loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Can't live without you (BL)

Can't live without you (BL)

Eisenchan · 30 chapters · 130,243 words

CAST

David Licauco as Jethro Jones Wells

  • ang successful businessman na CEO ng Forever and Always Co. Tinalikuran ang pagiging abogado at mas piniling magtayo ng sariling kompanya. Walang siniseryosong relasyon at papalit-palit ng mga nagiging girlfriend. Pero biglang nagbago ang lahat ng dumating ulit sa buhay niya si Eisen.

Bbas Suradet as Eisen Fuentes

  • ang magiging bagong secretery ni Jethro. Titiisin niya ang lahat ng pagpapahirap sa kanya ng kanyang boss para maitaguyod ang pag-aaral ng kanyang pinsang si Lance. Bilang dating kasintahan ni Jethro, papano niya pipigilan ang sariling huwag mahulog ang loob sa dating nobyo?

Tao Phiangphor as Terence Tan

  • vice president ng Forever and Always Co. Dating katunggali ni Jethro sa business pero piniling maging vice president ng kanyang kompanya sa hindi malinaw na dahilan. Magiging karibal siya ni Jethro lalo na’t magkakagusto rin siya kay Eisen na kanyang sekretarya.

Crystal Zhang as Celestine Cua

  • board member ng Forever and Always Co. na may pagtingin kay Jethro. Simula pagkabata ay nasusunod na ang lahat ng kanyang gusto. Walang bagay na hindi napapasakanya kapag gusto niya. Kaya lahat ay kaya niyang gawin mapaibig lang si Jethro. Siya ang magiging karibal ni Eisen pagdating kay Jethro.

Excited??? Chapter 1 will be available sooooooooon.

Chapter 1: My Ex-E-O

Bbasjtr as Eisen Fuentes

Eisen’s POV

Ang buhay ay parang isang libro na may simula at meron ring katapusan. Pero ang buhay ay hindi basta basta natatapos dahil maraming kwento ang nalilikha sa bawat desisyon mong ginagawa. Palaging may bagong simula, palaging may bagong pagsubok, palaging may pagkabigo pero hindi ibig sabihing dapat na ikaw ay sumuko. Sa loob ng tatlong taong nanirahan ako sa aking uncle ay marami akong natutunan sa buhay. Hindi lahat ng may kapangyarihan at kayamanan ay nagiging masaya sa kanilang buhay. Hindi lahat ng mga taong nasa paligid mo ay dapat pagkatiwalaan. At higit sa lahat ay dapat mong alagaan ang mga taong nasa paligid mo habang sila ay nandiyan pa at kapiling mo.

Matagal-tagal din bago kami nakamove-on sa pagkamatay ni Uncle. Kasama ng kanyang pagkawala ay ang pagkawala rin ng kayamanang meron siya. Kahit isang kusing ay walang napakinabangan ang kanyang nag-iisang anak na si Lance na aking pinsan. Inilaban namin sa korte ang karapatan ni Lance pero nabigo kaming ipanalo ito dahil ayun sa aming kalaban ay nakaw ang yaman na meron si Uncle at meron silang ebidensiya nito. Mahirap para sa amin dahil lahat ng ari-ariang meron sila ay kinuha sa amin. Mabuti na lang at may sarili akong savings at nakakuha ako ng murang bahay na pansamantala naming tinutuluyan. Ang pinoproblema ko ngayon ay ang pag-aaral ni Lance sa kolehiyo dahil mahal ang kurso na kinuha niya.

Naglakas loob akong pumunta ng maynila para maghanap ng trabaho pero inuna ko muna ang offer sa akin bilang HR Rep. sa isang kompanya sa Taguig. Mabuti na lang at gumagana pa rin pala ang Jobstreet at napakinabangan ko ito. Naging smooth naman ang interview at final interview dahil pinaghandaan ko pati na rin ang exam. Mabuti at one-day processing lang dito kaya mabilis kong malalaman kong tanggap ba ako o hindi. Sobrang tuwa ko nang matanggap ako sa kompanya at mabilis akong nabigyan ng contract pero laking gulat ko nang pinigilan ako ng HR Manager sa pagpirma ng contract dahil may mas magandang offer daw sila sa akin.

“I will let you read the contract first and please pag-isipan mo ng mabuti ito Mr. Fuentes dahil bihira lang ang pagkakataong ito” ngumiti siya sa akin at inabot ang kontrata.

Lumabas muna siya ng meeting room para hayaan akong makapag-isip. Sa loob ng contract ay inaalok ako na maging secretary. Doon pa lang ay gusto ko nang i-decline ang offer pero nang makita ko ang magiging sweldo ko ay nagdalawang isip ako bigla. Wala akong experience sa pagiging secretary at take note fresh grad ako kaya malamang hindi ko magagampanan ng maayos yun. Pero P45,000 monthly salary kumpara sa P30,000 na offer sa akin bilang HR Rep. plus may P10,000 na transportation allowance monthly at may libreng condo stay pa hanggang sa matapos ang contract. May healthcare benefits na up to P200,000 per illness at ang pinakabongga ay ang P50,000 na signing bonus. Parang nakajackpot talaga ako sa offer na to, hindi na ako mahihirapan kung papano babudgetin ang pera kapag nag-aral ulit si Lance dahil sobra-sobra na to sa ini-expect ko.

Gusto ko na sanang pirmahan agad pero nabasa ko na kapag nagresign ako at hindi pa tapos ang contract ay kailangan kong magbayad ng fee na P200,000. Napaisip ako nang mabuti kong tatanggapin ko ba ang offer na to. Malamang marami siguro ang nagreresign dahil baka panget ang boss o kaya masama ang ugali nito. Pero kailangan na kailangan ko na talaga ng pera dahil ilang linggo na lang ay magpapasukan na at kailangan ko na ng pera na ipambabayad sa tuition ni Lance. Habang nag-iisip ako ay biglang pumasok ang HR Manager para tanungin ang aking desisyon. Kahit na nakakaramdam ako ng hindi maganda sa magiging desisyon ko ay pinagpatuloy ko pa rin ang pag-sign sa contract. Gaya nga ng mga madalas na linya ng mga callboy “Kapit patalim para may kainin”.

Pagkauwi ko ay masaya kong ibinalita kay Lance ang pagkakaroon ko ng magandang trabaho at gaya niya ay nagulat din siya sa laki ng offer sa akin. Napagdesisyunan naming sa isang university na lang din siya sa maynila mag-aaral para magkasama kaming titira sa condo. Mas makakatipid kami dahil hindi na namin kakailanganing magbayad ng renta ng bahay dahil ang condo unit pati na rin ang tubig at ilaw ay sagot ng kompanya. Alam kong masaya siya dahil mas mapapalapit siya sa kanyang nobyo na si Gunter na nag-aaral din dito sa maynila.

Sabado ng umaga nang marating namin ang condo unit na nakalaan para sa akin. Nag-ayos kami ng aming mga gamit at mabuti na lang ay nandito rin si Gunter para tumulong sa amin. Dahil iisa lang ang kama ay bumili na rin ako ng isa pang higaan para kay Lance. Mas mapapabilis sana ang aming trabaho kung hindi panay ang landian ng dalawang kasama ko. Nakakatuwa silang pagmasdan na akala mo’y mga bata na naghaharutan. Naaalala ko pa noon kung paano sila nagsimula bilang magkaaway hanggang sa nahulog ang damdamin nila sa isa’t isa. Hindi ko mapigilang mainggit sa sobrang ka-sweetan nila sa isa’t isa.

“Magboyfriend kana kasi Kuya para hindi kana mainggit” pang-aasar ni Lance. Hindi ko namalayang kanina pa pala nila akong napapansing nakatitig sa kanilang dalawa.

“Loko ka” dugtong ni Gunter sabay batok nang mahina kay Lance.

“Ehh napapansin ko kasing naiinggit na si Kuya sa pagiging sweet natin kaya dapat magboyfriend na rin siya para magawa na natin yung double date” sagot ni Lance sabay akap kay Gunter. Hindi ko mapigilang mapaikot ang aking mata sa sobrang kasweetan ni Lance kay Gunter.

“Hoy tigil-tigilan mo ako Lance. Nagfofocus muna ako sa career ko kaya wala akong panahon sa love-love na yan” pagdadahilan ko.

“Eh sinabi nyo na rin po yan dati kuya eh, sabi mo magfofocus ka sa pag-aaral at saka ka makikipagrelasyon kapag nakapagtapos kana” biglang sagot ni Gunter. Pilyo din tong batang to eh.

“Hoy akala ko ba kakampi kita Gunter?” kunwaring naiinis pero medyo naiinis na talaga ako nun.

“Eh baka naman kasi hindi ka pa rin nakakamove-on kay Jeth-ano nga ba ulit ang pangalan nun?” pang-aasar ni Lance. Sinusubukan talaga ako ng dalawang to.

“Subukan mong ituloy yan at pag-aaralin kita sa Laguna para magkahiwalay na kayong ulit ni Gunter!” pagbabanta ko at biglang humigpit ang pagyakap ni Lance kay Gunter.

“Joke lang kuya ito naman hindi mabiro, alam ko namang nakamove-on kana kay JETH-RO” sabi ni Lance at nagawa niya pang-i emphasize ang pangalan ni Jethro at saka ngumiti.

“LAAAAAAANCEEEEEEE!” sigaw ko at saka ko siya binato ng unan galing sa couch. Mabilis siyang nakakalas sa pagkakayakap kay Gunter kaya imbis na siya ang tamaan ay si Gunter ang tinamaan ng unan sa mukha.

Parehas kaming nagulat sa pangyayari pero imbes na sa akin siya gumanti ay dinampot niya ang unan at hinampas ito kay Lance para gumanti. At doon na nagpatuloy ang harutan nilang dalawa. Nakakatuwa lang isipin na ang laki ng pinagbago ni Lance simula nang dumating sa buhay niya si Gunter. Ang dating iresponsable at bastos na magsalitang si Lance ay biglang nagbago nang mainlove siya kay Gunter. Iba talaga kapag nagmamahal ka, kayang-kaya nitong baguhin kahit sino man. Bigla ko tuloy naisip kong hindi kami naaksidente ni Jethro nun at hindi siya nagkaroon ng amnesia ay baka ganito rin kami kasaya. Pero tatlong taon na rin naman ang nakakalipas kaya nakamove-on na rin ako sa kanya. Nakamove-on na ba talaga ako? Well siguro kasi every other day ko na lang siyang inaalala hindi kagaya dati na everday, every hour, every minute, every color, every hue - is represented by me and you. JOKE!!!

Pero siguro nga nakamove-on na talaga ako. Kasi yun ang dapat na mangyari kasi hindi naman talaga kami para sa isa’t isa. Siguro nabigyan lang talaga ako ng pagkakataong maranasan ang magmahal. Siguro nga sapat nay un at dapat maging thankful na lang ako at nangyari yun. Darating din naman siguro yung taong nakalaan sakin pagdating ng panahon, uy ang lakas maka-Aiza. Pero seryoso baka sa bagong kompanya kong papasukan ay baka makilala ko na siya. Excited na akong pumasok sa Monday.

Lunes ng umaga, hindi ko inaasahang mapapasarap ang tulog ko. Well hindi naman talaga ako nakatulog ng maayos kagabi kaya late na akong nagising. Halos takbuhin ko ang banyo para makaligo. Mabilisang pagligo lang yung mas mabilis pa sa kantang 1,2,3 ni Britney Spears. Pagkatapos kong maligo ay tinungo ko ang aking kwarto para magbihis. Nagtataka ako kung bakit wala na sa higaan niya si Lance. Nang matapos akong magbihis ay nakita ko siyang naghahanda ng breakfast sa kusina.

“Running late?” nakangiti niyang bati.

“BAKIT HINDI MO AKO GINISING?” tanong ko sabay subo ng hotdog. Napangiwi ako dahil mainit pa pala ito.

“Kakaluto ko pa lang niyan” natatawa niyang sabi.

“Gigisingin na sana kita kaso ayun bigla ka na lang nagtatakbo sa banyo” dugtong pa niya habang nagpiprito.

“Dapat kanina mo pa ako ginising, tingnan mo wala na tuloy akong time magblower” sabay kuskos ng tuwalya sa aking buhok at dahan-dahang umupo sa upuan.

“Bat ka ba nagmamadali kuya eh 8am pa yung pasok mo? Maaga ka pa ng isa’t kalahating oras at saka walking distance lang naman dito yung office mo” sambit niya at nilagay sa plato ang mga natitirang hotdog na niluto niya.

“Kailangan kong magcheck ng mga access sa rooms na restricted area. May mga rooms ang company na iilang tao lang ang pwedeng pumasok at bilang secretary syempre dapat may access ako sa mga rooms nay yun lalong lalo na sa office ng boss ko” sagot habang ngumunguya ng sliced bread.

“Kilala mo na ba ang boss mo?” naupo siya sa harapan ko at nagsimulang kumain.

“Hindi pa nga eh, kaya kailangan ko ring pumasok ng maaga para makilala ko siya. At dapat maaga ako dun para hindi siya madisappoint sa akin” pagkatapos kong kainin ang sliced bread ay agad akong nagtooth brush at hinanda ang mga gamit na dadalhin ko papasok ng office.

“Kuya pwede ba akong dumalaw kay Gunter mamaya?” tanong ni Lance bago ako makalabas ng pinto.

“At saan naman ang punta niyong dalawa?” tanong ko.

“Magdidate lang kami, somewhere” nakangiti niyang sabi halatang kinikilig.

“May pera ka ba?” tanong ko at dudukot na sana ako sa wallet ko.

“No, don’t worry. May pera pa ako kuya at saka pagdating kay Gunter ay dapat hindi na galing sayo yung perang gagastusin ko” pagpigil niya sa akin at hindi ko naman napigilang mapangiti.

“Okay, enjoy your day!” sagot ko sabay bukas ng pinto.

“I will!” maikling tugon niya.

Wag uuwi ng sobrang late“ pahabol kong sabi at sumang-ayon naman siya bago ko isinara ang pinto.

Nakakainggit talaga sila, mabuti pa ang college students padate-date na lang kung saan saan. Samantalang ako ito walang katime-time makipaglandian. I wonder kung may magkakagusto pa kaya sa akin? Sa totoo lang maraming nanligaw sa akin noong nag-aaral pa ako ng College sa Laguna. Isa na dun si Lester, gwapo siya at active sa sports. Minsan nga naaalala ko sa kanya si Jules pero alam mo yun kahit anong effort niyang panliligaw sa akin nun ay hindi ko talaga magawang ma-fall sa kanya. Wala kasi akong ibang inisip nun kundi si Jethro. So heto na naman tayo at si Jethro na naman ang naiisip ko. Grabe Eisen, tigilan mo na at magfocus kana sa career mo ngayon.

Saktong 7am ay narating ko ang kompanyang pagsisilbihan ko, siguro ng maraming taon? Napaka modern ng pagkakadesign ng kompanya. Ang elevator ay napaka high-tech dahil meron silang screen kung saan dun mo pipindutin kung saang floor ka pupunta. May label ang bawat elevator from A-J at kusang bubukas ang pinto nun kapag napindot mo na sa screen ang floor na gusto mong puntahan. Lalabas sa screen ang letter ng elevator na papasukan mo at yung letter mismo na nakalagay sa ibabaw ng elevator ay iilaw kapag pwede na itong sakyan. Sobrang convenient nito hindi na to dadaan pa sa ibang floor dahil derecho na to mismo sa floor na gusto mong puntahan.

Mabilis kong napuntahan ang floor kung saan ako magwowork at doon ko nakita ang HR Manager na nag-hire sa akin. Masaya niya akong binati at tinour sa floor kung saan ang magiging station ko. Dinala niya ako sa conference room, comfort room, lobby, production floor at huli ay sa office ng CEO. Nakaramdam ako ng kaba nang tumayo ako sa harap ng pintuan. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil baka natatakot ako na baka terror ang magiging boss ko. Hindi ko rin ini-expect na CEO pala ang magiging boss ko dahil ang buong akala ko ay isang department head ito o kaya project manager. Pero dahil andito na rin naman ako ay wala ng atrasan to.

Restricted area ang office ng CEO dahil sa mga confidential files at documents na meron sa loob nito. Kaya kinakailangan mo pang magbadge gamit ang ID mo para makapasok ka. Pero habang binabadge ko ang ID ko ay nagrered signal ang device at ibig sabihing wala pa akong access sa room. Nagtaka naman ang HR Manager kong bakit wala pa akong access sa room dahil dapat ngayong araw ay meron na. tumawag siya sa security department para ipaalam ang tungkol sa access ng badge ko.

“I’m really sorry Mr. Fuentes. Bago ko ibigay sayo ang badge at ID ay na make-sure ko na may access ka sa mga rooms lalong lalo na sa office ng CEO. Ang weird lang at biglang nawala ang access mo.” Sambit niya pagkatapos niyang makausap ang security dept.

“Pero don’t worry nakausap ko na sila. All you have to do ay pumunta sa ground floor sa may left side corner andun ang office ng security department. Pumasok ka dun at ibigay mo sa guard ang Badge mo at alam na nila kung anong gagawin. Wala pang 1 minute yun”.

At ayun nagpaalam na siya sa akin dahil may aasikasuhin pa siyang ibang new hires. Bago pa man akong makalayo ay bigla siyang sumigaw.

“Make sure to comeback before 8am, Hate ni Mr. Wells ang pagiging late!” at saka siya sumakay ng elevator.

Wait tama ba ako ng pagkakarinig? Mr. Wells? Don’t tell me isa sa mga Wells Brothers ang nagmamay-ari ng kompanyang ito? Baka si Jules dahil sa kanilang magkakapatid siya ang may potential na maghandle ng business. Malabong si Josh dahil dati pa lang ay hindi na siya interesado sa pagpapatakbo ng mga malalaking kompanya. Malabong si Jean at James dahil wala rin sa kanila ang may interes sa ganitong industriya. At lalong lalo na si Jethro dahil isa siyang abogado, magiging conflict ito sa kanyang work. Kaya possibly si Jules nga ang tinutukoy niya. Pero wait, hindi naman ito affiliated ng Wells Co. kaya malabong sila ang nagpapatakbo nito. Baka naman ibang kamag-anak nila ang may-ari nito o kaya nama’y mali lang ako ng pandinig at kung ano-ano agad ang ina-assume ko.

Kung sakali mang isa sa kanila ang nagpapalakad nito ay mabuti kong hindi si Jethro dahil ewan hindi ko pa rin siya kayang harapin sa ngayon. Baka himatayin ako o kaya naman hindi makapagsalita kapag nagkita kami sa hindi inaasahang pagkakataon. Nawala sa isip ko na kanina pa pala nakabukas ang elevator na pinindot ko sa screen. Muntikan na itong magsara kaya mabuti na lang at nakaabot ako. Jusme, Eisen magfocus ka nga sa first day mo at hindi puro kalandian ang iniisip mo.

Pagkarating ko sa ground floor ay agad kong tinungo ang office ng security department. At ayun hindi lang pala ako ang may problema sa mga access lima kami ang nagpapaayos ng access. Ang buong akala ko ay mabilis lang proseso nito gaya ng sabi sa akin ni Ms. Reena, yung HR Manager. Pero mali ang akala ko kasi halos 15 minutes bago ako naasikaso ng guard. Mabilis akong lumabas ng security dept nang matapos ang pag-ayos sa access ko. 5 minutes na lang at mag-aalas otso na. kung mamalasin ka nga naman ay mahaba ang pila sa elevator kapag ganitong oras. Mabuti at maayos at mabilis ang mga elevator kaya nakasakay kaagad ako sa loob. Kahit siksikan ay nagkasiya ako sa pinakadulo ng elevator.

Dahan-dahan kong nirereview ang mga notes na binigay sa akin ni Ms. Reena sa aking phone. Nagtataka ako kung bakit isa-isang nagsisilabasan ang mga taong nasa loob ng elevator. Hanggang sa ako na lang ang natira sa loob, ang akala ko pa noon ay sira ang elevator kaya lalabas na sana ako ng may pumasok na gwapong lalaki. Napaatras akong muli at pumuwesto sa dulo, tiningnan niya akong mabuti. Para akong matutunaw sa paraan ng pagtitig nya. Hindi ko napigilang mapangiti sa kahihiyan at nagulat naman ako nang bigla rin siyang ngumiti sa akin. Siya na nga ata yung destiny ko sa kompanyang ito. Nakaramdam ako ng excitement at kaba nang magsara ang pinto dahil baka sakaling gahasain niya ako sa loob ng elevator. JOKE! Napakadisente niya at amoy na amoy ko ang pabango niya kahit malayo ang pwesto ko sa kanya. Grabe nakakapanglambot ng tuhod. Habang pinagpapantasiyahan ko sya ay siya naman ay abala habang nakikipag-usap sa kanyang phone at ang isang kamay naman niya ay may hawak na kape. Nagulat na lang ako ng mapasigaw siya.

“Oh crap!” sabay yuko. Hindi ko alam kung ano ang tinitingnan niya at bakit siya nakayuko.

Hindi nagtagal ay bigla siyang lumapit sa akin at ako naman ay nakaramdam ng kaba sa paraan ng pagtitig niya sa aking katawan. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Kuya wag naman sa elevator pwede naman sa C.R. pero seryoso kinakabahan ako sa mga oras na yun lalong lalo na nang ipatong niya ang mga kamay niya sa aking balikat. Sisigaw na sana ako ng rape nang bigla siyang magsalita.

“I’m so sorry but I really need your help” bigla na lang niyang hinatak pababa ang coat ko. Sa bilis ng ginawa nya ay halos hindi na ako nakapagreact. Hanggang sa mahubad niya sa akin to. Ang akala ko ay huhubarin niya rin polo ko pero bigla niyang inabot sa akin ang coat niya at nagbukas ang elevator.

“I promise, ibabalik ko rin to!” at saka siya nagmamadaling lumabas ng elevator.

Tinitigan ko ang coat na inabot niya sa akin at doon ko napansin may bakas ng kape ang kanyang coat. Kinuha nya ang coat ko para gamitin dahil nabasa ng kape ang coat niya? Nakakaloka, sino ba siya sa inaakala nya. Hahabulin ko sana siya pero hindi ko na siya makita sa area. Pag check ko sa relo ko ay 8:02 na, kaya halos liparin ko ang pagpunta sa office ng CEO. Jusko po late ako sa first day, actually hindi naman talaga ako late pero sa pagmimeet naming ng boss ko ay late ako. Pagkabadge ko sa device na katabi ng pinto ay nagreen ang signal ang ilaw, tanda na may access ako sa loob. Kaagad akong pumasok sa loob.

Pagkapasok ko ay andun na nga ang boss ko. Nakaupo sa upuan habang nakatalikod sa desk niya. Walang man lang desk plate sa ibabaw ng kanyang table kaya hindi ko alam kung pano ko siya I-aaddress. Abala ito sa pakikipag-usap sa telepono hanggang sa marinig ko nang husto ang kanyang boses. Wait, parang familiar sa akin ang boses nito.

“You’re late!” sabi niya nang matapos niyang ibaba ang telepono.

“I’m so sorry sir, kasi po” napatigil ako sa pagsasalitang nang umikot ang upuan niya na para bang coach sa the voice. At laking gulat ko nang makita ko ang mukha ng aming CEO, walang iba kundi si.

“JETHRO?” hindi ko inaasahang mapapalakas ang boses ko dahil hindi ko inaasahang siya ang makikita ko.

Papanong nangyari yun? Isa siyang abogado at papanong siya ang CEO ng kompanyang ito? Kumunot ang noo niya at saka nagsalita.

“What did you say?” tanong niya.

“Ah- I mean si, Sir Jethro” nauutal kong sabi.

After 3 years na hindi kami nagkita ay para bang walang nagbago sa hitsura niya. Siya pa rin yung taong minahal ko ng sobra. Siya pa rin yung Jethro na iniyakan ko gabi-gabi. Siya pa rin yun, siya pa rin. Pero sa dinami-rami ng pagkakataon at lugar ay dito pa kami magkikita sa kompanyang ito at siya pa ang magiging boss ko.

Itutuloy….

A/N: Sinong mag-aakalang kaya ko palang mag-update ng isang chapter para sa dalawang story.

Originally, Oct. pa dapat ang release nito (Can’t live without you) kasi nga magkakaroon siya ng spoiler sa story na ginagawa ko ngayon.

Para malaman nyo ang simula ng love story ni Lance at Gunter ay basahin nyo ito (The Curse of Fuentes kiss). Mas magfofocus ako sa update dito dahil nga mas nauna to pero pinagbigyan ko lang ang request nyo na magkaroon na ng book 2.

Pero depende pa rin kung ilang votes at comments ang makikita ko baka maging weekly rin ang pag update ko. xD

Chapter 2: Not a total Stranger

David as Jethro

Eisen’s POV

Magkahalong pangamba at tuwa ang nararamdaman ko ngayon dahil sa muling pagtatagpo namin ni Jethro. Sa dinami-dami ng pagkakataon at lugar ay dito pa talaga kami magkikita. Ang masaklap pa ay siya ang magiging boss ko. Kung alam ko lang sana na siya ang magiging boss ko ay siguro nag-decline na agad ako sa offer. Pero wala na eh-heto na yun kaya kailangan ko nang panindigan ang multo ng kahapon ko.

“This is the first time na nagmeet tayo, I guess?” tanong niya. Napalunok laway naman ako dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko. Kung may amnesia pa rin siya or memory loss ba yun ay siguro naman kahit papano ay naaalala niya ako noong nasa mansion pa ako bago ako lumayas. Pero siguro nga mabuti nang hindi niya maalala yun at baka mapalayas din ako dito sa unang araw ko sa trabaho.

“Ahh, yes po” ang tangi kong naisagot nang titigan niya ako. Ewan ko ba at parang biglang bumalik ang takot ko sa kanya.

“Okay, I’m aware that this is your first job after graduating from college. There’s a lot of things that you need to learn on your own. As my secretary, mataas ang expectation ko from you. Take this!” sa tono ng pananalita niya ay parang gusto ko na lang magtrabaho sa gobyerno. Kahit taga-photocopy na lang ng mga files, parang maiihi ako sa pang-iintimidate niya sa akin. Dahan-dahan naman akong lumapit sa table niya at kinuha ang folder at files na nilapag niya.

“I only have two meetings for today and I can handle it without your help. So madali lang ang ipapagawa ko sayo since it’s your first day. All you have to do is kabisahudin o should I say I-familiarize mo ang lahat ng mga importanteng tao sa kompanya including the department heads hanggang sa head of security at maintenance. At nandiyan na rin nakalista ang mga board of directors, investors at mga important clients natin” sabi niya. Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga sa sinabi niya dahil hindi ako masyadong magaling sa pagkakabisa ng mga tao maliban na lang kung madalas ko silang nakakasalamuha.

“Are we clear?” tanong niya.

“Ye-yes po” mabilis kong tugon.

“Kailangan mong mafamiliarize sa mga bagay nay an dahil simula bukas ay makakareceive ka na ng calls, emails at text messages from the client or isa sa mga board members. As my secretary, trabaho mong magfix ng schedule ko lalong lalo na sa mga important meetings kasama ang mga investors.” Sabi niya habang kinakalikot niya ang phone niya.

“Yes po, I’ll do my best. Si-sir” grabe hindi ako sanay talaga na tawagin siyang Sir. Mas okay pa sa akin na tawagin siyang daddy gaya ng panunukso ko sa kanya dati. Pero baka masuntok lang ako kapag tinawag ko siyang Dad.

“So you can now go back to your office” nang sabihin niya yun ay para bang nakaramdam ako ng lungkot. Ewan ko ba antagal na kasi siguro naming hindi nagkikita at aaminin ko na namiss ko talaga siya. Pero dahil sa magkaiba na kami ng mundong ginagalawan ngayon ay malabong maibalik namin yung dati.

Dahan-dahan akong nagtungo sa pinto at saka nag-badge palabas ng kanyang kwarto pero bago pa man ako makalabas ng pinto ay pinigilan niya ako. Oh yes, sabi na nga ba at tinitiis niya lang ako at kunwari hindi niya ako namimiss.

“Do you have my number?” tanong niya.

“Ah-wala pa po sir” hindi ko mapigilang mapangiti.

“You’re my secretary tapos wala kang number ko?” inis niyang sabi.

“Sorry po” biglang nagbago na naman ang mood ko.

“Just leave, I already have your number. I’ll call you when I need you” sabi niya at agad ko namang sinara ang pinto.

Isa to sa mga ugali niya na hindi nagbago. Naiinis siya sa akin dahil wala akong number niya pero meron naman pala siyang number ko. Nakakaloka, hindi pa rin nawawala ang pagiging bipolar niya. Sala sa init sala sa lamig. Mabilis kong natunton ang sarili kong office dahil katabi lang ito ng room ng CEO. Kahit kakasimula pa lang ng araw ay pakiramdam ko ay andami ko na kaagad ginawang trabaho. Kung titigan mo pa lang ang dami ng mga dapat kong kabisaduhin ay nakakaramdam na kaagad ako ng matinding pagod. Pero hindi yun ang dahilan para sumuko ako.

Sinimulan kong reviewhin ang organizational chart, syempre una kong makikita ay ang pangalan ni Jethro bilang CEO, sumunod ay ang vice president. Pero nagtataka ako kung bakit ang labo ng mukha niya sa picture at halos hindi mo siya mamukhaan. Isa-isa ko silang kinabisado sa pangalan, simula sa Vice president, Board of Directors, HR Manager, Financial Manager, Technical Manager, Admin Manager, Sales Manager, Operations Manager at hanggang sa Head of securities. Ang daming pangalan ang naghahalo-halo sa isipan ko pero mabuti na lang at mabilis ko silang nakabisado sa pangalan. Ang problema ko ay kung papano ko sila makakabisado sa mukha.

Nagkaroon ako ng idea kung papano ko sila mabilis maaalala. Yun ay ang dalawin ang bawat department ng kompanya at magpakilala bilang bagong secretary ni Jethro. Tutal wala namang ibang ipapagawa sakin ngayong araw si Jethro kaya ito na ang pagkakataon ko para mas makilala pa ang mga taong makakatranbaho ko. Una kong pinuntahan ang office ng Vice President. Ayun sa kanyang secretary na nagngangalang Tifanny ay nasa meeting daw ito ngayon kaya maaaring bumalik na lang daw ako mamayang hapon para magpakilala. Sobrang bait niya at binigyan pa ako ng mga tips kung papano ko magawa ng maayos ang trabaho ko. At sabi pa niya ay magandang idea daw ang ginawa kong pagkilala sa ibat ibang department heads ng kompanya.

Bibihira lang ang pagkakataong makausap ko ang board of directors dahil sa madalas silang nasa meeting kasama ang iba pang mga department heads. Kaya naman ang sinunod ko ang HR Department. Iba-ibang tao ang nakilala ko sa pag-ikot ko sa loob ng kompanya. May mga mababait at meron ding masusungit. Lalung lalo na yung Sales Manager na akala mo kung sino kung makapagtaray. Ang sarap niyang suntukin sa panga. Pero syempre kahit na inis ako sa kanya kanina ay pinili ko pa ring ngumiti. Nakakapagod din pala ang pag-akyat baba ko kahit na sumasakay ako sa elevator. May iilan pa akong hindi nakikilala sa kanila at ipagpapaliban ko muna ito dahil nakakaramdam na ako ng gutom.

Bumalik ako sa office ni Jethro para magpaalam para sa aking lunch break. Pero pagdating ko sa loob ay wala pa rin siya. Kaya naman nag-iwan na lang ako ng note sa kanyang table na magbibreak muna ako at kung kailangan niya ako ay tawagan na lang niya ako sa aking number. Lumabas ako sa aming kompanya para makahanap ng makakainan. Mabuti na lang at malapit kami sa venice grand canal mall, kaya marami akong options kung saan ko gustong kumain. Hindi ito ang una kong pagkakataong magpunta dito dahil bago pa man ako mahire sa kompanya ni Jethro ay nakapaggala na rin ako dito. Sobrang ganda ng ambiance dito lalung lalo na kapag gabi. Napakaromantic at napaka-ideal place para sa mga taong gustong magdate. Yun nga lang wala akong kadate kaya pagkain lang talaga ang purpose ng pagpunta ko dito. Madaming kainan dito, may mga Thai, Japanese, Italian at marami pang ibang restaurants na makakainan dito pero mas pinili kong kumain kung saan bida ang saya. Syempre saan pa kundi sa

JOLIBEE

!!!!

Medyo maraming tao dahil nga lunch break nang pumunta ako. Matiyaga akong pumila para makapag-order ng gusto kong kainin. Pero sa dinami-dami ng mga choices ng pagkain sa menu ay hindi parin nagbabago ang inoorder ko tuwing kakain ako sa Jollibee. Palaging C1, spicy with coke zero drink at magdadagdag ng Spaghetti Ala Carte at isang baso ng tubig kapag di kinaya ang anghang. May mga crew kasi minsan na kung makabudbod ng chili powder ay parang ayaw nang magpakain. Nang makuha ko ang aking order ay naghanap ako ng mauupuan. Halos lahat ng table ay occupied na sa dami ng tao. Ang nakita ko lang na bakante ay ang multiple seats na nasa binta banda. Doon na ako naupo at saka kinain ang inorder ko.

Hindi naman sa pagmamalaki ay kayang kaya kong ubusin itong inorder ko in less than 5minutes. Di ko rin alam kung papano ko nagagawa yun. Pero mabilis ko lang talagang nauubos ang aking kinakain. Nang matapos ko ang aking pagkain nanatili muna akong nakaupo at nagpahinga. Nagcheck muna ako sa facebook para malibang ang sarili habang nagpapababa ng kinain. Bumungad agad sakin ang post ni Lance kasama si Gunter kung saan naglalandian sila este nagdidate sila sa Binondo. Nagreact ako ng love reaction sa post niya. Wala pang isang minuto at nagchat sa akin si Lance at sinabing magboyfriend na daw ako para di ako mainggit. Sa inis ko ginawa kong angry yung reaction ko na kanina lang ay love. Habang nag-iiscroll ako sa facebooks feeds ko ay bigla kong nakita si Jethro na may kasamang babae.

Akala ko nga ay sa loob ng tatlong taon ay nakamove-on na ako at hindi ako makakaramdam ng pagseselos kung magkakaroon man siya ng bagong karelasyon. Pero maling mali ang akala ko dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon habang pinagmamasdan silang masayang nag-uusap. Masasabi mong perfect couple sila dahil ang ganda-ganda ng babae niyang kasama. Mukhang matalino, mayaman at merong sense sa pananamit. Mas okay na siguro to kaysa kay Annabelle na naging girlfriend niya. Pero ano nga bang nangyari sa kanila ni Annabelle nang mawala ako sa mansion? Hindi na rin siguro mahalaga yun ngayon dahil tuluyan na akong kinalimutan ni Jethro. Dapat sigurong magfocus na lang ako sa aking trabaho at dapat ituring ko siya bilang boss. Hanggang dun lang at huwag nang aasa pa na magkakagusto siya sa akin.

Ilang minuto rin ang lumipas nang makita ko sila. Kaya nagdesisyon na akong tumayo at bumalik sa kompanya. Dapat kung ituon ang sarili ko sa pagtatrabaho para naman madistract ako kahit papano. Dapat na rin sigurong maghanap ako ng bagong boyfriend at sundin ang payo ni Lance. Tutal mukhang masaya na siya sa iba ay dapat mahanap ko na rin ang taong magpapasaya sa akin. Masyado pa palang maaga para bumalik ako ng kompanya. Kahit dalawin ko ang mga department heads dun ay malamang wala pa sila sa kanilang office ng ganitong oras dahil nga lunch break. Kaya naman nagpasiya muna akong malibot-libot sa mall. Sa kakalibot ko ay napagastos pa tuloy ako nang mapadaan ako sa store ng Nature Republic. Naalala ko rin kasi na paubos na yung Aqua facial wash ko kaya naman bumili na rin ako.

Habang naglalakad sa loob ng mall ay bigla akong napahinto sa aking kinakatayuan nang makita ko si Jethro at ang babaeng kasama niya sa loob ng isang restaurant. Mukhang masaya silang nag-uusap dahil panay ang pangiti ni Jethro. Sa tingin ko ay inlove nga talaga siya sa babaeng yun. Nakikita ko lang siyang ngumingiti ng ganun kapag kasama niya ako pero ngayon sa ibang tao na niya naipapakita ang ganoong ngiti. Hindi ko mapigilan ang sarili kong makaramdam ng matinding selos. Pero walang patutunguhan ang pagseselos ko dahil hindi naman kami at wala namang namamagitan sa amin maliban sa boss ko siya at secretary niya ako.

Laking gulat ko nang bigla kaming nagkatitigan habang kausap niya ang babaeng kasama niya. Biglang naging seryoso ang pagmumukha niya. Siguro ayaw niya akong nakikita kaya bigla na lang nagbago ang mood niya. Napansin kong tumayo siya at parang may sinasabi pero iniwas ko ang aking tingin at nagpatuloy sa paglalakad na para bang wala akong nakita. Matanda na ako at alam kong kayang kaya ko nang pigilan ang pag-iyak di gaya ng dati. Pero ano to? Bakit parang ang init-init ng mga gilid ng aking mga mata. Bigla namang nagring ang phone ko at may tumatawag sa akin na unknown number. Hindi ko sana sasagutin ito dahil wala ako sa mood makipag-usap at baka isa na naman itong wrong number. Pero agad kong naalala na binigay ko nga pala kay Tifanny ang number ko kanina at sabi niya ay tatawagan niya ako kapag nakabalik na ang vice president. Kaya naman sinagot ko ito.

“Hello?” malumanay kong sagot.

“Nasan ka?” sa boses pa lang niya ay halatang iritable na naman si Jethro.

“Sorry boss, nandito po ako ngayon sa venice mall pero pabalik na rin po ako ng kompanya” mabilis kong tugon.

“Sinisenyasan kita kanina na pumasok ng restaurant dahil ipapakilala sana kita sa kasama kong si Celestine” sabi niya. Grabe ang lakas ng loob niyang sabihin yun na para bang andali-dali sa akin na tanggaping meron na siyang iba. Oo nga pala, wala nga pa lang naaalala ang loko.

“Sorry, Sir nagmamadali po kasi ako” pagsisinungaling ko.

“At bakit ka naman nagmamadali? Wala ka pa namang masyadong ginagawa ah” naiirita niyang sambit.

“Ehh kasi po” napatigil ako sa paglalakad at hindi ko alam kung anong isasagot ko.

“Eh ano?” halatang inis na siya sa tono ng boses niya.

“Eh kasi po natatae na ako, kaya nagmamadali akong pumunta ng banyo” jusko po. Derechong sagot ko dahil wala na akong maisip na isasagot sa kanya. At nagfake ako ng pag utot para kunwaring nasa banyo ako.

“Saang floor yan at pupuntahan kita” bigla akong kinabahan sa sinabi niyang yun. Kilala ko si Jethro kapag ganyan na ang tono ng kanyang boses ay tototohanin niya ang kanyang sinasabi.

Kaya kumaripas naman ako ng takbo sa banyo nang sagutin ko siyang nasa c.r. ako sa may ground floor. Pagpasok ko ay walang masyadong katao tao at dumirecho ako sa may bakanteng cr at sinara ang pinto. Hindi rin nagtagal at narinig ko na ang boses ni Jethro na hinahanap ako. Grabe, hindi pa rin siya nagbabago at nakakatakot pa rin siya gaya ng dati. Pinindot ko ang flush para kunwaring kakatapos ko lang magbawas at saka lumabas. At ayun kitang kita ko siyang nakaabang sa may pinto.

“What took you so long?” tanong niya. Kung tumae ako ng totoo malamang mas matagal pa dun ang paglabas ko. Ano bang iniexpect niya sa akin di-taktak ang tae ko? Kapag hinampas ang pwet ay lalabas na ng kusa? Pero syempre dahil sa boss ko siya ay…

“Sorry po biglang sumakit ang tiyan ko” yun ang sinagot ko.

“San ka ba kasi kumain?” tanong niya. At ano bang pakialam ng lalaking to bakit di na lang niya kaya atupagin ang buhay niya kasama ng bago niyang jowa.

“Ahh kumain po ako sa mura lang. Doon sa Jollibee” mahinahon kong sagot kahit na naiinis na rin ako.

“Ang laki ng pinapashod ko sayo tapos sa fast food ka lang kumakain?” sabi niya. Sasagutin ko na sana siya nang bigla siyang magsalitang muli.

“Tinatawag kita kanina para ipakilala sana kay Celestine, isa siya sa mga board members at madalas mo siyang makikita” at doon ko lang naalala na may nabasa akong Celestine Cua sa mga board members ng kompanya.

“Sorry po talaga” ang tanging naisagot ko.

“By the way, isasama kita sa meeting namin ngayon para makilala mo na rin ang ibang board members.” Naging mahinahon na ang kanyang pagsasalita.

“Sige po” maiksi kong tugon.

“1:30 pm yun sa may Serenity room at huwag kang malilate this time” pagpapaalala niya habang naglalakad kami pabalik ng office. Siya lang ata ang CEO na walang kasamang gwardiya sa paligid. Ewan ko yun kasi ang madalas kong nakikita sa tv eh.

12:48 na nang marating naming ang kompanya. May sariling elevator na sinasakyan ang CEO pati na rin ang mga mahahalagang tao sa kompanya dahil kinakailangan nila ito kapag may urgent meetings. Sa loob ng elevator ay kaming dalawa lang ni Jethro ang nasa loob at naiilang ako sa katahimikan namin sa loob. Nang makalabas kami ng elevator ay pinaalalahanan niya akong magsuot ng coat at hindi nakalong sleeve lang dahil mga importanteng tao ang makikilala ko kaya dapat magmukha rin akong kagalang galang. Pero anong gagawin ko ngayon dahil kinuha ng isang lalaki ang coat ko at yung binigay niya sa akin ay may mantsa ng kape. Kahit gamitan ko pa ng lakas ng sampung kamay ito ay hindi rin naman agad ito matutuyo. Wala na rin akong time para dumaan ng laundry shop dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang meeting nila.

Hindi ko na sinuot ang coat dahil magmumukha lang akong dugyot kapag sinuot ko yun. Hihingi na lang ako ng tawad kay Jethro at saka ko sasabihin sa kanya ang totoong nangyari. Nag-ayos ako ng mabuti at todo spray ng pabango para magmukha naman akong matino pagnakaharap ko na ang mga board of directors. Doon ko rin makikilala ang vice president dahil dadalo din siya sa meeting.

Pinapunta ako ni Jethro doon ng maaga. 20 minutes early ako sa actual meeting time nila para ayusin ang conference room. Mabilis kong napansin ang conference room na to dahil ang pangalan ng room ay Serenity. Ewan meron na naman ako naaalala sa pangalang yan pero dapat magfocus ako sa pinapagawa sa akin. Natapos ko na ring maidistribute ang mga files sa ibabaw ng table sa tapat ng mga bakanteng upuan kung saan uupo ang mga board of directors. Mabilis ko ring nai-set-up ang presentation na binigay sa akin ni Jethro dahil mukhang siya ang maglilead ng meeting. Nang matapos ko ang lahat ng pinapagawa sa akin ay bigla na lang na may pumasok sa loob ng room at mabilis koi tong binati.

“Good afternoon, Si-” hindi ko natapos ang sinasabi ko nang makita ko ang taong pumasok.

“Good afternoon” masaya niyang bati.

“Ikaw!!!” mabilis kong sabi at lumapit sa akin.

“Yes?” bakas sa mukha niya ang pagkalito nang lapitan ko siya.

“Ikaw, yung kumuha ng coat kanina. Akin na kailangan ko yan ngayon” utos ko.

“Ohh..Naalala ko na. ikaw yung nakasalubong ko kanina. Salamat nga pala, pero medyo masikip sa akin tong coat mo” nakangiti niyang sabi. Kung hindi lang to gwapo ay nakatikim na ng batok ang lalaking to.

“Kailangan ko na yang coat ko kaya akin na” mariin kong sambit.

“At bakit ba atat na atat kang bawiin to?” tanong niya.

“Una dahil akin yan at pangalawa ay kinakailangan ko yan dahil makikipagkilala ako sa mga board of directors mamaya at ayokong magmukhang hindi kagalang galang sa suot ko” pagpapaliwanag ko at ngumiti siya sa akin.

“Really? You look good kahit wala kang suot” at biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

“Aw sorry what I mean is. You look good kahit wala kang suot na coat” dugtong niya pero hindi pa rin ako natutuwa sa mga pinagsasabi niya.

“Akin na, please lang” nagpipigil ako ng tono ng aking boses pero inis na inis na talaga ako ng mga oras na to.

“Okay, ibibigay ko na sayo to kapag nahubad mo” nakangiti niyang sabi. At ako pa talaga ang hinahamon niya sa paghuhubad ng damit ah. Hindi nya ba alam na magaling ako sa paghubad ng damit ng mga lalaki. Kahit itanong niya pa kay Jethro yan. Habang hinahatak niya ko pababa ang coat sa kanya ay nakatingin lang siya sa akin habang nakangiti. Hindi ko masyadong mahubad sa kanya ito dahil nga masikip sa kanya at nagpupumiglas din siya. Bigla na lang siyang natawa at napatingin ako sa kanya.

“May nakapagsabi na ba sayo na ang cute mo kapag naaasar?” natatawa niyang sabi. Hindi ko mapigilang magblush sa sinabi niya. Nilalandi ba ako ng lalaking to?

“Ewan ko sayo” sabay hatak ng malakas sa coat ko. Ang akala niya ata ay magugustuhan ko kaagad siya. Hindi porket gwapo siya ay magkakagusto kaagad ako sa kanya. Hindi lang gwapo ang gusto ko dapat may abs din. Wait mukhang may abs rin tong isang to.

Patuloy pa rin ang paghila ko sa coat ko hanggang sa bumaba na ito hanggang sa siko niya. Marahas na ang paghatak ko dahil naiinis na ako sa tawa niya.

“What’s going on here?” napalingon ako bigla sa boses ng babaeng nagsasalita. At isa-isang nagsipasukan ang mga tao sa loob ng conference room. Kasama sa mga pumasok ay ang boss ko na si Jethro. Sa gulat ko ay hindi ko magawang alisin ang kamay ko sa pagkakahawak ko sa coat ko na suot-suot pa rin ng lalaking to.

“What are you doing Eisen?” inis na tanong ni Jethro. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mukha nang tanungin niya ako.

“Ahh-eh kasi po ayaw niya pong ibigay yung coat ko” nauutal kong sagot.

“Your what?” tanong niya at biglang nagsalita ulit ang babae. Siya yung magandang kasama ni Jethro kanina. Kung tama ang pagkakaalala ko ay siya yung si Celestine Cua na isa sa mga board members.

“Wait Jethro. He’s your new secretary right?” tanong ni Celestine pero di siya sinagot ni Jethro dahil ang atensyon niya ay nasa akin. At halos patayin niya ako sa uri ng pagtitig niya.

“Oh dear, may idea ka ba kung sino yang hinaharass mo?” tanong sakin ni Celestine. Tumingin ako sa lalaking may suot ng coat ko at saka ako umiling bilang tugon na hindi ko siya kilala.

“Oh well, siya lang naman ang vice president ng Forever and Always Co.” pagkasabi niyang iyon ay dahan-dahan akong humarap sa lalaking may suot ng coat ko.

“Va-vice President?” tanong ko at saka siya tumango bilang pag sang-ayon at saka ngumiti sa akin.

O dakilang bathala, gawin niyo na akong isang buwan sa kalangitan at ipakain kay Bakunawa. Hindi ko alam kung papano haharapin si Jethro sa kahihiyang binigay ko sa kanya sa harap ng mga board of directors lalung lalo na sa Vice President ng kompanya.

Itutuloy……..

A/N: HAPPY NA BA? Hahaha.. Just wanna share with you guys. Last month may offer sakin ang

ficfun

isa siyang reading app na gaya ng wattpad. Nag offer sila na i-translate ko ang LWMSB sa english at babayaran nila ako. Kasama sa contract ang pagbura ng story sa wattpad. Syempre hindi ako pumayag kasi may mga readers ako na love na love ang story at ilang beses inuulit ang pagbabasa.

Siguro 4-5 hours bago ko matapos ang isang chapter. Imagine 2 movies na ang pwede ko mapanood niyan. So please be patient po sa pag antay ng updates dahil hindi po madaling magsulat.

Bibilisan ko ang pag update ng Chapter 3 kapag lumampas ng 35 votes ang chapter na to.

Kaya vote and comment na!!!!

Chapter 3: Ex’s and Oh’s

Tao as Terence

Eisen’s POV

Nasa kasabihan na first impression lasts. Kaya kung gusto mo maging maganda ang tingin sayo ng karamihan ay dapat magpakita ka ng angking galing mo sa una pala. Ang hirap sa tao ay kung gaano man karami ang mabubuting bagay na nagawa mo ay mas maaalala pa rin nila ang kaisa-isang pagkakamali mo. Sorry, hindi ko lang talaga mapigilang magdrama. Kanina-kanina lang ay nasa loob ako ng conference room kasama si Jethro at ang iba pang importanteng tao sa loob ng kompanyang to. Dahil sa inasal ko ay ayun pinalabas ako ng conference room at ngayon ay nag-aantay ng sermon ni Jethro dito sa aking opisina.

Well, habang nagmemeeting sila ay napag-isipan kong gumawa ng resignation letter. Alam kong pagsisisihan ko ito pero wala akong choice. Una, hindi ko kayang makipagtrabaho ng maayos kapag kasama ko si Jethro. Pangalawa, hindi ko mapigilan ang sarili kong magselos kapag may kasama siyang iba. At pangatlo? Hindi ko alam basta gusto kong makaalis na lang dito at kalimutan siya. Maghahanap na lang ako ng bagong trabaho at mangangakong magbabayad sa binigay nilang signing bonus sa akin. Kahit lagyan pa nila ng interes basta ako wala na akong interes magtrabaho pa dito. Hindi ko na yata kayang harapin ang mga taong nakakita sa nakakahiyang bagay na ginawa ko kanina.

Pagkatapos maprint ng resignation letter ko ay pinirmahan ko kaagad ito. Ang aantayin ko na lang ngayon ay ang matapos ang kanilang meeting at maiabot ito kay Jethro. Sino ba naman ang mag-aakala na ganito ang magiging kahihinatnan ng first day ko sa trabaho. At sino ba naman kasi ang mag-aakala na ang lalaking umagaw ng coat ko ay siya ring vice president ng kompanya. Malamang isa na siya sa mga taong kumukumbinse kay Jethro na paalisin na ako sa kompanyang ito. Pero di na niya kailangang gawin yun dahil handang handa na ako. Biglang tumunog ang telepono sa ibabaw ng desk ko at agad kong kinuha ito para sagutin ang tawag.

“Come here in my office, NOW!” sabi ni Jethro at agad binaba ang telepono.

Obvious naman sa boses niya na galit siya sa mga oras na to. Kaya hinanda ko na ang sarili ko sa matinding sermon at saka ko iaabot sa kanya ang resignation letter. Naihanda ko na rin ang mga gamit ko para anytime ay makakalabas ako ng kompanya at hindi na ako mahihirapang maghakot ng mga ito. Buo na ang desisyon ko at handang handa na akong sumabak sa gyera na papasukin ko. Huminga ako ng malalim, nagbadge sa device at saka ko binuksan ang pinto ng office ni Jethro. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nandun rin pala sa loob ng kanyang opisina ang vice president ng kompanya. Nakangiti siya sa akin nang makita niya akong papasok sa loob. Hahayaan kitang magdiwang dahil ibibigay ko rin naman na ang gusto mo.

“Take a seat” mahinahong utos ni Jethro. At naupo naman ako sa harap ng vice president namin. Nang mag-uumpisang magsalita si Jethro ay pinigilan ko siya sa pamamagitan ng pag-abot ko ng resignation letter.

“Sir, magreresign na po ako. I think hindi po ako capable para maging secretary nyo. Pero wag po kayong mag-alala dahil babayaran ko po lahat ng naibigay nyo sa akin.” Mabilis kong sambit at hindi ko alam kong naintindihan ba niya ang mga sinasabi ko.

“At sa tingin mo hahayaan kita?” seryosong tanong ni Jethro.

“Opo, dahil alam nyo naman pong hindi ko magagawa ng maayos ang trabaho ko. Nakita nyo naman at napahiya pa kayo nang dahil sa akin sa harap ng board members ninyo. At hindi ko man lang nagawang makilala ang vice president ng kompanyang to.” Hindi ko magawang tumingin sa mukha ng VP namin dahil sa kahihiyang nararamdaman ko ngayon.

“So imbes na mag-apologize ka at ayusin ang gulo mo ay magkuquit kana?” tanong niya muli.

“Ito lang ang alam kong paraan para hindi na madagdagan pa ang magiging sakit ng ulo ko sa inyo” mahinahon kong sagot.

“No, instead na ayusin mo ang problema ay tatakas ka na lang dito. Imbes na harapin mo ito ay aalis ka na lang at hahayaang may ibang taong mag-ayos nito para sayo.” Halata sa mga mata niya na seryoso siya sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam pero parang may mas malalim pa na kahulugan ang mga sinasabi niya.

“Bakit hindi mo na lang kasi siyang hayaan magresign?” tanong ng VP naming.

“Hindi siya magmamature kung lagi niyang tinatakasan ang responsibility niya” mabilis na tugon ni Jethro. At bigla namang tumawa si Terence, ngayon ko lang naalala ang totoong pangalan niya.

“You sound like a dad” sabi ni Terence at tumawa siyang muli. Tinitigan lang siya ng masama ni Jethro pero parang bale wala lang sa kanya ito.

“Hey, bakit hindi mo na lang kasi siya hayaang mag-resign” pangungulit ni Terence. Gustong gusto na talaga ako nitong mawala sa kompanya. Pero wala naman akong pakialam sa iniisip niya dahil desidido na rin ako na aalis na ako sa kompanyang to.

“Bakit ba gustong gusto mong magresign ang secretary ko?” seryosong tanong ni Jethro.

“Dahil pagnagresign siya sayo ay iti-train ko siya bilang executive-assistant ko” nakangiting sagot ni Terence. Nagulat naman ako sa naging sagot niya. Hindi ko inaasahang sasabihin niya yun dahil sa buong pagkakaalam ko ay ayaw niya sa akin. Mas nagulat naman ako ng tumawa si Jethro.

“Hindi ko hahayaang mangyari yun” biglang naging seryoso muli si Jethro. Ayan na naman siya sa pagiging bipolar niya, kanina lang ang lakas lakas ng tawa niya.

“Bakit hindi natin hayaang siya ang magdesisyon, anong sa tingin mo Eisen?” tanong ni Terence. Napalunok laway ako sa biglang pagbanggit niya sa pangalan ko.

“Ahh-ako?” hindi ako makapag-isip kung anong isasagot ko. Baka pagnagkamali ako ng sagot ay baka kainin akong buhay ni Jethro. Nakapoker face lang ang mukha niya pero ramdam ko sa aura niya na inis na inis na siya sa mga oras na to. Ito namang si Terence ay parang tuwang tuwa sa sitwayson naming nagkakagulo.

Kung pag-iisipan ko nga nang mabuti. Kapag tinanggap ko ang offer ni Terence mas lalaki ang sweldo ko. Makakalaya na ako kay Jethro at mas malaki ang chance na hindi ko na siya makakasalamuha araw-araw. Kaso baka molestiyahin ako nitong Terence nato eh. Kakaiba siya kung tumingin pero mukhang hindi na rin naman ako talo sa kanya. Gwapo, mayaman at mukhang may abs. Pero bakit parang may pumipigil sa akin na huwag iwanan si Jethro kahit na ang sungit sungit niya sa akin. Kahit na laging mainit ang ulo niya sa akin. Kahit na nakalimutan na niya ang pagmamahal niya sa akin. Bakit nandito pa rin ako na para bang tangang nag-aantay ng himala na sana’y bumalik yung dating kami.

“Pu-pwede bang pag-isipan ko muna?” ang tangi kong naisagot.

“NO!” Mariing sabi ni Jethro.

“Sure, sabihin mo samin bukas ang desisyon mo!” masayang sabi ni Terence.

Hindi ko alam kung kanino ako titingin sa kanilang dalawa. Buti na lang at may biglang tumawag kay Jethro kaya lumabas na kaming dalawa ni Terence sa kanyang opisina. Bago pa man ako makabalik sa aking office ay pinaalalahan ako ni Terence tungkol sa kanyang offer. Tanging pagngiti lang ang aking naisagot sa kanya.

Isang oras na lang at matatapos na ang shift ko. Wala rin naman akong utos na nakuha kay Jethro simula nang lumabas ako ng kanyang opisina. Wala akong ginawa kundi tumunganga sa loob ng opisina ko at mag-isip-isip kung ano ba talaga ang gagawin kong desisyon. Nagcheck na lang ako sa facebook. Nagmessage sa akin si Lance na magdadala daw siya ng hopia at siomai. Tinanong niya ako kung anong flavor ba ang gusto ko. Syempre sa hopia custard ang gusto at sa siomai naman ay yung beef. Mabilis akong nakapagreply kaya naman nabili ni Lance ang gusto ko.

Maya-maya lang ay may nagmessage sa akin muli. Akala ko si Lance pero si Hiro pala. Classmate ko siya noong college, siya yung matinong lalaki sa school namin na nanliligaw sa akin hanggang sa ngayon. Ilang beses ko na siyang sinabihan na hanggang friends lang kami pero ewan ko ba at hindi pa rin siya sumusuko. Pasok siya sa checklist ko. Gwapo, mabait at may abs pero alam mo yung hanggang friends lang talaga ang maituturing mo sa kanya. Ewan ko ba sa dinami-rami ng nagkakagusto sa kanya ay ako pa rin itong nililigawan niya. Nagmessage siya sa akin na kung pwede daw ba kaming magkita sa Saturday at nagreply naman ako na “titingnan ko kapag free ako sa araw na yun”. At nagreply lang siya ng smiling emoji.

At ayun na nga naubos ko na ang natitirang oras ko sa kakamessage at scroll sa facebook. Grabe napakawalang hiya ko today. Wala na nga akong nagawang tama ay nagawa ko pang magpifacebook hanggang sa maubos ko ang oras ng trabaho ko. Hindi rin ako nakahingi ng sorry kay Jethro. Haay, siguro bukas na lang kapag nakapagdecide na talaga ako kung ano ng aba ang gagawin ko. Palabas na sana ako ng aking opisina nang biglang may tumawag sa telepono.

“Yes, Hello?” sagot ko.

“Puntahan mo ako sa parking FD” sabi niya at binaba agad ang telepono. May sasabihin pa sana ako sa kanya eh.

Pinuntahan ko na lang siya sa kanyang opisina para kung may gusto man siyang sabihin sa akin ay hindi ko na kakailanganing bumaba pa ng parking area. Pero pagkarating ko sa kanyang opisina ay wala na siya dun. Kaya wala akong choice para bumaba at puntahan siya. Bitbit ang aking mga gamit ay sumakay ako sa elevator patungong parking area. Bago pa man magsara ang elevator ay may biglang humabol at sumabay sa akin sa loob, si Terence.

“Hey Eisen, Nakapag-isip-isip ka na ba?” tanong niya.

“Ahh, hindi pa po” nahihiya kong sagot. Halos hindi ko siya matingnan sa mukha.

“Sure, take your time” sagot niya. Mga ilang Segundo rin ang nagtagal bago ako naglakas loob na magsalita.

“Ahhm.. Sir? Sorry nga pala sa nangyari kanina” nahihiya kong sambit.

“Ahh.. don’t worry wala lang yun sa akin. Actually it’s my fault naman eh. Kinuha ko yung coat na hindi man lang inantay ang approval mo.” Nakangiti niyang sagot.

“Sorry din po Sir at hindi ko kayo nakilala agad” dugtong ko pa. Andami ko talagang pagkakamali ngayong araw.

“I understand naman, it’s your first day right? Saka sinabihan ko na rin naman na si Jethro about dun sa coat mo. Pero ewan ko ba ang kulit talaga ng boss” natatawa niyang sabi.

“Ganun po talaga yun, hindi pa rin nagbabago” napatingin ako sa cellphone ko dahil panay ang vibrate nito. Tawag ng tawag si Jethro. Nakakaloka siya hindi ba siya makapag-antay?

“So magkakilala kayo ni Jethro before?” pag-uusisa niya.

“Medyo” ang tanging naisagot ko.

“So gaano mo siya ka kilala?” at nagtanong pang muli.

“Mahabang kwento po eh” naiilang kong sagot.

“I can drive you home and you can tell me everything” dugtong pa niya. May pagchismoso din pala tong vice president namin.

“Ahh no need po. Walking distance lang dito yung condo ko” sagot ko at buti na lang bumukas ang pinto ng elevator.

“Bye Sir Terence” sabi ko at nagmamadaling lumabas ng elevator. Hindi ko na inantay ang sasabihin pa niya dahil ayokong may makaalam na ex ko si Jethro. Baka maging conflict of interest pa yan sa loob ng office.

Hinanap ko si Jethro sa mga nakaparadang sasakyan sa parking area. At hindi naman ako nabigo nang makita ko siyang nakaparada sa may dulong bahagi ng parking area. Nakasandal siya sa kanyang kotse habang nakakunot ang noo at ang kanyang cellphone ay hawak hawak niya habang nakadikit sa kanang tenga niya. Syempre alam kong ako yung tinatawagan niya dahil parang vibrator na tong cellphone ko at kanina pa nagbavibrate. Nang makita niya ako ay dun niya lang binaba ang phone niya at pinasok sa kanyang bulsa.

“Sorry Sir” pagbati ko.

“What took you so long? At bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?” welcome sa Miss Q & A, hosted by Jethro Jones. Huminga ako ng malalim at sumagot.

“I Be-” natigilan ako sa pagsasalita nang magsalita siya.

“Ahh… never mind. Just get in the car” sabi niya at binuksan niya ang pinto para sa akin. Kahit badtrip siya sa akin ay hindi pa rin pala nawawala ang pagka gentleman niya. Ayokong mag-assume pero kinilig ako dun ng very very very light.

“Eh may pupuntahan po sana ako ngayon eh” pagsisinungaling ko. Gusto ko naman kasing umuwi na kasi nakakapagod isipin yung kahihiyang ginawa ko kanina. Gusto ko na lang munang magmukmok sa bahay at manood ng mga movies sa Netflix. Hindi ako sosyal no, nakikigamit lang kami ng account sa iba.

“Sa susunod na araw mo na lang puntahan yun. Hayaan mo babayaran ko to as O.T. mo” pagkasabi niyang OT ay parang biglang kuminang ang mga mata ko. Noong nakatira pa ako sa mansion nila at halos hindi ko maubos ang perang binibigay nila sa akin, ang halaga ng pera sa akin noon ay balewala lang. Pero ngayong nagtatrabaho na ako at may pinag-aaral pa ako ay malaking bagay sa akin ang bawat sentimo na kinikita ko. So walang ka arte-arteng sumakay ako sa kotse niya.

Jusko po, pagpasok pa lang sa loob ng kotse niya ay parang manlalambot na ako. Sa ilang beses naming nag-usap sa loob ng araw na ito ay ngayon ko pa lang naamoy ang pamatay niyang pabango. Hindi pa rin pala siya nagpapalit ng scent. Grabe, 3 years ago noong kami pa ay madalas sinisiksik ko ang ilong ko sa leeg niya o kaya naman ay niyayakap ko siya habang inaamoy amoy dibdib niya. Don’t tell me na inaakit niya ako? Hindi ako mapakali sa loob ng sasakyan niya dahil pinipigilan ko ang aking sarili na huwag siyang yakapin. Baka mabugbog berna ako kapag ginawa ko yun.

“Are you alright?” tanong niya, napansin niya sigurong hindi ako mapakali.

“Ahh, opo. Medyo naiihi lang” sabay punas ng pawis. Tinapat ko na rin sa akin ang blower ng sasakyan niya.

“We’re almost there” maikli niyang sagot. Ngayon ko lang napansin na hindi na pala siya nakasuot ng coat. At tatlong butones simula sa kanyang leeg pababa ay nakabukas na. At mapapansin mo ang pagtulo ng kanyang pawis mula leeg hanggang sa kanyang dibdib. Jusmiyo para akong bampira na handang handa nang kumagat sa kanyang leeg.

Matindi ang paghawak ko sa aking mga kamay. Para akong nagdadasal nang mataimtim. Jusko po ilayo niyo ako sa tukso. Sa tuwing nalalanghap ko ang kanyang pabango ay mas lalong tumataas ang aking libido. After 3 years ganito na ba ako katigang sa sex? Kung sa bagay sa loob ng tatlong taon na yun ay puro bayis lang ang ginagawa ko sa tuwing aabutan ako ng libog. Inaalala ang mga bawat sandali namin ni Jethro habang pinapaligaya ang sarili. Kaya alam nyo na kung bakit hirap akong mag move on?

Mabuti na lang at nakarating din kami sa isang restaurant dito sa BGC. Kanina pa ako nagpipigil ng kalibugan. Kailangan ko na atang uminom ng diane pill 3x a day para maibsan tong libog na nararamdan ko sa tuwing maaamoy ko ang pabango niya. Hindi ko na siya inantay na pagbuksan ako ng pinto dahil baka yung pantalon niya ang mabuksan ko kapag hindi ko napigilan ang sarili ko. Ang lakas naman ng aircon sa kotse niya eh ewan ko ba at parang kapwa kaming pawisan paglabas ng kotse. Hindi rin naman mainit sa labas dahil makulimlim at parang uulan pa yata. Halos bumakat na nga yung dibdib niya sa puting long sleeve niya na suot suot dahil sa namumuong pawis. TANGINA, parang kailangan ko munang magbanyo para pahupain tong nararamdaman ko.

Nang maituro ng waiter sa amin kung saan nakareserve ang aming table ay nagpaalam ako kay Jethro na pupunta muna ng banyo para magbayis. Pero syempre hindi yun yung pinaalam ko baka samahan niya pa ako sa loob, mahirap na. Pagkarating ko sa loob ng banyo ay agad akong naghilamos ng aking mukha para mahimasmasan. At saka ako nagpunas gamit ng tissue. Pumunta na rin ako sa urinal para umihi, syempre joke ko lang yung pagbabayis. Nasa public place kaya ako baka may makakita pa sa akin at mavideohan. Tapos biglang magvaviral na may caption na “Isang baklang nagjakol, sapul!”. Hindi ko kakayanin yun. Abala ako sa pag-ihi at hindi ko namalayang may tumabi sa akin.

“Ang laki na niyan ahh” sabi ng isang lalaki. Napatingin tuloy ako sa nagsabi.

“Ohhh..shit! Joooshhhhh?” napalakas talaga yung sabi ko at tumawa siya. Nagmadali naman ako sa pag-ihi at saka ko siya niyakap.

“Grabe hindi ka pa nga nakakapaghugas ng kamay eh” sabi ni Josh pagkatapos ko siyang yakapin.

“Wow, ang arte-arte mo na ahh!” ipupunas ko sana sa damit niya yung kamay ko pero napigilan niya agad to.

“Tara, quickie tayo dun sa bakanteng cubicle?” pag-aaya niya habang nakangisi.

“Siraulo!” sagot ko at sabay kaming nagtawanan. Habang naghuhugas ako ng kamay.

Nakakatuwa lang kasi makalipas ang tatlong taon ay para bang walang nangyari at casual na kaming nag-uusap hanggang sa makalabas kami ng banyo. Ang nakakapagtaka lang ay nagbago ang pananamit niya. Naging mas desente siya tingnan ngayon. Habang naglalakad kami patungo sa table kung saan nag-aantay si Jethro ay may biglang kumuha sa aming atensyon. Maririnig mo ang malalakas na hiyawan ng mga babae nang bumukas ang pinto. At may biglang pumasok na lalaking nakasuot ng shades. Jusko po, si Jules ba to?

“Ju-Jules?” hindi ko mapigilang maisambit at saka siya lumingon sa akin.

“Eisen? Is that you?” sabay tanggal ng kanyang shades at lumapit sa akin. Nang makumpirma niya na ako nga talaga ang tumawag sa kanya ay bigla niya akong niyakap nang mahigpit sa harap ng maraming tao. Ang kaninang hiyawan ng mga kababaihan ay biglang nawala ng sandaling yakapin ako ni Jules. Parang nagulat ang lahat at ako rin naman ay nagulat sa kanya. Pero ganito naman talaga si Jules dati pa, wala siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao basta gagawin niya ang gusto niyang gawin.

“Enough, nasasakal mo na yung babe ko!” sabay hila sa akin ni Josh. Tinawag niya ako sa dating endearment niya sa akin. Hindi ko inaasahan yun at hinatak naman ako ni Jules pabalik sa kanya.

“Walang kayo Josh!” mabilis na sagot ni Jules. Humiwalay naman ako sa pagkakaakap ni Jules.

“Hey, hey tigilan niyo nga to!” sabi ko at bigla silang nagtawanan at nag-apir. Doon ko lang napagtanto na pinaglololoko lang pala ako ng dalawang kumag na to. Kelan pa naging close ang dalawang to? Mukhang andaming nagbago simula nang mawala ako sa mansion. Mukhang nagmature na ng husto si Jules at naging close na sila ni Josh.

Sabay-sabay kaming nagtungo sa table kung saan nag-aantay si Jethro. Naabutan naming siyang may hawak na ng menu. Apat lang ang upuan na nakalaan sa table naming at ang dalawang kumag ay nagtabi kaya naman ako ay napilitang maupo katabi si Jethro. Maamoy ko na naman.

“What took you so long?” ang paboritong linya ni Jethro.

“Nag-quick—” hindi na natuloy ni Josh ang sasabihin niya nang apakan ko ang kanyang paa. Alam na alam ko kung ano ang sasabihin niya at hindi yun magugustuhan ni Jethro kaya inunahan ko na siya.

“Ahh nagbawas po kasi ako Sir!” pilit na ngiti ang pinakita ko at si Josh naman ay halos mamilipit sa sakit ng kanyang paa. Buti nga sayo.

Namili na kami ng aming kakainin. Pagkatapos naming makaorder ay kanya-kanya kaming kwentuhan habang nag-aantay ng pagkain. Napag-alaman kong isa ng sikat na artista ngayon si Jules at yung mga babaeng nagtitilian kanina ay mga fans niya. Kasalukuyang abala siya sa paggawa ng kaniyang series. At take note BL series pala ito kaya naintriga ako sa pagkukwento niya. Gumaganap siya bilang lead actor at ang kanyang role ay si Gerald. Pinoy version ni Guhai, oo Filipino version ng sikat na Web series sa china na Addicted. Sana pumili naman sila ng ibang name kaysa sa Gerald. Bigla akong naexcite na mapanood si Jules habang ginagampanan ang role na yun. All time favorite BL series ko kaya ang Addicted kaya kailangan niyang gampanan ng maayos ang pagiging Guhai este Gerald daw pala.

Hulaan nyo kung anong bago kay Josh? Siya lang naman ngayon ang CEO ng Wells Co. Siya ang nagpapalakad ng business ng kanilang family. Buong akala ko noon ay si Jules ang magmamana nito pero wala daw interes sa pagpapatakbo ng business si Jules. At ito namang si Jethro ay gustong magkaroon ng kanyang sariling kompanya. Pero hindi ko alam kung papano napapayag si Josh na siya nag maghawak ng kanilang kompanya. Ayun sa kanila ay busy ngayon sa preparation ng concert si Jean at itong si James naman ay nasa Singapore para magcomete sa DOTA 2 tournament kaya wala sila sa gabing ito. Nang dumating ang aming pagkain ay agad naming inumpisahan ang pagkain nito. Hindi rin namin pinalampas ang pagkakataong magkwentuhan sa mga nakaraan. Si Jethro lang ang naging tahimik sa usapin dahil siguro wala siyang naaalala. Habang kumakain kami ay hindi ko mapigilang magkomento.

“Grabe andami ng nagbago sa inyo. Sino ba naman ang mag-aakala na maging close na kayo sa isa’t isa” sabi ko sabay inom ng wine.

“People change!” mabilis na sagot ni Jules.

“Yep, may isa lang naman dito ang hindi pa rin nagbabago eh” saad ni Josh at nagngingisihan ang dalawang mokong. Nang tingnan ko si Jethro ay nakataas lang ang kilay niya sa dalawa niyang kapatid at hindi nagsasalita.

“Mukhang wala ka namang dinidate ngayon Jethro, bakit hindi mo ayain itong si Eisen?” sabi ni Jules at halos maibuga ko sa harap nila ang kinakain ko.

“Who told you na wala akong kadate?” sagot ni Jethro.

“Bakit meron ba?” tanong naman ni Josh at mukhang pinagkakaisahan talaga nila si Jethro.

“Celestine and I are officially dating” mabilis na sagot ni Jethro. Parang sinampal ako sa mukha nang marinig ko mismo sa kanya ang mga salitang yun. Pero imbes na malungkot ay pilit kong pinakita na masaya ako para sa kanya sa pamamagitan ng pangiti.

“Woah, really? How about you Eisen?” Sabi ni Jules.

“Ah ako? May dinidate rin ako ngayon. Ang pangalan niya ay Hiro, actually magkikita nga kami ulit sa linggo. So far, masaya naman kami. Hehe” pagsisinungaling ko. Sana hindi nila napansin na napaka defensive ng dating ko. Lumingon sakin si Jethro nang sabihin ko yun at ngumiti lang ako sa kanya.

My God, naging ex ko rin naman si Josh at Jules pero bakit hindi ko kayang maging casual kay Jethro at bakit hanggang ngayon ay may feelings pa rin ako sa kanya. Ang pinakamahirap dito ay kailangan kong pekiin ang pangiti ko habang magkasama kami. Ayokong malaman nilang affected ako sa pagdidate nila ni Celestine. Kumpara kay Celestine ay mas bagay naman talaga silang dalawa. Mabibigyan pa siya ng anak nun kahit isang dosena pa ang hingin niya. Nang matapos ang aming pagsasalo ay agad kaming nagpaalam sa isa’t isa.

“Nakuha mo na number ko diba? Kapag hindi mo na matiis si Jethro pwede kang mag-apply sa akin. Dodoblehin ko ang ipapasweldo ko sayo!” pang-aasar ni Josh.

“Sige tatawagan kita bukas” panggagatong ko at tiningnan naman ako ng masama ni Jethro. Ayan ka naman Eisen, naghuhukay ka na naman ng sarili mong libingan.

“Kapag nagsawa ka sa ganyang klaseng trabaho, tawagan mo ako. Pwedeng pwede yang mukha mo sa showbiz” dugtong ni Jules at tinawanan ko lang siya. Wala naman akong interes sa magulong mundo ng showbiz. Masaya na akong maging low-profile na tao.

Naging awkward ang byahe namin pauwi ni Jethro. May kanya-kanyang sasakyan sila Josh at Jules at magkakaiba kami ng daan pauwi kaya kaming dalawa lang ni Jethro ang nasa loob ng kanyang sasakyan. Parang nakainom ako ngayon ng isang banig ng diane. Nawala ang lahat ng pagnanasa ko kanina nang marinig ko mula sa bibig ni Jethro na officially dating na sila ni Celestine. Tama nga siguro si Jules - People Change nga. Kaya kailangan ko na rin sigurong magbago para hindi na nila ako mapag-iwanan kasi mukhang ako na lang ang natrap sa aming nakaraan.

Ang buong akala ko ay ihahatid ako ni Jethro malapit sa kompanya pero heto kami ngayon papasok sa loob ng parking area ng building kung nasaan ang condo unit ko. Binasag ko ang katahimikan nang makapagpark siya sa loob.

“Papano mo nalaman na dito ako nakatira?” tanong ko.

“Nakalimutan mo bang ako ang nagbigay ng unit mo sa iyo? At saka I own this building at dito rin ako nakatira.” Sagot niya. Oo nga pala, kasama sa contract niya ang condo unit na tinitirhan namin ni Lance kaya alam niyang nakatira ako dito. Pero hindi ko inaasahang pagmamay-ari niya rin pala itong building nato.

“Salamat sa dinner at sa paghatid” matipid kong sabi at saka kinuha ang bag kong dala-dala at binuksan ang pinto ng kanyang kotse para lumabas. Pero bago pa man ako makalabas ay pinigilan niya nang hawakan niya ang aking kamay.

“Ba-bakit po?” nauutal kong sambit. Makalipas ang tatlong taon ay ngayon ko lang ulit naramdaman ang paghawak niya sa kamay ko. Parang matutunaw ako sa mga sandaling ito.

“About sa pagreresign mo? Napag-isipan mo na ba?” seryoso niyang tanong. Akala ko naman kung ano.

“Depende sa isasagot mo sa tanong ko” matapang kong sagot.

“Then ask me!” mabilis niyang tugon habang tinititigan niya ako ng mabuti. Sa titig pa lang niya ay parang gusto ko nang iurong ang pagresign. Bakit ka ba ganyan Jethro? Masyado mo akong pinahihirapan.

“Bakit ba gustong gusto mo akong mag-stay bilang secretary mo?” seryosong tanong ko. Tinanggal niya ang kanyang seat belt at saka nagsalita.

“Dahil gusto kita!” halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung nagkamali ako ng pandinig pero bakit? I mean papano niya nasasabi sa akin ang mga bagay na to kung officially dating na sila ni Celestine?

Itutuloy….

A/N: As promised heto na ang update na hinihingi nyo. Mga walang hiya kayo, 35 votes lang hiningi ko ginawa nyong 70 para makonsensya ako at mag-update no? Kung gusto nyo ng update ulit bigyan nyo ako ng 120 votes. Confident ako na hindi nyo marireach agad yan kaya sa weekend na ulit ang update nito unless himalang magvote yung mga silent readers nito.

Anyway hindi tuloy ako nakapag update sa The Curse of Fuentes kiss. Importante yung updates dun kasi magkakaroon ng revealation from the past na connected dito sa Can’t live without you. At tanging sila Lance at Gunter lang ang nakakaalam.

Question lang may mga babae bang nagbabasa ng story ko? Paramdam naman kayo sa comment section gusto ko lang malaman kung meron ba talaga. Yung totoong babae ahh..

Thank you sa mainit na pagtanggap. Please vote and leave a comment as usual!

Love you guys <3

Chapter 4: Double Trouble

Bas as Eisen

Eisen’s POV

Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Jethro. Siguro nga masyadong napapalakas ang pakikinig ko sa mga kanta ni Sarah G. sa Spotify kaya nabibingi na ako. Tama nga ba ang pakakadinig ko? Gusto niya akong maging secretary niya dahil gusto niya ako? Tinitigan kong mabuti ang kanyang mukha kong nagsasabi nga ba siya ng totoo. Parang gusto kong maiyak sa tuwa na hindi ko maipaliwanag ang nadarama ko ngayon. Marahil nagbalik na ang kanyang alaala kaya nasasabi niya ang mga ito.

“Pa-papano si Celestine, di ba sabi mo nagdidate kayo?” kabado kong tanong.

“Yes, we are..” biglang bumitaw ang kanyang kamay sa pagkakahawak sa akin.

“What I mean is gusto kita as my secretary dahil ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko sa kompanya” sabi niya. Parang sinampal ako ni Cardi B. sa mukha nang marinig ko yun. Oo nga naman bakit ba hanggang ngayon asang-asa pa rin ako?

“Ohh I see, sige salamat sa paghatid” bumaba na agad ako ng sasakyan.

“Wait” sabi niya. Pero sinara ko na agad ang pinto ng sasakyan. Ayoko nang makarinig ng kung ano pa man mula sa kanya kasi baka umasa na naman ako sa isang bagay na malanbo namang mangyari.

Buti na lang at hindi na niya ako sinundan pa. Buti na lang at umaayon ang panahon sa nararamdaman ko. Derederecho lang ang elevator simula nang sumakay ako. Kasabay nang pagbukas ko ng pinto ay ang pag-agos ng luha sa aking mga mata. Hanggang kalian pa ba kita iiyakan?

“Kuya nabili ko na yung nirequest mo kanina. Alam mo bang andami naming nakainan do-” natigil sa pagkukwento si Lance nang makita niya akong umiiyak.

“Bakit ka umiiyak? Sinong gago nagpaiyak sayo?” tanong niya.

Hindi ko magawang sagutin ang kanyang tanong kaya niyakap ko na lang siya nang mahigpit. Yakap ang kailangan ko ngayon. Buti na lang at nandito si Lance para ibigay sa akin yun. Ayokong lamunin ako ng kalungkutan. Sa pagkakataong to ay kinakailangan ko ng yakap para maramdamang buhay pa rin ako sa kabila ng mga pinagdaanan ko.

Pagkatapos kong huminahon ay hindi na rin pa ako kinulit ni Lance kung ano nga ba ang dahilan ng pag-iyak ko. Hindi ko nga alam kung bakit siya nagso-sorry sa akin. Pinili ko na lang mag-stay sa kwarto ko at ipagpatuloy ang pagdadrama. Alam mo yung nagseself-pity ka na parang bang ampon ka lang, pinagkait sayo ang magandang kapalaran, di ka mahal ng nanay mo feels? Ganun ako ka OA ngayon. Kasi gusto kong iiyak lahat lahat ng nararamdaman ko sa mga nakalipas na taon. Gusto ko bukas wala na akong luhang iiyak pa. Gusto ko bukas ay makakaya ko na siyang harapin bilang bagong ako dahil parang ako na lang itong hindi nagbabago.

Para mas maging emotional ang pag-iinarte ko ay sinabayan ko to ng malupit na tugtugan. Syempre playlist ko ngayon ay Sarah G. kaya simulan natin sa

How could you say you love me

. Andami kasing katanungan sa aking isipan na nangangailangan ng kasagutan. Ano daw? Seryoso, papano niya nasabing mahal niya ako? Kasabay ng pagkawala ng kanyang alaala, nawala na rin ang kanyang pagmamahal? Ang alam ko kasi ang utak ay nakakalimot pero hindi ang sinasabi ng puso. Sundan pa natin ng

Paano ba ang magmahal

. Paano nga ba ang magmahal? May rules and regulations ba to na dapat sundin? Ano nga ba ang tamang formula para lumigaya? Kung palagi ka na lang iiyak, kung palagi na lang hindi maaari, kung palagi ka na lang nasasaktan. Papano kapa magmamahal ulit? Isa pa tong

Misteryo

, sino nga ba ang may kasalanan? Ang taong nagpadama na para bang may pagtingin siya sayo o yung taong nahulog na alam naman niyang hindi naman siya sasaluhin nito. Nakakahilo, nakakalito at nakakapagod isipin ang isang bagay na nananatili paring palaisipan. Huling hirit na tong

Isa pang araw

. Sabi nga sa kanta. “Kulang na kulang ang panahon, di sapat ang meron tayo ngayon”. Totoo, totoo na kulang ang bawat sandali kapag hindi mo siya kasama. Kulang ang mga araw kapag hindi mo siya nakikita. Kulang na kulang na para bang gusto kong manghingi pa ng isa pang pagkakataon para makasama siya kahit isang araw lang sa nakaraan. Kahit isang araw lang na maramdaman ang pagmamahal niya. Kahit isang araw lang na ramdam mo na sayo siya at ikaw ay sa kanya.

<>

Ang aga ko nagising dahil hindi rin naman ako nakatulog ng maayos kakaisip at kakaemote kagabi. Walang hiya to si Sarah G. ang lakas makatrigger ng feelings. Nagtaka nga rin sa akin si Lance dahil mas nauna pa ako sa kanyang magising at nagawa ko pang maghanda ng almusal. Dahil sa pamamaga ng mga mata ko ay kinailangan ko pang gumamit ng concealer para matakpan ito. Kaso parang hindi pumapantay sa mukha ko kaya nakapaglagay tuloy ako ng BB cream sa mukha. Para hindi naman ako maputalang tingnan ay naglagay na rin ako ng liptint. Konting ayos ng bangs at ayun nagmukha na naman akong KPOP Idol na magpeperform sa isang music awards.

Matagal-tagal na rin nang hindi ako nag-aayos. For emergency lang talaga yang paglalagay ko ng kolorete sa mukha. Kapag may pasa o kaya eye-bags saka ako naglalagay para matakpan. Mas gusto ko pa rin ang natural kong hitsura. Pagkatapos kong makapag-ayos ay buong loob kong tinungo ang kompanyang pinagtatragabuhan ko ngayon. Nakapagdesisyon na rin ako kung mananatili pa ba ako o hindi.

Masaya kong binati ang mga guards na una ring nakapansin sa akin. Nakipagbatian sa mga executives na nakakasalubong ko sa hallway. Nagtataka pero nakangiti pa rin ako sa mga taong nakakasalubong ko na tila ba’y ako ang pinag-uusapan nila. Sa ngayon ay mas pagtuunan ko ng pansin kung papano ko mapapabuti ang aking sarili kaysa pagtuunan ang mga bagay na sinasabi ng iba sa akin. Pagkatapos kong maayos ang mga gamit ko sa aking office ay dumiretso kaagad ako sa opisina ni Jethro. Hindi na ako magtatakang nandun na agad siya dahil dati pa lang ay alam ko na napaka workaholic niya.

“Good morning Sir” masaya kong bati. Mukhang nagulat naman siya sa pagbati ko sa kanya.

“Oohh. Good morning.” Sagot niya.

“I decided to stay. Because I need this Job and I think this company will help me to imp-” di pa nga tapos yung google quote ko nang magsalita siya.

“Okay, okay I get it. I am really busy right now. So please fix my schedule today” pakiusap niya.

“You have an appointment with Mr. Borromeo at 9 am. Client visit at 10:15 am. Conference call at 1:30 pm. Na reschedule ko na rin ang appointment nyo with Mr. Alfonso tomorrow morning dahil may important meeting kayo Ms. Celestine Cua after ng Conference Call nyo.” Hindi niya inakalang magagawa ko kaagad yun.

“Okay, just give me a coffee please” naiilang niyang sabi. Ano bang akala niya affected pa rin ako kay Celestine? Magsama sila.

“Sure, Brewed-coffee, no creamer with less sugar” sabi ko habang nakangiti sa kanya.

“Paano mo naman nalaman yan?” pagtataka niya.

“Because I’m your secretary” nakangiti kong sagot at saka ako naglakad papalabas ng kanyang opisina. Nakalimutan kong sabihin na hindi niya lang ako secretary, naging ex niya din ako kaya alam ko kung anong timpla ng kape ang madalas niyang iniinom.

Nang maihatid ko sa kanya ang kanyang kape ay lumabas din ako kaagad para gawin ang iba ko pang trabaho. Hindi pala biro ang maging secretary ng isang CEO. Andami kong tawag na narereceive sa ibang tao. Sa akin kasi muna dadaan lahat ng mga cold contacts bago ko ipasa ito kay Jethro kapag nakompirma kong legitimate ito.

Nang matapos akong gawin ang schedule ni Jethro para sa mga susunod na araw ay naisipan kong magbasa ng news. Laking gulat ko nang makita ko ang aking mukha sa balita na kasama si Jules habang yakap-yakap niya ako sa restaurant kagabi. Ayon sa article ay galit na galit daw ang mga fans ni Jules sa akin dahil sa pakikipagkita ko daw sa kanya. Papano na lang daw ang namumuong relasyon kuno ng katambalan niya sa kanilang BL series. Naiinitindihan ko naman na medyo hype ang mga fans sa BL Community pero sabihan nila akong malandi? Hello, si Jules kaya ang yumakap sa akin. Kaya siguro may mga tao kaninang pinag-uusapan ako dahil siguro sa balitang to.

Hindi ako mapakali kaya nagresearch pa ako lalo tungkol sa kaloveteam ni Jules. Hinanap ko kaagad ang name niya. Dustin Bautista. Tiningnan ko ang iba’t ibang larawan niya sa google. Pamilyar siya sa akin eh, wait hindi ko maalala kung saan kami nagkita before. Patuloy ang pagkilatis sa kanya. Napag-alaman kong baguhan pa lamang itong si Dustin sa showbiz pero magaling na siyang umakting. Kahit na 5 episodes pa lang ang naipapalabas nila ay malakas na ang hatak ng tandem nila sa loob at labas ng pinas. Hindi ko mapigilang mapa-wow sa dami ng followers nila sa social media. Pagcheck ko nga ng facebook messenger ko ay ang dami kong message request na puro sa fans nila galing. Ang daming may galit sa akin ngayon nakakaloka. Wala akong choice kundi mag-deactivate muna ng account dahil ang lakas maka-toxic ng mga messages nila. Sa inis ko ay agad kong tinawagan si Jules.

“JULES ANONG IBIG SABIHIN NG MGA NASA BALITA!!!” pasigaw kong sambit.

“Sorry, sorry, sorry… hindi ko aakalaing mamasamain nila yung pagkikita natin kahapon. Don’t worry inaayos na ng management ko ang statement tungkol sa pictures natin at nagpost na rin ako sa twitter at facebook tungkol sa ating dalawa.” Pagpapaliwanag niya.

“Eh anong sinabi mo?” tanong ko naman habang nagkakamot ulo.

“Sinabi ko na ex kita tapos nagkita lang tayo kasama ng mga kapatid ko” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

“Siraulo, seryoso ka?” gulat kong tanong.

“Hindi biro lang, ito naman hindi mo pa rin ba ako inaadd sa facebook or pina follow man lang sa twitter at Instagram?” tanong niya.

“Ayokong dumagdag sa 1.2 milyon followers mo sa IG. At nagdeactivate na ako, salamat sa mga sweet messages ng mga fans mo” sarkastiko kong sagot.

“Sorry, promise babawi ako. For now, hayaan mo akong mag-ayos nito” sambit niya. Huminga ako ng malalim bago magsalita.

“Siguraduhin mo lang, baka bukas niyan nasa pasig river na ako dahil sa mga banta ng fans mo!” naiinis kong sambit.

“Grabe ka naman.. basta akong bahala wag kang mag-alala” sagot niya.

“Ohh siya may busy ako ngayon dapat bukas okay na yan ahh.. kundi susugurin talaga kita” sagot ko habang tumitingin ng oras, nagsisimula na siguro ngayon ang conference call ni Jethro.

“Kunwaring naiinis, namiss mo lang ako eh kaya ka napatawag” pang-aasar niya.

“Mukha mo!” tugon ko.

“Bakit si Jethro pa din ba?” biglang naging seryoso ang tono ng boses niya.

“Ewan, ba-bye” sabay end ng call.

Hindi ko inaasahang itatanong niya sa akin yun. Ewan ko rin kung bakit hindi ko kaagad nasagot ang tanong niya at kailangan ko pa siyang babaan. Nangako ako sa sarili ko na magbabago na ako ngayon. Kung masaya na siya sa piling ng iba ay dapat maging masaya na rin ako para sa kanya. Dapat maghanap na rin ako ng ibang tao na magpapasaya sa akin. Sagutin ko na kaya si Hiro? Ang tagal na rin niyang nanliligaw sa akin pero hindi ko talaga nakikita ang sarili ko na kasama siya. Haay..

Habang hinahanda ko ang documents na pinapaprint ni Jethro kanina ay nagbubura ako ng mga search history sa computer ko. Baka sabihin pa nila na kung ano ano pa ang sinisearch ko habang nagtatrabaho. Tapos bigla ko na lang naalala kung saan ko nakita si Dustin. Siya yung estudyanteng nagconfess kay Jules. OMG, siya nga!! Siya yung may hawak ng regalo pero hindi tinggap ni Jules ang regalo dahil ayaw niyang magselos ako. Sino ba naman ang mag-aakala na pagtatagpuin silang muli bilang magkalove team sa isang BL Series. Naaalala kaya siya ni Jules?

11:45 na nakabalik si Jethro sa kanyang opisina. Inabot ko lahat ng mga files na kinakailangan niya para sa mga susunod niya meetings. Kasama niya rin ang VP namin at mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan. Natigil lang ang pag-uusap nila ng sumapit ang lunch break.

“May kailangan pa po kayo Sir?” tanong ko kay Jethro.

“Wala na, you can now take your lunch break” matipid niyang sagot. Lalabas na sana ako nang ayain ako ni Terence.

“San ka maglalunch Eisen?” tanong niya.

“Uuwi sana ako ng condo para doon kumain kasi mas makakatipid pag nagluto na lang ako” sagot ko.

“Pwedeng sumama? Namimiss ko na ring kumain ng lutong bahay eh” tanong ni Terence.

“Ahh ehh nakakahiya naman po hindi naman po ako magaling magluto” seryoso hindi naman talaga ako magaling magluto. Mas magaling pa nga magluto sa akin si Lance eh kahit na anak mayaman yun.

“Okay lang hindi naman ako mapili sa pagkain, as long as hindi mo ako lalasunin. Okay lang!” sabay tawa niya.

“Si-sige po” hindi na ako makatanggi sa kanya kaya pumayag na din ako.

Pagkalabas namin ng opisina ni Jethro ay dumirecho agad kami sa elevator para makababa ng building. Bago magsara ang pinto ng elevator ay biglang humabol si Jethro.

“Nagmamadali ka ata masyado? Excited ka ba sa lunch nyo ni Celestine?” natatawang tanong ni Terence. Tumingin sakin si Jethro at nagpoker face lang ako.

“Hindi. Hindi na tuloy ang lunch namin. That’s why I’m coming with you” sagot niya na ikinagulat ko.

“Wait, gusto mo rin matikman ang luto ng secretary mo? Kung gusto mo dadalhan ka na lang namin mamaya sa office mo? Di ba Eisen” lalo pa akong ginipit ng Terence na to.

“Shu-sure” naiilang kong sagot. Sapian sana ako ng magaling na chef ngayon.

“Hindi, pupunta lang ako dun para i-check ang condo niya. Kung maayos ba ang naibigay sa kanya ng kompanya” sagot ni Jethro.

“Ang bait mo naman pala sa secretary mo para i-check mo pa ang condo niya” natatawang sagot ni Terence. Hindi naman na nagsalita si Jethro kaya nanahimik lang din ako.

Ang bigat ng paghinga ko dahil ang awkward ng sitwasyon naming tatlo ngayon sa loob ng elevator. Buti na lang at tumunog na ang elevator na naging hudyat para malaman naming nasa ground floor na kami. Hindi naman malayo sa kompanya ang condo. Siguro mga 3-5 minutes lang na lakad. Ang inaalala ko ay itong dalawang nakasuot pa ng coat habang naglalakad sa tirik na araw ng katanghalian. Iniwan ko na kasi ang coat ko sa loob ng office ko dahil alam kong magiging mainit ang paglalakad ko pauwi ng condo.

Pagkarating namin sa loob ng condo ay muli kaming sumakay ng elevator. Bago magsara ang elevator ay biglang may humabol na grupo ng mga kabataan. Nasa isang dosena silang pumasok ng elevator kaya nagkakagitgitan sa loob ng elevator. Wala akong choice kundi mapaatras sa likod napahinto lang ako ng may masagi ako. Kaagad akong nagsorry, pero nang lingunin ko ito ay saka ko nalamang si Jethro pala ang nasa likuran ko. Hindi ako makalipat ng pwesto dahil ang sikip ng elevator. Pagkarating naming ng 3rd floor ay may sumakay pang dalawa kaya lalong sumikip ang elevator. Nagtataka ako kung bakit hindi tumutunog ang elevator kasi 15 lang ang capacity nito at nasa 16 na kami ngayon. Sa sobrang siksikan ay nakadikit na ang likuran ko sa dibdib ni Jethro. Heto na naman yung pabango niya na nagpapabaliw sa akin. Tapos may kakaibang bagay pa akong nararamdaman sa bandang pwetan ko. Hindi ito maaari, hirap na hirap na akong huminga. Nararamdaman ko pa ang paghinga niya sa aking batok. 7th, 8th, hanggang sa dumating ang 10th floor ay nagmamadali akong lumabas ng elevator.

Inaya ko silang pumasok sa loob ng condo ko. Naunang pumasok si Terence at saka sumunod si Jethro na tumatagaktak ang pawis. Muntik na akong mapamura nang makita ko ang bukol ng kanyang ano. Huwag mong sabihing yan yung nararamdaman ko kanina. Mukha yatang lumaki ang sa kanya makalipas lang ng ilang taon. Susme, kailangan kong paglabanan ang tukso. Mabuti na lang at nandito si Terence kahit papano ay walang mangyayaring kakaiba sa loob ng condo ko.

Habang naghahanda ako ng aking lulutuin ay hinayaan ko silang maupo sa couch habang nanonood ng game replay ng basketball sa tv. Hindi naman ganun kalaki ang condo na to pero hindi mo rin masasabing masikip sa loob. Kumbaga well divided ang bawat parte ng room. Nasa kitchen area ako at tanaw na tanaw ko sila habang nagpiprepare ako ng mga ingredients ng tinolang lulutuin ko. Ang pwesto ng tv ay nakatalikod sa akin, kumbaga parang nakaharap lang sila sa akin habang nanonood ng laro. Maya-maya pa ay nagreklamo si Terence na medyo mainit kaya pinalakasan ko ang aircon. Pero mukhang naiinitan pa rin siya kaya nagtanggal na siya ng coat at binuksan na niya ang lahat ng butones ng kanyang polo. Doon ko nakita ang nangingintab niyang dibdib at abs. Napakuha tuloy ako ng pitsel ng tubig mula sa ref at isinalin ito sa baso at saka tinungga. Pakiramdam ko ay uhaw na uhaw ako ng mga sandaling iyon. Ito namang si Jethro ay hindi nagpahuli, hinubad niya rin ang coat niya at saka niya hinubad pati ang polo niya. As in topless na siya ngayon. Kumpara kay Terence mas maganda talaga ang katawan ni Jethro na may bakas pa ng pawis. Hindi ko kinayang makita siya ng ganun kaya napainom ako ng tubig muli. Hindi ko na sinalin sa baso, tinungga ko na mismo ang tubig sa loob ng pitsel.

Madaliang pagluto lang ginawa ko kaya medyo matigas tigas pa ang sayote na ginamit para sa tinola. Pero mas gusto ko talaga ang gulay kapag half-cook ito. Bahala na silang mag-adjust, sila lang naman itong nakikikain. So ayun sabay kaming kumaing tatlo. Hindi ko sila matingnan sa mukha habang kumakain dahil ang awkward tingnan. Lalong lalo na si Jethro na nakatopless lang ngayon. Konti pa lang nakakain ko pero pakiramdam ko ay nabubusog na agad ako. Ang pinakamadaldal sa aming tatlo ay si Terence. Hindi mo talaga siya mapagkakamalang vice president ng kompanya dahil ang dali niya lang pakisamahan. Wala rin sa aura niya yung may pagka-bossy.

Nang matapos kaming kumain ay nag-aya na rin si Terence na bumalik sa opisina. Pero gusto munang manatili ni Jethro dahil hindi pa daw niya nachicheck ang condo. Dahil may meeting si Terence ng 1:30 ay agad siyang nagpaalam para mauna na. Pinaalala ko rin kay Jethro na may conference call siya ng 1:30 pero sinabi niyang nacancel na daw yun. So ayun nag-stay na lang din ako sa loob, alangan namang iwanan ko siya dito sa loob ng condo mag-isa. Nagsimula na siyang magcheck sa loob ng condo. Take note nakatopless lang siya habang naglilibot. Nanatili na lang ako sa couch habang inaantay siya dahil baka hindi ako makapagpigil. Hindi ko mapigilan ang sarili kong manggigil sa tuwing nakikita ko ang mga abs niya. Damn, damn, damn. Magtigil ka nga Eisen. Boss mo na siya at hindi na siya yung dating Jethro na boyfriend mo. Narinig ko na lang na tinawag niya ako mula sa banyo kaya lumapit naman kaagad ako.

“Anong gagawin ko dito?” tanong ko nang iaabot niya sa akin ang mga susi niya.

“Ikuha mo ako ng bagong slacks at longsleeve pati na rin bagong under wear” kaswal niyang sambit.

“Haaa bakit po?” tanong ko. Binuksan niya ng mabuti ang pinto ng banyo.

“Nabasa ako ng shower habang chinicheck ko ito” sagot niya.

“Malamang mababasa ka talaga kap-” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang simulan niyang hubarin ang slacks niya at ang putting brief na lang niya ang natitira.

“Ah anong room at floor po?” sabay talikod. Jusmee… konting konti na lang talaga at hindi ko na mapipigilan ang sarili ko.

“Same floor, room J107” sagot niya.

Magkaparehas lang pala kami ng floor at tatlong rooms lang ang pagitan namin sa isa’t isa. Kasi room J104 ang sa akin. Nagmamadali akong pumunta sa loob ng kanyang kwarto para kunin ang mga damit na kinakailangan niya. Napansin ko na may nakataob na picture frame sa ibabaw ng kanyang kama. Dadamputin ko sana ito para tingnan pero bigla na lang sumulpot sa likuran ko si Jethro.

“What took you so long?” ang pamoso niyang linya. Actually natagalan ako kakahanap ng underwear niya.

“Sorry, heto na po yung pinapakuha niyo” imbes na abutin niya yung binigay ko ay mas inuna niyang kinuha ang picture frame na nasa ibabaw ng kanyang kama at saka nilagay ito sa loob ng drawer malapit sa kama niya. Siguro picture yun ng babae niya kaya ayaw niyang makita ko.

Inabot kong muli sa kanya ang mga damit na kailangan niya. Nagpaalam na rin ako na mauuna nang bumalik sa kompanya. Ngunit pag-atras ko ay may natabig ako kaya na-outbalance ako. Bago pa man ako matumba ay nagawang masapo ni Jethro ang ulo ko. Nakahiga ako sa sahig habang nasa ibabaw ko si Jethro at ang kanyang kamay ay nakasapo sa ulo ko. Sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin at halos magkadikit na ang aming ilong. Iniwas ko ang aking mukha at saka tumayo. Saka ko lang napansin na natganggal pala ang tuwalyang nakasaplot sa kanyang baywang ng sapuhin niya ako. Nataranta ako kaya lumabas na ako ng condo niya at bumalik sa kompanya na wala sa sarili.

Napakawalang kwenta kong secretary at bigla ko na lang iniwan ang boss ko ng ganun. Pero kung hindi ko piniling umalis ay baka kung saan na humantong ang nangyari kanina sa loob ng kanyang condo. Makalipas ang kalahating oras ay pinatawag ako ni Jethro dahil may ipapagawa raw siya sa akin. Alam ko namang pagagalitan lang niya ako sa inasal ko kanina kaya hinanda ko na agad ang sarili ko. Pagpasok ko sa kanyang office ay naabutan kong hawak hawak ni Celestine ang kamay niya.

“Ano ba kasing pinaggagawa mo?” tanong ni Celestine habang hawak-hawak ang kamay ni Jethro na may benda. Yun yung kamay na pinansalo niya sa akin. Nasaktan pala siya ng dahil sa akin.

“Gumawa ka ng letter of prosal para kay Mr. Arthrine. I can’t do it right now dahil sa kamay ko” inangat niya yung kamay na may benda. Magsosorry na sana ako pero tuloy pa rin ang landian nila ni Celestine. Kaya hinayaan ko na lang siya sa loob ng office niya at umalis para gawin ang pinapagawa niya.

Hindi naman urgent yung pagpapagawa niya kaya tinapos ko muna ang iba kong trabaho at balak ko na lang iabot to bago ako mag-out. Nang matapos kong gawin ang lahat ng trabaho ko ay agad kong sinunod ang pinapagawa niya sa akin. Mabilis kong natapos ito at hindi ko inaasahang magtatapos na rin pala ang shift ko ngayon araw kaya minabuti kong dumaan sa kanyang office para iabot ito.

Pagkarating ko sa kanyang office ay naabutan ko siyang nakaupo habang nakapatong ang kanyang paa sa ibabaw ng desk habang may kausap sa phone. Nilapag ko ang mga files sa ibabaw ng desk nya at dun niya lang ako napansing pumasok sa opisina niya. Nagbihis ba siya ulit? Bakit bago na naman ang suot niyang long sleeve. Kung sabagay galing pala si Celestine dito sa loob ng office niya. Malamang, hay naku ayoko ng ituloy ma-iistress lang ako.

“Sorry nga po pala sa nangyari sa kamay nyo” sabi ko.

“Haa.. Okay lang naman ang kamay ko ah” sagot niya. Nagulat ako sa pananalita niya kasi parang may kakaiba sa way ng pagsalita niya.

“Eh di ba kanina may benda yang kamay nyo?” tanong ko.

“Ahhh.. yun ba? Wag mo na isipin yun” biglang nanlaki ang mata niya nang titigan niya ako nang mabuti.

“Ikaw ngaaa!” sabi niya at bigla siyang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang aking pisngi. Inamoy ang aking buhok. Hinawakan ang aking labi.

“Ikaw nga, Eisen? Ikaw nga si Eisen? Tamaa?” gulat na gulat niyang tanong. Sa sandaling yun ay parang alam ko na kung ano ang nangyayari. Bumalik na nga ba ang ala-ala niya.

“Oo ako nga to, Jethro” hindi ko mapigilang mapaluha sa tuwa.

Pinunasan niya ang aking luha gamit ang kanyang hinlalaki habang nakangiti sa akin ng sobrang tamis. Matagal ko nang inaantay ang mga sandaling ito. Ang sandaling maaalala niya ako. Bilang ako na si Eisen na minsang minahal niya. Hindi ko mapigilan ang aking sarili kaya niyakap ko siya nang mahigpit.

Itutuloy……

A/N: Wala akong masyadong masabi sa update na to. Basta magiging kaabang abang ang next chapter. Alam kong ang iba sa inyo ay may hint na sa kwento pero syempre hindi ko hahayaang malaman nyo agad ang twist ng story kaya forbidden pa rin ang POV ni Jethro. (Evil laugh)

Thank you sa pagrespond sa question ko. Mga certified fujushiis ito: -mariedethdacut -MaeDarong -ChaelaMargoux -anne_2017

And special mention kay -Yumekumi na palaging nagkocomment sa bawat chapter ng story simula LWMSB hanggang dito.

(Hindi ko magamit ang ‘@’ nagkoclose ang wattpad)

I’ll na makapag update as soon as I can. Magiging mas busy ako simula ngayong week dahil may practice kami after shift ng sayaw. May competition kasi kaming sasalihan sa Sep. 30. Kaya sorry na agad pag na delay.

Please VOTE and let me know your thoughts in the comment section. Thank you <3

Chapter 5: Kiss me gently

David as Alexandre and Shaira as Grace

Eisen’s POV

Ang tagal na ng huli ko siyang nayakap ng ganito. Ang tagal ko ring pinangarap na dumating ang pagkakataong muli niya akong maalala. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa pagkakataong ito. Hindi ko napigilan ang aking sarili kaya naman hinawakan ko ang kanyang ulo para ilapit ang kanyang mukha sa akin para siya ay mahalikan pero nang magdikit ang aming mga labi ay may biglang nagsalita.

“What the fuck” rinig kong sabi at nang humarap ako sa taong yun ay halos mahulog ang panga ko nang makita ko ang isa pang kamukha ni Jethro. No, siya talaga si Jethro dahil nasa kamay niya parin yung benda. Kung hindi si Jethro ang hinalikan ko, sino tong lalaking ito? OMG, wag mong sabihing ito si Alexandre? Napaatras ako sa pagkakaap niya.

“A-alexandre?” tanong ko. Tapos tumango siya at ngumiti.

“Anong ginagawa mo sa secretary ko Alex?” inis na tanong ni Jethro pero yung titig niya ay nasa akin na halos lusawin niya ako sa mga tingin niya.

“Nakakatuwa pa lang magpanggap na ikaw. Walang nakakahalata na ako ang kakambal mo. Binati pa nga ako ng mga staffs mo sa baba” natatawa niyang sabi.

“Stop fooling around, what are you doing here?” nakatingin na siya kay Alex ngayon pero yung tingin niya ay galit pa din. Pakiramdam ko ay mateterminate na ako ngayong araw dahil nahuli niya akong hinahalikan ang kanyang kakambal.

“Gusto ko lang sanang kamustahin ka and then bigla kong nakita ang trending guy na di umano’y boyfriend ni Jules” nagqoute action pa siya sa word na boyfriend.

“Bakit di mo na sabihin yung totoo mong pakay?” muling tanong ni Jethro. Lumapit sa kanya si Alex at umakbay. Pagpinagtabi mo silang dalawa ay halos hindi mo masasabi ang pinagkaiba sa mukha nila. Sa pananamit, pagkilos at pagsasalita mo lang mapupuna ang pinagkaiba nila. Bakit hindi ko kaagad napansin yun? Siguro masyado akong nasabik na nagbalik ang kanyang alaala.

“Gusto ko sanang ikaw ang maging producer ng series na gagawin namin” nakangiti niyang sabi. Parang may pagka- Happy-go-lucky itong si Alexandre samantalang si Jethro ay napakaseryosong tao.

“Not interested” tipid na sagot ni Jethro.

“Whoa, bakit naman. Hindi mo pa nga nalalaman yung nilalaman ng story eh” mabilis na sagot ni Alexandre.

“The last time na inalok mo akong maging producer ng film mo ay naging flop lang ito at hindi rin bumalik sa akin yung perang nilaan ko para sa movie mo” sagot ni Jethro pero hindi pa rin tumigil sa pangungulit itong si Alexandre.

“Look, this time I’ll make sure na kikita ka dito at magiging hit ito hindi lang sa pinas pati na rin sa ibang bansa” pagpupumilit ni Alexandre.

“Really?” sagot ni Jethro habang nakangiting sarkastiko.

“Yes this time it’ll be different” pagkukwento niya na medyo may pagka exaggerated dahil ginagamitan niya pa ng hand gestures.

“Tell me” tipid na sagot ni Jethro na parang nakikinig ng boring story.

“It’ll be different because this time makakasama ko ang secretary mo as my partner in the story” sagot ni Alexandre. Nagulat ako nang sabihin niyang makakasama niya ako sa story na tinutukoy niya.

“Wait what?” tinanggal ni Jethro ang kamay na nakaakbay sa kanyang balikat at hinarap si Alexandre.

“Hear me out okay? The story is about Sidapa and Bulan from Philippine Mythology. We-” hindi pa tapos magsalita si Alexandre nang magsalitang muli si Jethro.

“Akala ko ba ayaw mong gumawa ng mga movies na makakapartner mo ang isang lalaki” tumingin pa talaga sa akin si Jethro para idiin yung salitang lalaki.

Oo na wala akong puke, bilat, kipay, pechay… masaya na? masaya na? Hindi ko mapigilang mainis sa loob-loob ko.

“Yun din ang akala ko. Pero nang makita ko siya at nang halikan niya ako ay masasabi kong kaya ko pala” jusko po pinaalala na naman niya yung paghalik. Kumunot na naman ang noo ni Jethro at napahawak na lang ako sa ulo ko.

“Tell me, nababakla ka na ba?” inis na tanong ni Jethro.

“The hell no! It’s just a kiss dude.” Mabilis na pagtanggi ni Jethro.

“Eh bakit hindi mo tinanggap ang mga offer sayo before na may kissing scene with a man?” tanong ni Jethro.

“He’s an exception. I can only kiss him.” Sagot ni Alexandre sabay kindat sa akin.

“And the reason is?” naiinis na tanong ni Jethro. Lumapit sa akin si Alexandre at inakbayan niya ako.

“Look, he looks prettier than my current love-team Grace. And hindi ako naiilang sa kanya” sabay pisil sa mukha ko. Tinabig ko naman ang kanyang kamay para tigilan ito.

“For sure magiging click ang tandem namin at mahihigitan ko pa ang popularity ni Jules sa pagiging BL actor niya” dugtong pa niya.

“Sorry, pero hindi ko pinamimigay ang secretary ko” hinawakan ni Jethro ang kamay ko at hinila papunta sa kanya pero bago pa man ako makalapit sa kanya ay hinawakan naman ni Alexandre ang kamay kaliwang kamay ko.

“Hindi naman ikaw ang magdedecide niyan kundi siya” nakangiting sagot ni Alexandre.

“Pumirma siya ng 3 years contract sa akin” pilit na ngiti ni Jethro na halatang naiinis na.

“Bakit hindi mo muna ipahiram sa akin ang secretary mo, ito na yung huling pakiusap ko sayo” naging seryoso na ang mukha ni Alexandre at hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko.

“No, you can’t have him. Not this time!” sagot ni Jethro habang humihigpit ang kapit niya sa kamay ko.

“Why?” tanong ni Alexandre.

“You’re just going to use him!” hinatak ako ni papunta sa kanya at nabitawan ni Alexandre ang kamay ko. Sa lakas ng pagkakahatak niya ay nasubsob ang mukha ko sa kanyang dibdib. Ang sakit ng ilong ko dun. Nagulat pa ako nang maramdaman ko ang kanyang kamay sa aking likod na bahagyang nakaakap sa akin.

“Bakit ginagamit mo lang rin naman sya eh” rinig kong sagot ni Alexandre.

“Enough!” sagot ni Jethro. Nanatili pa rin akong hindi gumagalaw habang ini enjoy ang pagkakasubsob ng mukha ko sa dibdib niya.

“So totoo nga ang mga sinasabi ni Jules at Josh” natatawang sabi ni Alexandre. Naging palaisipan sa akin kung ano ang tinutukoy niya.

“SHUT UP!” bulyaw ni Jethro sa kanya.

“Fine, fine, fine” natatawang sambit ni Alexandre.

Tumingala ako para makita ang reaksyon ni Jethro pero nang pagtingala ko ay saktong nakatingin din siya sa akin na para bang hindi makapaniwala sa ginagawa niya. Bumitaw siya sa pagkakaakap sa akin at ako naman ay napaatras. Di ko magawang titigan siya sa mata kaya nanatiling nasa sahig ang aking paningin.

“Ahm.. andiyan na po pala yung proposal na pinapagawa nyo. Aalis na po ako” nagmamadali kong tinungo ang pinto. Pagkabukas ko nito ay tinawag niya pa akong muli pero hindi ko na siya nilingon pa na kunwari’y wala akong narinig. Kapag nilingon ko pa siya ay malamang makakarinig ako ng matinding sermon sa kanya. Sobrang nakakahiya ang ginawa ko kanina parang hindi ko na mahaharap si Jethro dahil sa tuwing titingin ako sa kanya ay nagiguilty ako sa ginawa ko. Wait, bakit nga ba ako magiguilty sa ginawa ko? kung siya nga ay nagagawa niyang makipaglandian kay Celestine. Bahala na nga siya basta wala akong ginawang masama sa kanya.

Pagkauwi ko ay agad akong naging abala sa pagluluto imbes na magpahinga. Gusto kong maging abala ang aking isipan para hindi ko na maalala ang mga nangyari kanina. Nagluto ako ng adobong sitaw, prinitong dahoon ng kangkong na nilublob sa binateng itlog at chopsuey. Go green ako ngayon, ewan ko ba dalawa lang naman kaming kakain ni Lance pero andami kong niluto. Mabuti natapos ko na lahat ng niluluto ko nang dumating si Lance.

“Maghugas kana ng kamay mo dahil kakain na tayo” ang naging bati ko kay Lance. Ginawa naman niya ang inuutos ko at saka lumapit sa mesa.

“Andami moa tang niluto kuya” puna ni Lance.

“Gutom na gutom ako ngayon” matipid kong sagot habang nagsasandok ng kanin sa sarili kong plato.

“Okay ka lang ba kuya? Kahapon kasi-” hindi ko na siya hinayaang ipagpatuloy ang kanyang sasabihin dahil ayoko nang pag-usapan pa yun.

“Okay na ako, ang intindihin mo ay yung pag-aaral mo. Magsisimula na ang klase mo next week. Wag ka na kayang magtrabaho habang nag-aaral. Kaya ko pa namang pag-aralin ka at bigyan ka ng allowance. Para na rin makapagfocus ka sa pag-aaral mo. Alam kong hindi madali ang kurso mo” habang sinasabi ko yun ay nilalagyan ko ng ulam ang kanyang plato. Nagulat na lang ako na naparami na pala ang nalagay ko pero hindi man lang siya nagreklamo.

“Kuya hindi pu-pwedeng umasa na lang ako sayo palagi. Papano na lang kung itanan ka ng boyfriend mo? Edi maiiwan akong mag-isa tapos wala pa akong pera. Mabuti na yung may ipon ako.” Sabat niya at tinaasan ko naman siya ng kilay.

“As if naman na mangyayari yun eh wala nga akong boyfriend” naiinis kong sagot sabay subo ng adobong sitaw.

“Naninigurado lang, kasi mukhang mag-aasawa kana pagnahanap mo na yung lalaking para sayo eh” natatawang sagot ni Lance.

“Puro ka talaga kalokohan eh no, syempre hindi kita papabayaan dahil alam kong kailangan mo pa ako para mabuhay” natatawa kong sagot.

“Kaya ko na sarili ko kuya kaya pwedeng pwede ka na lumaya” sagot niya habang nakangiti.

“Gusto mong ipaalala ko sayo noong umiiyak ka nang-” hindi ko natapos ang sasabihin ko nang subuan niya ako ng kutsara na punong puno ng kanin.

“Opo, kuya kailangan pa po kita kaya kumain ka ng kumain ng marami” sambit niya atsaka siya tumawa.

Naging masaya ang hapunan naming dalawa ni Lance. Mabuti na lang talaga at kasama ko siya dahil hindi ko alam kung papano ko haharapin ang kalungkutan kapag wala siya. Para na rin siyang nakakabatang kapatid ko pero kapag magkasama kaming dalawa ay mas napagkakamalan na mas bata pa ako sa kanya. Eh ang tangkad niya naman kasi kaya hindi maiiwasan yun. Bigla ko tuloy naalala si Sam. Kahit na naging malabo ang relasyon namin bilang magkapatid ay nagagawa ko pa rin siyang dalawin kahit dalawang beses sa isang taon. Tuwing kaarawan niya at bago sumapit ang pasko ay dinadalaw ko rin siya. Pag may mga bagay na hindi ko makwento kay Lance ay sa kanya ko kinukwento. Kamusta na kaya siya ngayon?

Makalipas ang ilang oras ay napagpasiyahan ko na matulog na pero kahit ilang minuto na akong nakahiga ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Kaya naman binuksan ko ang aking phone na pinatay ko kanina nang makareceive ako ng maraming tawag kay Jethro. Inaasahan ko na, na marami siyang text sa akin. Hindi ko na binasa lahat dahil alam ko namang puro sermon yun. Nakareceive din ako ng text message mula kay Alexandre ang pinagtataka ko ay kung sino ang nagbigay ng number ko sa kanya dahil malabong si Jethro yun. Baka naman si Jules.

Kinabukasan ay naging awkward ang mga sandali sa tuwing mag-uusap kami ni Jethro. Panay din ang iwas ko sa kanya lalo na kung wala naman siyang inuutos. Iniiwasan ko rin ang mga tanong niya sa mga nangyari kahapon. In short, maghapon ko siyang iniiwasan pero nagagawa ko naman ng mabuti ang mga pinapagawa niya sa akin. Buti nga at hindi na rin niya ako kinulit pa kaya natapos ang buong araw na hindi kami gaanong nag-uusap. Bago ako makauwi ay nakareceive ako ng tawag mula kay Alexandre. Ayun sa kanya ay gusto raw niya akong makausap at nag-aantay raw siya sa Tim Hortons. Pagkarating ko sa loob ay marami na ang tao doon at buti naman ay nakapwesto siya sa pinakadulo. Nakasuot siya ng shades dahil ayaw niya sigurong makilala siya ng ibang tao pero sa ginawa niya ay mas nagpaangat pa lalo sa kagwapuhan niya. Kung hindi ko natuklasan ang tungkol sa pagkakaroon niya ng kakambal ay tiyak mapagkakamalan ko siyang si Jethro.

“Akala ko hindi mo na ako sisiputin” tumayo siya at inalok sa akin ang upuan. Gentleman din pala ang loko, pero wag nga ako. I’m not a girl, not yet a woman.

“Thank you” tugon ko at saka naupo.

“So napag-isipan mo na ba yung inaalok ko sayo?” expected ko na naiitatanong niya sa akin yan.

“Sorry pero wala talaga akong interes sa showbiz. Mas naeenjoy ko ang pagiging low profile na tao” naging sagot ko at ngumiti naman siya sa akin.

“Halos parehas lang kayo ng sagot” natatawa niyang sabi.

“Nino?” mabilis kong tanong.

“Ni Jethro, tinanong ko rin siya before about sa pagpasok sa showbiz pero mas gusto daw niya ang pagiging low profile. Siguro noon, pero ngayon isa na siyang CEO kaya hindi mo na siya masasabing low profile na tao” tumango na lang ako bilang pagsang-ayon sa mga sinabi niya.

“Sorry nga pala” dugtong niya.

“Sorry saan?” tanong ko.

“Sa nangyari sa inyo ni Jethro” naging seryoso bigla ang pagmumukha niya.

“Ahh wala yun wala ka namang kasalanan doon” nakuha ko na kasi agad ang gusto niyang iparating. Sinisi niya ang sarili niya kung bakit kami naaksidente noong araw na dapat ay makikipagkita kami sa kanya.

“Dahil din sa aksidente nasira yung relasyon niyo” hindi na ako nagulat na may alam siya tungkol sa amin ni Jethro. Ewan ko bigla na lang akong napangiti nang banggitin niya yun. Siguro tanggap ko na ang mga pangyayari na hanggang kahapon na lang ang meron kami ni Jethro.

“Don’t worry gagawa ako ng paraan para makabawi sayo” ngumiti na siya ngayon.

“Hindi mo na kailangang gawin pa yun” naging tugon ko.

“I know na 3 years ko pa lang nakikilala ang mga kapatid ko. And I can tell you na si Jethro ang may pinakamatigas na ulo sa aming anim. Please don’t give up on him” sabi niya habang hawak niya ang aking kamay na nasa ibabaw ng mesa.

“Anong ibig mong sabihin?” ewan ko ba naguguluhan talaga ako sa sinabi niya.

“Sorry, pero hindi pwedeng sa akin manggaling. But one thing for sure ay malalaman mo rin yan soon enough.” Tumayo siya at bahagyang ginulo ang buhok ko.

“Wait” pagpigil ko sa kanya dahil papaalis siya sa table namin. Pero sumenyas naman siya na pupunta lamang siya ng banyo. Naupo naman agad ako habang inaantay siya. Mukhang kanina pa siya dito at hindi man lang niya nabawasan ang kape niya na mukhang lumamig na.

“Excuse me?” napalingon ako sa magandang babaeng nasa harapan ko.

“Yes?” tanong ko.

“Ikaw ba si Eisen Fuentes?” tanong niya. Tumango naman ako bilang pagtugon at nagulat na lang ako nang dumapo ang kanyang palad sa aking mukha. Ang lakas ng pagkakasampal niya sa akin kaya napalingon talaga ang mga taong nasa paligid namin.

“Para yan sa paglalandi sa boyfriend ng best friend ko at pag-agaw sa atensyon ng leading man ko.” galit niyang sabi. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagagalit sa akin.

“Si-sino ka ba?” nauutal kong sabi habang hinihimas ko ang pisngi ko.

“Ako si Grace Tolentino, ang kalove-team ni Alexandre at best friend ni Dustin Bautista na boyfriend ni Jules!” sabi niya sabay tanggal ng kanyang shades. Mas nagulat ako sa sinabi niyang si Dustin at si Jules na. Natulala na lang talaga ako sa harapan niya at hindi nakapagsalita.

“Ano bang gusto mo? Attention? Eto binibigay ko na sayo. I’m sure nasa headline kana bukas. Pera? Magkano ba gusto mo para tigilan mo na kami?” pang-iinsulto niya. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na sampalin siya at kaladkarin habang hila hila ang buhok papalabas ng Tim Hortons. Pero naalala ko na babae nga pala tong nasa harapan ko.

“What do you think you’re doing Grace?” sabi ni Alexandre at hinila niya papalayo sa akin si Grace.

“Don’t tell me na you’re into gays na?” pang-iinsulto ni Grace kay Alexandre. Nanggigil na talaga ako isa pa talaga makakatikim na sa akin to.

“I don’t mind if you call me gay or what. Mas gugustuhin ko pa ngang makasama siya kaysa sayo. Masyado nang lumaki yang ulo mo. Tandaan mo kung saan ka nanggaling!” inis na sambit ni Alexandre. Hinawakan ako ni Alexandre sa kamay at hinila papalabas ng Tim Hortons.

Parang araw araw na lang ata na may nangyayaring kahihiyan sa buhay ko. Heto kasama ko si Alexandre sa isang bar dito sa BGC. Nasa isang VIP room kaming dalawa at nag-uusap habang siya ay panay ang inom. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa sarili ko o sa kanya. Alam kong may gusto siya kay Grace pero hindi ko alam kung bakit hindi pa rin sila hanggang ngayon. Ayun sa kanya ay dalawang taon na sila bilang magkalove team. Naging successful ang mga movies nila at teleserye pero ngayong taon ay tila naging matamlay ang career nila pati na rin ang pakikitungo nila sa isa’t isa.

Mabuti na lang at hindi ako masyadong uminom dahil walang maghahatid sa lokong to pauwi. Teka san nga pala to nakatira? Nagbook na lang ako sa Grab para makauwi sa condo dahil lasing na lasing itong si Alexandre na halos hindi na makapaglakad. Nagpatulong pa ako sa guard para maipasok siya sa kotse. Ganun din sa condo namin ay nagpatulong ako sa guard para maihatid siya sa unit ni Jethro. Nagulat si Jethro nang makita niyang kasama ko si Alexandre na lasing. Hindi ako nagsalita sa mga nangyari at naging tikom lang din ang bibig niya sa mga sandaling iyon. Pagkatapos kong maihatid si Alexandre ay nagtungo na rin ako sa aking unit para makapagpahinga.

Makalipas ang ilang araw ay naging laman ng mga balita ang ginawang pagsampal sa akin ni Grace. Marami ang bumatikos sa kanya dahil sa pagiging unprofessional niya. Binansagan nga siya ng karamihan bilang sampalita girl. Mas dumami ang mga bashers niya at unti-unting nawala ang kanyang mga fans. Naging usap-usapan ding na cancelled na ang movie nila ni Alexandre. Maraming media personnel ang nag-alok sa akin ng interview pero tinanggihan ko sila dahil alam ko namang walang magbabago sa mga nangyari kahit na ano pa man ang sabihin ko. Madalas din ang paghingi ng paumanhin sa akin ni Alexandre dahil sa mga nangyari. Makalipas ang ilang linggo ay naging tahimik na din ang buhay ko dahil wala nang bumubuntot sa aking mga media. Pero isang tanghali nang papalabas ako ng opisina para maglunch ay may isang babaeng nakaabang sa akin sa labas ng opisina. Si Grace.

“Eisen, pwede ba tayong mag-usap?” tanong niya. Kasalukuyang pinagtitinginan kami ngayon ng mga taong nasa paligid namin.

“Tu-tungkol saan?” napaatras ako ng kaunti sa kanya dahil baka may sampalan na naman na mangyayari.

“Kung pwede sana na sumama ka sakin. Mag-lunch habang nag-uusap?” naiilang niyang sabi.

“Wait. Matanong ko lang ah.. wala bang sampalang magaganap dito? Kasi kung meron pass muna ako!” sabay ngiting hilaw sa kanya.

“Pa-promise wala” gumanti rin siya ng hilaw na ngiti.

Napagpasiyahan naming kumain sa Buddy’s sa may venice dahil ito lang ang pinakamalapit sa opisna. Buti na lang at hindi masyadong matao dito. Pagpasok namin ay agad nagtinginan kay Grace ang mga tao. Ang iba ay iniirapan siya at tinatawag na si sampalita girl. Alam kong mahirap para sa kanya ang lumabas sa pampublikong lugar dahil mararansan niya ang ganitong pangyayari pero ginawa niya parin iyon para makausap ako. Habang nag-aantay kami ng inorder namin ay nagsimula na siyang magkwento.

“Alam mo gusto kong humingi ng tawad sa ginawa ko sayo. Ewan, ko ba masyado siguro akong nilamon ng selos. O kaya naman siguro ay tama si Alex na lumaki na masyado ang ulo ko kaya ang taas taas na ng tingin ko sa sarili ko. Hindi ko namamalayang nasasaktan ko na pala ang mga taong nasa paligid ko” naluluha niyang sabi. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay bago magsalita.

“Matanong nga kita, mahal mo na ba si Alexandre?” tanong ko sa kanya at tinitigan niya ako ng matagal at saka tumango.

“Ganun naman talaga tayo kapag nagmamahal. Minsan nakakagawa tayo ng mga bagay na hindi dapat. Minsan mas pinapairal natin yung nararamdaman natin kaysa sa mga nararamdaman ng iba. Pero sa huli ang mali ay mali pa rin”. Huminga ako nang malalim bago magsalita.

“Ano na bang estado ng relasyon niyo ngayon?” tanong ko.

“Ayun parang kami na parang hindi. Minsan okay, minsan hindi. Pero ngayon parang wala na lahat dahil sa kagagahang pinaggagawa ko” malumanay niyang sagot.

“Alam mo maganda ka sa totoo lang. Malabong hindi magkagusto sayo si Alexandre. Ang kailangan mo lang ngayon ay ayusin yung direksyon mo dahil mukhang nalihis ka sa gusto mong puntahan. May mga bagay na kailangan mo munang ayusin.” Sakto namang dumating ang order naming kaya binitawan ko ang kanyang mga kamay. Pagkatapos mailagay ang mga inorder namin ay saka kami nagpatuloy sa pag-uusap.

“Kaya nga ako nandito para humingi ng sorry sayo. Masyado ko na kasing nakalimutan ang pinanggalingan ko. Dati isang ordinaryong babae lang ako na sinamahan ang kanyang best friend na mag-audition. Sino ba naman ang mag-aakalang makukuha ako sa isang role na hindi ko naman pinaghandaan. Sino ba naman ang mag-aakalang sisikat ako? Siguro nga masyadong lumaki ang ulo ko kaya ko nararanasan ang mga lahat ng ito. Kaya naman simula ngayon ay gusto kong bumalik kung saan ako nagsimula.” Nakangiti niyang sabi. kung tutuusin ay hindi naman talaga masamang tao itong si Grace. Siguro nga nilamon siya ng kasikatan na hindi niya napaghandaan kaya lumaki ang ulo niya. Pero mas mabuti na ngayon na napagtatanto niya ang mga kamaliang ginawa niya.

Naging masaya ang pagkain namin ng lunch. Para siyang babaeng-bakla kung magsalita. Nakakatuwa kasing makilala ang totoong siya. Kasi kung makikita mo sa bihis at galaw niya ay talagang hindi mo mapagkakamalang nanggaling lang siya sa ordinaryong pamilya. Marami kaming napag-usapan, naikwento ko nga sa kanya ang tungkol sa nakaraan namin ni Jules pati na rin ang samin ni Jethro. Doon siya naliwanagan sa mga nangyari at humingi ulit ng tawad sa ginawa niya. Ewan ko ba kung bakit biglang gumaan ang loob ko sa kanya. Basta ang alam ko ay mas masarap pa rin ang pakiramdam kapag nakikipag-ayos ka sa dating kaaway.

Naging usap-usapan na naman sa social media ang pag-uusap namin ni Grace. Iba’t ibang reaksyon mula sa netizen ang naidulot nito. Ang iba ay natuwa dahil nagkaayos kami ni Grace at ang iba naman ay sinasabing nagpapakitang tao lang daw si Grace para magpasikat muli. Ano man ang sasabihin ng iba ay hindi na importante sa akin. Ang mahalaga ay yung nagkaayos na kami at naipaliwanag ko na sa kanya ang ang totoong mga nangyari. Mukhang matatagalan bago niya mabawi ang katanyagang meron siya dati pero ang mahalaga ay hindi siya susuko para makamit muli ito.

Makalipas ang ilang linggo ay nasanay na rin ako sa trabahong binigay sa akin ni Jethro. Minsan halos buong araw kaming magkasama dahil sa dami ng meetings na pinupuntahan niya na kasama ako. Halos mapudpod na nga ang mga daliri ko sa dami ng reports na pinapagawa niya sa akin. Naging abala ako at hindi ko namamalayang nagiging natural na lang sa akin ang presensya ni Jethro. Hindi na ako nakakaramdam ng pagkailang sa tuwing titigan niya ako. Siguro nga magandang senyales ito na nakakamove on na talaga ako sa kanya. Wala na nga rin akong pakialam minsan kapag nakikita ko sila ni Celestine. Siguro namanhid na lang ako at nasanay kaya hindi na ako nasasaktan sa mga nakikita ko. Buong akala ko talaga ay nakalimutan ko na ang nararamdam ko para sa kanya pero mali pala ako.

“Tapos na po yung mga reports na pinagawa nyo at naiayos ko na rin po lahat ng mga upcoming meetings nyo this week” sambit ko at sumandal sa inuupuan kong couch. Lumapit naman siya at tumabi sa akin. Hindi na ako natataranta kagaya ng dati kapag nalalapit siya sa akin kasi parang nagiging normal na lang sa akin ang tagpong ito.

“Pero hindi mo pa tapos sagutin ang tanong ko!” sabi niya at lumingon naman ako sa kanya habang nakasandal pa rin.

“Anong tanong?” ang tanong ko sa kanya dahil hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya sa tanong na hindi ko pa nasasagot na tanong niya. Ano raw?

“Bakit mo hinalikan si Alex?” derecho niyang sabi. Bigla na lang nanlaki ang mga mata ko. Napaayos ako ng upo bigla.

“May nakalimutan nga po pala akong isang report sa ibabaw ng desk ko. Wait lang po kukun-” tatayo na sana ako pero hinarang niya ang magkabilang kamay niya at nacorner niya ako sa couch.

“Answer me!” seryoso niyang utos.

“Pagba sinagot ko ba yan ay papaalisin mo na ako?” naiinis kong tanong.

“It depends on your answer” seryoso talaga siya kaya wala akong choice kundi sabihin ang totoo sa kanya.

“Ang akala ko kasi ay ikaw yun” sagot ko at saka ako yumuko para hindi ko makita ang reaksyon niya.

“So gusto mo akong halikan, tama ba?” at humirit pa talaga siya.

“Hindi sa ganun, eh akala ko ba kapag sinagot ko na yung ta-” di ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan.

Nagulat ako sa ginawa ni Jethro. Pilit ko siyang tinutulak papalayo sa akin pero hindi pa rin siya kumakalas sa pagkakahalik sa akin hanggang sa matumba ang couch na inuupuan namin dahil sa pagpwersa niya. Muntikan na ngang mabaldog ang aking ulo sa sahig pero sinalo niya eto gamit ang kanyang mga palad. Nang makita niyang okay lang ako ay muli niya akong siniil ng halik. Di ko maintindihan kong bakit bigla na lang tumulo ang mga luha ko habang hinahalikan niya ako.

“If you don’t like this, just tell me. Ititigil ko na agad to” nakatingin lang ako sa mukha niya na kanina ay napakasungit na ngayon ay biglang naging maamo. Dahil hindi ako sumagot sa sinabi niya ay hinalikan niya akong muli at sa pagkakataong ito ay naglakbay na sa loob ng aking bibig ang kanyang dila. Hindi ko na pinigilan ang aking sarili kaya naman ay lumaban na rin aking dila sa tuwing hihigupin niya ito. Natigil lang ang paghahalikan namin nang tumunog ang phone niya na nasa bulsa ng kanyang slacks.

“Tsk. Istorbo!” sambit ni Jethro at saka hinagis ang kanyang iphone sa sahig. Nakita ko mismong nabasag ito sa lakas ng pagkakahagis niya.

Pinunasan niya ang mga luha sa aking mga mata at saka niya ako hinalikang muli. Sa pagkakataong ito ay naging marahan na ang paghalik niya sa akin. Nakarating ang kanyang halik sa leeg ko na alam niyang kahinaan ko yun, kung naaalala nga ba niyang kahinaan ko yun. Nanginginig ang kamay ko na nakahawak sa kanyang ulo habang hinahalikan niya ang leeg ko. Nanginig ang buong katawan ko nang maramdaman ko ang dila niya sa leeg ko. Hindi ko napigilan ang aking sarili na umungol ng malakas. Di nyo ko masisisi dahil 3 years din akong walang sex at ngayon ko lang naramdaman itong muli. Napaluhod si Jethro at tinanggal ang coat niya at saka niya niluwagan ang kanyang necktie habang nakatingin sa akin. Kagat-kagat niya ang lower lip niya habang nakangiti na para bang nang-aakit. Don’t tell me na balak niyang gawin ito sa loob ng opisina niya? Napahawak ako bigla magkabilang braso ko para takpan ang dibdib ko.

HELP

!

Itutuloy……

A/N: Dyaraaann.. heto na ang pinakahihintay nyo. Syempre alam ko namang marami na ang nakahula sa inyo na si Alexandre yun. Si Grace at Alexandre nga pala yung bida sa “Star,me?”. Pero di ko alam kung kelan ko pa siya masisimulan.

Ang dami-daming stories na gusto kong isulat gaya ng kay Sidapa at Bulan BL story inspired sa philippine mythology. At saka may story din ako na korean-historical theme. Excited akong isulat siya pero syempre uunahin ko ito dahil alam kong mas maraming fans ang Jethro-Eisen na gigil sa updates.

Thank you guys sa patuloy na pagbabasa. And dont forget to vote. Please, please mahalaga sa akin ang votes nyo.

Chapter 6: Gimme more

A/N: Hindi ako masyadong masaya habang sinusulat ang chapter na to dahil andaming nagdedemand ng update pero di marunong mag VOTE . Anyway para sa ikakaligaya nyo. Enjoy!!!


David as Jethro

Eisen’s POV

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ni Jethro at kung bakit niya nagagawa ang mga bagay na to. Ayokong umasa na baka nanumbalik na ang kanyang mga alaala dahil sa tingin ko ay hindi na mangyayari iyon. Gamit ang aking mga kamay ay tinakpan ko ang itaas na parte na aking katawan upang hindi niya ako tuluyang mahubaran. Ang buong akala ko pa noon ay titigil na siya pero nagkamali ako nang bigla niyang atakihin ang leeg ko. Para siyang bampira na tila gutom na gutom sa dugo habang sinisipsip at kinakagat ang leeg ko.

Sa mga sandalking iyon ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na madala sa sarap na dinudulot ng pagpapaligaya ni Jethro. Gawa sa glass ang wall ng opisina ni Jethro pero hindi siya visible sa labas. Ang tanging mahahalata mo lamang ay ang mga sapatos dahil sa ilalim na bahagi ng wall ay may pagkatransparent. Kinabahan ako nang makita ko ang isang taong naglalakad papalapit sa pinto ng opisina ni Jethro. Alam kong si Celestine yun dahil siya lamang ang kilala kong taong kayang bilhin ang mamhaling heels na yun sa loob ng kompanyang to. Bagp pa man siya makapasok ay nagawa kong itulak si Jethro papalayo sa akin at saka ako nagmadaling tumayo at inayos ang sarili.

“Kung yun lang po ang ipapagawa ninyo Sir ay mauuna na po ako.” Sakto ang pagkakasabi ko nang pumasok si Celestine. Naglakad naman ako sa pinto at tumango sa kanya bilang pagkilala sa kanya.

“What happened here?” tanong ni Celestine. Bulalas niya nang makita niyang nakaluhod pa si Jethro at ang couch ay nakatumba. Buti na lang at nakalabas na ako ng pinto nang magtanong siya. Hahayaan ko na lang na si Jethro ang magpaliwanag sa mga nangyari total siya naman ang may kagagawan sa mga bagay na to.

Dahil nakafile na sa ibabaw ng desk ko ang mga gamit ko ay mabilis ko lang itong nakuha at nagpasiyang umalis na ng opisina ko. Bago ko maisara ang pinto ng aking opisina ay biglang tumunog ang telepono sa ibabaw ng desk ko. Sinira ko na ang pinto kaagad dahil ayoko nang sagutin ito. Alam kong si Jethro ang tumatawag kaya naman sinet-up ko sa flight mode ang aking phone para hindi niya na ako mareach. Ang pagtawag niya ay hindi na work-related dahil alam kong nagampanan ko ang tungkulin ko sa kanya bilang kanyang secretarya sa araw na to. Bahala na si Celestine ang magpahupa ng kalibugan ni Jethro basta ang gusto ko lang mangyari ngayon ay makauwi kaagad sa bahay.

Lumipas na ang ilang araw na tila ba walang nangyari sa aming dalawa sa loob ng kanyang opisina. Unti-unti na akong natututong ipasa walang bahala ang mga bagay-bagay na alam kong wala ring magandang maidudulot sa akin. Bumalik na rin naman sa dating pagkikilos si Jethro kaya hindi rin naging hamon sa akin ang pakikipag-usap sa kanya. Pero minsan ay may mga pagkakataong kakaiba siya kung tumingin at yun ay ang pilit kong iniiwasan. Naging abala si Jethro nitong mga nakaraang araw dahil sa bagong project na ginagawa nila. Kabilaan ang kanyang meeting. Minsan ay nahihirapan na rin ako kung papano ko pagkakasiyahin sa isang araw ang mga meetings niya. Para narin akong nagsilbing customer service sa dami ng mga tawag na natatanggap ko. Ang akala ko ay matatapos ang araw na to ng tahimik pero nagkakamali ako nang pumasok sa loob ng aking opisina si Celestine.

“Hi Eisen” bati niya sa akin.

“Hello Miss Cua” sagot ko naman habang pinipeke ang ngiti. Alam ko namang ganun din siya sa akin kaya patas lang kami.

“Kung si Sir Jethro po ang hinahanap niyo ay nasa conference room po siya ngayon” sabi ko sa kanya. Lumapit siya at naupo sa may bakanteng upuan.

“I know, nagpunta lang ako dito dahil gusto kong makipagkwentuhan sayo” sagot niya. Tila makahulugan ang mga sinabi niya lalong lalo na ang pangiti niya.

“Tungkol naman po saan ang pag-uusapan natin?” tanong ko at tila parang nagbago ang ihip ng aircon sa loob ng aking opisina. Tila umiinit ang loob ng aking opisina at pinagpapawisan ako.

“Gusto ko sanang malaman kung ano talaga ang nangyari noong nakaraan sa loob ng opisina ni Jethro.” Naging hilaw na ang kanyang mga ngiti sa pagkakataong ito.

“Hi-hindi niya po ba naikwento sa inyo?” kabadong tanong ko. Hindi ko alam kung anong alibi ang isasagot ko sa kanya.

“Hindi, kaya nga ako nagtatanong eh” kahit nakangiti siya ay mahahalata mo ang pagkainis sa tono ng kanyang pananalita.

“Ahh ehh kasi ganito po yun. Wag po kayong maingay kay Sir Jethro ahh dahil ayaw niyang ipaalam ito sa iba” pagsisinungaling ko at tumango naman siya.

“Ganito po kasi yung nangyari. May kausap po siya sa phone niya habang nakaupo sa couch. Hindi ko nga po alam kung sino yun pero nakakapagtaka dahil nagagawa niyang patawanin ng husto si Sir at sobrang pagtawa niya ay natumba siya kasabay ng couch.” Nagkocross finger ako sa aking likuran na sanay kagatin niya ang alibi ko.

“Parang hindi naman si Jethro ang pinag-uuspan natin. I heard him laugh a couple of times pero hindi ganyan ka lala gaya ng pagkwento mo” inaasahan kong ganun ang magiging sagot niya dahil alam kong matalino siyang babae at hindi mo siya basta-basta mauuto.

“Ms. Cua, ang mga lalaki po kasi ay hindi po nagpapakita ng mga masasamang habits nila sa harap ng mga babae. Kaya naman siguro nagtataka kayo kung bakit ganun siya natumba sa kakatawa.” Sagot ko at buti naman ay tumango siya bilang pagsang-ayon.

“I agree, how about sa naka kalat niyang coat sa sahig at necktie?” tanong niya at halos tumagaktak ang pawis ko sa aking noo.

“Ahhm.. ano po kasi. Noong pumasok si Sir Jethro ay nakaramdam daw siya ng sobrang init sa loob ng kanyang opisina. Tumawag pa nga ako sa maintenance para ipa-check ang aircondition sa loob ng office ni sir Jethro. Kaya kung mapapansin nyo ay medyo pawisan siya noon.” Tugon ko at buti naman ay sumang-ayon kaagad siya.

“Ohh I see kaya pala pinagpapawisan ka noong nakita kitang palabas ng kanyang opisina.” Saad niya at tumango lang ako bilang pagsang-ayon. Ang akala ko ay dun na matatapos ang kanyang pagdududa. Pero may follow question pa pala siya.

“Bakit hindi mo man lang siya nagawang tulungang itayo ang couch noong natumba ito at bigla ka na lang umalis?” sa sandaling iyon ay wala na ang mga pilit na ngiti sa kanyang labi. Naging seryoso na rin ang kanyang pagmumukha.

“Dahil po. Ano. Pinaalis na po ako kaagad ni Jethro. I mean ni Sir dahil nahihiya daw po siya sa nangyari.” Nauubusan na ako ng paliwanag pero itong babaeng ito ay tila hindi nauubusan ng tanong.

“Oh I see. How about his phone? Bakit basag na basag ang phone niya nang makita ko?” grabe ang pag-uusisa niya sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay isa akong criminal na hinahanapan niya ng butas sa mga alibi ko.

“Ahhm nabitawan niya po yun noong matumba siya sa couch” naging matipid na ang sagot ko dahil alam kong sinusubukan niya kung hanggang saan ang kaya kong ipaliwanag.

“Talaga ba? Kasi kung nabitawan niya yun ay dapat hindi siya mapupunta sa opposite direction. Kung ako ang tatanungin ay lumalabas na parang tinapon ang phone niya sa sahig” sa pagkakataong yun ay hindi ko na alam kung ano ang sasabihin kong paliwanag sa kanya. Mukhang nahuli na niya ako sa pagsisinungaling ko. Bakit ba kasi nandito siya at hindi na lang niya palitan si Detective Conan total sobrang mausisa niya.

Ilang segundo rin akong natahimik at hindi alam ang sasabihin mabuti na lang at may biglang tumawag. Kaya naman sinagot ko ito at kunwaring nakalimutan ang tanong ni Celestine. Si Jethro yung tumawag at pinapaalam na tapos na ang kanilang meeting at inaaya akong sumama sa isang bar na pupuntahan nila ni Terence. Tatanggi sana ako pero napa-oo na lang talaga ako para kunwari ay may pinapagawang mahalaga sa akin si Jethro at iwanan na ako ni Celestine. Sa kasamaang palad ay kahit na natapos yung pag-uusapa namin ni Jethro sa telepono ay nanatili parin ang bruha sa loob ng opisina ko.

“Alam mo bang sobrang babaero ni Jethro?” bigla niyang nasabi. Kung sa pagkatao ni Jethro dati ay malanbong maniwala ako sa mga sinasabi niya pero hindi na malabo yun ngayon dahil marami ng nagbago sa kanya.

“Ahhh-hindi po” ang naging tugon ko.

“Hindi mo naman siya kailangang pagtakpan dahil bago ka pa man niya naging secretary ay ilang babae na rin ang mga dumaan sa kanya. Pero alam mo ba kung nasan sila ngayon?” bilang nag-iba ang tono ng kanyang boses.

“Hi-hindi po” naiilang kung sagot.

“Ayun naglaho na na parang bula, hindi naman mahirap sa akin na tanggalin ang mga sagabal sa pagmamahalan naming dalawa” parang gusto kong maduwal sa salitang pagmamahalan na sinasabi niya.

“Kayang kaya kong sirain ang pagkatao ng sino mang magtangkang agawin sa akin si Jethro. Ayos lang naman sa akin na mambabae siya eh. Pero wag na wag lang na malalaman ko ang pagkatao niya dahil tiyak wala na siyang mukhang maipapakita sa harap ni Jethro.” Sa tono ng pananalita niya ay halatang nagbabanta siya at siya yung tipo ng babae na hindi mo dapat basta-basta kinakalaban. Lumapit siya sa akin at bumulong.

“Kaya naman kapag nakita mo ang isang babaeng umaaligid o lumalandi kay Jethro ay dapat mong pagbalaan agad. Dahil alam ko na alam mo kung ano ang ibig kong sabihin.” Lumayo siya at ngumiti sa akin ng makahulugan. Hindi ko mapigilang mapalunok laway sa pagkakataong iyon. Hindi ko alam kung ako ba ang binabantaan niya o ano.

Buti na lang at biglang dumating si Jethro sa loob ng opisina ko. Biglang nabago ang mood ng usapan. Bigla na lang naging maamo si Celestine habang nakaakap kay Jethro.

“Ano pa bang ginagawa mo dito? Di ba sabi ko pumunta kana kaagad sa opisina ko dahil aalis na tayo” sambit ni Jethro. Hindi naman siya galit habang tinatanong niya yun.

“I’m sorry. May usapan pala kayo ni Eisen. Wag mo na siyang pagalitan dahil ako itong nakikipagkwentuhan sa kanya kaya siguro hindi niya naalala yung usapan niyo” sambit ni Celestine sabay sandal sa dibdib ni Jethro. Ang buong akala ko ay hindi na ako maapektuhan sa tuwing makikita silang naglalandian pero nagkakamali pala ako.

“Saan nga pala ang punta niyo?” pabebeng tanong ni gaga.

“Ahh sa isang bar na pagmamay-ari ng pinsan ni Terence” sagot ni Jethro habang nakatingin siya sa akin imbes na kay Celestine. Tingin tingin ka pa talaga at iniinggit mo ako. Kainis.

“Can I come with you guys?” pagpupumilit ni Celestine.

“Sorry, it’s an all-boys night-out” tugon ni Jethro habang hinahawi ang buhok ng bruha. Sige lang maglandian kayo sa harap ko. Sana langgamin kayo sa sobrang kasweetan nyo. Yung ultimong antik na langgam na yung kakagat sa inyo.

“ALL BOYS?” pag-emphasize ni Celestine habang nakatingin siya sa akin. Tumango naman si Jethro bilang pagsang-ayon.

“That’s unfair gusto ko rin sanang sumama pero dahil nga ALL BOYS ito ay sige hahayaan ko na lang muna kayong mag-enjoy.” Nanggigil na talaga ako sa babaeng to. Hindi ko alam kung bakit niya kailangang lagyan ng diin ang salitang ALL-BOYS.

Pagkatapos nilang maglandian at magpaalam sa isa’t isa ay nagtungo na kaagad kami ni Jethro sa parking area para sumakay sa kotse niya. Suggestion ko nga kanina na magga-grab na lang ako o kaya naman ay magtataxi na lang ako. Pero nagpumilit pa rin siyang sumabay sa akin. Malapit lang naman ang bar na pupuntahan namin dahil nasa taguig lang ito. Ang nagpatagal lang sa aming byahe ay ang nakakamatay na traffic dahil rush hour na nang lumabas kami. Halos kalahating oras kaming walang kibuan sa loob ng kanyang sasakyan hanggang sa makarating kami sa loob ng bar.

Andun sa loob si Terence pati na rin ang kanyang pinsan na ipinakilala sa amin na nagmamay-ari ng bar na to. Mukhang mayayaman lang talaga ang nakakapasok dito kasi hindi ganun karami ang mga taong dito. Sakto lang ang dami kaya ng tao kaya maeenjoy mong gumimick dito. Ang ikinagulat ko pa ay meron din palang mga babaeng hinihire dito para makatable mo. Masasabi mong high-class na pokpok sila dahil sa aking ganda nilang pwedeng pwede ilaban sa pagrampa sa Victoria Secret. Pero may iilan ding pang modelo lang ng AVON kaya nasa lalaki na kung sino ang gusto nilang maka-table.

Nauopo kami sa isang isang couch na nakapalibot sa isang round table. Tatlong table ang layo namin sa dance floor kaya kitang kita pa rin namin ang mga taong nagsasayawan sa floor. Hindi ko inaasahang kukuha sila ng mga babae para makatable sa gabing yun. At itong babaeng haliparot na nagngangalang Trixie ay agad kumandong kay Jethro. Nakakaloka, kung alam ko lang sana na isasama niya lang ako sa pambabae niya ay hindi na sana ako sumama. Si Terence din ay may babaeng tumabi sa kanya na nagpakilala bilang Lexie.

“Oh papano tong kasama nyong isa?” tanong ni Clarence na pinsan ni Terence. Nagwave ako ng kamay para tumanggi dahil ayoko namang may makatable na babae dahil wala naman akong interes sa kanila.

“Wag ka nang mahiya” sambit ni Clarence at may tinawag siyang babae. Hulaan ko Krixie ang pangalan nito. Pagkalapit nito ay tumabi siya kaagad sa akin at nagpakilala bilang Krizha. Sa totoong lang ay mas maganda pa tong babaeng to sa mga katable ni Jethro at Terence.

Ang ganda-ganda niya may kamukha siyang artista eh. Ay isa pa lang KPOP idol yung si Nancy. Yung magandang member ng bboom-bboom este ng Momoland. Ayun sa kanya ay half Filipina half Canadian siya. Malaki ang pwesto namin kaya yung mga pinag-uusapan namin ay halos kaming dalawa lang ang nakakarinig. Panay ang harutan nong Trixie at ni Jethro pero hindi ko marinig ang usapan nila dahil sa lakas ng tugtugan. Ito namang si Lexie at si Terence ay mukhang balak pang talunin ang aldub sa pagpapabebe nila. Ako naman ay ilang na ilang dahil nakasandal sa akin si Krizha habang nasa legs ko ang kanyang kamay. Hindi na nga ata bumaba ang mga balahibo sa aking katawan.

“Alam mo gusto may gusto akong sabihin sayo” bulong ko kay Krizha dahil malakas ang tugtugan dito.

“Ano yun?” natatawa niyang tanong.

“Bakla ako gaga” sagot ko at tumawa siya ng malakas kaya naman napatingin sila Terence at Jethro sa amin. Nagpeace sign naman siya sa lahat bilang pagpaumanhin.

“Alam ko” sagot niya.

“Eh bakit mo pa ginagawa sa akin to” tanong ko.

“Syempre kahit sino pa ang maging customer ko ay dapat gampanan ko ng mabuti ang trabaho ko” biglang naging seryoso ang tono ng kanyang boses. Doon ko narealize na ang hirap pala talaga ng trabaho nila.

“Masaya na rin ako dahil ikaw ang naging customer ko ngayon dahil alam kong hindi mo naman ako gagalawin. Pero kung ikaw gusto mo okay naman sa akin. Balita ko kayong mga bakla ay magagaling sa sex” halos maduwal ako sa mga pinagsasabi niya.

“Eeew” ang tanging naisagot ko at humagalpak na naman siya ng tawa. Nakakaloka itong si ate girl at mukhang lumalabas pa akong komedyante sa lakas ng tawa niya.

“So anong balak mo ngayon? Eh mukhang ititake-out pa ng mga kasama mo ang mga babaeng to?” tanong niya.

“Bukod sa pagbibraid ng buhok mo ay wala na akong maiooffer sayo kaya wag kang mag-assume” sagot ko habang iniinom ang beer na inorder namin.

“Alam ko na ipapakilala kita sa pinsan kong si Jim. I’m sure magugustuhan niyo ang isa’t isa” natutuwa niyang sabi.

“Hindi ako kumakain ng tahong, FYI!” pagpapaalala ko.

“Alam ko, kaya nga hotdog ang inooffer ko eh” nakabungisngis na siya na tila hahagalpak na naman ng tawa.

Tinuro niya sa akin ang lalaking tinutukoy niya na nakasandal sa counter kung nasaan ang mga bartender. Infair kay kuya ay napakagwapo niya at kamukha niya si Gab Lagman. Inaaya nga ako ni Krizha na lapitan namin siya pero nagdadalawang isip ako dahil andito sina Jethro pero nang makita kong hinalikan siya ng babaeng puta ay nagdesisyon na akong sumama kay Krizha.

Pinakilala niya kaagad ako sa pinsan nya. Hindi ko inaasahan na ang tangkad-tangkad niya pala at ang gwapo niya lalo sa malapitan. Inalok niya ako ng isang tequila shot at hindi naman ako nakatanggi. Inaaya niya akong magsayaw sa dance floor kasama siya pero hindi ako komportable na magsasayaw kaming dalawa. Pero sabi ni Krizha ay siya raw ang maglilead para hindi obvious kaya naman sumunod na lang ako.

Marami-rami narin ang mga taong nagsasayawan sa dance floor ng pumunta kami. Pinaggigitnaan ako ni Krizha at ni Jim. Si Krizha ang nasa harapan ko at nasa likuran ko si Jim na para bang nakikisali lang sa amin. Habang tumatagal ang sayawan ay nag-iiba din ang nararamdaman ko sa kinikilos ni Jim. May pagkakataong yayakapin niya ako mula sa likod at minsan ay hinahayaan niyang masanggi ko ang hinaharap niya. Nagulat na lang ng biglang yakapin ako ni Krizha at maya-maya pa ay nakadikit na ang aking likuran sa hinaharap ni Jim. Doon ko naramdam kong gaano kalakaki ang sa kanya. Kumalas sa pagkakaakap sa akin si Krizha at saka kumindat. Nagsalita siya pero hindi ko marinig pero ang tanging naintindihan ko lang sa sinabi niya ay ang salitang DAKS.

Bumalik kami sa may counter at uminom ulit. Napalingon ako sa table namin at sakto mukhang hinahanap ako ni Jethro kaya kumaway lang ako kay gago. Naiinis pa rin ako sa kanya dahil hindi ko alam kung bakit niya ako dinala dito. Basta kung magsasaya siya ay magsasaya na rin ako. Bahala siya sa buhay niya. Nakatatlong baso rin ako ng brandy bago kami bumalik sa dance floor. Medyo may tama na ako sa mga oras na yun. Nagpaalam si Krizha na magbabanyo lang kaya kami ni Jim ang natirang sumasayaw sa dance floor. Siguro dahil sa alak ay lumakas ang loob ko at wala na akong pakialam sa ibang tao kung ano man ang isipin nila sa aming dalawa ni Jim. Ang importante ay nag-eenjoy akong sumayaw kasama ang gwapong lalaking ito at daks pa.

Umiikot ang paningin ko habang nagsasayaw kami ni Jim. Ramdam na ramdam ko na ang pagkasabik niya dahil sa tuwing makikiskis ang pwet ko sa hinaharap niya ay ramdam na ramdam ko pa rin ang katigasan ng kanyang hinaharap. Ewan ko ba epekto siguro to ng alak kaya tumataas din ang libido ko ngayon at parang gustong gusto kong makipagsex. Habang nagsasayaw kami ni Jim ay may bigla na lang humatak sa kamay ko. At saka ko lang napagtanto na hinahatak ako ni Jethro papalayo sa dance floor.

“Ano ba bitawan mo ako” pagpupumiglas ko.

“Alam mo ba kung ano ang pinaggagawa mo?” naiinis niyang tanong.

“Oo malaki na ako at hindi mo na ako dapat pagsabihan pa” sagot ko sabay bawi ng kamay ko.

“Lasing kana, iuuwi na kita” rinig kong sabi niya.

“Wag ka ngang makialam pwede? Hindi nga ako nakikialam kapag nakikipaglandian ka kay Celestine. Wala ka ngang narinig sa akin noong nakipaglaplapan ka sa putang yun” naiinis kong sabi at saka tumakbo ako sa banyo.

Kahit hilong hilo na ako ay nagawa ko pang makarating sa banyo ng maayos. Sinabay ko sa paghilamos ng mukha ko ang mga luhang dumadaloy sa aking mata. Ilang beses siguro ako naghilamos bago ako mahimasmasan at tumigil sa pagpatak ang mga luha. Pagtingala ko ay nandun si Jim nag-aantay sa akin. Nakiusap ako sa kanya naiuwi na lang niya ako at pumayag naman ito. Buti nga ay hindi nahalata nila Terence at Jethro na nawala ko. Nagtext na lang ako kay Jethro nang makasakay na kami ni Jim sa taxi at saka pinatay ang phone ko. Saka ko lang naalala na may kasama pala akong lalaki pauwi kaya naman sinabi ko kay Jim na sa hotel na lang kami mag-stay dahil ayokong isipin ni Lance na kung kani-kanino na lang ako sumasama.

Pagkarating namin sa loob ng room sa hotel na tinuluyan namin ay agad akong bumagsak sa kama. Walang arteng naghubad sa harapan ko si Jim at kitang kita ko mismo ang kargada niya na tinakpan niya kaagad ng tuwalya at nagpaalam na maliligo muna. Kakaiba talaga ang nararamdaman ko ngayon. Baka sa ininom ko to kanina dahil grabe ang lakas ng pagnanasa ko ngayon sa sex na parang hindi na normal. Hinubad ko na mismo ang aking damit habang nag-aantay kay Jim dahil sabik na sabik na ako sa mga sandaling iyon. Hindi ko alam kung bakit ang tagal tagal nya. Narinig ko na lang na may nagdoor bell sa labas. Tatayo na sana ako para pagbuksan ang room service pero sabi ni Jim siya na daw ang bahala.

Lumipas ang ilang minuto at bumalik siya. Nakapatong na siya sa ibabaw ko ngayon. Naghahalo ang antok ko at pagnanasang makaranas ng sex sa oras na to kaya halos hindi ko maidilat ng husto ang aking mga mata. Nagsimula siya sa paghalik sa aking leeg hanggang sa aking mga utong. Hindi ko napigilang mapaungol ng sobrang lakas dahil kakaiba ang sensasyong nararamdaman ko sa mga sandaling ito.

“Ganun ka ba sabik sa sex kaya sasama ka na lang kung kani-kanino para ma satisfy ka?” tanong niya na ikinagulat ko. Dinilat ko ang aking mata at nakita ko ang pagmumukha ni Jethro. Pinikit ko ulit ang aking mata dahil alam kong dinadaya lang ako ng paningin ko dahil sa nainom.

“Alam ko namang gustong gusto mo akong makasex kanina pa kaya gawin mo na ang gusto mong mangyari” sabi ko sabay subsob ko sa mukha niya sa dibdib ko.

“As you wish!” saka niya sinipsip ng todo ang mga utong ko nagpahiyaw sa akin sa sobrang sarap.

Kapwa kaming sa isa’t isa kaya hindi na rin siya nakapagpigil at pinasok na niya ng walang paghahanda. Napahiway ako sa sakit nang ipasok niya ang ulo ng kanyang kargada sa kaloob-looban ko.

“Wait, dahan-dahan lang. Ngayon lang ulit ako nakipagsex at ang laki pa ng sayo” sabi ko habang tinatantiya ang laki ng kargada niya kung kakayanin ko ba.

“Kelan ba ang last mo?” tanong niya habang unti-unti niyang pinapasok ang kabuuan nito.

“ahhh 3 years ago pa” ramdam ko pa rin ang kirot dahil parang kumipot ang lagusan ko.

“Good” pagkasambit niya ay bigla na lang niya itong binaon at napahiyaw ako sa pinaghalong sakit at sarap.

Hindi rin nagtagal at nagsimula siyang umulos sa akin. Ang tagal tagal kong inaasam na mangyari ulit ito. Habang pinapasok niya ako ay nanatili pa rin akong nakapikit dahil sa tuwing ididilat ko ang aking mata ay mukha ni Jethro ang nakikita ko. Tumatagktak ang pawis niya sa akin habang naglalabas masok siya sa kalooban ko. Halos mabaliw ako sa tuwing ibabaon niya ito ng husto. Ilang sandali pa ay tila lumalaki ng husto ang kanyang ari sa aking kalooban.

“I’m cumming” sambit nya.

“Sige lang iputok mo sa loob.. ahhh” sagot ko at pabilis ng pabilis ang kanyang pag-ulos hanggang sa maramdaman ko ang init ng kanyang katas sa loob ko. Mainit, malapot at napakarami nito.

Kapwa kaming pagod sa ginawa naming pagtatalik. Ang buong akala ko ay matatapos na dun pero may round 2 pa pala. Sa pagkakataong ito ay ako na ang pumaibabaw. Mabilis lang naipasok ang kanyang kargada sa looban ko dahil madulas na ito dahil sa katas niya na nasa loob ko. Dahil nga nasa ibabaw niya ako ay hindi ko mapigilang mapadilat at tumingin sa kanya. Bakit si Jethro pa rin ang nakikita ko?

“Jim, pwede bang tawagin kita sa pangalan Jethro Kahit ngayon lang?” tanong ko habang nagtataas baba ako sa kahabaan niya.

“Sure, just make sure you say it louder” sagot niya na halos gayang gaya ang pananalita ni Jethro.

“Sige pa Jethro, Sige pa!!” sambit ko habang sinasalubong niya ang pagbaba ko. kinuha niya ang hintuturo ng kanang kamay ko at saka bahagyang kinakagat habang sinasalubong niya ang pagbaba ko. kakaibang sensasyon ang nararamdaman ko na halos ikabaliw ko sa sarap.

Binago niya ang posisyon namin at ngayon ay nakaharap na siya sa akin habang nasa ibabaw ko siya. Patuloy ang pagbayo niya ng mabilisan habang ang aming mga dila ay walang humpay na nag-eespadahan sa loob ng aking bibig. Sinasabayan niya rin ito ng paghigop at gumaganti rin ako. Hindi rin nagtagal at kapwa naming narating ang rurok ng kasiyahan. Sa ikalawang pagkakataon ay pinasabog niya ang kanyang katas sa aking kalooban. Halos umapaw ito dahil hindi niya parin hinuhugot ang kanyang kargada habang nakapatong sa akin. Sa pagod ay nakatulugan namin ang posisyon iyon.

Kinabukasan ay nagising ako sa sakit ng pwet at balakang ko. Buti na lang at sabado ngayon dahil mayayari ako kay Jethro dahil late na ako nagising. Wala akong pinagsisihan sa mga nangyari sa akin kagabi dapat pa nga akong magpasalamat dito kay Jim dahil pinaranas niya sa akin kung papano ako paligayahin ni Jethro noon. Mahimbing na mahimbing ang kanyang pagtulog sa aking tabi habang nakatalikod sa akin. Hindi ko mapagmasdan ang kanyang mukha dahil nga sa nakatalikod siya sa akin. Itinaas ko na lang ang kumot niya dahil baka sipunin siya sa lamig. Pero laking gulat ko nang magpalit siya ng pwesto sa pagkakahiga. Nanatiling nakapikit ang kanyang mata pero ako ay gulat na gulat at hindi makapaniwala dahil itong nasa ibabaw ng aking kama ay walang iba kundi Jethro. So ang ibig sabihin siya rin yung…. Siya yung? OMG!

Itutuloy…..

A/N: Just to set your expectation malaki ang chance na hindi ako makapag update sa weekend dahil sa linggo na yung dance competition namin at uuwi akong pagod nun. Pero depende pa rin kapag natuwa ako sa dami ng votes.

BTW lumabas na si Eisen sa The curse of Fuentes kiss Chapter 4 at may kasama siya dun na isa sa mga Wells Brothers. Basa na!

Please dont forget to VOTE.

Thank you ♡

Chapter 7: Elevator Trouble

A/N: Grabe ang effort ko sa story na to ahh.. hindi ako nanood ng SNK at hindi ako naglaro ng PS4 para lang makapag-update. Mahiya naman sana yung iba na magvote.

Bas as Eisen

Eisen’s POV

Nagising na lang ang sa sakit na nararamdaman ko sa sa aking pwetan at pati na rin sa aking balakang. Alam ko naman ang mga nangyari kagabi at hindi ko ipagkakailang nagustuhan ko yun. Kahit papano ay naiparanas sa akin ni Jim ang paraan kung papano ako paligayahin ni Jethro noon. Pero sa di ko inaasahang pangyayari ay ang dapat na katabi ko ngayon sa kama na si Jim ay biglang naging si Jethro. Pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi kung papano nangyari to. Alam kong si Jim ang kasama ko pagpasok sa hotel na to pero simula noong may nagdoorbell ay tila nagbago ang paningin ko kay Jim. Wag mong sabihing si Jethro ang pumasok sa mga oras na yun? So nakita ni Jim na may nangyari sa aming dalawa? OMG!!!

Napahiga ako sa kama habang nakasabunot ako sa aking buhok. Tila hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Sa dinamirami ng mga lalaki dito sa pilipinas ay bakit itong ex pa ang makakatabi ko sa pagising ko sa umaga? Hindi ko alam kung papano ko siya haharapin kapag nagising na siya. Mukhang mahimbing naman ang kanyang tulog kaya mas mabuti na lang tumakas ako habang tulog siya. At kung magkakasalubong kami ay magmamaang-maangan na lang ako. Tatayo na sana ako pero bigla na lang siyang umakap sa akin gamit ang kanyang kaliwang kamay ay hindi na ako nakagalaw pa. Ang baba ko ay nakadikit na mismo sa kanyang braso at halos hirap akong makahinga nang makita ko ang kahubdan niya.

“Care for another round?” bigla niyang sabi. Ako naman ay gulat na gulat dahil hindi naman siya yung dating Jethro na kilala ko.

“A-anong ginagawa mo dito?” nauutal kong sabi.

“Eh di sinundan ka, dahil basta ka na lang sumama sa taong hindi mo naman kakilala” sagot niya at ngayon ay naupo na siya.

“Ano bang pakialam mo?” naiinis kong sambit.

Hindi siya sumagot at nag-umpisa na siyang magbihis habang ako naman ay nakatitig lang sa kanya.

“Bakit mo nagawa to?” tanong ko habang nagbibihis siya ng polo.

“What do you mean?” biglang naging seryoso ang tingin niya.

“Ang hayaang may mangyari sa atin” mukhang paos ako nang sabihin ko yun dahil nahihiya talaga akong banggitin ang mga nangyari sa amin.

“It’s just sex, okay?” naiirita niyang sagot.

“Pe-pero may girlfriend ka na di ba?” parang kinukurot ang damdamin ko nang sabihin ko yun.

“Kaya mong ibigay yun sayo basta wag ka lang makikipag sex kung kani-kanino” iniwasan niya ang tanong ko. Sa pagkakataong iyon ay nakabihis na siya.

“Bakit mo ginagawa ito?” tanong ko at saka siya muling tumingin sa akin.

“You better ask yourself!” ang tanging naisagot niya at saka siya naglakad papalabas ng kwarto at naiwan akong mag-isa.

Pakiramdam ko ay para akong nagsilbing parausan lang sa kanya at kapag nagsawa na siya ay basta basta na lang niya ako iiwan. Ewan ko ba hindi ko na nga ring magawang maluha sa sandaling to kahit ansakit sakit ng nararamdaman ko ngayon. Para bang nagsawa na ang aking mga mata sa pagbuhos dahil iisang tao pa rin ang dahilan nito.

Mabuti na lang at walang pasok ngayon kaya hindi ko kinakailangang magmadali. Hindi ko rin kinakailangan na mag-alalang makikita ko si Jethro dahil kanina lang ay magkasama kami at ngayon ay narito akong mag-isa sa aking kwarto. Sabado ngayon at merong pasok si Lance kaya naman solong solo ko ang condo. Kailangan kong madistract ang sarili ko ngayong araw para makalimutan ko ang mga nangyari kanina. Nagmarathon na lang ako ng movies sa Netflix kung saan bida si Noah Centineo. Pagkatapos kong manood ng mga movies ay nagmarathon na din ako ng season 3 ng Attack on Titan. Hindi ko feel manood ng mga gore anime ngayon pero kailangan ko talagang madistract dahil sa tuwing naaalala ko yung nangyari sa amin ni Jethro ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na mag-init.

Makalipas ang ilang episodes na pinapanood ko ay hindi pa rin nawala sa isipan ko si Jethro. Yung facial expression niya sa tuwing ibabaon niya ang kanyang ari sa kaloob-looban ko ay ang siyang nagpapainit sa akin lalo. Ang bawat pag-ungol niya na tila naging musika na sa aking mga tenga. Ang paghabol ng hininga niya na para bang mamatay siya sa sobrang sarap ng kanyang nadarama. Hindi ko na napigilan ang aking sarili kaya nagtungo ako sa banyo para paligayahing muli ang aking sarili. Kasabay ng pagtaas baba ko sa aking ari ay ang pagsariwa ko sa mga bawat sandaling pinagsamahan namin ni Jethro. Nang matapos ako ay napagpasiyahan kong magshower dahil tila hindi pa rin humuhupa ang init sa aking katawan.

Buti na lang at natapos na akong magpaligaya sa aking sarili nang dumating si Lance kundi maririnig niya talaga ang malalakas na ungol ko. Sandali lang rin naman kaming nakapag-usap dahil alam kong pagod siya sa byahe dahil ilang oras din ang kanyang byahe galing sa university na pinapasukan niya. May mga international college na malapit dito sa condo pero mas pinili niyang mag-aral sa university kung saan nag-aaral si Gunter dahil gusto niyang makasama ito. Pero sa totoo lang may pagkapossesive talaga yang si Lance. Gusto niyang siguraduhing walang aagaw kay Gunter mula sa kanya kaya naman todo bakod itong pinsan ko.

Pagsapit ng gabi ay hirap akong matulog. Ewan ko ba parang nababaliw na yata ako. Dahil sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata ay si Jethro ang aking nakikita. Ngayon lang nangyari sa akin to, hindi ko alam kung bakit. Para bang ginayuma ako na hindi ko lubos maipaliwanag. Hanggang sa sumapit ang umaga nang makaramdam ako ng antok.

Napatayo ako sa aking kama para patayin ang aircon. Hindi ko alam kung ilang oras na nakabukas ito dahil pakiramdam ko ay nagyeyelo na sa lamig ang loob ng aking kwarto. Pagtingin ko sa orasan ay pasado ala una na ng hapon. Lumabas ako ng kwarto para kumain. Napansin kong may mga pagkain na sa ibabaw ng mesa at may note na iniwan si Lance. Ayun sa sulat ay lalabas muna siya para bumili ng ilang kagamitan para sa project niya sa school. Hindi na daw niya ako nagawang gisingin dahil mukhang mahimbing ang pagkakatulog ko. kung alam niya lang na kulang na kulang pa talaga ang tulog ko ngayon.

Sa tingin ko ay papatayin ako ng kalungkutan ngayong linggo dahil wala akong magawa kundi ang tumunganga. Nagbrowse na ako ng mga movies sa netflix pero wala naman akong magustuhang panoorin. Napagpasiyahan ko na lang na makinig ng mellow music kaya naman nagsearch ako sa Spotify ng playlist at pinatugtog ko yung #Hugot na playlist. Nahiga ako sa couch habang nakikinig ng mga music hanggang sa makaramdam ako ng antok. Nagising na lang ako sa boses ng dalawang malalanding magjowa.

“Sorry kuya, nagising ka namin” bati ni Gunter. Mukhang blooming tong si Gunter madalas siguro tong nadidiligan ni Lance.

“Oh, ngayon ka lang ata napadalaw?” sagot ko habang humihikab.

“Medyo busy lang po nitong mga nakaraang araw sa mga activities sa school” sagot niya habang naghuhubad ng sapatos.

“Kumain na ba kayo?” tanong ko kay Lance na para bang napako ang tingin kay Gunter. Ang sarap batuhin ng unan ng siraulong to.

“Opo, nagdala nga po kami ng ulam para sa inyo” si Gunter na ang sumagot ng tanong ko. Mukhang LQ ata ang dalawa dahil kakaiba ang tingin sa kanya ni Lance. Pagkalapag ng ulam ni Gunter sa ibabaw ng mesa ay siya ring pagpasok ni Lance sa kanyang kwarto. Hindi ko tuloy napigilang mang-usisa sa mga nangyayari sa kanila.

“May problema ba kayo?” tanong ko at naupo naman sa tabi ko si Gunter.

“Pagsabihan niyo po yang pinsan niyo. Masyadong seloso at kung sino-sino na lang ang pinagseselosan” naiinis na sambit ni Lance.

“Bakit ano ba ang nangyari?” tanong ko habang inaayos ang pagkakaupo ko sa couch.

“Kasi ba naman kung sino sino na lang ang pinagseselosan sa mga kaklase ko. Natatakot na tuloy silang lumapit sa akin dahil parang babalatan sila ng buo ni Lance kung titigan niya ang mga kaklase ko” sagot ni Gunter at hindi ko naman mapigilang matawa.

“Ganyan talaga yan pagdating sayo. Pero hayaan mo pagsasabihan ko siya dahil hindi rin naman tama na pagselosan niya ang mga taong lumalapit sayo” ngumiti naman siya sa akin nang sabihin ko yun.

“Nga po pala magpapaalam nga po pala ako na dito ako matutulog” nahihiyang niyang sabi at ako naman ay pinalo siya sa braso.

“Para ka namang laging bago. Kahit hindi ka naman magpaalam ay lagi kang welcome dito” sambit ko at nagsimula na ang masasaya naming kwentuhan.

Matagal-tagal na rin nang makapagkwentuhan ako sa ibang tao. Ang madalas ko naman kasing nakakausap ay si Lance atsaka si Jethro. Pero iba pa rin kapag nakakausap ko si Gunter kasi para bang nasasabi ko ang lahat lahat sa kanya at madali niya rin naman akong nauunawan. Hindi pa nakakapagtagal ang usapan namin ni Gunter nang lumabas si Lance sa kanyang kwarto. Gaya kanina ay mukhang wala pa rin siya sa mood para sumali sa katuwaan namin ni Gunter.

“Gunter” pagtawag niya kay Gunter habang seryoso ang mukha at sumisenyas kay Gunter na pumasok sa kanyang kwarto. Sinara niya naman agad ito at nag-antay sa loob sa pagpasok ni Gunter. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na tuksuhin si Gunter at bumulong sa kanya na.

“Ihanda mo na yang pwet mo!” pang-aasar ko sa kanya.

“Siraulo ka kuya” natatawa niyang sagot habang papasok sa kwarto ni Lance.

Naiwan naman ako sa salang tumatawang mag-isa. Naging tahimik naman ang dalawa habang nasa loob sila ng kwarto kaya nagsimula na akong kumain ng hapunan. Pagkatapos kung kumain ay niligpit ko kaagad ang aking pinagkainan bago pumasok sa aking kwarto. Dahil nga wala sa ayos ang schedule ng pagtulog ko ay hindi na naman ako inaantok. Napag-isipan ko na lang na magbasa ng story sa wattpad. May nakita akong kakaibang story na base sa Philippine Mythology at BL pa ito kaya naman napabasa talaga ako. Bawat chapter ay nakakapanabik kaya naman halos di ko matigilan ang pagbabasa hanggang sa marating ko ang chapter 12 at dun naputol ang istorya grabe sobrang nakakabitin. Pero dahil kinilig ako at naenjoy ko ang story, nagvote ako sa lahat ng chapter para maipakita ang appreciation ko sa author. Di gaya ng iba diyan di marunong mag-vote. Charot! Sinasapian ako ni Author.

Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng tubig na maiinom. Pagkalagok ko ng tubig sa baso ay muntikan ko na itong maibuga nang marinig ko ang malakas na ungol na nanggagaling sa kwarto ni Lance. Expected ko naman na may mangyayari sa kanila pero grabe naman ganyan talaga kalakas at kailangan marinig ko talaga para iparamdam sakin kung ano ang feeling ng may jowa? Habang papalapit ako sa kwarto ni Lance ay lalong lumalakas ang ungol na nanggagaling sa loob ng kwarto niya. Kakatok na sana ako para suwayin sila at hinaan ang kanilang mga boses kaso baka isipin nila na napaka KJ ko naman at baka mabitin pa ang dalawa. Kaya naman nagtungo na lang ako pabalik sa aking kwarto.

Pagkabalik ko sa aking kwarto ay hindi ako mapakali. Kasalanan to ng dalawang malalanding magjowa eh. Bigla ko tuloy naalala si Jethro. Kainis, ilang beses na akong nagpagulong gulong sa aking kama pero hindi pa rin ako makatulog. Makalipas ng ilang minuto na hindi pa rin ako makatulog ay lumabas akong muli at sa pagkakataong ito ay hindi mo na maririnig ang kanilang mga ungol. Ewan ko ba at kung anong pumasok sa isipan ko at lumbas ako ng condo. Naglakad-lakad ako at huli na nang magpagtanto ko na nasa harapan ako ng kwarto ni Jethro at kumakatok sa kanyang pintuan. Mukhang kakagaling niya lang sa mahimbing na pagtulog nang buksan niya ang pinto. Sino ba naman kasi ang siraulong kakatok sa madaling araw. Hindi ko rin alam kung bakit nandito ako pero nang makita ko siya na para bang pagod pa ay tila nakaramdam ako ng konsensya sa pang-iistorbo sa kanya.

“What do you need?” tanong niya habang humihikab.

“Ahh wala sorry, wrong number. Este wrong door” natataranta kong sabi. Napakatanga mo talaga Eisen. Aalis na sana ako pero nahawakan niya ang aking braso. Hinila niya ako papalapit sa kanya at saka niya ako niayakap nang mahigpit.

“I’m sorry. Pagod ako ngayon. Matulog ka na” sobrang lambing ng tono niya habang sinasabi ang mga salitang ito. Halata ko naman sa kanyang boses ang pagod pero hindi ko mapigilan ang sarili kong kiligin sa sandaling ito.

Nanatili akong nakatulala sa harap ng kanyang pinto hanggang sa isara niya ito. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Bakit siya nagso-sorry? Samantalang ako itong nanggulo sa pagtulog niya. Bumalik ako sa kwarto ko na abot tenga ang mga ngiti sa labi. Ayokong umasa pero wala eh kinikilig talaga ako sa tuwing nagiging gentle sa akin si Jethro. Dati ko pang kahinaan yung way niya ng paglalambing sa akin. Hindi ko na alam kung anong oras na nang antukin ako pero alam kong masayang masaya ako bago pa man ako makatulog.

“Kuya, malilate kana!” nabulabog ako sa pagkatok ni Lance.

Tumingin ako sa aking orasan at dun ko nalamang 7:20 na pala. Alam kong walking distance lang condo namin sa office pero kailangan 7:30 nandun na ako para maayos ang schedule ni Jethro. Halos liparin ko ang banyo para lang makaligo. Hindi na siguro umabot ng limang minuto ang paliligo ko at natapos ko ito kaagad. Habang nag-aayos ako ng sarili ay halos mapasigaw ako nang makita ko ang hitsura ko sa salamin. Para akong panda sa laki at itim ng eye bags ko. kaya naman dali-dali akong naglagay ng concealer para lang matakpan ito.

Masigla akong binati ni Gunter nang makita niya akong lumabas ng kwarto. Ngumiti lang ako sa kanya dahil wala akong time para makipagdaldalan. As usual blooming na naman siya dahil natarakan na naman kagabi. Ang lakas makabitter nitong dalawang to. Hindi ko na nagawang kumain ng breakfast dahil hindi na ako aabot. 7:45 nang marating ko ang office. Inaasahan ko na, na maraming taong nakapila sa elevator ng ganitong oras. Pinapanalangin ko na sana wala pa si Jethro doon dahil mayayari na naman ako. Habang nasa loob ng elevator ay naging usap-usapan ng mga empleyado ang tungkol kay Celestine at Jethro. Ayun sa kanila ay engage na daw ang dalawa at sa susunod na buwan na raw ang kasal. Nanlumo ako nang marinig ang usap-usapan nilang iyon. Pero hindi muna ako maniniwala hangga’t hindi ko nakikita ang ebidensya dahil alam kong mariming chismis sa loob ng kompanya.

Pagkababa ko ng elevator ay dumiretso kaagad ako sa aking office para ayusin ang mga gamit ko. Pagkatapos ay dumiretso na ako kaagad sa office ni Jethro. Naabutan ko namang ang higad na si Celestine habang nakapulupot ang kanyang kamay sa braso ni Jethro.

“Good morning Mr. Wells and Ms. Cua” bati ko sa kanilang dalawa.

“Mr. and Mrs. Wells” natatawang sabi ni Celestine. Natigilan naman ako ng ilang segundo bago ko nagets ang gusto niyang iparating.

“Look” sabi niya sabay ipinakita ang diamond ring na suot-suot niya.

“Engage na kami ni Jethro at sa susunod na buwan na ang kasal namin” masaya niyang sabi. So totoo nga talaga ang usap-usapan kanina sa elevator. Hindi ko alam kung papano magrereact sa narinig ko kaya nanatili lang akong tulala sa harap nila.

“Hindi ka ba masaya para sa amin?” tanong ni Celestine. At doon ako nagising at bigla na lang akong pumalakpak at pilit na ngumingiti habang binabanggit ang salitang congratulations sa kanilang dalawa. Pero sa loob-loob ko ay parang gusto ko nang umiyak.

Sa pagbati ko sa kanila ay niyakap ako ni Celestine para magpasalamat. Habang yakap-yakap ako ni Celestine ay doon ko napagmasdan ang reaction ni Jethro. Hindi ko alam kung bakit parang galit siya sa akin ng mga sandaling iyon. Bakit siya pa yung may ganang magalit? Bakit siya pa yung parang nasaktan sa aming dalawa? Ako kaya tong biktima ng pagpapaasa niya.

Tumakbo ang oras na halos iniiwasan kong magkasama kaming dalawa ni Jethro na kami lang. Hindi ko alam kung bakit pero mukhang mas ligtas ako kung may ibang tao kaming kasama sa tuwing mag-uusap kami. Hanggang sa sumapit ang hapon nang isama ako ni Jethro sa meeting niya sa isang client na nasa coffee shop malapit sa kompanya. Siya lang talaga yung kilala kong CEO na nakikipagkita sa mga client sa coffee shop imbes na sa opisina. Hindi ako masyadong nagsasalita habang magkasama kami kasi mukhang hindi maganda ang mood niya ngayon. At tila pagnagkamali ako ngayong araw ay buhay ko ang magiging kapalit. Pero nagsalita pa rin ako para ipaalala sa kanya ang isang importanteng bagay.

“Sir, meron po kayong meeting with Mr. Calderon ng 2pm and after that ay may conference call kayo with the investors. Tomorrow naman po ay” hindi pa nga ako tapos magsalita nang magsalita siya agad.

“Paki-cancel lahat ng meetings ko tomorrow at magbook ka ng flight sa Bali, Indonesia for 2” mabilis niyang sabi. Agad ko namang isinulat ito dahil ayaw niyang may namimiss akong sa mga sinasabi niya.

DING! Sabi sa akin ng elevator at bigla itong bumukas at pumasok kami sa loob.

“Ahhm kanino ko po ipapangalan ang mga tickets, Sir?” syempre yung isa sa kanya at yuing isa naman ay kay Celestine for sure. Sana magcrash yung plane nyo pagdating nyo doon.

“One for me and one for you” maiksi niyang tugon.

“Ta-tayong dalawa lang po?” nauutal kong sabi.

“Bakit balak mo bang dalhin ang buong kompanya doon?” sarkastiko niyang tanong. Hay naku ang sarap niyang hampasin ng notebook na hawak ko.

“Don’t get the wrong idea, andun tayo para sa business trip at kailangan kita doon dahil ayokong gawin lahat ng trabaho dun” dugtong niya.

“Wala naman po akong sinasabi eh” bigla akong nadulas at nasabi yun.

“Anong sabi mo?” tanong niya habang nakakunot ang noo.

“Ang sabi ko po noted, hehe” sabay pilit ng ngiti, pero yung totoo gusto ko ng kurutin yung nota niya sa inis ko.

Bigla na lang umalog ang elevator at namatay ang ilaw. Nawalan ako ng balanse kaya napaluhod ako buti na lang nakakapit ako kaya di ako tuluyang nadapa. Nang bumukas ang emergency light ay laking gulat ko nang makita ko kung saan ako nakahawak ngayon. Nakahawak ako sa bakal na hawakan ng elevator habang nasa harapan ko si Jethro at ang mukha ko ay nakatapat sa zipper niya na para bang bibigyan ko siya ng BJ. Napabalikwas ako at tuluyang natumba sa sahig. Ang awkward lang nang lumapit siya para tulungan akong makatayo.

“Napaka clumsy mo pa rin” sabi niya.

“Po?” tanong ko baka nagkamali lang ako ng dinig.

“Wala” sabi niya at pinindot niya ang emergency button ng elevator para humingi ng tulong.

Mabilis nagrespond ang admin ng elevator at kasalukuyang inaayos na ang elevator na sinasakyan namin. Lumipas ang sampung minuto pero hindi parin tapos ang pag-aayos ng elevator. Basang basa na ng pawis ang aking likuran dahil sa kapal ng coat na suot-suot ko. Pero tinitiis ko lang ito dahil ayokong hubarin ito sa harap ni Jethro. Nang lingunin ko siya ay wala na siyang suot na coat at ang kanyang long sleeve ay nakatupi na hanggang sa makalabas ang kanyang siko. Nakabukas na ang mga buttones ng kanyang long sleeve at malaya kong nasusulyapan ang kanyang abs at chest na mas lalong gumanda ang hubog ngayon. Wala akong nagawa kundi ang lumunok laway habang nagpapaypay ng notebook.

“Hubarin mo na yang polo, di gumagana ang aircon kaya pagpapawisan ka lang ng husto.” Utos niya.

“Don’t mind me sir, Okay lang ako” pagsisinungaling ko pero basang basa na ang polo ko sa loob ng pawis.

“Ang tigas ng ulo mo!” lumapit siya sa akin at pinilit hubarin ang coat na suot ko.

Nagpumiglas ako pero mas malakas siya sa akin kaya nagawa niyang matanggal ang suot kong coat. Nnang mapansin niyang basang basa ng pawis ang polo ko ay pilit niyang hinuhubad ito hanggang sa napahiga ako sa sahig habang pilit na tinutulak siya. Pagkahawak niya sa gitnang bahagi ng polo ko ay isang hila lang niya ay tanggal pati buttones ng polo ko. Tumambad sa kanya ang katawan ko at matagal niya itong tinitigan. Kapwa kaming pawisan habang nakapatong siya sa ibabaw ko. Bawat sandali papalapit ng papalapit ang kanyang mukha sa mukha ko. Hanggang sa magkadikit na ang aming mga ilong at ramdam na ramdam ko na ang kanyang paghinga. Wala akong nagawa kundi ipikit ang aking mga mata nang biglang.

DING! Sabi ulit sa akin ng elevator at nagbukas ang pinto.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang madaming taong nakaabang sa elevator habang nakapatong ang CEO ng aming kompanya sa akin. Kapwa kaming pawisan at nakabukas ang aming mga polo. Para akong binuhusan ng tubig na may yelo sa sandaling yun. Pero hindi man lang natinag si Jethro at tumayo siya at naglakad papalabas ng elevator habang hawak-hawak ang aking kaming kamay papuntang parking area. Lahat ng mga mata ay nakatingin sa amin na tila hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

Pagkarating namin sa parking area ay agad niya akong sinakay sa kanyang kotse at saka nilock ito. Hindi ko inaasahang maghuhubad siya ng polo at bigla na lang pumaibabaw sa akin.

“Je-Jethro, itigil mo na itong ginagawa mo!” pakiusap ko habang hinahalikan niya ang leeg ko. Wala siyang pakialam kahit na pawisan ako ng mga oras na yun.

Para siyang bingi na walang naririnig sa mga sinasabi ko at patuloy pa rin sa paghalik hanggang sa masipsip na niya ang magkabilang utong ko. Halos mabaliw ako sa sobrang sarap na ginagawa niya. Alam na alam niya talaga kung saan ang weak spot ko at dun niya ako patuloy na pinaliligaya. Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang laway ko sa sobrang sarap na nadarama ko ngayon. Pinunasan niya ito at saka huminto kung kelan nasa rurok na ako ng kasarapan.

“Do you want me to stop now?” tanong niya.

“Pero ikakasal ka na” hindi ko alam kung bakit yun ang nasabi ko.

Tumigil siya at binitawan ako saka niya lang siguro napagtanto na mali ang ginagawa niya. Pero sa di malamang dahilan ay bigla ko na lang siyang hinalikan. Noong una ay parang nag-aalangan pa siyang gumanti pero hindi nagtagal ay kapwa na kaming hingal sa pagkakasasa sa laway ng bawat isa. Mabilis niyang binaba ang pantalon niya at alam ko na agad ang gusto niyang mangyari kaya lumuhod ako sa harapan niya para maisubo ng maayos ang kanyang ari. Sa unang pagkakataong dumampi ang aking mga labi sa ulo ng kanyang ari ay umungol agad siya.

“Ahh sige pa, suck it up!” rinig kong sabi niya at ako naman ay hindi magkamayaw sa kakasubo ng kanyang ari na tila mas lumaki pa ng huli kong matikman ito. Sinubukan kong i-deep throat ito, halos masuka ako ng maabot niya ng kanyang ari ang aking ngala-ngala. Sagad na sagad ito sa aking lalamunan na halos ikabaliw niya sa sarap.

“Ahhh… keep it up. Sarap mo talaga!” hingal niya sabi. Ang sarap niyang pagmasdan habang nakapikit ang kanyang mga mata habang pinipigilan ang kaniyang pag-ungol gamit ang pagkagat ng kanyang mamula-mulang labi.

Habang nagtataas baba ako sa kaniyang ari ay siya namang paglaro ng aking kanang kamay sa kaniyang mga utong. Dobleng pagpapaligaya ang nararamdaman niya ngayon. Hindi nagtagal nang sabihin niyang..

“I’m cumming…ahhh!” hindi ko inaasahang ipuputok niya kaagad ito. Sagad na sagad sa aking lalamunan na hindi ko man lang mailuwa dahil baon na baon ito. Wala akong nagawa kundi ang lunukin ang bawat patak ng kanyang tamod sa aking lalamunan.

Ang buong akala ko ay matatapos na dun pero nagulat ako ng siya mismo ang naghubad ng aking slacks pati na rin underwear ko. Alam ko na kaagad ang gusto niyang gawin ko kaya naman ay tinutok ko na kaagad sa aking lagusan ang kanyang ari na ngayon ay galit na galit pa rin. Sabay kaming napa-ungol sa sarap ng mapasok niya ang kalooban ko. Nagsimula akong magtaas baba habang nakahawak ang aking kamay sa kanyang mga balikat. Siya naman ay nakaalalay sa aking bewang na minsay nagsasagad ng husto. Sinubukan kong halikan siya sa kanyang mga labi at hindi naman siya tumanggi at nakipaghalikan siya sa akin habang nagsasalubong kami.

Wala na akong pakialam kong may makahalata sa ginagawa naming dalawa sa loob ng kotse ang mahalaga ay napapaligaya namin ang bawat isa sa sandaling ito. Magkahalong kagat at pagsipsip ang ginagawa niya sa aking leeg habang ako namay mabaliwbaliw sa sobrang sarap na pagtatalik naming dalawa.

“Ang sikip-sikip mo pa rin….Ahhhh” sabi niya at lalo ko pang sinisikipan para mas lalo siyang mabaliw sa ligaya. Lalo siyang nanggigil at binilisan niya ang paglabas masok sa akin.

“I’m about to cum again. Ipuputok ko ba sa loob?” hingal niyang tanong.

“Ye-yes please” sabi ko habang nakasabunot ako sa kanyang buhok.

Hanggang sa kapwa kaming nilabasan sa sandaling iyon. Sinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat sa sobrang pagod. Nasa loob ko pa rin ang kanyang ari na patuloy na nagbubuga ng katas. Sa pagod ko ay nakatulog na ako sa ganung position.

Nagising na lang na nakasandala ko sa balikat ni Jethro habang nasa loob kami ng sasakyan at may nagmamaneho para sa amin.

“Sa-san po tayo pupunta?” tanong ko sa kanya.

“Papunta tayong airport ngayon. Tutuloy na tayo ng Bali, Indonesia kaya matulog ka na muna diyan” nakangiti niyang sabi. Ngayon ko lang napansin na hawak-hawak niya pala ang aking kamay. Sumandal akong muli sa kanyang balikat at pumikit.

Mali man itong ginagawa naming dalawa dahil alam kong ikakasal na siya pero alam kong sa loob-loob ni Jethro ay mahal niya rin ako. At kung ito ang magpapasaya sa kanya ay handa akong gawin ang lahat para lang mapaligaya siya. Kahit na maging kabit pa niya ako.

Itutuloy…..

A/N: Insert: Sa puso ko’y nag-iisa kahit merong iba. Kahit hindi tama ang ginagawa sinta. Basta ba’y makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya!

Charoooott.. hahahaha

Kabit na ba agad na maituturing si Eisen? Syempre hindi no. Ngayon lang ako nakapag update dahil sobrang busy ko last week. Nasabi ko na may dance competition kami na sinalihan at nanalo kami ng 2nd place. Super pagod ako nun. At hetong bagong update na to ay pinilit ko ang sarili ko na makapag update para sa lahat ng masipag MAGVOTE diyan.

Anyway Chapter 8 is a lucky number. Basta malalaman nyo soon kung bakit at Chapter 9 yung POV ni Jethro na hinihiling nyo..

Oh ano pang ginagawa nyo Vote na!!!

Thank you <3

Chapter 8: He ate my heart

A/N: Di pa ako nakakapunta sa Bali, pakilawakan na lang ng imaginations nyo. Kayo na mag-adjust LOL!

David as Jethro

Eisen’s POV

Hindi ko alam kung nanaginip ba ako dahil hindi ko maipaliwanag kong papano nangyari ang mga bagay na to sa maikling panahon. Nagising na lang ako sa mahinang haplos ng kamay ng taong pinakamamahal ko na ngayon ay nasa tabi ko. kung panaginip nga ito ay ayoko na talagang magising dahil antagal-tagal kong pinangarap na madamang muli ang ganito. Kasalukuyang nasa loob pa rin kami ng airplane habang ako ay nakasandal sa kanyang balikat.

“Get ready, malapit na tayong bumaba” bulong niya sa akin. At ako naman ay ngumiti at inayos ko ang aking sarili.

Hindi nagtagal ay nagsalita na rin ang isa sa mga flight attendant na nagpapaalala ng pag-land ng airplane sa Indonesia. Makalipas ang ilang minuto ay naging successful ang pagland namin sa airport. Sa loob kami ng business class kaya hindi masyadong matao ng babab kami. Tinanong ko siya tungkol sa gamit naming dala-dala pero ayun sa kanya ay naroon na daw sa sasakyan na nag-aabang sa amin sa airport. Hindi ko nga alam kung may damit ba ako dun kasi hindi ko naman inaasahan na pupunta kami kaagad sa Bali.

Habang naglalakad kami sa airport patungo sa sinasabi niyang sasakyan na nag-aantay sa amin ay hindi man lang magawang alisin ni Jethro ang kanyang kamay na nasa tagiliran ko. May mga taong nakakapansin sa aming dalawa hindi ko tuloy maiwasang mahiya dahil antagal na din simula nang may gumawa sa akin nito. Hindi ko rin malaman kung ano ang reaksyon niya ngayon dahil sa makapal na shades na suot-suot niya ngayon. Hindi lang naman sa ginagawa ni Jethro kaya napapatingin ang mga tao sa amin kundi sa kagwapuhan niya rin. Kahit hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi ng mga tao dito ay ramdam ko ang pagkainggit nila sa akin. Well, sa akin muna ang korona ngayon. Wag kayo, antagal kong inantay ang pagkakataong ito. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti sa pinag-iisip ko.

“May nakakatawa ba?” tanong ni Jethro.

“Ahh..wala. Sorry” nahihiya kong tugon at hindi na rin siya nagsalita pa hanggang sa marating namin ang sasakyan na nag-aantay samin.

Siya pa mismo ang nagbukas ng pinto para sa akin na dapat ay gawain ng driver. Ngumiti ako bilang pagpapasalamat at saka sumakay sa loob nito. Sumunod din naman siya kaagad sa aking tabi at nagsimula na aming byahe. Habang abala si Jethro sa pagkausap sa kanyang kaibigan sa kanyang cellphone ay ako naman ay nagcheck na rin ng phone ko. Ang dami ko pa lang messages at missed calls galing kay Lance. Malamang nag-aalala yun dahil hindi ako nakauwi kagabi at wala man lang akong pasabi. Magrereply sana ako pero naalala ko na nasa Indonesia na pala ako kaya hindi ko rin masesend ito. May bigla na lang inabot sa akin si Jethro at pagkaabot ko nito ay saka ko lang nalaman na isa pala itong travel wifi. Nagconnect agad ako at nagmessage kay Lance na nasa Indonesia ako at kasama ko si Jethro. Nagpaka-OA na naman ang loko, ano bad aw ginagawa ko kasama si Jethro nang hindi man lang nagpapaalam. Hello? Ako kaya ang mas matanda sa aming dalawa. Pinaliwanag ko naman sa kanya at agad niyang naunawaan na isinama lang ako ni Jethro sa byahe na to dahil kailangan niya ako bilang secretary sa kanyang business trip. Pero ako ay umaasa ng mas higit pa dun.

Ilang munito rin ang lumipas ng marating namin ang hotel kung saan kami mag-iistay ni Jethro. Sobrang ganda nito at ang lapit niya sa beach. Nagtataka ako kung bakit iisang keycard lang ang dala ni Jethro pagkatapos niyang lumapit sa receptionist upang sabihin ang reservation niya dito. Kahit na kay Jethro na ang keycard ay sinamahan pa kami ng isa sa mga staff nila para ihatid sa kwartong nireserve ni Jethro. Nasa likuran naman namin ang porter na may dala-dala ng gamit namin. Pansin ko naman ay hindi ganun ka dami ang dala-dala naming gamit o kaya dalang gamit ni Jethro dahil hindi pa rin naman ako siguradong may damit ako sa mga bag na yun. Pagkapasok namin sa loob ay nilagay na kaagad ni Jethro ang keycard para gumana ang ilaw at aircon sa room. Nang kami na lang ang nasa loob ay hindi ko napigilang magtanong sa kanya.

“Ahhm..Jethro. Este Sir, san po pala ako matutulog mamaya?” syempre hindi porket may nangyari sa amin ay magiging okay na agad lahat dahil hindi pa rin naman ako sigurado sa nararamdaman niya.

“Dito” maikisi niyang tugon at bigla na lang akong napalunok laway ng bigla siyang maghubad sa harapan ko. AS IN HUBOT HUBAD, hindi ko inaasahang magiging ganito siya ka-aggressive sa unang araw namin sa Bali. Pero ayun masyado lang akong malisyoso dahil maliligo lang pala siya. Pero bakit naman kasi sa harapan ko pa talaga kailangang maghubad di ba?

At nang matapos siyang maligo ay nagbihis din siya sa harapan ko na para bang wala lang ako dun. Yung totoo inaakit niya ba ako? Pero yung totoo naglalaway na talaga ako sa katawan niya habang tumutulo ang mga maliliit na tubig mula sa kanyang buhok papunta sa kanyang katawan. Marahan niya ring pinupunasan ang kanyang dibdib hanggang sa kanyang braso. Jusko, biglang nanlambot ang mga tuhod ko. Muntik na akong maihi nang bigla niya akong titigan habang pinupunasan niya ang kanyang katawan.

“Sorry” sabay talikod. Ewan ko ba at pakiramdam ko ay guilty na guilty ako ng mga oras nayun.

Wala naman siyang ginawang kakaiba hanggang sa matapos siyang makapagbihis. Pinaalalahan niya lang ako na ihanda ang reports na gagamitin mamaya sa meeting nila. Mamayang 2pm pa yun pero ginawa ko na kaagad ang pinag-uutos niya para wala na akong alalahanin. Nagpahinga naman siya sa ibabaw ng kama na tanging shorts lang suot-suot. Natulog siyang habang nakapatong ang kanyang ulo sa ibabaw ng kanyang mga kamay. Ang sarap niyang pagmasdan habang kitang kita ko ang kili-kili niya na may clean-cut na buhok. Para siyang lalaking nag-aantay na gapangin sa ibabaw ng kama. Ang sarap-sarap kagatin ng kanyang abs lalong lalo na ang bukol sa pagitan ng kanyang mga hita.

Susme ano ba tong pinag-iisip ko? Ang aga-aga puro kalibugan ang tumatakbo sa isipan ko. Pero sino ba namang baklang tunay ang hindi malilibugan kong ganyan kagwapo at kasarap ang makikita mong nakahiga sa ibabaw ng kama? Sino? Sino? Bago pa ako sapian ng matinding kaelsahan ay lumabas na ako ng kwarto para hindi ko maistorbo ang pagpapahinga ni Jethro. Mukhang pagod siya kaya hindi na niya nagawang kumain ng almusal. Ngayon ko lang naalala na hindi pa pala kami kumakain ng almusal kaya nagtungo ako kaagad sa restaurant ng hotel at umorder ng pagkaing gusto ko. Inorder ko lahat ng pagkaing gusto kong kainin dahil sobrang gutom na gutom ako ngayon. Pagkarating ng pagkain ay agad kong kinain ang mga ito.

Nang ako ay mabusog ay nagpahinga ako ng kaunti habang tinatanaw ang mga taong masayang binabaybay ang beach sa labas. Tanaw kasi dito sa resto ang beach pati na ang mga taong naglalakad lakad. Ang ganda dito dahil hindi masyadong matao kaya maeenjoy mo ng husto ang tanawin. Habang abala ang mata ko sa pagtingin sa beach ay bigla na lang tumigil ang mundo ko nang iabot sa akin ang bill. Punyeta, nakalimutan ko nga palang wala akong dalang-wallet at saka kung may pera man ako ay hindi dollars ang laman nun. Patay, anong gagawin ko? Napansin siguro ng waiter na wala akong dalang wallet dahil kanina pa ako kapa ng kapa sa aking bulsa kahit wala naman itong laman kundi ang cellphone ko.

“I’m sorry can I go back to my room because I left my wallet there?” sabi ko sa waiter.

“I’m sorry to hear that Sir, but can you give me atleast your exact room number just to verify that you’re a customer in this hotel” sagot ng isang lalaki na mukhang manager ng restaurant. Saka ko lang napagtanto na open pala sa lahat ang restaurant kahit hindi ka customer ng hotel. Kaya siguro pinapaverify nila ang room number para malaman kung nagsisinungaling ba ako.

“Ahhm, wait” sagot ko. Natataranta na ako ng mga sandaling iyon dahil hindi ko maalala yung room number namin at kung maalala ko naman ay baka maabala ko pa ang pagtulog ni Jethro at tiyak magagalit yun sa katangahan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Lord help me!

“Use this!” sabi ng isang lalaki at inabot niya ang kanyang credit card sa manager. Lahat kami ay natulala sa kanya dahil sa biglaan niyang pagsali sa aming usapan.

“I’ll be paying for his meal” sambit ng lalaki at tinaggap ng waiter ang card niya. Nang matapos mabayaran ang aking bill ay nagpasalamat ako sa stranger na to na ubod ng gwapo. Oo, gwapo talaga to at ang bait pa. Kamukya niya yung lalaking gumanap na bilang Phana sa 2moons. Si Gxxod ba yun? ay ewan basta ang pogi niya.

Sinabihan ko siya na babayaran ko siya pero tumanggi siya dahil hindi naman daw big deal sa kanya yun. Nahihiya tuloy ako na may ibang taong hindi ko naman kakilala na nagbayad para sa akin. Buti na lang at may mga mabubuti pa ring tao na handang tulungan ako sa mga oras na napakatanga ko. Inaya niya akong maglakad-lakad sa labas para matanaw ang kagandahan ng Bali. Hindi naman ako tumanggi kasi siya na nga tong nanlibre sa akin tapos magpapabebe pa ako. Nagpakilala siya sa akin bilang Rupert, isa siyang modelo sa Thailand na nagbakasyon dito sa bali mag-isa. Tinulungan daw niya ako dahil akala niya ay kababayan niya ako dahil mukha daw akong thai. Ang dami naming napag-usapan habang naglalakad-lakad. Ang dali niyang pakisamahan dahil parang matagal ko na siyang kakilala at kayang kaya kong mag open sa kanya.

Nang mapagod kami ay huminto kami sa gilid ng beach kung saan hindi masyadong naarawan ang pwesto namin. Naging komportable kami sa isa’t isa at naging malalim na din ang pag-uusap kaya medyo naiilang ako sa mga tanong niya minsan. Syempre kahit close ko yung isang tao may limit pa rin sa mga tanong nila na pwede kong sagutin.

“Do you have a girlfriend?” seryoso niyang tanong. Umiling lang ako bilang pagtanggi.

“Boyfriend?” sabi niya habang nakangiti.

“No” nahihiya kong tugon at mukhang natunugan niya ako sa mga sandaling iyon.

“That’s good to hear” ngumiti siya habang hawak-hawak ang aking kamay.

Sa sandaling yun ay naramdaman ko na, na dapat na akong umalis. Dahil alam kong hindi maganda ang magiging kalalabasan nito.

“Sorry, but I have to go now” sabi ko at bumitaw sa pagkakahawak niya sa akin.

“Wait, just stay here for a while” pagpupumilit niya habang nakahawak siya sa braso ko.

“Sorry, but I really have to go now. My boss is probably looking for me” sabi ko pero ayaw pa rin niyang bitawan ang aking mga kamay.

“Don’t worry, I think your boss is still sleeping. Just stay here with me, okay?” pagpupumilit niya.

“But-” hindi na ako nakapagsalita nang hatakin niya ako papalapit sa kanya at marahas na hinalikan. Gumapang ang kanyang kamay sa aking pwetan habang patuloy ko siyang tinutulak.

“No, Rupert. Stop!” pagmamakaawa ko pero hindi parin siya tumitigil sa paghalik sa leeg ko. Nagulat ako nang biglang bumulagta sa buhanginan si Rupert dahil sa lakas ng pagkakasuntok sa kanya. Paglingon ko ay nakita kong si Jethro ang sumuntok sa kanya na kasalukuyang galit na galit sa kanyang nasaksihan.

“What the fuck?” sambit ni Rupert.

“What do you think you’re doing to him?” galit na sambit ni Jethro.

“What’s your problem? I am just kissing my boyfriend” nagulat ako sa sinabi ni Rupert. Lumingon sa akin si Jethro para kompirmahin ang sinasabi ni Rupert kaya todo iling naman ako bilang pagtanggi sa mga sinasabi nito.

“You’re not his boyfriend. Because he’s mine! So back-off before I kill you!” galit na sambit ni Jethro at nagmamadali namang tumakas si Rupert at naiwan kaming dalawa ni Jethro. Kinilig ako sa sinabi niya pero hindi yun ang tamang panahon para magsaya dahil alam kong nakita niya ang ginawa sa akin ni Rupert at mukhang hindi siya masayang masaksihan yun. Nagsimula siyang maglakad na para bang wala na siyang pakialam sa akin.

“Jethro, I mean Sir, magpapaliwanag ako!” sabi ko habang hinahabol ko ang bilis ng kanyang paglalakad pabalik ng hotel. Hindi man lang niya ako nililingon at patuloy pa rin siyang naglalakad hanggang sa marating namin ang aming kwarto. Huminga siya ng malalim bago magsalita.

“Na move ng 12pm ang meeting namin kaya hinahanap kita para magprepare. Naready mo na ba ang reports at presentation?” mahinahon niyang tanong.

“Opo, naayos ko na po kanina habang natutulog kayo.” Malumanay kong sagot dahil alam kong pinipigilan lang ni Jethro ang kanyang sarili na huwag magalit sa akin.

“Good, may one hour ka pa para mag-ayos at magbihis” ang tanging tugon niya.

“Sir, magpapaliwanag po ako sa nangyari kanina, kasi po” hindi na niya ako hinayaang magsalita pa.

“You don’t have to, I’m just your boss and you are my SESCRETARY. Malaya kang gawin ang gusto mong gawin dito sa Bali pero sana gawin mo na lang ito kapag tapos na ang pakikipagmeet ko sa client dito” at saka siya lumabas ng kwarto at naiwan na lang akong mag-isa.

So hindi pa rin pala nag-improve ang relasyon naming dalawa dahil isang secretary parin ang tingin niya sa akin kahit na may nangyari na sa aming dalawa. Ang sakit lang sa damdamin na marinig mismo sa kanya yun dahil iba kasi yung pinadama niya sa akin kagabi at kanina bago kami makarating dito. Pero ngayon ay tila nagbalik na siya sa dati niyang pagkatao. Siguro masyado lang talaga akong umaasa na magkakabalikan pa kaming dalawa kaya kahit maliliit na bagay na ginagawa niya ay binibigyan ko ng malisya. Siguro nga ay dapat kalimutan ko na ang nakaraan namin gaya ng pagkalimot niya sa naging relasyon naming dalawa. Ako na lang siguro yung na-trap sa relasyon namin dati at hindi pa rin makalet-go.

Gaya ng utos niya ay naghanda na ako para sa meeting. Naligo at nagbihis bago ako pumunta sa private area ng restaurant kung saan nakareserve para sa amin. Ako na ang naghanda ng projector para sa presentation na hinanda ko base sa reports na binigay sakin ni Jethro. Nang matapos ko ang preparation ay bigla na lang dumating si Jethro kasama ang isang magandang babae na nakayapos sa braso niya. Don’t tell me nagawa niya pang mambabae sa oras na to?

“Ms. Yani, meet my secretary. Eisen Fuentes” pagpapakilala ni Jethro at agad naman akong lumapit para makipagkamay sa kanya. Hindi ko inaasahang ganito kaganda ang magiging kliyente namin. Sa laki ng dibdib niya ay tiyak na malulunod ang sinumang magtangkang sumisid dito. Ang nakakailang pa ay panay ang kiskis nito sa braso ni Jethro.

Nagsimula agad ang meeting namin kasama si Ms. Yani Punchanakhul. Habang nagsasaita si Jethro ay nagsagawa ako ng research tungkol sa kanya at doon ko napag-alamang ubod ng yaman pala nitong babaeng ito. Anak siya ng isa sa mga business tycoon dito sa Indonesia at malakas ang impluwensiya. Ayun kay Jethro ay interesado si Ms. Yani na mag-open ng limang branch ng Forever & Always dito sa Indonesia. Perfect business partner siya kung tutuusin pero mas mukhang interesado pa siyang makipagsex kay Jethro kaysa pumirma ng contract dahil puro kalandian ang lumalabas sa bibig nito. Panay rin ang himas niya sa binti ni Jethro sa tuwing tatawa siya na alam ko namang pilit na pilit. Ang sarap niyang sampalin.

Matapos ang pagpirma niya sa contract ay inaya niya si Jethro na mag-ikot-ikot sa beach. Nakiusap naman si Ms. Yani na kung pwedeng iwanan ko daw muna sila dahil may pag-uusapan silang dalawa. Nagets ko naman kung ano ang gusto niyang iparating kaya hindi na ako sumunod sa kanila. Tangayin sana kayo ng malalaking alon o kaya lunurin sana kayo ng mga serena at mga berberoca dahil sa kalandian niyo. Bago pa man sila makalayo ay kinuhaan ko ng picture silang dalawa habang nakayapos si Ms. Yani sa kanyang braso at si Jethro naman ay nakahawak sa kanyang baywang. Magagamit ko to pang blackmail sa kanya pag-uwi namin sa pilipinas. Lagot talaga siya kay Celestine, naiimagine ko na kung pano magsasabunutan nilang dalawa. Hindi ko mapigilang matawa sa naiisip ko. kahit na natatawa ako sa mga balak ko ay napagtanto ko na sa huli ako parin pala ang magiging talo dahil isa man sa dalawang yun ay magwawagi sa puso ni Jethro at never na magiging ako ang choice niya.

Minabuti ko na lang na bumalik ng aming kwarto para matulog. Hindi ko rin naman maeenjoy ang magagandang tanawin dito sa Bali kung sa tuwing lilingon ako ay maaalala ko lang na nandito ako para maging secretary ni Jethro at hindi ang magsaya. Pagkabalik ko ay agad kong binagsak ang aking sarili sa kama para matulog. Ang nakakainis pa ay hindi ako makatulog kahit na ramdam na ramdam ko ang pagod ngayon. Nakakainis talaga, kung alam ko lang na mambababae lang siya dito ay hindi na ako sasama. Parang tinotorture ko lang ang sarili ko sa tuwing nakikita ko siyang may kasamang iba. Naiinis din ako sa sarili ko kung bakit hindi ko magawang magmahal ng iba samantalang siya ay kung kani-kanino ng lungga ang pinapasok niya.

Dahil hindi rin naman ako makatulog ay nagpasiya na lang akong bumili ng mga pwedeng ipasalubong na items para kay Lance at Gunter. Syempre di ko na kinalimutan ang pagdala ng wallet na punong puno ng pera. Bago pa man umalis si Jethro ay iniwanan niya ako ng pera na pwede ko raw gastusin para makapag-enjoy naman ako. So ayun nag spending spree ako gamit ang pera niyang binigay at wala akong tinira kahit barya. Bahala siya ang sabi naman niya ay pwede kong gamitin ang lahat ng to sa kung ano man ang gusto kong bilhin. Bitbit ang mga pinamili ko ay nagtungo ako pabalik ng hotel para ilagay ito sa isang bag. Kalahati ng mga ito ay mga bagay na wala naman talagang pakinabang para sa akin. At karamihan dito ay mga items na mamahalin talaga dahil mas gusto kong maubos agad ang perang binigay niya sa akin. Kung tama ang pagkakacompute ko ay nasa 50-55k ang cash na binigay niya sa akin at inubos ko lang sa mga bagay na wala naman talagan kwenta para sa akin. Pagkahiga ko sa kama ay dun na ako nakaramdam ng antok. Hindi ko man lang nagawang ayusin ang mga pinamili ko at hinayaan ko lang na magkalat sila sa sahig. Bahala na si Jethro mag-ayos niyan basta matutulog na ako.

Nagising na lang ako sa tunog ng pagbukas ng pintuan. Nakita kong pumasok si Jethro at nagmamadaling pumasok sa banyo. Habang nasa banyo siya ay nagmamadali akong inayos ang mga kalat na nasa sahig baka mamaya ay maapakan niya pa ang mga ito. Hindi rin nagtagal ay nakalabas na siya at iba na ang suot niya ngayon. Binuksan niya ang kanyang wallet at hinagis niya sa akin ang kanyang credit card.

“May dinner kami ni Ms. Yani. Pwede ka na magdinner gamit yan. Mukhang naubos mo na kaagad ang perang binigay ko sayo eh” mukhang hindi naman siya galit sa tono ng kaniyang pananalita at hindi rin naman siya masaya.

“Wait. Wag kana umalis” hindi ko alam kung bakit nasasabi yun.

“Why?” tanong niya.

“Eh kasi po ikakasal na po kayo di ba?” my god Eisen ano tong pinagsasabi mo?

“Anong ibig mong sabihin?” poker face pa rin siya habang kinakausap ako.

“Hindi magandang makarating ito kay Mam Celestine dahil tiyak na magagalit siya” please someone pigilan niyo ang bibig ko.

“Alam ko namang loyal ka sa akin kaya hindi ka magsusumbong di ba” sabi niya habang natatawa.

“Basta hindi po kayo aalis ngayong gabi. Walang makakarating kay Mam Celestine” hindi ko talaga alam kung saan ako humuhugot ng lakas ng loob para sabihin ang mga yun.

“Eh papano kung lumabas ako ngayon?” naging seryoso na ang pagmumukha niya.

“Edi magsusumbong po ako kay Mam Celestine” tumaas ang kilay niya nang sabihin ko yun.

“Sa tingin mo sa ating dalawa sino ang paniniwalaan ni Celestine?” unti-unti siyang lumalapit sa akin. Hinanda ko na ang sarili ko dahil mukhang magkakaroon ang ng pasa sa mukha dahil sa mga pinagsasabi ko.

“Ako, dahil may pruweba ako!” sabay pakita ng pictures nila ni Ms. Yani. Nagulat naman siya sa pinakita kong picture at bigla siyang tumawa ng malakas. Nang matapos siyang tumawa ay lumapit siya sa akin ng husto at saka bumulong.

“Sige magsumbong ka. Gusto ko yung detalyado ahh…Sabihin mo na rin sa kanya na may nangyari sa atin noon sa isang hotel pati na rin yung nangyari sa atin sa kotse ko kung saan sarap na sarap ka sa paglunok ng tamod ko. At sabihin mo na rin na halos mabaliw ka sa tuwing papasukin ki-” bago pa man niya matapos ang kaniyang sasabihin ay agad ko siyang sinampal. Nagulat ako sa inasal ko pero huli na ang lahat dahil markang marka ang palad ko sa mukha niya sa lakas ng pagkakasampal ko. Tumalikod siya para iwanan ako pero bigla ko na lang siyang pinigilan at niyakap ang kanyang likuran.

“I’m sorry Jethro. Please wag ka nang umalis. Nasabi ko lang naman ang lahat ng yun dahil nagseselos ako. Hindi ko na kayang makitang may kasama kang ibang babae. Kay Celestine pa lang ay halos ikamatay ko na sa tuwing nakikita ko kayong masayang magkasama.” Hindi ko na napigilang umiyak habang yakap-yakap ko ang likuran ni Jethro. Hinawakan niya ang aking kamay para makalas ito sa pagakakayakap sa kanya at naupo siya sa gilid ng kama.

“You’re lucky dahil horny ako ngayon. Galingan mo para hindi ako lumabas sa kwartong to” sabi niya at agad naman niyang hinubad ang kanyang polo. Hindi na ako nag-aksaya ng oras pa, pinunasan ko ang mga luha sa aking mga mata at ginawa ko ang nais niya.

Sinimulan ko sa paghalik sa kaniyang leeg habang nilalaro ko ang kaniyang magkabilang utong. Ginalingan ko ang pagdila sa kaniyang leeg hanggang sa umabot ito sa kanyang dibdib. Marahan kong sinipsip at dinidilaan ang maghabila niyang utong at kamay ko naman ay malayang nagtataas baba sa kaniyang ari. Hindi ko tinigilan ang pagpapaligaya sa kaniyang hanggang sa marinig ko ang pag-ungol niya na tanda na nasasarapan na siya. Pero laking gulat ko nang bigla niya akong pinatigil sa ginagawa ko.

“Bakit mo ba ginagawa sa akin to?” tanong niya.

“Dahil mahal kita!” yumuko ako nang sabihin ko yun.

“Ano?” tanong niyang muli.

“Mahal kita. Mahal na mahal kita kahit na nakalimutan mo na ako ay mahal na mahal pa rin kita. Kahit na ilang beses mo akong saktan ay hindi pa rin nagbabago ang pagtingin ko sayo Jethro” humagulgol na ako ng pag-iyak nang mabanggit ko ang mga salitang yun. Natigilan lang ako sa aking pag-iyak nang maramdaman ko ang paghalik ni Jethro sa aking noo.

“Ang tagal kong inantay na sabihin mo sa akin yan” nagulat ako sa sinabi niya kaya tinitigan ko ang mukha niya na ngayon ay nakangiti habang nakatingin sa akin.

“Anong ibig mong sabihin? Naaalala mo na ako?” tanong ko dahil hindi ako makapaniwala sa naririnig ko.

“Kahit ilang beses pa siguro ako magkaroon ng amnesia ay hinding hindi ko makakalimutan ang nag-iisang tao na tumatawag sa akin na Endimion” nakangiti siya habang binabanggit ang mga salitang iyon. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil baka nananaginip pa rin ako sa mga oras na to.

“At nag-iisa lang din naman yung taong tinatawag kong Serenity” tinakpan ko ang aking bibig habang ang mga luha sa aking mga mata ay patuloy na umaagos dahil sa sobrang saya.

“JETHROOOOOOOOOOOO!” Sigaw ko at sabay yakap ng mahigpit sa kanya. Sa lakas ng pagkakayakap ko ay napahiga siya sa kama habang ako ay nasa ibabaw niya at umiiyak. Patuloy ang pag-iyak ko habang mahina ko siyang pinapalo sa kaniyang dibdib. Natutuwa ako na at naiinis dahil parang dinaya niya ako dahil umaarte parin siya na walang naaalala.

Nang mahimasmasan ako sa pag-iyak ay nahiga ako sa tabi niya pero hindi pa rin ako bumibitaw sa pagkakayakap ko sa kanya na para bang mawawala na naman siya sa akin sa oras na bitawan ko siya. Nang magkatinginan kami ay hindi ko mapiglan ang aking sarili na tanungin siya kung bakit ngayon niya lang inamin ito at kung kelan pa niya ako naaalala.

“Siguro naman sasabihin mo na sa akin kung bakit mo tinago sa akin to” naiinis kong tanong habang kinukurot ko ang pisngi niya.

“Pano ko ba sisimulan? Haay ang haba eh” natatawa niyang sambit.

“Dali na sabihin mo na kundi hindi ko bibitawan tong pisngi mo!” pagbabanta ko sa kanya at tumawa na naman siya. Namiss ko to, namiss ko ng sobra ang pagtawa niya ng ganito.

“Bago ako magkwento, ituloy muna natin yung ginagawa natin kanina. Nabitin ako eh” sabay halik sa labi ko.

“Ang libog-libog mo talaga!” natatawa kong sabi.

“Ikaw ang may kasalanan niyan, kaya panagutan mo!” tumawa rin siya.

Wala na akong nagawa kundi pagbigyan ang kahilingan niya. Dahil gusto ko rin naman to at gusto niyo rin naman to diba? Diba?

Itutuloy…….

A/N: Im backkkkkkkk! (Who cares, Care bears?) Salamat sa mga concern readers ko na nagmemessage sakin. I’m okay guys wala naman talaga akong Author’s Block. Alam yung feeling na hindi ko talaga feel magsulat noong mga nakaraang linggo aside sa pagiging busy ko. Bago ko simulan ang paggawa ng Book 2 ay alam ko na kung papano ito magtatapos kaya malabo na hindi ko alam kung anong isusulat ko.

Sa mga nagkocomplain dahil hindi ako consistent mag-update. Please feel free to unfollow me and delete this story from your reading list. Di ko kailangan ng daily dose ng negativity nyo.

Anyway next chapter na yung POV ni Jethro siya na bahalang magkwento sa mga nangyari sa buhay niya.

PLEASE DONT FORGET TO VOTE! THANK YOU ♡

Chapter 9: Bad memories & Sweet Kisses

A/N: May important question ako need ko ng opinion nyo so please respond sa end ng story.

David as Jethro

Jethro’s POV

3 YEARS AGO

Sobrang sakit ng ulo ko nang magising ako. Gulong-gulo ako sa mga nangyayari sa paligid ko. Wala akong maalala sa mga nakaraang buwan na nangyari sa buhay ko. Kasabay ng paggising ko mula sa aksidenteng nangyari sa akin ay nalaman kong patay na si Dad. Hindi ako makapaniwala nang marinig ko yun mula kay Annabelle at ayun sa kaniya ay kagagawan daw ito ng bagong napangasawa ni Dad. Pero malabong magawa yun ni Tita. Wait, bakit ko ba siya pinagtatanggol? Hindi ko alam kung bakit hindi ako masayang makita si Annabelle sa paggising ko. Dapat nga masaya ako na makita ko siya na nasa tabi ko siya hanggang sa magising ako. Pero bakit parang may hinahanap akong ibang tao na dapat ay ngayo’y nasa tabi ko. Bumukas ang pinto at pumasok si Jules. Mga bata pa kami nang huli ko siyang makitang masaya na lumalapit sa akin habang umiiyak.

“I’m glad that you’re awake” sabi niya habang niyayakap ako. Medyo weird dahil hindi ako sanay na ganito ang inaasal niya sa akin. “Matutuwa si Eisen na malaman to” kinuha niya ang phone niya at nagdial pero bago pa man siya makatawag ay tinanong ko siya kung sino si Eisen. “Si-sino si Eisen ?” may kakaiba sa pakiramdam ko sa tuwing maririnig ko ang pangalang yun.

“Hindi mo naalala si Eisen?” gulat na tanong ni Jules.

“Seriously Jules, magtatanong ba ako kung kilala ko siya?” nagsisimula na namang sumakit ang ulo ko dahil pilit kong inaalala kung sino ang taong yun.

“Are you okay Jethro?” tanong ni Annabelle nang makita niya akong napayuko habang hawak ko ang aking ulo.

“I’m going to call the doctor” nagmamadaling lumabas si Jules at saka tinawag ang doctor.

After a few seconds nawala din ang pananakit ng ulo ko. Sumandal ako sa kama habang hawak-hawak ni Annabelle ang aking kamay. Ngumiti ako sa kaniya bilang tanda ng pagpapasalamat pero yung totoo ay hindi ko magawang maging masaya ngayon. Maya-maya ay dumating si Jules kasama ang doctor na tinawag niya. Tinanong niya ako ng ilang bagay gaya ng mga ginawa ko ng mga nakaraang buwan pero wala akong maalala ni isa sa mga yun. May pinakita sa aking picture si Jules at kasama ko ang isang lalaki na nakayakap sa akin. Kapwa kaming masaya at kitang kita yun sa picture pero hindi ko magawang maalala kung sino siya. May tumutulak sa aking isipan na dapat alalahanin ko siya pero kahit anong pilit kong gawin ay wala talaga akong maalala. Sumakit na naman ang ulo ko na para bang mahahati ito sa gitna.

Ayun sa doctor ay nakakaranas daw ako ng selective memory-loss dahil nagagawa ko pang maalala ang mga bagay na ginawa ko ng mga nakaraang taon. Pero nitong nakaraang buwan ay halos di ko maalala ang mga bagay na ginawa ko. Lalong lalo na yung Eisen ay hindi ko magawang maalala. Hinayaan muna nila akong magpahinga sa aking kwarto pero nagpumilit si Annabelle na mananatili siya sa tabi ko. Hinayaan naman siya ng doctor basta wag lang akong iistorbohin sa oras na kailangan kong magpahinga. Nang makalabas si Jules pati na rin ang doctor ay hindi ko rin namang magawang makatulog dahil ang daming tanong sa isipan ko na hindi ko mabigyan ng sagot. Di ko napigilan ang aking sarili na tanungin si Annabelle tungkol kay Eisen. Mabilis siyang sumagot sa mga tanong ko at ayun sa kaniya ay anak daw ng napangasawa ni Dad si Eisen. Gaya ng mom niya ay tuso rin daw itong si Eisen. Nagawa daw nitong akitin si Jules at Josh na maging boyfriend niya. Hindi ako makapaniwala na itong Eisen na pinag-uusapan namin ay bakla pala. Hindi rin ako makapaniwala na papatol ang mga kapatid ko sa kanya. Imposible yun! Dagdag pa ni Annabelle ay nakipaghiwalay daw ako sa kaniya dahil pati rin ako ay nagawang akitin ni Eisen. At dahil daw sa Eisen na yun ay naaksidente kami. Habang ako raw ay nag-iisa dito sa hospital ay itong si Eisen daw ay nakikipaglandian sa iba ko pang kapatid. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nagalit ng husto.

Hindi ako makapaniwala sa mga natuklasan ko sa mga pinaggagawa ko ng mga nakaraang buwan. Alam ko sa sarili kong straight ako at never akong papatol sa bakla. Pero bakit pakiramdam ko ay pinagtaksilan ako nang marinig kong kasama niya ang kapatid ko ngayon imbes na ako ang kasama niya sa mga oras na to. Tumindi na naman ang sakit ng ulo ko. Nakiusap ako kay Annabelle na kung pwede ay iwan niya muna akong mag-isa at mabuti ay pinakinggan niya ako kaagad. Pilit kong pinikit ang aking mata para ipahinga ang isipan ko. Sino ka ba talaga Eisen?

Nagising ako na may humahaplos sa aking noo. Nakita kong nasa tabi ko na naman si Annabelle at pinupunasan ang aking noo. Inalok niya akong kumain at saktong kumakalam na ang sikmura ko kaya hindi na ako tumanggi. Nagpumilit siyang subuan ako kahit na kaya ko naman. Nagsimula siyang magkwento ng mga masasayang naming alaala na magksama. Hindi ko mapigilang matawa sa mga kwentuhan namin lalo na yung mga kalokohan namin noong college. Ang weird lang dahil hindi ko nagawang makalimutan yun pero yung mga nakaraang buwan ay hindi ko lubusang maalala. Matagal-tagal din ang naging usapan namin hanggang sa nasa tabi ko na siya sa kama at yakap-yakap ako. Namiss daw niya ako kaya humingi siya ng favor kung pwede ko ba daw siyang halikan. Noong una ay parang hindi magandang idea yun na gawin namin at para bang may pumipigil sa akin na hindi ko dapat gawin yun. Pero bigla na lang niya akong sinunggaban ng halik na ikinagulat ko.

“A-anong ibig sabihin nito?” narinig kong may nagsalita kaya napabitaw ako sa paghalik ni Annabelle. Paglingon ko ay nakita ko kung sino ang nagsalita, siya si Eisen. Siya yung tinutukoy ni Annabelle na may kasalanan kung bakit nangyari ang lahat ng mga to. Mas lalo akong nagalit nang makita kong kasama niya ang mga kapatid ko. Hindi ko alam kung bakit pero naiinis akong kasama niya ang mga kapatid ko.

“Ang kapal din naman ng pagmumukha mo na pumunta pa dito?” sa galit ko ay hindi ko napigilang ang aking sarili na sabihin yun. Ewan ko kung bakit ang bigat ng dibdib ko nang sabihin ko ang mga salitang yun sa kaniya.

“A-anong ibig mong sabihin?” tanong niya at mukhang naiiyak na siya. Huwag kang iiyak! Huwag kang iiyak! Hindi ko alam kung bakit ko nasasabi to sa sarili ko.

“Naikwento na sa akin lahat ni Annabelle ang mga nangyari. Wala man akong maalala ay malinaw sa akin na kasalanan mo at ng pamilya mo kung bakit namatay si Daddy at kung bakit ako naririto ngayon” wala akong control sa emosyon ko ngayon at nasabi ko ang mga salitang hindi ko dapat nasabi. Gulong gulo ako sa mga nangyayari.

“What the fuck Anne? Anong pinagsasabi mo kay Jethro?” narinig kong sabi ni Jules, nakakapagtaka na pinagtatanggol niya pa si Eisen.

“Sinabi ko lang naman talaga ang totoo sa kanya ahh” sagot ni Anne at saka siya yumakap sa akin. Sa sandaling yun ay naiilang akong nakayakap sa akin si Annabelle. Lumapit sa Jules kay Eisen at inaalalayan habang pinipigalan nito ang pag-iyak. Lalo akong nakaramdam ng galit sa kaniya at mukhang totoo nga ang sinasabi ni Annabelle sa kaniya.

“Umalis kana dito at ayoko nang makita yang pagmumukha mo!” hindi ko alam kung bakit ko nasasabi ang mga masasamang salita yun sa kaniya. At nang masabi ko sa kaniya ang mga salitang yun ay bigla na lang siyang umiyak. Ayokong makita siyang umiiyak, ayokong makita siyang nasasaktan. Kung pwede bang umalis na muna siya sa paningin ko habang gulong gulo pa ang isipan ko.

“Sabing umalis kana dito!” binato ko siya ng unan para umalis na siya mismo doon. Alam kong hindi tama ang paraan ng pagpapalis ko sa kaniya pero sana makinig siya sa akin dahil FUCK ang sama rin ng loob ko na makita siyang nagkakaganun. Galit na galit sa akin si Jules at gusto niya akong saktan sa mga oras na yun. Nagawa siyang pigilan ni James at Jean pero mas mabuti na sigurong hindi nila pinigilan si Jules dahil alam kong deserve ko ang masuntok ngayon. Nakita ko siyang umiiyak habang papalabas ng kwarto. May galit sa puso ko pero may parte din ng pagkatao ko na gusto ko siyang pigilan at humingi ng tawad sa ginawa ko pero hindi ko nagawa.

Lumipas ang isang buwan mula nang maaksidente ako. Araw-araw nasa mansion si Annabelle na ipinagtataka ko. Alam kong concern siya sa kalagayan ko pero mas mukhang binabantayan niya ang bawat kinikilos ko. Madalas kong nakikita sa loob ng mansion si Eisen. Hindi ko alam kung bakit sa aming magkakapatid ay ako lang ang gustong umalis siya sa mansion. Pero sa tuwing nawawala siya sa paningin ko ay parang hindi ako mapakali. Nababaliw na yata ako. Minsan nakikipag-usap siya sa akin pero madalas sinusungitan ko lang siya. Naiinis kasi ako sa sarili ko sa tuwing kasama ko siya para bang may nauudyok sa akin na mas mapalapit pa sa kaniya at yakapin siya. Ngunit sa tuwing naaalala ko na sila ang dahilan kung bakit namatay si dad ay mas nananaig ang galit ko.

May pagkakataon pang nakikita ko siya na lagi niyang kasama si Josh. Sa tuwing nakikita ko siya kay Josh ay lagi siyang tumatawa at masaya na kabaligtaran naman kapag ako ang kasama niya. Naiinis ako na makita silang magkasama kaya lagi ko na lang siya na sisigawan kapag hindi na sila magkasama ni Josh. Halos araw-araw ang nagiging bangayan namin ni Jules dahil sa pagtrato ko kay Eisen. Ilang beses nilang sinabi sa akin kung ano ang nangyari pero ewan ko ba kung bakit mas naniniwala ako kay Anne kaysa sa mga kapatid ko. Hindi ako makabalik sa trabaho ko bilang abogado dahil may mga kliyente na nagdududa sa kakayahan kong maging abogado dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nanunumbalik ang aking alaala. Madalas kong nakakasama ang tauhan sa bahay lalong-lalo na si Eisen na hindi pa rin tumitigil sa pakikipag-usap sakin kahit ilang beses ko na siyang sinigawan at sinabihan ng masasamang salita.

I

sang hapon nang makita kong nakikipagkatuwaan si Eisen kay Jules. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagkaroon ng relasyon si Jules kay Eisen. Alam ko kung gaano ka playboy si Jules at kung pano siya magpalit palit ng babae na para bang nagbibihis lang. Siguro nga tama si Annabelle na inaakit niya lang ang mga kapatid ko at nagpapaawa para manatili siya sa mansion. Kaya naman gumawa na ako ng paraan para makausap siya kung ano ba talaga ang motibo niya sa pananatili dito sa mansion. Pagkatapos nilang mag-usap ni Jules ay pinatawag ko siya sa isa mga maid para pumunta sa aking kwarto. Hindi ko inaasahang ganun kabilis ang pagdating niya. Masaya siyang pumasok sa aking kwarto at ako naman ay hindi mapakali kung tama ba tong gagawin ko.

“Ano ba talagang gusto mong mangyari at bakit nandito ka pa rin sa mansion?” tanong ko sa kaniya. Yung matatamis na ngiti niya kanina ay bigla na lang nawala, yumuko siya at hindi na nakasagot.

“Gusto mo ng pera? Bibigyan kita magkano ba gusto mo para lang umalis ka dito?” tumingin siya sa akin ng derecho bago sumagot.

“Ikaw, ikaw ang gusto ko. Ikaw ang dahilan kung bakit nagtitiis pa rin akong manirahan dito” mahinahon niyang sagot.

“Oh come on! Alam ko namang sinasabi mo lang yan dahil gusto mo akong mahulog sa salita mo gaya ng ginagawa mo sa mga kapatid ko. Just name the price, ibibigay ko kaagad yun sayo” naiinis ako sa sarili ko kung bakit kabaligtaran ng nararamdaman ko ang mga sinasabi ko. Sa totoo lang ay masaya akong marinig ang mga salitang yun mula sa kaniya at hindi ko alam kung bakit.

“Walang patutunguhan tong pag-uusap natin. Kung yun lang ang sasabihin mo ay aalis na ako” tumalikod siya at naglakad papalayo sa akin.

“Wait, hindi pa ako tapos” nabigla ako sa kinilos ko at nahawakan ko siya sa kaniyang damit. Sa lakas ng pagkakahatak ko sa kaniyang damit ay napunit ito. Pareho kaming nagulat sa nangyari. Napunit ang kaniyang damit mula sa kaniyang braso hanggang sa makita ko ang dibdib niya. Sobrang kinis ng kaniyang balat na hindi nalalayo sa kutis ng isang babae. Bigla na lang akong nag-init at hinatak ko siya sa aking kama.

“Alam kong ito lang naman ang gusto mo sa akin. Pwes pagbibigyan kita ngayon” sabay hubad ko sa aking polo. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat sa aking inaasal.

“Je-jethro!” hindi na siya nakapagsalita pa ng sinimulan kong halikan siya sa labi. Hindi rin ako makapaniwala sa aking sarili kung papano ko nagawa sa isang lalaki ang makipaghalikan. Ang halik ko ay umabot sa kaniyang leeg. Pilit niya akong pinapatigil sa aking ginagawa pero mas malakas ako sa kaniya kaya malaya kong nagawa ang gusto kong gawin. Buong pwersa kong hinubad ang kaniyang suot na shorts hanggang sa hubo’t hubad na siya sa aking kama. Hindi ako nakontento sa ginawa ko at gusto kong maranasan ang makipag-sex sa kaniya. Bago ko pa man gawin yun ay nakita ko ang kaniyang mukha ngayon na umiiyak habang sinisigaw ang pangalan ko. Sa pagkakataong yun ay nawala lahat ng pagnanasa ko at nakaramdam ako ng awa sa kaniya. Tinigilan ko ang aking ginagawa at naupo ako sa tabi ng kama. Nang masuot niya ang kaniyang shorts ay tumakbo siya palabas ng aking kwarto habang umiiyak.

Simula nang mangyari yun ay hindi na tumira si Eisen sa mansion. Matagal ko na siyang pinapalayas sa mansion pero ngayong ginawa na niya ang gusto ko ay tila hindi ako naging masaya sa nangyari. Sa pagkakaalam ko ay nakatira siya ngayon sa isang hotel na pagmamay-ari namin. Si Josh ang nagmamanage nito kaya madalas niyang nakakasama ito. Kinakain ako ng matinding selos sa tuwing nakikita ko silang sabay na pumapasok sa mansion. Kaya naman tinuon ko ang aking atensyon kay Anne. Siguro masyado lang akong nadidistract kay Eisen kaya ko nararamdaman ito. Simula nang gawin ko kay Eisen yun sa aking kwarto ay hindi na ito nawala sa aking isipan. Nag-iinit ang aking katawan sa tuwing maaalala ko ang mga sandaling yun. Mabuti nandiyan si Anne para tulungan akong humupa ang pagnanasa ko. Hanggang blowjob lang ginagawa niya sa akin sa tuwing nakakaramdam ako ng init sa katawan. Hindi ko alam kung bakit wala akong ganang galawin siya pero naiintindihan naman niya ang kalagayan ko kaya ginagawa niya ito. Habang tumatagal ay tumitindi ang pagnanasa ko kay Eisen. Hindi ko rin alam kung pagnanasa nga ba to o may nararamdaman ako na ako para sa kaniya. Sa takot ko ay nagawa kong magpropose ng kasal kay Anne dahil baka sakaling makalimutan ko ang nararamdaman ko kay Eisen kapag nagkaasawa na ako.

Isang gabi nang magising ako dahil naramdaman kong may humahaplos sa noo ko. Alam kong hindi yun si Anne kaya nanatili pa rin akong nakapikit at nagtutulog-tulugan. Maya-maya pa ay nagsalita ito at saka ko lang nalaman na si Eisen ang nasa tabi ko.

“Alam kong nangako sayo na mamahalin kita ano man ang mangyari at hinding hindi kita iiwan. Sobrang demanding mo naman kasi eh, Sorry pero isa lang dun ang kaya kong tuparin. Nangangako akong ikaw lang ang mamahalin ko pero hindi ko kayang pangatawanan ang ang pangako ko sayo na hinding hindi kita iiwan” halatang naiiyak na siya habang sinasabi niya sa kin yun. Ang bigat ng pakiramdam ko habang pinapakinggan ko ang mga salitang iyon.

“Iiwanan na kita dahil nakikita ko namang kaya mong maging masaya sa piling ng iba. Ayoko nang madamay ka pa sa kamalasang dala ko. Gusto kong tuluyan kang lumigaya dahil deserve mo yun! Ako? Wag mo akong aalahanin, kayang-kaya ko ang sarili ko. Siguro nga pinagtagpo tayo pero hindi pinagtadhana sa isa’t isa. Kaya sa huling pagkakataon ay gusto kong malaman mong mahal na mahal kita Jethro. Ikaw na ang huling lalaking mamahalin ko. I love you Jethro, Forever and always” hinalikan niya ako sa aking noo at pati na rin sa aking labi. Ewan ko ba at parang naiiyak na rin ako dala ng mga sinabi niya sa kin. Gustong gusto kong idilat ang aking mata at sabihin sa kaniya na huwag na siyang umalis pero hindi ko nagawa. Hanggang sa nakalabas siya ng aking kwarto at naiwan akong mag-isa. Nag-iwan siya ng sulat sa ilalim ng aking unan na binasa ko kaagad nang makaalis siya. Ramdam ko na sincere siya sa bawat salitang sinulat niya para sa akin. Doon ko napatunayan na totoo ang nararamdaman niya para sa akin.

Ilang minuto ang lumipas bago ako nagkalakas ng loob para kausapin siya. Dahil sa nabasa kong sulat ay gusto kong bigyan ng pagkakataong mas makilala pa siya at maalala pa siya. Pumunta ako sa kwarto niya at kumatok pero walang sumasagot. Nang buksan ko ang pinto ay wala ng tao sa loob. Hinanap ko siya sa mansion pero hindi ko siya makita kaya lalo akong nataranta. Nang marating ko ang dining area ay bigla akong nakarinig ng ingay ng motor. Malamang si James yun dahil sa aming magkakapatid ay siya lang ang mahilig gumamit ng motor. Pumunta ako sa labas para kausapin si James kung nakita niya ba si Eisen. Pagkarating ko sa labas ay naabutan kong nakaangkas na si Eisen sa motor ni James habang bitbit nito ang malaking bag. Sana hindi tama ang hinala ko, sana sa hotel pa rin ang pupuntahan niya. Sana hindi niya iiwan gaya ng mga sinabi ko sa kaniya.

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip kay Eisen. Maaga akong nagising at nag-aantay sa dining area kung saan madalas ko siyang nakikita tuwing umaga. Ilang minuto ang lumipas at dumating si James para kumain. Wala siyang sinabi sa akin tungkol sa nangyari kagabi. Patuloy lang siya sa pagkain ng breakfast at kinakamusta ang kalagayan ko. Sumunod naman ay si Jean at Jules. Naupo sila sa kanilang pwesto para kumain. Matagal na akong hindi kinikibo ni Jules dahil sa pagtrato ko kay Eisen kaya hindi ko rin siya masisisi. Ang huling dumating ay si Josh na hingal na hingal.

“WALA NA SI EISEN!” sigaw niya at lahat kami ay napatingin sa kaniya.

“What do you mean?” napatayo si Jules sa kinauupuan niya.

“Wala na ang mga gamit niya sa hotel. Pati ang mga damit niya sa kaniyang kwarto ay bawas na” sa unang pagkakataon ay nakita ko kung papano mataranta na parang baliw si Josh.

“I thought hinatid siya ni James kagabi sa hotel” hindi ko mapigilang sabihin dahil hindi magandang balita ito.

“San mo dinala si Eisen?” tanong ni Josh pero hindi sumagot si James.

“I said san mo dinala si Eisen?” lumapit si Josh kay James at habang hila-hila ang sandong suot nito.

“Hey calm down!” sabi ni Jean.

“Hinatid ko siya sa isang bus station dahil yun ang gusto niya” mahinahong sagot niya.

“FUCK!! Saang bus station at san siya pupunta?” galit na tanong ni Josh.

“Tangina bat parang kasalanan ko? Ginawa ko lang ang pakiusap niya sa akin dahil hindi ko na matiis na makita siyang nagdudusa habang pinipilit niya ang kaniyang sariling na tumira kasama tayo!” galit na rin si James at nagsisimula na ang tensyon sa dalawa.

“Guys chill. Hindi ba mas okay na wala na siya dito at wala na tayong aalahaning ibang tao” natatawa kong sabi pero hindi talaga ako natutuwa. Gaya ni Josh ay hindi rin ako mapakali sa pagkawala ni Eisen.

“Do you think it’s funny?” binitawan ni Josh si James at lumapit sa akin.

“Anong gusto mong gawin ko, umiyak ako dahil wala na siya?” sarkastiko kong sabi at bigla na lang niya akong hinahawakan sa kuwelyo.

“TANGINA NARIRINIG MO BA ANG PINASASABI MO NGAYON? KUNG ALAM KO LANG NAGAGANITUHIN MO SI EISEN AY HINDI KO NA SANA AKO NAGPARAYA SAYO. HINDI KO NA SANA SIYA BINITAWAN. HINDI KO NA SANA SIYA HINAYAAN KUNG SASAKTAN MO LANG DIN SIYA, GAGO!” Galit na galit si Josh habang sinisigawan niya ako. Inawat siya ni Jules papalayo sa akin.

“Tama naman si Jethro, bakit nga pa ba natin pag-aawayan si Eisen?” hindi ko inaasahang sasabihin yun ni Jules. Lumapit siya sa akin at tinapik ang balikat ko. Bigla na lang niya akong sinuntok ng malakas sa mukha. Sa lakas ng pagkakasuntok niya ay natumba ako at tumama ang ulo ko sa pader.

“FUCKER!” ang huling salitang narinig ko mula kay Jules.

Nagising akong mag-isa sa loob ng hospital. Hndi ko alam kung papano ako napunta dito. Sobrang sakit ng ulo ko na tila mahahati na naman. Pinindot ko ang switch para humingi ng tulong sa nurse o kaya sa doctor. Habang patuloy na sumasakit ang ulo ko ay patuloy na may pumapasok na alaala sa aking isipan. Isa-isang nanunumbalik sa akin ang mga alaala ko nitong mga nakaraang buwan hanggang sa maalala ko si Eisen. Nataranta ako at tumayo ako sa aking kama. Kailangan kong mahanap si Eisen. Kailangan kong humungi ng tawad sa kaniya. Kailangan ko siyang makita. Kailangan ko siya. Bago pa man ako makalabas ng kwarto ay pinigilan na ako ng nurse na wag lumalabas pero nagpumilit ako kaya tumakas ako. Bago pa man ako makalabas ng hospital ay nakaramdam ako ng matinding pagkahilo hanggang sa hindi ko na namalayan ang nangyayari sa paligid ko.

Muling nagising ako sa aking kwarto. Ilang araw na daw akong walang malay. Dinala na nila ako sa mansion dahil alam nilang tatakas lang ako dun kapag nagkamalay ako. Araw-araw daw akong pinupuntahan ng doctor para i-monitor ang kalagayan ko. Laking gulat din nila nang malaman nilang naaalala ko na ang lahat. Nagmakaawa ako kay James na sabihin sa akin kung nasaan si Eisen pero naging tikom pa rin ang bibig niya. Nangako daw siya kay Eisen na wala siyang pagsasabihan na kahit sino kung nasaan siya ngayon. Naiintindihan ko si James kung bakit ayaw niyang sabihin sakin dahil ayaw na niyang makitang nasasaktan si Eisen nang dahil sa akin.

Lumipas ang ilang buwan at naging miserable ang buhay ko simula nang bumalik ang alaala ko. Araw- araw akong nilalamon ng kalungkutan sa mga alaala na kasama ko si Eisen. Hindi ko magawang bumalik sa aking trabaho. Kung lalabas man ako ng mansion ay mag-iinom lang ako sa bar at mambababae para makalimot pansamantala. Mas naging malalala ang naging kalagayan ko kaysa kay Josh noong panahong buong akala namin ay patay na si Sam. Walang araw na hindi ko kapiling ang alak. Bawat paglago ko nito ay si Eisen ang nasa isipan ko. Tangina, napakagago ng tadhana para sa amin. Ayaw niya kaming maging masaya. Ayaw niya kaming magsama. Tangina talaga!

Naaawa na sa akin ang mga kapatid ko at nais nilang magmove-on na ako. Kung kani-kanino nila ako pinapakilalang babae pero wala talagang papalit sa pagmamahal ko kay Eisen. Dumating ang araw na hindi na napigilan ni Jean na hindi sakin sabihin ang nalalaman niya. Gaya ni James ay nangako si Jean kay Eisen na hinding hindi niya ipagsasabi kahit kanino kung nasaan siya ngayon. Ayun kay Jean ay nasa isang university sa laguna nag-aaral si Eisen. Nakita at nakausap niya raw ito noong magperform siya sa university kung saan nag-aaral si Eisen. Bigla akong nagkaroon ng pag-asa na magkakabalikan kami kapag muli kaming nagkita at masabi ko sa kaniya na naaalala ko na ang lahat. Bago ako pumunta sa laguna ay nagpagupit muna ako at inayos ang aking sarili. Kailangan maging gwapo pa rin ako sa paningin niya kapag nagkita kami. Dala-dala ang mga rosas ay nagdrive ako mula batangas hanggang laguna. Pinagpasensyahan ko ang matinding traffic at mahabang byahe makita lang siya.

Hapon na nang marating ko ang sinabing Univeristy sa akin ni Jean. Pinakita ko sa guard ang ID ko at mabilis niya akong pinapasok. Karamihan sa mga estudyante ay nakatingin sa akin ng bumaba ako ng kotse. Nagsuot ako ng shades para matakpan ang nangingitim kong eyebags. Ayokong madismaya siya sa akin kaya kailangan ko talagang mag-effort para mapabalik siya sa akin. Nagtanong ako sa ilang students hanggang sa makahanap ako ng nakakakilala sa kaniya. Tinuro sa akin kung nasaan si Eisen at agad ko naman pinuntahan. Ayun sa isang student nakita niya itong papaakyat ng rooftop. Bago pa man ako makarating sa taas ay may humarang na sa akin na dalawang students.

“Sorry hindi ka po pwedeng umakyat sa taas” sabi ng isang student.

“Ahmm. Someone told me na nasa taas daw si Eisen. I really need to talk to him right now” sagot ko.

“Sino ka ba at anong kailangan mo sa kaniya?” tanong ng isang student. May halong inis ang tono ng pananalita niya.

“I’m Jethro Wells, boyfriend ako ni Eisen. Please, please gusto ko siyang makausap!” pagpupumilit ko.

“EX-BOYFRIEND! Ikaw pala yung tinutukoy niya. Sorry, pero hanggang dito ka na lang!” inis na sambit niya.

“Sino ka ba?” hindi ko mapigilang mainis sa inaasta ng batang to.

“My name is Lance Fuentes, pinsan ako ni Eisen. Kaya back-off!” mukhang hindi talaga ako palalampasin ng batang to.

“Huminahon ka nga Lance” sabi ng isang student.

“Shut up Gunter!” inis na sagot nito.

Nagpumilit akong makalagpas sa kanilang dalawa kahit na gumamit ako ng dahas makausap lang si Eisen. Nang matakasan ko ang dalawa ay nagmadali akong umakyat sa taas pero bago ko makita si Eisen ay nakita ko na kaagad sa hagdan ang mga nakasinding candles at may mga petals pa ng rose na nakakalat. Sumilip ako at sa ilang buwang pangungulila ay nakita ko na rin siya sa wakas. Gusto kong tumakbo at yakapin siya pero natigilan ako sa aking kinatatayuan nang makita kong may kasama siyang iba. Kaharap niya ang isang lalaking na tiyak kong kaedad niya lang. Masaya siya habang nakikipag-usap dito. Nanatili akong nakikinig sa kanilang usapan hanggang sa marinig ko mismo kay Eisen ang mga salitang..

“Tama ka, siguro nga dapat ko na kalimutan si Jethro. Masaya na siguro siya sa piling ng iba” rinig kong sabi niya. Siguro ang buong akala niya ay kasal na ako kay Annabelle pero hindi nangyari yun dahil nang bumalik ang alaala ko ay hindi ko na tinuloy ang kasal at pinutol ko na ang ugnayan namin dahil sa panloloko niya sa akin.

“Ayoko nang masaktan. Panahon na siguro para sumaya naman ako. Ayoko nang iniisip si Jethro. Gusto ko nang maging malaya mula sa kanya. Gusto ko nang maging masaya na hindi siya kasama” nakita ko siyang lumuluha habang sinasabi yun. Hindi ko na tinapos ang sinabi niya at bumaba na ako ng hagdan. Lahat ng pag-asa kong magkabalikan kami ay biglang naglaho. Siguro nga tama siya at kailangan na naming palayain ang isa’t isa. Ayoko ring nakikita siyang nasasaktan. Kaya pinili ko na lang na umalis nang hindi niya ako nakikita.

Lumipas ang taon at binuhos ko ang aking oras sa pagtayo ng business. Tumigil na ako sa pagiging abogado at mas pinili ang pagiging business man dahil mas nagiging hands-on at busy ako sa career na to. Kahit papano ay hindi na ako nilalamon ng kalungkutan sa tuwing naaalala ko si Eisen. Pero sa tuwing nalulungkot ako ay pumupunta ako sa school nila para makita siya. Syempre hindi ako nagpapakita sa kaniya. Nakokotento na lang ako na makita siya sa malayuan at masaya. Sa tuwing pupunta ako dun ay laging nakabuntot sa akin si Lance na pinsan ni Eisen. Lagi niya akong binabantayan na baka isang araw lang ay itakas ko si Eisen pero hinding hindi ko magagawa. Nakakatuwa lang kasi may pinsan siyang protective gaya ni Lance kaya panatag akong nasa magandang kalagayan siya.

Nanatili akong nagmamasid sa malayo kay Eisen hanggang sa umabot ang graduation niya. Tatlong buwan bago ang graduation niya nang mamatay ang kaniyang tito na dad ni Lance. Lahat ng yaman na meron sila Lance ay biglang nawala nang mamatay ang dad niya. Nagpumilit akong tumulong pero ayaw tanggapin ni Lance. Kaya naman ang tulong na inalok ko ay ginawa niyang utang at nais niyang bayaran kapag nakapagtrabaho na siya. Lumipas ang buwan at nalaman ko na lang na nag-aapply ng trabaho si Eisen sa aking kompanya. Umandar ang pagkapilyo ko at pinabago ko ang set ng exam at ginawa kong mahirap ito. Pero laking gulat ko ng mapasa niya ito. Pati sa interview ay nagawa niyang maimpress ang HR admin namin na sobrang pihikan sa pagpili ng applicant. Kaya naman sinabi ko sa HR admin na baguhin ang contract at alukin siya bilang secretary ko. Hindi naman ako nabigo at tinanggap niya ang offer ko. Ginawa ko siyang secretary para mas mapalapit kami sa isa’t isa. Nagpanggap akong may amnesia pa rin para maging professional sa kaniya. Pero sa araw-araw na kasama ko siya ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapamahal ulit sa kaniya gaya ng dati. Kaya naman araw-araw ko siyang inaakit at pinagseselos pero ewan ko ba at hindi gumagana sa kaniya. Noong nasa bar kami at bigla na lang siya sumama sa isang lalaki ay hindi na maganda ang naging kutob ko kaya naman sinundan ko sila hanggang sa hotel. Tinanong ko sa receptionist kung anong room number nila pero ayaw ibigay sakin kaya ginamit ko na agad ang impluwensiya ko para mahanap yun. Tinawagan ko ang kaibigan ko na may- ari ng hotel para malaman ang room number nila Eisen hanggang sa ibigay ito ng receptionist. Pinindot ko ang door bell para pagbuksan nila ako at ang nagbukas sa akin ay ang lalaking kasama niya. Mabilis kong inabot ang perang hawak ko at walang sabing umalis siya.

Present Day

Ngayon na umamin na siya na mahal niya pa rin ako ay hinding hindi ko na siya pakakawalan pa kahit ano man ang mangyari. Ngayon ay yakap-yakap ko siya habang mahimbing na nakahiga sa aking braso. Hindi man lang niya ako pinatapos mag kwento at kaagad na tinulugan lang ako. Bago ko ipikit ang aking mata ay hinalikan ko siya sa labi at sinabing..

“I love you, Forever and Always”

THE END

CHAROOOTTTTTTTTTTTTT!!!!!!!!

(NAPAPAGOD NA AKONG MAGSULAT AHHH…..)

Kinabukasan masaya akong nagising kapiling ang taong pinakamamahal ko. Magkayakap kami habang nagkukulitan. Ang kulitan ay nauwi sa kantutan. Nakiusap siya na isang round lang dahil gusto daw niyang mag-ikot sa bali at ayaw niyang maubos ang kaniyang energy. Bitin man ako pero pinagbigyan ko na lang siya. Mamayang gabi for sure babawi ako hanggang sa magmakaawa siya sa akin. Pagkatapos naming magbreakfast in bed ay nagbihis kami para mag-ikot sa bali. Magkahawak kamay kaming naglalakad sa beach hanggang sa magpaalam siyang magbanyo. Habang inaantay ko siya ay may mga grupo ng mga babaeng lumapit sa akin at nagpakilalang si Stacy, Amanda at yung isa ay hindi ko na masyadong kinilala dahil wala naman akong interes sa kanila. Di hamak na mas cute pa rin sa kanila si Eisen ko. Sa kamalas-malasan ay naabutan niya akong nakikipag-usap sa mga babaeng to kaya naman nagselos agad ang cute-cute kong si Eisen. Bago pa man siya nagwalk-out ay hinatak ko kaagad ang kaniyang kamay.

“Sorry girls, My heart is already taken” nakangiti kong sabi at hinalikan ko si Eisen sa harap nila. Wala akong pakialam kong mandidiri sila sa akin o maiinis ang mahalaga ay kasama ko ngayon ang pinaka importanteng tao para sa akin.

“Awww what a cute couple” sabi ni Stacy.

Ngumiti lang ako at humingi sila ng sorry kay Eisen. Pagkaalis ng tatlo ay nakatikim ako ng mahinang sampal kay Eisen. Dapat daw hindi na ako tumingin sa iba dahil andiyan na daw siya. Kung alam niya lang kung gaano siya kaganda sa paningin ko. Nang mapagod kami ay nagpahinga kami sa isang duyan na malapit sa beach. Habang natutulog ang soon to be wife ko ay naghahanda na ang restaurant para sa isang romantic set-up dahil plano kong magpropose ng kasal kay Eisen ngayon. Nang handa na ang lahat ay nagpunta kami sa restaurant para ituloy ang plano. Pagpasok namin ay tumugtog ang favorite song niya na “Pangarap ko ang ibigin ka”. Buti na lang at nakahanap kami ng OFW singer na kayang kantahin ito. Naiiyak siya habang naglalakad kami sa loob ng restaurant. Sobrang romantic ng ambiance kaya alam kong tuwang tuwa siya ngayon. Hindi niya inaasahang magpopropose ako sa kaniya. At nagulat na lang siya nang lumuhod ako at inilabas ko ang singsing na matagal kong tinago na matagal ko nang gustong ibigay sa kaniya at ngayon ang perfect time para dun.

“Eisen, alam kong marami tayong pinagdaanan. Marami akong masasakit na sinabi sayo. Pero hayaan mo sanang patunayan ko ang pagmamahal ko sayo. Hayaan mo sanang ako ang makasama mo hanggang sa tumanda tayo. Hayaan mo sanang ako ang mapangasawa mo. Eisen, will you marry me?” hindi niya napigilang maiyak nang sabihin ko ang mga salitang yun. At confident akong oo ang magiging sagot niya.

Itutuloy…………….

A/N: Parang ayoko na gawan ng POV si Jethro. Andaming hanash hahaha

I need your suggestion guys, magname naman kayo ng model or artist na may long hair. Kahit dati pa na mahaba ang buhok will do. Nagdedevelop kasi ako ng story ngayon tungkol sa philippine mythology na si Sidapa at Bulan. My idea na ako kung sino si Bulan. Pero kay Sidapa di pa final. Si Lharby pa lang nasa Top ng list ko. Look!

Dapat pinoy or asian. Sample pa lang yang cover na yan. Gugma Gikan sa Bulan ay bisaya na ang ibig sabihin ay Love from the moon. Dahil originated sa visayan region ang ph myth na to kaya nagstick ako sa bisaya na title. Ang hot ni Lharby diyan promise so I need your suggestion.

Dont worry saka ko lang ilalabas to kapag nasa kalahati na ng story ang CLWY at TCOFK. Siguro by december.

Please dont forget to Vote!!!! Thank you ♡

Chapter 10: Make you feel my love

David as Jethro

Eisen’s POV

Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan namin ni Jethro, sino ba namang mag-aakala na magkakabalikan pa rin kami. Ang akala ko nga ay mananatiling alaala na lang yung nakaraan namin pero heto siya nasa harapan ko habang nakaluhod at hawak-hawak ang singsing na nagpapatunay ng pagmamahal niya sa akin. Patuloy ang pag-agos ng aking mga luha habang pinagmamasdan ang mga ngiti sa kaniyang mga labi habang inaantay ang magiging sagot ko.

“I love you, Jethro. Alam mo yan pero sa ngayon NO muna ang sagot ko” halatang naggulat siya sa sinabi ko. Ang mga tao kaninang nagchicheer sa amin ay biglang natahimik. Tumayo siya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

“Why, hindi mo ba ako gustong pakasalan? Ayaw mo ba akong makasama hanggang sa pagtanda nating dalawa?” natataranta niyang sabi.

“Gusto” maikli kong tugon.

“Eh bakit mo ako tinatanggihan ngayon?” bumitaw siya sa pagkakahawak sa aking pisngi kaya naman hinawakan ko ang kaniyang mga kamay.

“Gustong gusto ko, Jethro. Ikaw lang ang naiisip kong makasama hanggang sa pagtanda ko. Ikaw ang unang taong gusto kong makita sa sa tuwing gigising ako. Ikaw lang ang gusto kong maging ama, kung magkakaanak man tayo. Gustong gusto kong iwanan lahat-lahat ng mga problema sa mundo at magsama na lang tayong dalawa. Pero..” huminga ako ng malalim bago magsalita.

“Pero ano?” tanong niya.

“Marami pa tayong dapat pagtuunan ng pansin. Kailangan ko pang tulungang makapagtapos si Lance. May kompanya ka pang dapat asikasuhin. Si Celestine? Di ba engage na kayo? Kailangan mo pang ayusin ang sa inyo. Mahal na mahal kita, alam mo yan. Kapag naging okay na ang lahat sa atin ay papaya na kaagad akong magpakasal sayo kahit saan mo pa gusto” pinagmasdan ko ang kaniyang mukha na unti-unting umaaliwalas.

“Promise mo yan ahh, sa susunod na gusto kitang pakasalan ay hindi na ako magseset-up ng romantic proposal na kagaya nito. Dadalhin na lang kaagad kita sa simbahan kung saan tayo ikakasal at hindi kana pwedeng mag sabi ng NO” nakangiti niyang sabi habang pinanggigilan niya ang aking pisngi. Bigla naman akong nakonsensya dahil sa effort na ginawa niya pero tumanggi pa rin ako.

“Promise” sagot ko habang nakangiti sa kaniya. Bigla na lang niya akong hinalikan sa harap ng maraming tao at niyakap nang mahigpit. Nagpalakpakan ang mga taong nasa paligid namin. Ang akala siguro nila ay pumayag ako kay Jethro na magpakasal na pero hindi nila alam ang totoong nangyayari.

Ang sarap sa pakiramdam na makasama mo ang taong mahal mo habang nakahiga sa buhanginan at pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. Hindi masyadong maingay sa pwesto namin kaya nagagawa pa naming magkwentuhan ng maayos. Nagpaplano na agad siya kung saan niya gustong ikasal kami. Gusto niya ng maraming anak para mas magiging masaya daw ang bubuoing pamilya namin. Kung babae lang talaga ako ay siguro nakaraming anak na kami ngayon. Sa dalas ba naman na pagtatalik namin ay malabong hindi kami makabuo ng anak. Hindi ko nga alam kung nakakaramdam ba ng pagkangalay itong si Jethro. Kanina pa kasi ako nakahiga sa kaniyang braso habang ang aking kamay ay nasa loob ng kaniyang tshirt. Namimiss ko tong gawin, yung himas-himasin ang abs niya. Dati kasi noong nasa mansion pa kami nakatira ay madalas kong ginagawa to sa kaniya. Kakahimas ko sa kaniya ay bigla na lang akong may nakapa sa bandang pusod niya, laking gulat ko nang makita ko ito. Nakalabas na ang ulo ni junjun at tinutuka na niya ang aking kamay sa tuwing hinihimas ko ang abs ni Jethro.

“Je-jethro!” ang nasabi ko nang pumaibabaw sa akin si Jethro.

“You have no idea how much I miss you” sabay halik niya sa aking leeg. Kaagad ko naman siyang tinulak dahil baka may makakakita sa amin.

“Jethro, wag dito nasa public tayo” pagkasabi ko ay lalo niyang diniin ang kaniyang hinaharap sa akin. Hindi ko napigilang mapaungol sa masarap na nadarama ko.

“Alam mo naman na I feel horny every time na ginagawa mo yan sa akin” at nagpatuloy siya sa paghalik sa aking leeg. Nilalamon na ako nang matinding pagnanasa dahil sa sarap ng ginagawa ni Jethro. Nakalimutan ko nga palang natitrigger ang kalibugan niya sa tuwing hinihimas ko ang abs niya. Pero ewan ko ba sa kaniya kahit hindi ko naman himasin ang abs niya malibog pa din siya eh.

“Jethro, wag sa hotel na lang natin ipagpatuloy to!” sabay tulak ko ng marahan sa kaniya nang tangkain niyang hubarin ang shorts ko.

“Hindi mo ako mapaglalakad pabalik ng hotel na ganito kagalit to!” sabay turo niya sa kaniyang ari na galit na galit na ng mga oras na yun. Oo nga naman mahihirapan siyang maglakad niyan kapag ganiyan kagalit yan.

“Edi antayin na lang natin na humupa yan” sabi ko habang nakatingin sa paligid.

“Excuse me?” sabi niya habang nakataas ang kilay. Eto yung mood ni Jethro kapag nabibitin sa sex. Siya yung tipo ng lalaki na hindi mo pwedeng bitinin sa sex dahil babawian ka niyan sa susunod na magsesex kayo. At nakakatakot na mangyari yun.

“Hindi tayo pwedeng magsex dito dahil baka may biglang dumaan” tumingin akong muli sa paligid. Actually maganda yung spot namin at hindi gaanong dinadaanan ng mga tao. Ang tanging ingay lang na naririnig ko ay ang mga naglalaro ng volleyball sa beach. Medyo malayo naman sila sa amin kaya hindi rin nila kami pansin.

“Just give me a blowjob” sabi niya sabay upo sa tabi ko. Kinakabahan talaga ako sa gustong mangyari ng lokong to.

“Mabilisan lang ahh.. wag mo nang pigilan kapag andiyan na” magaling kasing magcontrol itong si Jethro kaya madalas na papatagal ang sex namin dahil sa kaniya.

“Sure, Hon” ngumiti siya sa akin at pinalapit niya ang aking mukha sa kaniyang alaga. Wag mo nga akong hina-Hon-Hon diyan dahil di mo pa ako asawa. Pero yung totoo kinilig talaga ako nang sabihin niya yun.

Sinimulan ko na nga ang gusto niyang mangyari. Kaagad kong sinubo ang kaniyang ari at siya naman ay nakaalalay sa aking ulo habang naglalabas masok ang kaniyang alaga sa aking bibig. Halos hirap talaga akong isagad ang kaniyang alaga sa aking lalamunan dahil mas humaba at mas tumaba pa ito nang huli kong matikman ito. Minadali ko ang pagsubo sa kaniyang alaga para makapagparaos agad siya.

“Lick my balls too please” sabi niya habang hinihingal at kaagad ko namang ginawa ito. Hindi ko sigurado kong ilang minuto na ang lumipas at tanging mahihinang ungol lamang ni Jethro ang naririnig ko. Unti-unti nang nangangalay ang aking panga dahil ang tagal labasan ni Jethro. Kaya naman ay sinasabayan ko na ng kamay ang pagsubo sa kaniya pero sa tuwing ilalapat ko ang aking kamay ay agad niya itong tinatanggal.

“I’m almost there, bilisan mo pa” lalo kong binilisan para matapos na kaagad to dahil ngalay na ngalay na ako kakasubo sa ari niya.

“Ahh, I’m cumming” pagkasabi niyang yun ay bigla na lang may tumama sa ulo ko na isang bagay. Sa lakas ng pagkakatama ay nagawa kong maisagad sa lalamunan ko ang ari ni Jethro. Lahat ng katas niya ay sumabog sa lalamunan ko.

“Fuckkkkkk, ahhhhh!” rinig kong sabi ni Jethro.

Nang matapos ay kumalas ako at umubo ng malakas kasabay nun ang pagduwal ko sa katas ni Jethro. Pakiramdam ko ay nachoke ako sa nangyari. Ang mga luha sa aking mga mata ay nanggigilid sa kakaubo. Nang makita ko ang salarin ng pagkakachoke ko ay gusto kong itapon ito sa dagat pero bigla na lang may lumapit sa amin.

“I’m sorry” sabi ng isang babae sabay kuha ng bola ng volleyball at bumalik para maglaro. Sino ba naman kasi ang nakaisip sa kanila na maglaro ng ganitong oras? Pagkatingin ko kay Jethro ay nakaayos na pala ang loko kaya walang nakitang bakas ang babaeng to.

“Are you okay?” sabay punas niya ng panyo sa aking bibig. Naiinis ako sa kaniya at gusto ko siyang sakalin nang maramdaman niya rin kong papano ang machoke. May patanong tanong pa kunwari pero yung hitsura niya ay halos mamamatay na siya sa kakapigil ng pagtawa.

“Babalik na ako sa hotel!” sabi ko, tumayo ako at naglakad papalayo sa kaniya.

“Hey, wait!” sabi niya habang nakasunod sa akin. Binibilisan ko ang paglakad ko para di niya ako maabutan pero ganun din ang ginagawa niya. Kaya naman tumakbo ako at tumakbo rin siya. Para kaming mga baliw na naghahabulan papunta ng hotel. Nang maabutan niya ako ay kaagad niya akong niyakap at sabay karga na parang bride. Nagpupumiglas ako dahil ayokong makita ng maraming tao na karga-karga niya ako ng ganun dahil hindi naman ako babae.

“Sige mag-inarte ka pa diyan at gagahasain kita dito sa harap ng maraming tao!” nang sabihin niya yun ay hinayaan ko na lang siyang kargahin ako.

Dahil sa kahihiyan ko ay tinakpan ko na lang ang aking mukha habang bitbit-bitbit niya ako. Nang silipin ko siya ay todo ngiti ang loko na para bang tuwang tuwa sa nangyayari, nakakagigil. At hindi naman nagtagal nang marating namin ang sarili naming kwarto at doon na nga nagpatuloy ang matinding bakbakan ng taon.

Kinabukasan ay maaga kaming nagising dahil maaga ang aming flight pabalik ng manila. Kahit sa sandaling pagkakataon ay naenjoy ko ng husto ang pagstay namin sa Bali. Magiging memorable sa akin ang lugar na to dahil sa lugar na to ay nagkabalikan kami ng taong pinakamamahal ko. Dito rin nagpropose sa akin si Jethro na akin namang tinanggihan. Alam kong pagsisihan ko ang pagtanggi sa kaniya pero mas alam ko na hindi pa ngayon ang tamang panahon para dun. Wala na rin naman kasi kaming dahilan para magstay ng matagal dito dahil natapos na ang deal ni Jethro kay Miss Yani. Inaalalayan ako ni Jethro habang naglalakad dahil sa kalibugan niya. Halos makalas na ang aking bewang sa kakabayo niya kagabi. Kaya ngayon ay hirap na hirap akong maglakad, feeling ko ang luwag luwag ko na sa sobrang pagtatalik namin kagabi.

Nang makasakay kami sa eroplano ay nasandal agad ako sa balikat ni Jethro dahil ramdam ko pa rin ang pagod. Ewan ko ba sa yaman ng lalaking to ay hindi niya magawang kumuha ng First class na seat sa eroplano. Ayun sa kaniya ay mas gusto niya daw to dahil magkatabi kami sa buong byahe namin pauwi. Naku andami niyang kalandiang alam, pero deep-inside natutuwa ako sa mga simple efforts niya. Magkaholding hands kami habang nasa byahe, oh di ba ang landi-landi namin.

Nang makarating kami sa manila ay kaagad nagbihis ng damit si Jethro habang nasa loob kami ng kotse. Derecho daw siya ng office dahil marami pa siyang nakatambak na gagawin. Alam ko naman yun dahil bilang secretary niya ay alam ko kung gaano ang kadami ang mga pending meetings at kung gaano karami ang mga projects na inaaral niya. Nagpupumilit ako na pumasok na rin dahil alam kong kinakailangan niya ako dun pero ayaw niya akong papasukin dahil sa kalagayan ko. Baka raw kasi makunan ako at malaglag daw ang anak naming dalawa. Napakasiraulo talaga ng lalaking to, natawa na lang talaga ako nang sabihin niya yun. Pero seryoso siguro kapag nagkahiwalay kaming muli ni Jethro ay baka masiraan narin ako ng ulo.

Mauunang bumaba si Jethro dahil kailangan niyang makarating ng company before 8am. Kahit siya ang nagmamay-ari ng kompanya ay hinding hindi niya ginagawang excuse yun para malate sa trabaho. Bago pa man siya bumaba ay inayos ko muna ang kaniyang neck tie dahil magulo ito gawa ng pagmamadali niya. Pagkatapos kong ayusin ang kaniyang neck tie ay kaagad niya akong hinalikan sa aking labi. Wala siyang pakialam kahit mapansin kami ng kaniyang driver na naghahalikan sa loob ng kaniyang kotse.

“I love you hon, ingatan mo yung baby natin ah!” sabay kindat at lumubas ng kotse. Muli ay natawa ako na may halong kilig nang sabihin niya yun. Ang lakas lang makababae ng feeling.

Nang maihatid namin si Jethro sa kompanya ay ako naman ang kasunod na hinatid ni manong driver sa aming kundo. Syempre sa parking na niya ako mismo binaba dahil mas malapit ang elevator dun kaysa sa lobby ako manggagaling. Nagpasalamat ako kay manong driver at nagpaalaam. Bago pa man ako makababa ay bigla na lang siyang nagsalita.

“Ingat ho kayo sir, dahan-dahan sa paglalakad baka makunan kayo” napalingon ako kay manong at ngumiti siya sa akin.

“Loko ka manong ahh… nag-aalala ka na buntis ako pero sir ang tawag nyo sa akin” sagot ko.

“Ay mam po ba?” natataranta niyang sagot.

“Hindi biro lang po, salamat ho” natatawa kong sagot.

“Halos dalawang taon na po akong naninilibihang personal driver ni Sir Jethro pero ngayon ko lang po siya nakitang ganun kasaya” nakangiti niyang sabi at napangiti rin ako nang marinig ko yun.

“Talaga po?” tanong ko.

“Opo, mukhang mahal na mahal po kayo ni Sir Jethro kaya po ganun siya ngayon” natouch naman ako nang sabihin sa akin yun.

“Salamat po manong” ang sabi ko at kaagad akong lumabas ng kotse na nakangiti. Nang makasakay ako sa elevator ay saka ko nakitang umalis si manong. Inaalala niya pa talaga ako grabe ang bait ng driver ni Jethro, bigyan niya dapat ng increase yan.

Nang makalabas ako ng elevator ay dahan-dahan akong naglalakad patungo sa aming kwarto. Bigla kong narealize na para pala akong baliw na naglalakad habang hawak-hawak ko ang aking tiyan na parang buntis. Kasalanan to ni Jethro at ginatungan pa ni manong eh. Pagkabukas ko ng pinto ay sumalubong kaagad sa akin si Lance na ikinagulat ko naman.

“Bakit kayong dalawa lang ang nandun? Kailangan ba talaga na kasama ka niya? Bakit biglaan at hindi ka man lang nagawang magpaalam?” ang pambungad kaagad sa akin ni Lance.

“Woah, wait nga lang. Isa-isa lang ang tanong kung makausisa ka sa akin daig mo pa si papa” sabi ko sa kaniya sabay upo sa mesa at uminom ng tubig.

“Kailangan ako ni Jethro doon dahil SECRETARY niya ako. Kailangan ko siyang i-assist dun dahil kasama yun sa job description ko. Biglaan dahil big time ang deal namin doon at hindi namin pwedeng palampasin ang pagkakataon” pagsisinungaling ko sabay inom muli ng tubig. Lumapit siya sa akin at hinatak ng bahagya ang kwelyo ng polong suot ko.

“So kayo na ulit or fuck buddies lang kayo?” inis niyang tanong.

“Bastos kang bata ka ahh” hindi ko mapigilang masabi.

“Ayan ooh may ebidensiya na oohh” turo niya sa marka sa leeg ko.

“Oo na, kami na ulit. Ano masaya ka na?” iritable kong sagot.

“Hindi!” mabilis niyang sagot. At bigla na lang may nagpaputok ng confetti at nakita ko na lang na pumapalakpak si Gunter.

“Congrats kuya, hindi kana single” masayang sambit ni Gunter. Sa ilang ko ay napapangiti na lang din ako.

“Ohh bat ganyan ang hitsura mo, hindi ka ba masaya para kay kuya Eisen?” tanong ni Gunter kay Lance.

“Syempre hindi” magtigas niyang sagot.

“At bakit?” pangungulit ni Gunter at nanatili lang akong tahimik na nag-aantay ng sagot niya.

“Alam ko kung pano siya nasaktan ng sobra dahil sa gagong yun. At ayokong maransan niya ulit yun” sagot ni Lance at bigla na lang siyang binatukan ni Gunter.

“Naniniwala pa rin ako sa second chance kagaya ng sa atin” mahinahong sambit ni Gunter at bigla na lang natahimik si Lance.

“Kita ko naman sa mga efforts ni Kuya Jethro na mahal na mahal niya si Kuya Eisen. Saksi tayong dalawa dun.” Dugtong pa ni Gunter.

“Oo nga pala, siraulo kang bata ka. Nagkakausap na pala kayo ni Jethro dati pa pero hindi mo man lang sinabi sa akin” sabi ko kay Lance.

“Eh kasi nga..” bago pa man siya makapagsalita ay nagsalita akong muli.

“Okay na sa akin yun. Alam ko namang ginawa mo lang yun para hindi ako masaktan. Sana this time ay maging masaya ka na para sa aming dalawa” dugtong ko.

“Ahh basta pagpinaiyak ka muli ng lalaking yun ako na mismo ang gugulpi sa kaniya” sagot niya at nagtawanan kami ni Gunter.

“Sa liit ng katawan mong yan baka ikaw pa mabugbog nun” natatawang sabi ni Gunter.

“Maliit pala ahhh, mamaya ka sa akin. Iiyak ka naman sa MALIIT kong katawan” naiinis na sagot ni Lance at natameme naman si Gunter kaya ako naman ay tumawa ng tumawa.

Pagkarating ko sa aking kwarto ay kaagad akong nahiga sa aking kama para makapagpahinga. Tinext ko si Jethro na mag-ingat at wag masyadong magpapagod. Wala pang isang minuto nang makareceive ako ng tawag sa kaniya at puro na naman kalandian at kabastusan ang pinagsasabi niya. Pero ang sweet lang dahil mas inaalala niya pa ang kalagayan ko kaysa sa kaniya na nagtatrabaho ngayon. Sa busy ng schedule niya ngayong araw ay nagawa niya pa akong tawagan.

Nang sumapit ang gabi ay inantay ko munang makatulog si Lance bag ako lumabas ng room. Alam kong bubungangaan na naman niya ako kapag nalaman niyang pupunta ako sa room ni Jethro. Nang makatakas ako ay kaagad akong kumatok sa pintuan ni Jethro. Mabilis niya akong napagbuksan ng pinto at nang makita niya ako ay halatang sobrang saya niya. Kaagad niya akong pinaulanan ng halik sa aking mukha hanggang sa aking labi patungo sa aking leeg.

“Je-jethro wag muna ngayon, kailangan ko pang pumasok bukas” marahan kong tulak nang maramdaman kong nagiging aggressive na naman siya sa sex.

“Kung magresign ka na lang kaya at dito ka na lang lagi sa bahay bilang asawa ko” sabi niya habang yakap-yakap niya ako.

“Unang una hindi pa tayo mag-asawa at saka kailangan kong magtrabaho para mapagtapos ko si Lance” sagot ko sabay kurot ko sa ilong niya.

“Edi ako ang magpapaaral sa kaniya” mabilis niyang tugon habang nilalapit niya ang ilong niya sa aking ilong.

“Kilala mo naman si Lance, hindi papayag yun. At saka ayokong manatili lang dito noh at pagbubuhusan mo ng kalibugan mo” nang sabihin ko yun ay biglang tumaas ang kilay niya.

“Hindi naman libog ang nararamdaman ko sayo. Pinaparamdam ko lang kung gaano kita kamahal through sex and that’s the truth” nilapit niya ang kaniyang labi sa akin at mahina niya itong kinagat.

So ayun ang ending ay nahiga kami sa kaniyang kama na magkayakap. Walang sex na naganap dahil puro kwentuhan lang ang ginagawa namin. Binalita niya sa akin na nagwala daw kanina si Celestine nang malaman niyang hindi na magpapakasal sa kaniya si Jethro. Hindi ko naman talaga gusto ang babaeng yun pero nakakaawa lang. Pero mas okay na yun kaysa naman ako ang magmukhang kawawa. Sa yaman niya at ganda niya ay hindi malabong makahanap siya ng lalaking hihigit pa kay Jethro. Pero para sa akin ay walang lalaking makakapantay ng pagmamahal ko sa kaniya.

Pagkagising ko sa umaga ay kaagad akong nagpaalam kay Jethro na babalik na ako ng sarili kong kwarto nang matapos ko siyang ipagluto ng almusal. Pero humirit pa siya na sabayan ko muna siyang kumain bago ako maligo at magbihis. Sinabayan ko naman siyang kumain at sinabihan ko siya na hindi muna kami magsasabay pumasok ng opisina at maglandian sa harap ng maraming tao. Dahil nga mainit pa ang issue nila ni Celestine at ayoko namang sumama ang tingin sa kaniya ng maraming tao ng dahil lang sa akin. Pagkatapos naming magbreakfast ay kaagad na akong bumalik sa aking kwarto. Buti na lang at tulog pa rin si Lance nang bumalik ako. Mabilisang kilos at natapos na din ako sap ag-aayos. Nakailang spray na nga rin ako ng pabango sa aking leeg dahil paboritiong tambayan ng labi ni Jethro yan kaya kailangan laging mabango.

Nang makaalis ako ng condo ay tinungo ko kaagad ang opisina. Maaga akong nakarating sa sarili kong office. Nag-ayos ako ng ilang files na kakailanganin ni Jethro mamaya sa meeting. Kasalukuyang may kausap si Jethro ngayon sa telepono kaya hindi ko na siya inabala pa. Bigla na lang may kumatok sa aking pinto at pumasok, si Terence.

“Eisen you’re back. Namiss kita!” nagulat naman ako sa sinabi niya eh hindi naman kami ganun ka close pero tumawa na lang ako bilang sagot.

“So how’s Bali?” dugtong pa niya.

“Ahh okay naman. Maaliwalas at medyo tahimik na version siya ng boracay” sagot ko kahit di pa naman ako nakakapagbora.

“I agree, hindi ka masyadong makakapagrelax sa bora dahil sa dami na ng tao ngayon dun” bigla na lang siyang lumapit habang nagsasalita.

Naupo siya sa isang silya at patuloy na nakipagkwentuhan sa akin tungkol sa mga magagandang beaches na napuntahan niya. Syempre Vice president to ng company at hindi ko to basta basta mapapaalis sa harapan ko kahit na kanina pa ako inaatay ni Jethro sa office niya. Natigil na lang siya sa pagkukwento nang may mapansin siya.

“Familiar sa akin yang amoy nay an, is that your perfume?” tanong niya at tumango naman ako kahit di ko sigurado kung pabango ba ang naaamoy niya o baka tae na. Lumapit siya ng husto sa akin para maamoy ito ng husto.

“Wait alam ko ang pabango na to” nagulat na lang ako ng amuyin niya ang leeg ko hanggang sa papalapit na ng papalapit ang kaniyang mukha. Bigla ko na lang naramdam ang kaniyang labi sa aking leeg sa gulat ko ay natulak ko siya. Mas kinagulat ko nang makita kong nasa likuran namin si Jethro na nakatayo at masamang masama ang tingin.

“Eisen in my office, NOW!” alam kong pinipigilan niyang sumigaw pero ramdam kong galit na galit siya ngayon.

YARI NA NAMAN AKO!!!!!

A/N: I’m back sorry ngayon lang ako nakapag update. Hirap na nga akong makakuha ng tamang mood sa pagsusulat nagkakasakit pa ako. Anyway maraming salamat nga pala sa mga nagcomment ng mga artist na gusto nilang gumanap bilang Sidapa pero wala pa rin sa mga nasabi nyo ang nakikita ko bilang Sidapa. Hindi ko alam baka sadyang bias lang ako kay Lharby.

Malapit na pala ipalabas ang movie nk David this Nov. 21 na at may blockscreening kasama siya sa 24 baka naman gusto nyo sumama? (Dito talaga nagpromote xD)

Please keep on voting guys. Thank you at na reach ko na 1k+ na followers. I love you guys.

Chapter 11: I, My, Me, Mine

Bas as

Eisen

Eisen’s POV

Minsan napapaisip ako kung papano na hulog ang damdamin ko sa lalaking ubod ng seloso. Hindi naman ako ganun kaattractive para bantayan ang bawat kinikilos ko. Buti sana kong kalevel ko si Catriona Gray edi sana may rason siya na maging possessive ng ganyan. At heto ako ngayon sa loob ng office nya. Nagrequest pa siya mismo ng extrang table at chairs kung saan ako magtatrabaho. Bawat meetings na pupuntahan niya ay sinasama niya ako. May ilang meetings pa na hindi naman ako kailangan pero sinasama niya pa rin ako. Nakakaloka para bang may gagawin akong masama kapag nawala ako sa paningin niya.

Simula nang makita niya ang ginawa sa akin ni Terence ay hindi na niya ako kinausap. Siguro yung mga command niya na work-related ang way ng pakikipag-usap niya sa akin pero hanggang dun lang. Alam ko rin namang busy siya ngayon kaya hindi rin naman ako mag-eexpect na may time pa kami para makipalandian sa isa’t isa. Ewan, nalulungkot lang talaga ako na parang may amnesia na siya ulit ngayon. Kakabalikan lang namin sa isa’t isa pero heto tampuhan agad. Idagdag mo pa tong si Celestine na halos maghapong nakairap sa akin. Hindi napapagod ang kilay niya kakataas sa tuwing makikita niya ako? Parang gusto ko na lang bumalik sa Bali ulit kung saan walang stress.

Natapos ang araw ng hindi naman pinag-usapan ni Jethro ang nangyari kanina. Hindi naman siya nagsalita matapos niya akong sigawan at papuntahin sa office niya kanina. Ayoko rin namang ipaalala sa kanya yun dahil baka lalong lumala pa at pag-awayan pa namin ng husto. Siguro mas makakabuti na palamigin ko muna ang ulo niya dahil hindi ngayon ang tamang panahon para dagdagan ko pa ang stress na pinagdadaanan niya. Ayun sa meeting nila kanina ay malaking pera ang nalugi sa kompanya nang maglaunch sila ng isang event para sa mga bagong collections ng damit pero hindi mabenta ang ito at hindi pa nababawi ang nagastos sa event kung saan maraming sikat na artista ang binayaran para rumampa sa event na yun. Kasalukuyan pa nilang pinag-aaralan ang iba pang expenses ng kompanya kun saan hindi maipaliwanag kung saan napunta ang nagastos na 15 million sa isang project na hindi naman natupad.

Kasabay ko siyang umuwi pero hindi man lang kami nag-usap maliban sa mga meetings at schedule niya bukas. Pagkarating namin sa condo ay kaniya-kaniya na kaming pasok sa aming unit. Ang alam ko ay may malaki siyang bahay sa quezon city pero ewan ko ba at nagtitiis siyang tumira dito sa condo. Maganda yung condo at alam kong pasok to sa standard ni Jethro. Pero sa pagkakakilala ko sa kaniya ay siya yung tipo ng tao na hindi mo mapapanatili sa isang maliit na lugar. Yung buong condo unit niya ay halos kasing laki lang din ng kwarto niya sa mansion nila sa batangas.

Nang marating ko ang pinto ng aming unit ay tiningnan ko muna si Jethro kung saan nakatayo din sa harap ng kaniyang pinto. Nagkatinginan kaming dalawa, walang nagsasalita sa amin. Sadyang ang mga mata lang namin ang tila nag-uusap pero kapwa naming hindi naiintindihan ang kung ano ba ang pinahihiwatig ng bawat isa. Maghapon kaming magkasama pero pakiramdam ko ay ang tagal na naming hindi nagkikita. Nauna siyang pumasok sa kaniyang unit at ako nama’y sumunod sa sarili naming unit. Sa sobrang lutang ko ay hindi ko namalayang may tao pala sa harapan ko.

“Aray” napahiyaw ako sa sakit habang hawak-hawak ko ang aking noo. Napaupo ako sa sahig at tinitigan ang taong nasa harapan ko. Kung hindi ako nagkakamali ay kilala ko ang taong to.

“JAMES!” napasigaw ako nang maalala ko ang pangalan niya.

“I’m sorry, okay ka lang ba?” tanong niya habang inaalalayan niya akong tumayo.

Sadyang masaya lang akong makitang muli si James ngayon na mas lalong naging macho ang katawan. Mas naging fit na fit sa kaniya ang suot suot niyang damit habang suot-suot ang backpack sa kaniyang likuran. Sa loob ng tatlong taon ay parang tumangkad pa siya lalo, hindi ko tuloy mapigilan ang aking sarili na mapahanga ng husto sa mga pinagbago sa kaniyang pangangatawan.

“Don’t tell me na ako na ang tipo mo at hindi na si Jethro” nakingisi niyang sabi.

“Hoy siraulo ka hindi ako ganun” pagdedepensa ko.

“Eh bat ganyan ka kung makatingin sa akin na para bang gusto mo akong huburan?” natatawa niyang sabi.

“Loko ka, syempre halos tatlong taon din kitang hindi na kita tapos ang laki na ng pinagbago mo. Tumangkad ka tapos lumaki pa yung pangangatawan mo. Kaya natural lang na mapatitig ako sayo” binaba ko ang gamit ko sa may upuan at saka naupo.

“Hindi lang yun ang lumaki sa akin” bigla siyang ngumiti ng pilyo.

“Gago ka! Isusumbong kita sa kuya mo!” sabay bato ng maliit na unan sa mukha niya at bigla siyang tumawa.

“Grabe ang seryoso mo naman masyado” panay pa rin ang pagtawa niya habang naupo sa tabi ko.

“Ano nga pala ang ginagawa mo dito at papano ka nakapasok sa condo ko?” tanong ko.

“Actually, pinapunta ako ni Jethro sa condo niya para i-upgrade ang pc niya at may pinapa-install siyang app sa kaniyang laptop. Pinapaayos na rin niya sa akin ang connection ng kaniyang internet para bumilis” nakangiting sagot niya. Nakakapanibago lang talaga dahil ngayon ay napapalabas na ng mansion este ng bahay si James. Dati halos sa loob lang ng bahay ito at tanging pag-aupload ng mga game contents and reviews sa youtube ang kaniyang inaatupag. Pero ngayon siya ay isa ng..

“Nagtatrabaho kana sa PLDT?” tanong ko.

“Hindi” natatawa niyang sagot.

“Smart, Globe?” dugtong ko.

“Hindi rin, haha. Isa akong IT Manager sa isang IT company dito lang malapit sa Taguig” tugon niya.

“Wow, sa loob ng 3 years naging manager ka na agad?” hindi ko mapigilang mapahanga sa narating niya.

“Ganun daw ako kagaling eh” pagmamayabang pa niya. Tumayo ako para kumuha ng juice at cake sa ref. Sumunod naman siya sa akin at naupo sa mesa.

“Eh bakit hindi na lang kumuha si Jethro ng technician para gawin yung mga pinapagawa niya? Isa ka ng IT Manager tapos ikaw pa mag-iinstall ng mga yun para sa kuya mo” sabi ko habang hinihiwa ang cake. Inabot ko kaagad sa kaniya nang matapos kong hiwain ito at ilagay sa platito.

“Syempre willing naman magbayad si Jethro ng P175,000 para sa fee ko. Kaya ayos din naman sa akin.” Sagot niya sabay subo ng cake.

“Ang OA sa P175,000 ahh.. wala bang pang kapatid na fee? Like free na dinner o kung ano man” sabay abot ng juice sa kaniya. Naupo na rin ako para kumain.

“Syempre wala. Business is business. Saka ako lang ang pinagkakatiwalaan ni Jethro na gumalaw ng pc at laptop niya na naglalaman ng mga confidential files. Kaya hindi siya naghahire ng kung sino-sino lang na technician para sa mga gamit niya.” Sabi niya habang ngumunguya ng cake.

“Eh yung tungkol sa laptop niya, gaano na katagal yun?” hindi ko mapigilang itanong.

“Anong tungkol sa laptop niya?” tanong niya.

“Yung picture naming dalawa sa laptop niya” dugtong ko.

“Simula noong umalis ka ah ay madalas ko na lang nakikita ang picture nyo sa laptop niya o kaya sa desktop niya. Lagi nga akong nakokonsensya sa tuwing nakikita ko siyang malungkot” biglang naging seryoso ang mood ng usapan.

“Sorry, alam kong ikaw ang nasisi dahil sa pagtulong mo sakin sa pagtakas ko sa mansion. Pero malaki rin ang pasasalamat ko sayo dahil sa pagtulong mo ay nahanap ko ang totoong ako. Natuto akong maging mas matatag di gaya ng dati na napakaiyakin ko. Salamat sayo” ngumiti naman siya nang marinig ang pasasalamat ko.

“Wait hindi mo pa sinasagot yung tanong ko. Pano ka nga ulit nakapasok sa condo ko?” tanong ko.

“Ahh yung pinsan mo pinapasok ako dito. Sinabi rin kasi sa akin ni Jethro na same floor lang kayo nag-iistay na hindi naman masyadong obvious na sinadya niya yun.” pareho kaming natawa sa sinabi niya.

“Eh asan na si Lance? Lokong bata yun ah. Iniwan ka lang mag-isa dito at hindi ka man lang inalok ng makakain o maiinom.” Tumingin ako sa phone ko. Malapit na mag-alasais.

“Actually nagkasalisihan lang kayo. Papaalis na sana siya nang dumating ako pero pinapasok niya ako sa loob nang sabihin kong kapatid ako ni Jethro. Mukhang nagmamadali siya kaya nagpaalam na aalis lang daw saglit.” Tugon niya.

“Andiyan na ba si Jethro?” tanong niya nang maubos niya ang iniinom na juice.

“Oo, sabay kaming umuwi” malumanay kong sagot.

“Oh sige, pupunta na ako dun. Salamat pala sa cake and juice” kinuha niya ang kaniyang bag sa couch at kumindat sa akin bilang pamamaalam.

Nang makaalis si James ay nagtungo ako kaagad sa aking kwarto para magbihis. Mabilis akong nagpalit ng pambahay na damit. Pagkatapos ay nagsalang ako ng sinaing, dinagdagan ko ang sinaing ko para magkasiya sa aming apat. Mukhang matatagalan pa si James sa unit ni Jethro kaya mabuti nang magluto ako para sa amin. Tiningnan ko ang laman ng ref kong ano ang pwede kong lutuin. Buti na lang at may isang kilo pa ng manok at pwede ko pa tong gawing adobo. Habang naghihiwa ng manok ay biglang dumating si Lance.

“San ka naman galing?” yung tono ng boses ko ay parang single mom na pagod na pagod sa pagtataguyod ng mag-isa sa kaniyang mga anak.

“Sinamahan ko lang po si Gunter sa may sakayan dahil marami syang dalang gamit, Nay!” sagot niya at napaupo sa couch na pawisan.

“Loko ka, nay talaga?” inis kong sabi.

“Eh kong magsalita ka po kasi para kang matandang ina” natatawa niya sabi.

“Ah ganun, baka gusto mong sungalngalin kita ng manok?” sabay dampot ng paa ng manok.

“Sige po, kapag luto na” pang-aasar pa niya. Dedma na lang at pinagpatuloy ko ang ginagawa kong paghiwa ng manok at iba pang sangkap para sa adobo.

Nang maluto ang sinaing ay kaagad kong sinimulan ang pagluto ng adobo marahil ay nagugutom na ngayon si Jethro dahil kaunti lang ang nakain niya kanina dahil sunod-sunod ang meeting nya. At dahil siguro sa stress ay nawalan siya ng gana. Kaya dapat lang na sarapan ko ang pagluluto nito para maparami ang pagkain niya. Ito lang talaga yung ulam na masasabi kong kayang kaya kong lutuin at masarap ang timpla. Ilang buwan ko ring pinag-aralan to sa mansion nila Lance. Pero pagdating sa pagluluto ng ulam ay mas magaling parin sa akin si Lance. Alam ko namang hindi to sing sarap ng luto ni Josh pero punong puno naman ito ng pagmamahal. Charot, as if naman nakakain ang pagmamahal. Wag nga ako!

Nang matapos ang pagluluto ko ay kaagad akong naghanda ng pagkain para kina Jethro at James. Bitbit ang tray na naglalaman ng mga pagkain ay nagtungo ako sa unit ni Jethro. Dahil parehong may hawak ang aking mga kamay ay sinipa ko ng mahina ang pinto ni Jethro bilang pagkatok sa pinto nito. Hindi rin nagtagal at pinagbuksan ako ni Jethro. Ngumiti ako nang makita ko siya at ganun din naman siya sa akin. Alam kong pagod lang siya kanina kaya medyo may pagkamoody. Kinuha niya ang pagkain sa akin at siya na mismo ang nagbitbit patungo sa mesa.

“Sakto, muntikan ng tumawag sa fast food si Jethro kanina” sambit ni James na may hawak na cable wires.

“Wala ka namang aasahan sa akin pagdating sa pagluluto” dagdag ni Jethro.

“Kelan ka pa natutong magluto Eisen?” tanong ni James nang maupo siya sa mesa.

“Simula nang umalis ako sa mansion. Noong nasa mansion ako nila Lance, inaral ko ang pagluluto dahil gustong maging kapaki-pakinabang” sagot ko. Nagsabi ako kay Lance na sabay na kami kakain pero pinilit ako ni James na sumabay sa kanila kaya naman nagsandok na rin ako ng para sa akin.

“Syempre nag-aral siyang magluto dahil alam niyang hindi marunong magluto ang mapapangasawa niya” biglang sabi ni Jethro. Halos mabulunan ako sa sinabi niya kaya napakuha ako ng baso na may lamang tubig at ininom kaagad yun. Syempre, oo kinilig ako pero wag naman biglaan. Henebe.

“Ahem, pwede bang mamaya na kayo maglandian kapag tapos kumain?” tanong ni James.

“Pwede ka namang umalis kung ayaw mong marinig” sagot ni Jethro.

“How rude” dugtong ni James at hindi ko mapigilang matawa dahil namiss ko ang mga bangayan ng magkakapatid. Sana isang araw makasama ko silang lahat muli na kumain sa isang table at magkukwentuhan sa mga bagay bagay na pinagdaanan namin sa nakalipas na taon.

Nang matapos silang kumain ay ako naman ang nagligpit ng pinagkainan. Tinuloy naman ni James ang kaniyang ginagawa habang nakikipag-usap si Jethro sa kaniyang kaibigan. Mukhang matatagalan ang gagawin ni James kaya bumalik muna ako sa aming unit para hugasan ang mga pinagkainan namin. Naabutan ko na lang na nakatulog na si Lance sa couch habang nasa ibabaw ng kaniyang dibdib ang kaniyang cellphone. Hindi man lang nagawang magtshirt ng lokong to. Ang lamig pa naman ng airccon. Kumuha ako ng kumot sa kaniyang kwarto at binalot sa kaniyang katawan. Alam kong kailangan niya ng tuloy-tuloy na tulog dahil sa pagod niya sa school at pati na rin sa part-time job niya.

Nang matapos kong gawin ang lahat na kailangan kong gawin ay nagtimpla naman ako ng kape para sa kanilang dalawa dahil alam kong magpupuyat ang mga yun. Gaya kanina ay marahan kong sinipa ang pinto para kumatok sa pinto ni Jethro. Mukhang nakatambay lagi sa pinto si Jethro at ang bilis niya lagi akong napagbubuksan ng pinto. Gaya rin kanina ay kinuha niya ang tray sa akin na may lamang kape.

“Ang sipag naman ng misis ko” nginitian niya ako ng pagkatamis-tamis. Pinalo ko naman siya ng marahan sa braso. Eh sa kinilig ako, bakit ba?

Kaagad ininom ni James ang dala kong kape habang si Jethro naman ay nagbabasa ng libro. Tinawag niya ako para lumapit sa kaniya at kaagad niya akong niyakap nang makalapit ako sa kaniya. Buti na lang at sanay na ako sa ugali ng lokong to. Bigla kang susungitan tapos maya-maya lang ay malambing pa sa kambing, ay kikay! Pero seryoso alam kong pagod na pagod siya ngayon kaya kailangan kong intindihin ang pagiging moody niya. Kung wala lang siguro dito si James malamang nagahasa na naman ako dito sa couch niya.

“Matulog kana!” bulong sa akin ni Jethro.

“Okay lang ako, ikaw nga ang dapat matulog dahil alam kong pagod na pagod ka kanina pa” sabay hawak sa pisngi niya.

“Mukhang matatagalan pa si James, umidlip ka muna gigisingin na lang kita” pagkasibi ni Jethro ay bigla na lang akong nakaramdam ng antok habang nakasandal ako sa kaniyang dibdib.

Hindi ko namalayan ang oras dahil ang pag-idlip ko ay napahaba. Nagising na lang ako sa ibabaw ng kama ni Jethro habang nakapatay ang mga ilaw. Tanging ang LED Alarm clock ang nakikita ko sa kaniyang kwarto. Pasado alas tres na ng madaling araw, marahil tapos na si James sa mga pinapagawa sa kaniya ni Jethro. Paglingon ko sa aking tabi ay kasa-kasama ko si Jethro sa kaniyang kama. Kahit nakatalikod siya ay alam kong siya ang katabi ko dahil sa cologne na gamit niya sa tuwing matatapos siyang magshower. Habang nakatalikod siya sa akin ay niyakap ko siya at sinubsob ang aking mukha sa kaniyang likod. Ang amoy ng kaniyang cologne ang nagsilbing pampatulog sa akin hanggang sa ako’y muling dalawin ng antok.

Muli akong nagising nang maramdaman ko ang pagharap niya sa akin. Niyakap niya habang hinahalikan ang aking noo. Sobrang tahimik ng kaniyang kwarto at tanging ang aming paghinga ang naririnig ko. Bumaba ang kaniyang paghalik sa aking ilong hanggang sa aking labi. Ang sarap gumising sa umaga kapag halik niya ang babati sa akin. Ilang beses ko nang natikman ang kaniyang mga labi pero kahit paulit ulit ko itong matikman ay para bang hinahalikan ko siya sa unang pagkakataon. Nandun pa rin ang pananabik at kilig na hindi mawala-wala kahit lumipas pa ang panahon.

“I’m sorry” pagbasag niya sa katahimikan.

“It’s okay” tugon ko sabay hawak sa kaniyang pisngi.

“No, it’s not. Alam ko namang walang namamagitan sa inyo ni Terence. At alam ko namang wala kang ginagawang masama na ikakakasira ng relasyon natin. Ewan ko ba hirap pa rin akong pigilin ang sarili kong huwag magalit sa tuwing may ibang lalaking lalapit sayo. Natatakot akong baka isang araw marealize mo na iba na ang gusto at hindi na ako. Natatakot akong mawala ka sakin. Kung pwede lang sanang gumawa ako ng sarili nating mundo ay handa akong ibigay ang lahat ng yaman ko para lang matupad yun.” saad niya. Hindi ko alam kung matatawa ako o matatouch sa sinabi niya dahil para siyang bata na takot maagawan ng laruan kong magsalita. Hindi ko tuloy napigilang mapahagikgik.

“Why are you laughing?” sabay pisil niya sa ilong ko para hindi ako makahinga. Pinalo ko ito nang mahina para bitiwan niya.

“Hindi naman kasi pupwede yang iniisip mo. Hello, isipin mo na tayo lang sa iisang mundo? Sino ang magtatanim at mag-aani para sa atin? Sino ang gagawa ng bahay natin? Sino ang mag-aayos ng ilaw para sa atin? Kaya mo bang gawin lahat yun?” natatawa kong sabi.

“Oo, basta ikaw ang kasama ko kakayanin ko” napangiti na lang talaga ako nang sabihin niya yun. Pero yung totoo niyan hindi niya kayang magbilad sa arawan ng napakatagal kala mo kandilang nalulusaw kapag naarawan.

“Sinong mas gwapo sa amin ni Terence?” bigla niyang naitanong.

“Bakit mo naman naitanong yan?” mabilis kong tugon.

“Basta sagutin mo na lang ako” pangungulit niya. Halatang naiinsecure siya kay Terence.

“Just to be honest ah, syempre si Terence” pagsisinungaling ko. Nakakatuwa talagang pagtripan itong si Jethro.

“Talaga ba?” Biglang lumamya ang boses niya.

“Syempre joke lang, wala nang hihigit pa sayo sa puso ko. Siguro may lalaking darating na mas gwapo pa sayo pero ikaw lang ang nag-iisang Jethro sa mundo na minahal ko kahit na medyo may pagkamasungit at medyo may pagka possessive ka minsan ay mahal na mahal pa rin kita” dugtong ko at bigla na lang niya akong siniil ng halik.

“Promise me na akin ka lang” sabi niya.

“I promise” tugon ko.

“Walang ibang lalaki” dugtong pa niya.

“Wala, at sayo din dapat mag-apply yan!” sabi sabay kagat sa lower lip niya.

“Opo, ikaw lang” at siya naman ay gumanti sa pagkagat sa upper lip ko.

“Kapag nahuling nambababae?” tanong ko.

“Putol etits?” pag-aalangan niyang sagot.

“At sa babae?” dugtong ko.

“Kalbo ulo?” Nang sabihin niya yun ay naghagalpakan kami sa kakatawa. Ewan ko ba at kung ano-anong kabaliwan ang naiisip namin.

Ninamnam namin ang bawat sandaling magkasama sa ibabaw ng kaniyang kama habang inaatay ang pagsapit ng umaga. Nanatili kaming magkayakap at ramdam ang bawat init ng isa. Napagtanto ko na may mga paraan rin pala na ipahayag ang nararamdaman mo sa tao kahit hindi kayo nagtatalik. Kahit walang halong sex ay ang sarap-sarap sa pakiramdam na kasa-kasama ko siya ngayon.

Dumating ang oras para pumasok na kami. Natapos ang issue sa pagseselos niya kay Terence kaya balik ako sa aking opisina. Ewan ko nga ba kung nanadya ba itong si Terence andito na naman siya sa opisina ko at nakikipagkwentuhan sa mga bagay-bagay na hindi naman work-related. Yung 30 minutes na work ko ay naging 1 hour sa pag-eentertain ng mga questions niya. Nang matapos ako sa pinapagawa sa akin ni Jethro ay kaagad akong pumasok sa kaniyang opisina. Hindi ko inaasahang makikita kong may isang babaeng nakapatong sa lap ni Jethro ngayon. Ang akala ko nga ay si Celestine pero hindi. Hindi ko pa siya nakikita dito sa kompanya kaya lumapit ako ng husto para matitigan at malaman kong anong ginagawa nilang pagtataksil sa akin. Laking gulat ni Jethro nang makita niya ako.

“Eisen, calm down. She’s not my” hindi ko pinansin ang sinasabi ni Jethro dahil nagsalita kaagad ako sa babae.

“Sino ka at anong ginagawa mo sa lap ng boyfriend ko?” ang akala ba niya ay iiyak na lang ako at tatakbo. Well this time lalaban na ako ng sampalan kong kinakailangan.

“I told you umalis ka dyan dahil territory niya yan!” sabi ni Jethro at mahinang tinutulak ang babaeng nakaupo sa lap niya. Pero nakakapit parin ito sa kaniyang batok at ayaw umalis. Tutuusin maganda talaga siya pwedeng pang miss U ang beauty niya kaya lalong tumaas ang insecurity ko nang makita kong nakaupo siya sa lap ni Jethro.

“All these years Jethro? Siya yung tinutukoy mo?” tumayo ang babae at lumapit sa akin.

“Now I know kung bakit hindi magawang magmahal ng babae ni Jethro. You’re so cuuute” sabi niya at hinawakan ang pisngi ko. Kapag sinapal ko kaya to ng makapal na print-outs na dala-dala ko, tatawagin niya pa kaya akong cute?

“Look!” turo niya sa kanang bahagi ko at lumingon ako. Laking gulat ko na lang ng bigla niya akong hinalikan sa labi. Napatingin ako kay Jethro at kapwa kaming hindi makapaniwala sa ginawa ng babaeng to. Pakiramdam ko ay nakakain ako ng tae at gusto kong magmumog ng isang litro ng mouthwash. Yun ang first kiss ko sa isang babae.

YUUUUUUUUUCKKK!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Itutuloy…….

A/N: Namiss nyo ba ako? Haha syempre hindi. Grabe after a month nakapag update din ako. Thank you sa lahat ng bumati sa akin noong birthday ko. Anniversary ng LWMSB noong December 8. Thank you guys sa 1 year na pagsupport sa pagiging trying hard ko na writer. LOL.

Sorry sa mga hindi ko narereplyan sa mga messages at sana wag nyo na akong i message sa FB at IG kung update lang din naman sasabihin nyo. Ise-seen ko lang yan. Nababasa ko mga comments nyo dito so please sana hanggang dito na lang.

Nasira yung Samsung S7 ko ng pumunta ako sa bukidnon last last week. Yung mga drafts ko andun kaya tinamad akong magsulat dahil andaming hindi ko marecover pati pictures and videos. Hindi makuha.

Anyway Congratulations kay Catriona Gray for winning Miss Universe 2018. Siya talaga nag inspire sakin para magpuyat at magsulat kahit na may pasok pa ako mamayang gabi.

Please dont forget to vote and let me know your thoughts in the comment section. Love you!!

Chapter 12: Gotta be you

Catriona as Catherine

Eisen’s POV

Hindi ko aakalaing mararanasan kong makahalik ng isang babae. Ni sa panaginip ay hindi sumagi sa akin ang humalik sa isang merlat. Pakiramdam ko tuloy ay ang dumi-dumi ko na dahil sa paghalik ng babaeng to. Tuwang tuwa pa talaga ang bruha sa pinaggagawa nya at nagawa niya pang bumungisngis samantalang ako’y halos maduwal na. Bigla ako niyakap ni Jethro at inilayo sa babaeng nasa harapan ko.

“What the hell Catherine? Eisen is mine!” sabay punas ng labi ko gamit ng kanyang hinlalaki. Tumawa ulit ang bruha bago magsalita.

“Don’t worry Jethro wala akong balak na agawin siya sayo. In fact, may balak akong agawin kita sa kanya” sabi niya at namaywang. Nanlaki ang mata ko sa narinig ko kaya napatingin ako kay Jethro. Bigla namang umiling ng malakas si Jethro bilang pagtanggi sa naiisip ko.

Hindi malabong mafall si Jethro sa babaeng to. Unang una, ubod ng ganda ang babaeng to. Kung ipagtatabi mo kaming dalawa ay malamang isang drum ang lamang niya sa paligo sa akin. Sa kutis, tatlong bote ng lotion ang lamang niya sa kinis sa akin. Sa ngiti, 6x a day na toothbrush ang lamang ng ngitian niya. At kung sa buhok naman ay akala mo endorser ng Palmolive pink na sinabayan pa ng creamsilk na pink at binabad sa downy passion kaya ubod ng lambot. Sa madaling salita nakakainsecure ang ganda niya. Wala akong nagawa kundi ang yumakap ng mahigpit kay Jethro bigla. Hindi ko alam kung bakit ko biglang ginawa to pero parang pakiramdam ko ay malingat lang ako saglit ay baka mapunta na sa kanya si Jethro.

“Hindi ko siya ibibigay sayo!” mariiin kong sabi sabay kapit ng mahigpit kay Jethro.

“Hindi naman ikaw ang magdedecide para diyan” tinaasan niya ako ng kilay at saka ngumiti na para bang alam na alam niyang sa kaniya mapupunta si Jethro. Muli kong tinitigan si Jethro na ngayo’y nakatitig din sa akin.

“Mamili ka sa aming dalawa, ako o siya?” pagkasabi ko nun ay agad akong kumalas sa pagkakaakap niya sa akin. Pero bago pa man ako makalayo sa kaniya ay agad niya akong hinila pabalik para mayakap siya.

“Syempre ikaw, IKAW, IKAW, IKAW!” nilakasan niya pa lalo ang kaniyang boses upang mas marinig ni Catherine at sa huling pagbigkas niya ng salita ay hinalikan niya ako sa noo.

“Narinig mo naman ang sinabi niya di ba?” tiningnan ko siya mula ulo hanggag paa at ayun nagmaganda si bakla. Nagawa ko pa siyang irapan.

“No, hindi pa rin ako titigil. Wait what’s your name again?” tanong niya. Napakagaga ng babaeng to.

“I am Eisen FUENTES, boyfriend ko si Jethro. Walang bawian, peksman, period no-erase, nasa diyos ang susi hindi mo mabubuksan!” sabay sulat ng kunwaring signature sa dibdib ni Jethro bilang pagtanda napag-mamay-ari ko siya.

“Well, Eisen Fuentes. Hinahamon kita sa isang laro na parehas tayong may advantage at parehas tayong may disadvantage” hindi pa rin siya sumusuko.

“Anong kapalit kapag nanalo ako?” tanong ko sa kaniya

“Hindi ko na kayo guguluhin at sasagutin ko pa ang honeymoon niyo if ever na ikasal kayo. AT KUNG MANANALO KA!” diniinan niya talaga yung mga salitang “AT KUNG MANANALO KA”. Confident na confident siyang mananalo talaga siya oh.

“At kapag natalo?” dugtong ko.

“Jethro will MARRY ME” napanganga ako sa sagot niya.

“Stop being silly Cathy that’s not going to happen” ang naging tugon ni Jethro.

“Bakit natatakot ka bang matalo?” tanong sa akin ni Catherine. Tumingin ako kay Jethro at seryoso siyang umiiling sa akin dahil ramdam niya na hindi ako magpapatalo sa hamon ni Catherine.

“DEAL!” taas noo kong sagot. Napaface-palm na lang si Jethro at ngumisi naman si Catherine.

“Okay, iiwanan ko muna kayo tapos babalik ako mamayang 1pm para simulan natin ang mga challenges” dugtong ni Catherine habang hinahawi ang buhok sa kaniyang mukha.

“Okay” mataray kong sagot.

Kinuha niya ang kaniyang mamahaling bag sa ibabaw ng desk ni Jethro at saka lumabas ng office. Naupo namang muli si Jethro sa kaniyang upuan habang minamasahe ang kaniyang ulo. Mukhan na-stress siya sa kalokohang pinasok ko.

“Ito na pala yung mga reports na hinahanap mo kahapon” sabay lapag nito sa ibabaw ng kaniyang desk.

“Bakit ka naman pumayag?” halatang naiinis siya sa tono ng kaniyang boses. Huminga ako nang malamim bago sumagot sa kaniya.

“Simula ngayon ay hindi na ako magpapatalo sa mga babae mo!” sabay hila sa kaniyag necktie.

“Hindi ko naman siya babae eh” mabilis niyang tugon.

“Eh bat ganun siya kung umasta sayo, imposibleng walang nangyari sa inyo?” nilapit ko ang mukha ko sa kaniya upang malaman kong magsisinungaling ba siya sa akin.

“Okay, Inaamin ko. Pero one-night stand lang yun. Yun yung panahon na gulong gulo ang isipan ko at gusto kitang makalimutan pero hindi ko nagawa at hinding hindi ko magagawa” derechong sagot niya at alam ko namang nagsasabi siya ng totoo pero nagawa ko paring humirit.

“Totoo? Eh bakit bumabalik pa siya ngayon?” sabay taas ng kilay.

“After mangyari sa amin yun ay pinaliwanag ko sa kaniya na hanggang friends lang kami. Naging magkaibigan naman kami after that. Binibiro ka lang nun!” sagot naman niya sabay pisil sa magkabilang pisngi ko.

“Wala ng nangyari sa mga sumunod?” tinitigan ko siya ng mabuti at nilapit niya nang husto ang mukha ko sa mukha niya.

“Wala na promise, gusto mo may mangyari satin ngayon?” ngumisi siya at bigla akong hinalikan sa labi. Lumaban ako ng halik sa kaniya hanggang sa mapaupo ako sa ibabaw ng kaniyang mga hita. Naging mapusok an gaming halikan hanggang sa maramdaman kong tinatanggal niya ang belt na suot ko.

“Wait, Jeth-ro. Nasa office mo tayo” sabi ko habang patuloy siya sa paghalik sa aking leeg at pisngi. Hindi namin to dapat ginagawa pero ewan ko ba at mukhang nagpapalamon na naman ako sa pagnanasa at hindi ko mapigilan ang aking sarili. Nang matanggal niya ang aking belt ay tinangka niyang ibaba ang aking slacks na suot hanggang sa.

“Knock-knock!” narinig naming may nagsalita. Nataranta ako kaya mabilis kong hinatak pataas ang slacks ko at saka ko lang nakita na ang taong nasa tabi ng pinto ay ang vice president ng kompanya na si Terence.

“I’m so sorry to interrupt you guys but I really need to talk to Jethro, like right now?” nahihiya niyang sabi pero mas nahihiya ako sa tagpong inabutan niya. Itong si Jethro ay parang wala lang sa kaniya ang nangyari at normal lang siyang kumilos.

“Okay, I’m coming with you” sagot ni Jethro at saka tumayo sa kaniyang upuan. Hindi ko mapigilang mapangisi dahil bakat na bakat yung junjun niya dahil sa pangyayari kanina. Lumapit siya sa akin at saka bumulong.

“Sige tumawa ka lang, yayariin kita mamaya” at bigla niya na lang akong hinalikan sa labi sa harap mismo ni Terence. Hindi na ako nakapagsalita kasi hindi ko alam kung anong magiging reaksyon na may ibang taong nakakakita sa ginagawa namin ni Jethro.

Bago sila makalabas ng office ni Jethro ay nagkatitigan kami Terence at bakas sa mukha niyang hindi siya natutuwa sa mga nakikita niya. Siguro diring diri na to sa mga pinaggagawa namin pero bahala na nga siya. Kasalanan din naman niya at bakit siya bigla na lang pumapasok sa kwarto at late na kakatok. Hindi rin nagtagala ay bumalik na rin ako sa aking opisina. Walang masyadong appointment si Jethro ngayong araw at wala rin siyang pinapagawa sa akin kaya naman medyo boring ang pag stay ko sa aking opisina at wala man lang akong makausap. Naisipan ko na lang na hanapin sa google si Catherine. Wala akong alam kong anong apelyido niya. Ayoko namang itanong kay Jethro dahil baka isipin niya ay napapraning na ako masyado sa babaeng yun. Hindi naman masyado pero syempre sabi nga nila dapat kilalanin mo ng husto ang mga nakakalaban mo. Halos 15 minutes din ang lumipas bago ko mahanap si Catherine sa dami ng mga results na lumalabas sa google. Ayun kay Wikipedia ay isa siyang half-pinoy at half-ausi. So isa siyang pausi, sikat na modelo kung saan naging finalist sa Asia’s next top model year 2018. Isa siyang child-star sa Australia pero mas piniling maging modelo ng tumungtong siya ng kolehiyo. 5 years na siyang nasa pilipinas at maraming modelling projects na ang nagawa. Kilalang businessman ang kaniyang ama sa Australia at ang ilan sa kaniyang kamag-anak ay nasa politika.

Ang tagal kong nakatitig sa monitor ko habang nasa screen ko ang pagmumuka ni Catherine. Hindi ko alam kung anong gulo ang pinasok ko. Hindi pala basta-bastang tao itong si Catherine. Napakamaimpluwensiya pala nito at ubod ng yaman. Idagdag mo pa ang ganda at talino na meron siya. Walang wala talaga akong laban sa kaniya kapag pinagtabi mo kami. Grabe, sa tanang buhay ko ay ngayon pa lang ako nakaramdam ng sobrang pagka-insecure sa isang tao. Hinding hindi malabo na mahulog ang loob ni Jethro sa kaniya dahil sa mga katangian niya na wala ako. Papano na lang kung isang araw ay marealize ni Jethro na babae talaga ang magpapasaya sa kaniya. Yung babaeng magbibigay sa kaniya ng isang kompletong pamilya na pinapangarap niya. Papano kung marealize niya na hindi pala talaga kami ang para sa isa’t isa? Hindi ko ata makakaya yun. Masyadong naging madrama ang aking buhay at hindi ko ata kakayanin ang susunod na heart-break kaya naman hanggang kaya ko ay lalaban ako para sa pagmamahal ko kay Jethro. Hindi ako basta-basta susuko gaya ng pagtalikod ko sa kaniya noon. Sa pagkakataong ito ay kailangan kong tibayan ang loob ko at kahit na isang malaking pader ang makakabangga ko ay kailangan ko itong harapin.

Kagaya ng napag-usapan ay bumalik din kaagad si Catherine na may bitbit na fish bowl. Hindi ko alam kung anong balak niyag gawin dun pero bigla na lang niyang nilapag yun sa ibabaw ng mesa sa opisina ni Jethro. Dahil sa sobrang insecurity ko sa babaeng to ay lumabas ang pagkaclingy ko na ikinatuwa naman ni Jethro. Bago pa man makapasok itong si Catherine ay kanina pa ako nakaupo sa lap ni Jethro at kanina ko pa siya nilalambing habang may binabasa siyang mga emails. Kung hindi siya dumating ay baka may nangyari na sa amin ni Jethro habang nakapatong ako sa mga hita niya.

“Okay, I’ll explain the mechanics” sumenyas siya na lumapit ako sa kaniya pero hindi ako umalis sa pagkakaupo ko sa lap ni Jethro. Kumapit pa ako sa leeg ni Jethro para ipakitang wala akong balak na umalis. Ngiting ngiti naman ang loko na parang tuwang tuwa na nakapulupot ako sa kaniya.

“Fine. First, mag-isip ka ng mga bagay kung saan magaling ka. Like cooking, dancing, singing or playing cards and chest. Whatever it is basta bagay na pwede nating paglabanan. You can only choose 3. Meron tayong 9 rounds to determine kung sino ang mas magaling sa ating dalawa” sabi niya at hinagis sa akin ang sticky notes na hawak niya.

“Wait, 9 rounds tapos 3 lang ang pwede kung piliin?” tanong ko.

“Syempre pipili din ako ng 3 things kung saan ako magaling. So meron na tayong 6 rounds na paglalabanan. Yung 3 points ay assurance na points sa ating dalawa unless matalo mo ako o matalo kita” ngumiti siya.

“The remaining 3 rounds ay manggagaling sa ibat ibang tao na hindi ko kilala at hindi mo rin kilala” pagkasabi niya ay naglagay siya ng tatlong papel na naka-roll sa loob ng fish bowl. Marahil yun ang mga bagay kung saan siya magaling.

“Papano ako makakasiguro na hindi mo nga kakilala ang mga taong yun?” tanong ko.

“Si Jethro ang mamimili sa mga taong yun” nilapit niya ang mukha niya sa desk papalapit kay Jethro pero tinulak ko ang mukha ni Jethro sa kabilang dereksyon at ako ang humarap sa kaniya.

“You’re so cute” at tumawa siya, naalala ko ang paghalik niya sa akin kanina na nagpangiwi sa akin dahil bigla akong nandiri.

“Pano kung dayain ni Jethro ang mga taong yun at kakilala ko ang mga yun?” muli kong tanong.

“I trust Jethro” maikli niyang sagot at naging seryoso ang mukha niya.

“The competition will start tomorrow; I know na hindi masyadong busy si Jethro this week kaya pwedeng pwede siyang manood sa ating dalawa bukas” kinuha niya ang bag niya na nakalapag sa couch at nagtungo sa pintuan. Bago pa man siya lumabas ay lumingon muna siya sa amin at nagsalita.

“Make sure na piliin mo ang mga bagay na hindi kita kayang talunin” ngumiti siya at naglakad na parang dyosa. Kahit anong gawin ko ay hindi ko siya mabigyan ng lait. Wala akong maipintas sa kaniya. Mukha maraming alam na bagay itong babaeng to kaya kailangan kong piliin ng husto ang bagay na ipanglalaban ko sa kanya. Bigla na lang akong napahiyaw nang maramdaman kong kinagat ni Jethro ang dibdib ko.

“Bat mo ako kinagat?” tanong ko sabay himas ng dibdib ko dahil sa sakit.

“Kanina ka pa kaya nakapatong sa lap ko at kanina pa ako nanggigil sayo. May trabaho pa akong dapat tapusin kaya kung pwede po sanang tumayo kana at baka ikaw na lang ang trabahuhin ko maghapon?” nakangisi niya sabi.

“Trabahuhin mo mukha mo” sabay kurot sa mukha niya at tumawa siya.

“Babalik na ako sa office ko. Make sure na magpapaalam ka sa tuwing aalis ka ng office mo!” sabi ko habang nakatalikod patungong pintuan.

“Wait, nakakalimutan mo yatang ako ang boss mo at ikaw ang secretary ko?” sagot niya at napalingon ako sa kaniya at tinitigan siya ng masama.

“Eto naman hindi mabiro, Opo magpapaalam ako pati sa pagpunta sa cr magpapaalam ako para ikaw na rin maglinis kay junjun” tumawa siyang muli pero hindi ako natatawa kaya binuksan ko ang pinto.

“I love you” pagkasabi niyang yun ay hindi ko napigilang mapangiti. Ewan ko ba kahit anong gawin ng taong to ay ambilis mawala ng inis ko sa kaniya. Ambilis niyang napapabago ang mood ko sa simpleng pagsabi lang ng I love you. Nagtungo ako sa aking office na abot tenga ang ngiti na parang baliw.

Natapos ang araw na wala akong masyadong ginawa sa aking office kundi ang pagreresearch tungko kay Catherine. Napakatalented naman pala talaga ng babaeng to kaya mukhang mahihirapan ako sa competition namin bukas. Kailangan kong piliin ng mabuti ang mga challenges na ilalagay ko sa fish bowl bukas. Naging behave naman si Jethro sa maghapon maliban na lang sa tuwing pupunta siya ng banyo para magpasama sa akin. Nagpapasama siya para ako daw ang magpagpag ng kaniyang junjun, hindi ba naman siraulo? Ewan ko ba at nakakaramdam ako ng pangamba sa tuwing yayakapin niya ako na para bang yun na ang huling pagkakataong mayayakap ko siya. Siguro masyado lang akong napapraning dahil sa competition namin ni Catherine.

Kinagabihan ay hindi ako makatulog kaya lumipat ako sa unit ni Jethro para tumabi sa kaniyang matulog. Mag-iisang oras na din kaming nakahiga sa ibabaw ng kaniyang kama. Kahit nalalanghap ko na ang paborito niyang perfume ay hindi ko parin magawang antukin. Kanina pa ako palipat-lipat ng pwesto pero nagagawa niya pa rin akong yakapin sa tuwing magpapalit ako ng pwesto.

“Gusto mo bang magtimpla ako ng gatas para makatulog ka?” bigla niya sabi habang nasa batok ko ang kaniyang bibig.

“Salamat, okay lang ako. Masyado lang akong nag-iisip sa mangyayari bukas” pagkasabi ko nun ay pinaharap niya ako sa kaniya.

“Wag mong masyadong isipin yun” sabi niya at hinalikan niya ang noo ko. Ewan ko ba kung papano niya nagagawang kalmado kung saan sa competition na yun ay nakasalalay ang relasyon namin. Kung hindi lang ako nagpakatanga edi sana hindi ako nag-aalala ng husto.

“Eh pano kung manalo siya at ikasal ka sa kanya? Pano na” hindi pa ako tapos magsalita nang halikan niya ako sa aking labi.

“How many do I have to tell you na ikaw lang ang taong mahal ko at hindi na ako magmamahal ng iba pa?” hindi ako makatingin ng derecho sa kaniya dahil sa nararamdaman kong kahihiyan.

“Pero mas maganda siya, mas matalino, lahat na yata ng magagandang katangian ng isang babae ay nasa kaniya na kaya hindi malabong magkagusto ka rin sa kaniya” hindi ko napigilang masabi dahil sobra ang pagkainsecure ko sa kaniya.

“Let say na maganda nga siya, matalino, mayaman, in-fact maraming nagsasabi dati na perfect match kami. Pero hindi ko magawang magkagusto sa kaniya alam mo kung bakit?” tanong niya habang inaamoy ang buhok ko.

“Bakit?” tanong ko sabay tingin sa kaniyang mga mata.

“Dahil sayo” hinalikan niya ako sa aking noo hanggang sa aking ilong patungo sa aking labi.

“Sa loob ng dalawang taong nakilala ko si Cath ay hindi ko magawang maging seryoso sa kaniya kahit na nagdidate kami nun. Isang beses lang na may nangyari sa amin, yun yung lasing na lasing ako at wala ako sa katinuan. Wala ng nangyari sa amin kahit na nag-attempt pa siya na akitin ako. Ikaw at ikaw lang ang nasa isipan ko noong mga panahong yun. Sobra-sobra na sa akin yung magkahiwalay tayo ng tatlong taon. Hindi ko kakayanin na mawalay pa sayo. Maybe she can give me a complete family na matagal kong hinahangad pero ikaw at ikaw lang ang taong magbibigay sa akin ng kasiyahan na dadalhin ko hanggang sa mamatay ako” sobra akong na-touch sa sinabi niya kaya naman hindi ko napigilang mapaluha.

“Napakaiyakin mo talaga no” natatawa niyang sabi habang pinupunasan ang aking luha.

Hindi nagtagal ay humupa na ang pagluha ko at bigla na lang akong sumampa sa ibabaw niya. Dinikit ko ang labi sa kaniyang leeg para bigyan siya ng kiss marks. Nilagyan ko rin ang kaniyang dibdib at kung saan pang parte na madaling mapansin na kiss mark ito.

“What are you doing?” natatawa niyang tanong.

“Marking you para malaman niya na akin ka lang” at pinagpatuloy ko ang ginawa ko.

“You don’t have to do that. Kasi nakamarka kana sa puso ko kaya hindi na niya kailangang makita yan” nagbingi-bingian ako sa mga sinasabi niya at patuloy pa din ako sa ginagawa ko hanggang sa may maramdaman akong bukol sa pwetan ko.

“Gusto din daw ni junjun ng kiss mark” pagkasabi niyang yun ay kaagad bumaba ang halik ko sa kaniyang tiyan hanggang sa kaniyang puson.

Dahan-dahan kong binaba ang suot niyang pajama at pagkatapos ay marahang hinihimas ang kaniyang ari na lumalagpas na ang ulo sa kaniyang brief. Nilapit ko ang aking labi at hinalikan ang ulo nito pagkatapos ay binugahan ko ng aking mainit na hininga. Unti-unti kong binaba ang kaniyang brief hanggang sa masilayan ko ng buo ang kaniyang kahubdan. Hinding hindi ako magsasawa na titigan ang kagwapuhan at kagandahan ng katawan ng taong mahal ko. Muli kong hinawakan ang kaniyang ari at marahan itong tinaas baba. Ilang taas baba pa at sinubo ko ang ulo nito at kaagad niluwa para bitinin siya.

“Please just suck it up” pagmamakaawa niya habang naghahabol ng kaniyang hininga. Pero ang bibig ko ay nagtungo sa kaniyang balls at magkabilang sinubo ito na nagpag-ungol sa kaniya ng matindi. Babaliwin ko sa sarap ngayon si Jethro. Hanggang sa umabot ang aking dila sa pagitang ng kaniyang pwet at dinilaan ito nagpaliyad sa kaniya sa sarap.

“I’m so sorry hon” pagkasabi niyang yun ay bigla na lang niyang hinawakan ang ulo ko at pinasubo ang kaniyang ari. Ngayon ay mina-mouth fuck na niya ako na halos mabulunan ako sa laki ng kaniyang ari. Nang masanay ako sa pagmamamouth fuck niya ay sinisikipan ko ang aking bibig para magbigay lalo ng pleasure sa kaniya. Nagtagumpay naman ako nang sabihin niyang malapit na siyang labasan. Alam kong hindi mabilis labasan si Jethro pero sa pagkakataong ito ay sarap na sarap siya sa ginagawa naming pagtatalik kaya hindi na niya nagawang pigilan ang kaniyang sarili. Pagkatapos niyang labasan sa aking bibig ay bigla na lang niya akong hinalikan sa labi at pinagsaluhan ang katas niya na nasa bibig ko pa.

Naging marahas siya nang itulak niya ako padapa sa kaniyang kama. Hinalikan niya ako sa aking batok hanggang sa aking likuran. Umabot ang kaniyang paghalik patungo sa aking pwet at marahang kinagan ang magkabilang pisngi nito. Marahan niyang binuka ang aking pwet hanggang sa mapaungol ako sa sarap nang dilaan niya ang pagitan nito. Napakapit ako nang mahigpit sa unan ng ipasok niya ang kaniyang dila sa loob ko. Halos ikabaliw ko ang bawat pag-ulos ng kaniyang dila. Hanggang sa magmakaawa akong tirahin na niya ako. Titihaya na sana ako pero muli niya akong pinadapa at biglang pinasok ang kaniyang ari sa loob ko. Sagad na sagad ang pagpasok niya na nagpatirik sa aking mga mata. Naging mabilis din ang kaniyang paglabas masok na para bang may hinahabol na oras pero bawat pagpasok nito ay pawang kaligayahan ang dinudulot sa aming dalawa.

“This is so fucking good hon ahhh” patuloy ang pag-ulos niya sa aking likuran.

“Harder please!” pagmamakaawa ko.

Bigla na lang niyang hinugot ang kaniyang ari sa aking pwet at bigla na lang niya akong binuhat. Naghalikan kaming dalawa habang buhat-buhat niya ako. Bigla niyang hinawi ang kurtina at sinandal ako sa salamin.

“Wait, Jethro baka mabasag to” hinalikan niya akong muli at binuhat habang nakasandal ako bintana na gawa sa salamin kung saan tanaw mo ang labas ng condo. Bigla na lang niyang pinasok ang kaniyang ari sa aking pwet at pinagpatuloy ang paglabas masok sa akin. Nangangamba ako na baka may makakita sa aming ibang tao pero mas nanaig ang pagnanasa ko at hinayaang sundin ang bawat gusto ni Jethro. Hindi nagtagal ay nagpalit naman kami ng pwesto at pinaharap niya ako sa salamin.

“Don’t worry matibay ang pagkakagawa niya kaya hindi yan basta-basta mababasag. At walang makakakita sa ginagawa nating dalawa unless gumagamit sila ng telescope” at pinagpatuloy niya ang pagtiras sa likuran ko habang tanaw na tanaw ko ang labas ng condo. Tama nga siya imposibleng may makakita sa amin kaya hinayaan ko na lang ang bawat pag-ulos niya. Nilapit niya ang aking mukha sa kaniyang mukha para makapaghalikan kaming dalawa.

“So fucking good. How I wish ganito na lang ang ginagawa natin for life… ahh fuck” sabi niya habang magkalapit ang aming mga mukha kung saan kapwa na kaming pawisan. Maya-maya pa ay naupo siya sa isang upuan at tinitigan ako ng nakakalibog niyang tingin. Alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin kaya naman dahan-dahan akong lumapit at saka ko inupuan ang kaniyang naglalawang ari. Parehas kaming napaungol nang maipasok na sa loob ko ang kaniyang ari. Ako na ang nagtaas baba habang abala siya sa pagsipsip sa aking mga utong. Ginagalingan ko ang pagtaas-baba sa kaniyang ari, ginigilingan ko pa minsan na mas lalong nagpapasarap sa kaniya. Aangat ako at dahan-dahan kong ibaba na may kasamang paggiling.

“Ahhh ang sarap non, isa pa hon” at ilang beses kong ginawa hanggang sa sabihin niyang malapit na raw siyang labasan.

Bago pa man siyang labasan ay hiniga na niya ako sa kama kung saan kitang kita ko ang mukha niya habang naglalabas masok siya sa loob ko. Nilapit ko ang kaniyang mukha sa akin para muli kong malasahan ang tamis ng kaniyang mga labi. Patuloy ang pagtulo ng kaniyang mga pawis sa aking mukha habang damang dama ko ang paghahabol ng kaniyang hininga. Ang sarap nyang pagmasdan habang nilalamon ng pagnanasa at kaligyahan ang kaniyang mukha. Yung mapupula nyang labi na ang sarap-sarap kagat-kagatin na mas lalong nagpapaakit sa akin.

“Ahhh, Im cumming…. Ahhh ahhhh” kasunod nun ang pagpulandit ng kaniyang mga katas sa loob ko. Bigla na lang bumagsak ang kaniyang katawan sa ibabaw ko. Nagulat na lang ako nang mabilis siyang nakatulog habang nasa ibabaw ko siya. Niyakap ko na lang siya bago ko ipikit ang aking mga mata.

Nagising na lang ako sa amoy ng kape. Nakita ko na lang na may pagkain na sa harapan ko habang si Jethro ay nakasuot ng apron na kakatapos lang ata magluto. At natawa ako sa niluto niya, not so special naman pero naging special dahil taong mahal mo ang nagluto. Nagluto siya ng scrambled egg at pritong hotdog.

“What’s wrong? Ayaw mo ng niluto ko o mas gusto mo to?” sabay hawi ng apron. Dun ko lang napagtanto na apron lang pala ang suot-suot niya.

“Bastos” sabay bato ng unan sa kaniya. Kapwa kaming nagtawanan sa umagang yun at kumain ng masaya na hindi alintana ang magiging kahihitnatnan ng magiging kompetisyon mamaya.

At dumating na nga ang sandaling kung saan tutuparin ko ang hamon sakin ni Catherine. Kinancel ni Jethro ang mga appointments niya ngayon at siya ay nanood sa kompetisyon namin. Ang inaakala ko ay kaunti lang kami pero hindi ko inaasahang hihigit sa bente katao ang naririto para saksihan ang mga challenges na gagawin namin. May siyam na papel na nakarolyo sa loob ng fish bowl at ang unang bumunot ay ako dahil nagpaubaya na si Catherine. Ang may hawak ng fish bowl ay si Jethro na tila hindi nangangamba sa magiging resulta ng kompetisyon namin. Pagkabunot ko ay nakita ko kaagad ang una naming challenge. Yun ay ang pag-flip ng bottle, nang tingnan ko ang nakasulat sa pangalan ng nag-isip ng challenge ay nakasulat dito si Mr. Hegbert ng Finance department. Actually hindi ko siya kilala kasi hindi naman siya head ng Finance at malabong kilala din siya ni Catherine kaya random talaga ang selection nito. Kailangan naming i-flip ang bote at mapatayo ito gamit ang isang kamay. Nang tumunog ang whistle na hudyat ng game ay kaniya-kaniya kaming hawak sa bote at sa loob ng 4 na segundo ay nagawa ni Catherine na mapatayo ang bote na walang kahirap-hirap. 1 point agad ang napunta sa kaniya.

Sumunod na challenge ay cooking battle, parehas kaming hindi magaling sa larangan na to pero hindi ko alam kung papano niya nagawang manalo sa round na to at take note si Chef boy logro pa ang naging judge namin. Grabe pala ang preparation sa competition na to. Alam ko namang hindi ako dinadaya dito kasi alam kong alam ni Jethro lahat ng mga nakasulat sa bowl na yun. Ako na naman ang nakabunot ng challenge at sobrang tuwa ko ng mabunot ko ang yugioh battle. Alam kong hindi marunong si Catherine nito kaya naman sa loob ng 15 mins ay tinuro sa kaniya ang basic hanggang sa magsimula kami pero dahil nga magaling ako sa larong yun ay sa akin napunta ang puntos. 2-1 na ang standing namin ngayon. Siya na ang sumunod na bumunot ng challenge at yun ang Chinese garter. Hindi sa pagyayabang ay magaling ako diyan. Laking mayaman ang babaeng to kaya alam kong hindi pa siya nakakapaglaro nito kaya naman nang gawin namin ito ay walang hirap na natalo ko siya. Sa mga sunod na round ay naging dikit ang aming laban hanggang sa maging all 4 na kami. Ang last na challenge ay chest. At wala sa amin ang nagsulat ng challenge na yun kundi ibang tao. Hindi ako magaling sa larong to pero masasabi kong marunong ako at kaya kong manalo sa mga ordinaryong laban. Nang magsimula ang laban ay nagawa kong tapatan ang mga strategy niya at unti-unti kong napapatumba ang mga pawns niya hanggang sa isang knight, isang bishop, queen at king na lang ang natitira sa kaniya.

“Alam mo ba kung ano ang role ng queen sa larong to?” bigla niyang sabi.

“Alam ko yun ay ang maging pain sa mga pawns ko” confident ako ng sabihin yun dahil alam kong nasa advantage ako na mananalo ako.

“Mali, yun ay ang protektahan ang kaniyang hari ano man ang mangyari. Kagaya ni Jethro, isa siyang hari na kailangan ng reyna na poprotekta sa trono niya. Kaso hinding hindi ka magiging reyna kahit anong gawin mo, checkmate” sabi niya, laking gulat ko nang makita ko ang sumunod niyang move. Nilipat ko ang king sa next move ko pero checkmate pa din ako hanggang sa mapunta kay Catherine ang panalo.

“A deal is a deal” tumayo siya kinauupuan niya habang hawak ang isang papel at ballpen. Lumapit siya kay Jethro at inabot ang papel na to. Pagkahawak ni Jethro ng papel ay tumingin siya sa akin at ako nama’y hindi mapigilan ang pagbagsak ng luha ko.

Anong nagawa ko????

Itutuloy……..

A/N: Hello guys, I just want to say thank you sa patuloy na pag-aantay sa update ko ng mga stories ko. And I’m sorry kasi nawawalan na talaga ako ng gana lately na magsulat sabayan pa ng busy na sched. I’ll make sure na matapos ko ang story na to pero di ko sure kung makakapagsulat pa ako after nito. Hopefully makahanap ulit ako ng inspiration sa pagsusulat para maipagpatuloy ko pa ang iba ko pang story.

A simple token sa isang maswerteng reader ko. Pipili ako ng isa na mananalo ng block screening ticket sa upcoming movie ni David na “Because I love you”. Make sure to follow me on my instagram account. @eisenjohn

And dm me kung bakit ikaw ang deserving na manalo ng ticket. Next week na ang showing and make sure na available kayo kapag weekends dahil inaayos pa ang sched ni David para sa blockscreening na kasama siya.

P.S. Sariling ticket ko to at hindi to freebie galing kay David o sa production ng movie.

Happy new year sa inyo guys. Greetings from Jethro and I. LOL

Keep on VOTING Thank you

Chapter 13: You belong with me

David as Jethro

Eisen’s POV

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha sa aking mga mata nang sabihing si Catherine ang nanalo sa aming paligsahan. Napatingin na lang ako kay Jethro habang hawak-hawak niya ang papel na binigay sa kaniya ni Catherine bilang kasunduan ng kanilang kasal. Tumingin muna siya sa akin at nag-aalangang pumirma. Pero dahil merong isang salita si Jethro kaya pinirmahan niya ito. Ako mismo ang sumira sa relasyon namin. Bakit ko ba hinayaang mangyari to? Papano nga ba niya ako natalo samantalang ginawa ko naman ang best ko.

Ilang

oras

bago

matalo

….

Nagsimula ang laban namin ni Catherine sa pamamagitan ng pag-flip ng bote. Ang lakas maka-minute to win it ang challenge. Syempre dahil isa sa paborito ko ang challenge na to kaya confident ako na may laban ako sa babaeng to. Naalala ko pa nga nong nag-audition kami ng kaklase ko sa abs-cbn para makasali sa minute to win it, ayun tatawagan na lang daw kami. Natapos na ang minute to win it, natapos na ang I can see your voice, nagsimula na ang world of dance pero wala pa ring tawag. Baka sa susunod na season tawagan na kami, malamang nanganak na yung classmate ko na balita ko ay buntis ngayon. Back to the game, mukhang malamya naman tong si Catherine kaya malakas ang loob ko na mananalo ako. Pagkasipol ng whistle ay kaniya-kaniya kaming hablot ng bote. Hindi ko halos mawari na matatalo ako ng isang magandang anak mayaman na maganada ang stado ng buhay at lahat na ng magagandang bagay ay pwede mong i-attach sa pagkatao niya. Ganun siya!

“1-0” sabi niya sakin sabay ngiti ng pa-sweet sarap sabunutan. Hindi na lang ako nagsalita dahil alam kong makakabawi pa ako sa mga susunod na rounds.

Bumunot ulit si Jethro sa mahiwagang fish bowl ni ate gurl. Ang susunod na challenge namin ay cooking battle. Bigla na lang nagsilabasan ang mga taong may dala ng portable cooking materials. Ang kaninang open-area ay nagmukhang kusina na. Inaantay ko ngang lumabas si Juday baka kasi siya ang mag host sa round na to. Pero laking gulat ko nang lumabas si Chef boy logro at siya daw ang magiging hurado sa round na to. Yung totoo pinaghandaan ba nila ng sobra ang laban na to? Pasok Manny!

Kinakabahan ako sa round na to, buti sana kong may skills ako kagaya ni Josh sa pagluluto edi easy lang sa akin ang round na to. Hindi rin ako sigurado kong may skills si Catherine sa pagluluto pero ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon ay confidently-beautiful with a heart pa rin siya, samantalang ako ay hindi mapakali sa kinakatayuan ko. Lumingon ako kay Jethro at ngumiti siya sa akin habang nagnata-thumbs-up siya. Nag-mouthing pa siya na

“Kaya mo yan”

. At dahil dun ay gumaan ang loob ko kahit papano.

Gamit ang mic ay nagsalita na si Chef. Binigyan niya kami ng challenge sa pagawa ng isang Filipino dish ata ng primary ingredient ay manok. Medyo napanatag ako dahil pang local lang talaga ang alam kong dish at syempre ang pamatay kong dish na adobong manok ang lulutuin ko dahil 3/5 na ang mastery ko sa pagluluto niyan. I doubt na marunong magluto ng Filipino-dish si Catherine dahil anak mayaman siya ay nagpapaluto na lang yan sa mga katulong nila o kaya sa kanilang personal chef.

Nagsimula ang challenge at gaya ng mga sa cooking show ay may timer ang pagkuha ng mga ingredients. Yung totoo nasan si Juday? Kailangan siya dito. Hindi naman ako nahirapan sa pagkuha ng mga ingredients na nakuha ko. Nang tumunog ang timer ay sakto kompleto ko na ang mga kailangan kong ingredients. Pagtingin ko kay Catherine ay nakita ko andami niyang kinuhang gulay. Mukhang may balak siyang gumawa ng bahay-kubo sa sari-saring halamang meron siya. Inalis ko ang tingin ko sa kaniya at nagfocus na lang ako sa paggawa ng sarili kong putahe. Dahil ilang beses ko na itong ginagawa ay confident akong magiging masarap ang kalalabasan nito.

Sumapit ang oras para husgahan ang aming niluto. Hindi ko inaasahan na ang bahay-kubo ni Catherine ay magiging tinola with a twist. Kinabahan na naman ako kahit alam kong masarap ang pagkakaluto ko sa adobong manok with love and spices. Pagkatapos ng pagtikim ni Chef ay bigla na lang niyang binanggit na si Catherine daw ang nanalo. Hindi ako makapaniwala. Mukhang luto ang naging laban. Dapat si Juday talaga ang nandito eh baka naging patas pa ang judging. Nagkaroon kami ng 20 minutes break habang inaalis ang mga cooking materials at nililinis para sa susunod na challenge. Lumapit sa akin si Jethro at niyakap ako habang nakatalikod. Hinahalikan niya ang ulo ko habang hawak-hawak ang aking mga kamay para kumalma ako. Alam na alam niyang nagpapanic na ako deep-inside. Kilalang kilala niya talaga ako.   “Sorry, natalo na naman ako. Hindi talaga ako masarap magluto” sabi ko sa kaniya. Pinaharap niya ako at kinurot ang magkabila kong pisngi.

“Okay lang yan, sarap na sarap pa rin naman ako sa giniling mo” sabay pilyong kindat sa akin. Hinampas ko siya sa kanang braso.

“Hoy Mr. Wells!” sabay turo ko sa kaniya at siya naman ay nagpipigil ng tawa.

“Yes, Mrs. Wells?” saka siya tumigil sa pagtawa at ngumiti sa akin. Kainis!

“Maging seryoso ka nga” naiinis kong sabi pero iba ang pinapakita ng mukha ko dahil kinikilig ako sa tuwing sinasabihan niya akong misis.

“I am serious! Ikaw tong masyadong kabado eh. Alam mo namang malaki ang tiwala ko sayo na maipapanalo mo to” niyakap niya ako at napalapit ang aking mukha sa kaniyang dibdib. Ramdam ko ang pagtibok ng kaniyang puso na para bang tugtog na nagpapakalma sa akin.

“Papano kung matalo ako?” bigla kong nasabi.

“Edi, ikakasal ako sa kaniya” matipid niyang sagot. Naitulak ko siya at tumingin ako sa kaniya.

“Mukhang gustong gusto mong ikasal sa kaniya ahh? Ipatalo ko na lang kaya para ikasal na kayong dalawa” naiinis kong sabi. Hinila niya akong muli at niyakap.

“Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ikaw, ikaw, ikaw, ikaw lang ang gusto ko. Malaki ang tiwala ko sayo dahil mahal kita at mahal mo ako kaya hindi mo hahayaang matalo ka ni Catherine. Ipakita mo sa kaniya na hindi ako basta-basta nakukuha ng iba. Dahil kay Eisen lang ako” hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin sa kaniya basta ang alam ko ay masaya ako dahil malaki ang tiwala sa akin ni Jethro. At hinding hindi ko sasayangin ang tiwalang yun.

Tumunog na ang signal na tapos na ang 20 minutes break at kumalas na ako sa pagkakayakap kay Jethro. Bago ako lumapit sa area kung saan ang next challenge ay may pahabol pang sinabi si Jethro.

“Wag kang magpapatalo ahh.. kundi gagawin kitang best-man sa kasal ko!” natatawa niyang sabi. Bastusan lang? Kahit bride’s maid man lang sana. Siraulo talaga to.

“Fuck you!” ang tanging naisagot ko.

“I’m always ready hon” sabay kindat habang kagat-kagat niya ang lower-lip niya. Nakakakainis pano niya nagagawang magbiro sa ganitong oras. Hoy Junjun magtigil, wala akong time makipaglaro kay Elsa ngayon. Kailangan kong magfocus.

Muling bumunot si Jethro sa bowl para alamin ang susunod na challenge. Muntik na akong mapatalon ng sabihin na Yu-gi-oh battle ang susunod na laro. Syempre umarte lang ako ng normal para hindi halatang magaling ako sa larong yun. Dahil hindi marunong si Catherine sa yu-gi-oh battle ay nagpa-coach siya ng basic sa isang lalaki na marunong sa game nay un. After 15 minutes ay nagsimula ang laban namin. Prepared din pala sila sa round na to. May nilabas na 50 sets ng deck at iba’t ibang generations ang meron dito. Meron first gen, second, synchro, exceed at pendulum. Sobrang tuwa ko ng makita ko ang favorite deck ko yun ay ang Black rose dragon deck. Si Catherine naman ay pumili sa first gen deck na Harpie ladies. Mukhang mabilis matuto itong si Catherine dahil kahit basic lang ang tinuro sa kaniya ay nagagawa niyang magcounter at mag-inflict ng damage sa life points ko. Pero sa larangan ng laro na to ay mahalaga pa rin ang experience at knowledge sa bawat decks para ma-counter ang bawat moves ng kalaban. Dahil mas magaling ako sa kaniya sa larangan na to ay nagawa kong matalo siya na may 3,200 remaining life points pa ako. 2-1 na ang standing ng laban.

Tuwang tuwa si Jethro ng manalo ako sa round na yun. Yung reaction niya ay proud na proud boyfriend para sa kaniyang bebe gurl. Wow assuming. Kahit papano ay nabuhayan ako at nagkaroon ng kompiyansa sa sarili na may laban ako sa challenge na to dahil sa pagkakapanalo ko. Ang kailangan ko lang talaga ay magkaroron ng tiwala sa sarili at kaunti swerte para maipanalo ito. Sa ikaapat na challenge ay binanggit na ang susunod naming paglalabanan ay ang paglaro sa Chinese garter. Mukhang umaayon sa akin ang pagkakataon at mga bagay kung saan ako magaling ang nabubunot ni Jethro. Hindi naman sa pagmamayabang pero noong bata pa ako ay tinuruan ako ng lolo magtango, pasadoble, boogie, rumba… uy kumanta siya! Pero seryoso noong bata pa ako ay ako lang naman ang taga buhay sa mga mabibigat kong kakampi sa Chinese garter. Lahat na ata ng categories sa Chinese garter ay nalaro ko kahit dead mother dead all ay nagawa ko. Kaya confident akong mananalo ako sa round na to. At ayun hindi rin ako nagkamali dahil natalo ko si Catherine sa round na to. Mahaba man ang legs niya ay mas magaling parin ako sa kaniya pagdating sa larangan na to.

Dikit ang laban namin ni Catherine dahil all 2 na kami. Ang sumunod na round ay videoke challenge. Kung sino man ang makakuha ng pinakamataas na score ay siyang mananalo sa round na to. Nag-isip ako ng kakantahin ko. kadalasan sa mga kantang may matataas na score sa videoke ay mga kantahang pasigaw at biritan gaya ng mga kanta ni Beyonce, Celine Dion at Whitney Houston. Mukhang hindi ko naman kakayanin ang ganun dahil pang Kim Chiu lang boses ko. Mga pang

“Ikaw na ba si Mr. Right”

at

“Kering keri”.

Hanggang ganun lang level ng boses ko kaya kailangan kong pag-isipan ng mabuti ang kakantahin ko. Naunang pumili ng kanta si Catherine at walang pasintabing pinili niya ang Love on Top ng Maskulados este ni Beyonce. To be fair, ang ganda ng boses niya at parang siya ang mananalo sa round na to. Hindi man sing taas ng boses ni Beyonce ang boses niya pero alam mong naabot niya ang bawat nota. At ang score niya ay 100 lang naman.

Hindi ako sumuko kaya naman sinalang ko na ang ultimate videoke song ko. Ang paboritong kanta ng masang Pilipino sa tuwing mapapalaban sa matinding videokehan na may kasamang inuman. Walang iba kundi ang Totoy Bibo ni Vhong Navarro. Nang magsimula ang kanita ay lumapit ako ng husto sa videoke machine. Wala akong nilingon ni isa. Kahit si Jethro ay hindi ko tinitingnan habang kumakanta dahil ayokong makita ang hitsura niya habang pinagtatawana ako o kaya naman dismayado niyang reaksyon sa napili kong kanta. Nagfocus ako sa kanta at binigay ko ang best ko. At ang result ng score ko ay tumatagingting na 100 din. Confident akong makaka-100 din ako kasi alam ko at alam ng maraming Pilipino na hindi baba sa 90 ang score mo kahit sintunado kapa kapag Totoy Bibo ang kinanta mo sa videoke. Default score ata nila yan pero dahil kailangan ko ng safe score ay kinain ko ang sarili kong kahihiyan at kinanta ko yan sa harap ng maraming tao at sa harap ng taong mahal ko.

Dahil parehas kaming nakakuha ng 100 score ay parehas kaming nagkaroon ng parehas na puntos. All 3 na laban. Sa ika-anim na round ang challenge ay mag-make sa sarili na walang gamit na salamin. Susme, ramdam ko na kung sino ang mananalo sa challenge na to. Isang beauty queen ba naman ang kalaban ko. Pero hindi ako umurong at ginawa ko pa rin ang challenge. Kailangan mag-apply ng full coverage ng make-up. Gaya ng inaasahan ko ay maganda ang resulta ng kay Catherine. At ako? Ayun mukhang pang no. 13 ako sa isasalang sa miss gay pang kalawakan sa pista ng tondo. Yung eye shadow na nilagay ko ay parang naging black eye. Grabe, babawi na lang ako susunod na round. 4-3, in favor kay Cath.

Sa ika-pitong challenge ay Just Dance battle ang pinaglabanan namin. Umaayon na naman sa akin ang laban. Kung lamang siya sa akin sa kantahan ay sigurado akong mahihigitan ko siya pagdating sa sayawan. Sabay kaming sumalang sa Versus mode ng Just dance. Pinili ko ang Where have you been avatar at siya naman ang She wolf . Maning mani sa akin ang round na to dahil kabisadong kabisado ko ang steps kahit nakapikit. Kahit nagmumukhang tanga si Catherine sa pagkapa ng sayaw ay ang ganda niya parin, shet. Natapos ang challenge na hingal na hingal si Catherine samantalang ako ay parang nagwawarm-up pa lang. Easy win kaya all 4 na kami.

Sa ikawalong challenge ay kapwa kaming nahirapan dahil kailangan naming bumuo ng isang castle gamit ang mga cards. Kailangan 3 feet ang taas nito. Naubos lang ang oras at walang nakagawa sa amin ng challenge kaya naman nanatiling nasa all 4 ang score naming dalawa. Sa final Challenge ay naglaban kami ni Catherine sa Chest. Wala sa amin ang nagsulat ng Challenge na yun kaya ibig sabihin ay parehas kaming hindi magaling sa chest. Kahit papano naman ay marunong ako ng mga basics sa chest kaya may laban parin ako sa kaniya. Mind game ang round na to, kaniya-kaniyang strategy kung papano makakascore. Masyado akong naging kampante sa laban namin dahil unti-unti kong nauubos ang pawns niya hanggang sa isang knight, isang bishop, queen at king na lang ang natitira sa kaniya.

“Alam mo ba kung ano ang role ng queen sa larong to?” bigla niyang sabi.

“Alam ko yun ay ang maging pain sa mga pawns ko” confident ako ng sabihin yun dahil alam kong nasa advantage ako na mananalo ako.

“Mali yun ay ang protektahan ang kaniyang hari ano man ang mangyari. Kagaya ni Jethro, isa siyang hari na kailangan ng reyna na poprotekta sa trono niya. Kaso hinding hindi ka magiging reyna kahit anong gawin mo, checkmate” sabi niya, laking gulat ko nang makita ko ang sumunod niyang move. Nilipat ko ang king sa next move ko pero checkmate pa din ako hanggang sa mapunta kay Catherine ang panalo.

Kasalukuyan…

“OMG! Jethro he’s crying” sabi ni Catherine.

“Hindi ko kaya, nagi-guilty ako” lumapit sa akin si Jethro at niyakap ako nang mahigpit. Pinunasan niya ang mga luha ko habang patuloy ang paghalik sa noo ko. Naguguluhan ang sa mga nangyayari.

“Anong nangyayari?” tanong ko kay Jethro.

“I’m so sorry, hon” patuloy ang pagyakap sakin ni Jethro na para bang ayaw niya akong bitawan. Lumingon ako kay Catherine.

“Sorry Eisen, Idea ko ang lahat ng to. Gusto ko lang makilala yung taong pinili ni Jethro na makasama niya habang buhay” nakangiting sabi ni Catherine.

“Hindi ko magets” hindi ko alam pero hindi pa rin pumapasok sa isipan ko ang gusto nilang sabihin sa akin.

“Ako ang nakaisip na gumawa ng mga challenge na to para mas makilala kita. Nakiusap lang ako kay Jethro at pumayag siya kahit alam niyang magagalit ka. Gusto ko kasing malaman kong anong klase kang tao at bakit baliw na baliw sayo si Jethro” sabi ni Catherine at ako naman ay tumingin sa pagmumukha ni Jethro habang nagpapakita siya ng maamong mukha at nagpepeace sign. Siniko ko siya at napabitaw siya ng akap sa akin at namilipit sa sakit.

“I’m sorry” pagmamakaawa niya. Naiinis pa din ako sa kaniya. Sana naman nagbigay siya ng hint na joke-joke lang pala to. Muntik na akong magsubmit ng entry kay mam charo sa madramang love life ko tapos may time pa silang i-good time ako.

“I’m so sorry sa ginawa namin ni Jethro. Wag kang magalit kay Jethro ako ang sisihin mo dahil ako ang nakaisip nito” sabi ni Catherine habang hawak-hawak niya ang kamay ko.

“Siraulo ka din eh no, sana inisip nyo muna kung anong mararamdaman ko bago nyo gawin yang challenge na yan” naiinis kong sabi.

Nanatili akong nakaupo sa isang tabi habang pinagmamasdan ang mga gamit na nililigpit sa aking harapan. Wala akong kinakausap ni isa sa kanila. Panay ang hingi ng sorry sakin ni Jethro pero hindi ko siya kinakausap. Deserve niya ang mabaliw kakaisip kung makikipagbati ba ako sa kaniya o hindi. Ilang minuto rin akong nanahimik hanggang sa napag-isipan kong kausapin si Catherine.

“Sumama ka sa akin, may pag-uusapan tayo!” utos ko kay Catherine.

“Sure” masaya niyang sagot.

“Wag kang ngingiti-ngiti diyan dahil hindi pa kita pinapatawad” dugtong ko.

“Sorry” mabilis niyang sagot.

“San kayo pupunta? Sasama ako!” sabi ni Jethro.

“Wala kang pake!” inis kong sabi.

“Hon, sorry na” pagmamakaawa ni Jethro habang hawak-hawak niya ang kamay ko. Alam niyang mahina ako sa tuwing sinusuyo niya ako pero sa pagkakataong ito ay dapat hindi ako maging marupok kaya naman tinitigan ko siya ng masama at saka niya binitiwan ang aking kamay.

“Don’t worry Jeth, ibabalik ko siya” sabi ni Catherine at inirapan ko lang siya. Inis pa din ako.

Umalis kaming dalawa ni Catherine sakay ng kaniyang sasakyan. Iniwan namin si Jethro na hindi ko kinakausap. Naiinis pa rin ako kasi todo effort ako sa challenge na yan. Nakasalalay ang relasyon namin sa mga challenges na yun. Nagmukha akong gago sa harap ng maraming tao sa pagkanta ko ng Totoy Bibo. Hindi ko pinahalata pero nanakit ang balakang ko sa Chinese garter kanina. Hinayaan ko lang si Catherine na magdrive sa restaurant na sinabi ko. Nanatili lang akong tahimik habang nasa loob ako ng kotse nya. Ilang beses din siyang nagtangkang makipag-usap pero nanatili lang akong tahimik sa byahe. Nang marating namin ang restaurant ay nagsimula kaming mag-usap.

“Sabihin mo sakin kung anong klaseng lalaki si Jethro nang makilala mo siya” pagsimula ko sa aming usapan.

“To be honest, siya yung tipo kung guy dahil napakatalino niya, magaling siya magpalakad ng business at gwapo. Noong una ay may nagchallenge sa akin na paibigin si Jethro dahil nanatili pa rin siyang single at palagi lang siyang nakikipaglaro sa mga babae. Isa ako sa mga babaeng napaglaruan niya. At….” Bigla siyang tumigil sa pagsasalita.

“At?” tanong ko.

“At may nangyari sa amin… Pero Once lang yun at saka safe sex. Naging desperada ako that time at inakit ko siya hanggang sa may mangyari sa aming dalawa. Ang buong akala ko ay madedevelop pa ang relasyon namin after na may nangyari pero mali ako. Sinabi niya sa akin na maghanap daw ako ng lalaki na seseryoso sa akin at hindi daw siya yun. Biglang nagbago ang tingin ko sa kaniya. Akala ko ay isa lang siyang playboy na never pa nainlove at papalit-palit ng mga babae. Pero nagkamali ako nang malaman kong inlove siya sa isang tao” hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga naririnig ko kaya naman hinayaan ko lang siyang magkwento pa.

“Nabanggit niya sa akin ang pangalan mo pero never kong nakita ang picture mo. Sobrang curious ako sa pagkatao mo dahil papano mo napaibig ang isang kagaya ni Jethro na sobrang hinahangaan ng marami. Andaming female celebrities ang patay na patay sa kaniya. Marami ring business woman ang nagtangka pero wala pa ring nagpapa-ibig sa kaniya dahil ang dahilan niya ay matagal ng taken ang puso niya. Nagresearch pa nga ako tungkol sayo pero wala akong mahanap. Buong akala ko ay babae ka pero, sorry wala akong problema sa mga gays ahh. Madami akong friends na beks at masaya silang kasama. It’s just na-surprise lang ako dahil nagawa mong paibigin ang gaya ni Jethro. At napatunayan ko kung gaano mo siya kamahal kanina” hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magseselos dahil may past silang dalawa ni Jethro.

“Wala na nangyari sa inyo ni Jethro?” tanong ko at natawa siya.

“Wala na promise!” tugon niya. “Walang balak mang-agaw?” paninigurado ko.

“Wala, look!” utos niya at pinakita niya ang isang picture sa cellphone.

“Siya ang fiance’ ko at ikakasal na kami sa susunod na buwan. Pumunta ako kahapon sa office ni Jethro para imbitahan siya sa kasal namin. At dun ko nalaman na magkasama na kayong dalawa ulit at ayun nagsimula ang challenge” natatawa niyang sabi. Tiningnan ko ang kamay niya at may engagement ring nga siyang suot.

“I’m sorry kung medyo naging rude ako kanina” paghingi ko ng paumanhin.

“No, it’s okay. May karapatan kang magalit dahil pinaglaruan namin ni Jethro ang feelings mo and again I’m sorry dahil nagawa namin yun at sana wag kana magalit sa kaniya” ngumiti na lang ako bilang tugon sa paghingi niya ng tawad.

Nagsimula kaming kumain at masayang nag-usap sa mga bagay-bagay. Syempre inalam ko din ang past ni Jethro baka mamaya may bumalik galing sa past niya kaya dapat maging ready ako. Pero ayun kay Catherine ay si Celestine lang ang nagtagal sa mga babaeng naghahabol sa kaniya. Pero dahil nalaman na ngayon ni Celestine na kami na ni Jethro ay tumigil na din siya. Nang matapos ang pag-uusap namin ni Catherine ay nagpaalam na kami sa isa’t isa. Nagpupumilit pa nga siyang ihatid ako pero sabi ko ay magtataxi na lang ako pauwi.

Habang nag-aabang ako ng taxi ay may nakita akong lalaking nakasandal sa kaniyang kotse habang panay ang palo sa kaniyang mga braso. Mukhang nilalamok si kuya kaya panay ang palo niya. Tinitigan ko siya ng mabuti at saka ko lang napagtanto na si Jethro pala ang lalaking nakatayo. Siguro ay hindi niya ako nakikita sa pwesto ko. Nagstay ako ng ilang minuto dahil baka umalis na rin siya pero 10 minutes na ang nakalilipas ay hindi parin siya pumapasok sa kotse niya at kanina pa siya nilalamok. Hindi ko na natiis kaya lumapit na ako sa kinaroroonan niya.

“Anong ginagawa mo dito?” kunwari galit pa din ang tono ko.

“Inaantay ka” malumanay niyang sagot. Bihirang bihira ko marinig ang tono ng boses ni Jethro na ganito dahil madalas ay napaka dominant ng boses niya pero ngayon ay para syang tuta na pinagalitan ng amo.

“Dapat umuwi kana, kaya ko namang umuwi mag-isa” pagmamatigas ko.

“Ayoko, ayokong mawala ka na naman sakin” napatingin ako sa mukha niya at seryoso na siya sa mga sandaling ito. Iniwas ko ang tingin ko dahil konting konti na lang ay bibigay na ako. Napatingin ako sa braso niya na namumula dahil sa kagat ng lamok at kakakamot niya.

“Hindi nga ako mawawala sa paningin mo pero magkakadengue ka naman sa ginagawa mo” sabi ko habang pinagmamasdan ang braso niya. Niyakap niya ako bigla.

“Wala akong pakialam sa mangyayari sa akin basta ang importante ay hinding hindi kana mawawala sa akin” hinawakan niya ang aking baba at pinatingala para tumingin sa kaniya.

“Patawarin mo na ako please” pagmamakaawa niya habang nagkapout ang mga labi niya. Alam na alam niyang weakness ko yang pagpapout niya. Ang cute-cute niya kasi tingnan para siyang bata na ang sarap-sarap kurutin sa pisnge na taliwas sa personality niya. At ayun na nga napasuko niya ako sa paggamit niya ng pagpapacute niya sa akin.

“Nakakainis ka talaga” sabay kurot sa magkabilang pisnge niya.

“I love you too” sagot niya at hinalikan niya ako sa labi. Hinayaan ko na lang siya at hindi namin inintindi kahit na nasa tabi kami ng daan. Ang mahalaga ngayon ay alam namin sa isa’t isa na kami ay nagmamahalan at walang hahadlang dun.

Sumakay kami sa kaniyang sasakyan at nagkukulitan habang nasa byahe. Pumayag lang daw siya sa challenge ni Catherine dahil natutuwa daw siya sa tuwing nagiging possessive daw ako sa kaniya. Ang sarap sakalin pero wala eh pagmahal mo MAHAL MO! Hindi naman ako masyadong possessive na tao pero pag sinabi kong akin lang si Jethro, akin lang siya!

Itutuloy…….

A/N: Finally nangalahati na yung story. Makakapaglapag na rin ng mga twist hahaha. Maraming salamat sa mga honest feedbacks nyo. Binabasa ko ang mga comments nyo isa-isa. And sorry sa mga nag a add sakin sa FB nadala na kasi ako mag add ng mga readers tapos i-memessage lang ako para mag-update. Sorry guys.

Kung gusto nyo malaman kung anong klaseng sayaw ang ginawa ninEisen at Cath. Nandito yung link imaginin nyo na lang LOL

https://youtu.be/ka9PlR0q2MM

Thank you sa patuloy na pagsupport. 🖤

Chapter 14: Love me like you do

Bas as Eisen

Eisen’s POV

Ambilis ng panahon at buwan na naman ang lumipas. Sino ba naman ang mag-aakalang muling magtatagpo ang landas namin ni Jethro. Dati ay nakikitira pa ako sa mansion nila sa Batangas noong nabubuhay pa si mama. Ngayon ay nagtatrabaho na ako sa kaniya bilang kaniyang secretary na minsan nagiging alila sa dami ng pinapagawa niya. Minsan nagiging sex slave pa dahil kahit nasa office kami ay ayaw magtigil at gustong makaraos buti na lang hindi pa kami nahuhuli ng ibang tao. Minsan nga biniro ko siya na taasan ang sweldo ko dahil hindi na pang secretary ang trabaho ko. Pumayag naman siya basta daw araw-araw naming gagawin sa opisina. Napakasiraulo talaga, buti sana kung hindi nakakapanghina eh. Minsan lalabas ako ng opisina niya na akala mo galing ukay-ukay yung polo ko sa dami ng gusot, tapos yung ibang butones nawawala.

Tama nga si Catherine, hindi madaling ma-tame ang isang kagaya ni Jethro. Nagtataka nga ang mga tao kung papano ko daw napapakisamahan si Jethro dahil medyo masungit daw at mainitin ang ulo pagdating sa trabaho. Totoo naman na medyo mainit-init yung ulo niya at ramdam ko naman yun sa tuwing ipapasubo niya sa akin. Biro lang! Ewan ko ba dati lagi kaming nag-aaway sa tuwing nagsusungit siya sa akin pero ngayon ay hindi niya ako magawang sungitan. Pagnaiinis sakin yan ay mananahimik lang siya tapos magugulat na lang ako bigla na lang nyang sasakmalin yung dibdib ko o kaya yung leeg ko. Sheket keye. Pero mabuting tao naman talaga siya paglubusan mong nakilala. Masyado lang siyang seryoso pagdating sa trabaho dahil nandun yung passion niya eh.

Napansin ko lang nitong mga nakaraang araw na medyo stress siya sa trabaho dahil sa mga sunod-sunod na meetings kasama ang mga board of directors. Kahit na ayokong magkita si Jethro at si Celestine ay wala akong magagawa dahil kasama siya sa mga board of directors sa kompanya ni Jethro. Business is business, hindi talaga maiiwasan diyan ang stress. Kaya naman nang makahanap ako ng maluwag na schedule ni Jethro ay nagplano akong mag out of town muna kami. Syempre hindi niya ako matanggihan dahil ako lang naman ang nag-iisang Eisen Fuentes na kinahuhumalingan ni Jethro. Nagustuhan din naman niya ang idea na magtravel kami pa north. Ang suggestion ko nga eh na isama si manong driver para may sarili kaming driver habang nasa byahe. 7-9 hours kasi ang byahe pa ilocos kaya alam kong mapapagod ng husto si Jethro. Pero nagpumilit siya na kaming dalawa lang daw ang magkasama sa byahe. So ayun magkasama kami ngayon sa kaniyang kotse habang binabaybay ang daan patungong norte.

“Pwede ka naman matulog hon kaya ko pa naman magdrive” sabay hawak niya sa aking kaliwang kamay.

“Syempre dadamayan kita para hindi ka antukin” sabay higop ng coffee jelly na nabili namin isang oras mahigit na ang nakalipas sa starbucks. Inabot ko naman sa bibig niya ang straw para makahigop siya sa Iced coffee niya. Hindi niya magawang maubos ito dahil siya ang nagmamaneho.

“Bakit ayaw mo pa kasi isama si manong edi sana natutulog na lang tayo sa backseat ngayon” sabay tingin sa aking cellphone. 3 oras na pala kaming bumibyahe. Hindi ko rin naman maenjoy ang view sa labas dahil gabi kami umalis para hindi matraffic at saka nabasa ko sa mga DIY travel groups na maganda daw ang sunrise sa Quirino Bridge kaya yun ang una naming pupuntahan.

“Mas okay na yung ganito para anytime hindi ka mahihiyang i-kiss si junjun” bigla niyang sabi at nahampas ko siya sa braso.

“Puro kabastusan na lang yang nasa bibig mo” sabi ko at siya nama’y napahawak sa braso niya kung saan ko siya napalo.

“At ikaw puro pananakit na lang ginagawa mo sakin” sagot naman niya.

“Edi gumanti ka” dugtong ko.

“Syempre hindi ko naman magagawa sayo yun” mahinahon niyang sagot at natahimik na lang ako. Ang buong akala ko ay hindi talaga siya gaganti pero bigla na lang niya hininto ang sasakyan sa may tabi ng daan.

“Ohh bakit tayo huminto? Naiihi ka ba?” tanong ko nang magtanggal siya ng seat belt. Lumapit siya sa akin at bigla niya ako kinagat sa leeg. Sa pagkabila ko ay nasabunutan ko siya pero hindi man lang siya huminto.

Ang marahas na pagkagat niya ay unti-unting nagiging marahan hanggang sa nararamdaman ko na ang pagdila niya sa aking leeg. Napapaungol ako sa bawat paglakbay ng kaniyang dila at paghalik sa aking leeg patungo sa aking panga. Lalo akong nag-init ng laruin niya ang aking mga utong hanggang sa lumapat ang kaniyang mga labi sa akin. Sarap na sarap ako sa pagnamnam ng kaniyang mga halik halos ayoko nang bumitaw pero bigla na lang siyang nagsuot ng seat belt ulit.

“Yun na yun?” tanong ko sa kaniya.

“Sorry hon, may sunrise pa tayong hahabulin” saka siya ngumuti na nang-aasar. Inis na inis ako sa kaniya. Hindi ko na siya pinansin habang nagmamaneho siya. Pagkatapos niya akong pag-initin bigla-bigla niya lang akong bibitinin. Sa inis ko ay tinulugan ko na lang siya.

Naging masarap ang pagtulog ko at hindi ko namalayan ang oras. Maya-maya ay nagising ako sa paghaplos ni Jethro sa aking mukha.

“Gising na, andito na tayo” ang sarap gumising kapag ganito kagwapo ang unang babati sayo. Napakalaki ng boses niya pero ang tamis-tamis ng mga ngiti niya sa akin. Ngingiti na sana ako bilang tugon pero naalala ko ang pagbitin niya sa akin kanina kaya naman inirapan ko lang siya. Kaya naman pala ang sarap ng tulog ko ay bahagyang nakahiga na pala ang aking upuan.

“Grabe naman galit ka pa din sakin?” tanong niya na medyo natatawa pero hindi ko siya pinansin at bumaba na ako ng kotse.

Hindi ko alam kung gaano kabilis ang pagpapatakbo kanina ni Jethro dahil bago ako matulog ang estimated time na arrival namin dito sa Quirino Bridge ay 6:45 am ayun kay Waze pero 5: 57am pa lang ay nandito na kami. Naglakad ako patungo sa bridge habang pinagmamasdan ang sunrise. Grabe, totoo nga ang sabi nila na magandang masilayan ang sunrise dito. Napakaganda tingnan ng ilog habang tinatamaan siya ng sinag ng araw. Dali-dali kong nilabas ang cellphone ko at saka kumuha ng picture. Palipat-lipat din ako ng pwesto para makakuha ng magandang shots dahil medyo dumadami na rin ang mga tao dito. Hindi ko rin napigilang kumuha ng selfie kahit na medyo against the light ay kumuha pa rin ako. Habang kumukuha ako ng selfie ay bigla na lang may umakbay sakin at hinalikan ako sa pisngi.

“Ano ba Jethro? May mga tao dito ohh” sabi ko sabay punas sa pisngi. Ewan ko ba bakit ang init-init pa rin ng ulo ko sa kaniya.

“Eh ano naman? Hinahalikan ko lang naman ang asawa ko ahh” niyakap niya ako mula sa likod.

“Kahit di pa naman” naiinis kong sagot.

“Kung pumayag ka lang sa proposal ko noong nasa Bali tayo edi sana totoong totoo na” dugtong niya. Hayy naririnig ko na naman si Sarag G. na nagsasabing

“Heto na naman tayo, parang kelan lang nang huli”.

Dahil hindi na ako nagsalita ay inutusan na lang nya akong kumuha ng pictures namin habang nakayakap siya sa akin. Wala siyang pakialam kahit na pinagtitinginan na kami ng ibang tao dahil sa ginagawa niyang paglambing sa akin. Lahat ng pictures namin ay nakapoker face lang ako dahil pinipigilan kong ngumiti habang siya ay napakagwapo niya sa bawat kuha naming dalawa. Maya-maya pa ay may lumapit sa amin na isang babae.

“Hi I’m Rin. If you don’t mind, pwede ko kayong kunan ng picture” masaya niyang bati. Tatanggi sana ako pero biglang inabot ni Jethro ang phone niya sa babaeng kumausap samin.

“Thank you Rin. By the way I’m Jethro and this is my wife, Eisen” casual na sabi ni Jethro na ikinahiya ko. Hindi ko inaasahang sasabihin niya sa harap ng ibang tao. Napatakip ng bibig ang babae ang akala ko pa nga ay pinagtatawana niya kami hanggang sa marinig ko ang mahihina niyang pagtili.

“OMG, Love wins” sabi niya sabay thumbs-up samin. Hindi ko inaasahang babaeng bakla pala to si Rin. Napangiti naman ako nang sabihin niya yun. Umatras siya at sumenyas samin na magpose na para sa picture. Humigpit naman ang pagkakayakap sakin ni Jethro habang nakapatong ang kaniyang baba sa ibabaw ng aking ulo. Hindi ko sigurado kong maganda ang kuha namin kasi halos malaglag ang cellphone ni Jethro sa panginginig ng kamay ni ate. Kilig na kilig siya. Mas lalo tuloy akong nahihiya sa pinaggagawa namin dito. Sumenyas siyang muli na magpalit naman kami ng pose. Ngayon naman ay nakaakbay sa akin si Jethro habang nakatingin siya sa akin. Umiwas ako ng tingin at sa camera ako tumingin pero sumenyas si Rin na kay Jethro daw ako tumingin. Yes Direk. Nginingitian ako ni Jehtro habang kinukuhaan kami ng picture. Para akong matutunaw sa hiya at kilig. Kahit anong pagpipigil ko ay bumigay din ako at napangiti ako sa kaniya.

“Nice one!” sigaw ni Rin. Maya-maya pa ay lumapit siya sa amin.

“Pwede ba akong kumuha ng pictures kasama kayong dalawa?” tanong niya.

“Sure!” mabilis na sagot ni Jethro. Pagkasagot ni Jethro ay pumuwesto agad siya sa gitna at saka kumuha ng pictures.

Nang matapos ay nagpaalam samin si Rin. Nagpasalamat naman kami sa kaniya dahil ang gaganda ng mga kuha niya sa amin. Hindi ko inaasahang isa pala siyang professional photographer nang ipakita niya sa amin ang i.d. niya. Nang makaramdam kami ng gutom ay kaagad kaming bumalik ni Jethro sa sasakyan para bumiyahe patungo sa isang sikat na kainan sa Vigan. Halos isang oras din ang inabot hanggang sa makarating kami sa Hidden Garden restaurant. Gutom na gutom na talaga ako. Pagpasok mo sa loob ay bubungad sayo ang maraming picture frames na naglalaman ng mga iba’t ibang sikat na artista na nakapunta sa restaurant na to. Hila-hila ako ni Jethro habang papasok kami sa loob. Para akong bata na hinihila ng kaniyang daddy. Hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ko na tinatawag kong Daddy si Jethro dati. Naupo kami sa may bakanteng table at tumingin sa menu.

“Gusto mo ba ng poqui-poqui?” ngumiti siya na nang-aasar sakin. Hindi ako sumagot at inirapan ko lang siya dahil wala na akong energy makipagtalo sa kaniya.

“Ahh ayaw mo nga pala sa poqui-poqui. Mukhang mas magugustuhan mo yung Vigan looonganisaaa. Pero mas masarap yung longanisa ko, gawang batangas to” sabay ngiti nang nakakaloko.

“Alam mo napakabastos mo, kakain na lang tayo lahat-lahat kung ano-ano pa ang pinagsasabi mo” sabay kurot ko sa tagiliran niya. Napahawak siya sa tagiliran niya sa sakit ng pagkurot ko sa kaniya.

Tumayo siya sa table na nakanguso habang hawak-hawak ang tagiliran niya. Para siyang bata na kinurot sa tagiliran dahil sa sobrang kakulitan. Sa tagal naming magkasama ay alam na alam na niya ang gusto kong kainin tuwing breakfast. Matapos niyang makaorder ay bitbit niya ang dalawang plato na naglalaman ng boneless bangos. Bumalik pa siya para kumuha ng dalawang baso ng kape at kutsara tinidor. Kung sa kompanya niya ay siya ang pinagsisilbihan ko pero ngayon ay ako ang pinagsisilbihan niya. Ang sarap sa pakiramdam.

Sandali lang kami nagpahinga at kaagad kaming nagtungo sa susunod naming pupuntahan yun ay ang Paoay Church. Malaking tulong samin ang Waze kaya nararating namin ang mga lugar na hindi pa namin napupuntahan. Nakabase lang kami sa itinerary na nakuha ko sa isang DIY-Travel group sa facebook. Oras din ang inabot bago namin marating ito. Pumasok kami sa loob para magdasal. Pansin ko lang na medyo maingay ang sahig pagnaglalakad ka. Para bang tumatakbo ka sa loob ng basketball ring habang naglalakad sa loob. Nang marating namin ang pinakaharap ay saka kami lumuhod para magdasal. Pagkatapos ay kumuha kami ng ilang pictures at saka kumain sa mga kainan sa labas dahil tanghaling tapat na rin.

“Anong pinagdasal mo kanina?” bigla niyang tanong habang kinakain ko ang aking halo-halo. Kakatapos ko lang kumain ng kanin pero heto naghalo-halo kaagad ako.

“Secret, baka hindi matupad” sagot ko sa kaniya.

“Ako, pinagdasal ko na sana hindi kana magpakipot kapag nagpropose ako sayo at matuloy na yung kasal natin” seryoso niyang sabi.

“Bakit mo sinabi? Baka hindi yan magkatotoo” sagot ko.

“Hindi ako naniniwala dun. Alam ko namang tayo at tayo parin sa huli” pagdepensa niya.

“Ewan ko sayo” yumuko ako at kumain ng halo-halo.

“Ayun ohh, kinikilig siya” pang-aasar niya sa akin.

“Tumigil ka nga!” inis kong sabi pero deep-inside ay natutuwa talaga akong marinig yun.

Nang matapos namin ang aming kinakain ay sinunod naming puntahan ang sand dunes. Hindi ako masyadong mahilig sa mga activities na ginagawa na may matinding sikat ng araw dahil para akong kandila na tinutunaw kapag naiinitan. Dahil minsan lang naman namin gagawin ito ay pumayag nadin ako. Bago pa kami lumabas ng sasakyan ay halos ipaligo ko na ang sunblock sa katawan ko at saka ako nagsuot ng balabal. Dahil nakalimutan kong magdala ng shades pinagamit sa akin ni Jethro ang dala niyang shades. Hindi ko mapigilang matawa nang makita ko ang sarili ko sa salamin, para akong Ninja na may shades sa suot ko. Takot na takot akong umitim. Nang matapos ang matagal na seremonyas ay agad kaming sumakay sa 4x4 na nirent namin ni Jethro. Grabe yung experience sa 4x4 para akong binugbog ng limang lalaki. Sakit ng katawan ko kaya naman yumakap ako kay Jethro para hindi ako tumama sa mga bakal. Pagkarating namin sa spot ay para kaming mga bata na naglalaro sa buhanginan. Angat na angat ang lahing Chinese ni Jethro dahil sa lalong pinasingkit niyang mga mata dahil sa sikat ng araw. Siya tuloy nagdurusa dahil sakin.

Grabe yung pagod ko sa sand dunes. Gusto ko na sana magpahinga pero may isa pa kaming pinuntahan yun ay ang Kapurpurawan Rock formation. Literal na mabato dito at ramdam na ramdam mo ang nature dahil maamoy mo sa paligid ang mga nagkalat na tae ng kambing at kabayo. Para talaga akong bata na ayaw mawala sa paningin ni Jethro. Kung hindi paghawak sa kamay ay nakaakbay siya sa akin kapag maglalakad kami. Aliw na aliw akong makipagsigawan sa mga kambing ng “Meheee” at si Jethro naman ay tinatawanan ako. Para daw akong bata. Dumiretso kami sa may rock formation. Naging abala si Jethro sa pagkuha ng picture ng dagat habang ako naman ay nagsusulat sa bato.

“Jethro X Eisen” rinig kong pagbasa ni Jethro.

“Masyado na kasing common yung heart at love kaya X na lang nilagay ko” pagpapaliwanag ko.

“Ang ibig sabihin talaga niyan ay Jethro fucks Eisen” sabi niya at kinuhaan niya to picture.

“Hanggang dito ba naman?” inis kong tanong sa kaniya.

“Don’t worry hon babawi ako mamaya pagkarating natin sa hotel” sabay halik niya sa ulo ko.

Ewan ko ba at parang bigla akong nakaramdam ng excitement. Kaya naman nang matapos kaming kumuha ng mga pictures dito ay kaagad kaming bumalik sa kaniyang kotse. Kailangan ko na rin palang magshower dahil ramdam ko na ang panlalagkit ng katawan ko. Gabi na kaming nakarating sa hotel kung saan nagpabook ng reservation si Jethro. Pagkarating sa room ay kaagad kaming nagpahinga ng kaunti bago magshower. Pinauna ko na si Jethro magshower dahil alam kong pagod na siya kakamaneho ng saksakyan. Hindi muna kami nagsabay dahil inaasikaso ko pa ang mga gamit namin. Nang matapos matapos siyang maligo ay kaagad siyang sumampa sa ibabaw ko. Habang ako ay nagfifacebook.

“Game” nakangisi nyang sabi.

“Wait tingnan mo to” pinakita ko sa kaniya ang isang post ng babae sa facebook.

“Hayaan mo silang mainggit” sinubsob niya ang mukha niya sa aking dibdib at wala man lang pake sa pinakita ko.

Yung babae kanina na kumuha ng picture namin ay nagpost sa facebook tungkol samin ni Jethro. Na mayhashtag pa na lovewins. Sari-saring reaction ang mababasa mo sa mga comments section may mga naiinggit, may mga bitter, may mga banal-banalan. Nakakaloka.

“Wait, antayin mo ako. Magshashower lang ako saglit” sabi ko sa kaniya at siya naman ay humigang nakadapa sa kama.

Mabilisang ligo lang ang ginawa ko dahil ayoko namang pag-antayin si Jethro. Kanina pa ako nananabik na may mangyari sa amin. Ewan ko ba at grabe ang libog ko ngayon. Kailangan ko na sigurong magpills. Pagkatapos kong magbanlaw ay kaagad akong nagpunas at pinatuyo ang buhok. Tanging bathrobe lang ang suot ko paglabas ng banyo at ready na ako sa bakbakan. Paglapit ko sa kama ay naabutan kong tulog si Jethro. Kukurutin ko sana ang tagiliran niya pero bigla kong narinig ang paghilik niya. Bihira lang humilik si Jethro at alam niyang ayokong may katabi na humihilik. Humihilik lang yan kapag grabe ang pagod na dinanas niya. Napaisip ako bigla simula kagabi pa pala siya nagdadrive pero hindi man lang niya pinapakita sa akin na napapagod na siya. Wala pa akong ginawa kundi ang sungitan siya. Napakamanhid mo Eisen!

Bago matulog ay pinatungan ko siya ng dalawang kumot baka sipunin naman siya dahil hubo’t hubad siyang natutulog sa ibabaw ng kama. Awang awa ako sa kalagayan niya. Gusto ko sanang masahiin ang katawan niya pero baka magising ko lang siya. Kaya naman pumasok na rin ako sa loob ng kumot at saka niyakap ang hubad niyang katawan bago matulog. Oo, mahirap labanan ang tukso pero kailangan kung gusto ko pang magtagal ang buhay ni Jethro ay dapat makapagpahinga siya ng husto.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at nagtungo sa receptionist ng hotel para umorder ng breakfast namin ni Jethro. By 7am ay dapat kumakain na kami at by 8 am ay nakaalis na kami ng hotel. Buti naman at sakto ang oras ng pagkakaluto ng breakfast namin kaya nagbreakfast in bed na lang kami. Mukhang narecharge na naman ang loko. Nakatulog ba naman ng 10 hours kaya ngayon ay ganado naman sa pang-aasar sakin ng mga kung ano-anong kabastusan. Sabay na rin kaming nagshower dahil may oras din kaming sinusunod sa itinerary. Hanggang make-out at hawak-hawak lang ang ginawa namin sa shower. Kailangan naming magpigil dahil hindi pwedeng mapagod ng husto si Jethro kaagad dahil marami pa kaming pupuntahan ngayon.

Una naming dinaanan ay ang Patapat Viaduct sa Pagudpud. Madadaanan kasi to papuntang Pagudpud beach kaya ito ang inuna namin. Maganda yung tanawin dito pero hindi mo masyadong maeenjoy ang pagkuha ng picture dahil sa mga dumadaang sasakyan at truck. Sinunod namin ang Bantay Abot Cave. Sakto ang pagpunta namin dahil hindi masyadong matao ang lugar na to kaya naman nasulit namin ang pagkuha ng picture. Pagpasok namin sa may cave ay may magkasintahan dun na nagpapakuha ng picture sa isang bata. Ang galing kumuha ng bata ng pictures. Gumagamit pa siya ng panorama para magmukhang buhat-buhat mo ang cave. At may patrivia pa si bagets na kapag daw nagpapicture ang magsyota sa gitna ng cave ay magkakatuluyan sila hanggang sa huli. Eh nagpauto naman ang dalawa edi nagsawa sila kakapapicture sa bata. Pagkatapos nilang dalawa mag abot ng pera sa bata ay hinila ako ni Jethro para magpapicture din.

“Seryoso, naniniwala ka dun?” natatawa kong sabi.

“Wag kana maarte, tara na!” sabi niya at sumunod naman ako. Kinausap niya ang bata at saka kami pumuwesto sa gitna ng cave. Ang utos ng bata ay itaas daw namin ang mga kamay namin para kunwari binubuhat namin ang bato pero ayaw ni Jethro ang gusto niya ay mga posing na pang couple. Akbay dito, yakap diyan at sa huling shot ay hinalikan niya ako sa pisnge.

“Ayy magshota” di mapigilang sabihin ng bata.

Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong matawa sa reaksyon niya at itong si Jethro ay tiningnan agad ang kuha naming dalawa. Inabutan ko ng pera ang bata at ewan ko ba natatawa pa rin siya sa aming dalawa. Yung tingin niya ba parang inaasar kami. Yung feeling na nasa loob kayo ng classroom ng grade school tapos tutuksuhin kayo ng mga kaklase nyo dahil magkatabi kayo. Ganun na ganun ang tingin niya sa akin. Buti na lang sinabi niya “Ayy magshota” at hindi yung “Ayy bakla!” kundi napektusan ko to.

Sunod naming pinuntahan ay ang magandang beach sa Pagudpud. Ang lapit lang nito sa cave halos 10 minutes lang ay nandun na kayo sa area. Nakapagbook kami ng room ni Jethro sa may Hannah’s resort. Okay naman siya maliban sa mga iba’t ibang statue na pang attract sa mga bata na hindi ko masyadong nagustuhan. Merong pool ito kung hindi mo gustong maligo sa dagat. Pagkatapos naming magpalit ng damit na pangswimming ay kaagad kaming nagtungo sa beach. Nanatili muna ako sa may lilim na bahagi ng puno dahil kakalagay ko pa lang ng sunblock. Kanina pa ako inaaya ni Jethro pero nanatili muna ako sa gilid para enjoyin ang view. Muli kong narealize kung gaano ako kaswerte na magkaroon ng boyfriend na kagaya ni Jethro. Lahat ng makakakita sa kaniyang abs na at chest na nangingitab sa pawis habang nagpupush-up sa buhanginan. Oo, nagpush-up at sit-ups at kung ano ano pang pinaggagawa niya dun dahil bihira daw siya makapag gym nitong mga nakaraang buwan. At dahil hindi pa naman daw ako maliligo ay yun muna ang ginawa niya.

Maya-maya pa ay bigla na lang may mga lumapit sa kaniya na grupo ng mga babae. Bat ba kasi dito pa siya naggaganyan yan tuloy pinuputakte siya ng mga haliparot na babae. Lalapit na sana ako para sugurin sila pero biglang nagsi-alisan ang mga grupo ng babae. Pero dumerecho na ako kay Jethro para makasiguro na walang lalapit sa kaniya.

“Anong sadya ng mga babaeng yun?” tanong ko kay Jethro.

“Ahh wala, tinatanong lang kung mag-isa lang daw ba ako” sagot niya at patuloy na nagsisit-ups habang nakasuot ng shades.

“At ang sagot mo?” tanong ko.

“Sabi ko kasama ko asawa ko, selosa yun at nanununtok ng mga babaeng lumalapit sa akin. Kaya ayun umalis sila kaagad” napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

“Hindi lang ako nanununtok ng babae pati lalaki din” pagbabanta ko sa kaniya.

“Sige nga” paghamon niya sa akin. Susuntukin ko sana siya sa braso pero nasalo niya ito. Tapos bigla niya akong hinila hanggang sa mapahiga ako sa buhanginan habang nasa ibabaw ko siya.

“Jethro magtigil ka maraming tao dito!” sabi ko sa kaniya habang pinagpapamasdan ang kaniyang mukha na pawisan. Hinalikan niya ako sa noo bago siya umalis sa ibabaw ko.

Nagtungo kami sa may puno kung saan ako nakaupo para punasan ang pawis nya. Ako ang pinagpunas niya ng pawis para daw mainggit yung mga babaeng nakatingin sa amin. Pero yung totoo tinatamad lang yan kaya ako ang pinagpupunas niya. Nang makapagpahinga kami ay naligo kami kaagad. Ang lakas ng alon dito, nahahampas ako pabalik sa pampang. Para bang tinataboy ako pabalik at ayaw akong paliguin. Ito namang si Jethro masyadong pasikat at pumupunta pa sa malalim na parte. At ako naman panay ang sigaw na bumalik siya dahil natatakot ako baka malunod siya sa lakas ng alon. Kakasigaw ko ay nakakalunok na ako ng tubig-alat. Grabe manggang hilaw na lang ang kulang solve na ako.

Nang magsawa kami ay nagpalit na kami ng damit para masubukan namin ang zip-line. May takot ako sa heights pero masyadong mapanghamon tong boyfriend ko at gusto niya talagang gawin namin to ng sabay. Kaya naman nilakasan ko ang loob ko para kay Jethro. Nang magsimula na ay halos mapaos ako kakasigaw. Pero nang marating namin ang kalagitnaan ay hindi ko mapigilang mapawow sa tanawin. Ang sarap sa pakiramdam na makapunta sa ganitong lugar kasama ang taong mahal mo.

“I LOOOOOOVE YOUUUUUUUU JETTTTHROOOOOO!!

“ sigaw ko.

“I LOOOOOOVE YOU TOOOOOOOO!!!”

sumigaw din siya bilang ganti.

Panay ang tawanan namin nang makababa kami ng zipline. Dumercho kami sa resort para makahanap ng kakainan namin dahil hindi namin namalayan na pasado na pala sa tanghalian ang oras. Nang makahanap kami ng makakainan ay kaagad kaming kumain. Sunod naming pinuntahan ay ang Bangui Windmills. Init kaagad ang sumalubong sa amin dito kahit na ang daming malalaking electric fan dito ay napakainit pa din. Saglit lang kami kumuha ng pictures at bumalik din kaagad sa kotse dahil pati ang buhangin ay napakainit. Hinayaan ko munang matulog si Jethro kahit na kalahating oras dahil medyo malayo-layo pa ang pupuntahan namin bago makarating ng hotel.

6:53 pm ng makarating kami sa hotel na tutuluyan namin ngayon gabi. Ang buong akala ko ay makakapagpahinga na kaming dalawa pero nakareceive ng tawag si Jethro na may urgent meeting siya bukas kaya kailangan na naming makauwi kinabukasan. Hindi pa naman ganun kalalim ang gabi at may energy pa naman kami para maglibot sa Calle Crisologo. Kaya ayun ang sunod naming pinuntahan na hindi naman kalayuan sa tinutuluyan namin. Napakaganda dito, ramdam na ramdam mo ang kulturang meron tayo sa panahon ng mga kastila. Nagawa naming mag-ikot sakay ng kalesa. Nakapamili rin kami ng mga souvenirs. Gusto pa sana naming maexplore ang ibang lugar dito kaso kailangan na naming umuwi bukas.

Pagkarating sa hotel ay kaagad kong inaayos ang mga gamit namin habang si Jethro ay nagshashower. Kailangan maiayos na ang lahat para bukas derecho alis na kami pagkatapos magbreakfast. Nang matapos si Jethro magshower ay ako naman ang sumunod. Habang nasa loob ako ng shower ay siya namang pagpasok ng mga ilang gamit namin sa sasakyan para maging ready na ang lahat kinabukasan. Natapos akong magshower at si Jethro ay nasa ibabaw na ng kama na tanging suot ay boxer shorts. Bigla akong nakaramdam ng pananabik sa aksyong magaganap mamaya. Pero noong ako ay humiga sa kama.

“Matulog na tayo hon” malambing na sabi ni Jethro. Siguro nga kailangan niyang magpahinga dahil kailangan na naming bumalik bukas at hindi siya pwedeng mapagod ng husto. Siguro nga ganun o kaya hindi na siya natuturn-on sakin. Wag naman sana.

“Sige” maikli kong tugon at saka nya pinatay ang ilaw. Muli siyang nahiga at niyakap ako habang nakatalikod ako sa kaniya.

Isang oras na siguro ang nakalilipas pero hindi ko pa rin magawang makatulog. Mukhang mahimbing na ang pagtulog niya kaya hindi ako gumagalaw sa posisyon ko ay baka kasi maistorbo ko pa siya. Hindi ako mapakali sa tuwing tatama ang hininga niya sa batok ko. Ramdam na ramdam ko rin ang init ng kaniyang katawan na ngayo’y nakayakap sa akin. Ilang beses kong kinumbinse ang sarili ko na pigilan ang sarili ko. Pero heto ako ngayon, hawak-hawak ang pisngi ni Jethro habang hinahalikan siya. Yung marahan kong paghalik ay naging marahas nang malaman kong gumaganti na siya. Kumalas ako sa paghalik at sinabing.

“I’m sorry” hindi ko na inantay ang sagot niya at sinunggaban kong muli ang bibig niya. Hinila niya ako paibabaw sa kaniya habang kami ay walang sawang naghahalikan. Hinalikan ko siya mula sa labi niya patungo sa kaniyang leeg. Pinalibot ko ang dila sa kaniyang adam’s apple at marahang hinihigop ito. Bumaba ang aking paghalik sa kaniyang dibdib at walang sawang sinipsip ang magkabila niyang utong na nagpaungol sa kaniya ng malakas.

“Ahhhhh…ahhhhhh…sige pa hon..sipsipin mo pa” pagsusumamo ni Jethro kaya naman pinag-igihan ko ang pagsipsip dito. Bumaba ang paghalik ko sa kaniyang mga abs. Sinunod ko ng pagdila ang bawat guhit na meron ang kaniyang abs.

“Ahhhh sarap niyan hon” sabi niya sabay himas sa ulo ko. Bababa na sana ako para kamustahin ang namimiss ko na si junjun pero bigla niya akong hinila pataas.

“Madaya ka ahhh bigla-bigla mo na lang akong hinaharass kahit natutulog pa ako” sabay pisil niya sa ilong ko.

“Sorry, pakiramdam ko kasi ay hindi kana natuturn-on sakin kaya ayaw mo nang makipagsex sakin” nahihiya kong sabi.

“Kung alam mo lang kung gaano kahirap na pigilin ko ang sarili ko na wag kang galawin. Sobrang sexy mo sa panigin ko hon. Inaantay ko lang talaga na ikaw naman ang gumawa ng move dahil sobrang nakakaturn-on yun” at hinalikan niya ako sa noo, ilong at sa aking labi.

Habang naghahalikan kami ay unti-unti niyang hinuhubad ang pang-ibaba kong suot hanggang sa wala na akong saplot. Magsasalita sana ako pero bigla na lang niyang pinasubo sa akin ang kaniyang dalawang daliri. Kaagad ko namang ginawa ang gusto niyang mangyari. Nang mabasa ng husto ang kaniyang mga daliri ay marahan niya itong pinasok sa aking pwet. Napungol ako ng kalikutin niya ang aking lagusan. Impit na ungol ang ginagawa ko sa tuwing dinidiinan niya ang pagpasok dito hanggang sa hindi ko na makayanan.

“Ipasok mo na si junjun” habol hininga kong pagsabi.

“Hindi ko marinig” pang-aasar niya.

“Ahhhhhh… fuck…. Ipasok mo yung titi mo!” marahas kong sabi sabay kagat sa kaniyang leeg.

Ginawa naman niya kaagad ang gusto kong mangyari. Medyo masakit lang dahil pinasok niya ito ng wala man lang pampadulas. Pero dahil libog na libog na ako ay hinayaan ko na lang hanggang sa kusang dumulas ito sa loob ko.

“Ahhhh ahhhh…sarap-sarap mo talaga hon fuckkkk!” ungol ni Jethro habang nagtataas baba ako sa kaniya. Bawat pagtaas ko ay sinasabayan ko ng pagiling na siyang kinababaliwan niya.

Nagpalit kami ng posisyon at siya naman ang pumaibabaw sa akin. Marahas niyang pinasok ang lagusan ko na nagpa-ungol sa akin ng malakas. Hinawakan niya ang aking bibig at pinanganga niya ako. Bigla na lang siyang dumura sa bibig ko at hinalikan ako. Ngayon pa lang namin nagawa ni Jethro ito at sobrang nagustuhan ko.

“I’m coming hon” sabi niya. Pinahugot ko sa kaniya dahil gusto kong lunukin ang lahat ng ilalabas niya kaya naman bago siya labasan ay nagawa niyang iputok ito sa loob ng aking lalamunan.

“Ahhhhhh….damn… ang sarap hon” sigaw niya nang mailabas niya ang lahat.

Ang buong akala ko ay matatapos na yun sa isang round lang dahil alam kong pagod siya sa pagmamaneho pero umabot pa hanggang sa ikatlong round na ako na mismo ang sumuko dahil nanginginig na ang mga hita ko sa bawat pagbayo niya.

Hapon na kaming nakarating ng metro manila. Hinatid lang ako ni Jethro sa condo at siya naman ay dumirecho sa meeting na nila kasama ang ilan sa mga board members ng kaniyang kompanya. Dahil nakaleave ako ngayong araw nagpasiya na lang akong manood ng mga movies sa Netflix habang nagpapalipas ng oras. Ramdam ko parin ang pagod kaya mabilis akong inantok nang masandal ako sa couch. Nagising na lang ako sa tunog ng alarm sa kwarto ko. Wait, nasa kwarto ko ako? Sinong naglipat sa akin. Patay 7:17 na, kanina pa pala tumutunog ang alarm ko. Dali-dali akong naligo at nag-ayos sa sarili. Sinilip ko pa si Gunter sa kaniyang kwarto pero wala na siya dun. Siraulong bata yun ahh hindi man lang ako ginising.

Nakarating ako sa loob ng kompanya on-time kaya masayang masaya ako. Nasanay na rin ako sa mga tinginan ng tao sa akin dahil siguro ay inggit sila dahil boyfriend ko ang CEO ng kompanyang ito. Kakamadali ko pa kanina ay hindi ko man lang nagawang kamustahin si Jethro. Marahil ay nasa kaniyang opisina na yun kaya naman nauna akong nagtungo sa kaniyang opisina. Pagkapasok ko ay isang babae ang sumalubong sa aking mata na nakaupo sa upuan ni Jethro.

“Excuse me, Miss Cua. Ano pong ginagawa nyo dito sa office ni Mr. Wells?” tanong ko sa kaniya.

“Correction, Office ko! Tinatanong mo ako kung ano ang ginagawa ko sa office ko, tama ba?” sabi niya at hindi ko mapigilang matawa sa biro niya.

“Ohh, siguro hindi ka nainform ano? Kung sabagay ano pa bang sense nun kung aalis ka din naman sa kompanyang to” natatawa niyang sabi.

“Excuse me?” hindi ko magets kong anong ibig niyang sabihin pero naiinsulto ako.

“Basahin mo!” sabi niya at sabay turo sa nameplate sa ibabaw ng mesa. Laking gulat ko nang mabasa ko ang kaniyang pangalan bilang CEO ng kompanya.

“Yes, I am the new CEO of Forever and Always Co. At unang project ko bilang CEO ay tanggalin ang traydor na katulad mo sa kompanyang ito!” sabi niya sabay hagis ng mga papeles sa ibabaw ng kaniyang table. Wala akong panahong tingnan kong ano ang nakalagay sa mga papel na yun dahil hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang bagong CEO.

“A-anong ibig mong sabihin?” nauutal kong tanong.

“I AM FIRING YOU MR. FUENTES!” pasigaw niyang sabi.

WHAAAAAAATTTTTT?????

Itutuloy………………………..

A/N: Ang sakit sa mata at sa kamay ng chapter na to. Napahaba ang pagsulat ko. Sa mga kinilig diyan baka naman pwedeng pindutin ang Vote button.

Wait lang kayo sa update guys. Bigyan nyo naman ako ng enough time para maging creative sa paggawa ng bawat chapter. I’ll try my best na makapag update kaagad. Thank you.

Chapter 15: I’m with you

David as Jethro

Jethro’s POV

Sobrang hassle ng biglaang meeting. Hindi pa namin nasusulit ni Eisen ang mag-leave ng magkasama. Ngayon pabalik na kami ng manila dahil may importanteng pag-uusapan daw kami ni Robert. Kilala ko si Robert simula ng itayo ko ang kompanyang ito. Isa siya sa mga board members ng kompanya na pinagkakatiwalaan ko. May gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya masabi sa telepono kaya kailangan daw namin magkita ngayon dahil importanteng importante ito. Medyo nakakabahala dahil ngayon lang siya nagrequest ng urgent meeting at malamang malaki ang epekto nito sa kompanya.

Habang iniisip ko ang mga posible naming pag-usapan ay mahimbing namang natutulog ang asawa ko sa tabi ko. Hindi ko alam kung kelan nagsimula yun pero mas gusto ko siyang tinatawag na asawa ko. Minsan naiinis siya sakin pero alam ko namang gustong gusto niya yun. Kahit gaano kahirap ang mga pinagdaanan namin ay para bang nagiging madali lang ito kapag kasama ko siya. Tama na ang tatlong taong nagkahiwalay kami, hindi ko na yata makakayang mawalay siya sa akin. Kung pwede lang ay itali ko na lang siya sa bahay at huwag ng palabasin para wala na akong kaagaw sa kaniya pero hindi naman pupwede yun. Pero minsan naiisip kong magrole-play kami na itatali ko siya sa kama ng buong araw at buong araw kaming magsesex hanggang sa magsawa kami. Pero hindi pa nangyayari yun dahil lagi niya akong pinapagilatan sa tuwing magbabanggit ako ng mga sexual fantasies ko sa kaniya.

Ilang oras din ang naging biyahe namin bago namin marating ang condo. Hindi biro ang walong oras na byahe dahil sobrang nakakapagod yun. Hindi ko pinapahalata sa asawa ko na napapagod ako dahil sobra siya kong mag-alala. Naupo lang ako sa couch at umidlip saglit dahil 6pm pa naman ang meeting namin ni Rob. Nagising na lang ako na may nakahiga sa lap ko. Hindi ko alam kung gaano katagal niya akong tinititigan habang umiidlip pero ang sarap ng gising ko dahil sa ngiti niya ang bumati sa akin.

“Bakit ka diyan nakahiga?” tanong ko.

“Para hindi kana umalis” malambing niyang sagot.

“Try mong umupo sa lap ko baka magbago pa ang isip ko” pabiro kong sabi at inantay ko ang pagkurot niya sakin pero laking gulat ko nang umupo siya paharap sakin habang nakakapit ang dalawa niyang kamay sa aking batok.

“Ganito ba?” nakangiti niyang tanong. Fuck, bigla akong naturn-on sa ginawa niya. Parang gusto ko na kang mag-stay dito kasama siya kaysa sumipot sa meeting namin ni Rob.

“Alam na alam mo talaga ang weakness ko” natatawa kong sabi.

“Hindi ba talaga pwedeng ipagpabukas yan?” ngayon ay sumandal siya sa dibdib ko habang yakap-yakap ako nang mahigpit. Gumanti naman ako ng pagyakap sa kaniya. Hindi ko alam kung anong isasagot sa kaniya kaya tinext ko si Rob kung pwede bang ipagpabukas na lang yung meeting. Gusto ko na rin sana magpahinga kasama ng asawa ko. Mabilis akong nakareceive ng reply galing sa kaniya. Kailangan na kailangan daw kundi baka pagsisihan ko na hindi ako nakipagmeet sa kaniya ngayon. Bakit ngayon pa kasi kung kelan naglalambing ang asawa ko?

“Hon, sorry kailangan ko talagan umalis eh” sabi ko habang hinahaplos ko ang kaniyang likod.

“Mabilis lang ba yun?” tanong niya habang ang mukha niya ay parang nagmamakaawa. Damn! Parang gusto ko na siyang gahasain ngayon.

“Yes, I promise. Mabilis lang ang magiging meeting namin” sana nga mabilis lang dahil hindi rin maganda ang pakiramdam ko sa meeting na to.

Ilang beses nya akong hinalikan sa labi bago niya ako hinayaang umalis ng unit niya. Kainis. Hirap na hirap tuloy akong takpan yung hinaharap ko dahil hindi pa rin humuhupa yung libog sa kaniya. Alam na alam niya talaga ang kahinaan ko. Nagmadali na rin akong pumunta sa restaurant na sinabi ni Rob kung saan kami magkikita. Wala pang 20 minutes ay narating ko na kaagad yung meeting place namin. Pansin ko agad na hindi matao ang restaurant na to. Siguro sa location at dahil mukhang mahal ang presyo ng pagkain sa menu. Ang mahalaga ay makakapag-usap kami ni Ron ng maayos. Mabilis ko siyang nakita dahil madaling mapansin ang kaniyang suot na orange long sleeves. Believe me favorite color niya yan.

“Akala ko hindi ka na darating” sabay tapik niya sa kanang balikat ko at ako naman ay tumapik sa kaliwang balikat niya. Yun ang way ng pagbati namin sa isa’t isa.

“Ayokong paalisin ng asawa ko eh” sabay upo kaharap niya.

“Wait kelan ka pa nag-asawa?” tanong niya, halatang nagulat siya.

“I mean si Eisen. Ayaw akong paalisin” hindi ako naiilang na aminin ang relasyon naming dalawa kahit kanino dahil wala naman dapat akong ikahiya. Wala akong dapat ikahiya sa kaniya dahil unang una mas maganda pa siya sa mga naging girlfriends ko. Pangalawa mabait pero minsan hindi. Pangatlo magaling siya sa sex. Pang-apat magaling pa rin siya sa sex. Pero seryoso mahal ko yun, siya lang yung taong nagpadama sakin kung gaano ako kaimportanteng tao sa kaniya sa kabila ng masamang ugali ko. Hindi ko rin naman pinagkakaila yun. Kaya naman laking pasalamat ko at dumating siya sa buhay kong mui at sa pagkakataong ito ay hinding hindi ko na siya pakakawalan pa.

“Ahh yung secretary mo?” tanong niya. Tumango ako bilang pagsang-ayon.

“Alam mo bang madalas mapagkamalan na babae ng mga tao sa finance dep yun. May gusto nga dun si Marlon at ang nakakatawa pa inabutan niya to ng bulaklak dahil gusto niya daw ligawan” natatawang sabi ni Rob pero ako hindi ako natutuwa sa kinukwento niya dahil ni minsan ay walang nabanggit sakin si Eisen tungkol dito.

“So ano tinggap ba niya?” inis kong tanong.

“Wait kalma ka lang, syempre hindi niya tinanggap dahil ayun sa kaniya ay taken na daw siya” mabilis na sagot ni Rob. Mabuti na lang at yun ang nangyari kundi yari talaga yung lalaking yun sa akin.

“So eto ba yung urgent meeting na pag-uusapan natin?” naiinis pa din ako kahit na alam kong tinanggihan ni Eisen yung lalaking yun. Bakit ba kasi masyadong lapitin tong asawa ko, minsan napapaisip na lang ako na sa bahay na lang siya eh.

“Am, syempre hindi. Sorry pare pero hindi mo magugustuhan itong ibabalita ko” napakamot siya ng noo pagkatapos nyang magsalita.

“Tell me” mahinahon kong sagot. May kutob na talaga ako na hindi maganda ang ibabalita ni Rob pero sana wag tungkol kay Eisen to.

“May malaking changes na mangyayari bukas. Hindi ko alam kung kelan pa nila sinimulan ito pero nalaman ko nalang sa iba pang board members na si Celestine na ang magiging bagong CEO” pinigilan ko siyang magsalita gamit ng pagsenyas ng aking kamay.

“Seryoso ba to?” hindi ko mapigilang mapabulyaw.

“Maniwala ka man sa hindi pero totoo to. Habang nasa bakasyon ka ay bigla na lang nagkaroon ng meeting ang mga board members at napag-usapan dun ang paglipat ng position kay Celestine bilang CEO. And now she owns 35% ng shares ng company, 5% higher sayo” napahawak ako sa aking noo habang iniisip kung papano nangyari ang mga to sa loob ng ilang araw lamang na wala ako.

“Kakausapin ko ang board of directors bukas para i-reconsider ang decision nila” hindi ako basta isusuko ang titulo ko sa ibang tao lalong lalo na’t pinaghirapan ko ang kompanyang to.

“Don’t worry you still own the company Jeth. Makukuha mo ulit ang position na yan” sabi niya sabay tapik sa balikat ko.

Hindi ko napigilan ang aking sarili na uminom dahil ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong stress. Buti kasama ko si Rob at may kausap ako habang walang tigil na iniinom ang beer na siniserve sa amin. Nang maramdaman ko na may tama na ako ay napagpasiyahan namin ni Rob na magpaalam na sa isa’t isa. I’m still a good driver kahit na may amats na ako. Pagkarating ko sa condo ay kaagad kong dinaanan ang unit ni Eisen. Binigyan niya ako ng spare key para mabilis akong nakakalabas masok sa unit niya. Malamang galit na galit na yun dahil sabi ko ay saglit lang akong mawawala. Pagbukas ko ng pinto ay naabutan kong nakabukas ang tv at patuloy na nagpiplay ang movie sa Netflix. Lumapit ako sa couch at dun ko nakita ang misis ko na nakatulog na sa kakaantay sa akin. Pinatay ko ang tv at saka binuhat ko siya papasok ng kaniyang kwarto. Pagkalag ko sa kaniyang kama ay hindi ko napigilang pagmasdan ang kaniyag mukha habang natutulog. Napaka swerte ko talaga at meron akong Eisen Fuentes. Humiga ako sa tabi niya at niyakap siya habang ang aking ilong ay nakasubsob sa kaniyang leeg.

“Kahit na mawala man ang lahat sa akin basta’t nandiyan ka ay patuloy pa rin akong mabubuhay ng masaya” sabay halik sa kaniyang pisngi.

Dahil sa tama ng alak ay mabilis din akong nakaramdam ng antok. Makalipas ang ilang oras ay nagising din ako. Mahimbing pa rin ang tulog ni Eisen kaya hindi ko muna siya ginising. Bumalik ako sa aking unit para makapagshower. Pagkatapos kong maligo ay nagkape muna ako bago magbihis. Nagawa kong magbasa ng mga news online habang nagkakape. Pagkalipas ng ilang minuto ay nagbihis na rin ako at pumunta ng maaga sa opisina. Hindi ko na nagawang daanan si Eisen dahil ayokong magulat siya sa biglang pagbabago. Saka ko na lang sasabihin sa kaniya kapag naayos ko na ang problema na to. Hindi na ako dumaan sa aking opisina. Nagtungo ako kaagad sa conference room kung saan magsisimula ang early meeting ko kasama ang mga board members. Nagsend ako ng invitations kagabi kaya alam kong pupunta sila.

Pagkapasok ko sa loob ng conference room ay may mga tao na nag-aantay sa loob. Isa-isa ko silang binati habang nag-aantay pa sa iba pang board members. Lumipas ang ilang minuto at tanging si Celestine na lang ang kulang ngunit gusto na nilang simulant ang meeting dahil ang iba ay may iba pang business meetings na pupuntahan.

“So I know you heard about the news Mr. Wells” sabi ni Mrs. Lau.

“Yes and I’m hoping na i-reconsider nyo ang inyong decision because I can prove to you na mas capable ako kay Celestine bilang CEO ng kompanyang to” mahinahon kong sagot kahit na nakataas ang kilay niya sa akin.

“We all know na magaling ka bilang CEO in the past pero base sa reports ay patuloy ang pagbaba ng sales ng kompanya. Ilang quarters na nangyayari to, maraming projects na hindi sa successful sa promotion. At nalaman namin na may traydor sa kompanyang to na nagiging dahilan kung bakit unsuccessful ang mga projects natin” dugtong ni Mr. Villana.

“What do you mean?” tanong ko.

“May whistle blower na nagsabi na nakakatanggap daw siya ng mga confidential information galing sa ating kompanya. Ang mga confidential informations na yun ay naglalaman ng mga upcoming projects ng ating kompanya kung saan napupunta sa ibang kompanya kaya nagiging unsuccessful ang launch ng mga projects na to dahil nauunahan tayo” sagot ni Mr. Villana.

“At sino naman ang taong tinutukoy ng whistle blower na to?” mabilis kong tanong. Akala ko nagkataon lang na parehas kami ng concept at ideas sa promotion ng karibal naming kompanya yun pala ay may nagbebenta sa kanila ng information galing sa amin.

“Walang iba kundi ang secretary mong si Eisen Fuentes” sagot ni Mrs. Lau. Halos matumba ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang sinabi nila. Alam kong hindi totoo ang paratang nila kay Eisen.

“That’s impossible!” mabilis kong tugon.

“Yes it is. We hired a private investigator para imbestigahan ang secretary mo. Siya lang ang taong merong access sa condo unit mo kung saan madalas kang magdala ng mga confidential files. Narereceive ng whistle blower ang mga Information sa email at natrack namin na ang sender nito ay walang iba kundi si Eisen. Look we have our evidence here” pagkalapag ni Mrs. Lau ng mga files ay kaagad kong binasa ito. Hindi ako makapagsalita habang binabasa ko ang mga ito. Alam kong hindi magagawa ni Eisen ang mga bagay na to. Malamang na frame-up lang siya dito.

“We can’t afford to lose more money dahil sa isang tao na masyado mong pinagkatiwalaan. We advise that you fire him immediately bago pa bumagsak ang kompanya na to” dugtong ni Mrs. Lau.

“Hindi magagawa ni Eisen to dahil kilala ko siya. Hinding hindi niya magagawa ang pinaparatang nyo sa kaniya” inis kong sabi.

“We can’t accept your words as a proof ng innocence ni Eisen sa case na to. We have the evidence kung saan magpapatunay sa mga kalokohan na ginawa niya sa kompanyang to” inis na sagot ni Mrs. Lau.

“Nasan si Celestine?” tanong ko. Alam kong siya ang may kagagawan nito.

“I think nasa office muna siya ngayon” sagot ni Mr. Villana.

“You are no longer the CEO of the company pero papalitan mo si Terence bilang Vice” dugtong pa ni Mr. Villana. Magsasalita na sana ako nang muling magsalita si Mr. Villana.

“He sold all of his shares to Celestine at umalis dahil balak niyang magtayo ng sarili niyang kompanya” pagpapaliwanag ni Mr.Villana. Walang tao ang nasa loob ng conference room na to pero nanatiling tahimik ang iba at tanging si Mrs Lau at Mr. Villana lang ang kumakausap sakin. Kaya pala biglang lumaki ang shares ni Celestine dahil kay Terence. Wala talaga akong tiwala sa lalaking yun. Magsasalita pa sana ako pero bigla na lang bumulong si Rob sa akin.

“I think kailangan mo munang pumayag sa decision ng board habang hindi pa nawawala ang tiwala nila sayo. Mas mahihirapan kang ibalik ang trust nila kapag nagpumilit ka pa ngayon” pagkasabi niyang yun ay ilang minuto rin akong natigilan sa aking kinauupuan.

Grabe ngayon ko lang naramdaman ang ganito. I own this company pero pakiramdam ko ay wala akong kapangyarihan para gawin ang lahat ng gusto ko. Alam kong na frame-up lang si Eisen dito at wala siyang kinalaman sa mga paratang nila sa kaniya. Gustuhin ko mang mag-stay siya sa kompanya pero hindi lang board ang makakalaban ko, haharapin ko pa ang HR kapag nagkataon. Kaya wala akong choice kundi gawin ang bagay na alam kong mas makakabuti sa aming dalawa. Nagtungo ako sa dati kong opisina na ngayo’y opisina na ni Celestine nang matapos ang board meeting. Kailangan kong ipalipat ang mga gamit ko papunta sa office ng vice. Pagbukas ko ng pinto ay kaagad kong naabutan ang paninigaw ni Celestine kay Eisen.

“Jethro, anong pinagsasabi ng babaeng to?” tanong sa akin ni Eisen nang magtagpo ang aming tingin.

“Hindi mo kailangang gawin to Celestine” sabi ko kay Celestine sa mahinahong tono na nakayanang gawin ko.

“Bat di mo sabihin yan sa harap ng mga board of directors?” nakangiti nyang sagot na tila tuwang tuwa sa mga nangyayari ngayon.

“What I mean is yung sigaw-sigawan mo siya para lang sabihin na hindi na siya pwedeng magtrabaho dito” hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Eisen.

“Wait anong pinagsasabi nyo at naguguluhan ako?” bumitaw siya sa pagkakahawak sa kamay ko.

“Ipapaliwanag ko sayo ang lahat pero sa ngayon ay kailangan mong sumama sakin nang mahinahon” tumingin siya sa kamay ko at lumipat ang tingin niya kay Celestine. Hindi rin nagtagal at hinawakan niya rin ang aking kamay.

“Hindi ka pa pwedeng umalis Jethro dahil may kailangan pa tayong pag-usapan” rinig kong sabi ni Celestine.

“You’re not my boss” tanging sagot ko at saka kami lumabas ni Eisen sa dati kong opisina.

Dinala ko siya sa condo unit ko para mapag-usapan namin ang tungkol sa mga nangyayari sa kompanya ngayon. Hindi ko siya pwedeng dalhin sa isang restaurant o kahit ano mang public place dahil gaya ng inaasahan ko ay magsisigaw siya sa galit. Pinaliwanag ko sa kaniya ang lahat-lahat at alam ko namang wala siyang kinalaman sa mga paratang sa kaniya. Pareho kami ng hinala na pakana lahat to ni Celestine. Hanggang wala akong ebidensiya laban sa kaniya ay hindi pa rin makakabalik si Eisen sa kompanya. Tumawag ako sa opisina para mag-leave hanggang biyernes. Hindi ko magagawang iwan ang misis ko na ganito. Ramdam ko ang kalungkutan niya dahil hindi na sya makakabalik sa kompanya at hindi na kami magkakasama sa trabaho. Tinabihan ko siya sa kama habang patuloy parin ang pananahimik niya. Hindi ko siya kinukulit dahil alam kong mas gusto niyang wag nang pag-usapan yun. Nanatili ako sa tabi niya habang yakap-yakap siya. Sa ganitong paraan man lang ay maiparamdam ko sa kaniya na hindi siya nag-iisa.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Pagkagising ko ay nakayakap si Eisen sa akin habang natutulog. Ang sarap talagang pagmasdan ng asawa ko habang natutulog. Tumagilid ako para maakap ko siya ng husto. Hinihimas ko ang kaniyang likuran hanggang sa makarating ang aking kamay sa kaniyang matambok na pwet. Ipinasok ko ang aking kamay sa loob hanggang sa maramdaman ko ang balat ng kaniyang pwet. Maya-maya pa ay bigla na lang akong nakarinig ng mahinang ungol galing sa kaniya. Ang buong akala ko ay senyales yun ng pagsang-ayon kaya naman dahan-dahan kong pinasok ang aking daliri sa loob ng kaniyang pwet. Hindi pa nakakapasok ng husto ang aking daliri nang bigla nya akong kagatin sa aking dibdib.

“Awwwww, hon, hon, hon arrgghh ang sakit” napahiyaw talaga ako sa sakit dahil sobrang lakas ng pagkakakagat niya.

“Dapat lang sayo yan, manyak!” sabi niya. Pumaibabaw ako sa kaniya habang hawak-hawak ang magkabila niyang kamay.

“Dahil diyan sa sinabi mo ay mamaniyakin kita lalo” pagbabanta ko sa kaniya pero tanging masamang titig lang ang naging sagot niya sa akin.

“Eto naman naglalambing lang” pagsuyo ko sa kaniya.

“Hindi ka naglalambing, naglilibog ka!” inis niyang sabi. Hindi ko napigilang matawa at napadapa ako sa ibabaw niya. Pinaulanan ko siya ng halik sa kaniyang leeg para mawala ang inis niya.

“Sige na ituloy mo na ang gusto mong gawin, baka sisihin mo pa ako dahil nabitin ka” sabi niya pero pag halik lang sa kaniyang labi ang ginawa ko.

“Okay na sa akin to” ngumiti ako sa kaniya at mabuti na lang ay ngumiti na rin siya ngayon.

“Magbihis ka may pupunatahan tayo” utos ko sa kaniya at ako naman ay naupo na sa kama.

“Saan naman tayo pupunta?” tanong niya.

“Basta may surprise ako sayo” nagbuntong hininga siya bago lumabas ng unit ko. Pagkalabas niya ay kaagad din akong nagpalit ng damit. Kanina pa ako naiinitan sa suot kong pang trabaho na hindi ko nagawang palitan.

Nang matapos kaming magbihis ay kaagad kaming nagtungo sa parking area para sumakay sa sasakyan ko. Rush-hour nang kami ay dumaan sa edsa kaya naman medyo na traffic kami sa daan. Buti na lang at wala akong narinig na reklamo sa aking asawa. Mukhang nag-eenjoy siyang makinig ng mga Kpop-music sa Spotify kaya maganda ang mood niya. Sa totoo lang wala talaga akong naiintindihan sa mga pinapatugtog niya pero dahil siya ang boss ko siya masusunod. Baka kapag nagcomment pa ako sa mga pinapatugtog niya ay baka ibato niya yung phone sa mukha ko. Nakarating din kami sa dapat naming puntahand dito sa QC. Masyado siyang abala sa kaniyang phone, hindi niya man lang nagawang pagnasaan ako habang nagdadrive. Masyado siyang focus sa mga Kpop na pinapakinggan niya. Di hamak na mas gwapo pa ako sa koreano na yan. Di lang gwapo mas magaling pa ako sa kanila. Mas magaling mag paligaya.

“Nasan tayo?” tanong niya nang makababa siya ng sasakyan. Nasa tapat kami ng isang malaking gate kung saan natatanaw ang malaking bahay sa loob.

“Sa bahay natin” masaya kong sagot.

“Ha?” tanging naisabi niya.

“Halika!” hinila ko ang kaniyang kamay para sumunod sa akin. Pagkalapit namin sa gate ay kusa itong bumukas.

“Wait, kaninong bahay ba talaga to?” tanong niya habang naglalakad kami papasok.

“Bahay nga natin, balak ko sana ipakita to kapag pumayag kanang magpakasal sa akin pero mukhang matatagalan pa yun kaya pinakita ko na lang sayo to” pagkasabi ko nun ay bigla na lang niya akong kinurot sa tagiliran. May pagkasadista talaga tong asawa ko.

Halata sa mukha niya ang sobrang pagkamangha dahil alam kong ito ang gusto niyang bahay. Di hamak na mas malaki ang mansion namin sa batangas pero sakto ang laki ng bahay na to para sa bubuoin naming pamilya. Sobrang detalyado ng pagkakagawa nito at nakaayon to sa kagustuhan niya. Naalala ko kasi noong nasa mansion pa kami ay nabanggit niya sa akin kung anong klaseng bahay ang gusto niyang ipatayo namin at eto na yun. Pinagawa ko dream house na gusto niya. Glass wall ang bahay kaya kahit nasa malayo ka pa lang ay kitang kita mo ang mga bagay na nasa loob nito. Kapag gabi ay may mga lights na gumagana sa mini-garden kung nasaan may duyan sa pagitan ng dalawang puno. Kasiya ang dalawang tao dun at pwedeng pwede tulugan. Sa kaliwang bahagi ay dun mo makikita ang pool. Sa sobrang tuwa ni Eisen ay nagawa niya pang hawakan ang tubig nito.

Pumasok kami sa loob at isa-isang bumati ang mga katulong na nangangalaga ng aking bahay. Syempre kahit kaming dalawa lang ang titira dito ay hindi ko hahayaang mapagod ang asawa ko sa kakalinis ng malaking bahay na to. Gusto kong magapod lang siya kakatrabaho sa akin. Nilibot namin ang bawat sulok ng first floor. Tuwang tuwa siya nang makita ang malaking tv sa may sala dahil mas malaki na ang mapapanooran niya ng mga movies sa Netflix. Namangha din siya sa laman ng kitchen na halos lahat ng kagamitan sa pagluluto ay naroon na. Kapag marami kaming time ay pwedeng pwede namin pag-aralan ang ibat ibang masasarap na dishes at kainin ito. O kaya kakainin na lang namin ang isa’t isa. Umakyat kami sa second floor at isa-isang chineck ang mga kwarto dito.

“Ilan ba talaga ang mga kwarto dito sa bahay na to?” hindi niya mapigilang itanong.

“Kung hindi mo isasama ang mga kwarto ng maids ay meron itong limang kwarto. Lima na guest rooms tapos isang master bed room” sagot ko at napatango naman siya.

“So yung lima ay kina Jules, Josh, James, Jean at Alexandre?” muling pagtatanong niya.

“Yep, dahil baka maisipan nilang makitulog ng sabay-sabay dito ay walang iistorbo sa atin sa sarili nating kwarto” saktong nasa harap kami ng pinto ng master bedroom. Pinagbuksan ko siya ng pinto at siya ang unang pumasok. Sobrang saya niya nang makita ang lawak nito. May dalawang pinto sa bandang gilid kung saan shower room at yung isa naman ay malaking wardrobe. Una niyang pinasok ang shower room para tingnan ito. Namangha siya sa laki ng space ng shower room at meron itong malaking bath tub kung saan magkakasiya kaming dalawa. Sa may wall ay may nakakabit na 23 inch na tv kung saan pwede kaming manood ng movie habang nag-eenjoy sa bath tub.

“Sinadya ko talagang palakihan ito para hindi tayo mahirapang kumilos kapag ginagawa na natin yung” hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nang titigan nya ako ng masama. Mabilis kong hinalikan ang kaniyang noo na nakakunot. Pero hindi pa rin nawala ito kaya muli kong hinalikan ito.

“Ayan hindi na nakakunot yang noo mo” unti-unting ngumingiti ang kaniyang labi. Dinala ko naman siya ngayon sa wardrobe kung nasaan nakalagay ang mga damit namin. Merong mga luma at bagong damit si Eisen na dati niyang ginagamit noong nasa mansion pa kami. Lahat ng mga gamit na naiwan niya sa mansion ay nagawa kong itabi. Laking gulat ko na lang nang bigla siyang lumuluha kaya naman nataranta ako.

“What’s wrong hon?” tanong ko at saka ko nakita ko yung mga damit na hawak-hawak niya. Ito yung mga damit na binili sa kaniya ng kaniyang mama bago pa ito mamatay. Niyakap niya ako at bumuhos muli ang kaniyang mga luha at humagulgol ng pag-iyak. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nagsabi ng sorry dahil yun lang ang tangi kong magagawa ko.

Nang matapos ang kaniyang pag-iyak ay ngumiti siya sa akin at nagpasalamat. Ngumiti naman ako at niyakap siya nang mahigpit. Sunod na pinuntahan namin ang 3rd floor kung nasaan ang natitirang guest room at ang malawak na terrace kung saan makikita mo ang view ng pool sa baba at ang mini-garden sa kanan. Habang aliw-aliw siya sa kakatingin sa paligid ay niyakap ko sya habang nakatalikod siya sa akin. Nanatili kaming ganun ng ilang minuto hanggang sa halikan niya ako sa labi at muling nagpasalamat. Ang marahan naming halikan ay napunta sa pagiging mapusok at ayun nabinyagan namin ang master bedroom hanggang sumapit ang madaling araw.

9am nang magising ako at pumunta ng banyo para ayusin ang aking sarili. Tanging boxer shorts lang suot ko nang lumabas ako ng kwarto para kumuha ng pagkain na hinain ni manang grace ang magaling na tagapagluto ko. Pagdating sa mga classic Filipino dish ay mas magaling siya kay Josh magluto. Binati ako ni manang grace at napansin pa niyang lalo daw akong sumaya ngayon. Dahil mag-aasawa na ako yan ang sinagot ko sa kaniya at siya naman ay pumalakpak sa tuwa. Umakyat ako sa taas para pagsilbihan ang natutulog kong reyna. Masaya naming pinagsaluhan ang breakfast at nagkulitan na para bang kami lang ang tao sa buong mundo.

Naglaro kami ng mga bagong games sa PS4. Nagpustahan pa kami kong sino ang matalo ay susundin ang lahat ng gustong gawin ng mananalo. Kampante siya dahil alam niyang hindi ako masyadong mahilig sa games pero dun siya nagkakamali. Bago maging kilalang game vlogger si James ay sa aming magkakapatid ako pinakamagaling pagdating sa mga games. Natigil lang ang pagkahilig ko dito nang magfocus ako sa pag-aaral nang kumuha ako ng Law. At ayun na nga ako ang nanalo sa pustahan namin pero walang natupad sa mga kagustuhan ko. Puro kurot ay hampas ang premyo na nakuha ko. Puro daw kabastusan ang gusto kong ipagawa sa kaniya. Kahit hindi naman.

Kinahapunan ay natulog kami sa malaking duyan kung sa pagitan ng dalawang puno. Matibay ang pagkakagawa nito kaya hindi ito basta-basta babagsak. Tanging shorts lang ang suot ko habang nakasuot ng shades. Ang aking asawa naman ay nakahiga sa aking dibdib habang suot suot ang tshirt ko at tanging boxer shorts lang ang pang-ibaba na nagpapaturn-on sakin ng sobra. Pinipigilan ko lang sarili ko baka manakit na naman to.

“Medyo tahimik ang bahay” hindi ko mapigilang magsalita.

“Syempre halos tayong dalawa lang ang nandito” sagot niya na akala ko ay nakatulog na.

“Kelan mo ba kasi ako bibiyan ng mga anak para magkaroon ng ingay ang bahay na to?” pagbibiro ko.

“Kapag marunong kana gumawa ng bata” nagulat ako sa sinagot niya dahil mukhang hinahamon niya ata ang performance ko pagdating sa kama. Pumaibabaw ako sa kaniya at tinitigan siya ng masama pero kunwari lang.

“Jethro pagtayo nahulog dito, tingnan mo lang” pagbabanta niya.

“Hindi yan, ano gusto mo bang malaman kung papano ako gumawa ng bata sa duyan na to?” panunukso ko sa kaniya.

“Mahiga ka na baka malaglag ta-” bumaliktad ang duyan na kinahihigaan namin buti na lang at nagawa kong yakapin kaagad si Eisen at ako ang unang bumagsak.

“Okay ka lang ba, mukhang enjoy na enjoy ka diyan sa ibabaw ko ah” pagbibiro ko nang hindi pa sya umaalis.

“Pinagsabihan na kita di ba” sabi niya habang tumatayo. At ako naman ay naupo buti na lang madamo ang ilalim nito kaya hindi masyadong masakit ang pagbagsak ko.

“Tingnan mo nagkasugat ka pa tuloy dahil sa mga kalokohan mo!” sabi niya nang hawakan niya ang braso ko. Saka ko lang napansin na may sugat nga ako sa bandang siko.

Pumasok kami sa loob para gamutin yung sugat ko sa siko. Para akong bata na pinapaglitan ng kaniyang ina habang ginagamot ang sugat. Kahit inis na inis na siya sa akin ay hindi niya magawang saktan ako parang mas okay pang nagkakasugat ako eh. Kahit panay ang bulyaw niya sa akin ay hindi pa rin ako naiinis sa mga sinasabi niya.

“Kung ganito kaganda ang nurse ko mukhang worth it na magkasugat ako lagi” pagbibiro ko at bigla na lang niyang diniinan ang paglalagay ng betadine sa sugat ko na nagpahiyaw sa sakin sa sakit.

“Nagagawa mo pang magbiro samantalang inis na inis na ako dito” ewan ko ba at bigla na lang akong natawa sa hindi ko malamang dahilan at siya rin ay nahawa sa tawa ko at nagtawanan kami sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ganito na ata ang pagkabaliw namin sa isa’t isa.

Kinagabihan ay nakareceive ako ng tawag mula kay Lance dahil nag-aalala siya sa kalagayan ng pinsan niya. Naka-off ang cellphone ni Eisen simula nang dumating kami dito sa bahay. Ayaw daw niyang may mareceive na tawag or text man lang kahit kanino. Kaya siguro hindi siya makontak ni Lance. Makalipas ang ilang minuto ay si Alexandre naman ang tumawag. Nabalitaan daw niya ang nangyari kay Eisen, inooferan niya ito na mag-artista na lang daw. Humindi agad ako dahil ayokong dumami ang kaagaw ko sa asawa ko. Sa akin lang dapat ang atensyon niya at ako lang dapat ang pinapasaya at hindi ang ibang tao. Kagaya ni Alex ay ganun din ang offer ni Jules, lalong hindi ang sagot dahil kahit kapatid ko siya ay may nakaraan pa rin sila ng asawa ko. Hindi ko hahayaang magsama sila nang matagal. Para akong manager ni Eisen na nagdedecline ng mga unwanted offers sa kaniya. Grabe.

Kinaumagahan ay may hindi ako inaasahang bisita sa bahay. Hindi ko alam kung papano niya nalaman na nandito kami ni Eisen pero hindi na mahalaga yun ngayon. Ang tanong eh kung ano ang pakay niya sa pagpunta dito habang inienjoy namin ni Eisen ang pagsasama naming dalawa.

“Good morning bro” masayang bati sa akin ni Josh.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko kaagad.

“Ang cold mo naman, hindi mo man lang ako babatiin ng good morning din o kaya papasukin man lang sa loob?” natatawa niyang sabi.

“Fine” maikling tugon ko at pinapasok siya sa loob.

“Nasan nga pala si Eisen?” tanong ni Josh nang makapasok kami sa loob.

“Natutulog pa bakit anong kailangan mo sa kaniya?” Hindi ko alam kung ang cold ng tono ko pero alam ko namang sanay na sila sa tono nang pananalita ko. Nagiging conscious lang ako sa pananalita ko kapag kausap ko si Eisen dahil nagagalit siya sa akin kapag nasusungitan ko siya kahit hindi naman.

“Nandito ako para offeran siya na mag work sa company ko balita ko kasi nawalan siya ng trabaho sa kompanya mo” medyo na insulto ako sa sinabi niya.

“Sorry pero hindi siya magtatrabaho sa kompanya mo” mabilis kong sagot.

“Why not? Kaya ko naman tapatan ang pinapasahod mo sa kaniya at saka I’ll make sure na hindi siya pagkakaisahan ng mga taong nasa kompanya ko di gaya ng sa kompanya mo” sa pagkakataong yun ay hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko.

“Sinusubukan mo ba ang pasensya ko?” naiinis kong sabi sa kaniya habang hawak-hawak ko ang kwelyo niya.

“Anong sa tingin mo?” matapang niyang sagot.

“Anong nangyayari dito?” kapwa kaming napalingon sa kinaroroonan ni Eisen na nagtataka sa mga nangyayari.

Itutuloy………………………………..

A/N: Sa wakaaass after 2 years nakapag update na din ako. Medyo malabo pa ba yung tungkol sa pagpapalit ng CEO? Madalas nangyayari sa mga korean novela to kaya hindi na bago ang mga ganitong twist. Hindi ko alam kung bakit marami pa rin ang nagtataka. Nangyari na rin ang ganito sa history ng Apple kung saan kinumbinse ni Steve Jobs ang mga board na patalsikin ang CEO ng apple noong time na yun (di maalala yung year) basta makikita nyo yan sa google. Sa kompanya talaga madali lang mapalitan ang CEO kapag nakumbinse mo ang Board at may hawak kang malaking shares sa kompanya.

Thank you sa patience nyo sa pag-aantay ng update at hindi masyadong nangulit. Umabot na ng 300k+ reads ang LWMSB sana ito rin umabat na ng 100k reads. Thank you guys.

Last 10 chapters na lang!!!!!!

P.S. may kakaibang role si Terence (Tao) at malapit na mareveal yun.

Chapter 16: Into the new world

Bas as

Eisen

Eisen’s POV

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakakamtan ko ang kaligayahan ay kapalit naman nito ay pighati at kamalasan. Lagi na lang may komokontra, bakit ba ayaw na lang nila kaming hayaang maging masaya. Habang tumatagal ay nararamdaman kong nagiging pabigat at sagabal ako kay Jethro. Hindi naman habang buhay ay ganito na lang ang gagawin ko. Kailangan ko na ring maghanap ng ibang trabaho. Pano kaya kung tanggapin ko yung offer ni Jules na mag-artista na lang. Wait, ang tanong marunong ba akong umarte? May workshop naman siguro akong dadaanan bago ako isabak sa taping. Lumapit ako sa isang malaking salamin sa kwarto. Nang makalapit ako sa salamin ay nagbuntong hininga ako at saka pumikit. Pagdilat ko ng aking mata ay para akong sinaniban ng ibang tao at kaagad nagsalita.

“Pero bakit parang galit ka? Pero bakit kasalanan ko, parang kasalanan ko? Eh sa totoo nga niyan eh ako itong inggit na inggit sa inyong lahat. Kasi meron kayo ng mga bagay na sana meron din ako. Sana meron ako ng maternal instinct mo. I wish I had your charm and innocence. Sana naging adventurous din ako kagaya ni Alex. Sana nagkaroon din ako ng sense of humor mo kasi bentang benta yun sa akin eh. Bentang benta rin kay mama kaya siguro lahat ng attention niya ay nasayo” umiling ako bago muling nagsalita.

“No Ma! I’m saying that you have your favorites” pilit na tawa ang nilabas ko na tila nagpipgil ng pag-iyak.

“Ma, naaalala mo noong grade school ako? Di ba grumaduate ako ng valedictorian tapos andami kong medals. Tapos si Teddie isa lang pero siya pa rin yung pinuri mo” pilit na pinipigilan ang pag-iyak na tila ilang segundo na lang ay babagsak na.

“Tapos naalala mo nang umuwi ako sa bahay tapos gutom na gutom ako? Tapos nagalit ka sa akin nang kinain ko ang ulam na tinabi mo para kay Teddie. Tapos umuwi ka galing ng divisoria at meron kang mga dalang bags. Tapos ang sabi mo sa akin wag muna akong pumili kasi pipili si Teddie, siya yung panganay siya dapat yung pumili” sabay punas sa ilong at saka nagpatuloy.

“Ma it’s okay. Okay lang naman, naiintindihan ko naman, tinanggap ko naman na iba talaga ang turing mo kay Teddie at kay CJ. Kasi sila yung paborito mo. Si papa naman si Alex at si Gabbie ang paborito. And that’s okay, that’s okay. Kasi ang importante sa akin binuhay nyo ko, pinakain nyo ko, pinag-aral nyo ko, binihisan nyo ko, minahal nyo ko…kayo ni papa and that’s good enough for me” napayuko ako at saka ngumiti.

“Bea Alonzo as Bobbie in Four Sisters and a wedding” para akong baliw na tumatawa mag-isa sa harap ng salamin. May isa pa akong famous line ni Bea eh. Tumalikod ako sa salamin para isipin yung linya na yun. Pagtalikod ko ay laking gulat ko na may babae na nakatayo di kalayuan sa kinatatayuan ko. Sa gulat ko ay napasigaw ako at pagkasigaw ko naman ay sumigaw din siya. Saka ko lang napagtanto na isa pala to sa mga kasambahay ni Jethro.

“Bakit ka sumisigaw?” tanong ko nang tumigil siya sa pagsigaw.

“Eh kasi po sumigaw po kayo” mabilis niyang tugon.

“Ano to buwan ng wika? Sabayang bigkas?” sarkastiko kong sabi.

“Ano po yun?” tanong niya at napailing na lang ako.

“Hindi ka ba marunong kumatok at basta-basta ka na lang pumasok?” hindi ko mapigilang mainis sa ginawa niyang pagpasok.

“Pasensya na po. Nakita ko kasing bukas yung pinto nyo tapos nakatayo kayo sa may harapan ng salamin” natataranta niyang sabi.

“So kanina ka pa pala nandyan? So nakita mo yung?” Hindi ko natuloy ang nais kong sabihin nang makita ko siyang ngumiti habang tumatango. Tumalikod ako sa kaniya at napatakip ako sa aking mukha. Susme sobrang nakakahiya ang mga pinaggagawa ko. Buti na lang at isa sa mga katulong ni Jethro ang nakakita sa kalokohan ko kung hindi ay baka madismaya ng husto sakin si Jethro kapag nakita nya ako sa ganitong kalagayan.

“Sige baba na ako” sabi ko habang pinapaalis ang katulong na hindi marunong kumatok.

Inayos ko ang aking sarili bago ako nagtungo sa baba. Bago ko marating ang pinakahuling palapag ay rinig ko na kaagad ang boses ng dalawang lalaking nagtatalo. Napako ang mata ko nang makita kong hawak-hawak ni Jethro sa kwelyo si Josh. Anong ginagawa ni Josh dito? Nagmadali akong maglakad hanggang sa makalapit ako sa kanila.

“Anong nangyayari dito?” tanong ko at bigla silang napalingon sa akin.

“Ahhhh wala naman hon, nag-uusap lang kami ni Josh” mabilis na tugon ni Jethro.

“Yep, nag-uusap lang kami” pilit na ngiti ang binigay sakin ni Josh.

“Nag-uusap? Eh bakit hawak-hawak mo yung kwelyo niya?” tanong ko at sabay bitaw niya sa paghawak sa kwelyo ni Josh.

“Inaayos ko lang yung kwelyo niya medyo magulo eh” sabay tapik sa likod ni Josh na medyo napalakas na halos maubo siya.

“Yeeees, inaayos lang ni Jethro. Medyo nagmamadali na kasi ako kanina kaya wala na akong time mag-ayos” sabay ngiti sakin ng hilaw. May tinatago tong dalawang sa akin.

“Kamusta, bat napabisita ka dito?” tanong ko at saka lumapit sakin si Josh.

“Wala namiss kita kaya pinuntahan kita dito” sabi niya at aakma siyang yayakapin ako pero mas mabilis ang kamay ni Jethro kaya nahatak niya ako papalapit sa kaniya at siya ang umakap sa akin.

“Mag asawa na kami!” pagbabanta ni Jethro.

“Hindi pa official” sabay iling ni Josh. Medyo napikon si Jethro kaya lalapitan niya sana si Josh pero nagawa ko siyang hatakin pabalik sa akin. So ayun puro hatakan ang ginawa namin sa isa’t isa.

“Wait ako na naman ba ang pinag-aawayan nyo?” hindi ko mapigilan ang aking sarili na magtanong at ilang segundo lang ang lumipas nang mapagtanto ko ang naging tanong ko. Parang gusto kong uminon ng kapeng barako yung puro walang tubig, baka sakaling kabahan ako sa mga pinagsasabi ko.

At biglang tumawa ng malakas si Josh sa hindi ko malaman na dahilan. Maya-maya pa ay sumunod naman si Jethro sa pagtawa na kala mo ay kinikiliti ang dalawang to. Nanatili akong parang tanga na nakatingin sa kanilang dalawa habang sila ay halos mamaos na sa kakatawa.

“Wala ka pa ring pinagbago Josh, gago ka pa rin” sabay tawang muli.

“Lalo kana!” at tumawa rin siya.

“Baka gusto nyo namang i-share sakin yang joke nyo? Kayo lang ang natatawa eh” sarkastiko kung sabi. Ilang segundo din ang lumipas bago natigil ang tawanan ng magkapatid.

“Wala ang lakas lang kasi ng trip nitong A-SA-WA mo” natatawang sabi ni Josh.

“Sinimulan mo kasi” natatawa na naman si Jethro.

“Sige magtawanan na lang kayo tutal kayo lang naman nagkakaintindihan dito” tumalikod ako para iwanan silang dalawa pero mabilis nahablot ni Jethro ang aking kamay at niyakap ako.

“Nagbibiruan lang kami ni Josh hon, nangako kasi siya sa akin na hinding hindi ka na niya aagawin sa akin” nakangiti niyang sabi habang tumatango naman si Josh.

“So maaga kang pumunta dito para maglokohan kayo ng siraulo mong kuya?” naiirita kong sabi.

“Actually andito ako para alukin ka ng trabaho. Nabalitaan ko kasi yung nangyari sayo sa kompanya ni Jethro” sagot ni Josh.

“Ahhh.. salamat pero may tinanggap na akong offer” mabilis kong tugon at kapwa silang nagulat sa sinabi ko.

“Kanino?” tanong ni Jethro.

“Kay Jules” maikli kong tugon at napatingin sila sa isa’t isa.

“Anong gagawin mo dun? Magpapakapagod bilang P.A. ni Jules?” taas kilay na tanong ni Josh.

“Don’t tell me na tatanggap ka ng mga extra roles sa movie ni Jules?” tanong sakin ni Jethro. Medyo nainsulto ako sa mga tanong nila sa akin.

“Syempre mag-aartista ako” nakapamaywang pa ako habang sinasabi iyon sa kanila na tila proud na proud sa sarili.

“Seryosoo?” sabay nilang sabi at ako naman ay umirap na lang at nagtungo sa dining table para kumain. Iniwan ko ang mga baliw na magkapatid na tila napako sa kinatatayuan nila dahil hindi makapaniwala sa aking sinabi. Hindi ko alam kung bakit hindi sila kaagad nakasunod sa akin sa dining table para kumain pero ako ay naupo na at saka tinawagan si Jules. Pinaalam ko sa kanya na payag na ako sa alok niya sa akin dati. Tuwang tuwa naman si Jules at ayun sa kaniya ay kinabukasan daw ay dadalhin niya ako sa set ng ginagawa niyang movie para ipakilala sa director. Medyo nakaramdam ako ng kaba kasi sa totoo lang ay wala naman talaga akong experience sa pag-aarte maliban sa mga piling stage play na sinalihan ko noong elementary at highschool ako. Madalas na role ko ay maging puno sa gilid o kaya naman mga minor roles na mabibilang lang sa kamay ang mga salitang sinasabi. Bahala na it’s now or never. Saniban sana ako ni Bobbie o kaya ni Basha. Wag lang ni Vice Ganda baka sa comedy bar ang abutin ko neto.

Ilang beses akong kinumbinse ni Josh at Jethro pero desidido na talaga ako. Baka dito talaga ang swerte ko. Matagal tagal ko na ring pinapangarap na maging artista. Ngayon ay hindi ko kakailanganing dumaan para magpabebe sa PBB para madiskubre bilang artista. Pero hindi porket nandyan si Jules para tulungan ako ay magiging panatag na ako. Syempre gagawin ko parin ang best ko para patunayan na karapat dapat akong maging winner sa bahay ni kuya este ang maging artista. Marami kasi sa mga nagiging artista sa henerasyon ngayon ay dahil lang sa kamag-anak nila ay sikat na artista o kaya anak sila ng artista. Samantalang dati ay ilang pila ang dadaanan mo para madiscover ng mga talent scout. Syempre ayokong masabihan na dahil lang kay Jules kaya ako naging artista. Ang advance ko talaga mag-isip, ay ewan ko ba.

Ang problema ko ngayon ay kung papano ko mapapayag ng husto si Jethro. Buong araw kaming magkasama sa bahay pero hindi niya ako pinapansin. Nakatulog na kami nang magkatabi sa couch habang yakap-yakap niya ako pero hindi niya ako kinakausap. Para lang akong multo sa kaniya na dinadaan-daanan nya. Bakit ba kasi ayaw na ayaw niyang suportahan ako? Nakaisip ako ng magandang ideya para makuha ko ang atensyon niya. Kinagabihan nang matapos kaming kumain ng dinner ay nauna na ako sa aming kwarto para magshower. Madalas ay sabay kaming magshower ni Jethro pero madalas nauuwi sa ibang bagay ang dapat na pagshower lang. Nang makita nya akong tapos na magshower ay siya naman ang sumunod na hindi man lang ako kinakausap. Pumuwesto ako sa ibabaw ng kama na walang saplot habang inaantay siya na lumabas ng shower room.

Ilang minuto ang lumipas at sa wakas ay nakalabas na rin siya ng shower room. Nagulat siya nang makita niya akong nakadapa sa ibabaw ng kama na walang saplot sa katawan. Sinabayan ko pa ng pagtitig sa kaniya na nang-aakit. Kitang kita ko kung papano siya napalunok laway sa ginawa ko. Dahan dahan siyang lumapit sa akin habang suot-suot niya parin ang kaniyang bathrobe. Sabi ko na hindi ako mabibigo dahil alam na alam ko kung ano ang kahinaan sa akin ni Jethro. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti dahil alam kong tagumpay ang naging plano ko. Nang makalapit siya sa akin ay marahan niyang hinaplos ang aking katawan at saka binuhat niya ako ng dahan-dahan. Nilapag niya ako sa pinakadulo ng kama at laking gulat ko na lang na bigla niya akong pinagulong kasama ng kumot. Sa bili ng pangyayari ay hindi ko man lang nagawang pumalag sa ginawa niya. Nagmukha akong saging na nasa loob ng turon.

“Jethro pakawalan mo ako!” utos ko habang nagpupumiglas ako sa makapal na kumot.

“Sa tingin mo makukuha mo sa pagganyan-ganyan mo?” tanong niya. Napakawalang hiya pa at naupo pa mismo sa ibabaw ko para lalo akong hindi makaalis.

“Jethro ano ba!! Ang bigat mo!!” sabi ko sa kaniya pero parang wala siyang pake.

“Magmakaawa ka muna at humingi ng sorry sa akin” sabi niya at ako naman ay tumaas ang kilay sa kaniya.

“Bakit naman ako manghihingi ng sorry sayo?” naiirita kong sabi. Maliban sa bigat niya ay nararamdaman ko na rin ang init dahil sa kapal ng kumot na nakapulupot sa akin.

“Dahil tumanggap ka ng trabaho na hindi man lang nagpapaalam sa akin” sabi niya at ako naman ay umirap sa kaniya at hindi na nagsalita dahil naiinis na talaga ako.

“Ahhh ayaw mo akong kausapin ah! Fine, matutulog tayo ng ganito” pinatay niya ang ilaw at tumabi sa akin habang yakap-yakap ako para hindi ako makawala.

Nanatili ako sa ganong ayos at hindi ko parin siya kinakausap. Bahala siya, makakatulog din naman ako sa ganitong sitwasyon. Ano bang akala niya? Maya-maya pa ay nanlalagkit na talaga ako sa pawis at naramdaman kong humina ang aircon sa loob ng kwarto. Nanandya talaga ang loko para sumuko ako sa kaniya pero hindi ako ganun kadaling susuko. Hindi ko namalayan kong ilang minuto o oras na ba ang nakalipas pero sobrang init na init na talaga ako sa kumot na nakabalot sa akin. At hindi ko na talaga mapigilan dahil lalong nagpapa-init yung pagyakap niya sa akin na habang tumatagal ay humihigpit. May balak ata akong patayin nito eh.

“Jethroooo, ayoko na tigilan na natin to. Panalo kana!” sabi ko at tila mahimbing na ang tulog niya o kaya nagtutulog tulugan lang to.

“Jethro parang awa mo naaa, basang-basa na ako ng pawis ohhh” pagmamakaawa ko sa kaniya at siya namang pagdilat ng mga mata niya. Kahit na madilim ay nagagawa ko parin maaninag ang mukha niya dahil nanatiling bukas ang lamp shade sa likurang bahagi niya.

“Say the magic word” utos niya habang ngumingiti na tila nang-aasar.

“Please hoooon!” sinabi ko sa pinakasweet na boses na kaya kong gawin. Hindi rin nagtagal at inalis niya ang kaniyang kamay at binti na nakapulupot sa kumot na nakabalot sa akin. Mabilis kong tinanggal ang kumot at saka ako huminga nang malalim na tila sinakal nang pagkatagal-tagal. Narinig ko ang tunog ng aircon na inaadjust ang temp nito. Habang pinupunasan ko ang aking pawis ay bigla na lang niya akong niyakap hanggang mapaupo kami sa ibabaw ng kama.

“Pinag-usapan na natin to di ba?” sabi niya habang ang kaniyang baba ay nakapatong sa aking balikat. Ramdam ko ang mga tumutubong balbas sa yang baba na marahang kumikiskis sa akin balikat. Para siyang tuta na kinukuskos ang kaniyang mukha sa aking balat. Nitong mga nakalipas na araw ay nakakaligtaan ni Jethro ang magshave. Nagmumukha siyang matured kapag tumutubo ang bigote at balbas niya. Pero bumabagay naman sa kaniya dahil nagmumukha siya lalong daddy tingnan.

“Alam ko pero pwede bang suportahan mo muna ako dito? Hindi naman ako kaagad sasabak sa mga mabibigat na role. Gusto ko lang subukan ang iba’t ibang bagay na hindi ko pa nagagawa sa buhay ko” sagot ko sabay sandal ng ulo ko sa kaniyang ulo.

“Pwede ka namang mag-stay na lang dito sa bahay at hindi ka pa mapapagod. Hindi mo na kailangang magtrabaho pa dahil ako na ang magtataguyod sa pamilyang bubuuin natin” sabi niya at lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Hindi ko ramdam ang lamig sa aking katawan dahil ramdam ko ang init ng kaniyang katawan. Kapwa kaming hubo’t hubad sa loob ng aming kwarto habang ako ay yakap-yakap niya.

“Magmumukha akong nakakulong lang dito. Lilipas ang linggo, buwan at taon mababagot din ako” malumanay kong tugon.

“Edi hahayaan kitang magshopping kahit araw-araw pa. Magmall, manood ng sine, manood ng mga play sa theatre, concert at kung ano pa man ang magpapasaya sayo” mabilis niyang sagot habang ang kaniyang mga kamay ay pumupulupot sa aking mga kamay.

“Alam mo namang wala akong hilig sa mga ganun. Please hon, pwede bang suportahan mo muna ako dito. Promise kapag napagod ako o kaya naman marealize ko na hindi pala to para sa akin ay susundin ko ang payo mo. Gagawin ko ang gusto mo!” sabay halik sa kaniyang pisngi. Huminga siya nang malalim bago magsalitang muli.

“Okay, haaay kung hindi lang kita mahal ay baka ginapos na kita dito sa bahay para hindi kana lumabas pa!” pagsabi niyang yun ay tinitigan ko siya ng masama.

“Biro lang!” sabay tawa niya.

“Sige hahayaan kita sa gusto mo. Pero dapat maging honest ka sa akin. Dapat sasabihin mo lahat-lahat ng mga nangyayari sayo. Aamin mo sa akin kapag napapagod kana. Hindi ka pupwedeng mapagod ng husto. Sa akin ka lang dapat mapapagod!” pagkasabi niyang yun ay kumalas ako sa pagkakapulupot ng mga kamay namin. Sabay kurot ko sa kaniyang pisngi.

“Alam mo hindi na tayo nakakapag-usap ng seryoso dahil lagi mong sinisingit yang kabastusan mo!” naiirita kong sabi at siya naman ay tumawa.

“Pero seryoso ayokong nakikitang napapagod ka” biglang naging seryoso ang kaniyang mukha.

“Totoo ba?” tanong ko sabay paniningkit ng aking mga mata para suriin ang kaniyang reaksyon na nanatiling seryoso parin.

“Oo nga!” sagot niya kaagad.

“Sino kaya yung nagpahirap sa akin dati na bumili ng kape na hating gabi na sa Tim Hortons tapos nong lumamig pinagtimpla na lang ako. Sino kaya yung nagpasort ng mga files sa akin na kahit hindi naman kailangan ay pinagawa pa rin. Sino kaya yung nagpabalik-balik sa akin sa condo niya at sa office para lang palitan yung suot niyang polo na nasulatan lang ng ballpen eh duming dumi na sa sarili” bigla na lang niya akong hinila pahiga at saka siya pumaibabaw sa akin para paulanan ako ng mga halik sa aking mukha pati na rin sakin labi.

“Oh ano nagiguilty ka?” sabi ko at siya naman ay ngumiti na pagkatamis tamis.

“Syempre dati pa yun. Atsaka ako naman yun at hindi ibang tao. Makatao pa rin naman yung ginawa ko” at proud pa siyang sinabing pinahirapan niya ako dati.

“So pag-ibang ikaw ang gumawa ay okay lang? Pero pag-ibang tao hindi?” sarkastiko kong sabi.

“May limit naman ang mga pinapagawa ko sayo. Atsaka alam ko naman kong kalian sumusobra na ang pinapagawa ko” sabi niya na wala yatang balak na magpakumbaba sa mga bagay na ginawa niya dati sa akin.

“Ewan ko sayo, matutulog na lang ako” sabi ko sabay tumagilid sa kaniya.

“Okay, pero yung usapan natin ahh wag mong kakalimutan” sabi niya habang pumupwesto siya ng paghiga sa likuran ko at saka yumakap sa akin habang nakatalikod ako sa kaniya. Ang buong akala ko ay matutulog na siya pero bigla na naman siyang nagsalita.

“Matutulog na ba tayo? Hindi ba pwedeng baby-making muna?” sabi niya habang hinihimas ang pwetan ko.

“Hindi po pwede Jethro! May pupuntahan akong trabaho bukas di ba?” mabilis kong sagot at hinawi ang kaniyang kamay sa aking pwetan.

“Sige na kahit isang putok lang?” pagmamakaawa niya sa akin sabay kiskis ng kaniyang ari sa akin.

“Subukan mo lang ipasok yan, pipitikin ko talaga yang junior mo!” sabi ko at bigla na lang siyang umurong.

“Sabi ko nga po matutulog na tayo!” muli nya akong niyakap at natulog kami sa ganong posisyon.

Nagising ako ng maaga para makapag-ayos ng mga gamit na kakailanganin ko sa shoot. Ayun sa text sakin ni Jules ay kailangan kong magdala ng maraming pares ng damit at sapatos para sa shoot dahil mapili daw ang director sa suot ng mga actors sa bawat scene. Kailangan ko daw magpaimpress kay direk sa first day pa lang. 3:45 am pa lang pero heto ako hindi magkanda ugaga kung anong damit ang ilalagay ko sa aking maleta. Nagulat na lang ako nang pigilan ako ni Jethro sa paglalagay ng mga damit sa maleta ko.

“Akala ko ba napag-usapan na natin to?” tanong ko sa kaniya.

“Oo nga, kaya nga pinahanda ko na kay manong ang kotse na gagamitin mo sa shoot. Nilagay na din ni yaya yung portable pole kung saan pwede mong isampay ang mga damit mo sa loob ng kotse para hindi ito malukot. Pumili ka na lang ng mga damit at sapatos na gagamitin mo at iabot ito kay yaya para maiayos ito sa loob ng kotse. At kung may-” hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil bigla ko na lang siyang hinalikan sa kaniyang labi bilang pasasalamat.

“You’re welcome” masaya niyang sabi sa akin. Hindi ko inaasahang gagawin niya to dahil alam kong kontra siya sa binabalak ko pero heto pinapakita na niya ang pagsuporta sa kabaliwang gagawin ko. Kabaliwan dahil hindi ko alam kung may papatunguhan nga ba itong papasukin kong mundo. Pero kung ano man ang kahahantungan nito ay hinding hindi ako magsisisi dahil alam kong buo ang desisyon ko sa pagpasok dito.

Masaya kaming nag-almusal nang matapos kaming magshower ng sabay. At dahil nakaleave pa rin siya sa kompanya ay sinamahan niya ako sa taping site sa movie ni Jules. 5am nang umalis kami ng bahay para pumunta ng tagaytay kung saan ang taping. Inabot kami ng dalawang oras bago marating ang area dahil sa di inaasahang traffic. Mabuti na lang at isang oras kaming maaga sa scheduled time na taping. Ayaw na ayaw pa naman ng director ang late. Pagkarating namin ay kaagad kaming pinagtinginan ng mga taong nauna sa amin sa set. Ay mali, kay Jethro pala sila nakatingin hindi pala ako kasama. Natanaw kami kaagad ni Jules kaya naman lumapit siya sa kinaroroonan namin.

“I’m so glad na tinanggap mo ang alok ko Eisen” yayakapin na sana ako ni Jules pero pumwesto sa harapan ko si Jethro kaya siya ang nayakap ni Jules.

“Grabe pati yakap kay Eisen ay ipagdadamot mo sakin bro?” reklamo ni Jules.

“Andito ako para siguraduhing trabaho nga ang offer mo sa asawa ko” sagot ni Jethro at kaagad namang tumawa si Jules. Umakbay sa kaniya ang bunsong kapatid.

“Don’t worry bro hindi na mangyayari kung ano man ang iniisip mo basta patuloy lang ang pagtulong mo sa pagiging producer sa mga pelikula ko” sabi ni Jules at ako nama’y napatingin kay Jethro. Kumindat siya sa akin at kaagad kong naintindihan ang mga nangyayari. Todo pigil siya sa akin sa pagsabak ko dito pero siya pala ang producer ng movie na to. Kaloka.

Maya-maya pa ay dumating na ang director at pinakilala ako sa kaniya. Hindi siya masyadong nagkaroon ng interes sa akin dahil napako ang atensyon niya kay Jethro. Matagal na nilang kilala ang isa’t isa. Mapapansin mo yun sa paraan ng pag-uusap nila. May pagkakataon pang ginigiit niya na kung bakit hindi na lang daw mag-artista si Jethro dahil mukhang malakas daw ang dating niya sa tao. Pero nanatiling hindi ang sagot ni Jethro dahil may kompanya siyang pinapatakbo.

Mabilisan ang pagpapaliwanag sa akin kung anong role ang gagampanan ko. Binigay sa akin ang script para masaulo ko ang mga linya na dapat kong bitawan sa eksenang ipapasok ako. Isang binatang happy-go-lucky ang description ng character ko sa story. Isa ako sa mga matatalik na kaibigan ng character na gagampanan ni Jules. Straight ang character ko dito kaya conceal, don’t fell, don’t let them know! Ang kailangan kong gawin sa bawat eksena na meron ako.

Pitong oras akong naka stand by para mag-antay sa scene ko. Imagine, nag-antay ako ng pitong oras para sabihin lang ang “Iinom na lang natin yan bro, tara sagot ko!”. At yun cut na agad ang scene. Doon ko napagtanto kung gaano kahirap ang industriya na to. Kailangan mo talaga ng matinding pasensya para magtagal ka sa larangan na to. Sa buong linggo ay nagagawa akong samahan ni Jethro sa taping pero ng mga sumunod na linggo ay hindi na dahil kailangan na niyang bumalik sa pagpasok sa kompanya. Ako na rin ang pumilit sa kaniya na pumasok dahil ayokong mapayaan niya ang kompaniya dahil sa akin. Kailangan niya ring pag-igihan ang pagtatrabaho para mabalik ang tiwala ng board sa kaniya at maibalik sa kaniya ang titulo na inagaw ni Celestine.

Ang mga sumonod na eksenang meron ako ay naging challenging sa akin dahil hindi ko maibigay ang emosyon na gustong makita ng director sa akin. Ilang beses akong nasigawan at ilang ulit ang naging take bago masatsify si direk sa acting ko. Akala ko nga nun ay babatuhin na niya ako ng megaphone sa inis niya. Sabi nga ni Jules ay dapat na daw akong masanay dahil may mas malala pa daw kay direk sa industriyang to. Wala naman akong galit kay direk bagkus ay bilib pa nga ako sa kaniya dahil lahat ng tao ay mataas ang paggalang sa kaniya dahil sa galing niya bilang director. Ilang beses na siyang nakatanggap ng parangal sa galing niya sa larangang ito. Kaya hindi ko siya masisisi kapag namumura niya ako sa tuwing hindi ko naibibigay ang gusto niyang acting na dapat na ibigay ko.

Higit isang buwan lang ang naging parte ko sa taping dahil minor lang naman ang role ko. Pero kahit na ganun kaiksi ang tinagal ko ay marami akong natutunan sa mga nakatrabaho ko sa pelikulang pinagbibidahan ni Jules. Pagkatapos ng movie na to ay nakatanggap ako ng mga offer na maging extra sa mga palabas sa tv. Hindi naman ako tumanggi dahil ang mga minor roles na yun ay maaaring makapaghasa sa akin bilang actor. At kinakailangan kong tumanggap ng iba’t ibang role para mahasa ko pa ang sarili ko sap ag-arte. Kapwa kaming naging busy ni Jethro dahil magkabilang mundo na ang ginagalawan namin pero hindi namin hinahayaang mawala ang pagmamahal na meron kami sa isa’t isa. Kaya kapag may free time kami ay halos hindi na kami mapaghiwalay. Sinisigurado naming hindi matatapos ang araw na hindi namin napag-uusapan ang mga bagay-bagay na nanangyayari sa aming mga buhay. Halata namang stress si Jethro kahit i-deny niya ito pero nagagawa niya paring magbiro at patawanin ako sa tuwing kami ay magkasama.

Makalipas ang walong buwan at lumabas na rin sa mga sinehan ang movie ni Jules kung saan kasama ako. Naging patok ito sa takilya at malaki ang kinita nito dahil sa ganda ng story at magaling na pagganap ng mga artista ayun sa mga reviews. Mas dumami rin ang mga offer sa akin na mga roles simula ng ilabas ang movie. At sa unang pagkakataon ay nakatanggap ako ng offer para mag-endorse ng isang product at yun ay ang ‘KATINKO’. Syempre pagbaguhan ka dapat hindi ka mapili sa mga iniendorse mo dahil nakakataas ng talent fee kapag marami kang endorsement. Bago ang product nilang to dahil ito ay pamahid sa mga kati-kati sa katawan. Natatawa nga ako sa tagline na ginamit nila. “KATINKO para sa kati-kati mo!”. Akala ko nga noong una ay biro-biro lang yun pero laking gulat ko nang makita ko ang billboard ko sa may cubao. At ganun nga ang nakasulat habang hawak-hawak ko ang katinko. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis pero si Jethro ay tawang tawa nang makita niya ito.

Bilang endorser ng produkto ay nakatanggap ako ng isang box na naglalaman ng maraming Katinko. Hindi ko naman magagamit ang lahat ng to kaya pinamigay ko ang iba sa mga guards at katulong sa bahay. Naisipan ko ring bigyan si Celestine dahil mukhang kinakailangan niya ito. Naglagay ako ng maraming katinko sa isang box at binalot ko ito sa magandang gift wrapper. Nag-iwan ako ng note sa loob at ang nakasulat ay “Heto Katinko, para malunasan yang kakatihan mo!”. Ewan ko na lang kung ano ang magiging reaksyon niya pagnabasa niya yun. Nabalitaan ko kasi kay Jethro na panay parin ang paglalandi sa kaniya ni Celestine.

Tungkol naman sa aming relasyon ni Jethro ay naging matatag kami kahit na hindi kami madalas magkasama. Naging maingat din kami sa aming kinikilos sa tuwing nasa pampublikong lugar kami. Ayun sa aking manager na naghahandle din kay Jules ay kailangan daw muna naming itago ang relasyon namin ni Jethro sa publiko dahil maaaring makaapekto ang magiging reaksyon ng publiko sa career ko lalo na’t baguhan pa lang ako. Alam ko namang hindi pa ganun ka open ang pinas sa relasyong meron kami ni Jethro pero sana dumating ang araw na matanggap rin ng karamihan na ang pagmamahal ay para sa lahat. Hindi lang para sa lalaki at babae. Kundi para sa lahat na gustong umibig at gustong ibigin. Noong una pa nga ay ayaw ni Jethro ng ganito dahil sobrang clingy niya at mahilig makipag PDA sa akin. Pero kinalaunan ay nasanay narin siya sa naging set-up namin.

Buwan ang lumipas at naging kilala si Jules sa buong bansa at sa mga karatig na bansa dahil sa galing niya sa pag-arte. Isa na siya ngayon sa mga respetadong actor at leading man ng kaniyang henerasyon. Kahit gaano karami ang fans niya at kahit gaano karami ang mga achievements niya sap ag-aartista ay hindi pa rin mawawala na maikompara siya sa ibang actor na nasa kaedaran niya. Kilala itong artista na malaki din ang fandom at may mga international fans na sumusuporta. Naging kilala siya sa mga seryeng pumatok dito sa pilipinas at sa ibang bansa. Ang pangalan niya ay Andrei Larson. Hindi ko alam kung totoo niyang pangalan yan o screen name niya lang. Ilang beses na silang pinagkukumpara. Simula sa pag-arte hanggang sa kanilang mga hitsura at pangangatawan. Hindi ko alam kung kaninong ideya nanggaling at bigla na lang silang bumuo ng isang movie na pagbibidahan ng dalawa. Hindi bilang magkaribal o magkaibigan kundi ang maging magkasintahan. Ewan ko rin kung papano napapayag si Jules dito pero mukhang gusto niyang patunayan na wala siyang uurungan na role.

Sobra akong naintriga sa story kaya excited ako sa script reading na mangyayari. Kasama nga pala ako sa casting ng movie at minor role parin ang meron ako pero masaya ako sa ganito. Isa-isa kaming pinakilala sa mga makakatrabaho namin at sa unang pagkakataon ay nakita ko sa personal ang Andrei na madalas pag-usapan ng karamihan. Gwapong gwapo ito sa personal at napakalakas ng dating. Pero hindi ko malaman kung bakit ang cold niyang tumingin sa akin. Hindi ako sigurado pero ramdam ko na hindi niya ako gustong makatrabaho. May mga pagkakataong napapaisip ako na para bang nakita ko na siya dati hindi ko lang matandaan kung saan at kalian basta sigurado akong nakita ko na siya dati pa. Makalipas ang isang buwan at sumabak na kami sa taping.

Tumagal ng dalawang buwan ang taping pero nasa kalahati pa rin kami ng story. Hindi biro kasi ang location ng pinagsho-shootingan namin. Mga anak mayaman kasi ang role ng mga bida dito. Para bang crazy rich Asians ang dating na gay version. Biro lang pero parang ganun na nga dahil sa takbo ng kwento. Nakapunta na kami ng Singapore, Thailand at Bali para magshoot. Ngayon naman ay nasa Cebu kami para sa location na napili ng producer para sa break-up scene. Nang matapos ang taping ay kinausap ako ng writer dahil may update daw sa role ko. From straight to bi-curious ang magiging role ko at magkakaroon daw ako ng katandem. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya napatango na lang ako. Sa totoo lang ay kinakabahan ako dahil sa unang pagkakataon ay may katamabalan ako sa isang scene. Sa mga sumunod na araw ay nagtaping kami sa isang restaurant sa Makati. Dun na rin pinakilala ang makakapareha ko. Laking gulat ko nang makita ko ang mukha niya.

“Te-Terence?”

Itutuloy…..

A/N: Hello guys, sorry kung medyo natagalan ang update na to. Medyo mahirap ang pinagdaanan ko sa mga nakaraang buwan. Hindi ako makapag-update last week of feb to march dahil tax season ngayon sa U.S. makakarelate dito ang mga nagwowork sa BPO. Sobrang toxic ng tax season dahil sa dami ng workloads kaya hindi ako makapagsulat. At Mid-March ng mamatay ang step-mom ko. Wala ako sa mood magsulat kahit na may time ako. Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng inspirasyon nun para magsulat dahil sobrang lungkot ko. Sana naiintindihan niyo ko. I’m done being nice na kasi lalo na sa mga nagsasabing ang bagal ko magsulat. At minumura pa ako. Wag kayong magugulat kapag minura ko din kayo. Hindi ako mahilig magbato ng tinapay kapag binato ako.

Anyway maraming salamat sa supporters ko from book 1 hanggang ngayon na walang angal. Malapit na mag-400k ang LWMSB.

MARAMING SALAMAT SA INYO ❤️

Chapter 17: Déjà vu

Joss as Jules

Eisen’s POV

First month of taping

Ito ang unang pagkakataon na magkakahiwalay kami ni Jethro simula nang kami ay magsama. Ang ibig kong sabihin ay magkakahiwalay kami ni Jethro nang halos ilang linggo dahil ang mga scenes na kukunan namin ay sa Singapore. Ilang araw ko siyang sinuyo para payagan akong lumabas ng bansa. Noong una ay grabe ang pagtutol niya pero kalaunan ay napapayag ko rin siya. Iba pa rin talaga ang charm ko sa kaniya na hinding hindi niya matatanggihan. Pero ang totoo niyan halos lumpuhin niya ako sa tuwing magsesex kami. Baka sakali daw magbago ang isip ko. Napakasiraulo talaga. Excited din akong mangibang bansa dahil ngayon ko pa lang mararanasan ito. Ay hindi pala mas nauna nga pala ang experience namin sa Bali. Pero yung pakiramdam ko ngayon ay parang first time ko ulit sasakay ng airplane at babyahe.

Malaki ang budget para sa movie na to. Kaya maging sa aming seats sa eroplano ay naging galante sila. I know na malapit lang ang Singapore pero binigyan parin nila kami ng business class na seats. Inaasahan ko na magiging magkatabi kami ni Jules pero ang pinakamalapit sa akin ay si Andrei. Hindi ko alam kung ano ang maling nagawa ko sa kaniya pero napakacold ng trato niya sa akin. Wala akong masyadong close sa cast at crew ng movie na to maliban kay Jules. Dahil medyo magkalayo kami ni Jules ng pwesto ay nanatili na lamang ako sa aking pwesto. Nasa opisina ngayon si Jethro pero panay ang text niya sa akin sa bawat sandali ng paghinga ko. As in ganun siya kakulit sa pangangamusta sa akin, dinaig niya pa si mama kung mag-alala sa akin. Nang makalipad ang eroplano ay nawala na din ang signal ko kaya hindi ko na nagawang magreply sa kanya. Wala pa naman akong matinong laro sa phone ko kaya baka mabagot ako sa byahe. Ang iba sa amin ay nanonood sa maliit na screen ng aming seats. May kaniya-kaniyang mundo talaga ang bawat isa. Ayoko namang kalikutin yung screen dito sa akin baka mamaya masira ko pa or masabihan akong first timer. Kaya naman minabuti ko na lang na makinig ng music sa aking phone.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako habang nakikinig ng music. I-combo mo ba naman si Kyla, Mori, Moira, Regine at Jona. Buti na lang at nilapitan ako ni Jules dahil mukhang siya lang ang may pake sa akin sa mga taong kasama namin. Totoo nga na hindi lahat ng nasa showbiz ay mabait sa isa’t isa. Minsan ay ituturing nila na katunggali ang lahat na nakakasama nila. Hindi pa rin nawawala ang masamang tingin sa akin ni Andrei lalo nang makita niyang kausap ko si Jules. Ano bang problema nito? May crush ata to sa akin eh. Inisip ko na lang na kailangan kong makisama sa kanila para sa trabahong to. Pagkababa namin ng eroplano ay tuwang tuwa ako dahil first time ko dito sa Singapore. Kahit na trabaho ang pinunta namin dito ay nangako sa akin si Jules na papasyal kami kapag may free time. Sa ngayon ay dederecho muna kami sa hotel para makapagpahinga dahil kinabukasan ay tuloy-tuloy ang shooting namin.

Pagkarating sa hotel ay inaasahan ko na magkasama kami ni Jules sa kwarto dahil yun ang nirequest niya. Sinabi ko na rin to kay Jethro at isa to sa mga tinututulan niya pero malinaw sa amin ni Jules na kung ano ang meron sa aming nakaraan ay hanggang dun na lang yun. Kaya naman walang ilangan sa amin kung magkakasama man kami sa isang kwarto. Pero hindi yun ang inaasahan naming nangyari at heto ang kasama ko ay ang best friend ko na si Andrei. Tama, siya ang best friend ko sa movie at ayun sa director ay kailangan daw mawala ang ilangan sa aming dalawa at kilalanin ang isa’t isa para mas maging makatotohanan ang pag-arte namin. Tutol si Jules pero sumang-ayon na lang ako para hindi na palakihin ang issue. At heto kami ngayon ni Andrei, capital A-W-K-W-A-R-D !

Pagkarating sa aming kwarto ay mayroong malalaking kama ang hotel room na ito. Naunang naglapag ng maleta si Andrei sa dulong kama pahiwatig na kaniya ang pwesto na yun. Ako naman ay nalapag na rin aking mga gamit sa bakanteng kama. Halos 20 minutes ang lumipas na walang kibuan sa aming dalawa. Nagawa na niyang magpalit ng damit at ako heto kakatapos lang namin mag-usap ni Jethro sa viber. Hindi ko alam kung kailangan ko bang magsimula ng conversation sa kanya or wag na lang kaya.

“Ahh, Hello” pag-agaw ko sa atensyon niya habang binabasa niya ang script ng movie. Tumingin lang siya sa akin at hindi nagsalita.

“Ahhm, ako nga pala si Eisen. Ako yung magiging best friend mo sa movie-” hindi pa ako tapos magsalita nang sumagot siya.

“I know” tugon niya at binalik ang kaniyang atensyon sa pagbabasa ng script.

“Gusto ko lang sana na maging malapit tayo o kahit kilalanin ang isa’t isa para…. Alam mo na para magampanan natin ng maayos ang role natin bilang mag best friend” pagpapaliwanag ko at muli niyang tinuon ang atensyon sa akin.

“Don’t bother, alam naman natin na hindi mangyayari yun at saka kung magaling ka talagang artista kahit kaaway mo pa ang makakaeksena mo ay magagawa mo paring gampanan ng maayos ang character mo!” sabi niya at medyo tinamaan ako sa sinabi niyang yun.

“Wait, may nagawa ba akong masama sayo?” tanong ko. Pero imbes na sagutin niya ang aking katanungan ay nagsuot siya ng pantalon at jacket sabay labas ng kwarto habang dala-dala ang script.

Siguro nga ay sadyang ayaw niya sa akin kaya naman kahit wala akong nagawang masama sa kaniya ay hindi niya akong maatim na makasama. Mukhang tulog si Jules dahil 2 oras lang ang tulog niya bago kami sumakay ng eroplano. Andami niyang tinapos na project sa pinas bago siya nagtungo dito sa Singapore para sa movie na to. Doon ako hanga kay Jules dahil makikitaan mo talaga na gustong gusto niya ang industriya na pinasok niya. Ayun sa management ay kailangan naming manatili sa hotel para makapagpahinga at mapag-aralan ng husto ang aming mga lines. Wala akong nagawa kundi ang magkulong sa loob at magbasa ng mga lines na hindi pa naman ganun karami dahil sa ibang location pa lalabas ang marami kong scenes. Nang makaramdam ako ng gutom ay minabuti kong tawagan si Jules pero mukhang nakapatay ang kaniyang cellphone. Kaya naman mag-isa akong nagtungo sa isang restaurant sa tapat ng hotel na aming tinutuluyan. Mabuti na lang at binigyan ako ni Jethro ng credit card na pwedeng gamitin para sa international transaction kaya hindi ko poproblemahin ang panggastos.

Di ko inaasahan ang tagpong nasaksihan ko sa pagpasok ko sa restaurant. Malakas na sampal ang narinig ko at tila lahat ng tao ay napalingon sa kinaroroonan ng malakas na tunog na yun. karugtong nang malakas na sampal ay ang pagsigaw nito ng salitang “mga manloloko!” Napatingin ako lalo dahil Pilipino ang babaeng yun. Tumakbo ang babae at nabangga pa ako. Nalaglag ang bag na dala niya pero hindi siya nag-abalang kunin ito at tumakbo palabas ng resto. Habang dinadampot ko ang mga kagamitan ng babae ay laking gulat ko nang makita ko ang lalaking sinampal dahil kasama nito si Josh. Nagkatinginan kami ni Josh at kapwa kaming nagulat. Imbes na kausapin si Josh kung ano ang nagyari ay mas minabuti kong lumabas ng resto para habulin ang babae.

Sana mali ang hinala ko sa eksenang nasaksihan ko kanina. At heto ako parang tanga na hinahanap ang babaeng nagmamay-ari ng bag na nalaglag. Naglalaman lang naman ito ng kaniyang wallet, cellphone at passport. Nakapahalaga ng mga kagamitang ito para maiwala niya lang. At sa kalagayan niya ngayon ay malamang wala siyang balak na balikan ang mga ito. Hindi ko alam kung saan ako papunta pero tila may sariling pag-iisip ang aking mga paa hanggang sa marating ko ang isang lugar kung saan kakaunti lang ang tao. Nakita ko ang isang babae na umiiyak sa isang upuan. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at nang marating ko ang kaniyang pwesto ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kaniya. Nang maramdaman niya ang aking presensya ay unti-unti siyang tumingala habang umaagos ang mga luha sa kaniyang mga mata. At nang makita niyang dala-dala ko ang kaniyang gamit ay nagpasalamat siya.

Ang buong akala ko ay titigil na siya sa pag-iyak nang abutan ko siya ng panyo. Pero bigla na lang niya akong niyakap at umiyak nang husto. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko pero nanatili lang ako sa aking pwesto habang marahang hinahaplos ang kaniyang likod para tumahan. Matapos ang pag-iiyak niya na hindi ko matanya kung gaano katagal. Tanging ang pamamaga ng kaniyang mga mata ang nagsasabi kung gaano katagal siyang umiiyak. Nang tuluyan siyang kumalma ay siya na mismo ang nagkwento sa totoong nangyari.

Ang lalaking sinampal niya sa loob ng resto kanina ay ang kaniyang boyfriend. Pumunta siya sa Singapore para surpresahin ang kaniyang boyfriend para sa kanilang 2nd year anniversary bilang magsyota. Hindi niya inaasahang makikita niya ang kaniyang boyfriend na nakikipaghalikan sa loob ng resto kasama ang boss nito. Noong una ay tila nagkamali lang ako ng pagkakarinig pero inulit pa niya mismo ang pagkakasabi na nakita niyang nakikipaghalikan ito sa kaniyang boss. Naloka ako nang marinig ko yun. Si Josh nakipaghalikan sa secretary niya na may girlfriend na? Hindi ko alam kung anong sasabihin ko para i-comfort siya at hindi ko alam kung aaminin ko ba na kakilala ko ang boss ng boyfriend niya.

“Ano na ang plano mo ngayon?” pagbasag ko sa katahimikan.

“Dapat susurpresahin ko siya sa araw na to at pupunta kami ng korea bukas pero ako ata ang nasurprise. Siguro pupunta na lang ako dun ng mag-isa” sabi niya habang pinupunasan ang mga luhang kumakawala sa kaniyang mga mata.

“Kung gusto mo samahan mo ako?” pag-alok niya na ikinagulat ko.

“Ahh-ehh sorry taken na kasi ako” mabilis kong tugon.

“HAHA, biro lang pero sana lahat ng lalaki kagaya mo!” sabi niya habang inaayos ang kaniyang sarili. Anong kagaya ko? Baklang kunwari straight na nagpipilit magpakapaminta para magtagal sa ganitong industriya? Nahihiya ako sa kaniya dahil ako rin mismo ay niloloko siya.

“Sana lahat sila kasing buti mo. Nakakainis lang at may pagkakaparehas kayo!” sabi niya na ikinagulat ko. Wag mong sabihin na naamoy niya kaagad ako.

“Sobrang bait niya din nang makilala ko siya. Ganitong ganito din ang kalagayan ko nang makilala ko siya. Oh siya, aalis na ako. Ayokong magtagal dito bakama-fall na naman ako” pagkasabi niya ay kaagad siyang tumayo at ako naman ay hindi makapaniwala sa sinabi niya.

“Biro lang!” habol niya bago pa man siya makalayo sa akin. Kung tutuusin ay napakaganda niyang babae. Kahit sinong lalaki ay magkakagusto sa kaniya at mahuhulog ang loob sa matatamis niyang ngiti. Pero hindi ako ang lalaking yun dahil bakla ako, hello?

Pero seryoso hindi niya deserve ang lokohin. Hindi ko alam ang side-story ni Josh kaya ayoko munang i-judge kung ano man ang nakita ni… hindi ko nga pala natanong kung ano ang pangalan niya. Nakakapanghinayang lang na nabalewala ang kaniyang effort. Malamang sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon dahil hindi biro ang magpatagal ng relasyon ngayon. At bakas sa mga mukha niya kung gaano niya kamahal ang lalaking yun. Masyado akong naging abala sa buhay ng iba at nakalimutan kong kumain. Pasado ala-una na ng hapon nang makakain ako. At ang naging problema ko ay hanapin ang daan pabalik sa hotel namin. Buti na lang at may google map para ituro sa akin ang daan pabalik. Bago ako makapasok sa aming kwarto ay bumungad sa akin si Jules.

“Saan ka nanggaling?” bigla niyang sabi. Kapwa kaming nagulat sa isa’t isa.

“Kakain lang sana ako tapos nakalimutan ko na ang daan pauwi” pagsisinungaling ko. Hindi ko alam kung papano ko ikukwento ang mga nangyari lalong lalo na’t hindi ko pa alam ang side ni Josh.

“Ohh okay, kanina pa kasi kita hinahanap” sabi niya. Nakakapagtaka lang at bakit siya hinigingal at pinagpapawisan.

“Nagjogging kaba o galing ng gym? Bat pinagpapawisan ka?” hindi ko mapigilang magtanong. Napansin ko ring pawisan si Andrei na hindi makatingin sa akin.

“Ahhh yes, kakagaling ko lang ng gym” sagot niya habang tumatango nang paulit-ulit.

“Nang nakamaong?” dugtong ko.

“Nakalimutan kong magpalit eh. By the way, daan mo ako mamaya kapag gusto mong kumain!” sabi niya sabay tapik sa balikat ko at saka siya lumabas ng pinto.

At ayun naiwan na naman kami ni Andrei sa loob ng kwarto. Para makaiwas sa kakaiba niyang tingin ay napag-isipan kong pumunta ng banyo para maligo. Inayos ko ang bathtub para makapagbabad at makapagrelax ako. Namiss ko bigla si Jethro dahil sa tuwing magbababad kami sa bathtub ay siya mismo ang naglalagay ng liquid soap sa bathtub at sinasamahan niya pa ng roses para dagdag kalandian. Pagkatapos kong maayos ang bathtub ay kaagad akong nahiga sa bathtub habang nakasandal sa gilid ng bathtub ang aking ulo para hindi ako tuluyang malunod sa tubig. Hindi ko natiis at tinawagan ko siya sa kaniyang messenger. Bakas sa mukha niya ang stress at pagod pero unti unting nawala yun nang magsimula kaming mag-usap.

“Tumayo ka!” utos niya.

“Haa bakit naman?” tanong ko habang hawak-hawak ang cellphone sa kaliwang kamay ko.

“Para makita ko yung katawan mo” sabi niya habang nakangiti na nakakaloko.

“Hoy Jethro Jones Wells! Nasa opisina ka ngayon at umarte ka ngang disente! Ilang oras pa lang tayong nagkakahiwaly ohh puro kalibugan na naman yang nasa isipan mo!” sagot ko at siya namang itinawa niya.

“Hoy Eisen Fuentes-Wells. Namimiss lang po kaya kita, kaya sa susunod na pagtawag mo wag mo akong pinapakitaan ng hubad mong katawan!” ginaya niya ang pananalita ko at siya namang ikinatawa naming dalawa na para bang mga siraulo.

“Pero honestly namimiss kita ngayon. Kung pwede lang sana ay hindi ka na nag-aartista at nasa bahay ka na lang” biglang naging malumanay ang tono ng pananalita niya.

“Hon, pinag-usapan na natin to di ba?” sagot ko at siya namang pagtango niya.

“I’m sorry, anyway kamusta ang byahe mo dyan? Magkasama pa rin ba kayo ni Jules sa iisang kwarto? Wag na wag kang lalabas ng nakahubad ahh!” niratrat na niya agad ako.

“Wait, kalma! Hindi si Jules ang kasama ko sa kwartong to kundi yung kalove team niya” hindi ko alam kung bakit natatawa akong banggitin ang salitang loveteam.

“Edi mas lalong mag-iingat ka diyan dahil hindi mo kakilala ang taong yan!” pagbabanta ni Jethro at ako naman ay hindi masyadong nag-aalala dahil alam ko namang walang balak na masama sa akin si Andrei dahil ayaw niya sa akin.

“Wag kang mag-alala, safe na safe ako dito. Walang mangyayari sa aking masama. Ang inaalala ko nga ay ang kalagayan mo dyan. Baka naman hinahayaan mong landiin ka dyan ni Celestine. Naku pagnalaman ko talagang nilalandi ka niyan uuwi talaga ako ng pinas kaagad agad” bigla akong nakaramdam ng pagkainis sa tuwing maaalala ko si Celestine.

“Sigurado kang uuwi ka kaagad kapag nalaman mong nilalandi ako ni Celestine?” at ngumisi na nakakapanloko si Jethro.

“OO at igagapos ko kayo sa puno ng balete at sabay ko kayong susunugin para ialay kay satanas!” nanggigil kong pagsabi at siya namang pagtawa ng loko.

“Eto naman hindi mabiro. Safe na safe itong si junjun, sayo lang yan titigas!” sabay baba niya ng camera para ipakita ang umbok sa kaniyang hinaharap.

“Ewan ko sayo puro ka na naman kabastusan!” sabi ko pero deep inside kenekeleg ne eke.

“Bakit hindi mo ba kami namiss ni junjun?” panunukso pa niya.

“Syempre namimiss ko kayo ni junjun, pero kailangan natin magkahiwalay para sa career natin. Hay naku itigil na nga natin to baka umabot pa to sa video call sex!” sabi ko at naupo ako sa bathtub para sana magpaalaam sa kaniya.

“Bakit hindi natin i-try yun? Hindi pa natin nasusubukan yun” at heto na naman ang mga wild suggestions ni Jethro.

“Magtigil ka nga Mr. Wells. Wala akong tiwala sa technology ngayon. Baka kumalat pa yan sa pornhub o kaya sa xvideos. May pangalan akong iniingatan no!” pagpapaliwanag ko na sinang-ayunan naman niya. Nagpaalam kami sa isa’t isa at ako naman ay nagpatuloy na sa paglilinis ng aking katawan.

Nang matapos akong maligo at magbihis ay lumabas na rin ako ng banyo. Kagaya kanina ay muling nagbabasa si Andrei ng script. Hindi ko naman skiya masisisi dahil marami siyang eksena bukas dahil isa siya mga bida ng movie na to. Ako naman ay hindi na masyadong nag-abalang magbasa dahil kahit sa pagtulog ko ay kayang kaya kong sabihin ang mga salitang “Let the party begin!” yan lang ang line ko bukas pero may mga exposure ako sa mga scenes na kukunan namin sa isang bar dito sa Singapore.

Alas syete nang gabi nang makaramdam ako ng gutom kaya naman nagpasiya akong ayain si Jules na kumain kami sa labas. Nagpasiya kaming lumabas para puntahan ang paborito niyang restaurant dito sa Singapore. Kumain kami dito sa Prima Tower, isa siyang revolving restaurant. Maganda ang nakuha naming pwesto dahil kitang kita ang view nang Singapore. Ang sarap tumira dito para bang 24 hours gising ang mga tao at tila ligtas ang bawat daan kahit anong oras ka pang umuwi. Habang nag-aantay ng aming pagkain ay hindi ko mapigilang magtanong kay Jules tungkol kay Andrei.

“Jules pwedeng magtanong?” pagbasag ko sa katahimikan. Dahil simula nang makarating kami dito ay halos di na maalis ang kaniyang mata sa kaniyang cellphone na tila panay ang text sa ibang tao.

“Kung itatanong mo kung single ako? Yes, single na single for you! Bakit nagsasawa ka na ba kay Jethro?” mabilis niyang tugon.

“Gago!” ang tangi kong naisambit at siya namang ikinatawa niya. Magkapatid talaga sila parehas na siraulo.

“Pero seryoso ano nga yun?” naging seryoso na din siya sa pagkakataong ito at ang kaniyang cellphone na kanina’y hindi mabitawan ay nasa loob na ng kaniyang bulsa.

“May problema ba sa akin si Andrei?” derechong tanong ko.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong niya at bigla namang dumating ang aming order kaya naman natigil nang panandalian ang aming usapan.

“Wala, napansin ko lang na ang cold ng trato niya sa akin na para bang ayaw niya akong makasama” sabi ko sabay inom sa lemonade na inorder ko.

“Baka naman nahihiya siya o naiilang dahil hindi pa kayo close kaya ganun” tugon niya at siya naman ay nagsimula nang kumain habang kami ay nag-uusap.

“Talaga ba pano mo naman nasabi eh ngayon pa lang kayo magsasama sa isang pelikula” tanong ko at ako naman ay kumain na rin habang nag-aantay ng kaniyang kasagutan.

“Oo unang pelikula namin to pero hindi ito yung una naming pagsasama ni Andrei sa iisang project” tugon niya at ako nama’y napatigil sa pagkain.

“Ahh so nagkasama na pala kayo dati at ganito rin ang trato niya sayo?” tanong ko naman at siya nama’y tila hindi makatingin sa akin.

“Hindi naman sa ganun. Baka kasi nagseselos siya” nagulat ako sa sinabi niya at tila siya rin ay nagulat nang masabi niya yun.

“Anong ibig mong sabihin na nagseselos?” dugtong ko pa at inantay ko munang makainom siya ng tubig bago sagutin ang aking tanong.

“Ganito kasi mukhang naiinggit siya hindi nagseselos okay?” sagot niya at ako naman ay naguguluhan pa din.

“Bat naman siya maiinggit sa akin eh siya nga tong maraming nang awards at maraming fans local at international. Tapos maiinggit siya sa akin na isang baguhan?” ang labo naman niya kung ganun ang dahilan niya para mainggit sa akin.

“Alam mo kasi ganito yan. Ilang auditions at ilang director ang pinakausapan nya dati para marating niya ang kinalalagyan niya ngayon. Samantalang ikaw ay nagawa mong makasabak sa showbiz na hindi pinagdaanan ang mga ginawa niya kaya siguro naiinggit siya sayo” pagkasabi ni Jules nun ay hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis dahil para ngang ang daya nang naging daan ko dahil nagamit ko ang impluwensiya ni Jethro at Jules para mapasok ko nang walang hirap ang pag-aartista.

“Ohh bat bigla kang natahimik dyan?” sabi ni Jules at saka naman nanumbalik ang katinuan ko.

“Ahh sorry. Medyo napaisip lang ako na ang swerte ko dahil sa inyo ni Jethro ay nagawa kong makapasok sa showbiz na hindi naranasan ang hirap na pinagdadaanan ng mga ibang artista ngayon. Pakiramdam ko ay hindi ko deserve na nandito ako ngayon” bigla na lang ako talagang nakonsensya nang sabihin ni Jules ang tungkol kay Andrei.

“Ano kaba tinulungan ka lang namin ni Jethro pero ikaw pa rin ang nagpatunay na deserve mo ang tulong namin. Kung hindi mo ginalingan sa pag-arte ay tiyak mabilis ka lang malalaos dahil hindi nadadaan sa impluwensiya at pera ang kasikatan ng tao. Hindi mo nababayaran ang mga tao para magustuhan ka nila at hinding hindi nabibili ng pera ang talento. Kaya sana ay magkaroon ka ng kompyansa sa sarili mo na isa kang magaling na artista at sana paniwalaan mo yan!” hinawakan ni Jules ang kanang kamay ko para iparamdam sa akin na totoo ang mga sinasabi niya. Kahit papano ay nabawasan ang insecurity na nararamdaman ko.

Pagkatapos naming kumain sa resto ay sunod naman naming pinuntahan ang isang sikat na ice cream store dito sa Singapore para sa aming desert. Marami kaming napag-usapan at madalas ay ang tanong niya ay tungkol sa amin ni Jethro at kung papano namin napapatagala ang relasyon namin. Ayun kasi sa kanya simula nang magbreak kami ay wala na siyang makitang taong pakiramdam niya ay magtatagal sila o kaya ay seseryosohin niya. Nilinaw niya sa akin na ang amin ay tapos na pero gusto niya lang sabihin na simula nang matapos ang relasyon namin ay hindi niya magawang magseryoso sa ibang tao. Madalas ay nauuwi lang sa one-night stand ang nagagawa niya. Inasar ko pa nga na baka may sakit na siya dahil kakapalit palit niya ng partner. He’s a complete bisexual. Nakikipagrelasyon at nakikipagsex siya sa babae at lalaki or sabihin nating mga closet gays. Pero pagdating sa bagay na yan ay maingat naman si Jules at hindi pa siya nagkakaroon ng panganay sa mga nakaka one-night stand niya na babae.

Pagkatapos ng aming masayang kwentuhan ay bumalik din kami sa hotel para makapagpahinga. Dahil maaga ang call time namin bukas ay dapat iwasan namin ang mapuyat. Nang makapagpaalam sa isa’t isa ay nagtungo na kaagad ako sa aming kwarto ni Andrei. Pagpasok ko ay naabutan ko na lang na nagkalat ang mga gamit niya sa sahig. Mukhang nasa loob siya nang banyo at naliligo. Sinindi ko ang ilaw at isa-isang dinampot ang mga gamit sa sahig. Nakita kong may napadpad na gamit sa ilalim ng kama ko kaya naman ay ako lumuhod para kunin ito. Nagtaka ako kung ano ang ginagawa ng isang passport dito sa ilalim ng kama ko. Pagbuklat ko ay nakita ko ang larawan ni Andrei. Sa kanya pala ang passport na ito. Ang pangalan niya sa passport ay Dustin Andrei Larson Bautista. Wait parang pamilyar sa akin ang Dustin Bautista. Nagulat ako nang may magsalita.

“Bakit hawak-hawak mo ang passport ko?” tanong ni Andrei na kakalabas pa lamang sa banyo. Tanging tuwalya ang nakabalot pang-ibabang bahagi ng kaniyang katawan. Bakas sa pangangatawan niya ang madalas na pagbubuhat sa gym. Hindi nalalayo ang pangangatawan niya kay Jules. Nakaluhod ako sa harapan niya habang hawak-hawak ang passport niya.

“Ahhh nakita ko to sa ilalim ng kama ko at saka nakakalat ang mga gamit mo sa sahig” sabi ko at halos hindi ko siya matingnan sa mukha dahil nakakailang ang ayos niya ngayon.

“Akin na yan!” utos niya pero hindi ko kaagad binigay.

“Alam ba ni Jules?” tanong ko at bigla siyang natahimik pero kalaunan ay nagsalita din siya kaagad.

“Malaman ang alin?” pagmamaang-maangan niya.

“Na ikaw yung lalaking nagconfess sa kaniya noong college pa tayo!” tila nainis siya nang sabihin ko yun.

“Wag kang nakikialam!” bigla niyang inagaw sa akin yung passport. Sa lakas ng pagkakahila niya ay muntik nang masubsob ang aking mukha sa sahig buti na lang at naitukod ko ang aking mga kamay. Laking gulat ko nang pagtingala ko ay wala nang saplot si Andrei at hawak-hawak ko na ang tuwalyang kanina lang ay nakabalot sa kaniyang baywang. Nanlaki ang aking mga mata dahil sobrang lapit ng kaniyang junjun sa mukha ko. Kapwa kaming nagulat sa pangyayari kaya hindi kami nakakilos kaagad. Sa di inaasahang pagkakataon ay biglang bumukas ang pinto.

“Eisen nakalimutan ko pa lang sabihin na….” sabi ni Jules nang mabuksan niya ang pinto. Naabutan niya kaming sa position kung saan ako ay nakaluhod sa harap ni Andrei habang hawak-hawak ko ang tuwalya nito na para bang may gagawin kaming kababalaghan.

“What the fuck!!!” bulyaw niya. Grabe parang nangyari na to dati at hi di ko malaman kung kailan at saan.

“I can explain it Jules!” mabilis na sagot ni Andrei.

“Maniwala ka Jules, mali yang iniisip mo sa totoo lang ay may dapat kang malaman dahil si Andrei ay..” nasa akto ako nang pagtayo nang bigla akong pigilan ni Andrei at tinakpan ang bibig ko. Wala nang mas o-awkward pa nang sumagi si junjun niya sa balikat ko at lahat nang yun ay saksi si Jules.

PATAY AKO KAY JETHRO!

Itutuloy…..

A/N: Ano sa tingin nyo ang tambalang Andrei at Jules. Wala pa akong maisip na bagay na gumanap bilang Andrei eh. Kung may suggestion kaya i-comment nyo. Hindi nagkakalayo ang pangagatawan nila ni Jules. Mas maputi lang si Andrei at medyo masungit sa unang tingin.

Medyo misteryo pa ang story ni Andrei masasagot ang iba nyong katanungan sa susunod na chap at ang iba naman ay sa story nila mismo ni Jules na “Seducing Jules”.

Please don’t forget to vote. Thank you!

Chapter 18: You’re so gay

David as Jethro

Eisen’s POV

Hindi ko aakalaing aabot sa ganito ang mangyayari. Ang tanging dahilan ko sa pagpunta dito sa Singapore ay trabaho lang at wala nang iba pa. Pero ngayon ay naiipit ako sa pagkakataong pwedeng ikasira ng relasyon namin ni Jethro lalong lalo na kung mali ang pagkakaintindi ni Jules sa kaniyang nakikita ngayon. Sobrang awkward ng mga nangyayari at kaming tatlo ay nanatiling tahimik ng halos isang minuto pero may naglakas loob sa aming magsalita para basagin ang katahimikan.

“Sabihin nyong mali ang iniisip ko ngayon!” sabi ni Jules. At kapwa kaming nagkatinginan ni Andrei.

“Yes. Maling mali ang iniisip mo. okay?” nauutal na sabi ni Andrei at ako nama’y parang tanga na panay ang tango bilang pagsang-ayon sa kaniyang sinabi.

“Care to explain it to me?” sabi ni Jules habang ang mga kamay ay nasa likod ng kaniyang batok at hindi pa rin makapaniwala sa kaniyang nasaksihan.

“Okay, it was an accident. I drop my passport on the floor and Eisen pick it up for me and then my towel… uhmmm. It was a bad timing okay? The moment you came in ay nalaglag ang towel ko. Yun na yun at walang iba nangyari!” sagot ni Andrei na halos hindi makatingin ng maayos kay Jules. Binawi ko naman ang tingin ko kay Andrei dahil nakakadistract yung junjun niya na hindi niya pa rin tinatakpan.

“Totoo bay un Eisen?” tanong ni Jules. Inabot ata ng Bandila bago ako nakasagot sa tanong ni Jules.

“Ahh, oo… tama-tama siya” hindi na ako makalingon kay Andrei dahil sasalubungin na naman ng mukha ko ang hinaharap niya pag hinarap ko siya. Hindi naman sa hindi ko siya kayang harapin dahil sa hinaharap niya ay nakaharap sa akin. Ang akin lang ay hindi na ako pwedeng humarap sa hinaharap ng iba dahil may isang hinaharap na ako na siyang lang ang hinahanap-hanap ko. At yun ay ang kay Jethro, gets mo?

Lumapit sa amin si Jules. Hinawakan niya ang magkabila kong braso at inalalayang makatayo. Nang makatayo ako ay pinaupo niya ako sa aking kama. At siya nama’y lumapit kay Andrei.

“We need to talk” sabi niya kay Andrei at marahan niyang tinulak ito papasok sa banyo.

Excuse me? Pumunta sila ng banyo para mag-usap at ako ay iniwan dito sa aking kama. Take note, walang saplot si Andrei at hindi man lang nila nagawang damputin yung tuwalya sa sahig. Wala akong balak na makisali kung sakaling gumawa man sila ng kababalaghan sa loob ng banyo pero sana naman resputihin nila na nandito ako noh? Kahit nasa loob sila ng banyo ay rinig na rinig ko ang mga ungol nila sa kinauupuan ko. Hindi biro lang, yung totoo ay hindi ko marinig kung ano ang pinag-uusapan nila pero mukhang nagtatalo sila dahil sa tono ng pananalita nila. Maya-maya pa ay bigla na lang lumabas si Jules mula sa banyo at sumunod naman si Andrei. Pinulot niya ang tuwalya at saka hinagis tio sa pagmumukha ni Andrei at saka lumabas ng aming kwarto.

Matapos ang tagpo na yun ay halos hindi ko na matingnan sa mata si Andrei. Sobrang awkward ng gabi na yun sa aming dalawa. Hindi na nga namin nagawang mag-usap man lang. Sana magampanan ko ng maayos ang pag-arte ko bukas dahil hindi ko alam kung magagawa ko ng maayos dahil sa mga nangyaro ngayon. Nang matapos akong makapag shower ay kaagad akong nahiga para matulog dahil maaga ang shoot namin bukas.

Kinabukasan~

Hindi ko talaga mapigilang mapawow sa pagbuo ng movie na to. Sobrang yaman siguro ng mga producers para maglaan ng malaking pera para sa movie na to. Kung tutuusin ay hindi ko nga alam kung tatangkilikin ba ng karamihan ang palabas na to dahil BL ang tema ng movie. Medyo malaki-laki na rin naman ang BL Community sa pilipinas pero marami-rami pa rin ang mga tumututol sa ganitong palabas. Ang mahalaga ngayon ay dapat magamapanan ko ng maayos ang role ko. Napakalayo ng totoong pagkatao ko sa gagampanan ko dahil unang una ay isa akong straight na best friend ni Andrei at isa akong happy go lucky at isang babaero na anak ng isang mayamang pamilya na may malaking kompanya dito sa Singapore.

Unang scene namin ang pagpaparty dito sa isang yacht. Ang dami naming kasamang mga international models na gumaganap na extra sa movie na to. Napapalibutan ako ng mga babaeng Brazilian models na halos lumuwa ang mga dibdib sa suot nilang bikini. Panay naman ang paglulunok laway ko sa mga lalaking models na naka suot lamang ng kanilang swimming trunks habang ang kanilang katawan ay nangingintab sa lotion na nilagay sa kanila. Grabe, nagkakasala ako nito kay Jethro. Buti hinayaan nila akong wag mag topless sa scene na to dahil hindi ako ganun ka komportable sa aking pangangatawan. Ano ba naman ang ipanglalaban ko sa mga modelo na to? Hinayaan na lang nila akong magsuot ng Versace na red polo habang nakasuot sa aking leeg ang isang golden cross necklace. Kahit papano ay nakikita pa rin ang katawan ko dahil lahat ng butones sa polo ay nakabukas.

Nagsimulang mag roll ang camera habang nagkakasiyahan sa yacht. Ako ay napapalibutan ng mga magagandang babae habang ang aking mga kamay ay nakapulupot sa magkabilang bewang ng mga babaeng nasa tabi ko. Ang nakakadiring part ay yung makipaghalikan ako sa isang Brazilian model. Saglit lang yung kiss halos tatlong segundo lang ito. Pero para akong pinalaplap sa aso ng tatlumpong minuto. Wala akong problema sa kanya dahil maganda siya at mabango ang kaniyang hiniga. Sadyang hindi lang talaga ako mahilig sa pearly shell. Buti nairaos ko yun na hindi nasusuka. Matinding mouthwash ang ginawa ko sa banyo nang magsabi ng ‘CUT’ si direk. Buti at nagawa namin yun ng isang shot lang kasi kung pinaulit yun ni direk ay baka bigla na lang bumula ang bibig ko.

Ang sumunod na scene ay ang paglapit ko kay Andrei habang nagmumukmok siya sa tabi habang hawak-hawak ang isang bote ng beer. Ayun sa storya ay kakabreak lang nila ng kaniyang girlfriend at heart broken siya at the moment. Bilang best friend niya ay kailangan ko siyang pasiyahi. Pero sa totoo lang kung ako ang best friend niya ay hindi ako magtothrow ng ganitong party lalong lalo na at hindi ganitong pakikiramay ang dapat na maransan niya.

“Dude nagsisimula pa lang ang party at nagmumukmok ka na kaagad?” bati ko sa kaniya habang nagroroll ang camera. Ayun ang line na dapat kong sabihin sa kaniya ayun sa script. Syempre hindi nyo ko maasahang tumawag ng dude sa lalaki no. Kung tatawagin ko man sila baka “Hey boy!” ang itatawag ko sabay whistle. (Make whistle, like missile bomb, bomb!).

“Am I not enough?” biglang tanong niya sa akin. Never! Never! Sabi ni Moriesette. Nakalimutan ko nasa eksena pa pala kami.

“You deserve better bro, It’s her loss not yours!” sabay akbay sa kaniya. At saka siya tumingin sa akin. Ang awkward pero kailangan kong galingan ang pagpapanggap ko.

“Look! There are plenty of fish in the water. So better test the water now” sabay turo ko sa kaniya sa mga babaeng akala mo bida sa mga palabas sa pornhub at xvideos. Ngumiti siya sa akin at sabay ginulo ang buhok ko. At dun natapos ang aming eksena nang magsabi ng cut ang director.

Ang akala ko ay itutuloy nila ang party na nasimulan sa set pero pagkasabi nang director ng cut ay mabilis ding nagpack-up ang lahat. Bawat oras ay mahalaga at bawas oras ay binabayaran kaya walang panahon para magpetiks petiks lang. Ang susunod na shoot namin ay mamayang hapon sa isang bar na inupahan para sa susunod naming scene kung saan magtatagpo ang character ni Jules at Andrei. Kaunti lang naman ang sasabihin ko sa scene na yun pero kailangan ko pa ring maghanda. Kanina ko pa tinatawagan ang phone ni Jethro pero hindi niya magawang sagutin ito. Marahil sobrang busy niya ngayon pero ang pinagtataka ko lang dahil kahit gaano siya kaabala ay nagagawa niyang sagutin ang mga tawag ko.

Nagfocus na lang ako sa susunod na scene namin. Nakapagbihis na ako nang aking susuotin sa set at tanging make-up na lang ang gagawin sa akin. Mukha talaga akong anak mayaman sa bihis ko ngayon. Ternong Balenciaga ang suot ko mula pang-itaas hanggang sa sapatos. Naka set na ang mga lights at camera sa bar. Nakaready na rin ang mga models na kunwaring nag-paparty pero pag-alog lang naman ng kanilang mga dede ang ginagawa nila. Ang swerte talaga ng mga pinanganak na magaganda. Konting alog lang ng dibdib bayad kana.

Sa akin magsisimula ang eksena kung saan nakafocus sa mukha ang camera habang tumutungga ako ng tequila at sisigaw ng “Let’s start the party!”. Pagkasigaw ko nang aking linya ay saka naman magtatalon na parang ulol ang mga kasama ko. Ako naman ay makikisayaw din sa kanila habang ang best friend ko na si Andrei sa story ay pinipilit na magpakasaya. Ang sumunod na eksena ay ang pagpasok ni Jules sa bar. Magsisimula ang pagkakakilala ng mga character nila sa isang pustahan sa paunahang pag-ubos ng kanilang inumin hanggang sa kapwa silang malasing. At dun magsisimula ang bed scene nila sa isang hotel kung saan magagawa nila ang hindi inaasahang pangyayari dahil sa epekto ng alak sa kanilang Sistema. Sobrang daling mapredict ng istorya, parang istorya lang na to. JK!

Piling staff lang ang kasama sa susunod na eksena dahil bed scene na yun. At take note, parehas silang naked sa isang na yun. Gusto ko sanang manuod sa scene nila kung pano nila gagawin yun. Curious lang ako kung pano inaarte ang mga ganong eksena. Syempre ang hirap ng ganong eksena lalong lalo na’t gagawin nyo yun sa harap ng camera at sa harap ng maraming tao. Hindi naman ako interesado sa katawan nilang dalawa dahil parehas ko nang nakita ang kahubdan nila.

Habang nasa set pa sila Jules at Andrei ay pinili ko namang umuwi na sa hotel room namin ni Andrei. Wala naman akong ibang mapupuntahan dito sa Singapore at saka hindi rin naman ako kasama sa eksena nila Jules at Andrei kaya wala akong dahilan para sumama sa set. Pagkatapos kong magpahinga ng kalahating oras ay dumiretso na ako kaagad sa banyo para makapaglinis ng katawan bago matulog. Pagkatapos kong makapagshower ay nagbihis ako kaagad at humiga sa kama. Pag-check ko ng aking phone ay nakita kong may tatlong missed call ako galing kay Jethro at sampung text messages. Nakita kong online siya sa skype kaya naman nag-start na ako ng video call.

“Good night hon” unang pagbati niya sa akin.

“Anong good night? Tutulugan mo kaagad ako?” tanong ko sa kaniya at siya naman ay biglang natawa.

“I mean, good evening. Sorry medyo busy talaga ako kanina kaya hindi ko nasagot ang tawag mo. Halos kakauwi ko lang dahil sa mga sunod-sunod na meeting” sabi niya habang humihikab. Bakas sa mukha niya ang pagod na sana’y nandun ako para maibsan ang pagod niya. Parehas lang ng time zone ang pilipinas at Singapore kaya gabi rin doon.

“Ako naman kakatapos ko lang magshower at halos kakauwi ko lang din. May scene pa sila Jules kaya nauna na akong nakauwi sa hotel” sabi ko habang pinagmamasdan ang kaniyang mukha sa screen. Napakagwapo talaga ng boyfriend ko.

“Dapat kanina kapa nag video call para nagawa kong magjakol habang naliligo ka” sabi niya sa malamyang boses.

“Hoy Jethro Jones, mabubulok talaga ng tuluyan yang bibig mo dahil puro kabastusan na lang ang sinasabi mo!” kunwari akong nagagalit pero namimiss ko na talaga tong siraulo na to.

“Kelan kaba uuwi hon?” tanong niya habang nagkakamot ng batok. Habit ni Jethro ang magkamot ng batok kapag sobrang antok na antok na siya. Pero pinipilit niya pa rin ang kaniyang sarili na magising para lang makausap ako.

“Pagkatapos namin ng ilang scenes dito ay dederecho kami ng Thailand at saka lang ako makakauwi ng pinas” halata ang pagkadimsaya sa kanyang mukha nang sagutin ko ang tanong niya.

“Ang tagal naman. Umuwi kana please!” pagmamakaawa niya habang nagpi finger heart sa camera na parang tanga. Akala niya ba kina-cute nya yun? Cute siya na mukhang tanga kaya hindi ko mapigilang matawa sa pinaggagawa niya.

“Isang linggo mahigit lang tayong magkakalayo at magkikita rin naman kaagad tayo. Ganito na lang ano bang pasulubong ang gusto mong ibili ko sayo pagkauwi ko?” nanahimik siya saglit at tila nag-iisip ng gusto niyang ipabili. Gusto ko rin naman siyang pasalubungan para naman makabawi ako sa kaniya. Lalong lalo na sa kissing scene namin ng babaeng Brazilian model. Malilintikan ako kapag nalaman niya na may ganong eksena.

“Ahhm.. gusto ko nang” bigla siyang nagsalita.

“Nang alin?” dugtong ko naman dahil ang tagal niyang magsalita.

“Gusto ko nang isang masarap na Eisen Fuentes dito sa ibabaw ng aking kama sa pag-uwi mo” sabay ngisi niyang nakakaloko. Punyeta, akala ko naman kung ano ang gusto ang ipabili niya.

“Ewan ko sayo. Ano nga kasi?” naiirita kong sabi. Pero nanggigigil talaga ako sa tuwing nakikita ko ang pangisi sa akin ni Jethro.

“I want nothing. All I want is for you to come home” biglang sumeryoso ang kaniyang mukha at ako naman ay nalungkot bigla. Ang hirap pala talaga ng LDR no? Pero kailangan kong magpakatatag para sa pangarap ko at para sa aming dalawa.

“Promise, uuwi ako kaagad kapag natapos kami sa Thailand” pinilit kong ngumiti para itago ang lungkot na nararamdaman ko. Ang hirap ng pakiramdam na mawalay sa taong mahal mo. Ilanga raw pa lang ako dito pero grabe na ang pangungulila ko kay Jethro. Paano pa kaya ang pakiramdam ng isang OFW na nagsusumikap para sa kanilang pamilya.

Para maiba ang usapan at hindi kami magsimulang mag-iyakan ay nag-usap na lang kami sa mga nangyari sa amin ngayong araw. Syempre binida ko ang galing ko sa pag-arte kahit bilang lang ang linyang meron ako. Hindi ko binanggit ang eksenang hinalikan ko ang isang babae dahil pag nalaman niya yun kaagad siyang lilipad sa Singapore para iuwi ako. Nagkwento naman siya kung gaano karami ang mga projects na under sa kaniya. Kabilaan ang meetings na meron siya at minsan nakakalimutan pa niyang magbanyo dahil kaliwa’t kanan ang kumakausap sa kanya. Tumagal ng ilang minuto ang aming usapan hanggang sa hindi na siya nagsalita.

“Jethro!” pagtawag ko sa kaniya pero hindi siya nagsasalita.

“At magaling, tinulugan mo ako ngayon ahh!” dugtong ko at hindi pa rin siya nagigising. Nakatulog na nang tuluyan si Jethro. Hindi ko muna tinigil ang video call. Tinitigan ko munang mabuti ang kaniyang mukha at marahang hinapalos ang screen na akala mo’y hinahaplos talaga ang kaniyang mukha. Napakaamo talaga ng kaniyang mukha kapag tulog. Ang sarap halik-halikan ng kaniyang pisnge hanggang sa kaniyang labi. Sa kakahimas ko ng screen ay bigla ko na lang napindot ang end call button. Hay tatanga-tanga ka na naman Eisen.

Sa mga sumunod na araw ay nagshoot lang kami ng iilang lugar dito sa Singapore at saka kami nagtungo sa Thailand. Sinakto nila ang araw kung ng shoot kung saan gaganapin ang Songkran festival. Si Andrei at Jules lang ang may copy ng full script kaya naman wala akong idea kung bakit namin kailangan mag-shoot dito basta ako babase na lang ako sa mga nakasulat na lines sa script na meron ako. First time kong umattend sa ganitong festival. Nagkalat ang mga kalalakihang nakatopless at magaganda ang mga pangangatawan. May iilang gwapo, hindi rin mawawalan ng hipon at patapon. Pero I swear mabubusog ang mga mata mo sa mga bortang lalaki na basang basa sa tubig dahil sa festival na to. Pero kahit gaano pa kagaganda ang mga pangangatawan nila at gaano pa sila kagagwapo ay hindi ko pa ring magagawang ipagpalit ang aking pinakamamahal na si Jethro.

Kahit ilang beses na ako nakakapanood ng mga thai movies at thai series ay hindi ko pa rin mapigilan ang aking sarili na mapangisi sa tuwing maririnig kong nag-uusap ang thai. Akala nga nila sobrang pleasing ng personality ko dahil lagi daw akong nakangiti sa tuwing kakausapin nila ako pero ewan naaaliw talaga ako kapag nagsasalita sila. Sawadee. Sawadee. Sawadee Ka po po!

At sa wakas ay dumating na rin ang araw kung saan mamakauwi na kami ng pinas. Napaaga ng isang araw ang pag-uwi namin dahil mabilis natapos ang mga scenes na dapat ay kukunan pa ng maraming beses. Magagaling kasi ang mga casts and crews ng movie kaya naman hindi na dumami pa ang mga takes sa mga mahihirap na scenes. Hindi ko nasabihan si Jethro na mapapaaga ang pag-uwi ko dahil maging ako ay hindi ko inaasahang mapapaaga ang pag-uwi namin ng pinas. Mabuti na lang at nakabili ako ng mga chocolates na ipapasulubong ko sa kaniya. Pagkagaling ko ng airport ay dumerecho kaagad ako sa mansion namin ni Jethro. Kiniclaim ko na, na amin dahil magiging mag-asawa naman na kami soon. Mas pinili kong umuwi muna para makapagpahinga dahil alam kong mapapalaban ako ng matindi mamaya kapag nalaman niyang nakabalik na ako ng pinas.

Mahigit isang linggo lang naman akong nawala sa mansion kaya wala akong inaasahang pagbabago dito. Lagi nasa ayos ang mga gamit at kahit alikabok ay walang kang makikita kahit sa bawat sulok ng mansion. Kaagad naman akong pinaghainan ni manang ng pagkain. Pagkatapos kong kumain ay kaagad akong tumawag kay Lance na kunin bukas ang pasalubong ko sa kanila ni Gunter. Ayokong papuntahin siya ngayon dahil baka masira niya lang ang moment namin ni Jethro. Pagkatapos kong kausapin si Lance ay kaagad akong nagtungo sa banyo para magshower bago magpahinga. Nang matapos akong makapagshower ay kaagad ko namang nilatag ang mga chocolates na pasalubong ko kay Jethro sa ibabaw ng kama. Humanap ako magandang pwesto at saka ako kumuha ng picture at sinend kay Jethro na may message na nandito na ang pasalubong niya. Kaagad ko namang pinatay ang phone ko dahil alam kong tatawagan niya ako na walang humpay kapag nabasa niya ang message ko. Medyo nahirapan akong makatulog dahil sa mga chocolates na nasa ibabaw ng kama ni Jethro hanggang sa dinalaw na rin ako ng antok.

Nagising ako sa malakas na pagtawag sa aking pangalan. Pagtingin ko sa orasan ay ala-sais na ng gabi. Kahit malayo pa sa kinaroroonan ko si Jethro ay rinig na rinig ko ang kaniyang pagtawag sa aking pangalan. Bigla na lang kumalabog ng malakas ang pinto dahil sa biglaang pagbukas ni Jethro. Hindi ko alam kong matutuwa ba ako o matatakot dahil sa inasal niya. Bakas sa kaniyang mukha ang pananabik nang makita ako. Tumatagktak ang pawis sa kaniyang sentido patungo sa kaniyang leeg. Halatang nagmamadali siyang umuwi para lang makita ako.

“Gaya ng promise ko sayo. Heto na ang pasalubong ko” sabay turo sa mga chocolates sa ibabaw ng kama na ang iba ay nadaganan ko pa ata habang natutulog ako. Hindi siya nagsalita kundi lumapit lang siya sa akin para halikan ako.

Kapwa kaming sabik sa isa’t isa. Hindi naging marahan ang pagtatagpo ng aming mga labi kundi naging marahas na tila ba pagkaing nakahain na natatakot maubusan. Habang kami ay naghahalikan ay kinakagat niya ang aking labi na senyales na gusto niyang pasukin ang aking bibig gamit ng kaniyang dila. Ako nama’y nagpaubaya sa kaniyang kagustuhan at hinayaan siyang galugarin ang kalooban ng aking bibig. Walang sawa sa pag-eespadahan ang aming mga dila. Hanggang sa bumaba ang kaniyang halik sa patungo sa aking leeg. Patuloy ang pagsipsip niya sa aking leeg na para bang gusto niyang mag-iwan ng isang malaking marka doon. Sobrang sarap ng pakiramdam ko kaya hindi ko mapigilan ang pag-ungol.

Isang malakas na paghila niya sa aking damit at nasira ang butones nito. Wala siyang inaaksayang oras sa mga sandaling yun at kaagad niyang sinunggaban ang mga utong ko na naninigas na sa sobrang libog na nararamdaman. Gamit ang kaniyang dila ay binabaliw niya ako sa pagkakasubsob niya sa aking kanang dibdib habang ang kaniyang kaliwang kamay ay patuloy sa paglapirot sa kaliwa kong utong. Ilang minuto rin ang tinagal niya sa pagkakasasa sa aking dibdib na nararamdaman ko na, na para bang namagaga na ito sa sobrang pagpapaligaya niya. Bumaba ang halik niya hanggang sa aking tiyan at alam ko na ang balak niyang gawin. Bago pa man siya magtagumpay sa kaniyang binabalak ay nagawa kong itulak siya pahiga sa kama.

Pumaibabaw ako kay Jethro at sinimulang halikan ang kaniyang mga labi. Habang naghahalikan kami ay napagtagumpayan niya pa ring hubarin ang aking pang-ibabang saplot. Nagawa niyang ikiskis ang akong pwet sa kaniyang naninigas na pagkakalaki. Ramdam na ramdam ko ang kaniyang pananabik kahit na may suot pa siyang pang ibaba. Sa sobrang gigil ko ay nagawa kong kagatin ang kaniyang leeg na para bang bampira. Pagkatapos kong kagat-kagatin ito ay dinidilaan ko ang marka ng aking ngipin sa kaniyang leeg. Nalalasahan ko ang alat ng kaniyang pawis na nagpasabik sa akin ng husto. Siya lang ata ang kilala kong lalaki na kahit pagpawisan ay hindi parin nangangamoy pawis. Siya na mismo ang naghubad ng kaniyang polo para mapagbiyan ako sa gusto kong gawin. At kagaya nga ng ginawa niya sa akin ay magkabilang utong niya rin ang sinipsip ko na walang sawa hanggang sa marinig ko ang mga unol niya.

“Ganyan nga hon. Ughh.. ang sarap non. Tangina!” sabi niya habang marahan nyang sinasabunutan ang aking buhok.

Bumaba ang aking paghalik sa kaniyang mga pandesal na abs. Bawat isa ng mga ito ay pinaulanan ko ng halik at marahan kong pinagkakagat. Hindi rin nakaligtas sa akin ang kaniyang karog na pinasadahan ko ng pagdila na nagpabaliw ng husto sa kaniya. Ako na mismo ang naghubad ng slacks na suot niya hanggang sa puting brief na lang niya ang natitira. Kitang kita kaagad ang kahabaan ng kaniyang pagkalalaki dahil sa paglagpas nito sa kaniyang brief. Marahan kong kinakagat kagat ang katawan nito kahit nasa loob pa lang ito ng kaniyang brief.

“Hon, isubo mo na hindi ko na kaya” pagsusumamo ni Jethro pero hindi ko pa rin ginawa ang kaniyang pakiusap at patuloy ko parin siyang binibitin sa pamamagitan ng pagbigay ng halik sa ulo ng kaniyang pagkalalaki.

“Damn it, please suck it up!” siya na mismo ang humawak sa aking ulo para ilapit sa pinakaulo ng kaniyang ari ang bibig ko. Tuluyan ko nang hinatak pababa ang kaniyang brief at saka sinubo ang kaniyang ari.

“Ahh ganyan nga!” malakas na ungol niya nang bigla kong dineep throat ang kaniyang ari. Hindi ko na kayang isagad ito ng sobra dahil masyado na itong malaki para sa akin. Binigay ko ang best performance ko sa pagboblow job para mapaligaya siya ng husto. Hanggang sa inaya na niya akong mag-69 kaming dalawa.

Habang abala ako sa pagsubo sa kaniyang ari ay sinamang paglamutak sa aking lagusan. Ginagamitan niya pa ng kaniyang daliri para ako’y labis na masiyahan. Gamit ang kaniyang daliri ay naabot niya ang G-spot ko na mas lalong nagpasarap sa pakiramdam ko.

“Dito ba?” tanong niya habang patuloy ang pag finger niya sa aking lagusan.

“Ugghhhh..Ahhh.. Oo sige pa hon” tugon at mas lalo niyang binilisan na para bang ikakabaliw ko sa sarap. Hanggang sa labasan ako nang hindi man lang ginagalaw ang aking ari. Ang lahat ng ito ay tumalsik sa kaniyang dibdib hanggang sa kaniyang tiyan.

“That’s cheating. Hindi mo man lang ako inantay na labasan?” pagkasabi niyang yun ay kaagad niyang pinunasan ang katas ko na nasa kaniyang dibdib at tiyan gamit ang kaniyang kamay. Inipon niya ito at kaagad pinahid sa kaniyang naninigas na pagkalalaki. Ang natira sa kaniyang kamay ay kaniyang tinikman.

“Tasty!” sabay kindat sa akin nang malasahan niya ang aking katas. Hindi na ako nag-antay pa ng kaniyang hudyat kaya ako na mismo ang umupo sa ibabaw niya. Nagulat ako nang mahirapan akong isagad ang kaniyang ari sa aking kalooban.

“Mukhang sumikip ka hon ahhh…mahigit isang linggo lang tayong hindi nagkasama ganito ka kaagad kasikip?” sabi niya sabay ulos na hindi ko inaasahan. Napaungol ako sa magkahalong sakit at sarap na nararamdaman. Feeling ko first time pa lang namin ang magtalik ngayon dahil sa sakit nararamdaman ko. Nang kumalma ako ay saka naman nasagad ng tuluyan sa kalooban ko ang kaniyang ari. Hindi ko alam kong sumikip ba ang akin o sadyang lumaki na ang sa kaniya.

Bawat pagbaba ko sa kaniya ay siya namang pagsalubong niya sa akin. Naabot namin ang langit sa bawat pag ulos ng kaniyang balakang para maisagad ang kaniyang ari sa akin. Inaalalayan ko ang aking sarili sa pamamagitan ng paghawak sa kaniyang dibdib habang ako ay mabilisan niyang pinapasok. Tumitirik na ang aking mata sa sobrang sarap ng ginagawa niya. Nabitin lang ako nang biglan niyang hugutin ito. Nagpalit kami ng pwesto at siya na mismo ang pumaibabaw sa akin. Nakasampa sa pagitan ng kaniyang leeg ang aking mga bente habang mabilisan niya akong binabayo. Bawat pagbaon niya ay pawang kaligayahahan ang dinudulot nito. Ang kaniyang pawis na tumutulo sa aking mukha ay lalong nagpapasiklab ng init sa aking katawan.

“Malapit na ako hon” sabi niya at nararamdaman ko na ang pang pagsikip lalo sa kalooban ko na nagiging hudyat na lalabasan na nga siya.

“Sige lang hon, iputok mo sa loob” pagkasabi ko nun ay bigla niya akong hinalikan habang mabilisan niya akong binabayo. Kumalas lang siya sa paghahalikan naming dalawa nang pumutok na sa kalooban ko ang kaniyang katas.

“Ugggh… hon. Sayong-sayo lang yan!” sabi niya habang patuloy ang pagputok ng malapot niyang katas sa loob ng aking lagusan.

Hindi natapos dun ang aming pagtatalik dahil natigil lang ito sa ikatlong round dahil parehas kaming pagod. Nang malaman niyang dalawang araw lang akong mag-iistay sa dito sa metro manila ay hindi na siya lumabas ng bahay kundi nag stay na lang siya na kasama ako. Mabuti na lang at sabado na nun at wala siyang pasok. Ayoko namang umabsent siya nang dahil lang sa akin. Ayokong napapabayaan niya ang kaniyang kompanya nang dahil sa akin. Sabi niya mag nenetflix and chill na lang kami bago ako magtungo sa Cebu pero ang nangyari ay Netflix and fuck. Kada kalagitnaan ng movie ay nauuwi kami sa pagtatalik.

Linggo ng gabi ang byahe ko papuntang Cebu. Gusto pa nga sanang sumama ni Jethro pero pinagbawalan ko siya dahil may pasok siya kinaumagahan. At saka mas gusto kong hindi kami magkasama kapag umaarte ako sa harap ng camera kasi mas nagiging natural ang acting ko kapag alam kong walang naghihigpit sa ikinikilos ko. Habang tumatagal ay dumarami na rin ang lines ko dahil ina update ito ng mga writers dahil sa kautusan ng mga producers. Nandito kami sa Cebu para i-shoot ang ilang scenes at ang pinaka importante ay ang break-up scene ni Andrei at Jules. Habang tumatagal ay mas nahahalata mo ang kakaibang samahan ni Jules at Andrei kahit sa off-screen. Hindi na lang ako nagbibigay ng komento para hindi sila magkailangan.

Bago kami bumalik ng manila ay kinausap ako ng writer namin kasama ang director namin. May malaking pagbabago daw sa role ko. Ang dating babaerong happy-go-lucky na anak ng isang business tycoon ay magiging bi-curious nang maranasan niyang makipaghalikan sa isang lalaki. Nagulat naman ako sa sinabi nila pero nagawa ko pa ring sumang-ayon dahil pinakiusapan ako ng aming director. May parte ng aking pagkatao ang nagsasabi na huwag pumayag sa gusto nilang mangyari pero sumang-ayon pa rin ako. Ang inisip ko na lang ay wala namang personalan ito at saka trabaho lang naman ang gagawin ko. Ang kailangan ko lang ay magpaliwanag ng maayos kay Jethro para hindi siya magalit sa akin.

Gabi na ng makabalik kami ng manila. Hindi ko naabutang gising si Jethro. Pagkatapos kong makapaglinis ay tumabi na lang ako sa kaniya sa kama at hindi na siya ginising pa. Alam ko kasing kapwa kaming pagod dahil sa trabaho namin kaya hindi na ako naglakas ng loob na gambalain pa ang pagtulog niya. Kinaumagahan ay nagising na lang ako na wala na siya sa tabi ko. Nag-iwan siya ng note sa ibabaw ng maliit na table na kailangan na daw niyang umalis at hindi na niya ako ginising dahil daw puyat ako. Nakakalungkot lang kasi hindi man lang kami nakakain ng almusal ng sabay. Mamayang gabi na ang kasunod na taping namin kasama ang magiging kapareha ko sa movie.

7pm ang call time ng taping pero 4pm pa lang ay nasa set na ako. Nasa isang kilalang restaurant sa Makati ang taping location namin. Hindi kasama sa scene na to si Andrei at Jules dahil sa aming dalawa lang talaga to ng makakapareha ka. Wala akong ideya kung sino siya dahil ngayon pa lang siya ipapakilala sa akin ni direk. Ang alam ko lang ay ang kaniyang pangalan na Renz Lee. Ilang beses kong hinanap sa google ang pangalang yun pero walang tumutugma sa pagkakadescribe sa akin ni direk.

Nang sumapit ang 6pm ay may lalaking nakasuot ng shades na papalapit sa kinaroroonan ko. Ang ganda ng tindig nito at ang lakas ng dating kahit nasa malayuan pa lang. Kahit ang mga staffs at extrang babae ay hindi napigilang kiligin nang makita nila ang lalaking ito. Habang papalapit siya mas lalong nagiging pamilyar sa akin ang mukha ng lalaking ito. Bigla na lang siyang umakap kay direk at nakipagbatian na para bang matagal nang magkakilala.

“Akala ko hindi kana sisipot” sabi ni direk sabay tawa ng malakas.

“Syempre hindi ko palalagpasin ang pagkakataong ito” sabay tingin niya sa akin at tumingin din sa akin si direk.

“Oo nga pala Eisen, siya ang makakapareha mo. Meet Terence Tan or should I say Renz Lee” pagkasabi ni direk ay bigla niyang tinanggala ang suot niyang shades at saka ngumiti sa akin.

“Nice meeting you Eisen” sabi niya habang nakangiti sa akin. Ang kaniyang mga mata ay halos di na makita sa sobrang paniningkit nito habang nakangiti ng husto sa akin.

“Te-Terence?” Hindi ko mapigilang mapabulyaw ng malakas dahil hindi pa rin nagsisink-in sa akin ang mga nangyayari.

“Yep, direk. Mahabang kwento kaya mas mabuti pang magsimula na tayo para hindi masayang ang oras natin dito” sabi ni Terence kay direk.

“You have a point. We’ll start in 20 minutes kaya ipatapos mo na ang make-up mo para makapagsimula na tayo” pagsang-ayon kaagad ni direk. Unang pagkakataon ko pa lang nakita na ganito si direk na para bang mas mataas pa ang katungkulan ni Terence kaysa sa kanya. Alam kong close sila ni Jules pero hindi ganito ang naging turing sa kaniya ni Jules. At ang nakakapagtaka pa ay bakit siya pumasok sa mundo ng showbiz samantalang isa siyang dating vice president ng kompanya. Kahit hindi na siya magtrabaho ng ilang taon ay mamumuhay pa rin siya ng marangya.

Maraming katanungan ang tumatakbo sa aking isipan ngayon pero wala akong panahon para mag-isip ng sobra dahil may trabaho akong dapat gampanan ngayon. Yari na naman ako kay Jethro nito. Isa sa mga dahilan ko na makasama si Jethro sa almusal ay ang magpaalam sa kaniya dahil ayun sa script ay magkakaroon kami ng kissing scene ng makakapareha ko na hindi ko inaasahang si Terence pala. Malalagot ako ng sobra nito. Pero ngayon ay kailangan ko munang panindigan ang gulong pinasok ko.

Nagsimula ang scene namin sa restaurant kung saan may kasama akong babae na dinidate pero nalaman niya niloloko ko lang siya ay kaagad niya akong iniwan pagkatapos niya akong buhusan ng wine sa mukha. Habang nasa loob ako ng cr ay papasok naman ang character ni Terence para maghiganti sa akin. Ayun sa kwento ay kapatid siya ng isa sa mga babaeng niloko ko. Bilang ganti ay palalabasin nilang bakla ako gamit ang scandal na pinaplano nila laban sa character ko. Syempre straight kuno ang character ko dito kaya palalabasin nilang bakla at ipapahiya sa publiko sa tulong ng kuya niya. May nakaset-up nan a hidden camera sa cr bago pumasok ang character niya. Habang naghuhugas ako ng kamay ay biglang lumapit ang character niya sa akin.

“What are you looking at?” sabi ko habang naghuhugas ng kamay at pinupunasan ang sarili.

“Mayabang ka pa rin!” sagot niya at ayun sa script ay bigla na lang niya akong itutulak sa pader at saka pipiliting makipaghalikan.

Sa unang beses na pagkakadampi ng aming mga labi ay nakaramdam kaagad ako ng pagkailang at halata yun sa pagkakaarte ko. kaya naman pinaulit sa amin ang eksena. Nakuha ko naman ang gustong ipagawa sa akin ni direk pero si Terence naman ang nagkamali. Naulit nang naulit ang aming halikan hanggang sa labing tatlong beses dahil sa ibat ibang anggulong kuha. Sumakit ang likod ko dun dahil sa paulit ulit na pagtulak niya sa akin sa pader. Bago magpack-up ay nagawa naming makapag-usap ni Terence ng masinsinan sa isang tahimik na tent na nilaan para sa amin sa labas ng resto.

“Bakit ka umalis sa kompanya ni Jethro at naisipan mong pasukin ang mundong ito?” saka ko lang naalala na dahil sa kaniya ay nahihirapan ngayong bawiin ni Jethro ang kaniyang kompanya dahil sa pagbenta niya ng kaniyang shares kay Celestine.

“Nagsawa na ako sa ganong trabaho. Gusto ko namang maiba. Yung may thrill at saka ginawa ko to para lang sayo” sagot niya habang nakangiti sa akin na siyang ikanagulat ko naman.

“Ano bang ibig mong sabihin?” Nalilito. Nalilito. Nahihilo. Nahihilo. Coke ko to? Joke ba to? Ano bang pinasasabi ng siraulong to?

“Nalaman ko kasing pinasok mo na ang showbiz. Una kong napansin yun nang makita ko ang billboard mo sa cubao. Hindi naging madali ang pinagdaanan ko para makasama ka sa movie na to pero ginawa ko lahat ng makakakaya ko para makasama kita. Dahil sa paraang ito ay mas makakasama kita at sana hindi pa huli ang lahat para maangkin kita mula kay Jethro” sa pagkasabi niyang yun ay halos malaglag ang panga ko sa mga pinagsasabi niya kaya hindi ako nakasagot.

“Sa totoo niyan ay matagal ko nang karibal si Jethro sa lahat ng bagay. Simula grade school kami hanggang sa college ay lagi siyang nakakalamang sa akin. Masaya na ako noong naging abogado siya at ako naman ay naging businessman dahil alam kong hindi namin mapapantayan ang isa’t isa. Pero makalipas ang ilang taon ay nalaman kong nasa business industry na rin siya at mas malakas ang kinikita niya kaysa sa business ko. Pumasok ako kompanya niya bilang business partner niya hanggang sa maging vice president ako ng kompanya niya. Kahit anong gawin ko ay lagi lang akong second best pagdating sa kaniya. At bigla na lang dumating ka” tumigil siya at sabay tumingin sa akin ng seryoso. So matagal na pala siyang may masamang pinaplano kay Jethro.

“So gagamitin mo ako bilang ganti kay Jethro?” tanong ko at bigla siyang tumango.

“Noong una ay yun ang balak ko. Kaya naman pag may pagkakataon ay inaakit kita pero baliktad ang nangyari dahil ako ang naakit mo. Umalis ako sa kompanya para kalimutan ka dahil alam kong mahal na mahal mo si Jethro pero hanggang ngayon ay hindi ko mapigilan ang damdamin ko para sayo” bigla niyang hinawakan ang kamay ko at bigla naman akong nakaramdam ng kaba sap ag-amin niya.

“Sa totoo lang ay hindi ko nakikita ang sarili ko na makakasama ang ibang tao sa buhay ko maliban kay Jethro. At tanging pagkakaibigan lang ang maibibigay ko sayo. Mahal ko si Jethro at sana maunawaan mo yun” sabi ko at hinatak ko ang aking kamay para kulamas sa kaniya pero mas humigpit ang hawak niya.

“Alam kong may pag-asa pa ako. Dahil ramdam na ramdam kong may kakaiba sa paghalik mo sa akin kanina” pagkasabi niyang yun ay muli kong hinila ang aking kamay at nagtagumpay akong makakalas sa pagkakahawak niya.

“Ginagawa ko lang ang trabaho ko Terence!” napatayo ako sa kinauupuan ko dahil sa inis na nararamdaman ko.

“Kung trabaho nga lang yun patunayan mo nga ulit sa akin?” sabi niya at tumayo siya sa harapan ko.

“Wala akong dapat patunayan sayo!” naglakad at aakmang palabas ng tent nang bigla niya akong hinalikan.

Sa gulat ko ay natulak ko siyang nang malakas. Tatakbo na sana ako palabas nang paglingon ko sa aking likuran ay nandun nakatayo si Andrei.

“I’m sorry!” ang tanging nasambit ni Andrei at saka siya kumaripas ng takbo papalabas.

“WAIT!” ang sabi ko pero huli na ang lahat at mukhang mali ang pagkakaintindi niya sa kaniyang nasaksihan.

PATAY KANG BAKLA KA!

Itutuloy……………………………………………

A/N: It’s good to be back. Sorry sobrang bagal ko na mag update. I’m not sure kung nagsa suffer na ako sa Hypersomnia dahil antakaw ko na sa tulog sa tuwing restday ko kaya wala akong matapos na chapter. After ko manood ng Aladdin na inspired ako magsulat. Ang ganda ng movie nakakainlove you should watch it guys! I’ll try my best to update TCOFK this week so stay tune.

Don’t forget to VOTE. Thank

y’all !

Chapter 19: I wish for you

Bas as

Eisen

Eisen’s POV

Buong maghapon akong iniiwasan ni Andrei. Sa tuwing kakausapin ko siya tungkol sa na saksihan niya sa aming dalawa ni Terence ay kaagad siyang nakakagawa ng dahilan para makaiwas. Ilang eksena rin ang kinuhaan namin ni dito sa isang bar sa Makati kung saan ang mga scenes ay tungkol sa pag-iinom niya para makalimot sa break-up nila ni Jules sa story. Grabe ang pagsusumamo ko na sana’y wala siyang nasabi kay Jules tungkol sa nakita niya kundi isang malaking gulo ang mangyayari pagnalaman ito ni Jethro. Nag-antay kami ng halos kalahating oras para magsimula ang susunod na scene sa loob ng kotse at nagtapos ito ng 20 minutes para sa iba’t ibang anggulo ng camera. Mabilis lumabas si Andrei sa kotse nang magsabi ng ‘CUT’ ang director.

“Mag-usap tayo Andrei!” sabi ko habang hinahabol ang paglakad niya patungo sa aming tent.

“Wala tayong dapat pag-usapan Eisen” malamyang sagot niya at patuloy na pumasok sa air-conditioned na tent at ako nama’y sumunod sa loob.

“Alam kong nakita mo yung ginawa ni Terence sa akin sa loob ng tent at gusto kong malaman mo na mali ang inii..” hindi pa ako tapos magsalita nang sumabat siya.

“You know what? I don’t give a fuck kung ano man ang meron kayo nong Terence na yun. And I don’t care if you’re into him or not. Wala akong pakialam sa inyo, sayo, dahil andito lang ako para magtrabaho” sabat niya na may halong panginginig ang boses na hindi ko malaman kung takot o galit.

“Wait nga lang… matanong lang kita, ano bang nagawa ko sayo at bakit ganito mo ako tratuhin?” hindi ko napigilang magtaas ng tono.

“Excuse me?” sabi niya na tila walang kaalam-alam sa sinasabi ko.

“Lagi kang iritable kapag kausap ako, hindi maayos ang pakikitungo mo sa akin at lagi-lagi mo akong sinusungitan” mabilis kung tugon.

“Because you deserve that!” mariin niyang sagot na ikinagulat ko.

“Bakit ano bang nagawa ko sayo?” tanong ko at napailing siya habang ngumingiti ng sarkastiko.

“Hindi mo talaga alam?” tanong niya habang tumatawa pa rin ng pilit.

“Itatanong ko ba kung alam ko?” inis kong sabi at bigla niya akong hinawakan sa magkabilang braso habang bahagya niyang nilapit ang kaniyang mukha sa akin.

“Dahil sayo nasira ang kung ano man ang meron sa amin ni Jules. Sinira mong lahat yun Eisen!” sabi niya habang ang kaniyang mga kuko ay unti-unting bumabaon sa aking balat dahil sa panggigil niya.

“Wala akong sinira sa inyo ni Jules dahil walang kayo ni Jules nang dumating ako sa buhay nya at kung meron mang tao sa buhay niya noon ay yun ay si Andrea at hindi ikaw!” galit kong tugon habang hinahawi ang mga kamay niya sa aking balikat.

“Wala akong pakialam kung ano man ang meron sila ni Andrea because I knew from the beginning that he’s just using Andrea and the other girls para mapagtakpan ang pagkatao niya. He told me that he loved me and I knew that it was real and you came in to his life and you ruin everything!” sabi niya nang halos pasigaw na may halong pamamaos sa kaniyang boses.

“Wait lang ahhh… hindi mo ako pwedeng sisihin kung ano man ang hindi natupad sa inyo ni Jules dahil si Andrea lang ang alam kong nakarelasyon niya at naging kami lang ni Jules nang maghiwalay sila ni Andrea. Wala siyang sinabi tungkol sa inyo at wala akong alam kung ano mang relasyon ang meron kayo dati dahil kayo lang ang nakakaalam non!” sambit ko sa pinakakalmado kong tono kahit na naiinis na ako.

“Dahil wala kang alam at wala kang pakialam! Noong panahon na tumayo ako sa harapan nyong dalawa at may inaabot akong regalo kay Jules. Hindi ako nagko-confess sa kaniya dahil matagal na niyang alam ang nararamdaman ko sa kaniya. Ginawa ko ang kahihiyan na yun para malaman mo na nag-eexist ako bago ka nakikisawsaw sa buhay niya!” punong puno ng galit ang bawat salitang binibitawan niya at halos hindi ko alam kung papano dedepensahan ang sarili ko dahil alam ko sa sarili ko na may pagkukulang din ako sa mga nangyari dahil hindi ko inalam ang lahat.

“Don’t worry wala akong pagsasabihan sa mga nakita ko. Alam mo rin naman ang sekreto ko. So if you’ll excuse me.” Sabi niya at bigla na lang naglakad papalabas ng tent. Bakas sa mga mata niya ang pagpigil niya ng pag-iyak. Hindi ko alam na ganun kalaki ang galit niya sa akin. Wala akong kaalam alam sa kung ano man ang naging nakaraan nila ni Jules. Hindi ko mapigilan na sisihin ang aking sarili sa mga nangyari dahil tama siya. Wala akong alam at wala akong naging pakialam. Naging makasarili ako at mas pinili kong maging masaya at hindi ko man lang alam na may natatapakan na pala akong iba.

Pinunasan ko ang mga luha sa aking mga mata bago ko nilisan ang tent. Nilabas ang pinakapekeng ngiti na kaya kong ilabas para batiin ang cast and crews na sa ngayo’y nagliligpit ng mga gamit. Kaunting kwentuhan kay direk tungkol sa mga susunod na taping at ako’y bumalik sa aking sasakyan. Pagkapasok ko sa loob ng kotse ay bumuhos na lang bigla ang mga luha na kanina ko pa pinipigilang umagos. Ilang beses akong kinausap ng aking driver kung ano ba ang problema ko pero hindi ko magawang masagot ang kaniyang mga tanong dahil mas nag-uumapaw ang sama ng loob na nararamdaman ko.

Makalipas ang ilang sandali ng aking pag-iiyak, sinabihan ko na rin ang aking driver na umuwi na sa aming bahay. Si Raul, siya ang bagong driver na kinuha para sakin ni Jethro kapag kailangan kong magshoot sa loob ng metro manila o kung saan mang lugar na maabot ng kotse. Kahit ganyan ang pangalan niyan ay matino yang si Raul. Brusko at moreno na may katangkaran. May mapupungay na mata at magandang tindig. Alam ko kung ano ang iniisip nyo, hindi ko siya bet dahil may mahal na ako. Pero yung make-up artist namin na beki at yung ibang kababaihan sa set ay patay na patay sa kaniya. Pero balik tayo sa pag-eemote ko. Dali-dali kong kinuha ang pouch kung saan nakalagay ang concealer at nagpahid sa aking eye bags. Kailangan kong matakpan ito kahit konti. Ayokong mag-alala sa akin si Jethro dahil alam kong marami siyang inaalala ngayon at ayokong dumagdag sa mga aalalahanin pa niya.

Pasado ala-una na ng madaling araw nang makarating ako sa bahay. Pagsilip ko sa kwarto ay natanaw ko kaagad ang kagwapuhan ng aking pinakamamahal na tao na natutulog. Sobrang himbing ng tulog niya at hindi siya nagising nang mapalakas ang pagsara ko ng pinto. Nilapag ko sa sahig mesa ang dala kong bag at saka ako nagtungo sa walk-in closet naming dalawa. Kumuha ako ng damit na gagamitin kong pamalit pagkatapos kong maligo. Laking gulat ko nang makita ko si Jethro sa pinto ng shower at walang saplot.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko habang siya ay sinisenyasan akong pumasok ng shower room. Pinatong ko sa maliit na table ang aking pamalit na damit at towel bago lumapit kay Jethro. Tiningnan ko siya sa mata na tila nagtatanong sa kaniyang pinaggagawa.

“Bahay ko rin naman po ito kaya ako nandito” sagot niya habang nakangiti sa akin. Bakas sa mukha niya ang pagod at puyat pero nagagawa niya pa ring ngumiti para sa akin.

“Seriously Jethro? May pasok ka pa kaya bukas” sagot at dahan-dahan niya akong hinatak papalapit sa kaniya para yakapin. Nang maghiwalay ang aming mga katawan ay kaagad niyang hinalikan ang ilong ko.

“Seryoso nga bat ka pa gising ngayon?” tanong ko sa kaniya habang pinipisil-pisil niya ang aking mukha.

“Bakit ayaw mo ba akong makasama?” sabi niya na may halong pagtatampo.

“Hindi naman sa ganun. Ayokong lang na pinapagod ang sarili mo para lang makasama ako at saka may importante kang role sa kompanya mo kaya dapat nagpapahinga ka ngayon!” tugon ko habang kinakapa ng aking mga kamay ang kaniyang pisnge na parang pumapayat. Akala niya siguro ay gusto ko siyang halikan kaya bigla na lang niyang pinagdikit ang aming mga labi.

“Hmmm… Jethro.. kailangan na natin magshower para makapagpahinga kana” sabi ko nang kumalas ang aming labi.

“Bakit ba nagmamadali kang magpahinga ako ha? May ibang lalaki ka na no? Hindi mo na ako mahal no? Sino ba yan at uupukan ko ngayon din?” bigla niyang sabi at aakmang lalabas ng shower room pero pinigilan ko siya.

“Siraulo ka talaga. Syempre wa….” Natigilan ako nang maalala ko yung ginawang paghalik sa akin ni Terence kanina.

“Syempre ano?” tanong niya habang nakakunot ang noo.

“Syempre wala… Ikaw lang naman ang nag-iisang Jethro na gwapo at pinakamamahal ko sa lahat” sabi ko sabay sandal ng aking ulo sa kaniyang dibdib.

“At magaling sa sex” dugtong niya sabay hila niya pababa sa aking shorts at bigla na lang niya akong siniil ng halik. Bago pa man kami mauwi sa matinding bakbakan ay nagawa ko siyang pigilan sa gusto niyang mangyari.

“Jethro.. BTS 02/19/17” sabi ko at bigla siyang napaisip kong ano ang ibig kong sabihin.

“Ano nga ba ulit yun?” tanong niya at tinitigan ko siyang ng masama at ayun bigla niyang naalala.

“Ohhh Not today, okay” sabi niya at humirit ng halik sa aking noo.

“I know you’re tired so let’s just take a bath in the tub” sabi niya sabay kindat sa akin. Nauna siyang lumusong sa bath tub na mukhang kanina pa nakahanda dahil scented na ito at bumubula. Inalalayan niya akong makapasok sa bath tub at nasandal sa dibdib niya. Ilang minuto akong nagpakasasa sa sarap ng nadarama ko dahil sobrang nakakarelax ang pagbabad matapos ang nakakapagod na taping. Habang ako ay ninanamnam ang bawat sandali sa loob ng tub na ito ay siya namang paghagod ng mga kamay ni Jethro sa aking katawan na para bang bata na pinaliliguan niya. Bawat haplos ng kaniyang kamay sa aking katawan ay nagpapakalma sa akin. Para bang may kakaiba sa mga haplos niya na pumapawi sa pagod na aking nararamdaman. Sinandal ko ng patagilid ang aking mukha sa kaniyang kaliwang dibdib habang ang aking kaliwang kamay ay nakapatong sa kanang dibdib niya. Ramdam ko ang mahina niyang paghinga sa ibabaw ng aking ulo. Sa ganitong bagay lang ay nakokontento na ako at sana lagi na lang kaming ganito. Walang iniitinding iba kundi may oras na kami lang. Isang halik ang naramdaman ko sa aking ulo na nagpapikit nang tuluyan sa akin.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako at nagising na lang ako sa ibabaw ng kama namin ni Jethro. Ang sarap talagang magising na unang matatanaw mo sa umaga ay ang taong pinakamamahal mo. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t isa na tila nagpapalitan kami ng hininga. Hindi ko napigilan ang aking sarili na haplusin ang kaniyang mukha habang natutulog. Hindi ko mapigilang ngumiti habang pinagmamasdan ko siya habang natutulog. Nagulat na lang ako nang bigla niyang hawakan ang aking kamay na nakahawak sa kaniyang pisngi. Hinalikan niya ang aking kamay at saka ngumiti. Halos matunaw ang aking puso habang pinagmamasdan ang kaniyang ngiti habang nakatingin siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa ko at nabiyayaan ako ng isang Jethro Wells sa aking buhay. Nilapit niya ng husto ang aming mga mukha upang mahalikan niya ako pero mabilis kong natakpan ang aking bibig.

“What’s wrong?” tanong niya at napailing ako.

“Hindi pa ako nagtotooth brush at kagigising ko lang” pagdadahilan ko pero nagawa niya parin akong halikan kahit na pinagbawalan ko siya. Hindi ko nga matandaan kong nakapagtooth brush ba ako dahil ang tangi kong naalala ay nakatulog ako sa bath tub habang kasama ko siya. Kung sa bagay kakagising lang din naman niya kaya talo-talo na. Habang kami ay nasa mainit na paghahalikan ay bigla ko na lang siyang natulak nang makita ko kung anong oras na.

“Again?” bigla niyang sabi nang magkalas ang aming mga labi.

“10 am na late kana sa work mo!!!” sabi ko at para bang sa aming dalawa ay ako lang ang natataranta dahil kalmado pa rin siya.

“Relax hon. 4th year anniversary ng company ngayon kaya naka-off lahat ng mga empleyado at kasama ako dun!” sabi niya at sabay binawi ang paghalik sa akin. Akala ko nga ay aabot na naman sa matinding bakbakan ang umaga namin nang biglang kumalam ang sikmura ko.

“Ohh my wife is hungry… Now serving hot sausage and eggs” sabi niya habang kinikiskis niya ang kaniyang harapan sa akin na nagpahina lalo sa aking mga tuhod.

“Pwede ba yung edible?” tanong ko at napailing siya. Alam kong #sexislife kami ni Jethro pero #Foodislifer ako kapag gutom na gutom na ako. Kaya kong tiisin ang anumang kalandian sa aking katawan matugunan lang ang totoong pangangailangan nito.

“Fine” dismayado niyang sagot. Naupo siya sa gilid ng kama habang nagsusuot ng shorts. Bago pa man siya makaalis ay nagawa kong sumampa sa likod niya.

Nagpalakad-lakad siya sa bahay habang ako ay parang tarsier na nakakapit sa kaniyang likod. Kinakausap ko siya habang naglalakad siya pero hindi niya ako pinapansin. Nagawa niyang sumilip sa balcony pero hindi rin kami nagtagal dun dahil medyo mainit na ang sinag ng araw. Pababa na kami ng hagdan pero hindi niya parin ako pinapansin kaya naman sa inis ko ay kinagat ko ang kaniyang tenga. Noong una ay hindi siya nagreact pero nang diinan ko ay napahiyaw siya sa sakit.

“Arrggh..Hon, okay na okay na. Please bitiwan mo na ang tenga ko!” pagmamakaawa niya pero hindi ko binitiwan ang tenga niya ngunit yung pagkagat ko ay hindi na ganun ka diin. Hanggang sa makarating kami sa kitchen at muli siyang nakiusap na bitiwan ko ang kaniyang tenga at kaagad ko namang ginawa dahil namumula na ito.

“Okay stay here. Daddy is going to cook your favorite breakfast. Sausage and eggs” sabi niya at kumindat siya sa akin. Bigla ko tuloy naalala yung mga panahong kasama ko sila sa mansion at kung paano ko siya asarin sa pagtawag ko sa kaniya ng Daddy.

“Yes Dad, please hurry up!” sabi ko sa malisyosong tono na hindi ko dapat ginawa. Nakita ko na lang na napailing siya habang kagat-kagat niya ang kaniyang labi.

Nanatili akong nakaupo sa upuan habang pinagmamasdan si Jethro na naghahanda ng pagkain para sa akin. Habang pinagmamasdan ko siya ay napaisip ako na pang Daddy material na talaga ang dating niya. Ang sarap titigan ng kaniyang topless na katawan habang nagluluto ng breakfast. Hindi ko mapigilang maimagine na ginagawa niya to para sa mga magigin anak namin kapag tuluyan na kaming bumuo ng isang pamilya na aming pinapangarap. Hindi ko namalayan kung gaano katagal na akong nangangarap ng gising at nakatulala sa hangin. Nagsusumidhing damdamin, kahit halik lang ang akin. Nang biglang maglapag ng plato si Jethro sa harap ko.

“Now serving, Cooked Sausage and eggs.. yung edible na to!” natatawa niyang sabi at nang makita ko ang ayos ng itlog at sausage ay di ko rin mapigilang matawa. Nilagay niya ang sausage sa gitna at ang mga itlog naman ay nasa ilalim na alam nyo na kung ano ang kamukha.

Masaya kaming kumain dalawa na para bang hawak namin ang oras ng mundo na walang inaalala. Kaya pala ang tahimik ng aming paligid ay dahil sa naka day-off ang mga tauhan sa loob ng bahay. Sinadya niya ito dahil alam niyang wala rin akong trabaho ngayong araw at siya naman ay naka-off rin kaya sa aming dalawa lang ang buong bahay. Habang naghaharutan ay napagpasiyahan naming gumawa ng challenge sa aming dalawa. Aakitin namin ang bawat isa sa loob ng buong araw at kung sino man ang matalo ay gagawin ang ano mang hilingin ng mananalo. Nagsimula ang harutan namin sa living room kung saan inaakit niya ako gamit ang mga abs niya na nangingitab sa dahil nagagawa niyang mag sit-ups habang nanonood kami ng episode ng Lucifer sa Netflix. Kahit anong tingin ko sa screen ay naaagaw pa rin ng abs niya ang atensyon ko. Mabuti na lang at sobrang nakakatawa ng palabas na to kaya kahit papano ay nagawa kong labanan ang panunukso niya sa akin.

Sumunod ay siya naman ang namili ng panonoorin namin. Pinili niyang manood ng The Mist series sa Netflix. Noong kabataan kasi ni Jethro ay nakahiligan niyang magbasa ng mga libro na sinulat ni Stephen King. Hindi ako masyadong makarelate sa pinapanood niya kaya naman nakaramdam ako ng pagkabagot at antok. Pero hindi ako nagpatalo sa ginawa niya kanina kaya naman bilang ganti ay nahiga ako sa lap niya at sinadya ko talagang itapat ang pisngi ko sa bandang hinarap niya. Ilang beses kong pinilit na ipatama ito sa hinaharap niya hanggang sa maramdaman kong itong magalit. Nagawa kong mapagalit ito pero nanatili pa rin si Jethro sa ginagawa niyang panonood sa tv.

Sumapit ang hapon pero wala pa ring nananalo sa amin. Nagawa naming tumambay sa garden habang nakahiga sa duyan . Nagkwentuhan ng kung ano anong bagay. Nagplano ng mga bagay na wala pang kasiguraduhan pero kahit ganun pa man ay masaya ako kung ano ang meron kami ngayon ni Jethro. Ang mahalaga ay magkasama kaming dalawa at nagmamahalan. Habang magkayakap kami ay bigla na naman niyang natanong kung ano ang plano namin sa pagbuo ng pamilya.

“Siguro okay na sa akin ang dalawa anak” sagot ko nang tanungin niya ako kung ilang anak ang gusto raw naming magkaroon.

“Bakit dalawa lang?” tanong niya habang hinahaplos ang aking mukha.

“Yun kasi ang ideal kong pamilya kasama ka. Magpalaki ng dalawang anak kung saan mapagtutuunan natin sila ng pansin” tugon ko habang nakangiti at iniisip na sana magkatotoo yun.

“Isang babae at isang lalaki?” dugtong niya at tanging pagtango lang ang nagawa ko para sagutin yun.

“Anong gusto mong ipangalan sa magiging panganay natin?” hindi ko inaasahang itatanong niya pa yun.

“Gusto ko Johan ang ipangalan sa kaniya” masaya kong tugon.

“At papano mo naman nasabi na lalaki ang magiging panganay natin?” tanong niya pang muli habang hawak ang aking baba upang maiangat ang aking mukha para harapin ang tingin niya.

“Basta alam kong lalaki siya” natatawang kong sagot at hinalikan niya ako.

Sumapit ang gabi pero wala pa ring nananalo sa aming dalawa. 24 hours ang challenge naming dalawa kaya alam kong makakabawi ako sa pagtulog naming dalawa. Alam kong hindi niya ako matitiis sa loob ng isang araw. Kaya naman nang kami ay matutulog na ay panay ang kiskis ko ng aking pwet sa kaniyang hinaharap. Ang kasalukuyang pwesto namin ngayon sa kama ay nakatalikod ako sa kaniya habang siya ay nakaakad sa akin. Alam kong hindi siya makakatiis sa akin kaya hindi rin nagtagal nang maramdaman ko ang pagtigas ng kaniyang hinaharap sa aking likuran. Nilapit niya ang kaniyang bibig sa aking batok at ramdam na ramdam ko ang mainit niyang paghinga sa bawat pagkiskis ko sa kaniyang hinaharap. Ang buong akala ay nagawa ko nang manalo sa kaniya pero nagkamali ako nang marinig ko ang kaniyang paghilik. Tinulugan ako ng siraulo.

Matutulog na sana ako nang makita ko ang ayos ni Jethro. Nakapatong ang kaniyang ulo sa isang niyang kamay na nagpapakita sa kaniyang kili-kili. Ang isang kamay naman niya ay nasa loob ng kaniyang boxer shorts. Hindi ko mapigilang mapalunok laway sa tanawing nakikita ko. Inabot ko ang switch ng lamp shade para patayin ito at para makatulog na. Nang mapatay ko ang ilaw ay buong akala ko ay makakatulog na ako pero hindi mawala sa isip ko ang ganung pwesto ni Jethro na tila ba sa unang pagkakataon ko pa lang nasaksihan. Hindi ko aakalaing ako mismo ang matatalo sa challenge namin nang ako mismo ang naging agresibo dahil ako mismo ang humalik kay Jethro habang siya natutulog.

“Wait, we can’t do this!” sabi niya nang magising siya sa paghalik ko sa kaniya.

“At bakit hindi?” sabi ko habang nakapatong ako sa ibabaw nya.

“Dahil may challenge tayo di ba? Unless tinatanggap mo na ang pagkatalo mo?” sabi niya tila nang-aasar.

“Syempre hindi” sagot ko at aakmang hahalikan siyang muli pero iniwas niya ang kaniyang mukha.

“Fine” inis kong sabi at siya naman ay ngumiti nang nakakaloko. Sa pagkakataong ito ay naging matagumpay ang paghalik ko sa kaniya hanggang sa makuha ko ang gusto ko.

Nang matapos ang matindi naming pagtatalik ay bigla na lang pinaalala sa akin ni Jethro ang tungkol sa challenge. Pinaalala niya ang tungkol sa kahilingan na dapat tuparin ng mananalo. Alam ko namang tungkol sa kabastusan ang magiging hiling niya kaya panatag akong hindi ako mahihirapang tuparin ang magiging hiling niya. Ngunit nagulat na lang ako nang sabihin niya na.

“Ang wish ko ay sana huminto kana sa pag-aartista at maging asawa ko na magiging katuwang ko sa pagbuo ng pamilya na panagarap natin” sabi niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kaniya dahil hindi ganun kadali ang hinihiling niya. Ramdam ko na seryoso siya sa kahilingan niya kaya nag-isip ako nang mabuti bago sumagot.

“Alam mo namang mahal ko na tong ginawa ko. At sana maintindihan mo na hindi ganun kadali ang hiling na hinihingi mo sa akin kaya hindi ko alam kung papano kita sasagutin” tugon ko at bakas sa mukha niya ang panlulumo.

“Sana pag-isipan mong mabuti dahil plano kong umalis na ng kompanya at ibenta ang natitira kong shares. Gusto kong gumawa ng bagong negosyo na tayong dalawa ang magsisimula habang binubuo natin ang pamiyang pinapangarap natin. Hindi na natin kakailanganing magtiis na mawalay pa sa isa’t isa dahil lagi na tayong magkakasama. Nahihirapan na din kasi ako sa tuwing mawawalay ka sa akin. Lagi akong natatakot na baka isang araw ay gawin mong muli ang ginawa mong pag-alis sa gaya ng ginawa mo sa mansion. Hindi ko kayang mawala ka sa akin” sinabi niya ang lahat ng yun habang hawak-hawak ang aking pisngi. Ramdam ko ang panginginig sa kaniyang kamay at ang kaniyang mga mata ay tila pinipigilan niyang wag maluha.

“Okay, papayag na ako” sagot ko at biglang nagliwanag ang kaniyang mukha.

“Talaga?” masaya niyang tanong.

“Pero kailangan ko munang tapusin ang movie na ginagawa namin at ilang projects na nakapirma na ako. Pagnatapos yun ay ititigil ko na ang career ko” mabigat man sa aking damdamin na sabihin ang mga salitang yun pero mas importante sa akin ang makasama si Jethro dahil kaya kong talikuran ang lahat para sa kaniya. Sa sobrang saya niya ay nagawa niya akong halikan.

“I love you Eisen” sabi niya habang pumapatak ang luha sa kaniyang mga mata. Agad ko itong pinunsan gamit ang aking kamay.

“I love you too Jethro” ang naging tugon ko at kaagad siyang niyakap. Alam kong mahirap para sa kaniya naiwanan ang kompanya na pinaghirapan niyang itayo pero gagawin niya alang-alang sa relasyon naming dalawa. Wala rin naman akong hinihiling na iba kundi ang makasama siya hanggang sa pagtanda naming dalawa.

Kinabukasan ay naging kapwa kaming abala ni Jethro dahil sa may kaniya-kaniya kaming event na pupuntahan mamayang gabi. Naimbitahan kaming dalawa ni Terence sa isang event kung saan naroon ang producer ng movie namin nila Jules. Hindi magandang tanggihan ang imbetasyon ng aming producer dahil malaki ang katungkulan niya para mabuo namin ang pelikula. Kahit anong pagpupumilit ni Jethro na samahan ko siya sa 4th anniversary ng kanilang kompanya ay hindi ko magawa dahil may commitment na ako sa aming producer. Gustuhin ko mang sumunod sa event nila Jethro ay hindi ko gagawin dahil alam kong nandun si Celestine kaya hindi na lang talaga ako susunod.

Hindi malinaw sa akin kung saan ang venue ng event dahil sagot ng producer ang limo na sasakyan namin ni Terence papunta sa event. Hindi ko nga alam kung bakit kaming dalawa ang napili ng producer namin sa event na to. Dapat si Jules at Andrei ang nandito dahil sila ang bida sa movie at hindi kami. Hindi ko masyadong pinagkakausap si Terence habang nasa loob kami ng sasakyan. Hindi ko pa rin nakakalimutan yung ginawa niya sa akin. Makalipas ang kalahating oras ay narating din namin ang venue ng event at laking gulat ko nang makita ko ito. Ito ang venue ng celebration ng 4th anniversary ng Forever and Always Co. Tinanong ko pa si Terence baka nagkamali ang driver sa paghatid sa amin dito pero sabi niya ay dito talaga ang location ng event na pupuntahan namin.

Kinakabahan ako dahil alam kong makikita ako ni Jethro na kasama si Terence sa event. Hindi ko pa nakukwento sa kaniya ang tungkol sa tambalan naming dalawa. At heto ako ngayon kasa-kasama siya sa event na kanina lang ay pilit niya akong pinapapunta. Hindi ko alam kung anong idadahilan ko sa kaniya dahil hindi ko rin naman inaasahang dito kami dadalhin. Para akong batang nakabuntot kay Terence sa loob ng venue dahil napakalaki nito at napaka engrande ng dating. Lahat na ata ng mga mayayamang tao ay naririto sa event. Mapapolitiko at kilalang artista ay imbitado sa anniversary na to. Hindi nagtagal at pinakilala ako sa aming producer na si Mrs. Reign Lars.

“Good evening Mrs. Lars” bati ni Terence at sabay halik sa kamay nito. Napaka gentle man ng kinikilos niya pero I doubt na ganun talaga siyang tao.

“Mrs. Lars…this is Eisen Fuentes” pagpapakilala ni Terence sa akin at nagulat na lang ako nang makilala ko ang mukha niya habang nakikipagkamay ako sa kaniya. Siya si Mrs. Lau, isa sa mga board of directors ng Forever and Always Co.

“It’s nice to finally meet you again Mr. FUENTES” masayang bati niya. Hindi ko alam kong ako lang ba ang nakapansin dahil kakaiba ang pagbigkas niya sa apelyido ko. Hindi ko alam kung bakit masaya siyang makita ako ngayon samantalang sa pagkakaalam ko ay isa siya sa mga taong gustong gusto akong patalsikin sa kompanya. Pilit na ngiti na lang ang naging tugon ko.

“I’m so happy that the both of you came here. Especially you Mr. Fuentes” saad ni Mrs. Lars o Mrs. Lau-Lau. Bagay sa kaniya ang apelyido niya dahil sa tanda niyang yan malamang lawlaw na talaga yung kaniya. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya sa tuwing tatatawagin niya ako sa aking apelyido pero nagsisimula na talaga akong maiinis.

“We are so glad that you invited us Mrs. Lars” masayang tugon ni Terence nang mapansin niyang hindi ako sumagot sa sinabi ni Mrs. Lau.

“Ohh Please make sure to enjoy the rest of the night. And I still have some things to do, so if you’ll excuse me” sabi niya at umalis na siya kasama ang kaniyang body guard. Bago siya makalayo ay muli niya akong tiningnan na tila may kahulugan sa kaniyang tingin na hindi ko maintindihan kung ano ang nais niyang ipahiwatig.

Makalipas ang ilang minuto nang masimulan ang event ay dumating na rin sa pagkakataon na mangyari ang inaasahan kong pagkikita namin ni Jethro sa event. Pero ang hindi ko inaasahan ang makitang nakayapos sa braso ng taong pinakamamahal ko ang isang higad na nakatira sa gabi kaya ubod ng kati itong si Celestine. Kapwa kaming nagkagulatan ni Jethro nang magtagpo ang aming tingin. Inalis niya ang pagkakayapos ni Celestine sa kaniyang braso at lumapit sa akin.

“Eisen anong ginagawa mo dito?” tanong niya na may halong inis sa tono ng kaniyang pananalita.

“Eh ikaw anong pinaggagawa mo?” inis ko ring tanong.

“Look. It’s a celebration okay? I’m just escorting her at hanggang doon lang yun!” sabi niya habang ako ay napapailing.

“Really? Kung hindi pa ako darating ay buong magdamag ng nakayapos yang babaeng yan sayo at kulang na lang ay hubaran ka niya sa harap ng maraming tao” inis kong sabi at kitang kita ko sa malayuan kung papano nasisiyahan ang malanding babae na yun sa pagtatalo naming dalawa ni Jethro.

“How about you? Anong ginagawa mo kasama ng traydor na yan?” saad ni Jethro at ang tinutukoy niya ay si Terence.

“Okay. Gaya ng sayo ay trabaho lang din” sabi ko habang ngumingiti ng sarkastiko dahil may iilan na nakatingin sa amin ni Jethro.

“So he’s now working with you now huh?” biglang napalakas ang boses niya kaya dinala ko siya sa may sulok para paliwanagan.

Matapos ang mahaba habang paliwanagan ay humupa ang tensyon sa aming dalawa ni Jethro sa ngayon. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa amin mamaya sa bahay pero alam kung magtatanong pa rin siya. At dahil naroon ako sa event ay hindi na niya ako hinayaang samahan pa si Terence as in nakabantay na siya sa akin saan man ako pumunta. Ngunit natigil lamang yun nang tawagin siya sa stage para magbigay ng kaniyang speech. Habang nagsasalita siya sa harap ay may biglang lumapit sa akin at yun walang iba kundi si Celestine.

“Hi Eisen” bati niya habang nakangiti nang pilit sa akin.

“Anong ginagawa mo dito?” iritable kong tanong dahil hindi ko matiis na makasama siya sa iisang lugar.

“Ako nga ang dapat magtanong niyang di ba? Papano ka nakapasok dito eh di ba black listed ka sa kompanya?” natatawa niyang sabi.

“Syempre I have my ways Celestine. Kailangan nandito ako para kay Jethro lalong lalo na at may mga langaw na umaaligid sa kaniya na dapat kong itaboy” sabi ko habang ginagamit ang aking kanang kamay na para bang nagtataboy ng langaw sa harap niya.

“Good luck with that because I’m pretty sure na mahihirapan ka” sabi niya habang pinipeke ang pagtawa.

“Hindi naman mahirap paalisin ang isang kagaya mo sa buhay ni Jethro!” sabi ko at gaya ng peke niyang tawa ay ginawa ko rin ito sa kaniya.

“Oooh Try me!” sabi niya at ako naman ay ngumiti nang sarkastiko upang ipakita na hindi ako natatakot sa kaniya. Pero hindi ko inaasahang bigla na lang niya akong tinapunan ng wine sa aking damit. Magaling ang aktong ginawa niya dahil wala man lang nakapansin sa mga taong nasa paligid namin.

“Oppps sorry dumulas sa kamay ko yung glass but don’t worry I’ll call the janitors para isama ka sa paglinis dahil isa kang dumi sa event na to” pang-iinsulto niya at nang aakma na siyang umalis ay kaagad kong tinapakan ang suot niyang gown na naging dahilan para madapa siya.

“Ooops!” sabi ko habang ginagaya ang tono ng pagkakasabi niya sa akin.

Itutuloy…………………………..

A/N: Hello guys, so ito na ang pinakakaantay nyo. Binabagalan ko ang update kasi puro update na lang ang nababasa ko sa comment section. Naghahanap ako ng comment na related sa story pero puro “Author update” nababasa ko. Gusto ko kasing malaman kong naeenjoy nyo pa ba ang story. May nabasa kasi na sabi ang boring na daw HAHAHA. Kaya gusto kong malaman kung kailangan ko na bang tapusin to sa Chapter 20 or paabutin pa hanggang 25. Please let me know your thoughts on the comment section.

DON’T FORGET TO VOTE. THANK YOU.

Chapter 20: Dramarama

Survey: Kapag ba napublish ang LWMSB at CLWY as a book, bibilhin nyo ba to?

David as Jethro

Jethro’s POV

I can say it’s a good event but something is missing. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang mag-enjoy sa gabing to. Handa naman na akong iwanan ang kompanyang to para makapagsimula kami ng panibago ni Eisen. Alam kong maraming mabibigla sa pag-alis ko pero mas makakabuti to para sa aming dalawa. Mas bibigyan ko na nang pansin ang magiging kinabukasan namin. Naging abala ako nitong mga nakaraang araw hindi dahil sa kompanya, yun ay dahil naghahanda ako para magpropose ng kasal sa kaniya. Alam kong hindi na siya tatanggi sa pagkakataong ito. Hindi ko mapigilang mapangiti habang iniisip ko na magiging ganap na kaming mag-asawa.

Maraming tao ang nakapalibot sa akin na masayang nagkukwentuhan habang nag-aantay sa susunod na mangyayari sa event. Ang iba ay masayang kumakain at mas piniling kumain kaysa makipagkwentuhan. Samantalang ako ay mag-isa sa table na umiinom ng wine. Gaano man karaming tao ang umaagaw ng pansin ko ay tanging ang pag-uwi sa bahay at ang makasama si Eisen ang siyang pinakagusto kong mangyari.

“At sinong nagsabi sayong magsaya ka nang mag-isa?” bati sa akin ni Celestine. Hilaw na ngiti lang ang sinagot ko sa kaniya at tinaas ng bahagya ang glass ko para makipagcheers sa kaniya.

“Look! Napakahaba pa ng gabi para magmukmok ka dyan. Maraming investors ang gustong makausap ka at kanina ka pa hinahanap. Ano bang ginagawa mo dito nang mag-isa?” andami niyang sinabi pero isang bagay lang ang naintindihan ko yun ay ang gusto niya akong ipakilala sa ibang tao.

“Alam ko namang aware ka na sa plans ko di ba? Instead na ako ang kumausap dapat mag-take advantage kana para mas mapalapit pa sa ibang investors dahil ikaw na ang magmamay-ari nito kapag umalis na ako” sagot ko at uminom muli ng wine.

“You know naman na I still need your guidance sa pagpapalakad ng kompanyang to. So please samahan mo ko” pagmamakaawa ni Celestine. Habang nag-iisip ako ng isasagot sa kaniya ay bigla na lang niyang sinandal ang kaniyang ulo sa aking braso. Kung nagkataong nandito si Eisen malamang mayayari na naman ako sa asawa ko.

“Okay but please let’s be professional while talking to them” sabi ko at marahang binawi ang braso kong pinagsasandalan niyan. Ang buong akala ko ay titigil na siya sa kakadikit sa akin pero bigla na lang siyang kumapit sa aking braso.

“Okay, let’s go!” sabi niya sabay tawang nang mahinhin na may halong kilig. Hindi ko napigilang mapailing at humiling na sana matapos na ang gabing to para makauwi na ako.

Habang naglalakad kami ay panay ang bati niya sa mga kakilala niyang tao. Naiilang ako sa mga tinginan sa aming dalawa na para bang iniisip nila na may relasyon kaming dalawa ni Celestine. Panay din ang pisil niya sa aking braso. Hindi ko alam kung nanandya ba siya o hindi niya lang napapansin yun. Kung dating Jethro pa rin ako ay malamang nakascore na ako sa babaeng to. Ngayon ay nakalaan na lang ang katawan at pagmamahal ko sa isang tao. Siya lang ang pwedeng makibang sa pangangatawan kong to. Andami ring nahuhumaling sa kapogian ko pero minsan naiinsecure ako kung ganun din ba ang tingin ni Eisen sa akin. May mga pagkakataon kasing nanonood siya ng mga Korean dramas na halos magtatalon siya sa kilig na ni minsa’y hindi ko nakita sa kaniya kapag nilalambing ko siya. Bakit pa kasi naimbento yang mga Korean dramas na yan?

“And here’s Jethro Wells” pagpapakilala sa akin ni Celestine sa isang matandang lalaki. Hindi ko namalayan na kanina pa pala sila nag-uusap nitong matandang to. Masyadong lumilipad ang isipan ko at hindi ko na namamalayan ang mga tao sa paligid ko.

“It’s my pleasure to meet you Mr….” tumingin ako kay Celestine para ipahiwatig na hindi ko kilala tong taong nasa harapan naming dalawa. Ilang segundo din ang lumipas bago niya nakuha ang ibig kong sabihin.

“Mr. Wetherbean” dugtong ni Celestine at saka ngumiti. Napangiti na lang din ako habang binabati siya.

Napag-alaman ko na nagmamay-ari ng iba’t ibang online media platforms na popular ngayon sa paggawa ng mga series. Ayun sa kaniya ay gusto niyang makipagdeal sa amin kung saan magkakaroon ng advertisement at exposure ang mga products namin sa mga series na pinapalabas nila. Hinayaan ko lang na si Celestine ang magtuloy ng deal habang ako ay nakikinig sa usapan nila. Bigla na lang may umagaw sa pansin ko. Hindi ko inaasahang makikita ko dito si Eisen sa event. Ang buong akala ko ay hindi na siya makakasunod kaya naman sobrang saya ko nang makita siya. Yung mga ngiti ko ay biglang naglaho nang makita ko si Terence na nasa tabi niya. Panay ang bulong nito sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit niya kasama ang traydor na lalaking yun. Nang magtagpo ang aming tingin ay halatang nagulat siyang makita ko siya kasama si Terence. Pero bigla ring nagbago ang tingin niya sa akin nang makita niyang nakayapos si Celestine sa aking braso. Inalis ko ang kamay ni Celestine sa aking braso at naglakad patungo sa kinatatayuan nila.

“Eisen anong ginagawa mo dito?” hindi ko mapigilan ang inis habang nakikita siyang kasama si Terence.

“Eh ikaw anong pinaggagawa mo?” tanong niya habang nakataas ang isang kilay at sabay lingon sa kinaroroonan ni Celestine at saka ko na intindihan ang ibig niyang sabihin.

“Look. It’s a celebration okay? I’m just escorting her at hanggang doon lang yun!” mali ang salitang nagamit ko dahil hindi ko naman talaga ini-escort si Celestine dahil tinutulungan ko lang siya sa pakikipag-usap sa mga posible investors. Pero kahit sabihin ko yun ay alam kong magagalit pa rin siya kaya naman habang nagpapaliwanag ako ay siya namang pag-iling niya na hudyat na hindi siya naniniwala sa akin.

“Really? Kung hindi pa ako darating ay buong magdamag ng nakayapos yang babaeng yan sayo at kulang na lang ay hubaran ka niya sa harap ng maraming tao” inis niyang sabi habang panay ang tingin niya kay Celestine na para bang may balak siyang sugurin ito sa sobrang inis niya.

“How about you? Anong ginagawa mo kasama ng traydor na yan?” tanong ko na may halong panggigil. Alam kong dumistasya si Terence nang makita niya akong papalapit kay Eisen. Kahit na dumistansya siya ay alam kong naririnig niya pa rin ang mga pinagsasabi ko.

“Okay. Gaya ng sayo ay trabaho lang din” sagot niya habang ngumingiti ng pilit dahil siguro naiilang na siya sa mga taong nakapalibot sa amin habang kami ay nagtatalo.

“So he’s now working with you huh?” hindi ko napigilan ang aking sarili at napalakas ang aking boses. Hindi ko kasi inaasahang magiging katrabaho na niya ngayon si Terence. Bigla na lang niya akong hinila sa may isang sulok kung saang wala gaanong tao para kausapin.

Malayo kami sa kinaroroonan ni Terence at Celestine. Humupa ang tensyon sa aming dalawa at naging mahinahon ang aming pag-uusap. Habang nagpapaliwanag siya sa akin ay bigla na lang akong natigilan at tumitig na lang sa kaniyang mukha habang siya nagsasalita. Kahit gaano siguro kalaki ang magiging kasalanan sa akin ni Eisen ay mapapatawad ko pa rin siya dahil meron sa kaniyang pagkatao na nagpapakalma sa aking kalooban. Habang nagpapaliwang siya ay hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang kaniyang mukha.

“Para kang gago! Nagpapaliwanag ako dito tapos ngingiti-ngitian mo ako dyan” inis niyang sabi at hindi ko napiglang mapatawa nang mahina.

“Masama bang maappreciate ko ang kagandandahan ng asawa ko?” tanong ko at siya nama’y lumingon sa ibang direksyon habang pinipigilan ang pagngiti.

“Ewan ko sayo. Siraulo ka talaga!” taliwas ang reaksyon ng kaniyang mukha sa kaniyang sinasabi. Mukhang natatalo ko na yung mga kinakikikiligan niya sa Korean drama.

“Kasalanan mo to. Kaya panagutan mo!” sabi ko habang pinipigilan ang sariling wag ngumiti at mapanatiling seryoso ang aking mukha.

“Panagutan ang alin?” tanong niya at ako naman ay tuluyan nang napangiti.

“Ang pagkahibang ko sayo” pagkasabi ko ay hindi na niya napigilang ngumiti habang nakatingin sa akin. Lumapit pa ako nang husto sa kaniya para yakapin siya pero bigla na lang niyang kinurot ang tagiliran ko kaya napaatras ako.

“Aray….ganyan ka ba ka sadista kapag kinikilig?” sabi ko habang kinakamot ang tagiliran ko.

“Maraming tao ang nasa paligid natin kaya tigilan mo yang kalandian mo” natawa na lang ako sa sinabi at saka inakbayan siya. Wala namang maghihinala na magkasintahan kaming dalawa dahil parang tropa ko lang si Eisen nang akabyan ko siya. Gusto ko nga siyang yakapin o kaya hawakan ang kamay niya habang nasa event na to kaso masyadong istrikto itong asawa ko at ayaw pa ring makipag PDA sa akin. Ayos lang naman sa akin pero mas okay sana kung malaman nila kung gaano namin kamahal ang isa’t isa.

Nanatili akong nakaakbay sa kaniyang balikat habang nagpapalakad-lakad sa venue. May mga pagkakataong gustong lumapit ni Terence kay Eisen para kausapin siya pero hindi ito natutuloy dahil tinititigan ko na kaagad siya nang masama. May mga pagkakataon ding sumisenyas sa akin si Celestine para makipag-usap at mukhang tungkol naman ito sa business pero hindi ko na lang siya pinagpapansin dahil walang dapat sisira sa gabi naming dalawang magkasama. Habang masaya kaming nakikinig sa emcee ay nagulat na lang ako nang bigla akong tawagin sa stage. Hindi ko inaasahang ganito kaaga ang magiging speech ko. Umakyat kaagad ako sa stage para simulan ang aking speech.

“Good Evening ladies and gentlemen. I am beyond happy to be able to see you tonight. I would like to..” sinimulan ko ang aking speech base sa mga naisulat ko at ang iba ay naging impromptu na lang. Nabanggit ko din ang nalalapit na paglisan ko sa kompanya na ikinagulat ng karamihan. At habang patuloy ako sa pagsasalita ay bigla na lang may napahiyaw sa hindi kalayuan kung saan umagaw sa atensyon ng lahat. Kinailangan ko pang takpan ang sinag ng spotlight na tumatama sa aking mukha para makita kong sino ang sumigaw at saka ko nakita si Eisen. Hindi na ako nakapagsalita dahil lahat ng atensyon ay nasa kanila na.

“Youu!!!!” sigaw ni Celestine at aakmang susugurin si Eisen.

Nang makita ko yun ay kaagad akong bumaba ng stage at tumakbo patungo sa kinaroroonan nila. Mabuti na lang at may umawat kay Celestine na galita na galit. Hindi ko alam kung anong nangyayari kaya nang makarating ako ay kaagad akong nagtanong kung anong kaguluhan ang nangyayari.

“That fag stepped on my gown kaya ako nadapa!” inis na sabi ni Celestine habang inaawat siya ng ilang tao.

“Totoo ba yun Eisen?” tanong ko sa kaniya at nagulat na lang ako nang makita siyang kalmado sa ganitong sitwasyon.

“Aksidente yun at hindi ko sinasadya. Nagsorry naman na ako pero gusto pa rin niya akong saktan” pagtanggol niya sa sarili na para bang siya pa ang inaapi. Bilib na ako sa acting skills ng asawa ko.

“LIAR! Sinadya mo yun dahil gusto mong maghigante dahil wala ka na sa kompanyang to pagkatapos mong ibenta sa ibang kompanya ang mga restricted files na naglalaman ng mga upcoming projects” galit na sambit ni Celestine at ngayon ay kinukuhanan na mga tao ng video.

“Hindi totoo yan!” ang tanging naging sagot ni Eisen na nagsisimula nang maapektuhan sa mga nangyayari.

“It’s true kaya dapat hindi ka na pumunta pa dito. Sino ba ang nagpapasok sa traydor na to? Guards!” sigaw ni Celestine at mabilis na rumesponde ang mga guwardiya.

“ENOUGH!” sigaw ko bago pa man madampot ng mga guwardiya si Eisen.

Hinawakan ko siya sa kamay at hinila siya papalabas ng venue. Wala akong pakialam kung anong iisipin nila sa aming dalawa dahil mahalaga ngayon ay ang maiuwi ko si Eisen. Nang makarating kami sa parking ay mabils niyang binawi ang kaniyang kamay at mabilis na pumasok sa kotse ko. Habang nasa byahe kami ay parehas kaming nakatikom ang bibig at walang nagsalita tungkol sa mga nangyari. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang aking sarili.

“Ano ba kasi ang nangyari bakit nagalit si Celestine sayo nang ganun?” tanong ko habang nagpapalit-palit ang tingin ko sa kaniya at sa daan habang nagmamaneho.

“Sinimulan niya ako eh, nanahimik ako sa isang tabi. Lalapit-lapit siya para insultuhin ako” iritable niyang sagot habang marahas na kinakamot ang ulo na tanda nang pagkainis.

“Edi sana hindi mo na pinatulan para hindi na nagkagulo” sagot ko na mas lalo niyang kinainis.

“So ano kasalanan ko pa?” tanong niya na halos pasigaw na.

“Hindi naman sa ganun hon. My point is sana hindi mo na siya pinansin para hindi ka na niya nagawang ipahiya kanina” marahan kong sagot para pakalmahin siya pero mukhang hindi naging effective.

“Tingnan mo ang ginawa niya sa akin!” sabi niya at hininto ko ang kotse sa tabi para matingnan ang sinasabi niya. Saka ko lang napansin ang mantsa sa damit niyang suot. Mukhang bakas ito ng wine.

“Sino bang hindi maiinis kapag binuhusan ka ng wine sa harap ng maraming tao” inis niyang sabi at iniwas niya ang tingin niya sa akin.

“Look! I’m sorry hon. Dapat hindi na talaga ako umalis sa tabi mo” sabi ko at sabay hawak sa kamay niya pero mabilis niyang binawi ito at hindi na nagsalita pa.

Habang nasa byahe kami ay nanatiling tahimik si Eisen at hindi ako pinapansin kahit ano mang suyo ang gawin ko sa kaniya. Nang makarating kami sa aming bahay ay mabilis siyang bumaba ng sasakyan. Matapos kong maigarahe ang kotse ay kaagad akong nagtungo sa aming kwarto dahil alam kung nandun siya. Naabutan ko siyang papasok ng banyo at mabilis akong naghubad ng aking damit para sumabay sa kaniya pero bigla niya na lang ako sinaraduhan ng pinto.

“Hooon!” reklamo ko pero wala akong sagot na narinig sa kaniya.

Wala akong nagawa kundi magshower sa guest room para makahabol sa kaniya sa pagtulog. Kailangang mag-usap kami bago matulog. Kailangan maayos namin to bago pa lumala ang aming tampuhan. I mean siya lang pala ang nagtatampo. Mabilis akong naglinis ng katawan at nang matapos ay kaagad nagpunas ng katawan. Tanging bathrobe lang ang pinangtakip ko sa aking katawan at hindi na nagsuot ng underwear. Mabilis akong nagtungo pabalik sa aming kwarto at naabutan ko siya na nakahiga na sa kama. Mabuti na lang at nakaupo na ako sa kama nang patayin niya ang ilaw ng lampshade. Halos wala akong makita kaya kinapkap ko na lang kama hanggang sa makahiga ako sa tabi niya. Nakatalikod siya sa akin pero nagawa ko pa rin siya yakapin. Sinuksok ko sa ilalim ng tagiliran niya ang aking kamay para mayakap siya nang husto habang ang aking mga kamay ay nasa ibabaw ng kaniyang tiyan.

“Hon mag-usap tayo” pagsuyo ko sa kaniyang habang nagsasalita malapit sa kaniyang batok kung saan malakas ang kiliti niya.

“Wala ako sa mood Jethro. Bukas na tayo mag-usap” mahinahon niyang tugon pero alam kong nagtatampo pa rin siya.

“Hindi ako matutulog hanggang hindi mo ako kinakausap” pagbabanta ko sa kaniya.

“Problema mo yan!” inis niyang sabi kaya naman wala akong choice kundi ipatihaya siya at saka ako pumatong sa ibabaw niya. Ang aking mga labi ay nakasubsob sa leeg niya.

“Ano ba Jethro. Tantanan mo nga pagiging isip bata mo at matulog na tayo!” inis niyang sabi habang pilit akong tinutulak para umalis sa ibabaw niya. Alam kong wala na siyang lakas kaya sinamantala ko ang pagkakataon para gamitin ang bigat ko laban sa kaniya.

“Sige na matutulog tayong nang ganito hanggang sa kausapin mo ako” sabi ko habang malapit pa rin sa kaniyang lee gang aking labi. Malamang ay matinding kiliti o panghihina na ang nararamdaman niya ngayon. Ilang minuto ang lumipas at ramdam ko na ang pawis sa kaniyang leeg na hudyat na naiinitan na siya. Hanggang sa siya na rin mismo ang hindi nakatiis.

“Okay fine. Bumaba kana sa ibabaw ko please ang init” utos niya at hinalikan ko siya sa labi bago ako bumaba.

“Okay, I’m sorry kung masyadong naging mainit ang ulo ko at naging padalos dalos ang desisyon ko. Nadamay pa kita sa galit ko kay Celestine” sabi niya at ako naman ay niyakap habang nakatalikod siya sa akin.

“It’s my fault too. Kaya I’m sorry. Hindi sana kita iniwan dun kung alam kong ganun ang mangyayari” sabi ko at lalo ko pang hinigpitan ang pagyakap sa kaniya. Sana palaging ganito. Yun bang napapag-usapan nyo kaagad ang problema at hindi na pinapalala pa. Yung parehas nyo tatanggapin ang pagkakamali ng bawat isa at patatawarin ang isa’t isa.

“Humarap ka nga sakin!” utos ko at kaniya namang ginawa. Hinila ko siya papalapit sa akin para mayakap siya nang husto. Pinaulanan ko siya ng halik sa kaniyang mukha hanggang sa magpang-abot ang aming mga labi.

“Good night hon” sabi niya at hindi ko napigilang mapangiti dahil sa inasal niya. Sobrang lapit namin sa isa’t isa. Ang kaniyang mukha ay halos nakasubsob na sa aking dibdib at ramdam na ramdam ko ang bawat paghinga niya. Pipikit na sana ako ngunit nagsalita siyang muli.

“Papano ako makakatulog kung patuloy akong tinutusok nito?” tanong niya at sabay pisil sa aking hinaharap na ikinagulat ko.

“Hayaan mo aanatukin din yan maya-maya” at parehas kaming natawa sa aking sinabi. Ilang sandali pa at kapwa kaming nakatulog ni Eisen.

Nagising ako na walang nasa aking tabi si Eisen. Nagtungo ako sa banyo pero wala siya nang ako ay maghilamos at magtooth brush. Sumunod kong pinuntahan ang kitchen dahil baka naroon siya at nagutom. Habang papalapit ako sa kitchen ay amoy na amoy ko na kaagad ang amoy ng ginigisa sa kitchen. At yun nga, naabutan ko ang aking asawa na nagluluto sa kitchen. Hindi niya napansin ang paglapit ko kaya naging marahan ang paglalakad ko hanggang sa makalapit ako sa kaniya at bigla ko siyang niyakap habang siya ay nagluluto na siyang kinagulat niya.

“Ay titi ng hapon, tatalon-talon” gulat niyang sabi at ako naman ay natawa.

“Siraulo ka! Wag na wag mo na ulit gagawin yun dahil aatakihin ako sa puso” sabi niya habang naghahalo ng sinangag. Yun pala ang naaamoy kong mabango. Hinahalik-halikan ko ang kaniyang pisnge habang siya ay nagluluto.

“Jethro maupo kana dun dahil hindi ako matatapos sa ginagawa kong panay ang halik mo sa pisngi ko” reklamo niya at ako nama’y nag-iwan ng isa pang halik sa kaniyang pisnge bago pa ako naupo.

Masaya akong pinagmamasdan siya habang nagluluto ng aming almusal. Bukas pa ang balik ng aming mga kasambahay kaya naman magagawa namin lahat ng gusto naming gawin nang hindi maiilang sa ibang tao sa bahay. Ang sarap pagmasdan ng aking asawa habang siya’y nagluluto ng aming almusal. Hindi ko mapigilang mapaisip kung ano pang mangyayari sa aming dalawa kapag pamilya na ang binubuo naming dalawa. Yung tipong may karga-kargang bata si Eisen habang nagluluto siya ng almusal naming pamilya. Ang anak naming panganay na inaantok antok pa habang nakaupo sa mesa at nag-aantay ng kakainin. Samantalang ako ay nagbabasa ng newspaper habang umiinom ng kape at nag-aantay rin ng kakainin bago pumasok sa opisina. Alam kong magiging mabuti siyang magulang ng mga anak ko.

“At anong kabastusan na naman ang nasa isipan mo at pangisi-ngisi ka dyan?” sabi ni Eisen nang malapag niya sa mesa ang mga niluto niya. Simpleng scrambled egg at bacons ang niluto niya na ipapares sa sinangag na kanin. Simple pero pakiramdam ko ay sobrang swerte ko sa mapapangasawa ko.

“Iniisip ko na sana hubo’t hubad kang nagluluto tapos habang nagluluto ka ay bigla na lang kitang titirahin sa likod” pagsisinungaling ko at sabay tawa. Binigyan niya ako ng masamang tingin at sabay kurot sa braso ko. Madalas isipin ni Eisen na puro kalokohan at kabastusan lang ang nasa isipan ko pero mas marami pa rin ang pagkakataong iniisip ko ang future naming dalawa bilang mag-asawa.

“Kakain na lang tayo puro kamanyakan na pa rin yang nasa isipan mo” sabi niya na parang naiinis na natatawa. Sobrang denial ng asawa ko kapag kinikilig.

“Hindi ko mapigilan lalo na’t ganito kasexy ang mapapangasawa ko” sabay hila sa kaniya para mapaupo siya sa lap ko. Pinaulanan ko ng halik ang kaniyang braso. At tanging pagpisil sa aking pisngi ang naging tugon niya. Hindi ko alam kung napapansin ba niya na madalas kong binabanggit ang tungkol sa pag-aasawa naming dalawa dahil balak ko na talaga ikasal kami.

“Oh siya kumain na tayo” sabi niya at naupo sa upuan malapit sa akin. Masaya kaming nagkukwentuhan ng iba’t ibang topics simula politics, world news, myths hanggang sa umabot sa dinosaurs. Eto yung kwentuhan na hindi ko ipagpapalit sa lahat dahil para kaming mga bata na nag-uusap sa mga bagay na walang kwenta pero sobrang saya namin habang pinag-uusapan to.

Mabilis lumipas ang linggo at buong akala ko ay mawawalay na naman sa akin si Eisen dahil sa magkaiba naming trabaho. May isa pa akong linggo sa kompanya bago ako magresign sa position ko. Marami kasi akong dapat tapusin na deal at mga bagay na ipaubaya kay Celestine. Kahit papano ay may pakialam pa rin ako kompanya ko dahil malaki ang paghihirap ko para matayo to. Umaattend lang ako ng ilang meetings at umuuwi na kaagad ako sa bahay. Madalas half-day lang pasok ko dahil wala rin naman akong gagawin sa aking opisina. Umuuwi kaagad ako sa bahay para hindi maburyo ang asawa ko na nagpapakalunod sa mga Korean dramas na meron sa Netflix.

Pang-apat na araw na simula nang malaman ni Eisen sa kanilang management na kailangan nyang mag-lie low muna dahil sa naging issue nitong nakaraang linggo. Hindi namin inaasahang magiging malaking issue ang nangyaring alitan nila ni Celestine sa party. Marami akong nabasa na si Eisen daw ang may kasalanan. May mga article din na pinaghihinalaan nila ang relasyon naming dalawa dahil sa paghila ko kay Eisen papalabas ng venue habang magkahawak ang aming kamay. Ilang reporters narin ang iniwasan ko sa mga tanong na yan. Alam kong ititigil na ni Eisen ang pagiging artista niya pero hindi sa ganitong paraan dahil ayaw niyang magkaroon ng bad publicity na makakaapekto sa upcoming movie nila ni Jules. Mas iniisip niya ang kapakanan ng mga taong kasama niya kaysa sa kapakanan niya.

Nandito kami ngayon sa aming kwarto. Abala siya sa kakapanood ng Korean drama sa kaniyang ipad. Kanina pa ako nagpapansin sa kaniya pero mas kinikilig pa siya sa pinapanood niya kaysa sa mga hirit ko. Hanggang sa makakuha ako ng ideya kung papano makukuha ang atensyon niya. Pumunta ako sa walk-in closet namin para mamili ng damit na susuotin ko. Nagsuot ako ang leather pants at jacket. Wala akong suot na tshirt na panloob dahil sinadya ko yung para magmukhang mas kaakit akit ako sa paningin niya dahil alam kong weakness niya ang mga abs ko. Pinaresan ko ng boots ang suot ko at saka ako bumalik sa kaniya para magpapansin. Nang mapansin niya ako ay kaagad akong nagposing sa harap niya.

“Hey sexy! You wanna ride……………………….me?” sabi ko sa pinakasexy kong tono. Ang akala ko ay maakit ko na siya pero imbes na matuwa siya ay binato niya lang ako ng unan sa mukha at sabay sabi ng boo.

Hindi ako sumuko kaagad kaya bumalik ako sa walk-in closet para makaisip ng iba pang susuoutin. Hanggang sa maisipan kong magsuot lang ng under wear habang may suot na bow tie sa leeg. Kinuha ko ang phone ko para magpatugtog nang napakalakas para makuha ko atensyon niya. Pilit kong ginigiling ang aking katawan habang sinasabayan ang tugtog na It’s raining men. Pakiramdam ko ngayon ay ako si Channing Tatum. Bigla ko na lang narinig ang malakas niyang tawa habang pumapalakpak. Ang akala ko ay nasiyahan na talaga siya sa ginagawa ko pero bigla na lang nagbago ang mukha niya at naging poker face at sabay sabing.

“Para kang tuod na sumasayaw” sabi niya at bumalik sa pinapanood niya.

Grabe ang hirap i-please ng misis ko. Pero hindi pa rin ako sumuko. Sa huling pagkakataon ay alam kong hindi niya ako matitiis. Naisipan kong wag na lang magsuot ng kung ano man at atakihin na lang siya bigla pero mas naging maganda ang ideya ko nang maisipan kong magsuot ng turtle neck na black at pinatungan ko ng coat. Nagsuot ako ng pants na babagay sa pantaas ko. Konting ayos sa buhok at nagsuot ng eyeglasses. Bumalik ako sa kama kung saan siya nanonood at kahit hindi ako nagsalita ay kaagad kong naagaw ang pansin niya.

“Sarang hae” ang tangi kong nasabi dahil yun lang ang alam kong Korean na salita.

“Oppa!” sigaw niya at bigla na lang siyang tumalon mula sa kama papunta sa akin na para bang bata na gustong magpakarga. Nasalo ko naman siya pero muntikan na akong ma-out balance sa bigla niyang pagtalon sa akin. Kaagad niya akong pinaulan ng halik sa aking mukha. Habang panay ang halik niya sa akin ay napaupo ako sa gilid ng kama habang nakaakap pa rin ang mga binti niya sa aking bewang at ang kaniyang mga kamay ay nakapulupot sa aking leeg. Matindi ang naging halikan naming dalawa at bago pa man siya kumalas sa aming halikan ay kinagat niya ang lower lip ko na agad nagpaturn-on sa akin.

“Ang buong akala ko talaga ay hindi mo na ako papansinin” sabi ko habang pinipisil ko ko ang pwetan niya kung saan nakaalalay ang aking mga kamay.

“Syempre binibiro lang kita” sabi niya habang tumatawa. Musika sa aking mga tenga ang kaniyang pagtawa lalo na sa pagkakataong ito kung saan may pinagdadaanan siya. Kaya gagawin ko ang lahat mapasaya siya araw-araw. Kahit na magbihis Koreano pa ako araw-araw mapasaya lang siya.

Nagpatuloy ang aming halikan hanggang sa mapahiga na ako sa kama at siya naman ay nasa ibabaw ko. Ang akala ko ay huhubaran na niya ako pero nagkamali ako dahil nahiga na lang siya sa dibdib ko habang magkahawak ang aming kamay.

“I love you Jethro” hindi ko inaasahang sasabihin niya yun dahil sa aming dalawa ako ang pinaka affectionate pagdating sa pagsabi ng nararamdaman namin sa isa’t isa. Hinalikan ko siya sa ulo at niyakap nang mahigpit. Ilang minuto ang lumipas at hindi na nagsasalita si Eisen. Saka ko lang napagtanto na tinulugan na pala niya ako.

“Seryoso hon? Pagkatapos kong mag-effort magbihis at pagkatapos mo akong patigasin bigla mo na lang akong tutulugan?” tanong ko. Umaasa akong nagtutulog tulugan lang siya pero hindi pa rin siya sumagot.

“Kahit blow job man lang bilang reward” dugtong ko. Pero mahimbing na talaga ang tulog niya. Niyakap ko na lang siya at natulog na rin sa tabi niya.

Sumapit ang weekend na hindi ko masyadong maeenjoy. Mawawalay na naman ako kay Eisen dahil nagset ng farewell party ang ilang board members at kasama ang iilang managers na malapit sa akin sa kompanya. Tutol sana ako sa ideya na yun dahil sa private island sa batangas siya gaganapin. Pero si Eisen na mismo ang nagsabi na pagbigyan ko ang mga katrabaho ko dahil baka yun na ang huli nilang pagkakataon na makasama sila lalo na’t mawawala na ako sa kompanya. Pagkarating ko sa batangas ay kaagad kong dinaanan ang mansion para kumuha ng ilang gamit. Naging bahay bakasyunan na lang ito sa aming magkakapatid. May iilang caretakers at maids ang nagulat sa hindi ko inaasahang pagbisita. Nang makuha ko ang mga gamit na kailangan ko ay kaagad akong nagtungo sa pampang kung saan nag-aantay ang speed boat na sasakyan ko papuntang private island.

Nang marating ko ang private island na pagmamay-ari ng isa sa mga board members ay kaagad sumalubong sa akin ang malakas na tugtugan. Hindi ko inaasahan na ganito kaganda sa lugar na to. Hindi lalagpas sa bente ang mga taong nandito mula sa kompanya maliban sa mga taong nagsisilbi dito at mga sexy na babaeng dala-dala ni Mr. Santos na kilalang babaero. Hindi ko rin inaasahan na makikita ko si Celestine dito dahil nitong mga nakaraang araw ay nagkaroon kami ng alitan bago ako umalis ng kompanya. Binati niya ako at binati ko rin siya pero pormal lang ang pagbati ko sa kaniya.

Umabot hanggang gabi ang party at halos karamihan sa amin ay lango na sa alak. Naghanap ako ng pwesto kung saan malakas ang signal dahil gusto kong makausap si Eisen. Nakailang tawag ako pero hirap pa rin kaming maintindihan ang isa’t isa dahil sa mahina ang signal sa loation ko. Habang dinadial ang number ni Eisen ay bigla na lang tumabi sa akin si Celestine. Aalis na sana ako nang bigla siyang magsalita.

“Look I’m sorry Jethro. Nandito ako para humingi ng tawad sa inyo ni Eisen” sabi niya at lumingon ako sa kaniya at mukhang sincere naman siya sa paghingi niya ng tawad kaya nakinig ako.

“Ngayon ko lang narealize kung gaano kayo ka bagay sa isa’t isa at kahit ano mang gawin ko ay hinding hindi na magbabago ang pagtingin mo sa akin. Kitang kita ko kung gaano mo ka mahal si Eisen. Deserve nyo ang isa’t isa” sabi niya habang masayang nagkukwento. Biglang napanatag ang loob ko nang marinig ko yun mula kay Celestine. Inabot niya sa akin ang isang inumin na dala-dala niya at tinanggap ko naman ito.

“Para sa future nyong dalawa” masaya niyang sabi at ako naman ay naki pag toast sa kaniya bago uminom.

Makalipas ang ilang minuto ay nakaramdam ako nang matinding antok at ang susunod na nangyari ay nagising na lang ako sa ibabaw ng kama na walang saplot. Mag-isa lang ako sa kama kaya malabong may nangyari. Kaagad akong nagsuot ng underwear at shorts na nakapatong sa ibabaw ng kama na mukhang may naghanda ng pamalit ko. Wala akong maalala kung papano ako nakarating dito. Siguro nagsusuka ako kaya may nagpalit ng damit ko. Pero kahit anong pilit kong alalahanin ay wala akong maalala sa mga nangyari kagabi bukod sa pagcelebrate namin ni Celestine. Pagkalabas ko ng aking kwarto ay kitang kita ko kaagad ang dami ng tao sa labas. May mga police pa na nag-iikot at nakita ko na lang na umiiyak si Celestine. Saka ko napag-alaman na may pinatay pala sa isa sa mga board members. Ngayong umaga sana ang uwi ko pabalik ng manila pero nadelay dahil kinailangan pang makausap kami ng police sa mga alibi namin. Bilang dating abogado ay alam kong may karapatan akong manahimik pero mas pinili kong makipag-usap para hindi na nila ako kulitin sa manila dahil ayoko ring mag-alala si Eisen.

Grabe ang sakit ng ulo ko kaya nagawa ko munang magpahinga sa mansion dahil hindi ko magawang magmaneho sa ganitong kalagayan. Inabot ako ng hapon sa mansion pero hindi pa rin naging maayos ang pakiramdam ko kaya naman nag-hire na ako ng driver na maghahatid sa akin manila. Inaasahan ni Eisen ngayon ang pag-uwi ko kaya naman hindi ko siya pwedeng biguin. Nangako ako na uuwi ako ngayon para matikman ang bagong recipe na pinag-aralan niya para ipakain sa akin. Kahit na hindi maganda ang pakiramdam ko at medyo masama ang naging karanasan ko dahil sa pagkamatay ni Mr. Santos ay nagawa ko paring ma-excite sa pag-uwi dahil sa asawa kong naghihintay.

Nang makarating ako sa bahay ay mabilis kong tinungo ang dining area kung saan ko inaasahang nag-aantay sa akin. Nabigo ako dahil wala siya sa dining area at pagcheck ko sa kitchen ay wala rin siya. Minabuti kong umakyat papunta sa aming kwarto at pagkabukas ko ng pinto ay bigla na lang may bumato ng cellphone at tumama ito sa pinto. Mabuti na lang at mabilis kong naiwasan ito dahil muntikan na itong tumama sa aking mukha. At nakita ko na lang na masama ang tingin sa akin ni Eisen habang umiiyak.

“What’s wrong hon?” sabi ko habang nilalapag ang gamit sa sahig at lumapit sa kaniya.

“Napakababoy mo!” sigaw niya at bigla niya akong sinampal.

“Bakit anong nagawa ko?” gulat kong tanong patuloy niya pa rin akong pinagpapalo kaya naman niyakap ko siya nang mahigpit habang patuloy siyang nagpupumiglas. Hindi ko siya binitawang hanggang hindi niya sa akin sinasabi ang maling nagawa ko.

Ako na mismo ang napatanong sa aking sarili kong ano ang nagawa kong mali.

Itutuloy…..

A/N: Maraming salamat sa mga honest feedbacks nyo. Sa concern nyo about sa update ay hindi ko pa maipapangako pero I’ll try my best na makapag-update kahit once a week. Bawat update ko ay nasa minimum ng 4k words at etong chaptr na to ay umabot ng 5,108 words na halos katumbas ng dalawang chapter sa mga normal chapters dito sa wattpad. Hinahabaan ko ang bawat chapters para maging worth it naman ang paghihintay nyo. Ginagawa ko ang best ko na matapos ang story na to dahil balak kong i-submit ang LWMSB at CLWY sa isang publisher at hoping na mapublish ito at mababasa na sa libro. Kailangan ko ng support nyo guys so please vote para maging mas popular ang story na to. Salamat ng marami.

Last 5 chapters

Chapter 21: Don’t know what to do

For the first time magsusulat ako ng GxB story. LOL.

Coming soon….


Bas as Eisen

Eisen’s POV

Ang daming nangyaring hindi maganda nitong mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung hanggang kailan susubukin ang tibay ng loob ko. Kahit gaano pa man kahirap ay nakaya ko at kinakaya ko. Lalong lalo na’t nandyan si Jethro bilang kaagapay ko sa hirap at ginhawa. Nitong mga nakaraan lang ay panay ang hirit niya sa akin tungkol sa pag-aasawa. Alam kong gustong gusto niya nang ikasal kaming dalawa. Sino ba naman ang may ayaw ikasal sa taong mahal mo? Nakakataba talaga ng puso nang malaman kong handa siyang iwanan ang kompanyang binuo niya para sa akin. Ayun sa kaniya ay matatagalan pa bago niya maibalik ang tiwala ng mga board members. At mukhang malabo na ring makabalik ako sa kompanya. Kaya naman naisipan niyang ibenta ang lahat ng shares na meron siya sa Forever and Always Co. at bubuo ng bagong kompanya kasama ako. Noong una ay tutol ako sa ideyang yun dahil ayokong bitiwan nya ang isang bagay na matagal niyang pinaghirapan para mabuo. Ayun sa kaniya ay mas pipiliin niyang iwanan ang kompanya kaysa mawalay sa akin.

Iba talaga ang nagagawa ng pera. Nasira ang pangalan ko dahil sa paggawa ng iskandalo ni Celestine. Ayun sa mga balita ay ako daw ang nagwala at gumawa ng masama sa kaniya. Walang videos o pictures man lang sa article dahil lahat ay naplantsa na ni Celestine para sumang-ayon sa kaniya ang balita. Nakatanggap ako ng suspension sa management. Kailangan ko munang mag-lie low dahil daw sa issue. Hindi man lang nila tinanong ang side ko at kung ano ba talaga ang nangyari. Hindi na ako nag-appeal sa kanila at tinanggap na lang parusa dahil alam kong may pagkakamali rin ako. Nanatili na lang ako sa bahay at pilit binabaling sa ibang bagay ang aking atensyon para hindi ako madepress. Buti na lang at nandyan si Jethro para pasiyahin ako. Minsan nga naaawa ako sa kaniya dahil nasusungitan ko siya kahit wala naman siyang kasalanan sa mga nangyayari. Siguro nga ito na ang hudyat para talikuran ko ang showbiz at magtayo na lang ng panibagong negosyo kasama si Jethro.

Sabado nang magsabi sa akin si Jethro tungkol sa farewell party kasama ang mga bigating tao sa kompanya niya. Si Rob ang nag-organize nito, ang pinakamatalik niyang kaibigan sa kompanya. Ayaw niyang sumama dahil mas gusto niyang makasama ako pero pinilit ko siyang sumama dahil sayang naman ang effort ni Rob at sa huling pagkakataon man lang ay magkasama-sama sila bago siya tuluyang umalis. Pero yung totoo ay nakiusap sa akin si Rob na piliting mapapayag si Jethro na sumama. Hindi ko naman ipagdadamot si Jethro sa ibang tao maliban na lang sa higad na si Celestine. Bago ako pumayag sa pagpilit kay Jethro ay siniguro ko kay Rob na hindi kasama si Celestine sa mga dadalo sa party. Siniguro naman ni Rob na hindi invited si Celestine sa party kaya pumayag na ako.

“Inayos ko na yung mga gamit na gagamitin mo para hindi kana maghagilap pa ng damit kapag dumaan ka ng mansion” sabi ko at sabay abot ng bag kay Jethro kung saan naglalaman ng mga kagamitan na kakailanganin niya.

“Ang sipag talaga ng misis ko. Pinagluto ako, pinaghandaan ng gamit at nilinis ang kotse ko. Kung pwede bang linisin mo rin yung tubo ko?” sabi niya habang pinipisil ang mukha ko.

“Napakabastos mo talaga” sabi ko at sabay kurot sa tagiliran niya.

“Eto naman ayaw magpa-isa. Hindi mo ba kami mamimiss ni Junjun?” tanong niya habang nagpapout ng labi na parang bata na inagawan ng candy. Sobrang cute niya kapag ginagawa nila to.

“Isang araw lang kitang pinayagan Jethro kaya uuwi ka na bukas. No ifs, no buts!” sabi ko habang nakapamaywang.

“Yes maam” sagot niya habang nakasalute.

“Bawal mambabae at kapag nambabae ay?” tanong ko sa kaniya habang nakaduro.

“Putol titi” nakangisi niyang sagot na halos hindi na makita ang kaniyang mga mata sa sobrang pagngisi niya.

“Mag-iingat ka” sabi ko at bigla niya akong niyakap.

“Bye” maikli niyang tugon sabay halik sa aking mga labi. Marahan siyang naglakad patungo sa kaniyang sasakyan. Hindi ko alam kung bakit may kaba akong nararamdaman. Party lang naman ang pupuntahan niya at wala namang magbabago sa loob ng isang araw na hindi kami magkasama.

“Jethro!” pagtawag ko sa kaniya at kaagad siyang lumingon sa akin. Lumapit ako para yakapin siya nang mahigpit.

“I’m sorry” ang tangi kong nasabi habang ninanamnam ang sandaling magkayakap kami.

“Sorry for what?” tanong niya habang hindi pa rin kami kumakalas sa pagkayakap.

“Eh kasi naging masungit ako sayo nitong mga nakaraang araw. Tapos napagbubuntungan kita ng galit kahit wala ka namang kasalanan” sabi ko at bigla niyang hinawakan ang baba ko para iangat ang mukha ko para magtagpo ang aming paningin.

“It’s okay hon. Naiintindihan ko naman. Ganyan talaga ang mga buntis, nagiging mainitin ang ulo at madalas nilang inaaway ang asawa nila. Pero kahit awayin mo pa ako araw-araw ay hinding hindi ako magsasawang intindihin ka” sagot niya sabay halik sa aking noo. Bigla na lang niyang dinikit ang kaniyang tenga sa aking tiyan.

“Mukhang malapit na talaga akong magkaroon ng panganay. Wag kang maglilikot habang wala si daddy ah!” sabi niya na tila ba may kinakausap sa loob ng tiyan ko. Bigla na lang akong naging emosyonal. Hindi ko alam dahil ba sa sobrang sweet ni Jethro sa akin o dahil wala akong matres na makakapagbigay ng anak na gustong gusto niya. Hindi ko napigilang maluha at kaagad pinunasan ito.

“Huwag ka ngang umiyak. Paano ako makakaalis niyan kung iiyak ka? Hayaan mo lagi akong tatawag after ng work ko. Magpapadala ako sa tuwing may sweldo. Nakaroaming naman tong number ko kaya makakapagtawagan pa rin tayo” pagbibiro niya at ako nama’y natawa.

“Siraulo sa batangas ka lang pupunta hindi ka mag-aabroad!” sabi ko sabat kurot sa ilong nya.

“I love you” bigla nyang sabi na parang ngungo ang tunog dahil hawak-hawak ko pa rin ang kaniyang ilong.

“I wav yu tu” sagot ko at sabay tawa. Ngumiti siya at nagpaalam sa akin. Nagpapaalam na siya pero hindi niya parin binibitawan ang kamay ko. Hanggang sa ako na mismo ang bumitaw sa pagkakahawak niya sa kamay ko.

May pangamba man sa aking dibdib, hinayaan ko paring umalis si Jethro para makasama ang mga kasamahan niya sa trabaho sa huling pagkakataon. May tiwala ako sa kaniya at alam kong hindi niya ako bibiguin. Ayokong mag-isip ng kung ano-anong masasamang bagay na mangyayari baka mabaliw lang ako. Pinagtuunan ko na lang ng pansin kung papano ko mapapasarap ang Paella na pinangako ko na ihahain sa pagbalik ni Jethro.

Kinabukasan ay nagpasama ako kila manang sa pamimili ng mga kasangkapan sa pagluluto ng Paella. Hindi ko pa natatry lutuin ito kaya humingi ako ng tulong kay manang para magawa ko nang tama ang pagluto nito. Medyo lutang ako habang namimili kami dahil hindi ako masyadong nakatulog kagabi. Ilang beses akong tinawagan ni Jethro pero hindi namin halos maintindihan ang isa’t isa dahil sa hina ng signal sa location nila. Mas malakas pa ang tugtugan sa party kaysa sa boses ni Jethro. Mukhang nag-eenjoy nga silang lahat. Malamang pagod at gutom yun mamaya si Jethro pagbalik niya kaya kailangan kung igihan ang pagluluto. Nang makarating kami ni manang ay hinanda na namin kaagad ang mga kakalanganin namin sa pagluluto at nang sumalit ang hapon ay sinimulan namin ang pagluto ng Paella.

Ayun kay Jethro ay makakauwi siya ng bahay bago mag-alas otso pero halos sumapit na ang alas diyes ay hindi pa rin siya nakakauwi. Marahil natraffic lang siya sa daan. Kung sa bagay traffic talaga kapag linggo dahil magsisibalikan na ang mga tao sa metro galing sa bakasyon. Minabuti kong pumunta sa kwarto para kunin ang aking cellphone at tawagan sya nang malaman kung nasaan na ba talaga siya. Pagkabukas ko ng phone ko ay may nareceive akong message sa hindi ko kilalang user sa messenger. Hindi ko kaagad mababasa ang laman ng mga messages niya unless i-approve ko ang message niya sa akin. Pagsilip ko sa message nito ay tanging link lang ang nasa loob nito. Hindi ko na pinansin dahil baka mahack pa ang account ko sa pagnag click ako sa link na yun. Ilang segundo lang ang lumipas nang mag message itong muli at ang sabi ay “Jethro is so fucking good in bed”. Bigla akong nagduda nang mabasa ko yun kaya naman chineck ko kaagad ang laman ng link.

Tumulo ang aking luha nang makita ko ang lalaking pinakamamahal ko na nakikipagtalik sa iba. Habang nasa ibabaw niya si Celestine ay ilang ulit niyang sinisigaw ang pangalan ko na mas lalong nagpadurog sa aking damdamin. Sobrang sakit ng aking nadarama habang pinapanood ang kababuyang ginawa nila. Malabong edited ang video na to dahil ako mismo ang magpapatunay na si Jethro at si Celestine ang nasa video. Nang matapos ang video ay nanatili lang ako sa kwarto habang hinahampas ang aking dibdib dahil nahihirapan akong huminga sa sobrang pag-iiyak. Hindi ko inaasahang darating si Jethro nang bumukas ang pinto ng aming kwarto. Sa sobrang galit ko sa kaniya ay naibato ko ang aking cellphone sa kaniya pero nagawa niyang Ilagan ito.

“What’s wrong hon?” sabi niya at nilapag ang gamit sa sahig. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisnge.

“Napakababoy mo!” sigaw ko at sa sobrang galit ko ay nagawa ko siyang sampalin. Maski ako ay nagulat sa inasal ko kaya mas lalo akong naiyak.

“Bakit anong nagawa ko?” muli niyang tanong pinagpapalo ko siya para layuan niya ako. Magaan lang ang pagkakapalo ko sa kaniya para layuan niya ako dahil ayoko siyang pagbuhatan ng kamay dahil sa sobrang galit ng nararamdaman ko. Hindi siya umalis sa aking tabi at patuloy pa rin siyang nakayap sa akin hanggang sa tumahan ako.

Wala akong masabi sa kaniya kahit ilang beses niya akong kinakausap. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko pa siya kayang kausapin ngayon. Ayokong ibuka ang bibig ko dahil baka makapagsabi ako ng mga salitang pagsisihan ko. Umalis lang siya sa tabi ko nang malaman niyang nariyan si James. Nasa labas sila ng kwarto habang may pinag-uusapan. Nahiga ako sa kama habang yakap-yakap ang unan. Ilang sandali pa nang maramdaman kong may umupo sa kama. Ang buong akala ko ay si Jethro pero nalaman kong si James ang kasama ko sa kwarto. Nakilala ko ang boses niya nang magsalita siya.

“Eisen, kung ayaw mong makipag-usap kay Jethro ay nandito naman ako para makinig kung ano mang problema ang pinagdadaan mo o ninyo” mahinahon niyang sabi. Pinunasan ko ang mga luha sa aking mga mata bago ako lumingon para harapin siya.

“Niloko niya ako James” sabi ko at nagsisimula na namang tumulo ang mga luha sa aking mga mata.

“Bakit ano bang nagawa niya sayo?” tanong niya habang inaabot niya sa akin ang tissue.

“Yung cellphone ko” ang tanging nasabi ko at kaagad niya itong kinuha. Halos madurog ang screen ng phone ko pero gumana pa rin siya.

Hinanap ko ang message ng nagsend sa akin na user at pinindot ko yung link kung saan ko nakita ang video. Nang maclick ko ang link ay hindi na ito nagpiplay ang sabi ay nag-expire na daw yung link. Ilang beses kong inulit ang pagclick pero parehas pa rin ang mensaheng lumalabas. Wala akong nagawa kundi ipaliwanag ang mga nangyari sa videong napanood ko. Hindi makapaniwala si James sa mga kinuwento ko pero nanatili pa rin siyang nakikinig sa akin habang nagkukwento ako. Siya na mismo ang nagcheck ng phone at ilang beses niyang ginawa ang mga steps na ginawa ko pero hind na maaccess ang video.

“Nakausap mo na ba si Jethro tungkol sa video na to?” tanong sa akin ni James at tanging pag-iling lang ang naisagot ko.

“Okay sa tingin mo ba magagawa kang lukuhin ni Jethro pagkatapos ng mga pinagdaanan nyong dalawa?” tanong niya at muli akong napailing.

“Pero nakakasiguro akong siya yun at si Celestine” pahabol kong sabi.

“Sabihin nating siya nga yung nasa video. Natanong mo ba si Jethro kung papano niya nagawa sayo yun? Natanong mo ba kung ano ang totoong nangyari? Hindi ba sumagi sa isipan mo na maaaring biktima din siya?” para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang mga tanong ni James lalong lalo na yung huling tanong niya.

“Nakasama ko si Jethro simula pagkabata. Ikaw na makakapagsabi kung gaano siya kasungit at strikto bilang kapatid. Pero alam mo kung paano siya magparaya sa aming mga kapatid niya. Never naging selfish sa amin si Jethro. Sa laruan, sa pagkain at sa babae? Haha kayang kaya niyang ibigay sa aming yun lahat. Pero alam mo kung kelan siya naging makasarili?” tumingin sa akin ng seryoso si James at muling pag-iling ang aking nagawa dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot sa tanong niya.

“Yung yung panahong bumalik ka sa buhay niya. Naging girlfriend ni Jethro si Sam pero hiniwalayan niya ito dahil first love ni Jules si Sam. Pinaubaya niya ang negosyo ni papa kay Josh hindi dahil ayaw niyang pamahalaan kundi hiningi ito ni Josh sa kaniya. Kayang ibigay ni Jethro ang lahat ng makakaya niya sa aming magkakapatid pero tanging ikaw lang ang hindi niya kayang ipaubaya sa amin. Kayang kaya niya kaming talikuran para lang makasama ka” patuloy ang pagsasalit ni James ako ay tuluyang natahimik sa aking kinauupuan at hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa mga narinig ko.

“Sinasabi ko to sayo dahil alam ko at alam mo kung gaano ka kamahal ni Jethro. Hindi niya magagawang unahin ang kapakanan mo nang maaksidente kayo kung hindi ka niya mahal. Hindi ka niya hahabulin at susbaybayan sa nilapatan mong school kung hindi ka niya mahal. Hindi niya dadayain ang application mo para lang magkasama kayong muli kung hindi ganun katindi ang pagmamahal niya sayo. Sana magtiwala ka sa kapatid ko” nang matapos siyang magsalita ay tinulungan niya akong punasan ang aking mga luha at bago siya lumabas ay kinuha niya ang phone ko.

“Wala nang way para marecover yung video dahil nag expire na ang link nito. Tanging ang uploader lang ang makakapag-activate ng link kaya I’ll make sure na hahanapin ko ang uploader nito at pagbabayarin natin sila” kinurot niya ang kanang pisngi ko para ngumiti ako at saka lumabas ng aking kwarto.

Nanatili ako sa loob ng kwarto. Hindi ko alam kung papano ko haharapin si Jethro matapos ko siyang pagbuhatan ng kamay. Mabuti na lang at napadaan si James kung hindi ay malamang nag-iiyak pa rin hanggang ako ngayon. Tama siya dapat kinausap ko muna si Jethro bago ako nagpadala sa emosyon ko. Pero papano ko haharapin si Jethro matapos kong batuhin siya ng phone at sampalin sa mukha. Napakatanga ko talaga..

Ilang oras din akong nagpagulong gulong sa kama at hindi makatulog. Madaling araw na pero hindi parin pumapasok sa loob ng kwarto si Jethro. Lumabas na ako para hanapin siya. Una kong tiningnan ang mga guest rooms pero wala siya doon. Nataranta ako kaya napababa ako baka lumabas siya ng bahay pero nakita kong nakabukas ang tv sa living room. Nagpiplay pa rin ang isang movie sa Netflix pero nakita kong tulog na si Jethro sa couch. May anim na bote ng alak sa table na malamang siya lang ang uminom. Yung kumot na dapat bumabalot sa kaniyang katawan ay nasa paanan na niya. Kinuha ko ang kumot at tumabi ako sa kaniya. Binalot ko ang kumot sa aming dalawa at niyakap ko siya. Malalim ang tulog ni Jethro dahil siguro sa dami ng alak na nainom niya. Hindi ko alam kung bakit nagiging kalmado ako sa tuwing naririnig ko ang paghinga niya sa tuwing natutulog siya. Ilang sandali pa nang maramdaman ko ang pagyakap niya sa akin at tuluyan na akong dinalaw ng antok.

Nagising ako dahil medyo mainit na ang paligid. Kahit naka-on ang aircon ay ramdam ko pa rin na nanglalagkit na ako. Pagtingala ko ay nakita ko kaagad na nakatingin sa akin si Jethro. Seryoso ang kaniyang mukha at hindi ko malaman kung ano ang iniisip niya ng mga sandaling yun basta nakatingin lang kami sa isa’t isa. Hanggang sa ako na mismo ang bumali sa katahimikan naming dalawa.

“Ang aga mo atang magising” sabi ko dahil 7 am pa lang ng umaga. Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko habang hinahawi ang buhok na tumatakip sa mga mata ko.

“Natatakot kasi ako na baka mawala ka na sa tabi ko kapag pinikit kong muli ang mga mata ko” sabi niya at bigla akong nakaramdam ng awa nang makita ko na may bakas pa rin ng sampal ang pisngi niya.

“I’m sorry” sabi ko sabay halik sa pisngi niya kung saan ko siya sinampal at siniil ng halik ang mga labi niya.

Naupo kaming dalawa sa couch at nagsimulang mag-usap kung ano nga ba talaga ang nangyari. Sinimulan ko ang kwento kung papano ko nakita ang video at kung ano nakita ko doon. Kinuwento naman niya ang side niya kung saan hindi niya inaasahang naroon din si Celestine dahil hindi naman talaga siya kasama sa party na yun. Ayun sa kaniya ay humingi daw ng tawad sa kaniya si Celestine sa mga nagawa niya sa aming dalawa. Binigyan siya ng drink bilang peace offering at matapos niyang inumin yun ay wala na siyang maalala. Lumuhod sa harapan ko si Jethro at nagsumamo na wag ko siyang iwan. Mabilis ko siyang hinila para tumayo dahil alam kong biktima lang din siya sa mga masasamang plano ni Celestine. Kung tama ang hinala ko ay malamang ginamitan niya ng drugs si Jethro. Sa ngayon ay kinakailangan naming magpakatatag ni Jethro para mapalakas pa lalo ang aming pagsasama. Ang kinakailangan namin ay makakuha ng ebidensya para masampahan ng kaso si Celestine.

Nang magpadrug test si Jethro ay naging negative ang resulta nito. Ayun sa doctor ay may mga drugs na nagtatagal lang ng oras sa katawan. Nakadepende daw sa dosage o sa type ng drugs na ginamit. Malaking factor din daw ang mga kinoconsume na inumin para mapalabas ito sa ating Sistema. Kahit na magpositive si Jethro sa drugs ay wala naman kaming pruweba na si Celestine ang naglagay ng drugs sa inumin nya.

Makalipas ang ilang buwan ay nagbalik ang sigla ng relasyon namin ni Jethro. Nagpaplano kaming gumawa ng bagong brand ng sapatos. At ang head designer namin sa mga shoes ay walang iba kundi si Gunter. Mahilig mangolekta si Gunter ng shoes at isa to sa kaniyang hobby. Nadiskubre ko ang talento niya sa pagdesign ng mga shoes nang makita ko ang magawa niya sa notebook ni Lance. Meron na rin kaming factory kung saan gagawin ang mga shoes. Inaantay na lang naming maaprubahan lahat ng permits para makapagsimula na kami ng negosyo.

Isang araw nang gelatin kami ni Celestine sa balitang buntis siya at dinadala niya ang anak ni Jethro. Nagdedemand siya na pakasalan siya ni Jethro pero tinanggihan siya ni Jethro. Nangako si Jethro na hindi niya tatalikuran ang pagiging ama niya sa bata pero hindi niya magagawang magpakasal kay Celestine. Syempre hindi rin ako makakapayag na mawalay sakin si Jethro. Matagal ko nang tinanggap ang posibilidad na mabuntis si Celestine pero hindi ko alam kung bakit may pangamba pa rin sa dibdib ko. Marahil ay nakakaramdam ako ng inggit kay Celestine dahil kaya niyang bigyan ng anak si Jethro. Makalipas ang isang linggo ay kinukulit ako ni Celestine na makipagkita sa kaniya. Hindi ko alam kung papano niya nakuha ang number ko pero nakipagkita ako sa kaniya para putulin na ang ugnayan namin sa kaniya. Gusto kong sabihin sa kaniya na wala akong balak isuko sa kanya si Jethro kaya pumayag akong magkita kaming dalawa.

“Ano pa bang gusto mo Celestine?” inis kong tanong nang maupo sa bakanteng upuan sa harap niya.

“Alam mo kung ano ang gusto ko Eisen. Yun ay ang pakasalan ako ni Jethro na magiging ama ng aming baby” sabi niya sabay hawak sa tiyan niya na mapapansin mo na ang paglubo.

“Papayag akong maging ama siya ng anak mo pero hinding hindi ko siya ibibigay sayo bilang asawa” mariin kong sabi at siya naman ay ngumiti ng sarkastiko.

“At malinaw naman sayo ang sinabi ni Jethro kaya kung siya ay hindi bibitaw lalong lalo na ako” dugtong ko at biglang nagbago ang reaksyon ng mukha niya.

“I know mahirap baliin ang pagkatao ni Jethro. Pero ikaw, alam na alam ko ang kahinaan ng mga kagaya mo” natatawa niyang sabi. Hindi lang to buntis kanina ko pa sinikmuraan ang haliparot na to.

“Excuse me?” sabi ko habang nakataas ang kilay.

“Masyado kang nagki care sa mga taong nasa paligid mo. Mas pipiliin mo ang kapakanan nila kaysa sa ikakaligaya mo at yan ang kahinaan mo” wala siyang pakialam kahit marinig ng mga katabi naming table ang pinag-uusapan niya. Nasa café kami ngayon at may iilang tao sa loob na pwedeng makirinig sa pinag-uusapan namin.

“Aalis na ako. Walang patutunguhan ang pag-uusap nating ito!” tatayuan na sana ako pero nagawa niya akong pigilan.

“Wait let me finish okay” sabi niya at sumenyas siya na umupo ako. Pinagbigyan ko siya pero sa sandaling magsalita siyang ng walang kabuluhang bagay ay eexit na talaga ako.

“Alam mo bang isa sa mga board of directors ang kuya ko sa kompanya ng mga Wells na minamanage ni Joshua” sabi niya habang may kinukuhang brown envelop sa bag niya.

“So ano pinapunta mo ako dito para ipagyabang sa akin kung gaano ka yaman ang pamilya nyo?” iritable kong tanong at tumawa lang siya. Naglapag siya ng mga pictures mula sa envelop at pinakita sa akin ang mga nasa pictures. Kung hindi ako nagkakamali si Josh ito at may kasama siyang lalaki kung saan nagsesex sila sa office?

“Bumaba ang stocks ng Wells Co. ngayong taon at may mga unresolved issues sa mga products nila napatuloy na nakakasira sa image ng kompanya. Sa tingin mo kapag nakita ng mga board of directors ang kahalayang ginagawa ng CEO nila sa kaniyang secretary sa loob ng office habang may hinaharap silang issue sa kompanya. Sa tingin mo magtitiwala pa rin ba sila sa way ng pamamahala niya?” natulala ako sa mga larawang nakita ko kaya hindi ako makapagsalita. Naglapag siya ng bagong mga pictures ang akala ko pa noong una ay si Jethro pero mukhang si Alexandre ito noong baguhan pa lang siya sa showbiz. May nakayakap sa kaniyang matabang bakla habang ang suot suot niya lang ay bikini brief.

“Yan nga pala si Alexandre bago pa siya maging sikat na artista. Yung baklang nakayakap sa kaniya ay si Mr. Romualdez. Dating manager niya yan. Si Mr. Romualdez ang naging ticket ni Alexandre sa showbiz. What I mean is ginamit niya ang katawan niya kapalit ng tinatamasa niyang kasikatan ngayon” natatawang sabi ni Celestine at hindi talaga natinag sa pagkwento kahit naririnig na ng iba ang mga sinasabi niya. Tanging pag-iling lang ang aking nagawa dahil alam kong hindi ganung klaseng tao si Alexandre.

“And lastly, napapansin mo bang minsa’y umaalis si Jethro at hindi nagpapaalam sayo?” tanong niya habang nakangiti. Ilang beses akong umiling dahil alam kong mali-mali ang sinasabi ni Celestine alam kong hindi ako magagawang lokohin ni Jethro.

“How I wish kagaya ng iniisip mo ang nangyayari. Pero ang tinutukoy ko ay ang pagpabalik-balik ni Jethro sa mga pulis para sa on-going investigation ng pagkamatay ni Mr. Santos. Sa mga taong umatend sa party siya lang ang may sabit sa alibi dahil walang makakapagpatunay kung nasaan siya sa mga oras nang mamatay si Mr. Santos. Maliban na lang kung tetestigo ako para kay Jethro dahil yung mga oras na yun yung time kung saan ineenjoy namin ang pagsesex” napakasenswal ng pagkakakwento niya na tila ba gusto nya pa akong mainis. Pinipigilan ko lang ang sarili ko pero gustong gusto ko na talagang tusukin ng tinidor ang mata ng babaeng to.

“Ano ba talagang gusto mong mangyari?” tanong ko na may halong pagpipigil sa aking boses.

“Simple lang - makipaghiwalay ka kay Jethro at wag na wag ka nang magpapakita sa kaniya. Kapag ginawa mo yun ay magiging maayos ang buhay ng lahat” sabi niya habang pinipeke ang mga ngiti.

“Pano kung hindi ko gawin?” tanong ko at bigla siyang nagtaas ng kilay.

“Alam mo na ang mangyayari” sabi niya habang winawagayway ang larawang hawak niya.

“Hindi ka ba natatakot na may makakarinig sayo sa pagbabanta mo sa akin?” sabi ko habang tinitingnan ang paligid namin.

“I own this place. Kaya nga dito kita pinapunta. And when I say I own this place, lahat ng mga tao dito ay pagmamay-ari ko. Maliban sayo…. Well for now” nilakasan nya pa ang tawa niya. Hinigpitan ko ang paghawak ko sa kanang kamay ko dahil malapit nang maputol ang tali ng pasensya ko.

“Bibigyan kita ng isang linggo para pag-isipan ang lahat ng to. And don’t worry bibigyan kita ng pera para makapamuhay ka sa ibang bansa at makapagsimula ng bagong buhay. Pwede kang mamili Canada, US, Korea, Japan, Thailand at kahit sa Mars pa basta malayo ka lang sa amin ni Jethro” sabi niya at kinuha niya ang mga larawang pinakita niya sa akin. Binalik niya ito sa brown envelop at binalik sa kaniyang bag.

“NAPAKASAMA MO!” hindi na ako nakapagpigil at nasabi ko na mismo sa mukha niya kung anong klase siyang tao.

“Let say na nabubuhay ako sa saying ni Cersei Lannister. The more people you love, the weaker you are” sabi niya at tumayo siya sa kinauupuan nya.

“And there’s more….. POWER IS POWER” tumawa siya habang naglalakad papalabas ng café. Naiwan akong nanginginig ang laman sa galit.

Tatlong araw ang lumipas simula nang mag-usap kami ni Celestine. Hindi ko sinabi ang totoong napag-usapan namin ni Celestine nang tanungin ako ni Jethro. Marami nang iniisip si Jethro at ayokong idagdag dun ang mga nalaman ko sa mga kapatid niya. Alam kung tuso si Celestine pero hindi siya ang tipo ng tao na kayang gumawa ng kwento. Napatunayan ko nga na umaalis si Jethro minsan nang hindi nagpapaalam sakin. Kaya pala hindi pa nagagrant sa amin ang mga permit dahil on-going ang investigation sa pagkamatay ni Mr. Santos at siya ang nagiging suspect hanggang hindi magtetestify si Celestine para sa kaniya. At alam ko rin na may namamagitan kay Josh at sa secretary niya. Nasaksihan ko mismo yun nang magpunta ako sa Singapore.

Mababaliw ako kakaisip kung ano ang tamang desisyon na dapat kong gawin. Kapag pinili ko si Jethro ay maraming madadamay at madidiin sa kaso si Jethro. Sa sobrang desperado kong makahanap ng makakausap tungkol sa problemang hinaharap ko ay nagtungo ako sa simbahan para magdasal sa diyos upang tulungan akong gawin ang tamang desisyon. Nang makalabas ako ng simbahan ay wala ako sa sariling naglakad-lakad. Hinayaan ko ang mga paa ko na dalhin kung saan-saan. Sasakay ng jeep pero hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta basta gusto ko lang makapag-isip. Hindi ko alam kung papano ako nadala ng mga paa sa lugar na to. Ang lugar kung saan nakakulong si Sam.

“Namiss mo ba ang ate mo?” masayang bati ni Sam. Hindi pa rin ako sanay na tawagin siyang ate.

“Pwede bang makinig ka muna sa mga sasabihin ko at saka ka magreact?” sabi ko at siya naman ay tumango bilang pag sang-ayon.

Sinimulan ko ang pagkwennto tungkol sa mga nangyari sa akin nang magtapos akong mag-aral. Kung papano ako nagsimulang magtrabaho kay Jethro. Naikwento ko rin na matagal nang bumalik ang ala-ala niya at inamin niyang mahal niya pa rin ako hanggang sa nagkabalikan kami. Nasabi ko na masaya sana kami kung hindi lang nakikiepal itong si Celestine. Nang marinig niya ang pangalan ni Celestine ay muntikan na siyang magsalita pero naalala niya yung usapan namin kaya nagpeace sign na lang siya. Sinabi ko rin yung ginagawang pagbabanta sa akin ni Celestine ngayon at hindi ko alam kung anong gagawin at bakit ako napadpad dito. Natapos na akong magkwento pero wala pa rin siyang naging reaksyon. Nang titigan ko siya at saka lang siya nagsalita.

“Ohh yun na ba yun?” tanong niya at ako naman ay tumango.

“OMGGG!!” sabi niya sa pinakapeke niyang reaction.

“Pwede ba tantanan mo yan ang OA mo” iritable kong sabi.

“Sorry hindi ko pa rin kasi alam kung papano makipagchikahan sa gays. You know. Anyway hindi pa rin pala natitinag yang Celestine na yan?” tanong niya at nagulat ako dahil mukhang kilala niya ito.

“Anong ibig mong sabihin?” mabilis kong tanong.

“Kung si Celestine Cua ang tinutukoy mo ay naging kaklase namin siya ni Jethro noong High school kami. Grabe ang obsession niya kay Jethro. Alam mo bang nagawa niyang gupitin ang buhok ko dahil sa sobrang selos niya nang malaman niyang girl friend ako ni Jethro” natigilan siya nang marealize niya ang mga pinagsasabi niya.

“I mean naging girl friend niya ako noon. Syempre ikaw na ngayon. Anyway hindi naman ako nagpatalo kaya hinampas ko lang naman ang keyboard sa computer lab sa kaniyang mukha dahil sa inis ko” napailing ako nang marinig ko yun mula sa kaniya. Dati pa talaga siyang bayolente.

“Pero don’t worry hindi niya maagaw sayo si Jethro kahit buntis pa man siya ngayon. Pano niya pa kaya nagagawang lumabas ng bahay sa hitsura niyang yun?” at nagtuloy tuloy ang pagdadaldal niya.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko.

“Well mukha siyang kambing noong high school kami so ngayon malamang mukha na siyang baka. Wait wag mong sabihin nagparetoke na siya ngayon?” napatango na lang ako dahil mukhang ganun nga ang nangyari.

“Pero maliban kay Celestine. May isa pa akong naiisip na may kagagawan ng mga nangyayari sayo. Malabong si Celestine lang ang gustong sumira sayo” sabi niya habang naka kalumbaba.

“Wala naman na akong ibang kaaway maliban sa kaniya” sabi ko at mukhang may nalalaman pa si Sam kaysa sa akin.

“Siguro hindi mo pa siya nakikilala or hindi pa siya lubusang nagpapakilala sayo” sagot niya habang tumatango na parang asong naka display sa taxi.

“Wala akong time para makipaghulaan. Pwede bang sabihin mo na lang sa akin kung sino?” sabi ko at tumingin siya sa akin nang seryoso.

“Walang iba kundi si lola” sagot niya sa pinakawalang buhay na tono ng boses niya.

“Buhay pa si lola?” gulat kong tanong.

“Yep how I wish matagal na siyang patay” sabi niya habang kinakalikot ang kaniyang kuko.

“Bakit hindi nyo nabanggit ito sa akin ni mama?” mabilis kong tanong.

“Dahil hindi mo siya kakailanganin sa buhay mo!” mabilis niyang tugon.

“At bakit mo namang nasabing may kinalaman siya sa mga nangyayari sa akin ngayon?” mabilis ko muling tanong.

“Kung ako demonyo ang tingin mo sa amin ni mama. Si lola naman ang embodiment ng salitang evil” mabilis niya muling tugon.

“At ano ngang kinalaman nito sa akin?” mabilis kong tanong.

“Teka lang, hinihingal ako sayo” sabi nya nang mapansin ang sunod-sunod kong tanong.

“Well sa tingin ko ay naghahanap siya ng tagapagmana ng kaniyang kayamanan at ikaw ang pinaka eligible sa natitira niyang kamag-anak” tugon niya at hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinasabi nya.

“Kung tama ang sinasabi mo ay bakit niya kailangang gawin ang lahat ng to?” tanong ko at huminga siya nang malalim bago sumagot.

“Mabuti pa siya ang tanungin mo dahil hindi ko alam kung nasa tamang katinuan pa ba yung matandang yun” sagot nya at bago siya ibalik sa rehas ay nagawa niyang ibigay sa akin ang address ni lola. Sinabihan niya akong mag-iingat at wag basta magtitiwala kay lola.

Nagpaalam ako kay Jethro na gagabihin ako ng uwi dahil pinuntahan ko ang address na binigay sa akin ni Sam. Sigurado daw siya na nandun pa rin nakatira si lola dahil hinding hindi niya maiiwanan ang mansion na binuo nila ni lolo. Nacurious tuloy ako bigla kong anong klaseng pamilya ang pinaggalingan namin. Maging si tito Kendrick na papa ni Lance ay walang nakwento tungkol kila lolo at lola. Tumatak sa aking isipan ang huling sinabi ni Sam. “Talunin mo sila sa larong sinimulan nila”. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niya diyan. Makalipas ang ilang oras ay narating ko rin ang address kung saan nakatira daw si lola. Sobrang ganda ng mansion na to at mukhang mas magarbo pa siya kaysa sa mansion ng mga Wells. Hindi ako sigurado kung tama ba ang binigay na address sa akin ni Sam pero lumapit pa rin ako sa guard para makompirma.

“Magandang hapon po. Itatanong ko lang po kung dito nakatira si Georgina Fuentes?” tanong ko sa manong guard.

“Ay pasensya na po walang nakatirang Georgina Fuentes sa mansion na to” sagot ng gwardiya na nakabantay malapit sa malaking gate.

“Sigurado po kayo kasi dito po yung binigay sa aking address” pangungulit ko at napakamot si manong guard.

“Iho sampung taon na akong naninilbihan sa mansion na to at wala talagang ganyang tao dito” sagot niya at humingi ako ng paumanhin. Bago pa man ako makalayo sa gate ay may biglang nagsalita sa loob.

“Anong kailangan mo kay Georgina Fuentes?” sabi ng isang babae na nasa mid 30s.

“Good afternoon maam” pagbati ng guard sa babae.

“Ako po si Eisen Fuentes ang kaniyang apo” pagpapakilala ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at saka sumenyas sa guard na papasukin ako.

Sobrang ganda talaga ng bahay na to. Magkahalong modern at vintage ang style ng mansion. Habang naglalakad kami papasok sa mansion ay hindi ko mapigilang mapamangha sa ganda nito. Naalala ko tuloy yung unang dating ko sa mansion ng mga Wells. Ganitong ganito ang pakiramdam ko noon. Nang makapasok kami sa loob ay pinaupo niya muna ako sa living room at siya naman ay umalis. Makalipas ang ilang minuto ay may kasama na ang babaeng kasama ko kanina. Isang matandang naka wheel chair ang marahan niyang tinutulak patungo sa direksyon ko. Napatayo ako sa kinauupuan ko nang makita ko ang mukha niya at hindi ko aakalain na siya ang lola ko.

“Imposible. Kayo po ba talaga ang lola ko?” gulat kong tanong.

“Ako nga iho” tugon niya at ngumiti siya sa akin.

Hindi maaring nakakasama ko na pala ang lola ko nang hindi ko namamalayan.

Itutuloy…….

A/N: If you hate the outcome of the story please feel free to unfollow me and delete this story from your library. Hindi ko pinili ang ganitong set-up ng story kung wala akong knowledge kung papano ito nagwowork. Nagwowork ako sa isang US bank for almost 2 years and basic knowledge namin ang mga bagay gaya ng shares, stocks, bonds at kung pano nagwowork ang isang company. So please stop telling me na parang wala akong alam sa sinusulat ko. Pinaghihirapan kong mabuo ang bawat chapters na inupload ko. Kung nega comments lang about may writing ang isusukli nyo. Please leave this story na kasi sobrang nakakademotivate magsulat kapag nakakabasa ng mga ganun.

I am trying to make Eisen’s character more realistic kung saan gumagawa siya ng maling desisyon sa buhay. Hindi niya napipigilan ang emosyon niya. Nagiging marupok siya sa damdamin niya at nakakapanakit siya ng ibang tao. He’s not perfect okay and hindi siya yung usual lead na nababasa nyo.

And lastly, I would like to say thank you sa lahat ng mga patuloy na sumusuporta sa story na to. Nag-effort akong tapusin ang chapter na to kahit na may pasok ako ngayong gabi at kulang sa tulog to extend my sincere gratitude sa mga real fans ng

Jethro X Eisen.

I promise to make it more sensible as the story ends. I love you guys.

PLEASE DON’T FORGET TO VOTE!!

Chapter 22: Kill this love

A/N: As promised here’s the update.

David as Jethro

Eisen’s POV

Lumaki ako na tanging si mama lang ang kasama ko sa buhay. Wala akong amang kinagisnan dahil ayun sa kwento ni mama ay namatay siya sa isang malagim na aksidente. Nag-iisa akong anak at yun ang pagkakaalam ko. Hanggang sa makarating sa mansion ng mga Wells, dito ko nalaman ang sikreto sa aking nakaraan . Dito ko nalaman na may isa akong nakakatandang kapatid na halos kabiyak na ng aking mukha. At ang katotohanan sa kabila ng pagkamatay ng aking ama. Ni minsan ay walang nakwento sa akin si mama tungkol sa kaniyang mga magulong. Hindi ko alam kung may lolo at lola pa ba ako. Kahit isang kwento sa aking pagtulog ay hindi sila nabanggit ni mama at ngayon ay nasa harap ko na ang isang taong matatawag kong lola.

“Kailan pa?” ang unang tanong na lumabas sa aking bibig.

“Matagal na. Matagal ko na kayong sinusubay-bayan ng kapatid mo pero ikaw ang nararapat” at sumenyas siya sa kaniyang alalay. Kasama ng mga ilang guards na nakabantay sa lugar ay binuhat si lola ng mga to at pinaupo sa couch na nasa harap ko.

“Matagal na kitang gustong kunin sa mama. Actually bata ka pa lang at kamamatay pa lang ng ama mo nang kausapin ko ang mama para ako na ang mag-alaga sayo. Pero tumanggi siya kaya hayan ang nangyari sa inyo” dugtong niya pero hindi ko pa rin maunwaan nang husto.

Nagsimulang magkwento sa akin si lola. Ang buong pangalan niya ay Larissa Fei Lau Fuentes. Galing siya sa angkan ng mga mayayamang tsinoy dito sa pilipinas. Naging pangunahing business nila ay ang pagbebenta ng mga moon cakes, tikoy at hopia sa Chinatown sa binondo. Nakilala niya si lolo na isang mayamang businessman na willing mag-invest sa negosyo nila at napalago nila ito. Si Escencio Fuentes ang pangalan ng aking lolo. Ayun kay lola ay sa lolo ko kinuha ni mama ang aking pangalan. May dalawa silang anak yun ay si Lyca ang aking mama at si tito Kendrick na daddy ni Lance.

Nakwento niya kung papano nasira ang kanilang pamilya dahil sa labis na pagmamahal ng kanilang mga anak sa mga naging kasintahan nito. Unang napalayas sa mansion ay si tito. Napag-alaman daw nilang nakikipagrelasyon si tito sa isang lalaki. Si tito ang inaasahan nilang magmamana ng negosyo ng pamilya. Ngunit hindi nila matanggap ang kanilang relasyon dahil malas daw ito pagdating sa negosyo. Si mama naman ay nakipagtanan noon kay papa. Wala pang kayamanan si papa noong naging sila ni mama. Kaya nang malaman nilang nakikipagrelasyon ang kanilang anak na babae sa isang lalaking mahirap ay agad nilang tinutulan ito. Binalak nilang ipadala si mama sa California para doon tapusin ang pag-aaral pero nagawang sumama ni mama kay papa bago pa siya makaalis ng bansa.

Ni minsan ay hindi nagbalak bumalik si tito Kendrick sa mansion dahil sa pagkamuhi niya kina lolo at lola. Si mama naman daw ay humingi ng tulong kina lolo at lola ng mamatay si papa pero hindi nila ito tinulungan dahil nagbabakasakali silang bumalik ito sa mansion at magmakaawa para humingi ng kapatawaran. Hindi nangyari ang kanilang gusto. Sa pagkamatay ni lolo ay wala sa kanilang mga anak ang dumalaw dito. Lumipas ang ilang taon nang mabalitaan ni lola na isa-isa sa mga anak niya ang namatay. Una si mama, nalaman niyang patay na ito dahil sa paghihiganti niya para kay papa. Naikwento sa akin ni lola na nagpunta siya sa lamay ni mama ngunit pinigilan siya ni Sam dahil hindi daw siya nararapat na pumunta doon. Ilang taon ang lumipas nang malaman niyang namatay na din si tito Kendrick. Kasabay ng pagkamatay niya ay ang paglaho din ng kaniyang mga kayamanan. Balak na sana akong kupkupin ni lola nang malaman niyang wala nang gagabay sa akin. Bago pa niya ipagpatuloy ang pagkwento ay natanong ko kung bakit ako lang ang gusto niyang kupkupin at bakit hindi kasama si Lance.

“He’s a son of a prostitute!” sabi niya na may halong galit sa kaniyang pananalita.

Nagulat ako sa nilahad ni lola. Wala akong alam tungkol sa mommy ni Lance dahil ayaw ding pag-usapan ito ni tito. Ang mama daw ni Lance ay isang pokpok ayun kay lola. Nang makipag-live in si tito sa kaniyang karelasyon ay hinangad daw nilang magka-anak. Hindi pa ganun kalaki ang kinikita ni tito kaya dinaan nila sa isang prosti ang pagkakaroon ng isang anak. Nalungkot ako nang marinig ito kay lola dahil wala namang kasalanan si Lance sa kung ano mang nakaraang meron siya at kung anong klaseng magulang ang meron siya.

Nagpatuloy ang kwento ni lola nang malaman niyang naghahanap ako ng trabaho. Inutusan niya ang head ng HR para kontakin ako para sa isang job position na hindi ko naman inaaplyan. Nabigo siyang makuha ako sa kaniyang kompanya kaya naman gumuwa siya nang paraan para makakuha ng seat sa mga board members sa kompanya ni Jethro. Hinayaan ko siyang magkwento at hindi muna nagtanong sa kaniya. Isa siya sa mga humikayat sa mga board of directors na mapatalsik ako sa kompanya ni Jethro dahil sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Ginawa niya raw yun para makuha niya ako sa kaniyang puder pero muli siyang nabigo dahil nagawa kong pasukin ang showbiz. Napahanga raw si lola sa akin dahil nagagawa kong gampanan ang mga bagay na hindi niya inaakalang magagawa ko. Sa pagkabigo niya ay nanghingi na siya ng tulong kay Terence.

“Terence? As in Terence Tan?” hindi ko napigilang maitanong.

Tumango siya sa akin bilang pagsang-ayon. Muli siyang sumenyas sa kaniyang mga alalay para ibalik siya sa wheelchair. Humingi siya ng tulong sa akin para ako raw ang magtulak ng wheelchair niya. Marahan kong tinulak ang wheelchair sa lugar kung saan niya kami gustong mag-usap. Hanggang sa marating namin ang isang opisina na naglalaman ng napakaraming libro. Parang kagaya lang sa kwarto ni Jethro noong nasa mansion pa kami sa batangas. Mas hamak na mas malaki ito at nagulat na lang ako nang makita ko ang isang malaking painting sa gitna. Isang matandang babae ang nakaupo sa isang upuan habang ang isang lalaki naman ay nakatayo sa kaniyang gilid habang nakapatong ang kamay sa balikat ng matandang babae. Hindi ako makapaniwala na makikita ko ang painting na to. Ang lalaking kasama ni lola ay walang iba kundi si Terence.

“Narito tayo sa loob ng opisina ni Terence” sabi ni lola at pinagpatuloy niya ang pagkwento.

Si lola ang legal guardian ni Terence nang mamatay ang mga magulang nito sa isang car accident. Galing china ang mga magulang ni Terence at nagmigrate dito sa pinas para magnegosyo. Si lola ang naging takbuhan nila para makahingi ng tulong pinansyal para sa negosyo nila. Bago pa man lumago ang negosyo nila ay namatay ang mga to sa malagim na car accident sa NLEX. Dahil wala nang kasama si lola sa mansion ay napagdesisyunan niyang kupkupin si Terence.

“Kung vice president na si Terence sa Forever and Always Co. Bakit pinilit nyo pa ring magkaroon ng seat sa board eh kung nandun naman na si Terence para gawin ang mga trabahong ipapagawa mo sa kaniya?” tanong ko at muling bumalik ang tingin sa akin ni lola na kanina pa nakatitig sa kanilang paintings habang nagkukwento.

“Dahil gusto ko mismong obserbahan ka kung papano ka magtrabaho sa isang kompanya” tugon niya at sinabihan niya akong maupo sa couch.

“Ano namang balak nyo kapag nakuha nyo na ako sa puder nyo?” tanong ko at naging seryoso ang kaniyang mukha.

“Sisirain ko isa-isa ang buhay ng mga Wells gaya ng pagsira nila sa buhay ng anak ko at sa buhay mo!” tugon niya na labis kong ikinagulat.

“Ano pong ibig nyong sabihin?” mabilis kong tanong at halos mapatayo ako sa aking kinauupuan.

“Sisirain ko sila gaya ng pagsira nila sa pamilya ko” ang tangi niyang nasabi.

“So may kinalaman ka sa mga nangyayari sa magkapatid ngayon?’ tanong ko at nagulat siya sa bigla kong pagtayo kaya naman napahawak siya sa kaniyang dibdib. Lumapit sa kaniya ang kaniyang mga alalay pero sinabihan niya ang mga ito na ayos lang ang kalagayan niya.

“Wala pa akong ginagawa sa kanila. Dahil alam ko kung papano napalapit ang loob mo sa mga taong yun. kaya naman binibigyan kita ng pagkakataong pumili” sabi niya habang hinihingal.

“Pumili sa alin?” hindi ko na naitago ang pagkamuhi ko. Ilang sandali siyang tumigil habang hinahabol niya ang kaniyang paghinga.

“Sasama ka sa akin sa macao para pag-aralan ang negosyong mamanahin mo o mananatili ka dito sa pilipinas habang pinagmamasdan mo kung pano sirain ng ibang tao ang buhay ng mga taong malalapit sayo?” sabi niya at tila inabot ng ilang minuto bago ko naabsorb lahat ng sinabi niya.

“Huwag mong sabihing may kinalaman ka sa mga pinaggagawa ni Celestine?” tanong ko at mabilis siyang umiling.

“Wala akong kinalaman sa mga pinaggagawa ni Celestine. In fact, pabor sa akin ang mga ginagawa niya dahil hindi ko na kailangang kumilos para may gumawa ng mga gusto kong mangyari” tugon niya at halata na sa kaniyang pananalita na nahihirapan siya.

“Tama nga ang sinabi ni Sam, napakasama mo!” hindi ko napigilan ang aking sarili kaya nasabi ko ang mga salitang yun. Muli siyang humawak sa kaniyang dibdib na para bang may iniinda siyang sakit.

“I’ll do everything to save this family!” sabi niya at bigla na lang siyang nawalan ng malay. Nagpanic ang lahat ng mga taong nasa paligid niya. Habang ako ay nakatitig sa walang malay kong lola. Dinala nila ito sa isang kwarto habang inaasikaso ng isang nurse. Pinag-antay ako ng assistant niya sa living room.

Makalipas ang halos dalawang oras na pag-aantay ay binalak ko nang umuwi ngunit muli akong kinausap ng assistant niya dahil kakausapin daw akong muli ni lola. Sinamahan niya akong magpunta sa kwarto ni lola. Pinayuhan niya akong mag-ingat sa aking pananalita dahil baka lalong sumama ang kalagayan ni lola kapag muli akong nagtaas ng boses sa kaniya. Pagkapasok ko sa kaniyang kwarto ay nakita ko siyang nakaupo na sa kaniyang kama habang may binabasang libro. Nang makita niya ako ay agad siyang sumenyas na maupo ako sa kaniyang tabi. Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Hanggang sa ako na mismo ang bumasag sa katahimikan.

“Kung papayag ako sa kagustuhan mo. Papano mo masisiguro ang kaayusan at kaligtasan ng magkakapatid?” ang tanong ko.

“Nagmana ka sa mama mo. Hindi mo man lang magawang itanong kung kamusta ang kalagayan ko” sabi niya habang natatawa. Ngayon ko lang nakita ang totoong pagtawa niya. Napayuko na lang ako dahil aminado akong hindi pumasok sa isipan kong kamustahin ang kalagayan niya matapos siyang mawalan n malay kanina.

“It’s fine. To be honest masaya akong nandito ka dahil pinapaalala mo sa akin ang pagkabata ni Lyca. Marami akong pagkakamali sa buhay na gusto kong ayusin. May mga bagay na pinagsisihan ko at sana naagapan ko kung kumilos kaagad ako. Kaya gagawin ko ang lahat para masalba ang pamilyang to. You can blame me, magalit ka sa akin o kamuhian mo ako pero it’ll make sense sooner or later” sagot niya sa pinakakalmado niyang boses.

“Kapag pumayag ka sa kasunduan natin. I’ll make sure na walang mangyayari sa magkakapatid. Not on my watch!” dugtong niya at mukhang tapat naman siya sa kaniyang sinasabi.

“Papano mo masisigurado yan lalong lalo na’t hindi mo basta basta mapapakiusapan si Celestine. Hinding hindi mo rin mababayaran yun dahil mayaman ang kanilang angkan” sabi ko at bigla siyang natawa sa sinabi ko.

“Let me tell you first that they’re not untouchable gaya ng iniisip mo. Celestine Cua? Malaki ang naitulong ko sa pamilya nila para makapagsimula sila ng negosyo dito sa pilipinas. Ako ang nagbigay nagpahiram ng puhunan sa kanilang lolo para makapagsimula sila ng negosyo at ako ang major investor nila na naging dahilan para lumago ang negosyo nila hanggang sa dumami ang bangko nila dito sa bansa. Isang tawag ko lang sa lolo ni Celestine ay titigilan niya na kaagad ang mga pinagagawa nya” hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa mga natuklasan ko. May inabot siya sa aking mga papel kung saan nakasulat ang mga net worth ng mga mayayamang negosyante sa pilipinas. Pang-apat dito ang pangalan ni lola. At sa ibang pahina ay makikita ang mga halaga ng mga kompanya base sa earnings nito at pangatlo dito ang kompanyang pagmamay-ari ni lola. Hindi man lang pumasok ang kompanya ng mga Wells sa top 10 at hinanap ko din ang kompanyang pagmamay-ari ng mga Cua pero hindi rin sila pasok dito.

“Wala kang dapat ikatakot sa kanila” dugtong ni lola. Pinag-isipan kong mabuti ang aking desisyon bago ako magsabi sa kaniya ng nais kong mangyari.

“Papayag na ako sa gusto mong mangyari” may sasabihin pa sana ako pero muli siyang nagsalita.

“Hindi lang ang pagsama mo ang gusto ko. Ang gusto ko ay hiwalayan mo rin si Jethro” nagulat ako nang sabihin niya yun at tila hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya dahil ito ang isang bagay na hinding hindi ko magagawa.

“Bakit ko kailangang makipaghiwalay kay Jethro?” tanong ko habang pinipigilan ko ang aking emosyon.

“Ayokong magaya ka sa sinapit ni Kendrick o ni Lyca. Alam kong wala akong magagawa para baguhin ang pagkatao mo pero matuturuan pa rin kita kung sino ang dapat mong pagkatiwalaan at mahalin” sagot niya at ako nama’y nanatili sa aking kinauupuan habang humihigpit ang pagkapit sa kama.

“At sino ang dapat kong mahalin?” sabi ko habang tumutulo ang luha sa aking mga mata.

“Malaki ang tiwala ko kay Terence at alam kong hindi ka niya pababayaan” sabi niya sabay hawak sa kanang kamay ko.

“Terence” ang tangi kong nasambit habang tumatango ako.

“Pag-iisipan ko “ ang tanging nasabi ko at saka tumayo papalabas sa kaniyang kwarto. Bumuhos ang luha ko habang naglalakad. Inalok ako ng assistant ni lola na ihatid ako sa bahay. Tumango lang ako bilang pagsang-ayon.

Habang nasa sasakyan ay hindi ko alam kung anong desisyon ba ang dapat kong gawin. Kapag pinagpatuloy ko ang relasyon ko kay Jethro ay marami kaming madadamay na ibang tao. Kapag sinuko ko naman ang aming relasyon ay kami naman ni Jethro ang magdudusa. Hindi ko alam kung bakit ba laging may tumututol sa aming pagmamahalan. Bakit ba hindi nila kami hayaang maging masaya? Bakit ba kailangan ko laging magdusa?

Nang makarating sa aming bahay ay kaagad kong inayos ang aking sarili. Hindi ako pwedeng makita ni Jethro na ganito ang ayos. Pagkapasok ko sa loob ng aming bahay ay kaagad sa akin sumalubong ang nakabukas na tv. Inakala kong gising pa si Jethro pero mahimbing na ang tulog niya. Inayos ko ang kumot na nakabalot sa kaniya pero bigla na lang siyang nagising.

“Bakit dito ka natulog?” tanong ko nang magising siya.

“I was waiting for you to come home” sabi niya habang napipikit-pikit pa ang mga mata.

“Sabi ko naman na malilate ako nang uwi di ba” sabi ko at hinaswakan ko ang pisngi niya. Hinila niya ako sa couch at nahiga sa tabi niya. Niyakap niya ako habang nakatalikod ako sa kaniya. Hinila niya ang kumot para sa aming dalawa at hinalikan niya ang aking ulo.

“I had a dream na bigla mo na lang akong iniwan at hindi kana bumalik. Natatakot akong anytime ay iiwan mo ko kapag nagsawa kana sa mga nangyayari sa ating dalawa. Natatakot akong dumating ang araw na hindi mo na ako kayang intindihin. Natatakot ako sa bawat sandaling hindi tayo magkasama na baka maisipan mong hindi na bumalik” bawat salitang binibigkas niya ay tila karayom na tumatagos sa aking puso dahil alam ko kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Pinaharap niya ako sa kaniya.

“Promise me na hinding hindi mo ako iiwan kahit ano man ang mangyari!” sabi niya habang hinahawi niya ang buhok ko sa aking noo. Napalunok ako ng laway bago ako nakapagsalita.

“I promise” sabi ko at hinalikan niya ako sa noo. Napayuko ako at sinubsob ang aking mukha sa kaniyang dibdib. Hindi ko yata kayang harapin ang kaniyang mga mata habang nagsisinungaling sa kaniya. Hindi dahil sa hindi ko siya mahal. Yun ay dahil hindi pa ako sigurado sa desisyong dapat kong pangatawanan. Yumakap ako nang mahigpit sa kaniya habang ninamnam ang sandaling naaamoy ko ang natural niyang amoy na nagpapakalma sa akin.

Kinabukasan ay nabalitaan ko na lang ang malaking pagkalugi ng Wells Co. At ayun kay Jethro ay pinag-uusapan na daw ng mga board members ang possibility na palitan si Josh bilang CEO nito. Habang nagbabasa akong ng newspaper ay may nakita akong blind item sa entertainment news. Ayun sa blind item ay isang kilalang male artist ang nagpagamit sa bakla para maging artista. Mahaba ang pagkakadetalye sa blind item na to at alam kong si Alexandre ang tinutukoy dito. Mukhang kumikilos na si Celestine habang ako ay hindi pa rin makapagdesisyon kung ano ang dapat gawin.

Dumating ang araw kung saan kailangan ko nang pumili. Pinili ko ang isang bagay na alam kong makakabuti sa lahat kahit na ikakasira namin ito ni Jethro. Hindi ko kayang maging masaya kung ang mga taong nasa paligid ko ay nadadamay. Kinausap ko na si lola sa desisyon ko at mabilis niyang inasikaso ang pag-alis namin ng bansa. Nakokonsensya ako sa tuwing magkasama kami ni Jethro at nililihim ko sa kaniya ang lahat ng to. Mahirap para sa akin ang desisyon na to pero kailangan kong gawin. Maaaring makasuhan si Jethro kapag hindi nagtestify si Celestine para sa kaniya sa lalong madaling panahon. Mas makakabuti na rin sigurong mawala ako sa buhay nila dahil mukhang gulo lang din ang naidudulot ko sa tuwing kasama ko sila.

Sa huling pagkakataon ay gusto kong makasama si Jethro at gumawa ng magagandang alaala bago kami maghiwalay. Inaya ko siya ng date kung saan buong araw kaming magkasama. Una naming ginawa ay ang manood ng movie. Dahil ayaw ni Jethro manood ng movie ng may kasama kaya pinili niyang bayaran lahat ng seats. Naging blockscreening ang panonood namin ng Aladdin. Lumaki ako na paborito kong Disney movie ang Aladdin. Para kasi sa akin ay ito ang pinaka romantic na kwento sa lahat ng mga Disney princesses. Imagine magdidate kayo ng taong mahal mo sa ibabaw ng kalangitan habang nakasakay sa isang magic carpet. How I wish na meron talagang totoong genie dahil marami akong kahilingan na imposibleng magkatotoo ngayon.

“Kung mabibigyan ka ng tatlong kahilingan. Ano-ano ang mga yun?” biglang tanong sa akin ni Jethro. Kasalukuyan kaming kumakain ngayon sa isang restaurant habang ang aking isipan ay lumilipad.

“Hmmm..” ang tangi kong naging tugon habang pinag-iispan kong ano ang isasagot sa kaniya.

“Kung pupwede sanang manirahan na lang tayo sa isang lugar kung saan tayong dalawa lang at walang makikialam sa ating pamilya. Pangalawa sana naging babae na lang ako para mabigyan kita ng anak na matagal mo nang gustong magkaroon” sagot at hinawakan niya nang mabuti ang aking mga kamay.

“Darating ang araw na wala nang makakagulo pa sa ating pamilya. At hindi mo naman kailangang maging babae para mapasaya ako. Dahil ikaw mismo ang nagpapasaya sa akin. Bonus na siguro ang mga anak na magkakaroon tayo. Pero ang importante ay magkasama tayong dalawa” sabi niya sabay kurot sa aking pisngi. Wala siyang pakialam kahit pinagtitinginan na kami ng ibang tao dito sa loob ng resto.

“Ano yung last?” hirit pa niya.

“Sana tayo pa rin hanggang sa huli” bigla kong nasabi. Huli na nang marealize ko na hindi ko pala dapat sinabi yun.

“Bakit may iba ka na bang nagugustuhan?” sumeryoso ang mukha niya habang nagtatanong.

“Wala napaisip lang ako baka iwanan mo na ako kapag narealize mo na mas gusto mong bumuo ng normal na pamilya” pagsisinungaling ko. Pero sa totoo lang ay hindi naman talaga ako nagsisinungaling dahil sa loob loob ko ay napapatanong din ako sa aking sarili dahil posible itong mangyari.

“I promise you na ano man ang mangyari at mangyayari ay hinding hindi ko iiwan ang nag-iisang Serenity sa buhay ko” sabi niya habang nakamngiti sa akin nang pagkatamis-tamis. Nagulat na lang ako nang may marinig akong naghahampasan sa likuran ko. Nakita ko ang isang grupo ng mga kabataan na narinig ata ang mga sinabi ni Jethro.

Nakakaloka, ano mas kinilig pa sila kaysa sa akin?

Nang matapos kaming kumain ay nag-ikot-ikot kami sa mall. Nagsuot muna ako ng shades dahil may iilang tao ang nakakakilala sa akin. Wala naman kaming balak bilhin pero itong si Jethro kung ano-anong pinagbibili sa akin. Ni isang bagay ay wala siyang binili para sa sarili niya. Kaya naman nang naging abala siya sa pakikipag-usap sa phone ay binilhan ko siya ng gold cross na necklace. Nang mabili ko ito ay palihim kong tinago sa aking bag para isurpresa siya. Ambilis ng oras at sumapit ang gabi. 7pm nang mag-aya si Jethro na mag-iistay na lang muna kami sa hotel. Wala namang kaso sa akin yun dahil masaya akong makakasama ko siya nang matagal-tagal kahit sa huling sandali. Nang marating namin ang aming kwarto ay kaagad niyang nilapag sa kama ang mga pinamili namin. Ang akala ko nga ay attack na kaagad pero laking gulat ko nang ayain niya akong lumabas. Sumakay kami nang elevator at nagtungo sa pinakamataas na floor. Sumunod lang ako sa kaniya habang hila-hila niya ang aking kamay. Bigla na lang kaming pumasok sa fire exit hanggang sa makarating kami sa harap ng isang pinto kung saan sa tingin ko ay roof top na ang paglabas nito.

“Siraulo ka anong ginagawa natin dito?” sabi ko at marahan niyang binitawan ang aking kamay.

“Do you trust me?” sabi niya at sabay alok sa aking kamay. Noong una ay hindi ko nagets kung ano ang ibig niyang sabihin pero nang ngumiti siya at kumindat sa akin ay saka ko lang nakuha ang gusto niyang iparating. Ginagaya nya yung eksena kung saan inaalok ni Aladdin ang kamay ni Jasmine para sumakay sa magic carpet bago nila kantahin ang “ A whole new world“. Sakto ang pwesto niya nang sabihin niya yun. Isang stair case ang pagitan namin kaya mas mataas ang tingin ko sa kaniya na para bang nasa ibabaw siya ng magic carpet.

“What did you say?” sabi ko. Pinatulan ko na ang kalokohan ni Jethro kaya ayun ang nasagot ko. Yan kasi ang unang sinagot ni Jasmine sa sinabi ni Aladdin. Pinipigilan ko ang aking sarili na huwag matawa dahil seryosong seryoso si Jethro sa kalokohan niyang to.

“Do you trust me?” tanong niyang muli. Muntik na akong magpagulong-gulong sa hagdan dahil sa kilig na nadarama nang sabihin niya ang mga salita na yun. Para talaga siyang sinapian ni Aladdin. Nagpadagdag pa ng kilig yung boses niyang lalaking lalaki.

“Yes” ang sagot ko sa pinakapabebe kong boses na sana pumasa bilang Jasmine kahit ang boses ko ay pang Jafar.

Nang mahawakan niya ang aking kamay ay agad niya akong inalalayan papalabas ng pinto. At nang makalabas kami nang pinto ay nakita ko na kaagad ang red carpet sa sahig na may mga petals ng mga rose. Habang naglalakad kami sa carpet ay bigla na lang nagsimulang tumugtog ang violin sa instrumental ng ‘A whole new world’. Ilang sandali pa nang may magsimulang kumanta. Hindi ko napigilang maluha habang hawak-hawak ni Jethro ang aking kamay papunta sa isang tent na tila Persian o Arabian inspired ang pagkakagawa. Niyakap niya ako nang pagkahigpit nang marating namin ang tent. Hindi ko mapigilang maiyak sa sobrang saya dahil napakaromantic ng ambiance tapos kasama ko pa ang taong pinakamamahal ko.

“Huwag ka nang umiyak please” sabi ni Jethro habang pinupunasan ang mga luha ko sa aking pisngi. Ngumiti naman ako at hinalikan ang kamay na pinamunas niya sa mga luha ko .

“I love you” sabi niya nang nakangiti habang kapwang tinatangay ng hangin ang aming mga buhok na para bang nasa himpapawid kami.

“I love you too” ang naging sagot ko at hinalikan niya ako sa labi.

A whole new world

That’s where we’ll be

A thrilling chase

A wondrous place

For you and me

Hindi ko mapigilang mapangiti habang naririnig ang mga linya ng kanta yun habang hinahalikan ako ng taong pinakamamahal ko. Hindi ko alam kung kakayain ko pa bang mawalay sa kaniya nang tuluyan matapos ang sandaling to. Matapos ang ilang landian ay nagsimula kaming kumain sa magkahalong Persian at Arabian cuisine. Pakiradam ko nasa Agrabah kami ngayon kumakain. Naging masaya ang takbo ng aming usapan habang kami ay kumakain. Nagawa niya daw mag prepare habang namimili ako kanina. Yun pala yung kanina niya pang kausap sa cellphone. Nag-effort siya ng todo dahil matagal-tagal na rind aw yung last naming date. Natuwa naman siya sa regalong binigay ko at kaagad niya itong sinuot.

Matapos namin kumain ay ibang kainan naman ang inatupag namin. Ang kaninang banayad at marahang halikan ay naging marahas nang nasa loob na kami ng aming room sa hotel. Kapwa kaming naging mapusok sa aming kinikilos. Kung hubaran namin ang isa’t isa’y para bang ito ang unang sandali naming matitikman ang bawat isa. Hinayaan ko siyang maging marahas sa pag-angkin sa akin. Bilang ganti ay pinaranas ko sa kaniya ang pagpapaligaya na hinding hindi nya makakalimutan. Sinulit namin ang gabi na tila ba ito na ang huling araw namin sa mundo.

~Kinabukasan

Maaga akong nagising para maghanda sa aking pag-alis. Wala akong lakas ng loob para magpaalam ng pormal sa kaniya dahil hindi ko sigurado kung kakayanin kong mawalay sa kaniya. Nang makapagbihis ako ay nag-iwan ako ng sulat sa ibabaw ng maliit na mesa kung saan nakatong ang kaniyang phone. Sa huling pagkakataon ay nag-iwan ako ng halik sa kaniyang mga labi bago ko lumabas ng kwarto habang siya nanatiling mahimbing ang tulog. Habang nasa elevator ay tumawag ako kay lola at sinabing ready na ako. Pagkalabas ko sa hotel ay kaagad akong nagsabi kay lola na nasa baba na ako. Habang nag-aantay ay bigla na lang kumulimlim na tila ba bubuhos ang malakas na ulan. Hindi nagtagal ay natanaw ko na ang sasakyan ni lola. Bigla na lang may tumawag sa akin at nang lingunin ko ito.

“Eisen anong ibig sabihin nito?” magkahalong galit at pagkalito ang tono ng pananalita niya habang hawak-hawak ang papel kung saan nakasulat ang pagpaalam ko sa kaniya.

“Kailangan ko nang umalis Jethro” tugon ko habang nakayuko dahil ayokong magtagpo ang aming mga mata dahil baka hindi ko kayanin.

“Ilang araw ka bang mawawala para gawin mo pa to?” sabi niya at bigla na lang huminahon ang boses nya pero nanatili akong nakayuko habang kinakausap nya ako.

“Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik” sagot ko habang pinipigilan ang sarili na huwag maiyak.

“Kung ganun uuwi na tayo!” sabi niya at bigla niyang hinatak ang aking kamay pero nagawa kong makabitaw sa kaniya.

“I’m sorry Jethro pero kailangan ko na talagang uamalis” sabi ko habang nanatiling nasa ilalim ang aking paningin.

“Hon, please don’t do this to me” kumirot ang puso ko nang marinig ko ang mga salitang yun. Ramdam ko ang panginginig sa kaniyang boses na tila nagpipigil na rin nang pag-iyak.

“I’m so sorry Jethro but I have to go” sabi ko at tumalikod na ako sa kaniya pero nagawa niya pa ring mahakawan ang aking kamay kaya hindi ako nakaalis. Habang tumatagal na kasama ko siya ay lalong nanlalambot ang aking mga tuhod na para bang hindi ko kayang lumayo sa piling niya.

“Please Eisen, Pag-usapan natin to” pakiusap niya at tanging pag-iling lang ang naisagot ko.

Nakita ko na lang na may bumabang mga security guards sa kasunod na sasakyan ni lola. Nang papalapit ito sa kinaroroonan namin ay bigla akong hinila ni Jethro papalapit sa kaniya at mahigpit na niyakap.

“Hinding hindi kita ibibigay sa kanila” sabi niya at dun na bumuhos ang mga luha ko. Bago pa man sila makalapit kay Jethro ay nagawa ko silang sensyasan na wag munang makialam. Dahan-dahan kong inangat ang aking mukha at saka ko nakita ang kaniyang mga matang lumuha. Ngayon ko lang nakitang ganito si Jethro kaya labis akong nasasaktan kapag nakikita siyang ganito. Habang yakap-yakap niya ako ay pilit kong pinupunasan ang mga luha na umaagos sa kaniyang mukha.

“Please sana magtiwala ka sa akin. Para sa ikakabuti natin tong lahat. Nangangako akong babalik ako. Hindi ko alam kung kailan o kung saan pero babalik at babalik ako sayo kapag maayos na ang lahat” sabi ko at hindi ko na napigilan ang paghagulgol at napayakap ako sa kaniya habang umiiyak.

“I can’t live without you so please don’t leave me!” pagmamakaawa niya na lalong nagpakirot sa aking damdamin. Napailing na lang ako dahil hindi ko na alam kung anong sasabihin sa kaniya.

“Parang awa mo na pakawalan mo na ako Jethro” sabi ko pero habang umiiyak kasabay nang pagluha ko ay ang pagbuhos ng ulan.

“Give me a reason para bitawan kita” sabi niya at ako naman ay nagtatakip ng bibig dahil ayokong umiyak ng sobra. Pinipilit ko ang sarili kong wag magsalita dahil baka pagsisihan ko ang mga salitang bibitawan ko.

“Give me a fucking reason to let you go!!” sigaw niya at hindi ko na rin napigilan ang aking sarili.

“Hindi na kita mahal! Simula nang may mangyari sa inyo ni Celestine ay nandidiri na ako sa pagkatao mo! Hindi na kita kayang pakisamahan pa!” sigaw ko at bigla siyang natulala sa mga sinabi ko. Maging ako man ay nasaktan sa mga sinabi ko dahil taliwas dun ang nararamdaman ko. Dahil sa kabila ng mga nangyari ay hindi ko siya magawang kamuhian at iwanan.

“No! No! Alam kong nagsisinungaling ka lang!” sabi niya habang hawak-hawak niya ang magkabila kong pisngi. Nang mawala sa focus si Jethro ay bigla na lang siyang hinatak ng mga guard papalayo sa akin. Dahan-dahan akong naglakad papalayo sa kaniya. Para bang naglalakad ako sa mga bubog na bawat hakbang ay tila sakit ang dinudulot sa akin.

“EISEN!!!!!” ilang beses niyang sinigaw ang pangalan ko. At sa huling sandali ay nilingon ko siya. Kasalukyang nasa sahig siya at nakadapa habang ang kaniyang mga kamay ay nasa kaniyang likuran. Napapalibutan siya ng mga security guards ni lola. Gaya ng pagbuhos ng ulan ay tila walang katapusan ang buhos ng aking mga luha. Lalong nagpakirot sa aking puso ang kalagayan ni Jethro ngayon.

“Get in the car Eisen!” utos ni lola. Tumigin ako sa kalangitan at nagdasal nang nakapikit. Bawat patak ng ulan sa aking mukha ay hindi mahihigitan ang mga luhang dinulot nila sa akin. Muli akong tumingin kay Jethro. Sumakay ako sa loob ng sasakyan at pinikit ang aking mga mata. Dahil habang papalayo ang sasakyan ay naririnig ko pa rin ang sigaw ng taong mahal ko.

Pangako ko magbabalik ako. Sisiguraduhin kong mananalo ako sa larong sinimulan nila at sa pagkakataong yun ay wala nang makakapaghiwalay sa ating dalawa.

End of book 2

Charooooottt wala akong balak magbook 3 hahaha….

Jethro’s POV

Makalipas ang limang taon ay wala pa rin akong balita tungkol kay Eisen. Ang tanging pinanghahawakan ko lamang ay ang pangako niya sa akin na magbabalik siya. Maging si Lance ay walang balita at walang idea kung nasaan si Eisen. Ang tanging alam niya lang ay patuloy siyang sinusuportahan nito sa pamamagitan ng pagtransfer ng pera sa kaniyang account para maipagpatuloy ang pag-aaral. Ilang beses kong tinangkang i-trace ang account number kung saan to nanggagaling pero bigo pa rin ako hanggang ngayon.

Madaming nagbago sa loob ng limang taon. 4 years old na si Johan, ang anak namin ni Celestine. Hindi kami nagsasama sa iisang bahay ni Celestine at hindi kami kasal. Pero habang tumatagal ay napag-isipan kong ikasal na lang kaming dalawa alang-alang kay Johan. Gusto kong bigyan ng normal na buhay ang anak namin at magkaroon ng isang pamilya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at bakit bigla ko na lang inalok si Celestine ng kasal. Sa susunod na dalawang buwan ay magiging ganap na kaming mag-asawa. Matagal tagal ko rin itong pinag-isipan at alam kong ito ang gusto kong mangyari. Hanggang sa muli siyang dumating para baguhin ang aking mundo.

“Anong hindi mo alam, di ba iniwan ko siya sayo?” inis kong sabi kay Celestine.

“I know! Sinabi ko naman sayo na magsama ka ng yaya niya kapag nandito siya sa opisina di ba? I’m freaking busy Jethro!” inis niyang sagot habang hindi siya mapakali sa kakahanap ng mga files. Mas abala pa siyang hanapin ang mga to kaysa sa anak naming nawawala.

“Hindi ako nagdadala ng yaya dito dahil gusto kong bigyan mo siya ng atensyon na kailangan niya. Nawawala na yung atensyon mo sa anak mo eh” sabi ko habang dinadial ang number ng security sa phone ko.

“Wow look who’s talking? Hindi ko nga alam kung may pakialam kapa sa akin eh. Hindi ko rin alam kung sincere kang pakasalan ako!” sagot niya habang padabog na nilalapag ang mga files sa ibabaw ng kaniyang desk. Napakamot na lang ako ng ulo.

“I already informed the securities para hanapin si Johan. I need to go na dahil ngayon parating ang bagong owner ng Forever and Always Co.” pagkasabi niyang yun ay kaagad siyang lumabas ng kaniyang opisina.

Hindi ako makapaniwalang mas importante pa yun sa kaysa sa kaniyang nawawalang anak. Hindi ko tuloy mapigilang magdalawang isip kung itutuloy ko pa ba ang kasal namin. Ngayon pa lang ay hindi na ako natutuwa sa inaasal niya. Kahit wag na siya sa akin maging mabait kahit sa anak man lang sana namin. Naaawa na ako sa bata dahil madalas niya itong mapagbuntungan ng galit. Halos bawat sulok ng kompanya ay hinanap namin si Johan. Nagcheck na rin kami sa CCTV kung nasan siya napunta. Nakita siya sa CCTV pero yung lugar kung saan siya huling nakita ay may blind spot sa CCTV kaya hindi siya basta basta matunton.

Bumaba ako sa floor kung saan sya huling nakita. Habang panay ang tawag ko sa kaniyang pangalan ay biglang na lang may dumating na isang babae na karga-karga ang aking anak. Maputi at makinis ang balat ng babaeng to. Natatakpan ng bangs ang kaniyang noo at natatakapan ng shades ang kaniyang mga mata. Ang kaniyang buhok ay nakatali sa likod na sa tantiya ko ay hanggang balikat ang haba nito. Nakangiti siya habang karga-karga ang aking anak na para bang anghel na nagbabantay sa aking anak. Ang ganda niya. Nang makalapit sila sa kinaroroonan ko ay bigla na lang sumigaw si Johan.

“DADDDYYYY” sabi ni Johan habang nakaturo siya sa akin. Ngumiti ang babae sa kaniya at lumapit ito sa akin. Hindi siya nagsalita at inabot niya lang sa akin si Johan. Nagpaalam siya sa bata bago siya umalis. Nang makita ko ang mukha niya sa malapitan ay narealize ko na parang kilala ko ang babaeng to. Habang naglalakad siya palayo ay hindi ko napigilang tawagin siya.

“Sam?” sabi ko dahil ang laki ng pagkakahawig nila ni Sam. Pero sa pangangatawan ay medyo maliit lang kaniyang dibdib kaysa kay Sam. Para akong tinamaan ng kidlat nang mapagtanto ko kung sino ang taong yun.

“Eisen?” muli kong sigaw at bigla siyang napahinto sa paglalakad. Ilang segundo ang lumipas bago siya muling naglakad nang hindi man lang ako nililingon. Sigurado akong siya yun.

“Mommy” biglang nagsalita si Johan at napunta sa kaniya ang atensyon ko.

“We have to wait for her baby. Mommy’s in the meeting right now” sabi ko sabay halik sa noo niya. Nakalimutan kong magpasalamat sa taong nakakita kay Johan. Kasalukuyan siyang nag-aantay ng elevator ngayon.

“Mommy” muling sabi ni Johan habang nakaturo sa taong nakakita sa kaniya.

“Eisen wait!” sabi ko pero huli na ang lahat dahil pasara na ang pinto ng elevator nang makalapit ako dito. Bago tuluyang magsara ang pinto ay nagawa kong masilayang muli ang kaniyang mukha. Tumingin akong muli kay Johan.

“Soon baby. Magiging mommy mo na rin siya” sabay halik sa pisngi ng aking anak.

Itutuloy……………………….

A/N: 3 Chapters left. Hindi ako nakapagsulat kahapon dahil umattend ako ng blocks creening ng movien ni Jethro este ni David.

Please support the movie guys. Typical love story pero nakakakilig. Please watch Because I love you.

So ayan may libre na silang promotion dito sa wattpad lol. Anyway thank you sa mga nagrespond ako sa tanong ko. Kinabahan ako dun akala ko mabubura na lahat ng followers. Kapag may lakas pa ako mamaya try ko ulit magsulat.

Please don’t forget to VOTE . Thank you, Labyu!

Chapter 23: Kick it

A/N: Ang lakas nyo sa akin pero ang hina ko sa inyo. 300 votes lang hinihingi ko eh (sad).

Anyway baka malito kayo sa plot. Magsisimula ang story bago makapunta ng Macao si Eisen.

Tao as Terence and Bas as Eisen

Eisen’s POV

Masakit para sa akin ang iwanan si Jethro. Mas naging mahirap to para sakin kaysa noong iwanan ko siya sa mansion noon. Nagawa ko siyang iwanan noon dahil alam kong kinamumuhian niya ako at wala siyang naalala tungkol sa aming dalawa. Pero ngayon kailangan ko siyang iwan dahil yun ang mas makakabuti para sa kaniya. Kailangan kong bitawan ang isang pangako na naming binuo. Pinikit ko ang aking mata at hiyaang pumatak ang aking mga luha. Hindi ko dinilat ang mga ito hanggang hindi sinasabi sa akin ni lola na kakailanganin na naming bumaba. Bago pa man kami makaalis ng bansa ay humingi ako ng pabor kay lola na gusto kong makita si Lance bago man lang ako umalis ng bansa.

“Kuya sino tong mga to?” tanong sa akin ni Lance. Sino ba naman ang hindi magtataka dahil mukhang mga kidnappers ang kasama ni Lance. Mukhang pwersahan pa ang pagpapasama nya dito sa airport. Private jet ang gagamitin naming sasakyan papuntang macao kaya walang taong magtataka sa dami ng gwardiyang hinire ni lola na nakapalibot sa amin.

“Kunin mo to!” sabi ko kay Lance.

“Ano to kuya?” tanong niya nang makuha ang isang card holder. Binuksan niya kaagad ito. Naglalaman ito ng isang credit card at isang debit card.

“Matagal akong mawawala kaya gamitin mo ng maayos ang pera na makukuha mo dyan. Hinay-hinay lang sa pag-swipe ng credit card ahh!” sabi ko at niyakap ko siya nang mahigpit. Pinipigilan kong wag maiyak pero nagiging emotional pa rin ako.

“Kuya naguguluhan ako. Ano bang nangyayari? Sino ba tong mga kasama mo at saan ka ba pupunta?” sunod-sunod na tanong ni Lance. Gusto kong ipaliwanag sa kaniya lahat-lahat pero hindi ko magawa dahil ipanangungunahan ako ng aking emosyon.

“Eisen!” pagtawag ni lola. Alam ko na kung ano ang ibig sabihin niya. Sa huling sandali ay niyakap ko si Lance at nagpaalam. Hindi ko alam na ganun katindi ang pagkamuhi ni lola sa mommy ni Lance. Kahit si Lance ay hindi niya magawang tingnan sa mata. Walang kaalam-alam si Lance na kaharap na niya pala ang kaniyang lola.

Nang papalayo na ako kay Lance ay nagtangka siyang humabol pero nagawa siyang harangin ng mga gwardiya. Nagawa niya pang suntukin ang isa sa mga ito pero nabigo pa rin siyang makalapit sa akin. Gusto ko siyang balikan pero si lola na mismo ang humila sa akin papasok ng jet. Bago kami makasakay ng jet ay humingi ako ng tawad sa kaniya sa pamamagitan ng pagbikas gamit ang aking bibig dahil alam kong hindi niya ako maririnig.

Alam kong naririndi na sa akin si lola sa aking pag-iyak pero hinayaan niya lamang ako. Si Terence na lamang daw ang inaantay at aalis na kami patungong Macao. Wala akong ideya kung gaano katagal akong mag-iistay dun. Hindi ko rin alam kung may babalikan pa ba ako kapag maayos na ang lahat. Tanging ang pangako ko sa kaniya ang pinanghahawakan ko. Alam kong maniniwala sa akin si Jethro at alam kong hinding hindi niya ako ipagpapalit kanino man.

Nang makapasok si Terence sa Jet ay kaagad itong tumabi sa akin. Hindi ko alam kung bakit siya sa akin tumabi eh meron namang mga bakanteng upuan. Kasabay nang pagpasok ni Terence ay ang pagpapakilala sa amin ng piloto na magmamaneho ng jet. Sinabihan niya kami na maghanda na dahil sa loob ng ilang minuto lang ay mag-titakeoff na kami. Sa huling pagkakataon ay sumulyap ako sa salamin at nagpaaalam gamit ang aking isipan sa mga taong maiiwan ko. Nangangako ako na babalik din ako sa takdang panahon.

Jethro’s POV

Pinilit kong hanapin si Eisen kahit ako mismo ay hindi ko alam kung saan siya papunta. May hinala akong aalis siya ng bansa kaya nagpunta kaagad ako sa airport. Hindi ko alam kung sino ang mga kasama niya. Hindi rin ako sigurado kung kagagawan ito ni Celestine. Ang tanging nasa isipan ko ngayon ay kailangang mapigilan siya sa binabalak niya. Ilang beses kong tinawagan si Lance hanggang sa ika pitong beses ay sumagot na rin siya.

“Kuyaaaa umalis na si Kuya Eisen” sabi niya nang masagot niya ang phone.

“Teka.. papanong umalis? San siya pumunta? Nasan ka ngayon?” sunod-sunod kong tanong pero tanging pag-iyak ni Lance ang narinig ko. Nabitawan ko ang phone ko habang ako ay nagmamaneho. Habang umaandar ang sasakyan ay pinilit kong abutin ito hanggang sa muntikan na akong bumangga sa isang kotse kaya hininto ko muna ito sa isang tabi. Sa sobrang inis ko ay nahampas ko nang malakas ang manibela kaya napindot ang horn at bumusina nang pagkalakas-lakas. Bat ba nangyayari sa amin to? Ano bang nagawa ko para iwanan niya ako nang paulit-ulit?

Makalipas ang ilang buwan ay nagbalik ang dating ako. Dating ako na walang ginawa kundi ang uminom. Sinubukan kong mambabae pero hindi ko magawa. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang saktan ang damdamin ni Eisen. Kahit wala na siya sa aking tabi ay pakiramdam ko nandyan pa rin siya at nagmamasid sa bawat kinikilos ko. Pinili ko na lang ang magpakalunod sa alak para lang makatulog sa gabi. Bawat gabi na hihiga ako sa aming kama ay kinakain ako ng kalungkutan. Laging nasa tabi ko ang huling damit niyang ginamit bago ako matulog. Sa tuwing pipikit ako ay pakiramdam kong nandyan lang siya sa tabi ko dahil naamoy ko siya.

Ilang buwan akong nanatili sa bahay na walang ginagawa kundi kumain, matulog at uminom. Ilang beses akong pinayuhan ni Josh na gumawa ng business para maging abala ang isipan ko at hindi nasasayang ang pera ko pero heto ako ngayon lumalaklak ng alak habang nanonood ng movies sa Netflix. Hindi ko na nagawang mag-exercise kaya lumaki ang tiyan ko at bumigat ang timbang ko. Hindi ko rin magawang mag-shave kaya humaba nang husto ang balbas ko. Naiimagine ko na parang ako si Thor sa Avengers Endgame habang nagkakamot ng tiyan.

Kahit kailanman ay hindi ako lumabas ng bahay. Kahit ang mga kasambahay ko ay gumagawa ng paraan para mapasaya ako pero hindi ko talaga kayang maging masaya. Nanatili ako sa bahay ng ilang buwan at hindi nakikipag-usap kanino man sa labas ng bahay. Pag may tumatawag sa akin ay pinapasabi ko na wala ako sa bahay. Maging mga kapatid ko ay hindi ko muna kinakausap. Gusto ko munang mapag-isa. Ang tanging tawag lang na sinasagot ko ay kay Lance at sa private investigator na hinire ko para hanapin ang kinaroroonan ni Eisen. Kahit isa sa kanila ay hindi makapagsabi kung nasaan ang kinaroroonan ni Eisen ngayon.

Wala talaga akong balak na umalis ng bahay pero napilitan ako nang sabihin ni James na nanganganak daw si Celestine ngayon. Wala siyang pamilyang kasama kundi mga alalay lang ang kasama niya sa hospital. Hindi ko alam kung kanino niya nakuha ang impormasyon na yun pero nagawa niya akong kumbinsihin na sumama sa kaniya sa hospital. Pagkarating namin sa hospital ay wala nang malay si Celestine. Tinanong ko ang doctor tungkol sa bata. Ayun sa kaniya normal naman ang delivery ni Celestine kaya walang dapat ikabahala. Kasalukuyan siya ngayong nagpapahinga matapos manganak. Nagpakilala ako bilang ama ng bata kaya sinamahan ako ng nurse sa nursery para makita ko ang anak ko. Hindi ko maipaliwanag ang saya nang makita ko ang aking anak. Para bang sa isang iglap ay nagawa kong umahon sa kalungkutan nang marinig ang boses niya habang umiiyak.

“Congrats Jethro, isa ka nang ganap na daddy” pagbati ni James sa akin sabay akbay.

May inabot sa aking papers ang nurse na kailangan ko daw fill-upan. Kailangan ko daw magbigay ng pangalan sa bata. Hindi ko alam kung may naiisip nang pangalan si Celestine pero hindi ko na inantay ang magiging desisyon niya dahil alam kong may karapatan din ako sa bata. Matapos kong makapag fill-up ay kaagad ko itong ibinigay sa nurse. Desidido akong yun ang gusto kong maging pangalan ng magiging panganay ko kaya yun ang sinulat ko.

Johan Endymion Wells

Unang ginagawa ko nang makauwi ako sa bahay ay ang maligo at mag-shave. Baka magkaroon ng allergy ang aking anak dahil sa aking bigote at balbas. Nang matapos ay nagmamadali akong bumalik sa hospital para makita ang aking anak. Pagkarating ko ay gising na si Celestine. Katabi niya ang aming baby pero mukhang wala siyang pakialam sa anak naming dalawa. Inisip ko na lang na baka hindi pa siya handang magkaanak kaya ganyan ang kaniyang naging reaction. Hindi naman naging issue sa kaniya ang pagbigay ko ng pangalan sa aming anak. Mukhang mas masaya pa siya na nandito ako sa hospital kaysa makita ang aming anak.

Lumipas ang ilang buwan ay unti-unting nawawala ang atensyon ni Celestine sa aming anak at madalas niyang napapabayaan ito. Mas naging abala siya sa dati kong kompanya na ngayon’y siya na ang nagmamay-ari dahil siya na ang major stock holder simula nang ibenta ko ang sa akin. Habang siya ay nakatutok sa kompanya ay ako naman ay naging abala sa aming anak. Dahil first time ko pa lang sa ganitong bagay ay humingi ako ng tulong kay Carole na girlfriend ni James na isang nurse. Ayun sa kanila ay mag-aapat na buwan na daw itong buntis. Sinong mag-aakala na ang loko loko kong kapatid ay makakabuntis at magkakaroon ng seryosong relasyon?

Marami akong natutunan kay Carole kaya nagampanan ko kahit papano ang tungkulin ko bilang ama. Para tuloy akong single dad na nagtataguyod sa kaniyang anak. May mga pagkakataon na dinadalaw ni Celestine ang aming anak sa aking bahay. Mas marami ang time na nilalaan niya sa pakikipag-usap sakin ng mga walang kakwenta-kwentang bagay kaysa makapiling ang aming anak. Gusto pa niyang magsama kami sa iisang bahay pero hindi ako pumayag dahil sa hindi ko pa kayang makisama sa kaniya. Lalong lalo na’t ganito ang trato niya sa aming anak. Atsaka umaasa pa rin ako na isang araw ay darating si Eisen para kompletuhin ang pamilyang gusto kong buoin.

5 years later~

Bihira na lang kami magkita ni Lance at ngayon ay inabot ng isang taon bago kami muling magkita. Ipanitigil ko na rin ang pagpapahanap kay Eisen dahil nasasayang lang ang binabayad ko dahil hindi ito makapagbigay ng maayos na lead sa kinaroroonan nya. Sa tagal naming hindi nagkita ay nagawa naming mag-inom at magkwentuhan. Syempre inuna ko munang patulugin si Johan bago kami mag-inom. Masaya ako para kay Lance dahil maayos pa rin ang buhay niya sa kabila ng mga nangyari. Naiinggit ako sa kanila ni Gunter dahil hanggang ngayon ay masaya pa rin ang relasyon nila. Ilang beses din sinubok ang relasyon nila pero nagawa pa rin nilang magsama hanggang ngayon. Andami naming napag-usapan na kung ano-anong bagay hanggang sa.

“May plano ako kuya at malaki ang chance nito na mapapalabas mo si Kuya sa kung saan man siya nagtatago ngayon” sabi niya at bigla akong nagkainteres sa kung ano man ang ibinabalak niya.

“Ano yun?” lumapit pa ako nang husto sa kaniya at binulong niya ito na akala mo nama’y nakikinig pang iba.

“Seryoso ka?” sabi ko habang napaatras sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong kabaliwan ang pumasok sa isipan ni Lance para i-suggest niya ang ganong idea.

“Sigurado ka? Alam mo bang pang habang buhay kong pagsisisihan to kapag pumalpak yang plano mo” sabi ko habang umiiling at tinungga ang isang can ng beer.

“Trust me kuya” sabi niya habang tinatapik ang aking balikat. Hindi ko alam kung bakit ako umoo sa plano niya kaya bahala na.

“At saka need mong ibalik yang abs mo, yan ang kahinaan niya sayo” pang-aasar pa ni Lance. Pero sa totoo lang ay bumabalik na unti-unti ang dati kong pangangatawan. Siguro konting sit-ups pa para maibalik ko ang weakness niya.

Eisen’s POV

After 5 years nakabalik na rin ako ng pinas. Sino mag-aakalang andaming pagbabago sa bansa sa loob ng limang taon. Andami ng skyways kaya hindi na masyadong matraffic sa edsa. Namimiss kong kumain ng kwek-kwek, Isaw at fried siomai. Nakakamiss ring makipagtawaran sa divisoria. Kamusta kaya ang binondo? Parang gusto kong magsimba sa Quiapo. Ang dami kong gustong gawin pero wala pa akong time sa mga ganyang bagay. Simula nang ipamana sa akin ni lola ang negosyo ay halos hindi na ako magkanda ugaga sa pagmanage nito. Napakaraming meetings, conference call, video calls at iba’t ibang kol. Great power comes with great responsibility ika nga.

Namatay si lola kahit na naging successful ang kaniyang treatment para sa breast cancer. Katawan niya na mismo ang bumigay sa sunod-sunod na treatment. Sa loob ng apat na taon na paggabay niya sa akin ay naging malapit kami sa isa’t isa. Aminado akong my bad side si lola at yun ang laging nakikita ng tao sa kaniya. Pero ibang iba siya kapag kami ni Terence ang kaniyang kasama. Kabaliktaran lahat ng mga sinabi sa akin ni Sam. Sobrang maasikaso niya at maalahanin. At ayun kay Terence, malaki ang pinagbago ni lola simula nang dumating ako sa buhay niya.

3 years ago~

Hindi sikreto kay lola ang totoo kong pagkatao. Pero sinubukan niya parin akong I set-up sa mga babaeng anak ng mga business tycoon sa macao. Walang halong biro pero magaganda silang lahat pero hindi ko talaga maimagine ang sarili kong may kasamang bilat. That’s a no no no no! What is love?

Hindi sumuko si lola sa paghahanap ng aking makakapareha. Mas naging agresibo siya dahil ang mga siniset-up niya sa akin ay mga lalaki na mismo. Masaya ako na tanggap ni lola kung ano ako. Pero hindi ko talaga kailangan ng lalaki sa buhay ko. Pero syempre joke lang yun. Sino ba ang hindi kailangan ng lalaki sa buhay? It’s just, hindi pa ako ready sa ganyang bagay. Lahat naman ng lalaking pinakilala niya sa akin ay pasok sa standard ko pero hindi ko talaga kayang magmahal pa. Kahit anong gawin ko kasi ay hindi ko kayang bumitaw sa pangako ko kay Jethro dahil ganun ko siya kamahal.

“What’s wrong apo? Hindi mo ba sila nagugustuhan?” tanong sa akin ni lola at heto na naman kami sa usapang lalaki.

“For the 14th time lola, ang gwapo ng lalaking sinet-up nyo sakin kanina. Mukha naman siyang mabait at magalang. Open ang family nila sa same-sex relationship at stable ang business nila” sabi ko habang tinutulak ang wheel chair ni lola papalabas ng office ko.

“Ayun naman pala eh, anong problema at bakit hindi mo subukang makipag date pa sa kaniya?” tanong niya at ako nama’y napabuntong hininga. Sign of aging na talaga ni lola ang pagiging makulit. Dati-rati mas matipid siyang magsalita. Mas gusto niyang very brief lang ang conversation. Pero ngayon halos oras ang inaabot namin para pag-usapan lang ang isang lalaki.

“Nasa business ang focus ko ngayon lola kaya wala pa akong time para dyan” sagot ko at sinenyasan ang nurse na nag-aalaga kay lola na sumunod sa amin.

“Don’t tell me na hindi ka pa rin nakaka move-on sa lalaking yun?” dugtong niya at bigla akong napatigil sa pagtulak ng kanyang wheel-chair.

“3 years na kaming hindi nagkikita at 3 year na rin po kaming hindi nag-uusap. Malamang pinakasalan na niya ngayon si Celestine dahil meron silang anak. Kilala kong babaero yun si Jethro at hindi makakatiis na walang kinakamang babae yun” pagsisinungaling ko. Pero yung totoo nag-aalala talaga ako baka isang araw na lang ay maisipan niyang pakasalan yung higad na yun.

“Good. Hindi mo dapat pinagkakatiwalaan ang mga kagaya nila. Bakit hindi na lang kasi si Terence ang i-date mo?” humirit na naman si lola na gawin kaming love team ni Terence at sya daw kuno ang number one fan.

“Lola, Wag ipilit ang hindi dapat!” sayaw ko at siya naman ay natawa.

“Bakit hindi parehas kayong single? Parehas kayong hasa na business at saka kilala nyo na ang isa’t isa. Gwapo din naman si Terence ahh, bakit hindi mo siya type?” pangungulit niya. Jusko parang mas gusto ko pa ata maging lola yung atribidang matanda na nakilala ko noon kaysa ngayon sobrang kulit.

“Aaminin ko gwapo si Terence and I find him hot pero hanggang friends lang talaga kaming dalawa” pagpapaliwanag ko. Isa pang hirit mo lola itutulak na kita sa hagdan. JOKE! Kahit papano ay natutunan ko na ring mahalin si lola dahil sa kabutihang pinapakita niya sa akin sa loob ng ilang taong kaming magkasama. Aminado naman siya sa kaniyang mga pagkakamali noon at ngayon ay unti-unti niyang binabago ang kaniyang sarili.

“Sa tingin mo friend lang din ang turing niya sayo?” pag-uusisa ni lola. Napabuntong hininga ako bago nakasagot sa kaniyang tanong.

“Hindi ko po alam lola basta ako nasa business ang focus ko ngayon tapos!” sagot ko at wakas ay hindi na siya nangulit pa. Sakto naman ang pagdating ni Terence na kasalukuyan naming pinag-uusapan.

“The devil’s here” ani ni lola at natawa naman si Terence. Humalik siya kay lola bilang pagbati.

“Ikaw na ang bahalang magbalik kay lola sa penthouse” sabi ko kay Terence at humalik sa noo ni lola bilang pagpapaalam.

“How about you? Hindi ka pa ba sasabay sa amin pauwi?” tanong niya at bigla na lang may tumawag sa phone ko.

“Sorry may mauna na muna kayo ni lola dahil may kailangan pa akong asikasuhin” sabi ko nang makita ko ang pangalan nang tumatawag sa aking phone.

Inantay ko silang makasakay ng elevator bago ako bumalik ng office ko. Bago pumasok si Terence sa elevator ay nagawa niya pa akong titigan nang makahulugan. Nang tuluyan silang makapasok sa elevator ay kaagad akong pumasok sa aking opisina. At dun ko naabutan ang walang hiyang lalaking nakaupo sa aking upuan habang nakapatong ang paa sa aking desk.

“Sinabi ko naman sayo na wag kang basta bastang papasok sa office ko nang hindi nagsasabi” inis kong sabi at pinalo ang paa niyang nakapatong sa ibabaw ng aking desk. Tumawa siya nang mahina at sinuot ang shades niya na kanina’y nasa ibabaw ng desk ko bago tuluyang tumayo. Mas matangkad siya sa akin at kung tutuusin ay hindi nagkakalayo ang tangkad nila ni Jethro. Maganda ang pangangatawan niya na bagay na bagay sa trabahong ginagawa niya. Mas lalong nagpagwapo sa kaniya ang pagsuot niya ng shades. Pero hindi ko siya type dahil ubod siya ng kalandian at sobrang hambog.

“Anong balita?” tanong ko habang pinapagpagan ang desk na pinatungan ng paa niya.

“Sa radio at tv? Ganun pa rin, kumakapa sa dilim” dugtong niya.

“Haha, sobrang nakakatawa” sarkastiko kong sagot.

“Natuto lang ako sayo!” sabi niya habang nakangisi.

“Kamusta yung pinapahanap ko sayo?” tanong ko habang kumukuha ng cash sa aking drawer.

“Tama nga yung hinala mo at good news nakakuha ako ng copy” sagot niya at lumapit ako sa kaniya para iabot sa kaniya ang bayad na nakalagay sa loob ng brown envelop.

“Sabi ko naman sayo na mas gusto ko ang wire transfer kaysa cash di ba?” pag-angal niya habang binibilang ang bayad ko sa kaniya.

“Alam mo namang may visibility si lola at Terence sa lahat ng account ko. Kaya imbes na magreklamo ka ay tanggapin mo na lang dahil binabayaran kita nang higit pa sa napag-usapan natin” sabi ko habang siya ay hindi parin tapos bilangin ang pera na para bang may kulang sa binayad ko.

“Oo na para ka namang nanay ko” reklamo niya habang sinusuksok sa loob ng kaniyang jacket ang sobre. Napapabuntong hininga na lang talaga ako sa lalaking to. Kung hindi lang siya magaling sa trabahong to ay matagal ko na siyang pinalitan.

“How about sa isang agent?” tanong ko at muli siyang ngumiti sa akin. “Ahh wag mo nang alalahanin yun dahil hindi na magrereport yun kay Jethro. Alam mo namang mabilis ko silang napapasuko dahil sa lakas ng dating ko. Ewan ko ba at bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin umaamin sa akin?” sabi niya habang nakapatong ang kaniyang mga kamay sa aking magkabilang balikat habang ang kaniyang mukha ay sobrang lapit sa akin.

“Dahil marami na akong kilalang kagaya mo at mas nauuna silang mahulog sa akin bago ko sila magustuhan” pagpatol ko sa malanding hambog na to.

“So sa tingin mo ba nagkakagusto na ako sayo?” tanong niya at mas lalo pa niyang nilapit ang mukha niya sa akin at halos magtama na ang aming ilong. Bigla na lang nagbukas ang pinto sa aking opisina at pumasok si Terence.

“I’m sorry” ang nasabi agad ni Terence nang makita niya kami ni Tristan. Yun ang alyas niya at hindi ko rin alam kung ano ang totoo nyang pangalan. Ang mahalaga sa akin ay nagagampanan niya nang maayos ang kaniyang trabaho. Bigla na lang akong inakap ni Tristan sa harapan ni Terence.

“Sa susunod ulit Eisen. I promise na mag-eenjoy ka sa bawat round na gagawin natin. And here’s your souvenir!” sabi niya at sabay suksok ng puting brief sa bulsa ng aking pants. Ang kalahati nito ay nakalaylay na sa tingin ko ay sinadya niya para makita ni Terence.

“Till next time” humalik siya sa aking pisngi at kumindat bago umalis na hindi pinapansin ang presensya ni Terence.

“Sino yun?” tanong ni Terence habang papalapit siya sa akin. Bago siya makalapit ay nagawa kong isuksok nang mabuti ang puting brief sa loob ng bulsa ko.

“Mukha nabisto mo na rin ako” pagsisinungaling ko habang pilit na pagtawa. Halatang naiinis siya habang kausap ako.

“Okay, he’s just my boy toy” pagsisinungaling ko at hindi pinansin ang magiging reaksyon.

“So okay lang sayo na magbayad ng lalaki para mapasaya ka?” sabi niya at hindi na maitatago sa tono ng kaniyang boses ang pagkainis. “And your point is?” tugon ko habang kinukuha ko ang aking sa ibabaw ng desk.

“My point is marami nang sinet-up na date sayo si lola para mahanap mo ang magpapasaya sayo tapos ngayon gagamit ka ng bayarang lalaki para mapasaya ka?” at dun na siya nagtaas ng boses sa akin.

“Ano bang pakialam mo? Eh kung nasa kaniya ang mga katangian ko sa lalaki eh wala ka nang magagawa dun. Atsaka bakit ka ba nagagalit?” hindi ko na rin napigilang magtaas ng boses sa kaniya.

“Naiinis ako dahil andito na ako sa harap mo pero nagagawa mo pa ring maghanap ng iba!” sigaw niya na ikinagulat ko nang husto. Ilang segundo ang lumipas bago ako nagkalakas ng loob na magsalita.

“Napag-usapan na natin to Ter” bago pa ako makapagsalita ay bigla na lang niya akong siniil ng halik. Naging marahas siya sa paghalik sa akin kahit na tinutulak ko siya.

“Terence tumigil ka!” sabi ko pero patuloy pa rin ang paghalik niya sa aking leeg. Hanggang sa magkaroon ako ng lakas para maitulak siya nang malakas na halos ikatumba niya.

“I’m so sorry Eisen” sabi niya nang matauhan siya.

“Get out!” sabi ko habang pilit na maging mahinahon.

“I’m so sorry. Hinding hindi na to mauulit!” pakiusap niya at dahan-dahan siyang papalapit sa akin.

“I said GET OUT!” sigaw ko bago pa man siya makalapit sa akin. Tumango siya bago siya lumabas ng aking opisina.

Sa sobrang stress ko ay naupo muna ako sa aking upuan at sinandal ang aking ulo at pinikit ang aking mga mata. Marahang minasahe ang aking sintido para marelax. Makalipas ang ilang sandali ay nahimasmasan na rin ako. Dinukot ko ang brief na nilagay ni Tristan sa bulsa ng aking pants. Nakabalot dito ang isang flash drive kung saan nakalagay ang video na pinapahanap ko sa kaniya. Bago ko pa man isaksak ang flash drive sa aking laptop ay napansin ko kaagad na may kulot na buhok sa brief na binigay sa akin ni Tristan. Hindi ko napigilang mapamura dahil sa kababuyan ng lalaking yun. Ang buong akala ko ay bagong brief tong sinuksok niya sa bulsa ko. Hindi nga naghinala si Terence pero ang dugyot naman ng pamamaraan niya. NAKAKALOKA!

Hindi nga ako nagkamali sa aking hinala kaya nang matapos kong mapanood ang video ay kaagad kong tinago ang flash drive sa lugar kung saan ako lang ang makaka access nito. Kailangan kong maging maingat para hindi maghinala si lola at Terence sa mga ikinikilos ko. Nang masiguro kong nasa maayos na kalagayan na ang flash drive ay kaagad akong nagtungo sa elevator para bumalik sa penthouse. Lumilipad ang aking isipan hanggang sa unti-unting nagsasara ang pinto ng elevator.

Kasalukuyan~

Nagbukas ang elevator nang hindi ko namamalayan. Kung hindi pa ako tatawagin ni Terence ay hindi pa ako lalabas ng elevator. Kaagad niya akong ginabayan patungo sa magiging office ko. Bago kami makarating sa aking office ay nadaanan namin ang opisina ng CEO. Biglang nanumbalik sa akin ang mga alala sa amin ni Jethro sa loob ng dati niyang opisina. Sa loob niyan nangyari ang bagay bagay kagaya ng paninigaw niya sa akin sa tuwing ako ay nagkakamali. Sa loob din niyan nangyari ang mga nakaw na sandali na hindi namin napigilan. Andaming masasayang alala sa loob ng opisina na yan. Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing maalala ko ang mga yun. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatayo sa harap ng opisina ng CEO at inaantay ako ni Terence. Nang manumbalik sa katinuan ay kaagad akong sumunod sa kaniya patungo sa magiging opisina.

“Para saan yang shades at wig?” tanong ni Terence nang makapasok kami sa loob ng opisina ko. Sinuot ko ang wig na to para hindi ako makilala ng mga tao dito pero ewan ko ba’t nagawa pa rin akong makilala ni Jethro.

“Wala gusto ko lang i-try, bagay ba?” tanong ko habang hinahawi ko ang wig sa tenga ko na para bang dalagang pilipina yeah!

“Of course, lahat naman bagay sayo” tugon niya habang nakangiti. Biglang naging awkward ang eksena kaya naman tinanggal ko na ang shades at wig dahil baka maging kamukha ko pa si Mimi. No offense, I love Mimi.

“Are you ready?” tanong sa akin ni Terence.

“Yep, I’m so ready to kick it!” sabi ko at natawa naman siya sa akin.

Makalipas ang halos sampung minuto ay naghanda na kaming pumasok sa loob ng conference room. Pagpasok namin ay nandun na lahat ng board members na nag-aantay sa pagdating namin. Bakas sa mukha ng karamihan ang pagkagulat lalong lalo na si Celestine na napatayo sa kaniyang kinauupuan. Magsasalita sana siya nang bigla siyang pigilan ng nasa tabi niya. Laking gulat ko nang makita kong nasa tabi niya si Jethro. Anong ginagawa ni Jethro dito? Last time na nagcheck ako ay wala siya sa mga board members ng kompanya.

“Ladies and Gentlemen, I would like to present to you the new owner of Forever and Always Co. Mr. Hyacinth Lau” pagpapakilala sa akin ni Mr. Yan na isa sa mga matagal ng business partner ni lola na isa ring board members dito sa kompanya. Tumayo ang lahat at pumalakpak para sa akin. Bago ako magsalita ay nagbigay ako ng pahiwatig na maaari na silang maupo ngunit nanatiling nakatayo si Celestine.

“Before you continue, I just want to ask everyone about this transition. How did this happen? I know that everyone is aware that Eisen Fuentes or Hyacinth Lau is black listed in this company because of his recent crime of sharing confidential informations to our competitor” sabi ni Celestine. Sa loob ng limang taon ay sa wakas natoto na rin siyang magsalita nang matino kahit ramdam ko ang inis sa kaniya kalooban.

“Mr. Yan” maikli kong sabi at nakuha agad niya ang gusto kong sabihin.

“Before he acquires this company. Mr. Lau cleansed his name by proving his innocence to the court. He was framed by Mrs. Lau. The accomplice confessed in the court that he was hired by Mrs. Lau to frame his grandson so they can easily fire him in this company” pagpapaliwanag ni Mr. Yan. At halata ang pagkagulat sa mukha ni Celestine. Yes, bitch nasa apelyido ko ang pamliya na tumulong sa pamilya mo para marating nyo ang karangyaan na meron kayo ngayon.

“Grand son?” pahabol ni Celestine at tanging pagtango lang ang naisagot ko.

Nang wala nang masabi si Celestine ay nagpatulou na rin ako sa pagasasalita. Nagpakilala ako sa kanila gamit ang bago kong pangalan. Bilang Hyacinth Lau. Isa sa dahilan kung bakit hindi ako mahanap hanap ni Jethro. Nagbigay ako ng summary ng gusto kong mangyari sa kompanya at mga projects na gusto kong magkaroon ang kompanya na mukhang ikinatuwa ng karamihan sa mga board members. Kahit limang taon na ang lumipas ay hindi ko malaman bakit hindi pa rin ako naging handa sa pagkakataong ito. Hindi ko pa rin mapakali sa tuwing tititigan ako ni Jethro. May mga pagkakataon tuloy na nauutal ako habang nagsasalita tapos bigla na lang siyang ngingiti sa akin. Nakakainis.

Nang matapos ang meeting ay mabilis akong nagtungo sa rest room. Pakiramdam ko ay masusuffocate ako kapag kasama ko sa iisang room si Jethro. Hindi ko alam kung bakit pero parang hindi ko pa siya kayang harapin sa ngayon. Lalong lalo na kapag malapit sa kaniya si Celestine. Pinikit ko ang aking mata at huminga nang malalim para kalmahin ang sarili. Laking gulat ko nang makita ko si Jethro sa likod ko nang idilat ko ang aking mga mata.

“Je-Jethro” nauutal kong sabi. Sa taranta ko ay tatakas sana ako pero nagawa niyang iharang ang kaniyang mga kamay. Ngayon ay nakasandal ang kaniyang mga kamay sa salamin kaya nacorner niya ako sa sink at sobrang lapit namin sa isa’t isa.

“Eisen, I mean Hyacinth right? I’m here para kolektahin yung promise mo sa akin” sobrang lapit ng mukha niya sa akin kaya ramdam na ramdam ko ang init ng kaniyang hininga sa aking mukha. Hindi ko magawang yumuko dahil lalo siyang lumalapit kapag ginagawa ko yun.

“Ahh promise? Ano yun?” sa loob ng limang taon ay hindi ko pa rin magawang magsinungaling sa harap ni Jethro.

“Hindi ako bingi at wala akong amnesia para makalimutan ko yung pangako mo sa akin” sabi niya at sa pagkakataong ito ay magkadikit na ang aming katawan. Nanghihina ako sa pagkakataong ito. Ayokong sirain niya ang mga plano ko kaya naman pumikit ako at humiling ng isang himala.

“Anong ginagawa mo kay Hyacinth?” boses ng isang lalaki at pagdilat ko ay tama nga ang pagkakakilala ko dahil ito ay si Terence.

“Wag kang makialam dahil usapan naming mag-asawa to!” sabi ni Jethro. Hindi ko inaasahan na masasabi niya pa rin yan sa kabila nang mga nangyari.

“Excuse me? He’s my fiancé” sabi ni Terence.

“Fiance?” magkasabay naming sabi ni Jethro at nagkatinginan kaming dalawa.

Itutuloy……….

A/N: Maraming salamat sa mga patuloy na sumusuporta sa kwento na to. I’ll make sure na mas magiging kapana-panabik ang mga natitirang chapters. Pasensya na sa mga hindi ko narereplyan sa comment section at sa mga messages mo. At sana wag nyo munang pangunahan ang kwento hanggang hindi pa ito natatapos. Nakakalungkot lang kasi na najajudge agad kahit hindi pa alam ang mga mangyayari.

Anyway I need atleast 250 votes para sa next chapter. Umaabot ng 1k+ reads ang isang chapter pero nasa 100+ lang nagvovote. Sana mag-vote lahat. Thank you!

Chapter 24: Hope Not

David as Jethro

Jethro’s POV

Ang daming nangyari sa mga nakalipas na taon. Habang tumatagal ay bumibilis din ang paglaki ni Johan. Kung pupwede bang huwag muna siyang lumaki. Mamimiss ko kasi ang paglalambing niya sa akin kapag lumaki na siya. Madalas ako ang kasama ni Johan dahil walang time si Celestine para sa kaniya. Hindi ko na rin masisisi ang bata kung bakit malayo ang loob niya sa kaniyang ina. Mas madalas niya kasing pagalitan ito sa tuwing sila ay magsasama. Ngayon ang araw kung saan dinadala ko si Johan sa kompanya para bisitahin ang kanyang ina. Nagpaalam ako na pupunta lang ng banyo at iniwan ko si Johan kasama ang kaniyang ina sa loob ng office nito. Hanggang sa pagbalik ko ay nawawala na si Johan.

“Anong hindi mo alam, di ba iniwan ko siya sayo?” inis kong sabi kay Celestine.

“I know! Sinabi ko naman sayo na magsama ka ng yaya niya kapag nandito siya sa opisina di ba? I’m freaking busy Jethro!” inis niyang sagot habang hindi siya mapakali sa kakahanap ng mga files. Mas abala pa siyang hanapin ang mga to kaysa sa anak naming nawawala.

“Hindi ako nagdadala ng yaya dito dahil gusto kong bigyan mo siya ng atensyon na kailangan niya. Nawawala na yung atensyon mo sa anak mo eh” sabi ko habang dinadial ang number ng security sa phone ko.

“Wow look who’s talking? Hindi ko nga alam kung may pakialam kapa sa akin eh. Hindi ko rin alam kung sincere kang pakasalan ako!” sagot niya habang padabog na nilalapag ang mga files sa ibabaw ng kaniyang desk. Napakamot na lang ako ng ulo.

“I already informed the securities para hanapin si Johan. I need to go na dahil ngayon parating ang bagong owner ng Forever and Always Co.” pagkasabi niyang yun ay kaagad siyang lumabas ng kaniyang opisina.

Hinanap ko si Johan sa iba’t ibang floor hanggang sa may taong nakahanap sa kaniya. Noong una pa nga ay akala ko si Sam ang kaharap ko hanggang sa mapagtanto ko na si Eisen pala yun. Biglang bumilis ang tibok ng dibdib ko nang muli ko siyang makita. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Matapos ang ilang taong pangungulila ko sa kanya ay heto nagbalik na siya. Mukhang nagtagumpay nga kami ni Lance sa aming plano. Tama nga siya at mapapabalik ko si Eisen sa pilipinas. Sa pagkakataong ito ay hinding hindi ko na siya papakawalan.

Pinauwi ko muna si Johan sa bahay kasama si manang. Malakas kasi ang kutob ko na si Eisen ang bagong nagmamay-ari ng kompanya. Kaagad kong kinausap si Celestine na pakiusapan ang mga board members na hayaan akong umattend sa meeting. Nagsinungaling ako na gusto kong kunin ang bakanteng upuan bilang board member dahil gusto kong makasama siyang muli sa kompanya. Nasa critical condition ang kompanya kaya may mga board members na binibenta ang shares nila dahil habang tumatagal ay bumababa ang stocks ng kompanya dahil sa bad publicity at poor marketing ng mga products. Gaya ng inaasahan ko ay hindi ako binigo ni Celestine.

Nakapasok ako sa loob ng conference room. Masaya kong binati ang ilang board members na matagal na sa kompanya at masaya silang makita akong muli. Nabanggit ko ang pagkainteres ko sa pagkuha ng bakanteng upuan sa board members at naging masaya sila dahil muli ko silang makakatrabaho kapag nagkataong bumalik ako. Hindi nila alam na gusto ko lang masaksihan ang pagbabalik ni Eisen sa kompanya at kung tama nga ba ang kutob ko. Hindi nagtagal nang dumating siya sa loob ng conference room at doon ko napatunayan na siya nga ang bagong may-ari nito. Hindi ko inaasahang makakasama niya si Terence. Bakit nga ba niya kasama ito?

Halatang mainit pa rin ang loob ni Celestine kay Eisen kaya ilang beses ko siyag pinigilang huwag magbitaw ng salitang pagsisisihan niya. Kahit hindi kami nagkakasundo minsan at kahit na wala akong pagtingin sa kaniya ay meron parin akong malasakit para sa kaniya dahil siya parin ang ina ng aking anak. Hindi ko inaasahang marinig na apo pala siya ni Mrs. Lau at ngayon siya na ang nagmamana ng mga business nito. Sa tagal naming hindi nagkita ay hindi ko maiwasang mamangha sa kaniyang ganda habang siya ay patuloy na nagsasalita. Sa tuwing napapatingin siya sa akin ay bigla na lang siyang nauutal sa pagsasalita. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil alam kong hindi pa rin nawawala ang charm ko sa kaniya. Alam kong malaki pa ang pag-asa para sa aming dalawa. Hindi ako susuko dahil alam kong ako pa rin ang mahal niya.

Nang matapos ang meeting ay bigla na lang siyang lumabas ng conference room. Si Celestine ay kaagad kinausap si Terence. Ang ibang board members naman ay may kaniya kaniyang pinag-uusapan. Kinuha ko ang pagkakataong ito para makalabas at sundan si Eisen. Nakita ko siyang pumasok sa loob ng banyo at kaagad akong sumunod sa kaniya sa loob. Pagpasok ko sa loob ay nakita ko siyang nakatayo sa harap ng salamin habang ang mga mata ay nakapikit. Lumapit ako sa kaniyang likod at nanatiling nakatayo. Amoy na amoy ko ang paborito niyang pabago na hindi pa rin nagbabago. Gustong gusto ko siyang yakapin at halikan para maipadama ko sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. Yayakapin ko na sana siya nang bigla niyang idilat ang kaniyang mga mata.

“Je-Jethro” nauutal niyang sabi. Sobrang lapit namin sa isa’t isa kaya kitang kita ko ang reaksyon ng kaniyang mukha na mas lalo akong nakaramdam ng panggigil. Gustong gusto ko siyang sunggaban ng halik pero binalak niyang tumakas kaya naman hinarang ko ang aking mga kamay para ma-corner siya.

“Eisen, I mean Hyacinth right? I’m here para kolektahin yung promise mo sa akin” sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t isa kaya ramdam na ramdam ko kaniyang paghinga. Para akong mababaliw sa saya pero pinipigilan ko ang aking sarili dahil ayokong biglain siya sa kung ano man ang gusto kong ipadama sa kaniya.

“Ahh promise? Ano yun?” sa loob ng limang taon ay hindi pa rin magawang magsinungaling sa akin ni Eisen. Halatang halata ang kaniyang kaba sa paraan ng kaniyang pananalita sa tuwing siya ay magsisinungaling sa akin.

“Hindi ako bingi at wala akong amnesia para makalimutan ko yung pangako mo sa akin” sabi ko at nilapit ko nang husto ang aking sarili hanggang sa magkadikit ang aming mga katawan. Hindi ko alam kung bakit bigla bigla na lang tumaas ang libido ko at gusto ko siyang angkinin sa mga sandaling ito. Hahalikan ko na sana siya nang biglang may magsalita.

“Anong ginagawa mo kay Hyacinth?” sabi ng isang lalaki at nang lingunin ko ito ay nakita ko si Terence na nakatayo malapit sa pintuan.

“Wag kang makialam dahil usapan naming mag-asawa to!” sabi ko. Bakit ba nakikialam itong kumag na to? Bakit ba hindi niya na lang kami hayaang dalawa ni Eisen. Binalik ko ang tingin sa asawa ko.

“Excuse me? He’s my fiancé” sabi ni Terence at nagulat ako nang sabihin niya kaya tumingin ako sa kaniya kung nagbibiro lang ba siya.

“Fiance?” magkasabay naming sabi ni Eisen at nagkatinginan kami sa isa’t isa. Bigla na lang siyang lumusot sa mga kamay ko at lumapit kay Terence.

“Yep, ikakasal na kami ni Terence” sabi niya sabay yakap kay Terence. Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya dahil alam kong nagsisinungaling lang siya. Pero hindi ko mapigilang magselos dahil sa pagyakap niya sa kumag na to.

“Really, so kailan ang wedding?” tanong ko. Hindi ko alam kung ano ang pinaplano mo Eisen pero makikipaglaro muna ako sayo.

“Sa susunod na dalawang buwan” mabilis na sagot ni Eisen.

“Next month” sagot naman ni Terence na halos karugtong lang nang pagkakasabi ni Eisen. Tumingin ako sa kanila na nalilito kunwari pero bistado ko na ang pagsisinungaling nila sa akin.

“Actually nasa planning stage pa lang kami kaya hindi pa napapafinalize ang date ng kasal namin” dugtong pa ni Eisen na halos mautal-utal sa pagsasalita. Ako naman ay tumango bilang kunwaring pagsang-ayon.

“Don’t forget to invite me” sabi ko kay Eisen at ngumiti nang makahulugan sa kaniya. Alam kong naiintindihan niya kung anong ibig kong sabihin kaya naman umoo na lang siya at nagmamadaling lumabas ng banyo.

Eisen’s POV

Alam kong hindi bumenta kay Jethro ang kunwaring pagpapakasal namin ni Terence. Mas mabuti na yun at tinigilan niya ako. Hindi ko alam kung anong tagpo ang mangyayari sa amin kanina sa banyo kung hindi dumating si Terence. Nawawala ako sa focus sa tuwing naaalala ko yung tagpong yun. Grabeng init ang nararamdaman ko sa aking katawan sa tuwing maalala ko ang nangyari sa amin kanina. Kailangan kong inuman ng isang banig ng Dianne pills to para mawala ang kalibugan sa aking katawan. Ay wait hindi nga pala ako pwedeng uminom nun. Malakas maka-mood swing yun, baka hindi ko macontrol ang attitude ko sa harap ng ibang tao.

Inatasan ko ang aking sekretarya na si Preila na huwag munang magpapasok ng kahit sino sa opisina ko. Kahit si Celestine na CEO ng kompanya ay hindi ko muna kinausap at nagparesched na lang ng meeting sa kaniya dahil wala akong time sa mga kagagahan niya ngayon. Magaling itong secretary ko dahil hindi siya basta-basta nasisindak sa ibang tao. Ang totoong pangalan niya ay Precious Aila pero mas gusto niyang tawaging Preila dahil nababaduyan daw siya pagbuo ang itatawag sa kaniya. Ewan ko ba sa kaniya bat di niya sisihin ang nanay niya na nagluwal sa kaniya.

Kung wala akong masyadong pinapagawa sa kaniya ay pinag-iistay ko na lang siya sa loob ng office. Kaya kanina ay wala siya sa tabi ko dahil alam ko naman na ang dapat gawin dahil pinagdaanan ko rin ang pagiging secretary ng isang malaking tao sa kompanya. Yung mga hinire kong guards ay nasa paligid lang pero hindi nakabuntot sa akin. Ayoko kasing maraming nakasunod sa akin. Pakiramdam ko para kaming Zombie Tsunami na padami nang padami sa tuwing palayo nang palayo ang nilalakad ko. Kaya inutusan ko silang wag masyadong naglalalapit sa akin hanggang hindi ko sila kinakailangan. Wala akong masyadong gagawin ngayon kundi ang magreview ng mga reports at pirmahan ang ilang documents. Wala naman talaga akong balak na iangat ang kompanyang to dahil kasama lang ito sa aking mga plano.

Matapos ang maghapong pagpapanggap na busy ay tinawagan ko kaagad ang aking sundo. Gaya ng aking utos ay walang nakasunod sa akin hanggang sa makababa ako ng elevator. Meron akong atleast 20 security guards na nagsisiguro ng safety ko. Hindi kasama ang mga gwardiya na meron ang kompanya. Pero meron akong dalawang natatanging personal body guards. Si Hanni and Ringo, halos 3 years na silang nagsisilbi sa akin. Simula kasi nang mamatay si lola ay bukod sa kaniyang kayamanan ay napamana niya rin sa akin ang kaniyang mga kaaway. Ilang death threats ang nareceive ko pero lahat ng iyon ay nalampasan ko dahil sa dalawang to.

Nang makapasok sa sasakayan ay kaagad akong nakipag-usap sa isang importanteng client gamit ang laptop ko. Tatlong tao lang kami sa loob ng sasakyan habang ang ibang guards ay nakabuntot di kalayuan sa aming likuran. Si Ringo ay matipunong lalaki na bagay sa kaniyang tangkad. Gwapo siya oo dahil hindi ako naghahire ng chaka na guard. Sobrang tipid niyang magsalita at napakamisteryosong lalaki. Siya ang nagsisilbing driver ko kapag nasa byahe kami. Si Hanni naman ay morenang babae na may magandang pangangatawan. Hindi ko alam kung bakit niya pinili ang ganitong trabaho dahil maihahanay mo siya sa ganda ni Tyra Banks. Pero syempre hindi ako nagpapalamang sa kaniya. Madalas siyang nakaupo sa tabi ko para may Barbie akong katabi. Este para masiguro ang kaligtasan ko.

Habang tumatagal ang pag-uusap namin ng aking kliyente ay may mga pagkakataong hindi ko maintindihan ang kaniyang mga sinasabi. Dahil siguro sa connection kaya napuputol ang kaniyang mga sinasabi. Limang taon na ang nakaraan bat bulok pa rin ang internet sa pinas? May mga sinabi ang kliyente na hindi ko naintindihan kulang na lang mag sign language kaming dalawa hanggang sa ngumiti siya nang makahulugan. Kinabahan ako baka mamaya maglabas siya ng kaniyang ari dahil baka akala niya nakikipaglandian na ako sa kanya hanggang sa.

“Get down!” sabi ni Hanni. Siya na mismo ang nagpadapa sa akin at narinig ko na lang ang putok ng mga baril. Hindi ko masyadong makita ang mga nangyayari basta ang alam ko ay napapalibutan kami ng mga armadong tao na nagpapaulan ng bala sa aking sasakyan habang ito ay tumatakbo.

“Ringo!” sigaw ni Hanni at nakuha ni Ringo ang ibig niyang sabihin. Na unlock ang mga pinto at biglang sinipa ni Hanni ang pinto na nasa gilid ko. Nakita ko na lang na tumumba ang isang nakamotor bumabaril sa aming sasakyan.

May tatlo pang nakapalibot sa aming sasakyan. Nanatili akong nakadapa sa upuan habang ang pinto sa harapan ko ay bukas habang tumatakbo ang sasakyan. Sa mga nakalipas na taon ay nakasanayan ko na ang ganitong pangyayari sa dinamirami ng kaaway ni lola ay para bang nasa routine ko na ang ganitong eksena. Hindi magawang bagalan ni Ringo ang takbo ng sasakyan dahil maaaring mahabol kami ng iba pang nais pumatay sa akin. Ang iba kung guards ay pilit na humahabol sa aming likuran. Patuloy na nakikipagbarilan si Hanni sa dalawang nakamotor. Naupo ako para isuot nang maayos ang seat belt dahil baka tumilapon na lang ako bigla. Sa mabilis na pagliko ni Ringo ay nagawang masara ng pinto sa tabi ko. Pinanatili kong nakababa ang aking ulo para hindi ako tamaan ng ligaw na bala. Ang isa sa mga nakamotor ay si Ringo ang puntirya pero nagawa niyang patumbahin ang nakamotor gamit ang isang bala sa ulo. Nagawa namang patumbahin ni Hanni ang natitirang dalawang armadong lalaki.

Nang masiguro na safe na ang paligid ay hininto ni Ringo ang kotse sa tabi. Isang beses ko pa lang nagagamit ang kotse na to pero mukhang pwede mo na siyang ipakilo sa junk shop dahil sa damage na tinamo nito. Kinamusta kaagad ni Hannia ang kalagayan ko. Wala naman akong natamong sugat o galos medyo nagulo lang ang bangs na iniingatan ko. Ang pinagtataka ko lang ay itong si Hanni nakipagbarilan na lahat lahat ang fresh pa din. Need ko na talagang i-combo ang collagen, gluta at dianne para hindi ako malamangan. Tinawagan ko si Tristan para sunduin ako sa location namin. Hindi ako pwedeng pumunta ng venue na ganito ang sasakyan ko baka mag freak-out lahat ng mga taong makakita sa sasakyan ko. Wala pang isang minuto nang may dumating na nakamotor at kaagad siyang tinutukan ni Hanni at Ringo ng baril.

“Relax, kilala ko siya” sabi ko at nagsenyas na ibaba ang baril nila.

“Sabi ko na nga ba at mamimiss mo din ako” sabi ni Tristan matapos niyang hubarin ang kaniyang helmet.

“Shut up! Ihatid mo na lang ako sa venue!” sabi ko at naglakad papalapit sa kaniya.

“Yes, My Lady” tugon niya at inirapan ko lang siya. Inabot niya sa akin ang isa pang helmet na meron siya at sinuot ito bago umangkas sa likod niya.

Bago kami makaalis ay sinabihan ko si Ringo at Hanni na magpalit ng sasakyan bago sumunod sa venue. Yumakap ako kay Tristan at kaagad niyang pinatakbo nang mabilis ang motor. Kung matatanong niyo kung bakit hindi ko na lang ginamit ang sasakyan ng kasunod naming guards. Yun ay dahil dadaan kamo ng Edsa. Rush-hour kaya traffic na, dahil sa mga nangyari ay nalate na ako sa usapan namin ni Lance na magkikita kami sa isang resto. Kaya kinailangan ko ang tulong ni Tristan para maihatid niya ako dun. Hindi nagtatrabaho sa akin bilang guard si Tristan dahil nagtatrabaho siya bilang agent. Siya ang kumikilos at naghahandle ng mga dirty works para sa akin. Huwag kayong mag-alala dahil never akong nag-utos na may ipapatay na tao siya lang gumagawa ng pagbabanta at pagpigil sa mga kaaway ko. Pero minsan nauutusan ko siya sa mga bagay na ganito. Ang maging angkas driver ko.

Kaninang umaga ko binalita kay Lance na nakauwi na ako ng bansa. Good thing na hindi pa rin siya nagpapalit ng number. Gusto na nga niya kaagad akong puntahan kanina sa kompanya pero pinigilan ko siya dahil huling taon na niya sa pag-aaral ng Engineering kaya dapat wala siyang mamiss. Nagtataka lang ako kung bakit niya biglang binago ang location ng meeting place namin pero heto papunta pa rin ako para makipagkita sa kaniya. Nang marating namin ang restaurant ay kaagad akong bumaba sa motor ni Tristan. Sinauli ko ang helmet sa kaniya at nagpaalam. Hindi ako sigurado kong tama ang restaurant na sinabi ni Lance dahil walang tao sa loob. Maliban sa isang lalaking nasa cashier station. May nakalagay pang close na signage sa may pinto. Noong una ay nagdalawang isip pa akong pumasok pero ginawa rin naman nang makilala ko kung sino ang lalaking nasa cashier.

“Gunter?” sabi ko at bigla siyang ngumiti. Kasabay ng pangiti niya ang pagkamatay ng mga ilaw. Nagulat ako nang makarinig ng putukan kaya napayuko ako habang nakatakip ang mga kamay sa aking ulo. Paglingon ko ay maraming tao na ang nasa kaliwang bahagi ko at sabay sabay silang sumigaw.

“WELCOME BACK EISEN!” sigaw ng maraming tao at natulala ako dahil hindi ko inaasahang nandito silang lahat.

Si Lance na masayang binabandera ang banner na kung nakasulat ang

WELCOME BACK

EISEN

. Masayang pumapalakpak sa tabi niya si Catherine. Napahawak ako sa bibig ko dahil di ko inaasahan na sasama siya. Katabi niya naman ay si James na may batang babaeng karga karga habang may babaeng nakayakap sa kaliwang braso niya. Don’t tell me, nag-asawa na si James? Katabi naman ng babae ay si Alexandre na masayang nakaakap sa kaniya si Grace. Mukhang totoo na nga ang relasyon na nila at hindi na pang love team. Nasa kaliwa ni Grace ay si Josh na may kasamang lalaki. Magkaholding hands pa silang dalawa at mukhang balak pa akong inggitin. Kung hindi ako nagkakamali siya yung lalaking nakita ko na kasama niya sa Singapore. Masayang pumapalakpak si Jean na nasa tabi ng lalaking kasama ni Josh. Habang ang katabi niyang si Jules ay nakaakbay kay Andrei at masayang nag-iingay ng torotot na akala mo naman New Year. Nasa pinakagilid ay si Jethro na may hawak na cake. At sabay-sabay silang kumanta ng Happy Birthday.

Sa sobrang busy ko ay hindi ko na namamalayan ang panahon. Wala akong kaalam-alam na birthday ko pala ngayon. At heto si Jethro, marahang naglalakad papalapit sa akin habang buhat-buhat ang cake na hinanda nila para sa akin. Hindi ko alam kung papano nila nalaman na pauwi ako ng pinas. May ispiya kaya sila sa akin? O kaya may nagtatraydor sa akin? Kakaisip ko ay hindi ko namalayan na nasa harapan ko na si Jethro. Kanina pa pala sila nagsisigaw ng make your wish. Pumikit ako at humiling.

Hindi sa

tala

sa

langit

,

kundi

sa

buwang

nakasilip

,

ibigay

ang

hiling

ng

matang

nakapikit

. CHAROT! Yung totoo ay humiling talaga ako na sana ay hindi pa huli ang lahat.

“Blow mo na yung candle tapos mamaya si Jethro naman ang ibo-blow mo!” sigaw ni Jules at nagtawanan sila. Napailing ako habang nakangiti, namiss ko ang mga siraulong to.

“Shut up Jules may bata!” sabi ni James habang tinatakpan ang tenga ng anak niya.

“Uyy good boy na ahh!” komento ni Josh. Mapag-aalaman kasing si James ang pinakaloko-loko sa magkakapatid kaya naninibago sila.

“Syempre Daddy na ako” sagot ni James at muli silang nagtawanan.

Tumingin ako kay Jethro at nanatili lang siyang nakangiti sa akin. Sobrang behave niya na nakakapanibago. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng hiya sa mga titig niya sa akin. Hinipan ko na kaagad yung candles para matigil na itong ilangan naming dalawa. Matapos kong hipan ang candles ay isa-isa silang lumapit sa akin para yakapin ako. At dun na nagsimula ang celebration. Ang dami naming napag-usapan lalo na sa mga nakalipas na taon. Isang malaking mesa ang nakahanda para magkasya kaming lahat. Magkakatabi ang may jowa at asawa. Naisipang matabi ni Catherine at Jean dahil hindi nakasama ang kanilang boyfriend at girlfriend. Totoo, may girlfriend na din si Jean. Samantalang si Jethro ay nakaupo sa tabi ko. Nanatili siyang tahimik, tatawa lang kapag may kalokohang hinihirit si Jules at Alexandre. Para siyang binata na nanliligaw sa akin na sobrang tahimik lang at pinagmamasdan ako.

Hindi ko napigilang maitanong kung papano sila nakompleto dito. Si Lance ang sumagot ng tanong ko. Nang malaman niya daw kasi kanina na nakauwi na ako ng bansa ay kaagad niyang kinontak ang magkakapatid para surprehin dahil alam niyang birthday ko raw ngayon. Si Jethro daw ang kumausap kay Catherine kaya siya nakaattend dito. Nakakataba lang ng puso na malaman na may mga taong gagawa ng paraan para lang makita ka kahit sa pinaka short-notice ay nakakapunta sila. Lumalalim ang usapan hanggang sa umabot ito sa usapang kasalan.

“Actually bumalik ako dito dahil nabalitaan kong ikakasal na si Jethro. And I thought na ikaw ang pakakasalan niya” sabi ni Catherine at mabilis siyang nag-peace sign. Ngumiti lang ako sa kaniya pero yung totoo ang awkward ng topic na to.

“Pero don’t worry walang kasalang magaganap sa kanila. Not on my watch hun, sisirain ko ang wedding day nila kapag nagtangkang ituloy pa nila yun!” dugtong ni Catherine. Sumang-ayon ang karamihan sa kaniya habang nagpapalakpakan. Samatalang si Jethro naman ay umiiling habang tumatawa. Parang wala lang sa kaniya ang mga sinasabi ng mga taong nakapalibot sa kaniya.

Tuloy-tuloy ang masasayang usapan. Hinihiling ko nga na sana huminto ang oras para magtagal ang pagsasama naming lahat. Yung wala kayong iintindihing iba kundi puro tawanan at masasayang kwentuhan lang ang pinag-uusapan. Maya-maya pa ay nakaramdam ako na may kamay na nakapatong sa aking hita. Nakita ko na nakapatong ang kamay ni Jethro sa aking hita pero hinayaan ko lang siya dahil baka kantyawan na naman kami kapag nagreact ako. Habang tumatagal ay gumagapang ang kaniyang kamay na tila may gustong abutin pero nahawakan ko ang kaniyang kamay bago niya magawa yun. Hinawakan niya rin ang aking kamay at binaba niya ang mga to sa aking binti. Ang akala ko ay balak niya akong hipuan yun pala gusto niya lang na pigilan ko siya para mahawakan niya ang aking kamay. Patuloy na nagkukwento si Alexandre ng mga nakakatawang experience niya bilang artista habang kami ni Jethro ay magkaholding hands ang aming mga kamay sa ilalim ng mesa. Sa tuwing lilingunin ko siya ay bakas ang saya sa kaniyang mga ngiti. At sa tuwing lilingon siya sa akin ay bigla akong umiiwas ng tingin.

Matapos ang masayang celebration ng birthday ko ay kaniya-kaniyang paaalam na ang bawat isa. Naiwan kami sila Lance at Gunter para maglinis. Nagpaiwan ako para tumulong sa pagliligpit. Namiss ko ring gawin ito dahil simula nang sumama ako kay lola ay hindi ko na nagagawa ang mga ganitong bagay. Pagmamay-ari daw ng Ate Fritz ni Gunter ang munting restaurant na to. Kaso hindi siya nakasama ngayon dahil may mahalaga syang aasikasuhin, tungkol daw sa expansion ng resto. Masaya akong makita na hindi nagpabaya sa pag-aaral si Lance. Mukhang naging mabuting impluewnsiya sa kaniya si Gunter. Nakakatuwa lang dahil ngayon ay nagkakaroon na ng laman kahit papano si Lance. Nakakatuwa lang at masaya silang dalawa sa kanilang relasyon.

Makalipas ang ilang minuto ay muling pumasok si Jethro sa resto. Ang akala namin ay may nakalimutan siya pero ayun sa kaniya ay hinatid niya lang sa condo si Catherine. Bumalik siya kaagad dito para makatulong. Kaya pala kanina ay hindi siya nagpaaalam sa akin yun pala ay may balak pa siyang bumalik. Nang matapos namin ang gawain ay bigla na lang tumawag sa akin si Terence.

“Hey, napatawag ka?” sabi ko nang masagot ang phone.

“Anong oras na bat di ka pa umuuwi? Nasan ka? Narinig ko na may umatake na naman sayo kanina. Asan ka susunduin kita ngayon?” sunod-sunod niyang sabi. Lumayo ako sa kanila dahil baka marinig nila ang usapan namin ni Terence. Naupo ako sa bakanteng upuan malapit sa may pinto ng resto bago sumagot.

“I’m fine. Wag kang OA. Nasa labas lang sina Hanni at Ringo. Hindi nila ako pababayaan. Uuwi din ako after 30 minutes. Okay?” sagot ko at muli kong tinanaw ang kinaroroonan nila Hanni at Ringo.

“Okay, take care” sabi niya at kaagad kong binaba ang tawag.

Inayos ko ang sarili bago magpaalam sa kanila. Bago pa man ako makasabi ng paalam ay bigla na lang naupo sa tabi ko si Jethro.

“Nasiyahan ka bas a surprise na ginawa ni Lance?” tanong niya sa akin.

“Oo and thank you din sa effort nyo” sabi ko habang iniiwas ang tingin sa kaniya. Para akong tanga at naiilang pa din hanggang ngayon sa mga titig niya.

“Care to share kung anong winish mo kanina?” tanong niya. Sobrang swabe niya magsalita na sobrang nakakapanibago sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako kinikilig sa side niyang to.

“Syempre hindi pupwede. Baka hindi pa magkatotoo” tugon ko at mabilis na sulyap ang ginawa para makita ang reaksyon niya.

“Why not? Malay mo ako na mismo ang mag grant ng wish mo” hirit pa niya at umiling na lang ako habang nakangiti. Ilang sandali pa ay kinuha niya ang aking kamay ang akala ko ay makikipag holding hands siya sa akin pero bigla na lang siyang naglapag ng maliit naregalo sa ibabaw ng kamay ko.

“Ano to?” pabebe kong tanong kahit ang obvious naman na regalo yung binigay sakin.

“Buksan mo para malaman mo” masaya niyang sabi at kaagad ko naman itong binuksan. Isang maliit na music box ang laman nito. Ang cute niya kasi isa siyang maliit na piano na kulay blue at may maliit na bulaklak sa ibabaw. Kaagad kong pinihit ang switch para marinig ang music nito. Nagulat ako nang marinig ko ang music na tumutugtog. Instrumental ito ng Walk Slowly by Timmy Xu. OST ito ng Addicted Heroine na all-time favorite kong BL Drama. Habang tumutugtog ito ay parang gusto kong umiyak. Nagiging emotional ako sa tuwing naririnig ko ang music na to.

“Alam kong gustong gusto mo yang kanta na yan dahil favorite mong OST yan sa palabas na walang sawa mong pinapanood” sabi niya habang nakangiti sa akin. Tumingala ako para pigilang maluha. Hindi ko alam kung saan ako naiiyak, sa tugtog ba o sa effort na binigay sa akin ni Jethro.

“Thank you…. Excuse me” sabi ko at tumayo para pumunta sa banyo.

Bago ko masara ang pinto at napigilan ito ni Jethro at pumasok siya sa loob at siya na mismo ang nagsara. Pang isahang tao lang banyo ewan ko ba kung bakit sumunod siya sa akin. Maghihilamos sana ako para itago ang luha ko pero nagawa niya akong hatakin papalapit sa kaniya at niyakap ako. Naiyak na ako at yumakap na rin sa kaniya. Sobra akong nagpapasalamat sa araw na to dahil hinayaan ako ng diyos na buhay para makasama ko ang mga taong mahalaga sa akin sa araw ng aking kaarawan.

At nang ako ay tumigil sa pag-iyak ay tumingala ako para pagmasdan ang mukha ni Jethro. Bago pa man ako makapagsalita ay siniil na niya ako ng halik. Naging matindi ang halikan naming dalawa hanggang sa ipatong niya ako sa gilid ng lababo para mahalikan niya ako nang mabuti. Kinuha niya ang aking mga kamay at dinala ito sa kaniyang batok para kumapit. Halos mamaga ang aking labi sa tuwing kakagatin niya ito. Lumalim ang kaniyang paghalik hanggang sa naramadaman ko ang pagpasok ng kaniyang dila sa loob ng aking bibig. Muli niya akong binuhat at naupo siya sa bowl na may cover. Naging mapusok ako sa aming halikan at ako na mismo ang humahalik sa kaniyang mukha papunta sa kaniyang leeg. Habang ako ay nakapatong sa kaniyang hita ay gumagapang naman ang aking kamay sa loob ng kaniyang tshirt. Pinasahadahan ko ng aking dila ang kaniyang adams apple at marahang kinagat ito. Hinubad niya ang kaniyang tshirt para malaya kong nahihimas ang kaniyang dibdib at abs. Nagpatuloy ang aming halikan hanggang sa humawak siya sa aking damit at gusto niya itong hubarin. Bigla akong natauhan na hindi ko pala dapat ginagawa to.

“I’m so sorry” sabi ko at nagmamadaling lumabas ng banyo.

“Eisen wait!” sabi ni Jethro. Hindi ko siya nilingon at nagmamadaling lumabas ng resto. Nang makita ako ni Ringo ay kaagad niyang nilapit ang sasakyan sa resto para makasakay ako. Bago pa man ako makapasok sa sasakyan ay lumapit sa akin si Jethro. Wala pa rin siyang suot na damit. Bago niya mahawakan ang aking kamay ay napigilan siya ni Hanni.

“Back-off!” sabi ni Hanni na pumagitna sa aming dalawa. Sinamantala ko ang pagkakataon para makapasok sa sasakyan. Nagpumilit pa rin si Jethro na makausap ako pero kailangan kong lumayo sa kaniya hanggang kaya ko pang pigilin ang sarili ko.

“It’s okay Hanni, Let’s go!” sabi ko.

“Honey?” nanlaki ang mata ni Jethro nang marinig niya yun. Ang akala niya ay honey ang tawag ko kay Hanni. Wala na akong time para magpaliwanag sa kaniya kaya hinayaan ko na lang siyang isipin ang gusto niyang isipin.

KINABUKASAN~

Ang sakit ng ulo ko dahil kulang ang tulog ko kagabi. Kung wala lang mahalagang meeting ngayong araw ay hindi ako papasok ngayon. Dagdag pa sa sakit ng ulo ko itong lalaking hambog na ito na kung ano-ano ang pinagsasabi. May mga pagkakataong wala siyang pakinabang sa akin pero nagpapakita siya sa harap ko at magkukwento ng mga bagay na hindi ko naman kailangan. Kanina ko pa binubukas-sara ang birthday card na binigay sa akin ni Celestine. Actually hindi siya birthday card dahil isa tong greeting card na may music sa tuwing bubuksan mo card. Sinulatan niya lang ng Happy Birthday para masabing pang birthday pero ang music sa card ay London bridge. Hindi ako interesado sa mga sinasabi ni Tristan kaya paulit-ulit kong pinapakinggan ang London bridge sa card na to.

Ilang sandali ang lumipas ang at biglang pumasok sina Jethro at Terence. Bigla kong kinausap si Tristan na para bang nagkainteresado ako sa mga sinasabi niya. Todo chika ako kahit wala namang kakwenta kwenta ang pinag-uusapan namin hanggang sa marinig ko na tila nagtatalo ang dalawa. Walang hiya rin to si Tristan bigla akong iniwan sa ere at nagpaalam sa akin. Kitang kita ko kung papano siya titigan ng masama ni Jethro habang naglalakad siya palabas sa opisina ko. Kailangan kong makaisip ng idadahilan ko para makaiwas ako kay Jethro. Kinuha ko ang phone ko para kunwari may tinatawagan ako. Pagkatapos kong magkunwari ay lalabas na sana ako ng opisina ko nang kausapin ako ni Jethro pero hindi ko siya pinapansin.

“Terence kailangan mong makipag-usap kay Mr. Lemede sa Serenity room, ngayon din” utos ko at hindi na siya nagsalita pa. Alam ko namang kukulitin lang niya ako tungkol sa nangayri kahapon kaya wala rin akong balak makipag-usap sa kaniya.

“Preila, paki cancel ng meeting ko kay Mr. Canarez” sabi ko.

“Ahh sige po. San po pala ang punta nyo sir?” tanong niya at pakiramdam ko ay parang kailangan ko pang magpaalam sa secretary ko.

“May kukunin lang ako sa kotse naiwan ko kanina” mabilis kong tugon pero humirit pa siya.

“Ano po ba yun sir? Ako na po ang kukuha” sabi niya at huminga ako nang malalim bago sumagot.

“Wag na, ako na ang bahala. Ibili ko na lang ako ng Americano” sabi ko at tiningnan ko si Jethro na nakatingin lang sa akin na hindi nagsasalita.

“Pa specify naman po ng Americano sir, like gaano ka tangkad. White po ba o Black? Mga anong range po ng edad?” tanong niya at naloka talaga ako.

“Gaga, Americano na kape hindi lalaki!” sabi ko at natawa si Jethro. Nakakahiya baka isipin niyang bumibili talaga ako ng lalaki.

“Okay po” tugon ni Preila at nagmamadali siyang lumabas ng office ko.

Lumabas ako ng office ko at pumindot sa elevator para makababa. Nakabuntot sa likod ko si Jethro at hindi nagsasalita. Ang tagal ng elevator at ang awkward na ng eksena dito, kaloka.

“Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin” sabi ko dahil hindi ko na mapakali na nandyan siya sa likod ko na parang stalker. Nagtataka lang ako bakit parang hindi gumagana ang ibang elevator at isa lang ang umiilaw. Sa tagal ng pag-aantay ay ginamit ko na ang elevator ng mga executives.

“Kukunin ko yung bakanteng seat sa board” sabi niya at biglang bumukas ang pinto ng elevator.

“Nakuha na ni Terence yun” matipid kong sagot. Umatras ako ng kaunti sa kaniya.

“Edi mag-aaply na lang ako bilang Head of Marketing” pangungulit niya.

“Bakit mo sa akin sinasabi yan eh hindi mo naman ako ang hiring manager” sabi ko sa tono na kunwari’y naiinis.

Magsasalita pa sana siya nang biglang bumilis ang pagbaba ng elevator. Napasigaw ako sa bilis ng pagbaba ng elevator hanggang sa tumigil ito. Nakaupo ako habang nakakasandal ang ulo sa gilid ng elevator. Nagulat na lang ako nang makita kong may dugo ang ulo ni Jethro. Mukhang tumama ang mukha niya sa bakal dahil may bakas ito ng dugo. Lalapit sana ako sa kaniya at biglang gumalaw na naman nang marahan ang elevator kaya tumigil ako sa kinauupuan ko.

“Jethro okay ka lang ba?” tanong ko. Nasa magkabilang dulo kami ng elevator at tanging paa lang niya ang naabot ng aking kamay.

“Jethro kilala mo pa ba ako, ako to si Eisen” sabi ko nang hindi siya magsalita habang hawak-hawak niya ang kaniyang ulo. Natatakot ako na baka magka-amnesia siya ulit.

“Wag kang gagalaw ako na ang lalapit dyan” sabi niya at mukhang naaalala niya pa ako. Marahan siyang kumilos papalapit sa akin. Bawat paggalaw ni Jethro ay maririnig mo ang tunog ng elevator na para bang babagsak ano mang sandali. Kinakabahan ako na baka may mangyaring masama sa amin. Nang makasandal siya sa tabi ko ay kaagad kong kinuha ang panyo sa aking bulsa para punasan ang dugo sa ulo niya.

“Wag kang mag-alala galos lang yan” sabi niya habang nakangiti. Ewan ko ba kung papano niya pa nagagawang ngumiti sa sitwasyon na to.

“Tumingin ka nga sa akin! Naalala mo pa ba ako?” muli kong tanong at hinawakan niya ang pisngi ko.

“Paano ko naman makakalimutan ang mukha ng asawa ko?” sabi niya at naging panatag ang loob ko.

Walang nagtangka sa aming pumindot sa emergency button dahil baka mapalala pa namin ang sitwasyon kapag kumilos kami ng kumilos. Mag-aantay na lang kami na i-rescue dahil malamang marami nang naghahanap sa amin. Kanina ko pa pinipindot ang necklace ko na may gps na ginagamit na tracker nila Hanni at Ringo kung sakaling mawala ako. Lumipas ang kalahating oras at wala pa ring rescue na dumadating. Salamat naman at tumigil na ang pagdurugo sa ulo ni Jethro. Pero ipinagtataka ko kung bakit nagagawa niya paring ngumisi ngisi habang ganito ang sitwasyon namin.

“Ano ka ba? Mamatay na tayo dito pero ikaw dyan nakangisi pa rin” reklamo ko. Sa totoo lang ay kinakabahan na talaga ako.

“Wala masaya lang ako” matipid niyang tugon habang nakangiti sa akin.

“Masaya kang mamamatay na tayo?” sarkastiko kong tanong.

“Hindi. Masaya lang ako na kung ito man ang huling sandali ng aking buhay ay nakasama ko pa rin ang taong mahal ko” sabi niya at bigla niyang hinawakan ang aking kamay. Bigla na lang akong naiyak dahil ayokong mamatay ng ganito.

“Jethro natatakot… ayokong mamatay” sabi ko at niyakap niya ako. Hinalikan niya ang aking noo para kumalma ako.

“Wag kang mag-alala hindi kita hahayaang mamatay. Poprotektahan kita” Niyakap niya ako nang mabuti na halos ipulupot niya ang buong katawan niya sa akin. Niyakap ko siya nang mahigpit na para bang ito na yung huling sandali na magkakasama kaming dalawa. Pinikit ko ang aking mata at nagdasal nang mataimtim.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako habang nagdadasal. Nagising na lang ako nang marinig ko ang ingay sa ibabaw ng elevator. Nakabukas na ang maliit na cover nito sa ibabaw nang matanaw ko ito. Hindi nagtagal ay may pumasok na paa hanggang sa makita ko ang kabuan ng taong pumasok. Hindi nga ako nagkakamali si Hanni ito. May suot-suot siyang parang harness at nakahawak sa manipis na cable pababa.

“Hanni!” masaya kong sabi.

“Wag po kayong masyadong gumalaw sir. Ilang cables po ang naputol sa elevator na to kaya konting galaw lang ay baka bumagsak ito” sabi niya at tanging pagtango lang ang sinagot ko. Lalapit na sana siya sa akin pero tinuro ko si Jethro.

“Si Jethro ang unahin mo kasi may injury siya” sabi ko at umiling sa akin si Hanni.

“Why not?” mabilis kong tanong.

“Ang safety nyo po ang priority ko” sagot niya at marahan siyang lumapit sa akin.

“No!! Unahin mo si Jethro and that’s my order!” pagmamatigas ko pero hinawakan ni Jethro ang aking kamay at nilapit ito kay Hanni.

“Wag kang mag-aalala magiging okay lang ako” sabi niya habang nakangiti pa rin na tila walang pinangangambahan.

“Pero” magsasalita pa sana ako nang sabihin sa akin ni Hanni na wala na kaming sapat na oras kaya dapat magmadali na kami.

Marahan kaming inangat gamit ang cable na nakaconnect sa harness ni Hanni. Nakaakap ako nang mabuti sa kaniya hanggang sa makalabas kami mula sa cover na nasa ibabaw ng elevator. Ang akala ko ay magiging smooth na ang lahat ngunit habang tinataas kami ay bigla na lang gumalaw ang elevator. At sa isang sandali ay pumaibaba ito kasama si Jethro sa loob.

JETHROOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!

Itutuloy….

A/N: Mamamatay kaya si Jethro? Ano kayang mangyayari sa kaniya? Gusto mong malaman? Vote na! HAHAHAHA

Kaya naman pala ang 250+ na votes ehh.

Maraming salamat sa patuloy nyong pagsupporta nyo sa kwento ito pati na rin sa LWMSB na umabot na ng 500K reads.

Sana suportahan nyo ang story hanggang end. Nagbigay na ako ng hint sa book 1 kung anong klaseng ending ang mangyayari kaya alam nyo na.

Don’t forget to Vote. Love you!!!

Chapter 25: Love Shot

A/N: Pabago bago ng POV sana wag kayong malito at mag-ingat sa pagbasa.

Roxanne as Hanni

Suk

-won as Ringo

E i sen’s POV

Ang dami ko nang pinagdaanan sa buhay na masasakit at malulungkot na pangyayari. Kahit papano ay kinaya ko hanggang ngayon. May mga taong patuloy na nagpapalakas ng aking loob kaya nakakakaya kong harapin ang bawat hamon sa aking buhay. Bawat taong nagdaan sa aking buhay ay nagbigay ng aral at alaala sa akin. Bawat kasiyahan at kalungkutan ay may kabuluhan sa buhay ng tao. Hindi tayo pwedeng maging masaya lang at hindi rin pupwedeng habang buhay ay malungkot ka. Kailangan parin ng balanse sa buhay. Sabi nila may taong nakalaan sa bawat isa na magiging katuwang mo sa buhay para balansehin ang kasiyahan at kalungkutan. Huli ko mang napagtanto pero alam kong si Jethro ang nakalaan para sa akin. Siya yung nagbibigay ng balanse sa buhay ko. Siya yung nagpapasaya sa tuwing nalulungkot ako. Pero papano magiging balanse ang buhay ko kapag wala na siya?

Nakakatawang isipin na nangako pa kami sa isa’t isa dati na kung may mamatay man sa aming dalawa ay hinding hindi kami iiyak sa araw ng libing. Hindi ko pa siniseryoso ang mga sinabi niya sa akin dahil hindi ko kayang isipin na mauuna siyang mawala sa mundong ito. Nangako ako sa kaniya na hindi ako iiyak sa araw ng libing niya kapag siya ay namatay na. Pero tangina lang, sino ba naman ang kayang magpigil ng luha kung sa huling sandali ay makikita mo ang taong pinakamamahal mo na ililibing na sa ilalim ng lupa? Tumingin ako sa langit at huminga ng malamin. Kaya ko to, alam kong kaya ko to. Nangako ako kay Jethro na hinding hindi ako iiyak.

Lumayo ako saglit sa kabaong. Habang nag-aalay sila ng bulaklak at nagsasabi ng kanilang huling mensahe bago siya ilibing. Inaalalayan ako ni Lance kahit na nakaupo na ako upuan. Sa kaliwa ko naman ay si Gunter na patuloy na nagpapaypay. Makulimlim ang kalangitan na umaayon sa aking nararamdaman. Mahangin naman sa mga oras na to pero nahihirapan pa rin akong huminga. Ilang beses ko nang hinahampas ang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay naninikip ito sa bawat sandali nandito ako. Dumating ang sandali na ako na lang ang inaantay na mag-alay ng bulaklak at magbigay ng huling mensahe para kay Jethro. Nanlalambot ang mga tuhod ko habang naglalakad patungo sa kaniyang kabaong. Nakahawak sa aking mga kamay si Gunter at Lance para alalayan ako sa paglalakad hanggang sa makalapit ako sa kaniyang kabaong.

“Ayan ahhh… tinupad ko yung pangako ko sayo. Hindi ako umiiyak ngayon dahil yun ang gusto mo. Sabi mo di ba kapag umiyak ako hindi ka matatahimik sa kabilang buhay. So ayan hindi ako umiiyak at hindi ako iiyak para sa katahimikan mo” huminga ako nang malalim. Pilit kong kinakalma ang aking sarili dahil alam kong ilang sandali lang ay babagsak na ang mga luha ko na hindi dapat mangyari. Habang pinipigilan ko ang pag-iyak ay bigla na lang may yumakap sa aking likuran.

“Let it out Eisen!” sabi ni Catherine habang nakasandal ang kaniyang pisngi sa aking likuran at umiiyak. Hinati ko ang mga bulaklak na ibinigay sa akin ni Lance. Dalawang kamay ko na ang may hawak ng mga bulaklak ngayon.

“Ang daya mo” sabi ko sabay bato ng mga bulaklak mula sa kaliwang kamay ko. Napalakas ang bato ko kaya rinig na rinig mo ang paghampas ng mga bulaklak sa ibabaw ng kaniyang kabaong. Ibabato ko pa sana yung nasa kanang kamay ko pero napigilan ako ni Lance. Napigilan niya ang kamay ko sa pagbato pero hindi ko nagawang pigilan ang luha na kanina ko pa gustong ilabas.

“Napakadaya mo! Nangako ka sa akin na magsasama tayo hanggang sa pagtanda. Nangako ka sa akin na bubuo tayo ng sarili nating pamilya. Ako ang magiging mommy at ikaw ang magiging daddy. Naaalala mo ba nang sabihin mo sa akin na magkakaroon tayo ng maraming anak kahit na hindi ako mabubuntis? At sabi mo pa na mananatili ako sa bahay para pagsilbihan ka at ang mga anak natin. Gusto mo pang gabayan ko sila at palakihin ng maayos. Gusto mong nasa bahay lang ako dahil ayaw mong may tumingin sa aking iba dahil natatakot kang may makita akong mas hihigit pa sayo. Pero di ba sinabi ko sayo nang paulit-ulit na maraming taong hihigit sa kagwapuhan mo, sa talino mo, sa kayamanan mo pero walang taong hihigit pa sayo dito sa puso ko dahil ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay” tumigil ako para punasan ang mga luha na tila gripong ayaw tumigil sa pagpatak.

“Nangako ka sa akin na papakasalan mo ko. Nangako ka sa akin na magsasama tayo. Nangako ka na magiging masaya ako kapag ikaw ang pinili ko. Pero para saan ang mga pangako na yun kung wala ka na?” tuluyan nang bumigay ang aking mga tuhod at napaluhod na ako habang umiiyak.

“Jethroooooooo” pinikit ko ang aking mga mata habang nagsusumamo na sana hindi na lang siya namatay, na sana hindi siya nadamay sa kamalasan ko.

-THE END-

CHAROOOOOT

!!!!!!!

“Eisen!” pagtawag sa akin ni Terence habang inuuga ang kanang balikat. Hindi ko siya pinapansin at nanatiling nakapikit ang aking mga mata habang ako ay lumuluha.

“Eisen!” muli niyang pagtawag at sa pagkakataong ito ay mas malakas na ang pagkakauga niya sa akin.

Pagdilat ko ng aking mga mata ay nakita ko ang aking sarili na nakahiga sa ibabaw ng kama. Tumingin ako sa paligid, ilang segundo bago ko napagtanto na nasa ospital pala ako. Nang lumingon ako sa aking kanan ay nakita ko si Terence na nakatayo sa tabi ko. Bakas sa mukha niya ang pagkabalisa at pangamba. Wala akong pakialam kung papano ako napunta dito at kung ano ang mga nangyari kanina dahil ang gusto kong malaman ay.

“Nasan si Jethro? Ligtas ba siya ha?” tanong ko kay Terence at mukhang wala pa siya sa sarili niya.

“Kamusta na baa ng lagay mo? Ayos ka na ba? Wala bang masakit sayo?” tanong niya at mabilis akong napailing na nagdulot ng munting pagkahilo sa akin.

“Sagutin mo ang tanong ko! Nasan si Jethro?” hindi ko sinasadyang mapalakas ang boses ko dahil natatatakot ako na magkatotoo ang panaginip ko.

“Ligtas si Jethro pero may mga tinamo siyang injury kaya nagpapahinga pa rin siya hanggang ngayon” sabi niya at tinitigan ko lang siya para sabihin ang detalye.

“Ahh.. Room 312” sabi niya nang makuha niya ang ibig kong sabihin. Tinanggal ko ang kumot na nakabalot sa aking katawan at nagmamadaling bumaba sa kama.

“Hey Eisen wait, antayin muna natin ang doctor bago ka bumangon” pagpigil sa akin ni Terence pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglabas sa pinto.

Room 301 ang aking kwarto. Siguro nasa bandang dulo ang kwarto ni Jethro kaya naman sinundan ko lang ang pagkakasunod-sunod ng mga numerong nakalagay sa bawat kwarto. May nakasalubong pa akong isang nurse na nagsabing huwag daw akong tumakbo. Hindi ko siya pinansin at nagmadali pa rin akong nagtungo kung saan ang kwarto ni Jethro. Gustong gusto ko siya makita, gustong gusto kong sabihin sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. Gusto kong iparamdam sa kaniya kung gaano ko siya kamiss, kaya nang marating ko ang kwarto niya ay dahan-dahan koi tong binuksan. Bawat sandali nang pagbukas ko ng pinto ay para bang bumagal ang sandali. Unti-unti kong nakikita ang mukha niya na nakangiti. Masaya siya pero hindi dahil sa akin. Nakita ko kung gaano siya kasaya nang makita ang anak niya. Sa loob ng kwarto ay kasama niya ang kaniyang anak at nagkakatuwaan sila. Saka ko lang din napansin na naroon si Celestine sa gilid. Nagtatawanan sila na para bang masayang pamilya. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na makaramdam ng inggit. Nang mapansin ni Jethro ang pagbukas ko ng pinto ay tanging paghingi ko ng tawad ang nasabi ko. Mabilis kong sinara ang pinto kahit na tinawag niya ang pangalan ko ng ilang beses.

Hindi ako umaasa na hahabulin niya ako dahil sa kalagayan niya ngayon. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob para ipagpatuloy pa ang nararamadaman ko para sa kaniya. Mukhang masaya na siya sa pamilya na meron siya ngayon. Kasal na lang ang kulang para mabuo na nila ang pamilyang pinapangarap niya. May ama, ina at anak na bubuo ng pamilyang matagal niya nang hinahangad. Napabuntong hininga ako nang makauopo sa upuan sa tabi ng hallway. Maya-maya pa ay may tumabi sa aking lalaki. Kahit hindi ko lingunin ay alam ko kung sino ang taong to.

“Report!” ang tangi kong sinabi at nagsimula na siyang magsalita.

Jethro’s POV

Hindi pa rin ako mapakali at gusto kong tumayo sa hinihigaan ko pero nakakaramdam pa rin ako ng matinding pagkahilo dahil sa mga nangyari. Ano kayang iniisip ni Eisen sa mga sandaling to? Gustong gusto ko siyang makausap, hindi ko alam kung bakit siya biglang umalis matapos niyang buksan ang pintuan kanina. Hindi kaya nagseselos siya dahil nandito si Celestine? Lalong sumasakit ang ulo ko kapag iniisip ko kung ano bang maling nagawa ko para maging ganun ang reaksyon niya. Pinikit ko ang aking mata para alalahanin ang mga nangyari.

Gumising ako kahapon na sobrang sakit ng ulo dahil kulang sa tulog. Naubos ang magdamag ko kakaisip kung bakit bigla na lang umalis si Eisen matapos nang may mangyari sa amin sa banyo. Hindi ko alam kung nadala lang ba siya o sadyang hindi na niya ako gusto kaya hindi na niya tinuloy ang naumpisahan naming dalawa. Kaya naman kinakabukasan ay nagtungo ako sa opisina niya para pag-usapan kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para sa akin. Bago pa man ako makapasok sa opisina niya ay nagkasalubong pa kami ni Terence na mukhang papunta rin sa opisina ni Eisen.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya sa akin nang makarating kami sa harap ng opisina ni Eisen.

“I’m going to ask you the same question” sabi ko habang nakasarkastikong ngiti.

“Well I am board member here and I work as consultant for Hyacinth that’s why I’m here. How about you?” sabi niya habang inaayos ang necktie.

“I have a business with him” matipid kong sagot habang inaayos ang buhok.

“What kind of business?” tanong pa niya.

“Well it’s none of your business” sagot ko at pumasok na ako sa loob ng opisina ni Eisen.

Bumungad sa akin ang kaniyang secretary na nagtatanong kung anong appointment ba ang meron ako sa kaniya. Hindi ko siya masyadong pinansin dahil nakatutok ang aking mata sa kay Eisen at sa taong kausap niya. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila pero nakikita ko kung gaano kasaya si Eisen habang kausap niya ang lalaking to.

“Let me guess, may gusto ka pa rin sa kaniya?” komento ni Terence habang nakatingin pa rin ako kila Eisen.

“Sino bang nagsabi sayong hindi ko na siya gusto?” naiinis kong sagot. Ano bang meron sa lalaking to at bakit tuwang tuwa siya habang kausap siya ni Eisen?

“Magugustuhan mo pa rin ba siya kung nakikipaglaro na siya sa iba?” tanong ni Terence at napalingon ako sa kaniya.

“What do you mean?” tanong ko at ngumiti siya sa akin habang pinapat niya ang balikat ko.

“That guy is his boy toy for almost 3 years” sagot niya habang umiiling ang ulo.

“At okay lang sayo yun?” tanong ko at lumapit siya sa akin.

“Tinanggap ko siya kung ano siya at kaya ko siyang mahalin kahit maging ano pa siya” sagot niya habang inaakbayan niya ako. Ginalaw ko ang aking balikat para maalis ang kaniyang kamay at nilapit ko ang aking mukha sa kaniyang tenga.

“Ang ibig sabihin niyan ay hindi mo kayang i-satisfy ang sexual needs niya dahil kapag ako ang kasama ni Eisen ay hindi niya nagagawang maghanap ng iba” bulong ko at mahina niya akong tinulak palayo sa kaniya. Hindi ko napigilang mapangiti dahil bakas sa mukha ni Terence ang pagkainis.

Hindi nagtagal at natapos na ding mag-usap ang dalawa. Habang naglalakad siya ay tinititigan ko siya mula ulo hanggang paa. Napaka imposibleng ipagpalit ako ni Eisen sa isang kagaya niya. Di hamak na mas gwapo ako at mas hot kumpara sa kaniya. Malamang ay nagpapanggap lang ito na boy toy ni Eisen para pagselosin ako. Bago pa man makalabas si Eisen ng kaniyang opisina ay pinilit kong makuha ang kaniyang atensyon. Pilit niyang iniiwasan ang tingin ko at hindi siya sumasagot sa mga sinasabi ko.

Hindi ako tumigil sa kakasunod sa kaniya hanggang sa makulit ko siyang kausapin ako. Sinabi kong interesado ako na maging board member pero nauhan ako ng kumag na Terence na yun. Balita kong bakante ang position ng Head of Marketing kaya sinabi kong mag-aapply ako dun. Walang pinagbago tong asawa ko, nagsusungit para iwasan ang tingin ko. Habang tumatagal ay lalo siyang gumaganda sa paningin ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko mapipigilan ang sarili kong angkinin siya dahil sa bawat sandaling kami ay magkasama ay para bang mababaliw ako kapag hindi ko siya nahahagkan at nayayakap.

Habang kami ay nasa loob ng elevator ay bigla na lang bumilis ang pagbagsak nito. Sa biglaang pagbaba nito ay tumama ang aking ulo sa bakal na hawakan ng elevator. Napahawak ako sa aking ulo nang maramdaman ko ang pagdugo nito. Nang tumigil ang pagbagsak ng elevator ay naging maingat kaming dalawa sa pagkilos dahil maaaring bumagsak muli ang elevator kapag gumalaw kami ng husto. Kahit na nasa delikadong kalagayan ay nagawa ko pa ring lumapit kay Eisen. Nakakatuwa lang na maramdaman ko na nag-aalala pa rin siya para sa akin. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil kahit papano ay mamatay akong masaya kung may mangyayari mang masama sa amin. Pero hinihiling ko na sana ay walang mangyaring masama kahit kay Eisen man lang. Halos ibalot ko ang aking katawan sa kaniya para maprotektahan siya kung sakali mang bumagsak ang elevator.

“Grabe hon, nasa peligro na tayong dalawa pero nagawa mo pa ring makatulog” sabi ko nang mapansin kong nakatulog si Eisen. Hindi ako sigurado kung nakatulog nga siya o nawalan ng malay pero mas mabuti na to dahil hindi siya makakaramdam ng matinding sakit.

Ang buong akala ko ay katapusan na namin iyon pero bigla na lang bumukas ang pinto ng elevator sa harapin namin ni Eisen. Kung hindi ako nagkakamali ay ito rin ang lalaking sinasabi na boy toy ni Eisen. Sumenyas siya na iabot sa akin si Eisen nang dahan-dahan. Kalahati lang ng elevator ang pwedeng daanan dahil nasa pagitan ng dalawang floor ang pwesto nito. Kinailangan ko pang dumapa para maiabot sa kaniya si Eisen. Bawat minuto ay importante dahil buhay namin ang nakasalalay dito. Bawat simpleng galaw ko ay nagbibigay ng kakaibang tunog sa elevator na tila babagsak ito. Maingat kong inabot si Eisen sa taong ito at nagawa niyang mabuhat si Eisen na walang hirap.

“Please ingatan mo siya at pasiyahin mo siya para sa akin” sabi ko sa lalaking nasa harap ko habang pinipilit ang pagngiti. Nakakapanghinayang lang na hindi man lang ako nakapagpaalam nang maayos kay Eisen. Unti-unti nang bumababa ang elevator at alam kong imposible nang maligtas ako dahil isang galaw lang ay derecho na ang bagsak ko nito. Pumikit ako dahil tanggap ko na ang mangyayari sa akin at sana lang ay hindi ako pahirapan nang husto bago ako bawian ng buhay.

“Magkano ba ang handa mong ibayad?” narinig kong sabi niya. Napadilat ako nang magsalita dahil hindi yun ang inaasahan kong salita na marinig bago man lang ako mamatay. Naramadaman ko na lang na hinawakan niya ang magkabila kong braso at walang hirap na hinatak palabas ng elevator. Sa bilis ng pagkakahila niya sa akin ay bumagsak ako sa sahig. Kasabay ng pagbagsak ko sa sahig ay ang pagbagsak ng elevator. Rinig na rinig ang lakas nang pagkakabagsak nito. Sobrang sakit ng pakiramdam ko nang maramdaman ko ang pananakit ng aking tuhod. Masama ang aking pagbagsak kaya ramdam ko na may nabali sa aking buto.

“Hindi ako tumatanggap ng utos sa patay na kliyente” sabi ng lalaki at tumalikod siya habang bitbit ang katawan ni Eisen na wala pa ring malay. Ilang minuto rin ang lumipas bago may makapansin ng kalagayan ko at saka naidala sa hospital.

At ngayon nasa hospital ako nagpapahinga. Ayun sa doctor ay nagkaroon ng fracture ang tuhod ko pero hindi naman ganun kalala. Aabutin pa ng isang buwan bago ako makalakad nang maayos. Gustong gusto kong makita si Eisen pero papano ko siya pupuntahan kong ako mismo ay hindi makaalis dito sa aking higaan. Malabo ring mangyari na siya ang pumunta sa akin matapos niyang makita ako kasama si Johan at si Celestine na magkasama. Anong gagawin ko?

Eisen’s POV

“Let the operation begin!” ang nasabi ko nang marinig ko ang lahat mula kay Tristan. Hindi ko hahayaang malagay ang namin ni Jethro sa peligro nang walang ginagawang aksyon. Gusto ko pa sanang makipaglaro pero kailangan ko nga atang makipagtuos nang maaga sa mga demonyo. Nilapit ko ang aking kaliwang kamay kay Tristan at kaagad niyang inabot sa akin ang cellphone ko. Mabilis kong dinial ang number ni Catherine para tawagan siya.

“Hi Cath, ready ka na ba?” sabi ko nang masagot niya ang aking tawag. Sinabi ko sa kaniya ang detalye at mabilis naman niya itong nakuha.

Tumingin ako sa oras halos mapatalon ako nang makita kong lagpas na pala ako ng labing limang minuto. Tiyak nag-aalala na si Demi sa akin.

Jethro’s POV

Isang buwan din ang lumipas nang makalakad ako nang maayos. Kahit isang beses ay hindi man lang ako nagawang dalawin ni Eisen. Nakikibalita lang ako Lance tungkol sa kalagayan niya. Ilang beses ko rin siyang tinawagan sa kaniyang cellphone pero hindi siya sumasagot. Mukhang wala na talagang pag-asa sa aming dalawa. Marahil mali kami ng akala ni Lance pero sabi ni Lance ay magtiwala lang ako sa kaniya at ituloy namin ang plano. Hindi ko alam kung anong gulo itong pinasok ko pero kapag nagkamali ay malaki ang magiging kabayaran nito.

Si Celestine ang nag-asikaso ng lahat para sa aming kasal. Mula sa simabahan, sa susuotin, sa reception at kung ano-ano pa ay siya ang nag-abala. Nagsabi na ako na pwede namang i-move ang kasal pero nagpumilit siya na ituloy ito kahit pa daw nakawheel chair ako sa araw na yun. Wala akong masyadong alam sa mga mangyayari sa kasal at hinayaan ko na lang siya ang mag-asikaso nito. Mabuti na lang at nariyan si Johan at hindi naging boring ang isang buwan kong pamamalagi sa bahay. At ngayon naghahanda ako para sa Bachelor Party na hinanda ni James. Hindi ko alam kung bakit nagawa pa nilang maghanda ng ganitong party para sa akin eh sila din tong may ayaw na ikasal ako kay Celestine. Hindi ko alam kung tinotorture ako ng mga kapatid ko o gusto lang talaga nila akong pagtripan.

Eisen’s POV

Isang buwan ko ring pinaghandaan ang araw na to. Nakaplantsa na ang lahat ng plano, ang kailangan ko lang gawin ay isa katuparan ang mga ito. Hinding hindi ko hahayaang maging masaya ang mga taong nanakit sa akin at sumira sa relasyon namin ni Jethro. Hindi ko mapigilang mainis sa tuwing maaalala ko ang ginawa nila sa akin.

“Hey babe, if hindi mo kaya pwede naman nating itigil to” sabi sa akin ni Catherine. Hinawakan niya ang aking kamay na may hawak na letter. Hindi ko rin napansin na nalukot ko na ang letter na hawak ko.

“No, ready na ako!” sabi ko at niyakap niya ako nang mahigpit.

Bago namin marating ang lugar kung saan gaganapin ang Bachelor Party ni Jethro ay may nakasalubong kaming isang babae na nakabihis pang pokpok. Ang ibig kong sabihin ay bihis ng isang stripper. Nagtinginan kami ni Catherine at mabilis naming napagtanto na ito ang babaeng hinire nila para magperform para sa party.

“Kami na ang bahala” sabi ko sa babaeng stripper sabay abot ng pera na dinukot ko mula sa aking bag. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at saka tumawa.

“Sa tingin mo pera lang ang pinunta ko dito?” sabi niya at gaya ng ginawa niya ay tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.

“Balita ko na yung mayamang business man ang malapit na ikasal. Crush ko yun, kaya naman gusto ko man lang siya matikman bago siya ikasal” dugtong pa ng pokpok na babae habang tumatawa. Hindi ko akalain na kaya niyang tanggihan ang bayad ko na P20,000 cash at may ibang balak pa pala ang bruha na to. Nagulat na lang ako nang biglang umabante sa harapan si Hanni na parehas ko ng bihis.

“Nakikita mo to?” sabi ni Hanni na habang inaalog ang dibdib niya. Napangiwi ako habang tinitingnan ang ginagawa niya.

“Sampu kami dito at kayang kaya ka naming lunuring lahat gamit nito!” pagbabanta ni Hanni. Ang nakakatawa pa ay maging si Catherine at ang mga kasama niyang shalang models ay nakahawak din sa kanilang dibdib. Naumay ako to the 9th power. Imbes na sa dibdib ako humawak, napahawak ako sa aking bibig dahil pakiramdam ko ay maduduwal ako sa pinaggagawa ng mga babaeng to.

Nasindak naman sa mga dyoga ang babae kaya kaagad niyang kinuha ang pera mula sa aking kamay. Malaking tulong si Catherine para mapagtagumpayan ko ang planong to. May kasama lang naman kaming pitong international models at lima sa kanila ay hindi nakakaintindi ng tagalog. Kaya nang makita nilang nakahawak sa dibdib si Catherine ay nagsihawakan din sa kanilang dibdib ang mga gaga. Hirap na hirap akong maglakad dahil sa outfit na pinasuot sa akin ni Catherine. Kailangan daw kasi in character ako sa pagiging stripper at dapat yung outfit ko ay pang stripper talaga as in pang puta. Ipit na ipit si junjun sa suot ko. Hindi ako sanay mag-ipit dahil hindi ko naman kinakailangang gawin yun. Suot-suot ko ang 5 inches na hills na para bang isang maling hakbang ko lang ay mababalian ako ng binti. Halos hindi ko rin makilala ang aking sarili sa make-up na nilagay nila sa akin na pinaresan ng itim at mahabang wig na may bangs.

“We’re here” sabi ni Catherine at hinawakan niya ang aking kamay. Huminga ako nang malalim at bigla na lang bumukas ang pinto.

Jethro’s POV

Hindi pa nagsisimula ang main event ng gabi pero mukhang kompleto na ang gabi ko dahil sa kalokohan ng mga kasama ko. Masaya akong makasamang muli ang mga kapatid ko. Nandito rin ang magkasintahan si Lance at Gunter. Swabe na ang kwentuhan at asaran kanina pero naupo ang lahat nang sabihin ni James na handa na daw ang main event. Kaniya kaniyang pwesto sa couch ang mga siraulo habang ako ay nakaupo sa gitna para daw sa main event. Sinakyan ko na lang ang trip nila dahil hindi rin naman ako maaakit sa babaeng hinanda nila.

Ilang sandali pa at tuluyan nang namatay ang ilaw. Tanging disco lights ang nagsisilbing ilaw sa loob ng kwarto. Bigla na lang nagbukas ang pintuan at may pumasok na isang babae. Hindi ko maipagkakaila na maganda ang hubog nito at matangkad siya na para bang super model. Sobrang kinis ng legs niya at malulusog ang dibdib. Lumapit siya sa akin pero tanging paghawak lang sa pisngi ko ang ginawa niya. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa half-mask na suot niya. Takang taka ako nang lumapit siya sa mga kapatid ko at saka sumayaw. Bigla na lang may sumunod pang isang babae, ang pagkakaalam ko ay isa lang ang hinire na stripper sa party na to pero nagulat ako nang magsunod sunod ang pagpasok ng mga babae. Gaya nang nauna ay humaplos lang sila sa pisngi ko. Hanggang sa may isang babae na lumapit sa akin at naupo sa lap ko. Bago ko siya matitigan nang husto ay kaagad niyang nilapit ang mukha niya sa aking kaliwang pisngi. Dinilaan niya ang aking panga hanggang sa umabot siya sa aking tenga at kinagat ito habang ginigiling niya ang pwet niya sa hinaharap ko. Hindi ako makapaniwalang tinagasan agad ako sa ginawa niya kaya naman hinawakan ko siya sa magkabilang braso para makita nang maayos ang mukha niya. Kahit na may mascara at mahabang buhok ay hindi akong nagkakamali na asawa ko ang nasa ibabaw ng mga hita ko.

“Eis-” bago ko pa man mabanggit ang kaniyang pangalan ay hinalikan niya ako sa aking labi. Hinawakan ko siya sa kaniyang ulo para hindi kaagad siya makakalas sa aming halikan. Isang buwan akong naghintay para muling maranasan ang kaligayang katulad nito. Kahit nakahawak na ako sa kaniyang ulo ay nakagawa pa rin siya ng paraan para kumalas sa aming halikan.

Tumayo siya at gamit ang kaniyang middle finger ay sinisenyasan niya akong sumunod sa kabilang kwarto. Masyadong abala ang mga loko sa panonood sa mga babaeng nasa harapan nila at hindi nila napansin na lumipat na kami ni Eisen sa kabilang kwarto. Para akong asong ulol na sunod-sunuran kay Eisen sa loob ng kwarto. Balak ko sanang hubarin ang aking damit pero pinigilan niya akong gawin ito. Pinaupo niya ako sa isang upuan at siya’y umupo sa lap ko habang hinuhubad ang pang-itaas kong damit. Nagsimula kaming maghalikan na para bang ayaw naming maghiwalay. Hindi ko na napigilan ang aking sarili kaya binuhat ko siya at hiniga sa kama. Marahas kong hinubad ang kaniyang damit at mabilis na sinunggaban ang kaniyang namumulang nipple. Halos mabaliw siya sa pagsipsip ko sa magkabila niyang utong. Panay ang ungol niya habang sinasabunutan ang aking buhok.

Ilang sandali pa ay siya na mismo ang pumaibabaw sa akin. Nilaro niya ang aking utong gamit ang kaniyang kaliwang kamay habang ang kaniyang bibig ay patuloy sa pagsipsip sa kabila kong utong. Malaya niyang hinihimas ang aking tiyan hanggang sa umabot ang kanang kamay niya sa loob ng aking brief. Lalong nagwala ang alaga ko nang maramdaman niya ang kamay ni Eisen. Sa sobrang pagkasabik ko ay ako na mismo ang naghubad ng aking pantalon kasama ang aking brief. Bumalik ang kaniyang paghalik sa aking labi habang ang kaniyang kamay ay nagsimulang magtaas baba sa aking alaga. Impit na ungol ang nagawa ko sa tuwing itataas baba niya ang kaniyang kamay. Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumigil at may hinagis na pulang papel sa akin.

“What’s this?” ang tanong ko. Nakita ko na lang na nagsuot siya ng robe at kumindat sa akin.

“Eisen wait!” bago pa man ako makatayo ay nagawa na niyang lumabas ng kwarto. Nasuntok ko ang pader sa inis ko. Iniwan na naman niya akong tigang.

Eisen’s POV

Bukas na magaganap ang kasal ni Jethro at Celestine. Inaasahan ko namang hindi ako bibigyan ni Celestine ng invitation dahil alam kong natatakot siyang matalo ko siya sa ganda sa araw mismo ng kasal niya. Muntikan ko nang hindi mapigilan ang sarili nang muntikang may mangyari sa amin ni Jethro sa Bachelor Party niya. Kinailangan ko pang maligo na may kasamang yelo sa tub para lang humupa ang init na nararamadam ko noong gabing yun. Hindi madali sa akin ang pigilan ang sarili sa sex lalo na kung si Jethro ang kasama ko. Mabuti na lang at nagawa ko siyang takasan at umayon pa rin ang lahat sa plano.

“Sa tingin mo pupunta siya mamayang gabi?” tanong ni Hanni. Papunta kami ngayon sa isang hotel kung saan nakapagbook ako ng room para sa aming dalawa ni Jethro.

“Walang makakatiis sa charm naming mga Fuentes” sagot ko kay Hanni at ngumiti lang siya. Pero sa totoo lang ay hindi rin ako ganun ka sigurado kung makakapunta nga siya mamaya.

“Naihanda na namin ang lahat kanina kaya wala na po kayong dapat ipag-alala” dugtong pa niya at tumango lang ako biglang pagsang-ayon.

Nang makarating kami sa hotel ay kaagad akong nagtungo sa room na nakareserve para sa amin ni Jethro. Alam kong naihanda na lahat nina Hanni at Ringo kaya wala na dapat akong ikabahala. Hinatid ako ni Hanni hanggang sa pinto at nang makapasok ako ay umalis na rin siya. Nakakapagtaka lang na andilim sa loob kaya kinapa ko ang switch ng ilaw. Bago ko pa man mahawakan ang switch ay bigla na lang may humila sa akin. Sisigaw na sana ako pero nagawa niyang takpan ang aking bibig. Naging marahas siya sa paghila sa akin hanggang sa maitulak niya ako sa ibabaw ng kama. May liwanag na nagmumula sa lamp sa tabi ng kama kaya kitang kita ko ang pagmumukha ni Jethro na pawisan maging ang kaniyang suot na polo ay may namumuong pawis. Tatayo sana ako nang bigla niyang hawakan ang magkabila kong kamay at pumaibabaw sa akin.

“Bakit mo ginagawa sa akin to?” tanong niya na may halong panggilgil.

“Anong ibig mong sabihin?” pagmamaang-maangan ko.

“Itong mga kalokohang to! Bakit mo kailangang pumunta sa Bachelor Party ko at magpanggap na stripper para lang akitin ako? Bakit kailangan mo akong papuntahin sa hotel na to kahit na alam mong ikakasal na ako bukas?” tanong niya habang patuloy na pumapatak ang kaniyang pawis at tumutulo na ito sa akin.

“Gusto ko lang kasing matikman ka bago ka man lang ikasal” sabi ko habang nakangiti at saka kinagat ang labi.

“Sabihin mo nga sa akin ang totoo. Mahal mo pa ba ako?” tanong niya at iniwas ko ang aking tingin sa kaniya dahil malalaman niya lang na nagsisinungaling ako kapag sinagot ko ang tanong niya. Matagal siyang nag-antay ng sagot mula sa akin pero hindi ako sumagot at nanatiling tahimik habang iniiwas ang tingin sa kaniya.

“Okay, mukhang sex na lang naman ang magiging habol natin sa isa’t isa. Sige pagbibigyan na kita” pagkasabi niyang yun ay bigla na lang niyang pinunit ang suot kong damit. Mabilis niyang nahubad ang pang-ibaba kong damit. Ilang segundo lang ay hubot hubad na ako sa harapan niya. Mabilis niya akong pinadapa habang siya ay naghuhubad ng saraling damit at nang mahubad niya lahat ng ito ay bigla na lang niya akong pinasok na walang pasabi. Ramdam ko ang sakit dahil sa hindi handang pagpasok niya sa akin. Kasabay nang marahas niyang pag-ulos ay ang pagkagat sabay sipsip niya sa aking leeg habang ang kaniyang kamay ay nakahawak sa akin noo para maidiin niya nang husto.

Habang tumatagal ay naging marahan ang kaniyang pakikipagtalik sa akin. Bawat sandali ay para bang ninamnam niya. Kahit na malamig ang kwarto ay ramdam na ramdam ko ang panlalagkit ng pinaghalong pawis ng aming katawan. Hindi ko mabilang kung ilang posisyon ang nagawa naming dalawa ang tanging naalala ko lang ay sinigaw niya ang aking pangalan sa ikapat na beses niyang magpasabog sa loob ko. Matapos ang hindi malilimutang sandaling iyon ay bigla na lang niya akong iniwan na para bang isa lang niya akong parausan. Hindi ko naman siya masisisi dahil hindi ko pa rin sinasabi sa kaniya ang mga binabalak ko. Alam kong para to sa ikakabuti naming dalawa at sa ngayon ay kailangan muna naming magtiis hanggang sa maging maayos na ang lahat.

Isang oras na yata akong nakadapa simula nang umalis si Jethro. Halos hindi ako makatayo dahil sa sobrang gigil niya sa akin. Pakiramdam ko ay may pilay ang aking balakang at sobrang sakit nito sa tuwing ako ay gagalaw. Paunti-unti akong gumapang hanggang sa maabot ko ang bag ko na naglalaman ng aking cellphone. Tinawagan ko kaagad si Hanni.

“Siguro naman nakuhaan nyo ang lahat ng iyon? Siguraduhin nyong tapos nang mag make-up at maayos na ang hair ni Celestine kapag sinend nyo ang video sa kaniya. Dapat maayos ang lahat lalong lalo na sa magiging entrance ko” binaba ko ang tawag at saka ngumiti habang iniisip ang magiging reaksyon ni Celestine kapag nakita niya ang video. Hindi ko napigilan ang sarili na matawa at sa kakatawa ko ay bigla na lang sumakit ang balakang ko.

Pucha kailangan ko atang mag-wheelchair bukas.

Itutuloy……………………….

A/N: Yep, tama ang nababasa nyo. Extended pa ang story hanggang 2 chapters. I’m sorry pero max ko na yang 2 chapters. Hindi ko kayang panindigan ang book 3 dahil gusto ko nang maging masaya ang love story nila Jethro sa book na to. Maraming salamat sa walang sawang pagtangkilik sa istorya nila. Gusto ko man pahabain pa ay hindi ko na magagawa dahil ayokong sirain ang story para mapahaba lang. Sana naiintidihan nyo po yun at maraming maraming salamat.

Please pagbigyan nyo na ako sa

VOTE

, kaya wag kakalimutan!

Chapter 26: We belong

Bas as Eisen

Jethro’s POV

Hindi ko alam kung dapat pa ba akong umayon sa napagkasunduan namin ni Lance. Mukhang mas mabuti pang panindigan ko na lang ang pagpapakasal kay Celestine para may kompletong pamilya si Johan. Ilang beses kong tinanong si Eisen kung may nararamadaman pa ba siya sa akin pero nabigo lang ako dahil hindi niya ako masagot. Siguro nga sa mga nakalipas na taon ay naglaho na ang pagmamahal niya sa akin. Magiging isang masayang alaala na lang siguro para sa aming dalawa ang mga nangyari kagabi. Sana makahanap siya ng taong magpapasaya sa kaniya at alam kong hindi na ako yun.

Abala na ang lahat dahil sa mga susunod na oras ay magaganap na ang kasal namin ni Celestine. Wala akong nararamdamang saya o pangamba dahil mas gusto kong matapos na ang lahat ng ito. Kasama kong mag-ayos ang anak kong si Johan. Siya ang napili kong maging best man dahil sa totoo lang ay wala sa mga kapatid ko ang gustong tumayong best man ko sa kasal na to. Kahit na piliin ko ang isa sa kanila ay tatanggi sila. Hindi ko nga alam kung bakit pa sila aattend sa kasala kung tutol naman silang mangyari to.

“Daddy why do we have to do this?” tanong ni Johan. Lumuhod ako para ayusin ang suot niyang bowtie na kanina pa niya gustong tanggalin.

“Because mommy and I are getting married” sagot ko at hinalikan siya sa ulo nang maayos ko ang bowtie niya.

“Does it mean that she’s going to live with us?” tanong niya at ako nama’y ngumiti na napipilitan.

“Yes baby” sagot at bigla na lang siyang yumuko na para bang hindi masaya sa mga mangyayari.

“Why do you look sad?” tanong ko at unti-unti siyang tumingala para tumingin sa akin.

“Mommy hates me” sabi niya at niyakap ko siya nang mapansin kong naluluha na siya.

Habang yakap-yakap ko siya habang kinumbinsi na mahal siya ng kaniyang mommy. Kailangan ko rin palang ayusin ang relasyon ng mag-ina. Masyadong napalayo ang loob ni Johan kay Celestine at masyadong naging tutok sa trabaho si Celestine para asikasuhin ang sariling anak. Sana maging maayos ang pamilyang to kahit na hindi ito ang pamilyang pinapangarap ko. Nang maging maayos na ang lahat ay sabay na kaming umalis ni Johan patungo sa simbahan.

Halos kalahating oras ang binyahe namin galing sa hotel patungo sa simbahan. Hindi ko inaasahan na magiging mabigat ang traffic. Nasa sampung minuto lang dapat ang magiging byahe namin pero inabot pa rin kami ng kalahating oras bago marating ito. Marami na ang guess na naririto nang dumating kami ni Johan. Maraming tao ang bumati sa akin nang kami ay pumasok ng simabahan. Inaasahan na magsisimula na ang kasal sa loob ng dalawampung minuto. Inaasahan rin na dapat narito na si Celestine pero sabi ng isa sa mga wedding coordinator ay inaayos lang nila ang make-up ni Celestine dahil kanina ay nagwawala ito habang umiiyak. Hindi ko alam kung bakit pa kailangang mangyari to sa araw ng kasal namin. Nakakahiya lang sa mga nag-aantay na bisita.

Sampung minuto na ang lumipas nang hindi pa rin dumarating si Celestine. Ang buong akala ko ay hindi na talaga siya sisipot sa kasal naming dalawa. Hanggang sa magsabi ang wedding coordinator na nariyan na raw si Celestine. Kaniya-kaniyang pwesto na ang mga tao para umpisahan ang kasal. Nagsimula ang procession sa pagpasok ng mga magulang ni Celestine sa loob ng simabahan. Dahil wala na ang mga parents ko ay ako na ang sumunod sa pagpasok sa simbahan. Kanina lang ay wala akong nararamdamang kaba pero ngayon ay pakiramdam ko ay may mangyayaring kakaiba. Saka ko lang naalala na wala nga pala dito si Lance at Gunter dahil hindi sila sinama ni Celestine sa mga imbitado sa kasal. Nang makarating ako sa altar ay kasunod ko namang pumasok ang mga grooms na sinundan din ng mga bridesmaids.

Matapos nilang makaupo ay laking gulat ko nang pumasok si Josh na nagsilbing Best man ko. Nakakapagtaka lang na bigla siyang sumali sa pinaka huling minuto ng kasal. Inakbayan niya ako at mukhang masaya pa ang loko nang makarating siya sa kinatatayuan ko. Sinundan siya ng Maid of Honor na sa pagkakaaam ko ay best friend ni Celestine. Biglang naging Ring Bearer ang naging role ni Johan sa kasal. Ang cute niya tingnan habang naglalakad na para bang nawawalang bata at may dala-dalang singsing. Ngumiti siya nang makita niya ako sa altar kaya imbes na maglakad ay bigla siyang napatakbo papunta sa akin. Sinundan siya ng flower girl na halos ka edaran niya lang na sa pagkakaalam ko ay pamangkin ni Celestine.

Sa pagpasok ni Celestine ay nag-iba ang music. Naging mas romantic ang instrumental ng kanta na hindi ko alam kung ano. Patuloy ang pag-hum ng mga singers hanggang sa nagbago ang kanta nang makarating siya sa gitna.

Eisen’s POV

Halos mamatay ako kakatawa nang ipakita sa akin ni Hanni ang picture ni Celestine. Isa sa mga binayaran ko ay ang kaniyang make-up artist. Yung pang wedding look niya ay naging pang drag queen. Nakatalikod siya sa salamin habang ginagawa ang kaniyang make-up kaya wala siyang kaalam-alam na ginagago na ang pagmumukha niya. Kasabay ng drag make-up niya ay ang pagkareceive niya ng sex video namin ni Jethro kaya nagwala siya nang husto. Ayun sa mga spy ko ay halos kalahating oras ang nasayang dahil sa pag-iiyak at pagwawala niya. Hindi naman daw ito umurong sa kasal kaya pinalabas niya ang lahat ng tao sa room at siya mismo ang nag-ayos sa kaniyang sarili.

Umaayon ang lahat sa aking plano at mangyayari pa lang ang pagsira ko kay Celestine sa araw mismo ng kaniyang kasal. Mabuti na lang at gumana ang matindong masahe sa aking katawan kaya hindi ko na masyadong iniinda ang pananakit nito. Kahit kailan ay nagiging aggresibo pa rin si Jethro pagdating sa sex na halos ikalumpo ko. Makakabawi rin ako sa kaniya kapag natapos na ang lahat ng ito. Kasama ko si Hanni at Ringo na patungo na rin sa kasal ni Jethro at Celestine. Hindi ko mapigilan ang sariling mapangiti habang iniimagine ang magiging hitsura ni Celestine.

Nagsisimula na ang procession nang dumating kami sa simbahan. Sinigurado ni Celestine na hindi ako makakapanggulo sa kasal niya kaya nag hire siya ng mga guards na magseseure na walang sino mang hindi imbetado sa kasal ang makakapasok. Ang malaking pagkakamali niya ay pagmamay-ari ko ang mga guards na hinire niya para sa kasal. Isa sa mga business ko ang pagtayo ng kompanya na magtitrain sa tao bilang high class na security or personal body guards. Isa yun sa mga dahilan kung bakit napakaraming guards na palaging nasa paligid ko maliban kina Hanni at Ringo. Nang makita ng mga guwardiya si Ringo at Hanni ay kaagad nila kaming pinapasok. Nakadisguise ako para hindi mabilis makilala kaya si Ringo at Hanni lang ang nakilala ng mga guwardiya.

Naaayon ang lahat sa plano, kaya dumiretso kami sa pwesto namin kung saan makikita ko ang magiging reaksyon ni Celestine. Naabutan ko sa procession ang pagpasok ni Josh bilang best man ni Jethro. Mabuti na lang at napapayag ko siyang tumayo bilang best man ni Jethro. Isang lingon lang kay Jethro ay biglang napako ang aking paningin sa kaniya. Para bang ako yung bride na ikakasal at siya yung groom ko na nag-aantay sa akin sa altar. Ang sarap sa pakiramdam na makita ang taong mahal mo na nag-aantay para sayo sa harap ng altar kung saan kayo magbibitaw ng pangako sa isa’t isa bilang ganap na mag-asawa.

“Nakapasok na ang target” narinig kong sabi ni Ringo. Minsan na pagkakamalan kong pipi at bingi to si Ringo dahil napakabihirang magsalita. Kaya kapag siya nagsasalita ay nagugulat talaga ako dahil anlaki ng boses niya sing laki ng ano niya, yung ano niya, yung katawan. Ganun!

Lumingon ako at kitang kita ko ang pagpasok ni Celestine sa loob ng simabahan. Pagkapasok niya pa lang sa simbahan at kaagad mong mapupuna ang make-up niya dahil hindi ito naaayon sa suot niyang gown. Hindi naman pangit ang naging hitsura kaso masyadong takaw pansin ang pula niyang labi at ang kulay na ginamit niya sa kaniyang eye shadow ay masyadong dark na nagpatang pa lalo sa dating niya. Well, hindi ako nandito para i-criticize ang look niya kundi sirain ang araw na akala niyang magiging pinakamasayang araw ng buhay niya. Patuloy ang pagkanta ng mga singers na siya mismo ang pumili pero nagawa kong bayaran para sa isang kanta na kakantahin nila sa araw na to. Habang naglalakad siya patungo sa altar ay patuloy ang pag-hum ng mga singers at dun na nagsimulang bumanat ang mga labi ko sa pangiti.

Haaaaaaaaayahhh

,

Iyahhh

yahhh

Yahhhhhhhhhhhh

,

Hoooooo

ooohhhh

O

oooooohhhhhh

……………………..

Biglang nawala ang music at naging tahimik ang simabahan habang naglalakad si Celestine at biglang nagpatuloy ang kanta.

Boom

tarat

tarat

, Boom

tarat

tarat

Tararat

tararat

Boom boom boom!

Napahawak ako sa braso ni Hanni dahil nanlambot ang mga tuhod ko sa pagpipigil ko ng tawa ko. Halos mautot ako sa kinatatayuan ko habang ang kaliwang kamay ko ay nakatakip sa bibig ko. Kitang kita sa mukha ni Celestine ang pagkabalisa nang marinig niya ang kanta, kulang na lang ay umakyat siya sa taas para patigilin ang mga kumakanta. Mapapansin din na ilan sa mga bisita ay nagpipigil ng kanilang pagtawa. Imagine para kang nasa Venice habang naghahumming ang mga singers, ramdam na ramdam mo ang ambiance ng Venice sa ganda ng boses nila tapos bigla ka na lang mapupunta sa studio ni Willie nang marinig mo ang Boom tarat tarat na kanta. Natigil ang pagkanta ng mga singers nang pahintuin sila ng Wedding Coordinator.

Muntikan na akong humagalpak ng tawa dahil sa part na yun. Buti natigil din kaagad, nakarma pa ata ako dahil pakiramdam ko ay sumakit ang tiyan ko sa kakapigil ng tawa. Kaming dalawa ni Hanni ay halos mamatay-matay sa pagpigil ng aming pagtawa, samantalang itong si Ringo ay nakapoker face pa din. Nakakaloka ang hirap siguro nitong pasiyahin. Walang duda na walang jowa to malamang kahit na gwapo ay boring kasama o masyadong mababaw lang talaga ang kaligayahan namin ni Hanni.

Nagmadaling lumakad si Hanni patungo sa altar at walang pakialam sa paligid niya. Taas noo siyang lumapit kay Jethro na tila walang uurungan at gustong gusto na maituloy ang pag-iisang dibdib nilang dalawa. Nagsimula na ang kanilang kasal. Nariyan ang pagbibigay ng pari ng kaniyang sermon hanggang sa dumating ang pinakaaantay naming lahat yun ay pagbitaw nila ng kanilang pangako sa isa’t isa bago sila matawag na ganap na mag-asawa. Nagbigay na ng signal si Ringo at bawat isa sa amin ay nasa kaniya-kaniya ng pwesto.

“Kung meron mang tututol sa kasalang ito ay ngayon na ang inyong pagkakataon para magsalita o habang buhay kayong mananahimik” sabi ng pari at bigla na lang pumasok ang isang babae sa loob ng simabahan.

“Ako, tutol ako sa kasalang ito! Dahil dala-dala ko ngayon ang bunga ng pagmamahalan namin ni Jethro” sigaw ni Catherine habang hinihimas ang pekeng tiyan. Kung hindi ako kasabwat ni Catherine ay tiyak na mapapaniwala niya rin ako sa ginawa niya.

Lalong nabalisa si Celestine nang makita niya si Catherine habang gulong gulo naman si Jethro dahil hindi niya malaman kung bakit ito ginagawa ni Catherine. Bago pa man makapagsalita ang dalawa ay may isang lalaki naman ang pumasok sa loob ng simbahan. Pareho ang suot na damit nito kay Jethro ang pinagkaiba lang ay ang dumi na meron sa suot niya at ilang punit sa bandang dibdib.

“Itigil ang kasal! Hindi yan si Jethro! Ako si Jethro, kinidnap nila ako kanina para hindi matuloy ang kasal” sabi ni Alexandre habang umaarte na parang may iniindang sakit at hingal na hingal. Magaling ang nagmake-up sa kaniya at mukha talaga siyang may pasa sa mukha. Dumating na rin ang araw kung saan magagamit ko ang talento ni Alexandre.

Lalong nagkagulo ang simbahan dahil sa pagpasok ni Alexandre. Hindi naman lihim na may kakambal si Jethro pero nahihirapan ang mga tao kung sino ang paniniwalaan nila dahil magkamukhang magkamukha talaga sila. Kahit naman ako dati ay nagkamali sa kanilang dalawa. Inakala kong si Alexandre ay si Jethro kaya nagawa ko siyang halikan sa labi nang inakala kong bumalik na ang kaniyang alaala. Kitang kita ko ang pag-atras ni Celestine kay Jethro dahil hindi niya alam kung sino ang paniniwalaan niya.

“Ano bang pinaggagawa nyo Catherine at Alexandre?” sigaw ni Jethro. Parang biglang natauhan si Celestine nang marinig niya ang boses ni Jethro. Lumapit siyang muli dito dahil alam niyang totoo ang Jethro na nasa harapan niya at nagpapanggap lang si Alexandre bilang Jethro.

“Itigil ang kasal!” sa ikatlong pagkakataon ay ako na ang sumigaw para itigil ito. Unti-unti akong naglakad papasok hanggang sa matanaw ako ni Jethro.

“Paano ka nakapasok dito?” tanong ni Celestine. Nagsisigaw siya at humingi ng tulong para hulihin ako pero ni isa sa mga guards niya ay walang lumapit para hulihin ako.

“Anong kalokohan ito Eisen?” naiinis na tanong ni Jethro.

“Hindi ka pwedeng magpakasal sa babaeng yan!” mariin kong sabi at siya naman ay umiiling na para bang hindi niya inaasahang magagawa ko ito.

“At bakit hindi pupwede?” pagmamatigas niya. Hindi ko inaasahang magmamatigas sa akin si Jethro lalong lalo na sa kasalang ito.

“Dahil…” natigilan ako sa pagsasalita dahil ngayon ko lang napagtanto na nasa harapan pala kamo ng maraming tao. Dahil sa tagal ng sagot ko ay hinawakan niya ang kamay ni Celestine at tinalikuran niya ako.

“DAHIL MAHAL NA MAHAL PA RIN KITA JETHRO!” sigaw ko habang nakapikit ang aking mga mata. Ayokong makita na binabalewala niya lang ako kaya mas mabuting ipikit ko na lang ang aking mata. Nanatiling nakapikit ang aking mga mata hanggang sa magsimula siyang magsalita.

“Alam mo bang pwede kang makulong dahil sa pagpigil mo sa kasal naming dalawa dahil lang sa mahal mo ako” sabi ni Jethro. Inangat ko ang aking mukha at dinilat ang aking mga mata. Lalapit sana siya sa akin pero nagawa siyang pigilan ni Celestine.

“Alam ko kaya naman pinaghandaan kong mabuti ito” matapos kong sabihin ang mga salitang yun ay yun na rin ang naging hudyat para pasukin ng mga pulis ang simbahan. Nagkagulo lalo sa loob ng simbahan nang pasukin ng mga pulis ang loob. Mabilis na naglakad ang mga ito patungo sa altar. Inabot ni Jethro ang kaniyang kamay bilang pagsuko dahil ang buong akala niya ay siya ang inaaresto ngunit nagulat siya nang lumapit ang mga ito kay Celestine.

“Ms. Cua, inaaresto ka namin sa salang pagpatay kay Mr. Luisito Santos. May karapatan kang manahimik at magkaraoon ng sariling abodago” sabi ng isang pulis habang pinupusasan ang kaniyang kamay.

“What the hell are you doing to my daughter?” sigaw ng ama ni Celestine pero hindi siya pinansin ng mga to. Nagsisigaw si Celestine habang humihingi ng tulong sa kaniyang mga magulang habang siya ay dinadala sa sasakyan ng mga pulis.

Mabilis na nagsi-alisan ang mga kamag-anak ni Celestine sa simbahan. Bago pa man makalabas ang mga magulang ni Celestine ay tiningnan ako ng mga ito ng masama. Hindi ako nagpasindak sa kanila dahil alam kong may time para sa kanila. Nakita ko na lang na yakap-yakap ni Jethro ang kaniyang anak na si Johan habang umiiyak ang bata. Bigla akong nakaramdam ng awa sa bata at alam kong kakamuhian ako nito dahil sa mga nagawa ko. Iisa-isang naglabasan ang mga tao sa loob ng simbahan hanggang sa tatlo na lang kami ang nasa loob nito. Karga-karga ni Jethro ang kaniyang anak habang naglalakad siya patungo sa akin. Pero nagkamali ako ng akala dahil sa labas ang nais niyang puntahan. Bago pa man siya makalabas ng simbahan ay tinitigan niya ako nang makahulugan na hindi ko masabi kung ano ang ibig niyang sabihin. Hindi ko malaman kong natutuwa ba siya sa mga nangyayari o kinamumuhian niya ba ako. May parte sa loob ko na pakiramdam ko ay talo pa rin ako sa araw na to.

Sa sumunod na araw ay nagawa kong bisitahin sa kulungan si Celestine. Sigurado naman akong mabubulok siya sa kulungan pero binisita ko pa rin siya sa loob dahil gusto kong makita mismo ang kaniyang kalagayan sa loob. Gusto kong makita ang pagdurusa niya na kabayaran sa mga kawalang hiyaan niyang ginawa sa amin.

“Well done Eisen, well done!” pagbati niya sa akin na tila ba hindi pa rin nagpapatalo matapos siyang arestuhin kahapon.

“You look happy Celestine, mukhang masaya ka dito sa bilungguan ahh…narealize mo na ba ngayon na dito ka talaga nababagay?” tanong ko at bigla na lang nagbago ang hitsura niya na kanina ay masaya at ngayon ay naging masama ang tingin niya sa akin.

“Hindi rin magtatagal ay makakalabas din ako dito” sabi niya habang pinipilit ang pagngiti at bigla naman akong natawa.

“Papano mo naman nasabi yan? Malakas ang ebidensya dahil may video kung papano mo pinatay si Mr. Santos at buhay na buhay pa ang tetestigo laban sayo?” sabi ko habang natatawa na lalong kinaiinisan niya.

“Ilang beses na nakulong si kuya pero ilang beses na siyang napalaya dahil malakas ang impluwensiya ni daddy kaya hinding hindi mo kami basta basta mapapatumba. Kaya kung ako sayo ay mag-iingat ako dahil hindi mo kinikilala ang mga taong binangga mo” pagbabanta niya at mas lalo akong natawa sa kaniya.

“Haay Celestine, hindi ko alam kung hanggang kailan ka magmamatigas at tatanggap ng pagkatalo. Hindi ako naghitay ng limang taon para lang sa araw na to. Sa bawat araw na nawalay ako kay Jethro ay laging nasa isipan ko kung papano ko kita pagbabayarin sa mga ginawa mo sa amin. Napatunayan kong nagsisinungaling ka lang tungkol sa nakaraan ni Alexandre dahil walang namagitan sa kanila ng kaniyang dating manager at hindi mo na rin mapagbabantaan ang career nila ni Jules dahil napasok ko na Entertainment industry at meron na ako mismong sariling kompanya na handang magproduce ng mga pelikula at palabas para sa kanila. Baka sakaling narinig mo ang EyeScene Films, well nakapagproduce lang naman kami ng movie na kumita ng P790 million at non-metro manila film festival ang movie na to” tumigil ako sa pagkwento at pinagmasdan ang kaniyang mukha na tila hindi siya makapagsalita sa mga pinagsasabi ko kaya nagpatuloy ako.

“Hindi mo na rin mapagbantaan ang kompanya ni Josh dahil sa loob ng tatlong taon ay nagawa kong tulungan ang kompanya na makaahon at mahuli ang may sala kung bakit nagkaroon ng hindi magandang image ang kompanya nila. Actually mamaya lang ay makakasama mo na siya ngayon sa loob ng bilangguan dahil sa pagkakaalam ko ay napatunayan na siya ang naglabas ng mga restricted files sa kompanya at gumawa ng mga fake accounts para sa customer na dapat paglalagyan ng mga pera na dapat irefund sa kanila pero ang milyon milyong refunds ay nagawang kimkimin ng kapatid mo. At wait meron pa. Para makompleto ang pamilya mo dito ay sinama ko na rin ang mga magulang mo. Remember nang mapatay ng mama mo ang isa sa mga katulong niyo dahil sa sobrang galit niya at nagawang I cover-up ng papa mo ang lahat. So ayun sasamahan ka nila dito mamaya at magkakaroon kayo ng family reunion dito!” masaya kong sabi at binalak niya abutin ang ulo ko para sabunutan pero nagawa ko itong iwasan. Hinawakan siya ng mga nakabantay na pulis at pinaupo.

“Gusto ko lang ipaalam sayo na hindi lang pamilya nyo ang maipluwensiya at may kapangyarihan. Kilala mo naman siguro ang chief justice ngayon, alam mo bang utang na loob niya kay lola ang pag-aaral niya dati ng law? Walang hininging kapalit si lola sa kaniya kundi ang protektahan ang legal rights ko at syempre isa sa mga hiniling ko sa kaniya ay ang masigurong mabulok ang pamilya mo sa kulungan. Limang taon ang inantay ko para masigurado kong sa pagkakataong ito ay wala nang makakapigil sa amin ni Jethro. Ngayon ay naniniwala na talaga ako sa kasabihan ni Cersei sa Game of thrones. Power is power!” sabi ko at tumayo ako habang siya nagwawala para saktan ako pero hindi niya magawa.

Sakto paglabas ko ng presinto ay ang isa-isang pagpasok ng mga magulang ni Celestine kasama ang kaniyang kuya. Ilang taon din ang ginugol ko para makakuha ng sapat na ebidensiya at mga testigo para mapatunayan ang mga kasalanan nilang pamilya. Lahat ng iyon ay naging posible dahil sa galing ni Tristan. Napatunayan na si Celestine ang pumatay kay Mr. Santos dahil sa pangbablackmail nito sa kaniya at sa pamilya nila. Matagal ng gusto ni Mr. Santos si Celestine pero hindi niya maangkin ito dahil ang mahal ni Celestine ay si Jethro kaya dinaan niya sa pangbablack mail si Celestine kaya nagawa siyang patayin nito. Mabuti na lang at nahanap namin ang isa sa mga babaeng dala ni Mr. Santos sa party na nakakuha ng video at kaisa-isang testigo sa krimen. Hindi namin siya masisisi na magtago dahil maimpluwensya ang pamilya ni Celestine.

Sa kakahanap ko ng ebidensya laban kay Celestine ay hindi ko inaakalang mauungkat din ni Tristan ang baho ng kanilang pamilya. Nalaman namin ang pagkamatay ng isa sa mga katulong ng pamilya nila at pinalabas nila itong aksidente pero napatay talaga siya ng ina ni Celestine at ang kaniyang ama ang nagcover-up ng lahat. Ito ang ginagamit na pang blackmail ni Mr. Santos laban kay Celestine. At habang ako naman ay tumutulong ng palihim sa kompanya ni Josh ay napag-alaman ko rin ang mga anumalya sa kompanya na ginagawa ng kuya ni Celestine na isa sa mga board members ng kompanya. Mabuti ngayon ay magsasama-sama na sila sa loob ng kulungan para pagbayaran ang kanilang kasamaan.

Jethro’s POV

Hindi ko aakalaing magagawa ni Celestine ang pumatay. Alam kong hindi kagandahan ang kaniyang ugali pero hindi ko inaakalang magagawa niyang pumatay. Matapos ang mga nangyari sa araw ng kasal namin ni Celestine ay nanatili muna ako sa bahay para samahan si Johan. Hindi ko alam kung papano ko ipapaliwanag sa kaniya ang mga nangyari. Alam kong gulong gulo siya ngayon dahil nasaksihan niya mismo ang paghuli ng mga pulis kay Celestine. Siguro ginawa ko na ring dahilan si Johan para makaiwas kay Eisen. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay kailangan ko munang umiwas sa kaniya. Dahil siguro masyadong magulo pa ang sitwasyon para sa aming dalawa. Kahit ganun ang naramadaman ko ay hindi pa rin nawala ang pagmamahal ko sa kaniya.

Hindi ko alam kung bakit pinaabot ko pa ang isang linggo para lang makipagkita sa kaniya at sabihin ang totoong nararamdaman ko para sa kaniya. Dala-dala ang isang bouquet ng bulaklak ay kaagad akong nagtungo sa kaniyang opisina. Kung minamalas nga naman ay wala daw si Eisen sa opisina ngayon at kakaalis lang. Walang binilin sa kaniyang secretary kaya hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Naisipan kong tawagan si Lance baka sakaling may alam siya sa kinaroroonan ng kuya niya.

Kumaripas ako nang takbo nang mabalitaan kong nasa airport daw ngayon si Eisen. Magpupunta daw ulit ng Macao at wala nang planong bumalik. Mabilis kong pinatakbo ang aking sasakyan para magtungo ng airport at nagdadasal na sana ay hindi pa huli ang lahat at maabutan ko pa siya. Ilang violations ang nagawa ko sa daan para lang mapabilis ko ang pagpunta sa airport. Inabot ako ng halos 45 minutes bago ko marating ang airport. Parang mababaliw ako sa loob ng airport sa kakaikot at kakahanap kay Eisen. Saka ko lang nalaman na kanina pa pala nakaalis ang eroplanong bumiyahe papuntang Macao. Sa sobrang panlulumo ko ay napaupo ako sa isang upuan habang hawak-hawak ko ang aking ulo at patuloy na sinisisi ang sarili kung bakit nangyayari ito.

“Jethro? Is that you?” biglang may nagsalitang tao sa harap ko. Tumingala ako sa taong nagsalita para alamin kung sino ito at hindi nga ako binigo ng hinala ko dahil nakatayo ngayon sa harap ko si Eisen.

“Anong ginagawa mo di-” hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at kaagad ko siyang niyakap nang sobrang higpit at wala akong balak na pakawalan siya kahit na magmakaawa pa siya sa akin. Sinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang leeg at pinaramdam kung gaano ko siya namimiss. Marahan niya akong tinutulak pero hindi pa rin ako kumakalas sa pagkakayakap ko sa kaniya.

“Please Eisen wag mo akong iwan. Hayaan mong ipadama ko sayo kung gaano kita kamahal. Lahat ng gusto mo ay gagawin ko basta wag mo lang akong iwan parang awa mo na. Mababaliw na yata ako kapag iniwan mo pa akong muli. Bigla ko na lang naramdaman ang paghimas niya sa aking ulo.

“Siraulo ka, sino naman nagsabi sayo na aalis ako?” sagot niya at kumalas ako sa pagkakayakap pero nanatiling nakahawak ang aking kamay sa magkabilang braso niya.

“Sabi ni Lance babalik ka na daw sa Macao at hindi na babalik” mabilis kong tugon at siya naman ay natawa.

“Magkaugali talaga kayo ni Lance. Parehas kayong loko-loko at naniwala ka naman sa siraulong yun?” natatawa niyang sabi.

“So hindi ka nga aalis?” paninigurado ko at hinawakan niya ang pisngi ko at marahang pinisil.

“Ilang taon akong nagtiis na mawalay sayo, dinaig ko pa ang mga OFW tapos sa tingin mo makakaya kong iwanan ka na lang ng basta basta?” tanong niya at hindi ko napigilan ang sariling maging masaya sa mga narinig ko. Kaagad ko siyang siniil nang halik kahit napapalibutan kami ng mga maraming tao.

“Okay Jethro enough, OA na tong PDA na tin” sabi niya at humabol pa rin ako ng isang halik sa kaniya bago ako tumigil na halatang ikinasaya naman niya.

“Bakit ka nga ba nandito sa airport?” tanong ko sa kaniya at bago pa man niya ako sagutin ay bigla na lang may sumigaw na bata na umagaw ng atensyon niya.

“Moomii” masayang sigaw ng bata na karga-karga ng isang nanny. Kaagad kinuha ni Eisen ang bata at masayang hinalikan ito sa noo. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng tuwa habang nakikitang may bitbit na bata si Eisen. Para bang isa siyang ganap na ina ng mga anak ko.

“Hey Jethro meet Demi” masayang sabi ni Eisen at bago pa man ako makapagsalita ay kaagad sumigaw ang bata nang makita ako.

“Doodii” masayang sigaw ng bata at lumapit nang husto sa akin si Eisen at biglang gustong magpakarga ng bata sa akin kaya kaagad ko siyang kinuha. Nang makarga ko siya ay kaagad niya akong hinalikan sa pisngi. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa bilis ng pangyayari kaya tumingin ako kay Eisen para malaman ang kasagutan.

“He’s our son” masaya niyang sabi habang patuloy ang pagpapaulan ng halik ni Demi sa aking pisngi.

“So tinago mo sa akin ang pagbubuntis mo sa anak natin?” tanong ko at siya naman ay natawa sabay hampas na mahina sa aking braso.

“It’s a long story” nakangiting sabi niya.

Magkahawak ang aming kamay habang naglalakad kami papalabas ng airport. Wala akong pakialam sa mga taong nasa paligid namin dahil ang mahalaga sa akin ngayon ay matutupad na ang pangarap ko. Mabubuo ko na rin ang pamilyang pinapangarap ko kasama si Eisen na tatayo bilang ina ng mga anak namin. Si Johan at Demi naman ang bubuo at nagmabibigay saya sa pamilya namin.

Isang buwan din ang lumipas simula nang tumira kaming apat sa iisang bahay. Ang buong akala ko nga ay mahihirapang mag-adjust si Johan sa pagdating ni Eisen at Demi sa loob ng bahay pero mas naging masiyahin siya simula nang tumira kaming apat na magkakasama. Naging masaya siya lalo dahil nagkaroon na siya ng kalaro at yun ay si Demi. Naikwento din sa akin ni Eisen na bunga ng surrogacy si Demi. Isa sa mga habilin ng lola ni Eisen ang magkaroon ng apo. Hindi niya kayang mag-asawa ng babae at makipagtalik kaya nagawa niyang kumuha ng surrogate mother mula sa Russia at gamit ang kaniyang semilya kaya naisagawa ito. Pansin na pansin ang malaking pagkakahawig ni Eisen at Demi. Mas matanda pa rin ng dalawang taon si Johan kaya siya ang tumatayong big bro sa kanilang dalawa ni Demi. Lumaki si Demi na kinilala ako bilang ama dahil laging katabi ni Eisen ang picture ko sa kaniyang pagtulog at lagi niyang sinasabi na ako ang Daddy niya.

Ang dating tahimik na bahay ay napupuno ng ingay gaya ng iyakan ng mga bata at tawanan. May mga pagkakataong hindi ko nakakatabi si Eisen sa kama dahil napapaalis ako ng dalawang bata dahil gusto daw nilang katabi si Eisen. Minsan wala akong choice kundi ang matulog mag-isa sa couch dahil napapalayas ako sa sarili kong kama. Kapag nakakatulog naman ang mga bata ay tumatakas si Eisen at tatabi sa akin sa couch. Hindi ko masasabing perpekto ang pamilya namin pero masasabi kong masayang masaya ako sa kung ano ang meron kami ngayon.

Pareho kaming nagtatrabaho sa kompanya ni Eisen. Minsan sa sobrang busy ay sa bahay na lang kami nagkikita. Kahit gaano ka busy ang isa’t isa ay hindi namin nakakalimutang kamustahin ang bawat isa lalong lalo na ang mga bata. Ilang araw na ding hindi ako nakakascore sa asawa ko kaya kailangan kong makabawi ngayon. Matapos akong makapag shower ay kaagad akong pumunta sa aming kama na tanging boxer shorts lang ang suot. Dahan-dahan akong gumapang sa aming kama mula sa kaniyang paanan habang siya ay may binabasang papers. Gumapang ako hanggang sa makalapit ako sa kaniya.

“I think it’s time na para bumuo tayo ng bagong baby” sabi ko at natawa lang siya sa sinabi ko.

“Noooooo… No more babies please moomii” sabi ni Demi na bumulaga sa akin nang tanggalin niya ang kumot na nakatakip sa mukha niya. Hindi ko napansin na nandito pala sila sa tabi ni Eisen.

“Don’t worry Demi, you will always be my baby bro” sabi ni Johan at hinawakan ang kamay ni Demi na ngayon ay nakayakap sa tiyan ni Eisen.

“I love you kuya” masayang sabi ni Demi.

“I love you too Demi” sagot naman ni Johan.

Nakakatuwa lang na sa loob ng isang buwan ay naging sobrang close sila na para bang totoong magkapatid talaga silang dalawa. Gaya ng dati ay nahiga na naman ako sa couch habang inaantay makatulog ang dalawa naming anak. Laging binabasahan ng bed time stories ni Eisen ang mga aming anak, samantalang kaming dalawa ay kakaibang bed time story ang ginagawa namin bago matulog. Nang masigurado kong mahimbing ang tulog ng mga bata ay isa-isa ko silang binuhat papunta sa kanilang kwarto para masolo ko ang asawa ko ngayong gabi.

“Sigurado ka bang tulog na ang mga bata” sabi ni Eisen habang hinahalik-halikan ko ang kaniyang leeg.

“Yep, nilock ko na ang pinto sa kwarto nila para siguradong hindi sila makakalabas at hindi nila tayo maiistorbo” sagot ko at muling hinalikan ang kaniyang leeg. Bigla na lang niya akong kinurot sa tagiliran.

“Siraulo ka, nilock mo nga sila?” tanong niya habang ako ay nagkakamot sa tagiliran ko kung saan niya ako kinurot.

“Eto naman hindi mabiro, yung kwarto lang natin ang nilock ko” pagpapaliwanag ko pero hindi pa rin nawawala ang pagkunot ng kaniyang noo kaya naman hinalikan ko siya sa noo patungo sa kaniyang ilong hanggang sa labi.

Naging mapusok ang aming halikan. Wala akong pagsasawaan sa masayang sandali na to lalong lalo na’t si Eisen ang kasama ko. Bawat sandali ay lagi kong ninamnam at hinahayaang mabaliw siya sa pagpapaligaya sa paraang alam ko. Habang binabaliw ko siya sa pamamagitan ng pang akin sa kaniyang dibdib ay dahan-dahan kong kinuha ang singsing na nakaipit sa gilid ng aking brief. Sa sobrang higpit ng brief ko ay hindi pa rin ito nalalaglag. Sinubo ko ang singsing at muling inangkin ang bibig ni Eisen para maipasa ang singsing sa kaniya. Nasa ibabaw niya ako habang ginagawa namin ito kaya nang maipasa ko sa loob ng bibig niya ay kaagad niya akong tinulak dahil mukhang muntikan na niya itong malunok. Gamit ang kaniyang kamay ay kinuha niya ang singsing sa loob ng kaniyang bibig at tumingin sa akin nang mapagtanto kung ano ito.

“is this?” maiksi niyang tanong nang mapagtanto niyang engagement ring ang hawak niya.

“Yes it is” mabilis kong tugon at bigla siyang ngumiti habang hawak-hawak ang singsing.

“Ang effort ahh, may laway-laway pa” natatawa niyang sabi. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niyang may hawak ng singsing.

“Eisen will you marry me?” tanong ko sa kaniya at ngumiti sa siya akin.

Itutuloy………………….

A/N: Isang chapter na lang ang natitira at sobrang thankful ako sa patuloy nyong pagsuporta. Marami pa rin akong nababasa na bitin daw ang bawat chapters? Bawat chapters ay umaabot ng 4-5k words na kompara sa ibang novel ay pinagsama na to ng dalawang chapters. Pinapahaba ko ang bawat chapters para masulit nyo ang bawat update ko pero seryoso bitin pa din? Hahaha

Anyway I’ll try my best na mas magustuhan niyo ang ending. Wala talaga akong planong paabutin ng book 2 ang story na to pero naextend dahil malakas kayo sa akin. So wag kakalimutang mag Vote! Hindi magkakajowa ang hindi magvo VOTE .

Epilogue

Bas as Eisen

Eisen’s POV

Matagal kong inantay ang sandaling magpopropose ng kasal sa akin si Jethro. Yung panahon na maayos na ang kalagayan naming dalawa at wala na kaming iintindihin kundi ang aming relasyon. Masarap sabihin na sa wakas ay magiging ganap na kaming mag-asawa. Dito na nga papasok ang kasabihan na “ Sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy“. Hindi man tanggap ng karamihan ang aming relasyon ay ang importante ay nagmamahalan kaming dalawa. Nakakasiguro naman ako na wala kaming tinatapakang ibang tao sa pagmamahalang ito. Siguro, exception si Celestine pero wag nga siya, siya yung nanira. Ngayon ko rin napatunayan kung gaano ako kamahal ni Jethro. Kahit na hindi ko siya mabigyan ng anak ay hindi niya pa rin ako iniwan at heto may nabuo na kaming isang pamilya.

Matapos kong sagutin ang proposal sa akin ni Jethro ay kaagad kaming nagtungo sa Taiwan para magpakasal. Simple lang ang naging kasal namin dahil ang habol lang namin ay maging legal ang aming pag-iisang dibdib. Isa na akong ganap na Wells hindi dahil sa step brother ko siya kundi dahil asawa ko na siya. Kasabay ng pagpalit ko ng apelyido ay ang pagpalit din ng apelyido ni Demi mula sa Lau na naging Wells. Iilang tao lang ang dumalo para masaksihan ang kasal namin sa Taiwan dahil ang engrandeng kasal ay gaganapin sa pilipinas.

Napagpasiyahan naming ikasal sa beach kung saan pagmamay-ari ng mga Wells. Yung lugar kung saan kami na stranded ni Jethro matapos niyang kunin ang aking virginity. Hindi ko mapigilang mapangiti kapag naaalala ko yun. Uulitin namin dito ang kasal dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin legal sa pinas ang same-sex marriage. Uulitin lang namin dito para masakshihan ng karamihan ang aming pag-iisang dibidb kung saan maraming tao ang dadalo. Sa dami ng mga imbitado ay hindi ko na alam kung papano ko sila makakausap sa araw ng aming kasal.

Ngayon ang araw na aming pinakahihintay. Ang araw kung saan mangangako kami sa harap ng maraming tao at sa diyos na magmamahalan kaming dalawa hanggang sa pinakahuling hininga ng aming buhay. Nakuha namin ang mayor ng maynila para maisakatuparan ang aming kasal. Nakakatuwa lang isipin na kahit may asawa’t anak na siya ay nanatiling bukas ang kaniyang isipan sa ganitong uri ng pag-iisang dibdib. Ayon pa sa kaniya ay naniniwala siyang may karapatan ang bawat isa na maging masaya sa taong pinili nilang makasama sa pang habang buhay.

Beach wedding ala Greece ang ambiance ng tema ng wedding. Lahat ng mga dumalo ay nakasuot ng puting damit o kaya pastel blue na kulay na mismong pinili ni Catherine. Malaki ang pasasalamat ko sa kaniya dahil siya mismi ang nagprisenta na mag oorganize ng aming kasal. Naging mahigpit pagdating sa security si Ringo dahil ayaw niyang magaya kay Celestine ang magiging kasal namin kaya kahit sa dagat ay may mga palutang-lutang na mga speed boats kung saan nakabantay ang security guards. Isa na rin sa dahilan kung bakit mahigpit ang security dahil may iilang sikat na celebrities ang dadalo sa kasal at may mga politicians din na dapat mapanatili ang kanilang security.

Sobrang kabado ako kagabi habang iniisip ko ang magiging kasal namin ni Jethro dito sa pinas. Hindi ko mapaliwanag kung bakit at ayoko namang maging nega na baka may mangyaring masama. Baka siguro napaparanoid lang ako sa mga pinagdaanan naming dalawa. May tiwala naman ako kay Ringo na mapapanatili niyang safe ang kasal at nariyan rin si Tristan para magsabi sa akin kung may magtatangkang sirain ang isa sa pinakaimportanteng araw sa buhay ko.

Kay tagal kong inantay ang sandaling ito kaya ngayon heto ako inaantay ko ang maikasal sa taong pinakamamahal ko. Nakatayo ako sa lilkuran habang naglalakad na ang iba sa gitna na nakaayon sa pagkakasunod-sunod ng prusisyon. Wala na kaming mga magulang ni Jethro kaya siya na mismo ang nauna sa paglakad. Habang naglalakad siya ay nagsimula nang kumanta ang nakuha naming singer para sa kasalang ito. Hindi nga ako makapaniwala na mapapapyag namin siya at ayun na nga nagsimula siyang kumanta nang maglakad si Jethro.

Tuwing ikaw ay nariyan

Sabay kong nadarama ang kaba at ligaya

Ang yong tinig wari ko’y di marinig

Pagkat namamangha pag kausap ka…

Sinundan siya ng mga loko-lokong groomsmen na sina Alexandre, Josh, Jean, Jules, Lance at Gunter. Sumunod sa kanilang paglakad ay ang mga bridesmaid ko kuno. Feeling bride talaga ako sa araw na to kahit na hindi ako nakasuot ng gown. Naglakad sina Bylthe na naging matalik kong kaibigan at business partner habang nasa Macao ako, si Grace na kasintahan na ngayon ni Alexandre, si Carole na asawa ni James, si Preila na hugutera kong secretarya, si Hanni na akala kong nag back-out na at magbabantay na lang sa laot at si Sam. Isa sa mga sorpresa sa akin ni Jethro ang pagsama ni Sam dito sa aking kasal. Nabigyan siya ng permiso na makadalo sa kasal ko. Matagal ko nang napatawad si Sam sa mga ginawa niya sa amin dati kaya naman masaya akong makakita ng mga kamag-anak ko na dadalo sa aking kasal.

Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito

Pangarap ko ang ibigin ka……

Hindi naman mapigil ng karamihan ang matuwa sa mga cute na batang naglalakad sa gitna. Ang anak nila James at Carol na si Briene ang naging flower girl namin sa kasal. Sobrang cute ng bata na to, para siyang character sa mga Barbie movies. Si Johan ang naging ring bearer namin dapat silang dalawa ni Demi kaso masyado pang bata si Demi kaya si Johan na lang gumawa nito. Matapos nilang makalapit sa pinaka altar ay ako naman ang sumunod. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako dahil sa wakas matutupad na ang aking pangarap. Sobra akong natouch nang marinig ko ang kanta habang ako ay unti-unting naglalakad sa gitna habang si Jethro ay nag-aangtay sa akin sa dulo.

Hindi naman ganun kagarbo ang suot ko dahil naaayon pa rin ito sa beach wedding na tema ng kasal. Nakasuot ako ng white long sleeve na sobrang nipis, nakatupi ito hanggang sa aking siko at nakatuck-in sa loob ng shorts na blue. Nakasuot pa ako ng low-cut na gladiator sandals na kulay brown. Mukhang mas aattend ako ng Coachella imbes na ikasal. Si Catherine kasi ang pumili nito na para daw bumagay sa tema ng kasal namin na may pag Greece ang motif. Blue and white ang suot ng mga tao pati na rin ang mga designs hanggang sa table clothings. Medyo naiilang ako sa flower crown na may wedding veil na suot ko. Ang mga bulaklak ay kulay blue at white din. Ewan ko ba nakakailang lang talaga maglakad dahil para bang pag may umapak ng veil ko ay mahihila pati ang ulo ko sa higpit ng pagkakakapit.

O kay tagal ko nang naghihintay

Na sa akin ay mag-aalay

Ng pag-ibig na tunay at di magwawakas……

At heto na nga ang pinakakaantay kong sandali ang maglakad sa gitna habang kumakanta si Ate Reg. Nakakainis itong si Jethro, nakangiti siya sa akin habang ako ay naglalakad pero yung mga mata niya ay namumula na para bang pinipigilang umiyak. Bigla ko tuloy iniwas ang aking mata dahil baka pagnaiyak ako ay mag-iyakan na lang kaming dalawa sa harap ng maraming tao. Binagalan ko talaga ang paglalakad para masulit ko ang bayad sa talent fee ni Ate Reg. Pwera biro gusto ko lang talagang namnamin ang sandaling ito habang papalapit ako sa taong mahal ko sa araw ng aming kasal.

Pangarap ko ang ibigin ka

At sa habang panahon, ikaw ay makasama

Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito

Pangarap ko ang ibigin ka …..

Nasa harapan na ako ni Jethro habang nagpupunas siya ng munting luha sa kaniyang mata. Alam kong sobrang saya niya para sa aming dalawa. Nakakapagtaka lang kasi hindi naman siya ganito ka emotional nong ikasal kami sa Taiwan. Siguro nadala siya sa pagbirit ni Ate Reg. Mas lalo siyang gumwapo sa aking paningin dahil sa suot niyang polo na kulay pastel blue at loose pants na kulay puti. Hinawakan niya ang aking kamay nang mahigpit at kahit hindi pa kami nagbibigay ng vow sa isa’t isa ay nagmouthing na siya kaagad sa akin ng ’ I love you’.

Pangarap ko

Ang ibigin ka….

Tanging pagngiti nang kay tamis lang ang nagawa kong tugon sa kaniya. Ayokong maging emotional kaya pinipilit kong wag maluha. Nagsimula ang na ang kasal pero may mga sandaling magkakatinginan kami ni Jethro at magngingitian na parang mga sira. Para bang mga teenagers na dumadaan sa ligawan na sa simpleng ngitian lang ay sobra-sobrang kilig ang nararamdaman. May mga pagkakataong hinahawakan niya ang aking kamay nang mahigpit at hahalikan ito. Hanggang sa sumapit ang sandali na kailangan na naming magbitaw ng pangako sa isa’t isa.

“Eisen, Hyacinth, Hon and finally after this official na pagiging mag-asawa nating dalawa. Hindi kana maiilang kapag tatawagin kitang asawa ko sa harap ng maraming tao. Kahit na hindi pa tayo ikinasal at wala pa tayong anak ay alam mong minahal kita na higit pa sa isang magkasintahan dahil sa simula pa lang ay alam kong ikaw ang taong gusto kong makasama hanggang sa huli. I promise na hinding hindi kita ipagpapalit kanino man. Hinding hindi ako mambabae dahil baka putulin mo si..” natigilan siya sa pagsasalita dahil alam niyang may mga bata pero ang mga taong nakagets ay biglang nagtawanan.

“But seriously hinding hindi na ako makakahanap ng taong mamahalin ko na higit pa sayo. Nangangako ako na sasamahan kita mula ngayon hanggang sa ating pagtanda. I already told you this pero uulitin ko na I can’t live without you because I really love you, Eisen. Please wear this ring as a symbol of my love.” nakangiti niyang sabi habang nanggigilid ang mga luha sa kaniyang mata. Naluha na din ako kaya pinupunasan ko ang aking mga mata habang sinusuot niya ang singsing sa aking kaliwang kamay.

Matapos niyang masuot ang singsing sa aking kamay ay siya ring pagpunas niya sa mga luhang namumuo sa kaniyang mga mata. Nang lingunin ko sina Johan at Demi ay nag-iiyakan na rin. Wala pa siguro silang naiintindihan sa mga nangyayari. At ngayon naman ay ang aking pagkakataon na magbitaw ng aking pangako.

“Jethro, masaya ako na natupad na sa wakas ang pangrap ko simula pa lang ng mga bata pa tayo. Hindi ko man lubusang maalala pero alam kung naaalala mo kung gaano kit aka gusto noong mga bata pa lang tayo. Madalas akong umiiyak sa tuwing kasama mo si Sam at hinihiling ko kay Daddy noon na ikasal tayong dalawa. At heto na nga tinupad mo ang pangarap ko. Tinupad mo ang pangarap ko na ibigin ka. Tinupad mo pangarap ko na sa pang habang panahon ay ikaw ay makasama. Wala na akong mahihiling pa kundi ang maging masaya kasama ng ating mga anak at magkasama hanggang sa ating pagtanda. Nangangako ako na magiging mabuting asawa sayo at magulang sa dalawa nating anak. Sasamahan ka sa hamon ng buhay at hinding hindi bibitaw sa kung ano man o sino man ang susubok sa ating pagmamahal. Mahal na mahal kita Jethro. Kaya suotin mo ang singsing na to bilang tanda ng walang hanggang pagmamahal ko sayo” masaya kong sabi habang hawak-hawak ang singsing. Tuluyan nang umagos ang mga luha ni Jethro nang matapos akong magsalita. Habang sinusuot ko sa kaniya ang singsing ay panay ang punas niya sa kaniyang mata.

“Throughout this ceremony, Eisen and Jethro have vowed, in our presence, to be loyal and loving towards each other. They have formalized the existence of the bond between them with words spoken and with the giving and receiving of rings.” Sabi ni mayor habang binabasa ang kaniyang sasabihin sa isang maliit na card. Panay ang pagrub ni Jethro sa ibabaw ng aking kamay gamit ang kaniyang hinlalaki. Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka saya at sana sa mga susunod pang mga taong pagsasama naming dalawa ay maging ganito siya kasaya.

“Therefore, it is my pleasure to now pronounce them as partners for life. You may seal this union with a kiss” dugtong ni mayor at sa sobrang pananabik ni Jethro sa sandaling ito ay kaagad niya akong hinalikan. Sobrang tamis ng kaniyang halik na nagbibigay ng hindi ko maipaliwanag na saya sa aking damdamin. Habang magkadikit ang aming mga labi ay walang humpay na palakpakan at hiwayan mula sa mga saksi sa aming pag-iisang dibdib.

Matapos ang kasal ay sumakay kami ni Jethro sa isang speed boat na may mga dekorasyon ng bulaklak na magkahalong blue at white. Nakakatuwang mabasa sa likod ng speed boat ang signage na ‘Just married’. Napakalandi nito ni Jethro at gusto pa akong buhat buhat habang pasampa kami ng speed boat muntikan na tuloy kaming matumba nang ma-out balance siya. Kung nagkataon ay basang basa ako dahil muntikan na niya akong maihagis sa tubig. Nang makasakay kaming dalawa sa speed boat ay kumaway muna kami sa mga taong pasakay na sa yacht pabalik sa mansion kung nasaan ang reception ng kasal. Nang makapagpaalam ay kaagad pinaandar ni Jethro ang speed boat at nagtungo sa lugar kung saan wala akong ideya kung saan nga ba.

Narating namin ang isang lugar kung saan maganda ang spot para matanaw ang sunset. Mabuti ang lagay ng dagat kaya hindi masyadong maalon. Yakap-yakap niya ako habang ako ay nakaupo sa mga hita niya. Nakapatong ang kaniyang baba sa ibabaw ng aking balikat habang mahigpit ang kaniyang kapit sa aking mga kamay. Masaya kami habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw kahit na kapwa kaming tahimik. Kahit na walang sabihin ang bawat isa ay alam namin kung gaano namin ka mahal ang isa’t isa. Ang bawat kwento ay parang araw na may simula at may hangganan. Magsisimula sa pagsikat hanggang sa paglubog. Bawat paglubog ay may bagong kinabukasang magsisimula. Bagong kwento, bagong hamon pero walang hanggang pagmamahalan.

THE END

Preview: Ice X Fire

Eisen’s POV

Makalipas ang ilang taong pagsasama namin ni Jethro ay naging hamon sa aming dalawa ang pagpapalaki sa aming mga anak. Hindi namin inaakala na mas magiging close sa isa’t isa si Johan at Demi. Sa sobrang close nila ay minsan parang hindi na kapatid ang turing ni Johan kay Demi. Nabahala kami ni Jethro baka mag-iba ang turing ni Johan kay Demi lalong lalo na kapag sila ay lumaki na. Nagpasiya kami ni Jethro na sa ibang bansa na lang ipagpatuloy ang pag-aaral ni Johan habang si Demi ay kasama namin sa pinas. Bilang magulang ay naging mahirap para sa amin ang desisyon na to pero para na rin to sa kapakanan ng aming pamilya. Nanirahan si Johan kasama ang tito Josh niya sa California para mag-aral.

Dumating ang panahon na kinakailangan nang bumalik ni Johan sa pilipinas dahil gusto niya dito manirahan at nagiging masamang impluwensya na sa kaniya ang pag-aaral doon kaya napilitan kaming pauwiin siya. Sa nakalipas na taon ay ang dating malambing na si Demi ay naging tahimik na bata at mas pinipiling mag-isa sa kaniyang kwarto. Nagiging masiyahin lang siya kapag tungkol sa anime at kpop ang pinag-uusapan pero ikinababahala namin ni Jethro ang pagiging anti-social niya. Sa pagbabalik ni Johan ay tila wala pa ring pagbabago sa turing niya sa kaniyang kapatid kaya naman muling nanumbalik ang kinakatakutan namin ni Jethro hanggang sa isang araw.

“Sabi ko naman sayo dapat hindi na natin siya pinadala sa California, tingnan mo kung ano ang naging impluwensiya nila kay Johan. Anong oras na ohhh. At hindi man lang nagpaalam kung saan pumunta” inis kong sabi at panay naman ang haplos ni Jethro sa magkabila kong braso para kumalma ako.

“Calm down hon. Nagtext na sa akin si Johan pauwi na raw siya” sagot ng asawa ko at patuloy pa rin siya sa pagpapakalma sa akin. Simula nang tumungtong sa pagiging teenager ang dalawa naming anak ay lagi na lang akong hinahigh blood at laging nag-aalala.

“Bat sayo nagtetext samantalang sa akin ay hindi man lang sinasagot ang tawag ko?” inis kong sabi sabay alis ng kamay nya sa mga braso ko.

“Eh ikaw naman kasi binubungangaan mo kaagad” malambing niyang sabi pero nainsulto pa rin ako kaya tinitigan ko siya nang masama. Ngumiti lang siya sa akin ng pagkatamis at tila nawala na ang inis ko. Tumatanda na kami pero hindi pa rin nawawala ang charm niya sa akin.

“Ohh heto uminom ka muna ng tubig” sabi niya at inabot ko ang tubig na hawak niya. Sakto namang pumasok si Johan at ang lakas pa ng loob nyang magdala ng babae sa loob ng bahay. Pinilit kong ikalma ang sarili kaya uminom muna ako ng tubig bago magsalita. Bago ko maubos ang tubig na iniinom ko ay lumapit sa amin si Johan pati na rin ang babaeng kasama niya.

“Moomii and Dad. Buntis po si Scarlet at ako ang ama kaya pakakasalan ko na po siya” mabilis na sabi ni Johan. Sa gulat ko ay nabuga ko sa kanilang dalawa ang iniinom kong tubig.

“Ano?” sabay naming sabi ni Jethro.

Soon…..

AMTR & Upcoming stories

Hello everyone, eto na ata ang huling author’s note ko sa story na to. Medyo naging mabagal ako sa pagsusulat sa story na to at inabot ako ng 1 year and 2 months para makompleto. Yung sa LWMSB kasi ay inabot lang ako ng 8 months. Pasensya na medyo busy lang talaga.

Masaya rin ako na patuloy kayong nagmemessage sa akin dito sa wattpad at pati sa IG para ipaalam kung gaano nyo kamahal ang mga sinulat ko.

Gustong gusto kong magpasalamat sa inyo sa walang sawa nyong pagsuporta sa mga works ko. Maraming salamat sa pag-iintindi at pagmamahal sa character nina Jethro at Eisen kahit sobrang typical cliché lang ang story ay minahal nyo pa din.

Sa ngayon ay magpapahinga muna ako siguro dalawang linggo bago ako magsusulat ulit at ang magiging focus ko na ay ang story naman ni Gunter at Lance na lagi nyong hinihingan ng update. LOL!

Status: On-going Available Chapters: 9

Habang hindi muna ako magsusulat ay maaari nyo basahin ang mga sinulat ng friend ko na si khrischennn isa siya sa mga nagpupush sa akin na ipagpatuloy ang pagsusulat ko. Writer siya sa PHR kaya alam kong magugustuhan nyo ang mga sinulat niya. Siya ang naging inspiration ko sa character ni Precious Aila. LOL

Anyway sabi nga ni Eisen bawat paglubog ay may panibagong simula ang darating sana bigyan nyo ng chance na basahin ang mga susunod kong isusulat.

Ice and Fire

Synopsis:

Lumaki si Scarlet Jane Cua na nakukuha ang lahat ng bagay na gusto niya. Maging sa kanilang school ay siya ang nangunguna sa lahat. Hawak niya ang cheering squad, hawak niya Student Council at marami pang iba. Tinagurian siyang Ice Queen dahil sa pagiging rude niya sa mga kapwa niya estudyante at maging sa mga guro. Wala siyang kinakatakutan dahil alam niyang nasa kaniya ang lahat. Ganda, talino, talento at yaman.

Ngunit nang dumating sa school nila si Johan Endemion Wells ay bigla na lang nagbago ang takbo ng buhay niya. Ang mga pinanghahawakan niya dati ay unti unting napupunta sa taong karibal niya. Gagawin niya ang lahat para mabawi ang mga ito pero papano niya babawiin kong ang damdamin niya mismo ang nakuha nito?

Genre: Teen Romance, Comedy (Non BL story)

Gugma

gikan

sa Bulan

(Love from the moon)

Synopsis: hango ang kwento sa pag-iibigan ni Li bulan at Sidapa mula sa philippine mythology.

(Full synopsis will be available soon)

Genre: Romance, Mature, Myth, BxB

Ilheobeolin Wangja

(Lost Prince)

Synopsis: Matapos lokohin at ipagpalit siya ng kaniyang boyfriend sa boss nitong lalaki din ay nagpasiyang magtungo si Hannah (di pa final name niya) sa korea para makapagmove-on. May nakilala siyang pinoy sa korea kaya naging madali sa kaniya ang pakikisalamuha dito. Isa sa mga pinoy na kasama nila sa korea ay nag-aaral tungkol sa nawawalang prinsipe noong panahon ng Joseon Dynasty.

(Full synopsis will be available soon)

*Lumabas na si Hannah sa book na to check chapter 17 siya yung sumampal sa secretary ni Josh.

Genre: Romance, Historical, Fanstasy, Comedy (Non BL story)

Seducing Jules

Synopsis: Sa isang laro ay nagawang magpanggap ni Andrei bilang babae gamit ang picture ng kaniyang bestfriend na si Grace. Hindi niya aakalaing magiging couple ng kaniyang avatar ang campus crush na si Jules Lucien Wells na crush niya rin. Naging mabuti ang pakikitungo sa kaniya nito hanggang sa malaman ni Jules na niloloko lang siya ni Andrei kaya hinding hindi na niya muli itong kinausap.

Makalipas ang ilang taon ay nagkita silang muli sa iisang industriya na kanilang pinagtatrabahuhan ngunit hindi siya maalala o makilala ni Jules dahil na rin siguro sa malaking pagbabago sa hitsura niya. Dahil hindi pa rin nawawala ang pagtingin niya dito ay gagawin niya ang lahat para mapasa kaniya ang damdamin ni Jules.

Genre: Romance, Mature, Comedy, BxB

Magiging available na to soon. Sana suportahan niyo ako at wag kakalimutan laging mag VOTE. Hindi ko muna nilagay ang full synopsis ng ibang story baka may gumaya na naman. Charoooot!

Thank you so much guys.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.