loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Can't Help Falling In Love With Sir Ace

Can't Help Falling In Love With Sir Ace

lhiamaya · 49 chapters · 24,613 words

Wattpad Originals Announcement

Hello dear readers!

I am thrilled to share that my story Can’t Help Falling In Love With Sir Ace has been luckily chosen for Wattpad Originals!This is a great opportunity for me, and it wouldn’t have happened without your support.

Taong 2022 ako unang sumubok magsulat sa Wattpad. Back then, I didn’t expect many people to read my works. I simply enjoyed writing, and I was happy to receive positive feedback from readers. They became my inspiration to continue writing and share the contents of my imagination with them. Now, I have 17 completed stories on Wattpad. I feel lucky that one of my stories was chosen for Wattpad Originals and will be part of their paid program.

To my dearest readers, I am incredibly grateful to all of you. Watty wouldn’t have noticed my work if it weren’t for you all. Maraming salamat sa walang sawa nyong suporta sa akin at sa pagmamahal nyo sa ating bida na si Ace at Joella. Sana kahit nasa paid program na sila ay patuloy nyo pa rin silang suportahan pero wala naman itong pilitin.

For the meantime, Can’t Help Falling In Love With Sir Ace is unavailable, but it will return soon with a bonus chapter. Please stay tuned. Once again, thank you so much for your understanding and support.

On Wattpad, thank you so much for the huge opportunity you’ve given me. Until now, I still can’t believe that you noticed my work. But I am truly grateful that my story has become part of your program.

Nagmamahal sa inyong lahat.

Lhiamaya


  ![](https://img.wattpad.com/aa37cd4e96f7b5255ff25665ce3f60c5bad212e3/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f543030524a505254744252435f773d3d2d313533313433333633362e3138333434393732613333363962373435313930333035343934372e706e67)               

Stay tuned for more updates, and in the meantime, you can learn more about Wattpad Originals here:

Wattpad Originals 101 [Filipino]

Prologue

Third POV

“HAPPY birthday, Mamita,” bati ni Ace sa abuela at humalik sa pisngi nito.

“Salama, hijo. Mabuti naman at nakarating ka,” ani Amelia sa apo sa tonong nagtatampo.

“Siyempre naman, Mamita. Pwede bang hindi ako makarating sa eighteenth birthday ng pinakamagandang babae sa buhay ko?” saad ni Ace sabay abot sa abuela ng paper bag na naglalaman ng kanyang regalo.

Ngumiti si Amelia. Pati na ang kanyang mga amiga ay nangingiti rin sa pagiging malambing ng kanyang apo.

“O siya, ’di na ako nagtatampo,” wika ni Amelia at kinuha ang paper bag.

“Alam ko namang hindi niyo kayang magtampo sa akin nang matagal, Mamita,” nakangising sabi ni Ace.

“Hmm… dahil alam mong ikaw ang paborito kong apo.”

Tumawa si Ace. “Paborito niyo ako dahil wala pa si Kuya.”

Umingos si Amelia at pinalo niya sa braso ang apo. Parehas naman niyang paborito ito at ang kuya nito dahil ang mga ito lang naman ang kanyang mga apo.

“Happy birthday, Mamita!”

Sabay-sabay silang lumingon sa bagong dating na bisita. Ang panganay na apo ni Amelia na si Austin. Kasama nito ang asawa nitong si Mecaela at ang anak na si Adelline.

Humalik sa pisngi ng abuela si Austin sabay abot sa dala nitong regalo.

“Happy birthday po, Mamita,” bati rin ni Mecaela at humalik din sa pisngi ng abuela.

“Thank you, hija.”

“Happy birthday po, Mamita!” ’Di rin patatalong bati ng apo sa tuhod ni Amelia na humalik din sa kanyang pisngi.

“Oh, thank you so much, my sweet darling.” Niyakap ni Amelia ang kanyang nag-iisang apo sa tuhod. Hiling nga niya ngayon sa kanyang birthday ay madagdagan pa ang kanyang apo sa tuhod habang malakas pa siya.

“Sige ho, Mamita. Doon muna kami sa kabilang mesa para makapagtsismisan pa kayo ng mga amiga niyo,” ani Austin.

“Siraulo kang damuho ka. Hindi kami nagtsitsismisan.”

Tumawa lang sina Austin at Ace. Iniwan na nilang magkapatid ang abuela sa mga amiga nito at tumungo na sila sa bakanteng mesa.

“Ang gugwapo talaga ng mga apo mo, Amelia. Kamukha sila ng yumao mong asawa,” ani Pacita, ang malapit na kaibigan ni Amelia.

“Oo nga. Mga kamukha sila ni Edmundo. Hay, bigla ka tuloy na-miss ang aking asawa. Kung bakit naman kasi kay aga niyang nawala.”

“Eh kung nabubuhay pa siya, baka ikaw naman ang maagang nawala sa kunsumisyon dahil sa pagiging babaero niya.”

Umingos si Amelia nang maalala ang pagiging babaero ng yumao niyang asawa. Madalas silang nagtatalo noon dahil masyado itong malapit sa babae. Lagi nga niya itong hinahabol ng taga. Namatay lang ito sa sakit sa puso. Masyado kasing mapagmahal sa mga babae. At kamalas-malasan namang nagmana rito ang kanyang apong si Austin. Mabuti na lang at nagbago ito nang makilala si Mecaela.

“Si Ace na lang pala ang hindi pa nag-aasawa,” saad ni Gloria.

“Oo nga. Ewan ko ba sa apo ko na ’yan. Kung anong ikinalikot ng kuya niya noon sa babae ay siya namang pagkapihikan niya. Aba’y treinta y singko na, wala pa yatang balak mag-asawa. Wala pang pinapakilala sa aking babae,” iiling-iling na wika ni Amelia habang nakatingin sa kanyang apong si Ace na nakikipaghuntahan sa ibang bisita.

“Naku, huwag naman sana siyang tumandang binata. O kung wala siyang balak na mag-asawa, kahit mag-anak na lang siya. Sayang ang magandang lahi.”

“Ayoko ng anak lang, Pacing. Gusto ko mag-asawa siya. Magkaroon ng sariling pamilya gaya ni Austin,” hayag ni Amelia. Nag-iisip na nga siyang maghanap ng mga dalagang irereto sa apo.

“Sayang, wala na akong mga apong dalagang babae. Lahat sila at may asawa na,” saad ni Gloria.

“Ako naman ay puro lalaki ang apo. Pero meron akong apong binabae. Ayos lang ba sa ’yo kung ipapikot ko ’yang apo mo?”

“Ayos lang kung mabibigyan niya ako ng apo.”

Sabay na nagtawanan ang mag-aamiga sa sinabing ’yon ni Amelia.

“Ang mabuti pa Amelia ay ipagnobena mo na lang yang apo mo. Baka sakali ay maisipan nang lumagay sa tahimik.”

“Ginawa ko na ’yan, Pacing. Pero wala pa rin.”

“Eh baka naman sa isang kasambahay din ang kapalaran ng iyong apo gaya ng kanyang kapatid,” komento ni Gloria.

Natigilan si Amelia sa sinabi ng amiga. “Eh sinong kasambahay naman kaya ang kapalaran niya?”

“Eh di ihanap mo siya ng magandang kasambahay. Yung kasingganda ng asawa ni Austin.”

Napaisip si Amelia sa suhestiyon ng kanyang amiga. Pero saan naman siya hahanap ng kasambahay na kasingganda ni Mecaela?


Chapter 1

Joella’s POV

TINITIGAN ko ang perang natitira na lang sa aking wallet. One thousand eight hundred fifty pesos na lang ’yon. ’Yon na lang ang natitira kong pera galing sa inipon kong sahod sa huling trabaho ko sa factory. Tatlong buwan na akong walang trabaho dahil nagsara ang factory na pinasukan ko. Naghahanap pa rin ako ng trabaho pero hindi ako pinapalad. Ang hirap naman kasing maghanap ng trabaho ngayon. Mag-a-apply ka lang ng cashier, kailangan college graduate pa. Eh senior high lang naman ang natapos ko. Sinusubukan ko uling mag-apply sa ibang pabrika pero hindi pa raw sila nangangailangan. Kailangan ko nang makahanap ng trabaho sa lalong madaling panahon dahil baka palayasin na ako ni Tita Nadia. Panay na nga ang dabog sa akin at parinig.

“Joella!”

Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Tita Nadia. Mabilis kong sinarado ang wallet at siniksik sa pinakailalim ng damitan ko.

“Joella, nasaan ka ba?”

“Nandito po, Tita, sa kwarto. Sandali lang po.”

“Ano ba’ng ginagawa mo diyan? Pumarine ka nga!”

“Opo.”

Agad na akong lumabas ng maliit kong kwarto bago pa ako ratratin ng bunganga ng aking tiyahin.

“O, linisan mo ’yang mga isda at karne na binili ko. Ayusin mo ang paglilinis at huwag mong lamugin,” utos ni Tita Nadia at iminuwestra ang mga pinamalengke niya na nakapatong sa mesa.

“Opo, Tita.”

Agad na akong tumalima at nilagay na sa lababo ang mga pinamalengkeng isda at karne ni Tita Nadia. Habang wala pa akong trabaho ay gawain ko lahat dito sa bahay dahil nakikitira lang naman ako. At kahit naman may trabaho ako ay halos gawain ko rin naman lahat.

Kapatid ng yumao kong ina si Tita Nadia. High school pa lang ako nang mamatay si Nanay sa sama ng loob sa tatay ko. Iniwan kasi kami ng tatay ko at sumama sa ibang babae. Masamang-masama ang loob ni Nanay at na-depress. Hanggang sa isang umaga, hindi na lang siya nagising. Dahil menor de edad pa ako noon at ayaw naman akong alagaan ng tatay ko dahil ayaw ng kinakasama niya ay napunta na lang ako kay Tita Nadia. Kahit malamig ang trato sa akin ni Tita Nadia at masungit siya ay nagpapasalamat pa rin ako dahil kinupkop niya ako at napag-aral hanggang senior high school. ’Yon nga lang ay hindi na niya ako kayang pag-aralin ng college dahil pinag-aaral din niya ang pinsan ko. Siyempre, mas priority niya ang pinsan ko na anak niya.

“Joella.”

Lumingon ako kay Kyla. Nakasambakol ang kanyang mukha.

“Nakita mo ba yung knitted top ko?”

Kumunot ang noo ko at inalala ang sinasabi niyang knitted top. May nalabhan nga akong gano’n noong huli akong naglaba.

“Ah, baka nasa labas pa. Hindi pa ako nakakapagligpit, e.”

“Nasa labas pa ang mga damit at hindi ka pa nakakapagligpit? My god! Ano ba’ng ginagawa mo dito sa bahay at hindi ka nagliligpit? Eh di nangamoy usok na ang mga damit ko. Ano ba ’yan? Tambay na nga lang, tatamad-tamad pa,” himutok ni Kyla at inikutan ako ng mata sabay martsa palabas ng bahay.

Napaawang naman ang labi ko sa inasal ng malditang pinsan. Inikot ko rin ang mata ko at itinuon na ang atensyon sa nililinis na isda.

Simula’t sapul pa ay maldita na talaga sa akin si Kyla. Mataas ang tingin niya sa sarili at mababa ang tingin niya sa akin. Katulong nga ang turing niya sa akin dito sa bahay, e. Hindi ko na lang siya pinapatulan dahil ako rin naman ang malalagot kay Tita Nadia.

“Kumusta ang paghahanap mo ng trabaho, Joella? Wala pa bang balita?” tanong ni Tita Nadia sa gitna ng pananghalian namin.

Nilunok ko muna ang pagkain. “Wala pa po, Tita.”

Nagsalubong ang kilay ni Tita Nadia. “Wala pa rin? Aba’y anong petsa na, hija. Tatlong buwan ka nang buhay prinsesa dito sa bahay. Hindi porke’t nakikita mong may nailalabas akong pera ay tatamad-tamad ka nang maghanap ng trabaho. Yung bayarin sa kuryente at tubig sagot ko lahat. Sana man lang makahanap ka na ng trabaho para naman may maiambag ka na kahit pambayad lang ng kuryente,” litanya ni Tita Nadia.

Pinigilan kong umikot ang mata sa sinabi ng tiyahin na tatlong buwan na akong buhay prinsesa. Oo, prinsesa nga ako. Si Cinderella nga lang dahil parang alipin na nila akong mag-ina rito.

“Hindi naman po ako tamad, Tita. Medyo inaalat lang po sa paghahanap ng trabaho. Pero makakahanap din po ako,” sabi ko na lang.

“Aba’y bilis-bilisan mo,” dagdag pa ni Tita Nadia.

Hindi na ako umimik at tinuloy na lang ang pagkain.

“Ma, kapag nakahanap na ng trabaho si Joella, sino na ang kikilos dito sa bahay? Busy na ako sa school, bawal na akong istorbohin,” ani Kyla na nakanguso pa.

“Eh di siya pa rin. Sino pa ba, eh wala namang iba.”

Napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi ni Tita Nadia.

“Baks, wala pa bang bakante sa inyo? Baka meron na, ipasok mo na ako.” Kinalabit ko ang kaibigang si Almera. Naabutan ko siyang nakatambay sa harapan ng kanilang bahay kaya nilapitan ko. Hapon naman at nagsisyesta pa si Tita Nadia kaya walang mag-uutos sa akin. Si Kyla naman ay naglakwatsa.

“Wala pa kaming bakante, baks, e. Pero nagsabi na ako sa bisor namin na kapag may bakante sa production, may ipapasok ako.”

“Oo, baks, kahit tagabalot lang ng yelo, go ako. Need ko na talagang maghanap ng trabaho, e. Binubungangaan na ako ni Tita Nadia.”

Umingos si Almera at sumipsip sa straw ng kanyang softdrinks. “Halos alipinin ka na nga nilang mag-ina, bubungangaan ka pa. Aba’y ke gagaling niyang tiyahin at pinsan mo.”

Bumuntong-hininga ako. “Wala naman akong magagawa. Nakikitira lang ako.”

“Alam mo, baks, tutal wala ka namang pili sa trabaho, dapat pumasok ka na lang na kasambahay.”

Kumunot ang noo ko. “Bakit kasambahay? Eh di parang gano’n din. Pagod din ako sa gawaing bahay.”

“At least sasahod ka. Ito, baks, ha, isipin mo. Kapag nakahanap ka ng trabaho, pag-uwi mo sa bahay niyo, gawain mo pa rin lahat. Eh kung magkakasambahay ka, stay in ka, may sahod ka. Higit sa lahat, malalayo ka diyan sa bahay ng tiyahin mo.”

“Iiwan ko sila kapag nagkasambahay ako?”

“Oo, mag-stay in ka. Para hindi ka na alipinin ng tiyahin at pinsan mo. At least kapag nagkasambahay ka, bayad ang pagod mo. Eh sa bahay ba ng tiyahin mo? Pagod ka na sa trabaho, aalipinin ka pa. Kung ako sa ’yo, pag-isipan mo ang sinabi ko.”

Napabuntong-hininga akong muli sa sinabi ni Almera. Parang gusto ko ang ideya niya na magkasambahay na lang ako. Dahil sa totoo lang, gusto ko rin namang malayo sa tiyahin at pinsan ko. Tatlo lang kami sa bahay pero madalas para akong nasu-suffocate.


Chapter 2

Third POV

“SANTISIMA! Ano ba’ng nangyayari sa mga halaman dito at nangamatay?” bulalas ni Amelia nang makita ang mga halaman sa garden ng bahay ng kanyang apong si Ace. Mga tuyot na ang dahon at nangamatay na ang ibang halaman. Kulang sa tubig at alaga.

“Ernacia!” tawag ni Amelia sa kanyang mayordoma.

Humahangos naman na lumapit ito. “Yes po, Senyora?”

“Tapos ka na ba sa ginagawa mo?”

“Yung sa kusina pa lang po, Senyora. Sobrang maalikabok po ang cabinet sa kusina. Inihit nga po ako ng ubo.”

Bumuntong-hininga si Amelia. “O siya, hayaan mo na muna ’yang kusina. Ito munang mga halaman ang unahin mo at mamamatay na. Pakidiligan na.”

“Opo, Senyora.” Agad namang tumalima si Ernacia.

Pumasok si Amelia sa loob ng bahay ng kanyang apo para alamin kung gising na ito. Tamang-tama naman na bumaba ito ng hagdan at naghihikab pa.

“Good morning, Mamita. Sabi na’t narito kayo dahil narinig ko ang boses niyo,” nakangising bati ni Ace sa abuela at lumapit siya rito sabay halik sa pisngi nito.

“Good morning din, hijo. Anong oras kang umuwi kagabi at late ka nang gumising?”

“Ala una na ho, Mamita. Pagkatapos ho kasi ng convention ay nagkayayaan pa hong uminom ang mga investor at hindi ko naman ho matanggihan.”

Tumango-tango si Amelia. Si Ace na ang nagpapatakbo ng kumpanya ng pamilya buhat nang magpatayo ng sariling kumpanya si Ace. Kaya siguro hindi pa ito nakakahanap ng babaeng mapapangasawa dahil sa sobrang abala.

“Bueno, apo, hindi ka pa ba nakakakuha ng kasambahay?”

Humimas sa batok si Ace. “Hindi pa ho, Mamita. Hindi ko ho maasikaso ngayon at lagi kong nakakalimutan.”

“O siya, sige. Sige, ako na lang ang hahanap at itong bahay mo ay nangangailangan na ng kalinga ng isang kasambahay. Kaunti na lang ay aagiwin ka na rito.”

Ngumiti si Ace at inakbayan ang abuela. “The best talaga kayo, Mamita. Hindi lang kayo maganda, kundi magandang-maganda pa. Kaya kayo ang paborito kong lola.”

Umingos si Amelia sa pambobola ng kanyang apo. “Asus! Nambola ka pa. Eh ako lang naman ang lola mo dahil yung isa mong lola patay na.” Kinurot niya ang apo sa tagiliran na ikinaigtad at ikinatawa nito.

“Hahanap ako ng kasambahay mo sa lalong madaling panahon.”

“Sa mga agency na lang kayo kumuha, Mamita.”

“Hindi. Kukuha ako ng kasambahay na kakilala para mas safe.”

“Sige ho. Kayo ang bahala.”

“O siya, pumunta ka na sa kusina at mag-almusal na. Nakapagluto na si Ernacia. Pero yung mga stock na pagkain sa ref at pantry ay pinatapon ko na dahil mga expired na. Kaya kailangan mo na talaga ng makakasama dito sa bahay mo, hijo,” litanya pa ni Amelia sa apo habang sinusundan ito sa kusina.

“Ernacia,” untag ni Amelia sa kanyang mayordoma na nakaupo sa front seat ng sasakyan sa tabi ng driver. Lumingon ito sa kanya.

“Yes po, Senyora?”

“Wala ka bang kakilalang gustong mamasukan bilang kasambahay? Mas gusto ko kasi na kakilala natin ang magiging kasambahay ni Ace. Wala kasi akong tiwala sa mga agency dahil napepeke minsan ang mga impormasyon. Alam mo naman ang panahon ngayon.”

“Sige po, Senyora. Magtatanong-tanong po ako sa amin sa Rizal pag-uwi ko po sa Sabado.”

“Baka may kamag-anak ka na gustong mamasukan. Mas mainam dahil kilala mo talaga. Mas mapapanatag ang loob ko.”

Saglit na nag-isip si Ernacia at biglang sumagi sa isip niya ang pamangkin sa pinsan na nawalan ng trabaho dahil nagsara ang pabrikang pinapasukan.

“Meron po akong pamangkin sa pinsan, Senyora. Nawalan po siya ng trabaho dahil nagsara ang pabrikang pinapasukan niya.”

Tumaas ang kilay ni Amelia sa sinabi ng kanyang mayordoma. “Bata pa ba ang pamangkin mong ’yan?”

“Ay opo, Senyora. Bente anyos lang po. Masipag po na bata at maalam sa gawaing bahay at pagluluto.”

Tumango-tango si Amelia. Nagkaroon siya ng interest sa pamangkin ni Ernacia. Bigla tuloy sumagi sa isip niya ang napag-usapan nila ng kanyang mga amiga noong karawan niya. Baka nasa isang kasambahay rin ang kapalaran ng kanyang apo gaya ni Austin.

“Maganda ba ang pamangkin mo?”

“Po? Senyora?” tanong ni Ernacia. Nagkamali yata siya ng dinig sa tanong ng senyora.

“Kako, kung maganda ang pamangkin mo?”

“Ay opo. Maganda ang pamangkin ko na ’yon. Sa lahat po ng pamangkin ko, siya ang pinakamaganda. May lahing kano po kasi ang amang babaero.”

Tumango-tango si Amelia. Kung gano’n ay tisayin ang pamangkin ng kanyang mayordoma.

“Sige, Ernacia. Tanungin mo ang pamangkin mo kung gusto niyang mamasukan. Beinte mil kamo ang isang buwan.”

Namilog ang mata ni Ernacia. “Bente mil po, Ma’am, sa isang buwan?”

“Oo, with benefits. Sabihin mo hindi naman maselan ang magiging amo niya. Linis bahay at luto lang siya. Maglalaba lang siya ng damit ni Ace. Damit lang naman ni Ace ang lalabhan niya at may washing machine naman kaya hindi siya mahihirapan. Libre din ang pagkain niya.”

Umawang ang labi ni Ernacia. Parang gusto niyang siya na lang ang pumasok na kasambahay ni Sir Ace pero mayordoma na siya sa bahay ng senyora.

“Sige po, Senyora. Sasabihin ko po sa pamangkin ko.”

.

.

Joella’s POV

“SORRY talaga, Francis, pero hindi talaga ako pwede bukas, e,” tanggi ko sa manliligaw at maasim na ngumiti.

Kumamot naman siya sa ulo. “Birthday ko naman ’yon, e. Baka pwedeng pagbigyan mo na ako.”

“Hindi talaga pwede dahil magagalit si Tita Nadia. Kilala mo naman ’yon. Sige na, uuwi na ako. Happy birthday na lang,” sabi ko at tumalikod na bago pa mangulit lalo si Francis. Hinihintay na rin ni Kyla ang pinabili niyang napkin.

Kinalabit ako ni Almera. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.

“Kawawa naman si Francis, tinanggihan mo. Sana pumayag ka na lang. Birthday naman niya.”

“Baks, alam mong hindi talaga ako papayagan ni Tita Nadia. Alam mo naman si Tita. Saka ayoko rin talaga. Baka lalo lang umasa si Francis na sasagutin ko siya. Ilang beses ko na nga siyang binasted pero ang kulit pa rin.”

“Eh kasi nga, gusto ka talaga niya.”

“Pero hindi ko siya gusto.”

Kapitbahay namin sa Francis at schoolmate ko pa noong high school. Mabait naman siya at may hitsura. Pero hindi ko siya type. Wala akong type na lalaki dahil para sa akin ay parehas lang silang lahat. Kagaya ni Tatay na babaero. Sa umpisa lang sila magaling.

“Alam mo, baks, dapat bawas-bawasan mo ’yang pagiging pihikan mo sa lalaki. Sige ka, tatanda kang dalaga,” payo sa akin ni Almera.

“Ayos lang, baks. Mas gusto ko pa nga ’yon, e. Walang sakit ng ulo. Bubuhayin ko na lang ang sarili ko.”

Umawang ang labi ni Almera. “Seryoso ka, bakla?”

Nginisian ko ang kaibigan. “Oo.”

“Gaga ka. Sayang ang lahi mo. Kung ayaw mong mag-asawa, eh di mag-anak ka na lang para may kasama ka rin sa buhay pagtanda mo.”

Nagkibit balikat ako. “Pwede rin. Pero bago ’yan, kailangan ko munang maghanap ng trabaho at makapag-ipon. Mahirap naman yung mag-aanak ako pero wala akong maipalalamon.”

Tinapik-tapik ni Almera ang balikat ko. “Makakahanap ka rin ng trabaho, baks. Tiwala lang.”

“Sana nga.”

Sa ngayon, ang priority ko ay ang sarili ko muna. Gusto kong makahanap na ng trabaho para makapag-ipon. Gusto kong subukang makapag-aral ng kolehiyo. Gusto kong magtapos at makahanap ng magandang trabaho. Kung wala akong mahanap na magandang trabaho, siguro mag-a-abroad na lang ako.

“Ang tagal mo naman. Siguro nakipagtsismisan ka, ’no?” salubong ang kilay na bungad sa akin ni Kyla sabay hablot ng napkin sa kamay ko. Agad din siyang tumalikod at wala man lang thank you.

Inikot ko na lang ang mata. Ma-attitude na isda talaga.

Isda ang tawag ko kay Kyla kapag naiinis ako. Manguso kasi siya at malaki pa ang mata.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at nasurpresa ako nang makita si Tita Ernacia, ang pinsan ni Nanay at ni Tita Nadia.


Chapter 3

Joella’s POV

“TITA Ernacia,” tuwang bati ko sa tiyahin at lumapit sa kanya sabay mano. Siya ang mabait kong tiyahin at close sila ni Nanay noong nabubuhay pa ito.

“Napadalaw po kayo.” Umupo ako sa tabi ng tiyahin ko

“Ikaw ang sinadya ko dito,” nakangiting sabi ni Tita Ernacia.

“Ako po?”

“O, nariyan ka na pala, Joella. May sasabihin sa ’yo si Ernacia,” ani Tita Nadia na kalalabas lang ng kusina at may dalang isang tasa na may lamang kape. Nilapag niya ’yon sa center table sa harap ni Tita Ernacia at umupo siya sa single sofa.

“Salamat, Nadia.” Dinampot ni Tita Ernacia ang tasa.

“Ano pong sasabihin niyo, Tita Ernacia?” curious na tanong ko.

Humigop muna siya ng kape at tumingin sa akin. Muli niyang nilapag ang tasa sa center table.

“Ang sabi ni Nadia wala ka pa raw nahahanap na trabaho.”

Sumulyap ako kay Tita Nadia pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Kaya muli na lang akong bumaling kay Tita Ernacia.

“Wala pa nga po, Tita. Medyo inaaalat po ako sa paghahanap ngayon.”

“Kuh, inaalat… Ang sabihin mo ’di ka lang marunong maghanap. Sige nga, Ernacia, isama mo na lang ’yan sa pinapasukan mo nang may pakinabang naman,” sabat ni Tita Nadia.

Umawang naman ang labi ko. Isang kasambahay sa Manila si Tita Ernacia sa mayamang senyora.

Bumuntong-hininga si Tita Ernacia. “Naghahanap ng kasambahay ang amo ko para sa apo niya. Ikaw ang naisip ko dahil alam kong wala ka pang trabaho. Gusto mo ba?”

“Sige na, Joella. Patusin mo na ’yan. Kaysa naman nakatambay ka lang maghapon dito sa bahay. At least sa ibang bahay, linis-linis ka lang, susweldo ka na. Basta huwag mo lang kakalimutan mag-abot.”

“Nadia.”

“Ay, sandali lang, Ernacia, lalabasin ko lang si Aling Cora.” Tumayo si Tita Nadia at lumbas ng bahay para harapin ang aming kapitbahay.

Sinundan naman ng tingin ni Tita Ernacia si Tita Nadia at bumuntong-hininga saka siya bumaling sa akin.

“Gusto mo ba?”

Napaisip ako sa tanong ni Tita Ernacia. Alam kong hindi biro ang maging isang kasambahay. Nakakapagod din na trabaho ’yon. Pero naalala ko ang sinabi ni Almera. Kapag nagkasamabahay ako, malalayo na ako dito sa bahay ni Tita Nadia.

“Stay in po ba?”

“Oo, stay in. Pero huwag kang mag-alala. Mabait ang magiging amo mo. Hindi rin mabigat ang trabaho mo dahil isa lang naman ang kasama mo sa bahay. Maglilinis ka lang, magluluto pero madalas wala naman ang amo mo dahil busy sa kumpanya at palaging may business trip. Maglalaba ka lang din ng damit niya pero may washing machine naman,” paliwanag ni Tita Ernacia.

Mukhang interesting ang inaalok niya.

Humawak sa kamay ko si Tita Ernacia at luminga-linga. “Huwag kang mag-alala, bente mil ang sahod mo sa isang buwan. May benepisyo pa at libre ang pagkain.”

Namilog ang mata ko sa sinabi ni Tita Ernacia. “Gano’n po kalaki?”

“Oo, pero ang sinabi ko sa Tita Nadia mo ay dose mil lang ang sahod mo dahil alam ko namang ginagatasan ka niya,” mahinang sabi ni Tita Ernacia.

Napaisip naman ako ulit. Maganda ang alok ni Tita Ernacia. 20k ang isang buwan ko at isa lang ang amo ko. Hindi pa gano’n kabigat ang trababaho ko. Mas malaki pa ang alok niyang sweldo kaysa sa sweldo ko noon sa pabrika. Dose oras ang duty ko tapos pagdating ko rito sa bahay ay gawain ko pa lahat.

“Sige po, Tita. Pumapayag po ako,” buo ang loob na sabi ko.

“Sigurado ka?”

Tumango ako. “Opo.”

“Mabuti kung gano’n. Saka mainam na rin ’yon para malayo layo ka kay Nadia at sa pinsan mo na magaspang ang ugali,” pabulong na sabi pa ni Tita Ernacia at nandilat pa ang mata dahil lumabas ng kwarto si Kyla.

Kumagat labi naman ako. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Tita Ernacia ang malamig na trato sa akin ni Tita Nadia at ni Kyla. Kung may sarili nga lang daw siyang bahay at nasa malapit lang daw namamasukan ay siya na ang kumupkop sa akin. Matandang dalaga si Tita Ernacia at hindi na nag-asawa.

Nag-usap muli sina Tita Ernacia at Tita Nadia tungkol sa pamamasukan ko bilang kasambahay sa Manila. Isasabay na ako ni Tita Ernacia sa Manila pagbalik niya sa Linggo ng gabi. Wala namang problema kay Tita Nadia na mag-stay in ako, basta huwag ko lang daw kalimutan na magbigay. Wala rin namang problema sa akin ’yon. Magbibigay naman talaga ako dahil malaki rin ang utang na loob ko kay Tita Nadia. Pero si Kyla ay nagpoprotesta.

“Ma, kapag nag-stay in si Joella, sino nang kikilos dito sa bahay?”

“Eh di ikaw? Wala ka namang ginagawa, puro ka lang cellphone.”

“No way, Ma! Sinabi ko naman sa ’yo na busy na ako sa school. Yung pagse-cellphone ko pahinga ko na lang ’yon. Bakit kasi pumayag ka na mag-stay in siya,” reklamo pa ni Kyla.

Pinigilan ko namang mapaikot ang mata.

“Alangan namang mag-uwian araw-araw si Joella. Mahaba ang biyahe at aksaya sa pamasahe,” sabat ni Tita Ernacia.

Umikot naman ang malaking mata ng malditang isda. Walang respeto kay Tita Ernacia.

“Aba’t! Hoy, Kayla! Iniikutan mo ba ako ng mata?” sita na ni Tita Ernacia.

Pero hindi sumagot si Kyla at sumimangot na lang sabay halukipkip.

“Hayaan mo na siya, Ernacia. Pagod lang ang pamangkin mo,” sabi naman ni Tita Nadia.

“Anong pagod? Eh mukhang kagigising nga lang niyang anak mo. Ikaw kasi, Nadia, masyado mong ini-spoil ’tong anak mo.”

“Eh gano’n talaga, nag-iisa ko siyang anak.”

“Kuh, ikaw din ang mahihirapan sa bandang huli sa pangso-spoil mo diyan sa anak mo. Hindi dapat gano’n.”

Binalingan naman ni Tita Ernacia si Kyla na nanghahaba na naman ang mahaba nang nguso. “At ikaw naman, Kyla, inaayon sa hitsura ang ugali, ha. Kung hindi naman kagandahan at mukhang tilapya, huwag nang magganda-gandahan para hindi nakakainis. Kuh! Pasalamat ka hindi ako ang nanay mo, kundi may kalalagyan ka talaga.”

Kinagat ko ang labi para hindi mangiti sa sinabi ni Tita Ernacia. Siya lang talaga ang nakakapagpatahimik kina Kayla at Tita Nadia. Mas maldita kasi si Tita Ernacia pero nasa lugar naman.

Padabog na tumayo si Kayla at tumalikod, nagmamartsang naglakad papasok sa kwarto.

“Tingnan mo ’yang anak mo, Nadia. Sutil talaga.”

“Hamo, pagsasabihan ko. O basta, ang usapan natin, Joella. Mag-aabot ka sa akin. Para naman makamenos ako kahit pambayad ng kuryente at tubig sa isang buwan,” baling sa akin ni Tita Nadia.

“Opo, Tita.”

Kinagabihan ay nag-empake na ako ng mga gamit ko na dadalhin papuntang Manila. Medyo excited ako dahil makakapunta ako ng Manila at malalayo na rito sa bahay ni Tita Nadia. Makakapag-ipon na ako.

“Talaga? Sasama ka na sa tita mo sa Manila?” tanong ni Almera. Kauuwi lang niya galing sa pabrika. Pinuntahan ko siya agad para makapagpaalam dahil bukas ng hapon daw ang biyahe namin sabi ni Tita Ernacia. Siguradong hindi na niya ako maaabutan.

“Oo, papasok na rin akong kasambahay.”

“Mabuti naman para malayo ka na sa tiyahin at pinsan mo. Pero nakaka-sad nga lang dahil hindi na tayo makakapagtsismisan.”

Ngumisi ako. Nakalalungkot nga pero gano’n talaga.

“Ano ka ba? May FB naman. Sa chat na lang tayo magtsismisan. Saka dadalaw pa rin naman ako paminsan-minsan.”

“Kunsabagay. Pero pwede din dalawin kita sa Manila tapos mamasyal tayo doon.”

Namilog ang mata ko. “Pwede din! Sige, dalawin mo ako do’n kapag day off ko. Ibibigay ko sa ’yo ang address.”

“Sige sige!”

Tumabay muna ako ng ilang oras sa bahay nina Almera para makipagkwentuhan. Tapos naman na ang mga gawain ko sa bahay kaya hindi na ako hahanapin pa ni Tita Nadia. Gusto kong masulit ang kwentuhan namin ng kaibigan ko.

TUMAYO ako nang tuwid at kinurot-kurot ang daliri habang matamang nakatingin sa akin ang sopistikadang matandang babae. Siya ang amo ni Tita Ernacia. Pero hindi raw siya ang magiging amo ko kundi ang apo niya. Sinuyod ako ng tingin ng senyora mula ulo hanggang paa. Mapanuri ang kanyang tingin kaya naman abot-abot ang kaba ko. Pasimple akong tumingin kay Tita Ernacia na nasa likod ng sofa na kinauupuan ng senyora. Tinanguan lang niya ako. Sinabihan naman na niya ako na mabait ang senyora, istrikto nga lang.

“Ilang taon ka na nga, hija?” tanong ng senyora.

Tumikhim ako. “T-twenty years old po, Senyora.”

Tumango-tango ang senyora. “Ano nga ulit ang pangalan mo?”

“Joella Himalayan po.”

Tumaas ang kilay ng senyora. “Maganda ka, hija. Sigurado ka ba na gusto mong pumasok bilang kasambahay? Uunahan na kita, ayoko ng maarte at tatamad-tamad.”

“Naku, hindi po ako maarte at tamad, Senyora. Sa bahay po namin sa Rizal ay halos ako po ang gumagawa ng mga gawaing bahay.”

“Mabuti naman kung gano’n.”

Ngumiti ako sa senyora. Pero hindi pa rin naaalis ang kaba sa dibdib ko dahil matiim pa rin siyang nakatingin sa akin.

“May boyfriend ka na ba?”

“Po?” Parang nabingi ako sa tanong ng senyora.

“Ang sabi ko kung may boyfriend ka na ba?”

“Wala po, Senyora,” sagot ko kahit medyo naguguluhan sa tanong ng senyora dahil parang ang weird ng tanong niya.

“Tanggap ka na. Bitbitin mo na ang mga gamit mo dahil ihahatid na kita sa bahay ng apo ko.”

Ngumiti ako at nakahinga ng maluwag. “Maraming salamat po, Senyora.”

Tumingin ako kay Tita Ernacia. Tumango na siya at ngumiti sa akin.

Nag-excuse naman ako at nagtungo na sa servants’ quarters para kunin ang mga gamit ko.


Chapter 4

Joella’s POV

MALAKI ang bahay ng apo ni Senyora Amelia. Hindi naman ito kalayuan sa bahay ng senyora dahil nasa kabilang subdivision lang naman ito. Modern type ang bahay na may malalaking salamin na bintana. Ganito ang mga nakikita kong bahay ng mga mayayaman o artista sa social media. Parang bigla tuloy akong napaisip kung kakayanin ko bang linisin ang bahay na ito na mag-isa. Hindi man ito kasinlaki ng bahay ng senyora pero malaki pa rin ito.

“Hindi naman maselan ang apo ko sa bahay, hija, kaya hindi mo kailangang mangarag sa paglilinis. Tamang punas punas ka lang para maalis ang mga alikabok. May vacuum naman diyan, siguro naman marunong kang gumamit.”

“Opo, Senyora.”

“Good. Pero ang higit sa lahat, dapat ang kusina ay laging malinis. Importanteng malinis ang kusina dahil dito naghahanda ng pagkain.”

Tumango-tango ako. Pumasok kami ng senyora sa loob ng malawak na kusina. Kumpleto sa gamit na mga moderno rin. Malaki ang ref na hindi ko pa napansin dahil mukha lang cabinet. Pero wala itong masyadong laman at iilang pirasong itlog lang at hotdog lang ang meron. Inutusan naman ng senyora si Tita Ernacia na mamalengke saglit para may laman ang ref at may makain kami ng apo niya.

Sa garden naman ako dinala ng senyora. Napangiwi ako nang makitang tuyot na ang mga halaman. Sayang naman, ang gaganda pa.

“Lagi mo ring didiligan itong mga halaman. May pag-asa pang mabuhay ang mga ’yan. Kulang lang sa tubig.”

“Opo, Senyora.”

Marami pang binilin ang senyora tungkol sa bahay. Hindi naman komplikado ang mga bilin niya at mukhang kakayanin ko naman.

“Ang apo kong si Ace ay bibihira lang maglagi dito sa bahay. Gabi na siya kung umuwi at maaga namang umaalis sa umaga. Tuwing weekend naman ay wala siya dahil nag-a-out of town siya. Ngayon naman ay nasa business trip siya at bukas pa ng gabi ang uwi.”

“Lalaki po ang apo niyo, Senyora?” curious na tanong ko dahil sa nabanggit niyang pangalan. Wala rin kasing sinabi sa akin si Tita Ernacia kung lalaki o babae ang apo ng senyora na siyang magiging amo ko.

“Oo, lalaki. Treinta y singko anyos pero binata pa. At huwag kang mag-alala, hija. Mabait ang apo ko na ’yon. Pero kung may gawin siyang hindi maganda sa ’yo, magsumbong ka agad sa Tita Ernacia mo o kaya sa akin. Malalagot siya sa akin.”

“Sige po, Senyora.” Medyo kabado ako nang malamang lalaki pala ang magiging amo ko. Pero mabait naman daw siya sabi ng senyora.

Nilibot pa ako sa buong bahay ng senyora. Pinakita pa niya sa akin ang kwarto ng kanyang apo, ang pinakamalaking kwarto sa second floor. Maganda ang kwarto ng apo niya. Malinis at maaliwalas. Mabango rin. Mukhang masinop naman ang apo niya.

Sa huli ay dinala naman ako ng senyora sa magiging kwarto ko sa ibaba. Sa servants’ quarters na may tatlong double deck. May mga drawer din na lagayan ng mga gamit at damit. May ceiling fan at stand fan na hindi pa nagagamit at may aircon din. Mukhang mapapasarap ang tulog at pahinga ko nito.

“O paano, maiiwan ka na namin dito ng tiyahin mo. Nasabi ko na sa ’yo ang lahat ng mga gagawin mo. Pero kung may tanong ka at iba pang kailangan, tawagan mo lang ako,” bilin ng senyora na uuwi.

“Opo, Senyora.”

Binuksan ng senyora ang kanyang bag at nilabas ang wallet. Dumukot siya ng limang libo at inabot sa akin. Nalilitong kinuha ko naman ’yon.

“Para saan po ito, Senyora?”

“Para sa ’yo ’yan, hija. Allowance mo.”

Namilog ang mata ko. “Naku, Senyora, hindi ko po yata matatanggap ito. Hindi pa po ako nag-uumpisa sa trabaho ko.” Binalik ko sa senyora ang pera.

Pero tinulak niya pabalik ang kamay ko. “Pero kailangan mo ’yan panggastos mo sa sarili mo, lalo pa at matagal-tagal pa ang araw ng sweldo mo.”

Lumunok ako. Tama naman ang senyora. May natitira pa naman akong pera pero kakaunti lang ’yon at hindi ko naman alam kung aabot pa sa sweldo ko.

Nahihiyang ngumiti ako sa senyora. “Salamat po, Senyora.”

“Walang anuman. O siya, kami’y uuwi na ng tiyahin mo. Ikaw na ang bahala dito. At isa pa nga pala, huwag kang magpapapasok ng kung sino-sino na hindi mo kilala,” bilin pa ng senyora.

“Opo, Senyora.”

Lumabas na ng bahay ang senyora. Hinarap naman ako ni Tita Ernacia.

“Kung may problema, tawagan mo lang ako agad, Joella,” bilin din ni Tita Ernacia.

“Opo, Tita. Salamat po.”

Hinatid ko na sa labas ng gate sina Senyora Amelia at Tita Ernacia. Hindi ako umalis hanggang hindi nakakaalis ang kanilang sasakyan.

Sinarado ko na ang gate na automated naman. Humarap na ako sa malaking bahay at pinagmasdan ito ng ilang sandali sabay hugot ng malalim na hininga. Ito na ang umpisa ng bagong buhay ko bilang kasambahay ng mayamang amo. Sana ay kayanin ko to at magtagal ako dahil sayang ang 20k. Makakaipon na rin ako basta magtiyaga lang ako. Pumasok na ako sa loob ng bahay para umpisahan na ang mga gawain. Banat na ang mga buto ko sa mga gawaing bahay kaya easy’ng easy lang sa akin ’to. Ang sabi naman ng senyora ay hindi maselan ang apo niya at ako na raw ang bahala rito sa bahay. E di go!

Inumpisahan ko munang linisin ang living area. Pinunasan ko muna ang mga leather couch na may mga alikabok na nga pati na rin ang center table na ang ilalim ay may maliliit na agiw na. Sumunod naman ay nag-vacuum na ako, pati ilalim ng carpet ay vinacuum ko. Nang matapos ay nag-break time muna ako. Kumain muna ako at nagpahinga sandali saka ko tinuloy ang paglilinis. Pagdating naman ng hapon ay ang garden naman ang inasikaso ko. Nagwalis-walis ako roon, tinanggal ang mga ligaw na damo, ang mga tuyong dahon, at mga patay na halaman na wala nang pag-asa saka ko na ’yon diniligan.

Tumingin ako sa oras sa cellphone ko. Mag-a-alas syete pa lang ng gabi at paluto pa lang ang niluluto ko.

Nang maluto na ang ulam ay nagsandok na ako at kumain. Napagod ako sa buong araw dahil sa dami kong ginawa. Hindi pa nga ako tapos, e. Pero may bukas pa naman. Ang importante, nabawasan na ang mga gagawin ko.

Pagkatapos kumain ay niligpit ko na ang pinagkainan ko at hinugasan na ang mga plato. Gusto ko nang magpahinga para bukas ay maaga akong gigising at uumpisahan ko nang trabahuhin ang ibang gawain dito sa bahay.

Humihikab na sinarado ko ang main door. Ni-lock ko na ito pati na ang double lock. Mahirap na, baka may ibang taong pumasok mag-isa lang ako rito. Ni-lock ko rin ang back door at lahat ng pwedeng pasukan ng tao ay ni-lock ko bilang pag-iingat na gaya ng bilin ng senyora. Ang amo ko naman ay bukas pa uuwi. Pero natigilan ako nang may sumagi sa isip.

Teka? Ano nga pala ang hitsura ng amo ko? Wala namang pinakita sa aking picture si Senyora maliban lang sa sinabi niya na lalaki ang apo niya, binata, at thirty-five years old. Malamang matanda na ang hitsura niya at malaki ang tiyan.

Tumalikod na ako at pumasok na sa servants’ quarters. Naligo muna ako para mapreskuhan. Naglagay rin ako ng facial mask sa mukha para naman kinaumagahan fresh na fresh ang mukha ko at hindi mukhang pagod. Ngayon na nga lang ako makakapagganito dahil sa bahay ni Tita Nadia ay hindi ako nakakapaglagay nito dahil kontrabida siya at si Kyla na gusto sila lang ang magpaganda.

Puwes, ngayon ay may time na akong makapagpa-fresh. Para naman kahit kasambahay lang ako fresh pa rin ako.

In-adjust ko muna ang aircon para hindi masyadong malamig saka ako nahiga at nagkumot. Nangingiti pa ako dahil malamig ang aircon. Mapapasarap ang tulog ko nito.

Naalimpungatan ako nang may marinig na kalabog sa labas ng bahay. Dumilat ako at pinakinggan ang munting ingay na ‘yon. Hindi soundproof ang servants’ quarters kaya naririnig ang ingay sa labas. Kumabog ang dibdib ko nang may marinig muling ingay. Ingay na parang binubuksan ang pinto.

Bumangon ako at sinuot ang tsinelas. Binuksan ko ang pinto at lumabas. Dahan dahan akong naglalakad papunta sa maindoor. Napasinghap ako ng makitang gumagalaw ang doorknob. May nagbubukas nga sa labas nito. Mabuti na lang at na-double lock ko.

Mariing naglapat ang labi ko at bumuntong-hininga ako. Kinakabahan ako pero kailangan kong maging matapang dahil nag-iisa lang ako rito sa bahay.

Malalaki ang hakbang na nagtungo ako sa storage room. Kinuha ko roon ang nakita ko kaninang jungle bolo. Bago pa ’yon dahil nangingintab pa.

Humugot ako ng malalim na hininga at tiim bagang na bumalik sa main door. Kabado man ay handa akong ipagtanggol ang bahay na ito pati ang sarili ko.

Subukan lang niyang pumasok. Makakatikim siya sa akin ng taga.

Gumagalaw-galaw pa rin ang doorknob. Agresibo na itong binubuksan ng kung sino man ang nasa labas. Lumunok ako at lumapit sa floor to ceiling na salaming dingding na katabi lang ng main door. Hinawi ko ang makapal na kurtina at napatili nang sumilip din ang nasa labas.


Chapter 5

Joella’s POV

NAPAHINTO ako sa pagtili at tumitig sa lalaking nasa labas na nagsasalita. Hindi ko marinig ang sinasabi niya. Sa hitsura niya ay galit siya. Nakaguhit din sa kanyang mukha ang pagtataka. Gwapo siya. Siya ang definition ng totoong gwapong makalaglag panga. Kahit galit at parang nagmumura ay gwapo pa rin. Matangkad at makisig ang katawan.

Nawala sa harapan ko ang lalaki at muling gumalaw ang doorknob. Doon lang ako tila natauhan at pinilig-pilig ang ulo.

Shet ka, Joella. Nakakita ka lang ng gwapo, nakalimutan mo nang pinapasok na ng masamang loob ang bahay ng amo mo.

Humugot ako ng malalim na hininga at mahigpit na hinawakan ang jungle bolo saka lumapit sa main door. Ini-unlock ko ang doorknob pero iniwan ko ang double lock para hindi pa rin makapasok ang lalaki. Pumihit ang doorknob at nabuksan ng lalaki ’yon pero malutong siyang napamura dahil nakakabit pa ang double lock.

“Who the fuck are you?” angil ng lalaki sa akin sa malaking boses na ikinapitlag ko. Kumabog din ang dibdib ko sa kaba pero tinapangan ko ang sarili.

“H-hoy! Huwag mo kong ma-fuck fuck ha! Ikaw ang sino? Magnanakaw ka, ’no?” Tinutok ko sa lalaki ang jungle bolo. Napaatras naman siya.

Huh! Hindi niya ako madadala sa kagwapuhan niya. Wala na kayang pinipiling hitsura ang pagiging magnanakaw at kriminal ngayon. Naglipana na rin ang mga gwapo at magandang kriminal. At baka isa rin ang lalaking to.

“Anong magnanakaw? Hindi ako magnanakaw! At sino ka? Ano’ng ginagawa mo dito sa bahay ko at paano ka nakapasok?”

Tumaas ang isang kilay ko. “Bahay mo ’to?”

“Oo, bahay ko ’to.”

Sinuyod ko siya ng tingin. Malaking tao siya at gwapo talaga. Malaki rin ang pangangatawan. Mukhang mayaman sa suot na puting white polo long sleeve na naka-tuck in sa gray na trouser. Naaamoy ko rin ang gamit niyang pabango. Pero hindi pa rin sapat ’yon para maniwala ako at magtiwala. Marami nang manlolokong tao ngayon. Kabilin-bilinan sa akin ni Senyora Amelia na huwag magpapapasok ng hindi kakilala at mag-ingat.

Nagtaas noo ako. “Kung bahay mo ’to, magpakita ka ng ebidensya.”

“The hell? This is my own house tapos ako pa ang magpapakita ng ebidensya na bahay ko ito? Saka sino ka ba? Paano ka nakapasok? Baliw kang babae ka, ’no? Baka ikaw ang magnanakaw.”

Napasinghap ako sa sinabi ng lalaki. “Aba’t—hoy! Ako pa ang babaliktarin mo, ha. Hindi ako magnanakaw. Ako ang kasambahay sa bahay na ito.”

Umawang ang labi ng lalaki. “Ikaw ang bagong kasambahay? Kung gano’n, ikaw ang nakuhang kasambahay ni Mamita?”

Nagsalubong ang kilay ko. “Sinong mamita? Hindi ko kilala ang sinasabi mo. Si Senyora Amelia ang nagpasok sa akin dito at kabilin-bilinan niya sa akin na huwag magpapasok ng kung sino-sino lalo na ng hindi ko kilala. Kaya ang mabuti pa, umalis ka na kung ayaw mong mataga.”

Pero tumawa ang lalaki at mas lalo pa siyang gumwapo.

Sinaway ko naman ang sarili na huwag magpadala sa kagwapuhan ng lalaki dahil baka maisahan pa niya ako.

“Si Mamita nga si Senyora Amelia. Ako ang apo niya. Ako ang amo mong si Ace. Siguro naman nabanggit niya sa ’yo ang pangalan ko.”

Natigilan ako at tinitigan ang lalaki na may nakakalokong ngiti sa labi. Siya raw si Sir Ace. Maniniwala ba ako? Baka mamaya iniisahan lang niya ako. Walang sinabi sa akin si Tita Ernacia at senyora na gwapo si Sir Ace.

Tumaas muli ang isang kilay ko. “Talagang ikaw si Sir Ace?”

Namaywang ang lalaking nagpakilalang si Sir Ace. “Oo nga, kaya buksan mo na ang pinto at nilalamok na ako rito. Gusto ko na ring magpahinga.”

“Ang sabi ni Senyora bukas pa raw uuwi si Sir Ace. Kung ikaw si Sir Ace, bakit nandito ka? Dapat bukas ka pa uuwi, ’di ba?”

Bumuga ng marahas na hininga ang lalaki at hinilamos na ang palad sa mukha. Bakas na rin ang inis sa kanyang mukha.

“Dahil ako nga si Ace. Ang amo mo. Ngayon ako nakauwi dahil maagang natapos ang business trip ko,” tila nanggigigil nang sabi niya.

Convincing ang sinasabi niya. Parang totoo. Pero hindi pa rin niya ako maiisahan. Kabisado ko na ang mga gaya niya, e. Galawang budol gang.

“Weh? Maniwala ako. Patingin nga ng ID mo? Malalaman natin kung nagsasabi ka ng totoo.”

“Seriously?” bulalas niya.

“Oo. Seryoso ako. At huwag mo kong ma-English english, hindi mo ko mauuto sa pa-English English mo.”

“Hindi kita inuuto because I am Ace, ang amo mo. ’Pag ako nakapasok diyan, humanda ka talaga sa akin. Tanggal ka na sa trabaho.”

“Huu! Tinakot mo pa ako. Eh kung tumawag kaya ako ng pulis at ipadampot kitang magnanakaw ka, ano? Himas rehas ka talaga, tangina ka.”

Suminghap ang lalaki at namilog ang mata. “Minura mo ’ko?”

“Oo, gusto mo ulitin ko pa, ha? Hindi mo ako maiisahan kaya patingin ng ID.”

“Bullshit!” mura ng lalaki habang matalim ang tingin sa akin. Kinapa niya ang bulsa sa likuran pero natigilan siya. “Shit! Naiwan ko ang wallet sa office.”

Ngumisi ako. “O kita mo na? Kabisado ko na ’yang mga ganyang galawan. Kunwaring naiwan pa sa office, ha. Eh wala ka naman talagang maipapakitang ID. Kasapi ka ng budol gang, ano? Tarantado ka. Kalalaki mong tao, ang laki-laki ng katawan mo hindi ka magbanat ng buto at ginawa mong trabaho ang panloloko. Umalis ka na!” Tinutok ko sa lalaki ang jungle bolo.

Malutong na namang nagmura ang lalaki habang matalim pa rin ang tingin sa akin. Maya-maya at dinuro niya ako. “You…”

“Ah ayaw mong umalis, ha!” Inabot ko siya ng gulok pero umatras niya.

“Babalik ako. Humanda ka sa akin. You witch!” aniya habang umaatras.

“Sige! Bumalik ka! Hindi kita aatrasan! Tangina mo!” matapang na sigaw ko.

Sinundan ko ng tingin ang lalaking mambubudol. Lumabas siya ng gate na automatic na nagbubukas. Nakakapagtaka na nabuksan niya ’yon. Kunsabagay mambubudol siya, napag-aralan na niya ’yon. At may kotse pa siya. Level up na talaga ang mga kawatan ngayon.

“Tss! Akala mo uubra ka sa akin, ha. Subukan mo lang talagang bumalik tatagain na kita.”

Ngingisi-ngising sinarado ko na ulit ang pinto at ni-lock. Tiningnan ko ang malaking wall clock. Alas dies pa lang pala ng gabi. Bumalik na ako sa servants’ quarters tangay ang jungle bolo. Mahirap na dahil baka bumalik talaga ang lalaki.

.

.

Ace’s POV

“BULLSHIT!” inis na mura ko at binalibag pasara ang pinto ng kotse. Malalaki ang hakbang na pumasok ako sa malaking gate ng bahay ni Mamita na binuksan ng security guard.

“Sir Ace, magandang gabi po,” bati sa akin ng driver ni Mamita na si Poldo. Nakaupo siya sa porch at nagkakape.

“Si Mamita?” walang kangiti-ngiting tanong ko.

Sino ba namang mangingiti na hindi ka makapasok sa sarili mong bahay? Daig ko pa ang pinalayas sa sarili kong pamamahay. Inakusahan pa akong magnanakaw at minura-mura pa.

Makakatikim sa akin ang babaeng ’yon oras na makapasok ako sa sarili kong bahay.

“Baka po nasa library office pa at nagbabasa ng paborito niyang libro.”

Tinanguan ko lang si Poldo at pumasok na sa loob ng bahay. Sinilip ko ang oras sa relo. Alas dies pa lang ng gabi kaya malamang nga ay nasa library office pa si Mamita. Late na kasi siyang natutulog at mas gustong magbasa ng paborito niyang libro.

“Ser Ace, magandang gabi po. Naparito po kayo,” bati sa akin ni Manang Ernacia, ang mayordoma ni Mamita.

“I need to talk to Mamita.”

Kumunot ang noo ni Manang Ernacia. “May problema po ba, Ser?”

“Yung bagong kasambahay, ayaw akong papasukin sa bahay.”

“Po?” Namilog ang mga mata ni Manang Ernacia.

“Kaya kailangan kong makausap si Mamita.” Tumalikod na ako at tinungo ang library office.

Sakto namang lumabas si Mamita bitbit ang makapal na libro.

“Ace, hijo, nakauwi ka na pala. Akala ko ba ay bukas ka pa makakauwi?” In-adjust ni Mamita ang suot na salamin.

Lumapit naman ako sa abuela at humalik sa pisngi niya. “Good evening, Mamita. Maagang natapos ang business trip ko kaya napaaga din ang uwi ko.”

“Gano’n ba? Aba’y mabuti naman.” Mataman akong tiningnan ni Mamita. “Eh bakit ganyan ang mukha mo? Para kang may nakaaway. Napaaway ka ba? Sino’ng umaway sa ’yo?”

Bumuntong-hininga ako nang malalim. “Yung bagong kasambahay na nakuha niyo, ayaw akong papasukin sa bahay.”

“Ano? Paanong ayaw kang papasukin?” kunot noong tanong ni Mamita.

“Akala ho niya magnanakaw ako, Mamita. May hawak siyang jungle bolo at minura-mura pa ako. Saan niyo ba nakuha ang kasambahay na ’yon, Mamita? Masyadong warfreak.”

Suminghap si Mamita at si Manang Ernacia.

“Nagpakilala ka ba?”

“Yes, Mamita. Pero ayaw niyang maniwala at hinanapan pa ako ng ID.”

“Eh di sana pinakita mo ang ID mo. Nag-iingat lang si Joella.”

So, Joella pala ang pangalang ng babaeng ’yon.

“Wala ho akong dalang ID dahil naiwan ko sa opisina ang wallet ko. Ayaw pa rin niya akong papasukin at nanakot pa na tatawag ng pulis. I’m so tired, Mamita. Gusto ko nang magpahinga tapos ganito pa ang aabutan ko pag-uwi ko sa sarili kong bahay,” himutok ko. Wala pa akong pahinga at ang gusto ko lang ngayon ay humiga sa kama ko at matulog.

“O siya, sasamahan na kita sa bahay mo. Kakausapin ko si Joella. Ernacia, sumama ka.”

“Opo, Senyora.”

Sabay-sabay na kaming lumabas ng bahay para magtungo sa bahay ko.

Humanda talaga sa akin ang babaeng ’yon.


Chapter 6

Joella’s POV

MULI akong napabangon nang marinig ang doorbell.

Sino naman kaya ’tong nag-doorbell? Baka yung lalaki na naman. At bumalik nga talaga siya.

Tinanggal ko na ang facial mask at muling lumabas ng servants’ quarters bitbit ang jungle bolo. May kaba pa rin sa dibdib ko at pilit ko lang nilalakasan ang loob ko. Makakatikim na talaga sa akin ang lalaki kapag nagpumilit pang makapasok.

Namilog ang mata ko nang makita sa labas si Senyora Amelia at Tita Ernacia kasama ang lalaki kanina.

Bakit kasama nila yung lalaking ’yon?

Parang nanlaki bigla ang ulo ko.

Ibig sabihin totoo nga ang sinabi nung lalaki? Patay ka, Joella.

Napapitlag ako nang tumunog muli ang doorbell. Nataranta ako at sinuksok ko ang jungle bolo sa ilalim ng side table. Binuksan ko naman ang ilaw at nilapitan ang main door. Malakas ang kabog ng dibdib na binuksan ko ’yon.

“G-good evening po, Senyora, Tita Ernacia,” nauutal na bati ko at tumingin sa lalaki na matiim naman ang tingin sa akin. Nag-iwas naman ako ng tingin.

“Good evening din, hija.” Pumasok na sina Senyora Amelia at Tita Ernacia kasunod ang lalaki na huminto pa sa harapan ko.

Napaangat tuloy ako ng tingin at sumalubong sa akin ang matiim niyang tingin na parang tumatagos sa buto ko. Napalunok ako at nag-iwas muli ng tingin. Sumunod na ako kina Senyora Amelia at Tita Ernacia sa malawak na sala.

“S-sorry po talaga, Sir Ace. Nag-iingat lang naman po ako. Saka kabilin-bilinan po sa akin ni Senyora Amelia na huwag magpapapasok ng hindi kilala. Sumunod lang po ako sa bilin sa akin,” paliwanag ko sa amo na nagpapalakad-lakad sa harapan ko habang nakapamaywang.

Nahihiya ako na kinakabahan dahil sa ginawa at sinabi ko sa kanya kanina. Patay talaga ako kay Tita Nadia kapag natanggal ako sa trabaho. Wala pa nga akong isang araw, tanggal na. Baka tuluyan na talaga akong palayasin sa bahay.

“Pero nagpakilala na ako sa ’yo. Ayaw mo pa rin akong papasukin. Minura-mura mo pa ako. Tama ba ’yon, ha?” angil ni Sir Ace sa akin.

Ngumuwi naman ako at yumuko. “S-sorry na po talaga, Sir. Nadala lang po ako sa damdamin ko kanina. N-natakot lang po talaga ako…”

“Natakot? Eh ang tapang-tapang mo nga kanina, e. Ayaw mo akong papasukin sa sarili kong pamamahay. Pagod na nga ako sa mahabang biyahe, ganito pa ang maaabutan ko. Sino’ng matutuwa? You’re fired!”

Napasinghap ako sa huling sinabi ni Sir Ace.

“Teka lang, hijo. Hindi mo siya pwedeng tanggalin,” kontra ni Senyora.

“At bakit ho hindi, Mamita? Mali ho ang ginawa niya,” inis pa rin na sabi ni Sir Ace.

“Ano ka ba? Ginagawa lang niya ang tama. Walang mali doon. Dinedepensahan lang niya ang sarili niya at itong bahay mo. Paano kung totoong magnanakaw ka at kriminal tapos pinapasok ka niya? Eh di siya naman ang kawawa. Walang mali sa ginawa ni Joella,” depensa ni Senyora Amelia sa akin.

“Pero, Mamita, minura-mura niya ako. Ang lutong niyang magmura.”

Kumagat labi ako at tumingin kay Tita Ernacia na nakangiwi naman. Napayuko na lang ako.

“Eh ano ba naman kasing malay niya na ikaw nga talaga ang amo niya. Saka kasalanan ko naman dahil nawala sa loob ko na ipakita ang picture mo. Malay ba naman niya kung ano ang hitsura ng amo niya. Saka ibig lang sabihin n’on, maaasahan si Joella. Nakita mo naman, hindi ka talaga niya pinapasok sa pag-aakalang masamang tao ka.”

“Pero Mamita—”

“No. Hindi mo siya pwedeng paalisin, Ace. Magagalit ako sa ’yo. Isa pa, pamangkin siya ni Ernacia.”

Bumaling si Sir Ace kay Tita Ernacia. “Pamangkin niyo siya, Manang?”

“Opo, Ser, pamangkin ko po sa pinsan si Joellla. Ako na po ang humihingi ng paumanhin sa nagawa niya sa inyo. Mabait naman po ’yang pamangkin ko saka masipag pa. Sumusunod lang po siya sa mga bilin sa kanya. Huwag niyo po sana siyang tanggalin, Ser,” pakiusap ni Tita Ernacia.

Kinagat ko ang labi at piniga-piga ang mga daliri. Sana nga talaga makinig si Sir Ace kina Senyora at Tita Ernacia. Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho. Hindi ako makakauwi sa amin.

Marahas na bumuntong-hininga si Sir Ace at bumaling sa akin. Matiim pa rin ang kanyang tingin. “Fine. Pero ayoko nang mauulit ’yon. Maliwanag? At ayoko na ring naririnig na nagmumura ka.”

Nakahinga naman ako nang maluwag at napangiti. “Salamat po, Sir. Hindi na po talaga mauulit ’yon dahil alam ko na ngayon na kayo ang amo ko.”

Sandaling tumitig sa akin si Sir Ace at mariin lang naglapat ang kanyang labi.

“Sige ho, Mamita. Aakyat na ho ako sa kwarto ko para makapagpalit ng damit.”

“Sige, hijo. Magpahinga ka na.”

“Good night, Mamita.” Humalik si Sir Ace sa pisngi ng senyora at tumalikod na. Umakyat na siya sa hagdan.

Nahihiya namang tumingin ako kina Senyora at Tita Ernacia. “Sorry po talaga, Senyora. Hindi ko po kasi talaga alam na siya si Sir Ace.”

Mahinang tumawa ang senyora na parang may nakakatawa sa sinabi ko. “It’s okay, hija. Naiintindihan ko. Wala kang kasalanan dahil hindi mo naman talaga alam ang hitsura niya.”

Nangingiting ngumiwi na lang ako at napakamot sa ulo.

“Anyway, you did a good job. Magaling ang ginawa mo. Ipagpatuloy mo lang,” nangingiti pang sabi ng senyora.

“Salamat po,” sabi ko na lang at tumingin kay Tita Ernacia. Ngumiti at tumango lang siya sa akin.

Tumayo na si Senyora Amelia. “Bueno, kami ay uuwi na ng tiyahin mo para makapagpahinga na. Ikaw na ang bahala sa apo ko, hija.”

Tumayo na rin ako. “Opo, Senyora. Salamat po ulit at pasensya na po.”

“No problem, hija.”

Hinatid ko na sa labas ang senyora at si Tita Ernacia.

.

.

Third POV

“I LIKE your pamangkin na, Ernacia,” sambit ni Amelia sa mayordoma.

“E… salamat po, Senyora. At pasensya na rin po sa nagawa niya kay Ser.”

“No problem, Ernacia. Ginawa lang ng pamangkin mo ang tama. Sayang, hindi ko nakita kanina kung paano niya away-awayin si Ace. Nakakatawa siguro,” natatawang sabi pa ni Amelia. Mukhang nakahanap na ng katapat ang kanyang apo.

“Sana nga lang po, Senyora, hindi pag-initan ni Ser Ace si Joella. Galit na galit pa naman po siya,” nag-aalalang sabi ni Ernacia.

“Hindi ’yan. Para namang hindi mo kilala si Ace. Mabilis ding mawala ang galit niya. Bukas ay magiging okay na siya. Saka subukan lang niyang pag-initan si Joella, malalagot siya sa akin.”

Napangiti na si Ernacia sa sinabi ng senyora. “Salamat po, Senyora.”

“Walang anuman, Ernacia.”

.

.

Joella’s POV

ALAS sais ng umaga na ako nagising dahil late na ako nakatulog kagabi dahil sa nangyari. Kaya naman mabilis akong kumilos. Nagluto agad ako ng almusal dahil baka bumaba si Sir Ace at manghingi na ng pagkain. Kailangan kong bumawi sa kanya para makalimutan niya ang nagawa ko kagabi.

Nagsangag ako ng kanin na maraming bawang at nagprito ako ng itlog at hotdog. ’Yon lang naman kasi ang laman ng ref, e. Mabuti na lang at may bigas pa. Manghingi kaya ako ng pambili ng stock ng pagkain kay Sir Ace? Nakabili naman si Tita Ernacia kahapon pero marami pa ang kulang. Susubukan ko na lang kausapin mamaya si Sir Ace.

Napapitlag ako sa gulat nang walang kaabog-abog na pumasok sa kusina si Sir Ace at dumeretso sa ref. Napaawang pa ang labi ko dahil nakahubad baro lang siya at pajama pants na puti. Nagpipyesta tuloy ang mga mata ko sa kanyang mga muscle sa braso na namumutok. Malapad ang kanyang dibdib at parang pandesal ang maliliit niyang muscles sa tiyan at may pa-v line pa ang lolo mo.

Ang sabi ni Senyora thirty-five years old na daw si Sir Ace at binata pa. Pero may girlfriend na kaya siya? Posible. Gwapo siya, e, macho pa.

Ipinilig-pilig ko ang ulo sa naisip.

Ano bang pakialam ko? Gwapo nga siya at macho, pero baka kagaya rin siya ni Tatay. Hindi malabo dahil parehas silang magandang lalaki ni Tatay. Mga habulin ng babae.

Nag-init ang mukha ko nang bumaling sa akin si Sir Ace habang tungga tungga niya ang bote ng mineral water.

Napulunok ako at tumikhim. “G-good morning po, Sir.”

Binaba na niya ang boteng plastic na wala nang laman at hinagis sa trash bin. Muli siyang bumaling sa akin at nakatitig lang.

Nakaramdam naman ako ng pagkailang kaya napakamot ako sa gilid ng leeg.

“G-gusto niyo na po bang mag-almusal, Sir? Nakapagluto na po ako,” sabi ko.

“Hindi ako nag-aalmusal sa umaga,” malamig na sabi niya sa malaking boses.

Napakurap-kurap naman ako. Nakaramdam ako ng pagkapahiya.

“Gano’n po ba? Sayang naman po yung niluto ko. Akala ko po nag-aalmusal kayo sa umaga.”

“Sana tinanong mo muna ako,” supladong sabi niya.

Napakagat labi naman ako at napayuko. Ramdam kong masama pa rin ang loob niya sa akin dahil sa nangyari kagabi.

Tumikhim ako at nilakasan ang loob. “Sir, alam ko pong galit pa rin po kayo sa ginawa ko sa inyo kagabi. Sorry po talaga. Nag-iingat lang po talaga ako. Sorry po.”

“Alam mo kung saan ako mas nagagalit? Yung minura-mura mo ako. Ikaw lang ang taong nagmura sa akin.”

Ngumiwi ako at ipinikit ang isang mata. Kaya naman pala galit na galit siya. “Sorry po talaga, Sir.”

“Parang sanay na sanay kang nagmumura, ah. Kababae mong tao, palamura ka.”

Tumingin ako sa kanya at umiling-iling. “Hindi po ako palamurang tao, Sir. Defense mechanism ko lang po ’yon para labanan ang takot ko kagabi. Eh paano po kung masamang tao talaga kayo tapos naniwala ako sa inyo at pinapasok kayo.?Baka bukod sa nakawan niyo ang bahay na ito, patayin niyo pa ako nsng walang kalaban-laban,” paliwanag ko pa.

Bumuntong-hininga siya at namaywang. “Oo na, wala ka nang kasalanan. Pero ayoko nang naririnig na nagmumura ka, ha.”

“Opo, hindi na mauulit. Sige po, ililigpit ko na lang po yung mga niluto ko,” sabi ko at tumalikod.

“Huwag na. Kakainin ko na ang mga ’yan.”

Lumingon ako sa amo. Pero lumapit na siya sa counter at tiningnan ang mga nakahain.

“Itlog lang at hotdog?”

“Eh ’yon lang po ang laman ng ref niyo, Sir.”

Humimas siya sa batok. “Sige, bibigyan kita ng pang-grocery. Pakilabas na lang ang mga ’yan sa komedor. Doon ako kakain. Timplahan mo na rin ako ng kape. Black coffee, no sugar.”

“Opo, Sir,” sabi ko.

Lumabas na siya ng kusina at pumasok na sa komedor.

Humugot naman ako ng malalim na hininga at ngumiti. Mukhang ’di na galit ang amo kong gwapings.

Agad na akong tumalima sa utos ng gwapong amo. Una ko munang inasikaso ang kape niya.


Chapter 7

Joella’s POV

NAPAAWANG ang labi ko nang iabot sa akin ni Si Ace ang maraming pera. Pero kinuha ko naman ’yon.

“One hundred thousand ’yan pang-grocery.”

“One hundred thousand pang-grocery po?” Nadulas sa labi ko dahil sa pagkabigla.

Kumunot ang ni Sir Ace. “Bakit? Kulang pa ba ’yan?”

Umiling-iling ako. “Hindi po. Sobra-sobra na nga po ito, e.”

“Bilhin mo na lang ang kung anomang kulang diyan sa kusina tapos bahala ka na.”

“E… sige po,” nasambit ko na lang. Pero grabe ang 100,000 na pang-grocery lang. Eh dalawa lang naman kami rito. Sa totoo lang, ngayon lang ako nakahawak ng ganito kalaking pera. Nakakakaba.

Nilagay ko na lang sa sling bag ko ang pera. “Sige po, Sir. Maggo-grocery na po ako.”

“Teka, dala mo ba ang cellphone mo?”

“Opo, Sir.”

Inabot sa akin ni Sir Ace ang mamahalin niyang cellphone. “I-type mo dito ang number mo. Baka mamaya maligaw ka, tumawag ka na lang sa akin.”

“Opo,” sabi ko habang tina-type ang number. Binalik ko na ang cellphone sa kanya.

“Ano nga ang pangalan mo?”

“Joella po, Sir.”

Tumango-tango siya at nag-type sa cellphone.

“Double L po, Sir.”

Kunot noong sumulyap siya sa akin.

Napanguso naman ako. May pagkasuplado pala ’tong amo ko. Kunsabagay may K naman siyang magsuplado. Gwapo siya, e. Ang sabi nga ni Tita Ernacia ay iayon sa hitsura ang ugali.

Tumikhim ako. “Sige po, Sir. Alis na po ako para makabalik po agad.”

“Sandali lang, tatawag ako ng taxi para may masakyan ka. Matatagalan ka sa paghihintay sa labas,” ani Sir Ace at nag-dial sa cellphone.

Kinagat ko ang labi. Mabait din naman pala siya.

Makalipas lang ang limang minuto ay dumating na ang taxi na tinawagan ni Sir Ace. Kaya lumabas na ako ng bahay at hinatid niya pa ako. Kinausap pa niya ang taxi driver para ihatid ako sa supermarket.

.

.

Ace’s POV

BUMUNTONG-hininga ako habang tinatanaw ang taxi na papalayo lulan ang bago kong kasambahay. Humimas ako sa batok at pumasok na sa loob ng gate.

Sa totoo lang, hindi ako sanay na may kasama sa bahay. Mas gusto ko ang mag-isa kaya nga hindi ako kumukuha ng kasambahay. Pero ’yon naman ang gusto ni Mamita para may mangalaga ng bahay ko kaya hinayaan kong siya ang kumuha. ’Yon nga lang, ang nakuha niya ay matapang at pasmado ang bibig.

Pero maganda. Magaling ring pipili si Mamita.

Umiling-iling ako at ngumisi. Pumasok na ako sa loob ng bahay at natigilan ako nang mapansin ang isang bagay na nakasiksik sa ilalim ng side table. Yumuko ako at kinuha ’yon. Natawa ako nang malamang jungle bolo ito. Ito ang hawak hawak ni Joella kagabi at pinanakot sa akin habang minumura niya ako. Naiintindihan ko naman na natakot lang siya at nag-iingat kaya hindi niya ako pinapasok. Na-offend lang ako nang mura-murahin niya ako. ’Di ako sanay na minumura ako ng ibang tao. Si Mamita lang ang nakakapagmura sa akin kapag naiinis siya sa katigasan ng ulo ko noon.

Bitbit ang jungle bolo ay tumungo ako sa storage room at binalik ito roon. Napansin ko na malinis ang bahay ko. Wala nang alikabok ang center table pati na ang couch. Gano’n din ang handrail ng hagdan. Hindi na rin maaligasgas ang sahig. Lumabas naman ako para tingnan ang paligid ng bahay. Malinis na rin at walang mga ligaw na damo. Medyo nakalbo nga lang ang garden dahil mukhang inalis na roon ang mga patay na halaman. Mukhang masipag nga ang nakuhang kasambahay ni Mamita.

.

.

Joella’s POV

SA isang malaking supermarket ako dinala ng taxi driver. Tinandaan ko ang bawat nadaanan namin kanina. First time ko sa Manila. Medyo kabado ako pero malakas naman ang loob ko. Hindi ako takot bumiyahe basta kasama ko si mag-ingat at magtanong.

Kumuha ako ng cart na malaki at inalala sa isip ang mga kulang sa bahay ni Sir Ace gaya ng mga sabong panlaba. Meron naman doon pero iisang pack na lang at mukhang luma na. Kaya isa-isa ko nang kinuha ang mga kulang sa bahay. Nag-umpisa muna ako sa mga pagkain gaya ng de lata at frozen food. Pinili ko lang ang presyong abot kaya, yung hindi mura at hindi naman masyadong mahal. Yung sapat lang din na stock ang kinuha ko. Tutal ang sabi naman ni Sir Ace ay bahala na ako kung ano ang bibilhin ko sa 100k. Ang balak ko ay sa palengke na lang ako bibili ng ulam dahil mas fresh ang karne roon at bagong katay. Makakapili pa ng maganda, gano’n din sa isda at mas mura mura pa.

Natigilan ako nang mag-ring ang cellphone ko. Dinukot ko ’yon sa sling bag at nakitang tumatawag si Sir Ace. Kaagad ko yung sinagot.

“Hello po, Sir.”

“Hello, Joella.”

Hindi ko maintindihan kung bakit biglang kumislot ang puso ko at naging mabilis ang tibok nito.

“Nasaan ka na? Nasa supermarket ka na ba?”

Tumikhim ako. “Opo Sir, nandito na po ako.” Sinabi ko ang pangalan ng supermarket.

“Okay, aalis ako. May dala ka bang susi ng bahay?”

“Wala po, Sir. Wala pong inabot sa akin si Senyora Amelia kahapon.”

“Gano’n ba? Ilalagay ko na lang ang spare key sa ilalim ng pasong malaki na katabi ng main door. Itabi mo na lang ’yon para may spare key ka.”

“Opo.”

“Gagabihin ako ng uwi mamaya pero sa bahay ako kakain. Magluto ka.”

“Opo, Sir.”

Saglit na namayani ang katahimikan. Hinihintay ko na may sasabihin pa siya.

“Bakit ang iksi ng sagot mo?”

“Po?”

“Wala. Sige na, mag-iingat ka sa pag uwi.”

“Opo, Sir.”

Binaba ko na ang cellphone at pinatay na. Ngumuso ako at bumuntong-hininga. Binalik ko na ang cellphone sa sling bag at tinuloy na ang naudlot na pamimili. Dito na lang din muna ako bibili ng lulutuing ulam mamayang gabi. Bukas na lang ako ng umaga mamamalengke.

Pero ano palang ulam ang lulutuin ko? Siyempre, yung gusto ng amo ko.

Huminto ako sa pagtutulak ng cart at muling dinukot ang cellphone sa sling bag. Dinial ko ang number ni Sir Ace na nasa call list. Agad naman siyang sumagot.

“Yes, Joella? May problema ba?”

“Ah, wala naman po, Sir. Itatanong ko lang po kung anong ulam ang gusto niyo mamayang gabi.”

Saglit na hindi nagsalita si Sir Ace. Nag-iisip siguro ng gustong ipalutong ulam.

“Marunong kang magluto?”

Ngumisi ako. “Siyempre naman po, Sir. Magtatanong po ba ako kung hindi.”

“Pilosopo…”

Kinagat ko ang labi at napapikit ang isang mata. Ang tabil kasi ng dila ko, e.

“Sorry po, Sir…”

“Ikaw na ang bahala.”

“Sige po, Sir. Pasensya na po sa abala. Bye po.” Binaba ko na ang cellphone at pinatay.

Bumuntong-hininga ako at tinulak na ang cart patungo sa meat section.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang pantry. Ang dating walang kabuhay-buhay na pantry ay buhay na buhay na ngayon dahil punong-puno na ng mga stock pati na ang ref. Bumili nga rin ako ng bagong kawali, kaserola, kadero, plato, baso, at mga kutsara. Naglagay pa ako ng maliit na ornamental plant sa kitchen para mas lalong buhay na buhay ang kusina. Hindi na siya mukhang abandonadong kusina ngayon. Ang ganda-ganda ng kusina tapos napabayaan lang. Bukas naman ng umaga ay mamamalengke ako ng stock ng ulam. Ipambibili ko ang natira sa 100k.

Magpapahinga muna ako saglit bago ko umpisahan ang iba ko pang gawain.

.

.

Ace’s POV

PAGPASOK ko ng bahay ay naamoy ko na ang lutong ulam. Mabango ’yon at mukhang masarap. Mukhang nakaluto na si Joella. Bigla akong nakaramdam ng gutom. Hindi kasi ako nakapagmeryenda kanina.

Ngumisi ako at umakyat sa hagdan. Magbibihis muna ako bago kumain.

Pero pagpasok ko sa kusina ay wala akong Joella na nakita. Pero may nakasalang na kawali sa kaserola na may takip. Nilapitan ko ’yon at binuksan. Lalo akong nagutom nang makitang pork steak ang laman n’on. Muli ko ’yong tinakpan at nagpalinga-linga sa kusina. Napangisi ako nang makitang puno ng stock ang pantry. Tinungo ko naman ang ref at binuksan ’yon. Puno rin ng laman ’yon at organized. Binuksan ko naman ang pantry cabinet, puno rin ng laman ’yon. Ibang-iba na ang hitsura ng kusina ng bahay ko ngayon. Hindi na aalog-alog dahil walang laman.

“Joella,” tawag ko sa kasambahay para magpahain na dahil nagugutom na ako.

Pero walang Joella na sumasagot.

Baka nasa servants’ quarters.

Tumungo ako sa servants’ quarters na katabi lang ng storage room. Hinawakan ko ang doorknob at pinihit ’yon pabukas. Ngunit napaawang ang labi ko sa bumungad sa akin.

Nakatalikod si Joella at nagbibihis. Bagong ligo siya. Nakasuot lang siya ng panty na kulay puti habang nagpapahid siya ng lotion sa katawan.

Napalunok ako at hindi ko magawang iiwas ang tingin. Maganda ang hubog ng maputing katawan ni Joella. Bilugan ang kanyang puwetan na parang kay lambot at masarap pisilin.

Pumihit si Joella paharap at namilog ang kanyang mata sabay tili nang makita ako.

“Manyak!”

Huli na bago ko nailagan ang bote ng lotion na tumama sa aking mukha.


Chapter 8

Joella’s POV

MABILIS kong binalot ng tuwalya ang sarili at dinampot ang mga damit at dali-daling pumasok sa banyo.

Sumandal ako sa pinto sapo ang dibdib na malakas ang kabog.

Kanina pa ba nando’n si Sir Ace? Sinisilipan ba niya ako?

Pumikit ako nang mariin at humugot ng malalim na hininga. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko sa kaba at pagkagulat.

Baka naman kararating lang niya at hinahanap ako. Tapos natiyempuhan niya lang akong nagbibihis. Tama, baka gano’n nga. Pampakalma ko sa sarili.

Pero sa isiping nakita na ng amo ang halos hubad kong katawan ay nagpapawala talaga sa puso ko. May bumabangon ding inis sa aking loob.

Mabilis na akong nagbihis para harapin ang naninilip na amo. Kung totoo ngang naninilip siya, lalayasan ko talaga siya. Aba! Delikado ako kapag gano’n.

Nang makapagbihis ay lumabas na ako ng servants’ quarters. Sa kusina ko na naabutan si Sir Ace na may hawak na cold compress at nakalapat sa ilong. Tumingin siya sa akin. Matapang ko namang sinalubong ang kanyang tingin at kinuyom ang kamao. Kahit malaking tao siya, ’di ko siya uurungan.

“Hindi ka man lang ba magso-sorry? Binato mo ko ng bote ng lotion. Look!” Tinanggal niya ang cold compress sa kanyang ilong.

Nakita ko naman ang pamumula n’on at parang dumugo pa.

Nakaramdam naman ako ng guilt. Pero kasalanan naman niya, e.

“Eh bakit po ba kasi kayo naninilip? Manyak po ba kayo?” taas noong tanong ko.

Suminghap naman siya at namilog ang mata. “O-of course not! Saka hindi kita s-sinisilipan.”

“Eh ano pong ginagawa niyo? Bakit kayo nakasilip?”

“Hindi nga ako nakasilip. Kararating ko lang tapos hinahanap kita. Wala ka sa kusina. Tapos pinuntahan kita sa servants’ quarters. Bakit kasi hindi ka nagla-lock?” tila inis pang sabi niya.

May punto naman siya. Pero may mali pa rin.

“Eh bakit din po kasi ’di kayo kumakatok. Dapat kumakatok muna kayo bago kayo magbukas ng pinto ng may pinto.”

Uwawang ang labi niya. “Bakit parang kasalanan ko pa?”

“Alangan namang pong kasalanan ko? Ako na nga nasilipan, e.”

“Hindi nga kita sinilipan,” mariing sabi niya sa namumula nang mukha.

Ilang sandali kaming nagtitigan ni Sir Ace. Pero siya ang unang nagbawi ng tingin.

Medyo duda pa rin ako sa kanya. Pero baka nagsasabi rin siya ng totoo. May kasalanan din naman kasi ako. Hindi ako nagla-lock ng pinto.

Bumuntong-hininga ako. “Sorry po,” nasabi ko na lang.

Sumulyap siya sa akin. “Sorry din. Pero sa susunod, magla-lock ka na.”

“Opo. At sa susunod din po, kumatok na kayo.”

Pumikit siya at kumamot sa batok. “Ipaghain mo na nga lang ako. Nagugutom na ako,” utos niya at lumabas na ng kusina.

Sinundan ko naman siya ng tingin at napabuntong-hininga ako ulit. Gusto ko ring kutusan ang sarili dahil hindi ako nag-iingat. Palibhasa kasi sa bahay ni Tita Nadia ay hindi naman kami nagla-lock ng pinto ng kwarto dahil puro naman kami babae.

Kumilos na ako at pinaghain na si Sir Ace ng kanyang hapunan.

“Hindi ka pa kakain?” tanong ni Sir Ace nang mailapag ko na sa kanyang harapan ang kanyang pagkain.

“Mamaya na lang po pagkatapos niyo,” sabi ko.

“Bakit mamaya pa? Kumain ka na. Dadalawa na nga lang tayo dito, hindi pa tayo sabay kumain,” aniya.

Pero hindi ako tuminag sa kinatatayuan ko at nakatingin lang sa kanya. Namumula pa rin ang kanyang matangos na ilong.

Nag-angat naman ng tingin sa akin si Sir Ace nang mapansing hindi ako gumalaw. Kumunot ang kanyang noo.

“Ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Kumilos ka na. Magsandok ka na.”

Bumuntong-hininga ako. “Opo.” Pumasok na ako sa kusina at nagsandok na ng pagkain ko.

“Ang kaunti naman ng pagkain mo,” sambit ni Sir Ace sa pagitan ng pagsubo ng pagkain.

“Sakto lang po itong pagkain sa akin, Sir. Hindi po ako sanay kumain ng madami,” sabi ko habang ngumunguya.

“Kaya pala ganyan ang katawan mo.”

Tumaas ang isang kilay ko nang banggitin niya ang katawan ko. Biglang sumagi sa isip ko ang nangyari kanina.

“Ano pong ganito ang katawan ko?”

Tumikhim si Sir Ace. “Ganyan ang katawan mo… normal,” sagot niya nang hindi tumitingin sa akin.

Bumagal naman ang pagnguya ko. Akala ko kung ano ang sasabihin niya tungkol sa katawan ko, e. Pero alam kong nakita niya ang katawan ko kanina.

“Ilang taon ka na nga?” tanong ni Sir Ace.

“Twenty po,” sagot ko at sumubo ng pagkain.

“Twenty, ang bata mo pa pala. Pero dapat nag-aaral ka pa.”

“Kaya nga po ako naghahanapbuhay para makapag-ipon at makapag-aral.”

“Ano ba’ng natapos mo?”

“Senior High po.”

Tumango-tango siya. “Hindi ka na ba kayang pag-aralin ng magulang mo?”

Bumuntong-hininga ako. “Wala na po akong magulang. Naghiwalay ang nanay at tatay ko bata pa lang ako. Ang nanay ko namatay high school pa lang ako. Ang tatay ko naman may iba nang pamilya.”

Saglit na hindi nakapagsalita si Sir Ace at tumingin sa akin.

“Wala kang kapatid?”

“Wala po. Nag-iisang anak lang po ako.”

“Saan ka tumutuloy kung gano’n? Kay Manang Ernacia?”

“Sa isang tiyahin ko po na kapatid ng nanay ko.”

“Oh, I see. Pero bakit naman kasambahay ang naisip mong pasukin na trabaho? Marami namang ibang trabaho.”

Nilunok ko muna ang pagkain. “Dati na po akong nagtrabaho sa pabrika pero nagsara sila tatlong buwan na ang nakakaraan. Sinubukan ko pong mag-apply ulit sa iba pero hindi po ako pinapalad kaya pinatos ko na po itong alok sa akin ni Tita Ernacia bilang kasambahay. Malaki po ang offer na sahod sa akin ng senyora kaya hindi ko po talaga hinindian.”

“Magkano ba ang in-offer sa ’yo ni Mamita na sahod mo?”

“20k a month po with benefits.”

Tumango-tango siya. “Nakikita kong masipag ka. Pagbutihan mo ang trabaho. Malay mo maisipan kong sponsor-an ang pag-aaral mo.”

Suminghap ako at namilog ang mata sa sinabi ng amo. “Talaga po? I-sponsor-an niyo ang pag-aaral ko?”

Tumingin siya sa akin. “Kapag nagustuhan ko ang trabaho mo. Sa ngayon, nag-uumpisa ka pa lang naman. Kapag nakita kong masipag ka talaga, sasagutin ko ang pag-aaral mo.”

Malapad akong ngumiti sa sinabi ni Sir Ace. “Thank you po, Sir Ace. Magsisipag po ako lalo.”

Hindi siya umimik at nakatitig lang sa akin na para bang may mali sa mukha ko.

Nawala tuloy ang ngiti ko. “Bakit po?”

Umiling-iling siya at nagbawi na ng tingin. “Wala. Tama, magsipag ka kapag natuwa ako, pag-aaralin kita.”

Muli akong ngumiti. “Thank you po.”

Tumango lang siya at hindi na tumingin sa akin.

Labis naman ang tuwang naramdaman ko at bigla akong ginanahang magtrabaho. Magsisipag talaga ako para ipakita kay Sir Ace na worth it akong pag-aralin.

.

.

Ace’s POV

NAGISING ako sa tunog ng cellphone ko. Dinampot ko ’yon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Kuya Austin.

Sinagot ko ang tawag. “Hello, Kuya.”

“Izza a prank, Uncle Ace!”

Napangisi ako nang marinig ang hagikgik ng pilya kong pamangkin na limang taong gulang.

“Morning, Adi.”

“Good morning, my poging uncle.”

Tumawa ako. “Mas pogi ako sa daddy mo?”

“Siyempre hindi. Mas pogi pa rin ang daddy ko.”

“I will give you your favorite pasalubong kapag pumunta ako sa inyo sa Linggo. So, sino na ang mas pogi sa amin ngayon ng daddy mo?” panunuhol ko sa pamangkin.

“Siyempre ikaw. Ikaw ang pinakapoging uncle ko. Favorite uncle kaya kita. You’re the best uncle in the world. Basta damihan mo po pasalubong, ha? I want chocolate, donut, and ice cream.”

Muli akong tumawa. Binola-bola muna ako ng pamangkin ko bago ako hiniritan ng mga gusto niyang pasalubong. Walastik talaga. Hindi ko alam kung kanino siya nagmana. Pero yung pagiging bolera niya, I’m sure kay Kuya niya namana.

“Where’s your daddy, baby?”

“Nasa room, pinapagalitan ni Mommy dahil umuwi siya kagabi na amoy alak.”

Ngumisi ako sa sinabi ng pamangkin. Tigasin si Kuya Austin at may pagka-terror na boss pero tiklop siya sa asawa niyang si Mecaela. Takot kasi siyang iwan siya uli nito.

“Sabihin mo sa daddy mo magpakatino na siya kung hindi maghahanap ka na ng ibang daddy.”

“Ikaw din po, Uncle. Magtino ka na din po at mag-asawa na dahil matanda ka na.”

Tumawa ako sa katabilan ng dila ni Adeline. Kuhang-kuha niya ang linyahan ni Mamita.

“Opo, malapit nang mag-asawa si uncle,” nasabi ko na lang.

“May jowa ka na?”

“Marami.”

“Bad boy pala ikaw, e.”

Malakas akong tumawa sa sinabi ng pamangkin. Alam na rin niya ang salitang bad boy.

Dahil sa kadaldalan ng pamangkin ko ay nawala na ang antok ko. Bumangon na ako at nag-inat habang kausap pa rin si Adeline na makulit. Nilapitan ko ang makapal na kurtina at hinawi iyon. Binuksan ko ang french door at sumalubong sa akin ang malamig na hanging pang-umaga. Humakbang ako sa balcony at isang magandang tanawin ang aking nakita sa may garden.

Si Jeolla na abala sa pagbubungkal ng lupa at pagtatanim. Nakasuot siya ng t-shirt na puti at cotton shorts na bulaklakin na mahaba. Nakaipon ang kanyang buhok pataas pero may ilang hiblang nakalawit. Maya-maya ay tumayo siya at pinahid ng braso ang pawis sa noo.

Simple lang ang kasambahay ko. Walang arte sa katawan. Pero malakas ang karisma.

Tumingala si Joella at tumingin sa akin. Hindi ko naman maintindihan kung bakit biglang kumislot ang puso ko. Nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Tumalikod na ako para pumasok na sa kwarto dahil baka isipin niya sinisilipan ko na naman siya. Pero kamalas-malasan namang bumunggo ako sa hamba ng french door at tumama ang noo ko.

“Shit!” malutong kong mura.

“Uncle Ace, bad po ang magmura.”

Napapikit na lang ako nang mariin at hinimas-himas ang nasaktang noo. Narinig pa ng pamangkin ko ang mura ko.


Chapter 9

Joella’s POV

KUMUNOT ang noo ko nang makita ang namumulang noo ni Sir Ace. Kabababa lang niya galing sa kwarto niya.

“Ano pong nangyari sa noo niyo, Sir? Bakit namumula?” tanong ko.

Tumingin siya sa akin at bumuntong-hininga. “Wala ’to… nauntog lang,” aniya at lumapit sa ref.

“Nauntog? Saan po kayo nauntog?” kyuryosong tanong ko. Namumula pa nga ang ilong niya dahil sa nangyari kahapon, ngayon naman ang noo naman niya.

“Aksidente lang na nauntog sa french door,” saad niya at binuksan ang bote ng mineral water at tinungga.

Lumapit naman ako at tiningnan ang noo niyang namumula. “Mukhang may bukol, Sir, ah. Lagyan niyo kaya muna ng yelo para umimpis.”

“Talaga?” aniya at kinapa kapa ang noo. “Oo nga, may bukol.”

“Teka po, Sir, kukunin ko yung ice pack.”

Tumalikod ako at kinuha ang ice pack sa cabinet sa taas ng lababo. Lumapit ako sa ice machine at kumuha ng cube ice at nilagay sa ice pack.

“Heto po, Sir.” Inabot ko kay Sir Ace ang ice pack.

Kinuha naman niya ’yon at nilapat sa kanyang noo. “Thanks, Joella,” nakangiting sabi niya.

Kumislot naman ang puso ko sa ngiti niyang ’yon kaya para akong nataranta. Tumalikod ako at lumapit sa lababo pero hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko. Bigla akong natuliro.

“W-wala po ba kayong pasok, Sir?” nauutal na tanong ko.

“Meron.”

“Ah… may niluto po akong pagkain baka gusto niyo pong mag-almusal muna,” alok ko.

“Sige, pahainan na lang ako. Ikaw? Nag-almusal ka na?”

“Opo, kanina pa.”

“Okay.” Tumalikod na si Sir Ace at pumasok na sa komedor.

Inasikaso ko naman ang almusal niya kahit wala pa rin sa ayos ang tibok ng puso ko. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Natataranta ako na parang kinakabahan. Ngayon ko lang ito naramdaman sa isang lalaki. Hindi naman siguro ako nagkaka-crush kay Sir Ace.

Hindi pwede, Joella. Ikalma mo ’yang puso mo. Huwag kang magkakagusto sa gwapong amo mo dahil baka maging luhaan ka gaya ng nanay mo.

Humugot ako ng malalim na hininga at pumasok na sa komedor dala ang pagkain ng amo.

.

.

Ace’s POV

“GOOD morning, Mamita,” bati ko sa abuela at humalik sa kanyang pisngi. Kapag hindi ako nagmamadali pagpasok sa opisina ay dinadaanan ko muna siya. Malapit lang ang bahay niya sa bahay ko.

“Good morning din, hijo. Teka, ano’ng nangyari diyan sa ilong at noo mo. Bakit namumula? Napaaway ka ba? Sino ang nakaaway mo?”

Natawa ako sa tono ni Mamita na para bang lagot sa kanya ang sinomang nang-away sa akin. Lagot talaga sa kanya kung talagang may nang-away sa akin. Mula kasi nang mamatay ang mga magulang namin ni Kuya Austin ay si Mamita na ang tagapagtanggol namin. Inaaway niya ang umaaway sa amin.

“Aksidente lang hong nabato ng lotion at nauntog sa french door.”

“Nabato ka ng lotion? Sino ang nagbato sa ’yo? Si Joella?” sunod-sunod pang tanong ni Mamita.

Natigilan naman ako. Bakit ko ba kasi nasabi ’yon? Masyado talaga akong honest kay Mamita.

“Aksidente lang ho, Mamita,” nakangising sabi ko.

“Paanong aksidente? May nagawa ka ba kaya ka nabato? Tell me, Ace. Para kung may maling ginawa si Joella, wa-warning-an ko siya para hindi na maulit ’yan.”

“No, Mamita. Huwag na ho. Aksidente lang talaga ang nangyari.”

“Paano ngang aksidente? Sabihin mo.”

Kumamot ako sa batok. Alam kong hindi titigil sa pangungulit si mamita hangga’t hindi niya nalalaman ang totoo. Sigurado ring pupuntahan niya si Joella at pagsasabihan.

“Aksidente ko ho kasing nasilipan si Joella habang nagbibihis. Kaya nabato niya ako ng bote ng lotion sa ilong sa gulat niya.”

“Ano? Sinilipan mo si Joella? Susmaryosep ka, Ace. Akala ko iba ka sa kuya mo. Bakit naninilip ka?” sermon ni Mamita na may kasamang pagpalo sa braso ko.

“Mamita, hindi ho ako nanilip. Aksidente ko lang hong nasilipan. Hindi ko ho sinasadya,” nakangiwing paliwanag ko at hinimas ang brasong pinalo ni Mamita. Mabigat ang kamay ni Mamita kaya ramdam ko ang palo niya.

“Kuh! Kayo talaga ng kuya mo, walang pinagkaiba.”

“Mamita, hindi ko nga ho sinasadya. Pati nga ako nagulat, e.”

“Talaga lang, ha? Eh ano namang nangyari diyan sa noo mo, bakit ka nauntog?”

“Hindi ko ho napansin ang hamba ng french door.”

“O, mirisi. Karma mo ’yan sa paninilip.”

Umawang ang labi ko. “Mamita, hindi nga ho ako nanilip.”

Tumingin sa akin si Mamita at may nanunuksong ngiti sa labi. “Ano? Seksi ba si Joella? Maganda ang katawan?”

Humimas ako sa batok at nanariwa sa isip ko ang katawan ni Joella. “She has a perfect body, Mamita. Especially her bum. It’s round and—aww!” daing ko nang kurutin ako sa tagiliran ni Mamita.

“Sabi mo hindi ka nanilip. Eh bakit may pa-perfect body kapang nalalaman?”

Nakangiwing hinimas ko ang tagiliran na kinurot ni mamita. Tinrap lang pala niya ako.

“Sinasabi ko na, e. Umayos ka, Ace, ha. Magpaka-gentleman ka naman, apo. Huwag kang gumaya sa kuya mo na dinaan sa paspasan.”

Kumunot ang noo ko. “What do you mean, Mamita?”

“Wala. Sige na pumasok ka na sa opisina at tanghali na.”

“Yes, Mamita. Bye.” Muli akong humalik sa pisngi ng abuela at lumabas na ng bahay.

Wrong timing ang pagpunta ko. Nabugbog pa ako ni Mamita.

.

.

Joella’s POV

“SIR Ace, kukunin ko po ang mga labahin niyo sa kwarto niyo para labhan,” paalam ko kay Sir Ace na nasa sala kaharap ang laptop.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at tumango.

Tumalikod na ako at umakyat na sa hagdan. Pumasok ako sa kwarto ni Sir Ace. Maayos naman ang kwarto ni Sir Ace. Hindi makalat at maayos ang kama. Pero pinalitan ko rin ang punda at kobre kama kahit malinis pa naman ’yon at mabango pa. Siyempre iba rin yung matutulog ka na bagong palit ang kobre kama, punda, at kumot mo. Mas masarap ang tulog.

Sunod naman ay pumasok ako sa walk-in closet at kinuha ang laundry basket na may lamang labahin ni Sir Ace. Punong-puno na nga ’yon. Pero madali na lang labhan ’yon dahil may washing machine naman.

Palabas na sana ako sa kwarto nang malaglag naman ang ilang maruruming damit ni Sir Ace. Nilapag ko ang basket at pinulot ’yon pero natigilan ako nang makita ang puting brief. Nag-init ang mukha ko at hindi malaman kung paano pupulutin ’yon. Never pa kasi akong nakahawak ng brief. Kahit nga brief ng tatay ko noon hindi ko hinahawakan.

Hinubad ko ang isang tsinelas. Paa ang gagamitin ko pandampot sa brief ni Sir Ace. Mukha namang malinis ’yon, pero kahit na.

Ngumiwi ako nang maiipit ko na sa pagitan ng daliri ng paa ang brief.

“What are you doing?”

Napasinghap ako nang marinig ang malaking boses ni Sir Ace. Naiwan sa ere ang paa kong may nakaipit na brief.

Lumingon ako kay Sir Ace. Nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa paa ko.

“Bakit paa ang ginagamit mo pandampot sa brief ko?”

“Ah ano po, Sir—”

“Nandidiri ka ba sa brief ko?” Lumapit si Sir Ace sa paa kong nakabitin sa ere at kinuha ang brief.

Kinagat ko naman ang labi. Alam kong nainis siya sa ginawa ko.

“Hindi marumi ang brief ko at hindi mabaho ’yan kahit isang linggo ko pang suot ’yan.”

Suminghap ako at namilog ang mata. “Isang linggo kayong hindi nagpapalit ng brief, Sir? Kadiri kayo, ha.”

Umawang ang labi niya. “Of course not! Araw-araw akong nagpapalit ng brief. Ang sabi ko lang kahit isang linggo kong suot ang brief ko, hindi namamaho.”

Nahigit ko ang hininga ng iladlad pa ni Sir Ace ang puting brief niya sa mukha ko sabay ngisi niya.

“Malinis ang brief ko.” Hinawakan niya ang isa kong kamay at nilagay roon ang brief niya. “Hayan, para masanay kang hawakan ang brief ko,” aniya at ngingisi-ngising lumabas ng kwarto.

Naiwan naman akong nakatulala habang nakatitig sa brief ni Sir Ace na nasa kamay ko. Nadidiring binitawan ko ’yon at hinagis sa basket. Kahit malinis pa ’yon, hindi ako sanay humawak ng brief. Pakiramdam ko nahawakan ko na rin ang ‘ano’ niya.

Ipinilig-pilig ko ang aking ulo. Nagtayuan ang mga balahibo ko katawan.


Chapter 10

Joella’s POV

LUMIPAS ang mga araw, linggo, at buwan. Naging maayos naman ang trabaho ko sa bahay ni Sir Ace. Nagkakasundo naman kami pero minsan ay may pinagtatalunan dulot ng hindi pagkakaintindihan pero maliit na bagay lang naman ’yon at naaayos naman agad. Mabait si Sir Ace. Unang sweldo ko ay binigay niya nang buo at walang bawas. Hinulugan din niya ang SSS at PhilHealth ko. Galante rin siyang amo at hindi palautos. Ako naman, ginagawa ko nang mabuti ang trabaho ko. Pinapanatili kong malinis ang buong bahay. Kahit mag-isa lang ako ay keri ko naman. Hindi naman kasi dumihin ang bahay dahil dalawa lang kami.

“Naku, ang gaganda na ng mga halaman. Mga buhay na buhay,” tuwang komento ni Senyora Amelia na nag-iikot sa garden. Mabuti na lang at bagong dilig ko ang ang mga ito at bagong tanggal ng tuyong dahon.

Bumaling sa akin ang senyora na may malapad na ngiti sa labi. “May green thumb ka pala, hija. Malamig ang mga kamay mo sa halaman.”

Ngumiti ako sa senyora. “Mahilig po kasi akong magtanim sa maliit na bakuran namin sa Rizal.”

“That’s very nice. Natutuwa ako sa ’yo, hija.” Nag-ikot-ikot pa sa paligid ng bahay ang senyora at sinasamahan ko siya. Hindi niya kasama ngayon si Tita Ernacia dahil may ginagawa ito sa bahay nila.

“O, may tanim palang gulay dito. Ikaw ba ang nagtamin nito?” Tumapat pa kami sa mga tanim kong gulay. Bakanteng lote ’yon dati na tinataniman ko na ngayon ng gulay dahil mahilig ako sa gulay.

“Opo, Senyora.”

“Malamang ikaw ang nagtanim, alangan naman si Ace eh hindi naman marunong ’yon. Ang galing-galing mo naman, hija. Nakakatuwa na naisipan mong magtanim ng gulay.”

“Mahilig po kasi ako sa gulay, Senyora.”

“That’s good to know.” Humarap sa akin si Senyora Amelia at ngumiti. “Ako’y natutuwa sa ’yo, hija. Hindi nagkamali si Ernacia na ikaw ang nirekomenda niya bilang kasambahay. Hindi na mukhang abandonado itong bahay.”

Ngumiti naman ako. Natutuwa ako sa mga papuri ng senyora.

“Ginagawa ko lang po ang trabaho ko, Senyora.”

Tumango-tango siya. “Kumusta naman ang apo ko? Hindi ka ba niya sinusungitan?”

“Hindi naman po, Senyora. Mabait po si Sir Ace.”

“Mabuti naman kung gano’n. Mabait naman talaga ang apo ko na ’yan at gwapo pa. Hindi ba at gwapo siya, hija?”

Alanganing ngumiti ako. “Opo, Senyora.” Hindi ko alam kung bakit tinanong pa ’yon ng senyora, eh obvious naman na gwapo ang apo niya.

“At ang ganda-ganda mo, hija.”

Ano pong konek? Gusto ko sanang sabihin.

“Salamat po, Senyora,” nasabi ko na lang.

“Alam mo bang walang nobya si Ace?”

Umiling-iling ako. Medyo nalito ako sa sinasabing ’yon ng senyora.

Ngumiti ang senyora at tumitig sa akin. “Hindi pala-nobya ang apo ko na ’yon. Pihikan din kasi siya sa babae. Huling nagkanobya siya three years ago pa. Hindi ko nga nagustuhan ang nobya niya na ’yon dahil ubod ng arte. Mula noon, hindi na nasundan. Sana nga ang susunod na maging nobya niya ay yung mabait, masipag, at simpleng babae lang.”

“Sigurado naman pong makakahanap ng gano’ng babae si Sir Ace. Wala pong babaeng makakatanggi sa kanya, gwapo po siya eh, mayaman pa.”

“Sa tingin mo?”

“Opo, Senyora.”

“Eh ikaw, Joella… wala ka pa bang lalaking napupusuan?”

Mahina akong tumawa sa tanong ng senyora. “Wala po, Senyora. Focus po ako sa trabaho ko ngayon. Nag-iipon po ako para makapag-aral ulit. Saka para sa akin, hindi po importante ang mga lalaki na ’yan. Sakit lang po sila sa ulo. Mga babaero pa.”

Umawang ang labi ng senyora. “Ah… pero mainam din yung may nobyo ka para may inspirasyon ka sa buhay. Pero dapat huwag kang magnonobyo ng kung sino-sinong lalaki. Dapat yung kilala mo, yung stable na sa buhay, parang si Ace.”

Ngumiting pangiwi ako. “E… pag-iisipan ko po, Senyora. Sa ngayon po kasi ay hindi pa ako interesado sa mga ganyan.”

Nagkibit balikat si Senyora Amelia. “O sige, ikaw ang bahala.”

Pumasok na kami sa loob ng bahay ng senyora. Wala naman siyang reklamo sa trabaho ko at puro papuri pa nga. Siyempre, tuwang-tuwa ako at mas ginanahan pa akong magtrabaho.

Nangingiti ako habang pinagmamasdan ang halaman sa gate na trinim ko. Mabuti na lang at hindi bako-bako ang pagkaka-trim ko at matalas ang malaking gunting.

Pinasok ko sa loob ng gate ang malaking gunting at kinuha ko naman ang walis at dustpan para dakutin ang mga naputol na maliliit na sanga.

“Hi.”

Natigilan ako sa pagwawalis at lumingon. Nakita ko ang isang lalaki na nakasakay sa motor. May hitsura siya at maputi. Mukhang mayaman at nakatira din dito sa subdivision. Nakangiti siya sa akin.

Tumaas naman ang kilay ko at tumayo nang tuwid. “Ano pong kailangan nila?” Baka may kailangan siya kay Sir Ace.

Pero tumawa ang lalaki at bumaba sa motor. Lumapit siya sa akin.

“Are you related to Kuya Ace?”

“Ah hindi, kasambahay niya ako,” sabi ko. Mukha ba akong kamag-anak ni Sir Ace?

“Oh, I see. Akala ko kamag-anak ka ni Kuya Ace. Madalas kitang nakikita kapag napapadaan ako dito. Meynard nga pala,” pagpapakilala ng lalaki sabay lahad ng kamay.

Tiningnan ko lang ang kamay niya at tinaasan siya ng isang kilay. Gumuhit naman ang pagkapahiya sa kanyang mukha at akmang babawiin ang kamay pero hinawakan ko ’yon.

“Joella,” sabi ko at binitawan din agad ang kanyang kamay.

Lalo namang lumapad ang ngiti sa labi ni Meynard. “Nice to meet you, Joella. Matagal ko nang gustong makipagkilala sa ’yo kaya lang hindi kita natitiyempuhan dito sa labas. Mabuti ngayon ay natiyempuhan kita.”

Tipid akong ngumiti. “Nice to meet you too, Meynard.”

“Ayos lang bang makipag-friends ako sa ’yo?” tila nahihiya pang tanong niya.

“Oo naman. Walang problema.”

“Yes!” mahinang sambit niya.

Nagtaka naman ako dahil parang tuwang tuwa siya. “Bakit?”

Kumamot siya sa batok. “Ah wala, I’m just happy na friends na tayo. Anyway, diyan lang pala ako nakatira. Yung puting gate na ’yon.” Tinuro ni Meynard ang malaking bahay na may puting gate.

“Ah… okay,” sabi ko.

“Gaano ka na pala katagal na kasambahay ni Kuya Ace?”

“Isang buwan at kalahati na,” sabi ko.

“I see. Ang swerte naman ni Kuya Ace dahil ikaw ang kasambahay niya.”

Kumunot ang noo ko at natawa. “Bakit naman?”

Muli siyang kumamot sa batok. “Maganda ka kasi.”

Tumaas ang kilay ko at ngumisi. Alam ko na ’to, e. Yung mga ganitong hirit.

“Crush mo ’ko, ’no?” tanong ko.

Namula ang pisngi ni Meynard pati ang pisngi niya. Halata ring nagulat siya sa tinanong ko.

“A-ano… obvious ba?” aniya at nahihiyang ngumiti.

“Oo, obvious ka. Alam ko na ’yang mga ganyang galawan,” nakangising sabi ko.

Ngumiti na siya. “Ang prangka mo pala. But I like it. So, ngayong alam mo nang crush kita, pwede na kitang ligawan?”

“Hindi.”

Nabura ang ngiti niya. “Bakit?”

“Ayoko.”

Umusli ang labi niya at nagsalubong ang kilay. Nagmukha siyang bata na inayawan ng kalaro.

“Bakit ayaw mo?”

“Dahil ayoko lang. Saka hindi kita gusto,” tapat na sabi ko.

Natameme naman siya ng ilang sandali. “Ang sakit mo namang magsalita.”

Kumunot ang noo ko. “Ano namang masakit sa sinabi ko? Nagsasabi lang naman ako ng totoo.”

“Ikaw lang ang babaeng nagsabi sa akin na hindi mo ko gusto,” nakasimangot na sabi niya.

Natigilan ako. “Sanay ka pala na hindi tinatanggihan. Pasensya na, nagpapakatotoo lang naman ako. Bukod sa hindi kita gusto, wala rin akong time sa ligaw ligaw na ’yan. Focus kasi ako sa trabaho ko, e.”

Ngumiti ulit siya. “I understand, but we’re still friends, right?”

“Sure, no problem.” Napangiwi ako dahil napa-English na rin ako.

Napapitlag ako nang may bumusina. Sabay kaming lumingon ni Meynard at nakita namin ang kotse ni Sir Ace. Ang aga niya yatang umuwi. Alas kwatro y medya pa lang ng hapon, ah.

Bumukas ang pinto sa driver’s seat at lumabas si Sir Ace na nakakunot ang noo habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Meynard.


Chapter 11

Joella’s POV

“WHAT’S going on here?” kunot noong tanong ni Sir Ace at lumapit sa amin si Meynard.

“Kuya Ace,” bati naman ni Meynard at nakipag-fist bump kay Sir Ace.

“Problem?” tanong pa ni Sir Ace at tumingin sa akin.

“Ah, wala naman pong problema, Sir,” sabi ko.

“Nakipagkilala lang ako kay Joella, Kuya Ace. We’re friends now, right?” baling pa sa akin ni Meynard.

Tumango naman ako at tipid na ngumiti.

“That’s nice,” ani Sir Ace at tumango-tango pero ang mga mata niya ay nakatuon lang sa akin. “Nakapagluto ka na ba, Joella?”

“Hindi pa po, Sir. Maaga pa po, e.”

“Magluto ka na. Nagugutom na ako.”

“Sige po. Tatapusin ko lang po itong winawalis ko.”

“Bukas mo na lang tapusin ’yan. Magluto ka na at gutom na ako,” mariing utos ni Sir Ace.

Natigilan naman ako. Mukhang gutom na nga siya.

“Opo, Sir.” Tumingin ako kay Meynard. “Sige, Meynard, pasok na ako sa loob,” paalam ko sa bagong kaibigan at pumasok na sa loob ng gate bitbit ang walis at dustpan. Iniwan ko na ang dalawa na nag-uusap.

Naghugas muna ako ng kamay saka ako humawak sa kaldero. Mukhang nagugutom na si Sir Ace kaya pagsasaing muna ang inuna ko. Sunod ay binuksan ko ang ref at nag-isip ng lulutuing ulam. Siguro ay magsasabaw na lang ako.

Nilabas ko ang baka na naka-chop na para palambutin sa pressure cooker. Magninilagang baka na lang ako. Lumabas ako sa likod ng bahay at tinungo ang maliit na taniman ko ng gulay. Malalaki na ang mga pechay ko roon. Malaking ginhawa rin talaga ang may sariling tanim dahil may mapagkukunan at sariwa pa.

Pumasok ako sa loob ng bahay at naabutan ko si Sir Ace na nasa tapat ng ref. Umiinom siya ng tubig habang nasa baywang ang isang kamay. Nakapang-opisina pa siya. Long sleeve polo na puti with neck tie na naka-tuck in sa trousers na gray. Ang gwapo talaga ng amo ko. Executive na executive ang dating.

Tumingin siya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at dumeretso sa lababo para linisin ang nakuha kong pechay.

Nakakahiya. Baka isipin niya binibistahan ko siya.

“Ano’ng pinag-usapan niyo ni Meynard kanin?” biglang tanong ni Sir Ace.

Lumingon ako sa kanya. “Wala naman po.”

Kumunot ang noo niya. “Anong wala? Eh mukhang matagal kayong nag-usap, sasabihin mong wala.”

Natigilan ako sa tono ng boses niya na para siyang naiinis.

“Nakipagkilala lang po siya sa akin at nakipagkaibigan.”

Tumaas ang kilay niya. “Hindi ka dapat nakikipagkaibigan kung kani-kanino. Lalo na diyan sa mga taga-labas.” Mahinahon na ang tono ng kanyang boses na para siyang natauhan.

“Bakit po? Masamang tao po ba si Meynard?”

Nag-iwas siya ng tingin. “Hindi naman. Pero… mag-iingat ka pa rin sa mga kinakaibigan mo. Mahirap na. Bilang amo mo, pinapangalagaan lang kita dahil responsibilidad kita. Naiintindihan mo ba ako?”

Tipid akong ngumiti at tumango. “Opo, Sir.”

“Good.”

Lumapit siya sa akin at naging malambot ang mukha. Tiningnan niya ang mga nakalapag sa counter na lulutuin ko.

“Ano palang ulam ang lulutuin mo?”

“Nilagang baka po. Ayos lang po ba sa inyo?”

“Sure. Gusto kong humigop ng sabaw. Siya nga pala, mamaya, may sasabihin ako sa ’yo.”

“Ano po ’yon?” curious na tanong ko.

Ngumisi naman siya. “Mamaya ko na nga sasabihin. Akyat muna ako sa kwarto para makapagbihis.”

“Sige po, Sir.”

Nakalabas na ng kusina ang amo ay curious pa rin ako sa kung ano ang sasabihin niya. Siguro ay may iuutos lang.

Namilog ang mata ko sa sinabi ni Sir Ace at parang tumalon din ang puso ko sa tuwa.

“Talaga po, Sir? Pag-aaralin niyo na ako?”

“Oo, sayang naman kasi ang mga araw. Makakahabol ka pa sa klase. Asikasuhin mo na ang papers mo. Pero diyan ka lang sa malapit na college school mag-aaral para hindi ka na mahirapang bumiyahe. Isang sakay lang naman ’yon. And don’t worry, kahit hindi kilalang college school ’yon, maganda naman ang kalidad ng pagtuturo.”

“Ayos lang po, Sirm, kahit saang school niyo ako pag-aralin. Importante makapag-aral po ako.” Hindi ko na napigiglang maluha sa tuwa. Sumibi ako at suminghot.

Natigilan naman si Sir Ace. “O, bakit umiiyak ka? Hindi ka ba masaya?”

Pinahid ko ng kamay ang luhang naglandas sa aking pisngi. “S-siyempre po masaya. Ito po kasi ang pangarap ko, eh… ang makapag-aral ng kolehiyo at makapagtapos. Maraming salamat po, Sir Ace. Kahit isang buwan pa lang po ako mahigit sa inyo, pag-aaralin niyo na ako.”

Ngumisi siya. “Wala ’yon. Natutuwa kasi ako sa ’yo dahil masipag ka. Hindi ka na kailangan utusan at nagkukusa ka na. Basta, pagbutihan mo ang pag-aaral mo.”

“Opo, pagbubutihan ko po talaga. Hindi rin po ako magpapabaya sa mga gawain ko dito sa bahay. Promise po ’yan.”

Tumango-tango si Sir Ace. “That’s good. Mag-asikaso ka na ng papers mo as soon as possible. Sasamahan kita sa school na papasukan mo.”

Matamis akong ngumit kay Sir Ace at tumango. Labis-labis ang saya at excitement na nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay anghel siya na hulog ng langit sa akin.

“Thank you po talaga, Sir.”

Tumango-tango siya at nilipat ang atensyon sa laptop. “You’re welcome. Pakitimpla na lang ako ng kape.”

“Opo.” Tumayo ako at tumalima na sa utos niya.

Kailangan kong magsipag nang todo para naman masuklian ang kabutihan sa akin ni Sir Ace.

Kinabukasan nga ay hindi ako nag-aksaya ng panahon at agad akong umuwi sa amin sa Rizal para asikasuhin na ang papers ko. Pinayagan naman ako ni Sir Ace na umuwi basta huwag lang daw akong gabihin sa pagbalik.

“Ano? Pag-aaralin ka ng amo mo? At paano naman ang trabaho mo?” sunod-sunod na tanong ni Tita Nadia nang ibalita ko sa kanya na pag-aaralin ako ng amo ko.

“Tuloy pa rin naman po ang trabaho ko, Tita. Bale, i-sponsor-an ng amo ko ang pag-aaral ko.”

Tumaas naman ang kilay ni Tita Nadia. “Baka naman ibabawas sa sweldo mo ang pag-aaral mo. Eh kung gano’n lang naman, huwag ka na munang mag-aral at pag-ipunan mo na lang.”

“Wala naman pong sinabi ang amo ko na ibabawas sa sweldo ko ang pag-aaral ko.”

“Mabuti kung gano’n. Basta, huwag mo lang akong kakalimutang padalhan ng pera buwan-buwan para hindi tayo magkaproblema.”

“Opo.” Tumalikod na si Tita Nadia at lumabas ng bahay dahil tinawag ng isa naming kapitbahay.

Naiwan naman ako sa sala at hinahanap ang birth certificate sa mga papel kong pinagsama-sama ko sa isang plastic envelope. Mamaya ay pupunta ako sa dati kong school para kumuha ng iba pang requirements na kailangan.

“Bakit ba kasi mag-aaral ka pa?”

Natigilan ako nang marinig ang sinabi ng pinsan. Nagtaas ako ng tingin sa kanya. Nakahalukipkip siya at nakataas ang isang kilay.

“Bakit? Bawal ba akong mag-aral?”

Nang-uuyam na ngumiti siya. “Hindi naman. Hindi lang kasi bagay sa ’yo. Mas bagay sa ’yong maging katulong ka na lang forever.”

Nagpantig ang tainga ko sa sinabi ng pinsan. Kahit kailan talaga wala siyang nasabi sa aking maganda.

“Kung pagsalitaan mo ako parang hindi mo ako pinsan. Dapat nga matuwa ka dahil mag-aaral na ako, ’di ba?”

“Masyado ka kasing ambisyosa.”

“Dahil may ambisyon ako. ’Yon ang makapagtapos ng pag-aaral.”

“Tss! As if naman makakapagtapos ka talaga. Pustahan tayo, hindi ka makakapagtapos. Hindi mo ako maaabot, Joella. Hanggang diyan ka lang sa ibaba ko.”

Humugot ako ng malalim na hininga at plastic na ngumiti sa pinsan. “Eh di tingnan natin. Baka nga ikaw pa ang hindi makapagtapos sa atin.”

“Pinagsasasabi mo? Tanga ka ba? Third year college na ako ngayon. Isang taon na lang, graduate na ako. Ikaw, katulong ka pa rin na nag-aambisyong makapagtapos ng pag-aaral.”

“Eh di good luck sa ’yo,” nasabi ko na lang sa pinsan. Ayoko siyang patulan dahil siguaradong mag-aaway lang kami at siyempre, siya ang kakampihan ni Tita Nadia. Ayokong bumalik ng Manila na masama ang loob.

Tumayo na ako at binitbit ang plastic envelope. Sa kwarto ko na lang hahanapin ang birth certificate ko.


Chapter 12

Ace’s POV

NAPANGISI ako nang maabutan ko sa kusina si Joella na abala sa pag-aasikaso ng mga gamit niya sa school. Seryoso man ang kanyang mukha ay halata namang excited na siyang pumasok bukas.

Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa aking sarili kung bakit ko naisipang pag-aralin siya. Hindi naman sa hindi ko siya kayang pag-aralin, kayang-kaya ko siyang pag-aralin kahit sa pinakamahal na eskwelahan pa sa mundo. Siguro ay dahil naantig ang damdamin ko sa kwento niya na ulila na siya sa ina at may iba nang pamilya ang kanyang ama. Nagsusumikap siya para makapag-ipon at makapag-aral. Bata pa siya at maraming pangarap sa buhay. Saka sayang din ang mga araw na dumaraan kung hindi siya makakapag-aral. Masipag naman siya.

Tumikhim ako. “Hindi naman halatang excited ka nang pumasok bukas.”

Lumingon siya sa akin at ngumiti. “Kayo pala, Sir.”

Heto na naman ang pagkislot ng puso ko sa tuwing ngingiti siya nang ganito. Yung ngiti niyang matamis na nakakatunaw ng inis at sama ng loob. Lalo siyang gumaganda at nagiging kaakit-akit.

“Naayos mo na ba ang mga gamit mo?”

“Heto po, Sir, inaayos ko na.”

Tumango-tango ako.

“Anong oras ba ang unang klase mo bukas?”

“Alas otso po.”

“Tamang-tama, sumbay ka na sa akin. Ihahatid kita sa school mo.”

Lalong tumamis ang kanyang ngiti. “Sige po, Sir.”

Tumango ako at lumapit na sa ref at binuksan ’yon. Pero napamura ako nang tumama ang pinto sa aking ilong.

“Ayos lang kayo, Sir?” Lumapit sa akin si Joella.

Himas-himas ang ilong na tumango ako. “Ayos lang ako,” sabi ko sabay ngiwi.

“Ang clumsy niyo po pala, Sir.”

Umawang ang labi ko at tumingin sa kanya. At ako pa ang clumsy. Kasalanan niya, hahara-hara ang kagandahan niya.

“Sige na, matulog ka na para maaga kang magising bukas,” sabi ko at kumuha ako ng bote ng mineral water at binuksan ’yon.

“Sige po, Sir. Good night po.”

Tumango ako sa kanya at tinungga na ang bote.

Tumalikod naman siya at kinuha ang bag at lumabas na ng kusina.

Bumuga naman ako ng malalim na hininga. Damang-dama ko ang mabilis na tibok ng puso ko.

Fuck! Mukhang nagkakagusto na ako sa amazona kong kasambahay. Nah! Hindi ito pwede.

Umiling-iling ako at tinapon sa basurahan ang boteng wala nang laman. Pinatay ko na ang ilaw at lumabas na ng kusina.

.

.

Joella’s POV

SINIPAT ko ang sarili sa life sized mirror. Nakasuot na ako ng uniporme ko. Long sleeve blouse na puti na may red scarf, naka-tuck in sa asul na palda na above the knee ang haba. Medyo kabado ako pero excited dahil balik pag-aaral na ako. Hindi ko talaga sasayangin ang pagkakataon na ito.

Sinuklay ko ang may kahabaang buhok na hinayaan kong nakalugay lang. Nag-apply lang ako ng eyeliner na patulis sa dulo ng aking mata at manipis na liptint sa labi. Nang makuntento sa hitsura ay napangiti na ako. Sunod naman ay sinuot ko na ang sapatos kong bagong-bago na may one inch na takong.

“Joella, let’s go! Anong oras na.”

Nataranta ako nang marinig ang malaking boses ni Sir Ace sa harapan ng pinto ng quarters kasunod n’on ang tatlong katok.

“Opo, Sir, lalabas na.”

Kinuha ko na ang bag at sinukbit na sa balikat. Binuksan ko ang pinto at lumabas. Tumambad sa akin si Sir Ace na nakatalikod at abala sa hawak na cellphone. Nakasuot na siya ng pang-opisina niya. Baby blue long sleeve polo na naka-tuck in sa khaki trousers. At hindi ko naman malaman sa sarili ko kung bakit tumuon ang tingin ko sa kanyang puwetan na matambok at hakab sa trousers na suot.

Ipinilig ko ang sarili at sinaway. Ano ba ’yan? Bakit ba doon ako tumingin? Para naman akong manyak.

Pumihit si Sir Ace at lumingon sa akin. Tinitigan niya ako at sinuyod ng tingin mula ulo hanggang paa.

Bigla naman akong na-conscious sa hitsura ko.

“Ayos lang po ba, Sir?” nakangiwing tanong ko.

Tumango siya at bumuntong-hininga. “Yeah… bagay sa ’yo.”

Nakahinga ako nang maluwag. Mabuti naman.

“Let’s go. May meeting pa akong dadaluhan.”

“Opo.”

Sabay na kaming lumabas ni Sir Ace ng bahay. Siya na ang nag-lock ng bahay.

“Dala mo ba ang spare key mo?” tanong pa ni Sir Ace pagpasok namin ng kotse niya.

“Opo, Sir, nasa bag ko po,” sabi ko at para makasiguro ay tsinek ko pa ang bulsa ng bag at naroon ang susi.

“Wala ka na bang nakalimutan?”

“Wala na po, Sir.”

“Good,” ani Sir Ace at minaniobra na ang sasakyan palabas ng automated gate.

Habang nasa byahe kami ni Sir Ace ay marami siyang bilin sa akin. Gaya ng mag-focus ako sa pag-aaral ko. Okay lang makipagkaibigan basta roon lang sa mga matitino at huwag magsi-skip ng klase. Tatawag ako o magte-text sa kanya kapag tapos na ang klase ko at nakauwi na ako sa bahay. Tinuturo din niya sa akin ang tamang sakayan pauwi. At mahigpit na bilin niya ay huwag akong magtitiwala kung kani-kanino lalo pa at baguhan lang ako rito sa Manila.

Panay naman ang tango ko sa sinasabi ni Sir Ace. Tinatandaan ko ang lahat ng sinasabi niya. Siyempre dapat akong makinig sa kanya dahil amo ko siya at matanda siya, alam niya kung ano ang makakabuti sa akin.

Huminto ang kotse sa harapan ng gate ng school.

“Bababa na po ako, Sir.”

“Teka lang. Masyado ka namang excited.”

Natigilan ako at tumingin sa amo. May sasabihin pa yata siya.

Ngunit dinampot niya ang wallet sa ibabaw ng dashboard at humugot ng isang libo sabay abot sa akin. “O.”

Kunot noong kinuha ko ’yon. “Para saan po ito, Sir?” Baka may ipapabili siya.

“Baon mo ’yan ngayong araw.”

Namilog ang mata ko. “Po?”

“Ang sabi ko baon mo ’yan. Nabibingi ka na yata.”

Umawang ang labi ko at tinitigan ang isang libong papel sa aking kamay na malutong na malutong pa. Baon ko raw ito. Ngayon lang ako nakapagbaon ng isang libo.

“Pero Sir… may pera naman po ako.” Binalik ko kay Sir Ace ang isang libo. Sobra-sobra na ang ibinibigay niya sa akin. Pinag-aral na nga niya ako, e.

“Pakialam ko kung may pera ka. Basta baon mo ’yan. Itabi mo.”

“Pero Sir… sobra-sobra na po ang ibinibigay niyo sa akin. Nakakahiya na po.”

Ngumisi siya. “Huwag ka nang mahiya. Basta mag-aral kang mabuti. Sige na, itabi mo na ’yan. Huwag mo nang ipilit na ibalik sa akin dahil hindi ko tatanggapin ’yan.”

Wala na akong nagawa kundi ilagay na lang sa wallet ang pera.

“Salamat po, Sir. Bababa na po ako.”

“Okay, yung mga bilin ko sa ’yo huwag mong kakalimutan. Tumawag ka o mag-text kapag tapos na ang klase mo at nasa bahay ka na”, bilin pa niya.

“Opo,” sabi ko at bumaba na ng kotse

Humugot ako ng malalim na hininga habang nakatingin sa bukas na gate ng college school na papasukan ko. Sunod-sunod na ang pasok ng mga estudyante. Ito na ang umpisa ng college life ko. May kaba sa dibdib ko pero may excitement din.

“Joella.”

Lumingon ako kay Sir Ace na nasa loob ng kotse. Nakangisi siya habang nakatingin sa akin.

“Huwag kang kabahan at huwag kang ma-pressure. Enjoy ka lang, okay?”

Ngumiti ako at tumango sa gwapong amo. Hindi lang siya gwapo kundi mabait pa.

“Opo, Sir. Thank you po ulit.”

“Sige na, pumasok ka na. Hindi ako aalis hangga’t hindi ka pa pumapasok sa gate.”

Napataas ang kilay ko at napanguso ako. Ano ako? Kindergarten? Pero sige na nga, papasok na ako.

“Bye po, Sir,” paalam ko sa amo at naglakad na papasok sa gate.

.

.

Ace’s POV

PINAGMAMASDAN ko si Joella habang naglalakad papasok sa gate ng school. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang uniporme. Pagka-graduate niya ay kukunin ko siyang secretary ko.

Ngumisi ako at binuhay muli ang makina ng kotse. Tinaas ko na ang salaming bintana at pinasibad na ang kotse.

“Good morning, Sir,” bati sa akin ng secretary kong si Minda.

“Good morning, Minda. Ipagtimpla mo muna ako ng kape.”

“Yes, Sir.” Agad namang tumalima ang secretary ko.

Binuksan ko ang pinto ng opisina ko at pumasok.

“Surprise!”

Natigilan ako nang makita ang panauhing hindi ko inaasahan. My ex-girlfriend.

“Jheany?”


Chapter 13

Ace’s POV

“I MISS you, babe.” Lumapit sa akin si Jheany at nangunyapit sa aking batok. Akmang hahalikan niya ako pero mabilis kong iniwas ang mukha. Nanghahaba ang nguso niya habang inaabot niya ng halik ang aking labi.

“Wait, Jheany.” Tinaas ko ang isang kamay at hinarang sa kanyang mukha.

“Babe naman, isang kiss lang. I miss you kaya. Ang dami kong miss sa ’yo,” parang bata pang sabi niya at yumakap sa baywang ko.

“Teka lang sandali, Jheany.” Binabaklas ko ang mga braso niyang nakapulupot sa aking baywang pero lalo lang niyang hinigpitan ang yakap at parang pusang humahalipuypoy pa sa akin.

“I just came back from Switzerland kagabi lang. Natulog lang ako at dito agad ako dumeretso para makita ka. I miss you, babe.”

Sana, hindi ka na lang bumalik. Ngali-ngaling sabibin ko.

“Kung gano’n, may jetlag ka pa. Dapat nagpapahinga ka muna,” sabi ko at pilit nang tinanggal ang mga braso niya. Nagtagumpay naman ako at nakahinga ako nang maluwang. Agad akong lumayo sa kanya at lumapit sa desk ko.

Sumimangot naman si Jheany at humalukipkip. “Parang ’di ka masaya na makita ako.”

Ngumisi ako. “Obvious ba?”

Umikot ang mata niya at umupo siya sa couch. Pumasok naman si Minda dala ang kape ko. Nilapag niya ’yon sa desk ko at nakipagngitian pa siya kay Jheany. Close silang dalawa dahil nauuto siya ni Jheany.

“Minda,” untag ko sa secretary.

“Yes, Sir?”

“Next time na magpapasok ka ng kung sino dito sa office ko nang walang appointment, tanggal ka na,” sabi ko.

Namutla ang mukha ni Minda. “P-pero Sir si Ma’am Jheany po ay girlfriend niyo.”

“Ex-girlfriend. Three years ko na siyang ex-girlfriend. Ilang beses ko bang kailangan ulit-ulitin ’yan at kabilin-bilinan ko sa ’yo na huwag kang magpapasok ng bisita nang walang appointment. Nagiging matigas na ang ulo mo kaya sa susunod na sumuway ka pa, maghanap ka na ng ibang trabaho. Naiintindihan mo?” ma-awtoridad na sabi ko.

“O-opo, Sir. Hindi na po mauulit. Sorry po,” nakayukong sabi ni Minda at lumabas na ng opisina.

Masyado na yata akong nagiging mabait kaya hindi na niya ako sinusunod.

“Hey, huwag mong pagalitan si Minda. Masama bang dalawin kita?”

Bumuntong-hininga ako at matiim na tiningnan si Jheany. “Hindi. Pero kilala kita. Hindi lang naman dalaw ang pinunta mo rito kundi kulitin din ako.”

Bumuntong-hininga siya at namungay ang mata. “Are you still mad at me, babe? Kaya hanggang ngayon ang lamig-lamig mo pa rin sa akin.”

“No. I’m not mad at you anymore. Pinatawad na kita. But stop acting like you’re still my girlfriend. Matagal na tayong hiwalay. Three years na for fucking sake.”

Tumayo siya at humalukipkip. Umalsa ang kanyang mayamang dibdib sa suot niyang dress na mababa ang neckline.

“Ikaw lang ang nakipag-break sa akin. Hindi ako pumayag, remember? So that means tayo pa rin.”

Ngumisi ako. Hindi pa nag-uumpisa ang trabaho ko ngayong araw pero nase-stress na ako.

“Tss. Para sa ’yo tayo pa rin pero kung sino-sino namang lalaki ang kasama mo.”

Natigilan siya pero maya-maya ay matamis na ngumiti. Lumapit siya sa desk ko at tinukod ang kamay roon sabay pilyang kumagat labi.

“Aww… You’re jealous, babe. Don’t worry. They’re just my toys. Siyempre, ikaw pa rin ang the only one ko.”

Umiling-iling ako. “I’m not jealous, okay? Masaya pa nga ako na nakikita kitang may kasamang iba.”

Ngumisi siya. “Defense mechanism mo lang ’yan, babe, pero ang totoo, nagseselos ka lang talaga. Huwag kang mag-alala, titigilan ko na sila. Magpo-focus na lang ako sa ’yo.”

Pumikit ako nang mariin at hinilot ang sentido. Hindi ko alam kung may sapak ba siya o sobra lang ang confidence sa sarili para isiping patay na patay ako sa kanya. Tatlong taon na kaming hiwalay at kinalimutan ko na nga siya dahil sa mga kabaliwang pinaggagawa niya noon. Eskandalosa siya at lahat na lang pinagseselosan at inaaway. Ang pinakamalalang ginawa niya noon na ikinapugto na ng pisi ko ay nang mag-eskandalo siya sa gitna ng meeting ko kasama ang mga board member. Doon niya ako tinalakan dahil nagseselos siya sa babaeng investor ng company. Sobra akong napahiya at nasermonan pa ako ni Mamita kaya tuluyan ko na talaga siyang hiniwalayan at binan pa noon dito sa company building.

“Jheany, listen, ang gusto ko lang mangyari ngayon ay tigilan mo na ako. Maghanap ka na lang ng ibang lalaki diyan na… na magpapasaya sa ’yo.”

Ngunit matamis lang siyang ngumiti. “Pero ikaw lang ang nagpapasaya sa akin, babe.”

Malalim akong bumuntong-hininga. Bakit ba ayaw niya akong tigilan?

“Masaya na ako sa iba kaya tigilan mo na ako.” Nanulas sa labi ko ang ma salitang ’yon. Hindi ko alam kung bakit ’yon ang nasambit ko. Sa kagustuhan kong tigilan na niya ako ay kung ano na ang nasabi ko.

Nawala ang ngiti niya at tumaas ang kanyang kilay. “What do you mean na masaya ka na sa iba?”

Tumikhim ako. “I-I have a girlfriend. Ah no… live in partner.”

Umawang ang labi ni Jheany. “What? May live in partner ka na?”

“Yes,” deretsong sabi ko. Paninindigan ko na ito para tigilan na niya ako.

Pagak siyang tumawa.

“No way. That’s impossible. Sinasabi mo lang ’yan para tigilan kita.”

“I’m telling the truth. May live in partner na ako at b-buntis na siya.”

Lumungkot ang mukha ni Jheany at parang naiiyak pa. Gumuhit ang sakit sa kanyang mata. “Who is she? Kilala ko ba?”

“No.”

“What’s her name?”

Bumuntong-hininga ako. “Hindi mo siya kilala, Jheany.”

“Still… I want to know her name,” mariing sabi niya.

Pumikit ako nang mariin at humugot ng malalim na hininga. “J-Joella. Her name is Joella.”

Shit! Sana lang hindi ako maitak ni Joella kapag nalaman niyang ginamit ko siyang pananggalang kay Jheany.

Umiling-iling si Jheany. “How dare you, Ace…”

“Kaya tigilan mo na ako, okay? Magkakapamilya na ako, Jheany. Masaya na ako.”

Naging matigas ang mukha ni Jheany at tumalim ang tingin sa akin. “Hindi ako makapapayag na kung sino-sinong babae lang ang pinalit mo sa akin Ace. Hindi pa tayo tapos.”

Hinablot ni Jheany ang shoulder bag niya at nagmartsang lumabas ng opisina.

Doon lang ako nakahinga nang maluwag. Umupo na ako sa swivel chair at dinampot ang tasa ng kape. Medyo lumamig na ’yon kaya dinalawang lagok ko na lang.

PUMASOK ako sa kusina at naabutan ko si Joella na nasa harap ng kalan at nagluluto pa ng ulam. Mabango ang niluluto niya at nakaramdam na ako ng gutom.

Lumingon siya sa akin. “Malapit na po tong maluto, Sir. Pasensya na po kung medyo late na akong nagluto. Akala ko po kasi mamaya pa kayo uuwi, e.”

“It’s okay. Hindi pa naman ako masyadong gutom.” Tiningnan ko ang notes niyang nasa counter. Mukhang may ginagawa siya bago ako dumating. Napaaga kasi ang uwi ko. At kapag maaga akong umuuwi ay maaga akong kumakain.

“How’s your first day at school?” tanong ko at lumapit sa kanya. Sinuksok ko ang dalalawang kamay sa bulsa ng sweatpants ko.

Lumingon siya sa akin at ngumiti. Hayan na naman ang ngiti niyang nakakapanginig ng laman.

“Ayos naman po. Nakakapanibago pero masasanay din ako. May mga kaibigan na nga ako, e.”

“Baka naman puro lalaki yang mga kaibigan mo.”

“Naku, hindi po. Puro mga babae ang mga bagong kaibigan ko.”

“Good. Ano ba ’yang niluluto mo?” Sumilip ako sa kaserola.

“Afritadang manok.”

“Oh, I see… Masarap ba ’yan?”

Ngumisi siya. “Masarap po ’yan, Sir. Baka makalimutan niyo pa ang pangalan niyo sa sarap niyan.”

Napangisi rin ako. Ngayon pa nga lang parang nakakalimutan ko na ang pangalan ko.

“Tawagin mo na lang ako kapag luto na ’yan. Sa study room lang ako.”

“Opo.”

Tumalikod na ako at lumabas na ng kusina. Baka kung ano pa ang pumasok sa isip ko sa kakatitig sa mukha niya.

Tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ng sweater. Dinukot ko ’yon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Napabuntong-hininga ako ng makitang si Jheany. Pinatay ko ang cellphone para hindi na siya makatawag pa. Siguradong kay Minda niya nakuha ang number ko.

Tsk. Malapit na talaga akong maghanap ng bagong secretary.


Chapter 14

Joella’s POV

MATAMAN kong kinukusot ang puting brief ni Sir Ace. Hindi ko ’to winashing machine dahil baka maghimulmol kaya kinusot ko na lang. Nasasanay na akong labhan ang brief niya. Dapat lang na masanay na ako dahil siya ang nagpapaaral sa akin. Wala akong karapatang mag-inarte.

Sabado ngayon at wala akong pasok sa school kaya naman naglaba ako. Si Sir Ace naman ay maagang umalis para mag-work out. Niyaya nga niya ako pero tumanggi ako dahil marami pa akong gagawin.

Binitawan ko ang brief at tumayo nang tumigil na ang ikot ng washing machine. Pero natigilan ako nang may nag-doorbell.

Hinugasan ko ang kamay at pinunasan iyon.

Napakunot noo ako nang may makitang babae sa labas ng gate at panay ang pindot sa doorbell. Maganda siya at elegante ang hitsura. Nakasuot siya ng puting dress na hakab sa katawan.

Lumapit ako sa gate. “Sino po sila?” tanong ko.

Halatang mayaman ang babae base sa suot at hitsura pati na rin sa sasakyang dala.

Nagtaas ng kilay ang babae at naging mataray ang bukas ng mukha. Sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at sarkastikong ngumisi.

“Where’s Ace?”

“Ah, wala po dito, Ma’am. Sino po sila?” tanong ko ulit. Sa tono ng pananalita ng babae at tingin ay masasabi kong maldita siya.

Humulukipkip ang babae at umarko ang isang kilay. “I’m Jheany, his ex-girlfriend.”

Umawang ang labi ko. Ex-girlfriend siya ni Sir Ace. In fairness, maganda siya. Kunsabagay hindi naman magge-girlfriend si Sir ng pangit.

“Ah, pasensya na po, Ma’am, wala siya dito, e. Kung gusto niyo po bumalik na lang kayo mamaya.”

“It’s okay. Hindi naman talaga siya ang pinunta ko dito, e.” Muli niya akong sinuyod ng nang-uuyam na tingin sabay ngisi ng nakakainsulto. “Gosh! Hindi ka naman pala kagandahan. You look plain and stupid. Bumaba yata ang taste sa babae ni Ace.”

“Po?” Kumunot ang noo ko sa mga sinabi ng dating nobya ni Sir Ace. Medyo nalilito rin ako. “Ako po ba ang sinasabihan niyong plain at stupid?”

“You are Joella, right?”

“Opo, ako nga po.”

“Then ikaw ang kausap ko. Gosh! Stupid ka nga talaga.” Pagak pa siyang tumawa.

Pumikit ako ng mariin kasabay ng pagpanting ng tainga ko. “Teka lang po, Ma’am, ah. Parang sobrang pasmado naman po yata ng bibig niyo. May atraso po ba ako sa inyo?”

Tumalim ang tingin niya sa akin. “Oo, meron. Nang dahil sa ’yo, ayaw na akong balikan ni Ace. But let’s see kung hanggang kailan kayong dalawa magtatagal. I know, pinakikisamahan ka lang niya at pinatira lang dito sa bahay niya dahil nabuntis ka niya.”

“Po?” bulalas ko at umawang ang labi ko. Lalo akong naguluhan sa sinabi ng babae.

“Magsasawa din sa ’yo si Ace. Soon, mare-realize din niya na ako talaga ang mahal niya at hindi ikaw. Kaya ngayon pa lang magpakasaya ka na, babae. Namnamin mo ang bawat sandaling kasama mo siya dahil matatauhan din siya at babalik sa akin.”

Bago pa ako makahirit ay tumalikod na ang babae at lumapit sa kotse niya at pumasok.

Naiwan na lang akong nakanganga habang sinusundan ng tingin ang papalayong kotse ng babae.

“Pinagsasabi ng babaeng ’yon? Baliw yata.”

Napailing-iling na lang ako at tumalikod na. Pumasok na ako sa bahay para ipagpatuloy ang paglalaba. Pero habang naglalaba ay gumugulo naman sa isip ko ang mga sinabi ng babae kanina. Siguro ay napagkamalan lang niya ako. Pero hindi, alam niya ang pangalan ko, e. At nagpakilala siyang ex ni Sir Ace.

Kakausapin ko na lang si Sir Ace mamaya.

Pinahid ko ng braso ang pawis sa noo. Natapos na rin ako sa paglalaba. Pati damit ko ay nilabhan ko na rin.

Pumasok na ako ng kusina para magsaing na.

“Joella.”

Natigilan ako nang marinig ang boses ni Sir Ace. Dumating na pala siya.

Lumabas ako ng kusina at tumungo sa sala. Naabutan ko si Sir Ace na kararating lang at may bitbit na isang box ng pizza at soft drinks.

“Tapos ka nang maglaba?” tanong niya.

“Opo, Sir, katatapos lang.”

“O heto, meryenda mo.” Inabot niya sa akin ang pizza at soft drinks.

Ngumiti naman ako at kinuha ’yon. Tamang-tama, hindi pa ako nakakapagmeryenda.

“Thank you po, Sir.”

Tumango lang si Sir Ace at pinunasan ng maliit na tuwalya ang pawisang leeg at mukha. Naglakad lang siya patungong gym. May gym kasi na malapit lang sa labas ng subdivision. Gym ng mga mayayaman.

Titig na titig ako kay Sir Ace habang nagpupunas siya ng pawis sa mukha at leeg. Nakasandong itim siya na bahagya ring basa sa pawis kaya bakat ang mga muscle niya sa katawan. Ang malapad niyang dibdib at mga abs. Kita rin ang mga naglalakihan niyang mga muscle sa braso. Bukod sa gwapo talaga ay maganda rin ang katawan niya.

“Joella.”

“Po, Sir?” Para naman akong natauhan nang tawagin ni Sir Ace ang pangalan ko. Nakangisi siya sa akin.

“Titig na titig ka sa akin, ah. May problema ba?”

Nag-init ang mukha ko dahil nahuli niya akong nakatitig sa kanya. “W-wala po, Sir. Sige po, sa kusina lang ako,” sabi ko at naglakad pabalik sa kusina pero bigla akong may naalala kaya humarap ako ulit kay Sir Ace.

“Siya nga po pala, Sir. May pumunta pong babae dito kanina.”

Kumunot ang noo ni Sir Ace. “Sino daw?”

“Jheany po, ex-girlfriend niyo daw po siya.”

Natigilan si Sir Ace at parang namutla pa. “Ano’ng… sabi niya?”

“Hinahanap niya po kayo pero sinabi kong wala kayo. Tapos tinalakan na po niya ako at nilait-lait dahil pinagpalit niyo daw po siya sa akin at sinabi pa niya nabuntis niyo daw ako, kaya pinatira niyo ako dito sa bahay niyo. Mukhang napagkamalan po yata niyang ako ang bagong babae niyo. Pero alam po niya ang pangalan ko, e.”

Nag-iwas ng tingin si Sir Ace at humimas sa batok. Gumagalaw ang labi niya na parang may sinasabi siya pero ’di ko naman naririnig. Pero maya-maya ay tumingin siya ulit sa akin.

“Pwede ba kitang makausap?”

Kumunot ang noo ko dahil naging seryoso ang kanyang mukha. “Opo naman, Sir. Tungkol saan po ba?”

Bumuntong-hininga siya. “Maupo ka muna.” Minuwestra niya ang sofa.

Lumapit naman ako roon at nilapag sa center table ang bitbit kong box ng pizza at soft drinks saka umupo sa sofa. Mukhang seryoso ang sasabihin niya.

Naupo na rin si Sir Ace sa single sofa. Bumuntong-hininga siya at tumingin siya sa akin.

“Alam kong magagalit ka sa akin pero mas mabuting sabihin ko na sa ’yo.”

Naguluhan ako sa sinabi niya. “Ano po ’yon, Sir?”

“Ikaw ang pinakilala kong bagong girlfriend kay Jheany at sinabi kong buntis ka.”

“Po?” Halos malaglag ako sa kinauupuang sofa sa sinabi ni Sir Ace. “Seryoso kayo, Sir? Sinabi niyo pong ako ang girlfriend niyo at buntis ako?”

“Oo.”

Umawang ang labi ko at hindi na agad nakapagsalita. Hindi ko alam kung anong unang salita ang lalabas sa bibig ko. Pero sa totoo lang ay gusto ko siyang murahin pero amo ko pa rin aya at pinag-aaral niya ako.

“Bakit niyo naman po sinabi ’yon, Sir? Kaya naman pala gano’n siya magsalita at halos laitin ang buong pagkatao ko.”

“I am sorry, Joella. Sinabi ko ’yon dahil ayaw niya akong tigilan. Three years na kaming hiwalay pero ayaw pa rin niya akong tigilan sa pangungulit niya. Para sa kanya ay kami pa rin. Kaya naisip kong sabihin na may girlfriend na ako at buntis na. At pangalan mo ang sinabi ko.”

May bumangong inis sa dibdib ko.

“Naku, Sir, hindi po maganda ’yang ginagawa niyo, ah. Nilalagay niyo po ako sa alanganing sitwasyon. Paano kapag nalaman ’yan ni Senyora? Nakakahiya sa kanya. Baka masabihan pa niya akong ambisyosa at oportunista. Si Tita Ernacia, siguradong sesermonan niya ako.

“Okay okay, I’m sorry. Mali ang ginawa ko, alam ko. Don’t worry. Kakausapin ko si Mamita kapag nalaman niya. Saka gipit na ako, e, and I need your help, Joella.”

“Help? Ano pong help ang kailangan niyo?”

“Be my girlfriend.”

“Po?”

Pumikit siya at dumilat. “I mean… magpanggap kang girlfriend ko.”

Halos malaglag ang panga ko sa pagkakanganga ko. Natutuliro ang isip ko sa mga sinasabi ng amo ko.

Pumikit ako nang mariin at humugot ng malalim na hininga. Dumilat ako at tumingin kay Sir Ace.

“Sir, seryoso ba kayo sa sinasabi niyo?”

“Yes, I’m serious, Joella. Tutal naman sinabi ko na kay Jheany na ikaw ang live in partner ko—”

“Live in partner? Akala ko po ba girlfriend?”

“Live in partner na girlfriend na buntis.”

Muling napaawang ang labi ko. Hindi ko na kinakaya ang amo ko.

“So ’yon na nga, tutal nasabi ko na sa kanya bakit hindi na lang natin totohanin—”

“Ano po? Tototohanin natin?” bulalas ko at namilog ang mata ko. Parang nawindang ang buong sistema ko sa sinabi ng amo ko.

“I mean…” Pumikit siya at kinumpas ang isang kamay. Para bang nahihirapan siya kung paano sasabihin. Dumilat siya at deretsong tumingin sa aking mga mata. “Tulungan mo ako, Joella. Mapapanggap ka lang na girlfriend ko na buntis sa harap ni Jheany. Sigurado kasi akong hindi pa rin niya ako tatantanan. I need your help, please. Hanggang sa tigilan na niya ako. Don’t worry. Dadagdagan ko ang sahod mo o kaya dodoblehin ko ang baon mo araw-araw o kahit triplehin ko pa.”

Ilang sandali akong hindi umimik at mataman lang na nakatingin sa gwapong amo. Mukhang desperado na talaga siya at kailangan niya ang tulong ko. Hindi naman gano’n kabigat ang hinihingi niyang tulong. Magpapanggap lang naman na girlfriend niya sa harap ng dating nobya niya. At hindi naman palaging makikita namin ang dating nobya niya. Isa pa, tinutuluangan din niya ako sa pag-aaral ko. Napakalaking bagay n’on kumpara dito sa hinihingi niyang tulong sa akin.

Bumuntong-hininga ako. Sa ngalan ng utang loob, sige, pumapayag na ako. Saka magpapanggap lang naman.

“Sige po, Sir, pumapayag na po ako kahit hindi niyo na dagdagan ang sweldo ko at baon. Sa ganitong paraan man lang makabawi ako sa kabutihan niyo.”

Nagliwanag ang mukha ni Sir Ace at ngumiti siya. Pati ang mga mata niya ay parang nakangiti din. “Talaga? Girlfriend na kita… I mean pumapayag ka nang maging girlfriend ko?”

Tumango ako at kiming ngumiti.

“Woah! Thank you so much, Joella. You are truly an angel. Wala nga lang pakpak at halo pero may hawak na itak.”

Ngumuso ako at sinamaan ng tingin ang amo.

Pero tumawa lang siya at ngumisi. “Just kidding.”


Chapter 15

Joella’s POV

“WHAT are you cooking?”

Napapitlag ako nang magsalita si Sir Ace sa likuran ko. Tila rin kinuryente ang batok ko at nagtaasan ang mga balahibo ko. Bahagya akong dumistansya sa kanya.

“Ah, tortang talong po, Sir. Nag-crave po ako sa torta, e,” sagot ko.

“Oh, I see. Meron din ba ako niyan?”

“Oo naman, Sir. Nagpasobra talaga ako para sa inyo. Just in case gusto niyo ring kumain nito.”

“Good. Matagal na rin akong hindi nakakakain niyan.”

“Ah, sige po. Kapag naluto na, tatawagin ko po kayo at paghahainan na.”

“Okay,” aniya at lumabas na ng kusina.

Bumuga ako ng malalim na hininga. Doon ko lang napagtanto na higit ko pala ang hininga at mabilis ang pintig ng puso ko.

Simula no’ng pumayag ako na magpanggap kami bilang mag-boyfriend at girlfriend ay madalas na siyang dumidikit-dikit sa akin. Kagaya kanina. Medyo naiilang na ako. Parang mali yata na pumayag ako pero naka-oo na ako, e.

Bumuntong-hininga ako at umiling-iling. Binaliktad ko na ang tortang talong.

.

.

Ace’s POV

“GOOD morning, Mamita,” bati ko sa abuela na naabutan ko sa lanai na nagtsatsaa. Humalik ako sa kanyang pisngi. Halatang galing siya sa simbahan dahil amoy sampaguita pa siya.

“Good morning, hijo. Nagsimba ka ba?”

Nagpatimpla ako ng kape sa isang kasambahay na dumaan.

“No, Mamita. Medyo tinanghali ho ako ng gising kaya mamayang gabi na lang ho,” sabi ko at umupo sa couch.

“Si Joella?”

“Siya po ang nagsimba at dederetso na pong mamalengke.”

“Hindi mo man lang sinamahan?”

Kumamot ako sa ulo. “Tinanghali na nga po ako ng gising, Mamita. Paggising ko wala na siya at nag-iwan lang ng note sa ref.”

“Masipag talaga ang batang ’yan. Kamusta naman ang pag-aaral niya?”

Alam ni Mamita ang pagpapaaral ko kay Joella at suportado naman siya. Deserve naman nito dahil masipag at maaasahan.

“She’s doing good, Mamita. Seryoso siya sa pag-aaral niya, and at the same time, hindi siya nagpapabaya sa mga gawaing bahay.”

Tumango-tango si Mamita. “Nakikitaan ko ng magandang future ang batang ’yan dahil masipag at masikap kaya worth it siyang tulungan. Anyway…” Tumingin sa akin si Mamita. “Nabalitaan ko bumalik na raw si Jheany at pinuntahan ka sa opisina mo. Nanggugulo na naman ba siya?”

Bumuntong-hininga ako at sumandal sa backrest ng couch at dumekwatro. Hindi na ako nagulat na alam ’yon ni Mamita dahil marami siyang mata sa kumpanya. “As usual, Mamita, nangungulit na naman siya.”

“Hay, kung bakit ba naman kasi pinatulan mo pa ang babaeng ’yan noon.” Umiling-iling si Mamita at humigop ng tsaa.

“Nakaraan na ho ’yan, Mamita.”

“Nakaraan na nga pero hanggang ngayon ay ginugulo ka pa rin. Dapat talaga yata magnobya ko na o mas maganda ay mag-asawa ka na.”

Sa sinabi ni Mamita ay bigla kong naalala si Joella at ang kasunduan naming pagpapanggap niya bilang nobya ko.

Tumikhim ako. “Actually, Mamita, nagawan ko na ng paraan ’yan.”

“Anong paraan?”

Alam kong papagalitan ako ni mamita sa sasabihin ko. Pero kailangan kong sabihin para hindi na siya mabigla kapag nalaman niya sa iba.

“Pinagpanggap ko ho si Joella na girlfriend ko at buntis na.”

Muntik nang maibuga ni Mamita ang tsaa na iniinom niya.

“Ano?” bulalas ni Mamita.

Hinimas ko ang batok. Inaasahan ko na ang magiging reaksyon niya.

“Napasubo na ako, Mamita. Nasabi ko kay Jheany na may girlfriend na ako at live in partner na buntis na. Tapos sinabi ko ang pangalan ni Joella. Pumunta pa siya sa bahay noong Sabado at nakaharap si Joella. Walang kamalay-malay si Joella sa mga pinagsasabi ni Jheany kaya kinausap ko siyang magpanggap na lang,” paliwanag ko.

Napasapo sa noo si Mamita na parang biglang sumakit ang ulo. “Santisima ka, Ace. Ano bang kalokohan itong ginawa mo?”

“I know mali ang ginawa ko, Mamita. Pero napasubo na ako, e. Kapag nalaman ni Jheany na hindi ’yon totoo, siguradong kukulitin na naman niya ako.”

“Ano’ng sabi ni Joella? Naku, nakakahiya sa batang ’yon.”

“Noong una, ayaw ho niya. Pero pumayag din bilang pagtanaw sa utang na loob niya sa akin.”

“Tsk! Pasalamat ka at pumayag siya. Naku! Ang sarap mo talagang bambuhin, Ace. Hindi ka gumaya sa kuya mo. Ang bagal mo.”

Kumunot ang noo ko. “What do you mean, Mamita?”

“Wala.” Inismiran ako ni Mamita at muling humigop sa tsaa.

Napakamot na lang ako sa ulo.

Dumating naman si Manang Ernacia na siyang may dala ng kape ko. Nilapag niya ’yon sa center table.

“Salamat, Manang.”

“Walang anuman po, Sir. Kung may kailangan pa po kayo, tawagin niyo lang po kami sa kusina.”

Tumango ako sa mayordoma at dinampot ang tasa at humigop. Sinundan ko ng tingin si Manang Ernacia. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko sa kanya ang kasunduan namin ng kanyang pamangkin.

“Huwag kang mag-alala. Ako na ang kakausap kay Ernacia,” ani Mamita.

Lumingon ako sa kanya. “No, Mamita. Ako na ho ang kakausap sa kanya.”

“Ako na nga, para mas maintindihan niya ang sitwasyon mo,” giit pa ni Mamita.

Nagkibit balikat na lang ako. Pero kakausapin ko din si Manang Ernacia kapag nakakuha ako ng magandang tiyempo.

Inubos ko na ang kape para makauwi na. Balak kong yayaing mag-mall si Joella para doon kami mag-grocery.

.

.

Joella’s POV

“NAKU, nakakaloka ang pinsan mo, beh. Akala mo kung sinong matino eh kabit pala. Hayun, muntik nang kalbuhin ni Melaflor dahil nahuling magkasama sila ng asawa niya sa bayan.”

“Ano’ng nangyari kay Kyla?” tanong ko kay Almera na ka-video call ko. Kasalukuyan akong naglilinis ng karne at isda na binili ko sa palengke.

“Ayun, nagpang-abot sina Melaflor at Kyla. Muntik nang makalbo ang pinsan mo. Pero bilib din ako sa pinsan mo, ha? Siya na nga ang kabit, siya pa ang matapang.”

Bumuntong-hininga ako. Nakakabigla ang binalita sa akin ng kaibigan tungkol sa pinsan ko. Alam kong may pagka-liberated si Kyla. Pero hindi ko iniisip na aabot siya sa puntong pangangabit at asawa pa ng kapitbahay namin ang kakabitin niya.

“Ano naman ang reaksyon ni Tita Nadia?”

“Eh di syempre, ano pa? Eh di kinampihan pa niya ang anak niya at pina-blotter pa si Melaflor dahil sa pananakit kay Kyla. Ang tindi talaga ng mag-ina na ’yon. Mabuti na lang at wala ka na sa poder nila. Baka pati ikaw, madamay pa.”

“Maling-mali naman kasi ang ginawa ni Kyla.”

“Maling-mali talaga, baks. Kaya lang ang pinsan mo pa ang matapang.”

Napailing-iling na lang ako. Pinagpapasalamat ko rin talaga na narito na ako sa Manila. May magandang trabaho, kumikita ng malaki, at nakakapag-aral pa. Kung naroon pa ako sa poder nina Tita Nadia at Kyla, malamang stressed ako ngayon at baka damay rin sa pinaggagawa ng pinsan.

Nasilip ko sa maliit na bintana ang kotse ni Sir Ace na paparating. Kaya nagpaalam muna ako kay Almera. Mamaya na lang kami magchichikahan.

Tinapos ko na ang paglilinis ng mga karne at isda saka ko ’yon nilagay sa malilinis na tupperware. Sunod naman ay nilagay ko na sa mga lagayan ang mga binili kong sibuyas, bawang, at kung ano-ano pa.

“Joella, dumating ka na pala.”

Nilingon ko si Sir Ace na kapapasok lang ng kusina. “Kumain na po ba kayo, Sir?”

“Oo, kinain ko yung tinabi mong pagkain. Anyway, huwag ka nang magluto ng lunch. Sa labas tayo kakain.”

Kumunot ang noo ko. “Aalis po ba tayo, Sir?”

“Oo, magmo-mall tayo. Kulang-kulang na ang mga stock natin, ’di ba? Sa mall na tayo maggo-grocery.”

“Sige po. Ngayon na po ba?”

“Tapos ka na ba sa ginagawa mo?”

“Opo.”

“Then let’s go. Magpapalit lang ako ng damit.”

“Sige po, magpapalit din ako.”

Lumabas na ng kusina si Sir Ace at sumunod naman ako. Pumasok ako sa servants’ quarters at namili ng damit na isusuot. Iilang piraso lang ang matitino kong damit. Ang iba ay luma na at kupas na ang kulay. Hindi pa ako nakakabili ng bagong damit dahil nanghihinayang ako.

Sa huli ay t-shirt na itim na lang ang sinuot ko. Semi-crop top ’yon kaya kita nang bahagya ang maputing sikmura ko. Hindi na ako nagpalit ng pantalon at sinuot ko na lang ang puti kong sneakers. Sneakers pa lang ang nabibili ko mula sa sahod ko dahil kailangan ko rin pampasok sa school. Tinali ko na lang ang buhok ko pataas at dinampot ko na ang sling bag at sinukbit sa balikat.

“You look nice…” sambit ni Sir Ace at sinuyod ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Kimi naman akong ngumit kasabay ng pag-iinit ng aking pisngi. “Thank you po.” Sinuyod ko rin siya ng tingin. Nakaputing v-neck t-shirt siya na halos pumutok ang manggas dahil sa muscles niya sa mga braso at hakab din ang kanyang malapad na dibdib. Cargo pants na brown naman ang pang-ibaba niya at puting sneakers. May hawak siyang aviator at sinuot ’yon. Lalo tuloy lumakas ang dating niya. Nagmukha siyang celebrity. Parang nahiya na tuloy akong sumama sa kanya dahil baka mapagkamalan akong alalay niya.

“Let’s go, Joella,” yaya na niya sa akin at nagpatiuna nang lumabas.

Humugot naman ako ng malalim na hininga at sumunod na sa amo.


Chapter 16

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 17

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 18

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 19

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 20

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 21

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 22

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 23

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 24

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 25

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 26

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 27

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 28

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 29

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 30

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 31

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 32

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 33

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 34

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 35

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 36

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 37

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 38

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 39

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 40

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 41

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 42

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

End

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Special Chapter

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Last Chapter

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Special Chapter 1

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Special Chapter 2

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.