BOOK 2: TO BE IN MY ARMS AGAIN (TRANSGENDER)
MixWithRed · 39 chapters · 50,911 words
CAUTION
Don’t read this if you didn’t read the first book okay? :>
Xoxo.
FIRST BOOK:
(S)HE USED TO BE MINE
-MixwithRed✨
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
CHAPTER 1
Alexander’s Pov.
Isang maaliwalas na umaga para sa’kin kaya naman tipid akong ngumiti at napatingin sa mga ibon na nasa bintana ng kwarto ni Amara.
Sa tatlong buwan na lumipas ay hindi iyon naging madali para sa amin ni Tito, sa sobrang lungkot at pag-iisip ko kay Amara ay hindi ko kinayanan at kinailangan kong inumin ang gamot na hawak ko ngayon.
Pinayagan naman ako ni Tito na tumuloy sa bahay niya dahil asawa ko naman ang anak niya, hindi ako kailanman pinilit ni Tito sa trabaho sa kompanya ngunit ako ang nagprisinta na magtrabaho roon upang makapagpahinga rin siya.
Masakit man ang nangyari para sa amin ni Tito ay pinilit namin maging okay ngunit kahit na ganoon ay hindi pa rin naiwasan ni Tito ang mag-isip parati kaya naman madalas siyang magkasakit.
Dahil sa tulong ni Tito nabawi ko ang pag-aaring Casino nila Mama at Papa sa kamay ni Velvet, nabayaran namin ang utang kaya naman malaking tulong talaga si Tito sa amin, kaya naman bilang kapalit ay ako ang pumalit sa kanya sa trabaho para naman makapag-pahinga siya.
Gusto ko sanang magsampa ng kaso laban kay Velvet ngunit wala akong patunay ni kahit ano.
Ini-report ko ang lahat ng alam kong pwedeng puno’t dulo upang maintindihan nila ngunit sinabing hindi raw magaan na paratang ang aking ibinibigay ng wala naman akong patunay kaya naman lahat ng pagsusumikap kong maipakulong si Velvet ay balewala dahil ni isa, wala akong ebidensya.
Nag-unat muna ako bago kumuha ng tubig sa side table.
Pagkakuha ko ay ininom ko na ang gamot at saka nagtungo sa cr upang maligo.
Paglabas ng cr ay mabilis akong nagbihis at nag-ayos.
Buti na lang naalala kong hindi pala ako pupunta ng opisina ngayon bilang pahinga, kung hindi baka nakapang-opisina na ako.
Bumaba na lang ako upang manood ng balita at makipag-usap kay Tito dahil tapos na akong magbreakfast kanina pa.
Amara’s Pov.
Habang naglalakad sa gilid ng kalsada at dala-dala itong bilao ng aking paninda ay may biglang pumasok na pangalan sa isip ko.
’Alex? Sino naman kaya si Alex?
Pakiramdam
ko
nababaliw
na
ako’
Binalewala ko ang nasa isip at nagpatuloy upang magbenta.
“Tinapa kayo dyan, mura lang!” Sigaw ko.
“Tina…pa!” Mahabang sigaw ko pa habang naglalakad.
Agad namang may lumapit na binatilyo sa akin.
“Te, magkano yan?” Tanong niya.
“Bente lang.” Sagot ko.
“Sige Te, isang bente.” Sabi niya naman at agad kong ini-abot ang tinapa na nakabalot sa dyaryo.
Sa ilang oras ng pag-iikot ko ay dalawang balot ng tinapa na lang ang natira.
Napagdesisyonan ko naman ng umuwi dahil napansin kong makulimlim ang kalangitan.
Pagdating ko sa tapat ng bahay ay sinalubong ako ni Jhong at humalik sya sa pisngi ko.
“Akin na yan.” Patungkol nya sa pinaglalagyan ng paninda ko.
Sabay naman kaming pumasok sa loob ng bahay.
“Marina, anong gusto mong ulam? Paksiw o prinito?” Tanong niya sa’kin habang nakangiti.
Umupo naman muna ako bago sumagot.
“Hmmmm…paksiw na lang.” Nakangiti kong sagot.
“Sige, magluluto muna ako.” Sabi nya naman at saka kumilos.
Habang ginagawa nya ’yon ay napatanong ako.
“Jong, may kakilala ba tayong Alex ang pangalan?” Tanong ko at napabaling naman ang tingin nya sa’kin habang kunot ang noo.
“Alex?” Tanong pa niya at kumamot pa ng bahagya sa batok.
“Oo.” Agarang sagot ko naman habang nakangiti ng bahagya.
“Ba’t mo naman natanong, wala naman tayong kapitbahay na Alex, ni kamag-anak wala rin, teka…saan mo naman napulot yang pangalan na ’yan at nagtatanong ka?” Balik tanong nya matapos sumagot.
“Bigla lang pumasok sa isip ko e, kaya natanong kita kung may kilala ba tayong Alex ang pangalan.” sagot ko naman.
“Baka dulot lang yan ng aksidente, yung umakyat tayo sa matarik na bundok ngunit nalaglag ka at nabagok…baka dahil dun… Marahil rin galing lang yung pangalan na naisip mo sa isang libro tas akala mo kilala mo sya ganun…..at saka wag ka masyadong mag-isip ng kung ano-ano’t baka bigla na naman sumakit ang ulo mo, sige ka!” Pananakot pa niya at nangiti na lang ako.
“Siguro nga, sige hindi ko na iisipin!” Sagot ko naman at nangiti lang din s’ya at nagpatuloy sa ginagawa habang ako ay kinuha ang isang pocketbook rito sa bahay at binasa na lang iyon.
Pagkatapos niyang magluto ay agad naman kaming kumain at ako naman ang nagligpit ng kinainan sa hapag.
Naging mabilis ang takbo ng oras kaya naman ngayon ay sinindihan ko na itong gasera dahil gabi na at wala ng liwanag na nanggagaling sa labas.
Wala kaming kuryente dahil kumakailan lang ay natumba ang main line ng poste kaya naman tiis-tiis muna sa init.
Agad akong pumasok sa kulambo at nahiga sa papag at saka ako natulog dahil pagod ang aking katawan sa naging trabaho maghapon.
Bumuntong hininga pa muna ako bago tuluyang pumikit at natulog.
Sa kasagsagan ng aking pagtulog ay may pangyayaring biglang lumitaw.
Nakita ko ang sarili kong hirap at parang pilay sa isang barko.
At sa isa naman ay may lalaking walang mukha, ngunit rinig ko ang boses nya at base sa mukha niya ay masaya siya habang naiiyak, at binigkas ang katagang i love you.
Kaya naman napabalikwas ako at habol ko ang aking hininga ng magising ako.
Kunot ang noo at tagaktak ang aking pawis dahil sa panaginip na iyon.
“Barko?” Sambit ko ng maalala ang panaginip.
Nang dahil sa panaginip na iyon ay pakiramdam ko para akong nababaliw at nasisiraan ng bait.
Pakiramdam ko ay hindi ko kilala ang sarili ko.
Magtatatlong buwan na rin ang lumipas ng mangyari ang insidenteng sinasabi ni Jong na nangyari sa matarik na bundok.
Ngunit ngayon ko lang naranasan na maka-alala at makakita ng memoryang alam kong hindi naman akin.
’baka
naman
nasisiraan
na ako ng bait?’
Napasabunot pa ako sa sarili kong buhok dahil sa panaginip na iyon.
At naalala ko naman ang pangalang biglang pumasok sa isip ko kanina.
’Alex
? Sino naman kaya si Alex?’
Pabagsak kong inihiga ang sarili sa papag kaya naman nakaramdam ako ng onting sakit sa aking likod.
Binalewala ko naman iyon at inayos ang buhok ko habang nakahiga.
Habang inaayos ko ang aking buhok ay nahawakan ko ang peklat ng malaki kong sugat do’n noon, inikot-ikot ko pa ang daliri ko roon at pinakiramdaman ito.
Malaki ang peklat at ang parteng iyon ay hindi na rin tinubuan pa ng buhok, kaya naman madalas kong itali ang aking buhok upang maitago ito.
Binalewala ko ang aking mga pinag-iisip at bumalik na lang sa tulog dahil magtitinda pa ako bukas.
CHAPTER 2
Amara’s Pov.
Maaga akong nagising ngayon dahil maglalako pa ako ng aking tindang tinapa sa talipapa mamaya.
Kasalukuyan akong nagkakape at kumakain.
Habang nasa hapag ay bigla ko na namang naalala ang panaginip ko kagabi kaya naman napakunot ang aking noo.
“Hmp, hindi ko na nga lang iisipin.” Sabi ko pa sa sarili at ipinagpatuloy ang pagkain.
Hindi kami sabay na mag-umagahan ngayon ni Jong dahil siya ay nauna nang kumain kanina dahil mamamalaot sila sa dagat upang may ulamin at maibenta ako.
Pagkatapos kong kumain ay iniligpit ko naman muna ang aking kinainan.
Isinasara ko na ang pintuan ng makita ko si Aling Josie na bitbit ang kanyang dalang paninda na ibebenta nya sa Talipapa ng aming barangay.
“Aling Josie.” Pagtawag ko rito at nginitian ito ng lumingon.
Ngumiti rin naman sya.
“Oh.. Marina, ikaw pala ’yan.” Sagot naman niya habang nakangiti at dala ang dalawang balde at may dala pang bilao sa ulo na puno ng gulay.
“Opo, tulungan ko na po kayo.” pagpiprisinta ko ng tulong at agad kong kinuha ang isang balde at dinala ito.
“Aba’y salamat.” Pagpapasalamat niya.
“Walang anuman po!” Masayang sagot ko.
Nakita kong laman nito ay isda, sa kabila ay hawak ko ang aking bilao na pinagpapatungan ng paninda kong tinapa.
Habang naglalakad ay nagk-kwentuhan naman kami ni Aling Josie.
“Marina, bakit hindi ka na lang doon tumambay sa pwesto ko? Para hindi ka mapagod kakalako nyang paninda mo?” Offer nya pa ngunit agad akong humindi.
“Nako Aling Josie, wag na ho, dahil marami akong kakumpitensya sa talipapa, baka pagdating sa pwesto mo e wala ng bumili sa’kin dahil bumili na sa kanila, mas mabuting ilako ko na lang para maunahan ko sila, atlis sigurado akong mabibili agad ang paninda ko.” Sagot ko pa at ngumiti.
“Nako, ang talino mo talaga.. ang swerte sa’yo ni Jong.” Sabi naman nito.
“Hindi naman po, hahaha.” Sagot ko pa sabay tawa.
“Pero teka, nagbalik na ba ang alaala mo?” Tanong niya na syang ikinakunot ng noo ko.
“Hindi pa nga po e, pero madalas akong managinip ng mga bagay bagay, dulot lang siguro ng pagod.” Pagpapakatotoo ko.
“Bakit? Hindi ba nagsasabi sa’yo ng mga bagay bagay sa’yo si Jong?” Tanong ni Aling Josie at binigyan ko naman sya ng ilang na ngiti.
“Hindi po e, pag nagtatanong ako tungkol sa mga bagay bagay na napapanaginipan ko, sabi nya baka raw dulot lang ng pagod.. pero Aling Josie, ano po ba talaga kami ni Jong?” Tanong ko at natahimik naman muna sya saglit bago sumagot.
“Pasensya ka na Iha,ngunit ayokong magsalita, si Jong ang dapat magsabi sa’yo, siguro may dahilan sya kung bakit hanggang ngayon hindi n’ya pa pinapaalam sa’yo.” Sagot naman niya at ngumiti sa’kin.
Matapos ang usaping iyon ay nabalot kami ng nakabibinging katahimikan.
Wala kaming imik at tanging ingay lang ng sasakyan at tao sa paligid ang naririnig namin.
Nabalot naman ako ng tanong at yun na lang ang talagang naiisip ko ngayon
’Ano naman kaya yong bagay na ayaw pa
ipaalam
ni Jong sa akin?’
’Nang dahil sa sinabi ni Aling Josie, pakiramdam ko tuloy mas lalo akong
nabababaliw
at pakiramdam ko hindi ko talaga kilala ang sarili ko.. hays!’
Nang marating namin ang talipapa ay agad kong inilapag ang balde sa tapat ng nirerentahang pwesto ni Aling Josie.
“Salamat Iha ha, o sya mag-iingat ka habang nilalako mo yang paninda mo.” Sambit pa niya at ngumiti naman ako.
“Walang anuman po, sige po..maglalako na po ako.” Paalam ko at ngumiti at nginitian nya rin naman ako pabalik kaya kumaway na ako bilang paalam at naglakad papalabas ng talipapang iyon upang magbenta.
Habang naglalako ay syang sigaw ko upang malaman ng tao kung anong tinda ko.
Dahil kung hindi ako sisigaw sinong bibili diba?
Kaya naman sigaw kung sigaw ang labanan dito para makabenta.
“Ate, pabili po ng tatlo.” Sabi ng isang babae na lumapit sa’kin
“Tatlong balot?” Paninigurado ko pa at nung tumango sya ay agad kong iniabot ang tinapa at agad kong kinuha ang bayad na iniabot niya.
Agad ko naman syang sinuklian at akmang lalakad na ulit ako para maglako ng Tinapa ay hinarang ako ng isang may edad na disenteng mukang mayaman na lalaki.
“Hi, Young lady!” Bati nito sa akin at nailang naman ako dahil sa ganda ng ngiti niya sa akin.
“Hello po sir.” Ilang na sagot ko at binigyan sya ng bahagyang ngiti.
“You look like someone I knew, what’s your name?” Tanong nito at buti na lang ay kahit papaano nakakaintindi ako ng ingles dahil sa pagbabasa ko ng libro.
“Ako po si Marina, Mari na lang for short.” Sagot ko dahil mukha naman syang mabait
“Can I have a picture with you?” Prangkang tanong niya na syang ikinagulat ko.
“Bakit po?” Tanong ko habang kinakabahan at nagsisimula ng manginig.
’Ewan ko ba’t iba yung dating sa’kin ng tanong nya na iyon,
nakakailang
..parang may
binabalak
na masama’
“Nothing Iha, I just wanted to have a picture with you, In exchange I’ll buy all your tinapa’s there in your bilao.” Offer n’ya at napaisip naman ako.
’Para namang
artista
ang
datingan
ko
ne’to
, pero hayaan na nga, atlis
makakabenta
ako.’
Agad naman akong pumayag kaya naman inabot nya ang phone niya sa tauhan nya at pinicturan kami.
Ngumiti naman ako at sumenyas naman ang tauhan niya na tapos na kaya agad ko sanang ipaplastic ang tinapa ngunit masyado itong marami.
“Sorry sir, wala po akong plastic na malaki pambalot sa benta ko.” Paghingi ko ng dispensa ngunit agad nya akong pinigilan.
“No, No.. Iha..It’s not a problem, they can take it” Turo nya sa mga tauhan nya.
“Boys, take the Tinapa.” Pagsabi nya no’n ay agad lumapit ang mga tauhan nya upang kunin ang tinapa.
“Baka naman mamaho po sila dahil sa tinapa.” Sabi ko pa dahil pormado rin at naka tuxedo itong kanyang mga tauhan yung parang sa mga palabas lang.
“Nah, don’t mind them.. Ito na ang bayad ko Iha, salamat.” Abot nya sa dalawang libo kaya nagulat ako.
“Teka sir, sobra ito sir!” Gulat na sabi ko at ibabalik sana ngunit agad nya akong pinutol.
“Keep the change, It’s all yours.” Sabi nya at ngumiti at mabilis na naglakad sila ng kanyang tauhan papunta sa sasakyan nyang nakaparada sa gilid ng kalsada.
Agad naman akong sumigaw.
“Salamat Sir!” Sigaw ko kahit na alam kong hindi na ako narinig nito.
Nahiya naman ako ng kaunti ng makita kong pinagtitinginan ako ng mga tao kaya agad akong umuwi dahil wala na rin naman akong ititinda pa.
CHAPTER 3
Author’s Note: It will be the first time na magkakaroon ng Pov ang papa ni Amara but since at the first book I don’t give him a name, so dito I’ll just call him Mr.Sparks XOXO.
Mr.Sparks’s
Pov.
It was a beautiful morning, I’m here enjoying the sun rays passing through the window.
As I mixing my coffee here in the kitchen of my house, My maid suddenly comes and tell me something.
“Sir, may bisita po kayo.” She said and it make my forehead crease.
‘It’s unusual for me, I think it’s so early to have a visitor this time, maybe it’s urgent.’
“Who?” Tanong ko naman sa aking katulong.
“Si Mr. Lim po.” Sagot naman nito.
‘Now, I think it’s really that urgent’
“Let him in.” Sagot ko at agad namang lumabas ang katulong ko.
Mabilis namang pumasok si Mr.Lim at ang tauhan n’ya, sumimsim naman muna ako bago ko s’ya harapin.
“What’s the matter? Have a coffee first.” Offer ko pa ngunit agad syang tumanggi.
“No, I’m not here for that, I just wanted to show you these picture.” Sabi niya at iniabot sa’kin ang pic at halos mabitawan ko ito ngunit agad kong kinontrol ang sarili.
“She looks like your daughter right? And I have a doubt that she really is your daughter, Sparks.” Dagdag pa niya at tinignan kong mabuti ang mukha niya.
Hindi naman ganon kapangit ang damit ngunit hindi gano’n manamit ang aking anak
Nang makita ko ang pic na iyon ay halos nagbalik lahat ng sakit.
Sakit na kailanman hindi na yata mawawala sa pagkatao ko.
“Where did you see her?” I asked and he clear his throat first before he answer me.
“I saw her at the kabilugan Road, where one of my branch is established, The first time I saw her, I’m shocked because I know your daughter but when she said her name , I’m a little bit confuse because it was not the same as the name of your daughter, but I noticed her scars on the forehead and her hands, take a look again at the picture, maybe you could notice it.” Sabi pa niya na agad kong tinignan at napansin ko ngang may mga peklat nga sya.
“We didn’t know, maybe your daughter isn’t really dead.” Sabi nito at napaisip naman ako
‘I don’t know what to think anymore’
“Okay, I think you need to think, take your time, I really need to go, Thank you.” Sabi pa nito at kinuha ang cellphone nyang nailapag ko sa mesa.
Agad naman akong napaupo sa upuan ng maka-alis na sila
Hindi ko alam pero bigla akong kinutuban.
‘Buhay pa kaya talaga ang anak ko?’
Maraming pumasok na kung ano-ano sa isip ko, ngunit agad ko iyong iwinakli dahil ayoko namang masira at lumungkot ang aking umaga
Kaya naman ipinagpatuloy ko ang pagkakape at nagpaluto na lang ng agahan sa aking katulong.
Alexander’s Pov.
I’m here in the company of my wife’s father.
Actually sobrang dami ng trabaho ngayon at habang pinepermahan ay napatingin ako sa isang parte ng pader na may wallpaper ng mukha ni Amara.
Habang tinitignan iyon ay malungkot akong ngumiti.
’Kamusta ka na kaya sa
paraiso
?
Masaya
ka na siguro na wala
ako’
Iniwakli ko ang mga naiisip at nagpatuloy ako sa mga paper works na dapat kong icheck.
Ngunit habang pinepermahan ko ang mga papel ay naalala ko namang bigla ang kakambal ko kaya naman agad kong kinuha ang cellphone ko’t tinagawan ito.
Pagsagot nya ay nakangiti akong bumati.
“Brother, how are you?” Tanong ko.
“I’m fine, may mga naalala na’ko ngunit hanggang doon pa rin sa kasal nyo, hindi ko pa rin maalala yung sinasabi n’yong barko.” Malungkot na tugon nya kaya naman napabuntong hininga ako.
“Okay Brother, pauwi ka na ba?” Tanong ko dahil alam kong nasa hospital s’ya para sa therapy.
“Yes Brother, actually I’m on my way.” Tugon nito at napangiti naman ako.
“Okay Brother, ingat. Bye!” Paalam ko at binaba agad ang tawag.
Matapos nang usapan na iyon ay ipinagpatuloy ko ang ginagawa
Nang mapansin kong madilim na ay nagligpit na muna ako ng gamit ko sa lamesa at tinawagan ko si Thessa gamit ang telepono.
Si Thessa ang secretary ni Tito, agad naman syang tumuloy sa opisina kaya naman inutusan ko na syang linisin ang mga hindi ko nailigpit at isaayos ang ibang files para ituloy ko na lang bukas.
Agad naman akong nag-elevator pababa para makauwi na.
Pagkababa ay dumeretso ako sa parking lot kung saan naka-park ang aking kotse at sumakay rito.
Pagkasakay ko ay agad akong nagmaneho pauwi.
Pagpasok ko ng bahay ay naabutan ko si Tito na nagbabasa ng dyaryo kaya naman lumapit ako rito upang magmano.
“Oh, nakauwi ka na pala, how’s work?” Tanong niya gamit ang matigas na boses.
“Okay naman po Tito, wala namang problema, lahat naman ay maayos at nadagdagan tayo ng investors at tumaas ang profit natin ng 10 percent Tito.” Sabi ko kay Tito dahil yun ang diskusyon sa daily meeting ng company.
“Well, it’s a good news then, Good job…Btw, I want you to call Mr.Lim and tell him to accompany us in Kabilugan Road tomorrow.” Simpleng sabi nya kaya naman nagtaka ako na siyang nagpakunot sa noo ko.
“Us? Bakit po tayo pupunta ro’n Tito?” Takang tanong ko.
“You will know tomorrow.” Sagot niya at nagpatuloy sa pagbabasa kaya naman nagpaalam ako na aakyat na.
Ano naman kayang meron bukas? At bakit kami pupunta sa Kabilugan Road? Saan naman kaya yun.
Pag-akyat ko ay hinubad ko ang coat ko at naupo sa kama.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Mr.Lim na investor sa Dri-Foam corporation.
Nang sagutin nya ito ay agad akong sumagot.
“Good eve sir, Mr. Sparks told me to tell you to accompany us in Kabilugan Road tommorow.” Sabi ko at narinig kong natawa siya.
“And now he’s interested…hmmm, okay tell him that I would be there at 8am in the morning.” Sagot niya at talaga namang nagtataka ako sa inaasal nilang dalawa.
“Mawalang galang na Sir, pero pwede bang magtanong?… Ano pong meron sa kabilugan Road?” Tanong ko at agad tinanong nya rin ako pabalik.
“Hindi n’ya ba sinabi sa’yo?” Tanong nito at agad naman akong tumugon habang nakapout.
“Hindi po, ang sabi n’ya lang ay malalaman ko rin bukas.” Tugon ko’t tumawa naman siya.
“Tama naman siya, malalaman mo rin bukas ba’t tayo pupunta ng Kabilugan Road,…sige na ibababa ko na at ako’y may gagawin pa.” Paalam nya naman at nagpaalam din naman ako.
“Bye Sir.” Sagot ko at ibinulsa ang phone matapos nyang i-end ang call.
Napahiga naman ako at napaisip sa kung anong gagawin namin sa Kabilugan Road at ng mapagod akong mag-isip ay bumangon ako para kumain sa baba.
CHAPTER 4
Alexander’s Pov.
Gaya ng napag-usapan ay alas otso pa lang ng umaga ay nasa bahay na si Mr.Lim kaya naman pagdating niya ay agad na kaming gumayak dahil kanina pa naman kami handa ni Tito.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong sadya namin sa Kabilugan Road na sinasabi nila at hindi ko rin alam kung saan iyon kaya naman hindi na ako masyadong nag-isip.
Habang nasa sasakyan at ipinagmamaneho kami ng driver ay pareho lang kaming tahimik ni Tito na nakatingin sa labas ng bintana.
Ang suot ko ngayon ay V-neck T-shirt at maong jacket at maong pants na pinartneran ko ng boots, habang nakalingon sa labas ay kita ko ang sidewalk ng tulay at sa ibaba nito ay kita ko ang asul na dagat na para bang binudburan ng masidlak na glitters dahil sa sikat ng araw, masakit sya sa mata kung tititigan ng todo pero hindi iyon nakabawas sa ganda nito.
Napansin ko rin sa gps ng aming driver na malayo pa nga ang Kabilugan Road kaya naman pumikit muna ako para makapag-pahinga habang nasa byahe dahil malayo pa naman.
Isang oras mahigit bago namin narating ang sinasabing Kabilugan Road.
Ang lugar na ito ay hindi pa masyadong modernisado, iilan lang din ang nagtataasang buildings
Agad naman muna kaming inaya ni Mr.Lim sa kanyang business rito.
Pagpasok namin ay agad n’ya kaming pinaupo sa magandang sofa ni Tito.
“Baka mamaya ay dumaan na siya sa lugar na ito, dahil madalas ay dito sya maglako.” Sabi n’ya kay Tito at tumango lang si Tito.
At nabalot naman ako ng pagtataka, at nung hindi ko na napigilan ay binasag ko ang nabuong katahimikan.
“Sino po ba?” Tanong ko at napatingin lang naman sila sa isa’t isa, tila ba nagkaka-intindihan sila sa tinginan nilang iyon.
“Be patience, and just wait.” Sagot ni Mr.Lim matapos nilang magtinginan at nginitian ako.
At napasandal na lang ako sa couch at napansin ko namang nagsimula ng magsilabasan ang tao ni Mr.Lim
“Inutusan ko na ang mga tao ko para makita natin s’ya agad.” Sabi nito at si Tito naman ay seryoso lang na nakatitig sa kung saan.
Habang naka-upo kami rito at naghihintay ay biglang nag-ring ang cellphone ni Mr.Lim
“Andyan na sya?…Dadaan dito?….okay okay, balik na kayo…sige.” Sagot nito sa tumawag.
“Okay, tara na dahil dadaan na raw dito.” Sabi ni Mr.Lim at nagpa-umunang lumabas ng gusaling iyon.
Habang nasa sidewalk at hinihintay ang sinasabi nilang dadaan ay narinig ko ang isang pamilyar na boses na matagal ko nang gustong marinig.
Paglingon ko ay agad nagsalita si Mr Lim
“Ayan na siya.” Sabi nito at naglakad at sumunod rin naman si Tito na tila gulat rin sa nakita ngunit ako ay parang na-estatwa
Ni hindi ko magawang ilakad ang paa ko ng makita ko s’ya, para bang nawalan ako ng lakas para igalaw ang parte ng mga katawan ko.
‘Amara.’
Yun lang ang tangi kong nasabi ko sa isip.
“Tinapa kayo d’yan!” Sigaw pa niya habang bitbit ang bilao.
Napansin ko pa ang suot niyang malaking t-shirt at mahabang shorts na taga-tuhod at naka-tsinelas lamang.
Nang magkaroon ako ng lakas ay unti-unti akong lumapit kila Tito na tinititigan rin ang babaeng papalapit sa amin.
Kamukhang kamukha s’ya ni Amara, ngunit bakit ganito? Pakiramdam ko buhay si Amara at nasa harap ko s’ya ngayon?
’
Nananaginip
lang ba ako?’
Gusto kong maiyak ng magsimulang bumalik lahat ng alaala namin pero pinigil ko ang sarili ko dahil alam kong hindi ito makakabuti sa ngayon.
Agad naman s’yang binati ni Tito at nagtaka naman siya.
Pati sa reaksyon ng mukha kuhang-kuha niya.
Naiiyak ako ngayon na mas malapit na s’ya samin at kitang kita ko na ng malinaw ang lahat sa kanya at walang mintis, kamukha nya talaga si Amara.
‘Amara, asawa ko.’
Amara’s Pov.
Habang nagtitinda ako ay hinarang na naman ako nung may edad na lalaking pumakyaw ng benta ko at may kasama s’yang dalawa at agad naman akong binati nung isa ring may edad na kasama niya.
“Hi iha.” Sabi nito at medyo nailang naman ako.
“Hello po.” Simple kong sagot at ngumiti kahit pa hindi ko sila kilala.
“Actually kaya sila narito ay dahil gusto ka nilang makilala.” Sabat naman nung pumakyaw ng tinapa ko at nagulat naman ako.
“Ako po?” Paninigurado ko dahil talagang nagulat ako.
“Oo Iha, nasarapan kase sila dun sa tinapa kaya naman gusto ka nilang makilala…btw, I’m Mr.Lim” Sabi pa nito at iniabot ang kamay ko.
“Marina po.” Sabi ko at nagshake hands
Pagtapos ng aming shake hands ay agad naman niyang itinuro ang isang may edad na bumati sa’kin.
“He is Mr.Sparks.” Pagpapakilala niya rito at nagkamayan naman kami nito.
“Marina po.” Pagpapakilala ko at nginitian ito habang ang isa kong kamay ay hawak ang bilao.
Pagtapos non ay itinuro niya ang isang medyo kaedad kong lalaki.
“On the other side is Mr. Lucas.” Nginitian ko naman ito at nakipagkamayan rito
May bigla naman akong naramdaman na kung ano ng maghawak ang aming kamay kaya napatitig ako sa mata niya at tila ba nahipnotismo ako no’n.
Yung mga matang maraming sinasabi kahit hindi ko maintindihan, ganoon ang dating sa akin ng tingin niya kaya ilang na ngiti at binilisan ko lang ang pag shake hands.
“Iha, pwede ba tayong pumunta sa bahay n’yo? Pagod na kase ako at gusto ko ng umupo, pwede ba?” Pagtatanong ni Mr. Sparks at naramdaman kong nagpapakatotoo siya at ramdam kong pagod na siya kaya naman naawa ako.
Gusto ko sanang tumanggi ngunit talagang naaawa ako kaya naman pumayag ako, at bilang kapalit na rin ito sa pagpakyaw ni Mr. Lim sa aking panindang tinapa kahapon.
“Maglalakad pa po tayo ng onti Sir, ayos lang po ba sa inyo?” Tanong ko kay Mr. Sparks at nginitian naman ako nito.
“Ayos lang, maraming salamat iha, bilang kapalit, bibilhin ko ang lahat ng paninda mong tinapa.” Sabi naman nito at agad naman akong tumanggi.
“Nako wag na ho, ayos lang naman po sa’kin.” Pagtanggi ko dahil nakakahiya na.
“Wag ka ng tumanggi Iha, basta papakyawin ko ang tinda mo.” Sabi pa nito at wala naman na akong maisagot kaya ngumiti na lang ako at nagpa-unang lumakad upang dalhin sila sa aming bahay.
CHAPTER 5
Amara’s Pov.
Pagkarating ay agad ko silang pinaupo sa aming papag at agad ko silang hinandaan ng kape dahil iyon lang ang meron kami sa bahay.
Agad ko naman itong nilapag sa munting lamesita na nasa harapan ng kanilang kinauupuan.
“Kape po muna kayo!” Masayang sabi ko at umupo sa katabing upuan ni Mr.Lim
Agad naman nilang kinuha ang kape na inilapag ko at sumimsim rito, napatingin naman ako kay Mr.Lucas at nagulat ako ng nakita kong nakatingin ito sa’kin gamit ang kanyang malungkot at mapungay na mata.
Pakiramdam ko ay onting alog lang sa kanya ay tutulo na ang luhang nagbabadya sa mata n’ya, agad ko na lang iniwas ang tingin ko dahil naiilang ako.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay dumating si Jong.
Agad akong tumayo at lumapit dito para yumakap.
“Jong!” Masayang bati ko at nakatingin lang naman siya sa bisita gamit ang nagtatakang tingin.
“Sino sila?” Tanong niya sa akin.
“Siya yung pumakyaw sa tinapa ko kahapon oh!” Sagot ko at tinuro si Mr.Lim na nginitian lang si Jong at nagsalubong naman ang kilay ni Jong.
“Eh, sino naman ’yang dalawa?” Mahinang tanong niya sa’kin habang nakatayo kami malapit sa pintuan.
Lumapit pa ako ng kaunti at sumagot.
“Kasamahan niya ’yan.” Sagot ko at ngumiti.
“Pero? Kumain ka na ba?” Tanong ko kay Jong at umiling naman siya.
“Sige, kumain ka na roon!” Nakangiting sabi ko kay Jong at humalik lang sya pisngi ko at pumunta na sa kusina.
Agad naman akong umupo ulit sa tabi ni Mr.Lim at pinagsasagot ang mga tanong-tanong nila.
Pagkatapos kumain ni Jong ay nakisali siya sa usapan at sinasagot ang mga tanong ng bagong kakilala.
Maya-maya lang ay tungkol na sa aksidente sa bundok ang topic nila kaya naman nailang ako dahil ako na ang kanilang paksa.
Maya-maya ay inaya ng usapang masinsinan si Jong ni Mr.Lucas kaya naman umalis silang tatlo, ako at si Mr.Lim lang ang naiwan.
At kasalukuyan niya akong tinatanong
“Ano ba talagang nangyari sa bundok, Iha?” Tanong niya at napakamot naman ako sa ulo.
“Ang kwento po ni Jong sa’kin ay nahulog daw po ako sa bundok at nabagok kaya wala akong maalala, tatlong buwan na rin ang nakalipas matapos ang aksidenteng iyon ngunit wala pa rin po akong naalala.” Sagot ko na may ilang na ngiti at may malungkot na boses.
’kelan
ba kasi
magbabalik
yung alaala ko?’
“Wala talaga kahit isa iha? Kahit sa panaginip lang? Wala?” Tanong niya pa at sa pagbanggit niya ng panaginip ay naalala ko ang napapanaginipan ko sa nagdaang araw.
“Meron po sa panaginip, pero taliwas naman po ’yon sa sinasabi ni Jong na aksidente sa bundok, sa totoo lang po madalas ko pong mapanaginipan yung nasa barko raw po ako tas naka-gown, yun lang po e tas nagigising na ako.” Pagsasabi ko sa totoong panaginip ko sa nagdaang mga araw.
At tumango lang naman siya, iniba naman niya ang topic at nagkwento siya ng kung ano-ano tungkol kay Mr.Lucas at Mr.Sparks.
Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko habang nagkukwento si Mr.Sparks ay naroon ako sa kinukwento niya at tila ba nasaksihan ko iyon.
Binalewala ko ang pakiramdam na iyon ay nakinig na lamang sa kwento.
Mr.Sparks’s Pov.
“Tatapatin na kita, gusto kong ipa-DNA si Marina or what at wala nang makakapag-pabago sa desisyon ko.” Prangkang sabi ko sa kanya at tinignan naman niya ako ng masama at umiwas lang ako ng tingin.
Pagka-usap ko pa lang kay Marina ay alam kong s’ya si Amara, para s’yang bumangon sa hukay, lahat ng paggalaw, hitsura, lahat lahat.
Kung kahapon ay sinasabi kong hindi sya ang anak ko ngayon ay parang kinain ko ng buo ang sinabi ko dahil ngayon ay gusto ko ng DNA para malaman kung talaga bang magkadugo kami.
“Anong DNA? At ba’t naman ako papayag? Hindi aalis si Marina para sa kung anong kalokohan n’yo, mabuti pa umalis kayo hangga’t may respeto ako sa inyo, kelangan pagbalik ko sa bahay ay wala na kayo!” Madiing sabi nito at naglakad papalayo.
At si Alexander ay agad naman akong inalalayan.
“Ayos lang po kayo, Tito?” Tanong nito at tinanguan ko lang siya at saka ko siya inayang bumalik sa bahay ni Marina.
Pagbalik namin roon ay agad kaming sinalubong ni Marina at ni Mr.Lim
“Oh, andyan na pala kayo sirs hehe, gusto n’yo po ba ng tubig?” Tanong agad nito sa’min at tinanguan ko lang siya.
“Oh sya po, upo po muna kayo..pero asan po si Jong?” Tanong niya samin at sumagot naman agad si Alexander.
“Nagpaiwan s’ya sa tabing dagat, babalik na lang daw s’ya mamaya.” Pagsisinungaling ni Alexander at nilinga ko lang naman ang aking paningin hanggang sa mapansin ko ang isang hairbrush sa gilid ng aking inuupuang papag.
Humanap ako ng tyempo para makuha ko ito, at ng magkaroon ako ng pagkakataon ay agad ko itong kinuha at ibinulsa.
Maya-maya ay bumalik si Marina at may dalang tubig.
“Inom na po kayo, pasensya na po..wala po kaming malamig na tubig hehe.” Paghingi niya ng paumanhin at bawat detalye ng muka niya ay kagaya ng kay Amara kaya naman ang lakas ng kutob kong anak ko siya.
Agad kong tinanggap ang baso at uminom dito at ng matapos ay inilapag sa munting lamesitang nasa harap ng aking kinauupuan.
Maya-maya lang ay nagpaalam na kami na aalis na.
Hindi ko naman nakalimutan na sinabi kong papakyawin ko ang kanyang panindang tinapa.
“Iha, bago kami tuluyang magpaalam, gusto kong bilhin lahat ng tinda mong tinapa.” Sabi ko rito at napakamot sa ulo.
“Ayos lang naman po kahit wag na hehe!” Nahihiyang sambit niya ngunit iginiit ko ang gusto ko.
“Masarap kasi talaga kaya pagbigyan mo na ako.” Palusot ko pa.
“Okay po, sandali lang po.” Sambit n’ya at pumasok muli sa kanilang munting bahay.
Maya-maya ay bumalik siya dala ang nakaplastic na mga tinapa.
Agad naman niya itong iniabot sa’kin at nginitian ko siya, agad ko namang iniabot ang 3,000 pesos sa kanya at nanlaki ang mata niya.
“Teka po, sobra po ito..hindi ko po ’to matatanggap sir.” Sambit pa niya na may kunot na noo.
“Sige na Iha, take it…sa’yo na yan, mauna na kami, mag-iingat ka.” Sabi ko rito at wala siyang nagawa kundi ang ngitian ako.
“Kayo rin po!” Sagot niya at nginitian ako
At sa ngiti nyang iyon ay naalala ko si Amara kaya naman ngumiti rin ako ng pagkatamis-tamis.
Nagpaalam din si Alexander kay Marina, alam ko ang nararamdaman ni Alexander ngayon.
Alam kong may pag-aalinlangan pa rin siya sa katauhan ni Marina.
“Paalam, mag-iingat ka parati!” Paalam ni Alexander.
“Ikaw rin po!” Sagot ni Marina at nginitian si Alexander at napakamot naman sa ulo si Alexander.
“Wag ka mag po! Halos magka-edad lang tayo.” May inis na sabi ni Alexander at natawa lang naman si Marina sa kanya kaya natawa rin ako ng bahagya habang pinapanood sila.
“Okaaaay, sige, bye!” Paalam nito at lumakad naman na kami.
Kumaway pa si Alexander kay Marina at sumunod sa’min pagkatapos.
Pati mga tauhan namin ngayon ay nakasunod na rin.
Naglakad kami pabalik sa kung saan naka-park ang kotse namin upang maka-uwi na.
Ako’y nasasabik na ring umuwi para sa aking plano.
’Hindi
pwedeng hindi ko malaman ang gusto kong malaman, gagawa at gagawa ako ng paraan para malaman ko ang totoo.’
CHAPTER 6
A/N: Pasensya kung maraming transition sa Pov’s dito, ginawa ko ’yon para malaman nyo yung nararamdaman nung character, I hope madama n’yo hehe.
Amara’s Pov.
Agad kong niligpit ang mga baso matapos maka-alis ng mga bisita at matapos nito ay napatingin ako sa munting salamin dito sa bahay.
Napansin kong nagulo ang buhok ko kaya naman agad kong tinanggal ang tali at hinanap ang hairbrush ko ngunit hindi ko makita kahit sa lalagyanan ko ng mga gamit.
Habang naghahanap ay pumasok naman bigla si Jong ng bahay.
“Oh, andyan ka na pala!” Sabi ko habang patuloy na hinahanap ang hairbrush ko’t nakahawak sa buhok.
“Oh, asan na sila? Umuwi na?” Tanong niya at tumango naman ako.
“Oo, binili pa nga nila yung paninda kong tinapa, pero teka napansin mo ba yung hairbrush ko Jong?” Tanong ko habang nakanguso at patuloy na hinahawakan ang buhok ko.
“Hindi e, saan mo ba nilagay?” Tanong niya at tinulungan ako maghanap.
“Di ko nga alam saan ko nalagay e.” Sagot ko habang nakanguso at yumuyuko dahil baka nasa ilalim lang ng papag o kung ano pero wala talaga.
“Sa kwarto mo? Wala?” Tanong niya at sumagot naman agad ako.
“Tinignan ko na d’yan, wala naman!” Sagot ko at napakamot naman siya sa ulo.
“E, saan mo ba nilagay?” Tanong pa ulit niya at nabugnot naman ako.
“Hayaan mo na nga, manghihiram na lang ako ng suklay kay Linda!” Sagot ko at ngumuso ulit.
Ngunit bago pa ako makalabas ay tinawag niya ako.
“Oh bakit?” Tanong ko.
“Sabihan mo rin siya na magsama kayo sa pagtitinda bukas, o mabuti kung dito ka na lang sa bahay.” Sambit nya at nainis naman ako.
“Ayoko nga, nakakabagot dito sa bahay e, mas okay pa yung magsama kami ni Linda!” Sagot ko at inirapan s’ya at tinawanan lang ako ng abno.
“Sige na, punta ka na sa kabila.” Natatawang sambit niya at nagtsinelas naman muna ako bago tuluyang pumunta sa kabilang bahay.
Alexander’s Pov.
Habang nasa biyahe ay nasa isip ko ang mukha niya at ngiti niya.
Lahat ng alaala ay nagfa-flashback.
Naalala ko pa yung dinala ko sya sa magarbong resto, pero hiniling niya na kumain na lang kami ng street food.
Pati yung panahong pag nagseselos ako, andiyan siya para lambingin ako.
Naiiyak ako kanina nung tanungin niya yung lalaking ’yon kung kumain na ba ito.
’Yung mga bagay na madalas
itanong
sa’kin ni Amara noon.’
Pinahid ko ang luhang tumulo at inalala na lang ang ngiti niya.
Yung ngiti niyang nagpapabaliw sa akin noon.
Yung ngiti niyang bumubuo sa araw ko noon.
Yung haplos niyang gusto kong nararamdaman ko.
Yung yakap niyang parati kong hinihiling kada matutulog na kami
Lahat yon namimiss ko na at gustong gusto ko na maranasan at maramdaman ulit ngunit di ko naman alam kung paano.
Naiiyak ako sa kawalang-gawa na naman, ganitong ganito yung pakiramdam ko noong nalaman kong wala na siya.
Masakit e, kahit parang kahit buhay siya ay parang napakalayo niya sa akin.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kaya siguro ako umiiyak na parang bading ngayon.
Basta ang alam ko, gusto ko na siyang mayakap,makasama,mahalikan lahat..
Pero parang malabo…
’I
don’t know why loving you can cause a pain like this.’
Mr.Sparks’s
Pov.
Pagka-uwi galing sa biyahe ay agad nagpaalam si Alexander na magpapahinga na.
Pansin kong mugto ang kanyang mata dulot siguro ng lungkot ngunit hindi ko na pinansin dahil alam kong nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon.
Agad ko namang tinawagan ang kakilala kong geneticist at nagset ng appointment sa kanya upang isagawa ang DNA test.
At matapos no’n ay nag-utos ako sa mga tauhan ko na mangalap ng impormasyon tungkol kay Marina.
Hindi ko alam ang magiging resulta ngunit malakas ang kutob ko na si Marina ay si Amara.
Hindi ko rin alam kung ito yung sinasabi nilang lukso ng dugo pero ramdam kong siya talaga ang anak ko.
Hanggang ngayon ay pala-isipan pa’rin sa akin ang lahat ngunit ipinagdadasal ko na lang sa Diyos ang lahat lahat.
Nang sumapit ang gabi ay hindi pa rin ako matigil sa kakaisip kaya naman nilibang ko ang sarili sa paglalaro ng sudoku sa dyaryo dahil alam kong hindi maganda ang maidudulot sa akin ng pag-iisip ng sobra sobra.
Alexander’s Pov.
Ngayon ay kitang kita ko na ang madilim ng kalangitan at ang makinang na bitwin mula sa labas ng bintana.
Pakiramdam ko ang lungkot na nakalipas ay biglang nagbalik.
Ramdam na ramdam ko ang lamig at lungkot ngayon at wala akong gana sa lahat.
Lahat lahat ng tungkol kay Amara ay nagbalik sa aking isipan, ngunit wala naman akong magawa para maibalik siya.
’
Miss na miss ko na
siya’
Yan lang ang katagang nasa isip ko ngayon,
Sa pag-iisip ko sa mga nakaraang nagbabalik sa akin ay tumulo na naman ang luha mula sa aking mata.
’Kailan kaya ’to
matatapos
?
Lahat
ng sakit na ‘to?’
Pinahid ko naman ang mga sumunod pang luha at huminga ng malalim at tumitig sa bintana.
’If I will have another chance to be with you, I’ll take it even if the exchange is everlasting
pain’
Matapos ang dramang iyon ay siyang pahid ko ulit sa tumulo pang luha.
’Nakaka-bakla naman ‘to, iyak na ako ng iyak simula nung mawala siya.’
Tumayo naman na ako at bumaba upang makakain na ng hapunan dahil anong oras na rin.
Pagkababa ko ay nakita ko si Tito na busy sa kanyang libangan, ang sudoku sa dyaryo.
Agad ko naman itong inaya dahil papunta na rin naman ako sa kusina para kumain.
“Tito? Kain na tayo.” Nakangiting pag-aaya ko rito ngunit tumanggi siya.
“Kumain naman na ako kanina, sige na kumain ka na roon.” Sagot niya at tumango na lang ako at pumunta sa kusina.
Pagpunta ko roon ay agad namang hinain ng maid ang pagkaing niluto nila.
Kaya naman agad rin akong kumain at binalewala muna panandalian ang lungkot na nadarama.
Pagkatapos kong kumain ay agad din akong bumalik sa kwarto at ganun pa rin.
Malungkot pa rin ang temperatura ng kwartong iyon, nawala ang dating init na nagpapakilig sa puso ko.
’Titiisin ko ang lahat ng sakit basta para sa’yo, asawa
ko’
Malungkot akong naupo sa kama at tumitig sa bintana.
CHAPTER 7
Mr.
Sparks’s
Pov.
Ngayon ay nasa munting opisina ako ng doktor na si Mr. Rodriguez na kakilala ko noon pa man
Kanina ko pa naipaliwanag ang lahat at alam kong hindi sya gano’n kasang-ayon dahil talaga namang illegal ang ginawa ko ngunit nananaig sa’kin ang kagustuhang malaman ang totoo.
“Just do it, it must be a secret between us!” Madiing sabi ko at tumango lang naman siya.
“Okay since kakilala naman kita, I’ll do it.” Sagot niya at ngumiti naman ako at napabuntong hininga lang siya.
“So, kailan ko makukuha ang result?” Tanong ko at umubo naman sya ng bahagya bago tuluyang sumagot.
“It will take 4-5 days before we get the results, but don’t worry I’ll call you immediately if hawak ko na ang result.” Sabi niya at napangiti naman ako dahil ilang araw lang pala.
“Okay salamat… Anyways, I need to go, just call me when the results are ready.” Paalam ko at umalis na.
Hindi ko alam pero ang lakas ng kutob kong magpa-positive ang result.
Pero ayoko pa ring umasa ng todo dahil ayokong masaktan ako.
Pero malaking parte ng puso ko ang humihiling na sana si Marina ay si Amara.
Mabilis naman akong nagpahatid sa driver ko sa kumpanya upang umattend sa daily meeting.
Alexander’s Pov.
Pagbangon ko ay tumama agad ang paningin ko sa sinag ng araw mula sa bintana.
Nakaupo ako sa kama ngayon habang nakatitig sa munting liwanag galing sa sikat ng araw.
Hindi ko alam kung bakit bigla kong naalala si Amara.
Kaya naman tinignan ko ang picture niya na nasa side table ng kamang kinauupuan ko at kinuha iyon.
Tinignan ko pa ang mukha niya at pinag-aralan ito.
“Ang ganda mo naman dito… Namimiss tuloy kita lalo, ang daya mo naman kasi.. iniwan mo yung gwapo mong asawa, umiiyak tuloy ako ngayon.” Tumatawa pa kunwaring sambit ko habang hawak ang frame na iyon na may picture niya.
Pinahid ko naman ang luha galing sa mata ko.
“Ang aga-aga umiiyak ako, kase nakakita ako ng kamukha mo at may nabubuong pag-asa sa puso ko, pero ayoko namang umasa kase natatakot ako, natatakot ako na masaktan ako!” Kwento ko pa habang umiiyak.
“Asawa ko, sabi mo hindi mo’ko iiwan? Alam mo bang nasasaktan ako ngayon kase wala ka dito sa piling ko? Ang hirap palang mabuhay kapag wala ka.. Hindi ko alam kung pa’nong nakakayanan ko pa hanggang ngayon pero sa totoo lang? Sukong-suko na ako kase wala ka na!” Sambit ko at pinunasan ang luha sa mata.
Binitawan ko naman ang picture niya at pinahid ang mga luha sa mata.
Kinuha ko naman ulit ito at binalik sa kinalalagyan at pinilit kong ngumiti.
“Pero asawa ko, kahit hindi mo tinupad yung pangako mo… Mahal pa rin kita.” Nakangiti pa kunwaring sambit ko kahit umiiyak.
Pinahid kong muli ang aking luha at dumiretso na sa banyo dahil ako’y may trabaho pa na gagawin sa kumpanya.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis agad ako.
Kinuha ko naman ang gamot ko na nasa side table parati at ibinulsa.
Tinignan ko pang muli ang larawan ni Amara at saka umalis.
Amara’s Pov.
Ngayong araw ay kasama ko si Linda na naglalako ng tinapa dahil nga utos ito ni Jong.
“Pero nakakapagtaka talaga si Kuya no? Bigla-bigla na lang may naiisip!” Patungkol nya sa biglang pag-uutos ni Jong na samahan ako magtinda.
Natawa naman ako ng bahagya sa sinabi niyang iyon.
“Sinabi mo pa! Ang sabi pa nga niya e, kung hindi raw ako magpapasama sa’yo? Hindi raw niya ako papayagan magtinda.” Kwento ko pa at natawa rin naman siya.
“Hayaan mo na lang si Kuya, ate Marina, ganun talaga yun.. bossy madalas!” Sabi pa niya.
“Oo hayaan na lang, baka maintindihan din natin siya ba’t nya ’to ginagawa.” Sagot ko at ngumiti lang naman si Linda sa akin
“Oo, baka ginagawa nya lang yon dahil mahal ka n’ya hehe.” Pang-aasar niya at saka tumawa at talagang hindi ko inaasahan ang biro na ’yon kaya pekeng tawa ang nagawa ko.
“Ikaw talaga, ang bata mo pa para mag-isip ng ganyan!” Pabirong sabi ko sa kanya at ngumiti lang naman siya habang papunta kami sa kabilang kalsada.
“Ang mabuti pa? Magsisisigaw na tayo para makabenta tayo, tignan mo oh, iilang piraso pa lang ng tinapa ang nabebenta natin!” Sambit ko at natawa lang naman siya at natawa rin ako.
“Pa’no po tayo makakabenta, e puro tayo kwento at dakdak, hindi naman tayo nagsisisigaw para sa binebenta natin.” Sagot niya at napa-halakhak naman ako.
“Tama ka diyan, e ikaw kasi.. puro ka tanong, sinasagot lang kita.” Paninisi ko kunwari at nanlaki naman ang mata niya kaya natawa ako.
“Ba’t ako sinisisi mo ngayon ate? E ikaw lang naman nagkwento d’yan tas nagtanong lang ako tas sumagot ka, ba’t parang kasalanan ko pa?” Pabirong pagrereklamo niya at natawa na naman ulit ako.
’Laptrip talaga kasama
‘to’
“Aba’y ewan ko sa’yo, andami mo talagang alam HAHAHAHA, o sya magbenta na tayo at baka mapatay tayo ng kuya mo pag hindi pa tayo agad nakauwi.” Pananakot ko kunwari at natahimik naman siya saglit.
Agad syang tumango at ngumiti.
“Tama ka ate, magbenta na tayo dahil baka magalit si Kuya pag natagalan pa tayo.” Sang-ayon niya sa akin kaya naman nginitian ko s’ya at nginitian niya rin naman ako.
Sabay kaming nagsisisigaw para sa benta naming tinapa.
Tumawid naman ulit sya sa kabilang kalsada para doon magbenta para mas mapadali.
Mabuti na lang ay dumadami na ang tao kaya maraming nagdadaan.
Mga ilang oras pa ang lumipas ay naubos ko na ang paninda kong tinapa.
Ang bilao ni Linda ay hindi masyadong nabawasan kaya tinulungan ko siya magbenta.
“Pa’no silang bibili sa’yo e palaging salubong yang kilay mo?” Pang-aasar ko kunwari.
“E nainis kase ako dun sa isa kanina, nagtanong pa kung magkano, di naman pala bibili.” Sagot niya at tumawa naman ako.
“Ganun talaga, hindi mo sila mapipilit na bilhin ang paninda mo, kaya ayos lang yan! Smile!” Sabi ko pa at nangiti naman siya.
“Ayos lang yun teh, maganda naman ako.” Mahanging tugon niya at napanganga naman ako sa kahanginan niyang iyon.
“Ang hangin, pati tinapa tinatangay!” Pang-aasar ko at napasimangot naman siya.
“Wala ka talagang support ate!” Inis kunwaring tugon niya at tinawanan ko lang siya.
“Parang biro lang, tara na magbenta na tayo!” Sabi ko at ngumiti naman siya at saka kami sabay na nagsisisigaw ulit.
Matapos naming mabenta ang lahat ng paninda ay umuwi na kami ng sabay dala ang aming kinita.
CHAPTER 8
After 5 days
Alexander’s Pov.
Ngayong araw ay may bago kaming share holder at talaga namang maganda itong balita para sa amin.
Kinausap ko lang naman siya tungkol sa nalalapit na bagong proyekto dahil wala naman siya sa meeting noon, at ang daily meeting lang ang nasipot niya ngayon dahil nga bago lang siya.
Habang nag-uusap at nagku-kwentuhan ay napag-alaman kong nobyo pala siya ng kaibigan ni Amara, si Tilla.
Nagkwento siya tungkol sa kanila at nakinig lamang ako at habang nagku-kwento siya ay naiisip ko si Amara ngunit binalewala ko iyon dahil ayokong magdrama ngayon.
Maya-maya pa ay nabanggit niya ang aksidenteng nangyari.
“Dahil sa aksidenteng iyon, hanggang ngayon hindi pa rin nakikita yung babaeng mahal ko…pero, hindi ako nawawalan ng pag-asa.” Nakangiti ngunit malungkot niyang sabi
“Okay lang yan pre, ipagdasal mo na lang na sana makita mo siya.” Malungkot na tugon ko rin dahil ramdam ko yan.
Ramdam ko ang sakit na mawalan dahil naranasan ko, yung taong pinasaya ako, yung minahal ko at minahal ako pabalik, wala na.
Matapos ang usaping iyon ay agad naman siyang nagpaalam dahil papadilim na rin.
“O siya, mauna na ako, salamat sa oras.” Pormal na pamamaalam nito.
“Walang anuman.” Sagot ko at ng makalabas na siya ay saka ko iniligpit ang iilang papeles na ipinakita ko at pinapermahan sa kanya.
Habang ginagawa iyon ay may biglaang tumawag sa cellphone ko kaya naman napakunot ang noo ko.
Agad kong inihinto ang pagliligpit para kunin ang cellphone ko sa bulsa.
Pagsagot ko ay narinig ko agad si Tito.
“Umuwi ka ng maaga, dahil may pupuntahan tayo, and tawagan mo na rin si Mr.Lim at sabihin mong kasama siya.” Sabi niya at nagpatuloy lang naman ako sa pagliligpit.
“Bakit biglaan naman po yata Tito?” Tanong ko habang nakakunot ang noo
“Basta,…Be early, umuwi ka na kung wala ka ng gagawin d’yan.” Sagot nito sa akin at ibinaba ang tawag.
Napabuntong hininga na lang ako at saka inilagay ang cellphone sa bulsa at nagpatuloy sa pagliligpit.
At kagaya nga ng utos sa akin ni Tito ay agaran akong umuwi sa bahay.
Mr. Sparks’s Pov.
Alas kwatro ng hapon ng maibigay ang resulta ng DNA sa akin.
Hindi ko alam na pwede pala maging masaya at maging malungkot.
Habang hawak ko ang resulta ay naiiyak ako sapagkat positibo ang resulta nito.
Nalulungkot ako dahil inakala kong patay na siya sa loob ng tatlong buwan kong pagluluksa.
Ngunit masaya ako kahit papaano dahil nalaman kong buhay ang anak ko.
Kaya naman ngayon ay hindi ako mapakali na sabihin kay Alexander ang magandang balita.
Inihanda ko rin ang mga tao dahil gusto ko na ring pauwiin si Amara dito sa aming bahay, sa totoo niyang tahanan.
Habang kausap ang isa sa mga tao ko ay nakita kong papalapit sa akin si Alexander
Agad naman niyang hiningi ang kamay ko upang magmano.
Pagkatapos no’n ay agad syang nagsalita.
“Pa, natawagan ko na po si Mr.Lim like what you said, pero bakit daw po? Kahit ako napapatanong Tito, bakit? At saka ba’t parang biglaan?” Tanong ni Alexander na kunot ang noo
At sa di malamang dahilan ay nagbadya ang luha sa mata ko, kaya naman imbis na sumagot ay kinuha ko ang resulta ng DNA at iniabot ito sa kanya.
Agad naman niyang tinignan iyon ng salubong ang kilay.
At ang salubong na mga kilay ay unti-unting bumalik sa normal.
“Kaya..kita pinauwi agad, dahil yan ang gusto kong sabihin.. si Marina ay anak ko, siya si Amara, hindi ko alam kung paano, pero ang DNA na mismo ang sumasagot na anak ko siya.” Pagpapaliwanag ko at tumulo naman ang aking luha kaya pinahid ko ito.
Naiiyak ako sa kadahilanang nagluksa ako ng tatlong buwan, nangulila dahil akala ko ay nawalan ako ng anak.
“Pa’nong nangyari?” Gulong sabi ni Alexander at tila nagbabadya na rin ang luha sa gilid ng kanyang mga mata.
“Kung ako sayo? Mag-ayos ka na at pupuntahan natin si Amara ngayon din.” Sagot ko na lang at iniwan siya roon dahil hindi ko rin alam kung paano siya sasagutin.
Alexander’s Pov.
Halo-halo ang nararamdaman ko habang papunta kami sa Kabilugan Road.
Napangiti ako ng bahagya sa balitang buhay ang asawa ko, ang nagsisilbing buhay ko.
Tila ba nanunumbalik ang sigla sa kaloob-looban kong matagal na nanahimik.
Ngunit sa kabilang dako ay naluluha pa rin ako sa kadahilanang inakala kong patay na siya at dahil sa loob ng tatlong buwan ay hindi ko man lang siya nakasama.
Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa pagkamatay niya.
Dahil pakiramdam ko ay sobrang inutil ko at wala akong nagawa para sa kanya
Umagos ang luha mula sa aking mata kaya naman agaran ko itong pinahid.
Nakinig na lang ako ng music sa aking cellphone habang naka-earphone.
‘Babalik kang muli’
’Mga araw at
sandali
’
’
Kahit
wala ka sa aking piling’
’
Iniibig
kita, yan ang sigaw ng puso
ko’
’Saan ka man,
naroroon
pa’
Sa likiro ng kanta ay talagang sapul ako dahil pakiramdam ko ay ako ang kumakanta ng kantang iyon.
At sa tingin ko ay tama naman ang kanta, alam kong kahit noon at umaasa akong babalik siya.
At masaya rin naman kahit papaano dahil alam kong makakasama ko na ulit yung asawa ko.
This time hinayaan ko ang nagbabadyang luha na umagos.
’This time, hindi ka na pwede mawala, hindi ko na
hahayaan
ka pang
mawala’
Sinabayan ko ang kanta kahit pa hindi ako ganoon kagaling kumanta.
Hanggang sa sumunod na kanta ay talagang ramdam kong pinapatamaan ako.
Ngunit kahit ganoon ay sinabayan ko pa rin ito, binalewala kahit naririnig ako ni Tito at nung driver.
’Pangako, hindi kita
iiwan’
’Pangako
,
’di
ko
pababayaan
’
’Pangako
, hindi ka na mag-
iisa
’
’
Pangakong
magmula
ngayon, tayong dalawa’
’ang
magkasama
’
Habang kumakanta ay napansin kong malapit na kami.
Napatingin naman ako sa labas ng sasakyan at napapansin ko kahit papaano ang bitwin sa labas nito.
Para itong mga dyamante na nagkikinangan sa itim na kalangitan.
Kaya naman napangiti ako sa mga bitwin
’Kahit hindi kayo ang dahilan kung bakit buhay pa ang asawa ko,
nagpapasalamat
pa rin ako dahil nakinig kayo sa
hiling
ko’
Habang papalapit ay kinakabahan ako sa hindi mawaring dahilan ngunit binalewala ko iyon at tumingin na lang sa daanan.
CHAPTER 9
Amara’s Pov.
Nakangiti kong sinusuklay ang aking buhok sa harapan ng salamin ngayong gabi.
Hindi ko alam kung may kasabihan bang bawal magsuklay sa gabi ngunit wala akong pakielam dahil mas gusto kong nagsusuklay
’
Pakielam
mo ba? Chars!’
Habang ginagawa ko iyon ay lumapit sa akin si Jong na nakangiti.
Niyakap niya ako mula sa aking likuran.
Sininghot naman niya ang sa bandang leeg ko habang sinusuklay ko ang aking buhok.
“Ang bango mo naman….Kumain ka na ba?” Tanong niya at agaran naman akong tumango habang nakangiti.
“Busog ka na ba?” Tanong pa ulit niya habang tinititigan ang reaksyon ko mula sa salamin.
Muli akong tumango bilang sagot sa kanyang tanong.
Ngumiti naman siya at nagpaalam.
“Sige, matulog ka na at kakain lang muna ako.” Sabi pa nito at kinindatan pa ako kaya naman inirapan ko siya.
Maya-maya pa ay may narinig akong kumakatok kaya naman napakunot ang aking noo sa pagtataka.
’Sino naman kaya ‘to?’
Inayos ko muna ang aking ekspresyon at nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang nasa pinto.
’Ano naman kayang ginagawa nila rito sa ganitong oras at
panahon
?’
Agad kong binalewala ang naisip at pinapasok sila.
“Mga sir, tuloy po kayo.” Agarang sabi ko na may pilit na ngiti.
“Upo po kayo, feel at home po mga sir.” Nakangiting sabi ko na napakamot pa sa ulo.
Mas lalo naman akong nailang ng makita kong nakatitig silang tatlo sa akin kaya naman nagsalita ulit ako.
“Sandali lang po mga sir, ikukuha ko po kayo ng tubig.” Nakangiti pang sabi ko bago tuluyang pumunta sa kusina.
Agad akong bumalik at inilapag tatlong baso at pitsel sa lamesita sa harap nila at nilagyan sila roon ng tubig.
Agad din naman nilang tinanggap isa-isa ang basong iniabot ko na nginitian pa ako at nagpasalamat.
Umupo naman ako sa isang bakanteng upuan malapit kay Mr.Lucas.
Bale ang posisyon namin ngayon ay magkakaharap sa isa’t isa.
Umubo naman muna si Mr.Sparks bago siya tuluyang nagsalita kaya umayos ako ng upo.
“Narito kami para sa importanteng bagay na dapat mong malaman.” Sabi niya na syang nagpalito sa akin.
Kunot noo naman akong tumingin rito.
“Anong importanteng bagay po iyan?” Tanong ko.
“Take a look at this.” Simpleng sabi niya at inabot sa akin ang isang nakatuping papel.
Nakatitig lang sila sa’kin habang binubuklat ko ang nakatuping papel na iyon na may kalakip na litrato.
Napakunot naman ang noo ko ng mabasa ko ang laman ng papel at makita ang picture kong kasama si Mr. Sparks
’
Dna
test? …. Positive?’
At nabasa ko ang pangalan ko at pangalan ni Mr. Sparks.
“Ano hong ibig sabihin nito?” Sabi ko na salubong ang kilay at kunot ang noo.
At hindi naman sila kumibo at nagtinginan lang silang tatlo.
Nasa ganoon kaming posisyon ng biglang lumabas si Jong mula sa kusina.
“Jong, anong ibig sabihin nito?” Salubong ang kilay na tanong ko.
Tinignan nya lang ako ng kunot ang noo at saka binasa ang inabot kong papel at tinignan ang kalakip nitong larawan.
“Ano yan? Naguguluhan ako? Ano ’to niloloko mo ’ko?” Tanong ko at unti-unting nagbadya ang luha sa mata ni Jong.
“Jong sabihin mong hindi totoo ’yan!” Dagdag ko pa.
“Marina…” Sambit nito at akmang lalapit sa akin ngunit hinawi ko ang kamay niya at tinignan lang siya ng masama.
“Sagutin mo’ko! Niloloko mo ba ako?” Sigaw kong tanong sa kaniya at nangilid naman ang luha ko.
“Oo, niloko ka niya! Ako ang ama mo at hindi mo naman siya kaano-ano!” Sabat ni Mr.Sparks at napalingon naman ako rito
Nakatingin lang din siya sa akin kaya naman binalik ko ang tingin ko kay Jong.
“Totoo ba?” Tanong ko rito habang nangingilid ang luha sa mata.
“Marina, hindi naman kasi –” Sagot niya habang naiiyak ngunit agad ko siyang pinutol.
Sa sagot niyang iyon ay biglang parang apoy na nagliyab ang galit at inis sa puso ko.
“Pinagkatiwalaan kita Jong! Sa tatlong buwan naniwala ako sayo tas niloloko mo lang pala ako? Wala kang kasing sama!” Sigaw ko sa kanya at tumulong pareho ang luha sa mata naming dalawa.
“Marina, p-patawarin mo’ko!” Sabi niya at akmang lalapit ulit ngunit tumayo ako at tinulak siya.
“Wag mo’kong lapitan! Ayoko sa sinungaling! Manloloko ka!” Sigaw ko at lumayo rito.
Akmang lalapit pa sana siya ngunit hinarangan na siya ni Mr.Lucas.
“Amara, patawarin mo’ko, mag-usap tayo!” Lumuluhang pakiusap ni Jong ngunit nakaharang si Mr. Lucas kaya hindi niya ako malapitan.
“Wala tayong dapat na pag-usapan Jong! Niloko mo na ako! Ayoko nang maniwala pa sa sasabihin mo!” Sigaw ko sa kanya at pinahid ang luha sa mata ko.
Agad namang lumapit sa akin si Mr.Lim at hinilot hilot ako sa balikat at hinayaan ko lang siyang gawin iyon.
“Ganito na lang Jong, bilang kabayaran sa ginawa mong pagkupkop kay Amara, bibigyan ka na lang namin ng pabuya o kabayaran sa ginawa mong kabutihan, ayos ba yon sa’yo?” Mahinahong tanong ni Mr.Lucas.
At nagsalubong naman ang kilay ni Jong at sinigawan si Mr.Lucas.
“Hindi ko kelangan yang kabayaran niyong yan! Ang kelangan ko si Marina!” Sigaw nito at kumuyom naman ang kamao ni Mr.Lucas.
“Yun lang ang pwede naming maibigay sayo! Pero kung si Amara ang gusto mo, hindi pwede dahil asawa ko siya at mahal ko siya, ipaglalaban ko yan ng patayan!” Sigaw ni Mr.Lucas at natahimik ang lahat.
’Amara
?
Asawa
?’
“Pasensya ka pre! Hindi kita pagbibigyan sa hiling mo.” Mahinahon ng tugon ni Mr.Lucas at tumalikod.
“Tara na!” Sagot nito ngunit agad syang hinatak ni Jong at sinapak.
Agad ko namang nasalo si Mr.Lucas.
“Hindi nyo pwedeng kunin si Marina!” Sigaw pa nito habang salubong ang kilay at agaran naman akong sumagot.
Agad namang tumayo si Mr.Lucas at hinayaan ko kang ito.
“Hindi mo rin ako pwedeng angkinin dahil hindi naman ako sayo!” Sigaw ko at tumulo naman ang luha sa mata niya habang nakatitig sakin.
“Amara, pata–” Hindi pa siya natatapos ay pinutol ko na siya.
“Kahit ilang beses ka pang humingi ng tawad ngayon, hindi kita papatawarin!” Sigaw ko at tumulo na naman ang luha sa mata ko na agaran kong pinawi.
“Tatlong buwan mo kong pinaniwala sa mga kwentong gawa gawa mo! Wala ka man lang konsensiya, sinamantala mo yung pagkawala ng alaala ko para sa sarili mo!” Pasigaw kong sabi habang lumuluha.
Inaalalayan lang naman ako ni Mr.Lim habang si Mr.Sparks ay inaalalayan si Mr.Lucas.
“Kaya hindi kita papatawarin Jong! Tandaan mo yan!” Dagdag ko habang lumuluha.
Agad namang bumaling si Mr.Sparks sa akin at nagsalita.
“Hush, stop.. tama na.” Mahinahong sabi nito at agaran naman akong inakay ni Mr. Lim papalabas ng bahay na iyon.
Paglabas ng bahay ay agad na humabol si Jong ngunit hinarang siya ng dalang bodyguards nila Mr.Lim.
“Marina! Wag mo’kong iwan!” Umiiyak na sigaw nito.
Agad naman akong inalalayan ni Mr. Lucas na sumakay ng kotse.
At hinayaan ko na lang ang bawat sigaw ni Jong na lumabas sa kabila kong tenga.
’Masyadong masakit ang
katotohanan
’
’Niloko ako nung taong
pinagkatiwalaan
ko.’
Pagpasok ko ng sasakyan ay agad itong umandar at katabi ko naman ngayon ang kapapasok lang na si Mr. Lucas.
At tumulo na naman ang luha ko ng dahil sa galit at lungkot sa kaloob-looban ko.
’Kelan
ba kasi babalik ang alaala ko?’
Napatakip na lang ako sa mata habang lumuluha dahil ayaw tumigil nito sa pagtulo.
Nagulat ako ng hagkan ako ni Mr.Lucas ngunit hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang sa pag-iyak.
Pagtapos no’n ay umayos ako ng upo at napatingin sa kanya at umayos din naman sya ng upo.
“Talaga bang ikaw ang asawa ko?” Tanong ko dahil naalala ko yung sinabi niya kanina.
At tumango lang siya at tinititigan ako na tila ba pinag-aaralan ang bawat reaksyon ng mukha ko.
Kaya naman bumaling ako kay Mr.Sparks na papa ko.
“Sir.” Tawag ko rito.
“Don’t call me sir, call me Papa.” Seryosong sagot niya at pinahiran ko lang ang natirang luha sa mata at tinignan ulit siya.
“Pa, may tanong ako.” Ilang na sabi ko.
“Anong tanong mo anak?” Tanong niya at napasandal naman ako sa kinauupuan ko.
“May kapamilya ba kayong Alex, siya lang kase yung naalala ko pero di ko talaga siya kilala.” Walang emosyong sabi ko na deretso lang ang tingin sa harap.
“Yang katabi mo, yan si Alex, asawa mo.” Sagot ni Mr.Sparks at napabaling naman ako kay Mr.Lucas.
“Ikaw pala si Alex, pasensya na…hindi ko alam.” Paghingi ko ng paumanhin at inayos pa ang pagkakasandal ko sa kinauupuan ko.
“Ayos lang basta ikaw, asawa ko. Magpahinga ka na, alam kong pagod ka.” Sabi niya at sinunod ko naman siya kaya pumikit na ako.
’Masakit
ang
katotohanang
naloko ako.’
Habang nakapikit ay naluha na naman ako ngunit binalewala ko na iyon.
CHAPTER 10
A/N: INTERRUPTION SAGLIT HAHA, NAPANSIN KO KASI NA MAY NAGBASA NA AGAD NITO WITHOUT READING THE BOOK, (S)HE USED TO BE MINE, SO GUYS BASAHIN NYO MUNA YON BEFORE ITO PARA MAS MAGETS NYO, OKI?
AND ONE THING.. THIS CHAPTER WILL BE ALEXANDER AND AMARA’S POV ONLY, NAMISS KO YUNG KASWEETAN NILA E HAHAHAHA YIEEE… XOXO. OKI CONTINUE! :>>>
(SORRY SA CAPSLOCK, DI AKO GALIT :>)
Alexander’s Pov.
Habang nasa biyahe ay nakatingin lang ako sa bintana at iniisip ang mga nangyari.
Ngunit nahinto ako ng maramdaman ko ang ulo ni Amara na nakasandal na sa braso ko.
“Nakatulog na siya?” Tanong ng Tito.
“Opo, napagod siguro.” Sagot ko at tumango lang naman siya at pumikit habang nakasandal.
Umayos naman ako ng upo at inakbayan siya para sa dibdib ko na siya.
Inayos ko rin naman siya sa paraang hindi siya magigising.
At saka ako pumikit habang nakasandal sa kinauupuan at saka ninamnam ang sandali.
Ewan ko, pero bigla akong napangiti.
’I
can’t wait to hear again the three words from you, It’s been months that I don’t hear it.’
Pagka-uwi ay agad nagpaalam si Tito na mauuna na at sinabihan niya akong bahala na ako kay Amara.
Tumango naman ako rito at nginitian niya lang ako.
Kaya naman binuhat ko na ang tulog na tulog na si Amara.
Buhat pang-kasal ang ginawa ko sa kanya.
Habang buhat ko siya ay hindi ko maiwasang mangiti dahil lahat ng detalye ng mukha niya ay ganoon pa rin ang epekto sa akin.
Ang mga mata niyang hindi naman ganoon ka-singkit ngunit maliit, at ang ilong niyang matangos at ang mapula-pula niyang labi na napakalambot.
’kelan
mo kaya ulit ako
hahalikan
?’
Napangiti naman ako sa tanong na iyon na pumasok sa isip ko ngunit binalewala ko iyon at agad na inilapag sa kama si Amara ng dahan-dahan ng makapasok na ako.
Inayos ko pa ang kanyang paanan at posisyon bago ko siya tuluyang kumutan.
Napangiti na naman ako ng makita kong gumalaw siya para tumagilid.
Agad ko namang hinubad ang suot kong sapatos at medyas.
Pagkatapos noon ay hindi ko na naisipang magpalit at deretso na lang akong nahiga sa tabi niya.
Tumitig naman muna ako at yumakap dito at saka nangiti ng may maalala.
Binalewala ko ang naisip at humalik na lang sa noo niya at saka natulog.
Nauna akong gumising sa kanya at nangiti ako ng mapansin kong nakasiksik siya sa akin.
’Parang
nabuo
na agad yung araw ko.’
Hinalikan ko siya sa noo ngunit nagkusa yata iyon na magising siya kaya naman umayos ako at ngumiti habang nakatitig sa kanya.
Ngunit hindi yata niya nagustuhan ang ginawa ko dahil sa blankong titig niya.
Kaya naman agad akong humingi ng paumanhin at napakamot sa noo.
“Sorry.” Paumanhin ko ngunit hindi pa rin siya kumikibo at nakatitig lang sa akin gamit pa rin ang blanko niyang tingin.
Amara’s Pov.
Nagising ako ng may maramdaman akong malambot na bagay na dumampi sa noo ko.
Blankong titig lang naman ang ginawa ko sa nakangiti ng si Alexander.
Ngunit ng mapansin niyang wala akong emosyong nakatitig sa kanya ay para siyang nabalisa at agad na humingi ng paumanhin ngunit di ko alam kung para saan.
Ngunit binalewal ko iyon at pinag-aralan ang bawat detalye ng mukha niya.
Ang baba niya na perpekto ang pagkakahugis, ang ilong niyang matangos na kababaliwan ng kahit sinong babae, ang mata niyang masarap titigan, ang kilay niyang makapal na kaiinggitan nino man.
Lahat ng yan ay katangian ng lalaking nasa harap ko, katangian ni Alex. Ang sinasabing asawa ko.
“Gutom ka na ba? Tara na sa baba.” Aya niya at tumayo at iniabot ang kamay niya sakin.
Tinitigan ko pa muna siya at nginitian at parang nanlaki pa ng bahagya ang mata niya ngunit binalewala ko iyon at inabot na lang ang kamay niya.
Tinulungan niya naman ako na makabangon at magkahawak-kamay kaming naglakad palabas ng kwartong iyon.
Hindi ko alam kung bakit kahit katiting na hiya at ilang ay hindi ko na maramdaman ngayon.
Tila ba sanay na sanay at araw-araw na naming ginagawa iyon.
Ngunit binalewala ko na lang ang pakiramdam na iyon at iginala ang paningin ko upang pag-aralan ang bawat detalye ng bahay na ito.
Sa unang tingin ay masasabi mo ng mayaman ang nakatira rito, sa disenyo pa lang ng bahay na ito na pinaghalong klasikal at moderno.
May mga antiques pa at statues na alam mong hindi biro ang presyo dahil sa ganda at bonggang detalye nito.
Kung dadako ka naman sa sahig ay para bang sahig ito ng isang palasyo, kahoy ito ngunit sobrang makintab at tila ba wala ni katiting na alikabok.
Pagbaba namin ng hagdan ay napanganga at nanlaki ang mata ko sa laki ng lugar sa ibaba.
“Close your mouth,wag ka ng masorpresa dahil sa inyo naman ’tong bahay na ’to.” Simpleng sabi niya na tila natatawa pa sa ginawa kong pag-nganga.
“Eh, sa namamangha talaga ako. Parang sa pelikula ko lang kasi nakikita yung ganitong mga bahay e!” Sagot ko at ngumuso at kinurot niya naman ako sa pisngi.
“Gutom lang yan, tara na.” Sabi pa niya at nginitian lang ako kaya nagpatianod na lang ako sa kanya habang naglilibot ng tingin kung saan saan.
Habang nasa hapag at nagsisimula ng kumain ay naninibago pa ako sa pagkaing iniharap sa akin dahil tila ba bago ito sa aking paningin kahit sinabi sa akin ni Alexander na paborito ko raw itong ulam.
Pagkatapos naming kumain ay dinala ko ang plato ko sa may lababo at tinitigan lang ako ni Alexander kaya naman binalewala ko siya.
Agad akong hinarang ng yaya ng makita niyang dala ko ang plato.
“Ma’am, ako na lang po.” Nakangiting sabi nito ngunit tumanggi ako.
“Nako hindi na ho, ang lapit na lang po, ako na lang.” Sabi ko at sasagot pa sana siya kaso sumabat na agad si Alexander.
“Yaya, let her.” Sabat nito at napatingin naman ako rito ng kunot ang noo.
Ngumiti lang siya kaya naman dinala ko ito sa hugasan at agad na hinugasan.
Sumunod naman si Alexander dala ang kaniyang plato kaya naman agad ko itong kinuha at hinugasan.
“You’re completely a different person…. parang hindi na kita kilala, pero mahal pa rin kita” Sabi niya habang nakatitig sa malayo at nakasandal sa sobrang espasyo nitong lababo.
“Kahit ako hindi ko rin kilala kung sino talaga ako, kaya nga gusto ko ng maka-alala e.” Sabi ko habang binabanlawan ang mga platong nasabunan ko na.
Agad ko naman itong pinatulo at nilagay sa dishdrainer.
“Nauuhaw ako.” Sabi ko pagtapos ko maghugas at napatingin lang naman siya sa akin at saka niya itinuro ang ref.
“Sa ref may malamig na tubig.” Sabi niya at nginitian ko naman siya.
Agad akong lumapit sa Ref at binuksan ito ngunit ayaw.
“Ba’t ayaw mabuksan?” Tanong ko pa sa sarili.
Nanlaki ng bahagya ang mata ko ng nasa likuran ko na siya at pinulupot pa ang kamay niya sa bewang ko at saka may pinindot na button.
“Sorry asawa ko, nakalimutan ko may password pala bago buksan..btw, ang password niyan is 654321.” Sabi pa niya at nginitian ako.
Napanganga pa ako ng makita ko ang laman ng ref ngunit agad ko namang itinikom ang bibig ko at kumuha ng malamig na tubig.
Pagkatapos no’n ay isinara ko na, napatingin pa ako sa tumunog matapos kong isara ang ref.
at habang umiinom ay nakatingin lang ako kay Alexander na nakangiti rin sa akin.
Hindi ko naman batid kung anong ibig sabihin ng titig n’yang iyon kaya inalok ko siya ng tubig na iniinom ko.
“Gusto mo?” Taas kilay na tanong ko pa na iniamba ang bote ng tubig.
Nginitian niya naman ako bago kunin iyon, saka niya ininom ang tubig.
Hindi ko alam kung bakit, pero pati sa pag-inom ng tubig, masasabi kong gwapo siya.
Napansin ko pa yung kurba niyang mga pilikmata at parang nainggit naman ako.
’Ba’t yung
pilikmata
ko hindi ganyan?
Ang
unfair!’
Ibinalik naman niya ang bote sa akin at tumingin siya sa kanyang orasan.
“Let’s go, pupunta tayo ng kumpanya.” Sabi niya at nanlaki naman ang mata ko.
“Kumpanya?” Gulat na tanong ko pa habang hawak ang bote ng tubig.
“Oo, kumpanya niyo, tara na.” Sagot pa niya sa akin at inabot ang kamay niya ngunit hindi ko tinanggap iyon.
“Eh, ba’t isasama mo pa ako? Hindi ba pwedeng dun na lang ako sa kwarto mag-isa?” Tanong ko pa kunwari dahil nag-aalala ako sa isusuot ko, wala ako ni isang damit na dala.
’Kumpanya? Gano’n ba talaga kami
kayaman
?
Ba’t
para namang
nananaginip
ako?’
Napakamot naman siya sa ulo bago sumagot.
“Kase kung iiwan kita rito sa bahay, hindi rin ako mapapakali kakaisip sa’yo kaya isasama kita.” Simpleng sagot niya at tinignan pa ako sa mata.
“Pero, kasi…” Alinlangang sagot ko dahil iniisip ko talaga na maraming tao dun, kinakabahan na ako.
Napakagat labi pa ako sa isiping iyon.
“Bakit ba kase? Ano bang iniisip mo?” Tanong niya na medyo kunot ang noo.
“Ano…kasi…diba wala akong damit?” Sagot ko at tinuro ko pa ang damit ko na suot ko kagabi.
“Damit lang ba kamo? Marami kang gano’n sa itaas.” Sagot niya at inabot muling ang kamay niya ngunit binalewala ko iyon.
“Weh?” Paninigurado ko pa.
“Oo, kumpleto lahat sa taas kaya tara na!” Seryosong sabi niya at kinuha ang kamay ko upang kaladkarin ako.
Agad naman akong sumunod sa paglalakad niya ngunit medyo kinakabahan pa rin ako.
’Hindi
ko alam pero kinakabahan ako, isipin ko pa lang na kumpanya ang
pupuntahan
ko.’
Agad na nilandas ng kamay niya ang palad ko at humawak roon, ginaya ko naman siya at nagulat ako ng tumingin siya sa akin at ngumiti.
Hindi ko alam pero parang napangiti ako ng makita ko ang ngiting iyon.
Pagdating sa kwarto ay bumitaw sya sa pagkakahawak sa akin at agad na lumapit sa isang cabinet at pinakita ang maraming damit na nakahanger at halatang mamahalin dahil sa kinang.
“Wow!” Sambit ko habang naka-O ang bunganga
“Mamili ka kung anong gusto mo, lahat naman yan ay sa’yo.” Nakangiting sambit niya at napataas naman ang kilay ko sa kanya at napansin kong seryoso siya kaya napasad face ako.
“Hindi talaga ako makapaniwala na may mga pag-aari akong ganito, parang hindi makatotohanan.” Malungkot na sabi ko at agad syang lumapit para yakapin ako kaya naman nagulat pa ako ng bahagya.
“Wag ka na kasing mag-isip ng kung ano-ano, tutulungan naman kitang maka-alala e.” Sabi niya pa at hinarap ako sa kanya at hinalikan ako sa noo.
“Wag ka ng mag-isip ng kung ano-ano, maligo ka na at pupunta na tayo ng kumpanya.” Sabi nito kaya tumango at nginitian ko ito bilang sagot at saka ko ginawa ang ini-utos niya.
Maya-maya pa ay pareho na kaming bihis.
Naka-pink na damit ako, hindi ko alam kung anong eksaktong tawag dito pero maganda naman. At pinaresan ito ng puting rubber shoes.
Hindi ako sanay sa suot ko ngayon dahil pakiramdam ko ay ito ang unang beses na isuot iyon sa talang buhay ko.
Inalalayan pa ako na maka-sakay ni Alexander sa kanyang Lambordini or Lamborghini basta iyon.
Pagkasakay naming dalawa ay agad siyang nagsalita.
“Magseatbelt ka.” Sabi niya at taka naman akong napaisip kung ano iyon.
Kaya nahihiyang napatingin ako sa kanya.
“Sorry, di ko naalala.” Biglang paumanhin niya at saka ikinabit sakin ang parang sinturon na may lock sa bandang upuan.
“Pasensya ka na, di ko alam.” Nahihiyang dispensa ko at yumuko para tignan ang mga daliri ko.
“No asawa ko, kasalanan ko..sorry!” Sabi pa niya at kinuha ang kaliwang kamay ko at isinuksok niya ang kamay nya roon.
Agad namang pumasok sa isip ko na nagmamaneho siya kaya binitawan ko ang kamay niya at nagsalita.
“Magdrive ka na lang d’yan, baka maaksidente tayo.” Sabi ko na tinignan pa siya sa mata at nginitian niya lang ako.
“Okay…sorry, Iloveyou.” Sabi niya pa at nginitian ako saka siya nagpatuloy sa pagmamaneho.
Pagkarating sa nasabing kumpanya ay namangha ako sa tayog nito at sa laki.
Para na naman akong tangang naka-nganga dahil sa pagkamangha.
“Close your mouth…let’s go.” Sabi ni Alex kaya naman nagpatianod ako sa kanya at ngumiti na lang.
Pagpasok pa lang namin ng building ay lahat ng mata ay nakatutok na sa amin.
Nabalot naman ako ng hiya kaya napayuko ako.
Kabilaang pagbati ang naririnig ko ngunit alam kong hindi ako ang binabati nila.
Nakikita ko pa ang mga mata ng empleyadong na nakatitig sa amin, at naririnig ko ang mga bulung-bulungan na kahit alam hindi ko masyadong naririnig ay alam kong patungkol sa akin.
Kaya naman nakayuko lang akong nagpatianod ngunit huminto si Alexander at humarap sa akin.
Hinawakan niya ako sa baba at iniangat ng bahagya ang nakayuko kong mukha kaya naman nagpantay ang mga tingin namin.
Nakita ko ang mukha niyang nakangiti at inayos ang takas na buhok ko at inilagay ito sa aking tenga.
“Wag kang mahiya, chin up.. lahat ng tao rito masaya at nakabalik ka na, wag kang mag-isip ng kung ano-anong masama, okay?” Sabi niya na siyang nagpakalma sa’kin.
Hindi ko alam kung paano niyang nahuhulaan ang naiisip ko pero batid siguro niya iyon sa bawat paggalaw ko.
Nagpatuloy naman kami sa paglalakad na magkahawak pa rin ang kamay at sumunod lang ako sa kanya hanggang sa mag-elevator na kami.
Pagkarating sa opisina ni Mr.Sparks na papa ko raw ay napanganga ulit ako.
Hindi ko alam kung ilang nganga na ba dulot ng pagkamangha ang nagawa ko ngunit talagang nagandahan ako sa interior designs at kulay.
Ngunit napadako ang tingin ko sa isang simpleng pader.
Pader ito ngunit may larawan na kapareho ko ng mukha.
Nakunot naman ang noo ko habang nakatitig sa malaking larawan iyon.
‘Ako ba talaga yan o ibang tao?’
Narinig ko naman ang yapak ni Alex palapit sa akin.
Nilandas ng kanyang kamay ang aking bewang ngunit binalewala ko iyon kahit pa medyo naiilang ako dahil alam kong wala kami sa bahay.
’Dapat kang masanay Marina!
Tandaan
mo asawa mo siya.’
“Ang ganda mo diyan.” Puri niya at napatingin naman ako sa kanya ng nakataas ang kilay.
“Ako ba talaga yan? Ba’t parang mas maganda naman yan kesa sa’kin?” Kunot noong tanong ko pa at kumamot ng bahagya sa peklat ko sa ulo.
“Oo ikaw iyan, saka maganda ka kaya kahit saang anggulo.” Nakangiting sabi pa niya at hinalikan na naman ako sa noo kaya inirapan ko siya.
Tinalikuran ko siya at naglibot ako ng tingin habang inaayos ang buhok ko.
CHAPTER 11
Amara’s Pov.
Medyo napagod ako kakalibot kaya naman nakaupo ako ngayon sa isang mahabang sofa at katabi ko si Alex na busy sa pagbabasa ng kung ano sa folder na binuklat niya kanina.
Alam kong marami siyang tinatrabaho kaya naman sumandal na lang ako at inikot-ikot ang kamay ko sa peklat sa ulo ko.
Napapikit ako ng gawin ko ang pag-ikot ikog ng kamay ko roon, para akong narerelax.
Pagdilat ko ay akala kong nakatitig sa’kin si Alexander ngunit mali ako, nakatitig siya sa ulunan ko.
“Ang laki pala ng peklat mo sa ulo?” Patanong niyang sabi kaya naman ngumiti ako at tumango sa kanya at saka ako nagpatuloy sa ginagawa.
Hindi naman na siya nagtanong, tumayo siya at lumapit sa telepono sa isang lamesa at binalewala ko naman siya at nagpatuloy sa ginagawang paghilot-hilot sa peklat sa ulo.
Ilang oras na ang nakalipas at nililibang ko ang sarili ko sa pagbabasa ng isang librong nakita ko sa bookshelve sa loob ng opisinang ito.
Si Alexander ay abala naman sa pagpirma ng mga folder na nakatambak sa lamesa niya.
Humikab pa ako habang binabasa ang librong ito at tila nawala ang antok ko ng may kumatok sa pintuan.
Nagkatinginan pa kami ni Alex at narealize kong malayo siya sa pinto kaya tumayo na ako at nagsalita.
“Ako ng magbubukas.” Sambit ko at ngumiti lang siya at nagpatuloy sa ginagawa.
Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang babaeng nakapang-opisinang damit na may dalang plastic na pagkain yata ang laman.
Iniabot niya ito sa’ki at nagsalita.
“Order po yan ni Alexander.” Sabi niya at ngumiti saka nagpaalam.
Nginitian ko na lang din siya bago tuluyang isara ang pinto.
Agad naman akong naglakad palapit kay Alexander at inilapag sa harap niyaang inabot sa’king plastic.
“Order mo raw ’yan.” Sabi ko at akmang babalik na ng magsalita.
“It’s yours.” Sabi niya at napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
“Pa’nong sakin? E ang sabi sayo nga raw.” Sarkastiko kong sabi at sumagot naman agad siya.
“Inorder ko ’yan para sayo.” Sabi niya at natahimik ako.
’Para
sa’kin?
Edi
sana sinabi nung babae na order of Alexander for
Amara.’
Binalewala ko ang naisip at napatingin kay Alexander ng muli itong magsalita.
“Kumain ka na.” Sabi niya ngunit hindi naman ako kumibo.
Hindi ko alam kung manhid ba siya o ano.
’Ang
awkward kumain ng
pagkaing
hindi naman sa’yo tas yung
mismong
umorder
hindi kumakain.’
“Ayoko, busog pa ako.” Pagsisinungaling ko at akmang hahakbang na palayo ng mabilis syang tumayo at hinawakan ako sa pulso.
“Kain.” Maawtoridad niyang sabi at napayuko naman ako at nagpatianod ng dalhin nya ako sa kinauupuan kong sofa kanina.
Binalikan niya naman ang plastic na inilapag ko sa harap niya kanina at kinuha iyon
Inayos at inilatag niya harap ko ang pagkain ngunit wala akong balak galawin iyon.
’Nahihiya talaga
ako’
“Kain na.” Sabi niya habang nakangiti ngunit tinignan ko lang siya.
“Hindi ako kakain kung hindi ka kakain.” Sabi ko at naglabasan naman ang mapuputi niyang ngipin.
“Okay, sabay tayong kakain.” Sagot niya at nginitian ko na lang siya.
Inabot naman niya sa akin ang isang styro na may pagkain at nagsimula na kaming kumain.
Ngunit habang kumakain ay napansin kong hindi niya halos magalaw ang kinakain niya dahil may binabasa pa rin siya.
Kaya naman kinalabit ko siya at inginuso ang pagkain niya.
“Hindi ako makakain, busy ako sa pagbabasa netong papeles na’to.” Sabi pa niya.
“Mamaya na kasi yan, makakapag-hintay naman siguro yan.” Inis na sagot ko ngunit sumimangot lang siya.
“Makakapaghintay din naman yang pagkain d’yan…mamaya na ako kakain.” Sabi pa niya habang nakanguso kaya naman padabog kong kinuha ang styro niya na nilapag sa mesa at kinuha ang kutsara nito at sinubuan siya.
“Kumain ka na kasi, lalamig na yung pagkain mo o.” Sabi ko pa at napakamot pa ng ulo sa inis.
’Ba’t ba
nuknukan
ng
tigas
ng ulo tong Alex na ‘to.’
Bumuntong hininga muna siya bago tuluyang sumagot.
“Kung kakain ako, hindi ko magagawa ’to, mamaya na lang yan.” Kalmadong aniya at nagpatuloy sa pagbabasa.
“Pero lalamig yung pagkain.” Salubong ang kilay na tugon ko at tinignan naman niya ako ng masama.
“Alam mo ang kulit mo, kung kakain ako hindi ko ’to magagawa at kung gagawin ko naman to nagagalit ka kase lalamig yung pagkain, aba subuan mo na lang ako para hindi tayo mag-away.” Salubong ang kilay na sagot niya at natahimik naman ako.
“Oh diba? Basta pagtapos neto kakain ako.” Sabi pa niya at nagpatuloy sa pagbabasa nung nasa folder at natahimik lang naman ako.
‘Ganito pala pag may kelangan kang gawin sa kumpanya at kelangan mong tapusin.’
Napatingin naman ako kay Alex na abala pa rin sa pagbabasa at hindi ko alam pero bigla akong naawa.
Agad ko namang kinuha ang styro at kutsara niya at inambaan siya ng kutsarang may pagkain.
“Ahhh” usal ko at napatingin naman siya sa akin ng nagtataka ngunit nang hindi magbago ang ekspresyon ng muka ko ay ngumanga na lang siya.
Habang nginunguya nya ang pagkain ay napansin kong bahagya syang nangingiti.
Hindi ko alam pero nangiti rin ako habang kumukuha ulit ng isusubo sa kanya.
’sana
sa kahit ganitong paraan,
matugunan
ko yung
pagkukulang
ko bilang asawa.’
Hindi ko man alam kung asawa ko talaga siya ay batid ko namang hindi sila nagsisinungaling sa akin.
Dahil kaninang umaga pa lang ay marami na akong nakitang larawan namin sa kwarto.
Binalewala ko namang ang aking mga naiisip at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa kong pagpapakain kay Alex.
Nang matapos ko siyang pakainin ay iniligpit ko ang kinainan at itinapon ito sa isang trash can sa loob nitong opisina.
Matapos no’n ay nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ng libro.
Mabilis na lumipas ang oras at alas kwatro na ng hapon ngayon at tapos na rin si Alex sa trabaho niya kaya uuwi na raw kami.
Ngayon ay nasa kotse na niya kami at pauwi na.
Habang nagmamaneho ay bigla niya akong tinanong.
“Are you alright?” Tanong niya sa akin at nginitian ko naman siya bilang tugon.
“If you’re tired, Just rest.” Sabi niya pa at tumango lang ako’t tumingin sa aming dinadaanan.
Isinandal ko ang ulo ko sa salamin ng bintana at saka pumikit.
CHAPTER 12
Alexander’s Pov.
Sa gitna ng biyahe namin pauwi ay napansin kong nakatulog ang aking asawa.
Napasulyap pa ako rito at nangiti ng makita ang maamo nitong mukha.
Bigla ko namang naalala ang peklat niya sa ulo kaya naman agad kong iniliko ang manubela at bumalik para bumili sa isang kilalang drugstore.
Pagkaparada ko ng sasakyan ay ni-lock ko ito at tumakbo na papasok sa loob ng drugstore.
Agad akong pumunta sa area kung saan nakalagay ang mga shampoo at conditioner at hinanap ang produktong alam kong pwedeng maging gamot sa peklat niya sa ulo.
Pagkabili ko nito ay mabilis akong bumalik para makauwi kami.
Nangiti pa ako ng mapansin kong hindi man lang nabago yung posisyon niya mula kanina hanggang ngayon.
Umiling na lang ako at saka nagmaneho pauwi.
Pagkaparada ko ng sasakyan ay agad akong bumaba upang buhatin ang humihilik ng si Amara.
Agad ko naman itong dinala sa kwarto upang maihiga ng maayos.
Pagkarating doon ay hinubad ko na lang ang kanyang sapatos at saka ko siya kinumutanat saka ko binuksan ang aircon at ceiling fan.
Napatingin pa ako rito ng gumalaw ito sa pag-aakalang nagising ito ngunit hindi.
Napangiti naman ako ng bahagya at saka umiling bago tuluyan muling bumaba.
Habang pababa ay nakasalubong ko si Tito na mukhang tapos ng kumain kaya naman nagmano ako rito dahil hindi ko naman siya nakasalubong kanina.
“Tapos na po kayo kumain?” Tanong ko rito at tumango lang ito.
“Ikaw kumain ka na.” Utos nito at ngumiti lang ako.
“Opo.” Sagot ko at akma na sana kaming hahakbang palayo ng magsalita siya kaya napahinto ako.
“Siya nga pala, nakahanap na ako ng magaling na Neurologist na nakabase sa America, by this week siguro lilipad na kami patungong America.” Sambit niya at napakamot lang naman ako sa ulo.
“Kayo ni Amara po, kasama po ba ako?” Tanong ko at tumikhim naman muna siya at saka umiling.
“I want you to take care of the company while we’re on the America. You know that I really trust you that much in handling the business at sayo ko lang ito maipag-kakatiwala.” Sabi niya pa at napabuntong hininga na lang ako.
“I understand Tito, don’t worry I’ll do my best.” Sagot ko at ngumiti na lang ito saka lumakad palayo.
Bagsak ang balikat na naglakad ako papuntang kusina para kumain.
Kahit gusto kong samahan ang asawa ko sa America ay wala akong magagawa dahil ako ang inaasahan ni Tito sa Business.
Napansin kong gitil masyado akong kumain kaya naman bumuntong hininga muna ako saka kalmado nang nagpatuloy sa pagkain
–
Pagpasok ko sa kwarto ay nakita ko ang nakatagilid at humihilik na si Amara.
Hindi ko alam pero kahit natutulog o gising siya ay maganda pa rin siya.
Nang makita ko ang kanyang makintab at itim na buhok ay naalala ko ang cream at ointment na binili ko para sa kanyang peklat at panot sa ulo.
Nang makuha ko ito ay agad akong tumabi sa kanya upang lagyan ng cream ang mga peklat niya.
At saka ko naman kinuha ang para sa buhok para i-massage ito sa parte ng kanyang ulo na may peklat at walang buhok.
Nangiti pa ako ng gumalaw siya at yumakap sa’kin.
Kaya naman isinara ko ang mga botelya ng cream at ointment at inilagay ko sa ilalim ng unan ko, saka ako nakangiti ring yumakap pabalik at natulog.
Amara’s Pov.
Pagmulat ko ng mata ay nakita ko ang mukha ni Alex na mahimbing na natutulog sa tabi ko habang nakayakap sa akin.
‘Gwapo pa rin hehe’
Napangiti naman ako sa naisip kaya naman umiling ako. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niyang nakayakap sa akin saka ako bumangon.
Madilim pa ang kalangitan sa labas kaya naman agad akong tumingin sa malaking wall clock na narito sa kwarto.
Alas singko pa lang ng umaga at nagtaka naman ako dahil parang sobrang aga kong nagising ngunit binalewala ko ang naisip at saka dahan-dahang lumabas ng kwarto upang hindi magising si Alex.
Hindi ko pa masyadong kabisado ang bahay ngunit alam ko naman ang daan papuntang kusina.
Pagkaratin ko roon ay syempre natuwa ako sa ref dahil sa pinipindot-pindot na password daw.
Pagkabukas niyon ay abot-tainga ang aking ngiti at napapalakpak pa ako ng mahina dahil talagang alam ko na kung paano buksan ang ref kahit kahapon ko lang ito nalaman.
Kumuha lang naman ako ng tubig na malamig at saka isinara ang ref.
Bigla namang pumasok sa isip ko ang paborito ko sa umaga.
‘Kape’
Kaya naman napatingin ako sa cabinet na makikita ang nasa loob dahil sa glass ang pintuan nito.
Nagbasa-basa pa ako sa mga nakasulat sa papel dahil dun yata nakalista ang laman ng cabinet.
Ngunit hindi pa man ako natatapos ay narinig ko na ang yapak at boses ni Alex.
“Amara?” Sabi nito habang humahakbang kaya naman napasandal ako at agad binuksan ang bote ng tubig at nagpanggap na umiinom rito.
Naabutan niya akong nakasandal at umiinom kunwari dito sa lababo.
“Oh, anong ginagawa mo dito, ang aga pa.” Sabi niya na kinusot pa ang mata niya.
Tinignan niya naman ako matapos niyang gawin iyon at nakatingin lang din ako sa kanya habang nagkukunwaring umiinom sa tubig.
“Gutom ka na ba? Ano bang gusto mo?” Tanong niya kaya naman ibinaba ko na ang bote at isinara ito.
“Hindi naman ako gutom.” Sagot ko at kumunot naman ang noo niya.
“Eh, bakit ka nandito?” Tanong niya at napayuko naman ako.
“Eh kasi ano…” Nakayukong sagot ko.
Inangat ko naman muna ang ulo ko bago tuluyang sumagot.
“Gusto ko kasi ng kape.” Sagot ko at saka tumingin sa ibang direksyon.
“Kape? E wala ka pa ngang kain, at saka hindi pwede sayo ang kape, gatas ang bagay sayo!” Sabi pa niya at napanguso naman ako.
“Eh, gusto ko ng kape e, hilig ko yun sa umaga.” Sagot ko sa kanya ngunit hindi man lang nadala.
“Hindi pwede, gatas lang.. at saka maghintay ka sandali, ipagluluto kita dahil mamaya pa magigising ang maid, masyado pang maaga.” Sabi nito at umalis naman ako sa sink para makapagluto siya.
Umupo naman ako sa dining chair at doon sinuklay-suklay ang buhok ko habang naghihintay at nakasimangot.
Maya-maya lang ay dala na niya ang kanyang niluto at inilapag ito sa harap ko.
Napakamot naman siya sa ulo.
“Oo nga pala, sandali…titimplahan kita ng gatas.” Sabi niya at sumagot naman ako.
“Wag na lang, ayoko ng gatas e.” Sagot ko at binigyan siya ng pilit na ngiti.
“Pero wala kang panulak?” Sabi niya sa madiin na boses.
“Ayos lang, magtutubig na lang ako kase sabi mo bawal ako magkape e.” Sagot ko at nginitian siya at sinimulang kainin ang niluto niya.
“Titimplahan na talaga kita ng gatas.” Sabi niya pa at akma ng aalis kaya naman hinawakan po siya sa pulso.
“Wag na nga lang, ayoko ng gatas.” Sabi ko sa malungkot na boses at saka siya binitawan at umayos ng pagkaka-upo.
Naupo naman siya sa isang bakanteng upuan at saka tumitig sa akin.
“Ba’t ba ayaw mo ng gatas?” Tanong niya at binigyan siya ng pilit na ngiti.
“Hindi ako sanay sa gatas e, basta nasanay na ako sa kape sa umaga kaso sabi mo naman bawal, kaya ayos lang.” Sagot ko at binigyan ng pilit na ngiti.
’Hindi
ko alam pero kapag walang kape sa umaga, nalulungkot ako.’
Nagpatuloy naman na ako sa pagkain at nagulat ako ng magsalita siya.
“Sige na nga, titimplahan kita ng kape.” Usal niya ng may kaunting inis ngunit napangiti naman ako sa narinig ko at napatitig pa sa mata niya.
“Talaga?” Sambit ko pa at napasimangot naman siya at tumayo.
“Para namang kaya kitang tiisin, pag alam kong nalulungkot o nagagalit ka, bumibigay na ako. Hays!” Sagot pa nito at natawa naman ako sa pagka-pikon at pagkatalo sa boses niya.
Dumiretso naman siya sa isang cabinet upang kunin doon ang kape.
Binalewala ko na lang siya sa ginagawa niya at nagpatuloy na lang ako sa kinakain.
Isusubo ko pa lang sana ulit ang pagkain na nasa kutsara ng ilapag ni Alexander ang kape sa harapan ko na salubong ang kilay kaya naman nginitian ko siya ng pagkalaki-laki.
“Salamat.” Sabi ko at saka inilapag ang kutsarang hawak ko para sumimsim dito.
“Kahit gaano ka-ayokong painumin ka ng kape, wala..talo ako sayo.” Sagot pa nito saka sumimangot at tumingin sa kawalan.
“Salamat nga e.” Sabi ko pa at tumingin naman siya sa akin ng nakataas ang kilay.
“Yun lang?” Tanong niya kaya napanguso ako sa pagtataka.
“Eh, ano ba dapat?” Tanong ko at seryoso naman siyang sumagot at hindi kumukurap.
“Three words.” Sambit niya at napa-isip naman ako.
“I’m very thankful?” Sagot ko na walang kasiguraduhan at sumimangot lang siya at sumagot.
“Nah.” Usal niya.
“I am thankful?” Sagot ko pa at sumimangot naman ulif siya at sumagot.
“Nah.” Sagot niya at napakamot naman ako sa noo sa pagtataka.
“Eh, ano ba?” Tanong ko.
Humikab naman muna siya bago naka-sagot.
“Salamat.. Iloveyou, ganun dapat!” Sagot niya.
“Eh?” Nasabi ko na lang dahil sa sagot niya.
“Oh bakit? Asawa mo naman ako ah.” Sagot nito at bumalik sa normal ang ekspresyon ko.
“Sabihin mo ngayon.” Dagdag pa nito at binigyan ko siya ng awkward na ngiti at saka sumagot.
“Pasensya ka na pero hindi ko kasi maalala kung mahal ba kita o hindi e.” Pagtatapat ko at para siyang natauhan at biglang lumungkot.
’Mali
yata yung nasabi ko.’
“Ayy…Oo nga pala, sorry asawa ko.” Malungkot na usal niya at saka ngumiti ng bahagya.
“Tapos ka na ba? Kukunin ko na ’to a.” Sabi niya ngunit hindi pa ako nakakasagot ay kinuha na niya ang plato ko at pumunta sa sink.
“Alex?” Tawag ko rito at lumingon naman ito sa akin at parang may kirot sa puso ko ng makita ko ang lungkot sa mata niya.
“Oh?” Usal niya.
“Sorry.” Malungkot na sabi ko at ngumiti lang siya ng bahagya at sumagot.
“Ayos lang yun asawa ko.” Sabi niya at saka tumalikod at hinugasan ang platong kinainan ko.
At ako naman ay hindi mapakali sa nasabi ko.
CHAPTER 13
Amara’s Pov.
Alas syete na ng umaga ngayon at nakabihis na siya at handa na para sa trabaho pero hindi niya pa rin ako masyadong pinapansin.
Nagdulot naman ng kirot sa aking puso ang isiping iyon kaya naman napapikit na lang ako.
At narinig ko namang tinawag niya ako kaya dumilat ako.
“Amara.” Pagtawag nito.
“Oh?” Sagot ko at tinignan siya.
“Eto yung cellphone mo, yung password niyan kapareho lang din ng sa ref.” Sabi niya at ngumiti.
“Paano ba ’to gamitin?” Tanong ko habang naiignorante at naninibago sa bagong gamit na nakita ko.
“Tuturuan kita mamaya pagbalik ko.” Sabi niya at napatingin naman ako ng nagtataka rito.
“Bakit? Aalis ka na ba?” Tanong ko at napatango naman siya at kunot noong tumingin naman ako rito.
“Di mo ko isasama?” Tanong ko.
“Gusto mo ba sumama?” Nakangiti niyang tanong.
“Hmmm, Oo sige, sama ako.” Nakangiti na ring sagot ko.
“Okay sige, kumilos ka na.. hintayin kita.” Sabi naman niya at tumango ako at saka tumakbo sa Cr.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay ipinakita niya sa akin ang collection ko raw ng sapatos at napanganga ako sa ganda nito.
Yung iba ay kumikinang pa at halatang bagong-bago at parang nakakatakot hawakan dahil baka magasgasan.
“Anong gusto mo isuot diyan?” Tanong niya at napakamot naman ako sa ulo.
“Parang mas gusto ko pa yung suot ko kahapon, nakakatakot isuot yan, ang haba ng heels tas ang nipis, mas okay pa ko sa sapatos ko kahapon.” Sabi ko at nakangiti.
“Okay, pwede rin.” Sabi niya at kinuha ang sapatos ko kahapon na nasa ibabang bahagi at isinuot ito sa akin.
“Ako na lang.” Sabi ko ngunit hindi siya nakinig kaya naman hinayaan ko na lang siya.
“Ayan ayos na.” Sabi niya at ngumiti.
Matapos non ay tumayo na siya mula sa pagkakaluhod at lumapit sa lamesang may salamin.
At kinuha ang isang clip doon at nagulat ako ng lumapit siya sa akin at isuot ito sa akin.
“Ayan, para hindi nakaharang sa mukha mo yung buhok mo.” Sabi niya at nginitian ako.
“Tara na?” Dagdag pa niya na inabot sa akin ang kamay.
Tumango naman muna ako at ngumiti sabay abot sa kamay niya.
At saka kami magkahawak kamay na bumaba.
Napansin ko rin ang hawak niyang bag kaya naman nagtanong ako.
“Para kanino yang bag?” Tanong ko dulot ng pagtataka.
“Ah eto? Para sayo ’to, andito yung panyo saka phone mo, may powder din dito.” Sabi niya at nginitian ko naman siya.
“Hindi pa rin ako sanay talaga sa mga gamit na yan pero salamat, salamat dahil iniintindi mo’ko at inaalala parati.” Nakangiti kong pasasalamat habang naglalakad kami.
“Syempre asawa mo ako e, responsibilidad ko yun at saka kase mahal kita kaya lahat yun ginagawa ko para sayo.” Nakangiti niyang sagot at napangiti naman ako ng abot tainga.
“Ramdam na ramdam kong ang swerte ko sa’yo. Kahit hindi ko pa naaalala lahat, alam kong maswerte ako sa’yo!” Sabi ko habang nakangiti at natawa naman siya.
“Maswerte din ako sayo kung alam mo lang, tara na nga asawa ko, bilisan natin.” Sabi na lang nito at natawa rin ako at tumango.
Ngayon ay narito na kami sa kumpanya at hawak ko na rin ang purse na sinabi niyang akin daw.
Siya naman ay nagsisimula na ulit magbuklat-buklat ng mga folder.
Binuksan ko naman ang purse ko at nagulat ako ng may makita akong malaking halaga ng pera.
Agad naman akong tumayo at inilapag ang pera sa lamesa niya.
“Oh, nakalimutan mo yata yan dito sa purse.” Sambit ko at napakamot naman siya sa ulo niya.
“Sayo yan, ilagay mo yan sa purse mo, nilagay ko yan diyan dahil walang lamang pera ang purse mo.” Sambit niya at nakunot naman ang noo ko.
“Alam ko namang malas ang walang pera sa wallet o kung ano-ano pero ang laki namang halaga nito e, pwede namang piso na lang o singko ganun.” Sabi ko at ngumuso.
“Hindi ’yon ang ibig kong sabihin… Ahh basta ilagay mo na lang yan dyan sa purse mo, para sayo yan.” Sagot niya at ibinalik ang tingin sa folder kaya naman ibinalik ko sa purse ang pera at bumalik sa kinauupuan ko at tinignan ang sinasabing phone ko daw.
Habang inoobserbahan ko iyon ay may biglang kumatok kaya naman napatingin ako kay Alexander.
Ngumiti lang naman siya sa akin bago nagsalita.
“Come in.” Sabi niya at napatingin naman ako sa nagbukas na pinto.
Pumasok ang isang babae na naka-pang opisinang damit at saka pormal na nagsalita.
“Good morning sir, the conference meeting will start in 5 minutes.” Sabi nito kay Alex
“Okay, I’ll be there, just give me a minute.” Sagot nito at pormal na yumuko ang babae at saka umalis.
“Ano daw yun?” Tanong ko ng maka-alis na ang babae.
“May meeting daw, kaya…dito ka lang.” Sagot niya at nagtaka naman ako.
“Iiwan mo’ko rito?” Tanong ko pa at ngumiti lang naman siya saka lumapit sa akin.
“Yup, but babalik naman ako agad.. pag-aralan mo na lang yang cellphone habang wala ako.” Sambit niya ng makitang hawak ko ang phone.
“Pero di ko alam gamitin ’to.” Sagot ko at kinuha niya naman ito at may pinindot doon.
“Ayan, mag-insta ka na lang muna, magtingin ka ng pictures diyan sa account mo para makita mo kung gaano ka kaganda.” Pangbobola niya pa habang nakangiti kaya naman inirapan ko siya.
“Basta dito ka lang, sandali lang ako.” Sabi niya pa na nakangiti at tinanguan ko lang siya.
Humalik siya sa noo ko at saka nagpaalam muli.
“Diyan ka lang, babalik ako agad.” Sabi pa nito at tumango lang ako at ngumiti.
Lumabas naman na siya ng pinto kaya naman tinignan ko naman ang sinabi niyang Insta raw.
Pagpindot ko pa lang ay nakita ko na agad ang sandamakmak kong larawan na may kung ano-ano sa mukha at iba-ibang kulay ng buhok at iba-ibang damit.
Isa-isa ko namang tinignan ang bawat pictures at halos hindi ako makapaniwala na ako iyon dahil pakiramdam ko ay hindi ako ganoon kaganda at kabongga sa pananamit.
May napindot akong ano at bigla nawala ang mga larawan kanina at napalitan ng bago.
Kaya naman nagpatuloy lang ako sa pagtitingin kahit hindi ko pa kabisado itong nasabing Insta.
At dumako naman ang mata ko sa pagkaing familiar sa akin dahil madalas ito ng binebenta sa palengke sa lugar namin.
Pinindot ko ang picture ng kwek kwek at binasa ang tila mensahe sa ibaba.
“Rich kid ka kung hindi ka pa
nakakakain
nito.“
At napa-isip naman ako kung nakakain na ba ng ganito si Alex
’
Mayaman
si Alex kaya
sigurado
akong hindi pa siya
nakakakain
no’n’
’Omyy,
kwek
kwek
masarappp
’
At naisip ko naman bigla kung saan naman kaya ako makakabili nito para ipatikim kay Alexander.
Kaya naman naisipan kong lumabas.
Sumilip pa ako kunwari sa labas ng pinto kung naroon ba si Alex.
Nung masigurado kong wala saka lang ako tuluyang lumabas at naglakad.
Dumiretso ako hanggang sa may makita akong hagdan kaya naman bumaba ako roon.
Pagbaba ko ay may iilang workers ang naglalakad habang may dalang mga folders at kung titignan pang mabuti ay masasabi mong sila talaga ay abala.
Maya-maya pa ay may nakasalubong akong dalawang worker at binati ako nito.
“Good morning Ma’am.” Pagbati nito at bilang paggalang din ay yumuko at bumati pabalik.
“Good morning din Ma’am.” Pagbati ko pa at ilang na ngumiti naman siya ngunit binalewala ko iyon.
At naisip kong muli ang kwek-kwek kaya naman nagtanong ako sa babaeng nasa harap ko.
“Teka Ma’am, sa’n ba ako makakabili neto?” Tanong ko pa habang pinapakita ang picture.
Ngumiti naman siya at malakas na sumagot.
“Ayy Ma’am, dun po yan sa baba mabibili, gusto n’yo po ako na lang bumili para sa inyo?” Alok pa nito ngunit ilang na ngiti lang din ang naibigay ko.
“Nako Ma’am wag na..ako na lang, salamat.” Sagot ko rito at muling ngumiti at saka nagpatuloy sa pagbaba.
Gusto ko sanang gamitin ang elevator ba yun kaso hindi ako marunong gumamit no’n kaya maghahagdan na lang ako.
Habang pababa ay napansin kong namatay ang cellphone at tinignan ko pa ang ilalim neto.
“Pa’no ko makikita yung picture niyan kung namatay?” Tanong ko pa at saka bumuntong hininga.
Ngunit desidido ako kaya naman bumaba lang ako ng hagdan habang dala ang purse at cellphone ko.
Hanggang sa nasa ibabang bahagi na ako ng gusaling ito ay biglang nagring ang cellphone.
“Sinong loves?” Kunot noong tanong ko pa sa sarili ko.
At narealize kong si Alex dahil siya lang naman ang sinasabing asawa ko raw.
At mas lalong nalito ako kung saan ang pipindutin dahil pula at green na telepono ang meron dito.
“Ano kayang pipindutin ko dito?” Tanong ko pa sa sarili at napangiti naman ako ng maisip ko ang eenie meenie miney moe.
“Eenie meenie miney moe saan sa inyo ang pipiliin ko? Eto.” Kanta ko pa at tumuro ang daliri ko sa pulang telepono kaya pinindot ko iyon.
“Hello?” Sabi ko pa sa cellphone ngunit walang sumasagot.
’Ganito
kase sa
Tv
pag may tumawag,
pindot
lang sila tapos
sasagot
agad.’
“Tumawag tas hindi sasagot.” Inis na usal ko pa.
Ngunit umulit ulit ang ganoon kaya naman nalito ako.
“Tumatawag na naman.” Sabi ko pa at naalala kong sinabi nga pala niyang wag akong aalis ng opisina niya.
‘Patay, yari ako.’
Kaya naman imbis na pumindot pa ay inilagay ko ito sa purse at saka umakyat pabalik.
Hindi ko alam kung ilang palapag ang inakyat ko pero nakakapagod, hindi pa ako nakakarating ay may nakasalubong ako na isang worker na naman at lumapit ito sa akin.
“Ma’am, pinapahanap po kayo ni Sir.Alex!” Nag-aalalang sambit din nito at ngumiti naman ako.
“Oo, aakyat na po ako doon, nagpapahinga lang po ako, nakakapagod po kasi umakyat ng hagdan.” Sabi ko pa rito habang naghahabol ng hininga.
“Eh Ma’am? Bakit hindi po kayo mag-elevator?” Tanong nito sa akin at ngumiti lang ako ng tipid.
“Hindi kase ako marunong gumamit.” Nahihiyang sabi ko at nginitian niya naman ako.
“Tara ma’am, sasamahan ko kayo pabalik sa office ni Sir. Alex.” Usal pa nito at sumunod lang naman ako kahit habol ko pa ang hininga.
Pagkarating ko roon ay sumalubong sa akin si Alex na salubong ang kilay.
Umalis naman ang naghatid sa akin matapos magpaalam.
“Saan ka galing? Pinatayan mo pa ako ng tawag.” Galit na usal nito at napayuko naman ako.
“D’yan lang sa baba.” Sagot ko at nanatiling nakayuko at tinitignan ang daliri ko.
’yari
na ako, sabi ko na e.’
“Diba sabi ko wag kang aalis? At saka ano namang ginawa mo sa baba?” Tanong nito gamit ang malalim na boses na nagdudulot sa akin ng takot.
“May bibilhin sana ako…” Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay nagsalita na siya.
“Edi sana hinintay mo ako, sabi ko sandali lang ako diba?” Usal pa nito at napatango lang ako.
“Tas hindi mo sinagot yung tawag ko, inend mo.” Dagdag pa nito kaya naman nag-angat ng tingin at nanlalaki ang matang sumagot.
“Oy hindi a, sinagot ko kaya..” Sagot ko rito ngunit ngumiwi lang siya at nagsalita.
“Magdadahilan ka pa kahit pinatay mo naman talaga.” Sabi nito kaya naman napayuko na lang ako at tumahimik.
May kirot ng bahagya sa dibdi ng marinig ko iyon.
‘akala pa yata nito nagsisinungaling ako’
’Pang
end pala yung red na
telepono
, hindi ko naman alam.’
“Teka, ano naman yung gusto mong bilhin sa baba ha?” Tanong pa nito at napanguso lang naman ako at tumingin rito at sumagot.
“Kwek-kwek.” Nakanguso at malungkot na sagot ko sa kanya.
“Kwek-kwek? Bakit?” Tanong pa nito kaya naman iniabot ko yung cellphone sa kanya.
“Buksan mo.” Sambit ko rito at ginawa niya naman kaya ipinakita ko ang larawan.
“Ang sabi kase diyan, rich kid ka kung hindi ka pa nakakakain nito, naisip kong mayaman ka kaya ayun, gusto kong ipatikim sa’yo.” Sagot ko at tila nagbago ang ekspresyon ng muka niya.
Lumapit naman ito at hinapit ako sa bewang.
“Nakatikim na ako ng kwek-kwek asawa ko, favorite natin ’yon!” Nakangiting usal niya at nakunot naman ang noo ko.
“Weh?” Paninigurado ko pa at agad niyang kinalkal ang phone ko at ipinakita sa akin ang larawan na magkasama kaming kumakain ng kwek-kwek.
“Naniniwala ka na?” Tanong nito at tumango lang ako at ngumiti ng tipid.
“Pero sorry asawa, naging harsh ako.. nag-alala lang talaga ako.” Pagpapaumanhin niya kaya ngumiti lang ako.
“Ayos lang, alam ko… Pero hindi totoong hindi ko sinagot yung tawag mo, sinagot ko yun kaso mali yata yung napindot ko, hindi ko kasi alam saan doon ang pipindutin kaya nag ennie mennie miney moe ako tas tumapat iyon sa red kaya yon ang pinindot ko, pero hindi ko inakalang pang-end call pala ’yon kaya sorry.” Sagot ko at napayakap lang siya sa akin.
“Sorry talaga asawa ko, kasalanan ko. Patawarin mo ’ko.” Usal pa nito at ngumiti lang naman ako.
“Ayos lang.” Sagot ko at tumingin sa kawalan.
“Hindi asawa ko, kasalanan ko, hindi ko agad naituro sayo yung basics ng cellphone, tas hindi ako naging mapag-pasensya, sorry asawa ko, mahal kita asawa ko, sorry talaga.” Mahabang sabi nito habang nakayakap sa akin at kinakalikot ang hawak niyang kamay ko.
“Ayos nga lang, kasalanan ko talaga yun.” Sabi ko pa at ngumiti.
“Hindi asawa ko, kasalanan ko yun. Sorry!” Paghingi nito ng dispensa at humalik pa sa noo ko.
“Sige mamaya, bibili tayo nung kwek-kwek.. sorry na asawa ko. Iloveyou..” Usal pa nito at natawa naman ako sa isip dahil sa pagiging maamo niya ngayon.
Ayoko naman ng isipin ang pagtatalong iyon kaya inalis ko ang pagkakayakap niya at saka ako naupo sa sofa at pumikit.
Naramdaman ko naman ang mabilis niyang paglapit at pag-akbay sa akin kaya dumilat ako.
“Loves, asawa ko.. sorry na!” Usal niya at natawa na naman ako sa isip.
’Akala
niya siguro galit ako nung
inalis
ko
pagkakayakap
niya sakin’
“Hindi nga ako galit!” Sagot ko sa kanya at ngumiti.
“Patunayan mo.” Nakangusong sabi pa niya.
“Pa’no?” Tanong ko sa kanya na nakataas ang kilay.
“Ikaw bahala.” Sagot niya pa rin habang nakanguso kaya naman napaisip ako.
Ang napapanood ko sa mga telebisyon, hinahalikan o yinayakap nila ito ngunit ayaw ko naman siyang halikan kaya yakap na lang.
’sige
yayakapin
ko na lang
siya’
Kaya naman humarap ako sa kanya at agad na isinabit ang kamay ko sa bandang batok niya
“Ayan, okay na?” Tanong ko at nginitian pa siya.
“Hindi ka talaga galit?” Malungkot na tanong nito.
“Hindi nga HAHAHA!” tawa ko dahil sa itsura niyang humahaba na ang nguso dahil sa pagdadrama.
“Tawa pa nga, ganun ba ako nakakatawa pag nagdadrama?” Tanong pa niya at tumango ako habang tumatawa.
“Okay sige, hindi na nga ako tatawa.” Sabi ko ng mapansin kong tumahimik siya.
’hala
, baka
na-offend
?’
“Pasalamat ka talaga, mahal kita.” Sabi pa niya at lumapit sa akin para humalik
Napapikit pa ako ng maramdaman ko ang pagdampi ng halik niya roon.
“Sorry ha, i love you asawa ko, dyan ka lang, may gagawin lang ako saglit..pagtapos neto gala tayo.” Sabi pa niya at tinanguan ko lang naman siya bilang sagot.
CHAPTER 14
Alexander’s Pov.
Kagaya ng nasabi ko, ngayon ay nasa isang parke kami nakatambay at kanina ay pumakyaw ako ng Kwek-kwek bilang pambawi kay Amara.
‘Bigla kasing nawawala e,’
’
Nakakatrauma
kaya ng wala siya, ayoko na sa ganun.’
Habang naka-upo at kumakain ng kwek-kwek ay napag-usapan namin ang pag-alis nila.
“Iilang araw na lang pala aalis na kami, kinakabahan tuloy ako.” Usal pa niya habang nakahawak sa dibdib.
“Oo nga e, maiiwan na naman ako.” Malungkot na sagot ko at hinawakan siya sa kamay.
“Pwede ka naman yatang sumama e.” Sabi pa nito at bahagyang ngumiti
“Hindi pwede, kelangan ako rito para patnubayan ang business ng papa mo.” Sagot ko sa kanya at pareho kaming napanguso.
“Kaya nga sinusulit ko na yung mga araw na kasama kita rito kase for sure matatagalan kayo.” Dagdag ko pa at pinisil ko pa ang kamay niya.
“Bakit ilang araw ba ang pagpapagamot doon? Sobrang matagal ba?” Tanong niya at pekeng ngiti lang ang naibigay ko.
“Depende yun sa improvements mo, kung hindi ka mabilis na makaka-alala, edi syempre matatagalan ka dun pero kung mabilis edi mabilis ka ring makakauwi.” Malungkot na sambit ko at ngumuso pa sa kanya.
“Ganun pala ’yon, ngayon pa lang hinihiling ko na sana mabilis lang ang pagbalik ng alaala ko.” Sabi niya at ngumiti ng tipid.
“Bakit naman?” Kunwaring tanong ko habang nakatitig sa kanya.
“Kase ayokong may nasasaktan dahil sa akin. Kahit hindi mo sabihin, alam kong nasasaktan ka dahil hindi kita naaalala kaya ngayon hinihiling kong sana sa pagpunta ko sa America gaya ng sabi mo… E sana bumalik agad ang alaala ko para makabalik agad ako at para hindi ka na malungkot.” Sagot niya at ngumiti kaya naman hindi ko napigilan ang sarili ko.
Hinila ko siya palapit sa akin at niyakap.
“Pinapaiyak mo ’ko asawa ko.” Usal ko at pinawi ang takas na luha.
’Hindi
ka pa
umaalis
miss na kita, paano pa kaya pag nasa America ka na?’
“Ba’t naman?” Tanong niya habang nakayakap ako sa kaniya.
“Naiiyak ako sa tuwa dahil sa sinabi mo, dapat lang talaga na bilisan mong magrecover at para bumalik ka agad sa pilipinas.” Naiiyak na sabi ko habang hinihigpitan ang yakap.
“Oo, pipilitin ko.” Sagot niya at napaiyak naman ako.
‘Ayoko sanang umalis ka ng hindi ako kasama, ngunit hindi pwede.’
’
Humihiling
ako na sana maging mabilis lang ang pagbalik ng alaala ng asawa ko, ayokong
mawalay
sa kanya ng matagal ulit.’
“Mamimiss kita asawa ko.” Usal ko pa at pinunasan ang luhang tumulo at bumitaw naman na ako sa pagkakayakap sa kaniya
“Wag ka ng umiyak.” Sabi pa niya at inabot ang panyong nasa purse niya sa akin kaya naman ginamit ko iyon.
“Ikaw kase e, kumain ka na nga.” Nakangiting sabi ko at pinupunasan ang luha ko.
“Sige, ikaw din kumain ka rin.. nakakarami na ako e.” Sagot naman nito at tinawanan ako.
“Sige, subuan mo ako asawa.” Sabi ko pa at nanlaki naman ang mata niya.
“Eh? Andaming tao.. nahihiya ako.” Sabi niya at ngumiti lang ako.
“Hindi naman papalag yan, sige na..please!” Nakangiting sambit ko at napabuntong hininga naman siya saka ngumiti.
“Sige na nga.” Sagot pa niya at kinuha ang stick na may kwek-kwek at isinubo sa akin kaya naman ngumanga ako at nginuya ito.
“Ang sarap.” Sabi ko pa habang nagpapakyut sa harap niya at natawa naman siya kaya napangiti ako.
“Abnormal ka, para kang bata.” Tugon nito habang natatawa.
“Sayo lang naman ako ganito, nagpapalambing lang ako.” Nakangiti pang sabi ako at ngumiwi naman siya at sinubuan pa ako ng isang kwek-kwek.
“Anong lambing ba gusto mo? Yung parang gagawin kang baby? Yung tatapikin ka sa pwet?” Sarkastikong sagot niya at natawa naman ako.
“Oo parang ganun, tas matutulog at papatong ako sa ibabaw mo.” Tugon ko at nanlaki ang mata niya at tinuro ako ng stick na hawak niya.
“Ang bastos mo!” Sambit niya at natawa naman ako.
“Baket? Papatong lang naman ah?” Natatawang pagbabalik tanong ko sa kaniya.
“Bwiset.” Natatawang sagot niya at natawa naman ako.
“Tara na nga, iuuwi na kita.. anong oras na rin.” Sambit ko at hinawakan siya sa kamay.
“Sige tara na.” Sagot niya at napangiti naman ako.
“Sige, uuwi na tayo.. magpapalambing pa ako sayo e.” Sambit ko at binigyan niya naman ako ng masamang tingin.
“Oh baket? Diba sabi mo tatapikin mo’ko sa pwet?” Kunwaring inosenteng tanong ko at tinarayan niya lang ako bago sumagot.
“Biro lang yun e.” Sabi pa niya at napakunot naman ang noo ko.
“Anong biro? Wala…dapat gagawin mo yun, saka papatong pa ako sa ibabaw mo e.” Tugon ko at hinampas niya naman ako sa braso.
“Ang bastos mo, napipikon na ako.” Sagot niya at natawa naman ako.
“Papatong lang naman ako e tas matutulog sa ibabaw mo.” Tugon ko na tila nagpapa-awa at umarte pang nasaktan sa paghampas niya.
Tinarayan niya lang ako kaya tumigil na ako at nilapit siya sakin habang naglalakad kami.
“Okay hindi na, sorry.” Sambit ko at hinalikan siya sa ulo.
“Tara na.” Dagdag ko pa at tumango naman siya at ngumiti.
Kaya naman ng marating namin ang pinagparadahan ng kotse ko ay agad ko siyang pinasakay at sumakay na rin ako ng may ngiti sa labi.
Agad naman akong nagmaneho pauwi ng bahay.
(Bahay)
Pagka-uwi namin ay agad naman akong naligo at siya naman ngayon ang nasa cr para maligo rin.
“Tapos ka na ba?” Tanong ko at kinatok pa ang pinto.
“Oo, saglit lang.” Sagot pa nito kaya naman bumalik ako sa kama at doon na lang siya hinintay.
Pagkalabas niya ay inaayos pa niya ang twalya sa ulo habang roba naman ang bumabalot sa katawan niya bilang saplot.
“Tara dito loves.” Sabi ko at nagtaka naman siya.
“Bakit?” Tanong niya.
“Wag ka ng magtanong, tara dito.” Sabi ko at ng makalapit siya ay pinaupo ko siya sa tabi ko dito sa may kama.
“Bakit nga?” Tanong niya na kunot ang noo.
“Basta…talikod.” Sabi ko at sinunod naman niya.
“Ano ba kasing gagawin mo?” Inis na tanong niya at tinanggal ko naman ang twalya sa ulo niya.
“Yuko ng onti.” Sambit ko at sumunod naman siya.
At saka ko nilagyan ng ointment yung peklat niyang iyon na walang buhok.
“Ano yang nilagay mo?” Tanong niya ng maramdaman niya ang kamay ko sa peklat niya.
“Para tumubo ulit yung buhok diyan sa peklat mo.” Sagot ko at natahimik naman siya saglit.
“Ambango.” Tugon pa niya at natawa ako.
“Pero mas mabango ka.” Sabi ko pa at natawa naman siya.
“Abnoy ka talaga.” Sagot niya at biniro ko pa ulit siya.
“Patong ako mamaya ah.” Biro ko pa at napapikit naman ako sa sakit ng kurot niya.
“Kanina ka pa!” Gigil na sabi niya habang nakatalikod.
“HAHAHA, sorry na.” natatawang paumanhin ko at suminghal lang naman siya.
Matapos no’n ay hinayaan ko naman muna siyang magbihis at pumili sa damit pambahay niya.
Nahirapan pa siyang pumili dahil ang mga damit daw roon ay parang hindi pambahay at puro bago kaya naman ako pa rin ang namili para sa kanya dahil ayaw niyang pumili.
Ngayon ay nakahiga kami sa kama at sinusubukan naman niyang kalkalin ang cellphone niya.
“Ahh eto pipindutin ko kapag gusto kong buksan?” Tanong pa niya habang nakahiga sa braso ko at tumango naman ako.
“Oo tapos, swipe up para mai-type mo yung password mo.” Sabi ko at itinuro pa sa kanya kung paano.
“Ahh, ganun pala.. tapos ita-type ko na yung 654321?” Tanong pa niya at tumango naman ako at hinalikan pa siya sa tenga.
“Ayun nabuksan ko na.” Masayang sabi pa niya at napangiti naman ako.
“Edi ayan, marunong ka na.” Sagot ko pa at nakangiti naman siyang tumango sa akin.
“Tas eto yung camera oh, para makapag-picture ka.” Sabi ko pa at tumango naman siya.
“Tas eto pipindutin ko para magpicture?” Tanong niya at tumango naman ako.
“Anggaling…sige bukas na lang ulit.” Biglang sabi niya at nagtaka naman ako.
“Bakit?” Kunot noong tanong ko.
“Inaantok na ako e.” Nahihiyang sagot niya at unti-unting inalis sa ulunan niya ang kamay ko ngunit hindi ko inalis.
“Ang aga pa ah? Manood muna tayo ng movie.” Pag-aaya ko at tumingala naman siya para mag-isip.
“Sige, gusto ko zombies.” Sagot niya at nagsalubong naman ang kilay ko.
“Gusto ko love stories.” Sabi ko at napakamot naman siya sa ulo.
“Pero gusto ko zombies.” Sagot pa niya at ngumuso.
“Sige na nga, zombies.” Sagot ko at kinuha ang remote para ipakita ang movies.
Hinanap ko muna ito at ng makita ko ay tinanong ko siya.
“Saan diyan gusto mo?” Tanong ko sa kaniya na nilingon pa siya at nakatingin naman siya sa TV.
“Yun na lang pangalawa.” Sagot niya at nilingon ako at ngumiti naman ako.
Aalisin na naman sana niya ang braso ko na kinahihigaan niya ngunit hindi ako pumayag.
“Bakit?” Tanong ko patungkol sa pag-aalis sa braso kong kinahihigaan niya.
“Mabigat ulo ko e, baka mangalay ka.” Tugon niya at ngumuso.
“Hindi naman e, sige na mahiga ka na, nagsisimula na oh.” Sabi ko pa at nginitian siya at sumunod naman siya.
Ang movie na pinanonood namin ay korean movie.
Hindi ko masyadong gets pero ang bida ay binatang lalaki na naiwan mag-isa sa bahay na walang ginawa kundi maglaro ng online games.
And ayun may virus nga sa labas na mabilis kumalat at ginawang zombies ang mga tao.
Sa kalagitnaan ng aming panonood ay napalingon ako kay Amara ng gumalaw ito at doon ko lang napansin na natutulog na siya kaya naman imbis na ipagpatuloy ang panonood ay pinatay ko na ito at saka yumakap kay Amara at natulog.
CHAPTER 15: HER GOODBYE TO REMEMBER
Alexander’s Pov.
After 3 days
Sa tatlong araw na lumipas ay ganun pa rin ang naging gawain ni Amara.
Puro asaran, kulitan, at harutan mapabahay o sa opisina.
Kagabi ay tinulungan ko siyang mag-impake ng mga damit niya para sa pag-alis niya papuntang America.
“Ano bang dapat suotin ko?” Tanong niya pa sa akin na ipinakita ang hawak niya at itinuro ko naman ang hawak niyang sweater.
“Wear the sweater tas magcoat ka, for sure maninibago ka sa klima kaya kelangan mo ng makapal na damit.” Sagot ko sa kaniya at ngumiti ng tipid.
Hindi ko maipagkaka-ila na nalulungkot ako dahil sa isipin na aalis na naman siya at hindi ko na naman siya makakasama.
’Kung pwede lang kita
itali
sa kamay ko para di ka na
makalayo
, gagawin ko e.’
“Bilisan mo, naghihintay na yung driver sa ibaba.” Sabi ko pa rito at agad naman siyang tumakbo sa cr.
“Sandali na lang.” Sigaw pa niya ngunit binalewala ko na iyon at inayos na lang ang mga gamit niya na dadalhin.
Nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng Cr ay nagsalita na ako.
“Yung mga bilin ko, wag mo kakalimutan ha, yung ointment wag mo kalilimutang maglagay no’n sa ulo mo.” Sabi ko habang inaayos itong dalawang maleta niyang dadalhin.
“Oo, hindi ko kakalimutan.” Sagot pa nito at nilingon ko naman ito.
Suot na niya ang sweater at hawak naman niya ang coat habang nakangiti sa akin.
Ngumiti rin ako ng tipid bago muling magsalita.
“Tara na?” Tanong ko pa at tumango naman siya kaya naman agad kong hinatak ang dalawa niyang maleta.
Hindi na kami masyadong nag-imikan hanggang sa makarating ng kotse.
Agad namang inilagay sa likod ng kotse ang kanyang maleta ng driver kaya naman inalalayan ko siyang makapasok sa sasakyan at sumunod ako at tumabi sa kaniya.
Habang nasa biyahe ay tahimik lang siya at nakatingin lang sa daanan kaya naman kinuha ko ang kamay niya at isinuksok ang daliri ko sa pagitan ng daliri niya.
“Bakit?” Tanong niya na nilingon pa ako.
“Mamimiss kita.” Sagot ko at napangiti naman siya.
“Tatawagan naman kita e gaya ng sabi ko diba? Kaya wag kang ano diyan haha, saka babalik naman ako.” Sabi pa nito at nginitian ako at napabuntong hininga lang ako at ngumuso.
“Hindi ka pa nga nakaka-alis, miss na kita e.” Usal ko at napangusong muli.
Pinisil naman niya ang kamay ko at natawa.
“Abnoy ka, basta tatawagan kita parati para di ka malungkot.” Sagot naman niya na nginitian pa ako kaya bumitaw ako sa pagkakahawak ng kamay namin at hinatak ko siya at pinasandal sa dibdib ko.
“Kahit pa tawagan mo ko parati, hindi pa rin mawawala yung pangungulila, walang makakatalo sa pakiramdam pag andito ka.” Sambit ko at niyakap siya.
“Ilang buwan lang naman siguro yun, tiisin na lang natin.” Sagot pa niya at hinalikan ko muna siya sa ulo bago nagsalita.
“Yun ay kung kakayanin ko, baka nga pag sobrang namimiss na kita sumunod ako doon kahit magalit si Tito.” Sabi ko pa at natawa naman siya.
“Grabe ka hahahaha, basta tatawagan kita parati para di ka malungkot.” Sabi pa niya at napabuntong hininga lang ako.
‘Ganitong ganito yung nararamdaman ko noong akala kong patay na siya.’
’Pero basta para sa asawa ko,
titiisin
ko lahat kahit gaano
kasakit
.’
Para sakin ay hindi sapat ang tawag at text ngunit kelangan kong magtiis dahil para sa ikabubuti naman niya ang ipupunta niya sa America.
“Sige… umidlip ka muna, gigisingin na lang kita pag nasa airport na tayo.” Sabi ko rito at nakita ko namang pumikit siya kaya lumingon na lang ako sa bintana habang nilalaro ang daliri niya.
Isang oras mahigit din ang naging byahe bago namin marating ang airport, pagkapasok at pagka-parada ng kotse ay ginising ko na ang naidlip na Amara sa dibdib ko.
“Loves, gising na.” Sabi ko at tinapik siya
Mabilis naman siyang nagising at kinusot ang mata na parang bata.
“Andito na tayo?” Tanong niya sa akin at tumango naman ako.
“Tara na, baka malate kayo sa flight niyo.” Sabi ko at agad naman siyang tumango kaya nauna akong bumaba at inalalayan siya pagtapos.
Umuna naman ng lakad ang Papa ni Amara habang dala nito ang sariling maleta kaya naman agad akong sumunod habang dala ang dalawang maleta ni Amara.
Pagkarating pa lang sa entrance ay sinabihan na ako ni Tito.
“Bilisan niyong dalawa, ikaw Alex alam kong may sasabihin ka sa asawa mo.” Sambit pa nito at agad naman akong tumango at bumaling kay Amara.
Hindi naman ito halos makatingin sa akin kaya pinirme ko ang kanyang mukha sa paghawak sa kaniyang baba.
“Mamimiss kita.” Sabi ko at binigyan niya lang ako ng tipid na ngiti.
“Tandaan mo lahat ng bilin ko sayo ha.” Dagdag ko pa habang nakatitig sa mata niya at tumango naman siya.
“Oo promise, di ko kakalimutan.” Sagot naman niya at ngumiti ako ng tipid habang pinipigil ang luha na nararamdaman kong papatulo na.
“Bilisan mong magpagaling ha, wag mo ko paghintayin ng matagal.” Sabi ko na lang habang pinipilit pigilan ang nagbabadyang luha.
“Oo, bibilisan ko…oh wag kang iiyak.” Sagot niya at naiyak na ako ng tuluyan at niyakap siya.
“Ikaw kasi e, binaliw mo ko ng ganito.” Paninisi ko kunwari habang nakayakap at lumuluha.
“Wag ka ng umiyak, sige ka papangit ka.” Sabi pa niya at niyakap ako pabalik kaya naman mas naiyak ako.
’Simpleng
galaw
mo lang, ang lakas na ng epekto sa’kin.’
“Pinapaiyak mo kasi ako e, papanget talaga ako niyan.” Pagbibiro ko pa at bumitaw sa pagkakayakap namin at pinawi ko agad ang luha sa mata ko.
“Sige na, mag-iingat ka pauwi.” Sabi pa ni Amara at nginitian ko lang ito.
“Tito, ingat po kayo.” Sabi ko pa rito at nagmano.
“We will…btw, manage the company while I’m not here… Alam ko namang hindi mo ako bibiguin ngunit sinasabihan lang kita, I trust you, Son.” Sagot pa nito at ngumiti muna ako bago sumagot.
“Opo Tito, gagawin ko po ang lahat para mapatakbo ng maayos ang kumpanya.” Sagot ko at nginitian lang ako nito.
“Let’s go anak, baka ma-late tayo sa flight, Alex, go home and rest.” Sabi nito at tumango naman ako at nagtama pa ang paningin namin ni Amara.
“Tatawag ako pagkarating ko doon.” Sabi pa niya at tinanguan ko siya.
“I love you asawa ko, bumalik ka agad ha, wag mo ko paghintayin ng matagal.” Sabi ko pa at ngumiti lang siya kaya naman lumapit ako at humalik sa noo niya.
Lumakad naman na sila at kumaway lang ako sa kaniya at ganon rin naman siya hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.
Napabuntong hininga naman ako ng maramdaman ang lamig ng hangin.
’Ber months na pala, ilang buwan na lang
pasko
na.’
’Sana bumalik agad ang alaala niya para hindi ako
mangulila
ng sobra sobra.’
Umuwi ako ng bahay gaya ng sinabi ni Tito, pag-uwi ko ay ramdam ko agad ang pangungulila ko kay Amara.
’Kahit
saan ako tumingin, naaalala ko siya’
’Asawa ko, bilisan mo diyan, ayoko ng ganito baka
mamatay
ako’
Umakyat na lang ako sa kwarto at nagpahinga.
Amara’s Pov.
Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam ng makasakay ng eroplano
Ayokong mag-isip ng masama ngunit pakiramdam ko anumang oras ay tatagilid ang eroplano dahil para itong nadadala ng hangin.
Ramdam ko ang patagi-tagilid na paggalaw ng eroplano.
“Are you okay?” Tanong ni Mr. Sparks ng mapansin niyang balisa ako.
“Okay lang po pero pakiramdam ko kasi maaaksidente tayo.” Sabi ko at nginitian nya naman ako.
“No, wag ka mag-isip ng ganyan okay?” Sabi pa niya at ngumiti.
“Okay po.” Sagot ko na may ilang na ngiti.
Hindi ko alam kung anong itsura ko ngunit pakiramdam ko ay muka akong natatae sa kinauupuan ko dahil sa takot.
“Naninibago ka lang siguro dahil nakalimutan mo na ang pakiramdam na nakasakay sa eroplano.” Sambit pa ni Mr.Sparks at napanganga naman ako.
“Talaga po? Nakasakay na ako dati ng eroplano?” Tanong ko pa at natawa naman siya.
“Oo, ilang beses na siguro, I think more than 10x” Sagot pa niya at talaga namang namangha ako.
At habang naka-upo ay biglang pumasok sa isip ko si Jong.
“Kamusta na kaya sila Jong?” Tanong ko pa sa hangin.
“Ba’t mo naman naitanong?” Tanong ni Mr. Sparks at napangiti lang ako ng tipid.
“Bigla pong pumasok sa isip ko e.” Sagot ko at tumango naman siya.
“Hindi ko alam kung anong sitwasyon nila doon, ngunit kung gusto mo malaman pwede naman akong magpadala ng tao roon upang magbigay ng report sa akin.” Sabi pa nito at napabaling ako.
“Talaga po?” Tanong ko at ngumiti naman si Mr. Sparks.
“Oo naman, kung gusto mo para hindi ka na talaga mag-alala ng tuluyan e bibigyan ko siya ng trabaho sa pabrika.” Dagdag pa nito at napangiti ako.
“Anlaking tulong po niyan para kay Jong, sige po, tulungan niyo po siya.” Sabi ko at nginitian naman niya ako.
“Okay sige, pagkarating natin sa America, tatawagan ko ang mga tauhan ko para asikasuhin ang lahat.” Sagot nito at napangiti ako.
“Salamat po, sige po.” Sagot ko at ginulo lang niya ang buhok ko at ngumiti.
Kaya naman nakangiti akong sumandal sa kinauupuan ko at binalewala ang takot na nararamdaman.
CHAPTER 16
Alexander’s Pov.
Eto ang unang araw na wala sa tabi ko ang asawa ko.
Aaminin kong hindi ako masaya at hindi ako mapapangiti ng anumang bagay ngayong araw, dahil ang gusto ko lang ngayon ay makasama siya ngunit imposible.
Napabuntong hininga naman ako sa naisip kaya naman tamad akong sumandal sa kinauupuan ko at kasunod nito ang pagbuga ko ng hangin.
Tinatamad akong gawin ang dapat trabahuin ngunit alam kong hindi matutuwa roon si Tito kaya naman pinilit ko itong gawin.
Kaya rin siguro ganito ako kalungkot at kawalang gana sa mga gawain dahil sa nasabi at inutos ni Tito.
Nabanggit sa akin ni Tito kagabi na napag-usapan nilang dalawa si Jong at gusto raw ng asawa ko na matulungan ito, kaya naman nautusan ako ni Tito na samahan ang mga tao niya upang tulungan ito. Kahit medyo masakit at labag sa loob ko ay sinunod ko si Tito, pero hindi ko pa rin matanggap na si Jong ang unang pumasok sa isip ng asawa ko kesa sa akin.
Nagsalubong ang kilay ko ng maalala ang usapin na iyon.
Nabaling ang tingin ko sa cellphone ko at bigla kong naisip na tawagan ang asawa ko, kaya naman dinampot ko ito ngunit may kung ano na biglang pumigil sa akin, kaya naman pabagsak ko itong inilapag muli at nagfocus na lang sa trabaho.
Habang may pinepermahan ako ay biglang nagring ang cellphone ko, kaya naman bumuntong hininga muna ako bago ko ito damputin at sagutin.
“Hello?” Sabi ko pa sa linya at naiiwas ko naman ang cellphone ko ng isigaw niya ng malakas ang pangalan ko.
“Aleeeex!” Sigaw pa niya at malungkot naman akong sumagot.
“Oh?” Malungkot na tugon ko na hindi yata niya napansin.
’Di man lang ako
tawaging
babe’
“Totoo ba, natulungan nyo na si Jong?” Tanong niya at nailayo ko ang cellphone upang hindi niya marinig ang buntong hininga ko.
“Oo.” Malamig na tonong tugon ko.
“Asan siya? Andyan ba siya?” Tanong pa niya at nagsalubong naman ang kilay ko.
“Wala siya rito, nasa opisina ako, teka nga… Hindi ka na ba galit ro’n?” Tanong ko pa at narinig ko ang boses niya na tila nag-iisip.
“Ahmmm, siguro nung nakaraan Oo, pero ngayon ewan ko..pakiramdam ko hindi na e.” Sagot niya at napanguso na lang ako.
“Sige na ibababa ko na, busy ako e.. bye!” Sabi ko at saka siya binabaan at pinatay ko ang cellphone ko para di na niya ako matawagan.
’Tumawag lang para lang dun sa lalaking ‘yon? Ang galing’
Ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko at binalewala ang napag-usapan namin, dahil baka masira lang ng tuluyan ang mood ko.
Nag-iba ang mood ko ng tumawag sa telepono ng kumpanya ang aking kambal, at sinabing bumalik na ang alaala niya.
Naikwento niya rin sa akin ng buong detalye ang nangyari sa barko, kaya naman awang-awa ako sa sinapit nilang tatlo, lalo na sa nangyari sa asawa ko na base sa kwento niya ay napuruhan at pinilayan.
Hindi rin naman nagtagal ang pag-uusap ng aming kapatid dahil may kailangan din daw silang asikasuhin at ako rin naman ay may ginagawa, kaya hanggang duon lang din ang aming pag-uusap.
Mabilis namang lumipas ang oras at ngayon ay hapon na, kaya naman nagligpit na ako upang maka-uwi.
Naramdaman ko naman ang lungkot, ng maisip na wala palang Amara ang naghihintay sa akin sa bahay, kaya naman napanguso pa ako, at tamad na pinagpatuloy ang pagliligpit.
Nang matapos akong magligpit ay agad akong lumabas, at walang emosyong naglakad patungong elevator.
Pagkarating ko ng main floor ay hindi ko pinansin ang kabilaang pagbati ng mga empleyado na halatang papauwi na rin.
Gustuhin ko mang bumati pabalik ay hindi ko magawa dahil wala naman talaga ako sa mood, at dagdag pa ang naging usapan namin kanina ng asawa ko.
Pagkarating ko sa parking lot ay agad akong sumakay sa sasakyan ko at nagmaneho pauwi.
Paghakbang ko papasok ng aming bahay ay ramdam ko na agad ang lamig at katahimikan ng bahay.
Para namang nilamukos na papel ang puso ko dahil sa isiping matatagalan pa ang asawa ko sa ibang bansa at ilang buwan pang magiging ganito ang aking pakiramdam sa bahay na ito.
Pilit kong binalewala ang naiisip ko at umakyat na lang sa kwarto.
Pagpasok pa lang ay agad akong tumalon sa kama at niyakap ang unan niyang gamit
’miss
na miss na
kita’
Habang nakahiga at yakap ang unan niya ay bigla kong naisip na tawagan siya kaya naman kinuha ko ang cellphone ko.
’kahit
nagtatampo ako sayo, miss at mahal pa rin
kita’
Hindi ko maipagkakaila na nagtatampo talaga ako dahil sa usapan namin kanina, kahit pa sabihing mababaw na dahilan lang yon, para sakin ay hindi.
Agad kong binuksan ang cellphone ko dahil naalala kong pinatay ko nga pala ito kanina dahil sa inis kay Amara.
Pagkabukas ko ay nakita ko agad ang text niya kaya naman hindi ko maiwasan ang maluha kaya naman binuksan ko ito para basahin.
From: Amara
“Ba’t di na kita matawagan? Lowbat ka ba?”
“Uy!”
“Sige na nga di na ako mangungulit, basta kumain ka na diyan, kung hindi isusumbong kita kay Papa.”
“Pumunta agad kami sa doctor tas my tinanong siyang ingles tas ambilis niya magsalita, pero teka nakakaintindi ka ba ng ingles?”
Pagkabasa ko sa text niyang iyon ay mas lalo ko siyang namiss kaya naman hindi ko napigilan ang luha ko sa pagtulo
’pati
ba naman sa text, makulit’
’Miss
na kita, bilisan mo diyan!’
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinawagan ko na ang numero niya habang pinapahid ang luha.
“Aleeeex!” Sigaw niya at nakinig lang naman ako.
“Oy, magsalita ka, kanina ba’t di kita matawagan, nalowbat ka ba?” Tanong niya at napangiti naman ako kahit lumuluha.
“Hindi ah.” Sagot ko at narinig ko naman agad ang pag-aalala sa boses niya.
“Umiiyak ka ba?” Tanong niya at agad ko namang pinawi ang luha ko at sumagot.
“Ikaw kase e, nagselos ako kanina e.” Sagot ko at pinawing muli ang tumulong luha.
“Kanino?” Naguguluhang tanong niya.
“Dun sa Jong mo!” Sagot ko habang nakanguso.
“Ba’t ka naman nagseselos? E wala namang kami?” Tanong pa niya at napanguso naman ako.
“E ako? Ano ba ako sa’yo?” Tanong ko sa kanya habang nakanguso at lumuluha.
Pinahid ko pang muli ang luha at tumingin sa kawalan habang naghihintay sa sagot niya.
“Asawa kita diba? Sabi mo yun e.” Sagot niya at napanguso naman ako at saka ako nag-inarte.
“Asawa daw, di mo nga ako tinatawag na loves, babe, hon.” Nagtatampo kunwaring sagot ko habang lumuluha.
Suminghot naman ako dahil pakiramdam ko ay nagbabara na ang ilong ko at saka ko pinisil pisil ang ilong ko.
“Okay tatawagin kitang loves.” Sabi niya at napaluha na naman ako.
Napangiti ako sa sagot niyang iyon kaya naman sumagot ako.
“Loves, bilisan mo diyan, miss na kita e.” Lumuluhang sagot ko at pinunasan ang muka kong basa ng luha.
“Oo, sana talaga mabilis lang.” Sagot niya at naiyak lang naman ako dahil miss na miss ko na siya.
Kung pwede ko lang siya sundan agad dun e, gagawin ko.
“Bilisan mo, wag mo baliwin asawa mo ng ganito, baka di ko na kayanin” Sabi ko pa at pumatak na naman ang luha sa mata ko na agad kong pinawi.
“Oo na nga, wag ka na umiyak loves.” Sagot niya at pinilit kong ngumiti kahit pa alam kong hindi naman niya ako nakikita.
“Hindi mo kase alam yung pakiramdam na wala ka dito sa tabi ko e.” Sabi ko pa at napabuntong hininga naman siya.
“Sorry, babawi talaga ako pag bumalik na alaala ko, pero salamat kase nagtitiis ka, salamat dahil hindi ka sumusuko.” Sagot niya at bumuntong hininga ulit kaya naman pumeke ako ng ngiti.
“Yun lang din kase pwede kong gawin e, yun lang ang choice na meron ako.” Sagot ko at narinig ko agad ang malalim na paghinga niya.
“Sorry loves.” Paghingi niya ng paumanhin na agad kong kinontra.
“Don’t be sorry, mahal kita kaya ko ’to ginagawa, I love you.” Sabi ko pa at hindi naman na siya sumagot kaya naman nagpaalam na ako.
“Sige na, magpapahinga na ako, gabi na rito e, ikaw, kumain ka na diyan ha. Bye!” Paalam ko saka ko ibinaba at hindi na hinintay ang sagot niya at saka ipinagpatuloy ang pagdadrama
’Kahit
gaano
kasakit
, basta para sayo,
titiisin
ko, ganyan kita
kamahal’
CHAPTER 17
Alexander’s Pov.
Gumising ako na mugto ang mata dahil sa pag-iyak, nakakabakla mang sabihin ngunit hindi ko lang talaga mapigilan ang nararamdaman ko kapag siya na ang usapan.
’
Gustuhin
ko mang hindi ka isipin at
mamiss
pero hindi ko kaya kase
palagi
kitang naaalala ’
Napatingin pa ako sa isang dako kung saan naroon ang kanyang larawan, kaya naman agad kong naiiwas ang paningin ko mula roon at kumuha na lang ng tubig na nasa lamesa at ininom iyon.
Nagjogging pa ako ng onti bago tuluyang pumunta sa cr para maligo.
Mabilis lang naman ang aking naging pagkilos. Nakasuot ako ngayon ng longsleeve at hawak ko ang suit ko, inayos ko naman ang takas na buhok sa ulunan ko sa harap ng salamin bago tuluyang umalis ng bahay.
Ni hindi ko na nagawang kumain sa bahay kaya naman pagkarating ko ng opisina ay inutusan ko ang sekretarya ko na ibili ako ng makakain.
Habang naka-upo at naghihintay dito sa opisina ko sa pagdating ng aking sekretarya ay nakatanggap ako ng tawag mula sa aking asawa.
“Hiiiii” Sigaw neto kaya naman napapikit ako sa lakas niyon at bahagyang nailayo ko pa ang cellphone.
“Loves, ba’t ka napatawag?” Masayang tanong ko pa.
’Ang aga niyang tumawag ah, ano kaya
nakain
neto?’
“Wala, kakamustahin ka lang? Kumain ka na ba — Loves?” Tanong pa niya habang pinagkadiinan ang loves.
“Oo naman —Loves.” Sagot ko na ginaya pa ang ginawa niya at umubo pa ako kunwari at ngumiti.
“Ikaw?” Nakangiting dagdag ko pa.
“Oo kanina pa, gabi na dito e.. kamusta naman tulog mo Loves?” Tanong pa niya at nagdulot naman iyon ng kiliti sa aking puso kaya naman malapad na ngiti muna ang ginawa ko bago sumagot.
Napangiti ako sa hangin na para bang andon siya at nakikita ako.
“Ayos lang naman, medyo namaga mata ko.” Sagot ko pa at bumuntong hininga naman siya kaya napangiti ako ng tipid.
“Ayan kasi, wag ka na kase umiyak.. tatawagan naman kita sabi e.” Sambit pa niya at nagbadya naman agad ang luha ko kaya agad akong ngumiti para pigilan ito.
“Bilisan mo na kasi dyan, wag mo paghintayin ng matagal asawa mo, di niya kaya e.” Malambing na tonong sagot ko pa habang nakangiti at pinipigil ang luha.
“Oo na nga HAHAHa, namimiss ko na rin yung kasungitan at kakulitan mo e.” Sabi pa niya at nanlaki ang mata ko habang nakangiti.
“Talaga?” Tanong ko pa at agaran naman siyang sumagot.
“Hmmm, oo namimiss ko na talaga, yung salubong agad yung kilay pag may nagagawa akong di mo gusto HAHAHAHA.” Kwento pa niya at natawa rin naman ako at saka ko pinunasan ang onting basa sa aking mata.
“Ako rin miss na kita, wala na akong makulit, wala akong maaya ng date, wala akong katabi matulog.” Sabi ko at ngumuso at nagpangalumbaba
Bumuntong hininga naman siya at tumawa ng peke.
“Tiis lang muna, para din naman sa ikabubuti ng lahat ang ginagawa natin.” Sagot niya at ngumiti naman ako ng pilit bago magsalita.
“At yun lang din naman ang magagawa natin ngayon, ang magtiis na hindi kapiling ang isa’t-isa.” Sabi ko pa at nilayo ng bahagya ang cellphone para bumuntong-hininga at tumingala.
“Oo yun nga.” Pagsang-ayon niya sa aking sinabi kaya naman napangiti ako.
“Kaya mag-iingat ka parati dyan ha, wala ako dyan para bantayan ka.” Sabi ko at ngumiti habang nakatingala na para bang andun siya at kausap ko.
“Oo, mag-iingat ako parati, ikaw rin…wag mo pababayaan sarili mo.” Sabi niya at halos mapunit na agad ang bibig ko sa pagkakangiti.
“Yes loves, Iloveyou.” Sagot ko pa habang nasa ganoon pa ring posisyon
At bigla namang may kumatok kaya nailayo ko ang cellphone para sabihin na tumuloy.
At andyan na pala ang inorder kong pagkain kaya naman hinayaan kong ayusin ito ng aking sekretarya sa lamesa at ipinagpatuloy ko ang tawag.
“Hmmm, may ginagawa ka ba?” Tanong niya at bumalik naman ako sa pagkakangiti.
“Ahmm meron, kausap ka.” Sagot ko at ngumuso.
“Hindi naman yan e, may tatrabahuin ka ba ngayon sa opisina?” Inis na tanong niya at natawa naman ako ng bahagya at sumeryoso.
“Syempre meron.” Sagot ko at narinig ko ang agarang sagot niya.
“Ayy, sige na ibaba mo na.” Sabi niya at mas humaba naman ang nguso ko.
“Bakit?” Salubong ang kilay at nakangusong tanong ko.
“Baka nakaka-abala ako e.” Tanong niya at tumaas ng bahagya ang tono ng pananalita ko.
“Kelan ka naman naging abala sa’kin?” Tanong ko sa kanya habang nakanguso pa rin.
“Ehhh, basta kasi…unahin mo na yan, baka mamaya ulit tawagan kita, okay? Kumain ka na lang ulit diyan.” Sabi pa niya at natawa naman ako.
“Ang totoo loves, hindi pa talaga ako kumakain.” Sabi ko. Pinapahaba ang aming usapan.
“Bakit naman? Kumain ka na!” Pasigaw niyang sabi at natawa naman ako.
“Oo na, naka-order na ako ng pagkain..tara kain tayo?” Aya ko pa habang naglalakad na papalapit sa lamesa kung saan nilapag ng aking sekretarya ang pagkain.
“Tapos naman na ako, kumain ka na diyan.” Sagot niya at ngumiti naman ako.
“Okay loves, mamaya video call tayo ha.” Sagot ko habang sinisimulan ng ilabas ang pagkain sa paper bag gamit ang isang kamay.
“Video call, di ako marunong nun e.” Sabi niya at napangiti naman ako.
“Paturo ka kay Tito mamaya, basta videocall tayo, pag tumawag ako sagutin mo na lang okay?” Sabi ko pa at narinig ko naman ang paghinga niya.
“Okaaaaay, sige na bye na.” Sagot niya at tumawa naman ako.
“Bye, iloveyou asawa ko.” Sabi ko pa at narinig ko naman ang singhal niya.
“Tss, sige na asawa ko, gawin mo na yang trabaho mo diyan.” Sagot niya at natawa ako.
“Yes loves, sige na patayin mo na.” Sabi ko at magsasalita pa sana ako ngunit pinatay niya na.
’di
man lang ako pinatapos’
‘May sasabihin pa sana ako’
Binalewala ko naman ang aking naisip at nagsimula ng ihanda ang pagkain ko para makain ko na.
Pagkatapos no’n ay kagaya ng sabi ko sa asawa ko ay sinimulan ko na ring gawin ang mga trabaho pagkatapos kong kumain.
CHAPTER 18
Third person’s Pov.
3months later
Velvet’s business is now competitive dahil sa nangyaring merge between sa kanyang company na La Fea cottons at sa furniturity.
This day was just a normal day for her and she was sippin’ on her coffee ng biglang dumating ang kanyang kanang kamay.
Hinawi naman muna nito ang buhok na nagulo bago tuluyang lumakad palapit kay Velvet, kung titignan ang kabuuan ng lalaking ito ay masasabing laman siya parati ng gym na mild to moderate ang activities na ginagawa, hindi man ganoon ka-firm at buff ang muscles niya ay masasabi mong meron talaga.
Agad nitong iniabot ang hawak nitong dyaryo kay Velvet at naibaba ni Velvet ang kape at nagsimulang magsalubong ang kilay neto.
“Totoo nga, buhay nga talaga siya.” Sabi pa nito sa hangin at tumatango-tango pa.
Agad namang tumayo si Velvet at may tinawagan sa telepono and ang lalaking ito na kanang kamay niya ay prenteng umupo naman muna sa sofa at nilaro laro ang ang daliri.
**
Telepono
**
“What’s the matter Velvet?” Tanong nito and Velvet clear her throat first before she replied.
“Prepare my money, I’ll gonna need that.” Sabi ni Velvet while biting her lips because of anger.
“Okay, as you wish.” Sabi ng kausap niya at padabog na ibinaba ni Velvet ang telepono at agad na naglakad pabalik sa kanyang mesa.
Pagkaupo niya ay agad niya itong pinaikot at inutusan ang kanyang tauhan.
“Go to America and find her doctor, Make sure that she won’t remember anything.” Madiing sabi niya habang nakatingin rito.
Her eyes was covered by fire, it was like a gate into hell, there you could see the greediness, anger and selfishness, her words was like a sound of devil craving for soul that will make you goosebumps.
Agad namang tumayo ng tuwid ang kanyang tauhan at nagtanong.
“As in, right now?” Tanong nito at narinig nito ang mabilis at madiin na sagot ni Velvet.
“Yes! And make sure na gagawin niya ang gusto kong mangyari, kung kelangang daanin sa DAHAS! GAWIN MO!” Pasigaw na sagot ni Velvet habang dilat na dilat ang mata.
“And don’t worry, I’ll send you the money once you are there, ihanda mo ang gamit mo at tauhan na kakailanganin mo, akong bahala sa expenses niyo, okay? Are we clear, okay Go! Shoo! Faster!” Dagdag pa nito na bumalik sa natural na tono at pumalakpak pa na para bang pinagmamadali ang kanyang kanang kamay sa pagkilos.
Mabilis namang lumakad palabas ng opisinang iyon ang makisig niyang kanang kamay and after that she sit and take sips on her coffee while staring at space.
Ngunit habang ginagawa iyon ay naalala niyang marami pa siyang gagawin, kaya naman agad niyang binalewala ang ka-kompetensya sa kumpanya at itinuon na lamang muna ang atensyon sa mga trabahong nakatambak para matapos ito.
Alexander’s Pov.
Tatlong buwan mahigit na rin magmula ng umalis ng bansang pilipinas ang asawa ko para magpagaling.
’Matagal tagal na rin
pala’
Sa loob ng mahigit tatlong buwan ay hindi naman kami pumalya sa pag-uusap ni Amara, kahit minsan ay nagtatampo ako pag natatagalan siya sa pagtawag ay bumabawi naman siya. Para bang nagkabaliktad na, ako na ang babae at siya na ang lalaki, dahil siya na ang sumusuyo sa’kin, nakakahiya mang sabihin pero ganon nga.. pero talagang mahirap hindi magtampo lalo na’t frustrated ako na wala na nga siya sa tabi ko tapos hindi ko pa siya halos nakaka-usap.
Kaya minsan, kapag ako ang may libreng oras ay ako na ang tumatawag sa kaniya, at wala namang oras na hindi niya ito sinagot, para bang sa lahat ng oras ay handa siya sa pagtawag ko.
Ngayon ay nasa opisina ako at binabasa ang naging report sa sales ng kumpanya. Wala naman akong nakitang mali at sa tingin ko ang lahat ay nasa maayos naman kaya naman ipinasend ko na sa sekretarya ko ang report kay Tito dahil ito rin naman ang gusto niya, ang araw araw na report tungkol sa pagpapaikot ko ng kumpanya.
Sa loob ng tatlong buwan na nasa ibang bansa sila para sa pagpapagamot ni Amara ay maraming improvements na nangyari sa asawa ko, nakaka-alala na siya ngunit hanggang doon pa lang sa panahong hindi pa kami nagkakakilala, at hindi pa ganoon kadetalyado lahat ng naalala niya, kumbaga para itong clips lang sa isang buong pelikula.
Wala ring sinabi ang doktor kung kelan ang eksaktong petsa kung kelan babalik ang alaala ni Amara, dahil depende raw ito sa magiging brain function ng asawa ko, kaya kung hindi agad magbabalik ang alaala nito ay matatagalan pa, at ilang therapies pa ang pagdadaanan nito upang matulungan na mapabilis ang pagbalik ng alaala nito.
Inialog ko ng bahagya ang ulo ko at saka ko inilapag ang folder na hawak ko sa mesa, at napatitig naman ako sa aking cellphone. Sumipol pa ako at tumingin sa orasan ko.
Alas-nuebe na ng umaga kaya naman alam kong tatawag na ito anumang sandali, kaya tumitig lang ako sa ako sa aking cellphone at nagpatuloy sa pagsipol.
Mga ilang minutos ng paghihintay ay nag-ring na ang cellphone ko. Nakangiti ko itong dinampot at masayang binati ito.
“Hello loves.” Sambit ko.
“Oh, kamusta ka? Nasa work ka na? Kumain ka na ba?” Sunod-sunod na tanong niya at natawa naman ako.
“Yes loves nasa work na ako and kumain na ako kanina sa bahay, ikaw? Matutulog ka na ba?” Sagot at pagbabalik tanong ko pa sa kanya habang inaayos ko ang iba kong gamit sa lamesa.
“Hindi pa, maaga pa naman e at saka kumakain pa ako, tara kain tayo loves!” Masaya pa nitong aya sakin at halos mapunit na naman ang bunganga ko sa pagkaka-ngiti dulot ng saya.
“Kumain ka muna diyan loves, kumakain ka pa pala tas tumawag ka agad.” Panunumbat ko kunwari at saka ngumuso at sumandal sa aking kinauupuan.
“Sorry na, namiss ko kase yung boses mo e, ang hirap kaya makipag-usap dito ng ingles, buti pa pag ikaw kausap ko, walang halong kahit ano, purong tagalog at filipino HAHAHAHA” Sagot niya at tumawa at natawa rin ako.
“Ikaw loves ah, namiss mo pala boses ko!” Pang-aasar ko kunwari habang pinipigilan ang kilig dahil sa sinabi niya.
’ Bading
pakinggan pero solid yung saya nung narinig ko yung sinabi niya HAHAHA’
“Oo naman nakakamiss naman talaga boses mo e, lalo na pag nagdadrama ka, yung tipong naiimagine kong tumutulo sipon mo dahil sa pagdadrama mo, ayun miss ko yun.” Pang-aasar din niya at saka tumawa kaya naman natawa na lang din ako.
Napakamot naman ako sa noo bago nagsalita.
“Ikaw kase e HAHAHA, wag mo kase ako binabaliw para hindi ako nagdadrama.” Paninisi ko habang patuloy pa rin sa pagbungisngis dahil sa asaran namin.
“Oo na, kaya nga tumawag ako agad ngayon e..kaso nanunumbat ka na kesyo bat ako tumawag e kumakain pa ako, eh pa’no, ilang oras lang na malate sa pagtawag nagtatampo ka.” Bulyaw niya at napangiti naman ako roon.
“Sorry na, pero dapat kasi kumain ka muna HAHAHA.” Sagot ko at narinig ko naman ang singhal niya.
“Tapos pag nalate ako ng tawag, magtatampo ka? Mas mabuti ng tumawag ako habang kumakain, atlis wala tayong problema.” Sagot niya at napangiti pa ako sa naisip ko kaya naman agad akong sumagot.
“Ayaw mo rin palang nagkakaproblema tayo?” Tanong ko habang pinipigil ang ngiti at kilig.
’ Bakit
ganon?
Kahit
walang
nakakakilig
?
Kinikilig
at
natutuwa
ako , ang weird lang.’
Umayos pa ako ng upo habang naghihintay sa sagot niya. Narinig ko naman ang paglunok at pag-inom niya ng tubig bago tuluyang sumagot.
“Oo kase pag may problema tayo ang hirap mo kaya kausapin, yung tipong antipid mo sumagot at hindi ka halos umiimik. Ikaw na nga lang nakakausap ng maayos bukod kay Papa tapos magiging ganun ka pa, edi nahihirapan ako.. kaya mas gusto kong okay tayo kase nakakausap kita ng maayos.” Sagot niya at nawarak na siguro ang aking bibig sa pagkakangiti dahil sa sagot niya.
Hindi ko alam pero napasinghap ako ng hangin sa sagot niyang iyon na agad ko ring ibinuga.
Nag-yes pa ako sa hangin na para bang nanalo ako sa lotto kahit hindi naman.
“Loves, pinapakilig mo ako” Balik sa normal na sagot ko ngunit nakangiti pa rin.
“Bahala ka kiligin diyan, basta nagpakatotoo lang ako.” Sagot niya at halos makita na ang magkabilaang bagang ko sa pagkakangiti.
“Gusto tuloy kita halikan, bilisan mo na nga dyan.” Masayang sagot ko pa at natawa rin naman siya.
“HAHAHA kung pwede lang utusan tong utak na’to na alalahanin na agad lahat e, baka magkasama na tayo’t naalala ko na lahat e.” Sagot niya pa at natawa naman ako sa sinabi niyang iyon.
At isinegway ko na ang usapan dahil may gusto akong malaman.
“Eh kamusta naman pala? Yung mga therapies? May nadagdag ba sa mga naaalala mo? E ako? Naaalala mo na ba?” Sunod sunod na tanong ko.
Inilayo ko muna ng bahagya ang aking phone upang bumuntong hininga at agaran itong inilapit sa tenga pagkatapos.
Gustuhin ko mang umasa ngunit ayoko naman masaktan ng dahil sa sarili kong kagagawan kaya naman hinintay ko na lang ang sagot niya.
Tumikhim naman muna siya bago sumagot
Author’s Note:
Since I have readers na di masyadong
maalam
sa tagalog,
tumikhim
is to clear one’s throat or to clears throat oki?
Ni-explain
ko lang kasi never naman yan
naeencounter
sa language namin/nila :>
Oki, continue na… XOXO
“Hanggang ngayon, may ibang pangyayari sa naalala ko ang mas naging detalyado, and may mga pangyayari rin na nadudugtong sa mga naalala ko, ganun pala yung pakiramdam no? Pero wala pa rin akong naaalala tungkol sa atin, hanggang doon pa lang talaga sa mga napagdaanan namin ni Papa, naiiyak nga ako pag may nadadagdag sa mga alaala ko e, kaya sana magtuloy-tuloy na.” Sagot niya at huminga ng malalim at ganun din naman ako.
Pagkabuga ko ng hangin ay para bang naramdaman ko agad ang lungkot na kailanman hindi nawala, ngunit ayoko namang sirain ang masaya kong umaga kaya ngumuso na lang ako, at pinigil ang kung ano mang nararamdaman.
“Kahit date ng anniversary? Birthday ko? Araw na nagkakilala tayo? Di mo maalala?” Tanong ko kunwari habang nakanguso pa rin at pinipigil ang lungkot.
“Hindi pa nga, at saka…pwede mo naman kaseng sabihin na lang yan sakin e, pwede namang, Amara.. eto yung araw na nagkakilala tayo chuchuness!..” Sagot pa niya at napabuntong-hininga naman ako.
Nagsalubong ng bahagya ang aking kilay.
“Ayoko ng ganun, kung para sa iba, ipapaalala nila sa mahal nila yung mga bagay na nakalimutan nito, ibahin mo ako.. kase ako? Hihintayin kong maalala ako ng puso’t isipan mo kahit gaano pa katagal kesa ipaalala sayo lahat ng nakalimutan mo.” Sambit ko at natahimik naman siya sandali at ako’y napanguso na lang dahil sa lungkot.
“Hays” Buntong hininga pa niya kaya napahinga ako ng malalim saka ako nagsalitang muli.
“Look, Loves hindi sa pinahihirapan kita, pero mas gusto kong maalala mo ako ng kusa kesa sa naalala mo’ko dahil pinaalala ko, mas gusto ko na ikaw mismo ang kusang maka-alala sa akin at magsabing naalala mo ako kesa sabihin mong naaalala mo na ako dahil nagkwento ako.” Dagdag ko pa at nagbadya namang agad ang aking luha kaya naman tumingala ako sa kisame upang hindi ito tumulo.
“Sorry Loves, sana maalala ko na lahat, ayokong mahirapan tayo ng ganito.” Sabi niya at napabuntong hininga ako at ngumiti ng pilit habang nakatingala.
“Kapit lang Loves, pagsubok lang ’to sa atin okay? Wag kang bibitaw dahil kumakapit ako sa’yo kaya kumapit ka rin sa’kin okay?” Sagot ko at narinig ko naman ang pagsang-ayon niya.
“Okay Loves, kakapit at magtitiwala ako sa’yo.” Tugon niya at napangiti naman ulit ako na para bang wala ng lungkot.
’Now i know, it’s really possible to be happy and sad at the same
time’
“Ako rin Loves, nagtitiwala at magtitiwala pa rin ako sa’yo.” Sagot ko at narinig ko ang tunog ng kutsara kaya naman naalala kong kumakain pala siya.
“Sige na kumain ka na diyan.” Sabi ko pa habang may tipid na ngiti at narinig ko pang muli ang tunog ng plato at kutsara.
“Tapos na ako kanina pa, inilapag ko na nga yung plato dito sa table e.” Sagot niya at napangiti naman ako.
“Ano namang kinakain mo pala diyan? Diba dinner na?” Tanong ko pa para pahabain ang aming pag-uusap dahil gusto ko pang marinig ang boses niya.
Umayos naman ako ng upo at pinaglaruan ang ballpen ko na nasa table.
“Oo dinner na, as usual yung Pasta na may sauce na maasim.. hindi ko nga yun gusto e, kaso yun lang din yung masarap na pagkain sa paningin ko, yung iba hindi na mukhang masarap sa paningin, hindi pa yata masarap sa lasa.” Sagot niya at natawa naman ako.
“Oo nga, alam na alam ko yan.. kaya ayoko ring naglalagi sa America e.” Sambit ko pa at natawa naman siya.
“Kung pwede lang umuwi agad ng pilipinas kahit hindi pa tapos tong therapy na’to e, uuwi talaga ako.” Sabi pa niya at napangiti naman ako.
“Tiis tiis na lang, malapit na rin naman, lalo na ngayon may naaalala ka na, for sure magpapatuloy na yan.” Sagot ko at narinig ko naman ang hininga niya.
“Sana nga, miss ko na rin yung pagkain sa pilipinas e.” Sabi pa niya at napangiti naman ako.
“Hayaan mo, sasabihan ko si Tito tungkol diyan, for sure may mga restaurants naman diyan na filipino dishes ang niluluto, sasabihan ko siyang dalhin ka roon para hindi ka masyadong ma-homesick.” Tugon ko at narinig ko naman ang pagkasabik sa kanyang tono.
“Talagaaa?” Usal pa niya at tumango naman ako.
“Oo, akong bahala okay? Iloveyou.” Sagot ko pa at narinig ko ang pagtawa niya.
“Okay sigeee HAHA.” Tugon niya pabalik at naisip ko naman ang oras kaya nagtanong na ako sa kanya.
“Teka, anong oras na ba diyan?” Tanong ko at narinig ko naman ang mabilis niyang tugon.
“Teka…. Ano na, alas-otso na dito malapit na mag alas-nuebe.” Sagot niya at nagsalubong naman ang kilay ko.
“Matulog ka na, anong oras na pala, sige na matulog ka na.” Utos ko at narinig ko naman ang malalim niyang paghinga.
“Eh? Maaga pa kaya.” Sagot niya at nainis ako sa tugon niyang iyon.
“Anong maaga ka dyan Loves? Matulog ka na.” Inis na utos ko rito at narinig ko naman ang pagsinghal niya.
“Ano ba yan kasi e! Sige na matutulog na’ko! Hmp!” Sagot niya na may bahid ng inis sa tono.
“Sorry Loves, pero matulog ka na! Iloveyou goodnight.” Sabi ko pa at narinig kong muli ang singhal niya bago tuluyang sumagot.
“Hmp! Oo na.. sige goodnight, Bye!” Sagot nito at ibinaba ang tawag.
Natawa naman ako sa tono ng huling pagsagot niya kaya naman nakangiti kong inilapag ang aking cellphone sa table.
Naalala kong may gagawin pa pala ako kaya naman nakangiti kong kinuha ang isang folder at tinignan ang laman nito at kinuha ang nilalaro kong bolpen kanina upang lagdaan ito.
CHAPTER 19
3rd person’s Pov.
Mabilis na nakarating ng America ang mga tauhan ni Velvet.
Nagkaroon din muna ng transaksiyon sa iba’t ibang koneksyon itong si Velvet bago niya tuluyang matukoy kung saan nakatira ang doktor ng kaniyang dating kaibigan or let me change that, never niyang itinuring na kaibigan.
Agad na nakapasok ang kanyang tauhan sa building na iyon kung saan nakatira ang doktor ng hindi man lang chinecheck ng securities at guards.
Masasabing malawak ang naging koneksyon ni Velvet dahil sa isang tanguan at paggalaw lang ay agad na nagsalita ang front service officer at binanggit ang room na kinaroroonan ng doktor.
Prenteng naglakad ang limang tauhan ni Velvet at sumakay ng elevator para puntahan ang kinaroroonan ng doktor.
Pagkarating sa palapag na iyon ay agad na pumorma na parang sundalo ang apat at ang kanang kamay ni Velvet ang kumatok at saka tumayo ng tuwid habang naghihintay.
Hindi pa nabubuksan ng todo ang pinto ay agad na itinulak ito ng isa sa apat na taong pumorma at lahat sila ay pumasok at inambaan ang doktor.
“Are you the doctor of Miss Amara Sparks?” Tanong ng kanang kamay ni Velvet na inikot-ikot pa ang singsing nito sa kamay at dinilaan ang labi upang basain.
“Who are you? Why do you wanna know?” Tanong ng doktor na tila naguguluhan at natatakot sa nangyayari
Habang hawak siya ng apat ay naglakad pa side to side ang tauhan ni Velvet at sumagot.
“I’m the one who ask first, so answer my questions and we’ll leave you with no any bruises.” Pananakot nito at agad namang napalunok ang doktor at tila inipon pa nito ang lakas para magsalita.
“Yes, I-I’m the doctor of M-Miss Amara.” Utal nitong sagot dahil sa takot at lumingon pa sa mga nakahawak sa kaniya na binigyan siya ng masamang tingin.
“And how is she? How’s her medication?” Tanong pa ng tauhan ni Velvet dito at lumunok pang muli ang doktor at takot na sumagot dahil sa nakita nito ang mga baril sa tagiliran ng mga lalaking nasa harap niya ngayon.
“S-She’s fine, she’s improving, s-she now remember some events in her past.”
Agad na tumikhim ang tauhan ni Velvet dahil sa masamang balita.
Kung para sa pamilya ni Amara ay magandang balita ang pagbabalik ng iilan sa kaniyang alaala ay kabaligtaran iyon para kay Velvet.
Dahil paniguradong sa pagbabalik ni Amara ay siyang pagdating rin ng kaniyang pagbagsak.
Agad na dinukot ng tauhan ni Velvet ang sandamakmak na tabletas at ibinato ito sa sahig malapit sa paanan ng doktor.
“Then, I need you to do two things for me, first, stop doing the therapies, and second, I want you to prescribe it to her. Are we clear?” Utos pa nito gamit ang malalim at malakas na boses ngunit ang doktor ay hindi sang-ayon sapagkat siya ay wala pa ring kaide-ideya kung bakit nila ito ginagawa.
“Wait, Why? Why do I need to do it?” Tanong pa nito at sa inis ng isang tauhan ay tinutukan nito ng baril sa ulo ang doktor na siyang nagpatahimik at nagpapikit ng dahil sa takot.
“Isa pang tanong mo, sasabog yang bungo mo!” Galit na sabi nito at sinenyasan lang siya ng kasamahan na kumalma kaya naman inis niyang ibinalik sa tagiliran ang baril.
“It’s because…we want you to do it, and if you’re not able to do it? I’ll gonna cut your throat.” Matalim na sabi ng kanang kamay ni Velvet sa doktor at binigyan pa niya ito ng masamang tingin habang nakatitig sa mata nito.
At sa isang kumpas lang ng kamay ng kanang kamay ni Velvet ay agad na binitawan ng iba pang tauhan ang doktor at hinayaan itong mabilis na pulutin ang mga gamot sa sahig dahil sa takot.
“Hey, if you do everything what we said, you will never be in harm.” Dagdag na sabi pa ng kanang kamay ni Velvet at sumenyas sa kasamahan nito at sabay-sabay nilang nilisan ang kwartong iyon na kinaroroonan ng doktor.
After one week…
Alexander’s Pov.
Ngayong araw ay nasa bahay ako dahil wala namang kailangang trabahuin sa opisina at araw ng pahinga ko ngayon.
Habang nakahiga ay kausap ko ang aking asawa kaya naman buong-buo agad ang umaga ko at ang ngiti ko ay abot tenga na.
“Eh, kamusta ka naman?” Tanong ko pa habang nakangiti at nakadapa sa higaan at yakap ang isang unan.
“Hmm, ayos lang naman ako loves, ikaw?” Balik-tanong niya at gumalaw naman ako ng onti at niyakap muna ang unan at tumingin sa kawalan bago sumagot.
“Ayos lang din naman ako loves, eto nasa bahay ako ngayon dahil rest day ko ngayon at saka wala rin namang gagawin sa opisina ngayon.. so ayun, e teka? Kamusta na pala yung medication mo? Patuloy ba sa pag-iimprove?” Tanong ko at narinig ko rin naman ang paggalaw niya sa kinahihigaan kaya napangiti lang ako at hinintay siyang sumagot.
“Nung last na punta ko kay Doc, niresetahan nya na ako ng gamot.” Sagot niya at nagtaka naman ako.
“Gamot?” Kunot noong tanong ko sa kanya.
At ang saya na nararamdaman ko kanina ay agad napalitan ng pagtataka ngunit binalewala ko iyon at hinintay na lang ang sagot niya.
“Yup, benzodia– ano yung pangalan nun e, basta loves nakalimutan ko e, kase sabi ni Doc, medyo parang mabagal raw ang improvements ko, kaya niresetahan nya ako nun, matutulungan daw ako nun para bumilis ang pagbalik ng alaala ko.” Sagot niya at huminga naman muna ako bago nagtanong.
Tumingin pa ako sa kung saan at saka nagsalita.
“Eh, ilang beses sa isang araw mo naman daw yan iinumin loves?” Tanong ko pa rito at agaran naman siyang sumagot.
Tumagilid naman na ako ngayon at kinuha ang isang unan para yakapin itong muli.
“2tablets per day, isa sa umaga at isa sa gabi bago matulog.” Sagot niya at napangiti naman ako sa di malamang dahilan.
Diniinan ko pa ang pagkakayakap sa unan habang ang isa kong kamay ay hawak ang cellphone.
“Nakainom ka na ba ng gamot mo?” Tanong ko dahil alam kong gabi na roon at ilang oras na lang din ay matutulog na siya.
“Oo naman, e ikaw loves, kumain ka na ba dyan?” Balik tanon niya at tumawa naman muna ako bago sumagot.
“Hindi pa loves.” Sagot ko at narinig ko naman ang agad ang pag buntong hininga niya kaya tumikhim naman ako at naghihintay ng sasabihin niya.
“Tingnan mo, pag ako hindi kumakain..grabe ka magalit tas pag ikaw… Hays! Ang unfair mo loves.” Panunumbat niya at natawa naman ako.
“Sorry na loves, eh kase mas gusto kong makausap ka e, pero teka, palagi ka bang naglalagay ng cream dyan sa may peklat sa ulo mo?” Tanong ko at narinig ko pa ang paglunok niya bago sumagot.
“Oo naman no, may nararamdaman na nga akong bagong tubong mga buhok e, kahit mabagal atlis meron na.” Sagot niya at napangiti naman ako.
“Magandang sign nga yan, sige na ibaba mo na para makatulog ka na, I miss you loves, I love you and goodnight.” Sabi ko pa at agad naman siyang sumagot.
“Sige kumain ka na diyan, goodnight este good morning loves HAHAHA, bye!” Sagot pa niya bago ibaba kaya naman natawa ako at agad na bumangon para kumain at hindi magalit ang aking reyna.
CHAPTER 20
Mr. Sparks’ Pov.
“So, kamusta naman yung alaala mo? Nadagdagan ba anak?” Tanong ko kay Amara habang kinakalikot at nagtitingin-tingin ng information sa gamot na nireseta ng doctor sa anak ko.
“Eto Pa, ang hirap hirap.” Sagot niya sa malungkot na boses at ngumuso pa.
“Why?” Tanong ko pa at agad na minanipula ang mouse ng aking laptop at nagclick sa isa pang informatiom habang ang tenga ko ay naghihintay sa kanyang sagot.
“Kase Pa, pinipilit ko naman alalahanin lahat, kase kahit ako Pa, gusto ko ng bumalik yung alaala ko, pero hindi ko kaya e, ang hirap isipin nung mga bagay na hindi ko naman maalala.” Sagot niya at agad na nagbadya ang luha sa kanyang mata kaya agad akong naawa sa aking anak.
Kung kami ngang nasa paligid niya ay nahihirapan, pa’no na lang sya? Siya na nasa sitwasyon ng walang naaalala.
“Nak, don’t pressure yourself.” Sabi ko pa at agad niya akong pinutol.
“Ayan ka na naman Pa e, alam mo namang ayaw ko ng may nasasaktan dahil sakin e, at kahit hindi nyo sabihin.. alam kong nasasaktan kayo at yun naman ang hindi ko kaya, kaya ako nagkakaganito.” Sagot niya at sunod sunod na tumulo ang luha sa kaniyang mata kaya naman agad akong tumayo para yakapin ang aking anak at agad din naman syang yumakap pabalik.
“Hush anak, wag mo kami masyadong isipin.” Sabi ko pa at agad kong narinig ang mahinang hikbi niya at idiniin nya ang mukha niya sa aking dibdib.
“Pa, hindi ko kaya yan. Palagi ko kayong naiisip, kayo ni Alexander.” Sagot niya at hindi naman na ako umimik at tinahan na lamang siya at bumitaw naman siya sa yakapan namin at agad niyang pinunasan ang natirang luha sa mata.
“Take a rest, kelangan mo yun anak. Be easy to yourself, wag mong abusuhin ang sarili mo anak, if you can’t remember then let it be, wag mong pilitin dahil kusa yang babalik, wag mo kaming intindihin dahil kaya naming maghintay.” Sabi ko pa at ginulo ang buhok niya at binigyan nya lang ako ng malungkot na ngiti.
“Sige pa, do’n na ako sa kwarto ko, baka mamaya tumawag na si Alexander.” Paalam niya at saka ngumiti, tumango naman ako bilang sagot at saka siya naglakad patungo sa kaniyang kwarto.
Ako naman ay bumalik sa pagkakaupo dito sa lamesa at binasang muli ang tungkol sa gamot na nireseta sa anak ko.
Hindi ko alam ngunit pakiramdam ko ay may mali sa nangyayari kaya naman dala ng kuryosidad ko ay nagsaliksik ako tungkol sa gamot na ito.
Kumamot pa ako sa ulo habang binabasa ang mga impormasyon ng marating ko na ang impormasyon tungkol sa side effects ng gamot na ito.
The side effects include respiratory depression and hypotension, this drug is a sedative drug with amnesic properties.
shown to affect memory, can produce anterograde amnesia (a loss of memory for events occurring forward in time). Following the ingestion of a benzodiazepine, short-term memory is not affected, but long-term memory is impaired.
Pagkabasa ko ng impormasyong iyan ay naikuyom ko ang kamao ko at agad kong tinawagan si Alexander.
Huminga muna ako ng malalim upang alisin ang namumuong galit sa kaloob-looban ko.
Pagkasagot niya ay agad ko siyang tinanong.
“How’s the business? Is everything alright?” Agarang tanong ko gamit ang baritono kong boses, tumitig pa ako sa mga impormasyong nasa laptop habang kausap siya.
“Okay lang naman po Tito, why?” Tanong niya marahil siguro sa kuryosidad.
Tumikhim naman muna ako at isinara ang laptop bago sumagot sa pagbabalik niya ng tanong.
“Well, that’s good to hear, tawagan mo ang mga tao ko, pumunta kayo rito sa America as soon as possible.” Direktang sabi ko at gumawa pa ng ritmo gamit ang aking daliri na ginagalaw-galaw ko sa ibabaw ng babasaging mesa.
“Is it urgent Tito? May I know why?” Tanong pa niya at napabuntong hininga ako.
“Mag-usap tayo pag nakarating ka na rito. Teka, kamusta naman kayo ni Amara?” Tanong ko pa habang nakatingin sa kung saan.
“Ayos lang naman po, Miss na miss ko na ho yung asawa ko Tito. Natutuwa nga po ako na gusto nyo akong papuntahin dya’n kahit nacucurious po ako kung ano yung dahilan.” Sagot niya at umubo pa pagkatapos at humingi ng pasintabi.
Binalewala ko naman iyon sapagkat natuwa ako dahil ramdam ko ang kagalakan at kasabikan niyang makita ang aking anak.
Hindi man sinuwerte sa’kin ang anak ko dahil marami akong ginawang kamalian sa kaniya ay sinuwerte naman siya sa asawa na mahal siya at hindi siya sinusukuan.
Napangiti pa ako sa isiping iyon kaya naman mabilis na napawi ang galit na kanina ay nag-aapoy sa aking kaloob-looban.
“Ang swerte talaga ng anak ko sayo, kaya nga para hindi mo na mamiss, pumunta ka na agad dito asap.” Kantyaw ko pa sa kanya at natawa naman siya ng bahagya.
“Sige Tito, sabi mo yan ah.” Paninugurado pa niya at natawa ako ng onti.
Hindi pa rin nawawala ng tuluyan ang aking galit ngunit ayokong magpadala rito kaya naman pilit kong kinakalma ang sarili ko at ipakita sa mga tao sa paligid ko na ayos lang ang lahat.
“Yup, I’ll wait for you here tomorrow, bye son.” Sagot ko at narinig ko pa ang tugon nya bago ko tuluyang naibaba.
Pagkatapos ng aming pag-uusap ay agad akong bumalik sa paglalaptop at naghanap ng pwedeng flight ngayon para sa tauhan ko at kay Alexander.
Medyo mahirap dahil halos lahat ng flight ay around asia lang at ayoko namang mahirapan pa sila kaya naman nagtingin pa ako ngunit ang aking nakita ay flight mamayang 11pm kaya naman agad ko na itong kinuha dahil kelangan ko sila agad rito.
Agad ko itong kinuha dahil sakto ito para sa kanila at agad kong sinend kay Alex.
Ilang minutos na rin ang nakalipas ng matapos kaming mag-usap ng asawa ko.
Maaga syang natulog dahil medyo nakaramdam na daw sya ng antok kaya naman pinayagan ko na dahil siguro side effect iyon ng gamot na tinetake niya.
Habang nakaupo sa kama at naglalaptop ay nakatanggap ako ng email galing kay Tito.
Agad ko itong binuksan at nakita ko ang limang tickets na binili para sa amin.
Agad ko pang tinignan ang oras at, ilang oras na lang ay flight na namin kaya naman mabilis kong nailapag sa kama ang laptop ko na nasa binti ko at napabalikwas para mag-ayos ng gamit dahil hindi ko naman inakala na ngayon agad ang flight.
Mabilis na namuo ang pawis sa aking noo kahit na malakas ang air conditioning ng kwartong ito.
Ifinorward ko through text ang sinend ni Tito at finorward sa mga tauhan niyang isasama ko, at pagkatapos nun ay agad kong kinuha ang bagahe ko at nilagay na lang mga damit ko dun at binalewala kahit hindi maayos ang pagkakalagay nito.
Agad naman akong napangiti ng maisip kong makikita ko nang muli ang asawa ko.
’Hindi ko alam bakit ganito
kahirap
ang
mahalin
sya, pero sana sa susunod..puro saya na.’
Mabilis naman akong natapos kaya naman agad akong tumakbo sa cr upang maligo.
Binilisan ko lang ang pagkuskos at pagsasabon dahil wala naman akong masyadong ginawa at alam kong malinis naman ako dahil naligo na ako kanina.
Pagkatapos non ay agad akong nagbihis. I’m wearing v-neck tshirt at leather jacket and maong pants partner with men fashioned combat boots.
Pagkatapos kong magbihis ay tinignan ko pa ang sarili ko sa vanity ni Amara at ng makita kong ayos naman na ako ay agad akong bumaba dala ang aking isang bagahe.
Naging mabilis lang naman ang lahat dahil kahit sila ay nagmadali ring kumilos upang makarating dito sa mansion dahil nandito ang aming sasakyan na maghahatid sa amin sa Airport.
Habang nasa sasakyan ay hindi ko maiwasang mapangiti dahil nasasabik na akong muli na makita ang asawa ko.
Tatlong buwan rin kaming hindi nagkita at pakiramdam ko ay sobrang tagal na nun kahit hindi naman.
Ang mga tauhan ni Tito ay may kanya-kanyang kwento at ako’y nakikinig lamang sa kanila dahil puro babae lang naman ang kanilang paksa at hindi ako interesado kaya hindi ako nakikisawsaw.
Humikab ako dulot ng antok kaya naman sumandal ako sa aking kinauupuan at pumikit para umidlip.
Hindi ko alam kung gaano katagal ang aming byahe mula sa bahay papuntang Airport ngunit pakiramdam ko’y naging mabilis lang ang byahe dahil sa maluwag ang daloy ng trapiko.
9:30pm ng makarating kami sa airport at ilang oras pa yon mula sa aming flight na 11pm kaya naman pagpasok ay nagsi-upo muna kami at naghintay.
Mabuti na lang at habang nag-uusap kami ni Amara ay kumakain ako dahil kung hindi, baka ngayon ay ginugutom ako.
Hanggang dito sa airport ay hindi pa rin tapos ang kwentuhan nila tungkol sa mga babaeng kanilang ninanais at napangiti naman ako ng pumasok sa isip ko si Amara.
’Ano kayang magiging
reaksyon
niya?’
Para akong sinto-sinto na tumatawa ng palihim dahil sa naisip kong magiging reaksyon niya.
Hindi ko alam kung bakit pag siya ang naiisip ko ang lakas ng tama ko, hindi ko kailanman inisip na makakaramdam ako ng ganito dahil sa kaniya.
At napangiti pa akong muli ng maalala ko ulit ang mga napag-daanan namin, malungkot man o masaya.
Sa pag-iisip ko sa lahat ng mga lumipas na alaala ay hindi ko napansin ang oras.
’Napakabilis talaga ng oras kapag hindi
pinapansin’
Tatlong minuto na lang ay flight na namin kaya naman hininto ko na ang pag-iisip ng kung ano-ano at naghintay na lang.
CHAPTER 21
Alexander’s Pov.
Habang nasa himpapawid sakay ng eroplano ay marami akong napagtanto na hindi ko alam kung napahalagahan ko na ba sa buhay ko.
Marami nang nangyari sa buhay ko na nagturo sa akin ng maraming aral. Simula nung makilala ko si Amara, marami akong bagay na natutunan na takot na takot akong malaman.
Simula nung dumating siya sa buhay ko, natutunan kong pahalagahan ang simpleng bagay sa buhay ko kahit pa may ibinubuga na ako sa buhay.
Naturuan niya rin akong pahalagahan ang bawat sandali na meron ako, na hindi dapat binabalewala ang segundo ng aking buhay, na dapat meron akong magawa na may mabuting maidudulot hindi lamang para sa sarili ko kundi para sa lahat.
Habang nasa eroplano ay para siyang palabas sa telebisyon na patuloy na nagpapakita sa imahinasyon ko. Kaya naman ipinikit ko ang aking mata at ninamnam ang sandali na nakikita ko siya.
Napapangiti pa ako kapag nakikita ko sa imahinasyon ko ang ngiti na nagpabaliw sa akin ng ganito.
Pagdilat ko ay inilibot ko ang aking mata at inobserbahan ang mga taong narito sa eroplano. Halos lahat ng tao ngayon ay nakasandal at natutulog na, ngunit may iba rin namang mahinang nag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay at ang iba ay abala sa pakikinig ng music sapagkat bawal ang gumamit ngayon ng internet.
Masyadong kalmado ang lugar kahit pa medyo gumagalaw galaw ang eroplano dahil siguro sa lakas ng hangin sa himpapawid.
Napansin ko rin namang tulog rin ang aking mga kasama, kaya naman nagkibit balikat ako at saka ako sumandal sa kinauupuan ko at ipinikit kong muli ang mata ko para matulog.
’Ilang oras na lang,
magkikita
na tayo.’
Pagkasabi ko no’n sa isip ay dinama ko ang saktong lamig na meron dito sa eroplano at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.
Amara’s Pov.
Tamad kong idinilat ang mata ko at bumangon para patayin ang alarm clock.
Pagkabangon ko ay hindi ako kaagad tumayo, nanatili muna akong nakaupo at papikit-pikit sa mata dulot ng pagka-antok. Pakiramdam ko ay kulang na kulang ako sa tulog kahit na mahaba naman ang oras ng naging tulog ko.
Nang magkaroon ng lakas ay saka ako bumangon upang kumain ng tinapay na nasa lamesa sapagkat tinatamad pa akong magluto.
Mabuti na lang at sa loob ng tatlong buwan ay marami na akong natutunang gamitin na sigurado akong alam ko naman talagang gamitin. Habang hinahalo ko ang kape na kinuha ko sa coffee maker ay naalala kong may cheese pala sa ref kaya naman mabilisan kong nilapag ang kape sa lamesa at agad na pumunta sa Ref.
Pagkakuha ko nito ay agad kong binuksan at kinurutan at sinubo. Sumasayaw-sayaw pa ako habang ginagawa iyon at nakangiti pa.
Pagkalapag ko ng cheese sa lamesa ay bumalik ako sa kwarto upang kunin ang cellphone ko at para makapag-play ako ng music.
Masaya akong nilalantakan ang tinapay at cheese dito sa kusina habang may pakaway-kaway pa ng kamay dahil sa magandang tugtugin sa aking playlist.
Sa sobrang gandang opm nito ay para bang nasa pilipinas lang ako at wala sa ibang bansa. Nasa ganoong posisyon ako ng lumabas si dad dala ang kaniyang Macbook pro.
Umupo siya sa bakanteng upuan na katapat ng akin at saka ako binati.
“Good morning anak, aga mo nagising ah?” Bati pa nito at ngumiti lang ako ng tipid bago bumati pabalik.
“Dahil sa alarm clock Pa, at saka kelangan kase iinom pa ako ng gamot.” Sagot ko pa rito at nagpatuloy sa pagkagat sa tinapay na may cheese.
‘Ang sarap talaga’
“About that, wag mo muna inumin yung gamot mo. We’ll gonna ask for another medicines.” Sabi niya pa at tumayo at kumuha ng kape sa coffee maker.
Sinundan ko naman siya ng tingin at saka nagtanong.
“Bakit Pa? Anong meron?” Tanong ko habang kunot ang noo dahil sa pagtataka. Bakit kaya ayaw ipainom sakin yung gamot? May mali ba?
Kumagat pa ako sa tinapay ngunit hindi nagbabago ang pagkakunot ng noo ko dahil gusto ko ng kasagutan.
“Dad?” Dagdag ko pa ng hindi ako imikin ni Dad bagkus nagpatuloy lang siya hanggang makaupo at nakasunod lang naman sa kanya ang paningin ko.
Agad niyang inilapag ang kape sa lamesa at tumutok sa laptop na para bang hindi nya ako narinig kaya naman umulit pa ako.
“Pa bakit?” Tanong ko na may diin dahil sa kaunting inis na namumuo sa akin.
’
Umagang-umaga
ang lakas
mang-dedma
ni Papa, parang ewan.’
“Basta anak, don’t worry, I know the best for you, basta wag ka muna uminom ng gamot” Sagot niya ng hindi ako nililingon kaya naman napasimangot at irap ako sa hangin dahil sa inis kay Papa, ngunit kahit gano’n ay ayokong mag-inarte dahil baka maistorbo ko siya sa kanyang ginagawa kaya naman binilisan ko na lang ang pagkain at para mainom ko na rin ang kape ko.
Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang baso at kutsarang ginamit ko at saka ako pumasok sa kwarto ko at kinuha ang aking airpods pro at saka ako nakinig ng music habang nakahiga sa kama.
Ngunit habang nakikinig ako ay hindi noon maibsan ang pagkabagot kaya naman napabalikwas ako sa pagkakahiga at mabilisang dinampot ang phone ko dahil naisipan kong tawagan si Alexander.
“Kamusta na kaya yun?” Tanong ko pa sa hangin na para bang may sasagot sa akin.
Hinintay ko pa ngunit out of coverage area kaya naman napahiga akong muli at para bang nawawalan na ako ng pag-asa.
At biglang pumasok sa isip ko ang mga nagbalik kong alaala kumakailan lang.
At naisip kong muli si Alexander sapagkat tungkol na sa kaniya ang alaalang iyon.
Mistulang panaginip pa iyon para sa akin ng tinangka akong kidnappin ngunit sumaklolo siya, ngunit pakiramdam ko ay totoo iyon kaya alam kong bahagi talaga iyon ng nakaraan namin.
“Alam na kaya niyang may naaalala na ako tungkol sa kaniya?” Tanong ko pang muli sa hangin at napapikit ako sa inis ng pakiramdam ko’y pilosopohin ako ng utak ko.
’Paano naman niya malalaman?
Sinabi
mo na ba?’
“Hays, hayaan na nga.. matutulog na lang ako, napakaboring ng buhay na ito.” Inis na sabi ko pa sa hangin habang nakanguso at padabog kong tinanggal ang airpods at ibinalik ito sa lalagyan nito.
At inis kong ipinikit ang mata ko at saka umayos ng pwesto at yumakap sa unan para matulog at maibsan ang pagkabagot.
’Sana
mag-gabi
na’
CHAPTER 22
Mahigit labindalawang oras ang naging byahe ng eroplano, ngunit hindi ako nakakaramdam ng kahit anong pagod.
Ang tanging nararamdaman ko lang ay pananabik na makitang muli ang asawa ko
Noon naman ay hindi ako ganito ngunit masaya ako na sa kanya ko to nararamdaman, she’s the one who taught me to love this way, and I thank her for that.
Narito na kami ngayon sa ibaba ng building kung saan pansamantalang nakatira sila Tito, malaking kwarto raw ang nakuha nila rito kaya ayos lang kung magkakasama kaming lahat.
Habang sila ay abala pa sa pagbababa ng gamit nila mula sa Taxi na aming sinakyan ay umuna na ako.
Maglalakad pa sana ako ngunit naalala kong kelangan ay magkakasama kami sapagkat itatawag pa ito sa itaas kung inaasahan ba kaming dumating o hindi.
May mga gwardiya at iba pang tauhan kaya naman umupo muna ako sa mahabang bench na nakita ko habang naghihintay sa mga tauhan ni Tito.
Hindi naman nagtagal ang aking mga kasama at mabilis rin silang nakasunod at mabilis rin kaming nakapasok dahil talagang inaasahan kami ni Tito na dumating rito.
Mas lalong lumalawak ang ngiti ko habang papalapit na kami sa 24th floor, paghinto ng elevator na aming sinakyan ay agad kong hinila ang maleta ko at naglakad papunta sa room 98.
Agad din namang sumunod ang aking mga kasamahan at ng marating na namin ang pintuan ng kanilang suite ay agad akong nagdoorbell.
Para kaming mga lalaki na manghaharana dahil sa pagkakalinya namin at pagkaka-ayos ng pwesto namin.
Agad naman sumulpot si Tito at pinatuloy kami sa loob, ngunit bago ako pumasok ay nagmano muna ako.
Pagkapasok ay nawala ang pagkakangiti ko at napalitan ito ng pagtataka habang inililibot pa ang paningin ko.
“How’s your flight, sorry for that but it’s just that I need you here as soon as possible.”
“Okay lang naman ang flight namin boss.”
“Ayos lang boss, medyo may jetlag lang.”
“Okay lang boss kahit medyo inaantok na ako.”
Sabay sabay nilang sagot kay Tito.Nakita ko pa sa peripheral vision ko na nagsi-upo na sila sa sofa ngunit binalewala ko iyon at sumagot rin sa tanong ni Tito.
“Okay lang naman po yung flight Tito, btw.. nasaan po si Amara?”
“She’s sleeping at her room, that’s the side effect of medicine that she’s taking.”
“And that’s the reason why y’all are here today, because I think someone doesn’t want my daughter to remember everything.” Malakas at may natural na bagal sa pagsabi ni Tito.
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko at ang kilay ko ay nagsimulang magsalubong, umupo ako sa isang sofa na bakante at nakinig ng mabuti kay Tito.
“It’s been days or weeks simula nung maireseta nya iyon kay Amara, But I know something suspicious because the Medicine he prescribed was for treating anxiety, and we all know that my daughter does have amnesia but not anxiety.” Mahabang sabi niya at nakinig lang ako. Tumikhim pa siya bago tuluyang magpatuloy at ako’y pinaglaruan lang muna ang singsing na sana’y isusuot sa akin ni Amara nung kasal namin.
“So I did my own research to the medicine he prescribed to Amara, finding out that this medicine could cause memory loss, either short term or long term.” Dagdag pa niya at inilabas sa bulsa ang gamot at ipinakita sa amin.
Agad namang nagsalubong ng todo ang aking kilay at iisang tao lang ang pumapasok sa isip kong maaaring gumawa nito.
’Velvet, ikaw lang ang kilala kong ganito ka
desperada
’
“And I have this strong feeling, that the person behind this was the person who tried to kill her.” Nakangisi ng sabi ni Tito at napatingin lang ako rito at napayuko pagkatapos.
“We have the same feeling Tito, so what are we gonna do?” Tanong ko agad kay Tito at ibinalik ko ang tingin ko rito.
At dito na niya ipinaliwanag sa amin ang planong meron siya, nasa planong kelangan kong bantayan ng mabuti si Amara na pabor naman sa akin, dahil isa siya sa mga sasama upang bantayan ang doctor at upang mahuli na rin kung sino ang tunay na salarin.
Kahit pa may pare-pareho kaming hula kung sino ang nasa likod nito, ay mabuti pa rin daw ang makasigurado, yan ang sabi ni Tito at sang-ayon naman ako roon.
Napayukom ang kamao ko habang pinag-uusapan namin iyon ngunit kahit pa magwala ako rito at itapon lahat ng nakikita ko ay hindi naman nun mababago ang lahat kaya wag na lang.
Naiinis talaga ako at gusto kong sapakin lahat ng tauhan ni Velvet pati mismo siya ngunit hindi ko rin iyon magagawa, sapagkat pag nakikita ko ang mukha ng asawa ko, para bang sinasabi nito na magpakabait ako, kaya kinakalma ko ang sarili ko.
Mabilis na natapos ang usaping iyon at kaunting kamustahan pa ang nangyari bago tuluyang makapagpahinga ang mga tauhan sa available rooms pa ng kwartong ito.
Dala ko ang maleta ko ng pumasok ako sa kwarto ng asawa ko at hindi na magkamayaw ang aking labi sa pagngiti dahil sa nakikita ko na ulit sya at sobrang lapit na niya sa’kin.
Inilagay ko lang sa may tabi ang maleta ko at agad akong lumapit at humiga sa kama at niyakap siya, pagyakap ko sa kaniya ay agad kong naramdaman na malamig ang balat niya dahil siguro sa aircon ng kwartong ito.
Nanatili ako sa ganoong posisyon kahit pa nakatalikod siya sa akin.
Amoy na amoy ko ang bango ng shampoo at cream na binili ko para sa kaniya noon sa pilipinas.
Habang nakayakap ako sa kaniya ay bigla siyang gumalaw kaya naman nanatili ako sa ganung pwesto at hinintay kung gising na ba siya o gagalaw lang.
Ngunit bumangon siya at agad na lumingon sa gawi ko at nagulat pa siya ng makitang nakatingin ako sa kaniya ng hindi ako gumagalaw.
“Hala, anong ginagawa mo rito?” Tanong niya gamit ang natural niyang boses.
At sa tanong niyang iyon ay napabalikwas ako at nagsalubong muli ang kilay ko.
Aba hindi ganyan ang reaksyon na inaasahan ko mula sa kaniya.
“Tss, di mo ko namiss?” Tanong ko sa kaniya at yumuko pa siya at tumingin muli sa akin bago sumagot.
“Hala, eh pano kasi? Nakakapagtaka lang, bat ka andito?” Tanong niyang pabalik, iniiwasang sagutin ang tanong ko.
Napanguso ako kasabay ang pagkunot ng noo ko. Hindi man lang sabihin na namiss ako, hays. Ako miss na miss siya tapos ako…
“Hindi mo’ko namiss?” May bahid ng inis na tanong ko.
At agaran niyang kinuha ang kamay ko. Inirapan ko siya dahil sa inis. Napaka-manhid naman neto, kotongan ko kaya ’to para maka-alala na.
’Baka isang
kotong
ko lang talaga ang kelangan para bumalik alaala
netong
babaeng
to ’
“Namiss kita.” Bawi niya at hinaplos pa ang kamay ko, ngunit binawi ko ito at inirapan siyang muli.
‘Sinungaling, di ako naniniwala’
“Sus, namiss daw” bulong ko pa at tinignan siya ng masama na para bang may nagawa siyang malaking kasalanan sa akin.
Totoo naman kasi, nakakapikon talaga. Pwede naman niya sabihing namiss niya ako pagkatapos dun na siya magtanong.
“Namiss nga kita.” Sagot niya na tila narinig ang bulong ko at nanlaki ng literal ang mata ko ng hatakin niya ako palapit sa kaniya upang yakapin.
Sa biglaang paglapat ko sa kaniya ay naghalo halo ang aking nararamdaman, sakit, pighati, saya, kilig at pagmamahal.
Naramdaman kong muli ang pakiramdam na pinangungulilaan ko. Napayakap rin ako sa kaniya at hindi ko napigilan at humigpit ang yakap ko sa kaniya.
At doon namuo ang luha sa mata ko dulot ng saya.
Ninamnam ko ang sandaling nasa ganoon kaming posisyon.
’I think I will never feel this way again without
you’
CHAPTER 23
Alexander’s Pov.
Nakahiga ako sa hita ng aking asawa at malambing niyang sinusuklay ang aking buhok gamit ang kaniyang mga daliri.
Nagtatanong siya kung bakit kami narito kaya naman sinasagot ko siya kahit papaano, ngunit hindi ko sinasabi ang tunay na rason sapagkat yun ang bilin ni Tito. Ang ilihim muna ito kay Amara hangga’t hindi pa bumabalik ang alaala niya.
“Kaya pala andito kayo, ang saya ko haha.” Sagot niya habang abot tenga ang ngiti at tumawa pa ngunit napa-ismid lang ako at inirapan siya.
“Sus, kaya pala… Ni hindi mo nga ako namiss.” Tampu-tampuhang ika ko at ngumingiwi pa.
Agad naman niyang pinitik ang noo ko at sumagot.
Napapikit naman ako at napahaplos sa parte ng noo ko na pinitik niya.
“Hoy, namiss kaya kita.. kung alam mo lang.” Lungkot-lungkutan niyang ika at tinitigan ko lang ang bawat reaksyon niya.
“Alam mo bang ikaw lang naiisip ko pag wala akong kausap? Gustong gusto kita tawagan kaso alam kong busy ka, kaya nananahimik na lang ako, hindi man halata pero miss talaga kita, kase ikaw lang yung madalas kong kausap e, ikaw nga lang din yung madalas kong kakulitan.” Sagot pa niya habang nakanguso at tila ba may malaki siyang hinanakit sa akin.
Bahagyang natawa ako sa kaniyang hitsura kaya dali-dali akong tumayo upang yakapin siya.
Kapag magkayakap kami, pakiramdam ko ay para akong nasa alapaap, para akong nakalutang na ewan, kahit tawanan nyo ako ay ayos lang dahil yun talaga ang feeling.
Hinalikan ko pa siya sa temple niya at napa-seryoso ako ng magsalita siya ulit.
“Pwede ba akong humiling?” Ika niya habang nakatitig pa sa akin
Tila ba nilalamon ako ng titig na iyon ngunit nilabanan ko at nakipagtitigan at sumagot.
“Ano?” Simpleng tanong ko habang nakayakap at nakatitig sa kaniya.
Nag-iwas muna siya ng tingin at tumikhim at nakasunod lang naman ang paningin ko sa kaniya.
Sumandal siya sa akin bago sumagot.
“Wag ka ng umalis sa tabi ko, gusto ko andyan ka parati hehe, alam ko sobra yun para hilingin pero yun talaga yung gusto ko hehe. Kahit pa pagalitan mo’ko pag nagkamali ako or may kasalanan ako, basta andyan ka sa tabi ko parati, ayos na ako.” Mahabang sagot niya at tumawa pa
Sa sagot niyang iyon ay may kung anong sumibol sa aking puso at para bang kiniliti ito ng bulak.
Napangiti ako sa kiliti at sayang naramdaman at hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya ng mahigpit at napapikit pa ako habang pinipigil ang kilig.
Kelangang pigilan baka mabugbog ko siya sa halik at may mangyari na hindi pa pwede.
Bago namin yun gawin ay dapat kasal na kami hehe.
Hinalikan ko pa muna sya at binulungan.
“Bakit naman ako tatanggi sa hiling mong pabor sa akin? Syempre papayag ako.” Nakangiting bulong ko sa kaniya habang nakayakap.
“Edi mabuti, atlis hindi ka na mawawala sa tabi ko.” Tugon niya sa akin na nakatingin sa malayo ngunit kita ko ang kaniyang ngiti.
Hinawakan ko pa ang kamay niya.
“Pangako loves, hindi ako mawawala sa tabi mo, hindi na ulit.” Seryosong pangangako ko sa kaniya.
’Sa
pangakong
iyon ay
kalakip
na rin non ang
pagmamahal
ko sayo.’
“Pero matanong kita, bakit ganyan yung hiling mo?” Kunot noong tanong ko sa kaniya dala ng kuryosidad ko.
Nakakapagtaka lang din kasi na parang nung nakaraan, sa mga nagdaang calls namin ay hindi naman siya ganito.
Kaya parang kakaiba lang sa pakiramdam pero masaya ako sa ipinaparamdam niya, sadyang gusto ko lang malaman ang dahilan kung bakit biglang naging ganun.
Hinaplos ko pa ang kamay niyang hawak-hawak ko.
“Bakit, bawal ba?” Balik tanong niya at mabilis akong tumugon
Pinatong ko naman ang ulo ko sa kaniyang balikat habang nakasandal siya sa’kin.
Bale nasa likuran niya ako at nakasandal siya sakin mula sa aking harapan at nakapatong ang aking ulo sa kaniyang balikat, sana nagets mo, gege basa na.
“Hindi naman sa ganun, pero bakit? Alam mo yun parang ang weird na ewan, pero basta… Bakit nga ganun? Naaalala mo na ba ako?” Tanong ko sa kaniya at tinignan siya ng hindi lumilingon.
Bumuntong hininga at tumikhim muna siya bago tuluyang sagutin ang aking katanungan, pinisil n’ya pa ang kamay ko.
“Ang totoo niyan? Kumakailan lang din talaga nagbalik ang ilang alaala ko kasama ka, simula dun sa iniligtas mo ko at hanggang sa naging tayo, hanggang dun pa lang.” Sagot niya at sasagot na sana ako ngunit napahinto ako sa idinagdag niya.
“Kaya ko hindi sinabi sayo, kase gusto ko na kapag nalaman mo e, buong buo na lahat dito sa utak ko, na hindi na ako magtatanong kung meron pa ba akong hindi naaalala dahil alam ko na lahat.” Dagdag pa niya at napayakap naman ako.
May kung ano na naman akong naramdaman na masarap sa pakiramdam kaya napangiti ako ngunit agad kong kinagat ang labi ko.
“Pero kahit na, edi sana sinabi mo agad para hindi ko naramdaman yung lungkot na naramdaman ko nung nakaraan kase ang gandang balita niyan.” Mahinahong usal ko habang nakayakap at nilaro ang mga daliri niyang hawak ko.
“Pasensya na, pero atlis diba? Ngayon alam mo na, sana talaga magtuloy-tuloy na para makauwi na tayo ng Pilipinas, ayoko rito.. dudugo ang ilong ko sa lenggwahe rito.” Sagot niya at nanlaki pa ang butas ng ilong na para bang antagal niyang nagtiis kaya naman bahagya akong natawa at kinalma siya habang nakayakap mula sa kaniyang likuran.
“H’wag ka mag-alala, isasama ko yan sa prayers ko, para hindi ka na mainis.” Sagot ko na abot tainga ang ngiti dahil sa pagiging cute at attractive niya kahit naiinis.
“Teka, kumain ka na ba?” Tanong niya sa’kin na siyang ikinagulat ko ng bahagya.
Agad siyang umalis sa pagkakayakap ko sa kaniya at tinignan ako.
“Uhm ako, ahh hindi pa.” Sagot ko sa tanong niya at kumamot pa sa ulo at ngumiti sa kaniya.
“Kaya pala kumakalam na yang sikmura mo e, tara na.” Tumayo siya at iniabot sa akin ang kamay niya ngunit hindi ko muna iyon inabot at lumapit muna ako at sumagot.
“Kumakalam na ba? Di ko naramdaman e.” Mahinahong sabi ko sa kaniya at ngumiti pang muli.
“Oo ramdam ko, nakasandal ako sayo diba? Tara na!” Sabi pa niya at pinagalaw ng kaunti ang kamay niyang kanina pa naka-angat sa ere at iniaabot sa akin.
Iniabot ko ito ngunit hindi ako nagpabigat at tumayo ng kusa.
Inihawak ko ang aking kamay sa kaniyang bewang at sabay kaming naglakad papunta sa kusina ng nakangiti.
CHAPTER 24
Alexander’s Pov.
Ang buong maghapon na magkasama kami ni Amara ay langit para sa akin, kahit pa maghapon n’ya akong inasar na matampuhin ako at napikon ako, ay isa pa rin itong masayang tagpo sa aking buhay.
Nakatitig ako sa mala-anghel nyang muka na nakapatong sa dibdib ko. Hindi ko alam pero kahit paulit-ulit kong nakikita ang mukha niya ay tila ba may paulit ulit na umuusbong sa aking puso para kilitiin ito na siyang nagdudulot ng nakakakilig na sensasyon.
Hinaplos-haplos ko pa ang kanyang buhok at pinag-aaralan pa ring mabuti ang bawat sulok at parte ng kanyang mukha, kahit pa araw-araw ko na itong nakikita ay pakiramdam ko hindi ko pa rin ito saulo.
Alam kong wala ng tao sa bahay sapagkat maagang kumilos si Tito at ang kanyang mga tauhan para isagawa ang plano.
Nagkausap din kami nila Tito na magbalitaan na lang sa nangyayari, kaya medyo nakampante ako kahit pa may takot pa rin sa mga masasamang bagay na pwedeng mangyari sa kanila.
Nabaling kay Amara ang atensyon ko nang maramdaman ko ang paggalaw niya, tinitigan ko pa siya hanggang sa unti-unti niyang buksan ang kaniyang mata.
Agad ko siyang nginitian at binati.
“Good morning” medyo paos at may onting piyok ko pang bati sa kaniya at hinaplos siya gamit ang kamay kong nadadaganan niya.
“Good morning” halos walang boses niyang bati pabalik dulot ng pagiging bagong gising.
“How’s your sleep?” Tanong ko pa habang nakatitig sa marikit niyang mata na hindi pumapalya sa pagpapabilis ng tibok ng puso ko.
Gumalaw muna siya at umayos pa ng pagkakapwesto sa dibdib ko bago tuluyang sumagot.
“Ayos lang naman, mahimbing.. ikaw?” Tanong niya pabalik at tumikhim muna ako.
“Ayos lang din, mahimbing din..katabi kita e.” Sagot ko at mabilis na gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.
Labi niyang parati kong kinasasabikan, labi niyang hindi ko kailanman makakalimutan.
“Nambobola ka na naman e, tara na..kain na tayo sa baba nila Papa.”
“Ay oo nga pala, wala diyan sila Tito, umalis sila kaninang umaga, may kinailangan silang trabahuin” Pagsisinungaling ko.
Nagkatitigan pa kami at tila ba ang mga matang niyang iyon ay pilit sinusuri kung nagsasabi ba ako ng totoo, kaya pinilit kong labanan ang titig niyang iyon para hindi siya maghinala.
“Bakit naman ang aga?” Tanong niya at nagkibit balikat lang ako.
Narinig ko naman ang buntong hininga niya, kaya naman iniakbay ko ang aking kamay sa kaniya.
“Alam mo..mas maganda gawin natin? Kumain na lang, kesa mag-isip ka ng kung ano-ano diyan, at saka trabaho niya yun at saka kasama naman niya yung tauhan niya kaya kung nag-aalala ka, wag na dahil paniguradong magiging safe naman sila.” Sagot ko sa kaniya at tinignan pa ang kunot niyang mga noo.
“Eh kasi di ko maiwasan na mag-alala e, pero sabi mo wag na kase magiging safe naman sila, edi okay?” May bahid ng lungkot at pag-aalalang sabi niya.
“Ayyyy…basta! Magiging okay lang sila, tara na kumain na tayo, for sure gutom lang yan.” Sagot ko pa sa kaniya at walang pag-aatubili ko siyang dinala sa kusina.
’Pasensya ka na kung
nagsinungaling
kami/ako, pero para rin naman sayo
’to
. Mahal na mahal kita.’
Third person’s Pov.
Kumakaripas ng takbo ang kanang kamay ni Velvet dahil sa masamang balitang natanggap.
Alam na ng pamilya ni Amara ang sikretong plano nila na siyang sasabihin pa lamang ng kanang kamay ni Velvet sa kaniya.
Pagpasok nito ay habol ang hininga nitong napahawak pa sa tuhod dahil sa pagod sa pagkaripas ng takbo.
“What’s the matter?” Salubong ang kilay na tanong ni Velvet.
Huminga muna ito ng malalim bago magsalita.
“Ma’am, alam na yata nila ang plano natin, nakita po ng isa nating tauhan si Mr. Sparks at mga tauhan nito, nag-iimbestiga yata sila sa lugar kung saan nag-sstay yung doctor.” Habol ang hiningang pagbibigay impormasyon nito.
Naitapon ni Velvet lahat ng papel na nasa table niya at binasag ang vase na nadampot niya.
“How is that happened?!” Galit at gigil nitong tanong sa kanang-kamay niya.
“Ma’am, hindi ko rin po alam, pero ginawa ko naman lahat ng iniutos nyo ma’am, na bayaran lahat ng staffs at front desk officer dun para manahimik.” Kalmado na nitong sagot na mukhang nakabawi na mula sa pagtakbo nito kanina.
“Bwiset! Lahat na lang bwiset! Alam mo bang lumabas na ang monthly sales ng lahat ng kakompetensiya ko? At naangatan na naman ako ng Sparks na yon, at ngayon, alam na rin pala niya ang plano ko? Napakabwiset talaga!” Hiyaw pa nito na nag-echo pa sa sounded proof niyang suite.
Gigil niyang dinampot ang phone at tinawagan ang mga tao niya.
“Let your guard down, and leave that place now! Bago pa kayo mahuli diyan!” Madiin nitong sabi at agad na ibinaba ang tawag.
Pagkalapag niya ng cellphone ay tumingin siya sa kung saan.
“Matagal ko na dapat pinatay yang mag-amang yan e, sagabal sa mga plano ko!” Gitil nitong sabi at inihampas ng malakas ang kamay sa table.
Yumuko na lang ang kaniyang tauhan sa takot na mabuntunan ng galit.
Agad na naglakad paalis si Velvet at iniwan ang tauhan niya roon upang kumuha ng mamahaling wine sa Island bar counter ng kaniyang suite.
Agad namang ginawa ng tauhan ni Velvet, ang mabilisang paglisan sa lugar na iyon upang hindi sila mahuli, kahit pa alam na ni Mr. Sparks ang kanilang plano.
Si Velvet ay agad na ring ipinahanda ang kaniyang private plane na maghahatid sa kanila pabalik ng pilipinas.
Sa kabilang dako, si Mr. Sparks ay wala pa ring matibay na ebidensya dahil hindi naman matukoy ng Doktor, kung sino ang nag-utos sa kaniya at kilala lang nito ang tauhan ni Velvet sa mukha at postura.
Kaya naman agad na naghire ng private investigator si Mr. Sparks upang imbistigahan at alamin lahat ng pangalan at background ng tauhan ni Velvet.
Agad din namang tinawagan ni Mr. Sparks si Alex upang utusan ito na mag-impake dahil kailangan na rin nilang umuwi ng pilipinas para sa business na naiwan doon.
CHAPTER 25
Special Chapter for our antagonist
Velvet’s Pov.
“We received the annual sales report for this year. And we, board members are not glad, as our sales just decreases 15% Velvet! How come na bumaba ulit tayo? Na nagkaroon na ng merging few months ago?” Tanong sa akin ng isang stockholder na si Fuentes.
Mariin ko siyang tinitigan gamit ang nag-aapoy kong mata, dahil naalala ko na naman ang annual sales report na yan na nareceived ko kahapon.
“Yan ang hindi ko rin masasagot? Bakit hindi nyo tanungin ang board of directors on why are these things happening right now, you just can’t spoke there and blame me! Y’all know that I’m busy having connections to our business partners abroad!” Gitil kong sabi sa kaniya at napatingin naman siya sa board of directors, na halos hindi rin makatingin sa akin.
Actually lahat naman kami rito ay walang kasalanan, buwiset lang talaga yang Mr. Sparks na yan e. Parati siyang nakasagabal sa mga plano ko. Sa lahat ng plano ko ay para siyang kabuti, na biglang lilitaw para hadlangan ako.
At dapat talaga sa kaniya itumba na e. Pati na rin yung anak niyang ’yon.
Agad akong tumayo at inangatan sila ng kilay.
“Well this meeting is now adjourned, further discussion will be tomorrow, same time.” At agad na ako naglakad palabas ng meeting office na iyon. Agad din naman akong sinundan ng aking sekretarya na si Tanya.
“Tanya?” Pagtawag ko rito ng marinig ko ang yabag nito habang naglalakad kami.
“Yes ma’am?” Tugon nito gamit ang mahinhin na boses.
“Cancel all my meetings for today. Just tell them that I’ll get in touch with them if I’m free.” Mabilis kong sabi habang rinig ang tunog ng aking stilleto, sa bawat hakbang na ginagawa ko.
At huminto ako ng marating ko na ang aking opisina. Hinarap ko siya bago ako muling magsalita.
“And, please call the chief financial officer Ms. Tarika, I need her to come here right now.”
Agad akong pumasok sa opisina ko at nakita ko si Harry, ang aking kanang kamay.
Agad ko naman itong tinawag.
“Harry, come here!” Tawag ko habang naglalakad ako papunta sa aking table.
“Yes ma’am?” Umupo ako sa swivel chair at hinarap siya.
“Go to the bank right now, and encash this check.” Utos ko at agad na iniabot ang isang cheke sa kaniya na may pirma ko.
“Ma’am Vel, hindi sa pangingielam pero para sa’n po itong ganito kalaking halaga?” Kunot-noong tanong nito sa akin.
Pinaikot ko naman muna ang aking kinauupuan at agad akong huminto at sinagot siya.
“Ang perang yan ang gagamitin mo para palitan ang mga tauhan na meron ka ngayon. Palitan mo ang mga ungas na yon, ibigay mo ang huling sahod nila at ihanap mo’ko ng bago.” Simple kong sabi at ngumiti ako na parang baliw.
“Pero ma’am? Bakit?” Naguguluhan pa ring tanong niya at inirapan ko naman siya.
“Harry, hindi ako pinanganak kahapon, alam kong gagawa sila ng paraan para mahuli ako, at yun ang iiwasan ko na agad, palitan mo ang mga tauhan mo, at ihanap mo’ko ng private investigator.”
“Okay ma’am. I’ll go now!” Sagot ni Harry na yumuko muna sa harap ko bago umalis.
Pagkaalis naman ni Harry ay siyang pagpasok ni Ms. Tarika
“Good afternoon Ma’am Vel, ipinatawag n’yo raw ho ako.” Tanong pa nito, at agad ko siyang sinenyasan na maupo sa upuan na nasa harap ko.
Nang makalapit na siya ay saka ako nagsalita.
“Yeah, I have something to tell you.” Nakangiti kong sabi at ngumiti rin naman siya pabalik sa’kin.
“I want you to put half of company’s money to my bank account.” Sabi ko at agad na nanlaki ang mata niya.
Bago pa siya makasagot ay agad ko na siyang inunahan.
“And I want you to make reports tomorrow, that the money is used for projects with our business partners worldwide.” dagdag ko pa na mas ikinaluwa ng kaniyang mata.
“M-ma’am, baka a-ako yung pag-initan ng b-board of members n-niyan?” Tanong niya sa’kin at nginitian ko naman siya ng pagkalaki-laki.
“Don’t you worry Ms. Tarika. I got you!” Sagot ko rito habang nakangiti pa rin.
“Are you sure, Ma’am Vel?” Paninigurado pa nito habang nangangatog ang kamay na nakapatong sa table.
Nginitian ko naman siya to assure her. But, it was just all for show, wala na akong pake kung siya ang pag-initan ng board.
‘I’m ready to take them all down, even when there’s nothing left on me’
Agad naman siyang tumayo at nagbigay galang pa.
“Okay Ma’am, gagawin ko na po yung pinapagawa n’yo. In less than 10minutes, ipapadala ko na po rito ang papeles na pwede nyong ipakita sa board.” Sabi pa nito at tumango lang ako, habang nakangiti.
Matapos niyon ay agad na siyang naglakad palabas ng aking opisina. Agad ko namang tinawagan ang aking sekretarya.
“Yes ma’am?” Sabi nito at agad akong nagtanong, habang kinakalikot ang daliri ko.
“Where are you?”
“Ma’am, I’m currently cancelling all of your meetings ma’am, here at my table.” Mahinhin nitong sagot. Umirap naman muna ako sa hangin bago sumagot.
“Continue that later, I need you here at my office right now.” Tugon ko at saka ibinaba ang telepono.
Pinaikot ko naman muna ang aking swivel chair habang bagot na naghihintay sa sekretarya ko.
Ilang minutos ang makalipas ay dumating na rin ang hinihintay ko. Sa
wakas
“Come here! I need to tell you something.” Sabi ko habang nakasensyas sa upuan na nasa harapan ng mesa ko.
“What’s that ma’am?” Tanong niya ng maka-upo na siya. Inilagay pa niya sa likod ng tenga ang takas na buhok niya.
“Okay, I need you to represent me tomorrow, at the meeting. I need to leave right now and I’m giving you the responsibility to represent me. You know my schedules for tomorrow. I have meeting with the board of directors, face them tomorrow.” Mahabang pagpapaliwanag ko sa kaniya. Kumibot naman ang kaniyang labi, kaya naghihintay ako sa isasagot niya.
“So ma’am, ano pong idadahilan ko?” Tanong niya at napabuntong hininga ako.
“Tell them that I need to leave for another business purposes, I have to go back in America. Tell them what I’ve told you, got it?” Sagot ko at tumango naman siya. Bumuga naman ako ng hininga at lumanghap muli, at saka ako ngumiti sa kaniya.
“You may now leave.” Nakangiti kong sabi.
“Yes ma’am.” Sagot niya at tipid na ngumiti, at kagaya ng mga naunang pumunta rito ay yumuko rin siya bilang paggalang.
Binalewala ko naman na iyon, at hinintay na lamang ang papeles na ipabibigay ni Ms. Tarika.
CHAPTER 26
(Sa
opisina
ni Velvet)
Third person’s Pov.
Nagkakagulo ang board of directors dahil sa nawawalang pera sa kumpanya.
Nakatanggap sila ng reports sa araw na umagang iyon, na may expenses na nangyari ng lingid sa kanilang kaalaman.
Even their shares ay sinasabing ng reports na nabawasan
And now, their gaze are all pointing to Ms.Tarika, all of their eyes are burning like a ball of fire, that is ready to launch. They’re all blaming the Chief financial officer, dahil siya nga naman ang nagrelease ng report sa araw na iyon.
Bulyaw dito, bulyaw doon ang nangyari. Mariing paninisi ang kanilang ginawa sa kaniya.
Even Mr. Fuentes scared her na kakasuhan siya ng embezzlement at estafa. Sa takot nito sa banta ni Mr. Fuentes at ng iba pang stockholders ay nasabi niyang si Velvet ang nag-utos sa kaniya.
Nagkagulo namang muli sa conference hall at kaniya-kaniya silang usap sa kung kanino sa kani-kanilang mga telepono.
Even the other investors who were on the scene, said that they will pull off their investments. Mr. Fuentes tried to calm them down but he can’t handle the situation. So, he burst out in anger and shout as loud as he could.
Ang mga papel na hawak niya ay tila balahibong dahang dahang bumagsak sa sahig.
“Buwiset, bakit ba hindi siya nagmana sa ama niya! Ingrata talaga”. Mariing sabi ni Mr. Fuentes, na litaw ang ugat sa temple sa galit
Nagsilabasan na sa conference hall ang ibang stockholders na halatang abala pa rin sa pakikipag-usap sa kani-kanilang koneksyon.
Si Mr. Fuentes naman ay may kinontact rin sa kaniyang phone at hinayaan na lang ang iba pang naroon.
Naiwan din naman si Ms. Tarika na luhaan dahil sa pananakot at bintang sa kaniya kahit hindi naman niya ito ginawa.
Matagal na siyang empleyado sa kumpanyang iyon at hindi pa siya kailanman nakaranas ng ganoon sa buong taon niyang nagtatrabaho roon maliban sa ngayon, kaya naman ganon na lang ang kaniyang pagluha.
Amara’s Pov.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam, kung bakit biglaan na lamang ang aming pag-uwi sa pilipinas.
Hindi naman sa ayaw ko, kung
tutuusin
ay gusto ko pa nga ang
nangyari
, , ngunit hindi ko pa rin maiwasang mag-isip at magtaka, sapagkat hindi man lamang nila hinintay na matapos ang aking pagpapagaling, na siyang gusto rin naman nila.
’
Nais
ko talagang
malaman
kung ano ang
dahilan
nila, pero alam kong hindi naman nila
sasabihin’
Alas-nuebe na ng umaga ngunit nandito pa rin ako sa aming higaan, kasama si Alexander na nakahiga sa aking tiyan.
Ako ay nakahiga at nakasandal sa headboard ng kama, habang si Alexander ay nakadapa at nakasiksik ang ulohan sa aking tiyan.
Napatingin naman ako kay Alexander, hindi ko man kita ng buo ang kaniyang mukha ay kabisadong kabisado ko ito, ang matangos niyang ilong, ang mapupungay niyang mata, at ang perpektong pilikmatang nakapalibot rito pati na rin ang perpektong pagkaka-arko ng labi niya na tila ba nang-aakit upang mahalikan ito.
Habang iniisip ko ’yon ay awtomatikong umarko ang aking labi para ngumiti. Hindi ko batid at maipaliwanag kung bakit pag nakikita ko siya, ay biglang sumasaya ang araw ko, at ramdam kong ligtas akong parati.
Siguro nga, siya talaga ang mahal ko, kase ganun yun sa mga librong nababasa ko, at siguro nga totoo rin yung kasabihan na makalimot man ang isip ay hindi makakalimot ang puso, dahil kahit hindi ko naaalala lahat, nararamdaman ko sa puso ko na kilalang-kilala ko siya.
Mas lumawak pa ang aking ngiti sa isiping iyon. Nilaro ko naman ang buhok niya habang mahimbing pa ang kaniyang tulog.
Ngunit habang ginagawa ko ’yon ay nagising ko naman yata siya, sapagkat iniangat niya ang kaniyang ulo at tinignan ako habang nakapikit ang isang mata.
Inilapit at idiniin niya ang kaniyang ulo sa aking dibdib.
“I love you.” Paos niyang sabi.
Agad namang lumitaw ang ngiti sa aking labi at hindi ko alam pero napasagot na lang din ako.
“I love you more.” Sagot ko, habang hindi ko mapigilan ang paglitaw ng ngiti sa aking labi.
Medyo nagulat pa ako, nang biglaan niyang iangat niyang muli ang kaniyang ulo para tignan ako.
Hirap pa siyang idilat ang mata, kaya naman nung makabawi na ay agaran siyang nagsalita.
“Anong sinabi mo?” Tanong niya at nangunot naman ang aking noo sa pagtataka.
“Sinabi ko?” Pagbabalik tanong ko sa kaniya.
“May mali ba sa sinabi ko?”
“Oo, ulitin mo yung sagot mo sa’kin.” Sagot niya at mariing nakatitig sa mata ko, na tila ba kakainin n’ya ako kapag mali ang isinagot ko.
“I… love… you too?” Tanong ko pa habang binigyan siya ng tingin ng pag-aalinlangan.
Hindi talaga ako sigurado sa sagot ko. Napairap pa siya at huminga ng malalim.
“I love you.” Sinserong sabi niya at tinitigan pa ako gamit ang kaniyang mapungay na mata.
Napangiti na naman akong muli at sinagot ko ang sinabi niyang iyon.
“I love you more.” Nakangiti kong sagot at nakatitig sa kaniyang mata.
Hindi ko alam…pero natutuwa ako sa kinang ng mata niya, ang perpektong kurbadang pilikmata na nakapalibot rito, na siyang nakadagdag sa pagiging matikas niya sa aking paningin.
Dahan-dahan na umawang ang kaniyang labi na tila namamangha.
Kaya naman kahit nakangiti ay nagtataka pa rin ako.
“Ano bang meron? Bakit ganyan ka maka-react?” Deretsang tanong ko habang may wirdong ngiti sa labi.
“E-eh, kase… Nakakapanibago ka? Ikaw ba yan?” Tanong niya at naihilamos niya pa ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha.
“Oo, ako ’to.” Sagot ko habang nagpipigil ng tawa, halatang naguguluhan at nagtataka talaga siya.
“Eh kase…hindi ka naman nag-iiloveyou pabalik simula nung nagkaroon ka ng amnesia.” Nakangiti ngunit may bahid ng lungkot niyang sabi.
Tinitigan ko lang ang bawat reaksyon niya at saka sumagot.
“Hindi na ba ako pwedeng mag iloveyou pabalik?” Pagtatanong ko pa.
Napailing naman siya at tinitigan ako pabalik.
“Hindi sa ganun, pero bakit? Naaalala mo na ba ako?” Tanong niya at napangiti lang ako.
Patuloy ko lang na pinag-aralan ang reaksyon ng mukha niya at saka ako sumagot.
“Hindi ka man naaalala ng isip ko, naaalala ka naman ng puso ko.” Sagot ko at napanganga pa siya, at ng makabawi ay yumakap siya sa’kin.
“Naaalala ako ng puso mo?” Tanong pa niya at napangiti ako.
Niyakap ko siya pabalik at hinagod ang likod niya bago ako sumagot.
“Oo, kaya nga gusto kong ipagsigawan na mahal kita e.” Bulong ko sa kaniya.
Totoo palang ang masaya sa pakiramdam, kapag unti-unti mo ng nailalahad yung nararamdaman mo, ngayon ko lang napagtanto ang lahat, ngunit mabilis pa sa tren na nailahad ko ito.
Ang bilis ng tibok ng puso ko habang magkayakap kami, ang sarap sa pakiramdam ng init ng pagyayakapan namin, na tila ba hinihiling ng katawan ko na sana’y hindi na ito matapos pa.
“Ang saya ko ngayon, pero ako rin.. matagal ko nang gusto na ipagsigawan sa buong mundo na mahal kita.” Tugon niya at bumitiw sa yakapan namin.
Agad siyang kumilos at kinuha ang isang box na hindi ko napansin na nasa side table ng aming hinihigaan.
Nagtaka ako dulot ng kuryosidad kung ano ang laman ng maliit na box na iyon.
Nanlaki ang mata ko ng unti-unti niyang buksan ito sa harap ko.
Ito ay isang singsing.
“Ito dapat yung isusuot ko sa’yo sa altar, kaso hindi ko nagawa dahil may nangyari sayo, matagal na panahon ko na ring gusto na ibigay at isuot sa’yo to. Kaya nga ang saya ko e, kase narinig ko na sayo ulit yung mga katagang kinatutuwaan ko. Mahal kita, at oo.. matagal ko nang gusto na ikasal sayo at maipag-sigawan na mahal kita.” Mahabang sabi niya at nagsisimula na siyang maging emosyonal kaya pati ako ay nahahawa.
Ramdam kong lahat ng emosyon at naghahalo ito, saya, kilig, pagmamahal, lungkot at pighati.
At lahat ng iyon ay kita ko sa kinang ng kaniyang mapungay na mata.
Umayos naman ako ng upo at ibinaba niya ang kahon na hawak niya, at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ko.
“Lahat ng kagaya ko ay pangarap maikasal, lalo na sa taong tunay nilang mahal, kaya kung aayain mo man ako magpakasal ngayon, hindi na ako magdadalawang-isip na sumagot ng oo, kase kahit hindi kita ganoon kakilala, alam ng puso ko na ikaw ang taong matagal ko nang gustong makasama.” Sagot ko habang nakangiti. Mabilis na umagos ang luha mula sa aking mata na siyang pinawi ng kaniyang kamay.
Pagkatapos no’n ay agad niya akong niyakap.
“Hindi na rin ako maghihintay na maka-alala ka, pakakasalan na kita agad, kase puso at pagmamahal mo pa lang ay sapat na sa’kin, at saka hindi ko na rin kaya magtiis kaya, oo… ngayong araw na ito, inaaya kitang magpakasal at hindi mo’ko pwedeng tanggihan.” Tugon niya habang umaagos na rin ang luha pababa mula sa kaniyang maningning na mata.
Masyadong masaya ang araw na ito para sa akin, akala ko’y magiging masaya lang ako kapag naaalala ko na lahat, ngunit nagkamali pala ako, dahil mas masaya pala ito.
Bumitiw ako sa aming yakapan at tinitigan kong muli ang mata niya, ang sarap nitong tanawin kaya naman napangiti ako at lumandas muli ang luha sa aking mata dulot ng nag-uumapaw na saya.
Habang tinitigan ko siya ay hindi ko namalayang nagtagpo na ang aming mga labi.
Ang saya sa pakiramdam, ang katamtamang pag-ipit niya sa pang-ibabang labi ko ay nakakabaliw, pinag-iinit ang nananabik kong puso, at tila sinisigurado rin ako nito sa mga pag-aalinlangan ko.
Pagkabitiw namin ay naiyak akong muli, sapagkat para bang iyon ang unang pagkakataon na umibig ako, na para bang ito ang unang pagkakataon na sumaya ako sa talang buhay ko.
Sa pagkakataong ito ay ako na ang yumakap sa kaniya ng mahigpit, yung tipong ayaw ko na siyang pakawalan at ayaw ko na rin siyang makahinga.
Sukdulan ang saya ko sa pagkakataong iyon at tila ba hindi na magwawakas pa.
“Mahal na mahal kita, magpapakasal ako sayo.” Usal ko habang nakayakap sa kaniya.
“Mahal na mahal rin kita at papakasalan talaga kita, hindi pwedeng mawala ka ulit sa piling ko.” Tugon niya at hinigpitan rin niya ang pagyakap sa akin.
Ninamnam namin ang sandaling iyon pati ang sayang dulot ng aming mga damdamin. Amin ding pinagsaluhan ang init na siyang hindi ko pa kailanman natitikman.
CHAPTER 27
Third Person’s
Pov
.
Umagang-umaga pa lang ay sira na agad ang araw ni Velvet, dahil sa mga problema sa kaniyang kumpanya.
At nadagdagan pa ito ng muling lumabas ang weekly sales report ng mga branches nila.
Sales decreased again, and if this continue for more days, they have no choice but to take down and give up some of their branches.
At dumagdag pa ang problemang marami ng nagpull-out ng kanilang investment dahil sa pangyayaring pagkuha ni Velvet sa pera ng kumpanya.
But Velvet are ready for that since she shows everyone a (fake) file for a project where the money is spent.
Ngunit hindi agad naniwala ang lahat dahil kung tunay na project ito ay mag-uundergo pa ito sa meeting at assessment bago tuluyang gawin.
But Velvet keep silent and said that they will have another meeting again, about the said project.
Velvet is now sipping wine to relax her veins and mind, she is enjoying the ambiance from the glass wall of her office when her private investigator comes in.
Agad na naitanong ni Velvet kung anong kailangan nito sa kaniya.
“What are you doing here? is there something I should know?” Direktang tanong nito at dahan-dahan namang tumango ang kaniyang Private Investigator.
Agad nitong inilabas ang mga stolen pictures at naglabas ng mapa.
“Napag-alaman kong bantay sarado ka ng mga tao nitong Sparks na sinasabi mo, pati mga tauhan mo, napag-alaman kong binabantayan nila ng maigi, at napag-alaman ko ring naghire rin siya ng private investigator para bantayan ka at ang takbo ng kumpanya mo, may mga tao ring sumusunod sayo para alamin kung saan ka pumupunta. Kung tutuusin para silang stalker pero, alam kong mas matutuwa ka sa huling sasabihin ko.” Sabi nito ang nginisian pa si Velvet, at taka naman siyang tinignan nito.
“And what is that?” Tanong ni Velvet.
“The reason kung bakit naghigpit sila sa pagbabantay sa’yo ay may plano nang magpakasal si Amara at itong Alexander” sa pagsabi niyang iyon ay iniabot nya ang larawan ng dalawa.
“Nagkaroon ako ng access sa call connection ni Alexander at Sparks, hiniling nito na itago sa media at kung sino ang nasabing kasal, saka na lang daw i-announce, pag natapos na.” Paliwanag pa nito at napahawak naman si Velvet sa kanyang wine glass at sumimsim dito at saka ngumiti.
“This old man thinks that I’m stupid enough, kung babantayan niya ng mahigpit ang mga tao ko, edi ako ang gagawa, but I’ll think of my plan first, I want it to be the best.” Ika niya at tumawa na para bang isang demonyita.
Ipinagpatuloy pa nila ang pag-uusap at pinag-isipan namang mabuti ni Velvet ang isasagawang plano.
Alexander’s
Pov
.
Nakatayo lang kaming dalawa ni Amara at magkayakap habang nagkakape.
Nakatitig lang ako sa magandang tanim at bulaklak sa hardin ng bigla siyang magtanong. Nilingon ko naman siya at tinitigan.
“Ano kayang pakiramdam ng maikasal?” Tanong pa niya habang abot tenga ang ngiti.
Ngumiti naman ako ng simple at bigla kong naalala ang nangyari sa dapat naming kasal noon.
Agad na naglaho ang ngiti ko at sinagot na lang siya.
“Ewan ko, di pa naman ako naikakasal.” Sagot ko at binigyan siya ng tipid na ngiti.
Ibinalik ko ang tingin ko sa mga bulaklak. Ngunit hindi pa nagtatagal ang titig ko roon ay nagtanong ulit siyang muli kaya nilingon ko siya.
“Oo nga pala HAHAHA, hindi ko alam pero kapag naiisip kong ikakasal na ako sayo, kinikilig ako.” Ngiting aniya at tila nahawa ako kaya naman napangiti rin ako.
“Buti naman kung ganon.” Sagot ko habang nakangiti.
“Salamat nga pala, kase patuloy mo’kong minamahal, kahit minsan… alam kong nahihirapan ka na, pero hindi mo pa rin ako sinukuan, nagpatuloy ka pa rin.” Nakangiting aniya at nakatitig sa mata ko, at nilabanan ko naman ang nakakatunaw niyang mga titig.
“Syempre, kase mahal kita, at kahit gaano pa kahirap lahat ng pagdadaanan natin, kung ikaw naman ang matatanggap ko sa kabila nang lahat ng iyon, haharapin ko yun kahit ilang ulit pa.” Tugon ko sa kaniya at nginitian siya.
Nanlaki ng bahagya ang mata ko ng biglaang bigyan nya ako ng damping halik.
“I love you, salamat.” Sabi pa niya at napangiti pa ako nang makabawi ako.
“Kiss mo pa ako ulit.” Pang-aasar ko, ngunit hindi ko inasahan na gagawin niyang ulit, kaya bago pa siya makabitaw ay agad ko siyang hinalikan pabalik at pinalalim ang halikan namin.
Ipinasok ko ang dila ko at inikot-ikot ko roon, lasang-lasa ko ang tamis ng cherry sa labi niya, dulot siguro ito ng gamit niyang lip balm, at ang lasang iyon ay binabaliw ako at winawala ako sa katinuan ko.
Ngunit bago pa mangyari yon ay agad ko nang inihinto ang halikan namin.
Habol ang hininga at nakangiti ay nagsalita ako.
“I love you.” Sambit ko at napangiti siya at dinilaan pa ang labi bago sumagot.
“I love you more.” Tugon niya at napangiti ako. Agad ko naman siyang hinatak para mayakap.
Ramdam ko naman ang nagbabagang init ng lumapat sa likod ko ang kaniyang yakap. Nag-init agad ako at hindi ko itinatangging kinikilig ako sa masarap na sensasyong dulot nito sa akin.
Hindi ko alam pero kung noon namamangha ako sa naggagandahang korte at laman ng babae, ngayon ay namamangha ako sa mga kaya niyang gawin para baliwin ako, simpleng galaw pa lang niya halos hindi na magkamayaw ang loob ko.
“Hindi ka na pwede mawala ah, dito ka na sakin.” Wala sa sariling sabi ko habang nakangiti dahil sa mga bagay na naiisip ko.
“Hindi naman ako aalis kahit pa palayasin mo’ko.” Aniya at natawa sa sinabi.
Natawa rin naman ako at sumagot.
“Hindi rin naman kita palalayasin, ano ka sinuswerte?!” Natatawang tugon ko at gano’n din naman siya.
Hinigpitan pa niya ang yakap at isinandal ang ulo sa dibdib ko.
“Edi maganda, walang mawawala at walang aalis, ayos ’to, magtatagal tayo.” Tugon niya at napangiti naman ako.
Iniangat ko ang ulo niya at hinalikan ko siya sa noo, nginitian ko pa siya at sabay naming inenjoy ang araw na ’yon.
Araw na para bang ginawa para lang sa aming dalawa at sana’y hindi na matapos pa.
CHAPTER 28
Amara’s
Pov
.
Maaga akong gumising at naghanda, dahil ngayon darating ang wedding planner na kinuha ni Alexander para sa aming kasal.
Habang naliligo ay napagdesisyonan kong mag-casual dress na lang at magsandals, tutal ay dito lang din naman pupunta ang wedding planner.
Pagkatapos kong maligo ay naglagay lang ako ng powder at lip gloss. At saka bumaba para maghintay sa kanila.
Ngayon ay narito na kami sa aming sala upang pagplanuhan ang lahat. Ipinakita rin sa akin ang nagkakapalang portfolio ng gowns, cake at nang kung ano-ano pa.
Ilang oras din ang ginugol ko sa pagpili sa cake dahil hindi ko alam kung may kaibahan ba ang mga iyon o sadyang hindi lang ako magaling sa pagkukumpara.
Napili ko ang cake na light blue, sapagkat gusto kong pareho kaming ma-compliment ng kulay na ito, na hindi masasabing pambabae at hindi rin masasabing panlalaki.
Sa motif ng kasal ay ganun na rin ang napili namin upang magkatugma-tugma ang lahat at walang naiiba.
Medyo nakaramdam ako ng uhaw at kaunting gutom habang namimili, kaya naman nagpaalam muna ako na pupunta akong kusina.
“Ikaw loves, anong gusto mo?” Tanong ko pa kay Alexander na abala sa pagbuklat pa ng ibang mga portfolio.
“uhmm, ikaw HAHAHA.” Pabiro niyang sagot at sinamaan ko naman siya ng tingin. Agad naman siyang ngumiti at nagsalita.
“Ano na lang, ket tubig saka sandwich.” Aniya at tumango na lang ako at saka pumunta sa kusina.
Pagkarating ko roon ay agad akong uminom ng tubig, at pagkatapos ay sinimulan ko nang gumawa ng sandwich.
Mabilis ko lang din naman nagawa kaya agad akong nag-utos sa aming kasambahay na iabot ito kay Alexander at abutan na rin ang wedding planner at mga kasama nito.
At nagpaiwan naman ako sa kusina para kainin ang sandwich ko, at para na rin linisin ang mga ginamit ko, tutal sanay naman akong kumikilos.
At wala ring masyadong katulong na nasa loob ng bahay sapagkat ipinalinis daw ni Papa ang malawak naming garden.
Tinanong ko pa si Alexander kung bakit nililinis ang garden pero ang sabi niya ay hindi niya raw alam.
Habang nag-iisip ay bigla kong naisip ang magiging kasal namin ni Alexander.
’
Ano
pa nga bang
kulang
? Invitation letter,
Mga
iimbitahin
, pero bat kaya ang
onti
lang ng
putaheng
pinapili
sakin? or baka si Alexander na
papipiliin
sa
iba
, at saka hindi pa nga pala ako
nakakapili
ng
simbahan
,
saan
kaya, hmmm?’
’Hays
ewan
, basta na nga lang, ang importante masaya ako ngayon.’
Naiimagine ko na maraming taong dadalo sa kasal namin, na tunay na masaya sa pagmamahalan namin, lalakad ako sa mahabang red carpet habang tinitignan ang magkabilaang mga tao, kasama na ang kaibigan namin, mga kakilala, katrabaho niya o mga empleyado sa kumpanya. Tapos, habang naglalakad ako sa gitna ng simbahan ay nasa tapat na siya ng altar, umiiyak, kase masaya siya sa kasal namin.
“yieee, tapos bigla kaming magkikiss, kagaya nung sa librong nabasa ko.” Sabi ko sa sarili na may impit pang kilig.
Pagkatapos nang paglipad ng aking imahinasyon ay bumalik na ako sa sala upang puntahan sila Alexander.
Nakita ko na medyo nagliligpit na nang ibang portfolio ang kasama ng Wedding planner, kaya naman napalingon ako kila Alexander.
“I hope ma’am, you could do that kahit sa garden lang namin.” Sabi ni Alexander na nakatalikod mula sa gawi ko.
‘Tama ba yung narinig ko? sa Garden gagawin?’
“Of course sir, pati po ba ang reception sa garden na rin?” Tanong pa ng wedding planner kay Alexander.
“Yes, so I think that’s it and I hope, na maganda ang kalalabasan nito.” Sagot ni Alexander at ngumiti naman sa kaniya ang wedding planner.
“Yes naman sir, we always want our clients to be satisfied with our service.” Sagot sa kaniya ng wedding planner.
Bago pa matapos ang usapang iyon ay lumapit ako at nagsalita.
“Teka, aalis na kayo? Ateng wedding planner, di nyo ba ako tatanungin kung saang church ko gusto maikasal?” Tanong ko rito at nakunot naman ang kaniyang noo kaya nginitian ko siya ng tipid.
“Pero ma’am, sabi ni sir… sa garden lang daw po g-gaganapin.” Kunot noong sagot nito at tiningala at tinuro pa si Alexander, kaya naman nilingon ko ito at binigyan ng nagtatakang tingin.
“sa Garden?” Tanong ko pa at imbes na sagutin ako ay kinausap niyang sandali ang Wedding planner.
“You may go ma’am, I’ll be the one to explain it to her.” Sabi ni Alexander.
Hindi ko alam pero parang nawalan ako ng gana at gusto kong magtampo sa narinig ko.
’Bakit sa garden?
Bakit
hindi sa church?
Ikinakahiya
ba niya ako kaya sa garden?’
“Okay sir, thank you.” Sagot nito, at agad na tinawag ang kasamahan na dala-dala ang iba pang portfolio.
Agad naman akong hinawakan sa sikuhan ni Alexander upang dalhin sa kung saan, ngunit nagpumiglas ako.
“Bakit sa garden?” Mahinahon pang tanong ko, pinipigil ang sarili kong damdamin.
“At bakit konti lang yung putaheng pinapili mo sakin? magpaliwanag ka.” Dagdag ko pa.
’Magpaliwanag ka,
bigyan
mo ko nang
katanggap-tanggap
na
rason’
“Kase…” Aniya at napakunot noo naman ako.
“Kase?….ano?….. sumagot ka!” Sigaw ko, sinubukan nya ulit akong hawakan sa kamay pero nagpumiglas akong muli.
“Dahil ba kinakahiya mo’ko? ganun ba?” Dagdag ko pa, at nagsimula nang mamuo ang luha sa mata ko.
“Hindi yun ganun…” Aniya at hinawakan ako sa kamay ngunit nagpumiglas ako.
“Eh ano nga? wala naman akong nakikitang ibang dahilan!” Sigaw ko pa.
“Kase ano, pero hindi yun ganun, Loves!” Aniya at lumapit pa para yakapin ako pero tinulak ko siya.
“Bakit ako hindi tinanong tungkol sa mga bisita? dahil ba wala kang papupuntahin?” Tanong ko pa habang nagsisimula nang magsituluan ang luhang kanina pa namumuo.
“Hindi sa wala akong papupuntahin, pero kasi…”
“Nagdadahilan ka na lang e! huli ka na e!” Sigaw ko at pumatak ang luha sa mata ko.
“Hindi nga kase ganun yun loves!” Aniya at naipikit ko ang mata ko sa inis at sakit na naghahalo-halo sa kalooban ko. Pakiramdam ko ay gumagawa lang siya ng rason dahil nahuli ko siya.
“Paanong hindi? Diba kaya nga sa garden lang kase hindi ka proud na ako yung pakakasalan mo? na kaya nga sinabi mo kanina habang namimili tayo na…ontian lang yung putahe diba? kase onti lang din ang inimbita mo, na kaya nga hindi rin napag-usapan kanina yung invitation letter kase wala naman masyadong dadalo…alam mo, huli na kita e.” Tugon ko sa kaniya at sunod-sunod na pumatak ang luha sa mata ko.
“Loves, hindi yun ganun, sorry kung nafeel mong….” Agad ko siyang pinutol, pilit akong ngumiti sa harap niya.
“Wag ka nang magpaliwanag, ayos lang yun…. at saka ako dapat magsorry e, masyado akong nag-imagine tapos, nag-expect ako sayo na ganito ganiyan… na sa simbahan tayo ikakasal tapos maraming taong dadalo ganon, sorry talaga ah, wala rin ako minsan sa lugar e, wag ka mag-alala ah, wala lang yun…, di naman ako galit, naiiyak lang ako kase….. ang saya ko na ikakasal na tayong dalawa….wala na a-akong masabi… s-sige mauna n-nako.” Sagot ko sa kaniya habang humihikbi at agad na umakyat papuntang guest room habang pinupunasan yung umaagos kong luha. Tinawag niya pa ako pero hindi ko na siya nilingon.
Pagkapasok ko sa guest room ay agad akong naglock ng pinto at humiga. Hindi ko alam pero ang sakit ng puso ko ngayon, dulot ng tampo at inis sa sarili ko.
Ramdam kong basag na basag ako ngayon, dahil umasa ako na mangyayari yung bagay na nasa imahinasyon ko lang. Kung hindi ko lang din sana hinayaan ang sarili kong managinip ng gising at umasa ay hindi sana ganito.
Umagos ang luha ko na parang lawa, pakiramdam ko ay hindi ito kailanman masisimot at mauubos, umiyak lang ako ng umiyak habang yakap ang unan na katabi ko.
Naisip ko rin na hindi pala talaga ako espesyal kagaya ng naiisip ko, sapagkat pareho pa rin ako sa ibang gays at transgender na ikinakahiya ng mga partner nila.
Parang kanina lang ay sobrang saya ko dahil ikakasal ako, pero hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko ngayon para sa sarili ko. Ang sakit lang pero wala naman akong maisip na paraan pa’no mawawala ’to.
Mas ayoko rin namang manisi pa at sisihin siya dahil ayokong isipin niya na sobrang nag-eexpect ako sa kaniya kahit na ganun naman talaga.
Hindi ko namalayan na sa sobrang pag-iyak at pagmumukmok ko ay nakatulog ako.
CHAPTER 29
Amara’s
Pov
.
Mugto ang aking mata nang ako’y gumising at bumangon, kahit na pakiramdam ko ay wala ako sa wisyo na makipag-usap at lumabas ng kwarto ay pinilit ko.
Bago ako lumabas ng kwarto ay naligo muna ako at nagmake-up, nilagyan ko ng eyeprimer ang lids ko at color corrector sa eyebags, saka ako nagfoundation at concealer.
Namili rin ako ng damit na isusuot ko, yung casual pambahay lang, at saka ako nagperfume.
Pagkababa ko ay dumiretso na agad ako sa kusina at nakita ko si papa roon.
Agad akong lumapit sa kaniya upang humalik sa pisngi at i-greet siya.
“Good morning”. Sabi ko at humalik sa pisngi niya. This is the first time na hinalikan ko siya simula nang makabalik ako, I don’t know, I just feel like I want to do it.
Tila gulat pa siya sa ginawa ko ngunit nang makabawi ay agad siyang ngumiti at binati ako pabalik.
“Good morning anak, have a seat and let’s eat together.” Sabi niya at itinuro pa ang chair na nasa gilid niya.
Mahaba ang table kaya maraming bakanteng seat, ngunit ayos lang naman dahil sinadya ito ni papa, para sa mga occassions or dinner date.
Mabilis na naihanda ng aming maid ang breakfast. Dumating pa ang isang maid para ihatid ang coffee na madalas ako ang nagtitimpla.
Nasa ganoong posisyon ako nang matitigan ko ang kabuuan ni Papa. His face have lots of wrinkles and creases, his hair is starting to look gray. He is also a lil bit grumpy these past few days, nagalit siya just because she saw me stirring a cup of coffee. If palagi ko raw yung gagawin ay wala ring kwenta na marami kaming maid. Even though I see his opinion pointless ay hindi ko na lang siya pinakielaman, I know it is just because he is aging.
Habang nakatitig ako sa kaniya ay bigla akong nagsalita dahil may biglang pumasok sa aking isipan.
“Pa, why don’t we go to the salon today?” Pang-aaya ko pa at nginitian siya.
“Salon?” Tanong pa niya at tumango naman ako.
“Opo Pa, salon..samahan mo ko, sabay tayo magpa-makeover.” Pamimilit ko pa at hinawakan ko siya sa kamay.
“Makeover? Are you sure anak? E, hindi naman ako babae.” Aniya pa at medyo inis na tinignan ako at natawa naman ako.
“Paaa! Hindi lang naman kasi pambabae ang makeover, may makeover din kayang panglalaki.”
“Really?” Aniya at tumango naman ako habang nakangiti.
Tumikhim muna siya bago sumagot.
“Sige, pero kumain muna tayo, after that.. we will go to salon.” aniya at nginitian ko pa siya bago ako nagsimulang kumain.
Nag-uusap kami habang kumakain nang biglang nakita kong papalapit na si Alex. Bigla akong nawala sa wisyo, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko alam kung babatiin ko ba siya o ano, pero ang alam ko lang ay gusto kong umiwas muna at hindi muna siya makita.
Pagkalapit niya ay agad siyang bumati ng magandang umaga kay Papa, at naging hudyat iyon na dapat na akong tumayo.
Pagkatayo ko ay agad na akong nagpaalam ng hindi siya nililingon.
“Pa, tapos na po akong kumain, balik po muna ako sa kwarto ko, wag mo kalimutan yung plano natin.” Sabi ko at pinaalalahanan siya bago ako tuluyang umalis doon, hindi ko na rin siya hinintay na sumagot.
Walang alam si papa sa nangyari pero dahil sa ginawa kong iyon, ay alam kong mararamdaman niyang may mali sa aming dalawa ni Alex.
Pagpasok ko ng kwarto ay iwinakli ko ang mga iniisip at kumilos na.
Alexander’s
Pov
.
Hindi ko alam kung paano ko lalapitan si Amara nang makita ko siyang kasama si Tito.
Natatakot ako na mauwi na naman sa panibagong away ngunit, may malaking parte sa kaloob-looban ko ang gustong makipag-ayos na sa kaniya.
Naglakad ako papunta sa dining table at agad na pumwesto sa tabi niya at bumati kay Tito.
Hindi pa nakakasagot sa akin si Tito ay agad na siyang tumayo at nagpaalam.
“Pa, tapos na po akong kumain, balik po muna ako sa kwarto ko, wag mo kalimutan yung plano natin.” aniya at nanlumo naman agad ako.
’Damn, I knew
it’
Alam kong the moment na lumapit ako, iiwas siya. Hindi ko pa rin inexpect na ganito. Ramdam ko ang kaunting kirot ng isipin kong muli iyon.
Tinanaw ko na lang siya nang bigla na siyang maglakad papalayo at hindi na hinintay ang tugon ni Tito.
Wala akong lakas nang loob, hindi ko alam kung bakit, siguro dahil medyo guilty ako sa naiparamdam ko sa kaniya.
Nasasaktan at tila kumikirot ang aking puso tuwing iisipin kong nasasaktan siya ngayon dahil sakin.
At mas masakit at makirot sa pusong isipin na, wala akong alam na paraan pano iyon aalisin do’n.
Nasa ganoong posisyon ako nang biglang magtanong si Tito.
“What’s wrong with the both of you? Do you have misunderstanding?” Seryosong tanong ni Tito. Sumimsim pa siya sa kaniyang kape pagkatapos itanong iyon.
Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong na iyon. Natameme akong bigla.
“T-Tito, pasensya na, nagalit ho kase sa akin si Amara.” panimula ko.
“why?” agad na tanong ni Tito.
“Hindi ko kase alam na magiging bigdeal sa kaniya na sa garden lang kami ikakasal. Nagalit siya sa akin, kaya raw siguro sa garden lang kami ikakasal dahil…ikinakahiya ko raw siya.” Pagpapaliwanag ko.
Hindi ko alam pero naguguluhan ako, nahihirapan akong sabihin kay Amara ang dahilan ko. Gusto kong magkaayos na kami pero paano ko gagawin yun kung umiiwas na siya.
Tumikhim muna si Tito at tinitigan ako.
“So, hindi niya pa siguro alam ang dahilan mo kaya na-misinterpret niya? am I right?” Tanong pa sa akin ni Tito habang mariin na pinag-aaralan at binabasa ako. Tumango naman ako at ganun din naman siya.
“Okay, I’ll try to help you, ako na magsasabi sa kaniya, what you need to do is to win her back, knowing her.. mataas ang pride niya.” Napangiti ako sa sinabing iyon ni Tito. Tinanguan ko siya at nagpasalamat ako.
Matapos ang maikling usapan na iyon ay kinelangan ko ng tapusin ang pagkain ko. Bago ako umalis ay sinabihan ko pa ang maid na dalhan ng pagkain si Amara sa taas, ngunit sinabi ni Tito na huwag na raw, sapagkat aalis din naman sila.
Nagpaalam ako kay Tito at pumunta na ng opisina para gawin ang trabaho.
Amara’s
Pov
.
Medyo naging matagal ang makeover na ginawa sa amin ni Papa sa salon, kaya naman narito kami sa isang kainan.
Hindi naman ito sobrang bongga, actually buffet resto ito, na kahit estudyante ka lang, afford mo rito.
Maraming tao at talagang makikita mong masaya sila, kaya napangiti ako.
Napatingin naman ako kay Papa at nahuli kong nakatingin siya sa akin.
“Your eyes tells everything, hindi ka masaya.” Bigla niyang sabi at nanlaki ng bahagya ang mata ko sa sinabi niyang iyon ngunit hindi ako nagpahalata.
Umayos ako ng upo at saka ako nagtanong.
“Anong ibig mong sabihin Pa?” Tanong ko rito. Nagpapaka-normal.
Ayokong malaman niya na may problema kami ni Alex. Ayokong malaman niyang nasasaktan ako at wala akong mapagsabihan.
“Wag mo nang itago, I know na hindi kayo okay, diba?” Nakangising tanong pa niya na tila alam na alam na ang buong detalye ng nangyari, at tila inaalam na lang kung magsasabi ako ng totoo o hindi.
Napayuko at nag-isip muna bago sumagot.
“Nagtatampo lang naman ako Pa, nasaktan lang ako kase sa Garden lang kami ikakasal, e alam niya naman na gusto kong maikasal sa simbahan. So pakiramdam ko tuloy ikinakahiya niya ako, ay mali, ikinakahiya niya talaga ako.” Mahabang paliwanag ko pa at hindi man lang tumingin sa mga mata ni Papa.
“How could you be so sure about that, anak?” Aniya habang nakangiti sa’kin.
’ Alam kong may alam na
’tong
si Papa, at alam kong
ipagtatanggol
nito si Alex.’
Tinaasan ko ng kilay si Papa at tinanong ko siya
“What do you mean Pa?” Tanong ko at tumikhim naman siya at nginitian ako.
“Are you sure that it was his real reason?” Tanong niya na in-emphasize pa ang ‘his’ na word.
“Ofcourse, base sa reaksyon niya kahapon. I know it.” Confident kong sagot.
“Anak, I know his reasons, that’s why I gave him the permission to use our garden for the wedding.” Seryosong aniya at nakita ko roon ang pagiging totoo niya sa sinasabi niya.
“Then, ano naman yang mga rason niya?” Medyo inis kong tanong. Bumuntong hininga muna si Papa bago magsalita.
“The reason why he don’t want to publicize your marriage, is because…he’s scared to lose you again, at dahil yun sa nangyari sa nakaraan, na kahit ako… kinatatakutan kong maulit.”
Tinignan ko lang si Papa at para bang naintindihan niya na hindi ko makuha ang kaniyang sinasabi, na tila nakuha naman niya kaya tumikhim muna siya at nagkwento.
“Nung kasal nyo pa lang anak, saktong paglakad mo papuntang altar, nangyari na ang lahat nang hindi inaasahan. Ayoko nang idetalye, pero… ayun yung panahong nawala ka sa amin, at ayun yung pareho naming hindi na gustong maulit pa, Anak. Kaya sana naiintindihan mo na.” Malungkot na aniya na tila ba naluluha sa naalalang mga nagdaan.
at tila nakonsensya naman ako, ngunit ayokong ipahalata iyon.
“Hindi ko alam ang sasabihin ko.” Pag-amin ko, sapagkat wala akong ibang naiisip kundi ang makonsensiya lamang.
“Kaya anak, ako na ang nakikiusap, pansinin mo na si Alex. Mahal na mahal ka no’n.” Pakiusap niya at kitang-kita ko ang kinang sa kaniyang mata na nagsasabing sinsero siya sa lahat ng tinuran.
“Okay po Papa.” Pagsang-ayon ko at ngumiti naman siya na tila nagtagumpay.
Hindi naman na siya nagsalita at nagpatuloy lang kami sa pagkain.
CHAPTER 30
Amara’s
Pov
.
Isang maaliwalas na umaga ang aking inabutan nang magising ako. Isang magandang umaga para sa isang bagong simula.
Hindi ko batid ngunit, magaan at mapayapa ang klima ng umagang ito. Napangiti ako sa isiping iyon at nilingon ang bintanang tinatamaan ng sinag ng araw.
Bumaba ako at dumiretso sa kusina, doon ay naabutan ko si Alexander na mag-isang kumakain. Agad pumasok sa isip ko si Papa, ngunit nabalik ako sa ulirat ng lingunin ako ni Alexander.
Prente akong lumapit at umupo sa upuan na katapat ng kanya. Tinitigan naman niya ako at tinaasan ko lang siya ng kilay.
Mabilis na lumapit ang aming katulong para ipaghain ako, ngunit hindi iyon naging dahilan para maputol ang titigan naming iyon.
Pumungay ang kaniyang pagtitig at medyo nagulat ako sa kaniyang sinabi.
“I’m sorry.” biglaang sabi niya at binigyan ko naman siya ng tipid na ngiti.
Medyo naguluhan yata siya sa ngiting iyon kaya naman nagsalubong agad ang kaniyang kilay.
“Why did you smile? Does it mean you’re not mad at me anymore?” Tanong niya at inilipat ko ang tingin ko sa malayo at muling ibinalik sa kaniya.
“May sinabi ba ako?” Tanong ko sa kaniya, at mas lalo pang nagsalubong ang kaniyang kilay na para bang may nagawa akong mabigat na kasalanan.
“e, anong ibigsabihin mo sa ngiti mong yun?” Aniya at pinagtaasan ko lang siya ng kilay.
“Wala ka na dun, at saka it’s 8:42 na, why you’re still here? dapat nasa company ka na by this time, diba?” pag-iiba ko sa usapan at inirapan niya lang ako.
“I know.” masungit niyang sagot.
“Then hurry and go.” mataray ko ring sagot at tumayo naman siya at saka inis na umalis.
Natawa naman ako sa iniasta niya. Hinayaan ko na lamang siya at nagsimula na akong kumain.
Mahigit pitong oras na rin na wala si Alex sa bahay. Hindi ko naman siya masyadong namimiss dahil medyo busy rin ako.
Umihip ang hangin habang ako’y nasa hardin namin at ine-enjoy ang aking kape.
Kasabay ng pag-ihip na iyon ay ang paglabas ng isang babae mula sa pintuan papunta rito sa aming hardin.
Taka ko siyang tinignan dahil hindi ko mawari kung sino siya at saan siya nanggaling.
‘Parang familiar pero hindi.’
Maganda siya, as in literal, kung tutuusin ay mas matangkad siya sakin at nakadamit pang-trabaho siya dahil nakita ko ang ID niya sa malapit sa kanang dibdib.
Nginitian niya ako at bigla siyang yumuko at nagpakilala.
“Hi Ma’am, ako si Belle at narito ako para sunduin kayo.” Aniya at nagtaka ako.
Taka akong tumingin sa kaniya at nagtanong.
“Sunduin? at sino naman nagpasundo? ..at saka bakit?” Tanong ko sa kaniya at muli siyang ngumiti.
“Bago po akong secretary ni Sir. Alex at ipinasundo niya po kayo.” Sagot niya at ipinakita pa ang kaniyang ID.
Kaya naman medyo nakalma ako ngunit may tanong pa rin sa isip ko na hindi maalis.
’ Bat naman kaya ako
ipapasundo
ni Alex?’
“Ma’am, tara na po, hinihintay na po tayo ni Sir. Alex.” Aniya at muling ibinalik ang phone sa kaniyang bulsa.
Umuna siyang lumakad kaya sumunod naman agad ako.
“Teka, bakit daw ba niya ako ipinapasundo sa’yo?” Usisa ko sa kaniya habang naglalakad kami sa pasilyo ng aming bahay na patungo sa likurang bahagi ng bahay.
“Hindi ko rin po alam ang dahilan niya, ang sabi lang niya ay kunin kita rito at ihatid sa kumpanya.” Aniya na hindi man lang ako nilingon at patuloy lang sa paglalakad.
Sumunod lamang ako hanggang sa marating namin ang maliit na gate na yon, tila kinakalawang na rin ang mga padlocks ngunit nagawa niya pa rin itong buksan, pinauna nya akong palabasin.
Agad kong tinanaw ang paligid, munting daanan at bakanteng lote lamang ang nakita ko, nakita ko ang navy blue na trailblazer at alam ko na agad na sa kaniya iyon.
Lilingon na sana ako ngunit agad na may panyong tumakip sa ilong at bibig ko, dahilan kung bakit nahirapan agad akong huminga.
“Hindi ka pa rin talaga nagbabago, tanga ka pa rin, Amara.” Mariin niyang bulong sa akin.
Pinilit kong manlaban ngunit ang panyong nakatakip sa aking ilong at bibig ay may kakaibang amoy na tila nakakahilo.
Pinilit kong sikuhin at maglikot ngunit hindi ko na nagawa dahil agad na umikot ang aking paningin, may mga sinasabi pa siya ngunit ito’y hindi ko na naintindihan at kasabay no’n ang biglaang pagdilim ng lahat.
Alexander’s Pov.
Naging busy ang buong araw ko at talagang hassles ang ibang trabaho, na kinailangan ko agad tapusin. Isang tila ginto at tanso ang kulay ng hapon ngayon, nakaka-akit ng mata na ipinapahiwatig na hindi lahat ng huli ay hindi maganda.
’Sana ay
gano’n
din ang
aming
wakas
’
Pagkatapos kong maisip ’yon ay agad kong naisip ang nangyari kaninang umaga. Agad kong nakita sa aking imahinasyon ang ngiti niyang hindi nabigo para pabagalin ang ikot ng mundo ko at pabilisin ang tibok ng puso ko.
Sumakay ako sa sasakyan ko matapos ang isiping ’yon, at nakangiting minanipula ang manubela ng aking sasakyan pauwi.
Habang nasa b’yahe ay naisipan ko na ring humingi ng tawad muli at ipaliwanag lahat kay Amara para magka-ayos na kami. Pagkababa ko ng sasakyan ay agad kong tinanong ang isa sa mga katulong namin.
“Where’s Amara?” pormal kong tanong at ngumiti naman muna siya bago sumagot.
“Hindi ko rin ho siya nakita magdamag sir, baka ho nasa kwarto lang niya.” Aniya at tinanguan ko lang ito at agad na tinungo ang kwarto ni Amara.
Habang naglalakad ay iniisip ko rin kung paano ko isasagawa ang plano kong pakikipagbati sa kaniya.
Bago ko pa marating ang pintuan ng kaniyang kwarto ay nagdahan-dahan ako para hindi ako maka-gawa ng anumang ingay, at para hindi niya mabatid na may taong papunta ngayon sa kaniyang kwarto.
Pagkatapat ko sa pinto ay agad ko ng pinihit ang doorknob ngunit laking gulat ko ng hindi ko siya makita roon.
Agad akong kinabahan at ngayon ko lang muli naramdaman ang ganitong klase ng kaba.
Kumunot ang noo ko sa sobrang pag-aalala kaya dali-dali kong tinawag ang mga securities at maids sa bahay.
“Search for Amara all around the house, now!” matigas kong sigaw.
Halos hindi magkamayaw ang aking nararamdaman sapagkat kahit ayaw kong mag-isip ng hindi maganda, ay kusa nitong ginagambala ang aking damdamin at isipan.
Parang ang kaba at takot na nararamdaman ko ay kapareho na naman sa nangyari noon.
Atubili akong naglibot din sa bahay at nagbabaka-sakaling narito lang siya, patuloy ko ring tinatawagan ang cellphone ngunit nagriring lang ito at walang sumasagot.
Nang madaanan ko ang kwarto ni Tito ay agad ko itong kinatok. Umaasa ako na sa likod ng pintong ito ay makikita ko si Amara.
Pagbukas ng pinto ay hindi na ako nag-atubili at marahang binuksan ang pinto. Sa paglibot ng aking mata ay bigo ako, wala si Amara.
“What’s the matter?” Aniya na walang alam sa nangyayari, huminga muna ako ng malalim bago sumagot.
“Amara wasn’t on her room, kagagaling ko lang roon at wala siya. Pinahanap ko na rin siya sa mga katulong ngayon.”
“I thought she was on her room.” Aniya pa na hindi pa rin nakukuha ang nangyayari.
“But she’s not there Tito, natatakot ako na maulit muli ang lahat ng nangyari sa kaniya.” Aniya ko dahil hindi ko na rin alam ang gagawin ko.
“Keep going, son. I’ll call my people to help us find her.” Aniya at nagtanguan lang kami bilang pagtatapos ng usapan. Napansin ko rin ang pag-aalala sa boses niya ngunit hindi ko na iyon pinansin.
Mabilis akong tumakbo at pinagtitignan ang iba pang room, at nagbaka-sakali.
“Sana naman ay hindi na maulit ang dati, hindi ko na kakayanin…” Sabi ko sa sarili at mariing pinahid ang luhang tumulo.
Ayoko na pagdaanan ulit ang lahat ng lungkot dahil lang wala siya sa tabi ko. ’Di ko na ulit kakayanin, hindi na.
Hindi ko siya nakita roon, kaya naman agad akong nagmaneho papunta sa police station.
Amara’s Pov.
Dahan-dahan kong idinilat ang aking mata at kasabay no’n ang sakit ko sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ko habang nakalubid ang kamay sa aking likuran.
Naramdaman ko pa ang nanuyong dugo sa aking noo. Dahil ito sa paghampas sa akin ng kahoy kanina ng kasamahan niya.
Napansin ko agad ang nakaupong si Belle.
Nang magkasalubong ang aming tingin ay agad siyang ngumisi, habang ako’y pagod at hinang-hina siyang tinignan.
“Ano Amara? kamusta? naaalala mo na ba ako?” Sarkastikong aniya.
Hindi ko alam ngunit isa lang ang nag-sink in sa aking utak.
‘Matagal na niya akong kilala.’
Kaya kahit hinang-hina ay pinilit kong itanong.
“H-hindi ko alam, pero a-ano bang nagawa ko sa’yo?” Sambit ko at tumawa lang siya ng sarkastiko at mariin akong tinignan.
“You really have no idea talaga kung sino ako. Well, let me remind you everything you’ve forgotten.” Mataray niyang sambit at naglakad lakad pa habang kinakaladkad ang isang kahoy na pamalo.
Habang ginagawa niya ’yon ay sinusubukan ko ring kalagin ang lubid na nakatali sa aking kamay.
Nakalupasay ako sa lupa at nagsimula na siyang magkwento.
“Well, nagsimula naman lahat ng galit ko, noong sinimula niyong pabagsakin ang negosyong pinaghirapan ng pamilya ko sa loob ng mahabang panahon.” Aniya at nakinig lang ako habang sinusundan siya ng tingin.
“Lagi kayong nandiyan, para kayong kabuti na pinepeste ang mga deals namin with other businesses. Your father and you always come in our way, the two of you always steal the deal that was first offered to us.” Galit niyang sabi at parang nagbaseball siya ng malakas niyang hampasin ang aking tiyan.
Hindi ko napigilan ang sumigaw ng matanggap ko ang malakas na hampas na iyon, wala akong nagawa kundi bumaluktot ng dahil sa sakit. Kasabay din noon ang pagtulo ng luha mula sa aking mata.
“W-wala akong ideya sa kung ano ang nagawa ko sa’yo noon, pero s-sana patawarin mo k-kami.” namamaos kong pakiusap habang patuloy ang pag-agos ng aking luha na mistulang lawa.
“Patawarin? nagsisimula pa lang ako Amara, walang kapatawaran ang lahat ng natanggap kong pagkapahiya at lait ng dahil sa ginawa n’yo ng ama mo. Wala ng awa ang natitira sa puso ni Velvet, tama na ang pagpapasensya ko sa inyo ng ama mo.” Aniya at tinitigan ako na para bang kaya niya akong lamunin ng buo. Sa lahat ng kaniyang tinuran, isa lang ang nasambit ko at tumatak sa aking isipan.
“Velvet?” aniya ko na may bahid ng pagtatanong. Pilit kong inisip kung sino ’yon ngunit walang ideya ni isa ang dumapo sa aking utak.
“Yes, that’s me, Amara. Also, do you remember the time na inofferan ako para mafeatured sa Corset Magazine para sa summer season….you did just steal the deal dahil lang anak ka ni Mr. Sparks at mafefeatured nila sa business topic ang papa mo without paying!” Malakas niyang sigaw sa akin at nakatanggap na naman ako ng hampas sa aking tiyan.
’ Aray !’
Kasabay nun ang pag-ubo ko ng may kasamang dugo at matinding pagdaing ko sa sakit. Napabaluktot ako sa matinding sakit at hinihiling ko na lang na sana ay matapos na itong lahat.
Hindi ko alam ngunit pagkatapos no’n ay nakaramdam ako ng pagod at antok…
’Sana matapos na ‘to.’
CHAPTER 31
Alexander’s
Pov
.
Halos magsalubong ang kilay ko dahil sa inis at pag-aalalang nararamdaman ko ngayon.
Hinampas ko pa ang manibela ng aking sasakyan dahil sa nararamdaman kong ito.
’I should never left her, dapat
isinama
ko siya
sa’kin
kahit
pa
galit
siya
.’
Nang marating ko ang police station ay mabilisan kong ipinarada sa isang tabi ang aking sasakyan, at mabilisang pumasok.
Agad akong lumapit sa isang pulis sa isang mesa. Bumuga ako ng malakas bago magsalita.
“Sir, kelangan niyo ’kong tulungan. Nawawala ang asawa ko.” habol ang hiningang sabi ko.
Tumikhim muna siya at umayos ng pustura bago sumagot.
“Sir, sana ay maliwanag sa inyo na… hindi kami pwedeng gumawa agad ng kahit anong kilos hangga’t, hindi pa 24hours nawawala ang asawa mo.” Aniya at tila nag-init ang tenga ko sa sinabi niyang iyon.
Naihampas ko ang dalawang kamay ko sa lamesang iyon at halos mapahilamos ako dahil hindi ko matanggap ang sinabi niyang iyon.
“Sir, hindi ordinaryong tao lang ang nawawala, anak yon ng businessman.. BUSINESSMAN.” Sigaw ko at itinuro pa ang pintuan na para bang andon ang tinutukoy ko.
“Sir, pasensya na ho ngunit ang magagawa lang nami-.” Hindi pa niya natatapos ay agad ko na siyang kinuwelyuhan sa galit na nararamdaman ko. Agad naman akong inawat ng iba pang mga pulis at pinaupo sa isang upuan.
Sinubukan kong magpumiglas ngunit hindi ako nagtagumpay. Salubong ang kilay kong tinignan ang pulis na kausap ko.
“Sir, alam kong nag-aalala ka sa asawa mo, ngunit hindi namin pwedeng ipahanap sa mga kapulisan ang asawa mo hangga’t wala pang 24 hours.” Ika niya, kaya naman iniwas ko ang paningin at itinikom ang bibig. Ikinuyom ko rin ang aking kamao.
’
Napakabulok
ng
sistema
.
Kelangan
pang
mag-isang
araw
bago
ideklarang
nawawala
, that’s bullshit.’
Salubong ang kilay kong tinignan siya ng tumikhim siya.
“Maaaring samahan mo na lang kami sa bahay niyo upang makapagsagawa kami ng imbestigasyon.” Aniya at inis akong tumayo at dumiretso sa aking sasakyan.
Nagdala lang siya ng iilang tauhan at agad na kaming nagtungo sa bahay.
Pagkarating sa bahay ay nalaman kong nag-utos na si Tito sa mga tauhan niya para hanapin ang asawa ko. Agad na ring nagsimula sa imbestigasyon ang mga pulis.
Mas lalo akong nainis sa sarili ng maalala kong hindi ko pa na-uupdate ang mag-kakabit ng cctv dito sa bahay. Masyado akong nawindang sa trabaho at hindi ko na iyon naalala, nahampas ko ang aking sintido dahil doon.
Matapos mag-imbestiga ng mga pulis ay agad kami nilang hinarap ni Tito.
“Wala ho kaming napansin na kakaiba sa mga kagamitan at wala kaming napansin na may nanghimasok at pinilit siyang kunin dito.” Aniya at salubong ang kilay na pinapakinggan ko siya, gano’n din si Tito.
“Na-contact nyo na po ba ang mga kaibigan at kakilala niya?” Tanong niya at agad namang sumagot si Tito.
“Yes, I called each one of them. I also tell my people to bring them here.” Tugon ni Tito at agad na tumango ang pulis.
“May pinaghihinalaan po ba kayong maaaring gumawa nito sa kaniya?” Tanong ng pulis at isang tao lang ang pumasok sa isip ko. Agad na nanliit ang mata ko habang nakatingin sa kawalan.
“Isang tao lang naman ang may gustong pabagsakin ang asawa ko e, hindi ko lang nagawang patunayan yung paratang namin sa kaniya noon.” Tugon ko habang inaalala lahat ng plano ni Velvet.
Lumingon ako at nagtama ang paningin namin ni Tito, sa tingin ko ay pareho kami ng iniisip ngayon.
Third Person’s
Pov
.
“Ma’am Vel, this is Tanya.. p’wede ko na po bang makuha yung 13 month pay ko at saka yung monthly salary ko? Ma’am, nasa hospital po kasi yung tatay ko, e.. Ma’am pagbigyan n’yo naman po ako.” Pakiusap ng secretary ni Velvet habang kausap niya ito sa telepono.
Nasa hospital ang tatay ni Tanya at lubhang naghihirap sa kalagayan nito. Nagamit na rin ni Tanya ang tulong pinansyal galing sa gobyerno, at ang tanging pag-asa niya ay ang sahod niya sa pagtatrabaho kay Velvet.
“Sorry Miss Tanya, but it’s not my fault. I’m afraid that I couldn’t help you this time. I’m sorry.” Sagot ni Velvet game ang kalmado at walang ekpresyong boses.
Pinatay niya ang tawag at nagsimulang tumangis ang kaniyang sekretarya.
Napaupo ito sa bench na mayroon ang hospital sa kawalang pag-asa, at patuloy ang pagtulo ng luha sa mga mata nito sa sakit na nararamdaman para sa ama.
Habang lumuluha at nakaupo ay agad siyang nag-angat tingin ng may mapansin siyang tatlong lalaki na huminto sa harap niya, at laking gulat niya ng makita niya si Mr. Fuentes.
“Sir, ano hong ginagawa n’yo rito?” Tanong ni Tanya, hindi na iniisip kung anong hitsura niya sa paningin ni Mr. Fuentes.
Tumikhim naman muna si Mr. Fuentes at tumabi sa kaniya.
“We won’t file any case against you anymore. But, you need to release some of Velvet’s receipts of transaction and documents.” Sabi nito at agad na napangiti ng mapait si Tanya sa narinig niyang iyon.
Mabilis na umagos muli ang luha mula sa kaniyang mata, habang suot ang pekeng ngiti.
“Sir, p’wede ho bang sa susunod ko na lang ’yan isipin? kelangan ko kasi ng oras ngayon para mag-isip ng paraan kung saan kukuha ng pambayad sa operasyon ng tatay ko, sir. Hindi rin ako pinayagan ni Ma’am Velvet na mag advance sa sahod at 13month pay ko.” Tugon nito at saka humagulgol dahil sa bigat ng problemang nasa balikat niya.
Marahan naman siyang tinahan ni Sir. Fuentes at medyo nagulat pa siya sa offer nito.
“Gusto kong i-release ang lahat ng documents, receipts of transaction at kung ano pa, na ipinagawa sa’yo ni Velvet. In exchange, ako nang bahala sa papa mo at sa gastusin.” Aniya nito at hindi makapaniwala si Tanya.
“Sir, sure ba kayo diyan?” Paninigurado pa niya ngunit wala siyang natanggap na tugon, at tila nakuha niyang seryoso talaga ito sa offer nito, kaya naman inayos muna niya ang sarili bago tumugon.
“Pero sir, paano ho yung tatay ko? sino hong magbabantay sa kaniya?” Tanong pa nito habang pinapawi ang luha sa mata at inaayos ang kasuotan.
“Don’t worry anymore, I’ll take care of it. Just do what you need to do and by the way, where we could find Velvet? She’s not on her condo and their mansion.” Tanong ni Mr. Fuentes at pinunasan munang muli ni Tanya ang kaniyang mata bago sumagot.
“Sir, mas magandang si Harry ang tanungin n’yo sir. Siya ang pinaka-close ni Ma’am Velvet, I could give his address if you want sir.” Alinlangang tugon pa niya at inihawi pa ang buhok sa kanang balikat.
Tumikhim naman muna si Mr. Fuentes at tumingin kay Tanya bago tumugon.
“Okay, give it to me.” Sagot ni Mr. Fuentes at agad na iniabot ang cellphone nito para i-type doon.
Agad na i-tinype ni Tanya ang address at ibinalik ang cellphone. Yumuko pa ito ng bahagya matapos mai-abot ang cellphone.
“Now, go.” Utos ni Sir. Fuentes at agad namang tumango si Tanya at kasabay niyang naglakad paalis ang mga isang tauhan ni Sir. Fuentes.
Nag-iwan ng taong magbabantay si Mr. Fuentes sa hospital para tunguhin ang address na ibinigay ni Tanya.
Sa bilis ng takbo ng sasakyang ginamit ni Mr. Fuentes ay mabilis siyang nakarating sa kaniyang paroroonan.
Ang nadatnan niya sa eksaktong address na iyon ay ang mag-ina ni Harry. Tinanong niya ito tungkol sa mga bagay-bagay, hanggang sa nakuha na niya ang number nito.
mabilisan siyang humanap ng tiyempo para matawagan ang numero.
“Hello, sino ito?” sagot ni Harry sa kabilang linya.
“This is Mr. Ricardo Fuentes, I’m part of Velvet’s company.” Aniya at tumikhim pa.
“Anong kailangan mo?” Tanong niya at nilingon naman muna ni Mr. Fuentes ang mag-ina ni Harry bago tumugon.
“Okay, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Hawak ko ang pamilya mo, don’t worry they are safe. I just want to know where Velvet is, are you with her?”
“Paanong… Oo, kasama ko siya. Ituturo ko kung nasa’n kami, wag mo lang galawin ang pamilya ko.”
“Okay, madali ka lang naman palang kausap, e. Alam mo naman kung gaano kabigat ang kasalanan ni Velvet sa’ming parte ng kompanya niya. If you will fool me and wanna play with fire, madadamay ka at ang pamilya mo. Just so you know, I play dirtier than the both of you.” Tugon ni Mr. Fuentes gamit ang nakakalokong boses at ibinaba ang tawag.
Agad siyang naka-receive ng text matapos ibaba ang tawag at malaking ngisi ang lumabas.
Habang umaandar ang sasakyan at nasa byahe, ay nakabukas rin ang radyo ng sasakyan.
Agad na itinuon ni Mr. Fuentes ang kaniyang pandinig sa radyo ng marinig na ang intrada ng flash news. At literal na nanlaki ang dalawang bilogan niyang mata ng marinig ang balita.
Just in, the daughter of one of the most richest entrepreneur Mr. Sparks is missing. According to Mr. Sparks, he will give a huge amount of money as a reward, if there such person who could give a lead and can help find his daughter…
Sa balitang narinig niyang ’yon, hindi niya mawari ngunit agad na pumasok sa isip niya si Velvet. Kaya naman, agad niyang inutusan ang driver na bilisan ang pagmamaneho.
CHAPTER 32
Alexander’s
Pov
.
Habang kasalukuyan kaming nag-iisip at naghahanap ng paraan, kung paano namin mahahanap ang asawa ko ay biglang tumunog ang doorbell.
Agad naman itong pinagbuksan ng isa sa mga kasambahay at bumungad sa’min ang isang misteryosong lalaki.
Maangas ang postura at makikita sa kaniya na isa siyang businessman, din dahil sa dalawang tauhan niya sa likod at sa suot niyang itim na tuxedo. Sa aking palagay siya ay nasa edad na 28-30.
Lahat ng atensyon ay nasa kaniya hanggang sa siya ay magpakilala gamit ang kaniyang baritonong boses.
“I’m Ricardo Fuentes, I’m a businessman. I’mma go straight to the point, I can help you find Amara, in one condition.” Aniya at ikinagulat ko nang bahagya ang sinabi niya.
’Alam niya kung
nasa’n
ang
asawa
ko? Dang.’
“And what is that? Also, how can you be so sure that you can help me find my daughter?” Agad na tugon ni Tito sa kaniya.
“Help me re-build a business after we find your daughter, are you in?” Offer niya kay Tito at huminga muna ito ng malalim bago tumugon.
“I have no choice, I want my daughter back. Just make sure you can help me and I’ll help you rebuild your business.” Tugon ni Tito at agad pa silang nag-kamayan.
Mabilis natapos ang kasunduang iyon. Nagbatian sa pamamagitan ng tango na lamang ang aming nagawa. Agad siyang umuna at sumunod kami sa kaniya dahil amin na raw ang sinasabing kinaroroonan ni Amara.
Malakas ang kabog sa aking dibdib sa mga oras na ’yon dahil sa nasasayang na oras at hindi pa rin namin nakikita si Amara. Mabilis ang takbo ng aming sinasakyan ngunit pakiramdam ko ay ang bagal nito at maraming nasasayang na segundo.
’Hindi ko alam kung bakit
kelangang
mangyari
’to pero sana
ligtas
ka, Amara ko.’
Hindi halos mawala sa isip ko ang mga p’wedeng nangyayari na sa kaniya ngayon, na baka mas malala pa ang dinanas niya ngayon kesa noon. Mabilis na namasa ang aking mata sa mga isiping ’yon na agad ko namang pinawi.
Huminga ako ng malalim at itinutok ang aking paningin sa harapan, ngunit sa isip ko, hinihiling ko na sana ay walang ginagawang masama sa asawa ko sa mga oras na ito.
Nabalik ako sa ulirat ng huminto ang sasakyan at senyasan kami ng mga kasamang pulis na manahimik. Agad ko namang nakuha ang senyas nilang iyon at naging maingat ako sa paghakbang papunta sa isang abandonadong warehouse.
Ganon ang naging dating sa akin ng lugar, dahil ang aming mga sasakyan ay iniwan sa tapat ng isang kinakalawang na gate at may nag-iisang malaking gusali na may iisang gate lamang sa harap, hindi ko batid kung may gate din ba ito sa likod, ngunit hindi na ito mahalaga.
Nakabibingi ang katahimikang bumabalot habang marahan kaming humahakbang papasok sa loob. Isa-isa pa kaming nagtitinginan at lilingon na naman sa paligid na para bang may biglang aatake sa amin kapag kami’y nalingat, at tila ba isang maling hakbang lang ay maaaring mapahamak kaming lahat kasama na ang aking asawa.
Habang humahakbang kaming papalapit sa abandonadong warehouse ay nakarinig kami ng isang putok ng baril.
Halos hindi na ako mapakali kaya inunahan ko na ang ibang pulis na makapasok sa loob nito. Pagpasok namin ay agad na pumwesto ang mga pulis at tinutukan ng baril si Velvet.
“Sumuko ka na, napapalibutan ka na namin. Wag mo na subukang manlaban, o mapipilitan kaming saktan ka.” Sigaw ng isang pulis ngunit wala roon ang aking atensyon.
Nanlulumo kong tinignan ang asawa kong nakalupasay sa sahig. Duguan at bugbog sarado kung titignan. Masasabi ko rin kanina pa siyang tino-torture dahil mula sa kinatatayuan ko ay may mga namuo ng dugo sa katawan niya.
Hindi ko na napigilan ang lumuha at sumigaw.
“Itigil mo na ’to Velvet, walang patutunguhan ’tong galit mo!” Sigaw ko at nginisihan niya lang ako, habang nilalaro ang baril sa kaniyang kamay.
“Meron itong patutunguhan, Alexander !” Aniya na diniinan pa ang pagkakabigkas ng aking pangalan.
“Actually, hinihintay ko talaga kayo, e. Lalo ka na, Tito Ricardo. Tuso ka talaga.” Sarkastikong aniya at ngumisi habang nakatitig sa misteryosong matanda na dumating sa mansyon kanina.
“Alam n’yo hindi n’yo naman ako kelangan pang tutukan ng mga baril na ’yan. Susuko naman ako, patapusin n’yo lang ako sa mga sasabihin ko, at maluwag sa puso akong sasama sa inyo.” Mahabang usal niya at itinapon ang baril sa kung saan, at naglakad-lakad pa habang tila nag-iisip kung anong unang sasabihin.
“Alam na alam kong ganito ang mangyayari, dahil alam ko ang bawat galaw niyo. Basang-basa ko kayo.” Aniya pa at ang lahat ay nakikinig lamang sa kaniya.
Akmang babarilin na sana siya ng isang pulis ngunit pinigilan siya ng matandang tinawag na Ricardo kanina.
“Alam kong ta-traydurin mo’ko Harry, dahil nga hindi na rin kita mapa-sweldo. Alam ko ring tatalikuran mo ako Tito Ricardo, dahil gusto mong mapasayo ang kumpanya ni Dad, right? Ngunit ang hindi ko lang talaga inaasahan ay ang pagtraydor ng isang ’to!” Sambit at mariin niyang itinuro ako.
Nanlaki ang mata ko at nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko.
’Wag
niya
sanang
sabihin, wag sa harap ni Tito.’
“Binayaran kita ng malaking halaga para utuin ang anak ng matandang ’yan!” Aniya pa at tinuro si Tito at nakita ko ang titig ni Tito na nagtatanong. Kita ko rin doon ang namumuong galit.
“Is that true?” Tanong ni Tito habang unti-unting lumalapit sa’kin. Kita ko ang pagsalubong ng kilay niya nang unahan ako ni Velvet na sagutin ang tanong na ’yon.
“Oo! Mister Sparks. Totoo ’yon! Kung ayaw n’yong maniwala? check the cctv records sa company, or even at the condo I used to lived in. I could send you bank receipts too, if talagang di ako kapani-paniwala.” Nakangising aniya habang nakatingin sa akin. Nanlumo ako at napayuko dahil sa kahihiyan para sa sarili.
Hindi siya sinagot ni Tito at nagulat ako sa malakas na sapak na natanggap ko.
“I can’t believed that I trust you, and I can’t believed that you plan to ruined my daughter!” Mariing aniya at kita ko ang nag-aapoy na galit sa kaniyang mga mata.
Hindi ako makasagot dahil sa kahit anong anggulo, ay may mali rin talaga akong nagawa.
“Well, that’s it. Tapos na ang gulong ito. Dalhin n’yo na sa ospital ang isang ’yan at baka matuluyan. “ Aniya at kusa pang lumapit sa pulis at ibinigay ang kamay niya para posasan.
Lalapitan ko sana si Amara dahil sa sinabing iyon ni Velvet, ngunit agad inutusan ni Tito ang mga tao niya na harangin ako.
“Don’t let that Bastard come near to my daughter!” Aniya at sumunod sa mga tauhan niyang bumitbit kay Amara.
“Tito!” Sigaw ko ngunit hindi ako nito pinakinggan, nanlaban pa ako sa mga tauhan niya ngunit wala akong nagawa.
“Tito, magpapaliwanag ako!” Anas ko at nagsimula ng mangibabaw ang bugso ng damdamin ko. Mabilis na umagos ang luha mula sa aking mata.
“I don’t need your explanation kid. We’re done!” Aniya at mabilis silang naglakad palabas ng warehouse na iyon at pinipigilan pa rin ako ng mga tauhan niya na makalapit sa kanila.
Wala akong naging ibang choice kundi ang luhaang maki-sabay sa sasakyan ng pulis dahil hindi kinamumuhian na ako ni Tito ngayon, na tila hindi na mawawala pa.
CHAPTER 33
Alexander’s
Pov
.
Matapos ang pangyayaring iyon ay naisipan kong umuwi habang hinihintay kong lumamig ang tensyon na nangyari ngayong gabi.
Kukuhanan ko rin sana ng mga gamit si Amara, at dadalhin kung saan man ospital siya dinala. Ngunit, papasok pa lang sana ako ng gate ay hinarang na ako agad ng mga bodyguards.
“Sir, pasensya na pero pinagbawalan po kami ni Mr. Sparks na papasukin ka sa mansyon.” Aniya ng isang guard na may shotgun na nakasukbit sa balikat. Gustuhin ko mang pumasok, ay alam kong hindi rin nila ako papayagan.
Bumuntong hininga muna ako bago unti-unting naglakad palayo.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa ngayon. Masyadong halo-halo. Galit para kay Velvet at lungkot para sa nangyari sa asawa ko.
Nakayuko lang ako sa aking paanan habang naglalakad ng mabagal nang may marinig akong sasakyan. Nilingon ko ito at sobrang pamilyar nito.
Nang tumapat na ito sa akin ay agad na bumungad sa ang isang katulong sa mansyon.
“Sir, saan ho kayo pupunta? sa hospital din ba ang punta mo sir?” Tanong pa niya. Agad na may pumasok na ideya sa isip ko, kaya naman lumapit ako agad.
“Do’n rin ba ang punta n’yo? P’wede ba makisabay?” Aniya ko dahil wala naman akong ideya kung saang ospital dinala ang asawa ko.
“Opo sir, sakay po kayo!” Aniya at binuksan ang pinto para sa’kin.
Agad naman akong sumakay at tumabi sa kaniya at inilagay ko ang kamay ko sa bulsa ng aking leather jacket.
“Inutusan ba kayo ni Tito na dalhan ng gamit ang asawa ko?” Tanong ko pa at agad naman siyang sumagot.
“Opo sir! Nagulat nga ho ako sa tawag na magdala ng gamit sa ospital. Pero..teka sir, ano po ba talaga ang nangyari? Okay lang ba si ma’am?” Mahabang aniya at napabuntong hininga naman muna ako at saka tipid na ngumiti bago sumagot.
“Hindi siya okay, e!” Simpleng sagot ko at biglang nawala ang sigla sa mukha niya at napalitan ng lungkot.
“Kaya pala parang hindi ka okay sir.” Sagot pa nito at ngumiti na lang ako ng tipid sa kaniya.
Matapos ang usapang iyon ay tila nabalot kami ng nakabibinging katahimikan. Tanging busina at tunog lamang ng sasakyan sa labas ang maririnig.
Naging mabilis ang byahe at narating na namin ang ospital kung saan dinala si Amara.
Agad ko namang kinuha ang isang bag na nakita kong nasa Van.
“Sir, ako na diyan! kaya ko naman po ’yan.” Aniya at agad akong tumanggi.
“No, kaya ko na ’to. Dalhin mo na lang ’yan at ako na rito.” Aniya ko at tinuro ang maliit na bag na hawak-hawak na niya.
“Ang bait mo talaga sir, kaya hindi nakakapagtaka na mahal na mahal ka ni Ma’am.” Sambit pa niya at hindi ko napigilan na ngitian siya dahil sa kaniyang sinabi.
Matapos no’n ay agad na kaming pumasok sa St. Catherine hospital.
Pagpasok ay agad akong dumiretso sa nurse na nasa front desk.
“Miss, meron ho kayong pasyente na ang pangalan ay Amara Sparks?” Aniya ko pa at ngumiti ng tipid.
“Kaano-ano po sila?” Tanong pa nito at agad naman akong sumagot.
“Fiance.” Sagot ko at agad naman siyang nagtype sa computer. Ilang segundo ay agad siyang nagsalita.
“So, Miss Amara Sparks is on room 207. Fill up po muna kayo dito sa logbook sir, isulat ang name ng patient na bibisitahin, then pakisulat sa right side kung ano pong relation sa patient. Tapos, printed name and signature po.” Sambit niya at agad ko naman itong ginawa. Matapos no’n ay agad akong nagtanong.
“Miss, sa’n nga pala yung room 207?” Tanong ko at agad naman siyang sumagot.
“Straight n’yo lang po itong hallway na ito, tapos sa ikalawang likuan po kayo liliko, kanan kayo tapos deretsuhin n’yo na lang po ’yon.” Aniya at nginitian ko muna siya bago magsalita.
“Salamat, Miss.” Ani ko at nginitian niya ako pabalik.
Agad naman kaming naglakad papunta roon.
Pagka-liko namin ay agad kong nakita si Tito at ang mga tauhan nito na nakaupo sa bench sa di kalayuan.
Nagsimulang manginig ang mga laman loob ko, ngunit hindi ko ’yon pinahalata at prenteng naglakad pa rin ako habang dala ang isang bag.
Pagka-lingon at pagkakita sa akin ni Tito ay agad siyang tumayo para lapitan ako. Agad ding sumunod ang apat niyang tauhan.
“At ang kapal talaga ng mukha mo no, at nagpakita ka pa rito?” Sarkastikong aniya at hinimas pa ang bunganga.
“T-Tito.” Tanging naisambit ko at nautal pa. Yumuko ako dahil sa kahihiyan at dahil sa pakiramdam na para akong inutil at isa rin ako sa mga suspek ng isang krimen.
Napansin ko rin ang katulong na kasama ko na tahimik at tila hindi maintindihan kung anong nangyayari, ngunit binalewala ko ’yon.
“Umalis ka na habang may natitira pa akong pasensya, wag mo’kong simutin Alexander.” Sambit ni Tito at akmang tatalikod na ng sumagot ako.
“T-Tito, I’m here for Amara.” Aniya ko at yumuko, tumigil siya kaya nag-angat tingin ako at kasabay no’n ang isang malakas na sapak. Bumagsak ako at nabitawan ko ang bag na hawak ko.
“Tngina, hindi ko alam sa’n ka kumukuha ng kapal ng mukha! Ipapa-alala ko lang sa’yo dahil baka nakalimutan mo, nandito ang anak ko dahil sa kagaghan mo!” Sigaw nito at ininda ko lamang ang sapak na iginawad niya sa’kin. Agad na tumulo ang aking luha at unti-unti akong lumapit habang nakaluhod.
“Tito, mahal ko po si Amara. Mahal ko po ang anak n’yo. Patawarin niyo ho ako!” Aniya ko at walang tigil ang pagtulo ng luha sa mata.
“Wala kang maloloko rito, Alexander. Kung akala mong may maniniwala pa sayo, g*go wala na! Mahal ka diyan, baka kaya nga balak mong pakasalan lang ang anak ko sa garden , e dahil ayaw mong malaman ng lahat, diba? Kaya tumigil ka na at umalis!” Sigaw pa nito at tumalikod.
“T-Tito…” Sambit ko at agad humawak sa paanan niya. Inawat ako ng mga tauhan niya ngunit nagpumiglas ako.
“Umalis ka na bago pa ako may magawang hindi maganda sa’yo!” Usal nito gamit ang kalmado ngunit galit na boses.
“Hindi p-po ako aalis Tito, d-dito lang po ako” Utal kong sabi dahil sa labis na pag-iyak. Agad siyang humarap at kita ko ang galit sa kaniyang ekspresyon kahit pa malabo siya sa aking paningin.
“UMALIS KA NA! LAYUAN MO KAMI NG ANAK KO!” Sigaw nito at nagulat ako ng biglang humawak ito sa kaniyang dibdib. Agad siyang inalalayan ng mga tauhan niya, at akmang lalapit sana ako nang duruin niya ako.
“H’wag kang lalapit, umalis ka na.” Aniya habang nakapikit ng madiin at ang isang kamay ay nasa dibdib.
Ang katulong ay hindi malaman ang gagawin kaya kinuha na lamang nito ang bag na nabitawan ko kanina.
Nagulat ako ng biglang mawalan ng malay si Tito kaya naman agad akong sumigaw, gano’n din ang ginawa ng katulong.
CHAPTER 34
Alexander’s
Pov
.
Matapos ang naging bangayan ay tila nakosensya ako dahil muntik ko pang mailagay sa peligro ang buhay ni Tito.
Mabilis pa rin ang pintig ng puso ko at hindi ako mapakali habang nakaupo ako at nasa loob ng katabing kwarto ng kay Amara si Tito.
’Ganito na lang ba talaga ang
palagi
mong
idudulot
sa kanila, Alexander?’
Kasama kong nakaupo rito ang tauhan ni Tito at ang isang katulong. Hinihintay namin na lumabas ang nurse at doctor na umasikaso sa kaniya.
Hindi ko pa rin maiwasang malungkot at sisihin ang sarili ko sa mga nangyayari. Tila ipinaparamdam sa akin na kung hindi ako pumayag sa kasunduan noon, ay hindi ito mangyayaring lahat ngayon.
’Kung
maibabalik
ko lang ang oras,
hihilingin
ko na
sana’y
hindi sa
ganoong
paraan
kita
nakilala
.’
Hindi ko maiwasang balikan lahat nang nangyari at pinagdaanan namin noon. May masaya pero mas nananaig ang mga ganitong pangyayari, at lahat nang iyon ay isinisisi ko sa sarili ko.
Agad na nanlabo ang aking mata, kaya tumingala ako para pigilin ang pagtulo ng luha mula rito.
At sa pagtingala ko ay tila nakita ko ang imahe ni Amara kaya napapikit ako.
’
Gumising
ka na
riyan
at
magpalakas
ka na,
bilisan
mong
gumaling
. Baka hindi ko na kayanin’
Maya-maya pa habang nasa ganoong posisyon ay lumabas ang doctor mula sa kwarto ni Tito kasunod nito ang nurse. May tila sumibol na mu-munting pag-asa sa aking puso kaya agad akong tumayo at sinalubong ito, sumunod naman ang mga kasama ko.
“Doc, kamusta ho siya?” Tanong ko rito at bumuntong hininga naman muna ito bago sumagot.
“To be honest mister, ang kondisyon ng pasyente ay hindi ganoon kaganda, he was over fatigue and he has weak immune system. So, I’d suggest na i-confine muna for psiya to undergo some laboratory test to see if may iba pa ba siyang sakit.” Aniya at tila nabura at naglaho ang kaninang pag-asang namutawi sa aking puso.
“P’wede na po ba kaming pumasok sa kwarto niya?” Tanong ko rito at ngumiti naman siya.
“Natutulog pa siya, pero p’wede naman siyang bisitahin. Wag lang gisingin, dahil kailangan niya magpahinga.” Sagot ng doktor at tumango naman ako rito bilang pagsang-ayon. Matapos niyon ay umalis na sila at saka kami tumuloy sa kwarto ni Tito.
Agad kong nakita si Tito na mahimbing na natutulog sa kama. Ipinasok naman ni Ate ang mga bag na may lamang gamit ni Amara, at ilalagay sa lamesang nasa loob ng kwarto ni Tito.
May kalakihan ang kwarto ng ospital na ito. May lamesa at may sofa sa may gilid malapit sa higaan at sa kabilang gilid ay isang side table na may cabinet.
Agad ko rin namang inutusan ang tauhan at katulong ni Tito na kumuha ng gamit para sa kaniya. Nag-aalangan at tila tutol pa sila, ngunit sinabi ko na para rin naman ito kay Tito kaya sila sumunod.
Hindi ko alam pero nung ako na lang mag-isa ay umupo ako sa sofa at ipinikit ko ang aking mga mata, at taimtim akong nanalangin. Ipinagdasal ko ang mabilis na pag- galing ng dalawang importanteng tao sa buhay ko.
Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko, at napansin kong wala ako sa bahay at biglaan kong naalala na nasa ospital pala ako.
Bigla akong bumangon at agad na lumingon sa higaan, nakita ko si Tito na mahimbing pa rin ang tulog. Sa kabilang dako kung saan naroroon ang lamesa ay nakita ko ang katulong ni Tito na may hinahandang kung ano.
Nang mapansin nitong gising na ako ay agad ako nitong tinawag.
“Sir, kain na kayo ng breakfast.” Aniya nito at ngumiti ako rito.
“Sige, salamat. Btw, ano nga palang pangalan mo, miss?” Tanong ko dahil hindi ko rin alam kung ano ang itatawag ko sa kaniya.
“Sir, Ana po ang pangalan ko.” Sagot nito at ginawaran siya ng tipid na ngiti.
“Okay. Btw, ate Anna? nag-breakfast ka na ba?” Tanong ko pa rito at napayuko naman ito ng bahagya.
“Nako sir, hindi pa ho. Nasanay ho kasi ako na mauuna kayong kumain bago kami kumain.” Sagot nito at tila binalot ako ng hiya dahil kahit hindi itanong ay alam kong tinanghali ako ng gising.
“Sabay na tayo kumain.” Sambit ko pa at agad siyang tumanggi.
“Nako sir! Hindi na ho. Mauna na ho kayo, kakain po ako pag tapos ninyo.” Aniya ngunit pinilit ko pa rin siya.
“Wala namang kaibahan ’yon, kakain ka pa rin. Sige na, sumabay ka na sa akin, para mamaya si Tito na lang ang aasikasuhin mo.” Sagot ko at lumapit sa lamesa para kumuha ng pagkain.
“Sige sir, pero nakakahiya talaga.” Aniya pa.
“Wag ka mahiya, kumuha ka na.” Aniya ko at sumunod naman siya.
Tinapay, pritong itlog, ham at hotdog ang nasa lamesa ngayon. Kumuha ako ng tinapay at pinalamanan iyon ng ham.
“Teka, saan nga pala ito galing?” Tanong ko pa at tinutukoy ang pagkain.
“Ay sir, binili ko ho ’yan diyan sa may canteen.” Sagot niya at ngumiti naman muna ako bago ko kainin ang pagkain ko.
Habang nasa ganoong posisyon ay nakatanggap ako ng tawag mula sa kumpanya ni Tito.
Sinagot ko naman ito at tila sumakit ang ulo ko dahil parang biglang nagpatong-patong ang mga problemang iisipin ko.
May mga proyektong nasa pending at humihingi na ang mga nagrequest nito ng update. Kinakailangang ma-asikaso ito agad, kaya naman nagpaalam ako kay Ate Ana at nagbilin ako ng mga utos.
Sinigurado ko rin munang nakuha niya ito lahat bago ako umalis. Hindi ko alam ngunit kahit parang pagod ag katawan ko ay may lakas ito para kumilos kagaya ng ginagawa ko ngayon.
Bigla kong naisip ulit ang asawa ko kaya pumikit muna ako at saka siya ipinagdasal.
’Hindi man ako gano’n
kabait
at
kadalas
maka-alala
sa’yo, pero
hinihiling
ko po na sana
pagalingin
at
palakasin
n’yo po agad ang mahal ko na siyang
pinanghuhugutan
ko ng
inspirasyon
at lakas.
Ipinapaubaya
ko na po sa inyo ang lahat,
nawa’y
dinggin
mo po ako.’
Matapos no’n ay agad akong sumakay ng Taxi para pumunta ng kumpanya at inasikaso ang dapat asikasuhin.
CHAPTER 35
Mr. Sparks
Pov
.
Gumising akong wala sa aking kwarto at napagtanto kong nasa hospital ako dahil sa amoy at kulay ng paligid.
Agad ko rin namang naalala ang mga nangyari kaya kahit masakit at tila pagod na pagod ang aking katawan, ay pinilit kong bumangon at lumingon sa paligid ko.
Sa paglingon ko ay nakita ko agad si Ana na naghahanda ng kung ano sa may lamesa. Nang mapansin niyang gising na ako ay agad siyang bumati.
“Good morning sir, kain na kayo sir. Naghanda ako ng breakfast gaya ng ibinilin sa’kin ni Sir. Alex.” Aniya at nangunot ang aking noo bigla dahil napagtantong wala siya rito.
Kahit pa galit ako sa kaniya ay talagang nakakapagtaka na wala ang kaniyang presensya.
“Give it to me.” Aniya ko na tinutukoy ang pagkaing inihanda niya para sa’kin.
Ngunit bago ko pa iyon mahawakan ay parang nawalan ako ng gana ng maisip ang aking anak.
’
Kamusta
na kaya siya?’
Biglang binalot ng kalungkutan ang pagkatao ko, agad ding namuo ang luha sa mata ko at agad ko itong pinawi bago pa tuluyang tumulo.
‘You don’t deserve this my daughter, no one deserves to experience this kind of thing.’
Malumanay kong tinanggap ang pagkain at pinilit na kumain kahit tila wala akong gana. Blangko ang ekspresyong tinitigan ko ang pagkain at sinimulang kainin ito.
“Is there any update regarding my daughter’s condition? and btw, where’s alex?” Tanong ko rito habang hinihiwa ang itlog.
“Actually sir, wala pa pong update tungkol kay Ma’am. Tapos po, si Sir Alex ibinilin kayo sa’kin dahil may problema raw ho sa kumpaniya na kelangan niyang asikasuhin daw po.” Sagot nito at nagpatuloy na ako sa pagkain.
Habang ngumunguya ay naglalayag ang aking isip.
’Ano-anong problema naman kaya ang meron sa
kumpaniya
? At ang lakas pa rin talaga ng loob niyang
makielam
ha?’
Hindi ko alam pero kahit na sinasabi ng isip ko na magalit kay Alex ay hindi ko magawa. Siguro ay nainis ako? pero nagalit? parang hindi.
Biglang parang teleserye na nagbalik ang mga alaala sa isipan ko. Nakita ko kung gaano ka-sinsero siya sa ginagawa at pinapakita niya sa’min noon.
’Kaya siguro hindi ko rin
magawang
magalit.’
Mabilis naman akong natapos kumain at agaran na niligpit ni Ana ang pinag-kainan ko.
“Nandiyan ba sila Felix at Nilo?” Tanong ko kay ana patungkol sa mga tauhan ko.
“Yes sir, ando’n po sila sa may bench simula kagabi.”
“Okay, tell them to get me a wheelchair and umuwi na sila. Magpadala na lang sila ng ibang tauhan kamo.” Utos ko pa at tipid na ngumiti.
Agaran namang sumunod si Ana at lumabas ng kwarto.
Ilang linggo ang lumipas ay malaking pasalamat namin sa kaniya dahil nagising na ang aking anak.
Ngayon ay narito ako sa kaniyang tabi at nakabantay dahil kagigising lang niya at kailangan pa niyang subuan para maka-kain. Andiyan naman si Ana para pakainin siya ngunit gusto kong gawin ito.
Kinailangan kong magwheelchair noong mga nakaraang araw dahil talagang mahina ang katawan ko at hindi ko pa kayang tumayo, ngunit ngayon ay ayos naman na.
“Pa, nasa’n nga pala si Alex? Bakit hindi ko siya nakikita rito?” Bigla niyang tanong at natameme ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko.
Hindi naman ako galit pero kinakain ako ng pride ko. He fooled us once, I won’t let him do it again.
“Hindi ko alam anak, I can’t even contact him.“Pagsisinungaling ko.
“Ganun ba?” Bakas ang lungkot sa kaniyang boses.
“yeah, why? do you miss him?” Taas kilay ko pang tanong sa kaniya at tumango naman siya.
“Yeah.” Sagot niya at tinignan ako sa mata ko kahit na hirap pa siyang dumilat.
“Paano kung sabihin ko sa’yong hindi ka talaga niya mahal?” Ani ko.
“What do you mean, Pa?” Kunot noong tanong niya. Tumikhim naman muna ako at inilapag ang platong hawak ko sa may side table, bago sumagot.
“At paano rin kung sabihin ko sa’yong niloloko niya lang tayo? na lahat ng pinakita niya sa’yo at sakin ay parte lang ng pagpapanggap?” Dagdag tanong ko pa at hindi pinansin ang tanong niya.
“At sino namang nagsabi niyan sayo? Saang planeta mo naman nasagap ’yan?” Bakas ang inis sa kaniyang tono.
“Do’n sa gumawa nito sa’yo.” Sagot ko at inayos ang buhok niyang humaharang sa mukha niya.
“Naniwala ka naman? Alam mo, pa. Puno ng galit ang puso no’n at inggit. Kaya nga nais niyang sirain at guluhin ang meron tayo.” Aniya at agad akong kumontra.
“Paano kung totoo nga ’yon? at malaman mong magkasabwat sila?” Ani ko at agad na nagsalubong ang kilay niya at tinignan ako ng masama.
“Just…get straight to the point, Pa. Anong gusto mong sabihin.” Aniya pa at inis din akong sinagot siya.
“Here, I’m already spilling the beans in front of you. Anak, niloloko ka lang nila. Binayaran ni Velvet si Alexander para lokohin ka at ako.” Utas ko.
“Sige. Sabihin nating ganoon nga, binayaran siya para lokohin tayo or what. Pero, bakit sa lahat ng ginawa niya para sa’tin, ramdam ko yung sincerity? at saka nung panahong nawala ako? diba dapat tuwang-tuwa. na siya at pinabayaan ka?” Aniya at bigla akong natahimik.
Bigla kong naalala ang lahat lahat at napagtanto kong tama ang anak ko.
“See? Wala kang maisagot. You’re the one who knows him better, Pa. Lahat ng tao may kakayahang magbago. Kung sakali mang totoo ’yang sinabi mo, isipin mo yung mga pinakita niya at ginawa niya para sa’yo.” Dagdag pa niya at hindi naman ako nakasagot at pino-proseso pa rin lahat ng sinasabing niya.
“I love him, Pa. So.. kahit nagawa niya ’yon, I’ll still forgive him kase alam at ramdam kong totoo ang pinapakita niyang pagmamahal sa’tin.” Aniya pa at biglaan kaming nabalot ng katahimikan matapos no’n.
Nagpaalam naman siyang matutulog na. Sinabihan ko pa siyang ubusin ang pagkain sa plato ngunit ang sabi niya ay hindi na raw kaya ng kaniyang tiyan.
Kaya naman hindi ko na siya pinilit at ipinaligpit na ang pinag-kainan niya kay Ana.
Nagpaalam rin akong uuwi muna sa bahay, ngunit habang naglalakad ako kasama ang aking mga tauhan palabas ng ospital ay nakatanggap ako ng tawag.
Mr. Lim Calling…
Nang makita ko kung sino ang tumatawag ay agad akong sumagot.
“Hi, Mr. Lim, what’s the matter?”
“Hello, I’ve heard what happened so I’m here to ask how are you?”
“Thanks! I’m good now, Mr. Lim.”
“Good to hear, my friend. By the way, nasiyahan ako sa deal namin ng Son-in-law mo.” Aniya at bakas ang saya sa kaniyang boses.
“Son-in-law? You mean, Alex?”
“Yeah, na-handle at na-visualized niya talaga ang project na gusto ko. Actually, him and your company is really making noise in the business industry. I’ve hearing a lot, I mean tons of good feedbacks about him. May mga narinig din ako from our close friends na, na-handle niya rin ng maayos yung mga naiwan mong mga pending na deals.” Aniya at halos tila malalaglag yata ang baba ko sa pagkamangha. Napahinto rin ako sa paglalakad dahil sa narinig ko.
“Really?” Seryosong tanong ko. Hindi talaga ako makapaniwala.
Hindi ko alam pero parang nangibabaw ang pagka-mangha at pagpapasalamat ko sa kaniya.
Nahiya rin ako para sa sarili ko dahil siya pa mismo ang gumawa ng solusyon sa mga problema ng kumpanya.
“Yeah, you got the best son-in-law. You’re so lucky, Mr. Sparks. So.. I guess that’s it. Until next time, bye!” Paalam niya.
“Bye!” Tugon ko at saka ibinaba ang tawag.
Hindi ko pa rin talaga tuluyang na-aabsorb lahat. The shock was still here and I was left dumbfounded.
Nagpatuloy ako sa paglalakad palabas ng ospital at nagulat ako ng makasalubong ko ang kanina lang ay pinag-uusapan namin sa telepono.
Agad kong napansin ang mga bagsak niyang mata at maputla niyang balat. Halata sa itsura niya ang pagod. Napansin ko rin ang hawak niyang bulaklak.
Bakas ang gulat sa mukha niya ng magkaharap kami. Tinignan ko lang naman muna siya at napayuko siya ng bahagya at nag-iwas ng tingin.
“T-Tito, narito sana ako para bisitahin ka at si Amara.” utal na aniya at hindi ko na napigilan ang sarili ko at ipinatong ko ang kamay ko sa kaniyang ulo at ginulo ang buhok niya.
“You’re the best, Son-in-law.” Ani ko.
“T-Tito..” Tanging nasambit niya.
“Nakikita kong lahat ng ginagawa mo at efforts mo, and I appreciate it all..son.” Naluluhang sambit ko, dahil na-realized kong masyado akong naging harsh sa kaniya. Napagtanto ko ring tama ang anak ko.
“Hindi ko alam kung dapat ba talaga kitang pagkatiwalaan–” Ani ko ngunit agad niya kong pinutol.
“Tito, kung may nagawa man akong mali sa inyo. Ayun ay yung pumayag ako sa plano ni Velvet. Pero Tito, lahat ng ipinakita at ginawa ko para sa inyo, totoo ho ’yon at mahal ko rin po si Amara ng higit pa sa iniisip n’yo. Tito, maawa ho kayo, hayaan n’yo kong patunayan ang sarili ko.” Lumuluhang aniya at agad pa itong pinawi. Mabuti na lamang ay walang masyadong tao sa parteng ito ng hospital.
Napagtanto kong naminsintepret niya ang gusto kong sabihin kaya naman nilinaw ko ito, pinunasan ko naman muna ang namasa kong mata.
“I already forgive you, son. Besides, you deserved it. Matagal mo nang napatunayan ang sarili mo sa akin, sa amin.” Ani ko at tinapik pa siya sa balikat.
“You don’t need to prove yourself, cause you already did. Saka, lahat naman ng tao may kakayahan at karapatang magbago na alam kong matagal mo nang ginawa.” Dagdag ko pa at tumango siya habang tahimik na lumuluha.
“Thank you, tito!” Aniya at nagulat ako ng bahagya ng bigla niya ’kong niyakap.
“Yea, yea.” Ilang kong sagot habang tinatapik ang likod niya, at agad naman niya yatang nakuha ’yon kaya agad siyang bumitaw.
“Sorry, Tito. Nadala lang ng emosyon.” Aniya.
“Stop crying, son. My daughter is waiting for you on her room. She is missing you, so go now!” Utos ko pa at ngumiti sa kaniya.
“E, ikaw Tito? saan ka pupunta?” Tanong pa niya at agad naman akong sumagot.
“Uuwi muna ako. Besides, andyan ka na rin naman para bantayan si Amara.” Sagot ko pa at ngumiti.
“E, ayos ka na po ba? Wala na po bang masakit sa’yo?” Tanong pa niya at umiling ako bilang tugon.
“Sige, ingat po kayo Tito!” Dagdag pa niya.
“Yeah! I will. And please stop crying, you look like a gay.” Biro ko pa rito at tumawa naman siya.
Hindi rin nagtagal ang usapang ’yon at umuwi na ako para aasikasuhin ang regalo ko para sa kanila.
SPECIAL CHAPTER
Alexander’s Pov.
Mabilis na lumipas ang mga araw at nadischarge na sa ospital si Amara. Ngayon ay ayos na ang lahat para sa’kin. Hindi pa rin ako makapaniwala na napatawad na ako ni Tito. Si Amara naman, wala man lang bakas ng galit o inis sa kaniya. Dahil do’n namangha ako sa katangian nila at hindi maiwasang purihin sila.
’Masyadong
mababait
at tila
perpekto
ang mga taong ‘to? bakit nga ba ako pumayag sa plano ni Velvet?’
Lubos kong pinagsisisihan ang mga naging desisyon noon. Kung p’wede lang maibalik ang nakaraan ay mas pipiliin kong mahalin na lang si Amara, nang hindi pinipili ang gano’ng paraan.
Ngunit kahit anong gawin ko, alam kong lahat nang iyon ay nakatakdang mangyari, kaya kahit gusto ko mang baguhin iyon ay hindi ko magagawa.
Ngayon ay nakaupo ako sa sofa sa harap ng kama at binabantayan si Amara. Nagulat ako ng tumayo siya at kinuha ang kaniyang saklay.
Naalarma ako kaya agad akong lumapit at pinigilan siya.
“Asawa ko, diba hindi mo pa p’wede pwersahin ’yang binti mo?” Maawtoridad kong sabi.
“Tss, I can handle this. Besides, magaling naman na yung tahi. Sobrang effective ng cream na nireseta ni Doc.” Aniya na hindi pinakinggan ang sinabi ko.
Nilapitan ko naman siya at niyakap.
“Why so stubborn? Asawa ko, hmm?” Tanong ko pa at iniupo siya sa kama at itinabi ang saklay niya sa may side table.
Yumakap ako ulit at bigla siyang sumagot.
“Wala, nagpapa-pansin lang ako sa’yo.” Aniya at natawa naman ako ng bahagya.
“Bakit?” Tanong ko.
“Ewan ko, kahit kasi andiyan ka. Namimiss kita, e.” Aniya at halos magkalampugan na naman ang organs ko sa kilig.
’
Kakaiba
talaga
magsalita
‘tong asawa ko.’
“Edi pareho pala tayo?” Sagot ko pa.
“Bakit? Gano’n ka rin ba?” Taas kilay niyang tanong at tumango ako.
“Oo naman, kung alam mo lang asawa ko.” Aniya ko at ngumuso.
Natawa naman siya at pinisil ang pisngi mo.
“Ang cute mo talaga… anyways, tara baba tayo, gusto ko makausap si Papa.” Aniya at agad naman akong tumugon.
“Wala si Tito, umalis siya kanina. May aasikasuhin raw.” Sagot ko at nagsalubong naman ang kilay niya.
“Ano raw? Eto talaga si Papa, alam niyang kelangan niya ng pahinga.” Aniya at agad naman akong sumang-ayon.
“Yun nga e, nag-offer ako na ako na lang gagawa, kaso ayaw niya. Hindi ko na pinilit kase medyo maikli rin ang pasensya niya at baka magalit pa.” Kwento ko pa at napa-isip din.
’Ano kayang
pinagkaka
abalahan
niya? E, balita ko wala namang problema sa kumpanya?’
Nangunot ang noo ko sa isiping ’yon, ngunit nabalik ako sa ulirat ng magsalita si Amara.
“Tara baba tayo, nagugutom na rin ako.” Aniya at agad na nagsalubong ang kilay ko.
“Sabing…” Agad niya akong pinutol.
“Sige na, nababagot talaga ako rito sa kwarto.”
“Okay.” sagot ko at bumuntong hininga bago tumayo at alalayan siya.
Ngayon ay nag-aaya siya na sa garden kami kumain. Agad akong tumanggi.
’Nang dahil sa garden na ’yan,
nalagay
sa
peligro
ang buhay niya, tss.’
“Bakit ba ayaw mo?” Tanong pa niya at suminghal lang ako.
“Tss, basta.” Tugon ko habang salubong ang kilay.
“Bakit nga? kase isa ’yan sa rason ba’t tayo nag-away no’n?” Tanong pa niya at napabuntong hininga ako.
’Ang galing naman
manghula
neto.’
Hindi pa man ako nakakasagot ay nagsalita na siya ulit.
“Don’t think about that. Past is past. Gagawa tayo ng bagong memories dito, and this time magandang memories na.” Aniya pa at nagsimula na maglakad doon gamit ang kaniyang saklay.
Wala akong nagawa kundi ang agad na lapitan siya at alalayan. Doon na rin inihatid ang pagkain na ipinahanda sa mga katulong.
Maya-maya pa ay habang abala kaming nagkukwentuhan sa mga bagay-bagay ay dumating si Tito kasama ang sekretarya n’yang si Thessa.
“Everything is settled now.” Aniya na siyang ipinagtaka namin ni Amara.
“Settled, what?” Tanong ni Amara at nginitian lang siya ni Tito kasabay rin no’n ay pag-ngiti ng kaniyang sekretarya.
Nangunot naman ang noo ko sa ka-weirdohang ’yon.
“Everything is set up. Your wedding will be next week.” Aniya at literal na nanlaki ang mata ko sa sinabi niyang ’yon. Gano’n din si Amara.
“Sorry for meddling with your plans, but I can’t help it. I really can’t wait to see you both in front of Altar and to hear your exchange of wedding vows.” Aniya at tila hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ni Tito.
“Pa, why did you do that?” Tanong pa ni Amara at agad naman akong lumapit sa kaniya ng sinubukan niyang tumayo.
Inalalayan ko siya para makatayo at tumingin naman ako kay Tito. Nakinig ako sa magiging sagot niya. Hindi ko alam pero wala akong masabi, pero masaya ako sa ginawa niyang ’yon. It’s just that there’s no exact word that could describe how I really feel.
“Sorry Anak, but your impatient papa couldn’t help it. I really wanted to see you get married and I wanted to see you have a baby.” Sagot ni Tito at natawa ako ng bahagya.
’Na-pressure naman
’yata
ako bigla kay Tito’
“Papa, anong akala mo sa’kin may matres?” Natatawang ika ni Amara.
“Well, you can have if you want. Besides, we have the money even how much it cost.” Biro pa ni Tito at natawa naman kami ni Amara pati na rin si Thessa.
“Pero Tito, parang minamadali mo naman yata kami n’yan.” Sabat ko at inayos naman muna niya ang salamin niya bago sumagot.
“Sorry If I made you feel that way. But, ayoko lang talaga na magkaroon pa ulit ng delay sa kasal n’yo. I’m just really excited for it, kaya inunahan ko na ka. Besides, doon rin naman papunta, diba?” Aniya pa at tumango naman ako.
“Yeah, Thanks Tito. You’re the best!” Aniya ko at kumindat pa rito.
“Basta para sa inyong dalawa.” Tugon niya at tinignan pa kaming dalawa.
“Thanks Pa, I love you.” Sambit ni Amara at ngumiti naman si Tito at lumapit rito.
“I love you too, anak.” Tugon ni Tito at dinampian ito ng halik sa noo.
Hindi ko pa rin maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko, at eto na nga siguro ang sinasabi ni Amara na magandang memories dito sa garden.
‘I can’t wait to see you walking down the aisle, and to tell the world how lucky bastard am I to have you.’
A week later…
Amara’s Pov.
Sabi nila..bago mo raw makamtan ang tunay na saya ng pag-ibig, dadaan ka muna raw sa maraming challenges na susubok sa pagmamahalan n’yong dalawa. Hindi ko alam kung lahat ba ng napag-daanan namin ni Alex ay sinubok na ng todo ang relasyon namin, ngunit ang alam ko lang ay dito pa lang ito nagsisimula.
Alam kong marami pa kaming haharapin, at alam kong kakayanin naming dalawa. Dahil alam kong tunay at wagas ang aming pagmamahalan.
“Are you ready?” Ika ng event organizer habang nakatayo ako rito sa labas ng simbahan. Tapos nang magsilakad papasok lahat ng bisita, groomsmen at bridesmaid.
Tumango naman ako at hinigpitan ang kapit ko sa bulaklak na hawak ko.
Halos naririnig ko na ang kabog ng dibdib ko dahil sa lakas nito. Ganito pala nakakakaba ikasal pero at the same time, nakaka-excite.
Agad namang nginusuan ni Papa ang siko niya kaya humawak ako ro’n habang hawak ko ang bulaklak sa isang kamay.
Nagsimula na kaming lumakad papasok ni Papa at ang mata ng lahat ng tao ay nasa amin. Kasabay rin no’n ang pagtunog ng music.
NP: From This Moment On // Shania
Twain.
From this moment
Life has begun
From this moment
You are the one
“You’re shaking, anak.” Bulong n’ya at tumingin pa sa mga taong nasa amin ang paningin ngayon.
“Papa!” Medyo maawtoridad kong sambit dahil talagang kinakabahan ako, lalo na’t maraming mata ang nakatingin sa akin.
“Don’t think too much. You’re so beautiful with this long wedding gown of yours.” Aniya at tila na-boost ang confidence ko kahit papano.
From this moment
I have been blessed
I live only
For your happiness
Habang naglalakad ako ay nagtama ang paningin namin ni Alexander at nakita ko ang mamasa-masa niyang mata.
’
Ano
ba naman ’tong asawa ko. wala pa nga e,
umiiyak
na.’
I give my hand to you with all my heart
I can’t wait to live my life with you, Ican’t wait to start
You and I will never be apart
My dreams came true because of you
Ngumiti na lang ako upang mapigilan ang tawa ko dahil sa hitsura niya. Dahil rin do’n nawala ang kabang kanina lang ay bumabagabag sa’kin.
Pagkarating sa harap ng altar ay iniangat ni Papa ang belo ko at hinalikan ako sa noo. Pagtapos no’n ay agad na kinuha ni Thessa ang bulaklak na hawak ko dahil siya ang matron of honor. Ginawa niya iyon para hindi ako mahirapan mamaya pag nag-exchange of rings na.
Nang magkaharap kami ni Alex ay agad niya akong inalalayan at nginitian.
“I love you, ang ganda mo.” Naiiyak niyang sabi, at nakita kong tumulo ang luha sa kaniyang mata.
“I love you more. wag ka muna umiyak, wala pa nga, e.” Bulong ko.
“Hindi ko mapigilan, e.” Aniya at pinisil pa ang kamay ko.
Nginitian ko na lang siya dahil nagsimula na rin magsalita si Father.
“Welcome Friends, Family, and loved ones! We are gathered together today in the sight of God and of each other as witnesses to celebrate the marriage of Amara and Alexander.” Panimula ni Father. Nagkatinginan naman kami ni Alex at nginitian ko siya at nakita kong may tumulong luha na naman sa mata niya.
“I love you” Ani ko na walang boses at ngumiti naman siya.
“We hold Amara and Alexander up to each other as a family, and a community of loved ones, to christen this step on their journey toward what we pray will be a long, happy, and healthy life together!” Dagdag pa niya at naramdaman kong pinisil ni Alex ang kamay ko.
“Before we begin, let us bow our heads and ask God’s blessing for Amara and Alexander.” Sambit ng Pari at agad naman naming sinunod.
Taimtim akong nagpasalamat at nagdasal habang nagsasalita si Father. Hinahaplos at nilalaro ni Alexander ang kamay ko kaya nilingon ko siya. Kagaya ko, ay nakayuko rin siya at nagdarasal.
Marami pang sinabi si Father ngunit abala ako sa paglingon kay Alex dahil kanina ko pa napapansin ang pagtulo ng luha sa mata niya.
’Hindi ko tuloy alam kung
masayaba
talaga siya o
pinagsisisihan
niyang
ikakasal
siya
sa’kin’
“Ladies and gentlemen, we hold marriage up as a sacred union between two people who are committed to loving one another and spending the rest of their lives together, faithful to each other, and to their journey together. But we also know as a society that marriage is a serious institution. It requires deep commitment, faith and trust in your spouse, and a lot of patience to make it work. In the time I’ve known.” Ani Father. Bumaling naman ako kay Alex dahil nakita ko siyang pasimpleng pinunasan ang mata niya.
“Huy, pinagsisisihan mo na bang kinakasal tayo ngayon?” Pabulong na tanong ko at agad naman niya akong sinamaan ng tingin.
“Tss, wag ka nga mang-asar.” Aniya kaya naman ngumiti na lang ako para magpigil ng tawa.
Nakinig lang naman ako sa pinagsasabi ni Father hanggang sa declaration of Intent na.
“Alexander, do you take Amara to be your lawfully wedded wife from this day forward - to have and to hold, in good times and bad, for richer or for poorer, in sickness and in health; will you love, honor, and cherish her for as long as you both shall live?”
“I do.” Seryosong tugon niya at nginitian ko naman siya.
Ngumiti rin siya habang nakatitig kami sa isa’t-isa.
“Amara, do you take Alexander to be your lawfully wedded husband from this day forward - to have and to hold, in good times and bad, for richer or for poorer, in sickness and in health; will you love, honor, and cherish him for as long as you both shall live?”
“I do.” Tugon ko at nakita ko ang isang ngiti na napakatamis mula sa labi ni Alex. Ngiti ng isang kinikilig.
Marami pang sinabi si Father ngunit nawindang ako sa mga ekspresyon na nakikita ko sa mukha ni Alexander. Kinang sa kaniyang mata at saya sa kaniyang labi. Mga labi niyang lagi kong kinasasabikan.
Hanggang sa umabot na sa Exchange of Vows.
“I, Alexander Lucas take you Amara Sparks to be my wife, to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, I promise to love and cherish you.” Pag-ulit niya sa sinabi ni Father habang nakatitig sa’kin.
Hindi ko alam pero ang lakas ng dating niya ngayong araw at kakaiba ang kilig na dinudulot niya sa akin.
Halos makita na ang gilagid ko sa ka-ngingiti kay Alex.
“I, Amara Sparks take you Alexander Lucas Sparks to be my husband, to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, I promise to love and cherish you”. Pag-ulit ko rin sa sinabi ni Father.
Nagkatinginan pa kami ni Alexander at ramdam na ramdam ko ang koneksyon sa pagitan ng tinginan naming ’yon.
Marami pang pinagsasabi ulit si Father tungkol sa singsing bago kami nagproceed sa exchange of rings.
“With this ring, I seal my promise, to be your faithful and loving husband, as God is my witness.” Pag-ulit ni Alex at isinuot sa akin ang isang napaka-gandang singsing.
Hindi ko na napigilan ang damdamin ko at tumulo na ang luha mula sa mata ko. Nang maisuot ni Alex ang singsing, ramdam na ramdam ko nang kasal na ako at wala nang makapaghihiwalay pa sa’min.
“W-with this ring, I seal my p-promise, to be your f-faithful and loving w-wife, as God is my witness.” Ani ko habang humahagulgol at isinuot ang singsing kay Alex. Hindi ko mapigilan ang saya. Ganito pala talaga ang pakiramdam ng ikinakasal.
Hindi ko na halos matitigan si Alex dahil natatakot akong asarin niya rin ako.
‘Ang lakas pa ng loob ko kanina, hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam ng ikinakasal, halo-halo.’
“Amara and Alexander, you have come here today before us and before God and have expressed your desire to become husband and wife. You have shown your love and affection by joining hands, and have made promises of faith and devotion, each to the other, and have sealed these promises by the giving and the receiving of the rings. Therefore, it is my privilege as a minister and by the authority given to me by the State of California, I now pronounce that you are husband and wife. Alexander, you may kiss your wife.” Mahabang sambit ng Pari.
Marahan namang lumapit si Alex at iniangat ang belo ko.
“I am lucky that you’re my wife now.” Nakangiting aniya ngunit lumuluha.
“And I’m lucky too that you’re my husband” Lumuluhang tugon ko dulot ng saya.
“I love you” Aniya.
Hindi pa ako nakakasagot ay agad nang nagtagpo ang aming mga labi. Narinig ko pa ang hiyawan at palakpakan ngunit hindi roon nakatuon ang aking atensyon.
’Ang
saya pala
maikasal
sa taong mahal mo at mahal ka
rin’
The end….
~~
Thank you for reading my stories, please let me know your thoughts about it, and please don’t plagiarize my work..
–MixWithRed✨
AUTHOR’S NOTE.
This story will be revise, not now but soon. I will change some of it, but I promised that it won’t change the main scenario’s, characters, conflicts etc. I’ll just revise it to make it more vivid and detailed.
-nag-english ako wao -XOXO.
-MixWithRed✨

