BREAK THE CODE (VEEWISE)
Brictorique · 16 chapters · 57,972 words
BREAK THE CODE (BL)
BREAK THE
CODE
w
ritten by BRICTORIQUE.
Hi sa magiging readers and/or followers ng kwentong ito.
Kung ikaw ay hindi kumportable na magbasa ng pagmamahalan sa pagitan ng parehas na kasarian ay mangyari lamang na iyong lisanin ang aking likha at maghanap ng iba na aayon sa iyong panlasa. At, kung ikaw naman ay nakapagbasa na ng ilan sa aking mga nagawang kwento ay iba ito sa mga nauna dahil hindi ko siya maco-consider na fanfiction, more like AU o alternate universe dahil magkasintahan in real life ang featured couple sa istoryang ito.
Rated SPG kaya bahala kayo kung gusto nais ninyo itong basahin. Tungkol sa titulo, hango ito sa legendary tagline nila tuwing sasabak sila sa laro. There will be scenarios here na mula sa live/vlogs nila so if you know, you know at sana ay inyong magustahan ang aking handog sa inyo, aking mga pinakamamahal na magbabasa.
I strongly believe that there is no limitations when it comes to love whether it is economic status, race, intelligence, or gender.
Lastly, this story is a work of fiction. The names, characters, incidents and places are the products of my imagination as the author, and are not to be construed as real. Any resemblance to persons living or dead or to an another story is entirely coincidental and unintentional. I hardly advised not to copy my work as all people have different mindset and ways of imaginations that they wished are real so please, create your own story line.
BTC 1: COINCIDENCE
“Ano ba ’yan, Paps! Nagbreak lang kayo ni Cardi B, mga tugtugan mo hindi ko alam kung pang uplift ng spirit mo o pinapaalam mo sa aming lahat gaano ka ka-masokista kapag nagmahal eh,” banat ni Oheb habang naglalakad sila pababa ng hagdan mula sa floor ng mga IT. Sinundo kasi nila ang binata sa classroom nito.
“Langyang codename naman ’yan! Mas okay pa si Cardi B kesa kay Carlie V,” nakangising sabi ni Edward, halatang may tinutumbok.
“Grabe kayo kay Wise! Baka LSS lang tutal sikat din naman kasi ’yan sa Tiktok ngayon. You know, ginagamit kasi ng mga tiktokerist.” pagtatanggol ni Hadji sa kaibigan, na patuloy pa rin sa pagkanta ng kantang Lovin On Me ni Jack Harlow.
“Hindi, ’Ji! Feeling ko ito na yung magiging themesong of my life ko! Walang sinabi dito ’yung mga dating kina LSS-an ko na kanta,” sumasayaw ng sagot ni Danerie habang palabas na sila ngayon ng school gate. Walang pakialam sa mga nakakakita sa kanya palibhasa ay alam niyang palalampasin ito ng mga makaka salubong nila dahil karamihan dito ay may crush sa kanya. Oh to be one of the campus crushes!
Napailing nalang sila Hadji sa kanya. Whatever you say, bro sabi nila sa isip dahil alam nilang hindi mangyayari ang sinasabi nito. Knowing Danerie, lagi siyang may song of the week and of the month. Walang permanent. Parang love life niya. Ehem.
“Ako lang ba o ang init? Naturingang mag Ber month na dapat nagiistart na ’yung bagyo ngayon, ’di ba?” tanong ni Edward.
“Huy! Gago! ’Wag mo naman panalangin! May isang tambak pa ako ng labahin sa bahay. Pagagalitan na ako ni mama kapag hindi pa ako nakapag laba!” sita ni Oheb.
“Oo nga! Baka mamaya hindi na ’yan payagan ni Tita maglaro kay kaka-cellphone, computer niya wala na siyang nagagawang gawaing bahay!” natawa sila sa way kung paano sinabi ni Danerie ang last part dahil para itong nanay na nanenermon ng anak.
“Bagay sana, Paps kaso you don’t swing that way.” sabi ni Hadji.
“But my hands can swing this way,” pilyong sabi nito as he slaps the imaginary big butt infront of him na umani ng kantsyaw mula sa mga kaibigan.
Danerie considers himself Pansexual but sometimes the man in him is so strong that his friends forget that, not only he can pull either genders, he can also be into them if he wants to. Just like his last ex who is part of the LGBT community but them drained him to the point he mistaken it as love.
“Pero on the positive note, since single ka na ulit, ibig sabihin ba nu’n open ka na din ulit for late gamings? Wala ng magagalit sa iyo eh,” tanong ni Oheb.
“Aba, oo naman syempre! Kaya nga diretso comp shop tayo ngayon eh! Kung magpapaka broken man ako, sisiguraduhin kong mababawi ko ’yung mga nagastos ko sa isa sa makukuha natin sa pustahan! Hindi pwedeng broken na nga ako pati ba naman bulsa ko?” natatawang sagot nito sa kanila.
“Yown!” masayang hiyawan nila Edward.
“Pero seryoso, Paps? Pahinga mo kaya muna puso mo? Kasi baka mamaya maghanap ka na naman ng bago eh kaka break mo lang. Remember? Bago naging kayo ni Carlie V kagagaling mo lang din sa break up nu’n. Wala pa nga halos 1 month eh naging kayo na. Kaya siguro hindi rin kayo nagtagal nitong huli kasi hindi ka pa talaga healed duon sa nauna sa kanya.” nagaalalang sabi ni Oheb kay Danerie.
“Oo nga ’no? May mahigit one and a half week na rin mula ng nag break kayo. Baka naman mamaya magka shota ka na naman ulit na bago ah,” dagdag ni Hadji.
“Magulat tayo kung yung sunod niyang magiging jowa niya eh mamaya na din pala niya makikilala tapos ’yun na din yung huli kasi siya na ’yung love of his life niya!” birong gatong ni Edward.
“Mga gago! Hindi naman siguro!” natatawang tugon niya sa kanila sabay hindi sinasadyang mapatingin sa cellphone niya at makita ang oras. 2:22. Bigla siyang nakaramdam ng hindi maipaliwanag.
“Teka, parang gusto ko ng ice cream! Sobrang init talaga! Bili muna tayo,” aya ni Edward kaya naghanap sila ng mabibilhan kaso ang ending, wala silang nabilhan dahil either naubusan sila ng binebentang ice cream or walang deliver ng araw na iyon.
“Tangina naman! Lalo akong natakam sa ice cream sa paghahanap natin!” inis na usal ni Danerie.
“Oo nga, Paps! Kaya tara nalang sa comp shop! Gusto ko ng umupo at magpa lamig!” aya ni Oheb.
At yun nga ang ginawa nila. Dumiretso sila sa comp shop gaya ng napagkasunduan malapit sa eskwelahan nila kaso lahat ng napuntahan nila puro puno.
“Ang lungkot naman! Ngayon na nga lang tayo ulit makakalaro ng kumpleto tayo saka walang sagabal na shota, ngayon pa nawalan ng bakante para sa ating apat.”
“May balat yata sa pwet ex nitong si Wise eh! Tuwing nababanggit natin pangalan niya minamalas tayo! ’Tamo, yung duon palang sa ice cream tapos heto pa ulit sa comp shop!”
“Gago ka, ’Ward! Baka may makarinig sa iyo!” sita ni Oheb.
“Eh totoo naman! Ng nakaraan din na napag usapan natin siya, ano ba nangyari? Halos ang tagal natin makasakay ng jeep kay punuan lahat eh hello? Wednesday nu’n! Laging ang bilis natin makasakay pag ganuong araw!”
“Ayt! Tama na ’yan! Try nalang natin duon sa pinagco computeran namin ni Oheb malapit sa amin. Baka duon tayo makalaro.” aya ni Danerie sa kanila. Agad namang nagsi-oo ang tatlo. Ganuon sila katiwala dito maliban nalang pagdating sa love life choices niya.
“Ay Paps! Kita mo ’yon?” sabay turo ni Oheb sa ice cream house na iisa lang ang customer, “Mukhang wala na ’yung sumpa kasi nakalayo na tayo ng school saka hindi na natin siya ulit binanggit pa after magreklamo ni Ward. Tignan mo oh! Makakapag ice cream na tayo!”
“Aba, oo nga ’no? Dito lang pala tayo makakapag ice cream sa inyo eh!”
Kunot-nuong nagtaka si Danerie ng mapansin ang tila mala cherry blossom na puno ng Bougainville na nakatayo katabi ng ice cream house. Huh? Dati na bang nanduon ’yun? tanong niya sa sarili. Hindi kasi nito maalalang may nakatanim na puno nito nuon sa tuwing dumadaan siya sa nasabing lugar kung saan nakatayo ang ice cream house.
Nag unahan sila Edward papasok ng ice cream house habang siya patuloy lang sa chill niyang lakad hanggang sa madako ang tingin niya sa kotseng nakaparada sa ilalim ng puno ng Bougainvillea malapit sa ice cream house kung saan muntik niya ng mabangga.
VWSE 091419
Hindi niya alam kung bakit pero ng makita niya iyon, may kakaibang kiliti na dumaloy sa sistema niya na nakapag pangiti sa kanya. Tila nga ba pati hampas ng hangin sa paligid ay nag iba din like something is bound and about to happen.
Out the corner of his eye, may mabilis na motor na papunta sa direksyon niya and thanks to the loud, obnoxious sound of music playing from the said vehicle na akala mo patok jeep ay well of course, bago pa siya mahagip ay agad niya ng iniwas ang sarili (kung bakit naman kasi may mga sasakyan na ipipilit idaan ang sasakyan nila sa sidewalk). However what he didn’t expect thou ay nakaligtas nga siya physically from the accident but not his heart because of the sudden appearance of a goddess in disguise.
And there it was. The infamous angel number from earlier, 222. Those were the numbers displayed on the motor’s plate along with some letters who almost hit him but why does it seem like those said numbers were sparkling o siya lang?
“Ay putangina! Shit! Sorry!” nagpapanic at gulat na sabi ng nakabangga sa kanya na hindi rin nageexpect na matatapunan niya si Danerie ng half-eaten niyang vanilla ice cream. Eh kasi naman! Ang tingin nasa cellphone hindi sa dinadaanan. Ano ba ’yan!
Hiyang-hiya siya pero ang binata sa harapan niya parang estatwa lang at hindi kumikibo.
Dahan-dahan lang…
Sabi ng tugtog sa background mula sa dumaang motor, at mukhang iyon nga din ang gustong sabihin ni Danerie sa puso niya.
Sandali! Teka lang naman!
Saan galing ang anghel na ito? tanong niya sa sarili.
Pahintuin mga kamay ng oras sa relo
Takasan natin ang gulo at lilipad palayo ng
Dahan-dahan lang…
“Hala, sorry talaga kuya! May pasok ka pa ba? Gusto mo ipa dry clean ko itong uniform mo?” nagaalalang tanong ni Vee na ngayon ay ginagamit na ang dulo ng suot niyang long sleeves pang punas sa namantsahan na parte ng uniform ni Danerie.
Saka lang siya natauhan ng maramdaman niya ang kamay nito na parang hinihimas ang dibdib niya (sa may dibdib kasi nito tumama ang ice cream na kinakain ni Vee). Ganuon pa man, hindi pa rin maialis ni Danerie ang tingin niya sa mukha ni Vee.
“Tangina ni Paps! Lakas! Akala ko ba heartbroken eh bakit mukhang inlove na ulit? May pa-Bougainvillea effect pa! Ano ’yan cherry blossom pinas version?” ani Oheb kina Edward at Hadji. Nakatambay sila sa bakanteng table sa luob ng ice cream house habang kinakain ’yung binili nila at pinapanuod ang eksena nina Danerie at Vee sa labas ng naturang establishment.
“Ganuon siguro talaga kapag gwapo saka nasa top list ni Kupido. Hindi pwedeng mawalan ng love life,” gatong ni Edward.
“Pero infairness! Mas maganda ’tong si Miss ngayon kesa sa mga nauna niya ha,” pag sang ayon ni Hadji sa sinabi niya.
“Sinabi mo pa! Pustahan tayo kuha niya na agad digits nyan!” confident na sabi Oheb.
However, this time around, especially for Danerie himself, Vee’s case is different because fate seems to be playing with them.
“A-ano, pasensya ka na ha? But I have to go. May ipapasa pa kasi ako sa Prof ko. Here, just incase magbago isip mo,” inabutan siya nito ng five hundred pesos bago nag bow at nagma madaling sumakay sa nakaparada nitong kotse sa ilalim ng Bougainvillea at humarurot paalis.
“Lapitan na ba natin?” tanong ni Oheb.
“Oo, tara! Mukhang nag malfunction na si Wise. Kawawa naman,” natatawang pag sang-ayon ni Hadji sa kaibigan.
Pagkalapit nila ay walang pakundangang hinampas nina Hadji at Edward ang magkabilang braso nito.
Agad na kumunot ang nuo ni Danerie dahil nabigla siya ginawa ng kanyang mga kaibigan. Duon niya lang na realise na natulala siya hindi sa pangyayari kundi dahil kay Vee. Woah, woah, woah!
“Tangina naman! Bakit namamalo?”
“Gago, Paps! Alam mo ba nangyari sa iyo? Para kang na-hypnotise eh!”
“H-Ha?”
“Na-hypnotise nga,” tumatangung pag sang ayon ng tatlo sa sitwasyon ni Danerie.
“Tangina ninyo! Tara na nga, kung anu anong kalokohan pinagsasasabi ninyo.” inis niyang aya sa tatlo pero ang utak niya ay na kay Vee pa rin.
Paulit-ulit na nagrereplay sa utak niya ang mukha nito. Ang amoy nito. Kapareha ng kinakain nitong ice cream na siyang nagpa mantsa sa damit niya. Vanilla. Gustuhin man niya magalit pero parang mas gusto niyang maulit uli ito, at si Vee ulit ang gagawa.
No, scratch that. Parang kahit ano yata ang gawin nito o mangyari sa kanya basta si Vee ang nasa harapan at gagawa sa kanya ay ayos lang sa kanya.
Hindi nga niya napansin na nag ngingitian ang mga kaibigan niya dahil sa kalutangan niya at hindi nakatakas sa kanila ang ginawa nitong maingat na paglagay ng pera na bigay ni Vee sa wallet niya at ng nagbiro silang gamitin niya ang inabot ni Vee sa kanya pang computer nila ay nagalit ito at pinagtatalakan sila. Hindi rin sila makapaniwala na hindi nakuha ng kaibigan ang number ni Vee dahil consistent ito sa pagkuha agad ng digits ng natitipuhan niya.
“Tori!” bati nina Danerie at Oheb ng makita ang kaibigan nila na siyang may ari at bantay ng comp shop.
“Uy! ’Di ba dapat mamayang gabi ka pa, Wise? Anyare at hapon palang nandito ka na at kasama mo din ’tong si Oheb? May dala pa kayong bagong recruit ha,” nakangiting sabi nito habang nagtitingin ng bakanteng pwesto para sa kanilang apat.
“Unti lang subjects namin ngayon eh saka wala kaming mapwestuhan duon sa mga comp shop malapit sa uni,” sagot ni Danerie, sabay pakilala kina Hadji at Edward since first time lang nila maglalaro dito.
“O sige dito muna kayo pansamantala.” ginayak sila ni Tori papunta sa pwesto nila sa bandang dulo ng comp shop. Napataas naman ang isang kilay ni Danerie dahil sa spot na iyon malapit ang pwesto niya.
“Pansamantala?” takang tanong ni Danerie ng makaupo siya sa PC ‘V’ na siyang pwesto niya lagi sa nasabing comp shop. For some reason kasi, letters ang naisipan ni Tori na gawing pang numbering sa mga PC niya. 26 PCs all in all ang nasa 24-hour comp shop ni Tori. Lagi siyang pumpwesto sa PC-V pero this time hindi niya alam bakit pinapalayas siya ni Tori. Territorial pa man din siya.
“Oo, kasi ’yang inuupuan mo ngayon eh may permanent customer din ako na dyan ang pwesto kaya kailangan kita or kayo palayasin. Baka mamaya mailang iyon sa inyo lalo na sa iyo, Wise!
Bibig mo pa naman wagas! Hindi rin kasi naupo iyon sa ibang pwesto maliban dito.“ tinapik pa nito ang inuupuan ng binata.
“Grabe ka naman sa akin, Tori! Akin itong pwesto na ito eh!” nakangusong maktol niya, “Pero wait! Permanent customer? Ibig sabihin gaya ko rin? Bakit hindi ko siya naaabutan dito kapag nandito ako?”
“Eh kasi magkaiba schedule ninyo! Pang gabi ka, pang umaga siya pero kanina bago siya umalis sabi niya sa akin baka bumalik ulit siya dahil baka ipaayos uli sa kanya ng Prof niya yung ginawa niyang output.”
“Ay, does that mean college din siya like us?” tanong ni Edward.
“Hindi. Nagmamasters na ’yun.”
“Ay, sheesh! Nerd? Sipag naman niya mag aral. Kabaligtaran ni Paps,” natatawang follow up ni Oheb.
“Oo, pero wag ka! Alam mo bang gaya ni Wise iyon kapag nandito? Never ako nawalan ng customer kapag nandito ’yun kasi ang daming tumatambay dito na may crush sa kanya at nagco computer para lang makita siya ng malapita.”
Of course, they already jumped to a conclusion na babae ang tinutukoy ni Tori without even asking to confirm. Tsk, tsk. Mga lalaki nga naman, o sadyang na-excite lang sila sa fact na hindi din nila alam kung bakit basta exciting, ’yun na iyon.
“Aba! Pwede mo ako reto dyan, kuya?” excited na tanong ni Hadji.
“Pwede reto pero kayo na bahala mag decide kapag nakita ninyo siya ng personal.” nakangiting sagot ni Tori dahil maging siya ay nagulat na hindi man lang kinumpirma ng mga ito kung babae ba ’yung tinutukoy niya o alien basta pa-reto agad sila sa kanya.
“What do you mean?” kunot-nuong tanong ni Danerie dahil para bang may something sa taong ’yun na indirectly binibigyan sila ni Tori ng idea kung ano iyon.
“Basta malalaman ninyo rin if babalik nga siya gaya ng sinabi niya kanina.”
“Aba parang exciting ah? Huwag kaya ako umalis dito sa pwesto niya hanggang sa dumating siya tutal pwesto ko naman talaga ito eh?” biro pa ni Danerie.
“Luh, eh di bahala ka. Lalabas agad iyon. Mahiyain iyon eh.” kibit-balikat na sagot ni Tori na lalong kina kuryoso ng apat lalo na nina Danerie dahil sa kanilang dalawa ni Oheb mas madalas siyang tambay ng comp shop ni Tori pero never pa niya na encounter ang sinasabi nitong regular na pumpwesto din sa pwesto niya.
Hindi naman siguro nanggu-goodtime si Tori sa amin ’no? ani Danerie sa sarili.
Makalipas ang dalawang oras na paglalaro ng League of Legends ay lumapit sa kanya si Tori para palipatin ito sa PC-W at pausudin pati ang mga kaibigan sa pwesto nila. Buti at magkakatabi pa rin sila kahit pinalipat sila.
“O? Naiba yata timeslot ni Mamshoes!”
“Hala, ang swerte ko naman today! Buti hindi pa ako out! Kuya Tori! Extend pa!”
“Aba,nandito na ang reyna! Nakaka gana na maglaro! Ayos!”
Sabay-sabay napa silip sa pwesto nila sila Oheb para tignan ’yung bagong dating na customer kaso nakatalikod ito sa kanila at kausap si Tori. Siya na siguro ’yung sinasabi ni Tori, sa isip-isip nila.
Agad na winaksi ni Danerie sa isip kung paanong coincidentally tumutugtog ngayon sa comp shop ’yung tugtog kanina ng magka banggaan sila ni Vee, without even knowing that it is also Vee who will be sitting beside him sa pwesto niya kanina.
“Shuta, Paps! Ang petite!”
“Oo nga tapos ang kinis pa! Rich kid yata?”
“Likod palang pero alam mo ng maganda itong sinasabi ni Tori!”
“Mga gago! Hintayin ninyo munang humarap kasi baka mamaya madisappoint lang tayo eh ang taas agad ng expectation ninyo sa kanya hindi pa nga humaharap.”
At para bang narinig nito ang sinabi ni Danerie kaya hindi na nakapagta takang mas nagulat siya kila Edward pag harap nito sa kanila, dahilan para out of nowhere ay ma-out of balance siya at maging dahilan ng maka agaw pansin at malakas niyang pagbagsak dahil tumama pa ang likod niya sa armrest ng inuupuan niya.
Putangina! Anong ginagawa nitong anghel na ito dito? tanong niya sa isip.
Oo nga naman! Ano nga ba ginagawa nito dito na para bang sinundan siya ni Vee?
“Hindi ba siya ’yung kanina?”
“Owsh— Paps? Grabeng stunt naman yata ’yan para makuha atensyon ni crush?”
“Tangina, Paps! Bakit ka nahulog?”
What a wonderful question, Oheb!
Siya nga dapat tinatanong ko kasi ang anghel nasa langit hindi dito sa lupa, sagot ni Danerie sa isip niya.
“Putangina! Ang sakit!” malutong niyang reklamo habang dahan-dahan niyang binabangon ang sarili mula sa pagbagsak.
“Ayos ka lang ba?” nagulat pa siya ng makitang nasa harapan niya na ang anghel este si Vee at naga alangang chine-check siya, “Tori! Pakuha muna ng pillow ko na pinatago ko sa iyo. Pagamit muna natin sa kanya. For sure masakit ’yung bagsak niya. Ang lakas eh. Oo.”
Muli itong tumingin sa kanya, “Gusto mo ba magpakuha ng ice pack? Pakuha tayo? Saan ka banda tinamaan? Masakit pa?”
“A.. hindi!” hindi sure si Danerie kung namumula ba siya dahil kita niya ’yung mapanuksong tingin sa kanya ng mga kaibigan na para bang sinasabing, ayos galawan mo, Paps ah! o dahil sobrang ganda ni Vee sa paningin niya at nasisilaw siya.
“Hindi? Baka mamaga ’yan?”
“Hindi! I mean, huwag na. Okay lang. Strong ito! Wala lang ito sa akin!”
“Are you sure?” ulit nito, nakatitig pa rin sa kanya na para bang inaalala nito saan siya nito nakita.
Please, alalahanin mo. Ako lang ’to, ’yung poging nabangga mo kanina sa ice cream-an, ani Danerie sa isip.
“Oh heto na ’yung unan, Vee!” saktong dating ni Tori kaya naputol ang titigan nila ni Vee at inabot nito ang unan mula kay Tori.
“Ano ba kasi ginawa mo, Wise? Nakaupo ka na nga lang dyan at naglalaro, naaaksidente ka pa,” sermon ni Tori sa kanya.
Duon lang siya nahimasmasan at inikot ang tingin niya sa paligid. Ang dami palang nakatingin sa kanila lalo na sa Vee niya.
Teka, saan galing iyon?
And did Tori say, the angel’s name infront of him is Vee? Like… just like the PC beside him? His favorite station in this comp shop?
Teka nga!
Don’t tell me siya ’yung makakatabi ko? excited niyang tanong sa sarili.
Pero what if hindi? Eme.
“W-Wais?” tawag nito sa kanya. Wise dapat pero dahil Wais ang sinabi nitong anghel sa harap niya eh ’di Wais it is but only for her.
Hindi niya alam saan siya humugot ng kakapalan ng mukha pero bigla nalamang niyang hinawakan ang pulsuhan ni Vee at hinatak ito paupo sa PC-V. Halatang nagulat ito sa ginawa niya pero hindi ito umalma.
“Okay na! Wala lang yung kanina. Kabobohan ko lang ’yon.” inis niyang sabi bago muling humarap sa monitor niya pero hindi niya napigilang sumimpleng tingin kay Vee at sa suot nitong maiksing short kung saan lantad ang makinis nitong legs.
Napalunok siya. Tangina naman! Hindi niya tuloy alam kung minamalas siya o sinuswerte ngayong araw dahil kay Vee. Bakit naman kasi ganito na ang suot nito? Hindi ganyan suot niya kanina, ani sa sarili.
“O siya, iwan ko na kayo. Balik na ako sa harap. Paano, Vee? Open time ulit?”
“Oo, Tori! May need ako i-revise eh,” sagot nito habang nagoopen ng iilang tabs.
Muling napatingin si Vee kay Danerie ng maalalang hawak pa rin niya ang unan niyang gusto niya sanang ipahiram sa binata kundi lang siya nito biglang hinatak paupo.
Luh, bakit siya nakaupo sa pwesto ko? Hindi ba siya sinabihan ni Tori na akin ’yang pwesto niya? Buti nalang pogi siya, ani Vee sa sarili sabay simpleng sulyap sa seryosog naglalaro na si Danerie. Ang pogi talaga!
Nasa kalagitnaan na ng pagbasag si Danaerie ng tore ng kalaban ng biglang…
“Heto pala ’yung unan, Wais. Lagay mo sa likuran mo. Baka masakit pa kasi ’yung tama mo kanina,” offer ni Vee sabay abot ng unan niya sa binata. It was a cat-designed neck pillow. Hindi ka talaga mapakali ’no Vee at pinush mo ’yang unan mo kay Danerie?
Biglang nagsi ngitian sila Oheb sa kanya-kanya nilang mga pwesto matapos marinig ang pagiging concern/pushy ni Vee kay Danerie. Para silang time bomb na pinipigilan ang sarili nila na sumabog para kantsyawan ang kanilang kaibigan.
“Awsus! Healed na ’yan. Hineal mo po eh,” panimula ni Oheb na narinig ni Danerie kaya agad siya nitong kinurot sa braso.
“Aray, Paps!” reklamo nito.
“Luh, parang nag dilang anghel pa yata ako sa biro ko sa kanya kanina,” bulong ni Edward sa sarili ng maalala niya yung biro niya kay Danerie na ang sunod nitong makikilala at magiging kasintahan ay ang siya na nitong magiging love of his life.
“Tanyo, pustahan! May magpapa iwan sa atin mamaya,” segunda ni Hadji sabay sipol.
Napatikhim si Danerie. Aware sa pinagsasasabi ng mga kaibigan niya kahit na hindi ito kalakasan at sa pamumula ng mukha niya. Shemay, para siyang highschool na kinikilig sa pagdaan ng crush niya!
“Tangina naman! Ayusin ninyo laro ninyo!” sita niya sa kanila kahit na ayos naman ang performance nila at road to victory na ang laro nila without breaking too much sweat.
Sadyang hindi niya lang alam kung paano magrereact dahil dito sa katabi niya. Para siyang natatanga sa katabi. Oh, my Vee!
Tangina naman bakit ngayon ko lang siya nakita? Bakit ngayon lang kami nagkita? tanong niya sa isip.
BTC 2: VANILLA
“Oy, Wise! Una na kami ha? Anong oras na eh,” paalam ni Edward kasama sina Oheb at Hadji. Hindi niya namalayang 10 p.m. na pala ng gabi. Well, as if namang may sense of time siya lalo kapag nakaharap sa PC bukod sa ang dami pa ring tao na nasa comp shop ni Tori. Buti na nga lang at mga lalaki sila kaya hindi ganuon ka-grabe ang pagaalala sa kanila ng magulang nila compare kung babae sila.
As if namang may magulang na maghahanap at magaalala sa akin, ani niya sa sarili.
“Sige, sige! Ingat kayo.” kumaway lang siya sa kanila at hinintay na makalabas ng comp shop bago ituon ulit ang atensyon sa PC.
Katabi pa rin niya si Vee na magmula ng umupo ito sa tabi niya ay nabusy na sa ginagawa nito. Sumisimpleng tingin siya sa pinagkaka abalahan nito from time to time para i-check dahil may mga sandaling naririnig niya itong magmura na tanging siya o silang dalawa lang ang nakakarinig ngunit nadi-distract lang siya sa ganda nito tuwing titignan niya kahit na ang seryoso ni Vee sa ginagawa niya. Hindi niya tuloy maiwasang mapangiti randomly at matulala. Kanina nga ng asarin siya ni Oheb tungkol dito ay walang pagda-dalawang isip niya itong kinurot. Kawawang Oheb. Kawawang Danerie, kinikilig kay Vee at walang laban.
Anong oras kaya nito balak mag out? Hindi ba siya hinahanap sa kanila? Ayt, akala mo naman papayag iyan magpahatid sa iyo, sa isip-isip ni Danerie.
Naisipan niyang lumabas saglit ng comp shop para bumili ng makakain. Magdamag na naman kasi siyang tatambay kila Tori dahil bukod sa isa lang naman ang subject niya bukas ay siya lang din mag isa ang nakatira sa bahay nila. Parehas na kasing nasa ibang bansa ang magulang niya at siya nalang ang naiwan dito sa Pinas kaya walang magagalit kung late siyang umuwi or hindi siya uuwi sa kanila. Malas lang dahil yung hate niyang subject na Trigonometry ang klase niya bukas kaya no choice siya kundi mag aral kahit papaano dahil ayaw niyang magka back subject. Ekis iyon.
“Ate, tig dalawa mo na bawat isa,” sabi niya sa nagbebenta ng turu-turo. Ewan niya ba kung bakit pero ng maalala niya si Vee ay may nag udyok sa kanya na bilhan na rin ito ng makakain. Obvious naman kasing hindi pa ito kumakain, ni tayo nga para mag-cr ay hindi nito ginawa sa sobrang pagka busy niya. He wonders anong mina-masters ni Vee at kung anong trabaho niya, at kung ilang taon na siya at kung may shota na ba siya… oy! Hoy! Teka lang! Saan galing ’yon? tanong niya sa sarili niya.
Nagdecide siyang duon nalang kainin sa comp shop yung mga binili niya para naman may kasabay na kumain si Vee. Ang kaso kailangan niyang galingan ang pagtago ng binili niya mula kay Tori. Number 1 rule kasi sa comp shop nito ay bawal ang pagkain sa luob. As if namang kakalat ’yung amoy ng binili niya eh hindi naman iyon yum burger. Napatawa siya sa isip niya.
Pagbalik niya ay nagulat pa siya ng marealise niyang ang dami pa ring nagco-computer sa luob hindi gaya ng nakasanayan niya dahil madalas pag lagpas 10 p.m. na wala ng gaanong naglalaro dahil karamihan naman sa mga nagp-pc duon ay kung hindi gaya niya na babad sa paglalaro eh mga high school girls na may crush sa kanya at halatang nanduon lang para makita siya and obviously, yung ganuong edad lalo pa at babae ay hindi talaga napapayagang magtagal ng ganuong oras sa labasan. Kaya nakaka panibago na makitang puno pa rin ang comp shop at malamang sa malamang yung mga nandito ngayon, hundred percent mga may crush kay Vee. Tsk. Medyo nakaramdam siya ng inis sa isiping iyon at alam niya ang dahilan kung bakit pero wala naman siyang karapatan so para lang siyang tangang naiinis sa wala.
First time niya itong makakasama mag all nighter sa comp shop kaya talagang susulitin niya na hanggat maaari. Gaya nga ng nasabi, matagal na siyang tumatambay dito pero never silang nagka salamuha na dalawa kaya nagtataka siya bakit ngayon lang? Well, we will never know.
Pagkalapag niya ng pagkain sa pwesto niya, agad siyang napalingon kay Vee ng marinig niya itong kumakanta. Bukod kasi sa maganda ang boses nito ay coincidentally, ’yung kinaka LSS-an niya na kanta ni Jack Harlow ang kinakanta nito. He wonders if aware ba itong umalis siya kanina o hindi sa sobrang focus nito sa ginagawa niya.
“B-Bakit?“halatang nagulat ito sa kanya ng kalabitin niya at agad na napatanggal ng kanyang headset. Bakit ang cute niya? Para siyang nawawalang bata sa reaksyon niya at ang sarap panggigilan ng pisngi niya!
Swabe niyang nilagay sa tabi ni Vee ’yung binili niyang pagkain nila. Naks! Pagkain nila akala mo talaga sila. Eme.
“Uhm, kanino ito? Hindi naman ako nagpabili?” pagtataka ni Vee. Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Danerie at sa nilapag nitong pagkain.
“Sa iyo. Wala kasing panukli si Ateng nagbebenta kaya sabi ko, bilhin ko nalang ’yung paninda niya na aabot duon sa binayad ko eh tapos nandito ka pa kaya sa iyo ko nalang isha-share,” paliwanag niya at unconsciously napahawak sa batok niya. Putangina ka, Wise! Palusot.com pa more! ani Danerie sa sarili. Sana lang hindi mahalata ng isa na palusot ang sinabi niya.
Agad nag panic si Vee, “Pero bawal pagkain dito, di ba?” hindi na tuloy napigilan ng binata mapangiti sa reaksyon ni Vee. Cute.
“Bawal pero hindi naman tayo papahuli kay Tori eh kaya kainin mo na ’yan. Alam ko gutom ka na din.” presko nitong sagot.
Akala talaga ni Danerie hindi napansin ni Tori na nagpasok siya ng pagkain sa luob ng comp shop. Ang hindi niya alam hinayaan lang siya nito dahil maging ito, gaya nila Oheb ay may napansin na kung anong kakaibang spark sa pagitan nila ni Vee at masaya siya para sa dalawang kaibigan.
Nagaalangan man ay sinunod siya ni Vee. Hindi tuloy maiwasang mag sky high ang ego ni Danerie dahil sa ginawa nitong pagsunod sa utos niya. Habang kumakain si Vee ay hindi niya maiwasang titigan uli ito. Ewan niya ba. Hindi siya ganito ka focus sa pagtitig sa mga nauna at naging nobya niya pero bakit kay Vee, parang hindi siya nagsasawa na gawin ito?
Huminga muna siya ng malalim bago nag decide na magpakilala kay Vee kaso sakto ding humarap ito sa kanya para magpasalamat sa bigay niyang pagkain.
“Salama—”
“Balit—”
Parehas silang napangiti sa hiya sa pagkakasabay nila sa pagsasalita.
“Go, ikaw muna.”
“Ladies first.”
Natawa si Vee sa sinabi ng binata hindi dahil nagsabay ulit sila sa pagsasalita. Malabo ba mata niya? tanong ni Vee sa sarili.
“Parang ikaw yata may kailangan nitong salamin ko eh! Ladies first ka dyan!” tumatawang sabi niya, “Mukha ba akong babae?”
Nagulat si Danerie sa narinig. Legit? Bakit parang mas maganda pa siya kesa kay Carlie at sa tunay babae? tanong niya sa sarili.
“Huh?”
“Lalaki ako, na may pusong babae! In short, bakla! Mothershoes! Reyna ganuon!” natatawang pagpapakilala niya sa sarili kaso si Danerie? Ayun, natulala. Hindi pa rin makapaniwala paanong hindi babae si Vee eh daig ng ganda nito ang sa tunay na babae.
“M-may mali ba sa sinabi ko? Ayaw mo ba sa mga gaya ko?” malungkot at kinakabahang tanong ni Vee. Hindi naman kasi siya ngayon lang pinanganak para hindi niya alam na karamihan ng mga tao ay judger sa kagaya niya. Sayang! Cute ka pa naman! sa isip-isip niya ng mapatingin uli kay Danerie.
Actually naiilang na nga siya sa pagtitig nito sa kanya magmula pa kanina lalo na ngayon. Normal lang ba ito sa binata na tumitig ng ganito sa kahit na sino kasi sa kanya hindi okay. Tuma-tumbling ang puso niya!
Agad nagising si Danerie sa pagkatulala niya ng marinig ang pangamba sa boses ni Vee.
“H-hindi!” medyo may kalakasan niyang sabi kaya may iilang napatingin sa gawi nila pero wala siyang pakialam. Hindi sila si Vee bakit ko sila iintindihin? sa isip-isip niya.
“I mean, ang ganda mo kasi! Mas maganda ka pa kesa sa tunay na babae!” bulalas niya na kinagulat at nagpamula kay Vee.
“W-Wais!” nahihiyang sita niya dito. Buti nalamang at matandain siya sa pangalan.
Agad napangiti si Danerie ng marinig niyang tawagin siya ni Vee na ‘Wais’. Iyon na yata ang pinaka magandang pagkaka pronounce sa palayaw niya na narinig niya.
“Nice to meet you din, Vee.” nilahad niya ang kamay niya kay Vee at parang wala na siyang balak pakawalan ang kamay nito ng i-shakehands siya nito pabalik. Ang liit na ang lambot! Saktung-sakto lang sa kamay niya ang kamay ni Vee.
Nabigla naman si Vee ng malamang kilala siya nito eh first time lang nilang magkita na dalawa. Siguro naku-kuwento ako ni Tori sa kanya? sa isip-isip niya.
“Kilala mo ako?”
“Ah, narinig kong tinawag kang Vee ni Tori kanina, remember?”
“Legit ba?”
“Oo nga.”
“Ah, oo nga! Naalala ko na.” medyo pahiya unti ako du’n ah, bakit kasi ang assuming, Vee? tanong niya sa sarili.
Nawala sa mga isip nila na magkahawak kamay pa rin sila habang nakaharap sa isa’t-isa. Paano kasi, para bang matagal na silang magkakilala kahit na ngayon lang sila nagkita na dalawa.
“Pero kahit hindi ko naman narinig pangalan mo kay Tori may itatawag pa rin ako sa iyo.”
“Ano? Hindi naman siguro pick up line ’yan no? Gasgas na ’yan, Wais.” nakangiti niyang tanong, excited at medyo assuming na naman sa fact na baka magbato ng pick up line sa kanya ang binata.
“Hindi. Tatawagin pa rin kitang ‘V’. Sabi kasi ni Tori sa akin kanina d’yan daw yung pwesto mo sa PC-V kaya naisip ko baka dahil ’yung pangalan mo nagsisimula sa letrang V. Tapos ayun na nga, paglapit dito ni Tori narinig ko Vee ang tinawag niya sa iyo.”
Gulat na napatingin si Vee kay Tori bago ibalik ang tingin sa binata. Hala, saan galing iyon? Loko ’tong si Tori ah, sa isip niya.
“Bakit? Hindi ba? Sorry, ang assumero ko! Alam mo kasi, share ko lang ’no? Na ’yang pwesto mo kasi na ’yan ngayon ang pwesto ko talaga dito sa comp shop kaso sabi ni Tori dyan din daw pwesto mo kaya dito niya ako pinalipat kasi baka daw umalis ka agad pag nakita mong may naka pwestong iba dito.”
Ay, ang gentleman niya ah, sa isip ni Vee.
“What? Sinabi niya iyon?”
“Uh, oo? Bakit? Hindi ba?”
“Owemji! Hindi. Actually ’yang inuupuan mo nga ang pwesto ko dito kaya nga nagulat ako pagdating ko nakaupo ka na dyan pero keribels lang. Ayaw ko namang paalisin ka. Nakakahiya ’yun at saka win-win pa rin kasi nandito pa rin ako naka pwesto sa dulo.”
“Aba, pinag tripan tayo ni Tori ah!”
“Mukha nga,” pag sang-ayon niya, “Thou pansin mo ba?”
“Ang alin?”
“Ah, wala! Baka ako lang.” biglang kinain ng hiya sa Vee sa balak niyang sabihin dahil baka ma-misunderstood siya ng binata pero actually iyon at iyon din naman talaga ang punto ng sasabihin niya sa kanya.
Para kasi kay Vee, hindi simpleng coincidence lang ang mga nangyari ngayong araw. Magmula du’n sa pagkikita nila ni Danerie sa ice cream house at hanggang dito sa comp shop ni Tori, para bang planado. Para bang tinakda talaga ng tadhana na magkita sila. Pero bakit parang hindi ako nito naaalala na ako ’yung nakabangga sa kanya kanina? tanong ni Vee sa sarili.
“Ano nga? Sige, sisigaw ako dito!” agad kinabahan si Vee sa banta nito. Mukha kasing hindi palabiro si Danerie na tao kaya baka nga gawin talaga nito ang sinabi niya.
“Wais!” sita niya.
“Dali, sabihin mo na kasi!”
“A… kasi, napansin ko lang, uhm… sabi mo kasi ’di ba pwesto mo itong PC-V tapos nataon Vee name ko, right? Then ako naman pwesto ko ’yang PC-W and yung name mo—”
“Wais?” pagtatapos ni Danerie na abot tenga ang ngiti sa labi.
Luh! Sabi na eh. Dapat talaga hindi ko nalang sinabi. Dapat nag shut up nalang ako. Bakit naman kasi biglang ang daldal ko eh hindi naman ako ganito lalo na with strangers! Siguro may something ’yung pinakain niya sa akin? ani Vee sa sarili.
“Wais!” mataray niyang sita dito pero deep inside tuma-tumbling na ang insides niya.
“Baka meant to be tayo, ’di kaya?”
“Naniniwala ka sa ganuon?”
“Walang masama maniwala.”
“Loko, hindi tunay iyon! Eh di sana may equality when it comes to relationships with the same sex kung siyang tunay, ’di ba?”
“Equality is just an illusion, (ba) by .”
Nanlaki ang mata ni Vee sa huling word na narinig dahil hindi niya tiyak kung tama ba ang dinig niya dahilan para lalong bumilis ang tibok ng puso niya samantalang tinapik naman ni Danerie ang balikat niya mentally. Thank god, he didn’t stutter at sana hindi nahalata ng isa ang the moves niya.
“Ewan ko sa’yo, Wais! Uwi ka na nga.” ayaw niya mag assume pero bakit parang hindi naman Vee ang huling word na binanggit ni Danerie. Ehem, hindi naman kasi talaga.
“Luh, ayaw mo na ako kasama?”
“Hindi ka pa ba hinahanap sa inyo?”
“Kahit sa bahay mo pa ako umuwi.”
“Wais!” namumulang sita ni Vee.
Hindi maintindihan ni Vee ang sarili dahil hindi siya ganito sa taong kakakilala pa lang niya pero kay Danerie? Iba. Bakit kaya?
At iyon ang kinakatakot niya.
“Pero seryoso hindi ka pa ba hinahanap sa inyo? Anong oras na o.”
“Ako lang naman mag isa nakatira sa bahay namin eh ikaw? Wala bang naghahanap sa iyo? Mamaya magulat nalang ako may sumugod dito at bugbugin ako,” kabadong biro niya. Sana hindi halata at sana din wala pa siyang partner, ani sa isip.
Siya lang mag isa? tanong ni Vee sa sarili. Thou nataranta si Vee kahit wala namang dapat ikataranta. Maybe sa way kung paano sinabi ni Wais. Pakiramdam niya tuloy kaedaran niya siya kahit na ang totoo, mukhang mas matanda pa siya sa binata.
“Naku, wala! Papa at Ate ko lang magha hanap sa akin kung sakali at alam naman nila kung saan ako hahagilapin if incase.”
Nakahinga ng maluwag si Danerie.
Ayos! Mukhang wala pang bakod.
Huy, saan na naman galing iyon? tanong ng sarili niya sa kanya.
Mukhang tama nga sila Hadji. Hindi siya nawawalan ng bago kapag nawalan siya. Laging may pamalit. And for the first time, this realisation scared him. Ayaw niyang isipin na pamalit lang si Vee. She deserves more than just to be a rebound.
Yes. She/Her. Iyan ang pronouns na nararaparat para kay Vee. Hindi man niya lubos na kilala si Vee ay alam niyang ito yung tipo ng tao na kung ano gusto mong itawag sa kanya ay ayos lang sa kanya. Hindi ka niya susungitan o mamasamain sa kanya.
“Ah, alam mo pansin ko lang ha? Parang ang busy mo na tao, Vee.”
“Halata ba?”
“Medyo. Mula kasi ng dumating ka kanina parang hindi pa kita nakitang nagbukas ng kahit anong social media accounts mo.”
Hindi sa inaabangan ni Danerie na magbukas si Vee ng FB niya para masearch at stalk niya ito pero parang ganu’n na nga.
Natawa naman si Vee, “Hindi ako informed na supervisor pala katabi ko.”
“Syempre katabi kita impossibleng hindi ako mapatingin sa monitor mo.”
“Sabagay, eh ikaw? Wala kang homeworks kaya puro laro ka lang?”
Kung may double meaning man ang tanong na iyon ni Vee sa kanya, hindi niya alintana at wala iyon sa kanya kung sakali man na iba ang tinutumbok nito. Vee is Vee. She can be whoever and think whatever she wants. After all, she is her own person.
“For today wala pero kailangan ko manuod ng video tutorials para may ma-gets ako sa topic namin bukas sa Trigo. Ayaw ko nga ng subject na ’yon eh. Hatest subject!” natatawang sabi ni Danerie kay Vee.
“Ay, ’yan naman ang hindi ako naniniwala! Hindi ako naniniwala sa mga taong ayaw ng Math. Napapangunahan lang kasi sila kasi ng takot magkamali lalo pa madalas terror mga nagtururo which leads to, nahihirapan makasabay mga estudyante sa ganuong klaseng guro but then may mga tao talagang tamad mag aral pero kaya naman makahabol kapag nag seryoso, so saan ka duon, Wais?”
Nagulat si Danerie ng marinig niya ang pangalan niya at napalunok. Masyado kasi siyang nafocus na naman sa seryosong mukha ni Vee kaya nakalimutan niyang two way ang conversation nila.
“A… ah, ako ’yung tamad mag aral kasi terror yung prof,” sagot niya na kinangiti ni Vee, kung ano man ang dahilan, walang pakialam si Wise basta ba nakita niyang ngumiti ito ng pagka ganda-ganda ay wala na. Surrender na agad. No questions ask or request for pardon. Ganda mo talaga, Vee! sa isip niya.
“Saan na ba topic ninyo sa Trigo?” with that question from her, leads to them being much closer than earlier. Naging study session bigla ang comp shop ni Tori ng dalawa.
Napagtanto ni Danerie na hindi lang basta maganda si Vee, matalino din ito. Deserve nga talagang makapasok ng Grad School.
“Ay hala! Pasado ala una na pala!” panic na sabi ni Vee kaya pati siya nagpanic na din.
“Bakit hindi mo sinabi may curfew ka pala? Akala ko okay lang sa kanila kahit ano oras ka umuwi? Tara, ako na maghahatid sa iyo sa inyo para hindi ka pagalitan,” offer niya na kahit nasa kalagitnaan ng stress si Vee dahil kailangan niya pang maghabol ng tulog ay nagawa pa rin niyang matawa sa sinabi ni Danerie.
“You’re funny, Wais.”
“Huh? What do you mean? Nagaalala lang ako dahil baka pagalitan ka. I mean, inabot ka ng ala una ng dahil sa akin. Tinuruan mo pa kasi ako,” sabi nito sabay nahihiyang napahawak sa batok niya. Tanda na, kahit na nakakahiya na tinuruan siya nito dahilan bakit late makakauwi si Vee ay at the back of his head, kinikilig siya sa eksena nila kanina.
“Hindi ako pagagalitan, Wais. Jusko, mas matanda pa ako sa iyo ’no!” natatawa nitong sabi, “… what I mean is kaya ako nagpapanic is because maghahabol pa ako ng tulog ko. Maaga pa pasok ko sa work bukas. Mahi hirapan ako mag commute ng inaantok. But thanks for your concern, Wais.”
Tinanguan lang sila ni Tori ng sabay silang magpaalam palabas ng comp shop nito. Lihim na kinikilig sa kanilang dalawa. Sa wakas mukhang may nanalo na, sa isip nito.
“Wais! Sige na, maglakad ka na pa inyo. Mabilis lang naman maghintay ng tricycle.”
“Wag na. Hintayin na kita makasakay. Malapit lang naman ako dito.” sus, palusot.
Ten minutes ang nakalipas bago may bakanteng tricycle na dumating at ng magka paalamanan na silang dalawa at nasiguro ni Danerie na okay si Vee sa nasakyan niyang tricycle ay saka siya nagsimulang maglakad pauwi sa kanila. Halos maga alas tres na ng madaling araw ng maka uwi siya. Joke lang ’yung malapit siya kila Tori. Mga two blocks away ang layo niya sa kanila. Ayaw niya lang mag alala si Vee sa kanya. Nuks naman!
For some reason, kahit late ng nakatulog si Wise ay maaga pa rin siyang nagising. Naunahan pa nga niya ang alarm clock niya at ito ang first time na hindi siya nag balak bumalik sa pag tulog after niyang gumising. Para bang may nag udyok sa kanya na mag asikaso na kaya iyon ang ginawa niya kahit na 5 hours away pa ang klase niya today.
Tatambay na lang ako sa library. Nuks! Ang hard working naman na student, sabi niya sa sarili niya sabay sagi ng aral session nila ni Vee kagabi na nakapag pangiti sa kanya.
Naisipan niyang dalhin ang motor niya tutal siya lang naman sa kanila ang may pinaka maagang uwi ngayon. Magkakaiba kasi sila ng course pero sadyang may mga araw talaga na nagtutugma mga uwian at breaks nila kaya nakakapagsama silang apat.
Napakunot ang nuo niya pagdating sa highway ng salubungin siya ng traffic at dagsa ng mga mananakay na unti nalang kakainin na ang kalahati ng highway. Para silang mga tamed zombies na anytime magbe berserk kapag may dumaang bakanteng pampasaherong sasakyan.
Bigla niyang naalala si Vee. Buti nalang at may kotse ito. Pero wait, parang may nabanggit si Vee sa kanya kagabi about sa pagco-commute. Hindi nga niya lang sure kung tama ba ang dinig o memorya niya about sa bagay na iyon.
Sadyang naging mapagbiro na nga talaga ang tadhana sa kanila simula kahapon dahil after nilang makausad na mga motor sa highway, nahagip ng mata niya ang seryoso at mukhang pinagpapawisan na si Vee kasama ang ibang nagaabang na commuter.
Agad siyang huminto malapit sa kinatatayuan nito pero sadyang focus si Vee sa goal na makahanap ng masasakyan.
“Vee!” sigaw niya. Buti nalang ay agad itong lumingon at nakita siya kahit na maraming napatingin sa ginawa niyang pagtawag dito. Halatang nagulat si Vee sa prisensya niya.
“Wais?” sabay lapit dito, “Ang aga mo naman yata? Tanghali pa pasok mo, ’di ba?”
“Ah, oo kaso maaga ako nagising eh.” sagot niya sabay patay sa umaandar niyang motor para buksan ang compartment sa likod. Hindi nakaligtas sa kanya yung part na natandaan ni Vee oras ng pasok niya. Napangiti siya.
“Hatid na kita. Saan ka ba?”
“Ay naku, Wais! Wag na! Okay lang. Maabala pa kita,” nahihiya at namumulang pag tanggi ni Vee. Lalakad na sana ito palayo pero agad siyang nahawakan ni Danerie sa pulsuhan.
“Hey, I insist. Okay lang. Nagbabalak lang din ako mag road trip sana since maaga pa masyado para pumasok.”
“Talaga ba, Wais? Roadtrip ng naka uniform? Naku, Wais ah sinasabi ko sa iyo! Wag na wag kang magcu-cutting classes.”
“Opo, Vee,” tugon ni Danerie kahit na ang totoo ay gusto niya talagang sabihin na by short for baby. Pero may tamang oras para matawag niya si Vee nu’n at hindi pa iyon ngayon. Kung alam lang nitong kaharap niya kung gaano nito binulabog ang utak at puso niya bago siya makatulog kagabi and for the very first time, wala siyang sagot na nabuo sa mga what ifs na naisip niya, ibig sabihin nito, para sa kanya ay for the very first time din hindi siya nakaramdam ng kahit na anong takot o pagaalinlangan kay Vee na na-experience niya sa mga nauna sa kanya.
Kinuha niya sa bulsa ng pantalon niya ang isang malinis na panyo at marahan itong idinampi sa nuo ni Vee para punasan anf pawis nito. Naiilang man ay hinayaan lang ni Vee si Danerie.
“Akin na ’yang bag mo. Ako na magdadala para hindi ka mahirapan.” agad niyang kinuha kay Vee ang side bag nito at bago pa ito maka alma ay sinuot niya na agad dito ang dala niyang extra helmet.
“Safe ba tayo dito, Wais? Hindi ba tayo maa-aksidente dito?” kinakabahang tanong ni Vee matapos siyang alalayan ni Danerie na makasakay sa likuran nito. Agad siyang kumapit sa braso nito.
“First time mo lang ’no, Vee?” nilingon niya ito ng bahagya at ramdam ni Vee ang pagaalala ni Wais para sa kanya. Nahihiya man ngunit tumango siya bilang sagot.
“Hayaan mo, Vee. Ako bahala sa iyo. Wais yata itong driver mo,” nakangiting sabi nito para mag lighten ang mood ni Vee na siya namang nangyari.
“Dito ang hawak, Vee.” kinuha niya ang magkabilang kamay nito na nakahawak sa braso niya at iniyakap sa bewang niya.
Para-paraan pero bakit bigla akong kinabahan sa sarili kong kalokohan? kinikilig na tanong ni Danerie sa sarili.
“Hala, Wais!” namumulang sita ni Vee, “Hindi naman ganito hawak ng mga sumasakay ng Angkas!”
“Eh hindi naman ako Angkas, Vee! Sige na, kapit ka lang at lilipad tayo sa kalawakan ,” pakantang sabi ni Danerie sa dulo na kina excite ni Vee. Takot siya sumakay ng motor kahit na ngayon palang siya makaka subok nito at si Danerie ang unang lalaki na nakapag pa-oo sa kanya na sumakay sa ganito. Even her exes could never.
Buti nalang at maaga akong umalis ng bahay, nakangiting sabi ni Danerie sa sarili.
Wala pang one hour ay nakarating na sila sa pinagtatrabahuan ni Vee.
“Wow! Ang angas dito, Vee!” manghang sabi niya habang nililibot ang tingin sa mga naglalakihang building na nakapalibot sa kanila bago muling ibalik ang tingin niya kay Vee.
“Ganda ba? Gusto mo gala tayo dito minsan,” aya ni Vee at hindi sinasadyang mapansin niya ang plaka ng motor na gamit ni Danerie habang nakatayo siya sa gilid ng motor at inaayos ang damit niya. Katulad ng kanya ang plaka nito na binaliktad lang.
ESWV 191409. Coincidence , maybe?
At syempre, sino ba si Danerie para tumanggi? Si Vee na ang nagaalok ’o.
“Oo ba! Ano pala oras uwi mo? Hindi ka ba mahirapan mamaya pag uwi?”
“Five pa out ko pero mago-OT pa ako ng mga one hour so bale six pa ako makakalabas ng office. Alam mo na kailangan kumayod,”
“Rush hour ’yun ah?”
“Oo, eh keri lang. Bukas magagamit ko na ulit ’yung kotse. Palitan lang kasi kami ng gamit nu’n kung sino may importanteng lakad sa amin.”
’Di bale, Vee. Ako ng bahala sa iyo mamaya. Tutal hinatid kita dito, ako na rin susundo sa iyo, sabi niya sarili at napangiti sa balak.
“O sige na, pasok na ako. Baka ma-late ako sayang naman yung paghatid mo sa akin.”
“Wala iyon. Sige na. Pasok ka na.”
Saglit silang nagkatitigan hanggang sa nilakasan ni Vee ang luob niya at niyakap ito for 20 seconds.
“Ingat, Wais! Salamat ulit sa paghatid.”
Daig pa niya ang nanalo sa lotto sa unexpected na pagyakap ni Vee sa kanya that was for 20 seconds, mind you!
Putangina! Kumapit kaya ’yung amoy ni Vee sa akin? tanong niya bago amuyin ’yung jacket niya ng patago ng makalayo si Vee.
“Anak ng vanilla, Vee! Sarap mong ibulsa!” nanggi-gigil na bulong niya sa sarili bago niya napagpasyahang paandarin na muli ang motor niya at umalis dahil binibigyan na siya ng weirdong tingin ng security guard na nasa hindi kalayuan sa inasta niya.
Paki niya? Si Vee iyon eh.
Basta si Vee talu-talo na.
BTC 3: LOAD
“Tangina, Paps! Ikaw ba talaga ’yan?” malakas na tanong ni Oheb sa kanya ng makita siya nitong palabas ng library. Nagkayayaan kasi sila na mag bonding ng magkakasama at may i-introduce din daw na bagong mobile game sa kanila si Edward na baka matipuhan nila magto-tropa.
Nasaktuhan din naman na bakante ng halos isang oras sila Hadji na siyang nalalabing oras ni Danerie bago pumasok sa nag iisang subject niya ngayong araw.
Sa totoo lang kung hindi lang siya nakokonsensya sa effort ni Vee na turuan siya kagabi sa topic nila ngayon ay nagbabalak siyang hindi pumasok kaso wala eh, iba ang tama niya kay Vee. Nagiging masunurin siyang binata sa kanya.
“Ako lang ito, Oheb! Si Wais! ’Yung taong nangangarap maging pro player.”
Nag apir silang apat at habang pababa sila ng building ay napagkwentuhan nila ang tungkol sa larong nadiscover ni Edward dahil sa mga kaklase niya at sa mga kasamahan niya sa boot camp kung saan siya nagte-train ito maging pro-player na siyang pangarap din ni Danerie.
Isa sa mga dahilan kung paano at bakit sila naging magka kaibigan ay dahil sa pagka hilig nila sa paglalaro ng mobile or online games kaya nga hindi nakapagtataka kung bakit tambay at kilala din sila sa mga comp shop na pinupuntahan nila ay dahil bukod sa lahat sila gwapo at maginoo na may pagka pilyo ay mga pambato din sila sa pustahan lalo na kapag LoL ang usapan.
“Nakita ninyo pala ’yung post dun sa group?” tanong ni Hadji habang hinihintay nilang matapos ang pagiinstall ng larong ML sa mga cellphones nila. Ang tinutukoy nito ay yung tungkol sa post ng isa sa mga kilalang Gaming Team na sumasali sa mga tournament mapa-local o international man.
“Oo, ’Ji! Seryoso ba ’yon? Sayang ’no? Isang taon din siya nagpahinga ’di ba? Akala ko nga hiatus lang, iyon pala road to retirement na siya. Mami-miss ko si Idol,” nakangusong sabi ni Oheb.
“Paano pa ako? Nag expect kami ng team ko na mapapanuod namin siya ng live maglaro sa darating na Season. First interaction ko nga din sana sa kanya ’yun. Sayang talaga! Pagkakataon ko na sanang makita ’yung Reyna sa mundo ng LoL!” dagdag ni Edward.
“Si ohmyV33nus ’yang pinaguusapan ninyo, no? Kakakita ko nga lang ng mga past games niya sa youtube sa mga nasalihan niyang tournament. Deserve matawag na matinik na challenger! Ang galing ng strat niya kapag naglalaro.” sabat ni Danerie.
Si Faker kasi ang siyang ini-idolize ni Danerie sa larong LoL pero hindi ibig sabihin hindi niya naririnig ang pangalang Ohmyv33nus sa mundo ng nasabing online game lalo pa’t madalas niyang makita sa youtube reviews na isa ito sa mga pwedeng maging ka-duo o hard core enemy ni Faker.
“Hanggang ngayon talaga hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na trans siya. Shuta, ang dyossa kasi kahit si Carlie V walang sinabi du’n pero alam ninyo parang may naalala akong kahawig niya hindi ko lang matumbok sino.” sabi ni Oheb na ngayon ay pumipili na ng hero na gagamitin niya.
“Ako din eh! Pero grabeng angas nu’n kung tutuusin! Akalain mo wina-wipe out niya lang mga kalaban na parang wala lang gaya nalang kung paano niya hindi pansinin mga negative comments na nakukuha niya sa iba lalo na sa gender niya. Kung ako iyon baka nag give up na ako. OA din kasi ng mga haters niya porket natalo niya idol nila, una nilang nakikita gender niya hindi ’yung galing niya sa paglalaro. Mga epal eh!” pag sang-ayon ni Hadji kay Oheb.
“Pero ayun nga sayang at nag retire siya. Ano kaya sa tingin ninyo rason?” tanong ni Danerie.
“Ang chismis sa napasukan kong forum, eh dahil daw nasa seryosong relasyon na daw si Idol at ’yung partner niya , gusto nitong naka focus lang sa kanya si Ohmyv33nus. May mga players din kasi na may crush at nanliligaw sa kanya. Kung sabagay, kung ako din magka shota ng kasing ganda ni Idol eh baka bakod malala din ako.” sagot ni Oheb.
“Panget naman nu’n! Paano kung nanduon kasiyahan ng partner niya? Parang wala siyang tiwala sa kanya. Kung ako ’yon susupportahan ko siya kung ano mang trip niya pero syempre time to time papaala ko sa mga nakapaligid at aaligid sa kanya na taken na siya.” sagot ni Danerie.
“Ay iba naman ang nasagap ko na rason bakit siya nag retire thou feeling ko kalokohan nag comment nu’n. Sabi ba naman kasi magfo-focus na daw siya sa trans life niya at may balak daw itong sumali sa Miss Universe next year. ’O di ba ang sabog?” nagpipigil na tawang sabi ni Hadji.
Natawa silang apat ng hindi na nila makayanang pigilan pa dahil sa sobrang absurd na theory na nabasa ni Hadji.
“Pero ’di ba may rumours na mawawala na daw inclusivity sa Miss Universe? So baka nga totoo.”
“Ito namang nasagap ko, ito feeling ko legit talaga na rason kung bakit siya nag retire. May kutob nga rin ako na baka matagal na ding aware ang Team niya tungkol sa plano niyang pagreretire.” entry ni Edward.
“Ano iyon?” sabay na tanong nila Oheb.
“Na kaya siya nag retire ay dahil yung dating pro player, ang siya na mismong gagawa ng game para sa ating mga gamer.” sagot nito, “Narinig ko kasi before sa isa sa mga nakasama ko sa boot camp na related daw sa paggawa ng games ang course ni Ohmyv33nus at kaya lang siya nag pro player ay para makakuha ng idea paano matatangkilik at maisasalang sa international tournament yung laro na bubuuin niya.”
First game, GG. Nagsi apir silang apat sa tuwa. Sino bang hindi? VICTORY! eh at saka unang beses palang nila nilaro ang ML tapos panalo pa agad. Buti nga at ayos din ’yung kasama nilang player na Yue ang pangalan.
“Eh ikaw, Ward? Kailan ka magreretire?” birong tanong ni Hadji.
Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan nito na siyang kinabahala nila.
“Gusto ko na nga umalis eh.”
“Ha? Bakit? May nangbu-bully ba sa iyo du’n? Tara abangan ko para sa iyo.” maangas na sabi ni Danerie.
Natawa lang si Edward ngunit na-touch sa sinabi ng kaibigan.
“Hindi. Wala. Nakakapagod lang talaga bukod sa short sa budget, batak sa puyat, eh sinabayan pa ng coach na strikto, mataas na matrix every week at mga members na sarili lang nila ang iniisip nila. Eh kaya nga team, kasi dapat magtutulungan kayo umangat at marating yung goal ng sama-sama.”
“Kung kami lang ka-team mo tapos sinabi mo ’yang ganyan sa amin, ikukulong ka namin sa drum. Walang aalis! Pumasok-pasok ka eh.” panga-alo ni Hadji.
“Langya kasi kayo! Bakit hindi pa kayo sumabay sa akin ng nagpa audition sila duon sa Team na nasalihan ko? ’Di sana hindi ko naiisipang mag quit ngayon.”
“Naglalaba ako ng time na nag invite ka,” mabilis na sagot ni Oheb.
“Ako naman inaapoy ng lagnat. Loko kasi ’tong si Wise. Sinama-sama ako du’n sa pasurprise kuno niya kay Carlie ayun, nilagnat ako kinabukasan.” maktol ni Hadji.
“Sorry na kasi, ’Ji tagal na ’yun eh! At least ngayon hindi na iyon mauulit.” confident na sabi ni Danerie with matching taas-baba pa ng kilay niya.
“Ulol! Huwag kami, Paps! Nagpa iwan ka nga sa comp shop kagabi tapos anong oras na din ’yon,” nakangising sabi ni Oheb, “Ano? Naka score ka?”
“Oheb? Bagong kaibigan? Alam mo namang tumatambay talaga ako magdamagan kila Tori maliban kung wala ako sa mood. At saka, hindi. Iba si Vee. Nahiya akong gawin sa kanya ’yung ginagawa ko pag tipo ko,” nagulantang sila Hadji sa narinig.
This is so not Danerie coded. Anyare?
“Luh? Del Rosario? Ikaw ba talaga ’yan? Nasaan na ’yung Wise na Wais naming kaibigan pag dating sa pangchi-chikas?”
“Gagu, Paps! Ang lakas naman ng tama sa iyo ni Vee at napa change person ka niya agad? Imagine ah, isang gabi lang!”
“Mukhang ikaw ang delikado ngayon sa mga natipuhan mo ah! Hala ka, Paps!”
Hindi maintindihan ni Danerie ang sarili kung bakit bigla siyang nakaramdam ng hiya sa mga pinagsasasabi ng mga kaibigan. Siguro ay dahil ang lalakas ng boses nila at may mga napapatingin sa gawi nila?
Ganun pa man, hindi niya napansin ang pagdaan malapit sa kanila ni Carlie kasama ang mga kaibigan nito at narinig ang pinagsasasabi nila Oheb kay Danerie.
Impossibleng maka get over agad sa akin si Wise! Grabe nga iyak niya ng makipag hiwalay ako sa kanya, sa isip-isip ni Carlie.
“Ewan ko sa inyo! Sige na, papasok na ako!” namumulang paalam ni Danerie kila Oheb na dahilan ng lalong pagkantsyaw ng mga ito sa kanya. Naiinis ba siya? Nahihiya? Hindi. Sa katunayan, kinikilig siya!
Napa buntung-hininga na lamang siya ng makitang halos kumpleto na sila na mga kaklase niya sa classroom. Hindi nakaligtas sa paningin niya si Carlie na siyang kaklase niya din sa subject na ito. Irregular kasi ito at nasaktuhan na ngayon lang din nito tinatake ang subject na Trigo. Nang una okay lang sa kanya dahil sila pa, pero after nila mag break hindi na.
But now? Well, wala na ito sa kanya. In fact, kung sakaling mang magpa activity ang Prof nila, excited siyang gamitin ang mga tinuro sa kanya ni Vee na mga formulas kagabi.
“Aba, Mr. Del Rosario? Inspired ka ba? First time mong mag top sa klase ko ah,” bati sa kanya ng Prof habang hawak nito ang pinagawa niya sa kanila.
Perfect ba naman ang inyong Dada Danerie! Baka epekto ni Mamshoe Vee ’yan!
Automatic na napahawak sa batok niya si Danerie. Vee kasi eh! sisi nito sa kanya sa isip niya. Sige lang, may masisi lang. Eme.
“Siguro, Sir.” matipid nitong sagot bago naghiyawan ang mga kaklase niya.
Alam kasi ng mga ito ang history na meron sila ni Carlie at akala ng mga ito ay hanggang ngayon hooked pa rin siya sa ex niya dahil wala pa silang nakikitang pinapalit dito na within univ vicinity gaya ng nakasanayan kaya hindi nila ineexpect na ibang tao ang sasabihin ni Danerie, maging si Carlie ay nagulat dahil akala nito ay gumagana according to plan ang pagpapahabol niya kay Danerie sa pamamagitan ng pakikipag break niya dito.
“So pwede ba namin malaman kung sino, Mr. Del Rosario? Aba’y kung ganito pala ang epekto niya sa iyo eh, mabuting huwag mo ng pakawalan.” nakangiting payo nito.
“Hindi po taga dito eh,”
Halu-halo ang naging reaksyon ng kanyang mga kaklase pero ang ilan sa may ayaw kay Carlie ay bukod sa naging curious kung sino ang bago ng binata ay mas kinilig lalo sa isiping naka get over na ang kanilang kaklase sa undeserving nitong ex.
“Vee po pangalan niya,” nahihiyang pakilala niya pero at the same time ay proud, “Siya po kasama ko magpuyat kagabi saka siya din nagturo sa akin about dito sa topic natin for today, Sir.”
Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga kaklase niya na sinamahan pa ng pagkalampag ng iilan sa mga lalaki ng kanilang lamesa lalo pa at kita sa mukha ni Danerie ang pinaghalong kilig at hiya.
Kung meron mang isang taong hindi natutuwa sa nangyayari, iyon ay walang iba kundi si Carlie na lumabas nalang basta ng room nila ng walang paalam. Wala namang nakapansin sa kanya dahil abala si Danerie sa pagpa patigil sa mga kaklase niya sa pang aasar ng mga ito sa kanya.
Matapos ang klase nila ay dali-dali siyang lumabas ng room papuntang parking lot para mag ikot saglit sa mall bago puntahan si Vee sa trabaho nito para sunduin.
Ang ending, pagdating niya ng mall, sa dami ng tao ay bumili nalang siya ng moshi manju na isa para sa kanya at isa para kay Vee bago tumambay sa food court at maglaro ng ML.
Pasado ala singko na ng makabiyahe siya pabalik ng highway para sunduin si Vee gaya ng plano niya kanina. Masyado kasi siyang nawili sa paglalaro ng ML. Hindi niya napansin ang oras at hindi niya akalaing maho-hook siya sa paglalaro nito. Sana lang ay makarating siya sa trabaho nito bago mag out si Vee kundi sayang punta at gas niya.
Napabuga siya ng hangin sa inis pagtanggal niya ng helmet after niyang makarating sa tapat ng building kung saan nagta-trabaho si Vee. Alas siete na ng makarating siya.
Pesteng traffic! sa isip-isip ni Danerie.
Siguradong nakaalis na si Vee. Ala sais ang sinabi nitong uwi niya kanina sa kanya.
But just when he is about to leave, nakita niya si Vee sa hindi kalayuan na mukhang matamlay at kakalabas lang ng ministop.
“Vee?” bulong niya sa sarili, “Vee!” tawag niya dito. May mga napatingin sa kanya gaya ng nangyari kaninang umaga ng hinatid niya si Vee but oh well, wala siyang paki. Si Vee usapan dito. Paki niya sa kanila?
Nanlaki ang mata ni Vee sa gulat ng makita si Danerie at sa saya niya ay mabilis siyang tumakbo palapit sa binata. Muntik niya na din itong sunggapan ng yakap (for the second time around). Buti napigilan niya dahil baka isipin ng binata eh masyado siyang touchy sa tao kahit hindi naman. Sa piling tao lang at isa duon si Danerie. Nuks!
“Wais!” abot tengang ngiti nito sa binata.
“Kalma, Vee. Ito akala mo artista kaharap,” biro niya at pabiro din siyang hinampas ni Vee sa braso. Hindi ito kalakasan kaya hindi rin alintana ni Danerie ang ginawa niya o sadyang wala lang talaga siyang paki dahil busy siyang pagmasdan na naman si Vee.
“Bakit ka nga nandito? Don’t tell me hindi ka pumasok at hinintay mo talaga ako na umuwi? Ay naku, Wais sinasabi ko sa iyo ah hindi talaga kita kakausapin kung magloloko ka sa pag aaral mo.” sermon nito pero dama ni Danerie ang lambing sa boses ni Vee lalo pa at pinupunasan ni Vee ngayon ang namuong pawis sa nuo niya gamit ang likod ng palad niya.
Cupido, pwede bang bigay mo na sa akin itong si Vee, please, hiling niya si isip.
“H-Hindi ah! Pumasok ako! Perfect pa nga ako sa quiz namin kanina! All thanks to you ’yun Vee! Kaya nga bumalik ako dito para sunduin ka. Akala ko nga naka alis ka na. Anong oras na din kasi ako dumating.”
“Ay, talaga ba? ’O sige dahil perfect ka may ice cream ka!”
“Lilibre mo ako?”
“Anong gusto mo?”
“Ik… vanilla.” namumula sa hiya na sagot ni Danerie. Muntikan na! ani sa sarili
“Sabi mo ’yan ah! Pero hanap muna tayo ng malo-loadan. Naubusan kasi ng pangload ’yung sa ministop eh kailangan kong magtext kina Papa na pauwi palang ako.”
Aba, iba rin tumulong ’tong si Cupido ah.
“Ako na mag load sa iyo,” offer ni Danerie bago kunin ang cellphone niya sa bulsa ng pants niya.
“Naglo-load ka?”
“Oo. Akin na number mo dali.” dalian mo ng masave ko na sa contacts ko, nakangiting sabi ni Danerie sa isip.
Agad sinabi ni Vee ang number niya sa binata na siya munang sinave nito sa contacts niya bago dumiretso ng GCash at loadan siya.
“Salamat, Wais! Magkano dagdag mo sa load?” tanong nito habang kinukuha ang wallet sa bag niya.
“Hindi. Wag mo ng bayaran. Magkano lang naman ’yon.”
“Magtigil, Wais! Nakakahiya! One hundred din ’yon. Kaloka ka.”
“Wag na nga. Okay lang. Lilibre mo naman ako ng ice cream sabi mo.”
“Eh hindi na libre ’yon pag ganun kasi ayaw mo pabayaran yung niload mo sa akin.”
“Ah basta, Vee. Wag mo ng bayaran. Tara na, sakay na. Sama na ng tingin ni kuya secu sa atin o.” aya ni Danerie.
“Sige bibilhan kita ice cream pero ’yung kapresyo ng ni-load mo sa akin ah!”
“Huwag na nga! ’Yung cornetto na ice cream lang gusto ko. ’Di ko trip yung mga mamahalin na ice cream. Saka halika na kasi! Angkas na. Kanina pa talaga nakatingin sa atin si kuya secu baka mapagkamalan na tayong mag shota n’yan o, sige, ikaw rin.”
Agad pinamulahan si Vee sa narinig.
“O, bakit ka namumula? May sakit ka ba?” asks Danerie, pointing out the obvious.
“H-hindi ah, sino sabi?” sabay kuha ng helmet sa binata kaso hindi nagpatalo yung isa at sinuguradong siya ang magsusuot nito kay Vee. Para-paraan, Danerie.
“Nilalamig ka ba?” nagaalalang tanong nito kay Vee ng nasa highway na sila dahil medyo mabilis ang pagpapatakbo ng binata, dahilan para malakas din ang hampas ng hangin sa mukha at katawan nila.
“M-medyo, pero okay lang. Lamigin kasi talaga ako. Keri lang.”
Nagulat si Vee ng biglang itabi ni Danerie yung motor sa gilid ng highway kung saan safe sila bago nito hubarin ang suot niyang jacket at isuot kay Vee.
“U-uy, Wais!” nahihiya niyang sabi pero sa luob-luob niya ay na-touch siya sa ginawa nito bago nito muling paandarin ang motor.
Tahimik lang sila habang nasa biyahe pero kapwa mabilis ang kabog ng dibdib para sa isa’t-isa. The feeling was so surreal.
Gaya ng napag usapan, dumaan sila sa 7-11 sa kanila at duon bumili si Vee ng ice cream para sa binata. Ang hindi nito inexpect ay ang bilhan din siya nito ng pagkain niya.
“Aba, gusto mo din pala n’yan sana pinadamay mo na dito sa ice cream mo,” sabi niya ng maka alis sila sa counter kaso nagulat siya ng hatakin siya ni Danerie paupo sa bakanteng lamesa na nasa gilid. Duon sila sa medyo tagong spot pumwesto.
“Oh, exchange tayo,” sabay bigay kay Vee ng mga binili niya pagka abot nito ng ice cream sa kanya. Nanlaki ang mata ni Vee sa gulat.
“Huy, Wais!” namumula ang pisngi nito sa hiya at kilig. Napangiti lang si Danerie sa kanya. Sarap talaga ibulsa, sa isip niya.
“Sige na, kain na. Alam kong gutom ka na. Kumain ka lang dyan,” kibit-balikat nitong sabi bago ituon ang pansin sa biniling cornetto ni Vee para sa kanya.
Grabe, kahit nag iwas na siya ng tingin dito ay alam niyang nakatitig pa rin si Vee sa kanya. Sana lang ay hindi nito mapansin ang pamumula ng pisngi niya.
“T-thank you, Wais.” nakangiting pasalamat ni Vee bago sinimulang kainin ang biniling Big Bite sa kanya ni Danerie.
Magka dikit na halos ang balat nilang dalawa sa isa’t-isa at kahit na may bakante pang upuan sa harap nila para hindi sila magsiksikan sa pwesto nila ay walang may gusto na lumipat sa kanila. Ehem, ehem!
Napangiti si Wais ng makita ang takip ng cornetto at hindi niya napigilang asarin si Vee. Pero syempre pinicturean muna niya para mai-post niya sa facebook niya. Aba, bakit? Account naman niya ’yon kaya wala siyang paki kung corny man ang i-post niya at makita ng mga naka friends sa kanya.
X=<3
Math Equation ka ba? Kasi sayo pa lang SOLVE na ako.
Like • Comment • Share
“Ikaw ah,” panimula niya. Agad siyang nilingon ni Vee na may pagtataka.
“Huh? Anong ako?”
Pinakita niya ang takip ng cornetto na may pick up line kay Vee.
“Hala! Huy! Hindi ko alam na may ganyan ’yan! Naghanap lang ako ng hindi deformed saka flavor na gusto mo,” defensive na explain ni Vee na kinatuwa ng binata dahil halata sa mukha ni Vee ang hiya at pagaalala na para bang nabisto ito sa ginawa niya.
Well, sino bang hindi kakabahan lalo pa at napansin agad ng binata ang ginawa niya? Akala niya ay hindi nito mapapansin but no. Danerie did and so, valid ang kaba, hiya at kilig na nararamdaman niya thou syempre hindi niya aaminin sa binata ang totoo dahil baka biglang maging awkward ang lahat sa kanila. Kagabi lang naman sila nagkakilala kaya Vee, maghunos dili ka.
Inasar-asar pa ng kaunti ni Danerie si Vee hanggang sa siya na rin mismo ang tumigil dahil baka mapikon na si Vee sa kanya. Mukhang tatalunin na kasi nito ang mansanas at kamatis sa pula ng mukha niya.
“Bakit pala late ka na nakalabas kanina ng office? Nakalimutan mong isang oras lang pala dapat OT mo?” pagiiba niya ng usapan.
“Medyo,” nahihiya nitong sagot, “Nawala sa isip ko na may bahay pa pala akong inuuwian. Ikaw? Bakit bumalik ka? Pinlano mo siguro na sunduin talaga ako ’no?”
Biro lang talaga ni Vee ’yung huli niyang sinabi kay Danerie dahil wala namang masamang mag assume kaso, ang hindi niya inexpect ay ang seryosong sagot na makukuha niya mula sa binata.
“Oo. Wala naman kasi akong ibang gagawin ngayon bukod sa tumambay ulit sa comp shop ni Tori. Saka gusto ko rin maiba ’yung scenery saka kasama ko paminsan-minsan.”
“Ay wow! Scenery! Big word!” asar ni Vee sa kanya kahit na sa luob-luob nito ay gusto niya ng magpakain sa lupa sa kilig sa pagka straight forward ng binata.
After nila mag 7-11, nag decide si Danerie na iuwi na si Vee sa kanila dahil 9 p.m. na at kapwa pa sila may pasok bukas ng maaga.
“Heto o, muntik ko ng makalimutan,” inabot nito ang binili niyang moshi manju kay Vee. Agad na nagningning ang mga mata nito kasabay ang gulat sa binigay sa kanya.
“Hala! Paano mo-?” nalaman na favorite ko ito? iyon sana ang itatanong ni Vee sa kanya kaso nauna na ’tong sumagot kahit hindi pa niya nabubuo ang tanong niya sa kanya.
“Ako pa ba?” cool nitong sagot, “Sige na. Pasok ka na sa luob.”
“Ikaw din. Dumiretso uwi ka na ah! Huwag ka na dumaan ng comp shop. Salamat ulit dito saka sa paghatid-sundo sa akin.”
Nang mawala na si Danerie sa paningin ni Vee ay saka lang nag sink in sa kanya ang mga nangyari ngayong araw. Agad niyang tinapik-tapik ang pisngi para pigilan ang kilig sa katawan niya without knowing na kanina pa sila nakita ng Papa at Ate niya.
“Ganda ng jacket mo, ’nak ah.”
“Po? Anong jacket?”
“’Yung pogi ba na naghatid sa iyo ang may-ari n’yan? In fairness ah, mukhang amoy baby powder.” segunda ng Ate niya.
Agad namula si Vee ng marealise ang sinabi ng mga ito sa kanya. Anak ng tipaklong! Nakalimutan niya ibalik ’yung jacket!
But isn’t that a good thing? It means may rason pa para magkita sila ulit.
BTC 4: STRING
“Aba, ayos ’yang binabasa mo, Wise ah!” bati ni Edward kay Danerie ng makita niya itong mag isang nakatambay sa quadrangle, “Akala ko wala kang hilig sa mga ganyan?”
“Uy, nand’yan ka pala,” sabi nito sabay bro handshake sa kaibigan, “Nacurious lang ako. Dumaan sa feed ko dito sa facebook.”
“Pero sa tingin mo totoo kaya ’yan?”
“Ewan. Siguro? Naalala ko nga bigla ’yung pinanuod natin nila Oheb na Your Name eh.”
“Ay, oo based sa theory ng red string ’yung palabas na ’yon. Sabi nila kapag mag soulmates kayo, hindi muna kayo pagtatagpuin agad tapos kapag okay na, kapag good mood na ulit si Destiny sa inyo ayun, boom! Lagi na kayo pagkikitain kahit sa sobrang random na sitwasyon tapos marerealise ninyo bakit hindi kayo nagkikita before eh ang lapit ninyo lang pala sa isa’t-isa, o ’di kaya may kaibigan kayo na parehas ninyong kaibigan, ’yung mga ganuon ba.”
Biglang sumagi sa utak ni Danerie si Vee. Naalala niya ’yung mga nangyari sa pagitan niya at ni Vee last week. Hindi naman siguro ’no? Pero what if ? tanong niya sa sarili.
“Ibig sabihin ba nun magiging consistent na ’yung pagkikita ninyo after ng first meet?”
“Hindi ko alam. Siguro? Bakit mo natanong?”
“Wala naman. Curious lang,” but at the back of his head, he was hoping he could take it as a sign na soulmates sila ni Vee. Pero pwede ba ’yun gayong laging between two opposite gender ang pinapakitang imahe ng nasabing red string theory?
Isa pa, hindi pa ulit sila nagpapangita ni Vee after ng last kita nila. Ayaw niya muna kasi mag effort agad ng todo ng walang malinaw na sign kung dapat bang i-purse niya si Vee dahil gaya ng nasabi sa kanya nuon nila Oheb ay lagi nalang siyang nakakahanap agad ng pamalit sa tuwing kaka break lang niya na para bang hindi niya pinagpapahinga ang sarili, ang puso niya.
Anong magagawa niya? Hindi siya sanay ng walang nagbibigay ng atensyon sa kanya in an intimate level. Kung sabagay, ’yun kasi ang wala siya kaya ’yun ang hinahanap niya. Pero masama bang humiling ng isang simpleng bagay? Gusto lang naman niyang makahanap ng magmamahal sa kanya gaya ng kaya niyang ibigay na pagmamahal dito.
“Huy, daan tayo kila Eyon mamaya!” agad napalingon sina Edward at Danerie sa nagsalita sa likuran nila at agad nakipag bro handshake sa kararating lang na si Hadji.
“Bakit ano meron?”
“Nagchat siya sa akin kanina eh baka daw gusto natin dumaan duon sa karinderya nila sa Green House. May surprise daw siya sa ating apat. Panigurado matutuwa daw tayo.” excited niyang bahagi sa mga kaibigan.
“G!”
“Yown! Sabihan ko lang si Eyon. O’sya, kitakits nalang mamaya.” paalam nito.
Kasalukuyang nasa ika-last subject niya na si Danerie para sa araw na iyon at imbis na matuwa siya dahil maya-maya lang ay uwian na, ang utak niya nasa ibang dimensyon. Hindi pa rin mawala sa isip niya ’yung nabasa niya about sa invincible red string theory, ’yung inexplain ni Edward at syempre si Vee. He can’t seem to understand why he is so drawn to Vee like he is wanting more of the other’s presence eh kailan lang naman sila nagkakilala. Hindi rin naman sila maco-consider na magkaibigan. Maybe acquaintance? And here he is, nagc-create ng possible reason and scenarios sa utak niya ahead of what he should be thinking because in reality, baka bored lang siya. Baka need lang niya ng lambing at malalambing. He can sense Vee is mature and he is the opposite.
“Ayaw pa kasing amining favorite song mo ’yan,” ismid ng kaklase niya sa kanya ng marinig na naman nitong kinakanta ni Danerie ang kantang nakabisa na niya simula ng maging mag seatmates sila day 1 ng first year college nila.
“Loko, maganda lang kasi ’yung beat saka heto madalas kanta sa comp shop na pinagco-computeran ko eh.”
“Okay. Sabi mo eh,” kibit-balikat nito.
Matapos ang last subject niya ay agad na lumabas si Danerie ng classroom nila. Sa bilis, ay hindi niya napansing kasabay niya pala ng paglabas niya si Carlie. ’Yung ex niya na ilang weeks lang ang nakakaraan ay iniyakan niya ng sobra dahil ayaw niyang makipag hiwalay dito dahil mahal niya ito pero ngayon? Heto siya at kung umasta ay parang wala silang naging history together.
“Sorry,” pag hingi niya ng paumanhin. After all, hindi naman siya pinalaking bastos. Nabangga niya ’yung tao eh.
“Mukhang may lakad ka ha?” tanong nito, halata sa tono ang pangu usisa. Nagulat man na kinausap na siya nito after ng huling paguusap nila as a couple ay hindi niya ito pinahalata o baka dahil sadyang wala na talagang pakialam si Danerie ngayon sa kanya. Ika nga, ex na siya. Past niya na si Carlie. Minahal ba niya? Siguro? Oo? Pero simula ng magtama ang mata nila ni Vee parang na-hard reset siya.
Hindi gaya ng pagsagi ni Vee sa utak niya ang mga nauna. Pakiramdam nga niya mababaliw at nananamlay na siya dahil hindi niya pa ito ulit mahagilap sa paningin niya. Gusto na nga niya itong i-text sa numerong nasa cellphone niya kaso nahihiya siya. Hindi niya rin maintindihan ang sarili kung bakit. Hindi naman siya ganuon sa mga nauna kay Vee kaya bakit? Anong meron kay Vee na ikana hihiya niyang gawin hindi gaya ng ginawa niya nuon sa mga naging ex niya? Napa buntung-hininga siya.
“Oo. Sige, una na ako. Ingat ka pag uwi,” paalam niya at nagmamadaling pumunta ng gate para duon hintayin ang mga kaibigan. Nacurious tuloy siya anong pa-surprise kuno ni Eyon sa kanila. Minsan nga hindi niya maiwasang mapaisip sa kaibigan nila na iyon. Sobrang iba ang trip sa nakagisnan nitong buhay. Siguro ganuon talaga kapag rich kid? Iba ang trip?
Imagine, iba ang school nito sa kanila nila Oheb thou parehas namang private pero nag request ba naman ng karinderya business as a birthday gift sa magulang niya tapos yung kapatid nito na si Kairi nagtayo ng vape shop katabi lang ng kanya. Nagpalagay pa ng billiaran. Hanep! Buti na lang at sa Green House nila naisipan itayo ’yung business nila kasi kung malapit lang ’yun sa mismong school nila, baka naireklamo na sila. Paano ba naman hindi laging nauubusan ng tao ang spot nila duon sa Green House.
Green House ang tawag sa building na ’yun dahil ’yung mga nakatayong business duon ay ginto ang presyo. Kainan ang mga iyon pero ang presyo pang nagtatrabaho na kaya madalas mga professor ang makikitang nakatambay sa unang palapag but the second floor? Puno ’yun ng mga estudyante at duon mismo nakatayo ang business ng magkapatid. Paano ba naman bukod sa maganda ang set up eh nananalaytay sa dugo ng magkapatid ang pagiging gwapo, so ’wag na magtaka bakit laging puno ng tao.
“Kanina pa kayo?” hinihingal na taong ni Oheb ng makita niyang nanduon na sa waiting spot ang mga kaibigan, “Sorry. ’Yung prof kasi namin nagpaka major subject na naman e.”
“Ayos lang. Kararating ko lang din naman.” sagot ni Hadji.
“Ano, tara na?”
“G! Kanina pa nagtetext si Eyon sa akin e. Akala mo ikamamatay ’yung hindi natin pagpunta.” natatawang sabi ni Hadji.
Hindi pa man sila nakakalapit sa Green House ay nagtaka na sila anong event meron sa dami ng tao sa baba palang at sa mala disco bar na pailaw nito sa second floor.
“Luh, nagtransform yata sa disco bar karinderya ni Eyon,” sabi ni Hadji.
“Baka narealise niya ng hindi para sa tulad niya ang karinderya lifestyle,” birong segunda ni Danerie.
Habang paakyat sila ng Green House ay bilang nakaramdam ng goosebumps si Danerie. Napailing siya ng marinig ang isang pamilyar na tugtugin. Parang kanina lang ay kinakanta niya ito sa klase ngayon may nagpapatugtog na nito dito.
“Gagu, ang daming tao! Saan ba si Eyon? Akala ko ba aabangan niya tayo sa labas?” reklamo ni Oheb.
Buti at centralized ang buong second floor kundi baka nag backout na sila sa dami ng nandito ngayon. Mas doble ito sa nakasanayan. Kapansin-pansin din na may nadagdag na business dito pero dahil sa dami ng naguumpukan duon na kalalakihan ay hindi nila makita kung ano iyon.
“Hola, mis amigos!” energetic na bati sa kanila ni Eyon ng sa wakas ay makita nito ang presence nila, “Kuya! Nandito na sila Wise!”
“Hey, mga chong! Glad naka punta kayo. Pasensya na ha? We didn’t expect na ganito karami ang pupunta. I guess akala nila we turned this place into a club or something,” sabi ni Kairi at nakipag bro handshake sa kanilang apat.
“Eh ano ba kasing meron?” tanong ni Edward habang nililibot ang tingin niya.
“Ah yeah, about that! Come with me!” inaya sila ng dalawa na sundan sila at puntahan ’yung pinaguumpukan ng mga kalalakihan.
“Luh, tangina!”
“Ay wow! May pa comp shop na?”
“Wah, yayamanin!”
Inside, the shop was heavily decorated with RGB lights including the gaming equipments. Gaming chairs also looks slick and expensive. There’s also this soft amount of smoke coming from the diffuser that smells heavenly vanilla, much to Danerie’s liking as he is being reminded of Vee. But what he loves the most and probably the highlight of his day was to see Vee looking more radiantly beautiful, prior to the first time they met. Vee looks like she is glowing, teasing Danerie to come and touch her.
“V-Vee?” gulat na utal ni Danerie ng makita niya ito katabi si KYY na siyang katapat nito sa main PC at bantay ng nasabing comp shop at nagpapaka ala Disc Jockey.
It may sound weird to many but Danerie knows exactly what he feels looking at Vee. He feels intoxicated. Man, Vee isn’t flirting with him but he feels hot and craves the other’s attention to him and only him.
“Paps! Bakit salubong ’yang kilay mo?” inosenteng tanong ni Oheb.
“Luh! Si Vee? Nandito si Vee?” sabay pa na react nina Edward at Hadji.
“Oh? You know Vee?” tanong ni Kairi.
“Oo, friend siya ng kaibigan namin nitong si Wise na may-ari din ng comp shop. Di ba, Paps? Tropa sila ni Tori,” sagot ni Oheb.
“Wow! Small world!” dagdag ni Eyon, “Tara, let’s go to them. Mukhang hindi pa sila aware sa presence natin ’coz they’re too busy with their own world,” aya ni Eyon.
“Halata nga,” inis na bulong ni Danerie.
“What was that, Wise?” tanong ni Kairi.
“Wala. Sabi ko may bago na kaming tambayan pala nila Ward,” palusot nito but Oheb see-through him at napailing na lang.
Kumunot ang nuo ni Danerie ng mapansin niyang sobrang lapit pala talaga ni Vee kay KYY. Feeling close na kung feeling close pero kailangan niyang paghiwalayin yung titigan ng dalawa. Masyadong madikit. Bawal iyon boss, ani Danerie sa isip.
“Vee!” isang tawag lang niya ay agad na itong lumingon sa gawi nila. Normal lang naman na lumingon kapag tinawag ang pangalan mo pero the fact na nakita niyang parang nag twinkle ang mata ni Vee sa kanya with matching ngiti ay, ayun. Parang nawala 20% ng inis niya sa kanila ni KYY.
No, scratch that. Kay KYY lang pala siya inis. Hindi niya magawang mainis kay Vee.
“Wais!” excited nitong tawag na napahawak pa sa balikat niya ng tuluyan na siyang tumabi dito. Oo, sinadya niya talagang tumabi kay Vee kahit na sobrang obvious ng galawan niya sa mata ng mga kaibigan.
Hindi nakaligtas sa paningin niya ang jacket na nakapatong sa balikat ni Vee. At bakit hindi? Kanya iyon. Itim na varsity jacket na may apelyido niya. Lihim siyang napangiti.
“Small world ha? Magkaka kilala pala kayo? Thou parang ngayon lang nagka chance na magkita-kita tayo ng buo,” sabi ni Eyon.
“Kaya nga! Eh halos lagi ako nandito sa inyo nakatambay tapos nagkita kami nitong mga ito kailan lang din,” sabay turo sa apat, “Eh nasa circle of friends mo din pala sila.”
“Talaga? Lagi ka dito, Miss Vee?” natawa si Vee sa tanong ni Oheb. Para kasi itong inosenteng bata sa tanong niya sa kanya.
“Ay naku, mag tigil! Wag mo ako i-Miss kasi walang nakaka miss sa akin,” joke nito, “Vee nalang or Mamshoe!”
Nagkatinginan ang tatlo sa isa’t-isa bago nalipat kay Danerie. Ngiting pilyo ang mga ito na kinataka niya.
Parang may kalokohan na binabalak ’tong mga gagong ito ah, ani Danerie sa isip.
“Parang mas maganda yung Mamshoe! Saan si Papshoe?”
“Ay oo, maganda talaga! Maganda ako eh! Si Papshoe? Wala pa eh baka on the way palang. Tagal nga eh!” pabirong sagot ni Vee, aware sa anong tinutumbok ng mga ito.
“Ay oo, naman Mamshoe! Wala silang palag sa’yo. At si Papshoe? Wait mo lang ha? Kasi ’yung Papshoe na kilala namin mukhang natraffic yata. Madalas kasi ’yon matulala lalo na kapag maganda ’yung view.”
“Ay talaga? Pakilala ninyo nga ako!” game na game na sagot ni Vee sa kanila.
“Sige, Mamsh. Kaso baka nga nandito na ’yon sa tabi-tabi, di ba, Wise?”
Biglang natauhan si Danerie ng marinig ang pangalan niya at paglingon niya kay Vee ay nakatitig na ito sa kanya. Hindi man niya alam anong tumatakbo sa isip nito ngayon ay willing naman siyang malaman kung ano iyon basta si Vee ang rason.
“H-huh?.. oo!.. teka, kumain ka na ba?” wala sa wisyo niyang sagot kaya agad siyang kinantsyawan ng mga kaibigan.
“Hin—”
“Ah yeah, hindi ka pa kumakain mula ng dumating ka ’no? Come, let’s eat. My treat.” aya ni KYY na ready ng alisin ang nakasabit na headset sa leeg niya.
Tanginang ’yan! ’Di pwede ’yan! Not infront of a Danerie James Del Rosario, ani sa sarili.
“Swerte mo (sa akin) Vee! Buti nalang boyscout ako,” sabi niya sabay kuha sa bag niya ng binili niya kanina sa 7-11.
“Ay hala, Wais!” rinig sa boses ni Vee ang hiya at excitement, “Thank you.”
Napangisi si Danerie ng makita niya si KYY na bumusangot out of the corner of his eye.
Better luck next time, sa isip niya.
“Luh! May pagkain ka pala?”
“Kanina meron ngayon wala na. Na kay Vee na at bawal humingi. Sa kanya lang ’yan.”
“Damot mo naman, Pa— Wise!” kabadong sabi ni Oheb. Muntikan pang madulas!
“Thank you ulit dito, Wais.” nakangiting sabi ni Vee sabay hawak ulit sa balikat niya. Oy, tsansing!
“Ano pala ginagawa ninyo dito?”
“Pinapunta kami dito ni Eyon, Mamsh! May surprise daw kasi siya sa amin. Ito pala tinutukoy niya. Naglagay sila ng comp shop dito.”
“Saka ikaw. Nagulat nga ak— kami, na nandito ka eh.”
“Ah, eh kaso wala pang bakante, paano kayo maglalaro? Ito kasi, dapat sinabi mo na pupunta silang apat eh di sana nag save ako ng pwesto nila,” litanya ni Vee kay Eyon.
“Hey, I did! I told KYY!” nakangusong sagot nito sabay tingin sa kaibigan na nagkibit balikat lang.
“I thought they’re no longer coming so I let the others sit in.” sagot nito.
Sus, panget mo ka-bonding! inis na reklamo ni Danerie sa isip.
“Eh paano na? Uuwi na kayo n’yan?” patampong tanong ni Vee sa kanila pero ang tingin nito na kay Danerie. Syempre mahina siya sa mga paganyan ni Vee.
“Hindi! Sino sabing uuwi? Walang uuwi! ’Di ba mga, ’par?
Nagsi-oo naman ang mga kaibigan. Syempre supportado nila siya sa pagpapa pansin niya kay Vee gaya ng sa mga nauna dito.
“Ay yehey! Sali ako sa inyo! Laro tayo!” excited na sabi ni Vee.
“Naglalaro ka din?” tanong ni Edward. Pakunwari ay hindi sila nasabihan ni Tori na tambay din ito ng comp shop gaya nila.
“Oo naman! Tambay yata ng comp shop ito!”
“Ay, yun naman pala eh!”
“Tara LoL!” excited na aya ni Hadji, “Hindi sa pagmamayabang, Mamsh pero kasali sa Team itong tropa namin,” sabay akbay kay Edward.
“Ay weh? Nice! Ginanahan ako bigla maglaro ah,” excited nitong sabi na kina inggit ni Danerie. ’Di bale soon ako naman. Wait ka lang sa akin Vee, sabi niya sa sarili.
Biglang nasabit sa usapan nila ang tungkol kay O
hmyv33nus at hindi nakaligtas sa tinging binibigay ni Danerie kay Vee ang kakaibang palitan ng tingin nila ni Kairi.
“Ito tubig Vee oh,” sabay abot niya ng tumbler niya kay Vee. Walang paglagyan ang saya niya ng lumapat ang labi nito sa rim ng tumbler. Ganuon na ba siya kababaw? Siguro. Si Vee naman rason eh.
Habang busy mag usap ang mga kaibigan nila ay ganuon din sila ni Vee. Para ngang may sarili silang mundo na dalawa kaiba ng kanila ni KYY kanina na nakakahiyang pasukin o guluhin ng kung sino man.
Atin-atin lang
Di nila malalaman ang sa akin at sa’yo
Atin-atin lang
Sikretong para lang sa akin at sa’yo.
Sabay nilang kanta sa nakasalang na song (for the second time around) sa background habang nakapatong pa rin sa balikat ng binata ang kaliwang kamay ni Vee at nakahawak naman si Danerie sa bewang ni Vee. Ehem. Speed.
Shit, ang sexy! ani Danerie sa sarili.
“Favorite ko talaga ’yang kantang ’yan.”
“Talaga? Same!” sang ayon ni Danerie. Ay sus, akala ko ba hindi? dinig ng binata sa isip niya ang boses ng kaklase niya na pinipilit siyang paaminin na favorite song niya ito eh kay Vee lang pala siya aamin.
“Weh? Like legit, Wais?” nakatawang tanong ni Vee. Unaware of how close they are right now. Unaware of their surroundings. The looks they are getting from everyone seeing how raw and soft they are with each other.
“You two! Tara na. There’s vacant seats na,” tawag sa kanila ni Kairi sabay turo sa walong bakanteng PCs.
“Ha? Maglalaro din kayo?” tanong ni Vee ng maghiwalay sila ni Danerie, pero nakasunod pa rin ito sa kanya sa paglalakad.
“Yep. Kuha nalang tayo ng two other players sa mga nandito.” suggest ni Eyon.
Uupo na sana sa unahan si Vee kaso hinawakan siya ni Danerie sa balikat para igayak sa dulo na spot. Tabi ng pader, tabi ni Danerie. Gaya ng pwestuhan nila ng nakaraan sa comp shop ni Tori.
Nagtataka man ay hindi maiwasang hindi makaramdam ng kilig si Vee. Binabakuran malala? Aba, hindi pa ba halata?
“Vee! Sa amin ka ah,” sabi ni KYY sa kabilang PC na opposite ng kanila.
Napansin naman ni Danerie ang kinikilig na tawa ni Vee kaya agad napataas ang isang kilay niya. Uh-oh, not on his watch.
“Luh, bakit?” tampo niyang nilingon si Vee, at ito naman ngayon ang hindi maka resist sa isang Danerie.
“Ay joke lang pala! Kila Wais ako. Galit-galit muna tayo nila Eyon!” bawi nito.
“Hala! Duga!” nakangusong sabi ni Kairi.
“Duga ka d’yan! Manawa! Lagi nalang tayong magkakampi.”
Ngiting wagi si Danerie pati ang mga kaibigan niya ng maagaw nila si Vee kila Eyon. Sinadya ding ngumisi ni Danerie sa gawi ni KYY para inisin ito lalo.
Kinailangang gamitin ni Vee ang dummy account niya dahil ayaw niyang malaman ng mga nandito na siya si O
hmyv33nus
dahil baka biglang magkagulo. Eme. But Vee’s fully aware how famous she is as a pro player and the impact she had made in the E-Sports scene and with her fans ng iannounce niya ang kanyang retirement. Sobrang thankful nga niya na walang nakaka kilala sa kanya everytime na she’s not cross-dressing as her other persona.
“Vee,”
“Yes?”
“Wala.”
“Wais!” nakangusong sita niya at pabirong sinampal si Danerie. Loko kasi tinawag siya para makipagtitigan lang. Akala niya kung napano na ’yung isa.
Inabot sila ng 2 hours sa paglalaro kung saan parehas na 1-1 ang naging score.
“Sige na, una na kami,” paalam ni Vee kila Eyon. Nag decide kasi siyang sumabay nalang kila Danerie kahit na ilang ulit siyang inaya ni KYY na ito nalang ang maghahatid sa kanya pauwi sa kanila.
“Dala mo pala motor mo, Wise?” tanong ni Edward, “Sige, ingat kayo ni Mamshoes.”
Paghiwalay ng tatlo sa kanilang dalawa ay saka palang nagka lakas ng luob si Vee na subukang agawin kay Danerie ang bag niya na nakasukbit sa balikat nito. Paano ba naman, kinuha ni Danerie ang bag niya at siya na daw ang magdadala para sa kanya.
“Wais kasi!”
“Huwag ka ngang makulit, Vee. Hindi naman mabigat gamit mo eh.”
“Kahit na. Bag ko pa rin ’yan eh! Hindi bagay sa iyo magdala ng hand bag,” natatawang sagot nito at muli na namang tinry agawin kay Danerie kaso hindi rin talaga papayag ’yung isa na makuha niya ito at itinaas ito sa ere. The advantage of being taller than Vee.
“Saan mo gusto kumain?”
“Huh?”
“Hindi pa tayo nagdi-dinner anong oras na.”
“Ay oo nga! Sa bahay nalang siguro ako kakain para tipid.”
“Eh gutom na ako eh. Tara na! Kumain tayo, sagot ko na. Saan mo gusto?”
“Wag na nga, Wais.”
Ang ending, kumain sila sa bukas na karinderya malapit sa kanila.
“Ano pala facebook mo, Lods?” tanong niya habang nagpapa baba silang dalawa ng kinain nila at kapwa nagce-cellphone.
“Johnmar Villaluna. Ikaw?” sagot nito, habang abala sa pagkalikot ng settings ng phone niya.
“DJ Del Rosario.”
“Legit? DJ name mo? Eh saan galing yung pangalan na Wais?”
“Wise kasi. In-game name ko iyon na naging nickname na rin. Ikaw lang tumatawag sa akin ng Wais,” natatawang sagot niya, thou kung siya ang papipiliin mas pipiliin niyang Wais ang itawag nito sa kanya. Si Vee lang kasi ang nag iisang tumawag ng Wais sa kanya at ang pwede lang ding tumawag ng ganun sa kanya. Feeling niya kasi pet name sa kanya ito ni Vee, “At saka abbreviation lang ng real name ko ang DJ, short for Danerie James.”
“Ah, Danerie James pala. Eh maganda naman pala first name mo akala ko ano meron at Wise pero mas bagay nga sa iyo ’yung Wais.”
“Naman! Galing ’yon sa’yo eh.”
After niya magsend ng friend request kay Vee ay naisipan niyang i-try ’yung live feature ng facebook at dahil medyo famous siya eh wala pang isang minuto ng nag live siya ay marami na agad pumasok na viewers. Hindi napansin ni Vee ang ginawang iyon ni Danerie dahil inuna muna nitong ayusin ang dapat na ayusin sa ginagawa niya sa phone bago inaccept ang friend request sa kanya ng binata. Akala pa nito ng una ay nagvi-video lang si Danerie kaya ng iharap nito sa kanya ang camera ay ngumiti siya at kumaway na umagaw ng atensyon ng mga manunuod ni Danerie.
“Boss Wise! Sino ’yang kasama mo?”
“Hala! Ang ganda naman ng kasama mo!”
“Sinetch itey ang dyossa na kata-bey?”
Natawa naman siya sa mga comment ng iilang kaibigan at hindi kakilala. Feeling niya tuloy artista siya na nagpapa hula sino ang kasama niya at bukas ay nasa news na.
“Ah, ito? Si Vee ito.”
“Huh? Ako nga,” lutang nitong sagot sabay tingin kay Danerie, “Huh? Bakit mo kinakausap sarili mo?”
“Hindi! Naka live ako, Vee.”
Sunud-sunod muli ang buhos sa comment section ng mga marites.
“Tama ba narinig ko, (ba) by daw?”
“Tanga! Sabi niya Vee!”
“Gago baka kasi baby talaga iyon hindi Vee. Mali lang tayo ng dinig lahat.”
“I agree. Baka nga baby ’yon.”
“Kapatid mo?”
“Girl bestfriend?”
“Single pa ba yan, boss?”
“Owemji! Siya ba yung sinasabi mo sa class natin kanina! Ang pretty!”
“Shota mo? Pasabi pag naging single siya, liligawan ko siya.”
Agad kumunot ang nuo ni Danerie sa nabasa at cnlick ang profile ng nag comment. Saka siya nagsalita habang iniistalk ang account nito. Kapal ng mukha nito, ani sa isip.
“Hayop ka, Mark Luis! Nag comment si Mark Luis.”
Muling lumitaw si Vee sa camera.
“Oh?” tugon nito, sabay alis ulit.
“Ano.. pag daw naging single ka liligawan ka daw niya.” inis niyang sumbong dito kahit siya mismo hindi niya alam ano magiging reaksyon ni Vee sa sinumbong niya.
“Pag ako naging single—” hindi narinig ng mga marites ang sagot ni Vee dahil napa end live si Danerie ng wala sa oras ng makita niyang pumasok sa live niya ang ex niya. Patay! Hindi naman sa may pakialam siya sa maaaring sabihin nito pero ayaw niyang pag initan nito si Vee knowing Carlie.
“— eh single naman talaga ako! Waiting lang ako kay my only one!… huy! Nag end live ka na pala, sayang naman yung tinalak ko dito!” natatawang sita ni Vee sa kanya.
Duon narealise ni Danerie na oo nga, marahil tama ang mga kaibigan. Hindi siya pwedeng mawalan ng bago sa tuwing nawawalan pero this time, sa isip-isip niya baka pwedeng si Vee na ang huli.
Ang huling taong mamahalin niya pero araw-araw niyang liligawan.
BTC 5: CHARM
Third time is really a charm indeed. Because the third time Danerie and Vee met, everything feels surreal than the first.
The days went by so fast pero pakiramdam nila matagal na silang magkakilala, na para silang puzzle na sa wakas nabuo na.
Thanks to Danerie’s bold move after niyang ihatid si Vee sa kanila for the second time around, he finally decided to give it a shot and send a simple text of ’Hi, ako ‘to si Wais yung taong handang loadan ka pag kinakailangan’ was enough to make Vee laugh and respond to the man’s silliness.
She was having a bad day at work that day, exhausted yes, but with that one text from Danerie, the bad day was gone exactly how her comfort food makes her feel. She smiled at the thought.
Wais
Kumain k n? Kain na po 。◕‿◕。
Vee
Pmasok k b? Di ba dpat hndi k nakkapag Txt sa mga oras na to?
Wais
FYI lng po no college na ako May vacant hours ako Na mkhang wala ako sa univ Btw, wag mo idodge tanong ko
Vee
Hndi ko po dinodge tanong mo Naninigurado lang And yes, kumakain ako now Ikaw ba?
Wais
Uh, hindi?
Vee
(ノಠ益ಠ) ノ WAIS!
Wais
Mmaya nalang ako kkain pag uwi Naubos na kasi pera ko
Vee
Dahil? Pinang computer mo?
Wais
[ … ]
Vee
Wais naman Alam ko pangarap mo Maging gaya ni Edward pero hindi Ibig sbihin na di ka kakain Gsto mo ba magksakit?
Wais
Sorry Promise di na mauulit At kkain tlaga ako agad pag uwi
Vee
You better Sige na mag focus ka sa klase ha? Ingat ka rin pauwi
Wais
(✷‿✷) Di mo talaga ako matiis Feeling ko tuloy crush mo ako?
Vee
Lol Baka nakkalimutan mo Mamshoe mo ko Mas matanda ako sayo Like what? 5/6 yrs?
Wais
Klngan ba pag magkaka crush May age criteria pa n snusunod? Ekis gnyang mindset, Vee
Vee
Wla nman ako snabi n meron At saka wag mo ko ireverse psych Bka nman ikaw tong may crush sa akin? (´ω`)
“Mr. Del Rosario,” muntikan ng malaglag ni Danerie ang phone niya sa gulat ng bigla siyang tawagin ng kanilang Prof sa Trigo.
“S-Sir!” napatayo pa siya kaya napailing nalang ang Prof niya dahilan para magtawanan ang mga kaklase niya sa kanya.
“Si Vee ba kausap mo?”
“Op—, hindi po!” tanggi niya pero dahil sa pamumula ng mukha niya ay agad siyang nabisto. Naghiyawan ang mga kaklase niya sa kilig at excitement maliban sa isa.
Napabuntung-hininga nalang ang Prof nila sa kanya.
“Papalampasin ko ito ngayon, Mr. Del Rosario dahil ikaw ulit ang nag top sa quiz pero next time kung maguupdate ka man sa kanya make sure na gawin mo ’yan after ng klase ko, okay? Ang laki kasi ng ngiti mo kinabahan ako bigla sa’yo ng makita ko. Akala ko malayong kamag anak ka ni Joker.”
“Sir naman!” nakangusong untag ni Danerie.
Pagtapos ng klase ay agad uli siyang lumabas ng classroom ng walang paalam kahit kanino, thou wala naman kasi talaga siyang dapat pagpaalamanan bukod kay Vee.
Gaya ng pangako niya dito ay agad siyang kumain pagka uwi niya at pagkatapos ay humiga sa sofa habang iniisip ang sinuggest nito sa kanya the other day ng magkausap sila sa phone.
It isn’t like he doesn’t have the right equipments to start doing live or even a podcast para hopefully may makapansin sa gameplay niya at offeran siya ng kagaya ng kay Edward. It’s just that he doesn’t have enough confidence to do so. Isa pa, baka mapanuod ng parents niya na nasa ibang bansa. Siya lang kasi ang nakipaglaban sa sarili niya para maiwan dito sa Pinas sa kadahilanang hindi niya din alam bukod sa gusto niya maging pro player. Tutol kasi ang mga ito sa pangarap niya. Maging nga ’yung pinili niyang course ayaw ng mga ito.
But today? Fuck it. He’ll try Vee’s suggestion. Just like Vee said to him the other day…
“Lahat naman Wais nakakatakot sa umpisa pero once na isantabi mo ’yon even just for one second, duon mo malalaman kung worth it bang kinain mo yung takot at sumugal. Don’t just dream high, make it happen, Wais.”
Hindi tuloy niya maiwasang mapangiti na parang tanga habang inaalala ang sinabing iyon sa kanya ni Vee. Nakakatawa dahil iba siya sa mga nakilala niya lalo na exes niya.
Dahil ba sa lalaki talagang pinanganak si Vee kaya naiintindihan nito ang gusto niya na nagkataong may pusong babae? Eh bakit ’yung ibang ex niya na part din naman ng LGBT? Parents niya na hindi naniniwala na may magandang dulot ang paglalaro ng computer games at pagiging pro player?
Bago niya ii-start ang live para ipakita ang mukha at real time na paglalaro niya ng ML ay ini-stalk niya muna ang account ni Vee. Hindi niya pa kasi ito nagagawa mula ng maging mag friends sila sa facebook.
Nagtaka siya ng wala siyang makitang pictures ni Vee maliban sa mga faceless updates nito sa life niya. Gaya nalang ng picture ng event sa school o di kaya ay sa trabaho niya pero other than that puro shared post na. Mostly about pa sa mga online game tournaments. Sunod niyang chineck ang friendlist nito. Nanlaki ang mata niya ng mapansing ang daming lalaking naka friends dito kesa babae at karamihan duon mga gwapo at teka, may connection sa E-Sports?
Avid fan talaga siguro si Vee ng E-Sports, kaya ganu’n? Pero bakit naka friends din sa kanya yung mga pro players ng LoL? tanong ng sarili niya sa kanya.
Napabuntung-hininga siya at nag decide nalang na i-start na ang live. Tatanungin nalang niya ang tungkol sa bagay na iyon sa susunod na magkita sila. As if namang pro player si Vee, di ba? Kasi kung oo, wala.
Hindi niya alam ang mararamdaman. Para kasing sobrang bait ni Vee, hindi bagay dito ang nakikipag bardagulan sa mga gaya niyang toxic player. Oo, aminado siyang toxic siya pero siguro naman mai-improve niyang mawala iyon once na may kumuha sa kanya at i-train siya, ’di ba?
Thou, hindi niya rin alam kung possible ba kasi si Edward parang mas lumala sa pagt-trashtalk kapag nababadtrip in game or baka dala lang din na pressured kasi ito na i-imaintain ang sarili at stats niya sa team.
“Hi, hello sa inyo! Mag live lang ako ng laro ko mga boss. May gusto bang sumali sa inyo? Wala pa kasi ’yung mga tropa ko nasa mga klase pa nila eh,” panimula niya ng may mga nagsi pasok ng viewers sa live niya at nagsipag comment.
Sa pagkawili niya sa page-ML at sa live niya kahit first time niya lang itong gawin, siguro ay dahil na rin sa maganda ang laro niya ngayong araw, hindi niya namalayan ang oras at pagtingin niya sa cellphone niya ay pasado alas otso na ng gabi.
Lagpas five hours siyang naka live at agad kumunot ang nuo niya ng mapansing wala pang text o chat man lang sa kanya si Vee ng i-check niya ang phone niya. It’s not that she is obligated and they are on a relationship but still. Bigla tuloy siya nagalala lalo pa ng marealise niyang umuulan sa labas.
“Umuulan pala?” tanong niya sa live, “Teka lang ah,” sabay mute para tawagan si Vee. Nagaalala lang siya as a friend . Weh? Talaga ba, Danerie? tanong ng sarili niya sa kanya.
“Hello, Vee? Nakauwi ka na?”
“A.. Wais!” dinig niya ang exhaustion sa boses nito na halatang pina energize lang dahil tumawag siya at, siya lang ba o parang nanginginig ang boses ni Vee?
“Hindi ka pa nakakauwi?” at ang ingay sa background niya. Para bang nasa matao itong lugar. Teka, nasa trabaho pa ba siya?
“Naghihintay lang ako na tumila ’yung ulan. Wala kasi akong dalang payong bukod sa hindi ko dala ’yung kotse.”
“Eh nasaan ka ngayon?”
“Nasa Ministop. Nakatambay. Bakit ka pala napatawag?”
“Ayaw mo mag book ng Grab?”
“Uh.. hindi na kasi kakayanin ng budget. Next week pa ’yung sahod ko eh.”
Napahawak siya sa tungki ng ilong niya.
“Gusto mo i-book kita?”
“Ay naku, Wais! ’Wag! Ayaw ko.”
Tumikhim si Danerie.
“Kanina ka pa ba dyan?”
“Medyo pero keri lang naman.”
Napatingin siya sa labas pati sa mga comment ng mga audience na malakas nga daw ang ulan at mukhang wala pang chance na tumigil ito anytime soon dahil sa LPA.
“Pero may load ka?”
“Oo, may data ako. Nanunuod nga ako ng live mo ngayon bago ka tumawag,” ramdam niya ang ngiti nito sa kabilang linya.
“Huh? Eh kanina pa ako naka live ah? Anong oras ka nanuod? Baka naman ma-lowbat ka na n’yan?”
“Actually…”
Biglang kumulog ng malakas. Napapikit si Danerie sa lakas at baka maging si Vee dahil impossibleng hindi nito narinig ’yon.
“Mamaya na tayo mag usap, Vee. Mag end live lang ako baka biglang mag brown out.” palusot nito para mapuntahan niya siya.
Ramdam kasi niyang hindi siya nito papayagan na puntahan siya kung sabihin niya. ’Yun pa nga lang Grab offer tinanggihan na niya eh.
“O-okay..” biglang lumungkot ang boses nito.
“Mabilis lang ako, Vee. Promise. D’yan ka lang muna. Huwag kang aalis.”
Nag unmute siya para magpaalam sa live. Natuwa siya ng makitang marami pa ring nanunuod at naghihintay sa kanya na bumalik. Natawa siya ng makitang nagsi comment ang mga kaibigan sa live niya. Wow, supportive pero mas supportive si Vee. Syempre magiging bias siya. Si Vee iyon eh!
“Uh, guys. End live muna tayo. Sa susunod nalang ulit. Kumulog kasi ng malakas dito kani-kanina lang eh baka biglang mag brownout. Sige, ingat! Salamat sa panunuod. Next time ulit.” paalam niya habang hinihintay dumating ’yung na-book niyang Grab ride papunta sa trabaho ni Vee.
Wala siyang inaksayang oras pagka out niya at agad kinuha ang mga kailangan. Nagdala siya ng extrang jacket, payong, shirt at shorts. Aakalain mo ngang may pupuntahan siyang sleep over. Ewan bakit niya naisipan basta nagdala siya.
Habang nasa biyahe ay hindi niya maiwasang lalong mag alala lalo pa at kaka daan lang ng sasakyan nila sa isang bahang area. Ang dami ding stuck na sasakyan sa traffic at mga commuters na basa na sa lakas ng ulan na animo’y naging bagyo na ang dapat ay LPA lang.
Napabuntung-hininga si Vee ng tuluyan ng ma-dead batt ang phone niya. Paano na? Mukhang walang balak magpaawat ng ulan?
Luminga siya sa paligid at tanging tatlo nalang silang customer ng ministop ang nasa luob kasama ang kahera. Kanina pa siya nilalamig at nagugutom tapos nawala pa ’yung source of happiness niya ng sinunod ni Danerie ang suggestion niya na i-live ang laro nito para may kumuha sa kanya na team. Kita niya kasing may potential ang binata. Kailangan lang nito ng exposure. Mabuti nga at hindi nito napansin ang ginawa niyang pag share ng live kanina dahil ginawa niya iyon sa kalagitnaan kung saan focus ito na rumetri sa kalaban kaya wala itong ideya na may mga nanunuod na sa kanyang parte ng E-Sports community.
“Ay, ano po—? Wais?” gulat siyang napalingon sa nag lapag ng pagkain sa harap niya. Two piece chicken rice meal iyon na may kasamang hot choco drink at soup.
“Sorry, ngayon lang. Traffic banda du’n sa nilikuan namin. Baha na kasi halos.” paliwanag nito at umupo sa tabi niya.
Kailan pa siya dumating? tanong niya sa sarili. Hindi ugali ni Vee na magpakita ng emosyon, that means kasama na duon ang pag iyak pero ng nga oras na ’yun parang gusto niyang maluha dahil na-touch siya sa ginawang surprise na pagsundo sa kanya ni Danerie. Never kasi niyang naranasan ang ganitong treatment sa mga naging ex niya at mas lalo na sa friends niya dahil sobrang intimate ng ganitong act. Plus, sa naging exes niya either ibo-book lang siya ng Grab or hahayaan lang nila umuwi siya mag isa dahil ayaw niyang maka abala sa mga ito. Dalawa lang ang naging ex niya. ’Yung una mas matanda sa kanya ng apat taon at ’yung huli eh halos ka same age lang niya.
“Kumain ka na muna, Vee. Baka lumamig pa ’yan.” utos nito sabay labas ng powerbank at cord sa bag para i-charge ang lowbatt niyang cellphone, “Heto pa pala oh. Suotin mo ito.”
Hinayaan lang ni Vee na isuot sa kanya ni Danerie ang dala nitong pink salmon na cardigan. Nakatitig lang siya sa kanya all throughout hanggang sa napatingin na din ang binata sa kanya.
“Vee?”
“Yes?” sobrang lapit ng mukha nila sa isa’t-isa and is it wrong for her to wish na sana ay maglapat ang mga labi nila just like in the books or movies?
“Y.. yung pagkain.. ano.. kain ka na.” paalala ni Danerie bago nilayo ang sarili kay Vee at tumingin sa ibang direksyon. Nang matauhan si Vee sa narinig ay bigla siyang kinain ng hiya kaya tinuon nalang niya ang atensyon sa pagkain gaya ng utos ng binata.
Omg! What was I thinking? ani Vee sa sarili.
Putangina, Wais! Ano ginagawa mo? ani sa sarili habang ang bilis ng tibok ng puso niya sa isiping muntikan niya ng halikan si Vee kung hindi lang sila nasa public place at iniisip ang magiging reaksyon nito sa kanya.
Para pakalmahin ang sarili ay suming along nalang siya sa tumutugtog na kanta sa luob ng Ministop. Yakap Sa Dilim ng Orange & Lemons at imbis na kumalma na si Vee mula sa pangyayari kani-kanina lang ay lalong nagwala ang puso niya ng marinig ang baritonong boses ni Danerie na kumakanta.
Agad tinamaan si Vee ng antok after niyang makakain pero malakas pa rin ang ulan sa labas at walang ma-book si Danerie na Grab nila pauwi. Napabuntung-hininga siya.
“Kaya pa, Vee?” tanong niya sa nakasandal ng si Vee sa balikat niya na pilit pa ring nilalabanan ang antok. Kesyo pipikit lang at kaya niya pang mag lakad kung sakali mang swerteng may ma-book si Danerie na sasakyan para sa kanila.
Nagda dalawang isip man si Danerie sa balak niya but there’s no other choice. Iyon lang ang natitira at efficient niyang option sa mga oras na iyon kesa ang bumiyahe pa sila pauwi. Bukas nalang siguro ng umaga kapag tumila na ang ulan. Siguro naman ay titila na iyon, di ba? Besides, wala naman siyang pasok bukas. Si Vee lang ang inaalala niya. Wala itong pamalit kung sakali man. Well, meron kung hindi mababasa ang pants nito. Shirt lang ang kailangan nitong palitan para hindi masabing hindi siya naligo or what ng mga katrabaho niya.
“Vee,” marahan niyang tinapik ang pisngi nito. Naka ilang tapik din siya bago ito nagmulat ng mga mata. Wala, hindi na talaga niya kaya, ani sa sarili.
“Tara?”
“M.. meron ka ng na-book?”
Umiling siya, “Mag motel nalang tayo. Wala eh. Kanina pa ako nagbo-book kaso wala talaga.” straight forward niyang sabi. Buti at hindi siya nautal. Hindi naman na siya bata para hindi niya alam anong ginagawa sa motel at sino ang mga pumupunta duon. Medyo kinilabutan pa siya ng maalala niyang niyaya siya ng minsan sa ganuon dati ni Carlie. Hindi siya santo. Marunong siya ng kung tawagin ay make out but that? Uh, next question please or better yet don’t even.
“H-huh?” nanlaki ang mata ni Vee sa narinig at agad na pinamulahan ng mukha.
“Magpapalipas lang tayo ng gabi du’n, Vee. Anong oras na din kasi ’o. Mukhang bukas pa titigil itong ulan na ’to.”
“O.. okay,” naiilang nitong pag sang ayon. Hindi niya inakalang aayain siya ni Danerie sa ganuon thou hindi gaya ng karamihan, kita at ramdam niya sa binata ang pagiging genuine ng rason nito kung bakit nag suggest ito na magpunta sila sa ganuon.
“Kaya mo pa ba? Tara na kay baka tumaas na lalo ’yung baha na nakita ko kanina ng papunta dito.” inabot niya ang kamay ni Vee para alalayan ito sa paglalakad.
At hindi nga nagkamali si Danerie sa sinabi. Tumaas na pa-tuhod ang baha na kanina ay bandang ankle lang ang taas.
Nakita niyang balak ng ilusong ni Vee ang suot niya ng may maisip siyang paraan para hindi ito mabasa kaya agad niyang inawat.
“Pasan ka sa akin.”
“Huh? Huy, Wais! Tumigil! Kaya ko maglakad.”
“Di ka pwedeng mabasa, Vee.” sagot niya at inexplain ang dahilan dito kung bakit, kaya walang nagawa si Vee kundi sundin ulit siya.
“Kapit ka maigi, Vee.” paalala ni Wais bago nagsimulang maglakad sa baha. Buti na nga lang at naka shorts at tsinelas siya. Si Vee ang nagpapayong sa kanilang dalawa at kahit malakas ang ulan ay hindi nito alintana. Kung siya ang tatanungin, ayaw talaga niyang lumulusong sa baha pero kung para kay Vee? Aba’y walang problema.
Samantalang si Vee kahit nahihiya sa sitwasyon ay kinikilig. This is the first someone had been so, so caring towards her. Madalas kasi, siya talaga ang caring sa mga naging partner niya before and to think Danerie is just a friend and someone that is younger than her makes her question things.
Actually, ever since na nag meet sila nagsimula na siyang kwestiyonin ang mga bagay-bagay. Whether it is good or bad, that she don’t know yet. Maybe, she’ll just let things unfold on its own. Wala namang dapat i-rush wika niya sa isip.
“Ako na, Vee. Hintayin mo nalang ako dito.”
Wala sanang balak maligo si Vee pagpasok nila ng room nila kung hindi niya lang ito tinakot na baka magkasakit ito sa balak niya. Hindi naman siya nakaramdam ng pandidiri dito dahil alam niyang pagod na talaga si Vee at gusto na nitong mag pahinga. He understands. Maarte siya, oo, pero kaya niyang palagpasin. Siya na din ang nagbayad ng room nila kahit na nagoffer si Vee sa kanya na hatian siya sa bayad.
Halos mahigit ni Danerie ang paghinga ng makita niya si Vee na naka shorts (for the second time around) and to think na bagong ligo ito at damit niya ang suot from top to bottom at nasa motel sila, it made him feel something funny in his lower abdomen.
“Sige na, Vee. Matulog ka na. Bantayan nalang muna kita hanggang sa maantok din ako.” sabi niya ng mahiga si Vee sa tabi niya.
Now, it’s not like Danerie planned for them to share on one bed however according to the receptionist, fully booked na ang two bed rooms at puro one bed nalang ang available.
“Sure ka, Wais? Wala ka bang pasok bukas?” malambing na tanong nito, dala ng antok.
“Mmh.. kaya sige na. Tulog ka na, Vee.” sagot niya bago patayin ang ilaw at tanging ang pulang RGB light nalang ang naiwang naka bukas ’coz it somehow gives a warm ambiance inside the room. Sinigurado muna niyang nakatapat sa aircon ang pantalon ni Vee para masigurong matuyo ito kung sakali mang natalamsikan ng basa para tuyo nitong masuot ang pantalon niya bukas. Pagbalik niya sa kama ay agad niyang inabot ang buhok ni Vee para haplusin ito
“Okay.. good night, Wais. Thank you.”
Nang makasiguro si Danerie na tulog na si Vee ay hindi niya maiwasang pagmasdan ang kabuuan nito lalo na ang maamo nitong mukha. Bigla siyang napaisip.
Ilan na kaya nahulog sa iyo bukod sa akin? tanong niya sa sarili at sa natutulog na si Vee. Hindi niya namalayang nakatulog na din pala siya ng nakaharap dito.
Pagmulat ng mata ni Danerie ay agad siyang napabangon ng makitang gising na si Vee at may kausap na kung sino sa pintuan.
“Sino ’yon, Vee?” kunot nuo niyang tanong in his bedroom voice. Kinilabutan si Vee because she won’t lie to herself that she finds his voice hot and damn attractive.
“Ah, staff ’yun. Nagpa order kasi ako ng almusal natin.”
“Dapat ginising mo ako. Ako na sana ang nag order,” paano kasi, nainis ito sa isiping may ibang nakakita sa hitsura ni Vee bukod sa kanya.
Vee looks so beautiful and enticing at the same time. Sayang lang at hindi (pa) sila or he would have got on top of her, devour her and leave marks on her dainty skin, letting everyone knows she is already taken.
Ugh, aga-aga, Wais! Ikalma mo, iligo mo ’yan, utos niya sa sarili at iyon nga ang ginawa niya bago pa lumapit sa kanya si Vee at mapansin nito ang lagay niya.
After nilang mag breakfast at makaligo ni Vee para pumasok sa trabaho suot ang extrang shirt na dala ni Danerie pati ’yung cardigan na buti nalang ay bumagay sa suot niyang pantalon at shirt ay nakahinga si Vee.
Buti nalang at may pagka boyscout ang binata. Nasabihan na rin niya ang mga tao sa bahay nila kung anong nangyari bakit hindi siya nakauwi excluding yung fact na sa motel sila natulog ni Danerie. Oo, sinabi niyang kasama niya ito kaya ayun, hindi siya nakaligtas sa pangangantsyaw ng Papa at Ate niya na kinapula ng mukha niya.
“Sige, Vee. Pasok ka na.”
“Thank you ulit, Wais. Dami ko na yatang atraso sa iyo.” sabi nito sabay yakap sa binata. Aba, nageenjoy lang, Vee? Akala ko ba hindi ka touchy kung kani-kanino?
Exemption si Wais, sagot niya sa sarili.
Samantalang naestatwa naman uli si Danerie gaya ng una siya nitong yakapin. Paano, mukhang may 20 seconds hug rule yata ’tong si Vee kapag yumayakap ng tao.
Shit! Alexa, is this real? naaalarma niyang tanong sa sarili. Sana lang ay hindi halata na kinikilig siya sa ginawa nitong pagyakap.
Wala, malala na talaga ang pagka gusto niya kay Vee. Kailangan niya ng kumilos. Kailangan niyang linawin ang label nila para mapanatag siya. Mamaya may epal pang umagaw kay Vee sa kanya.
And speaking of epal…
“Good morning, Vee!”
“Hi, Eren! Good morning din sa’yo.” nakangiting tugon ni Vee sa lakaking bigla nalang umeksena sa moment nila ni Vee.
Hindi niya tuloy napigilan ang sarili na samaan ng tingin si Eren.
“Kapatid mo?” tanong nito na nakatitig pa rin kay Vee pero nakalahad ang kamay kay Danerie para makipag shake hands dito.
Sasagot palang sana si Vee kaso inunahan na siya ng binata.
“Del Rosario, pre.” inabot nito ang nakalahad na kamay ng kaharap. Sinigurado niyang may diin ang ginawa niyang handshake at pakilala dito. Sana makahalata ka na akin ’yang kaharap mo, ani Danerie sa isip.
“Sige, (ba) by. Una na ako. Text mo nalang ako para masundo kita mamaya.” sabi niya at kinabig paakbay si Vee para halikan ang nuo nito. Nanlaki ang mata ni Vee sa gulat. Nabigla sa ikinilos ni Danerie na kinapula ng buong mukha niya pero hindi niya magawang sitahin ang binata. The reason?
He finds jealous Danerie attractively hot and possessive. Shit, delikado na ako sa batang ’to, ani Vee sa isip.
BTC 6: WHAT IF
“Ang lalim naman ng iniisip mo, ’nak.”
Biglang natauhan si Vee ng marealise niyang nasa tabi niya ang Papa niya.Agad siyang napatingin sa relos na nakasabit sa pader.
Pasado ala una na pala ng madaling araw. Hindi niya namalayan ang oras dahil bukod sa wala siyang pasok sa trabaho bukas, tanghali pa naman ang pasok niya sa university na pinapasukan niya kung saan siya nagma-masters.
“Kayo pala, Pa. Bakit gising pa kayo?”
“Nagising lang. Para kasing may nakatingin sa akin sa paanan ko kanina.”
Para namang tinakasan ng dugo ang mukha ni Vee sa narinig lalo pa at matatakutin siya. Hindi napigilan ng Papa niya na matawa sa reaksyon ng mukha niya.
“Biro lang, ’nak. Ito naman! Ano? Gusto mo kumain? Baka kanina ka pa d’yan sa harap ng ginagawa mo. Pahinga mo din mata mo. Baka lalong lumabo. Lagi ka nalang nakatapat sa harap ng computer,” litanya nito habang nagaasikaso sa kusina malapit sa pwesto niya sa dining table.
Nakahinga ng maluwag si Vee after niyang marinig ang sinabi ng Papa niya sa kanya. Buti nalang at biro lang, ani Vee.
“Ayos lang, Pa. Malapit na rin naman na ako matapos sa ginagawa ko.”
“Mmh,” sabay abot ng mainit na gatas sa kanya. Hindi kasi nito sinanay at ayaw din niya na ipag kape ang mga anak, “Pero pansin ko mukhang hindi sa ginagawa mo ang iniisip mo kanina.”
Kinakabahang tinignan ni Vee ang Papa niya. Nakakatawa na gaya ng Mama niya na nasa ibang bansa, kayang-kaya siya nitong basahin kahit na hindi naman siya vocal sa feelings at iniisip niya. Siguro ganuon talaga kasi magulang sila.
“Po?”
“Iniisip mo ba ’yung tungkol sa naging desisyon mong pagreretire bilang si Oh
myv33nus ? Pwede mo pa naman siguro bawiin ’yon. Alam kong kaya mo naman pagsabayin ang pagiging pro player mo at pagthe-thesis mo. Nagawa mo nga nuon, bakit hindi mo kaya gawin ulit ngayon?“
“Pa, napag usapan na natin ang tungkol dito, di ba?”
“Alam ko, pero kung iyon man dahilan ng pagtulala mo dahil mami-miss mo ang pagiging pro player, pagco-compete sa mga tournament at pag biyahe papuntang iba’t-ibang bansa eh pwede mo namang pag isipan ulit. Isa pa, sige ka, mami-miss mo din ang pagta-transform mo ala Sailor Moon at ganuon din kami lalo na ako syempre!” masayang sabi ng Papa niya.
Isa ito sa mga bagay na ikinapapasalamat niya dahil tanggap siya ng pamilya niya sa sexuality niya lalo na ang Papa niya hindi gaya ng ibang magulang. Minsan nga napapaisip siya, kung totoo man ang reincarnation, ano kayang nagawa niyang mabuti nuon para pagpalain siya ng ganito?
Napabuntung-hininga siya.
“Pwede naman ako bumalik ulit, Pa. Gusto ko lang talaga mag focus sa last year ko dito sa tina-take ko. Besides, kung sakaling dumating ang panahon na pwede na ako ulit at hindi na ako welcome at least, nanduon pa rin ako sa lugar na gusto ko. Hindi na nga lang sa lime light but at least ’di ba po?”
Isang malamlam na ngiti ang binigay sa kanya ng Papa niya kasabay ang marahan nitong pag haplos sa buhok niya gaya ng… gaya ng ginawa ni Wais sa kanya. Agad nag init ang mukha niya sa ala-alang iyon.
“Pero alam mo?”
“Ang alin, Pa?”
“Feeling ko hindi talaga tungkol sa pagaaral mo laman ng utak mo ngayon.”
“Huh? Anong sinasabi mo, Pa?” muli siyang kinabahan. Hindi pa ba babalik sa pagtulog si Papa? tanong niya isip.
Pilyong ngumiti sa kanya ang Papa niya kaya mas lalo siyang kinabahan.
Uh-oh, parang hindi maganda ito.
“Kamusta na pala ’yung naghatid sa’yo dito ng nakaraan?” malisyoso nitong tanong sa kanya with matching taas-baba pa ng kilay.
“P-Pa!” sita niya pero tinawanan lang siya nito.
“Huwag mong ibahin ang usapan, Vee.”
“A… okay lang naman po si Wais.”
Tumangu-tango ito at animo’y may mahabang balbas na hinihimas.
“Ah, Wais pala… ayain mo nga siya dito mamaya mag dinner.”
“Po?” napatayo siya sa kinauupuan sa sobrang gulat sa request ng Papa niya.
Yes, sociable ang pamilya niya pero iba kapag Papa niya ang nag request na magpa bisita sa bahay nila. Madalas ang mga iniimbita nito ay talagang kilala nito. Kahit nga sa naging dalawang ex niya never niya ito naringgan na mag request even randomly na pabisitahin sila sa bahay nila. Laging siya ang nagpapasya na pabisitahin ang mga ito na siyang pinakisa salamuhan naman ng Papa at Ate niya.
This is, in fact, the first time na nag request ang Papa niya ng isang taong hindi nito kilala kaya sino siya para hindi magulat sa hiling nito? Lalo pa at hindi naman niya manliligaw si Danerie. Kaibigan niya lang ito. Kaibigan niya na crush din niya. Wait, pwede ba iyon? Well, oo, para sa tema ng mga dramang napanuod niya pero iba pa rin kasi kapag real life, right?
“Gusto ko siya makilala, ’nak. Papuntahin mo siya dito mamaya.” sabi nito sabay tayo, “O sya, matutulog na ako ulit. Bilisan mo na din d’yan para makapagpahinga ka na.”
Napakamot nalang siya sa ulo.
Shemay, paano niya sasabihin ang tungkol dito kay Danerie? What if maweirduhan ang binata? Or what if mahiya? Ang random naman kasi plus hindi niya rin alam kung papayag ito at walang naka schedule na lakad mamaya.
Bukod pa duon, hindi niya din alam anong tumatakbo sa isip ng Papa niya. What if iniisip ng Papa niya na manliligaw niya ito at tanungin si Danerie ng kung anu-ano? Paano na?
Napahilamos siya sa mukha.
Kasalanan mo ito, Wais! sisi niya sa binata habang nagkukumawala ang puso niya sa ribcage niya sa bilis ng tibok nito.
Kinabukasan…
“Tori!” nakangiting bati ni Danerie sa kaibigan pagka pasok nito ng comp shop. Pasimple nitong nilibot ang tingin, nagbabaka sakaling mahagip ang taong ilang gabi ng hindi agad nagpapatulog sa kanya. Napansin ni Tori ang ginawa niya at hindi pinalampas ang tsansang asarin siya.
“Hinahanap mo si Vee ’no?”
“O.. huh? Hindi ah, pero may itatanong sana ako about kay Vee.”
“Okay go,” sagot nito, “Pero bago ’yon gusto ko lang i-congratulate ka sa live na ginawa mo ng Sabado. Batak na batak ka duon sa ginawa mo. Ganda na nga ng laro mo, ganda din ng interaction mo sa audience mo. H’wag mo ako kalimutan kapag may kumuha na sa’yong team saka hari ka na ng E-Sports ah.”
Natouch naman si Danerie sa sinabi ng kaibigan at nakipag apir dito.
“So anong meron kay Vee? Tatanong mo sa akin kung single siya?”
“Hindi. Alam ko ng single siya. Dalawang beses niya na ngang cinonfirm sa akin eh.”
“Ah, alam ko na! Tatanong mo sa akin anong tipo niya sa lalaki?”
“Gagu, hindi!” pero pwede din naman, sa luob-luob niya.
“Eh ano?” medyo disappointed sa sagot ng binata sa kanya.
“Uh, curious lang ako. Friends na kasi kami sa facebook tapos nag stalk ako sa kanya.”
“Oh tapos?” biglang na-excite si Tori dahil alam niyang naka public ang pictures ng kaibigan. Malamang sa malamang ay alam na nito na si Vee ay ang kilalang si Ohmyv33nus. Hindi na siya magugulat kung sabihin ni Danerie na magpapa tulong ito sa kanya na ligawan ang kaibigan na siyang ready naman niyang gawin anytime, anywhere. Ganuon siya ka-supportive sa impending couple.
“Ano.. nagtataka lang kasi ako, bakit parang fan account ’yung FB niya? Ganuon ba talaga siya? Hindi siya nagpopost ng mukha niya? Saka pansin ko din puro shared post lang siya tapos heto pa, ’yung mga naka friends sa kanya puro nasa linyada ng E-Sports community! Mga hindi basta-basta! Official account talaga ng pro players naka friends sa kanya!” manghang sabi nito samantalang si Tori halos malaglag sa kinauupuan niya sa gulat.
“Ha? Talaga ba?” sabay kuha ng nakataob niyang cellphone sa lamesa para i-check kung totoo nga sinasabi ni Danerie. Last time na nanduduon si Vee sa comp shop niya ay open to friends pa ang contents ng FB nito. Don’t tell me nagpalit na ng pangalan sa FB si Vee at nag hide ng mga pictures niya? Pero bakit? ani Tori sa sarili.
“What the… hell?” nakanganga nitong react ng makitang totoo nga ang sinabi ni Danerie.
“O bakit ganyan reaction mo?” nagtatakang tanong ni Wais sabay silip sa cellphone niya.
“W-wala. Kailan mo pala siya inadd?”
“Last week lang, after namin manggaling sa comp shop nila Eyon sa Green House.”
“Ah.. saglit ah, pm ko lang si Mamshoes. Bigla kasi ako may naalala.” sabi nito sabay message kay Vee sa messenger ng may pagbabanta but of course, in a friendly not really threatening way.
“So? Bakante pala pwesto mo.” sabi nito after niyang mag chat kay Vee.
“Sige. Pa open time.” pupunta na sana si Danerie sa pwesto niya ng bigla siyang may maalala, “Nga pala, Tori may atraso ka sa akin.”
“Ha? Sinasabi mo?” gulat itong napatingin ulit sa kaibigan.
“Sabi mo ng nakaraan ’yung—”
“TORI!” hinihingal at mukhang nagmamadaling sabat ni Vee na kapapasok lang ng comp shop at may butil-butil pa ng pawis sa kanyang nuo.
Natulala naman si Danerie. Bakit ang ganda pa rin? tanong niya sa sarili.
“Vee? Anyare sa’yo?” tanong ni Tori.
“Na-late ako ng gising eh may presentation ako today! Sira daw yung printer duon malapit sa amin kaya napatakbo ako dito. Shemay kasi! Hindi ako agad nakatulog after ko sa ginagawa ko kagabi. Nawala din sa isip ko mag alarm. Meron nalang din ako 1 hour and 30 minutes para bumiyahe pa-school! Ugh, nakakainis!” naiiyak ng litanya nito habang si Tori ay inaasikaso na ang mga files na need ipa-print ni Vee.
Hindi alam ni Danerie anong nag udyok sa kanya pero nilapitan niya si Vee at pinunasan ang pawis nito gamit ang likod ng palad niya na kinagulat ni Vee pero ng marealise niyang si Wais ito ay mas lalong namula ang kanina ng mapulang pisngi niya. Like in a snap of a finger, para bang nag slow-mo ang paligid at tanging si Danerie lang ang nakikita ng mata niya.
“Deep breathes, Vee. Breathe in, breathe out. Huwag mo ng isipin ang mga bagay na nangyari na, isipin mo nalang muna ay ’yung ngayon. Mag focus ka lang para sa gagawin mo sa presentation mo mamaya, okay? You’ll make it on time, I promise? Ako mismo maghahatid sa iyo papunta sa pupuntahan mo.”
Napailing nalang na nakangiti si Tori habang hinihintay niyang matapos ang pag print ng files ni Vee sa printer.
“Wais..”
“Hmm?”
Before things could escalate dahil kita ni Tori kung paano magtitigan ang dalawa na para talaga walang ibang tao sa paligid nila na ngayon ay mga nakatingin na, tumikhim siya— yung malakas, ’yung para bang may nastuck na plema sa lalamunan niya na hindi matanggal and that did the trick to separate them.
“Malapit na ’to, Vee.”
“Uh.. thank you!” nahihiyang sabi nito after niya humiwalay kay Danerie.
“Sige, ano.. duon nalang kita hintayin sa labas, Vee. Swerte mo talaga (sa akin) at dala ko motor ko ng papunta ako dito.” nahihiyamg napahawak sa batok niya si Danerie bago lumabas ng comp shop at kunin ang spare na closed shoes na nasa luob ng top box at palitan ang suot niyang tsinelas. Buti talaga at tama ang desisyon niyang dalhin ang motor niya.
Muling tumikhim si Tori para makuha ang atensyon ni Vee dahil nakatitig ito ng malala kay Danerie na nasa labas ng comp shop.
“Uh, tapos na?” nahihiya niyang tanong.
“Alam mo bago ka dumating, ikaw pinaguusapan namin. Napaka timely ng dating mo at punta niya dito.” pilyong ngumiti si Tori, “Para bang orchestrated na mangyari ’yung nangyayari ngayon.”
“Huh? An.. what do you mean?”
“You know? ’Yung nangyayari sa mag soulmates? Laging may unknown forces na pinagtatagpo kayong dalawa kahit sa napaka weird na sitwasyon.”
’T-Tori!“ nahihiyang sita ni Vee sabay tingin sa luob ng comp shop kung may nakarinig sa sinabi ng kaibigan. Syempre hindi nakaligtaan ni Vee na simplehan ng tingin si Danerie sa labas.
“What? Just saying. Anyway, nag pm ako sa iyo kanina sa messenger but since nandito ka na sa harap ko ngayon eh tatanungin ko na sa iyo yung tatanungin ko sana.”
“Ano iyon?”
“Bakit ka nag palit ng pangalan sa FB, nag private at nag hide ng pictures mo? Pati ’yung mga tag sa iyo pinagh-hide mo?”
“Huh?”
“Kwento ni Wise, ini-stalk daw niya yung profile mo kaso wala siyang nakita gaano bukod sa shared post. Nagtataka din siya dahil official account ng mga pro player ang naka add sa iyo. For now, ang iniisip lang niya avid fan ka ng E-Sports. Alam kong uunti lang ang nakakaalam ng other persona mo but seriously? Anyare?”
“Uhm.. hindi ko rin alam, Tori.”
“Aminin mo nga sa akin, Suneev. Iba ba si Wise sa mga nakilala mo?”
“What do you mean?”
“Sa mga naging crush at ex mo?”
Nanlaki ang mata ng kaibigan sa tanong niya. Bingo! Huli ka, balbon! ani Tori sa isip.
“H-hin..”
“Wag ka na magpalusot.com sa akin, Vee. Kilala kita! Alam nating dalawa na kapag totoo o oo ang sagot, natatameme ka at hindi ka agad nakakasagot kasi duon mo palang narerealise na all along sa tanong na iyon, ’yun din yung tanong na bumabagabag sa iyo na hindi mo masagot sa sarili mo. Pustahan tayo siya dahilan kung bakit hindi ka agad nakatulog kagabi.”
Napaiwas si Vee ng tingin.
“Kung ako sa iyo para matigil yang mga katanungan sa isip mo, kausapin mo siya. Wala ka namang makukuhang sagot kung sarili mo lang ang panay mong tatanungin sa bagay na iyan.”
“Simpleng crush lang ito, Tori. Lilipas din ’to. Isa pa, baka natutuwa lang ako kay Wais dahil para kong nakikinita na may younger brother ako sa kanya. Remember? Mas matanda ako sa kanya? Sa kanila ng nila Hadji?” ani Vee na may impit na ngiti sa labi.
Napa ismid si Tori sa narinig. Kasalukuyan ng inaayos ang mga na-print na file para iabot sa kanya.
“Vee, kung ang iniisip mo ay yung age gap ninyo dahil mas matanda ka sa kanya eh para mo na ring ginago ang sarili mo at pinagdudahan ang sexuality mo kung pwede nga ba talagang magmahalan ang same gender. Para namang first time mo ding magjojowa ng may malaking age gap! Kailan ka pa kikilos? Kapag tumigil siya bigla o kapag nakita mong may iba na siyang pinagtutuunan na hindi ikaw?”
Napalunok si Vee dahil para bang may tumusok physically na karayom sa puso niya. Loko ’tong si Tori ah, ani Vee sa sarili.
Habang nasa biyahe sila ni Danerie ay hindi niya maiwasang hindi isipin yung sinabi ng kaibigan sa kanya. Hindi, hindi naman siguro. Baka nagooverthink lang siya sa mga bagay-bagay. Lilipas din itong pagkakaruon niya ng crush kay Danerie, ani sa sarili.
“Nga pala, may gagawin ka ba mamaya?”
“Oo. Magkikita kami ni Oheb. Bakit? May pupuntahan ka ba? Papasama ka?”
Agad siyang umiling.
“Wala. Natanong ko lang kasi.. uh, kasi dala mo ’yung motor mo kanina kaya naisip ko lang na baka may lakad ka.” napa buntung-hininga siya. Huwag nalang, ani sa sarili dahil baka makaabala pa ang request ng Papa niya kay Danerie.
Ang hindi niya alam sa sobrang intense ng titig sa kanya ng isa, hindi niya napansin na aware itong may ibang naglalaro sa isip niya na hindi niya masabi sa binata.
“Oheb, may tanong ako,” tanong ni Danerie sa kaibigan habang nakatambay siya sa bahay nila at gumagawa ng kanya-kanya nilang school works. Silang dalawa lang ang nasa bahay ng kaibigan dahil umalis ang mga kasama nito at si Oheb ang ginawang taga bantay sa absence nila.
“Kung tatanungin mo ako kung halata bang crush mo si Mamsh, halata Paps.”
“Gagu? Wala pa nga yung tanong ko eh! Pero talaga ba?”
“Oo. Halata kasi talaga sa iyo kapag may natitipuhan ka. Ang pinagkaiba lang, this time, parang ikaw talaga yung tinamaan unlike duon sa mga nauna kay Mamshoe.”
“Huh?”
“Sila kasi ang unang nagkaka gusto sa’yo, tapos ikaw naman parang si sige, let’s see how far we would go na tipo ng partner. Shallow and superficial kasi ang basehan ng romance na meron ka between you and your exes, ’yung para bang mga pang k-drama criterion kaya siguro kahit sabihin mong nasaktan ka after ng mga naging past break ups mo lalo na dito sa huli, lagi kang nakakahanap ng bago. Siguro kasi dahil you had always been longing for someone na maiintindihan ka deeply but aren’t we all? Ang pinagkaiba lang ’yung sa iyo kasi may mas malaking reason behind at dahil iyon sa naging upbringing ng parents mo sa’yo, na hindi mo nakuha sa kanila kaya heto ka at hinahanap-hanap mo yung taong kayang ibigay sa iyo equally or more yung kaya mong ibigay sa kanya.”
Natameme si Danerie sa narinig kasi totoo naman. Tama nga naman si Oheb sa sinabi nito tungkol sa kanya.
“Pero kung gusto mo talaga si Mamsh, I suggest timbangin mo munang maigi kung gusto mo lang ba siya dahil nacu-curious ka sa kanya or dahil may something sa kanya na invincibly humihila sa iyo to be with her kasi Paps, hindi maganda ’yung cycle ng love life mo sa totoo lang. Nagaalala kami sa iyo nila Edward. Nagaalala din kami para kay Mamsh. Halata naming iba siya sa mga nakilala at naging ex mo. Iba siya sa mga nakilala namin ng kami lang. May something sa kanya na kailangang ingatan at kung ano man iyon, mas okay na pag isipan mong maigi kung gusto mong sirain o hindi kasi Paps, ayaw naman makitang masaktan si Mamsh. Parehas kayo kasi kaibigan namin kayo.”
Nagkatinginan sila ni Oheb. Minsan lang ganito ang kaibigan at ganito siya sa mga taong importante sa kanya. Handa siyang isantabi muna ang pagiging luko-loko para lang kausapin ka ng masinsinan.
“Pero tingin mo ba may chance na sagutin niya ako kapag niligawan ko siya?”
“Ano ba sa tingin mo ang magiging dahilan bakit hindi?”
“Uhm.. age gap?”
Gulat siyang tinignan ni Oheb.
“Ilan taon ba agwat ninyo ni Mamsh?”
“Six years?”
“Gagu? Tangina, totoo ba?”
Tumango ito, “Isa ito sa rason kung bakit nagdadalawang isip ako kahit gustung-gusto ko na siya ligawan at bakuran. Baka kasi isipin niyang infatuation lang itong nararamdaman ko pero Oheb, real talk. Iba talaga nararamdaman ko tuwing naiisip at mas lalong kapag magkasama kami.”
“Kung sabay, si kuya Tori na din naman nagsabi before na nagma-masters na si Mamsh. Nasa wastong edad ka naman na, tayo, kaya hindi naman masasabing grooming plus kailan lang din naman kayo nagkakilala thou pwedeng parental issues (mommy/daddy issues) pero ikaw lang naman nakakaalam nyan kung oo o hindi. Ang mas importanteng tanong, handa ka na ba sa maririnig mo sa ibang tao? Handa din ba siya? Kasi real talk lang din, Paps. Hindi lahat ng tao gaya namin na naniniwalang love knows no gender or age but a person that will calm you down during a storm.”
“Siguro kailangan ko lang ng sign. ’Yung mga tipong gusto akong makilala ng pamilya niya lalo na ng magulang niya. I’ll take that as a go signal kasi di ba nga? Iba din talaga kapag approve at legal kayo sa family side.”
Tumango si Oheb.
“Ang tanong nakita ka na ba ng family niya? Di ba hinatid mo siya pauwi ng nakaraan?”
“Oo. Parang hindi naman.”
“Di ka sure!” natatawang pananakot ni Oheb, “Nasa Pinas tayo, Paps! Baka naka silip lang sa luob ng bahay nila kaya hindi mo nakita.”
Bigla siyang kinabahan sa isiping baka tama nga si Oheb. Dalawang beses na niyang nahatid pauwi si Vee sa kanila pero tuwing nasa tapat na sila ng bahay nito ay wala siyang nakikitang miyembro ng pamilya nito sa labas ng bahay nila. Uh-oh.
“Try mo mag surprise visit sa kanila, Paps! Kapag may nakita kang tao alam mo na.”
“Gagu? Kailan naman?”
“Mamaya?”
Biglang sumagi sa isip niya ’yung naging paguusap nila ni Vee kanina. Hindi naman siguro magagalit si Vee sa kanya kapag nag surprise visit siya? Wala naman silang gagawin na kung ano (as of now). Bibisita lang siya as a friend. Pwede naman ’yon, right?
“Challenge ba ’yan?”
“Ikaw bahala, Paps.”
Kinagabihan…
“O? Hindi mo kasama si Wais?” tanong ng Papa niya pagpasok niya sa luob ng bahay nila. Nabigla siya dahil medyo marami ang nakahain sa lamesa. Siguro nga ay ineexpect talaga nito na kasama niyang darating ang binata pauwi. Ano sasabihin niya? Hindi kasi niya nagawang sabihin ang pinapasabi ng nito dahil napangunahan siya ng hiya.
And wow, talagang cinareer na ng Papa niya ang pagtawag sa palayaw nito na animo’y close sila? Usually nirerefer lang ng Tatay niya mga kaibigan niya bilang kaibigan niya or boyfriend niya as boyfriend niya. Hindi agad ito nangta-tawag sa first name or palayaw as weird as it may sound. Ewan ba niya sa Papa niya at iba din ang trip sa buhay. But still, that doesn’t erase the fact na nag expect ang Papa niya kay Danerie.
“A.. kasi po..”
“Hindi mo sinabi ’no?” halata ang lungkot sa tono ng pagtatanong nito.
“Sorry, Pa. Nahiya kasi ako.” napanguso ito at nilaro ang daliri niya sa kamay.
Napabuntung-hininga nalang ang Papa niya.
“O sya, itabi nalang natin itong hindi makakain tapos pagdalhan mo nalang siya sa sunod na magkita kayo.”
Hindi pa rin makatingin si Vee sa Papa niya kahit na mukhang okay naman na ito at nakikinig sa tsismis ng kapatid niya about sa trabaho nito dahil nahihiya siya sa nangyari. Halata naman kasi talaga na nag effort ito magluto ng marami kasi nga ineexpect niya na pupunta si Danerie. Hindi niya tuloy alam kung masyado na bang late para ayain niya ang binata na pumunta sa kanila.
“Tao po!” sabay-sabay silang napatingin sa isa’t-isa lalo pa at nagtatahulan ang mga aso ng kapit bahay nila sa labas. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Vee.
Bakit familiar yung boses? Hindi naman siguro siya ’yon no? tanong niya sa sarili.
“Ako na, Pa.” volunteer ng Ate niya bago lumakad papuntang main door.
“O ano? Sa atin ba?” tanong ng Papa nila pero imbis na sumagot ang Ate niya ay bigla nalang itong dumiretso sa gate nila sa labas, “Huwag mo ng sundan. Baka naninigurado lang na sa atin o hindi yung tumawag.”
Maya-maya ay narinig nila ang Ate niya na may kausap at nanlaki ang mata niya sa gulat ng makita ang nahihiyang si Danerie na may dalang paper bag.
“Magandang gabi po,” bati nito sa Papa niya, “Hi, Vee. Pasensya na sa surprise visit.” paumanhin nito sa kanya.
Napatingin siya sa Ate at Papa niya na nakangiting may hidden meaning sa kanya at pati na rin kay Danerie.
“Tara, halika dito at sumabay ka sa amin kumain. Nag dinner ka na ba?”
“Hindi po ba nakakahiya?”
Namilog ang mata ni Danerie ng makita niya ang isa sa mga nakahandang ulam.
Kare-Kare. Favorite niya.
“Hindi ah! Niluto ko talaga ’yan para sa iyo. Sinabihan ko kasi ’tong si Vee kaninang madaling araw na ayain ka dito ngayon eh kaso hindi siya nakapag sabi sa’yo. Nahiya daw siya. Nagulat nga kami nakapunta ka kahit hindi ka niya nasabihan.”
Mabilis na nilingon ni Danerie si Vee.
Ito na ba ’yung sign na hinihintay ko? Pero bakit hindi ako sinabihan ni Vee? Ay teka, kaya ba niya ako tinanong kanina kung may lakad ako? ani Danerie sa sarili.
BTC 7: SILLY
“M.. mamaya ka na umalis,” nahihiyang sabi ni Vee kay Danerie habang nakahawak ang dalawang kamay nito sa kaliwang pulsuhan niya. After nila mag dinner ay inaya siya ng Papa ni Vee na mag shot ng silang dalawa lang. Kinausap siya nito ng masinsinan kung ano ba sila ni Vee, syempre sinabi niya ang totoo, na mag kaibigan lang sila ngunit may balak siya na ligawan ito. Na naghihintay lang siya ng ‘sign’ at handa siya sa kung ano man ang papasukin niya at kung ano man ang kahihinatnan ng panliligaw niya pero syempre sigurado siya na mapapasagot niya si Vee but this time, hindi lang approval ng partner niya ang kukunin niya kundi pati na rin ang sa pamilya nito.
Yes, he had been on countless relationships before pero bukod sa hindi nagtatagal ang mga ’yon, hindi din approve ng mga ito sa relasyon nila dahil ika nga, bata pa sila at baka magbago pa ang isip nila, na dapat pag aaral muna ang atupagin nila which he understands but still.
Tinanong din siya kung aware siya sa laki ng agwat nila not just in terms of age. Syempre kasi nagaaral pa siya, si Vee nagaaral din pero Masters na ang kinukuha hindi gaya niya na Undergrad palang. Mga plano niya sa buhay. Kinamusta din nito ang pagaaral niya. Honestly, ’yon na yata ang pinaka matagal in terms of parental na may nangamusta sa kanya. Narealise niya na minsan sa magulang din talaga nakukuha ng anak ang ugali at outlook nila sa buhay.
He finds Vee’s father to be a kind, understanding man and somehow he hopes someday he could be just like him. Hindi kasi deserve ni Vee na maging partner ang isang immature na gaya niya but again, he is willing to change not just because of Vee but for himself as well.
Besides, he is already of legal age and soon enough he will be called a ‘real’ man once he graduates, if he will, nabanggit din kasi niya sa Papa ni Vee na pakiramdam niya hindi para sa kanya ang pagaaral dahil kung siya ang tatanungin, he can go back in college anytime if he wants to later on in life to finish his degree, para saan pa at may mga mas matanda pa sa kanila ni Vee ang bumabalik sa pagaaral, right? Of course, not setting aside the fact that mostly because of financial reason but still.
He just wants to enjoy life. Meaning, he wants to follow his passion. His dream of becoming a pro player. Akala niya pagta taasan siya ng kilay ng Papa ni Vee but oh boy, he was wrong. Ngumiti lang ito sa kanya at in-encourage pa siya to follow what his heart desires but also to be aware of the consequences and that if his wants didn’t work the first time, then he still got a lot ahead of him that he should learn from to make his dream works according to the original plan. Nakakatuwa dahil parang may pinanghuhugutan ang Papa ni Vee sa mga payo nito sa kanya.
Since hindi siya sanay uminom lalo pa at hard ang pina shot sa kanya ay hindi na nakakagulat na tipsy ang kinalabasan niya. Buti na lang at pinigil ng magkapatid ang Papa nila kundi baka ang ending ay dito pa siya matulog sa bahay nila Vee.
Nakakahiya kapag nangyari ’yon! Imagine, first time niya makilala at makipag inuman sa magiging father-in-law este sa Papa ni Vee tapos ang kapal naman sobra ng mukha niya kung dito pa siya makikitulog dahil hindi niya kayang iuwi ang sarili niya matapos niyang makipag inuman kasama ’to.
“Hindi na, Vee. Uwi na ako ng makapag pahinga ka na din.” sabi niya na para bang hinehele niya si Vee sa boses niya at maging ang sarili niya.
“Ito naman! Para ka ding si Papa. Ayaw magpa awat. Magpababa ka muna ng tama mo halatang hindi ka sanay uminom baka maaksidente ka pa kapag pinilit mo umuwi.” naka pamewang nitong litanya sa kanya.
Napangisi si Danerie dahil parang nanay si Vee kung makasita, not forgetting the fact na naka duster ito bilang pambahay na damit.
“Yes, mommy!” pabiro niyang sagot. Agad pinamulahan si Vee sa narinig at hinampas siya sa braso.
“W-Wais!”
“Bakit? Para kang nanay eh… nanay ng magiging anak ko.”
“Tangina ka, Wais! Sige na nga. Umuwi ka na kung anu-ano lumalabas d’yan sa bibig mo.” masungit nitong tugon na kinalaki ng mata ni Danerie at agad niyang hinigit si Vee para yakapin sa bewang. Clingy yern? Eme.
“Ayaw! No! Dito lang ako.” parang bata niyang sumamo at hinigpitan pa ang yakap kay Vee ng tinry nitong alisin ang pagkaka lingkis ng kamay niya sa bewang nito.
Namumulang napanguso nalang si Vee.
Kundi ka lang cute eh, ani sa sarili.
“Gusto mo mag ano..”
“Mag ano, Vee?” pilyo itong ngumiti sa kanya kaya ayun, nasampal niya ito sa pisngi ng wala sa oras. Kung anu-ano na naman kasi pinagii-isip at sinasabi nitong lalaking ’to.
“Wais, ah! Sinasabi ko sa iyo.”
“Ito naman! Nagtatanong nga lang ako kung magaano ba tayo eh..”
“Magaano, Wais?” tanong niya pabalik, hinuhuli ang kapilyuhan ng binata.
“Mage-ML?”
“Gusto mo?”
“Oo, basta kasama ka.”
“Okay. Pero mag live ka.”
Agad na kumunot ang nuo niya sa narinig.
“Huh? Paano? Eh nandito ako sa inyo?”
“Baka may PC at webcam ako?”
“Huh? Parang wala naman akong nakita na naka set up dito sa baba?”
“Sa kwarto ko syempre.”
“Ha?” naalarma siya bigla dahil first of all, makakapasok siya ng kwarto ni Vee and second of all, bakit iba ang pina pahiwatig ng isip niya sa kanya? Naku, ikalma mo boy!
Pero bago pa siya ulit makaisip ng kung ano ay agad na siyang pinalo ni Vee sa braso. Malamang ay naisip din nito ang naisip niya.
“Gago nito! Maglalaro lang tayo, Wais. Ayaw mo nu’n? Nahimasmasan ka na, nakapag live ka pa.”
“Uhm, okay.”
Manghang inilibot ni Danerie ang tingin sa kwarto ni Vee ng makita niya gaano ito ka-organize at hindi nakatakas sa pang amoy niya ang amoy ng vanilla na may kaunting hint ng flowers na siyang nagreresemble kay Vee. Pwede bang maglipat bahay na ako? ani sa sarili.
“Bakit dalawa PC mo sa kwarto, Vee? Kasama mo Ate mo dito?” usisa niya. Isang kama lang naman ang nakita niyang nandito sa luob kaya bakit dalawa ’yung PC? Bukod pa du’n halatang original at mamahalin. ’Yung talagang ginagamit sa E-Sports.
“Hindi. May sariling kwarto Ate ko. ’Yung dyan kasi sa pupwestuhan mo, pang gaming talaga ’yan ito namang uupuan ko, dito ko madalas ginagawa sa PC na ito mga editing at kung ano pang kinemerlu ko for school.”
“Eh pero ’di ba may laptop ka din? Naalala ko dinala mo ’yun ng hinatid kita last time sa school mo?” tanda niya pa na gaya ng PC set up nito, mamahalin at kilalang brand din ang logo ng laptop na ’yun ni Vee. And again, gaming laptop ’yun hindi regular laptop.
“Mas maganda pa rin kapag PC gamit.”
“Sabagay. Eh bakit ka pa dumadayo kila Tori para duon mag computer kung kumpleto naman gamit mo dito sa bahay?”
“Trip ko lang. Gusto ko lang ma-expose ganda ko to everyone,” biro niya pero hindi matatanggi ni Danerie yung fact na nagselos siya sa isiping baka may crush kasi si Vee na nagcocomputer din duon kaya siya madalas sa comp shop ni Tori kesa dito sa bahay nila.
“Start na tayo?” pagiiba ni Vee ng usapan.
“Sige. Log in ko lang muna FB ko.” hindi niya maiwasang hindi pagmasdan maigi ang PC set up ni Vee. Papasa ’tong equipment for E-Sports at suitable din for streaming. Bigla tuloy siyang napa isip kung nag try na ba si Vee before na mag stream or live man lang ng gameplay niya once since alam niyang magaling at masarap na kalaro si Vee.
After ng first game nila bilang duo, Danerie being the jungler and Vee being his support ay mas lalong dumami ang audience sa live.
Siguro dahil bored ang mga ’to or nagandahan sila sa tandem play nila? Or, baka dahil ang ilan sa mga nanunuod ngayon ay yung mga nakakita kay Vee last time at curious sa kanya na siyang kasama niyang naglalaro ngayon pero buti nalang at hindi masyadong nahahagip si Vee ng camera dahil nakatalikod ito sa kanya.
Magkatalikuran kasi ang set up ng dalawang PC na mas pabor sa kanya kesa may isa na namang mala Mark Luis ang mag comment sa live at baka makasapak na talaga siya.
“Paps! Send ka invite sali kami sa inyo ni Mamsh!” lalo siyang na-hype ng makita ang comment ni Oheb na sinegundahan pa nina Edward at Hadji. Agad pumayag si Vee dahil gusto niya ding makalaro uli ’yung tatlo.
Habang pumipili pa sila Edward ng hero nila ay may nabasang comment si Vee sa live ng binata. Oo, pinapanuod niya din ang live nito sa PC niya para makita kung sinu-sino ang mga pumapasok at response ng mga audience sa laro nila lalo na ng kay Danerie.
“Di ba tiktok ’yon?” tanong niya sa nagcomment, making sure na aware ang mga ito na nababasa niya ang comments nila, “Aminin mo! Aminin mo! Aminin mo!” kanta niya na may unting sayaw pero syempre hindi kita ng audience sa live ang ginagawa niya maliban sa kumpas ng kamay niya sa ere. Tanging si Danerie lang ang nakaka kita nito ng buo na siya namang sinigurado ng isa na nakatingin siya kay Vee.
“Ayaw kong madinig! Ayaw kong madinig! Aaah!” pagtutuloy niya sa ginagawa nito.
“Aminin mo! Aminin mo! Aminin mo!” ulit nito sabay, “Napapanuod ko sa tiktok ’yon e.”
Agad kumunot ang nuo ni Danerie sa narinig dahil alam niyang napanuod niya na din ang trend na iyon sa tiktok.
“Hmm?”
Biglang kinabahan si Vee sa titig sa kanya ni Danerie, paano kasi ’yung titig nito ’yung mga tipong possessive and hindi niya itatangging ang hot tignan ngayon ng binata lalo pa at magkaharap lang sila.
“Yung mga lalaki?” ewan ba niya kung siya lang pero parang mas lumalim ang boses nito. Shemay! Buti at walang camera na nakatutok sa kanya ngayon kundi kitang-kita na ng lahat na namumula ang pisngi niya. Shocks! Jusme, ka Wais! Eme.
“Tange hindi! Mga babae ’yon.”
“Mga babae!” pang aasar nito pero this time nakangiti na.
“Mga babae ’yon, Wais! Kailan pa naging lalaki iyon? My god!”
Natawa nalang si Danerie dahil parang biglang naging pataray ang sagot nito sa kanya even thou, deep inside nagseselos na naman siya sa isiping may ibang lalaki na nakikita at pinapanuod si Vee.
Sunud-sunod ang baha ng comments mula sa audience nila dahil sa eksena nilang ’yon.
“OMFG! Did you guys see that?”
“Sana all mas gumgwapo kapag nagseselos!”
“Orasyon reveal Miss Vee!”
“Kung di lang din ganyan jowa ko wag nalang! Sana all talaga!”
Natawa sila parehas sa comments ng mga nasa live pero deep inside parehas din silang kinikilig sa mga nababasa nila about them.
Pagdating sa ika apat nilang rank game, narinig niya si Vee na nagsasabi sa kanya na ina-add siya ng isa sa mga players na kalaro nila kaya agad siyang dumikit dito. Sa sobrang lapit ay para talagang may something sa kanilang dalawa base sa nakikita ng kanilang audience (pati na mga kaibigan nila).
“Sino?” sabay basa sa message ng nasabing player sa cellphone ni Vee kahit na pwede naman niya ito makita sa comment section ng sarili niyang phone dahil naka public ito, “Kung ang tagalog ng porridge ay lugaw, pwede ba akong manligaw?”
Agad kumunot ang nuo ni Danerie. Uh-oh. May isa na namang mala Mark Luis! Hindi kaya si Mark Luis din ’to? Eme.
“Putangina nito! Block ko ’to ah?”
“Wais,” sita ni Vee sa kanya dahil naka live siya at baka may magreport sa kanya sa pagmumura pero hindi maitatangging kinikilig siya sa closeness nila ni Danerie. Amoy na amoy niya at grabeng pigil niya na huwag ’tong hawakan or worst halikan sa pisngi kasi wala naman silang label kundi mag friends lang.
“Block ko? Ha?”
Natawa lang si Vee sa inaakto nito. Paano kasi, para itong nagseselos. Ang hindi niya alam, nagseselos talaga si Danerie.
“Gago ka!” hindi na rin niya napigilang hindi magmura dahil ang persistent nito na iblock ’yung nagttry mag add sa kanya.
“Gawa nalang uli siya.”
“Wais, ’wag! Kawawa naman.”
“Luh, pinagtatanggol oh!”
Nailing nalang si Vee dahil parang batang nagtatantrum ang atake ni Danerie.
“O sige, sige, sige.” sang ayon niya.
“Pinagtatanggol oh!” ngumuso ito, “Ooh!”
“Sige na nga eh.”
“Kitang-kita sa mata mo, Vee!” lumayo ng bahagya sa kanya si Danerie bago ito muling dumikit, “Tingin nga. Tingin ka nga sa akin.”
Nang hindi siya tumingin ay muli itong nag tantrum. Cute.
“Oh yun lang!”
“Wait lang may creeps… sabi ko wag mo i-mute. Iblock mo.” sabi ni Vee dahil nakita nitong minute ni Danerie ang player na nagttry mag add sa kanya.
Biglang hinaplos ni Danerie ang kamay niya, “Vee, napapa saya ka na niya.”
“Gago!” natatawang tugon niya sa binata.
“Kahit poser napapasaya ka.”
“Bnlock mo—, bnlock mo na ba?” seryoso ng tanong ni Vee sa kanya.
“Ooh, tangina mo ah!” parang bata nitong asta dahil sa pagseseryoso niya, “Tingin nga. Tingin nga.” hamon pa nito sa kanya.
Kalaunan ay tumawa-tawa na ito ng matagumpay niyang nai-block ’yung player na nagttry mag add kay Vee at ng tumingin na din si Vee sa kanya sa wakas, ayun. Ngiting wagi ang Danerie ninyo.
Alas diyes na ng gabi ng mapagpasyahan nilang i-end ang live pero ganuon pa man, ayaw pa rin ni Vee na pauwiin ang binata sa kanila. Mas gusto nitong nandito ito kesa nanduon si Danerie sa kanila kung saan siya lang mag isa. Of course, hindi niya nakakalimutang mag isa lang ito sa bahay.
Masyado siyang natuwa kasama ito at ganuon din si Danerie sa kanya. Halos wala ng bakas ng pagka tipsy nito kanina at napalitan ng maraming energy. Tuwang-tuwa ito na harutin si Vee.
“Wais! Ang sakit!” reklamo ni Vee, pero hindi niya tinutulak palayo si Danerie ng panggigilan muli nitong kagatin ang braso niya. Kapwa sila nakahiga ngayon sa kama niya at nakatingin sa kisame na napa palamutian ng maliliit na stars mula sa maliit na projector.
Tanging ang liwanag lang na galing sa projector ang nagsisilbi nilang ilaw para makita nila ang mukha ng isa’t-isa. There was no sense of awkwardness nor lust that can be felt in the air, rather it was soft and warm especially with the two of them getting lost in each other’s presence.
Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Danerie dahilan para agad siyang lingunin ni Vee. Pinagmamasdan niya ang side profile ng binata. Hindi maka paniwalang nakilala niya ang taong ito sa tabi niya kailan lang ngunit iba na ang naidudulot nitong kalituhan sa kanya pati na rin saya hindi gaya ng mga nauna dito.
Just let me adore you
Like it’s the only thing I ever do
Lumingon na din ito sa kanya habang kinakanta ang mga katagang iyon sa isa sa sikat na kanta ni Harry Styles na pinamagatang Adore You. Nakatitig lang ito sa kanya na para bang may nakikita itong kung anong maganda sa kanya na siya mismo hindi niya makita sa sarili niya.
I get so lost inside your eyes
Would you believe it?
You don’t have to say love me
You don’t have to say nothing
You don’t have to say you’re mine
Honey
“Wais,”
“Vee.”
Vee softly pulled Danerie towards her and had his head lean on her shoulders as she leans on to him too.
Hindi niya pa kayang umamin ngayon. Maybe she’ll just wait a little longer. A little more until she or both of them could no longer hold the tension anymore. Not now. Not now when the moment is too soft to be ruined by confessing and could be something memorable to them.
Hindi nila namalayang nakatulog na sila parehas at makikita ng Papa ni Vee ang posisyon nilang dalawa. Imbis na gisingin sila at pauwiin si Danerie ay nangiti lang ito bago isara ang pinto ng kwarto at bumalik sa pagtulog.
Nang mga sumunod na araw matapos ng eksena nilang iyon ay nagtuluy-tuloy na sa pagla-live si Danerie dahil marami ng naghahanap at nagaabang sa kanya na maglaro ng ML.
Madaming positive comments pero hindi rin maaalis ang negative comments lalo pa at ’yung iba dahil lang sa mababaw na rason. Ganuon pa man, hinahayaan niya lang dahil sa totoo lang, wala naman siyang mapapalang mabuti sa ganuon
Makakasama lang ’yon sa mental health niya. Si Vee na rin ang nagsabi sa kanya na huwag ng pansinin dahil kung du’n palang ay mado-down na siya, what more kapag nakuha siya sa team at isinalang sa tournament. Mas harsh ang mga ibabatong comments sa kanya at mas malala kapag nakita niya ito ng live sa audience mismo kaya talagang minindset niya na ang payo na ’yon ni Vee dahil mukhang alam na alam talaga nito ang sinasabi niya.
Nakakatawa nga dahil animo’y naexperience na ito ni Vee dahil kaparehas sila ni Edward ng nasabi sa kanya na nakaranas ng umattend ng local tournament kahit na hindi pa gaanong kakilala ang grupo nito sa E-Sports scene.
“Ward,”
“Yes, Papi?” saglit siyang nilingon nito habang abala sa pagpili ng hero na gagamitin niya sa laro.
Nakatambay sila ngayon sa Dream High comp shop sa Green House. Laking pasalamat niya at hindi na si KYY ang bantay kundi si Dlar na, na siyang agad niyang nakapa lagayan ng luob.
“May mga naka add ba sa iyo na official account ng mga pro player?”
“Oo pero local. Bakit mo natanong?”
Napabuntung hininga si Danerie. Hindi alam kung sasabihin ba niya sa kaibigan o hindi. Nawawala kasi sa isip niya na itanong ang tungkol dito kay Vee sa tuwing magkasama sila. Paano kasi, si Vee at si Vee lang focus ng utak niya. Naku, malala na talaga, ika niya.
“Normal bang maging friends mo sa FB mga local o international pro players kung simpleng avid fan ka lang or nagta-trabaho sa isang game based na company?”
“I don’t think so, Paps. Kasi kahit papaano syempre may mga pro na maaarte. Namimili sila sinong nasa circle of friends nila in and out of socmed. Bakit?”
“Kasi, aware naman kayo na friends na kami ni Vee sa FB, di ba?”
“Oo. Syempre kahit friends namin si Mamshoe in real life hindi namin siya in-add as respect sa iyo dahil alam naming may balak kang ligawan siya bukod sa alam naming magiging over protective boyfriend ka sa kanya at seloso ka,” natawa ito sa huling sinabi, “.. pero anong relate ng tanong mo sa akin sa kanya?”
Binuksan nito ang cellphone niya at nagpunta sa profile ni Vee para ipakita sa kaibigan ang mga naka mutuals dito. Nanlaki ang mata ni Edward sa gulat.
“Holy shit! Pati si Faker?”
Tumango si Danerie, “Yep, my favorite international LoL player.”
Nagkatinginan silang dalawa ni Edward. Para bang iisa ang nasa isip nila ngunit walang matibay na pruweba.
“Natanong mo na ba si Mamsh regarding dyan?”
“Hindi. Nawawala sa isip ko tuwing magkasama kami.”
“Tsk, tsk. Malala na talaga tama mo sa kanya, Paps.” ani Edward, “Pero for sure naman iisa lang tayo ng naiisip. Baka dating pro player si Mamsh tapos hindi lang natin alam.”
“Actually, nang pumunta nga ako sa kanila… naalala mo ba ’yung nag live ako at tayu-tayo nila Hadji magkakalaro?”
“Wait! Nasa bahay ka pala niya nu’n?”
“Oo. Bakit?”
Saglit na napa isip si Edward.
“Napansin ko kasi, ’yung set up ng PC na gamit ni Mamsh ng time na ’yun, kasi nga magka talikuran kayo, ’di ba? Kahit ’yung gaming chair? Alam kong impossibleng hindi mo ’yon napansin, napaka mahal nu’n at official gaming chair sa E-Sports ’yun.”
Napatango si Danerie. Buti at observant ang kaibigan. Hindi niya kailangang mag overthink na baka siya lang ang nagiisip ng ganu’n ng makita niya ang set up ni Vee.
“Hindi ko sinasabing hindi afford ni Mamsh ang ganu’n. Nagma-masters nga siya eh, pero the fact na meron siya nu’n speaks volume. Plus, naalala ko sabi ni Hadji sa akin may nakita daw siyang nag comment na parang familiar ’yung background ninyo sa isa sa mga kilala niyang pro. Si Oheb sabi may kaboses daw si Mamsh ng nakasama mo siya sa live. Medyo iba daw kasi boses ni Mamsh in real life kesa ng naglive kayo.”
“Seryoso ba?”
“Oo, Paps! Gusto mo hanapin mo ’yung comment na ’yon duon sa naging live mo.”
After ng 2 games ay nag decide na sila mag out ni Edward at habang hinihintay nila masuklian sila ni Dlar ay biglang may odd question na naisip itanong dito si Danerie.
“Dlar, kilala mo din ba si ano, uhm, si Vee?”
“Oo naman! Sino bang hindi makaka kilala du’n eh bukod sa matalino na, mabait pa tapos maganda pa!” sagot nito sa kanya.
Agad siniko ni Edward ang kaibigan ng mapansin niyang kumunot agad ang nuo ni Danerie sa narinig. Jusme naman ’tong si Paps! Napaka seloso, sa isip-isip nito.
“Gaano na kayo katagal magkakilala?”
“Hmm, medyo matagal na din. Bakit?”
“Sa comp shop din ba kayo nagkakilala?”
Natawa ito sa tanong niya.
“Oo! Parang kahit sino naman na nakaka kilala sa kanya personally sa comp shop siya unang na-meet. Batak sa comp shop si Mamshoe eh if incase hindi kayo informed. Pambato ’yan lagi sa pustahan ng mga kaklase niya. Paano kasi magaling na player ’yan. Siguradong panalo kapag siya ang kasama sa Team. Kailangan mo lang talaga makinig at magtiwala sa kanya.”
Nagka tinginan sina Edward at Danerie. Kapwa nila inalala ’yung unang beses na naka team nila siya sa LoL at ’yung naglaro sila ng ML. Mala team captain ang atake nito at straight lahat ang panalo nila na kinatuwa ng sobra ni Edward dahil bawing-bawi ang stats nito sa rank game nilang lima.
“Kaya nakakahi—” hindi niya naituloy ang nais niyang sabihin kila Danerie ng biglang dumating si Kairi. Such a great timing!
Buti nalang at hindi. Masyado kang madaldal Kairi, bibistuhin mo pa si Vee.
“Oh my god! Buti nalang naabutan ko kayong dalawa. Pinapa punta kayo ni Eyon sa karinderya niya. May ipapa food taste siya sa inyo na balak niyang i-add sa menu.”
“Ah ganuon ba? Sige, tara na. G ako dyan!” excited na sagot ni Edward at agad nagpaalam kay Dlar para sumunod kay Kairi papunta sa karinderya ni Eyon.
BTC 8: GREAT WALL
“Paps! Balita sa booth ninyo? Bukas na Open House,” ani Oheb habang naglalakad sila magka kaibigan papunta sa sakayan.
“Okay na ’yung sa amin. Pinaalalahan lang kami na huwag kalimutang magpapunta ng kakilala sa booth so alam ninyo na ha?”
“Basta ba pupunta ka din sa amin eh,”
“Sa amin ininvite ko sila Uncle Eson na dumaan sa booth namin,” sabi ni Edward na busy dumutdot sa kanyang cellphone.
“Ha?” sabay-sabay na naglingunan sila Danerie sa gulat sa sinabi nito.
Napatigil naman sa ginagawa niya si Edward at tumingin sa kanila, “Anong ha? Don’t tell me hindi ninyo alam or hindi kayo nasabihan na pwede mag invite ng taga labas? Meaning pati ’yung graduate na ng college pwede pumunta.”
“Talaga ba?”
“Hala, walang ganyan na sinabi sa amin!”
“Bakit ngayon mo lang chinika sa amin?”
“Eh akala ko aware kayo?”
“Hindi!” sabay-sabay ulit nilang sagot na tatlo. Napapikit pa si Edward sa lakas ng boses nila. Pati ibang kasabayan nilang maglakad napatingin din sa kanilang apat.
“Oh ngayon na alam ninyo na, sabihan ninyo na ’yung gusto ninyong iinvite na pumunta lalo ka na Paps. Baka gusto mong iinvite si Mamsh,” malisyoso nitong sabi.
“Oo nga! Invite mo si Mamshoes!”
Napakamot si Danerie sa batok niya, “A.. e.. hindi ko alam.”
“Anong hindi mo alam? Iinvite mo lang naman paanong hindi mo alam?”
“Una sa lahat, may pasok siya. Mataas ang chance na hindi siya makapunta or kung makapunta man siya, baka hindi rin niya ma-enjoy. For sure maraming tao bukas. Knowing Vee hindi niya cup of tea ang matao at maingay. Baka ma-awkward siya at mapagod imbis na ipinahinga nalang niya sa bahay. Sayang din kung mag half day siya sa trabaho. Siya lang nagsu-support sa sarili niya sa pagaaral eh,” paliwanag niya.
Nagtanguan ’yung tatlo sa narinig.
“Oo nga pala, pero yiieee! Si Paps! Sobrang concerned kay Mamsh!” pangaasar ni Hadji.
“Oo nga eh! Akala ko nga kaya ayaw niya iinvite kasi baka may magtangkang pumorma kay Mamshoes pag nalingat siya ng tingin!” dagdag ni Edward.
“Gumi-great wall of Danerie!” sambit ni Oheb.
Great wall of Danerie amputa, natatawang sabi ni Danerie sa isip.
“Mga gago! Pero isa na rin ’yon sa dahilan actually,” nangiting pag amin niya na lalong naging dahilan ng pangangatsyaw ng mga ito sa kanya, in a good way of course.
“Pero try mo lang, Paps. Informed mo si Mamsh para naman aware siya kung sakaling bigla kang hindi magparamdam.”
“Oo nga, dagdag papansin points mo din ’yon.” gatong ni Edward.
“True, gusto ng mga chikas na inuupdate sila kahit tinatanggi nilang wala silang paki. Bonus nalang siguro kung sakaling magpunta si Mamsh.” dagdag pa ni Hadji.
Napabuntung-hininga si Danerie.
Sige na nga, pero hindi siya gaanong mage-expect kasi knowing himself, kahit sabihin niyang hindi siya nage-expect eh at the back of his head, nage-expect pa rin siya.
Bago siya umuwi, dumaan siya ng 7-11 para bumili ng makakain. Wala siya sa wisyo para magluto ng dinner at tinatamad din siyang maghintay kung sakaling magpa deliver siya sa Grab. Bigla kasing sumama ang pakiramdam niya habang nasa biyahe sila pauwi kanina. Iniisip nalang niya na sana hindi ito umabot hanggang bukas dahil siya din ang mahihirapan.
Habang nagtitingin siya ng mabibili sa mga naka display na pagkain sa rack, nakarinig siya ng mahinang pagkanta mula sa isa ding customer gaya niya na sa tansya niya ay hindi kalayuan ang layo mula sa kanya.
Sinasabayan nito ang kantang nagp-play sa luob ng convenience store. Underneath your clothes ni Shakira ang kanta. Speaking of clothes, hindi pa pala naibabalik sa kanya ni Vee ’yung jacket, cardigan, shirt at shorts na pinahiram niya dito. It’s not like gusto niya ng kunin pabalik, more like ayaw na nga niyang isauli nito pabalik ang mga damit sa kanya hindi dahil sa maselan siya. Natutuwa lang siya sa isiping na kay Vee ang mga gamit niya. He considers that as a small gesture of intimacy between them.
Isipin palang niya ay napapangiti na siya na parang tanga sa pwesto niya. Sana lang ay walang nakakakita sa kanya ngayon.
There’s the man I chose,
There’s my territory
Sabay silang nagkatinginan ng katabi niyang namimili at muntik pa nila kapwa mabitawan ang mga dala nilang pagkain.
“Vee,”
“Wais!”
“Anong ginagawa mo dito?”
“Bumibili?”
And they ended up sitting again beside each other despite having a lot of vacant seats as they eat their snacks together like there’s no tension between them. False, there is!
“Ano, may lakad ka ba bukas?”
“Bakit? Ano meron?” tanong ni Vee, pero deep inside, heto na naman siya at nagpapaka assuming na baka ayain siya ng binata na makipag date dito, dahilan para bumilis ang tibok ng puso niya. Magtigil! Nakakamatay ang pagiging assuming, Vee.
“Uh,” napawak siya sa batok niya at hindi makatingin ng diretso kay Vee. Punyemas naman, Wais! Ngayon ka pa tinablan ng hiya, ani sa sarili, “… may event kasi kami sa school bukas, baka lang gusto mo sumilip?”
“Silip talaga?” tanong niya, medyo disappointed sa narinig. Ayan kasi, assuming, pangaasar ng sarili niya sa kanya.
Nunit hindi niya napigilang hindi matawa sa narinig. Hindi dahil sa weird choice of word ni Danerie kundi dahil sa hitsura nito ngayon. Mukha kasi ’tong bata na nagtatago sa likuran ng kanyang ina ang hitsura nito.
Cute.
“I mean, baka gusto mo pumunta? Sama mo mga friends mo?”
“Tignan ko ha?”
Sabi na eh. Negative, ani Danerie sa isip.
After nilang kumain ay niyaya na agad ni Danerie si Vee na umuwi. Anong oras na rin kasi. Alam niyang may pasok pa ito whereas siya naman ay ganuon din. Pinagkaiba lang, hindi niya kailangan mag aral. Kailangan lang niya mag entertain ng mga tao bukas dahil sa event nila sa eskwelahan, iyon nga lang din, masama ang pakiramdam niya kaya bahala na kung ano mangyari bukas.
“Wais!” napapitlag si Danerie ng biglang napa sigaw si Vee sa tabi niya.
“Hmm?” tugon niya dahil nahihirapan na siyang idilat ng maayos yung mata niya. Bumibigat na ito at hindi niya alam kung bakit. Sinabayan pa na nilalamig siya.
“Ang init mo, Wais!” napangisi siya sa narinig. Iba kasi ang naisip niya sa sinabi nito. Kahit nagaalala ay hindi napigilan ni Vee na hampasin ang balikat niya sa inis.
“Wais naman eh! Ngingisi-ngisi pa! Okay ka lang ba? Bakit ang init mo?” tanong nito sabay angat ng kamay, para sana sapuin ang nuo ng binata kaso hindi pumayag si Danerie at agad nilayo ang sarili niya para hindi na magalala lalo si Vee sa kondisyon niya. Ang ending, para silang mga batang naghahabulan paikot sa gilid ng kalsada habang naghihintay na may dumaang bakanteng tricycle para kay Vee.
Nang halos maaabutan na ni Vee si Danerie ay saktong may dumaan na bakanteng tricycle. Agad itong pinara ni Danerie at hinila si Vee pasakay sa luob.
“Wais!” inis at nakangusong maktol ni Vee.
Natawa lang si Danerie at agad na nag abot ng pang bayad sa driver para hindi na magbayad pa si Vee pagbaba nito. Nakita ito ni Vee at aalma pa sana kaso kinalampag na niya ang bubong, queue sa driver na umalis na para hindi siya masermunan ng isa.
“Bye, Vee! Ingat!” nakangiting paalam niya at kumaway pa ng makita niyang dumungaw ito para siguro ay icheck siya one last time kung ayos lang ba siya.
Unfortunately, he isn’t.
Tiniis lang nito ang sama ng pakiramdam niya hanggang sa finally makauwi siya sa kanila. Halos hindi na siya makahinga pagpasok niya sa luob ng bahay at naliligo na din siya sa pawis. Kung bakit kasi hindi niya dinala ’yung motor niya. Siguro dahil hindi niya din ineexpect na magkikita sila ni Vee. Out of all places and chances.
Agad siyang humilata sa couch para makapag pahinga saglit. Hindi niya namalayan na naka tulog na pala siya.
On the otherhand, hindi mapakali si Vee kakaisip kung ayos lang ba talaga ang binata. Hindi pa kasi ito nagtetext mula ng pasakayin siya nito kanina. Ayaw din naman niya i-text dahil ayaw niya magmukhang clingy. However Danerie had been there for her when she had least expected him to be, so reasonable lang na magalala siya kung ayos itong nakauwi o hindi sa kanila.
Nahihirapan tuloy siyang makatulog kakaisip sa binata. She knows he lives alone. Wala siyang ibang kasama sa bahay kaya sinong mag aalaga sa kanya kung may sakit siya, right? Napa buntung-hininga siya at naisipan na i-message si Tori. Alam niyang madalas ’tong tambay sa comp shop dahil nga sa mag isa lang ang binata nakatira sa bahay nila kahit na may PC ito na pwedeng magamit ay mas pinipili nito na lumagi sa comp shop dahil duon, kahit papaano ay may mga nakaka sama siya unlike sa bahay na siya lang mag isa.
Vee
Nandyan ba si Wais?
Tori
Ay wla man lang hi-hello
Bkit sa akin mo hnhanap?
Hndi nman yan sa akin nkatira
Vee
Hndi prn kasi sya nagmmesage
skin
After nya ako psakayin kanina
Nagaalala na ako
Feeling ko tlaga my lagnat siya
Tori
You mean love-nat?
Vee
Tori nman e!
Serious ksi ako
Ó╭╮Ò
Tori
Ok, ok ito nman
Serious k dn msyado e
Pro di ba sbi mo magksma na kyo knina?
Bkit di mo pa tinanong or chineck?
Vee
As if nmang aamin ska lumayo sya knina
Ng tinry kong hwakan yung nuo nya
Tori, nagaalala ako
Nsabi nya ksi sa akin na may event din
Sila bukas sa univ nila
Mmaya pumsok siya khit may sakit
Plus wlang magaalaga s knya s knila
Di b nga sya lang mag isa nandito s Pinas?
Tori
Hndi mo nman sya mapipgil pmasok
Kung gustuhin nya e
Bkit di ka nlang pmunta sa event nila
Kung nagaalala ka
na ppsok sya bukas
Khit na msama pakiramdam nya?
And yes, wla ngang mag aalaga s kanya
Maliban kung gsto mong kunin yung role
Vee
Actually..
Niyaya nga nya ako
Tori
Eh yun pala e! Go mo na!
Vee
Ei! Hndi ba ako halata nun?
Tori
Halata na?
(☞゚∀゚)☞ aha!
E di inamin mo din na
Crush mo nga si Wais!
Vee
Tanga! I mean, di b ako hlata na ako si yk?
Ksi syempre mraming taong pupunta dun
Bka lang may maka kilala sa akin
Tori
Sus! Ngpalusot pa nga
Lol
Ewan ko syo, Momsh!
Nagaalala k b tlga kay Wais
Or nagaalala ka sa fact na hlata
Ngang crush mo siya pg pmunta k? Eme!
Vee
Sbi ko nga e ¯_ಠ_ಠ_/¯
Issue ka tlga kahit kailan!
Tori
You’re always welcome, Vee
¯_( ͡° ͜ʖ ͡°)_/¯
Napabuntung-hininga na lang si Vee pagbaba niya ng cellphone niya at muling bumalik sa pagtitig sa kisame ng kwarto niya. Nagaalala talaga ako, ani Vee.
Saglit nitong nilingon ang naging puwesto ni Danerie sa kama niya ng hindi nito sinasadyang mag sleep over sa kanila at napangiti. Muling bumalik ang kilig sa katawan ng tumagilid siya sa kinahihigaan. Grabe! Amuy na amoy pa rin niya ’yung pabango ni Danerie sa kama niya! Ang dami tuloy naglalaro sa isip niya na siyang nagbigay ng kakaibang emosyon sa kanya idamay na pati katawan niya.
“Ugh, Wais! Ano ba ’tong ginawa mo sa akin?” nakangusong tanong niya sa sarili.
Kinabukasan…
“Ayos ka lang, Wais?” tanong ng isa sa mga kaklase niya sa kanya ng makita siya nitong matamlay.
“Oo naman, bakit?” monotone niyang sagot. Ayaw niya kasing masyadong maglililikot dahil pinilit lang niya ang sarili na pumasok ngayon kahit masama pakiramdam niya.
“Para kasing..”
“Parang ano?”
“Parang kulang ka sa lambing? Ayiieee!” banat nito sabay sundot sa tagiliran niya.
“Gago!” napatawa siya sa banat ng kaklase.
“Nag away kayo ni Vee?” tanong ng isa pa niyang kaklase sa kanya. Nagulat naman siya sa tanong nito. Nag away ba kami? tanong niya sa sarili.
“Huh?”
“Kaya siguro hindi ka nakapag live? Hinintay ka kaya namin nila Paneng na mag live ka kagabi,” sabat ng isa pa niyang kaklase sa usapan hanggang sa ’yung mga kaklase niya na iba na focus sa ginagawa nila, nafocus na din sa kanya.
“Talaga ba?”
“Oo! Hintay nga ako ng hintay kagabi!”
“Baka naman si Vee lang talaga hinihintay ninyo at hindi ako?”
“Hindi ’pre! Hinihintay ka talaga namin. Ang angas kaya ng mga laro mo tapos may mga taga ibang bansa nga din akong nakita na nanunuod sa’yo e. Iba ka na ’pre! Hirap mo na ma-reach!”
“Wise Gaming streamer era!”
Nagulat siya sa narinig. Hindi niya kasi chine-check ang mga audience niya. Basta merong manuod, okay na ’yun sa kanya.
“Saka masyado ka namang humble, Wise! Sobrang dami na kayang nanunuod sa’yo mula ng mag start ka. Iba talaga kapag gwapo na tapos may may jowa pang supportive sa trip mo,” nailing nalang si Danerie sa sinabi ng kaklase dahil halatang may pinaparinggan ito at hindi nga siya nagkamali na meron dahil bigla nalang may nalaglag na gamit na nakapag patigil sa pinaguusapan nila ng mga kaklase niya and guess who? It’s his ex, Carlie V.
Thou hindi nakaligtas sa pandinig niya ang statement ng kaklase about sa kanila ni Vee. So iniisip pala ng mga ito na si Vee na nga ang bago niya at naka move on na siya kay Carlie thou totoo ito, na naka move on na siya sa kanya pero hindi ’yung part na sila na ni Vee. Hindi pa siya makahanap ng tiempo para mag confess kay Vee, para maligawan niya na ito pero soon. Gagawin din niya ’yon. Sana lang ay hindi maging awkward bigla ang relationship nila kapag nangyari ’yon. Kasi syempre kahit na ramdam niyang may chance na maging sila iba pa rin ’yung may confirmation from Vee.
“Kayo talaga! Pero salamat sa support!”
“Pero ang mahalagang tanong is, magka away nga ba kayo?”
“Hindi! Bakit kami mag aaway?”
“Ah, eh kasi ang tahimik mo today. Hindi ikaw ’yung regular Wise na nakakasama namin na jolly.”
Wow! Jolly daw. Jollibee? Eme.
Natawa naman si Danerie, “Masama kasi pakiramdam ko pero kaya ko naman mamaya. Nagiipon lang ako ng energy.”
“Ha? Dapat nagsabi ka agad sa amin! Gusto mo ng gamot? May bioflu ako sa bag.”
“Hindi, hindi. Go lang. Nakainom na ako.”
“Ay naku, feeling ko hindi lang gamot magpapa galing d’yan kay Wise kundi pati yakap ni Vee! Ayiiee! Pupunta ba siya dito?”
Sabay-sabay ding nagsipag ayiiee ang mga kaklase niya na kinatawa lang niya samantalang panay irap naman ni Carlie at halatang nagdadabog sa ginagawa. Not that they are surprise of her actions. It was more like natatawa sila dahil sa reaksyon nito eh wala naman na ’tong dapat na ika-react ng ganito since ex na nga siya at hindi present nor future. Louder, please!
Fast forward since the event started, and it is now 4 p.m., but the amount of people coming in and out of their booth seems to never end since not only Danerie is included in greeting the people coming inside the booth, most of them, surprisingly had recognized him from his past live streams.
“Ano, Wise? Keri pa?”
Nag thumbs up lang siya bilang sagot kahit na feeling niya ay maya-maya bibigay na ang tuhod niya dahil kanina pa siya nakatayo at nakikipag tsismisan sa mga pumapasok sa booth nila, mapa kaklase, kabilang section, taga ibang course, sila Oheb, maging mga taga labas ng eskwelahan nila in-entertain niya. Tsikadora of the day!
At hindi sa nage-expect siya pero hindi ba talaga pupunta si Vee? tanong niya sa sarili.
“Cr lang ako saglit,” paalam niya sa mga kasama bago lumabas ng kanilang booth. Kita pa niyang hinabol siya ng tingin ni Carlie mula sa pwesto nito. May paki ba siya? Of course, wala. Masama pakiramdam niya at kahit hindi, wala pa rin. Hindi naman kasi ito si Vee ’no!
Pabalik na sana siya galing cr ng may mapansin siyang attendee na nasa unahan niya at may hawak na pamphlet na naglalaman ng about sa event.
May nakapaluob din duon na parang mapa ng mga pwesto ng booth per course and of course, ’yung mga nakalatag na performances. Yes, nag imbita ng mga kilalang banda ang University nila para lang sa Open House na ito.
“Hi, gusto mo tulungan kita hanapin ’yung pupun- Vee?” hindi natapos ni Danerie ang sasabihin niya sana ng lumingon ang nasabing attendee sa kanya at laking gulat niya ng malamang si Vee ito.
Halata sa mukha nito ang distress. Halatang hindi nito forte ang matataong lugar at ang maingay na paligid. Kung sabagay, one of the things he notices about Vee is that she likes cozy, quiet places. Thou hindi nakatakas sa paningin ni Danerie ang suot nitong pink na sweater kapareha ng kanya. Magkaibang design nga lang ang print but still.
“W.. Wais!” she mumbled upon seeing Danerie, clumsily latching her arms on his side, almost like a child hiding behind her father’s back to avoid everyone’s attention. He can’t help but to smile.
Was he surprised? Yes. Is Vee the reason of him smiling despite being sick? Hell, yes! Only Vee can make him feel this way. Parang grumaduate nga siya bigla sa sakit. Eme.
“Sshh,” he placed one finger between Vee’s soft lips bago pa ito makaalma ng bigla niya itong hilain payakap papunta sa fire exit, kung saan silang dalawa lang ang laman, or so they thought.
“Akala ko talaga hindi ka na makakapunta.”
“A.. ako rin, I mean akala ko din. Buti at pumayag ’yung Boss ko since bihira lang naman ako mag request ng half day at VL.”
“Did you really..?” naantig si Danerie sa narinig. Did she really? Just for me? ani sa sarili.
“Yes, why? Don’t you like it?” ani Vee na ngayon ay marahang hinahaplos ang mukha ni Danerie, “Eh kaya nga ako pumunta dito kasi gusto kong makita ka hindi lang dahil sa niyaya mo ako na pumunta.”
“T-talaga?”
Tumango si Vee.
“Oo, saka pinagalala mo ako sa’yo kagabi kaya talagang nag decide na ako na dumiretso dito ng walang pasabi para i-check ka ng personal kung may sakit ka talaga kasi baka i-deny mo ulit eh.” sabi nito ng may pag irap pero kita ni Danerie ang concern sa mga mata ni Vee.
Akala talaga ni Danerie
“So aalis ka na n’yan kasi nacheck mo na ako at na-confirm mo ng may sakit nga ako?” patampo nitong sabi kay Vee. Agad namang tumaas ang isang kilay nito sa bintang sa kanya ng binata.
“Hindi mo ba gusto na nandito ako? Hmm, siguro may tinatago kang chicks sa akin ’no?” biro niya pero deep inside, para siyang tangang nagseselos, nasasaktan, hindi niya alam eh hindi naman sila ng binata.
“H-hindi! Wala! Bakit naman may napasok tungkol sa chicks ko sa usapan natin?”
“So meron nga?”
“Wala! Wala akong chicks.” ikaw lang, sapat na, ani Danerie sa isip.
“So sa akin ka lang kinikilig?” nakangiting ni Vee, halatang pinagti-tripan na nito ang binata at agad naman itong narealise ng isa.
Napangisi lang siya at hinila paupo sa hagdan si Vee dahil napapagod na siyang tumayo, at malamang ganuon din si Vee.
“Bakit ako kikiligin sa’yo? Dami-dami mong lalaki,” biro niyang sagot dito.
“Alin?’ lalong lumawak ang ngiti ni Vee. Loko ’to ah, saan galing ’yung marami akong lalaki? tanong niya sa sarili.
“Bakit ako kikiligin sa’yo, dami-dami mong ba.. baba.. ano lalaki?”
“Oh see, nadudulas ka sa mga babae mo, Wais.” agad napakunot ang nuo ni Danerie sa narinig kasi first of all, wala siyang mga babae. Second of all, naiinis siya kasi pinagbibintangan siya nito (kahit biro lang).
“Babae.. tanga,” nakangising umirap siya dito. Natawa naman si Vee sa isip niya dahil narealise niyang ang saya pala pikunin ni Danerie. Bakit ngayon niya lang ’to naisip?
“Dami-dami mong baba.. lalaki ’o.”
Hindi na napigilan ni Vee na matawa ng muli na namang magkamali si Danerie ng banggit sa inis nito.
“Oh see nadudulas ka sa mga babae mo, Wais. Baba-lalaki, baba-lalaki!”
“Dami-dami mong baba.. lalaki o!”
“Oh see?” mas lalong natawa si Vee.
“Tanga sinasabi ko lang. Naa-ano lang ako..”
“Wala, nadudulas ka, Wais.”
“Anong nadudulas? Tanga..”
“You’re gagging,” pang aasar lalo ni Vee.
“.. kahit tignan mo pa ano ko, wala akong tinatago sa’yo. Tanga.”
“No, Wais. Okay lang,” patampong segunda ni Vee, pero deep inside ramdam naman niya na totoo si Danerie sa kanya. Feeling nga niya ay baka umiyak na ’to pag hindi pa siya tumigil sa pang iinis niya.
Namilog ang mata ng binata dahil sa naging tono ni Vee sa huli nitong sinabi. Bakit ba ang defensive niya eh halata namang binibiro lang siya nito?
“No, Wais,” napangisi siya pero kabado bente na siya, “Luh, ako pa biglang na ano ah, na hot seat..”
“Okay lang.”
“.. ikaw hinuhuli ko eh.”
“Eh ikaw nga ’tong nadulas eh!”
“Nadulas? Hindi ako nadulas! Nakaupo lang ako ba’t madudulas?”
Tumigil na si Vee sa pang aasar sa binata at muling tumingin kay Danerie. Oh, that look that could make him fall on his knees.
“Pero seryoso. I mean, hindi ko kasi talaga inexpect na makakapunta ka kasi ikaw na nagsabi sa akin kagabi na titignan mo pa.”
Napangiti si Vee sa narinig.
“Well, that’s good to hear. That means success ’yung surprise ko sa’yo. Ikaw nalang kasi palagi ang may pa-surprise sa ating dalawa,” she says, gently caressing Danerie’s cheeks again with eyes full of adoration.
Halos makalimutan nilang nasa Open House pala sila, kung saan maraming tao naglipana at pwedeng makakita sa kanila. That being said, Danerie failed to notice one of the roaming photographers na kumukuha ng candid pictures sa event and took an unsolicited cute photo of them that will be soon posted in their official school page.
Good luck,
lover boy.
“Kumain na muna tayo, Wais. Pakiwari ko hindi ka pa kumakain ng maayos. Tara na, ng makainom ka ng gamot.” sabi ni Vee habang hawak ang pulsuhan ni Danerie.
If only she could hold his hands but nope, she wouldn’t. Nakakahiya, plus baka may marinig na hindi maganda si Danerie sa ibang tao. Buti sana kung handa ito at sanay gaya niya. Growing up, she remembers she is often being referred as a beau by her classmates and friends but most who don’t understand that she is just more than a pretty face, than she is infact considered part of the LGBT community, that is where the misinterpretation and negative talks comes in. Forgetting the fact that she’s still human. Human with emotions and sensitivity against her surroundings.
But this young man right here seems not to care at all dahil bigla nitong pinagsalikop ang kamay nila kahit na tinry niya ’tong alisin. He seems not to care to anyone or everyone. She does not want to assume but oh please, how she wishes Danerie’s reasoning was because… because he feels the same way that she does. The man’s making her feels things which she didn’t knew is still possible given how old she is.
It was almost the end of the event when Danerie came back with Vee. Sinong magaakalang kakayanin niyang isantabi ang sakit at pagod para lang kay Vee? Para lang makasama at mapasaya ito?
Oh to be young, wild and- inlove .
Well, come to think of it, hindi rin talaga maiiwasan na hindi samahan ni Danerie si Vee dahil para ’tong magnet sa mata ng mga nakasalubong at nakasalamuha nila. Maka ilang beses nga niyang hindi naitago ang pagsusungit sa mga lalaking ninais na makipagkilala dito.
Hindi sa minamaliit niya ang pagkatao o sexualidad ni Vee, but really? Infront of him na kasama siya? Hindi ba nila halata na…? Kung sabagay, hindi din niya masisisi ang mga ito lalo pa at maganda talaga si Vee.
Poganda, as termed ng iilan kay Vee. Paano naman kasi, ’yung iba napagkamalan si Vee na tomboy habang ’yung iba lalaki talaga ang kita sa kanya na sadyang feminine lang kumilos dahil may ganuon din naman talaga pero nope, anu’t-ano pa man, he’s proud to be with Vee but is annoyed at the same time na nahahati ang atensyon nito sa kanya sa mga naka paligid sa kanila.
Call him, OA, seloso or whatever pero gusto niya sa kanya lang ang atensyon ni Vee.
“Hoy, Wise! Buti nakabalik ka pa! Muntik ka na naming ipa-manhunt sa tagal mong bumalik. Nagalala na kami lahat dito akala namin naflu-! OMG!” biling nagtititili ang kaklase nitong nagtatatalak ang bungad sa kanya ng makitang kasama niya si Vee.
“Ay, kaya naman pala! Nag date,” segunda ng isa pa niyang kaklase.
Narinig ito ni Vee at agad na namula. Balak sana niyang bawiin ang kamay niya mula kay Danerie kaso masyadong madiin ang hawak nito sa kanya. Para bang wala itong balak na bitawan siya kahit pa mag tantrums siya sa harap ng maraming tao.
Taas kilay namang lumingon si Carlie sa nadinig niyang pangaasar ng kanilang mga kaklase kay Danerie at sa kasama nito. Sakto ding nagkatinginan sila ni Vee at hindi nito napigilan na tignan ito in a negative manner from head to toe na kinabigla ni Vee dahil ramdam niyang parehas silang nasa bracket ng LGBT community pero kung titigan siya nito ay aakalain mong tunay na babaeng nanglalait na kabilang sa third sex ang asta nito. Napa pout siya unconsciously.
Hindi niya tuloy namalayang napisil niya ng may kadiinan ang kamay ni Danerie at mas napausod sa tabi ng binata. Parang gusto na nga niya magtago sa likuran nito.
She’s really not fond of people giving her dirty looks (well, sino bang may gusto ng ganu’n, right?) at mukhang wala ng chance na masanay siya ganu’n especially kung ang magbibigay ng ganu’n sa kanya ay kaparehas din niya. Life is really full of surprises, huh? Kung sino pang akala mo makakakuha ka ng support ay iyon pa ang unang magda-down sa iyo.
It’s like, for her, it is so unfair to be judged by the people who you thought will understand you as you share the same experiences with them by being part of the LGBT, kaya hindi niya maintindihan bakit may mga naiinis or naiinggit sa kanya? Hindi ba pwedeng sila-sila ang magtulungan since sila din naman ang mas nakikita ng tao for discrimination?
Also, she did tried giving the benefit of the doubt. Ayaw niya i-judge solely si Carlie dahil sa ginawa nitong pagtingin sa kanya dahil baka natural lang na ganito siya tumingin sa tao but girl, she was wrong!
She should’ve listened to her gut instinct dahil ng pinakilala siya ni Danerie out of respect to the other at nilahad niya ang kamay niya to supposedly shake hands with Carlie, tinitigan lang ito ng isa. The audacity!
Vee was about to apologise kahit na wala siyang ginawang mali dito but Danerie was quick to defend her.
“Carlie,” he called, no signs of being warm at all, rather it was dangerously scary that made not only Carlie scared but also the others around who heard him spoke.
Umirap muna si Carlie bago nito napilitang ilahad ang kamay niya para i-shake hands ni Vee and Vee, being the kind person she is, even when she was blatantly disrepected, was about to shake it, if only Danerie did not yet again intervene.
“Wais!” sita ni Vee, pero parang walang narinig si Danerie at hawak pa rin nito ang kamay na sanang ipangha-handshake niya as he looks at Carlie with a pokerface. Obviously, everyone was surprised but none would like to stop the scene.
Why would you? It’s satisfying to see such scene lalo pa at live mong makikita ang eksena between the ex who already moved on and the one who hasn’t and is bitter?
“I.. what are you doing? Makikipag kamay na nga ako sa kanya pero pinigil mo naman?” mataray but an obviously hurt Carlie asks.
“Giving you the same energy you gave Vee.” sagot nito bago kabigin si Vee papunta sa likuran niya na parang tinatago niya ito because Carlie doesn’t deserve her presence, “Hindi okay sa pakiramdam, di ba kapag tinanggihan ’yung pakikipag kamay mo?”
“W.. Wise…” hindi makapaniwalang tinignan ni Carlie si Danerie. How come ganito siya itrato ng lalaking kailan lang ay halos magmaka awa na huwag silang maghiwalay na dalawa? What made him like this?
He couldn’t have moved on that fast with her, right? He was so damn inlove with me kesa sa mga nauna sa akin so how could he with this other gay infront of her? nagpupuyos sa galit na ani Carlie sa sarili.
“Kung galit ka sa akin, please, I beg you na ’wag siyang idamay. Hindi siya ang may kasalanan. Ako lang, or tayo? Basta hindi siya kaya huwag mo siyang bastusin sa harap ng maraming tao lalo na sa harap ko.”
“No, hindi iyon ang-”
“Ah, sige guys. Bumalik lang talaga kami kasi papaalam sana ako kung pwede na ako maunang umuwi sa inyo? Hindi na ako makaka attend ng after party. Masama na kasi sobra pakiramdam ko, okay lang ba?”
“Ay oo naman, pre! Sige enjoy kayo este ingat kayo pauwi!”
“Vee, ikaw ng bahala sa kanya ha? Ingat kayo.”
“Ikaw din, Del Rosario wag mo pabayaan si Miss Vee.”
Naiiling nalang siyang umalis ng school kasama si Vee na tahimik lang hanggang sa makarating sila sa bahay niya. Sinubukan pa nga niyang utuin ito pero hindi gumana. Talagang ayaw siyang iwan mag isa ni Vee gaya nalang ng nangyari kahapon.
Kakatapos niya lang maligo at agad siyang bumaba para silipin si Vee na nagsabing paglulutuan siya ng dinner niya/nila. Ayaw man niya eh again, wala siyang nagawa. Para kasing may ibang rason pa kung bakit ayaw siya iwanan nito mag isa.
Nakangiti siyang napasandal sa pinto ng kusina ng makita niya si Vee na sinasabayan yung kantang tumutugtog sa cellphone niya habang nagluluto. Sa pagkakaalam niya ay lumang kanta iyon at sinayaw iyon ni Maricel Soriano nuong kabataan pa niya sa isa sa mga naging palabas nito. Ang kantang Shake Body Dancer ng Magic Fire.
“Ay, putangina!” sigaw nito sa gulat ng pag ikot niya ay nakita niya si Danerie, “Kanina ka pa dyan?”
Nangiting kinamot ni Danerie ang kanyang kilay, “Hindi. Kararating ko lang halos.”
BTC 9: GAME FEST
“Wala ka bang gustong itanong o sabihin man lang sa akin?” tanong ni Danerie kay Vee habang inii-spoonfeed siya nito ng niluto niyang kare-kare. Hindi lugaw dahil masyado ng overrated. Sa pakiwari kasi ni Vee mas mabilis gagaling ang isang tao kapag pinakain ito ng gusto nitong pagkain.
“May dapat ba akong malaman?”
“Uh.. oo?”
Magsisinungaling siya sa sarili kung sasabihin niyang hindi siya bothered sa nangyari kanina sa pagitan niya at ni Carlie.
Aaminin niya na-offend siya sa ginawa nito pero nagkaruon siya ng ideya na maaaring may past si Danerie at Carlie. Oo, nakakatuwa na dinefend siya ng binata pero hindi rin mawala sa isip niya na baka siya ang dahilan kung bakit sila naghiwalay?
Pero walang nabanggit ang binata tungkol sa bagay na ’yon kahit ng una silang magkakilala ni Danerie so, wala siyang alam kung single ba ito ng mga panahon na ’yon o may kasintahan. More importantly, na gaya niya si Carlie.
Iyon nga lang, marahil ay hindi ito pansin ni Danerie dahil hindinaman siya nagsusuot ng overly feminine na damit gaya ng isa at sinisigurado niyang nakatago ito dahil hindi niya alam anong ire-react ng ibang tao sa kanya on a normal day lalo pa kapag nalaman nila na lalaki talaga siya at birth at mas lalong ni Danerie kung malaman nitong hindi siya basta bakla lang. Na isa siyang baklang nagta-transition. To be honest, maging siya ay nagulat sa isiping attracted talaga ang binata sa mga gaya nila. Akala niya straight ito dahil hindi halata kay Danerie na papatol siya sa gaya niya o nila.
On the otherhand, oh how Danerie wishes na magtanong si Vee about kay Carlie. For the very first time in his life, he wants to be transparent to another individual aside from himself. Siya kasi yung taong hindi kailangan sabihin ang buong detalye ng buhay niya sa kakilala, exes o kaibigan. Kung ano lang masabi at kailangan marinig ng mga ito, ’yon lang ang sasabihin niya but with Vee? He wants her to know everything. Ayaw niyang may itago or itatago sa kanya which is funny really lalo pa at ano ba sila? Wala naman silang maayos na label.
Can they label this thing they have infront of them as friends
only ? Wala namang kaibigan na randomly gagawin ’yung mga bagay na ginawa nila para sa isa’t-isa.
They both knew there’s more to being friends but none dared to break it themselves kahit na matagal ng binasag ni Mister Cupido at Mareng Fate ang sumpa sa kanilang dalawa.
They finally met but can they really make it until the end kung wala silang usad?
“Uh.. kayo ba ng Carlie kanina.. ano..”
Nilunok muna ni Danerie ang sinubo ni Vee sa kanya bago tumango at tumitig dito.
“Yes, Vee. Carlie is my ex. Hindi lang siya. May mga nauna din bago siya. Either babae or gaya ninyo ni Carlie ang nagugustuhan ko. Ewan ko ba sa sarili ko. Akala ko nga magkakagusto din ako sa straight na lalaki pero hindi. Thou lahat ng naging past relationships ko short-lived. Siguro dahil immature ako? Mabilis kasi ako magselos. Siguro kasi gusto ko yung idea na in relationship ako at ’yung mala from the books and movies na tipo ng romance. Gusto ko ’yung equal treatment na mabibigay ko sa partner ko ay makukuha din niya sa akin kaso madalas, pakiramdam ko, hindi ko nabibigay ’yung gusto nila kasi mas nananaig ’yung passion ko, ’yung pangarap kong maging pro at hindi nila maintindihan na mahalaga sa akin ang simpleng pangarap ko na ’yun. Akala kasi nila sinasayang ko ang oras ko sa walang kwentang bagay o kung hindi naman eh iisipin nilang may iba akong kinakausap bukod sa kanila. To be honest, I tried. I really tried sa last relationship ko with Carlie na maging better person for her, kaso wala eh. Hindi daw sapat ’yung attention na binibigay ko kahit na pakiramdam ko nabigay ko naman lahat ng treatment na deserve niya, para sa gaya ninyo kasi nakikita ko gaano kayo nagye-yearn na may magmahal sa gaya ninyo even when the society demands that love should only exists between two opposite gender. Minsan tuloy napapa isip ako na baka I’m not made to love anyone.”
Vee was stunned. Hindi niya alam anong sasabihin. She was surprised. Akala niya sa mga nababasa niya lang din na fiction books nangyayari ang ganito. Na may willing maging transparent about sa sexuality nila, na totoong may kayang makita sino sila bukod sa pagiging member ng third sex. Ito ’yung bagay na hindi niya na-experience o nakita man lang sa mga naging ex niya dahil sa masculine front ng mga ito sa mga tao na sine-set aside siya once na may maka figure na hindi siya tunay na babae. How come someone like him, na mas bata sa kanya ganito ka transparent, ganito mag isip?
“Vee?” nagaalalang tawag ni Danerie ng mapansin niyang hindi umimik si Vee pero kita niya ang namumuong luha sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya na parang sa kanya nagsisimulang sumikat ang araw at magpakita ang buwan.
“I.. ang swerte pala nila at nakilala ka nila, lalo na ni Carlie,” malamlam na ngumiti ito sa kaya, “I’m sure kahit na immature ka gaya ng sabi mo, thankful sila na may katulad mo na nakakita sa kanila more than of who they are and what they’re trying to present to the world. Mahirap makahanap ng gaya mong partner, Wais.” and for that I’ve never been so thankful na nakilala kita, ang gusto pa sana nitong sabihin pero hindi niya ginawa.
Para bang may sariling buhay ang kamay ni Vee at inabot ang pisngi ni Danerie para haplusin ito and he could only stare at her na parang nakikita niya na ito in her white dress with the sound of wedding bells in the background. Oops, fast forward ka naman masyado, Danerie! Kalmahan mo lang.
“Ang swerte nila… ako kaya? Kailan kaya ako makaka hanap ng gaya mo?”
“Bakit ka hahanap ng tulad kong immature, Vee? Ako nga dapat ang magtanong kailan ako makaka hanap ng gaya mo na sa sobrang bait parang gusto kong mag tino para lang sa iyo?” sagot niya bago ilapat ang sarili niyang kamay sa kamay ni Vee na nakahawak pa rin sa pisngi niya.
Napatikhim siya ng mamilog ang mga mata nito at mamula ang pisngi. Pretty. Agad niyang nilayo ang tingin kahit na ayaw niya dahil baka mapa amin siya ng wala sa oras.
Napaka unromantic ng set up nila pero required ba dapat na romantic ang set up kapag umamin? Hindi naman, right? As long as parehas kayo ng nararamdaman. That’s all that matters, ika nga.
“Tara, hatid na kita. Baka hanapin ka na nila Tito,” tatayo na sana siya pero agad siyang pinigilan ni Vee.
“Dito ako matutulog!”
“Huh?” gulat niyang nilingon si Vee. Wala siyang maalala na sinabihan niya ito na kailangan niya ng magaalaga sa kanya. Mas lalong ang mag overnight dito. Nakakahiya! Baka ano isipin ng Papa ni Vee sa kanya. Nagpapa good shot nga siya dito e! Saka, ano nalang iisipin ni Vee sa kanya kung humilik siya sa pag tulog? It’s not like nagkaruon na siya ng snore record pag nagoovernight silang magkakaibigan but still.
“Nasabi ko kasi kila Papa kanina na masama pakiramdam mo na most probably kagabi pa pagka pasakay mo sa akin sa tricycle at siya mismo ang nag suggest na ako ang mag alaga sa iyo (dahil ikaw lang ang mag isang nakatira dito sa inyo) at kung hindi okay sa’yo, dito pa rin ako. Ayaw kitang iwan na ganyan lagay mo. Ang dami mo ng nagawa para sa akin kaya itong pag aalaga ko sa iyo ang makapagpapa tahimik sa akin.”
Tinitigan ni Daneri sa Vee habang tina-tansya nito ang sunod niyang sasabihin.
“Teka, naga alala ka sa akin?”
“Oo, sino bang hindi?”
After pakainin ni Vee si Danerie at painumin ng gamot, siya na din ang naghugas ng pinagkainan nito para maka akyat na ’yung isa at makapag pahinga sa kama. Alam ni Vee saan siya pwede matulog at iyon ay walang iba kundi sa couch kung sakali mang antukin siya. Siguro ay magtitingin-tingin din siya ng photo album (kung meron man) para magka idea siya kung anong klaseng family meron ang binata. Para may alam siya na hindi kailangan ibahagi ng binata sa kanya. Wala namang masama duon, right? Normal naman ’yun kapag interested ka or may crush ka sa isang tao. Gusto mo malaman ’yung mga bagay na hindi alam ng karamihan about sa kanya bukod sa mga normal stuffs na alam nila sa kanya.
“Vee?” agad siyang napalingon ng tawagin siya ni Danerie at binaba ang cellphone niya.
“Bakit? Ano masakit sa iyo?” tanong niya at agad na lumapit sa binata.
“Anong ginagawa mo? Ang seryoso mo kasi pero nakangiti ka naman,” sagot nito na kinagulat ni Vee.
“Ah, naglalaro lang ako.” namumula niyang sagot. Nakakahiya sabihin sa binata kung anong nilalaro niya pero kung magtanong man ito ay syempre sasabihin niya.
“Nage-ML ka?.. ng hindi ako kasama?” tanong nito na naniningkit ang mga mata. Cute . Para siyang nagseselos pero impossible naman iyon, di ba? tanong niya sa isip.
Agad siyang umiling.
“Hindi. Naglalaro ako.. dress up games,” hindi makatinging sagot ni Vee.
Imbis na matawa si Danerie gaya ng inaasahan ni Vee ay na-curious pa ito.
“Saan ka naglalaro? Patingin.”
Which leads to her next dilemma. Paano niya sasabihing ’yan kasi una niyang nakita na nirecommend kaya ’yan ang nilaro niya hindi dahil… naiisip niyang silang dalawa iyon ni Danerie? Baka ma-awkwardan ’yung isa sa kanya. Bakit kasi hindi nalang solo dress up game nilaro niya? Sira ulo kasing y8 games ito, kung anu-anong laro nirerecommend! Inatake tuloy siya ng pagiging delulu but she knows the game isn’t the solulu ’coz now namroblema pa siya dahil sa larong nilalaro niya.
“Wag na, Wais! Di mo ’to bet!”
“Paano mo nasabing hindi ko bet ’yan kung hindi mo papakita sa akin? Patingin.”
“Eh kasi pang babae na laro ito.”
“Ano naman? Siguro swimsuit suot ng character mo ’no?” pilyong tanong nito.
“Gago ka! Hindi! Dress up nga eh, bakit ko papasuotin ng swimsuit lang?”
“Para mapansin ng mga boys!”
“Ay naku, Wais! Napaghahalataang mahilig sa ekalams ah! D’yan ka na nga. Matulog ka na d’yan at babalik na ako sa nilalaro ko.” bago pa siya makaalis ay hinila ni Danerie ang pulsuhan niya dahilan para mapa upo si Vee sa kama.
“Wais!” tili ni Vee ng makitang tumakbo ito papunta sa table kung saan nakapatong ang cellphone niya. Wala siyang lock sa cellphone kaya mabilis na nabuksan at nakita ni Danerie ang nilalaro niya.
“Couple Fashion pero ang bakit ang panget ng hitsura ko dito tapos ikaw mukhang hahakot ng boylet?” masungit na tanong ni Danerie. Aba, bakit ba? Pagkakataon niya na maging assuming at magparinig kay Vee.
“Baliw! Anong pinagsasasabi mong ikaw ’yan? Ang layo, Wais!”
“Anong hindi? Tignan mo ’yung hairstyle ng lalaki. Ganyan style ng buhok ko eh!”
“’Yan lang kasi pinaka matino na hairstyle sa choices!”
“Ulitin mo! Ang panget! Ako mamimili ng damit ko. Tignan mo ang ganda-ganda ng iyo tapos ’yung akin pang jejemon!” sabi nito at inabot pabalik kay Vee ang cellphone niya bago siya umupo sa tabi nito sa kama.
“Okay, whatever!” maldita nitong tugon with matching eye roll na siyang tinawanan lang ng binata.
Nirefresh ni Vee ang nilalaro niya at habang pumipili siya ng damit ng character niya ay biglang nagsalita si Danerie. Saka lang nito napansin na halos magkadikit na ang mukha nila sa isa’t-isa.
“Wag ’yan! Panget ’yan. Bakit ’yung kita dede gusto mo?” inis na tanong nito.
“Eh ang ganda eh!”
“Ayaw ko n’yan,” sabay pindot sa damit na turtle neck, “Ayan, ’o di ba? Mas maganda ito. Dami pang colors. May pink, orange saka white.”
Nailing nalang si Vee at pinindot ang next button. Mixed na skirts and pants ang choices. Pagka pindot niya ng mini jeans na skirt ay nag react na naman si Danerie kaya pumili siya ng long skirt kaso hindi pa rin ito satisfied kaya siya na ulit ang pumili ng pang baba ng character niya.
“Ayan, oh di ba nagco-compliment sa kulay ng suot mo! Red pants! Very sosyal ka n’yan.”
“Wais, naman kasi! Balut na balot naman ’yung character ko!” nakangusong reklamo niya.
Nakahinga siya ng maluwag ng hindi na ito nanggulo pa pagdating sa mga accessories.
“Aba, typical na playboy style ng buhok mo d’yan ah!” alma niya ng si Danerie ang mamili ng style ng buhok niya sa character niya. Nasa male avatar na kasi sila.
“Eh kesa naman dito sa isa! Mukha akong emo-nggoloid!” natawa siya sa sagot ng binata sa kanya.
Ie-exit na sana ni Vee ang laro after ipakita ang end results ng pigilan siya ni Danerie at picturean ’yung screen ng cellphone niya.
“Papakita ko lang kila Oheb na may pang lalaki na dress up games.” natawa si Vee dahil tunog defensive ang pagkakasabing ’yon ni Danerie sa kanya. Naglaro pa sila ng iilang mini couple fashion game hanggang sa hindi nila mamalayan parehas na silang nakatulog na dalawa.
More like, si Danerie talaga ang nakatulog ng diretso dahil nagising pa si Vee sa kalagitnaan ng tulog niya ng mag vibrate ang cellphone niyang nakapatong sa ibabaw ng tiyan niya.
Napakunot ang nuo niya ng mabasa ang message ng isa sa mga kilalang tao sa gaming community na siyang kaibigan din niya. Agad napalitan ng ngiti at excitement ang pagkunot ng nuo niya ng mabasa ang rason nito sa pagtext sa kanya ng ala una ng madaling araw.
Saglit niyang nilingon si Danerie para silipin kung tulog pa rin ito. Baka kasi magtaka ang binata kung sakaling nabasa nito ang message na nasa cellphone niya. Hindi pa siya ready sabihin kay Danerie ang tungkol sa alter ego niya. Either ma-starstruck or ma-awkward ang binata sa kanya kapag nalaman nito ang sikreto niya sa kanya.
Luckily and myseriously, the next day, wala ng bahid ng lagnat o sinat si Danerie kaya nakahinga ng maluwag si Vee na magagawa niya ng maayos ang task niya for today’s event kung saan isa siya sa special guest ng kaibigan sa gaming event na gaganapin sa isa sa pinaka malaking mall.
“O, ’nak? Nagbago na ba isip mo at inatras mo na desisyon mo sa pagre-retire?” tanong ng Papa niya ng makita nito si Vee na nagmamake up sa tapat ng dresser nito.
“Pa!” nakangusong sabi nito, halatang nahihiya, “Hindi po. May aawrahan lang ako na event.”
“Susunduin ka ba dito ni Wais?”
Agad siyang umiling, “Wala po siyang alam tungkol dito.”
“Sure ka ayaw mong paalam sa kanya?”
“Hindi po muna siguro ngayon.”
Tumango lang ang Papa niya sabay, “Ang ganda mo talaga, ’nak! Pag dinagdagan mo pa ng korona, wala na! Tapos na laban!” sabi nito bago umalis para tapusin ang ginagawa.
Maya-maya Ate naman niya ang pumasok sa kwarto with her dramatic gasps pagkakita sa kanya. Ikaw ba naman makakita ng dyossa.
“Ay, di papakabog ang reyna! Ang sexy mo d’yan, mare!” sabi nito na may kasamang pag sipol. Natawa lang si Vee sa Ate niya.
“Ang OA, Ate!”
“Gaga! OA ka d’yan! Ganda mo kaya!”
May sasabihin pa sana si Vee kaso natigil ito ng may malakas na bumusina sa labas ng bahay nila. Automatic siyang napatingin sa screen ng cellphone niya at tamang may message mula sa kaibigan niya na nagsasabing nasa labas na ito.
On the otherhand…
“Huy, tara punta tayo dito,” aya ni Edward sa mga kabigan habang binabasa ang nakalagay sa cellphone niya.
“Saan?” sabay-sabay nilang sinilip ang binabasa nito sa cellphone niya.
“Ragnarok? ’Di ba isa ’yan sa mga OG na laro?” tanong ni Oheb.
“May ganyan na stuff toy si Vee sa kwarto niya eh,” sabi naman ni Danerie.
“Alam ko sa PC na laro ’yan eh tapos maglalabas sila ng mobile version.”
Sa kanyang mga narinig, ’yung kay Danerie ang mas binigyan ni Edward ng pansin.
“Poring? Meron siyang poring?”
“’Yun ba yung tawag duon sa pink na parang raindrop ang shape? Oo, meron siya. Favorite nga daw niya ’yon. Bakit?”
Ngumiti ito ng makahulugan.
“O, bakit ganyan ka makangiti, Ward?” kunot nuong tanong ni Danerie.
“Tara, punta tayo dito.”
Agad namang naintindihan ni Oheb ang rason sa pag ngiting iyon ni Edward.
“Sige, sige!” excited nitong segunda.
“Ha? Bakit? Akala ko ba maglo-LoL tayo?” tanong ni Danerie.
Tumingin si Hadji kina Edward at Oheb. Hindi man niya alam kung bakit eh pati siya pumayag na din kaya walang nagawa si Danerie kundi pumayag. 3 versus 1 ba naman ang labanan eh. Talo talaga.
“Tangina? Ang daming tao! Ganito ba karami mga naglalaro ng Ragnarok before?”
“Maraming adik sa Ragnarok, ’di ba? OG nga kasi na PC game. Kasabayan ng GTA. I remember sa kanila dati ’yung may level up cards na binebenta sa mall eh.”
“Grabe! May mga naka cosplay din! Pa-picture tayo sa kanila mamaya!”
Habang excited na nagdadaldalan sila Oheb, tahimik lang na nililibot ni Danerie ang tingin niya sa venue. Buti at ’yung Game Fest ay afford nilang lahat ang entrance fee kahit na wala sa plano nila ang pagpunta dito.
Hindi lang Ragnarok ang kasali sa event. Iba-iba din pero karamihan ay supporters ng nasabing laro. Pinicturean niya ang poster na malapit sa kanila at sinend kay Vee, para ipaalam dito kung nasaan siya at baka sakaling sumunod ito sa kanila. Hoping na sana pumunta din ito dito because why not? Gusto niya ito makasama at ma-enjoy ang event kung sakali ngang nakapaglaro ito ng Ragnarok nuon dahil sa may poring siyang stuff toy. Oo, assuming but still.
“Putangina! Putangina!” excited at may halong kaba na tinapik-tapik ni Edward ang mga kabigan.
“O ano meron? Wagas mo namang makatapik!” natatawa pero nagtatakang tanong ni Hadji sa kaibigan.
“Nandito ’yung malalakas na pambato sa E-Sports ng Pinas! Ayun oh!” sabay turo sa grupong malapit sa kanila, “Nandito BREN!”
“Oo nga! Teka, ONIC ba yon? Hala nandito din sila!”
“TNC nandito din!”
Na-excite sila Edward, lalo na si Danerie dahil pangarap nito makapasok sa E-Sports at maging pro player gaya ng kaibigan.
“Gagu! Legit! Nakita ko talaga si Madamè OhmyV33nus!” sabay-sabay silang napalingon sa grupo ng mga babae na dumaan.
Nagkatinginan silang magkakaibigan.
It was already 3 p.m. in the afternoon mula ng magsimula ang event ng 11 a.m. pero para bang hindi ramdam ng mga nanduduon ang pagod dahil sa dami ng naka line up na iniintroduce na games from then and now ng mga hosts. Funny enough, ang mga kinuhang hosts ay mga shoutcasters na sina Manjean, Mara and TDZ to name a few na kilala sa E-Sports industry.
Napanguso si Danerie ng makitang hindi pa nase-seen ni Vee ang sinend niya kanina. It’s not like she needs to see it immediately or reply to him right away but he can’t seem not be bothered na wala pa siyang nakukuhang reply mula dito.
Boyfriend much, Wise? ani Danerie sa isip.
“Hindi ba pupunta team mo dito, Ward?”
“Pupunta naman kami kung na-invite kami kaso mukhang mga kilalang grupo lang talaga ’yung ininvite nila dito.” nakanguso nitong sabi, “Pero di bale! At least nakapunta ako at saka kasama ko kayo, okay na ’yon.”
“Putangina! Naiyak naman ako sa sinabi mo,” sabi ni Oheb na nagfa-fake cry pa kaya agad siyang binatukan ni Edward.
“Gago!”
“Masyado mo talaga kaming love, Ward! Hayaan mo sa susunod tayu-tayo na magkakasama sa team,” biro ni Hadji.
“Huy! Wag ganyan, Hadji! Baka umasa ako!”
“Hindi ka sure! Baka magdilang anghel ’tong si Hadji.” segunda ni Danerie.
“Kaso kulang tayo ng isa.”
Nagtanguan sila.
“Pero kung sakali mang makuha tayong apat, kahit mapa babae o lalaki man ang dumagdag, G na! For sure naman makakasundo natin ’yon!”
Habang nagiikot sila ay saktong nakita ni Oheb na may ML Booth kaya agad niyang hinila ang mga kasama papunta duon.
“Gagu, bakit hindi natin ’to nakita kanina?” tanong ni Oheb sa kanila.
“Eh malamang sa dami ba naman ng booth na nandidito saka halos hindi pa nga natin naikot lahat.” sagot ni Edward.
“Tignan ninyo, pre! Mukhang namimigay din sila ng freebies dito!”
“Oo nga kaso mukhang kailangan nating maglaro. Tignan ninyo. Five versus five.”
“Oo nga, kaso kulang tayo ng isa. Sayang!”
Aalis na sana sila kaso nakita sila ng isa sa naka-tao sa booth.
“Po? Kami po?” tanong ni Oheb sabay tingin sa mga kaibigan niya na halatang nagulat din ng tawagin silang apat.
“Oo, kayo.” natatawang tugon nito.
“Eh kaso kulang po kami?” sagot ni Hadji.
“Walang problema ’yan!” sabi nito sabay tawag nito sa lalaking nakatayo at nakatalikod mula sa kanina, “Coach Bon! Pwede sila kasama ni Yue.”
Lumapit ito sa kanila at nilingon ni Danerie yung katabi ni Coach Bon kanina na binata at napansin niyang mukhang gaya ni Hadji ay may pagka tahimik ’yung Yue. Plus, the fact na pamilyar ang pangalan nito sa kanya.
“Ah, familiar kayong dalawa sa akin,” sabi nito habang nakatingin kina Edward at Danerie. Nagkatinginan naman ang dalawa.
Si Oheb na ang nag introduce sa dalawa niyang kaibigan pati sa kanila ni Hadji dahil halata sa mga kaibigan na nahihiya ang mga ito. Sino bang hindi lalo pa’t narinig nilang tinawag itong C
oach . Isa lang ibig sabihin kapag tinawag kang ganuon sa E-Sports industry. Matapos maglaro ang nauna sa kanila ay sila ang sunod na isinalang. Coach Bon was just standing behind them, watching them on how they play as a team.
Edward acts as the leader, taking the Exp Lane. Hadji for the Mid Lane. Oheb taking the Gold Lane. Yue as their Roamer and Danerie being the Jungler.
The game took 20 minutes but it was so intense na hindi napansin ng kahit na sino lalo na nila Danerie ang dami ng nanunuod sa kanila. Mahina nitong siniko si Yue.
“Nice game,” bati niya dito.
“Kayo din. Ang galing ninyo,” sagot nito na may pag thumbs up pa.
“Kakilala mo pala ’yung na kasama mo? Ano nga name nu’n? Coach Bon?”
“Hindi. Kanina ko lang siya nakilala. Naglaro na kasi ako kanina tapos nilapitan niya ako.”
1-0. Panalo ang grupo nila.
Akala nila one game lang pero nagulat sila ng mag request ng isa pang game ang mismong naka tao sa booth. Napatingin sila unconsciously kay Coach Bon at tumango lang ito na parang sinasabing okay lang at sige, maglaro pa kayo.
Enter third game, their team won again kaya mas lalong dumami ang manunuod. Sa dami, hindi nila napansin na ’yung dalawa sa host ng event ay nagiikot at huminto sa booth nila. Nilapitan nito ang ilan sa mga nagtatao sa booth at tinanong kung pwede bang isalang ang kasalukuyang mga players sa stage bilang pang engganyo ng mga nasa event. Such a great timing dahil nanduduon din ang CEO ng Blacklist International.
Isang rookie group na balak makipag sabayan sa mga kilala ng grupo sa E-Sports. Nagkataon din na sa lahat ng sumubok maglaro, sila ang sunud-sunod na nanalo. Call it luck or whatever but still, they won. Coach Bon saw it and made sure to tell Tryke, the CEO of Blacklist.
Laking gulat ng lima ng iinvite sila sa stage at halos mapanganga sila ng sabihing they will have a friendly match/game with TNC. Yes, TNC. Hindi na tuloy nakakagulat na silang tatlo nila Yue at Hadji halos magtago na sa likuran nina Oheb at Edward.
“Parang naiihi ako,” kinakabahan na sabi ni Yue.
“Ako parang nata-tae!” kunot-nuong sabi ni Oheb.
Sabay na napatingin sila Hadji kay Oheb.
“Tangina mo! Halatang-halata!” nagtawanan sila at kahit papaano ay humupa ang kaba nila.
Natigil sila ng magsalita na si Mara, hudyat na iinterviewhin silang mga maglalaro, mainly silang lima dahil bago sila sa paningin ng mga nanduduon.
“So anong pangalan ng grupo ninyo?“nakangiting tanong ni Mara while looking at the five of them. Nagkatinginan sila Edward.
“Blacklist International,” sagot ni Coach Bon para sa kanila kaya lahat napatingin sa kanya. Tumango lang ito at saglit na tumingin sa lima, using it as a queue to continue, “They will be the pioneer members of Blacklist International, owned by Mr. Irymarc Gutierrez, or most known as Tryke in the E-Sports scene.”
Dahil sa revelation na iyon from Coach Bon, the whole venue went wild. Of course, everyone knows who Tryke is. Halos hindi makapaniwala ang lima lalo na si Danerie.
Nananaginip ba ako? tanong niya sa sarili. Para siyang hihimatayin. This is his dream!
“Shit, naka televise ba ito?” tanong ni Edward, kinakabahan pero naeexcite sa turn of events ngayong araw. This time, Hadji was the one who break the code.
“Wag mo ng isipin ’yon! Ang importante may rason ka na para mag leave sa grupo mo. Boss Tryke na ito ’pre! Aayaw ka pa ba?” masayang sabi ni Oheb habang niyuyugyog ang kaibigan.
“Oh my gulay! Magiging pro players na tayo!” parang maiiyak na sabi ni Hadji at nakipag high five kay Yue na hindi rin makapaniwala sa nangyayari sa kanya, sa kanila ngayong araw. Pumunta lang kasi siya sa event para sana makahanap ng kaibigan na gaya niyang mahilig sa online/mobile games.
Wala namang pag aalangan na kinuha ni Danerie ang cellphone niya sa bulsa at nag picture ng candid nilang lima para ipadala kay Vee. Mamaya nalang siguro niya ikukwento ang magandang balita dito. For now, gusto lang muna niyang namnamin ang moment kasama ang mga kaibigan.
BTC 10: DIVULGE
“And oh my god! Are you guys feeling what I am feeling too? It feels like we’re all on a tournament right now!” sabi ni Mara na lalong nagpa ingay sa mga manunuod.
Muling nagkatinginan ang lima. They undeniably have a good chemistry as a team kahit na 2-2 ang laban. Paano ba naman, akala nila TNC lang makakalaban nila, turns out magpapalit-palit ang team na makakalaban nila per game.
First game was TNC, followed by ONIC, BREN, and OMEGA. They won against TNC and OMEGA but lose againat ONIC and BREN. Nang akala nila tapos na ang laro at magigising na sila sa panaginip nila (dahil napaka surreal pa rin ng nangyayari), Manjean spoke.
“We all know we only have one more game left but! Keep your eyes open because, here to join us are our very own renowned E-Sports players, Ohmyv33nus and Dlar!”
Nanlaki ang mata sa gulat ng karamihan pero mas nagulat sila Danerie ng lumabas mula sa backstage ang kilala nilang Dlar na siyang nagbabantay sa Dream High comp shop nila Kairi. Hindi sila pwede magkamali. Maaaring iba ang pananamit nito ngayon at ang hawi ng buhok, pero sure silang si Dlar nga ito. Paanong hindi nila siya namukaan gayong isa sa mga kilalang E-Sports player ito na nagretire sa kadahilanang gusto na nito diumano makapagtapos muna sa kolehiyo. Laking gulat din nila ng hindi sila nito ini-snob at ng makita sila ay pilyo ’tong ngumiti sa kanila at nag thumbs up bago lumingon sa nakasunod sa kanya.
Sa sobrang amaze nila ay hindi nila napansing umalis si Yue at ngayon ay kinakausap ni Mr. Gutierrez at Coach Bon. Umalis din ang isang player mula sa EXE para bigyang daan ang isa sa dalawang kilalang players na makasama ng grupo nila sa paglalaro.
Habang kinakausap ng tatlong hosts sina Vee at Dlar, hindi matanggal ni Danerie ang tingin niya sa naka side view na si Vee. Hindi niya alam kung bakit sobrang drawn niya sa dalaga pero ganuon pa man, stick to Vee lang siya. Iyon nga lang, hindi niya alam si Vee din pala ang tinititigan niya ngayon pati ng mga kaibigan niya.
“Shit, ang ganda niya sa personal!” dinig niyang sabi ni Edward.
“Siyang tunay! Tingin mo totoo kaya ’yung rumor na lulugar na siya sa tahimik?” tanong ni Oheb.
“Feeling ko hindi ako makakalaro ng maayos pag tinabihan ako n’yan!” nagaalalang sabi ni Hadji.
“Hindi pa nga tayo sigurado kung sa atin-”
“I choose Blacklist as my team.” natigil sa pagsasalita niya si Danerie ng marinig ang sinabing ’yon ni Vee. He just notice how soft yet familiar her tone is. Baka siya lang. Baka kaboses lang. Gaya nalang ng may mga taong magkaka hawig. It’s just that this lady infront of them speaks in english making her not only looks but sounds expensive too, just like his Vee. Medyo possessive tayo du’n Wise eh wala pa namang label, ani sa sarili.
“Awsus! Nand- aray!” nakangusong react ni Dlar ng matapakan siya ng hindi sadya ni Vee at ngitian lang siya nito.
“Sorry (but not sorry), Dlar.” ani Vee at nag flying kiss sa kanya na dahilan para mag hiyawan ang mga tao sa paligid bago sila nagsi punta sa respective tables ng team na pinili nila.
“Hi,” maiksi ngunit nakangiting bati niya sa apat. Natawa siya sa isip dahil halatang starstruck sa kanya yung apat lalo na si Danerie na mukhang nag malfunction na sa harap niya dahil katabi niya ito. Actually, nasa pagitan siya nina Danerie at Hadji.
“Huy, Paps! Mukhang ikaw pa yata hindi makakalaro ng maayos sa atin,” sita ni Hadji.
“Oo nga! Sumbong kita kay Mamshoes!” segunda ni Oheb.
“Hala, oo nga! Sumbong ka namin! Akala ko ba stick to Mamshoe ka lang?”
Agad namula sa hiya si Danerie sa mga pinagsasasabi ng mga kaibigan. Gago talaga itong mga ’to! maktol niya sa isip.
“Tangina ninyo!” mura nito, forgetting kung sino ang katabi niya ng mga oras na iyon, “Hindi ibig sabihin na nagandahan ako eh pagpa palit ko na agad si Vee! Love of my life ko ’yon mga gago!”
Nanlaki ang mata sa gulat ni Vee sa narinig at agad na napa iwas ng tingin kay Danerie.
Shit, sana lang ay hindi siya namumula at sana walang makakita sa dami ng taong nandito ngayon.
Ano ba naman kasi pinagsasasabi nito ni Wais? kinikilig niyang tanong sa sarili habang sila Oheb halos magwala na sa kinauupuan sa kilig sa banat ng kaibigan kay Vee.
Legit ba pinagsasasabi nito ni Wais? Ibig sabihin crush niya din ako? muling tanong ni Vee sa sarili, sadyang hindi talaga makapaniwala kahit na nahahalata naman niya ang binata sa mga kilos nito sa kanya.
“Oheb, clear mo muna lane mo.”
“Ed, tara. Samahan mo ako. May ult ka pa? Tara dito mag lord tayo.”
“Hadji, half hp nalang yung Ling. Nasa turtle lane siya.”
“Wai.. Wise!” napalingon si Danerie kay Vee ganuon din sila Edward sa narinig. Sa kaba ni Vee hindi niya na natuloy yung dapat niyang sabihin pero buti nalang nakuha ni Danerie ang gusto niyang ipagawa dito. Ganuon pa man, ramdam niya pa rin ang pamumula ng mukha niya. She almost reveal her identity to them, to him!
“Tower lock! Tower lock!”
VICTORY! ang katagang nag flash sa screen ng mga cellphone nila kaya agad na tumayo sila Oheb at naghiyawan kasabay ang palakpakan ng mga manunuod samantalang si Vee marahan lang na inalis ang suot niyang headset at kinawayan si Yue na amaze na amaze sa gameplay nila.
Hindi na siya nagtaka ng nakita niyang nakangisi si Dlar sa kanya. Halatang nagpipigil na kantsyawan siya sa stage dahil sa pangyayari kanina. Ugh!
“Oh wow! That was a very interesting game, right? I’m sure na-miss ninyo makitang maglaro sina Dlar and Ohmyv33nus but tayo kaya? Na-miss din ba nila tayo?”
“Of course, we miss our supporters! Sila ’yung nandyan ng nagsisimula palang kami and now na wala na kami sa scene, nandito at kilala ninyo pa rin kami.” sagot ni Dlar.
“But how is life away from the spotlight?”
“Life is good in and out.”
“Same with Dlar, it’s been good. It always has been especially now that I can freely do what I want without certain limitations.”
Muling naghiyawan ang audience sa excitement at kuryosidad sa sinabi nito.
“Go, Mamshoe! Support ka namin sa kasal mo!”
“What?” gulat na react ni Vee na kalaunan ay natawa, “Saan galing ’yang tsismis na ’yan? Shampoo-hin ko kaya kayo? Paano ako ikakasal kung pag amin palang kay crush hindi ko magawa?”
And there it is again, the crowd going wild. Sa lakas ng hiyawan, hindi malaman ni Vee saan siya titingin. Sa audience ba, sa mga players ng EXE, kay Dlar but with all those many options who to look at, her eyes landed on Danerie’s who is surprisingly already looking at her with that kind of look.
Pagtapos ng game, ay nagsipuntahan sa likod ang mga players at nagpa picture kina Dlar. Syempre hindi nagpahuli sila Hadji.
“Langya ka, Dlar! Ikaw ba talaga ’yung nagbabantay sa comp shop nila Kairi?”
“Oo nga! Gusto ninyo i-video call ko pa si Kairi ngayon eh! Mga reaksyon ninyo naman akala ninyo nagpa retoke ako!”
“Gagu! Hindi ka kasi namin namukaan na ikaw pala ’yon!”
“Ay ewan ko sa inyo!” nakangiting sabi nito sabay hila kay Vee, “Picture kayo. Huwag ka magtago sa likuran ko.” hinila nito si Vee at sinadyang itabi kay Danerie. Nagtataka man ay hindi naman nag violent reaction ang binata sa ginawang ’yon ni Dlar.
“Oh isa pa!” sabi nito after niyang makuhaan ang lima kasama si Vee, “Alis muna kayong apat. Si Suneev at Wise lang muna.”
“Luh, bakit sila lang? Ako rin!” nakangusong react ni Edward.
“Request ni Master! ’Di ba, Master?” makahulugan ’tong nagtaas-baba ng kilay niya kay Vee bago inilipat ang tingin kay Danerie.
“Oh my god, Dlar!” pinandilatan ni Vee ang kaibigan bago ito umayos ng posing katabi si Danerie.
“Kaso Miss Suneev, taken na ’yang tropa namin eh. Off limits na yang si Paps,”
Yes. Ohmyv33nus fans calls her Suneev, which is kabaligtaran ng in-game niya without the Ohmy added to it.
“Ay naku, okay lang yan sa kanya.” sabi ni Dlar, “Hindi pa naman sila, right?”
“Hindi pa pero soon.” cool na sabi ni Danerie na kinahiyaw ng mga kaibigan bago ito humarap kay Vee, “Kaya pasensya ka na, Ma’am pero si Vee lang gusto kong maka endgame ko.”
Hindi tuloy malaman ni Vee kung kikiligin ba siya o maiinis kay Danerie! Tawagin ba naman akong Ma’am? ani Vee sa sarili.
“Oh paano ba ’yan friend? Kay Vee lang daw siya! Umusod-usod ka ng kaunti baka mabigwasan ka,” natatawang sabi ni Dlar sa kaibigan na inirapan lang siya.
After ng picture taking nila, umalis na agad sina Dlar at Vee. Hindi dahil napahiya si Vee sa sinabi ni Danerie kundi dahil tinawag siya ng kaibigan nila na nag imbita sa kanya sa event para mas makasama pa siya ng matagal at ipa kausap sa mga fans niya.
“Gagu ka, Paps! Grabe ka kay Suneev! Di ko inexpect ganyan na kalala pagka stick to one and only mo kay Mamshoe.”
“True, nagulat nga din ako ng sinabihan niya si Mamsh- este si Suneev kanina ng ganu’n,” napakamot sa ulo niya si Oheb, “Putcha natawag ko tuloy na Mamshoe si Suneev, bakit kasi may tumawag ng ganuon sa kanya kanina na stuck tuloy sa akin eh kay Vee ko lang narinig ’yung word na ’yon.”
“Oo nga eh. Hindi naman sa pinago overthink ko kayo pero trend ba yung word na Mamshoe ? Kasi ganu’n natin tawagin si Vee? Tapos ayun. Gaya ng sabi nitong si Oheb may tumawag ng ganuon kanina kay Suneev. I don’t know kung naalala ninyo pa.”
“Oo nga eh. What if iisa lang pala si Vee at Ohmyv33nus?”
Nagkatinginan silang lima kahit na hindi pa kilala ni Yue sino ang Vee na tinutukoy ng mga ito ay hindi masamang maging interesado sa ganitong klaseng tsismis kasama ang mga bago niyang kaibigan at makakasama sa team.
“Well, hindi malabo. May v33 din sa pangalan niya pero babae siya eh.”
“Hindi tayo sure! Hindi natin siya nakasama ng matagal gaya ng members niya.”
“Pero alam mo kanina…” napatingin si Danerie kay Hadji na halatang pinag iisipan ang sunod na sasabihin.
“Ano yun, ’Ji?”
“Hindi ko alam kung ako lang ba nakapansin pero kanina, habang in-game tayo, ’yung mga shot calls niya…”
“… pangalan natin yung gamit niya hindi yung heroes na gamit natin kahit na first time lang naman niya tayo makasama sa laro at ni isang beses hindi man lang siya nagkamali sa itinawag niya sa atin.” pagtutuloy ni Edward.
“Tapos ’yung part ng kay Papi.” dagdag ni Oheb, “Napatingin nga ako sa kanya nu’n kasi para bang Wais sana ’yung babanggitin niya pero hindi niya tinuloy. Never namang may tumawag na Wais kay Papi kahit na namisheard nila the first time yung palayaw niya maliban kay Mamshoe.”
Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Danerie. Ayaw niya munang mag overthink. Mamaya nalang.
Mabuti at bago pa magkaruon ng maraming katanungan sa isip nila, lalo na si Danerie tungkol sa pagkatao ni Ohmyv33nus, pinuntahan na nila si Coach Bon na naghihintay sa kanila bumalik para i-discuss sa kanila ang kontrata. Yes, hindi offer dahil desido si Tryke na kunin silang lima kahit na mga nag aaral palang sila sa kolehiyo.
He’s not going to force them to drop out from school in fact, why not pagsabayin para wala silang talo if incase they don’t make it in the pro scene then they still have a diploma na mapanghahawakan. Ika nga, kung papipiliin ang isang tao kung diploma o diskarte, why not choose both para anu’t-ano pa man ang mangyari, may kapupuntaha pa rin sa buhay lalo pa kung pwede namang i-take advantage na parehas meron. Hindi sa lahat ng oras kailangan laging mamimili. You just need to learn how to juggle things wisely .
Pagpirma nila ng kontrata that day ay idiniscuss na agad sa kanila ang magiging set-up nila sa boot camp at kung kailan ang sabak nila sa paglalaro bilang pioneer ng Blacklist International. Oo bago lang sila na grupo pero paghuhusayan nila ang paglalaro lalo pa at minsan lang dumating sa buhay ang ganitong klaseng opportunity.
Hindi na nagulat pa si Edward ng nasa daan sila pauwi na apat (dahil iba ang daan pauwi ni Yue), ay nakatanggap siya ng message mula sa dati niyang team na sinabihan siyang tanggal na siya sa grupo dahil nakita ng mga ito sa social media ang naging paglabas niya ng hindi man lang sila sinasabihan nito. As expected, wala siyang nakuhang ano mang message mula sa mga members na nakasama niya. Nakakatampo, oo, pero ganuon talaga siguro lalo na kapag hindi naman talaga kayo working as a team.
“Paps, ano na balita? Nagreply na sa iyo si Mamshoe?” tanong ni Oheb.
“Hindi pa nga eh. Wala naman akong maalalang ginawa kong kasalanan.” nakangusong sabi nito habang nakatingin sa messages niya kay Vee magmula pa kanina na hindi pa nito nase-seen.
“What if siya kasi talaga si Ohmyv33nus?”
“Naku, Hadji! I-drop mo na ’yang topic na ’yan! Wag mo bigyan ng isipin si Paps!”
“Pero kasi lagi namang mabilis magreply sa kanya si Vee, ngayon lang hindi. Plus, hello? Ang astig kaya nu’n if si Mamshoe at Ohmyv33nus iisa lang pala! Jackpot tayo lalo na itong si Papshoe! Akalain mo na pull off niya isang Ohmy33nus na ang daming admirers at manliligaw!”
Tumango si Edward, “Sabagay. Ah! Oo nga pala. Natanong mo na ba siya, Wise?”
“Tungkol saan?” sabay na tanong nina Oheb at Hadji sabay tingin kay Danerie.
“Ito kasing kaibigan natin, ini-stalk profile ni Mamshoe. Ngayon, pinakita niya sa akin yung mga naka friends sa kanya, ayun. Boom. Puro mga pro players lang naman ang nasa friendslist niya.”
Nanlaki ang mata ng dalawa.
“Patingin kami, Paps!” agad na sabi ni Oheb.
Hindi naman pinagdamot ni Danerie sa dalawa ang cellphone niya at pinakita sa kanila ang profile ni Vee.
“Hindi. Nakalimutan ko na naman itanong.” sagot niya.
“Basta ako, malakas kutob ko si Ohmyv33nus at Mamshoe iisa.” sabi ni Hadji, “Napansin ko kasi ng first time natin siyang makasama maglaro, iba eh. Hindi pang regular gamer yung way ng laro niya pati kapag nagiinstruct siya nu’n sa atin sa possibleng nasaaan sila Kairi at anong skill gagamitin sa atin. Bukod pa sa fact na si Dlar close kay Mamshoe ganuon din kay Ohmyv33nus.”
“Saka naalala mo ba, Wise?” dagdag ni Edward, “Nang nanduon tayo sa comp shop at si Dlar yung bantay, sobrang enthusiastic niya magkwento ng magtanong ka about kay Vee. Naalala mo? Sabi niya laging pambato si Mamshoe sa mga pustahan tapos may sasabihin pa sana siya sa atin kaso naputol ng dumating bigla si Kairi.”
“Ako naman ang naaalala ko, Mamshoe na talaga tawag sa kanya ng mga madalas duon sa comp shop ni Tori. Tapos di ba? Nasabi niya sa atin before na nagma masters na nga daw si Mamshoe eh naalala ko may nabanggit ’tong si Ward about duon sa reason ng pagre-retire ni Ohmyv33nus.”
“Subukan mo kayang tanungin siya one of these days, Wise?”
“Oo nga. Malay natin baka siya talaga si Ohmyv33nus!”
“What if hindi? What if mag mukha akong tanga na pinaghinalaan ko siya na siya yung pro player na si Ohmyv33nus baka naman biglang mag iba tingin niya sa akin?”
“Syempre tignan mo magiging reaction niya sa tanong mo, Paps. Syempre di ba? Kung balak mo talaga siyang… alam mo ’yun… ligawan? Dapat aware ka sino talaga siya for your safety na rin. Kung hindi siya si Ohmyv33nus, ayus lang basta sigurado tayong hindi siya mala Carlie V. Hindi sa cinocompare ko siya sa ex mo na iyon. Ayaw lang namin dumaan ka sa another heartbreak kung may bagay man na nililihim siya sa iyo na magiging rason ng away o hiwalayan ninyo kapag kayo na.”
Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan niya at agad siyang dinamayan ng mga kaibigan. Inakbayan nila ito at pinabigatan hanggang sa minumura niya na sila at tinawanan lang nila si Danerie.
“Okay sige, sige. Try ko siyang tanungin kapag nagkita kami ulit in person. Ayaw ko namang tanungin siya sa phone lang baka mamaya ma-misinterpret pa niya.”
Huminto sila sa waiting shed kung saan may iilang nagaabang ng masasakyan ng accidentally makita nila sila Vee, Dlar at Kairi na magkakasama sa kabilang side ng kalye kung nasaan sila. Mukhang papasok ito sa isang kilalang coffee shop.
“Oh si Mamshoe ’yun di ba?”
“Kasama niya sila Kairi? Saka wait! Jacket mo ba ’yung suot niya Paps?”
“Tara, tara! Sundan natin sila!”
“Luh, gago? Seryoso?”
“Oo dali! Tara na. Para ma-solve natin ang mystery na bumabalot kay Mamshoe!”
“Tangina nito! Kaka Detective Conan mo ’yan! Malala na yan pero sige, tara.”
Tumawid sila sa kabilang side ng kalye at excited na sinundan ang tatlo habang si Danerie naman halos kainin na sa kaba sa maaaring madiscover niya about kay Vee.
“Ang tagal naman ni Eren!” nakabusangot na sabi ni Dlar.
Parang pusang tumaas ang tenga ni Danerie sa narinig na pangalan. Buti nalang at wala pang nakakapansin sa kanila mula duon sa tatlo dahil nakatalikod sila mula sa pwesto ng mga ito sa luob ng coffee shop. Agad napatingin sa GC nilang apat si Danerie.
Oheb
Sno si Eren?
Edward
Sa AOT
Hadji
Sasageyo! Sasageyo!
Oheb
Mga gago! Si Paps ksi gusto ko sumgot
Wise
Katrabaho ni Vee
Edward
E bkit kunot nuo mo Paps? Selos k?
Wise
Gsto mo mbalitang nabugbog Ward?
Edward
Joke lng Paps
Sakto namang dating ng Eren dahil narinig nila yung pagbati nila Kairi sa kanya. May kapilyuhan namang naisip si Oheb at tinry na magkunwaring nagse-selfie pero ang totoo ay titignan niya kung magkatabi ba si Vee at yung Eren.
“Clear, Paps. Harang na harang nina Dlar si Mamshoe duon sa Eren.” bulong nito sa katabi.
“Talaga ba?” tanong ni Danerie.
Nag thumbs up si Oheb pero para bang narinig ito ni Eren dahil bigla itong nagsabi na dapat ay magkatabi sila ni Vee dahil sila ang gumawa at nakakaalam sa game na ipapalaro nila kina Kairi.
Edward
Gets na bkit ayaw mo kay Eren
Hadji
Di mkhalata Papi Friendly lng si Mamshoe s knya Pero di sya type Mas pogi ka sa knya no joke
Oheb
One tap Papshoes Mbabalita tong si Eren
Danerie
Kalma lang mas gigil p kyo kesa sa akin
Pero deep inside gusto niya ng sugurin ang lalaki at iuntog ang ulo nito sa lamesa. Ganuon ba kakapal ang mukha nito na idikit ang sarili niya kay Vee na halatang mabait lang sa kanya dahil nature niya na iyon?
“Wag na. Mayari pa kami sa shota niya.”
Sabay-sabay nagkatinginan ang apat.
Bombastic side eye.
Criminal, offensive side eye.
“Shota?” sabay na pabulong na tanong nila Oheb kay Danerie. Maging siya ay nagulat. Medyo nakaramdam ng kirot sa puso.
“Nakikita mo ba ’yang jacket na suot niya?… oh, ano apelyido na nakalagay?” tanong ni Kairi. Namumula namang sinita ni Vee ang kaibigan pero ayaw paawat ng mga ito.
That means, maging ang mga kaibigan niya boto kay Danerie. Kinilig siya sa isiping iyon dahil ngayon lang ito nangyari. Sa naunang dalawang ex niya kasi hindi lahat boto sa mga ito pero kay Danerie, maging ang kapatid at parents niya boto sa binata.
“Del Rosario?” kunut-nuong sagot nito na para bang may inaalalang tao.
“Tama. Iyan apelyido ng shota niya. Wag ka magkakamali, Eren. Sinasabi namin sa iyo. Baka i-retri ka nu’n.”
Nakangiting nagsikuhan ang magkakaibigan. Inaasar si Danerie na namumulang kinikilig lang sa pwesto nito.
“Wait, siya ba ’yung bata na kasama mo last time?”
“Ha?” halata ang gulat kina Kairi sa nalaman.
“Nakapunta na si Wise sa trabaho mo?”
“Huy! Parang hindi mo nakwento ’yan sa amin!”
Sa halip na sagutin ang mga kaibigan, na focus si Vee sa sinabi ni Eren. Hindi niya alam pero parang nainsulto siya sa sinabi nito kay Danerie kahit na wala naman ang binata dito at hindi naman siya ang sinabihan ng ganuon. Ang judgy kasi ng way ng pagkaka label nito sa binata.
Ang hindi niya alam nanduon sa Danerie at narinig niya ang sinabi ni Eren sa kanya pero sa halip na mainis ay pinanghinaan siya ng luob. Paanong hindi? Totoo naman ang sinabi nito. Mas bata siya kay Vee kaya walang dudang pagdudahan siya nito dahil kung tutuusin mas mature si Vee sa kanya.
“Hindi siya bata, Eren. Legal age na siya at nasa college. Second year college to be specific. Kung chronological age ang pagbabatayan, oo mas bata siya sa atin ng ilang taon pero kung mental age, mas mature pa siya sa atin at sa mga naging ex ko. Imagine, sinundo ako nyan sa kasagsagan ng malakas na ulan kahit na hindi ko sinabing gawin niya para sa akin? Ilang beses niya din ako hinatid sa bahay kahit sinasabi kong wag na at hindi ko minsan siya nakitaan ng takot na ihatid ako sa bahay at may masabi sa kanya ang ibang tao. Bihira lang ’yung ganuon ka selfless na tao na hindi tumitingin sa makukuhang kapalit sa ginagawa nila, Eren lalo pa sa gaya ko ng ganuong klaseng treatment kaya wag mo sana sabihan na bata si Wais.” litanya nito at halata talaga sa kanya na disappointed siya sa katrabaho/kaibigan.
Edward
Congrats, Paps! Mkhang simbahan na Diretso nyo
Hadji
Eren ksi e Mukhang iiyak p si Mamsh Inaway kasi bebe nya e
Oheb
Sna di mo kmi Mklimutan sa kasal nyo Ska shanghai wag nyo klimutan
After nilang malaro yung game na ginawa mismo ni Vee at ng team niya at mag bigay ng review dito ay nagpaalam na si Eren para umuwi. Ilang minutes lang mula ng makaalis ito ay nagpasya na ring umuwi sila Kairi pero humiwalay si Vee sa kanila.
“Sure ka hindi ka sasabay?”
Umiling si Vee.
“Hindi na. Sige na. Una na kayo.”
“Sige, sige. Ingat ka ha?” sabi ni Dlar bago lumakad palayo. Sakto namang nagpaalam na sila Oheb kay Danerie na mauuna na ding umuwi sa kanya. Pagkahatid niya sa kanila sa sakayan ay nakasalubong niya sina Dlar.
“Huy, shota mo puntahan mo du’n! Magpapasundo yata sa iyo.” walang ka abug-abog nitong utos na kinagulat ni Danerie. Sino bang hindi? Kaso ang hindi niya o nila alam, aware si Dlar sa presence nila kanina sa coffee shop. Paano? Ang suspicious kasi ng mga ito sa pwesto nila. Parang mga itlog na nagbubungguan ang mga ulo nila.
“Huh?”
“Anong huh ? Puntahan mo na si Vee du’n bago pa magbago isip ko sa’yo at ipasundo ko siya kay Eren.” nakangising sabi nito.
Walang pagdadalawang isip niyang pinakyuhan si Dlar na kinatawa ng dalawa.
“Gago! Bukas lang parehas na kayong nasa balita na dalawa ni Eren.” sabi nito sabay irap sa kaibigan, pero bago pa siya makalayo ng tuluyan, “Salamat!”
“Saka ka magpasalamat kapag hindi tumama kamao namin sa mukha mo dahil sinaktan mo Mamshoe namin.” banta ni Kairi.
Tanaw niya na mula sa pwesto niya si Vee ng biglang may mag notif sa phone niya. Agad niya ’yon tinignan at napangiti siya ng makitang nirereplyan na siya nito mula sa mga messages niya kanina. Yes, ganuon siya kababaw na tao pagdating kay Vee.
Kahit parang tanga ay binaba ni Danerie ang sunglasses niya na nakapatong sa ulo niya at dahan-dahang lumapit kay Vee mula sa likuran at umupo malapit sa kanya. Abala pa rin sa pagdutdot sa cellphone niya si Vee kaya hindi nito agad napansin ang presence ng binata. For some reason, nataong silang dalawa lang ang nasa waiting shed at kaunti lang din ang mga taong dumadaan pati na din sasakyan. Kung sabagay, 11 na rin kasi ng gabi kaya hindi na rin nakapagtataka.
“Hi, miss.”
Mabilis na nakilala ni Vee ang boses ng nagsalita kaya hindi nakapagtatakang agad siyang nakaramdam ng kaba at kilig. Nahihiya man ngunit inangat ni Vee ang tingin niya sa binata ng buong tapang.
Shuta! Paano niya nalamang nandito ako? Magme-message palang naman ako sa kanya kung pwede niya akong sunduin? tanong ni Vee sa sarili.
“Y-Yes?”
“Kanina ka pa dito?” napalunok siya dahil iba ang timbre ng boses nito ngayon. Mas malalim, mas nakaka akit. Bakit naman kasi nasa labas sila ngayon?
As if namang may mangyayari kung nasa enclosed place eh hindi ka nga makatingin ng diretso, what more pa mag next move? kantsyaw ng sarili ni Vee sa kanya.
Halos mamula si Vee dahil sa kakaibang appeal ni Danerie kahit na para itong tangang naka sunglasses sa kasagsagan ng gabi at naka floral designed na half sleeve polo. Animo’y galing ng Bora. Paano kasi nag two buttons down pa ang binata kaya kita nito ang makainis at maumbok nitong dibdib. Not in a feminine way, but in ‘daddy’ way. Napalunok siya sa likot ng isip niya.
“Kanina ka pa dito?” nakangiting tanong uli ni Danerie sa kanya. Kahit na hindi niya kita ang mata nito, ramdam niya ang intensity ng titig nito sa kanya.
“Ah, actually kadadating ko lang din.”
“Uh, sino kasama mo? May kasama ka ba?” lumapit sa kanya si Danerie na animo’y normal lang sa kanya ang ginagawa niya. Buti nalang at kakilala talaga niya ang binata kundi baka tumakbo na siya palayo.
“Actually wala. K-Kanina pa nga kita nakikitang nakatitig sa akin.”
“Ang ganda mo kasi.. hindi ako maka ano.. sorry… hindi ka naman naa-ano, naa-awkward sa akin nakatingin ako sa iyo?”
“Actually ano.. na-aawkward ako.”
“Bakit ka na-awkward kung titignan kita?” tinaas nito ang suot na sunglasses kaya ngayon ay wala ng harang sa pagitan ng pagtiti tigan nila sa isa’t-isa.
Nagpakawala naman ng isang kabadong tawa si Vee. Paano ba naman mas lalo pang gumwapo sa paningin niya si Danerie ngayong na wala na yung shades at mas malapit na ito sa kanya kesa kanina.
“Kiss nga,” biro ni Danerie sa kanya na kinabigla ni Vee kaya agad niya itong nasampal, “Aray ko! Tangina, ang sakit! Gago ka!”
Agad naman nataranta si Vee ng marealise ang ginawa niya, “Hala, sorry! Sorry! Ikaw naman kasi ’yung mga biro mo eh!”
Pero hindi iyon biro para sa binata. Tinetesting niya kasi gaano kalakas ang dating niya kay Vee. So far, mukha namang malakas. Kasing lakas ng tama niya sa kanya. The feeling is mutual. Ehem.
“Nandito ka lang pala malapit sa event na pinuntahan namin, sana dumaan ka na din kanina pero okay lang kung may ganap ka kanina kaya hindi mo ako pinapansin,” nakangusong parinig ni Danerie habang sabay silang naglalakad papuntang Dunkin Donut na bukas pa ng ganitong oras ng gabi.
“A.. e.. oo, pero busy kasi ako kanina kaya hindi ko alam na nasa event ka,” sagot niya. Sinungaling! Nanduon ka may picture pa nga kayo at may nalaman ka pa na kinagulat mo, ani Vee sa sarili.
“Congrats pala, official at pioneer member ka na ng Blacklist International.” nakangiting bati nito, “Malayo pa pero unti-unti ng natutupad hiling mo maging pro player. Sana hindi ka makalimot kapag sikat ka na.”
Danerie felt warm and fuzzy hearing Vee congratulate him to something most people would consider little as an achievement pero dahil iba si Vee, sa kanya niya lang din naramdaman yung kahit maliit na bagay pwedeng maging malaki basta kasama at nanduon si Vee sa tabi niya.
BTC 11: INTERTWINED
“Siguraduhin mong di mo ako pinagti-tripan, Oheb kundi yari ka sa akin! Nasa kalagitnaan pa man din ako ng rank game ng pinapunta mo ako dito,” bungad ni Danerie kay Oheb pagpasok niya sa luob ng bahay nito at nakita niya itong nagaayos ng mga gamit na mukhang itinago sa baul.
“Halika na dito, Paps! Tama na satsat,” sabi nito at tinapik ’yung space sa tabi niya.
“Ano ba kasi ’yang papakita mo sa akin?”
“Bebenta na kasi ni mama ’tong ibang gamit na hindi na namin nagagamit at in good condition pa tapos pina develop niya sa akin ’yung mga pictures na nandyan sa digicam kesa burahin tapos, ayan! Ikaw na bahala tumingin kasi gusto ko masurprise ka like me.”
“Tangina nito! May pa thrill pang nalalaman. Akin na nga,” kinuha nito ang 3 inchess tall na mga pinadevelop na pictures ni Oheb at napangiti siya dahil mga highschool pictures nila iyon. Random pictures nilang magbabarkada, picture with their crushes, teachers, turu-turo at kung anu-ano pa hanggang sa matigil siya sa isang picture.
Mabilis niyang nilingon si Oheb.
“Legit?”
“Mukha bang may time ako mag edit? Saka wala naman ako access sa fb ni Mamshoe.”
Bumilis ang tibok ng puso ni Danerie ng maalala niya ’yung nabasa niya about sa red string theory, sinabi ni Edward, at ’yung naging usapan nila ni Hadji after ng event na pinuntahan nila.
It was a picture of him with Edward, Hadji and Oheb. Naka upo sila sa may gutter sa tapat ng comp shop. ’Yun yung comp shop na nakagitna papunta kina Oheb at Vee. Sarado na nga ’yun ngayon kaya nga sila napunta sa comp shop ni Tori but he remembered dumayo pa sila nuon duon para lang sa pustahan sa LoL and lo and behold!
Vee was in that freaking picture!
She was busy with her phone, sitting on a faded green monoblock, looking like she was waiting for someone to either finish playing inside the said comp shop or on someone that were not at that comp shop at all. Who knows but still.
“Putangina, Paps! Sabi ko sa’yo grabe gulat ko ng nakita ko ’yan kahapon pag abot sa akin ng mga pina develop ko! Naalala ko nga yung pinanuod natin nila Ward na movie, ’yung Kimi No Na Wa ba ’yun? Gagi! Si Mamshoe yata soulmate mo eh!”
Hanggang sa makauwi si Danerie sa kanila, tinititigan niya pa rin yung picture na binigay sa kanya ni Oheb. Naiinis siya sa sarili kung bakit hindi niya napansin nuon si Vee o kung napansin man niya, paano niya nagawang hindi man lang ito kausapin ng mga panahon na iyon or worst, bakit nakalimutan niya na nagkita na sila ni Vee?
On the otherhand, Vee is also doing the same thing as his. May hawak siyang scrap book na bigay ng isa sa mga fan niya. Nakita niya na ang contents nito ng nakaraan, bago niya ito ipinauwi sa kanila at mag change outfit para makasama niya sina Dlar after ng event na iattendan nila at laking gulat niya while she is flipping it ng makita niya ang isang binatilyong Danerie na nahagip ng camera ng nagpa picture sa kanya na iilang fans sa isang E-Sports event na inattendan niya bilang si Ohmyv33nus.
Napabuntung-hininga siya.
Hindi niya alam kung aamin na ba siya kay Danerie tungkol sa other persona niya dahil natatakot siya sa magiging reaksyon nito, pero hindi rin pwedeng ilihim niya ’to sa binata dahil malalaman din nito ang tungkol duon lalo pa at may balak siyang makipag collaborate sa mga E-Sports group para ipalaro sa kanila ang ginawa nilang game ng team niya.
’Yun mismo ang finals niya para maka graduate siya at kapag naging okay iyon at grumaduate siya sa Masters niya, balak niyang mag audition as Coach, either main or assistant. Hindi sa dati niyang group kundi under Blacklist kung nasaan si Danerie. Gusto niyang i-support ang binata in the best of her abilities. She knows she can be a good support not only in game but also in real life especially to Danerie.
She wants to see the five of then grow as a team and Danerie personally.
But right now, kailangan niya munang isipin kung anong uunahin niya. Uunahin ba niyang sabihin sa binata na siya at si Ohmyv33nus ay iisang tao lang o ang feelings niya dito? Baka kasi maconfuse ang binata sa gagawin niya or baka siya din mismo, pero napatunayan niya ng hindi siya confuse sa feelings niya para kay Danerie.
It was more than a parental/peer type of love she has for him. She knew it all along, but was just scared to admit that she fell to someone younger than her. It isn’t something to be ashamed of, really, it was more of like hindi niya ineexpect na talagang nangyayari pala ang ganito in real life. Akala niya nuon sa pelikula at libro lang nageexist ang genuine love especially between people that has age gaps and that, suntok sa buwan na maranasan ito.
Now that she has a taste of it, what she is not sure of is, if it will last a life time dahil she had been into this kind of relationship before, iyon nga lang at that time siya yung bata at mukhang hindi naman ’yon genuine. Kung sabagay, meeting Danerie is already surreal to begin with. Kahit siya hindi pa rin makapaniwala such human exists.
“Vee! Lumabas ka dyan sa kwarto mo! Nasa labas si Wais!” sigaw ng Ate niya after nitong katukin ang pinto sa labas ng kwarto niya.
Sa taranta niya ay muntikan pa niyang mahulog ang cellphone niya pagkabangon niya. Anong ginagawa niya dito? tanong niya sa sarili habang mabilis na nilibot ang tingin sa kwarto niya dahil baka may nakakalat na kung ano na ikataka ng binata.
“Hi, Vee.” bati nito pagkababa niya ng hagdan. Halatang nahihiya ang binata sa biglaang pag bisita niya sa kanila ng walang pasabi pero part ito ng plan ni Danerie, so.
“Wais! Kumain ka na?” tanong niya ng makalapit siya kay Danerie.
“Ay, di ako informed pa-fall ka pala, Vee.”
“Huh?”
“Sasaluhin mo ba ako kapag na-fall ako?”
“Oo naman, bakit hindi?”
Nailing ang Ate niya sa gilid ng marinig ang usapan nilang dalawa at hindi nito napigilang hindi sumabat sa usapan.
“Hindi literal na hulog ang sinasabi niya, Vee! Tama ba ako, brother-in-law? “
Namilog ang mata ni Vee sa hiya at agad pinamulahan ng mukha.
“Ate!”
Nahihiyang napakamot sa batok niya si Danerie bago muling tumingin sa kanya, “Ah, oo. Tama si Ate, Vee.”
Nakanuks, Ate daw! Ate mo? mapangasar na tanong ng sarili ni Danerie sa kanya.
“Oh kitams! Yiee! O’sya alis na ako. May pupuntahan pa pala ako today.” paalam nito at nagmamadaling lumabas ng bahay, “Ikaw na bahala sa kapatid ko, Wais. Enjoy kayo!”
Natawa si Danerie sa kapilyuhan ng Ate ni Vee. Paano kasi, iba ang tumakbo sa isip niya sa sinabi nito na ‘Enjoy kayo’. Hay naku, Wais! Ang kalat! sermon niya sa sarili.
Nang sila nalang dalawa ay saka nito inabot ang isang medium-sized paper bag kay Vee. Laking gulat niya ng makitang may mini cake sa luob na hugis puso and a couple of chocolates na kulay pula ang balot at hugis puso din. Pero ang mas kinagulat niya ay ng iabot sa kanya ng binata ang isang perfectly arranged boquet of purple and white tulips with lavender.
Ano ito Valentines? birong tanong ng sarili ni Vee sa kanya. She couldn’t believe what she is seeing. This isn’t the first time that someone gave her chocolates, flowers and a cake but oh goodness gracious, what is going on? Nananaginip lang ba siya? Dahil kung oo, please mamaya na sana siya gisingin sa katotohanan. This is such a sweet dream!
“A-akin ba ito?” naniniguradong tanong niya kasi baka mamaya pinahawak lang sa kanya. Oo, masarap mag assume pero hindi sa lahat ng oras ’no!
Tumango si Danerie habang nakatitig kay Vee. Talagang hindi siya magsasawang titigan ito. Kinakabahan man ay hinintay niya itong magsalita. Ngunit imbis na magsalita si Vee ay bigla nalang siya nitong niyakap na kinabahala niya dahil hindi niya alam kung bakit ganito ang reaksyon nito sa binigay niyang courting gift. Hindi kasi ganito ang nakuha niyang reaksyon sa mga nauna niyang niligawan at naging ex.
Kinuha muna ni Danerie ang paper bag mula kay Vee at ang boquet at saka ipinatong pabalik sa couch para mayakap siya nito ng maayos.
“Bakit ka umiiyak, Vee? Naiiyak na din tuloy ako,” sabi ni Danerie habang marahang inii-sway ang katawan nila at pinupunasan ang mga luha nito. Bigla nalang kasi ’tong umiyak habang naka yakap sa kanya.
Hindi naiwasan ng binata na hindi manikip ang dibdib niya sa nakikita. As much as he wants to tell himself this is not the Vee he knows, she is human. Crying will always be a part of human emotions and seeing how vulnerable she is right now, makes him want to protect this precious human being infront of him more.
Vee gave him a simple, broken smile as she stare in his eyes. Like she had seen the most deepest, darkest parts of his and still finds it beautiful and one of a kind.
Like an old woman sitting near the shore and gazes at the calm, waves of the ocean during sunset, not minding the dangers it could bring to her even with the wild breeze hitting her skin.
“Sorry.. OA lang,” she tried to laugh it off and break the hug between them but the man didn’t let her.
“Hindi.. hindi ka OA, Vee.” he assured.
“Pero umiiyak ako ng hindi mo alam ang dahilan, ’di ba OA dapat tawag dun?”
He shook his head whilst making Vee sees him and the moment they’re in surreal.
The reason why she cried wasn’t because she’s overreacting. No, that wasn’t the case at all but was because, the flowers that he gave her are her favorites and she’d once told herself na kung sino man ang magbibigay ng tulips at lavander sa kanya without her mentioning that those are her favorite flowers, siya na ’yon. He’s the one she will forever love. Endgame kumbaga gaya ng sinabi ni Danerie sa harap niya at ng kanilang mga kaibigan.
“Hindi porket hindi ko alam ang dahilan eh tatawagin na agad kitang OA. Malay ko ba kung deep inside importante sa iyo o nakapagpa alala sa iyo ng happy memory, ’yung binigay ko or ginawa ko. Well, sana happy at hindi bad.” natatawang sabi nito.
“Wais!” sita niya bago higpitan pa ang yakap sa binata, “Bakit ba ngayon ka lang?”
Natawa naman si Danerie sa tanong nito.
“Eh kasi bumili pa ako ng mga ito?”
Natawa din si Vee sa sagot ng binata.
This time, ng bumitaw siya kay Danerie, hindi na ito pinigilan ng binata dahil naka yakap naman ito sa bewang niya. Inabot ni Vee ang mukha niya bago marahan hinaplos ang pisngi at mata niya. Nabigla siya ng kumanta ito ng isang pamilyar na kanta. He is sure narinig niya na iyon somewhere.
I’m scared
I’ve never fallen from quite this high
Falling into your ocean eyes
No lie, Danerie could feel Vee’e emotions as she sang those lines to him. Para bang may ibig itong ipahiwatig pero hindi niya alam kung tama ba ang naiisip niya sa iniisip ni Vee ngayon. Obviously, gumanti din siya ng kanta. Hopefully, his feelings will come across and not confuse Vee because he had never been sure in his life right now than to be right next to her and forever.
I wanna be loved
And I want you to hold me like
I’m the only one
By the time their bodies stopped swaying, Vee smiled. And by the time they start clearing things up, nasa kwarto na sila ni Vee, having their own little word they call theirs. They were both laying on their stomach as they stare at each other like it is the most natural to do, like it was their oxygen to continue living.
Marahil masyadong mabilis ang mga pangyayari but then not really. Soulmates have a weird way of securing their knots to each other once they meet according to destiny’s plan. After all, their meeting was so random no one would even think that was the most romantic just like now, on the day they will be confessing to each to other. But for them? It was the perfect timing. Romantic and even memorable thing to tell their family and friends who supports them.
“I want to court you, Vee and for you to be my girlfriend kung sakali mang hindi pa obvious ’yung mga binigay ko kanina.”
“Sigurado ka na ba dyan, Wais? Sasakit ulo mo sa akin. Matalak ako hindi lang dahil mas matanda ako sa’yo. Pala utos din ako. Hindi ako fan ng mga maiingay na lugar. Ayaw ko din na ma-”
“Sshh, tatanggapin ko lahat, Vee. Hindi man ito ang unang beses na iibig ako at papasok sa isang relasyon, pero sisiguraduhin kong ikaw at itong atin ang magiging huli.” says Danerie, heavy on his statement.
“Wais..”
“Yes, Vee. I’m willing to be under you just to be the best man for you. The best you’ll ever have because that is what you deserve.”
Vee smiled. So does Danerie.
“Ako yata ’tong maa-under sa iyo, Wais eh! Ang galing mo mambola.”
“Hindi kita binobola ah! Graduate na ako dyan pero willing mag retake para lang makita ko ’yang ngiting kilig mo.”
“Wais!”
“Vee.”
“I hate you.”
“I love you.”
“Wais! I love you agad eh hindi pa nga kita sinasagot?” natawa si Vee ng makitang bumusangot si Danerie.
“I hate you,” maktol nito.
“I love you, Wais.” pilyong tugon nito na kinalaki ng mata ni Danerie sa gulat.
“A.. seryoso ba ’yan?”
“Yes, Wais. Seryoso. I love you.”
“Legit?”
“Legit.”
“Aware ka ba sa sinasabi mo Vee? Kasi.. talaga ba? Pero day 1 ko palang ng panliligaw sa iyo may pa-I love you ka na din agad.” naniniguradong sabi ni Danerie.
“Bakit ko pa patatagalin ang pag-oo ko kung sigurado na ako sa feelings ko sa’yo?”
Agad kinapa ni Danerie ang cellphone niya sa bulsa para i-check ang oras at araw.
September 14, 2019, 14:09 pm
Bigla niyang naalala ’yung plaka ng sasakyan ni Vee at ng motor niya.
VWSE 091419. ESWV 191409.
“Oh natulala ka na d’yan sa phone mo?”
“Vee?”
“Yes?”
“I love you. Pakasal na tayo.”
Nanlaki ang mata ni Vee sa gulat at pinaghahampas si Danerie ng unan. Hindi naman ito pumalag at tumawa lang habang unti-unting narerealise na oo nga, baka nga totoo talaga ang red string theory and that he’s lucky, he finally found his.
It was already 8 p.m. and Danerie decided to stay at Vee’s house upon her family’s request. Masaya ang mga ito dahil sila na and he couldn’t asks for more. This is by far, the most happiest day of his life. Second nalang yung member na siya ng isang E-Sports group. Syempre mas important si Vee kahit na kailan lang sila nagkakilala.
Ngayon ay kasalukuyan siyang naka live kasama si Vee at naglalaro ng ML. Gaya pa rin ng dati ang pwesto ni Vee sa kanya. Nakatalikod sa viewers at tanging ang binata lang ang may access sa kabuuan niya.
“Ikaw, tanong mo ako kung maganda ka.”
“Maganda ba ako?”
“Oo, araw-araw. Minu-minuto. Segu-segundo.”
“Perfect.”
Napangisi nalang siya ng makita ang comments ng mga viewers na cino-congratulate siya dahil kalat na ang balita sa pagiging pioneer member niya ng Blacklist International at ’yung nangyaring laban sa pagitan ng mga kilalang E-Sports group. Bukod pa duon ay ang pa-ayuda moments niya kasama si Vee.
Maya-maya, habang naghihintay sila magsimula ang next game, inangat ni Danerie ang kanang braso niya na para bang magii-stretching at napansin ito ni Vee, dahilan para hawakan niya ang braso ng nobyo at pisilin.
“Hindi, Wais! Legit! Feel ko kapag nag ano ka.. kasi yung mga fats mo.. ang ganda kapag ano..”
“Kapag?”
“Naging muscle yung mga fats mo.”
“Tignan mo ito. Tignan mo.” hinampas bahagya ni Danerie ang braso niya para mai-emphasize ito kay Vee. Wanting to get more of her attention, almost forgetting na naka live siya. Samantalang si Vee natawa lang sa mga comments ng audience habang tina-taptap niya ang braso ni Danerie.
“Ang tigas nga oh! Sarap hawakan,” nakangisi niyang sabi. Of course, she knows what she is doing. She is teasing her Danerie. Ay abaw, sana all.
“Saan nabatak ’yan?”
Natawa naman ang binata dahil hindi niya alam kung pinagti-tripan ba siya ng kanyang nobya o sadyang inosente lang ito.
“Saan nabatak..” napangisi ito.
“Hindi ka naman nagg-gym.. hindi ka naman naga-ano, nagbubuhat ng kung anu-ano, like..”
Natawa si Danerie dahil sa pumasok na kalokohan sa isip niya.
“Everyday, ano.. five minutes.”
“Saan nabatak ’yan?” paguulit ni Vee.
Mas lalong natawa ang binata dahil mukhang inosente nga ang tanong ni Vee sa kanya at mukhang hindi nito ginawa ang ginagawa niya minsan whenever he feels doing it . My oh, so innocent Vee, ani Danerie sa sarili.
“Saan nabatak amputek,” saglit niyang tinignan ang mga comments at mas lalong natawa dahil mukhang maraming gaya niya na green minded din at nagets ang sinagot niya kay Vee. Buti nalang hindi siya nag iisa sa pagiging berde. Ang kalat, Wais! Kakasagot lang niya sa iyo ang kalat mo na agad! sita ng sarili niya sa kanya.
It had been three months mula ng naging sila and so far, Danerie is enjoying every second of being in a relationship with Vee and vice versa. He loves spoiling her and Vee is a willing victim to his spoiling. Bumili na nga ang binata agad-agad ng couple ring nila pati na ng necklace. Nang una ayaw itong tanggapin ni Vee sa gulat sa laki ng nalalabas na pera ng binata sa kanya but what can she do? Like Danerie, she’s weak when it comes to her boyfriend.
They don’t talk much via texts rather they keep calling each other or send each other voice messages just so they could hear each other’s voices. They send mini videos to each other including random pictures like they are not going to see each other at the end of the day when Danerie would fetch Vee from work. It was sweet and pure but sometimes some people just got to ruin the happiness because why not?
It makes the relationship strong, right?
“Hi, Ma? Bakit bigla kayong napatawag?”
“Quit the act and don’t play dumb with me, DJ. You know exactly why I am calling and you better get your ass home before I do.”
“W-what do you mean?”
“I’m at the airport, son. Kasama ko ang Daddy mo kaya umuwi ka na bago pa kita ipakaladkad kung nasaan ka man.”
Isang malakas na buntung-hininga ang pinakawalan ni Danerie pagkababa niya ng tawag mula sa taong akala niya wala ng pakialam sa buhay niya. Well, sana nga ay tuluyan na silang nawalan ng pakialam sa kanya. He’s already and finally living his life. Bakit ngayon pa? inis ngunit kinakabahang tanong niya sa sarili.
“Fuck,” bulong ni Danerie bago ulit pumasok sa kwarto ng nobya at tabihan ito.
“Okay ka lang, babe?” tanong ni Vee, halatang nagaalala ng makita ang pagbabago sa eskpresyon ng nobyo.
Ngumiting pilit si Danerie bago halikan si Vee ng madiin sa nuo nito.
“Vee?”
“Wais,”
“I love you.”
“I love you too.” nagaalangang tugon ni Vee. Kita niya sa mata ng nobyo ang pinaghalong galit at takot. Sino ba ’yang tumawag sa iyo, Wais? tanong na gusto niyang itanong sa nobyo pero isina isip na lamang niya.
“Kaya sa iyo ako eh,” paglilihis nito para hindi siya mag alala pero huli na.
“Ewan ko sa’yo, Wais. Hmmp!” mapaglaro niya itong inirapan, “Kailangan mo na bang umuwi?”
“Uh..”
“Sige na. Uwi ka na. Baka may kailangan ka pang asikasuhin. Kaya ko na ito. Mag video call nalang tayo mamaya, okay?”
“Sure ka? Gusto mo na akong pauwiin?” kasi baka hindi na ako makabalik kapag pinauwi mo ako, ani Danerie sa sarili.
Ayaw man ni Vee ay tumango siya. Gustuhin man niyang dumito nalang ang nobyo sa tabi palagi ay hindi pwede. Paano kung may emergency pala sa bahay nila o sa pamilya niya? Ayaw niyang maging selfish kahit na gustuhin man niya lalo pa’t si Danerie ang usapan dito. Bakit ba? Nobyo niya ito eh.
“Oo, hindi pa naman tayo mag asawa para hindi kita payagang umuwi sa ibang bahay,” biro nito pero para kay Danerie, hindi. Napangisi siya sa isiping siya at si Vee nakatira sa iisang bubong.
“Wag ka mag alala, babe. Titira din tayo sa iisang bubong. Hindi nga lang muna ngayon,” sabi niya bago sunggaban ng nakaw na halik ang nobya sa labi nito.
14 seconds bago niya ilipat ang halik sa likod ng mga kamay nito. Bago pa marealise ni Vee ang nangyari ay nasa pintuan na ng kwarto niya si Danerie at may pilyong ngiti sa labi.
“Bye, love. See you soon .”
“WAIS!”
Unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya ng makalabas siya sa gate nila Vee at napalitan iyon ng pagtulo ng luho niya.
Alam niya. Alam niya ang pwedeng mangyari pero hindi niya magawang sabihin kay Vee dahil ayaw niyang madamay ito sa galit ng magulang niya kaya kesa madamay pa ito, sasaluhin niya buo ang galit ng magulang niya even when it means na malalayo siya sa kanya. After all, this wouldn’t happen kung pinigilan niya ang sarili na sundin ang puso niya at ang pangarap niya na sinupportahan ng nobya but again, kung bibigyan siya ng choice na baguhin ang naging desisyon niya ay hindi niya gagawin. Si Vee at ang pangarap niya pa ring maging pro player ang pipiliin niya.
BTC 12: TRUST
“Mamshoe! Teka lang! Sandali!” sigaw ni Oheb habang tumatakbo kasunod sina Edward at Hadji.
Hindi pa sana titigil si Vee sa pagtakbo palayo sa tatlo kundi lang siya bumangga sa taong nasa harap niya na walang iba kundi si Yue. Hindi niya inaasahang makita ang mga ito dito sa trabaho niya mismo dahil ang nobyo lang ang nagiisang nakapunta sa trabaho niya maliban sa fact na nagtatago siya sa kahit na sinong nakaka kilala sa kanya o kay Danerie mismo dahil galit siya dito at nasaktan sa ginawa nitong paglaho na parang bula ng walang abiso man lang.
Pinagtripan lang ba siya ng binata? Kung ganuon man ay putangina niya dahil minahal niya ito ng buo at sobra, higit sa nauna niyang dalawang naging ex.
Isang malalim na buntung-hininga pinakawalan niya bago tuluyang hayaan ang sarili na harapin ang mga kaibigan ng kanyang nobyo or ex, hindi niya alam kung ano ang tamang i-label sa binatang pinaka mamahal.
Wala naman silang kasalanan kaya bakit parang sinisisi o dinadamay ko sila sa galit at pagtatampo ko sa isa? ani Vee sa sarili.
“Paano ninyo nalamang nandito ako? Nag sipag cutting classes ba kayo para lang puntahan ako dito? Pwes, makaka alis na kayo. Ayaw kong mag cutting classes kayo ng dahil sa akin. Wag ninyong sayangin pinangpapa aral ng magulang ninyo dahil sa akin. Hindi ninyo ako obligasyon. Malaki na ako at mas matanda ako sa inyo. Kaya ko sarili ko,” matigas niyang sabi at umirap.
“Tama ka po. Hindi ka namin obligasyon pero bilang kaibigan namin si Wise, na nakakaalam sa sitwasyon na hindi niya nagawang sabihin sa iyo dahil ayaw ka niyang madamay sa gulo, nandito kami para kami mismo mag paliwanag sa iyo ng mga nangyari in his behalf para hindi mo isiping ghinost ka niya,” sagot ni Yue na hindi makatingin kay Vee dahil sa takot sa pagtataray nito. Cute.
Nagulat si Vee sa narinig at nakonsensya.
“Oo, Mamshoe! Labag man sa napag kasunduan namin nila Paps na huwag ipaalam sa iyo ang tungkol dito kasi ayaw ka niyang mag alala—”
“Eh tanga siya! Nag alala na ako eh! Alalang-alala ako sa kanya! Hanggang ngayon kahit na pinipilit kong magalit sa kanya kasi bigla nalang siyang hindi nagparamdam after ng huling kita namin, nagaalala pa rin ako sa kanya! Gago ba siya? Siya kaya sa sitwasyon ko?”
“Eh iyon na nga! Kaya nga kami nandito eh para ipaalam sa’yo ang nangyari kay Wise. Gaya mo hinanap din namin siya ng bigla siyang hindi magparamdam sa amin tapos ng malaman namin anong nangyari sa kanya, ikaw naman ’tong ang hirap hagilapin. Si Tori kasi ayaw ipaalam sa amin kung saan ka pwedeng mahanap. Kung hindi pa namin sinabi sa kanya ang nangyari kay Wise baka hanggang ngayon kinukulit pa rin namin sila Kairi na sabihin sa amin saan ka makikita kasi sila nalang ang last chance namin para malaman kung nasaan ka kaso ayaw din nila magsabi.”
Biglang kinabahan si Vee sa hindi niya malamang dahilan. Nangako sa kanya sila Kairi lalo na si Tori na hinding-hindi nito sasabihin kay Danerie o kila Edward kung saan siya mahahanap kaya anong mabigat na rason para baliin ng mismong bestfriend niya na si Tori ang pangako nito sa kanya?
“B-bakit? Anong nangyari kay Wais?”
Nagkatinginan sila Hadji sa isa’t-isa na lalo niyang kinakaba.
“Ano? Sabihin ninyo! Anong nangyari kay Wais? Naaksidente ba siya? Saang ospital ng mapuntahan ko?” sumamo niya sa apat.
Mas lalo tuloy siyang nawalan ng gana magtrabaho ngayong araw dahil bukod sa naka lunch break siya at wala ang boss niya dahil naka leave ito, isipin palang niya na kaya biglang hindi nagparamdam sa kanya ang nobyo ay hindi dahil sinadya nito kundi dahil may nangyaring masama sa binata na hindi niya alam dahil mas inuna nito na huwag ipaalam sa kanya at pagalalahanin siya. Ngayon gusto na lang niyang puntahan kung nasaan man ito at alagaan.
Fuck work, ani sa sarili. Mas importante si Danerie. At iyon nga ang nangyari. Hindi niya na hinintay pang matapos ang lunch break niya at nag clock out na sa trabaho. Tumambay sila sa malapit na Dunkin Donut cafè at duon pinakain niya ang apat. Lalo siyang kinakabahan sa bawat minutong lumilipas habang hinihintay na magsalita ang isa sa kanila at sabihin sa kanya ang nangyari sa nobyo niya.
Muling nagkatinginan sila Hadji. Nagsikuhan sila dahil hindi nila alam sino ang dapat magsimulang magkwento sa kanila. Kita nila sa mukha ni Vee ang pagaalala kay Danerie. Bumuntung-hininga si Oheb sabay mabilis na ginulo at inayos ang buhok niya. Kinuha nito sa bulsa ang cellphone niya at dinutdot ito bago nagsalita.
“Mamsh, promise mo muna hindi ka magv-violent reaction sa makikita mo ha?”
Nahigit ni Vee ang paghinga. Nanginginig niyang inabot ang cellphone ni Oheb ng may pagtango. Muntikan nitong mabitawan ang hawak ng makita ang picture na nasa screen.
“A.. bak.. sinong may gawa nyan sa kanya?” hindi niya napigilang umiyak sa harapan nila Yue habang halos sumpain niya na ang may gawa ng nakita niya sa picture kay Danerie. Akala niya sa teleserye o sa balita lang siya makakakita ng ganuon, never did she imagine na sa nobyo din pala niya.
Hindi niya alam kung isang tao lang ba ang may gawa nu’n o pinagtulungan ang nobyo niya dahil wala sa mukha nito na nanlaban siya sa dami ng tinamo niyang sugat sa mukha at katawan. Halatang sinalo nito lahat ng walang pagdadalawang isip lahat ng natamo niya mula sa gumawa nu’n sa kanya kahit pa masira ang mukha nito o mabaldado ng tuluyan. Maga ang mukha nito at putok ang labi at halatang pinilit lang ng binata na makita at kausapin sila Edward kahit na dapat ay nagpapahinga ito sa kondisyon niya ng mga oras na iyon.
“Medyo blurred yung picture na ’yan kasi patago ko lang kinuhanan si Paps. Baka kasi pwede naming magamit na ebidensya kung magbago isip niya at gusto niya magsampa ng demanda. Gaya mo grabe din pagaalala namin sa kanya ng biglang hindi siya pumasok sa school, kahit sila Coach Bon nagulat ng ilang araw siyang hindi pumunta ng boot camp kaya ganuon nalang ang galit ko at gulat namin ng biglang sumulpot si Paps sa BC na parang walang nangyari. Ni hindi man lang kami binati pagpasok niya paano kasi hindi rin naman namin siya agad nakilala. Naka hood siya saka mask ng pumasok akala ko nga celebrity, pero ng nakita ko siya ng harapan paglabas niya sa office ni Boss Tryke at nalaman ang nangyari, parang gusto kong manapak ng wala sa oras. Sabi niya lang deserve niya ang nangyari sa kanya at wala kaming dapat ipag alala. Bilin pa niya eh huwag namin ipaalam sa iyo kahit na sinabihan namin siya na magsabi sa iyo ng kahit na ano para naman hindi mo isipin na ghinost ka niya or what pero ayaw niya kasi ang rason niya ay ayaw niyang mahanap ka ng parents niya.”
“An.. teka nga, ibig sabihin ba nito magulang niya ang gumawa nito sa kanya? Napaka impossible naman nu’n! Sinong magulang ang sasaktan ang sarili nilang anak? Saka sa dami ng sugat sa mukha pati na katawan niya mukhang hindi iisa o dalawang tao lang ang may gawa nito sa kanya!”
“Vee, pasensya ka na sa tanong ko pero may nabanggit ba sa’yo si Wise dati na kahit ano tungkol sa family niya?”
Tumango si Vee.
“Oo, na siya lang mag isa dito dahil nasa ibang bansa ang parents niya,” sagot niya. Naalala niya pa ang moment na iyon. ’Yun ang second interaction nila that day at unang beses na magka usap sila sa comp shop ni Tori. Akala nga niya ng una nagbibiro ang binata pero ng makarating siya sa bahay nito at mapatunayang mag isa nga lang ay hindi niya maiwasang malungkot at mag alala para sa nobyo kaya nga madalas niya itong pinapupunta sa kanila or kung hindi man ay nago-overnight siya sa bahay nito. Basta ba hindi nito ma-feel na wala siyang masasandalan.
“Aware ka rin ba, Vee na.. na rich kid siya?”
Nagaalangang tumango uli si Vee.
Nahalata nga niya bukod sa kutis nito, sa baon nitong pera, motor, bahay na tinitirahan at sa ginagastos nito sa kanya tuwing lalabas sila pero anong relate ng tanong na ito sa nangyari kay Danerie?
Don’t tell me langit at lupa ang sitwasyon namin na mala pang teleserye kasi kung ganuon man, hindi ako papayag na maagaw siya sa akin dahil lang sa status ng pamilya niya, ani Vee sa isip habang hinihintay niyang ituloy na sabihin sa kanya ni Edward ang rason ng tanong nito sa kanya.
“Don’t tell me mala Dao Ming Si ang character ni Wais tapos naka arrange marriage siya kasi putangina hindi ako informed na pwede pala mangyari ’yung ganun in real life,” biro niyang sabi.
Hindi napigil nila Hadji ang tawa nila sa conclusion ni Vee but close enough.
“Sumbong kita kay Wise, Mamshoe! Dao Ming Si pala ah.” birong pananakot ni Hadji.
“Gaga! Team Hua Ze Lei ako!” mapaglarong umirap si Vee sa kanila, “So ano nga? Anong relate nun sa tanong mo?”
“Uhm, so ayun nga. Mayaman pamilya ni Wise pero hindi mala tipong Dao Ming Si level at naka arrange marriage, thou may company sila sa ibang bansa at matagal na siyang pinipilit ng parents niya na sumunod sa kanila sa Amerika. Nag iisang anak lang kasi si Paps kaya natural siya ang magiging taga pagmana ng company nila. Matagal na silang tutol na nandito siya sa Pinas dahil walang nakikitang valid na rason ang parents niya para dumito siya. Kahit nga yung course na meron siya tutol din sila. Pero ang pinaka mas malalang tinutulan nila kaya napauwi ang parents niya ng wala sa oras ay ng malaman nilang tinuloy ni Wise ang pangarap nitong pagp-pro player. Galit na galit daw ang parents niya lalo na ang Papa niya sa kanya,” kwento ni Oheb.
“Oo, Mamsh! Kesyo mas uunahin pa daw nitong magtrabaho para sa ibang tao kesa na magtrabaho para sa kanila na pamilya niya. Pinapayaman daw nito ang ibang tao imbis na sila. Gets ko naman ang point ng magulang niya dahil nga may company sila pero nakakainis kasi sarili lang nila ang iniisip nila. Wala naman sa isip ni Paps na trabaho itong gagawin niya, itong pagp-pro player niya. Matagal ng pangarap ito ni Paps eh at ng binigay ang opportunity na iyon sa kanya sobrang saya niya. Mas masaya pa nga siya ng magiging ganap na siyang pro player kesa ng sinabi sa kanya ng parents niya ang plano nilang pag pasa ng posisyon nila sa kanya.” dagdag ni Hadji.
“Pero bakit? Bakit kailangan saktan nila si Wais ng ganu’n? Paano nila nagawa ’yon sa sarili nilang anak? Dahil lang sa sinuway sila ni Wais at pinursue ang pangarap niyang maging pro player kailangan nila siyang saktan ng ganu’n? Sorry, pero ang babaw ng rason na ’yon para ganunin nila siya lalo pa at naturingan silang magulang ni Wais.”
Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Edward. Hindi niya sigurado kung paano niya sasabihin ang isa pang mas mabigat na dahilan kung bakit nangyari iyon sa kaibigan nila sa harap ng nobya nito.
“Si Wise kasi… ano… paano ba? Uhm, hindi kasi alam ng pamilya niya ’yung tungkol sa sexual orientation na meron siya. Buong akala nila straight siya considering nga na lalaki at gagawin nilang tagapag mana ng business. Siguro pina-plano din nila na i-arrange marriage siya kalaunan. Ewan. Akala nga din ng Mama niya babae ’yung huling ex niya kasi may mga naging ex din naman siya na babae.. ay wait teka! Aware ka ba na may ex si Wise, Mamshoes?”
Natawa si Vee sa tanong sa kanya dahil parang mas concern pa si Edward sa fact na baka hindi niya alam na may mga naging ex ang nobyo at isa sa mga iyon ay gaya niya.
“Oo, Ward. Aware ako huwag ka mag alala. Nagkita na din kami kaso hindi maganda eh, tinarayan ako! Buti nalang nga at to the rescue si Wais sa akin.” napangiti siya ng maalala paano siya dinefend ni Danerie mula kay Carlie given na masama pa pakiramdam nito ng nangyari iyon.
“Buti naman. Akala namin hindi niya nasabi sa iyo. Hindi kasi nu’n ugaling mag kwento about sa past relationships niya.” nakahinga si Edward sa narinig.
“Oo nga. Kung tutuusin first time lang yata ni Paps na nagkwento ng about sa mga naging ex niya. Nakakatuwa at sa iyo niya ginawa.” segunda ni Hadji.
“Pero ayun na nga. Dahil hindi nila alam na hindi straight si Wise at akala ng parents niya sila pa rin ni Carlie V, eh ’yung gaga kasi hindi pa rin matanggap ang katotohanan na hindi na head over heels sa kanya ’yung isa, ayun. Nagsumbong pala duon sa Mama niya kaya nalaman nilang bukod sa pumirma si Wise ng kontrata para mag pro, nalaman din nilang nakikipag quote and unquote galing mismo sa gaga na nakikipag landian daw ang boyfriend niya sa matandang bakla. Ayun, winarla si Paps ng Mama niya!”
“Si gaga masyadong makapal mukha porket hindi na halatang lalaki, inembody ng husto ang pagba barbie-barbiehan at pinagmukhang hinaharot mo si Paps. Nakaka gago, ’di ba? Kung pipili nalang din ako sa inyong dalawa gaya ni Papshoe ikaw pipiliin ko, Mamshoes. Poganda saka mas disente kesa sa kanya,” segunda ni Oheb.
“Totoo! Mas okay ka pa kay Carlie V. Androgynous yung mukha mo at halatang kahit hindi mo harutin si Wise makukuha at makukuha mo atensyon niya.”
Na-overwhelm naman si Vee sa narinig. At least, hindi lang friends niya ang boto kay Danerie kundi pati kaibigan ng nobyo niya ay boto sa kanya. Pati parents nga niya kahit na hiwalay ang mga ito ay boto din sa binata, ang problema nga lang ay ang parents ng nobyo niya sa kanya.
“Buti na nga lang at nag backfire duon sa putang iyon ang ginawa niya! Paano ba naman hindi niya akalaing mapapahamak lalo sa pagsusumbong na ginawa niya si Paps, tapos ininvite pa daw ng mama niya for family dinner kasi nga ‘boto’ Mama niya kay Carlie, eh wrong move dahil nalaman ni Paps na pinapahanap ka ng mama niya duon sa mga tauhan nila eh syempre sa galit niya na balak ka idamay ng Mama niya na hindi naman dapat dahil desisyon niya makipag relasyon sa iyo, ayun. Inout niya si Carlie V sa magulang niya at pinaalala dito na matagal na silang hiwalay.” kwento ni Oheb na matawa-tawa pa sa pangyayari.
“Sayang nga eh, hindi ako present ng nangyari ’yon gusto ko pa naman makita reaction niya sa ginawa ni Paps,”
“Kinaladkad nga daw ang bruha ng Mama niya at sinabihang ang kapal ang mukha nito magsumbong eh parehas lang naman daw pala sila ng isinumbong nito sa kanila.”
“So ano na ang lagay ngayon ni Wais?”
Nagkatinginan muli ang apat at saka nagsikuhan habang si Vee nakatingin lang sa kanila dahil hindi niya alam kung anong mararamdaman sa susunod na maririnig.
“Ikaw na kasi magsabi,”
“Gagu naman! Ikaw na!”
“Bakit ako? Si Yue na. Yue, ikaw na.”
“Hala! Sino si Yue?’
Sabay na napa side eye sila Oheb kay Yue.
“Okay, sige. Ako na, ako na! Hindi naman kayo mabiro,” kabadong sabi nito na natatawa pa bago tumingin kay Vee.
“Ang totoo kasi nyan, bukod kasi sa gusto naming malinawan ka sa nangyaring hindi pagpaparamdam ni Wise sa’yo na labag sa luob niya at kaya din kami nag decide na puntahan ka ngayon dito sa trabaho mo kahit walang kasiguraduhan kung makikita ka ba namin o kakausapin mo kami eh dahil hihingi sana kami ng tulong sa iyo. Actually hindi ko nga rin sure kung matatawag ba itong tulong kasi more like inuutusan ka namin pero dahil boyfriend mo naman siya, baka nga hindi mo na isipin na utos ito.”
“Sabihin mo na, Yue! Pinapa kaba mo lalo si Mamsh eh!”
“Ikaw kaya magsabi ano? Syempre inaayos ko pagsabi para hindi siya mabigla.”
“Eh mabibigla din naman siya! Nabigla nga tayo eh!”
“Umayos nga kayo! Tumatakbo yung oras o.”
“Ikaw nalang kaya magsabi? Tutal ikaw atat eh. Mamaya himatayin siya sa gulat sino bubuhat?”
“As if namang hindi tayo pagselosan ni Wise pag nalaman niya binuhat natin jowa niya!”
“Buti sana kung pagselosan! Mamaya mabugbog pa tayo ng wala sa oras.”
Tumikhim si Vee para makuha ang atensyon ng apat pabalik sa kanya.
“So?” tanong niya, inaabangan ang sagot nila sa kanya.
“Aalis na si Paps pa-Amerika bukas!” may kalakasan at sabay-sabay na sabi ng apat.
“Duon na siya titira for good.” dagdag ni Hadji.
“Mamaya babalik ang parents niya sa BC para legal na putulin ang kontrata na meron siya sa Blacklist,” sabi ni Yue.
“At naisip namin na baka magbago ang isip ng parents niya sa balak nila kapag kinausap mo sila kasi may tiwala kaming kaya mong gawin iyon. Oo, sabihin mo ng ang selfish namin at mas marunong pa kami sa parents niya pero Mamshoe kita at ramdam namin na hindi sasaya si Wise sa Amerika. Wala duon ang happiness niya kundi nandito. Physically, emotionally, lahat na! Basta nandito ang happiness niya at ikaw ang number 1 sa lahat ng rason kung bakit,” segunda ni Edward.
Nahigit ni Vee ang paghinga at natulala sa narinig. Si Wais? Pupunta ng Amerika for good? tanong niya sa sarili, hindi makapaniwala na nangyayari ito ngayon and what more is that bukas na iyon. Ni wala man lang heads up. Hindi man lang siya nakapag prepare.
Paano nalang pala kung hindi siya pinuntahan nila Oheb? Habang-buhay niyang dadalhin yung isipin na nagmahal siya at naglaho ito na parang bula matapos ang ilang buwang pag iibigan. Mabuti nalang at mabuti pa rin sa kanya ang buhay at nakatagpo siya ng katulad nila Hadji.
Nanikip ang dibdib niya sa isiping iiwan siya ni Danerie dahil sa magulang nito hindi katulad niya na may choice, pero sa saka nalang niya iisipin ang kanya. Gaya nga ng nasabi, siya may choice, ang nobyo ay wala dahil sumasandal pa ito sa magulang niya bilang nag aaral pa ito sa kolehiyo. Sa ngayon, kailangan niyang umisip ng paraan para makita at magkausap sila ng nobyo kahit saglit lang kung hindi man sumang ayon sa kanila ang tadhana.
Ang isipin palang na magkakahiwalay sila ni Danerie because of unforseen circumstances ay hindi niya maiwasang hindi umiyak habang nasa biyahe siya pauwi. Pinauna na kasi niya yung apat na bumalik sa BC para naman makapag isip siya ng paraan paano ang gagawin niya mamaya. Isasama kaya nila si Danerie? tanong niya sa sarili.
“’Nak?” agad napalingon si Vee sa pintuan ng kwarto niya at mabilis na pinahid ang luha ng makita ang Papa niya na nagaalalang nakatingin sa kanya.
“Ikaw pala, Pa.”
“Pwede ba ako—?”
“Oo naman, Pa. Ano po ba iyon?”
Pumasok ito sa kwarto niya at umupo sa gilid ng kama habang pinagmamasdan siya. Nahigit niya ang paghinga ng abutin siya nito at ito mismo ang nagpahid ng mga luha sa mga mata niya na pinipigilan niyang hindi tumulo dahil nahihiya siyang ipakita dito na umiiyak siya.
“Si Wais ba?”
Tumango siya. Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan nito.
“Saan ba nakatira ang nobyo mo na ’yan ng mapuntahan at makausap ko? Hindi pwede ’yang ginawa niya sa iyo. Akala ko pa na—.”
“Pa, hindi! Hindi niya ako niloko o ano. Alam ko pati kayo naapektuhan sa akin dahil sa biglang walang paramdam nung isa pero kasi, kanina, nalaman ko na ang dahilan kung bakit. Mismong mga kaibigan niya ang pumunta at nagsabi ng dahilan sa akin at ngayon.. ngayon, hindi ko alam ang gagawin at mararamdaman ko, Pa. Feeling ko kasi magiging unfair ako sa kanya kung sakali mang mapa stay ko nga dito si Wais tapos ako naman yung aalis pa-Japan para mag stay kina Mama at Lola.” hindi niya na napigilan ang sarili at muli na namang umiyak. There, she finally said it. Admit it to herself what she had been pushing away mula ng sabihin iyon sa kanya ng Mama niya ng mga panahong walang paramdaman sa kanya ang nobyo. Of course, she has a choice whether to agree or not pero let us be realistic here, mas maganda ang opportunity na makukuha niya as a game creator kung duon siya kukuha ng trabaho after she graduate from her Masters degree.
She waited for her father to give his infamous nod, telling her it’s okay for her to open up and be vulnerable and that is what she did. She told him what happened to Danerie and even her father was surprised of the other’s parents actions towards their own son. He was disappointed and worried towards Vee’s boyfriend.
“Kausapin mo sila, ’nak ng ikaw . Hindi bilang ibang tao. Hindi bilang si Ohmyv33nus. Kausapin mo sila ng kayo lang, ng walang ibang tao. Alam kong nakakatakot dahil never mo pa naman ginawa ang bagay na ito sa unang dalawang taong minahal mo pero I am proud and amaze at the same time on how willing you are na ipakilala ang other self mo sa kanila para lang mailigtas mo si Wais. Para lang maipag patuloy nito ang pangarap niya pero anak, mas okay kung ipapakilala mo sa kanila kung sino yung nakilala at minahal ni Wais. Kung si Wais nga mismo, mga kaibigan niya at ibang tao nakapalagayan mo ng luob, sila pa kaya? Tiwala ako ’nak na magugustuhan ka din nila kaya kailangan mo lang din magtiwala sa sarili mo at sa isiping magiging okay din ang lahat. Kung hindi man at sadyang matigas ang puso nila, isipin nalang natin na baka may dahilan kung bakit kayo sinusubok ng ganito. ’Tamo, pati ikaw na-offeran ng Mama mo magpunta ng Japan, malalayo ka kay Wais eh kailan lang naman naging kayo sabay ganito agad ang hamon sa inyo. May dahilan iyan ’nak. Baka sinusubok kayo kung kaya ninyo.”
Matapos silang mag heart to heart talk ng Papa niya, humarap siya sa salamin at pinagmasdan ang sarili bago bumuntung-hininga. Tama. Baka nga sinusubok sila kung kaya nila. Kung kaya nila maging matatag para sa isa’t-isa at sa relasyon na meron sila at iisa lang ang option para makayanan nila ito.
Tiwala.
Kailangan nilang maniwala sa sarili nila at magtiwala sa isa’t-isa na kakayanin nila ito. Kung nagawa ni Danerie na protektahan siya para lang hindi siya mahanap ng magulang nito para saktan o ano man, maniniwala siyang kakayanin din niyang humarap sa mga magulang nito para ipaglaban ang binata at ang pangarap nito.
BTC 13: FOREVER
“Paps!” agad nag unahan sa pagtakbo palapit sila Oheb kay Danerie ng makita nila itong nakaupo sa couch sa living room ng kanilang bootcamp at agad na niyakap ang kaibigan.
Mabuti nalang pala at pinilit sila ni Vee na umuwi na ng bootcamp nila kundi baka hindi nila ito naabutan.
Kita sa mukha ni Danerie ang saya ng makita niya ang mga kaibigan. Buti at naabutan niya sila, for the last time, bago siya umalis pa Amerika at iwan sila.
“Akala ko hindi ko kayo makikita bago ako umalis eh,” sabi nito, nakangiti ngunit dinig ang kalungkutan sa kanyang boses.
“Tutuloy ka pa rin, Wise? Paano si Vee?” diretso at seryosong tanong sa kanya ni Edward. Medyo naiinis sa isiping susunod ang kaibigan sa kagustuhan ng kanyang mga magulang at iiwan sila, iiwanan nito si Vee.
Nagkatinginan sila Oheb at agad na siniko si Edward. Ganuon pa man, hindi ito nagpa tinag. Gusto niya malaman kung gagawa ang kaibigan ng paraan para ipaglaban ang pangarap niya at pati si Vee sa magulang niya dahil alam niya, may patutunguhan ito kung lalaban siya against his parents. Malaki na si Danerie, hindi naman na siya bata para maging sunud-sunuran sa magulang niya.
Kailan man, hindi nila o siya mismo pinagdudahan ang pakikipagrelasyon nito, ang mga desisyon nito, lalo na ang kay Vee ngunit gusto niyang makita kung hanggang saan kayang ipaglaban ni Danerie si Vee dahil alam niya, alam nila Oheb na handa ang nobya na ipaglaban si Danerie sa abot ng makakaya nito. Alam nilang darating si Vee at kakausapin niya ang magulang ni Danerie gaya ng ipinaki usap nila dito. Tiwala sila sa kanya. Tiwala sila sa kanila kahit na walang kasiguraduhan ang bukas.
Bumuntung-hininga si Danerie.
“Gustuhin ko mang magpaalam sa kanya ng personal bago ako umalis, hindi pwede. I mean, wala akong maisip na ibang paraan para gawin ’yon ng hindi nila nalalaman. Bantay sarado nila ako eh. Pinlano ko nga sanang tumakas kagabi kahit saglit lang, para lang makita ko siya at makausap kaso ng naisip ko na magkakaruon sila Mom ng chance na malaman saan nakatira si Vee eh napa dalawang isip ako. Ayaw ko talaga siya mapahamak. Walang kasalanan dito si Vee. Wala siyang kasalanan sa mga naging desisyon ko. Ginusto ko ’yun kasi sa unang pagkakataon, bukod sa inyo may sumuporta sa akin, sa pangarap ko. If anything, positive lahat ng naidulot niya sa akin mula ng magkakilala kami pero para sa magulang ko kabaligtaran ang lahat ng ’yon.”
“Pero hahayaan mo nalang ba na isipin niyang ghinost mo siya after ng ilang months ng relationship ninyo? Kakayanin ba ng konsensya mo na isiping baka hindi na ulit magtiwala sa ibang tao si Vee dahil sa trauma na nakuha niya sa’yo ng dahil sa reasoning mo na ’yan? Naalala mo pa ’yung naging usapan natin before sa bahay? Sinabi ko sa’yo ’di ba na ayaw ko, namin, na makitang masaktan si Vee dahil sa inyong dalawa ’di hamak na mas agrabyado siya if you know what I mean.” dagdag ni Oheb, supporting Edward’s concern towards Vee.
“Hindi ko din naman gusto o ginusto ’tong sitwasyon na kinalalagyan ko, namin. Alam ninyo ’yan pero ayaw ko madamay si Vee. Gaya ko, may pangarap din siya. Ayaw kong masira ’yon ng dahil sa akin, ng dahil sa magulang ko. Ako, ayos lang sa akin na hindi ko na matupad ang pangarap ko. Nakilala ko naman kayo, na-experience ko kahit papaano ang maging pro kahit saglit lang pero si Vee? ’Yung pangarap niya? Sa tingin ninyo ba, kakayanin ng konsensya ko kung hindi matupad ni Vee ang pangarap niya para sa sarili niya ng dahil lang sa pagmamahal niya sa akin?”
Umiwas ng tingin si Danerie sa kanila bago nagpatuloy sa pagsasalita.
“.. at saka, hindi naman ako totally aalis ng hindi niya nalalaman ang dahilan sa biglang paglaho ko na parang bula. Kaya nga, masaya ako na naabutan ko kayo bago ako umalis kasi magpapatulong ako sa inyo na gumawa ng farewell video ko para sa kanya. Para maisip niyang hindi ko sinadyang iwan siya. Na wala siyang kasalanan sa mga nangyari. Na sadyang tadhana lang talaga naming magkakilala pero hindi ang magkasama ng matagal gaya ng gusto naming dalawa.”
“Paps,” agad nilang sinunggaban ng yakap ang binata ng hindi na nito mapigilang mag breakdown sa harap nila at humagulhol ng iyak. He loves Vee more than anything else in this world. He never thought he would given the short amount of time they had since they met but for that, he was thankful he was able to meet Vee in this lifetime.
“Importante sa akin pangarap ko eh, pero mas importante sa akin si Vee. Kung pwede ko lang pahintuin oras ng relo, ginawa ko na eh. Gusto ko pa siya makasama. Gusto ko pa makita ’yung mga ngiti niya. ’Yung pagtawag niya sa pangalan ko…”
“Wag ka mag alala, Wise. Sinusubok lang kayo ng tadhana. Tiwala lang, kayo pa rin sa huli.” sabi ni Yue habang inaalo ang kaibigan.
“Oo nga, Paps. ’Di ba nga ganuon naman ang mag soulmates? Madami muna silang pagsubok na pagdadaanan pero sa huli, sa simbahan pa rin ang punta?” segunda ni Oheb.
Saglit na napangiti si Danerie sa sinabi nina Yue at Oheb.
“Magdilang anghel sana kayo ni Yue,” ang nasabi nalang niya at kahit papaano ay nagkaruon uli siya ng pag asa na baka nga, baka nga pasubok lang ang mga ito at sa huli, sila pa rin sa dulo. Kailangan lang niya na mas magtiwala.
“Aba, syempre naman, Paps! ’Tamo, ng sila Edward at Hadji nagsabi nangyari, syempre ganuon din ’yung amin ’no.”
“Amats ka naman, Oheb! Hanggang dito ba naman competetive pa rin?” natawa sila sa sinabing ’yun ni Hadji.
Samantala…
“Gago! Sure ka bang your plan will work, kuya? Kasi kung hindi pinagod lang natin sila and baka mas lalong masaktan si Vee,” nagaalalang sabi ni Eyon.
“Yes of course, trust me and my connections.” Kairi replied, with a sigh of relief and smile on his lips.
It was already past 7 p.m. and Vee, even though is already running out of breath, managed to help two elderly couple na tumawid papuntang starbucks. It isn’t like nasa malaking highway sila but there was no one around to help them cross the street. Paano niya nalaman na papunta silang starbucks? She overheard their conversation habang hinahabol niya ang hininga niya. Mukhang magcocoffee run ang dalawa bago pumunta sa agenda nila, is what she believes is their plan.
“Gusto ninyo po ako na mag order ng oorderin ninyo?” she asks, after niyang matulungan ang mga ito sa pagtawid at kahit na may hinahabol siyang oras.
“Could you, iha?” the elderly woman asks, with a smile on her lips. Bigla tuloy may naalala si Vee sa ngiting ’yun dahil familiar or baka dahil sa vibe na meron ang asawa nito na kanina pa nakatitig sa kanya.
“Ay, iho po.” she corrects, but the elder just smiled like she knows what Vee is.
While she was in line with other customers, the couple looks at each other with a nod before the husband reached for his phone in his pocket and dialed someone on the phone.
“Ito na po order ninyo. Enjoy po kayo sa date ninyo,” nakangiting sabi ni Vee pagbalik niya sa table nila at nilapag ’yung inorder niyang request ng mga ito. She couldn’t help but be jealous of their relationship. They look like a loving couple at syempre hindi nawala sa pag sagi sa isip niya si Danerie. Is there a chance na maging ganito din sila kung ngayon palang pinaghihiwalay na sila?
“Magkano, iha?”
“Naku, ’wag na po. Treat ko na po ’yan sa inyo. Ang cute ninyo po kasi kanina ng tinitignan ko kayo sa may tawiran palang.”
“Talaga ba, iha? Hindi ba nakakahiya?”
Ngumiti lang si Vee, “Hindi po. Sa panahon ngayon bihira nalang po ako makakita ng couple na gaya ng sa inyo. Nakaka inggit nga po kayo eh buti pa kayo may forever.”
“Naku, iha.” ngumiti ng malamlam sa kanya ang matanda, “Sinubok din kami ng panahon pero sa awa ng nasa itaas, at sa tiwala namin sa isa’t-isa, nalagpasan namin ang lahat ng magkasama kaya ikaw, huwag kang mawalan ng pag asa.”
Hinawakan ng matanda ang kamay niya at hinaplos ’yon habang ang asawa nito ay nakatitig lang sa asawa niya na may proud na ngiti bago tumingin kay Vee.
“Magtiwala ka sa a— sa nobyo mo. Sa mga taong nakapaligid at sumusuporta sa inyo at tiyak kong ang tadhana na mismo ang gagawa ng solusyon sa ginawa nitong problema sa inyo. Ano nga pangalan mo, iha?”
“Salamat po. Vee po pangalan ko.”
Tumango ito, “Huwag ka magalala, Vee. Pagsubok lang ang mga nangyayari ngayon. Ang tunay na nagmamahalan, sila ang laging nananaig sa huli. Hayaan mo, ibubulong ko sa ilalim ng puno ng Bougainvillea ang tungkol sa inyo.”
“Po?”
“Sige na, iha. Baka mahuli ka pa sa pupuntahan mo.”
Nagtataka man si Vee sa huling sinabi nito ay agad siyang yumuko at nagpaalam sa kanila para bumalik sa realidad na kailangan niyang maabutan ang mga magulang ni Danerie sa boot camp kung saan nila kikitain si Tryke para putulin ang kontrata ng kanilang anak sa management nito. Sana lang ay makaabot siya kundi hindi niya matatanggap na hanggang duon lang sila ni Danerie. She have never been this persistent to fight for someone before but with Danerie, she is willing to be.
“Tori! Tori! Bilis! Kita ko na si Mamshoe! I-distract mo na ’tong mga yawang men in black ng parents ni Wise,” nagmamadaling utos ni Dlar sa kasama habang nasa luob sila ng sasakyan na nakaparada malapit sa boot camp.
Mabilis siyang nilingon ni Tori sa gulat, “Ha? ’Di ba sabi mo tayong dalawa gagawa bakit ako nalang magdidistract sa kanila?”
“Eh syempre pag parehas tayo nahuli ng mga ’yan sino sa tingin mo magaa—”
“O’sya! Sige na! Baka mapansin na nila si Vee,” nagmamadaling lumabas si Tori ng kotse at lumapit sa bodyguard ng parents ni Danerie. Pito sila at lahat malalaki ang katawan. Gaya ng mga bouncer sa bar. Napalunok si Tori.
Tangina talaga nito, Dlar! Pag ako nakasuhan dito ng P.D. No. 1727! kinakabahang litanya niya sa isip bago kinuha sa bulsa niya ang iilang Ultra Ball (Pokemon fans, unite!) sa direksyon ng mga tauhan ng magulang ni Danerie na agad namang nakuha ang atensyon ng mga ito sa ginawa niya.
“BOMBA!” sigaw ni Tori at nanlaki ang mga mata nito at agad siyang hinabol.
“Lungkot naman ng mga childhood nito! Ang bilis naman nilang nauto du’n! T’chk!” sabi ni Dlar habang pinapanuod ang kaibigan mula sa luob ng sasakyan ang pagtakbo mula sa mga humahabol sa kanya at agad binalik ang tingin niya sa harap. Okay, binabawi niya na ang sinabi niya. Hindi pala lahat. May isang naiwan na dinampot ang pokeball at ngumisi. Uh-oh. Sakto namang ilang hakbang nalang ay malapit sa si Vee sa bootcamp at mukhang narinig niya ’yung ginawang pageeskandalo ni Tori. Halata sa mukha nito ang pagaalala.
Bago pa maharangan ng naiwan na body guard si Vee ay agad ng lumabas si Dlar ng kotse at tumakbo patungo sa kinatatayuan ng nasabing bodyguard. Nagulat si Vee ng makita si Dlar dahil first of all, anong ginagawa nito dito bukod sa pangalawa, bakit parang si Tori ’yung narinig niyang sumigaw kanina?
“Sige na, Vee! Ako na bahala dito! Puntahan mo na si Wise! Dali!” utos nito na agad niyang sinunod dahil kita niyang lalapitan na siya ng naiwang bodyguard pero buti at agad itong napigil ni Dlar.
Mabilis siyang tumakbo papasok ng bootcamp at agad hinanap ang nobyo pero wala siyang nakita maliban ng pag akyat niya ng second floor kung nasaan ang office ni Tryke. Gulat na napatingin sa kanya si Coach Bon na nakatayo sa labas ng office.
“Suneev!”
“Coach!” hinihingal niyang bati, “Nasa luob pa sila?”
Agad itong tumango sa kanya.
“Paano mo nalaman?”
“Sila Oheb.”
“Buti nagawa nila,”
“Ang alin po?”
“Na sabihin sa’yo ang tungkol dito. Gusto sana naming ipaalam sa’yo ni Tryke ang mga nangyari pero pinigil kami ni Wise kasi kahit kami, binabantayan ng mga tauhan ng magulang niya. Ayaw kasi niyang masali ka sa gulo na ewan ko ba sa mga magulang niya. Halata namang dito masaya anak nila pinipigil nila.”
Saglit na tinignan ni Vee ang nakasarang pinto.
“Nagkita kayo ni Wise?”
“Hindi po pero sabi ni Dlar nandito daw siya.”
“Oo nga, nandito siya. Last time I checked, mukhang nakita na siya nila Oheb. Dinig ko ’yung sigawan nila kanina eh and did you say Dlar is here? Anong ginagawa nu’n dito?”
“Hindi ko rin po alam eh!”
“O’sya, papasok ka na ba?”
Muling bumalik ang kaba ni Vee kanina but this time, she made sure to calm herself down because in the first place, wala namang dapat ikakaba kung para kay Danerie ang gagawin niya at hindi naman masama ang intensyon niya sa pag harap sa mga magulang nito.
Tumango siya, “Oo, Coach.”
“Kaya ninyo ’to, Suneev. Tiwala ako sa inyo.” sabi nito bago kinatok ang pinto ng office.
Hindi maitago ni Tryke ang ngiti niya at nakahinga ng bahagya ng makita niyang si Vee ang iniluwa ng pinto at sa likod niya ay si Coach Bon na sumimpleng thumbs up sa kanya. Finally, Danerie’s number one supporter and defender is here. Hopefully this will change the almost loosing game against the parents.
“Wise, akala ba namin ayos na? Bakit umiyak ka na naman! Baka sabihin ni Vee hostage ang peg mo!” biro ni Yue, napapahilamos na sa mukha niya dahil pang apat na nilang take ito sa kagustuhan na rin ni Danerie dahil ang panget na makitang umiiyak siya sa video at baka sabihin pa ni Vee emo-nggoloid siya. Napatawa siya sa isip dahil hindi malabong mangyari ’yon. Oo nga, number one supporter at defender niya ang nobya pero ito du’n unang nangba-bash sa kanya. Loko, ’di ba?
“Eh sa naiiyak nga kasi ako! Kayo kaya dito!”
“Ay kami ba jowa?”
“Oo nga! Thou pwede nam—”
“Tangina mo! Anong pwede naman? Jowa mo? Jowa mo? Gago!”
Natawa sila sa reaksyon nito dahil kung anong lungkot niya kanina ay siya namang galit niya ngayon ng biniro siya ni Edward.
“Oo na, Paps! Sa’yo lang si Vee kaya kalma na. Tapusin na natin ’tong video mo na ito at baka mamaya bigla ka nalang hablutin ng mga bantay ng nanay mo.”
“Oo nga. Tamo ’tong si Tori ang bilis tumakbo sa mga bodyguard ninyo kaya hindi siya mahabol eh! Dapat ganyan ka rin mamaya pag bigla silang sumulpot dito.” wala sa luob na sabi ni Hadji habang nakadungaw sa bintana kung nasaan sila.
Napalingon naman sa kanya sila Oheb.
“Tori?”
“Pinagsasasabi mo, Hadji? Anong gagawin dito ni Tori eh hindi pa naman ’yun nakakapunta dito?”
“Ha? Eh ’yan siya oh. Tignan ninyo.”
Sabay-sabay silang nakisilip sa bintana at oo nga! Totoo ang sinasabi ni Hadji! Nandito nga si Tori pero bakit siya hinahabol ng mga tauhan ng magulang niya?
“O, Paps? Saan ka punta?”
“To the moon!” sagot nita nagmamadaling lumabas ng silid kung nasaan sila at luminga-linga habang palabas ng boot camp. Oo, assumero pero what if nandito si Vee? ani sa sarili ni Danerie.
“Dlar!” sigaw niya ng makitang headlock ito ng bodyguard. Agad niya silang nilapitan.
“Bitawan mo tropa ko kundi ihahampas ko bungo mo dito sa gate!”
“Bakit ako makikinig sa’yo? Hindi naman ikaw ang nagpapasahod sa akin kundi magulang mo kaya pasensya—.”
“Hindi nga apo ko ang nagpapasahod sa’yo pero kapag tinanggalan ko ng posisyon sa kompanya ko ang anak ko at asawa niya, sino na ngayon ang magpapasahod sa’yo?”
Nanlaki ang mata ni Danerie sa gulat sa biglang pagsulpot ng Lolo’t Lola niya sa harap niya. Kalalabas lang ng mga ito sa Taxi. Teka, kailan pa sila nandito at bakit pakiramdam niya walang alam ang parents niya sa pagpunta nila dito?
Maging ang bodyguard na kanina ay balagbag na sinagot si Danerie ay napabitaw kay Dlar at napayuko sa hiya.
“A-ano.. paano.. “
“Apo, tatayo ka nalang ba d’yan? Hindi mo ba kami yayakapin at aalalayan?” nakangiting tanong ng Lola niya sa kanya na naka angkla ang braso sa asawa niya.
Agad namang natauhan si Danerie at agad nilapitan ang dalawang matanda. Pati ang bodyguard ay sumunod sa kanya kaso isang tingin lang ng Lola niya dito ay agad itong napa atras.
“Alam po ba nila Mama na nandito kayo?”
“Ikaw talaga, apo. Mukha ba kaming magta-taxi kung alam nila na nandito kami? Hindi papayag ’yun na magmukhang middle class ang pamilyang Del Rosario.”
Napakamot sa ulo niya si Danerie dahil totoo naman. Sobrang against nga ang Papa niya ng malamang bumili siya ng motor imbis na kotse. Mas nakaka ‘yaman’ daw kasi tignan ang may mga kotse kesa ang may motor lalo pa at nasa Pinas siya nakatira.
“Ito na ba si Oheb?”
“Ay, hello po! Kilala ninyo pa rin po pala ako,” nahihiyang sagot ni Oheb sabay mano sa dalawang matanda.
“Aba syempre naman! Ikaw ’yung kalaro nitong si Wise ng mga bata pa kayo na laging tinatawag ng nanay para tumulong sa paglalaba,”
“Opo, ako po ’yon pero this time obligado na po talaga ako maglaba hindi tumulong lang.”
Nagtawanan sila. Kinamusta din nila sila Edward, Yue at Hadji.
“O, Dlar. Nasaan sila Kairi? Bakit ikaw lang?”
Sabay-sabay na napatingin sila Danerie sa kanya. “Kairi? Anong meron sa kanila?” takang tanong ni Danerie sa kaibigan. Agad naman napangiwi si Dlar.
“Uh, kasi.. ano..”
“You’re loved, Wais. Always has been. Kaya hindi namin hahayaan ng Lolo mo na kunin sa’yo ng parents mo ang happiness mo na dapat naiintindihan nila since sila ang magulang mo but I guess, ganu’n talaga since hindi naman sila ang nagpalaki sa’yo kundi kami.”
“She’s right, apo. We’re also partly at fault here. Kung hindi ko sana agad pinasa sa Daddy mo ang posisyon. They could have been the ones who raised you but I guess, ganu’n talaga. We’re not perfect but that doesn’t mean we can’t fix or make things right especially for you, apo.”
“And we’ll make your parents see and understand what made you fall for Vee, iho.”
“Good job, iho. I know she’s pretty but it’s good to know that she’s more than that. I’m so proud of you, Wise. Pinili mo ’yung taong hindi superficial ang pagmamahal sa’yo. Finally, someone who you deserve as much as they deserve you.”
Nanlaki ang mata ni Danerie sa narinig.
“Po? H-how did you two knew? Eh sila Mama po—.”
“Ay, that’s them, iho. We have connections .”
Saglit naman silang natigil sa pag uusap ng biglang may sumigaw na kumuha ng atensyon nilang lahat.
“Hayop ka, Dlar! ’Di mo ako ininform marathon pala ’tong plano ninyo!” sigaw ni Tori na ngayon ay palapit na sa kanila at kasunod nito ang mga bodyguard na kanina pa sa kanya humahabol. May mga aso na din na nakasunod sa mga ito at nagtatahulan.
Sinigurado muna ni Tori na nasa tabi na siya nila Danerie ng tumigil siya sa pagtakbo at habulin ang hininga niya.
Nang makita ng mga humahabol na bodyguard ang prisensya ng Lolo’t Lola ni Danerie ay agad din silang napahinto at napayuko sa mga ito bilang pag galang.
“Dito kayo sa labas at patigilin ninyo ’yang mga binulabog ninyong mga aso. C’mon boys, tara na sa luob at maguusap pa kami ng magulang nitong apo namin.”
Samantala, kinakabahan man ngunit hindi umalis sa pwesto niya si Vee ng tumayo mula sa pagkakaupo niya ang nanay ni Danerie. Halatang galit sa sinabi niya sa kanila lalo na dito. Well, sino bang matutuwa este magiging defensive kapag cinall out ka sa bad parenting mo?
“Bastos ka! Anong sinasabi mong hindi magiging masaya ang anak ko sa plano namin para sa kanya ng Daddy niya? Anong alam mo sa pagiging magulang ha? Ikaw ba nagdala sa kanya ng siyam na buwan? Hah! Hindi mo maiintindihan at never mong maiintindihan at mararamdaman ’yon gaya ko na nagdala sa kanya ng nine months dahil bakla ka!”
Huminga ng malalim si Vee at saglit na pumikit. Alam niya, at some point, maririnig niya ang salitang ’yon sa kahit na sino sa kanila at akala niya kaya niya pero masakit pa rin pala, lalo pa at ganito ang trato sa kanya ng magulang ng kanyang nobyo na hindi niya nakitaan ni minsan ng kahit na anong katiting na pandidiri o pangliliit sa gaya niya. Minsan nagtataka siya kung talaga bang hindi pwedeng mamunga ng mangga ang santol.
“Hindi naman po ’yon ang—”
“At sumasagot ka pa? Ano bang nakita sa’yo ng anak ko at sa dinami-dami ng babaeng pwede niyang pag aksayahan ng oras ay sa katulad mo pa siya bumagsak? Ginayuma mo ba ang anak ko o baka naman binilog mo ang utak ng anak ko kaya ganuon nalang ang pagtatago niya sa’yo sa amin na handa siyang magpabugbog para lang hindi namin malaman nasaan ka? Hah! Saang klaseng household ka ba galing at mukhang hindi ka naturuan ng maayos ng magulang—.” tumayo si Tryke para awatin ang ginang dahil sumosobra na ito sa kanyang pananalita. Kilala niya si Vee. Alam niyang hindi itong ganuong klase ng tao gaya ng pinaparatang ng mama ni Danerie at alam din niya na malapit na ding pumatol si Vee.
Oo, tatanggapin niya ang ano mang panglalait tungkol sa kanya pero kapag nadamay na ang mga taong hindi naman dapat idamay sa argumento, ibang usapan na ’yon. Sobra na ’yon.
“Mawalang galang na po, Mrs. Del Rosario kahit mukhang hindi ninyo deserve ni katiting na respeto mula sa akin mula sa ginawa ninyo kay Wais at ngayon naman sa pagsasalita ninyo ng wala naman kayong alam tungkol sa magulang ko. Tinatanong ninyo po ako kung anong alam ko sa pagiging magulang? Hindi ko ho kailangang maging magulang para hindi ko makita nasaan ang passion ng anak ninyo. Kahit naman sino yata na malapit sa kanya alam nasaan ang kasiyahan niya but I guess hindi ninyo alam kasi busy kayo sa mga trabaho ninyo. ’Ni minsan ho ba kinausap ninyo ng kayo lang ang anak ninyo ng hindi ninyo nine-neglect ang mga sinasabi niya inyo? ’Na hindi ninyo siya pinagtataasan ng boses? I get it, nakakapagod mapunta sa sitwasyon ninyo. Magpatakbo ng company para mabigyan ng magandang buhay si Wais but is that all he needs? ’Ni minsan ho ba, sinubukan ninyong alamin ano mga hilig niya? Sino mga kaibigan niya? Ano balak niya sa buhay outside the fact na siya ang tagapagmana ng kompanya ninyo?”
Nilipat niya ang tingin niya sa tatay ni Danerie na umiwas ng tingin sa kanila ng marinig nito ang mga sinabi niya.
“Akala ninyo po ba maitutuwid ng pananakit ninyo ang utak ni Wais? 2019 na po kung hindi pa kayo updated. Hindi na po tama na sinasaktan ang anak as a form of pagmamahal at para matuto sila sa kasalanan na in the first place, hindi naman matatawag na kasalanan. That’s abuse of power as a parent! Lalo ninyo lang ho pinapalayo ang luob ng anak ninyo sa inyo. Ganyan po ba kayo pinalaki ng magulang ninyo kaya ganyan ang trato ninyo sa kanya na parang hindi siya nanggaling sa inyo? Hindi na po bata ang anak ninyo para bilugin ko ang ulo niya gaya ng pinaparatang ninyo sa akin. He’s already of legal age. Alam niya na ang tama sa mali. I truly love your son, Mr. and Mrs. Del Rosario and I know whether you deny it or not, na kita ninyo rin sa kanya na mahal niya ako. We’re just staying true to ourseleves. We just want to be happy. I, just wants him to be happy kaya kahit saan ho tayo makarating, ilayo ninyo man po ang anak ninyo, I know he and I will find a way to find each other.”
“At sa tingin mo mangyayari talaga ’yang sinasabi mo? Gosh! Wake up! There’s a lot of fish in the sea. Hindi titigil sa’yo ang mundo ng anak ko. He’ll find someone new just like you kaya itigil mo ’yang pagiilusyon mo na kayo hanggang dulo. You’re both men!”
Biglang bumukas ng malakas ang pinto.
“No! She’s who she is, Ma. You’re not the one to speak on my behalf of how I see Vee. Yes, there’s plenty of fish in the sea but she’s not just anyone. She’s not just a fish either but the ocean itself. The ocean I need as a fish to live. Hindi ako papayag at ayaw kong maghanap ng iba bukod kay Vee. I promised her and I am willing to fulfill it.”
“Danerie James!” sita ng mama niya sa kanya.
“Didn’t we tell you to stay where you are? Bakit ka nandito? There’s nothing you could do or this boy infront of us to change our minds! Iiwan mo ’tong kalokohan mo na ’to dito at aalis tayo pa-Amerika. You will start fresh. Kailangan mong bumawi sa mga ginawa mong disappointment dito.” segunda ng kanyang ama.
“Wais,” nakatitig lang si Vee sa nobyo ng tuluyan na itong tumabi sa kanya at hawakan ang kamay niya.
“Sorry, pinag alala kita at ganito pa trato nila sa’yo,” he replied, followed by an apologetic, longing smile.
“It’s okay. Ikaw naman pinaglalaban ko.”
“And I won’t let it go to waste.”
“Danerie! Anak! Why are you taking that faggot’s side? We didn’t raise you para lang sagut-sagutin kami!”
“Ma? Seriously? Wala na ba kayong alam na pwedeng ibato sa kanya kundi ’yang salitang ’yan? How about you call me that too since I’m not going to change my mind. I love Vee! Can’t you see that? Kahit isama ninyo ako sa Amerika, hindi nu’n mababago isip ko gaya ng gusto ninyo. Siya lang gusto ko, Ma! Bakit hindi ninyo maintindihan? Uh, yeah right. Busy kasi kayo lagi. Wala kayong time sa akin kahit na nagiisang anak ninyo lang ako. And because hindi din naman kayo ang nagpalaki sa akin kaya hindi ninyo talaga ako maiintindihan. It’s Lola and Lolo who did. Naaalala ninyo lang naman ako kapag kailangan.”
“You! You don’t talk to your Mom like that!”
“This is all your fault!” susugurin na sana ng ginang si Vee kaso mabilis na iniharang ni Danerie ang sarili, dahilan para siya ang sumalo ng sampal ng ina na para sana kay Vee. Nanlaki parehas ang mata ni Vee at ng mama ni Danerie sa pangyayari.
“Wais,”
“Anak, I’m sorry. I didn’t—”
“Did you just slap my apo?” nalipat ang tingin nilang lahat sa sunod na niluwa ng pinto. Halata ang gulat sa mukha ni Vee ng makita ang matandang couple na nasa harap niya. Hindi siya pwedeng magkamali! Sila ’yung tinulungan niya kanina bago siya nakarating dito sa boot camp!
Anong ginagawa nila dito? And did she just say apo? ani Vee sa sarili. Sunod siyang napatingin sa nasa likuran ng mga ito at nakita sila Oheb na sinesenyasan silang lumabas ng dalawa sa silid.
“Tara na, babe.” saka lang siya natauhan ng marinig niya ang sinabi ng nobyo.
“Huh? Pero..”
“Tara na. Kaya na nila Lola ’yan.” sagot nito at agad siyang hinila palabas ni Danerie. Sinubukan pa silang pigilan ng mga magulang nito pero agad itong pinigil din ng mga kaibigan at hinayaan silang tumakbo palabas ng boot camp.
“Kami ng bahala dito. Sige na. Mag moment na kayo,” sabi ni Kairi kasama si Eyon ng makalabas sila ng gate at makitang kasama nito ang mga bodyguard na ngayon ay hinayaan lang sila at inabot kay Danerie ang isang susi para sa itim na bugatti na nakaparada.
“Enjoy, Mamshoe!” sigaw ni Eyon bago pa tuluyang makalayo ang kotse na ngayon ay minamaneho ng nobyo.
Tahimik lang na sinundan ni Vee si Danerie ng huminto sila sa tapat ng ice ream house. It wasn’t just any ordinary ice cream house. Okay, maybe it was ordinary, but this is exactly where they first met. Nagbigay ’yun ng kakaibang goosebumps kay Vee lalo pa at ng makita niya ’yung bougainvillea na mala cherry blossom na bumagsak sa kanila ang bulaklak ng nasabing puno ng araw na ’yon.
“Vee,”
“Hmm?”
“Tara date.”
“Saan? Eh sarado na ’tong ice cream house.”
“Kahit saan basta kasama ka.”
“Wais,”
“Pasensya ka na sa magulang ko. Kabilang sila sa mga taong hindi maiintindihan kung anong meron tayo… meron, meron pa namang tayo, ’di ba?”
“Oo, makikita mo ba akong nakikipag away sa mama mo kung wala ng tayo?”
“Sabagay,”
“Pero kahit wala ng tayo, ipaglalaban pa rin kita kasi mahal kita.”
“Vee..”
“Mahal na mahal kita, Wais. Ayaw kitang mawala,” tuluyan ng bumagsak ang mga luha ni Vee na kanina niya pa pinipigilan.
“At mahal na mahal din kita, Vee. Ayaw kong malayo sa’yo. Sa totoo lang habang ginagawa na namin ’yung video record ko para sa’yo kung saan nagpapaliwanag ako bakit bigla akong nawala, at ng makita ko si Tori na hinahabol nila, alam kong chance ko na ’yun para tumakas. Para puntahan ka. Para itanan ka,” nangiti sa huli niyang sinabi.
“Gago mo naman, Wais eh!”
“Vee, sabihin mo lang na hindi mo ako iiwan, mananatili ako sa tabi mo hanggang dulo.”
Natahimik si Vee. Sasabihin ba niya?
“… Vee?”
“Pinapapunta ako ni Mama sa Japan. Inofferan niya akong duon magtrabaho pagka graduate ng Masters.”
Si Danerie naman ngayon ang natahimik.
“S-seryoso?”
Tumango siya pero agad na niyakap ang binata at siniksik ang sarili sa balikat nito.
“Pero ayaw ko! Ayaw kitang iwan.”
“Vee,” naiyak na din si Danerie, isipin palang niyang iiwan siya ng nobya kung anu-ano ng negatibong bagay ang naiisip niya, “Pero mas maganda ang opportunity mo du’n hindi gaya dito. Ayos lang, Vee. Makakapag hintay naman ako. Hindi mo naman ako pagpapalir, di ba?”
“Wais! Ano ba? Anong magagawa ng magandang opportunity sa akin kung wala ka?”
“Kakayanin naman siguro natin… mag ano.. mag long distance relationship. Kinaya nga natin ’to eh bakit hindi ’yung para sa ikabubuti mo?”
“Wais..”
“..Vee.”
“Paano kung.. “
“Kakayanin natin, Vee. Alam kong maaaring hindi maging sapat ’yung tiwala at pagmamahal natin para sa isa’t-isa para sa mga pangarap natin pero kakayanin natin. Kakayanin kasi mahal kita, Vee at kundiman…”
Humigpit ang yakap nila sa isa’t-isa habang unti-unting lumalakas ng ihip ng hangin. Hinayaan din nilang maging iisa ang ritmo ng tibok ng kanilang puso kahit na naglalaglagan na ang mga bulaklak ng bougainvillea sa kanila, naririnig ang mahinang pagkulog mula sa kalangitan at unti-unti ng nagtatago ang mga bituin pati na din ang buwan mula sa pasimulang ulan.
“Wais,” tawag ni Vee sa nobyo dahil nararamdaman na niya ang patak ng ambon sa kanila.
“Dito lang muna tayo, please.”
Saglit na pumilgas si Vee kay Danerie at hinaplos ang mukha nito. Nagtitigan sila na parang wala ng bukas para sa kanila.
“Vee,”
“Hmm?”
“May.. nakipag sayaw na ba sa’yo dati?”
Nahihiyang umiling si Vee.
“Talaga?”
“Oo. Hindi naman kasi ako umattend ng prom ng high school saka as if namang may makikipag sayaw sa akin eh babae lang pwede sa ganu’n kapag prom.”
“Buti naman.”
“Huh?”
Nagtatakang tinignan ni Vee si Danerie ng iposisyon nito ang mga sarili nila na parang magsasayaw ng sweet dance sa prom. Agad siyang pinamulahan.
“H-hala, Wais! Parang tanga ’to! Wala namang music saka baka may makakita sa atin!”
“Magtiwala ka sa akin, Vee.” sabi nito bago nag hum ng isang pamilyar na kanta.
Para kang asukal
Singtamis mong magmahal
Para kang pintura
Buhay ko, ikaw ang nagpinta
Para kang unan
Pinapainit mo ang aking tiyan
Para kang kumot
Na yumayakap sa tuwing ako’y nalulungkot
Kaya’t ’wag magtataka
Kung bakit ayaw kitang mawala
Kung hindi man tayo hanggang dulo
’Wag mong kalimutan
Nandito lang ako, laging umaalalay
Hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw
’Di baleng maghapon pang umulan
Basta’t ikaw ang sasandalan
Liwanag ng lumulubog na araw
Kay sarap pagmasdan
Lalo na kapag nasisinagan ang iyong mukha
Ayoko nang magsawa
Hinding-hindi magsasawa sa ’yo
Kaya’t ’wag magtataka
Kung bakit ayaw kitang mawala
Kung hindi man tayo hanggang dulo
’Wag mong kalimutan
Nandito lang ako, laging umaalalay
Hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko
Bahala na
Ayoko munang magsalita
Hayaan na muna natin ang daloy ng tadhana
Kung ’di man tayo hanggang dulo
’Wag mong kalimutan
Nandito lang ako, laging umaalalay
Hindi ako lalayo
Kung hindi man tayo hanggang dulo
’Wag mong kalimutan
Nandito lang ako, laging umaalalay
Hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin
Dahil ang tanging panalangin
Ay ikaw
Ay ikaw
Ay ikaw
Ay ikaw
“Happy monthsary, Vee,” sabi ni Danerie, kahit na napaka unromantic ng kanilang sitwasyon dahil umuulan at matapos ng mga nangyari pero para kay Vee, ’yun ang pinaka romantic at memorable para sa kanya, para sa kanila ng nobyo.
“I love you, Wais.”
“I love you too, Vee.”
BTC 14: ENDGAME
“Sir,” tawag ng sekretarya ni Danerie sa kanya na kapapasok lang ng kanyang office.
“Hmm?” patuloy lang siya sa pagta-type sa harap ng kanyang laptop. ’Ni hindi man lang nito tinapunan ng tingin ang kanyang sekretarya. Hinahabol kasi niyang matapos ang ginagawa niyang powerpoint para sa meeting mamaya with the investors.
Kahit kasi siya ang CEO sa kompanyang pagmamay-ari niya ay sinisigurado niyang hindi niya iaasa lahat ng gawain sa iba. Afterall, being a CEO doesn’t mean wala ka ng ibang gagawin kundi umattend lang ng meeting at magpa-pogi kung kani-kanino.
“Magsend na po ba ako ng email na hindi kayo makaka attend ng after party?” tanong nito. Concern is obvious in his secretary’s eyes. Saka palang siya nag angat ng tingin para tignan ito bago ilipat ang tingin sa hawak nitong magazine kasama ang iilang papers na nakaipit sa clip board. Agad na napataas ang kilay niya.
“Sir?”
“Saan galing ’yang hawak mo?” tanong niya.
“Ah, binili ko po ito du’n sa ministop sa baba. Bakit po?”
“Kailan pa nagkaruon nyan duon?”
“Uh, today lang po, Sir.”
Nagtaka ang sekretarya niya sa kanya dahil tila ba napaka lalim ng iniisip ni Danerie habang nakatitig pa rin sa magazine na binili niya kung saan ang cover ay ang paborito niyang E-Sports player na si Ohmyv33nus. No, scratch that. Isa na pala ’tong professional E-Sports coach ngayon.
Hindi siya nag atabuling makipag agawan at bumili agad nito kanina ng nakita niya sa rack ng ministop lalo pa at para sa kanya sobrang ganda at unkaboggable ng dating nito sa cover. Kahit kaliga niya ito ay hindi mapagkakailang may crush siya dito. Sino bang hindi? Eh, napaka dyossa nito tignan.
“Meron pa bang naiwan du’n pag alis mo?”
“Uhm,” nagdadalawang isip na tinignan ni Mimi ang kanyang boss. May isang taon na din siyang nagta-trabaho bilang sekretarya nito pero ni minsan hindi niya nakitang naging interesado sa kahit na sino ang kanyang boss kaya hindi niya alam paano niya ito tatanungin ng hindi at stake ang trabaho niya. Sa huli wala siyang nagawa kundi tanungin din ito, “… fan din po ba kayo ni Ohmyv33nus, Sir?”
“I guess, you could say that.” maiksi nitong tugon bago muling tumingin sa hawak na magazine ni Mimi, “Could you do me a favor? Mag rounds ka ngayon sa building at kapag may nakita kang may hawak ng gaya mo na magazine at lalaki, I mean, a straight one please confiscate it and tell me their names.”
“Po?” nanlaki ang mata nito sa gulat sa nirequest ng kanyang boss. Is he interested to my idol? tanong niya sa sarili.
Paglabas ni Mimi ng office ni Danerie ay napabuntung-hininga na lamang siya na puno ng katanungan sa isip dahil sa nirequest nito sa kanya na gawin niya. Panigurado magtataka din ang mga kapwa niya empleyado gaya niya at hindi na siya magugulat kung may mga magalit sa boss nila. Bakit naman kasi ganito ang utos nito?
Buti na lang at single ang kanyang boss dahil kung hindi, iisipin niyang possessive na boyfriend si Danerie (kung sakali mang in-relationship sila ng kanyang idol).
Nakapagtataka lang dahil hindi nito diretsong sinagot ang tanong niya sa kanya kung fan ba siya ni Ohmyv33nus o hindi.
Of course, not setting aside and forgetting the fact na isa sa sponsor ng grupong cino-coach nito na Blacklist International ay ang company nila pero ayaw niya munang mag isip ng kung ano. Mahirap na baka mamaya mali siya ng iniisip. Nakakamatay din pagiging assuming ’no sabi sa balita.
Buti na nga lang din at gwapo ang boss niya kaya kahit maging possessive ito sa maging partner niya ay ayos lang. Medyo double standards tayo dun ah. Ehem.
Thou, hindi naman siya magpapaka anghel para sabihing hindi niya crush ang boss niya but still, she have to be professional in her line of work. Hindi naman siya dito nandito para makipag landian. She’s here to earn money and hone her career years.
Pero minsan hindi niya maiwasang mapa isip kay Danerie. Napaka mysterious kasi nito para sa kanya bilang boss compare sa mga nauna niyang napagtrabahuan.
Common knowledge sa lahat ng nakaka kilala sa boss niya sa business world na single ito pero kung umasta akala mo ay may asawa at labing-apat na anak. Sobrang professional nito, pwede na ngang matawag na nonchalant dahil ni minsan hindi niya nakitang nakipag landian or nag take advantage sa mga empleyado niya gaya ng mga dati niyang naging boss kahit ba na may mga halatang nagttry na lumandi dito. Hindi naman ito masungit. Mabait ito pero strict pagdating sa work ethics kaya hindi nakapagtatakang sobrang taas ng trust na meron ang mga business partners nito sa kanya at maging ang mga consumer nila sa company nila.
Feeling nga niya bahay-trabaho lang ang kanyang boss pero ehem, hindi siya sure gaya nalang ng sexualidad meron ang kanyang boss kasi sobrang allergic nito pag nadidikitan ng iba lalo na kapag babae.
Nagtry na siya nuon na maghanap ng kahit na anong details meron ang boss niya kaso walang lumalabas sa google or kahit na anong social media platforms. Medyo parehas nga sila ni Ohmyv33nus thou ’yun namang idol niya may specific year lang na walang kahit na anong information kang mahahanap. 2019-2020. Wiped out. Thou may mga nabasa siyang chismis sa mga napapasukan niyang platform na may naging nobyo nga ito nuon na naging pioneer member ng Blacklist International na Wais ang pangalan pero hanggang duon lang. Walang picture or kahit na anong information ang lumalabas. Mukhang sinadyang alisin ang lahat ng tungkol sa kanila nuon sa kung ano mang dahilan.
Sa ngayon ang front members ng Blacklist International ay sila Edward, Oheb, Hadji, Yue at Dlar. Thou may iilang members pa bukod sa kanila na kilala niya at ng lahat, may isang member sila na sadyang hindi nila pinapakita sa camera. Para sa mga OG na fan ng nasabing grupo, malakas ang speculation ng mga ito na ’yun ang nobyo ng kanyang idolo na si Wise. Marami kasing naniniwala na hindi ito umalis ng Blacklist, sadyang ayaw lang nito sa limelight. Marahil ay gusto lang nito na makasama kung nasaan ang kanyang nobyang si Ohmyv33nus kaso wala nga lang makapag confirm dahil mailap ang nasabing member.
Halos may dalawang oras din siya bago natapos sa iniutos sa kanya ni Danerie at pagbalik niya sa sarili niyang office ay agad siyang sumalampak sa kanyang upuan.
“Nakakaloka! Iba talaga kamandag ni Idol! Ang dami pala naming fans niya dito sa office lalo na lalaki! Pero ang mas nakakaloka sabi ni kuya du’n sa ministop kanina sampu lang ’yung copies na meron sila eh ano ito? Lagpas sampu nakuha ko! My gosh! ’Yung kakapa-barbie arms ko lang na braso feeling ko matatanggal na!”
Natigil siya sa paghihimutok ng biglang tumunog ang telepono sa desk niya. Agad naman niya itong sinagot.
“Sir Tryke, kayo po pala! About po ba ’to sa after party? Hindi pa po kasi nagco-confirm si Sir Danerie… po?” nanlaki ang mata ni Mimi sa gulat sa narinig na sinabi nito at agad napapunta sa harap ng kanyang computer. Napanganga siya ng makitang trending ang boss niya sa twitter at ng tignan niya ang context kung bakit, napatampal siya sa kanyang nuo.
Oh no! Nawala sa isip niyang maaaring may magdala ng inis nila sa inutos nito sa kanya kanina sa social media. Shit, nakalimutan niya silang paalalahanan o pagsabihan tungkol dito. Paano na?
“… eh, ’yun na nga po. Hindi ko rin alam bakit niya inutos ’yon sa akin… po? Teka lang, now na po? Eh may meeting po si Sir by 2:30! Hindi ko po pwedeng basta-bastang i-cancel ’yun ng hindi ko naco-confirm sa kanya, alam ninyo naman po siguro ’yun.” nagpa panic at halata na sa boses niya ang stress habang kausap nito ang nasa kabilang linya. Hindi niya malaman ang gagawin dahil in less than 20 minutes, magdadatingan na ang mga board members para sa meeting at hindi niya alam paano ica-cancel ang nasabing meeting para sa pagdating ng diumano eh mahalagang tao sa buhay ng kanyang boss.
Sino ’yun? tanong niya sa sarili. Hindi kaya parents niya at nakita ng mga ito ang pangalan ng boss niya na nagt-trending sa twitter? Thou never niya pang nakita ang mga ito na bumisita or kahit na sinong family member or friends nito sa office.
Biglang may nahagip ang mata niya na naka side view mula sa kanya at mala model kung maglakad papunta sa office ng kanyang boss sa labas ng office niya.
Sino iyon? Wala akong maalalang may naka appointment sa kanya ng ganitong oras or rather ’yung mismong aattend ng meeting ng hindi muna dadaan sa akin? ani nito bago mabilis na nagpaalam kay Tryke at nagmamadaling lumabas ng kanyang office para habulin ang nasabing myterious visitor.
Naamoy niya ang pabango nitong naiwan sa dinaanan nito at hindi niya mapagkakailang the visitor smells expensive however why does it smells familiar? Para bang kaamoy nito ang pabango ng kanyang boss? Don’t get her wrong, gaya ng nasabi, naiwan ang amoy nito pares ng sa boss niya sa dinadaanan nila that’s why she knows.
“Ma’am, excuse me!” tawag niya pero nabuksan na nito ng medyo may kalakasan ang pinto sa office ni Danerie. Bahagya siyang napapikit dahil alam niyang magsusungit ang kanyang boss dahil ayaw na ayaw nito na biglang binubuksan ang pinto ng office niya withou a knock, talk about manners, however what she didn’t expect was to hear a sweet, surprised tone coming from him.
“Babe!”
“H’wag mo akong matawag-tawag na babe, Wais! What the hell did you do? Ang daming nagagalit sa’yo na empleyado mo sa twitter!”
Saglit na nag loading ang utak niya sa narinig. What? Babe? Wais?
Nakalimutan niyang nakatayo pa rin siya sa pinto habang may tension na namumuo between Danerie and the mysterious visitor.
“Bakit sa akin ka nagagalit? Dapat nga ako magalit sa’yo. Bakit naman ganu’n suot mo du’n sa magazine cover? Kita balat mo!”
“Wais? Unting balat lang ’yun! Para nga akong babakunahan du’n sa suot ko hindi naman kita kabuuan ko na araw-araw, gabi-gabi mo nakikita,” namumulang rason ni Vee, hindi makatingin ng diretso kay Danerie.
“Kahit na! Buti sana kung kasama mo ako du’n sa picture! Kaya siguro pinaalis mo ako agad ng hinatid kita du’n sa shoot mo.”
Napanganga naman si Vee sa narinig.
“Wais? Selos much? Baka nakakalimutan mo mag asawa na tayo huy! Tumigil ka dyan!”
Inirapan ni Danerie si Vee. Halatang ayaw magpatalo sa argument nila ng asawa. Oo, mababaw pero mula nuon hanggang ngayon, anu’t-ano pa man ang dahilan basta si Vee ang kasali sa usapan, magseselos at magseselos siya. Sa kanya lang ang asawa niya. Kung pwede nga lang itago niya ito to everyone kaso ayaw naman niyang pigilan ang asawa sa ikasisiya nito but still.
Sabay silang napatingin ni Vee ng biglang may tumunog na alarm. Saka lang nila napansin ang presence ng kanyang sekretarya na nakatayo pa rin sa pwesto nito pero ngayon ay abot sahig na ang panga sa sobrang gulat sa nakitang nakatayo sa harapan niya na kausap ng kanyang boss.
Sino bang hindi? Iniidolo lang naman ng kanyang sekretarya ang asawa niya.
Tumikhim si Danerie.
“U-uh, sorry po… ano, uh, gusto ninyo po i-cancel ko ’yung meeting?”
“Ye—”
“No, you don’t have to.” sabay lingon ni Vee sa asawa, “Deal with your meeting first. We’ll continue later.”
“Babe!” nakabusangot nitong maktol.
“I said, later.” mataray nitong tugon sa pagmamaktol ng asawa bago ito lapitan at halikan sa labi. Mabilis lang dahil ramdam ni Vee na nakatingin pa rin ang sekretarya nitong in shock pa rin sa nalaman niya about sa kanila. Sino bang hindi? Sa sobrang lowkey nila hindi mo aakalaing merong ‘sila’ at mag asawa sila. May binulong pa si Vee sa asawa bago umalis at mabilis pa sa alas kwatro itong tumangu-tango ng may pag ngising wagi. Napatawa nalang siya sa isip bago lumakad palabas ng office kasabay ang sekretarya nito.
“Uh, Mimi? Is it okay if mag stay muna ako sa office mo while waiting for Wais?”
“Y-Yes, Madamè!” mabilis at malakas niyang sagot. Hindi naman napigil ni Vee ang tawa niya dahil kita niya sa sekretarya ng asawa ang pagka starstruck nito sa kanya.
“Hey, it’s fine. No need to be nervous. Hindi ako nangangagat (unless si Wais ka). And please call me, Vee, okay?”
“Yes po, Mada— este Sunee, este— Vee!”
“’Yan. Thank you, Mimi. Also, if it’s not too much to ask, can you call ’yung mga may-ari ng cinonfiscate mo kanina na magazines na ako ’yung cover, pati na din ’yung mga female and gaya natin na bet ako. Please don’t let them know muna na ako ang nagpapatawag sa kanila. I want it to be a surprise as a compensation sa kalokohan ng asawa ko. Thank you. Also, please wait for me sa function hall. I’ll sign these magazines muna na nakolekta mo and yours na rin kung meron ka.”
“O-Opo! Meron ako! Oh my god!” kinikilig sa saya na saad ni Mimi. Parang balak na nga nito magtata-talon sa tuwa kundi lang siya naka heels, “Thank you, Miss Vee! Oh my god! Pangarap ko po talaga kayong makita dati pa kaso puno lagi sched ko at ngayon nasa harapan ko na kayo at asawa pala kayo ng boss ko… oh my god! Pwede pong payakap? Ma-make sure ko lang na totoo po ito at hindi ako nananaginip?”
Nangiti lang si Vee at siya na mismo ang yumakap sa sekretarya ng asawa niya dahilan para lalong ma-cloud 9 ang pakiramdam nito. Hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari.
“Okay na? Hindi ka nananaginip, Mimi. Totoo ito kaso nakakatampo ka,” nakanguso niyang sabi.
“Po? Bakit po?”
“Hindi mo ba naalala sino nag interview nuon sa iyo ng nag apply ka kay Wais?”
Saglit na napabitaw si Mimi kay Vee habang inaalala ’yung araw ng final interview niya. Nanlaki ang mata niya ng marealise ang sinabi sa kanya ni Vee.
“K-kayo po ’yun?”
“Yes. Ako ’yung last na nag interview sa inyo behind those one-way mirror kung saan kayo na group interview ng mga kasama mo for the position. I remember may kasabayan ka din na gaya nating dalawa but above all of them ikaw ang mas nangibabaw sa kanila sa naging sagot mo sa tanong ko and I am pleased sa performance mo since you got hired and as well as my husband. It’s really nice to have you here, Mimi.”
Napanganga ang sekretarya sa narinig. Never did she imagine na makikita at mayayakap niya ng personal ang idol niya and to hear her commend her of her job is literally like she’d done something so big and so great in her past life.
Nanlaki ang mata ng mga nasa luob ng function hall ng makita nila sino ang nasa harapan nila. It was so cute seeing the genuine shock and excited faces of her fans. Of course, wala ng inaksaya pang oras si Vee at nakipag interact sa mga ito and changed the perspective of the employees that almost had a bad blood with their boss.
And yes, ang alam lang ng mga ito ay pa-surprise pala ito sa kanila ng kanilang boss so all of them who ranted in twitter earlier immediately changed their narrative. Thou tanging si Mimi lang ang may alam ng totoong dahilan bakit ’yon ginawa ni Vee, at dahil ayaw nitong may nagagalit sa asawa hindi dahil sa reputasyon ng kompanyamg hawak nito and siya lang din ang nagiisang may alam na kaya din ito ginawa ng idol niya ay dahil asawa niya ang usapan dito.
Of course, she wants to protect his husband from everyone pretty much how he also does the same thing to her.
Nakangiting pinagmamasdan lang ni Mimi ang mga nangyayari sa harap niya habang tinatanong ang sarili at kung sino man ang maaaring makarinig sa kanya na,“Earth, when naman ako? Baka naman!”
Muntikan ng lumabas ang puso niya sa ribcage ng may magsalita sa tabi niya. Paglingon niya ay nakahinga siya ng maluwag ng malaman niyang boss niya ito.
“T’chk, binilisan ko ngang matapos ’yung meeting ko tapos siya naman ’tong busy! Iyak malala sa gedli. ’Di na ako mahal ni Vee,” nakangusong maktol ng boss niya.
“Sir?”
“Hirap talaga kapag may asawang maganda tapos mabait pa! ’O, ano ’yan? Bakit may pa double take ng picture? Crush yata nito asawa ko eh!”
Halos mapanganga si Mimi sa pagiiba ng personality ng kanyang boss. Para bang ’yung mga batang tambay ng comp shop ang salitaan nito pero at the same time natatawa at kinikilig siya sa pagiging showy nito sa pagiging seloso sa asawa niya.
“Masaya lang sila, Sir. Hindi kasi nila akalain na may pa-surprise ka pala sa kanila at si Miss Vee pa pati. Akala ko nga magkakaruon na ng mass resignation bago matapos ang araw na ito,” pabirong sabi niya.
Napa ismid si Danerie.
“Ah basta, sa bahay pa rin namin uuwi ’yan si Vee kahit gaano pa karami gawin nilang take ng picture kasama siya.”
Napangiti nalang si Mimi dahil wala. Mukhang kapag si Vee talaga ang usapan hindi magpapatalo ang isang Danerie. Ngayon naiintindihan niya na kung bakit ganito ang boss niya na muntikan niya pang pagkamalan na hindi straight, because for Mimi, he sees him as a straight man who fell inlove to Vee, na hindi porket nagmahal ka ng isang bakla masasabi na agad na bakla ka din ito dahil minsan, may mga tao talaga na makikita ang gaya nila na higit sa pagiging kasapi ng third gender at mamahalin sila ng gaya ng sa mga straight na indibidwal.
“Kaya ikaw, ’wag ka mawawalan ng pag asa. May darating din na para sa iyo. Kailangan mo lang maghintay at piliin maigi ang paglalaanan mo ng oras at puso mo.”
“Yes, Sir. Thank you po.”
“No, thank you. Thank you sa mga gaya ninyong nananatiling matatag at totoo sa sarili. Sobra kong naa-appreciate ang mga katulad ninyo ng asawa ko.”
After makipag interact ni Vee sa mga empleyado ng kanyang asawa ay agad na silang umalis ng company ni Danerie para tumungo sa after party ng Blacklist. Nanalo kasing world champion ang mga ito sa katatapos lang na MLBB season.
“Sa susunod kapag may photoshoot ka ulit, hindi na muna ako aalis hanggat hindi ko nakikita ipapasuot sa’yo,” nakangusong sabi nito habang nagda-drive.
“Wais, ang OA!” nakatawant sabi ni Vee.
“Anong OA du’n? Mamaya, sa susunod pagsuotin ka na ng dress du’n ng pagka ikli-ikli,”
“Ay, ’yan naman ang ’di ako papayag! Graduate na ako d’yan. Alam mo ’yan. For your eyes only nalang mga ganu’n ko.”
“Dapat lang ’no! Ako asawa dito.” nakangising sabi nito na may pagtaas pa ng isang kilay niya. Lalong natawa si Vee kapag kuwa’y namula.
“Ewan ko sa’yo, Wais! Ang manyak mo!”
“Gusto mo naman,”
“May sinabi ba akong hindi?”
“Yown! Kaya sa’yo talaga ako, Lods!”
“Bolero!”
“I love you.”
“I love you too.”
Mabilis na hinalikan ni Danerie ang asawa sa labi nito na kinagulat ni Vee.
“Wais! Maaksidente tayo ha,”
“Naka red light, Vee.”
“Kahit na. Mamaya may makakita sa atin.”
“Kahit maglumpasay pa sila wala akong paki,” sagot nito at muling ninakawan ng halik si Vee.
This time ay nangiti nalang si Vee bago hawakan ang panga ni Danerie para iharap sa kanya ang asawa. Tinitigan niya ito na nakatitig na din sa kanya bago halikan ito sa labi. Napangiti si Danerie.
“Thank you, Wais.”
“No, ako dapat mag thank you sa’yo. Kung hindi mo ako binangga ng araw na ’yun sa ice cream house baka hanggang ngayon hindi ko pa rin alam trip ko sa buhay.”
Mapaglarong inirapan ni Vee si Danerie.
“Ako pa ha? Sino kaya ’tong hindi tumitingin sa dinadaan niya?”
Hahalikan na sana ulit ni Vee ang asawa ng bigla nalang bumusina ng malakas ang nasa likuran nila na kotse. Napatawa nalang si Danerie ng makita niya ang inis na mukha ni Vee.
“’Yan kasi, ang landi eh!” biro niya.
“T’chk,” agad binaba ni Vee ang bintana ng shotgun seat at bahagyang nilabas ang ulo niya para makaganti sa bumusina sa kanila, “TANGINA MO!”
Napailing nalang si Danerie sa asawa ng may ngiti sa kanya labi at nag follow up ng bumusina para supportahan ang asawa.
Hanggang ngayon hindi siya makapaniwala na asawa niya na ito matapos ang mga pinagdaanan nila. Akala nila hindi nila kakayanin lalo pa ng tuluyan silang nalayo sa isa’t-isa. Tinuloy kasi ng magulang niya na dalhin siya sa Amerika matapos ang gabing ’yon. Akala niya tuluyang naging matigas ang puso nito sa kanila pero nagkamali siya dahil habang nasa Amerika siya at duon niya pinagpatuloy ang pag aaral sa napili niyang kurso at hindi sa kursong gusto ng magulang niya ay ni minsan hindi siya nito hinayaan na makipag landian kahit kanino kahit pa may mga times na pakiwari niya ay hahayaan nila siya pero hindi. Pinag focus siya ng mga ito sa pag aaaral at paghahandle ng business. Hinayaan lang din nila siya na maglaro kasama ang mga kaibigan sa Pinas at ipagpatuloy ang relasyon niya kay Vee.
May mga times na aminado siya, lalo na kapag hindi niya nakakausap ang nobya bukod sa malayo sila sa isa’t-isa ay nate-tempt siyang tumingin sa iba pero mamma mia! Nang minsang madulas si Vee sa kanya ng magkausap sila sa Skype ng nasa Japan na ito about sa event na aattendan niya dahil sa sobrang antok nito habang tinatapos ang ginagawa niya ay nabanggit nito ng hindi sadya ang about sa other persona niya kaya dali-daling napa-book ng flight ang binata at pinuntahan ang nobya para ipaalam sa lahat na siya ang nobyo nito at off-limits na ang kasintahan sa kahit na sino. Because at that very moment, he knew, he needs to put a ring on her. And of course, that very same day, the King secured the Queen in his hold. Minarkahan ang mare ninyong Vee at pinangakong after college ay pakakasalan niya ito, na siya namang nangyari and this time around ay parehas na nilang nakuha ang blessing mula sa kanilang mga magulang. Ang parents pa mismo ni Danerie ang nagbanta sa kanya na kung magloloko siya ay ipapakain nila ito sa pating.
Of course, there are other things din na nangyari during their relationship na muntik ng magpahiwalay sa kanila but they remained their trust and love for one another and so, here they are, happily married to each other. Wala na silang ibang mahihiling pa other than sana sa susunod na buhay, pagtagpuin ulit sila sa ilalim ng bouganvillea at muling magkasama sa mahabang panahon.
Agad nilingon ni Vee si Danerie ng may ngiti ng marinig niya ang naging wedding song nila na pinlay ng DJ sa estasyon na pinapakinggan nila. It was Ikaw Lamang by Silent Sanctuary. It was their love’s anthem.
“I love you, Wais.”
“I love you too, Vee.”
“Forever?”
“Endgame.”
They shared a sweet, quick kiss before laughing on how coincidentally, a flying piece of flower from a bougainvillea tree nearby landed on their car’s windshield.
BREAK THE CODE (BL)
DISCLAIMER:
This story is a work of fiction. The names, characters, incidents and places are the products of my imagination as the author, and are not to be construed as real. Any resemblance to persons living or dead or to an another story is entirely coincidental and unintentional.
FROM THE AUTHOR:
Taos puso ang aking pasasalamat sa pagbibigay ninyo ng oras sa pagbasa ng aking ika dalawampu’t dalawang BxB na aking pinublished this 2024 and yes, this is my third Fanfiction but this time I am featuring a real life BL couple.
Anyway, hindi ko alam kung nabitin ba kayo sa kwento or what pero bago ko pa kasi i-published ang kwentong ito, sinigurado ko munang tapos na siya plus matagal na din akong fan ng VeeWise kaso nagdadalawang isip lang talaga ako na gawaan sila ng ganitong klaseng kwento kasi, ewan ko ba kung bakit basta pinag isipan ko muna ng maigi ito bago ko ginawa. Matagal lang ’yung naging posting per update kasi bukod sa busy sa work, nakakatulugan ko ’yung pag update because of medications eh nagka allergic conjunctivitis ako ’coz of seasonal allergy to which sobrang sensitive ng mata ko to light especially coming from electronic devices. So, ayun. Na-share ko lang. Salamat sa mga naka appreciate nitong kwentong nilikha ko. Sana nasiyahan kayo.
And before I end this note, muli, maraming salamat sa pagsama kina Wais at Vee.
Hanggang sa muli.
Salamat sa pagbabahagi ng iyong kaweirduhan, Brictorique.

