loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Captivated

Captivated

CeCeLib · 12 chapters · 23,165 words

SYNOPSIS

SYNOPSIS

It was supposed to be a simple favor. Pretend to be her brother until he gets back his perfect health. No one would know. No one would be the wiser but her. No one would even realize the difference.

She’s good at playing dress up. She’d done it before, she can do it again. Then enters his brother boss. The gorgeous Hottie, Hawk Laxamana. He’s known as a playboy extraordinaire and business tycoon at a young age. Like his name, he has eyes like a hawk that would seep through your very soul.

Can she fool him like she fooled the others? Or would he see the woman behind her pretentious facade.

PROLOGUE

PROLOGUE

“WHAT’S THE big deal, Dawn?” Nakakunot ang nuong tanong sa kaniya ni Dust, ang kakambal na kapatid. “Isang buwan lang naman. No one would know. Kung kaya ko nga lang, hindi ko hihingin ang tulong mo.”

Dumako ang tingin niya sa paa nitong nakabalot ng puting tela habang naka-angat iyon sa ire. Nabaril ito sa paa dahil sa misyon nito na katatapos lang at may nabaling buto kaya kailangan yon sementohin at ilang linggo ang bibilangin bago ito maging maayos ulit.

Napabuntong-hininga siya. “Dust, may iba rin naman akong responsabilidad—”

“Sis, isang buwan lang.” Pamimilit ni Dust sa kaniya. “No one would know. Hindi pa ako nakikita ng susunod naming kleyente kaya safe tayo.”

Umiling siya. “I can’t do it, Dust.” Bumagsak ang balikat niya. “You know how mom thinks about this.”

He groaned. “Sis, Dawn, please…” his eyes were pleading at her. “My next client is in deep shit, some dangerous men wanted him dead and I’m here in the Hospital with my leg broken. I need you. Hindi ko siya kayang protektahan habang narito ako.”

Umiling siya at bumuntong-hininga. “Tawagan mo ang superior mo.” Suhestiyon niya. “Explain to him why—”

“I already did. As of now, may nagbabantay na kay Mr. Laxamana mula sa malayo. But it’s risky. Nanganganib pa rin ang buhay niya.”

“Sabihan mo ang superior mo na magpadala ng ibang magbabantay, hindi ako. Kuya, nasa isang private agency ka, ako sa gobyerno nagtatrabaho.”

“I know that, Dawn.” Bumuntong-hininga ito. “Pero kailangan pa rin namin ng tao sa loob. At ako yon dapat pero nabaril ako. Ilang linggo lang naman. Kailangan ko lang magpahinga. At saka payag naman ang Superior kona hingin ang tulong mo, medyo kulang kasi kami ngayon sa tao. All Agents had been deployed to their next mission, ang natira nalang sa Agency ay ’yong hindi mga Field Agent.”

Umupo siya sa gilid ng kama nito. “Sabihin na nating tinulungan kita…” binitin niya ang sasabihin ng ilang segundo, “hindi ba delikado ’yon para sa’kin?”

“No.” Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil. “Babantayan mo lang si Mr. Laxamana. My team will be behind you all the time to assess and help you in everything. Ang kailangan mo lang gawin ay umaktong bodyguard ni Mr. Laxamana at samahan siya kahit saan magpunta, wala ka nang gagawing iba.”

She puffed a loud breath and rolled her eyes. “That’s boring, brother dear.”

Dust smiled. “Boring is safe and I want you safe, Dawn.”

“Ano ba kasi ang ginawa ni Mr. Laxamana para habulin siya ng masasamang loob?”

“He made software.”

Kumunot ang nuo niya. “A what?”

“A software.” Anito. “Software that bad guys wants. This is a dangerous mission, Dawn, I want you to be safe even when you’re helping me.”

“At paano mo gagawin ’yon?” Umikot ang mata niya at sarkastikong ngumisi. “Dust, baka nakakalimutan mo kung anong trabaho ko. Huwag mo akong mamaliitin, baka bigla kong mabaril yang isa ’mong paa.”

Inabot nito ang ulo niya at ginulo ang buhok niya. “Hindi mo naman maiiaalis sakin na gustuhing hindi ka mapahamak.” He patted her arm. “Tatanggapin mo ba? Tutulungan mo ba ako?”

Dawn blow a loud breath and shook her head. “Hindi dapat pero sige na nga.” Napipilitang desisyon niya. “Isang buwan lang, brother dear, after that, I’m out.”

Dust grinned and pumped his fist on the air. “Yes! Thanks, Dawn!” Hinila siya nito palapit at niyakap siya ng mahigpit.

Itinulak niya ito palayo sa kaniya saka nagbibirong sinuntok ang kapatid sa braso. Mukhang napalakas iyon dahil napangiwi ito.

Napangiwi rin siya. “Sorry.”

Natatawang hinimas nito ang parte ng braso ng sinuntok niya. “It’s okay. Anyway, you have to go and get ready.” May ini-abot itong susi sa kaniya. “Iyan ang susi ng Pad ko, ikaw na bahala do’n habang nandito ako sa safe house.”

“At paano ka naman dito?” Tanong niya habang kinukuha ang susi na inaabot nito.

“Just play dress up really good, or else, both of our asses will be burn. That’s for sure.”

Inirapan niya ito. “Fine. Gagalingan ko.”

“Good. Anyway, take care, okay?” Sansala nito sa iba pa niyang sasabihin.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. “Fine. I’ll play dress up really good, no one would be the wiser but us.”

Dust smiled triumphantly. “That’s my little sister.”

She glared at Dust. “Ilang segundo lang ang tanda mo sakin.” Inirapan niya ito saka naglakad patungo sa pinto ng silid. “Sige, maiwan na kita, I’ll call you after I settled in.”

“Thanks, sis. I owe you.” Pahabol na sabi no Dust ng makalabas na siya.

Napailing nalang siya Dawn.

She’s doing this for her brother. Alam niya kung gaano ka importante kay Dust ang trabaho nito at ang binibigay na misyon dito.

And anyway, she’ll just guard someone, how hard could it be?

#StartOfSomethingInnocent

CHAPTER 1

CHAPTER 1

HUMINGA MUNA ng malalim si Dawn bago kumatok sa pinto ng opisina ni Mr. Laxamana sa bahay nito. Ito ang unang beses na makikita siya nito— no— ito ang unang beses na makikita nito si Dust.

Stay cool, Dawn. Pagkausap niya sa sarili. You have done this before, remember? You already play dress up before. So it

s no big deal.

Yes, she already did. Walang nakahuli sa kaniya noon maliban sa mommy niya na galit na galit sa ginawa niya. Apat na tao lang ang nakakaalam sa ginawa niyang iyon, siya, si Dust na siyang pasimuno tulad ngayon, ang ina niya at ang matalik niyang kaibigang si Hailey.

“Come on in.” Anang baritonong boses mula sa loob ng opisina na pumukaw sa pag-iisip niya.

Maingat na humugot siya ng malalim na hininga bago pinihit ang door knob ng opisina. Inayos muna niya ang suot na leather jacket bago pumasok sa loob ng silid. Masikip ang dibdib niya dahil kailangan niya iyong itago sa pamamagitan ng pagpapalibot ng tela para maging flat ’yon! That is plain torture to her breast.

Nang makapasok sa loob, her eyes automatically search for Mr. Laxamana.

Tumigil ang mga mata niya sa lalaking may kulay brown na buhok na nasa likod ng isang mesa na puno ng maraming papel sa ibabaw. Halatang abala ito dahil hindi manlang ito tumingin sa kaniya.

Dawn knew every angle of Mr. Laxamana’s face. He knew that he has steel grey eyes, an aristocrat nose, a kissable sexy lips and proud jaw line. Ilang oras din kasi niyang tinitigan ang larawan nito nang isang araw.

Kaya kahit hindi mag-angat ng tingin sa kaniya ang lalaking kaharap, alam niyang ito si Mr. Laxamana. She studied everything about him, every file about him, every photo in the internet and newspaper and every article about him. She knew every corner of his house, every in and out of her Company’s Building. She knew everything about him. Ayaw niyang magkamali siya. Her brother’s job is at stake. She has to take this dressing up seriously.

Tumikhim siya at sinigurong mababa at panlalaki ang boses niya ng magsalita.

“Good Morning, Mr. Laxamana.” Aniya sa boses na parehong-pareho sa kapatid niya. “My name is Dust Montreal, your Bodyguard from International Protection Agency.”

At last, he looked up at her. And Dawn’s breath was knocked out from her lungs. Those steel grey eyes looking at hers, making her heart skips a beat! Damn, boy! She can see danger ahead. Guwapo ito sa larawan pero mas doble naman ang kaguwapohan nito sa personal.

“So ikaw ang pinadala nila sakin?” Tanong nito na isinadal ang katawan sa likod ng swivel chair na kinauupuan nito. “Hindi naman sa kinukwestiyon ko ang kakayahan mo, pero sigurado ka bang kaya mo akong protektahan?”

Tumaas ang dalawa niyang kilay. “You are questioning me, Mr. Laxamana.”

Nagkibit-balikat kita. “Kaya mo ba?”

“Yes. I can.”

Tumango-tango ito pero ang mga mata ay nakatingin pa rin sa kaniya. “Siguro nga.” Ang tanging sinabi nito bago ibinalik ang atensiyon sa mga papeles. “Anyway, magpahinga ka na muna. Hanapin mo si Manang Yolanda, siya ang mayordoma ko, alam niya kung saang kuwarto ka patutuloyin.”

Nakahinga siya ng maluwang dahil hindi na ito nakatingin sa kaniya. “Yes, sir.”

Tumango ito at tuluyang ibinalik ang atensiyon sa ginagawa bago pa siya dumating.

Dawn steps back and walk out of the room. At dahil nakatalikod ito, hindi nito nakita ang kunot na nuo ni Hawk habang nagtatakang nakatingin sa likod nito.

Kaagad na hinanap ni Dawn si Manang Yolanda. Hindi naman siya nahirapan. Itinuro nito sa kaniya ang silid na uukupahin niya.

Malalaki ang hakbang na tinungo ni Dawn ang silid na nakalaan para kay Dust. Nang makapasok siya, kaagad niyang ni-lock ang pinto at tinawagan ang kakambal.

“Hey, sis.” Bungad sa kaniya nito ng sagutin ang tawag niya. “How’s your first day with Mr. Laxamana?”

She took a deep breath. “Okay naman. Nothing happened. Pero hindi tayo nakakasiguro, baka makahalata siya. Anyways, alam mo ba kung secure ang bahay na ’to? Nakabisado ko ang blueprint na kasama sa mga files niya pero yong security ng bahay, hindi ko pa nakikita.” Tanong niya hanang pinapalibot ang tingin sa kabuonan ng silid.

Maginang tumawa lang ang kakambal niya. “Chill, Dawn, Mr. Laxamana won’t notice a thing, okay? Remember, you are me, act cool. Kung pumalpak ka, hindi si Dawn ang papalpak kundi si Dust. Get it?”

She groaned. “Fine.”

“Great.” He chirped. “And yes, the whole house and that room are secured. May CCTV ang bawat silid maliban sa silid ni Mr. Laxamana. Ang walang CCTV lang ay ang mga C.R. Always keep that in mind, Sis.”

Bumuga siya ng marahas na hangin. “Bakit ba ako pumayag sa kalokohan mong ’to?” Nagsisisi na siya.

Tumawa lang ang nasa kabilang linya. “It’s because you love me.”

She rolled her eyes. “Yeah. Yeah. Whatever. I’m hanging up.”

Hindi na niya hinintay ang sagot nito, pinatay niya ang tawag at itinapon ang cellphone sa ibabaw ng kama, pagkatapos ay binuksan ang closet at inilagay ang mga panlalaking damit na dala niya na pag-aari ni Dust.

It’s a good thing na magka-height sila ni Dust. Sa pangangatawan naman, hindi sila masyadong magkaiba. Dust has a lean body, with just an exact amount of muscle. Siya naman ay lean, kaunti lang ang muscle.

Pumasok siya sa banyo saka nag bihis, nang makalabas siya, pakiramdam ni Dawn siya na nga si Dust. When she looked at in the mirror, she shivered. Kamukhang-kamukha talaga niya si Dust. Mula ulo hanggang paa. Ang pinagkaiba lang niya ay may mayayaman siyang dibdib. But Hawk Laxamana doesn’t know that, right?

This is a piece of cake. Yes, a nice piece of cake.

Napatigil si Dawn sa pagtingin sa salamin ng may kumatok sa pinto ng kuwarto niya. Mabilis niyang inayos ang sarili saka binuksan ang pinto.

Natigilan siya ng makita si Hawk na nakatayo sa labas ng pinto.

“Yes?” Her voice drop down low, just like a male’s voice.

“I’m sorry to disturb you, pero kailangan ko palang sunduin ang kapatid ko sa Airport. Nakalimutan kong ngayon ang dating niya. I need you to guard me and my sister.”

“Yes, Sir.” Mabilis niyang sagot saka lumabas ng silid niya.

Sabay sila ni Hawk na bumaba sa magarbong hagdanan at lumabas sa bahay nito. Dumeretso sila sa garahe. Nawala sa isip niya na siya si Dust, naamoy kasi niya ang mabangong pabango ni Hawk na nanunuot sa ilong niya, naisip lang ulit niya na nagpapanggap siya ng makitang sa backseat sumakay si Hawk.

Get a hold of yourself, Dawn!

Sumakay siya sa Driver’s seat saka binuhay ang makina ng sasakyan at pinausad iyon palabas ng malaking gate.

Never in her life did she became a driver, ngayon lang! Siya ang pinagda-drive, not the other way around!

Habang minamaneho ang sasakyan palabas ng gate, ini-open niya ang linya ng microphone na naka-konekta sa taenga niya para makausap ang team ng kapatid niya na nasa labas ng gate.

“This is team leader, over. We are exiting the house, check the perimeter and follow us undetected.” Sabi niya sa mini-microphone.

“Copy that, team leader.” Sagot ng nasa kabilang linya.

Pinatay ni Dawn ulit ang mini-microphone saka itinuon ang atensiyon sa kalsada.

“Kailangan mo ba talagang gawin ’yon?” Anang boses ni Hawk na nagpaigtad sa kaniya.

“Ano?” Pasulyap-sulyap siya sa review mirror para makita ang ekspresyon ng mukha nito.

“Kailangan ba talagang isang team kayo na nagbabantay sakin?” May iritasyon sa boses nito. “I only ask for one bodyguard.”

Dawn sighed in annoyance. “I know you don’t like it, pero para naman ito sa kapakanan mo at sa kapatid mo. So I suggest you get used to it.”

He frowned at her. “Isa nga lang ang hiningi kong Bodyguard.” Pamimilit nito.

“I have a team and we move as one.” Naiinis niyang sabi. “Masanay ka na, para din naman to sayo.”

Hawk blow a loud breath. “Fine. Sana nga may gamit kayo kapag may nagtangka sa buhay ko ulit.”

“It’s my job to dodge the bullet that is meant for you.” Wala siyang pakialam kung nakapa-insensitive ng mga sagot niya. “Kung mabaril man ako, hindi mo kasalanan yon. Now, if you have a conscience at all, get use of my team tagging along, it’s for your own safety.” And for mine.

Napuno ng katahimikan ang buong sasakyan.

Nagpatuloy nalang siya sa pagmamaneho patungong Airport. She has to restrain her mouth. Hindi pala-salita si Dust, lalo na kung kleyente nito ang kausap.

Shit! She has to be very careful.

Dawn smiled to herself when they reached the Airport’s parking lot. Success na hindi siya nagsalita sa daan, that’s Dust, no talking, just working, at dapat ganoon din siya. Kailangan niya rendahan ang dila niya.

“Nandito na tayo.” Sabi niya.

“I can see that.” May sarkasmo sa boses nito.

Tumalim ang mga mata niya at humigpit ang hawak niya sa manobela. Ang sarap nitong sagutin, pero pinigilan niya ang sarili.

No. Stay calm, Dawn. Stay calm before you kill your brother’s client.

“Sabi ko nga.” May sarkasmo ding wika niya.

Shit, mouth! Stop talking!

Nakita ni Dawn mula sa review mirror na magdilim ang mukha ng binata. Nang makalabas ito sa sasakyan, napangiti siya ng lihim. Akala siguro nito… gago! She is Dawn Montreal, for God’s sake. No one talk to her like that.

Lumabas na siya sa sasakyan at sinundan si Hawk patungong waiting area. Nang tumigil ito sa paglalakad, tumigil din siya sa likod nito pero ang mga mata niya ay sinusuri ang kapaligiran nila.

Isa lang ang nasa isip ni Dawn sa oras na yon. Keep Hawk and his sister safe, kung papalpak siya, si Dust ang papalpak at hindi si Dawn. She won’t be her brother’s downfall. She promised him that.

Unconsciously, napabaling siya kay Hawk at nahuli niyang nakatingin ito sa kaniya.

“Ano ’yon?” Kaagad niyang tanong.

HAWK CANNOT stop staring at his Bodyguard. Parang hindi normal na isipin niyang guwapo ito. But Dust Montreal really has a beautiful handsome face for a male.

Pasimple siyang napailing. Nahihibang na siya. Siguro dahil ito sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon. He’s losing his mind, for God’s sake.

He sighed and looked away. “Nothing.”

Ibinalik niya ang atensiyon sa unahan at hinanap ng mga mata niya ang kapatid na babae.

It is a very wrong timing. Pero ang tigas ng ulo ni Hailey. Sinabi na niyang huwag itong umuwi, umuwi pa rin. Hindi nito naiintindihan na nanganganib ang buhay nito sa bahay niya. And his Bodyguard cannot protect both of them. Yes, wala siyang tiwala rito.

He gritted his teeth in anger. Bakit ba kasi dinivelop pa niya ang software na ’yon? He should destroy it, but he couldn’t. It’s his baby, his legacy. Hindi niya kayang sirain ang pinaghirapan niyang gawin.

“This is Jupiter, earth is secured beside me. Secure the whole area and report back immediately, over.” Narinig niyang pagkausap ni Dust sa mga tauhan nito na siguradong nakabantay sa kanila.

Kumunot ang niya ng mag-sink in sa utak niya ang sinabi nito.

Binalingan niya si Dust at nakakunot ang nuong nagtanong. “I’m earth?”

Dust gives him an arch look. “Bakit mo natanong?”

“Earth is supposed to be a woman.” He glared at Dust. “Mother Earth, remember?”

Tumaas ang sulok ng labi nito at hindi iyon nakatakas sa paningin niya.

He’s laughing at him?!

His mood darkened. “Pinagtatawanan mo ba ako?”

Umiling ito at naging seryuso ang mukha. “Should I call you Pluto?”

“Hindi na siya planeta ngayon.” Sikmat niya rito.

“Kasalanan ko ba kung hindi siya planeta?” May sarkasmo sa boses nito. “For the sake of our conversation, we can call it Father Earth. Happy?”

Nagtagis ang bagang niya saka tinalikuran ang kausap. He is not use of people being sarcastic with him. He is Hawk Laxamana after all, the owner of one of the most renowned Technology Company in Asia. Sanay siyang pini-please siya ng mga tao para pagbigyan niya ang hiling ng mga ito.

Oh, well…

“Huwag mo akong tatawaging Earth.” Sabi niya kapagkuwan.

“Copy that, Pluto.”

Talagang sisinghalan na niya ito ng marinig niya ang pamilyar na boses ng kapatid niya.

“Kuya Hawk! Kuya!”

Tumuon ang mata niya sa kapatid niyang tumatakbo palapit sa kaniya.

“Hailey.” Tipid siyang ngumiti saka niyakap ng mahigpit ang kapatid ng makalapit ito sa kaniya. “Kumusta ka na?”

“I’m fine, kuya.” Masaya nitong tugon saka kumawala sa yakap niya. “Ikaw, kumusta ka na?”

“Ayos lang ako.” Aniya.

Hailey smiled and her eyes settled on Dust. Humarap siya sa Bodyguard niya at ipapakilala sana ito sa kapatid ng makita niya ang masaya nitong ngiti para sa Bodyguard niya.

“Dust!” Hailey beamed at him, ang bodyguard niya naman ay namimilog ang mata sa gulat. “Oh my God, Dust, I miss you. It’s nice to see you again.” Hailey was grinning happily, her eyes shining in delight as she looked lovingly at Dust. “You look handsome as ever.”

Napakurap-kurap si Dust habang nakatitig sa kapatid niya. Shock and confusion is visible on Dust face.

“Hail,” Dust whispered softly, “you’re here. Bakit hindi mo sinabi sakin?”

“Yes and I’m really sorry. Surprise ko sayo, e.” Ini-angkla nito ang braso sa braso ni Dust at hinila ito patungo sa parking lot ng Airport. “Ang dami kong iku-kuwento sayo, Dust.” Hailey giggled. “Gosh, I miss you.”

Dust couldn’t talk. Tumango lang ito kay Hailey habang hinihila ito ng kapatid niya.

And Hawk couldn’t look away from Dust and Hailey’s locked arms. What the hell is going on here? 

#TheInnocentMeeting

CHAPTER 2

CHAPTER 2

HAWK can’t stop looking at Dust and Hailey on the terrace, talking. Mukhang masaya ang pinag-uusapan ng dalawa kasi pareho ang mga itong nakangiti. He can’t stop feeling worried over his sister. Hindi niya masyadong kilala si Dust, paano kung babaero pala ito?

Like you? Anag boses sa isip niya.

Hawk groaned and looked at the duo again. Mukhang masaya ang kapatid niya habang kausap si Dust, at ganoon din naman ang Bodyguard niya.

Unconsciously, his eyes dropped to Dust’s lips. They look soft and inviting.

Marahas na umiling si Hawk. Holy shit! Bakit ba yon ang pumasok sa isip niya? Nagsitaasan ang balahibo niya sa sobrang pagkadisguto sa naiisip.

He was mentally kicking himself when Hailey looked at him.

“Kuya, puwede ko bang hiramin si Dust?” Tanong ni Hailey na may matamis na ngiti. “He owes me dinner.”

Natigilan si Hawk, nagsalubong ang kilay, at tumingin kay Dust. “Aalis ka? Paano kung may pumasok dito sa bahay? Could your team protect me?”

Hawk saw uncertainty in his Bodyguard’s eyes.

“Hindi naman kami magtatagal.” Kapagkuwan ay sabi ni Dust. “Babalik din kami kaagad.”

His face grimed. “What if someone tries to assassinate me? Nakakalimutan mo bang dito ako sa bahay muntik nang mabaril?”

Dust’s lips thinned in irritation. Nakikita din niya ang pagtatagis ng bagang nito. Walang pakialam do’n si Hawk.

“Hindi ko kinukuwestiyon ang kakayahan ng team mo na protektahan ako, but isn’t it your job to protect me?” May sarkasmo sa boses niya.

Dust expression remains impassive. “Fine. Hindi na ako lalabas.” Humarap ito kay Hailey at tipid na ngumiti. “Sorry, I can’t, Hail. Your brother is being an asshole.”

Umawang ang labi niya sa narinig. “Anong sinabi mo?!” Mag galit sa boses niya.

Humarap ito sa kaniya at naglakad palapit sa kaniya saka tumigil sa harapan niya. “Ang sabi ko,” matiim itong nakatingin sa mga mata niya, “you’re being an asshole.”

Hawk’s heart did a weird flip as Dust’s eyes looked into his. May kakaibang kislap sa mga mata nito na nakakapagapsikip sa dibdib niya. At hindi lang iyon, may mabango itong amoy na humahalimuyak at nanunuot sa ilong niya at naaapektohan niyon ang parting iyon ng katawan niya.

Fuck this! Fuck! Fuck!

Hawk steps away, but he never averted his eyes. “Ayokong sumama ang kapatid ko sayo. I don’t trust you, Dust.”

Hawk knew that it wasn’t his reason alone.

“Wala kang tiwala sa taong nagbabantay sayo para hindi ka mapahamak?” Tumaas ang sulok ng labi nito na parang nang-uuyam, “bummer.”

Dust walk pass him and left him irritated.

Lumapit sa kaniya si Hailey at hinaplos ang dibdib niya saka sinuntok siya sa balikat.

“Asshole move ’yon, kuya.” Sabi ni Hailey. “Mabait naman si Dust, e.”

“So kasalanan ko?” Hawk sighed. “Hindi ko siya kilala para pagkatiwalaan kong kasama mo.”

Kinunotan siya nito ng nuo at napapantastikuhang tumingin sa kaniya. “Really, kuya? That’s a low blow for someone who’s guarding you. Kung wala ka naman palang tiwala sa kaniya, e di, paalisin mo siya rito sa bahay.”

Mas lumalim pa ang pagkakakunot ng nuo niya. “Hailey, paano mo ba nakilala si Dust Montreal, ha? And why are you so close to him? Kilala ko lahat ng naging boyfriend mo, at hindi kasama do’n si Dust Montreal.”

Ngumiti lang ang kapatid niya saka hinalikan siya sa pisngi. “Goodnight, Kuya. Sleep tight.”

Hailey left him alone. And Hawk gritted his teeth in annoyance.

Ano ba ang mayroon kay Hailey at Dust? Kailangan niyang malaman.

HAWK LAXAMANA is a certified jerk! Ano ba ang problema ng lalaking yon sa kaniya? May nagawa ba si Dust na hindi nito nagustuhan? Teka lang, baka naman may nagawa siyang hindi angkop sa akto ng isang lalaki?

Shit! Was it her sarcasm on the Airport? Or was it her rude attitude towards him? Masama din naman kasi ang ugali nito e.

Hindi mapakali si Dawn kaya naman lumabas siya ng kaniyang silid at hinanap si Hawk. Nahanap niya ito sa beranda habang may hawak na kopita na may lamang alak.

“Hindi ka dapat umiinom dito.” Wika niya sa panlalaking boses ng makalapit dito. “Isa itong open space, baka ma-snipe ka bigla. Siguradong mamamatay ka kaagad.”

Kumuyom ang kamao ni Dawn ng nanunuot sa ilong niya ang mabangong pabango no Hawk. Shit! She is just a woman, at kahinaan niya ang mga lalaking may mababangong amoy sa katawan.

Good gracious! Keep yourself together, Dawn Montreal!

Hawk chuckled softly. “Hindi ako papatayin ng mga ’yon hanggat hindi nila napapasakamay ang software na ginawa ko.”

Nagkibit-balikat si Dawn at pinanatiling mababa ang boses niya na tonog panlalaki talaga.

“Kung iinom ka, doon sa loob, huwag dito.” Wika niya kapagkuwan.

“Paano kung ayoko?”

“E di bahala ka sa buhay mo. Hindi naman ako ang mamamatay kung sakali.” Sabi niya saka iniwan ito sa beranda.

“Hey!” Tawag nito sa atensiyon niya ng bahagyan siyang makalayo sa beranda.

Nilingon niya ito. “What?” Puno ng iritasyon ang boses niya.

“Iyan ba ang dapat na sagot ng isang Bodyguard sa binabantayan niya?” Naguguluhang tanong nito.

Nagsalubong ang kilay niya. “Anong ibig mong sabihin?” Kinabahan siya.

Nakakahalata na ba ’to? Shit! Ito ang unang araw niya sa pagpapanggap at nahuli kaagad siya? Grabe naman ang pakiramdam ng isang ’to.

“You seem different.” Obserba nito sa kaniya habang naglalakad palapit sa kaniya. “You act different.”

Palakas ng palakas ang tibok ng puso niya habang sumusuray itong naglalakad palapit sa kaniya. Pero hindi siya umatras. Hindi siya nag-iwas ng tingin. Hindi gawain ng isang lalaki ang magbaba ng tingin. Kahit sumisigaw ang bawat parte ng katawan niya na umatras at mag-iwas ng tingin, hindi niya ginawa. She has to keep in mind that she is now Dust, not Dawn.

She’s now a man, not a woman.

“Hawk, step back.” Aniya na pilit na itinatago ang kabang nararamdaman.

“No. Something is different…” mas tumiim ang tingin nito sa kaniya. “Something is not right…”

Dawn froze when Hawk cupped her face.

“Mr. Laxamana, your hand please.” She said, still frozen in place.

His hand felt warn on her skin. And it’s making her heart beat thunderously.

Dahan-dahang lumapit ang mukha nito sa mukha niya, nanunuri ang mga mata.

Bago pa makalapit ito ng tuluyan, hinawakan niya ang ugat nito sa batok at pinisil iyon para mawalan ito ng malay.

Hawk dropped unconscious on the floor.

Doon lang nakahinga ng maluwang si Dawn. Malakas pa rin ang kabog ng puso niya, hinahabol niya ang hininga.

“Shit.” Mura niya bago umuklo at hinila si Hawk sa paa patungo sa kuwarto nito.

“WE’RE HERE.” Anang boses ni Dust na pumukaw kay Hawk sa malalim na pag-iisip.

Tumingin siya sa labas ng bintana at napabuntong-hininga ng makitang nasa labas na nga sila ng Laxamana’s TechWare Company.

Itinulak niya pabukas ang pinto saka lumabas, kaagad na nakasunod sa kaniya ang bodyguard niya hanggang sa makapasok sila sa elevator.

“Kailangan ba talagang nakasunod ka sakin palagi?” Naiinis niyang tanong kay Dust na nasa unahan niya.

Ayaw niyang nakasunod ito palagi sa kaniya. Naaamoy kasi niya ang mabango nitong pabango.

Bahagyan siya nitong nilingon at tumango. “Trabaho kong sundan kayo kahit saan magpunta, Mr. Laxamana. Masanay ka na sa presensiya ko.”

Kumuyom ang kamao niya. Fuck! Get use to Dust beside him? His stomach twisted and churned. Fuck! He hopes he can erase in his mind what happened last night.

He cupped Dust’s face for Pete’s sake! That was embarrassing! That wasn’t manly at all and he is a man!

Maingat siyang nagpakawala ng malalim na hininga. “About what happened last night…” hindi niya kayang ituloy.

“No worries.” Dust’s voice sounds cool and collected. “Lasing ka kagabi kaya ganoon. Next time, don’t get drunk.”

“I won’t.” Mabilis niyang sabi.

Tumango ito at nanatiling nakatalikod sa kaniya. And it give Hawk an opportunity to study Dust.

Dust is tall and lean, medyo magkapareho ang tangkad nilang dalawa, lamang lang siya ng isang pulgada. Manipis ang pangangatawan nito pero hindi naman matatawag na patpatin. May kulay ginintuan itong buhok na parang napakalambot haplosin na nababagay lang sa balat nitong moreno.

Hawk leaned closer to Dust and he inhaled.

Dust smelled so good, like a sweet fresh air after the rain. It’s a weird scent for a man. O baka naman imahinasyon niya lang yon?

He was still sniffing him when the elevator opened. Parang siyang napaso na napahakbang paatras.

Ihinarang naman ni Dust and kamay sa pinto ng elevator para hindi iyon sumara at bumaling sa kaniya. “Sir?”

Hawk gulped and hurriedly steps off from the elevator to his office.

“Maya, this is Dust Montreal, my Bodyguard,” pagpapakilala niya kay Dust sa sekretarya niya. “And all the monthly reports; put it on my table.” Pagkausap niya sa sekretarya niya. “And call Mr. Tan, we’re going to talk about the software he developed for Android Phones.”

Akmang papasok na siya sa private office niya ng marinig niya ang boses ni Dust.

“Mind if I check the perimeter?” Tanong nito.

“Suit yourself, Mr. Montreal.” Sabi niya na hindi lumilingon dito saka pumasok sa opisina niya.

“CAN I OFFER YOU a drink?” Pukaw ng sekretarya ni Hawk kay Dawn na pinapalibot ang tingin sa kabuonan ng opisina.

Bumaling siya sa babae. “A coffee will do.” He smiled.

Maya smiled back, a little flirty. “Just coffee?”

Pinipigil ni Dawn ang maduwal sa pagkadisgusto, nagsisitaasan ang balahibo niya. Goodness! A woman is flirting with her! That’s a first and hopefully the last.

“Just coffee.” Dawn replied politely and continues to look around the place.

Habang nagtitimpla ng kape si Maya, sinusuri naman ni Dawn ang bawat sulok ng opisina. At nang ibigay ni Maya sa kaniya ang kape, umupo siya sa sofa na naroon at dahan-dahan iyong inubos.

“May nangyari na ba sa inyo ni Mr. Laxamana?” Hindi napigilang tanong ni Dawn kay Maya na panay ang ngiti sa kaniya.

That was a very bold question, but she can’t help it.

Kaagad na napansin ni Dawn na nag-iwas ito ng tingin sa kaniya at naiilang ang ngiti sa mga labi nito.

“It’s okay.” Pagpapakalma niya rito. “I’m just asking.”

Maya smiled again. “Yes. Pero isang beses lang ’yon, nuong nalasing siya sa isang Business Party at kasama niya ako.”

“He took advantage of you?”

“No.” Mabilis na umiling ang babae at parang nahihiyang ngumiti. “It was the other way around.”

Napanganga siya. “Woah.”

Maya smiled again, this time, it was force and nervous. “Sana manatili tong sekreto, ayokong pagtsismisan ng mga empleyado rito. Hindi ko nga alam kung bakit ako umamin sayo, e.”

Napangiti si Dawn saka naglakad palapit sa mesa ni Maya habang sumisimsim ng kape.

“It’s okay. Wala akong pagsasabihan.” Wika niya na nakangiti. “Just a piece of advice though, Mr. Laxamana is a playboy, wala kang future sa kaniya. Maghanap ka nalang ng iba.”

“Ikaw nalang kaya.”

Napaubo si Dawn at muntik na niyang maibuga ang kapeng iniinom. “No. No. No. Not me. Iba nalang. Tulungan pa kitang maghanap.”

Namilog ang mga mata nito. “Tutulungan mo talaga ako?”

“Yes.” Inilabas niya ang cellphone mula sa bulsa at ibingay iyon kay Maya. “Here. Put your number. Tatawagan kita kapag na-i-set up kita ng date sa isa sa mga kaibigan ko. Don’t worry; they are all a good catch.”

Maya giggled. “Thank you.” Inilagay nito ang numero sa cellphone niya saka ibinalik iyon sa kaniya. “Here you go. Hihintayin ko tawag mo, okay? I’m excited.”

“Sure.” Nangingiting sabi niya. “Tawagan kita mamaya.”

Dawn loves playing matchmaker. At masaya siyang may matulungang kabaro niya na maging masaya. Good catch naman kasi talaga ang mga kaibigan niya.

“Maya, hindi kita binabayaran para makipagharutan!” Galit na boses ni Hawk na nagpaigtad sa kanila ni Maya. “Back to work! Now!”

Mabilis na bumaling si Dawn sa pinanggalingan ng galit na boses. Nakatayo doon si Hawk at nakapameywang, madilim ang mukha nito at halatang masama ang mood. Nanlilisik ang mga maya nito habang nakatingin sa kaniya.

“At ikaw naman, Mr. Montreal,” ang matatalim nitong mga mata ay nakatuon sa kaniya. “You are here to protect me, I hired you to protect me, not flirt with my secretary. In my office, now!” He barked at her before returning to his office.

Dawn sighed and patted Maya’s shoulder. “Have a good day, Maya. Because I sure as hell won’t have one.” Pagkasabi niyon ay pumasok siya sa opisina ni Hawk.

A/N: Hanggang dito lang muna si Hawk at Dawn ngayon. Hehe

CHAPTER 3

CHAPTER 3

ONE MORE WEEK of being Hawk Laxamana’s bodyguard and Dawn will really loss her mind. Mababaliw siya sa ka-istriktohan nito, dapat lahat ng galaw niya ay alam nito, bawal makipag-usap sa sekretarya nitong si Maya at mas lalong bawal makipagkuwentuhan sa kapatid nitong si Hailey.

Dawn cannot take it anymore. Sasabog na ang pasensiya niya na ngayon ay napakanipis na at malapit nang maputol iyon.

“May pupuntahan akong party, kailangan naroon ka, naiintindihan mo?” Pagkausap sa kaniya ni Hawk. “Matatagalan ako do’n kaya dapat—”

“Look, Mr. Laxamana,” napipikon na siya, malapit nang sumabog ang pasensiya niya, “huwag mo akong diktahan sa dapat kong gawin. I am your bodyguard, i know what to do. Hindi ito ang una kong misyon kaya puwede bang manahimik ka at hayaan mo akong bantayan ka?”

Hawk stilled and looked at her. “Galit ka?”

Tumalim ang kislap ng mga mata niya. “Ako? Galit? Nope.” She faked a smile. “I’m just excited.”

“Excited?”

“Yes.”

Halatang hindi ito naniniwala sa kaniya. “You don’t look excited to me.”

Tumaas ang dalawa niyang kilay na nagtatanong. “Ano ba ang itsura ko?”

“You look angry at someone.”

“Really?” Mas tumalim pa ang kislap ng mga mata niya. “Kanino naman kaya.”

Hawk blow a loud breath. “We both know kung kanino ka galit.”

Gusto na ni Dust na suntokin sa mukha sa Hawk. “Sinong hindi magagalit sayo? I spent eight hours outside your office every day and you won’t let me talk to Maya.” Galit siyang tumingin dito. “At ayaw mo akong makipag-usap kay Hail. Hindi ’yon normal!”

“Huwag mo akong sisigawan!” Galit din ito. “Wala akong tiwala sayo kaya ayokong nakikipagharotan ka sa kapatid ko.”

Sarkastiko siyang tumawa. “Naririnig mo ba ang sarili mo? Wala kang tiwala sakin? For God’s sake! Ako ang bodyguard mo!”

“Sabi nang huwag mo akong sigawan!” Hawk took a threatening step towards her. “And yes, i don’t trust you. I hardly know you—”

Nabitin ang pagsasalita nito ng hugutin niya ang baril na nakatago sa likod ng pantalon niya, ikinasa iyon, itinutok kay Hawk at kinalabit niya ang gatilyo.

“Fuck…” with huge eyes, Hawk cursed again. “…Fuck.”

Ibinalik niya ang baril sa likod ng pantalon saka matiim itong tiningnan. “Kung wala kang tiwala sakin, wala na akong magagawa do’n. But let me tell you this…” tumuon ang mata niya sa dingding na nasa likod nito na tinamaan ng bala. “… i don’t miss my target specially in close range. At kung balak kitang patayin, kanina ka pa sana nakabulagta sa sahig at nilalangaw ang bangkay mo. So i suggest you trust me, kasi sa ugaling mayroon ka, ako lang ang bodyguard na magti-tiyaga sayo.”

Pagkasabi no’n ay lumabas siya sa opisina nito na nasa bahay saka nagtungo sa harden para magpahangin.

“Hindi kaya siya magsumbong kay Superior, Team Leader?” Tanong ng lalaking boses mula sa mini speaker na nakakabit sa taenga niya.

“Wala akong pakialam.” Inis niyamg sagot. “E di magsumbong siya. Bahala siya sa buhay niya.”

“Hindi talaga namin akalain, Team Leader, na masasagad niya ang pasensiya niyo. We’ve known you for years, pero ngayon lang kayo napuno at napikon.”

Napakagat labi si Dawn. Shit! Sa kanilang magkambal, si Dust ang mahaba ang pasensiya, siya naman ang madaling mag init ang ulo. At kahit nagdadamit niya pang lalaki at nagpapanggap na si Dust, lalabas at lalabas talaga ang tunay niyang pagkatao.

She’s just hoping that Hawk is slow enough to not catch up.

“May narinig akong putok ng baril.” Anang nakangiting Hailey na sumalubong sa kaniya sa harden.

Pinatay niya ang koneksiyon sa team niya na nasa labas ng bahay saka kinausap si Hailey.

“Hindi ko na kaya ang ugali ng kapatid mo, Hail. Nakaka-suffocate!”

Natatawang ini-angkla nito ang braso sa braso niya saka ihinilig ang ulo sa balikat niya.

“Intindihin mo nalang si Kuya, Dawn.” Mula ng magkita sila nito sa Airport, alam na ni Hailey kung sino talaga siya. Dust calls her Hailey, while she calls her Hail. “Katulad mo, mainitin din ang ulo no’n. Saka stress lang siguro siya sa trabaho.”

“Kaya ako ang pinagbubuntunan niya ng stress niya?” Umirap ang mga mata niya sa hangin. “Barilin ko kaya siya ulit, sa pagkakataong ito bull’s eye siya sakin.”

Mahinang natawa ang kaibigan. “Just give him time. He’ll slowly warm up to you.”

Dawn rolled her eyes. “Yeah, right.”

Hailey chuckled. “I know, i know. Impossible. Pero please, protektahan mo siya.” Pinisil nito ang braso niya at halata ang pag-aalala sa mukha nito. “I want my brother’s safe, Dawn. Hanggat wala pa ang kuya mo, huwag mo siyang iiwan, okay?”

“Ano pa nga ba ang ginagawa ko?” Sarkastiko niyang sabi.

“Thanks.” She hugged her. “Best friend nga kita.”

“Kung best friend mo ako, bakit hindi mo sakin sinabi na may hot ka palang kapatid?” Nakabusangot ang mukhang tanong niya.

Mahinang tumawa si Hailey. “Dawn, i know you. Kung nakilala mo ang kuya ko noon pa, siguradong broken-hearted na ngayon ang kapatid ko.”

“Like what you did to my brother?” Hindi niya napigilang tanong.

“Dawn…” Hailey’s eyes saddened. “Alam mo naman diba kung ano talaga ang nangyari samin si Dust?”

She shrugged. “Yeah and it’s none of my business.”

“Hindi ka talaga galit sakin?”

Umiling siya at ngumiti. “Nope. Issue niyo yan ni Kuya, labas na ako do’n.”

“Thanks, Dawn.” Ngumiti si Hailey ng matamis at parang may nanunudyong kislap ang mga mata nito. “Bagay kayo ni Kuya. Pareho kasi kayong hot headed.”

“Hail, baka nakakalimutan mo, lalaki ang tingin niya sakin ngayon.” Pagpapaalala niya rito.

Hailey just grins and shrugs. “Who knows?”

Umingos siya. “Tigilan mo ako, Hail.”

Tumawa lang si Hailey. “Hindi ako titigil. Isi-ship ko kayo ni Kuya. Team Hawn ako.”

Inirapan niya ito pero may tagong ngiti sa mga labi niya.

Gaga lang ang babaeng hindi magkakagusto kay Hawk Laxamana. He has the money, power, connection, the face and hot body. He is a one hot piece of meat, and Dawn won’t mind to have a bite at him. Pero as of now, hindi puwede. Siya ngayon si Dust, at nasisiguro niyang hindi maglakagusto sa kapwa lalaki ang kapatid niya. At mas lalo naman si Mr. Laxamana.

IT’S NOT NORMAL to find Dust hot. Iyon ang sinisiksik ni Hawk sa isip habang naglalakad ng walang distinasyon sa bahay niya.

Hindi mawala sa isip niya ang pagkalabit nito ng gatilyo. Not because he nearly killed him, but because he looks really good while doing it.

The way his eyes squint and sharpened when he pulled the trigger. The way his body moved. Damn it! He is having inappropriate thoughts about his bodyguard, fuck it! Nasisiguro niyang hindi ganoon mag-isip si Dust tungkol sa kaniya.

Humugot siya ng isang malalim na hininga saka maingat iyong pinakawalan.

He has to stop thinking inappropriate thoughts about Dust. It’s not manly! At nasisiguro niyang babae ang gusto niya at hindi ang kauri niya.

Napatigil sa paglalakad si Hawk ng makita si Dust na papasalubong sa kaniya. They are on the narrow path that connects to the terrace.

Nagpanggap siyang hindi ito nakita at nagpatuloy sa paglalakad pasalubong dito.

Nang magkasalubong sila, sinalubong din siya ng kakaibang mabangong amoy na taglay ni Dust. Nanuot yon sa ilong niya at nagpatigil sa paglalakad niya.

“What is your cologne?” Hindi napigilan niyang tanong saka nilingon ang bodyguard.

Dust slightly faced him and shrugged. “Wala akong cologne na gamit.”

Nagsalubong ang kilay niya. “You’re shitting me.”

“No, I’m not. Baka ikaw ang mayroon.” Anito. “You smell good.”

Hawk’s breathing hitched at that simple compliment. “I smell good?”

Tumango ito at naglakad na ulit palayo.

Napatitig nalang si Hawk sa papalayong likod ni Dust at ilang beses na tinampal ang puson.

“Stop it. It’s creepy and weird.” Pagkausap niya sa puson at napailing-iling saka nagpatuloy ulit sa paglalakad patungo sa beranda.

Hindi mapakali si Hawk sa beranda kaya pumasok ulit siya sa kabahayan. Unconsciously, he was looking around, looking for his Bodyguard.

Natagpuan niya itong nanunuod nang T.V. sa sala.

Tumikhim siya bago umupo sa pang-isahang sofa, samantalang si Dust ay sa mahabang sofa naka-upo.

“Maghanap ka ng enteresanteng channel.” Wika niya.

Sumunod naman si Dust. He keeps on changing the channel until he settled on Channel forty-nine.

“Nice.” Wika nito saka itinuon ang lahat ng atensiyon sa pinapanuod.

Hindi naman mapalagay si Hawk sa kinauupuan. Ang pinapanuod nilang pelikula ay Original Sin ni Antonio Banderas at Angelina Jolie. It’s a movie full of thrusting and pumping in and out.

That’s supposed to be normal for him. He likes having sex. But watching two people having sex with Dust… fuck! It feels weird.

“Ayaw mo sa Pelikula? I can change the channel.” Ani Dust.

Mabilis siyang umiling. “No!” Napalakas ang boses niya kaya tumikhim siya. “I like the movie. I’m a man. I like watching two people having sex.”

Gusto niyang sapakin ang sarili. Who says that? He sounds weird even to himself.

“Okay. No need to shout, man.” Anito.

Tumikhim ulit si Hawk at itinutok ang mga mata sa mga bida sa pelikula na pinapanuod na nagtatalik.

He blows a quiet but heavy breath. Naapektohan na siya sa pinapanuod. May nabubuhay na sa kaibuturan niya.

“Hmm. Ang sexy ni Angelina, oh.” Komento nito.

Hindi napigilan ni Hawk ang sarili. Bumaling siya kay Dust at parang nawala siya sa sarili ng makita ang nakaawang nitong mga labi at halata ang pagnanasa sa mga mata nito habang nakatingin sa telebisyon.

Hawk gulped. Dust looks so beautiful with than emotion on his face.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata saka marahas na ipinilit ang ulo.

Fuck it, Hawk! Keep yourself together, man! This is not you!

Naiinis na tumayo siya. “Lalabas lang ako sandali. Hindi ko kailangan ng Bodyguard.” Inunahan na niya ito na akmang tatayo.

Kinunotan siya ng nuo ni Dust. “Saan ka pupunta?”

“Diyan lang.”

“Saan nga.” Nakatayo na ito ngayon at handa nang samahan siya. “Sasamahan kita. Trabaho ko yan, remember?”

“No. Stay here. Guard my sister.” May finality sa boses niya at hindi ito nakakibo.

Naglakad siya palabas ng pinto saka lumabas ng bahay niya. Habang naglalakad patungo sa garahe, tinawagan niya si Georgia.

“Georgia, it’s me, Hawk.” Aniya ng sagutin nito ang tawag niya.

“Yes, baby?” Nang-aakit ang boses nito. “You need something?”

“You know what i need.”

Georgia flirty giggled. “Oh, baby. Miss me?”

“Same hotel.” Wika niya. “Hihintayin kita sa lobby.”

“I miss you too, baby.” Georgia said in seductive voice. “I’ll wear my sexiest lingerie for you, baby.”

His blood rushed through his veins. “See yah, Georgia.”

“I’m already wet for you, baby.”

Pinatay niya ang tawag at tinapon ang cellphone sa dashboard ng sasakyan. Nakasakay na siya ngayon sa kotse niya at minamaneho iyon palabas ng malaking gate sa bahay niya.

Yes. This is what he needs. Sex. Siguro naman kapag nakaraos na siya, hindi na siya mag-iisip nang ganoon kay Dust.

Sex lang ang kailangan niya. Yes. He needs hot rough sex with Georgia and he’ll be back to normal like before.

INI-LOCK ni Dawn ang kuwarto saka binuksan ang laptop niya at binuksan ang software na dinisinyo para ma-detect ang isang bagay na nilagyan niya ng tracker.

Hawk’s Car.

Nilagyan siya ng tracker ang bumper no’n in case of emergency.

Kaagad niyang nahanap kung nasaan ngayon si Hawk, hinanap lang ng mata niya ang pulang tuldok na sumi-simbolo sa lokasyon nito ngayon.

Asia’s Pearl Hotel. One of the five’s star hotel in the country.

Anong ginagawa ng lalaking yon do’n? Paano kung mapahamak ito?

Galit na nagtagis ang bagang ni Dawn. Wala talagang konsiderasyon sa iba ang lalaking yon. Basta gagawin lahat ng gusto. Akala ba niya may party itong dadaluhan?

Mabilis siyang naglakad palabas ng bahay saka lumabas ng gate at nilapitan ang malaking truck na naka park ilang metro ang layo sa gate ng bahay ni Hawk.

Dawn knocked on the car’s window. Bumukas naman kaagad yon.

“Sir, akala ko kasama kayo ni Mr. Laxamana.” Wika ng Driver na isa ring Agent.

“Give me the key to my ride.” Inilahad niya ang kamay. “At huwag niyo na akong sundan. Ako na ang bahala kay Mr. Laxamana.”

Kaagad namang binigay sa kaniya ng Driver ang susi. “Yes, Sir.”

Dawn smiled and went to open the back of the truck. Mas lalong lumapad ang ngiti niya ng makita ang magarang sasakyan ng kakambal niya.

She loves shiny new car, pero may kakaibang epekto talaga sa kaniya ang motorsiklo.

Pumasok siya sa likod ng truck at sumakay siya sa Rouser motorcycle na pag-aari ng kapatid saka binuhay ang makina no’n.

Dawn grinned and then she made the motorcycle flew from the back of the truck down to the pavement.

CHAPTER 4

CHAPTER 4

IPINARADA ni Dawn ang motorsiklo malayo sa Asia’s Pearl Hotel. Nag-iisip siya kung paano makakalapit kay Hawk na hindi siya nito nakikita. Easy to say, hard to do. Kilala siya nito. Nasisiguro niyang malayo pa siya, makikilala na siya ng dumuhong ’yon. She has to know what he’s up to.

At kapag nalaman niya kung anong balak nito, at nasiguro niyang hindi ito mapapahamak, aalis na siya.

Ihinalamos ni Dawn ang palad sa mukha habang nag-iisip ng tamang gawin.

Susuko na sana siya at magpapakita nalang sana kay Hawk ng may pumasok na ideya sa isip niya.

It could work. Yes. It could.

Hawk knew Dust, but he doesn’t knew Dawn. Magkamukha nga sila ni Dust pero hindi naman yon masyadong halata lalo na kung ilulugay niya ang kaniyang buhok.

Ipinalibot niya ang tingin sa paligid at napangiti ng may makitang maliit na boutique sa tabi ng Hotel.

Mabilis ang bawat hakbang niya papasok sa boutique. Hindi na siya pumili pa, basta kung ano ang damit, sapatos at sunglasses na una niyang nagustuhan, yon ang dinala niya sa counter at binayaran saka bumalik siya sa kaniyang motorsiklo.

Para siyang magnanakaw na nagtago sa dalawang malaking halaman at doon nagbihis. Nang maisuot na niya ang damit na nabili, tinanggal niya ang wig na buhok saka lumabas sa pinagtataguan.

Itinago niya ang wig sa u-box ng kaniyang motorsiklo saka tiningnan ang suot na damit.

Tight leather short, tube top and black leather jacket. Pinaresan niya iyon ng kulay itim ng ankle boots.

“Here we go.” Dawn took a deep breath before walking towards Asia’s Pearl Hotel.

TUMIGIN ULIT sa pambisig na orasan si Hawk. Thirty minutes na ang nagdaan simula ng makarating siya sa Asia’s Pearl Hotel pero wala pa rin si Georgina.

Naiiritang tinawagan niya ulit ang dalaga.

“Nasaan ka na?” Naiirita niyang tanong habang magkasalubong ang kilay niya.

“Sorry, baby. Traffic e.” Halata ang iritasyon sa boses ng dalaga. “I’ll be there in a minute, okay?”

“Okay. Pero mauuna na ako sa room natin. Text ko nalang sayo ang room number.”

“Sure, baby.”

Pinatay niya ang tawag.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa na nasa lobby saka naglakad palapit sa counter.

“Give me your Royal Suite.” Aniya.

The Receptionist smiled and gives him the key. In exchanged, binigay naman niya rito ang Credit Card niya.

“Here you go, Sir.” Anang Receptionist na may ngiti sa mga labi na ibinalik sa kaniya ang Credit Card. “Enjoy your stay.”

He just nod and walk towards the elevator.

Ilang segundo pa ang biniling ni Hawk bago bumukas ang elevator. Nang magsilabasan ang sakay niyon, sumakay siya saka pinindot ang floor kung saan naroon ang Royal Suite.

But before the elevator door closes, a woman gets in and pushed the button of more than seven floors.

Napatitig si Hawk sa babae. Tanging sila lang dalawa ang sakay ng elevator.

The woman’s back is on him. Napakahaba ng kulay brown at kulot nitong buhok na hanggang beywang. Halos kasing tangkad lang niya ito, mas mataas lang siya ng ilang pulgada. Napakakinis din ng morena nitong balat.

Napakurap-kurap si Hawk ng nanuot sa ilong niya ang pamilyar na amoy ni Dust. He frowned and cursed. Fuck! Hindi ba talaga siya patatahimikin ng mabangong amoy na ’yon ng Bodyguard niya?

Kumuyom ang kamao niya at pinagdasal na sana may mas ibibilis pa ang elevator na sinasakyan na panay ang tigil sa bawat floor na pinindot ng babae pero hindi naman ito lumalabas.

“Miss, hindi a ba lalabas?” Hindi napigilang tanong niya ng bumukas ang pinto ng elevator sa seventh floor.

The woman answered him by facing him, pushing him to the elevator wall and crashing her lips on his.

Thousands of voltage of electricity seeped through him as the woman kissed her deeply. Wala siyang lakas na itulak ito palayo dahil napakalambot ng labi nito at napakabango ng hininga na napakasarap nitong halikan.

Hawk groaned in pleasure when the woman bit his lower lip and snake her tongue inside.

“Fuck…” he muffled over the woman’s hot mouth.

His body is burning. His cock is stirring to life. It’s hard and erect and ready to fight.

Mas lalo pang lumalim ang halikan nila ng babaeng na ang pangalan ay hindi niya alam. Ang alam lang niya rito ay magaling at masarap itong humalik at mayroon itong seksing katawan na nakakawala sa tamang huwisyo.

Yumakap ito sa leeg niya at ang kamay nito napasabunot sa buhok siya. Ang kamay naman niya ay yumayapos sa maliit nitong beywang at napakalambot na balat na mas lalong dumadagdag sa pagnanasang nararamdaman.

Pareho silang napaungol sa sarap na sensasyong dulot ng mainit at mapusok nilang halikan.

Pareho silang hinihingal nang maghiwalay ang mga labi nila. Ang babae ang unang kumawala sa mainit na halik na pinagsasaluhan nila.

“Hey—”

Umatras ang babae at tama naman na bumukas ang elevator at lumabas ito.

“Hey! Woman!” He shouted.

Hahabulin sana niya ito pero sumara na ang elevator. Naiinis na pinindot niya ang button para bumukas ulit ang pinto ng elevator pero huli na. Nang bumukas ang elevator, lumabas siya pero hindi na niya nakita pa ang babae.

Hawk let out a deep sighed. Who is that woman? God! The kiss they shared… fuck! That was delicious. He wants more. More of her kisses.

Nag-ingay ang cellphone niya.

He answered the call.

“Hello?”

“Hey, baby, nasaan ka? Nandito na ako sa lobby.” Ani Georgina na nasigurado siyang nakasimangot.

Wala sa sariling napahawak siya sa kaniyang labi kapagkuwan at marahas na pinilig ang ulo.

No. He shouldn’t be affected by the kiss of that nameless woman.

“Meet me in Royal Suite 04.” Aniya saka pinatay ang tawag at sumakay ulit sa elevator.

BINUKSAN ni Dawn ang cellphone saka inumpisahang i-track si Hawk. She kissed him not because she wants to, but because she need to plant the tracking devise on him.

Nang sabunutan niya ito kanina habang naghahalikan sila, sa mismong anit nito niya inilagay ang maliit na tracking device na siguradong hindi nito mapapansin at mararamdaman. Kahit pa maligo ito ng ilang beses, hindi ito iyon matatanggal.

Wala sa sariling napahawak siya sa kaniyang mga labi na lumapat sa malalambot na labi ni Hawk.

Hindi nga niya ginusto ang halikan ito pero napaka-ipokreta naman niya kung hindi niya aamining nag enjoy siya sa halik na pinagsaluhan nila ni Hawk. She enjoyed it, from the beginning to end. That man can kiss like hell is about to get lose.

Napailing-iling si Dawn saka tinanggal sa isipan niya ang halikan nila ni Hawk at itinuon ang atensiyon sa monitor ng cellphone niya kung saan may pulang tuldok na nagbi-blink sa Royal Suite Floor ng Asia’s Pearl Hotel.

Dawn turned on the speaker of the tracker. Nagsitaasan ang balahibo niya ng makarinig ng ungol sa kabilang linya.

“Holy shit.” Paanas niyang mura at pinatay ang speaker ng tracker. “Nagpunta ang lalaking yon dito para makipagtalik? Dapat siyang bigyan ng trophy. Nakakadiri. To think na hinalikan ko pa siya.”

Bumalik siya sa motorsiklo niya saka kinuha ang damit niya bilang si Dust saka bumalik sa Hotel para magbihis.

INAYOS NI Hawk ang damit na suot saka nagpaalam na kay Georgia. “Uuwi na ako. Iiwan na kita rito. The Suite is yours until noon.”

Sumimangot ito at naglalambing na yumakap sa leeg niya. “Please, stay.”

“I can’t. Marami pa akong trabaho.” And I have to see my bodyguard.

Tinanggal niya ang pagkakayakap ng braso nito sa leeg niya saka maglakad palabas ng suite.

This is the reason why he calls Georgia every time his cóck feel like fúcking. With Georgia, there’s no string attached and they both know that there would be no relationship between them.

Binuksan niya ang pinto ng Suite. Natulos siya sa kinatatayuan ng makita si Dust na nakasandal ang likod sa dingding na kaharap ng pinto ng Suite niya.

“Dust…”

He has this bored expression on his face. “Tapos ka na?”

Wala sa sariling napatango siya.

“Good. Umuwi na tayo. Kanina pa ako inaantok.”

Nauna na itong maglakad sa kaniya sa elevator, siya naman ay gulat pa ring nakasunod dito.

“Paano mo nalaman kung nasaan ako?” Tanong niya ng makasakay sila sa elevator. “Sinundan mo ba ako?”

“That’s my job, Mr. Laxamana.” Walang emosyon ang boses nito. “Next time, kung gagawin mo ulit ito, bring me with you, promise sa labas lang ako at hihintayin ko kayong matapos.”

“That’s creepy.”

Natatawang nilingon siya nito. “Is it?”

“Yes.”

Dust chuckled again. “Yeah. Probably.”

“Or puwede kang pumasok.”

Nakita niyang natigilan ito at nanunudyo ang matang tumingin sa kaniya. “I didn’t know you like to fúck men.”

He froze and his eyes bulged. “I didn’t mean it that way!”

Malakas na tumawa ang bodyguard niya. “Chill. Binibiro lang kita, ang seryuso kasi ng mukha mo.”

He glared at Dust. “Next time, don’t joke like that.”

Naging seryuso ang mukha nito at humakbang ito palapit sa kaniya. “Ano bang masama sa joke ko?” He took another step closer. “Binibiro lang naman kita.” Another step closer. Their body is just inch apart and Hawk’s breathing is uneven. “O baka may katutuhanan sa joke ko kaya ka nagagalit diyan.”

Hawk couldn’t talk. Dust is so near, he can smell his minty breath and his sweet scent. Fuck it!

“I’m. Not. Gay.” Hawk said with gritted teeth.

“Wala naman nagsasabing bakla ka, ah.” Nakataas ang sulok ng labi nito.

Face to face. Eye to eye. Si Dust ang unang nagbawi ng tingin.

Nakahinga siya ng maluwang. Thanks God Dust already steps back. Nagkakabuhol-buhol ang paghinga siya kapag malapit ito.

What the hell is happening to me?!

Nang bumukas ang elevator, nauna na siyang lumabas kay Dust at sumunod lang ito sa kaniya.

“Saan ka pupunta?” Nagtatakang tanong niya rito ng lampasan lang nito ang kotse niya.

Tumigil si Dust sa paglalakad saka bumaling sa kaniya. “Mag-isa kang nagmaneho papunta rito, mag-isa ka ring magmaneho pabalik.” Halata ang iritasyon sa boses nito saka iniwan siya sa parking lot.

Lukot ang mukhang sumakay siya sa kaniyang kotse at pinaharurot yon. Nang nasa gitna na siya ng kalsada napansin niya ang motorsiklo na nasa tabi ng sasakyan niya.

Is that Dust?

Hindi man niya aminin ay nakahinga siya ng maluwang na malapit ito sa kaniya. Kampante siyang nagmaneho.

Pero ang kompiyansang naramdaman ay biglang naglaho ng makita ang isa pang motorsiklo na tumabi sa kanang bahagi ng sasakyan niya at may inilabas na baril na may silencer.

Holy fuck!

Humigpit ang hawak niya sa monabela at napabaling siya kay Dust na nasa kaliwang bahagi niya. Pero wala na ito don! Wala na doon ang Bodyguard niya! Kinakabahang bumaling siya sa kanan. Two motorcycles and they are trying to unbalance one another.

Wala nang baril ang ang kalaban ni Dust, mukhang tumilapon na yon sa kung saan. Pinabagal niya ang sasakyan at nasa hulihan na siya ng dalawang nasa motor.

Hawk couldn’t believe his eyes as he looks at Dust fight with speed and agility. Malalakas at mabibilis ang suntok at sipa na pinapakawalan nito dahilan para gumiwang ang motor ng kalaban. Dust’s opponent is fighting back but he is no match against Dust’s speed and strength.

Dust rode the motorcycle like a pro. Kahit pa wala sa manobela ang kamay nito, nananatiling nakatayo at balanse ang motor habang nakikipagpalitan ng sipa at suntok sa kalaban.

Napangiti si Hawk ng makitang natumba ang motor na sinasakyan ng kalaban at sumalpok iyon sa gilid ng daan.

“Hell yeah.” Sambit niya.

Bumagal ang takbo ni Dust para magpantay sila sa daan. Binuksan niya ang bintana ng kotse at malakas ang boses na nagtanong.

“Ayos ka lang?”

“Sa susunod na maramdaman mong mangati yang alaga mo, puwede ka namang makipag-sex doon sa bahay mo. Punyeta! Muntik ka nang mapahamak dahil sa letseng libog na yan!” Halata ang galit sa boses nito.

Hindi na sumagot si Hawk. Pinaharurot nalang niya ang kotse patungo sa bahay niya habang nakabuntot sa kaniya ang motor ni Dust. 

A/N: Dito muna si Hawk at Dawn. hehe

CHAPTER 5

CHAPTER 5

“THANKS FOR saving me.” Sabi ni Hawk ng makapasok sila sa loob ng bahay nito.

Nagkibit-balikat si Dust. “Trabaho kong iligtas ka.”

“Salamat pa rin.”

“Okay.” Inayos niya ang nagusot na damit dahil sa pagsakay ng motorsiklo. “Pero sa susunod magsabi ka kung saan ka pupunta at kung anong gagawin mo do’n. What you did tonight is stupidity. You put your life on the line and that pissed me off.”

Hindi ito umimik. Umingos naman si Dust.

“Matulog ka na.” Sabi niya.

“Ikaw, matutulog ka na rin?”

“No. I’ll check the perimeter first before sleeping.” Kinusot niya ang mata na mahapdi na dahil sa antok. Tatlong oras ba naman siyang naghintay sa labas ng Hotel room nito. “Matulog ka na.”

“Okay.”

Nang makaalis si Hawk patungo sa silid nito, lumabas siya ng bahay at sinuyod ang bawat sulok niyon. Para makasiguro siya na wala makakapasok at makakapanakit kay Hawk, doon siya nagkampo sa Security Camera room. Nag-uumpisa nang umatake ang kalaban, baka mapahamak ito kung hindi niya seseryusohin itong pagbabantay dito.

Nadagdagan ang paghanga niya kay Hawk habang nakatingin sa Monitor ng mga computer na gamit nito sa security room. Hindi lang pala ang kaguwapuhan nito ang dapat hangaan at ang masarap nitong labi. May taglay din itong katalinuhan na kahanga-hanga.

May heat sensor ang buong bahay at naka-program sa mga camera ang profile ng lahat ng tao sa bahay na yon at kung may makakapasok na kahit na sino na hindi naka-program ang profile, madi-detect yon ng Camera at mag-iingay ang alarm system.

And Hawk designed it himself. Matalino talaga ito. No wonder hinahabol ito ng masasamang loob dahil sa ginawang software.

Ang tanong, anong klaseng software kaya ang ginawa nito?

Nakatulogan ni Dawn ang isiping yon.

HAWK feels the grumpiness coating his mood as he walked to the kitchen. Ang aga-aga, masama kaagad ang mood niya. Hindi siya nakatulog ng maayos kagabi dahil hindi mawala sa isip niya ang babaeng nakahalikan niya sa elevator.

Fuck it! Those sweet lips of hers keep him up all night. Mas okay na yon kaysa si Dust ang laman ng isip niya.

Speaking of which… Dumaan siya sa kuwarto ni Dust at kumatok. He has to thank this man again for saving his life last night.

Nakakailang katok na siya, hindi pa rin nito binubuksan ang pinto ng kuwarto. Napilitan si Hawk na pihitin ang door knob pabukas saka sumilip sa loob.

He stilled when he didn’t saw Dust. Mayado pang maaga para magising ito. Isinara niya ang pinto at malalaki ang hakbang na tinungo ang Security room niya. Mas madali niyang malalaman kung nasaan ang bodyguard niya kung gagamitin niya ang software na dinisinyo niya na inilagay niya sa Security system ng bahay niya.

Hawk pushed the door to the security room open and stilled. Bahagyang umawang ang labi niya ng makita si Dust na nakaupo sa swivel chair sa harap ng monitor at mahimbing itong natutulog.

“…the fuck…” he whispered.

Anong ginagawa nito rito at bakit dito ito natulog?

Maingat at walang ingay siyang lumapit dito at pinakatitigan ang mukha nito. At dahil tulog ito, nabigyang laya siya na pagmasdang mabuti ang mukha ng bodyguard niya.

Mas tumiim ang tingin niya sa mukha nito sa bawat segundong lumilipas. Dahil malapit siya sa mukha nito, ngayon lang niya napansin ang mahahaba nitong pilik mata at kulay rosas nitong mga labi na hugis puso. And not to mention the sweet scent that is invading his nostrils again.

This guy is really beautiful . Anang isip niya habang nakatitig sa mukha nito.

Then his eyes move down to Dust’s lips. They look soft and inviting.

Hawk gulped when his throat went dry. Pero hindi niya maalis ang tingin sa mala kulay rosas na labi ni Dust. At napapansin niyang paunti-unti ay lumalapit ang mukha niya rito.

He cannot stop himself from moving his face close to Dust. Para siyang nahihipnotismong mas inilalapit pa ang mukha sa bodyguard niya. Hawk can feel his body burning while his mind shouts at him to get a hold of himself.

But before the unthinkable happen, Dust’s eyes open and he stared at his.

“Anong ginagawa mo?” Nakakunot ang tanong nito.

Mabilis siyang tuwid na tumayo saka tumikhim. Nararamdaman niyang nag-iinit ang taenga niya at batok sa sobrang hiyang nararamdaman dahil nahuli siyang nakatingin dito.

Holy shit!

“Anong ginagawa mo?” Ulit na tanong ni Dust sa kaniya.

Tumikhim siya. Pakiramdam niya ang batok niya ay naglalagablab dahil sa init niyon. “Wala. I’m just checking if you’re really asleep.”

Dust’s eyebrows furrowed. “Hindi ba halata sa malayo?” May sarkasmo sa boses nito saka parang naiilang na nag-iwas ng tingin. “Sa susunod huwag mo nang gagawin ulit yon.”

“Copy that.”

Bumaling ulit ito sa kaniya. Hindi nakalampas sa mga mapanuri niyang mata ang pagbaba ng tingin ni Dust sa mga labi niya. It nearly knocked off his breath from his lungs. Especially when he saw a flash of desire on his eyes.

Impossible!

Tumayo na ito mula sa pagkakaupo sa swivel chair, nagpantay ang mukha nilang dalawa ay parang mapupugto ang hininga niya. Their faces were so close. Fuck!

Inaasahan niyang si Dust ang unang hahakbang palayo pero doon siya nagkamali. Dust stood still as his eyes stared intently at his lips.

Hawk couldn’t move, hindi sumusunod ang katawan niya sa dinidikta ng isip niya. He wanted to move away from Dust. Pero ang katawan niya at nanatiling nakatayo at parang hinihintay ng kaniyang mga labi na lumapat doon ang labi ni Dust.

He can feel his body burning with eagerness and desire. He can feel his blood pulsing as he waited.

Dust’s lips. So near. It’s so … near… he can almost taste him.

This

isn’t

right! His mind is shouting but his body is not listening. May sariling isip ang katawan niya.

Hawk’s eyes dropped close as Dust’s lips softly pressed against his. The sensation is numbing every rational thought in his mind. He was in bliss. Dust’s lips feels like the soft kiss of the rain on the drought land.

Pero kaagad ding nawala ang sensasyong nararamdaman dahil parang napasong kumawala ang labi ni Dust sa labi niya.

Their eyes met and he can see fear on Dust’s eyes. Humakbang ito palayo sa kaniya, puno ng pangamba at pagsisisi ang mga mata.

“I, ahm, d-didn’t…” marahas nitong pinilig ang ulo. “I, ahm, i-i’m sorry.” He looks shocked and confused. “I-i h-have to g-go.” Nauutal nitong sabi saka malalaki ang hakbang na lumabas ng Security room.

Napahawak naman si Hawk sa nakaawang niyang mga labi. Nararamdaman pa rin niya ang mga labi ni Dust na parang nakalapat pa rin doon. That made him gulped in confusion.

Holy… fuck. Nasapo niya ang bibig ng magsink in sa utak niya ang nangyari.

Dust just kissed him. He’s a guy! And he, a man, like it!

“Oh, hell, no.” Marahas niyang pinilig ang ulo saka mariing ipinikit ang mga mata niya. “Oh, god… why am I feeling like this? Why did I let that fucking kiss happen? It was a mistake. A very big fucking mistake!”

Puno siya ng frustrasyon ng lumabas sa Security room at wala sa sariling bumalik sa kaniyang silid at naligo, na para bang sa pamamagitan niyon ay makakalimutan niya ang halik na hinayaan niyang mangyari.

He could have step away. He could have pushed him away.

Fuck! Fuck!

“I’m not gay!” Sigaw niya saka umigkas ang kamao niya at tumama iyon sa tile na pader ng banyo.

“I’m. Not. Gay.” nagtatagis ang bagang na ulit niya.

Sigurado siyang hindi siya bakla. Alam niya kung sino at ano siya. He doesn’t swing that way, fuck it!

Pero bakit mo hinayaan na halikan ka? Tanong ng boses sa likod ng isip niya.

Hawk stilled.

Bakit niya ako hinalikan? Balik tanong niya sa kaniyang isip.

“Is he gay?” Tumingala ang mukha niya sa shower at sinalubong ang malakas na buhos niyon habang nakapikit ang mga mata. “Does he like men?” Napasabunot siya sa sariling buhok. “Fuck it!”

DAWN wanted to kick herself! That was a very wrong move. Very wrong! Ano nalang ngayon ang iisipin ni Hawk patungkol sa kaniya? Na bakla siya?

For fuck’s sake! She kissed him while she is pretending to be Dust! Oh shit! Siguradong iniisip nito ngayon na baka bakla siya.

“Babae ako!” Sigaw niya habang naliligo sa loob ng banyo. “Babaeng-babae ako!”

But he

doesn’t

know that. Her mind snickered at her.

Bumuga siya ng marahas na hininha. Yes. Hawk doesn’t known that she is a woman dressing up as a man. At kapag nalaman nito at may pinagsabihan ito at malaman ng ina niya, tiyak na malaking kaparusahan ang aabutin niya.

The last time she dressed up as a man, she was grounded for a year! No phone, no laptop, no social life and lots of chores! Ano naman kaya ngayon ang magiging kaparusahan niya? Siguradong mas malala pa sa nauna. Iyon ang kinakatakot niya.

Hinilamos niya ang palad sa basang mukha dahil sa tubig na galing shower saka napabuntong-hininga siya.

“Shit! I’m screwed!”

Bakit naman kasi hinalikan niya si Hawk?

Bakit?!

Maybe it’s because when she looked at his sexy lips, her mind drifted off to what happened between them in the elevator. At nakaramdam siya ng kagustuhang halikan ang mapupula nitong mga labi. And her body and mind just went along and kissed him without thinking of the consequences.

Pinatay niya ang shower saka nagbihis sa loob ng banyo at lumabas. She wore a rugged jeans, white shirt and black leather jacket. Pinarisan niya iyon ng leather boots na pag-aari rin ni Dust na masikip na rito pero kasya pa sa kaniya.

Nagmamadali siyang lumabas ng bahay, nangangamba na baka makasalubong si Hawk. Kailangan niya itong iwasan pansamantala habang hindi pa siya nakakabawi sa katangahang ginawa.

Lumabas siya sa gate ng bahay ni Hawk saka sumakay sa likod ng truck kung saan naroon ang team niya.

“Gentlemen.” Bati niya sa mga ito sa panlalaking boses. “Sandali akong mawawala.” Tinuro niya si Agent Cole na pumapangalawa sa kaniya sa misyong iyon, “ikaw na muna ang pumalit sakin doon sa loob. Naka-input naman ang Profile mo sa security system kaya hindi mag-iingay ang alarm. May importante lang akong aasikasohin.” Pagpapaliwanag niya. “I’ll be back before sun down, if not, I’ll be back at dawn.”

“Yes, Sir.”

Sinamahan niya si Agent Cole papasok sa loob ng bahay ni Hawk saka ipinakilala ito sa Mayordoma. Nang maipakilala ito, kaagad siyang umalis gamit ang motor ng kakambal at nagtungo lugar kung saan palaging siyang pumupunta kapag gusto niyang makapag-isip.

NAG-ISANG LINYA ang kilay ni Hawk ng pumasok siya sa hapag-kainan at nakita niya ang isang lalaking matuwid na nakatayo sa gilid at nakasuot ng Tuxedo.

“Sino siya?” Nagtatakang tanong niya sa kapatid na nauna nang kumain ng agahan sa kaniya.

Nagkibit-balikat si Hailey. “Kapalit daw si Dust.”

Natigilan siya sa paglalakad at nakaramdam ng pangamba. “Did he resign?”

Hailey just shrug and continued eating.

Magsalubong ang kilay na sininyasan niya ang bagong bantay niya na lumapit na kaagad naman nitong sinunod.

“Nasaan si Dust?” Kaagad niyang tanong ng makalapit ito.

“May importante daw ho siyang pupuntahan, Mr. Laxamana, kaya ako muna ang pansamantalang magbabantay sa inyo.”

Para siyang nakahinga ng maluwang. Chill, Hawk. Dust will be back . Fuck!

“Kailan naman daw siya babalik?” Iritado ang boses niyant tanong.

“Kapag hindi raw siya makabalik bago mag takip-silim, bukas na bukang liwayway daw ho, Mr. Laxamana.” Sagot ng bago—no, hindi bago—pansamantala niyang bodyguard.

“Okay.”

Umupo na siya sa silya at ang bodyguard naman niya ay bumalik sa kinatatayuan nito kanina.

Naglagay siya ng kanin at ulam sa plato kapagkuwan at napakunot ang nuo ng makita si Hailey na sa halip ay ibuhos ang buong atensiyon sa agahan ay sa cellphone nito ito nakatingin.

“Hailey.” He used his big-brother voice on her. “Itago mo nga muna iyang phone mo at kumain ka. Irespito mo naman yong pagkain na nasa harapan mo.”

“Sorry, kuya.” Nakangiwing ngumiti ito at itinago ang cellphone. “Ka-text ko kasi si Dust, e.”

He stilled. “Si Dust?” Kaagad siyang naging interesado sa kung anong pinag-usapan ng dalawa. “Ano pinagusapan niyo.”

Hailey continued eating. “Wala naman masyado. Nagpaalam lang siya sa akin na aalis muna siya pansamantala.”

Nagkasalubong ang kilay niya at hindi makapaniwalang umawang ang mga labi. “… the hell? Nagpaalam sayo, sakin wala? Baka nakakalimutan niya na bodyguard ko siya.”

Tumaas ang sulok ng labi ni Hailey, “baka nga, kuya. Magmamadali daw siya kanina, e. Magkikita daw kasi sila ni Cali at Denver, e.”

Nagdilim ang mukha niya. “Sino naman tong si Denver na mukhang mas importante pa sakin? Should I remind him that my life is in danger and—”

“Boyfriend niya si Cali at Denver.” Pabulong na sabi ni Hailey pero bawat letra ng katagang sinabi nito ay dinig na dinig niya.

Hawk’s jaw went slack. “He is with his what?”

“Boyfriend.” Hailey smiled at him then she stands up. “Happy breakfast, kuya.” Pagkasabi no’n ay iniwan siya nito sa hapag-kainan.

Parang sasabog ang isip ni Hawk sa nalaman. Dust’s boyfriend? So he is gay? Dust is gay? Mabilis siyang napakurap-kurap kapagkuwan ay nagdilim ang ekspresyon ng mukha niya.

So pagkatapos siya nitong halikan, pupunta ito sa ibang lalaki? Are they kissing now? Are they touching each other?

The idea grosses him out. But why does he can picture himself kissing Dust back?

Double fuck!

CHAPTER 6

CHAPTER 6

ANG BAGONG bodyguard ang nagmaneho kay Hawk patungong opisina ng araw na yon. Walang naging problema si Hawk sa pansamantalang kapalit ni Dust. Ang nakakairita lang ay hinahanap niya ang ugali ng bodyguard niyang palasagot at sarkastiko kung makipag-usap sa kaniya minsan.

His new bodyguard bores his mind off.

“Park the car on that Restaurant. Doon nalang ako kakain.” Sabi niya sa Bodyguard niya na pinagmamaneho siya para maghanap ng makakainan.

Ipinarada ng bodyguard niya ang sasakyan niya. “I will check the perimeter for your safety, Mr. Laxamana.”

Bahagyan siyang natigilan. Palagi niya iyong naririnig kay Dust. “Matatagalan ka ba? Sumama ka na sa aking kumain.”

“Busog pa ho ako, Sir.” Napaka-pormal ng pakikipag-usap nito sa kaniya.

“Sige. Ikaw ang bahala.” Kung si Dust siguro ’to, mas nauna pa ito sa loob ng Restaurant.

That thought made him smile. Iba talaga si Dust sa mga normal na bodyguard.

Lumabas siya ng sasakyan saka malalaki ang hakbang na pumasok sa loob ng Restaurant. Kaagad siyang nilapitan ng maître ’de at iginiya sa pina-reserve niyang mesa. Pagkatapos ay lumapit sa kaniya ang isang waiter para kunin ng order niya.

After he ordered, his eyes roamed around the place. Délicieux Restaurant is indeed a very popular and high class Restaurant in the country.

Natigilan si Hawk ng tumuon ang mga mata niya sa isang lalaki na masayang kausap ang isa pang lalaki na kasama nito. Sa mga mata ng mga tao, normal lang yon, pero sa kaniya, nakakairita iyon sa paningin niya.

So ito ang pinagkakaabalahan ni Dust? Ang lalaking yon ang mas inuna nito keysa sa kaniya?

Nalukot ang mukha niya ng bigla siyang nawalan ng ganang kumain. Fuck those two love birds!

“Hey, handsome? Is this seat taken?” Anang boses na pumukaw sa galit niyang diwa. “Mind if I join you?”

“Yes. I would mind.” Tumayo siya saka inayos ang Suit na suot. “It’s all yours.”

Pagkasabi niyon ay naglakad siya palapit sa table ni Dust at ng kasama nitong lalaki na tiyak niyang boyfriend nito.

“YOU KNOW, it’s really weird to see you dress like a man. Lalo na’t alam kong babae ka naman talaga.” Natatawang sabi ng kaibigan ni Dawn na si Cali Sudalga habang magkaharap sila sa isang mesa sa Délicieux Restaurant.

She and Cali had been friends for years. They grew up in the same neighborhood. Mas matanda nga lang ito sa kaniya ng tatlong taon. Kaya naman ng tumawag ito kanina at sinabing may emergency ito, kaagad siyang nakipagkita dito ng hindi nagpapalit ng damit.

“Huwag mo nalang pansinin.” Inirapan niya ito. “Anyway, ano yong emergency mo?”

Nawala ang masayang kislap sa mga mata nito saka may iniabot sa kaniyang folder. Nang tanggapin ang buksan niya iyon, napakunot ang nuo niya.

“Anong mayroon sa babaeng ’to?” Tanong niya kay Cali habang nakatingin sa larawan ng isang magandang babae sa folder.

“Puwede mo bang alamin ang lahat ng tungkol sa kaniya?” Tanong nito.

“Puwede.” Aniya. “Pero baka maasikaso ko to pagkatapos ng ng misyon ko ngayon.”

“It’s okay.” Cali is now smiling. “I understand. Basta kapag may oras ka na, alamin mo.”

“Why not let Mr. Kim investigate it for you?” Alam niyang kaibigan nito si Shun Kim, isa sa magagaling na Agent na kilala niya.

“Tsismoso ang isang iyon.” Natatawang sabi ni Cali. “Saka may bayad, sayo libre.”

Inungusan niya ito. “Ang kuripot mo, akala mo naman kung sinong mahirap.”

Tumawa si Cali na agad na naputol ng may lumapit na lalaki sa mesa nila. Tiningala naman ni Dawn ang bagong dating at napaawang ang labi niya.

“Hawk.” Sambit niya sa pangalan ng lalaking nasa tabi ng mesa nila. “Anong ginagawa mo rito?”

“Kakain.” May sarkasmo ang boses nito. “Mind if I seat here?” Ipinatong nito ang kamay sa likod ng upuan na bakante. “Puno na kasi e.”

“Sure, man.” Si Cali ang agad na sumagot saka inilahad ang kamay. “Cali Sudalga. You are?”

“Hawk Laxamana.” Nakipagkamay ito kay Cali saka umupo sa bakanteng upuan. “Are you Dust’s boyfriend?”

Napanganga si Dawn sa tanong ni Hawk, samantalang napabunghalit naman sa tawa si Cali.

“You’re funny.” Cali said between laughs. “But no, not boyfriend.” Tawa ng tawa pa rin ang dumuho habang pasulyap-sulyap sa kaniya. “We’re friends. And Dust doesn’t swing that way, right Dust ?”

Nakikita niya sa mata ni Cali na pinagti-tripan siya nitong asarin.

“Hindi ako bakla kung iyang ang pinupunto mo.” Walang emosyon niyang sabi habang pinipilit ang sarili na lunukin ang kinakain.

“That’s not what I meant—”

“E bakit iyon ang tanong mo?” Nag-angat siya ng tingin kay Hawk. “Don’t let what happened get into your mind. Hindi. Ako. Bakla.”

“Chill.” Cali was still chuckling, clearly enjoying her and Hawk’s conversation. “Mr. Laxamana, Dust is not gay. I would know. Magkababata kami e.”

“Then who’s Denver?” Hawk asked.

Her eyes squinted. “Sinong nagsabi sayo tungkol kay Denver?”

“Si Hailey.” Mabilis nitong sagot.

Dawn blows a loud breath. “Denver is a female.” Si Denver ang flavor of the month ng kapatid niya.

“Oh.” Hawk sounds relieved.

“Yes. Oh.” Naiinis niyang sabi.

“Speaking of which,” Cali grinned at her and wink. “Humanda ka. May pugita sa likod mo.”

Nagsalubong ang kilay niya. “Ano?”

Before Cali can explain further, she heard that very annoying voice of a woman. Fuck! Not her!

“Dust, baby.” Anang matinis nitong boses na akala siguro nito ay nakakaakit na hindi naman talaga. “I miss you. Bakit hindi mo na ako tinawagan? I miss your kisses and your touch.”

Dawn shivered in disgust on the inside when Denver hugs her from behind and kissed her neck.

“Denver, umayos ka nga. We’re in public.” Pagalit niyang sabi gamit ang boses ni Dust.

“Sorry, baby. I just miss you.”

Nagsitaasan ang balahibo niya ng dumapo ang labi ng babae sa pisngi niya at muntik na siyang masuka ng halikan siya nito sa mga labi.

Kaagad niyang inilayo ang labi sa labi ni Denver. “We’re in Public!”

“Oh.” Maarteng tinutop nito ang kamay sa bibig. “Sorry, baby, I just miss your hot kisses.” Umupo ito sa nag-iisang bakanteng upuan. “Anyway, makiki-share nalang ako ng table sayo. I miss you. Don’t you miss me too?”

Malapit na siyang masuka dahil sa babaeng ’to. “I-i m-miss you too.”

Halos mahulog na si Cali sa kinauupuan nito sa sobrang katatawa, habang si Hawk naman ay walang emosyon ang mukha.

“Stop it.” Singhal niya kay Cali.

Of course, Cali didn’t listen. Nag-excuse lang ito habang tumatawa pa rin at nagtungo sa Men’s Restroom.

Bumaling siya kay Hawk. “Nasaan na ang order mo? Naka order ka na ba?”

“Nawalan na ako ng ganang kumain.” Sabi nito saka tumayo at umalis.

Nagtatakang sinundan niya ng tingin ang papalayong likod ni Hawk. Anong problema no’n?

“Dust,” ’yon na naman ang matinis na boses ni Denver. “Bakit hindi mo ako tinawagan these past few days?”

“Busy kasi ako, e.”

Hinaplos nito ang balikat niya na para bang maapektuhan siya.

“Should we skip lunch and go to a Hotel?”

Akmang hahalikan na naman siya nito pero kaagad siyang naka-iwas. “Tapos na akong kumain actually.” Pilit siyang ngumiti. “Sa Restroom lang ako.”

Nagmamadali siyang tumayo lumayo sa kanilang mesa. In that moment, she only has one goal: get away from Denver.

Sa halip na sa restroom ay lumabas si Dust ng Restaurant. Napatigil siya sa sanay pagtawag ng Taxi ng tumigil ang pamilyar na sasakyan ni Hawk sa harapan niya.

Bumukas ang backseat no’n.

“Get in.” Anang boses ni Hawk.

Nakahinga siya ng maluwang saka mabilis na sumakay.

“IBABA MO nalang ako riyan sa gilid ng Hotel.” Sabi ni Dust sa pansamantalang Driver slash bodyguard ni Hawk. “Diyan lang ako.”

“Ano naman ang gagawin mo riyan?” Walang emosyon niyang tanong.

“Mambababae.” Sarkastiko nitong sagot na mas lalong nagpa-irita sa kaniya.

“Babae o lalaki?”

Tumaas ang sulok ng labi nito saka bumaling sa kaniya. “Why do I have this feeling that you would kill just so you’ll know which one I prefer?”

“Don’t flatter yourself.”

Nagkibit-balikat ito. “Okay.” Binuksan nito ang pinto ng kotse na nakatigil sa harap ng isang Hotel. “See yah later, Mr. Laxamana.”

“I don’t want to see you.” Hawk grumbled.

Tumawa lang si Dust saka lumabas ng sasakyan niya saka nilapitan ang driver slash bodyguard niya at may ibinulong dito pero dinig na dinig naman niya.

“Bantayan mong maigi si Mr. Laxamana, kapag may nangyaring masama riyan, yari ka sakin. Ibibitin kita ng patiwarik at ipagdarasal mo na sana hindi ka nalang nabuhay sa mundong ito.”

Namutla ang lalaki. “Yes, Sir.”

“Good.”

Tinapik nito ang balikat ng driver niya saka sumilip sa kaniya sa loob. Nang mahuli nitong nakatingin siya rito, kinindatan siya nito at parang may sumipa sa dibdib niya sa ginawa nitong iyon.

Holy fuck! What was that?!

“Bye, Mr. Laxamana. See yah!” Sigaw ni Dust saka patakbong pumasok sa Hotel.

“Igilid mo ang sasakyan.” Utos niya sa Bodyguard niya.

“Sir?”

“Igilid mo ang sasakyan.” Utos niya ulit.

Naguguluhan man, ipinark nito ang sasakyan. “Tapos po, Sir?”

“Huwag kang maingay.”

“Yes, Sir.”

Bumuga siya ng malalim na buntong-hininga saka bumaling sa pinto ng Hotel na pinasukan ni Dust.

Hindi mawala sa isip niya ang katanungang ‘sino ang katagpo nito sa Hotel?’ Was he or she a good kisser than him?

Marahas niyang pinilig ang ulo. Don’t go there, Hawk! That’s inappropriate, fuck it.

Hawk took a deep breath. “It’s not right.” Sabi niya sa kaniyang sarili. “Huwag kang mag-isip ng ganoon.”

Wala sa sariling napatitig siya ulit sa pinto ng Hotel. Tumigil ang paghinga niya ng makita ang babaeng nakahalikan niya sa elevator. Hinding-hindi niya ito makakalimutan. From her hair down to the curves of her body.

Kasing bilis ng kidlat na lumabas siya ng kaniyang sasakyan saka patakbong nilapitan ang babae na nag-aabang ng Taxi.

“Hey!” Tawag niya rito.

No reaction.

“Hey, woman.” Tawag niya rito saka hinawakan ito sa braso at pinihit paharap sa kaniya.

Hawk is sure as hell that it’s the same woman who kissed him on the elevator.

“You…” his stare dropped down to her slightly parted lips. “Ikaw yong babae sa elevator diba?”

Tumaas ang kilay nito at tinarayan siya. “Paano kong sabihin kong hindi?”

“Liar.”

Pinagkrus nito ang braso sa harap ng dibdib saka mataray ang mukha na humarap sa kaniya. “Yon naman pala e. Yes. Ako nga. Why are you asking? You want another kiss?” She puckered her lips at him. “Just tell me.”

Napakurap-kurap siya. This woman is very straight forward. Not his type, but his body is reacting differently.

“I don’t want another kiss.” He gulped.

Nanunudyo itong ngumisi. “Really? Why do I find it hard to believe?”

“Kasi yon ang totoo.”

“No, it’s not.”

“Hmmm,” namungay ang mga mata nito at dumukwang palapit sa kaniya, gahibla nalang ang pagitan ng kanilang mga labi. “Ayaw mo talaga akong halikan?”

He was tempted to lean in and claimed her puckered lips. “No.” He gulped again to restrain himself. “I want to have lunch with you though.”

Kumunot ang nuo nito at tiningnan ang relong pambisig. “Hmm…” she tapped the screen of her wrist watch. “Two P.M. pa naman ang appointment ko kay Kuya.” Matamis itong ngumiti sa kaniya. “Sure. I’d love to have lunch with you.”

He smiled. “Great.”

Sinuklian nito ang ngiti niya. “Saan naman tayo magla-lunch?”

He doesn’t do it often, pero gagawin niya ngayon. “Ikaw, saan mo gusto?” Ito ang papipiliin niya.

“Hmm…” nag-isip nito saka tumingin sa kaniya. “Ikaw, saan mo gusto?”

“Kahit saan.”

“Kahit sa turo-turo?”

Natigilan siya. “Bakit naman do’n? Marami namang Restaurant dito, ah.”

Napangisi ito. “Sige. Sa turo-turo tayo. May paborito akong turo-turo, malapit lang yon dito. Don’t worry, masarap do’n saka malinis.”

“How’d you know?” Nagdududa niyang tanong.

“Kasi suki ako nila doon.”

May pagdadalawang isip pa rin sa kaniya kung sa turo-turo sila kakain. “Sige. Subukan natin.”

Lumiwanag ang mukha nito. “Talaga?” May nakaguhit na gulat sa mukha nito. “Akala ko yong mga tulad mong mayaman ay ayaw sa turo-turo?”

“Paano mo naman nasabing mayaman ako?”

Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. “You dress like one.”

Hinagod din niya ito ng tingin. She looks so damn sexy in her short denim jeans and hanging blouse. “You do too.”

Ngumiti lang ito. “So, aalis na tayo?”

“Sure.” Hinawakan niya ito sa siko saka iginiya ito patungo sa kotse niya at binuksan ang back seat. “Hop in.”

Sumakay naman kaagad ito, siya naman ay sumunod dito saka isinara ang pinto.

“Saan ba itong turo-turo na sinasabi mo?” Tanong niya ng bumaling sa babae.

“Diyan lang.” Tinuro nito ang unang kanto. “Iliko mo riyan saka itigil mo sa ikalawang maliit na bahay. Yong may malaking kulay red na refrigerator sa labas.”

“Yes, ma’am.”

Nginitian nito ang driver niya saka bumaling sa kaniya at inilahad ang kamay. “Hi. I’m Dawn.”

“Dawn.” Sambit niya sa pangalan nito. “Nice name.” Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. “I’m Hawk Laxamana.”

“Nice to meet you, Hawk.” Dumukwang ito palapit sa kaniya saka ginawaran ng halik ang mga labi niya. “It’s really nice meeting you.” She whispered over his lips.

Parang tumigil ang paghinga niya dahil sa simpleng halik na yon.

“Yeah.” Tumikhim siya. “It’s nice to meet you too.” Parang kinakapos ang hiningang sabi niya.

Dawn smiled. “Charming.” Umayos ito ng upo saka nanatiling nakangiti.

Hawk can’t keep his eyes away from Dawn’s beautiful face. From the back of his mind, may nagsasabi sa kaniyang nakita na niya ang mukha nito sa kung saan pero hindi lang niya maalala kung saan at kailan.

But Hawk is sure, he already met Dawn somewhere. Hindi doon sa elevator ang una nilang pagkikita.

CHAPTER 7

CHAPTER 7

NAKANGITI si Dawn na bumaba sa sasakyan ni Hawk. Gustong-gusto niyang kutusan ang sarili dahil sa kalandiang pinaggagagawa pero hindi niya puwedeng palampasin ang pagkakataong ito.

Habang nakasuot siya ng damit panlalaki at nagpapanggap na si Dust, hindi niya magawa ang gustong gawin dito. She had dream of kissing Hawk after that hot kiss they shared on the elevator. Kaya nga nahalikan niya ito nang siya sa Dust dahil sa panaginip na yon. That was a mistake in need of correcting.

Pero hindi muna ngayon. Siya ngayon si Dawn Montreal, not Dust. At sisiguraduhin niyang mag-i-enjoy siya kasama si Hawk. Because she knew, this can’t happen again. Kailangan niyang seryusohin ang pagbabantay kay Hawk. Nakatanggap siya ng tip galing sa isang source niya na mas nagiging desperado ang masasamang loob na makuha ang software na yon kay Hawk.

“Saan dito?” Tanong ni Hawk na pumukaw sa kaniyang naglalakbay na diwa.

Hindi niya namalayang nakalabas na pala ito ng sasakyan.

Nakangiting bumaling siya rito saka iminuwestra ang dalawang kamay sa maliit na kubo na ilang metro ang layo sa kanila.

“Tsaran! Diyan tayo kakain.” Malapad ang ngiting sabi niya.

Palihim siyang natawa nang makita ang pagkalukot ng guwapong mukha ni Hawk.

“Diyan?” Alam niyang pinipigilan nito ang mga komento ng negatibo.

“Oo, diyan.” Hinawakan niya ito sa pulsohan. “Halika na.”

Nagpahila naman sa kaniya ang binata patungo sa maliit na turo-turo restaurant kahit halata ang disguto na hindi maipinta nitong mukha.

“Magandang tanghali po, Manang Inday.” Nakangiting bati niya sa babaeng abala sa paglilinis ng mesa.

Bumaling ito sa kaniya at agad na ngumiti ng makita siya. “Kayo ho pala ma’am Dawn.” Kaagad nitong pinagpag ang kamay sa likuran at pinaghila siya ng upuan. “Upo ka, ma’am Dawn.”

Sinimangutan niya si Manang Inday. “Manang, ilang ulit ko bang sasabihin sayo na huwag niyo akong i-special treatment.”

Nahihiyang ngumiti ito. “Pasensiya na, hija.”

“Ikaw talaga, manang.” Hinila niya si Hawk at pinaupo sa bakanteng silya. “Siya nga pala, si Hawk, ka date ko ngayon.”

Natigilan si Manang Inday at hinagod ng tingin si Hawk. “Hija,” bumulong ito pero naririnig naman ni Hawk sigurado, “parang hindi naman yan ang mga tipo mong lalaki manamit.”

Mahina siyang natawa. “Para maiba naman, Manang.” Umupo siya sa kaharap na upuan ni Hawk. “Anong gusto mong kainin?” Tanong niya sa binata na nahuli niyang nakatitig sa kaniya.

Hawk shrugged. “I don’t know. May menu ba sila rito?”

Tumawa siya. “Menu?” Hindi niya talaga mapigilang tumawa ng malakas. “Hawk naman, kaya nga turo-turo diba kasi ituturo mo ang gusto mo. Pupunta ka don,” tinuro niya ang estante na maraming lamang pagkain, “saka ituturo mo ang gusto mo. I-order mo na rin ako, ha?”

Naiilang man, tumayo si Hawk saka nilapitan ang estante pagkatapos ay tinuro ang Ginisang baboy at Bistek tagalog.

“I pick that and that.” Wika nito sa tindera na anak din na Manang Inday.

Tumango ang dalagita. “Ilang cup ng rice?”

Bahagyang kumunot ang nuo ni Hawk. “Ahm, ilan ba dapat?”

Kinunotan ito ng nuo ng dalagita. “Kayo po, Sir, ikaw naman ang kakain, e.”

Lihim na natawa si Dawn sa pag-uusap ng dalawa. Nakamasid lang siya. Halatang-halata na hindi sanay ang binata sa mga ganitong klaseng kainan. Well, he was raise with a golden spoon on his mouth. What does she expect?

Tumayo siya at tinulungan na ito. “Neng, apat na cup na rice saka pahinge na rin ng malamig na tubig sa pitsel saka dalawang baso.” Nginitian niya ang dalagita. “Salamat.”

“Sige ho, Ma’am Dawn.”

Hinawakan niya si Hawk sa braso saka hinila pabalik sa mesa nila at pinaupo ito. Siya naman ay bumalik para sa tray nila na may lamang pagkain na inorder nila saka inilapag iyon sa mesa at binalikan ulit ang pitsel at baso saka kutsara at tenidor.

And Hawk was staring at her the whole time.

“What?” Nagtatakang tanong niya ng makaupo siya sa kaharap nitong silya.

“Nothing.” Kumunot ang nuo niya at mas tumiim ang titig sa kaniya. “I’m just trying to read you.”

“Read me?”

“Yes.” Sumandal ito sa likod ng kinauupuan. “Mukha kang may kaya sa buhay. Halata iyon sa pananamit mo at pananalita. Pero bakit ka kumakain sa mga ganitong kainan? Not that I’m belittling this fine restaurant.”

Nawala ang sigla niya. “Hindi mo minamaliit pero halata naman sa mga mata mo.” Umingos siya. “Mr. Laxamana, kumakain ka sa isang Restaurant para makatikim ka ng masarap na pagkain. And that is what this small Restaurant is offering. Hindi man pang mayaman ang ambiance, wala mang aircon, wala mang waiter na mag aasikaso sa lahat ng kapretsohan mo sa buhay, pero nasisiguro ko namang masarap ang mga luto rito at malinis. Kung ayaw mong kumain, e di huwag. Sinisira mo ang lunch ko.”

Inis na tinusok niya ng kaniyang tinidor ang isang karne saka kinain yon.

Tumaas ang kilay niya ng mag-umpisang kumain si Hawk.

“Oh, bakit ka kumakain diyan?” Mataray niyang tanong.

“Kasi ayokong masira ang lunch mo.” Sagot nito. “Saka masarap pala ang luto nila.”

Inirapan niya ito. “Mabulunan ka sana.”

Bigla itong umubo at parang nabubulunan. Kaagad namang nagsalin siya ng tubig sa baso saka inabot iyon dito.

“Drink.” Sabi niya.

Hawk stops coughing and he smiled teasingly at her. “Thanks.”

Tumalim ang mga mata niya. “Hindi ka nabulunan?”

“Nah. I’m just messing with you.”

Inirapan niya ito. “Gago.”

Hawk just chuckled and continued eating.

HAWK CANT stopped himself from staring at Dawn. Sobrang nagagandagan talaga siya sa dalaga. May taglay itong mukha na hindi nakakasawang titigan kahit buong araw pa.

“Stop staring at me, Hawk.” Wika ni Dawn pagkatapos nitong uminom ng tubig.

“Hindi naman krimen na titigan ka, kaya titigan kita hanggat gusto ko.” Aniya.

Sinalubong nito ang titig niya. “Huwag mo akong masyadong titigan, Hawk, bebe , baka ma-in love ka sa akin.”

He stilled. “What?”

Ngumisi ito. “Wala.” She puckered her lips at him. “Mwah.”

Napailing-iling siya. “Tinititigan kita kasi nagagandahan ako sayo.” Bumaba ang tingin niya sa mga labi nito. “And I have this strong urge to kiss that puckered lips of yours.”

Her lips form a seductive smile. “Then kiss me.”

“Masyado kang straight forward.” Komento niya.

“Anong masama ro’n?” Tumaas ang kilay nito. “It’s a good trait actually. Kesa naman maging pa-bebe ako. Gusto ko pero aayaw-ayaw naman. Kaartehan ang tawag do’n.”

“At hindi ka maaarte?”

“Depende.” She smiled mysteriously. “Depende sa taong kaharap ko.”

Napatitig lang si Hawk kay Dawn. Iba ang ugali nito sa mga babaeng nakasama niyang kumain. Noon, akala ni Hawk na lahat ng babae, diet palagi kasi kaunti lang ang kinakain. But he was enlightened a minute ago.

Dawn eat like nobody’s business. And it’s so refreshing to eat with a woman who doesn’t give a shit about their figure.

Napatigil siya sa pag-iisip ng marinig niyang may nag-ingay.

It was Dawn’s phone.

“Hey. Wazzup?” Sabi ni Dawn ng sagutin ang tawag.

Lihim siyang napangiti. She’s really very different from the socialite women that he dated.

Dawn rolled her eyes. “Ano mo ako, utusan? Sasakalin kita mamaya kapag nakita kita, Kuya. Alam mo ba kung anong hirap ang dinanas ko ng dahil sayong lintik ka?” Napasulyap ito sa kaniya kapagkuwan ay nagpatuloy sa pakikipagusap sa nasa kabilang linya. “Nandito pa ako sa kainan ni Manang Inday. Katatapos ko lang kumain. Ikaw, kumain ka na ba?” Nalukot ang mukha nito. “At bakit hindi ka pa kumakain? Sakalin kaya kita.” Paused. “Sige, dadalhan kita.” She smiled. “Sige. I’ll be there in a minute. Bye, kuya. Love yah.”

Ibinalik nito ang cellphone sa bulsa saka ngumiti sa kaniya. “Sensya na. Kuya ko ’yon.”

“May kapatid ka pala.” Aniya.

“Yeah. Medyo ilang minuto ang tanda sakin.”

“Kambal mo?”

“Yep.” Itinaas nito ang kamay para kunin ang atensiyon ni Manang Inday. “Manang, pa take out naman po ng Dinuguan saka Chicken ala King. Samahan niyo na rin po ng apat na cup ng rise. Matakaw kasi ang pagdadalhan ko e.” Binuntutan nito iyon ng bungisngis.

Tumalima naman kaagad si Manang Inday saka ihinatid sa mesa nila ang pagkain na nakalagay na sa cellophane.

“Heto, hija. Para ba ito kay Sir Dust?”

Hawk’s breathing stops and his questioning eyes fell on Manang Inday.

Sinong Dust ang tinutukoy nito? Impossible! Hindi lang naman si Dust ang may pangalang ganoon, di’ba?

“Oo, Manang.” Sagot ni Dawn. “Hindi pa raw kasi siya kumakain. Busy siguro yon.”

“Pakisabi sa kaniya na dinalhan ko siya ng pagkain nuong isang araw, wala naman pala diya doon sa penthouse niya.” Anang Manang Inday.

“Wala siya doon.” Ani Dawn. “May ginagawa kasi si Kuya. Alam mo naman yon.”

“Oo nga. Sige, hija, aasikasohin ko tong mga bagong dating na kakain.”

“Sige, Manang.” Dawn smiled. “Thanks po, Manang.”

Mang makaalis ang ginang, nagtatanong ang mga matang tumingin siya kay Dawn. “Anong apelyido mo?”

Tumaas ang kilay nito. “Bakit?”

“Just tell me.”

Binasa nito ang mga labi. “Montreal.”

Hawk chuckled to himself. “… the fuck.”

“Anong problema mo?” Tumayo ito saka nilapitan si Manang Inday at pasimpleng nilagyan ng one thousand pesos ang bulsa nito. “Salamat po, Manang, ha? Keep the change.”

“Ma’am Dawn naman, e. Huwag niyo nang bayaran.”

Ibabalik sana ng ginang ang pera pero hindi iyon hinayaan ni Dawn.

“Keep it. Dagdag pasalamat ko yan dahil pinalinis niyo yong motor ni kuya na iniwan niya rito kaninang umaga.” Kapagkuwan ay tinanguan siya nito. “Halika na.”

Hawk stands up and walked towards the exit. Nang makalabas sila ni Dawn, humarap siya rito.

“Ihahatid na kita.” He wanted to see where Dust is.

“No need.” Pinara nito ang papalapit na Taxi. “Kaya ko na.” Ngumiti ito. “Salamat sa Lunch.”

“Ikaw nga ang nagbayad e.” Namulsa siya.

“E di bayaran mo ako sa ibang paraan.”

“How?”

“Come here.”

Wala sa sariling naglakad siya palapit dito. Nang makalapit siya niyakap siya nito sa leeg saka sinakop ang labi niya at mainit siyang hinalikan.

Bago pa niya matugon ang halik nito, binawi na nito ang mga labi, kinindatan siya, saka pinaandar ang motor saka sumakay sa Taxi.

Natulos si Hawk sa kinatatayuan. That wink. It looks familiar and it fucking felt familiar.

Dust!

A/N: Hawk will see you next week. LOL

CHAPTER 8

CHAPTER 8

HINDI NA nagtaka si Dawn— na nakadamit panlalaki na naman—ng makapasok siya sa bahay ni Hawk at nakita niya ang binata sa sala na mukhang may hinihintay. Paano niya nasabi? Dis-oras na kasi ng gabi kaya alam niyang may hinihintay ito.

At mukhang siya ’yon dahil tumayo ito at humarap sa kaniya ng maisara niya ang pinto.

“Where have you been?” Kaagad nitong tanong na parang nag-i-interrogate ng krimenal.

Namulsa siya at tumikhim bago sumagot. “May inasikaso lang akong importante.”

“Like going to a Hotel?” May sarkasmo ang boses nito.

Huminga siya ng malalim. Kailangan niyang makumbensi ang binata na lalaki siya. Kailangan niyang kumbensihin si Hawk na ang halik na nangyari sa kanila ay isang pagkakamali na hindi na dapat maulit.

“May kinatagpo lang ako sa Hotel.” Naglakad siya patungo sa hagdanan. “It’s none of your business—”

“You’re my bodyguard, Dust. You are my business.” Matigas ang boses nitong sabi.

Bumuga siya ng malalim na buntong-hininga saka humarap kay Hawk. “Look, Hawk, hindi lang ikaw ang may pangangailangan bilang lalaki. May pangangailangan din naman ako.”

Natigilan ito. “You… had sex?” Pabulong nitong tanong pero dinig na dinig niya.

Lumunok siya. “Oo.” Pagsisinungaling niya saka sinalubong ang tingin nito. “Yong nangyari sa Security room, isa iyong pagkakamali. Inaantok pa kasi ako no’n e. Wala ako sa tamang huwisyo.”

Nakita niyang gumalaw ang bagang nito habang ang mga mata ay matiim pa rin na nakatingin sa kaniya.

“That kiss didn’t mean a thing to me.” Wika ni Hawk. “Siguraduhin mo lang na hindi ka na ulit mawawala sa tamang huwisyo.”

Tumango siya saka tuluyan nang umakyat sa hagdanan at naglakad patungo sa silid niya.

Nang makapasok sa kaniyang kuwarto, binuksan niya ang mini-microphone na nakakabit sa kuwelyo ng polo niya saka nagsalita.

“This is team leader, check the perimeter and report.” Wika niya.

“Yes, Sir.” Kaagad na sagot ng nasa kabilang linya.

Pinatay niya ang mini-microphone saka pabagsak na ihiniga ang katawan sa kama.

Bumuga siya ng marahas na hangin habang nakatitig sa kisame. At habang nakatingin doon, bumalik sa ala-ala niya ang sinabi ni Hawk.

The kiss didn’t mean anything to him. Bakit ba siya nasasaktan? Para naman kay Dust ang sinabi nito?

Marahas niyang ipinilig ang ulo saka bumangon at pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos ay nagbihis siya kaagad at akmang matutulog na nang biglang tumunog ang cellphone niya.

Tiningnan niya kung sino ang tumatawag at napakunot ang nuo niya ng makitang numero iyon ni Hawk. Naka-save ang numero nito sa cellphone niya in case of emergency. Bakit naman kaya tunatawag ito?

Naguguluhang inabot niya ang cellphone at sinagot ang tawag.

“Hello?” Aniya bored na boses.

“Could you check my room?” Mabilis nitong tanong. “Someone tried to shoot me.”

Kinabahan siya bigla. “Coming.”

Pinatay niya ang tawag saka binuksan ang pinto ng closet at kinuha mula doon ang attaché case na naglalaman ng Dragunov Sniper.

“Team, stand by.” Aniya sa mikropono.

“Sir?”

“Check the perimeter again. Suyurin niyo ang bawat sulok ng bahay pagkatapos ay may report kayo kaagad.” Utos niya sa mga ito.

“Yes, Sir.”

Dawn assembled the sniper before going to Hawk’s room.

Namilog ang mga mata ni Hawk ng makapasok siya sa silid nito at nakita ang sniper gun na dala niya.

“What the hell, Dust?” Hindi nito maalis ang mata sa dala niyang sniper.

“Anong nangyari?”

Itinuro nito ang nakasarang bintana na may butas ng bala ng baril. “Someone tried to shoot me but miss. Pero tumagos ang bala sa salamin.”

Inayos niya ang pagkakahawak sa Sniper saka nilapitan ang bintana nito na nakabukas. Doon niya pinuwesto ang sniper gun saka sumilip sa teleskopyo.

Inilagay niya ang daliri sa gatilyo habang sinusuri ang paligid gamit ang teleskopyo ng baril. Nagtagis ang bagang niya ng makita ang isang lalaking patakbong naglalakad palapit sa motorsiklo na naroon, may nakasukbit na sniper sa leeg nito.

“Huli ka.” Itinutok niya ang baril sa braso ng lalaki saka kinalabit ang gatilyo, kapagkuwan ay kinausap niya ang team niya na naka stand by lang. “Men, go to the east. Twenty meters from the house. Hindi ko siya pinurohan, sa balikat at sa binti ko siya binaril. Hulihin niyo kaagad, kailangan ko siyang makausap.”

“Yes, Sir.” Tugon ng nasa kabilang linya saka narinig niya ang mabibilis na yabag ng mga ito.

Pinatay niya ang microphone saka humarap kay Hawk. “May kuwarto ba rito sa bahay mo na walang bintana?”

Umiling ito, bahagyang namumutla. “Wala. Lahat may bintana maliban sa kuwarto mo na nasa banyo ang bintana.”

Napatango-tango siya saka hinawakan ang pulsohan nito. “Halika.”

Nagpahila naman sa kaniya ang binata patungo sa kuwarto niya.

“Dito ka lang.” Iniwan niya rito ang Sniper Gun niya. “Kapag may pumasok sa kuwarto na to na kahina-hinala, barilin mo. Kailangan kung puntahan si Hail.”

“O-okay.” Tinanggap nito ang baril at umupo sa gilid ng kama niya. “Keep her safe, please.”

“I will.” Pangako niya saka malalaki ang hakbang na tinungo ang kuwarto ni Hailey.

“Hail! Hail!” Tawag niya sa pangalan ng kaibigan, nang hindi ito sumagot, binuksan niya ang pinto ng banyo at napamura ng hindi doon nakita si Hailey.

Tumakbo siya patungo sa Security Room para doon hanapin si Hailey. Kaagad naman niya itong nakita sa Monitor. Nasa Harden ito ng bahay.

“Shit.” Open place ang lugar na ’yon.

Mabilis siyang tumakbo patungong harden ng bahay.

“Hailey!” Hinihingal na tawag niya sa pangalan ng kaibigan ng makita niya itong nakaupo sa bench. “Hailey.”

Nakakunot ang nuong nilingon siya nito. “Dawn, bakit parang hinihingal ka?”

“I want you safe.” Hinawakan niya ito sa kamay.

“Bakit?” Mas lumalim ang gatla sa nuo nito. “May nangyari ba?”

“Someone tried to shoot your brother.”

Nasapo nito ang bibig at namilog ang mga mata. “Oh, god, no.” Nanghihilakbot nitong ani.

“Hindi ko kayang protektahan kayong dalawa ng magkahiwalay.” She tugged her hand. “Halika na. Nasa kuwarto ko ang kapatid mo.”

“Okay.”

Sabay silang tumakbo ni Hailey patungo sa silid niya habang magkahawak ang kamay. Nang makapasok sila sa kaniyang silid, nakatayo si Hawk habang hawak ang Sniper Gun niya.

“Kuya, ayos ka lang?” Nag-aalalang tanong ni Hailey sa kapatid.

Sa halip na sumagot, tumuon ang mga mata ni Hawk sa magkahawak nilang kamay ni Hailey.

Mabilis niyang binitawan ang kamay ni Hailey saka kinuha ang Sniper Gun na pinahawakan niya kay Hawk.

“Don’t hold my sister’s hand.” Pagalit na bulong sa kaniya ni Hawk ng magkalapit ang katawan nila. Siniguro nitong mababa ang boses para hindi marinig ni Hailey ang usapan nila.

Nag-angat siya ng tingin sa binata. “Why? Jealous?” Nakakaloko niyang tanong.

“At bakit naman ako magseselos?”

Tumaas ang sulok ng labi niya. “Bakit ka nga ba magseselos?”

Naumid ang dila nito at napangiti siya. Inayos niya ang baril na hawak saka humarap kay Hailey.

“Dito muna kayo ng kapatid mo, kailangan kong lumabas ng bahay.”

“Para ano?” Nag-aalalang tanong ni Hailey sa kaniya. “Huwag ka nang lumabas. Hayaan mo na ang mga kasama mo do’n.”

Nginitian niya ang kaibigan. “I’ll be fine. Kailangan kong masiguro na ligtas kayo ng kapatid mo.” Pagkasabi niyon ay kinuha niya ang revolver na nakatago sa ilalim ng unan niya saka ibinigay iyon kay Hawk. “Barilin mo ang sa tingin mo ay may masamang balak sayo.”

Hinawakan ni Hawk ang baril saka tumango. “Copy that.”

Bumagsak ang balikat ni Hailey. “Pero Dust—”

“Dito ka lang. Babalik ako kaagad.” Aniya saka lumabas ng silid at malalaki ang hakbang na lumabas ng bahay.

“DO YOU think he’ll be safe?” Tanong ni Hailey kay Hawk na nakatitig sa nilabasang pinto ni Dust at mahigpit ang hawak sa baril.

Huminga ng malalim si Hawk saka bumaling sa kapatid. “Magiging okay lang si Dust.” I trust him . “I trust him with my life.”

Napatitig sa kaniya si Hailey kapagkuwan ay napangiti. “May tiwala ka talaga sa kaniya?”

“Oo.”

Nanunudyo ang kislap ng mata nito. “Kuya, pili lang ang taong pinagkakatiwalaan mo.”

Nawalan ng emosyon ang mukha niya. “Anong pinapahiwatig mo?”

“Na baka gusto mo siya.”

Nalukot ang mukha niya. “Anong gusto? Baka nakakalimutan mong lalaki si Dust. Hindi ako bakla, Hailey.”

Mahinang natawa ang kapatid niya. “Ikaw ang may sabi niyan, hindi ako.” Umikot ang mga mata nito. “Saka ang ibig kong sabihin ay baka magustuhan mo siya bilang isang kaibigan. You need one. Wala ka kasing maraming kaibigan e.”

Nagtagis ang bagang niya at mas humigpit pa ang paghawak niya sa baril. “Tigilan mo ako, Hailey. Ayokong makipaglaro ng mind game sayo.”

Tumaas ang sulok ng labi nito. “Bakit naman Kuya? Dahil pinagkakanulo ka ng sarili mong isip at bibig?”

Pinukol niya ito ng masamang tingin at hindi na umimik. Hahaba lang ang usapan nila ni Hailey at siguradong siya ang unang mauubusan ng pasensiya sa kanilang dalawa.

“Hailey, not now.” Mariin niyang sabi.

Umirap ito sa hangin. “Masyado kang defensive, Kuya. Para kang si Dawn.”

Natigilan siya ng marinig ang pangalang binanggit nito. “Dawn?” Gagad niya. “Dawn Montreal?”

Tinaasan siya nito ng kilay. “Kilala mo si Dawn?”

He just don’t know her, he had kissed her. “Oo. Kilala ko siya. Kilala mo rin siya?”

Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Hailey. “She’s my best friend.”

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. “Ano?” Nagsalubong ang kilay niya. “Bakit hindi ko siya kilala? Bakit hindi ko alam na kaibigan mo siya?”

“Kasi sinadya ko talagang hindi ipaalam sayo.” Umupo si Hailey sa gilid ng kama at nginitian siya ng matamis. “Dawn is a different kind of woman. Kung noon mo pa siya nakilala o kung pinakilala ko siya sayo, baka pinaglalamayan mo na ngayon ang puso mo.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Dawn likes to play with men’s feelings. Ayokong mahuli ka niya sa kaniyang lambat, dahil alam kong masasaktan ka lang sa bandang huli.”

Mas lalo siyang na curious sa mga pinagsasabi ni Hailey. Alam niyang ibang klaseng babae si Dawn. Hindi ito kaladkarin pero hindi rin naman ito mahinhin. She knew how to play and tease a man. Iyon ang ginawa nito sa kaniya.

“Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?” Gusto niyang makita ang dalaga.

Isang mesteryosong ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Hailey at hindi na ito nagsalita pa ulit. Nanatiling tikom ang bibig nito hanggang bumalik si Dust.

“We’re clear.” Sabi ni Dust ng makapasok sa kuwarto at inilapag ang Sniper Gun na dala sa kama. “Isang tao lang ang pinadala nila para pagtangkaan ang buhay mo.” Bumuga ito ng malalim na buntong hininga saka kinuha ang revolver na hawak niya at ibinalik ang mga baril sa closet.

“So safe na kami?” Kapagkuwan ay tanong ni Hailey.

Nameywang si Dust saka humarap sa kanilang magkapatid.

Bumuntong-hininga ito. “Yong totoo? Hindi. I can’t protect you both. Hindi puwedeng nahahati sa dalawa ang atensiyon ko.”

“Kung ganoon, anong gagawin natin?” Tanong niya.

Gusto niyang maging safe ang kapatid niya. Isang pagkakamali ang pag-uwi nito sa Pilipinas.

Tumingin si Dust kay Hailey. “May safe house ako, puwedeng doon ka muna habang hindi pa natatapos ’to. Nandoon ang kapatid ko kaya ligtas ka do’n at hindi ka mababagot.”

“Si Dawn?” Sabad niya.

Nakita niyang natigilan si Dust at napatitig sa kaniya. “Si Dawn?”

“Yeah.” Tumikhim siya. “Nakilala ko siya few days ago at alam ko ring kapatid mo siya.”

Itinikom nito ang nakaawang na labi saka bumaling kay Hailey. “Dawn will be there. Alagaan mo siya, may bali siya ngayon sa paa e.”

Napasinghap si Hailey. “Okay lang ba siya? Oh my god, what happened to him—her?”

“Siya nalang ang tanungin mo.” Sagot ni Dust saka bumaling naman sa kaniya. “Ihahatid ko si Hailey bukas na bukas din sa safe house. Ikaw naman, masanay ka na sa presensiya ko dahil sa pagkakataong ito, hindi talaga ako aalis sa tabi mo para masiguro kong ligtas ka.”

Tumango lang siya at hindi nagkomento. Dust knows what’s best for him. And it’s not like he wants Dust away from him. Saka may tiwala siya rito na gagawin nito lahat maprotektahan lang sila ni Hailey.

“Thank you.” Aniya.

Tipid itong ngumiti. “It’s my job.”

“Kahit na, salamat pa rin.”

Tango lang ang tinugon nito saka nilapitan si Hailey at may ibinulong ito sa taenga ng kapatid.

Kumunot naman ang nuo niya ng makitang namula ang pisngi ng kapatid niya sa kung ano man ang binulong ni Dust dito.

Nagtagis ang bagang niya sa nakita. Looking at Dust and Hailey again, their face so close, parang naninikip ang dibdib niya. Fuck! Hindi niya dapat nararamdaman ’to.

AUTHOR’S NOTE: My only update. Sorry, na busy talaga kasi ako after nang meet up. Tapos nang makauwi ako dito samin, masakit ang katawan ko. Kaya ito lang muna update ko. Promise, babawi ako sa mahigit isang buwan na wala akong update. Hehe. Pasensiya na ha?

CHAPTER 9

~ After more than two years, i finally have the motivation to update Captivated. Happy Reading. Sorry for the long wait.

CHAPTER 9

“PLAY nice.” Bilin ni Dawn kay Hail bago ito iniwan sa safe house kung nasaan ang kakambal niya na halatang hindi nagustuhan ang ginawa niya. Hail wasn’t thrilled to say the least. Ginagawa lang nito ang sinabi niya dahil para naman iyon sa kaligtasan nito.

And of course, she begged Hailey on the way to cooperate.

At hindi man aminin ni Hail sa kaniya, alam niyang hindi ito komportableng makasama ulit ang kakambal niya na ex-boyfriend nito.

The reason behind their break up is still unclear to her. Well, its their issue. Labas siya sa kung ano man ang issue ng best friend niya at kakambal niya.

Nang makabalik siya sa mansiyon ni Hawk mula sa paghahatid kay Hail, inikot muna niya ang paligid bago pumasok sa loob. Dumeretso siya sa kuwarto niya kung saan alam niyang naroon si Hawk.

Hindi niya ito pinalabas doon hanggat hindi niya nasisiguro na ligtas ito sa sariling bahay.

Bumuntong-hininga siya bago pinihit ang doorknob at itinulak pabukas ang pintuan.

Natigilan si Dawn nang makitang mahimbing na natutulog si Hawk habang hawak pa rin ang baril na iniwan niya rito kanina.

Dawn sighed before walking towards the bed and sitting on the edge. Pinakatitigan niya ang guwapong mukha ni Hawk. Kung hindi lang siya nagpapanggap ngayong si Dust, inilapit na niya ang mukha niya rito at hinalikan ito.

Hawk has the most inviting lips she had ever seen. And not just inviting, delicious as well. Natikman na niya ang halik nito, alam niya kung paano humalik ang binata at inaamin niyang gusto niya kung paano nito inaangkin ang mga labi niya ng huling magtagpo ang mga labi nilang dalawa.

That hungry kiss they shared, It blows her mind and she wants more of it.

But she’s Dust now. Her brother. And she can’t keep acting like a girl because Dust will soon be called gay again because of her.

And my brother will kill me for sure.

Hinawakan niya sa balikat si Hawk at niyugyog ito para magising.

Kaagad namang humahangos itong bumangon at mabilis na itinutok sa kaniya ang baril.

“Its me.” Kalmado niyang sabi.

Kaagad naman nitong ibinaba ang baril na hawak saka hinilot ang sentido. “How’s my sister?”

“Safe.” Maikli niyang sagot sa tanong nito. “You okay?”

Tumango si Hawk saka tumingin sa kaniya. “Thanks for taking care of my sister, though I don’t like you near her, i’m still grateful.”

Nangako siya sa sarili na aakto na siyang si Dust pero ang hirap palang kalaban ang sariling ugali kasi natagpuan nalang niya ang sarili na nakataas ang sulok ng labi at sinalubong ang tingin ni Hawk.

“Jealous?” She can’t help but tease him. “Don’t worry, i’ll take care of you too.”

But Hawk didn’t replied angrily like he used to, he just sighed. “I’m tired. Puwede ba akong matulog ulit dito?”

Tumango siya saka umalis sa pagkakaupo sa kama. “Go on.” Lumipat siya ng upo sa sofa na nasa kanang bahagi ng silid.

Itinabi muna ni Hawk ang baril na hawak sa bedside table bago ito nahiga ng patagilid at pinikit ang mga mata. Siya naman ay nanatiling nakaupo sa sofa at pinakatititigan ang guwapo nitong mukha.

If someone would see her now, as Dust, she will really look like a gay.

Napailing siya pero hindi niya inalis ang tingin kay Hawk.

Akala niya ay nakatulog na ito kaya naman nahiga na rin siya sa sofa ng patagilid, paharap sa kama para mapagmasdan pa rin niya ang binata.

Hindi niya alam kung bakit pero natutuwa siyang pagmasdan ang guwapo at maamo nitong mukha kahit pa ngang alam niyang nakakairita ito kapag gising.

Dawn was still staring while lying on her side when Hawk spoke.

“Your pillow smells like you.” Wika nito saka nagmulat nang mga mata. “Hindi ako makatulog ng maayos.”

Kumunot ang nuo niya. “Hindi ka makatulog dahil sa amoy nang unan ko?” She scowled. “Mr. Laxamana, mabango ako—”

“I know.” Pagkasabi nito niyon ay dumapa ito at isinubsob ang mukha sa unan niya. “Could you please leave? I can’t sleep with you here.”

Ipinikit niya ang mga mata. “Nakalimutan mo na kaagad ang sinabi ko sayo kagabi?” She tsked. “Hindi ba sabi ko hinding-hindi ako aalis sa tabi mo para masiguro ang kaligtasan mo? And I promise Hail i’ll take care of her brother, so this is me doing that.”

“And Dawn? Will she be okay?”

Bigla siyang napamulat ng mga mata at natigilan ng makitang nakatagilid na ulit ng higa si Hawk at nakatingin sa kaniya.

“Will Dawn be okay?” Anito ng hindi siya umimik. “I mean, sabi mo may bali siya sa paa…”

“She’ll be fine.” Ipinikit ulit niya ang mga mata. “My sister is one hell of a woman.”

“She is.”

Hindi nakatakas sa pandinig niya ang paghanga sa boses ni Hawk na lihim na nagpangiti sa kaniya.

“Hindi ka ba nahihirapan diyan matulog sa sofa?” Tanong ni Hawk kapagkuwan. “Malapad naman itong kama. Dito ka na matulog.”

Tumihaya siya habang nanatiling nakapikit ang mga mata. “Mabuti nang malayo ako sayo. Baka mawala na naman ako sa tamang huwisyo, mahirap na—”

“—mahirap na baka halikan mo na naman ako?” May panunudyo sa boses nito na hindi niya inaasahan.

If i’m Dawn now, I will gladly hop on the bed with you, Mr. Laxamana. “I’m not gay, Mr. Laxamana.”

“I’m not either.”

“Good.” Sagot niya saka tumahimik.

Ganun din si Hawk na hindi na umimik. Pagkalipas ng maraming minuto, iminulat niya ang mga mata at bumaling sa gawi ng binata.

Parang nagkabuhol-buhol ang hininga niya ng mapansing titig na titig ito sa kaniya.

“What?” Umakto siyang parang hindi apektado pero ang totoo ay parang ginigiba ang dibdib niya.

“For a man,” mas tumiim ang titig nito sa kaniya. “You have such soft features. And your adam’s apple, it’s ahm, not visible.”

Shit ! “Oh, tapos?” She have to be haughty. “Hindi naman siguro nakaka-isturbo sa’yo kung hindi mo nakikita ang adam’s apple ko.”

Hawk stared at her for a long time before speaking, “you look like Dawn from here.”

Her heart continued beating so fast but she acted calm in the outside. Hindi nito puwedeng makitang kinakabahan siya. “Malamang. Magkambal kami kaya normal lang na magkamukha kami.”

Napatango-tango ito saka tumihaya ito at tumitig sa kisame. “May boyfriend ba ang kakambal mo?”

Pasimple niyang kinagat ang pang-ibabang labi. Why the hell is he asking? Interesado ba ito sa kaniya?

“Hailey said she’s a tease and a player, so i’m assuming she’s not single.” Dagdag pa ni Hawk ng hindi siya umimik.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Damn you, best friend. Siraan ba ako sa kuya nito?

Dawn sighed. “My sister is single.” Tumikhim siya dahil bahagyang nananakit ang lalamunan niya dahil sa pagpapababa niya sa sariling boses. “Bakit mo natanong?”

“She’s pretty.”

Her heart nearly leaped out from her chest. She knew she’s pretty, but hearing Hawk Laxamana say it? Damn. It feels nice.

“And?” She urged him to talk more.

Yes. She’s fishing for more compliments.

“And this is the part where you threaten me not to talk about your sister.”

Natigilan siya. Kung si Dust siguro, oo, kanina pa nito sininghalan at tinakot si Hawk. But she’s Dawn and she doesn’t mind at all.

“Anong gusto mong agahan?” Tanong niya para maiba ang pinag-uusapan nila. “Pinauwi ko muna ang mga kasambahay mo para makapag-focus ako sa pagbabantay sayo. Its just me and you, Mr. Laxamana.”

“Its Hawk.” Anito na ikinakunot niya ng nuo. “Call me Hawk.”

Walang imik siyang tumango kapagkuwan ay wala ring imik na lumabas ng kuwarto.

Kahit anong pilit niya na maging si Dust, hanggat nakikita niya si Hawk, hindi niya kayang maging si Dust at umaktong si Dust.

She’s a girl who’s attracted to Hawk Laxamana whose only meters away from her and he has her weakness.

He smell so good . That’s her weakness. At hindi puwedeng magpatuloy ’to. Hindi niya sisirain ang reputasyon ng kakambal niya.

I have to do something.

KUMUNOT ANG NUO ni Hawk nang lumabas si Dust sa kuwarto. For some reason, he wanted to go after him but he held himself back. Hindi niya dapat ito nararamdaman sa kauri niya.

For fuck sake, he is a male! Never in his life did he feel attracted towards his own kind… but fuck! He can’t stop himself. He’s barely controlling himself!

And he’s weak… because he find himself leaving the room to look for Dust.

Habang hinahanap ang bodyguard niya, bumalik sa ala-ala niya ang hitsura nito kanina habang nakapikit at malaya niya itong natitigan.

He really looks like Dawn. Maybe because they’re twins?

Napahilamos siya sa sariling mukha nang may maalala.

I really am in a deep shit ! He and Dust kissed. And he and Dawn also kissed. And Dust and Dawn are twins!

“This is so fuck up.” Bulong niya saka napasabunot sa sariling buhok.

Gulong-gulo pa rin na dinala siya ng mga paa sa kusina dahil nagugutom siya. Papasok palang siya pero naririnig na niya ang boses ni Dust na may kausap sa cellphone.

“Yes… Thank you.” Anito sa kausap na nasa kabilang linya. “Gagawin ko kaagad, Sir. Don’t worry about him. I’ll work something out. Hindi ko pababayaan ang kleyente natin kahit pumayag ka sa gusto ko, Sir. I’m good at my job and he is my job.”

I’m his job . Ulit ni Hawk sa isip niya sa sinabi ni Dust.

That’s right. He is Dust’s job. Nothing more and nothing less. He knows that, but why does he feel irritated because he is just a job?

For fuck sake! What is happening to me?!

Of course he knew what’s happening to him! Ayaw lang niyang aminin kasi hindi niya maamin-amin ’yon kahit sa sarili niya.

“I’m not gay…” bulong niya sa sarili bago humakbang papasok ng kusina.

Pero ang paghakbang niya ay napatigil ng makasalubong niya si Dust na papalabas naman ng kusina.

At halos gahibla nalang ang distansiya ng mga mukha at katawan nila.

And being this close to Dust, seeing him up close, he really has soft features for a man. Mahahaba ang pilik mata nito at parang pambabae ang labi nito.

Is my mind playing tricks on me? Dahil ba hindi niya matanggap na nagkakagusto siya sa lalaki kaya ginagawang babae ng isip niya si Dust?

Hawk wanted to step away, to get away from Dust, but he couldn’t make himself move.

Ganun din si Dust na parang natulos sa kinatatayuan at nakatitig lang sa kaniya.

At nang bumaba ang titig nito sa mga labi niya, malinaw na nakita niya ang pagnanasa sa mga mata nito.

Fuck! He should be creeped out! But he’s actually thinking of Dust’s lips.

Holy fuck! I’m so screwed!

“Dust.” His voice was a whisper. Move before I do something i’ll regret.

I’m. Not. Gay!

“I don’t swing that way.” Biglang sabi ni Dust na parang nagbibiro saka ngumiti. “But i’ll kiss you if you don’t move. I know you want me too.”

His words made him still. “What?”

Hawk knew Dust is fibbing but why the fuck is he affected?!

“I said,” tumingin ito sa mga mata niya, “I don’t swing that way—” he tsked, “this is so hard. Fuck! Ano bang espesyal sayo?!” Iritado nitong tanong bago umalis sa harapan niya.

Sumunod ang tingin ni Hawk kay Dust ng lampasan siya nito at lumabas ng kusina.

“Anong espesyal sakin?” Kumunot ang nuo niya. “What the fuck is wrong with him? I’m Hawk Fucking Laxamana and that makes me special!”

Iritadong pinag-timpla niya ang sarili ng kape saka binuksan ang Ref para maghanap sana ng makakain dahil wala naman siyang alam sa pagluluto pero wala siyang nakita.

“Great.” He said in sarcasm before slamming the Refrigerator door’s close. “Fuck this.”

Lalabas sana siya ng kusina ng pumasok ang isa sa mga tauhan ni Dust.

If he remembered correctly, its Agent Cole. Ito ang pumalit kay Dust noon nang may ginawang importante si Dust.

“Mr. Laxamana.” Bahagyan itong yumukod ng makita siya at may inilapag na paper bag sa ibabaw ng lamesa. “Pinabili ho ito sakin ni Sir Dust kanina at pinabibigay niya ho sayo.”

Tahimik siyang tumango saka tiningnan ang laman ng paper bag.

Pagkain. Sapat na pagkain para sa buong araw.

“Thanks.” Aniya kay Agent Cole.

Tumango si Agent Cole at hinintay niyang umalis ito pero nanatili itong nakatayo sa kusina.

He frowned. “Makakaalis ka na.”

“My apologies, but i’m not allowed to do that.”

Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng nuo niya. “And why is that?”

“I’m your body guard.”

Umiling siya. “No. You’re not. Dust is my bodyguard so leave.”

Tumingin si Cole sa kaniya. “Sir Dust told me to replace him as your bodyguard, Mr. Laxamana.” Kalmado nitong sabi sa kaniya. “But he’s still part of the team.”

Napuno ng iritasyon ang mukha niya. “What’s that supposed to mean?! Nasaan ba siya?!”

“Outside.” Sagot ni Cole. “Doing my job, Sir. Mula ngayon, ako na ho ang makakasama niyo rito sa loob dahil iyon ang utos sakin si Sir Dust.”

Nagtagis ang bagang niya. “Tell Dust that I said fuck you.”

Bahagyang napangiwi si Cole saka tumikhim ito at tinapik-tapik ang bluetooth earphone na nasa tainga nito. “He heard you perfectly, Sir.”

“Good. What did he say?”

“Nothing.” Agent Cole replied.

Tumaas ang dalawa niyang kilay. “Nothing?”

“Yes. Nothing—” napatigil si Cole sa pakikipag-usap sa kaniya saka kinausap ang nasa kabilang linya ng bluetooth speaker nito. “—yes, Sir Dust, copy that. Yes. You can count on me. Of course. I’ll do that.”

“What did Dust say?” Tanong niya, gusto niyang malaman kung anong pinagsasasabi ng lalaking ’yon at kung anong iniisip nito na nakipagpalit ito ng posisyon kay Cole.

“Nothing for you, Mr. Laxamana.”

Nagtagis ang bagang niya. Dust is really trying his patience!

“DAWN, I heard what you asked from my boss.” Wika ni Dust sa kabilang linya habang nasa likod siya ng truck na nasa labas ng bahay ni Hawk at kausap ito sa cellphone. “You promised me you’ll take care of Mr. Laxamana personally!”

Dawn sighed. “Nahihirapan ako, Kuya.” Pag-amin niya.

“Since when?” Hindi makapaniwalang tanong ng kakambal niya. “You’re a badass, Dawn. Come on. Do this for me. Hindi mo puwedeng ipasa sa iba ang trabaho ko.”

“I can.” Aniya saka bumuntong-hininga. “Its that or, your reputation will be on the line.”

Natahimik ng ilang segundo ang kakambal. “Meaning?”

“Meaning, Hawk Laxamana might think that you’re gay.”

Namayani ang katahimikan sa kabilang linya bago bigla nalang sumigaw ang kakambal.

“What the fuck did you do, Dawn?!”

Napangiwi siya. “Chill. It was an accident.”

“W-what accident?” Her brother’s voice was shaking. “Holy fuck, Dawn, please don’t tell me you didn’t do what I think you did.”

“Then I won’t tell you.” Nakangiwing sabi niya.

“Dawn!” Dust hissed at her. “Oh, fuck! Bakit hindi mo kinontrol ang sarili mo, ha?!”

“He’s very handsome.” Simpleng sagot niya at alam niyang gets na ’yon ng kakambal niya. “Can’t resist. His lips… they’re so inviting.”

Dust blows a loud breath. “And you kissed him while playing dress up?”

Nakagat niya ang pang-ibabang labi. “Yes. Kaya nga nakipagpalit ako kay Cole. Your reputation is safer this way. Magpagaling ka na kasi.”

“Paano ako magpapagaling kung kahahatid mo pa lang sakin nang isa pang sakit sa ulo?” Iritadong sabi ng kakambal. “Really, Dawn, Hailey? Alam mo naman ang nangyari samin diba?”

“Nope. I don’t know and I don’t care.” She smiled. “Basta bantayan mo siya habang ginagawa ko ang trabaho mo.”

“Huwag kang papalpak.” Galit na sabi ng kakambal niya. “Go fix your mess!”

Dawn rolled her eyes. “Its not like I can un-kiss him, duh.” Puno ng sarkasmo niyang sabi.

“Dawn.” Matigas ang boses ng kakambal. “Fix this.”

She sighed. “How am I gonna do that? Its not like I can just come clean and say, hey, baby, i’m actually a woman and not a man.”

“Fuck! Fuck! Fuck!”

Alam niyang iritado na ang kakambal niya pero ewan ba niya, hindi naman big deal ’to para sa kaniya.

Kung sasabihin ng kakambal niya na sabihin ang totoo kay Hawk, sasabihin kaagad niya.

She’s very simple minded really.

“Dawn, from now on, you leave Mr. Laxamana alone.” Wala siyang marinig na pagbibiro sa boses ng kakambal.

“Pero Kuya—”

“Leave him.”

Natigilan siya. “What? Why? Sinong magbabantay sa kaniya?”

“I’ll fix it so get the fuck out of there before this turns into a big pile of mess.”

“P-paano mo ’to aayusin?”

“Hindi pa masyadong magaling ang paa ko pero nakakapaglakad na ako.” Anito. “Bumalik ka nalang dito sa safe house at ikaw na ang magbantay kay Hailey. God knows I don’t like being around her.”

“And Hawk?”

“I’ll take care of him.”

“And the gay thing?”

Dust sighed. “I’ll take care of that too. Just do what I say.”

Dawn sighed. “Fine.” Long paused. “Sorry because I messed up, Kuya. I told you its gonna be piece of cake, but, I messed up.”

“That’s okay.” May bahid na ngiti ang boses nito pero napabuntong-hininga ito kapagkuwan. “Ayos lang sana pero ang halikan mo siya habang nagpapanggap na ako? That’s fuck up, Sis. Really fucked up. What were you thinking?!”

Napangiwi siya. “That his lips looked so inviting?”

“And his response?”

“He said it doesn’t mean anything.”

“Holy fuck.” Bulong ng kakambal niya. “I think i’m gonna puke.”

Lihim siyang natawa. “He is a good kisser though.”

“You think I care about that?!” Dust snapped. “That’s it… get out of there.”

“Yes, sir.” Natatawang sabi niya saka pinatay niya ang tawag.

Kapagkuwan ay sinilip ang bahay ni Hawk.

Well… it was fun knowing you, Mr. Hawk Laxamana.

CHAPTER 10

CHAPTER 10

HINDI MAPAKALI si Hawk sa bahay niya kaya naman pumasok siya sa opisina kahit pa nga panay ang pigil sa kaniya ng bago niyang bodyguard. He won’t give his enemies the satisfaction of seeing him lock himself up in his mansion for fear of dying.

Iritadong pabagsak na umupo siya sa swivel chair niya bago tumingin sa maraming papeles na nagkalat sa mesa niya.

He has lot of works to do. And here he is, thinking of that piece of shit.

Nasaan ba kasi si Dust?

Agent Cole won’t tell him anything, other than Dust doesn’t want to speak with him.

Great! Just fucking awesome!

Hinilot niya ang sentido bago ibinaling ang atensiyon sa mga papeles na kailangan niyang trabahuin.

Hawk buried himself with paper works and the next thing he knew, lunch is fast approaching.

Bumuntong-hininga siya saka tinawagan ang sekretarya gamit ang intercom.

“Bring me coffee.” Utos niya sa sekretarya, “and buy some food for my bodyguard.”

“Dust said he’s full when I offered a minute ago, Sir.”

Biglang nawala ang pagka-bored na nararamdaman ng marinig ang pangalang binanggit ng sekretarya. “Dust is there?”

“Yes. Pinalitan ho niya ang Bodyguard na kasama niyo, Sir.”

“Let him in.” Mabilis niyang sabi. “Now.”

“Yes, Sir.”

Nang matapos makipag-usap sa sekretarya, ilang segundo lang ang lumipas ay bumukas ang pinto ng opisina niya at pumasok doon si Dust.

“Hello, Mr. Laxamana.” Pormal na bati nito sa kaniya.

Napatitig siya sa bagong dating. Its been a week since he last saw Dust and he is still Dust but something is different about him today. He just can’t pin point what.

“Where’s Cole?” Tanong niya.

Naglakad ito palapit sa mesa niya saka tumayo sa harapan niya. “Cole is busy, so for the meantime, ako ulit ang magbabantay sayo.”

Tinitigan niya ang kaharap.

Hawk waited for that familiar sensation and emotion to ripped through him as he stared at Dust but… nothing.

He’s feeling nothing!

Fuck! Finally! Nothing. No emotions! Thank God because looks like he is back to his old self!

Hawk took a deep breath. “Where have you been?”

“Here and there.”

Napatango-tango siya. “And you’re back to being my bodyguard?”

“Yes, Sir.” Mabilis nitong sagot. “And i’m hoping that whatever happened to us,” tumikhim ito na parang naiilang at nag-iwas ng tingin, “in the past is better of forgotten.”

Hawk frowned. “May nangyari satin?”

“No!” Mabilis nitong iling. “Hell no! I was talking about, you know, the k—ki—ki— fuck it! I can’t even say it.”

“Forgotten.” Mabilis niyang sabi na ikinatitig sa kaniya ng kaharap.

“Really?” Dust looks surprise.

“Yeah. Really.”

“Good. Thanks.”

Tumango siya at wala sa sariling bumaba ang tingin niya sa leeg nito.

There’s that adam’s apple. Its visible.

Now he’s confused. How can it be not visible when he was staring at Dust a week ago?

Come to think of it, Dust looks different now. He looks manlier than the last time he saw him. His features aren’t soft. He doesn’t have a lips of a woman.

Hawk can’t stop comparing the Dust he knew from the Dust in front of him now. At habang kinokompara niya ang dating Dust sa ngayon, mas lalo siyang naguguluhan.

It can’t be!

“Sir? Is something wrong?

Even the way he talk is different! He sounded so professional, unlike the Dust before who always sound sarcastic.

What’s happening? Napaka-imposible naman na ibang Dust ang nasa harapan niya. Its not like he has a twin who looks exactly like him—

Hawk stilled, his lips parted. It couldn’t be… but its possible.

Humugot siya ng malalim na hininga at kalmado ang boses na nagsalita. “Hey, ahm, remember that night when I went to Asia’s Pearl Hotel for personal matter?”

“Yes.” Sagot ni Dust. “What about it?”

“Saan ka ba natulog ng gabing ’yon?”

Dust looked at him flatly. “What?”

“Humour me.”

“Ahm.” Tumikhim ito. “I slept in my room. Why?”

No. Dust didn’t sleep in his room. “Nothing.” He fell asleep in the Security Room . “Just curious.”

Why can’t he remember that?

“Anything else?” Tanong sa kaniya ni Dust.

Umiling siya. “Nope.”

“Okay. Sa labas lang ako.”

Tumango siya at tiningnan ang papalayong likod ni Dust. Hindi nakatakas sa paningin niya ang bahagyang pag-ika nito habang naglalakad.

What the fuck is happening?!

DAWN SIPPED her Mojito while listening to her brother talk endlessly on the other line. Kailangan niyang makinig kasi may kasalanan siya rito.

“Look, Sis, ngayong gabi lang.” Anito na nakikiusap na namang magpanggap siya. “I have a very important matter to do and I can’t miss it and I can’t leave Mr. Laxamana alone.”

She sighed. “Let Agent Cole babysit Mr. Laxamana.” Suhestiyon niya.

“Cole is preoccupied with another job. At ang ibang myembro ng team ko ay may ibang ginagawa kaya hindi ko sila puwedeng isturbuhin. Ikaw lang ang naisip kong makakatulong sakin.”

Dawn rolled her eyes. “Kuya, may I remind you that your reputation will be on the line? Again?”

“Yes. But Mr. Laxamana and I already talk about the mess you made and we both agree to bury it deeply so it won’t resurface again. So, you, be professional. Isang gabi ka lang namang magpapanggap na ako. What could possibly go wrong in one night?”

Dawn rolled her eyes again. “Fine. Just one night. And i’m out. For good.”

“Great. Thank you!” His brother sounded relieved. “Be here before twilight.”

“Yeah, yeah.”

Bumuntong-hininga siya saka pinatay ang tawag at inubos ang Mojito na iniinom.

“What’s wrong?” Si Hailey ’yon at kalalabas lang nito sa banyo at bagong paligo ito.

Maarte niyang hinawi ang buhok na nasa balikat. “My brother wants me back to your brother’s house. Tonight.”

“Oh.” Umupo sa kaharap niyang sofa si Hail. “And?”

“Of course I said yes. Mas gagawin daw siyang importante e.”

Hailey chuckled. “And you said yes out of the goodness of your heart?”

Matamis siyang ngumiti. “Of course. Mabait akong kapatid.”

Hailey’s chuckle turn into a laughter. “Yeah, right. Umuo ka kasi gusto mong makita ang kapatid ko. And I assume, you’ll be professional?”

Dawn smiled. “Of course.” Her smile turns into a grin, “professional is my middle name.”

Patuloy ang pagtawa ni Hailey. “Oh, God… you’re gonna mess up again. You like my brother too much.”

Napatango-tango siya bilang pagsangayon. “That’s true. Kasalanan niya. Ang guwapo kasi niya e.”

Napailing nalang si Hailey. “Whatever. Just keep my brother safe.”

She smiled sweetly at Hailey. “I will, Hail.”

Tumayo si Hail mula sa pagkakaupo saka hinalikan siya sa nuo. “Doon muna ako sa kuwarto ko.” Paalam nito. “I have to dry my hair and make myself pretty.”

Dawn looked at Hailey suspiciously. “Let me guess, may importanteng bagay ka ring gagawin mamayang gabi?”

Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Hailey kasabay ng pamumula ng pisngi nito. “Yeah.”

Napailing siya. Hailey is going on a date with her brother and she’s keeping it from her? Why?

This must be Dust’s idea. He is so annoying sometimes. Whatever.

“Well, have fun tonight.” Kinindatan niya si Hailey na ikinatawa ng huli at naiiling na pumasok sa kuwarto nito.

Siya naman ay tinungo ang mini-bar ng safe house na kinaroroonan nila at nagsalin ng Tequila sa basong wala nang lamang Mojito.

Akmang iinumin niya ang Tequila nang may natanggap siyang mensahe mula sa kuya niya.

“Do’s and Don’t’s for tonight.” Basa niya sa text nito saka gumuhit ang ngiti sa mga labi niya. “No talking to Mr. Laxamana. No staying in a close proximity with him. And don’t do anything stupid like kiss him while being me.” Malakas siyang natawa saka napailing. “Such a killjoy, dear brother.”

Ibinalik niya ang cellphone sa bulsa saka inubos ang tequila na isinalin niya sa baso saka bumalik sa salas at nahiga sa mahabang sofa.

Ipinikit niya ang mga mata para makaidlip siya ng kaunti pero hindi niya namalayang naging malalim ang pagtulog niya. Nang magising siya, pagabi na.

Naghikab siya at bumangon saka pumasok sa banyo para maghilamos at maglinis ng katawan.

Nang makalabas siya ng banyo, tamang-tama naman na lumabas si Hailey sa kuwarto nito.

“You look stunning.” Dawn complimented Hailey.

Hailey smiled. “Thanks.”

She smiled at Hailey. “Have fun in your date and use protection.”

Inirapan siya ng kaibigan. “I am not going to have sex with him, Dawn.”

“Why not?” Kumunot ang nuo niya. “Its not like you haven’t done it before—”

“Okay! Shut up.” Namumula ang pisngi ng pinatigil siya ni Hailey saka nagmamadali itong lumabas ng bahay.

Siya naman ay sumilip sa bintana at mahinang natawa ng makitang sinundo si Hailey ng kakambal niya. Hmm. Who would have thought? Akala niya ayaw na nang kapatid niya kay Hailey.

She rolled her eyes. Men. So annoyingly complicated.

Tumuwid siya nang tayo at nagpalit ng damit ni Dust. Siniguro niyang mukha talaga siyang si Dust bago lumabas ng safe house para puntahan si Hawk.

Ginamit niya ang motorsiklo ng kakambal patungo sa mansiyon ni Hawk.

Nang makarating doon, ipinarada niya ang motor sa labas ng gate at pinindot ang doorbell. Nakalimutan niyang kunin ang susi sa kakambal niya at nakalimutan din nitong ibigay iyon sa kaniya.

“Who is it?” Boses iyon ni Hawk mula sa intercom na katabi ng doorbell.

“Dust Montreal.”

Kaagad na bumukas ang gate pagkatapos niyang magpakilala. Sumakay siya ulit sa motor at pinaandar iyon papasok sa gate ng mansiyon.

Nang maiparada niya ang motor, nakabukas na ang pinto ng bahay kaya naman kaagad siyang nakapasok.

“How’s the perimeter?” Tanong ni Hawk na naglalakad palapit sa kaniya at sumisimsim ng alak sa basong hawak. “All good?”

Tumango lang siya ng maalala niya ang do’s and don’t’s na gusto ng kuya niya na sundin niya.

Inubos ni Hawk ang lamang alak ng baso saka inilapag iyon sa coffee table na nasa gilid at humakbang ito palapit sa kaniya at pinakatitigan siya.

Hawk looked at her eyes, lips and then neck. “Hmm… what took you so long to come back?”

Hindi siya makahinga ng maayos dahil papalapit ng papalapit ang mukha ni Hawk sa mukha niya at halos gahibla nalang ang pagitan ng mga labi nila.

Naamoy niya ang amoy alak nitong hininga at natutukso siyang kagatin ang natural nitong mapupulang labi.

But she remembered her brother and the mess she made. Shit!

Pasimple siyang umiwas kay Hawk saka naglakad at nilampasan ito. “Kumain ka na?”

“I was about to.”

Nilingon niya ito. “Go on. Eat. Hindi ko naman siguro hawak ang kutsara at tinidor na gagamitin mo.”

Ilang segundo siyang tinitigan ni Hawk bago tumaas ang sulok ng labi nito. “Hmm… The sarcastic Dust is back. Good.”

Sinundan niya ng tingin si Hawk na pumasok sa kusina. Sa hindi malamang kadahilanan, sumunod siya rito at sinamahan ito sa hapagkainan pero hindi siya kumain.

Tahimik lang siya.

Tumaas ang kilay niya ng makitang alak ang ginagawang tubig ni Hawk habang kumakain.

“What the hell are you doing?”

Hawk glanced at her. “Drinking brandy.”

“Like its water?”

Tumingin muna si Hawk sa basong hawak na may lamang brandy bago bumalik ang tingin sa kaniya at tumango. “Yeah. May problema ba?”

Nagsalubong ang kilay niya. “Ano bang nangyayari sayo? Hindi ka naman ganito, ah.”

“Funny.” Ininom nito ang alak na nasa baso, “i’d been drinking for a week in your presence and this is the first time you care.”

Hindi man lang ito pinigilan ni Dust?

Dawn tsked. “Ano bang nangyayari sayo? Tama na nga ’yan.” Inagaw niya ang bote ng brandy na akmang aabutin nito. “Tama na.”

Hawk blows out a loud breath. He’s a little bit drunk all right. “Anong nangyayari sakin? I don’t know.” Tumawa ito ng walang emosyon. “I don’t fucking know. I just miss…” tumingin ito sa kaniya, “I miss you. Where have you been?”

Tumikhim siya. “Here. Guarding you.”

Hawk chuckled. “Really? Hmm… let me ask you a question then.”

“What?”

“The night when we came home from Asia’s Pearl Hotel, you remember?”

Tumango siya. “Yes.” Paano niya makakalimutan na naghintay siya ng ilang oras hanggang sa matapos itong makipagtalik. “Ano ba ang tanong mo?”

“Where did you sleep that night?” Hawk asked.

“I fell asleep in the Security Room. Bakit ka nagtatanong? Nandoon ka diba? Your face was so close to mine when I woke up—”

“— and then you kissed me.” Hawk chuckled. “Yeah… I remember that one.”

Tumayo si Hawk saka tinungo ang mini-bar na nasa kusina saka kumuha doon ng isang bote ng brandy at binuksan iyon. Sa pagkakataong ito, hindi ito gumamit ng baso. Sa mismong bote ito uminom.

Napatayo siya ng bahagyan itong gumiwang sa pagkakatayo dahil siguro tinamaan na ito ng alak na iniinom.

“Stop drinking.” Saway niya rito.

Tiningnan siya nito ng masama. “Why do you care? Hindi ba umalis ka? Ipinasa mo ako kay Cole, tapos ngayon babalik ka na parang wala lang, na parang hindi mo ako pinaglaruan?”

“What are you talking about?”

Tumayo ito ng tuwid at tumingin sa kaniya. “I’m going crazy these past few days.” Humakbang ito palapit sa kaniya. “I keep thinking about you. I can’t keep you out of my head! I drink alcohol because when i’m drunk, that’s the only time that I can sleep. Without you always invading my mind. How could you do this to me? How could you play me like that? I know I could be a jerk but how could you do that to me? Was it fun? Was it fun seeing me having an identity crisis? Was it fun teasing me, hmm?”

“What are you talking about?” Ulit niyang tanong.

“This.” Hawk walk towards her, grabs her arm, pulled her close, snake his arm around her waist and then his lips claimed hers.

Nang lumapat ang labi nito sa labi niya, sa halip na itulak ito palayo na dapat niyang gawin ay wala siyang ginawa. Hinayaan niya itong halikan siya hanggang sa natagpuan niya ang sarili na tinutugon ang halik nito.

Napadaing si Dawn ng sipsipin ni Hawk ang dila niya at walang sabi-sabing isinandal siya sa pinakamalapit na pader at mas naging mapusok ang pag-angkin nito sa mga labi niya.

Hindi napigilan ni Dawn ang ungol na kumawala sa labi niya ng pagapangin ni Hawk ang dulo ng dila sa leeg niya habang ang mga kamay nito ay masuyong sapo ang mukha at leeg niya.

Napapikit at napaawang ang labi ni Dawn ng bahagyang sipsipin ni Hawk ang balat sa leeg niya bago bumalik ang mga labi nito sa labi niya at parang sabik na sabik na siniil ng halik ang mga labi niya.

His kiss was hungry and needy and she responded with the same ferocity until they couldn’t breath anymore and broke the kiss.

Pareho silang habol ang hininga habang nagkatitigan ng matapos ang mainit na sandaling pinagsaluhan nila.

Hawk brushed his lips against hers before whispering. “What took you so long to come back to me?”

“What do you mean—”

“Stop playing me.” He cupped her face, “what do you want me to say for you to stop? That I like kissing you and that makes me gay?”

Umawang ang labi niya. “W-what? N-No… you’re not gay—”

“I know.”

She blinked. “Then why are you kissing me?”

Pinakatitigan siya ni Hawk bago nagsalita. “Bakit? Lalaki ka ba?”

Natulos siya sa kinatatayuan sa tanong ni Hawk sa kaniya.

“L-lasing ka lang.” mahinahon niyang sabi. “You need to rest and stop drinking.”

Matiim siya nitong tinitigan saka napailing at mahinang natawa. “Fine. Lets settle with i’m gay. I’m drunk anyways.”

Pagkasabi nito niyon ay siniil na naman nito ng halik ang mga labi niya hanggang sa nadarang niya at natagpuan niya ulit ang sariling tumutugon sa halik nitong mapusok na mas naglagablab pa ng gagarin niya ang mga labi nito.

And in the middle of their hungry kisses, Hawk moaned a name that made her still and stop kissing back.

He moaned the name Dawn. My name.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.