BRAVE!
YorTzekai · 2 chapters · 380 words
BRAVE!
His name is Brave Celi Mendez. His name fits him well. Naging matapang syang tanggapin ang kabiguan at naging matapang syang magparaya. After a year,matagpuan na kaya nya ang taong karapat dapat para sa kanya?
Prologue
“Ih! Hindi naman yan english word?! Walang dayaan! Pero okay lang,hindi na lang tayo magtatabi!” inis na sabi ni Lemon. Nilingon ko sila,naglalaro sila ng scrabble ni Killian.
“Hala? Wala bang ganyang salita?” kunwariy gulat na sabi ni Killian. “Akala mo naman natakot ako sa banta mo? Ang daming pwedeng tabihan! Si Mae yung chix sa harap na bahay pwede kong tabihan!”
“Gago ka ah?! Subukan mo lang!” banta ulit ni Lemon. Napangisi ako at nagpunta sa kusina,nagluluto kasi ng meryenda si Nanay.
Isang taon na din pala ang nakakalipas. Ngayon nga ay kakatapos lang ng bagong taon,nasa ibang bansa ang kapatid kong si Kaze at si Keeyo.
Hindi ako nagkamali at hindi ako nagsisisi na nagparaya ako para sa kapatid ko. Aaminin ko na masakit,dahil yun ang unang pagkakataon na nagmahal ako,at sa kapwa lalaki pa. Pero masaya ako kasi masaya si Keeyo sa piling ni Kaze at iyon ang importante.
“Nako anak,gustong gusto ko itong bago nating bahay? Ang bait talaga ng kapatid mo.” ani Nanay ng mapansin ako.
“Oo nga eh. Mabuti rin at kinuha ako ng Montelo Company,pati sina Killian at Lemon.” nakangiti kong sabi at tinulungan sya sa pag tuhog ng mga bananaQue.
“Kapalit iyon ng pagiging mabait mo.” ani Nanay,ngumiti at una ng lumabas ng kusina.
Ang bahay na ito at lupa ay binili na pala dati pa ni Kaze,bahay nya daw sana,kaso nagpatayo sila ni Keeyo ng bagong bahay.
Lumabas muna ako at pinabayaan ko na lamang silang mag meryenda.
Napaisip ako,kailan kaya babalik ang mga nawala kong alaala? O babalik pa ba ang mga ito?
Huminga ako ng malalim,pakiramdam ko talaga ay may kulang. Pero kahit papaano ay proud naman ako na naging matapang na tinanggap ang kabiguan sa pag ibig,naging matapang akong magparaya.
Hindi ako si Brave kung hindi ako matapang.
Matagpuan ko kaya ang taong nakalaan para sa akin?
- OH AYAN NA! Sa lahat ng nagmamahal kay Brave! Patikim pa lang iyan! Tandaan nyong may mga iba pa akong tatapusing kwento. For the mean time,vote and comment po kung nagustuhan nyo :) maraming salamat!

