CAMERA
sexilb · 4 chapters · 2,669 words
CHAPTER 1
Ako Si Eziekielle “Blix” 25 taon gulang, mahilig ako kumuha ng ibat-ibang larawan lalo na pag walang pasok sa work ito kasi ang nagtatangal ng stress ko at bukod doon dito ko din na iiexpress ang artistic side ko.
At ngayong nalalapit na ang eleksyon madalas akong nagpupunta sa mga pagtitipon ng ibat-ibang grupo kahit malayo basta ang gusto ko lang ay makakuha ng mga unexpected Beautiful moment ng mga politoko at mamamayan. Gusto ko makuhanan ung other side nila kung pano sila pag wala sa stage or kung pano sila pag pauwi na at dahil sa ganito mga pictures ang gusto ko ay madalas nahaharang ako ng mga security nila okaya naman minsan ay pinagbibintangan pa ako paparazzi.
Pero Hindi ko inaasahan na sa ganito ko din pala makikilala ang taong mag-papabago ng lente ng puso ko.
CHAPTER 2
Andito ako ngayon sa isang Campaign Rally sa Bayan ng lilim Berde. Hindi tulad ng ibang mga campaign rally na napuntahan ko kapansin-pansin na madaming tao ang matiyagang nagpunta kapansinpansin din na madami ang sang-kabaklaan na narito sa lugar inisip ko nalang na baka mayroong artista na pupunta.
Naglakad nako papunta sa pinaka harap na bahagi ang sakit nang katawan ko sa dami ba naman nang tao nadaanan ko. Hanggang sa nakarating na nga ako dito sa unahang bahagi ng stage.
Dito ay inayos ko na kung saan ako poposisyon medyo maingay nga lang ung mga katabi ko mapa babae o bakla man tila kanina pa sila may inaabangan.
Nagsimula ang programa sa Panalangin tapos tumayo nadin ung Host sa harapan, dito na nag simula mag ingay ang lahat tila sabik na sabik sila.
Isa-isang tinawag ang mga kandidato mula sa mga Konsehal Bise Mayor, Mayor Board member Bise Gobernador at Gobernor. At noong natapos nga silang magsalita ay tila mas lumakas pa ang sigawan ng lahat.
Host: “ uwian naba?“
At sumagot naman ang crowd.
“HINDI PA WALA PA SI CONG”
Host: Excited naba kayo sa susunod na mag sasalita“
“OO, OO, OO”
At dito na nga ipinakilala ng Host ang huling mag sasalita na tila inaabangan ng lahat.
Host: At ngayon ang pinakahihintay ninyong lahat ang Susunod na Congresman ng ika 2 Distrito ng Lilim Berde Cong. James Cruzz.
At dito na nga lumabas ang pinakahihintay nang lahat.
“Shiit! Ang Gwapo niya” ito ang tumatakbo ngayon sa isip ko
Naka tingin lang ako sa kanya mula sa kanyang paglabas hanggang makuha niya ang kanyang microphone. Pero kinabahan ako dahil tila ba nag tama ang aming mga mata ngayon ay pareho na kaming nakatingin sa isat-isa
Naputol lamang ito nung bigla akong matabig sa muka nung bakla sa tabi ko sa sobrang saya niya ay siya ring sobrang likot ng kanyang katawan.
Nabalik ung tingin ko kay Cong. James at nakita ko itong napangiti ng bahagya
Saakin ba talaga siya nakatingin? Tanong ko ngayon sa aking sarili.
“Girl nakita mo ba nakatitig si Cong James saakin” ito ang katagang narinig ko sa aking katabi.
“Gagi sa akin siya naka tingin” Hirit naman ng isang babae.
Well sa dami nanin mahirap naman mag assume kung kanino talaga siya naka tingin at isa pa wala akong paki kung sino tinitignan niya ang goal ko is makakuha ng mga beautiful scene. Kaya ito nalang ang inatupag ko.
Habang nag sasalita siya ay siya din kuha ko ng larawan sa kanya at nung i scan k saglit ung mga nakuhanan ko pictures nagulat ako bakit puro si James ang laman. Dito ko na kinausap ang sarili ko.
“Blix umayoss ka Mag focus ka huwag kang tanga okay” ang mga katagang sinabi ko sa akin sarili
Nagpatuloy ako sa pagkuha nang mga larawan nag focus ako sa akin goal ibat-iba ang akin nakuhanan andiyan ung mga tao na hiyaw ng hiyaw sa tuwing nag papakilig si Cong andiyan ung iba na kinikilig sa tuwing mag sabi ng “Hellonat Hi” si Cong mula sa stage at andiyan din ung mga nagpipilit lumapit para ma kiss si Cong. Pero sympre bilang pag iingat laban sa Covid19 ay hindi sila pinapayagan ng security.
By the way kung tinatanong niyo gaano ka gwapo si Cong. James mala Dominic lang naman ang ka gwapuhan niya.
Bata pa ito nasa 26 lang ang edad.
Balik tayo sa eksena sa stage.
Natapos siyang mag salita, kitang kita ko na halos maligo na ito sa pawis umupo ito sa gitnang bahagi kung saan katabi ni Gov.
Bago paman ang pangwakas na gawain kung saan itataas nila ang kamay ng isat-isa ay may isang grupo muna ang sumayaw sa pagkakataong ito ay muling nagkaroon ng pagkakataon ang mga tao sa tabi ko na mag papansin kay James, Game na Game naman si Cong James na malambing na bumabati sa bawat isa kahit na malayo ito sa kanya.
Ilang sandali pa ay muling nagtama ang aming mga mata Sh**t! Parang ayaw niyang alisin ung tingin niya saakin! Hanggang sa bigla nalang itong may kinuha sa kanyang bulsa at tumayo kaya inisip ko nalang na hindi talaga siya saakin naka tingin.
Lumapit siya sa mga tao nalapit sa stage at dito ay magiliw na nakipag kamay at game na game na nag PapaPicture hindi ko sinayang ang pagkakataong ito na makuhanan ang masasayang tagpo ngunit noong malapit nasiya saakin ay nagulat ako sa kanyang ginawa pilit niya kasing inaabot ang kamay ko sa kabila ito ng hindi ko pag abot naman talaga ng kamay dahil nga focus ako sa pagkuha ng mga litrato.
Pansin ko na pinipilit niya talagang abutin ang kamay ko alam ko na medyo na wiwirduhan nako sa kanyang ginagawa pero naawa nadin ako dahil pansin ko na medyo nahihirapan na siya dahil sa dami ng nag picture at kumakamay sa kabila niyang kamay kaya naman inabot ko nadin ung kanina pa niya pagkamay saakin pero nabigla ako nung paghawak ko nang kamay niya ay may isang maliit na papel ang bigla niyang ipinasa saaking palad kasunod nito ang pag ngiti niya at biglang alis saaking harapan at balik sa kanyang pwesto.
Nagtataka ako kung ano ito kaya agad ko ito binuksan at binasa. At Nagulat nga ako sa aking nabasa.
“ Hi Can i received a txt from you right now. ❤️ JAMES“
CHAPTER 3
Napatingin ako kay James pagkatapos ko mabasa ang nasa papel ngumiti naman ito saakin.
Sa totoo lang pinag iisipan ko pa kung anong nagawa ko sa kanya. May mali ba ako nagawa? Ito ang paulit-ulit na tinatanong ko sa aking sarili.
Para matapos na ang lagat ay nag text agad ako sa kanya.
✉️ Hi Sir“ ang tanging sinabi ko
Nabalik ang tingin ko sa kanya pagka send ko ng message, nakita ko na binasa nito ang phone niya sabay tingib ulit saakin. Ilan sandali pa ay naka recieved ako ng reply mula kay James.
📩 Iboto mo ako ha!
Yes Tama kayo yan lang ang ni reply niya saakin, honestly medyo malayo ito sa inaasahan ko medyo na disappoint ako.
“lol!ito lang pala ang kailangan ng tao ito bakit kailangan pa i txt” ang mga katagang nasabi ko nalang
Natapos ang Campaign Rally sa isang ceremonial Hand raising at unti-unti nadin nawawala ang mga tao sa Paligid.
Sumabay nako sa mga tao palabas ng gate at nandito ako ngayon sa sakayan ng buss medyo madami kami nag hihintay ng masasakyan pero bihira lamang ang dumadaan.
📍JAMES P.O.V
Lumabas na ako mula sa Back stage sa totoo lang andami ko iniisip sa mga oras na ito andaming gumugulo sa isip ko siguro apektado padin ako ng Breakup namin ni Mich, Mahal ko naman siya pero hindi niya maintindihan na kailangan ko gawin ito para sa Bayan at sa aming pamilya.
Palabas na ako ng backstage kailangan naka ngiti ako at hindi ipahalata sa lahat ang lungkot habang tinatawag ang pangalan ko pansin ko na napakarami nilang nag hihiyawan at nagpapakita ng suporta saakin.
Sabi ng iba ang Pogi ko daw pero para saakin sakto lang 😂.
Nandito ako ngayon hawak ang mikropono at inilalahad ko ang aking mga plataporma ng may isang lalaki ang pumukaw sa aking mga mata, at mula nang mapansin ko siya ay tila gusto ko lagi ito makita.
Ewan ko ba anong nangyayari saakin hindi ako bakla alam ko ito. Sinubukan kong ibaling sa iba ang aking atensyon pero parang may sariling buhay ang aking mga mata na kusang napapatingin sa kanya.
Hindi ko alam bakit parang naging interesado ako sa kanya cute siya oo pero bakit ko ito nararamdaman. Pagkatapos ko mag salita ay bigla nalang pumasok sa isip ko kung pano ko siya makakausap gusto ko mag karoon ng communication sa kanya kaya naman nag isip ako ng paraan kung pano at dito ko na nga ginawa ang plano ko na ibigay ang number ko sa kanya. Honestly hindi ko alam ung sasabihin ko natotorpe ako sa kanya. At nung nag text back na nga siya ang tanging nasabi ko nalang ay “Iboto mo ako”
Ang Importante sa akin ngayon ay nakuha ko na ang number niya.
CHAPTER 4
Mag-Thirty Minutes na ako nag-aabang nang masasakyan pero wala paring dumadaan, halos ung ibang dumalo dito ay may sariling sasakyan o kaya naman service mula sa mga politiko, hindi naman ako mag isa pero unti-unti na din silang nauubos hanggang sa ako nalang ata ung naghihintay dito sa sakayan. Hayy Buhay!
11:40 na ng gabi at wala na talagang dumadaan na sasakyan no choice nako kundi makisabay nalang sa mga dumadaan na truck or kahit anong dumaan basta maka abot lang sa City kung saan doon nalang ako mag arkila ng mga trike na namamasada ng gabi.
Pero habang nag hihintay ako ay may grupo ng mga sasakyan ang palabas sa venue ng event kanina, magagara ito inisip ko na baka pauwi palang ung mga nasa stage kanina kabilang na si James. Mabibilis ang naging pag daan nito sa akin hanggang sa matapos ang huling sasakyan pero tanaw ko sa aking mata ang biglang pag U-Turn nang isang itim na High-van at sumunod naman kaagad ang dalawang gray na van at gayun nalang ang gulat ko ng biglang tumigil ang itim na sasakyan sa aking harapan at siyang bukas ng Pinto nito kasunod ang pag labas ni James.
“its too late na anong ginagawa mo dito?” Tanong ni James
“ah ehh wala pa kasi dumadaan na jeep papunta city kaya andito parin ako” sagot ko
“Hatid na kita” ang sabi ni James
Nagulat ako sa offer nya hindi ganito ung inaasahan ko na ugali niya, honestly ang tingin ko sa kanila mga matataas na na kung saan pag nasa stage lang magaling pero may ganito pa pala and ung ganito kayaman mag oofer sa isang stranger mapapa OMG ka nalang.
“Salamat nalang Cong. James pero out of way ung area mo sa akin” Sagot ko
“Okay lang kesa pabayaan kita dito its almost 12 huwag kanang umayaw, i insist okay” sagot ni James.
Kaya naman napilitan nadin ako sumama sa kanya sumakay ako kung saan siya naka sakay mag katabi kabi ngayon, sa mga unang minuto ay sadyang tahimik lang ako nahihiya kasi ako sa kanya.
May mga pagkakataon din na napapatingin ako dito at sakto naman tingin din niya kaya mabilis ko din iniiwas ang aking mga mata ilan minuto pa ay siya na mismo ang bumasag sa katahimikan bumabalot sa loob ng sasakyan.
“Kumain kana?” Tanong ni James
“Okay lang ako sa bahay nalang” Sagot ko
Pero mabilis nito kinausap ang Driver niya
“Kuya Don. Daan mo sa Fast food”
“Okay sir “ sagot naman ni Kuya Don ang Driver niya
Gabi na kung sa inyo ka pa kakain mahirapan ka makatulog isa pa Hindi padin kami kumain kaya sabay-sabay na tayo kakain. “ang paliwang ni James
Nakarating na nga kami sa fast food at nag Drive-tru lang kami at habang nag hihintay ng aming order ay Nakipag kwentuhan na din ako sa kanya, dito na niya tinanong ung about sa pag kuha ko ng mga Pictures at doon ko narin sinabi ung purpose ko.
“Can i see what you captured on your camera” Pakiusap niya
“Sure” mabilis ko inabot sa kaniya ang aking camera at nakita ko itong masaya habang tinitignan ang mga larawan
Sumandal na ako sa upuan ng sasakyan dahil alam ko marami ako na picturan at matatagalan ito sa kakatingin, pipikit na sana ako ng bigla kong maalala ung mga pictures na nakuhanan ko
! Ohhhhshi*t!! Noooooo ang nasabi ko bigla
Mabilis kung kinuha mula sa mga kamay ni James ang aking Camera sabay ngiti dito.
“Tama na hindi ko pa na eedit” palusot ko
“well hindi ko alam na almost 95% pala ng na captured mo ay ako infairnes ang gwapo ko dyan” sabay ngiti nito sa akin
“Hoyy hindi ahh nag kataon lang” sagot ko naman
“well 95% of pictures ay ako baka nga nag kataon lang” sabay tawa nito nang malakas.
Naputol lang ang asaran namin nang dumating na ang order.
“Sir saan tayo” Tanong ng Driver ni James
“kuya sa O-Park” sagot ni James
Well narining ko na yung O-Park isa itong private Park na located sa isang exclusive subdivision.
Ilang minuto pa ay nakarating na nga kami sa O-Park, magandan ang view tahimik may mga ilaw at maraming puno at halaman na sinabayan pa nang magandang weather
“Dito na tayo kumain” Ang sabi ni James
Umupo ung 4 na security ni James at ung driver sa upuan malapit sa sasakyan samantalang kami ni James ay umupo ng medyo katamtamang layo sa kanila, hindi ko alam bakit pero sa pwesto ito mas tanaw mo ung view ng mga halaman at puno kahit gabi na.
Nag simula na nga kaming kumain at kasabay nito ang aming kwentuhan naging relax na ang feeling ko kay James masaya pala ito kasama at hindi mo makikita na arogante siya. Yes aaminin ko na na mas gumwapo siya sa mga mata ko sa oras na ito.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang maisipan kong tanungin si James
“James Bakit mo pala binigay ung number mo saakin?. Tanong ko
“ ah yun ba what do you want a Honest answer or Not“. Tanong ni James
“Sympre Honest”. Sagot ko
“First kanina sa backstage hindi maganda ung vives ko madaming nangyari saakin today actually wala talaga ako sa mood kanina, yes its pure ka olastikan lang ang mga smile ko pero ewan ko ba when i saw you everything change”. Paliwanang ni James
Hindi ko alam anong isasagot kay James matapos ang mga sinabi niya naka tingin nalang ako dito at ganun din siya saakin biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa mga oras na ito hindi ko alam anong nasaisip ni James pero isa lang ang sure ako ngayon kaylangan pigilan ko kung ano man ito dahil sobrang kayo ng mundong ginagalawan ng buhay ng bawat isa sa amin inisip ko din na baka assuming lang ako masyado.
Dito ko na dinistract si James.
“James tapos na ako kumain so can we go?” ang sinabi ko
“Sure” Maikling sagot niya
Bumalik na kami sa sasakyan at bumyahe na pauwi wala nang kibuan ang nangyari saamin
Sinabi ko kay James na sa City nalang ako ihatid pero nagpumilit siya na ihatid na ako sa bahay.
Nasa isang 30 minutes din ang byahe at nakarating na nga kami dito sa haraoan ng bahay. Bumaba ako at sumunod si James.
“Maraming Salamat James” ang sinabi ko sa kanya
“No problem” maikling tugon niya
“sya una na ako Goodnight ingat kayo” sabi ko
Tatalikod na sana ako para lumakad ng biglang hawakan ni James ang akin kamay
“ wait. Hope okay lang tayo?“ tanong niya
“Oo naman bakit may kailangan ba akong ikagalit sayo” tanong ko dito
“kanina you ask me why i gave my number to you” sabi ni James
“Yes and you answered it” sagot ko
“I have one thing na hindi pa sinabi” sagot ni James
“Ano pa? “ tanong ko
“I GAVE MY NUMBER TO YOU CAUSE I WANT TO KNOW YOU MORE Call me crazy but you catch my heart” ang sabi ni James sabay gawad na mahigpit nayakap saakin.

