itong nagbukas na para bang automatic ngunit hindi, ito ay dahil sa mga event planner na may mga earpiece para magkarinigan at magawa ang plano na para bang hindi ito scripted at parang natural lang.
Nagtama ang paningin ni Alexander at Amara at si Alexander ay hindi mawari kung maiiyak o matutuwa, siguro ay naiiyak sya dahil sa tuwa.
Ang mga mata ng tao ay na kay Amara na dahang dahang naglalakad sa likuran ng isang cute na flowergirl na nagsasaboy ng mga talulot ng bulaklak sa dinaraanan niya.
Sinalubong naman si Amara ng kanyang ama dahil ito ang maghahatid sa kanya sa harap ng altar.
“Ang ganda mo anak!” nakangiting sabi ng Papa ni Amara.
“Si Papa naman, ngayon pa’ko binola.” naiiyak sa tuwang sambit ni Amara.
“Maganda ka nga, kamukha mo si Mama mo…masaya akong maihahatid kita sa altar para pakasalan ang mahal mo, masaya ako kase mahal kita at ang kasiyahan mo, kasiyahan ko na rin.” nakangiting sambit pa ng Papa ni Amara at naiyak naman sya habang dahang-dahang naglalakad patungo sa harap ng altar kung saan naghihintay ang naiiyak nang si Alexander.
“Salamat Pa, mahal din kita Pa.” sagot ni Amara at nginitian naman ulit sya ng kanyang Papa.
Nang marating nila ang unahan ay nagkaroon pa ng mahinang batian sa pagitan ni Alexander at Papa ni Amara at nag-ngitian
Bago tuluyang humakbang si Amara sa tatlong baitang na hagdan ay nilingon muna nya ang bisita.
Wala ring kaalam-alam si Amara na naroon ang mga magulang ni Alexander dahil hindi nya ito napansin.
PROCEED TO CHAPTER 19 FOR PART 2 :>
CHAPTER 19
A/N: JUST BEFORE YOU CONTINUE READING, PLEASE BARE WITH ME KUNG MALILITO AKO KAY ALEXANDER AND ALEJANDRO HAHAHA, NAKAKALITO YUNG MAGKAMBAL, ONCE AGAIN SORRY SA ERRORS XOXO.
3rd person’s Pov.
Magara ang konsepto ng disenyo ng kasal, naggagandahang bulaklak at ang chandelier na nasa kisame ng simbahan ay nakakaagaw-pansin dahil sa ganda at laki nito na nakakadagdag sa ganda ng simbahan.
Ang lahat ay tutok sa Pari ng magsalita ito sa mikropono.
“We are all gathered here…family and friends in the sight of God, to unite these two people in marriage. Their decision to marry has not been into lightly and today they publicly declaire their private devotion to each other. The essence of this commitment is the acceptance of each other, entirely, as lover, companion and friend. A good and balanced relationship is one in which person is overpowered nor absorbed the other, one in which neither possessive of the other, one in which both give their love freely and without jealousy…” Mahabang sabi ng Pari at palihim namang naglilingunan si Amara at Alexander at ngumingiti sa isa’t-isa.
“Into this holy estate, these two persons come now to be joined, if any here can show any cause why they may not lawfully be joined together, may now speak or else hereafter forever hold their peace.” Sabi pa ni Father ngunit hindi na nakikinig si Amara dahil may sinabi si Alexander
“Ang ganda mo.” mahinang sambit ni Alexander habang nagsasalita ang Pari
“Thank you.” nakangiting sagot naman ni Amara.
“Pagkatapos nito, asawa na kita.” sambit pa ni Alexander at nginitian lang siya ni Amara at nagpatuloy na sila sa pakikinig kay Father.
Maya-maya pa ay palitan na ng wedding vows ng dalawa at naiiyak na si Alexander dahil sa sayang nararamdaman.
Sinabi ng pari kay Alexander na gayahin nya ito na sya namang ginawa niya.
“I, say your name.“sabi ng Pari
“I, Alexander.” sagot naman ni Alexander
“Promise to love and support say her name.” sabi pa ng Pari
“Promise to love and support Amara.” sambit ni Alexander habang naiiyak na nakatitig kay Amara na nakangiti sa kanya.
“and live each day with kindness, understanding, truth, humor and kindness” sambit pa nung Pari
Habang hawak ni Alexander ang isusuot na singsing kay Amara ay biglang may pumasok na mga bandido sa naisaradong pintuan ng simbahan kanina.
Hindi pa nakakasagot si Alexander ay pinaulanan na sila ng bala na syang nagdulot ng malakas na sigawan ng babae.
Mabilisang nagtago ang bisita sa ilalim ng kina-uupuan nila at nagsiyuko at tinakpan ang kanilang mga bibig sa takot gumawa ng ingay.
Habang sa harap ay ang bumulagtang si Amara, ang pari at si Alexander sa sahig sa harap ng altar.
Nakatanggap ng tatlong tama si Alexander sa bandang tiyan at dibdib habang si Amara ay tinamaan ng dalawang beses sa balikat at sa bandang tiyan.
“ISANG MALING GALAW NYO, PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!” sigaw ng isang bandidong lalaki na may hawak na malaking baril.
Mabilis na naglakad ang mga bandido at dinampot si Amara ng mabilisan at walang kahirap-hirap
Naiyak si Amara at umimpit matapos syang damputin at mahawakan sa sugatan nyang braso.
Walang nagtangkang pumigil dahil armado ang mga kalalakihang pumasok at napansin nilang tumba na rin ang mga tauhan sa labas ng simbahan.
Lahat ng tao ay binalot ng takot kaya naman pinigilan nilang gumawa ng kahit anong ingay at galaw
Sisigaw sana ang Papa ni Amara ngunit agad itong pinigilan ng isang kamag-anak sa takot na baka sila’y pataying lahat.
“Tulungan nyo’ko!” Umiiyak na sigaw ni Amara habang kinakaladkad sya kaya naman nakatanggap ito ng malakas na dagok na syang nagpawala ng malay nito.
Lahat ng tao ay pumikit lamang ng dahil sa takot at hindi nagtangkang tulungan si Amara
Mabilis masyado ang pangyayari at mabilis ring naka-alis ang mga armadong bandido dala si Amara.
Dumanak ang dugo sa harapan ng altar, mabilis sinaklolohan ng mga bisita ang pari at si Alexander na wala ng malay.
Umiyak ang magulang ni Alexander pati ang Papa ni Amara na kinapos pa sa hangin.
Hagulgol ng magulang ni Alexander ang pinakamalakas at syang nagbibigay ng lungkot sa iba pang tao.
Mabilis na pinaypayan ng tao ang Papa ni Amara nang hiningal ito at tila nahihirapang huminga.
Ang iba ay mabilis na tumawag ng pulis at ambulansya, ang iba ay umiiyak dahil sa nangyari.
Umalingawngaw ang ingay ng iyakan.
Sa takot ng iba ay mabilis silang lumabas at umalis sa takot na baka’y balikan ng bandido ang simbahan.
Pagkarating ng ambulansya ay mabilisang isinakay ang Pari at si Alexander na walang malay.
Naiiyak na rin si Alejandro sa lagay ng kanyang kuya, ganon na rin si Tilla ngunit naisip nila si Amara.
“Bakit may ganon? Bakit nangyari ’to?” may diin at galit na tanong ni Alejandro kay Tilla
“Hindi ko alam, walang sino man ang inasahang mangyari ’to! Ang plano natin ay maikasal sila.” Naiiyak na sagot ni Tilla dahil alam nyang si Velvet lang ang maaaring gumawa nito na hindi nya kayang sabihin kay Alejandro.
“Bakit ganito? Wala ba tayong gagawin? Iiyak na lang ba tayo rito?” Tanong ni Alejandro na pinunasan ang sariling luha dahil sa hinagpis sa nangyari sa kanyang kuya na harap-harapan nyang nasaksihan.
“Meron! Meron tayong gagawin! Pero kung ayaw mo? Ayos lang.. ililigtas ko ang pinakamamahal ng kuya mo!” may diin at umiiyak na sagot ni Tilla at saka naglakad paalis.
Mabilis naman siyang hinabol ni Alejandro palabas ng simbahan.
“Ano ba?” madiing sigaw ni Tilla nang sundan sya ni Alejandro at hawakan sa pulsohan.
“Sasama ako! Hindi kakayanin ng konsensya kong hayaan kang pumunta mag-isa para sundan sila!” naiiyak na sagot ni Alejandro at mabilis na kinaladkad at pinasakay si Tilla sa sasakyan niya.
Pagkapasok nila sa sasakyan ay humagulgol si Tilla.
“Alejandro, hindi ko kakayanin kapag nawala si Amara at si Alexander, hindi kakayanin ng konsensya ko!” Umiiyak na sabi nito at saka pinahid ang luha.
“Hindi ko rin kaya Tilla, pareho tayo ng nararamdaman ngayon, kaya gagawin natin ’to ng sabay! Hahanapin natin si Amara kahit wala tayong alam kung saan sila pupunta!” sagot sa kanya ni Alejandro na mabilis na pinaandar ang sasakyan paalis kahit na hindi alam kung saan hahanapin ang bandidong kumuha kay Amara.
Tilla’s
Pov.
Takot para sa lahat ang nararamdaman ko ngayon.
Isa lang ang alam kong may kagagawan nito kaya naman ganito na lang ang buhos ng luha ko dahil sa galit at guilt na naghahalo-halo bilang isa.
Ngayon ay hindi naman namin alam kung saan hahagilapin ang dinampot nilang si Amara.
’Wala
ka talagang awa, Velvet!’
Sa dami ng taong pumapasok sa isip ko ay parang hindi na ito kakayanin ng isip ko at pakiramdam ko’y sasabog na ito.
Gusto kong may magawa ako ngunit hindi ko naman alam kung ano, wala akong magawa ngayon kundi ang umiyak.
Nabalitaan kong may mga pulis na ring naghahanap kay Amara at sa dumampot sa kanya.
Habang nagmamaneho si Alejandro at ako’y umiiyak ay may biglang tumawag sa aking unregistered number.
Agad ko naman itong sinagot at baka sakaling makakatulong ito upang matunton si Amara ngunit hindi.
“Hi ‘friend’, kamusta naman ang pagiging good friend mo kay Amara?” sarkastikong tanong nito na syang nagpa-usbong ng galit ko.
Nanginginig ang kamay ko sa galit habang hawak ang phone.
“Sa’n mo dinala si Amara? Hayop ka talaga!!” sigaw ko sa phone na salubong ang kilay at gigil na hawak ang phone.
“Sino ’yan?” may bahid ng galit sa tanong ni Alejandro habang nagmamaneho.
“Easy ‘friend’, I’m here to give you a clue!” pang-aasar pa nito at mas lalo lang nitong binubuhay ang galit sa katauhan ko.
“HAYOP KA! IBALIK MO SI AMARA! P*TANGINA!” sigaw ko at tumawa lang siya.
“Sino ’yan?” madiing ulit na tanong ni Alejandro ngunit binalewala ko ulit iyon.
“HAHAHAH, eto na yung clue ‘friend’, ang clue ay SEA! DAGAT, SEA! HAHA goodluck sa paghahanap!” sabi pa niya at magsasalita pa sana ako ngunit ibinaba na nya ang tawag.
Kaya naman sa inis ko ay naibato ko ang cellphone ko at napasabunot sa buhok.
At sa pagpikit ko ay naisip ko ang lumang Pier sa lugar na ito.
Hindi ko alam ngunit agad kong ipinaliko ang sasakyan.
“Iliko mo ang sasakyan!” Sigaw ko habang pinupunasan ang luha dulot ng galit at inis.
“Sa’n tayo? Sa’n nila dinala si Amara?” may bahid ng inis na tanong niya at salubong ang kilay habang mahigpit ang hawak sa manibela.
“Sa abandonadong Pier, malakas ang kutob kong doon nila dinala si Amara!” sagot ko habang pinipigil ang galit.
’
Hayop
ka Velvet, wag na wag kang
magpapakita
sa’kin dahil baka kung anong magawa ko sa’yo!’
Mabilis na nagmaneho patungo roon si Alejandro.
Pagkarating namin doon ay agad kong hinubad ang suot kong stilleto dahil mahihirapan lamang ako rito.
Pinunit ko ng bahagya ang gown kong suot dahil nahaharangan at natatapakan ito ng aking paa.
Agad naming pinasok ang Pier at nagtaka naman kaming dalawa ni Alejandro.
“Ba’t parang walang tao?” tanong ni Alejandro.
“Yan din ang ipinagtataka ko.” sagot ko at naglakad ng dahan-dahan papasok at palapit sa barkong abandonado na nakalutang dito sa dagat.
“Hindi kaya wala s’ya rito?” tanong niya habang salubong ang kilay.
“Hindi ko alam, tignan muna natin sa barkong iyon, mahirap na!” inis na sagot ko at tumakbo na papalapit roon.
Hindi ko na inisip kung may nagbabantay ba sa amin, agad na lang akong tumakbo paakyat ng hagdan upang makapasok sa barko.
Napakunot ang noo ko nang marating ko ang entrance/pintuan ng barkong ito.
Ngayon ay nasa likuran ko na rin si Alejandro na syang nag-utos sa akin na kunin ang cellphone ko para gamiting pang-flashlight.
Nang ilibot ko ang paningin ko ay alam kong dati itong pampasaherong barko na inabando na.
Napagdesisyonan naming maghiwalay ni Alejandro dahil may dalawang pasilyo at masyadong malaki itong barkong ito.
Agad ko namang tinawagan si Alejandro para sa komunikasyon naming dalawa.
Magkasalubong ang kilay kong tinitignan ang bawat pampasaherong kama, nagbabaka-sakaling doon itinali o inilagay si Amara.
“Ano, nakita mo na?” tanong sakin ni Alejandro.
“Hindi pa, magpatuloy lang tayo!” sambit ko at narinig ko naman ang pagsang-ayon nya kaya lumipat ako sa kabila upang doon maghanap ngunit bago pa ako magpatuloy ay may natapakan akong malagkit at hindi ko mawari kung ano kaya agad ko ritong tinapat ang aking cellphone para maliwanagan.
’dugo
?’
“Alam kong andito si Amara, Alejandro! May natapakan akong dugo at alam kong bago lang ito.” mabilis kong sabi sa cellphone at sumagot naman siya.
“Okay, papunta nako d’yan.” sabi nya pa at narinig ko ang yabag nang kanyang paanan na tila tumatakbo dahil sa bilis.
Habang naglalakad ako ay napansin ko ang isang babaeng pinaupo sa isang kama at nakatali kaya naman nilakihan ko ang mata ko.
Agad ko itong tinapatan ng flashlight at sa malayo pa man ay alam kong si Amara na ito.
Mabilis akong tumakbo palapit rito at sumigaw.
“ALEJANDRO, NAKITA KO NA SIYA!” Sigaw ko at halos manlumo ako sa sitwasyon ni Amara kaya naman hindi ko napigilang umiyak.
Kahit naiiyak at nanginginig ako ay pilit kong kinalagan si Amara at tinanggal ang busal nito sa bibig.
Mabilis namang nakarating si Alejandro kung saan ako naroroon at nang makita nya si Amara ay napatakip sya ng bibig.
Kung titignan si Amara ngayon ay may bangas pa siya sa mata at ang tama nya sa braso ay patuloy pa rin sa pagdudugo, at nag-iba na rin ng kaunti ang kulay ng balat n’ya kahit pa sabihin flashlight lang ng cellphone ang gamit namin.
“Amara!” tawag ko ng maramdaman kong gumalaw ang mata nito
At sa pagtawag kong iyon ay pumikit muna sya ng madiin, bago tuluyang dumilat.
“Ahh” ungot niya ng maramdaman ang sakit sa kung saan.
“Tutulungan ka namin, tara na!” Umiiyak kong sabi sa kanya at naiyak lang din sya.
“T-tuhod k-ko.” Hirap at putol-putol na sabi nya na hindi ko naman agad nakuha.
“Ano?” tanong ko pa bago ko tuluyang maintindihan ang ibig n’yang sabihin.
Agad kong iniangat ang gown niya kahit naiiyak ako dahil sa kanya.
Halos manlumo at manghina ako sa nakita, ang tuhod nya na walang anumang peklat ay ngayong nangingitim at kung titignan para pang may bali sa tuhod si Amara na pati ang likod ng tuhuran nya ay hindi pinatawad.
Naibaba ko ang gown niya ng magsimula ulit syang magsalita.
“B-bo—Bomba!” Hirap nyang sabi na hinabol pa ang hininga matapos itong sabihin.
Pagkasabi nya ay pareho kaming napalingon sa likuran namin at nakita namin ang malaking ilaw na numero na nagbibilang pababa.
Suminghap ng hangin si Amara at tumulo ang kanyang luha.
“Alas— sais…. ng gabi,… Sasabog na.” Hirap nyang sabi at ininda ang tama sa bandang balikat na patuloy sa pagdurugo.
Kaya naman agad akong pumunit ng kapirasong tela sa kanyang gown habang umiiyak at itinali ito sa kanyang sugat.
Inalalayan naman ako ni Alejandro.
“Bubuhatin kita Amara, lahat tayo makakaligtas rito… Okay?” sabi pa ni Alejandro
Tumango lang naman si Amara at ininda ang sakit na nararamdaman niya habang tinatalian ko ang kanyang tama.
Napatingin ako sa cellphone ko at iilang minuto na lang talaga ang natitira sa amin.
Inutusan ko naman si Alejandro na buhatin si Amara ngunit dahil sa tinamong bugbog ng tuhod ni Amara ay hindi na ito halos maigalaw at masyado ng masakit para sa kanya.
Halos maiyak ako sa sigaw ni Amara ng sinubukan ni Alexander na hawakan ang paa niya para mabuhat siya.
“Amara, yung isa na lang…sige pa, kaya mo yan.” Pagbibigay lakas loob ni Alexander kay Amara.
Paghawak at pagkuha pa lang ni Alexander sa isang likurang tuhod ni Amara ay naiyak na ito sa sakit.
“Ahhhh!” sigaw ni Amara at tuluyan ng tumulo ang luha ko dahil hindi ko kayang makita si Amara na ganito.
Naibagsak ni Amara ang sarili kay Alejandro ng mabuhat na sya nito.
Inayos ko ang sarili ko at nagflashlight upang makita namin ang daan.
Mabilis kaming naglakad pabalik doon sa pinasukan namin upang lumabas at makaligtas.
Gustuhin man naming tumakbo ay hindi pwede dahil masasaktan at mabubugbog ng sobra ang tuhod ni Amara.
Pagkarating namin doon ay nagulat kami dahil sarado na ito at naka-lock mula sa labas.
“Putangina? Pa’nong nangyare na na-lock ’to.” tanong ko at umungol si Amara kaya napatingin ako sa kanya.
“M-may tauhan siya, sa baba.” Hinang sabi nito at kumapit pa kay Alejandro.
“Wait, pumunta tayo sa itaas, there’s no way out here kundi sa itaas na lang, get some vest!” sabi ni Alejandro kaya agad ko namang kinuha ang nakita kong vests na narito malapit sa’min.
Maraming vests itong barko dahil ito’y pampasahero at base sa kaalaman ko ay hindi pwedeng walang vests ang anumang sasakyang pandagat.
Mabilis ko itong isinuot kay Amara at inisa-isa ko sa kanyang braso upang hindi sya mapabitiw at malaglag.
Pagtapos niyon ay agad kong isinuot ang akin, bale hawak ko ang vest para kay Alejandro dahil hindi nya ito masusuot dahil buhat nya si Amara.
Mabilis kaming naglakad dahil sa nakikita kong mabilis na nagbibilang pababa ang mga bombang hindi namin napansin kanina.
Ngunit pagkarating sa hagdan ay nagsalita si Amara.
“I—baba mo ako.” pakiusap nito na siyang sinunod ni Alejandro.
“Baket, anong problema, bilisan mo magsalita!” may inis na sabi ko kay Amara at nginitian nya lang ako.
“S-salamat sa’yo, pero sa ti-ngin k-ko, h-hindi ko na kaya, m-mauna na kayo! Tilla, i-isuot mo’to.” Sabi pa niya at hinubad ang kwintas nya at inabot sa’kin.
Inutusan nya rin akong hubarin ang bracelet na suot niya.
“I-isuot mo, mauna na kayo!” Sabi niya at pumikit habang naka-upo na.
Agad ko namang isinuot ngunit hindi ko kayang maiiwan sya rito sa barkong puno ng bomba.
“Amara, hindi ka namin pwedeng iwan rito.” sambit ko habang lumuluha dahil hindi kaya ng konsensya ko.
“Tama siya, we can save you! Let’s go!” Pagsang-ayon ni Alejandro
“H-hindi na, mauna na kayo… P-pakisabi kay Alex, mahal ko siya kahit hindi k-kami —nakasal”. Sambit pa ni Amara at naiyak naman talaga ako.
“S-sige na!” Bahagya pa akong tinulak ni Amara at nginitian naman niya si Alejandro at nagets naman nito.
Mabilis akong hinatak ni Alejandro paakyat ng hagdan at umiiyak naman akong tinignan si Amara na nakaupo lang sa lugar na iyon.
CHAPTER 20
3rd Person’s Pov.
Lahat ng nangyaring iyon ay hindi kailanman inasahan nino man.
Hindi matiis ni Tilla na iniwan nya lang ang kaibigan doon sa lugar na iyon.
Mabilis nyang inalis ang mahigpit ang hawak ni Alejandro sa kanya at mabilis na tumakbo pababa sa kinaroroonan ni Amara.
Pagkababa nya ng hagdan ay sumabog na ng tuluyan ang bomba ngunit bago sya tuluyang nawalan ng malay ay nahapyawan pa nya si Amara at nakita nyang nahulog ito sa bintanang pinilit nitong basagin.
After 3days
Napaligiran ng kapulisan ang lumang piyer na pinagparadahan ng abandonadong barko kung saan ikinulong ang tatlo na sina Amara, Tilla at Alejandro.
Masakit ang pangyayaring iyon para sa mga taong malapit sa kanila.
Humagulgol ang ama ni Amara at kamag-anak nito ng ma-recover ang sinasabi nitong bangkay.
Nasabi rin ng mga pulis na mayroong kwintas at bracelet na narecover na suot ng bangkay at agad itong ipinakita sa ama ni Amara at mas humagulgol ito dahil sa lungkot at hinagpis.
“OH, ANAK KOOOO, JUSKOOOO!” Sigaw ng Papa ni Amara habang niyayakap ang sunog na bangkay na na-recover.
Ang pamilya ni Alexander ay naka-alalay pa rin sa operasyong ito kahit na na-recover na ang anak nilang si Alejandro na maswerteng nakaligtas sa insidente.
Ngayon ay umiiyak na rin ang mga magulang ni Alexander sa lungkot at awang nararamdaman.
Gayon ay naiisip din nila kung pa’no nila itong ipapaliwanag sa nagpapahinga at nagpapagaling pa na si Alexander sa kama.
Halong-halong tunog ng iyak ang mayroon sa lugar na iyon, iyak ng mga taong nawalan ng kaibigan, kapamilya.
Kinabukasan….
Alexander’s Pov.
Nahihirapan akong magsalita sa sinasabi ni Amara.
“Alex, mahal na mahal kita, salamat sa lahat a, paalam! Mahal kita.” Sabi nya ngunit mabilis naman syang nawala sa paningin ko habang nakangiti pa at kumakaway.
Mabilis naman akong napadilat at nagising at habol ko ang aking hininga at tanging si Amara lang ang nasa isip ko.
Hindi ko maintindihan ang sinasabi nyang paalam ngunit nagdudulot ito sa akin ng kaba.
Nang maramdaman ko ang kirot sa aking katawan ay naalala ko ang lahat lahat pati ang kasal kaya naman mas bumilis ang paghinga ko’t gusto kong makita si Amara.
Mabilis namang lumapit si Mama sa’kin ng makita nyang gumagalaw ako upang maka-upo.
Tinulungan nya ako at ini-upo at naunahan nya akong magtanong.
“Anak, ayos na ba ang pakiramdam mo? Kumain ka muna!” Sambit nya ngunit may tanong akong gustong masagot.
“Ma, asan yung asawa ko? Asan si Amara?” Prangkang tanong ko at ang pagkawindang ni Mama ang nagbigay lalo sakin ng kaba.
’pakiramdam
ko tuloy may
nangyaring
hindi maganda’
“Anak, kase–” Pinutol ko agad sya dahil hindi yun ang paliwanag na gusto ko.
“Ma, asan si Amara ma?” May inis na sa pagtatanong ko at nagsisimula na akong maiyak.
At natahimik lang naman si Mama at umiwas ng tingin.
“Ma, sagutin mo’ko ma!” Sigaw ko kay Mama at umiyak na ako dahil sa inis at takot na naghahalo sa’kin.
Umiibot-ibot ang labi ni Mama kaya naman napasigaw ako ulit.
“Ma, ano ba?!” Sigaw ko at napatingin naman sya at umiiyak.
“Anak, patay na si Amara.” Sabi ni Mama at para namang ayaw tanggapin yon ng sistema ko kaya mas napaiyak ako.
“Anong patay? At saka kelan, Ma naman e, gusto ko sya makita ma.” Sigaw ko kay Mama habang umiiyak.
“Nak, makinig ka naman sa’kin!” Sabi ni Mama na umiiyak na rin.
“Ma, dalhin mo’ko sa kanya ma, hindi ako naniniwalang patay na yung asawa ko Ma!” Sabi ko kay Mama habang humahagulgol.
“Anak, narecover na yung bangkay nya kahapon lang, natagpuan sa bangkay nya yung binigay mong bracelet at kwintas! Na-cremate na rin yung bangkay nya, anak! Dadalhin kita doon anak kapag alam kong okay ka na.” Hirap na sabi ni Mama habang umiiyak at napaiyak na rin ako dahil hindi ko maintindihan ang lahat at pakiramdam ko lahat ng ito’y panaginip lang.
“Ma? Ano bang nangyayari ma? Ipaliwanag mo naman Ma, naguguluhan ako Ma!” Sambit ko kay Mama at humagulgol at napasabunot pa ako sa sarili ko dahil gulong gulo ako at talagang nadudurog ako sa mga naririnig kong balita.
’Bat naman ganun Amara?
Andaya
mo naman.’
Hindi talaga matanggap ng sistema kong wala na si Amara. At naiiyak ako sa balitang naririnig ko
“Kinidnap si Amara nung mga taong pinasok ang simbahan at bumaril sa inyo, dinala si Amara sa abandonadong barko sa lumang piyer, ayon sa mga pulis…sinubukan sigurong iligtas ni Tilla at Alejandro ang asawa mo ngunit hindi sila nagtagumpay, nabuhay ang kuya mo anak, sa awa ng diyos, pero yung isa hindi pa natatagpuan, ang asawa mo.. namatay sa sumabog na barko.”
At sa narinig kong iyon ay para akong nanghina at nadurog ng sobra.
Nahihirapan akong huminga at talaga namang napahagulgol ako dahil sa hinagpis at lungkot.
’Wala man lang akong nagawa, ang
inutil
ko.’
’Pa’no ko pa
gugustuhing
mabuhay kung yung
nagpapaikot
ng mundo ko, wala na?’
“Hindi….Hindi ko matanggap!” Sambit ko at pinagpatuloy ang pag-iyak at napatakip ako sa mukha at humagulgol.
Naiiyak ako dahil wala alam kong wala rin akong magagawa kundi umiyak lang.
Hindi ko alam kung kakayanin kong tanggaping patay na yung pinakamamahal ko.
Yung taong tinuruan akong magmahal.
Ngayon nasasaktan ako dahil isa-isang nagfa-flahsback lahat ng memories naming dalawa na magkasama kami.
Yung mga dates namin sa iba’t ibang lugar, yung pag-aasaran at paglalambingan naming dalawa, yung pagiging sweet namin.
Lahat nang iyon, nagbabalik at ang sakit kase alam kong alaala na lang ang maibabalik ko ngunit hindi na siya kasama roon.
Hindi ko na maibabalik yung taong mahal na mahal ko.
Tinatahan naman ako ni Mama ngunit hindi sapat iyon para maibsan ang sakit na nararamdaman ko.
“Ma, gusto ko syang makita Ma.” Sabi ko habang umiiyak.
“Oo anak, bukas na bukas…dadalhin kita kung nasa’n yung abo niya.” Patungkol nya sa Jar na kinalalagyan ng abo ng crinemate na katawan ng asawa ko.
’Kung
aalis ka, sana
sinama
mo’ko…alam mo namang hindi ko kaya ng wala ka….tas iniwan mo pa ako ngayon na wala ng balikan, ang
daya
mo Amara, ang
daya
mo asawa ko!’
Iniyak ko lang ang lahat ang sakit na nararamdaman ko.
‘Masyadong masakit, mas gusto ko nang sumunod kay Amara’
CHAPTER 21
A/N : Please do listen to sad songs while reading this :>>> XOXO
Alexander’s Pov.
Tumutulo ang aking luha habang inaalalayan ako ni Mama na maglakad papunta sa isang silid kung saan ibinurol ang abo ng aking asawa.
Habang naglalakad ay naka-alalay ang aking kamay sa benda ng tama ko.
Ang aking kapatid ay nanatiling walang malay sa ospital ngunit sinabi ng Doktor na magdasal na lang na sana ay magising na ito.
Habang papalapit kami ng papalapit sa silid na nasabi ay mas bumubuhos ang luha ko.
’Hindi
ko talaga matanggap na wala na
siya’
Hindi ko alam kung bakit umaasa ang puso ko na susurpresahin niya ako at papatunayan niyang hindi totoo ang lahat ng ito.
Nang marating ko ang tapat ng entrance ay napatingin agad ako sa harap at kasabay naman no’n ay pagsinghap ko ng hangin at pagbuga nito.
Bumagsak ang balikat ko at mas tumulo ang luha ko dahil nadurog ako sa nakita ko, talagang umasa ako na sosorpresahin nya ako ngunit sinampal ako ng reyalidad na talagang patay na siya.
Mabilis naman akong inalalayan ni Mama na umupo sa isang upuan sa pinakaharapan at itinabi ako kay Tito.
Agad kong napansin ang mugto niyang mga mata na nakatitig kung saan nakalagay ang jar ng abo ni Amara.
Halos pareho kami ng nararamdaman ni Tito ngayon, at masyadong masakit na wala na sa aming pareho ang pinakamamahal namin.
Tanging mahinang pagtangis lang ang aking nagagawa dulot ng lungkot dahil wala na ang mahal ko.
Sa pagtitig pa lang sa Jar na iyon na napapalibutan ng bulaklak at ilaw ay nasasaktan na ako sapagkat ipinamumukha lang sa’min nito na wala nang talaga si Amara.
Hinahagod ni Mama ang aking likod ngunit hindi sapat ang iyon upang maibsan ang sakit na nararamdaman ko.
’Nasasaktan ako, pero pakiramdam ko kasalanan
ko’ng
lahat’
Sa lahat ng nangyayari ay hindi ko maiwasang isisi ang lahat sa sarili ko.
Sa kawalang-gawa ko nung mga oras na nasa kamay na ng mga bastardong iyon ang asawa ko.
At sa kakaisip ko at kasisisi ko sa sarili ko ay maraming luha ang lumalabas sa mata ko.
Punas lang ako ng punas sa mata ko dahil sa walang hintong pagtulo ng luha.
Nang marinig ni Mama ang medyo lumalakas ng tangis ko ay niyakap n’ya ako ngunit hindi man lang naibsan no’n ang kalungkutan.
“Anak, sorry! Walang magawa si Mama para sayo.”
Sabi niya na mas nagpaluha sa akin dahil alam kong ang hiling ng puso ko ay makasama si Amara kahit sobrang labong mangyari.
Pinipilit kong ilibot ang mata ko upang malibang at matigil ang pagluha ko ngunit kahit saan ako tumingin ay mukha nya ang nakikita ko.
Yung mukha niyang masaya sa panaginip ko, yung mukha niya noong nagpapaalam sya.
Napatakip ako sa mukha ko at umiyak doon na parang babae dahil sa miss ko na sya at gusto ko syang makasama kahit malabo ng talaga.
Masakit dahil kapag pumipikit ako ay naririnig ko ang sinabi nya noong hindi kita iiwan at sasamahan niya ako hanggang sa pagtanda.
Pero ngayon parang ayoko ng tumanda dahil wala naman na siya para samahan akong harapin ang magiging pagsubok ng buhay ko.
Masyadong masakit ang pangyayaring ito, hindi ko kailanman inasahan na sya ang kukunin sa akin ng poong maykapal.
Iniyak ko ang sakit sa buong oras na nakaburol ang kanyang abo roon.
Maya-maya pa ay nagtatayuan na ang mga bisita dahil oras na upang dalin sa huling hantungan ang kanyang abo.
Inalalayan naman ako ni Mama hanggang sa makasakay kami ng sasakyan.
Hanggang sa sasakyan ay hindi ko maiwasang umiyak dahil alam kong ito na ang huli para sa amin.
At alam kong hindi ko na sya makikita pang muli.
Gustohin ko mang maging okay dahil ayoko rin makitang nahihirapan ang taong nasa paligid ko ay nahihirapan ako.
Nahihirapan akong magpakatatag dahil ang rason kung bakit ako lumalaban at nagmahal ay wala na at hindi na babalik pa.
Mabilis kaming nakarating sa Columbarium ng Makati upang dalhin doon ang abo ni Amara.
Nakahanda naman na ang silid na iyon na eksklusibo para lang kay Amara, habang dahan-dahang sinisilid ang jar na iyon ay impit na ang iyak lang ang nagagawa ko dahil hindi ko kayang tanggapin.
Napatakip na lang ako sa bibig habang suot ang shades na ito na syang nagsisilbing takip upang hindi makita ang mugto at lumuluha kong mata.
Habang nilalagay ang lapida roon ay naiiyak ako lalo.
Mas lalo na ng ipatong ang malaking larawan nyang nakangiti ng malaki.
At sa larawan na iyon ay maraming alaala ang nagbalik na syang nagpaiyak ng lalo sa akin.
Tanging impit na iyak lang ng mga kamag-anak ni Amara ang maririnig sa silid na iyon.
Habang nakikita kong sinesemento ang parteng iyon ay mas lalo akong nadudurog at nasasaktan kaya naman ibinaling ko ag tingin ko sa kamay kong isinuot ang singsing na hindi nya naisuot sa akin ng kasal namin.
Ang silid na iyon ay malaki at nagkasya lahat ng mga dumalo sa libing ni Amara.
Rinig ko rin ang iyak ni Tito habang nakikita nyang inililibing si Amara.
At ramdam ko ang sakit ni Tito dahil kagaya nya ay nawalan din ako, hindi man ng anak, pero asawa ang nawala sa akin.
Pareho kaming nawalan at ang sakit sakit.
Paulit-ulit na yon lang ang masasabi ko ngayon, masakit ang pangyayaring ito.
Hindi ko alam kung paano ko nakakayanan pang tumayo ng diretso kahit pa pakiramdam ko ay wala na akong lakas.
Nawala ang pisikal na sakit na nararamdaman ko at lahat ng iyon ay nararamdaman ko na lahat sa puso, sumisikip ang paghinga ko kaya naman huminga ako ng malalim habang umiiyak.
’ Amara, may paraan ba para
mapabalik
kita?
Masakit
yung ganitong wala ka e’
Sana merong paraan, dahil ayoko talaga ng wala sya sa tabi ko.
Kekelanganin ko ulit sanayin yung sarili kong wala ka.
Na sa paggising ko wala akong makikitang ikaw sa tabi ko.
Na walang manlalambing sa akin pag tinopak ako ng tampo.
’wala na lahat Amara, kase
nang-iwan
ka…ang daya mo.’
Sa mga isiping iyon ay mas sumikip ang paghinga ko kaya naman pinili kong lumabas muna.
Nagpaalam naman ako kay Mama at pumayag naman siya.
Paglabas ko ay may nakita akong babae na nagtitirik ng kandila sa isang lapida.
Napatingin ako dahil alam kong kagaya ko ay umiiyak rin sya kahit halata namang matagal ng patay iyong pinagtirikan nya ng kandila
Ngunit mas naiyak ako sa narinig kong musika mula sa kanyang phone dahil naalala ko si Amara
’In another
life’
‘I would be your girl’
‘We keep all our promises,be us against the world’
‘In another life, I would make you stay’
‘So I don’t have to say you were the one that got away’
’The one that got
away ’
Kahit pa alam kong babae ang nawalan base sa kantang iyon ay para bang sapul na sapul ako.
Dahil kagaya nung kumanta ay nawalan din ako.
Lumakad ako palayo habang hindi pa rin nakakalimutan ang napakinggan na kanta.
’
Masyadong
masakit’
’Maybe
in another life, I would be your man’
Natawa na lang ako dahil sa sobrang sakit at para bang wala ng katapusan.
Nagmumukha na akong bading kakaiyak, nakakainis.
Naupo naman ako sa isang bench na nakita ko at humangin naman habang nakaupo ako roon at napansin kong makulimlim ang langit.
At pilit akong ngumiti habang nakatingin sa langit.
’Asawa ko, pati yung
langit
nalulungkot na iniwan mo’ko, ang daya mo kasi…
Nakakatampo
, pero wala ng
susuyo
sa’kin
kase wala ka na’
To be continued….
A/N: Read ‘TO BE IN YOUR ARMS AGAIN’ that’s where I wrote the continuation :>
~~
Thank you for reading my stories, please let me know your thoughts about it, and please don’t plagiarize my work..
–MixWithRed✨
AUTHOR’S NOTE.
This story will be revise, not now but soon. I will change some of it, but I promised that it won’t change the main scenario’s, characters, conflicts etc. I’ll just revise it to make it more vivid and detailed.
-nag-english ako wao -XOXO.
-MixWithRed✨

