BOSSY
hoizned · 31 chapters · 86,534 words
CHAPTER 1 THE APPLICANT
“ Manong para ho!“
Sigaw ko sa konduktor ng matanawan ko na sa malapitan yung building na pupuntahan ko.
“ Sa babaan lang po tayo.“
Sagot sa akin ng konduktor.
Ngumiti na lang ako at tumango.
Lagpas ng ilang metro ang babaan sa building kaya nagmamadali akong makatawid at makalapit sa a-apply-an kong opisina.
Nasa labing limang palapag lang ito pero bigatin ang mga namamasukan na hindi kagaya ng mga kalapit na callcenter offices ng distrito.
Sinilip ko ang aking mga credentials kung kumpleto. Naninigurado lang na walang nakalimutan sa kanila na ipapasa.
Tama ang mga detalye sa resume,walang mali sa mga spelling, at memoryado ang mga data.
Extra xerox ng dokumento ,2x2 at 1x1 pictures.
Game!
Ready na ako to conquer!
Nag-inquire ako sa guard at ipinakita ko ang natanggap kong text na nakaschedule ako para sa interview at exam ngayong araw.
Nakasulat ang pangalan ko sa kaniyang computer ng i-check niya ito at pinapasok ako kaagad.
By appointment via e-mail ang inquiries pag mag-a-apply tapos padadalhan kanila ng text. Less abala at priority nila ang aplikante. Pero swertihan kung itetext ka at mahirap makakuha ng position sa kumpanyang ito.
Hindi pala basta-basta makakapasok sa loob. Kailangan pang idikit ng guard ang kaniyang keycard sa card reader at automatic na maaunlock ang pinto.
Kabado ako ng bahagya ng pumasok ako sa lobby/reception ng building. Malamig ang paligid,mabango at napakalinis.
Black marble tiles ang sahig,puti ang mga dingding at kisame ng reception desk area na pinupwestuhan ng dalawang babae na nag-aasist sa mga nag-aapply.
Anim kaming nakaupo na naghihintay para sa interview.
Hindi kagaya sa ibang opisina na halos nakapila na sa labas ang mga nag-aaply kahit sa pagpapasa pa lang ng resume,o di kaya ay tambayan ng mga agent na nangungumisyon sa mga aplikante para sa training.
Dito iba,kaunti lang at kami lang talaga ang priority.
Encoder ang posisyong aking papasukan.
Mga managerial naman yung sa dalawang babae na nakatabi ko sa waiting area at tanging ako lang ang lalake sa aming lahat.
Mabait sila kaya nawala ang nararamdaman kong stress.
Nakilala ko si Ate Corz o Corazon,siya ang managerial, single parent at si Emy na encoder din ang papasukan.
Kagaya ko ay gustong-gusto rin nila ditong magtrabaho. Malaki na ang sweldo at marami pang benepisyong natatanggap. Isa pa lahat daw ng empleyedo dito ayaw umaabsent dahil sa ganda ng pamamahala.
Isang data processesing office ang DataMax. Sila ang provider ng data business system sa buong Pilipinas Sa building na ito nanggagaling ang lahat ng data recording system na gamit ng goverment offices,private o public company at maging sa ibang negosyo,callcenter at hospital.
Kung baga sila ang provider ng computer system kung saan mo iniimput ang lahat ng mga data record na kailangan sa isang opisina o negosyo.
Genius ang business na ito.
Noong national election,yung vote machine nila ang ginamit sa bilangan. Doon ko nakita ang pangalan ng building na ito. Akala ko nga sa abroad pa nanggaling ang machine. Dito pala sa atin dinevelop.
Maging sa ibang bansa ay sikat ang DataMax pagdating sa data recording sytem nito kaya tiwala ang maraming negosyante sa kanila.
Dahil first come,first serve isa-isa kaming tinawag.
Nauna si ate Corz sa amin. Medyo natagalan ang interview kaya kinabahan ako.
Pagkatapos ay si Leny na ang tinawag at naiwan ako mag-isa.
Ilang minuto pa at bumalik si Ate Corz na masaya dahil pasado siya sa interview at exam. Medical na lang ang aasikasuhin at pwede na siya magsimula kahit bukas.
Binigyan din niya ako ng pointers kung paano ang proseso ng dadaanang interview. May exam din pero madali lang daw. Husayan ko na lang talaga sa dalawang interview na face to face at ang isa ay phone call conversation.
Madali naman pala sa loob ko dahil parang ganito din sa dati kong pinasukang callcenter agency.
May pinakita siya sa aking keycard. Personal keycard niya daw iyon para makapasok sa mga pinto. Dahil strict and confidential ang trabaho kaya ganito kahigpit sa seguridad. Oras na magsara ang pinto ay automatic na nala-lock ito at kailangan itapat ang key card sa card reader bago ka makalabas o makapasok.
Kaso limitado lang ang pwedeng pasukan ni ate Corz. Entrada ng first floor at hangang third floor lang dahil hindi naman daw kailangan ang trabaho niya sa pinakamataas na bahagi ng building.
May ganoon pala?
Hindi muna umuwi si ate Corz at sasamahan pa niya ako. Hinihintay pa niya kung makakapasa kami ni Emy.
Balak niyang ilibre kami ng mirienda bilang celebration.
Ilang sandali pa ay dumating na rin si Emy na abot tenga ang ngiti at nagtatalon pang palapit sa amin.
Nakapasa din siya as data encoder.
Isang interview at speed typing lang ang exam na pinagawa sa kaniya. Di gaya kay ate Corz, dahil iba nga naman ang position ng trabahong inaplayan.
May key card din siyang pinakita pero hanggang sa first floor lang ito magagamit kung saan naroon ang work station ng mga encoder.
Panigurado na pareho kami ni Emy na sa first floor lang iikot ang buhay sa maghapon.
Atat din akong magkaroon ng key card.
Dahil ang key card na yun ang simbulo na empleyado ka ng building na ito.
Buti pa si Ate Corz,makakapasyal kahit papaano.
Ako na pala ang susunod.
Tinawag na ako ng staff at sinamahan pumasok kami sa isang silid.
Malaki ang loob ng pinasukan naming silid at tabi tabi ang mga station ng mga empleyado. Parang callcenter din ang dating.
Masayahin ang mga empleyado. May nakita pa akong lounge kung saan naglalaro ng playstaion ang ilan,may sosyal na pantry kung saan pwede kumain o magkape,at wag ka-Starbucks yun!
May smoking o vaping area na akala mo aquarium kung saan mukhang lumalangoy ang mga sunog-baga sa usok,may mahabang library ng manga ,comics at libro ang napakahabang dingding na dadaan. May sleeping capsule na gaya sa japan na pwedeng tulugan. Parang lahat ng pwede mong paglibangan nandito na. Maliban lang sa sugal at beerhouse.
Hindi ako magtataka kung bakit gusto ng karamihan na dito magtrabaho dahil spoiled ang mga empleyado at sagana sa mga perks. Libirated ang kilos habang nagtatrabaho.
Kaya pala ayaw ng ilan na lumiban sa trabaho dahil masaya at parang isang batalyon ng magbabarakada ang nagtatrabaho dito.
Sa isang silid ako dinala nung staff ma sumundo sa akin.
Pinaupo ako sa tapat ng isang lamesang bilog na may telepono sa gitna at saka ako iniwan.
Ito siguro yung sinasabi ni Ate Corz na phone interview na gagawin.
Naghintay muna sandali at muling bumalik yung staff na tila kabado at takot na takot.
Mabilis ka namang magsulat di ba?
“ Po?“
Ang tanong ko.
Agad niya akong pinatayo at hinila palabas.
Naguguluhan ako sa pagkataranta ng staff.
Maging ang mga empleyado ay mukhang natataranta rin ng makita kaming nagmamadali na patungo ng elevator.
Parang may sunog na nagmamadali ang kasama kong staff dahil nalaglag pa ang kaniyang key card ng paulit-ulit niya itong itinapat sa scanner mg elevator.
Ayaw talagang bumakas kahit anong pilit niya.
“SINONG MAY CARD PARA SA TOP FLOOR!”
Sigaw niya at isang babae ang patakbong nag-abot sa isang babae at tumakbo ang inabutang babae na parang marathon relay na inabot sa staff ang keycard para sa elevator.
Nagmamadaling pinabasa ang card.
Agad bumukas ang pinto nito at pahila muli akong pinapasok.
Nagtataka ako sa nangyayari dahil sa nininerbiyos yata ang kasama ko. Maya’t-maya pa ang tingin niya sa salamin. Hindi ako makapagtanong dahil panay ang ayos ng buhok at pananamit na parang umiiwas siya na mapintasan.
Pagkatapos ay ngumiti siya ng humarap sa akin.
Inayos ang kwelyo ng polo ko. Maging ang suot kong salamin sa mata ay inayos din.
Pinaikot pa ako at pinagpagan ang mga nagusot na bahagi ng suot ko dahil sa pagkakaupo.
“ Pwede na yan siguro…“
Mahina niyang sabi.
Bigla siyang pumustura ng tayo ng bumukas ang pinto ng elevator at sa isang malaking silid ako muling hinila papasok ng staff.
Namangha ako sa aking nakita dahil 360 degrees mong makikita sa papalag na ito ang paligid sa labas sa pagkakabukas na blinds ng mga malalaking salaming harang ng bintana.
Halos tanaw mo na ang buong kapaligiran ng business area ng lugar.
Isang buong floor ay ginawang isang opisina lang?
Mula flooring, walling at ceiling ay puti ang kulay ng pagkakapintura.
Ngayon lang ako nakakita billiard table na itim ang kulay ng mesa,sa gawing kanan may balck dining set na napapalamutian ng puting plato at crystal wine glasses. Black and white ang theme ng floor na ito gaya sa recreption at work area.
Sa kaliwa,may pwesto ng entertainment system na may napakalaking tv na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko,may bar na puno ng mamahaling alak,may coffee station/kusina na puno ng gamit sa pagluluto.
Sa isang side malapit sa salaming pwedeng tanawin ang labas ay may pahingahan kung saan pwede sigurong maglaro ng chess,mang-asar sa kabilang building o matulog ay pwede sigurong gawin.
Hindi siya mukhang opisina kundi isang napakalaking kwarto ng luho at karangyaan.
Ang isang bahagi kung saan naroon ang tila narang pinto na ginawang lamesa para sa CEO.
Bukod sa lamesa,iyon lang yata ang hindi nakasabay sa mga modernong gamit na narito.
Kinabahan ako lalo at nagtataka kung bakit kami narito.
Hindi naman ganito ang kwento ni Ate Corz at Leny.
“ Sir,narito na po kami.“
Umikot paharap sa amin ang magarang swivel chair kung saan nakaupo ang isang gwapong lalake.
Siya ang CEO ng kumpanyang ito?
Ang bata pa niya at mukhang nasa 25 lang ang edad!
Nahiya ako ng tumingin siya sa akin.
Para kasing may xray ang mga singkitin niyang mata.
Para kamong may lumalabas na laser beam na pwede kang tunawin. Mga ganun!
“ This is…“
Hindi ako maipakilala ng katabi ko. Mukhang di yata niya nabasa ang resume ko sa pagkataranta.
“ Brixel Remedios…may name is Brixel Remedios,boss-este sir pala.“
Ako na ang sumagot at halatang kinakabahan talaga ang kasama ko.
Di ko alam baka anak lang ito ng talagang CEO at nagtitrip lang ito sa mga empleyado.
Muli akong tiningnan ng binata..
RUSTIAN CORONA ang nakasulat sa table plate at CEO ang nakasulat sa ibabang bahagi nito ng mabasa ko.
Ang cute ng name.
Siya ba talaga ang boss dito?
Siya nga siguro dahil sa ipinapakitang kilos ng katabi ko ay confirm na siya nga!
Rustian..parang Rustans.
Yayamanin.
Bagay sa kaniya.
Ang di kapipaniwala ay sa mura niyang edad ay may posisyon siyang ganito sa isang malaking kumpaya.
“ Aalis ako bukas,and i need your pressence early at 7am.
You can leave now.
Ms.Fidel make sure he’s prepared.“
Tapos may inilagay siyang ear phone sa kaniyang taenga at umikot muli patalikod sa amin ang kaniyang upuan.
Nagkatinginan kami ni Ms.Fidel at nawala na ang kaniyang nerbiyos. Tahimik siyang nag-okay sign sa akin ng may ngiti at muli kaming bumaba pabalik ng first floor.
Sa dating silid niya ako muling kinausap. Binigyan niya ako ng isang credit card kasama ang pin code nito. Isang log book. Isang makapal na libro na kailangan kong pag-aralan,mas mainam kung mamemorize ko pa raw. Isang libro ng mga larawan ng tao na kailangan matandaan ang mga pangalan at business background nila, tablet na gagamitin ko para sa record,isang phone na pang business call at isang keycard kung saan lahat ng floor sa building na ito ay pwede kong puntahan. Key card din daw ito sa bahay ni sir Rustian sakaling papuntahin niya ako sa kaniyang bahay.
Nakahawak na ako ng key card?
Pasok na ba talaga ako?
“ Excuse Ms. Fidel,pero ano po ba ang trabaho ko?“
Tanong ko sa kaniya.
“ Nagkaroon problema yata sa secretary ni sir kanina hindi pa namin alam kung may ginagawang hindi maganda o naiinis kaya nagpahanap sa akin ng kapalit. Sorry ha…ikaw kasi yung last resort ko na ipalit sa pwesto.“
“Masungit ba si sir?”
“Warning lang ha medyo pickle minded yun at paiba-iba ng timpla ng mood. Basta kailangan maagap ka lang sa mga kailangan niya sa trabaho. Parang personal assitant ang trabaho mo sa kaniya.
Bihira lang ang hiring sa position mo kaya pagbutihin mo para makatagal ka. Mabait si sir Rustian wag lang susumpungin at baka lahat tayo matanggal.“
“May ganoong drama?”
“Oo may ganoon,kaya madami ang gustong makapasok dito dahil sa mga binibigay sa mga empleyado pero dapat tumbasan din natin ng work ethics.”
Sabagay,di pa nga ako nagsisimula ang dami na kaagad pinaubaya sa aking gadget na kakailanganin sa trabaho.
Grabe at talagang provided ako ng mga gamit para sa trabaho ko.
“ Kaya ko to!Kaya ko to!
Bulong ko na lang sa aking sarili.
Inilagay ko sa bag ang lahat ng kaniyang ibinigay sa akin. Binitbit ko na lang ang mga libro dahil hindi kasya sa kapal at laki nito.
Pinayagan na ako ni Ms.Fidel na makalabas at inaasahang maaga ako bukas. Nakakatuwa dahil nagamit ko na agad ang ibinigay sa aking key card.
Nagmamadali akong bumalik kung saan naroon sina ate Corz at Emy. Sinabi ko na lang na hired na ako pero di ko ikinuwento ang lahat.
Hindi pa sigurado dahil bukas ko pa talaga malalaman ang actual na trabaho ko kung kakayanin ko o hindi,o masesesante ba agad ng CEO.
Magkakasama kaming lumabas para sa libreng meal ni ate Corz.
Pagkatapos ay nagpaalamanan na kami at magkita-kita na lang kinabukasan para sa bagong simula ng aming buhay empleyado.
Ang tanong…
Makakasurvive kaya ako bukas?
Isang bagong kwento po na aabangan nyo na naman. Abangan na lang po ang notification ko sa mga susunod na kabanata.
ABANGAN!!!
CHAPTER 2 JOB DISCRIPTION
BRIXEL
“NAKAPASA KA SA DATAMAX?”
Tanong ng pinsan kong si Maricar na may halong pagtataka ng sabihin ko sa kaniya ang nagyari kanina.
Kulang na lang sabihin na “Hindi ka dapat dun nag-apply at ako dapat ang naroon.”
“PAANO KA NAKAPASA DUN?”
Segunda naman ng tiya Mitos na ibig sabihin na “Wala akong karapatan makapasok sa isang sikat na kumpanya sa buong mundo.
Tandem ang mag-inang nega pagdating sa mga bagay na nauunahan ko ang pinsan ko sa magandang kapalaran.
Dito ako pansamatalang nakatira sa kanila. Dahil mahirap at walang magandang mapasukan sa probinsya kaya dito ako nakipagsapalaran sa manila at dito ako pinatira ng ate ko sa aming nag-iisang tayahin.
Ulila na kami ng kapatid ko sa mga magulang at si Tiya Mitos na lang ang nag-iisang kapatid sa nasira kong ina.
Biyuda si Tiya Mitos at mag-isa niyang itinataguyod ang pinsan ko.
Tatlong taon na ako naninirahan sa kaniya. Bahagi ng pininirahan ko ay makabayad sa mga utang namin noong nagkasakit ang inay.
Kung mababayaran ko daw iyon ay hindi na niya kukunin ang lupang minana ng inay bilang kabayaran.
Ako ang naging sacrificial lamb ng ate dahil hindi na niya kayang magtrabaho dahil sa may pamilya na rin siya sa probinsya.
Sa loob ng tatlong taon, bilang ko ay wala pa sa apat na bahagi ng kabuuan ang naibabayad ko sa kaniya dahil maging ang pagkain,tubig kuryente ay binabayaran ko mula ng ako’y mapatira dito.
Nagtitiyaga lang ako sa lahat ng mga salita nila. Dangat siya lang talaga sa aming mga kalapit na kamag-anak ang tumulong sa amin noong oras ng pangangailangan.
Pasok sa isang tenga at labas sa kabila pagnaririnig ko kung gaano nila ako pahapyaw na maliitin.
“ Yung utang nyo,baka nakalimutan mo na mag-abot pagsumuweldo ha.“
Paalala ng tiya Mitos.
Kararating ko lang at ito na agad ang bungad nila sa maganda kong balita.
Sinecure ko ang bag na dala ko at baka makita ni Maricar ang mga gadget na binigay sa akin.
May pagkaingetera kasi iyon. O baka talagang ayaw niyang nauungusan siya pagdating sa mga ganitong bagay?
May pagkamakasarili kasi ang pinsan kong ito. Paggamit nilang mag-ina ay gamit lang nila.
Imagine yung tv na dapat na pwedeng panooran naming lahat ay pilit niyang ipinalagay sa kanilang kwarto. Masarap daw manood ng nakahiga. Ang totoo, ayaw niyang nakikinood din ako.
Ganoon sila sa akin.
Kaya tiis at tiyaga lang.
Nakatapos ako ng commerce,nakapagtrabaho sa mga fastfood chains dahil dayo pa ako noon dito. Akala nila hanggang tagapagsilbi lang ako ng pagkain. Hanggang sa makapasok sa isang callcenter agency.
Malaki nga ang sweldo pero malaki din ang gastos.
Kailangan ko lang talaga ng trabahong pwede kong maingat ang kapisidad ko na makaipon at mabayaran ang aming utang para wala ng masamang koneksyon sa amin ng aking mabait na tiyahin.
Pumasok na ako sa aking maliit na silid .
Nagbihis at nagpahinga sandali.
Inilabas ko sa bag ang mga inihabilin sa akin ni Ms. Fidel. Kinain ko na rin ang napiping cheese burger na pinabaon ni Ate Corz bago kami maghiwahiwalay kanina. Naipit kasi ng mga gamit sa bag kaya naflat ang inuwi kong burger.
Nangangalahati pa lang ako sa pagkain ng biglang magring ang cellphone na ibinigay sa akin.
Madali ko itong sinagot.
“ Hello good evening,this is Brixiel
Remedios,how may i assist you today?“
“ Hello Brixel,si Janice Fidel ito.
Nabasa mo ba yung list na bibilhin para bukas?“
“Hindi pa po mam?Kararating ko lang po ng bahay?”
“ WHAT?
Oh my God!
Dapat binasa mo na agad yan at kakailanganin bukas yan. Maaga ang alis ninyo at walang mall na bukas that hour.
Dapat ngayon nabili mo na sila!“
Napaigtad ako sa pagkakaupo at agad hinanap ang logbook. Nakita ko ang list na sinasabi ni Mam Fidel.
“ Miss Fidel wala kaming ref na pwedeng paglagyan ng mga ito.“
“ Sinong nagsabi na iiuuwi mo ang mga yan, dadalhin mo iyan sa office,may ref si sir doon.“
“Sige po Mam Fidel,makakapamili pa ako ng mga ito.”
“Okay,naku pinakaba mo ako.
Yung credit card ay nasa iyo.
Alam no na gagawin sa mga resibo ha. Well, wala namang pakialam si sir kung lolokohin mo siya o hindi at madali naman niya malalaman yun. Basta i trust you.
Ingat na lang sa biyahe ha.
And agahan mo sa office bukas. Not 7 but earlier than 7 kailangan nasa office ka na.“
“Yes po mam.”
Ibinaba na niya ang linya.
Agad kong ibinalik sa bag ang ilang mga gamit ko.
Dinala ko na lang ang bagong cellphone,ang logbook,credit card at ang sarili kong phone.
Nagpaalam ako kina tiya na aalis at baka gabihin ako sa pag-uwi.
Sumakay ng bus patungo sa opisna at bumaba sa kalapit na mall nito.
Binasa ko muli ang nakalista. Mga deklaseng karne,keso na ngayon ko lang narinig ang pangalan,isda na hindi ko pa nakakain sa sobrang mahal,microwave popcorn,mga spices,sauces,grain coffe,glass cleaner,glass cleanser,etc-etc-etc.
Groceries pala ito e.
Naisip ko na supply siguro ito sa office ni sir Rustian kaya ganito karami.
Sabagay,parang bahay na nga ang top floor na iyon.
Medyo natagalan ako sa pamimili dahil ayaw kong pumalpak sa una kong assignment. Mga dekalidad ang mga pinili kong nakalista upang walang masabi. Mahal nga pero di ko na kasalan yun dahil pinagkatiwala nila ang credit card sa akin.
Hay ang sarap mamili kahit wala akong mauuwi sa mga napamili ko.
Nag-iimagine na lang ako na balang araw kahit hindi ganito kamahal ay mararanasan ko at masabing,“Hay! Ang sarap magshopping ng sa akin!”
Hah?! Ano kaya reaction ng pinsan ko pagnakita niya ako ngayon na ganito ang aking trabaho?
Halos mapuno ko na ang cart.
Pumila ako para bayaran ang mga pinamili. Medyo kabado dahil baka hindi tanggapin sa cashier ang card na ibinigay sa akin.
Tinanggap!
Inilagay sa mga box ilan,at ang ilan ay sa eco bag.
Sa dami ay hindi ko sila kayang bitbitin kaya nakiusap ako kung maari nilang ideliver ang mga napamili ko sa opisina. Ilang block lang naman ang layo ng mall sa aming building. Sayang ang pamasahe kung isasakay ko pa.
Pumayag naman na ihatid ako ng isang sales rep nila at tinulungan akong itulak ang cart na pinaglagyan ng mga pinamili ko patungo ng DataMax.
Sinalubong agad ako ng guard sa parking area. Sinaway ako na bawal dumaan doon pero sinabi ko na bago akong assitant ni sir Rustian.
“ Ay,suri po sir,dito po ninyo idaan yung cart.
Sinamahan kami ng guard sa parking area patungo sa isang elevator.
“ Itu sir yung pribeyt elebator nyo sir. Pag diri kayo magsakay ng pinamili diritso kayo sa top plor.“
Nagpasalamat ako sa guard at sa sales rep na tumulong sa akin. Mag-aabot sana ako ng pakunswelo pero tinanggihan naman ako.
Inilabas ko ang aking keycard at itinapat sa scanner ng elevator.
SHALA!
KABOG SA KABONGAHAN AT BUMUKAS ANG PINTO.
Patunay na empleyado ako ng company na ito,
Gusto ko sanang isigaw dahil nakakatuwa at lahat nga ng pinto dito kayang buksan ng key card ko.
Tinulungan nila akong ipasok sa elevator ang mga pinamili.
Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa top floor.
Madilim ang buong floor at hindi ko alam kung paano ko bubuksan ang mga ilaw nito.
May nakita akong nagbiblink sa pader na tila switch para sa mga ilaw. Hindi siya regular na napipindot at para siyang scanner din. Sinubukan kong itapat ang keycard ko at sunod-sunod na nagliwanag ang mga ilaw.
Ang galing. Hindi lang pinto ang kaya niyang buksan kundi ilaw din.
Ang problema ay para akong langgam na isa-isa kong binitbit ang aking mga pinamili.
Hingal kabayo ako kakabalik-balik mula sa tapat ng elevator hanggang sa napakalaking double door ref ng opisina.
Inayos ko ang pagkakasalansan ng mga karne at isda sa ref. Inayos ko din ang pagkakadisplay ng mga spices sa lalagyanan nito. Nakita ko rin kung saan dapat ilagay ang iba ayon sa kanilang paggamit.
Naglinis ng sahig na nadumihan at nagpahinga.
Habang nakaupo sa tapat ng kitchen counter ay pinasadahan ko ng basa ang logbook.
Hindi ko alam kung sino ang sumulat dito sa logbook pero back to back at advance na ang nakaschedule na gagawin.
May buwan petsa at oras. Bilang ko ay nasa pitong buwang advance na schedule ang lahat ng iyon na iterinary.
Ito siguro ang trabaho ng pinalitan kong nasisante kanina. Natanggal siguro siya dahil nangupit o nandaya sa pera.
Napatigil ako bigla…
Binitiwan ko ang logbook.
Parang pandoras box ang log book na na maari akong matuksong palayain ang mga laman nitong kasalanan.
Parang naramdaman kong nag-init ang credit card na nasa wallet ko.
Madali ko itong nilabas at ipinatong sa ibabaw ng logbook.
“ Matanggal din kaya akong bigla kung sakaling pagbintangan nila na nangungupit ako? Worst,baka ipakulong pa ako?“
Kinabahan ako.
Nabanggit sa akin na madaling malaman ni sir kung mangungupit ako.
Ganoon ka hightech ang DataMax at ang lahat ay kayang malaman.
Lalo akong natakot ng tumunog ang elevator. Napatayo ako bigla sa aking pwesto na baka mga pulis na ang dumating para arestuhin ako.
Mag-isa lang ako sa malaking silid na ito at baka sabihing nagnanakaw ako dito
Bumukas ang pinto at ayan na sila!
Ngunit si Sir Rustian ang lumabas ng elevator.
Natahimik ako habang papalapit siya sa akin.
Basang-basa siya ng pawis na tila galing sa pagjojogging
Deredrecho siyang nagbukas ng ref at kumuha ng isang bote ng orange juice. Kumuha ng baso sa cup board malapit sa ulanan ko. Nagsalin at ininom.
Nagpunas ng pawis sa mukha gamit ang towel na nasa kaniyang balikat at inabot sa akin ang basong pinag-inuman.
Pagkatapos ay nagtungo sa isang pader at itinapat ang kaniyang suot na singsing at naggalawan ang mahabang dingding.
Nahati ito sa gitna at isang tulugan,walk in closet at shower room ang nakatago pala sa llikod ng pader na ito na sinasadya yata niyang ipinakita sa akin.
Hindi ko alam ang aking sasabihin ng kusang gumalaw ang aking mga kamay. Hinuhugasan ko na pala ang baso habang nakakanga at nakatingin kay sir Rustian habang naghuhubad siya ng kaniyang pawisang sando.
Kumuha ng malinis na tuwalya,bumalik siya sa aking pwesto,nagbukas ng ref at kumuha ng isang bote ng tubig.
Ininom muli sa harapan ko.
“ Bilisan mo dyan para makauwi ka na. Maaga tayo bukas.“
Kaswal niyang sabi at madali kong binanlawan ang baso. Pinunasan ng malinis na dish towel at ibinalik sa lalagyanan at ibinalik sa ref ang nilabas niyang orange juice.
Inayos ang mga gamit na dadalhin pauwi at lumakad patungo ng elevator.
Huminto ako sandali.
May nais akong malaman talaga.
“ Sir…ano… ano po ba talaga ang trabaho ko?“
Lumagok muna siyang tubig at saka sumagot.
“ Bukas malalaman mo kung ano ang trabaho mo. Pero for now,you suffice my expectation.“
At saka tumalikod siya sa akin at nagtungo sa shower area.
“Alis na po ako sir.”
Tumalikod ako at saka magmamadaling naglakad patungo ng elevator.
“ Nice work on you first day!“
Sigaw niya sa akin.
Napangiti ako at nilingon siya para pasalamatan.
Pero biglang bawi din dahil wala na siyang saplot sa katawan na nakatalikod sa akin papasok ng shower area na gawa sa salamin.
Kita ko ang hubog at kinis ng kaniyang likuran.
Agad kong binuksan ang elevator. Bumukas ito at pagharap ko ay kita na ang buong kahubaran ni sir Rustian. Patagilid siya sa kaniyang posiyon habang naliligo, pero misty ang bahaging gitna nito kaya blurred na maaaninag yung private part.
Ang haba ng leeg ko na makita na naliligo si Sir Rustian habang nagsara ang pinto ng elevator.
Kinabahan talaga ako.
Walang pang December parang nakita ko na ang 13th month pay ko!
Tsinek ko ang mga dala kong mga gamit na baka may naiwan ako. Kumpleto sila.
Sayang…
Ang ganda pa namang excuse yun para bumalik.
“ Ay,bad-bad-bad.boss yun at hindi basta-basta boylet.“
Saway ko sa aking sarili.
Hindi naman talaga ako ganito.
Tago ang aking sekswalidad dahil ayaw kong lalo akong maliitin ng tiya Mitos at ng pinsan ko.
Nasanay akong ilihim ang aking pagkatao dahil mula noon pa,mga homophobic ang mga kasama ko sa bahay.
Alam ko kung paano nila maliitin ang mga beki sa lugar namin kaya natakot ako na baka ganoon din ang itrato nila sa akin.
Na ang kabaklaan ay walang kinabukasan,na salot sa lipunan,na walang ginawa kundi kalandian,kahalayan at panlalake.
Minsan tuloy naiisip ko,hindi kaya silang mga straight ang nagtuturo sa mga bakla na gawin na lang ang sinasabi nila?
Kasi naman yung iba wala na din sa lugar ang kabaklaan.
Dinadaan na lang sa patawa ang mga seryosong bagay. Marami namang matitinong bakla. Nga lang mga matatanda na yata sila ng tumino. Late na ng malaman nila na dapat kahit bakla sersyoso sa buhay.
Kung homosexual ka dapat panatilihing magalang sa magulang,marespeto sa kapwa,may dignidad,pangarap at talino para di manamalit ng iba.
Pag baklang mayaman ka, hindi ka pwedeng husgahan paano kung mahirap ka lang?
Ang pangmamaliit kasi di lang nasa estado ng salapi mo,kundi nasa kasarian din.
Ngayon kasi bata pa inuuna na ang pagpapaganda kesa pag-aaral kaya napupulaan ng iba at nadadamay ang sadyang matitino.
Ako,bakla ako oo,pero may pangarap ako at nais kong balang araw ay makatulong sa aking pamilya at kapwa. Di man mayaman na mayaman basta makatulong okay na yun.
Straight looking pero ang puso ko, tutubi sa batis.
Batis… Ayan naalala ko na naman yung naliligo.
Hay naku sir…
Pitong buwan sa logbook! Pitong buwan din kitang makikita sa tuwing mamimili ako!!!
“
Pero,ano ba talaga ang trabaho ko?!!!“
Ano nga ba?
ABANGAN!!!
CHAPTER 3 THREE YEARS AGO
RUSTIAN
“ Ibinibigay ko sa aking asawa ang aking mga ari-arian,lupa at bahay sa Batangas at Cebu,ang bank accounts ko,ang lahat ng karapatan ay sa kaniya na mapupunta. Sa aking panganay naman na si Arnian mapupunta ang real estate ko sa Cebu…at ang maliit na negosyo ko sa Manila ay mapupunta kay Rustian.“
Iyon ang huling habilin ng daddy sa kaniyang abugado bago siya pumanaw.
Ni hindi man lang nakasaad sa kasulatan na anak din niya ako….
Wala akong sama ng loob kung manahin ng kuya ang isa sa pinakamalaking real estate developer sa Cebu at mapunta sa akin ang nagsisismula pa lang na negosyo ng Papa sa Makati.
Nagpapasalamat ako dahil kahit kakagraduate ko pa lang noon ay pinamanahan na niya ako ng responsibilidad.
Kita sa mata ng Mama ang pag-aalala na baka ako ay tumutol sa mga nakuha naming partihan ng mana.
Hindi ako nagsalita. Tanggap ko na ang nangyayari dahil expected ko na noon pa na ganito ang kalalabasan ng mga nagawa ko.
Alam ko namang lamang ang kuya sa kaniyang mamanahin.
Kailan ba naging patas.
Mula ng ako ang maging dahilan ng pagkamatay ng bunso naming kapatid na babae,nagbago na ang pakikitungo sa akin ng Papa.
Mula pagkabata ay dumistansya na siya sa akin at tanging kuya ko na lang ang lagi niyang nakikita at nakakasama.
Nasanay akong mag-isa. Na laging nagkukulong sa kwarto. Na walang kasalo sa pagkain. Hindi ko naranasang ihatid ako ng Papa sa school. O samahan man lang sa mga recognition ko sa klase.
Lumaki akong ako lang at tanging si Mama lang ang nagpapalakas ng loob ko sa kaniyang mga paalaala.
Pero matigas talaga ang kalooban ng Papa at pinapangalawahan pa ng kuya ko pagdating sa mga disgusto nila sa akin
Gayun pa man ay ngpapasalamat pa rin ako kahit maliit na negosyo ay pinagkatiwala sa akin bago siya namatay dahil sa cancer of the liver.
Kay Mama napunta ang lahat ng ari-arian,kay kuya Arnian ang pinakamalaking negosyo at sa akin ay ang nagsisimula pa lang na maliit na negosyo ng business inquiries.
Isa itong maliit na opisina sa lugar ng Makati kung saan pwede ka magtanong ng kailangan mo sa kalapit na komunidad. Information center na kung saan maari kang tumawag kung kailangan mo ng mauupahan apartment,ng karpintero, ng tubero, ng hardinero,yaya,cook, at kahit anong manpower ay may data ako na pwede kong ibigay sa iyo.
Ako ang nakaisip ng negosyo na iyon dahil wala pang ganoon klaseng information system na one call away. Masyadong busy ang iba kaya naghahanap sila ng mapower na maaring gumawa para sa kanila mg madalian. Isang tawag lang at darating agad ang hinahanap nilang trabahador na kailangan nila.
Mas ligtas ang kliyente dahil mapagkakatiwalaan kaagad ang mga pinapadala kong taong kailangan.
Talamak kasi ang magnanakaw o manloloko na nababasa lang sa mga peryodiko kaya ingat sila.
Mayaman ang Papa dahil negosyante na noon pa ang mga magulang niya. Kaya mulat na din kami sa pagnenegosyo.
Namana namin ang ganoong traits. Hindi ako takot makipagsapalaran. Ayaw ko ng may boss o amo na parang alipin ako.
Kaya lumaki ako at pinagsumikapan na gayahin siya pagdating sa ganitong larangan.
Sa una ay hirap akong patakbuhin ang negosyong iniwan sa akin dahil wala akong katuwang.
Ang kuya naman,dati ng maunlad ang kaniyang namana. Kaya hindi siya hirap. Instant boss na kaagad siya ng maisalin sa pangalan niya ang negosyo ng Papa.
Malawak na ang nasasakupan ng mga pinatayo niyang subdivision sa ka-visayaan.
Ako sa isang maliit na opisina lang dito sa kalakhang Makati.
Sinadya ng Papa na ilayo ako.
Ayaw niya sa akin.
Maging ang kuya ay ayaw sa akin. Civil lang kung mag-usap kami. Hindi nagsisigawan o ng-aaway. Malayo lang ang damdamin niya sa akin gaya ng sa papa.
Tanging ang mama lang ang nakakaunawa sa akin bagamat ako ang naging sanhi ng pagkamatay ni Lurian ay tinanggap pa rin niya ako at pinatawad.
Pitong taon ako at 4 na taon lang si Lurian noon ng yayain ko siyang maligo sa aming pool.
Nauhaw ako at kumuha ng maari naming mapagsaluhan Gumawa ako ng sandawhich,nagtimpla ng juice. Pagbalik ko ay patay na ang kapatid ko.
Nakadapa siya sa gilid ng pool at duguan na ang noo ng abutan ko. Ang sabi ay nadapa siya at tumama ang ulo sa sahig na naging sanhi ng kaniyang kamatayan.
Ako ang naging sanhi ng kaniyang kamatayan…
Kung hindi ko siya niyayang maligo, Kung binantayan ko lang sana siya ng mabuti.
Hindi sana mangyayari ang malagim insidenteng iyon.
Nawala ang kapatid kong babae,lumayo ang kalooban ng papa at ng kuya sa akin.
Nakagraduate ako at pilit na pinagtrabaho sa maliit na opisina upang huwag lang nila ako makita.
Naging kanang kamay ng Papa ang kuya at ako ay naging multo sa kaliwa.
Isa akong multo na hindi nakikita.
Mas mabuti pa nga ang totoong multo. Hindi mo man nakikita ay nararamdaman mo.
Kabaligtaran sa kanila.
Ginawa nila akong hangin.
Gusto kong bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Lurian.
Ang tanging paraang alam ko ay sirain din ang aking buhay.
Ang mawqla na rin sa mundo…
Tatlong buwan pa lang ako dito sa Manila ay may naging kaibigan na ako. Sila ang nagturo sa aking magbisyo upang makalimot.
Sugal,droga,alak….
Napapabayaan ko na ang negosyo ng papa.
Hanggang isang gabi ay naholdap ako.
Lumaban ako ngunit natalo rin dahil sa kalasingan.
Nakuha niya sa akin ang wallet,pera,alahas at cellphone.
May natamong galos mula sa pakikipagbuno pero hindi pinatay.
Nagpapasalamat pa nga dapat ako kung tinuluyan na ako.
Pero naalala ko ang mama.
Na baka lalo siyang malungkot kung ako naman ang susunod.
Doon ko naisip na hindi dapat matapos ang buhay ko ng ganoon lang kadali ng gaya ng sinapit ng bunso kong kapatid.
Nagsisi ako ng mga oras na iyon dahil sa aking kapabayaan.
Sa isang fastfood chain ako lumapit para humingi ng tulong.
Dahil sa aking hitsura na mukhang lasing at marumi dahil grasang nasubsuban ko,pinagtabuyan ako ng manager. Hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na makapasok sa loob o magkwento man lang ng nangyari sa akin.
Pinagsarhan niya ako ng pinto at binalaan na tatawag siya ng pulis kung hindi ako aalis dahil makakagulo lang ako sa ibang nakain doon.
Sadyang may malupit talagang tao. At sa isang gabi ay nakakita ako ng dalawa.
Hanggang sa isang crew nila ang lumapit sa akin at lihim na nag-abot ng tatlong daang piso.
Hindi na niya ako kinausap at basta na lang tumalikod pagkatapos at patakbong bumalik sa likod ng food store na tila ayaw niyang makita siya ng kaniyang manager na tinulungan ako.
Nawala ang sama ng loob ko.
May natitira pang mabuting tao na tutulong sa isang estranghero na kagaya ko.
Tiningnan ko siya mula sa aking kinatatayuan. Parang wala lang sa kaniya ang ginawa niyang pagtulong at nagpatuloy lang siya sa paglilinis ng mesang pinagkain ng mga costumer.
Tiningnan ko ang perang hawak ko.
“ Salamat…“
Nagkaroon ako ng pag-asa.
Kaya mula noong gabing iyon ay nagsimula akong magsumikap at pinagyaman ang pinamana sa akin ng Papa.
Nahilig ako sa computer. Business System analysis ang forte ko. Alam ko kung ano ang pwede at makakasama sa isang negosyo.
Kung ang ibang negosyante ay sa akin humihingi ng advice,inaapply ko iyon sa aking sarili. Sa loob ng tatlong taon ay nagkaroon ng reboot ang negosyo ko at tinawag na itong DataMax ngayon.
Naghanap ako ng mga taong kagaya ko ang pag-iisip. Binago ko ang nakasanayang normal ng isang opisina.
Ayaw ko na sila ay nakakaramdam ng lungkot at pagod na dala ng stress. Naglagay ako ng maari nilang paglilibangan. Mga laro,babasahin,kainan at tulugan na pwede nilang gawin habang nagtatrabaho o nagpapahinga.
Nais kong tratuhin nilang isang tahanan ang DataMax na kung saan ay pwede nilang gawin ang kahit ano ng hindi nagrereklamo kahit may trabaho.
Madami din akong ibinigay na emenities na hindi makikita sa ibang kumpanya.
Nais kong lahat sila ay ituring akong pamilya dahil hindi ko naranasan ang magkaroon niyon.
Madami akong ibinibigay sa mga empleyado ko.
Kung buntis ka ay may regalo kang matatangap para sa iyong anak. Mula diaper hanggang crib ay sagot ng kumpanya.
Kung first time papasok sa eskwela ang iyong anak ay may regalo siyang school supplies.
Nais mong magdiet dahil sa mataba ka, ipapaasok ka sa isang exercise program at oras na mameet mo ang napag-usapang timbang ay may premyo kang makukuha,in cash.
Kung nais mo ring makatipid sa pagbibiyahe,pwede kang bigyan ng bike na magagamit sa pagpasok at kung mameet mo rin ang kilometrong napag-usapan ay may premyo ding matatanggap.
Ako pa lang ang may franchise ng starbucks na nasa loob ng opisina.
Walang emplyedo ang gustong umalis sa aking kumpanya.
Dahil masaya sila, nagagampanan nila ng maayos ang lahat ng trabaho.
Ayaw kong isipin nila na pera ang usapan sa pagdating sa paggawa. Nais kong dapat mahalin at maging masaya sa trabaho.
Sabi nga ng iba na mali ang pamamalakad ko.
Pero nasa akin pa rin ang huling halakhak.
Hindi na mabilang sa daliri ang mga malalaking kliyente na umaasa sa aking negosyo.
Kung buhay pa sana ang papa,baka nagkaroon pa kami ng pagkakaton na magkaayos muli.
Pero huli na ang lahat.
Wala na ang papa ay hindi pa rin kami nagkaayos ng kuya ko.
Dahil sa siya na ang tumayong padre de pamilya sa amin.
Ewan ko,pero ng lumago na ang aking negosyo ay lalo pang naglayo ang loob namin sa isa’t-isa.
Nasanay na ako na hindi kami nag-uusap.
At heto,birthday ng mama.
Nais niyang doon ako mananghalian.
Nais niyang ipagluto ko siya ng paborita niyang pagkain.
Kahit may mga katulong siya, nais niyang ako ang magluto dahil minsan sa aking buhay ay nag-aral ako ng foreign cuisine.
Alam ko rin na hindi lang ako ang invited sa araw na iyon kaya nagdadalawang isip ako kung pupunta ba o hindi.
Ang dahilan kong huwag pumunta…si kuya.
Importante pa rin sa akin ang mama kaya titiisin ko na lang na magkita kaming magkapatid.
Ilang oras lang naman ang pagtitiis ko sa kaniyang mga pagmamataas at tapos na.
Wala ganoon talaga siguro.
Malabo na ngang magkaayos kami ng kuya dahil hindi pa rin niya ako napapatawad sa pagkamatay ng bunso naming kapatid.
Kahit may napatunayan na ako patuloy pa rin ang pangmamaliit niya sa akin.
Lahat naman kasi ng meron ako ay noon ay inilalayo niya sa akin.
Kinaibigan niya mga kaibigan ko at inilayo sa akin. Lihim niya akong siniraan. Na ako ang pumatay sa aming kapatid. Ako na ang lumayo dahil nasasakatan ako, at sa murang edad ay nakatatak sa isip ko na isa nga akong mamatay tao.
Na isa akong masamang kapatid. Na hindi ako dapat samahan, kaibiganin o tulungan.
Kung tutuusin wala naman talaga siyang naitulong sa akin noon pa.
Kaya ipinangako ko sa aking sarili na lahat ng gagawin ko sa aking kapwa ay iaalay ko sa aking nasirang kapatid.
At kung hindi dahil sa taong iyon na nag-abot ng tulong sa akin,wala na siguro akong nakitang magandang kinabukasan pa.
Sa loob ng tatlong taong paghihintay ay muling nagkrus ang aming landas.
Nakilala ko ang kaniyang larawan sa sa application form na pinadala niya. Agad kong hinanap ang kaniyang background.
Kung saan siya nakatira edad,dating trabaho,tirahan…
Hindi ako maaring magkamali dahil siya ang taong tumulong sa akin.
At nung araw na dumating siya,agad kong inilipat sa ibang department ang secretary ko at pinatawag siya para sa posisyon.
Hindi pa nagbabago ang hitsura niya mula noon. Ang suot niyang salamin sa mata,ang gupit ng buhok,ang tindig,ang pagkakatuck-in ng polo na akala mo crew ng jollibee. Pero pumuti ngayon kesa unang gabi na nakita ko siya.
Natutuwa ako sa unang araw ng ginawa niyang trabaho.
Naroon ang pagiging masinop,liksi sa trabaho,diskarte at katapatan.
“ Nice work on your first day!“
Iyon lang nasabi ko sa kaniya kahit gusto kong magpakilala na ako ang taong tinulungan niya noon.
Ngunit marami pang pagkakataon para sa ganoong bagay.
Ayaw ko ring matakot siya kung sino ako at ano na ang katayuan ko ngayon kesa dati.
Sadyang maliit ang mundo at sa wakas ay nakita ko na siyang muli ng harapan.
Nais ko pang malaman ang maraming bagay sa kaniya para sa gayon ay hindi na siya makatutol sa maaring maibigay ko sa kaniya.
Nais kong suklian ang ginawa niyang tulong sa akin na hinding-hindi ko malilimutan habang ako ay nabubuhay.
Kasama siya sa ipinangako ko noon na bibigyan ko ng magandang kinabukasan sa abot ng aking makakaya.
Patay malisya akong sinulyapan siya bago umalis lulan ng elevator hanggang sa magsara ito.
Sana hindi niya ako nakilala…
Hindi pa dapat…
Dahil ngayon pa lang nagsisimula ang araw na mababago na ang lahat sa buhay mo Secretary Brixel Remedios.
Uy may history pala ang mga bida.
Next week- sa birthday lunch tayo ng donya.
ABANGAN!!!
CHAPTER 4 THE VISIT
BRIXEL
Saktong ala-sais ng umaga ng nakarating ako sa harap ng DataMaX.
Nakakapanibago dahil tatlong guard pa ang sumalubong sa akin.
Excited pa naman ako na gamitin ang card ko para buksan ang pinto pero automatic na yung guard na mismo ang nagbukas para sa akin.
Iba ang kilos nila na parang ayaw nilang magkamali sa harap ko.
Pumasok ako sa lobby at sa front desk ay iba ang nakaupong dalawang babae. Hindi sila yung nag-asikaso sa akin kahapon. Mga night shifter marahil ang naabutan ko ngayong umaga.na patapos na sa kanilang trabaho.
Tumayo pa sila ng binati ako.
“ Good morning Mr. Remedios.“
Ay grabeh…gulat naman ako dun.
Lumapit ako at binulungan sila.
“ Kilala nyo ako?“
Tanong ko sa kanila.
“ Yes sir,di ba kayo po yung bagong secretary ni Sir Corona?“
“ Paano nyo na laman?“
“Sir naman, DataMax tayo.
One click lang alam na kaagad namin ang info about you sir.“
Ngayon ko narealize na hindi pala talaga makakapagtago ng ano mang personal information sa DataMax.
“ Huwag kayo maingay ha…wag nyo na ako tawaging sir Remedios. Brixel na lang,o di kaya brix.“
Nagtinginan pa ang dalawang staff at ngumiti sa akin at saka ko sila iniwan upang magtungo na sa top floor.
Siempre excited muli akong gamitin na si keycard para makapasok sa work station ng mga empleyado pero naunahan na naman ako ng isang staff na papasok din.
“ Sir mauna na po kayo.“
Wala na akong nagawa at nauna na akong pumasok.
Doon ko naabutan ang mga panggabing emplayado na patapos na rin sa kanilang shift.
Hindi ko alam kung anong ngiti ang gagawin ko dahil para akong principal ng isang school na kabi-kabila ang bumabati ng good morning.
Masarap sa tenga at kalooban na tawagin kang sir dahil sa posisyon pero hindi ako sanay,nakaka-over whelm..
Sasakay na ako ng elevator at dito ko na talaga magagamit ang card ko.
Tanda ko kasi,tanging ilan lang sa building na ito ang may keycard na aabot sa top floor,at isa ako sa may hawak niyon.
Sasabay sana ako sa mga sasakay din ng elevator pero pinauna nila akong makapasok sa loob.
Hinintay ko silang pumasok ngunit nanatili ako akong mag-isa sa loob.
Hindi ko alam kung takot ba sila o nahihiyang makisabay sa akin.
Halatang ayaw nilang sumabay.
Hindi ako pumayag.
“ Sabay-sabay na tayo…“
Tahimik lang sila at ayaw talagang pumasok.
Nainis akong lumabas ng elevator, at isa-isa ko silang itinulak papasok.
“ Nakasulat sa front desk ng pumasok ako-Welcome family.
Ang pamilya hindi nag-iiwanan. Pamilya nga tayo di ba?
Tara pasok na sa loob.“
Wala silang nagawa sa pagpupumilit ko.
Hindi sila makapagsalita at tanging mahinang bungisngis lang ang naririnig ko sa kanila.
Isa-isa silang naglabasan ng makarating sila sa kanikanilang palapag.
Nag thank you pa sila sa akin bago lumabas.
Hangang sa ako na lang mag-isang naiwan sa loob ng elevator.
Hindi ako sanay!
Hindi ako sanay!
Nanaginip ba ako?
Tinapik ko ang aking mga pisngi na baka panaginip nga lang nangyayari ngayon dahil ngayon ko lang nararansan ang ganito.
Ang tawagin kang sir, ang batiin ka ng good morning ng mga empleyado, ang saluduhan at pagbuksan ng pinto ng mga guwardiya na dati kong ginagawa noon bilang crew sa isang fastfood chain.
Nakaka overwhelm talaga Inday!!!
Bumukas ang pinto ng elevator at kinalma ko ang aking sarili.
Sa ikalawang pagkakaton ay nakapasok muli ako sa napakalaking palapag na ito.
Nagtungo ako sa bintanang salamin upang buksan ang blinds na humaharang sa sikat ng araw.
Bubuksan ko pa sana ang katabing blinds ng mapansin ko na hindi pala ako nag-iisa sa palapag na ito.
Nakita ko si Sir Rustian na himbing na natutulog sa sofa…na nakanganga pa ang bibig.
Dito pala siya natulog kagabi?
Naconcious ako na kahit nakakatawa ang hitsura niya sa pagtulog ay bakas pa rin ang kagwapuhan nito.
Muli kong isinara ang blinds dahil tumatama ang liwanag sa kaniyang mukha.
Ayaw ko sana dahil mukhang anghel ang profile niya mula sa tama ng sinag ng araw.
Anghel na may makapal na kilay,mahahabang pilikmata,makinis na mukha,mapupulang labi na nakanganga at laway na malapit ng gumapang sa kaniyang pisngi palabas.
Pinulot ko ang navy blue na blanket sa sahig at dahan-dahang ikukumot sa kaniya.
Naka puting boxer short at sandong pantulog lang siya at pihadong baka nilamig siya kagabi sa lakas ng aircon.
Nahiya ako para sa kaniya dahil sa ayos ng pagkakahilata sa sofa.
Kahit sa pagtulog pare-pareho talaga ang mga tao. Pwedeng bumukaka at ngumanganga ng tulog,mayaman man o mahirap.
Pero si Boss ang namumukod tanging cute pa rin kung tulog.
Kukumutan ko siya at baka biglang pumasok si Mam Fidel at maaubutan siya sa ganitong ayos.
Nahiya pa akong tingnan ang pagitan ng kaniyang mga hita dahil sa nakabakat ang kaniyang matigas na…iniwas ko ang pagtingin doon dahil sa mini tent na nakatayo.
Ay iwas ang mata-balik tayo sa mukha!
Biglang gumalaw si Sir Rustian… at imbis na sa katawan ko ilagay ang kumot,sa mukha niya ito napunta.
Tahimik at maliksi akong pumunta ng kitchen counter at nagbukas ng ref. Kunwari ay may hinahanap ako para mukhang busy.
Inilabas ko ang mga pinamili kagabi.
Ito ang mga dadalhin namin.
Itinawag na sa akin ni Ms.Fidel ang mga gagawin sa mga pinamili ko.
Birthday pala ng mama ni boss at siya ang magluluto.
Ang galing naman ng boss ko.
Gwapo at mayaman na,magaling at masarap pa daw magluto.
Ang swerte naman ng mapapangasawa niya?
Kainggit.
Tatlong maliit na cooler ang nakita kong nakatago sa ilalim ng counter. Doon ko inilalagay ang mga karne at isda. Ang iba ay pinaglagyan ko naman ng ibang gagamitin niya sa pagluluto.
Nagulat naman ako ng biglang makita kong nakaupo na pala si Sir Rustian.
“ Paki-serve naman ako ng kape.“
Utos niya sa akin ng hindi nalingon.
Nataranta ako.
Hindi ako marunong gumamit ng high-tech niyang coffee maker!
Agad kong inilabas sa bulsa ko ang nabaon kong instant coffee.
Ugali ko kasing magbaon nito dahil hindi ako sanay sa matatapang na kape.
Nagsalin ako ng mainit na tubig sa mug mula sa water dispenser at tinimpla ang baon kong instant coffee at isinilid muli sa bulsa ang wala ng lamang pakete ng kape.
Bahala na…
Kabado akong iniabot sa kaniya ang kape.
Pinanood ko siya ng inumin ang itinimpla ko.
Napatingin siya sa kape ng iyo ay kaniyang malasahan.
Inulit uli niya ang pag-inom.
“ A
nong kape ito?“
“ Umm…
Great taste white caramel na may…
sweet linamnam…
yung iduduyan ka sa sarap ng coffee at sweet caramel..
sweet linamnam-sweet linamnam-sweet linamnam?“
Ipinakita ko pa ang sachet ng kape na para bang nagpopromote ako ng isang commercial.
Tapos katahimikan.
Nakikiramdam ako ng unang sermong matitikman ko ngayong araw.
“ Masarap…“
Ang puri niya sa kape ko.
Nawala ang kaba ko sa aking narinig lalo pa at muli siyang lumagok ng sunod-sunod ng itimpla kong kape.
“Naayos mo na ba yung mga dadalhin?”
“ Ayus na sir lahat ng dadalhin. Nareview ko na rin ang iterinary nyo after natin sa inyong mama.
May meeting kayo with Mr. Scholtz from HealthCare,another with Doctor Labalan for your eyes,and a schedule for Dr. Tomas.
And then at 7pm,meeting with the floor team leaders and supervisor.“
Hindi siya nagsalita bagkus nagtungo siya sa shower room.
Naku,maliligo na naman siya. Di ko alam kung saan ako magtatago dahil kita ko sa kinatatayuan ko ng malapitan kung ano ang hitsura niya kung maliligo.
Nakita ko ang walk in closet at doon ako dali-daling nagpunta.
Naisip ko na maghanap na maari niyang suutin sa birthday ng kaniyang mama.
Karamihan ay suit at sports wear ang narito.
Alangan namang pagsuutin ko siya ng sweat pants,kaya isang itim na terno ng amerikana ang inihanda ko.
Kulang na lang ay shades at mukha na siyang agent ng Men in Black.
Well,ano pa nga ba ang dapat na suot ng isang OIC. Di ba mga ganito naman talaga?
Mula sa susuuting suit,hanggang sapatos,panyo at medyas ay inihanda ko na rin.
Pumili ako sa napakaraming relong nakadisplay na bagay sa araw na ito na gagamitin niya.
Kinabahan ako ng pumasok siyang nakatapis ng tuwalya.
Sa mukha niya ako dapat nakatingin pagkinakausap. Iyon lang ang paraan para di ako maconcious lalo, dahil casual lang sa kaniya na makita siya kahit nakatapis lang ng tuwalya.
Hindi ko alam ang sasabihin o gagawin dahil palapit na siya sa akin. Agad akong kumuha extrang tuwalaya at inabot sa kaniya.
“ Basang-basa ka sir…iwan..iwan muna kita para makapagbihis ka. Tatawag muna ako ng tutulong para mabuhat yung mga dadalhin natin.“
Agad akong lumabas ng walk in closet. Ang kaso dahil sa mga damit na idisplay ko na suutin niya ay sumikip ang dadaan ko palabas.
Tumagilid si sir Rustian para bigyan ako ng daan. Patagilid din akong naglakad hanggang sa magtapat ang aming katawan.
Hindi ako nahinga sa kaba dahil sa …hiya…at kagwapuhan ng boss ko…
Magkasing taas kami kaya ingat ako na madikit o may matamaan sa kaniya.
Sa wakas nakalabas din ako ng closet.
Literal na out in the closet.
Sa kitchen counter ako nagtungo.
Uminom ng tubig.
Nagpunas ng pawis at huminga ng malalim.
Hay ano ba napasok ko.
“ Mas worst pa yata yung matrap sa damitan ni sir kesa panoorin siyang naliligo.“
Sa loob ko.
Tinawagan ko si Ms.Fidel kung maaring magpadala siya ng tao sa floor namin na pwede akong tulungang magbuhat sa mga dadalhin naming pagkain at mga gamit.
Ilang sandali pa ay lumabas na si Sir Rustian.
Kinabahan ako muli.
Ang gwapo niya lalo sa inihanda kong suit.
“ Hinatayin lang natin sir Rustian yung pinadala ni Ms. Fidel na tao para mabuhat ang mga gamit ha. Parating na rin yun.“
Nahiya pa ako maag-utos kay Ms.Fidel. Akalain kong interviewer ko kahapon, inutusan ko na ngayon?
Sinabi rin naman niya kasi sa akin kagabi na kung may tanong o ipapagawa ay sabihan lang siya.
Tatlong minuto at wala pang nadating.
Hindi ko alam ang gagawin ko,baka mainiip ang boss ko kaya pati neck tie na hindi pa nabubuhol ang pinakialaman ko.
Medyo nabigla siya at napaatras pero ng mabatid niyang aayusin ko ang necktie ay hinayaan niya ako.
Ngumiti lang ako ng magtama ang aming mga mata.
Iyon lang ang nagawa ko.
Hindi ako nagpatalo sa kabog ng dibdib ko.
Kanina kasi halos magtamaan kami ng katawan. Ngayon naman ay naaamoy at nararamdaman ko ang kaniyang paghinga.
Trabaho ito na dapat kong gampanan.
“ Boss yan,boss yan boss yan…“
Sa utak ko para makapagfocus ako sa pagbubuhol ng neck tie.
Pinag-aralan ko magtali ng necktie sa youtube kagabi. Sinabi sa akin ni Ms. Fidel na siguraduhin ko daw na maayos at presentable ang aking boss lalo na kung may okasyon o meeting dahil concious si boss sa kaniyang hitsura.
Mako-concious pa ba ang ganitong kagwapong tao sa iba?
Saktong patapos na ako ng bumukas ang elevator at dumating na ang tutulong sa amin.
May dala siyang trolly cart at doon ipinatong ang aming dadalhin.
Pinabasa pa ng guard ang key card ko dahil key card ni Ms.Fidel ang ginamoi para siya nakaakyat dito sa top floor.
Susunod sana akong pumasok pero hinila ni Sir Rustian ang kamay ko.
“ Saan ka pupunta?“
“Hindi ba baba na tayo?”
“Paunahin mo siya.”
Hindi ako makaangal dahil hawak pa niya ang kamay ko.
Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay at pinanood lang niya na makapasok ng elevator ang tumulong sa amin hanggang sa magsara ito.
Doon pa lang niya ako binitawan.
Hindi ko alam ang aking sasabihin dahil parang may mali akong nakita sa kaniyang mga mata.
Na parang nainis at ayaw niyang may kasabay pababa ng elevator.
Natahimik ako.
Sumunod na lang ako sa kaniyang likuran ng bumalik muli ang elevator at sumakay pababa sa parking area.
Sa isang magarang sasakyan kami pinagbuksan ng kaniyang driver.
Siya si Manong Ross.
Nasa edad 50 na siguro siya. Medyo may pagkamataba na maskulado. Para siyang bouncer sa lapad ng balikat leeg at braso.
Sa pangangatawan niya,parang di siya naatras pagdating sa suntukan.
Binati niya kami at saka nagpatuloy sa pagmamaneho.
Tahimik.kami sa biyahe at tanging tugtog ng 90’s era ang naririnig ko.
Sa likuran nakaupo si Sir Rustian at ako ay sa unahan pinaupo ni Mang Ross.
Sa Batangas pala ang tungo namin.
Nakatulog si Sir Rustian habang nabiyahe.
Nagsenyas ako kay mang Ross na tulog ang isa niyang pasahero.
Nang makasiguro si Mang Ross na tulog na nga ang aming amo ay nagsimula na siyang magkwento.
Ikinuwento niya na 27 years na siyang namamasukang personal driver ng nasirang ama ni Sir Rustian.
Mula ng mamatay ang kaniyang unang amo ay kay Sir Rustian na siya namasukan dahil para na niya itong anak at nasubaybayan niya ito noong bata pa.
Natutuwa siya sa magandang sinapit ng binata dahil sa natatamasang tagumpay sa negosyo.
Una ay magaganda ang kwento sa akin ni manong Ross. Iba ay napapatigil siya na parang ayaw niyang ikwento sa akin. Na para bang nakikiramdam siya na baka gising ang pasaherong nasa aming likuran.
Parang may alam na lihim ang aming driver na hirap siyang ikwento.
Di na ako nagpumilit kaya ako na lang ang nagkwento ng tungkol sa akin.
Nakarating na kami sa aming destinasyon.
Sa isang malaking bakuran kami pumasok.
Namangha ako sa malaking bahay na aking nakita ng ako ay bumaba bitbit ang aking mga gamit.
Agad kong pinagbuksan si Sir Rustian.
Para siyang tinatamad ng bumaba.
Tutulungan ko sana si Mang Ross sa mga dadalhin pero muli na naman akong hinawakan ni Sir sa kamay at hinila patungo sa malaking bahay.
Para na naman siyang galit gaya kanina sa office.
Sa harap ng nakasarang malaking pinto ay kinausap niya ako.
“ Tanungin nga kita …sino ba ang amo mo?“
“I-ikaw sir…”
“Ako pala amo mo pero kung sino-sino ang tinutulungan mo.”
“Eh sir…wala naman sa akin kung magbubuhat ako ng ilang gamit natin .”
“Look, you are hired because you work for me. For me, and for me only. Wala kang dapat na tutulungang iba kundi ako lang.”
Nabigla ako sa ipinakita niyang attitude sa akin.
Kahit hindi pasigaw ng ako ay kaniyang sabihan ay parang kutsilyo iyon na tumama sa aking dibdib.
Nakaramdam ako ng pagkapahiya.
Hindi para sa akin kundi para sa kaniya.
Na ang pagtulong pala sa iba ay mali.
Na dahil boss ko siya ay dapat sa kaniya lang ako dapat nakafocus.
Mali ako ng pag-aakala na mabait ang CEO ng DataMax.
Kapwa kami natahimik.
Bumukas ang pinto at isang magandang may edad na babae ang masayang yumakap sa amo ko.
“ OH MY GOD, NANDITO KA NA!
Kamusta ka na? I missed you so much!Pasok,pasok ka. Sino itong kasama mo?“
“The new secretary mam,Brixel po.”
“Oh how nice,tara iho, pasok kayo sa loob-pasok.”
Pumagitna pa sa amin ang mama ni Sir Rustian na hawak ang aming mga braso patungo sa sala ng bahay.
Pinaupo kami sa magkabilang pang-isahang upuan at sa malaking sofa naupo naman ang ina ni Boss.
Tahimik akong nakikinig sa usapan nila. Usapang si Boss lang ang tipid sumagot sa nga tanong at tipid sa mga kwento para sa ina.
Parang yung nanay pa niya ang naa-out of place sa sariling bahay dahil kay boss.
“ Ikaw, Brixel?
Matagal mo na bang kaibigan ang anak ko?
Classmate mo ba siya ng college kayo?“
Tanong sa akin ng donya.
Sasagot sana ako.
“ Mama,hindi ko siya…(kumagat pa siya ng labi na parang naiinis) he’s just my employee okay.
Sabat kaagad ni boss kaya biglang natahimik ang matanda.
“ Brixel follow me.“
Napatayo ako ng tumayo si boss. Hindi ako makatingin sa ina niya na parang nagsisisi sa pagkakatanong sa akin kanina.
Nakabuntot ako kay boss Rustian patungo sa isang pamilyar na kusina.
Kagayang-kagaya ito ng kusina ni sir sa DataMax Building. Mula sa malapad na granite tiles,cup board plato,counter,at hanggang sa mga kasangkapang de kuryente ay parehong pareho nito.
Pareho din kung saan nakalagay ang mga nonstick pan, pot, wok,mga sandok,plato,baso,kutsara at kutsilyo ay walang pinagkaiba.
Naroon na rin ang mga dala namin para sa mga lulutuin.
Ako ang taga-hiwa ng mga sangkap.
Namangha ako at napapanganga sa galing niyang magluto.
Ang sexy niya sa suot na puting polo at itim na apron habang nakaharap sa apoy.
Mayat maya din ang tikim niya sa bawat rikado na inilalagay.
Isang makapal na steak ang kaniyang inuluto sa di ko alam na sauce at garnishes. May pumpkin soup, rainbow steamed lapu-lapu,non oven baked cheese cake with vanilla sorbet naman ang panghuli.
Ang bango-bango ng buong kusina.
Talagang magugutom ka sa amoy na malalanghap mo.
Dalawang oras ay natapos niyang lutuin ang lahat kayat pawis na pawis siya pagkatapos.
Sa pag-aalala ko ay kumuha ako ng paper towel at pinunasan ko ang kaniyang noo na tagaktak sa pawis.
Hinayaan lang niya ako na gawin ko ang pagpupunas.
At ako naman,bakit ko nga ba ginagawa ito.
Di ba nga galit siya sa akin.
“ Sorry kanina…“
Bulong niya.
Napatigil ako sa aking ginagawa.
“ Ako kasi ang boss na dapat ako ang priority mo pag kasama ako. Hindi yung kung sino-sino pa ang kailangan mong tulungan kahit kaya naman nila.“
So ito pala ang trabaho ko.
Ang personal na personal alalay talaga?
“ Sorry din boss…kasi naman, hindi naman ako na orient sa position ko….sorry boss…galit ka pa ba?“
Kinuha niya sa kamay ko ang paper towel at siya na ang nag patuloy.
“Hindi ako galit.”
“ Galit ka pa eh.“
“Hindi nga.”
“Galit ka pa nga boss,umiiwas ka ng tingin e.”
“Tigil-tigilan mo ako.”
“Oh kita mo galit ka pa nga? Nakakunot yang noo mo?”
“Hindi na nga sinabi.”
“O smile muna,smile…:
At binigyan niya ako ng pilit na ngiti pero biglang bawi rin at sabay balik sa kaniyang paghahanda ng pagkain.
Sige na,patunay lang yun na hindi siya galit sa akin.
Tinulungan ko siyang ihain sa dining table ang kaniyang mga handa. Pinag-ayos at tinulungan ko siya pagsusuot ng kaniyqng suit dahil malapit na rin ang pananghalian.
Bago yun ay ipinasyal ako ni boss sa buong kabahayan. Isinama niya ako 2nd floor.
May apat kwarto ang palapag. Ang dulo ay masters bed room,ang tatlo ay sa kanilang magkakapatid. Hindi naman niya binuksan ang mga itinuro niyang mga silid para ipakita sa akin ang loob liban sa isang silid na bukas dahil wala itong pintuan.
Ito ang silid ni Boss.
Ngayon ko naalala.
Ang office table ni boss ay ang pintuan ng kaniyang kwarto.
Sinilip ko ang bukas na silid.
Malinis ito at naroon ang kaniyang mga lumang gamit. Isang malaking kama,study table,mga libro, laruan,collection ng baseball hat, mga sapatos, at larawan ng isang batang, babae.
Bukod doon ay wala na.
Parang nalukungkutan ako sa silid na ito. Na para bang ang bigat sa pakiramdam.
Napansin ko rin na malungkot si boss ng pumasok siya.
Hindi siya nagkukuwento tungkol sa mga gamit niyang mukhang alaga sa paglilinis.
Pakiramdam ko ay parang may hindi magandang alaala sa kwartong ito.
“ Tara na boss baka naghihintay na ang inyong mama sa baba.“
Bumaba kami.
Sa gitna ng hagdan ay nakita ko na may mga taong nagbubulungan sa harap ng pinto na tila naghihintay ng taong parating.
Ngayon ko lang nalaman na may mga katulong pala dito?
Samanatalang pagod na pagod ang boss sa pagluluto, at wala ni isa man sa kanilang apat na maid ang tumulong sa amin?
Saktong pagbaba ni boss ay bumukas ang pinto at isang gwapong lalaki ang pumasok, kasabay ng pagbati ng mga katulong at pagsalubong ng mama ni boss.
“ Arnian,anak! Welcome home ijo.“
Humalik yung Arnian sa Donya tapos nakita niya kaming pababa at naglakad siya palayo sa amin ng hindi man lang binati ang boss ko.
Napatingin naman ang ina sa amin na parang gustong hatiin ang katawan kung kanino siya pupunta.
Pinili niya ang umalis papunta sa Arnian daw…
At si boss ay tahimik lang na napako na yata sa pagkakatayo at ako ay natigalgal sa pagtataka kung ano ang nangyayari sa pamilyang ito.
“ Anong meron?
Magkaaway ba silang magkapatid?“
Meexpose sa live drama si Brixel sa susunod na tagpo.
ABANGAN!!!
CHAPTER 5 SIBLING RIVALRY
DONYA CONSUELO
Masaya ako at pinaunlakan ni Rustian ang aking imbitasyon na samahan niya ako sa aking kaarawan.
Bihira ang ganitong pagkakataon na makasama siya muli.
Kasalanan ko rin kung bakit malayo ang damdamin niya sa akin.
Hindi ko siya nasamahan noong nagdadalamhati kami sa pagkamatay ng bunso kong anak.
Dahil unica ija,paborito siya ng kanilang papa.
Nagbago ang lahat ng mamatay ito.
Kahit hindi sabihin ni Rustian,alam kong sinisisi niya ang kaniyang sarili. Nalulungkot ako para sa mga anak ko.
Sama-sama nga kami sa iisang bubong pero hiwahiwalay naman ang mga damdamin.
Nawala ang pagtitinginan at pagmamahalan sa isa’t isa.
Sinisi rin ni Arnian si Rustian kaya lalong naukil sa utak niya na siya ang dahilan ng pagakamatay ng bunso nilang kapatid.
Nahati ako sa kanilang dalawa.
Dahil nagbago rin si Arnian.
Natakot kami na gusto na rin niyang mamatay dahil sa kalungkutan.
Sa sobrang lungkot niya ay naging mainitin ang ulo. May mga pagkakataon pa na sinasaktan niya ang sarili kung may bagay na hindi niya nakukuha.
Lahat ay ginawa namin upang matanggap niya na wala na nga ang kaniyang kapatid.
Natakot ako na baka mawala rin sa akin si Arnian kaya napabayaan ko si Rustian.
Nagkulang man ako,pero hindi ako nakalimot na paalalahanan siya. Na mahal na mahal ko siya. Ngunit tuluyan na nga lumayo ang kalooban niya sa akin dahil sa mga nangyari.
Nasubayabayan ko ang kanilang pagbabanggaan.
Hindi lumalaban si Rustian sa kaniyang kuya at tanging pagkukulong sa kwarto ang kaniyang ginagawa.
Lumaki siyang walang permanenteng kaibigan. Wala nga akong matandaan na classmate o barkadang kasama niya noon.
Hanggang sa mamatay ang kanilang papa at tuluyan na nga kaming magbukod-bukod ng bahay.
Hindi na sila naasa sa akin dahil sa kanilang namana.
Sa manila napatira ang bunso kong lalaki dahil napalago niya ang kaniyang negosyo.
Sobra ang kasiyahan ko dahil sa murang edad ay multi-billion na ang kaniyang asset.
Doon ako nag-alala.
Dahil sa natatamasang tagumpay ni Rustian,lalong naglayo ang kalooban nilang magkapatid.
Lalo akong nahirapang pag-ayusin sila. Masyado ng malalim ang nagawa ng nakaraan. Nagkulang ako dahil sa takot na baka mawalan na naman ako ng isa pang anak.
Hindi lang si Rustian ang sinisi ng asawa ko,maging ako ay nakatilim din ng sumbat na pagiging pabaya.
Kaya na sentro ang pagtingin ko kay Arnian dahil sa pagtatangka niyang magpakamatay.
At napabayaan ko na si Rustian…
Hindi pa huli ang lahat at dalangin ko na sa araw na ito ay magkaayos na silang dalawa.
Tahimik ang dalawa ng maupo sa kanilang pwesto sa mahabang mesa. Sa komedor ng lamesa ako nakaupo,magkatabi si Rustian at ang kaniyang bisitang si Brixel.
Sa katapat na bahagi naman ay ang kuya Arnian niya.
Tahimik silang tatlo habang nakain maliban sa ilang tawag na sinasagot ni Brixel. Mga tawag mula sa opisina ng DataMax kaya nauunawaan ko.
Abala ang mga katulong ko sa paghahain ng aming pinagsasaluhan.
Na miss ko ang mga pagkain niluluto sa akin ni Rustian tuwing bibisitahin ko siya sa kaniyang bahay o opisina.
Binati ako ng aking panganay matapos halikan niya ang aking noo kasabay ng pag-abot sa akin ng isang sobre.
Kahit hindi ko buksan,alam kong pera ang laman niyon. Sa kapal ay parang daang libo ang nakasilid.
Nagpasalamat ako sa kaniya. Alam ko na wala siyang oras bumili ng personal na regalo kaya pera na lang ang ibinigay sa akin.
Napatingin ako kay Rustian na patuloy lang sa pagkain.
Hindi ako umaasang meron din akong matatanggap sa kaniya.
Isang kasiyahan sa akin na dumating siya sa kaarawan ko sa kabila ng pagiging busy niya sa negosyo.
“ Happy birthday po mam,pasensya na po kayo kung wala akong naihandang regalo sa inyo. Pero dalangin ko na humaba pa ang inyong buhay na masaya at walang sakit.“
Natuwa ako sa sinabi ni Brixel dahil batid ko na taos sa puso niya ang kaniyang hiling para sa akin.
“ So, your the new secretary?
“
Tanong ni Arnian sa aming bisita.
“ Yes sir,kakasimula ko lang po ngayon,ay hindi pala-kagabi pa pala ako nagsimula.“
“Oh I see…kaya pala wala ka pang pambili ng regalo. Dapat nag-advance ka para hindi nakakahiya sa celebrant. So may utang ka nasa mama ha. At promise her na babalik ka para sa regalo niya.”
Sumabat ako sa kanilang usapan.
“Iho,tama na sa akin ang dasal niya. Isa pa no need for the gifts. Matanda na rin naman ako para regaluhan. Okay na siguro kung babalik sila para bisitahin ako.”
“Ayan narinig mo secretary…ano nga ba ang name mo?”
“Brixel
Remedios sir…“
“Okay Brixel , sana huwag mo biguin ang mama na babalik ka ha.”
Mahusay magsalita ang batang si Brixel Mukhang pati si Arnian ay nakasundo rin niya.
Tanging si Rustian lang ang nanatiling tahimik sa kaniyang pagkain.
“ Ikaw,wala ka bang regalo sa mama? Wala ka bang ibibigay?“
Nagsisimula na naman sila.
“ What for? She can buy what she wants,she has everything…i can give her any amount of money,pero sapat na ba yung ganoon? Just like my secretary said. Ipinagdarasal ko ang kalusagan mo mama…“
Ayaw kong matapos ang salo-salo ng ganito.
“Mga anak masaya ako at kasalo ko kayo sa araw na ito. Okay na sa akin ang mga iniluto mong pagkain Rustian. Masaya ako dahil ipinagluto mo ako.”
“Kaya pala hindi masarap…mama,I lost my appetite. Alam mo naman na hindi rin ako mahilig sa karne. I have to go at may meeting pa ako.”
Huminto sa pagkain si Arnian.
“Aalis ka na agad?”
“ Yes mama,pakisabihan ang mga maid na mag-spray ng airfreshner sa kitchen. Alam nyo naman na ayaw ko ng amoy ng beef. I have to go. I will set for our next dinner. Aalis na ko.“
Humalik lang siya sa akin at magmamadaling umalis.
Naiwan si Rustian at Brixel.
“Magpapaalam na rin ako mama at marami din akong appoinment. I’m sorry kung wala akong regalo sa iyo. But what I have said kanina,totoo yun sa puso ko na ipinag-darasal kita.”
“I know anak…i know…”
Nag-ayos na ang dalawa sa kanilang pag-alis.
“ Brixel,heto mag-uwi ka ng handa ko. Ipatikim mo sa inyo ang niluto ng boss mo.“
“Salamat po mam.”
“Mama na lang ang itawag mo sa akin,huwag na mam. Alam ko naman na babalik pa kayo dito ng anak ko kaya masanay ka na tawagin din akong mama. O siya sige lakad na kayo at mukhang busy kayo. Ingat kayo anak. Salamat sa pagdating at sa pagluluto.”
Sumakay na sila ng sasakyan at naiwan na naman muli ako.
Kahit nagkaroon ng tensyon masaya pa rin ako na makitang magkasalo ang dalawang anak ko. Hindi man ngayon alam ko maayos din ang lahat.
BRIXEL
Grabe ang kaba ko sa sagutan nila ni boss at ng kaniyang kuya.
Nagmukha akong bulate sa mga galaw at usapan nila.
Naawa ako sa kanilang mama.
Lihim kong hinawakan ang kamay ni boss ng makita kong nakatikom na ito sa gilid ng kaniyang upuan.
Akala ko babatuhin na niya ng baso yung kuya niya
Mabuti na lang kumalma siya.
Para tuloy naiipit sa nagbabanggaang bato ang matanda.
Dios ko,regalo lang ang pinagtalunan nila. Paano pa kaya kung ibang bagay?
Kasi naman si Sir hindi naman sinabi na wala siyang regalo sana naibili na namin para di na umabot sa ganoong pagtatalo.
Nagpaalam kami sa celebrant. Nagpasalamat ako dahil pinagbalot pa niya ako sa tupperware ng mga pagkainh niluto ni boss.
Masarap sana, kaso maski ako nawalan ng gana kainin sa hiya ng magtalo yung dalawa. Makakakain ka ba ng ayos sa ganoong sagutan? Sa bahay ko na lang maeenjoy siguro ang ibang niluto ni sir Rustian.
Sumakay kami ng kotse.
Ang kaso,instead na sa harap ako umupo. Sa tabi ako ni Boss Rustian napapwesto.
Napatangin tuloy ang driver sa aming dalawa.
“ May problema ba mang Ros?“
Tanong ni boss Rustian sa matanda.
“ Wala sir…ano po..magseat belt na po kayo at aalis na po tayo. “
Sabay pa kami ni Boss na nagseat belt.
Sa nerbiyos hindi ko maayos ang seat belt kaya si boss Rustian pa ang nag-ayos nito na maikabit sa akin.
Ngiiii…..bat nga ba ako dito napaupo?
Kahiya!!!
Kasi naman feeling sanay na ako mula ng magtabi kanina sa kainan sa bahay nila.
At itong si boss di rin naman ako pinaalis.
Sinabi ko kay mang Ros ang aming destinasyon. Sa isang clinic sa mata ang aming punta.
Hindi maiwasang muling nakatulog si Boss sa haba ng biyahe at sa himbing nito ay napasandig siya sa aking balikat.
Ewan kung sinasadya yata ni mang Ros ang bahagyang pagliko kaya lalo pang napapasandig si Boss Rustian sa akin.
Hindi ako makagalaw.
Hindi ko rin naman kayang alisin ang ulo niya sa balikat ko.
Nahiya ako sa tuwing sisilip sa salamin si mang Ros at makikita ang ayos naming dalawa.
Nagtulog-tulugan na lang ako para mawala ang awkwardness na nararamdaman ko.
Inisip ko na lang na nakakatawa si Boss Rustian sa ayos niya. Sobra siguro ang pagod niyo kaya madali sa kaniya ang makatulog.
Iba talaga ang body clock ng mayayaman. Bitin lagi ang tulog sa dami ng mga inaasikaso.
Nakabalik na kami ng Manila.
Ginising kami ni mang Ross na narito na kami sa aming destinasyon. Sa isang malaking hospital kami pumasok at isang espesyalista sa mata ang kinausap ni boss.
“Pasok na sa loob.”
“Bakit ako papasok sir?”
“Papasukat ka ng mata para mapalitan na yang salamin mo. Pati contact lenses magpagawa ka na rin para maboost ang confidence mo. After nito sa dentist naman tayo at magpalinis tayo ng ngipin.”
Naisip ko na ang mga schedule pala ni boss sa mga doctor ay para pala sa akin.
“ Sir kailangan ba na magpaayos ako ng mata at mga ngipin?“
“ You’re my secretary. Kailangan presentable ka na haharap sa mga kliyente pagwala ako.“
“Pagwala kayo?”
“Alangan namang hatiin ko ang katawan ko pagnagsabay ang dalawang meeting. Huwag ka ring matakot kung ipadala kitang humarap sa kliyente. Tuturuan naman kita pagkailangan.”
Hindi ako makasagot sa pinagsasabi ni boss.
Ganito na pala ang buhay ko.
Ang maging kanang kamay na talaga ng isang sikat na batang business tycoon.
Ibang-iba siya sa ipinakita niya sa bahay nila kanina.
Masyado siyang care free at pala ngiti ngayon. Iba ang kaniyang glow habang pinapanood akong sukatan ng grado ng salamin.
“ Bagay nga sa iyo ang walang salamin,o di ba,mas maganda ang nakacontac lense. Mas makikita ng clients ang mga mata mo.“
Natuwa naman ako sa papuri niya. Wala na anong nagawa kaya panindagan na lang na ganito ang gusto niya.
Pagkatapos ay sa dentista naman kami nagtungo.
Nauna siyang nilinisan kasunod ako
Nahiya tuloy ako ng maghintay siyang matapos ako. Mas nakakahiya ng nakinood pa siya habang nililinisan ako.
Nakakailang.
Wala na akong suot na salamin, tapos ang linis pa ng mga ngipin ko.
Pagkatapos ay sa isang mall kami nagtuloy.
Sa isang sikat na store ng mga suit kami nagtungo. Kilala siya ng manager doon bilang regular customer kaya espesyal ang treatment sa kaniya.
“ Hindi ako bibili… siya ang asikasuhin nyo.“
Turo ni boss Rustian sa manager sa akin.
Bakit na naman ako?
“ You need a new suit,ayaw kong nakapolo ka lang pagpapasok ng opisina. You have the company card. Yun ang gamitin mo para matuto ka.“
Hala, total make over?
Kagabi lang pinoproblema ko ang mga susuutin ko sa pagpasok ngayon ito na pala ang kasagutan?
Naisip ko nga rin kasi na sa klase ng trabaho ko,mapapagastos ako ng di oras sa mga susuutin kong damit.
Nasukatan ako at ipinasuot na agad sa akin ang mga napili nilang kulay na babagay. Anim na terno ang pinili ni boss. Lahat daw iyon ay akin. Maging sapatos ay pinabili niya ako. Hanggang panloob,pabango at relo. Lahat iyon ay binayaran ng kaniyang kumpanya.
Totoo ba itong nangyayari sa akin?
Daig ko pa yata ang nanalo sa lotto.
Kahit sabihing company’s account ang nagbayad,akin ang mga pinamiling damit na susuutin ko ay di ko pa rin matanggap na isa itong realidad.
“ Boss wala akong pambayad sa mga ito ha. Ang mamahal ng mga binili nyo.“
“Uniform mo yan kaya wala kang pananagutan.”
“Salamat boss…”
Tumaas ang confidence ko sa sarili dahil sa ginawa niyang ito sa akin.
Pagkatapos ay sa groceries kami nag punta.
Naglakad-lakad na para bang namamasyal lang kami at patingin-tingin sa mga nadadaanang paninda.
Nakasunod lang ako sa kaniya.
Mayamaya ay huminto at may kinuha. Apat na malaking plastic bag ng kape.
Kape na itimpla ko sa kaniya kaninang umaga.
Kape lang ang kinuha niya at pumila sa counter. Lumagpas siya sa counter habang binabasa ang barcode ng kahera at isenemyas na ako ang magbabayad ng kape. Inilabas ko ang company’ credit card para mabayaran ang pinamili.
Inagaw pa niya sa akin ang mga kape na akala mo bata na yakap pa ang mga ito.
Muli kaming sumakay ng kotse pero ngayon sa unahan na talaga ako naupo.
Napatingin naman si mang Ros sa akin na para bang nagtataka kung bakit palipat-lipat ako ng pwesto.
Ngumiti na lang ako.
“ Sa bahay muna tayo ni Brix mang Ros.“
Wait,sa bahay ko?
“ Boss, bakit sa bahay ko?“
“Ihahatid ka.”
“Ihahatid?bakit nyo ako ihahatid?”
“Bakit,kaya mo ba iuwi yang mga pinamili mo? Isa pa tapos na ang duties mo ngayon. Mamayang gabi pa naman ang meeting ko with our department at nais kong matulog muna.”
“Kayo pong bahala boss.”
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kagustuhan niya.
Pumayag na akong ihatid nila sa aking tinutuluyan.
Nakarating kami sa harap ng bahay ng tiya Mitos.
Kabi-kabila rin nag mga ususerang nakatingin at nagbubulungan ng bumukas ang pinto at lumabas ako ng kotse.
“ Dito ka nakatira?“
“Yes sir,bale nakikitira lang ako sa tiyahin ko.”
Dahil siguro sa ingay ng ilang kapitbahay,napalabas tuloy ang tiyahin ko at pinsan.
Tinulungan na ako ni mang Ros ipasok ang aking mga gamit na pinamili.
Kita ko ang reaction ng mga mukha ng aking mga kamag-anak ang pagtataka kung sino ang mga kasama ko.
Lumapit pa talaga ang tiyang at pinsan ko sa nakabukas na bintana ni boss at kinausap siya.
“ Hi sir, tiyahin ako ni Brix,sino po ba kayo? Office mate ka ba niya?“
“Umm yeah…office mate po ako ni brix. Nautusan lang po kami para sa uniform. Brix,aalis na kami. Sige po alis na po kami.”
Napatanga naman ang mag-ina ng umalis na ang sasakyan.
Sa loob ng bahay nila ako inusisa.
Tinanong kung sino ang kasama ko.
“Tiyang office mate ko nga po.
Ano… hinatid lang ako kasi maraming…
ano…inutos yung boss namin na bilhin para sa office.“
Hindi ko sinabi kung sino ang kasama ko. Alam ko kasi na baka samantalahin ng mag-ina na boss mo na pala yun.
Ayaw kong gamitin nila ako para makapasok ang pinsan ko sa DataMax dahil wala naman siyang kakayanan sa mga ganoong trabaho. Baka gawin lang akong excuse pagmagkasama kami sa iisang lugar. Kilala ko ang pinsan ko pagdating sa katamaran. Masipag pa siyang magtiktok kesa maghugas ng plato kaya wag na lang ipakilala. Mahirap na.
“ O di ba sabi ko sa iyo nay,utusan yan sa DataMax. Baka tagatimpla lang ng kape yan o tagahugas ng plato dun.“
“Ano ba yan,sana di ka na umalis sa kol senter na pinasukan mo. Gagawin lang pa lang utusan sa pinasukan mo. Paano ka makakabayad kung ganyan trabaho mo. Umayos ka ha.”
Tiningnan pa ako ng tiya Mitos. Pinag-aaralan pa niya ako. Hinihintay ko na mapansin niya na wala akong salamin sa mata.
Pero wala,hindi niya napansin.
Pumasok na ako ng kwarto at inayos ang mga pinamili ko.
Patapos na sana ako ng makatanggap ako ng isang text sa compay’s phone.
“Thanks.”
Si boss.
“ Hindi ba dapat ako ang nagpapasalamat? Thank you boss.“
“Hindi,thank you din kanina sa pagsama sa mama.”
“Boss trabaho ko yun.”
“Hindi…thank you at inawat mo ako.”
Aware pala si boss Rustian ng hawakan ko siya sa kamay nung nagtatalo silang magkapatid.
“ Trabaho ko rin yun sir.“
“Pwede ka bang pumunta ng office?”
“Sir bakit,may problema ba?”
“Napasama ni mang Ros yung mga kape ko sa mga gamit mo.Wala akong mainom dito sa office.”
Napatalon ako bigla dahil nasama nga ang kape niya sa mga gamit ko.
Tara magkape tayo sa next chapter.
ABANGAN!!!
CHAPTER 6 THE LION,THE WITCH AND THE WALK IN CLOSET
MARICAR
Prente akong nakaupo sa sofa habang nagpefacebook ng may naulinigan akong gulo yata sa labas.
Hinsi ko pinansin ang naririnig ko sa bintana dahil sa lakas ng tili ni Randing bakla.
“ AY ANG POGI!“
Pogi daw?
Napabalikwas naman ako agad at sinilip kung sinong pogi yung narinig ko tinitilian.
Isang magarang kotse nakaparada sa harapan ng bahay namin ang agad kong nakita.
Asan ang pogi?
Talaga itong si Randy makapogi naman?
Eh malaki lang yung katawan nung bumaba pogi na?
Napataas ang kilay ko ng bumaba sa sasakyan si Brixel.
“ Ma!Mah! Dali si Brixel!
Tingnan mo oh?“
Agad namang lumabas mula sa aming silid ang mama at napasilip sa bintana.
Si Brixel nga iyon at pareho pa kami ng mama na nagkatinginan dahil parang may kakaiba yata sa pinsan ko.
Muli kaming tumingin sa labas at muling nagkatinginan ng mula sa bintana ng sasakyan ay bakita namin ang isang binata na ubod ng gwapo.
Siya yung narinig ko na pogi.
Agad kaming lumabas ng mama.
Nakasalubong pa namin si Brix at yung matandang lalaki sa may pinto.
Lumapit ako sa sasakyang nakaparada para malaman kung sino itong nakakotse.
Si mama na ang nagtanong dun sa mukhang driver.
Katrabaho pala ni brix sila at inihatid lang papauwi.
Di ako makaimik at si mama lang talaga ang mausisa.
Ang bango ng hanging naaamoy ko na nagmumula sa loob ng kotse.
Maraming hinakot na shopping bag yung mamang driver at pinsan ko na pinasok sa loob ng bahay.
“ Anong meron at hinatid si bakla?“
Tanong sa akin ni Randy.
Siya ang kaututang dila ko sa mga tsismis dito sa lugar namin at number na tagamake-up at tagaplantsa ng buhok ko pagmay galaan ang barkada.
“ Katrabaho ni Brixel daw,hinatid lang at maraming pinamili para daw sa trabaho.“
“Sosyal,may pahatid-hatid na!Mukhang naiwanan ka ng pinsan mo Inday.”
“Gaga,baka nga katulong lang yang si Brixel sa trabaho kaya siya ang inuutusan. Kahapon pa kaya yan pabalik-balik sa trabaho nila.”
Tahimik kong pinagmamasdan yung lalaking naiwan sa loob na may kausap sa kaniyang telepono.
Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sa panay ang pangungulit at pagpapacute ng katabi kong baklita.
Tumabi na kami sa gilid ng sumakay na yung driver, hindi na nagkatoon ng pagkakataon man lang na ipakilala kami ni Brixel sa mga kasama niya at umalis na lang ito bigla.
Iniwanan ko na si Randy at pumasok na kami ng mama sa loob ng bahay para magtanong sa pinsan ko.
Di na namin nausisa si Brixel at nasa loob na pala ng kaniyang kwarto.
Kami naman ng mama,curious na curious kung ano ginagawa ng lalaking yun sa loob.
“ Ano sa palagay mo anak?
Hindi nga kaya dun talaga siya sa DataMax nagtatrabaho? Hindi ba sabi mo maganda talaga doon,baka may posiyon yung kasama niya kanina kaya inihatid siya?“
Bulong ng mama sa akin.
“ Malay at paki naman mama,baka nga totoo na boy lang siya dun sa pinasukan niya. Kung totoong sa DataMax nga siya napasok. Mukha namang boy nga siya sa mga kinikilos niya e.“
“Tingin mo,namamasukan kayang katulong si Brix?”
“Siguro…bagay naman sa kaniya e.”
Lihim kaming nagkatawanan ng mama.
Paano ba naman,mula ng mapatira sa amin si Brix,pangangamuhan na ang naging trabaho. Kung hindi fastfood, factory worker ang alam na pasukan. Swerte lang siya ng makapasok sa isang callcenter office kaya lumaki na ulo. Sabihin pa sa DataMax siya napasok, e ang hirap kaya mag-apply dun.
Baka nga niyayabangan lang kami ng taong ito at nagpahatid pa sa mga katrabaho niya para yabangan lang kami.
Malalaman ko rin ang totoo at talagang mapapahiya siya sa amin ng mama ko.
Hindi nagtagal at lumabas na ng silid si Brix.
“ Tiyang,aalis po muna ako ha. Babalik lang ako ng office.“
Ano yun?
Kakarating lang tapos nagmamadali n aalis na naman?
Pasok ba yan ng matinong trabaho?
Naghintay ako sandali na baka bumalik siya.
Sumilip ako sa labas at wala na nga ang pinsan ko.
Curious ako sa mga dala niya kanina kaya pinasok ko na yung kwarto niya.
Bakit naman hindi, bahay namin ito.
Tsi-check ko lang.
Mamaya baka droga na pala ang pinapasok nun dito.
Bahay nga namin di ba?
So my rights ako.
Sa loob ay may mga paper bags ang nakapila sa kaniyang higaan. Wala ng mga laman nito.
Binuksan ko ang kaniyang cabinet.
Ang bango ng loob nito at nakahanger ang mga bagong damit.
Mamahalin ang mga polo dahil sa nakakabit pa ang mga price tag nito.
May sapatos, set ng tootbrush pabango,neckties,medyas…
Tumaas ang kilay ko sa pagtataka.
Malabong makabili ng ganito si pinsan.
Una…wala siyang pera.
Pangalawa…kakapasok pa lang niya sa bagong trabaho.
Pangatlo…ano nga ba talaga ang trabaho niya?
Pang-apat…imposible talaga at wala talaga siyang pera.
Hmp…panget ng mga damit!
Isinara ko ang cabinet.
Nag-usisa pa ako sa maari kong malaman.
Napansin ko ang isang paper bag nq kakaiba sa mga bag na pinamili,sinilip ko ang loob at naamoy kong pagkain pala ito.
Well,at least may inuwi siya na pwede namin makain.
Lumabas ako dala ang pagkaing inuwi ni Brixel.
“ Ano yang dala mo?“
Tanong ng mama.
Sinabi ko kay mama yung mga nakita ko habang nilalabas ko isa-isa yung laman ng paper bag.
“ Dala ito ni Brix,pasalubong siguro sa atin. Di siguro nailabas kasi nagmamadali kanina.“
Nilantakan namin ng mama yung mga pagkain dala ni Brix . Ang sasarap at first time namin nakakain ng ganitong pagkain.
Mukhang galing sa handaan yung loko na yun at mukhang di naman yata galing ng sinasabi niyang trabaho.
“ Naku ha? Ano kaya,baka may gay benifactor si pinsan at sinasabi lang niyang may trabaho siya? Ha ha ha!“
Iyon lang ang naiisip kong maaring pagkakitaan ni Brix.
May hitsura si Brix na pwedeng patulan ng mga bading. Isa pa babading-bading din naman talaga yung pinsan ko kaya hindi imposible na pumatol siya sa isang mayamang pwedeng mag’finance sa kaniya.
Madaming binata sa lugar namin na ganito ang ginagawa. Yung ikanakalakal ang sarili.
Mga binatang gusto ng mabilisang luho kapalit ng mga pakikipagrelasyon sa bading para lang matustusan ang mga gusto.
“ Gaga, sino naman ang papatol sa pinsan mo, e mahirap pa yun sa daga. Kung ano man ang pinagkakaitaan niya,kung may benifactor man siya,ang mahalaga mabayaran tayo ng mga yan sa utang nila.“
Sagot ng mama sa theory ko.
Curios lang naman ako sa mga kinikilos niya mula ng magkatrabaho. Kung totoo man o hindi sa DataMax,sana nga matino yung napasukan niya.
TIYA MITOS
Masarap itong uwing pagkain ni Brixel ha.
Kung tutuusin ngayon lang ang nakatikim ng ganito luto.
Mukhang mamahalin at galing pa yata sa isang restaurant ang uwi niya.
Wala na kaming tinira ng anak ko at alam naman naming ito ay uwi niya para sa amin hapunan.
Ang lagay siya lang kakain e mukhang nakakain na rin naman siya.
Naisip ko lang…
Na parang may nabago sa kaniya kanina ng umuwi? Hayaan na nga.
Bumalik ako ng silid upang silipin yung kopya ko ng mga utang nila. Kahit kabisado kung magkano maigi na rin na pasadahan ng review at baka mqy makalimutan.
Hindi naman talaga ako masamang tiyahin.
Ang sa akin lang,ang utang ay utang.
Malaki rin ang nasakripisyo ko sa kapatid ko noong naospital ito. Dapat sanay pang apply ko iyon sa Hongkong bilang domestic helper. Dahil ako ang matanda kaya nagpaubaya ako na tulungan muna ang kapatid ko.
Sa kasamaang palad namatay naman.
Malungkot ang mamatayan…pero yung sabay-sabay naman kaming lumubog,yun ang masakit.
Maigi na na lang at may pensyon akong natatanggap sa aking nasirang asawa kaya kahit paano ay nakakaahon kami ng anak ko.
Ingat na ako pagdating sa pera.
Panganay akong anak at inaasa sa akin ng mga magulang ko ang pag-aalaga sa kapatid ko.
Kinse anyos ng lumayas ako dahil ayaw kong nakatali sa bahay para mag-alaga ng bata o nakabaon ang paa sa bukid para magsaka.
Umalis ako sa amin at namusakang katulong dito sa Maynila hanggang sa makapag-asawa.
Gusto ko kasing mag-artista.
Nahilig akong magpupunta sa mga studio ng tv kaya nakalimutan ko na ang probinsya.
Hangang sa may nakilala akong talent scount kaya nakakapag-extra ako sa mga teleserye.
Naging kapitbahay na ako ni Nora Aunor sa isang drama sa tv. Ako yung tsismosa sa Onanay. First gig ko yun sa hinaba-haba ng panahon ko dito sa maynila.
Matanda na ako ng makita sa tv.
Hindi ko na nga nakita ang mga magulang ko ng mamatay dahil sa pangarap ko. Nailibing na lang sila ng makarating sa akin ang balita kaya di ko na sila naabutan.
Kaya hanggang ngayon sa akin na lang din umaasa ang kapatid ko noong nabubuhay pa siya at hanggang sa dumating sa kaniyang huling hantungan.
Ngayon si Maricar ang gusto kong magpatuloy ng aking pangarap.
Kaso di naman nakakapasa sa mga audtion.
Lahat na yata ng pacontest napilahan na namin. Lahat ng audition nasalangan na namin.
Kumanta,sumayaw,umarte,kulang na lang kumain ng buhay na manok o tumulay sa hibla ng pancit canton gagawin namin makapag-artista lang ang anak ko.
Kaso di pa panahon kaya makakapaghintay pa ako.
Ako ngang may edad na nakapag-artista yung dalaga ko pa kaya?
Pero yung kasama ni Brixel kanina,artistahin.
Magandang lalaki at chinito.
Kung boss nga iyon ni Brixel,maari niyang pakiusapan ang binatang iyon na baka maipasok ang anak ko sa opisina nila.
Mamaya nga makausap yang batang yan.
At nagpatuloy na kami ng dalaga ko sa pagkain ng karneng uwi ni Brix
Samantala nakarating na si Brix sa DataMax Building.
BRIXEL
Naglalakad na ako sa kahabaan ng work station ng opisina ng matanawan ko si Emy at ate Corz na magkatabing nagkakape sa coffee station.
Bagamat nakatalikod sila sa akin ay alam ko dahil sa kulot na buhok ni Emy at tabaing katawan ni Ate Cors.
Lumapit ako at inakbayan silang bigla.
“KAMUSTA NA KAYO?!”
Nagulat sila at natuwa ng makita nila ako.
“ GAGA KA!Bigla kang hindi nagparamdam kung nasaan ka na? Shift mo ba ngayong gabi? Sa morning ka?Gaga ka, di mo kami binalitaan kung saan kang station.“
Sabay hampas ni ate Cors sa balikat ko.
“ Oo nga besh, morning shift ka ba?wala ka kahapon kaya isip ko sa umaga ka napasok. Night shift ka na rin ba? Magtabi tayo ng cubicle para may kachikahan ako. Wala ako gaano kilala sa mga nakakatabi ko sa station kaya medyo malungkot. Si ate Cors,dinadaanan ako pag coffee break kaya nakakasama ko. Ano shift mo ba ngayon?“
Hindi ako makasagot sa sunod-sunod nilang tanong.
Hanggang sa dumaang tatlong employee ng opisina na binati ko.
“Good afternoon sir Remedios.”
Napatingin sa akin si Emy at Ate Cors.
Halata sa kanila ang pagtataka dahil naulit pa ang pagbati sa akin ng ilang employee na umoorder ng kape.
Sinabi ko sa kanila kung bakit ganoon ang tawag sa akin na talagang ikinagulat nila.
“ Oh my ghad!!! Brixel ang swerte mo namang bata ka! Imagine secretary ka ng boss natin. Aba parang boss na rin pala kita ha ha ha! Sorry kung nahampas kita kanina ahahay!wag mo kong sisisantihin ha?ahhahahay! Ano ba yan.“
Tuwang-tuwa para sa akin ang dalawang kaibigan ko sa kapalarang nakuha ko ngayon.
Gusto ko mang magtagal para ikwento sa kanila ang mga nangyari pero kailangan na akong umakyat sa opisina ni boss Rustian.
Nagpaalam na ako sa dalawa at nangakong bago umalis ay dadalawin sila sa kanila-kanilang mga trabaho.
Sumakay na ako ng elevator patungo sa top floor.
Doon naabutan kong nakahiga sa sofa si boss Rustian habang pinapanood sa malaking screen na akala mo bibingkang hati-hati dahil sa mga real time cctv footages ng mga opisina.
Kita sa isang screen ang coffee station kung saan naroon si ate Cors at Emy.
Napaisip ako na kita rin pala ako kanina dito.
Hala,kita pala ni boss ang mga ginagawa naming lahat sa loob ng kaniyang building.
Naparanoid ako sa paligid dahil baka sa mga oras na ito ay may camerang nakatutok sa akin.
Lumapit ako ng dahan-dahan kay boss.
Tulog ng sinilip ko ang kaniyang ulunan.
Gaya kanina sa biyahe ay nakanganga na naman.
Maingat aakong kumuha ng tissue na nakapatong sa side table at maingat na pinunasan ang nakasungaw na laway na ilang kembot na lang ay tutulo na sa kaniyang pisngi.
Dahan-dahan ang dampi ko sa gilid ng kaniyang labi ng bigla siyang kumilos at tuluyan nga nga tumulo sa pisngi niya ang laway nito.
Bigla niyang iminulat ang kaniysng mga mata.
Nagkatinginan kami,pipikit-pikit pa ang kaniyang mga mata habang nalunok ng laway. Ako naman ay nagpatuloy lang na pinunasan ang gilid ng kaniyang labi at pisngi dahil sa laway na tumulo hangang sa sofa.
Umupo siya at inayos ang nagulong buhok.
“ Kanina pa kita hinihintay e. Yung kape ko?“
Yung kape talaga?
“ Ipagtitimpla na ba kita o mamaya na lang boss? Parang wala ka pa sa ulirat e?“
Tiningnan niya ang oras sa suot niyang relo.
“ Anong oras ang meeting ko mamaya?“
Tanong niya habang nagtatanggal ng kurbata.
Hindi pa pala siya nakakapagpalit ng suot mula ng dumating dito.
“ 10 pm pa ang meeting via web cam according on your schedule boss. Pwede ka pa magpahinga ng dalawang oras.“
Sagot ko.
“ Prepare me for another suit,magsa-sha-shower lang ako then we will go for a dinner.“
“Huh? Now na boss?”
“Go,masyadong maikli ang two hours.”
Nataranta ako sa gusto niya.
“Sir may reservation po ba ako na dapat gawin?”
Hindi na ako makatingin dahil naghuhubad na naman ng polo sa harap ko ang lalaking ito.
“ No need,may alam akong masarap na kainan. Go Find a suit sa closet na pwede sa iyo at kanina mo pa rin suot yang damit mo.“
Nagmadali na akong sa walk in closet at nakaboxer na si boss Rustian.
Tarantang naghanap ako ng masususot namin.
Ilang sandali pa ay lumabas na siya ng shower at gaya ng dati ay nakatapis lang siya ng humarap sa akin habang tsini-check ang mga hinanda kong susuutin niya.
“ Magshower ka na rin. Mukhang di ka pa rin naliligo.“
“ Maliligo ako…sa shower nyo boss?“
“ Ang daming tanong. Ano gusto mo ibigay ko pa sa iyo ang towel na to?“
Nataranta na ako ng akmang tatanggalin ni Boss Rustian ang towel sa kaniyang beywang kaya bigla na lang akong dumukot ng towel na nakita ko sa gilid at sabay alis patungo ng shower room.
Hindi ko na nakuhang i-set ang temperatura ng shower. Kahit malamig ang tubig ay mainit ang pakiramdam ko sa mga nakikita kong ginagawa ni Boss.
Agad akong nagsabon at nagshampoo. Panay tanaw din ako sa labas ng shower dahil paniguradong makikita ni boss ang kahubaran ko sa salaming shower room na ito.
Nagmadali talaga akong makatapos hindi dahil ayaw ko qsl00siyang maghintay. Ayaw ko lang makita niya ako sa ganitong ayos.
Dali-dali akong nagpatuyo at lumabas at bumalik sa walk in closet.
Naroon si Boss Rustian na nagtatali ng sintas ng sapatos.
“ Bilisan mong magbihis baka malate tayo sa dinner.“
Tumayo siya at lumabas.
Nahiya ako sa ayos ko dahil ngayon ako naman ang nakatapis ng tuwalya.
Agad akong nagbihis ng mapag-isa ako sa walk in closet.
Bahagya lang ang luwag ng napili kong damit ni Boss Rustian na ipinahiram niya sa akin para masuot.
Kasi naman,hindi naman sinabi na may dinner-dinner pa palang event. Di sana nasuot ko na yung pinamili namin kanina.
Nang makapag-ayos na ay lumabas na ako. Nakaupo si Boss Rustian na may kausap sa telepono. Dinig ko na may pinapareserve siyang table for two.
Ito siguro yung dinner na pupuntahan namin.
Bumaba kami at sumakay ng kotse. Muli si mang Ros ang aming dakilang driver.
Sa isang restaurant ng isang hotel kami napadpad para ng aming hapunan.
Kinakabahan ako dahil wala akong karanasan sa ganitong setting.
Class na para sa akin ang makakain sa isang kainan na gaya ng pizza house.
Yung ganito sa isang hotel?
Masyadong class para sa akin.
Nanlaki at napa’wow pa sa mga pagkaing hindi ko kilala. Wala mang presyo ang menu alam ko mahal mga iyon.
Nahalata yata ako ni sir dahil mayat- maya ang lingon ko sa mga taong nakapaligid na panay ang tingin sa amin.
“Boss pwede ba sa labas na lang ako kakain. Busog pa naman ako.”
Tumayo siya at nag-iwan ng tip sa lamesa.
“ Sige na nga, tara dun tayo sa mas masarap.“
Nabigla ako ng hawakan ni boss ang aking kamay at hinila niya ako palabas ng hotel. Ilang sandali pa ay sumakay na kami ng sasakayan at saka nagtungo sa lilipatan naming restaurant.
Hiyang-hiya talaga ako sa inasal ko.
Hindi ko talaga alam ang gagawin sa ganoong sitwasyon.
Nanliit ako dahil sa tanang buhay ko,ayaw kong magpanggap na alam ko ang gagawin. Sanay ako na nagkakamay at hindi yung nakaharap sa mga kutsarang naayon lang sa dapat kainin at isubo.
Hindi ako makatingin kay Boss.
Pero alam kong alam niya ang dahilan kung bakit para akong tanga kanina sa hotel.
Hanggang sa may napansin ako sa aming pinuntahan.
Nakilala ko ang lugar.
Huminto ang sasakyan sa parking area.
Ang parking area kung saan ako dating nagtatrabaho bilang crew.
Dito kami kakain?
At may reresbakan yata ng nakaraan?
ABANGAN!!!
CHAPTER 7 BEHIND HIS SUCCESS
RUSTIAN
Mali yata akong dalhin si Brixel sa ganitong lugar.
Naging figity siya ng maupo at halatang hindi sanay sa ganitong paligid.
Halata sa kaniya ang pananahimik mukhang ilap ang mga mata dahil sa mga taong nakapaligid sa amin. Maging ang menu na inabot sa kaniya nga waiter ay hindi na niya binasa ng mainam at yumuko na lang pagkatapos.
Ni ayaw niyang tumingin sa paligid o sa akin.
Mga alta sa ciudad ang mga kasabay naming narito sa restaurant kaya nakaramdam siguro siya ng hiya.
Nakalimutan ko na simpleng tao nga lang pala siya para sa ganitong sitwasyon.
Hindi ko sinasadya na biglain siya.
Nagbago na ang isip ko kaya tumayo ako at hinawakan ang kaniyang kamay at hinila siya palabas ng restaurant.
Sumakay kami ng kotse.
“ Mang Ross dun tayo sa parking area.“
Ilang sandali pa ay nakarating kami sa lugar kung saan kami unang nagtagpo ni Rustian.
Sa Fastfood chain kung saan niya ako tinulungan.
“ Dito tayo kakain boss?“
Tanong niya habang pababa ako.
“ Gutom na ako kaya baba na kayo.“
Bumaba na rin si Mang Ross at nauna na sa loob.
Sanay na si Mang Ross sa tuwing pupunta ako dito para kumain.
Oo,nakain ako dito noon pa.
Napunta ako dito para balikan si Brixel subalit hindi ko na siya naabutan.
Huling gabi na pala niya sa trabaho noong una kaming magkita.
Hindi na ko nagpagsikapang hanapin siya noon dahil wala akong means na ma-contact siya. Marami pa akong naging problema sa negosyo at sa pamilya.
Kaya hinayaan ko na lang ang tadhana na makita siya muli.
Ilang beses din akong pumunta dito. Nagbabakasakaling magkrus ang aming landas, subalit inabot pa ng ilang taon para magkita kaming muli.
At ngayon ay kasama ko na nga siya.
Nag-aalangan pa siyang bumaba.
Nauna akong pumasok at tahimik lang siyang nakasunod sa aking likuran.
Sa loob ay inireserba na kami ni Mang Ross ng pwestong kakainan at ako na ang nagkusa na umorder ng aming pagkain.
Isang bucket ng fried chicken meal ang inorder ko dahil paborito ni mang Ross ang manok dito.
Bumalik ako kung saan nakaupo ang dalawa. Dahil sa laki ng katawan ni Mang Ross ay okupado na niya ang isang bahagi ng upuan kaya’t nagtabi na kami ni Brixel ng pwesto.
Magkatulong ang dalawa na inihanda ang aming pagsasaluhan ngayong gabi.
Sa aming tatlo,si mang Ross ang pinakamasaya na tila isang batang gutom na parang galing sa pamamasyal.
Apat na kanin,dalawang gravy,tatlong manok,large fries,large drinks at may chocolate sundae sa kaniyang harapan.
Ito lagi ang order niya sa tuwing pupunta ako dito. Dinadamihan ko ang order para matagal akong makatambay sakaling maligaw si Brixel at makita ko siya dito.
Halatang pabor kay Mang Ross sa tuwing kasama ko siya dito.
Iba na ngayon ang kilos ni Brixel. Natural at hindi limitado. Palasalita na siya at normal na muli ang kilos. Hindi na siya naiilang.
Sa lugar na ito pantay-pantay na kaming lahat.
Una palang pala,dapat dito na kami dumiretso.
“ Oh,ayan,makakakain ka na siguro ng di nahihiya. Mga normal na tao na ang kasabay natin.“
Puna ko kay Brixel habang nakain.
“ Pasensya na boss hindi lang ako sanay sa ganoong…alam nyo na. Sorry kung hindi ako sanay.“
“ Next time,kailangan mong masanay. Maraming chances na makakaencounter ka ng higit sa iyong iniexpect.
Remember that you represent me. Kaya dapat masanay ka na.
Oh kain na. Dont tell me kahit dito nahihiya ka pa rin?“
“ Naiilang ng konti…paano ba naman. Pinagtitinginan tayo ng mga tao sa hitsura natin. Para tayong FBI
agent sa mga suot natin.“
“Hayaan mo silang tumingin sa atin at kumain ka ng kumain.Si mang Ross lang ang mukhang FBI sa ating tatlo.”
Napatingin kami pareho ni Brixel kay mang Ross na abala sa pagkain Huminto siya sa pagnguya at napatingin pa sa aming dalawa. Ngumiti ang matanda na puno pa ang bibig ng kinakain at saka nagpatuloy sa pagsubo.
Talagang ine-enjoy ang kaniyang hapunan. Napangiti pa kami ni Brixel dahil hindi na pansin ni Mang Ross ang mumo ng kanin sa kaniyang pisngi.
Sabay na lang kaming nagkatinginan at natawa sa inasal ng driver ko.
Kumain kami ng aming hapunan ngunit maya’t maya rin ang ring ng phone ni Brixel.
Marahil ay ang opisina ang tumatawag dahil sa meeting na magaganap mamaya.
Inagaw ko na ang phone kay Brixel at ako na ang kumausap.
“ I’m having a dinner Ms. Fidel.“
“Sorry sir,sorry sir,okay i will call back after your dinner.Sorry for bothering you sir. Just enjoy your food…sige po…sige po.”
At saka naputol na ang linya.
Ibinalik ko kay Brixel ang phone.
“Kain ng kain at puyatan tayo mamaya.”
Utos ko.
“ Puyatan?“
Tanong ni Brixel.
“ Sasamahan mo ako sa meeting
I want you to jot down all the minutes para sa meeting.“
Hindi na siya sumagot at tumango na lang pagkatapos.
Natapos kaming kumain. Nag-excuse ako upang mag-CR.
Papunta ng CR ay may namukhaan akong isang tao.
Hindi ako maaring magkamali.
Siya yung manager na nagtaboy sa akin palabas dito noon.
Tatlong taon na ang nakakaraan at wala man lang nabago sa kaniya.
Ganoon pa rin kagaspang ang ugali niya dahil kita ko sa likod ng kitchen kung paano niya dabugan ang kaniyang mga crew.
Pumasok ako sa loob ng cr. Naghugas ng kamay,nagbawas,muling naghugas ng kamay,nanalamin,at saka lumabas.
Sa maliit na daan ng cr at kitchen madadaanan ko sa maliit na hallway yung manager na sinesermunan ang isang crew.
Naiyak ito dahil sa panenermon ng payat na manager.
“ Kunin mo na yung mga gamit mo,huwag ka ng magreport bukas. Alam mong maraming tao bukas,tapos sasabayan mo ng day off dahil lang sa reunion nyo?Wag ka na pumasok. Umattend ka na lang ng family reunion nyo at fired ka na.“
Tahimik na hikbi lang ang tugon ng babae.
Hindi makaimik ang ilang crew na nakasaksi sa ginawa ng manager na iyon. Parang alam nila na madadamay sila sa init ng ulo ng manager kung mamagitan sila sa nangyayari.
Namagitan na ako.
Naglabas ako ng panyo at inabot ko iyon sa babaeng naiyak.
“ Here,wipe your tears Ms. Joy. (Nakasulat sa name plate niya)
After your reunion call this number.(isang calling card ang ibinigay ko)
Ako mismo ang sasagot at bibigyan kita ng trabaho…and you…Mr.Ramoncito…remember me?
(Hindi makaimik yung manager dahil napaatras siya at napadikit sa pader dahil sa pagkabigla ng sumingit ako sa usapan nila.) Let me refresh your memory. Natatandaan mo yung lalaking pinagtabuyan mo noon dahil madumi at yung mabaho?
Yung hindi mo pinapasok dahil maraming nakain?
Natatandaan mo yun?
(Hindi talaga siya makaimik pero alam ko na natatandaan niya ang pangyayaring iyon)
Ako yun…three years ago hindi ka pa rin nagbabago hanggang ngayon. Well may hangganan ang lahat
At bukas malalaman mo kung ano yun.“
Iniwanan ko na sila at bumalik na sa mga kasama kong walamg alam sa nangyari.
Nagyaya na akong umuwi.
Nauna akong lumabas kasunod ang dalawa.
Walang kamalay-malay si Brixel na nakita ko ang dati niyang amo.
Naisip ko na maaring nakaranas din si Brixel ng ugali ng manager na yun.
Tuturuan ko talaga siya ng leksyon.
Muli kaming bumalik ng opisina.
Sa palapag ko magaganap ang conference.
Pinaghanda ko siya.
Inayos niya ang laptop na gagamitin.
Humingi ako ng paborito ko ngayong kape habang nagsisimula ang meeting.
Umupo ako sa gitna ng mahabang sofa.
Ayaw niyang makita siya sa monitor na kasama ko kaya malayo ang pwesto niya sa akin.
Inabot ng ilang oras ang usapan tungkol sa project propasal ng ilang kumpanya at inabutan na kami ng alas dos ng madaling araw ng makatapos.
Pagod na kaming dalawa.
“ Gusto mo bang dito matulog o uuwi ka na lang sa inyo?“
Tanong ko kay Brixel.
“Naku,boss uuwi na lang ako. Salamat na lang po sa paanyaya. Isa pa baka maghintay ang tiyang sa akin.”
“Tawagan mo si Mang Ross,magpahatid ka na lang sa kaniya.”
Hindi ko na siya pinilit na dito sa opisina matulog.
Pumayag siyang magpahatid sa driver para makauwi.
Tapos na ang aking trabaho sa araw na ito at oras na para magpahinga.
At sa aking pagkakahiga naisip ko na kahit mayroong hindi magandang bagay na nangyari sa araw na ito ay may maganda pa ring kinalabasan kahit papaano.
Sayang…gusto ko pa naman sanang kakwentuhan si Brixel…sana dito na lang siya natulog.
*** BRIXEL***
Nagpaalam na ako kay boss.
Hindi ako pumayag na dito sa office matulog. Inaalala ko kasi na baka napasok na naman ng tiyang ang kwarto ko at nakialam na naman sa mga pinamili naming gamit kahapon.
Wala kasing pakialam sa privacy ang tiya Mitos.
Kung ila-lock ko naman ay sermon lang ang mapapala ko.
Sa paggamit lang ng banyo o pag-alis lang ng bahay ang pwede akong mag-lock ng pinto.
Okay lang kung yung ulam ang tinira nila. Masama baka pinag-interesan pa yung mga gamit ko na binili ng kumpanya.
Nakababa na ako ng buliding.
Sa labas ay naghinhintay na pala si Mang Ross kausap ang mga guwardiya.
Nahiya pa akong pumasok dahil mag-isa lang akong sasakay ngunit napilitan na ako ng pagbuksan pa niya ng pinto.
Nakakailang dahil sa likuran niya ako pinaupo.
“ Nakakahiya naman po Mang Ross,naabala pa kayo sa paghahatid sa akin.“
“ Hindi abala ang ipagmaneho kayo ni Rustian. Trabaho ko ito kaya walang problema.“
Muli akong nagpasalamat at nagsimula na kaming bumiyahe.
Mabait si Mang Ross.
Palabiro at halatang komportable sa mga sumasakay sa magarang kotse na ito bukod kay boss.
Sa tagal na siguro niyang naninilbihan,kabisado na niya ang mga topak ng amo niya.
Sa biyahe ay nagsimula na aming kwentuhan.
Konti lang ang mga sagot ko sa mga tanong niya. Wala namang pwede akong ipagyabang na back ground at normal lang naman ang buhay ko. Maipagmamalaki ko lang siguro yung bayan namin sa probinsya.
Naubusan na ako ng paksa na pwede pa naming pag-usapan.
Hanggang sa maitanong ko ang tungkol sa aming amo
“ Naku,napakabait nyang bata na yan! Walang inisip kundi kapakanan ng iba. Basta mabait ka sa kaniya, o ginawan mo siya ng kabutihan para ka ng nanalo ng lotto sa pakikisama ni Rustian…magandang lalaki na, at napakabait pa…kaso…“
“Kaso…?”
“Ibig ko bang sabihin,nasa kaniya na ang lahat, matalino,gwapo,pinaka batang bilyonaryo ng Pilipinas…pero malungkot.”
“Paanong naging malungkot?
E halos na kay boss na ang lahat?“
“Yun nga, nasa kaniya na yung mga bagay na gusto ng marami pero yung sa pamilya niya, masalimuot. Madaming komplikasyon kahit pwede namang pag-usapan.”
Nanahimik ako sa kaniyang kwento tungkol kay boss at sa kaniyang pamilya.
Ang tungkol sa kaniyang namatay na kapatid.
Naawa ako sa nangyari sa kaniya.
Kaya pala ganoon na lang kung tratuhin siya ng kapatid.
Maging sa mama nila ay naawa ako.
“ Napansin mo na siguro yung pinto sa office ni Rustian,yung pinto na ginawa niyang mesa?
Pintuan yun ng kwarto niya.
Kaya niya iyon inalis yun,para malaman ng mama niya na walang tao sa kwarto na iyon…yun bang parang sinasabi niyang huwag na siyang hanapin, o huwag na siyang silipin dahil hindi naman siya uuwi na sa Batangas. Malungkot ang batang yun.
Halos ako yung lihim na inuutusan ng mama nila para bantayan siya.
Ako na nga ang halos tumayong tatay nun. Alam mo ba nakatapos yun ng kolehiyo na ako lang ang kasama? Naku napakalupit ng tatay nun.
Ang sama ng ugali.
Ako na ama?
Hindi ko kayang tiisin ang anak ko. Kaya mula noon hindi na ako humiwalay sa batang yan.“
“Ibig sabihin sa DataMax na nakatira si Boss?”
“May sariling bahay si Boss, at hindi lang sariling bahay-marami. Anim.”
“Anim!!!”
“Anim! Yung isa dun condo, malapit sa Office. Pero yung bahay na gamit na gamit niyang tirahan, sa Pasig.
Kapag may mga bisitang foreigner kasi, bahay niya ang pinapagamit niya. Alam mo na, isa sa paraan ni Rustian na makaenganyo sa negosyo. Mapupuntahan mo rin yun pag may mga bisita tayong dumating.“
“ Eh kayo ho, saan ho kayo nakatira? “
“Sa Bicol ako,pero may sleeping quarters ako sa office. Meron din sa mga bahay ng boss mo. Ayaw niyang lalayo ako kaya pati seguridad,pagkain,tulugan binibigay niya. Galante no?
Napansin mo ng mamili tayo ng damit mo? Wala siyang pakialam di ba? Ganoon yun sa mga empleyado niya.
Kaya ang ganda ng samahan sa opisina nyo,dahil sa pakikisama.“
“Oo nga po e,napansin ko nga po…kaso kabaligtaran naman sa pamilya niya.”
“Eh ganoon nga siguro. Lahat nga yata ng gusto natin hindi natin nakukuha…ewan ko ba. Kaya minsan naawa rin ako sa boss mo. Kaya ang maipapayo ko sa iyo huwag na huwag kang bibitiw sa trabaho mo.”
“Naku mang Ross,pangarap ko po talaga amg DataMax kaya hindi po talaga ako bibitiw.”
“Ibig kong sabihin…huwag mong bibitiwan si Rustian. Napansin ko kasi na parang mas magaang ang mood ngayon ng batang yun kesa dati.”
“Bakit ho,mainitin ba ulo niya noon?”
“Abay hindi,napansin ko lang noong naggrocery tayo kasama siya. Hindi napasok ng mall yun. May sarili siyang tagabili para sa mga ganoon. Oo nga pala,trabaho mo nga pala rin yun…basta nagulat ako at sumama siya.”
“Yung sinundan ko po bang dati niyang secretary ganito din ba ang ginawa niya?”
Ginawa oo,pero yung personal hindi. Sa iyo ko pa lang nakita.“
Nagtaka ako sa sagot ni mang Ross.
Marami pa sana akong malalaman sa mga kwento ni Mang Ross,hindi ko napansin na nasa tapat na pala kami ng bahay ng tia Mitos.
Nagpasalamat akong muli sa paghatid niya sa akin.
Tumuloy na ako ng bahay.
Tama ang aking hinala na nag-usyoso na naman sila sa kwarto ko.
Dahil nakita ko pa sa paminggalan ang mga microwavebable container ng mga ulam na dala ko.
Agad akong pumasok sa loob ng kwarto ng makita kong bumukas ang pinto nina tiya Mitos.
“ Brixel kakaratimg mo lang?“
Agad kong nilock ang pinto.
“ Opo tiyang,nag over time po ako. Pahinga na po kayo. Papahinga na rin po ako.“
Paraan ko para di na ako usisain.
Nakiramdam ako sa muling pagpasok ng tiya Mitos sa kanilang kwarto habang nagpapalit ng damit.
Pagkatapos ay nahiga ako at nagpahinga na.
Maaga na naman ang pasok ko mamaya at paniguradong marami na namang gagawin bukas.
Sa aking pagpikit ay umandar ang isip ko sa mga kwento ni mang Ross.
Bigla naman akong naawa kay Boss Rustian.
Kailangan nga lang talaga niya ng kasama at makakausap.
Patulog na ako ng biglang nagring ang phone ko.
Si boss!
“ Nakauwi ka na?“
“Ye-yes boss. Nakahiga na po…patulog na.”
“Okay…kita na lang tayo uli mamaya.”
“Si…sige boss…mamaya na lang uli.”
At ibinaba na niya ang tawagan namin.
Napangiti ako.
Iba ka talaga Boss Rustian.
Iba ka talaga…
RUSTIAN
Nakahiga siyang nakangiti matapos niyang tawagan ang kaniyang secretary.
Next chapter time skip tayo ng ilang buwan.
Kaya lahat kayo ay sumigaw ng…
ABANGAN!!!
CHAPTER 8 BARKADA NIGHTS
Dalawang buwan ang nakalipas at naging maayos na ang papamasukan ni Brixel bilang secretary ni Rustian.
Madali niyang nagampanan ang mga obligasyon niya sa trabaho.
Sa maikling panahon ay nakapag adjust na siya sa kaniyang posisyon at obligasyon bilang secretary.
Iginagalang at kinikilalang maimpluwensyang tao sa loob ng DataMax building.
Gayun pa man ay nanatili ang kaniyang pagpapakumbaba.
Dumami ang kaniyang kakilala at mga naging kaibigan sa trabaho at itinuring niyang malalapit na kaibigan sina Ate Cors at Emy na kasabayan niya noon sa simula.
Sina Emy at Ate Corz ang namumukod tanging nilalapitan niya kung may problemang hindi niya kaya o alam.
Isang Araw habang nagkakape silang tatlo sa loob ng opisina.
Brixel
“ Ano ba Brix, may starbucks na dito pero yung kape mo 3 in 1 pa rin? “
Punang natatawa sa akin ni Ate Corz.
“ Ate Corz,kahit ka-rubbing elbow ni Brix si Sir Rustian hindi mo mapipilit magkape yan dito.Makunat yan ha ha ha!“
Pagtatanggol naman sa akin ni Emy.
“
Dito lang ako nasasarapan ate, at alam nyo bang paborito ito ni boss.“
Depensa ko.
“ Talaga? Paborito nya yan? Nainom si sir ng 3 in 1?“
Si Emy.
“ Dinukot ko nga lang ito sa supply niya sa taas ha ha ha.
Ang dami kaya doon.“
Nagkatinginan pa ang dalawa na halatang di makapaniwala na nainom si boss ng Great taste white caramel.
“ Alam nyo si boss,kahit sobrang yaman e down to earth yun.
Kaya nga lang, yung Earth niya parang di natin earth.
I mean,ang dali niyang mag-adjust, pagtrip niya?
Pero pag ayaw niya?
Ayaw niya.
Ang nalakatuwa lang, mula ng mapunta ako sa taas (sa top floor) parang nag-iba yung kwento sa akin ni Ms.Fidel na moody si Boss.“
“Moody? Bakit, nasigawan ka na ni Sir? Napagalitan ka na niya?”
“Naku hindi pa.
Ewan ko ba dun.
Iba ang style ni boss pagnagagalit- Pabulong yung approach.“
Sa hitsura ni ate Corz at Emy parang ayaw nilang maniwala na ganoon si Boss Rustian.
“ Naku Brix,ang dami naming nalalaman kay Sir Rustian from you! Nakakabilib naman sir,parang ang dami niyang good traits.“
Ayaw ko mang kiligin pero totoo na maraming good traits si Boss na gusto kong ikwento.
Ngunit ayaw ko.
Iwas akong magkwento ng mga bagay na nakita ko sa personalidad ni Boss Rustian at baka maging tampulan iyon ng tsismis sa loob mg Kumpanya.
Hindi pa alam ng dalawa kong kaibigan na bisexual ko.
Isa pa,hindi kailangang sabihin sa madla kung ano ang sexual orientation mo para tangapin ka. Hindi kailangang sabihin sa kanila na lalaki din ang type ko (Malaking secret na si Boss yun.)
Hindi identification card ang homosexuality para makilala ka. Dinadala yan ng natural,ng ugali ng pakikisama,ng respeto sa sarili at sa kapwa. Hindi kailangang magpapansin o maging katangitangi sa lahat dahil yung kakaiba ang mas napupulaan.
Malalaman naman din nila yun balang araw at alam ko na tatanggapin nila kung ano ako.
Isa pa mas madali sa isang babae na tanggapin ang mundo ng homosexual. Mabilis silang magtiwala at mag-adjust.
Di gaya ng ilang mga straight na lalaki,slow ang utak.
Teka…
Maalala ko…
Bigla akong napatingin sa buong paligid ng first floor.
Naalala ko na minsang pinapanood ni boss ang floor na ito mula sa kaniyang office.
Napansin ko na wala naman akong makitang mga camera na nakakabit sa mga dingding maliban sa mga painting na nakasabit sa mga dingding.
Nakatago sa mga painting na ito ang mga camera?!
Bigla akong naconcious…
Kinakabahan na baka pinapanood na kami mula sa taas at maaring naririnig niya ang pag’uusap namin ng mga kaibigan ko.
Agad akong nagmadaling ubusin ang aking iniinom na kape.
“ Ano…akyat muna ako sa taas ha. Baka naghihintay na si boss. Sabi ko lang kasi na sasamahan ko lang kayo magkape.“
Hindi na nakaangal sina ate Corz at Emy.
Alam nila kung gaano ako kabusy kaya nagpaubaya silang maiwan sa kwentuhan.
Kinakabahan ako ng pumasok ng elevator at makarating sa top floor.
Expected ko na nakaharap sa malaking tv screen si boss at pinapanood ang nangyayari sa work station.
Mali ako.
Abala si boss sa kaniyang lamesa sa pagtitipa sa kaniyang laptop.
Pumuwesto naman ako sa sofa kung saan ako laging nakaupo at nagbuklat ng mga report at iterinary na gagawin ng ilang araw.
Pinasadahan muli ang mga nakaschedule para sa araw na ito at maging para bukas,at sa makalawang araw kahit kabisado ko na naman sila.
Isang pagpapanggap…
Kay boss ako nakafocus.
Wala akong kakayanan na abalahin siya sa kaniyang ginagawa.
Lumalapit lang ako sa mga tawag o mga ipagagawa niya sa akin.
Hindi ko pa siya naabala para kausapin kung ganito siya busy sa kaniyang lamesa.
Ngayon pa lang siguro.
Panay ang ehem ko para mapansin niya ako.
“ Ehem…“
Tapos buntong hinga…
“Ehem…”
Napatigil si Boss sa kaniyang ginagawa ng mapansin na niya ako.
“ Yes Brix?
Kanina ka pa nagpapapansin?
May problema ba?“
Namula ako.
“ Loko to?Nagpapansin daw ako?“
Sa isip ko.
Nagmamadali akong lumapit sa harapan ng kaniyang lamesa.
“ Pwedeng magtanong sir?“
Nakatingin lang siya sa akin.
Ano ba yan!
Bagong ahit ng bigote si Boss kaya lalong lumakas ang dating niya mula sa aking pagkakatayo.
Tapos tataas pa ang dalawang kilay na naghihintay sa mga tanong ko.
Bahala na…
“ Ano Boss…tanong ko lang…yung mga camera ba sa work station nakatago sa mga painting?“
Muli siyang nagtipa sa laptop habang sinasagot niya ang tanong ko.
“So napansin mo na pala kung saan nakalagay ang mga camera?”
“Yes Boss, natandaan ko kasi yung mga angle kung saan nakafocus yung camera.
Tanong ko lang kung bakit pinapanood mo yung floor ng mga empleyado?
Hindi ba dapat sa security personnel ng building yung trabaho na yun?“
Tumingin siya sa akin at saka nagpatuloy sa kaniyang ginagawa.
“ Gusto ko lang manigurado na maayos ang work flow sa baba. Kahit may nakaduty sa cctv,gusto ko rin nababantayan ang pinamamahalaan ko.“
Hindi na ako aangal kung yun nga ang dahilan. Tama rin naman siya na bantayan ang bawat kilos naming lahat. Madaming bagay na pwedeng samantalahin ang mga provision ng opisina. Napansin ko nga rin na yung iba kahit day off ay dito din nagpapalipas ng ilang oras para maglibang.
Tatalikod na sana ako…
“ Yung mga cr ba boss may cctv rin?“
Pahabol kong tanong.
Tumingin siya sa akin ng palalim.
“ Joke lang…sige boss balik na ako sofa.“
Agad akong tumalikod at para wala na siyang masabi.
Nakahinga na ako ng maluwag sa rason niya tungkol sa cctv.
Muli akong nagbalik sa aking gawain.
Ilang minuto ay napukaw ang pansin ko sa pagbukas ng elevator at lumabas doon si Ms.Fidel.
Binati niya si boss at ako.
May ibinigay siya kay boss na papeles at pagkatapos ay inabot naman sa akin.
Binasa ko ang papeles.
Nabigla ako dahil kontrata pala iyon na para sa akin.
Nakasulat doon aking pangalan,posisyon,at labor code ng batas ng pilipinas, ng kompanya at mga benipisyo.
Oo nga pala,mula nga pala ng tanggapin nila ako dito ay di pa ako nakakapirma ng kontrata.
Ang mas nakakakaagulat ay ang nakasaad sa kontrata na maari kong sahurin kada buwan.
Sixty thousand pesoooooosssssssss!!!!!
Nanginig ang mga kamay ko.
Hindi ako maaring magkamali sa aking nabasa dahil binilang ko pa ang mga zero na katabi ng anim.
Masaya na ako sa natatanggap ko sa 16 thousand na unang sahod at ngayon magiging opisyal na halos sobra sa tatlong beses ng una kong natanggap.
Ang daming pumasok sa utak ko sa maaring mangyari kung makakatanggap ako ng ganitong sweldo buwan-buwan.
Makakalaya na ako sa pagkakautang namin kay Tiya Mitos at matutulungan ko na rin ang ate ang mga pamangkin ko ng walang kaba.
Pigil ko ang aking mga luha dahil hindi ako makapaniwala na ganito ang biyayang maari kong matanggap.
Napatingin ako kay Boss na parang wala lang sa kaniya ang nangyayari. Patuloy lang siya sa kaniyang ginagawa.
“ Huy, Brix, pipirmahan mo ba ito? Natulala ka na dyqn?“
Mahinang boses ni Ms.Fidel.
Parang wala ako sa wisyo na pumirma sa kontrata.
“ O ayan, official ka ng DataMax employee. Congratulations at hintayin ko ang treat mo mamaya ha. Any way balik na muna ako sa floor ko para sa filing ng kontra mo. Congrats uli.“
Bago umalis si Ms. Fidel ay may ibinilin muna si Boss tungkol sa ilang appointment na dapat niyang asikasuhin.
Muli siyang nagpaalam sa amin at bumalik na sa kaniyang trabaho.
Gusto kong magtatalon sa katuwaan dahil sa grasyang matatamasa namin ng kapatid ko.
Agad akong nagtext sa mga kaopisna ko na illilibre ko sila ngayong gabi para ibahagi ang aking kasiyahan.
Gusto ko rin sanang yakapin si Boss Rustian para magpasalamat pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil may kausap siya sa kaniyang laptop.
Sumulat ako sa isang sticky note at idikit ito malapit sa kaniya laptop upang madali niya itong mabasa at saka nga ako tumalikod pabalik sa aking pwesto.
“ ANG SAYA!“
RUSTIAN***
“ Thank you Boss!“
Ang nakasulat sa sticky note na idinikit ni Brix malapit sa akin.
Sinundan ko siya ng tingin ng bumalik sa kaniyang ginagawa.
Bakas sa kaniyang kilos ang kaligayahan.
Masaya ako dahil legit na siyang nagtatrabaho sa akin.
Late ko lang pinagawa ang kontrata para matest ang kaniyang abilidad at talino bilang secretary ko.
Marami akong back up na trabaho para sa kaniya kung sakaling hindi niya ma-meet ang job discription sa tabi ko.
Dahil magaling at subok na, kaya ngayon ay maari na niyang pakinabangan ang hirap ng kaniyang obligasyon higit pa sa kaniyang inaakala.
Naalala ko ang tanong niya tungkol sa mga camera sa work station.
Ang totoong dahilan ko ay para makita kong may gumagalaw sa aking paligid.
Nasanay akong mag-isa dahil naranasan kong laging iwanan…at iwasan.
Hanggang panood na lang ako dahil takot na akong iwan at layuan.
Kung iba ay may mga alagang aso,pusa o aquarium na puno ng isda…ako hanggang sa panonood lang ng mga empleyado ko.
Sa malaking monitor,nasubaybayan ko sila kung paano magbiruan,magtawanan, magdamayan at magkaisa.
Masaya na ako na makita silang naeenjoy ang mga ibinibigay kong amenities habang nagtatrabaho.
Hindi ko naranasan ang ganoon.
Malungkot ang walang katuwang.
Walang ama na nagpapayo sa akin kung ano ang mga dapat gawin.
Kapatid na karamay noong nawawalan ako ng pag-asa.
Ina na hawak sa leeg at takot sa kaniyang asawa.
Sinikap ko kahit mag-isa na paunlarin ang negosyo ko.
Natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa.
At ng matuto ay parang ang tao pa sa paligid ko ang gustong idapa ako.
Nagkamali sila…
Ginawa kong inspirasyon ang kakulangan ko sa suporta.
Sa mga kaibigang wala ako…
Sa pamilyang kulang ako…
At para sa mga taong nagmamalasakit sa aking kabuhayan ang siya na lang nagbibigay sa akin ng konting kasiyahan.
Hindi ko masabi kay Brixel ang lahat ng dahilan.
Ayaw kong kaawaan niya ako.
Ang misyon ko ay baguhin ang kaniyang kapalaran gaya ng ginawa niya sa buhay ko.
Dahil sa kaniya kaya ako naririto sa ganitong sitwasyon.
At ngayon,simula na ito na siya naman ang magtatamasa.
Sumapit ang alas siete ng gabi.
Natapos na ang aking mga gawain at pinatigil ko na rin siya sa kaniyang ginagawa.
“ Brixel, di ba manlilibre ka ngayon sa mga kaibigan mo?
Sino-sino kayo?
Ano ba plano nyo?“
Medyo nahihiya pa siya ng sumagot.
“ Balak sana naming magvideoke ng mga kaibigan ko Boss.
Si Ate Corz,si Emy,Si Pearl,Gelma( sila yung staff sa front desk) ,si Alex (co-supervisor ni ms.Fidel)at si Ms.Fidel.“
“Hmmm…Ako…hindi mo isasama?”
“Huh? Sasama…siempre…kaso di ba may schedule ka sa gym mamayang 8 pm?
“Call my coach na postponed muna ang schedule ko sa kaniya.
Sasama ako sa celebration nyo.“
“Sasama ka talaga boss?”
“Bakit ayaw mo? Ayaw mo yata eh?”
“Gustong-gusto siempre boss!
Maari bang di ka kasama!
Siempre kasama ka,libre ko kaya yun. Sige, tawagan ko lang si Coach Roy na di kayo tuloy mamaya sa gym. Tapos maghanda ka na rin boss kasi naghihintay na rin sila sa front desk.“
“Well lets go,ready na ako.”
Yaya ko.
BRIXEL***
Halata sa mga mata ng mga inimbitahan ko ang pagkagulat na kasama ko ang aming Boss ng makita kaming papalapit sa kanila.
Lihim akong nagsenyas na kasama namin si Boss Rustian.
Halata rin sa kanila ang konting pagkadismaya dahil alam naming lahat na hindi namin mailalabas ang tunay naming mga kilos sa harap mismo ng aming superior.
Sa harap ng entrada ng buliding ay naroon na ang sasakyan ni Ms.Fidel.
Nataranta ang lahat kung sino ang sasakay dahil sa dami namin ay hindi kami magkakasya.
“ Tawagan mo si Mang Ross…ilabas kamo yun van at may lakad tayo.“
Utos ni Boss sa akin at dali-dali kong tinawagan ang aming driver.
Nawala ng bahagya ang pagkataranta ko ng agad dumating ang sasakayan minamaneho ng aming driver.
Ngayon ko lang nakita ang magarang van na sinasabi ni Boss Rustian.
Halos kiligin ang mga kasama ko ng isa-isa silang pumasok ng pagbuksan sila ni Mang Ross ng pinto.
Sa laki ng van ay halos makakatayo ka sa loob ng hindi ka nauumpog.
Iniwan na ni Ms.Fidel ang kaniyang kotse sa parking area at sumama siya sa amin sa loob. Babalikan na lang niya ito pagkatapos ng kasiyahan.
Walo kaming lahat na nakaupo na. Hindi inaasahang magkatabi kami ni Boss dahil wala naman akong pagpipilian kundi ang tabihan siya.
Tahimik kaming lahat ng makarating sa videoke house na pinareserve ni Ate Corz.
Umorder kami ng maaari naming kainin at maiinom pagkatapos.
Hindi mawala-wala ang pagka firm and proper ng mga kasama ko dahil kay Boss.
Naiilang sila.
Walang naglalakas ng loob na mag-input ng kanta sa videoke.
Hanggang si Boss na ang pumili at kumanta ng lakas loob.
Lakasan ng loob dahil sintunado si Boss.
Lihim na natawa kaming lahat dahil wala kay boss na masabayan ang kantang nababasa sa screen.
“ Ang panget talaga ng boses ko ha ha ha“
Sigaw ni boss sa mikropono kaya lahat kami ay nagtawanan.
Nabuhayan silang lahat ng makita nila kung gaano makisabay si Boss Rustian sa kasiyahan naming lahat. Yung makisaya ng totoo at isang tabi ang estado ng buhay.
Ang makisama at ipakita kung ano ang tunay nilang karakter sa oras ng kasiyahan.
Nawala na ang pagkakimi nila at naghanap na kami ng aming mga pambatong kanta.
Lumabas na ang pagkakwela ni Ate Corz.
Ang galing sa pagsasayaw ni Ms.Fidel.
Ang pagkakomedyante ni Emy.
Ang magandang boses ni Pearl at Gelma.
Ang audience impact sa pagpalakpak ni sir Alex.
At lahat iyon ay sinusukliaan naman ng mga tawa at ngiti ni Boss Rustian na ngayon ko lang nakita.
Hindi man makuha ni Boss ang tono.
Napahanga naman niya ako sa pakikibagay sa mga tulad naming normal lang sa lipunan.
Masaya ako ngayong gabi dahil maaayos ko na ang buhay ng naiwan kong pamilya sa probinsya.
Masaya ako dahil kasama ko ang mga bago kong kaibigan ngayon.
Higit ang kasiyahan ko dahil sa ganitong paraan,nakasama ko si boss sa labas ng aking trabaho…
RUSTIAN*
Pasado alas onse na ng gabi kaya nagkayayaan ng mag-uwian dahil may pasok pa kinabukasan.
Sinabihan ko si Mang Ross na ihatid na lang sa sakayan ang mga kasama namin at si Ms.Fidel sa office para balikan ang kotse nito.
“ Paano ka Boss?“
Tanong sa akin ni Brixel ng maiwan kaming dalawa sa harap ng videoke house.
“Sasama ako sa iyo,makikitulog.”
Sagot ko.
“Ha! Sasama ka sa akin pauwi? Makikitulog ka sa amin?!”
Gulat siya ng sabihin ko na sasama ako para makitulog.
Isang surpresa ang dadating para kay Brixel.
Ano kaya ito?
ABANGAN!!!
CHAPTER 9 SLEEPING WITH THE SECRETARY
BRIXEL
Hindi ako makatanggi sa gusto ni Boss na sa amin siya magpapalipas ng magdamag.
Hindi naman siya lasing para magtrip.
Naiwan kami sa harap ng videoke house.
Nakatayo lang ako sa kaniyang likuran bitbit ang kaniyang amerikana sa aking bisig.
Ang daming napasok sa isip ko.
Ni hindi pa nga ako nakakatulog sa office tapos si boss makikitulog sa amin?
Dami kong naiisip talaga.
Si boss, si tiya Mitos,ang pinsan ko,at ang kwarto ko.
Makikita ni Boss kung ano ang hitsura ng tinutulugan ko.
Paano kami magkakasya sa maliit na kamang pang-isahan na halos tatlong pulgada lang yata ang kapal nito.
Nagmukha na nga siyang memory foam sa tagal ko ng hinigaan ang kama na iyon ay humulma na ang pwitan at likod ko sa luma.
Hindi ako makaangal na huwag na siyang tumuloy sa amin.
Ngunit natatakot ako na tanggihan siya dahil sa mga ginawa niyang mga kabutihan sa akin.
“ Saan tayo sasakay?“
Tanong niya.
Agad kong inilabas ang aking cellphone at nag avail sa Grab Apps na masasakyan.
Ilang minutong paghihintay ng wala kaming kibuan.
Nasa likuran pa rin ako habang pinapanood siyang patingin-tingin sa mga taong naglalakad.
Ilang sandali pa ay dumating na ang grab na maghahatid sa amin.
Nakilala ko yung driver ng sasakyan.
“ Sir?! Kayo yung GRAB namin?“
Si Sir Ramoncito,yung manager sa dating fastfood chain na pinapasukan ko.
Tuwang-tuwa siya ng makita ako pero bigla ring nawala ang kaniyang mga ngiti ng ipakilala ko siya kay boss.
Nag-iba ang vibes ni Sir Ramoncito habang nabiyahe.
Akala ko ay makikipagkwentuhan siya sa akin,makikipagkamustahan ng mga nangyari sa mga dati kong kasama o di kaya kung bakit siya nagmamaneho ng GRAB.
Isang tanong,isang sagot lang siya pero di na nagkukuwento ng kung ano pa man.
Tahimik lang din si Boss Rustian.
Wala na akong maikwento kaya’t maging ako ay nanahimik na rin.
Inabala ko na lang na kamustahin sa text ang mga nauna naming kasamahan kung maayos silang nakauwi lahat.
Hanggang sa nakarating na kami sa bahay.
Halos hindi na ako nakapagpaalam ng maayos kay Sir Ramoncito sa pagmamadali na parang bang ayaw niya akong makita.
Tahimik lang kaming dalawa ni Boss ng pumasok sa loob ng bahay.
Marahan pa kaming sa dilim lumakad patungo sa kwarto ko.
Salamat talaga at tulog na ang mga Tiyang.
Paniguradong magtataka sila sa paggising kung bakit kasama ko ang amo ko dito sa bahay.
Kinakabahan akong buksan ang pinto, kinapa sa dingding ang switch ng ilaw upang lumiwanag ito.
Pagkabukas ko ay agad na pumasok si boss na parang wala lang sa kaniya.
Naupo siya sa kama.
Hindi ko naman ikinakahiya ang aking silid.
Malinis ito.
Walang amoy dahil alaga ko sa walis at pagbi-bleach ng sahig.
Maliban lang sa mga nakasabit kong pantalon sa pintuan ay maayos naman ito.
Ang nakakahiya lang ay wala akong ma-o-offer kay boss ng maayos at komportableng matutulugan.
Maliit ang kama ko para sa amin.
Naghubad siya ng sapatos.
Nataranta ako na baka maghubad na naman siya sa harapan ko.
Agad kong pinatay ang ilaw?
“ Oh bakit mo pinatay?“
Tanong niya.
“ Baka kailangan mo ng privacy sir.“
“Privacy? Naghuhubad lang ako ng sapatos, privacy?”
“Eh…kasi baka may iba ka pang huhubarin kaya pinatay ko na ang ilaw?”
“Buksan mo na yan at wala na akong huhubarin.”
“Sigurado ka boss?”
“Wala na nga.”
Muli kong binuksan ang ilaw.
Hindi pa rin ako makapaniwala na may bisita akong isang mayaman sa aking kwarto.
Sa kama ko na lang siya patutulugin.
Naglatag ako ng kumot sa sahig upang aking pwestuhan subalit biglang hinigaan ito ni boss kahit di pa ako tapos sa paglalagay ng ilang unan.
“ Sa kama ka na matulog boss.
Dyan na ako sa sahig.“
“Okay lang ako dito,sanay akong matulog sa sahig.”
“Nakakahiya boss,sa kama ka na matulog.”
“Huwag mo akong alalahanin,alam mo kahit sa ibabaw ng kotse kaya kong matulog,kaya huwag ka ng makipagtalo.
Dyan ka sa kama at okay na ako dito.“
Hindi na ako makaangal.
Napilitan akong hayaan na siya sa sahig matulog.
Dahil maliit ang kwarto ay nahaharangan niya ang damitan ko,hiyang-hiya ako na hakbangan ko ang kaniyang katawan na parang wala rin naman sa kaniya.
Ini-hanger ko ang kaniyang amerikana, kumuha ng pamaliit na pangtulog at isang sando na maaring masuot din ni boss.
Maghapon na niyang suot ang panloob sa suit.
Inabot ko sa kaniya ang sando na kaniyang ipangtitulog.
Gusto ko sanang lumabas ng kwarto at sa banyo ako magpapalit ngunit naisip kong baka magising ang Tiya Mitos at marinig pa ni Boss ang pagtatalak niya sa akin kung bakit hinating gabi ako sa pag-uwi.
Wala namang paki sa akin ang tiyang kung gabihin ako. Kulang lang ang araw niya ng hindi ako nasesermunan at ipamukha sa akin kung gaano siya kabait na tiyahin.
Napilitan na akong dito sa loob ng kwarto magbibihis.
Sabay pa kami ni Boss na naghubad ng aming mga long sleeves ng walang tinginan.
Agad kong sinuot ang t-shirt matapos makapaghubad at muli kong pinatay ang ilaw.
“ Oh,bakit mo na naman pinatay?“
Boses ni Boss Rustian sa dilim.
“ Ano…privacy ko boss.“
Sagot kong may pagmamadali sa paghuhubad ng panatalon at pagsuot ng short.
Sa dilim dinig ko ang paghinga ni boss na parang natatawa.
Muli ko ng binuksan ang ilaw na parang magic.
Ang bilis kong nakapagpalit ng pantulog.
Suot na rin niya ang sandong ibinigay ko.
Nakaupo pa rin siya sa sahig.
Kahit luma na ang suot niyang sando ay lutang pa rin ang rehistro ng kagandahan niyang lalake at matikas na katawan.
Katamtaman ang mga muscle niya sa braso at dibdib,fit na parang basketball player o ng tennis ang kaniyang body structure. Tama lang sa kaniyang taas.
Pero yung mukha, lalo na ang kaniyang mga mata,kilay at labi ang pinakamaganda sa lahat.
Inalok ko siya na baka gusto niya ng magpalit ng shorts.
Tinangihan niya ako dahil okay na raw sa kaniya ang sandong ibinigay ko.
Maigi naman at wala akong makikitang tukso.
Nqgpapasalamat ako sa panahon dahil hindi gaanong mainit. Mabuti na lang at nakabili ako ng bagong electric fan at napalitan ko na ang lumang pinahiram sa akin ng tiyang na akala mo kuliglig sa ingay kung umiikot ang elesi nito.
Pinahiga ko na siya at muli kong pinatay ang ilaw.
Marahan akong nahiga sa aking kama.
Hindi pa ako makatulog sa pagkailang at sa pabangong gamit ni boss na naamoy ko mula sa aking pagkakahiga.
Kasama ko talaga sa silid ang boss ko…
Paniguradong kukuyugin ako nina Ate Corz mamaya sa opisina sa mga tanong nila.
“ Thank you boss ha…“
Pasasalamat ko sa dilim.
Alam kong gising pa siya.
Hindi siya sumagot.
Bigla akong napaupo ng marinig kong lumabas ang tiyang at kinatok ako.
“ Brixel kanina ka pa?“
Ang Tiya Mitos.
Mabuti na lang at nailock ko ang pinto.
“ Patulog na po ako Tyang, pasensya na po.Nag overtime po kami ng mga katrabaho ko.“
Hindi na nagsalita ang Tiya Mitos.
Narinig ko na lang na sinigurado niyang nailock ko ang pinto sa sala at pagbalik niya sa kaniyang kwarto.
Nakahinga ako ng maluwag.
Sa dilim nakita ko si Boss na nakahiga lang na parang wala sa kaniya na katukin kami.
Ni hindi man lang nakaramdam ng pag-alala na nakikitulog lang siya sa bahay ng may bahay.
Dahan-dahan akong nahiga.
Ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa aking dibdib.
Pinakiramdaman ko ang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba dahil kay Tiya Mitos…
Lalo na kay Boss…
Ngayon lang ako makakatulog ng may kasamang lalake sa kwarto ko.
Ilang paling pa ako ng posisyon para mapanatag ang kalooban ko.
Sanay akong matulog ng nakatigilid ng pakanan.
Ang kaso sa posisyong iyon ay paharap naman kay boss.
Aninag sa dilim ang kaniyang mga paa,kaliwang brasong nakatakip sa kaniyang mga mata at kanang kamay na nakapatong naman sa kaniyang…ano…sa kaniyang kuwan.
Hindi na ako nagsalita at mukhang nakatulog na siya.
Mukhang napagod kanina pero mukhang naenjoy niya ang kasiyahan.
Kanina ko lang siya nakita na nagsaya.
Sa loob ng dalawang buwan,hindi ko pa siya nakitang nakihalubilo ng ganito o lumabas kasama ng kaniyang mga kaibigan.
Wala nga akong matandaan na kaibigang kilala siya.
Walang schedule ng anumang celebration na pupuntahan. Kahit kasalan,binyag,o kahit lamay ay wala. Noong birthday lang ng mama niya at yung kanina lang.
Masaya ako dahil kahit paano nakapag-unwind siya mula sa trabaho.
Pareho lang kami.
Abala lagi siya sa trabaho kaya wala ng oras kahit sa pagsasaya.
Pareho lang kami ni boss ng buhay. Sa pagpapalakad niya ng negosyo at ako para makaipon.
Halos ilang taon din akong nagtiis para makapagpadala sa probinsya,ng mga gastusin ko dito at ang hinuhulugang utang.
At nagkaroon na nga ng kaganapan ang lahat.
Masaya ako ngayong gabi hindi lang dahil sa pinirmahan kong kontrata kundi sa mga natatamasa at nakakasalamuha ko ngayon.
Masaya ako dahil sa mga bago kong kaibigan na tunay na nagmamalasakit sa akin.
Nararamdaman ko ang kabutihan nilang lahat.
Lalo na ang lalaking ito na nakahiga sa sahig?
Maituturing ko rin siyang isang tunay na kaibigan…
Isang espesyal na kaibigan sa buhay ko.
Humikab ako at nagtakip ng kumot sa aking mga mata upang malabanan ang tukso-este-upang bumigay pala sa pagod at antok.
RUSTIAN
Alam ko biglaan ang desisyon ko na makitulog kina Rustian.
Mabuti na lang at hindi siya tumanggi.
Isa pa, “hindi ako pwede matulog sa opisina ko”.
Ayaw ko rin namang umuwi ng bahay dahil gusto ko ring makisama sa kasiyahan nila.
Masarap pala ang ganito?
Kahit paano,nakalimutan ko ng panandalian ang trabaho.
Sumakay kami ng Grab.
Ang nakakatawa pa ay muli kong nakita ang lalaking nagtaboy sa akin.
So, nawala na pala siya sa kaniyang pinapasukan at ito na ang kaniyang bagong kabuhayan.
Ang magmaneho.
Ang totoo,ako ang may kagagawan kung bakit siya inalis sa kaniyang trabaho.
Company ko ang may hawak ng lahat ng data system ng local fastfood chain dito sa pilipinas at isa na doon ang dating pinapasukan ni Brixel.
Pinahanap ko ang manager na ito upang turuan ng leksyon.
Inireport ko ang kaniyang pangmamaltrato.
Galit ako sa mga taong hindi marunong magsaalang-alang ng kakulangan ng kaniyang kapwa.
Ang samantalahin ang kahinaan dahil sa posisyon o katayuan sa buhay.
Isang leksyon ito para sa mga kagaya niya.
Hindi ako malupit na tao. Ginawa ko lang ang nababagay na kabayaran sa mga ginagawa niya.
Ilang Brixel kaya ang nakaranas ng masama niyang ugali.
Nagkataon o sinadya man,pasensya siya at muli kong nakita ang kawalang malasakit ng Ramoncito na ito.
Alam ko natatandaan niya ako.
Sinigurado ko na malaman niyang ako ang nagpatanggal sa kaniya. Na kung sino ako at ano ako sa lipunan. Na ako yung pinagtabuyan niya noong ako ay nangangailangan ng tulong.
Hinihintay ko lang ang pagpapakumbaba at paghingi ng tawad ay maari ko pa siyang maibalik sa dating pinapasukan at maging ang kaniyang posisyon ora mismo.
Ngunit wala.
Nahihiya o hindi siguro niya kayang magbago?
Hindi ko na problema yun.
Pareho siya ng Papa na matigas din ang kalooban kaya bahala siya.
Nakarating kami ng bahay ni Brixel.
Tahimik na at paniguradong tulog na ang kaniyang mga kaanak.
Kilala ko na ang back ground ng pamilyang ito.
Isa rin sila sa mga problema ni Brixel kaya sumama ako upang maranasan ko ang kaniyang kalagayan.
Parang lumiit pa ang bahay ngayon kesa noong unang punta ko dito.
Madilim ang loob ng pumasok kami.
Bulong lang ang naririnig ko kay Brixel na huwag akong maingay.
Halatang ayaw niyang makita kami ng kaniyang kamag-anakan.
Nakapasok kami sa kwarto ng walang nakakaalam.
Maayos ang kwarto.
Malinis at masinop sa mga damitang nakatiklop.
Isang maliit na kama, isang maliit na electric fan,maliit na laundry basket,maliit na salamin at maliit na basurahan.
Lahat maliit.
Maliit nga lang talaga ang kwarto niya.
Pinahiram niya ako ng masusuot at saka kami nagpahinga na.
Sa aking pagkakahiga,naisip ko na ganito ang pagtitiyaga niya mula ng siya ay makipisan sa kaniyang tiyahin.
Ilang beses kaya siyang nagpalipas ng kain para makatipid?
Ilang pagkabigo kaya ang naranasan niyang mag-apply ng trabaho?
O umiyak dahil sa mga problema o kalungkutan?
Saksi ang silid na ito sa mga paghihirap ni Brixel.
Gaya ng kwarto ko noong nag-iisa akong lumalaban sa kalungkutan.
Pareho kami ng lalaking ito na nakahiga sa maliit at lumang kama.
Ngayon,saksi ang kwarto na ito sa bagong buhay ni Brixel.
At balang araw ay iiwan na niya rin ito para sa bagong pinto ng kaniyang buhay.
Maswerte ang mga magulang mo Brixel dahil naging anak kanila na dapat ipagmalaki.
Bihira ang kagaya mo.
Kaya mula noon ipinangako ko na tutulungan kita para maabot mo ang iyong mga pangarap.
“ Salamat Brixel Remedios.“
Bulong ko sa aking sarili at ako ay nakatulog.
TIYA MITOS
Kagigising ko lang at lumabas ako ng kwarto.
Tulog pa ang aking anak kaya ako na ang maghahanda ng aming agahan.
Tinatamad pa akong lumabas kaya minabuti kong maghilamos muna at magsipilyo sa kusina.
Bumalik sa kwarto at kumuha ng pera na pambili ng kung ano mang makakain namin.
Ano ba yan ang aga-aga at ang ingay sa harap ng bahay ng lumabas ako.
May ilang tao akong nakita na nakapaligid sa isang magarang sasakyan.
Natatandaan ko iyon dahil minsan ng nagpunta ang sasakyan na ito noong hinatid si Brix galing trabaho.
Agad akong bumalik sa loob at kinatok ang pinto ng kwarto ng pamangkin ko.
“ Brixel!Brixel!Bumangon ka dyan! Bilisan mo! Narito na naman yung sasakyan nung malaking lalake!
Hoy ano ba?! Bumangon ka dyan!“
Nagbukas ang pinto at nagulat ako at hindi si Brixel ang bumungad sa akin.
Isang gwapong binata ang tumambad sa harapan ko na naghihikab at nagkakamot pa ng ulo.
“ Good morning po…“
Natulala ako sa aking pagkakatayo.
Hindi ako makapagsalita sa unang pagkakataon.
Nakayapak pa ang binata ng lumabas ito ng bahay at nagtungo sa kotse at sumakay sa loob.
Kasabay ng paglabas naman ni Brixel galing banyo.
“Si-sin-sino yung kasama mo?
Bakit galing siya sa kwarto mo?“
Utal-utal kong tanong sa pamangkin ko at patakbo siyang sumilip sa kwarto.
Agad siyang sumilip sa labas.
“ Mang Ross sandali lang po at magbibihis lang ako! Tyang, kaibigan ko po yung nakita nyo. Dito po siya nakitulog at wala po kasin masakyan kagabi. Pasensya na po kung di ko napaalam. Tulog na po kasi kayo.“
Tapos ay nagmamadaling pumasok ng kwarto at nagsara ng pinto para magbihis.
Ang dami kong pa sanang tanong pero napalabas na ako ng bahay dahil sa mga taong nag-uusyoso sa kotseng nakaparada sa harap ng bahay.
Natandaan ko siya.
Siya yung katrabaho ni Brix noong natanggap siya sa Datax.
Lumabas ng kwarto si Brixel.
“ Paliwanag ko na lang po mamaya pag-uwi tiyang. Late na po kami sa opisina. Baka po magalit yung boss namin.“
Halos di pa naibubutones ni Brixel ang kaniyang suot sa pagmamadali bitbit ang isang malaking eco bag at agad na sumakay ng kotse.
Umalis ito ng hindi man lang nag-abiso.
Hindi pa rin ako makakilos dahil sa nangyayari.
Mukha bang dormirmtoryo ang bahay ko at kung sino-sino na ang pumapasok dito?
Humanda ka mamaya at makakatikim ka talaga sa akin pag-uwi mo.
BRIXEL
Kinabahan talaga ako ng malaman ng tiya Mitos na nakitulog si Boss sa amin kagabi.
Paniguradong magagalit yun at sermon ako pag-uwi mamaya.
Sa unahan ng sasakyan ako naupo upang mabigyan ng privacy si boss Rustian.
Panay silip ko sa kaniyang pagkakaupo.
Ni hindi man lang siya nagpalit ng bumangon.
Suot pa rin niya ang sandong pinahiram ko.
“ Anong oras ang alis mo mang Ross?“
Tanong ni Boss sa driver namin.
“ Ala una ang schedule ko sir.“
Sagot ni Mang Ross.
“ Aalis kayo mang Ross?
Saan kayo pupunta?“
Sabat ko sa kanilang usapan.
“ Apat na araw ako magli-leave, nanganak kasi ang misis ko. Uuwi muna ako ng probinsya.“
“Sino ho magdadrive kay boss?”
“Bakit tingin mo ba hindi ako marunong magdrive?”
Singit ni Boss Rustian.
“ Mahusay na driver yang boss mo kaya wag ka mag-alala. Hayaan mo at sa binyag ng bunso ko kukunin kitang ninong.“
“Ako lang? Bakit si Boss ayaw nyo kunin?”
Tanong ko.
“ Hindi na pwede at inaanak ko na ang panganay niya.“
Singit ni Boss Rustian.
Natuwa ako ng konti dahil may commonality na kami ni boss sa isang bagay.
“ E di pwede na pala kitang tawaging kumpare,boss?“
Biro ko at isang seryosong sagot ni boss ang ibinalik sa akin.
“ No…“
Tahimik akong umayos ng pagkakaupo at lihim na natatawa sa kasupladuhan ni boss.
Nakarating kami ng DataMax at gaya ng dati ay agad na kaming umakyat ng top floor.
Nagulat ako ng kami ay pumasok.
Nakita ko sa tapat ng lamesa ni boss isang bagong office section.
Naroon sa isang magarang office table nakapatong ang laptop ko,may telepono at ilang mga bagong gamit na pang opisina.
May stock ng mga bond papers,ballpen,lapis,clips,eraser, at kung ano-ano pa.
Nakasalansan din ng maayos ang mga nakafile kong mga dokumento sa isang book shelf.
May printer/fax/scanner/xerox at paper sherder.
Mayroon ding isang magara at malambot na mauupuan.
Ang nakakatuwa sa lahat ay may pangalan ding nakapatong dito.
EXECUTIVE SECRETARY ang nakalagay sa ilalim ng pangalan ko.
Hala!
Biglang tumulo ang luha ko.
“ Pinaayos ko kagabi ang mga yan kqya sa inyo ako nakitulog. Nakakahiya kasi dun ka lagi sa sofa nagawa ng mga trabaho mo. Isa pa naluluma agad yung sofa ko sa kakaupo mo. Kaya ayan, may office ka na.“
Nahipo naman ni Boss ang puso ko.
Ayan at pigil ko na maiyak pa lalo.
Kahapon lang pumirma ako ng kontrata at ngayon ito naman.
“ Huwag kang umiyak dyan. Ipagtimpla mo muna ako ng kape tapos konting maaalmusal. Maliligo muna ako. Bahala ka na muna dyan.“
Tumalikod siya sa akin habang naghuhubad ng kaniyang mga damit.
Sa unang pagkakataon ay hindi ako tumalikod.
Nais kong makita ang kahubaran niya ng walang malisya.
Dahil karespe-respeto siya.
“ Boss! Salamat! Maraming salamat!“
Sigaw ko bago siya pumasok ng shower room.
“ Okay! Yung kape ko ha!“
Pasigaw din niyang sagot sa akin ng hindi ako nililingon.
Nagpahid ako ng mga luha at masayang ginawa ang mga inutos sa akin ngayong umaga.
Masaya ako dahil ngayon ko lang naranasan ang pahalagahan ng ganito.
Ang magkaroon ng bahagi sa napakalaking top floor na ito.
Ang masasabi ko lang,may puwang na para sa akin…yung talagang para sa akin.
At dahil iyon sa iyo Boss Rustian….
May mamatay sa inggit sa susunod na kabanata.
Kaya….
ABANGAN!!!
Salamat po sa magandang feedback at naenjoy kong basahin ang mga comments. Salamat po ng marami!
CHAPTER 10 FREEDOM
BRIXEL
Panay ang sulyap ko sa pwesto ni Boss habang gumagawa kami ng aming mga trabaho.
Mayat-maya ang himas niya sa kaniyang likod at batok.
Naisip ko na baka sumakit ang likod niya sa pagkakahiga sa sahig kagabi.
Biglang iwas ako ng tingin dahil tumingin siya sa akin. Nagkunwaring busy rin ako sa aking ginagawa sa pagpafile ng mga ibinigay sa aking dokumento ni Ms. Fidel.
Ilang sandali ay hinimas na naman niya ang kaniyang batok at likuran.
Naawa na ako at mukhang naiirita na yata sa kaniyang pagkakaupo.
Hindi ko siya matanong ng personal kung ano ang kaniyang nararamdaman at dinadaing.
Hindi na ako nakatiis.
Lumapit na ako sa kaniya at nagdikit ng isang sticky note sa ibabaw ng unang sticky note na ibinigay ko kahapon.
“BOSS MASSAGE?”
Iyon ang nakasulat.
Hindi ko masabi kaya sa sulat ko na lang idinaan na gusto kong imasahe ang kaniyang likuran.
Tumingin siya sa akin.
Tumingin siya sofa, tapos sa akin uli, sabay ngiti ng hindi lumalabas ang mga ngipin.
“ Ang cute mo talaga kakainis ka.“
Sa isip ko.
Tumayo siya kasunod ako.
Parang tinibang puno ng saging ng siya ay dumapa sa sofa.
Wala na sa akin ang kaba ng pagkailang sa kaniya.
Ewan ko at biglang nawala takot ko sa kaniya.
Yung siya ang boss at ako ang empleyado status ay naglaho bigla.
Nakita ko naman kasi ang pagiging mabuti niyang CEO hindi lang sa akin kundi sa iba pang nasa baba ng building na ito.
Wala akong narinig na masamang puna kundi magagandang katangian ang bukang bibig nila.
Given na gwapo, sobrang bait pa at galante.
Inuuna ang kapakanan ng manggagawa.
Lahat pantay-pantay sa kaniya.
Nabago ang pagtingin ko sa kaniya bilang amo.
Ang nakadapa ngayon sa harap ko ay isang kaibigan na hindi pwede mawala.
Isang tao na dapat alagaan.
Tama,isa siyang kaibigang maituturing na kayamanan na bihirang makita.
“ Kawawa naman ang baby, ‘machakit’ ang likod. Tatanggalin yan ng mama“
Sa isip ko uli.
Lumuhod ako sa sahig upang simulan ang pagmamasahe.
Sa kilos ni Boss, alam ko na agad kung ano ang masakit sa kaniya kaya pinasadahan ko ng hagod ang kaniyang likuran.
Gamit ang mga hinlalaki ay hinanap ko ang masakit sa kaniyang likuran.
Isang kibot ang kaniyang ginawa, tanda na masakit ang bahaging aking nakapa.
Shoulder plate at sa pelvic bone.
Sa mga bahaging ito ako magcoconcentrate ng masahe.
“ Ang tawag sa masaheng ito ay ABC.“
Paliwanag ko.
“ABC? Anong ABC?”
Tanong ni Boss.
“ ABC-‘A’ dito sa ulo. Mamasahin ko rin yan mamaya. Yung ‘B’, itong ginagawa ko sa likod mo.“
“ Ano naman yung C?“
“Yung ‘C’ Charity yun Boss.”
Paliwanag ko.
“ Hala pa! Budol ka pala?
May nalalaman ka pang ABC, eh magpapabayad ka rin pala?“
Natawa ako bigla dahil ngayon ko lang narinig ang punto ni Boss na Batangenyo.
“Joke lang boss, ikaw pa .
Pwede ba naman kitang singilin.“
Habang minamasahe ko siya.
“Akala ko may bayad e.
Yan dyan masakit yan
Paki diinin mo pa ng konti.
Masakit kasi.“
Tama ang aking hinala na sa pagkakahiga niya nakuha ang sakit ng kaniyang likuran.
Naawa talaga ako kaya pinagbuti ko ang pagmasahe sa kaniyang malambot na likuran.
Panay ang ungol niya sa bawat hagod ko sa parte kung saan ang bahaging masakit.
Sarap sa pandinig ang mga ungol na nasasarapan siya.
Galing ko!
Halos inabot ako ng 20 minutes ng pahintuin niya.
“ Okay na di na masakit, yung ‘A’ naman.“
Pinaupo ko siya at pumuwesto ako sa kaniyang likuran.
Hinagod ko ang noo papunta sa kaniyang sintindo pababa sa leeg papunta sa batok.
Tapos sa noo uli papunta sa ulunan, papunta sa batok hangang sa magkabilaang balikat.
Ilang ulit ko iyong ginawa sa kaniya.
Sarap na sarap na naman si boss sa aking masahe kayo lalo ko itong pinaghusayan.
Amoy na amoy ko kaniyang pabango.
Tapos ang lambot pa ng mga buhok.
Hay naku…ayaw kong magkaroon ng malisya pero maski ako sarap na sarap din sa ginagawa ko.
Tahimik siyang napapikit at sarap na sarap.
Ibinuhos ko talaga ang mga nalalaman ko sa pagmamamasahe.
“ Saan mo natutunang magmasahe?“
Tanong niya.
“ Natutunan ko ito sa sa isang crash course ng mga nagtetraining sa isang massage parlor.
Pero hindi ako nagtrain noon,ako ang pinagpraktisan nung estudyante nag-aarql ng massage theraphy. Pumayag ako kasi may bayad.
Yung time na yun kasi kulang ako sa pang medical ko noong nag-aaply ako ng trabaho sa isang mall.
E tatlong araw din yung practice nila kaya na-memorize ko na kung ano ang gagawin.“
Kinse minutos din ang ginawa kong pagmamasahe.
Nagpaalam pa ako na magugulo na ng tuluyan ang kaniyang buhok dahil hihilain ko ng bahagya ang kaniyang buhok upang makahinga ang kaniyang anit.
Hindi na siya nagsalita at nagpaubaya na lang sa aking ginagawa at pagkukuwento.
Ng biglang may “nag-ehem” sa aming harapan.
Nagulat ako nakalapit na pala si Ms.Fidel sa amin ng hindi namin namamalayan.
Masyado akong nalibang at hindi ko man lang narinig na bumukas pala ang elevator at ng pumasok siya.
Hindi ako makakilos habang sabunot ko ang buhok ni boss dahil kasama pala niya si Donya Consuelo na nakangiti sa aking ginagawa sa ulo ng kaniyang anak.
Napadilat si Boss Rustian sa kaniyang narinig at nakita kung sino ang dumating.
“ Mama? Kanina pa kayo nandito?“
“Mukhang sarap na sarap ka sa masahe ng secretary mo ah. Ni hindi mo na kami napansin pumasok.”
Pabirong sagot ng donya.
“ You can let go off my hair…“
Utos ni boss.
Sa pagkatulala ko nakalimutan ko ng bitawan ang pagakakahawak ko sa buhok niya.
“ Ay sorry,boss…ano…maupo po muna kayo…mam…madam…ano…eh masakit po ang likod at ulo ni boss kaya binigyan ko siya ng ABC. I mean ng masahe…ng masahe po.“
Sa kaba ko talaga kung anu-ano na ang nasasabi ko.
“ Lets give them some privacy Brixel. Mam maiwan po muna namin kayo…sir,page nyo na lang kami kung kailangan po ha.“
Hila sa akin ni Ms.Fidel na halos pigil ang tawa sa kaniyang nasaksihan.
Sa loob ng elevator niya ibinuhos ang napakalakas na pagtawa.
Natawa din ako ng may ipakita siyang larawan sa kaniyang cellphone.
Nakunan pala niyang nakapikit si boss at hawak ko ang buhok niya sa magkabilaang gilid ng ulo na parang nakapony tail.
Hindi na kami nakapagsalita ng kakatawa hangang sa makababa kami at nagtungo coffee station.
Naabutan namin doon sina ate Corz at Emy.
Takang-taka naman sila sa amin dahil sa kakatawa.
Ipinakita ni Ms. Fidel ang dahilan.
Ngayon ay apat na kaming sabog sa kakatawa na halos pagtinginan na kami ng ilang mga empleyado.
Pilit naming kinalma ang aming mga sarili.
Tapos titingin uli sa cellphone.
Tapos pigil na tawa muli.
Halos maiyak at maihi na silang tatlo sa ginawa kong pqgmasahe sa aming superior.
Nakiusap ako kay Ms.Fidel na huwag njyang ipagkakalat ang stolen shot na iyon at paniguradong sasabit kaming lahat.
Nangako naman siya na hindi niya iyon gagawin.
Sa aming apat lang daw ang picture na iyon at wala ng iba pang makakaalam.
Ang sakit talaga ng tiyan ko.
Nagpaalam na ang tatlo matapos umorder ng kani-kanilang kape at naiwan ako.
Humupa na ang pagtawa ko kaya bumalik na ako sa normal.
Naisip kong bumili ng cake na maaring kainin ng mama ni boss.
Isang buong blue berry cheese cake ang aking binili sa cafe.
Muli akong umakyat ng top floor at naabutan ko silang nag-uusap.
Nagtimpla ng kape (siempre yung paborito ni boss) para sa kanilang mag-ina at inihain ang cake sa kanilang kalagitnaan.
Ako na ang nag-slice at inilagay sa mga platitong nauna kong inihanda sa kanilang harapan.
Nagpasalamat ang donya at bumalik na ako sa aking lamesa at nagbis-busy-han ang kamay sa naantala kong gawain.
Pero yung isang tenga ko,nakabandera sa seryosong usapan ng mag-ina.
RUSTIAN
“ May ibinigay lang akong personal kay Ross bago siya umuwi sa kanila. E nalingat ako, buti na lang nalala ko na ngayon pala ang alis niya kaya naihabol ko pa. Paano nga pala wala kang driver sa mga trip mo. Gusto mong kunin muna ang driver ko?“
“Ilang araw lang naman mawawala si Mang Ross mama,kaya ko pong namang magdrive.”
“Ganoon ba? Brixel,ikaw marunong ka bang magdrive?”
Nadamay sa kwentuhan namin ng mama si Brixel.
“ M
am…hindi po ako marunong magdrive e.“
Sagot niya.
“ Naku,kailangan mong matutong magdrive. Para pagwala si Ross ikaw ang papalit. Try mong kumuha ng driving lesson. Maganda ang may expirience sa pagmamaneho ng oto.“
Ngumiti lang si Brixel kay mama.
“ Hindi ba may pangako ka sa aking bibisitahin mo ako uli?
Ipapasyal kita sa orchid farm ko pero gusto ko dun ka matutulog para maenjoy mo ang pagbisita sa akin.
Nakain ka ba ng sea foods?
Wala ka namang allergies sa sugpo o pusit di ba?
Sige,ipaghahanda kita ng mga ganoon. Kahit bukas o sa makalawa hinihtayin kita.
Huwag kang mag-alala kasi pinagpalam na kita sa boss mo.
Ano
payag ka bang mqg off muna?
Mukhang magaang ang loob ng mama sa secretary ko…
Ako namay natahimik sa biglaang hiling ng mama na bisitahin siya.
Hindi siya makasagot at tumingin pa sa akin.
“Pero
mam…kasi…“
Tumango ako bilang pagpayag na bisitahin siya ni Brixel
“ Sige po mam,bukas po…“
Tuwang-tuwa naman ang mama sa nangyari.
Nagpaalam na siya sa akin dahil sa may lalakarin pa siyang meeting sa isang asosasyon.
Inihatid ko siya sa may elevator upang makababa sa ground floor.
Iniligpit naman ni Brixel ang cake at ang mga pinagkainan namin pagkatapos ay bumalik na muli sa kaniyangg ginagawa.
Wala kaming imikan.
Nakakaramdaman ako sa kaniyang katahimikan na nahihirapan siya sa trabaho na baka dahil maging sa aking ina ay naglilingkod siya.
Baka ayaw talaga niyang mag-day off at napilitan lang na pumayag sa imbitasyon ng mama.
Naalala ko ang mga sinabi ko na ako ang amo at ako lang ang dapat niyang pagsilbihan.
Na dapat na laging nasa tabi ko lang siya.
Napatayo siya ng tumayo ako
Isinuot ko ang amerikana at lumakad muli patungo ng elevator.
Nakatangin lang ako sa kaniya ng madaan ako sa kaniyang pwesto.
Tumigil ako sa tabi ng kaniyang lamesa.
“ Ano? Nakatulala ka dyan? Hindi ka ba sasama?“
“Ha? Sasama boss? Pero san tayo pupunta?”
“Magpapaalam kay mang Ross,paalis na ang matanda.”
Agad siyang kumilos dala ang kaniyang gadgets,notebook, ballpen at sumunod sa akin.
Ngayon ang alis ni mang Ross pauwi ng Bicol.
Sumakay kami ng elevator at nagtungo sa quarters niya malapit sa parking area at security office ng building.
May silid para kay mang Ross sa building na ito na pwede niyang pahingahan.
Naaubutan namin siyang naglalagay ng ilang gamit sa sasakyan.
“ Sir Rustian salamat sa pagpapahiram ng awto.“
“Basta ho mag-ingat kayo.”
“ Pakisabi uli kay Donya Coney (palayaw ng donya Consuela) na salamat sa pinabaon niya at regalo sa mga bata. Ilang araw lang naman at babalik uli. Brixel ikaw na muna ang bahala sa boss mo ha. Bantayan mong maigi yan.“
Yumakap pa sa akin si mang Ross bago tuluyang sumakay sa van na pinahiram ko.
Ganito ko siya igalang at irespeto dahil isa siya sa mga taong malapit sa akin.
Gaya ng sa mama na personal pang lumuwas upang nag-abot kay mang Ross ng pasalubong dahil kaibigan din ang turing ng mama sa driver ko.
Importante ang pagpapahalaga sa kapwa.
Dahil noon pa man ay nasa tabi ko lang siya palagi.
Ilang araw mawawala si mang Ross kaya nakakapanibago.
Nang makaalis na sita ay bumalik na muli ako ng opisna para asikasuhin muli ang aking gawain.
BRIXEL
Nakakamangha si boss kung paano niya pahalagahan si Mang Ross.
Yung yayakapin at paalalahanan na mag-ingat.
Nacurious talaga ako sa likod ng kanilang relasyon bilang amo at driver.
Maging ang donya ay sinadya pa ng personal para mag-abot ng tulong.
Kakaiba talaga silang dalawa.
Bumalik na kami muli sa loob ng building.
Hindi kami sumakay ng elevator at sa hallway patungong 1st floor kami dumaan.
Naglakad-lakad si boss sa work station.
Nagtingin-tingin sa mga empleyadong abala sa kanilang mga trabaho.
Hindi halatang siya ang CEO ng kompyang ito. Malalaman mo na lang kung paano siya batiin ng mga nakakakita sa kaniya.
Talo pa ang die hard fans kung paano mabali ang mga leeg sa paglingon sa kaniya.
Makikita rin kung paano kiligin ang mga kerengkeng, i mean mga babaeng humahanga sa kaniyang kagwapuhan.
Hanggang ngayon namamangha pa rin ako sa kakaibang sistema ng opisina na ito.
Napakamoderno at malaya sa gustong gawin.
Dito ka lang makakasalubong ng empleyado na nagjo-jogging, nanonood ng tv,nagcecelebrate ng birthday na lantad sa harap ng boss nila.
Malaya silang batiin si Boss na ginagantihan naman niya ng ngiti at pakikipagkamay.
Mararamdaman mo talaga na pamilya ka at talagang mamahalin mo ang trabaho hindi dahil sa pera.
Kaya gusto ng karamihan na makapsok dito dahil sa ganitong pamamalakad.
Inuuna ang kapakanan ng mga tao kesa ang kumita.
Tahimik lang akong nakasunod,nagte-take note sa kaniyang mga paala-ala,tumatanggap ng mga paabot na sulat,o imbitasyon ng kasal,birthday o binyagan mula sa mga empleyado na ako rin naman ang sasagot at magpapadala ng mga regalo para sa kanila, ako rin ang taga abot at tagatanggap ng files na ibinibigay ng mga supervisors na kailangang pirmahan.
Maging ako ay binabati rin ng mga empleyado kayat tahimik ko silang binabati at nginingitian.
Nakita ako ni Emy at pinanlakihan ko siya ng mata dahil halata sa kaniya na kinikilig na natatawa.
Naalala siguro yung stolen picture kanina.
Nagsign ako ng daliri sa aking labi na huwag siyang maingay.
Tapos umakayat kami ng 2nd floor.
Naglakad lang kami sa lahat ng floor para mag-obserba at mag-check ng ilang mga papeles.
Tapos bumalik muli sa top floor.
Pasado alas siete ay natapos ko na ang duty ko.
Nag-aayos na ako ng mga gamit para umuwi.
“ So bukas wala ka dito?“
“Payag ka ba talaga boss na mag day off muna ako?”
“Di ba nga pinayagan na kita?
“Hmmm,parang ayaw mo yata e?”
“Tumigil ka. What time ang alis mo sa inyo?”
“Baka umalis ako ng 7am para bago mag lunch nadoon na ako sa batanggas,nakabisa ko na naman ang daan kaya madali akong makakapunta sa bahay ng mama nyo.”
Nakahinga na ako ng maluwag.
Confirmation lang na payag siya na mawawala ako ng dalawang araw.
Nagpaalam na ako sa kaniya at umuwi na ng bahay.
Excited na kinakabahan para bukas.
Hindi ko alam ang maaring mangyari sa pagbisita ko sa bahay ni Donya Consuela….
Kinabukasan saktong alas siete ay nakahanda sa pag-alis si Brixel patungo ng Batangas upang bisitahin ang mama ng kaniyang amo.
Tahimik lang siyang nagpaalam sa kaniyang tiyahin na abot ang “ngiti sa magkabilaang labi” na pinayagan siyang hindi muna uuwi ng dalawang araw dahil sa trabaho.
Hinatid pa siya sa labas ng tiyahin bitbit ang bag nito.
Tatawid na sana si Brixel ng may isang magarang sasakyan ang huminto sa harapan nilang magtiya.
Nagulat siya ng makita niya kung sino ang nagmamaneho ng asul na sports car.
Si Rustian na naka puting polo shirt at shades na nakatabing sa kaniyang mga mata.
Binati niya ang tiyahin ni Brixel at habang pinagbubuksan niya ito ng pinto.
“ Magandang umaga ho,hinihintay na tayo ng appointment natin.“
Napataas ang mga kilay ni Brixel sa sinabi ng kaniyang boss na nakangiti sa kaniya.
“ Sasamahan ako ni Boss bisitahin ang kaniyang mama?“
Sa isip niya.
Magkahalong kaba at pagkatuwa ang maramdaman ni Brixel sa mga narinig niya sa lalaking nakaupo sa magarang asul na sports car.
Masinsinan ang topic next chapter!
ABANGAN!!!!
Muli ako po ay nagpapasalamat sa mga comments niya. Isa pong malaking tulong kung ipopromote/share ang mga story na nagawa ko para sa iba na gustong magkaroon ng inspiration o lesson sa buhay. Gusto ko lang abutin at magbigay kasiyahan sa lahat.
Muli maraming salamat po sa patuloy ninyong pagsuporta sa akin.
CHAPTER 11 TRAPPED
Laking gulat ni Brixel ng makita niya kung sino ang lulan ng magarang sports car, si Rustian.
Hindi siya makaimik dahil sa isang pagbabago sa plano ang maaring mangyaring pag bisita kay Donya Consuelo.
Agad siyang sumakay ng kotse upang umiwas sa mga maaring itanong ng tiyahin sa kaniya o sa kasamang amo.
Wala pa ring alam ang tiyahin kung sino ang laging kasama ni Brixel…
BRIXEL
Nanlaki talaga ang mga mata ko ng biglang sumulpot si Boss sa aming harapan.
Hindi na ako makapagsalita at alam kong uusisain na naman ako ng Tiya Mitos kung sino talaga si Boss Rustian.
Nakalusot na nga ako kagabi sa sermon niya tungkol sa pagtulog niya sa kwarto ko nung isang gabi.
Natigil lang ang panenermon ng tiyang ng mag-abot ako ng sampung libong hulog ko sa utang namin.
Dahil may biyaya siyang natanggap sa regular na sahod ko ay masaya pa siyang binitbit ang bag ko at ihatid sa labas ng bahay.
Mga ilang araw rin sigurong matatahimik ang tiyang na pag-initan ako.
Iba talaga siya kapag nasayaran ang palad ng ganoong halaga sa isang araw.
Paniguradong labas-masok na naman sila ni Maricar sa mall ngayong maghapon.
Okay na yun basta masaya sila,masaya na rin ako.
Obligasyon ko rin naman na abutan ang tiyang sa mga utang namin.
At isa pa masaya din ako dahil makakakasama ko si boss sa pagbisita sa kaniyang mama.
“ Ang ganda ng kotse mo boss?
Sa iyo ba ito?“
Hindi ko siya madirektang tanungin kung bakit siya sumama kaya lihis ko muna sa magara niyang sports car.
“ Of course it’s mine? Itong yaman kong ito, tingin mo ba manghihiram ako?“
Tugon niya ng nakangiti ng walang tinginan.
Walang halong kayabangan ang dating sa akin ng mga sinabi niya.
Sa ilang linggo ko na siyang nakasama, kabisado ko na agad ang tunay niyang character.
May karapatan naman talaga siyang i-express ang kaniyang buhay mayaman.
Totoo lang siya sa sarili dahil iyon ang normal niyang buhay.
Di gaya ng kilala kong mag-ina na magyayaman-yamanan mamaya sa mall.
“ Di ka nga nanghihiram ng kotse,yung sando ko naman di mo pa sinasauli.“
“Sasauli pa ba yung sando? Palitan mo na lang at nasuot ko na yun.”
“Ay, ang galing. Kotse nakakabili pero sando hindi maisauli.”
Biro ko.
Hindi na siya nakaimik dahil paliko na kami sa main road.
Nablanko na naman ako sa itatanong.
Balik tayo sa kotse.
“ Ngayon lang ako nakasakay sa ganitong kotse…grabe ang gara. Feeling ko ang pogi ko sa kotseng ito ha ha ha!“
Tingin lang sa akin ang kaniyang ginagawa.
Inabala ko muna ang sarili ko sa pagtetext para kay Ms.Fidel tungkol sa maiiwan kong trabaho at gagawin sa pagbabalik ko. Humingi din ako ng pasensya at biglaan talaga ang pag day off ko. Naunawaan naman niya na ang mama ng boss namin ang dahilan.
Nagulat din siya na kasama ko pala ang boss namin.
“ What? He told me,his going on a trip for two days, kaya ako and my team ang pinagbilinan dito sa office,tapos magkasama pala kayo?
Akala ko pa naman business trip ang pupuntahan.
Sige na ako na muna bahala sa mga trabaho dito.Ingat kayo and bilhan mo nga pala ako ng patis-labo dyan ha.“
Masaya niyang reply at bilin sa akin.
Di ba?
Maski si Ms.Fidel nabigla na magkasama pala kami ni boss?
Wala na akong makatext at alam kong abala rin sina Ate Corz at Emy sa kanilang trabaho.
Muli ko tinanong si boss tungkol sa kotse.
Suplado at hindi na nasagot.
Pinili kong manahimik na rin.
Halos isang oras na kaming hindi nag-iimikan hanggang sa iliko niya ito patungo sa isang restaurant.
“ Baba…“
Kinabahan ako sa kaniyang sinabi.
Baka nainis na sa akin sa kakatanong ko?
Hindi ako makakilos dahil natatakot akong umalis siya at bumalik na lang ng opisina.
Ayaw ko ng may walk out -walk out.
Pinatay niya ang makina at bumaba.
Pinanood ko lang siya at naghihintay na hilahin niya ako palabas.
“ Ano hindi ka ba nagugutom?
Hindi pa ako nakain.“
Ay kakain pala…
Nakahinga ako ng maluwag.
Over assumption lang ako sa papanahimik niya sa biyahe.
Bumaba ako kasunod niya.
Kumain kami loob ng restaurant at nagpatake-out ng pancit at puto.
Paborito daw ng kaniyang mama ang special pancit at puto-puti ng restaurant.
Gaya sa sasakyan di na naman siya nagsasalita.
Di ko alam kung anong kapa ba gagawin ko para di maging awkward ang umagang ito sa aming dalawa.
Ngayon lang kami bumiyahe na wala si mang Ross.
Si mang Ross lang naman ang nagbubukas ng maaring pag-usapan namin pagnabiyahe.
Ngayon lang ako nakasakay ng sasakayan na siya lang ang kasama.
Iba yung sa opisina kapag kaming dalawa lang, maabala mo ang sarili sa mga gawain. Hindi gaya dito sa loob ng kotse. Lagi ka mapapatingin sa kaniya habang magmamaneho.
Wala talagang imikan na nangyayari.
Nakakauhaw din pala ang hindi pqg-uusap. Nakakaatat magsalita pero di ka naman sasagutin.
Nakarating na pala kami ng Batangas hanggang sa bahay ng Donya Coney.
Agad kaming pinagbuksan ng pinto ng isang maid na di ko nakita noong unang dalaw namin. Pero agad din itong umalis ng di man lang nabati.
Nakayuko pa ito na parang takot at hiyang-hiya ng makita na si Boss Rustian pala ang dumating.
Nakabuntot lang ako kay Boss ng pumasok kami sa loob ng bahay bitbit ang mga pasalubong.
Inilapag ko ito sa counter ng kusina at siya naman ay nagdiretso sa kalapit na pintuan palabas.
Bumuntot muli ako sa kaniyang likuran hanggang sa makarating kami sa isang malaking garahe.
Nagulat ako sa dami ng sasakyang nakaparada.
Nasa walong magagarang sasakyan ang nakagarahe.
Dalawang lalake ang naabutan namin ang naglilinis sa mga sasakyan.
Binati siya ng mga ito.
“ Ang mama?“
Tanong niya.
“Nasa pool area sir…”
Sagot ng isa.
Napansin kong bahagyang kumagat ng ibabang bahagi ng labi si boss Rustian at tumingin pa sa kawalan sabay na tila ayaw sa mga narinig kung nasaan ang kaniyang mama.
Muli siyang bumalik sa loob ng bahay at tahimik na naman akong nakasunod.
Sa taas ng bahay,sa kaniyang kwarto siyang nagtungo.
Sa harap ng malaking bintana siya tumayo.
Ako namay nakatayo lang sa bukana ng pintuan at pinapanood siya.
Lumapit ako ng dahan-dahan at dinungaw ang bintana sa kaniyang tagiliran.
May ilang mababang puno at magandang garden ang makikita mula sa bintana at sa dulong bahagi nito ay may dalawang swimming pool.
Naroon at tahimik naglalakad ang mama ni boss Rustian.
Dama ko sa bawat hakbang ng donya Consuelo ang tila lungkot na dinadala.
Gaya ng nararamdaman ko ngayon kay boss Rustian habang tinatanaw ang kaniyang mama.
Nagulat naman ako ng humarap si boss at nabangga niya ako kayat bigla akong napaupo sa sahig.
Namula ako sa hiya ng magtama ang aming mga mata.
“ Bakit kasi laging nasa likod ko…tsk-tsk-tsk!“
Inilahad niya ang kaniyang kamay na makakapitan ko upang makatayo.
Inalalayan niya ako at sa aking pagkakatayo ay nagtapat ang aming katawan ng ilang pulgada.
Biglang nagtama ang aming mga mata.
Iniwas ko ang pagtingin sa kaniya papunta sa may bintana at natanaw na pala kami si Donya Consuelo.
Kumaway siya sa akin.
Agad akong bumitaw sa pagkahawak ng aming mga kamay upang kawayan din ang donya.
Aayain ko sana si boss na puntahan ang kaniyang mama,ngunit nakalabas na pala siya ng silid.
Tanaw ko rin ang Donya na pabalik na ng bahay.
Agad akong lumabas ng silid at naabutan ko si Boss na tahimik lang habang nababa ng hagdan.
Lumabas siya sa bukas na sliding door na salamin sa gawing kaliwa ng sala at doon nagtagpo ang mag-ina.
Humalik si boss sa matanda at binati ito.
Ang mama lang niya ang masayahing nagkukukwento at nanatiling tahimik lang ang amo ko.
Maging ako ay niyakap at binati rin ng matanda.
Natutuwa talaga ako sa kabaitan ni Donya Consuelo dahil hindi siya namimili ng taong kaharap na kahit empleyado lang ako ay pinakikitaan niya ng kabutihang asal.
Pareho sila ng boss ko na hindi tumitingin ng katayuan sa buhay.
Magkasabay na naglakad ang mag-ina palabas muli ng sliding door patungo sa isang malaking gazibo ng garden.
Ako namay nagtungo sa pantry upang ihanda ang dala naming pancit at kakanin.
Naabutan ko ang isang may edad na kasambahay doon na naglilinis.
Nahinto siya ng makita ako.
Bumati at nagpakilala kung sino ako.
Tahimik lang siyang nanonood sa akin habang hinahanda ko ang mimiriendahin ng mag-ina.
Hinilingan ko rin na ipaghanda naman ng maaiinom ang kaniyang amo.
Ngunit naglabas lang siya ng tubig at fresh orange juice.
“ Pasensya sa sir ha,hindi ho kami allowed na pagsilbihan si Sir Rustian.“
Napataas ang kilay ko.
“ Pinagbawalan po kami ni sir
Arnian na asikusahin yung kapatid niya.“
Dugtong niya sa kaniyang dahilan.
“ Magka-away ba silang magkapatid?“
Tanong ko.
Palingon-lingon pa ang matanda bago nagsalita muli.
“ Naku, malayo ho talaga yung loob ni Sir Arnian kay sir Rustian mula ng malunod yung kapatid nila. Ano…pakibantayan na lang po si sir…lalo na ho sa ibang mga katulong dito…“
Nagulat ako sa iba pang mga kwento ng matanda tungkol sa nangyaring insidente at pagkamatay ng kapatid ni boss.
Nalungkot ako sa naransan ni boss sa tahanang ito.
Marami pa sana akong gustong malaman pero kailangan ko ng ihatid ang inihanda ko sa mag-ina kayat nagpaalam na ako sa matandang kasambahay.
Kaya pala wala man lang isang katulong ang nag-asikaso sa amin noong unang punta ko dahil pinagbawal pala iyon ni sir Arnian.
Ang nakakalungkot ay kung ano ang nararamdaman ni boss.
Kaya pala ayaw niyang tumira dito.
Pero aksidente lang ang lahat at walang may gusto sa nangyari.
Isang kababawan na pakitaan ng ganoong pagmanalupit si boss dahil hindi rin naman niya iyon kagustuhan.
Para akong maiiyak habang papalapit sa kanila habang masayang nagkukuwento donya sa tahimik na anak.
Tahimik akong hinainan sila.
Inuna ko muna ang boss ko.
Wala naman siyang kakampi sa bahay na ito kaya siya ang uunahin kong pagsilbihan.
“ Salamat secretary Brixel at pinaunlakan mo ang imbitasyon ko ha. I’m glad at magkasama kayo. Hindi ka ba nahihirapan sa postion mo with my son?“
“Hindi ho,masaya ho ako at si boss Rustian ang naging employer ko. Isa pa matagal ko na rin hong pangarap na makapasok sa DataMax. Wala hong pag-sisisi kahit mahirapan pa po ako. Di ba boss?”
Pagmamalaki ko.
Masaya kong sagot para maiba ang timpla ng pananahimik ni Boss Rustian.
Nais kong maging casual siya sa pagkilos gaya ng nakikita ko sa kanya sa opisina.
Dito kasi parang nililimitahan niya ang kilos at salita.
Hindi ako magtataka dahil sa natinig kong kuwento kanina.
Dahil sa isang bahagi ng garden ay may katulong na naglilinis at pamasid-masid sa aming pwesto.
Hindi mahina ang utak ko sa ganitong estilo na kumakalap ng tsismis.
Gawain na ng tiya Mitos ang ganitong paraan.
Espiya ito ni Sir Arnian laban sa kaniyang kapatid.
Kailangan palang pag-ingatan ko ang boss ko sa bahay na ito at talagang kinakawawa lang siya at pinagkakampihan.
Kunwaring naglakad-lakad ako upang tingnan ang garden.
Papalapit sa babaeng nagwawalis.
Natawa ako sa loob ko.
Sa lahat naman ng nagwawalis sa init ng araw ngayon lang ako nakakita ng maid na nakamake-up.
Kinausap ko siya at nagtanong. Inuna kong magpakilala at pinuri ang magandang garden na tila alaga niya sa dilig at linis.
Nagkunwari akong interesado sa kaniyang pagkagreen-thumb.
Nagtanong kung ano-ano ang mga halaman na nandito kahit alam ko naman ang mga iyon para pagmukhain siyang maraming alam sa halaman at bulaklak.
Bingo…
Halata ang kaniyang kayabangan.
Pinuri-puri ko ang kaputian ng kaniyang mukha (na halatang second degree burn na yata mula sa pinapahid na gamot.),ang kaniyang kasipagan,at magandang ngiti.
Ganito ako mag sales talk sa mga customer ko noon sa mall na dati kong pinagtatrabahuhan. Ang ipamukha sa kanila na ang magagandang katangian para mamili ng marami.
Gumawa ako ng paraan para makapag-usap ng sarilinan ang mag-ina.
Pinilit kong magpasama sa katulong para makapamasyal kunwari. Maita ang pakilala niya sa akin.wala siyang nagawa ng hilahin ko siya palayo papunta ng pool.
Tinanaw ko si boss Rustian habang papalayo ako at tinabihan naman siya ng ina at niyakap ito.
Iniiwasan talaga niyang makita o marinig marahil ng mga katulong kung ano ang sasabihin sa anak.
Tama nga ang aking hinala.
Tsismosa ang babaeng ito at espiya ni sir Arnian gaya ng babala sa akin ng matandang maid.
Kinse minutos akong nakipagplastikan para mabigyan ng pagkakataon ang mag-ina ng sarilinan ng walang matang nakatingin sa kanila.
Sa pool ay kunwang nadismaya ako dahil sa dami ng mga tuyong dahong lumulutang dito.
“ Ang ganda sana ng garden kaso ang dumi ng pool… mas maganda sana kung malinis ate yung pool di ba?“
Dahil bida-bida sa garden ay nagvolunteer pa si Maita na alisan ang ng mga dahong lumulutang doon.
Pagkatapos ay nagpaalam na ako na babalik muli sa mag-ina at naiwan ang katulong doon na tuwang-tuwa nag-aalis ng mga dahon sa pool.
Hay naku,uto-uto….
Sapat na ang kinse minutos para bumalik muli sa gazibo.
Ngayon ay nasa dating kinauupuan na muli si Donya Consuelo.
Mukhang si Maita lang talaga ang iniiwasan ng donya.
Unti-unti kong nalalaman ang mga nangyayari dito.
Isa ito sa mga hindi naikwento sa akin ni Mang Ross…
Nakalapit na ako sa dalawa at muling tumabi sa aking amo.
Mukhang tama ang ginawa kong paglayo sa tsimosang katulong sa kanila.
Napansin kong may hibla ng pansit na nakadikit sa gilid ng labi si boss kaya inalis ko ito habang nakikipga-usap sa ina.
Akala ko ay maiilang siya habang nagsasalita.
Napatingin siya sa akin at nagpatuloy sa pagkukuwento.
Ako namay patuloy lang sa pakikinig.
Ilang sandali pa ay niyaya na kami ng Donya na pasyalan ang kaniyang orchid garden.
Dadaan pa kami ng garahe papunta sa garden na iyon.
Malawak pala ang likod nito na natatamnan ng ilang mga puno gaya ng sa kalapit na pool.
Sa dulo nito ay naroon ng isang malaki at mahabang green house.
Bumungad sa akin ang napakaraming orchid ng kami ay pumasok.
May hardinero doon na sumalubong sa amin at sinamahan kaming mamasyal.
Naging abala naman ang donya dahil sa may bagong usbong na daw ang bago nilang clone na orchid.
Isa ito sa negosyo ng matanda.
Ang magdiskubre at gumawa ng bagong species ng orchid.
Karamihan daw kasing base sa cloning ng orchid ay ang local na orchid natin.
Ang dami kong natutunan sa kaniya.
Isa palang botanist ang mama ni Boss kaya magaganda ang mga halamang nakita ko sa garden.
Hindi namin namalayan na padilim na pala.
Kumain kami ng hapunan na iniluto ni boss.
Expected ko na ang nangyayari kung bakit walang maid sa paligid.
Nagpahinga sandali.
Nalungkot ako ng magpalam si boss na uuwi na raw siya ng bahay.
“ You can stay with your boss Brixel,pwede mo siyang samahan sa bahay niya. Bumalik na lang kayo bukas ng umaga.“
Pakiusap sa akin ng matanda.
Wala akong nagawa kundi ang samahang pauwi si boss.
Nagpaalam kami at sumakay ng kotse.
Inabot kami ng 30 minutos sa biyahe at huminto sa isang magarang bakuran.
Akala ko ay babalik kami ng Manila.
Isa pala ito sa bahay na sinasabi ni mang Ross na pag-aari ni boss.
Automatic na nagbukas ang gate at pumasok kami sa bakuran ng isang modernong bahay.
Salamin ang harapang bahagi ng bahay na natatabingan ng puting kurtina.
Hindi gaya sa bahay ng donya ay may ay may isang babaeng may edad ang sumalubong sa amin kasabay ng dalawang naglalakihang golden retriever.
Nakakapanibagong makita ang interaction ni boss sa mga aso.
Halatang mahal na mahal niya ang mga ito na sinusuklian naman ng kalikutan,tahol at pagkawag ng mga buntot ng mga alagang hayop.
Kaya pala pipilay-pilay maglakad ang isang aso ay kulang ito ng isang paa sa harapan.
“ Ito si
Jobs,ito naman ang kapatid niyang si Gates. 8 years old na sila. Ang popogi nila di ba?“
Napapangiti ako kung paano amuin at himasin ni boss ang kaniyang mga alaga na parang isang bata.
Kasabay ng mga aso ay nakabuntot kami kay boss ng pumasok sa loob ng bahay.
Halos lahat ng ilaw ay bukas kaya kitang-kita ang magarang loob nito.
Ilang beses ba akong magugulat sa mga ganitong sitwasyon?
Gaya ng sa office at sa bahay ng mama niya ay ganoon pa rin ang ayos at hitsura ng kusina.
Maging ako ay memoryado na kung ano-ano ang maaring laman ng mga drawer at cabinet nito.
Tumanggi si boss na ipagluto pa kami ni manang Lucia ng makakain dahil busog pa kami sa aming huling kinain.
Napagkasunduan na lang namin na magpalit na muna ng damit kaya itinuro niya sa akin ang silid na aking tutulugan.
Magkatapat ang aming kwarto na bukod naming pinasok.
Inutusan niya akong maligo muna at magpalit. Nais din niyang samahan siyang ilakad ang dalawang aso sa labas.
Agad akong naligo.
Kahit madilim na sa labas naexcite akong mamasyal kasama siya.
Sabay pa kaming lumabas ng aming pintuan.
Ngayon ko lang nakita si boss na nakapambahay.
Naka-short na itim at sandong puti lang siya.
Isang karaniwang suot na di gaya ng nakasanayan ko.
Sa may gate ay naihanda na pala ng kasambahay ang dalawang aso na may collar at cord leesh.
Mukhang ganito ang ginagawa lagi ni boss pagnauwi dito.
Ibinigay niya sa akin si Jobs at sa kaniya naman yung pilay na asong si Gates.
Pati pangalang ng mga aso pang bilyonaryo.
Dahil maliksi si Jobs ay nauuna ako sa paglalakad.
Hindi makasabay si boss sa bagal ng aso na sa kaniya.
Kahit gabi na ay marami pa ring tao at sasakyan sa lansangan.
Nagandahan ako sa lugar dahil madaming pa ring acestral house ang makikita sa lugar.
Kilala si boss ng mga taong nakakasalubong namin.
Mukhang sikat na sikat siya dito na parang politician sa dami ng bumabati sa kaniya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at naunana na naman ako ng ilang metro sa bilis ng lakad ni Jobs.
Dahil sa kapansanan ni Gates ay patigil-tigil naman ito para mapahinga.
Napansin ko,sa tuwing nahinto si Jobs sa paglalakad ay lilingunin niya ang kapatid at kung maglalapit sila ay didilaan ang mukha nito na parang bang pinapalakas ang loob.
Parang alam ni Jobs ang kakulangan ni Gates.
Naisip ko tuloy na mabuti pa ang dalawang aso na ito,alam nila ang meaning ng blood is thicker than water.
Hindi gaya ng kapatid ni Boss…
Sarap pektusan para matauhan.
Bumalik ang pag-aalala at awa ko kay Boss Rustian.
Sa kabila ng tinatamasang tagumpay ay may dinadala palang kabigatan at ang masakit, pamilya pa ang dahilan.
Sa aming pag-uwi ay kinarga na ni Boss Rustian si Gates.
Mukhang naawa na yata at hindi na niya ito pinaglakad hanggang sa makarating ng bahay.
Sa sala ay pinanood ko lang siya na nakikipaglaro sa aso.
Parang tao kung ito ay kaniyang kausapin.
Panay din ang himas at halik niya sa mga alagang aso.
Hindi ko masabi kung sino ang paborito niya sa dalawa dahil pantay ang kaniyang pagtingin sa kanila kahit ang isa ay may kapansanan.
Nakakainlove naman…
I mean nakakainggit…
Ano…dog lover talaga si boss.
Parang gusto ko ring tumahol…
Lumapit sa akin si Jobs at sumampa at pilit na kumandong sa aking pagkakaupo.
Hindi ako makaangal sa paglalambing ng aso.
Ngayon ako naman ang pinapanood ni boss.
Tama nga si boss na ang popogi ng mga aso niya.
Hindi lang sa kulay at laki nito kundi pati rin sa pangungulit at pagpapacute sa amin.
Kapwa kami nakaramdam ng antok kaya napagkasunduan naming magpahinga na.
Sabay na kaming pumasok sa aming mga kwarto pero hindi ako nilubayan ni Jobs kaya maging siya ay sumama sa akin. Si Gates naman ay pumasok sa kabilang kwarto.
Hindi ako nailang na may kasamang aso dahil ako man ay may alaga rin noon sa probinsya na katabi sa pagtulog.
Nakahiga na ako pero nais lumabas ng aso.
Pinagbuksan ko siya ng pinto para makalabas.
Umupo siya sa katapat na pinto at tumahol ng ilang ulit.
Pinagbuksan ni boss ang asong nasa tapat ng pintuan.
“ Gusto yatang katabi yung kapatid boss kaya lumipat dyan.“
Natatawa kong sabi.
Pinapasok ni boss si Jobs at muli kaming naghiwalay.
Bumalik ako sa aking pagkakahiga.
Ilang sandali pa ay kumahol naman si Jobs sa aking pintuan.
Agad akong bumangon at nagbukas ng pinto.
“Nagtitrip ka ba Jobs?
Saan ka ba talaga matutulog?“
Tanong ni Boss.
Pumasok muli ang aso sa kwarto ko.
Nagsara ako pinto at hinihintay kung ano ang gagawin niya.
Humiga akong muli sa kama ngunit nanatiling nakaupo sa gawing paanan ng si Jobs.
Ayaw niyang umakyat sa kama kahit anong tawag ko.
Napapakamot na ako ng ulo dahil hindi ko na alam kung ano ang gusto niya.
Napaupo ako ng muli siyang tumahol.
Tumayo ako muling nagbukas ng pinto.
Natawa ako sa pagkabigla at naroon pa pala si boss Rustian na parang hinihintay si Jobsna lumabas muli.
“ Ano Jobs,ganito na lang tayo magdamag? Palipat-lipat ng kwarto?“
Napayuko tuloy ang aso ng pagalitan ni boss.
Naawa naman ako dahil pumunta pa sa likuran ko si Jobs na para bang naghahanap ng kakampi.
“ Dito na nga lang kayo matulog sa kwarto ko. Napapagod na ako ng kakabangon at kakabukas ng pinto sa iyo Jobs. Masyado ka ng spoiled brat. Lahat na lang gusto mo katabi.“
Parang naintindihan ni Jobs ang narinig at kumawag ang buntot nito,agad itong pumasok sa loob ng silid, umakyat ng kama at tumabi muli sa kay Gates.
“ Kunin no na yung unan mo at dito ka na matulog. Hindi ka titigilan ni Jobs na katukin.“
Mukha ngang totoong di ako tatantanan ni Jobs dahil nakabuntot na naman siya sa akin ng bumalik ako ng kwarto.
Wala akong nagawa kundi ang kunin ang unan at lumipat sa kwarto ni boss.
Pumasok ako sa loob ng kabilang silid at patakbo pa si Jobs na humiga muli sa tabi ng Gates.
Mas malaki ang kama na hihigaan, maluwag ito kahit katabi pa ang dalawang aso.
Pinagitnaan namin ni boss ang kaniyang mga alaga.
Sa pagkakahiga ko ay pumatong pa ang baba ni Jobs sa aking balikat.
Si Gates naman ay yakap ni boss.
Sanay ang mga asong ito na malayang makatabi sa kama at pruweba na mahal na mahal sila kaya ganito sila kumilos.
“ Good night na sa inyo ha. Stop na sa pangungulit Jobs.“
Utos ni boss sa dilim.
“ Yes boss,narinig mo yun Jobs ha.
Wag ka ng makulit.
Dito na tayo matulog…good night boss…good night doggies.“
Sagot ko.
Maayos na ang pakiramdam ko pagnaiisip ko si boss Rustian sa kabila ng mga nalaman ko ngayong araw.
Kung hindi man siya masaya pagdating sa kaniyang kapatid alam ko napaglalabanan niya ang galit dahil sa pagpapakita niya ng pagmamahal sa mga alagang hayop,at sa mga empleyado niya.
Hindi pa rin kinakain ng sama ng loob ang buo niyang pagkatao.
Patunay na may nananatiling malasakit sa kaniyang sistema.
Kaya ni boss kung ano man ang nararanasan at dalangin ko na sana ay matapos na ang kaniyang dinadalang kabigatan.
Kaya…hanggat kaya ko…dito lang ako sa likuran mo boss para alalayan ka sa abot ng aking makakaya.
Next Chapter, ang saloobin ni Rustian sa tagpong ito.
ABANGAN!!!
Napatagal ang update. Busy po kasi ako sa tutorial ko sa art kaya ubos po oras ko at pagod na ang mga mata pagdating ng gabi. Salamat po muli sa paghihintay.love you all.
CHAPTER 12 BONDING
RUSTIAN
Mula sa bintana ng aking silid ay tanaw ko ang pool area kung saan naroon ang mama.
Ito ang bahagi na hindi ko kayang puntahan at isa ito sa masakit na alaala ng aking buhay.
Kung maari ko lang patambakan ang pool na ito ay matagal ko na sanang ginawa, ngunit wala akong kakayanan dahil hindi ko pag-aari ang lugar na ito.
Desisyon ng mama na panatilihin ang lugar na iyon.
Panatilihin bilang alaala ng kabataan ni Lurian o ng kamatayan niya ay hindi ko alam.
Hanggang ngayon ay dinadalaw pa rin ako pagsisi sa aking mga kapabayaan.
Kung hindi ko sana siya inayang maligo…
Kung hindi ko sana siya iniwang mag-isa…
Buhay pa sana siya kung nanatili lang sana ako sa kaniyang tabi noong mga araw na iyon.
Sa tuwing nakikita ko ang pool na iyon ay bumabalik lang sa aking alala ang kaniyang walang buhay na katawan at ang bahid ng dugo sa kaniyang noo.
Nanlamig ako sa kilabot.
Ayaw kong makita ang pool.
Kahit ang lumusong doon ay ayaw ko.
Sa aking pagtalikod ay nabangga ko naman si Brixel kaya siya ay napaupo.
Dala ng kaba ay napagsabihan ko tuloy siya.
Nag-alala rin ako na baka nasaktan ko siya kaya agad kong inilahad ang aking kamay upang siya ay alalayang makatayo.
Natahimik ako ng magkatinginan kami.
Para akong nato-trauma pagnakakakita ng taong natutumba.
Hindi ako makareact ng maayos ng magharap kami sa pagkakatayo.
Bigla akong kumalas sa pagkakahawak sa kaniyang kamay ng muli kong makita mama ng lingunin ko ang bintana.
Agad akong lumabas ng silid upang mawala ang aking nararamdamang kilabot.
Ayaw kong makakita ng pool o ng taong natutumba.
Ito ang phobia ko.
Sa aking pagbaba ay sinalubong ko na ang mama na papasok na pala ng bahay.
Ikinatuwa niya na kasama ako ng bisitang inaasahang darating.
Alam niya ang lugar na ayaw kong puntahan kayat sa garden niya ako dinala upang doon makipagkwentuhan.
Kaya pala nawala sa tabi ko si Brixel ay inihanda pala niya ang mga pasalubong ko.
Maasahan talaga siya.
Gaya ng dati ay tahimik lang ako sa mga ganitong pagkakataon kung magkahaharap kami ng aking ina.
May mga bagay na hindi ko pwede sabihin sa kaniya na maaring ikasira ko o maging ng aking negosyo.
Alam kong may mga mata ang kuya Arnian sa bahay na ito laban sa akin.
Hindi pa ako nagtatagal ay may nagmamasid na sa amin ng mama sa di kalayuan.
Alam kong isa sa mga utusan iyon ni kuya na ang misyon ay alamin kung ano ang pag-uusapan naming mag-ina.
Maaring alam na ni kuya na nandito ako at gagawa ng paraan iyon na makabalik agad para tuyain na naman ako upang umalis sa bahay na ito.
Masyado siyang proud sa sarili at ayaw na nalalamangan sa lahat ng bagay.
Ayaw ng nauungusan sa popularidad,sa negosyo,sa kaibigan,sa pagmamahal.
Ganyan ang ugali niya.
Ugaling nararanasan ko pagdating sa aking kapakanan.
Alang-alang sa mama ay nanatili ang paggalang ko dahil matanda siya sa akin.
Tatlo na lang kami at matitiis ko pa ang kaniyang ugali.
Ayaw ko ng may mawala pa sa amin kaya nanatili akong tahimik.
Iniisip ko na lang na mas nasaktan siya sa pagkawala ni Lurian.
Nagpaalam si Brixel na mamasyal sandali sa garden.
Nilapitan niya si Maita at nakipagkwentuhan.
Nagkatinginan kami at nakita ko kung paano niya inilayo sa amin ang matapat na maid ni kuya.
Maging ang mama,alam niya ang ikinikilos ng mga katulong ng kuya.
Bulag ang pagmamahal ng mama sa amin.
Kahit anong sama ang pinakikita sa akin ng kuya ay wala siyang kinakampihan.
Lagi niyang sinasabi na ako ang pinakamatalino kaya ako ang dapat na umunawa.
Mari-realize din ng kuya na magkakaayos din kami balang araw.
Kailangan kong sumunod…
Kailangan kong magtiis…
Nailayo ni Brixel si Maita kaya maayos kaming nakapag-usap ng mama.
Niyakap niya ako at pinadama ang kaniyang pagmamahal at pagmanalasakit sa akin.
Ikinuwento niya ang mga gabi na lagi niya akong pinagdarasal.
Kung gaano siya nag-aalala.
Ikinuwento niya ang mga nangyayari sa bahay.
Maging ang buhay at negosyo ng kuya.
Kung ang kuya ay may mata sa pamamahay na ito, si mama ang double agent ko.
Nalaman ko ang bago niyang project na subdivison sa probinsya. Ito ang una niyang maitatayo matapos kaming iwan ng papa.
Ilang milyon din ang aabutin ngunit hindi sapat ang kaniyang pera kaya hiniling niya na makisosyo ang mama sa itatayong pabahay.
Wala akong kakayanang pigilan ang mama sa nais ng kuya.
Walang ganoong kalaking halaga ang kuya sa pagpopondo para sa ganoong kalaking subdivison.
Para kay kuya,kompitisyon ang yamang aming natanggap.
Wala silang narinig sa akin ng manahin ko ang maliit na opisina noon na may isang computer,isang telepono at apat na empleyado.
Kay kuya naman ang realty office sa Cebu na dati ng maunlad na negosyo ng papa.
Magkaiba ang biyayang dumating sa amin.
Ngunit isang daang ulit kong napalago ang maliit na pinamana sa aki dahil sa aking sipagvat talino, hindi gaya ng kay kuya na walang karanasan sa negosyo kaya pati ang mama ay hinihingian niya ng tulong.
Hindi ako tumutol sa nais ng kuya na ayaing makisosyo ang mama.
Karapatan ng mama kung pipiliin niyang bigyan ang kuya.
Hindi ko pansin kung gaano kalaking halaga ang ibibigay ng mama.
Barya lang sa akin ang naririnig kong hinihiram ng kuya kaya hindi ako nag-aalala dahil kung lalapit sa akin ang mama ay hindi ako magdadalawang isip na magbigay .
Naglayo na kami ng mama sa pagkakaupo ng dumating na si Brixel at nakihalo na sa aming kwentuhan habang pinagsasaluhan ang dala kong pasalubong.
Masaya ang mama kay Brixel na nangungunang pagsilbihan kami.
Masaya siya dahil may bago daw akong secretary na mapagkakatiwalaan at mag-alalaga sa akin.
Ikinuwento pa niyang natuwa siya ng makita niya akong minamasahe ni Brixel noong isang araw.
Sa aming kwentuhan ay napaigtad ako bahagya ng may alisin si Brixel na dumikit na pancit sa aking pisngi.
Hindi ako makakibo…
Natuwa ang kalooban ko….
Na parang may kung anong bagay ang gumalaw sa aking sikmura.
Siya pa lang ang gumawa ng ganoon sa akin.
Kahit kailan ay hindi ko iyon naranasan sa mama,kahit noong bata pa ako o kanino man.
Ang pagmalasakitan ako sa maliit na bagay.
Ayaw kong magpahalata na nasiyahan ako sa kaniyang ginawa.
Yung kakaiba niyang pagsisilbi na wala sa mga sinundan niyang mga naging secretary ko noong unan.
Sa loob ko ay nakatagpo na ako ng taong magiging matapat sa aking tabi.
Masaya ako…
Pagkatapos ay niyaya kami ng mama na samahan siya sa kaniyang ipinagmamalaking green house.
Nais niyang makita ito ni Brixel.
Ilang taon na ba akong hindi nagagawi sa taniman ng orchidias ng mama.
Malaki na ang pinagbago nito.
Kilala ang mama sa larangan ng pagpaparami at pagdiskubre ng orchids dito sa pilipinas.
Maging ang asawa ng dating Pangulong Ramos ay nakarating na dito para mamili. Ilang seminar at exhibit na rin ang inilunsad niya local man o abroad sa larangan ng pagtatanim at recycling ng pataba.
Sikat ang mama pagadating sa kaniyang profession.
Inabot na kami ng dilim at nagpaalam na ako.
Hindi ako maaring matulog dito at baka mamaya lang ay lumitaw ang kuya.
May bahay akong malapit dito na maari kong uwian kaya makakabalik ako ano mang oras na gusto para dalawin ang mama.
Pag-aari kasi ang turing ng kuya sa mama na hindi ko pwedeng angkinin.
Ganoon siya karamot sa akin kaya lagi siyang nakabantay.
Tatlo kaming nagsalo-salo sa hapunang iniluto ko.
Pagkatapos kumain nagpaalam na akong uuwi na ng bahay ko.
Paalis na sana ako ngunit sinanguni niyang isama ko si Brixel.
Binulungan niya ako kung bakit.
“ Uuwi ang kuya mo kaya isama mo si Brixel. Mamaya kung ano-ano ang sabihin sa scretary mo at baka mailang pa yun dito. Isama mo na siya at bumalik na lang kayo bukas.“
Tama ang hinala ko na padating din ang kuya.
Walang nagawa si Brixel kaya’t sumama na siya sa akin.
Ang alam lang niya ay may biglaang gawain ang mama kaya naiba ang una nilang plano.
Nakauwi na kami ng bahay ko at agad naman akong sinalubong ng aking mga alagang aso.
17 years old pa lang ako ng ibigay sa akin si Jobs at Gates ng ng isang kamag-anak.
Nasabik ako dahil ilang linggo ko rin silang hindi nakita.
Dati silang nakatira sa bahay ng mama.
Inalis ko sila doon ng masagasaan ng kuya si Gates kaya naputol ang kaniyang paa.
Kaya nagdesisyon ako magpatayo ng bahay na malapit sa mama at para lipatan ng aking mga alaga.
Kumuha ako ng dalawang tauhan na titingin at mag-aasikaso dito kaya hindi na rin ako nag-aalala para kay Jobs at Gates.
Halata kay Brixel na mahilig din siya sa aso. Maging si Jobs ay giliw sa kaniya.
Mukhang kasundo ni Brixel si Jobs kaya pagkatapos naming magpalit ng damit ay inaya ko siyang igala ang magkapatid.
Mahirap ihandle si Gates dahil sa kaniyang kapansanan lalo na sa paglalakad.
Ngunit dahil sa klase ng breed nila ay kailangan sa diet ang exercise.
Lumabas kami ng bakuran para ipasyal din ang aking secretary sa aking lugar.
Lakad-tigil ako dahil madaling mapagod si Gates.
Kailangan niya ang paglalakad.
Masyado na siyang mataba hindi gaya ni Jobs na built ang katawan.
“ Kailangan ko palang bilinan ang nagpapakain sa iyo Gates na ilakad ka ng madalas.“
Inabot din kami ng dalawang oras ng paglalakad,okay na iyon sa kondisyon ng mga aso kayat umuwi na kami para magpahinga.
Sa kabilang kwarto ko pinatulog si Brixel para sa kaniyang privacy.
Ang masama ay kinulit siya ni Jobs kaya napilitan siyang dito sa kwarto ko matulog.
Okay lang sa akin kahit na kasama siya.
Sa kanya lang naman ako nakaramdam ng ganito.
Ang maging komportble.
Yung hindi naiilang.
Ewan ko…
Hindi ako nakakadama ng hiya sa kaniya.
Kahit alam kong may pagka..malamya siyang kumilos.
Napansin ko na may pagkafemine ang ilang mga kilos niya.
Yung pagtaas ng kilay,pagroll ng mga mata,yung mga daliri at ang pakikipagkwentuhan niya sa opisina.
Komportable ako kahit nakikita niya ang kahubaran ko.
Kahit nararamdaman ko na hindi siya tunay na lalake ay okay lang sa akin.
Masama ang manghusga.
Isa pa,nagustuhan ko kung ano ang kabutihang nasa kalooban niya.
Iyon naman ang mahalaga.
Iyon ang dapat.
Sabi ko nga na ako magpapabago sa buhay niya.
Ngunit habang tumatagal, parang ako ang nababago sa tuwing kasama siya.
Nagdesiyon ako na samahan siya sa mama dahil natatakot ako na baka magkaroon si kuya ng pagkakataon na manipulahin siya at siraan na naman ako.
Ayaw kong mawalan pa ng isang kaibigan.
Masaya akong kasama si Brixel dahil siya ang dahilan kung bakit pinilit kong lumaban at makamit ko ang ganitong buhay.
Binigyan niya ako ng pag-asa na magpatuloy kaya unti-unti ko sinusuklian ang kaniyang nagawa sa akin.
Siya ang nagmulat sa akin na tumulong ng walang kapalit.
Ang mag-abot sa mga nangangailangan kahit hindi ko kilala.
Dahil iyon ay plano ng Diyos na kailangan gawin.
Ipinapasa ko lang sa iba ang ginawa niyang pagtulong sa akin.
Siya ang pintuang bumukas para ako’y makalaya sa kadiliman.
Kaya’t iingatan ko siya…
Po-protektahan…
Masaya ako…
Basta masaya akong kasama siya.
Bago ko patayin ang lamp shade sa aking ulunan ay sinulyapan ko siya sa kaniyang pagkakahiga.
Napangiti ako dahil maging si Jobs ay gusto siyang katabi.
Pinatay ko na ang ilaw at kapwa kami natulog na.
Napasarap ang tulog ko kaya late na ako nagising.
Ganito ang body clock ko pag alam kong hindi ako papasok. Sinusulit ang pagtulog.
Alas nueve na pala ng umaga.
Wala na ang mga aso ko at wala na rin si Brixel.
Nagtungo ako sa banyo ng aking silid upang magbawas, naghilamos at saka lumabas ng silid.
Agad na sumalubong sa akin ang nalangahap kong amoy na nagmumula sa kusina.
Naabutan ko si Lucia na naghahanda ng agahan at abala naman sa pagsasangag si Brixel.
Bawang at asin lang ang halo ng kaniyang sinangag kaya amoy na amoy ko ito.
May sugpo,pritong isda at pipinong tinimplahan ng suka at paminta na panghimagas.
Naupo ako kung saan nakapatong ang laptop sa lamesa para sa mga babasahing e-mails at report na galing opisina.
“ Saan galing ang mga niluto mo?“
Tanong ko kay Lucia.
“ Si sir Brixel ang nagluto niyan sir, padala ng mama nyo kanina.“
Sagot ni Lucia.
“ Ano oras ka nagising?“
Tanong ko kay Brixel na patapos na sa kaniyang pagsasangag.
“ Maaga boss, 6 am…ginising ako ni Jobs kaya bumangon na kami. Hindi ka na namin ginising ang sarap ng tulog mo. Saktong may pinadalang mga seafoods ang mama mo kaya ito lang niluto ko. May pusit,tilapia at lapu-lapu na nasa ref. Inuna ko yung sugpo at natatakam ako. Bihira ako makatikim ng sugpo kaya ayan ang inuna ko.“
Agad kong binalikan sa kwarto ang cellphone ko dahil may kutob ako kung bakit nagpadala ang mama dapat at ihahanda niyang pagbabalik namin.
“ Huwag muna kayo tumuloy dito at dumating ang kuya mo kagabi. Anak,just stay focus sa day off mo. Enjoy it.kailangan mo rin ng pahinga. Pakisabi na lang kay secretary Brixel na may aasikasuhin lang ako kaya di na muna kami magkikita ngayon. Salamat sa pagbisita kagabi anak.“
Tama ang aking hinala na dumating nga ang kuya.
Talagang insecure siya kung nabalik ako dito sa batanggas.
Maiiba ang plano ngayon kaya ako na lang ang bahala ngayong araw.
Bumalik ako sa dining area para kumain kasama si Brixel.
Magana akong kumain dahil masarap ang kombinasyon ng kaniyang inihanda.
Bahagya siyang nagulat ng ibalita ko sa kaniya na hindi na kami babalik sa bahay ng mama ayon sa bilin niya.
Hindi ko sinabi ang totoong dahilan kung bakit.
Dahil naiba ang plano ay naisipan kong ipasyal na lang siya dito sa aming lugar.
Pinagbihis ko siya at nagtungo sa mga pupuntahan namin.
Inuna ko ang university ng mga sinosuporthan kong mga scholars.
Kinamusta ko ang progreso ng mga pinapaaral ko at iba pang mga pangangailangan ng paaralan.
Natapos na rin pala ang malaking audio/visual room na pinatayo ko.
Ilang daan din ang maaring umokupa sa mga upuan nito para sa mga panoorin,concert o graduation.
First class quality ang sound system,pailaw at aircondition nito na aking tinustusan upang magamit ng lahat hindi lamang ng campus na ito,maging ng mga kalapit na paaralan.
Pagkatapos ay sa isang ospital naman kami tumuloy.
Hindi ko pag-aari ito.
Isa lang sa mga gawain ko ang mamasyal dito kung ako ay napapauwi sa lugar namin.
Kaibigan ko lang ang isa sa mga namamahala dito na pinakiusapan kong sumasama para alamin ang maari kong iabot na tulong.
Palihim kong binabayaran ang ilang mga medical expenses ng mga pasyente.
Mga nanganak,senior citezens,mga bata,at sanggol na kapos sa pagpapagamot ang aking binabayaran ng tseke.
Isang marangal na gawain na ikinakapuri ko dahil kaya ko naman.
Masarap ang maraming pera,ngunit hindi ko madadala ang salapi sa hukay. Pero ang kasiyahang nararamdaman sa pagtulong ay langit.
Ito ang karanasang ibinahagi ni Brixel sa akin noong ako ay nangangailangan, kaya ipinagpapatuloy ko lang.
Hindi ako naniniwala sa karma.
Ang pinaniniwalaan ko ay ang maging mabuti ka sa kapwa.
Ang maging isang Brixel.
Inabot na kami ng pananghalian at kumain kami sa kilalang resort ng lugar at pagkatapos ay bumalik na muli sa bahay.
Habang nasa biyahe kami.
Napansin kong panay ang pahid ng mga luha si Brixel habang binabasa ang mga nairecord niyang medical expenses na binayaran ko.
“ Bakit ka naiyak?“
“ Natutuwa lang boss kasi ang dami mong natutulungan. Halos nasa 600 thousand ang nailabas mo para tumulong. Parang nakikita ko na yung mga reactions nila oras na malaman nila na bayad na pala ang mga gastusin nila sa ospital. Natutuwa lang ako kasi napakabait mo sa mga kapus-palad.Wala lang…nakakaiyak naman kasi.“
Kung alam lang siguro niya ang dahilan kung bakit ako ganito,baka hindi lang luha ang gawin niya.
Baka magkikisay pa siya sa kasiyahan na siya ang inspirasyon ko sa mga ganitong gawain.
“ Channel lang tayo ng pagpapala kaya dapat tumulong.“
“Ikaw lang boss,hindi ako kasama.”
“Kasama ka rin. Galing DataMax ang pagtulong na ito kaya isa ka channel of blessing.”
“ Nakunsensya naman boss sa day off ko. Parang gusto ko ng bumalik ng office para magtrabaho na agad. Nanghihinayang tuloy ako sa pag-absent ko.“
“Okay lang yan,si mama naman ang dahilan e. Alam ko naman ang loyalty mo.”
“Loyal talaga ako sa iyo boss…i mean sa DataMax.”
“Nakakasama ka naman ng loob? Dapat sa akin lang.”
“I mean,loyal talaga ako sa iyo boss,promise! Ikaw kaya ang DataMax. Walang DataMax kung walang Rustian Corona. Ayaw ko kayang nagtatampo ka.”
“At kailan naman ako nagtampo?”
“Matampuhin ka kaya.”
“Wala akong matandaang nagtampo ako. At bakit naman ako magtatampo?:
“Matampuhin ka.”
“Hindi!”
“Matampuhin ka!”
“Oh,kelan ako nagtampo? Saan? Anong dahilan? Kanino?”
“Nung isang araw, sa birthday ng mama nyo,yung tinulungan ko si mang Ross?sa akin ka nagtampo. O di ba,nagtampo ka nun?”
“Hindi ako nagtampo nun?”
“Nagtampo ka.”
“Hindi nga! Ang kulit mo ha.”
“Ano tawag mo dun? Selos?”
Bigla akong natahimik sa sinabi ni Brixel.
Umiwas siya bigla at sa bintana siya tumingin.
Hindi ko alam kung bakit kami napunta sa ganitong usapan.
Kapwa kami natahimik.
“ Sorry boss kung napasobra yata yung sinabi ko.“
“ It’s okay, baka nga tama ka…“
“Na…?
“Na baka matampuhin nga siguro ako.”
“Ahhh…okay…buti na lang…hindi seloso.”
“Siraulo.”
Bigla kaming nagkatawanan.
Ngayon iba na ang aura namin habang pabalik ng bahay.
Nakakapag-usap na kami ng hindi siya naiilang sa akin.
Masaya ako at nagkaroon kami ng pagkakataon ng ganito.
Yung hindi lang trabaho ang nag-uugnay sa amin.
Pag-uwi ng bahay ay minabuti kong manood ng tv sa may sala kasama si Brixel.
Sa sofa ako nakaupo at si Brixel sa malaking bean bag katabi ang mga aso na kaniyang nilalaro.
Ngayon lang ako nakapagrelax ng ganito.
Nabawasan ang stress holds ko sa office.
Pinagmasadan ko si Brixel sa kaniyang pagkakaupo. Hindi niya ako pansin sa kaniyang likuran.
Hindi ako makapagconcentrate sa aking pinapanood dahil sa kaniyang ginagawang pakikipagkulitan kay Jobs at Gates.
Nakakatuwa siyang panoorin dahil sa humor niya kung paano kausapin ang mga aso ko na parang mga bata.
Nagring ang phone ko na nakapatong sa lamesa ngunit hindi ko ito sinagot.
Ayaw ko muna ng abala.
Nakailang ring pa ito at hindi ko talaga sinasagot.
Napansin ni Brixel na hindi ako kumikilos kaya siya na ang kumuha at sinagot ang tawag.
Bigla siyang napatayo at inabot sa akin ang phone at kailangan ko daw sagutin dahil isang emergecy meeting ang kailangan sa opisina.
Tinanong ko kung ano ang nangyari at bakit kailangan ng emergency meeting.
Ang Project Manager na si Ms. Fidel pala ang tumawag.
“ Sir Rustian, im sorry po kung naabala kayo. But we need your presence here sa office. May poblema po tayo sa propasal project natin para voting machine. Malaking scandal po ito at kasiraan ng DataMax.“
Walang salitaan, agad kaming umalis ni Brixel kasama ang mga aso ko patungo ng DataMax.
Isang masamang balita ito para sa aming lahat.
Ngayon ko malalaman kung sino ang mga taong tunay na maasahan sa ganitong problema…
Masaya na eh! May problema ang DataMax! Malalaman kung ano yun sa susunod na kabanata! May magkakalabasan na ba ng interes sa dalawa?
ABANGAN!!
CHAPTER 13 CRASHED
BRIXEL
Hangos kaming bumalik ng manila dahil sa balitang may sumulot ng proposal namin ayon sa balita ni Ms.Fidel.
Hindi kumpleto ang mga detalyeng narinig ko kayat wala pa akong alam.
Pero sa reaction ni boss parang may malaking problema.
Maging ang mga aso ay nakakaramdam ng pag-aalala sa kinikilos ng kanilang amo.
Kakaiba ang tulin ng sports car na minaneho ni boss,ang bilis ng biyahe namin,kulang na lang ay lumipad kami para makarating agad ng opisina.
Maya’t maya ang paalaala ko na huminahon siya at huwag magpadala sa nararamdaman.
Nakakakaba naman kasi ang harurot ng makina ng sports car kumpara sa dating gamit namin sa mga business trip.
Nakarating kami ng DataMax.
Agad kong tinawagan si Ms. Fidel na paakayat na kami ng top floor.
Kung anong rebulusyon ang tibok ng puso ko ganoon naman kakalmado si Boss.
Ibang katauhan ngayon ang ikinilos niya mula ng makarating kami at maging ang mga aso ay nakararamdaman na seryoso ang nangyayari dahil maging sila ay tahimik at alerto ang kilos kahit walang taling nakalagay sa kanilang mga leeg.
Bumukas ang pintuan ng elevator at lumabas kami.
Naroon na si Ms. Fidel,apat na associates sa project planning at isang abogado na nakaupo sa magkaharap na sofa ng malaking recieving area namin.
Hindi na nakuha ni boss na magpalit pa ng maayos damit at umupo na lang ito sa main host chair ng pagpupulong.
Mukhang hindi bago sa mga aso ang pumunta dito sa office at kampante silang naupo malapit sa may kitchen counter.
Maging si Ms.Fidel at ang mga kasama nito ay kilala ang mga aso na parang karaniwan na sa kanila na makita ang magkapatid.
Agad inilatag ni Miss Fidel ang mga papeles na babasahin at laptop para sa ilang data reports.
Ako nama’y pumuwesto sa gilid na bahagi ni boss upang malinaw kong marinig ang mga pag-uusapan para sa minutes na isusulat ko.
Katahimikan lang ang nangibabaw sa amin habang binabasa ni Boss Rustian ang mga report.
Ngayon ko nalaman ang buong detalye sa issue ng natanggap naming tawag.
Lumabas na pala ang proposal project mula sa kalaban naming kompanya sa America na pangtapat sa aming computerized voting machine.
Mabusisi ang programing, assembly at system analysis nito kaya taon ang binibilang bago pa maproduce ng maramihan.
Sa pagpo-produce naman ng voting machine ay dadaanan ng maraming test at kailangang walang error sa input votes,counting results at back ups sakaling magkaroon ng aberya sa bilangan.
Masyadong sensitive ang mga computer chips nito kaya may kamahalan.
Protocol sa building na top secret ang project na ito bago ang magaganap na propasal.
Isang multi-billion project ito na kada 6 na taong pinaghahandaan ng kompanya.
Ngunit mukhang naunahan kami ng isa sa mga kalabang data processing company.
Ang nakakagulat, ang model ng machine namin ay kopyang-kopya ng kalaban.
Mula sa kulay,laki at specification ng computer sytem nito ay parehong-pareho.
Lumalabas na DataMax pa ang mukhang nangopya.
Hindi kami makakapagpasa ng proposal dahil sa pangongopya ng kalabang Globe Matic.
Conclusion ni boss ay may sabwatang nangyari mula sa kalabang kompanya at sa loob ng DataMax.
Ikalawang beses na sana ng DataMax para sa national eelection ngunit mapupurnada pa yata dahil sa may naghangad ng masama laban sa boss ko.
Dahil sa nangyari ay nagbigay ng guidelines si boss sa mga dapat gawin.
Kailangan daw maging maingat sa bagong project na babaguhin dahil baka may magleak na naman ng project sa loob ng DataMax.
Hanggat wala pang malakas na pruweba tungkol sa pangongopya ay hindi muna kami gagawa ng hakbang laban dito.
Mas mahalaga ang makahabol sa bidding na gagawin kaya doble trabaho para makagawa ng bagong model.
Inalerto na Miss Fidel ang mga computer specialist,programers,anlyst, production at manufacturer tungkol sa problema at pagbabago sa protocol project.
Maagang nadismiss ang meeting at naiwan kami ni boss sa kaniyang opisina.
Tahimik lang ako sa isang tabi.
Naghihintay ng kaniyang iuutos.
Kabado ako dahil ngayon lang ako nakaranas ng ganito kalaking problema sa isang kompanya at nasaksihan ko ang kanilang galit at pag-aalala.
Mula ng magmeeting ay hindi niya ginalaw ang kapeng inihanda ni Ms.Fidel.
Ipinagtimpla ko siya ng paborito kong kape na tahimik naman niyang ininom.
Ako nama’y naghihintay pa rin ng kaniyang iuutos.
“ Samahan mo ako,gusto kong mag-isip.“
Alerto ako at handa sa gusto niya.
“ Saan tayo boss?“
Tanong ko.
“Samahan mo akong sa grooming station. Kailangang maligo na ang mga aso.”
Hindi na ako makasagot at lumakad na kami papunta ng pet shop.
Nilakad lang talaga namin dahil katabi lang ng building ang pet store na nagbibigay din serbisyo ng pagpapaligo sa mga aso.
Dumating kami ng may nakapilang ibang customer.
Hiniling ni boss na iiwan niya ang mga aso at saka na lang babalikan pagkatapos.
Sinecure ng staff sa isang kulangan pansamantala si Jobs at Gates at ibinigay ko na lang ang contact number ko para tawagan.
Lumabas kami at muling naglakad.
Ganito siguro ang style ni boss sa pagpapakalma ng isip at damdamin.
Hindi naman ako makapag-isip dahil mula ng dumating kami ay hindi pa pala kami nakain.
“ Boss,kumain muna tayo. Hindi pa tayo nakain kanina pa.“
Luminga-linga si boss sa paligid, naghahanap ng makakainan.
Nakabuntot lang ako ng tumawid kami ng kalsada at pumasok sa isang restaurant/pastry house.
Alas dos ng hapon kaya kaunti lang ang tao at tahimik ang lugar.
Makakapagrelax kahit paano si boss sa stress.
Shirmp pasta with garlic bread,soup at four season juice ang inorder niya para sa amin.
Hindi ko naman magalaw ang nakahaing pagkain dahil hindi rin ginagalaw ni boss ang sa kaniya.
Nakatulala lang siya sa pasta.
“ Boss kumain ka muna…“
“I’m thinking…”
“Kaya nga,kumain ka muna para makapag-isip tayo.
Breakfast lang ang kinain natin.
Masakit pa ang puwit ko galing biyahe at meeting. Yung nararamdaman ng tiyan ko nararamdaman mo rin.
Kaya alam ko na gutom ka.
Kumain ka muna.“
Nagvolunteer na akong haluin ang pasta niya. Hinati ko pa ang hipon sa dalawa upang madali niyang maisubo at saka ibinigay sa kaniya ang knife at fork.
Wala na siyang nagawa at napilitang abutin sa akin ang mga kubyertos nagsimula na siyang kumain.
Kaswal lang ako.
Ayaw kong magpakita na namumrublema din ako sa mga nangyayari.
Kahit hindi ako ang may ari ng kumpanya, isang bahagi ko ang nasasaktan kapag nakikita ko si boss na nahihirapan pagdating sa negosyo.
Nasaksihan ko kung gaano siya kasipag sa trabaho.
Hands on siya sa pagtsi-check sa mga department ng opisina kaya laging puyat at sala sa oras ang kain at pahinga.
Pinilit ko talaga siyang ubusin ang kaniyang pagkain at muling bumalik ng petshop.
Nakasalang na pala sa pagpapaligo ang mga aso kaya’t namili muna kami ng mga kakailanganin ng aso habang narito sila sa DataMax.
Dahil walang dalang gamit nila,namili na si boss ng dog food,vitamins,laruan,pakainan,at tulugan.
Mukhang di na babalik ng Batanggas ang mga aso kasama ni Boss.
Masaya dahil may makakasama si boss sa opisina kung wala ako.
Muli kaming bumalik ng building.
Mukhang pagod sila kanina sa biyahe kaya ganoon na lang sila kabehave kanina. Kabaligtaran ngayon ng matapos magroom ay ubod na ng kulit.
Isang oras din namin silang nilaro at ng magsawa sila sa amin ay nagtig-isa na silang nahiga sa nabiling dog beds at saka pa nagkaraoon ng oras si boss Rustian na makaligo.
Inabala ko naman ang aking sarili sa kusina.
Sinilip ko ang ref kung ano ang maaring naming kainin ngayong gabi.
Paniguradong hindi ako pauuwiin ni boss dahil wala pang gaanong linaw sa planong pagbabago tungkol sa project.
Naiwan namin ang mga pinadalang sea foods sa bahay ni boss karne ang pwede kong mailuto.
Pinag-iisipan ko pa kung ano ang maaring iluto marinig ko ang pangalan ko mula sa shower room ni Boss.
Nagpapasalamat ako at misty na ang salamin ng shower area at hindi na gaanong malinaw tingnan ang naliligo. Pero makikita pa rin yung katawan niya habang nasa ilalim ng shower faucet.
Nakayuko akong lumapit sa harapan ng pinto at naghihintay ng kaniyang sasabihin.
Napaatras ako bahagya ng bumukas ng kaunti ang sliding door nito at sumungaw si boss kaya napatingin na ako sq kaniya.
“ Pakuha ako ng towel then maligo ka na rin,and then call Miss Fidel at may ipapagawa ako.“
Tumango na lang ako at patakbong kumuha ng bagong tuwalya sa walk in closet at inabot kay boss.
Dali-dali din akong nag ayos ng susuutin niyang damit na casual wear sakaling bumaba pa siya ng work station ay maayos at presentable pa rin ang pananamit.
Pinag-iisipan ko pa ang babagay na sapatos sa kaniyang pantalon ng pumasok si boss ng nakatapis uli ng tuwalya.
“ Okay na yang hawak mong sapatos,maligo ka na.“
Utos niya sa akin.
“ Eh boss,wala naman akong damit na masusuot dito. Naiwan ko yung damit ko sa kwarto ng bahay nyo.“
“Ako na lang pipili dyan. Dali na maligo ka na at may aasikasuhin tayo ngayong gabi.”
Wala na akong nagawa dahil pinagtulakan na ako papunta ng shower room.
Habang naliligo ay kinatok pa ako ni boss at inabutan niya ng tuwalyang gagamitin ko.
Napangiti ako ng isara ko ang sliding door matapos kong tanggapin ang tuwalya.
Kahit na busy at may problemang dinadala si Boss Rustian ay nandoon ang kaniyang kabaitan.
Agad akong nagpatuyo at nagtungo sa walk in closet at nagmamadaling nagbihis. Ayaw kong siyang paghintayin..
Isang bagong boxer short, blue short ,polo shirt at leather sandals ang nakita kong inihanda ni boss para sa akin.
Isang pambahay…
Wala akong karapatan na mag-inarte at mamili sa susuutin ko.
Pinahiram lang ako ng damit na personal pa niyang inihanda.
Pero napansin ko na hindi rin sinuot ni boss ang mga inilatag kong damit na para sa kaniya.
Matapos kong magbihis ay lumabas na ako para tulungan si boss sa kaniyang mga gagawin.
Tinawagan ko si Ms.Fidel na kailangan siya ni boss.
Napatangin ako ng pagdikitin na muli ni boss ang mga dingding ng kaniyang pribidong silid upang di makita ng papasok kaya napadako ako sa kaniyang kinauupuan.
Pipikit-pikit pa ako ng mga mata at baka malabo lang ang paningin ko.
Ngayon ko lang napansin na pareho kami ng suot ni boss.
Parehong signitured polo shirt, at ng short, maliban lang sa sandals ang sa akin at sa kaniya ay sapatos.
Patay-malisya na kunwang hindi ko pansin na pareho kami ng suot ni boss.
Tahimik akong nagtatrabaho sa aking table
Maya-maya ay lumapit si boss sa aking pwesto habang may kausap sa kaniyang cellphone.
May idinikit na sticky note sa aking harapan.
“ Bring your friend Emi and Corazon here.- Now!“
Agad akong napaatras at dali-daling bumaba.
Nalilito ako bakit pinatawag ni boss ang mga kaibigan ko at mukhang urgent.
Nagkasalubong pa kami ni Ms.Fidel sa pintuan ng elevator.
Tinanguan nya lang ako dahil maging siya ay may kausap din sa cellphone.
Talagang urgent ang trabaho ng mga superior ng office at abala sa mga kausap sa telepono.
Tinawagan ko ang dalawa kong kaibigan na magkita kami sa elevator. Binilin ko na magpaalam sila sa kanilang station at pinapatawag sila ng CEO.
Ilang minutong paghihintay ay nagkita-kita kaming tatlo.
Kinakabahan ang dalawa sa aking sinabi. Hindi ko rin alam kung bakit sila pinatawag.
Umakyat na kami ng top floor at naroon si Ms. Fidel at boss Rustian na nakaharap sa malaking TV monitor kausap ang ilang bigating associates ng opisina.
Umiwas kami ng mga kasama kong makita sa monitor dahil nakakatakot ang manerismo ni boss Rustian habang kausap sila.
Seryoso at direct to the point kung siya ay magsalita.
Alam na alam ang lahat ng mga detalye at mga pasikot-sikot ng usapan. Halos di ko nga maintindihan yung ibang term na naririnig ko tungkol sa mga programing,computer system,at mga code-code.
Complicated para sa isang kagaya ko.
Tahimik lang kaming tatlo na nakaupo sa dining table.
Muntik pa ako mapasigaw ng bumukas ang elevator at mulinkong makitang lumabas doon si Manong Ros.
May pag-aalala sa kaniyang mukha ng magkatinginan kami at tumabi sa amin.
Ikinuwento ko ang mangyari.
Maging siya rin pala ay pinauwi din boss ng wala sa oras.
“ Malaki nga ang problema, ganyan ang batang yan. Nagtatawag ng makakasama pagmaraming iniisip.“
Naawa na talaga ako kay Boss Rustian sa dami ng alalahanin.
Natapos ang tele-conference ay kami naman ang hinarap ni boss.
Sa dining area na kami lahat naupo.
Dahil gabi na rin ay nagpatawag na ako ng food delivery. Pizza at fried chicken meal na ang inorder ko. Hindi ko rin nakalimutan ang paborito ni Manong Ros dahil mukhang di rin siya nakakain galing biyahe.
Nag-usap sandali sa isang tabi si Boss at manong Ross.
Kaming apat naman ay naiwan sa dining table.
“ Anong meron? Bakit mukhang galit si Boss?“
Bulong ni ate Corz sa akin.
Pinaliwanag ko ang dahilan kaya nagulat sila sa nangyari.
“ Brain storming lang tayo dito ha. Magsuggest lang kayo ng magsuggest kahit pinaka wierd na maisip nyo tungkol sa voting machine na gagawin. Yun lang ang gagawin natin kaya huwag kayo matakot mamaya ha.“
Bilin sa amin ni Ms.Fidel.
Nagkatininginan kaming tatlong magkakaibigan.
Bigla naman akong siniko ni Emi tagiliran ko.
“ Uy…bakit ganyan ang suot mo?“
Tanong niya sa akin.
“ Bakit? Ano meron sa suot ko?“
“Yung OTD mo? Pareho kayo ni Boss? Mukha kayong empleyado ng Guess…”
“Madalian kasi ng bumalik kami. Wala ako masuot kaya pinahiram ako ni boss ng gamit. Mukhang supply yata ito ng guess sa kaniya kaya pareho kami.”
Kinabahan ako sa pagsagot.
Hindi ko naman talaga alam na pareho kami ng susuutin ni boss.
Buti na lang at mukha kaming empleyado at hindi…couple.
Kasi naman si boss e.
Maiintriga pa ako ng mga kaibigan ko.
Umayos kami ng upo ng bumalik na si Boss at Manong Ross.
Si Ms.Fidel na ang nagbukas ng aming pag-iusapan.
Hiningian niya kami ng suggestions patungkol sa voting machine na ipoproduce at ihahabol sa bidding.
Isa-isa kaming nagsuggest ng bagong features na wala ang naunang machine.
Masyadong advance ang mga binanggit namin.
Voting machine na nakanetwork sa voting tablet.
Isa itong tablet para sa mga botante ng mga presinto kung saan ka pipili ng iyong iboboto at automatic na irerecord ng voting machine sa voting tablet doon .
May verification ng biomatrics o thumb mark kung ikaw nga ang taong nakarecord para sa pagboto.
May mini printer ang tablet na ipapabasa sa voting machine bilang hardcopy .
Hindi na kailangan ng malakihang printed voting paper dahil sa tablet na pipindot ng mga iboboto mo para makatipod din ang gobyetno sa pagbili ng voting ballots.
Sa ganitong paraan lalong maiiwasan ang dayaan dahil electronic data ito.
Parang nachallege si boss sa aming mga nabanggit.
Mukhang umaliwalas ang kaniyang mukha habang binabasa aming naisulat.
Lalong naging busy si Ms.Fidel sa pagtawag sa mga programmer tungkol sa bagong voting machine at sakating dumating na ang aming pagkain.
Nawala na rin ang takot at kaba ni Emi at Ate Corz. Natuwa sila sa kanilang naitulong tungkol sa bagong project.
Ngayon ay may bago na kaming maaring maipasang propasal para sa bidding.
Sana lang ay maihabol namin ang advance voting machine na gagawin.
Inabot na kami ng alas dos ng madaling araw kayat pinauwi na ni boss ang mga kaibigan ko.
Pinagleave sila ng isang araw upang makapagpahinga.
Tumanggi si Emi na magleave at sa sleeping quarters na lang siya magpapahinga.
Si Ate Corz lang ang pumayag dahil birthday ng kaniyang anak ngayong araw.
Hindi ko nga alam sagot ko kung makakapunta ba ako sa imbitasyon niya dahil lalong busy na si boss at kailangan ako sa tabi niya.
Naunawaan naman ni Ate Corz ang mga dahilan kaya hindi na siya nagpumilit pa.
Naiwan kami ni boss at manong Ross pagkatapos ng nakakapagod na brain storming.
Hanggang sa nagyaya na si boss na gusto na niyang umuwi.
Kasama ng mga aso, sabay-sabay na kaming bumaba ng elevator at sa parking area.
Inihabilin muna ni mang Ross ang mga aso sa mga guwardiya at kami ni boss ay pumasok na ng sasakyan.
Naupo ako sa dati kong pwesto, sa unahan at si boss sa aming likuran.
Akala ko ay ihahatid nila ako pero nagbilin si boss na dumaan na muna kami ng kaniyang condo.
Sinilip ko siya pero nakapikit na pala at parang patulog na sa kaniyang pagkakaupo dahil sa pagod.
“ Huwag ka na munang umuwi at pihadong hahanapin ka ng boss mo. Doon ka na matulog sa condo niya.“
Banggit ni Manong Ross sa akin.
Tanging “ho?”,lang naisagot ko.
Di na ako makaangal hanggang sa nakarating kami sa isang sikat na condominium sa Taguig.
Pagpasok palang naming dalawa ni boss ay kabilaan na ang mga hotel staff na bumabati sa amin.
Ngayon lang ako nakapasok sa ganitong lugar at grabe ang pagbibigay nila ng importansya sa boss ko at maging sa akin at talagang malalaman mong hindi mga normal na tao amg nakatira dito sa dami ng security personnel na nakapaligid sa bawat sulok ng gusali.
Sumakay kami ng elevator at 21st floor ang aming destinasyon.
Nakakamangha ang nadatnan ko.
Ang inaakala kong condo unit na isang kwarto lang ay ang buong floor pala.
Nahati lang ito sa malaking hallway sa gitna para daanan na may magkatapat na malaking pintuan.
“ You’ll take the left, and i’ll be on the right.“
May pinundot na munang passcode sa gilid ng pinto si boss at saka ito nag-unlock.
“ Ikaw na bahala dyan,magpahinga ka na. Kung magugutom ko may food sa ref. Kung may gusto ko,itawag mo na lang sa room service. Passcode ko sa kabilang room is my mom’s birthday. Sige na at magpahinga ka na.“
At saka iniwan ako ni boss mag-isa sa napakaling silid na tila bahay na sa dami ng kwarto nito.
May malaking sala,magagarang kagamitan,library,guest rooms,masters bed room,gym,entertainment room at hindi rin naiba sa akin ang kusina na gaya na naman sa office, sa bahay ng dinya at bahay niya sa Batangas.
Hindi ko alam ang history ng kusina kung bakit nakadikit sa kaniya ang design nito.
Nakakalula talaga ang yaman ni Boss Rustian at may ganito siyang mga pag-aari.
Namili ako sa walk in closet na maaari kong masuot na pantulog.
Isang asul na terno ng pajama ang aking isinuot.
Kinapalan ko na ang mukha ko at hindi ako komportable sa polo shirt na pinahiram sa akin ni boss.
Kumuha ako ng unan at comforter.
Sa malaking sofa sa livingroom ako matutulog.
Wala kasing kulubot ang bed sheet na nakatakip sa kama kaya hindi ko kayang galawin ang napakagandang pagkakaayos nito sa masters bedroom at maging sa mga guest room.
Okay na ako sa sofa.
Nakatulog ako at nagising ng alas siete ng umaga.
Habang nag-iinat ay nag-ring ang aking phone at sinagot ito.
Si Boss ang tumawag at pinapupunta niya ako sa kabilang kwarto.
Nagtaka ako kung paano nalaman ni boss na kagigising ko lang.
Bigla akong naging concious.
Maaring pinapanood ni boss ang aking ginagawa.
Ngayon ko naisip na maaring may mga camera din ang silid na ito at kasalukuyan niya akong nakikita.
Bumangon ako at kunwang nag-eexercise. Pero ang totoo ay hinahanap ko ang mga camerang maaring nakatutok sa akin.
Concious akong lumabas at nagtungo sa katapat na silid.
Natandaan ko ang sinabi ni boss na birthday ng kaniyang mama ang code number ng pinto para magbukas. Apat na numero lang. Buwan at petsa lang ang code.
Maingat akong sumilip sa loob at naroon na pala si boss na nasa mahabang dining table at nakain ng agahan habang inaasikaso ng isang matandang babae nakauniporme ng hotel..
“ Good morning sir.“
Bati sa akin ng babae.
Lumapit na ako at umupo kung saan nakalagay ang bakanteng plato.
Magkabilaang dulo kami nakapwesto. Concious pa rin ako tungkol sa camera.
Pinanood ko si boss habang abala sa pagkain at pagtitipa sa kaniyang laptop.
“ Hindi nyo ba gusto ang inihanda ko sir?“
Tanong sa akin ng babae.
“ Naku,mukha pong masarap hinanda nyo…kaya lang…pwede ba patulong naman…na dun ako malapit kay boss. Para madali ng linisin pagkatapos kumain.“
Napatingin sa akin si boss Rustian at balik sa pagtitipa sa kaniyang pagtitipa. Bakas ang ngiti sa kaniyang labi.
Hindi siya tutol na sa gilid ng mahabang mesa malapit sa kaniya ako lilipat para kumain.
Agad kong dinala ang plato at kubyertos ko kasunod ang matandang babae dala ang mga pagkaing inihain niya at inilatag sa tapat ko.
Natuwa ako dahil kahit abala si boss ay magana siyang kumain.
Breakfast pa lang ang kinakain ko pero parang fiesta sa dami ng pagpipilian. Nakakahiyang hindi tikman ang mga iyon.
Ultimong pati tubig na iniinom ko ay hindi pangkaraniwan.
Nagpasalamat ako sa matandang babae.
Siya si Mrs. Gandia.
Ang mayordoma ng unit na ito.
Hindi ko siya nakita kagabi dahil dito siya sa silid ni boss natutulog at ang kabila ay para sa mga bisita lamang.
Nakilala ko rin si Melchor,ang cook ng kusina na nagluto ng agahan namin.
Unti-unti ko ng nakikilala ang mga taong nakapaligid kay boss kung siya ay wala sa opisina.
Pagkatapos kumain ay lalong naging abala si boss sa kaniyang ginagawa.
Programing ang kaniyang pinagkakaabalahan Hindi ko maintindihan at puro code at graphics ang nakikita ko sa kaniyang laptop.
Ako naman ang taga tawag sa mga ibinibigay niyang sticky notes,taga sulat sa white board ng mga dapat tandaan,taga timpla ng kape sobra kaming busy at halos di na kami nakapagpalit ng suot namin.
Alas onse ng tanghali ng may iabot sa akin si Mrs.Gandia na telepono.
Sinagot ko ito at si Manong Ros ang narinig ko sa kabilang linya.
“ Hello Brixel,paki sabi kay boss na paakyat na kami ng dyan.“
Nagulat ako dahil bukod sa boses ni matanda,naririnig ko ang boses ni Tiya Mitos na parang katabi lang ito ng nasa kabilang linya.
Kasama ni Mang Ross si Tiya Mitos?
Kinabahan ako.
Hindi nga!
“ Kasama ni Mang Ros ang tiyang dito sa condo?!“
Hala!
Anong kabalbalan ang mangyayari sa paghaharap ni magtiya?
Ano na naman ang plano ni Rustian?
Makahula imemention ko ang name sa next chapter.
Kaya ABANGAN!!
Guys medyo delay ang updqte. Busy po talaga. Alam nyo naman wala trabaho kqya gumagawa ng pagkakakitaan.
Sensya na po ha.
CHAPTER 14 NEW RESIDENT
RUSTIAN
Tulalang ipinaalam sa akin ni Brixel na dumating na si Mang Ros kasama ng mga pinasundo ko.
Alam kong magugulat siya sa aking pag-imbita sa kaniyang tiyahin at pinsan na pumunta dito sa aking tirahan.
Inimbitahan ko sila upang pag-usapan ang aking plano.
Sinabihan na ako ng aking mayordoma na naghihintay visitors lounge ang aking mga ipinatawag.
Hindi ko ipinaalam na narito na ang tiyahin niya.
Tinapos ko muna ang ilang bahagi ng aking ginagawang programming at saka ako tumayo upang punta sa silod tanggapan.
Inaya ko na si Brixel na samahan ako upang makigpakita na sa kaniyang tiyahin.
Tahimik lang na sumunod.
Halata ang pagtataka kung bakit narito ang kaniyang mga kamag-anak.
Ngayon langvyata siya nawalan ng dila sa pagkakataong ito.
Pumasok kami sa loob at halata ang pagkagulat ng dalawa ng makita nila kami ni Brixel.
“ Magandang araw po
Aling Mitos.“
Pagbubukas ko sa aming kwentuhan.
“ Magandang araw naman…“
Halata ang kaba at pagtataka kung bakit sila narito ng sila.
Pinaupo ko sila.
Tahimik silang naupo na nakatangingin sa aking secretary.
“ Tiyang…Maricar…siya po si Mr.Corona…siya po ang boss ko.“
Naupo ako sa kalapit na sofa ngunit si Brixel ay nanatiling nakatayo lang sa likuran ko.
“Alam ko po na nagtataka kayo kung bakit ko kayo pinatawag. May problema po kasi office at kailangan ko po talaga ang serbisyo ni Brixel ng madalian kung kailangan.
Napapapansin ko na nahihirapan sa pagpasok si Brixel tuwing umaga at uuwi kung late na ng gabi.
Kaya napag-isipan ko… na… dito ko na siya patirahin para hindi na rin siya nahihirapan. Medyo complicated po kasi ang trabaho niya sa company lalo na at sa akin siya laging nakadikit. May mga bagay po kasi na kailangan ng pag-iingat lalo na ngayon na may hinahabol kaming project. Isa pa nakaktanggap kasi ako ng mga bagay na hindi maganda para sa aking seguridad kaya kailangan din ng pag-iingat para sa secretary ko.“
Hindi pa rin makapagsalita si Aling Mitos sa mga sinabi.
May inabot ako sa mag-ina.
“ Huwag ho kayong mag-alala, kung iniisip nyo ang security ng pamangkin nyo,mas maiingatan po ng kumpanya ang kaniyang mga interes lalo na po sa pagtulong sa inyo. Nais ko pong tanggapin ninyo itong tseke bilang tulong niya sa kaniyang pansamantalang pag-tira dito sa akin. Huwag nyo pong masamain ang pag-aabot ko ng tulong…ayaw ko ring mag-alala ang pamangkin nyo kung wala siya sa inyong poder.“
Halos bumagsak sa sahig mula sa pagkakaupo sa sofa si Aling Mitos sa inabot kong tseke sa kaniya.
“ONE HUNDRED THOUSAND PESOS!One hundres thousand pesos mama.”
Nagkatunginan pa kami Brixel sa sigaw sabay bulong ng kaniyang pinsan sa ina.
Hindi sila makapaniwala sa alok ko o sa ibinigay kong halaga kapalit ng pagtira niya dito sa condo.
“ Ano pa nga ba ang magagawa namin kung seguridad ni Brixel ang nakataya sa trabaho niya. Mabuti na yung may kasama ka sir para nababantayan kayo. Naku,uso pa naman ang kidnapping ngayon.“
Pigil ako na matawa ng ilagay ni Aling Mitos sa loob ng kaniyang bra ang tsekeng inabot ko.
Sandali kaming nagkwentuhan hanggang sa tinawag na kami ni Mrs.Gandia para sa aming pananghalian.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapagsalita si Brixel sa nangyayari.
Sa dining area kami muling nagkwentuhan habang hinahain ang aming kakainin.
American dish ang iniluto ng aking cook.
“ Ano po gusto ninyo sa beef steak nyo aling Mitos? Medium po ba o rare?“
Tanong ko.
“Naku sir…okay po kung large yung beef.”
Sagot sa akin ng matanda at napakislot ito sa pagkakaupo dahil sa kalabit ng kaniyang anak.
“ Mama…ibig sabihin ni sir yung klase ng luto. Medium ba o rare, hindi yung size.“
Mahinang boses ni Maricar.
Nakakatuwa ang mag-inang ito.
Napagkasunduan naming well done ang nais naming kainin.
“ Before i forgot.Maricar,magpasa ka online ng CV (Curriculum Vitae ) for your interview.“
Nais kong i-hire din ang pinsan ni Brixel.
Tuwang-tuwa ang mag-ina dahil sa rekomendasyon kong magtrabaho din sa DataMax si Maricar.
Nangako naman ako na tatanggapin siya agad oras na siya ay mag-apply.
Halata na pilit ang mga ngiti ni Brixel sa pagharap sa kaniyang tiyahin.
Asikasong-asikaso siya ng tiyahin at pinsan sa pagpapakain na halata naman kay Brixel na hindi naman niya ito nararanasan sa dalawang kamag-anak.
Hindi na halos makakibo si Brixel sa mga nalalaman niyang maaring pagbabago pa sa buhay niya.
Matapos kumain at makapagpahinga ng kaunti ay maayos ko na silang pinauwi dahil sa dami ng aming gagawing trabaho kayat pinahatid ko na lang sila muli kay Mang Ros pababa ng condo hanggang sa kanilang bahay.
Dito na kami nakapag-usap ng maayos ni Brixel ng maiwan kami.
“ Boss…dito na ako titira?“
“I need you by my side lalo na kung ganito ang nangyayari.
Isa pa convinient din na madali kang makapunta sa tabi ko kung ipatatawag ka. Maawa rin tayo kay Mang Ros at para na siyang lagare pag-oras na ipinapasundo at hatid ka.
Wala rin namang nagamit ng kabilang unit ko. Kaya dun ka tumira. Malaki ang damitan ko para sa mga gamit mo. Pwede mo pa ngang suutin ang iba doon para di ka na mamimili ng iba pang kailangan.“
“ Yung sa security,totoo ba yung kidnap-kidnap?“
“Palabas lang yung kidnap-kidnap. Wala namang nakakaalam na ako ang CEO ng DataMax. Low profile lang ako at hindi nalalaman ng karamihan. Hanggat maari ay iwas akong makilala ng karamihan.”
“Sabagay…kahit sa internet di kita nakikita noon.”
“Hindi ko alam na stalker ka pala?”
“Ibig kong sabihin…pangarap ko talaga ang DataMax.
Bago pa ako makapasok inalam ko ang history ng kumpanya.
Wala ka nganng pangalan doon o picture na pwedeng makita.
Sa unang interview ko lang nalaman na ikaw pala boss ang may-ari.“
“Tama,kasi nga data inquiries and record ang ating kompanya kaya ingat ako sa aking background. Kailangan ang low profile. Maging ang mga empleyado ay limitado rin sa paglalabas tungkol sa kanilang trabaho. At sa unang pagkakataon,ngayon lang may gumawa ng kalokohan sa akin.”
“Eh boss,bakit ganoon naman kalaki yung binigay mo sa tiyahin ko. Pwede naman ako na lang ang magbigay sa kanila sa mga naiipon ko.”
“Yun ba? Ayaw ko ng paligoy-ligoy pa pagnakikipag-usap. Alam ko namang napipilitan ka lang tumira sa tiyahin mo.
Napansin ko kasi na hindi maganda ang relasyon ninyong magtiyahin.
Naisip ko na baka financial needs ang reason kaya ganoon sila. Hindi mo kailangan bayaran ang binigay ko. Isipin mo na lang kung ano iyon ay tulong para sa kanila.“
“Saan ako matutulog kung dito ako titira?”
“Sa kabilang unit, you can take that place. Wala namang nagamit noon.1203 ang number code.”
“Kanino namang birthday yun?”
Hindi na ako sumagot at bumalik na ako sa aking mga tinatapos na trabaho at napilitan na rin siyang tumigil sa kakatanong.
Alam ko naman na hindi na siya makakaalis dahil sa mukhang pinamigay na siya ng kaniyang tiyahin at tahimik na lang siyang bumalik sa kaniyang ginagawang trabaho.
Sa ngayon ay ibinuhos ko muna ang aking concentration sa paggawa ng program.
Mabusisi ang programming, ngunit pagadating sa ganitong sitwasyon ay hindi ako pahuhuli.
Ginamit ko lang ang naunang program na ginawa ko at nagdagdag lang ako para sa ibang feature ng gagawing bagong voting machine.
Isang hamon para sa akin ang mga na-suggest nilang pagbabago kaya ina-analyze ko kung paano ito ma-e-execute.
Isang mas makabagong pamamaraan ang maaring maibigay ng DataMax pagdating sa national election kung ito ay aking matatapos.
Mayamaya ay nakabalik na rin si Mang Ros at kasama na ang tatlong tao na pinasundo kong mga expert programmer upang tulungan akong mapabilis ang trabaho.
Lihim ko silang mga empleyado sa labas ng DataMax.
Sa sobrang lihim maging ang pangalan nila ay internet alyas lang ang pwede pagkakilanlan sa kanila.
Si @hotfudgege04, @MichaelPergelGerard, at @KaizerPaul25.
Mga genius sa web hacking at programming na nahuli kong nangunguha ng data sa kompanya sa pamamagitan ng encrypted e-mails,fishing o virus.
Malas lang nila at ako ang kanilang nakabangga.
Hacker lang ang pwedeng tumapat sa isang hacker.
Nabaligtad ang sitwasyon at ako ang kumuha ng kanilang files. Tinakot ko sila na ebidensya ko iyon sa kanilang ginagawa at pwede ko silang ipakulong kaagad.
Ang totoo ay isa sila sa mga nananabotahe ng mga scammer sa internet.
Iginaganti lang nila ang mga nabiktima ng panloloko sa internet.
Curiosity lang kung bakit nila pinasok ang computer system namin.
Dahil sa kanilang talino kaya personal ko silang tauhan pagdating sa ganitong trabaho.
Isa sa obligasyon nila sa akin ang tulungan ako kung kailangan ko ng mabilasang program.
Pinaghati-hati ko sa kanila ang mga task kung paano masosolusyunan ang mga nadagdag na program para sa vote machine at voting tablet na ikokonekta dito.
Inabot na kami ng madaling araw ng walang hinto dahil ilang araw na lang ay bday* (bidding day) na.
Protocol sa bday na kailangang magpakita kami ng demo. Hindi maaring puro salita lang o litrato. Kailangang nahahawakan,nakikita at natetest.
Mahirap kausap ang mga politician. Masyado sila mapili.
Hindi rin maiiwasan ang red tape o suhulan.
Ang sa akin lang ay gumawa ng alam kong maaring makatulong para sa bayan.
Sa ngayon,ang paghahabol ng bagong machine ang uunahin ko.
Saka ko na isusunod ang taong nagtraydor sa akin.
Nagbigay ako ng 15 minutes brake upang mawala ang aming stress at malamanan din ang aming mga sikmura.
Habang nagpapahinga ay nilapitan ako ni Brixel…
TIYA MITOS***
Pinaghalong kaba at saya ang nararamdaman ko habang nandito kami sa loob ng elevator.
Hindi ako makapaniwala sa swerteng dala ni Brixel.
Akalain ko bang bilyonaryo pala ang nakitulog sa amin noon?
Mabuti na lang at hindi ako nagmaldita.
Akala ko ay katrabaho lang siya ni Brixel yun pala ay boss na.
Ito namang si Brixel,dinala na pala sa bahay ang amo hindi man lang pinakilala sa amin?
Hindi rin ako nakaangal ng hilingin niya na lumipat na si Brix dito.
Daig pa niya nanalo sa lotto?
At ako ay naambunan din ng swerte.
Teka lang ha, iba ang binigay ng boss niya sa utang ng nanay niya.
Tulong ang natanggap ko at hindi bayad.
Magkaiba ang dalawang yun.
Grabeh,ang ganda ng lilipatan ng pamangkin ko.
Mamumuhay mayaman oras na dito na talaga siya tumira.
Ang sosyal!
Maski ako ay hindi rin makapaniwala na makatuntong sa ganito kasosyal na condominuim.
Pagpasok pa lang namin ng anak ko kanina ay si Sharon Cuneta agad ang makakasalubong namin.
Dito pala siya nakatira!
Nakakamangha pa,yung buong palapag na tinitirahan ng binatang iyon ay kaniya pala.
Mayat-maya ang kapa ko ng tseke na nasa dibdib ko.
Ang swerte ko talaga sa pamangkin ko.
At ang maganda pa nito ay makakapagtrabaho na rin ang anak ko sa detamaks.
Kaya mula ngayon dapat ko ng baguhin ang pagtrato sa aking pamangkin.
Pagsasabihan ko na rin si Maricar na iwasang makipagtalo sa kaniyang pinsan at malaking tulong siya sa aming kinabukasan.
“ Ma
nong, ano po ba ang trabaho ng pinsan ko, mukhang pabor na pabor yata si
Sir Corona sa kaniya?“
Tanong ng anak ko sa driver habang binabagtas ng sinasakayan naming kotse ang daan pauwi.
“ Kanang kamay ni Rustian si Brixel. Kung ano desisyon ng boss,unang nakakaalam si Brixel.“
Sagot ng driver.
“ Ibig sabihin boss din ang pinsan ko?“
“Isa lang ang boss at si Mr.Corona lang yun. Lahat kami ay empleyado lang. Wala ng tataas pa sa kaniya.”
Mukhang respetado ng mga tauhan niya ang binatang iyon.
Halata sa driver ang pagbibigay niya ng inportansya sa kaniyang amo.
Mukhang wala na yata kaming malalaman pa tungkol sa kaniyang amo dahil sa hindi na siya gaanong nagsasalita.
Nakakaproud naman ng makarating kami ng bahay dahil nakapukaw kami ng atensyon sa mga kapitbahay ng bumaba kami sa isang magarang sasakyan.
Muntik ko tuloy makalimutan ang bilin sa amin na huwag magkukuwento ng mga napag-usapan namin tungkol kay Brixel. Maaring baka pati ang aming seguridad ay malagay sa alanganin.
Kailangang tikom ang aming bibig pagdating sa kaniyang trabaho lalo na sa katauhan ni Mr. Corona.
Isasakripisyo ko na ang tsismis kesa mapahamak pa kami ng anak ko.
Naku sa wakas at makakaahon na rin kami kahit paano ng anak ko sa oras na makapagtrabaho na siya kasama ng pamangkin ko.
BRIXEL****
Hindi ako nakaimik sa pagkabigla ng mlaman kong pinasundo ni boss ang tiyahin ko para makusap.
Ang nakakaloka ay ang palano niyang palipatin ako ng agaran dito sa condo niya.
Makakauwi pa ba ako sa mga tiya Mitos kung pinadala na pala kay Mang Ros ang mga gamit ko ng bumalik siya matapos niyang ihatid sila?
Wala na…
Mukhang dito na nga ako titira.
Naloloka na ako!!!
Kumakabog ang dibdib ko sa mga ganitong biglaang desisyon ni boss.
Naglalaban ang isip at damdamin ko na para bang hindi na ako nakakapag desisyon para sa sarili.
Nilapitan ko si boss ng pinagpahinga niya ang kaniyang mga kasama.
“ Boss wag ka sanag magagalit ha…para kasing…parang sobra naman yata ang ginagawa mo para sa akin.“
Hindi siya nasagot nanatiling nakatingin lang siya sa akin.
Umiwas ako ng tingin sa kaniyang mga mata.
Kinakabahan ako.
“… yung bang…parang ikaw na ang nagdedesisyon para sa akin.”
“Ikaw,ano ba ang desisyon mo?”
Hindi ako makasagot.
Ano nga ba ang desisyon ko?
“Wala akong no choice”
Nagtitiis lang naman ako sa bahay ng tiyang Mitos
Nahihirapan din akong umuwi ng late at pumasok ng maaga.
Naawa din naman ako kay mang Ros kakasundo sa akin pagkailangan.
Natataranta na ako pagnakakatanggap ng tawag mula kay Ms.Fidel.
Titira ako sa ganito kalaking bahay.
Matutulog sa napakagandag silid at hihiga sa napakalambot na kama.
Kakain ng masarap.
Makakatipid ako at makakapagbayad na ng utang.
Makakasama si Boss 24 oras.
Masarap kausap si boss.
Mababantayan ko siya.
Ano nga ba ang desisyon ko?
“ See…hindi ka masagot. Kaya nga ako na ang nagdecide kasi ako ang boss. “
At lumakad palayo si boss pabalik sa kaniyang mga kasamang abala na uli sa ka ila g mga computer.
Ako,naiwan walang masabi dahil tama nga na si boss ang nagdesisyon para sa akin.
Agad akong tumakbo sa aking lamesa at sumulat sa isang sticky note at idinikit ito sa screen ng abala kong boss.
“ Next time naman boss give me a warning…
And maraming salamat boss.“
Hindi ko na hinitay ang kaniyang reaction at tumalikod na ako.
Basta ang alam ko para sa kabutihan ko rin ang ginawa niyang ito para sa akin.
Nakakainis siya….
Bakit ang galing niyang pawiin ang galit’galitan ko….
Ay sino may bet na magkainlaban na sila? Taas ang kamay at sumigaw ng …
ABANGAN!!!
CHAPTER 15 MARATHON OF THE HEARTS
MS.FIDEL
Magdamag ako dito sa opisina habang wala si Sir Corona. Kahapon pa ako hindi nauwi.
Ako muna ang pinagbilinan niyang mamahala sa lahat ng trabaho niya dito sa top office.
Maya’t maya din ang tawag at palitan namin ng text ni Brixel tungkol sa ginagawa nina boss at ng kaniyang mga kasama.
Kampante ako na matatapos nila ang program at maihahabol ito sa assembly line para magawan ng bagong voting machine.
Maging ang mga pinagawang scale at draft ayon sa specification ng machine ay naasikaso ko at nakapili agad si boss na babagay sa bagong model.
Bagong kaha,pagpapagawa ng micro chips,drive,tablet specification, memory,mini printer etc. ay sa abroad pa minamanufacture at tinitest kaya madami pang pagdadaanan.
Madalian at walang oras na dapat masayang dahil kailangang humabol bago ang BDay.
Ang daming nawala kay boss dahil sa nangyaring pangogopya ng kalaban namin.
Pera at oras lang naman ang kinuha ng sira ulong daga ng company.
Grabe ang abala.
Pero iba si Sir Corona at cool lang niyang hinarap ang problema.
Hindi siya nagbreakdown.
Hindi bumigay sa sama ng loob.
Matapang talaga at matalino.
Mabuti na lang at magaganda ang naibigay na suggestion ni Brixel at ng mga kaibigan niya ng magbrain storming kami.
Ganoon si sir pagkailangan ng bagong idea.
Nagtatanong sa iba at saka pag-iisipan kung applicable at posible.
Kahit sabihin pang parang imposible sa iba ay pwede naman palang gawin.
Mas advance ang idea ang naisip nila at kahit sa ibang bansa ay wala pang ganitong innovation ang nalabas.
Sakali, baka ang Pilipinas pa ang mauna pagdating sa ganitong voting machine.
Ngayon ay may go-signal na ako ni sir Corona sa kailangan niyang imbestigasyon.
Inutusan niya akong ipunin ang lahat ng mga email na lumabas at pumasok dito sa aming building sa loob ng anim na buwan.
Ito ang kakaiba sa aming system.
Nairerecord ang mga business transaction.
Nasasala ang sa personal at sa trabaho.
Ang lahat ng palitan sa chat,emails,video call,text, basta connected sa internet ay nairerecord ng aming main server. Burahin man ang history o account ay nairecord na ito ng server.
Madali na sa aming matukoy kung saang floor, station, saang computer at oras na nagpadala at nakatanggap. Kung sino ay may camera footages naman kami bilang karagdagang ebidensya na mag didiin sa kung sino man ang magtraydor sa kompnya.
Hindi ibig sabihin na maluwag ang patakaran ay magagawa na ang lahat.
Hindi man nakikita sa cctv ay madali rin naming malalaman.
Marami na ang nagtangkang sirain kami ngunit lahat sila ay nabigo.
Matalino si sir Corona na pwedeng itapat kay Zuckerberger ng FEZBOOK o kay Jack Dersey ng TWEETOR.
Si Sir Corona kaya ang nagpasimula ng FRIENDZER dito sa asia bago pa magkaroon ibat-ibang social media flat form.
Ibinenta nya lang ito kay Zuckerberger at isasara lang pala para wala ng kalaban ang Fezbook.
Ilang milyong dolyar din ang halaga ng mabili ito.
At ito ang naging dahilan kung bakit niya napagyaman ang DataMax at ibinuhos sa data processing ang company.
Secret billionaire si boss dito sa bansa.
Oo, kampante ako na matatapos ni boss ang program.
Oras na nagkulong si boss sa kaniyang condo, ibig sabihin,baka bukas ay tapos na sila.
Ganoon siya ka-dedicate sa kaniyang expertice. Mabilis pero pulido.
Aasahan ko na lang natatawagan ako ni Brixel kung ano ang balita sa kanila.
Speaking of Brixel, medyo napapansin ko si Sir Corona na malapit sa kaniya. Ayaw kong mang-intriga o bigyan ng kulay ang napapansin ko.
Parang ang tagal ng kilala ni sir ang bago niyang secretary.
Hindi ko pa nakitaan ng closeness si sir sa dati niyang right hand personnel.
Iba talaga ang trato niya dito .
Itong si Brixel, halata na nabibigla naman sa mga pinagagawa sa kaniya ng boss niya.
Yung akala mo babae.
Yung misis na maasikaso sa asawa.
Natatawa tuloy ako kapag naalala ko kung paano siya mataranta noong una siyang napasalang sa trabaho.
Hay ewan ko kung ano bang meron sa partnership nila at click silang dalawa pagdating sa opisina.
Kahit hindi iutos,alam na alam kaagad ni Brixel kung ano kailangan.
Dyos ko! At ang kapeng paboritong inumin ni sir ngayon na kumalat pa sa lahat ng floor!
Kung alam ko lang na great taste yun matagal ko ng itimpla para sa kaniya.
Isip-isip pa kami ng kape na maaring magustuhan ni sir, eh instant coffee lang pala katapat.
Kaya ang ilan tuloy sa mga empleyado nagrerequest na ng kani-kanilang intanstant coffee sa aming pantry.
Grabe ka Brixel at napainom mo si sir ng ganoon kaya pati kami nadamay na.
Hay naku, sana pagkatapos ng problema namin smooth sailing na ang lahat.
Natapos ko na rin ang duty ko at nagbilin para sa mga pang-umagang papalit sa akin.
Halos 24 hours na akong gising at masakit na ang ulo at paa ko.
Hindi muna ako uuwi at sa sleeping quarters na muna ako magpapahinga. Maari kasing ipatawag ako kung sakaling kailangan dito sa office o di kaya maaring biglang dumating sina sir Corona.
Kailangan ng sakripisyo dahil kinabukasan naming lahat ang nakataya.
Gaya ng sinabi ko tiwala ako. Si sir Corona pa!
Nakaidlip na ako sa aking pinagkakahigaan ng magring ang aking phone.
Mahigit isang oras lang pala akong nakakaidlip ng sagutin ko ang tawag.
“ Mam Fidel! Tapos na nina Boss! Tapos na nina Boss!“
Agad akong napabalikwas sa pagkakahiga at nagmamamadaling lumabas ng sleeping quarters at patakbo sa work station naghanap ng kung saan may bakanteng computer.
Agad kong pinalayo kung sino mang tao ang malapit sa akin.
Inutusan ko silang huwag lalapit o dadaan sa ginagawa ko at malilintikan sila.
Ganitong puyat kaming lahat para maisalba ang project na ito kaya ayaw kong maiistorbo ako.
Agad kong binuksan ang secret portal na ginawa ni boss para sa ganitong sitwasyon.
Usapang deepweb ito.
Dito kami makakapagpalitan ng mensahe ng hindi nairerecord basta alam mo ang password na ibibigay sa iyo ng gumawa ng portal at naba-by pass ang main server.
Ito ang paraan ni Sir para makaiwas sa maaring espiya.
Sa akin dadaan ang mga data dahil ako ang project manager na magpapasa naman sa production.
Naipadala na niya ang natapos na program. Itatransfer ko naman ang data sa contact namin sa Singapore upang maexcute na nila ang computer. Kasabay na rin ang gagayahing case ng machine at voting sytem ng tablet with printer. dalawang unit ang unang ipapagawa para sa testing.
Isa doon ay para sa proposal testing at Bidding at ang isa ay display.
Doon na rin ipapapatent ang magagawang voting machine para wala ng dahilan upang ito ay makopya pa.
Nakahinga na ako ng maluwag ng matapos na namin ang hinahabol naming project ng higit sa inaasahan ko.
“ Good work Ms.Fidel.“
Ang huling mensahe sa akin ni Sir Corona.
Para akong naatanggalan ng isang sako ng bigas sa aking balikat matapos niya akong purihin.
Tapos na ang problema at hihintayin na lang namin ang production para sa proposal.
Sa wakas pwede na akong makatulog ng mahimbing!
BRIXEL***
Tinawagan ko agad si Ms.Fidel ng sabihin ni boss na tapos na ang program.
Tahimik akong nanonood sa kanila habang nag-uusap sila sa chat.
Matapos maipadala ang data ay masayang nagkamayan sina boss at ang kaniyang mga kasama.
Hindi na niya pinauwi ang mga ito dahil ipinahatid na sila sa mayoradoma sa isang silid na kanilang tutulugan.
Maging ako ay kinamayan at niyakap ni boss.
“ Tapos na! Good job! Good job!“
Ang sabi niya sa akin at isang exited na halik ang dumampi sa aking pisngi.
Para akong natameme sa ginawa niya.
“ Wala naman akong nagawa sa program nyo boss ah,bakit pati ako kasama?“
Sagot ko.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin pero nakahawak naman ang mga kamay sa aking mga balikat.
Marahan niya akong pinitik sa pisngi kung saan niya ako nahalikan.
“ You’ve been a great help.
You kept us organize.
You served us food,drinks,kahit sa simpleng pag-aalis ng kalat,o pag-aabot ng ballpen,ng papel, pagtawag at pagsagot sa telepono ay malaking tulong yun para sa akin. Tapos na!Tapos na! We did it!“
Naalarma na ako ng muli niya akong yayakapin.
Ihaharang ko sana ang mga kamay ko sa aking mga pisngi at baka muli na naman niya akong halikan pero tinamaan ko tuloy yung ibabang bahagi niya at bigla siyang dahandahang napaluhod at napahiga ng patagilid sa sahig, sapo ang gitnang bahagi sa pagitan ng kaniyang mga hita dahil sa sakit na naramdaman.
Naitlogan ko si boss.
Taranta akong tinapik-tapik ang kaniyang puwetan na para bang itinutulak ko pabalik kung ano man ang aking natamaan.
Hindi siya makapagsalita pero natatawa lang siya sa nangyaring sakit na nararamdaman.
Maging ako ay natawa na rin dahil hindi ko naman talaga sadya na tamaan ang ‘Beth Loggins’ niya.
Umayos siya ng upo at napatawa na kami pareho.
“ Sorry boss,akala ko kasi hahalikan mo naman ako.“
“Hinalikan ba kita?”
“Hindi mo alam?”
“Hindi nga?”
“Hinalikan mo ako sa pisngi.”
“Baka nga…nahalikan talaga kita?”
“Magsisinungaling ba ako?”
“Akala ko pinitik lang kita.”
Tinulungan ko siyang makatayo.
“ Halik yung una,tapos pitik yung pangalawa. Tapos yayakapin mo sana ako uli akala ko hahalik ka naman kaya natamaan ko yung…“
“Grabe naman ang reflex mo.
Sa dami ng tatamaan yung tite ko pa.“
Ay sus!
Ang bibig ni boss!
“ Grabe ka naman boss,maka-tite talaga?“
“Why? May masama ba sa sinabi ko?
E tinamaan mo naman talaga yung ti%#&&_#^“
Agad kong tinakpan ang aking taenga at nagsalita ng gibberish words upang hindi ko marinig sa bibig niya ang sasabihin.
Ayaw kong marinig ang salitang iyon kay boss dahil hindi bagay sa kaniya.
Masyado siyang disente para lumabas sa bibig niya ang salitang iyon.
Maige sana kung bird,penis,baseball bat,future o junior.
Pero hindi.
Saling tite talaga ang lumalabas sa bibig niya!
“ Matutulog na ako! Matutulog na ako boss. Bye boss! Lipat na ako!ahhhhhh-brrrrrr-koooooo-aahhhhh!“
Habang nakatakip pa rin sa aking taenga ang aking mga kamay dahil patuloy pa rin niyang binibigkas ang tinamaan ko kanina.
Nagmamadali akong nagbukas ng pinto at patuloy ko pa ring naririnig ang salita na yun.
Agad akong lumabas at nagmamadaling iniunlock ang pinto ng silid na tutulugan ko pero nakahabol pa rin si boss na parang nang-aasar na tungkol sa salitang yun.
Pumasok at isinara ko ang pinto at nakiramdam.
Tahimik na sa kabilang silid.
Grabe talaga siya.
Ganitong ang dami naming pinagdaanan mula ng makabalik ng DataMax ay parang wala siyang kapaguran.
Hindi ako aware na ganoon pala siya matuwa.
Hinaplos ko ang pisngi na kaniyang hinalikan.
Hindi imagination yun at huwag siyang tatanggi dahil talagang hinalikan niya ako.
Umiwas lang ako sa pangalawang yakap kaya ko natamaan yung putotoy niya.
Bigla ko tuloy inalis ang kamay sa aking pisngi ang kamay kong nakatama doon.
Nahiya ako dahil tinamaan ko ang maselang part ni boss.
Bigla ko tuloy naramdaman sa kamay ko na ito yung bahagi na yun.
Yung posisyon at laki sa loob ng kaniyang suot na short.
Ay!!!
Naku!
“DAKS!”
Bigla kong naalala na baka may camera nga pala na nakatutok sa akin dito sa loob ng condo unit.
Hindi ko pa nga pala siya natatanong tungkol dito.
Nagtatatakbo ako patungo sa kama at padapa akong tumalon sa ibabaw nito.
Hindi ko na inisip na magugulo ko ang maayos na cover nito.
Nanggigil ako sa hiya dahil sa nangyari.
Insidente ko lang tinamaan yun.
Hindi ko siya hinipuan.
Hindi ko sinasadya na malaman na higit sa yaman ay may itinatago pa siyang pwedeng ipagnalaki!
Noon iniiwasan ko makita ang umbok niya kapag naabutan kong nakaboxer shorts pagnatutulog at kanina lang….
Ayyy!!!
Brixel,paglabanan mo ang experience na ito!
Huminga ako ng malalim.
Sige,may pagka bulgar sa mga salita si boss,tatanggapin ko yun.
Para makalimutan ko ang nangyari kanina,inisip ko na lang ang problema ng kompanya na nasolusyunan.
Ang galing at ang talino talaga ni Boss Rustian.
Ilang araw lang at nagawan niya ng paraan ang ipapalit na bagong machine.
Araw-araw niya akong pinapahanga.
Humikab ako ng may ngiti hindi dahil nakalramdam na ako ng malapit na akong makatulog.
Nakangiti ako dahil may nagawa ako para sa kaniya.
Kaya ganoon siguro siya kasaya ng halikan niya ako ng hindi namamalayan.
Masaya si boss at yun ang gusto kong laging makikita sa kaniya.
Masaya ako dahil isa ako sa kasama at nakakasaksi sa kaniyang tagumpay.
Umupo ako sa aking pwesto
“ Sleep well boss…“
Ang sabi ko sa paligid.
Nagbabakasakali na may nakatuon nga sa aking isang camera.
Muli akong nahiga at tuluyan na ngang pumikit ang aking mga mata sa pagtulog.
Ay, sino kinilig?
Bitinin ko muna kayo kaya
ABANGAN!!!
CHAPTER 16 DISCOVERIES
Magsisimula na ang production para sa bagong voting machine na ide-demo sa araw ng bidding.
Bilang kinatawan ng DataMax,pinaghahandaan na rin ni Ms.Fidel ang virtual presentation nito.
Sa tulong ni Brixel at ng mga kaibigan nito na nagbigay ng makabagong idea ay nalampasan pa nila ang dating model na nakuha sa kompanya.
Top secret at closed door ang proyektong ito kaya di na sila nag-aalala na maaring makarating pa sa kanilang competitor ang balitang may bago silang machine.
Tanging sila-sila lang ang nakakaalam na bago na ang kanilang ipepresent sa darating na BDay.
Sa ngayon balik normal na ang lahat ng gawain sa loob ng DataMax.
BRIXEL
“ HOOWATTT!!!“
Sigaw ni Emy ng malaman niya na nakatira na ako sa condo ni Boss Rustian.
“ SHHH!!!
Ang boses mo mamaya marinig kanila. Ikaw pa lang sinasabihan ko.“
Mahina kong tampal sa pisngi ni Emy.
Kabaligtaran noong pinagpaalam ako kay Tiya Mitos.
Ang sa akin ay sikreto lang ang ibinigay na oppurtunity ni boss na makitira ako sa kanila.
Ayaw kong malaman ng iba bukod sa mga kaibigan ko na ako ay nasa pangangalaga na ni boss.
Agad naman naming nakita si Ate Corz at ipinalam na rin sa kaniya ang kwento ko.
Maging siya ay natuwa para sa akin.
Ipinaliwanag ko na lang sa kanila ang tungkol sa aking seguridad kahit sinabi ni boss na bluff lang iyon para lalo pang mapapayag ang tiyahin ko.
Hindi nila alam ang kwento tungkol sa relasyon namin ng tiyahin ko. Ayaw kong magkwento. Tiyahin ko pa rin yun at ayaw ko rin namang maging dahilan ng kasiraan niya lalo na sa mga kaibigan ko.
Nakatiis nga ako ng ilang taon sa ugali niya at ngayon ay nasa mas maayos na tirahan na ako.
Gusto tuloy nilang makita ang tinitirhan ko ngayon.
Balak ko rin silang imbitahan sa condo pero ipapaalam ko pa kung pwede.
Hindi porket doon na ako nakatira ay malaya na akong magpapasok ng bisita.
Pamamahay pa rin ni boss iyon at kailangan pa rin ng approval.
Sandali lang kaming nakapagkwentuhan dahil ang sadya ko naman talaga sa first floor ay si Ms.Fidel dahil sa may pinapaabot si boss na mga dokumento para sa kaniya.
Maging si ate Corz at Emy ay ipinatawag din pala sa opisina ng project manager kaya’t sabay-sabay na kaming nakipagkita kay Ms.Fidel.
Masaya kaming bumati sa kaniya ng magkaharap-harap ng kaniyang table.
Pinaupo niya ang dalawa sa harapan ng kaniyang lamesa ako namay nanatiling nakatayo dahil sandali lang naman ako sa inihatid kong dokumento.
Paalis na sana ako kaso gusto kong malaman kung bakit sila pinatawag ni Ms.Fidel.
“ May good news ako sa inyong dalawa. Dahil sa participation nyo sa project natin?maganda ang outcome, kaya binigyan kayo ni boss ng promotion.“
Excited na balita sa amin.
Napanganga kaming tatlo sa narinig na promotion.
Sabay pang napatayo ang dalawa kong kaibigan ng abutan sila ng bagong kontrata.
Si Ate Cors ay magiging assitant to the Chief Financial Officer.
Si Emy naman ay secretary to the ACFO.
“ Meaning…magkasama tayo sa isang office? Ayyyyy!!!!!“
Sabay na sabi ni Ate Corz at Emi na magkahawak pa ng mga kamay.
Nakakatuwa dahil wala pang ilang buwan ay promoted na agad silang dalawa.
Nagtatalon kaming apat sa kasiyahan at nagkasundo na magcelebrate mamaya pagkatapos ng trabaho.
Pinapirmahan ni Ms.Fidel ng bagong kontrata ang dalawa at inabutan ng bagong ID at bagong key card kung saan malaya na nilang mapupuntahan ang ano mang floor dito sa building.
Maging ang office ni boss ay maari na nilang pasukin dahil sa kanilang posiyon.
Pero bago umalis ay hinintay ko munang pirmahan niya ang dokumentong pinaaabot ni boss na nakalagay sa isang brown envelope.
Binasa niya ang laman nito.
Maya-maya ay bigla siyang napaupo kaniyang silya na para bang nahilo yata.
Nag-alala kaming tatlo sa nangyari.
Nanginig ang kamay niya at halos maiyak sa nabasa na akala mo ay nakatanggap ng death-threat.
Inatake na ng hika si Ms.Fidel ay agad na hinagilap ang inhaler sa drawer ng kaniyang lamesa at hinigop ang laman nito.
Panay turo niya sa kontrata.
Nagmadali naman akong binasa agad ang nilalaman ng ipinadala sa akin ni boss.
Muli na namang nanlaki ang mga mata ko.
Isa rin pala itong kontrata.
Nakasaad sa kontrata na maging si Ms. Fidel din pala ay napromote sa mataas na posiyon as Chief Finacial Officer.
Ang primary job discription ng CFO ay i-manage ang financing ng kumpya. Sa planning,recording,reporting at analysis data.
Mas mabigat na posisyon dahil ito ang sandigan ng CEO.
Ibig sabihin,pinagsama si Ms.Fidel,Ate Corz at Emi sa iisang department.
Lalo kaming nagwala sa katatalon dahil sa promotion ng bagong CFO.
Agad niyang tinawagan si boss sa intrercom at nagpasalamat.
Tipid si boss sa pakikipag-usap at nagbigay lang ng congratulations sa tatlo.
Deserve daw nila ang posisyon kaya nararapat lang sa kanila na ibigay.
Sinabihan din sila ni boss naghihintay sa kanila ang mga tauhan ng finacing office.
Effective ngayon ang araw ang bago nilang posisyon kaya pwede na nilang okupahan ang naghihintay na bakanteng opisina.
Nagkayayaan kami na puntahan na ang floor ng financing.
Hindi ito gaya ng work station sa ibaba na liberated.
Mas firm and proper pala ang mga tao sa office na ito.
Dahil pananalapi ang concern sa office na ito, seryoso at mala business tycoon ang dating nila.
Nandoon pa rin ang mga perks ng para sa kanila pero seryoso talaga arrive para sa akin.
Pagkakita pa lang kay Ms.Fidel ay pinalakpakan na siya ng mga tao. Nakipagkamay at inabutan pa sila ng mga bouquet ng bulaklak bilang pagwelcome sa kanila at samahan sila sa kanilang bagong opisna.
Bukod ang office ni Ms.Fidel at sa labas naman nito isang mahabang office table para kay ate Corz at Emi.
Kaya tuloy ang kasiyahan pagkatapos ng trabaho.
Triple celebration dahil tatlong kaibigan ko ang sabay-sabay na napromote.
Kaya naisip ko na dahil sa bagong lipat ako sa condo ay inimbitahan ko sila na doon kami magcelebrate ng aming natatanggap na blessing.
“Its a great idea secretary Brixel! Nakarating na ako sa condo ni sir but i have’nt been to the other side of the unit! Let’s make a pyjama party. Naku how exciting! Feeling ko ang college days ko!”
Nagtawanan kami dahil minsan lang namin makita ang kikay side niya pagnatutuwa.
Nagpaalam na ako sa kanilang tatlo dahil magiging abala na sila sa pagpapahakot ng kanilang mga gamit sa bago nilang opisina kaya ako naman ay agad na umakyat sa top floor upang ikwento ang reaction ng tatlo.
As usual,expected na ni boss ang mangyayari kaya parang wala na sa kaniya ang balita ko.
“ Napanood ko kayo sa monitor.“
Excited pa naman ako yun pala pinapanood na pala kami kanina pa sa financing office.
Minsan naiinis na ako kwentuhan siya.
“ Huwag ka na sumimangot, i cannot devide my self to congratulate them personaly dahil sa trabaho ko. And yes,pwede sila matulog sa condo mo.“
Hala! Maging ang pagyaya ko sa mga kaibigan ko pala ay alam na ni boss.
“ Talaga! Pwede sila makitulog sa condo?“
“Its your unit kaya you have the rights to accept visitors. In one condition.”
“Condition? What condition?”
“Kasama ako sa celebration.
Ang lagay kayo lang magsasaya?
Ako kaya ang boss nyo tapos di ako invited?“
“Ano ka ba boss?! Siempre kasama ka na sa amin no.”
“Parang napipilitan ka lang yatang isama ako sa elite circle nyo e?”
“Ay parang timawa naman si boss, anong elite circle pinagsasabi mo dyan. Siempre kasama ka sa mga ganitong pagkakataon. “
Hindi na sumagot si boss at abala na siya kaniyang ginagawa sa kaniyang laptop.
Bumalik naman ako sa aking table upang ipagpatuloy ang naantala kong sorting ng mga dokumento.
Mayamaya ay may nagpop in na mesaage box sa gilid ng screen ng aking laptop
Isang paanyaya na i-click ko ang accept button.
Naalala ko na baka may hacker na nakapasok sa aming sytem at isang spyware ang natanggap kong message box.
Cancel.
Tapos muli na naman sumulpot.
Cancel.
Tapos lumabas uli.
Kinabahan na ako.
Nag-alarm ang cellphone ko at isang text ang natanggap ko.
“ Accept mo yung message box“
Galing pala kay boss angbnatanggap kong sa aking laptop.
Muling nagpop in ang message box.
Wala akong nagawa kaya pinindot ko na ang accept.
Isa pala itong chatroom na gawa ni boss.
Bawal kasi sa office ang gumamit ng system ng opisina lalo na kung magbubukas ka lang ng social media.
“ Dito tayo magcha-chat. Masyado makalat pagnagsusulat sa sticky note.“
“Ginawa mo tong chatroom?”
“Oo kanina lang,habang wala ka.”
“Ang galing!”
“Bola!”
“Hindi nga boss. Ang galing mo talaga at naisip mo ito.”
“So,pasok na ba ako sa elite group?”
Tiningan konsi boss sa kaniyang lamesa.
Poker face.
Para hindi ko naman yata siya kachat dahil wala reaction nakikita sa kaniyang mukha.
Hindi gaya ko na tuwang-tuwa na kinikiig yata.
Paano ba naman nag-effort pa siyang gumawa ng personal chat room para sa aming dalawa.
“ Kaso kulang ng feature itong chat room natin boss.“
“Kulang?”
“Walang posting ng picture? Nang voice mail,call ng video cam,walang ganun?”
“Ano to FB?
Aanhin mo ang cam sa chat?
Ano ko maghuhubad pa?“
Ay mali!
Bakit ko nga ba naopen kay boss ang mga feature ng ibang chatroom.
Muli akong tumingin sa kaniyang kinauupuan.
Nakatingin na siya sa akin ng hindi maganda.
Salubong na kaniyang makapal kilay at nakakunot na ang noo na para bang galit sa akin.
Agad akong ngumiti para di siya mainis at agad na nagpadala sa kaniya ng mensahe sa chat.
“ Aba,okay na okay ito boss.
Isa pa lagi naman kita nakikita kaya kahit walang cam okay lang.“
Ay…parang may mali sa nasabi ko.
Ang dapat ko palang sabihin na magkasama naman kami lagi.
Baka isipin niya na lagi ko siyang nakikita kahit naliligo.
“ Ano ba plano nyo mamaya?“
Tanong niya.
“ Hindi ko pa alam ang plano
kung ano ang plano,pyjama party ang sabi ni Ms.Fidel.Gusto mo ba ng ganoon? Pwede naman videoke boss….isa pa…di ko alam kung ano ginagawa sa pyjama party. Paano ba yung ganoon?“
“Ewan…di rin naman ako nakakaattend ng ganoon eh.”
“E di salo-salo na lang tayo tapos videoke.”
“ Ganoon na nga lang boss. Inform ko na lang sila para di na sila ma-stress sa paghahanda. Ano boss…thank you ha!“
Hindi na nagreply si boss at alam ko naman na payag na payag siyang doon kami sa condo magcelebrate at matutulog mamaya.
Tuwang-tuwa naman ang tatlo na malaman nila na sa condo na talaga gaganapin ang celebration.
Pero tuloy pa rin daw ang pyjama party.
KINAGABIHAN
RUSTIAN
Ipinaalam na sa akin ni Mrs. Gandia nasa dining area si Brixel kasama ang kaniyang mga bisita.
Ako nama’y naasiwa sa hitsura ko na nakasuot ng pantulog.
Nakailang ikot na ako sa salamin kung okay ba ang suot ko.
Bago umalis ay nagpahid pa ako ng pabango at pinagmasdan muli ang sarili sa salamin.
Isang katok ang aking narinig at pumasok sa aking silid nag nakapantulog na ring si Brixel.
“ Tara na boss lalamig na ang pagkain.“
Nakatingin lang ako sa salamin.
“ Patingin nga? Gwapo ka pa rin boss kahit ganyan ang suot mo. Kaya huwag na mahiya.“
“Bakit ako mahihiya? Punapasok nga nga ako kahit nakashort lang ah?”
“Pero first time mo haharap ng nakapantulog kaya pogi ka pa rin.”
“Kahit wala akong damit pogi pa rin ako.”
“Yan ang gusto ko sa iyo boss e. Consitent ka talaga?”
“Consistent?”
“Ano…sa kapogian….”
“Talaga!”
“Tara na dali, naghihintay na ang pagkain.”
Wala na akong nagawa ng itulak niya ako palabas ng kwarto ko papunta ng dining area.
Doon naabutan kong nagkukuwentuhan ang tatlo at natahimik ng pinaupo ako sa kumidor ng hapagkainan.
Lahat sila ay nakangiti sa akin.
“ Bago tayo kumain siempre pangungunahan tayo ni ate Corz ng isang panalangun ng pasasalamat.“
Sumabay ako sa pagpikit at napikitang makipaghawakn ng kamay sa mga malapit sa akin.
Mahigpit ang hawak sa kamay ko ni Brixel.
Nakaramdam ako ng lungkot dahil muli akong makakapanalangin sa harap ng pagkain.
Dati ko itong ginagawa.
Nalimutan ko na kung ilang taon bang hindi na ako nakakapagpasalamat sa grasya.
Mayat-maya ang lunok ko sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Corazon.
Naalala ko noong bata pa ako…
Dadako na sana ang alala ko sa tagpong iyon pero natapos na si Corazon sa kaniyang pagpapasalamat.
Lumagok ako ng tubig upang maibsan ang nararamdaman ko.
Ganitong-ganito noon.
Masaya…maingay na kuwentuhan…nag-aabutan ng mga pagkain…
Tahimik lang akong nakikinig sa kanila habang nakain.
Nakaramdam ako na may upamak sa aking paa.
Napatangin ako kay Brixel.
Nagsign siya ng palihim sa kaniyang daliri kung okay lang ako.
Bilang tugon ay kumuha ako sa ng karne at inilgay sa kaniyang plato.
Napatingin naman ang mga kasama niya at biglang natahimik.
Bigla naman nilang inangat nila ang kanilang mga plato at nagpapalagay din ng karne sa akin.
Tumayo na ako at nilagyan ko na rin ng ulam ang kanilang mga pinggan.
Nawala bahagya ang naramdaman kong lungkot at nakihalubilo na sa kanilang masayang kwentuhan.
Pagkatapos kumain ay sa kabilang unit na kami tumuloy.
Doon sa harap ng malaking tv screen ay nakalatag sa carpet ng mga comforter at mga unan.
May hinanda pala silang mga pinalamig na mga wine, prutas,chocolates, mga sliced meats,biscuits,assorted jams,sari-saring cheese,at dried nuts.
Nakaset na rin pala ang videoke sa tv kaya kani-kaniya na sila ng pagrereserve ng kanta.
Maging ako ay pumili na rin ng kanta.
Nakaupo kami sa sahig na parang mga bata habang nakikinig sa kumakanta.
Mahusay sila at nasa tono.
Ako lang ang sablay kaya sa sayaw o palakpak na lang ako nabawi.
Nang manawa sa kakanta ay may sinangguni si Emi na maglaro.
Wala kaming game board o baraha dito na pwede gamitin.
“ Taguan na lang ha ha ha! Nakakamis maglaro ng taguan! Taguan na lang!“
Natatawa ako sa trip nila.
Ayaw ko sana pero napilit din ako ni Brixel na sumali.
Malaki at maraming silid na pwede pagtaguan dito kaya paniguradong mahihirapan ang seeker sa mga nagtatago.
Nagvolunteer si Emy na taya.
Idinikit niya ang kaniyang noo at pumikit sabay bilang.
Kami nama’y kani-kaniyang takbuhan kung saan maghahanap ng matataguan.
Nakita ko pa si Corazon at Brixel na sabay pumasok ng library pero itinulak din niya si Brixel palabas.
Si Flor(Ms.Fidel) naman ay pumasok sa music room.
Kasunod ko si Brixel.
Parang nanibago ako sa mga kwarto na ito.
Parang wala akong mapagtaguan dahil obvious agad na sa mga silid ako maaring magtago.
Ganito pala ang pakiramdam ng naglalaro ng taguan.
Ang maging magaling sa pagtatago upang hindi ka mataya.
Sa broom closet ako magtatago pero naunahan na ako ni Brixel.
Narinig kong tapos ng magbilang si Emy kaya agad na rin akong pumasok kung saan naroon si Brixel.
Maliit lang ang taguan ng mga panlinis kaya magkaharap kami ni Brixel na nakatayo sa loob.
Madilim at amoy detergent.
Masikip dahil sa vacuum at floor polisher ay nakalagay sa loob nito.
Halos magkadikit na ang aming katawan.
“Aray ko…”
Narinig kong nauntog si Brixel sa shelf na pinaglalagayan ng mga wax ng sahig kaya inalalayan ko ang kaniyang ulo na huwag itong tumama.
Napayuko naman siya at lumapat ang kaniyang noo sa aking balikat.
Hindi na ako makakilos.
Hindi dahil sa sikip ng broom closet o sa ayaw kong makagawa ng ingay.
Kundi dahil halos kayakap ko si Brixel.
Bakit ganito ako sa kaniya.
Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.
Hindi ako naiilang na magkalapit ang aming mga katawan.
Ang nararamdaman kong init ng kaniyang paghinga.
Bigla akong napayakap ng marinig ko sa labas ang mga yabag ni Emi na naghahanap sa amin.
Hindi siya tumanggi sa pagkakayakap ko.
Nararamdaman ko ang bilis ng tibok sa aking puso sa dibdib na halos marinig ko na sa kaba.
Bakit ako nagkakaganito?
Ngunit bigla siyang lumabas ng aming pinagtataguan kaya nakita siya ni Emy.
Hindi ako makalabas dahil sa nagawa ko.
Nagiging malapit na ako sa kaniya.
Malapit sa kaniya hindi bilang isang kaibigan.
Higit pa doon ang kaya kong gawin dahil sa nararamdaman ko.
“ Lumabas na kayong lahat! Taya na si Brixel!“
Napilitan na akong lumabas at balikan sila.
Hindi makatingin si Brixel sa akin at kapwa kami natahimik.
Nararamdaman ko ang pagdistansiya niya sa akin.
Nahiya ako kaya’t sandali akong umalis upang magbanyo.
Sa harap ng salamin ay binalikan ko ang nangyari sa loob ng aming pinagtaguan.
Naatract ako kay Brixel?
May bahagi sa kaniya na gusto ko.
Napapasaya niya ako sa tuwing kasama ko siya.
Kahit makita ko lang siya ay masaya na ako.
Paano kung gusto ko nga siya?
Kumabog muli ang dibdib ko ng marealize ko na gusto ko nga siya.
Lalake ako ngunit hindi ko maitatanggi na pwede kong mahalin ang isang kagaya niya.
Inaamin ko…
May gusto nga ako kay Brixel.
Napatagal yata ang aking pag-iisip kaya lumabas na ako at muli ko silang binalikan.
Hindi na pala nila inulit ang paglalaro at naabutan ko silang nakahiga na sa inilatag nilang mga comforter.
Magkakatabi ang mga babae sa pagkakahiga at sa isang bahagi ay nakahiga na rin si Brixel katabi ang isang bakanteng unan na para sa akin.
Humiga ako sa tabi niya ngunit may nakaharang na unan sa aming pagitan.
Tahimik lang ako habang patuloy sila sa pagkukuwentuhan hangang sa makatulog na ako at nagising ng isang mahinang yugyog sa aking balikat.
“ B
oss…boss…gising..nananginip ka.“
Mahinang boses ni Brixel ang narinig ko.
Nagising ako at napaupo.
Patay na pala ang ilaw at kaya di ko na nakikita ang paligid.
Sa dilim ay aninag ko si Brixel na nakaupo na rin.
Tumayo siya at kumuha ng tubig sa ref at ipinainom sa akin.
Muli siyang naupo sa kaniyang pwesto.
“ Nanaginip ka boss kaya ginising kita…binabanggit mo yung pangalan ng kapatid mo…si Lurian.“
Naalala ko ang panaginip ko.
Tama siya.
Ang kapatid ko ngang si Lurian ang muli kong napanaginipan.
Next Chapter
Ang saloobin ni Brixel sa broom closet.
More about Rustian.
At ang bagong empleyado ng DataMax.
ABANGAN!!!
CHAPTER 17 BACK STORIES
BRIXEL***
Sa dami naman ng pwede gawing laro kung bakit taguan pa ang naisip ni Emy.
Pwede namang pataasan na lang ng score sa Videoke,o kahit charade man lang ,pero hindi.
Taguan talaga?
Nakakahiya tuloy kay boss at baka napipilitan lang siyang maki-ride on sa mga bisita ko.
Ang maganda sa ugali ni boss,hindi siya umayaw bagkus ay nakisali talaga,huwag lang siyang lumabas na corny sa gusto ng grupo.
Nakita ko na ang ugali niyang ito noong isama namin siya sa videoke house.
Naisip ko tuloy na parang may 8th grade syndrome si boss. Yung wala lang sa kaniya at nakikisama sa trip basta masaya ang lahat.
Ina-acknowledge niya ang samahan kaya lahat kami ay parang miyembro sa iisang pamilya kahit sa labas ng trabaho.
Hindi siya nahihiya sa amin at sadyang nakikibagay.
Gaya noong sinabi niya sa meeting namin na- “ Leadership is not what people wants in you
. Leadership is what you put people in action“
Kaya siguro malakas ang loob niya sa lahat ng sitwasyon.
Ginagawa na lang niya ang lahat para sa amin.
Inaabandona niya ang posisyon at yaman para makibagay sa lahat.
Binababa niya ang mataas niyang standard para sumunod kami.
Nandoon man siya sa frame ng kasikatan at karangyaan ay nanatili pa ring nakatapak ang mga paa sa lupa.
Iba talaga siyang maghandle ng sitwasyon.
Nabigla din ako magkasama kaming nagtago sa bodega kanina.
Kinabahan ako ng todo ng hawakan niya ako sa ulo at likuran.
Hindi ako nakakibo sa ginawa niya pagpoprotekta sa akin.
Ganoon siya kakomportable kahit pa dalawa lang kami sa dilim na halos magkadikit na ang aming mga katawan na parang kayakap na niya ako.
Ayaw kong samantalahin si boss.
Kaya lumabas ako.
Ayaw kong malagyan ng malisya sakaling makita kami ni Emy sa ganoong posisyon.
Ayaw ko dahil may pinangangalagaang estado si boss sa mata mg maraminh tao at ayaw kong masira iyon.
Maalalahanin lang talaga siya lalo pa ng mauntog ako sa shelf kaya ganoon na lang ang ginawa niya sa akin.
Ayaw kong bigyan ng kulay ang closeness namin.
Lihim akong may pagtingin kay boss hindi lang dahil sa pisikal na aspeto, kundi sa kaniyang busilak na kalooban.
Isinantabi ko ang nararamdaman ko dahil sa mga ginagawa niyang kabutihan hindi lang sa akin kundi sa maraming tao.
Wala ng itinago si boss sa akin sa anumang bagay kaya lalo kong nakilala ang tunay niyang pagkatao.
Nais kong masubaybayan si boss Rustian sa lahat ng bagay na kaniyang gagawin.
Yung makitang napagtatagumpayan niya ang lahat.
Kasi yung pangarap ko noon makapagtrabaho lang sa DataMax.
Yung kay boss,kahit may narating na siya, mukhang hindi pa niya nakukuha ang talagang goal niya ,at yun ang gusto kong makita.
Narinig ko na ang mga kwento tungkol sa kaniya bago niya natatamasa ang ganitong buhay.
Napakarami pang hindi nabubuksan na sa buhay niya kaya curious akong malaman ang lahat.
Isang round lang kami ng taguan at napunta kami sa kwentuhan habang umiinom ng red wine at nagpapaantok.
Sa una nakikisali pa si boss kung tungkol sa trabaho ang usapan. Tinulugan na lang kami nung personal na sa buhay-buhay ang topic.
Isa-isa na ring bumigay sa antok at hilo sa kaiinom ang mga bisita ko.
Ako na lang ang nanatiling gising.
Ilang araw din kasi ako sa puyatan kaya nahihirapan pa ako sa regular na tulog.
Nakaupo lang akong naghihintay na antukin ng marinig ko si boss na umuungol at may tinatawag na pangalan.
Nakatatlong beses niyang sinambit ang pangalang Lurian.
Nalalaginip siya tungkol sa kaniyang namatay na kapatid.
Ginising ko siya dahil sa kakaiba niyang paghinga na para bang may hinahabol na di mo mawari.
Nagising siya kaya agad akong kumuha ng tubig upang ipainom.
“ Sorry boss kung ginising kita ha.
Nananigip ka kasi kaya ginising kita…binabanggit mo yung pangalan n g kapatid mo…si Lurian.“
Hingi ko ng paumanhin habang inaabot isang baso ng tubig.
“ May sinasabi pa ba ako bukod sa kaniya?“
Tanong niya pagakatapos uminom.
“ Wala naman boss,pero para ka namang mamamatay kung hindi ka gigisingin. Ano ba napalaginipan mo?“
Matagal bago niya ako nasagot.
Nilingon muna niya ang mga kasama naming sarap na sarap sa pagkakatulog, hanggang sa sinimulan na niyang ikuwento ng kaniyang panaginip.
“ Lagi kong napapanaginipan si Lurian. And every time pare-pareho lagi. As if it was a video na laging neri-rewind and playing it again,over and over. Same looks,same age,same place. Sa kitchen ko siya laging nakikita na gumagawa ng cake. Titingin siya sa akin at ngingiti. Then she will say, I’m making you cake kuya.“
Naging garalgal na ang boses ni boss habang nagkukuwento. Tinabihan ko siya ng makita kong unti-unti na pumatak ang kaniyang mga luha.
“ I told her i will wait for the cake…hindi ako umaalis sa aking pagkakatayo habang hinihintay ko siyang matapos…hindi ako umalis sa pwesto ko…but the scene…yung buong paligid at kasama siya ang lumalayo sa akin… and then darkness. Wala na akong makita…laging ganoon…that’s the reason why… ang kusina sa bahay,dito sa condo at sa office ay pare-pareho. It reminds me of her in my dreams.I want to see her again kahit sa imagination…“
Nalungkot naman ako sa background story kung bakit parepareho ang mga kusina niya.
“ Hindi ko alam kung bakit ko siya laging napapanaginipan…“
Parang batang pinahid niya ang kaniyang mga luha sa kaniyang pisngi.
“ Paborito ng papa si kuya Arnian dahil panganay. Sabi ng mama muntik na raw si kuya na mamatay ng mahulog ito sa kama noong sanggol pa. Ingat na ingat sila noon dahil sa head injury nito at may instances na dumadaing ito na masakit ang ulo habang nalaki. Ibinuhos ng papa ang lahat ng atensyon niya kay kuya sa pag-aalaga. After 2 years ako na ang sumunod at lumalaki kami na hindi nagkaroon ng chances na maging magkalaro dahil ayaw ng papa na baka matrauma naman ang ka kyang ulo.
Kaya lumaki kaming hindi close.
Then lumabas si Lurian, ang bunso namin. Siya na ang naging paborito ng papa dahil babae ito.
Ipinagdamot din ni kuya si Lurian sa akin. Ayaw niyang nakikita kaming naglalaro kaya madalas kaming nag-aaway…at ako ang nasisisi dahil sa mga kwento niya hindi totoo.
Wala akong karapatang lumaban dahil matanda siya sa akin.
Lumaki akong malayo ang loob kay kuya Arnian dahil naging sakim siya sa atensyon.
Lalo akong nalayo sa papa ng mamatay si Lurian…
namatay ang papa…
hindi na kami nabigyan ng pagkakataon na magkaayos dahil lumayo akonsa kanila…
Dahil nasaktan ako sa pagkamatay ng kapatid ko.
alam mo ba kung bakit kinuha ko yung pinto ng kwarto at ginawang office table?
Pumasok kasi Lurian sa kwarto ng walang paalam.
Ayun pinakialaman yung mga gamit ko. Nakakita ng pentel pen at drinowingan yung pinto…hindi nila alam yung ginawa ni Rian (palayaw ni Lurian) sa kwarto ko. Kaya nung bumukod na ako pinatanggal ko talaga ang pintuan na yun at dinala ko sa office. Dahil yun ang pinakamahalagang alaala sa akin ng kapatid ko na ginawa niya para sa akin…“
Huminto na siya sa pag-iyak ng balikan nkmiya ang masasayang alaala na ginawa nila ng nasirang kapatid.
Kasakiman at inggit lang amg nakikita kong dahilan kung bakit ganoon ang kaniyang kuya.
Mukhang nakahinga na siya ng maluwag.
Nararamdaman ko yung loneliness ni boss Rustian dahil walang nagmamalasakit sa kaniya mula pagkabata.
Yung mama naman niya parang walang lakas ng loob na pag-ayusin silang magkapatid.
“ Boss…pagganitong may nararamdaman kang gusto mong ilabas…nandito lang ako na handang makinig…“
Hindi ko kayang magbigay ng advice sa kaniya.
Masyadong complicated ang pamilya niya at alam ko rin na panahon na lang ang magsasabi kung kailan sila magkakaayos.
Basta ako,sa likod lang ni boss na nakahandang umalalay at isa na rin itong dahilan para manatili ang aking katalatan sa kaniya.
Nagpasalamat siya sa akin at muling bumalik sa kaniyang pagkakahiga.
Bahagya akong nailang ng humiga ako dahil magkatabi kami sa pwesto.
May isang dipa ang layo ng pagkakahiga sa amin nina Ms.Fidel.
Hindi ko naisip na ganito pala kakalabasan ng pagpayag ko sa gusto nilang set up ng pagtulog at pumayag din naman si boss.
Parang camping nga daw sabi niya.
Naiisip ko na baka pinagkaitan din siya noon ng ganitong expirience kaya siya pumayag?
Ay naku nakakaawa naman talaga…
Ano ba yan, aping-api pala si boss talaga noon.
Napilitan na akong humiga.
Pero sanay talaga akong nakatagilid matulog kaya paharap tuloy ako sa pwesto ni boss.
Nakiramdam pa ako habang nakapikit ang aking mga mata.
Nanalangin na dalawin na ng antok.
Ayaw kong dumilat at makita ang posisyon niya sa pagkakahiga.
Kung ako ay sanay ng patagilid si boss yata sanay na nakalagay ang kamay sa kaniyang puson.
Hindi ako gumagalaw.
Kahit may anong makati sa aking balat ay tinitiis kong huwag kamutin.
Na kahit nangangalay ang aking kamay o paq ay hindi ko ginagalaw ang mga ito.
Maging ang lamig ng aircon ay di ko nq pinansin.
Ilang minuto amg nakalipas.
Nararamdaman ko ng bibigay na ako sa pagkahimbing.
Nang biglang gumalaw ang paa ni boss at dumikit sa aking paa.
Naramdaman ko ang lamig ng kaniyang talampakan napilitan akong umupo.
Ang sabi kasi,mahina daw ang baga kung lamigin ang paa kaya kinumutan ko siya mula paa pataas sa kaniyang dibdib.
At bigla siyang gumalaw muli at hinawakan ang kamay.
Hindi ako nakakilos.
Hindi ko mabawi ang kamay ko sa kaniyang pagkakahawak.
Dahan-dahan itinakip ang comforter sa hawak niyang kamay ko.
Idinamay ko n ein ang sarili ko sa ilalim ng makapal na comforter para itago ang pagkakahawak sa akin.
Nawala ang pakailang ko at napalitan ng pagkakomportable.
Na para bang kailangan ni boss ng security na kahit sa pagtulog ay may kasama siya.
Iba na ang nararamdaman ko.
Hindi na gaya ng dati na kinakabahan o nahihiya pagkaharap o katabi siya.
Iba ngayon.
Dahil sa bawat pintig na nararamdaman ko sa kaniyang dibdib ay payapa…
Secured…
May tiwala…
Sa akin.
Hanggang sa nakatulog akong hawak niya ang kamay kong nakapatong sa kaniyang dibdib.
Alas sais ng umaga…
Nagising ako ng wala na siya sa kaniyang pagkakahiga.
Tulog pa rin ang mga kaibigan ko.
Marahan akong bumangon at nagtungo sa kabilang unit upang hanapin siya.
Gamit ang code number na natatandaan kong ibinigay niya sa akin ay nakapasok ako sa loob nito.
Dadaan ako sa malaking sala at sa gawing kaliwa ay ang malaking dining area at kaniyang kusina at doon ko siya nakita na mag-isang nagluluto.
Hindi na siya nakasuot ng pyjams kundi isang cotton tshirt na lang at gray na sweat pants.
Nginitian niya ako at hinainan ako ng french toast sa food counter.
“ Ano oras ka nagising?“
Tanong ko habang tinitikman ang french toast na gawa niya.
“ Five i think…“
Sagot niya sa akin.
“ Ang aga mo naman nagising boss baka di kumpleto tulog mo.“
“Kumpleto tulog ko kaya nga nagluto na ako. Gisingin mo na yung mga bisita mo st ready na ang breakfast natin.”
Muli akong bumalik sa kabilang unit upang gisingin na ang tatlo.
Habang pabalik ay nakangiti ako sa sinabi ni boss na kumpleto ang kaniyang tulog.
Naging dalawa tuloy ang impression ko sa sinabi niya.
Kumpleto sa oras o kumpleto na talaga?
Maging ako ay kumpleto rin sa tulog.
At sana, isa dun ay kapareho sa impression na iniisip ko.
Ginising ko na ang tatlo at inayang kumain ss kabilang unit ni boss.
Agad silang bumangon ng malaman nilang si boss ang naghanda ng aming agahan.
Kumain kami habang binibilinan ni Ms.Fidel ang bago niyang assistant na si Ate Corz at Emy.
May kinuha siyang kahon na bitbit kagabi ni mang Ros kahapon ng dunating sila.
Mga bagong tablet at cellphone ang inilabas niya at inabot sa mga ito.
Kagaya ito ng mga gadgets na ginagamit ko sa trabaho.
Bukas pa sila magsisimula pero pwede na silang magreport mamaya para magfamiliarize sa bagong trabaho.
May 2 weeks na training si Ate Corz at Emy sa bagong job discription sa pangunguna ng kanilang bagong boss,si Ms. Fidel.
Si Ms. Fidel naman ay abala sa pagpaplano sa darating na Bidding at sila na ang madalas na makakasama nito sa ganitong transaction.
Nagpasalamat sila kay boss sa bagong posisyon na kanilang natanggap.
Kaya naman sila nabigyan ng ganoong pagkakataon ay sa dahilang naging bahagi sila sa malaking pagbabago ng voting machine project.
Hindi pa pala tapos ang pagbibilin sa kanila.
Pati ako ay nawindang sa sinabi ni boss Rustian.
“ Make a reservation for
a two way plane tickets, Manila-Singapore,business class for us. Kasama kayong tatlo and Mang Ros.“
Nanlaki ang mga mata ko sa utos sa akin ni boss. Kasama pala kami sa gagawing inspection sa assembly line ng voting machine sa Singapore.
Kaya on the spot akong nagpareseve ng ticket para sa aming lima papuntang Singapore gamit ang aking laptop.
Dalawang araw mula ngayon ang aming pag-alis.
Muling nagpasalamat ang mga kaibigan ko at tahimik lang si boss nakikinig sa amin habang kumakain.
Na-excite ako dahil first time ko sa ganitong business trip.
Habang nagbibilin si Ms.Fidel sa aking mga kaibigan ay pasimple kong sinagi ang paa ni boss at lihim akong nagpasalamat.
Hindi siya sumagot,bagkus…
Ipinatong niya ng dahandahan ang kaniyang walang sapin na paa sa aking paanan.
Nag-init ang mukha ko sa ginawa niya.
Alam ko namula ako ang pisngi ko sa kaniyang giminawa dahil ganito rin ang ginawa niya ng natutulog kami.
Gising siya ngayon at alam niya ang nangyari.
Hindi siya tulog.
O gising din kaya siya ng hawakan niya ang kamay ko?
Dahan-dahan kong inilayo ang aking paa ngunit muli na naman niyang pinatungan ito sabay utos sa akin na paglagyan ko siya ng tubig dahil sa senyas niyang tila nasasamid.
Nanginginig ang kamay ko sa pagkakahawak sa pitsel habang nagsasalin ng tubig sa baso dahil sa aming mga paa.
Ininom ni boss ang tubig at nagpatuloy sa pagkain.
“ Kain ng kain at marami ka pang trabaho.“
Utos niya na nakangiti lang na parang bang wala siyang ginagawa sa paa ko.
Kumain ako habang kinakabahan sa nagyayaring milagro sa ilalim ng aming kinakainang lamesa.
Sa kabilang dako…
sa DataMax building
MARICAR
Ano ba yan…
Ang aga naman nilang i-schedule ako para sa interview.
Dyosko…buti na at tangahali ako tinawagan ng HR nila at nakumplento ko pa yung mga kulang kong requirements.
Six Thirty lang ngayon pero alas siete ang schedule ko para sa inteview. Inagahan ko talaga dahil ayaw kong mapahiya.
Pinapasok naman ako ng guard ng ipakita ko ang oras ng apply ko.
Namangha ako ganda ng chandellier na nakaaabit sa kisame ng front desk section.
May malaking salaming pinto sa magkabilaang dulo kung saan labas masok ang mga empleyado.
Nagugulat ako sa mga lumalabas o pumapasok na tao dahil ang iba sa kanila ay halos parang pupunta lang ng mall ang pormahan.
May nakashort at sando lang.
May tadtad ng tattoo.
May dalang gitara.
May nakaskateboard.
Yung isa ay nakabike pa ng pumasok.
Office ba ito o club?
Inabot ko ang resume ko sa desk clerk.
May tinipa siya sa desktop computer at lumabas doon ang pangalan ko para sa aking application.
Pinaupo muna niya ako sandali at ipatatawag din kaagad para sa interview.
Mag-isa lang yata akong mag-aapply ngayong araw.
Mahirap nga talagang makapasok dito.
Hiniling ko kung maari ba akong magbanyo dahil masakit na ang puson ko.
Itinuro ng desk personnel ang malapit na banyo maaari kong gamitin.
Nabigla ako dahil bago mo marating ang banyo ay may madadaanan kang tila mga kwarto.
Mga sleeping quarters pala ito na para sa mga empleyado.
Konting lakad ay may madadaanan kang mga shelves ng mga miriendang maayos na nakadisplay. May mga local at imported na cup noodles ,sandwhiches,cookies, chocolates, coffee machine at pinalamig na maiinom kung saan may dalawang lalake ang nakatambay doon na nakain at kaswal na nakukuwentuhan.
Itunuro nila sa akin ang banyo ng ako ay magtanong.
Totoo pala ang balita na ganito kaluwag at kagalante ang DataMax.
Na halos makipagpatayan na makapagtrabaho lang dito.
Nagretouch ako ng make up pagkatapos kong umihi at saka bumalik sa front desk.
Naupo ako at maghintay muli.
Ilang sanadali pa ay tinawag na ako ng isang babae.
Siya pala ang interviewer ko.
Nakasunod lang ako sa kaniya ng pumasok kami sa loob ng mismong building.
Kinalma ko ang aking sarili ng makita ko kung ano ang kalagayan ng trabaho dito.
Para ka lang nasa bahay! Isang malaking bahay na maraming tao na nagco-computer.
Gusto ko magmura sa ganda ng loob.
Malaya ang mga tao dito na gawin ang gusto nila kahit nasa trabaho.
Nakita ko ang mga pumasok kanina na nagsisimula na sa kanilang mga gawain.
Yung may dala ng gitara,ng bike,ng skate board ay abala na sa harapan ng kanilang mga computer.
Nakakagulat talaga.
Hinding-hindi ako papayag na hindi makapasok sa kompanyang ito dahil sa ganda at klase ng pamamalakad dito.
Hindi ko man lang natanong si Brixel na ganito pala dito?
Magkakaraoon ba ako ng chance makausap yun e uuwi tulog na kami. Papasok ng trabaho tulog pa rin kami.
Tapos ngayon sa isang magandang condo pa nakatira.
My gulay, ang ganda talaga!
Pinipigilan ko lang ang sarili ko na magtatalon ng magsimula na kami sa interview.
Binasa ng interviewer ang resume ko.
Kinakabahan ako dahil kaunti kang ang expirience ko pagdating sa trabaho.
Pero ipagmamalaki ko naman kesa sa mga trabahong pinasukan ni Brixel.
Siya Jollibee,ako french baker,siya data encoder sa isang school,ako sa emergency hot line ng munispyo, siya callcenter agent,ako 4th runner up ng miss teen campus sa amin.
Kung nakapasok siya bakit hindi rin ako?
Excited na ako sumagot sa mga pinaghandaan kong maaring tanong sa akin.
“ You dont need any interview from me…e highly recommended ka p
ala for the job. Mga boss pala ang backer mo dito. Si sir Corona at sir Remedios, grabe ka ineng. Pinsan mo pala si Sir Brixel. Ikaw pala ang itinawag sa akin for the interview. Hindi na kita padadaanin sa mga interview na yan. Ako na bahala. Huwqg ka lang magkwento sa kanila. Secret natin to. Tara sama ka sa akin para ma-orrient kita.“
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng interviewer at agad niya akong inilibot sa unang palapag ng building.
Itunuro niya ang basic system, classification,position at work load na maari kong maranasan sa loob ng kompanya.
Pagkatapos ay kinunan ako ng larawan para sa aking ID at pinapirma ng isang kontrata.
Encoder ang trabahong nakalagay na position sa kontrata ko at sasahod ng 18 libo kada buwan.
Sa 2nd floor niya ako inilagay,ang Project Management Work Floor.
Pinakilala niya ako sa aking magiging superior at magiging officemate ko.
Hindi ito gaya ng 1st floor dahil karamihan dito ay may mga edad na at kaunti lang ang mga kaedarin ko na nasa 20.
Bagamat may mga probition na para sa mga empleyado, typical ito na opisina gaya ng madalas makita sa ibang buuilding.
Okay na rin kesa wala.
Bilin din naman sa akin na pwede ako makapunta sa first floor basta dala ko ang aking key card.
Pwede naman daw ako magsimula sa araw na ito. Ipabasa ko lang daw ang aking keycard at magrerehistro na sa computer unang araw kong pasok.
Ang galing,di lang pala pambukas na pinto ito kundi nagsisilbi din palang time card.
Pwede daw akong manood muna sa mga gawain. Tumulong para mapabilis ang mga trabaho, umorder ng kape sa starbuck, mag staple ng mga papel,mag-encode, magprint, magxerox, kumuha ng office supply sa stock room, at madami pang iba na maari nilang ipagawa sa akin.
Kaloka!
“ Masanay ka na,kasi madalas ganito ang mga gawain ng mga new comer. Initiation ba? Dont worry kasi pwede naman kita tulungan.“
Alalay sa akin ng nagpakilala sa akin. Siya si Nathan. Isa sa mga office mate ko dito sa work flooe.
Mabait at gwapo rin.
Boyfriend material.
Pero mas gwapo si sir Rustian.
Mahirap nga lang abutin.
Nagpasalamat ako kay Nathan sa pagtulong at pag-alalay niya sa mga bagay na hindi ko alam gawin.
Sa tulong niya ay nalalaman ko na ang mga ilang bagay kung paano bang sistema ang gagawin ko.
Natapos ang duty ko at pinauwi na ako ng bandang ala sais ng gabi.
Masaya ang mama ng malaman niya na nakapasok na ako ng DataMax. Maging siya ay tuwang-tuwa ng ikuwento ko sa kaniya ang nangyari.
“ Kaya sa susunod huwag mo ookrayin yang pinsan mo. “
Wala naman akong balak na okrayin ang pinsan ko.
Ipinagpapasalamat ko pa na kung hindi dahil sa kaniya hindi ako makakapasok ng DataMax.
Ang swerte ni Brixel at secretary agad ang posiyon niya nung nag-apply.
Pero minsan kasi ang swerte tsamba-tsamba lang sa tamang pagkakataon.
Kung di ka rin gagawa ng paraan di mo makukuha ang swerte na para sa iyo.
Makapagpahinga na nga at maaga na naman ang beauty ko sa DataMax.
Hayyyyy ang saya koooohhh!!!
Nakapasok na si Maricar ng DataMax.
Anong kwento kaya ang iaambag niya sa buhay ni Brixel?
At si Rustian? Ano na ba talaga kayo ni Brixel?
Ang mga kasagutan na yan pagakatapos ng katagang…
ABANGAN!!!
CHAPTER 18 THE RAT
Kasalukuyang naglilibot sa buong work floors si Rustian kasama si Brixel para sa weekly inspections.
Dalawang araw mula ngayon ay pupunta sila ng Singapore para sa gagawing voting machine.
Tatlong araw silang mawawala kayat advance ng naghahabilin si Rustian sa mga tauhan niya ng mga dapat gawin habang wala siya.
Sa tagpong ito ay naglilibot sa Project Management Work Floor ang magboss .
Pagpasok pa lang ay kani-kaniya ng bati ang mga taong nakakasalubong at nakakakita sa kanila.
Abala si Rustian sa pagchecheck ng mga papeles na inaabot sa kaniya ng management at nanatiling nakasunod langbl si Brixel sa kaniyang boss.
Hanggang sa magkita ang magpinsan sa iisang lugar.
“ Pinsan!“
Ang bati ni Maricar sabay yakap kay Brixel.
Nabigla naman si Brixel dahil walang siyang alam na narito na pala ang kaniyang pinsan.
Nagulat siya hindi lang sa narito si Maricar sa office kundi ang pagyakap sa kaniya na hindi naman nito dating ginagawa.
“ Huy beshie,pinsan ko toh.
Ang swerte niya di ba?
Ano kamusta ka na?
Kailan mo ko lilibre vaklah?“
Hiyang-hiya naman si Brixel sa inasal ni Maricar lalo pa at malapit lang si Rustian sa kanila.
Dinig ng karamihan ang pagyayabang ni Maricar halatang idinidikit ang sarili na may kamag-anak siyang malapit sa CEO ng DataMax.
Tuwang-tuwa din ang mga babaeng nakadikit kay Maricar dahil ngayon lang din sila nakalapit ng husto kay Rustian.
Hindi makakilos si Brixel dahil nakakapit sa kaniyang braso si Maricar habang pinapakilala ito sa mga bagong kaibigan at ipagyabang na sila ay close na magkamag-anak.
Dahil sa nangyari ay napilitan na si Brixel ilibre ang pinsan at ang dalawa nitong mga kaibigan sa pantry ng first floor.
Todo pagyayabang pa rin si Maricar kung gaano na kaasenso ang kaniyang pinsan na dati ay isa lang contractual na empleyado.
Magpapaalam na sana si Brixel ng lumapit sa kanila si Corz.
“K anina pa ako natawag sa iyo di mo sinasagot. Hinahanap kita kasi may pinaabot si Mam.Fidel for boss Rustian. Buti na lang at inuna kong hanapin ka dito.”
“Naiwan ko yung mga gamit ko sa meeting room sa taas. Nahila kasi ako ng pinsan ko para magkape. Si Maricar pinsan ko.
Dito na rin siya nagtatrabaho.“
“Ganoon ba? Kaya pala di mo masagot ang tawag ko. Oh, eto ang hard copy na request mo sa filing about sa new project na gagawin ni boss Rustian sa Singapore,ito ang sa expences data,yung mga 3d graphics ng model nandito sa flash drive.”
Isa-isang abot ng mga papeles kay Brixel ng kaibigan.
“ Pasensya na ha,nakalimutan ko lang talaga yung phone ko.“
Dahil doon ay nagbidabida si Maricar at nagprisinta na siya na lang ang mag bibitbit ng mga papeles na dadalhin ni Brixel.
Kinse-minutos lang ang coffee break nila at nagpaalam na rin si Ate Corz na babalik na sa trabaho. Maging si Brixel at ang pinsan nito ay bumalik na rin ng 2nd flloor dahil tinakasan lang niya ang kaniyang boss na abala sa isang closed door meeting.
Sa 2nd floor ay naabutan niyang tapos na ang meeting at abala na sa pagbabasa ng mga dokumento ang kaniyang boss sa gitnang bahagi ng mga work station.
Tahimik na lumapit si Brixel sa likuran ni Rustian na patay malsiyang parang hindi nawala ng ilang minuto.
“ Maricar,pakuha naman ng gamit ko sa meeting room. Hindi na ako makaalis dito.“
Bulong niya sa pinsan.
Patakbo pa si Maricar na pumunta ng meeting room upang kunin ang mga gamit ni Brixel sa loob.
Sa pagmamadali ay nakabanggan naman niya si Nathan kaya nahulog ang mga dala nitong mga dokumento at agad na tinulungan ng binata na magpulot si Maricar ng mga papeles na nagkalat sa sahig.
“ Sorry ha, bakit ka ba nagmamadali?“
“ Kukunin ko kasi yung mga gamit ng pinsan ko sa meeting room.“
“Pinsan mo si Sir Brixel?”
“Oo,nautusan nga kaagad ako na kunin ko daw yung gamit nya sa meeting room. Kaya kakamadali ko nabangga na pala kiya. Sorry ha…aray…wait lang…parang sumakit balikat ko ng mabanggaan tayo e.”
“ Naku,sorry,sorry. Gawin mo na lang hintayin mo ako dito ako na kukuha ng gamit ni Sir Brixel. Ako na rin maglalagay nito sa bag niya para di ka na mahirapan. Hintayin mo na lang ako dito. Isa pa di ka rin makakapasok dun basta-basta kasi di pa updated ang key card mo. Bawal ka din dun kasi office din yun ng finance manager natin. Pero ako pwede. Ano ba tong mga papeles na to?“
Pag-aalala ni Nathan habang tinutulungan niya ang dalaga na makaupo sa isang office chair.
“ Mga documents for filing ang dinig ko sa kaibigan ng pinsan ko e. Project daw sa singapore yan.“
Binasa ni Nathan ang laman ng napulot niyang file folder.
Doon nakasaad ang planong tungkol sa bagong voting machine.
“ Sige ako na kukuha at nakakaawa ka naman. Akin na muna yang ibinigay sa iyo at ako na maglalagay sa bag ng pinsan mo. Mamaya, para di naman sumama ang loob mo dahil nabangga kita. Itreat kita ng coffee or snacks, pwede ba yun? Huwag mo lang akong irereport at baka ma-fire ako. Please.“
Makisig na lalake din si Nathan kaya madaling napapayag si Maricar sa usapang panlilibre.
“ Sige na nga…eto pa o, paki sama mo na rin tong flash drive. Gamit yan ng pinsan ko ha. Huwag mo iwawala.“
“Sige, hintayin mo ako dito ha. Next coffe break treat kita. Sorry uli ha. Dyan ka lang muna at kunin ko na gamit ni sir Brixel.”
At iniwan ni Nathan si Maricar upang kunin ang mga maiwang gamit sa meeting room. May ilang bahagi na hindi mapapansin ang pintuan nito dahil nahaharangan ng isang malaking book shelves.
Habang papalapit sa meeting room ay palinga-linga si Nathan sa paligid na para bang naninigurado na walang tao sa kaniyang likuran.
Nang makakita ng isang bakanteng office cubicle at bukas na computer ay agad na ikinabit nito ang flash drive na inabot sa kaniya ni Maricar.
Agad na bumukas ang drive at nakita niya ang nilalamang file nito.
Tungkol ito sa scale model ng bagong voting machine at graphics na gagamitin para sa demo sa araw ng bidding.
Agad niya itong kinopya gamit ang personal na Flash drive.
Habang naandar sa screen ng pagkopya ay kinunan niya ng larawan gamit ang cellphone ang ilang mahahalagang data ng dokumento tungkol sa mga pagbabagong gagawin sa voting machine.
Matapos ng kaniyang ginawa ay parang walang nangyaring pumunta na sa meeting room at kinuha ang mga naiwang gamit ni Brixel.
Binalikan niya si Maricar sa dating pwesto.
“ Ito ba yung bag at gamit ni Sir Brixel?“
“Hindi ko rin alam kung yan ngang mga yun. Wala din naman siyang sinabi kung anu-ano mga gamit e.”
“Well, ito lang naman ang nakita kong gamit na naroon.
Baka ito na nga?
Ano okay ka na ba?“
“Okay na…hindi na gaano masakit.”
“Pasensya na ha…so paano…mamaya magkita na lang tayo?”
“Ah…sige…mamamaya na lang uli. Salamat sa pagtulong ha. Balikan ko lang si pinsan baka hinihintay na ako.”
Naghiwalay ang dalawa at binalikan ni Maricar kung saan naroon ang kaniyang pinsan.
Nagpasalamat naman si Brixel sa ginawang pagtulong ng pinsan nito.
Natapos na ang gawain nilang mag boss sa 2nd floor at papunta naman sila sa ibang palapag para sa iba pang inspections.
RUSTIAN
“ Bakit nawala ka kanina?“
Tanong ko sa kaniya habang lulan kami ng elevator.
Kita ko na umatras ang anino niya na tila ayaw niya akong katabi.
“ Ano…nahila ako ng pinsan ko boss…ano…nagpalibre sa akin kanina sa baba. Hindi ako makatanggi kaya sinamahan ko na muna…pasensya na boss ha…sorry kung di ako nakapagpaalam. Ang dami mo ng kausap kanina e.“
“ E bakit nandyan ka sa likuran ko?“
“Baka bigwasaan mo ako.”
Saka ko pa lang siya nilingon.
Pigil ko ang aking tawa dahil alam ko naman kung sino ang kasama niya kanina ng umalis.
Alam ko at nadinig ko ang pagmamalaki ng pinsan niya tungkol kay Brixel kaya napilitan na itong iwan ako mag-isa kanina.
Bumukas ang pinto ng elevator pero muli kong pinundot ang button para mag-sara muli. Pinabasa ko ang aking singsing pabalik sa aking opisina.
Hindi ako nagamit ng companies keycard. Tanging singsing na may computerized micro chip ang gamit ko sa bawat pinto ng building na ito.
“ Napagod ako sa meeting.
Mamaya na uli tayo mag-ikot.
Bakit ka ba lumalayo?
Di ba sabi ko dito ka lagi sa tabi ko? Dito ka nga….ano ba yang mga dala-dala mo?
May bag na may mga files at laptop pa?
Akin na nga yan.
Mukha kang elementary sa hitsura mo.“
Hindi makaangal si Brixel ng kunin ko ang bitbit niyang mga dokumento at laptop sa kaniyang mga kamay.
Sa taas ay sabay kaming pumasok sa loob ng aming opisina.
Inilpag ko sa table niya ang mga gamit at pagkatapos ay nagbukas ako ng tv.
Naghanap ng pwede mapanood.na pelikula.
Nais kong ipahinga sandali ang aking utak dahil sa ginawa kong inspection kanina.
“ Maupo ka muna dyan sa sofa. Take a rest at mamaya may dalawang floor pa tayong dadaanan.“
Tahimik namang naupo si Brixel sa mahabang sofang katapat ng malaking tv screen.
Bago ako umupo ay kumuha muna ako ng kalahating galon ng ice cream sa ref at dalawang kutsara.
Ipinatong ko sa mesang malapit kay Brixel ang ice cream at umupo ako sa tabi niya.
Ibinigay ko ang isang kutsara sa kaniya.
Nagtanggal ako ng kurbata at sapatos ng sa gayon ay makakilos ako ng maayos.
Binuksan ko ang ice cream at sinimulan kong kutsarahin ang laman nito at kumain.
“ Hindi ko kayang ubusin yan.“
Sabi ko sa kaniya kaya nagsimula na rin siyang kumutsara ng malamig na miryenda.
Nalibang kami sa aming pinapanood at magkasalong kumakain ng ice cream pansamantala.
Nanawa rin ako sa kakakain ng ice cream at inantok ako bigla.
Ayaw ko namang matulog dahil may 30 minutes pa bago ko ipagpatuloy ang inspection.
Pumuwesto ako ng higa at ipinatong ko ang aking ulo sa hita ni Brixel.
“Pipikit lang ako…remind me pag 30 minutes na ha. Baka makatulog ako e.”
Inayos ko pa ang aking ulunan sa pagkakapatong sa kaniyang hita para maging komportable pa ang aking batok.
Ipinikit ko ang aking mga mata.
Ilang minuto ay pinatay na ni Brixel ang tv at katahimikan na ang nangibabaw sa buong sulok ng opisina.
Antok na antok at parang gusto ko ng matulog.
Hangang sa maramdaman ko ang kaniyang kamay na humaplos sa aking ulunan.
Nawala ang antok ko at pagnanais na makatulog.
Nanatili akong nakapikit lang at ineenjoy ang kaniyang ginagawang paghagod sa aking buhok.
Huminga ako ng malalim at hinila ang kamay niya at ipnatong sa aking dibdib.
Itinago ng dalawang kamay ko ang kamay niya bilang pagpapahiwatig na huwag siyang aalis.
Na enjoyin rin niya ang ganitong pahinga kagaya ko.
Aaminin kong may nabago sa akin.
Hindi ko maipaliwang at tanging puso ko lang ang nakakaalam kung bakit.
May gusto ako sa kaniya.
Alam kong may nararamdaman din si Brixel sa akin na pinaglalabanan niya.
Nakikita ko sa kaniyang mga mata.
Sa kaniyang kilos at pag-aasikaso sa akin.
Hindi ako nagkagirlfriend hindi dahil sa problema sa pamilya o trabaho.
Sadya nga lang yata na may isang tao na magpapatibok ng puso mo maging siya man ay babae o lalake.
At si Brixel ang nagpatibok sa puso ko ng ganito.
Kung pwede ko lang siyang halikan.
Yakapin.
Kung pwede lang.
Ngunit maraming sakripisyo kung papasukin ko ang ganitong pag-ibig.
Ayaw ko siyang masakatan.
Masaya na ako ng ganito.
Ang nakikita siya sa tabi ko
Ang maalagaan,maprotektahan, maibigay ang lahat ng kaniyang pangangailangan at maabot ang pangarap.
Masaya na ako ng ganito.
Dama ko sa kaniyang kamay ang panginginig.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kaniyang kamay sakaling bawiin niya ito ay hindi niya magawa.
“ Boss baka umakyat si Ms.Fidel…“
Mahina niyang sabi.
Hindi ko binitiwan ang kaniyang kamay.
“ May training yun sa baba.“
Sagot ko.
“ Si mang Ross…“
“Busy sa mga aso.”
Nangalay ang aking batok at binitawan na ang kaniyang kamay. Subalit tumagilid ako ng posisyon paharap sa kaniyang tiyan at malayang yumakap ang kanang braso ko sa kaniyang likuran at ang kaliwang kamay naman niya ay pumataong sa aking tagiliran.
Paraan ko para lalo hindi siya makaalis sa pagkakaupo.
Ngayon ang likod ko naman ang hinimimas niya.
Nanatili kami sa ganoong posisyon.
“ Boss…30 minutes na…huy…may trabaho pa tayo.
Bangon na po.“
Nainis ako, ang bilis ng oras.
Sa inis ko ay kinagat ko ang kaniyang hita.
“ Hala!“
Nabigla siya sa aking ginawa kaya napatayo siya at nalaglag ako mula aking pwesto.
Agad niya akong tinulungan upang makaupo.
“Eh kasi naman. May kagat-kagat pang nalalaman e. Malakas kiliti ko sa hita.”
Napangiti ako hindi dahil sa asal niya kung magalit.
Napangiti ako dahil nadiskubre ko kung saan ang kaniyang kiliti.
“ Sorry,kasi naman ang bilis ng oras,gusto ko pa sanang magpahinga.“
Sagot ko habang nag-iinat ng balakang dahil sa pagkabagsak ko sa sahig.
“ Ano,pahinga o trabaho?
Tanong niya sa akin.
“ Sige na trabaho na muna.“
Isinuot ko na muli ang aking sapatos.
Akma ko na sanang ibabalik ang aking necktie sa pagkakatali nito pero inunahan na ako ni Brixel.
Siya na ang napatuloy sa pagbubuhol ng necktie ko at pagtulong na maisuot ang aking amerikana.
Patakbo pa niyang inilagay sa lababo ang galon ng natunaw na ice cream at madaling pinunasan ang nabasang lamesa.
Pagkatapos ay muling humarap sa akin at inayos ang buhok ko.
Tumanggi pa ako ng pahiran niya ako ng skintoned cream sa ilalim ng aking mata.
“ Para hindi ka mukhang puyat…“
Wala na akong nagawa dahil mukha daw akong puyat kaya sige na lang at pumayag ako.
Pinahiran din niya ng lip balm ang aking labi ipinaliwanag kung para saan yun.
“ Madali magdry ang labi mo boss.
“
“Pwede naman basain ng laway ang labi ah?”
“No…may acid ang laway natin
Dapat oil base para di natutuyo. O ayan okay na.“
Ang dami na niyang seremonyas na ginagawa sa akin bago ako magpakita sa mga empleyado.
Natapos lang siya ng paulanan pa ako ng pabango.
“ Tablet lang dalhin mo.Huwag mong dalhin lahat ng gamit ha.“
Bilin ko dahil ang dami niyang bitbit lagi pagnabisita sa mga stations ng building.
“ Opo.“
Nagkangitaan kami sa sagot niya sa akin at niyaya ko na siyang muling bumaba sa mga pupuntahang palapag .
Ngayon iba na ang aming pagtrato sa isa’t isa…
Dahil hindi siya tumanggi na hawakan ko ang kaniyang kamay habang naghihintay sa pagbukas ng pinto ng elevator.
FEW MOMMENTS AGO
NATHAN***
Habang may sa kausap celllhone.
“ Boss…may pagbabago mangyayati sa plano…may nakuha akong information about sa bidding….yes…hindi aatras sa Bidding day ang DataMax dahil may bagong model na ipapasa ang kapatid nyo….yes sir…i have all the information and data…hindi kayo maniniwala na sa akin mismo lumapit ang mga files na ito…at mismong galing pa sa pinsan ni secretary Brixel…yes…and may plano ng iassemble ang bagong machine this week…sa Singapore…yes sir…i will talk to her? May usapan kami mamaya…sigurado kayo na pwede nating pakinabangan ang pinsan niya? Kayo sir…ikaw naman ang nakakaalam ng lahat ng gagawin e. Yes sir…salamat sir…salamat…ako ng bahala…yes sir…okay sir.
At masayang pinutol na ni Nathan ang usapan at masaya itong palingon-lingon sa paligid na tila nagyayabang na hindi siya pwese banggain dahil may makapangyarihang tao ang nasa likod niyang nagbabantay sa kaniya.
Ngayon alam na na natin kung sino nag kalaban.
Paano si Maricar?
Next up,ang saloobin ni Brixel sa bago niyang love life ngayong may connection na sila ng kaniyang boss.
Ayyyy!!! May hihinatayin sa kikig next chapter!
CHAPTER 19 HIDDEN FEELINGS
BRIXEL
Hindi ko na alam ang kung isang realidad ba ang nangyayari sa akin o isang panaginip lang.
Nakaupo ako nanonood ng tv at humiga si Boss Rustian at iunan ang aking hita sa kaniyang ulo.
Nakapikit lang siya nagpapahinga dahil sa pagod.
Nakadama ako ng awa at pag-aalala dahil sa kaniyang mga gawain.
Awa at pag-aalala dahil mahal ko siya.
Komportable siyang sa kaniyang sexuality at alam ko na walang halong malisya ang kinikilos niya ng ganito kalapit sa akin.
Sa awa ay hinimas ko ang kaniyang mga buhok.
Nais kong mamasadan ang makisig niyang mukha.
Hulog na hulog ako sa kakaiba niyang personalidad at pagkatao.
Mas nabigla ako ng hawakan niya ang aking mga kamay at ilapat ito sa kaniyang dibdib.
Nais kong umiyak.
Walang lalake na hahawak ng ganito sa kapwa niya kung walang dahilan?
Hudyat na ba ito na mahal din niya ako?
Na kagaya rin ng nararamdaman ko ang nararamdaman niya.
Hamak na secretary lang ako.
Mataas ang kaniyang estado kumpara sa akin.
Naglalaban ang damdamin at isipan ko.
Na baka kaya siya ganito ay naghahanap lang siya ng pagmamahal ng isang pamilya.
Nais kong maiyak kung gayon nga ang turing niya sa akin.
Isang pagmamahal mula sa isang kapatid?
Kung kapatid man ay tatanggapin ko dahil kailangan niya ang ganoong pagmamahal na hindi niya naranasan sa kaniyang pamilya.
Tatanggapin ko kahit na ganoon lang ang kaniyang dahilan kaya ganito ang trato niya sa akin.
Igagalang ko dahil kailangan niya.
Philia Love lang ba ito?
Pero paano kung hindi?
Paano kung Eros love ito?
Attracted ako sa lahat ng katangian niya.
Araw-araw kong pinaglalabanan ang pag-ibig na iyon dahil alam kong imposible.
Ngunit habang tumatagal nararamdaman ko rin ang kakaiba niyang trato sa akin.
Hindi siya nagdadalawang isip na umaunan sa hita ko o hawakan ang kamay ko.
Mahal ako ni Boss…
Nais ko na talagang umiyak sa nararamdaman ko.
Nais ko ng sabihin na mahal ko siya ngunit iba ang aking nasabi.
“ Boss…30 minutes na..time na po.“
Wala akong lakas ng loob na sabihin ang mga salitang nararamdaman ko.
Akala ko ay babangon siya ngunit patagilid siyang umayos at niyakap ang aking likuran at halos nakasiksik na ang kaniyang mukha sa aking tiyan.
Kusang kumilos ang kamay ko sa kaniyang tagiliran upang umalalay na hindi siya mahulog sa sofa.
Isa itong rebelasyon na mahal ako ni boss.
Na hindi siya nangingimi o mailang kahit lalake na ang kaniyang katabi at kayakap.
Naalaala ko ng minsang mahalikan niya ako.
May naramdaman ako sa aking iba-bang bahagi.
Tumigas iyon at nahiya ako sa nakalapat niyang ulo sa aking hita.
Nahiya ako na konting kilos lang ay baka tumama sa kaniya ang matigas kong…
“ Magtatrabaho
ba o magpapahinga?“
Palaala ko na baka makalimot kami kapwa.
Kinagat niya ang aking hita at sa pagkabigla ay napatayo ako kaya lumagapak siya sa sahig.
Abot-abot ang awa at hiya sa aking nagawa ng alalayan ko siya upang makaupo sa sofa..
Dahil napilit ko na siyang magpatuloy sa aming mga gawain ay tahimik kong ginampanan ang mga dati ko ng ginagawa.
Ang asikasuhin siya.
Hindi man ako makatingin ng derecho alam ko na nararamdaman niya na masaya ako sa nangyayari sa kung ano merong namamagitan sa amin.
Wala mang binibitiwang salita.
Pero pinaparamdam niya sa kaniyang mga kilos.
Sabagay, action speaks louder than words.
Sa kilos ko na rin ipapakita kung ano ang nararamdaman ko para sa kaniya.
Hinawakan niya ang kamay ko habang papalapit kami ng elevator.
Abot-abot ang kaba sa aking dibdib.
Ganito pala ang pakiramdam.
Para kang nakakarinig ng musika.
Parang gusto mong sumayaw.
Magtatalon sa kama.
Ngunit ngiti lang ang kaya kong gawin habang magkasama kami sa loob ng elevator.
“ Suuusss….kinilig“
Sabi niya sa akin na nakangiti ng panunukso.
Bigla kong binitiwan ang kamay niya sa hiya ngunit muli niya itong hinawakan.
“ Malapit na tayo lumabas. Makikita nila tayo.“
Pakiusap ko.
Ayaw kong magkaroon ng bagong problema sa opisina.
Ayaw kong pagusapan kami lalo na si boss tungkol sa kaniyang seksuwalidad at maraming babae at binabae ang iiyak kung malalaman nila ang tungkol sa amin.
“ Pwede ba boss…sa ating dalawa na muna ito…ito.“
Itinaas ko sa aming mukha ang magkahawak naming kamay.
“Siempre…hindi pa ako ready na malaman nila…hindi rin ready ang mga employees dito…ang tiya mitos. Naku pagnalaman nun, hindi ko alam ang gagawin ko…pwede…pwede ba mag-ipon muna ako ng lakas ng loob bago nila malaman.”
Pagmamakaawa ko.
Hinigpitan niya ang kapit sa aking kamay.
Kinabahan ako na baka hindi na niya bibitawan ito at lalabas kami para makita ng lahat.
Nakahinga ako ng maluwag ng bitiwan niya ito bago bumukas ang pinto ng elevator at saka lumabas na parang walang nangyari.
Pinagpapawisan ang kilikili ko sa nerbyos habang nakabuntot ako sa kaniya.
Normal ang kilos niya habang naglilibot kami.
Ako ang natataranta kung maririnig kong tinatawag niya aking pangalan.
“Yes boss..opo boss..okay boss..”
Yun lang ang mga sagot ko.
Nakajahalata tuloy ako na nagtitrip na lang siya sa akin dahil alam niya kung paano ako mataranta sa nerbiyos.
“ Brixel.“
“Yes boss?!”
“Yes boss ka dyan?”
Si Emy pala ang tumawag sa akin.
“ Nangyayari sa iyo?
Parang wala ka yata sa sarili mo ngayon?
Pinagilitan ka ba ng boss mo?“
Bulong ni Emy sa akin.
Agad ko siyang hinila palayo habang abala si boss sa pakikipag-usap sa isang supervisor.
“ Marami lang akong iniisip…isa pa di ba nga pupunta ng Singapore kaya iniisip ko kung ano ang gagawin natin dun?“
Pagtatakip ko.
“ Echosera…nasabihan na tayo ni Mam Fidel sa gagawin dun.
Hindi ka nagsasabi ng totoo. Pinagalitan ka no?
Ano ba ginawa mo?“
“Hindi ng ako pinaglitan.”
“O sige,hindi kung hindi.
Heto ang report sa financing.
Need ni mam Fidel ang pirma. Mamaya ko na kukunin sa iyo yan at mukhang busy pa kayo ng boss mo sa pamamasayal.
Itext mo na lang sa akin kung ano ginawa sa iyo ha.“
At saka niya ako iniwan.
Gaga yun…
Matitext ko ba sa kaniya ang ginawa sa akin ni boss?
Muli kong binalikan si boss hanggang sa matapos na kami sa lahat ng aming gagawin at muli kaming bumalik sa kaniyang opisina.
Sa loob ng elevator ay hinawakan na naman niya ang kamay ko haggang sa loob ng top floor.
Bumitiw lang siya ng ipaalam ko na gagawan ko siya ng snacks.
Panini sandwhich at lemon ice tea ng aking inihanda.
Sa gutom muli niya akong pinagawa sa kusina.
Habang naghihintay na maluto sa sandwhich maker ang panini ay lumapit siya sa akin at pinanood ako kung paano gumawa.
“ So,kelan natin sasabihin sa kanila?“
Tanong niya sa akin.
“ Basta huwag muna ngayon…malalaman at malalamn din naman nila basta huwag muna ngayon.“
“Ako ready ako.”
“Boss naman…madami ka pa problema sa negosyo. Gusto ko, kung sasabihin natin sa kanila na… yung hindi ka na busy.”
“Uyyy..ayaw niyang sabihin na boyfriend niya ako?
Hindi mo sabi no?
Nahihiya kang sabihin na boyfriend mo ako no?!“
Ipinikit ko ang aking mga mata ng itapat niya ang kaniyang mukha ng malapitan sa akin.
Patuloy lang niya akong tinutukso.
Nahihiya pa akong sabihin na boyfriend ko siya.
Dumilat lang ako ng tumunog na ang sandwhich maker at kinuha ang nalutong tinapay.
Sa taranta ay nakalimutan na mainit ito at nalaglag sa counter.
Napaso ang daliri ko kaya dagli itong hinawakan ni Boss at hinipan.
Nag-init din ang mukha ko sa kaniyang ginawa.
“ Tsk-tsk…talaga naman…hindi nag-iingat e. Ano?masakit pa?“
Patuloy lang siya sa pag-ihip.
Para talagang panaginip ang lahat ng ito.
Isang gwapong lalake ang nakahawak sa aking kamay at bino-blow ako-este hinihipan ito.
“ Okay na boss…hindi na naman gaano masakit…okay na…“
Dahil sa nangyari ay soya na ang naghanda ng aming kakainin 2nd batch na sandwhich.
Magkatabi kaming nakain sa mahabang sofa.
“ Nakakatampo ka.“
Bigla niyang sabi.
Tumigil ako pagnguya at tiningnan siya.
“Ayaw mong malaman nila na mag boyfriend tayo…tapos hindi mo masabi sa harap ko na magboyfriend tayo.”
Patuloy lang siya sa pagkain ng hindi natingin.
Caught of guard ako.
Naawa naman ako sa kaniya dahil sa gusto kong mangyari huwag munang ipaalam sa iba.
Nahihiya kasi ako na sabihing boyfriend ko ay boss ko.
Na feeling ko,ang ganda-ganda ko at may nainlove sa aking ganitong tao.
Umusod ako at dumikit sa kaniyang tabi.
“ Oo na…boyfriend na kita.“
Ngayon ay tiningnan na niya ako at inlipat ang taenga sa akin.
“ Di ko narinig…may kinakain kasi ako. Ano sabi mo uli?“
“Sabi ko boyfriend na kita.”
“Ano? Mahina e?”
“Paulit-ulit,paulit-ulit?”
“Hindi ko nga narinig. Ano nga uli?”
“Boyfriend na nga kita boss!”
Tumigil siya sa pagnguya at ngumiti na naman ng parang nang-aasar.
Ako rin amg bumigay sa hiya at itinago ko ang mukha ko sa isang throw pillow.
“ Ha ha ha!hala!kinileg eh!“
Narinig ko na naman ang kaniyang punto.
Kinalma ko na ang aking sarili at muli humarap sa kaniya.
Kapawa kami natahimik.
“ Pwede gang makahingi ng halik?“
Yun!
Tinakpan ko muli ang aking mukha ng unan at nagsign ng aking hintuturo.
“ Bawal muna ang kiss.“
Inolabas ko lamg ang aking mata para makita siya.
“Bakit bawal? Kiss lang ah?
“Wala munang kiss.”
“Bakit nga bawal?”
“First time ko magkaroon ng boyftiend…and virgin pa ako sa kiss?”
“First time ko din naman to ah? Virgin din ako? So whats the problem?”
Nagulat alo sa sinabi niya at inalis ko na ang pagkakatakip ng unan sa aking mukha.
Virgin din si boss?
“ Ibig sabihin…ako pa lang ang una?“
“Oo? Wala naman akong naging ibang boyfriend. Ikaw pa lang talaga.”
Ano ba yan…abot-abot naman ang swerte ko sa buhay.
Parang hindi na makatotohanan ito at sa wattpad lang yata nababasa.
“ Ano,pakiss na. Isa lang. Sa lips. Smack lang. Gusto lang kitang mahalikan.“
“Halik lang ha. Smack lang. Mabilis lang.”
“Oo..dali..game?
Wala akong “no choice” kundi ang pagbigyan siya.
Kinakabahan ako ng maglapit ang aming mga mukha.
Pareho kaming hindi napikit.
Pareho kaming nagtitigan ng mata sa mata habang naglalapit ang aming mga labi.
Hanggang sa maglapat ito.
Napapakit ako sa lambot nito.
Tatlong beses kong naramdamang naglaro ang kaniyang labi sa labi ko.
Ganito pala ang unang halik.
Nakakatukso.
Bigla kang titigasan…
Umatras ako dahil baka kung saan na mapunta ang susunod na tagpo.
“ Akala ko ba smack lang?“
Tanong ko.
“Akala ko rin eh?”
Sagot niya at sabay kaming nagkatawanan.
Natapos ang aming trabaho at gabi na kaming nakauwi.
Hiniling ko na huwag ipaalam ni boss kay mang Ros na kami na at nais ko pang maghanda ng lakas ng loob sa tamanag panahon.
Sa ngayon ay lihim na muna ang relasyon namin ni Boss Rustian.
Lumipaas ang ilang araw at nakarating na ng Singapore sina Rustian kasama si Brixel, Ms.Fidel, ate Cors,Emy at Mang Ros.
Makikita sa tagpong ito na nasa lobby sila ng isang sikat na Monleon Tower Hotel.
RUSTIAN***
Pagdating namin ay nagcheck in na kami sa isang sikat na hotel na aming tutuluyan sa tatlong araw naming pagbisita dito sa Singapore.
Pinili ko ang hotel na ito dahil sa mahigpit ang hotel na ito para sa privacy ng mga VIP nilang bisita.
“ Sir,no need to give us separate rooms. Pwede naman kaming tatlong mga babae e magsama-sama sa iisang room?“
Pakiusap ni Ms.Fidel.
Halata sa mukha nila na ayaw nilang maghiwahiwalay ng kwarto.
Pabor sa akin dahil maari kong makasama sa iisang kwarto si Brixel.
Pinabago ko ang reservation.
VIP rooms with two bed ang kinuha ko para sa amin ni Brixel.
Family room ang kinuha ko para sa mga babae.
At napunta ang presidential suite kay mang Ros na una naireserved.
Panay tukso naman ang mga kasama naming babae kay Mang Ros dahil mukha siya ang inakalang boss namin ng mga staff ng hotel at sinakyan naman ito ng driver ko habang hinahatid kami sa aming mga kani-kaniyang mga kwarto.
Sa iisang floor inihatid, magkabilaang dulo kami ng hallway ni mang Ros at sa gitna naman ang sa mga babae.
Pansamanatala kaming magpapahinga dahil bukas pa ang inspections ko para sa machine na iaasemble at mamaya ay isang meeting lang sa isang contact ko dito sa Singapore.
Malawak ang silid na aming tutumugan ni Brixel.
May malaking sala,kusina na kumpleto sa gamit,jacuzzi,bar,at silid na may dalawang kama.
Ngayon lang ako nakapasok sa kwarto na ito na dati ay sa presidential suite na okupado na ni mang Ros.
Nais ko munang magpahinga.
Ang mahiga kayat niyaya ko si Brixel na tumabi sa akin.
Hinubad niya ang sapatos ko at nahiga sa aking tabi.
Hindi na siya nahihiya dahil daalawang beses ko na siyang nakatabi sa pagtulog.
Noong una ay pinilit ko pa siya na tabihan ako sa aking silid ngunit panay ang tanggi dahil hindi pa nalabas tulog ang mayordama.
Para kaming teenager.
Tatakas pa ako ng unit ko at papasok ng palihim sa unit ni Brixel para makaitulog.
Ngayong solo na naman kami baka higit pa sa pagtabi ang magawa ko.
Nakayakap siya sa aking dibdid at nakasandig ang ulo sa aking kanang braso.
“ Matutulog ka ba?“
Tanong njya sa akin
“Gusto ko lang mahiga siempre yung ganito. Makatabi tayo”
Tahimik laang kami na magkatabi at nakikiramdam sa maaring gawin.
Iniharap ko ang kaniyang mukha sa akin at hinalikan siya.
Smack lang na dati naming ginagawa.
Bawal pa ang french kiss.
Bawal pa ang sex.
Yun ang napagkasunduan namin kahit ayaw ko.
Hanggat hindi pa nareresolve ang problema namin sa bidding ay hindi muna kami aabot sa ganoong bagay.
Ilang araw na lang BDay na kaya magagawa ko na rin ang ilang araw kong tinitiis na gawin namin.
Isa pa wala rin akong alam kung paano ba namin gawin ang sex.
Kinakabahan din kaya ako paghinahalikan siya.
Minsan gusto ko na siyang hipuan kung matigas din ba yung kaniya ng gaya sa akin.
Nacoconcious tuloy ako na maghubad sa harap niya at baka makita niyang nakatayo at tigas na tigas ang ari ko sa pananabik.
Mahiyain si Brixel kaya iginagalang ko siya.
Kailangan ko rin daw maging reserve sa kahubaran ko at huwag laging ipapakita sa kaniya.
Pang special occasion lang kung maghuhubad kami pareho at hindi pwede araw-arawin.
Bigla naman naman kaming napaupo ng may kumatok sa pinto.
Expected ko ng mga kaibigan ni Brixel ang kumatok.
Kaya agad niiyang tumayo at pinagbuksan sila.
Hindi niya gaanong binuksan ang pinto at sa pintuan langbsila nag-uusap.
Nakahiga lang ako pero dinig ko ang kanilang mga bulungan.
“ Nagpapahinga si boss, huwag muna kayo pumasok.“
Si Brixel ang halatang ninerbyos na naman.
“ Tulog na ba?
Yayayain ka sana naming lumabas para makapagselfie-selfie at makapasyal sandali.
Bukas kasi wala na tayo time sa liezure.
Paalam ka muna kay sir kahit 2 hours lang tayo.
Tigngnan natin yung mga store sa baba.“
Aagawan pa ako ng kasama sa kwarto…
Well kaya ko naman talga sinama sila isa para makapag-unwind din si Brixel mula sa trabaho.
Isinara muna niya ang pinto at pinaghintay ang mga kaibigan.
“Boss…”
Di ko na pinatapos ang kaniyang sasabihin.
“ Lakad na,sumama ka na sa kanila para makapasyal ka rin.“
“Paano ka? Ikaw kang mag-isa dito.”
“Okay lang…may gagawin din ako.”
“May gagawin ka pala e,hindi na ako sasama. Walang mag-aassist sa iyo.”
Tumayo ako at niyakap siya.
Iba talaga kapagmay kasama kang mahal mo.
Madaming maliit na bagay na pwede pagtalunan.
“ Okay nga lang and confidential din yung gagawin ko. Hindi mo rin pwede malaman.“
Napatingin siya sa akin.
“ Dyan lang kami sa baba ha. Magpipicture-picture lang tapos babalik din kaagad“
Paalam niya ng may mahigpit na yakap.
“ Kung gusto mo shopping ka na rin ng mga gusto. Ilibre mo yung tatlo. Nasa iyo naman ang company card,gamitin mo yun.“
Humalik siya sa aking pisngi at labi at nagpaalam.
“ Dito ka lang ha. Pagbalik ko dapat tulog ka. Pag nainip ka tawagan mo ako at babalik ako agad.“
Ako naman ang humalik sa kaniyang pisngi at labi.
Bumalik ako sa pagkakahiga at siya naman ay lumabas na.
Naiwan akong mag-isa at nakiramdam kung wala na nga sina Brixel.
Agad kong tinawagan si Mang Ros na pumunta sa aking silid at tinawag ko rin ang contact kong insider ng assembly line ng mga machine na gagawin.
Bago pa kami dumating ay pinagreserve ko na ang taong yun dito sa hotel para sa aming secret meeting.
Nais kong makasigurado sa gagawing pagbabago sa aming machine at nalalapit na rin ang Bidding Day.
Malapit na rin nilang malaman kung sino ako at sino ang kanilang binangga.
Sa kabilang dako ng Pilipinas…
Magkasamang nakain si Maricar at Nathan sa isang restaurant.
MARICAR***
“Thank you sa lunch ha. Nakakahiya tuloy, napagastos ka pa.”
Hingi ko ng paumanhin kay Nathan.
Alam ko busy din siya sa kaniyang trabaho kaya ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon sa kaniyang paanyaya na i-treat ako.
Masarap din siya kausap.
Napansin ko na madalas din ang daan niya sa table ko at pagpapacute sa akin.
Kaya tuloy napagkakamalan siya ng mga ka-office mate ko na baka may balak itong ligawan ako.
Well gwapo siya.
Binata at mukhang mabait naman.
Kung liligawan niya ako bakit hindi?
Allowed naman sa company ang ganoon basta huwag maapektuhan ang trabaho.
Pero baka magalit ang mama kung magnonobyo agad ako.
Kabago-bago ko pa lang sa DataMax kaya huwag na muna.
Sa ngayon pakikipagkaibigan lang ang pwede kong tanggapin sa lalaking ito.
“ Sana hindi ito ang last na ma-invite ka sa lunch ha?“
Tanong niya sa akin.
“ Balak mo ba na may kasunod pa ito?
Sagot ko na kinakabahan.
Mukhang manliligaw nga si pogi.
“ Oo naman…isa pa gusto rin kita makilala at maging kaibigan.“
“Well kung kaibigan, i can do that. Pero kung liligawan mo ako no way. Magagalit ang mama ko. Isa pa nakakahiya din sa pinsan ko. Kahit di kami close may mga bagay din na dapat isipin ng tama at irespeto.”
“Hindi kayo close ni Sir Brixel?”
“Hindi kami close ni pinsan…well sa amin siya nakatira noon. May ate siya sa Toclaban pero ulila na sa magulang kaya sa amin siya nakitira. Swerte at nakapasok siya ng DataMax at eto pinasok niya ako.”
“Wow…bigtime na pala talaga amg pinsan mo. Alam mo ba na nasa business trip sila ngayon with Sir
Corona? Nasa Singapore sila ngayon.“
Hindi ko alam na wala pala sa bansa ang pinsan ko.
Medyo nainis ako dahil hindi niya pinaalam na aalis pala siya.
Iba na talaga si Brixel dahil madami na siyang natatamasa sa buhay.
“ Buti pa siya nakasakay na ng eroplano.“
Yun lang ang maktol ko.
“Hayaan one day baka ikaw naman ang susunod. Kung nagawa ni Sir Brixel,magagawa mo rin yung ganoon.”
“Huh?paano naman?”
“E di gawan mo ng paraan…like sirain ang role niya sa office…”
“Tingin mo ba ibibigay sa akin ang position niya kung masisira siya sa company? Ano ka ba pinsan niya ako?”
“Hindi ko naman sinabi kunin mo yung pagkasecretary niya e. Kasi kung wala na siya sa DataMax e di ikaw na lang ang maiiwan?”
Napaisip ako..
Kung wala nga naman si Brixel sa Office at ako ang matitira, ibig sabihin mas aangat ako sa kaniya?
“ Huy…joke lang yun ha. Baka totohanin mo ang mga sinabi ko.“
Napangiti na lang ako sa sinabi ni Nathan.
Pero napaisip ako sa suggestion niya na paano nga kaya kung wala na si Brixel sa DataMax?
Tahimik akong kumain habang nag-iisip.
Ewan ko…
Parang naguguluhan ako sa mga nabanggit ni Nathan tungkol sa pinsan ko.
Paano nga kaya kung wala na siya sa office?
Paano nga kaya?
May masamang balak si Nathan sa magpinsan…
Anong papel ang gagampanan ni Maricar sa mga planong ito?
Next up ang iba pang tagpo sa Singapore at ang BiddingDay.
ABANGAN!!!
MERRY CHRISTMAS PO SA LAHAT NG MGA FOLLOWERS KO!
I LOVE YOU ALL!
CHAPTER 20 WHO’S THE BOSS?
Sa ikalawang araw ng pananatili ni Rustian at ng mga kasama niya sa Singapore ay nag-obeserba sila sa computer manufacturer na gagawa ng kanilang voting machine.
Top secret ang pag-a-asemble ng computerized machine tanging sila-sila lang ang nakakaalam ng pagbabagong gagawin.
Personal na pinangunahan ni Rustian ang internal programming,networking at back up ng makina.
Manghang-mangha naman si Brixel at ang mga kasama nito ng i-assemble na ang bawat bahagi ng voting machine.
Hindi nila inaasahan na ang computerized machine na ilang linggo lang nilang pinag-usapan ay ganito lang kabilis natapos.
Napakalayo sa inaasahan nila at talagang babaguhin nito ang sistema ng malawakang pagboto hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Dumaan ng maraming testing at adjustment ang kanilang ginawa hanggang mapulido na ang system ng bagong machine.
Sa ikatalong araw ay pinag-usapan na na ang budgeting,mass production, at iba pang katanungan na kailangang matugunan sa araw ng bidding.
Metikuloso si Rustian sa mga usaping ng pananalapi kaya mahuhuli sila sa pag-uwi kahit na nakaschedule pabalik ng Pilipinas ang kanilang flight ay maaring maatras ito.
Magkasama ang magboss at mang Ros na maiiwan at mauunang uuwi si Ms.Fidel at ang mga assistant nito upang asikasuhan naman ang mga dapat gawin sa DataMax.
Mangyaring baka kinabukasan pa makauwi ang magboss sa dami ng kailangang tapusin.
Kahit exposed na si Brixel sa mga meeting at gawain sa Data Max ay ngayon lang niya nakita si Rustian kung paano gumawa gamit ang pisikal at talino sa ganitong pagkakataon lalo pa at naghahabol sila ng due date para maipasa ang kanilang bagong project sa darating na bidding day.
Nararamdaman niya ang dedikasyon ng kaniyang boss kaya’t hindi rin siya nagpakita ng ano mang pagod o katiting na reklamo dahil ito ay kasama sa paglilingkod hindi bilang secretary kundi bilang isang nobyo.
Sa wakas ay natapos din sila kaya naman magkasama silang bumalik na ng hotel.
At sa loob ng silid ng magboss…
BRIXEL
Nakakawa naman ang boss ko at talagang pabagsak na nahiga sa kama.
Nagkusa na akong tanggalan siya ng sapatos at medyas para man lang mabawasan ang kaniyang pagod.
Nagpunta ako ng banyo at pinunuan ko ng maligamgam na tubig ang bathtub.
Nilagyan ko ito ng essential oil at suds soap na probisyon ng hotel.
May mga maliliit na kandila din akong nakita sa cabinet,sinindihan at inilagay sa buong paligid ng banyo.
Kumpleto sa romatic ambience ang ang kwarto na pwede gamitin para makapagrelax.
Tumawag na rin ako sa room service ng maari naming kainin ngayong gabi.
Ayaw ko ng bumaba pa at paniguradong hindi makakapagpahinga ng maayos ang boss ko.
Hindi pa ako natatapos sa pagaayos ng banyo ng pumasok si Boss Rustian.
“ Hey? Ano ginagawa mo?“
Tanong niya.
“ Pamapaligo mo po…“
“Wow naman! Mukhang may gagawin tayong maganda ah?
“Heh! Ay heh…Sorry…naaawa lang ako sa iyo kaya pinaghanda kita ng soaking bath. “
“ Paliliguan mo ako?
“Opo.”
At bigla niya akong niyakap.
“ Dalawa na tayo maligo. Kasya tayo sa tub.“
Parang natural na rin sa akin na yakapin siya. Alam ko mabilis ang pangyayari na maging kami. Gusto ko rin namang iparamdam sa kaniya ang pisikal na pagmamahal.
“Magbabad ka muna sa shower ng ilang minuto tapos lumipat ka na sa tub. Paparating pa kasi yung order ko na pagkain at ihahanda ko pa yun. Dali magsahower ka na.”
“Okay-okay.”
Agad naman siyang nahubad sa harapan ko ng parang wala lang talaga.
Parang batang iniwan lang sa sahig ang mga damit at nagshower.
Saktong narinig ko ang doorbell ng aming silid at iyon na pala ang aming kakainin.
May dalawang pintuan na magkaharap kasing kailangan buksan. Pinto para sa recieving area at ang pinto ng suite kaya kailangan magdoorbell muna bago ka makapasok.
Isang malaking food tray ng assorted na pagkain ang ipinahanda ko.
May beef, chicken, soup, gulay, salad, prutas, cheese,chocolates,wine,fresh juice, basta mga pagkain na magustuhan ni boss ay ipinahanda ko.
Nag-abot na lang ako ng ilang singaporean dollar bilang tip at pasasalamat sa naghatid ng pagkain.
Inayos ko sa dining table ang mga pagkain at pagkatapos ay muling binalikan yung naliligo sa shower.
Natawa pa ako ng makita ko si boss na nakaupo sa sahig na nagbabad sa ilalim ng shower faucet.
“ Okay na yan…dun ka na sa tub.“
Para akong nanay na inutusan siya.
At para naman siyang anak na sumunod sa akin.
Umupo siya sa tub at ako naman ay sa likuran niya pumuwesto.
Hinilod ko ang kaniyang likuran gamit ang isang bimpo.
Halos mapapikit siya sa sarap habang taas-baba ang aking mga kamay sa kaniyang likuran.
Kinakabahan naman ako sa ganda ng kaniyang likod. Kahit may bimpo ay nararamdaman ko ang lambot at kinis nito.
Walang maaring ipintas sa kaniya. Mukha,katawan,talino at kabaitan. Hindi pa kasama yung nasa gitna ng hita niya ha.
Pagkatapos ay sa dibdib naman ako nagfocus.
Para talaga akong nagpapaligo ng bata. Maski kili-kili ay di ko kinalimutan.
Pababa na rin sa tiyan niya ang bimpo hangang sa kaniyang puson.
Hindi siya tumanggi ng umabot na ang kamay ko sa ibaba niya.
Ibinuka nkya ang kaniyang mga hita upang bigyan daan ang kamay ko sa kaniyang magkabilang singit.
Matigas ang ari niya ng masagi ko.
“ Lilinisin mo rin titi ko ha.“
Utos niya.
Bigla kong pinitik ang taenga niya.
Natatawa ako sa pagkabulgar ng bibig niya pagdating sa ari.
“Namimitik…masakit yun ha.”
“Bibig mo kasi…”
“Sadya naman ti-”
Bigla ko tinakpan ang bibig niya.
Ewan ko.
Basta ayaw kong marinig ang salitang iyon sa kaniya.
“ Kiss mo yung tenga ko. Masakit kaya yung pitik mo.“
“Oo na. Bibig mo kasi. Masayado.”
Hinalikan ko ang taengang napitik ko.
Bigla naman siyang lumingon sa akin at hinapit ang leeg ko at naglapat ang aming mga labi.
Doon ako bumigay sa kaniyang ginawa.
Paluhod siya sa tub na humarap sa akin habang hinahalikan ako.
Iginiya niya ang aking kamay sa kaniyang nakatayong pagkalalake.
Pinahawak niya ito sa akin kayat nagtaas-baba na ang kamay ko doon.
Abot-abot ang kaba ko.
Naramdaman ko na rin na tinitigasan na ako sa nangyayari sa aming dalawa.
Hinila niya ako sa loob ng bathtub. Wala na akong pakialam kung mabasa man ang suot kong pantalon at polo.
Hindi ko alam kung paano niya ako natanggalan ng saplot habang abala ang aming mga labi sa paghahalikan.
Malikot na rin ang aming mga kamay na humahaplos sa bawat sulok ng aming katawan.
Tumayo siyang hawak ang aking kamay at nagtungo sa ilalim ng shower upang magbanlaw.
Magkayakap pa rin kami habang nagbabasa sa tubig.
Nagmamadali kaming nagpunas at agad na lumipat na ng kama.
Inihiga niya ako at pinatungan.
Dama ko ang init ng kaniyang katawan maging ang kaniyang katigasang tumatama sa aking puson.
Hindi talaga ako makapaniwala na nangyayari sa akin ang ganitong pangarap.
Ang magkaroon ng ganitong lalake sa buhay ko.
Naglalaban ang aming mga dila.
Nagahalo na aming laway.
Nalalasahan ko ang loob ng kaniyang mabangong bibig.
Ang bawat paghinga na tumatama sa aking mukha.
May kinuha siyang lube sa isang drawer.
Handa talaga ang hotel kahit sa ganitong bagay.
Pero ako ang hindi handa…
Virgin ako at natatakot sa maari niyang gawin sa akin.
Ibibigay ko naman kung sakaling papasukin niya ako.
Pero natatakot ako.
Pinaghiwalay niya ang aking mga binti.
Heto na…
Umupo ako at isinubo ko iyon.
Kahit man lang isubo ko muna. Nakakahiya naman kasi kung galing sa pwet ko tapos isusubo ko di ba?
Nilaro ng aking dila ang kaniyang kahabaan.
Maging ang itlog niya ay tinikman ko.
Sinamba ko ang pagkalalake niya.
Malaki…
Matigas…
Tayung-tayo…
“Shiiittt…”
Ungol niya na lalong nagbigay gana sa akin na lalong pagbutihin ang pagsupsop sa ari niya.
Mahaba at matulis ang ulo nito.
Kaya halos mabilaukan ako ng itodo ko ang pasubo nito.
Ungol at pagsubo ko lang ang tanging maririnig sa aming dalawa.
Wala pa akong karanasan sa sex at pawang instinct lang ang gumagana sa akin kung paano kami kapwa masasarapan.
lahat ng sulok ay aking hinalikan at dinilaan.
Makinis siya kaya hindi gaaanong kakapalan ang pubic hair niya.
Kahit pala sa pagblowjob pa lang masasarapan ka at nakakadagdag mg libido.
ilang minuto ko siyang isinubo. Panay din ang haplos niya sa aking ulo at paggiya sa aking pagtaas at pagbaba.
Masasarapan ako kung itutulak pa niya ang balakang at maopapasok ng buo ang niyang ari.
Mahaba ito.
Nasa pitong pulgada dahil mas malaki ito sa aking 6 na pulgadang pagkalalake.
Natutuyuan ako ng laway kaya medyo bumagal ako sa pagsuso.
Muli niya akong inihiga.
Pinahiran niya ng lube ang kaniyang ari at pagkatapos ay ang loob ng dalawa kong hita.
Dinapaan niya ako at ipinaipit ang matigas niyang pagkalalake sa pagitan ng aking mga hita.
Nakahinga ako ng maluwag…akala ko ay papasukin niya ako.
Nagsimula siyang magtaas-baba.
Umayos pa ako ng higa upang hindi masaktan ang aking itlog.
Inipit ko ang ari niya upang masikipan pa ito.
Kahit pala sa pag-ipit lang ay nasasarapan ako dahil dama ko ang ulo ng ari niya na umuulos sa akin.
Babagal-bibilis-babagal ang kaniyang pag-ulos.
Nararamdaman kong sarap na sarap siya sa sikip ng pagkakaipit ko.
Nalilibugan ako sa tuwing magtatama ang aming mga mata kasabay ng halik.
Ilang minuto siyang parang sumasayaw sa pagtaas ng kaniyang puson sa akin.
Inilapat niya ang kaniyang mukha sa aking balikat,niyakap ako at binilisan ang pagtaas baba sa akin.
Sinapo ko ang kaniyang puwitan dahil alam kong lalabasan na siya.
Pagkatapos ay hinugot ito at inilapat sa aking ari.
Nagtama ito kayat maging ako ay baka labasan na rin.
Nagpaalam ako na nalalabasan na ako ngunit hindi siya tumigil at pinagpatuloy ang paggalaw sa ibabaw ko.
Niyakap ko siya ng maramadaman ko lumabas na ang mainit na likido sa aking pagkalalaki.
Pagkatapos ay tumigil siya at idiniin sa puson ko kaniyang katigasan.
Naramadaman ko na rin ang kaniyang semilya na tumagas sa aking tiyan.
Nanatili lang siyang nakapatong sa akin nq abot ang hingal habang sinasaid niya ang kaniyang huling katas na humalo sa aking inilabas.
Ramdam na ramdam ko ang bawat pintig ng ari niya habang naglalabas ito ng kaniyang katas.
Hinalikan niya akong muli.
Wala siyang pinalagapas sa aking mukha nq halikan ako na para bang nagpapasalamat sa aming ginawa.
Malagkit ang aming mga tiyan ng maghiwalay.
“ Uy…ang dami.“
Pang-aasar niya sa akin.
Nagulat naman ako ng buhatin at kargahin niya ako.
Napakaipit ako sa kaniyang leeg.
“Boss naman e. Nakakahiya. Ang bigat ko.”
Wala siyang narinig at karga-karga niya akong bumalik muli ng banyo.
Ibinaba niya ako at pinatayo sa shower at muling naligo.
Pakiramdam ko ay parang nasa isang honeymoon ako.
Ang bilis ng pangyayari talaga.
Hindi na ako nakatanggi.
Hindi na ako lumaban.
Kailangan niya ito.
Ang ilabas ang nararamdaman.
Kailangan ko rin ipakita at ipadama sa kaniya na mahal ko siya.
Natapos kami sa aming paliligo.
Nagpatuyo muli at nagsuot ng bathrobe.
Sabay na kaming lumabas at magkatabing nagsalong kumain ng aming hapunan.
Para nga kaming nagha-honeymoon dahil iisang plato lang ang aming kinakainan.
Nagsusubuan pa sa isat’isa kaya halos dalawang oras yata kami natapos kumain.
Pinag-usapan namin nang mangyayaring bidding.
Ikinuwento ko kung gaano ako namangha sa ipapakita machine dahil hindi ko ine-expect na iyon pala ang kalalabasan.
Malayo sa aking inaakala.
Hindi na kami nagbihis ng mahiga para matulog.
Tanging makapal na kumot at yakap lang ang nagtatakip sa aming kahubaran.
Magkayakap at dampi ng halik ang nagpatulog sa amin.
Kinabukasan ay nauna akong nagising.
Alas nueve ng umaga na pala.
Napasarap kami ng tulog.
Himbing pa rin ang aking katabi.
Paharap siyang yakap ako gaya kagabi.
Hinalikan ko siya sa labi.
Gumalaw ang kaniyang hita kaya nagtulog-tulugan ako.
Inilapit naman niya ang matigas niyang ari sa akin kaya nabuhay naman ang pagkalalake ko.
“ Gising ka na?“
Hindi ako sumagot at nanatili lang nakapikit.
Gumalaw siya at inalis ang kumot na nakatakip amin.
Hindi pa rin ako nagalaw.
Bigla ko na lang naramdaman na hinalikan niya ang ulo ng ari ko.
“ Buti pa yung titi mo gising na.“
Loko talaga bibig nito.
Kaya napilitan na ako bumangon at kinurot ang kaniyang mga labi.
“ Ikaw,ang aga-aga,nangmomolestiya ka ng natutulog.“
Galit-galitan ako.
“ Gising kaya yung hinalikan ko no.“
Natawa ako sa sinabi niya.
Nangigil ako kaya hinalikan ko siya sa labi.
Hindi ako nakatiis kahit bagong gising lang kami.
Natigil lang kami ng magring ang cellphone ni boss.
Tumayo siya upang kunin ito at sinagot kung sino ang tumatawag.
Tapos na pala ang mga papeles ng makina na dadalhin pabalik pilipinas.
Pagkatapos ng pag-uusap ay muli siyang pumatong sa akin at niyakap ako.
“ Babalik na tayo ng Manila…pero ayaw ko pa.“
Himutok niya.
Pagbalik ng Pilipinas ay balik na naman sa nakakapagod na trabaho si boss kaya nasasabi niya ang mga ito.
“ Kaya natin to boss…isa pa may dapat pa tayong patunayan sa BDay.“
Magkayakap lang kami ng ilang minuto. Kahit nabibigatan na ako ay hindi ako umangal hanggang sa siya na ang umalis at niyaya niya akong maligo.
Pagkatapos ay nag-impake ng aming mga gamit.
Dalawa lang naman ang dala naming maleta kayat mabilis kong naayos ang aming mga gamit.
Naghihintay na rin pala si Mang Ros sa lobby ng hotel ng bumaba kami.
Ako na ang nagbayad sa aming kwarto gamit ang company card habang abala na sa mga tawag si boss sa kaniyang mga contacts.
Bago umalis ay kumain muna kami ng agahan sa reastaurant ng hotel.
Isang rent a car ng aiport naman ang gamit namin na maghahatid sa aming iba pang pupuntahan.
Malaki ang Singapore kung ikukumpara sa maynila. Pero mas malaki ang davao sa kanila ng tatlong beses siguro.
Masarap sana mamasyal pa pero may hinahabol kaming trabaho.
Madali kay boss na makausap ang mga tao tungkol sa mga legalidad ng aming dadalhing machine dahil may kakayahan siya na magbayad sa mga taxes na kailangan para maiuwi ang mga makina.
Ewan kung ano meron si boss at ang lahat ng kailangan ay nagagawa niyang matapos ng hindi nakakalimot kahit sa maliit na bagay.
Nakakalula ang binayaran ko sa aming paglalakabay.
Parang kalahating eroplano ang aking binayaran dahil sa seguridad ng aming machine na iuuwi.
Bandang ala singko na ng hapon nh kami ay nakarating ng Manila.
Naghihintay na rin ang aming sundo at truck na magdadala ng aming kargamento.
Medyo natagalan pa kami dahil sa mga usaping legal. Dahil kilala si boss kaya inasikaso kaagad siya sa opisina ng mga tauhan ng airport.
Ng maisaayos na ang lahat ay maluwag na kaming nakaalis at dumiretso ng Data Max.
Sa opisina ay nagreport na agad si Ms.Fidel sa mga nangyari noong wala kami.
Natutuwa ako dahil gaya ko,nasa likuran ni Ms.May ang dalawa kong kaibigan.
Tuwang tuwa din sila dahil kahit magkakasama kami sa Singapore ay hindi ko nakalimutang ibili sila ng pasalubong.
Pabango at assorted chocolates a g ibinilo ko para sa kanila.
Hindi ko rin kinalimutan na ibili ang tiyang at ang pinsan ko ng oara sa kanila dahil alam ko na alam na niya na umalis pala akong bansa.
Iaabot ko na lang kay Maricar ang para sa kanila pagkatapos ng trabaho ko dito.
Dalawang araw mula ngayon ang BDay kaya nakakakaba na.
Ang bilis ng araw.
Natapos na sa pagrereport si Ms. Fidel kayat nagpaalam muna ako kay boss na ihahatid ko lang ang aking pasalubong sa aking pinsan.
Sa floor kung saan nakadestino akon dumiretso. Nakita ko siya na may kausap na lalake sa kaniyang pwesto.
Ipinakilala niya sa akin ito at Nathan ang kaniyang pangalan.
Gaya ng inaasahan ay inis sa akin si Maricar kung bakit hindi ko sinabi na umalis ako ng bansa.
Wala akong binanggit na dahilan dahil isa iyong malaking sikreto.
Kahit anong pilit niya ay hindi ako bumigay kaya nagpaalam na ako sa kanila at marami pa akong trabaho.
Minsan tuloy nagsisisi ako kung bakit ba pinasalubungan ko pa si Maricar.
Napapailing na lang ako sa ugali niya.
Nakakalungkot at malayo talaga ang ugali nila sa amin ng ate ko.
Pagbalik ko ng top floor ay naroon sa sofa si boss na naghihintay sa akin.
Oras na pala ng aming pag-uwi sa condo.
“ Upo ka muna dito at may ibibigay ako sa iyo“
Utos niya na sinunod ko naman.
May inilabas siyang isang maliit at itim na kahon sa kaniyang bulsa.
Binuksan niya ito at isang singsing ang isinuot niya sa aking palasingsingan.
“ Pinasadya ko rin ito sa Singapore kaya huwag mo ito iwawala o isasangla. Like my ring,pwede mo ng gamitin yan as replacement ng access card mo sa buong building,sa condo at sa mga bahay.“
Hindi ko alam kung anong ngiti ang gagawin ko ng isuot niya sa akin ang singsing.
Parang nauna pa ang honeymoon namin bago ang proposal.
Pigil ang luha ko.
Kayat niyakap ko siya.
Hindi sa tuwa dahil isang hightech na singsing ang ibinigay niya sa akin.
Kundi sa tiwala na pinagkaloob niya sa akin.
Panay ang halik niya sa aking kamay.
Ako na ang nahiya at mukha na siyang adik na adik sa akin kakahalik.
“Huwag kang ganyan sa harap ni mang Ross ha.”
Pakiusap ko.
“ Bakit? Nakakahiya ba?“
Sagot niya.
“ Basta huwag sa harap niya.
Mamaya magulat yun.“
“Okay-okay di ko ipapakita.
Pero tabi tayo sa paguwi.“
Adik na nga si boss at kung makayakap sa akin ay wagas.
Yumakap na lang ako at humalik sa kaniyang labi at magkahawak kamay na sumakay ng elevator patungo ng parking area.
Kasabay din pala naming uuwi ang mga asong ibinilin sa mga guard na bantayan sila kaya may dahilan si boss para masiksik pa ako sa kaniyang tabi.
Hindi maghihinala si Mang Ross…
Maya’t-maya ang sulyap ko sa singsing na ibinigay sa akin habang binabagtas namin ang daan.
simbulo na bukas na ang lahat ng pinto ni boss sa akin.
Pinto sa puso niya.
Kaya pangako ko sa aking sarili na pakaiingatan ang simbulo ng kaniyang pagtitiwala.
Pagdating ng condo ay nakaramdam na ako ng tunay na pagod.
kasunod kami ni Mang Ross habang daladala niya ang aming mga bagahe.
Sinubukan ko na ang singsing sa lock reader kung gagana.
Automatic ngang naunlock ang pinto na gaya ng sabi ni boss.
Magkahiwalay kaming pumasok ng aming mga unit.
wala na akong ganang kumain at ang nais ko lang ay magpahinga.
Naisip ko si boss kaya nanatili pa ako sa nakasarang pintuan.
Ang dami ng nangyari sa buhay ko.
Ang dami ng nabago.
At ngayon ay may isang lalake na nasa kabilang silid lang na nagmamahal sa akin ng ganito.
Ang bilis…
Napabuntunghininga ng may ngiti sa kasiyahan.
Pinagmasdan ang bawat sulok ng unit na tinitirhan ko.
Maliwanag, mluwag,malamig, ang amoy…
Malayo sa dating tinitigilan ko.
Hanggang sa nag-unlock ang pintuan at pumasok si boss na may dalang tray ng bowl soup.
“ Hi, nagluto si chef ng soup. E wala akong gana kumain kaya advance ko na pinahanda ito. Higop muna tayo bago matulog ha.“
Patakbo naman ako sa kitchen counter at kumuha ng tasa at kutsara.
Mukhang masarap ang luto ng chef . Chicken lemon orzo soup daw ang tawag.
Magkatabi kaming kumain habang ang isang binti iya ay nakapatong naman sa aking binti.
Clingy si boss.
Siya ang nagpapakita ng physical affection.
“ Bawal ka dito matulog boss ha.“
S abi ko.
“ Bawal? E unit ko rin naman ito?“
Sagot niya.
“ Kailanagan nating magpahinga.
Lalo ka na.
Kasi mamaya pagmagkatabi tayo mapupuyat ka.“
“hala pa?!
Napakadamot naman sa siping?!
“Anong siping?
Wala muna.
Ikaw lang din inaalala ko at bukas may trabaho na naman.
Kulang na kulang ka pa sa pahinga mula ng umuwi tayo.
Makinig ka at ayaw kong magkasakit ka rin.“
N agpatuloy ako sa pahigop ng soup habang siya ay nakangiting nakatitig sa akin.
Bigla niya akong niyakap at hinalikan sa pisngi.
“Okay…pero may utang ka na ng isang gabi sa akin ha?”
Hindi na ako umangal sa sinasbai niyang utang.
Ayaw ko ng makipagtalo at siya lang naman talaga ang inaalala ko.
Kung ako pagod, paano pa kaya ang nararamdaman niya.
Meron kasing drama ang buhay.
Pagsobrang saya may kasunod na lungkot.
At ayaw ko na may mangyaring masama sa boss ko.
Natapos na kami sa pagkain ng soup.
Ako na ang nagligpit ng aming pinagkainan at ng dala niyang bowl.
Gusto man niyang tumambay pa ay pinagtulakan ko na siya papalabas ng unit ko at pinalipat sa kabila.
Magkatapat ang aming mga pinto at para kaming magkapitbahay na nagpapaalamanan pa na kung sino ang maunang magsara.
Ako na ang nanguna dahil hindi kami matatapos.
Hindi ko na kinayang ayusin pa ang mga dala kong gamit , naghot shower na lang ako at nagbihis ng pangtulog.
Pinatay ang ilaw at nahiga sa kama.
Paidlip na sana ako ng may maramdaman akong tumabi sa akin.
Hindi ko namalayan na nakapasok na pala si Boss sa silid ko.
Niyakap niya ako at hinalikan sa labi.
“ I want to take a rest beside you Secretary Brixel…“
Bulong niya sa dilim.
Sinuklay ko ng aking mga daliri ang kaniyang buhok.
Hinalikan ang kaniyang noo at yumakap.
Kung sa tabi ko ang kapahingahan niya ay ibibigay ko na.
Hindi na ako nagsalita.
Kampante ako na hindi kami hahantong gaya ng ginawa namin sa Singapore bagamat nararamdaman ko sa kaniyang pagkakatanday ang kaniyang semi hard na pagkalalake.
Muli kong sinuklay ang kaniyang buhok ng dahan-dahan…
Hanggang sa naramdaman ko na ang kaniyang pagkakahimbing.
Naawa ako sa kaniyang katawang pata sa ilang araw walang tigil sa pagtatrabaho ng dahil lang sa isang panggagaya ng aming machine.
Saksi ako sa kabaitan ni Boss pero di ko pa nakikita kung paano siya magalit.
Oras na malaman namin kung sino ay paniguradong lalabas ang isang side ng katabi ko.
Muli ko siyang hinalikan sa noo at marahang umayos ng pagkakahiga na yakap siyang magkaharap ang aming mukha.
Nais ko ring magpahinga sa tabi mo boss…
Dahil mahal na mahal kita….
Next Chapter ang sabwatan!
Tapos ang Bidding Day!!!
salamat pala sa paghihintay ha. ayun mukhang maganda pasok ng 2021 kasi may work na po ako uli. Kaso sa taguig na po ako titira. napatagal ang update kasi nga po sa mga nilalakad ko application at madalas na invite ng mga kaibigan. salamat sa mga comments at votes. goos vibe po sa akin ang mga sinasabi ninyo at nakakainspire po talaga sa pagsusulat. salamat po uli.
CHAPTER 21 THE PAWN
MARICAR
Nakakailang naman at nagsisimula ng tuksuhin kami ni Nathan ng mga kasama namin dito sa office.
Nagiging obvious na kasi ang madalas na pagdaan niya sa table ko at pakikipagkwentuhan sa akin.
Nagiging love team tuloy ang tingin sa amin ng ilan.
Gwapo si Nathan at hindi pahuhuli kung nanaisin niyang magka-girlfriend.
Pasok sa mga katangiang hanap ko sa isang lalake ay mayroon siya.
Matangkad,matalino,mabango, mahusay manamit at mukhang mayaman.
Bukod pa ang pagiging gentleman niya.
Wala naman talaga akong gusto sa kaniya.
Priority ko ay ang magtrabaho.
Kakapasok ko lang sa DataMax tapos may nabingwit na agad akong binata.
Kung makapaghihintay siguro siya ng ilang buwan at liligawan niya ako,bakit hindi?
Problema ang mama.
Naku magagalit panigurado yun.
Pero mukha namang magugustuhan din niya si Nathan.
“ So sabay tayo sa break mamaya ha?“
Aya sa akin ni Nathan.
Dalawang oras pa bago ang break namin ay nirereserba na niya ang oras ko na makasabay siya.
Pumayag ako.
Wala namang masama.
Isa pa,natutuwa ako kasi karamihan sa mga dalagang nandito, sa akin lang daw nagkainteres si Nathan.
Hanggang sa nakita kong papalapit sa akin si Brixel.
“ Uwi mo ito kay Tiyang pasalubong ko kamo.“
Isang paper bag na puno ng mga chocolates at souvenir ang laman nito na galing Singapore.
Nainis ako dahil hindi man lang niya sinabi na aalis pala siya ng bansa.
Pero okay at least di niya kami nakalimutan.
Ipinakilala ko siya kay Nathan.
Medyo bumalik ang pagkayamot ko ng yayain pa ni Nathan si Brixel na sumabay sa aming kumain mamaya.
“ No thanks. Off ko na rin mamaya at pauwi na rin. Thanks anyway.“
Hindi siya nagtagal ng pakikipagkwentuhan at inawan na kami.
Tinanaw ko siya habang papunta ng elevator.
Ibang-iba na nga ang pinsan ko.
Malayo na ang agwat namin sa isat’isa.
Nakakainis at may ipagyayabang siyang kaluwagan sa buhay.
Samantalang noon ay isa lang siyang regular crew ng jollibee tapos eto na. Alalay na ng isang bata at gwapong CEO, nakatira sa isang condo at nakakapunta na ibang bansa.
Swerte nga naman at nasalo yata ni bading ang lahat.
“ Huy di ka na gumalaw dyan?
May problema ba kay sir Brixel?“
Napansin tuloy ni Nathan ang pagtingin ko kay Brixel.
“ Ah…sorry. Nagulat lang ako sa mga pasalubong niya. Ang dami kasi. Hindi naman talaga siya palabigay sa amin ng ganito. Siguro di lang ako sanay. Madalas kasi kami ang nagbibigay sa kaniya ng mga kailangan niya noong nakatira pa siya sa amin.
Kaya nagulat lang ako. “
“You mean sa inyo siya nakitira dati?”
“Dati…pero lumipat na siya ng tirahan. Huwag kang maingay ha…secret lang to. Kay sir Corona na siya nakatira. Dun sa condo niya sa Taguig. Imagine kalahati ng isang floor ni Sir Corona dun pinatira ang pinsan ko. Di ko alam kung bakit ganoon na lang tratuhin ni sir Corona yung bading kong pinsan na yan. Iniisip ko tuloy na baka ginayuma niya si boss Corona kaya ganoon na lang kung paano siya itrato.”
“Bading si Sir Brixel?”
“Bading yang pinsan ko.”
“Hindi naman siya mukhang bading ah?”
“Ano ka ba? Ako ang pinsan niya kaya alam ko. Di nga lang siya out. Pero bading yun.”
“Okay…alam kaya ni sir Corona na ang alalay niya ay…ganun…ha ha ha…naku…bigtime lalo si sir Brixel. Lagi niya kasama si boss.
“Kaya wag ka maingay kasi baka matsimis ang dalawa.”
“Ayun naman pala eh. Solve na ang problem mo. “
“Problem?”
“Di ba gusto mo mawala ang pinsan mo dito sa Datamax…”
“Tapos?”
“Gamitin mo yung pagkabading ng pinsan mo.
Oras na malaman nila na bading si Brixel,magkakaroon ng issue na ang alalay ni sir Corona ay bading pala. Ayaw ni sir Corona ng mga issue pagdating sa mga tsismis. Maaring paalisin niya sa condo or much worst dito rin sa trabaho.“
“Sabagay…tama ka…”
“Hayaan mo…tutulungan kita. Akong bahala sa mga ganyan. Kilala ko ang pwede magkalat ng hindi tayo matetrace na sa atin pala nagmula ang tsismis ha ha ha.”
“Loko ka…mamaya matanggal nga ang pinsan ko madamay pa ako.”
“Akong bahala. Paano mamaya magkita na lang tayo sa pantry ha. Sagot ko ang meal natin.
Balik na muna ako sa table ko ha.“
Natahimik ako sa binitiwang salita ni Nathan ng iwan niya ako.
May point nga naman na maging usap-usapan ang paggiging bading ni Brixel. Hindi man halata pero issue sa kaniya ang ganoon.
Kwento kasi sa akin ng kaibigan kong bading na inaakit siya ng mga pakboy sa lugar namin. Inaaya ng one night stand at mula noon ay hindi na siya naglalabas ng kwarto.
Ayaw niyang tinutukso o ping-iisipan siyang bading ang pagkatao niya kahit alam namin na tago ang kaniyang pagkabinabae.
Kung magkakaroon ng issue sa pagkatao niya…malamang mapilitan nga siyang umalis na rin dito. Maaring umalis na rin siya sa condo.
Balik normal siya at ako ang maiiwan.
Hindi na siya makapagmamalaki sa amin dahil oras na mawala siya…ako na ang nakakalamang.
Maganda yung idea ni Nathan ah…
Ano nga kaya?
NATHAN
Kausap ni Nathan si Arnian sa phone…
“
I have a new info about your brothers secretary…
Mr. Brixel Remedios is gay…
at dun siya nakatira sa condo…
ng kapatid nyo…
nagulat nga ako sa kwento ni Maricar…
yung pinsan niya…
according to her hindi out ang pagkabakla ni Brixel…
so ang plano ay maalis namin si Brixel dito sa office at ang pagkabakla niya ang magiging reason…
kakabalik lang nila from Singapore. Paniguradong minamadali ni sir Rustian ang machine na ipe-present sa bidding.
Ano na balita sir sa kabilang company?
Naihabol nyo ba yung document na pinadala ko?
Nagaya din nila yung bagong plano?
So yung bagong model na ang kinuha nila para sa assembly at ipapadala sa bidding?
Natapos na rin nila kaagad?
Bilis talaga ng contact mo sir? Panigurado ang ikalawang pagkadismaya ng kapatid nyo sir sa araw ng bidding day.
Salamat sir…
oo natanggap ko na sa account ko yung pinadala mo…
salamat sir…
yes sir…
ako na bahala…
sige sir and thank you…“
At natapos na ang usapan ng dalawa.
At sumapit ang araw na pinakhihintay…
BIDDING DAY
Sa isang malaking bulwagan makikita ang kilalang personalidad ng lipunan sa larangan ng politika at negosyo.
Hindi lang pilipino ang kasali sa bidding.
May mga representative din nagmula sa Kalapit na bansang Asia ang naroon maging America at Europe ay kasali rin na maaring bumili ng mga machine na gusto nilang pakinabangan.
Ito ang araw ng BDay o Bidding Day para sa mga negosyanteng magpapakilala ng kanilang makabagong teknolohiya para sa darating na national election.
Nang macheck na ang lahat ng participant at guest na naroon ay nagsimula na ang presentation ng mga kasali para sa kanikanilang machine.
Nakaupo sa harapan ang mga magpe-present at isa-isa silang tatawagin ayon sa pagkakasunod-sunod.
Kampanteng nakaupo si Ms.Fidel bilang kinatawan ng DataMax kasama si Corazon at Emy bilang alalay nito.
Hindi sumama si Rustian dahil tiwala siya sa kakalabasan resulta ng kanilang ipapakilalang project.
“ May bago na kayong model ng machine?
Ang bilis nyo naman matapos?
Iba talaga magmagic si Mr. Corona…“
Bati ng isang filipino-chinese business man mula sa likuran ni Ms.Fidel.
Ito ang mga taong nangopya ng kanilang una at ikalawang project.
“ You’re wrong
Mr.Lim… mas magaling ang company nyo na magmagic. Imagine naiisip mo yung machine namin even in small details and specifications,size and color?
Yun ang magic di ba?“
“Are you accusing my company ng pangongopya?
Nakakainsulto ka Ms.Fidel. Representative ka lang ng amo mo.“
“That was my intention Mr.Lim.
If your insulted then you are guilty. Yung nakopya sa aming machine…hah!
It’s just trash…may pumulot lang sa basurahan kaya nakopya.
My boss is’nt bothered about that.
And yes, I may be a representative, but I represent Mr.Corona and his company.
Ako ang pinadala kasi i can handle this kind of situation,so sush!
Just do your job and i’ll do mine!“
Sabay talikod ni Ms.Fidel sa mayabang na kalaban ng kanilang kompanya.
“ Ang tapang mo pala boss…natameme yung mataba sa likuran natin.“
Bulong ni Corazon kay Ms.Fidel.
“ Pagdating sa karangalan ng DataMax,lalaban talaga ako ng patayan. Pamumukha ko sa kanila kung paano tayo magalit sa ginawa nila sa atin. Dito pantay-pantay ang mga tao. Lahat tayo nagbebenta at nagpapapansin para bilhin ang ating produkto. Kaya wag nila akong subukan at hindi pipitsuging company ang DataMax. Hindi tayo pwedeng maliitin,remember that.“
“Easy boss…ayan na yung machine na kinopya sa atin…sila na ang magpe-present.”
Taas kilay naman si Ms.Fidel ng magsimula na ang pagpapakilala ng kalabang kompanya ng machine nila.
Natagalan ng bahagya ang paghihintay sa ipapakitang machine dahil sa pag-aayos pa nito ng mga wirings.
Maya’tmaya din ang parinig ng kalaban nilang kompanya kung gaano kaganda at ka-efficient ang kanilang nagawang makina.
Galit na galit si Ms.Fidel at ang mga kasama nito dahil ang machine na ipinakita ay ang ikalawang machine na ginawa ng kaniyang boss.
Naiinis siya dahil sa ikalawang pagkakataon ay kinopya na naman ang kanilang pinaghirapan.
Agad siyang lumabas ng session hall at tinawagan ang boss ng DataMax.
“ Hello Sir you wont believe what just happened.
You were right.
For the second time!
Nakopya na naman tayo.
At nangyari nga! Same color,size,specs,everything!
May mole nga sa company and spilling our secrets!“
Sigaw ni Ms. Fidel dahil sa galit.
“ Easy Miss Fidel…just do your job
..hayaan mo sila…“
“Naiinis lang ako Boss Rustian kasi lantad na sa akin ang ginagawa ng kalaban. And yung spy nila ay nandyan lang sa loob ng building natin.”
“Just do what we have planned.
I trust you.“
“Okay boss…mabuti na lang talaga at two steps ahead ang mga plano mo. Naiinis lang ako at dalawang beses na tayo nanakawan.
Pero this time sure win tayo.“
Tinapos na ni Ms.Fidel ang pagbabalita niya kay Rustian at muling bumalik sa loob.
Habang nanonood ay natatawa siya sa pinamalas ng kalabang kompanya na para bang sila ang orihinal na gumawa ng voting machine na kung tutuusin ay orihinal na konsepto ito nina Corazon,emi at Brixel.
Maging sina Corazon at Emi ay kampante lang na nanonood sa entablado kahit alam nilang isang copycat lang ang machine ng kalaban nilang kumpanya.
Silent bidding ang mangyayari. Bawat machine ay may fish bowl na huhulugan ng papel ng bawat bansa na bibili ng mga machine.
Paramihan ng papel na malilikom at dalawa sa pinakamarami ang pasok sa official bidding ng bawat bansang naroon.
Dadaan pa sa proseso kung magkano ang bayaran kada makina. Hindi pa kasama ang support system at maintenance nito. Quality,modernization and efficiency ang usapin.
Natapos ang kalabang kompanya at ang DataMax na ang sumunod.
Umakyat ng stage si Ms.Fidel para ipakilala ang makabagong voting machine ng DataMax.
Maliksi namang ipinamahagi ni Corazon at Emi sa mga tao ang manual ng kanilang machine.
Hindi naman makapaghintay si Mr. Lim sa ipapakitang machine ng DataMax.
Anticipated niyang pareho ito ng machine na kinopya nila ang ipapakita ng DataMax Corporation at hinihintay na mapahiya ang representative ng DataMax.
Ngunit iba ito sa kaniyang inaakala…
Sa saliw ng nakakaexcite na musika kasabay mg maikling introduction nagsimula ng ipakilala ni Ms.Fidel ang kanilang pinaghirapan.
“ Good afternoon to everyone,I am Flordelisa Fidel and today, I give you the very first…. HYBRID VOTING BOOTH MACHINE of DataMax Corporation!!!“
Nagbukas ang nakaharang n a telon ng stage at nakita ng mga tao ang dala ng DataMax.
Dalawang lalaki ang nagtulak sa machine papunta sa gitna entablado kasabay ng dalawang spotlight nanakasentro dito.
Walang wire na ikinabit hindi gaya ng una.
At ang nakakamangha ay maraming tao ang nagpalakpakan ng makita ito kahit hindi pa nagsisimula ang promotion.
Isang makabagong machine ang nasaksihan nila dahil kakaiba ito sa mga naunang kompanya.
Kung iba ay parang xerox machine o printer ang histura,ito ay isang voting booth.
Internal wifi connection. Tablet ang nakakabit at doon ay pipindot ka na lang ng napili mong kandidato.
Maaring pirma o thumb mark lang kaingan bilang pruweba na original na botante ang bumoto matapos mong ipabasa ang iyong voters ID. Adaptable ng ID reader at pweseng i-set kung national ID system na ang gagamitin balang araw. May camera na irerecord kung ilan at sino ang gumamit ng booth. Walang papel na gagamitin kundi electronic voting lang upang mabawasan ang gastusin sa papel at maiwasan din ang dayaan ng mga pekeng balota.
Sa pamamagitan ng voting booth ay mababago na ang nakasanayang lugar sa pagboto na kadalasan ay kada presinto at sa eskwelahan lang lagi ginagaganap.
May dalawang oras ito electric reserve sakaling magkaroon ng electricity failure o black out.
Maaring ding ikabit sa battery ng sasakayan kahit kahit may electricity interuption o sa mga probinsya na ei pa naabot ng elektisidad.
Isang malaking tulong din ito para sa mga hindi marunong bumasa at sumulat dahil may larawan ng mga kandidato pwedeng pagpilian ng mga botante.
Mababago nito ang dating makalumang gawi at sistema sa pagboto.
Mababawasan ang mahabang pila at maaring kahit sa pambulikong mall ay pwede ng bumoto.
Isang malaking pakinabang ang machine na ito para sa mga nasa malalayong probinsya at absentee voters na nasa ibang bansa.
Encypted ang data at hindi pwedeng dayain,dagdagan o bawasan ay hindi maari dahil bilang na agad ang boto na mapupunta sa sub server.
Ipapasa ng booth sa sub server ang matanggap na data at kukunin naman ito ng main server.
Nagbobotohan pa lang ay nakikita na agad ang data kung sino ang lumalamang at naiiwan sa botohan.
Oras na bumoto ka ay automatic na padadalhan ka via email ng kopya ng iyong ballot copy o di kaya ay padadalhan ka ng telegrama sa mga walang email address na ilalagay sa machine.
Sobrang advance ang bagong model ng Datamax kaya naman manghang-mangha ang lahat at maging ang mga kalabang kompanya ay nagulat sa lakaibang pinamalas ng DataMax sa larangan ng Data gathering.
Pagkatapos ni Ms.Fidel sa kaniyang representation ay nagpalakpakan ang mga tao sa buong paligid.
SAMANTALA SA DATAMAX OFFICE
Makikita sa tagpong ito na nakaupo sa kaniyang office table si Rustian.
Kakatapos lang nilang mag-usap ni Ms. Fidel tungkol sa nangyayari sa BDay ng lumapag ang elevator sa office niya at lumabas doon si Brixel kasama si Nathan.
Pinasundo ito kay Brixel upang kausapin.
Lumapit si Brixel at tumayo sa gilid ng kaniyang boss.
Hindi pinaupo ni Rustian si Nathan kaya nanatili itong nakatayo sa harap ng kaniyang malaking office table.
“ Sir…bakit nyo po ako pinatawag?“
Tanong ni Nathan na walang alam sa nangyayari.
Ngunit isang tanong din ang ibinigay ni Rustian.
“ Are you aware what’s happening right now at the BDay?“
Medyo nag-aalangan si Nathan sumagot dahil hindi pa niya alam mga kaganapan sa bidding.
“Do you know what is “larceny”?
Hindi sumasagot si Nathan.
“ Theft?
Siguro alam mo naman kung ano ang theft?
Casual na tanong ni Rustian sa lalaking nakatayo na kinakikitaan na ng kaba at nerbiyos.
“ Sir…“
“
Larceny
is a crime involving the unlawful taking or
theft
of the personal property of another person or business. “
Nagulat naman si Brixel sa kaniyang boss kung paano ihandle ang interogasyon.
Matapang ito na parang nagpapangaral sa isang tao na walang alam.
Dahil bago sila pumunta ng DataMax ay sinabi na ni Rustian kung sino amg espiya ng kanilang kompanya.
At ito na nga araw para hulihin siya.
Pawisan naman si Nathan dahil batid na niya ang nangyayari.
“Alam mo ba na ang kaparusahan ng larceny ay nakadepende sa halaga ng ninakaw?
Halimbawa, ninakawan ka ng cellphone na worth 22 thousand…pwede kang makulong ng 6 o 12 na taon.
Depende rin naman yun sa halaga ng ninakaw na bagay. Bukod pa ang danyos na kailangang bayaran…“
“Sir Corona…”
“Ang problema hindi cellphone ang ninakaw…multi billion project…mul…ti..bi…llion…and all the people na magtatraydor sa akin ay isa ko pa lang empleyado?”
“Si…sir…”
“Paano ko nalaman?
Sa unang project i have no clues kung sino ang gumawa ng pangongopya…pero yung pangalawa hindi ka na nakalusot.
Planted lahat ang nakuha mong data. Walang alam si Maricar pero planado ko rin na i-hire siya dahil ang kagaya niyang baguhan ang pwedeng lapitan at pagsamatalahan.“
Kabado si Brixel na pinindot ang remote control ng malaking tv screen. Bumakas ito at nag-autoplay ng isang eksena.
Isang tagpo kung saan nagpupulot si Nathan at Maricar ng papel na nalalaglag matapos sadyaing banggain ang babae.
Kitang-kita rin sa ibang anggulo ng cctv kung paano inabot sa kaniya ang isang usb drive at kopyahin ang mga files sa isang computer at kunan ng larawan ang mga dokumento.
Automatic na nagpause ang eksena.
“ My IT experts shows me kung anong files ang pumasok sa computer na ginamit mo that day…virus encrypted ang files na kinopya mo at infected na ang computer na yun. Here’s the catch…i can can hack that computer and erase all the files na meron doon.
I can even hack your computer kung binuksan mo ang files nito.
Even the computer system ng mga taong pinasahan mo at kumopya ng project ko.
Now that I have proven na ilegal na dumaan sa kamay mo ang mga projects ko.
Masasabi kong ikaw ang mole ng kompanya.
Hindi cellphone ang pinag-uusapan natin dito…its your future.“
Biglang napaluhod si Nathan sa narinig.
“Sir…..maawa kayo…ginawa ko lang yun dahil napag-utusan lang ako…si sir Arnian…siya…si Sir Arnian ang gumawa nun…inutusan niya ako na sirain ang inyong negosyo….”
“Kaso lumang balita na yan…kilala ko ang kapatid ko…matagal na niyang ginagawa ang ganito.
Ang problema ay sumakay ka sa gusto niya.“
Bumukas muli ang elevator at lumabas doon si mang Ross na may kasamang dalawang pulis.
Lumapit ito kay Nathan. Binasahan ng kaniyang karapatan,pinosasan at inaresto.
“ It’s your choice Nathan…sorry to say…but its your choice.“
Halos mag-iiyak si Nathan ng hilahin ito papasok ng elevator.
Nagsisigaw ito at nagmamakaawa kay Rustian.
Nang magsara ang pinto ay tumahimik ang lahat.
Sa pagkakaupo ni Rustian ay agad yumakap ito sa beywang ni Brixel at nag-iiyak sa sama ng loob.
Awang-awa si Brixel dahil nalaman na nila ang pasimuno ng pangongopyang nangyari.
Si Arnian ang dahilan.
Ang kuya ni Rustian…
Lungkot na lungkot si Brixel sa nangyari.
Ramdam niya ang sama ng loob ng kasintahan.
Ang hirap at pagod na dinanas nito ng ilang linggo makahabol lang sa Bday.
At ngayong nalantad sa kaniya na si Arnian pala ang may pakana ng lahat.
“ Bakit ako…hu hu hu…bakit ako…hu hu…hu…wala na bang katapusan kuya…palayain mo na ako…hu hu hu…paulit-ulit na lang bang ganito…hu hu hu…“
Maging si Brixel ay naiyak na rin.
“ Kaya mo yan…kakayanin mo yan…malakas ka…magaling ka…matalino ka…lakasan mo ang loob mo. Hindi man ngayon…may darating na hahatol sa kapatid mo. Shhhh…kaya mo yan…“
Iyon lang nasabi ni Brixel na alam niya.
Patuloy lang pag-iyak si Rustian.
Hangang sa nagring ang phone at sinagot naman ito ni Brixel.
Si Ms.Fidel ang nasa kabilang linya kaya isinet niya ito sa loud speaker.
“ Boss! Hello! We did it! Tayo ang nanalo! Even the united states, europe and the Asian country! Tayo ang nagustuhan nila! Sir hello! Mamatay yata kami dito sa sobrang saya! Congratulations sir Corona!
DataMax did it again!!!“
Sa kabila ng isang napakagandang balita…
Sa kabila ng nahuli na ang espiya…
Nanatiling nakayakap lang si Rustian kay Brixel na umiiyak.
Hindi na niya inintindi ang narinig.
Umiiyak siya sa kalungkutan dahil sa ginawa sa kaniya ng kapatid.
Na hanggang ngayon ay nagpapaplano pa ring gawing miserable ang buhay niya.
Nanatili lang nakayakap ang binata kay Brixel.
Sa awa sa naiyak ay lumuhod na ito at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Rustian.
“Tahan na…nanalo ka…hindi ka niya napabagsak.
Pinatunayan mo na wala siyang magagawa sa iyo.
Ikaw ang nanalo.
Yung nararamdaman mo…
Yung sakit…
gawin mong kalakasan.
Huwag kang umiyak dahil kapatid mo siya…
ikaw na ang may sabi na kilala mo ang kuya mo.
Isipin mo rin na kilala ka rin niya na hindi kayang ibagsak.
Nanalo ka sa bidding.
Hindi ba mas malaking sampal iyon oras na malaman niya na kikilalanin na ang DataMax world wide?
Kaya huwag ka ng umiyak ha.
Panalo ka sa laban na ito…“
Pakiusap ni Brixel habang pinupunasan ang mga luha ni Rustian sabay halik sa labi,ilong at noo nito.
Nagyakapan silang dalawa.
“ Thank you…thank you…please….dito ka lang sa tabi ko…promise me…sa mga ganitong pagkakataon…dito ka lang sa tabi ko….“
Pagsusumamo ni Rustian.
“ Hindi ako aalis…promise…“
Isang mahigpit din ang iginawad ni Brixel kay Rustian na ngayo’y kalmado na.
Kapwa na sila tahimik sa ganoong posisyon.
Ngunit may mga katanungan sa isip ni Brixel.
“ Ang lahat ay planado niya…
ang files na dinala ni Maricar…
ang pagkakapasok ng pinsan ko sa kompanya…
ginamit nya lang ang pinsan ko para mahuli si Nathan…
planted lang ang lahat.
Ginamit nya lang ang pinsan ko.
Paano kung kasama ako sa planong ito?“
Naguguluhan si Brixel at nagdadalawang isip sa nararamdaman niya sa kayakap na boss.
Nakakaramdam ng pagdududa si Brixel…
Masira kaya ang masaya nilang relasyon sa isiping ito?
Ano ang kasasapitan ni Nathan?
Si Maricar may gagawing hindi maganda.
Sasagutin ang lahat ng ito sa susunod na kabamata.
ABANGAN!!!
CHAPTER 22 BAD BLOOD
Puwersahang inilabas ni Mang Ross at ng isang pulis si Nathan upang pormal na sampahan ng kaso sa presinto.
Nagkaroon ng kaguluhan ng lumabas sila ng elevator dahil sa mga ilang guwardiyang nag-escort sa kanila sa palabas ng building.
Nagulat ang lahat dahil sa pagsisigaw ni Nathan sa nangyaring pag-aresto sa kaniya.
Pilit siyang inililabas ni Mang Ross kaya ang lahat ng nakakita ay nabigla sa pangyayari.
Litong-lito at awang-awa naman si Maricar ng makasalubong sa entrada ng DataMax si Nathan na nakaposas ang mga kamay nito sa likuran.
“ Wala akong kasalanan! Maricar! Tulungan mo ako!
Parang awa mo na!
Si Sir Rustian!
Ang pinsan mo!
Sila ang nagpakulong sa akin.“
Sigaw ni Nathan habang isinasakay sa police car.
Lalapit sana siya sa sasakyan ngunit humarang na si Mang Ross upang hindi siya makalapit kaya’t hindi na niya nalaman ang dahilan kung bakit hinuli si Nathan.
Sa laki at tangkad ni Mang Ross ay natakot na si Maricar kaya hindi na niya tinuloy na lapitan pa ang binata hanggang sa umusad na paalis ang police car.
Kasunod naman ng mobile car ang kotseng sinakyan ni Mang Ross at ang abagodo ng DataMax ang magsampa ng kaso laban dito.
Kaba at awa ang naramdaman niya ng mawala na sa kaniyang paningin ang umalis na sasakyan.
Halos mangibabaw ang usap-usapan sa loob ng building dahil ang lahat ay walang alam sa nangyari.
“ Girl yung suitor mo,pinatawag lang sa CEO’s office,paglabas kasama na ni sir Ross at ng pulis. Grabe kung makasigaw kanina ng dumaan.“
Kwento ng kalapit na officemate ni Maricar.
Nanatili lang sa isip ng dalaga ang pagmamakaawa ni Nathan kaya nais niyang alamin ang lahat kung bakit siya inaresto.
Tinawagan niya si Brixel subalit hindi ito sinasagot.
Nais man niyang puntahan kung saan naroon ang pinsan ay hindi niya magagawa dahil hindi authorized ang kaniyang key card sa elevator patungo sa top floor.
Galit ang nangibabaw sa kaniya sa mga sandaling ito kaya nagtanong-tanong siya sa mga taong nakakita ng ilabas si Nathan.
Subalit ang maikling kaguluhan na iyon ay napalitan ng maraming hiyawan ng kasiyahan at malalakas palakpakan.
Nakarating na pala sa DataMax ang balitang tagumpay ang kanilang project sa BDay na ipinadala ni Ms.Fidel sa mga supervisors ng bawat floor.
Isang malaking accomplishment para sa lahat ng empleyedo na makilala muli ang DataMax sa buong mundo dahil malaking tagumpay ang nangyari sa bidding.
“ Bakit?
Anong meron at nagpapalakpakan sila?“
Tanong ni Maricar sa nakasabayang babae habang naglalakad patungo sa kaniyang office section.
“ Nanalo kasi tayo sa bidding para sa national election. I heard na madaming international client ang papasok to avail our services and computerized voting machine.
Every bidding day na nakukuha nating exclusive contract is Christmas for every employees.“
Sagot ng babae.
“ Christmas?“
Tanong ni Maricar.
“ Actually parang victory party yun. Sort of a celebration kasi malaking project ang nakuha natin at once every 6 years lang nangyayari ang ganito. Bale pang second time na ng DataMax ang ganitong project. And last time na nagvictory party parang pasko sa dami ng pinamimigay na regalo ng company.“
Sa kabila ng kasiyahan ng lahat ay nanatiling tahimik si Maricar.
“ Palibhasa may darating na victory party nakalinutan na kaagad nila ang nangyari kay Nathan…
Ano kaya ang nangyari at pinapulis yun?
Gaano ba kalaki kasi ang nagawa ni Nathan at umabot pa sa pagpapahuli sa kaniya.
Itong si Brixel naman, hindi sinasagot ang tawag ko…pag ako nabuwiset talagang makakatikim siya sa akin e.“
Lumipas ang ilang oras at natapos na ang gawain ni Maricar.
Napag-alaman niya na sa malapit na presinto ikinulong si Nathan kaya agad niya itong pinuntahan.
Kabado siyang nag-inquire sa desk officer na nakatalaga sa presinto upang mabisita si Nathan.
Halos matakot siya sa nakitang sitwasyon ni Nathan kasama ang ilang mga nakakulong doon.
Rehas ang pumapagitan sa dalawa ng makapag-usap.
“ Si Sir Rustian…si Brixel. Sila ang nagpakulong sa akin. Pinagbintangan nila ako. Ewan ko. Basta mainit ang ulo sa akin ng dalawang yun. Ayaw siguro nila na magkaraoon ako ng relasyon sa iyo kaya ginagawa nilang palayuin ako sa iyo… sila-yung pinsan mo. Baka idea niya ang makulong ako para hindi tayo magkatuluyan. Alam mong may nararamdaman ako sa iyo hindi ba?
Na nililigawan kita-kaya-kaya siguro gumawa ng kwento yung pinsan mo para mapaalis ako sa office.“
Sumbong ni Nathan.
Sama ng loob ang naramdaman ni Maricar sa mga narinig na kwento ni Nathan at galit para sa kaniyang pinsan.
Hindi niya matiis si Nathan at nais niya itong makalaya na.
“ Huwag mo akong alalahanin. Mamaya lang darating na ang abugado ko at masesettle ko na ang piyansa pero temporary akong makalabas dito.
Tuloy pa rin ang kaso na sinampa sa akin.
Paalam ni Nathan.
Nakahinga naman ng maluwag si Maricar dahil makakapagpiyansa si Nathan at makakalaya pansamantala.
Umalis si Maricar pabalik sa kanilang bahay baon ang sama ng loob sa mga nangyari.
Kahit sa huling sandali ng kagipitan ay nabulag ni Nathan ang dalaga laban sa kaniyang pinsan.
Galit din ang naramdaman ni Aling Mitos ng magkwento sa kaniya ang anak.
Sinisi nila kay Brixel ang nangyari.
“ Baka ayaw ka niyang magkaroon ng malapit kaibigan sa opisina nyo?
Baka type naman ni Brixel yung lalake kaya siniraan sa boss nyo kaya nasesante. Pero bakit naman dumating pa sa paaresto ng ganoon?
Baka naman may ginawa talagang hindi maganda yung sinasabi mong Nathan?“
Usisa ni Aling Mitos sa anak.
“ Yun nga ho ma’ ang hindi ko maintindihan. Sabi sa akin ni Nathan na kagagawan daw ni Brixel kaya siya inaresto kanina. Mabuti na lang at pwede ang piyansa sa ganoong kaso. Pero hindi pa rin sure kasi tatakbo pa ang kaso sa korte. Itong si Brixel naman tinatawagan ko ayaw sagutin ang phone.“
Sagot ni Maricar sa ina.
“ Kaya makakuha lang ako ng tiempo gagantihan ko yang bakla na yan e.“
Natahimik na lang si Aling Mitos dahil alam niya kung paano magalit ang anak.
SUMUNOD NA ARAW
Nagkaroon ng maliit na pagpupulong ang mga matataas na opisyales ng Data Max para sa nalalapit na Victory Party na pinangunahan ni Ms.Fidel at Brixel.
Limang araw mula ngayon ang party kayat minamadali nila na matapos ang paghahanda.
Bagamat naroon ang lahat ay hindi kasama ni Brixel si Rustian.
Hindi pumasok ang binata dahil sa hindi magandang pakiramdam nito kaya’t bilang secretary ay tinayuan na ni Brixel ang mga gawain ng CEO sa tulong ni Ms.Fidel,ate Corz at Emy.
Natapos ang pagpupulong at si Brixel ang tinalagang manguna sa pagpaplano para sa gaganaping party.
Masaya ang lahat sa theme ng event. Mismong araw ding iyon ay nagpareserba na sila ng hotel na ookupahan para sa party. Madali kay Ms.Fidel na makacontact live band at entertainer. Pinag-usapan din ang budget na gagamitin. Dahil isa itong pasasalamat ay napagkasunduan din nila na magbahagi sa mga kapuspalad na matagal ng sinusuportahan ng DataMax. Maging ang pagkain,papremyong ibibigay at cash bilang bonus ay tinalakay nila.
Sa pagtatapos ay naitalaga na rin ni Brixel ang mga taong gaganapan ang kani-kanilang trabaho para sa event na gaganapin.
Sa sumunod na mga araw ay hindi pa rin pumapasok si Rustian at tanging si Brixel lang ang mag-isang tumatayo bilang kinatawan sa DataMax.
“ Friend,nag-aalala ako kay sir Rustian. Tatlong araw na siyang hindi napasok. May sakit na siya?“
Usisa ni Emy.
Hiniram pansamantala ni Brixel si Emy kay Ms.Fidel upang makatuwang sa opisina ng CEO.
“ Ang sabi sa akin ni Mrs. Gandia masama daw ang pakiramdam.
Hindi nga ako pinapasok ng kwarto at gusto daw muna magphinga ni boss. Inisip ko na lang na baka nasobrahan o na-stress after humabol ng BDay kaya ganoon. Pero nung sumunod na araw napansin ko na hindi nagagalaw yung mga pagkaing hinahatid sa kaniyang kwarto. Inisip ko na lang na may malaking dahilan kaya nagkakaganoon si boss.“
“Balitaan mo ako kung ano na lagay niya ha. Napansin din kasi ng iba na hindi nila nakikita si Sir Rustian. Kaya iniisip namain na baka may sakit nga. Isa pa malapit na ang victory,tapos wala siya sa event. Kung tutuusin siya ang dahilan kung bakit may victory party tayo hindi ba.”
“Hayaan mo mamaya pag-uwi ko ikukuwento ko sa kaniya ang concern ng lahat.
“Oo,sabihin mo na miss na namin yung pamamasyal niya sa mga floor.”
“Oo,pati yun sasabihin ko. Alam konl namang maraming nakakamiss dun.”
Natigil lang sila ng kwentuhan ng pumasok na si Ms.Fidel at Ate Cors at nagpatuloy sila sa kani-kanilang mga gawain.
Sa kabilang dako…
MARICAR
“ Bakit ganoon?
Hindi ko na makontak ang number ni Nathan? Huli naming pag-uusap ay noong nakulong siya sa presinto…
Ang sabi naman sa akin ay nakapagpiyansa na daw siya at nakalabas na pero bakit ngayon hindi na active ang FB niya at phone number?“
“Maricar,alam mo ba?
Nagtatago daw si Nathan sabi ng close friend niya. Natakot na daw mula ng ipakulong ni sir Corona.
Ang balita ko umalis na daw sa dating tinitirhan. Hindi naman yun makakalabas ng bansa dahil nakahold ang name niya sa Immigration dahil sa may kaso palang nakasampa sa kaniya. Yun lang,ang tanong…wala tayong alam kung bakit siya pinahuli. Confidential daw ang case na isinampa sa kaniya.“
Nalilito na ako sa kwento-kwento ng mga kasama ko dito sa opisina.
Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko dahil iba ang kwento sa akin ni Nathan.
Gusto kong malaman ang buong katotohanan at si Brixel lang ang maaring makasagot ng mga tanong ko.
Muli konsiyang tinawagan sa cellphone.
Sa pangatlong ring ay sinagot niya ang tawag ko.
“ Hello Brixel,sabihin mo nga ang totoo, ano ba kasalan ni Nathan at kung bakit siya nakulong?
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy.
“ Maricar, sorry ha. Mas mabuti siguro na huwag kang makikipagcoordinate sa akin pagdating kay Nathan.“
“Excuse me? Nagtatanong lang ako. Kaibigan ko yung concern dito.
Alam mo ba na hindi na rin siya nagpaparamdam?
Hindi na makita?
Umalis na ng kaniyang tinitirhan? Malay ba natin na baka sa takot ay nagtago na at baka ipakulong uli? Ano? …Di ka na makasagot dyan?
“I’m sorry Maricar.
Hindi ko masasagot yang tanong mo. Wala ako sa posisyon para ikwento ang nangyari-“
“Hindi bat naroon ka ng hulihin siya? Kasama ka ni Sir Rustian ng ipahuli si Nathan ah? Hindi mo kaya sagutin yung tanong ko?”
“As i have said…wala ako sa posisyon para ikwento ang mga nangyari.”
Click…
Aba at binabaan ako ng telepono?
Mayabang na ang baklang yun?!
Kung umasta akala mo siya na may ari ng building na to?
Makikita niya…
Makikita niya…
Gaganti ako sa mga ginawa nila kay Nathan.
Mapaalis man ako dito.
Sisiguraduhin ko na mapapaalis ka rin Brixel.
Mapapahiya ka talaga sa akin.
Araw ng ilabas si Nathan sa kulugan
Lulan si Nathan ng isang kotse at sa tabi niya ay si Arnian na galit galit ng sila ay magkita.
Isang malakas na sampal ang tinggap niya mula kay Arnian.
“ Sir sorry po! Hindi ko po sinasadya na masabi ko na idea nyo na nakawin ko yung mga files!“
Paliwanag ni Nathan.
“ Sorry?! Hindi bat kabilin-bilinan ko na huwag kang pipiyok oras na magkaalaman? Ngauon alam na ni Rustian na ako ang may pakana ng lahat?
Sa tingin mo walang gagawin si Rustian laban sa akin?
Lalong natakot si Nathan ng maglabas pa ng baril si Arnian.
“ Haaahhhhh-hu hu hu hu! Sir-sir-sir-parang awa mo na sir!parang awa mo na!
Huwag nyo po ako patayin sir!“
Pagmamakaawa ni Nathan na halos hindi makatingin sa kaharap.
“ Napakabobo mo!
Umalis ka sa harap ko!
Umalis ka dito! Umalis ka at huwag kang magpapakita sa akin!
Mapapatay talaga kita sa susunod na makita kita!
Layas!
Kahit patuloy sa pagmamaneho ang driver ni Arnian ay agad na nagbukas si Nathan ng pintuan at tumalon ito palabas ng kotseng takot na takot para sa kaniyang buhay.
Inis na isinara ni Arnian ang pintuan na nabuksan at parang wala lang sa kaniya na may isang tao na pinagbantaan niya ang buhay.
“ Bwiset…napakaraming bobo talaga sa mundo.“
Inis na ginulo ni Arnian ang kaniyang buhok sa nangyari sa kaniyang plano.
Masama ito.
Kadugo pa no Rustian ang kalaban niya.
Kadugo din ni Brixel ang sisira sa kaniya.
Maghanda kayo para sa gaganaping victory party ha.
May magaganap na pangyayari na yayanig sa inyong lahat.
ABANGAN!!!
Ayun…sorry po at napatagal ang update at busy po sa trabaho ko. Salamat po sa paghihintay at suporta.
Panagko po na pagnunutihin ko pa ang paggawa ng mga story kapupulutan ng aral. Salamat din pa pala sa mga comments at votes ninyo.nakakataba po ng puso lalo na yung mga avid readers at followers ko. GOD BLESS SA INYONG LAHAT!!!
CHAPTER 23 FEARS
Isang malaking tagumpay para sa kumpanya ng DataMax ang kunin ang kanilang serbisyo ng gobyerno bilang official provider ang kanilang hybrid voting booth machine, hindi lang dito sa Pilipinas kundi ng ilang bansa din.
Inaayos na rin ang pagsasara ng usapin upang masimulan na ang production ng computerized machine sa Singapore.
Isa namang karangalan ang nasulat sa kasyasayan na isang local company ng Pilipinas ang mamahala sa botohan hindi lang dito at maging sa buong mundo.
Dahil sa pangyayaring ito, may isang victory party na nakalaan sa lahat ng empleyado ng DataMax.
Isa itong pagtitipon ng pasasalamat para sa nakamit na tagumpay ng kumpanya.
Bilang secretary, naatasan si Brixel na mamahala sa gaganaping event.
Siya ang pangunahing kinukunsulta sa ganitong bagay dahil ilang araw ng hindi napasok si Rustian sa opisina.
Tila bumalik kay Rustian ang nakaraan dahil sa kaniyang mga nalaman na ang kuya niya ang may pakana na ibagsak ang kaniyang proyekto.
Apat na araw siyang nanamlay at nawalan ng ganang kumain,magtrabaho o kahit lumabas ng condo kaya nahati ang atensyon ni Brixel sa mga gawain sa DataMax at pag-aalala sa kaniyang boss.
BRIXEL
Naaawa na ako sa nagiging kalagayan ni Boss.
Ilang araw na siyang tamad na tamad kumilos.
Sala sa oras kung kumain at laging natutulog.
Halos hindi na nalabas ng kwarto at laging gustong mapag-isa.
Oo nga at isang tagumpay ang manalo kami sa bidding ngunit ang kapalit naman ay ang malaman niya na si sir Arnian pala ang may kagagawan ng pagnanakaw ng aming project.
Dalawang beses pa niyang pinagtangkaan sirain ang sariling kapatid.
Iniisip ko na dinamdam niya ang nangyari kaya ganito siya ngayon.
Unang beses ko lang siyang nakitang umiyak ng ganoon sa harap ko.
Nag-aalala na rin ang mga empleyado na baka may sakit si boss kaya hindi nila ito nakikita ng ilang araw.
Hindi maaari ang ganito na lang siya at baka habang tumatagal ay lumala ang kaniyang nararamdamang sama ng loob.
“ Boss kumain na tayo…sala na tayo para sa pananghalian…ala una na…“
Paanyaya ko sa kaniya.
Nanatili lang siya sa kaniyang pagkakahiga sa kama.
Dalawang araw na niyang suot ang kaniyang sando kayat naghagilap na ako ng pampalit.
Halata rin na hindi na siya nakakaligo. Maging ang bigote at babalbas niya ay unti-unti na ring lumilinya sa kaniyang mukha.
Sa kaniyang damitan ay kumuha ako ng kapareho din ng sandong suot niya.
“ Huwag yan…ayaw ko nyan…dun sa taas na drawer ang kunin mo. Yun ang gusto kong suutin.“
Ibinalik ko ang hawak kong sando at hinanap ang gusto niyang isuot.
Napangiti ako ng makita ko sa drawer ang sinasabi niyang kunin ko.
Malaki ang drawer ngunit ang tanging laman lang nito ay ang sando na isinuot niya nung nakitulog siya sa amin sa bahay ng tiya Mitos.
Maging ang mga sticky notes ng sagutan namin sa office ay naroon at nakadikit din.
Nakangiti akong isinara ang drawer at lumapit sa kaniya.
Umupo siya sa kama at hinubad ang suot na damit.
Ako na ang nagsuot sa kaniya ng luma kong sando.
Umupo ako sa kaniyang harapan upang makita ko ang kaniyang kondisyon.
“ Kain na tayo…“
Ang muli kong aya sa kaniya.
Hinawakan niya ang kamay ko.
“ Sorry ha…kung nag-aalala ka sa akin.“
“Nag-aalala talaga ako sa iyo.
Di ka nalabas ng kwarto. Ang pagkain mo hindi mo inuubos. Tingnan mo ang panget mo na sa kakatulog.“
“Pangit na ba talaga ako?”
Nanahimik ako.
Ngumiti ako sa kaniya.
Kahit hindi pa maligo ng isang buwan si boss at tubuan pa ng kamote sa kilikili ay nandoon pa rin ang kaniyang kakisigan.
“ Ano ba nararamdaman mo?“
Tanong ko sa kaniya.
“Nagsasawa lang ako sa mga ginagawa ng kuya sa akin. Pulit-ulit na lang…”
Nanatili lang akong tahimik upang mailabas niya ang nararamdamang sakit atbsama ng loob.
Maski ako ay nakaramdam din ng hindi maganda mula sa sariling kadugo.
Ang pagkakaiba lang, ang sa akin ay kay tiya Mitos at sa pinsan ko, ang boss Rustian ay ang mismo niyang kapatid.
“Bata pa kami ay lagi na niya akong ibinabagsak sa paningin ng marami. Sa Papa,sa Mama,sa mga tao…at habang nagtatagumpay ako ay lalo siyang nilalamon ng galit…handa naman akong makipag-usap…dati na akong humingi ng tawad sa nagawa ko. Kinamatayan na ng papa ang hindi namin pagkakaayos…ayaw ko ng maulit pa ang ganoon sa amin ng kuya…pasensya ka na…masama lang talaga ang loob ko.”
“Huwag kang humingi sa akin ng pasensya boss…nakikinig lang ako. Ang sa akin lang…huwag kang magpapadala at napapabayaan mo na ang kalusugan mo. Marami kaming naghihintay sa iyo. Marami kaming nagmamahal. Kahit boss ka ng DataMax marami ang nagdarasal para sa iyo…marami ang namiss ka.”
Ngumiti lang siya na para bang ayaw niyang maniwala sa mga sinabi ko.
“ Tingnan mo itong wall na backdraft ng stage para sa victory party natin.“
Ipinakita ko sa kaniya ang mga larawan mula sa aking tablet ang isang mahabang puting backdraft na puno ng sulat.
“ Naiisip ko kasi na theme ng ating party e tungkol sa leadership. Then naiisip ko ang pagiging mahusay na leader ay nakikita sa kaniyang mga tagasunod. Kaya pinasulat ko lahat sila ng mensahe para sa iyo mula sa mataas hanggang sa pinakamababang empleyado natin. Siempre para makatipid irereycle ko siya at ilalagay sa office natin para mainspire ka boss. Tapos may kainan,nag-invite na rin ako ng comedian as host at banda para sa party. May raffle draw…“
Napahinto ako sa pagkukuwento ng yakapin niya ako.
“ Salamat ha..ang galing mo…“
Gumanti ako ng yakap at nanatili kaming tahimik.
“ Salamat…“
Kahit hindi niya sabihin alam ko unti-unti ng nawawala ang nararamdaman niyang sama ng loob.
“Kakain na tayo?”
Tanong ko sa kaniya.
“ Ipahatid mo na lang dito ang pagkain tapos subuan mo ako.“
Kumalas ako sa aking pagkakayakap, titinitigan ko siya sa mga mata at hinalikan ang kaniyang labi.
“ Basta kakain ka ha. Yung marami ha?“
“Basta subuan mo ako.”
Agad akong tumayo at dali-daling lumabas ng kwarto at nagpahanda ng makakain mula ka Mrs. Gandia.
Laging kong bilin na maghanda ng pagkain para kay boss kahit wala siyang gana. Kahit hindi siya kumain ay ipinaghahanda namin siya dahil ano mang oras ay babalikan din siya ng sigla.
Madalas kape na timpla ko o juice lang ang laman ng sikmura niya kaya matamlay ang kaniyang pakiramdam.
Sesame pork milanese,chicken scampi pasta at BLT bean salad ang ipinahanda ko.
Maganda sa katawan at antioxidant ang mga gulay para sa mga nalipasan ng gutom at depression. Sinamahan ko na rin ng ilang prutas at dalawang klaseng fresh fruit juice.
Matapos i-set ang pagkain at lumabas si Mrs. Gandia ng silid at sinimulan ko ng subuan ang aking pinakamamahal na boss.
Sabay kaming kumain habang sinusubuan ko siya.
First kong pagsilbihan siya ng ganito kalapit hindi bilang isang secretary kundi mas malapit pa bilang kasintahan.
Sa bawat subo ko sa kaniya ay may kasamang pagmamahal…
Naglakas loob akong magtanong.
“ Huwag ka sanang magagalit boss ha…itatanong ko lang…yung sa mga naging plano mo para mahuli si Nathan…“
“Bakit,ano yung kay Nathan?”
“Ano…kasi ang sabi mo…ang lahat ay planted…planted para mahuli siya…planted din ba ang pinsan ko sa mga plano mo?
Iniisip ko kasi…bago pa man ako nakapasok sa DataMax…eh baka kasama ako dun sa mga plano mo?“
“Uh-uh! Wag ka mag-isip na kasama ka sa mga plano na yun…hindi ka kasama…pinsan mo lang. I mean…sorry kung mapasama si Maricar sa plano ko.
Oo ginamit ko siya to lure Nathan. Alam ko kasi na mga baguhan ang maaring gamitin nila lalo pa at pinsan mo siya.
Im sorry kung ginamit ko siya…actually ginamit ko siya para gamitin laban sa akin.
And because of her nalaman natin kung sino talaga ang manggamit?…in your case…hindi kita ginamit…iniisip mo that I used you para sa ganoong plano?
No way…i love you!“
Ngayon ko lang siya narinig na sabihan niya ako ng “i love you”.
Nahirapan akong huminga at nanginig ang aking mga kamay.
Kabaligtaran ito kapag naririnig ko sa bibig niya yung salitang “tit*” na ayaw kong lumalabas sa kaniyang bibig.
May pagdududa pa rin sa akin na maaring pinaiikot nya kang ako sa kaniyang palad.
Mayaman siya at lahat ay kaya niyang gawin.
Lahat ay kaya niyang bayaran.
“ Hindi ka ba niniwala na mahal kita?“
“Naniniwala naman…”
Bigla siyang natawa sa sinabi ko, hinihintay ko na lang na sabihin niya na ‘its a prank!’, pero hindi.
Muli niya akong niyakap.
Wala siyang pakialam kung matapon man sa harap namin o sa kama ang hawak kong plato pagkain.
“ Mahal na mahal kita Brixel…ang lahat ay kaya kong isuko basta lagi ka lang sa tabi ko…“
Lahat ng alalahanin…
Lahat ng takot ay naglaho bigla ng sabihin niyang mahal niya talaga ako.
Biglang tumulo ang mga luha ko sa kasiyahan.
Nahalata niya ang aking paghikbi at kumalas siya sa pagkakayakap at sinapo ng malambot niyang mga kamay ang akingmga pisngi.
Hinalikan niya ako sa labi pinahiran ang aking mga luha ng kaniyang mga kamay at muling hinalikan.
“ Bakit naiyak ka?“
“Masaya lang…masaya lang ako…kasi noon akala ko puro hirap at tiis ang mararanasan ko…nakapasok ako ng DataMax,naging secretary tapos ikaw…ang bilis…ang dami nabago sa buhay ko
.“
“Huwag mong isipin na ginamit kita…sorry talaga.”
Kapwa kami natahimik ng mga sandaling iyon.
Napatawad ko siya sa nagawa niyang paggamit sa aking pinsan dahil kailangan.
Nakita ko na kailangan lang talaga ng isang sakripisyo para sa kapakanan ng nakakarami.
Nagkataon lang si Maricar iyon kayat tatanggapin ko.
“ Pwede mong paliwanagan si Maricar tungkol sa nangyari kay Nathan. Hindi ko pa kasi nasasabi sa kaniya ang lahat kung bakit mo siya pinakulong.“
Hiling ko sa kaniya at sinangayunan naman niya na paliliwanagan ang pinsan ko tungkol sa nagyari kay Nathan.
Karapatan din ni Maricar na malaman ang lahat at sana ay maunawaan niya kung bakit.
Sana…
Pakatapos kumain ay pinagpaligo ko si boss.
Gaya ng ginawa ko sa Singapore ay ako naglinis sa kaniya.
Inahitan ng bigote at balbas.
Binihisan at magkasamang nilaro ang dalawang aso.
Magana na siyang kumain ng hapunan.
Bagamat may mga trabaho akong isinisingit habang nagpapahinga kaming magkatabi sa sofa sa may living area habang nanonood ng isang pelikula ay nawala nakamove on na siya sa nararamdaman tungkol sa kaniyang kapatid.
Madali kong natapos ang aking hinahabol na gawain na naiwan ni Boss.
Dahil bukas ay maari na siyang pumasok at umattend victory party.
KINABUKASAN
Muli ng bumalik ang CEO sa DataMax. Sa tulong ni Brixel ay napaglabanan ni Rustian ang ilang araw na depression.
Patuloy na buhay gaya ng dati at ngayon ang bagong simula ng binata pagkatapos ng ilang araw na pagkukulong sa kwarto.
RUSTIAN***
Malaki ang pasasalamat ko at nasa tabi ko si Brixel.
Dahil sa mga paalaala niya at pagmamalasakit sa akin ay napaglabanan ko ang kalungkutan.
Ganoon nga siguro.
Kailangan lang talagangbguwag magpaapekto.
Ang nakaraan ay isang multo lang na hindi na dapat katakutan.
Hindi dapat iwasan.
Ipakita na matapang at kaya silang harapin.
Hindi dapat kakitaan ng karuwagan.
Habang papasok ng opisina ay nakita ko ang aking kalakasan.
Ang mga emplyedong nasasalubong ko na nakangiti sa akin.
Ang ilan ay pumapalakpak pa at naghihiyawan na para bang taon na hindi nila ako nakita.
Sila ang kalakasan ko na dapat kong pagkuhanan ng tibay ng loob.
Text book sa akin ang tagumpay.
Isa akong genious pagdating sa aking trabaho.
Pero ang inspirasyon ko ay ang aking mga empleyado.
Sa tulong ni Brixel at ni Ms.Fidel ay hindi ako nahuli sa update ng aking work loads.
Naasikaso nila ang lahat na dapat kong gawin.
Sila ang kumatawan sa mga meeting na dapat ako ang tatayo.
Nagawa nila ang lahat at naisingit pa ng mabilisan ang gaganaping victory party para mamaya.
Hindi muna kami nagtuloy ni Brixel sa top floor.
Nais kong maglakad-lakad pa sa lahat ng palapag.
Pakiramdam ko ay muli akong isinilang sa tuwing makikita ako ng mga taong naging katuwang ko sa aking tagumpay.
Sila ang inspirasyon ko na kahit sa pangalan ay hindi ko sila kilala.
Sila ang dapat kong ipaglaban kung may taong gusto akong ibagsak.
Hindi ko naisip na sila talaga ang concern ko.
Kasama sila sa aking pagbagsak kung magpapabaya ako.
Kinausap ko si Ms.Fidel na ianunsyo na agahan ang kanilang off.
In house holiday ang anouncement.
Pagsapit ng alas tres ay wala ng pasok at maari ng magsipaghanda ang lahat para sa party na gaganapin.
Wala akong nakikitang delay sa trabaho kayat maari kaming tumigil pamsamantala.
Nais kong ang lahat ng aking empleyado ay kasama ko sa aking tagumpay at kasiyahan.
Matapos noon ay umakyat na kami ni Brixel sa aking opisina para makapaghanda sa aming pagdalo sa party.
Muling bumalik ang excitement ko ng makapagsolo kami sa loob ng elevator.
Pagbukas pa lang ng pintuan nito ay hinapit ko na si Brixel at hinalikan sa kaniyang labi.
Naging mainit na ang tagpo at hindi ko na alam kung paano kami nakapaghubad ng aming mga damit.
Ang bilis ng pangyayari.
Sabik na sabik kami sa isa’t isa na para bang hindi kami nagkita ng ilang taon kahit magkasama kami sa iisang bubong.
Siya ang ugat ng aking paghihirap at tagumpay kaya ako na-inlove sa kaniya ng ganito.
Nakahiga siya at nasa ibabaw niya ako habang magkalapat ang aming labi.
Bahagya niya akong itinulak at pinahiga.
Isinubo ang aking matigas na pagkalalaki.
Halos mapapikit ako sa sarap ng kaniyang ginagawa.
Mas intense ang pagsubo at paglalaro ng kaniyang dila sa kahabaan ng ari ko.
Nailang pa ako ng dilaan din niya ang aking butas.
Shit…
Ngayon ko lang naranasan ang ganito kasarap na estilo ng pagpapaligaya gamit ang dila.
Muli siyang bumalik sa aking ari.
Pagkatapos ay pumuwesto si Brixel.
Nagulat ako sa gagawin niya.
Akmang uupuan niya ang katigasan ko.
“ Wait…wala pang lube…“
Pigil ko sa kaniya.
“ Gustong maranasan ang sakit…okay lang. Dadahandahanin ko naman ipasok.“
Nalibugan pa ako sa sinabi niya.
Hinawakan ko siya sa kaniyang beywang habang unti-unting pinapasok niya ang aking ari sa kaniyang lagusan.
Naramdaman ko ang unit ng loob niya ng maipasok niya ang ulo nito.
Dahandahan…
Bakas sa kaniyang mukha ang tinitiis na sakit ngunit nasa mata niya ang pagnanais na maipasok ng buo ang kahabaanan ko.
“Ahhh…”
Ramdam ko ang init na bumabalot sa aking katigasan.
Parang lumaki pa lalo ang ari ko ng simulan niyang magtaas-baba ng dahan-dahan.
Napapakagat siya sa labi.
Sa sarap ba o sa sakit…
Pero patuloy lang siya sa kaniyang ginagawa.
Hindi na ako makatiis.
Nais ko ng magpalabas.
Hinalikan ko siya sa labi at inihiga.
Pinaghiwalay ko ang kaniyang mga hita at dahandahang ipinasok ang ulo ng aking maselang bahagi.
Gaya kanina ay naramdaman ko naman ang init ng loob nito.
Dahandahan hanggang mapasok ko muli ang lahat.
Nagkatitigan kami.
Sa bawat indayog ng balakang ko ay dinig ko ang kaniyang paghinga.
Sunod-sunod ang ulos ko.
Babagal…
Bibilis…
Babagal…
Bibilis…
Ang sarap…
Maging siya ay sarap na sarap na halos hawakan niya ang aking balakang at idiin sa aking pagkakabaon sa kaniyang lagusan.
“ Malapit na…“
Bulong ko sa kaniya.
“ Sige lang…ummm..sige lang.“
Ilang sandali pa ay naramdaman ko na malapit na akong labasan.
Bigka ko siyang niyakap ng at idiniin ang puson ko ng maramdaman kong nilabasan na ako sa loob ng kaniyang butas.
Mahigpit ang kaniyang yakap sa akin na para bang ayaw niyang may masayang sa aking katas na dumaloy sa kaniyang kaloob-looban.
Ang sarap sa pakiramdam na magawa ito sa taong pinakamamahal ko ng lubusan.
Dahan-dahan ko itong hinugot at tumabi sa kaniyang pagkakahiga habang nakikipaghalikan at hawak ang kaniyang matigas na ari.
Nagtaas-baba ang kamay ko sa kaniyang pagkalalaki.
Maging ang kaniyang dibdib ay hinalikan ko at nilaro ng aking dila ang kaniyang magkabilaang utong.
Inalis niya ang kamay ko at pumuwesto sa aking tagiliran at idikit ang kaniyang katigasan sa aking harapan.
Patagilid niya akong niyakap na magkadikit angg aming mga ari habang siya ay nilalabasan.
Ramdam ko sa aking puson ang pagsabog ng kaniyang katas.
Ipinailalim ko siya at hinalikan sa labi.
Nagpahinga sandali sa ganoong posisyon.
Kung pwede lang sana manatili sa pagkakapatong sa kaniya…
“ Maligo na tayo…“
Sabi niya.
Ngunit nanatili pa ako.
Tumayo lang ako ng unti-unti na lumambot ang ari ko.
Para akong bagong tao na muling nakilala si Brixel.
May ginawa siya na gusto ko at nais pang maulit ng maraming beses.
Lalo ko siyang pinahalagahan dahil umabot na kami sa punto na may koneksyon na kami na hindi pwedeng isama ang iba.
Para kaming mag-asawa ng pasanin ko pa siya sa aking balikat ng magtungo kami sa shower room para maligo.
Pagakatapos ay nagbihis muna kami ng casual dahil mamaya pa ang party.
May oras pa para sa paghahanda kaya’t nagtulong kami na linisin ang sofa na aming ginawan namin ng pagtatalik.
“ Ang dami mo talagang nilalabas,ayan o,kung saan nakakarating mga anak mo.“
Natawa ako ng linisin niya ang natuyong likido na maaring natuluan ko ng hugutin ang ari ko sa kaniya.
Muli akong tinigasan kayat hinila ko siya at napakandong sa akin.
“ Hindi pa tayo tapos.“
Angal niya sa aking pang-iistorbo.
Niyakap ko siya kayat hindi na siya makakilos sa kaniyang ginagawa.
Nanatili kaming tahimik.
“ Sana laging ganito.“
Sabi ko.
“ Anong laging ganito?“
Tanong niya.
“ Ganito,magkatabi tayo lagi.“
Hinalikan niya ako sa noo at sa labi.
“Oo…lagi na tayong ganito.”
At ngumiti siya sa akin at muling naglapat ang aming mga labi.
Pagkatapos ay muli naming inayos ang living area ng aming opisina.
Masaya naming inubos sa pagkukuwentuhan habang hinihintay namin ang oras upang makapaghanda na sa paty.
Bandang alas 8 ng gabi na kami nagtungo ng hotel kung saan gaganapin ang victory party.
Sinalubong kami ng maraming media sa harap ng hotel dahil kalat na ang balita tungkol sa bidding.
Hindi ako nagpaunlak ng interview at si Ms.Fidel na ang nag-asikaso sa kanilang mga katanungan.
Dumiretso na kami sa bulwagan kung saan naroon ang lahat ng aking empleyado na nagsasaya.
Hindi ko mabilang ang mga tao na nakipagkamay at bumati sa akin.
Sa VIP table malapit sa stage kami pinaupo ng event coordinator.
Masaya ang ambiance ng party na kanilang hinanda at enjoy ang lahat.
Kasama ko sa table ang mga taong nakatuwang ko sa project.
Masaya ako dahil alam ko na kasama ko sa gabing ito ang tunay kong mga kaibigan,lalo na ang pinakamamahal kong si Brixel.
Wala na akong mahihiling.
Hanggang sa mapansin kong lumapit si Emy at Corazon kay Brixel at binulungan ito.
Tumayo siya at sumama sa dalawa at nagtungo sa stage kung saan naroon ang back draft na pinipirmahan ng mensahe ng mga empleyado.
Nakita ko ang pagkairita sa kilos ni Brixel na tila isa-isang binabasa ang mga nakasulat doon.
Lumapit na ako dahil tila binubura ng tatlo ang ilang mga nakasulat sa back draft ng stage.
“ Upo ka muna boss may inaayos lang kami.“
Takot na dahilan ni Brixel sa akin.
Pinigilan ko siya sa kaniyang ginagawang pagpupunas ng tissue sa nakasulat sa dingding na tila ayaw niyang mabasa ko mga ito.
Nabasa ang bahagi ng back draft na puno ng sulat ng pasasalamat ngunit ang ilan dito ay hindi magandang basahin.
“ Brixel and Mr.Corona are gay“
Ito ang pilit na binubura ni Brixel.
“ Bakla ang boss,bakla din ang alalay“
Ang nasa harapan ni Emy.
“ They are having an affair at nabuko sila kaya isang tao ang pinakulong nila!“
Ang nasa harapan ni Corazon.
Nagkatinginan kami ni Brixel at ramdam ko sa kaniya ang takot at pagkapahiya dahil may ilan ng nakakita sa ilan pang mensahe sa stage na naisulat.
Napatingin ako sa karamihan na nakatingin sa amin at nagbubulungan na para bang may nakakahawa kaming sakit.
Nag-iba ang pakiramdam ko dahil sa galit.
Nilapitan ako ni Brixel at hinawakan sa kamay.
Hinila niya ako matapos niyang sabihan si Emy na ipatanggal na ang back draft ng stage.
Bumaba kami ng stage at dumaan sa kalagitnaan ng mga taong nakatingin sa amin.
Pigil ang aking galit dahil may taong gustong pangunahan ako sa mga desisyon ko pagdating sa relasyon namin ni Brixel.
Huminto ako at nabitiwan ni Brixel ang aking kamay.
Huminga ako ng malalim at parang slow motion na lumakad ako muli pabalik ng stage.
Kinuha ko ang mikropono sa podium at automatic na hininaan ng sound technician ang musika upang marinig ang aking sasabihin.
“ Good
evening to everyone…Emy…Corazon…huwag nyo ng burahin ang mga nakasulat diyan. Alam ko naman na nabasa na nila ang lahat. Its Okay…yes…I’m having an affair with Brixel…“
Isang pag-amin na ikinatahimik ng lahat.
At sa kalagitnaan nila ay naroon nakatayo si Brixel na lumuluhang nakangiti sa akin.
Ito na nga siguro ang gabi na kailangan ng malaman ng lahat ang tungkol sa aming dalawa ng mahal ko.
At lumabas na nga ang katotohanan sa dalawang binata.
Next Chapter ang kabuuan ng speech ni boss Ang reaction ni Brixel at ng mga taong nakapaligid sa kaniya kaya…
ABANGAN!!!
CHAPTER 24 BALANCING THE ACT
Gabi ng Victory Party
MARICAR***
Inanunsyo kanina na maaga kaming pauwiin para makapaghanda sa gaganaping party sa kalapit na hotel.
Hindi na kami umuwi ng mga naging kaibigan kong si Liezel at Nancy.
May shower area naman ang mga sleeping courters dito sa office na maari naming magamit para maligo at makapagbihis.
Hindi naman ako nahirapang bumili ng bagong damit mula sa nakuhang sahod sa training ko. Bilin kasi na cocktail dress ang aming isusuot kaya napilitan na akong bumili na bago.
Napilitan dahil ayaw kong magsuot ng lumang binili ng mama sa ukay-ukay.
Mabuti na lang at sinunod ko ang instict ko at magmumukha akong tanga kung halatang luma ang isusuot ngayong gabi.
Pagkatapos mag-make up ay naghintay pa kami ng service van ng companya na susundo at maghahatid sa amin sa hotel.
Habang naghihintay ay binuksan ko ang usapin tungkol kay Nathan.
Hindi makapaniwala ang aking mga bagong kaibigan sa nalaman ko at nakaramdam din sila ng inis kay Brixel.
“ Grabe naman yang pinsan mo kung ganoon?
Kaya siguro pinaalis kasi nadiskubre ni Nathan na may relasyon talaga sila ni Sir Corona.“
Sabi ni Nancy.
“ Matagal na rin ako dito,pero di ko naiisip na bading pala ang CEO. Nakakaloka pinatulan yung secretary…nakakapanghinayang naman yung kagwapuhan ni Sir Corona at sinayang lang sa isang lalake din.
Mawalan tuloy ako ng paghanga kay sir. Imagine ang yaman at ang gwapo tapos mapupunta sa ganoon lang?“
Pagsang-ayon ni Liezel.
“ Kaya nga ako naiinis kasi pakana ni Brixel yung pagkakakulong ni Nathan. Iniisip ko na… na-manipulate ni Brixel si sir at yun ang nangyari. Kinakatakot ko,malayo ang loob ng pinsan ko sa akin at baka dahilan lang na ayaw ako paligawan. Kasi nga magpinsan kami at baka umasa ako sa special treatment.“
Gulat na gulat sila sa mga iba pang bagay na ikinuwento ko.
Na nooy hatid sundo pa ang pinsan ko.
Na nakitulog na si sir Corona sa kwarto ni Brixel.
Ang ikinagulat pa nila lalo ay ang ibahay pa si Brixel at bigyan pa nila ang mama ko ng suhol para mapapayag lang.
Naramdaman nila ang pagkainis ko sa aking pinsan dahil maaring abusuhin niya ang kaniyang posisyon.
Na maaring konting salita lang niya ay pwede ng matanggal ang sino mang ayaw niyang makita sa office at pruweba na diyan si Nathan.
Kilala nila si Nathan na mabait at malambing sa mga katrabaho.
Maalalahanin at gentleman kayat walang grounds para siya ay sisantehin at ang masakit ay ang ipakulong pa.
“Eh abusado pala yang pinsan mo.”
“Kaya mga may plano ako para maunahan natin siya na mapaalis dito. “
Actually wala pa akong plano.
Mag-iisip pa ako kung anong madaling paraan para lumabas ang tunay relasyon nila.
Dumating na ang van na maghahatid sa amin hotel.
Nang makarating kami ay marami na palang tao sa loob ng malawak na event hall ng hotel.
Ito ang pinaghandaan nina Mam Fidel at ng mga assitant niya.
Nakakasosyal dahil first time kong makadalo sa ganitong pagtitipon.
Humanap agad kami maari naming okupahang round table na pang waluhan.
Malapit sa gitna at stage ang napili naming pwestuhan upang makita ng malapitan ang sikat na bandang kanilang naimbitahan.
Hindi pa nagsisimula ay hinainan na kami agad ng maari naming makain.
Sosyal at talagang hinahain ng mga waiter ang pagkain at hindi na pipila sa buffet table.
First time ko ang ganito pramis!
Iba talaga pag bilyonaryo ang nagbabayad.
Muling bumalik ang inis ko.
Naalala ko si Brixel.
Napansin ko ang puting dingding sa stage at sinabihan kami ng isang coordinator na maari kaming maglagay ng isang mensahe ng pasasalamat o ano mang gusto naming ipaabot sa CEO ng DataMax.
Nagkayayaan na kami ng mga kasama ko na makipirma na rin doon kahit napipilitan ako.
Binasa muna namin ang mga naunang sumulat doon at karamihan ay pare-pareho na lang ang mensahe.
Wala akong maisip na pwede kong sabihin.
Binulungan ko si Liezel at Nancy kung ano ang magandang mensahe.
Sa una ay ayaw pa nila.
Pero ng isulat ko ang alam ko ay nakigaya na rin sila sa aking idea.
Hindi pa ako masiyahan at ikinalat ko pa sa bawat sulok ang tungkol sa impormasyong bakla si Brixel at karelayon niya ay ang kaniyang boss.
Walang camera ang hotel na nakatutok sa stage na maaring ibalik sa amin ang tsismis na ito. Pero may mga mata na maaring makabasa nito at ikalat sa lahat.
Lahat dito ay kailangang sumulat kaya ginalingan naming tatlo na ibahin ang aming mga penmanship upang hindi kami mabuko.
Naka dalawanpung sulat yata ako sa napakahabang back draft na yun, hindi mahahalata sa malayo unless kung malapitan kung babasahin
Patay malisya kaming bumaba ng stage at bumalik sa aming pwesto at pinagpatuloy ang pagkain.
Nagkagulo na sa may entrance at halatang dumating na ang CEO.
Kabilaan na ang bati at kuha ng litrato ng ilan sa pagcongratulate sa nakuhang mga papasok na kontrata daw ng DataMax.
Siempre kabuntot doon si baklita.
Yumuko ako ng dumaan sila sa aming pwesto upang hindi ako makita.
Espesyal na pwesto kaagad ang ibinigay sa kanila,walang kwenta naman yung nakaupong isa.
Okay sana kung di na siya doon pinaupo pero maging atensyon ng kagaya sa amo ay ibinigay rin kay Brixel.
Kabwiset.
Nagsimula na ang kasiyahan at ang iba ay nasa dance floor na.
Inilabas na rin ang mga malalaking regalong ipapamimigay. Sa dami ay nagmukhang gift shop na ang ibaba ng stage.
Abala na rin ang host ng event sa pagchecheck ng program na gagawin.
Dinig ko na sa mga ganitong kasiyahan ay walang umuuwing luhaan dahil ang lahat ay nakakatanggap ng regalo at cash.
Ganito raw talaga kagalante ang DataMax. Big time at hindi nakapagsisising maging empleyado.
Daig pa ang pasko o company anniversary kung maghanda.
Nagsisimula na ang bulungan ng ilang mga empleyado tungkol sa dalawang magkatabi sa VIP table.
Marami na ang nakabasa sa mga isinulat namin at paniguradong kumalat na ang katotohanan na bakla ang boss namin at karelasyon pa ang pinsan ko.
Tahimik lang kami ni Liezel at Nancy na nakikiramdam ng tumayo si Brixel at puntahan ang stage.
Nagkatinginan kaming tatlo dahil nakaabot na sa kaniyang kaalaman ang mga nakasulat doon mula sa mga lumapit niyang mga kaibigan.
Bakit? Totoo naman ang mga nalaman namin ah? Hindi na nahiya at sa mayaman pa gusto idikit ang sarili. Malalaman at malalaman din ng lahat ang mga nakakahiyang pinaggagawa nila.
Sumunod si Sir Corona at expected ko na mababasa rin niya ang nakasulat.
Obvious na galit na si Sir Corona.
Ayun at halatang nanginginig na sa takot si Brixel ha ha ha.
Expected ko na ang ganitong eksena dahil takot siya sa confrontation at ayaw na napapahiya.
O di ba may hilahan pang drama si brixel na naganap sa kanila ng bumaba ng stage.
Halata na mukhang galit si Sir Corona at lahat ng atensyon ay nasa kanila na.
Okay…
Tama nga ang plano ko.
Aalis sila dahil sira na ang kanilang gabi.
Buko na sila!
Panay din ang mga bulungan ng mga kalapit naming employee tungkol sa kanilang nalaman.
Magsisimula na ang gulo sa buhay mo Brixel.
Ano pa ba ang pipiliin ng boss mo. Ikaw o ang kahihiyan ng pangalan.
Hinila ni Brixel si Sir Corona at mukhang manununtok na sa galit
Magwawala na!
Pero bakit huminto ng nasa kalagitnaan na sila ng dance floor?
Inalis ni Sir Corona ang pagkakahawak sa kaniya ni Brixel at muling bumalik sa stage.
Nagmuwestra pa siya sa sound technician na hinaan ang volume ng musika at nagsalita sa mikropono.
“ Good evening to every one…
Emy…Corazon…huwag nyo ng burahin ang nakasulat diyan…“
Bigla akong kinabahan sa narinig ko.
“ Alam kong nabasa na ng lahat ang nakasulat diyan…its okay…“
Shit…
“ Yes…Brixel and I are having an affair…
Hindi ko inaasahang aaminin talaga siya?
Bigla na lang napatingin ang lahat kay Brixel ng bumaba si Sir Corona sa stage.
“The truth is, Im involve with Him!
Ako ang may gusto sa kaniya. I don’t care what you people think…ang importante sa akin kung saan…at kanino ako masaya. Tutal may nauna na palamg nakaalam about us…why should we hide it and keep it a secret…
Unti-unting nag-iba ang energy ng paligid at kinakabahan na ang iba at kilig sa mga pinagsasabi ni sir.
“ …everyone…meet my partner.“
Hindi ko na natiis at lumabas na ako ng event hall.
Alam kong, ako ang pagdidiskitahan ng mga nakakita sa akin ng umulat ako sa backdraft ng stage.
Sa pagmamadali ko ay imbis na sa exit papuntang lobby ako lumabas ay napunta ako sa isang mahabang hallway.
Nagmamadali akong nagtungo sa exit nito ngunit pool area pala ang napuntahan ko.
Hindi ako makalabas sa isang exit dahil nakalock ito.
Naupo ako sa inis dahil pumalpak ang plano ko na masira ang gabi ni Brixel.
Mas pinili nila ang malagay sa kahihiyan kaysa karangalan.
Paniguradong malaking eskandalo ito at malalagay sa alanganin ang DataMax.
Hindi pa tapos…
Maari pang mabago ang lahat gayong alam na sa kumpanya na bakla rin si Sir Corona.
Pabalik na ako ng para lumabas muli sa dati kong pinasukan ngunit may lumabas namang isang babae sa pinto.
Siya ang kaibigan ni Brixel.
“ Hoy babae? Alam mo ba ang ginawa mo?
Ikaw ang sumulat sa stage tungkol kay Brixel at kay Boss Rustian!
Umamin ka!
Kayo ng barkada mo ang sumulat doon di ba?
Hinarang niya ang dadaanan ko.
Lumayo ako sa kaniya.
Takot akong malapitan ng babaeng mataba na ito dahil galit na galit talaga siya sa akin.
“ Wala kayong pakialam kang ano man ang gawin ko?
Bakit?
Totoo naman na bakla si Brixel at bakla din si Mr. Corona ah?
Mas maigi na tayo na ang unang makaalam kesa iba.
Pinadali ko lang.
Sila kaya ang dahilan kung bakit nakulong si Nathan.“
Sigaw ko sa kaniya.
“ E gaga ka pala e.
Wala ka pa lang alam,pinakikialaman mo ang hindi mo dapat pakialamanan!“
Magsasalita pa sana ako pero kasunod naman niya ang isa pa niyang payat na kaibigan.
Mukhang mako-corner ako dahil kasama din si Brixel na dumating.
“A no Brixel?
Pagtutulungan nyo ako dito?
Ako naman ang isusunod nyo ipakulong gaya ni Nathan?
Bakit?
Kasi nabuko na may relasyon kayo?
Sinabi sa akin lahat ni Ntahan ang tungkol sa inyo kung bakit nyo siya pinakulong.
Gusto nyo na wala kaming maging relasyon.
Nabuko niya kayo at siya ang inyong pinaalis sa office.
Pinagbintangan nyo na!
Pinakulong nyo pa!
Marami pa akong sasabihin pero napahinto na ako dahil kasunod na rin pala nila si sir Corona.
Pinagtutulungan nila ako.
Si Brixel lang ang kaya ko kayat siya lang ang pwede kong pag-initan.
“ Makinig ka…ipapaliwanag ko-“
Sa inis ko ay itinulak ko si Brixel sa pool at patakbo akong lumabas ng pool area pabalik sa event hall.
Uuwi na ako!
Humanda ka Brixel sa mama oras na malaman niya ang mga pinaggagawa mo sa trabaho.
A WHILE AGO SA LOOB NG EVENT HALL
*** RUSTIAN***
Harap-harapan ko ng ipinaalam sa publiko ang tungkol sa amin ni Brixel.
Wala akong pakialam sa kanilang sasabihin dahil mas mahalaga ay ang aking nararamdaman.
“ Mahal na mahal kita Brixel Remedios!“
Ang huli kong salita bilang paglalantad.
Madaling sabihin na gay o bisexual ako pero hindi.
Naattract ako sa kaniya as is at sa kaniya lang.
Yung maaring hinahanap at ine-excpect ko sa isang babae ay nasa kaniya pala.
Hindi naman importante sa akin ang panlabas na anyo.
Kahit babae pa siya o lalake.
Aaminin ko na attractive si Brixel.
Gwapo siya.
Masasabi ko siguro na androsexual ako.
Nakita ko sa kaniya ang hinahanap ko sa lahat ng aspeto kaya malakas ang loob ko na ipakilala siya sa lahat.
Nilapitan ko siya at magkatitigan kami.
Tahimik ang lahat.
Kapwa kami naluha.
Wala na kaming napansin sa aming paligid at nagyakapan kami ng mahigpit at naglapat ang aming mga labi.
Narinig namin ang mga hiyawan at palakpakan ng mga nakasaksi sa amin.
Pinigilan ko lang ang nararamdaman ko sa saya dahil hindi na namin kailangan pang ilihim ang aming pagmamahalan sa karamihan.
Dinagsa naman kami ng mga tao para kamayan sa aming pag-amin.
Ngunit hinila naman ni Emy si Brixel at kakausapin lang daw niya ito sandali at lumabas sila.
Binigyan ko ng signal si MS.Fidel na kalmahin ang mga tao at paliwanagan tungkol sa totoong nangyari kay Nathan.
Nahirapan akong makalabas ng hall sa dami ng nasasalubong ko na bumabati sa akin.
Sa gawing pool area ako nagmadali upang sundan sina Emy at Brixel.
Doon ay naabutan kong sinisigawan ng kaniyang pinsan si Brixel.
Nagtatalo sila at mukhang si Maricar ang may pakana ng nangyaring usapan kanina tungkol sa amin ng kaniyang pinsan.
Lalapit ako ngunit biglang itinulak ni Maricar si Brixel at nahulog ito sa pool sabay daan sa harapan ko palabas ng pool area.
Bigla akong natulala at kinabahan.
Hindi pala marunong si Brixel lumangoy.
Napako ako sa aking pagkakatayo.
Takot ako…
Mula ng mamatay ang aking kapatid ay natakot na akong lumapit o makakita ng pool.
Ngunit nahihirapan si Brixel umahon sa malalim na pool dahil sa suot niyang amerikana at sapatos.
Nagsisigaw na sina Emy at Corazon.
Hindi maalis sa isip ko ang kapatid ko.
Nagflash back sa alaala ko ang tagpo ng mga dugong nagkalat sa sahig.
Muli kong narinig ang hiyawan ng lahat ng kasambahay.
Nanumbalik sa akin ng buhatin nila ang malamig na katawan ni Lurian.
Ang paninisi ng papa at Kuya Arnian sa akin.
Ang nakakamatay na iyak ng mama ng isakay siya sa kotse.
Ang naiwan akong nakatayo mag-isa sa dugaang sahig at buhatin ni mang Ross palayo sa lugar kung saan nangyari ang insidente.
Lahat ng iyon ay bumalik sa aking alaala habang nakatingin sa nalulunod na si Brixel.
“Saklolo!!!”
Ang sigaw niya.
Nanginginig pa rin ako sa takot ng makita kong unti-unti siyang lumubog.
“Gumalaw ka…gumalaw ka…”
Utos ko sa aking mga paa.
Gumalaw ito palakad at patakbo.
Nawala ang panginginig ng aking mga kamay.
Nablanko ang utak ko at nawala ang mga nakaraang pangit na alaala.
Nasentro ang paningin ko sa anino ng lalaking hindi gumagalaw sa ilalim ng tubig.
Nagkaroon ako ng lakas ng loob na tumalon sa pool.
Sinisid ko ang kalaliman nito at inabot ko ang kamay ni Brixel na walang malay.
Niyakap ko siya at iniahon.
Nagtulong ang dalawang babae na maitaas siya sa gilid ng pool.
Agad akong umahon at pinakiramdaman si Brixel.
Wala akong maramdamang pulso kayat binigyan ko siya ng CPR.
Hindi ako papayag na may mawala na naman sa aking kapabayaan.
Hindi si Brixel.
Hindi ako papayag.
Lalabanan ko si kamatayan mabuhay ka lang.
Mouth to mouth resuscitation at chest compression ang aking ginawa.
Nagbunga ang dasal nina Emy at Corazon ng muling balikan n ng malay si Brixel.
Lambot na lambot ako ng yakapin siya.
Ibinuhos ko ang lahat ng aking pagmamahal sa kaniya upang mapaglabanan ko ang aking takot.
Ngayon ko napatunayan na mahal ko talaga si Brixel.
“ Boss… okay na ako…hindi na ako makahinga…“
Niluwagan ko ang aking mahigpit nq pagkakayakap.
Iyak pa rin akong iyak at hinalikan siya sa labi.
“ I love you! I love you! Hu hu hu!“
Iyon lang ang nasabi ko.
BEFORE THAT MOMENT
Matapos itulak ni Maricar si Brixel sa pool ay bumalik ito sa event hall para umalis.
Ngunit naabutan niyang nagsasalita sa podium si Ms.Fidel.
Papalabas na sana siya ng hall ng marinig niyang binanggit ang pangalan ni Nathan.
“ I know all of you heard what happened to Nathan from the finance department.
Kalat na rin sa inyo kung bakit siya inalis sa trabaho at inaresto last week.
Nais sana naming c
o
nfidentual ang issue na iyon dahil malaking eskandalo talaga para sa kumpanya ang nangyari.
Remember na kaya tayo nadelay sa submission ng proposal natin?
Its because of Nathan.“
Napuno ng bulungan ang buong hall. Hindi sila makapaniwala na iyon pala ang dahilan at hindi ang tsismis na pinakalat ni Maricar.
“ Yes…si Nathan ang dahilan kaya nakopya ang ating project. Siya ang mole ng kalaban natin kaya nakokopya ang ating voting machine.
Hindi lang isa, kundi dalawang beses pa.
Pinakulong siya sa salang pagnanakaw ng mga data ng ating opisina.
Pero-huh! Mr. Corona is a genius guy kaya madali sa kaniya na malaman ang lahat…at dahil sa tulong ni Mr. Remedios with his friends…naagapan natin ang project at nanalo tayo sa bidding.
So don’t be surprised kung napamahal kay boss ang kaniyang secrertary…
Maski ako nagulat din dahil hindi ko alam na sila pala.
Walang masama kung meron mang namamagitan sa ating boss with his secretary.
Sana nama’y huwag ninyong gawan ng issue ang personal nilang buhay.
We are family,at sa loob ng pamilya ay laging may suporta.
Suporta na laging ibinigay sa atin ni Boss Rustian kaya dapat natin ding ibalik sa kaniya ang nararapat na respeto.
Dahan-dahan lumakad palabas si Maricar ng marinig niya ang lahat ay pabor sa pagkakakulong ni Nathan at sa realsyon ng boss at ng secretary nito.
Lalong ayaw niyang may makapansin sa kaniya.
Nawala ang kaniyang tapang at paniniwala kay Nathan.
Ngayon niya na-realize ang pagkakamali na ginamit siya na magpakalat ng isang kasiraan ng isang kumpanya…ng CEO…at ng kaniyang kadugo.
Nanlambot ang kaniyang mga tuhod ng makasakay sa isang taxi.
Wala na siyang dahilan para muling bumalik ng DataMax dahil sa kaniyang mga ginawa.
Alam niyang wala na siyang babalikang trabaho.
Walang mukhang ihaharap kay Rustian at lalo na sa kaniyang pinsan.
Umuwi siyang bigo lulan ng isang taxi…
Lumipas ang magdamag at sumikat ang bagong araw.
Sa bahay ni Donya Consuelo…
Nag-aagahan ang matandang donya ng may makita siyang isang news item sa isang pahayagan sa kaniyang lamesa.
Isang balita ang kaniyang nabasa tungkol kay Rustian at Brixel.
“MULTI-BILLIONAIRE COMES OUT WITH HIS BOYFRIEND”
Ang headline ng balita at kasama sa larawan ay ang magkayakap na anak at ang secretary nito.
Agad na nawalan ng gana amg matanda at nagpahanda ng sasakyan sa kaniyang driver.
“ Saan tayo pupunta madam?“
Tanong sa kaniya ng personal driver.
“Sa Taguig…pupuntahan ko ang magaling kong anak.”
Mukhang may isa pang pipigil sa pagmamahalan ng dalawa ah?
Magkakalaman na sa tunay na ugali ng donya.
ABANGAN!!!!
NEXT UP
YUNG KAY XEVEN MUNA!
SALAMAT PO SA COMMENTS AT VOTES!!!
CHAPTER 25 CHOICES
BRIXEL
Dahil sa mga ginawa ni Maricar na gulo sa party at sa pagkakatulak niya sa akin ay labis na nag-alala si Boss Rustian kayat wala ng rason para muling bumalik pa sa kasiyahan at napagpasyahan niyang umuwi manatili na lang kami dito sa condo.
Labis ding nag-alala si Ms. Fidel ng malaman niya ang dahilan kung bakit kami biglang nawala sa party.
Hindi man niya sabihin ay dama ko ang pagkainis niya sa mga ginawa ng pinsan ko at ng mga kasama nito.
Pinakiusapan ko siya na huwag silang iterminate sa trabaho dahil sa kanilang mga ginawa.
Sa tingin ko naman ay narealize na rin ni Maricar ang kaniyang mga nagawang pagkakamali.
Hinayaan na lang ako ni Boss sa desisiyon kong ito na patawarin sila at ayaw ko ng makadagdag pa sila sa haharapin naming issue ngayon.
Naawa rin naman ako sa pinsan ko dahil mas malala nga siguro ang manipulasyon ni Nathan kaya niya nagawa ang mga ganoong bagay.
Sa kabila ng nadarama kong pagkadismaya para sa pinsan ko na piliin niya ang side ng iba kesa sa akin ay may kasiyahan namang kapalit sa tabi ni Boss Rustian.
Namangha ako sa mga kwento sa akin nina ate Corz at Emy kung paano iniligtas ni Boss ang aking buhay.
Daig ko pa ang nanganak kung paano ako iuwi ni boss sa pag-aalala sa kalagayan ko.
Hindi niya ako iniwan at laging nakatabi hanggang sa pagtulog.
Masaya ako kahit may taong balak sirain ang aming relasyon dahil napatunayan namin sa kanila na may paninidigan kami sa ganitong pag-ibig.
Maaga rin pa lang natapos kagabi ang party dahil sa anunsyong may parating na malakas na bagyo ngayong araw.
Advice kasi sa mga empleyado na kung may bagyo ay maari silang manatili sa mga sleeping quarters sa loob ng building sakaling bumagsak na nga ang unos hanggang sa humupa na ito.
Sa ngayon,ito lang ang natanggap kong report mula kay Ms.Fidel na papasa ko naman kay Boss.
Inaantabayanan ko rin ang balita tungkol sa bagyo dahil sinabing malakas daw ito kayat nag-aalala rin ako sa magiging kalagayan ng pamilya ng ate ko sa probinsya.
Pasado alas onse na ng umaga ng kami ay lumabas ng silid upang kumain ng agahan/pananghalian.
Walang pasok si Boss kung sabado kaya natagalan kaming bumangon sa pagkakahiga.
Pagkatapos kumain ay pinaghanda ko siya ng kaniyang pampaligo at masusuot na damit. Hanggang sa may narinig akong boses na nagmumula sa sala.
May bisitang dumating at ang mama ni Boss ang narinig kong nagsasalita.
Lumabas ako upang silipin sila.
Napahinto ako at bahagyang nagtago sa isang dingding dahil narinig kong binaggit ang pangalan ko ng kanilang usapan.
Nakarating na pala sa donya ang nangyaring kaguluhan kagabi sa party at ang pagamin niya tungkol sa aming relasyon.
Ang masama ay hindi natuwa ang mama niya sa nalaman tungkol sa amin…
RUSTIAN
Nabigla ako ng marinig ko mula sa dining area ang boses ng mama ng pumasok ito sa aking sala.
Nagtataka ako kung bakit siya bumisita ng walang pasintabi.
“ Mag-usap nga tayo!“
Nabigla ako ng hilahin niya ako at umupo siya sa sofa.
Alam ko na ang dahilan kung bakit siya narito.
“ Ano itong headline na your having an affair with brixel?! Explain it to me!“
Sabi ko na.
Ang bilis talaga ng balita.
“ Its true.“
Matapang kong sagot ng walang pag-aalinlangan.
Isang pag-amin ng may katapatan gaya ng pag-amin ko sa madla.
“ Hindi ka ba natatakot na maaring maapektuhan ang negosyo mo?
Sa mga tao?
Sa ating pamilya?
Ano na lang ang sasabihin nila?“
Nais kong matawa sa mga sinasabi ng mama.
“Ano,hindi ka ba sasagot?”
Tumayo na ang mama.
“Gaya ng nabasa nyo mama totoo na may relasyon kami ni Brixel.”
Ang mahinahon kung tugon.
“My goodness?! Anak naman?!
Bakit sa isang lalaki pa?
Are you both gay?!
Bakit hindi mo sinabi sa akin na…na…your…your like this?“
Muli siyang napaupo.
“Like this ?
Like this mama?
As if sakit ang tingin mo sa relation ko with a man?
Oh come on mama…
Ilang mali at tamang desisyon ko ba ang ikinunsulta ko sa inyo na binigyan mo ng pansin?“
Wala akong matandaan kahit noong nagluluksa kaming lahat sa pagkamatay ng kapatid ko.
“ Buong buhay ko mula ng mamatay si Lurian ay sinisi ko na ang sarili ko sa kapabayaan ko sa kaniya.
I tried to survive dahil alam kong sisisihin ako ng papa.
Wala kayong narinig sa akin noong nagluluksa ako.
Sinisi ako ng papa!
Nang kuya!
Sinisi ko ang sarili ko!
Nanahimik kayo!
Nawalan na ako ng pag-asang mabuhay noon!
Si Brixel lang ang nagdugtong sa buhay at mga pangarap ko…
Ngayong umiibig ako,kokontrahin nyo?
Because of who?
Ng ibang tao?
Ng mga kamag-anak?
Kaibigan,kakilala at ng mga tauhan ng kompanya ko na ako mismo ang nagtayo?
The hell with them mama!
Buhay ko ito at hindi ako papayag na maging ikaw ay magdedesisyon sa taong gusto kong makasama.
Ayaw ko ng isa pang kuya Arnian sa buhay ko!“
Hindi ko sinasadyang magtaas ng boses sa mama.
Sumabog lang ang galit ko dahil alam kong hindi siya sang-ayon sa amin ni Brixel.
“ Paano kung pera lang ang habol sa iyo ng secretary mo Rustian!“
“Huwag mong minamaliit si Brixel mama. Hindi mo siya kilala. Hindi mo alam kung gaano kadakila ang puso ng secretary ko. Im sorry mama,you can’t change my mind…mahal ko siya.”
Isang pangungusap na tinuldukan ko na ng pangako.
Hanggang maramdaman kong may lumapit sa aking likuran.
“…sorry madam…mahal ko rin po ang anak ninyo.”
Boses ni Brixel.
Narinig niya marahil ang lahat ng aming usapan.
Nanahimik ang mama habang palipat-lipat ang kaniyang tingin sa aming dalawa.
Tumayo at ahimik niya akong tinalikuran at nagbukas ng pinto papalabas ng aking condo.
“ Alam mo ba mama na si kuya Arnian ang nagnanakaw at nagbebenta ng mga project ng DataMax sa mga kalabang kompanya?“
Muli niya akong nilingon.
Bakas sa kaniya ang pagkagulat sa sinabi ko.
Muli siyang tumalikod at tuluyan ng lumabas ng pintuan.
Tahimik kaming naiwan ni Brixel.
Humarap ako at niyakap siya.
BRIXEL
Narinig ko ang lahat ng kanilang usapan.
Kabado ako dahil ngayon ko lang narinig na nagtaas ng boses si boss.
Hindi gaya ng dati kung paano niya kausapin si Nathan.
Naguguluhan lang ako sa ilang mga sinabi ni boss tungkol sa akin.
Matapang si boss na pag-ibig ang pinaglaban niya.
Ako ang pinili kesa sa mga sasabihin ng iba.
“ Paano kung pera lang ang habol sa iyo ng secretqry mo Rustian?“
Gusto kong harapin ang donya.
Nasaktan ako sa sinabi niya.
“ Huwag mong minamaliit si Brixel mama. Hindi mo siya kilala. Hindi mo alam kung gaano kadakila ang puso ng secretary ko. I’m sorry mama. You can’t change my mind…mahal ko siya.“
Biglang nawala ang kaba at takot ko ng marinig ko ang mga sinabi ni boss.
Ngayon ko lang siya naringgan ng ganoong kataga.
Mahal niya ako.
Lakas loob akong umalis sa aking pwesto at lumapit sa likuran ni boss.
“ …sorry madam,pero mahal ko rin po ang anak ninyo.“
Tumayo ang donya at umalis ng walang sinabi ng malaman niya ang tungkol sa ginawa ni sir Arnian kay Boss.
Katahimikan ang bumalot sa amin ng magasara ang pinto.
Pagkatapos ay humarap si boss sa akin.
Lumapit at niyakap ako.
Isang mahigpit na yakap din ang iginanti ko dahil alam kong mahihirapan pa kami na makumbinsi amg mama niya tungkol sa aming dalawa.
Tahimik kaming naupo.
Walang salitaan.
Nagpapakiramdaman.
Himawakan niya ang kamay ko.
Nakatingim kami sa aming kamay ng magsimula siyang magsalita.
“ Hindi ako nagsisis sa mga sinabi ko sa mama…
Totoo naman ang lahat ng iyon…
Gusto kong malaman mo na ikaw ang inspirasyon ko…
Like what I have said, ikaw ang nagdugting sa buhay ko.
Siguro nakalimutan mo na ako noon.
Or hindi mo talaga ako natatandaan.“
Nagugukuhan ako sa kaniyang mga sinasabi.
Nagulat ako sa kaniyang kwento.
Matagal na palang makrus ang aming landas tatlong taon na ang nkaraan.
Nanlaki ang mga mata ko ng malaman ko na siya pala ang lalaking inabutan ko ng pera noong ipinagtabuyan siya ng aming manager.
Hindi ko talaga siya makikilala dahil sa madumi at mabaho ang kaniyang kalagayan noong gabing iyon.
“ Hindi ko intensyon na ilihim ang lahat sa iyo.
Noon pa man,may plano na ako sakaling magkita tayo muli.
Ang tulungan ka gaya ng ginawa mo sa akin noon.
Nagkataong nagtrabaho ka sa DataMax kaya agad kitang kinuha sa tabi ko upang subaybayan ka.
Doon ako nagsimulang magkagusto…sa iyo.
Siguro napalqpit ako sa iyo dahil maasikaso ka.
Malalahanin.
Madaldal.
Higit sa lahat ay ang pagkatao mo.
Doon siguro ako nainlove sa iyo.
Im a man of many reason.
At walang anumang contradiction sa reasons ko bakit ikaw ang minahal ko Brixel.“
Aangkinin kong tadhana na pinagtagpo kami.
Natatandaan ko ang gabing iyon noong pilit siyang palabasin sa pintuan. Agad akong nagtungo noon sa aking locker at madaling kinuha ang 300 sa 375 kong budget para sa dalawang araw kong pasok sana.
Kung tutuusin ay kapos na kapos din ako ng mga araw na iyon at utang din ang ibinigay ko.
Naawa ako sa kaniyang kalagayan kayat di ako nag-alinlangan tulungan siya.
Ang pagtulong naman ay hindi dahil sagana ka o may sobra sa iyo. Minsan kailangan din ng sakripisyo.
Nakakatuwa…
Nakakaproud…
Nagpapasalamat ako sa values na itunuro sa amin ng aming mga magulang.
Ang makipagkapwa tao.
Ang magpakita ng respeto at pagtulong.
Gaya ng mga nakita ko kay boss kung paano siya tumulong sa iba.
Pay it forward.
Nakakatuwa ang tadhana.
“ Masaya ka ba?“
Seryoso niyang tanong sa akin.
Tahimik akong napangiti ng hindi tumitingin sa kaniya.
Hindi ako makapagsalita dahil naalala ko ang sinabi niya sa harap ng kaniyang mama na mahal niya ako.
Bigla akong nahiya ng maalaala ko rin ang pagsagot ko na mahal ko rin siya.
Piniga niya ang kamay ko.
“ Di ka na nagsalita dyan?“
“Yes boss,masayang masaya ako.”
Tumingin ako sa kaniyang mga mata upang patunayang masaya ako.
Humigpit din ang kaniyang mga hawak sa kamay ko.
“ Paano kung tuluyan ng magalit sa iyo ang mama mo?“
Tanong ko sa kaniya.
“ Hindi ko na iniisip yun. Ang mahalaga yung gusto ko sa buhay ko. Yung ganito.
Huwag ka mag-isip about what mama wants me to be.
Wala naman siya magagawa dahil buhay ko ito.“
Hindi na ako sumagot at kapwa na kami nanahimik.
DONYA CONSUELO
Hindi na ako makapagsalita laban sa aking anak.
Bumaba ako ng condo at sumakay sa aking kotse pauwi ng Batanggas.
Habang nabiyahe ay tahimik akong nag-iisip tungkol sa mga nangyari.
Totoo ang sinabi niya na wala akong ginawa na ayusin ang hidwaan nilang magkapatid noong namatay si Lurian.
Masakit sa akin bilang isang ina na mamatayan ng isang anak.
Ngunit ayaw kong mawalan pa ng isa sa pagtatangka ni Arnian kung papabor ako lagi kay Rustian.
May depresenya sa pag-iisip ang kuya nila.
Mula ng magkaroon ng mild traumatic head injury si Arnian ay nag-iba na ang ugali nito.
Nagkaraoon siya ng physical at verbal outburst.
Implusive,naging pesimistic para sa iba at egocentricity.
Bata pa ay umiinom na siya ng gamot para sa kaniyang mga nararamdaman.
Lumala ito ng mamatay si Lurian kaya nasentro ang pagtingin ko kay Arnian.
Dahil dito ay napalayo ang dadamin ni Rustian sa akin kaya hindi ko nasubaybayan ang lahat sa kaniya.
Hindi ko kilala ang anak ko.
Wala akong karapatan na husgahan siya.
Nagkamali ako.
Mali pala ang ginawa ko na pagbaguhin ang desisyon niya tungkol kay Brixel…
Wala na akong magagawa…
Kahit ina ako…
Hindi ko mahahadlangan si Rustian.
Buo na ang kaniyang desisyon.
Ang magagawa ko na lang ay tanggapin na ganoong buhay ang gusto ng anak ko.
Ang bumagbag sa akin ay huling sinabi sa akin ni Rustian tungkol sa kaniyang kuya.
Na ninakaw at ibinenta ni Arnian ang mga project sa DataMax?
Ano ang ibig sabihin ni Rustian?
May parating na bagyo…
Abangan.
CHAPTER 26 TEST OF FAITH
Dahil sa paglabas ng kontrobersya tungkol sa nangyari sa gabi ng victory party ay agad itong na-headline sa mga dyaryo at humugong sa balita ng bawat estasyon sa tv.
Bagamat pribado at tago ang personalidad at pagkakakilanlan sa CEO ng DataMax, marami ang nagkainteres na malaman kung sino talaga ang batang business tycoon lalo na at kamakailan lang ay umugong ang pangalan tungkol sa hybrid voting machine at ngayon naman ay ang balitang pag-amin nito sa kaniyang kasarian at relasyon sa secretary.
Marami ang nagkainteres sa balita lalo pa ng kumalat sa social media ang kanilang mga larawan na magkasama.
Hati ang reaksyon ng madla,marami ang pumuri at natuwa sa kanila na para bang isang cinderella story na isang karaniwang empleyado ay makakatagpo ng isang mayamang binata.
Sa iba ay kahibangan dahil mayaman ang isa at hindi pa humanap ng kagaya niyang isang mayaman din.
Nakarating na kay Donya Consuelo ang balitang ito at nakausap si Rustian na pinakiusapang huwag ng magpatuloy sa kanilang relasyon na tinanggihan din naman ng binata.
Ngayon naman ay ang saloobin ng kaniyang kapatid na si Arnian ang ating alamin.
Nasa provincial site sa Visayan region ngayon si Arnian at pinamamahalaan ang mga pinapatayong kabahayan sa sariling subdivision.
Sa mga oras na ito ay hinahabol niya na matapos na ang ilang mga bahay na itinatayo.
At dahil sa balitang may paparating na bagyo ay pansamanatalang pinapahinto ito ng local goverment bilang pag-iingat.
ARNIAN
“ Sir,Nakatanggap tayo ng tawag mula sa munisipyo na itigil daw po muna natin ang mga operation sa site at pauwiin po muna ang mga tao. Baka daw po maabutan ng bagyo ang trabahador natin bago pa sila makapaghanda.“
Bungad ng architect ko sa akin.
Maaantala ang trabaho sa site kung pauuwiin ang trabahador lalo pa at malalayo ang mga uuwian ng ilan.
Delay na nga kami operation,tapos para sa isang bagyo lang pauuwiin pa sila.
Lumabas ako ng opisina kung saan katabi lang ng 20 ektaryang subdivision na aking ipinapatayo.
Ipinahinto ko ang trabaho at ipinatawag ang mga construction worker upang sabihan sila tungkol sa utos ng munispyo.
Pansantalang kong ipapahinto ang trabaho para pauwian sila dahil sa paparating na bagyo.
Sinabi ko rin na nasa kanila din ang desisyon kung uuwi. Ngunit kakasweldo palang nila dalawang araw ng nakakalipas kayat wala rin silang maaaring iuwi na sahod ngayon.
Mahigpit ako sa pagpapa-advance ng sweldo dahil kapos din ako sa mga bayarin at advance na binabayaran kong mga materyales.
Kalahati lang ang ibinigay ng mama sa nahingi ko.
Nagbigay ako ng option na pwede silang magpalipas ng bagyo sa site at hihintayin nilang humupa ito para makapagpatuloy ng trabaho pagkatapos ng unos ng hindi na sila maabalang pmagpabalikbalik pa.
Nag offer na lang ako na bibigyan ko ko lang sila ng groceries na pwede nilang ipadala sa kanilang mga pamilya pagkatapos ng bagyo.
No choice kaya mababawasan ko ang nahiram ko.
Alam naman natin na mabagal ang sistema dito sa probinsya lalo pa sa pagbibigay ng tulong.
Nasa 70 percent na ang mga naitatayong bahay kaya hindi maaaring itigil ito ng ganoon kadali.
Bagyo lang naman yun at nawawala din sa magdamagan. Pinakamahaba na siguro yung dalawang araw.
Kung uuwi pa ang mga trabahor baka limang araw matetenga ang construction.
Nagsimulang magrequest ang ilan na kung maaring dagdagan ang groceries na ibibigay ko.
Pumayag na ako para matapos na ang usapin na wala naman akong planong tuparin.
“ Sige,pagnatapos natin ang project sagot ko na ang alak nyo!“
Nagtawanan ang ilan sa sinabi ko.
Huli ko ang kiliti mg mga trabahador ko.
Naobserbahan ko sila na sa tuwing natatapos ang trabaho ay sa mga kalapit na tindahan sila nag-iinuman at nagvivideoke.
Nagtataka ako kung magkano kaya ang pinapadala nila o nauuwi sa pamilya.
Alak lang ang katapat kung gusto nila ng kasiyahan pagkatapos ng maghapong trabaho.
Pumayag ang ilan na hindi na uuwi dahil sa panghihinayang sa groceries na pangako bilang pang-uuto sa kanila.
Yung ilang mga bata-bata na helper ay uuwi.
Hindi ko na sila pinigilan at kagustuhan nilan yun.
Sinabihan ko na lang ang mga nagpaiwan na huwag na silang tumuloy sa kanilang barracks at sumilong na lang nila ang ilang unit ng subdivison para mas ligtas sila sa malakas na hangin at buhos ng ulan.
Pinagbigyan ko pa sila ng hiritan nila akong bumili ng alak dahil malamig daw kung uulan mamayang gabi.
Pinagbigyan ko na lang dahil wala ring gagawin kinabukasan hanggat hindi pumapayapa ang bagyo.
Tigil na ang construction at pinaghanda ko na sila.
Ipinaayos ko na lang ang mga supply ng semento at mga bakal sa bodega upang huwag itong mabasa.
Inutusan ko na rin ang foreman na magsama ng ilang tao upang maging katuwang para sa mga bibilhing groceries na ipamimigay.
Nang maayos na ang lahat ay bumalik na ako sa opisina ng construction site.
Binuksan ko ang tv upang alamin ang tungkol sa bagyong parating.
Hindi ko naman maintindihan ang balita dahil visaya ang dialect ng mga news anchor.
Hahanap sana ako ng ibang estasyon ng mabanggit sa tv ang pangalan ni Rustian.
Isang balita na siya ang headline.
Napatawa ako sa kaniyang ginawa.
Ang ilagay sa kahihiyan ang sarili.
Siya na mismo ang naglagay sa alanganin ng kaniyang posisyon sa lipunan.
Kilala ang DataMax sa buong mundo,liban lang kung sino si Rustian.
Magpapakilala lang sa madla pati pagkabakla ay inilantad na rin.
Nagring ang aking cellphone.
Pinatay ko ang tv dahil ang mama ang tumawag.
“ Nakakahiya ang kapatid mo!
Kalat na sa bansa ang ginawa niya sa victory party.!
Alam kong nakarating na sa iyo ang balita.
Papunta ako ngayon sa kapatid mo at kakausapin ko.
Sobra!
Sobra ang kahihiyang ginawa niya!“
Expected kong ganito ang reaction ng mama.
“ Wala ng bago kay Rustian,Mama.
Kung kakausapin nyo siya,ako na ang kakausap sa secretary niya.“
Sagot ko.
Hindi man ako nagtagumpay sa una kong plano,may pag-asa pa na masira ko na talaga ang Rustian na yan.
“ Sige,nandito na ako sa harap ng condo niya. Tatawag ako mamaya. Nakakahiya talaga!“
Ibinaba ng mama ang aming usapan.
Naghintay ako ng isang minuto para makakuha ng tiempo.
Mga sandaling ito ay nagkakagulo na siguro sila.
Kakausapin at pagsasabihan ng mama si Rustian.
Magkakaroon ng sagutan.
Sa huli, ang mama pa rin ang masusunod dahil ayaw ni Rustian na nagdaramdam ang mama.
Kilala ko silang dalawa na parang trumpo na napapakikot ko sa aking mga palad.
Alam ko ang mga panlaban ni Rustian.
Pipiliin niya ang gusto niya kesa sa kagustuhan ng mama.
Sabik sa pagmamahal si Rustian at pipiliin niya ang pagkabakla.
Hindi matitinag ang kapatid ko at aalis ang mama.
Alam ko na ang mga ganitong senaryo.
Maaring lumayo na ang mama sa kaniya.
Hindi matitiis ni Rustian ang mama kaya’t isasakripisyo niya ang pakikipagrelasyon.
Yun ang nais ko.
Hindi man sa aspeto ng yaman ay sa emotional siya babagsak.
Muling nagring ang aking cellphone at ang mama ang tumatawag.
Sinagot ko ito.
Marahil ay tapos na sila sa kanilang pag-uusap at tagumpay ako sa aking plano.
Bumati ako sa kaniya.
Ngunit iba ang bungad niya sa akin.
“ Magsabi ka Arnian…ikaw ba ang nagleak sa project ng kapatid mo? Magsabi ka ng totoo.“
Hindi ko akalain na iyon ang itatanong sa akin ng mama.
“ Mamaya ako tatawag mama. Masyado akong abala sito sa site. Ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat. Sige mama, tatawagan kita mamaya.“
At tinapos ko na ang aming pag-uusap.
Hindi ko napaghandaan ang ganitong sitwasyon.
Ngayon lang yata nagkaboses si Rustian tungkol sa akin.
Mukhang pinili niya ang pakikipagrelasyon kesa sa malagay sa kahihiyan.
At alam na rin ng mama na ako ang sumisira sa DataMax…
Peste…
Pahamak talaga ang Nathan na yon.
Kung hindi ko man masira ngayon…
May nakikita pa akong paraan kung papaano.
Si Brixel…
Siya ang dapat kong unahin…
Matapos magkita ang mag-inang Rustian at Donya Consuelo ay isang malakas na bagyo ang dumating kinagabihan sa buong metro manila.
Kabilaan ang balita sa bawat istasyon ng tv na nasa signal number 4 ito kaya’t alisto ang lahat sa maaring dala ng pag-ulan at hatid ng malakas na hangin.
Sa kabilang banda ay panay naman ang tawag ni Brixel sa kapatid na nasa probinsya.
BRIXEL
“ Okay lang kami dito,nasabihan na naman kami na lumikas na. Nandito kami ngayon sa irasan ng asin. Mataas naman dito kaya hindi kami aabutin kung tumaas man ang tubig. Nga lang walang tao sa bahay kaya ang kuya mo ang nagbabantay dun. Hindi kasi niya mailaks ang mga baboy kaya sa loob ng kubo na lang muna niya ikinulong.
Ikaw kamusta na dyan?
Malakas din ba ulan dyan?“
“Mahangin lang pero hindi naman gaano malakas ang ulan.
Ingat na lang kayo dyan ha.
Tawag-tawag ako uli mamaya,may inaasikaso lang akong documents ni boss e.
Ayun nasa o line meeting kasi nga hindi kami pumasok kaya dito sa condo siya nag-oopisina. Ingat na lang ate at kamusta mo na lang ako sa kuya at sa mga bata. Baka next month makabisita na ako. Sige na ’te, ingat ha.
At binaba na ni Brixel ang usapan nilang magkapatid.
Kampante na siya sa kalagayan ng kaniyang kapatid dahil nasa ligtas silang lugar sakaling umulan na naman ng malakas sa kanilang lugar.
Ilang oras ang lumipas ay isang masamang balita ang napanood nila sa tv.
Isang malakas na buhos na ulan at hampas ng hangin ang dumaan sa visayan region.
Tumaas ang tubig na naging sanhi ng matinding pagbaha na umabot pa hanggang bubong ng mga bahay.
Tanging mga live stream sa fb o youtube ang naging feeder ng mga balita sa tv dahil wala ng kuryente at paraan ng signal ng telepono sa lugar.
Alalang-ala si Brixel sa kalagayan ng kapatid at pamangkin dahil sentro ng bagyo ang kinalalagyan nito.
Wala silang paraan kung paano magkamustahan na.
Lumipas ang ikatlong araw at bumaba bahagya ang baha. Dito na bumungad na ang kalunos-lunos na na pangyayari sa lugar.
Mga sirang kabahayan, mga bagsak na puno, patay na hayop at mga nagkalat na bangkay ng mga taong nalunod at tinangay ng baha.
“ Boss.. Hu hu hu… Tulungan mo ako. Ang ate at mga pamangkin ko hu hu hu. Gusto ko silang makita. Boss…
Pagmamakaawa ni Brixel kay Rustian.
Ano ang mangyayari sa dala ng trahedyang ito sa buhay ni Brixel at Rustian.
ABANGAN!!!
CHAPTER 27 AFTERMATH
Isang kalunos-lunos na pangyayari ang iniwang bakas ng malakas na bagyong dumaan sa Kabisayaan ang nagpagimbal sa buong mundo.
Naging sentro ng mga balita ang mga naiwang pinsala ng malakas na unos.
Mga pananim, kabahayan, hayop at maging buhay ng mga tao ang naapektuhan sa malaking galit ng kalikasan.
Matapos ang dalawang araw na walang habas na pag-ulan,malakas na hangin at rumaragasang pagbaha ay isang malabangungot ang nasaksihan ng lahat.
Nagkalat sa paligid ang mga bangkay ng mga tao hindi nakaligtas sa malakas na pag-agos ng baha.
Nakakakilabot ang mga hiyawan at iyakan ng lahat sa pagdadalamhati.
Maliwanag ang kalangitan ngunit tila dinanan ito ng isang salot ng kamatayan.
Masangsang na amoy ang bumabalot sa buong paligid na dala ng hangin mula sa mga tubig alat, putik at mga bangkay na nagkalat tao man o hayop.
Nakakakilabot ang mga nangingitim na mga bangkay na naglakihan ang tiyan dahil sa pagkalunod at pagkasira ng katawan mula sa kamatayan.
Ito ang laman ng mga balita na tumambad kay Brixel na lalo niyang ikinatakot at pinag-alala.
“
ATEEEE! DIYOS KO ANG ATE KO!!! ANG MGA PAMANGKIN KOOOO!!!“
Palahaw niyang iyak bagamat guho na ang mga kabahayan at gatuhod- bahang tubig ay nakilala pa rin niya ang lugar kung saan nakatira ang kaniyang kapatid at mga pamangkin na dinaanan ng camera habang ibinabalita sa tv ang kalagayan ng mga nakaligtas.
Agad na pinakilos ni Rustian si Mang Ross kung paano makakapunta sa lugar.
Walang paliparan bukas para sa mga domestic flights na maaring mapaglandingan dahil maging ito ay nasira din ng bagyo at inaayos pa ng local goverment clearing management ang daraanan ng mga eroplanong maglalanding o departure.
Ngunit maari silang makisakay sa chopper ng mga militar kayat agad na kinontak ni Mang Ros ang mga kilalang matataas na general ng army upang makisakay papunta ng Visaya.
“ Bukas tayo maaring makapunta sa inyo… Huwag kang mag-alala. Lakasan mo lang ang loob mo at maaayos din ang lahat. Maaari tayong makisabay bukas sa chopper ng mga militar dala ang mga pagkain at tubig mula sa Datamax Charity fund natin at sa ambagan ng mga empleyado. Doon tayo sasabay sa pagdadala mg ating tulong.
Paalaala Rustian kay Brixel na patuloy pa rin sa pag-iyak.
Dahil sa nararamdamang problema ni Brixel ay si Rustian ang gumanap sa trabaho ng kaniyang secretary.
Siya ang tumatawag at nagpapaalala sa mga dapat gawin para sa kinabukasang pagdadala ng mga donasyon na ginagawa naman ni Ms. Fidel at mga alalay na Corz at Emy.
Ilang sandali pa ay nakatanggap ng tawag si Rustian mula sa kaniyang mama.
“ Rustian, I need your help… Ang kuya mo hindi pa ako kino-contact. Hindi ko rin siya matawagan. Nag-aalala na ako na baka may masamang nangyari sa kaniya .“
Dahil sa matagal na alitan ng magkapatid ay nakalimutan na ni Rustian kung nasaan nga pala ang kaniyang kuya.
Hindi lang pala ang kapatid ni Brixel ang kailangan ng tulong.
Maging ang kuya din pala niya ay naroon din sa lugar na dinaanan ng bagyo.
Dalawa na ang misyon niya papunta ng Visaya.
Agad na nag parequest muli si Rustian sa mga militar na isasama niya ang ina papunta doon upang tumulong at sa paghahanap sa nawawalang kapatid.
Agad naman napaunlakan si Rustian sa kaniyang request dahil kay Mang Ross na dating militar noong kabataan nito at kilala ng ilang mga mataas na personal ng AFP.
Gabi bago ang pagtungo kinabukasan sa Visaya ay tumuloy sa condo ni Rustian ang kaniyang mama upang doon magpalipas ng magdamag.
Casual ang mama nito na yumakap sa anak at maging kay Brixel dahil kapwa sila nangungulila sa mga mahal sa buhay.
Bagamat may mga bagay silang dapat pag-usapan ay hindi ito nabuksan.
May kaba kay Brixel na maaring may sama ng loob sa kaniya ang donya.
Nais man nilang matulog ngunit hindi nila magawa dahil sa pag-aalala kung ano ang magiging resulta ng kanilang pagpunta sa mga nasalanta.
Tanging panonood ng balita at pagtawag sa opisina ang pinagkakaabalahan ni Rustian at Brixel na naoobsernahan naman ng ina nito.
“ Magpahinga na muna kayo… Rustian… Brixel… Baka masobrahan kayo at baka bukas ay wala na kayong lakas pagdating doon… Sige na… Matulog muna kay kahit sandali lang…“
Nagkatinginan ang dalawa at tahimik na inayos ang mga papeles na nasa dining area.
Medyo nakakaramdam na nga ng pagod ang dalawa dahil ala una na rin ng madaling araw.
Nagpaalam na si Brixel upang tumuloy sa kaniyang unit at si Rustian naman ay sa kaniyang kwarto.
Kahit gusto ni Rustian na tabihan si Brixel ay inisip na muna niyang kailangan din nitong magpahinga ng mag-isa.
Papunta na sana si Brixel sa may pintuan ng pahintuin ito ng Donya.
“ It’s allright Rustian… Wala akong masamang sasabihin kay Brixel. May nais lang akong sabihin sa kaniya. Lakad na iho… Magpahinga ka na.“
Ngumiti si Brixel kay Rustian hudyat na okay lang siya na kausapin ng ina ng sarilinan.
Sa harap ng pinto ay nag-usap ang dalawa.
“ Alam ko na hindi naging maganda ang huling impesyon mo sa akin Brixel. Nagkulang ako sa anak ko kaya siguro hindi ko alam ang kaniyang sitwasyon.
Alam masama ang loob sa akin ni Rustian at nadagdagan pa ng tumutol ako sa inyo.
Ngunit nabuksan ang mga mata ko ng makita ko kung paano ka pinahahalagahan niya.
Kung paano mo siya pinahahalagahan.
Nakita ko kung gaano ninyo tinutulungan ang isa’t isa.
Kung paano mo siya inaasikaso kahit na may problema kang dinadala. Sorry… “
Agad na hinawakan ni Brixel ang kamay ng donya upang pinigilan ang ito sa paghingi ng paumanhin.
“ Madam… Huwag ho… Huwag ho kayong magsorry. Ako po ang dapat humingi ng paumanhin sa inyo dahil naging makasarili ho ako… Hindi ko rin po sinasadya na mahulog ako sa anak ninyo. Mabait po si Boss kaya ho lahat ng mga nakapaligid sa kaniya ay madaling mahulog.
Lahat ay madaling mainlove sa kaniya. Patawarin nyo po ako at isa po ako sa taong iyon na pinagkatiwalaan ng ganoong pagmamahal. Sorry po madam… “
Piniga ng donya ang kamay na nakahawak sa kaniya.
“ Huwag kang magsorry iho… Nakakahiya talaga ang ginawa ko sa inyo…
Nagkamali ako sa mga ginawa ko ng huli tayong nagkita.
Patawad sa mga nasabi ko…
Basta ipangako mo na babantayan mo ang anak ko ha…
Sa iyo ko na pagkakatiwala ang lahat. Alam ko naman na hindi mo siya bibiguin…“
Tumulo ang luha ni Brixel ng marinig niya ang mga binitiwang salita ng donya kaya napayakap ito sa matanda .
“ Maraming salamat po madam… Salamat po… “
Tahimik na nagyakapan ang dalawa at pawang kinalimutan na ang nangyaring nakaraang pagkontra sa kanilang relasyon.
Masaya si Brixel dahil wala ng tutol ang mama ni Rustian sa kanilang dalawa.
Kahit papaano ay nabawasan ng dinadalang kabigatan ng loob ang binata.
Ngayon ay ang kapatid, bayaw at mga pamangkin na lang ang kaniyang pagtutuunan ng pansin.
Masaya siyang nagtuloy sa kaniyang unit upang makapagpahinga.
Hangang sa makahiga siya ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Rustian.
“ Anong sinabi sa iyo ng mama?“ Inaway ka ba? “
“ Hindi… May sinabi lang siya. “
“ Anong sabi?
Ano?
Pinaghihiwalay na naman ba tayo?“
“ Hindi boss… Basta.. May sinabi lang siya. “
“ Ano nga? “
“ Na okay na… “
“ Okay ang alin? “
“ Na okay na sa kaniya tungkol sa atin…“
“Ah.. Okay…”
“Oh?! Parang di ka masaya?”
“He he he… Masaya siempre. Isa pa anticipated ko naman na bibigay din ang mama sa atin.
Narinig naman niya na sinabi mong mahal mo ako kaya alam ko na papayag din siya sa atin…
Gusto mo ba ng kasama ngayon dyan?“
“Ay huwag… Magpahinga na muna tayo. Magpahinga ka.
Mamaya aalis na tayo kaya dapat nasa condition ang katawan natin.“
“Okay… See you later… Sleep well ha.
I love you.“
“yes boss… Ikaw din sleep well and
I love you.“
Hindi maikakaila na kahit may dinadalang problema ay naroon ang kasiyahan ng dalawa sa nangyaring pagtanggap sa kanila ng ina ni Rustian.
Kinaumagahan ng alas kwatro ay gising na ang lahat upang magtungo sa paliparan para sumabay sa mga militar na tutulong sa nasalanta.
Si Brixel, Rustian, ang mama nito at si Mang Ross ang magkakasamang aalis.
Ilang doctor, nurses ang kasabay nila sa iisang misyon.
Hindi rin sila nakaligtas sa isang interview mula sa isang reporter na kasama din pala nila.
May mga tanong tungkol sa kanilang relasyon ang unang hiningian ng sagot at ang pagtungo nila sa mga binagyo ang pangalawa.
Matapat itong sinagot ni Rustian at pinagbigyan naman ng reporter ang kahilingan na hindi ang sitwasyon na ito ang lugar para sa iba pang mga katanungan.
“ I will have a press conference after ng pagtulong siguro sa mga nasalanta para malaman ninyo ang lahat.“
Iyon lang ang sagot niya upang tantanan na sila sa kakatanong ng reporter.
Tahimik silang bumiyahe, nagdarasal na sana ay maayos at magandang balita ang kanilang matatanggap.
Ilang oras ang nakalipas at naglanding na sa Tacloban ang kanilang sinasakyang ereplano.
Bago bumaba ay nagbigay ng ilang paalaala ang mataas na sundalo sa kanila na kailangang huwag lalayo sa grupo. Ipapaalam kung saan sila pupunta at magsama ng isang sundalo na magiging escort nila.
Bago pa man sumakay sina Rustian ay nasabihan na sila ni Mang Ross tungkol dito kaya malaya na silang makakapunta sa kanilang pakay.
Iniwan na nila ang kanilang mga dalang pagkain at tubig na donasyon at pinagkatiwala na sa mga sundalong naiwan.
Nanibago si Brixel dahil sa putikang daraanan ng eroplano. Sa bintana pa lang ng eroplano bago sila makababa ay nakita na niya ang kalagayan ng lugar.
Mas nakakahabag ng matanaw na niya ng malapitan ang lugar kung saan siya lumaki.
Alalay ni mang Ross sa paglalakad ang donya, si Brixel naman ay si Rustian kasama ang isang escort.
May contact na si Mang Ross dito kung paano sila makakapunta sa lugar nina Brixel.
Sa isang pampasaherong jeep sila isinakay ng sumundo sa kanila.
Kabado man ay nilakasan na lang ni Brixel ang kalooban nito. Alam niyang hindi kanais-nais ang makikita niya sa lugar na pupuntahan.
Isang bangungot ang namasdan niya habang binabagtas ang putikang kalsada.
Halos wala ng kabahayang nakatayo at pawang mga gumuho na lahat.
Mabibilang na yata sa daliri ang mga nakatayong puno.
Parang naglalakad na zombie ang mga tao dahil sa dumi at depresyon nararamdaman.
Ramdam mo ang lungkot, takot, pag-aalala at gutom sa paligid.
May mga ilang mga bangkay pa ang naabutan nilang isinisilid sa cadaver bag at isinasakay sa isang truck ng mga militar.
Halos daang libo na raw ang naitalang namatay ang balita sa kanila ng kasama nilang driver.
Lahat sila ay awang-awa sa sinapit ng mga naroroon.
Naiiyak dahil hindi man nila naranasan ang ganoong trahedya ay naging saksi sila kahirapang dinaranas ngayon ng kanilang kapwa.
Nakarating sila sa isang evacuation facility.
Mga pansamantalang tirahan ng mga nakaligtas ang una nilang narating.
Doon ay nagbakasakali silang makikita ang hinahanap.
Wala sa listahan ang pangalan ng pamilya ni Brixel maging ang kapatid ni Rustian.
May nakapagsabing maaring nasa compound ng mayor ang kapatid niya dahil may evacuation center din doon kaya agad nila itong pinuntahan.
Doon ay isang masamang balita amg kanilang natanggap.
Patay na ang kaniyang ate, bayaw at dalawang anak nito, tanging ang panganay lang ang natira.
Doon daw sa bodega ng bigas nagkanlong ang pamilya nito ngunit na trap din ng tumaas ang baha at ang panganay na anak lang ang nakaligtas.
Dalawang araw palang nakulong ang bata doon kasama ang mga bangkay ng magulang at mga kapatid ayon sa record ng matagpuan ito.
Iyak ng iyak si Brixel ng malaman ang nangyari. Maging ang mga nakarinig ng kwento ay naluha rin dahil sa karanasan ng batang nakaligtas.
Babae ang pamangkin ni Brixel at anim na taon na ang edad kayat nauunawaan nito ang takot at traumang naranasan.
Nailibing ng magkakasama ang kaniyang ate, bayaw at dalawang pamangkin sa isang mass grave.
Tanging ang pansamantalang palantadaan doon ay isang malaking billboard kung saan nakalista ang mga nakilalang mga bangkay.
Sa dami ng mga namatay ay hirap ng i-organisa ang sistema ng paglilibing at tanging pagtatala lang ang naisagawa kung sino ang naroong nakahimlay sa lugar ng mga inilibing.
Nagpasalamat si Brixel dahil kahit papaano ay hindi naubos ang kaniyang mahal sa buhay at naiwan ang isang pamangkin.
Malungkot man ay tinanggap niya na kapalaran nilang magkapatid ang magkahiwalay sa ganitong tadhana.
Nagpasiyang iwan na muna ni Rustian si Brixel upang sila naman ang maghanap sa nawawalang kapatid.
Babalikan na lang sila bago sumapit ang gabi.
May isa pang evacuation center malapit sa nasirang paaralan at paniguradong baka nandoon si Arnian.
Napadaan sila sa site ng ginagawang subdivision ng kapatid at nagulat sila dahil maging iyon ay hindi nakaligtas sa pagtaas malakas na rumaragasang pagbaha.
Mga nagtumbahan ang mga bagong gawang bahay at walang mapapakinabangan na sa mga iyon.
Bagsak na malaking bakod na nakapalibot dito.
Ang mga natanggal na kahoy, bubong at mga bakal ay wala na dahil ginamit na ng iba upang gawing pansamantalang matitirhan o ibinenta na upang may panggastos sa pagkain ng ilan.
Talamak sa lugar ang nakawan at pagkakanikaniya kaya hindi masisisi na gumagawa ang ilan ng ganito dahil wala talagang pagkukunan pagkain o pagkakakitaan.
Walang record na nakasulat tungkol kay Arnian sa listahan sa pangatlong evacuation center na pinuntahan ng mag-inang Rustian.
Kabado si Rustian dahil baka sa pakalunod din namatay kaniyang kuya gaya ni Lurian noon.
Ngunit may isang lalake daw doon na nasa state of shock at hindi nakakausap kaya hindi naitala kung sino iyon.
Agad silang nagpasama sa volunteer ng center doon nila nakita ang sinasabing lalake.
Nakahiga ito.
Nakatali ang mga kamay sa magkabilaang paanan ng papag.
Bulong-bulong na waring takot na takot.
Si Arnian…
Palahaw ng iyak si Donya Consuelo ng makita ang kalagayan ng anak.
Masaya siya dahil buhay ito.
Malungkot dahil parang wala sa sarili ang panganay na anak.
Isang medical record ang ipinaliwang sa kanila ng isang nurse na nasa state of shock ang binata.
Doon sinabi ng donya na may iniinom si Arnian na gamot at maaring hindi na natutugunan ito mula ng bumagyo.
Kalmado naman si Arnian ngunit bulong-bulong lang at palaging lakad ng lakad kung saan-saan kaya itinali ito para sa kaniyang kaligtasan.
Napagpasyahan nilang isama si Arian pabalik kung saan naroon si Brixel.
Sumama si Arnian sa ina ng walang tutol na parang isang masunuring bata.
Masaya si Brixel dahil buhay ang kapatid ni Rustian.
Nalaman ng mayor ng lugar na silang bilyonaryo pala ang pumasok sa kaniyang compound kaya agad itong nakipaglita sa kanila.
Nandoon din pala ang governor para sa isang meeting.
Agad silang inimbitahan sa loob ng villa nito para sa pagpupulong.
Pinakain, pinaghandaan ng tulugan at isinama sa meeting.
Doon nagvolunteer si Rustian na magpapadala ora mismo ng tulong dahil mukhang matatagalan pang makakabawi ang lahat sa ganitong trahedya.
Pagkain, gamot, tubig, medesina, at pagpapatayo ng pansamantalang matitirhan ang misyon niya para makatulong sa mga nangangailangan.
Ito ang pangako niyang binitiwan para sa mga kababayan ni Brixel.
Kinabukasan ay naunang umuwi ang mag-inang Arnian dahil kailanagm ni masusing pagpapagaling.
Naiwan ng ilang araw si Rustian at Brixel upang asikaauhin ang mga ipapadalang tulong ng kanilang opisina.
Dahil sa panghihikayat ni Ms. Fidel sa mga kalapit na miyembro ng business district organization ng lugar, ng Local government at NGO’s ay malaki ang nalikom nilang donation na ipamamahagi sa mga nasalanta.
Naging saksi din si Ms. Fidel, Emy at ate Corz sa nangyari sa Tacloban ng sila ay personal na naghatid ng naipong tulong.
Apat na araw din silang namalagi doon at sa ikalimang araw ay bumalik na sila ng Maynila.
Binigyan muna ng ilang araw na pagliban si Brixel para sa kaniyang pagluluksa para sa mga mahal sa buhay.
“ Pumasok ka lang ng duty pagsinabi ko na ha. Si Ms. Fidel na muna ang katulong ko sa office. Kung gusto mo ipasyal ang pamangkin mong si Eunice gawin mo. Pwede ka ring bumisita sa mga tiyahin mo para kamustahin sila at ibalita ang nangyari. Huwag monakong alalahanin. Pag okay, pumunta tayo sa mama at bisitahun natun ang kuya. “
Bilin ni Rustian kay Brixel na siya naman nitong ginawa.
Naawa din ang tiya Mitos at pinsan ni Brixel sa sinapit ng bata at sa kamatayan ng kanilang kaanak.
Dahil sa kanilang pagluluksa ay nagkaayos na silang lahat sa kanilang mga di pagkakaunwaan.
Maging ang sigalot ng magpinsan ay naalis na nila.
Lumipas ang ilang araw at muling nakapasok na si Brixel ng DataMax.
Kasama nila sa trabaho ang pamangkin nito sa pagpasok upang doon ito mabantayan.
Naroon din ang mga alagang asong si Job at Gates bilang kalaro ng bata.
Kahit papaano ay naibsan ang pangungulila nito sa mga magulang at kapatid sa tulong ni Brixel at Rustian.
Masayang pinapanood ng dalawa ang bata ng may sabihin si Rustian.
“ Payag ka ba… Kung ampunin ko na lang si Eunice?“
Isang tanong na biglang ikinagulat ni Brixel sa katabing boss.
Isang desisyon na tuluyang magpapabago sa relasyon ng dalawang bida.
Susunod, ang kaganapan kay Arnian.
ABANGAN!!!
CHAPTER 28 CALM DAY
Lumiban si Brixel ng ilang araw upang magluksa para sa kaniyang kapatid. Utos ito ni Rustian kaya’t inabala niya ang sarili sa pag-aasikaso sa pamangkin.
Kasama si Mang Ross ay ipinasyal nito ang bata upang maglibang at magsaya pansamantala kahit di pa rin nahupa ang malaking trahedyang naranasan.
Sa isang mall sila namili ng mga gamit ng bata.
Mga damit,sapatos,laruan na kakailanganin sa pagtira ng pamangkin sa poder niya.
Ipinaranas niya ang mga bagay na hindi natatanggap sa probinsya.
Nais niyang ibigay sa pamangkin ang mga bagay na hindi nila naranasan noon dahil sa kahirapan.
Bahagyang nalimutan nila ang pangungulila at napalitan ng mga nabubuong pangarap ang sandali ng pamamasyal.
Pinagmamasadan niya ang bata habang kumakain ito ng sumagi sa isipan niya ang mga sinabi ni Rustian.
Natuwa siya sa alok ng nobyo na aampunin niya si Eunice.
Isang paraan upang matali siya ng pangmatagalan sa kanilang relasyon.
Kung magiging anak nga naman ni Rustian ang pamangkin ay wala ng dahilan para sila paghiwalayin pa ng sino man.
Dahil nag-iisa na ang bata ay nasa kaniya na ang desisyon para mapaayos ang kinabukasan nito.
Nakikita niya na bukal sa kalooban ni Rustian ang binitiwang salita.
Noon pa may hindi na ito nagbiro sa mga sinasabi.
Darating din ang tamang panahon para sa ganoong pagkakataon.
Sa ngayon,nais niya ihanda ang bata sa bagong buhay na kakaharapin sa piling niya dito sa maynila.
BRIXEL
Pagkatapos naming kumain ni Eunice at Mang Ross ay naisipan kong pumunta ng opisina.
Kahit ilang araw akong di pumasok ay miss ko rin ang mapagod sa trabaho
Namiss ko ang aking table…
Ang aking mga kaibigan…
Ang maging abala at ma-stress sa mga ginagawa ko…
Papalapit pa lang kami ay natanaw ko na ang mataas na bahagi ng DataMax building.
Ang palapag kung saan naroon ang aking boss.
Nasabik ako na para bang gaya ng unang araw ko noong nag-apply pa.
Hindi pa rin ako makapaniwala na natupad ang pangarap kong makapasok sa gusaling ito.
Na makapag-apply,mainterview at magtrabaho…
At makilala ko si Rustian.
Nanibago ako bigla.
Nag-iba ang ginagalawan kong mundo.
Wala na ang ate, ang tiya Mitos at si Keng-Keng (palaway ni Maricar) na lang ang natitirang kadugo namin ng pamangkin ko.
Ngunit nandyan si Boss…
Hindi dahil sa yaman niya kaya nabago ang lahat sa akin.
Nang dahil yun sa mga pinagdaanan niya kaya iba ang nakikita ko sa kaniya.
Bigla akong nanabik na makita siya.
Kahit kaninang umaga lang kami naghiwalay ay nasabik ako.
Sa harapang entrada kami bumaba upang pumasok ng gusali.
Pagpasok sa loob ay binati na ako ng mga empleyadong nakakakilala sa akin.
Nanabik ako sa kanilang paghahanap sa akin. Sarap sa pakiramdam na may mga taong nag-aalala sa iyo.
Ngiti ang aking tugon sa kanila hanggang sa makarating kami ng elevator patungo sa top floor.
Maging ang singsing na ibinigay ni Rustian sa akin ay nakakapanibago. Dati ay card lang ang hawak ko, at ngayon ay isang singsing na mula sa kaniya.
Bumukas ang pintuan ng elevator.
Naabutan kong may binabasa sa laptop si Rustian.
Tumayo siya at lumapit sa akin ng makita ako.
Hindi na ako nabibigla sa halik niya sa aking labi.
Nasanay na ako.
Nakita na rin ng pamangkin ko ang ganitong pagpapakita sa akin ng pagmamahal ni Rustian kayat si na namin ito itinatago sa kaniya.
Alam ng bata kung sino at ano kami.
“ Kumain ka na ba? May dala akong pagkain.“
Isang take out ng lunch pack ang dala ko na pwedeng iinit sa microwave ang aming pasalubong.
Alas dose y media na kaya alam ko hindi pa nakain si boss.
Kapag wala ako ay alam kong sumasala siya sa oras kung mananghalian.
Isinusumbong ito sa akin ni Ms.Fidel.
Dahil iyon ang bilin ko.
Inihain ko ang iniit na pagkain.
Sinigang na hipon,vegetable and crab rolls ang ulam.
Slices ng pakwan,papaya,melon at ubas naman ang panghimagas.
Ako na ang nagbalat ng hipon para sa kaniya.
Wala na akong maramdamang ilang kung kami ay magkaharap.
Natutuwa ako dahil natural na sa kaniya kung paano ko siya asikaauhin at pagsilbihan.
Ngingiti sa akin kung pupunasan ko ng napkin ang kaniyang labi.
Ganado siyang kumain na akala mo isang bata na galing sa laro na hinatiran ng baon.
Maging si Eunice ay nakibalat na rin ng hipon para ibigay sa kaniya.
“ Ang swerte ko naman ,dalawa ang nag-aalaga sa akin.“
Ang puri niya sa aming dalawa.
Kumain ka ng kumain,kung hindi pa kami dumating baka alas dos na wala pang laman yang sikmura mo.“
Mali,hindi nga pala niya dapat malaman na pinababantayan ko siya kay Ms.Fidel.
Kaya bago pa siya magtanong ay agad ko na siyang sinubuan ng hipon na agad naman niyang tinanggap.
Pagkatapos niyang kumain at ng mailigpit ko na ang pinagkainan ay pinagpahinga ko muna siya ng ilang minuto.
Tumabi ako sa kaniya habang abala naman si Eunice sa panonood sa laptop.
“ Ano…payag ka na ba na ampunin ko si Eunice? Para may anak na ako sa iyo.“
Tanong niya sa akin.
“ Payag naman ako sa plano mo. Ang sa akin kasi…pangmatagalan na ang disisyon na yan at wala ng bawian.“
“ Look, parang kasal din ang pag-aampon. Dadalhin niya ang pangalan ko. Ang akin ay kaniya.Kung ano meron ako,si Eunice ang magmamana. Gusto ko lang naman yung future ko na nakapirmi lang sa isang mahal ko. Ulila na siya sa mga magulang. Naaawa ako at hindi patutulugin ng konsensya kung hahayaan ko lang na solo kang magpapalaki sa kaniya.
Isa pa, si Eunice ang magiging reason ko para lalo pang masolido na hindi ka mawawala sa tabi ko.“
Parang may hangin na bumara sa lalamunan ko sa aking narinig.
Talagang sinesecure niya na hindi ako mawawala sa kaniya sa pamamagitan ng pamangkin ko.
Hindi ako makakatanggi sa proposal niya.
Hindi dahil sa offer niyang kinabukasan para sa pamangkin ko…
Kundi sa handa siyang kasama ako habang buhay…
Tiningnan ko si Eunice.
Si Rustian…
Nakita ko sa kalagitanaan nila na kapwa mababago ang buhay nila sa gagawin kong desisyon.
RUSTIAN
Hinihintay ko ang desisyon ni Brixel patungkol sa nais kong pag-ampon kay Eunice.
Ulila na ang bata at nais kong maging katuwang sa pagpapalaki dito.
Isa pa…
Nakikita ko si Lurian sa katuhan ni Eunice.
Nais ko siyang maprotektahan at bantayan sa paglaki.
Alagaan at bigyan ng magandang kinabukasan kasama si Brix.
Tiningnan niya ang bata…
Pagkatapos sa akin….
Hinawakan niya ang kamay ko.
Ngumiti siya at tumango.
Hudyat na payag na siya sa pag-ampon ko sa kaniyang pamangkin.
Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi at labi.
“ Magiging mahusay akong daddy sa kaniya. Pangako…babantayan ko kayong dalawa bilang aking pamilya.“
Muli ko siyang niyakap at nagpasalamat.
Agad kong tinawagan si Ms. Fidel at sinabihan na siya na muna dito sa top floor at ako ay uuwi na.
Nais kong lumabas at samahan pa sa pamamasyal ang bago kong bubuuing pamilya.
Pagdating ng aking pinatawag ay umalis na kami agad.
Sa isang playground ng mall kami nagtungo upang doon maglaro.
Ngunit mahiyain ang kasama naming bata na makipaglaro sa iba. Kaya kami ang naging kalaro niya.
Nang magutom ay kumain at pagkatapos ay nanood ng sine.
Isang pampamilyang pelikula nag aming pinanood.
Hindi na namin tinapos ang palabas dahil nakatulog na si Eunice.
Nakatulog marahil dahil sa lamig at dilim ng sinehan.
Karga ko siya ng lumabas ng cinema hanggang sa makasakay ng kotse at hanggang sa makauwi ng condo.
Binuksan ko ang bahagi ng unit kung saan ako natutulog.
“ Oh bat dyan kayo papasok?“
Tanong sa akin ni Brixel.
“Dito na kayo matulog sa unit ko. Tabi-tabi tayo. Gusto ko paggising ko kayo kaagad makikita. Isa pa di tayo papasok bukas at pupunta tayo sa mga mama.”
Hindi ko na binigyan ng pagkakataon makatanggi pa si Brixel.
Kasunod ko siyang pumasok ng aking silid.
Maingat kong inihiga ang bata.
Lumabas ako ng hibubad ni Brix ang sapatos nito.
Walang pamalit si Eunice na pangtulog.
Sa sala ay nandoon ang pinamili niyang mga damit at saktong may pantulog siyang nabili.
Inalisan ko pa ng tag ang mga damit bumalik ng silid at at inabot ang pantulog sa kaniya. Muli akong lumabas upang mabihisan niya si Eunice.
Kumuha ako ng champagne at nagsalin sa champagne glass ng bumalik sa loob.
Kinatok ko ng paa ang pintuan at akoy kaniyang pinagbuksan.
Inabot ko ang isang baso sa kaniya.
“Ano to?”
Tanong niya sa akin.
“It’s a celebration…magiging daddy ako e.”
Napangiti siya sa aking sagot.
Hinalikan ko siya sa labi at sabay naming ininom ang champagne.
Naupo kami sa sahig malapit sa paanan ng bata.
“ Aaminin ko that i missed my sister. Because of Eunice…parang nabuhayan ako ng loob na lalo pang maging matapang.“
Tahimik lang na nakikinig sa akin si Brixel.
“ Gusto kong palakihin siya na kasama ka…tayong dalawa.“
Namalayan ko na lang ng umiiyak na pala siya sa aking tabi.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay.
“Pangako…mamahalin ko kayo sa lahat ng pagkakataon.”
Bigla kaming natahimik.
Parang nag-uusap lang kami sa aming isipan habang magkahawak ng kamay.
Nakita ko ang kinabukasan ko na kasama silang dalawa.
Na isang pamilya na pinapangarap ko na magkaroon.
Masaya ako dahil ito ang binigay na kapalaran ko.
Niyaya ko na siyang magpahinga.
Hindi ko na siya pinagbihis at nahiga na kami ng tuluyan sa sahig na nilatagan niya ng comforter at mahimbing na kami sa pagtulog.
Umaga…
Nauna si Brixel na nagising sa akin.
Sadya niyang hindi ako ginigising pagtulog ako.
“Nagpapasok na ako ng pagkain natin. After mo kumain magshower ka na ha.”
Pabulong niyang salita dahil tulog pa pala ang bata.
Magiging anak ko pala.
Light breakfast ang nakahanda sa food cart.
Toasted bread with cream cheese,juice,at banana.
Inuna ko ang paborito kong kape.
Ng mangalahati ang kape ay humalik ako sa kaniyang pisngi at nagtungo banyo upang maligo.
Pagkatapos ay bumalik na sa aking agahan.
Gising na rin si Eunice na nakain kasabay ang kaniyang tiyuhin.
“ Dito ka…“
Sa tabi niya ako pinaupo sa sahig.
Para kaming nagpipicnic lang dahil nasa kalagitnaan namin ang mga pagkaing kaniyang ipinahanda.
Nagring ang kaniyang phone,pero inagaw ko ito at ako na ang kumausap sa kabilang linya.
“ Yes Ms.fidel…hindi kami papasok kaya ikaw na muna bahala diyan ha. I have already canceled my appointments yesterday.
Sorry for the late notice kaya ikaw na muna ang haharap sa clients. May lalakarin lang ako with mama.“
At saka ko ibinalik ang phone kay Brixel.
Kampante akong ihabilin kay Ms.Fidel ang aking mga gawain sa opisina.
Alam ko ang kakayanan at katapatan niya sa DataMax at ginagawa naman niya ang lahat ng walang pag-aalinlangan.
Hindi makaimik si Brixel sa aking ginawa.
Alam niya na may lakad kami papunta sa bahay ng mama.
Nais kong dalawin ang kuya Arnian at kamustahin siya.
Lumala daw ang kaniyang kalagayan mula ng bagyo.
Ang sabi ng specialist na tumingin sa kaniya ay bunga daw iyon ng shock sa mga nakitang patay sa probinsya.
Isinantabi ko na ang samaan namin ng loob.
Nais ko ng kalimutan kung ano man ang hidwaan namin.
Wala na si Lurian at ang Papa.
Tatlo na lang kami sa pamilya.
Nais ko ring ipaalam sa mama na aampunin ko rin si Eunice bilang anak namin Brixel.
Matapos kumain ay naghanda na kami sa aming pag-alis papunta ng Batanggas.
Umuwi muna kami sa aking bahay doon para ibaba ang ilang gamit namin at saka kami pumunta sa bahay ng mama.
Isinama ko na rin ang magkapatid na si Job at Gates para maigala.
Sa bahay ng mama ay agad niya kaming sinalubong.
Masaya siya ng makita kami. Humalik pa siya sa pisngi ni Brixel at maging sa bata.
Kilala pa rin siya ng mga alaga kong aso.
Hindi na kami nag-abala ng anumang pasalubong at paniguradong may nakahanda naman lagi ang mama lalo pa at inaalagaan niya ang kuya.
Sa garden kami dumiretso para magkamustahan.
Malungkot ang balita ng mama na lumala nga ang karandaman ng kuya.
“ Para siyang bata anak…laging takot na para bang naroon pa rin siya sa binagyo. Kaya naghire na ako ng nurse at caregiver para bantayan siya. Anak sana dalasan mo ang punta dito. Ang sabi ng doctor malaking tulong daw kung tayong pamilya niya ang madalas nakikita.“
Tango na lang ang tugon ko sa nais ng mama.
“ Do’nt worry mama. Nakaleave naman kami ng 4 na araw kaya makakadalaw kami sa inyo ng kuya.“
Nasiyahan ang mama sa mga sinabi.
Naluha pa siya ng ipagtapat kong magsasama na kami ni Brixel at sa pag-aampon ko sa bata.
Nagpapasalamat ako dahil tanggap na niya ang aming pagmamahalan.
Masaya ako kahit may panibagong problema ang aming pamilya.
Alam kong malalagpasan din namin ang lahat ng ito at gagaling din ang kuya Arnian.
Napansin kong wala na pala sa aming paningin si Eunice at ang dalawang aso ng magpahain ang mama ng aming mirrienda.
Hinanap namin siya sa paligid.
Hangang sa makarinig kami ng tahol ni Jobs at Gates,at iyak mula bahagi ng pool area.
Agad kaming patakbong nagtungo doon at naabutan namin si kuya Arnian hawak sa makabilaang balikat si Eunice.
“ SINABI KO NA SA IYONG HUWAG KANG SASAMA KAY RUSTIAN!
ANG TIGAS TALAGA NG ULO MO! GUSTO MO BANG ISUMBONG KITA SA PAPA?
GUSTO MO BANG MAPALAYAS?
AKO LANG ANG KAKAMPI MO KAYA HUWAG KANG LALAPIT O MAKIKIPAGLARO KAY RUSTIAN,NAIINTIDIHAN MO BA?!“
Naguluhan ako sa ikinikilos ng kuya.
Akala niya ay si Lurian si Eunice.
Nagpumiglas si Eunice sa pagkakahawak ng kuya ngunit itinulak siya nito at napasubsob sa gilid ng pool.
Ang lugar kung saan namatay ang aming bunsong kapatid.
Hangos kaming lahat sa magkabilaang bahagi ng pool.
Ang nurse at ang caregiver na umalalay sa pagwawala ng kuya at kami sa nakadapang bata.
Nagpapasalamat ako at walang nangyari sa kaniya mula sa pagkakatulak at tanging iyak at yakap sa akin ang nagawa nito para magkubli mula kay kuya.
“ SORRY LURIAN HU HU HU! SORRY! HINDI KO SINASADYA NA ITULAK KA!HINDI KO SINASADYA NA PATAYIN KA! DI BA AKO lANG ANG KUYA MO! SABI KO NAMAN SA IYO TAYO LANG ANG LAGING MAGLALARO!
HU HU HU!
LURIAN BALIK KA NA SA KUYA OH! PLEASE! PROMISE DI NA KITA SASAKTAN!
SORRY LURIAN!
I’M SORRY!HU HU HU HU!
HINDI KO SINASADYANG MAPATAY KITA.“
Hindi ako makakilos sa aking mga narinig.
Maging ang mama ay napaupo sa pagkabigla sa aming narinig.
Parang isang reply ang eksenang naabutan namin na hindi namin nakita noong buhay pa si Lurian.
Si kuya…
Si kuya Arnian ang dahilan ng pagkamatay ng aming bunsong kapatid.
Hindi ako…
Hindi ako ang dahilan ng kaniyang kamatayan…
Umagos ang mga luha sa aking mga mata habang nakatingin sa kuya na tila isang baliw na sa pagwawala at kakasigaw.
Nakalma siya ng saksakan ng gamot at ipinasok sa loob ng bahay.
“ LURIANNN!!!!
AHHHHHHHHH!!!!
ANG KAPATID KO!!!!!!!!
DIYOS KO POOOO!!!!
HU HU HU HU!!!!
Ang sigaw ko sa sobrang kalungkutan at sama ng loob.
Ang tagal kong dinamdam at dinala sa aking dibdib na ako ang dahilan ng kaniyang kamatayan.
Si kuya!
Ang kuya ang pumatay sa aming kapatid!!!
“ LURIIIAAAANNNNN HU HU HU!!!!“
Iyak at sigaw lang ang aking kayang gawin.
Maging ang mama ay hindi rin napigilan ang pag iyak at pagwawala. Halos lahat yata ng makitang paso sa garden ay kaniyang ibinato sa pool.
Nagkagulo na kaming lahat ng himatayin na ang mama.
Nagtulong ang mga kasambahay at si mang Ross na buhatin ang mama patungo sa kaniyang silid.
Agad kong pinatawag ang kaniyang doctor para masuri ang kaniyang kalagayan.
Pinahatid ko muna kay Mang Ross si Brixel, Eunice at mga aso sa aking bahay.
Marami ng pinagdaanang takot ang bata at ayaw ko ng madagdagan pa ito.
Naiba ang plano kong makiramay kay kuya.
Mas kailangan pala ako ng mama sa mga oras na ito dahil sa mga nangyari.
Payapa na ang kalooban ko.
Ngunit ang sakit ay narito pa rin.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ng kuya sa aming lahat.
Siya ang dahilan kung bakit lumayo ang kalooban ng papa sa akin.
Kay Lurian.
Sa mama.
Sa DataMax.
At sa mga taong ginamit niya.
Sumobra ka kuya sa kasakiman mo ng atensyon.
Hindi ko alam kung mapapatawad kita sa mga ginawa mo sa ating pamilya…sa akin…
Nalantad na ang katotohanan.
Isang pagbabago ang magaganap kay Rustian sa kaniyang nalaman.
At si Arnian,ano ang mangyayari sa kaniya?
ABANGAN!!!
Sorry po sa napakatagal na update ha. Medyo nagkaroon lang ng problema sa health at love life na masalimuot.kwento na lang sa news feed ko. Salamat lo sa paghihintay at sa mga comments nyo.umabot na siya ng 40k+ at top 1 sa gay stories for weeks. Nabura niya ang record ng Sa Tore ng mga Leon. Salamat po uli.
CHAPTER 29 PAST AND PRESENT
BRIXEL
Nabigla ako sa nangyaring pagwawala ni Sir Arnian.
Hindi ako makapaniwala na sa kamay niya namatay ang bunsong kapatid. nila.
Mabuti na lang at maagap na nailayo ni Boss si Eunice sa pagwawala ng sir Arnian.
Naiyak ako sa awa kay boss at kay Madam Conney.
Lalo pang nakakaiyak ng magwala ang donya sa sama ng loob at himatayin ito.
Natakot kaming lahat na baka napaano na ang matanda.
Na baka inatake na sa puso.
Tulong-tulong kami sa pagbuhat sa kaniya patungo sa kwarto at ihiga siya doon.
Tahimik ang lahat ng mga tauhan ng bahay.
Maging sila ay takot at hindi makapaniwala sa mga nangyayari at malaman ang katotohanan.
Nagpapasalamat ako at walang nangyaring masama kay Eunice at tanging galos lang sa tuhod ang natamo mula sa pagkakatulak sa kaniya.
Pinakiusapan ako ni Boss na umuwi muna sa kaniyang bahay at mukhang natakot ang bata sa mga nangyari.
Gusto ko sana siyang samahan upang umalalay ngunit mukhang kaya na niya itong harapin.
Hinintay ko munang makarating ang pinatawag na doctor na titingin sa donya at isinunod ko na ang kapakanan ng pamangkin ko.
Kalmado si Boss ng magpaalam ako…
Payapa ang kalooban niya…
Na para bang natanggalan siya ng gapos sa mga kamay at paa sa bahay na ito.
Ngayong alam na niya na hindi siya ang dahilan ng pagkasawi ng kapatid.
Nakakalungkot dahil ang tagal niyang dinala ang pagbibintang na wala naman siyang sala.
Sobra ang ginawa sa kaniya ni sir Arnian.
Nakakakilabot ang kasamaan.ng kaniyang kuya.
Naitago niya ang ganoong sekreto ng napakatagal na panahon at isisi sa iba.
May sayad nga talaga ang taong yun kaya nagagawa niya ang mga ganoong bagay.
Para saan?
Sa atensyon o talagang makasarili lang siyang sadya.
Nakakaawa naman si boss kung babalikan ang nakaraan niya.
Nakakaawa ang kaniyang pag-iisa.
At ngayon eto na…
Malaya na siya sa bigat na pinasan ng ilang taon.
Umalis na kami at ng makauwi sa bahay ni boss ay nakatanggap naman ako ng tawag mula kay Ms.Fidel.
Isang update mula sa meeting ng naiwan naming trabaho.
Dahil sa gusto ko ng karamay ay nasabi ko naman ang nangyari kanina.
“ He did
what! Grabe naman si Sir Arnian!
Nagawa niya yun sa kapatid niya? Si Sir Corona?
Ano lagay niya?
Nakakataranta naman kayo?
Nasaan ka?
Si Eunice okay ba siya?“
Ikinuwento ko na lahat para mailabas ko ang saloobin ko.
Kilala ko si Ms.Fidel pagdating sa concern ng boss namin.
Maging siya ay nag-alala din.
Alam ko na ililihim niya ito maging kay ate Corz at Emy.
Usapang pamilya kaya naman ay alam kong may epekto ito sa trabaho ni boss.
Nagbigay na lang sa akin ng assurance si Ms.Fidel na siya na ang bahala sa mga nakabinbin na trabahong naiwan namin.
Ngayon ay iniisip ko na lang ang boss ko.
Sana maiayos ni boss Rustian ang lahat…
Sana ayos lang siya…
RUSTIAN
Pinapanood ko ang mama habang inaasikaso ito mg doctor.
Wala pa rin siyang malay mula pa kanina.
Talagang nakakabigla para sa kaniya na malaman mula sa bibig ng kuya ang nangyari sa aming bunso.
Ako ngayon ang naiipit sa maaring mangyari sa pagitan nila.
Wala akong balak na gumanti.
Ang nais ko ay lubusang kapayapaan.
Malinis ang kunsenaya ko na namanipula ng kuya.
Bigla kong namiss si Lurian.
Tahimik akong lumabas ng masters bedroom.
Mabigat ang aking mga paa patungo sa aking silid.
Tumulo ang aking mga luha ng makita sa aking imahinasyon si Lurian noong bata pa kami.
Patalon-talon siya habang papasok sa aking kwarto kasunod ako.
At pagkatapos ay nawala ang imahe na iyon.
Habang papalapit ay muli kong nakita siya na sinusulatan naman ang pintuan at ngumiti sa akin ng makita ako.
At saka muling naglaho.
Ang sakit sa dibdib ng makapasok ako ng aking silid at makita ko ang kwadrong larawan ni Lurian.
Kinuha ko ito sa pagkakasabit at pinagmasdan ang larawan.
Napaupo ako sa sobrang lungkot at saya.
Lungkot dahil maaga siyang nawala…
Saya dahil hindi ako ang dahilan ng kaniyang pagkawala…
Nakakapanghinayang ang buhay niya…
Sinayang ni kuya.
Napalitan ng galit at halo-halong emosyon na ang nararandaman ko.
Nakalaya man ako sa paninisi sa sarili ay nandoon pa rin lungkot.
Kung hindi ko siya iniwan…
Kung binantayan ko siya sa kaniyang tabi ay kasama pa namin siya.
Tumayo ako at muling ibinalik ang kaniyang larawan sa pagkakasabit.
May tapang na akong silipin ang pool.
Nais ko ng mawala ito.
Patambakan at huwag ng maging alaala pa.
Alala ng pagiging makasarili ng kuya.
“ Rustian…“
Tawag sa akin ni mang Ros.
Hindi ko namalayan na nakapasok na pala siya ng kwarto ko.
“ Ihahatid na ng mga doctor ang kuya mo sa ospital. Hindi maganda ang lagay niya sa pagwawala…“
Tahimik akong tumango at muling tumingin sa pool.
Narinig ko ang mga taong nasa kalapit na kwartong inilalabas ang kuya.
Naluha ako ng tawagin niya ang pangalan ni Lurian.
Nabingibingihan ako.
Nagbulagbulagan.
Ayaw ko siyang makita.
Hangang sa tumahimik na ang kabahayan.
Isa- isang naglabasan ang mga kasambahay upang linisan ang mga nabasag na pasong ibinato ng mama sa pool area.
Halata sa kanila ang bulungan sa isat-isa patungkol sa aming pamilya.
Nakita nila akong nakadungaw kayat tahimik silang nagpatuloy sa ginagawa.
Sila ang mga bayarang katulong ng kuya.
“ Mang Ross…“
Ang tawag ko sa aking pinagkakatiwalaang kaibigan.
Alam kong nasa gilid lang siya ng pintuan kahit hindi ko nakikita.
Hindi siya sumaama sa pagahatid sa kuya ng ibaba ito.
Akin ang katapatan niya.
“Magpahanap po kayo mang Ross ng bagong katulong dito…nais ko po ng bagong maid. Patigilin nyo na rin ang mga naglilinis sa pool. Gusto kong mawala na silang lahat dito. Bukas ay patatambakan na ang pool.”
Hindi na sumagot si Mang Ros at umalis.
Muli akong bumalik sa silid ng mama.
Wala pa rin siyang malay.
Natatakot ako na makaapekto sa kaniya ang nalaman namin.
Habilin ng doctor na hayaan ko muna siyang magpaghinga.
Sakaling magising ay ipapatawag na lang nila ako.
Bumaba ako ng bahay.
Tahimik na at walang tao sa sala.
Hindi ko na inisip na wala na ang mga kasambahay na upahan ng kuya.
Nais kong ako na ang mamalakad sa tahanang ito.
Mahaba na ang panahong pagmamanipula sa amin.
At ako’y nagising na sa katotohanan.
Ewan…
Ang hirap…
Ang sakit…
Ang haba ng panahong nagdusa ako.
Maging ang papa ay biktima din ng kasinungalingan.
Nakamatayan na niya ang lihim ng kuya.
Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa siya?
Ewan ko….
Pagod na akong umiyak.
Pagod na akong magalit.
Nakakapagod ng lumaban.
Si Brixel…
Tinawagan ko siya.
Nag ring ang kaniyan linya.
Ikalawang ring pa lang ay sinagot na niya agad.
“Hello…ano,kamusta ka na?
Ang madam Conney,nagkamalay na ba?“
Ikunuwento ang kalagayan ng mama.
Nararamdaman ko ang pag-aalala ni Brixel kayat nilakasan ko ang aking lob na natapos na ang matagal ko ng dinadala hinanakit sa sarili.
Ang mama na lang ang inaalala ko.
Hindi kami nagtagal sa pag-uusap ng tawagin na ako ng nurse na nagkamalay na ang mama.
Agad akong bumalik upang makita siya.
Nagkatitigan kami ng pumssok ako ng silid.
Umupo ako sa kaniyang tabi at niyakap siya.
“ Patawarin mo ako Rustian…malaki ang pakukulang ko sa iyo. Akala ko ay ikaw ang dahilan ng pagkamatay ni Lurian kaya maging ako ay lumayo sa iyo. Kasalanan naming lahat kung bakit ka nag-isa. Anak patawarin mo ako…patawarin mo ako hu hu hu!“
Tahimik akong nakayakap sa mama.
Alam kong biktima din siya ni kuya.
Masakit ang mawalan ng kapatid.
Mas masakit ang mawalan ng anak.
Alam ko ang nararadaman ng mama kung bakit lumayo ang loob niya sa akin.
“Mahal kita mama…alam kong nadala ka lang noon sa pagkawala ni Lurian. Huwag mong isipin na galit ako sa iyo. Wala kang sala sa akin. Mahal na mahal kita mama.”
“Patawarin mo kami ng papa mo hu hu hu…patawad anak…patawad.”
Sang mahigpit na yakap at halik ang iginawad ko sa mama bilang pagpapadama na wala na sa akin ang mga nanyari noon.
Malaya na ako…
Malinaw na sa amin ang lahat.
Kailangan ko ng magsimula ng bagong buhay…
MANG ROSS
Tahimik akong sumunod sa mga utos ni Rustian…
Bigla siyang nag-iba ngayong alam na namin ang katotohanan.
Lumabas na ng tuluyan ang galit niya.
Tahimik na bata si Rustian kahit nasasaktan noon.
Naawa ako sa kaniya sa mga nangyari sa buhay niya.
Lalo na ngayon…
Mukha namang di siya papadaig sa nararamdaman.
Kampante ako na nasa tamang pag-iisip pa rin ang gagawin niyang desisyon.
Kinausap ko ang mga kasambahay ayon sa utos sa akin. Nag-abot na lang ako ng nararapat na kabayaran para sa kanilang trabaho at pinauwi na sila.
Umuwi ako sa kalapit na bahay ni boss at nagpatawag ako ng bagong katulong.
Nakausap ko si Brixel at ikinuwento ang mga nangyari at sa kalagayan ng mga-ina.
Gusto niyang sumama pabalik ngunit pinigilan ko.
“ Hayaan na muna natin su Rustian na mapag-isa kasama ang kaniyang mama. Maayos naman siya,yun nga lang kailangan lang ng bagong makakatulong sa bahay ng donya.“
Agad akong nagpahanap sa kasamabahay ni Rustian ng mga bagong katulong.
Madali naman akong nakakuha dahil ilan sa mga kalapit na mga kababaihan sa lugar ay gusto-gusto ring mamasukan sa bahay ng donya lalo oa at si Rustian amg nagpapahanap.
Apat ang nakuha kong katulong at nagtalaga ng pansamantalang magiging mayordoma nila.
Naghabalin ako na may darating na isa pang mayordoma (Si Mrs. Gandia) kinabukasan na magsasanay sa kanila sa mga dapat gawin sa bahay ng donya.
Bumalik ako muli sa bahay ng donya kasama ang katulong ni boss upang samahan a g mga bagong hired na maid.
Nagreport ako kay Rustian sa kaniyang mga pinatawag at maging sa plano niyang pagpapatambak sa pool.
“ May pinadala pala si Brix para sa inyong hapunan. Kumain ka muna at hating gabi na.“
Garlic and mushroom chicken,mainit na kanin at prutas ang dala ko na ipinaluto ni Brixel para kay Rustian.
Ako na mismo ang naghain para kainin nilang mag-ina ngunit hindi makakain ang donya dahil sa gamot na nainom.
Sa dining area ay nakasunod lang ako.
Akala ko ay wala din siyang ganang kumain ngunit ng marinig niyang si Brixel ang nagpadala ay tumalima agad siya.
Mainam at kumain kahit mabagal ang pagsubo.
Tumanggi ako ng ako’y niyaya.
Pinakain na rin ako ni Brixel habang naghihintay ng mga pinahanap kong kasambahay.
Sinigurado ko munang natapos niya ang pagkain at saka ako nagtext kay Brixel na kumain na ang boss niya.
Bilin niya sa akin na ipaalam ko sa kaniya kung ginalaw ito ni Rustian.
Habang nagpapababa ng kinain ay kinusap ko siya.
“ Ano na ang plano mo ?“
Tanong ko.
“ Wala pa ho mang Ros…masyado pang maaga para magdesiyon para sa kuya. Kung ano man ang mangyayari…baka ako na lang po ang lumayo.“
“Paano ang mama mo?”
“Hindi ko naman pwede pabayaan ang mama…baka isama ko…o baka ilipat…hindi ko po alam…”
Hinawakan ko ang kaniyang kamay bilang pakikiramay sa kaniyang nararamdaman.
“Huwag mo munang isipin ang mga dapat gawin…panahon naman ang nagsasabi sa iyo ng lahat.
Pagsubok sa iyo ang mga nangyaring ito para maging matatag ka. Matapang ka sir Rustian.
Hindi mo lang namamamalayan na noon pa man ay hindi ka kaya pabagsakin.
Matatag ka na noon pa.
Alam ko dahil nakita ko.
Mabait ka dahil naranasan ko.
Umiyak ka sa lungkot,tumawa sa saya dahil nakabantay ako.
Kung ano man ang mga desisyon mo,alam ko nasa tama kang panig.“
Bigla niyang niyang iniyuko ang kaniyang ulo at umiyak.
Hindi talaga siya nagbago.
Laging itinatago ang luha kung naiyak.
Ganito siya kahit noong bata pa.
Maging ako ay naiyak na rin.
“ Nasubaybayan ko ang paglaki mo kaya alam ko kung gaano kasakit ang mga naransan mo noon.
Pero naging matatag ka para mabuhay.
Sila ang dapat manghinayang dahil hindi nila naranasan ang kabutihan mo.
Sir Rustian…nandito lang ako…madami kami…nakabantay lang…
Kaya huwag kang mag-alala…
Nasa likod mo lang kami.“
Hinayaan ko lang siyang umiyak.
Alam ko ang sakit ng naranasan niya na kay tagal na dinala.
“ Naalala mo noong first year highschool ka,nung pinagalitan ka ng papa mo at bumaba ka sa bintana gamit ang mga kumot. Di mo alam na nandoon ako at sinabi mong huwag akong maingay at lalayas ka.
Tanda mo pa ba yun?
Hindi ka natuloy umalis kasi natakot ka kung saan ka pupunta.
Naupo ka at tahimik na umiyak sa tabi ko.
Parang ganito rin yun noon.
Huwag kang matakot kung anong desisyon ang pupuntahan mo.
Sandali ka lang nag-isip noon ng hindi sinasabi kung ano plano mo.
Pero umakyat ka uli pabalik sa bintana.
Hinayaan kita kasi alam ko tama ang desisyon.
Noon pa man,laging nasa tama ka.
Kaya lakasan mo pa ang loob mo maaayos din ang lahat.“
Unti-unti ng humupa ang kaniyang pag-iyak.
“ Tahan na sir…oras na siguro para magpahinga ka. Marami ka pang gagawin bukas paggising ng madam Conney. Importante mabantayan mo ang iyong mama. Ako na bahala bukas sa mga dapat asikasuhin dito sa bahay at sa kuya mo.“
“Salamat ho Mang Ross…”
“Sige na….magpahinga ka na.”
Tumayo siya at nagpaalam.
Sinundan ko siya ng tingin ng umakyat sa taas bahay.
Nakahinga ako ng maluwag dahil batid kong handa na ang kalooban niya sa mga desisyong gagawin para sa kaniyang pamilya.
“Kaya mo yan sir Rustian. Kaya mo yan.”
Bulong ko sa aking sarili.
Lumipas Ang Ilang Araw
Simula ng malantad kay Rustian ang totoong nangyari ay nabago na ang takbo ng buhay nito.
Sa kabila ng mga nagawa ng kaniyang mga magulang noong bata pa siya ay pinatawad niya ang mga ito.
Sa tulong ni Brixel ay nagkaroon siya ng bagong pananaw sa buhay.
RUSTIAN
Nagpapasalamat ako kahit sa ilang araw na paglagi ng mama sa ospital ay mailalabas na namin siya.
Sa ospital ko muna siya pinacheck in upang mabantayan 24 oras ng mga doctor ang kaniyang kalagyan.
Isa pa ay upang hindi rin siya maabala ng ingay sa pagrerenovate ng garden.
Nakita ko sa mga pinadalang larawan ng architect ang update sa bahay ng mama, at nasunod ang mga nais ko.
Ngayon lang ako nagkaroon ng karapatan sa bahay na iyon.
Isang karapatan na inalis sa akin ng kuya.
Sa condo ko muna siya balak iuwi.
Pansamantala muna siyang sa akin titigil hanggang sa kaya na niyang bumalik sa kaniyang bahay.
Nagpapasalamat din ako at hindi siya tumutol na ipayos ko ang garden at patambakan ang pool.
Idinamay ko na ang harapan at garahe ng bahay.
Kailangan niya ng bagong makikita at mapagaan ang kaniyang kalooban kahit papaano.
Nais ko ring maging sa harapan ng bahay ay mailagay ang mga binili kong bagong orchidias na kaniyang aalagaan.
Hindi pa niya alam ang surpresa ko sa kaniyang pagbabalik sa bahay pagnatapos.
Isang suhestiyon iyon ni Brixel upang malibang ang mama lalo na sa bagong breed na pinahanap ko pa sa brazil para sa kaniyang mga collection.
Maging ang condo ay penarenovate ko.
Ipinatanggal ko na ang hallway na naghahati dalawang unit at pinag-isa na ito.
Ang dating unit ni Brixel nakapwesto aming personal na silid, silid ni Eunice,ng mama at ilan para sa maaring mga bisita.
Sa kabilang bahagi na dati kong unit ay pinalkihan ko ang dining area,ang kusina,entertainment room,meeting room/library/office,stock room,at silid para sa mga kasambahay at mang Ross.
Nais kong sumabay sa pagbabagong ginawa ko sa bahay ng mga mama at papa bilang pagharap sa bagong buhay.
Masaya ang mama na kasama ako sa kabila ng lahat ng nangyari.
Napatawad ko na siya.
Anak lang ako.
Lahat naman ay nagkakamali.
Tinanggap ko ang sinabi sa akin ni mang Ross na ang lahat ay napagtagumpayan ko ng di ko lang namamalayan.
Tama naman…
Kung noon akala ko ay pinagsarhan na ako ng pintuan ng pamilya ko may ibang tao namang nagbubukas para sa akin.
Utang na loob ko iyon kay Brixel.
Nakarating na kami ng condo.
Si Brixel at Eunice ang unang sumalubong sa amin at umalalay sa mama.
Medyo nanibago pa siya ng makitang iba na ang interior design ng condo.
Ayaw na muna niyang pumunta sa kaniyang silid at nais niyang makipagkwentuhan muna sa amin.
Natutuwa siya sa balitang naghihintay na lang kami ng desisyon ng Social Welfare para sa lehitimong pag-ampon ko kay Eunice.
Masaya ang mama lalo pa ng tawagin siya ng bata na lola.
Natuwa naman ako ng maging kay Brixel ay nagpapapatawag siya ng mama.
Masaya ako dahil tanggap na niya ang binubuo kong pamilya na para sa akin.
Kinagabihan…oras na ng aming pagtulog.
Kakatapos ko lang magshower ng maabutan ko si Brixel na may inaayos na gamit sa isang drawer ng side table.
Bigla akong napatakbo at isinara ang drawer na iyon.
“ Anu meron?“
Tanong niya.
“ Bawal…ayaw ko ng mapilit.“
Sagot ko.
Napataas ang isang kilay niya at pinilit niyang buksan ang drawer ngunit nakaharang naman ang kamay ko para di niya ito mabuksan.
“ E di huwag,kung ayaw mo huwag mo.“
Nagulat ako sa pagdadabog niya.
“Ako ang amo mo matapang ka pa sa akin? marunong ka pa sa akin?”
“You hired me tapos magrereklamo ka? Fire me para tapos na.”
“Ano ako tanga?”
At biglang nalaglag ang nakatapis kong towel sa aking beywang.
Sabay talikod ng nakangiti at muling itinapis ito ng madalian.
At siya naman biglang balik sa drawer upang tingnan ang laman nito.
Ang totoo ay wala naman talaga dapat itago sa kaniya.
Isang little prank para inisin siya.
Ewan ko pero parang ang sarap niyang inisin at pagkatapos ay lalambingin.
“Eh wala naman bago sa drawer,bakit ayaw mo pabuksan?”
“Wala lang trip ko lang.”
“Ayyy…alam ko na yang pinaplano mo ha?”
“Plano?wala ah…hala,baka ikaw kaya ireng may plano?”
Tumingin siya sa gitnang bahagi ng tuwalyang nakatapis sa akin.
“ Obvious ba,dumadakila na naman yan?“
Pigil ko ang aking ngiti dahil sa kitang-kita niya ang namumukol na ari ko.
Halata sa akin ang pananabik na muki kaming magtalik.
Ilang araw din naman kasi kaming napahinga sa sex gawa ng mga pangyayari at pagkaabala sa mga hinahabol na appointment sa opisina.
Wala na siyang nagawa ng hilahin ko siya sa kama.
Natahamik ang silid namin at napuno iyin ng aming pananabik sa isa’t isa.
Pagkatapos namin magtalik ay nauna siyang nakatulog.
Pinapanood ko siya sa pagkahimbing habang ako ay nag-iisip.
Sana ay laging ganito na lang…
Yung hindi nakakapagod…
Wala ng abala…
Wala ng.masyadong iniisip…
Biglang may pumasok sa akin ang isang idea.
Nakahanda ako sa anuman ang kakalabasan ng desisyon kong ito.
Hindi ko muna sasabihin sa kaniya ang plano ko.
Nais ko siyang masorpresa.
May pagbabagong mangyayari sa buhay ng mag-amo. Ano kaya ito?
ABANGAN
Sorry po sa napakatagal na paghihitay.medyo hindi na naubos ang problema po.wala na po kasi ako matirhan ngayon kaya palipat-lipat at nakikitulog lang po ako pansamantala sa mga kakilala at kamag-anak.medyo malilim po kasi ang problema ko kaya ganito.salamat po sa unawa.
CHAPTER 30 THE BOSS
RUSTIAN***
Sa unang pagkakataon ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob na madalaw si kuya.
Isang balita sa akin mula sa ospital na kailangan siyang dalhin sa mental institution dahil sa lumala na ang kaniyang kalagayan.
Bago siya dalhin sa isang psychiatric hospital ay nais akong makausap ng doctor tungkol dito.
Tahimik lang ang mama ng ipaalam ko sa kaniya ang nakarating sa aking balita tungkol kay kuya.
Hindi siya umimik.
Masama pa rin ang loob niya sa kuya Arnian.
Hindi ko siya masisi sa nararamdamang galit niya.
Wala rin akong balak gatungan ng sama ng loob dahil napagdaanan ko na ang lahat.
Matagal ko ng pinasan ang pagdurusa ng pamilya ko sa pagkawala ni Lurian kaya ayoko na.
Alam kong lilipas din ang nararamdaman ng mama gaya ko.
Maghihilom din iyon sa tamang panahon.
Nagtungo ako sa hospital na mag-isa. Pagdatinh doon ay dinala ako ng atendee sa isang secured room at pinaunang pumasok.
Isang puting silid ito ng puno ng makakapal na padded ng foam ang buong dingding.
Maliwanag ang ilaw,may isang lamesa,upuan,maliit na ref,tv at sa gitna ay isang kama.
Doon sa kama nakahiga ang kuya.
Nakastrap ang kaniyang mga kamay at paa.
Nakabrace din ang kaniyang leeg.
Naabutan ko na tinatanggal ng isang nurse ang swerong nakakabit sa kaniyang kamay at isang doctor na binabasa ang kaniyang medical record.
Binati niya ako at ipinaliwanag sa akin ang kaniyang kalagayan ng magtanong ako.
Advice sa akin ng doctor na sa isang pasilidad ng mga kagaya ni kuya ang kailangan niyang pagdalhan.
Maayos naman ang pagsusuring pisikal…
Mental ang kaniyang sakit.
Lumapit ako.
Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha.
Gusto kong tingnan niya ako ng mata sa mata.
Ngunit mailap ang kaniyang paningin.
Malikot…
Parang hindi niya alam ang kaniyang tinitingnan.
“Kuya…”
Ang bigla kong nasabi.
May kung anong pwersa ang nagsabi sa akin na tawagin siya.
Ang pukawin ang kaniyang katinuan.
Tumingin siya sa akin.
Nagtama ang aming mga mata.
Ngunit para lang itong lumagpas sa akin.
Hindi na siya makausap.
Tuluyan ng bumigay ang kaniyang katinuan.
May dalawang male nurse na agad pumasok para tumulong.
Nagwala siya ng suutan ng straight jacket.
Sa habag ko,maging ako ay tumulong na rin.
“ Shhh….shhh…kuya….its okay…its okay…“
Kumalma siya ng marinig ako.
“ Lurian? Nagbalik ka Lurian? Hindi ka na galit kay kuya? Bati mo na ako?“
Nagtayuan ang akinh mga balahibo sa braso sa pangingilabot.
Ganito na kalala ang kaniyang kalagayan na sa puntong ako na ay pagkamalan niyang si Lurian.
Biglang tumulo ang aking mga luha.
Naawa ako…
Kapatid ko pa rin siya.
Ako na ang tuluyang nagsuot ng straight jacket ng walang kahirap-hirap.
Himas ko ang kaniyang ulo upang ipadama sa kaniya na nasa maayos siyang kalagayan.
Pumirma ako sa waiver na pinahihintulutan ko ng ipasok ang kuya sa mental instution dahil iyon ang nararapat.
Nawala bigla ang lahat ng sama ng loob ko sa kaniya.
Nawala bigla ang lahat ng mga masasamang ginawa niya sa akin.
Kay Lurian…
Sa papa
Sa mama…
Sa DataMax…
Sa mga taong nabiktima niya.
Tadhana ko ang lahat ng naranasan ko.
At to siguro ang tadhana niya?
Nakakalungkot ng isakay siya sa ambulance.
Sumabay ako pagahahatid…
Kasunod ng ambulansya ang minamaneho kong sasakyan hanggang sa makarating kami sa kaniyang destinasyon.
Ngunit hanggang sa gate lang ako ng institution.
Hindi ko kayang pumasok…
Naaawa ako…
Naaawa ako sa kaniya.
Wala na akong magagawa dahil ito ang kaniyang tadhana.
Tahimik siya ng ibaba ng mga nurse aid at doctor.
Sinalubong sila ng ilang mga tauhan ng institution hangang sa ipasok siya sa loob hanggang ipinid ang pinto nito.
Nanatili ako sandali…
Naghihintay ng ano mang mangyayari.
Huminga ako ng malalim…
Saka nagpatuloy sa pagpapaandar ng kotse patungo ng Data Max.
Kasalukuyang kausap ni Ms.Fidel si Brixel sa telepono.
“ Nasaan ka? Papasok ka ba? Nqgkakagulo ngayon dito sa office. Wala si Sir Corona.
Alam mo ba na pinatawag lahat ng head associates ng office? Nagulat ako at lahat kami pinatawag?
Hinihintay namin kayo?“
Gulat na gulat si Brixel sa balita ni Ms.Fidel sa kaniya.
Ilang araw kasi siyang na siyang nakaleave buhat ng dumating ang pamangkin sa poder niya at upang personal na maasikaso ang ina ng kaniyang boss.
“ Ang alam ko papunta na siya diyan ms.Fidel. kanina pang dalawang oras siya umalis?“
May halong kaba ang sagot ni Brixel sa kabilang linya.
Matapos nilang mag-usap ay tinawagan niya ang nobyo ngunit hindi ito sumasagot.
Nakaramdam ito ng takot na baka may masamang nangyari na sa kaniyang boss kayat agad siyang nagpaalam sa donya at pamangkin na pupunta muna ng office dahil sa isang mahalagang meeting na pupuntahan.
Hindi niya ipinaalam na hindi niya macontact ang kaniyang boss.
Agad namang sinabi ni Brixel kay Mang Ross na wala ring alam sa nangyari dahil solong umalis ng maaga si Rustian at tanging alam niya ay papasok ito ng DataMax.
Kapwa sila kabado habang bumibiyahe.
BRIXEL
Ang daming pumapasok sa isip ko kung ano itong kaba na nararamdaman.
Boss naman bakit di mo sinasagot ang tawag ko?
Madali lang kaming nakarating ng DataMax.
Tinawagan ko agad si Miss.Fidel ng nakapasok na ako ng building at pinalam na magkita kami sa office ni Boss.
Paglapag ko ng CEO’s office ay agad kong itinapat sa reader ang aking singsing upang bumukas ang mga ilaw kasabay ang malaking tv monitor. Sa bawat panel ng screen ay siyang hinahanap ko.
Baka nakatulog lang…
O baka tinamad…
Ngunit wala ako nakitang boss.
Agad kong pinabasa ang singsing sa scanner na nasa dingding at nagbukas ang secret door.
Wala sa kaniyang sleeping area.
Wala sa walk in closet…
Baka nadulas na sa shower room…
Wala rin…
Saan ka na?!!!
“ Brixel ano? Di ko siya makontak!
Hindi ko namalayan nakaakyat na pala sa top floor si Ms.Fidel.
Nagsalubong kami sa gitna sa sobrang pag-aalala.
“Nasa confference room na ang lahat ng associates. Wala pa si Sir Corona. Hindi macontact ang phone niya.
Siya ang nagpatawag ng biglaang meeting tapos siya ang wala.“
Naupo ako sa sofa at ang daming masasamang napasok sa isip ko kung ano ba ang nangyari sa kaniya.
Kinakabahan ako.
Hindi siya ganito sa trabaho at lalong hindi niya gawain ang hindi sabihin ang mga plano niya ngayong araw.
Boss nasaan ka na ba talaga?
Hanggang sa napatingin ako sa malaking tv screen at makita ko sa isang bahagi ng screen na naroon si Boss sa confference room.
Sabay pala kami ni Ms.Fidel na nakatingin sa screen at wala ng usapang nag-unahan napatakbo agad sa elevator papunta ng 2nd floor.
Kapwa kami ni Miss Fidel na hilong-talilong sa pag-aalala tapos naroon na pala si boss.
Hindi mapawi ang kaba at takot ko na napalitan ng inis sa ilang oras niyang pagkawala.
Abot-abot ang inis ko talaga.
Hindi man lang tumawag.
Hindi man lang nagsabi.
Hindi man lang nagparamdam o nagpaalam kung saan pupunta.
Tahimik kaming pumasok ni Ms.Fidel sa loob ng meeting room at nagulat kami ng magpalakpakan mga naroroon.
Nandoon si ate Cors at Emi na tuwang-tuwa na makita kami.
Nagulat naman ako ng isang malakas na putok mula sa isang surpervisor na nagbukas pala ng champagne at nagsalin sa mga champagne glass at inabot sa lahat ng mga opisyales.
Hindi namin maintindihan ang nangyayari dahil nakafocus ang mga mata nila kay Miss Fidel.
“ What’s happening?“
Ang sabay naming tanong sa lahat.
Lumapit sa akin si Boss at inakay na ako palabas ng conference room.
Ni hindi ko na nainom ang champagne na inabot sa akin.
Pagkapinid ng pinto ni boss paglabas namin ay narinig ko ang pangingibabaw ng tili ni ate Cors at Emi.
“Ano nangyari? Bakit tayo lumabas? “
“Do’nt mind them, gusto ko muna umuwi.”
Halos pakaladkad na akong hila ni Boss Rustian papunta ng parking area.
Maging si Mang Ross ay nagulat din dahil uuwi kami ng biglaan.
Pagkasakay ng sasakyan ay di na ako nagpatumpik-tumpik pa ng mga tanong.
Nalaman ko ang kaniyang mga dahilan kung bakit hindi siya pumasok ng maaga.
Agad na nawala ang inis ko.
Nakakalungkot pala ang sinapit ng kaniyang kuya.
Nalungkot ako para din sa kanilang ina.
Masyadong masalimuot ang drama ng buhay.
Kani-kaniya kami ng mga nararanasan.
Ako,broken sa mga pangarap ko para sa ate.
Si boss, broken sa nasayang na mga araw para sa isang masayang pamilya.
At iisa lang naman ang dapat gawin.
Ang lumaban sa buhay…
Nakarating kami sa condo.
Isang katulong ang bantay sa pamangkin ko ang nag-aalaga dito kung wala kami.
Agad na sinalubong kami ni Eunice ng makita kaming papasok.
Nagmano sa akin at sa aking boss Rustian.
Dederecho sana ako ng kusina ngunit hindi ko pala kasunod si boss.
Napangiti ako ng nakaluhod siya sa harap ng pamangkin ko at yakap-yakap ito.
Saka siya tumayo at magkahawak sila ng kamay na sumunod sa akin.
Sa kusina ay nagkuwento siya ng tungkol sa opisna.
“ Nagresign ka na sa DataMax!? Bakit?“
Ang pasigaw sabay hina ng boses ng mapatingin si Eunice sa aming pwesto.
“ Bakit ka nagresign?
“
Tanong ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at nakangiti siyang sumagot.
“ Parang nawala lang yung burden na lagi kong dala…nagpakabusy ako para may patunayan sa kanila…i mean sa papa at sa kuya. Yung lumaban na kahit mag-isa lang ako,may kaya akong patunayan ng wala sila. Then you came. Ang pangit ng intension ko noong una. Oo marami na akong narating.
Lahat nakuha ko na.
Fame…fortune…
Pero iba ngayon.
Peace…
And i want that.
Nagresign lang ako as CEO.
The company is still mine.
Bibigyan ko lang ng pagkakaton na magblossom naman ang iba na worth it na gaya kong nagtyaga para lumago.
So I gave it to Ms.Fidel .“
“Kay Miss
Fidel?“
“Well tatlo sila pero siya ang head officer. Ayaw ko naman na solo lang siya sa trabaho. Isa pa mapagkakatiwalaan siya.”
“Ano pa reason mo bakit ka nagresign?”
“Umm…you. Because of you. “
Nagulat naman ako dun.
“ Gusto ko lang na mag-enjoy na kasama ka. Yes magkasama tayo sa office. Pero trabaho yun. Sa bahay naman pareho tayo pagod. Nakakabitin kaya. So…gusto ko 24 hours tayo lang kasama si Eunice.“
Gusto ko maiyak.
Pero ang mas nakakagulat ay ang isa pa niyang plano.
RUSTIAN
Bandang alas sinco ng hapon ng sa parehong araw ng magquit ako sa pagiging CEO ng aking kumpanya ay nagbalik ako sa bahay ng mama.
Nais ko siyang makausap tungkol sa mga nangyari.
Pagdating doon ay nanibago ako ng bahagya sa pagbabago ng dati naming bahay.
Napuno ng mga orchidias ang malaking harapan nito patungo sa dating pool na pinatambakan ko.
Mas lalong kumalat sa paligid ang mga naggagandahang mga bulaklak na alaga ng mama.
Kailangang limutin na ang mapait na nakaraan ng bahaging iyon at tanging masasayang alaala ang dapat na isipin noong buhay pa ang bunsong kapatid ko.
Sa sala na kami sinalubong ng mama.
“ Dito ba kayo matutulog? Huwag na muna kayo umuwi.
May mga fresh tawilis akong binili kanina. Natakam ako bigla ng magpunta sa bayan. Dito na kayo magpalipas ng gabi ha.“
Hindi na ako nakasagot.
Isang ngiti lang ang ganti ko bilang pagpayag.
Masaya ako dahil nanumbalik na muli ang kaniyang dating ugali.
Nakakapunta na muli siya sa palangke ng personal.
Isang palatandaan na nakakaya na ng mama ang paglabanan mag-isa ang mga nangyaring trahedya sa pamilya namin.
Nagpaaalam ako kay Brix na nais kong makausap ang mama ng solo kayat sa bagong garden sila nagtungo.
Magkatabi kaning naupo ng mama sa sofa.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay at ikinuwento ang nangyari sa aking kuya.
Inilayo niya ang kaniyang kamay na tila ayaw niyang marinig ang tungkol sa kaniyang panganay.
Hindi ako pumayag at muling kong hinawakan ang kaniyang mga kamay.
“Mama…please…kung ano man ang galit at sama ng loob natin sa mga nangyari…matuto tayong magpatawad. Hindi man ngayon kahit sa ibang panahon.
Mama…alam kong masakit para sa inyo. Pero maging ako ay biktima din. Nagsuffer din ako ng mahabang panahon. But inspite of what happened, I strive. I fought the physcological and emotional problem. Naiisip ko na maling patulan ang gustong laban ni kuya kaya nagsikap ako. Kaya nakarating ako sa ganitong estado. Mama…para sa akin…para kay Lurian…matuto tayong magpatawad sa kapwa lalo pa at isang kadugo si kuya. Nakita ko ang kalagayan ng kuya,kaya mabuting tanggapin natin ang nangyari and let go of the past.“
Umiyak ang mama.
Tahimik lang ako.
Alam ko masakit para sa kaniya ang lahat dahil iisa kaming pamilya.
“ Napakabuti mo anak. Mapalad ako at naging anak kita.
Humihingi ako sa iyo ng sorry sa nagawa ko noong hindi kita kayang ipagtangol sa iyong papa. Noon nagalit ako sa iyo dahil sa pagkamatay ni Lurian. Naglalaban ang lahat sa akin. Inaagaw ng pagkawala ng kapatid mo ang naramdaman ko sa iyo. Pero anak kita at ayaw ko ng mawalan pa ng isa kaya nanahimik ako. Tinanggap ko ang lahat na wala na ang bunso ko. Kayong dalawa ang natira ng mawala rin ang inyong papa. Masakit sa akin ang ilibing ang asawa…mas masakit ang maglibing ng isang anak. Patawarin mo ako Rustian. Nagkulang ako sa lahat…“
“Mama…alam kong dinala mo ng sobra ang pagkawala ng kapatid ko.Tanggap ko naman ang lahat noon. Ang isipin natin kung paano tayo makakabawi sa lahat ng pagkukulang natin sa isa’t isa. Mahal na mahal ko kayo.”
Isang yakap at halik sa noo ang aking ibinigay sa aking mahal na ina.
Pagkatapos ay may sinabi ako sa kaniya ang isa ko pang pakay.
Samantala…
Pinapanood naman ni Brixel ang pamangkin sa paglalaro sa bagong harding pinagawa ni Rustian.
BRIXEL
Nakakapanibago ngayon ang ambiance ng paligid.
Nararamdaman mo talaga na iba ang aura ng buong kabahayan mula sa kinatatayuan ko.
Medyo kabado ako kahit nalagpasan na ni boss ang lahat.
Oo nga at nagkaalaman na ng totoong nangyari.
Sa donya na lang ako nag-aalala.
Nakakaawa ang naranasan nilang lahat.
Lalo na sa side ni boss.
Natauhan ako ng makita kong papalapit sina boss at ang mama niya sa amin.
“E unice
,
halika…lapit ka nga muna.“
Inalalayan ko ang bata na makalapit kina boss.
“ Bakit po tito?“
Tanong ni Eunice.
Napangiti ako ng lumuhod pa si boss sa harap ng bata.
Ang nakakagulat ay ang sumunod niyang sinabi.
“ Eunice…huwag mo na akong tatawaging tito mula ngayon ha. Mula ngayon tawagin mo na akong papa..or..daddy…huwag na tito…kasi…mula ngayon ako na ang mag-aalaga sa iyo..kami ng uncle Brixel mo. Ang gusto ko pati siya tawagin mo rin as papa or daddy ha. Wala na ang mga tatay at nanay mo. Ang gusto namin ay mapaayos ka…mapalaki…mabigyan ng masayang buhay…
At…kami na ang tatayong mga magulang mo mula ngayon.“
Napatingin sa akin ang bata.
Mukhang nalilito sa nangyayari.
Maging ako ay nabigla dahil kaharap ang donya sa sinabi ni boss.
Nakangiti ang donya sa pamangkin ko.
“ At sa akin naman ay lola…or mama…or nanay…at huwag kakalimutan humalik sa akin. Ayaw ko ng mano. Nakakatanda.“
Totoo ba ito?
Na aampunin na nila si Eunice.
Nakangiting tumingin sa akin si boss.
Wala akong masabi kundi salamat ng may pangangatog sa aking mga salita.
Lumapit ang donya sa akin at niyakap ako.
“Welcome to my family Brixel. Alam ko na magiging maligaya ang anak ko sa iyo. Salamat at dumating ka sa buhay niya.”
Kumabog ang dibdib ko hindi sa takot o kaba kundi sa biglang kasiyahan.
Sa likod ko pala ay tuluyan ng nagpaalam si boss sa kaniyang mga plano para sa amin at sa bata.
Wala akong tutol sa una pa lang na sabihan niya ako na aampunin niya si Eunice.
Busilak ang puso niya at alam kong hindi niya pababayaan ang bata.
“ Hala pa at umiyak are? Tahan na uy! Ha ha ha!“
Biro ni boss Rustian.
Pumatak na pala ang luha ko kaya bigla ako napatalikod sa hiya.
“ Ay sya-sya…magcelebrate tayo mga anak. Gusto ko kumain. Wala tayong panahon na magluto kaya magdinner tayo sa labas. Yung auto ko amg ganitin ni Ross at nahihilo ako sa bilis ng sasakyan mo anak. Dyan muna kayo at magbibihis lang ako. Sandali lang.“
Naiwan kaming tatlo at nagkangitian muli.
Sa gazebo kaming dalawa naupo habang abala si Eunice na pinapanood ang mga paruparong nagliliparan sa garden.
“ Nagulat ka ba?“
Tanong ni boss.
“ Kahit kailan di ka pumalya sa mga plano mo talaga boss. Nakakainis ka.“
“Bakit ka miinis? Ayaw mo ba nun?
“
“Ang bilis kasi ng desisyon mo.”
“Alam mo…kapag may pagkakataon ka ngayon. Dapat gawin mo na agad. Hindi ako takot magkamali sa lahat ng bagay…ang nakakatakot…yung magsisi sa bandang huli kasi hindi ko agad ginawa. Gaya noong tinulungan mo ako noong nangangailangan ako. Hindi ba ginawa mo agad. Hindi ka nagdalawang isip na abutan ako kahit kapos ka?
Kasi yun ang nararapatan gawin.
Yun ang tama.
At ang mga ganoong bagay ang makapagpapasaya ng kalooban.“
Napangiti ako sa nga sinabi niya.
Totoo naman lahat yun.
Dahil iyon ang tama bilang isang tao.
Ang tumulong sa nagangailangan.
“ Brix..ikaw ang lahat ng dahilan bakit ako ganito ngayon. Alam mo…kung hindi tayo nagkatagpo noon. Baka wala na ako…“
Hindi ko na kaya.
Agad ko siyang niyakap.
“ Oh, bakit naiyak ka?“
Hindi ako makasagot sa tanong niya kung bakit.
Niyakap din niya ako.
Tahimik akong naluluha dahil isipin ko pa lang na sakaling di nga ako dumating sa buhay niya ay isang malaking kawalan sa mundo.
Napakaswerte ko at nakatagpo ako ng isang taong napakabuti…
“Salamat ha…dumating ka…”
Hindi na ako makapagsalita talaga.
Para na akong baliw sa nararamdaman kong kaligayahan.
“ Sabi sa inyo mabilis lang ako magpapalit nag-eskoran na kayo agad dyan?“
Nasa labas na pala ng Gazebo ang mama ni boss.
Kakalas sana ako sa pagkakayakap ngunit nanatiling nakayakap pa rin sa akin si boss.
“ Mauna na kayo ni Eunice mama sa sasakyan. May sinusumbong pa ang manugang nyo.“
Bigla kong kinurot ang tagiliran ni boss kaya napilitan na siyang bumitiw ng pagkakaayakap sa akin.
“ Madam wala po-Wala po! Wala po akong sinasabi!“
Depensa ko sa pagkataranta.
Natatawa naman ang donya.
“Eunice,iha…halika na nga at mauna tayo sa sasakyan. Kayong dalawa ay sumunod na ha.”
Halatang natatawa ang donya sa amin.
Ako namay hinila na rin si boss para sumunod sa donya .
Ngunit kinabig niya ang kamay ko at napaupo sa kaniyang kandungan.
“ Ano?“
Ang tanong ko.
At hinalikan niya ako sa labi.
Hindi ako makaangal sa kaniyang halik kahit nakikita kong kakatalikod lang ng kaniyang ina at ng pamangkin ko papalayo sa amin.
Naglayo ang aming labi.
“I love you Brixel.”
Kinirot ko ang kaniyang labi hindi dahil sa kaniyang halik.
Kundi dahil sa nararamdaman kong may matigas na tumatama sa aking binti mula sa kaniya.
Natawa ako sa kapilyuhan niya dahil sinsadyan na mramdaman ko iyon.
“ Mahal na mahal din kita boss.“
At muli niya akong hinalikan at magkahawak kamay na sumunod na sa nauna sa amin.
THREE DAYS AFTER
Sa CEO offiice ng DataMax
Kasalakuyang abala sina Ms.Liza,Corz at Emi sa simple farewell party para sa kaibigang Brixel.
Ms.Liza
Sobra naman itong si boss Rustian at agad niyang pinapalitan ang mga dati niyang gamit sa loob mg opisina niya.
Nawala na agad ang lahat ng gamit niya at sinadya niyang apa-renovate sa aking panlasa.
Kung dati siya lang at si Brixel ang umuukupa dito ngayon ay para sa ilang mga tauhan ko ang iniligay niyang sections.
Hindi ako makapaniwala na sa isang iglap ay mababago ang buhay ko dahil sa aming boss.
Napakaswerte ko talaga at nakilala kita boss Rustian.
“ Salamat sa iyo talaga…“
Sabi sa aking sarili habang tinatanaw mula sa bintana ang mga kalapit na gusali ng aking distrito at tingnan sa aking kamay ang singsing na ibinigay ni boss bilang patunay na isa ako sa inatasan niyang maging ulo ng kaniyang kumpanya.
Napalingon ako sa aking likuran ng bumukas ang elevator at lumabas doon ang dalawa kong katuwang sa trabaho.
“ Boss eto na! Dumating na yung regalo para sa dalawa!pihadong matutuwa sila pagnakita nila ang regalo mo.“
Pasigaw ni Emi habang papalapit sa akin.
Kasabay niya si Corz na dala ang iba pang farewell gift namin para sa dalawa.
At sa likuran naman nila ay si Maricar na tila pagod sa pagbojitnit ng mga groceries na kakailanganin naming supply dito sa aming opisina.
Hindi ko siya tinanggal sa trabaho kahit may nagawa siyang kasalan dahil utos iyon sa akin ni boss.
May pagkakataon pa para maitama ang isang pagkakamali at alalayan siya para mautiwid ang kaniyang pagkatao.
Alang-alang kay Brixel kaya hindi na ako sumalungat.
“ Maam…san ko ito ilalagay?“
Tanong niya sa akin.
“ Dun sa counter mo at isalansan mo ng maayos. Tapos yung mga frozen goods sa ref.“
Mataray na utos ni Emi.
Pinanlakihan ko ng mata si Emi dahil sa pagtataray niya.
“ Eh kasi naman amg layo ng ugali niya kay Brix. Alam na groceries tatanong pa kung saan ilalagay,alangan namang sa vault ilagay ang mga yun.“
Bulong no Emi.
“ Huy,marinig ka…“
Saway ni Corz.
“Ano kung marinig. Iba na ngayon. Boss na tayo dito. Kaya keri ko na
magtaray
no?“
Natatawa ako sa ere ni Emi kung paano niya pakitunguhan si Maricar.
Hindi naman nakapagtataka dahil sa mga atrasong nagawa ng isa sa opisina kayak may pagkamataray si Emy Kay Maricar.
Ngunit si Boss ang example namin para maiayos ang lahat.
“ Tulungan nyo na ang kasama nyo para mapadali. Paakyat na rin dito ang mga order kong pagkain. Papararing na rin sina Boss Rustian at
Brixel
.“
Wala na nagawa ng dalawa at tinulungan na nila ang bago nilang kasama.
Kasabay noon ay dumating na rin ang isang ko pang makakasama sa aking opisina.
“ Tita narito na po yung order nyong pagkain.“
Si Xander,ang pamangkin ko na kinuha kong personal driver.
Bukod kasi sa posisyon ay may kotse pang ibinigay sa akin si boss bilang isang regalo at pinaghanap ako ng driver na mag-iingat sa akin.
Doon sa kitchen counter niya inilagay ang mga pinabili ko at halatang natameme na naman si Emi ng makaharap ang binata kong pamangkin.
Natatawa ako sa asta ng dalawa dahil halatang may pagtatangi si Emi maging ang pamangkin sa isat-isa.
Nagpaalam si Xander na baba muli upang abangan at i-delay ang paparating naming mga boss dahil sa hindi pa kami nakakapag-ayos ng aming sorpresa. Usapan lang kasi na may ibibigay kaming naiiwang gamit ni Brix. Pero isang mini farewell party ito para sa kanila.
Ako na ang nagset ng mga pagkaing aming pagsaslauhan kahit madalas magtalo sina Emi at Maricar.
Hindi pa rin nawawala ang pagkasuplada ni Emi pagadating sa kaartehan ng isa at ang madalas nitong pagchachat.
“ Sino naman yang kachat mo. Paki kuha yung mga plato,san tayo kakain? Sino ba yang kachat mo? Si Ivan na naman? “
Sita ni Emy.
“ Ivan? Yung sa finance office?“
Tanong ni Corz.
Halatang kinilig si Maricar ng marinig yung Ivan na sinasabi.
“ SUS!Hindi kayo
bagay
.
Si
Ivan
gwapo
, pero mas
gwapo
si
Xander.
Kontra Naman ni Emi.
Natatawa na lang ako sa pagtatalo ng dalawa.
“ Oo gwapo si Xander,pero mas type ko
si
Ivan.
Gwapo
siya,
maganda
ako
kaya
bagay
kami
.“
Sagot ni Maricar.
“
Gwapo
na sa inyo
si
Ivan at Xander? Eh mas
gwapo
kaya
si
Sir
Rustian
.“
Natahimik ang dalawa sa pagtatalo.
Ako na ang umawat sa kanilang pagtatalo.
“ Ganito
na lang. Si Xander Yung
pagkagwapo
niya parang boy next door. Yung araw-araw mong
nakikitang
kagwapuhan
.
Si Ivan,sa
sportfest
lang na gwapo.
Yung pinapanood mo lagi sa court.
Si Boss
Rustian
,Yun yung gwapo na
dinadadayo
mo pa ng ilang barangay para lang makita. At
kung pagandahan
naman yan yung nanay nyo lang ang
nakakaunawa
sa inyong dalawa.
Kaya
bilisan
nyo na dyan at nasa baba na sina
Brixel
.“
Pagbibigay ko ng tuldok sa kanilang pagtatalo.
Isinara na nila ang kanilang mga bigbig at nagmamadaling hinain ang mga pagkaing aming pagsasaluhan.
Saktong natapos kami ng bumukas ang pintuan ng elevator at lumabas doon si boss Rustian,Brixel at Eunice.
kahit ilang araw pa lang mula ng magresign ang dalawa ay namiss ko ang kanilang presensya sa araw-araw.
Hindi ako itinuring ni Boss Rustian bilang empleyado kundi bilang isang kaibigan kaya ganito ang katapatan ko sa kaniya.
Isang simpleng salo-salo sa pananghalian ang aking ibinigay para sa kanila.
Simpleng celebration ng aming magandang samahan.
Pagkatapos ay ang pagbibigay ng aming regalo ng pasasalamat.
Couple mug mula kay Maricar na tinanggap ng dalawa.
Kay Emy ay toothbrush.
Dalawang pares naman ng pyjama ang inabot naman ni Corz.
Ang sa akin naman ay ang panghuli.
Nagtawanan ang lahat ng alisin nila ang nakabalit dito.
isang blow up picture na nakafame ang aking ibinigay.
Isang larawan nilang magkasama noong nakunan ko si Brixel na minamasahe ang ulo ni boss.
Tawa ng tawa si boss ng makita niya ang kaniyang hitsura.
Hindi naman malaman ni Brixel ang gagawin sa hiya.
“ Mukhang sarap na sarap naman si boss si ginagawa mo Brix ha ha ha!“
Tukso ni Emi na lalo pinamulan ng mukha ni Brixel.
“ Yan yung ini-ABC nya ako-ha ha ha! Ang Galing at ang ganda!“
Papuri ni boss.
Pagkatapos ng abutan ng regalo ay nagsalo-salo sa munti naming handang pagkain.
Ang totoo nagpahanap pa ako ng ilang pagkain sa kalapit na mga restaurant na paborito ni boss na kainan.
Walang usapang trabaho ang nabuksan at kundi nga habilin at pampalakas ng loob ang kaniyang mga iniwan na salita sa akin.
Kahit di na namin siya makakasama ay 24 hours naman siya na pwede makausap.
Kay Brixel ako nakatingin dahil alam ko na sa kaniya muna ako dadaan para makausap si Boss.
Natapos ang aming simpleng salo-salo at nagpaalam na ang dalawa.
Masaya ako para sa aking boss dahil pinili niya ang maging masaya kasama si Brixel.
Pareho silang maswerte dahil natagpuan nila ang isat-isa.
Lahat kami maswerte dahil nakatagpo kami ng mabuting taoy.
“ Thank you for everything boss. I will do my very best para gampanan ang iniwan mong trabaho.“
Paalam ko ng sumakay sila ng elevator.
Wala na sila…
mamimiss ko ang stress na kasama ko si Brix.
Si Boss Rustian.
Ang swerte nilang dalawa sa isa’t isa.
Coming up,the final chapter.
*sorrryyy sa napakatagal na paghihintay at sobra po busy sa trabaho.kasi isang crew lang ang inyong lingkod sa jollibee kaya sobra po busy,pagod at puyat po.hayaan nyo oo at babawi ako sa mga natenggang stories ko. abangan na lang po ang mga update nila atbisa pang bagong story na naisip ko na magpapakilig sa inyo dear followers.
coming soon ang Kitchen Love Battle ang title.comedy BL uli.basta nagiipon pa ako mabibigat na batuhan ng kilig. abangan!
wait lang ha!!!
wait lang po ha!sobra busy lang po.grabe dami nampala reads ni bossy.di na ako nakareply sa inyo.tapusin ko siya after ng audit sa trabaho ha.sobra busy po talaga.lab you all.

