loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Bros With Benefits (BoyxBoy) [COMPLETE]

Bros With Benefits (BoyxBoy) [COMPLETE]

itsKuyaTopher · 45 chapters · 76,531 words

Prologue

Sabi nila, pag malapit ka na sa kamatayan, sa mga huling segundong natitira sa buhay mo, magfaflashback lahat ng mga masasaya mong alala na parang isang mabilis na slideshow.

Pagbulat ng mga mata ko, wala akong makita kundi ang kulay asul na kalangitan na unti-unting nahahaluan ng kahel dahil sa paglubog ng araw sa di kalayuan. Tinignan ko ng mabuti ang napakagandang langit na parang isang painting kung saan mainam na pinaghalo-halo ang kulay na asul, kahel at rosas, tinignan ko ito ng mabuti dahil siguradong di ko na ’to makikita pang muli.

Binuga ko ang dugong nagsisimulang mamuo sa loob ng bibig ko. Nakaramdam rin ako ng pagdaloy ng mainit at malapot na dugo sa gilid ng ulo ko. Naluha na lang ako sa nangyari sa akin, lalo na sa ibabang bahagi ng katawan ko.

Nakarinig ako ng mga taong humihingi ng tulong. May ibang lumapit sa akin at tinatanong kung ayos lang ba ako. May isang babaeng nagtatanong ng pangalan ko at kung saan ako nakatira. May lalaki namang gusto akong buhatin pero takot na galawin ang bali-bali kong ibabang bahagi ng katawan. May matanda namang bumulong sa kasama na maya-maya di ko na rin kakayanin at mamamatay na rin ako.

Di na lang ako nakinig sa mga taong nagkakagulo sa paligid ko. Binalik ko na lang ang atensyon ko sa langit na minsan ko lang makitang ganito.

Gusto kong isipin na ayos lang ako, kundi lang dahil sa sobrang sakit na tila namanhid na ang buo kong katawan. Nararamdaman ko ang unti-unting nababasa ang aspaltong kinahihigaan ko, naliligo na ako sa sarili kong dugo.

“Kahit anong mangyari iho, wag na wag mong ipipikit ang mga mata mo,” sabi ng isang babae sa tabi ko.

Ang hirap. Gusto kong sabihin. Ate mahirap pong pigilan, bumibigat na ang mga talukap ng mata ko. Gusto kong magsalita kaso mahirap lalo na’t patuloy ang paglabas ng dugo mula sa bibig ko.

“Iho, lumaban ka, parating na ang tulong, isipin mo ang pamilya mo, ang mga kaibigan mo, lumaban ka,” kung sino man ’tong ale na di talaga umaalis sa tabi ko, gusto ko syang pasalamatan kung sakaling makakaligtas man ako ngayon.

“Iho, sino sa mga kamag-anak mo ang pwede nating tawagan? O kahit kaibigan na pwedeng pumunta agad sa ospital?”

Isang pangalan lang ang pumasok sa isip ko.

Si Gelo. Si Gelo. Si Gelo.

Si Gelo ko.

Bros

With Benefits

© 2019 by ItsKuyaTopher

All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any manner whatsoever without written permission from the author.

This book is a work of fiction. Similarities in names, places, events, and circumstances are entirely coincidental.

Comments, criticisms and suggestions are valued and openly accepted by the author. Kindly please message him or comment down below.

exits left

Chapter 1

Isa to sa mga gabing di mo maiiwasang humiling na lang sa kalawakan na pabilisin ang oras para matapos na agad ang trabaho mo para makauwi ka na at matulog sa malambot mong kama.

“Nagsasalita ka nanaman dyan mag-isa Ean?

“Tinatanong ko lang yung kalawakan kung pwede bang mag fast-forward na tayo sa panahong masyado na akong sikat at mayaman para magtrabaho pa sa cheap mong studio,” sabi ko habang inaayos ang mga lock ng tripod ko.

Ngumisi si Kuya Jasper, “Kaso mukhang di ka maililigtas ng kalawakan sa pagtatrabaho sa cheap kong studio ngayong gabi,” sabi nya habang may kinakalikot sa camera nya.

Natawa ako sa kung paano laging may pambara sa akin si Kuya Jasper. Ganto talaga kami magusap, parang totoong kapatid ko na yang mokong na yan eh. Kung tutuusin mas close pa nga kaming dalawa kesa sa kapatid nyang si Janjan na mas bata ng onti kesa sa amin. 18 nako, 21 si Kuya Jasper, 16 naman si Janjan.

“Puntahan mo na nga yung iba, papuntahin mo rito sa kubo, sabihin mo mag hatian na tayo ng gagawin, isang oras na lang mag sisimula na yung program.”

Lumabas ako sa cottage kung saan namin nilagay yung mga gamit namin, nilibot ko ng tingin yung buong resort para hanapin ang iba pa naming mga kasama.

Kung para kanino man tong debut kung saan kami magcocoverage, siguradong napakaraming pera ng pamilya nya, bukod sa 5 star resort itong pinagganapan ng debut niya, kitang kita sa decorations pati sa catering na mamahalin lahat ng mga gamit dito.

Bohemian yung theme ng Debut, may mga tables na may aztec pattern na tablecloth ang nakalinya sa paligid ng sobrang laking swimming pool. Sa may isang sulok naman, andun ang malaki ring pavallion, nanduon ang isang malaking stage na may trono na para sa debutante, may nakakabit sa likod ng upuan na calligraphy letter na gawa sa cardboard at glitters na nakalagay ay ‘Cassandra @ 18’.

“Ean!” tawag ni Ate Val na papalapit sa akin, dala nya ang mga telang gagamitin namin mamaya para sa photobooth bilang backdrop. Tinulungan ko na sya sa iba lalo na sa mabibigat, for sure pag nakita kami ni Kuya Jasper, babatukan nya ako pag di ko tinulungan ang girlfriend nyang magdala nung mabibigat na tela.

“Ang hirap maghanap ng tela sa studio na bagay para sa event,” sabi ni Ate Val pagabot nya sa akin ng mga eco bag kung nasaan ang mga tela. Tinali naman nya at saka pinusod ang mahaba nyang black na buhok na may konting strips ng violet.

Swerte talaga ni Kuya Jasper rito kay Ate Val, bukod sa 3 taon na silang magjowa simula nung last year nila sa College, si Ate Val din ang business partner ni Kuya Jasper dito sa studio nya. Dagdag mo na sobrang ganda at sexy pa ni Ate Val, nako.

“Ay Ate Val, nagpapatawag na nga po pala ng crew meeting si Kuya Jasper dun sa may cottage po natin,” sabi ko habang pinipigilan ang sariling tumingin sa dibdib ni Ate Val na nakaliyad habang inaayos ang pagkakapusod ng buhok.

“Oh sure, sige, dalhin ko na tong ibang tela, hahanapin mo pa ba si Kyle at Janjan?”

Tumango ako.

“Sige, una na ko Ean.”

Habang tinitignan ko habang naglalakad palayo si Ate Val, may nag-excuse me sa likod ko, yung ilang staff pala ng resort at meron silang buhat-buhat na sobrang laking canvass.

Tinignan kong mabuti yung dala nila. Painting ito ng isang sobrang gandang babae na nakasuot ng simpleng turquoise na dress, kakulay nito ang suot na bohemian headpiece na nakapatong sa maikling buhok na ombre, brown sa tuktok at pink sa dulo. Nakangiti ito at may hawak na dandelion sa painting.

“Ganda talaga ni Cassy no?”

Di ko namalayang nasa tabi ko na pala si Janjan. Umakbay ito sa akin at sabay naming sinundan ng tingin ang mga staff na dinadala ang painting papunta sa pavillion.

“Kilala mo yung magdedebut pre?”

“Oo baliw, sobrang sikat nyan sa social media pre, Cassandra Wright. May lahi yang British pre.”

“Ano sya? Vlogger?”

“Oo, Instagrammer din yan, grabe crush na crush ko yan,” sabi Janjan na may halong gigil.

“Wow, kaya pala pang yayamanin ang mga nandito, so pano naman nila nakuha tayo na magcover?”

“Sabi ni Kuya, best friend nung college ni Ate Val yung ate ni Cassandra, sya yung nagrefer kay Cassy na kunin tayo.”

“Nice one,” sabi ko.

“Sino kaya nagpainting nun no? Ang astig sobra.”

Nakita ko yung isa pa naming ka-crew na si Kyle na galing sa sasakyan at may dalang mga cord. Tinawag ko na sya at sinabi sa dalawang nagpapatawad na ng crew meeting si Kuya Jasper.

Pagdating namin sa cottage namin, agad na kaming naghatian ng trabaho, palubog na ang araw at sinabi na ng event organizer kay Kuya Jasper na parating na raw yung debutante. Si Kuya Jasper at Kyle ang bahala sa photo coverage, si Ate Val naman ang mag-aasikaso ng same-day edit, yung presentation sa dulo ng party, yung parang naging summary ng buong debut.

“Ean, pwedeng si Janjan muna sa video coverage?” Tanong ni Kuya Jasper.

“Sige na Ean please! Gusto ko lang malapitan si Cassy pleaseee!” pagmamakaawa ni Janjan.

Natawa na lang ako sa itsura ni Janjan, kulang na lang lumuhod na sya sa harap ko, “Oo na, sige na, so dun ako sa photobooth? “

“Yep,” sagot ni Kuya Jasper.

“Wag kang mag-alala pre, madali lang yung photobooth, turo ko sayo mamaya!”

“O sige ha, malinaw na tayo sa mga assignments natin, galingan nyo team, big time tong client natin,” sabi ni Kuya Jasper bago kami idismiss para magset-up.

Agad kaming nagset-up ni Janjan ng photobooth. Tinuruan nya rin ako kung paano gumana yung photobooth kasama ng kung paano gamitin ng tama yung maliit ng printer para sa pictures.

Habang sinusubukan namin ang printer, narinig naming nagsalita sa mic yung event’s organizer, na nasa labasna ng resort ang debutante.

Ilang saglit lang, bumukas na nga ang gate ng resort at may pumasok na kulay puting coaster

“Grabe, gusto ko ng ganyang sasakyan,” bulong ni Janjan.

Pagkaparada, bumaba yung driver at binuksang ang pinto sa likod. Unang bumaba ang mga stylist na kanya-kanyang bitbit ng mga damit na nasa mga dressbags pa at mga make-up kit. Sunod namang bumaba ang isa na yata sa mga pinakamagandang babae na nakita ko, nakasuot sya ng pink na bathrobe at unicorn slippers at may iniinom na milktea, sumunod naman sa kanya ang mga kaibigan nya na kanya-kanya ang kuha ng pictures kay Cassy pagbaba nila ng coaster.

“Shet, ganda talaga ni Cassy no?” sabi ni Janjan habang sinusundan ng tingin si Cassy na papunta na sa kwarto kung saan sya aayusan. “May boyfriend na kaya yan?”

“Nako, sa ganda, yaman, at sikat naman nyan impossibleng wala pang pumoporma dyan, “ sabi ko habang binabalik ang atensyon sa sineset-up na photobooth. “For sure sobramg gwapo at yaman din ng boyftiend nya.”

Lumingon ulit ako sa coaster, bumukas ang pinto nito at may bumabang lalaki, mukhang ka edaran lang din namin, nakaputing t shirt, jeans, puting sapatos at my hawak ring milktea, sumunod ito sa kwarto ni Cassy.

“Pre, yun kaya yung jowa ni Cassy,” tanong ko kay Janjan.

“Nako, mukhang tama ka kuys ha, mukhang gwapo’t mayaman nga.”

“Di pa naman tayo sigurado kung yun nga yung jowa nga, malay mo naman kaibigan o di kaya jowa nug isa sa mga kaibigan.”

“Sabagay, malalaman rin naman natin mamaya kung may boyfriend sya o wala eh,” sabi ni Janjan, “O sige, iwan na kita ah, ako naman yung magseset up ng pang cover ko.”

Tinignan ko ang photobooth. At least di ako masayadong mapapagod ngayong gabi.

Chapter 2

Sa susunod nga na may debut ulit kaming pupuntahan sa photobooth na lang ako magpapaassign, di sya masyadong nakakapagod.

Tulad nga ng inaasahan, sobrang bilis nga lang lumipas ng oras, at bago ko pa malaman, patapos na yung debut ni Cassy. Andaming guests na dumating, at lahat sila kitang-kita ang pagiging mayaman at sikat. Medyo nakakapressure ngang tumao sa photobooth kasi sila yung mga mayayaman na mukhang isang maling galaw mo lang sa trabaho mo ipapatanggal ka na kaagad sa boss mo.

Pero thankfully wala namang nambulyaw sa akin during the debut.

Pagtapos nung program, isa-isang nawala yung mga tao, lalapit lang sila kay Cassy na nasa pavilion, bebeso at saka magpapaalam na uuwi na, ibang-iba sa mga naging debut ng mga kaklase ko nung high school na after ng program wala munang umuuwi para makapagparty-party after. Walwal kung walwal.

Sinimulan ko nang iligpit yung mga props na nagkalat sa paligid ng photobooth, pinulot ko mula sa damo yung mga sumbrero, wigs, shades, pati mga emojis at clip arts na pinaghirapan pa namin ni Janjan na idikit sa cardboard at gupitin.

“Uhm, excuse me? Available pa ba yung photobooth?”

Tumalikod ako para tignan kung sino yung nagtatanong, halos nanigas ako sa kinatatayuan ko nung nakita si Cassy, suot pa rin nya ang long gown nyang kulay puti na sinuot nya kanina sa 18 roses.

“Ah-eh-uhm, opo! Pwede pa! May ilang photo papers pa naman pong natitira,” agad kong sininop yung mga props at inilagay sa isang tabi at pumwesto na sa photobooth.

“Thank you,” sabi ni Cassy, “Babe! Tara na! Pwede pa raw oh!”

Lumingon ako para tignan kung sino ang tinatawag nyang babe, at tama nga kami ng hinala, yung lalaking nakaputi na galing sa coaster ni Cassy ang boyfriend nya.

Kaso, nakita ko nang mabuti yung facial features nung lalaki, at masasabi kong kung gaano ako nashook sa kung gaano kaganda si Cassy, ganun din ako nashook sa kung gaano ka gwapo yung boyfriend nya.

“Bro, meron pa ba?” tanong nya nung nakalapit na sya sa photobooth.

“Meron pa po Sir!” sagot ko. Nakasuot sya ng dark blue na polo na bukas ang unang dalawang butones at kulay black na blazer, para syang isa sa mga model na nasa labas ng mg tindahan ng Bench o kaya Penshoppe. O baka naman model talaga sya?

“Luh? Ayaw maniwala sa akin? Sinabi ko na lang sabi ni Kuya meron pa,” pabirong sabi ni Cassy sa jowa at marahang hinampas sa braso, natawa lang yung lalaki.

At nagpakuha na nga sila ng picture. Kitang-kita sa kanilang dalawa kung gaano sila kasaya sa isa’t isa. Napabulong ako ng ‘sana all’ sa sarili ko since 18 years na akong single, dagdag mo pang napaka gwapo at napaka ganda nitong dalawang to, nakakainggit lang talaga.

“Babe, gusto ko nang magbihis, medyo makati tong gown ko sa likod,” sabi ni Cassy.

“Ah o sige, magbihis ka na, ako na maghihintay dito sa picture natin.”

Dali-daling umalis si Cassy at pumunta sa kwarto nya para magbihis. Matiyaga namang hinintay ng boyfriend nya yung picture na pino-process na para ma-print.

“Is this your family business?” Tanong sa akin bigla nung jowa ni Cassy, nagulat ako, sya lang yung nakipag-usap talaga sa akin ngayon gabi.

“Ah nako, hindi, sa best friend ko to, kay Kuya Jasper,” sagot ko, sinisigurado muna ang bawat salitang sasabihin ko.

Humila sya ng isang monoblock sa tabi at saka tumabi sa akin habang hinihintay maprint yung pictures nila. Inubos ko na sa kanilang dalawa yung natitirang tatlong photo papers.

“I was actually planning to have my own photography studio someday,” sabi nya, “ Di ko lang sigurado kung paano magsisimula.“

Di ko alam kung bakit pero sa tuwing nagsasalit sya, parang unti-unting gumagaan yung loob ko sa kanya, di sya katulad nung mga mayayamang nagpakuha kanina ng pictures na talagang di mo maaapproach.

“Madali lang ba?”

“Medyo, madali lang naman kasi mag kuha ng pictures, ng videos, yung mahirap, yung pag eedit nung videos at lay out ng photos.”

“Oo nga, napansin ko rin yun, di yun madali ah, kaya nga naamaze ako sa gumawa ng same-day edit kanina sa dulo ng program.”

“Si Ate Val gumawa nun, yung girlfriend ni Kuya Jasper.”

Tumuno-tungo lang sya, para syang batang maliit na nagtatanong sa bumbero kung paano maging bumbero kasi gusto nyang maging bumbero paglaki.

“So, matagal-tagal ka na rin bang nagtatrabaho sa studio ng Kuya Jasper mo?”

“Hmm, mga isang taon at kalahati lang, nagsimula akong pa-part time, part time lang habang senior high school pa lang ako, pero simula nung grumaduate ako last month, kinuha na nya akong regular.”

“That’s nice.”

Dumapo yung tingin ko sa malaking painting ni Cassie na nasa pavilion, “Pwede ko ba matanong kung sino yung may gawa nung painting ni Cassy na yun?”

“Si Cassy.”

“Weh? Di nga?”

“Yep, halos isang linggo nya rin yan ginawa sa studio nya.”

I admit medyo nagulat ako dun ah, di halatang artsy si Cassy, mukha syang normie na teenager na walang ibang ginawa kundi mag scroll sa social media maghapon at magchismisan.

At natapos na ngang i print yung pictures nila. Agad tumayo ang boyfriend ni Cassy at tinignan yung pictures nila.

“So bro, I need to get going na,” tinapik nya ako sa balikat at saka tinuro yung kwarto na tinutuluyan ni Cassy.

“Ah sige,” di ko masabing sana mag-stay muna sya ng sandali, para kasing ang cool nya maging kaibigan, yungt tipong di ka mauubusan ng sasabihin.

“Dont worry, I’ll refer your studio if some of my friends decides to throw a party of some kind,” sabi nya.

“Uy, thanks bro,” sagot ko, medyo gulat pa rin kung gaano sya ka-approachable, kaiba sa ibang guests ngayon gabi.

“Teka, I haven’t got your name yet,”

“Ean.”

Ngumiti sya pagsabi nung pangalan ko.

“Im Angelo. Gelo na lang para cute.”

Chapter 3

Nagising ako sa malakas na patugtog ng mga kanta ni Bruno Mars. Nagpapatugtog naman yung mga dormmates ko.

Bumangon ako mula sa pagakakahiga at hinanap yung salamin ko sa may tabi ng unan ko. Kinusot-kusot ko muna yung mata ko ata sa sinuot ang salamin ko.

“Anong oras ka na nakauwi kagabi? Di na ata kita naabutan kagabi,” tanong ni Ralph habang may pinapanood sa laptop nya.

Tumingin ako sa kama sa taas ng double deck, pati na rin sa taas ng double deck nya, wala si Terrence at Denver, so most probably ako ang kausap nya, “Mga 2 na siguro?” sagot ko habang pahikab, “Medyo big time yung client kagabi eh.”

“Eh?”

“Debut pala yun ng isang sikat na youtuber, kaso di ko kilala, di naman ako nanunuod ng mga ganun.”

And for the first time sa araw na to, tinanggal ni Ralph ang tingin sa laptop para tumingin sa akin, “Whoa, sinong youtuber?”

“Cassandra Wright.”

“No shit, talaga? Debut nya yung cinover nyo kagabi?”

“Oo. Ang ganda pala talaga nya no, ang kinis tas ang sexy, ugh,” nanggigigil kong sabi, tumigil lang ako nang makaramdam na ko ng excitement sa bandang baba, “Pero seryoso, di ko talaga sya kilala.”

“Tara, pakilala ko sayo,” bumangon ako sa kama at nagpunta sa kama ni Ralph. Nakita kong nanunuod sya nanaman sya ng anime sa laptop, pinause nya ito at nagpunta sa google.

“Wala bang youtube sa probinsya nyo at di mo kilala si Cassandra?” Tinype nya ang ‘CassyWright’ sa youtube.

“Grabe, meron nanonood naman ako sa youtube, di nga lang ako mahilig sa mga vlogget vlogger na yan.”

“Tangina mo puro porn kasi pinapanood mo gago.”

“Gago,” hinataw ko ng unan nya si Ralph.

Tas ayun nag load na yung youtube account ni Cassandra na CassyWright. Nanuod kami ng ilan nyang videos, nalaman kong half-british sya, sa De La Salle sya nagaaral, 1st year at Tourism ang course. Mahilig sya dance covers at mga make-up tutorial.

May nadaanan kaming thumbnail para sa isang video nya, sya at si Gelo. Boyfriend Tag yung title nung video.

“Nakita rin namin dun yang boyfriend nya,” sabi ko.

“Bagay sila no?” sabi naman ni Ralph.

Tinigan ko lang mabuti si Gelo sa thumbnail nung video, nasa kwarto sya ni Cassandra, nakaakbay ito sa girlfriend at magkatinginan lang ang dalawa.

“Kaya nga eh, sana all.”

“Hoy! Mga gago! Gising na!” Narinig kong sigaw ni Terrence mula sa kusina, “Nakapagluto na ko!”

Pagpunta namin sa kusina, andun na si Denver na nagtotono ng bagong bili nyang gitara. Umupo ako sa tabi nya samantalang sa harap naman namin pumwesto si Ralph.

“Oh, bago nanaman gitara mo?” tanong ko kay Denver. Wala naman akong problema kung mahilig sya sa gitara, kaso parami na nang parami yung mga gitara nya, yung iba natatambak na lang rin sa kwarto namin.

“Sale kasi dun sa tindahan ng gitara sa mall. Bumili na ko ng isa,” sagot ni Denver na busy pa rin sa pag aayos ng string ng gitara.

Pumasok sa kusina si Terrence at naglagay ng mga bagong lutong longganisa sa platong katabi ng isang balot ng pandesal, “Gago, di na nga tayo magkasyang apat sa kwarto dahil sa mga gitara mo, nagdagdag ka pa ng isa.”

“Tangina mo! At least ako gitara lang yung kinokolekta hindi babae!” Sagot agad ni Denver.

Napa-“whooa!” na lang kami ni Ralph sa sagot ni Denver. Kung tutuusin, kung gaano karami ang mga gitara ni Denver sa kwarto (mga walo ata o siyam), ganun rin karami ang mga babaeng nilalandi ni Terrence, nang sabay-sabay.

“Loko! At least may babae! Di tulad mo! Akala mo ba di kita naririnig sa gabing nagjajakol pag tulog na kaming lahat?”

“Tangina mo! Gago!”

“Gago! Nagsasabi lang ako ng totoo! Kala mo ah! Kung sino-sino nga yung pangalang naririnig kong inuungol mo, tangina ka!”

Kumuha ako ng isang tinidor at kumuha ng isang longganisa, kumuha rin ako ng isang pandesal sa supot. Tuloy pa rin sa asaran si Denver at Terrence, nakikisama na nga si Ralph eh. Pati nga ako nadadamay na eh, kaso tinatawanan ko na lang, di ko pa feel makipagkulitan sa kanila, medyo puyat pa ko dahil kagabi.

“Gago boy, ayos ka lang?” Tanong ni Terrence. Di ata sanay na tahimik lang ako.

“Oo, puyat lang.”

Wala pa kaming isang buwan dito sa tinutuluyan naming apartment pero parang kilala na namin yung isa’t isa ng ilang taon.

Nagkakilala kami nung nag-inquire kami sa papasukan naming university. Pila nun sa registration tas bigla na lang akong kinausap ni Denver dahil napansin nya na may logo ng bandang “Fall Out Boy” yung tshirt ko at kung fan ba ako? Tas ayun, habang hinihintay na makapagregister, nasama na namin sa kwentuhan si Terrence at Ralph na nasa unahan namin ng pila.

Nang makapagregister na kami, nagyaya si Terrence na kumain sa malapit na fast food chain. Dun namin naisip na since sa iisang university lang naman kami mag-aaral, kumuha na lang kami ng isang maliit na apartment na pwedeng kaming apat tumira na malapit sa campus.

Buti naman at nakahanap kami isang linggo lang pagtapos ng graduation namin ng Senior High.

“Ean, tinawagan ako ni Mam Dessa kanina, tinatanong nya kung makakapasok ka daw ba sa carwash mamaya?” sabi ni Ralph. Oh shit. Nakalimutan kong pinapapasok ako ngayon sa isa ko pang trabaho.

Syempre, para tustusan ang pambayad ng renta, pagkain sa araw-araw, at mga bills, agad kaming naghanap ng mga trabaho pagkalipat namin sa apartment. Bukod sa trabaho kanila Kuya Jasper, nakakuha rin ako ng part time job sa isang carwash na malapit lang sa apartment. Kasama ko dun si Ralph. Si Terrence at Dave naman mga waiter sa isang restaurant sa may kanto.

“Sabihin mo oo, papasok ako kamo,” kahit sumasakit pa yung ulo ko sa antok, wala akong choice kundi pumasok, paubos na yung pera ko eh, baka magalaw ko na yung ipon ko para makabili ng sariling camera.

“Wag mo sabihing tinatamad kang pumasok? Eh gago ikaw na nga yung may pinaka magaang trabaho sa buong carwash!” sabi ni Ralph habang dinuduro-duro ako ng hawak na tinidor.

Natawa ako, “Kasalanan ko ba kung naaappreciate lang ni Mam Dessa yung kagwapuhan at kamachohan ko? Tsaka hoy! Hindi madali trabaho ko no!”

Di ko alam kung lahat ba ng carwash sa buong bansa meron ng trabaho ko pero wala akong magagawa, yun yung binigay ni Mam Dessa sa akin. Wala akong ibang gagawin kundi pumwesto sa harap ng carwash, nang naka shorts lang, hawak ang karatula ng carwash at bumati sa lahat ng costumers nang may ngiti sa labi,

“Tss, yabang! Porket favorite ka lang ni Mam Dessa! Nilalandi mo siguro yung matanda no!”

“Tangina mo! Di ko kasalanan kung nakakaattract lalo ng customers pag eto yung sumalubong sa kanila,” tinaas ko yung tshirt ko para pakita yung six-pack abs na nakuha ko mula sa ilang taon sa isang hiphop group nung high school.

“Gago, yabang talaga puta,” sabi ni Ralph sabay bato sa akin ng supot ng pandesal na walang laman, napunta tuloy sa shorts ko yung lahat ng crumbs na galing sa pandesal.

Kahit magulo kami rito, etong tatlong to ang pamilya ko, at wala akong naiisip na kahit ano na pwede kong ipalit sa kanila kahit ilang buwan pa lang kami nagkakilala, sila ang bumuo sa akin nung durog ako.

Napangiti ako sa naisip ko. Tinignan ko yung tropa ko isa-isa, mula kay Terrence na may ka-chat nanamang chix na bago habang nagtitimpla ng kape, kay Ralph na walang tigil sa kakanuod ng anime sa laptop nya, hanggang kay Denver na kumakanta na gamit ang bago nyang gitara.

Di ko na pagpapalit tong mga gagong to sa kahit ano.

Chapter 4

Ang ayoko lang sa trabaho ko ay yung pag patanghali na.

“Oh gago, parang kaninang umaga proud na proud ka sa trabaho mo ah?” sabi sa akin ni Ralph nung sinilip nya ako sa may harap ng carwash na nakasilong sa maliit na bubong.

“Mainit na kasi oh! Syempre sisilong muna ko! Kawawa naman yung precious kong skin!” sagot ko sabay himas sa balikat ko na medyo mahapdi na kasi kanina pa ko nakatayo rito sa ilalim ng initan.

“Tanginang precious skin yan!”

“Kung di nga lang malaki yung kinikita ko rito di ko to pagtitiisan.”

“Sana all malaki yung sweld-”

Bago pa matapos ni Ralph yung sasabihin, biglang sumulpot sa tabi nya si Mam Dessa, “Aba! Kaya pala walang umaasikaso sa sasakyan ni Mrs. Abalos andyan at nakatambay ka!” bulyaw nya kay Ralph.

Napapikit ako sa tinis at lakas ng boses ni Mam Dessa, sya yung tipo ng mga middle aged tita na unang tingin mo pa lang sa kanya ayaw mo na agad syang marinig magsalita.

“Mam, tapos ko na pong hugasan yung kotse ni Mrs. Abalos, pinapatuyo ko na lang po,” agad namang sagot ni Ralph sabay pagpag ng damit na tila naiinitan.

“Eh bobo ka pala eh! Tingin mo matutuyo ng mabilis ang kotseng yan nang mag-isa lang! Kanina pa nagaantay yung may-ari!”

Agad na tumakbo papasok sa carwash si Ralph. Napatingin naman sa akin si Mam Dessa, at parang magic, biglang nagbago yung facial expressions niya, “Andyan ka lang pala Ean!”

“Hi Mam!”

“Ayos ka lang ba?” lumapit sya sa tabi ko at hinimas ang braso ko. Sa ilang linggo ko rito bilang mascot ng carwash, halos na master ko na kung paano pakitunguhan si Mam Dessa. Mabait naman sya, kaso medyo creepy lang, mukhang malakas talaga ang tama sa akin kahit 40-something years old na at may apat na anak.

“Ayos lang po mam! Sumilong lang ako rito sa lilim, medyo mainit na po kasi.”

“Nako ayos lang yun!” Lalapitan nya sana ako para punasan ang pawis na tumutulo sa noo ko pero agad kong kinuha sa bulsa ng short ko ang panyo ko at ako na yung nagpunas.

“Ok lang po ko Mam! Thanks po!”

“Pasok ka lang sa office ko, may juice don, malamig na tubig, softdrinks, akong bahala sayo,” kinindatan nya pa ko bago pumasok sa loob.

Umiling ako para mawala yung kilabot sa katawan ko, palihim kong sinilip yung carwash para siguraduhing wala sa mga kasamahan ko ang nakakita sa amin, kundi, tutuksuhin nanaman ako nung mga gagong yun.

Buti naman walang nakatingin.

Maniwala kayo at sa hindi, eto ang ginagawa ko araw-araw, tumayo lang at magpapogi sa mga tao na parang mascot. Di ko nga alam mung dumami ba customer ng carwash dahil sa akin, pero kung sa sweldong 3,500 sa isang araw, aba, ayos na rin yun.

Minsan nasa isip ko, pano kaya kung may taga probinsya namin na makakita sa akin na ganito, pano kaya nila ibabalita to sa mga magulang ko? Natawa ako, for sure dahil ka-OA-yan ng mga taga amin, baka sabihin nila kay Mama Macho Dancer na ko dito sa maynila.

May kulay blue na kotseng tumigil sa harap ng carwash. Bilang isang mabait na mascot, lumapit ako, hawak ang placard na may pangalan ng carwash at sponge na may sabon-sabon pa bilang props.

Kinatok ko yung bintana, at agad naman tong bumukas.

“Hello po, welcome sa Dessa’s Carwash!” sabi ko habang nakasmile ng signature smile ko na si Terrence pa yung mismong nagturo, yung smile na kahit sinong chix pa yan, o kahit bakla, o sa lagay ni Mam Dessa, mga tita, maeengganyo mag pa carwash sa amin.

Hinarang ko yung kamay ko sa araw para makita kong mabuti kung sino yung nasa loob ng kotse, inadjust ko rin yung suot kong salamin, kaso nung narealize ko kung sino yung nasa loob ng kotse, parang gusto ko nang magpakain sa lupa.

“Uy! Ean right?” nakangiting sabi ni Gelo, na parang na amaze syang nakita nya pa ulit ako.

Actually, ako tong nagulat na makikita ko pa pala sya, let alone kausapin ako.

“Uy sir Gelo,” yun lang yung nasabi ko. “Wait lang,” pinasok nya sa loob yung sasakyan na agad namang nakita nung mga kasama ko sa carwash.

Pagbaba ni Gelo sa kotse nya, mas lalo kong ninais na kainin na lang ng lupa ngayon din.

Naka all black sya, mula sa cap, sa jacket, sa tshirt, sa jeans, pero kulay pula yung rubber shoes na suot nya. Lahat ng damit nya mukhang original, kamustahin nyo naman yung mga damit ko sa apartment na lahat sa tiangge ko lang binili. Ang cool pa nung shades na suot nya. Artistahin talaga ang gago.

Kinausap nya yung isa sa mga kasamahan ko, para bigyan siguro ng instructions sa kotse nya. After nyang makipag usap, sumaludo sya at naglakad papunta sa akin.

Ganito, si Gelo yung tipo ng lalaking gusto kong maging, gwapo, mayaman, magaling pumorma, may maganda at sexyng jowa. Tangina, ang perfect siguro ng buhay ng mokong na to.

“Uy, you also work here?”

Di ko alam kung english rin ba yung isasagot ko pero bigla akong naconscious, baka mamaya english ako ng english wrong grammar pala ako.

“Opo sir! Pag wala pong event na kailangang i cover dito po ako nagtatrabaho.”

Natawa sya ng onti, “Why so polite? Pwede namang Gelo na lang tawag mo sa akin, how old are you na ba?”

“18 po.”

“Whoa, ako im 17, you dont need to say po,” sabi nya habang nakangiti.

Gago? 17 pa lang tong mokong na to? Kung titignan mukha na syang 20’s, pero I mean it in a good way.

“Magpapacarwash ka sir Gelo?”

“Ah oo, I was actually going to an event later and I need my car washed. I was looking for a carwash and then I found you,” tinignan nya ko.

May naramdaman akong something weird sa sinabi nya, pero di ko na lang yung pinansin.

“Lunch break mo na ba?” sabi nya out of the blue.

“Bakit po?” Dahil sa “perks” na nakukuha ko bilang “peyborit” ni Mam Dessa, pwede naman akong maglunch break kahit kelan.

“I was wondering if you could join me eat somewhere?” tumingin sya sa paligid ng car wash, “Im not really familiar in this part of town.”

“Nako, di ko po sigurado sir eh,” sabi ko habang napakamot sa batok.

Tumingin sya sa relo nyang halatang mamahalin rin, “Its already 12, siguradong lunch break mo na,” tumingin ulit sya sa paligid, “Sige na Ean! Ikaw lang yung kilala ko rito eh, sige ka pag ako napagtripan ng mga tambay rito; bahala ka; kunsensya mo yun.”

“S-sige na nga po.”

“I told you not to ‘po’ me. You’re basically older,” tumawa na lang sya awkwardly saka lumibot ulit ng tingin sa paligid ng car wash, “Do you know any fast food around? Or convenience stores?”

“Nako, mga 30 minutes na lakaran yung pinakamalapit na fast food dito,” sabi ko.

“Maglalakad tayo? 30 minutes sa initan?” Di makapaniwala nyang sagot.

“Dun na lang tayo sa kinakainan namin tuwing lunch break namin.”

“Where?”

Tinuro ko yung karideryang nasa tapat lang ng carwash na lagi namin kinakainan nila Ralph, “Dun oh,” nakita kong medyo dumadami na yung mga tao na karamihan mga tricycle driver.

“Okay,” sabi ni Gelo. Agad akong pumasok sa carwash para kumuha.ng t-shirt at para ilapag yung mga hawak ko. Nagpaalam ako kay Maam Dessa at kay Ralph na isa sa mga tumatrabaho sa kotse ni Gelo, tinignan nya ko ng masama kasi mas maaga nanaman akong makakapaglunch break kesa sa kanila, pero dinilaan ko na lang sya at saka bumalik kay Gelo na may kausap sa cellphone nya.

“…I actually dont know this part of town, pero trust me, Im fine… Mag papacar wash nga… You know what? I’ll just meet you after I got my car washed, ang hirap magpaliwanag sa call.”

Nahiya akong biglang lapitan si Gelo, mukhang nakikipagtalo sya sa kausap nya sa phone. Tinanggal nya yung suot na cap at saka pinunasan ang pawis na namumuo sa noo nya. Pinatay na nya ang tawag at binalik ang phone sa bulsa ng jeans na suot nya.

“Im not a celebrity ok? I dont care kung gusto akong makita ng subscriers nya sa newest video nya, Im not really that comfortable sa cameras,” bigla nyang pagrarant sa akin paglapit ko sa kanya.

“Anong nangyari?” bigla kong pinagsisihan yung pagtanong ko, feeling ko mukha akong usisero.

Napabuntong hininga si Gelo, “Its Cassandra, she wants me to come over to shoot a new video, gusto daw kasi akong makita ng mga subscribers nya, eh ayaw ko. Im not really a youtube content creator kind of person.”

“Eh diba nakagawa na kayo ng video? Nakita ko yun sa channel nya,” naalala ko lang bigla yung nakita kong video nilang dalawa sa channel ni Cassy. Akala ko masaya sya dun, ngiting-ngiti sya eh.

“Yep, we already did one video, but you have no idea how terrified I am doing that, and actually I look pretty awkward on the finish product.”

Di na ko sumagot kasi di ko naman talaga napapanood pa yung Boyfriend Tag nila ni Cassy.

“Alam mo, let’s just eat.”

Tumawid kami papunta sa karinderya sa tapat. Agad na sinilip ni Gelo yung mga kaldero sa kung anong mga ulam. Medyo nagulat ako, mukha naman syang sanay kumain sa mga karinderya. Eh yayamin kasi eh tsaka artistahin pa kaya akala ko sa mga restaurant lang to kumakain.

“Kuys,” tinawag nya ko, “I want this,” tinuro nya yung chicken curry, “How can I order it?” mahina nyang sabi na tila nahihiya. First time nya lang rin pala sa carinderya, pero di sya maarte ha, nice.

“Sabihin mo lang kay ate,” tinuro ko gamit ang nguso yung ateng nagseserve sa karinderya na kasalukuyang naghihiwa ng kalamansi sa may lutuan.

“Ate, isa nga pong order ng Chicken Curry, with rice,” medyo natawa lang ako kasi para syang nasa restaurant kung umorder, minsan kasi pag kami nila Ralph sinisigaw na lang namin kay ate yung orders namin, pero dahil kilala naman kami ni Ate, di naman nya pinapansin yung pagsigaw-sigaw namin.

Humarap sa amin si Ate at nung nakita nya siguro na si Gelo, agad syang naghugas ng kamay at pinuntahan kami.

“Hala; ano po yun sir?” sabi ni ate.

“Isang order po ng Chicken Curry, with rice,” tumingin sya sa akin, “Sayo Kuys?”

“Pareho na lang rin nung sayo.”

“Dalawahin nyo na po ate,” sabi nya sabay upo sa isang stool at naglean in sa pahabang lamesa sa harap ng hilera ng mga ulam. Tinanggal nya yung cap nya at yung shades at nagpunas ulit ng pawis sa mukha.

Kung may paraan lang para humigop ng kagwapuhan mula sa iba, siguradong kanina ko pa to sinipsip.

Tangina, parang ang bakla pakinggan nun ah. Nevermind.

“So, your work sa car wash is to stand there all day long and greet customers?” di makapaniwala nyang sabi.

“Ah oo.”

“Sa ganto kainit?!” medyo exagerrated nyang tanong. Pero di ko naman sya masisisi, kung lumaki ka sa bahay na lahat ng bahagi nakaaircon, siguro impyerno na para sayo ang Maynila sa tanghaling tapat.

“Pag mainit naman sumisilong ako dun sa maliit na bubong na yun oh.”

“That’s hard, ansakit siguro nung sa binti.”

“Sobra.”

“How much are you making naman?”

“Medyo malaki rin naman, sapat na para may pangbayad ng bills at upa sa dorm. Di kasi ganun kalakihan yung sa photo studio, kaya parang pocket money ko na lang yun ganun.”

“Do you live near here ba? Gano katagal na kayo ng family mo dito?”

“Actually, di ko kasama family ko rito. Bale ang kasama ko lang sa apartment, yung tatlo ko pang tropa. Nagkakilala kami nung nagparegister kami last month sa college na papasukan namin, ayun naging close tas naisipan na namin na tumira na sa apartment.”

“Ugh, Im literally begging my parents to let me have a condo of my own pero they still didnt let me because Im still a minor. Sa graduation daw. Tss.” Kahit gaano sya kabait sa tingin ko, di pa rin nawawala yung pagkaspoiled brat, well, anak mayaman eh.

Nilapag ni ate sa mga harap namin yung orders namin. Tumayo ako at kumuha ng utensil sa lalagyan.

“Pero di nga? 17 ka pa lang talaga? Anong year level mo na?” sabi ko pagkaabot ko sa kanya ng kutsara’t tinidor.

“Grade 11, di ba mukha?” kung tutuusin halos magkasing tangkad na kami eh, kundi lang dahil sa rubber shoes nya magkapantay na kami.

“Mukha kang early twenties ganun.”

“Maagang nag mature lang yung katawan, lol. Ikaw?Anong year level mo na?” tanong nya sa akin pero bago ako nakapagsalita, nagsalita ulit sya, “ Oh shit, diba sabi mo nga pala nagpa register ka sa college last month, so bale first year college ka na sa pasukan?“

Tumungo ako bilang sagot.

“Anong course?”

Lumunok muna ako bago sumagot, “Tourism.”

“Suits you well. You got the face and the built.”

Naramdaman kong namula yung mukha ko. Di ako sanay na binibigyan ng compliments eh. Iba kasi yung compliments na tulad nung kay Mam Dessa parang araw araw akong hinuhubran kung tumingin, sa compliments na mula sa mga kaedaran mo lang ganun.

“Eh ikaw anong track mo?”

“STEM. But I dont actually like Math and Science. My parents just want me to take it. They’re both doctors by the way.” Wow. Kaya pala yayamanin, at 17 may sasakyan na.

“Pareho tayo.” sagot ko habang humihigop ng sabaw nung chicken curry.

“Doctor din parents mo?”

Natawa ako ng slight dun ah, “I mean, pareho tayo ng sitwasyon, ayoko talaga ng tourism eh, gusto lang ng mga magulang ko dun sa probinsya kasi daw malaki yung sweldo.”

“Kung ikaw papipiliin ba what course?”

“Gusto ko film-related. Mahilig ako sa mga films eh.”

“Oh, that’s nice. But hey, medyo mahal ang film school.”

“Kaya rin ako nagtatrabaho sa studio ni Kuya Jasper para naman matuto ako gumamit ng camera, tsaka pang ipon na rin kasi gusto kong magfilm school eventually.”

“Nice, sana all alam kung anong gusto nyang maging.”

“Di mo pa ba alam yung iyo?”

“Im still finding myself I guess.”

“Ano ba mga hilig mong gawin?”

“Hmm, basketball, maggitara, uhm, magkalikot ng kung ano-ano,” bigla nyang pinakita yung design sa t-shirt nya, “Ako gumawa nito oh, plain shirt lang to dati,” pinakita nya yung shirt nya na parang may pa galaxy.

“Bakit di ka maghanap ng course na babagay sa interests mo?”

“I didnt bother na kasi, kahit anong gawin ko, I’ll be going on a med school.”

Biglang tumunog yung phone nya sakto sa pagsubo nya sa huling subo na nasa plato nya. Sinagot nya eto at nag-hello kahit maglaman yung bibig. Ang cute nya para syang bata.

“Hello? Kakakain ko lang babe…” ah, si Cassandra nanaman to, “…what? May event nga akong pupuntahan later… Im with Mom and Dad, chill… you know what? I’ll just come over now.” Napabuntong hininga lang sya at pinatay na yung tawag.

Nag-inat sya ng katawan habang sinasabing “Nakakabadtrip amwola.”

“Kuys, tapos na kaya yung kotse ko? Pupunta pa ko kanila Cassandra eh, kailangan nya daw ako. Emergency daw. Tss.”

Bumili ng softdrinks si Gelo, para sa aming dalawa at binayaran nya na rin yung kinain namin. Agad kaming bumalik sa car wash para tignan yung sasakyan nya.

Siguro na kay Gelo na nga ang lahat, mayaman, gwapo, lahat na, kaya naiinggit rin ako sa mokong na to eh, kaso may isang bagay rin pala ang walang sya.

Kalayaan.

Chapter 5

“Good morning!” Bati ko pagpasok sa photo studio, kaso ang nandun lang ay si Jasper na nasa counter at may pinapanood sa desktop.

“Uy pre,” hinarap ko kay Janjan yung kamao ko para makipag-fist bump. Nakipag fist bump naman sya kaso di pa rin inaaalis yung tingin sa screen.

Nilibot ko ng tingin yung studio, wala kahit anong bakas ni Kuya Jasper at Ate Val, “Nasaan sila Kuya Jasper?” tanong ko kay Janjan.

“Nako, di ata sila makakapasok ngayon, kailangan ata nilang pumunta sa mga parents ni Ate Val sa Pampanga,” sagot ni Janjan.

“Ha? Eh bakit nila ako pinapunta rito? May event ba ulit?”

“May pinapaabot sila,” pinause nya saglit yung pinapanood at may kinuha sa isang drawer nung counter. Agad nyang pinatong sa counter ang isang envelop, saka ko lang naalala, mag-iisang linggo na simula nung debut ni Cassandra pero di pa pa rin ako sumusweldo sa debut nya.

“Nakalimutan ko to ah, salamat pre,” sabi ko kay Janjan, pero tumungo lang sya.

“Ano ba yang pinapanood mo?” sumilip ako sa monitor nung PC ng studio, nanonood si Janjan nung isa sa mga vlog ni Cassandra; pero kasama nya sa vlog si Gelo.

Boyfriend Tag part II yung title. Eto siguro yung video na sinasabi ni Gelo na gustong gawin ni Cassandra. Tinignan ko yung date, April 23, 2019, kahapon lang ah, anim na araw lang simula nung nagkita kami ni Gelo sa carwash, suot nya sa video yung suot nya nung araw na yun, pero di halatang nanggaling sya sa initan o kung saan pa man. Gwapo pa rin.

So ginawa pa rin ni Gelo yung video kahit labag sa loob nya.

“Swerte talaga ng boyfriend ni Cassy no? Nako, kung ako lang yung. jowa ni Cassy, siguradong di ko na yan pakakawalan pa, complete package na pre oh!”

Di ko na pinapansin yung mga sinasabi ni Janjan, pinanood ko na lang kung paano magtawanan yung dalawa sa vlog ni Cassandra. Kung di ko lang narinig yun sentimiento ni Gelo nung nakaraang pagkikita namin, aakalain kong masaya talaga si Gelo.

Well, siguro masaya naman talaga sya kay Cassandra, siguro ang ayaw nya lang, yung stress na kaakibat ng pagiging sikat.

“So that’s it for tonight’s video!” Biglang sabi ni Cassandra sa camera, nasa bandang dulo na kami ng vlog, “Thanks for joining us here on our Boyfriend Tag part 2 and also, thank you very much kay Gelo, thank you so much for coming by,” kiniss nya sa pisingi si Gelo na agad namang kinangiti nung binata.

“And next week, I’ ll upload na the exclusive clips of my 18th birthday party so, stay tuned!”

“Wow pre! Baka yung clips na sinasabi ni Cassy is yung same day edit na ginawa natin nung debut nya!? What do you think?”

“Feeling ko ganun na nga.”

“Nice one, sana iendorse nya rin tayo no, siguradong tayo rin kukunin ng mga friends nyang magaganda rin,” sabi ni Janjan sabay evil laugh. Napailing na lang ako ng ulo, kapag mga 15 years old talaga, tsk tsk.

“Kaso di na kita papayagang makipagpalit ulit ng trabaho sa akin, dun ka na ulit sa photobooth,” nakangisi kong sabi.

“Baliw, di ako papayag no, gusto yung trabaho mo, nakakalapit ka sa mga chix eh!” may pataas taas pa ng kilay ang gago.

Naramdaman kong nagvibrate yung phone ko mula sa bulsa ng jacket ko, may tumatawag. Inadjust ko yung salamin ko sa mata at saka sinagot yung tumatawag na unknown number.

“Wait lang pre ah,” sabi ko kay Janjan na nanood na ng ibang vlog ni Cassandra, “Hello?”

“Hello! Ean, its me, Gelo.”

“Uy Gelo!” Sabi ko nung finally mabosesan ko na rin sya, agad napatingin sa akin si Janjan, tinuro nya yung phone ko tas yung monitor, parang tinatanong kung yung Gelong kausap ko ay yung Gelo ni Cassandra. Tumango ako. “San mo nakuha yung number ko?”

“Sa Kuya Jasper mo. Im sorry, I should’ve asked your permission first.”

“Baliw ayos lang sa kin wag kang mag-sorry.”

“I called kasi I really need you to help me with something.”

“Ano?” Bigla akong kinabahan dun ah.

“Can we meet? Actually ang hirap ipaliwanag sa phone eh, tsaka Im driving around your area, maybe I could drop by. Asan ka?”

“Asa studio ako ngayon eh, pero aalis rin ako agad, wala rin naman kasi akong gagawin tsaka wala akong pasok sa carwash pag weekends.”

“Cool, san tayo magkikita?”

Tumingin ako sa labas ng photostudio, “May Infinitea sa ikalawang kanto mula sa car wash, punta ka ron dun ako mag hihintay.”

“Sure, thank you so so much. On the way na ko.”

Pagkababa ng tawag di pa rin makapaniwalang nakatitig sa akin si Janjan, “Seryoso ka talaga pre? Yung Gelo na yun yung jowa ni Cassy?”

“Yep.”

“Bakit daw tumawag?”

“Di ko alam eh, magpapatulong daw about something, kaso di sinabi.”

“Wooow. So close kayo?”

Tumungo ako.

“Pre, pag kasama si Cassandra sama mo ko ah. Sige na please, sama mo ko ah!”

“Oo, oo, sasama kita.”

Paglabas ko ng studio, sumakay ako ng jeep papunta sa Infinitea na malapit sa car wash. Di ko alam kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng excitement sa pagkikita ulit namin ni Gelo.

Pagbaba ko ng jeep, nakita kong nakapark na sa harap ng Infinitea yung sasakyan ni Gelo, di pa rin ako makaget over kung gaano kayaman yung pamilya nya, biruin nyo, regalo pala yun sa moving up ceremony nya nung junior high school. Ako nung nagmoving up ako bumili lang si Mama at Papa ng bagong headphones na di kalaunan nasira rin agad.

Nakita ko kaagad si Gelo pagpasok ko, kaso nakatalikod sya, nakaharap sya sa counter at may kinakalikot sa phone nya.

“Uyy Kuys,” sabi ko paglapit ko sa kanya, tinapik ko yung balikat nya at saka umupo sa harap nya.

“Uy Kuys,” agad nyang binulsa yung phone nya. Kita ko na may onting inis sa nakakunot nyang noo, malamang si Cassandra nanaman to.

“Mukhang badtrip ka ngayon ah?”

“Ah wala, si Cassy kasi eh.”

“Napanood ko yung latest video ni Cassy ah, yung kasama ka. Pumayag ka rin pala i-shoot yun.”

“Syempre, wala akong choice eh. Pag di ako pumayag lalabas nanaman na ang gago kong boyfriend,” nag lean forward sya at pinatong ang mga braso sa mesa “Sus, bayaan mo na nga yun! I actually really need your help.”

“Para saan?”

“Teka, order muna tayo,” bigla nyang kinuha yung menu na nasa gilid lang ng mesa at saka namili, “Gusto ko ng Wintermelon. Ikaw?”

“Ah eh-

“Dont worry, sagot ko.”

“Sige Wintermelon na lang rin,” sa totoo lang, di pa talaga ako nakakabili ng kahit ano rito kaya di ko alam kung ano talaga yung masarap.

“Sige. Wait lang ha.”

Tumayo sa table namin si Gelo at nagpunta sa counter at nag order. Habang nasa counter, di ko mapigilang tumitig sa kanya. Di pa rin ako makapaniwala na close ko yung isang tulad ni Gelo. Di naman pangbabash sa mga mayayaman pero diba, madalas yung mga tipo ni Gelo, lalo na boyfriend ng isang sikat na vlogger, mapipili sa kaibigan.

Pero sabagay, may nabasa ako sa internet dati na mas madali makipagkaibigan yung mga lalaki kesa sa mga babae. Naalala ko nun sa probinsya, isang beses mo lang makalaro ng basketball, tropa mo na agad.

Pero hindi eh, nakakapagtaka talaga.

Pagbalik ni Gelo, inabot nya sa akin yung order ko bago umupo sa upuan nya.

“So, eto na nga, I actually needed your help for my set cards.”

“Set cards?”

“Yep. Its like a portfolio for modelling. Its basically a compilation of my pictures on different angles and different emotions, para lang makita nung modelling agency kung anong nga product pwede sa akin.”

“Whoa, so mag momodelling ka?”

“Yep. Na-convince ako nung isa sa mga kaibigan ni Cassy. Sabagay, bakit naman hindi diba?”

Oo nga, bakit nga naman hindi, eh ang gwapo gwapo naman ng gagong to, mayaman, medyo di nga lang ganun ka batak yung katawan, may kapayatan, pero mababatak rin yan. Napa-‘sana all’ na lang ako.

“So, I need a professional photographer to shoot me.”

“Hala, di naman ako professional photographer ah.”

“At least you can take good pictures naman diba?”

“Ewan.”

“You do. Tinignan ko Facebook mo.” Di ko alam kung bakit pero parang may nakiliti sa loob ko sa thought na inistalk nya ang facebook ko, “And besides, you’ve got the studio, you’ve got the equipment.”

“Hala, di ako magaling pramis.”

“Sige na, para di na ko magbabayad ng professional photographer, para at least ikaw na babayaran ko diba?”

“Baliw, nakakahiya, di na kita sisingilin.”

“Pwede ba yun? Syempre aabutan din kita after.”

Naramdaman ko yung cheeks ko na umiinit, malamang namumula nanaman tong mga to.

“So kailan kita i-shoo-shoot?”

“Tomorrow?”

“Sure, wala naman akong gagawin bukas.”

“Nice,” ngumiti sya. Yung ngiti na pati yung nga mata nya ngumingiti rin. Di ko alam pero parang nakiliti ako deep inside sa ginawa nya.

Chapter 6

“Shit.” Nakalock yung studio pagdating namin

“What happened?” tanong ni Gelo na agad lumapit sa akin.

“Nakalock yung studio. Tangina naman ni Janjan, sabing wag iiwang nakalock eh.”

“Nakanino ba yung susi? Let’s get it.”

“Tatawagan ko si Janjan, wait,” kinuha ko sa bulsa ng pantalon ko yung phone ko at agad tinawagan ang number ni Janjan. Pero nakailang tawag na ko wala pa rin. “Cannot be reached yung gago,” sabi ko na lang sa inis, “Hintayin na lang natin, baka nagmeryenda lang yun kung saan.”

“I have a better idea,” sabi ni Gelo habang pinupunasan ang pawis sa noo gamit ang laylayan ng tshirt na suot. Di ko alam pero di ko naiwasang mapatingin sa katawan nya habang naka angat yung tshirt nya. “Let’s just find another place, set cards doesnt have to be in studios diba? What do you think?”

Mas mabuti nga yon kesa sa nakatambay kami rito sa studio nang tanghaling tapat, “Sige, pero san naman?”

“Sa bahay na lang, we have so many white walls there.”

“Sige dun na lang, ang init na masyado rito.”

Bumalik na agad kami sa kotse ni Gelo, mga ilang minuto pa lang simula nung nag park kami pero sobrang init na agad nung loob, “Tanginang init yan,” sabi ni Gelo habang dali daling binubuksan yung AC nung kotse.

Pagka-alis namin ng studio, tumunog yung phone ni Gelo. Sakto naman nasa stoplight kami kaya agad nya tong kinuha sa bulsa at sinagot ang tawag.

“Babe…” si Cassandra pala, “…no. Ean and I were heading to my house… his studio’s locked so we need a new place… then tell the driver you’ll go to another place… c’mon, or you can just hop off by the studio then book another grab… Im dropping the call, Im driving.” At inis na binaba ni Gelo ang tawag, sakto sa pag green light ng stoplight.

“Man, she’s really annoying sometimes.”

“Pero madalas naman kayong magkasundo kesa sa mag away?”

“Yep, there’s just times na hindi na rational yung mga gusto ni Cassy, kaya di ko napagbibigyan, kaya ayun, umaattitude.” nilagay nya yung phone nya sa isabg phone holder na nasa dashboard ng sasakyan. “How about you? Do you have a girlfriend? How’s she?”

“Nako, wala pa kong girlfriend,” nahihiya kong sabi. Nakakahiya naman kasi talaga, dise-otso na ko pero di pa rin ako nagkakagirlfriend. Madalas nga akong pagtripan ni Terrence eh, may ipapakilala daw sila sa akin, mag-arrange ng double date kasama sya at ang girlfriend nya of the month, pero di kalaunan, di ko rin makakasundo.

“Di ko pa nakikita yung type ko,” sabi ko na lang kay Gelo, tulad ng lagi kong sinasabi tuwing may magtatanong kung bakit wala pa akong girlfriend.

“How about exes?” umiling lang ako at ngumisi, “What? As in never ka pang nagkagirlfriend?”

“Hahaha oo, puro mga hanggang landian lang, M.U. ganun, pero walang umaabot sa seryosohan,” sabi ko, which is totoo, madalas sa mga nakalandian kong mga babae dati, hanggang landian lang.

“Lucky you, walang commitments,” natatawang sabi ni Gelo, “Just kidding.”

Di ko namalayan na nakapasok na pala kami sa isang exclusive na subdivision dito sa parte ng Taguig na puro mga mayayaman ang nakatira. Kaliwa’t kanan yung mga nagtataasang mga bahay at mga mansion. Mukhang sobrang yaman talaga ng pamilya ni Gelo.

“So, welcome to my neighborhood, when I was a kid, I used to ride my bike around here,” sabi nya habang binabaybay namin yung main road ng subdivision, “Nabunggo pa nga ako dun sa puno na yun dati oh,” tinuro nya yung isang malaking puno ng acacia sa di kalayuan.

Tumigil kami sa harap ng isang bahay na may napakataas na bakod, kita sa loob ang tatlong palapag na bahay na parang limang beses ang laki sa buong apartment na tinutuluyan ko. Kita ko rin yung malaking garden sa harap ng bahay na punong puno ng halaman.

Bumusina ng tatlong beses si Gelo, at maya-maya pa, bumukas na yung gate ng bahay at nakita ko na yung kabuuan ng mansyon nila Gelo. Nakita ko rin yung mga maid nila na nagbukas ng gate.

“Here we are,” sabi ni Gelo. Pinatay nya yung engine, tinanggal ang seat belt at bumaba sa sasakyan. Agad kong tinanggal yung seatbelt ko, kinuha yung backpack ko na may mga gamit ko at saka bumaba.

“Oh, akala ko ba gagabihin ka ng uwi?” bumukas ang pinto ng bahay at may lumabas na matandang babae.

“Change of plans la,” Ah so eto ang lola ni Gelo, “Lola, Ean nga po pala, kaibigan ko, Ean, si Lola Mercy, lola ko.”

Ningitian ko yung lola ni Gelo at saka inabot ang kamay at nagmano.

“Gawa ka ng Diyos,” sabi ng matanda, “Aba Angelo, buti pa ang kaibigan mo marunong magmano.”

“C’mon la,” niyakap ni Gelo ang lola nya at saka ito nagkiss sa pisngi, sa mga telenovela na napapapanood ko ganto nga yung mga mayayaman, di sila nagmamano, humahalik o kaya nagbebesso lang sila.

“Let’s go Ean,” sabi ni Gelo.

Pumasok na kami sa loob, tinanong kami ni Lola Mercy kung kumain na ba kami, sinagot naman sya agad ni Gelo na naglunch na kami kanina sa Jolibee bago pumunta sa studio. Agad kaming umupo sa sofa sa sala na mas malambot pa sa kahit anong kama na nasa apartment namin.

“Juice, gusto nyo?” tanong ni Lola Mercy.

“Yes po la, kaso iutos nyo na po yun sa mga maid!”

“Sige na, ako nang bahala,” sabi ng matanda bago pumasok sa kusina. Naalala ko sa kanya yung paborito kong lola, yung nanay ni Mama na lagi kaming pinapakain magkakapatid dahil nangangayayat na daw kami.

“So, I think this wall could work what do you think?” sabi ni Gelo habang pinapakita yung isang dingding na purong puti.

“Pwede sana yan kaso sa pagkakapintura nung dingding, for sure magbobounce dyan yung liwanag pag nagkaflash yung camera.”

“So what shall we do?”

“May tela kayong puti?”

“Gano kalaki?”

“Yung sapat na para macover yung dingding na to.”

“Ate Precy! Ate Marge!!” sigaw ni Gelo, umalingawngaw sa loob ng mansyon yung malalim na boses ni Gelo.

Dali-daling pumasok sa loob ng sala yung dalawang maid na nag bukas kanina ng gate.

“May ginagawa ba kayo sa labas?” Can you please help us with this?“ tanong ni Gelo.

Habang tumatagal ako rito sa bahay nila Gelo mas tumataas ang respeto ko sa kanya. Habang tumatanda ako, ang akala ko talaga lahat ng mayayaman pare-pareho, na mapangmaliit sa kapwa lalo na sa mahihirap, mapili sa kaibigan, walang pakialam sa pamilya lalo na sa matatanda, at di ganun kabait pagdating sa mga katulong sa bahay. Pero mukhang di ganun ang kaso kay Gelo at sa pamilya nya.

“Ay sir katatapos lang po namin magdilig, ayos na po, ano po bang papagawa nyo sa amin?”

“Do we have some white cloth?”

“Gano po kalaki sir?”

“Yung enough para macover yung wall na to.”

“Sige po sir, hahanap po kami.”

Pag-alis ng dalawang maid, umupo sa tabi ko si Gelo. Kinuha nya sa bulsa yung phone nya na di ko namalayang nakuha nya mula sa phone holder sa kotse “I wonder where Cassy is.”

Saktong tumunog naman yung doorbell nila, siguradong si Cassy yun. Agad na tumayo si Gelo at lumabas.

Di ko naiwasang ilibot ang tingin ko sa kabuuan ng bahay nila Gelo sa loob. Kita mula sa kinauupuan ko ang second floor dahil parang may malaking hallway dun na may terrace na kita ang sala sa baba. Ang linis ng pagkakadesign sa bahay at mas malinis ang pagkakalagay ng bawat furniture na halatang di ganun ka-mura.

“Oh my gosh, I just really wished you picked me up sa bahay para di na ko nag-Uber diba!” Narinig ko yung boses ni Cassandra na malapit na sa may pinto. Tumayo ako sa pagkakaupo at sinilip ang dalawa sa bintana na kita ang kabilang banda ng pinto. Nakita kong nakatayo silang dalawa dun.

“Im sorry. Im sorry babe, you’re right,” sabi na lang ni Gelo at saka niyakap si Cassandra, hinalikan nya pa to sa noo. Wow, parang kanina lang inis sya sa girlfriend nya, pero ako yung nasa kalagayan nya, siguro ganun na lang rin yung gagawin ko, para matigil na lang rin yung away.

Bumalik agad ako sa kinauupuan ko at nagkunyaring may kinakalikot sa camera ko.

“Babe, si Ean pala, he’s going to shoot me,” sabi ni Gelo pagpasok nila sa sala. Ningitian ko si Cassandra at syempre, namangha ulit kung gaano talaga sya kaganda. Tumabi sya sa akin sa sofa, ngumiti at nag-wave sa akin. Pinatong nya ang dalang make up box sa coffee table. Mukhang sya ang magmememake-up sa jowa nya.

Bigla akong nakaramdam ng pagkaconscious sa sarili, syempre artista yung katabi ko baka mamaya amoy araw na pala ako nakahiya. Kaya nung nakita ko yung mga maid nila Gelo na dala ang malaking puting tela, agad akong tumayo at nagpaaalam na tutulong lang sa pagseset-up sa pagphophotoshootan kay Gelo.

Habang tinutulungan kong abutin yung taas ng pader na di abot nila Ate Precy at Ate Marge, narinig kong nagtatawanan na yung dalawa. Sinilip ko sila at nakitang pumipili sila ng bagay na foundation kay Gelo. Naglagay ng onti ng liquid foundation sa daliri si Cassy at mabilis na pinahid to sa pisngi ni Gelo. Natatawang kinuha ni Gelo yung foundation kay Cassy at nagpahid rin sa mukha nito.

Mapapasabi ka na lang talaga ng ‘sana all’ eh.

“Gelo, Ok na,” sabi ko pagkatapos namin maset-up yung magiging backgroud kasama ng mga ilaw na dala ko.

“Wait lang Ean, I’ll just put on some lipgloss kay Gelo,” sabi ni Cassy.

Tinignan ko si Gelo. Lalo pa syang gumwapo. Nakamake-up na sya at naistylan na rin ni Cassy yung buhok nya. Nakapagbihis na rin sya ng brown na parang skin tone na t-shirt na nasa loob ng kulay gray na blazer at itim na skinny jeans, may suot rin syang brown na boots na medyo ka-tone ng suot nyang t-shirt.

Ang astig pala maging jowa si Cassy no, may make-up artist ka na, may stylist ka pa.

At ayun, nagshoot na rin kami sa puting tela. As usual, sobrang gwapo tignan ni Gelo, sigurado akong kahit anong shot pa yung gawin ko makakapasa at makakapasa to sa kahit anong modelling agency na pag-aapplyan nya.

“Ok na ba?” tanong ni Gelo makaraan ang ilang minuto naming pagshooshoot.

Tinignan ko yung pictures at nakitang naka 50+ na pala ako, “Ok na, ayos na.”

“Patingin nga ako please,” nakangiting sabi ni Cassy. Inabot ko sa kanya yung camera ko, agad namang lumapit rin si Gelo at nakisilip rin.

“Whoa, the shots were great, thanks kuys,” sabi ni Gelo, nakipagfistbump sya akin bago tumingin ulit sa camera.

“Sir, pwede rin ho patingin kami?” tanong nila Ate Precy pagbalik sa akin ni Cassy nung camera ko. Inabot ko na to sa kanila at sila naman yung sumilip.

“Ay hala Sir Gelo, ang gwapo gwapo mo talaga, pwedeng-pwede ka nang model!”

“Yes Ate Precy! Actually kaya sya nagphotoshoot ngayon kasi mag-apply sya bilang model, sabi ni Cassy habang nakayakap sa boyfriend.

“Hala! Magiging model na si Sir! Makikita na natin sya sa mall! Nako sir baka maging endorser ka ng bench!” excited na tugon ni Ate Marge.

“Bench? Underwear! Babe, you need an underwear shoot!”

“What!?”

“Tama si Ate Marge, mas malaki ang chance mong makuha as model kung may underwear shot ka sa set cards mo!”

“Teka lang-”

“Dont worry, your body is not that bad! It may not be as in ripped talaga pero I think you’ll do good. Di ba Ean? What do you think?”

Medyo nagulat ako dun ah kaya di ako nakasagot agad, “Ah eh, oo, ayos lang naman yung katawan mo kuys,” masyadong naging busy yung utak ko sa pag-iisip kung ano itsura ni Gelo pag naka underwear lang.

Teka, bakit ko iniisip si Gelo na nakaunderwear!?

“Ate Marge, malinis po ba yung pool?”

“Ay oo sir, kakalinis lang ho namin kaninang umaga!”

At ayun, tinulungan ako ni Ate Precy at Ate Marge na magset up ng mga ilaw ko sa may backyard ng mansyon nila Gelo. Kasing ganda ng harap ng bahay nila yung likod, parang resort sa sobrang ayos ng pagkakalandscape ng mga halaman sa may bakod at sa mga garden decorations. Pero yung nakakaamaze talaga ay yung pool nila na parang Olympic size na sa laki.

Pinatong ko yung mga gamit ko sa isang table na nasa patio sa may backdoor nila. Habang hinihintay si Gelo na nagbibihis sa taas, umupo muna ako at nireview ang mga kuha ko kay Gelo sa naunang shoot.

Di ko alam pero may something talaga na nakakahalina pag tinititigan si Gelo. Ang ganda lang talaga ng facial structure, lalo na yung panga na sobrang defined. Dagdag mo yung makapal na kilay at brown na mga mata, pang model na nga talaga.

Kung tiga probinsya lang namin tong kaibigan ko, siguradong maipapanalo nya lahat ng pageant na pwede nyang salihan.

“Ean?”

Agad kong pinatay yung camera nang marinig si Cassy sa likod ko. Nakakahiya naman na makita nya kong tinititigan yung picture ng boyfriend nya.

“Bakit?”

Umupo sya sa isang upuan sa tabi ko at nilapag yung make-up box sa table sa harap namin, “Ayos lang ba yung pagkaka-make-up ko kay Gelo?”

“Oo naman, may igwagwapo pa pala yun, nakakainggit nga eh, sana all gwapo.”

Natawa saglit si Cassandra. Napansin kong iba yung tawa nya sa personal kesa sa mga tawa nya sa mga vlogs nya na napanuod ko. Mas genuine yung sa personal, “You dont look back either, pag may time I’ll do you a makeover, Im sure you’re as handsome.”

Shet. Lalong gumanda sa paningin ko si Cassy, mabait naman pala sya sa personal. I wonder kung anong “attitude” yung sinasabi ni Gelo tungkol sa kanya.

“Ok lang ba yung pagmake-up ko kay Gelo? I mean, ayos lang ba yung coloration? I mean do I need to tone it down? Or maputla sya pag natamaan na ng ilaw? What?”

“I think ayos lang naman, medyo maputi sya sa ibang shots pero I believe yung mga ilaw ko yung mag-aadjust for that,” sagot ko. Parang unti-unti nang nawawala yung pagkastarstruck ko kay Cassy and napapalitan na ng familiarity.

“Uhm guys?”

Sabay kaming napatingin sa loob ni Cassy at nakita na nga namin si Gelo na nakaboxers lang. Nakatakip sya sa harap ng boxers at lumabas na sa backdoor.

“C’mon babe, paano ka magiging model nyan kung apat pa lang kaming tao rito mahihiya ka na?” sabi ni Cassy matter-of-factly, “Besides, gawin mo na ring motivation yan para maggym, you need that.”

At ayun, shinoot na nga namin si Gelo para sa underwear shoot nya. And masasabi kong di rin naman ganun kapayat si Gelo kesa sa inakala ko, may muscles naman syang onti, yung tipong sakto lang sa edad namin, hindi yung sobrang buff na pang mga model ng brief sa avon.

Naramdaman kong parang nagblush ako. Shet. Bakit ganito yung epekto ni Gelo sa akin?

Chapter 7

“Wait, this shot is cool,” turo ni Cassy sa isang shot ni Gelo, “Kaya mo bang taasan lang yung brightness ng onti pa?”

“Yep, ako nang bahala pag naglay-out na ko.”

Katatapos lang namin magphotoshoot at magtransfer ng pictures sa laptop ni Gelo, nandito pa rin kami sa table set na nasa garden nila Gelo sa tabi ng pool. Nakapagbihis na ngayon si Gelo at nairereview yung ilang shots sa camera ko.

“Babe, pahiram ako,” kinuha nya kay Gelo yung camera, “Mag IG story lang ako saglit.”

Pagkabigay kay Cassy ng cam, sumilip sa ginagawa ko sa laptop si Gelo, malapit nang matapos itransfer nung mga photos nya sa flashdrive ko.

“Told you, you take good photos,” sabi nya pagtapos uminom ng orange juice na dinala sa amin dito ni Lola Mercy kani-kanina na may kasama pang ma brownies na halos ako lang yung umubos since di mahilig sa brownies si Gelo at di naman pwede si Cassy sa matatamis, diet daw.

“Sus, di naman,” syempre pa-humble muna tayo.

“Kailan mo ieedit yan?”

“Gusto mo ba ngayon na din?” tinignan ko yug relo ko, mag aalas-singko pa lang naman pala.

“Sige,” Lola Mercy also said na dito na daw kayo mag dinner, nagluto sya for us.

“Hala nakakahiya,” sabi ko.

“Baliw, wag ka na mahiya,” sabi ni Gelo sabay suntok ng marahan sa braso ko.

“Babe, kailangan ko nang umuwi,” biglang sabi ni Cassy. Nakitingin pa rin to sa phone, “My Mom texted me, she needs to go to Tita Aliana’s 3rd wedding and di nya alam kung anong isusuot. For sure magpapasama to mag mall.”

“Ganon ba, hatid na kita. Kunin ko lang yung susi sa kwarto.”

“Wag na babe, pinapunta na ni Mama si Kuya Berto dito, he’ll pick me up, actually he’s on the way na.”

“Tara,” tumayo si Gelo st nag-unat, “Paalam ka na kanila Lola.”

Agad na nag-ayos ng sarili si Cassy at sumunod na kay Gelo sa loob, dala ang make-up box nya.

“Bye Ean! Nice meeting you!” Sabi nya bago pumasok sa loob. Nag-bye rin ako at saka binalik ang atensyon sa laptop.

Pagtapos magtransfer nung mga pictures sa flash drive ko, niligpit ko na yung mga gamit ko. Yung camera, yung tripod, yung mga ilaw pati yung reflector. Sakto na pagkabalik ni Gelo tapos na ko magligpit.

“Thanks kuys, you’re the best,” nakipagfist bump ulit sa akin si Gelo bago umupo at inubos yung juice nya. Nilabas nya yung wallet mula sa bulsa ng short at inabutan ako ng ilang 1000 bill.

“Wag na uy.”

“Sige na, nakakahiya.”

“Baliw, isipin mo na lang tulong ko yan sa magiging modelling career mo.”

“Loko, pero salamat ha!” ningitian nya ulit ako, “Tara langoy?”

“Wala akong dalang damit.”

“Dami-dami kong damit dyan eh, tara na.” Hinubad nya yung suot na t-shirt at shorts, suot nya pa rin yung boxers na ginamit nya kanina sa shoot. Nagdive na sya sa pool at binasa ako ng onti.

Agad ko na ring hinubad yung tshirt at pantalon ko at sumunod sa kanya sa pool

Habang nagswiswimming, pinakikiramdaman ko yung bahay nila Gelo. Lalo akong nainggit sa kanya. Ang saya-saya ng buhay nya, lahat nasa kanya na, siguro kung kasing yaman lang ng ma magulang nya yung ma magulang ko edi sana mas na provide ng mga magulang ko yung pangangailangan naming magkakapatid.

Madilim na nung napagod ako sa kakalangoy. Umahon ako at umupo sa gilid ng pool. Pinagmamasdan ko lang si Gelo na lumalangoy na di kalaunan, umahon na rin at tinabihan ako sa kinauupuan ko.

“Siguro kung meron ako ng buhay na meron ka, wala na siguro akong hihilingan pa,” sabi ko out nowhere.

“Di rin.” Sasabihin ko sanang ang yaman yaman na nya bakit di pa rin sya masaya nang maalala kong wala syang kalayaan, na hawak sya ng mga taong nasa paligid nya, tulad ng mga magulang nya na pinipilit syang maging doktor tulad nila, at ni Cassy na pinipilit syang magpakita sa mga vlog nya.

“Pwed-” may sasabihin sana ako kaso nagsalita sya, “Sandali lang may kukunin ako,” umahon sya sa pool at pumasok sa loob ng bahay.

Pagbalik nya, may dala na syang dalawang Tanduay Ice na kulay blue, tumabi ulit sya sa akin at binigay sa akin yung isa sa dala nya.

“Alam mo, I never really had any friends.” Tumingin sa akin saka tumagay. “And when I mean friends, yung nakakahangout mo ng ganito. Medyo naiingit ako sayo nung sinabi mo na mga tropa mo yung kasama mo sa dorm. I have acquaintances, close ako sa mga kaklase ko, pero wala ako nung group of friends na masasabi kong belong ako, yung yayayain akong magroad trip, yung iimbitahan ako sa debut, ganon.”

Never judge a book by its

“Paano mo nakilala si Cassy?”

“Cassy was a different story. We went to the same junior high school pero we never really became classmates. Lagi syang nasa higher section. Her parents were a family friend. Minsan pag nagdidinner sila rito sinasama nila si Cassy, and since sa mga tatlo nilang anak, si Cassy yung kasing edad ko, naging close kami agad, and the rest is history.”

Napa-oh ako bago uminom ulit nung Tanduay Ice. Sakto, paborito ko pa naman yung kulay blue.

“Ean, may mga kapatid ka ba?”

“Meron, bale, 7 kaming magkakapatid. Dami no? Di ko ba alam sa mga magulang ko, mahirap na nga buhay namin dun sa probinsya nag-anak pa ng anak.”

“Di ko rin alam sa mga magulang ko kung bakit di ako ginawan ng kapatid.”

Natahimik kaming dalawa. Di ko alam, pareho ata kaming kumportable na sa katahimikan. Nagsimula nang tumunog yung mga kuliglig na nakatago sa mga halamanan ng garden nila. Tinitigan ko lang yung tubig ng pool na kumikintab dahil sa isang lamp post na nasa labas ng bakod.

“Kung ganon, I’ll be your friend. Yung tipong nayayaya mong tumambay ng ganito.”

Naramdaman kong dumikit sa tuhod ko yung tuhod ni Gelo.

“Mga bata!”

“Shit! Si Lola! Ubusin mo na yan! Tapos tago mo yung bote sa mga damit natin!” sabi sa akin ni Gelo. Dali-dali naming inubos yung laman ng mga bote namin at tinago to sa ilalim ng mga damit namin. Agad kaming tumakbo papasok kay Lola Mercy.

“Luto na yung pagkain, mag-bihis na kayo dalian nyo at baka lumamig yung pagkain!” sabi sa amin ni Lola Mercy pagpasok namin.

Naramdaman kong hinawakan ni Gelo ang kamay ko at tumakbo kami pataas sa hagdan, papunta sa kwarto nya.

Tumakbo kami pataas sa kwarto nya. Hawak ang kamay ko.

“Eto oh, ayun yung C.R.” inabutan nya ako ng isang set ng mga damit na agad ko namang kinuha at dinala sa banyo sa loob ng kwarto nya.

Naghilamos muna ako para mahimasmasan sa di maipaliwanag na kilig na naramdaman ko nung umakyat kami. Iniling ko ng mabilis ang ulo ko at saka huminga ng malalim. Di tama tong nararamdaman ko.

Mabilis akong nagpatuyo at bumalik sa kwarto ni Gelo. Nakaupo sya sa gilid ng kama at nakapagpatuyo at nakapagbihis na, “Tara na kuys, baka magalit pa si Lola Mercy.”

Pagbaba, nakahain na yung pagkain sa lamesa. Kare-kare yung ulam na sa palayok pa nakalagay na si Lola Mercy mismo yung nagluto. Nasa dining room rin si Ate Precy at Ate Marge na naglalagay ng juice sa mga baso.

“Upo na kayo mga Gelo at Ean, sayang at wala na si Cassy, paborito non ang Kare-Kare ko.”

Umupo ako sa tabi ni Gelo. Umupo naman sa harap ni Gelo si Lola Mercy. Napansin kong may dalawang plato pa na nasa tabi ni Lola Mercy. Malamang at sa malamang para to sa mga magulang ni Gelo.

Pagtapos magdasal, kumain na kami. Inusisa ni Lola Mercy kung para saan yung photoshoot namin kanina kay kinuwento ni Gelo na may nag-alok sa kanya na magmodel. Habang nagkukuwentuhan ang mag-lola, di ko maiwasang ilibot yung tingin sa loob ng dining room na puno ng mga mamahaling gamit. I swear lahat ng mga nandito mapasalamin o porcelain kumikintab.

Napansin ko ang malaking family portrait ni Gelo at ng mga magulang nya na nasa isang dingding. Ang bata ng onti ni Gelo, siguro mga 15 o 16 sya nung kinuha to pero pansin mo na agad na gwapo. Tinitigan ko naman yung mga magulang nya. Sa totoo lang mukha silang nakakatakot.

“Marge! Precy! Tama na yan! Kumain na kayo rito!” sigaw ni Lola Mercy, agad namang pumasok ang dalawang maid at inokupa yug dalawang bakanteng upuan sa tabi ni Lola Mercy na akala ko para sa mga magulang ni Gelo.

“Nasan yung mga magulang mo?” tanong ko kay Gelo pagkabalik namin sa kwarto nya pagtapos namin kumain.

“Nasa ospital. May quarters na sila run since isa sila sa mga head dun. Minsan na lang sila umuwi rito, madalas para kumuha lang ng gamit.”

Ang sad naman nun.

“Tara, akyat tayo sa taas.”

Binuksan ni Gelo yung isang bintana at umakyat palabas. Sinilip ko yung nilabasan nya at nakitang may ladder sa tabi ng bintana papunta sa bubong. Sumunod ako at maingat na umakyat.

Pagdating sa taas, na amaze agad ako sa ganda ng view. Isa ang bahay nila Gelo sa pinakamataas na bahay sa subdivision kaya naman kita mo ang kabuuan ng subdivision mula rito. Sa kaliwa naman, matatanaw ang nagtataasang skyscrapers ng Mayniila habang makikita naman sa kanan ang nga bulubundukin sa bandang Rizal.

“Ang ganda naman ng view dito.”

“Kaya nga eh, kaya minsan umaakyat ako rito pag gusto kong mag-isip-isip.”

Sabagay, nakakarelax naman talaga yung view na nakikita mula rito.

Tumingin naman ako sa taas. Bilog na bilog at namimintog ang maliwanag na buwan. Di ko pa nakita ang buwan na ganito kaliwanag. Tinignan ko ang sarili ko at si Gelo na nababalot sa kakaibang liwanag ng buwan. Ang ganda. Wala atang kahit anong ilaw ang makakagaya sa liwanag ng buwan.

Kung dala ko lang ang camera ko, kanina ko pa kinuhaan ng litrato si Gelo. Seryoso lang syang nakatingin sa kawalan, tulala at ginugulo ng malakas na hangin ang malambot nyang buhok na madalas nakaayos pataas.

Ang perfect.

“Pwede ba akong magpakatotoo sayo?” sabi nya matapos ang medyo matagal nakatahimikan.

“Oo naman.”

“Please walang makakalabas ah.”

“Oo naman, ano tayo? High School na kailangan kong ipagkalat yung sikreto mo para awayin ka?” Pero sabagay, ilang linggo pa lang naman kami magkilala, syempre di ko naman mapipilit yung taong mag-confide sa akin diba?

“Ano kasi-”

Natahimik sya. Hinintay ko lang sya magsalita. Tinuon ko ulit yung pansin sa view mula sa bubong nila Gelo, pero deep inside nacucurious na ko sa kung anong sasabihin ni nya.

“Di ako sigurado kung mahal ko pa ba si Cassy.”

Bigla akong napatingin sa kanya. Nakatingin lang sya sa taas, iniilawan ng maliwanag na buwan ang kanyang malungkot na mukha. Biglang nawala yung laging confident at may swag na Gelo na kilala ko.

“Bakit?” Di ko alam ang sasabihin kaya napa-bakit na lang ako.

Hinawi nya ang buhok at sinuklay ito pataas gamit ang mga daliri, pero dahil di naman to nakawax, tinangay-tangay pa rin to ng hangin. “Di ko rin talaga alam. Pakiramdam ko nawawala na yung feelings ko sa kanya.”

Isa to sa mga dahilan kung bakit hanggang landian lang yung inaabot namin ng mga nakakalandian ko. Takot ako sa ganito, sa realization na paano kung isang araw magising na lang ako na hindi ko na sya mahal.

“Natatakot akong bitawan kung ano man yung meron kami kasi, kuys di rin biro yung isang taon.” Napatingin sya sa baba. “Nanghihinayang ako sa tagal namin, saka ano na lang yung sasabihin ng mga tao sa paligid namin pag nalaman nilang nakipaghiwalay na ko kay Cassy,” tuloy-tuloy nyang sabi.

Di ko pa rin alam ang sasabihin. Nung isang-isang linggo parang customer lang namin silang dalawa sa studio namin, tas ngayon nasa gitna na ko ng issue na tiyak ikasisira nilang dalawa.

“Ang masasabi ko lang,” huminga ako ng malalim, “Sundin mo ang puso mo.”

“Sundin ang puso ko?”

“Oo. Wag mong isipin yung sasabihin ng iba. Sundin mo yung puso mo.”

Natahimik sya. Pinagmasdan ko lang sya. Dahan-dahan syang tumingin sa akin.

At mabilis akong hinalikan sa labi.

“Oh shit. Tangina, sorry, Im sorry. Fuck!” sabi nya habang nakatingin palayo sa akin.

“Ayos lang,” sagot ko, “Kung yan ang gusto ng puso mo.”

Tinignan nya ulit ako at dahan-dahang lumapit sa akin. Hinalikan nya ulit ako. Di eto yung unang beses na humalik ako kaya sinubukan kong buksan ng bahagya ang mga labi ko, na agad naman pinasukan ng dila nya.

“I really like you Ean,” sabi nya ng saglit na maghiwalay ang mga labi namin, “The first time na nakita kita nung debut ni Cassy, I already felt something. That’s why sinubukan kong maging close with you.”

Di ako makapaniwala. Di pa bumilis ng ganito ang puso ko kahit kailan, parang kaba na may halong kilig, na di mo talaga maintindihan.

“I asked your Kuya Jasper about somethings about you, tas ayun nabanggit nya na nagtatrabaho ka nga rin dun sa car wash, so ayun pinuntahan kita.”

So hindi pala coincidence yung pagpunta nya nun sa carwash.

“For the course of what? Two weeks? Oo, two weeks na magkilala tayo, I felt my interest towards you grew into admiration, infatuation even.”

Tumitig sya sa akin. Nagtitigan kami. Kitang-kita ko yung sincerity sa mga mata nya.

“So I’m confessing right now to you, para malaman kung may pag-asa ba ko sayo?”

Natahimik ako. Pakiramdam ko panandalian akong nawalan ng boses.

“You know, its ok if you dont feel the same, siguro nagkamali lang ako, I really thought na pareho na tayo, na maybe you’re attracted to guys din like I do. Again its ok lang, my bad, I never asked kung straight ka ba or what, pero gusto ko lang malaman kung may pag-asa ba ako sayo.”

Huminga ako ng malalim at sa wakas nakita ko na rin ang boses ko.

“Yes,” ningitian ko sya, “I feel the same,” tinanggal ko yung salamin ko sa mata at pinatong sa gitna naming dalawa.

And this time, ako naman yung humalik sa kanya.

Di ko alam kung gaano kami katagal na naghalikan sa bubong nila. Segundo, minuto, o baka oras na. Di mahalaga kung gaano katagal, basta ang alam ko, eto ang gusto ng mga puso namin.

Chapter 8

Nagising nanaman ako sa malakas na patugtog nila Terrence, pero this time boses naman ni Kendrick Lamar yung bumalot sa buong apartment namin. Feeling ko maya-maya may kakatok na sa aming kapitbahay dahil sa lakas ng speakers ni Denver.

Una kong hinanap ang salamin ko sa ilalim ng unan, pagsuot ko, si Ralph ulit yung una kong nakita na nanunuod ng anime sa laptop nya. Bumangon ako, nag-inat ng konti at kumuha ng sando sa damitan ko.

“Nanonood ka nanaman ng anime?” Tanong ko kay Ralph habang inaayos ang buhok ko sa salamin na nasa dingding sa tabi ng kama ni Terrence.

“Paki mo ba? Pinakakiki-alaman ba kita pag-gabi ka na umuuwi?” As usual, kahit nakikipag-usap di pa rin nya inaalis ang tingin sa pinapanood.

“At least may social life.”

“Gago,” tumawa sya at binato nya ko ng mga balat ng mani na for sure kagabi nya pa kinain.

“Kadiri naman to puta!” Binato ko sa kanya pabalik yung mga balat ng mani.

“Bro, kanino nga pala yung t-shirt sa lapag? Ang cool.”

Sinilip ko kung anong t-shirt yung tinutukoy nya. Yung t-shirt pala ni Gelo na hinubad ko bago matulog.

“Ah, kay Gelo,” kinuha ko ang tshirt at pinagpag.

“Yung boyfriend ni Cassy Wright?”

“Oo,” umupo ako sa kama ko at tiniklop ang damit ni Gelo, lalabahan ko to maya-maya.

“Wow, close na talaga kayo no? Astig. Sya yung shinoot mo kahapon diba?”

“Yep.”

“Naks, magiging photographer ka na ng mga model at vloggers. Wag kang makakalimot ha! Big time ka na!”

“Baliw, di pa.”

Biglang bumukas ang kwarto at sumilip si Denver, “Kain na guys, tapos na magluto si Terrence.”

Sinara ni Ralph ang laptop at bumangon na mula sa kama nya, “Tara na Ean.”

“Sige, mauna ka na, saglit lang.”

Paglabas ni Ralph, kinuha ko ulit yung tshirt ni Gelo na nilapag ko sa gilid ng kama. Di ko mapigilang mapangiti nang maalala yung mga nangyari kagabi.

“Baliw, sigurado ka, baka matagalan akong ibalik sayo to,” tanong ko kay Gelo matapos nyang sabihin na pwede ko munang iuwi yung mga damit na pinahiram nya sa akin after namin lumangoy.

“Ayos lang yun ano ka ba? Dami-dami kong damit eh, kung gusto mo sayo na lang yan eh,” natatawang sagot ni Gelo habang nakatingin sa daan.

“Dito na lang ako kuys, ayan na yung apartment namin,” tinuro ko yung gate ng apartment na nasa kabilang kalsada. Maingat na nag-U-turn si Gelo at nag park sa harap ng apartment.

Pagpatay ni Gelo sa engine ng saksakyan, tumahimik ang paligid na kahit ang paghinga ni Gelo sa tabi ko naririnig ko na.

“So, salamat nga pala sa lahat.” Sabi ko matapos ang ilang segundong katahimikan.

“Salamat rin. This is like, one of my happiest nights.”

“So, kita kits na lang kuys!”

“Sige Kuys, ikaw na bahala sa pictures ko ha.”

“Sure,” pagbukas ko ng pinto, biglang hinawakan ni Gelo yung isa kong kamay.

“Wala bang goodbye kiss dyan?”

“Baka may makakita.”

“Baliw, madilim naman eh tsaka walang tao sa paligid,” sabi nya habang sinisipat ng tingin ang paligid ng pinarkan namin.

“Sige na sa susu-” nagulat ako nang bigla nyang hubarin ang seatbelt at lumapit sa akin at hinalikan ako ng mabilis sa pisngi.

“Bye Ean.”

“Bye Gelo.”

Inayos ko ang pagkakatupi ng T-shirt ni Gelo at saka ko to nilagay sa damitan ko. Parang ayaw ko muna tong labhan, parang gusto ko lang na may magpaalala sa akin ng amoy ni Gelo.

“Ean!Bilisan mo! Mauubusan ka na ng tocino ni Ralph!”

“Eto si Ean, tanungin natin,” sabi bigla ni Denver paglabas ko sa kwarto. Umupo ako sa usual kong upuan na nasa may tabi ng bintana at nagsandok ng kanin sa pinggan ko “Ikaw ba pag nalaman mong may boyfriend yung nilalandi mong chix, papatulan mo pa rin?”

“Gago ka talaga Denver, break na nga daw si Natalie tsaka yung ex nya,” sagot naman agad ni Terrence.

“Bro, promise, kilala ko yung boyfriend nun, kaklase ko yun nung junior high, nagkita kami nung isang araw, sabi nya di pa daw sila break.”

“Sus, inggit ka lang kasi ako may Natalie, eh ikaw? Parang kababasted lang sayo ni Hannah tapos ngayon di ka na kinakausap nung nakalandian mo sa Tinder!”

“Hoy! Baka busy lang!”

Napatingin ako sa labas, napaisip ako ng mabuti sa sinabi ni Denver. Kung alam mong may karelasyon yung nilalandi mo, papatulan mo pa rin?

Mali. Maling-mali ang ginawa namin ni Gelo kagabi.

Una, dahil pareho kaming lalaki. Pangalawa, si Cassy.

Naalala ko yung mga kulitan namin ni Cassy nung shinushoot namin yung underwear shots ni Gelo, inaasar nya si Gelo na juts daw at payatot. Naalala ko rin kung gaano sila nageenjoy sa isa’t isa nung debut at nung kahapon. Kahit sabihin pa ni Gelo na di nya alam kung mahal pa nya si Cassy, di pa rin nya deserve na maloko ng ganito.

“Ok ka lang Ean?” Tanong ni Ralph.

Napatingin ako sa kanya, tapos kay Denver at Terrence na nakatingin rin sa akin.

“Ayos lang ako, bakit?”

“Parang ang tahimik mo lang ata ngayon.”

“Marami lang akong iniisip.”

Tahimik kong tinapos yung pagkain ko habang nakatingin lang sa labas ng bintana at pinag-iisipan ang mga nangyari kagabi.

Nagpaalam si Ralph na tatapusin yung bagong anime series na pinapanood nya at saka bumalik sa kwarto dala ang laptop nya, sumunod namang umalis si Denver na may family event na kailangang puntahan. Natira kaming dalawa ni Terrence.

“Ean, alam ko,” sabi nya out of nowhere.

“Ha?”

“Yung sinabi ni Denver kanina,” huminga sya ng malalim, “Alam kong may boyfriend si Natalie.”

Natahimik ako. Parang gusto ko na rin bigla ikuwento yung sa amin ni Gelo kaso naalala ko, iba ang kaso namin ni Terrence sa isa’t isa.

“Eh bakit pinopormahan mo pa rin kahit alam mong may boyfriend na pala sya?”

“Ewan ko,” inubos nya yung kape na natitira sa mug nya, “Mahal ko kasi eh.”

“Paano mo malalaman kung mahal mo talaga yung tao?”

“Di ako expert sa love ah,” natatawang sabi ni Terrence, sya.nga naman tong may bagong babae halos every month sa aming apat, “Pero ang masasabi ko lang, alam kong mahal ko yung isang tao, kapag masaya ako sa presence nila, at kung tama yung nararamdaman ko.”

“It just feel so right kahit mali.”

Buong umaga kong inisip ang mga nangyari sa amin ni Gelo, kahit pagpasok ko sa studio, napansin ni Janjan na parang.balisa raw ako.

Eh sino ba namang hindi mababalisa? Eh first time ko tong maramdaman sa kapwa ko lalaki. Di ko alam pero buong buhay ko ang alam ko sa babae lang ako naaattract.

Di rin nakakatulong na set cards ni Gelo yung ineedit ko ngayon.

“So kamusta yung raket mo kahapon?” tanong ni Janjan na nagwawalis ngayon sa loob ng studio.

“Gago ka, nilock mo yung studio.”

“Sorry na pre.”

“San ka nagpunta?”

“Sa may Infinitea, nagutom ako bigla eh kaya naglunch break muna ako.”

“Tangina mo, lunch break alas dos ng hapon?”

“Sorry na! Yung totoo binigyan ako ni Kuya Gelo ng pera para kumain sa labas, isara ko raw yung studio.”

Naramdaman ko nanamang nagiinit yung pisngi ko. Umiling-iling ako bago pa makita ni Janjan na namumula ko. Shet, so planado pala talaga ni Gelo ang lahat?

“Kamusta nga pala?” Lumapit sya sa akin, “Magkano bayad?”

“Bakit? Uutang ka?”

“Luh? Judgemental naman nito. Hoy pare excuse me, may pera pa ko!”

Sinilip nya kung ano yung ginagawa ko.

“Yan yung mga kuha mo kahapon? Naks, gumagaling ka ah!” sabi ni Janjan sabay gulo sa buhok ko.

“Baliw, mangungutang ka talaga no?”

“Hindi nga! Ay wait lang kuya pre, may papakita nga pala ako sayo,” kinuha ni Janjan yung phone at mabilis na nagscroll somewhere.

“Naalala mo yung film school na sabi mo gusto mong pasukan? May pinost sila sa FB page nila tignan mo,” binigay nya sa akin yung phone nya para basahin yung gusto nyang pakita.

“Anong meron dito?”

“Nag-ooffer na sila ng scholarship! Kailangan mo nga lang mag-audition pero sayang yan pre, full scholarship rin yan oh!”

Binasa ko ng.mabuti yung post na sinasabi ni Janjan. Nagooffer nga ng scholaship yung film school na pangarap kong pasukan, pero kailangan muna mag-audition.

“Kailangan gumawa ng short film?”

“Yep. Sige na pre grab mo na, sayang rin yan. Short film lang naman eh, kayang-kaya mo yan ikaw pa ba?”

Binalik ko kay Janjan yun phone nya, napabuntong hininga ako bago bumalil sa ineedit ko.

“So, sasali ka?”

Tinitigan ko yung picture ni Gelo na nakazoom sa screen ng desktop.

“Sige. Sasali ako.”

Chapter 9

“That’s nice! So do you have plans on how your film should be?”

Simula nung nangyari sa rooftop nila Gelo, halos araw-araw na syang pumunta sa carwash, pero syempre, hindi para magpalinis ng sasakyan, kundi para lang makasabay ako mag tanghalian. Pakiramdam ko sa susunod na mga araw tatanungin na ko nila Ralph pati nung ibang kasamahan namin sa carwash kung bakit apat na araw nang sunod-sunod na nagpapacarwash si Gelo at kung bakit di na ko sumasama sa kanila sa pagkain.

“Di ko nga rin alam eh, iniisip ko documentary nalang, kaso ano naman idodocument ko?” pinunasan ko pawis ko gamit yung laylayan ng lumang t-shirt na ginupitan ko ng manggas na suot ko. Buti nga pinayagan ako ni Maam Dessa na suotin to. Nakakailang rin na buong araw kong pinapakita sa lahat yung katawan ko.

“Yeah, and that was hard, you have to have facts and tons of research,” sabi ni Gelo habang pinapapak yung huli nyang shanghai. Napapansin ko rin na nasasanay na syang kumain sa karinderya, kahapon nagpaturo pa syang mag-kamay nang maubusan ng kutsara’t tinidor sila ateng nakaduty sa karinderya.

“Ilang araw ko na ring pinag-iisipan kung paano ko sisimulan yung film ko eh, kaso parang sa tuwing mas iniisip ko, mas pinanghihinaan ako ng loob eh.”

“Luh, bakit naman?”

“Siguradong mas maraming magagaling sa akin na mag-aaudition, yung mga talagang may pera para magkaron ng sapat na equipments para gumawa ng film.”

“Yun lang ba problema mo?” uminom sya ng tubig, “Dont worry, I got you.”

“Hala, wag na, nakakahiya naman.”

“What? Summer ngayon so I dont have much anything to do, and besides,” tumingin sya sa kin, “Di ka na iba sa kin no.”

“Kasi ba-”

“Besides, Cassy has a lot of shooting equipments, and she’ll be more than willing to help us.”

Oh shit. Si Cassy.

Tumingin ako sa paligid para masigurong wala sa malapit si Ralph o yung iba naming kasama sa carwash bago magsalita, “Paano si Cassy?”

Sa mga nakaraang araw, lagi naming iniiwasang mapag-usapan si Cassy, alam kong awkward sa kanya, pero mas lalo namang awkward sa akin, ako tong pumayag na may mamagitan sa amin ni Gelo.

“We dont have to worry about Cassy,” bigla nyang hininaan, “She doesnt have to know. No one needs to know about us.” Tinitigan nya ko. Tinitigan nya ko nang ma matang halos gabi-gabi kong tinitigan tuwing magka-video call kami. Tangina, pakiramdam ko para akong grade 7 na babae na ineentertain ng crush nya tuwing magka-usap kami.

Pero di ibig sabihin nun hindi ko naiisip si Cassy.

“C’mon, sige, I promise I wont do anything that could make us look suspicious. Just think its for your film. Okay?”

“Okay.”

Kinuha nya yung phone nya mula sa bulsa ng bomber jacket nya at mabilis na nagtype.

I love you, tinaype nya sa notepad ng phone nya.

Pagbalik namin sa carwash, tapos nang hugasan yung sasakyan ni Gelo, actually wala naman kasi talagang dapat linisin, pakiramdam ko nga kung di lang nya binibigyan ng tip sila Ralph, baka pinagtripan na ng mga kasama ko sa carwash yung sasakyan nya..

“Daan ka mamaya sa bahay ha,” bulong nya bago sumakay, “Or sunduin kita?”

“Baliw, wag na, puntahan na lang kita.”

“Sigurado ka?’

“Oo, ayos lang.”

“Pumunta ka, Cassy will come over, again, she’ll be more than willing to help you,” tumingin muna sya sa paligid at kinindatan ako. “Bye.”

“Bye. Ingat ka.”

Pag-alis ni Gelo, inakbayan ako bigla ni Ralph, “Ean James Claro, umamin ka nga sa ’kin.”

Oh shit. Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Tangina, sabi na nga ba makakahalata na tong si Ralph eh.

“Aminin mo, kino-close mo yung jowa ni Cassy para mapalapit ka kay Cassy no? Tangina mo, dumada-moves ka ah!”

Shit, kala ko naman nakakahalata na sya eh, “Gago! Hindi ako ganun no! Nagpapatulong lang naman ako kay Gelo para dun sa film na gagawin ko.”

“Ay oo yung film mo para sa scholarship mo sa dream school mo,” sarcastic nyang sabi, “Kala ko, sama-sama tayo sa college, nubayan.”

Isa pa yun sa bumabagabag sa akin eh, nung nabanggit ko kanila Ralph na mag-aaudition ako sa film school na gusto kong pasukan, parang nagtampo sila na ewan, kasi nga naman, kaya nga kami naging magkakaibian kasi nag-usap kami na iisang university yung pag-aaralan namin ng college.

Nakakaguilty talaga, tas dagdag mo pa yung guilt sa secret namin ni Gelo.

Mahirap matulog sa gabi promise.

Niyakap ko patalikod si Ralpha “Dude sorry na.”

“De wala, bahala ka dyan, bukas nang umaga itatapon na namin sa labas ng aparment yung mga gamit mo!

“Ah, parang gago wola, sorry na, araw-araw pa rin naman tayo magkikita eh.”

“De wala, tampo pa rin ako sayo. Baka kasunod nyan best friend mo na bigla yung jowa na Cassy ah tas kalimutan mo na kami!”

“Oy! Di ako ganun no!”

“Sus, eh bakit ka pinapapunta sa bahay nila mamaya? Sows! Kala mo di ko narinig yon!” gago, bigla nanaman akong kinabahan, baka mamaya meron pa pala syang ibang narinig.

“Ah, eh, pupunta kasi si Cassy sa bahay nila mamaya, manghihiram na sana ako ng mga gamit sa paggawa ng film, alam mo nama-”

“Nako, alam ko na yan, sisilay ka lang kay Cassy eh,” tinitigan nya ko as pinaliit nya yung mga mata nya, “Sama mo naman ako.”

“Sabi na nga ba eh,” binitawan ko sya at saka umupo sa bench na upuan dapat ng mga customer na naghihintay sa mga sasakyan nila.

“Sige na, sama mo na ko please, alam mo namang gandang-ganda ako un kay Cassy eh, mag papaautograph lang naman ako please.”

Gagi, pag sinama ko si Ralph, mas maraming tao na ang posibleng makapaghinala sa amin. Pero at least, pag sinama ko sya, di naman ako mukhang third wheel kay Cassy at Gelo.

“Sige na nga, ayusin mo sarili mo dun ah!”

“Yes!!! Tanginaaa I love you bro!”

Pagkasara namin nang carwash mga bandang alas-singko, pinuntahan namin si Terrence sa restaurant na pinagtatrabahuhan nila ni Denver para hramin yung motor nya. Nung una nga ayaw pang pumayag eh, pero nung nangako si Ralph na sya magluluto ng almusal sa isang buong linggo, napa-oo rin naman namin si Terrence.

“Gago boi, ang gaganda ng mga bahay dito,” sabi ni Ralph pagpasok namin sa village nila Gelo. Akala ko nga di kami papapasukin ng mga guards pero nasabihan naman pala sila ni Gelo kanina, tinanong lang yung pangalan namin tas pinapasok na kami.

“Hinayin mo pag nakita mo yung kanila Gelo, gago, may pool tas ang taas, tas-” muntik ko nang masabi na pwedeng tambayan yung rooftop nila pero buti na lang napigilan ko naman yung sarili ko.

“Dito rin ba nakatira si Cassy?”

“Ang alam ko dun sya sa kabilang village.”

“Yaman naman ng mga tao rito, siguro yung apartment natin pang doghouse lang yung laki kumpara mo sa kanila,” di ko mapigilang matawa, parang bata si Ralph na parang ngayon lang nakakita ng mga mansyon, “Gagi, baka yung mga tao kanila Sir Gelo masusungit ah, tulad nung mga nasa TV.”

“Baliw, hindi ah. Masungit ba si Gelo?”

“Hindi, lagi nga kaming binibigyan ng tip eh, kaso di ko lang gets kung bakit araw-araw syang nagpapacarwash.”

Di ko na kailangang sagutin yon, “Kita mo, ganun rin yung ma tao sa bahay nila pramis.”

Saktong pagliko namin sa street nila Gelo, nakita ko agad si Ate Marge na nagdidilig ng mga halaman sa labas ng bahay. Agad akong nagtanggal ng helmet at tumawag, kumaway naman sya pabalik.

“Nako, Sir Ean, di na po ata kasya yung motor nyo sa garahe.”

Pagtingin ko sa loob, bukod sa kotse ni Gelo, may isang pink na kotse sa tabi nito at isang grey na coaster sa likod nito.

“Sino pong andyan?”

“Si Maam Cassy po,” pinisil nang mahigpit ni Ralph yug balikat ko nang marinig si Cassy, “Tsaka si Sir Manny at Maam Elisa po.”

Di ko pa nakikita o nakikilala yung mga magulang ni Gelo pero sa pagkakasabi ni Ate Marge mukhang hindi ganun kagaan yung atmosphere sa bahay pag andun sila.

Pinark namin sa may garden yung motor namin at saka bumaba, papalapit na sana kami sa pinto nang sitsitan kami ni Ate Precy na nasa gilid ng bahay.

“Dito kayo dumaan! Wag dyan!” Nagkatinginan kami saglit ni Ralph, pero nang may marinig kaming sumisigaw nang English mula sa loob agad kaming sumunod kay Ate Precy.

“Ate Precy, anong meron?” tanong ko habang papunta kami sa likod nang bahay.

“Nako, ganyan lang talaga pag-umuuwi si Mam Elisa at Sir Manny, lagi na lang nag-aaway.”

“Asan po si Gelo?” Syempre di ko maiwasang mag-alala kay Gelo, alam kong di ganun kaganda yung relasyon nya sa magulang nya.

“Ayun, kasama nila, kaso this time, kasama naman si Sir Gelo sa away nila.”

“Eh si Cassy po asan?” singit bigla ni Ralph. Siniko ko yung gago.

“Andun na ata sa taas, halos magkasunod lang rin naman sila dumating.”

Tatanungin ko sana kung bakit kasama si Gelo sa away ng mga magulang nya kaso agad kaming pina-akyat sa hagdan ni Ate Precy para hindi omami makita nung mag-asawa na nasilip kong nasa may sala kasama ni Gelo.

“This is the right path for you Angelo,” sabi ng tatay nya. Dun ko nalama na Anghelo ang pronouciation ng Angelo nya. Base sa gigil sa boses ni Sir Manny parang onti na lang sasapakin nya na si Gelo.

“No Dad, how many times do I have to tell you na-”

“I DONT WANT TO HEAR ANY-”

Pumasok na kami ni Ralph sa kwarto ni Gelo bago pa namin matapos yung ano yung sinigaw ng tatay nya.

“Yow dude, ang intense nun ah,” sabi ni Ralph na medyo hinihingal pa, “Para tayong nasa, ano yun? Yung movie na bawal mag-ingay?”

Sasabihin ko na sana kaso may nakapagsabi na ng “A Quiet Place” bago ako.

Lumabas sa closet ni Ralph si Cassy at nag-wave sa akin. Bigla syang lumapit at nagbeso sa kin. Ganto siguro yung mga mayayaman no, makabonding mo lang nang isang araw magbebesuhan na kayo agad. Or siguro ganto lang sya sa friends nya.

And as expected, ako lang yung binesso nya, “Ah, Cassy, si Ralph nga pala, friend ko”

Kinurot ako sa tagiliran ni gago, “Sabihin mo best friend” bulong nya.

“Best friend ko.”

“Uyy hello!” Nag-wave sa kanya si Cassy, tulad nung wave nung unang araw na nagkita kami, yung wave na para sa mga youtube vloggers na halos mag-iisang milyon na ang subscribers.

Nakita kong natameme lang sa may pinto si Ralph.

“So, Gelo told me na balak mo raw gumawa ng film?”

“Ah oo,” bigla kong naramdaman yung hiya na humiram ng equipments sa kanya kaya napa-nervous laugh na lang ako.

“Its so nice of you to choose him as the lead actor, he could use it para sa modelling portfolio nya right?”

Teka. Wala naman kaming napag-usapan na bibida si Gelo ah? Magtatanong na sana ko ng marealize ko na baka sinabi lang yung ni Gelo para tumulong talaga si Cassy.

“Ah oo, he volunteered actually,” sabi ko, syempre di papahuli sa inglishan.

“I always wanted to do a film, you know, I want to learn how to edit legit films para naman mag-step up ako from vlogs and everything. Can I help? Please Ean?”

“Oo naman, ba’t ko tatanggihan?”

“I just wish na hindi matuloy yung plano nila Tito Man to make Gelo attend some summer classes na medical related, it would totally ruin his summer.”

“Ahh, so kaya pala sila nagtatalo sa baba?”

“Yes, and I know walang kahit isa sa kanila ang mag-lelet go sa conversation without a fight.”

Bumukas bigla yung pinto at pumasok paloob si Gelo, umupo sya sa kama nya at agad syang tinabihan ni Cassy.

“Are you ok?”

“Dad’s being a complete asshole again, but what’s new naman diba?”

“Umalis na ba sila?” tanong ulit ni Cassy.

“Yeah, buti na lang,” napalingon sya sa akin.

Nakita ko kung paano mag switch yung emotions nya, para syang lowbat na cellphone na biglang sinaksak sa charger. Umaliwalas agad yung mukha nya, “Sorry you’ve got to see all of it.”

Gusto kong kiligin na ewan, pero alam kong dapat si Cassy yun. Si Cassy dapat yung nakakapagpabago bigla sa emotions nya. Si Cassy dapat yung nakakapagtanggal ng badtrip sa kanya. Si Cassy dapat. Dapat nagbago na yung emotions nya nung kamustahin sya ni Cassy.

“Uy Gelo, sinama ko nga pala si Ralph, tropa ko, I hope you dont mind,” tinuro ko si Ralph na buti naman di na nakatitig kay Cassy.

“No worries. The more the merrier,” tumayo sya at nag-unat, “Tara sa baba, nag-bake ng cookies si Lola, let’s start brainstorming for your film!” Hinawakan nya yung kamay ni Cassy at saka naglakad palabas ng kwarto nya.

Yung guilt napalitan ng inggit. Ako dapat yung hawak nya. Hindi si Cassy.

Chapter 10

“I think it’s better if its, you know, pa-mysterious na ewan with an ambiguos ending, para mapaisip talaga natin yung mga viewers kung anong tunay na meaning nung film,” sabi ni Gelo.

“No, it should be a short comedy script related to romance or social issues or such, you know, para mas pang-masa, we can cater a larger amount of viewers, dapat pang-masa,” sabi naman ni Cassy.

“Babe, its a film school, for sure they want more than just entertaining stuff, they want actual films, like a legit film, with depth, with a cohesive story, with aesthetics, you know, indie films,” paliwanag ni Gelo kay Cassy na masusing pinag-aaralan yung outline ng mga topics na sinulat namin sa isang bond paper.

“I totally get what you’re saying, I’m no stranger to indie films. But what I’m talking about is the story, why dont we tell a very relatable story, but told beautifully, aesthetically as you put it, instead of weaving a mystery story which the audience can only crack a solid hour after they watched the film.” Nakaka-amaze palang panuorin magtalo yung mayayaman, nag-eenglishan, tapos parang badtrip sila na di mo maintindihan.

“Why dont we just ask Ean what he thinks?” Sabay silang tumingin sa akin.

“May specific theme ka ba na gusto mong i-cover?” tanong ni Cassy. Tumingin ako kay Ralph pero patuloy pa rin sya sa pagkain ng cookies na gawa ni Lola Mercy habang pinapanood yung mga gumagalaw na isda sa screen saver ni Cassy.

“Ah, eh, wala pa nga eh,” kanina pa talaga ako nag-iisip kaso lagi lang akong nadidistract ng pag-eenglish nung dalawa sa harap ko eh.

“Di ba sabi mo high school ka pa lang gusto mo na maging director? For sure you have some ideas na for your works,” sabi naman ni Cassy.

“We only have…” kinuha ni Gelo yung phone at nakita kong tumitingin sya sa kalendaryo, “Its April 17, so we have, one… two… three… four… we still have six weeks. Siguro let’s just give Direk Ean some time, right?” tumingin sa akin si Gelo at nakikipag high five, nilahad ko yung kamay ko at nakipag-apir, pero palihim nya kong pinisil nang maglapat ang mga kamay namin.

“Oh, let me show you the shooting equipments I’ll lend you,” tumayo si Cassy at kinuha yung susi ng sasakyan nya sa handbag na dala, “Babe, please help me with my things on the car please?”

“No, ako na, baka its too heavy, give me the keys.”

Inabot naman ni Cassy kay Gelo yung susi at iniwan na nya kami sa sala.

Agad kong siniko si Ralph, “Uy! Tulungan mo naman si Gelo sa pagbubuhat dun!” Nagulat pa sya nung nag Uy ako, “Wala ka na ngang tinulong sa pagbe-brainstorm eh, tumulong ka ron!” Nakakahiya rin naman kasi kanila Cassy, sila na nga magpapahiram, sila pa magbubuhat.

“Oo na! Sige na eto na!” Nakita kong natawa sa amin si Cassy bago sundan ni Ralph si Gelo.

“Uy, Cassy, salamat ah. Nakakahiya naman. Promise, babawi ako,” sabi ko kay Cassy kasi nakakahiya naman kasi talaga. Bukod sa di naman nya responsibilidad na tulungan ako, may namamagitan pa sa aming dalawa ni Gelo.

“No worries. We can all benefit naman in this project di ba? You could get to join the auditions, I could practice my editing skills more, and Gelo could use it on his modelling portfolio, o baka matipuhan pa nya mag-artista. Besides, you cant do a film just by yourself. You need people to help you.”

“Salamat talaga, nako, salamat.”

“Welcome. You’re Gelo’s friend, so therefore, you’re my friend na rin as well.”

Natahimik kaming dalawa. Na-realize ko na kung wala pala si Gelo, hindi talaga kami magiging magkaibigan ni Cassy. Bukod sa obvious na pagkakaiba, tulad nang sikat sya, ako normal na tambay lang, naisip ko na wala pala kaming in common, wala kaming pagkakaparehas.

Bukod sa mahal namin ang iisang tao.

“Mahal na mahal mo talaga si Gelo no?” tanong ko kay Cassy nang mapansin ko na medyo nagiging awkward na yung katahimikan.

“Sobra.” Tumingin sya sa kin, “Gelo put me wherever I am right now. He’s the very very first person who believed in me. Naniwala syang kaya ko so naniwala rin ako.”

Shet. Mahal na mahal nya talaga si Gelo.

“And take note, hindi pa kami non, he’s just a family friend to me back then. Pero nung oras na I let myself out to him, every inch, flaw, everything, and hindi nya ko jinudge, that’s when I know he’s the one.”

“Pano ba nararamdaman pag yung isang tao na yung the one?”

“I actually I dont know the answer. I just felt it. I cant tell you anything because its a feeling.”

“P-pero,” shet, Gelo, please, balik na kayo, mas nagiging awkward na to. At least sa kin.

“Pero what?”

“Paano pag yung feeling na yun,” huminga ako ng malalim, ewan ko kung napapansin nya ba yung uneasiness sa akin kasi mukhang inaabangan nya kung anong susunod kong sasabihin, “Paano pag yung feeling na yun, nawala na?”

“Wow, looks like someone has girl problems!”

“Hahaha baliw hindi,” kung alam mo lang.

“Look, if she’s the one, that feeling will never be lost.”

“Talaga?”

“Galing ka ba sa broken family?”

“Uhm, hindi,” medyo nalito ako sa tanong nya na yun.

“Hindi nag-aaway parents mo or anything?”

“Hindi.”

“See. Both of them found the one! That feeling na sinasabi ko, wala yung expiration date. Hanggang sa dulo yung ng walang hanggan,” sabi ni Cassy na parang nasa harap sya ng computer at shinu-shoot ang next video jya para sa milyon-milyon nyang subscribers. “Alam mo, kung ano man yang pingdadaanan mo, nako, forget it, girl problems are a lot easier to solve, for now, let’s focus on this project.”

Sakto namang dumating na si Gelo at Ralph na may dalang mga itim na bag na tulad ng mga lalagyan ng equipments nila Kuya Jasper.

After ipakita ni Cassy isa-isa yung mga camera, ilaw, tripods, at iba pa, tinawag na kami ni Lola Mercy sa kusina para mag-hapunan.

Habang kumakain, di ko maiwasang tumingin kay Cassy at Gelo na ang sweet sa isa’t-isa. Pero this time, di ako nakatingin kay Gelo. Kung tutuusin, si Cassy ang mga tipo ko ng babae, ok, sige, given na maganda, sexy, makinis, pero may personality sya na talagang nakakadagdag ng kagandahan nya. Kitang-kita at ramdam ko kung gaano nya kamahal si Gelo.

Kung ako si Gelo, di ko na sya pakakawalan pa.

“Ean, samahan mo naman ako sa taas, I’ll just get something,” sabi ni Gelo nang matapos kong isubo yung huling subo ng Ice Cream na pinang-dessert namin.

“Ha?”

“Samahan mo ko sa taas, may kukunin ako.”

“Ano yun babe?” tanong ni Cassy. Sinilip ko si Ralph, bigla syang namutla, maiiwan sya rito sa kusina kasama si Cassy.

“I’ll just give Ean something,” tinapik muna ni Gelo si Cassy sa balikat bago lumabas ng kusina.

Sinundan ko si Gelo nang takang-taka kung anong ibibigay nya sa kin, o kung may ibibigay nga ba talaga sya.

“Gelo-”

“Shhh. Sa taas na tayo mag-usap.”

Pag-akyat sa second floor kinuha nya ang kamay ko at hinila ako papasok sa kwarto nya. Pagkapasok namin, agad nyang sinara ang pinto at sinandal ako sa likod ng pinto.

At hinalikan ako sa labi.

“Gelo, Gelo, teka please,” hinawakan ko sya sa balikat at marahang nilayo sa akin.

“I really want to kiss you again,” lalapit na sya para halikan akong muli pero nilayo ako yung mukha ko.

“Mahal ka talaga ni Cassy.”

Natahimik kaming dalawa. Nakatingin lang kami sa mata ng isa’t-isa, pinoproseso kung ano ang sinabi ko.

“Alam ko naman yun, pero wala na kong nararamdaman sa kanya.”

“Pero di nya deserve to. Di na nya deserve na-” hinalikan nya ako ulit, pero ngayon, pinipilit nyang ipasok ang dila nya sa mga labi kong nakatikom. Di naman sa hindi pa ko nakakahalik dati, pero ngayon lang ako nakahalik ng lalaki, at di ako sigurado kung magugustuhan ko.

Nagulat ako ng hawakan ipasok ni Gelo ang kamay nya sa loib ng sweat shorts ko at nagsimulang himasin ang harapan ko. Napa-ungol ako, at kinuha nya ang opportunity na yon para ipasok ang dila sa bibig ko.

“Dont think about Cassy. Think about me.”

Nagflashback sa akin yung mga panahon na pinepressure ni Cassy si Gelo, yung panahong nag-open sya sa akin tungkol sa kagustuhang magkaron ng kapatid nung gabi na nagtapat kami sa isa’t-isa, pati kung paano sya pagalitan ng mga magulang nys dahil mas pinili nyang sundin ang puso nya imbes na ang gusto nila.

“You’re my happiness now Ean.”

Sapat na yung narinig ko sa kanya. Hinawakan ko ang magkabila nyang pisngi at ako naman ang nanguna sa pahalik. Naglakad ako at saka tinulak nya sa kama. Napahiga sya at agad naman akong pumatong sa kanya. Naalala ko lahat ng mga panahong nakahalikan ko yung mga babaeng nakalandian ko dati, pero walang mas nakapagpagana sa akrin, tulad ni Gelo.

“That was wild,” di makapaniwala nyang sabi.

“Tara na, baba na tayo, baka umakyat pa sila rito.”

Tinaas nya yung kamay nya na agad ko namang inabot para tulungan syang bumangon. Tumayo sya sa harap ko at aakmang hahalikan ulit ako pero sinampal ko sya ng pabiro bago naglakad papunta sa pinto.

“Teka lang!” sabi ni Gelo bago ko buksan ang pinto.

“Lagay mo to sa bulsa mo, pag tinanong ni Cassy kung anong binigay ko, pakita mo yan,” binigayan nya ko ng flash drive na may keychain 6 penguin.

“Gago ang cute,” sabi ko dun sa maliit na keychain na penguin na nag-su-squeak kapag pinisil mo.

“Mas cute ka,” kiniss ako ni Gelo sa pisngi bago lumabas ng pinto.

Chapter 11

“Alam mo the best pre? Mahilig din si Cassy sa anime!”

Simula nung umalis kami sa bahay nila Gelo di na tumigil si Ralph sa kakakwento ng mga napag-usapan nila ni Cassy habang nasa taas kami ni Gelo. Medyo na-amaze nga ako eh kasi sa sandaling oras andami na nailang napag-usapan, or matagal lang siguro kami ni Gelo sa taas?

“Pero, seryoso, di ko ineexpect na ganun kabait si Cassy, parang ang reachable nya ganun, andaling lapitan.”

“Reachable? Baka approachable?”

“Oo yun!”

“Oo na sige na, mabait na si Cassy, suot mo na yang helmet mo,” sabi ko nung malapit na kami sa labasan ng village nila Gelo.

Nakita ko sa side mirror na sinuot na nga ni Ralph yung helmet. Pero di pa rin sya tumigil sa kakadaldal ng tungkol kay Cassy.

“Sa tingin mo pre, may pag-asa ako dun?” Kaya ko nga pinaghelmet si Ralph para matigil na sya nang kakabanggit kay Cassy eh, mas naguguilty lang talaga ako lalo.

“Gago, may jowa pre, malabo,” sabi ko.

“Maghihiwalay rin yun. Joke! Gago baka sumbong mo ko kay Sir Gelo baka di na ko bigyan ng tip nun.”

“Yan, matapos kang abutan ng tip araw-araw susulutin mo yung jowa nya?”

“Sorry na! Joke nga lang eh, pero si Cassy kasi talaga yung mga tipo ko ng babae. Ikaw ba?”

“Hmmm,” kung iisiping mabuti, si Cassy nga yung tipo ko ng babae, kaya nga di ko maalis yung tingin sa kanya nung nag-cover kami sa debut nya. Tulad rin sya ng mga naging, uhm, kalandian ko dati, yung mga magagandang mabait, kalog pero may class pa rin pag gumalaw.

“Oo pre, type ko si Cassy,” gusto sanang dugtungan na mas type ko na ngayon si Gelo, pero buti na lang napigilan ko yung sarili ko, “Pero siguradong marami pang tulad nya na single.”

“Pre ah, pag pupunta ka ulit dun tas kasama si Cassy, sama mo ko ulit ah.”

“Ayoko nga, nakakahiya, ilang beses kitang nakitang nakatulala kay Cassy, gago pre baka mailang yung babae.”

“Di ko naman sya tinititigan in a manyak way.”

“Gago, sige, pano mo sya tinititigan?”

“Parang, ano, uhm, turista na nakatingin sa painting ni Mona Lisa ganun!”

“Tangina mo, dami mong alam.”

Pagliko namin sa street papunta sa apartment namin, muntik na kami mabunggo ng mobile ng mga tanod. Agad akong umiwas, tiyak pag nadali tong motor ni Terrence, magkakagulo kami nito sa apartment.

“Taina, muntik na tayo Ean dun ah!” sabi ni Ralph, ang tanging sinabi nya na di tungkol kay Cassy simula nang umalis kami kanila Gelo.

“San naman kaya galing yung mga tanod?”

Nasagot yung tanong ko pagdating namin sa apartment. Agad naming nakita si Mang Eddie, yung may-ari ng apartment na nagwawalis ng mga basag-basag na bote ng red horse.

“Mang Eds, ano pong nangyari? Dito ba galing yung mga tanod?” tanong ni Ralph pagkababa nya sa motor. Pinasok ko naman sa compound at pinark yung motor ni Terrence kung saan to lagi nakalagay.

“May sumugod na mga lalaki rito kanina! Hinahanap yung kasamahan nyo, pagbaba, ayun! Inundayan agad ng sapak! Ayun, nagkagulo na!”

“Po!?” sabay na sabi namin ni Ralph, nagkatinginan kami bago dali-daling umakyat papunta sa kwarto namin.

Pagdating sa apartment, nakita namin sa may kusina si Denver at Terrence. Nasa may lababo si Denver at nagbabasa ng towel habang nakaupo naman sa mesa si Terrence na puro dugo yung puting sandong suot.

“Puta, anong nangyari?”

Tumingin samin si Terrence, nakita kong putok ang nguso nya at tuloy-tuloy ang agos ng dugo mula sa bibig nya, natanggalan ata ng ngipin o ano. Nagsisimula na ring mamaga yung mga mata nya na halos di na ata nya maibulat.

“Pumunta rito yung totoong boyfriend ni Natalie,” paliwanag ni Denver habang inabot kay Terrence ang basang bimpo na pinangpunas nito sa duguang baba at leeg.

“Natalie?” tanong ni Ralph.

“Yung bago ni Terrence, yung pinag-uusapan natin nung isang araw,” paliwanag ko. Nilapag ko sa sofa yung helmet na hawak ko at saka lumapit kanila Terrence.

“Alam nyo yung pinagtataka ko ng mga pre?” nakita kong puro dugo agad yung bimpo na inabot ni Denver, “Wala kaming ibang pinagsabihan ni Natalie tungkol sa relasyon naming dalawa bukod sa inyong tatlo. Pano to nakarating sa putanginang Bruno na yun!”

Nagtinginan kaming tatlo ni Ralph at Denver. Sigurado naman ako na wala akong pinagsabihan nun. Kahit kanila Kuya Jasper at Janjan, o kahit kay Gelo di ko pa naman nababanggit si Terrence at Natalie.

“Ako pre. Sorry.”

Sabay-sabay kaming napatingin kay Denver na nakasandal sa may lababo.

“Ano?”

“Ako yung nagsabi kanila Bruno na may relasyon kayo ni Natalie,” mahinang sabi ni Denver habang nakatingin sa lapag.

Agad bumaba sa mesa si Terrence at mabilis na hinila ang kwelyo ng suot ni Denver “Tangina, bakit mo sinabi pre!” galit na galit na sigaw ni Terrence.

Agad kaming lumapit ni Ralph para paglayuin yung dalawa bago pa may magawa si Terrence kay Denver.

“Ginawa ko lang yung tama pre!” Paiyak pero may paninindigang sabi ni Denver.

“Tama!? Gago ka ba!? Eto ba yung tama!? Nilaglag mo ko pre! Pinagkatiwalaan kita!”

“Pre naman kasi, alam kong darating at darating sa ganito yung lahat-”

“Di ka na lang dapat nakialam!”

“Baka lang kasi mas malala pa ang gawin sayo nila Bruno pag tumagal pa kayo ni Natalie!”

“Di pa ba to malala pre! Tangina!” kita ko sa mga mata ni Terrence na gustong-gusto nyang sugurin si Denver, pero hawak namin sya ni Ralph sa magkabilang balikat at braso.

“Sorry na pre, ayoko lang kasi na-”

“Pakialamero puta! Pinagkatiwalaan kita Denver tangina mo!!”

“Terrence, kumalma ka muna pre bago kayo mag-usap,” sabi ko habang pinipigilan pa rin ang pasugod na si Terrence.

“Di Ean eh, pano ko kakalma kung-”

“Pre, mag-usap tayo ng maayos rito, di tayo magkakaintindihan nyan kung mainit ang ulo mo.”

Napakalma rin namin si Terrence. Umupo kami sa pwesto namin sa hapag. Binabatayan pa rin namin si Terrence na baka bigla na lang saktan si Denver.

Walang nagsasalita sa amin, nakatingin lang kaming lahat sa lamesa, siniko ko si Ralph para magsalita, wala naman kasi akong masabi.

“Sige Denver, paliwanag mo kung bakit mo sinabi kanila Bruno yung tungkol kay Natalie at Terrence.”

Huminga muna ng malalim si Denver bago nagsalita, “Wala akong ibang intensyon pre, ok? Una pa lang kasi alam kong di talaga maganda kakalabasan ng relasyon nyong dalawa.”

Tahimik lang kaming tatlo.

“Concerned lang ako kasi alam ko kung paano gumanti sila Bruno. May mas malalala pa silang kayang gawin kesa sa ginawa nila ngayon. Di ko intensyon na sirain yung tiwala mo, o sirain relasyon nyo, ayoko lang na mapahamak ka balang araw.”

Tumingin si Terrence sa kanya.

“Kaya naisip kong maaga palang, agapan na natin kung anong pwede pang gawin nila.”

“Let’s just look on the brightside na yan lang inabot ni Terrence,” sabi ni Ralph.

“Sige nga, spell brightside,” sabi ni Terrence na bumalik na sa malokong sarili nya.

“B-R-I-G-H-T-S-I-D-E”

“Uto-uto puta!” Nag-apir si Denver at Terrence.

At ayun. Mukhang ayos na nga kami.

“Sama-sama tayo dito palagi ah mga boii,” sabi ni Terrence, “Salamat Ver, naiintindihan ko.”

“Sorry ulit kuys. Responsibilidad natin yung isa’t-isa.”

“Oo naman!” sabi ko.

“San ba nakatira yang Bruno na yan resbakan natin!” sabi ni Ralph.

“One for all!”

“All for one!”

Chapter 12

Ngayong araw, hindi ang malakas na patugtog nila Denver o ang mga anime ni Ralph ang gumising sakin, kundi ang phone ko na kanina pa tinatawagan ni Gelo.

“Hello?”

“Hi Ean James.”

“Wow, buong first name talaga?”

“I just want to say it. Your name sounds hot.”

“Mas hot ako,” sabi ko, pero agad akong natahimik, tinignan ko yung kwarto, buti ako na lang pala mag-isa.

“May pasok ka ba sa carwash today?”

“Meron.”

“Talaga? Its saturday.”

“Ay weh?” Gago, sabog pa nga talaga ako. “Wala pala, ba’t mo natanong?”

“Wala lang,” narinig kong huminga sya ng malalim na parang kinakabahan na ewan, “Tingin ka sa labas, may surprise ako.”

Agad akong bumalikwas nang bangon mula sa pagkakahiga. Paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Terrence at Denver na nagkakape at si Ralph na nagluluto sa may kalan.

“Ano meron?” tanong ni Terrence pag labas ko. Medyo huminahon ako kasi baka mahalatang sobrang excited ako sa pag punta rito ni Gelo. Pasimple ko munang inayos yung buhok ko sa salamin at kinusot yung mata ko at baka may muta pa ako or something.

Sumilip ako sa bintana sa may sala at ayun nga, nakita ko nga si Gelo na nakatayo sa may gate at nakangiti sa akin.

“Ralph, andyan si Gelo,” kinalabit ko si Ralph.

“Kasama si Cassy?” ininom nya sa isang lagok yung kape nya.

“Hindi, baliw,” sabi ko habang iniisip kung bakit pupunta rito si Gelo, “Baba lang ako.”

“Teka, sinong Gelo.”

“Yung boyfriend nung sikat na vlogger, si Cassy Wright,” paliwanag ni Ralph, alam kong bumubwelo na sya kung gaano kaganda si Cassy inside and out pero lumabas na ako agad, baka mainip si Gelo sa baba.

“Hi Ean James,” bati nya agad sa akin pagkabukas ko ng gate. Nakita kong nakapark sa bakanteng lote sa tapat namin yung kotse nya.

“Uy, napadaan ka ata?”

“Hmmm, just looking for any place to hangout, medyo boring sa bahay.”

“Luh? Boring? Eh di hamak na mas marami ka ngang pwedeng gawin sa bahay nyo kesa rito eh.”

Natahimik sya saglit, dahan-dahan syang tumingin sa baba, “Nasa bahay kasi sila Dad. I just want somewhere to go to,” tinignan nya ko, “I thought about going to Cassy’s but I know they’ll surely look for me there.” Hindi ko na kailangan ng paliwanag pa. Pinapasok ko na si Gelo sa loob ng compound.

“I really missed you, you know that?” sabi ni Gelo ng nasa may hagdan na kami, malayo sa mga kapitbahay na pwedeng makakita sa amin.

Tumigil ako sa pag-akyat sa hagdan at tumingin sa kanya, “Grabe, parang tatlong araw pa lang nung nagpunta ako sa bahay nyo, tas kahapon dumaan ka pa sa carwash.”

“Basta namiss kitang kasama,” dahan-dahan syang lumapit sa akin at hinawakan ako sa magkabilang tagilaran.

Nagpatuloy ako sa pag-akyat, “Gago boi, baka may makakita sa atin loko.”

Pagdating sa unit namin, nakita kong andun pa rin yung tatlo sa pwesto nila sa mesa, tulad kung paano ko sila iniwan kanina.

“Guys, si Gelo nga pala, kaibigan ko,” nag-bow naman ng marahan at saka nag-salute sa tatlong nasa hapag si Gelo, “Gelo, mga tropa ko, so Denver, si Terrence, kilala mo naman na si Ralph diba?” kumaway din si Terrence att Ralph kay Gelo, pwera lang kay Denver na tinunguan nalang si Gelo, di sya makakaway, hawak nya yung gitara nya eh.

“Umupo ka muna dun oh,” sabi ko kay Gelo, hinawakan ko sya sa balikat at saka pinapunta sa kusina, pinaupo ko sya sa upuan ko, kumuha naman ako ng isang monoblock at binaliktad to, yung sandalan yung nakaharap, umupo ako at pinatong ang mga braso sa sandalan.

“Kumain ka na ba? Nako, dalawang piraso na lang pala yung pandesal,” sabi ni Terrence, always the Kuya sa aming apat. Napansin ko rin na hindi pa masyadong gumagaling yung mga bangas nya sa mukha.

“Oh, don’t worry ’bout it, actually nagpadeliver ako incase na hindi pa kayo nakakapag breakfast. It should be here anytime now,” tinignan ni Gelo yung phone nya at saka tumingin sa pinto.

“Wait lang ah,” tumayo sya at saka sinundan namin sya ng tingin sa palabas ng unit namin. Pag-sara ng pinto, pinaupo ako ni Terrence sa pwesto ko, na nasa harap nya lang.

“Taena Ean, di mo naman sinabi na may bisita ka pala, para naman nakapaglinis-linis tayo ng bahay ng onti.”

“Sorry guys, pero di ko talaga alam na pupunta si Gelo, tumawag lang sya kanina, nasa gate na sya. Wala talaga akong alam pramis!”

“Nakakahiya, mukha pa namang mayaman, gago, nakita nyo yung cellphone? Yun yung pinakabago ng iPhone diba?” sabi ni Denver.

“Tangina, sobrang yaman nun mga kuys, nung nagpunta kami ni Ean sa bahay nya, shet, mapapatulala ka talaga sa ganda,” sabi ni Ralph, “Pero mas maganda jowa nun grabe!”

“Ay puta! Boyfriend yun ni Cassy Wright?” di makapaniwalang tanong ni Denver.

“Oo! Dati ko pa sinasabi na bagong tropa nito ni Ean yung jowa ni Cassy Wright,” sagot ni Ralph, “Eh ba’t ba sya andito? Tsaka asan si Cassy?”

“Ah kasi, family problems. Nakita mo naman Ralph kung gano nakakabadtrip yung magulang nya, kaya ayun, di naman daw sya makapunta kanila Cassy kasi baka ipasundo sya dun, basta guys please, ayos naman makisama yang si Gelo eh, tsaka di yan maarte kahit mayaman, kaya wag kayo maconscious.”

Sakto naman pagtapos kong magpaliwanag, bumukas yung pinto ng apartment at pumasok si Gelo na may dalang apat na box ng Pizza Hut.

“Whoa! Uyy thankss!! Mga gago! Mag thank you kayo!” sabi ni Terrence pagkalapag ng mga pizza sa mesa, umupo sa monoblock na inupuan ko kanina si Gelo at nagbukas na ng isang box.

“Nakakahiya naman kasi na makikitambay ako dito tas wala akong dalang food,” sabi ni Gelo. Agad namang kumuha ng pizza yung tatlo, nagaaway pa kung kanino yung pirasong may maraming pinya.

Tumingin ako kay Gelo, nagsabi ako ng thank you, pero yung walang boses, tas kinindatan nya lang ako.

Habang kumakain, nagkwentuhan lang kami about sa kung ano-ano, mula sa pano kaming apat nagkakilala tsaka kung paano namin naisip na tumira sa isang apartment, hanggang sa paano nagkakilala si Cassy at Gelo. Pinag-usapan rin namin yung nangyari sa mukha ni Terrence pero buti di napansin ni Gelo na parang tulad ng ginagawa namin yung relasyon ni Terrence at Natalie. Kung napansin man nya yung similarities, at least di nya to pinahalata.

“Nagigitara ka Gelo?” tanong ni Denver.

“Yep, actually kanina ko pa tinitignan yang gitara mo eh, it looks cool!” Alam kong naggigitara rin si Gelo, nabanggit nya yun sa akin saka lagi kong nakikita sa kwarto nya yung gitara nya, pero never ko pa talaga syang narinig na tumugtog ng kahit ano. Pero alam kong maganda boses nya, lagi nyang sinasabayan yung mga kanta sa radyo tuwing nasa karinderya kami.

Inalok ni Denver si Gelo nung gitara na hawak nya, na kinuha naman ni Gelo, na chineck yung agad yung na chords. Tumayo naman si Denver at nagpaalam na kukuha ng isa pang gitara para makapag jamming sila.

“Any request?” Akala ko tinatanong nya kaming tatlo, pero nung tumingin ako sa kanya, sakin lang pala sya nakatingin, naka-angat yung eyebrows nya na tila naghihintay sa sasabihin ko.

“Uhm, ano ba kaya mong tugtugin?”

“Sige lang, mag request ka lang, titignan natin kung kaya ko.”

“Sana Sinabi Mo, yun yung favorite ko ngayon eh,”

Alam nyo yung sa mga movies? Yung mga eksena na biglang mag-so-slow mo ang lahat, na tila nakafocus lang yung tingin mo sa iisang tao, yung tipong wala ka nang pakialam sa ibang nasa paligid mo kundi sya lang. Yun ang naramdaman ko habang kumakanta si Gelo.

Pagtapos namin magkwentuhan, nagpaalam si Denver na aalis saglit para makipagmeet sa bagong babaeng na meet nya online, at si Terrence na makikipagkita ngayon kay Natalie para pag-usapan yung mga nangyari nung isang gabi. Palihim akong umasa na sana pati si Ralph umalis rin para solo namin ni Gelo yung bahay, kaso wala naman daw syang planong umalis ngayon.

Niyaya ko si Gelo na tulungan ako sa paggawa ng script para sa short film namin.

“Ralph, dun lang kami ni Gelo sa kwarto ah, magsusulat na kami ng script,” paalam ko kay Ralph na nautusang magtapon ng mga pizza box sa baba.

“Nako, baka may gawin kayong milagro dyan ah!”

Natawa ako, “Gago wag kang maingay, gagawa talaga kami ni Gelo ng baby,” hinawakan ko yung pwet nya nang pabiro.

Pero syempre dahil kilala naman ako ni Ralph, alam kong di yun mahihinala.

Pero dahil kilala ko rin si Gelo, siguradong nag enjoy yun sa paghawak ko sa pwet nya.

Pag-alis ni Ralph, agad ko syang dinala sa kwarto kung nasaan si Denver na bagong ligo at nagpapatuyo na ng buhok at si Terrence na kukuha pa lang ng mga towel na dadalhin sa banyo.

Umupo kami ni Gelo sa kama at sumandal sa pader kung saan nakapwesto yung double deck namin, kumuha ako ng papel at lapis sa bag ko at saka yung phone ko.

“Sa papel ka pa rin magsusulat?”

“Bakit?”

“I mean, why dont you just take notes sa phone mo, mas madali yun, para diretso print na lang tayo after.”

“Baliw, ayos na to, nakakatamad kasi kapag sa phone ka pa nagnotes eh.”

“Edi parang ganun lang din? Pagtapos mong isulat itytype mo rin naman, its just time consuming,” naramdaman kong hinihimas ni Gelo yung hita ko na agad ko naman inilayo bago pa mapansin ni Terrence na nasa kwarto pa rin.

“So, may naisip ka nang story?”

“Yep, maghapon ko tong pinag-isapan kahapon.”

“Bst di mo kinuwento sa kin nung kumain tayo!”

“Syempre ayoko pang parinig nang di buo yung story, tsaka para may thrill.”

Pinag-isipan kong mabuti kung tungkol saan nga ba yung magiging kwento ng short film ko. As much as possible gusto kong maging totoo, sa sarili ko, at sa ma makakapanood ng film na to.

“Uy, guys, ligo lang ako ah,” paalam ni Terrence na nakakuha na ng mga pamalit na damit.

Sinundan namin ng tingin si Terrence palabas ng kwarto, pagkasara nya ng pinto, agad humarap sa akin si Gelo at hinalikan ako sa labi.

“Grabe namiss ko to.”

Nung mga sandaling yun, parang biglang nawala yung takot na baka mahuli kami nila Ralph. Umupo sa harap ko si Gelo at pumatong sa kin, habang hinahalikan ako, nararamdaman kong unti-unting pumapasok sa shorts ko yung mga kamay nya, nakaramdam ako ng sobrang libog non kaya pinasok ko rin sa pantalon nya at hinimas-himas ang pwet nya.

“Thank you Ean James,” tinigil nya muna ang paghalik sa kin para titigan ako sa mata.

“Para san?”

“Dito. Sa lahat.”

Kahit medyo madilim kasi nasa bottom bunk kami ng double deck, kita-kita ko kung paano dahan-dahang tumulo yung mga luha sa mata nya. Umalis sya sa pagkakapatong sa akin at bumalik sa pwesto nya sa tabi ko. Di kami nag-usap, hinawakan ko lang yung kamay nya habang umiiyak sya sa tabi ko.

“Wag mo kong iiwan ulit ah?”

“Huh? Kelan pa ba kita iniwan?”

“I mean, wag mo kong iiwan please Ean James?”

Sinandal ko yung ulo nya sa balikat ko. Patuloy lang sya sa pag-iyak.

“Dito lang ako. Di ako aalis.”

“Everything in my life right now is starting to get messed up, my parents, ny future, Cassy, and all of that, but right now, you’re actually the best thing that happened to me lately.”

“Same Gelo.”

Nanatili lang kaming ganun, nakatingin lang ako sa mga gitara ni Denver na nagkalat sa loob ng kwarto at nararamdaman kong unti-unti nang tumatahan sa pag-iyak si Gelo. Ang alam ko, dapat maging awkward kami ngayon, kasi kanina mula sa momol biglang nagswitch yung aura, pero parang mas mayapa ako ngayon sa oras na to kahit wala kaming sinasabi sa isa’t isa.

“Ean James?”

“Yep” parang mas nagugustuhan ko na rin ngayon yung pagtawag nya sa kin ng Ean James kahit nung una di talaga ako sanay.

“Pwede bang BB na lang tawag ko sayo?” nakita kong pinunasan nya yung mga luha nya gamit yung collar ng t-shirt nya.

“Ba’t naman BB?”

“Para Bro’s with Benefits.”

Inaamin ko, sobrang kinilig ako dun, pero nanaig pa rin yung utak ko kesa sa puso. Mas mahahalata talagang merong nangyayari sa ’ming dalawa kapag nagtawagan pa kami ng BB.

“Baliw, baka mamaya may makarinig pa sa ’tin eh.”

’Hmmm. Sige,“ bumangon sya mula sa pagkakasandal sa balikat ko at tumingin sa kin, “Ganto, Bro tawag ko sayo pag nasa public tayo, BB kapag tayo na lang dalawa.”

“Sige BB.”

Chapter 13

“Ugh, sarap ng lips mo.”

Di ko alam kung bakit pero parang mas napapadalas kaming mag momol ni Gelo lalo na pag madilim o walang nakatingin sa amin.

“Shit, baka mahuli tayo ni Cassy ah,” nakapark lang kasi kami sa mismong tapat ng bahay nila Cassy, at anytime pwede nya kaming mahuli.

“Matagal yun mag-ayos,” kinuha nya yung braso ko at tinignan yug oras sa relo ko, mag-aalas-kwatro pa lang ng umaga, “Baka nga she’s still asleep pa eh. Let’s just make out some more,” sabi ni Gelo in a seductive way.

Tinulak nya ako kaya napahiga ako sa backseat ng kotse nya, pumatong sya sa kin at patuloy akong hinalikan.

“Want me to suck you? Yung mabilisan lang,” tanong ni Gelo, na hawak na yung belt ng pantalon ko, “I want to taste you down there.”

Never pa kong na blowjob sa buong buhay ko, pero syempre, di ko rin naman maiwasang macurious kung ano nga bang pakiramdam nun. Kaso bago pa ko makasagot, biglang nagliwanag yung paligid, bumukas yung ilaw sa garahe nila Cassy na sinundan ng kahol ng mga aso, then narinig namin si Cassy na nagba-bye bye sa mga aso nya.

Agad kaming bumangon sa pagkakahiga sa backseat, dali-daling bumalik sa driver’s seat si Gelo at inayos yung buhok nya pati yung polo nya na binuksan ko para himasin yug katawan nya kanina.

“Bro, may mouthwash ka dyan?” kinuha ko yung bag ko na nasa likod ng passenger seat at dali-daling kinuha yung mouthwash sa loob. Agad kaming nagmumumog dalawa at saka binuksan yung bintana para iluwa sa kanal sa may gate nila Cassy yung mouthwash.

“Gago, sige blowjob pa ha,” matawa-tawa kong sabi, kung sakaling matuloy yon, baka di na namin naramdamang palabas na ng bahay si Cassy.

“Someday somehow machuchupa rin kita.”

Pagkabukas ng gate nila Cassy, tumakbo na agad sya papunta sa sasakyan ni Gelo, syempre, act normal na parang walang nangyari kanina. Umupo sa passenger seat sa tabi ni Gelo si Cassy na agad kiniss sa cheeks si Gelo pagkapasok nya sa kotse.

Weak. Sya sa cheeks lang, ako sa lips. Joke.

“Hi Ean!” sabi nya akin, inabot nya yung kamay nya sa akin sa likod, di ko alam gagawin ko next so hinawakan ko rin yung kamay nya at pinisil ito.

“Hi Cassy, good morning!”

“I hope di ka naman nahirapang gumising,” sabi ni Gelo na nagsimula nang mag-drive, “I know you, you’re not a morning person.”

“Yes, Im not a morning person pero na-excite kasi ako nung sinabi nyo yung mga pupuntahan natin eh, I’d like to tour Rizal since I’ve read so much about it on blogs.”

“Baka naman di ka nakatulog nyan?” pabiro kong tanong.

“Actually! I had trouble sleeping last night! Na-excite ako sa new contents for my vlogs!” tas tumingin sya sa akin, “and of course, for your film.”

“How are you babe?” tanong nya naman kay Gelo, “Huy! Sana di kayo na bore kakahintay sa akin ha.”

“Dont worry babe, di naman kami na-bore,” pinatong nya sa hita ni Cassy yung isa nyang kamay, “Di ba Ean James?” tumingin si Gelo sa akin sa rearview mirror at kinindatan ako.

“We better keep going.”

Di naman ganun kahaba ang binyahe namin, since di naman rin ganun kalayo ang Rizal sa Manila and sanay na rin ako sa byahe since Rizal naman ang probinsya ko. Bigla nga akong napaisip kung pwede kaya akong magpadaan kay Gelo sa bahay namin, para naman mabisita ko rin yung pamilya ko, mga ilang linggo na rin kasi akong di nakakauwi dun eh.

Pero wala namang kahit isa sa kanilang naghahanap sa kin eh. Kaya siguro wag na lang.

“Hello guys! So we’re now here on Morong, Rizal, to shoot something that my friends and I were working on for the last couple of days. Actually, I’m very much excited about this project, and Im much more excited to let you guys see it,” pagdating pa lang namin sa lugar na pagshoshootan namin, bumaba na agad ng sasakyan si Cassy at nagsimula na sa pag-v-vlog.

“Today, I’m with, of course, the most amazing person in the world, Gelo!!” bigla nyang pinuntahan si Gelo na kaka-baba lang sa driver’s seat, nakita kong medyo nagulat si Gelo, ang cute nya nga eh. Bat kaya ganun, pag ako ginulat ng ganun, siguro ang panget ko, pero si Gelo, ang cute.

“And here right here, is our director! Hi Ean!!” buti na lang nakita kong papunta si Cassy sa kin kaya naman nakapaghanda naman ako kahit papano. Kumaway ako at nagsalute sa camera na pinasok nya sa bukas na bintana ng backseat.

“Im actually very much excited to see what the province of Rizal has to offer us, and I cant wait to explore more of this place with you guys, after we shoot wha we need to shoot.”

Habang patuloy sa pagvlo-vlog si Cassy na nakasandal na ngayon sa hood ng kotse ni Gelo, at mukhang may kinakausap naman sa phone si Gelo na nasa may di naman kalayuan, nagsimula na kong mag-set-up ng mga gamit ko, mula sa mga camera, sa mga tripod, pati mga ilaw at mga reflector.

Habang nagchecheck ako ng mga SD cards ng camera ko, lumapit sa kin si Gelo at tinignan kung anong ginagawa ko, medyo nailang ako ng onti, di dahil naiilang ako kay Gelo, para lang kasing nagsheshare ako sa kanya ng malaking bahagi ng sarili ko since ang lapit talaga sa puso ko, ang mga pelikula.

“Ok, guys, so what shall we do?” tanong ni Cassy na mukhang tapos na sa pagvovlog at lumapit na sa amin.

“Well, for starters we should start filming the scenes instead of less important YouTube content,” biglang sabi ni Gelo na parang nagpaparinig.

Humarap sa kanya si Cassy, pareho lang kaming nagulat sa sinabi ni Gelo, “So what does that supposed to mean?”

“Im just saying that if we want to maximize our time here on the location, then we should start filming the film, we’re not here for a vacation for you to pull out your phone and record yourself anytime you want to.”

Alam kong pareho kaming nagulat ni Cassy sa sinabi ni Gelo. Walang makapagsalita sa aming tatlo.

“Excuse me?”

“You heard me the first time.”

“Yes I do, and what do you mean by that?”

“Could you just please stop making things revolve around you?” Inis pero kalmadong sabi ni Gelo, sumandal sya sa gilid ng kotse at pinasok ang mga kamay sa bulsa ng sweat shorts na suot nya.

Di na nakasagot pa si Cassy, bago pa mas maging awkward, pumagitna ako sa kanila, “Guys, magsimula na kaya tayo,” inabot ko kay Gelo yung kopya ng script at yung production book naman kay Cassy.

“Anong scene?” kalmadong tanong ni Gelo na parang wala lang sa kanya yung sinabi nya kay Cassy.

“Scene 3,” sagot ko.

“Tara na, sunrise na oh,” lumakad palayo sa sasakyan si Gelo, tumawid sya at nagpunta sa malaking puno ng mangga na nasa tabi ng kalsada. Tumingin naman ako kay Cassy, nakatitig lang sya sa prod book, pero alam kong di sya nagbabasa.

Masasabi kong naapektuhan talaga si Cassy nung sinabi ni Gelo, buong shoot namin sa may bukid at sa malaking puno ng mangga, tahimik lang na nanunuod sa amin si Cassy, hahawak ng reflector, o kaya magpapalit lang ng battery.

Kahit gaano ako naaawkwardan sa mga nangyayari, iniisip ko na lang na andito kami para sa film ko.

“Gelo, upo ka dyan sa may pangalawang step then ilagay mo yung teddy bear sa may tabi mo,” sabi ko, binuksan ko yung camera ko kung tama lang ba yung pwestong sinabi ko para makita sa shot yung simbahan ng Morong na nasa likod nya.

Nakita kong tumingin sa script nya si Gelo, “Scene 6 na ba to? Yung sa hagdanan ng simbahan?”

“Yep,” tinuro ko yung teddy bear na nasa lap pa rin nya, “Lagay mo na si Blair sa hagdan,” yun daw pangalan nung bear na yun sabi ni Cassy.

Pagkapwesto ni Gelo sa teddy bear, inabot nya na sa akin yung script nya, nag ayos sya saglit ng buhok at bumalik sa pwesto nya sa hagdanan ng simbahan.

“Scene 6! Camera ready! 1, 2, 3, rolling!” Sumigaw na ko.

“Cassy!!! OMG! Cassy!”

Napatalikod ako sa narinig ko, ayos na sana yung shot ko, pero tiyak maririnig yun pag ni review. Nakita kong may grupo na ng kabataang nakapaligid kay Cassy. Nakatingin sa akin si Cassy at saka nagsabi ng sorry habang sinusubukang makinig sa mga fans na isa isa nang nagpapakilala sa kanya.

“Guys, ganito kasi, we’re trying to make a film-” di pa tapos magpaliwanag si Cassy pero agad syang siningitan ng “OMG di talaga namin ineexpect na makikita ka namin ngayon!” na sinundan ng “Pero nakita naman sa my day mo na magpupunta ka ng Morong, so di talaga yung talagang unexpected!” sabi nung isang babae na hawak ng malaking poster ni Cassy na pilit nya pinapapirmahan kay Cassy.

Sa sobrang freaked out ko sa mga nangyayari, di ko namalayan na nakatayo na pala sa tabi ko si Gelo.

“Hang with us please Cassy! Para may mapakita kami sa FB friends namin! Come on! May alam kaming milktea shop dun oh!” sabi nung isang bading na hila-hila na sa braso si Cassy.

“Guys, kasi,” I know tina-try ni Cassy na magpaliwanag, and alam nyang ayaw nyang maramdaman ng fans nya yung presence namin dahil tiyak si Gelo naman ang pagkakaguluhan nila.

“Sige na please, we want to be included on your videos! Please!”

Nagulat na lang ako nang biglang hinawakan ni Gelo yung kamay ko, pero mas nagulat ako nang bigla syang tumakbo. Wala naman akong nagawa kundi sumunod.

Hawak ang camera ko na nakasukbit rin ang lace sa leeg ko, sa isang kamay, at hawak ang kamay ni Gelo sa isa, umalis kami ng plaza, tumakbo lang kami palayo nang palayo sa plaza kung san dumadami na ang nakakakilala kay Cassy.

Gusto kong balikan si Cassy, lalo na’t nakita ko na ayaw nya talagang mapunta sa sitwasyong yun, pero parang di ko magawang bitawan ang kamay ni Gelo.

Ayaw ko na syang bitawan pa.

Tumigil kami eventually sa tapat nang isang convenience store, ala-una na nang hapon pero hindi pa pala kami nagtatanghalian. Pumasok kami sa loob, pina-upo ako ni Gelo at sya na raw ang oorder para sa amin.

“Parang gusto kong balikan si Cassy,” sabi ko kay Gelo pagbalik nya na may hawak na dalawang rice meal, “Parang ang lupit naman natin na iniwan lang natin sya dun.”

“Dont worry. Kaya ni Cassy ang sarili nya,” umupo sya sa tabi ko at nilapag sa mesa yung pagkain namin, “Besides, gusto ko ng time na maso-solo kita.”

Pinasok nya sa ilalim ng mesa ang kamay nya at saka hinimas ang mga hita ko.

“Saka yung sinabi mo kanina kay Cassy nung nasa bukid tayo?”

“Ean James, look,” humarap sya sa akin at tumingin sa mga mata ko. “You dont know Cassy as much as I do, she’s manipulative, bratty, control freak, and egocentric, and she needs to learn her lesson. If she needs to learn it in a hard way, then so be it. But someone needs to burst her bubble.”

“P-pero-”

“Bro, buong buhay ko, wala akong ibang ginawa kundi sumunod sa mga taong wala ring ibang ginawa kundi controlin ako,” Bumitaw sya sa pagkakahawak sa hita ko at hinawakan naman ang kamay ko na nasa ilalim rin ng mesa.

“Pero simula nung nakilala kita, parang tumapang ako. You made me strong. You made me let go of those manipulative people’s grips, you get what Im saying?”

Tumango lang ako, di ko kasi maexplain kung ano yung nararamdaman ko sa kasalukuyan.

“Parang each day na kasama kita, mas lumalakas ako as a person,” tas nagwink sya.

“Same. Di ko alam bat ganto yung epekto mo sa kin, parang, sumasaya ako the more the kasama kita.”

“Screw Cassy, screw my parents, you’re the only one that matters to me right now.”

“I promise, I will never let you down.”

Binitawan nya yung kamay ko at ginulo yung buhok kong kalahating oras ko rin winax at inayos sa salamin kanina. Pinindot ko naman sya sa tagiliran para kilitiin.

“Promise?”

“Promise!”

Tumingin sa paligid si Gelo bago lumapit sa tenga ko, “Love you, Bro.”

“Love you too, Bro.”

Chapter 14

“Sabi nila pampatamis daw ng sperm yung pineapple juice?”

“Oo daw. Pero di ko naman tinatry, di ko naman nilulunok sperm ko,” sagot ko kay Gelo habang inabot kay Kuyang nagtitinda ng pineapple juice yung bayad namin dalawa.

Pagbayad namin, saktong may tricycle na dumaan at inalok kami. Nagpahatid na kami sa plaza.

“Gusto mo try natin?” bulong ko sa tenga ni Gelo.

“Try yung alin?”

“Kung nakakatamis ba ng sperm yung pineapple juice?”

“Huy! Wild naman!”

“Wow! Sino kaya yung gusto akong i-BJ kanina?” syempre pabulong pa rin para di kami marinig nung tricycle driver.

“Tangina mo bro, lagot ka sa akin pagdating sa sasakyan!”

Pagdating namin sa plaza, nakita naming nakaupo lang sa hagdanan ng simbahan si Cassy na may tinatype sa phone. Pagkahinto ng tricycle, agad akong bumaba at tinawag sya.

Tumingin sya sa akin. Tumayo sya sa pagkakaupo, at tama nga yung hinala ko, inis nga sya. Natakot na baka awayin nya ko, kaya nung nagsimula syang maglakad papalapit, dahan-dahan rin akong napapa-atras.

Pero nilagpasan nya lang ako at dumiretso kay Gelo na hinihintay yung sukli sa tricycle.

“So you think its funny? Yung iwan ako rito ng napakatagal without even knowing where you went?!”

“Im just wondering if mas gusto mong kasama fans mo kesa sa amin?”

“What!?” Ginulo ni Cassy yung buhok nya out of confusion, “You know what, I just booked a Grab. I’ll just go back to Manila by myself.”

Naglakad papunta sa sakayan ng jeep si Cassy, tas biglang may kulay red na sasakyang tumigil sa harap nya. Tumingin muna sya sa amin bago sumakay sa binook nyang Grab.

“Gago bro, lagot ka nyang pag-uwi sa Manila. Galit na galit sayo si Cassy. Bakit pa kasi iniwan natin eh,” sabi ko kay Gelo pagkabalik namin sa sasakyan nya. Nahiya rin naman ako kasi matapos akong pahiramin ni Cassy ng gamit, sasama ako sa pangiiwan sa kanya.

“Sus, wala yun,” binuksan nya yung engine ng sasakyan nya.

“Baka magbreak kayo nyan.”

“Edi mas maganda.”

“Ano?”

“Para solo mo lang ako.”

Tinignan ko si Gelo sa tabi ko. Tinitigan nya rin ako at saka tinaas-taas yung kilay nya.

“Ayiee! Kinikilig si BB! Namumula!”

“Hoy di ah!” binaba ko yung sun shield sa tapat ng passenger seat para manalamin. Oo shet, pulang-pula nga ako, “Baliw! Dahil sa init to!”

“Wehh, dahil sa init ng panahon? O dahil init na init ka na sakin?”

“Tara na! Umuwi na tayo!”

Tinitigan ako ni Gelo for the last time, then inistart na nya yung engine ng kotse nya. Pero di pa rin nya ito pinaandar.

“Kiss mo muna ako sa lips bago tayo umalis.”

Kiniss ko sya ng mabilis sa labi. Napangiti lang sya at pinaandar na yung kotse.

Habang bumibyahe pauwi, bigla akong napaisip kung paano biglang nag-iba yung buhay ko simula nung nakilala ko si Gelo. Yes, corny pakinggan pero simula nung nakilala ko sya, tas simula nung maging close kami, hanggang sa ngayon na parang may secret relationship kami, feeling ko parang naging ibang tao ako.

Mas naging masaya ako. Totoong masaya.

Simula nung bata ako, wala akong naging problema sa pag-alam kung sino ako. Baril at mga robot ang pinipili kong laruan. Halos magdamag nasa labas ng bahay, kung hindi nagbabasketball, nagbibike dun sa kabilang bayan. Alam ko agad na lalaki ako. Sa babae rin naman kasi ako nagkakagusto, sa babae rin naman ako nalilibugan, pero meron talagang naging epekto sa akin yung unang halik ni Gelo nung nasa bubong kami ng bahay nila.

Naramdaman ko lahat kay Gelo lahat ng naramdaman ko sa mga babaeng minahal ko. Shet, naaalala ko nanaman sila. Pare-pareho yun ng proseso, magagandahan ako, tas magiging crush ko, tas kukulitin ako ng tropa na makipagkilala, tas makipagkaibigan, hanggang sa pormahan ko na, pero ewan ko ba, parang may pattern yung mga babaeng nakakalandian ko, its either study first muna sila, o meron talaga silang boyfriend di lang sinasabi sa akin.

Eh kami kaya ni Gelo? Hanggang saan kaya kami.

Kaso, gusto ko ng pamilya. Gusto kong bumuo ng sarili kong pamilya balang araw. Gusto kong magkaron ng sarili kong anak, na galing sa magiging asawa ko.

Tinignan ko si Gelo na nakafocus sa kalsada na medyo pazigzag kaya kailangan ng maingat na pagdadrive. Tumingin sya ng mabilis sa akin at ningitian ako. At Magically, nawala lahat ng mga iniisip ko.

Siguro masyado pang maaga para pagusapan ang hinaharap.

“Hey BB, andito na tayo sa hometown mo, gusto mo daanan bahay nyo? Just tell me where to turn.”

No. Di pa ko pwedeng magpakita sa bahay, “Ah, eh, kasi, BB, lagpas na kasi tayo eh,” pagsisinungaling ko kahit hindi pa namin nadadaanan yung street na papunta sa min.

“Then let’s go back.”

“Wag na! Nagtext kanina sila Mama, walang tao sa bahay ngayon, sabi ko kasing dadaan tayong Morong tas pag maaga tayo matapos baka makadaan ako sa bahay, eh sabi nya kasal ngayon ng isa kong pinsan kaya walang tao dun.”

“Edi kahit dumaan lang tayo, I just to see the house you grew up with.”

“Dont worry, pupunta rin tayo sa bahay,” hinawakan ko yung hita nya, “Pero ngayon, umuwi muna tayo,” kinindatan ko sya saka kinagat yung mga labi ko. Nakita ko syang namula at napakamot sa likod ng ulo.

Nung palapit na kami sa street kung saan matatanaw yung bahay namin, nakita ko yung isa kong kapatid na bumibili sa grocery. Biglang gusto kong umuwi, kaso nung dumaan kami sa mismong street namin, nakita kong nasa labas ng bahay yung mga magulang ko. Binalik ko yung tingin sa kalsada. Ayoko na palang umuwi.

“Ok ka lang?”

“Yep, medyo masakit lang yung ulo ko.”

“Matulog ka naman muna dyan, malayo pa naman tayo.”

Oo nga naman, ang aga naming nagising para dito, siguro puyat lang ako kaya masakit ulo ko. Pinikit ko lang saglit yung mga mata ko. Pinapakinggan ko si Gelo na hina-hum yung kantang tumutugtog sa radyo. Imbes na yung pamilya ko, pinilit kong isipin na lang kung paano ko ieedit yung mga scenes na kinuha namin kanina, at kung ano pa yung mga dapat idagdag.

Ginising ako ni Gelo, nasa bahay na nya kami. Kinusot-kusot ko yung mata ko at agad bumaba para tulungan si Gelo sa pagdadala ng mga gamit ko paakyat sa kwarto nya. Umabot rin ng halos apat na oras yung byahe, umalis kami ng mga bandang alas-dos, at mag aalas-sais na sabi sa relo ko. Malamang at sa malamang traffic papunta dito.

“Hi apo! Kumain na ba kayo?” bati ni Lola Mercy pagpasok namin sa loob. Nag beso si Gelo kay Lola Mercy at nag-mano naman ako sa matanda na agad kaming pinapunta sa kusina. “Nako, pasensya na kayong dalawa, nung nagreceive ko kasi yung text mo iho, eh wala sila Marge at Precy at initusan ko sa may hardware! Kaya eto, nagpadeliver na lang ako ng manok, sana ayos lang to sa inyong dalawa.”

“Its ok lola, no worries, medyo late na rin po ako nagtext.”

Sinabayan na rin kami ni Lola Mercy sa pagkain, kinuwento nya rin sa akin yung mga plano nya sa maliit nyang garden sa may likod, malapit sa pool. Gusto nyang dagdagan yung mga namumulaklak na halaman para mas magandang tignan sa likod.

The whole time na nagkukuwento si Lola Mercy, nakita kong nakatingin lang sa phone nya si Gelo, na halatang bored. Nakaramdam rin siguro yung matanda kaya di kalaunan ako na lang yung kinausap. Nakipag-usap naman ako, naalala ko kasi yung lola ko sa probinsya, alam kong sabik sa kausap ang mga lola. Medyo nabastusan ako sa kinikilos ni Gelo kaso narealize ko na baka kausap nya si Cassy, at baka kasalukuyan silang nagtatalo sa chat o kung saan pa man kaya hinayaan ko na lang sya.

“Eh kayo Ean? Kamusta lakad nyo?” tanong ni Lola Mercy. Agad kong kinuwento yung mga ginawa namin, pero maingat kong iniisa-isa yung mga nangyari para di ko masabi yung nangyari sa amin tsaka kay Cassy.

Pagtapos ni Gelo kumain, tumayo na lang syang bigla sa kinauupuan at umakyat na papunta sa kwarto nya. Nagtinginan kami ni Lola Mercy, “Nako, baka napagod lang sa pagda-drive,” sabi ko na agad naman sinang-ayunan ng matanda.

Agad kong tinapos yung kinakain ko at saka sumunod sa taas sa kwarto ni Gelo. Pagpasok ko, tama nga, si Cassy nga yung kausap nya kanina pa. Magkausap sila ngayon through call at nakadungaw sya ngayon sya binatana ng kwarto nya.

“You’re not like that Angelo. You’ve never been as asshole as you acted today, so tell me what’s up?”

“There’s nothing up! Its just what I feel to say and to do kanina! I just got pissed off today that’s all.”

“Wow. Never knew being an asshole is a feeling.”

Tumalikod saglit si Gelo at tumingin sa kin. Pinapasok nya ko at pinasara yung pinto. Umupo ako sa kama after at hinintay silang matapos mag-usap.

“You know what, bukas na lang tayo mag-usap. We’re going nowhere.”

After non, binaba agad ni Gelo yung call at agad na lumapit at niyakap ako. Sinubsob ko yung ulo ko sa tyan ni Gelo habang yakap yakap sya. Naramdaman ko namang hinihimas himas ni Gelo yung ulo ko. Umupo sya sa tabi ko, niyakap ulit ako at inihiga yung ulo nya sa balikat ko.

Biglang kumidlat sa di kalayuan na agad naman sinundan ng malakas na kulog. Dumilim lalo yung paggabi nang langit. Buti na lang nakauwi na kami bago pa umulan. Tumitig lang ako sa labas. Di ako alam kung bakit pero nakatitig lang ako sa mga ulap sa labas na unti-unti nang nawawalan ng pigura dahil sa dumidilim na langit.

Bigla akong nakaramdam na may hindi tama.

Bumangon sa pagkakatayo si Gelo, lumapit sa pinto, at nilock ito. Saka bumalik sa kama pero this time, kumandong sya sa akin at agad akong hinalikan. Nag-umpisang bumuhos ang malakas na ulan. Naramdaman kong lumalamig na, pero naramdaman ko ring umiinit kami ni Gelo. Hinubad nya ang suot na sweater at hinubad yung suot kong jacket. Kinuha ko yung wallet at cellphone ko sa bulsa ng jacket at nilagay ang mga ito sa bedside table ni Gelo bago ko hinagis sa lapag yung jacket ko.

Biglang tumunog yung phone ko. May tumatawag. This time, nakahiga na ko sa kama at nasa ibabaw ko na si Gelo, “Sinong tumatawag?” tanong ko, sya yung mas nakakakita eh.

“Unknown number.”

“Pabayaan mo yan,” sabi ko bago ako tumuloy sa paghalik sa kanya.

Maya-maya tumunog nanaman yung phone ko.

“BB, yung same number pa rin na tumawag kanina.”

“Paabot nga BB, patingin,” inabot naman nya sa kin yung phone ko, tumabi sya sa akin at pinatong yung ulo sa dibdib ko.

Sasagutin ko na sana yung tawag kaso biglang nag-end.

“Wrong number kaya to?” tanong ko.

“Feeling ko hindi,” sagot ni Gelo, “Pero let’s see, kapag tinawagan ka pa ulit then sagutin mo na, baka kailangan ka talaga.”

Naghintay ako ng susunod na tawag. Wala. Babalik na sana ako sa pakikipag-momol kay Gelo nang may nareceive akong message galing sa unknown number na yun.

EJ Ate Elaine to. Sagutin mo mga tawag ko. Wala na si Papa.

Bigla akong natigilan sa nabasa ko. Kaya pala nung pagdaanan namin sa bahay, biglang gusto kong umuwi. Kaya pala biglang gusto kong puntahan sila Mama at Papa sa bahay.

“Anong meron BB?”

“Patay na raw si Papa.” mahinang sagot ko kay Gelo.

“Bakit raw?”

“Walang sinabi si Ate, basta sinabi nya lang na wala na si papa.”

Biglang tumunog yung phone ko, agad kong sinagot yung tawag at kinausap si Ate Elaine. Umupo lang ako sa gilid ng kama ni Gelo habang nakikinig kung paano

Bumangon naman si Gelo at niyakap ako ng mahigpit, saka lamang tumulo ang isang patak ng luha mula sa mata ko.

Wala nang sumunod pa.

Chapter 15

“Sigurado ka pre? Pwede ko namang sabihin kay Mam Dessa na may sakit ako para masamahan kita rito,” alok ni Ralph matapos kong sabihin na hindi muna ako papasok, pinag-iisipan ko pa kasi kung uuwi ako sa bahay o ano. Umalis na kanina pa para pumasok sa pinagtatrabahuhan nila si Denver at Terrence kaya pag umalis si Ralph mag-isa na lang ako rito.

“Oo pre, ayos lang ako. Pumasok ka na, siguradong namiss ka nun ni Mam Dessa,” sabi ko na lang kahit touch na touch ako sa concern ng kaibigan ko.

Hanggang ngayon, mas nananaig pa rin yung gulat kesa sa lungkot. Parang kahapon lang nung dumaan kami sa harap ng street namin nakita ko pa si Papa na nakatambay sa labas ng bahay namin. Parang kahapon lang, gusto pang dumaan ni Gelo sa bahay para makita yung bahay kung san ako lumaki. Kung nagkataon na dumaan kami sa bahay, siguro magkikita pa kami ni Papa, o kaya maaabutan ko pa syang inatake sa puso sa labas ng bahay tulad ng sinabi ni Ate Elaine.

“Gago,” sabi nya bago binato sa akin yung bath towel na ginagamit nya para patuyuin yung buhok nya, “Baka naman mag-inom ka rito o kaya maglaslas ka sa banyo ah,” sabi nya habang nagsusuklay sa may salamin sa kama ni Terrence.

“Uy, gago, di ako ganun!” Sinampay ko sa sampayan yung towel na binato nya sa kin, “Amoy tamod yung towel mo puta!”

“Hoy tangina malinis yan gago!”

Kagabi, pagkauwi ko mula sa bahay nila Gelo, agad kong sinabi sa tropa ko kung anong nangyari, pero di ko sinabi na di naman ako ganun ka close kay Papa. Sa aming apat, ako lang ang pinaka bihirang umuwi sa pamilya tuwing walang pasok, ako lang rin yung bihirang magkwento sa pamilya tuwing mag-iinuman kami o magkukwentuhan lang. Sa totoo lang kasi ayokong iniisip sila at kung ano yung mga nangyari bakit ko napiling lumuwas ng Maynila para a “Pero uy, salamat sa concern ah,” tinapik ko sa balikat si Ralph bago ko humiga ulit sa kama ko.

“Welcome pre, ako bahala sayo kay Mam Dessa,” kinuha nya yung backpack nya sa higaan nya, “Sige pre, alis na ko,” pero nung paalis sya, sumilip muna sya sa kin bago isara ang pinto, “Umuwi ka sa inyo uy. Kailangan ka ng pamilya mo dun.”

Matagal kong pinag-isipan yung sinabi ni Ralph bago sya umalis. Ilang beses na rin akong tinext ng ilan sa mga kapatid ko pero di ko sila pinapansin, lahat sila pinapauwi ako, pero hindi pa ko handang umuwi ulit eh.

Tsaka wala akong pamasahe eh, tas parang ang abusado ko naman kung magpapahatid ako kay Gelo, siguradong pagod yung sa kakadrive kahapon.

Binuksan ko yung messenger ko para imessage si Gelo ng good morning kaso biglang may kumatok sa pinto ng apartment namin. Bumangon ako para tignan kung sino yun habang chine-check yung mga message ko at hinahanap ang mula kay Gelo.

Im at your apartment na :)

Pag bukas ko ng pinto, nakita ko si Gelo na nakangiti. Mag-gu-good morning pa lang ako nang bigla nya akong kiniss sa lips. Syempre yung unang response ko agad akong tumingin sa labas para tignan kung may nakakita ba nun. Nang makita kong walang ibang tao sa labas, pinapasok ko si Gelo at sinara yung pinto.

“Are you ready?”

“Ready san?”

“Punta tayo sa Papa mo.”

Ilang segundo ko ring inintindi yung sinabi ni Gelo bago ako pumunta sa kwarto para kunin yung tuwalya ko, “Ok ka lang BB?” tanong ni Gelo na nasa sala pa rin at nakaupo sa sofa.

“Yep,” alam kong di ako dadalawin ng lungkot hanggat di ako nakakaapak sa loob ng bahay namin.

“Are you sure?”

“Oo naman.”

Pagtapos kong maligo, naka higa na sa kama ko si Gelo na may kung anong iniiscroll sa phone nya. Di ko lang sya pinansin at naghanap ng masusuot sa damitan ko at dun na mismo sa harap nya nagbihis.

“Nakausap mo na sa Cassy?”

“Kausap ko na ngayon.”

“Anong sabi?”

“Ayaw pa rin daw nya makipag-usap. Nagtatampo pa rin,” bumangon sya sa pagkakahiga at umupo sa gilid ng kama.

“Gago ka kasi eh, iniwan mo eh,” pinisil ko yung pisngi nya bago suotin yung short na napili kong suotin.

“Luh? Sumama ka kaya sa akin! Tayo nang-iwan sa kanya!”

“Baliw, hinila mo kaya ako gago!”

Pagtapos kong magbihis, agad kong kinuha yung backpack ko na bagong laba lang para lagyan ng mga bagay na kailangan kong dalhin.

“Sigurado ka bang okay ka lang Ean James?” seryosong tanong ni Gelo.

Tumingin ako sa kanya, halatang nag-aalala sya, “Oo, ayos lang ako.”

“Sure ka? Baka kasi mamaya para kang yung nasa mga movies na parang okey naman pero sobrang lungkot deep inside, you know?”

Umupo ako sa tabi nya at tumingin lang sa malayo sa labas ng bintana, “Ayos lang talaga ako pramis. Ewan ko lang pero mas gulat ako sa mga nangyari kesa sa malungkot. Di kasi kami ganun kaclose ng magulang ko eh.”

“Bakit naman?”

“Well siguro saka darating yung lungkot pag andun na ko.” tumayo ako at pinagpatuloy yung pag-aayos sa mga dadalhin ko. Nakatingin lang sa akin si Gelo the whole time habang paikot-ikot ako sa loob ng kwarto.

Bigla akong napaisip kung anong iisipin ng pamilya ko pag nakita nila si Gelo. Siguro naman maniniwala sila na best friend ko si Gelo, best friend ko naman kasi sya, may ilang benefits nga lang. Kilala naman nila ako dun eh so wala naman sigurong maghihinala sa aming dalawa dun, unless magpapakasweet si Gelo habang andun kaming dalawa.

“Bro, ay, BB pala,” sabi ni Gelo habang nagdidrive, “Hindi mo pa nasasagot yung isa kong tanong.”

“Ano yun?” sabi ko nang di tumitingin sa kanya, kausap ko kasi sa text si Ate Elaine, sabi ko pauwi na ako.

“Bakit di kayo close ng pamilya mo? Tsaka ba’t parang bihira ka lang ata magkwento tungkol sa kanila. Ang alam ko lang, pito kayong magkakapatid, tas pang anim ka. Yun lang.”

Nilapag ko sa dashboard yung phone ko at huminga ng malalim, oras na siguro para umamin kay Gelo, “Hindi talaga ako pumunta sa Maynila para mag-college. Lumayas talaga ako.”

Tahimik lang na nagpatuloy sa pagmamaneho si Gelo.

“Nung grumaduate ako ng senior high, sabi nila Papa, di daw muna ako mag-aaral. Tatlo pa kasi sa mga kapatid ko yung nasa college. Ayaw rin naman akong sustentuhan nung dalawa kong kapatid na may trabaho na, may sariling pamilya na kasi sila.”

4 na buwan na simula nung lumayas ako pero natatandaan ko pa rin yung araw na yun, nasa labas ng bahay si Papa, hinihintay yung mga kainuman nya, nass loob naman si Nanay, nagmamadjong kasama ng mga kapitbahay namin. Manghihingi sana ako ng pang downpayment sa tuition para sa college na pinag-enrollan ko, kaso tinignan lang ako ng masama ni Papa, tas sinabi di daw muna ako mag-aaral kasi asa college pa si Kuya Elton, Kuya Ed, at Ate Elaine. Wala pa raw silang pera ngayon.

Ewan ko, pumintig yung tenga ko sa narinig ko. Hindi galit yung naramdaman ko nun, kundi frustration. Wala pang pera? Eh ilang araw nang nakatambay sa bahay si Papa matapos magtapos yung kontrata nya bilang construction worker, gabi-gabi pa kung mag-inom. Si Nanay naman yung kinikita sa palengke hinahatian pa para pantaya sa madjong at pansustento sa bisyo ni Papa.

Nagpatuloy ako sa pagkwento, “Bata pa lang kami, minsan lang talaga kung asikasuhin kami ng mga magulang ko. Pag may isang may sakit, sasabihan lang ng maarte at tumigil na sa pagiinarte. Alam mo yun, parang nakalimutan lang nila na anak nila kami, parang naging housemate na lang kami na nakikihati sa pagkain nilang mag-asawa.”

“Wala. Wala talaga silang pakialam. May paki lang sila sa kung paano sila kikita, kakain, at pagsustento sa mga bisyo nila. Kahit sa amin wala silang paki, kahit kay-” natigilan ako. Hindi, hindi ko na babalikan yung nakaraan na yun.

“Halos galit lahat ng mga kapatid ko sa akin dahil lumayas ako. Hindi ko rin alam kung bakit, kawalan daw ng respeto yun sa magulang namin na nagpalaki sa min. Sabi ko, ‘nagpalaki lang, di nagmahal’.”

Matagal na natahimik si Gelo bago sya nagsalita ulit, “Sa tingin mo magkaka-ayos kayo ng pamilya mo dahil sa nangyari?”

“Ewan ko.” Wala rin namang mababago pag nagka-ayos na kami eh, wala na si Papa.

“How do you managed to live on dito sa Manila?”

“Si Kuya Jasper. Close kami kasi Alumni sya dun sa pinag high schoolan ko eh, isa sya sa nagmulat sa kin sa photography. Nung nalaman ko na nakapagpatayo sya ng studio sa Maynila, agad akong nakiusap na baka pwedeng kunin nya ko, since walang mangyayari sa akin pag nanatili ako sa bahay.”

Nakaramdam ako ng gaan. Na parang nakakagaan ng dibdib kapag nag oopen-up ako kay Gelo. Ba’t di ko to ginawa noon pa.

“Nung mga unang linggo ko sa Maynila, sa studio ako natutulog, naliligo, tas nung nakasweldo na ko ng ilang beses, dun ko na naisipang mag-aral at mag-dorm, tas ayun nakilala ko na sila Ralph at ang tropa, tas nakakuha ako ng trabaho pa sa car wash,” ngumiti na ko this time, “Tas naimbitahan sa debut ni Cassy, tas nakilala ka.”

“Tas gwapong gwapo ka na sa kin nung nakita mo ko?”

“Gago hindi, una ko ngang napansin sayo nun yung suot mo eh, trip kong pang pormahan.”

“Ah yun? Gusto mo sayo na lang? Bagay nga yun sayo, fit ka, ako kasi payatot eh, ang yummy mo siguro pag suot yon,” sabi ni Gelo sabay umungol tas nilabas yung dila nya.

“Gago,” kinurot ko yung pisngi nya. Eto ba yung pakiramdam na sinasabi ni Cadsy nung tinanong ko sya kung pano ko mararamdaman kung ang isang tao na ba ang ‘the one’ para sa kin? Yung parang magaan na feeling na kumportable kayo na tahimik, kumportable kayo kapag may ginagawa kayo, kumportable kayo sa isa’t isa all the time.

Di ko alam kung anong mangyayari mamaya pag-uwi ko, pero bahala na. Yun naman motto ko eh. Kung magkabati, edi ayos. Kung magkagulo, at least andito si Gelo.

Pinatulog muna ako ni Gelo, grabe kasi yung traffic. Nung una, di ako makatulog, dami kong iniisip eh, kaso napagod na siguro ako kakaisip kaya nakatulog rin ako.

“BB, dito na tayo, san ako liliko?”

Pagkagising sa akin ni Gelo agad akong tumingin sa paligid, baka lumagpas na kasi kami. Di pa naman, pero medyo malapit na sa street namin. Agad ko syang pinaliko sa street namin at tinuro yung bahay namin, pero halata naman kung alin yung bahay namin, may lona na kasi na nakaset up, may mga la mesa at mga upuan na para sa mga mag-susugal.

Pagdaan namin sa tapat ng bahay, nagtinginan agad sa kotse ni Gelo yung mga tambay, kasama na run sila Kuya Ed at Kuya Elton na parehong nakaupo sa mataas na pinagpatong-patong na monoblock. Dahil tinted yung kotse ni Gelo, for sure di nila ako nakita sa loob. Tinignan ko yung bahay, napansin kong sobrang linis nito. Eto na ata yung pinakamalinis na naging itsura ng bahay namin na kung tuusin, kasing laki lang halos ng kwarto ni Gelo na may tagpi tagping second floor na gawa sa plywood at mga yero.

Wala pa yung mga labi ni Papa.

Sinundan pa rin ng tingin ng dalawa kong kapatid nang tingin yung kotse ni Gelo hanggang sa magpark ito sa bakanteng lote sa harap ng bahay kung san kami madalas magbasketball nung mga kababata ko.

“Kuya,” sabi ko pagbaba in no one in particular. Sabay silang napatingin sa akin, nagulat pero napangiti sila nung nakita ako. Kaming tatlo lang kasi yung mga lalaki kaya may close ko silang dalawa kesa sa mga ate ko

“Oyy! Ean!” bumaba sa kinauupuan si Kuya Elton at lumapit sa akin, “Gara ng sasakyan mo ah! Sayo to ’tol?”

“Baliw hindi, sa tropa ko yan,” tumalikod ako para ituro si Gelo pero natigilan ako nang nakita kong nakaleather jacket at shades si Gelo. Shet ampogi. Chine-check nya yung lock nung driver’s seat.

“Mukhang asensado ka na tol ah, yayamanin na mga tropa mo!” sabi naman ni Kuya Ed na inakbayan ako at ginulo-gulo yung buhok ko tulad nung dati.

“Mga kuys, si Gelo pala, bespren ko sa Maynila,” pakilala ko kay Gelo sa mga kapatid ko. Nagtunguan sila at nagngitian. Halatang out of place sa lugar si Gelo kaya naman napatingin sa amin yung mga tao sa paligid.

“Akala namin tol di na ka na uuwi,” sabi ni Kuya Ed.

“Luh, pwede ba yun?”

“Di ka na galit ka-” bago pa natapos sabihin ni Kuya Elton yung sasabihin nya, nakita kong papalapit sa amin si Ate Elaine.

“Ean,” sabi nya habang papalapit, nakita kong paiyak na sya. Tinapik ko Sa balikat si Kuya Ed para salubungin si Ate Elaine.

“Ean, wala na si Papa,” sabi nya nung niyakap ko sya. Umiyak sya sa balikat ko. Napansin kong dumami yung mga tao sa labas na nakatingin sa amin, para tuloy kaming nasa telenovela, “Shh, Ate, ok lang yan.”

Tumingin ako sa dalawa kong Kuya para patahanin si Ate Elaine pero kausap na nila si Gelo at nakatingin silang tatlo sa kotse ni Gelo na parang magkukumpareng nakatingin sa mga manok na pangsabong.

“Tara, kanina ka pa hinihintay ni Nanay,” sabi ni Ate Elaine nung tumahan na sya. Hinawakan nya ko sa braso at saka nagpunas ng luha gamit ng panyong hawak nya, “Kuya! Tara na pasok na!” sabi nya sa mga kuya namin. Nakita kong nagtinginan si Kuya Elton at Kuya Ed bago sumunod sa loob. Feeling ko tuloy hinintay lang nila akong umuwi para mag-usap or something.

Tinignan ko si Gelo. Nag-thumbs up sya. Sinasabing okay lang naman sya dito sa labas.

Pagpasok ko sa loob, andaming mga bata, mga anak ni Ate Emily at Ate Eliza at mga kalaro nila. Nakita ko agad na nakaupo sa isang upuan sa may mesa si Nanay na nakaupo lang at nakatingin sa kawalan.

“Nay, andito na po si Ean,” sabi ni Ate Elaine. Tumingin sa amin si Nanay at nakita ko kung pano sya maiyak nung makita ako.

Diba dapat malungkot na ko? Wala. Wala akong lungkot na nararamdaman.

Umupo kaming apat sa sofa. Hawak pa rin ako ni Ate Elaine sa braso. Tumingin ako sa dalawa kong kuya. Pare-pareho kaming may ayaw sa drama.

“Aba, andyan na pala yung lumayas,” sabi ni Ate Eliza habang pababa ng hagdan habang may dalang sanggol.

“Ate,” sabi ni Ate Ellaine.

“Buti naisipan mo pang umuwi?” Sabi nya sa akin nang nakababa na sya ng hagdan. Nakipagtitigan ako sa kanya hanggang sa umiyak yung anak na hawak nya. Pumunta sya sa kusina para siguro painumin ng gatas yung anak nya pero usap pa rin sya ng usap, “May natitira ka pa rin palang respeto kay Nanay at Papa.”

Di ako makasagot kahit gustong gusto ko syang barahin, sagutin.

“So kamusta? Ang ganda nung sasakyan mo sa labas ah? Mayaman ka na ba sa maynila? Asensado ka na ba? Syempre di mo papaalam saming mga kapatid mo kasi baka sugurin ka namin dun para umutang! Ganun ba??” tumingin ako sa tatlong nasa tabi ko, lahat sila nakatingin lang sa lapag.

“Eliza, tama na,” sabi ni Nanay na di pa rin umaalis sa kinatatayuan.

“Nay hindi,” lumabas sya ng kusina, dala pa rin yung anak nyang dumedede na sa bote ngayon, “Ang kapal lang kasi mukha ng anak mong yan nay oh! Maglalayas nang walang paalam tas biglang magpapakita ngayong wala na si papa!?”

Naramdaman kong humihigpit yung hawak ni Ate Ellaine sa akin.

“Bakit ka pa bumalik? Para ipakita sa amin na mayaman ka na!? Na asensado ka na!? Nagustuhan mo ba yung atensyon nung bumaba ka sa sasakyan mo kanina!” lumapit sya ng onti papunta sa amin. “Bakit nga ba yumaman? Namakla ka ba dun ng mayamang matandang bading at nagkasasakyan ka ng ganyan.”

“Ate, di sa kanya yung-,” pang-aawat ni Kuya Ed pero di sya pinansin ni Ate Eliza.

“Wala akong pake, gusto kong malaman bakit umuwi pa sya!”

“Wag kang mag-alala, di ikaw yung pinunta ko rito,” sabi ko. Inalog ako ni Ate Ellaine na parang nagsasabing bakit pinatulan ko pa.

“Aba, sumasagot na yung lumayas mong anak nay oh! Matapang ka na? May napatunayan ka na ata sa maynila ah! Puro ka lang naman ata pasarap ron!”

So all this time akala nila nagpapakasarap lang ako sa Maynila?

“So akala nyo pala nagpapakasarap ako sa Maynila!?” naramdaman kong may mga luha nang pumapatak sa mata ko, pero di dahil sa lungkot, sa galit.

“Hoy! Ate mo pa rin ako!”

“Nagpunta ako sa Maynila para mag-aral! Umalis ako dito kasi di na ko kayang pag-aralin ni Papa at Nanay at kayo naman ni Ate Emily, ni ayaw akong suportahan! Ano pa bang gagawin ko!”

“Ean naman, may pamilya kami ni Ate Emily mo oh! Pano ka namin mapag-aral kung may sarili na kaming pamilya!”

Tumayo ako, pinauupo ako ni Ate Ellaine pero marahan kong tinanggal yung kamay nya sa braso ko, “Tsaka bakit ang lakas mong magsermon tungkol sa respeto? Wala akong respeto kay Papa at Nanay? E diba ikaw tong nagpabuntis ng ilang beses sa ilang lalaki kahit suportado ka nila Papa sa college? Andami mo ngang alam tungkol sa respeto!”

“Tangina mo! Sana di ka na lang umuwi! Sana ikaw na lang yu-”

“Sana ako na lang yung ano!!??” sigaw ko. Yun na ata yung pinakamalakas kong sigaw sa buong buhay ko. Di ko na kontrolado ang mga luha ko at maya-maya baka mga kamao ko na yung di ko makontrol. Ramdam ko na rin yung buong baranggay na nakasubaybay sa mga bintana namin.

“Sana ako na lang yung alin ate!?” Inulit ko, “Yung nalunod sa ilog!?”

Nakita kong umiiyak na si Nanay sa kinauupuan nya, pilit pa rin akong pinauupo ni Ate Elaine na iyak na rin ng iyak.

“Wag kang magmatapang, wag mong kalimutang ikaw yung dahilan kung bakit namatay si Ellie,” yun lang yung sinabi ni Ate bago sya paatrasin ni Nanay at pinaakyat sa taas.

Oo nga pala. Ako nga.

Chapter 16

“Ano bang nangyari talaga sa bunso nyong kapatid?” tanong ni Gelo.

Kakatapos lang namin kumain ng hapunan. Nasa ibabaw kami ng hood ng kotse ni Gelo na nakapark pa rin sa tapat lang ng bahay. Hinanap ni Gelo yung kamay ko at saka to hinawakan, nailang ako nung una, pero madilim naman, di kami kita kung san kami naka-upo, di rin abot sa amin yung ilaw na mula sa nakahilerang mga lamesa ng mga nagsusugal.

Ilang minuto pagtapos nung sagutan namin ni Ate Eliza, dumating si Ate Emily kasama nung funenaria, at dala na nila yung mga labi ni Papa. Tulad ni Ate Eliza, halatang di rin gusto ni Ate Emily na umuwi pa ko, pero dinaan nya lang ito sa di pagpansin sa akin mula hapon hanggang gabi.

Nang oras na para maghapunan, nag-ambagan kaming magkakapatid para bumili ng dalawang lechong manok. Nagpresinta na akong bumili, baka mamaya bumaba ulit si Ate Eliza at magpang-abot kaming muli.

Hiniram ko yung motor ni Kuya Ed at niyaya si Gelo na pumunta sa bayan para bumili ng lechong manok. Nung bumibili na ko, inabutan ako ni Gelo ng isang libo, gawin ko nang apat yung lechong manok. Syempre tinanggihan ko, pero syempre nag-pumilit sya, halata naman daw kasi na hindi kasya sa amin yung dalawang lechong manok lang, sa aming magkakapatid oo, pero pano yung mga anak ni Ate Eliza at Ate Emily?

Nung hapunan, walang nagtanong kung saan galing yung additional na dalawang manok. Bago kumain, niyaya ko sa loob si Gelo, kaso tumanggi sya, family time daw namin yun, kaya hinatiran ko na lang sya ng kanin at ulam sa labas.

Habang kumakain, napansin kong eto yung unang pagkakataon na sabay-sabay ulit kaming kumain, simula nung namatay yung bunso naming si Ellie. Siguro naman counted pa si Papa kahit nasa loob na sya ng kabaong? Walang nagsasalita habang naghahapunan, its either walang masabi, o takot na baka magsimula nanaman ng gulo.

Sa madaling salita, natapos kaming maghapunan nang mapayapa.

“Di ko alam kung paano magsisimula Bro,” sabi ko bilang sagot sa tanong nya kanina. Hawak ko pa rin yung kamay nya at nakatingin lang ako kay Nanay sa loob na nakaupo lang sa tabi ng kabaong ni Papa.

“Edi just tell me bakit ikaw yung sinisisi nila kung bakit sya namatay?”

“Pinayagan ko kasi si Ellie na maligo sa ulan nung araw na yun. Di ko naman alam na pupunta sya sa may ilog kasama ng ilang bata eh.” dahan-dahan kong paliwanag kasi baka maiyak ako, at ayokong maiyak, ang corny, di nakakapogi, “Naglalaro sila sa tabing ilog nang mabilis na umapaw yung tubig sa ilog, sa bilis ng agos ng tubig agad silang natangay.”

“Di ko gets kung bakit ikaw pa rin yung sinisisi nila after all these years, but it really is a hard pill to swallow,” tas dinugtong nya nang mahina, “No wonder why you dont share that much about your family.”

“Nawala na paki ko sa kanila simula non. Namatay si Ellie, sa kawalang pakialam nila. Kami lang naiwan ni Ellie nun sa bahay, si Kuya Ed at Kuya Elton nasa kompyuteran, si Ate Elaine at Ate Emily nasa bahay ng kaklase nila, si Ate Eliza may pasok nun kahit bagyo. Syempre kanino pa ba sya magpapaalam? Malay ko bang pupunta sya sa may ilog? Malay ko bang tataas bigla ang tubig? Nasaan sila nun? May kanya-kanya silang ginagawa, kung may paki talaga sila, di nila iiwan yung dalawang pinakabata nilang kapatid na walang kasama sa bahay,” pinisil pisil ni Gelo yung kamay ko to calm me down, at effective naman sya.

“Simula non, parang nawalan na kami ng paki non sa isa’t isa. Hanggang sa ayun nga, naglayas ako.”

“Kelan daw ililibing papa mo?”

“Four days lang daw sya ibuburol, di na raw kayang patagalin pa kasi tataas yung bill sa funenaria. So diba Monday ngayon, sa Thursday yung libing.”

Matagal kaming natahimik after nun. Bumalik kami sa pagmamasid ng mga nasa paligid, nakatago pa rin sa gitna namin yung magkahawak naming kamay kahit nasa dilim naman kami.

Lumalim na yung gabi. Dumarami na yung mga nagsusugal, at nagsisidatingan na rin yung mga kamag-anak namin. Saka ko lang narealize na andito pa pala sya.

“Huy! Bakit andito ka pa nga pala!? Gabi na oh! Nagpaalam ka ba kay Lola Mercy?”

“Oo baliw nagpaalam ako.”

“Seryoso? Sasamahan mo ko rito hanggang sa libing?”

“Oo naman, that’s what “best friends” are for diba?“ Nag air quotations pa sya ng ‘best friend’ tas inakbayan ako, yung in-a-medyo-touchy way kaya inusog ko ng onti yung kamay nya para naman mukhang in-a-bro way.

“Pero pano damit mo?” Di ko naisip na magdala ng extrsng damit para kay Gelo, saktong pang three days lang na damit yung nadala ko eh, kasama underwear.

“Edi bibili ako, your town is famous for Tiangge diba?”

“Ay sige dalhin kita sa tiangge, gagi, magugustuhan mo yung mga damit don!”

“Oh, okay na yung damit,” tumingin sya sa akin, “Basta sa underwear, share tayo ah.”

“Tangina! Kadiri ka talaga B-” Shet, muntik ko nang masabing BB, “Bro! Kadiri wola.”

“Joke lang, pinapatawa lang kita,” sabi nya tas parang naging serious ulit yung mood naming dalawa, “Nung nakita kitang inaaway ng ate mo, gusto kitang sugurin sa loob tas ilabas ka. Kaso of course, di ko ginawa kasi di dapat ako mangialam, family matter yun. Pero gustong gusto kitang yakapin nun hanggang kumalma ka.”

“Talaga?”

“Opo,” sabi nya na parang bata sabay kurot sa pisngi ko.

“Ean!!” narinig kong sigaw ni Kuya Ed tas pinalapit nya ako sa kanya. Tinapik ko sa likod si Gelo, bumaba sa kotse at saka nagpunta kay Kuya Ed.

Pagpasok namin sa bahay, andun lahat ng mga kapatid namin, nakaupo si Ate Eliza, Ate Elaine at Kuya Elton at kinakausap sila ni Ate Emily, tinignan ako ng masama ni Ate Emily bago ako umupo sa arm rest nung sofa tas si Kuya Ed sumandal na lang sa may pinto.

“Sige, salitan tayo sa pagbantay kay Papa meron sa umaga meron sa gabi, sinong mauuna mamaya?”

Nagtinginan si Kuya Ed at Kuya Elton, “De Ate, kami na lang ni Ed yung laging sa gabi para nakakatulog kayong mga babae, saka baka mamaya magkagulo sa mga nagsusugal eh, kami nang dalawa.”

“Sa hapon kami ni Ean,” sabi ni Ate Elaine.

“Edi sa umaga kami ni Ate,” sabi ni Ate Eliza.

Tumayo si Nanay na nakikinig lang sa amin at saka dahan-dahang naglakad papunta sa banyo.

“Pano si Nanay?” Tanong ni Kuya Elton.

“Anong pano si Nanay?” Tanong ni Ate Emily.

“Ang weird lang eh, parang dati makarinig lang yan ng nagbibingo lalabas na yan.”

“Eh bobo ka pala eh, pag ikaw ba namatayan ng asawa binggo pa rin yung una mong iisipin?” sagot agad ni Ate Eliza.

“Wow! Talino mo ah! Makakabobo kala mo-”

“Kala mo ano! Ako Elton wag mong pagyayabangan ng diploma mo ha! Papel lang yan!”

“At least may diploma! Eh ikaw?”

“Wag kang magsalita na parang ang taas mo! Graduate ka nga wala ka namang trabaho! Katamaran!”

“Di naman sa tamad Ate, eh wala lang talagang makitang trabaho si Kuya Elton eh,” pagtatanggol ni Kuya Ed sa Kuya namin.

“Isa ka pa Edward!” sabi ni Ate Emily, parang kanina lang sya tong parang tagapamagitan, tama naman kasi sya yung panganay, tas ngayon parang kumakampi sya kay Ate Eliza?

“Graduate na kayong dalawang damuho kayo pero hanggang ngayon wala pa rin kayong trabaho? Ano nang silbi nyo rito sa bahay! Tambay na lang forever!?” syempre nilakasan ni Ate Eliza yung boses nya para malaman ng buong sambayanan na nag-aaway nanaman kaming magkakapatid.

“Saka pwede ba, kalimutan nyo na nga yung mga ginawa ni Eliza! Kala nyo kalilinis nyo ah!” sabi naman ni Ate Emily.

“Wow, so kakalimutan nating nagpakarat si Ate Eliza sa iba’t ibang lalaki pero hanggang ngayon, ako pa rin yung sinisisi nyo sa pagkamatay ni Ellie?”

“At least di kami anak nang anak di tulad nyong dalawa,” mahinang sagot ni Ate Elaine na kanina pa tahimik simula nung pumasok kami sa loob.

Biglang tumayo si Ate Eliza at sinabunutan si Ate Elaine, hinila nya yung buhok nito kaya naman napatayo sya at napaliyad sa sakit. Napasigaw ng malakas si Ate Elaine dahilan para dali-daling lumabas ng banyo si Nanay.

“Kala mo ang linis mo! Ano!? Ang kapal naman ng pagmumukha nyo! Nakapagkolehiyo lang kayo ang lalaki na ng mga ulo nyo!” Sigaw ni Ate Eliza.

Di man lang kumilos si Ate Emily para pagilan yung dalawa kahit sya yung pinakamalapit sa dalawa. Tumayo ako at dali-daling pinaghiwalay yung dalawa. Nang tuluyan ko na silang napaghiwalay, natabig ko yung isa sa malaking lalagyan ng kandila na malapit sa kabaong ni papa. Bumagsak ito at nahulog sa mismong salamin dahilan para magkaron to ng malaking crack.

Katahimikan.

“Putangina talaga ng mga tao rito!” Sigaw ni Kuya Elton sabay labas ng pinto. Lumapit naman si Nanay kay Ate Elaine at pinaakyat ito sa taas ng bahay. Napaupo sa sofa si Kuya Ed at tinakpan lang ang mukha at napatakip ng mukha, pinipigilang umiyak. Naiwan kaming tatlo ni Ate Eliza at Ate Emily na nakatayo.

“Anong ginawa mo!?” sigaw ni Ate Emily.

Susugurin dapat ako ni Ate Emily pero mabilis na nahila ako palayo ni Kuya Ed.

“Ano bang meron kamalasan ang meron ka!? Wala pang isang araw simula nung umuwi ka nagkakanda letche letche na tong bahay!”

Tinignan ko ng masama yung dalawa kong ate. Alam ko kung san to papunta.

“Ang ayos na ng buhay namin nung wala ka! Bat umuwi ka pang letche ka!? Sana ikaw nalang yung namatay! Sana ikaw na lang yung nalunod! Malas ka sa pamilyang to! Malas!”

Nanggigigil na umakyat ng hagdan si Ate Emily at Ate Eliza kasunod ng mga anak nilang nag-iiyakan na, sumunod sa kanila si Nanay. Tumayo naman si Kuya Ed para ayusing yung bumagsak na lalagyan ng kandila at yung kabaong ni Papa.

Na-remind nanaman ako kung bakit ayaw ko nga palang umuwi.

Bumalik na sa kanya-kanyang mga mesa yung mga kapitbahay naming nagkaron nanaman ng libreng live na teleserye, balik sa kung anong ginagawa nila bago nila narinig yung sigawan sa loob. Maya-maya pa nagulat na lang ako na nasa tabi ko na pala sa sofa si Gelo. Napansin kong gustong-gustong nya kong hawakan ngayon.

“Tol, sige akyat lang kayo sa taas pag matutulog na kayo, ako na bahala rito,” sabi sa amin ni Kuya Ed. Nagtinginan kami ni Gelo, halata sa mga mata nya na pagod na rin sya kaya tumayo na kami at nagpunta sa taas.

Yung taas, ay nahati sa dalawang kwarto, kwarto ng mga babae tas kwarto ng mga lalaki, sila Mama at Papa ay may sariling papag sa na sineset-up nila sa sala sa gabi. Puro iyak ng bata yung naririnig ko sa kwarto nila Ate, wala kahit isa sa tatlo yung nagsasalita. Dire-diretso ako papunta sa dating kong kwarto na kahati ko yung dalawa kong kuya.

“Pasensya na ah, di to kasing laki ng kwarto mo,” sabi ko kay Gelo, kasing laki lang kasi ata to ng closet nya, “Wala rin kaming kama sorry.”

“No worries. Wala naman pinagkaiba sa akin yung sleeping on the floor and sleeping on the bed.”

Inayos namin yung hinigaan namin at saka humilata na sa matress na nasa sahig. Gamit namin yung mga unan ko dati na di ko nadala nung lumayas ako. Pinikit ko yung mata ko at sinubukang matulog pero di ako makatulog, alam mo yung pagod na pagod yung kaluluwa mo pero gising na gising yung katawan at ang diwa mo?

“Bro?”

“Yes Bro?” sagot ko.

“You know Im not new with family dramas and shit, but damn, ang fucked up lang ng relationship nyong magkakapatid.”

“Kaya nga diba nung nasa pool tayo sabi ko ingit ako sayo kasi solo child ka,” tumingin lang ako sa kisame at pinapakiramdaman yung paligid na familiar pero di rin masyadong familiar at the same time, “Wala kang kahati, wala kang kailangang asikasuhin, wala kang responsibilidad bilang kapatid. Ikaw at ikaw lang iisipin mo.”

“I really though it was fun.”

“Masaya naman kami eh, kaso yung pagkamatay lang talaga ni Ellie yung nagpabago sa aming anim.”

“You know I want to kiss you right now to comfort you,” humarap sya sa akin at pinindot yung pisngi ko.

“Pero saka na pag nasa Manila na tayo, I wont risk us getting caught,” umayos sya ng higa, “Besides, para mamiss mo rin yung kisses ko.”

“Lol. Cute mo talaga,” agad akong nag-isip nang ibang topic, baka kasi di kami makapagpigil dalawa, “Ano nga palang gusto mong gawin bukas?”

“Hmmm? Di ba sabi mo dadalhin mo ko sa Tiangge,”

“Ay oo nga pala,” nag-isip pa ko ng mga pwede pa naming puntahan, “Gusto mo bukas ng umaga stroll tayo? Tour kita around?”

“Sure, that would be cool. For sure life here is a lot more interesting than on Manila.”

“Kaya matulog ka na kasi maaga pa tayong magigising.”

“Good night bro.”

“Good night bro.”

Pumikit ako. Di pa rin ako inaantok. Siguradong mahaba nanaman tong gabing to at ang mga susunod pang mga gabi.

Chapter 17

“So, should we take the car or what?”

“Wag na, hiramin ko na lang yung motor ni Kuya Elton.”

“Are you sure?”

“Oo, mahirap magpark dun sa tiangge ng sasakyan pramis, tsaka para pati marami tayong mapuntahan.”

“Sure.”

Nakita ko si Kuya Elton na nagtutumpok ng mga silya sa labas. Lumapit ako sa kanya tas hiniram yung motor nya. Pumayag naman sya at inabot sa akin yung mga susi.

“Aalis kayo?” nagulat ako nang biglang magtanong si Nanay. Nasa tabi pa rin sya ni Papa at halatang wala pa rin tulog.

“Opo, kasama ko si Gelo,” tinuro ko si Gelo na pababa na nang hagdan.

“Kumain muna kayo bago kayo umalis.”

Natagalan ako sa pagsagot kasi kung di ako nagkakamali, eto yung unang beses na nagpakita ng pakialam si Nanay simula nung magically mawala yung paki ng bawat isa sa pamilyang to. Napatingin ako kay Gelo na nasa tabi ko na. Baka naman dahil sinabi ko pa rin sa kanya na kay Gelo galing yung dalawang extrang manok kagabi kaya nagpapakita sya ng concern?

“Di na ma, bili na lang kami sa labasan. Sa inyo na po yung pagkain dyan, kumain na po kayo,” lumabas ako pagkasabi nito. Di na ako sanay sa pagpapakita ng concern sa kanila.

Buti naman di pa gising yung mga ate ko. Kung nagkataon baka magpang-abot nanaman kami. Da’t pala isang manok na lang yung dinagdag ni Gelo kagabi ñara di sila nakakain. Joke lang.

Paglabas, balik nanaman kaming dalawa sa pagiging mag-bro. Ala-sais pa lang ng umaga pero andami na agad tao sa kalsada, mga batang ang aga-aga naghahabulan, mga nanay na nagchichismisan habang pinapaarawan yung mga sanggol nila, at yung mga nagmamadali para pumasok sa trabaho.

“So san tayo magbebreakfast?” tanong ni Gelo pagka-angkas nya sa likod ko.

“May fast food chain lang sa malapit. Treat ko,” na-realize ko lang na never ko pang nalilibre si Gelo, halata naman kasi kung sino yung may panglibre no?

“You dont have to do that.”

“Bakit? Masama bang itreat ng breakfast yung bespren ko?”

“Ang sweet mo namang bespren kung ganon.”

Sandali lang na drive nakarating rin kami ni Gelo sa fast food chain na lagi kong kinakainan nung high school. Umaga pa lang puno na agad ng customers. Pagkapasok, naghanap ng table si Gelo samantalang pumila naman na ko para umorder.

Nag-order ako ng dalawang breakfast meal na may pancakes at kape. Umorder din ako ng fries. Paborito ni Gelo yung fries nila.

Pagka-order, hinanap ko si Gelo. Nakita ko syang may kausap sa telepono. Nung nakita nya ako, parang galit na nagpaalam sya sa kausap nya at binalik yung phone sa bulsa nya.

“Sino yun?” tanong ko kahit expected ko naman kung sino yung tumawag.

“Si Cassy.” Syempre yung jowa.

“Oh, anong sabi?” feeling ko parang nangingialam ko pero sa mukha ni Gelo parang nauurat talaga sya.

“She’s asking where I am. Pinuntahan nya ko kagabi sa bahay and ask Lola Mercy where I’ve been, and thankfully sinabi ni Lola na wala syang alam.”

“Bakit ka naman nya hinahanap?” Puta, ambobo naman ng tanong mo Ean. Malamang! Hahanapin talaga ni Cassy si Gelo, boyfriend nya eh!

“Wants me to do another stupid youtube challenge.”

Oh. Pero diba karamihan ng mga gamit ni Cassy sa pagvovlog nasa bahay ni Ean? Di ko naman inuwi yung mga camera at mga gamit nya nung isang gabi.

“I said no, after giving me the silent treatment kahapon bigla syang maglalambing na kailangan nya ko to do a stupid video? Fucking psycho.”

“Malay mo naman yun yung way nang pakikipagbati sayo?”

“Well, that’s a really bitchy way to make amends.”

Kinurot ko yung pisngi nya in a bro-way, “Sige na, wag ka na sumimangot, kain na.”

Habang kumakain kami, pinapanood ko lang si Gelo. Maya’t maya pa ring nagtetext si Cassy.

“San mo gustong pumunta?” tanong ko paglabas namin ng restaurant, “Di pa ata bukas yung tiangge ng ganto kaaga.”

“I dont know,” nga naman, ako nga naman yung nakatira rito, “How about just tour me around?”

Sumakay na kami sa motor ni Kuya Elton. Agad kong iniisa-isa yung mga pwede kong pagdalhan kay Gelo na pwede naming tambayan.

“San tayo pupunta?”

“Kumapit ka lang dyan. Akong bahala sayo.”

Bigla akong napaisip. Pano na lang kung di ko nakilala si Gelo? Pano kung si Ean pa rin ako, na walang ibang ginawa kundi magtrabaho at magasikaso ng college? Pano na lang ako ngayon kung wala si Gelo? Pano ko kung di kami nagkakilala ni Gelo? Pano kung di sya umamin sa bubungan nila? Andaming paano yung tumatakbo sa isip ko, pero ang mahalaga sa akin ngayon, kasama ko si Gelo.

“Dito ako nag-aral ng high school,” huminto kami saglit sa harap ng dati kong school.

“This is like a big school.”

“Oo, malaki talaga, halos 3,000 kaming estudyante dyan.”

“What? How’s that even possible?!” Nakalimutan kong galing nga pala sa mamahaling school tong kasama ko.

“Malay ko, eh wala naman kasi silang magagawa kundi tumanggap lang ng tumanggap ng estudyante, public school eh.”

“Ilan kayo sa isang classroom?”

“68 kami sa section namin nung graduating na kami, pero nung lower years, umaabot kami sa 70.”

“Whoa, that’s a lot. I wonder what it felt like, we just had 20 something people in my classes.”

“Luh, parang ang lungkot naman nun.”

“Not really, we mostly get along with each other, we used to go out in concerts, watch movies, go to Coron, Baguio, Vigan, everyone is up to anything, walang KJ.”

“Wow, kami puro lang kami tambay ni ganito tas sleepover sa bahay ni ganto, sana all may kaklaseng mayayaman.”

Nilibot ko pa si Gelo sa bayan namin, mula sa court kung san lagi kaming dumadayo ng basketball ng mga kaklase ko, sa park kung saan palagi kaming tumatambay ng mga tropa ko after school, sa ospital kung san ako pinanganak tsaka nagpatuli, at sa mga ukay-ukay na palagi kong binilhan ng mga damit tsaka mga pang-regalo.

Nang bukas na yung nag-iisang mall sa bayan, tumambay kami, nanood ng sine (The Lion King) tsaka dun na rin nagtanghalian. Nagtext ako kay Ate Elaine na baka di ako makapagbantay kay Papa, nililibot ko pa si Gelo sa bayan, buti naman pumayag sya na sya na muna tumoka para sa akin.

“Oks na, nakapagpaalam na ko kay Ate Elaine na di muna ko makakapagbantay kay Papa.”

“Baka naman magalit yung dalawa mong ate?”

“Pakialam ba nila?” tumingin ako sa labas ng restaurant na kinainan namin, “Ano? gusto mo nang pumunta sa tiangge?”

“Sure, let’s go.”

Pagdating sa tiangge, nagulat si Gelo sa dami nang mga tindahan tsaka sa dami na rin ng tao na nagsisiksikan. Kahit kabubukas palang nang ilan sa mga stalls, nahirapan agad kami maghanap ng pagpaparkingan, ganun kadami yung mga tao, pero nagbantay lang kami ng onti buti naman may umalis rin na motor sa parking lot.

“I’ve never seen so much people in this number of stalls before, its like a huge garage sale of some sorts.”

“Tara na, ma-aamaze ka kung gaano ka-mura yung mga tinda nila.”

Pagpasok namin sa loob ng tiangge mas nakita namin kung gano karami yung tao. Pinauna ko na si Gelo, baka mawala sya pag ako yung nauna. Sa tuwing nauuna sya, marahan ko syang hinihila pabalik para hindi sya mawala, at pasimple ko syang hinahawakan sa hips habang naglalakad.

“Alam mo, bilhan mo si Cassy ng pasalubong,” bulong sa tenga nya, baka kasi mamaya may makarinig sa pangalan ni Cassy, mapatingin sa amin tas makilala nila si Gelo, mahirap na.

“Why?” Natatawa nyang tanong, na pa rang kahibangan yung sinabi ko.

“Wala lang, peace offering ganun,” sabi ko, pero kahit sa totoo lang malalim pa run yung dahilan ko.

“Peace offering? Sya kaya yung unang nang-away!”

“Pero ikaw yung nang-iwan!”

“Luh, kasama kaya kita no!”

“Ikaw naman nakaisip,” sabi at saka marahan syang kinurot sa tagiliran.

“Ow!”

“Dali na! Bilan mo na nang pasalubong girlfriend mo!”

Nag ‘pfft’ lang si Gelo at nagpatuloy sa pagtingin ng mga damit. Sana bilhan nya regalo si Cassy para naman magbati na sila. Medyo naguiguilty pa rin talaga ako na ako yung dahilan kung bakit sila nag-aaway ngayon.

Kung titignan, ako nga naman tong nakikikabit sa relasyon nilang dalawa. At alam kong si Cassy pa rin yung makakatuluyan nya balang-araw.

Chapter 18

“BB? Ok ka lang?” tanong ni Gelo nung pauwi na kami.

“Yep, medyo pagod lang.” sabi ko na agad naman sinundan ng isang mahabang hikab. Alas kwatro pa lang ng umaga gising na ko, tumulong ako sa pagluluto ng pagkain para sa mga nakipaglibing kanina kay Papa.

“Sure ka? Nakita kong nilapitan ka ni Tita bago tayo umuwi. Anong nangyari?”

Huminga muna ako ng malalim bago nagkwento.

“Nak, pwede ka bang makausap?” Binaba ko yung buhat kong mga monoblock ng baranggay at napatingin kay Nanay.

Nakita kong tumigil ang lahat sa mga ginagawa nila. Nakita ko si Ate Elaine na napatigil sa pagwawalis at nakatingin lang sa amin. Tumigil rin sa pagwawalis sa loob at pagpupunas ng mga bintana si Ate Emily at Ate Eliza na nasa loob ng bahay. Pati si Kuya Elton at Kuya Ed na tinutulungan ko sa pagliligpit ng mga silya ng baranggay napatingin sa amin. Kagagaling lang namin sa sementeryo at lahat kami nakaitim pa.

“Bakit po nay?”

Dinala ako ni Nanay sa loob, pumasok naman yung dalawang panganay kong ate sa kusina.

“Babalik ka na ba sa maynila?”

“Opo nay.”

“Ganun ba,” inalis nya yung hawak sa kamay ko, “Akala ko kasi umuwi ka na.”

“Nay, may trabaho na po kasi ako sa maynila tsaka nakapag-enroll na rin ako sa isang university malapit sa tinitirhan ko. Tsaka nag-apply rin po ako ng scholarship dun.”

Natahimik si Nanay. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang tuwa, o pride, basta hindi ko alam kung pano ieexplain, basta bigla akong naging proud sa sarili ko, na nagawan ko pa rin ng paraan yung magkaron ng titirahan, school na papasukan, at trabahong pinagkakakitaan.

“Pasensya ka na at hindi ka namin napag-aral ng tatay mo,” hindi na magawang makatingin sa akin ni Nanay, nakatingin na lang sya sa lapag at nagkukutkot ng kuko.

“Kelan ka babalik rito?”

“Di ko po alam,” pero yung totoo wala na talaga akong balak. Ewan ko. Manhid na ata ako.

“Patawarin mo ang nanay sa lahat nang pagkukulang namin sayo,” sabi ni Nanay na onti na lang at paiyak na.

Di ko alam kung anong maisasagot ko ron. Walang ibang pumapasok sa utak ko kundi yung mga panahong hindi sya naging magulang sa amin.

“Hindi ko po alam yung isasagot ko dyan,” sagot ko.

Dito na umiyak si Nanay. Nagpaalam na ako sa kanya, kay Ate Elaine at sa dalawa kong kuya at dire-diretsong nagpunta kay Gelo na nasa loob na ng kotse.

“So hindi ka ready patawari si Tita then?”

“Hindi pa. Papatawarin ko rin naman sya pati yung mga kapatid ko someday, pero siguro hindi ito yung panahon na yun, ewan ko.”

“O sya, sige na, matulog ka na, malayo pa tayo.”

“Wait lang!”

“Why?”

“May gusto lang akong daanan bago tayo umuwi.”

Bumalik kami papunta sa bahay, pero this time pinadaan ko si Gelo sa kabilang street. Ilang minuto lang at nasa tabing ilog na kami, ang parehong tabing-ilog kung saan tinangay ng rumaragasang tubig ang bunso kong kapatid.

“Sa lahat ng mga kapatid mo si Ellie siguro yung pinaka close mo?” tanong ni Gelo pagkababa namin ng kotse. Dahan-dahan akong tumungo habang tinatanaw yung ilog sa harap namin.

“Oo, kami yung pinakamalapit yung agwat eh.”

Ang kalmado ng ilong ngayon. Kita pa ang tumpok ng mga basurang naipit sa malalaking bato na nakausli sa tubig. May mga ibon pang dumadanggit ng isda sa di na gaanong kalinaw na tubig. Ibang-iba sa ilog na nakita ko nung bumabagyo at hinahanap namin si Ellie at yung mga kalaro nya. Sobrang bilis ng agos ng kulay tsokolateng tubig na may dala-dalang iba’t ibang mga bagay na paniguradong galing sa katabing mga bahayan.

“Dito tinangay ng tubig si Ellie?”

“Oo.”

“San nyo sya nakita?”

Tinuro ko yung tulay sa di kalayuan. Dun namin nakita yung bangkay ni Ellie na nakaipit sa dalawang malaking bato na nasa ilalim ng tulay. Yung ilan sa mga kalaro nya, sa may malayo pang parte ng ilog nahanap.

“Alam mo,” sabi ko habang nakatitig sa dalawang bato kung saan naipit si Ellie, “Sya yung dahilan kung bakit ko gusto maging filmmaker. Mahilig kaming manuod non ng mga movies nung bata pa kami. Lagi nyang ginagaya yung mga bidang babae.”

Napangiti ako, “Sabi nya, paglaki daw nya gusto nyang maging artista. Sabi ko sa kanya, ako naman yung magiging direktor ng mga pelikula nya. Ako yung magpapasikat sa kanya.”

Napatingin sa akin si Gelo, “Teka, kaya ba tungkol sa paghahanap sa langit yung story mo para sa film na ginagawa natin.”

Tumungo ako, “Tungkol sa mga pangarap na hindi na matutupad pa.”

“Kailangan kong makapasok sa film school na yon. Para naman mapakita ko kanila Ate na kaya kong umunlad nang sarili ko, at para na rin matupad ang pangarap namin ni Ellie.”

Matapos ang ilang minutong pagtitig muli sa ilog, bumalik na kami ni Gelo sa sasakyan.

“Sorry kung nakita mo yung drama ng pamilya namin.”

“Ok lang, ayos nga yun eh, andami kong natutunan about sayo.”

Tahimik lang kami buong byahe. Di rin kinalaunan, nakatulog rin ako. Gabi na nang ginising ako ni Gelo para maghapunan. Kumain kami sa isang fast food chain na puro italian food. Binilhan rin ni Gelo ng pizza yung apat kong tropa para naman may pasalubong kami sa kanila. After naming kumain, hinatid nya na ko sa apartment.

“BB, sobrang thank you talaga,” sabi ko.

“Ano ka ba? Anything for you BB.”

“Ingat pag-uwi ah!”

Bubuksan ko na sana yung pinto kaso pinigilan nya ko, “Teka, teka, teka!”

“Bakit?”

“Nasan yung goodbye kiss ko?”

Mabilis ko syang hinalikan sa labi. Kinurot ko sya sa pisngi pagtapos, “Tanginaaaa ang cute cute mo!”

Nagba-bye na ulit ako at bumaba. Nagwave muna sya bago magdrive palayo.

Para akong lumulutang na pumasok sa loob ng apartment, for sure mukha akong ewan sa mga makakakita sa akin pero, paki ba nila? Kinikilig ako eh.

Pagdating ko sa unit namin, kumatok ako. Kaso walang sumasagot. Kumatok ulit ako ng mas malakas. Nung wala pa ring sumasagot, sinubukan kong buksan yung pinto, pero nakalock pala yung doorknob.

“Mang Berto! Tao po!?”

“Naku, wala si Tatay eh, bakit po?” tanong ng isang dalaga na bigla na lang sumulpot sa tabi ko, “Uy! Ang astig ng leather jacket mo ha!” Saka ko lang naalala na suot ko pa rin yung leather jacket na itim ni Gelo, sabi kasi nya bagay daw sa akin. Sasabihin ko sanang hiram lang to kaso nagsalita nanaman sya.

“Teka, nakalimutan ko pangalan mo, wait, taga 30A ka diba?” Tumungo naman ako nang marinig yung unit number namin.

“Terrence ba?”

“Hala hindi, tropa ko yun,” napakamot ako ng batok habang tumatawa awkwardly.

“Uhm, teka teka wag mong sabihin,” nilagay nya yung dalawa nyang hintuturo sa noo nya habang nag-iisip. Mukha syang cartoons.

“Ralph?”

“Hindi rin.”

“Denver?”

“Hala sino ka?” nagbilang sya sa daliri, “Apat na yung nasabi ko diba?” sabi nya sa sarili nya.

“Ea-”

“HEP! teka huhulaan ko pa!”

“Uhm, miss, ako po si Ean,” sinabi ko na agad, mukhang hirap na sya sa paghuhula eh.

“Yown! Sabi na nga ba ikaw yung Ean eh! Nako pasensya ka na ah, sabi kasi ni Daddy kailangan kabisado ko raw lahat ng nakatira rito sa complex, para kapag may nakita daw akong di ko kilala, pwedeng its either bisita or masamang loob. Im Kimmy.”

Sabi na nga ba nakita ko na sya dati eh, isa sya sa mga anak ni Mang Berto, kaso etong si Kimmy ata yung kolehiyala na nagdodorm sa may Cubao kaya bihira na lang umuwi.

“Ano nga palang kailangan mo kay Papa? Sorry, umalis sya eh, nakipaglaro ng darts sa mga kumpare nya, lam mo na, gawain ng mga tanders!” Medyo nagulat ako sa pagiging feeling close nya pero dahil din dito gumaan agad yung loob ko sa kanya.

“Uhm, meron ba kayong spare key sa mga kwarto? Di pa kasi dumadating yung mga roommates ko, sila yung may mga susi eh.”

“Nako wala eh, di na humahawak si papa ng mga spare key,” sumandal sya sa pinto nila, “Kahit nga bahay namin walang spare key eh!” Umirap sya bigla.

Lol. Ang cute nya.

“So ibig sabihin hinihintay mo rin si Mang Berto para makapasok ka?”

“Obvious ba? Sabi kasing iwan lagi sa kusina yung susi eh, myghad!!”

Naglakad sya papunta sa bench na laging inuupuan ng mga gustong magpahangin dito sa baba na upuan rin ng mga chismosang naglilinisan ng kuko tuwing hapon, at upuan ng mga naghihintay sa mga karoommate nilang may dalang susi. Tumabi ako sa kanya, bigat na bigat na ko sa bag ko tsaka sa pizza na para kanila Ralph.

“Nako Kuyang Pogi, asan na yung mga karoommate mo? Baka mamaya malate ka sa date mo nyan!”

“Uhm, kakauwi ko pa lang actually.”

“Wow, aga naman nang date nyo Kuya, pero taray may pasalubong! So, kamusta date?”

“Uhm di naman ako galing sa date, galing ako sa libing ng tatay ko.”

Namutla bigla si Kimmy, kahit gabi nya at yung mga ilaw na lang sa poste ng Meralco yung ilaw ngayon kita ko kung pano sya mamutla.

“Ohmyghad. True ba? Hala Kuya sorry, condolence.”

“Salamat,” sabi ko kahit sabi nila wag daw magpasalamat kapag may nagcondolence, “Tsaka wag ka nang mag-kuya, for sure magkasing tanda lang tayo, feeling ko tuloy ang tanda ko na,” sabi ko na lang para gumaan ulit yung atmosphere.

“Ilang taon ka na ba? 20 ako.”

“18 palang ako,” natatawa kong sabi.

“No way! Mas matanda ako!? Myghad magkakaexistencial crisis nanaman ako mamayang gabi bago matulog kung gaano ako kaliit for my age!”

Di naman kasi sya mukhang 20. Nakashorts pa sya na maikli na pangvolleyball at nakaoversized na hoodie na kulay pink na may tenga ng baboy, akala ko tuloy teenager lang din sya.

“Seryoso 18 ka pa lang? Ang mature mo na physically,” napatigil sya, “Myghad that sounds wrong, sorry, sorry, erase, erase.”

“Yep,” natatawa kong sagot.

“Kaya pala sabi ni Ate, magugustuhan ko raw yung mga umuupa sa 30A, mga pogi na, bagets pa,” sabi nya sa sarili nya pero narinig ko pa rin.

Wala akong masabi dun kaya napatitig lang ako sa kanya.

“Omigod Kimberly! Kinausap mo nanaman yung sarili mo nang malakas myghad! Nakakahiya kang malandi ka!”

Di ko pa rin alam kung anong sasabihin sa kanya, kaya buti na lang dumating na si Mang Berto.

“Omayghad Papa dumating ka na!” Sabi ni Kimmy pagpasok pa lang ni Mang Berto sa pinto. Agad nyang kinuha rito yung susi at dali-daling pumasok sa bahay nila. Nag magandang gabi naman ako sa landlord namin.

Ilang minuto lang dumating na rin sila Terrence.

“Welcome home bro! Namiss ka namin!” Sabi ni Ralph pagkababa nya palang ng motor.

“Ba’t antagal nyo?” Nagtext kasi ako kanina sa kanila habang nagdidinner pa kami ni Gelo, sabi nila pauwi na raw sila.

“Tangina kasi nung tanod sa may highway pre, hinuli kami, tatlo daw kasi kami sa iisang motor,” paliwanag ni Terrence habang nagpapark ng motor.

“Oh? Eh anong nangyari?”

“Ayun, kumpiskado yung lisensya nya,” sabi ni Denver, “Ikaw kamusta pag-uwi mo? Uy, condolence nga pala.”

“Hala, oo nga pala, condolence pre,” sabi ni Terrence, “Atin ba yang pizza na yan?”

“Oo, pasalubong ko.”

“Wow! Tangina! Sabi sa inyo may pagkaing dala si Ean eh!” sabi ni Ralph.

“Tara na, akyat na tayo!” sabi ni Terrence na kinuha sa akin yung pizza.

Napatingin ako sa pinto nila Mang Berto. Gusto ko sanang ikuwento aa tropa yung sinabi ni Kimmy kanina, kaso, wag na lang pala.

Sa aming dalawa na lang yun.

Chapter 19

“Sige lang! Sabado naman bukas eh!”

Yung isang box ng pizza na uwi ko, nasundan ng dalawa pang box ng pizza at limang bote ng red horse.

“Ayoko na! Nahihilo na ko!” sabi ni Ralph nung sya na yung sho shot.

Ako yung kumuha nung shot na para sa kanya galing kay Terrence, “Akin na lang, sakay kita,” sabi ko sabay tungga nung isang shot na malamig na red horse.

“Weak naman ni Ralph puta,” sabi ni Terrence.

“Oy! Laro tayong Truth or Dare!” sabi ni Denver na halatang medyo may tama na rin.

“Tangina naman, ano to PBB?” sabi ni Terrence na pinakamalakas uminom sa aming apat.

“Baliw! Sa PBB, bawal beer!” Sabi ni Ralph na may pinakamalakas ang tama ngayon. Kahit nagpass sya sa shot nya, nagsalin pa rin sya ng red horse sa baso nya.

“Sige simulan mo Den,” sabi ko, “Truth or Dare?”

“Truth.”

“Sino sa mga naging ex mo yung pinaka hindi mo makakalimutan at bakit?”

“Hmm?” tumira muna sya ng isa bago sumagot, “Si Denise. Minahal ko yun mga pre.”

“WHOAAA!” Tangina, lasing na nga ata tong mga kasama ko lol.

“Oh ikaw naman,” sabi ni Denver kay Terrence, “Bakit mo nilandi si Natalie kahit alam mong may syota sya?”

“Gago, tatanungin mo muna ako ng Truth or Dare diba?”

“Eh, yun rin naman tatanong ko pag truth eh!”

“Eh pano pag nagdare ako?”

“Edi ide-dare kitang sagutin yung tanong na yun!”

“Tangina, tanungin mo na lang kasi ako.”

“O sige, truth or dare?”

“Truth.”

“Kita mo! Mag truth ka rin palang gago ka.”

“Sige na! Tanungin mo na ko! Dami dada eh!”

“Bakit mo nilandi si Natalie kahit alam mong may jowa sya?”

Tumagay muna si Terrence bago sumagot, “Eh mahal ko eh, ganun talaga pag mahal mo! Paglalaban mo!”

“WHOAAA!” Shet, namiss kong uminom kasama ng tropa ko.

“Ralph, Truth or Dare?” Tanong ni Terrence.

“Truth!” tinaas pa ni gago yung isang bote ng red horse na wala nang laman.

“Ilang percent ang chance na papatulan mo si Mam Dessa?”

“Tangina kadiri! Zero! Zero!”

“WHOAAA!” Feeling ko maya-maya kakatukin na kami ng mga kapitbahay sa ingay namin.

“Tsaka ayaw sa akin nun! Etong si Ean yung type nun eh, morenong may abs!” tinuro nya ko sabay abot ng isang shot na agad kong tinungga.

“Pre, tanungin mo na si Ean,” sabi ni Denver.

“Ay weh? Ako ba yung magtatanong?”

“Bobo puta.”

“Sige Ean, Truth or Dare?”

Di ako agad nalalasing, pero di pa rin ako dapat magpakuntento baka may masabi akong di ko dapat masabi, “Dare.”

“Wow shit! Nag-dare!”

“Pagtripan natin tong gagong to,” sabi ni Ralph, “Magpush-up ka at mag jumping-jacks ka sa hallway! Tig 20!”

“Dali naman nun!” sabi ko.

“Nang nakabrief lang.”

“WHOAAA!” Tanginaa.

Hinubad ko yung jacket ni Gelo. Hinubad ko rin yung t-shirt ko sunod yung pantalon. Tinira ko syempre yung dark blue kong boxer brief. Pumipito at nagtatawanan naman yung tatlong gago habang palabas ako sa unit namin.

Dahan-dahan kong binuksan yung pinto at sumilip sa labas. Walang tao. Mabilis akong lumabas at nagjumping jacks sa harap ng unit namin. Pagtapos nung 20 na jumping jacks, nagpush-ups naman ako nang mabilis rin. Kingina, sobrang nakakahiya pag may nakakita sa akin na ganito.

Natapos yung dare nang walang lumalabas sa mga kwarto nila.

“Swerte mo pre!” sabi ni Denver pagbalik namin sa loob. Bumalik ulit kami sa pwesto namin sa sahig ng kwarto. Kinuha ko lahat ng hinubad ko at nilagay sa basket nang maruruming damit, at kamuha ako ng malinis na sando at shorts sa lalagyan ko ng damit.

“Truth or dare?” tanong ko kay Denver habang nagbibihis ako.

“Gago, baka pagtripan nyo rin ako eh, Truth ako!”

“Sige,” umupo na ko balik sa pwesto ko, “Bakit walang tumatagal na chicks sayo?”

“WHOAAA!”

“Ewan ko, tangina nilang lahat, mga choosy kala mo kagaganda,” sagot ni Denver.

“Maliit daw kasi etits mo pre,” sabi ni Ralph.

“WHOAAA! Maliit pala etits mo ah!”

“Tangina nyo,” tagay, “Rence, Truth Or Dare?”

“Truth.”

“May nakasex ka na bang mas matanda sayo?”

“Oo.”

“WHOAAA!”

“Sino?” tanong ko.

“Gago, isa-isang tanong lang! Mamaya na ulit!” Inubos nya na yung laman ng red horse na hawak nya. “Ralph, truth or dare?”

“Syempre truth!”

“Kung magiging bakla ka, sino sa aming tatlo yung papatulan mo?”

“Syempre si Fafa Ean! Gusto ko yung may abs!”

“Ikaw ah, may pagnanasa ka pala sa akin ah.”

“Yes Fafa Ean! Pinagjajakulan po kita every night!”

“Puta kadiri!” halos sabay-sabay naming sabi tatlo. Pero syempre ako guilty deep inside. Masyado kasing hot si Fafa Gelo ko.

“Ikaw na Fafa Ean, Truth or Dare?”

“Dare ulit.”

“Aba, mukhang may iniiwasang tanong si Fafa Ean,” sabi ni Terrence na nadagdagan yung tama.

“Gago, kulang kasi sa thrill kapag truth lang ng truth,” palusot ko.

“Sige,” sabi ni Ralph, “Maghubad ka, magsusulat kami sa katawan mo.”

“WHOAAA!” kahit di ko naintindihan naki whoa na lang ako, saya eh.

“Huh?” Medyo di ko gets nung una. Tumayo si Ralph at nagpunta sa bag nya. Kumuha sya ng tatlong marker, binigyan nya tig-isa si Denver at Terrence.

Hinubad ko yung t-shirt ko. Unang nagsulat si Denver, nagdrawing sya ng Pikachu na mukhang deformed sa pisngi ko. Tas si Terrence naman nagdrawing ng etits sa may kaliwang nipple ko. Si Ralph naman nagdrawing ng bahay kubo na may bukid sa tabi tas may araw pang kasama sa may dibdib ko.

“Yan, ganyan ka lang hanggang matapos tayo.”

“Gago ang cute,” sabi ko, lalo na yung Pikachu sa pisngi ko na mas mukhang dagang kanal kesa sa pokemon, “Den, Truth or Dare?”

“Truth.”

“Tangina nyo naman, mag dare naman kayo! Kulang sa thrill!” sabi ko, nakakabuwisit eh.

“Sige, dare na ko.”

“Tawagan mo isa sa mga ex mo tas sabihin mong mahal mo pa sya.”

“WHOAAA!”

“Tangina naman bro, walang ganyanan!”

Sumabat si Terrence, “De wala! Nag-dare ka na eh! Gawin mo!”

“Gago! Ayoko nga!”

“Tangina, ang weak!” kantyaw naming tatlo kay Denver.

“Sige na nga! Mga gago kayo,” kinuha nya sa pantalon yung phone nya, “Sabi na nga dat nagtruth na lang ulit ako.”

Ayun, at tumawag nga sya sa isa sa mga ex nya. Lumapit kami ni Terrence para marinig kung meron talagang sumagot. Nung sumagot na yung nasa kabilang linya, sinabi nga ni Denver na mahal pa nya daw sya, tas end call agad. Tangina laughtrip.

“Mga gago kayo mga bro, lagot ako nyan bukas!” binato nya sa kama ko yung phone nya, “ Terrence, truth or dare?“

“Dare!”

“Hiyown!!” Sabi ni Denver, “I-body shot mo si Ean.”

“WHOAAA!”

“Dali naman nun!” Naglagay ng beer sa shot glass nya si Terrence, “Higa ka boi,” sabi nya na agad ko namang sinunod.

Pagkahiga ko, pumwesto sya sa ibabaw ko at sinaboy yung beer sa abs ko. Ngumisi sya sa akin bago dinilaan yung abs ko. Nakakakiliti na medyo nakakalibog. Naiimagine ko nga si Gelo yung dumidila sa kin kaso pinigilan ko yung sarili ko, baka may magising ng wala sa oras.

“Ralph, Truth or Dare?” Tanong ni Terrence pagkatapos ng naganap na body shot.

“Dare! Baka sabihan nyo kong KJ eh.”

“Picturan mo yung etits mo ngayon tas send mo sa isang random person.”

“WHOAAA!”

“Tangina nyo,” sabi ni Ralph habang kinukuha yung phone nya, “Ayoko! Nakakahiya!”

“Maliit rin siguro etits mo!” sabi ni Denver na sinabihan nyang maliit ang etits kanina. Pinakyu sya ni Ralph.

Ayun, inangat ni Ralph yung boxers na suot nya at pinicturan yung etits nya. Tawang-tawa naman kaming tatlo the whole time.

“Na-send mo na?” tanong ni Terrence.

“Oo.”

“Kanino mo sinend?”

Biglang tumunog yung phone ni Terrence, “Tangina mo boi! Bat sa kin mo sinend gago!” Akmang kukutusan ni Terrence si Ralph samantalang tawa lang kami ng tawa ni Denver.

“Ean, truth or dare?” tanong ni Ralph nang kumalma na kaming lahat.

“Truth naman.”

“Yown! Eto yung pinakahihintay ko eh,” sabi ni Ralph, “Bakit single ka pa rin hanggang ngayon?”

“Maliit rin etits nya,” sagot ni Denver.

“Tangina sampal ko to sayo eh,” sinapak ko sya ng marahan sa braso, “May inaantay pa kasi ako.”

“WHOAAA!”

“Yan! Tularan nyo si Fafa Ean! Binatang Pilipino!” sabi ni Ralph sa dalawa.

“Na binata rin ang hanap!” sabi ni Terrence. Kinabahan ako ng onti pero agad kong sinakyan yung joke nya para di ako mukhang guilty.

“Si Fafa Terrence talaga yung inaantay ko eh, lagi kasing may jowa eh. Kinilig nga ako nung dinilaan nya abs ko eh.”

“Tangina mo Ean!”

“Truth or Dare?” tanong ko kay Denver.

“Truth, baka ano pa pagawa nyo sa akin eh.”

“Sige, sino sa aming tatlo yung pinaka-ayaw mong roommate at bakit?” tanong ko.

“Si Ralph.”

“WHOAAA!” Tanginaaa sapakan na! Lol.

“Bakit naman?” tanong ni Terrence.

“Burara kasi, laging may pinagbalatan ng mani sa lapag, tas yung mga damit nya pakalat-kalat tas yung towel laging amoy tamod.”

“Sabi sayo amoy tamod towel mo eh,” sabi ko, dinibdiban tuloy ako ni Ralph.

“O sige na, pramis mo Ralph lagi ka nang maglinis?” sabi ko.

“Oo pramis!”

“Sige na hug na, bati na kayo. Dali na hug na!” kantyaw ni Terrence.

Bumangon naman yung dalawa at nag-hug. “Kiss!” sigaw ko. Kiniss naman ni Ralph si Denver sa pisngi.

“WHOAAA!” Halos gumulong na kami kakatawa, laughtrip pota.

Todo punas sa pisngi nya si Denver, “Tangina naman. Rence, Truth or Dare?”

“Dare.”

“Gawin mong wallpaper yung etits ni Ralph!”

“WHOAAA!” Yun na yata yung pinaka genius na dare sa gabing ito! Inakbayan ko si Denver habang pagulong na kami sa lapag kakatawa.

“Putangina mo Denver!”

“Dali na! I-wallpaper mo na!”

Kinalikot saglit ni Terrence yung phone nya, tas pinakita nya sa amin. Puta wallpaper nya na nga yung dick pic ni Ralph. Laughtrip tangina.

“Ralph, Truth or Dare?”

“Dare,” Gago, inaantok na si Ralph, nakasandal na sya sa kama tas papungay-pungay na yung mga mata.

“Halikan mo si Ean. 10 seconds!”

“WHOAAA!”

“Eh! Ayoko nga!”

“Sige na boi, sige ka, pagkakalat kong pinagjajakulan mo si Barbie!”

“Barbie Forteza?”

“Hindi, yung Barbie na manika.”

Napa-putangina kami ni Denver dun ah. “Sige na, kiss mo na si Ean!”

Aangal pa lang ako pero hinawakan na ako agad sa pisngi ni Ralph tas hinalikan ako. Wtf? Sumakay na lang ulit ako.

“One! Two! Three…” bilang nung dalawa, “…Eight! Nine! Ten!”

Nung makasampu na, bumitaw na sa akin ni Ralph pero nakapikit lang sya. Nakipag-apir naman sa akin si Terrence at Denver para sa pagsakay sa trip nila pero nung tinignan namin si Ralph umiiyak sya.

“Gago mga par, magiging bading na ba ko?”

Nagtinginan kaming tatlo, tas nung narealize naming malakas na talaga yung amats ni Ralph, tinawanan namin sya.

“Tangina wag nyo kong tawanan! Gago kayo! Dahil sa inyo magiging bakla na ko!” Gago umiiyak talaga sya for real.

“Tangina mo tol anong pinagsasasabi mo?”

Tumayo sa kinauupuan si Ralph pero iyak pa rin sya ng iyak. Humiga sya sa kama nya at nagtalukbong ng kumot sa mukha.

“Gago, tulog mo na lang yan, malakas na amats mo.”

“Tangina, mababaog ako nito dahil sa inyo! Wag nyo kong tawanan mga puta kayo!”

Gago galit na galit sya. Laughtrip puta. Tawa pa rin kami nang tawa tatlo pero di na lang namin pinaparinig kay Ralph. Iba yung tama ni Ralph ngayon amp.

“Bro, ano ka ba, di ka magiging bakla anuba,” sabi ko, pilit pa rin pinipigilang tumawa.

“Eh! Bahala kayo dyan! Mababaog ako dahil sa inyo! Kingina di ako magjajakol ng isang buwan!”

“Sige tol ah, wag ka magjakol ng isang buwan!” Sagot ni Denver.

“Isang linggo lang pala! Kingina nyo!”

“Ralph, chill, tulog mo na yan!”

“Sige kayo! Pag ako na-fall kay Ean tangina nyo!”

“WHOAAA!”

Chapter 20

“Thanks for this day babe, I had a real good time,” sabi ni Cassy pagkabalik namin sa kotse ni Gelo.

Nakita ko si Gelo na sinilip ako sa rearview mirror pero agad akong umiwas ng tingin at binuksan yung camera kong nakasukbit pa rin sa leeg ko. Nakita kong hinawakan ni Cassy yung kamay ni Gelo habang iniistart nya yung kotse.

“Me too babe,” sagot nya.

“We should do this more often,” sabi ni Cassy na inaayos na yung mahaba nyang buhok sa salamin habang palabas kami ng parking lot ng Star City, “Yung bond lang, walang vlogs and cameras around.”

Kagagaling lang namin sa Star City para mag-shoot ng ilang scenes para sa short film ko, and since natapos kami ng maaga, naisipan naming maglibot-libot muna sa Star City buong hapon, sumakay kami ng mga rides at nag-try ng mga games pero never nilabas ni Cassy yung phone nya para vlog, wala rin syang camerang pang-vlog na dala. May mga fans na nagpapicture sa kanya pero mostly parang isang normal na date lang yung nangyari para sa kanilang dalawa.

Tas ako yung best friend na third wheel.

“Yes we should. I think you’re taking this ‘youtuber’ life seriously. Try to loosen up.”

“Yeah you’re right.”

Pagbukas ko ng camera ko, tinignan ko yung mga stolen shots na kinuha ko sa kanilang dalawa. Simula nung natapos kaming mag-shoot, wala akong ibang ginawa kundi sundan sila sa kung ano mang ride yung sasakyan nila at kuhaan sila ng pictures na nagtatawanan, magkatinginan, or simpleng pa-sweet lang.

Dapat ililigpit ko na sana yung mga camera ko, kaso nakita ko kung gano sila kasaya sa piling ng isa’t-isa, at kung gano sila kabagay sa isa’t-isa. Kaya naisipan kong maging impromptu paparazzi para sa kanilang dalawa.

“Yeah, that’s from Ean’s hometown,” sabi bigla ni Gelo kaya napatingin ako sa kanya bigla.

“Really? Oh my gosh Ean, we need to go to that Tiangge where you guys bought me those tops na pasalubong nyo for me last week,” sabi sa akin ni Cassy, nilabas nya yung phone nya at pinakita sa amin ni Gelo yung pictures nya na suot yung mga damit na binili namin para sa kanya nung nag-tiangge kami.

“I still can’t believe you guys bought these tops for like, 75 pesos?”

“50 pesos,” sabi ni Gelo.

“See!? Wow, everything seems so mura there, typically I get the same style of clothes at the mall for thousands,” tas tumingin sya sa akin sa likod, “Actually naisip ko for my next video, we’ll do the 500 challenge, like Gelo and I will go to tiangge with only 500 peso and see who can buy the most with that amount, what do you think Ean?”

“Uhm, pwede naman, sobrang marami na kayong mabibili sa 500.”

“Nice! Let’s do it babe ha?”

“Sure,” sagot ni Gelo, “I like the clothes there.”

“Perfect! Now I’m gonna schedule it and tell to my friends…”

Bumalik ulit ako sa pagtingin ng mga pictures ni Gelo at Cassy. May isang picture na nagandahan agad ako. Picture to nung dalawa habang pababa na sila ng Ferris Wheel. Nakalabas na si Gelo, si Cassy naman, napatid sa may pinto nung ferris wheel, saktong na capture ko na sinalo sya ni Gelo.

Tinignan ko yung dalawa ngayon na nag-aasaran kung gaano mukhang pari si Gelo dun sa isang polo na binili nya sa tiangge, tas tinignan ko ulit yung picture. Walang duda, bagay nga silang dalawa.

Sabihin man nating oo, sa sandaling to pwedeng nagkukunwari lang si Gelo at mas matimbang ako sa puso nya, pero alam ko naman sa simula pa lang na hindi kailanman kami magkakatuluyan. Mabigay man namin sa isa’t-isa yung kailangan namin sa ngayon, tulad ng isang magbest friend, o tulad ng magfuck-buddy, pakiramdam ko wala rin kaming itatagal na dalawa.

Masamang isipin yon? Di naman siguro. Sa ngayon nga ni hindi namin malinaw ni Gelo kung sino kami sa buhay ng isa’t-isa, happy ending pa kaya? O may katapusan ba yung pag-iibigang sa simula pa lang patapos na?

“Thank you Bro! Thank you Cassy!”

“Thank you rin!” sagot ni Cassy, “We all benefit naman from this project so no worries,” tas nakipagbeso sya sa akin, medyo naconscious tuloy ako ng onti, baka oily ako.

“Bye bro!” tinapik ko sa balikat si Gelo bago ko lumabas.

“Bye bro!”

Pagkababa ko at pagkaalis nila, parang gusto ko na agad itext si Gelo, na mag-iingat sya sa pagdrive, na chat nya ko pagkauwi nya, send sya ng nudes pag nasa kwarto na sya, joke. Kaso naalala kong kay Cassy nga pala sya ngayon.

Parang di ko ata gusto yung idea na parang bagay lang si Gelo na pinaghahatian namin ni Cassy.

“Uy Ean!!” Si Kimmy agad yung sumalubong sa akin pagpasok ko ng gate. Andun ulit sya sa bench ng mga chismosa, at meron syang isang plato ng barbeque at isang bowl ng suka na katabi, “Tara! Tara! Gusto mo ng isaw?”

Lumapit ako at umupo sa tabi nya, inabutan nya ako ng isang isaw tas yung bowl ng suka, “Kumakain ka naman siguro nyan no?”

“Oo naman, pati Betamax, paborito ko yun.”

“Same! Favorite ko rin yun!” tuloy pa rin sya sa pagkukwento kahit puno pa ng isaw yung bibig nya, “Feeling ko naman favorite sya ng lahat ng mga pinoy na kumakain ng barbeque.”

“Ang sarap eh.”

“Totoo, tsaka ang mga may ayaw lang naman talaga sa Betamax ay yung mga maaarteng 2020 na hindi pa rin nila alam na edible ang dugo ng baboy pag kinain.”

“Ay weh? Dugo ng baboy yung Betamax? Akala ko dugo ng manok,” Lol, seryoso akala ko talaga dugo ng manok yung betamax.

“Manok? Baliw! Dugo ng baboy yun!” inabutan naman nya ko ng Betamax, “But anyways, san ka galing?”

Napansin ko lang na parang meron natural charm si Kimmy na parang gagaan na lang bigla yung loob mo sa kanya, yung tipong kahit nung isang gabi lang kami nagkilala feeling ko matagal ko na syang katropa.

“Galing kami sa Star City kasama nung mga tropa ko,” sabi ko habang kumakain ng betamax.

“Nice, tagal ko nang di nakapunta dun,” tinignan nya yung camera sa leeg ko, “Uy! Ang astig naman ng camera mo!” Natawa ako, yun din yung sinabi nya sa leather jacket ni Gelo na suot ko nung una kaming nagkita, “Pwede patingin?”

“Sure,” hinubad ko yung lace at inabot sa kanya yung camera. Una nyang tinignan yung mga lens, then binuksan nya yung camera.

“Wait.”

“Bakit?”

“Omg! Kilala ko to!” Turo nya sa mga picture ni Cassy, “Teka, dont tell me sila Cassandra Wright yung kasama mo sa Star City?”

“Uhm, sila nga.”

“OMG! Close kayo!? Weh!?”

Kinuha ko yung camera at pinakita yung group photo naming tatlo sa entrance ng Star City bago kami pumasok.

“Myghad! Close talaga kayo omg,” kinuha nya ulit yung camera, “Eto ba yung boyfriend nya?” tinuro nya si Gelo.

Tumungo ako.

“Ang pogi!! Omg bagay na bagay sila!”

Oo, bagay talaga sila.

“Nako, big time ka pala, ang bi-big time ng friends mo ha! Laging pinapanood ng dormmates ko yung mga videos ni Cassandra Wright!”

“Baliw, sila lang yung big time di ako.”

“Siguro maganda rin jowa mo no? Ganun siguro talaga, yung mga pogi para lang sa magaganda no?”

“Single po ako,” nahihiya kong sagot.

“Wews? Talaga? O baka naman single ka lang ngayon!? Nako kilala ko yung mga tipo mo eh!’

“Baliw, seryoso nga! Single nga talaga ako!”

“Nako, di talaga ako naniniwala.”

Umayos ako ng upo at tumingin sa malayo, ako rin eh, di rin ako naniniwala na single ako. Meron akong Gelo, pero at the same time pakiramdam ko di naman sya akin, pero kung tutuusin, di naman kasi talaga sya sa akin sa umpisa pa lang.

“Naniniwala na ko,” sabi ni Kimmy habang ningangata yung huling isaw sa plato nya, “Alam ko yang itsurang yan eh, may problema ka sa love no?”

Huminga ako ng malalim bago nagsalita, “Medyo.”

“Ha!? Pwede ba yun? Medyo lang na problema? Ang alam ko oo o hindi lang yung sagot sa tanong na kung may problema ka ba eh.”

“Edi oo.”

“Chika mo naman, malay mo matulungan kita diba? Baka kailangan mo nang point-of-view ng babae?”

Kung pwede ko lang sabihin eh. Pero malay mo makatulong sya diba? Bawasan ko na lang siguro ng detalye para hindi ganun kahalata.

“Uhm, wag mo kong iju-judge ha?”

“Of course, di kita ijujudge. Di ako jugder no!”

“Pramis?”

“Oo pramis! Kaya dali magkwento ka na!”

“Ano kasi-” binagalan ko yung pagsalita para naman makapag-isip ako bago ako magsalita, “Third party kasi ako ngayon sa isang relasyon eh.”

“Third party? As in kabit, querida, mistress, number threse?”

“Oo.”

“Nako mahirap yan. Marami na kong naencounter na ganyan,” bigla syang naglabas ng plastic cup na puno ng fishball, wala akong ideya kung san galing yun, parang di ko naman yun nakita kanina, “Yung tipong, mahal nyo yung isa’t-isa pero di nya magawang hiwalayan yung jowa nya ngayon, ganun ba?”

Inayos ko yung salamin ko sa mata, “Oo! Ganun!”

“Nako mag-iingat ka sa ganyan, kasi kadalasan sa mga friends kong pumapasok sa ganyan, pati na rin sa mga nakikita ko sa mga palabas, ang ending, tatlo kayong masasaktan.”

Tatlong kaming masasaktan.

“Alam mo, sa mga ganyang kaso, madalas binabash yung girlalu na may jowaers na nga, meron pang other man,” tinapik nya yung balikat ko, “No offense.”

“None taken.”

“Di ko talaga sila masisisi kasi pinakikinggan lang naman nila yung tibok ng puso nila, lam mo yun? Siguro naman alam mong mas mahirap na kalaban yung puso kesa sa isip?”

Mas mahirap kalaban ang puso kesa sa isip.

“Pero alam nyo, kahit gano pa kahirap yung sitwasyon, isa lang sagot sa lahat nang yan.”

“Ano?”

“Truth. Katotohanan. The truth shall set you free diba?” Bigla naman syang naglabas ng nailcutter at nagsimulang maggupit ng kuko. San ba galing yung mga gamit na bigla nya na lang nilalabas? “Maging totoo kayo sa nararamdaman nyo, pero gawin nyo pa rin yung tama.”

“Huh? Sorry medyo naguluhan ako.”

“Maging totol kayo sa nararamdaman nyo, pero gawin nyo yung tama. Halimbawa, mahal ka ni ate gurl, maging totoo dapat sya sa nararamdaman nya or else ikaw at si other kuya boy yung masasaktan, kaya dapat mamili lang sya ng isa, hjwalayan ng maayos yung isa, para kahit masaktan man yung isa, di ganun kasakit diba?”

Tumungo lang ako.

“Another example. Ikaw, bilang sabi mo nga, ikaw yung third party, kung pakiramdam mo hindi fair para sayo na may kahati ka, then sabihin mo kay Ate Gurl, maging totoo ka. Binabaril na sa Luneta ngayon yung mga martyr,” sabi nya sa akin na may kasama pang pagtutok ng nailcutter, “Sabihin mo sa kanya, di ka na kunportable sa ganung set-up.”

Medyo inabot ako ng ilang segundo bago ma-gets yung barilan ng martyr sa luneta.

“Wait nga lang, tanong ko nga pala. Mahal pa ba ni Ate Gurl yung jowa nya? O ikaw talaga yung laman ng puso nya at pinilit lang syang maging sila ni Kuya Boy?” Syempre, inassume agad nya na babae, ano pa bang bago?

“Sabi nya mahal pa daw nya.”

“Nako ha, ayoko sa mga ganyang set-up. Yung ‘pantay-kayo-sa-puso-ko’ kinemers and shit? Nako lugi ka dyan,” naglalagay naman sya ngayon ng nail polish na kulay dark blue. “Teka Ean ha, matatanda naman na tayo so let me ask you honestly.”

Napalunok ako dun sa ‘lemme ask you honestly’.

“Ano ka sa buhay ng jowaers mo?”

“Ha? Teka di ko gets.”

“I mean, ano ba kayo sa isa’t-isa? Mahal nyo ba talaga yung isa’t-isa, o, you know, friends with benefits?”

Bros with benefits.

“Mahal namin yung isa’t isa.” Siguro?

“Hmmm I see. Isa lang yung masasabi ko, magpakatotoo kayo habang maaga pa, masyadong lalalim yung sugat para sa inyong tatlo pag pinatagal nyo pa to.”

Biglang nag-flash sa isip ko yung picture naming tatlo sa may entrance ng Star City kanina, nasa kaliwa ako, nasa kanan si Cassy at nasa gitna si Gelo.

“At sa nararamdaman kong aura mo ngayon, feeling ko ikaw yung pinakalugi sa relasyong to. Dont do yourself like that, we need to know our self worth! Hindi ka dapat magsettle sa kabit lang! Be the main hoe! The main bitch! Ganern!”

Be the main bitch ni Gelo? Impossible.

“Sino ba yang girlalu na yan at chachat ko, ibigay ka na lang kamo sa kin,” mahina nyang sabi pero rinig ko pa rin.

“Ha?”

“Gusto mo ba ng softdrinks sabi ko!? Kukuha lang ako sa loob saglit!” dali-dali syang pumasok sa bahay nila dala yung mga pinagkainan namin ng barbeque.

Habang pinag-iisipan yung mga sinabi sa akin ni Kimmy, nakita ko si Ralph na pababa at palabas ng gate.

“Uy Ralph!”

Tumingin sya sa akin, tumingin ako sa kanya. Mga limang segundo ata kaming nagtitigan bago sya tumakbo pabalik sa taas.

Weird naman ng mga tao ngayon.

Chapter 21

“Yan si Ean oh! Malakas yan! Tanungin nyo kung gusto nya,” narinig kong sabi ni Ralph paglabas ko sa office ni Mam Dessa para mag-time-in.

Nakita kong nakatumpok yung mga kasamahan ko sa carwash, mukhang may pinaguusapan sila kaya lumapit ako sa kanila. Wala pa namang customer eh, pwede pa naman siguro kami magkwentuhan.

“Eto si Ean, nakalaro ko na yan!” sabi ni Ralph na inakbayan ako paglapit ko sa kanila. Wow, parang kahapon lang parang takot na takot sya nung makita ako ah.

“Malapit na kasi yung piyesta kaya nagsimula na yung palistahan para sa mga sasali sa paliga ni Kapitan ng basketball,” paliwanag nung isa naming katrabaho, si Chris.

“Sali sana kami nung mga tropa namin sa looban kaso kulang pa kaming ng dalawa,” sabi naman ni Jojo.

“Sali na pre! Dali, sasali rin ako!” sabi ni Ralph.

“Sige ba,” kung may isang bagay akong hindi kayang tanggihan, yun ay Basketball. Simula elementary kasama na ko sa basketball team ng school namin, pati nung high school at senior high. Medyo namimiss ko nga rin maglaro eh, puro trabaho kasi ako simula nung pumunta ako rito sa maynila.

Tsaka puro Gelo.

“Yown! Mamaya may laro kami, sama na kayo para makilala nyo rin yung iba,” sabi ni Chris.

“Anong oras?”

“Mga alas singko, basta pag-uwi natin diretso na kami don,” sabi naman ni Tonyo, “Dun sa court sa may likod ng baranggay hall.”

“Sige.”

“Mamaya ah,” sabi ni Chris tas nag-apir ulit kami.

Siguro kailangan ko munang magrelax at idistract yung sarili ko mula sa kung anong nangyayari sa amin ni Gelo ngayon. Maganda na rin to para di ko masyadong iniisip si Gelo.

Normal naman na dumaan yung araw, sobrang creepy pa rin ni Mam Dessa na laging hinihimas yung braso ko tuwing lalapit, sobrang weird pa rin ni Ralph na minsan kukulitin ako tas maya-maya di na mamamansin, tas maya-maya kukulitin nanaman ako.

Pero ang iba lang, hindi dumaan sa carwash si Gelo ngayon, lumabas daw silang pamilya para mag lunch. Ayos lang naman sa akin sabi ko, mukhang minsan lang sila lumabas na pamilya eh.

Nung uwian na, napag-usapan namin na sa court na kami magkita, sila Tonyo kasi dala na nila yung mga sapatos nila kaya dumiretso na sila para sunduin yung iba pa naming makakalaro, tas kami naman ni Ralph umuwi para magpalit ng damit.

“Shit. Pre wala rito yung rubber shoes ko,” kinuha ko yung phone ko at finashlight yung ilalim ng kama ko. Shit wala talaga.

“Wala yung sapatos mo dyan pre?” tanong ni Ralph.

“Wala nga eh, patignan naman sa ilalim ng kama mo, baka namali lang ako ng lagay,” tumingin naman sa ilalim ng kama nya si Ralph, pero wala run yung sapatos ko.

“Oh shit, naiwan ko ata sa bahay namin,” Oo, naiwan ko nga yun, pumunta ako dun nang yun yung suot ko eh, umuwi ako ng naka converse na bili ni Gelo sa tiangge.

“Hiram ka na lang kaya kay Denver?”

“Di naman nagbabasketball si Denver ah?” tumayo ako nang mabilis, “Ay shit, kay Terrence.”

“Ah kasi,” tumuro sa paa nya si Ralph, “Kanina ko pa hiniram sapatos ni Terrence eh. Sorry pre.”

“Gago, anong gagamitin ko?”

Kinuha ko agad yung phone ko at nagmessage kay Gelo. Nagtanong ako kung meron syang extra sapatos na pwedeng ipahiram sa akin. Nakakahiya man, alam kong mapapahiram ako ni Gelo, nagbabasketball din naman yun eh tsaka sobrang dami nyang sapatos sa loob ng closet nya pramis, puro mga orig pa.

Shet, ang lakas pa naman makapogi ng orig na sapatos.

Biglang nag-vibrate yung phone ko. Tumatawag si Gelo.

“Hello?”

“ Hi BB! Miss you! “

Hinintay ko muna si Ralph lumabas ng kwarto, nang makalabas na sya, “Miss you too BB.”

“ Ba’t kailangan mo ng sapatos ?“

“Sumali kasi kami ni Ralph sa paliga ng basketball dito sa baranggay, tagal ko na rin di nakakapaglaro,” Napakamot ako sa batok ko, bigla akong nahiya eh, “Eh naiwan ko kasi sa Taytay yung sapatos ko eh.”

“ Ganun ba? Sige dalhan kita .“

“Uy gago, wag na, daan na lang kami ni Ralph dyan, nakakahiya.”

“ Bakit ka nahihiya? Ayos lang naman, kakauwi lang namin tsaka wala kong ginagawa.

Tsaka namiss kita baliw.“

“Ayiee, miss nya ko,” tukso ko.

“ Kumain ka na? “

“Di pa, mamaya na lang kami kakain pagkatapos maglaro.”

“ Sige, san ba kayo maglalaro? “

“Alam mo naman yung baranggay hall namin dito diba? Nadadaanan naman natin yung minsan, dun sa likod nun.”

“ Ok, wait for me dun, paalis na ko. “

“Thanks bro,” sabi ko, bumalik na kasi sa kwarto si Ralph.

Hinintay pa namin sandali si Denver at Terrence makauwi para may bantay na sa bahay tsaka para mahiram rin namin yung motor ni Terrence. Pagdating nila, niyaya rin namin sila, kaso si Denver di naman nagbabasketball, tas si Terrence naman sinabing baka nakatambay si Greg sa paligid at baka magsapakan nanaman sila.

“Gago boi, nawala yung kapitan dito sa likod,” sabi ni Ralph, “Bagalan mo lang boi, wala akong kinakapitan dito,” nasa may highway na kami kaya medyo binilisan ko na rin yung takbo.

“Sa akin ka na lang kumapit!”

“Ha? Ano?” Di nya siguro ako marinig kasi nakahelmet kami pareho.

“Sa akin ka na lang kako kumapit!”

“Eh! Bagalan mo na lang!”

“Tangina naman, di naman ako mabaho no,” siguro?

Naramdaman kong pinatong rin ni Ralph yung kamay nya sa braso ko.

“Para kasing nahihilo ako pre pag nakakapit.”

Ang weird talaga ni Ralph puta.

Pagdating namin sa may baranggay hall, pinark namin yung motor ni Terrence. Naglalaro na sila Chris pagdating namin. Pinakilala nya kami sa mga iba pang kasama sa team tas habang hinihintay namin yung iba pa, naglaro-laro lang rin kami para mawarm-up.

Maya-maya pa, nakita ko na si Gelo na nakaupo sa bleachers, katabi ng isang tumpok ng mga dalaga na mga jowa ata nung mga kalaro namin. Para syang out of place, halata kasing mayaman sa unang tingin pa lang.

“Bilis mo naman,” sabi ko, nakipag-apir ako paglapit ko sa kanya.

Nakita kong napatingin sa amin yung mga babae.

“Kanina pa nga ako rito eh.”

Tumabi ako sa kanya at inangat yung tshirt ko para magpunas ng pawis sa mukha, “Hala, ba’t di mo ko tinawag?”

“Baliw, naglalaro ka kaya,” inabutan nya ko ng isang box ng sapatos na may tatak na Nike, shet, orig nga, “Ayos ka rin pala maglaro.”

Pagbukas ko nung box, tangina, feeling ko bigla akong naglaway, ang astig nung sapatos na pinahiram sa akin ni Gelo, Nike Air Zoom Freak 1 2019 na Black and White.

“Uy ayos to ah!” Kinuha ko yung sapatos tas tinitigan to, ngayon lang ako nakahawak ng original na Nike sa buong buhay ko. Puting-puti pa yung mga parteng kulay puti tsaka amoy na amoy mo talaga na bago pa.

“Uy nakakahiya, di mo pa ata nagagamit to,” sinuot ko yung isa para tignan kung kasya ba sa akin. Kasya naman sya, parehas pala kami ng size ni Gelo.

“Oo nga, di ko pa nagagamit yan.”

Hinubad ko nang mabilis yung sapatos nya tas binalik sa box.

“Huy! Ba’t mo binalik? Suot mo na! Bagay kaya sayo!”

“Eh! Ayoko nga! Di mo pa pala nagagamit eh.”

“Sige, pag di mo sinuot yan kikiss kita rito!” bulong nya sa akin.

“Sige nga kiss mo nga ko!” bulong ko pabalik pero sinuot ko pa rin yung sapatos nya. Shet, feeling ko ang pogi pogi ko na.

“Bagay sayo bro.”

“Thanks talaga bro,” tumayo ako at tumalon-talon, pinakikiramdaman ko yung sapatos. Iba talaga sa pakiramdam yung mga orig na sapatos.

“Manonood ako ah? Ayos lang ba?”

“Oo naman! Ikaw pa?”

“Bumili ako ng dinner, andun sa kotse.”

“Hala weh? Salamat!”

Narinig kong tinatawag na ko nila Chris kaya nagpaalam na ko kay Gelo. Paglapit ko kanila Ralph lahat sila nakatingin sa sapatos ko.

“Pre? Yan yung pinahiram sayo ni Boss Gelo?”

“Oo eh, nahihiya nga ako, di pa daw nya to nagagamit.”

“Gago ang ganda. Pag binigay yan sayo pahiram ako ah!”

Nung dumating na yung mga kasama namin naglaro kami. Mapayapa naman kaming naglalaro. Minsan sumusulyap-sulyap ako kay Gelo na nakaupo lang sa isang sulok sa bleachers tas nanunuod, minsan kumikindat pa sya. Meron pa ngang pagtingin ko sa kanya nagpapapicture sa kanya yung ilan sa mga babae na nasa bleachers rin kanina.

Bigla kong naalala sa kanya yung mga naging girlfriend ko, na nanunuod lagi sa mga laro ko, yung dinadalhan ako ng pagkain pagkatapos. Naaalala ko sila kay Gelo pero at the same time ibang iba rin si Gelo sa kanila. Di ko alam kung anong ginawa ko para madeserve ko yung tulad nya sa buhay ko.

Tumawag ng Time Out si Jojo. Agad akong nagpunta kay Gelo na umiinom ng milktea, Dark Chocolate Milktea, yung paborito nya. Nasa tabi nya na yung mga take-out bags na galing sa malapit na fast food.

“Time-out?”

“Oo,” hinubad ko yung tshirt na suot ko tas pinang-punas to sa katawan ko.

“Kain na tayo?”

Lumingon ako sa nga kasama ko, parang nakatumpok sila sa may pasukan ng court, “Sige tara kain na tayo.”

Pagkaupo ko, inabutan ako ni Gelo ng isang rice meal tas Wintermelon milktea, yung paborito ko. Buti naman malayo na sa amin yung mga babae na katabi nya kanina, makakapag-usap na kami ng matino.

“Uy salamat ha,” sinapak ko sya ng marahan sa braso, “Di ko tuloy alam kung deserve ba talaga kita. Andaming mo nang ginawang effort para sa akin.”

“Deserve ka naman effortan eh.”

“Labyu.”

“Labyu too,” tas bigla syang tumawa, “Wala na corny na, sige na! Kumain ka na!”

“Weh? Corny daw? Kinilig ka kaya!”

“Kain na!”

“Baka gusto mo ikaw yung kainin ko dyan?” tas kumindat ako sa kanya.

“Bad,” bigla nya kong pinitik sa noo.

Habang kumakain, napansin kong may mga dumagdag sa amin, may nga bagong dating na nagbibihis dun sa bleachers sa kabilang side ng court. Nakita ko rin na kausap nila sila Chris at yung iba pa. Maya-maya nakita kong papalapit sa amin si Ralph.

“Wow! Sana all may naghahatid ng pagkain!”

May kinuha sa loob ng malaking paper bag si Gelo, “Binilhan din kita oh,” sabay abot ng burger at coke kay Ralph.

“Wow! The best ka talaga Boss Gelo! Salamat!” sabi ni Ralph na tumabi na sa amin.

“Walang anuman.”

“Boss! Nagbabasketball ka din ba?”

“Oo, Varsity ako sa school.”

“Kaya pala ang gaganda ng mga sapatos nyo boss!”

Natawa lang si Gelo dun.

“Ralph, sino yung mga bagong dating?” tanong ko kay Ralph habang nakatingin sa mga bagong dating dun sa kabilang bleachers.

“Sila Greg.”

“Sila Greg!? Yung bumugbog kay Terrence?”

“Oo, kaya nga umalis ako dun eh,” sabi nya kahit may laman pa yung bibig.

“Kalaban natin sila?”

“Oo. Nagtanong sila kung patapos na tayo sa court, sabi ni Jojo kakalaro pa lang natin, kaya ayun, friendly game na lang muna.”

“Tingin mo malakas?”

“Mas malakas tayo tol,” sabi ni Ralph tas nakipag-apir sa akin.

Pagtapos kumain, tinulungan kong magligpit ng kinainan si Gelo tas tinapon namin sa basurahan yung mga pinagkainan. Sakto naman na tinawag na ulit kami nila Chris.

“Ano? Friendly game ba muna?” tanong ni Chris kanila Greg.

“Oo sige. Kaso kulang kami ng isa eh,” sabi ni Greg, napatingin sya sa amin ni Ralph pero wala naman syang imik, di nya ata alam na kaibigan kami ni Terrence.

“Ganun ba?”

“Ayun oh! Si Boss Gelo! Naglalaro yan! Malakas yan!” tinuro ni Ralph si Gelo na nananahimik sa gilid, “Boss Gelo!” Sa unang tingin mo naman kasi kay Gelo makikita mong naglalaro sya, naka rubber shoes at sweat pants pa.

Tumingin sa amin si Gelo, tinuro nya yung sarili nya at nagtanong nang “Ako?” tumungo kami at pinapunta sya sa amin.

“Boss, Greg pala,” pagpapakilala ni Greg paglapit ni Gelo, “Gusto mo ba sumali sa amin? Sasali kami sa paliga ni Kapitan kaso kulang kami ng isa eh, ayos lang ba?”

“Oo naman,” tumingin sya sa akin tas ngumisi.

“Oh ayan! Kumpleto na kami!” sabi ni Greg, isa-isang nagpakilala yung mga kasama ni Greg sa kanya. Pati na rin sila Chris nakipagkilala rin.

“Ean James! May extra kang damit? Peram naman!” sabi ni Gelo matapos yung meet and greet nya. Naka long sleeve sya na puti, madudumihan nga naman yun panigurado pag naglaro sya.

“Sa bag may extra shirt ako dun.”

Pagbalik namin si bleachers, kinuha ko sa bag ko yung extra kong shirt tas inabot to sa kanya.

“Ba’t ka naman pumayag maging kalaban namin BB?”

“Gusto kong maexperience makalaban ka eh,” hinubad nya yung long sleeve nya at sinuot yung t-shirt ko, “BB pustahan tayo?”

“Pustahan?”

“Pag nanalo yung team nyo, I’ll take you out to a date sa sabado.”

“Sige ba.”

“Pero pag nanalo kami, dun ka sa amin matutulog ngayong gabi?”

“Sige, deal!” yun lang pala eh, mag patalo kaya ako? Joke.

“Humanda ka Ean James!”

“Mas humanda ka Angelo Jon!”

Chapter 22

Akalain nyo yun, nanalo sila Gelo?

“BB naman eh, nagpatalo ka eh!” sabi ni Gelo pagsakay namin sa sasakyan.

“Hoy! Grabe! Di ah!” sabi ko habang nagpupunas ng pawis.

“Pinapanood kita kanina! Di ka naman ganun maglaro eh! Ni halos hindi ka nga humahawak ng bola eh!”

“Kasalanan ko ba kung bano yung mga kasama ko?”

“De wala, nagpatalo ka talaga.”

“Ayaw mo nun, magsesleep-over ako sa inyo!”

“Gusto nga kita makalaro eh. Yung seryosohan!”

“Makakalaro mo naman ako sa kama mamaya eh,” sabi ko sabay kindat.

“Ayoko! Gusto ko sa court!”

“Gusto mo sa court magloving-loving?”

Inabot nya yung pisngi ko tas pinisil to, “Cute mo talaga, tangina kakagigil.”

“Mas cute ka, wag ka papatalo.”

Habang papunta kanila Gelo, nagtext ako kanila Denver na kanila Gelo ako matutulog at di na kami magkasama ni Ralph na dala yung motor ni Terrence, sumama yung loko kanila Chris, mag-iinuman ata, ewan ko, niyayaya nga ako eh.

Pagdating kanila Gelo, si Lola Mercy agad yung sumalubong sa amin, di daw kasi sya nakakatulog kapag di pa umuuwi si Gelo tas hindi pa nya alam kung san nagpunta yung apo. Nag-mano kaming dalawa tas tinanong nya kung kumain na kami, um-oo naman kami Gelo.

“Lola, where’s Mom and Dad? Wala yung kotse nila sa labas.”

“Umalis na Ge, kani-kanina lang.”

“Di man lang ako inantay,” mahinang sabi ni Gelo.

“Sus, alam mo naman yang mga magulang mo eh.”

Pag-akyat sa kwarto ni Gelo, nag-shower muna kami, ako sa shower sa kwarto ni Gelo tas si Gelo naman sa shower sa guest room. Pagtapos ko nun sa shower, sakto na pagpasok ni Gelo sa loob ng kwarto nya. Pareho lang kaming nakaunderwear at may twalyang nakabalot sa likod dahil sa lamig ng aircon.

“Sexy naman ng BB ko,” sabi nya habang papalapit sa akin.

“Mas sexy ka, wag ka papatalo,” sabi ko naman, then hinawakan ko sya sa may hips tas dinikit ko yung katawan nya sa akin.

Hinalikan nya ko sa labi pero napansin kong bukas pa yung pinto, “Uy Bro! Yung pinto!”

“Oh shit!” sabi nya tas mabilis na sinara tas nilock pa yung pinto.

“Di pa ba tulog ang mga bata?”

“Di pa eh, badtrip,” tas tumawa kaming dalawa.

“Peram naman ng damit,” wala na kong ibang damit sa bag bukod sa mga pinagpawisan ko kanina sa basketball.

“Magdadamit ka pa? Mas bagay kaya sayo nakahubad,” sabi nya sabay yakap sa akin. Ang sarap sa pakiramdam nung init na galing sa katawan nya.

“Eh ang lamig kaya,” kiniliti ko sya sa tagiliran dahilan para bumitiw sya sa pagkakayakap.

“Hoy bad! Walang kilitian!”

“Peram ako damit, nanginginig na ko!” nagpapababy kong sabi.

“Teka, teka, may papasuot ako sayo.”

Sinundan ko si Gelo na nagpunta sa closet nyang kasing laki na ng kwarto namin nila Ralph. May kinuha sya sa ilalim ng mga nakatuping damit. Inabutan nya ako ng makapal na damit na nakatiklop.

“Ano to?”

“Onesies,” may kinuha pa syang isa para naman sa kanya.

“Anong hayop to?” tanong ko nung niladlad ko na yung onesie para tignan yung kabuuan

“Unicorn ata,” sabi ni Gelo, “Di ko naman tinignan kung ano to nung binigay sa kin ni Cassy. Dalawa pa nga binili nya para sa kin para daw may pagpilian ako. May video kasi sila nag sleepover sila nung mga kaibigan na nakaonesie, kasama dapat ako dun, kaso nahiya ako, puro babae sila dun eh, ang weird naman kung may lalaki bigla.”

“Unicorn nga,” sabi ko tas pinakita sa kanya yung sungay na kulay gold na nakadikit sa hood.

Sinuot namin yung mga onesies na unicorn. Akin ay dark blue na unicorn na may gold na sungay tas kay Gelo ay yung sky blue na unicorn na may pink na sungay. Pareho kaming may buntot sa likod na kulay rainbow.

“Hoy ang cute natin,” sabi ni Gelo, “Wait! Picture tayo!” bumalik kami sa kwarto nya at kinuha yung phone nya tas nagselfie kami.

“Dapat may tawag tayo sa isa’t-isa! Yung pang-unicorn,” sabi ni Gelo habang tinitignan yung mga picture namin.

“Ikaw si Gelocorn.”

“Tas ikaw si Eancorn!”

“Bat ampangit naman nung akin?”

“Edi E-corn. Uy ang cute non, bagay sayo,” kinurot nya yung magkabilang pisngi ko tas tinaas baba ito, “E-corn! E-corn! E-corn!”

“Pangit pa rin eh!” para naman akong robot na ewan.

“Don’t worry pogi ka naman eh,” sabi nya sabay mabilis na kiniss ako sa labi, “So anong gusto mong gawin E-corn?”

“Uhm di ko alam,” napakamot ako sa batok ko, “Uhm, ano bang ginagawa ng mga babae sa sleepover nila?” kami kasi sa probinsya manunuod lang kami ng movies tas magdodrawing ng etits sa mukha ng unang matutulog.

“Hmmm?” ang cute nya mag-isip, share ko lang, “Nagbake ata sila nun eh.”

Nagtinginan kaming dalawa, “Uy gusto ko matuto mag-bake,” sabi ni Gelo.

“Ate Precy! Nasaan po yung pang-bake ni Lola!!” sigaw ni Gelo habang iniisa-isa namin yung cabinet sa kusina nila.

“Andyan lang sa ibabang cabinet, pangalawa sa kaliwa,” sabi ni Ate Precy.

“Marunong ka ba mag-bake Gelocorn?” tanong ko habang isa-isang nilalabas ni Gelo yung mga pang-bake ni Lola Mercy.

“Hindi. Ikaw E-corn?”

“Hindi rin. Gago baka magkalat tayo rito.”

“Edi masaya,” nung nalabas nya na lahat, kinuha naman nya yung phone nya sa bulsa nung onesie nya, “May google naman eh.”

After namin tignan kung ano yung mga ingredients, pumunta naman kami sa ref nila mas malaki pa sa damitan namin sa apartment. Isa-isa naming hinahanap yung ingredients sa paggawa ng brownies. Syempre meron silang lahat nun, parang maliit na grocery na nga yung ref nila eh.

“Sige anong unang gagawin?” tanong ni Gelo. Pinahawak nya kasi sa akik yung phone nya kaya binasa ko naman yung unang instructions na nakita namin sa google.

“Paghaluin yung harina, itlog, choco powder at isang tasang tubig.”

“Gano karaming harina?”

“3 1/4 cup daw.”

“Gano kalaki yung cup?” isa-isang tinignan ni Gelo yung mga measuring cup ni Lola Mercy na iba’t-iba ng laki.

“Hala, wait lang walang sinabi rito eh,” hinahanap ko ano yung laki ng measuring cup na dapat gamitin, may mga nakikita akong units of measurement kaso di ko masyadong maintindihan.

“Bahala na, yun lang naman diba? Haluin yung mga ingredients tas i-bake, di naman siguro ganun kahirap yun?”

Isang oras at mahigit na ata ang lumipas. Wala pa rin kaming nagagawa sa kusina nila Gelo kundi magkalat. Natapon na ang di dapat matapon, sumobra na yung di dapat sumobra, at puro chocolate powder at harina na yung mga onesie namin pati na rin sa mukha, inumpisahan kasi ni Gelo yung pahiran sa mukha, lol.

“Anuna? Parang wala naman tayong nagagawa,” sabi ni Gelo habang hinahalo pa rin yung mixture na halatang nasobrahan sa tubig, “Nagsayang lang tayo.”

“Baliw, siguro magagawan pa yan ng paraan ni Lola Mercy bukas, lagay na lang natin sa ref tas paturo tayo kay Lola Mercy.”

“Uy sige. Talino mo talaga bro,” sabi ni Gelo sabay pahid nanaman ng harina sa pisngi ko.

“Sige, isang pahid mo pa tignan mo,” kumuha ako ng tissue, binasa to ng onti at pinunas sa pisngi.

“Sige, anong gagawin mo?”

“Kakagatin kita sa betlog mamaya gago!”

Kinuha ko yung mixture na nasa malaking bowl at nagpunta sa ref. Habang hinahanapan ng pwesto yung hawak ko, may nakita akong tupperware na punong-puno ng brownies.

“Uy Gelocorn! May brownies dito oh?”

Lumapit si Gelo at sumilip sa ref, “Saan?”

Kinuha ko yung tupperware, nilagay yung bowl kung san to nakalagay at sinara yung ref, “Eto na lang kaya kainin natin,” suggestion ko, “Pinalitan naman natin nung mixture na ginawa natin.”

Pagtapos naming linisin yung kalat na ginawa namin sa kusina at hugasan yung mga ginamit namin, umakyat ulit kami sa taas dala yung mga malamig na brownies. Nagyaya si Gelo na umakyat kami ulit sa bubong nila.

Pagdating sa taas, parang first time ulit yung pakiramdam, nakita ko ulit yung city lights sa di kalayuan pati na rin yung mga bulubundukin sa probinsya.

“Sarap nito,” sabi ni Gelo habang binubuksan yung tupperware na puro brownies, “Mas masarap yung brownies ni Lola pag malamig.”

Feeling ko tuloy bigla kaming nasa isang indie film. Nakaupo sa bubungan, sa ilalim ng di mabilang na bituin at ng bilog at marikit na buwan, mga naka-onesie na unicorn habang kumakain ng brownies. Magandang pang movie poster yung pwesto namin ngayon.

“Gelocorn, salamat ah.”

“Para san?” sabi nya kahit may laman pa yung bibig.

“Sa lahat,” tumingin ako sa kanya, “Di ko alam kung anong ginawa ko para madeserve ko yung isang tulad mo.”

Kinuha ni Gelo yung tupperware, umusog papalapit sa akin at kinandong na lang yung tupperware, “Walang anuman E-corn. Pinapasaya mo kasi ako eh.”

Umakbay ako sa kanya at nilapit ko pa yung katawan nya sa akin, “Talaga?”

“Yeah, more than anyone else.”

Kumuha ako ng isang brownie, “Sana no nakilala na lang kita sa ibang panahon? Yung panahon na pwedeng maging tayo.” Gustong idagdag yung panahon na walang Cassy, yung panahong nahabol na namin yung mga pangarap namin sa buhay, yung panahong naresolba na namin yung problema ng aming mga pamilya, yung panahong normal na lang na mag-ibigan ang dalawang lalaki.

“Kaya nga eh,” sinandal nya yung ulo nya sa balikat ko, “Maybe in a different life tayo yung magkatuluyan.”

“Naniniwala ka sa reincarnation?”

“No, pero ang saya lang isipin na baka malay mo, once na ipinanganak tayo sa future, baka pwede nang maging tayo.”

Isa lang naman yung gusto ko,  yung maging akin si Gelo. Simple lang kung iisipin, pero mahirap pag i-apply na sa real life.

Kailangan ni Gelo si Cassy. Bilang nag-iisang anak, responsibilidad ni Gelo na magkaroon ng pamilya para magtuloy-tuloy ang pamamahala sa ospital ng pamilya nya. Alam ko na sa simula na tututol sa relasyon namin yung mga magulang nya.

“Ang mahalaga andito ka. Wala mang label, nagkukunwari man tayo sa lahat ng nasa paligid natin, at least alam natin na ang isa’t-isa yung laman ng mga puso natin,” sabi nya, “At least I have you as my best friend”

“Best friends with benefits.”

“Bros with benefits.”

Inangat ko yung ulo nya at hinalikan sya sa labi. Pwede bang di na lang matapos tong gabing to? Pwede bang dito na lang kami?

Habang naghahalikan, hinawakan ko sya sa hips at mas inilapit pa yung katawan nya sa akin.

Andaming naglalaro sa isipan ko. Bukas babalik na sya kay Cassy at babalik na ko sa buhay ko kung san best friend ko lang si Gelo. Sana hindi na lang dumating ang bukas.

“Baba na tayo?” yaya ko.

“Anong gagawin natin?”

“Ano pa? Edi ituloy yung dapat nating ituloy,” hinimas ko yung alaga nyang matigas na.

Susulitin ko na tong gabing to. Alam kong walang bukas ang hindi dumarating.

Chapter 23

“No, you’ll do as I say, Angelo!” Nagising ako sa malakas na sigaw ni Sir Manny na nanggaling sa labas ng kwarto ni Gelo.

“But Dad, Im not having fun in my school anymore!”

“Someday you’ll realize how important school is!”

“Im not asking you to drop me out of school! I just want to study the track I want. Dad, nahihirapan na po ako sa school dahil hindi ko naman gusto yung ginagawa ko!”

“Well, its not my fault you’re that weak.”

Maya-maya, pumasok na si Gelo sa loob ng kwarto at malakas na sinara yung pinto. Napatingin sya akin, nakita kong naiiyak na sya sa galit. Hinubad nya yung suot na unicorn onesie at umupo sa gilid ng kama.

“Sorry you need to hear all of that.”

“Ayos lang,” yun lang yung nasabi ko, wala na kong masabing iba pa eh. Di ko alam kung anong sasabihin sa kanya sa mga sandaling to.

Bumangon ako at niyakap sya, pinatong ko yung ulo ko sa balikat nya. Di ko alam kung paano ko sya macocomfort pero alam kong sa yakap ko mapapagaan ko naman kahit onti yung bigat na nararamdaman nya.

“May gagawin ka ba ngayon?” tanong nya.

“Papasok lang naman ako sa car wash,” sabi ko habang kinagat-kagat yung balikat nya, “Bakit?”

“Magpapasama sana ako. Enrollment namin ngayon. Wala akong kasama.”

“Sige samahan kita.”

“Sure ka?”

“Oo, magpapaalam lang naman kay Mam Dessa eh,” sabi ko, pero sa totoo lang nahihiya na rin ako mag-paalam kasi kakabalik ko lang simula nung nag-leave ako nung namatay si Papa.

May narinig akong nagstart na kotse sa labas na sinundan nung malakas na pagbukas nung gate nila Gelo. Umalis na ata sila Sir Manny.

“Tara baba na tayo BB, nagkapag-luto na sila Lola,” tumayo na si Gelo at nagpunta sa closet nya para kumuha ng susuotin namin pababa.

Habang kumakain, tahimik lang kami ni Gelo habang pinagsasabihan ni Lola Mercy si Gelo na para sundin na lang si Sir Manny para naiiwasan na yung alitan sa pagitan ng mag-ama, para kahit papano naman daw, matuwa yung Daddy nya kay Gelo.

“Never namang natuwa sa akin si Daddy,” yun lang yung tugon ni Gelo sa dami ng sinabi ni Lola Mercy.

Pagtapos kumain, sabay kaming naligo ni Gelo, syempre may kulitan, pero ramdam ko pa rin na may bumabagabag talaga kay Gelo. Habang nagbibihis kami, napansin kong nakapatong sa desk nya yung report card nya mula sa pinag-aaralang university na kilala sa magandang program nila para sa mga medical students.

Habang namimili pa ng jacket na isusuot si Gelo, sinilip ko saglit yung report card nya. Di nga gaano kaganda yung mga grades nya. Sa likod may nakalagay sa Teacher’s note: “Magaling na bata ngunit kailangan pang magpakita ng kagustuhang matuto.”

Hindi mo rin naman masisisi yung tao diba? Di naman nya gusto yung ginagawa nya.

“So? Should we stop at the carwash?” sabi nya bago istart yung sasakyan nya.

“Di na, tinext ko na si Mam Dessa, nagpaalam na ko. Ayos lang naman daw sa kanya,” di ko na lang sinabi na kailangan kong mag-overtime ng ilang araw.

“Salamat talaga E-corn,” tumingin sya saglit sa akin, “Ayaw kasi akong samahan ni Daddy o ni Mommy sa enrolment. Never silang nagpakita sa kahit anong school activity.”

“Baliw, wala yun,” sabi ko habang tinitignan yung mga damit na pinahiram sa akin ni Gelo, Plain na maroon shirt, pants na kulay cream tas white na vans, yung orig talaga, di tulad ng sa palengkeng isang suot lang, “Ako nga yung dapat magpasalamat sayo, ang swerter swerte ko kaya sayo,” tinanggal ko yung suot nyang cap tas ginulo-gulo yung buhok nyang medyo matagal nya pang inayos.

“Hoy! Bat ang hilig mo guluhin yung buhok ko!”

“Cute mo eh!”

“Luh, mas cute ka kaya! Lalo na kagabi, tinitignan kita habang nakaluhod ako sayo tas-” kinuha ko yung cap nya at binato to sa kanya. Nararamdaman kong umiinit yung mukha ko habang inaalala yung mga nangyari kagabi.

“Oh? Bat mo naman ako binato!?”

“Libog mo talaga Gelocorn,” sabi ko sabay pisil sa pisngi nya.

“Wow, ako yung malibog, sino kaya sa atin yung sarap na sarap sa pag-”

“Tigilan mo na sabi!” sabi ko tas tumingin sa saglit sa akin.

“Luh? Bat ka namumula? Nahihiya ka? Ang galing mo kaya! The best!” sabi nya tas nag ok sign sya sa kamay nya.

Tinawanan ko na lang sya at hinayaang sya naman yung pumisil ng pisngi. Medyo nagiging favorite gesture na rin namin yung pag-pisil ng pisngi pansin ko lang.

“Lapit nya,” sabi nya ilang sandali lang. Tinuro nya yung isang malaking building sa di kalayuan na medyo kataasan pero hindi kasing-taas ng mga sobrang tataas na mga building sa paligid nito.

“Welcome to San Saturno Integrated School,” sabi ni Gelo sabay liko papasok sa parking lot na nasa gilid ng paaralan.

Habang naghahanap ng mapag-paparkingan si Gelo, nilibot ko ng tingin yung school nila, at base sa mga sasakyan na nasa parking lot, alam mo nang mga kasing-yaman lang nila Gelo yung nakakayanang mag-aral dito. May iilang estudyante rin akong nakikitang naglalakad patungo sa main building.

“BB Pag may nagtanong, sabihin mo mag-pinsan tayo,” sabi nk Gelo paglabas namin sa kotse.

“Anong pangalan ko?” tanong ko, baka naman kasi meron talaga syang pinsan sa totoong buhay na pwede kong gayahin.

“Edi pangalan mo,” natawa sya saglit, “Ean James C. Simon, wow, bagay!” sabi nya.

“Hindi ko pa nga alam kung sa mother’s side o father’s side ah!”

“Father’s side na para magka-apelyido na tayo yieeee!”

“Ano ba gagawin ko?” bigla kong napatanong kasi wala pa syang sinasabi kung anong gagawin ko. Baka mamaya mapahiya ako sa harap ng mga rich kids na nag-aaral dito eh, nakakahiya naman.

“Pipirmahan mo lang naman yung enrollment form bilang guardian ko,” sabi ni Gelo bago kami pumasok sa loob. “Dont worry, di naman sila ganun ka higpit dito, hindi na nila chine-check kung guardian ba talaga nung bata yung pumirma o hindi.”

Habang papunta sa School Registrar, tinour na rin ako ni Gelo sa loob ng school nila, tinuro nya yung science lab, yung library, yung canteen at iba pa. Habang papalapit kami sa pupuntahan namin, parami na ng parami yung mga tao, at halos puro mga english speaking yung mga tao rito, kahit yung mga faculty na saglit binabati ni Gelo. Mapapasubok ata ako sa inglesian nito ah.

“Bro,” muntik ko nanaman makalimutan na Bro nga pala tawagan namin pag nasa public na kami, “Wala ba si Cassy rito?” Bigla kasi akong nahiya sa mga tao rito eh, parang di ako belong. Kung andito si Cassy at least meron pa kong isa pang kilala para naman di ako ganun ma-out of place.

“Sabi nya bukas pa yung enrollment date para sa strand nya eh,” tatanungin ko sana kung asan si Cassy at bakit hindi sya yung niyaya ni Gelo na mag-enroll sa kanya pero naalala kong sinabi pala ni Gelo kagabi na nag-out of town yung pamilya nila Cassy. Tsaka hindi pwedeng i-enroll ni Cassy si Gelo, kilala silang mag-jowa rito eh.

Sa dulo ng mahabang hall na kanina pa namin nilalakad, kita na namin yung pila sa enrollment, mga rich kids kasama ang kanilang mga equally rich guardians (kung guardian nga ba talaga nila?).

Pagdating sa school registrar, may sumalubong sa amin na grupo ng mga lalaki tas binati nila Sa Gelo, “Uy Gelo!”

“Hi guys!” bati nya pabalik.

“Kamusta bakasyon? Sayang di kayo nakasama ni Cassy sa Palawan! The best dun!” sabi nung isa.

“Kaya nga eh. Eh kilala nyo naman si Papa,” tugon ni Gelo, pero parang may kaunting kawalang-paki.

“Kaya nga eh, ang higpit ng erpats mo.”

“Guys, pinsan ko pala, si Kuya EJ,” inakbayan ako bigla ni Gelo at pinaharap sa kanila. Kumaway naman ako at ngumiti sa kanila binalik naman nila.

Sunod nun, pinag-usapan naman nila yung basketball team at ngayong sila na ang nga Senior, tiyak makakalaro na silang lahat, wala nang mababangko. Inobserbahan ko si Gelo, close nya tong mga to dahil kasama nya sa varsity pero halatang hindi nya kino-consider na kaibigan ang mga ito.

At ayun nga, nakapag-enroll na kami. Finill-upan ni Gelo yung nga kailangang fill-upan at binigay na sa akin yung form after para pimirmahan ko na. Bago pumirma, may napansin akong stamp na nasa upper part ng enrollment form nya.

Transferring to Arts and Design Track.

“Bro, lilipat ka?”

“Yes bro.”

“Pano si Tito Manny?”

“I dont care. Bahala sya. He didn’t even bothered to care na samahan akong mag-enroll ako rito. Its time to do what I really want.”

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Proud ako na nagsisimula na syang sumunod sa gusto ng puso nya, kaso parang nakikita ko na ngayon yung magiging epekto ng pag-suway nya kay Sir Manny. Di maganda to.

Pinirmahan ko yung enrollment form at nagbayad ng enrollment fee na syempre galing kay Gelo.

“So, san mo gustong pumunta?”

“Gagala pa tayo?”

“Oo naman, sasamantalahin ko nang pansamantala kang naka-“leave” sa trabaho.“

“Naks naman.”

“San mo gusto pumunta?”

“Ikaw bahala, di naman ako pamilyar sa part na to ng Maynila eh.”

“Meron akong madalas tambayan na coffee shop sa tapat lang ng parking lot. Masarap mga cakes nila dun.”

Sa main entrance kami dumaan ni Gelo, since sa tapat lang naman halos ng school nila di na kami pumunta sa parking lot para kunin yung kotse nya. So ayun, tumawid kami papunta sa isang building na andaming kainan.

Pumasok kami sa isang cafe na parang starbucks yung datingan, pang sosyal at puno ng mga estudyanteng may kanya-kanyang mga laptop.

“Anong gusto mo?” tanong ni Gelo nang makarating kami sa may counter, “Yung pang lunch na, tanghali na eh.”

“Kahit ano. Ano ba dyan yung masarap?” sabi ko habang sinisilip yung mga piraso ng cake na nakadisplay na kasing mahal na ng isang buong cake dun sa bakery malapit sa apartment namin.

“Ako, masarap,” bulong nya sa tenga ko.

“Oo nga, kaso nakakabitin eh.”

“Pero di nga, ano dito yung gusto mo?”

“Kaya nga tinatanong kita kung anong masarap rito eh, wala pa naman akong natitikman sa mga to.”

“Ah sige, ako na bahala, may ipapatikim ako sayo.”

“Kasing sarap ba yan nung pinatikim ko kagabi?” bulong ko sa kanya.

“Alin? Yung frozen brownies ni Lola?”

“Gago,” kinurot ko sya sa pisngi. Binawi ko agad yung kamay ko nang maalalang nasa public pala kami, at mag-pinsan dapat kami ngayon.

“Maghanap ka na ng table natin. Ako na mag-oorder.”

Nakakita agad ako ng bakanteng table na malapit sa glass panel na kita yung school nila Gelo sa tapat. Agad akong lumapit at umupo bago pa ko maunahan ng iba.Tinitignan ko si Gelo habang nag-oorder, di ko maiiwasang mag-alala, pano kung malaman ni Sir Manny na nagshift ng track si Gelo? Na magiging irregular sya this year dahil sa dami ng kailangan nyang habulin sa Arts and Design track? Sa pagkakakilala ko kay Sir Manny, siguradong magiging masama to kay Gelo.

Maya-maya pa, dumating na si Gelo dala yung mga inorder nya.

“Bro, sigurado kang ayos lang sa papa mo na lumipat ka ng strand?”

“Ayos lang yun sa kanya, don’t mind him.”

“Eh nakita ko kung paano ka pagalitan nung hindi ka nag-enroll sa summer school, for sure lalong magagalit nyan si Sir Manny.”

Somehow, nakikita kong nag-iiba yung reaction ni Gelo.

“Bahala sya. Ang mahalaga, sinusunod ko na yung puso ko. Thats what matters the most to me,” sabi nya habang inumpisahan nang kainin yung slice nya ng Dark Chocolate cake.

“Sa tingin ko sa college ka na lang dapat lumipat ng landas na tatahakin mo, siguro naman bibigyan ka na ng kalayaan ni Sir Manny nun kasi college ka na.”

Binaba ni Gelo yung hawak na tinidor at tumitig sa akin, “Can you please just stop? You dont know my dad!”

Nagulat ako. Never akong sinungitan ni Gelo, o kahit pinagtaasan ng boses.

Di na kang ako nagsalita. Concerned lang naman kasi ako! Kaninang umaga grabe na sya kung pagalitan ni Sir Manny, pano pa kaya pag nalaman nun na tuluyan na ngang lumipat ng track si Gelo? Baka saktan na sya nun.

Kaso mukhang di nya kailangan yung concern ko.

Mabilis kong inubos yung cake ko at frappe. Gusto ko na lang umuwi. Bahala sya.

Walang nagsalita sa amin, hanggang sa maubos namin yung kinakain namin. Nagseselpon lang kaming dalawa.

“Tara na, hatid na kita. I need to pick up Cassy from the airport pa.”

At lumabas na nga kami ng cafe. Tumawid kami papunta sa parking lot ng school nila Gelo. Wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa hanggang makarating kami sa kotse nya. Naghanap ako sa messenger ko kung sinong online para may ma-chat naman ako, para hindi kami awkward nito.

“Oh shit! Tangina naman!! Badtrip!!” sigaw ni Gelo.

“Bakit?” tinignan ko sya, sinisilip nya yung kanal na nasa ilalim ng kotse nya.

“Nahulog yung susi ko sa kanal bro.”

“Fuck, seryoso?”

“Gago oo nga! Bobo ko puta!”

“Eh pano yan?”

Sumandal sya sa kotse nya, “We need a locksmith or something kayang buksan to. Badtrip naman oh!”

“May alam kang locksmith na malapit dito?”

“Wala eh.”

“Nako, san kaya may malapit?”

“Alam ko na. Tawagan ko na lang yung mga driver namin sa bahay. Magpasundo na lang tayo.”

At ayun tinawagan nya yung isa sa mga driver nila. Nagpunta kami sa mga park bench na nasa gilid ng parking lot at dun naghintay.

“Bro, sorry nga pala kanina. Sorry being an asshole.”

“Ayos lang yun.”

“To be honest, natatakot na rin ako kung anong magiging reaction ni Daddy kapag nalaman nyang lumipat ako ng track kaya nag-snap ako sayo kanina.”

“Naintindihan ko naman bro. Pero sorry rin, nakisabay ako sa stress.”

“Alam ko namang concerned ka lang sa akin eh. And thank you very much for that bro.”

“Welcome bro,” tumingin ako sa kaliwa at kanan kung may nakatingin ba sa amin bago ko kinuha yung kamay nya at hinalikan ito.

“Love you.”

“Love you too.”

Chapter 24

“Oh? Gising ka pa?” tanong ni Ralph pagpasok nya sa kwarto namin.

Tinignan ko yung relo ko, mag-aala-una na pala ng gabi, “Hinahapit ko pa yung pag-eedit ng short film namin nila Gelo eh.”

“Naks, sipag naman,” sabi nya sahay lapag nung duffel bag nya sa kama nya sa tapat ng kama ko.

“Kamusta pag-uwi mo?” Umuwi kasi sya nung isang araw sa bahay nila.

“Ayos lang. Golden Wedding anniversary kasi nung lolo at lola ko.”

“Wow, nice. Tagal na nila ah.”

“Kaya nga eh, napa-sana all na lang ako.”

Biglang namatay yung ilaw sa loob ng kwarto. Pati yung mga electric fan.

“Gago boi, brownout,” sabi ni Ralph na parang nanigas sa kinatatayuan nya.

“Ay gago oo nga no! Takot ka nga pala sa dilim pre!” Naalala ko na kung bakit hindi kami nagpapatay ng ilaw sa kwarto kapag matutulog na. Takot talaga sa dilim si Ralph.

“Sige pre, pagtripan mo pa ko,” naupo sa kama nya si Ralph, “Di ako makakatulog nyan kapag walang ilaw.”

Ang tanging ilaw na lang sa kwarto ay galing sa laptop ni Gelo na gamit ko.

“Tara tabi ka muna sa kin, hanggang antukin ka.”

Umusog ako ng onti para may maupuan si Ralph sa tabi ko. Tumabi naman sya sa akin at agad sinilip kung ano yung ginagawa ko.

“Sa may inyo yan diba?”

“Yep. Sa may Morong.”

“Parang sa amin lang din sa Bulacan.”

“Actually ok lang naman sa akin kahit saang location eh, si Cassy yung pumili ng Morong, Rizal, gusto nya raw kasi pumunta don.”

“Kasama rin pala si Cassy dyan?”

“Oo, halos sa kanya nga lahat nung mga equipments na ginagamit namin eh.”

“Nice! Big time ka na talaga parekoy! Baka makalimot ka nyan bigla ah!”

“Uy gago hindi! Hindi ko naman gustong sumikat eh, gusto ko lang gawin yung gusto ko at kung saan feeling ko magaling ako.”

“Bakit nga pala nagustuhan mo maging direktor?”

“Ewan ko nga rin kung kelan nagsimula to eh, pero siguro simula nung natuto akong humawak ng mga camera kanila Kuya Jasper.”

Nagustuhan kong maging direktor kasi yun ang pangarap naming dalawa ni Ellie. Kaso hindi pa ata ako handang i-share kay Ralph yung bahaging yun ng buhay ko.

“Ang saya siguro non no, kapag yung trabaho mo sa future yung gusto mo rin. Parang binabayaran ka para gawin yung bagay na gusto mo talagang gawin.”

“Kaya nga eh. Para at least diba, di ka tamarin, para ma-enjoy mo na rin.”

“Nice. Sana all papunta na sa pangarap nila.”

“Bat ikaw, ano ba pangarap mo?”

“Maghugas ng mga sasakyan. Astig nga eh, Im living my dream,” sabi nya sarcastically.

“Gago, seryoso kasi pre, ano nga gusto mong maging?” Ngayon ko lang narealize na sa aming magtotropa, si Ralph lang yung, uhm, pano ko ba to sasabihin, uhm, yung parang hindi ko alam kung ano yung landas na tatahakin nya someday.

Si Terrence kasi alam naman naming may future yun sa pagmomodel, nakailang panalo na rin yun ng pageant. Si Denver naman, musika talaga yung buhay nun. Pero si Ralph, di ko pa talaga sya nakakausap tungkol sa mga gantong bagay.

“Yung totoo, hindi ko rin alam. Hindi ko na nga rin alam yung ginagawa ko sa buhay ko eh.”

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko nga rin alam kung bakit biglang lumalim ang usapan namin eh. Sa aming magkakaibigan, si Ralph ang di ko pa nakakausap ng ganto, yung seryosohan kumbaga, puro kasi kalokohan tsaka pareho kaming hindi mahilig sa mga usapang pa-deep.

“Panood nga nyan pre.”

“Luh, saka na pre, di pa ko tapos mag-edit! Baka laitin mo lang eh!”

“Sige na, kahit onting part lang,” pagmamaka-awa nya, “Please, kahit yung part lang na andun si Cassy!”

“Walang part si Cassy ulol. Puro si Gelo to.”

“Tingin na lang kahit isang shot lang,” kinuha nya mula sa kandungan ko yung laptop ko at kinandong ito sa kanya. Babawiin ko sana yung laptop kaso naisip ko wala naman itong kahit ano na pwedeng magsabi ng secret relationship ni Gelo.

Nagscroll sya sa folder na puno ng mga raw shots, pinili nyang bukasan yung pinaka una. Kinuha rin ni Ralph yung isang earphones na suot ko at isinuot sa kanya.

Yun yung pinakaunang test shot ko. Nakatutok lang sya sa malawak na bukid kung saan kami nakapark. Naaalala ko, nilapitan ako nyan ni Gelo, at maya-maya pa narinig ko na sa video yung boses nya. Tinanong nya ako kung anong ginagawa ko, sinagot ko naman sya na nagte-test shot lang naman ako.

Tinong nya kung naggugutom ba ko, kung dapat bang kumain muna kami bago namin simulan yung shoot. Kaso sabi ko kailangan naming habulin yung sunrise, iba yung natural light kapag mga gantong oras eh. Sabi naman Gelo, sabihan ko lang sya kung nagugutom na ba ako.

Pagtapos nun, binalik na sa kin ni Ralph yung laptop at yung isang earphone.

“Pre, pwede ba kong magtanong?” mahina nyang sinabi.

“Oo naman,” sabi ko, pero deep inside kinakabahan ako sa kung anong itatanong nya.

“Wag kang ma-ooffend ah.”

“Oo.”

“Pramis? Di ka maooffend ah?”

“Pag lalo mong sinasabing wag akong maooffend feeling ko lalo akong maooffend nyan,” pagbibiro ko sabay tawa ng mahina.

“Pero seryoso Ean, may gusto lang kasi akong malaman.”

“Ano yun?”

“Anong meron sa inyo ni Boss Gelo?”

“Ha?”

“I mean, meron bang namamagitan sa inyo ni Boss Gelo?”

“Pano mo naman nasabing merong namamagitan sa amin ni Gelo?”

“Lagi ko kasing napapansin na parang iba na yung closeness nyong dalawa eh,” humarap sya sa akin, “Tulad nung isang araw, dinalhan pa tayo ng pagkain nung may laro tayo, tas pinakain tayo ng pizza nung nakitambay sya rito sa atin.”

“Baliw, ganun lang talaga si Gelo,” parang the more na pinag-uusapan namin si Gelo, parang the more na gusto ko nang aminin kay Ralph yung totoo. Dahil bago pa man dumating si Gelo, masasabi kong kay Ralph ako pinakatotoo.

“Pero iba yung sweetness nyo eh. Napapansin ko tuwing nagkakatinginan kayo, parang iba.”

“Gago, di ako bading pre.” Deny lang Ean. Deny lang.

“Alam ko naman yun Ean. Kaya sabi ko kanina sana di ka maoffend eh.”

“Ahh, tsaka mag jowa sila ni Cassy ano ka ba?”

“Sorry na, naobserve ko lang naman. Sadyang ganun lang talaga kayo ka-close.”

Wala na akong masabi after nun. Feeling ko mapapaamin ako nyan ng wala sa oras kaoag nagpatuloy pa ko sa pagsasalita.

“Pero sa tingin mo possible yun na ang isang lalaki magkagusto sa isang lalaki rin pero hindi sya bakla?”

“Ewan ko, sounds gay to me,” sabi nya habang ginagaya yung boses nung isang meme, “Joke lang. Pero kidding aside, feeling ko possible yun.”

“Pano mo nasabi?”

“Wala naman kasing tao sa buong mundo yung talagang makakapagsabing kilalang kilala na nya yung sarili nya diba? May bago at may bago tayong matutunan tungkol sa sarili natin.”

“Pero tingin mo mali yun?”

“Hmm, sabi nila mali raw, pero di naman kasi ako religious kaya di ko masabi kung bakit. Ang mahalaga lang sa kin nagmamahalan sila. Dami kong napapanood na ganyan sa anime.”

Biglang bumalik na ulit yung mga ilaw, sunod naman na gumana na ulit yung mga electric fan namin sa kwarto.

“Yown! Buti naman bumalik na yung ilaw!” Bumangon sa pagkakaupo sa kama ko si Ralph at nagpunta sa kama nya.

“Yan, makakatulog ka na.”

“Kaya nga eh. Di ka pa ba matutulog?”

“Di pa pre, tatapusin ko pa yung pag-eedit eh.”

“Ah sige. Goodnight pre.”

“Goodnight pre.”

Chapter 25

“Bakit parang di naman maipinta yang mukha mo?”

Nakatambay nanaman kami ni Kimmy sa bench na nasa baba ng compound. Kakakain ko lang kasi, kaya nung nakita kong nakakatambay sa bench si Kimmy, sinamahan ko na sya sa baba para makapagpatunaw ako ng kinain.

“Bakit anong meron?”

“Kanina pa kaya nakakunot yung noo mo.”

“Nabusog lang kasi ako, ansarap nung nilutong lumpia ni Terrence eh.”

“Wews, ako Ean wag mo kong chinacharot ha! Alam ko yung mga kinemeng ganyan! Sige na kwento mo na!”

“Wala nga pramis.”

“Wala raw pero ang lalim ng iniisip mo.”

“Huh? What do you mean?”

“Wala naman inglishan! Walang ganyanan huy!”

“Oh sige,” di ko naiwasang mapangisi, “Ano ba ang ibig mong sabihin sa iyong mga tinuran binibini?”

“Sige ha, makipag-usap ka sa akin ng ganyan hanggang mamaya ah!”

“Tinatanggap ko ang iyong hamon, binibini.”

“Pero seryoso na kasi, ano nang progress mo dun sa pagiging kabit mo? May latest na ba? May nag-away na ba?”

“Wala ganun pa rin. Wala namang naging bago.”

“So kelan mk balak kumilos? Pag may nasaktan na? Kapag may nag-away na?”

“Hindi naman kasi madali Kims, lam mo yun, mahal ko eh,” naalala ko bigla yung nakaupo kami ni Gelo sa bench sa parking lot ng school nila, at nung nag-i love you sya pagtapos nyang mag-sorry sa kin.

“Ang tanong, mahal ka ba?”

“Oo, mahal ako nun,” yun na ata yung pinaka confident kong sinabi kay Kimmy. Ramdam na ramdam kong mahal na mahal ako ni Gelo, sa tuwing magkikita kami, nakikita ko sa mga mata nyang masaya syang makita ako, sa tuwing wala na kaming masabi sa isa’t-isa dahil napagkwentuhan na namin lahat, ngingitian nya lang ako tas mapapangiti na lang rin ako.

Love is in the details nga kumbaga.

“Kung mahal ka talaga, ipaglalaban ka, di ka nya hahayaang may kahati sa puso nya.”

“Pero kasi-” kokontrahin ko sana yung sinabi ni Kimmy, na kahit gusto akong ipaglaban ni Gelo, hindi pa rin talaga maaari, kaso biglang nag-vibrate yung phone ko.

Tumatawag si Gelo.

“Hello bro?”

“Bro, nasan ka?”

“Andito na sa amin. Bakit?” First time to ah, na tinanong nya kung nasan ako.

“Bro, can you help me?”

Napatayo ako bigla dun, “Ha? Bakit? Anyare bro? Asan ka?”

“Nasa tapat ako ng apartment nyo. “

Dali-dali akong pumunta sa gate ng compound para tignan kung andun ba talaga sya. Andun nga sya. Nasa kabilang kalsada at nakasandal sa isang poste ng ilaw. Hinanap ko sa paligid yung sasakyan nya, pero wala ito.

“Uhm, Kimmy, sandali lang ha,” paalam ko kay Kimmy at dali-daling lumabas ng compound. Tumawid din ako ng kalsada para makalapit kay Gelo.

“Bro, bakit? Anong nangyari?”

Pagtingin sa akin ni Gelo, para syang maiiyak na di ko maintindihan. Bigla nya akong niyakap. Pinatong nya sa balikat ko yung ulo nya at nagsimulang umiyak.

“Bro? Gelo? Anong nangyari?” tumingin ako sa apartment at sa paligid, mukhang wala pa namang nakakpansin sa amin.

“Lumayas ako sa amin bro.”

“Ha? Bakit!?”

“Dad’s a fucking asshole,” nakita ko yung kanan nyang kamao na namamaga at nagdurugo.

“Tara na sa taas, gamutin natin yang mga sugat mo.

Pagpasok sa compound, buti naman wala na si Kimmy, kundi baka maghinala na rin yun tulad ng paghihinala ni Ralph sa amin nung isang gabi. Pagdating sa taas, tulog na si Ralph at Denver samantalang katatapos lang ni Terrence mag-hugas ng pinggan.

“Oh? Anong nangyari pre?” tanong ni Terrence pagpasok namin. Pagpasok sa loob ni Gelo, dun ko lang nakita ng mabuti na namaga rin ang isa nyang mata. Agad ko syang pinaupo sa sofa.

“Sinapak ka ba ni Sir Manny?”

Tumungo sya. “Kaninang umaga, tinawagan kami nung modelling agency na pinasahan ko ng set cards ko. Tanggap na raw ako. Nalaman ni Daddy, tas dumagdag pa na may nagsabi sa kanya na taga school na lumipat ako ng track. Ayun,” tinuro nya yung namamagang mata.

“Teka sandali bibili lang ako ng yelo,” sabi ni Terrence na dali-daling lumabas ng pinto.

Ang sakit. Ang sakit na tignan ng ganito si Gelo. Hinang-hina, umiiyak, pawis na pawis, naghahabol ng hininga.

“Nasan yung kotse mo?” tanong ko, “Wag mong sabihing tinakbo mo lang mula sa inyo hanggang dito?

Dahan-dahan syang tumayo.

Nagpunta ako sa kwarto para kumuha ng t-shirt at shorts para makapag-palit na ng damit si Gelo. Habang nagbibihis si Gelo, nakita ko pa yung andaming pasa sa may tyan at tagiliran nya. Di ko alam kung anong gagawin ko.

Nakakaramdam ako ng galit. Bakit kailangan masaktan ng mahal ko? At sa kamay pa ng tatay nya. Pero nakaramdam din ako ng panghihina, alam ko kasing wala rin akong magagawa dahil si Sir Manny yun.

Mabilis ko syang hinalikan sa labi, “Magiging okay rin ang lahat BB.”

“Thanks BB.”

Pagbalik ni Terrence, dinurog nya yung yelo tas binalot nya yung pinakamalaking tipak sa bimpo at binigay kay Gelo para ilagay sa mata nya. Habang ako naman, kumuha ng betadine at bulak para gamutin yung mga sugat nya sa kamao, na pagtapos kong linisan, binalot ko sa gaza.

“Pasensya na, nakaistorbo pa ko sa inyo,” sabi ni Gelo, pero more on para kay Terrence, since alam nya na si Terrence yung pinaka kuya namin dito.

“Ayos lang yun Boss, kaibigan ka na rin naman namin eh.”

Maya-maya, nagpaalam na rin si Terrence na matutulog na sya, at nagpasalamat kaming dalawa. At muli, kaming dalawa na lang yung natira sa sala.

Tumabi ako sa kanya sa sofa at hinawakan yung kamay nyang may sugat at hinalikan ito.

“Hindi ko maintindihan Ean, ang gusto ko lang naman sundin yung puso ko. Buong buhay ko wala naman na akong ibang ginawa kundi sundin yung gusto nila. Hindi ba pwedeng ngayon ako naman yung magdesisyon para sa sarili ko?”

“Ang mahalaga sinubukan mo diba?”

“Dapat pala nakinig na lang ako sayo nun. Di na dapat ako lumipat ng track. Dina dapat ako ng modelling.”

“Baliw, kung di ka na nagmodelling edi hindi na tayo magiging close.”

“Eh kung di ako lumipat ng track, di ako mabubugbog ng ganto.”

Wala akong masabi dun kaya nagbiro na lang ako, “Malas natin sa mga tatay natin no?”

“Kaya nga eh, badtrip,” tas humarap sya sa akin, “Well, at least swerte ako sayo.”

Inakbayan ko sya at hinila sya papalapit sa akin, sinandal nya naman ang ulo nya sa balikat ko.

Kung iba kang siguro yung sitwasyon, isa na ata to sa pinakamasayang gabi. Kaming dalawa lang, magkaakbay. Suot nya yung damit ko. Hawak ko yung kamay nya. Eto lang, kuntento na ko.

“So, dito ka na muna sa amin titira ngayon?”

“Pwede ba?”

“Oo naman! Pwedeng-pwede! Im more than willing, syempre tabi tayo sa kama eh.”

“Yieeee,” pinisil nya yung kamay ko, “Kaso baka makahalata nyan yung mga kaibigan mo?”

“Hindi yan, sabi ko naman sa kanila na close lang talaga tayo,” gusto ko sanang sabihin na naghihinala na sa amin si Ralph kaso baka hindi sya maging kumportable sa pag-stay nya sa amin pag nalaman nya yun.

“Hmmm, kelan kaya natin masosolo yung bahay? Hmmm?”

“Tangina mo, yun agad nasa isip mo, magpagaling ka muna hoy!”

Bigla nanaman nag-vibrate yung phone ko. Si Cassy naman yung tumatawag.“

“Gago bro, tumatawag si Cassy. Anong gagawin ko? Sinabi mo ba sa kanyang pupunta ka rito?”

“Hindi.”

“Anong sasabihin ko?”

“Wala ako rito.”

“Gago, paano kapag nalaman nya yung totoo? Magagalit yun na nagsinungaling ka sa kanya,” napanood ko na to sa TV eh, madalas yung mga girlfriend sila yung kakampi ng mga magulang, sila yung nagsusumbong sa mga magulang.

“Edi sabihin mong andito ako, pero sabihan mo rin na wag na wag sasabihin kay Daddy na andito ako.”

Sinagot ko yung tawag ni Cassy.

“Oh my gosh Ean! Thanks God sumagot ka na! Nandyan ba sa inyo si Gelo? Lola Mercy called me, naglayas daw si Gelo! Do you have any ideas kung san sya nagpunta?” mabilis at sunod-sunod nyang tanong.

“Uhm,” tumingin ako kay Gelo for guidance, “Oo, andito si Gelo sa amin.”

“Thanks God! Can you please give the address of your house please? I just want to see Gelo, please?”

Tumuro si Gelo sa baba, nagtatanong kung pupunta raw ba dito si Cassy. Tumango ako. Napa face palm sya.

Binigay ko kay Cassy yung address namin.

“Thank you very much Ean! Tell Gelo I’ll be there in a bit.”

Pagkababa ni Cassy sa tawag, nagtinginan kami ni Gelo. Di namin alam dalawa yung maganda bang pinapunta namin dito si Cassy. Pero wala na eh, nabigay ko na yung address ko kay Cassy at papunta na rin sya.

Sana lang talaga di nya sabihin kay Sir Manny na andito si Gelo.

Pagdating ni Cassy sa apartment namin, maging sya nagulat nung nakita kung anong sinapit ni Gelo. Agd nyang niyakap si Gelo.

“Babe what happened?”

“My Dad happened.”

“I cant believe Tito Manny did this to you,” sabi ni Cassy habang hinihimas yung namamagang mata ni Gelo. “And I cant believe na ganto yung inabot mo. Lola Mercy just told me na lumayas ka, wala syang sinabi na sinaktan ka ni Tito Manny.”

“Why didn’t you called me right away? Bakit di ka nagpunta sa amin?” Nga naman, kung ako si Cassy, tatanungin ko rin kung bakit hindi sya sa amin pumunta agad.

Ibig sabihin ba non mas mahalaga na ako kesa kay Cassy?

“Sorry babe, its just that kapag sa inyo ako pumunta, Dad mighr find me there, or he might ask your parents if I am there.”

“Sabagay, pero Im glad you’re really safe,” tas tumingin sa akin si Cassy, “Thanks Ean,” ningitian nya ako.

“No prob,” ngumiti na lang talaga ako.

Maya-maya lang nagpaalam na rin si Cassy. Akala ko makikitulog na rin sya sa amin eh, kaso naghihintay pala sa baba yung driver nila.

“Bye babe,” sabi ni Cassy sabay halik kay Gelo.

“Bye. Ingat ka ha.”

“Thanks, pagaling ka ha.”

“Yes babe.”

Sa totoo lang, nagseselos ako. Pero naalala ko, sa kanya nga pala talaga si Gelo simula pa lang.

Pag-alis ni Cassy, tumabi ulit ako kay Gelo sa sofa.

“Hanggang kelan ka rito?” kasi narealize ko na tama si Cassy, sa kanila dapat unang pumunta si Gelo. Sya dapat yung nag-aalaga sa kanya. Sya dapat yung gumagamot ng mga sugat nya.

Hindi ako.

“Pinapaalis mo na ata ako rito?”

“Hindi naman BB, grabe ka naman,” inakbayan ko ulit sya at hinila papalapit sa akin.

“Siguro hanggang sa marealize nila Daddy kung anong mali nila.”

Nilapag nya sa lamesita yung yelo na nilalapat nya sa mata nya at saka ako hinalikan.

Saka ko narealize, kay Cassy man sya nung umpisa, sa akin naman sya ngayon.

Chapter 26

“Tangina mo naman pre! Pumunta pala si Cassy sa bahay natin bat di mo naman ako ginising!?”

“Aba malay ko bang gusto mong makita si Cassy!”

“Oo naman! Alam mo namang crush na crush ko si Cassy eh!” sabi ni Ralph sabay inalog ako ng malakas.

“Hoy gago! Wag mo ko alugin nagdidrive ako!”

Galing kami sa Bayad Center at nagbayad ng bills namin at sakay kami ngayon ng motor ni Terrence na nagsisilbing service naming apat. Sabado ngayon at day off namin sa Carwash, sakto, tatapusin ko na yung pag-eedit nung film ko.

“Pero ayos lang naman pala yun, since sa atin na nakatira si Boss Gelo, baka araw-araw na rin sa atin si Cassy my loves!”

“Cassy my loves?” natatawa kong sabi, ang hopeless romantic talaga ampota.

“Di mo kasi alam yung feeling ng mainlove, babaero ka kasi!”

“Luh, una, di ako babaero, nagsasawa lang talaga sa akin yung mga naging ex kalandian ko! At pangalawa, alam ko yung feeling ng in love no.”

“Wews, kanino naman?”

“Ba’t ko sasabihin? Di ka nga naniniwala eh!”

“Sige na! Sabihin mo na!”

“Ayoko nga!”

“Balakadyan, di talaga ako naniniwala.”

Pagliko namin sa street namin, medyo nabigla kami kasi andaming tao sa tapat ng compound namin. Kinabahan ako bigla, baka mamaya, tulad nanaman to nung nakaraan na binugbog nila Greg si Terrence. Or worse, baka nalaman ni Sir Manny na nasa amin si Gelo.

Pagdating naman sa tapat ng compound, may nakita akong familiar na sasakyan.

“Anong meron?” Tanong ni Ralph sa isang chismosa na nasa nakaabang.

“May artista daw dyan sa loob ng kotse na yan! Yung sikat daw na artista sa youtube! Si Cassandra Wright!”

“Si cassy my loves?” tanong ni Ralph sa akin.

Bumisita nanaman siguro to kay Gelo.

Pagka-park ko nung motor ni Terrence, may lumapit sa aking lalaki, naka uniform sya na pang driver eh. Driver siguro ni Cassy.

“Sir, tawag po kayo ni Maam Cassy sa loob.”

“Ako po?”

“Yes sir.”

Napatingin sa akin yung mga kapitbahay kong chismosa, yung iba nagtatanong kung anong kailangan ni Cassy sa akin, yung iba naman nagtatanong kung pwede ko ba silang ikuha ng autograph kay Cassy. Di ko na lang sila pinansin at mabilis na pumasok sa loob ng sasakyan nila Cassy.

Naghihintay sa loob si Cassy na nasa tabi ng driver’s seat.

“Hello Ean!”

“Hi Cassy! Bumisita ka kay Gelo?”

“Yeah, umakyat ako kanina, pero na realize ko ang hassle pala pag umaga ako nagpupunta rito,” tumingin sya sa dami ng mga tao sa paligid ng sasakyan nya.

“Oo nga eh,” pag-sasang-ayon ko.

“Hey may tanong ako, kanina dun sa taas, your friends Denver and Terrence gave this small bread na may color red na palaman, can I ask what do you call those?”

“Kulay red yung palaman?” eto ba yung rason kung bakit nya ko hinihintay?

“Oo, square sya tas parang may red sya sa gilid pero sa loob meron din. Sobrang sarap nya. San makakabili nun?”

“Ah, pan de regla.”

“Excuse me?”

“Pan de regla tawag dun.”

“Seriously?”

“Yes ma’am, pan de regla po tawag dun,” sabi ni Kuyang Driver.

“Wow,” sabi nya na parang amaze na amaze, “Oh my gosh!! May idea na ko for my next video!! Delicious food but with weird names!! Oh my gosh, lagay ko kang sya sa notes ko wait!”

Uhm, so dahil ba sa pan de regla kaya nya ako gustong kausapin?

“So eto na nga Ean,” sabi ni Cassy sabay tago ng phone nya sa isang mallit na purse, “Free ka ba today? Magpapasama sana ako.”

“Uhm, wala naman akong gagawin today, day off ko sa work. San ba tayo pupunta? Kasama ba si Gelo?”

“No! No! Wag mong sasabihin kay Gelo na magkasama tayo!”

Ha? Teka wait.

“Ha?”

“Malapit na yung birthday ni Gelo diba? I want to buy him a gift, so please samahan mo naman ako.”

“Gift? Bakit ako?”

“Ikaw kasi yung closest friend Gelo ever had. He doesnt have that much friends you know? Kung may isang tao who might know things na baka hindi ko pa alam kay Gelo, ikaw yun!”

Closest friend. Ako.

“Uhm, sige, game ako, maghahanap na rin ako ng regalo para sa kanya.”

“Nice! Thank you Ean!! You’re always the best!!” Inabot nya yung kamay nya para hawakan yung kamay ko na agad ko naman inabot.

At ayun, umalis na kami. Nagtext ako kay Ralph na may pupuntahan lang kami ni Cassy, at wag na wag sasabihin kay Gelo na magkasama kami ngayon ni Cassy.

“San tayo pupunta Cassy?”

“Uhm,” tumingin sya kay Kuya Driver, “Kuya, san po rito yung pinakamalapit na mall?”

“SM Sta. Mesa po ma’am.”

“Oh, malaki ba yung shopping district dun?” tanong naman nya sa akin.

“Uhm,” napalunok ano, di ko kasi alam kung ano yung sinasabi nyang shopping district, yun ba yung dun ka nagshoshopping? Baka naman Department Store yung tinutukoy nya? “Hindi eh,” sabi ko na lang kahit di ako sigurado kung ano ba talaga yung pinagsasabi nya.

“SM Megamall na lang tayo Kuya, I dont mind kahit medyo malayo, at least gamay ko yung stores don,” sabi ni Cassy sabay balik sa ginagawa nya sa phone nya.

Nanliliit talaga ako pagkasama si Cassy, medyo nakakaconscious din. Feeling ko mamaya pagdating namin sa Megamall mukha lang akong alalay ni Cassy na taga dala ng mga gamit nya. Medyo na-iingit rin ako in a way, sana lumaki rin akong tulad nila no, yung tipong kaya kong bilhin kung ano man yung maisipan ko.

Maya-maya lang may tumawag kay Cassy. Nung una kinabahan ako, akala ko si Gelo na tinatanong kung magkasama kami, pero nung tawagin nyang Ms. Cindy yung nasa kabilang linya, naginhawaan ako.

Medyo nakinig ako sa usapan nila habang nakatingin lang ako sa labas ng bintana. So yung Ms. Cindy ay representative ng youtube at isa sya sa mga naghahandle kay Cassy at iba pang mga youtube content creator. May tinatanong sya something about sa ideas ni Cassy for the next videos, iniisa-isa naman ni Cassy yung ideas nya, kaso after nyang ipaliwanag yung mga ideas, nagsalita si Ms. Cindy na pababa ng pababa yung views ng videos nya.

“What?” ramdam ko kahit sa mahinang pag-what ni Cassy yung confusion.

Nawawalan na sya ng views dahil sa pagdami ng vloggers na mas may entertaining na videos. Kailangan nyang gumawa ng something na gagawa ng ingay.

Pinasok ni Cassy yung phone nya sa purse nya at pinatong ito sa patungang nasa harap nya.

“So Ean,” humarap ulit sya sa akin sa likod na parang walang nangyari, “What do you think is the perfect gift for Gelo?”

“Ah siguro,” bigla akong nablangko. Ano nga bang magandang ibigay sa lalaking meron na halos lahat? “Siguro isip ka ng isang bagay na naging bahagi ng ng relationship nyo.”

“Huh? What do you mean?”

“Ako kasi, sa mga naging relationship ko, tuwing kailangan ko silang regaluhan, iisip ako ng isang bagay na parang magti-trigger ng memory na ginawa namin. Isip ka ng isang bagay na kapag nakita ni Gelo, may maaalala syang good memory nyong dalawa.”

“Hmmmm, sige iisip ako.”

Ako rin mag-iisip na.

Pagdating sa SM Megamall, nagpababa na si Cassy sa main entrance, pero bago bumaba, chineck nya muna sa salamin yung sarili nya. Nakalimutan kong artista nga pala yung kasama ko. Nahiya naman ako sa t-shirt at jersey shorts ko, mukhang tambay na tambay, kaya saglit kong tinignan yung mukha ko sa cellphone ko para at least maisalba ng ka-pogi-an ko yung ka-jolog-an ko. Joke.

“So, do you have any stores in mind?” Tanong ni Cassy pagkapasok namin sa loob.

Pagbaba pa lang namin sa sasakyan, pinagtinginan na kami ng mga tao, yung iba kanya-kanyang labas ng mga selpon nila at kuha ng picture kay Cassy, medyo lumalayo nga ako eh, mahirap na baka madiscover pa yung kadugyutan ko.

“Uhm, ano bang gusto mong iregalo sa kanya? Damit? Sapatos? Accessory?”

“Di ko rin alam eh, do you think maaappreciate nya yung apparels? Parang meron naman na kasi sya ng lahat eh.”

“Yun nga yung iniisip ko eh, he has everything naman. I can give intangible things, yes, I mean pwedeng memory, or experience yung regalo ko sa kanya, pero alam mo yun, iba kasi kapag material eh diba? Like, yung gusto ko yung pwede nyang magamit araw araw o makita man araw-araw at least.”

“Parang figurine, or uhm,” wala na kong maisip.

“Something na kapag nakita nya, it will remind him of me, na binigay ko yon on his special day,” paliwanaga nya nang biglang may lumapit sa kanya na bata at nagpapicture, ngumiti naman si Cassy at pumayag.

Nagpresinta na akong magpicture at kinuha yung phone nung bata at pinicturan silang dalawa. Nagsilapitan naman yung mga tao na napansin kong kanina pa kami pinaliligiran na parang nahihiyang magpapicture, at pumila na rin.

“Guys, Im sorry, but we really need to get going,” sabi ni Cassy pagtapos nung mga pang-labing apat o pang-labinglima atang nagpapicture, “Sorry talaga pero, I need to buy something talaga.”

Tumingin sya sa akin na parang nanghihingi ng tulong, mabilis kong kinuha yung kamay nya at hinila sya palabas dun sa bilog na nabuo ng mga fans nya.

“OMG! Sino sya?”

“Boyfriend ba nya yan?”

“Hindi baliw, si Angelo yung boyfriend nya diba?”

“Then who’s he?”

Nang makalayo kami sa kanila, naramdaman kong parang nagbuntong hininga si Cassy.

“Ok ka lang?”

“Ok lang naman,” tumigil kami sa paglalakad, binitawan ko yung kamay nya, “Medyo nabigla lang ako nung tumakbo tayo, Im not prepared,” sabi nya habang naghahabol ng hininga, “Thank you.”

“Welcome,” tumingin ako sa paligid, may mga tao pa ring nakatingin sa amin, sa kanya pala. Yung iba mga nakatutok yung camera sa amin. Sana lang talaga walanhg umabot kay Gelo na pic naming dalawa.

“Gusto mo kumain muna tayo? Para mapag-usapan pa natin more what to give to Gelo?”

“Bahala ka, ayos lang naman sa kin.”

“San mo gustong kumain?”

“Uy dun lang sa mura ah, wala akong budget ngayon eh.”

“Syempre my treat ano ka ba! So tara na, I’ll take you to this japanese restaurant na lagi namin kinakainan ni Gelo!”

Sinundan ko syang maglakad hanggang sa makaabot kami sa part ng Megamall na parang mga pang mayayaman na yung mga tindahan, mga branded na tindahan at mga sosyal na kainan. Dito mas onti yung mga tao, halos wala nang tumitingin sa amin, at lahat ng makasalubong namin, may mga dalang mga shopping bag na galing sa mga branded na tindahan.

Napadaan nga kami sa isang outlet ng Nike. Medyo bumagal yung lakad ko, ganda nung mga sapatos eh.

“Do you want to take a look inside?” tanong ni Cassy ng mapansing di ko maalis yung tingin ko sa Nike.

“De sige ok lang, tara na?”

“Alam mo, sapatos nga rin una kong naisip na iregalo kay Gelo eh, kaso narealize ko andami pa pala nyang sapatos,” this time, sya naman yung humila sa akin papasok sa loob, “Tara tingin tayo! Malay mo may makita kang pwedeng iregalo sa kanya.”

Pagpasok sa loob, pakiramdam ko parang nasa langit ako. Yung amoy ng goma at tela sa loob yung unang sumalubong sa akin. Ganto pala yung amoy ng tindahan ng original na mga Nike.

“Nakalaro mo naman na si Gelo magbasketball diba?” tanong ni Cassy habang tumitingin sa mga Iconic Socks sa isang stante.

“Yep, galing nga nun lumaro eh.”

“Yeah, I always say that to him, kaso ayun, mahina pa rin confidence nya sa paglalaro. Muntik na nga yun mag-quit sa Basketball team last school year eh.”

“Bakit naman?”

“Ewan ko, ang alam ko he doesnt really get along well with his teammates.”

Teammates? Eh sa pagkakaalala ko, mukhang mabait naman yung mga ka-teammate ni Gelo eh nung nakilala ko sila nung inenroll ko si Gelo. Niyaya pa nilang sumama si Gelo at Cassy sa bakasyon nila nung bakasyon.

“Uy, baka may makita kang gusto mong iregalo kay Gelo, sabihin mo lang, sagot ko na.”

“Talaga?”

“Dahil sinamahan mo ko today, oo, talagang-talaga,” natatawang sabi ni Cassy.

“Salamat!” sa wakas, pwede ko na ring maibalik in a way yung pagregalo ni Gelo sa akin nung isa nyang sapatos na di pa nya nagagamit.

Iniwasan ko nang tumingin sa mga sapatos at mga damit, nakakahiya naman kay Cassy, kaya sa mga medyas na lang ako tumingin, sa mga Iconic socks na tinitignan ni Cassy kanina.

Habang iniisa-isa ko yung mga Elite Socks sa istante, may napansin akong isa na kulay Light Blue at kulay Dark Blue. Agad ko tong kinuha. Naalala ko yung kulay ng mga onesie namin nung nagovernight ako kanila Gelo. Tinignan ko pa to mabuti at nakitang may mga gold details pa ito sa gilid.

“Uy!! That’s cute! I like the color combination! So very Gelo!”

“Blue ba favorite ni Gelo?”

“Yeah. Eto na ba pang reregalo mo?”

Inabot ko sa kanya yung medyas, “Oo eto na.”

“Make it two,” saglit syang naghanap at nakakita rin ng isang kakulay rin nung una naming kinuha, “In case mamisplace ni Gelo yung isa, at least may isa pa, alam mo naman yun.”

In case mamisplace yung isa, at least may isa pa.

Parang ako. Reserba.

Chapter 27

“Oh my gosh! I forgot to ask! How’s the film!” Biglang sabi ni Cassy habang hinihintay namin yung order namin. Kanina pa kami rito sa japanese restaurant na sinasabi nya kanina at puro si Gelo yung topic namin.

“Ayos naman, editing na lang ako, malapit na,” nakaramdam nanaman ako ng hiya ng maalalang sa kanya galing yung karamihan ng mga requipment ko, “Nilagay nga pala kita as Producer.”

“Wow! Thanks!” sabi nya sabay inom sa red iced tea na una nang sinerve sa amin, “Do you want me to upload it on my youtube account?”

“Ayos lang naman.”

“Or, gumawa ka na lang ng sarili mong youtube!! Para naman maka-create ka ng sarili mong following diba! That’s going to be lit!”

“Nako, di ata ako para sa youtube.”

“Pero ano pa bang saysay ng mga obra mo kung walang makakakita diba?”

Gusto ko naman na mas maraming makakita sa mga gawa ko, pero hindi ko pa ata kaya yung ganung lifestyle.

“Di ko kasi sigurado kung para sa akin ba yung mga ganun.”

“Sabagay, its not that easy,” bigla nanamang nagbago yung mood nya, “Takes a whole lot of adjustments. But not all of it were worth it.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Nothing,” sabi nya na parang biglang nagbago yung mood, na masaya na ulit sya, pero agad itong bumalik sa pagiging gloomy, “Its just that, I feel like Im out of my skin lately.”

Out of her skin? “Anong problema?”

Tumingin sa kaliwa at kanan si Cassy at hininaan yung boses nya, “This is not me Ean.”

“Buong buhay ko Im introverted. Never in my wildest dream na ginusto ko maging online celebrity. Its not what I really want!”

Para bigla syang natauhan sa mga sinabi nya, “Sorry Ean, I feel like Im ruining the mood.”

“Hindi! Ayos lang! You can open up to me naman eh,” anubayan! Pati ako napapa-english na!

“Thank you, Im just occupied lang kasi sa mga sinabi nung agent ko sa youtube. Im losing a lot of subscribers. It just hurts na marinig sa mga taong sumuporta sayo since day 1, na you’re not relevant to netizens anymore. “

Gusto kong maguluhan, ibang-ibang Cassy ang kaharap ko ngayon. So fragile, so vulnerable. For the first time naramdaman kong halos magka-lebel na rin kami. Wala yung confidence at yung charisma na sumisingaw sa kanya na parang pabango.

Para syang naging isang normal na tao bigla.

“Kung hindi dahil kay Gelo, hindi ako magiging youtuber. Everything, will not be possible if not because of him. Sya yung naniwalang kaya ko, sya yung tanging nanatili sa tabi ko sa mga panahong pakiramdam kong wala nang natira para sa akin. Gelo came to my life, the time na everything seems to be falling apart. I dont know, but I guess its just Gelo’s superpower, he can heal any heartache is he’s near.”

Totoo yun, may something talaga kay Gelo na nakakapagpagaling.

“Mahal na mahal mo talaga si Gelo no?”

“More than anything else. I will give up my career for him. I’ll give up everything. He taught me how to love myself, so he became my most beloved person aside of myself. He means a lot to me.”

Pakiramdam ko parang dinudurog na parang ewan yung dibdib ko.

“Pero pano kung saktan ka bigla ni Gelo?”

“I dont believe it’ll happen. I trust Gelo enough na ako rin yung person that matters the most to him.”

Parang binubuhol yung lalamunan ko, parang pinipigilan akong magsalita ng kung anong biglang nangialam ng mga laman-loob ko.

Mahal nya si Gelo. Pinagkakatiwalaan nya si Gelo.

Sila dapat dalawa ang masaya. Sila dapat ang para sa isa’t-isa.

“Maya na yung kadramahan! Andyan na yung food!” sabi ni Cassy na tila bumalik na sa normal nyang sarili, yung vlogger na minamahal sa buong bansa dahil sa confidence at charisma nya, na mula sa taong minamahal nya ng buong puso.

Na hindi nya alam na may kahati sya.

“Uhm Ean, can I ask a favor?” tanong nya bago kami kumain.

“Ano yun?”

“Please dont tell anyone yet what I am going through. Sa tin lang yun dalawa.”

Tama si Kimmy. Di ko na kailangang may masaktan pa o may mag-away. Pakiramdamn ko unti-unti na rin gumagaan ang loob ko kay Cassy, at ang sakit isipin na mas magiging masakit to once na nalaman nya ang namamagitan sa amin ni Gelo.

“Promise,” sabi ko at ngumiti ng pinakahonest kong ngiti.

Habang kumakain, kung ano-ano lang yung pinag-usapa namin, si Gelo, yung mga kalokohan nya, pero since mahilig kami pareho sa film editing, halos tungkol sa mga vlogs at mga film yung pinag-usapan namin.

“So ayun, I still dont have any idea what to give to Gelo.”

Inisip kong mabuti kung ano ba yung dapat iregalo ni Cassy kay Gelo. Somehow, binalikan ko yung gabing nakilala ko silang dalawa, nung gabi ng debut ni Cassy.

“Naaalala ko nung debut mo, merong malaking painting mo sa may pavillion katabi nung inuupuan mo, sabi ni Gelo ikaw daw may gawa nun, what if i-paint mo sya?”

Biglang nagkaroon ng parang realization na ewan si Cassy, “Oo nga! You’re right!! Matagal na syang nagpapagawa ng ganun sa akin eh!”

“Tsaka ang astig mo mag-paint, for sure magugustuhan nya yun.”

“Hala, thank you! Saktong nandito yung Art Bar, dun ako bumibili ng materials.”

Pagtapos kumain, pumunta kami sa Art Bar. Sobrang na-amaze din ako pagpasok namin. Hindi pa ko nakakita ng ganto kadaming art materials sa isang tindahan, pero mas nagulat ako sa mga presyo nila, talagang mga tulad lang nila Cassy yung makaka-afford.

“Maraming salamat ulit sa pagsama Ean, I really appreciate it. And also for being there for Gelo,” sabi ni Cassy sa akin habang nasa cashier kami.

“Wala yun, ako nga dapat yung nagpapasalamat sa inyo eh.”

“I wish maayos na yung gusot sa pagitan ni Tito Manny at Gelo no. I know its really hard for Gelo.”

“Kaya nga eh, yun rin iniisip ko. Sana may magawa ako para mapag-ayos silang dalawa, pero yung hindi ma-ooffend si Sir Manny at masusunod pa rin ni Gelo yung gusto nya.”

“Actually iniisip ko rin yan,” inabot sa kanya nung cashier yung mga pinamili nya at inabot naman nya yung card nya, “Pero to be honest, I noticed something about Gelo this past few weeks.”

O shit. Bigla akong kinabahan dun ah.

“Ano yun?”

Paglabas namin sa Art Bar, nagyaya si Cassy sa isang milktea shop. Syempre treat nya. Pagkapila namin, may ilan na lumapit sa kanya para magpapicture pero di naman kasing dami nung kanina na halos dumugin na sya sa dami.

“So, ano nga pala yung sinasabi mo na napansin mo kay Gelo?” Tanong ko nung umalis na yung mga nagpapapicture kay Cassy, kinakabahan kasi ako kung ano yun.“

“Something changed eh. Pero for the better,” napanatag na yung loob ko pagkasabi nun, “Like, he became more outgoing. I mean, dati kasi contained lang sya. Like, kapag magyayaya akong ganito, ganyan, lagi nyang sasabihing tinatamad sya, or may pupuntahan sya pero ayon kay Lola Mercy nag-playstation lang pala maghapon.”

Turn na namin kaya umorder sya ng tatlong large blueberry cheesecake na shake. Napakthoughtful naman na girlfriend ni Cassy, pasalubong nya siguro to kay Gelo.

“Pero ngayon Ean, kapag halimbawa, magpapasama ako somewhere, ayos lang sa kanya, or minsan sasabihin nyang magkasama kayo. Not that its a bad thing ha, at least hindi na lang sya school, bahay, school, bahay, at least may social life na sya.”

Pagdating namin sa entrance kung san kami bumaba, saktong dating ni Kuya Driver na tinawagan na ni Cassy habang paalis kami sa Milktea shop.

Pagsakay, inabot ni Cassy yung pangatlong blueberry cheesecake shake kay Kuya Driver.

“Salamat Ma’am Cassy!” masayang tugon ni Kuya.

“Welcome kuya,” masaya ring tugon ni Cassy.

Di ko maiwasang isipin yung mga sinabi ni Gelo tungkol kay Cassy. Naaalala ko pa na pagtapos naming iwanan sa Morong si Cassy nung first day namin ng shooting, sinabihan sya ni Gelo na “she’s manipulative, bratty, control freak, and egocentric.”

Pero ngayong araw na ito, sobrang nag-iba yung tingin ko kay Cassy. Na-realize ko na tao rin pala sya, at sobrang bait na tao.

Pero ang hindi ko talaga ma-gets, bakit kailangang sabihan ni Gelo ng ganun si Cassy? I understand na hindi ko pa ganun talaga kakilala si Cassy, pero alam mo yun, pag kausap mo yung isang tao, malalaman mo rin yung personality nya.

“Anong binili nyo Mam Cassy?” tanong ni Kuya Driver habang nagmamaneho.

“Hmmmm, si Ean bumili sya ng Elite socks, tas ako bumili ako ng Art Materials. I’ll paint Gelo.”

“Wow, nice yun Maam.”

“Talaga kuya? You really think so?”

“Oo naman maam, kahit ano naman po ata ibigay nyo kay Sir Gelo maaappreciate nun eh, mahal na mahal ka nun!”

Chineck ko yung phone ko. Ayoko nang makinig sa usapan nung dalawa. Lalo lang bumibigat yung pakiramdam ko.

Nag-chat sa akin si Gelo. Tinatanong kung nasaan ako, at kung magkasama ba kami ni Cassy. Sabi ko nasa palengke lang ako at may binili, at hindi ko kasama si Cassy.

Inisip ko kung tama lang ba na magsinungaling ako kay Gelo, kaso naisip ko, parang si Gelo ang mas may kailangang linawin pa tungkol sa mga sinasabi nya.

Chapter 28

“Huy! Big time ka pala talaga no! Nakita kong sumakay ka sa sasakyan ni Cassy Wright nung isang araw!” bati ni Kimmy ng minsan umuwi ako isang umaga na galing sa pagjo-jogging. Naka-upo nanaman sya sa tambayan naming dalawa.

“Baliw, si Cassy lang yung big time. Alalay lang ako,” sabi ko after kong umupo sa tabi nya, “May pinabili lang sya sa akin. Lam mo naman yung mga sikat, di pwedeng basta basta na lang lumabas.”

“Kung big time yung friends mo, edi big time ka na rin!”

“Ganun ba yun?”

“Ganun yorn!” bigla syang naglabas ng issng supot ng pandesal na di ko nanaman alam kung saan nagmula, “So, kamusta ka na ngayon?”

“Ewan ko Kims, gulong-gulo na talaga ako,” ssbi ko sabay buntong hininga. Sumilip ako saglit sa taas, baka mamaya nasa malapit lang si Gelo baka marinig pa nya yung usapan namin ni Kimmy.

“Parang tuwing magkikita tayo lagi ka na lang naguguluhan, ano pang bago teh?”

“Lately kasi parang nagiging close ako sa original na jowa.”

“Ay weh? Talaga? Oh kamusta?” inalok nya ko ng pandesal, kumuha ako ng isa.

“Lalo akong nakunsensya,” pinunasan ko yung pawis na namumuo sa noo ko, “Dati naman kasi di kami talaga close, pero ngayon na mas nakilala ko na sya, narealize ko na ang bait bait nya, at mahal na mahal nya talaga yung jowa nya, at sobra pa nyang pinagkakatiwalaan na hindi sya sasaktan nito.

“Nako mahirap nga yan, pero alam mo, ang bobo rin ni Ate gurl!” muntik na kong maguluhan, syempre iniisip ni Kimmy na lalaki yung kaagaw ko at babae yung inagaw ko. “May boyfriend na sya na sabi mo nga, sobrang bait at sobrang mahal na mahal sya to the point na hindi nya iniisip na baka may iba syang lalaki. Bakit kailangan pa nyang pakawalan yung ganun? Di nya ba narealize na bihira na lang yung ganun!”

“Pero alam mo kung ano yung pinagtataka ko, dati nung pinaguusapan namin sya nung jowa nya, sabi nya na selfish daw at masama yung ugali nya,” napatingin sa akin si Kimmy dun sa sinabi ko, “Siguro dahil dun sa sinabi nyang yun kaya parang lumayo yung loob ko sa kanya, kaya siguro di ako nabigyan ng chance na makita yung good side nya, ganun.”

“Weird non.”

“Kaya nga eh.”

“Its either nagsisinungaling yang kalaguyo mo, or,” nay emphasis talaga sa or, “Or, nagpapakitang tao lang sayo yung jowa nya. Alin sa tingin mo yung mas posible?”

“Sa tingin ko, nagpapakitang tao lang yung jowa nya,” sagot ko kahit hindi ako ganun ka-sigurado.

Tinitigan ako ni Kimmy na parang tinubuan ako ng pangalawang ulo.

“Alam mo ikaw, pogi ka nga pero ang tanga mo! No offense.”

“None taken,”  bukod sa sanay na ko sa mga salitaan ni Kimmy, feeling ko ako rin yung tanga sa sitwasyon na to.

“Nagsisinungaling yang kalaguyo mo!”

“Pano mo nasabe?” ginaya ko yung ‘pano mo nasabe’ na meme.

“Sabi na nga ba, hindi talaga maganda yung loob ko dyan sa kalaguyo mo sa umpisa pa lang.”

“Ha?”

Marahas na nagkamot ng ulo si Kimmy, frustrated na frustrated na sya, “Di mo pa ba talaga gets!?”

“Ano ba dapat kong magets!?”

“Sino sa inyong dalawa yung gumawa ng first move para maging kayo?”

“Sya.”

“Anong sinabi nyang dahilan kung bakit nya inentertain yung pakikipagrelasyon sayo, kahit may jowa sya?”

“Sabi nya mahal pa daw nya, pero parang unti-unting nawawala yung feelings nya.”

“So na fall out of love sya?”

“Parang ganun na nga.”

“Di mo pa rin ba ko ma-gets?”

“Hindi eh,” napakamot na lang ako ng ulo, parang lalo ata akong naguluhan sa mga sinabi ni Kimmy.

“Argh!” Humarap si Kimmy sa akin, “From the start, sinungaling at cheater na yang kalaguyo mo! At darating yung panahon, na ikaw naman ang lolokohin nya!”

“Hindi naman nya siguro gagawin yon.”

“Alam mo nabulag ka na ng pag-ibig boy,” binilog nya yung balot ng pandesal na wala nang laman at shinoot sa malapit na basurahan.

“Basta ang akin Ean, cheaters will always be cheaters. Old habits die hard. Yung iba nga diba, may asawa at anak na, pero nagagawa pa ring mambabae o manlalaki,  biruin mo yun ah!”

Cheaters will always be cheaters.

“Kaya ikaw, iligtas mo na yang sarili mo bago pa mahuli ang lahat!”

Biglang tinawag ni Mang Berto si Kimmy. Agad naman syang nagpaalam at pumasok sa loob ng bahay nila.

Pag-akyat ko sa taas, naabutan ko si Gelo na nanonood ng cartoons sa umaga sa TV namin.

“Hi BB, musta jogging?”

“Ayos naman,” umupo ako sa tabi nya sa sofa, yayakapin ko sana sya kaso pawis na pawis pa ko, “Asan sila Ralph?”

“Umalis silang tatlo eh, akala ko sumunod sayo.”

“Hindi ko naman sila napansin dun sa may park.”

“Ah baka may binili lang.”

Hinubad ko yung t-shirt kong basa ng pawis. Pinunas ko to sa katawan ko at saka sinukbit sa balikat ko.

“Ang hot mong tignan na ganyan,” sabi ni Gelo. Humiga sya at ginawang unan yung hita ko.

“Mas hot ka tignan pag suot mo yung mga damit ko,” sabi ko sabay marahan na hinimas yung buhok nya.

Bumangon sya mula sa pagkakahiga at kumandong sa kin, ramdam na ramdam ko yung paglapat ng pawis ko sa katawan nya, pati na rin sa sando kong suot nya. Dahan dahang gumiling sa kandungan ko si Gelo habang hinihimas ang pawisan kong katawan.

Mali to. Maling-mali ito.

“Gelo?”

“Bakit?”

“Sa tingin ko hindi deserve ni Cassy tong ginagawa natin?”

“What do you mean?”

“Di nya deserve na maloko ng mga taong pinagkakatiwalaan nya.”

Natigilan sa sinabi ko si Gelo. Umalis sya sa pagkakaupo sa akin at naupo na lang sa tabi ko.

“Di ba eto naman talaga yung gusto mong gawin ko simula pa lang? Yung sundin ko kung ano yung gusto ng puso ko?”

“Oo, sinusunod mo nga yung gusto mo pero may mga nasasaktan ka naman!”

“Pero mahal na mahal kita!”

“Pero ayaw kong maging dahilan para makasakit ng iba!”

Alam kong andaming gustong sabihin ni Gelo sa mga oras na ito, kitang-kita sa mga mata nya.

“Kung mahal mo talaga ako, gagawa ka ng tamang paraan para maging sayo ako.”

Imbes na sagutin ako, mabilis na hinawakan ko ni Gelo sa makabilang pisngi at hinalikan ako. Mabilis na nawala na parang bula lahat ng iniisip ko simula pa kanina.

Sa tuwing hinahalikan ako ni Gelo, pakiramdam ko, may bagong mundo na nagbubukas para sa akin. Mundo na kami lang dalawa ni Gelo, wala nang iba pa.

Saglit na pinutol ni Gelo ang halikan namin, tumingin sya sa mga mata ko, at kita ko sa mga mata nya na mahal na mahal nya ako, kita ko na kailanman hindi nya ko sasaktan. Kitang-kita ko sa dalawang mata nya na mahal na mahal nya talaga ako, kaya this time, ako naman ang humawak sa ulo nya at sinibasib sya ng halik.

“Tangina, ba’t di kita kayang tiisin.”

Mabilis at marahas ang paghahalikan namin ngayon, something na hindi pa naman ginawa, laging mabagal lang kami magromansa, pero ngayon, ramdam na ramdam ko yung pangangailangan namin sa isa’t isa. Mabilis kong hinubad ang sandong suot nya at sinimulang halikan sya sa leeg pababa sa kanyang dibdib.

“Tao po!” napabalikwas kaming dalawa ng biglang may kumatok sa pinto.

“Bro, si Cassy!” bulong ni Gelo na dali-daling umalis sa ibabaw ko at mabilis na kinuha yung sando ko sa lapag, “Anong gagawin natin?”

“Pupunta ako sa banyo, sabihin mo galing tayo sa jogging,” sabi ko at mabilis na pumunta sa banyo.

Habang nasa loob, nag-umpisa na rin akong maligo, baka sakaling marinig ni Cassy sa labas yung lagaslas ng tubig at maniwala sa amin. Mula sa banyo naririnig ko silang mag-uusap, kakamustahin ni Cassy si Gelo, kung nakapag-usap na ba sila ni Sir Manny, tas ikukuwento ni Cassy yung ideas nya para sa bago nyang videos. Ganun naman lagi tuwing pumupunta rito si Cassy.

Pero ngayon naririnig kong sinara nila yung pinto at narinig kong naglalambingan na silang dalawa at nagtatawanan.

Nilakasan ko na lang yung bukas ng tubig at nagsimulang magbuhos ng malamig na tubig sa nag-iinit kong katawan.

Baka sakaling magising na ko sa kagaguhang to.

Chapter 29

“Naks! Pwede na tong ilaban ah!” sabi ni Kuya Jasper pagtapos nyang panuorin yung short film ko.

“Iba ka na talaga kuys, pang-malakasan ka na mag-edit!” sabi naman ni Jan-jan na pinapanood pa pati yung credits, “Di pa rin ako makapaniwalang close kayo ni Cassy Wright, akalain mo yun, sya pa nag-produce ng film mo! Big time ka talaga!”

“Baliw, sila lang yung big time, di ako.” Bat kaya ganun lagi iniisip nila, na kapag may kaibigan ka nang sikat, big time ka na?

“Pero malapit na yan Ean, sigurado akong makakapasa ka nyan a scholarship mo!” sabi naman ni Ate Val na busy sa pag-le-lay-out ng invitations sa isang debut na kami rin ang mag-cocover sa isang linggo.

Medyo na-miss ko na nga mag-cover eh, yung huli naming gig yung kay Cassy pa.

“Sa tingin mo Kuya Jasper pwede na yan ipasa?”

“Oo! Pwedeng pwede na yan! Pano mo ba ipapasa?”

“By email.”

“Pasa mo na!”

“Feeling ko kasi hindi pa ganun ka-perfect.”

“Ganun talaga baliw, di kailangang maging perfect ng gawa mo, unang film mo pa lang naman diba? Tsaka naghahanap sila ng may talent pero amateur na pwede nilang turuan pa, di sila naghahanap ng propesyunal. Tsaka di lahat ng obra perfect talaga.”

“Oo, para sa pag-ibig!” sabat ni Jan-jan, “Walang perfect na pag-ibigan!”

“Humugot ka nanaman,” sabi ko, “Ganyan ba talaga pag nabubusted ng crush?”

“Luh, wag ganun sir! Wala namang banggitan ng pag-busted!”

Umalis na sa harap ng computer nya si Kuya Jasper, “O sya, eto na Ean, pasa mo na yang film mo!”

Ayun, humarap na ko sa computer at pinasa na yung film ko gamit yung email ko.

“Kuya Ean! Baka naman pwede mo kong ipakilala kay Cassy Wright!” kantyaw ni Jan-jan pagtapos kong isend sa school yung film ko.

“Loko, may boyfriend nga diba?”

“Maghihiwalay rin yun!”

“Gago! Mukha lang kayong mag-ate,” sabi ko.

“Ipapakilala lang naman, di ko naman liligawan eh!”

Maya-maya lang may nagrespond na sa email na pinagsendan ko nung film ko.

Congratulations, we heave received your entry for our 20th Annual Scholar’s Film Festival. Kindly wait for further announcements and also the date of the announcement of winners.

“Ean!! Ean!!” Narinig kong biglang may tumatawag sa akin galing sa labas. Kasunod kong narinig ang pag-bukas ng pinto ng studio, paglabas namin nila Kuya Jasper, nakita ko si Ralph na humahangos.

“Ean! Umuwi ka na! May mga pulis sa bahay at hinahanap ka!”

“Ha? Bakit daw?” napatingin ako kay Jan-jan at Kuya Jasper.

“Hindi ko alam! basta hinahanap ka nila! Gusto nga nilang umakyat sa atin pero pinipigilan sila ngayon ni Mang Berto, wala naman kasi silang warrant of arrest pero kailangan ka nila, kaya umuwi ka na bago pa magka-gulo don!”

Mabilis akong nag-paalam kanila Kuya Jasper at kinuha yung mga gamit ko, kasama na yung laptop ni Gelo. Umangkas ako kay Ralph at pinilit kong pakalmahin yung sarili ko, naninikip na parang ewan yung dibdib ko sa kaba.

“Pre, wala ba talaga silang sinabi ba’t kailangan nila ako?” tanong ko kay Ralph habang binabaybay namin ang highway.

“Wala talaga pre, buti na nga lang at andun si Mang Berto, mahirap na baka kung ano pa yung mangyari, alam mo naman yung mga nasa balita ngayon na tungkol sa mga pulis!”

“Tangina, kinakabahan ako pre.”

“Maski ako rin naman eh, di pa nga nakakapag-bihis ng uniporme nila sa restaurant si Terrence at Denver eh, kasama pa sila sa nakikipag-usap sa mga pulis ngayon.”

Kinuha ko sa bulsa yung phone ko at nakitang may 32 missed calls ako galing kay Kimmy. Tangina, anong meron?

Pagliko sa street namin, may isang SUV at dalawang police car na nakapark sa tapat ng apartment. Andami nanamang tao sa amin, andun nanaman ang mga chismosang tiyak meron nanamang magagawang kwento sa amin. Nung isang araw may artista, ngayon naman mga pulis, for sure kami nanaman ang topic ng mga chismosa sa baranggay nyan.

“Wala ka naman sigurong ginawang kababalaghan pre no?”

“Tangina mo wala! Baka ikaw!”

“Luh, sino sa tin ang hinahanap ng pulis ngayon!?”

“Gago, manahimik ka nga! Pinapakaba mo ko lalo!”

Paglapit namin, nakita kong nakikipag-usap si Kimmy at Mang Berto sa tatlong pulis na nasa labas ng gate, “Hindi ko nga pwedeng papasukin rito sa pamamahay ko ng wala kayong Warrant of Arrest, wala naman ho akong problema sa pakikipagtulungan sa inyo, ang akin lang, may karapatan ako sa pamamahay ko! Nasan muna ang warrant nyo, at papapasukin ko kayo!” narinig kong sabi ni Mang Berto sa mga pulis habang pababa ako ng motor.

“Ean! San ka ba nanggaling!?” sabi ni Kimmy paglapit ko sa kanila, agad na napatingin sa akin yung tatlong pulis na kausap ni Mang Berto.

“Ikaw ba si Ean James Claro?”

“Opo,” mahina kong sagot, kinakabahan sa kung anong pwedeng maging kasunod.

Narinig kong bumukas yung SUV na nasa likuran namin, pag-talikod ko para tignan kung sino yung bumaba mula rito, alam ko na agad kung para san ang lahat ng ito.

“Where’s my son!?” galit na galit na tanong ni Sir Manny sa akin.

“Nand-”

“Ilabas nyo ang anak ko mga kidnapper kayo!”

“Kidnap? Teka, hindi po namin kinidnap si Gelo!”

Maya-maya lang, narinig ko na yung boses ni Gelo mula pa lang sa hagdan ng apartment complex. Nakita ko syang pababa, kasunod si Terrence at Denver.

“Dad! Ano nanaman to?” nung pakalabas nya at nakitang may mga pulis at andaming tao, inulit nya ulit ang tanong, pero ngayon mas malakas, “Ano nanamang kadramahan to Dad!”

“Angelo, what fuckery are you up to this time!?” sabi ni Sir Manny na di ko alam kung namumula ba dahil sa kulay ng ilaw ng police car, o dahil sa galit, “We’ve been looking for you everywhere for days! Where have you been!?”

“Dito, where my existence matters,” tumingin sya sa akin then kay Sir Manny ulit, “I cant believe you really went this far, kumuha ka pa talaga ng mga pulis para mag-eskandalo dito! This only shows how manipulative you are!”

“Enough with this bullshit Angelo! Go inside, were going home!” turo ni Sir Manny sa sasakyan nila.

“No Dad, I’m staying.”

“Angelo, I’ve been very patient with you lately,” kalmado ngunit ramdam mong may panggigil sa loob na sabi ni Sir Manny. “Do you want me to snap again at you or what?”

Sa loob ng sasakyan, nakikita ko yung nanay ni Gelo na nanunuod lang sa mga nangyayari na parang nanunuod lang ng Netflix. Wala man lang imik o kahit pagpapakita ng concern sa mga kung anong pwedeng mangyari.

“Go ahead,” sabi ni Gelo na tuluyang lumabas ng gate, “Go! Sapakin mo ulit ako Dad!” Sigaw nya ng sobrang lakas, “Ayos lang Dad! Dyan ka nanaman magaling diba Dad? Yung saktan ako!? Ano!!? Sapakin mo na ulit ako!”

Ramdam na ramdam ko yung galit ni Gelo sa tatay nya. Pulang-pula sya, nanggigigil at tuloy-tuloy ang pagpatak ng mga luha sa mga mata nya. Gusto ko syang damayan, pero alam kong laban nya ito.

“What are you trying to prove Angelo? What do you want!? Gusto mong lumipat ng school? Fine! Gusto mong tumira sa squatters? Fine! Pero do you really think I could trust you our company with that kind of attitude!?”

“Ganyan ka naman Dad eh! All you think of is your company! Minsan ba inisip mo ko bilang anak mo! Minsan ba nakinig ka sa akin, as in yung nakinig ka talaga! Minsan ba inisip mo ko bilang anak mo, at hindi isang empleyadong papasahan mo ng trabaho balang araw!? Naisip mo ba yon!”

Tahimik lang na nagtinginan ang dalawa.

“Hindi! Kasi you’re manipulative! Controlling! Selfish! Prideful! Wala kang ibang inisip kundi ang sarili mo, ang kumpanya mo! Ni minsan, hindi mo inisip ang kapakanan ko! I’m done with you Dad! I’m tired of living to your expectations! Its time to listen to myself!”

“Angelo, you and I, we both know, na lahat ng ginagawa ko ay para sa kapakanan at kasiyahan ng pamilya natin.”

“Wow!? So you’re giving me the good Dad monologue now!?”

“Maiintindihan mo rin pagtanda mo at pag nagkaroon ka ng kumpanya of your own!”

“No Dad! I will never be like that. I will never be like you!” unti-unting lumakad palapit sa tatay nya si Gelo, “Mayaman ka nga, pero masaya ka ba? Dad, I dont want to be miserable like you. I dont want to be like you, you miserable fuck!!!”

At sa isang kisap-mata, bumagsak sa lupa si Gelo.

Ambilis ng mga pangyayari. Nakita ko kung pano ilayo ng mga pulis si Sir Manny bago pa sya maka-isang sapak pa kay Gelo. Nakita ko kung pano agad na nilapitan nila Terrence si Gelo na namimilipit sa sakit.

“Manuel!! What do you think you’re doing!?” narinig kong sigaw ni Lola Mercy na nasa loob rin pala ng SUV, pagkababa nito, sinugod nito ang anak na kasalukuyang hawak ng mga pulis at pinapakalma.

“Anong ginawa mo sa anak mo!? Gumising ka nga! Anong ginawa mo!?”

Tahimik lang na nakatingin sa kanya si Sir Manny.

“Hindi kita pinalaki ng ganyan! Hindi namin kayo sinaktan ng papa nyo alam nyo yan!” nanggigil na sabi ni Lola Mercy, “Hindi mo empleyado yan! Anak mo yan! Sige, anong meron sa isang linggo!? Anong meron sa lunes!?” nanghahamong sabi ng matanda.

Di sumagot si Sir Manny.

“Birthday ng anak mo!! Pati ba naman birthday ng anak mo hindi mo alam!? Anong klaseng ama ka Manuel!”

Tahimik na bumalik sa sasakyan si Sir Manny. Lumapit naman si Lola Mercy kay Gelo at niyakap ito, “Tara na apo, umuwi ka na.”

Tumingin sa akin si Gelo. Tumango ako bilang pag-sang-ayon ss sinabi ni Lola Mercy. Hindi maaayos ng mag-ama ang relasyon nila kung hindi uuwi sa kanila si Gelo.

Niyakap ako saglit ni Gelo, at isa-isang nag-paalam sa amin. Sumunod sya kay Lola Mercy na pinasalamatan naman ako sa pagpapatuloy ko kay Gelo sa loob ng ilang araw. Mabilis na umalis ang sasakyan nila, kasunod ang mga pulis. Isa-isa nang nagpulasan palayo ang mga nakikiusyoso.

“Grabe pre, ang intense nun,” sabi ni Denver.

Naisip naming tumambay muna sa baba.

“Kaya nga eh, sabi nga ni Papa para daw syang nanunuod ng telenovela!” sabi ni Kimmy na out of nowhere biglang naglabas ng chichirya.

“Hala, nakakahiya naman kay Mang Berto, sabihin mo pasensya na kamo sa abala, tsaka pasensya na kasi di namin pinaalam na makikituloy sa amin si Gelo,” sabi ko.

“Ayos lang yun, di naman galit si Papa eh, tsaka akong bahala dun.”

Kumuha si Ralph ngnisang dakot na chichirya galing kay Kimmy, “Ganun pala mag-away yung mayayamang pamilya no, sa amin batuhan lang ng plato sapat na.”

“Kaya nga eh, para talagang yung mayayamang pamilya sa TV,” pagsasang-ayon ni Terrence.

“Patunay lang yon na kahit anong yaman mo, hindi ka magiging tunay na masaya pag hindi mo kasundo yung pamilya mo,” sabi ko, hindi pa rin mawala sa isip ko si Gelo, sana talaga magkaayos na sila ng tatay nya, yun siguro ang pinaka the best birthday gift na matatanggap nya.

“Ay truth yan! Pero kawawa naman pala talaga yung kaibigan nyo no? Nako, kung tatay ko yun, lalayasan ko talaga yun!” sabi ni Kimmy.

“Pero teka lang mga pards, ano ba kasing nangyari ba’t ganun na lang galit ng taaty ni Gelo kay Gelo?” tanong ni Denver.

“Nagmodelling kasi si Gelo imbes na umattend sa summer classes na gusto ni Sir Manny,” sagot ko, “Pati nagshift ng track si Gelo, mula STEM lumipat sya ng Arts and Design track.”

“Isipin mo yun ah, ganun na agad yung galit ng tatay nya eh yun pa lang yung ginawa nya, pano pa kaya pag mas serious na kasalanan yung ginawa nya?”

Tulad ng pakikipagrelasyon sa kapwa lalaki. Sigurado akong hindi magiging ayos kay Sir Manny kapag nalaman nyang may relasyon kaming dalawa.

“Nako, baka patayin na nun si Gelo!” sabi ni Ralph na medyo ikina-kaba ko.

“Grabe! Patay agad? Ang scary ha!” sabi ni Kimmy na sinisimot na yung chichirya na mabilis na naubos sa aming lima.

“Sana naman di umabot sa ganun,” sabi naman ni Terrence.

Hindi yun, “Baliw, di mangyayari yun, magkakasundo rin yung mag-ama,” sabi ko sa kanila, kahit di ako sigurado.

Chapter 30

“Hello? Gelo?”

“ Hello Ean James !“ Napahinga ako ng malalim, may kung anong nangyayari talaga sa loob ko sa tuwing tinatawag ako ni Gelo ng Ean James. Parang nawawalan ako ng hininga palagi na susundan ng parang mga butterflies sa tiyan ko, tas mapapangiti na lang ako sa kawalan.

Mukha akong tanga kiligin badtrip.

“Naks, mukhang good mood ngayon ang BB ko ah,” maingat akong bumangon sa kama para hindi magising sila Denver. Lumabas ako sa kwarto at saka naupo sa sofa, “Nakapag-usap na ba kayo ng daddy mo?”

Sa dilim ng gabi, habang nakaupo sa sofa, naiimagine kong nakahiga sa mga hita ko si Gelo, suot ang damit ko, nakapikit habang hinihimas ko yung malambot nyang buhok.

“ Yeah, things are getting better between us ,“ masigla nyang bati sa akin, “ Sorry di ako nakapagparamdam ng ilang araw, Dad said na kahit we’ve already settled things between us, yung paglalayas ko still have some consequences kaya grounded ako sa loob ng bahay and sa phone for three days. “

“Ahh, kaya pala hindi kita matawagan,” medyo nag-alala talaga ako dahil tatlong araw syang hindi nagparamdam sa akin simula nung gabing sinundo sya rito ni Sir Manny, pero tama nga yung hinala ko na grounded lang sya sa phone at bawal syang lumabas ng bahay.

“I missed you. Sobra,” sabi ko, “Araw-araw kitang hinihintay sa car wash.”

“ Sorry BB, hindi kita nasabihan agad. And I missed you too. Sobra. “

“Its ok, wag mo nang alalahanin yun, naintindihan ko. Buti nga nagka-ayos na nga kayo ni Sir Manny.”

“ Kaya nga eh ,“ sabi nya, “ Actually yung car ride home, sobrang tahimik lang kaming lahat, Dad, Mom, Lola Mercy, no one’s really talking. So awkward nga eh. Nung pag-uwi sa bahay, pinapunta kaming lahat ni Dad sa dining room and there he apologized, which was a surprise ,“ tumawa sya ng mahina don.

“ He let me speak first, why I chose not to attend yung summer school, why I chose to do modelling, why I changed tracks kahit hindi sya pumayag nung first time ns nag-paalam ako sa kanya. He listened Ean James, he listened .“

Napangiti ako kasi yung the way na magsalita sya, alam kong nakangiti sya habang nagkukwento.

“ Then he later explained why his actions are ganun. He repeatedly apologized for beating me several times. He also apologized for not listening to me. Grabe, parang hindi si Dad yung kausap ko nung gabing yun, for the first time ata in he recent years hindi ako natakot sa kanya .“

“ And also for the first time in years, we hugged .“

Sana all nagkaron ng chance na makipag-bati sa tatay nila.

“ He also offered to take me to one of his physicians dun sa hospital namin to get my bruised checked. Pero sabi ko ayos naman ako .“

“Syempre, ako nag-alaga sayo eh.”

“ Kaya nga eh, kiss and hugs mo pa lang parang nawala na lahat ng sakit .“

“Corny mo bro.”

“ Corny pero kinikilig ka! “

“Tangina mo,” sabi ko na lang habang natatawa, kinikilig naman kasi talaga ako, at alam yun ni Gelo kung anong epekto nung sa akin kaoag bumabanat sya ng ganun.

“ Yieeee kinikilig ang BB ko .“

“Ikaw kasi eh, nagpa-miss ka masyado.”

“ And other good thing happened rin pala ,“ sabi nya, “ After Dad and I made up, Mom finally spoke up too. They went to their room after and kinabukasan non, for the first time rin years, sabay silang nagbreakfast at pumasok sa trabaho sa iisang car lang. “

“Naks, masaya ako for you.”

“ Dad also wants to extend his apologies to your landlord kasi nagiskandalo sya dun, he wants me nga to send a fruit basket kanila Mang Berto bukas eh, pag official nang natapos yung pagiging grounded ko. “

“Yieee, makikita ko na ulit yung BB ko.”

“ And also he wants to apologize to you din. He didnt really mean to send police after you, may nakarating lang kasi sa kanya na kinidnap mo ko or something. “

“Actually, yun nga pinagtataka ko eh,” ilang araw ko na tong iniisip talaga, “Pano nya nasabi na kinidnap kita?”

“ Oo nga eh ,“ sabi nya, “ But anyway, may isang fruit basket pa rito para sa inyo nila Ralph. Na-miss ko na nga yung mga mokong eh.“

Mas naging close nga pala sa amin si Gelo nung dito sya tumira. Parang nadagdagan nga yung tropa namin ng isa nun eh. Magigising ako nung na nagjajamming si Denver at Gelo, saya no, magising ka sa boses ng boyfriend mo. Tas minsan pag nasa trabaho kaming lahat tas sya lang yung natira sa bahay, nanonood lang sya ng mga anime sa laptop ni Ralph tas walang sawa silang magkukuwentuhan hanggang makatulog. Tas minsan rin sumali sila ni Terrence sa isang karera ng motor sa kabilang baranggay. Alam ko talo sila nun eh, pero nakita kong nag-enjoy talaga si Gelo.

Para tuloy naging less weird na magkatabi kami ni Gelo sa kama kapag matutulog. Bukod kay Ralph, wala naman sigurong iba pa na naghinala sa aming dalawa.

“ But you know, kanina galing kami nila Dad sa Tagaytay, we celebrate our birthday dun ,“ hala shet, oo nga pala birthday na ni Gelo sa kamakalawa! “ May out of the country trip kasi sila ni Mom para sa foreign stakeholders ng hospital so they’ll not be around on my birthday which was sad considering things are finally getting better, pero ayun, kaya kami nagpunta ng Tagaytay para makabawi sila. “

Sana all talaga.

“ Kamusta na nga pala yung film? “

“Ayun, actually na send ko na nung araw na sinundo ka ng daddy mo.”

“ O talaga? Nice! For sure matatanggap ka dyan, ako na nagsasabi sayo .“

“Sana nga,” natawa ako, “Sa gwapo ba naman nung lead actor ko, impossibleng hindi nila mapili yung film natin,”

“ Maliit na bagay .“

“Parang yung etits mo?”

“ Fuck you! “ Shet, namiss ko yung tawa nya, “ We both know kung gano kalaki to, sino kaya yung walang tigil sa pag-ungol habang tinitira ko? “

“Tangina mo rin! Mas malaki pa rin yung akin, sino sa atin yung madalas magpakantot?”

“ Pareho lang tayo uy, salitan lang tayo lagi ah! “

“Pero aminin mo, mas gusto mo mag-bottom!”

“ Hoy hindi ah! Good boy kaya ako! “

“Wews! Sino kaya yung gumigising sa akin tuwing madaling araw at horny daw sya?” pang-aasar ko habang inaalala yung mga gabi namin together.

“ Pero sino yung hinihila ako palabas ng kwarto at dadalhin ako sa banyo para dun mag- “

“Oo na! Oo na!” hindi ko na sya pinatapos, para kong nahiya bigla, na natatawa, na kinikilig, na nalilibugan all at the same time.

“ Yun na lang birthday gift mo sa akin Ean James. “

“Ano?” bigla kong naalala yung socks na binili namin ni Cassy.

Shet. Naaalala ko nanaman si Cassy.

“Anong gift?”

“ Ayun. Dito ka ulit matulog. “

“Yun lang ba, sige lang! Ako na bahala sa condoms.”

“ Marami pa rito, actually .“

“Yown!”

“ Kaya sa monday, pumunta kayo rito, magluluto raw si Lola Mercy. Let’s have a short party, tas mag-paiwan ka na lang .“

“Sure, kaso pano yun? Baka maghinala sila Ralph pag hindi ako sumabay sa kanila pag-uwi?” feeling ko ang obvious na namin masyado pag nag-overnight nanaman ako kanila Gelo.

“ Teka, alam ba nila na nasend mo na yung film? “

“Oo eh.”

“ Oh shit ,“ gusto ko talaga pag nagmumura sya tangina, nakakalibog, “ Ganito, tell them na may additional edits ka pa na kailangang gawin so magpapatulong ka sa akin ka mag-edit! “

“Ohhh, talino naman ng BB ko.”

“ Ganun talaga, pag gusto, may paraan .“

Unconsciously napahikab ako.

“ Huy, anong oras na nga pala, you should sleep na .“

Tumingin ako sa wall clock namin, mag aala-una na ng madaling araw.

“Hala, mag-aala-una na pala, may pasok pa ko bukas sa car wash!”

“ Sige na, matulog ka na! Matutulog na rin ako. “

“Parang ayoko pa, namiss kita eh.”

“ Sige na Ean James! Antigas ng ulo! “

“Mas matigas etits ko, pinatigas mo eh.”

“ Palalambutin natin yan sa monday .“

Tumayo ako at nag-unat saka bumalik sa kwarto namin.

“Goodnight Angelo Jon. I love you.”

“ Goodnight Ean James. I love you too .“

Chapter 31

“ Ean James? Asan na kayo? “

“Dito pa rin sa bahay Angelo Jon, nawawala yung isang sapatos ni Ralph,” sabi ko, “Pero ready na kami umalis,” medyo naguilty ako, hindi naman kasi yung sapatos ni Ralph yung hinahanap namin, yung medyas talaga na binili namin ni Cassy.

“ Ok sige, malapit na yung driver namin dyan, nasa may boundary na raw sya sabi sa latest text nya. “

“Sige bro, salamat.”

“ Ingat kayo. See you later, “ tas bumulong sya ng “I miss you.”

“Same. Bye! Happy Birthday pala ulit!” bati ko kahit binati ko na sya kaninang madaling araw.

Pagkababa ko ng phone ko, agad akong bumalik ng kwarto at binalikan yung nga kaibigan ko.

“Hoy mga gago, parating na yung driver nila Gelo rito, ano na?”

“Tangina mo, kung tumutulong ka maghanap no?” sabi ni Ralph na ang kalahati ng katawan ay nasa ilalim ng kama nila ni Terrence.

“Ano ba kasing itsura nung pinapahanap mo?” tanong ni Denver na sa mga cabinet naman naghahanap.

“Dalawang Elite socks na kulay dark blue at light blue na nay kulay gold na linya linya!” sabi ko habang mabilis na iniisa-isa yung mga gitara ni Denver na nasa paanan ng kama ko at baka naipit lang dun.

“Huy! Dahan-dahan pre,” sabi ni Denver, “San mo ba kasi huling nilagay yun?”

“Yun nga yung hindi ko maalala eh, ang alam ko nasa isang paper bag yun ng SM department store na kulay puti.”

“Nako, baka nakita yun ni Gelo nung andito sya?” tanong ni Terrence na mabilis na pumuslit ng tingin sa salamin at nag-ayos ng buhok.

“Kaya ko nga tinago yun kasi andito sya eh,” sa likod naman ako ng pinto naghanap, “Ngayon di ko naman maalala kung san ko tinago, badtrip.”

Maya-maya lang, may narinig kaming kumatok sa pinto.

“Ako na,” sabi ni Terrence na agad lumabas ng kwarto.

“Guys! Andito na yung driver nila Gelo!” si Kimmy pala yun, “Tara na!”

“Wait lang!” sabi ko, inangat ko na yung mattress ng kama ko para tumingin kaso wala pa rin talaga.

“Anong hinahanap mo?” tanong ni Kimmy.

“Yung regalo nya kay Gelo, di nya maalala kung san nya tinago,” sabi ni Ralph na nag-aalis ng mga agiw na sumabit sa buhok nya mula sa pagpasok nya sa ilalim ng kama nya.

“Ihabol mo na lang kaya next time pre, nakakahiya sa driver ni Gelo at kay Gelo, baka tumagal pa tayo eh,” sabi ni Terrence.

Oo nga, medyo late na rin kami eh. Siguro ihabol ko na lang talaga next time yung regalo ko sa kanya. Besides, may isa pa kong regalo sa kanya mamayang gabi, at for sure yun ang hindi ko dapat makalimutan.

“Sige na, tara na.”

Bumaba na kaming lima sa baba. Nakaparada na sa harap ng apartment complex yung isa sa mga SUV nila Gelo. Bumaba yung binatana ng driver’s seat at kinawayan kami ni Kuya driver. Isa-isa naman kaming sumakay, ako yung hulinh sumakay kasi nilagay ko pa sa likod yung mga bag namin tas yung bag pa na may laptop ni Gelo at mga vlogging equipments ni Cassy na isosoli ko na mamaya.

“Kims, di sasama papa mo?” tanong ko kay Kimmy pagsakay namin sa sasakyan. Sya yung pinaupo namin sa tabi ng driver samantalang kaming apat na boys ang nasa backseat. Binilin kasi ni Gelo na pinapasabi ni Lola Mercy na imbitahin rin daw namin si Mang Berto para makahingi sila ng personal apology sa nangyari nung isang gabi.

“Hindi eh, may gagawin daw sya,” sabi ni Kimmy, “Hayaan nyo ko, ako na lang yung representative.”

“Ok na po?” tanong ni Kuya Driver sa amin.

“Yes kuya, ayos na po. Tara na po.”

Habang bumibyahe papunta sa subdivision nila Gelo, inaalala ko pa rin kung san ko nilagay yung medyas na binili namin ni Cassy. Kaso di ako sure kung san ko sya tinago, sa kwarto ba o sa kama? Ang alam ko sa kwarto talaga yun tinago eh, pero naghanap na kami at sobrang liit lang din ng kwarto namin pero wala.

“Oo pre, ang ganda talaga sobra ng bahay nila Boss Gelo,” narinig kong sabi ni Ralph sa dalawa naming tropa, “Parang mansion na ata yun eh!”

Naalala kong hindi pa pala nakakapunta sila Terrence at Denver sa bahay nila Gelo. Pero buti nga tulad namin ni Ralph, pinayagan sila ng Boss nila na umabsent muna sa trabaho, kasi ang plano talaga namin, gabi na lang kami pupunta pagkagaling sa trabaho, kaso gusto ni Gelo umaga palang andun na kami para medyo marami kaming magawa.

“Excited na kong magswimming mga boy!” sabi ni Denver, isa pa pala yun, sinabi ni Gelo na magswiswimming kami sa pool nila.

“Andun din kaya si Cassy?” tanong sa akin ni Ralph.

“Malamang, birthday ng jowa nya eh,” sabi ko.

“Shet! Magswiswimming rin kaya si Cassy? Tangina!” sabi ni Terrence.

“Gago boy! Baka nakaswimsuit lang yun mamaya! Tangina!” sabi naman ni Ralph na kitang-kita na namumula na.

“Hoy! Tigilan nyo! Kadiri kayo! Parang mga high school!” natatawang saway sa amin ni Kimmy, “Tsaka mahiya kayo kay Kuya oh! Sige kayo sumbong kayo nyan kay Cassy!” natawa lang naman yung driver sabay sabi ng hindi naman nya kami isusumbong.

“Magvo-vlog rin kaya si Cassy dun? Makaka-extra tayo sa vlog nya kung sakali mga boy!” sabi naman ni Denver na yapos yapos ang gitara nya syang nagpapasikip sa aming apat dito sa likod.

“Oo, for sure magvo-vlog yun, kilala na ng fans nya si Gelo eh,” sagot ko.

Pagpasok namin sa subdivision nila Gelo, kanya-kanya na ng libot ng tingin yung mga kaibigan ko.

“Luh, parang sobrang yaman naman ng mga nakatira rito,” sabi ni Kimmy.

“Anong parang? Sobrang yaman talaga!” sabi ni Ralph, “Hintayin nyo pagpasok natin sa loob ng bahay nila Boss Gelo, para kang nasa mall tas nasa mga babasagin ka na mga gamit sa department store, parang takot na takot kang humawak ng kahit ano kasi baka mabasag, ganun.”

Pagdating namin sa bahay nila Gelo, bumusina ng ilang beses si Kuya Driver at bumukas naman yung gate nila. Pagpasok namin, nakita ko na agad si Gelo na nag-aabang at nakasandal sa may doorway.

“Hi Guys!”

“Boss Gelo!” sabay sabay na bati nung tatlo na pagbaba, agad na lumapit kay Gelo at nakipag-apir, “Happy birthday!!”

“Salamat mga pards! Pasok na kayo sa may kusina! Nagluto ng breakfast si Lola Mercy dun!” turo nya sa kusina. Agad namang pumasok yung tatlo sa loob, nakarinig ng pagkain eh. Pumunta naman ako sa likod ng sasakyan para kunin yung mga vlogging equipments ni Cassy pati na rim yung laptop ni Gelo.

“Happy Birthday!” bati naman ni Kimmy.

“Thanks! Where’s your dad nga pala?”

“Medyo busy, di raw makakarating, ako muna representative ha?”

“Oo naman! Sunod ka na sa kanila! You’re not new!”

Pagpasok sa loob ni Kimmy, nakita kong naglakad na papalapit sa akin si Gelo.

“Hi Ean James.”

Ayan nanaman yung di ko maipaliwanag sa kilig sa tuwing tatawagin nya ko sa buo kong pangalan, “Hi Angelo Jon.”

“Tulungan na kita dyan,” sabi nya sabay kuha sa akin nung bag na may mga tripod at mga ilaw na Cassy.

“Wag baliw, kaya ko naman! Tsaka birthday mo naman eh.”

Tumingin muna sya sa paligid bago lumapit sa akin, “So porket birthday ko, hindi ko na pwedeng tulungan magbuhat yung boyfriend ko?”

“Ayoko kasing mapagod ka, gusto ko ako yung papagod sayo,” sabi ko then kumindat ako.

Natawa sya, kinurot nya yung pisngi ko, “Sige ha, pagurin mo ko mamaya,” binitiwan nya na yung pisngi ko, “Tara na sa loob, nagluto si Lola nung request mo!”

“Talaga? May morcon!”

Pagpasok namin sa loob, nakisuyo si Gelo kanila Ate Precy at Ate Marge na iakyat yung mga bag namin tsaka yung mga gamit ni Cassy dun sa taas, sa kwarto ni Gelo. Pagdating namin sa kusina, nagtatawanan na run yung tropa ko tsaka sila Lola Mercy.

“Oo nga po eh, para kaming nanunuod ng telenovela,” sabi ni Ralph.

“Ay talaga!? So kamusta naman yung beauty ko? Pwede na bang pang Gloria Romero? Ay gusto ko mas bata, hmmm, Zsa Zsa Padilla?” sabi naman ni Lola Mercy, “Oh! Ayan na pala sila Gelo, halika na, magdasal na tayo para makakain na!”

Lumapit ako kay Lola Mercy para magmano at saka umupo sa tabi ni Gelo. Amoy palang nung mga bacon, itlog at hotdog sa mesa alam mo nang pangmamahalin eh, mukha hindi sila yung nabibili lang sa palengke, mukhang imported eh.

Habang kumakain, kwentuhan lang kami kasama si Lola Mercy, nagkwento kami kung anong mga ginawa ni Gelo habang dun sya sa amin nakatira. Kaso biglang nasira yung mood ko, well, di naman nasira talaga, parang bigla lang akong di napakali, nung nagsalita si Ralph.

“Gelo, pupunta ba si Cassy?”

At parang magic, biglang pumasok si Cassy sa kusina, “Hi guys!”

“Actually, kanina pa sya dito,” maingat na paliwanag ni Gelo, more on sa akin.

“Iha, kain ka na,” sabi ni Lola Mercy.

“Kumain na ko sa amin Lola,” lumapit kay Gelo si Cassy at niyakap ito mula sa likuran.

Teka, parang may mali.

“Ang sarap kaya ng breakfast ko,” medyo seductive nyang sabi habang hinihimas yung buhok ni Gelo, “Di ba Gelo?” at mabilis nyang hinalikan sa pisngi yung boyfriend nya.

Boyfriend namin pala. Sorry.

May mali talaga eh, kasi hindi naman ganyan ka-clingy kay Gelo si Cassy dati, mas clingy nga si Gelo kaya minsan nagseselos ako. Pero ngayon something’s wrong. Pero syempre di yung napansin nila Ralph na titig na titig kay Cassy.

“Uhm, tara guys, let’s go sa sala, movie marathon tayo! Anong gusto nyo?” sabi ni Gelo na nakaramdam na rin ng awkwardness sa hangin.

“Ano bang movies meron ka dyan?” tanong ni Kimmy.

“I have Netflix. Just tell me kung anong gusto nyo?”

“Fifty Shades of Grey?” suggestion ni Cassy na ikinaluwa ng mata ng tatlong gago sa kabilang dulo ng mesa.

“Yung bagong Fast and Furious?” suggestion ko dahil alam kong mahilig sa action movies si Gelo, at napag-usapan naming panunuorin namin sya sa sinehan kaso hindi na natuloy.

“Good idea!”

At ayun na nga, nag movie marathon kami sa sala nila. Yung The Fast and the Furious, sinundan ng Avengers: End Game, tas pinaka huli naming pinanuod yung Toy Story 4.

After mag movie marathon, dinalhan kami ni Lola Mercy ng merienda na mga brownies na binake nya. Tas dumating din yung ilan sa mga kaklase ni Gelo, kumain sila, nagbigay ng regalo kay Gelo, at umuwi rin agad.

Ang weird talaga ng mga mayayaman.

Nag-jamming din kami, sa gitara si Gelo at Denver tas nagbeatbox si Terrence. After nung isang kanta, nag request pa si Cassy, tas vinideohan sila para ilagay sa birthday vlog nya for Gelo.

Buong araw, tahimik ko lang na pinagmamasdan si Cassy na ang clingy kay Gelo. Minsan nakikita kong nagiging clingy rin sa kanya si Gelo, kaso most of times napapansin kong naaawkwardan na din si Gelo. Pero ang sweet nila buong araw, medyo nagseselos ako.

Hayaan mo na, akin naman na si Gelo mamayang gabi.

Nung dinner na, nilabas ni Lola Mercy yung cake na binake nya for Gelo. Kinantahan namin si Gelo ng happy birthday. Habang kumakain ng cake at ice cream, biglang nagsalita si Gelo.

“Tara magbukas na tayo ng regalo!”

Oh shit. Saka ko naaalala na di ko pa rin alam kung san ko nilagay yung medyas na binili namin ni Cassy.

Una nyang binuksan yung mga regalo na galing sa mga kaklase nya na umalis na rin agad pagkakain. May mga original na damit, may cap, may leather na belt bag, may isa oang nagbigay ng relo.

Sunod naman yung regalo ni Kimmy na pabango. Tas yung personalized na guitar pick na si Denver mismo yung gumawa galing sa card ng sim card. Si Terrence naman nagbigay ng album ni Kanye West na nakita nyang sale sa mall. Tas si Ralph naman, binilhan sya ng tripod na pang phone sa shopee.

Nung ako na, nagpaliwanag ako na next time ko na ibibigay yung regalo ko. Naintindihan naman ni Gelo, at nagproceed na sya kay Cassy.

“Wait lang babe, kunin ko sa taas!”

Habang hinihintay si Cassy, pinasok ni Gelo sa ilalim ng mesa yung kamay nya at pinatong to sa hita ko, hinimas nya ito hanggang sa dakutin nya yung alaga ko at marahan tong hinimas. Eto nga pala yung regalo ko sa kanya.

Pagdating ni Cassy, tulad nga ng napag-usapan namin, may dala syang canvas. Pininta nya nga si Gelo.

“Hala babe! Thank you!”

“Welcome babe,” kumandong sya kay Gelo.

“Ang galing mo talaga mag-paint.”

“Syempre, you’re my subject.”

Tas kiniss sya ni Cassy sa labi.

“Teka, may isa pa pala akong regalo,” kinuha nya yung isang paper bag na dala rin nya. May nilabas syang kung ano na nakabalot sa gift wrap.

“Happy Birthday!”

Pagbukas ni Gelo ng gift wrap, nakita ko kung ano yung nasa loob non.

Dalawang pares ng Elite socks na kulay dark blue and light blue na may gold na linya.

Chapter 32

“Thank you babe, I really need this,” si Gelo naman yung humalik sa labi ni Cassy, “Di ba I told you may sinalihan akong liga ng basketball dun sa baranggay nila Ean. I need a new pair of socks actually.”

Tinitigan nyang mabuti yung Elite socks na hawak hawak nya. Tulad nya, di rin maalis yung tingin ko sa medyas na hawak nya. Di ako makapaniwala, eto ba yung binili ko? Sigurado akong eto yun. Kaso pano to napunta kay Cassy? Bumili ba sya ng bago? Kinuha nya ba to sa bahay?“

100% akong sure na ako nag-uwi nito sa bahay nung araw na binili namin to ni Cassy. Ang alam ko itinago ko pa ito sa puting paper bag di ko nga lang alam kung sa sala o sa kwarto ko sya tinago, pero alam kong inuwi ko sya.

“Ean,” mahinang tawag sa akin ni Ralph, tinuro nya yung Elite socks na nilabas na ni Gelo sa balot at pinagmamasdan yung mga gold na linya sa pagitan ng dark blue at light blue. Umiling ako ng marahan na parang sinasabi na wag na lang sya magsalita. Nag-tataka ring napatingin sa akin si Denver at Terrence.

Tumingin na lang ako sa ibang direksyon.

“So, now that we’ve open all the gifts,” sabi ni Gelo habang binabalik sa balot yung Elite socks, “Ano? Swimming na tayo!?”

“Huh? Swimming?” tila sabog na sagot ni Ralph.

“Yes! Swimming na tayo!”

Biglang bumalik sa katinuan si Ralph, “Yown! Swimming na raw tayo mga pards! Tara na! Palit na tayo ng damit!!” Yaya ni Ralph sa amin pero sa akin lang sya nakatingin.

Nagpunta kaming lima sa sala nila Gelo na halos kasing-laki na ng buong unit na tinutuluyan namin. Iniwan namin si Cassy at Gelo na busy pa mag-landian, pinapaliwanag pa ni Cassy yung ibig-sabihin ng mga kulay na ginamit nya sa painting nya kay Gelo.

“San yung banyo nila Gelo?” tanong ni Ralph habang kinukuha ko sa bag ko yung shorts ko na pang swimming.

“Dun sa may likod ng hagdan, bago mag-kusina.”

“Samahan mo ko,” bago pa man ako makatanggi, hinila ako ni Ralph papunta sa banyo nila Gelo.

“Pre, yun bang binigay ni Cassy kanina kay Gelo yung pinapahanap mo sa amin kanina?” tanong ni Ralph pagkapasok namin sa loob ng banyo.

“Oo pre, feeling ko yun nga yun.”

Naghubad na ng damit sa harap ko si Ralph, medyo nailang ako sandali kaso ng maalala kong si Ralph nga pala to, hinubad ko na rin yung mga damit ko at nagbihis na.

“Pano naman napunta kay Cassy yun?”

“Di ko rin alam eh.”

Pagtapos naming magsuot ng jersey shorts lumabas na kami at si Terrence at Denver naman yung nagbihis. Si Kimmy naman nakaupo lang sa sofa, di daw sya magsuswimming, may dalaw daw kasi sya.

“Tara na boys!” sabi ni Gelo. Nakashorts na sya at isa isa na nyang binubuksan ang mga butones ng polo nya.

Hinanap ko si Cassy, di na sya nakabuntot kay Gelo ngayon.

“Asan si Cassy? Magsiswimming rin ba sya?” tanong ko, kahit di ko alam kung bakit ko yun tinanong.

“Andun sya sa kusina, tinawag ng agent nya eh,” napakamot sa leeg nya si Gelo, nakita ko tuloy yung muscles nya sa braso pati yung kili-kili nya na gustong-gusto kong himurin. “Pero magsiswimming daw sya. Tara na?”

Pagkabihis ni Terrence at Denver, nagpunta na kami sa likod para magswimming, kanya-kanya kaming dive sa pool na kanina pa namin gustong sisirin.

“Whoa! Lodi talaga si Ean sa mga backflip!!” sigaw ni Denver.

“Batak si Gago eh,” sabi naman ni Ralph na sumisid pagtapos.

“San ka natututo mag-dive?” tanong ni Gelo.

“Sa amin, naalala mo yung ilog malapit sa bahay? Madalas akong magswimming dun.” Natigil lang nung namatay si Ellie don.

Lumapit sa gilid ko si Gelo at bumulong sa tenga ko “Mamaya, ako naman yung sisirin mo,” sabi nya sabay dakot sa alaga ko sa ilalim ng tubig. Nagulat ako, napatingin tuloy ako sa paligid pero buti naman busy silang lahat.

“Babe! Babe!” sigaw ni Cassy sa loob.

“Bakit?” sagot naman ni Gelo na mabilis na lumayo sa akin.

Nagpunta sa may pool si Cassy. Suot nya pa rin yung mga suot nya kanina, “Babe, kailangan kong umalis, Im very sorry. Miss Cindy called me, she wants me on her office right now.”

“Bakit daw? Anong oras na oh?”

“I dont know, she wants me to go there,” napatingin sya sa akin, hanggang ngayon, simula kaninang umaga, hindi nya ko pinapansin, “Im sorry I wont be able to swim with you guys tonight.”

“That’s okay babe. Ingat ka.”

“Thanks babe, happy birthday ulit.”

“Sorry di kita mahahatid outside, Im too wet.”

“That’s okay. Bye babe! Sorry talaga!”

Mga ilang minuto rin kaming nagswimming pagkaalis ni Cassy. Nagpunta rin sa likod si Kimmy pero para maging photographer, kanya kanya kami ng papicture sa kanya ng pampalit ng mga DP, nag pa-boomerang rin kami sa kanya ng pag-dive naming lima sa pool.

Saglit na umahon si Gelo. Hindi sya nagpaalam. Akala ko kung ano nang meron, pero bumalik sya na may dala-dala.

“YOOOOWN!” sigaw naming apat nang makita kung anong dala ni Gelo.

Nilapag ni Gelo sa gilid ng pool yung isang bucket ng San Mig Lights. Umahon kami at naupo sa gilid ng pool. Kanya-kanya kaming kuha at bukas ng san mig light.

Si Ralph yung huling umahon sa pool, kaya naman napagitnaan nila ako ni Denver, pero pinausog sya ni Gelo para dun sya sa tabi ko uupo.

Tangina, da moves tong boyfriend ko ah.

“Naks, pinayagan ka na ni Lola Mercy uminom no?”

“Oo! Actually, she’s the one who ordered it. Besides, there’s so many thing to talk about.”

Habang umiinom, kinuwento ni Gelo yung mga naging usapan nila ni Sir Manny, mula sa pagpayag nito sa pagswitch ng track ni Gelo, hanggang sa pagmomodel nito. Pansin kong ang saya ni Gelo habang nagkukwento tungkol sa mga nabago kay Sir Manny.

Sana all diba.

Pero ayos lang, basta nakikita kong masaya sa family life nya si Gelo, masaya na rin ako.

“Boss Gelo, paano naging kayo si Cassy?” tanong ni Ralph out of nowhere.

“She’s a family friend. Magkaibigan yung parents namin and lagi silang pumupunta rito to have dinners and meetings with my parents. Tas nagkataon na pareho pa kami ng schools, but we’re never classmates. One day, narealize namin na nadevelop na yung feelings namin sa isa’t-isa, then we kinda hit it off from there.”

“Pero hindi ba parang ang hirap mag jowa ng artista?” tanong naman ni Denver.

“Mahirap, marami kang kaagaw, andami pa namang nalilink sa kanya na mga artista rin.”

“Ay oo nga! Nabalitaan ko yon!”

“Pero wala pa naman naging third party sa relasyon nyo?”

Naramdaman kong umikot sa lalamunan ko yung ininom kong San Mig. Medyo nauubo ako pero pinigilan ko yung sarili ko.

“Uhm, wala pa naman. Sana wala,” tipid na sagot ni Gelo. Nakita kong sa gilid ng mga mata nya tinitignan nya ako.

Andami pa naming napag-usapan nun, hanggang sa naubos yung san mig lights ni Gelo. Nung tinignan namin kung anong oras na nun, mag-aalas onse na pala ng gabi.

Medyo marami kaming nainom, nakailang balik nga si Gelo sa loob eh, pero dahil San Mig Lights naman, hindi masyadong malakas yung tama.

“Sabay ba tayo magbanlaw, dun sa taas,” yaya sa akin ni Gelo. Nauna na kasi yung tatlo sa tatlong banyo nila Gelo sa first floor eh.

“Yoko nga, baka mamaya…” medyo tipsy kong sagot.

“Medyo ano?”

“Wala! Sige na, dun na tayo sa taas.”

Pagdating sa kwarto ni Gelo, pagsara pa lang ng pintuan, hinalikan na agad ako ni Gelo, mabilis naming hinubad yung shorts pati briefs namin na basang-basa at dinala ako sa kama nya. Pumatong sya sa ibabaw ko at marahas akong hinalikan na ginantihan ko rin naman ng pagsipsip sa dila nya.

Maya-maya, pinaikot ko sya at ako naman ang pumatong sa kanya, bumaba ako sa dibdib nya at sinimulang sipsipin yung utong nya. Pabulong na umungol sa akin si Gelo, ansarap nyang tignan habang nasasarapan, nakapikit ang mga mata at sarap na sarap ang gwapong mukha.

Tinaas ko yung isa nya braso at ang kili-kili naman nya ang hinimod ko gamit ng dila ko.

“Sandali, sandali,” tinulak ako patayo ni Gelo, “Baka di ako makapagpigil nyan, baka ma-fuck kita.”

“Teka, akala ko ba ako kakantot sayo?” natatawa kong sabi, wala naman akong problema sa kung anong gusto nya.

“Sobrang sarap mo kasi eh, pwede salitan ulit tayo?”

“Walang problema,” bumalik ako sa paghalik sa kanya, pero this time, yung renga naman nya yung pinuntirya ko, dahan-dahan kong sinubo ang kaliwang tenga nya at pinasok sa loob ang dila ko.

“Tangina, ugh, tangina, wait, takte, ansarap!” sa likuran ko ramdam na ramdam ko yung alaga ni Gelo na tigas na tigas na kaya naman nilapit ko yung pwet ko.

“Gago, wag kang maingay! Ang lakas ng boses mo,” hinalikan ko syang mabilis sa labi habang tumatawa.

“Ang sarap eh, Isa pa please.”

Pero imbes na kaliwang tenga naman ang isubo ko, tumayo ako at agad na nagpunta sa closet ni Gelo. Magbibihis na ko kahit medyo basa pa yung katawan ko, ayos lang yan.

“What the fuck?”

“Andyan pa sila Ralph baka nakakalimutan mo,” kumuha ako ng isa sa mga boxers nya at sinuot ito. Kumuha rin ako ng isa sa mga shorts ni Gelo para matago yung titi kong tigas na tigas pa rin.

“So nambibitin ka na pala ngayon?”

“Hala, nabitin ka ba Angelo Jon? Hala sorry!” sarcastic kong sabi habang sinusuot yung isa sa mga sando nya.

“You look hotter pag suot mo clothes ko. No wonder lagi kang nalilibugan sa kin pag suot ko yung mga damit mo.”

Kumuha ako ng isa pang sando at shorts sa loob, nakita ko rin sa loob ng closet yung mga onesie na unicorn na ginamit namin nung nagovernight ako rito. Pakiramdam ko bigla akong nagblush nang maalala yung perfect na gabing yon.

Binato ko sa kanya yung mga damit, “Bihis na, para mahatid na natin sila Ralph.”

“Ayoko nga, di ako magbibihis hangga’t di ka bumabalik rito.”

“Ah ganun, sige sama na lang pala ako kanila Ralph, uwi na ko,” sabi ko tas naglakad na ko papunta sa pinto.

“Wag! Eto talaga,” mabilis na tumakbo papalapit sa akin si Gelo at niyakap ako patalikod. Ramdam na ramdam ko yung matigas nyang alaga na naggi-grind slowly sa pwetan ko.

“Hmmmm, try kaya kitang i-fuck ng nakatayo?”

“Mamaya na fuck! Hatid muna natin sila!”

Pagkabihis ni Gelo, bumaba na kami, medyo natagalan nga kami kasi nagpalambot pa ng mga titi. Pero pagbaba namin, mga natutulog na sa sofa yung tatlo. Si Kimmy na lang yung gising. Pumunta sa kusina si Gelo para puntahan yung driver nila, pinuntahan ko naman si Kimmy.

“Kims, di muna ako makakauwi ah.”

“Dito ka matutulog?”

“Oo,” napakamot ako sa likod ng ulo, sana di sya makahalata. Gago ka Ean, the more na awkward ka, the more na makakahalata talaga si Kimmy! “Binalik nung Film School yung film ko eh, kulang raw sa time, so magshoshoot lang kami ni Gelo ng filler scenes para mapasa namin bukas agad.”

“Ay okay, asan na si Gelo?”

“Ayun, ginising na si Kuya Driver.”

Pagdating ni Kuya Driver, ginising na ni Kimmy yung tatlo. Nagpaalalaman kami at binati ulit nila si Gelo. Natatawa ako, so Ralph din gustong mag overnight, pero binara sya ni Kimmy na wala naman syang magagawa, makakagulo lang sya.

Paglabas ng sasakyan nila Gelo, kami na mismo ni Gelo yung nagsara ng gate nila,  pero hindi namin ni lock para mabubuksan pa sya ni Kuya Driver.

“So ano? Tuloy na natin?” tanong ko, nag-unat-unat akong konti bilang warm-up para mamaya, “Magwa-warm-up na ko.”

“Hmmm, let’s swim kaya muna? Ubusin natin yung tirang booze dyan.”

“Meron ka pa?”

“Nagsave ako nung paborito mo,” sabi ni Gelo sabay kindat.

Pagdating sa kusina, sa loob ng ref, meron ngang natira dun na apat na bote ng Tanduay Ice na kulay blue, yung paborito ko. Dinala namin yun sa may pool.

Pero imbes na mag-swimming, umupo lang kami sa gilid ng pool.

“Teka, nabati na ba kita?”

“Uhm, oo ata, nung pagdating nyo.”

“Batiin ulit kita,” tumingin ako sa kanya, “Happy Birthday!” sabi ko sabay inom nung T-Ice.

“Dont look at me that way,” kinurot nya yung pisngi at inilayo yung mukha ko sa pagkakaharap sa kanya, “It makes me kiss you.”

“Gago, baka may makakita sa atin ah.”

“Dont worry, tulog na silang lahat.”

Natahimik kaming dalawa. Pero yung tipo ng silence na hindi awkward, yung tipong kahit tahimik kayo meron pa ring communication na nagaganap.

“Alam mo ba Ean James, nagcheck ako ng calendar kanina.”

“Anong meron, Angelo Jon?”

“Ngayon, saktong ika-100 na araw simula nung nakilala kita.”

“Wow, bilang na bilang,” pagbibiro ko kahit deep inside kinikilig ako kasi naaalala nya pa yun.

“Syempre. Ikaw yung the best thing that happened to me no. Andami kong nagawa dahil sayo, first, nagkaron ako ng courage na sundin yung mga tinitibok ng puso ko. Pangalawa, mas nakilala ko pa yung sarili ko, and my sexuality.”

“Ako rin. Seryoso, di ko ineexpect talaga na magkakagusto ako sa lalaki.”

“Iba ka kasi eh. Youre really different.”

“Ikaw rin. Di ako naattract sa ibang lalaki. Sayo lang.”

“Same. Well, maybe, were not bisexual. Maybe we’re each other’s sexuality.”

“Huh? Sorry medyo di ko gets.”

“You’re my sexuality,” inulit nya, “I’m Ean-sexual.”

“Edi Gelo-sexual ako?”

Nilapag ni Gelo yung T-Ice nya at kinurot nya yung magkabila kong pisngi gamit ang dalawang kamay nya, “You’re so damn cute, Ean James.”

At nung binitawan nya ako, nilapag ko yung boteng hawak ko, at ako naman ang humawak sa magkabila nyang pisngi at inilapit to para halikan.

Mabagal lang yung naging halik namin this time. Di ito tulad ng mga nakaraan naming halikan. Parang nagwawala yung mga laman-loob ko bigla, lalo na yung puso na na pabilis nang pabilis yung tibok.

Feeling ko para kaming nasa pelikula. Dalawang binata, nakaupo sa gilid ng pool, medyo tipsy, at mahal na mahal ang isa’t-isa. Kulang na lang may mga fireworks na bigla na lang magpakita mula sa kawalan.

Pero imbes na mga fireworks, isang pamilyar na boses ang sumulpot mula sa kawalan.

“Gelo?”

Bumitaw ako sa paghalik kay Gelo at tumalikod. At dun ko sya nakita, nakatayo sa may malaking salamin na sliding door na papunta sa kusina nila Gelo.

Si Cassy.

enters left

Last 8 chapter mi amores ;)

Vote | Comment | Follow

exits right

Chapter 33

“Cassy, Cassy, wait, let me explain!” Mabilis na tumayo sa kinauupuan si Gelo at hinabol si Cassy na mabilis umalis pagkakita sa amin.

Di ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Yung kilig na parang nagpakawala sa daan-daang paru-paro sa kalamnan ko, parang napalitan ng pagkahilo at parang gusto ko na lang masuka. Nilapag ko sa tabi ko ang bote ng T-Ice na hawak ko. Bumagsak ito at nakita kong tumapon ang natitirang laman nito na sinipsip ng damo na nasa tabi ng pool.

Sira na. Siguradong masisira na si Gelo dahil sa kin.

Matagal kong tinitigan ang tubig sa swimming pool nila Gelo. Ang kalmado ng tubig. Kahit walang tigil sa paghampas ang malakas na hangin, bakit mukha pa ring kalmado ang tubig?

“How could you do this to me Angelo!” narinig kong sigaw ni Cassy sa loob.

“Cassy, listen-”

“No! Do you have any more lies to tell!? If you have anymore bullshit to say to me, say it to me now! Para matapos na kung ano man tong fuckery na you choose to do to me!!” Umiiyak na si Cassy. Nagwawala na sya. Mamaya, magigising na nyan si Lola Mercy at ang mga kasambahay nila, tas sasabihin ni Cassy kung anong nakita nya, tas makakarating na to kay Sir Manny.

Alam ko na. Alam ko na lahat ng mangayayari pagtapos nito.

“Cassandra, please calm down, let me explain it to you.”

“You dont get it Angelo!! I saw it! I saw it with my two eyes! Ano pa ba ang ipapaliwanag mo!?”

Tama si Cassy. Wala na kaming dapat ipaliwanag pa.

Tumayo ako sa kinauupuan ko, pumasok ako sa loob at mabilis na umakyat papunta sa kwarto ni Gelo. Habang paakyat nakita ko si Cassy at Gelo sa may pinto, sinusubukan ni Gelo na yakapin si Cassy pero lumalayo ito at patuloy lang sa pag-iyak.

“Cassy-”

“Tell me Gelo, kelan pa!? Tell me when did it start? Tara, dun tayo sa sofa! Diba sabi mo you’d like to explain? Go! Tell me when did this bullshit started!”

Mula sa kwarto ni Gelo naririnig ko pa rin si Cassy. Nararamdaman kong unti-unti nang lumalabo ang tingin ko dahil sa mga luha na namumuo sa ilalim ng mga mata ko. Di ko na lang sila pinansin at mabilis na nagbihis ng mga damit ko.

Pagbaba ko, nasa may pintuan pa rin sila. Nakita ko sa may ilalim ng hagdan si Lola Mercy, at nakatayo naman sa may kusina si Ate Precy at Ate Marge, pare-pareho silang mukhang di alam ang gagawin.

“Gelo, you know you’re my everything! I just cant believe this is happening right now!”

Nagpaalam ako kay Lola Mercy. Nakakatakot lumabas. Pero hindi aayos ang lahat hangga’t hindi ako umaalis rito.

At hangga’t hindi ako umaalis sa buhay ni Gelo.

Dala ang mga gamit ko, mabilis akong naglakad patungo sa pinto, dumaan ako sa likod ni Gelo, pero nung aabutin ko na yung doorknob ng pinto, narinig ko si Cassy.

“Sandali,” hinawakan nya ang balikat ko at inikot ako paharap sa kanya, “I thought were friends.”

At saka nya ko sinampal ng malakas sa kaliwang pisngi.

Sa sobrang lakas medyo na out-of-balance ako ng kaunti. Sa sobrang lakas, nagising ako sa kagaguhan ko. Tangina, sampal lang pala ni Cassy ang kailangan ko.

Imbes na kausapin si Cassy, mabilis akong lumabas ng pinto.

“Ean, sandali,” narinig kong sabi ni Gelo.

“Sige! Go after him!! Go after your best friend!!” sigaw ni Cassy.

Narinig kong tinatawag pa rin ako ni Gelo pero maski sya hindi ako napigilan sa paglabas ng gate nila. Tumakbo ako palayo sa bahay nila. Tunakbo ako hanggang sa nakakita ako ng tricycle.

Pagdating sa bahay, buti naman bagsak na silang lahat sa kama. Binato ko sa sulok ang bag ko at naupo sa sofa. Kahit sa dilim ng gabi, parang kitang-kita ko na ang lahat. Kitang-kita ko na ang lahat ngayon.

Hanggang rito naririnig ko pa rin ang mga iyak ni Cassy.

Wala na akong magawa kundi sabayan na lang sya sa pag-iyak.

Chapter 34

“Mr. Ean James Claro, Congratulations! Your short film entitled “Si Toby at ang Paghahanap sa Kalangitan” is one of the chosen films to be screened on our Annual Scholar’s Film Festival. You are now part of our Scholarship program for Freshmen next school year. Attached to this email are your registration form, enrollment form, our student handbook, our terms and conditions, and our management contract. We look forward on hearing from you! And welcome to the country’s premier film school! Please respond immediately to secure a slot for you!“

Shit. Totoo ba tong binabasa ko ngayon?

Kinusot kusot ko yung mga mata ko. Totoo ba to, o epekto lang ng dami ng ininom ko kagabi?

“Totoo ba to?” tanong ko kay Kuya Jasper na syang nanggising sa akin.

“Totoo nga to Ean! Gago ka ba? Congrats tol!” masiglang bati ni Kuya Jasper.

Tinignan ko si Ralph, Terrence at Denver na nakaupo sa kama ni Ralph, “Congrats pre, proud na proud kami sayo,” sabi ni Terrence.

“Oo nga Ean, ang astig mo. Sabi sayo diba matatanggap ka dyan!” sabi naman ni Terrence.

“Medyo nakakatampo lang,” sabi ni Ralph, agad syang siniko ni Terrence na nasa gitna nila ni Denver.

“Aray! Nagtatampo naman talaga tayo diba!”

Hala. Oo nga pala. May usapan nga pala kami na sa iisang university kami papasok. Kaya nga pala kami naging magkakaibigan.

“Hala, guys,” to be honest, di ko alam yung sasabihin ko.

“Ean, yes, medyo nagtatampo kami kasi usapan naman talaga natin dyan tayo mag-aaral sa PLM. Pero ayos lang yun sa min, sobrang proud nga kami sayo,” sabi ni Terrence.

“Magkakaroon na tayo ng tropang sikat na direktor!” sigaw ni Ralph.

“Oy! Wala pa! Gago to!” Binato ko ng unan si Ralph. Binato nya rin ako after.

“So, ano na irerespond ko?” tanong ni Kuya Jasper.

Tumingin ako sa tatlo. Kita ko yung disappointment nila, pero nakangiti silang nagthumbs-up sa akin. Si Ralph may pakindat pa.

“Yes kuya, sign me up!”

Kinongratulate ulit ako ni Kuya Jasper, and nag-offer pa sya na bilhan ako ng ilang mga gamit para sa pasukan. Nagpasalamat naman ako. After nun, nagpaalam na sya at magbubukas pa sya ng studio, sobrang naexcite daw kasi sya kasi paggising nya, yung email na yun agad yung bumungad sa kanya simce email ng studio yung ginamit ko pang send.

Pagka-alis ni Kuya Jasper, naalala ko nanaman yung tatlo.

“Guys, sorry talaga,” sabi ko, “Feeling ko ang talkshit ko lang.”

“Ayos nga lang yun sabi!” sabi ni Denver sabay akbay sa akin.

“Tama si Den, sabi ko nga kanina, proud na proud kami sayo,” sabi ni Terrence.

“Nahihiya na tuloy ako sa inyo.”

“Ano ba? Tropa for life diba? Tsaka ayaw naming maging dahilan para hindi mo i-take yang once in a lifetime opportunity na yan!” sabi naman ni Ralph.

“Kaya nga! Nako kung ako yan, iiwan ko lang yung mga chicks ko,” sabi ulit ni Terrence, “Pero hindi yung tropa ko.”

“Dito ka pa rin naman titira diba?” tanong ni Ralph.

“Oo naman!”

“O, yun naman pala eh!!”

“Nagulat kaya kami na andito ka pala pagising namin, akala namin nag-overnight ka kanila Gelo?”

Shet. Naalala ko nanaman yung mga nangyari kagabi. Shit. Shit. Shit. Pakiramdam ko masusuka nanaman ako.

“Ayos ka lang bro? Mukhang may hangover ka pa ata? Daya nyo naman, uminom pa ata kayo ni Gelo pag-alis namin ah!”

“Hindi baliw, umuwi ako agad kasi,” di ako sigurado kung dapat ko ba itong sabihin sa kanila, “nag-away si Cassy at Gelo eh, ayoko naman makigulo rin sa kanila.”

“Nako, alam ko na yang mga ganyan! Kunyari lang yan mag-aaway para umalis ka, pero yung totoo humahanap lang yan ng tiempo para magtirahan!” sabi ni Ralph.

“Luh, gawain mo siguro yon no? Ilang babae na dinala mo rito!?” sabi ni Terrence.

“Bat naman ako magdadala pa ng babae, eh andyan naman si Fafa Ean!”

“Tangina mo gago.”

“Pero Ean, nasabi mo na ba kay Boss Gelo at Cassy na natanggap ka sa scholarship?” tanong ni Denver.

“Di pa,” di pa ko sigurado kung kaya pa silang harapin ngayon matapos ng mga nangyari kagabi.

“Pero kidding aside Ean ah, sobrang proud kami sayo. Kaya ok lang na hindi tayo magiging magkaklase. Basta wag kang makakalimot ah!” niyakap ako ni Terrence at tinapik ako sa balikat.

“Oo naman! Kayo pa ba? Ang solid nyo kaya!”

“WHOAAA! Solid!” naggroup-hug kaming apat.

“Speaking of kalimot, sa isang araw na pala yung unang game natin laban kanila Greg!” paalala ni Ralph.

“Hala, oo nga no!” Shit. Legit na nakalimutan ko talaga yun!

“Kalaban pala natin dun si Boss Gelo ’no pre?”

“Oo nga eh.”

“O sya, saka na natin isipin nyan, mag breakfast na muna tayo!” singit ni Terrence.

“Nakapagluto ka na ba?”

“Hindi pa, pero kakain tayo sa labas!” sigaw ni Terrence, “Dun tayo sa tapsilogan ni Aling Sophie! I-celebrate natin ang success ni Ean!”

“Libre mo?” tanong ni Ralph.

“Libre ko!” sigaw ko, “Sige na, libre ko na kayo! Tara na!”

At dahil sa kabilang dulo lang ng street namin ang tapsilugan nila Aling Sophie, nakakain kami agad. Habang kumakain, wala pa rin kaming tigil sa kwentuhan, lalo na sa mga nangyari kahapon, at kung gano kayaman sila Gelo.

“Tangina nyo, bilisan nyo kumain, may mga trabaho pa tayo!”

Agad kaming bumalik sa bahay at naggayak na para pumasok. Pinauna na namin ni Ralph si Terrence at Denver sa banyo, mas maaga kasi yung pasok nila sa restaurant na pinagtatrabahuhan, samantalang maya-maya pa naman kami sa carwash, tsaka pwede naman kaming malate, malakas kami kay Mam Dessa eh!

Bago maligo, inisip kong mabuti kung mag-uupdate ba ako kay Gelo o hindi.

Siguro bigyan ko muna sila ng space ni Cassy.

Pagdating sa carwash, wala kaming ibang naging topic sa kwentuhan kundi ang paliga ni Kapitan na magsisimula na sa isang araw. Dala na ni Jojo yung mga jersey na pinatahi namin pati na rin yung medyas na long socks na kulay green na kakulay ng jersey na parang pacamouflage yung dating, sponsored naman yun ng tatay ni Chris.

“Hoy! Ano’t nakatumpok nanaman kayo dyan!” mabilis kaming nagpulasan nang marinig namin ang matinis na sigaw ni Mam Dessa, “Hindi nyo ba napapansin may customer tayo oh! Hindi ko kayo binabayaran para tumunganga lang dyan!”

Pagsilip namin sa labas, nakita naming meron ngang kulay puting SUV sa loob ng carwash. Agad kaming lumabas sa quaters namin.

“Sorry mam Dessa! Labyu!” Pabiro kong sinigaw habang inaayos yung hose mula sa pagkakapulupot. Nakita ko naman gumaan yung facial expressions ni Mam Dessa.

“Iba ka talaga Ean! Lakas ng tama sayo ni Mam Dessa,” mahinang kantyaw ni Chris at Jojo.

“Eh ganun talaga pag-pogi!”

Pagkatapos ko sa hose, yung hose naman na para sa sabon yung inayos ko.

“Uy!! Cassy!!” biglang sumigaw si Ralph, “Carwash?”

Tangina, si Cassy?

“Hi Ralph! And yes please, palinis ng car ko.”

Tinignan ko ng mabuti yung kotse na lilinisan namin. Mga limang segundo ata bago ko naalala na kotse nga pala to ni Cassy.

“Pwede ko ba makausap si Ean?”

Nakita kong natigilan lahat ng mga kasamahan ko sa carwash ng bumaba si Cassy sa kotse. Sumunod na bumaba yung driver ni Cassy na agad pumasok sa loob ng office ni Mam Dessa.

“Asan si Ean?” tanong ulit ni Cassy na ikinakaba ko naman lalo.

Anong kailangan nya sa kin? Maghihiganti ba sya o kung ano? Sasabihin ba nya kay Ralph at sa mga kasamahan ko rito sa carwash na may relasyon kami ng boyfriend nya? Sasabihin nya bang bakla ako? Sasampalin ba nya ulit ako tulad nung kagabi?

Syempre, yung loyal kong tropa, tinuro agad ako, nagtatago na nga ako sa likod ng mga drum ng tubig eh. Badtrip naman oh.

Naglakad palapit sa akin si Cassy, “Ean, pwede ba kitang makausap?”

“Baka magalit boss ko, di kami pwe-”

“Dont worry, pinakausap ko na kay Kuya yung boss mo. I want to talk to you in somewhere private.”

Napatingin ako kay Ralph. Nakakatitig lang sa amin yung buong carwash. Pati si Mam Dessa na nakita kong nakasilip mula sa bintana ng office nya.

“Uhm sige,” naghanap ako kung san kami pwedeng mag-usap, “Dun tayo sa may locker namin.”

Dinala ko si Cassy sa may locker room namin. Yung malibog kong utak, inisip na ganto yung umpisa ng karamihan ng mga porn na napanood ko, pero ngayon parang hindi na kayang ma-overpower ng kalibugan ko yung realization na tangina, dumating na yung araw na kinatatakutan ko.

“Sorry, marumi rito saka mabaho,” pinatong ko sa mesa yung mga jersey at mga medyas na nasa mga monoblock para may maupuan si Cassy. Sinara ko rin yung mga lockers ng mga kasama ko na puro marurumi nilang mga damit.

“Its okay. I dont mind.”

Naupo si Cassy sa isang monoblock samantalang nanatili ako sa may pinto, para kung sakaling may makiusyoso man sa amin, mahahampas ko agad ng pinto.

“So,” umpisa ni Cassy, isang salita pa lang yun pero parang masusuka na ata ako sa sobrang hiya at pagka-guilty, “Nakausap ko na si Gelo kagabi, he told me na may relationship nga kayong dalawa, I just to hear it from you.”

Huminga ako ng malalim, “Yes, may relasyon nga kami,” mahina kong sabi, mahina na enough para marinig nya.

“Since when?”

“Since nung nag-photoshoot tayo para sa set cards nya.”

“Yeah, just like what Gelo said,” mahina ring sagot ni Cassy, pero yung klase ng mahina na parang maiiyak sya anytime.

“Sorry Cassy.”

Saglit kaming natahimik na dalawa. Ni hindi namin kayang titigan ang isa’t isa sa mata.

“Sorry for slapping you last night Ean.”

“Naintindihan ko, deserve ko yun. Ang gago ko eh.”

“I just cant believe what’s happening right now. Now I know why Gelo is slowly drifting away from me this past few months.”

“Sorry talaga Cassy.”

“Dont be, Gelo admitted na sya yung nag-instigate ng lahat.”

“Kahit na. Sorry at nagpadala ako kahit alam kong kayo pa.”

Awkward silence ulit. Feeling ko parang marami pang gustong sabihin ni Cassy, or gusto nya nang umalis kasi hindi kumportable dito sa locker?

“Sorry for everything Ean,” sabi nya.

“Ha? Ako dapat yung mag-sorry sayo Cassy. Gusto ko lang malaman mo na sobrang naguguilty ako lalo na naging close na kita nitong mga nakaraan.”

“Actually same.”

Ha? Same?

“Sorry, pero ako yung nagsumbong kay Tito Manny na nasa inyo si Gelo. Ako yung nagsabi na kinidnap mo si Gelo.”

What the fuck?

“Sobrang, I dont know! The day before that kasi,” huminga sya ng malalim, “I found the two of you kissing. I got angry. So I decided to tell Tito Manny where Gelo is.”

“Teka, ibig sabihin-”

“Yes. I saw the two of you making out sa sofa nyo nung last time na nagpunta ako sa inyo. Naka lock kasi yung pinto nun, so I decided to look at the window, and there I saw the two of you.”

So nahuli na nya pala kami nung araw na yun.

“Tas diba I knocked, tas pinapasok ako ni Gelo, tas sabi nya nasa banyo ka raw. I tried to play it cool. I tried to act normal. I was so angry deep inside, I cant believe what’s happening talaga. And the way the two of you acted normal habang andun ako, it just pushed me to the edge, so that night, I called Tito Manny and said you held Gelo captive.”

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Wala akong karapatang magalit kay Cassy, dahil kung tutuusin, di hamak na mas malaki ang kasalanan ko sa kanya. Pero hindi ko pa rin maisip na nagawa nya yun. Muntik pa kong makulong.

“That’s the same day na nakita ko sa likod ng sofa nyo yung Elite socks na we bought for Gelo last week. I gave it yesterday just to see kung anong magiging reaction mo. And sorry if I acted weird kahapon. I just want Gelo to feel na mahal na mahal ko talaga sya.”

Nabibigyang linaw na rin ang lahat sa wakas. Pero alam kong walang wala talaga ako sa posisyong magalit. Ako naman kasi ang may gawa ng lahat ng ito. Pero naisip ko, nagmahal lang naman ako eh.

Nagmahal lang din si Gelo.

Nagmahal lang din si Cassy.

Pero lahat kami nagmahal sa maling paraan.

“But you know what Ean,” sabi ni Cassy, nakatingin lang sya sa laylayan ng dress nya, tinatastas ang mga sinulid na naliligaw, “Gelo broke up with me kagabi rin.”

Ha? Nakipagbreak si Gelo sa kanya.

“I realized it was really you that he wants. Nakita ko kung pano ka nya tignan buong araw kahapon. Kahit ilang beses ko na syang nahalikan, never kong naranasan sa kanya yung kiss that has the same intensity nung kiss nyong dalawa.”

Nadudurog yung puso ko pramis.

Nag-umpisa nang maiyak si Cassy, “Everytime na hinahalikan ko sya, everytime na bumabati sya ng good morning at good night, everytime na tinatawagan nya ko para mangamusta, lahat ng iyon, feeling ko pilit. Feeling ko kaya hindi nya ko magawang mahiwalayan kasi nanghihinayang sya sa itinagal namin, nasasayangan sya sa memories, and worse, naaawa sya sa akin.

Nakaramdam ako ng isang luha na tumulo mula sa kanan kong mata.

“Pinapili ko sya kagabi Ean, and ikaw ang pinili nya.”

Di ko na napigilan pa yung sarili ko, tuloy-tuloy nang umagos mula sa mata ko ang mga luha mula sa iba’t-ibang emosyon na nararamdaman ko all at once.

“Ean, you know Gelo is my everything. Sya ang bumuo kung sino ako ngayon. He’s. My. Everything.” sabi nya, ramdam na ramdam ko yung gigil, yung galit, yung sakit, yung lungkot, na never kong naramdaman kahit dati pa.

“He’s the reason kung bakit andito ako ngayon kung asan man ako ngayon. And kung wala sya, I’m nothing. I will be nothing.”

Tumayo sya sa kinaupuan nya. Iyak pa rin sya ng iyak. She’s a mess. Gulo-gulo na yung buhok nya pati make-up nya dahil sa walang tigil na pagluha nya. Pawis na pawis na rin sya sa init ng locker room.

Dahan-dahan syang lumuhod sa harap ko.

“Ean. I’m begging you. Please let Gelo be mine. Please. Please. Please.”

Pinatayo ko sya, pero hindi sya tumatayo.

“Please Ean. Gelo is my everything. He’s my everything. He’s my everything,” pauli-ulit nyang sinabi.

“Cassy please tumayo ka.”

“Ean, please, let Gelo be mine, let him be mine.”

Halos binuhat ko na sya para kang mapatayo sya.

“Yes Cassy.”

Niyakap nya ako ng mahigpit, “Thank you Ean! Thank you so much. This means a lot to me!” sabi nya pero patuloy pa rin sya sa pag-iyak.

“Sayo naman kasi talaga si Gelo from the start. Sorry.”

enters left

Last six chapters ;)

Vote | Comment | Follow

exits right

Chapter 35

“Ean! Halika na! Nagtext na sa kin si Chris! Nandun na daw sila,” sigaw ni Ralph mula sa sala.

“Sandali lang!”

“Wag ka na kasi mag-jakol tara na!”

“Tangina mo! Eto na, nagsasapatos na!”

Mula sa ilalim ng kama ko, mabilis kong nilabas ang box ng sapatos na binigay sa akin ni Gelo. Matagal ko tong tinitigan. Susuotin ko ba to? Kaso wala naman na akong ibang choice, wala na kong ibang sapatos.

Habang sinusuot ito, di ko mapigilang isipin yung mga nangyari kahapon. Kung paano lumuhod sa akin si Cassy, nagmamakaawa na ibigay ko na sa kanya si Gelo. Simula nun, nakablock na sa cellphone ko ang number ni Gelo. Hindi pa rin ako nagbubukas ng messenger hanggang ngayon. Kahit anong social media hindi ko binubuksan.

Alam ko naman na di ako pwedeng magtago na lang forever. Kailangan kong kausapin si Gelo. Kaso di ko alam kung kailan, at kung paano.

“Ean, lalabasan ka na ba?”

“Eto na!” napa-tangina na lang ako nung na realize ko kung gano ka awkward yung sinabi ko.

Paglabas ko ng kwarto, kinuha ko na yung bag ko na nasa sala at dali-daling sinundan na si Ralph na nasa labas na ng bahay. Agad kong ni-lock yung bahay paglabas.

Naghihintay sa amin sa baba si Terrence, Denver at Kimmy.

“Wow! Ang cute ng jersey nyo!” sabi ni Kimmy pagbaba namin ni Ralph.

“Mas cute kami,” sabi ni Ralph sabay kindat kay Kimmy.

“Luh, jersey ka ba?”

“Balakajan! Imbes na chini-cheer mo kami dina-down mo pa ko!” pabebeng sabi ni Ralph, “Una na nga ko, balakajan! Ayaw kita kasabay paglalakad!” tas mabilis na naglakad patungo sa gate si Ralph.

“Mukhang tanga puta,” sabi ni Denver, “Uy Ean, sintas mo.”

Umupo ako saglit sa bench para itali yung sintas ng sapatos ni Gelo. Narinig kong binuksan na ni Ralph yung pinto.

“Boss Gelo!!”

Napatingin ako sa gate. Masasapak ko si Ralph pag nabibiro lang ang puta. Pero nakita ko agad si Gelo na nasa labas, tabi ng kotse nya, suot ang jersey ng kalabang team. Nangitian nya ko.

“Hi guys! Sabay na kayo sa kin.”

“Wow! Ang galing ng timing mo Boss Gelo!” sabi ni Denver, “Sakto dating mo ah!”

“Syempre,” natatawang sabi ni Gelo.

Nang matapos akong magsintas, lumabas na rin ako ng gate.

“Hi Angelo Jon,” bati ko.

“Hi Ean James!” nakangiti nyang bati rin.

Andun pa rin. Andun pa rin yung feeling kapag tinatawag nya ang pangalan ko.

“Yiee! Tangina, kinikilig ako!” singit bigla ni Ralph na mabilis kinaltukan ni Terrence, “Ang ibig kong sabihin, tara na kasi! Magsisimula na yung game oh!”

“Tara,” yaya rin ni Gelo, “Ay kaso, 4 seater lang yung kotse ko eh, anim tayo.”

“Ok lang yan! Sige kakandong na lang ako sa likod,” sabi ko, nauna na kasi sila Ralph sa likod.

“De hindi! Dun ka sa harap! Di tayo kasya rito!” sagot ni Ralph.

“Si Kimmy na sa harap! Sya babae eh, di sya pwedeng makipagsiksikan rito! Usog!”

“Si Kimmy naman kasi, maliit!”

“Hoy! Dahan-dahan sa maliit ha!”

“Dun ka na sa harap! Antangkad mo masyado para kandungin!”

At dahil nauna na nang pumasok sa loob si Kimmy, dun na ulit ako sa harap umupo, sa usual kong upuan.

Buti naman, habang bumibyahe, walang tigil sa daldalan yung apat sa likod. Pag akmak kakausapin ako ni Gelo, kakausapin sya ni Ralph o di kaya ni Kimmy. Ayos nga yun eh, iwas awkwardness.

Pagdating sa court ng baranggay, andami na agad tao. Medyo nahirapan nga mag park si Gelo, puno na kasi ng motor tsaka mga sasakyan ang parking lot ng baranggay hall. Pero buti, may umalis na isang sasakyan kaya naman nakapag-park rin kami.

“Ayan na! Tara na! Talunin na natin sila Boss Gelo!” sabi ni Ralph habang pababa ng sasakyan. Nasobrahan nanaman sa kape si Gago, ang hyper oh.

“Wag ka muna bumaba please,” sabi ni Gelo pagkababa nung apat sa likod. Sinubukan kong buksan yung pinto pero agad nyang nilock lahat ng pinto.

“Ean James, umiiwas ka ba sa kin?”

Di ako sumagot. Di ko sigurado kung anong sasabihin ko. Magsisinungaling ba ko o magsasabi ako ng totoo? To the point na pati usapan namin ni Cassy kahapon masabi ko na rin sa kanya?

“Hindi ah. Binati nga kita kanina diba?”

“Eh bakit di ka na nagchachat sa akin? Bakit di na kita macontact?”

Tumingin ako sa labas. Napapagitnaan ng dalawang SUV yung kotse di Gelo kaya wala akong choice kundi tumingin sa harap, para makaiwas sa tingin ni Gelo.

“Bakit Ean James?”

Tinignan ko yung mga ka-team ko na nagwawarm-up na.

“Ayoko na kasi Gelo,” sabi ko finally, “Gusto kitang pasalamatan sa lahat. Salamat sa memories. Salamat sa mga gamit na binigay mo sa akin. Pero sa tingin ko hanggang dito na lang tayo. Di ko na kaya.”

“Sinusukuan mo na ba ako?”

“Hindi. At alam mo yan. Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko. Pero siguro sa ibang panahon pa.”

“Alam mo bang ikaw yung pinili ko Ean James? Alam mo bang ikaw ang pinili ko? Nakipag-hiwalay na ko kahapon kay Cassy, pwede na ulit maging tayo!”

“Ayoko na Gelo.”

“Si Cassy pa rin ba yung iniisip mo? Nakipaghiwalay na ko sa kanya, promise, nagsasabi ako ng totoo!”

Oo Gelo, alam kong nagsasabi ka ng totoo.

“Sino pa ba iniisip mo? Si Dad ba? Si Lola Mercy? Sila Ralph? Akong bahala sa atin Ean James, ipaglalaban kita kahit kanino, kahit nasaan man tayo! Akong bahala sayo.”

Puta. Mukhang iiyak nanaman ako nito ah. Di pwede. Maglalaro na kami ilang minuto na lang.

“Ayoko na talaga Gelo. Di na kita mahal,” bakit ba ako nagsisinungaling? Alam ko namang alam ni Gelo yung tunay na nararamdaman ko.

“Bakit nga kasi! Di ako naniniwalang hindi mo na ko mahal! Alam kong mahal ko pa ko!”

“Pano ka nakakasigurado?”

“Sige, tignan mo ko Ean James!”

Pinikit ko yung mga mata ko at tumingin sa sapatos na binigay nya.

“Tignan mo ko sa mata!”

Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. At nasaktan ako sa nakita ko. Umiiyak sya at pulang-pula ang mga mata nya. Nanginginig ang mga labi nya, ang mga pinakamalambot na labi na nahalikan ko, at namumula rin ang ilong nya.

Pinaiyak ko yung mala-anghel na mukha na walang ibang ginawa kundi pasayahin ako.

“Sabihin mo Ean James, sabihin mo sa akin na hindi mo na ko mahal.”

Hindi ko kaya. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya. Tangina.

“Ayoko na Gelo. Sorry,” sabi ko, pinipigilan ko pa rin ang sarili kong umiyak, “Please, pakibukas na yung pinto. Hinahanap na nila ako.”

“Ean James, pinili kita. Ikaw yung pinili ko. Wag mo naman gawin sa kin to.”

Para bang nagkaron ng sariling buhay ang mga mata ko, kusa nang may tumulo na luha mula sa isa sa mga mata ko. Na nasundan ng isa. Nang isa pa. At isa pa.

“Pero kung yan na talaga yung gusto mong mangyari,” parang hinihiwa yung puso ko sa tuwing maririnig ko syang humihikbi, “Wala na kong magagawa.”

“Wag ka nang umiyak please,” sabi ko. Mas nahihirapan akong gawin to kapag naririnig ko syang umiiyak, “Wag kang umiyak please.”

Kumuha ng tissue mula sa dashboard si Gelo. Pinunasan nya yung mga luha nya. Pinunasan ko naman yung akin gamit ng jersey ko.

“Pwede pa rin naman tayong maging best friends diba?” tanong nya.

“Hindi ko alam,” hindi ko talaga alam kung saan ko hinuhugot yung lakas na meron ako para saktan sya.

Sya yung nag-iisang tao na hindi ko yata gugustuhing saktan.

Kaso hindi ko naman sya gustong saktan eh, kailangan ko syang saktan.

“Nagising na ko Gelo,” sabi ko, natagpuan ko na rin sa wakas yung mga salitang gusto kong sabihin, “Umpisa pa lang talaga mali na na magi-”

“Ganito.”

Eto yata yung unang pagkakataon na hindi nya ko pinatapos magsalita.

“Ganito,” inulit nya, “Magpustahan ulit tayo.”

“Pustahan?”

“Kapag nanalo kami, magiging tayo pa rin at kakalimutan na nating nangyari to.”

“Sige.”

“Pero pag nanalo kayo, sige, maghiwalay na tayo. Kalimutan na natin ang isa’t-isa. Babalikan ko si Cassy. Babalik na tayo sa dati. Deal?” nilapit nya sa kin yung kamay nya para makipag-kamay.

“Deal.”

Inayos namin ang mga sarili namin at saka bumaba ng kotse.

“Galingan mo Ean James. Good luck.”

“Good luck Angelo Jon.”

enters left

Follow nyo nga pala yung new alter Twitter Account ko.

Followback ko kayooo.

*exits right *

Chapter 36

“Go Purok Tres!” narinig kong sigaw nila Kimmy mula sa bench namin.

4th quarter na. Last 15 seconds. At dikit pa rin ang scores namin. 84-85. Lamang sila Gelo.

“Kapag napunta sa inyo ang bola, ibigay nyo na agad kay Claro!” sabi ng tatay ni Jojo na nagsisilbing coach namin, “Ikaw Claro, wag ka nang humabol sa bola, maghintay ka lang ng mag-aabang sayo, kung pwede i-tres mo ulit.”

“Opo,” sagot ko. Habang nagpupunas ng pawis, palihim kong sinusulyapan si Gelo na nasa kabilang dulo ng court at kinakausap rin ng coach nila.

“Depensa tayo boys ha. Isang puntos na lang. Isang puntos na lang.”

Maya-maya lang, umalingaw-ngaw na yung tunog na ibig sabihin, tapos na ang time-out na binigay sa magkabilang team. Binigyan ako ni Coach ng “alam mo na” na tingin.

Hindi sa pagmamayabang, pero kalahati ng mga naging puntos, galing sa akin, kaya marahil, umaasa sya sa kin na tatapusin ko tong laro na kami ang panalo.

Dapat lang. Dapat lang matapos tong laro na to na kami ang panalo.

“Pre, kaya mo yan, isang tres lang yan,” sabi ni Ralph sabay tapik sa balikat ko.

Pagbalik sa gitna ng court, si Gelo agad ang hinanap ng mga mata ko. Nagkatinginan kami. Kitang-kita ko na gusto nya talagang manalo, tulad ko, karamihan rin sa mga puntos nila galing sa kanya. Manghang-mangha nga sa kanya sila Ralph kasi kahit na lumamang kami sa kanila nung first quarter, bumawi sya sa second quarter, at mga tatlo lang ata na score ang mula sa mga ka-team nya, karamihan sa kanya, at puro mga three-point shoot pa. Kaya naman nagpakawala ako kanina sa third quarter ng sunod-sunod na tres kaya mas naging malapit ang pagitan ng mga score namin.

Kitang-kita kong gustong-gusto nya manalo.

Gusto nya talaga ako.

At pumito na nga muli ang referee.

Unang napunta kanila Gelo yung bola. Mabilis nyang dinribble papunta sa ring nila ang bola, sinundan naman sya ng mga kasama ko. Naiwan lang ako malapit sa ring namin para maghintay ng magpapasa sa akin ng bola tulad ng tinuro ni coach.

“Ayan na nga po mga baranggay! Makakalamang kaya ang purok tres!?” narining kong sinabi ng announcer.

Nakita kong palapit na ng palapit si Gelo sa ring nila dala ang bola. Sa isang pagkurap lang ng mata ko parang bumagal ang lahat, naramdaman kong parang mas luminaw ang paningin ko, at parang naririnig ko na ang puso ko sa sobrang lakas ng pagtibok nito.

Isang puntos lang nila Gelo, tapos na to.

“Last 10 seconds!”

Bubuwelo na sana ng talon si Gelo nang maagaw ni Jojo mula sa kanya ang bola, at dahil don, parang nabuhayan uli ang dugo ko. Mabilis na tumakbo pabalik sa ring namin si Jojo, sinubukan ni Greg na agawin kay Jojo ang bola, mabilis na binagay to ni Jojo kay Ralph.

Tumingin na sa kin si Ralph, ipapasa na nya sa akin ang bola. Huminga ako ng malalim, mabilis akong lumabas sa three-point line at sinalo ang bola na mula kay Ralph. Humarap ako sa ring, mabilis ngunit maingat kong tinantya mula sa gilid ang ring, at saka tumalon para i-shoot ang bola.

…5

…4

I-te-tres ko tong putanginang to.

Mabilis akong tumalikod. Ayokong tignan kung pumasok ba ang bola sa ring o hindi. Tumingin lang ako kanila Terrence, umiiwas ng tingin kay coach, sa mga ka-team ko, kay Gelo. Bumalik nanaman sa pagiging slowmo ang lahat. Pakiramdam ko bumagal nanaman ang lahat, yung tipong ako lang yung gumagalaw sa normal na speed tas lahat parang naging movie scene na may nag-slow motion.

Pero nang makita kong napatayo mula sa kinauupuan si Kimmy, alam kong nagawa ko.

Umalingaw-ngaw sa buong covered court ang sigaw ng mga taga-purok tres. Parang biglang bumalik sa normal na bilis ang lahat. Nakita kong tumatakbo papalapit sa akin sila Ralph na mabilis akong inakbayan at kinutusan.

“Tangina mo!! Panalo tayo Ean!!”

“Ang astig non pre!” sabi naman ni Chris.

At natapos na nga laro. 87-85. Kami ang panalo.

“Hoy ang lupet non sir!” Bati nila Terrence.

“Congrats!” bati naman ni Kimmy.

“Iba ka talaga pre, feeling ko ikaw na magiging MVP nyan!” sabat ni Ralph, “Wag kang makakalimot ha!”

“Gago, hindi pa naman to yung huling laro ah,” natatawa kong sabi.

Pero para sa amin ni Gelo, eto na yung huli.

Habang pakapal nang pakapal ang mga taong bumibilog para batiin kami, hinanap ko naman si Gelo na nasa kabilang gilid ng court kung nasaan sila nakapwesto.

At nakita ko syang naka-upo na sa bench at nakatingin sa kin.

“Congrats Ean! Galing mo!”

“Binilang ko, naka anim na three-point shoot ka kanina!”

“Shet, ang astig ng ginawa mo!”

Halos mabingi na yung tenga ko sa dami ng mga bumabati sa akin na sabay-sabay nagsasalita, maraming nag-rerequest na magpapicture. Pero hindi ko alam kung bakit di ako makagalaw, di ko maalis ang tingin ko kay Gelo.

Kahit nasa kabilang dulo ako ng court, kitang-kita ko ang pagluha ng mga mata nya at pag-nginig ng mga labi nya. Pinilit nyang ngumiti at kunyaring nag-punas ng pawis pero nagpunas talaga ng mga luha.

Dahan-dahan nyang iniling ang ulo nya.

Na parang sinasabing hindi nya ko susukuan ng ganun kadali.

“Ralph, una na ko sa bahay. Uwi na ko.”

“Ha? Di ka sasama kanila coach? Bumili raw sya ng pancit para sa tin!”

“Di na, biglang sumama pakiramdam ko eh,” palusot ko. Pero totoo naman, bigla akong nahilo at parang gusto kong masuka.

“Yan kase, pabibo, di ka man lang nagpa-sub! Buong apat na quarter ka naglaro!”

“Hala, namumutla ka nga, tara samahan na kita,” alok ni Kimmy.

“De sige, sumama ka na, ikain mo na lang ako,” sabi ko habang mabilis na nagpalit ng t-shirt. Mabilis ko ring niligpit ang mga gamit ko at saka nagpaalam sa mga tropa ko.

Bago umalis sa court, hinanap ko ulit si Gelo, pero hindi ko na sya makita kahit saan. Wala na rin ang mga gamit nya. Pumunta ako sa baranggay hall, wala na rin dun ang kotse nya.

Parang dinudurog ang puso ko. Eto na yata ang magiging huling pagkikita namin.

Mula sa kawalan, biglang kumulog at kumidlat na nasundan ng mahinang ambon. Inisip kong maglakad na lang sana ako pauwi, kaso pag sa daan pa ko naabutan ng ulan, tiyak matutuluyan ako sa pagkakasakit nito kaya naman pumara ako ng tricycle at nagpahatid na lang sa bahay.

Saktong pagkasakay ko sa tricyle, bumuhos ang malakas na ulan.

Perfect timing amputa.

Habang pauwi, inaliw ko yung sarili ko sa panunuod ng ulan. Pero kahit anong gawin ko, hindi maalis sa isipan ko yung huling beses na nakita ko si Gelo. Parang gusto ko syang hanapin, puntahan sa kanila, at yakapin ng mahigpit. Gusto kong umiyak lang sa balikat nya at ipunas ang mga luha ko aa damit nya.

Gusto ko syang yakapin aa huling pagkakataon. Gusto ko syang halikan sa huling pagkakataon.

“Kuya, pwede ka ba dumaan sa Monteviola Heights Village?” tanong ko kay Kuya.

“Nako sir, hindi ako pwedeng lumabas ng highway, coding ako eh,” sagot nung driver.

“Ganun po ba, sige ho, ayos lang.”

Ayos lang. Ayos lang talaga.

Maya-maya lang, habang papalapit sa apartment. Nakita kong nakapark sa labas ang kotse ni Gelo. Parang nabuhayan yung loob ko na di ko maintindihan, parang biglang may switch sa loob ko na biglang nagbukas at parang instantly nagbago yung mood ko.

Gusto ko lang ulit sya makita. At ayokong ang umiiyak na Gelo ang huli kong makita sa kanya.

“Gelo!?” pag-tigil ng tricycle sa tapat ng gate, dun ko sya nakita, nakasandal sa may gate, at basang-basa sa ulan.

Mabilis kong binayaran yung tricycle driver at bumaba.

“Gelo? Ba’t ka andito!? Pumasok ka sa loob!”

Pinapasok ko sya sa loob. At dahil wala kaming payong pareho, basa na rin ako ng makarating sa taas.

“Congrats Ean James, nanalo kayo.”

Walang epekto yung pangalan ko this time. Wala syang epekto kapag malungkot ang pagkakasabi sa kanya.

“Tara pasok,” sabi ko pagbukas ko ng pinto, “Da’t dito mo na lang ako hinintay.”

“Hindi. Ayoko.”

“Huh?”

“Di ako papasok Ean James. Dito lang ako hangga’t hindi mo ko tinatanggap ulit.”

Di ako makapagsalita. Di ako makapagsalita ng hindi lumuluha.

“Gelo, akala ko ba nag-usap na tayo, ikaw pa nga yung gumawa ng deal natin diba?”

“Oo, pero hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang isuko ka. Ipaglalaban kita hangga’t kaya ko pa.”

“Gelo-”

“Stay, Ean. Please. Stay.”

“Pumasok ka na please, lalo kang mababasa dyan.”

“No. Take me back please. Let’s forget this even happened.”

“Kung ayaw mong pumasok, umuwi ka na lang,” naramdaman kong umiinit na yung likod ng ulo ko at nanginginig ang mga labi ko.

“Ean James, please-”

“Hindi mo ba maintindihan Gelo!?” wala na. I lost it. “Hindi mo ba maintindahan na lahat ng tungkol sa atin mali!? Ngayon ko lang na realize na sa sobrang nagpadala ako sa mga gusto ng puso ko, nakalimutan ko na ang mga tama sa mali!”

“Gelo, nanloko tayo ng tao! Nanloko tayo ng tao na wala namang ginagawang masama sa atin! Kahit sabihin mong masama ugali ni Cassy, never nyang naging deserve na maloko ng taong pinakamamahal nya! Sabi mo nung naging tayo, hihiwalayan mo na sya, hiniwalayan mo nga sya, kaso nasaktan na natin sya!”

“Hindi ko lang sinasabi sayo Gelo, pero nahihirapan akong tignan yung sarili ko sa relasyon nating to! Alam mo, pakiramdam ko lagi pangalawa lang ako kay Cassy! Pakiramdam ko sa akin ka lang kapag kailangan mo ko! Feeling ko sayo lang ako kapag kailangan mo ko! Kapag libog ka!”

“Ean, its not like that.”

“Magpakatotoo nga tayo. Gelo, kahit kailan, hindi tayo magiging masaya sa piling ng isa’t-isa kasi mali ito! Mali ang lahat nang to! Lalaki ka! Lalaki rin ako! Sige, sabihin nating maging tayo ulit, ipaglalaban natin ang isa’t-isa hangganga sa mamatay tayo sa piling ng isa’t-isa, pero pagdating ba magiging masaya pa rin tayong dalawa? Mali to, mali ang relasyon nating to.”

“Since when did you start to care about what other people has to say?” tanong nya.

Sa totoo lang, hindi ko lang alam kung anong pinagsasabi ko. Isa lang naman kasi gusto ko, gusto ko lang mawalan ng problema.

“Alam mo, ayos naman lahat eh bago kita nakilala, wala na kong ibang kailangang isipin pa kundi pano ko masusuportahan ang sarili ko dito sa maynila, at kung paano ko matutupad ang mga pangarap ko. Pero simula ng nakilala kita, gumulo na ang lahat!”

“Ean, Im sorry-”

“Maraming maraming salamat sa lahat ng mga ginawa mo para sa akin. Salamat din at nakilala kita. Pero Gelo, hanggang dito na lang siguro tayo.”

Gelo looks defeated, “Sige Ean James, pero pwede bang one last favor na lang?”

Hindi ko na sya hinintay pa para sabihin kung anong gusto nya. Hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi at hinalikan sya sa labi. Wala na kong pakialam kung makita man kami ng mga kapitbahay namin dito. Wala na kong pakialam kung biglang dumating man sila Ralph at makita kaming dalawa.

Huli naman na to eh. Kaya susulitin ko na.

Ako na rin ang humiwalay at baka hindi ko pa mapigilan ang sarili ko.

“Bye Ean James,” malungkot nyang sabi, “Makipagbati ka na sa family mo ha.”

“Sige. Bye Gelo,” pumasok na ulit ako sa loob, “Umuwi ka na.”

Dahan-dahan kong sinara yung pinto. Pero hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Hihintayin ko syang umalis.

Akala ko matatapos na. Akala ko hanggang dito na lang yung sakit. Akala ko wala nang mas sasakit pa sa mga nangyari. Pero nung pagkasara ko ng pinto, saka umiyak ng malakas si Gelo.

Lalong di ako umalis sa kinatatayuan ko. Sumandal lang ako sa pinto, dahan-dahan umupo, at sinabayan ang malakas na pag-iyak ni Gelo.

“Ean James!” Sabi nya habang malakas na humihikbi.

“Ean James! Ean James! Ean James!”

Sa lahat ng mga sinabi ni Gelo, eto ang pinaka hindi ko kayang marinig.

At gamit ang natitira kong lakas, tumayo ako at dinala ang sarili ko sa kwarto.

Chapter 37

“Hello? Ean?”

“Hi Ate Elaine.”

“Oh, napatawag ka, kamusta?”

“Ayos lang naman ako ate,” huminga ako ng malalim bago ako nagsalita ulit, “Andyan ba sila Mama?”

“Oo, pero pabalik na sya sa palengke maya-maya, may kinuha lang sya eh.”

“Pwede ko ba syang maka-usap?”

“Sige, wait lang ha,” sabi ni Ate Elaine, “Ma? Asan ka? Gusto ka raw kausapin ni Ean!”

“Si Ean?” narinig ko yung boses ni Ate Eliza.

“Hello? Anak?”

“Hi Mama.”

“Kamusta?”

“Ma, gusto ko lang po sabihin na sa isang linggo po papasok na po ako. Nakapasa po ako dun sa Film University na pinag-applyan ko po ng scholarship.”

“Nako! Talaga! Ang galing naman anak!”

Naiiyak ako. Sa natatandaan ko parang ngayon lang naging proud sa kin ang nanay ko.

“Magiging direktor na rin ako Ma. Matutupad ko na yung pangarap namin ni Ellie, Ma.”

“Ang galing anak, siguro kung nandito lang ang tatay mo, magiging masaya yon.”

“Siguro nga po.”

“Galingan mo ha, kung may kailangan ka sabihin mo lang dito sa amin ha, tsaka dumalaw ka rin paminsan-minsan dito.”

“Salamat Ma,” sabi ko, pinipigilan ko lang yung sarili kong umiyak. Narealize ko na yung mga nangyari sa nakaraan ko, yung kawalan ng pakialam sa amin ng magulang namin, yung pagkamatay ni Ellie na sinisi ng mga kapatid ko sa kin, yung paglalayas ko sa min, pati na rin yung mga nangyari sa amin ni Gelo, ginawa nila akong manhid, na parang takot na kong makaramdam ng kahit anong emosyon.

Pa-ulit-ulit ko pa ring naririnig ang boses ni Gelo sa ulo ko, “Makipagbati ka na sa family mo ha.”

“Uhm, Ma, Im sorry po sa lahat. Sorry po lumayas ako.” Mukhang nasobrahan ako sa pagsunod sa puso ko, “Siguro po nasobrahan lang ako sa pagsunod ng mga gusto ko.”

“Ayos lang yung anak. Kalimutan mo na yun, kami ng Papa mo yung may pagkukulang sayo. Tungkulin naminnang magpa-aralnsa inyong magkakapatid eh.”

“Pakisabi rin po kanila Ate Eliza sorry.”

“Sige anak,” naririnig ko nang humihikbi si Mama, “Galingan mo sa pasukan ha.”

“Opo ma.”

“Sige na nak, kailangan ko na bumalik sa palengke.”

Pagtapos kong nagpaalam kay Mama at sa mga kapatid ko, naupo lang ako sa kama at tumulala sa labas ng bintana.

Magaan na yung puso ko kahit papano. Nabawasan na yung mga taong sinaktan ko dahil sa pagiging makasarili ko.

Isa na lang ang natitira. Si Gelo.

Dalawang araw na ang nakakaraan simula ng maghiwalay kaming dalawa. Naninibago pa rin ako sa lahat. Di na ko nagigising sa mga tawag nya para bumati ng good morning. Di na ko nagigising sa mga message nya na nasa labas sya at may dalang almusal. Di na ko nagigising sa mga selfie nya pagkagising. Di ako sanay.

Huminga ako ng malalim, masasanay rin ako.

“Ean?”

Paglingon ko sa may pinto ng kwarto, nakita ko si Terrence, Denver, at Ralph na nakadungaw sa loob. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at tumingin papalayo.

“Ean,” pumasok si Terrence sa loob at naupo sa kama ni Ralph na katapat lang ng akin, “Nung isang araw ka pa ganyan. Anong problema pre?”

“Wala to,” sabi ko, pero mukhang mas kinukumbinsi ko yung sarili ko na wala lang to kesa sa sinasabi kay Terrence.

“Pre, di ka okay,” tumabi sa kanya si Denver at si Ralph na dala pa ang isang supot ng pandesal. Inalok pa ko ni gago kaso umiling lang ako.

“Anong problema tol?”

“Wal-” ayoko sanang sabihin sa kanila kaso narealize ko, hindi ko kayang magkunyari na strong ng sobrang tagal.

“Pwede mo namang sabihin sa aminnang lahat Ean, all for one, one for all, diba?”

“Ano kasi eh.”

“Ano ba yun?”

“Wala na kami ni Gelo, naghiwalay na ko sa kanya,” kasunod non ang ilang patak ng luha. Binalot ko ang sarili ko nung kumot ko at tinakpan ang mukha ko sa hiya. Ayokong makita ang magiging reaksyon nila.

“SABI NA NGA BA! Tangina, sabi na nga merong namamagitan sa inyo ni Boss Gelo! Dapat pala nakipagpustahan ako sa inyong dalawa para boom! Panalo ako! Tangina akalain mo yun, tama yung hinala ko! Pwede na kong magiging manghuhula! Si Ralph the, uhm, anong tawag sa lalaking manghuhula?”

Siniko ni Denver si Ralph. Higa si gago sa kama nya eh.

“Bakit kayo naghiwalay?” tanong ni Terrence na ramdam kong nag-aalala talaga.

“Mali kasi Rence eh. Maling-mali talaga tol eh,” sabi ko, “Mali na niloloko namin si Cassy. Mali na niloloko namin kayo. Mali na magkaron kami ng relasyon kasi, diba, pareho kaming lalaki, di pwede yun.”

“Kailan pa naging kayo?” si Denver naman yung nagtanong.

“Tagal na, dalawang buwan na. Nagsimula yun sa debut ni Cassy. Kinaibigan nya ko, tas ayun, sinabi nyang may nararamdaman daw sya sa kin. Tas may naramdaman din ako sa kanya. Tas yun.”

“Ba’t di mo sinabi sa min?” kahit nakahiga tuloy lang sa pagkain ng pandesal si Ralph. Bumangon to at kitang-kita ko yung mga mumo ng pandesal sa mukha nya.

“Syempre, natakot ako, di ko alam magiging reaction nyo. Pakapandirihan nyo ko o kung ano eh.”

Tumayo si Terrence. Akala ko lalabas na sya ng kwarto pero tinabihan nya ko sa kama ko at inakbayan ako.

“Ano ka ba, di kami ganun. Syempre si Ean ka eh, tropa ka namin eh, tanggap ka namin tol,” sabi ni Denver sabay tabi rin sa kin at hinimas-himas yung likod ko.

Puta, pinapaiyak ako lalo ng mga mokong na to ah.

“Di ko rin alam mga tol, kay Gelo lang ako nakaramdam ng ganun. Di ko talaga akalain na magkakagusto ako sa lalaki. Di ko alam, parang may kakaiba akong naramdaman nun.”

“Love yun pre. Ganun talaga yung love, minsan dumadating sa mga pagkakataong di mo inaakala,” for the first time sa umagang to, may sense ang sinabi ni Ralph.

“Kung ganon, bakit ikaw na lang sa ating apat yung walang lovelife?” tanong nu Denver.

“WHOAAA!”

“Syempre, sabi ko nga diba, dumadating sa mga pagkakataong di mo inaakala, siguro di ko pa oras para mainlab.”

“Pero Ean,” inawat na sila ni Terrence, “Wala talagang kaso sa amin kung merong namagitan sa inyo ni Gelo. Wala ring kaso kung nagkakagusto ka sa lalaki o ano, ha.”

“Salamat pre.”

“Oo nga,” pag-sang-ayon ni Denver, “Si Ralph nga oh, kahit tatanda na yan na single at walang ibang ginawa kundi pagjakulan ang mga babae sa anime, mahal namin yan. Tropa yan eh.”

“Tangina naman, sa pogi kong to di ako tatandang single no. Dami kaya humahabol sa king mga chicks.”

“Oo, isa na run si Mam Dessa. Yieee.”

“Tangina mo Ean, kung wala ka lang pinagdadaanan ngayon kukutusan talaga kita.”

“Pero Ean, tanungin ka namin ha, mahal mo pa ba si Gelo?”

Natigilan ako sa tanong ni Terrence. Kahit alam na alam ko yung sagot, parang ang hirap at ang sakit tanggapin, at sabihin ng malakas.

“Oo mahal ko pa,” ang tabang ng lasa ng mga salitang yun sa bibig ko, “Pero, mali, maling-mali, bukod sa ayokong makasira ng relasyon, gusto ko rin magkaron ng sariling pamilya, at yon naman talaga yung tama diba?”

“Kung ano man ang maging desisyon mo, matatanggap ka pa rin namin tol. Wag kang mag-alala. Kaya wag ka nang umiyak, kaming tatlo magmamahal sayo, yiee!”

“Salamat sa inyo mga pre, the best talaga kayo, ang solid nyo pramis,” parang napalitan ng tears of joy yung mga luhang umaagos sa mga mata ko.

“Group hug!!” sigaw ni Ralph.

Di ko na talaga pagpapalit tong tropa ko.

“Pero since, ayun, nagkakagusto ka pala sa lalaki,” tanong ni Ralph pagkabitaw namin sa group hug, “Sino sa aming tatlo yung masasabi mong type mo?”

“Ikaw po fafa Ralph.”

“WHOAAA!”

“Tangina Ralph! Bat ka namumula! Gago!”

“Ako namumula!?” sabi ni Ralph sabay takbo sa salamin sa kama ni Terrence, “Gago, hindi!”

“Tanga! Nagbu-blush ka, gago!”

“Hoy ganto talaga kulay ko!”

“Tangina mo!”

“Tangina nyo rin! Ako nanaman pinagtitripan nyo mga gago!”

enters right

Gusto nyo ba magkaron ng sariling spin-off novel si Ralph? Gusto nyo ba ng sariling story nya? Kung oo, bigyan nyo naman ako ng idea, parang ang astig lang gawan ng story ni Ralph 😆

Last three chapters Mi Amores

Vote | Comment | Follow

exits left

Chapter 38

“Pre, sila Greg daw yung naglalaro ngayon, bago tayo,” sabi ni Terrence pagpasok ko sa kusina para mag-hapunan.

“Talaga?”

“Oo, purok siete daw tas purok dos yung naglalaro ngayon, sila Gelo yun diba?”

Tumungo lang ako.

“Handa ka na bang makita sya ulit?”

“Oo. Ata. Di ko alam. Siguro naman pag tayo na yung maglalaro, uuwi na sya. Ayos na yun.”

Dalawang linggo naman na eh. Siguro naman kaya ko na syang makita ulit.

“Gulat nga ako eh, kasama pa pala sya kanila Greg, akala ko umalis na rin sya sa team njla nung nagbreak kayo,” sabi naman ni Denver.

“Oo nga, akala ko rin,” sabi ko.

“Pag nanalo sila ngayon, at pag nanalo tayo mamaya, malakas yung tyansang tayo maglaban sa finals nyan!”

Nagsandok ako sa plato ko ng kanin at kumuha ng dalawang hotdog na prinito ni Terrence.

“Rence!! Den!! Tignan nyo to!” sigaw ni Ralph na dali-daling pumasok sa kusina.

“Ano yan?” tanong ko, ako lang ata yung di nya tinawag.

Imbes na sagutin ako dali-dali syang pumunta kay Terrence at Denver at biglang may pinakita galing sa phone nya. Biglang natahimik yung dalawa. Dahan-dahang napatingin sa akin yung tatlo.

“Ano yan?”

Nagtinginan lang yung tatlo, halatang nag-aalangan na ipakita sa akin kung ano man yung pinakita ni Ralph dun sa tatlo.

“Ralph, ano yan?”

“Ean kasi, ano eh-”

Mabilis kong kinuha mula sa kamay nya yung phone nya. Aagawin pa nya sana pabalik kaso napakamot na lang sya ng ulo.

Tinignan ko kung ano yun. IG story sya ng kung sino.

Hindi lang pala ng kung sino. IG story sya ni Cassy.

May hawak syang pregnancy test kit.

At may dalawang linya ito na pula.

“Buntis si Cassy?” tanong ko sa kanilang tatlo, kahit alam ko naman yung sagot. Obvious na obvious na yung sagot.

Binalik ko kay Ralph yung phone nya.

“Tara na guys, anong oras na rin oh,” bumalik na lang ako sa pagkain.

Wala nang nasabi pa yung tatlo. Sinaluhan na rin nila ako sa pagkain.

Pagtapos kumain, umalis na agad kami, medyo late na nga kami, kanina pa andun sila coach, pero di pa naman nagsisimula, kelan pa ba nagsimula on time ang mga pilipino?

“Ayos ka lang ba bro?” tanong ni Ralph nung nasa tricycle na kami papunta sa court. Pareho kaming asa likod, samantalang nasa loob naman si Terrence at Denver.

“Ayos lang naman.”

“Sigurado ka?”

“Oo, siguradong-sigurado.”

Di na sumagot si Ralph. Alam namin parehong nagsisinungaling lang ako.

Pagdating sa may court, marami nang mga tao. Sinalubong kami ni Kimmy at sinamahan kami sa bench na lagi naming inuupuan. Bumati kami kanila coach at sa mga ka-team namin. Sabi na nga ba, OA lang yung text nina Chris kanina eh, kakasimula pa lang ng fourth quarter sa pagitan ng purok siete at purok dos.

At ayun na nga, nakita ko na nga ulit si Gelo. Naka-upo na kang sa bench. Pero pawis na pawis sya eh, mukhang kanina pa sya naglalaro.

“Kamusta ka na?” tanong ni Kimmy pagkabalik ko sa upuan.

“Ayos lang naman.”

“Nako, ako ha, wag mo kong chinacharot ng ganyan, chinarot mo na ko nung una,” sagot nya, “Pero kaloka ha, di pa rin ako makapaniwala na si Gelo pala yung kinukwento mo sa akin all this time.”

“Di kita chinacharot, ayos nga lang talaga ako. Di ko hahayaang madistract ako mamaya sa laro.”

“Tama yan, positive energy lang.”

Kinuha ko yung gym bag ko sa likod para sana uminom ng tubig. Kaso pag kakuha ko ng tumbler ko, wala palang laman.

“Tangina badtrip.”

“Anyare?” tanong ni Kimmy.

“Wala akong tubig, di ko nalagyan yung bote ko.”

“Bumili ka dun ng ice tubig oh! Tas lagay mo na lang sa bote mo,” tinuro ni Kimmy kung bakery sa malapit sa pasukan ng court.

“Sige, saglit lang ah.”

Kinuha ko yung wallet ko tsaka yung tumbler ko at naglakad palabas ng court.

“Ate, pabili nga po ng ice tubig,” sabi ko dun sa tindera sa bakery.

“Ilan?”

“Tatlo po.”

“Nako, dalawa na lang yung ice tubig dito eh, binili na kanina nung mga naglalaro.”

“Ah sige po, kunin ko na po yung dalawa.”

Pagkakuha ni ate sa dalawang ice tubig, binayaran ko na ito at dun na rin nag-salin sa may istanteng walang laman sa bakery. Rinig na rinig ko rito yung mga nangyayari sa court, yung boses ng commentator, yung pito ng referee, pati na rin mga sigaw ng mga tao.

“Ate, isang ice tubig po,” napisil ko nang mahigpit yung ice tubig na sinasalin ko nang marinig kung sino yung nasa likod ko.

“Ay nako, wala na, nabili na nya lahat,” tinuro ako ni Ate. Badtrip naman.

“Ah sige po ate. Thank you.”

Pagsilip ko sa likod ko, nakatalikod na rin sa kin si Gelo dala nya yung wallet nya at bote ng Gatorade na wala nang laman. Naghahanap sya ng tindahan pa. Aalis na dapat sya pero naisip kong tawagin sya.

“Gelo?”

Dahan-dahang humarap sa kin si Gelo, na parang nag-aalangan pang humarap sa kin.

Inabot ko sa kanya yung isang ice tubig na di ko pa nabubutas, “Tig-isa na lang tayo oh.”

Tumingin muna sa akin si Gelo. Tinignan nya rin yung ice tubig bago nya to kunin sa akin.

“Wala ka nangabibilhan dyan, malayo na yung susunod na tindahang may ice tubig mula rito,” shinoot ko sa basurahan ng bakery. Di to na shoot. Lumapit pa ko para pulutin to at itapon ng tama sa basurahan.

“Ah ganun ba,” binuksan nya yung ice tubig nya at nagsimulang uminom. Tinapos ko naman yung pagsasalin sa bote ko at naupo sa steps ng bakery. Diba dapat aalis na ko? Di ba dapat babalik na ko sa court? Di ba dapat di ko na sya papansinin ulit at babalik na kanila Ralph?

Ba’t di ko magawa?

Maya-maya lang na-upo sa tabi ko si Gelo.

“Congrats bro,” sabi ko, this time, natutunan ko na kung pano kontrolin sa pagluluha yung mga mata ko.

“Thanks bro.”

“Kailan nyo nalaman?”

“Kaninang umaga lang. Nagsuka si Cassy eh. Tsaka isang linggo na rin syang walang dalaw.”

Tangina. Gusto kong manapak. Gusto kong magwala. Galit na galit ako. Galit na galit yung sistema ko, di ko nga alam kung paano ko pa nagagawang maging kalmado sa harap ni Gelo.

Siguro may epekto pa rin sa kin si Gelo.

Akala ko ba mahal nya ko? Akala ko ba ako yung pinili nya? Pero isang linggo lang nabuntis nya na si Cassy?

Pero tangina. Oo nga no.

Ako yung sumuko sa aming dalawa. Sila nga pala talaga. Sila yung may karapatang lumigaya. Sumuko nga pala ako kaya wala ako sa lugar na tanungin sya kung bakit nabuntis nya na si Cassy.

Wala pala akong karapatan. Ako yung may kasalanan.

“Masaya ako para sa inyo.”

“Sorry Ean James.”

Di ko sya pinansin, “Anong gusto sa magiging anak nyo? Babae o lalaki? Hala, baka kambal, ang astig non!”

“Ean James, sorry talaga?”

“Magiging ninong ba ko? Eh sila Ralph? Ipapasyal mo ba sya minsan dito?”

“Ean James, wag naman ganto,” fuck. Humihikbi na sya.

“Pakisabi kay Cassy, congrats, masayang masaya ako para sa inyong dalawa.”

“Ean, alam mo, putangina mo,” naubos nya na yung ice tubig nya. Binato nya yung plastic sa basuran. Na-shoot to agad.

Oo Gelo, alam ko.

“Di naman natin kailangan magsakitan ng ganito diba?”

Di na ko sumagot. Di ko rin alam kung bakit kami nagsasakitan ng ganito.

“Nabuntis ko si Cassy. Sorry. Pero ikaw pa rin. Ikaw pa rin Ean James.”

Di ko na kaya to. Tumayo na ko at naglakad pabalik sa court.

“Ean James! Wait!”

Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Gusto ko syang halikan, tangina. Gusto ko syang halikan sa harap ng napakaraming tao dito sa baranggay hall.

“Take this.”

Inabot nya sa akin yung USB nya na penguin. Yung USB na naglalaman ng film naming dalawa. Yung USB na ginawa naming palusot nung nag-iisip pa lang kami ng idea sa film ko, sabi ni Gelo kay Cassy magpapatulong lang sya sa akin na maghanap ng kung ano sa taas pero nag momol lang kami.

Kinuha nya yung kamay ko. Nilagay nya ito sa palad ko at sinara ang kamay ko.

“Keep it. I have something for you right there. Its supposed to be my gift for our monthsarry, pero, yan. Keep it.”

“Ikaw pa rin Ean James. Ikaw pa rin.”

Pagbalik ko sa court. Nilagay ko sa bag ko yung penguin na USB. Kung ano man yung laman nito. Di pa ata ako handang panuorin kung ano man ito.

enters right

Last 2 chapters mi amores!

Post ko na rin ba today yung last two chapters?“

Vote | Comment | Follow

exits left

Chapter 39

“Ean, sama ka ba? Mamimili kami nila Terrence ng mga kulang pa naming gamit para bukas,” tanong ni Ralph.

“Di na muna Rence, next week na lang ako bibili. Next week pa naman pasukan namin eh.

“Wow, sana all next week pa pasukan.” sabat ni Denver.

“O sige Ean, alis na kami, wala ka bang papabili?”

“Uwian nyo na lang ako meryenda!”

“Ah sige, mag-uuwi naman talaga kami ng meryenda, kasama namin si Ralph. Si Ralph pa ba?”

“Oh! Ako nanaman pinagtitripan nyo! Mga gago talaga kayo!”

“Sige Ean, alis na kami!”

“Ay teka, Ralph, peram laptop mo ah!”

“Sige pre, yung mga porn nasa folder na ‘Angels’ yung pangalan, nasa may Downloaded files!”

“Tangina mo, di ako manunuod ng porn.”

“Sus kunyari ka pa.”

“Fuck you.”

“Fuck you too! Period! Lock! Nilunok ko na yung susi! Wala nang bawian!”

“Tangina, isip bata talaga puta,” natatawa kong tanong, “Anong password.”

“22017. Welcome.”

“Tsaka nga pala Ean,” sabi ni Terrence, “Di namin dadalhin motor ko ah, iwan ko na rito, wala kong lisensya eh. Ikaw na bahala ah.”

“Sige. Ingat kayo.”

Pag-alis nung tatlo. Dinala ko sa kwarto yung laptop ni Ralph. Kinuha ko sa bag ko yung USB na binigay ni Gelo nung isang gabi.

Kung ano man ang laman nito, sana ito na ang tuluyang mag-sara sa mga sugat na iniwan namin ni Gelo sa isa’t-isa.

Pagbukas ko nung USB drive, dalawang files lang yung laman nya. Isa na dun yung full version nung film na ginawa namin para sa scholarship ko. At yung isa, parang video na kuha lang sa cellphone ni Gelo.

Binuksan ko ito.

“ Dear Ean James ,“ sabi ni Gelo sa umpisa nung video. Suot nya yung onesie nya na Unicorn na kulay Light Blue, nakahiga sya sa kama at nakasandal ang ulo nya sa headboard ng kama.

Nang makita kong may katabi syang natutulog sa kama na suot ang isa nya pang Unicorn onesie na kulay Dark Blue, saka ko lang narealize na kuha ito nung nag-overnight ako sa kanila.

Kuha ito nung unang gabi na nagsex kaming dalawa.

“ Alam mo, di ko alam kung bakit pero ang sarap pakinggan ng pangalan mo pag sinasabi ko ng buo. But anyway, sobrang thank you sa gabing ito. That was the best sex I ever had! “

Hinarap nya sa akin yung camera. At ayun ako. Tulog na tulog.

“ Joke lang, that was actually the first sex I ever had. Ikaw naka-virgin sa akin bro. “

Ikaw rin una ko bro.

“ Pero kidding aside,“ nilipat nya yung hawak nya sa isang kamay nya tas niyakap ako ng mahigpit, “Sobrang thankful ako I was given a chance to meet someone like you. “

“ You know, I learned so many things because of you, isa na don yung pagsunod sa kung ano yung gusto ng puso natin. Alam mo, I’ve been fighting this feelings na meron ako sa kapwa lalaki ko eh. That’s why kahit meron akong mga friends sa school, lalo na sa varsity, I still distance myself from them kasi takot ako na baka one day malaman nila yung sikreto ko .“

Hinihimas-himas nya yung buhok ko.

“ Then I met you. Binago mo yung buhay ko Ean James. Fuck, ang hot talaga ng pangalan mo pag sinasabi ng buo! Damn you !“

Natawa ako dun na parang napahikbi na hindi ko maintindihan.

“ Sorry, kasi kahit mahal na mahal kita, hindi pa kita maipaglaban. Alam mo naman, maraming kondisyon sa atin yung society where we lived now. Sana naging babae ka na lang Ean James, o kaya ako, para pag nagkakilala tayo, buntisan na agad! Hahahaha joke! “

Nice joke, medyo natawa ako. Pero di sya appropriate sa mga nangyayari ngayon.

“ Pero nagegets mo naman diba, pag nakilala mo na yung taong, alam mo na, yung taong sigurado ka na, na sya yung makakatuluyan mo someday, parang gagawa ka talaga ng paraan para masigurado na kayo pa rin sa dulo. Hala, na-gets mo ba? Parang ang gulo ko .“

Yes Gelo, naiintindihan kita.

“ Hindi ko alam kung hanggang saan tayo. Hindi ko alam kung hanggang kailan tayo. Hindi ko rin alam kung anong mga pwedeng mangyari sa future. Pero isa lang ang masasabi ko, I maybe stupid at times, may times na parang pangalawa ka lang kay Cassy of some sort, ikaw pa rin ang pipiliin ko kahit anong mangyari. “

Mahal talaga ako ni gago, tangina.

“ Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita Ean James. At ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko, pero siguro hindi man ngayon, na as in ngayon talaga. Pero alam ko, someday, darating yung araw na nothing else will matter except you. “

“ Dumating man tayo sa point na maghiwalay tayo or something, I think I will not get over you that easy, “ ang cute talaga ni Gelo pag kinikilig, “ Pero I dont think we will ever split eh, ikaw na kasi yung nakikita ko sa future ko. Pero pano nga no pag nagbreak tayo someday? “

Pano nga ba Gelo?

“ Hmmm, tiwala lang, di mangyayari yan. Ikaw at ikaw pa rin yung pipiliin ko eh. Ikaw at ikaw pa rin. “

Nilapit nya ulit sa mukha ko yung camera ng phone.

“ Ang cute cute cute talaga ng bebe ko arghh !“ kinurot nya ko sa pisngi at niyakap ngahigpit, “ Cute na, sexy pa, sobrang malibog, pero sobrang gentleman din .“

“ Wala na kong mahihiling pa Ean James. Na sayo na ang lahat, yieee .“

Kiniss nya yung dulo ng ilong ko.

“ One day, I promised, I will shout from the rooftops that I love you very very much .“

And kiniss mo ko ng mabilis sa labi.

After nyang sabihin yon biglang na-cut yung video. Yun na ata yung end kasi may pinindot na kung ano si Gelo eh. Pero may karugtong yung video. May nakaedit sa huli.

“ Ikaw pa rin Ean James ,“ narinig kong nagsalita si Gelo kahit malakas yung ihip ng hangin sa paligid nya at umuulan.

Hindi to sa kwarto nila Gelo. Nasa labas sya. Somewhere na malakas yung hangin at malakas yung ulan. Maya-maya lang, nakita ko sa video yung pool nila Gelo.

Nasa bubong si Gelo.

Suot nya yung light blue nya na onesie na basang-basa na sa ulan. At nakaupo lang sya sa bubong nila.

“ Ikaw pa rin Ean James, “ ulit-ulit nyang sinabi.

Walang tigil sa pagbuhos ang malakas na ulan. Eto yung araw na nakipaghiwalay ako sa kanya.

“ Balik ka na sa kin please. Balik ka na .“

Tangina. Ikaw pa rin Angelo Jon.

Sinara ko yung laptop ni Gelo. Nagbihis ako. Kinuha ko sa may bintana yung susi ng motor ni Terrence. Patakbo akong bumaba pababa ng apartment complex. Nilabas ko yung motor ni Gelo mula sa compound.

Sumakay ako at humarurot ako patungo sa Monteviola Heights.

Ipaglalaban na kita Gelo. Andito na ko. Hintayin mo lang ako.

Susundin ko na kung anong nasa puso ko.

At ikaw yun.

Ikaw at ikaw pa rin.

Pagdating ko sa highway, saka ko lang naaalala na wala pala akong helmet. Ayos lang yan. Ang pinakamahalaga ngayon, makarating ako kanila Gelo, humingi ng tawad sa kanya, at ipagdasal na sana hindi pa huli ang lahat.

Gelo, eto na ko. Kaya na kitang ipaglaban ngayon.

Sa sobrang kakaisip ko kay Gelo, di ko napansing red na pala yung stoplight.

Chapter 40

Sabi nila, pag malapit ka na sa kamatayan, sa mga huling segundong natitira sa buhay mo, magfaflashback lahat ng mga masasaya mong alala na parang isang mabilis na slideshow.

Pagbulat ng mga mata ko, wala akong makita kundi ang kulay asul na kalangitan na unti-unting nahahaluan ng kahel dahil sa paglubog ng araw sa di kalayuan. Tinignan ko ng mabuti ang napakagandang langit na parang isang painting kung saan mainam na pinaghalo-halo ang kulay na asul, kahel at rosas, tinignan ko ito ng mabuti dahil siguradong di ko na to makikita pang muli.

Binuga ko ang dugong nagsisimulang mamuo sa loob ng bibig ko. Nakaramdam rin ako ng pagdaloy ng mainit at malapot na dugo sa gilid ng ulo ko. Naluha na lang ako sa nangyari sa akin, lalo na sa ibabang bahagi ng katawan ko.

Nakarinig ako ng mga taong humihingi ng tulong. May ibang lumapit sa akin at tinatanong kung ayos lang ba ako. May isang babaeng nagtatanong ng pangalan ko at kung saan ako nakatira. May lalaki namang gusto akong buhatin pero takot na galawin ang bali-bali kong ibabang bahagi ng katawan. May matanda namang bumulong sa kasama na maya-maya di ko na rin kakayanin at mamamatay na rin ako.

Di na lang ako nakinig sa mga taong nagkakagulo sa paligid ko. Binalik ko na lang ang atensyon ko sa langit na minsan ko lang makitang ganito.

Gusto kong isipin na ayos lang ako, kundi lang dahil sa sobrang sakit na tila namanhid na ang buo kong katawan. Nararamdaman ko ang unti-unting nababasa ang aspaltong kinahihigaan ko, naliligo na ako sa sarili kong dugo.

“Kahit anong mangyari iho, wag na wag mong ipipikit ang mga mata mo,” sabi ng isang babae sa tabi ko.

Ang hirap. Gusto kong sabihin. Ate mahirap pong pigilin, bumibigat na ang mga talukap ng mata ko. Gusto kong magsalita kaso mahirap lalo na’t patuloy ang paglabas ng dugo mula sa bibig ko.

“Iho, lumaban ka, parating na ang tulong, isipin mo ang pamilya mo, ang mga kaibigan mo, lumaban ka,” kung sino man ’tong ale na di talaga umaalis sa tabi ko, gusto ko syang pasalamatan kung sakaling makakaligtas man ako ngayon.

“Iho, sino sa mga kamag-anak mo ang pwede nating tawagan? O kahit kaibigan na pwedeng pumunta agad sa ospital?”

Isang pangalan lang ang pumasok sa isip ko.

Si Gelo ko.

Ipaglalaban kita. Ipaglalaban kita.

Di pa ko pwedeng mamatay. Ipaglalaban pa kita.

Akin ka lang Angelo Jon.

enters left

READY FOR THE TWIST?

exits right

READ THIS ANNOUNCEMENT

Read carefully:

Okay, so hindi pa po ang Chapter 40 ang last chapter heheheh. Nang titrip lang po ako mga kaibigan.

So bago tayo pumunta sa finale, gusto ko lamang magpaliwanag saglit okay?

Nung inumpisahan kong gawin ang Bros With Benefits on early April this year, I had an idea na kung ano ang ending. Actually, ang ending ang pinaka una kong sinulat, para alam nyo yon, bilang writer tantyado ko kung saan ang patutunguhan ng ginagawa ko.

So originally, may dalawa akong ending na naisip the moment na naisip ko ang concept for this. Isang sad, isang happy.

And when I finished writing nang mga bandang second week ng October, na realized kong wala akong mapili na best ending kasi takot ako na baka madisappoint yung readers ko.

Soooo.

I decided na dalawa ang magiging ending ng Bros With Benefits!

Para sa mga naghahanap ng SAD ENDING pumunta na agad sa FINAL CHAPTER 1.

Para sa mga naghahanap ng

HAPPY

ENDING pumunta na agad sa FINAL CHAPTER 2.

I’m letting y’all choose. Kung gusto nyong basahin pareho, okay lang, kung gusto nyo isa lang, okay lang din naman, pero make sure na uunahin nyo yung ending na gusto nyo talaga, kung happy or sad.

So ayun, halika’t sama-sama nating alamin kung ano na nga ba ang nangyari kay Ean at Gelo!

AND PLEASE DO TELL ME KUJG ANONG MAS BET NYONG ENDING.

Final Chapter 1

Ilang minuto ko nang tinititigan yung katawan ko na nasa loob ng kabaong pero hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko.

Ang ganda nung kabaong ko, puting-puti at salamin yung takip. Ang gara din ng sobrang daming bulaklak na nakapaligid sa akin. Napa-iling ako, kahit kelan talaga Gelo.

Meron ding malaking picture sa tabi ng kabaong ko. Picture ko to nung nag Star City kami nila Gelo. Kuha ito sa may ferris wheel. Naaalala ko nun, takot sa heights si Cassy non kaya kami lang ni Gelo yung sumakay. Sa taas, kinuhan ko ng ilang pictures si Gelo, tapos kinuhaan nya rin ako.

Ito yung the best na kuha ni Gelo. Stolen nga sya actually eh. Nakatingin ako sa malayo, kita sa likod ko ang asul na asul na ulap na may iilang puting ulap. Nakangiti lang ako. Bagay na bagay sa tarpaulin na langit rin ang background.

Ilang sandali na lang makikita ko na rin kung ano ang totoong itsura ng langit.

Sobrang nahihiya pa rin ako kay Gelo at sa pamilya nya. Sila pa ang nag-asikaso at nag bayad nitong burol pati na rin ang pagpapalibing sa akin. Samantalang wala naman akong ibang ginawa kundi saktan si Gelo nung mga huling sandali ng buhay ko.

Tumalikod ako at tinignan ang mga taong tahimik lang na nakaupo sa magkakahilerang mga bangko sa loob ng funeral house.

Nasa unang hilera si Nanay at ang mga kapatid ko.

Tulog si Nanay at nakasandal sya kay Ate Elaine. Hawak hawak ni Ate Elaine ang kamay nya at dahan-dahan itong minasahe. Ilang beses na rin hinimatay si Nanay. Tuwing magigising sya, iiyak lang sya ng iiyak hanggang sa mahimatay na sya kakaiyak. Eto, galing nanaman sya sa isang pagkahimatay. Pero naaawa talaga ako kay Nanay. Nawala na nga ang bunso nyang anak, magkasunod pang binawi sa kanya ang asawa at isa nya pang anak. Sino ba naman ang hindi mahihimatay sa sakit non.

Nakatingin lang sa kabaong ko si Ate Elaine na parang nagtatanong kung bakit ba to nangyari. Naaalala ko pa nung tinawagan sya si Gelo nung mga sandaling sinabi ng mga doctor na Dead on Arrival na ako. Rinig na rinig ko pa rin yung mga iyak nya, kung paano nya sinabi sa mga kapatid ko yung balita, at kung paano nila pinag-usapan kung paano nila sasabihin kay Nanay ang lahat.

Nasa tabi nya si Kuya Ed at Kuya Elton. Sila ang nag-isip na wag muna sabihin kay Nanay ang nangyari. Humiram sila ng sasakyan at pera sa mga kabarkada nila, hinintay si Nanay na umuwi galing palengke, at ayun, dinala nila si Nanay sa Maynila. Takang-taka nun si Nanay, pero sabi lang nila sosopresahin lang nila ako.

Walang tigil pa rin sa pag-iyak si Ate Eliza na nasa kabilang tabi ni Ate Elaine. Yakap-yakap sya ni Ate Emily at hinihimas-himas ang likod nya. Sila ang mga huling nakapunta sa Maynila, at ibinilin pa nila ang mga anak nila sa mga kaibigan. Buti na lang pala, nakatawag ako ilang araw bago mangyari yung aksidente at nakahingi ng tawad sa kanila. Ayos lang kahit hindi sila nakahingi ng tawad sa kin, ang mahalaga, napatawad ko na sila.

Sayang. Gusto ko silang yakapin isa-isa. Di ko naman kasi alam na huling pagkikita na rin pala namin ang libing ni Tatay.

Kung hindi ko lang sana tinigasan ang puso ko, naging maayos na sana ulit kami.

Nasa likod naman nila sila Kuya Jasper, Jan-jan, Ate Val at Kyle. Hawak-hawak ni Kuya Jasper yung registration form at enrollment form na prinint nya at ipapafill-up na sana sa akin nung araw na maaksidente ako. Nung tinawagan sila nila Ralph, di sila makapaniwala nung una, pero nung Si Kuya Elton, na kababata ni Kuya Jasper ang tumawag sa kanila, saka sila naniwala. Yun ang ata yung first time na nakita ko si Jan-jan na tahimik lang, di dumadaldal, hindi magkukuwento ng kung ano-ano sa lovelife nya.

Lumapit ako sa kanilang tatlo para tignan ng mabuti yung school forms na hawak ni Kuya Jasper. Sayang talaga to oh, nakapasa na ko eh, di ko man lang naexperience pumasok sa isang mamahalin na paaralan.

Kasunod nila sila Lola Mercy, kasama si Ate Precy at Ate Marge. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa kanila, lalo na kay Sir Manny, na pumayag na magbayad sa funeral service ko nang aminin ni Gelo lahat sa kanya. Sobra. Kahit hanggang dito sa burol ko tumutulong sila sa mga kapatid ko sa pag-aasikaso sa mga bisita.

Katabi ni Lola Mercy si Cassy.

Kagabi yung una kong burol at narinig ko si Cassy at Gelo na nag-uusap habang binabantayan ako nung madaling araw, at hinihintay makarating sa Maynila ang pamilya ko. Gustong ipangalan sa akin ni Cassy yung magiging anak nila ni Gelo. Nung mga panahong yon, kakatahan lang ni Gelo sa pag-iyak, pero nang sabihin yon ni Cassy, di nya ulit napigilan ang sarili.

Pinangalanan nila ang anak na Ean Izel.

Gusto kong yakapin ng mahigpit si Cassy. Gusto kong magpasalamat sa kanya. Sya ang nagcomfort kay Gelo simula nang matanggap nila ang tawag na naaksidente ako. Sya ang nagmaneho sa sasakyan ni Gelo papuntang ospital nung sumama sa loob ng ambulansiya si Gelo kahit hindi oa sya ganun karunong mag-drive at buntis pa sya.

Salamat Cassy. Mukhang ikaw pa rin ang nanalo ah.

Alagaan mo si Gelo ha. At lagi mo syang ipaglaban, tulad ng kung paano mo sya pinaglaban mula sa akin. Dapat ganun, lulunukin mo lahat ng pride mo, maipaglaban lang ang taong pinakamamahal mo. Lodi ko tong si Cassy eh, kaya ang alam kong magiging maayos lang sa kanya si Gelo.

Ipaglaban mo si Gelo ha, ako kasi hindi ko sya naipaglaban. Naubusan na ko ng oras bago ko to nagawa.

Parang gusto ko nang bumalik ulit sa harap, kung san ako nakatambay, ayoko nang tignan pa yung mga nasa likod nila Cassy.

Si Terrence, si Denver, at si Ralph.

Kababalik lang sa upuan ni Terrence, nagtimpla sya ng kape para sa kanila ni Denver. Si Ralph naman tulog na, ang lakas humilik amputa.

“Den, gisingin mo nga si Ralph.”

“Luh, bakit naman?”

“Ang lakas humilik eh, nakakahiya sa mga nandito.”

“Ayoko, baka mamaya pag ginising ko wala nanaman tigil yan sa pag-iyak, buti nga nakatulog eh.”

Nadurog naman yung puso ko sa narinig ko. Tangina. Ang hirap naman nito. Ang hirap makitang nagluluksa sa pagkawala mo ang tatlo sa pinaka solid na taong nakilala mo sa buong buhay mo.

“Ambilis naman pre. Ambilis.” Sabi ni Terrence.

“Kaya nga eh. Di ko akalain na ganun mawawala sa atin si Ean.,” naiiyak na sabi ni Denver.

“Oo nga, ayos lang sana kung yung motor ko na kang yung nawala. Di na lang sana si Ean,” nagpunas ng luha si Terrence, “Sana pala dinala ko na lang yung motor ko no.”

Naalala ko nung tinawagan sila ni Gelo habang narerevive ako. D,i sila nakapagsalitang tatlo. Narinig ko lang si Denver na nagsabi nang “Ano?” tas nasundan na yun ng mga iyak ni Ralph, tas si Terrence, tas si Denver.

Hanggang ngayon sinisisi pa rin ni Terrence yung sarili nya. Tangina, gusto ko syang sigawan. Walang dapat ibang sisihin sa pagkamatay ko kundi ako.

Sa kabilang dulo ng inuupuan nila, nakaupo si Kimmy.

Nag-excuse ko at dumaan sa gitna nila papunta sa kinauupuan ni Kimmy.

Andami dami ko ring gusting sabihin kay Kimmy. Una, salamat, kasi sya yung nagpasasabihan ko yung ng mga problema ko nun may Gelo kahit hindi namna kami close talaga. Pangalawa, sorry, kasi hindi ako naging totoo sa kanya. At pangatlo, kung nasa ibang panahon lang siguro, kung hindi ko nakilala si Gelo, baka sya yung niligawan ko. Si Kimmy yung mga tipo ko eh.

Tumabi ako kay Kimmy. May tinatype sya sa phone nya.

Mga sasabihin nya sa libing ko. Isa pala sya sa mga magsasalita.

Tumayo na ko at lumayo sa kanya, di ko muna iispoil yung sarili ko, sa libing ko na dapat maranig kung ano man yung mga sasabihin nya.

Tinignan ko yung iba pang mga taong naiwan ko, sila Maam Dessa at yung mga kasamahan ko sa Car Wash, sila coach, at yung mga kasama ko sa team, pati sila Mang Berto at yung mga chismosa naming kapitbahay sa apartment complex.

Mamimiss ko sila.

Inikot ko ulit ng isa-isa ng tingin ang mga taong nasa loob ng funeral house. Pero wala sa kanila yung pinakagusto kong kausapin.

Sumilip ako labas.

Andun sya.

Nakaupo sa may hagdan.

Nakatingin sa kawalan.

Naalala ko, mas nauna pang dumating si Gelo kesa sa ambulansya. Kita ko nun magkasama sila ni Cassy sa sasakyan non. Bumaba si Gelo. Hindi pa man nakakalapit sa akin, kitang-kita ko na yung mga luha na sunod-sunod na tumutulo mula sa mga mata nya. Nakita kong nagpapanic sya, bubuhatin nya sana ako kaso pinigilan sya ng mga tao sa paligid.

“Ba’t nyo ko pinipigilan! Dadalhin ko yung boyfriend ko sa ospital!!!” hindi ko pa nakitang ganito si Gelo kahit kailan, nagwawala at parang wala sa sarili, nagpapanic at di alam kung ano ang gagawin.

“Bubuhatin ko na sya! Dadalhin ko sya sa ospital!”

Wala lang akong ibang ginawa nun kundi tumingin sa langit at lumuha. Kahit ang tawagin ang pangalan nya ay napakasakit na.

“Wag nyo kong pigilan! Tangina nyo! Palapitin nyo ko sa boyfriend ko! Dadalhin ko sya sa ospital namin! Tatay ko yung may-ari ng ospital dyan sa may highway! Ano ba! Bitiwan nyo ko!!”

Ilang ulit ipinaliwanag sa kanya ng mga tao na hindi ako pwedeng buhatin, na hayaan ko na dapat ang mga paramedic ang bumuhat sa akin bago sya kumalma.

“Ean James, please wag mo kong iiwan.”

“Hindi Gelo, hindi kita iiwan.”

Nakita ko si Cassy sa loob ng sasakyan at nakatingin lang sa akin. Umiiyak sya. Bumuka ang mga labi nya. Sabi nya sorry. Sabi sya ng sorry paulit-ulit.

“Sabihin mo kay Cassy,” padami ng padami yung dugong lumalabas sa bibig ko, “Its okay.”

“No! Ean! You can’t give up on me this time!! You need to live!”

“Yes Gelo. Ipaglalaban kita, wag kang mag-alala.”

“Hold on please. Hold on.”

Hanggang sa dumating na nga ang mga ambulansya na galing sa ospital nila Gelo. Agad akong isinakay ng mga paramedics sa stretcher at mabilis akong ipinasok sa loob. Sumama sa loob si Gelo. Nakita ko naman si Cassy na dinrive kasunod ng ambulansya ang sasakyan ni Gelo.

“Whatever happens, dont close your eyes please.”

“Yes Gelo.”

Hinawakan ni Gelo ang isang kamay ko. Kanya-kanya naman sa pagbibigay ng first aid yung mga paramedics. May isang nilagyana ako ng oxygen mask. May isang chineck ang blood pressure ko. May isang tinitignan ang mga bali ko sa lower body.

“Fight for me please. Fight for us.”

“Oo Gelo. Mabubuhay ako para sa ating dalawa.”

Naramdam kong bumibigat na yung mga mata ko.

“Wag!! Mahal mo ko diba! Mahal mo ko diba! Kung mahal mo ko wag mong isasara yung mga mata mo please! Wag Ean! Wag!!”

Nakakatakot ang mga sigaw nun ni Gelo. Kitang kita ko yung panggigigil. Kitang kita ko kung pano halos pumutok na yung mga ugat nya sa leeg. Kita ko kung pano halos lumuwa na yung mga mata nya sa pagmamakaawa.

“Nakita mo ba yung langit kanina Angelo Jon? Ang ganda no?”

“Dont talk like that please.”

“Kulay Orange, tas Violet, tas may onting Pink at Blue pa.”

“Ean, no, dont to this to me!”

Nahihilo na ko. Ansakit sakit na ng ulo ko. Umiikot ang buong paligid ko. Narinig ko yung isang paramedic na nauubusan na ko ng dugo sa dami ng mga sugat ko. Hinigpitan ni Gelo ang hawak sa kamay ko pero unti-unti na ring namanhid ang mga kamay ko.

“Ean James! Ean James!”

“Ikaw pa rin Angelo Jon.”

Maya-maya lang. Nakita ko na lang ang sarili kong nakatingin sa katawan kong yakap-yakap ng nagwawalang si Gelo.

“Time of death, 6:27 pm.”

“Ean James!! Ean James!! Ean James!!”

Ngayon, alam ko na yung ibig sabihin ng mga katagang ‘tagos sa kaluluwa’.

Tinitigan ko lang si Gelo na nakaupo sa hagdanan sa labas ng funeral house.

“Mahal na mahal kita Angelo Jon.”

Umupo ako sa tabi nya at niyakap sya.

Bigla syang kinilabutan, at umiyak.

“Ean James. Ean James. Ean James.”

Bumitaw ako sa kanya at tumayo na. Baka lalong di ko pa mapigilan ang sarili kong lumayo sa kanya.

Gusto kong punasan ang mga luha nya sa mata. Gusto ko syang halikan sa noo, sa ilong, sa labi. Gusto ko syang yakapin ng sobrang higpit

Dapat pala sinulit ko na nung buhay pa ko. Nung mga panahong kami pa.

“Kuya Ean?”

Napatalikod ako sa narinig ko.

Nakatayo sa likod ko si Ellie.

“Ellie?”

“Hi Kuya Ean!”

“Teka, ba’t ka nandito?”

“Tara na kuya, pinapasundo ka ni Papa sa akin.”

“Ni Papa?”

“Oo kuya, dun sa taas.”

“Aakyat na tayo?”

“Oo kuya, masaya dun!”

Lumapit ako sa kapatid ko. May nakita akong maliit na liwanag na sumulpot sa likuran nya. Palaki ito ng palaki.

“Ellie, sorry di ko natupad yung mga pangarap natin.”

“Ano ka ba, natupad mo kaya! Ang galing mo kayang direktor!”

“Talaga?”

“Pinapanood kita lagi mula sa taas kuya. Ang galing mong maging director ng buhay mo.”

“Talaga ba Ellie?”

“Oo nga! Antanga mo pala sa pag-ibig no?”

“Kaya nga eh.”

“Tara na, kunin mo na yung kamay ko. Excited na si Papa na makapag-usap ulit kayong dalawa!”

“Teka, si Gelo,” tumalikod ako para kumuha ng one last na tingin kay Gelo. Tinagalan ko this time. Gusto kong kabisaduhin ang bawat linya ng katawan nya.

“Wag kang mag-alala kuya, lagi mo naman makikita si Kuya Gelo mula sa taas eh.”

“Talaga?”

“Oo! Kaya tara na!”

At kinuha ko na ang kamay ng kapatid ko.

“Paalam, Angelo Jon.”

Final Chapter 2

“Izel! Tawagin mo nga yung Papa mo sa baba! Tell him to go to our room!” narinig kong sabi ni Gelo mula sa kwarto namin.

Maya-maya lang, narinig ko si Izel na pababa ng hagdan, papunta sa sala kung san ko inaayos yung buhok ko sa malaki naming salamin.

“Naks! Pogi naman ng Papa ko!” sabi ni Izel pagbaba nya sa sala.

“Mas pogi ka nak, wag ka papatalo!”

“Ang lakas talaga maka pogi ng suit and tie no Papa?”

“Siguro, pero based on experience, pag pogi ka na talaga, kahit anong suotin mo pogi ka pa rin.”

“Papa talaga, tawag ka po Daddy sa taas,” sabi ng anak namin na sya namang nag-ayos ng buhok sa salamin.

“Bakit daw?”

“Di ko po alam eh, sabi tawagin ko lang daw po kayo eh.”

Umakyat ako sa hagdan at agad na nagpunta sa kwarto namin ni Gelo, pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Gelo na di pa rin suot ang suit nya at nakasukbit lang sa leeg ang necktie.

“Dont tell me, di ka pa rin marunong mag-necktie?”

“Oops? Mukhang ganon na nga.”

Lumapit ako sa kanya at kinuha yung necktie na mali na agad pagkakasukbit pa lang.

“Sabi ko diba, dapat nasa kaliwa mo yung maikli, tas dapat hanggang dito lang sa may pusod mo!”

“Eh, nalilito pa rin ako sa kaliwa at kanan eh.”

“Oh, alangan namang lagi mo kong tatawagin para magpa-necktie sayo?”

“Oo, galing mo kaya mag-necktie.”

“Sus. Eh pano pag nawala ako, may shoot ako ganun?”

“Hmm, bibili na nga lang ako nung de sipit na lang na necktie para di na ko nahihirapan.”

“Lagi mo ring sinasabi yan! Di ka naman nakakabili!”

“Syempre, pag bumili ako nun, di mo na ko nenecktie-yan!”

“Nako, naglalambing lang pala, amwola!”

“Syempre, kung ganto kasexy yung asawa mo, di mo ba lalambingin everytime?”

“Di ko alam, di naman sexy asawa ko eh,” pambabara ko sa kanya.

“Kainis ka!” kinurot nya ko sa pisngi, “Di ba ko sexy para sayo?” pabebe nyang tanong.

Pagtapos kong ayusin yung necktie nya, hinawakan ko yung pwet nya gamit ang magkabila kong kamay at inilapit sya sa akin. Nararamdaman ko yung mga etits namin na unti-unti nang tumitigas, kiniskis ko sa etits nya yung akin habang hinihimas yung pwet nya na nasa loob ng black slacks na sa sobrang hapit, bakat na bakaylt yung matambok nyang pwet at ang tumitigas nyang alaga.

“Syempre, sexy ka,” bulong ko bago ko isubo yung tenga nya at dahang-dahang pinasok sa tenga nya yung dila ko.

“Ow shit. Tangina mo,” malakas na ungol nya.

Mabilis akong bumitaw at pinalo sya sa pwet.

“Tangina mo, ang lakas ng boses mo! Andyan lang si Izel oh! Baka marinig ka ng anak mo!”

“Actually, kanina pa po ako rito, magpapa-necktie sana ako kay Papa Ean kaso mukhang busy po kayo,” sabi ni Izel na nasa labas lang pala ng kwarto.

Tinawan ko si Gelo at saka marahan syang sinampal sa pisngi.

“Tara nak! Pasok ka na! Di na kami busy!”

Kinuha na ni Gelo yung suit nya at sinumulan itong suotin.

“Papa, sarado nyo naman yung pinto pag may time!” natatawang biro ng anak namin pagpasok.

“Sorry na nak, medyo na-carried away lang yang Daddy mo.”

“Oh! Ako nanaman! Ikaw kaya tong du-” mabilis kong kumuha ng maliit na unan at saka to binato sa kanya para tumigil sya sa pagsasalita.

Tawa lang ng tawa si Izel sa aming dalawa. Sa edad nyang katorse, sanay na sanay na yan sa aming dalawa ni Gelo at ngayong binata na, tropa tropa na lang yung turing namin sa isa’t-isa, pero syempre dahil anak namin, may limitations pa rin, lalo na at straight sya, medyo di awkward rin para kay Izel.

“Wag mong pakinggan yan nak, malakas lang trip ng Daddy mo!” sabi ko, binigay naman sa akin ni Izel yung necktie nya.

“Oh! Di ka pa rin din marunong mag-necktie?”

“Di pa po Papa eh,” napakamot sa ulo si Izel.

“Mag-ama nga kayo,” sabi ko at saka inayos ang necktie ng anak namin.

“Dalian nyo nang mag-ayos dalawa! Magsisimula na yung awards night!”

Ngayong taon, nakapasok nanaman ang isa sa mga pelikula ko sa Metro Manila Film Festival. Bale pang apat na taon ko na to. Simula nang grumaduate ako sa film school, sobrang daming opportunities na yung nagbukas sa akin. Nakapagcompete na ko ng film-making sa loob at labas ng bansa at naging isa sa mga tinaguriang “Rising Filmmakers of this Generation” naks, ang astig pakinggan no?

“Chill ka lang Pa, late naman magsisimula yun,” sabi ni Izel.

“Oo nga, ang OA talaga ng Papa mo minsan,” sabi sa kanya ni Gelo.

“Wow, so ako naman yung pagtutulungan nyong dalawa? Sinabi kasing maligo na kanina, di pa rin kayo tumigil kaka NBA!”

“Wow Papa, sino kaya yung humabol ng isa pang laro kasi talo sya nung last round!?”

“Eh sino naman nanalo nung round na yon? Ako diba?”

“Matatalo ka rin namin bukas!” sabi ni Gelo na tapos na rin magbihis sa wakas.

Si Gelo naman, pagkagraduate ng senior high school, nadiscover bilang isang brand model ng isang sikat na local fashion brand. Itago natin to sa pangalang Bench. Tas ayun, nag-audition para maging artista, gamit na rin yung mga napag-aralan sa Arts and Design track, naging Indie Film actor, at syempre, ako yung director ng una nyang naging pelikula. Hanggang sa nadiscover ng isang malaking celebrity manager, at ayun, bumulusok na ang career.

Pero kahit sobrang busy na nya sa mga telenovela nya, lagi pa rin nya ginagawan ng paraan para makasama sa mga pelikula ko.

Tulad nitong pang-apat kong entry sa MMFF, sya ang bida.

“Oo nga papa, libre mo kami ng Pizza pag nanalo kami sa next game!”

“Wow! Diba dapat ako yung nililibre nyo kasi ako tong may film ulit na nakasali sa festival? Ako tong nominated sa Best Director.”

“Well, baka nakakalimutan mo, nominated din ako sa Best Actor?”

“O sige ah, pustahan,” naging inside joke na lang sa ming dalawa yung pusta-pustahan na yan na nagsimula sa basketball. “Pag nanalo ako Best Director, kakain tayo sa labas? Buffet ha!?”

“O sige!” sagot ni Gelo, “Pero pag ako yung nanalo…”

“Ano?”

“Ako kakainin mo?”

Inawat na kami ni Izel “O sige na! Tama na yan! Awat na! Baka mamaya di tayo maka-alis nyan lalo eh! Kayo talaga!”

“Sorry na nak,” tumayo ako sa pagkakaupo sa kama, “Tara na nga nak, bayaan mo na yang tatay mo dyan!”

Pagtapos namin mag-ayos, nagpahatid na kami sa driver namin papunta sa Resorts World Manila kung saan magaganap ang Awards Night.

Pag-alis ng kotse sa bahay, naramdaman kong sunod-sunod na nag-vibrate yung phone ko.

Buhay nanaman ang GC ng tropa, nagvivideo-call yung tatlo.

“Pre!! Ngayon na yung Awards nyo diba!! Congrats pre! Grabe, ang lupit mo talaga! Pang-apat na taon mo diba?”

“Thanks Terrence! Oo! Pang-apat na taon ko na nga pre!”

“Iba ka talaga Ean! Sensya ka na ah, di ako makakanood, di ako nakauwi nung katapusan, di ako pinayagan ng kapitan ko eh.”

Sabi na nga ba di pinayagan ng kapitan ang mokong eh. Dalawang taon na syang Customer Relations Manager ng isang cruise ship sa may Dubai. Nung una nga chef lang talaga yung inapplyan nya, ewan ko ba kung bakit ganun, nagwapuhan siguro yung employer kaya naging Customer Relations kahit walang kinalaman sa course na kinuha. Iba talaga pag maganda tabas ng mukha.

“Oks lang yun pre! Basta alam mo na! Yung pasalubong namin!”

“Oo na, 10 kilos ng seafood, at tig-iisang box ng chocolate, as always!”

“Yown! Lakas talaga namin sayo Rence!” sabi naman ni Denver.

“Asan ka na Den?”

“Grab na, papunta na ko sa Resort’s World. Kayo ba?”

Si Denver naman, sinubukang pasukin ang mundo ng Youtube. Dahil siguro pogi, tsaka, dahil may talent naman talaga ang mokong, ayun, sumikat sa internet dahil sa mga cover nya ng mga kanta. At this year lang, sumali sya sa Himig Handog, ayun, isa sa mga finalist. Yung boses na halos gumigising sa akin dati sa umaga, yung boses na rinding-rindi na ako, ayun, naririnig ko na sa radio, at may sarili na rin syang Artist’s Spotify account. Iba talaga pag may pang-malupitan na talent.

“On the way na rin pre.”

“Ingat pre ha.”

“Salamat dude, ikaw rin!”

“Ralph!” sigaw ni Denver, “Kanina ka pa tahimik dyan! Ano na nangyari sayo!? Asan ka na!?”

Oo nga, parang kanina pa tahimik si Ralph ah, nakakapanibago.

“Ah kasi,” sabi ni Ralph, “Naliligaw kami mga pre eh, san ba yung resorts world?”

Tangina, di pa rin nagbabago si gago.

“Baliw! Asan ka!?” Halos sabay naming sabi ni Denver.

“Di ko alam eh, basta may nakikita akong mataas na tower, tas highway na pabilog. Dito ako binaba ng taxi na sinakyan ko eh.”

“Hala! Ba’t ka nasa QC Circle! Ang layo mo pa tol!”

“Sabi sayo nasa maling daan tayo eh!!” narinig ko nanaman ulit ang matinis na boses ni Kimmy.

Oo. Sila ni Kimmy ang nagkatuluyan mga kaibigan.

“Hi Kimms!”

“Hi guys,” inagaw ni Kimmy yung phone ni Ralph at sya ang nakipag-usap sa amin.

“Bat naman kayo napunta sa QC Circle?”

“Etong mokong na to! Nakipag-away pa sa akin na nasa Pasay na kaming dalawa eh ayaw maniwalang QC to!”

“Ralph, ano na ba?”

“Di ko rin alam tol, sabog na ata ako.”

“Gago! Sabog ka naman lagi!”

“Teka Ean, si Izel ba yang katabi mo?”

Tinapat ko yung camera kay Izel.

“Hi Ninong Ralph!” bati ni Izel sa paborito nyang Ninong.

Naaalala ko nung bata pa si Ralph, tas nung wala pa silang pamilya tatlo, laging sa amin sila nagpapasko. Sinabi ni Izel sa akin na si Ralph daw yung paborito nyang Ninong, tas wag ko raw sabihin kay Terrence at Denver, baka di na daw sya bigyan ng chocolates next christmas.

“Luh, ba’t si Ralph lang binati mo?” tanong ni Terrence na kunyaring nagtampo.

“Hi Ninong Rence! Hi Ninong Den!”

Kinuha ko pabalik yung phone ko, “Seryoso na Ralph, anlayo nyo pa tol! Baka mamaya, tapos na yung category mo, asa byahe ka pa rin!”

Yes. Opo. Tama po kayo ng nabasa. Maniwala man kayo o hindi, kasama sa Metro Manila Film Festival ngayong taon si Ralph. Sa Best Supporting Actor Category. Akalain mo yun, sa showbiz rin pala mauuwi si gago. Naaalala ko nung panahon na nag late night talk kami ni Ralph nung minsang nagbrown-out sa apartment, nagtaka ako kung saan ang tatahakin ni Ralph sa future. Ayun, nag audition sa isang season ng Pinoy Big Brother si gago. Ayun naging sikat na comediante, at eto yung una nyang pelikula. Kalaban man naming film yung pelikula nya, in fairness nung napanood ko, may chance manalo ang gago. Naisip ko tuloy na wala man sya nung diskatre, at talent na mero kaming tatlo, meron naman syang tiwala sa sarili, and most importantly, totoo sya sa sarili nya. Iba talaga pag totoo ka sa sarili mo.

“Ako na bahala mga pre,” sabi ni Denver, “Papadaanin ko yung Grab ko dyan! Wag kayong aalis Ralph ah!”

“Oo! Thanks tol!” sabi ni Ralph.

“Thanks Den!” sigaw ni Kimmy.

Nagulat ako ng biglang mag-preno yung driver namin.

“Ano po yun kuya!?”

“May nag beating the red light lang po Kuya.”

“Nako, expert dyan si Ean,” biro ni Gelo na sinapak ko ng medyo malakas sa braso.

“Whoa! Medyo ang hard nung joke na yung Dad ha,” sabi ni Izel sabay yakap sa akin, “Buti na lang magaling na si Papa.”

“Buti pa anak mo oh! May concern!”

Pagkatapos kasi nung aksidente, nagkaron ako ng post-traumatic stress disorder at nagkaron ako ng phobia sa mga intersection at mga street light. Pero dahil sa matiyagang therapy, ayun, gumaling rin naman ako.

Sobrang naging utang ko kay Gelo lahat ng mga nangyari sa akin after nung aksidente. Sila nila Daddy Manny ang gumastos sa pagpapagamot ko. Mula sa reconstruction ng mga nabali kong mga buto, hanggang sa mga therapy para makapaglakad ulit ako.

Nung mga panahon na comatose ako, dun na umamin si Gelo kay Daddy Manny, Lola Mercy, pati na rin sa pamilya ko na agad lumuwas ng Maynila pagkarinig kung anong nangyari sa kin. Lahat naman sila tinake positively yung balita na nagmamahalan kami ni Gelo.

Well siguro comatose kasi ako nun kaya wala silang choice kundi i take it positively. Joke lang.

Nakarating rin kami sa Resorts World. Pagdating namin sa may main entrance, andami na agad tao sa red carpet. Karamihan press. Binilinan namin yung driver namin at saka na bumaba sa sasakyan.

Pagbaba ng sasakyan, napangiti ako nang makita kung sino ang naghihintay sa amin sa may red carpet.

“Hello Guys!”

“Mommy!!” Agad na tumakbo si Izel papunta kay Cassy at niyakap to ng mahigpit.

“Hi Cassy,” bati ko at saka nakipag-beso sa kanya.

“Congrats Ean, nung napanood ko yung film nyo nung first screening, hands down, alam ko na kung sino best director this year!”

“Baka nga hanggang nominated lang eh.”

“Baliw! Malay mo! Fourth time’s the charm! Its the fourth time na na nominate ka diba?”

“Ikaw nga eh, baka second time in a row mo na to maging best actress!”

Nang mabuntis kay Izel, tinigil muna ni Cassy ang paggawa ng mga Youtube contents. After manganak, sinubukan naman nya mag-showbiz. Actually, mag-kabatch sila ni Ralph sa Pinoy Big Brother. Dahil sa may solid fan base na sya dahil sa youtube, naging madali na lang kay Cassy maging artista, lalo na’t may natural na talent naman talaga sya sa pag-arte.

Ehem. Yung pag-uuusap namin sa car wash. Ehem.

“Hi Cassy, you look beautiful tonight,” si Gelo naman yung bumeso sa kanya at naiyakap rin sya.

“Thank you! I was about to say the same thing sa inyong tatlo, you all look good tonight!”

“Good? Eh sino naman best?” sabi ni Gelo sabay pose.

“Syempre yung napaka-pogi kong anak!”

Suprisingly, kay Cassy pinaka naging madali ang lahat. Actually, nung nagising ako mula sa pagkaka-coma, sya ang nagbabantay sa akin nun. Sya tumawag sa mga nurse at doctor, sya rin yung nasa tabi ko habang sinundo ni Gelo sila Nanay sa Rizal para makausap ako.

Kinausap nya ako nun. Sorry sya ng sorry nun. Tas finally, pinaubaya nya na sa akin si Gelo.

Everything’s going well naman. Two years na sila ng boyfriend nyang Australian model na ngayon ay nasa New York Fashion week. So far, wala namang naging kaso sa pagpapalaki kay Izel, sobramg blessed naming lahat at lumaking open minded si Izel at hindi nahihiyang ipakita kung anong tunay nyang nararamdaman, di tulad ng tatlo nyang magulang.

“So, ano?” Let’s go inside!“

Sakto lang yung dating namin. Ilang minuto lang after namin makaupo, nag start na ang program.

Isa-isa na ngang inannounce ang mga nagwagi sa iba’t-ibang category. Nanalo ang film namin ng Best Production Design at Best Script. Si Ralph ang naging Best Supporting Actor at si Cassy naman ang Best Actress for two years in a row!

Samantalang si Gelo, di naman pinalad sa Best Actor award.

“Pano ba yan, mukhang may manlilibre dyan sa buffet, nak,” sabi ko kay Izel, pinariringgan si Gelo.

“Wow, parang comfident sya na sya ang Best Director.”

“Fourth Times the charm nga daw sabi ni Cassy.”

Saglit lang dumating rin ang awarding sa Best Director category.

Hinawakan ko yung kamay ni Gelo sa kaliwa. At kamay naman ni Izel sa isa pa. Pakiramdam ko hinanda ako ng universe buong buhay ko para sa sandali to.

“And the Best Director goes to…” napapikit na lang ako.

Ean James Claro please. Ean James Claro please.

“Ean James Claro! Director of ‘Speed’!”

Pagmulat ng mga mata ko, nakita kong nakatingin sa akin ang lahat ng nasa loob ng auditorium. May staff na lumapit sa amin at pinaakyat kami sa taas para sa speech.

Tumayo ako at nag-jog pa-akyat sa stage kasunod si Izel at Gelo.

“Thank you very much. Di ko to ineexpect,” sabi ko sa mic.

Mula sa stage, isa-isa kong tinignan ang mga kaibigan ko. Mula kay Cassy, hanggang kay Ralph, Kimmy, at Denver. Tinignan ko yung anak ko, then ang asawa ko.

“Pakiramdam kong hinanda ako ng Universe para sa sandaling ito. Kasama ang anak ko,” niyakap ko si Izel, “Ang asawa ko,” niyakap ko si Gelo. Pakiramdam ko maiiyak ako anytime.

“Tama lang na kapag hindi mo sinukuan ang mga gusto ng puso mo, malayo ang mararating mo,” sabi ko sabay taas nung trophy ko. First trophy ko bilang Best Director.

Pagtapos kong mag-speech, hinalikan ako ni Gelo.

Buti na lang pala pinaglaban ko si Gelo.

Gusto nyo ng SPG right?

Go now to my works and read “Malamaya At Bughaw”

Kalungkutan, takot, pag-iisa, at sakit sa pag-iisip. Yan na lamang ang natira kay Marvin nang makaligtas sa isang malagim na trahedya kung saan nasawi ang buo nyang pamilya. Dahil rin sa mga ito, nakita ni Marvin ang sarili na nalululong sa pagkikipagtalik, at ang madalas nyang pagparausan, ang pinsan na si Jerome.

Ngunit tulad ng isang kandilang sinindihan sa madilim na pasilyo, darating sa buhay nya si Kaloy. Isang callboy na sa murang edad ay namulat na sa kung gaano karahas ang mundo. At magkasama nilang haharapin ang bukas na puno ng walang-kasiguraduhan.

Yan ay kung makakalabas pa si Marvin sa butas na hinukay nya para sa sarili.

I decided na I will leave Gelo and Ean’s love story right where it ended but since so many of you are requesting for sex scenes, I decided na gumawa na lang ng bagong story for that.

Hence, the idea for Malamaya At Bughaw was created.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.