Campus Couple Crime Series 1: The Ship That Never Sailed [BXB]
Lake-GAD · 1 chapter · 407 words
Prologue
HINDI ko alam kung papaano ako napunta sa ganitong sitwasyon. Ako lang naman ito, si Son na average lahat. Boses, sa pagsayaw, sa academic, sa sport, sa lahat. Nagpapasalamat na lang siguro ako sa magandang genes ng parents ko kaya naman masasabi kong angat ang itsura ko. Aside from that, I am really not-so-worthy .
But here I am, gaining millions of followers in an instant, just because of this fake couple internet thingy.
“Sino na naman iyang iniisip mo? Hindi ba’t sabi ko naman sa iyo, ako lang dapat ang nasa isip mo?” sabat ni Ethan sa akin habang may seryosong ekepresyon na nakapinta sa kanyang mukha.
Mukha siyang in love na in love sa akin. Habang nasa harap kami ng camera at nagla-live, siyempre. Habang ang viewers namin, hindi lang sa Pilipinas, kung hindi abot sa ibang mga bansa na may mga BL fans.
“Eh ikaw naman ang iniisip ko e,” nahihiya na sabi ko. Nahihiya naman talaga ako!
“Prove it, kiss me…” hamon niya na may ngisi sa kanyang labi. Nilawayan niya pa ang mapulang labi niya.
Ang morenong intsik talaga na ’to. Kainis!
Mabilisan kong idinampi ang labi ko sa kanyang labi. At para namang nakalimutan ko na isang malaking pagpapanggap lang ang lahat ng ito. He seems really in love with me. He is so amazing when it comes on faking.
‘Son! Itigil mo iyan, bakla ka ng taon. Hindi ka mai-in love sa eskandaloso na lalaki na iyan. Kailangan mo siya’t kailangan ka niya. That’s it! No more and no less!’
After an hour of doing live, na para kaming couple. Ang halos sumabog na ang cellphone niya sa init dahil sa dami ng comments and gifts and viewers siyempre.
Natapos din, sa wakas… Sa susunod na naman malamang.
Ngayon ang in love na in love na lalaki kanina, ay naging malamig na ang tingin niya sa akin. He even wipes his lips na ikina-insulto ko, pero hindi ko na rin masyadong pinansin pa. Straight moments nga naman.
“Nasa bank account mo na ang pera.”
And he even left. Wow , ang cold! Akala mo naman gustong-gusto ko ’to ano. Bahala siya diyan. Pero maya-maya ay may nakita ako sa Fishbook. Isang post na nagbigay kirot sa puso ko.
Picture ni Ethan na may kasamang bagong babae na naman. Bagong fan war na naman sa malamang. Pero bakit ganon? Bakit parang affected ako?
Ay hindi! Hindi ako makakapayag! Not this time.
![Cover of Campus Couple Crime Series 1: The Ship That Never Sailed [BXB]](/story-covers/campus-couple-crime-series-1-the-ship-that-never-sailed-bxb_336958828.webp)
