loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Carrying Sunlight in Your Pockets

Carrying Sunlight in Your Pockets

CintoSan · 2 chapters · 4,557 words

Prologue

Kasper Antonio

Sobrang ganda ng tanawin habang naka-upo kaming dalawa ni Tucker sa bench sa may hill side ng university.

Papalubog ang araw at hindi na nakakapaso sa balat, presko ang simoy ng hangin, at sobrang ganda sa paningin ang kulay kahel na kalangitan na may halong kulay ng rosas.

Kita ko ang mga kapwa namin estudyante na naglalakad patungo sa kani-kanilang destinasyon habang masayang kasama ang kanilang mga barkada. Kita ko kung paano sumingkit ang kanilang mga mata habang nagtatawanan.

Sana makatawa rin ako ng ganiyan sa hinaharap.

Yung klase ng tawa na tunay at malaya, yung tawa na mauubusan ka na ng hininga.

Pero mukhang malabo nang mangyari iyon… at least, hindi sa nalalapit na mga taon.

“Say it again,” madiing utos sa akin ni Tucker.

Napalunok ako at hindi makatingin sa kaniyang gawi.

Magkatabi lang kaming dalawa ngunit parang ang layo namin ngayon sa isa’t isa. Nararamdaman ko ang init na dulot ng kaniyang matatalim na titig.

He’s angry… furious.

“Nasabi ko na kaya aya—” Hindi ko natapos ang sasabihin nang putulin niya ako.

“I said, say it again, Kasper. Hindi ko na uulitin pa ang tanong ko.”

Natahimik ako.

Hindi ko kaya.

Gusto kong sumigaw dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Gusto kong manakit dahil sa sobrang sama ng dinaramdam ko, na mahigit isang buwan ko nang kinikimkim. Yung sama ng loob na nararamdaman ko ay pinupuno na ang sistema ko, na unti-unti nang nalalason.

Tila nabarado ang aking lalamunan dahil hindi ko makayanang sagutin ang pakiusap niya.

Nag-iinit ang kaliwang pisngi ko dahil sa kaniyang nag-aapoy na titig.

Hindi ko siya kayang harapin nang nasa ganitong sitwasyon ako. Sana pala pinag-isipan at mas pinag-planuhan ko ito nang mas maayos at mas matiwasay. Tingnan niyo tuloy ako ngayon, parang tuliro at pipe na hindi makasagot sa kaniyang tanong.

Narinig ko ang pag-singhal ni Tucker, ngunit nanatiling nasa sahig ang aking paningin.

“You can’t even say it twice, Kasper… and you dare break up with me?” Naghahamon nitong sabi.

Kinagat ko ang aking ibabang labi. Pigil na pigil ako ngayon na maglabas ng emosyon.

Ayaw kong makita niyang hinang-hina ako ngayon… na walang-wala na ako ngayon sa tamang wisyo.

Gusto ko na lang matapos ang lahat ng ito.

“Seryoso ako sa sinabi ko, Tucker,” sagot ko nang makahanap ng lakas ng loob.

“No,” sagot nito sa akin.

“I’m serious.”

“Galit ka lang sa’kin.”

“Hindi ako galit.”

“Then you’re probably just tired.”

“Hindi ako pagod, Tucker.”

“Then, tell me why?!”

Nakita ko ang iilang mga estudyante na napalingon sa gawi namin nang marinig ang boses ni Tucker.

I feel so bad… pero kailangan.

“Please… tell me what I did wrong,” naging malumanay ang pagmamakaawa ni Tucker.

Tangina.

Ito ang isa sa mga pinaka-ayaw kong makita sa buong mundo… ang makitang nasasaktan ang pinakamamahal mo ngunit wala kang magawa dahil ikaw mismo ang may kagagawan nito, ako ang rason kung bakit siya nasasaktan at nalilito.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong lumuha.

Nakita ko ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko sa aking legs.

“Please, tell me, Love. I know you’re facing something that you want to hide from me, hindi ako manhid para hindi ‘yon mapansin.”

Hindin ako makasalita.

Sinusubukan kong punasan ang mga luhang patuloy na bumabagsak mula sa mga mata ko. Kagat-kagat ko pa rin ang ibabang labi ko upang pigilan ang aking nararamdaman at ang mga luha ko na para bang gripo na dahil sa daloy nito.

Ang sakit.

“Don’t do this, Love. Please, let’s talk about this. Mas magiging understanding ako… I’ll make more time for the both of us… dodoblehin ko yung effort ko, just— stay with me, please?”

Naririnig ko na ang munting pag-singhot at hikbi ni Tucker sa tabi ko.

Fuck. Why is he saying this?

Hindi ba siya aware na siya na ang pinaka-understanding na tao na kilala ko sa buong mundo? The effort he gives just for us to have some quality time alone without thinking of our own problems? Tangina, alam kong walang perpektong tao sa mundo pero kung kailangan natin ng representative, I will definitely nominate him as a candidate.

Punong-puno ngayon ang isipan ko pero salungat naman ito sa aking bibig na tila naubusan na ng gasolina.

I can feel him nearing beside me.

Ang kaniyang kamay na gustong-gusto na akong aluin at i-comfort ngunit nanatiling nasa kaniya dahil nirerespeto niya ang boundaries ko.

“I-It’s not that…” singit ko sa aking pag-iyak.

“Tell me… I know you know that I will understand.”

Umiling ako, hindi dahil sa hindi ko siya pinaniniwalaan, kundi dahil pinipilit ko ang sariling tatagan ko pa ang loob ko upang labanan ang takot.

Punong-puno ng takot at kirot ang sistema ko ngayon. Gulong gulo na ang utak ko… wasak wasak na rin ang puso ko, ngunit pilit pa itong dinudurog ng tadhana. Ang tadhanang siya ring nagtagponat nagpakilala sa aming dalawa.

Ang tadhanang pinagkatiwalaan ko na ito na ‘yong klase ng pagmamahal na pwede kong
ipag-sigawan sa buong mundo… na pwede kong ika-proud sa kahit kanino… pero ito rin pala ang magdadala at magbibigay sa akin… sa amin ng matinding pagdurusa at siyang pipilit na mapag-hiwalay kami.

Pinilit kong bumangon sa kasalukuyang nangyayari at tumayo ako sa kaniyang harapan.

Pinilit kong suklian ang kaniyang mga titig na punong puno ng katanungan.

“I’ll s-say this the l-last time… kaya pakinggan mo a-ako nang mabuti,” I said while trying so hard to stop my tears from falling.

Ang kaniyang mapupungay na mga mata ay tumitig sa akin. Medyo namumula na rin ang kaniyanh mukha dahil sa pag-iyak.

I can’t believe that I’m doing this right now.

Ang dami dami na naming pinagdaanang dalawa. Ang dami na naming isinakripisyo sa relasyong ito, pero mukhang isinawalang bahala na lamang iyon ng mundo.

It breaks my heart to pieces when I see him like this.

He’s supposed to be my shield… my pillar every time I crumble.

He’s supposed to be the indestructible support system every time my head tries to get ahead of me.

He’s supposed to be my cushion that is ready to catch me when I start to break down… he’s supposed to be my star to light up my path and warms my heart whenever I feel lost.

And seeing him in this state… it makes me want to just get on my knees and star apologizing for making him cry and for hurting his feelings.

But I had to be strong… this isn’t just about the two of us anymore… and that what makes me so fucking sad.

“I… don’t love you anymore,” I immediately saw the hurt in his eyes.

I looked away but still continued talking.

“I realized that m-my feelings for you weren’t… as s-strong as yours.”

“L-lov—”

“And I know how fucked up it is to just break up with you without giving you the chance to adjust… pero sa tingin ko… masyado ko nang pinapatagal pa ang panahon bago sabihin sa’yo ang totoo.”

He looked down and I saw the droplets of tears drop from his eyes.

Fuck.

“I have… been pretending to… l-love you for months now,” I stopped to gather my thoughts and clear my mind. “So I decided to end this… in one go.”

I can see how his shoulders shake from crying, he’s still trying to keep his composure.

Alam kong gustong gusto na niya akong hawakan at magmakaawa nang tuluyan… pero alam ko ring sobra sobra ang respeto niya sa akin kaya alam kong hindi niya susubukang pigtasin ang boundaries ko.

“Kaya… I w-want to break up with you,” I had to physically stop myself from crying by biting my lips hard that I can almost taste blood from it. “K-kaya sana i-respeto mo ang desisyon ko.”

Nakita ko ang mabagal niyang pagtango ilang segundo matapos ng sinabi ko.

I didn’t want to give him the chance to talk, to ask questions, or even ask for his opinion about this matter. Kasi alam kong kapag pinahaba ko pa ito, mas mahihirapan akong bumitaw.

“I-I’m sorry… take care.”

I know you’ll understand someday.

Chapter 1

Kasper Antonio

“Good morning, Sir,” bati sa akin ng mga medical technologist intern.

“Good morning,” bati ko rin sa kanila pabalik.

Walong taon na ang nakalipas nang maipasa ko ang boards exam at walong taon na rin ang nakalilipas nang mag-trabaho ako bilang isang registered medical technologist dito sa kilalang government hospital sa lugar namin

I am now a Medical Technologist III and the training coordinator of our medtech internship program. Also, I am now the acting section head of the Immunology-Serology section kasi yung current section head namin ay pina-process na ang kaniyang resignation para makapag officially retire na siya. 

Our current section head, Sir Jerry, is still young. He’s  only fifty-five years old, hindi pa nga siya senior citizen, pero on the way to retirement na. Iyan ‘yong mga tipo na gusto ko ring gawin someday. Si sir kasi ay may dalawang doctor na anak, isang dentista at isang phyisician, at yung bunso niyang anak ay isa nang successful na engineer.

“Good morning, sir Kasper,” bati sa akin ni Ma’am Fiona at ni Ma’am Desiree.

Sila ang ka-endorse-an ko dahil pang night shift sila.

“Morning po. Ano po ang i-endorse niyo?” Tanong ko nang makalapit sa kanila.

Noong una kong malaman na ako ang planong ipalit ni Sir Jerry sa pwesto niya bilang section head ay medyo nahiya ako. Mayroon kasi akong mga ka-trabaho rin dito sa Immuno-Sero section na mas matagal nang nagta-trabaho kaysa sa akin.

Tanda ko pa kung paano ako mahiya at paano ko tanggihan ang sinasabi ni Sir Jerry sa tuwing nire-recommend niya akong pumalit sa kaniya.

Sa tingin ko kasi, marami ang sasama ang loob sa akin kapag tinanggap ko iyon nang agad-agad. 

“Dito sa archi one, sir Kasper, ay naubusan na ng reagent for vitamin D. Ang sabi kasi sa amin ay kahapon iyon made-deliver pero nagkaroon daw ng delay kaya mamayang nine na lamang darating,” paliwanag sa akin ni Ma’am Fiona.

Iyong Archi o Architect na tinutukoy ni Ma’am Fiona ay ang tawag doon sa machine na ginagamit namin dito para mag-process ng mga samples para sa iba’t ibang tests. Mayroon kami nitong dalawang machines kaya Archi one and Archi two ang tawag sa kanila.

Isa si Ma’am Fiona sa mga matagal nang medtechs dito sa hospital. Sa pagkakaalam ko ay twelve years na siyang nagtatrabaho dito.

Isa rin siya sa mga todo suporta sa akin para maging section head na papalit kay Sir Jerry.

Tumango ako.

“Sige po, i-contact ko na lang po mamaya yung storage committee tungkol dito.”

Kabilang sa pag-endorse yung mga bagay na nagawa, hindi nagawa, at gagawin pa lamang na mga proseso. Importante ring i-endorse yung mga special endorsements lalo na kung may mga timed samples na kailangan i-prioritize.

May mga doktor kasi na nagre-request ng test before pa makagawa ng request form ang doktor at bago pa man iyon makita ng mga phlebotomists para makunan ng dugo iyong pasyente. Usually, lalabas naman iyon sa computer namin sa tulong ng laboratory information system, kaya kita sa system yung mga na-request ng tests at yung mga on-going na mga tests.

Wala naman na silang masyadong in-endorse pa sa akin dahil siguro sunday ngayon kaya wala masyadong mga requests dahil walang out-patient.

“Sir Kasper?” Nilingon ko naman ang intern na tumawag sa akin. “Paubos na po yung reagent ng  FT4, kukuha na po ba ako ng bago?”

Tiningnan ko naman yung monitor na naka-connnect sa archi at mayroon na lamang iyon ng dalawang tests bago tuluyang maubos. Usually, dapat kapag fifteen-twenty reagents na lang ang natitira ay nagpapalit na kaagad dahil medyo matagal ang proseso ng pag dagdag ng reagents at pag quality control dito.

At dahil isa itong government hospital kaya dapat expected na madami talaga ang pasyente. Pero kapag ganito na sunday naman ay understandable naman. Need lang talaga na maging ahead ka sa mga ganitong sitwasyon.

Tinanguan ko naman yung intern. “Sige na, Miss Alejo. Pakikuha na lamang sa ref natin.”

It has only been a week nang magsimula ang internship nila. So far, okay naman sila. Wala pa naman sa kanilang nakakagawa ng major offense.

Mayroon  naman silang mga nagagawang small mistakes pero hindi naman ako yung tipo ng staff na magbibigay kaagad ng demerit. As long as, kaya naman masolusyonan kaagad iyong naging problema.

“Sir Kasper, dumating na daw po yung nagde-deliver ng mga reagents,” sabi sa akin ni Sir Theo.

Si Sir Theo ngayon ang ka-duty ko. Dumiretso pala siya sa storage committee para mag-tanong tungkol sa mga ide-deliver na mga reagents ngayon.

Tatlong taon na rin siya dito sa hospital kaya medyo matagal na rin. Sa pagkakaalam ko ay malapit na siyang mangibang bansa at may inaayos na  lamang na mga papeles.

“Sige po, Sir. Natanggap ko na rin yung message nila sa akin. Mabuti naman at napaaga yung pag-deliver kasi sabi ni Ma’am Fiona ay mamaya pa daw nine.”

“Oo nga, eh.”

So far, magaan naman ang mga pagdating ng mga blood samples sa amin. Yung mga machines naman namin ay maayos na gumagana at mukhang wala namang kakaibang nangyayari.

Ito na ang nakasanayan kong gawin. Unang gagawin pagkadating ay kunin ang mga endorsements ng previous shift, tignan ang maintenance ng mga machines, bilangin yung mga natitirang stocks ng mga gamit, mag check ng attendance ng mga interns, at mag-validate at release ng results. 

Ganiyan ang usually na ginagawa ng mga senior staff on duty. 

Ang gawain naman ni Theo ay ang i-monitor ang temperature ng mga ref na ginagamit ng section namin, i-assist ang mga medtech interns namin sa pag-process ng mga tests, at katulong ko sa pag-validate at release ng results. 

Since ilang taon ko na itong ginagawa, parang automatic nang gumagalaw ang katawan ko kapag nagta-trabaho. Muscle memory lang ba, sanayan lang din. Hindi rin naman kasi masyadong komplikado ang pag-process ng mga tests dito sa immuno-sero section, pero kung about sa technicalities and principles, masasabi kong mahirap din ito.

Nahihirapan lang dito sa section namin kapag sobrang daming samples ang dumating na kailangan i-test. May mga times kasi na iniipon muna ng mga phlebotomist ang mga blood samples, kung hindi stat, bago nila ito isahang ibigay. Doon kami medyo nahihirapan, yung isahang bagsak ang pagbigay ng mga dugo.

KRING KRING

Rinig ko ang pag-tunog ng telepono sa aming section. Bawat section kasi sa laboratory ay mayroong telepono at mayroong access dito ang mga doctor, nurse stations, at iba pang laboratory sections. Most of the time, tinatawagan lang naman kami kapag manghihingi na ng mga results at kailangan nang i-relay sa kanila ora mismo.

Tumayo naman yung isa naming intern na nasa receiving area upang sagutin ang tawag.

“Good morning. Immuno-Sero… yes po?” Rinig kong bungad nung intern sa tumatawag.

Ang mga interns pala ang naka-assign na sumagot ng mga tawag sa telepono, specifically yung mga interns na naka-assign sa receiving. Pero kapag toxic na ay pwede naman kung sino sa kanila ang available na pwedeng sumagot sa telepono.

“Anong name po nung patient?”

Nakikita ko sa peripheral vision ko na sinusulat niya sa isang papel ang mga kinukuha niyang impormasyon.

Medyo malaki kasi ang agwat ng pwesto ko sa pwesto ng telepono. Kapag hinihingi ng mga interns ang pangalan at iba pang info ng mga pasyente, ibig sabihin nito ay kung sino man ang tumatawag ay nanghihingi ito ng result.

“Ano po yung hospital number nung pasyente… okay po. And anong test po?”

Ang bilin ko kasi sa kanila na once na mayroong nanghihingi ng result, isulat na nila sa maliit na papel, na nasa tabi lang ng telepono, yung mga impormasyon katulad ng buong pangalan ng pasyente, kung ano ang hospital number nila, at kung anong test yung hinihingian nila ng resulta.

“Okay po, wait lang po.”

Binaba naman muna nung intern yung telepono pero hindi niya in-end yung call.

“Sir may nanghihingi po ng test result,” sabi nito sa akin sabay lahad nung papel na sinulatan niya.

“Thank you,” pasalamat ko naman nang maabot ang binigay niyang papel.

Hillary Jane Ignacio
… 2609-118765… Troponin I and Pro-BNP.

Iyan ang mga nakasulat sa papel.

Binuksan ko naman yung system sa computer kung saan pwede kang maghanap ng mga pasyente at nung mga test na nagawa, ginagawa, at gagawin pa lamang sa kanilang dugo.

Nangunot ang noo ko. 

“Pwedeng pakitanong kung ang hinihingi ba nilang result ay nung three days ago pa, thank you,” utos ko na agad naman nitong sinunod.

“Hello po? Yung Troponin I and Pro-BNP result daw po ba three days ago yung hinihingi ninyo?”

Nakita ko naman na mariing nakikinig ang intern. Lumingon ito sa akin nang makuha ang sagot.

“Hindi daw po, Sir Kasper. Yung ni-request daw po niya kaninang umaga na test for Troponin I and Pro-BNP.”

Mas lalong nangunot ang noo ko.

“Sige, i-confirm ko lang ulit kung tamang pasyente ang na-search ko at sabihin mo sa tumatawag. Hillary Jane Ignacio… 64 years old, female… hospital number 2609-118765… ICU.”

Habang sinasabi ko yung mga impormasyon ng pasyente ay inuulit naman iyong sabihin nung intern sa tumatawag.

“Tama daw po, Sir.”

Tama naman pala yung na-search kong pasyente pero wala akong makita under sa profile nung pasyente kung mayroon siyang pending na test request.

Kapag may nagpapa-request kais ng mga tests ang mga doktor, sila mismo ang naglalagay sa kanilang mga computer o devices nung mga ipapa-test nila sa system ng hospital. Kaya kaming mga nasa laboratory alam  namin yung mga samples na papasok o ipapasok sa lab akay alam rin namin yung mga ie-expect naming mga tests.

“Paki-check nga po sa receiving are kasi baka kakadating lang sa atin nung sample at nung request.”

Yung isang available na intern ang gumawa nung iniutos ko.

Tumayo ako na lumapit sa kanila.

“Wala po, Sir.”

Napa-buntong hininga ako.

Ngayon pa lang ay may idea na ako kung ano ang magiging reaction nung tumatawag.

“Sige, thank you. Ako na lang ang kakausap.”

“Sige po, Sir.”

Lumapit na ako sa telepono at kinuha iyon at inilapit sa tenga.

“Good morning, this is serology’s senior staff. Regarding po doon kay patient Ignacio, yung pinaka-recent po na test niya for Troponin I and Pro-BNP was three days ago,” sabi ko doon sa tumatawag.

“Excuse me, what?” Rinig ko sa kabilang linya ang malalim at mabigat na boses ng isang lalaki.

Halos mapa-irap ako dahil sa tono ng boses ng tumatawag. 

I knew it… alam ko ring doktor ang kausap ko ngayon.

“Wala po kaming na-receive na blood samples o hard copy nung request dito sa amin, Doc.”

Narinig ko naman ang pag-buga nito ng hangin sa kabilang linya.

“Have you checked the system? I have encoded and requested it at six thirty am just this morning… and you didn’t receive anything?” May halong inis na ang kaniyang boses.

Huminga ako ng malalim.

“I have checked the system, Doc, and there was nothing. Dalawang batch na po ng mga samples ang na-receive namin pero wala po kaming na-receive na sample o kahit yung request ni patient Hillary Jane Ignacio.”

“Anong wala kayong na-receive? I clearly inputed it in the system and you’re telling me you did not receive anything? Are you sure?”

“Yes po, Doc. I have personally checked the laboratory information system for the request and the receiving area if we have a pending samples, but I did not find any samples or request of the patient.”

“Are you sure? I just called the ICU earlier kung nakuhanan na ng dugo ang pasyente. The nurse on duty told me that the phlebotomist collected the blood at around 6:30am kaya I am expecting na ready na ang result. It’s already 10am, and you’re telling me you did not receive the sample? Kahit yung request man lang?!” Tumataas na ang tono nito.

Napahilot ako ng sintido.

“Okay, Doc. I’ll call phlebotomy section kasi baka naiwan. I’ll call you again po.”

“Please, do your jobs properly. My patient is currently battling between life and death right now, they could be experiencing myocardial injury or a cardiac strain right in this moment! And you’re telling me that the lab did not receive anything at all?!”

I maintained my composure. Ayaw kong mawalan ng pasensya at baka mabastos ko pa ang doktor na ito sa harap ng mga interns namin.

“Sorry, Doc. I’ll call you again after talking with the phlebotomist.”

Wala na akong narinig pang response sa kabilang linya dahil agad nito iyong binaba.

Napatingala naman ako para ikalma ang sarili.

“Ano daw iyon, Sir?” Tanong sa akin ni Theo nang makalapit.

“Nakuhanan na daw iyon ng dugo kaninang 6:30am pero sabi ko wala naman tayong nakuha, kaya ayon… galit.”

Nakita ko naman ang inis sa mulha ni Theo.

“Jusko talaga ‘tong mga doktor na ‘to! Ano ba ang gusto nilang gawin natin? Eh, wala nga tayong na-receive na sample.”

Isang malalim na buntong hininga na lamang ang naisagot ko.

“Ikay na muna dito, Sir Theo. Punta lang ako sagllit sa Phlebotomy section para itanong.”

Ang Phlebotomy section kasi ay nasa labas ng main laboratory. Hindi naman malayo pero kailangan mo lang maglakad ng tatlong minuto.

Nang marating ko ang phlebotomy section ay kumatok ako kaagad at binuksan na ang pinto.

Naabutan ko sa loob ang tatlong registered medical technologist at apat na interns.

“Good monrning,” bati ko.

“Good morning, Sir Kasper. Yes, Sir?” Tanong sa akin ni Ma’am Agnes.

“Uhm, Ma’am, magtatanong lang po ako tungkol kay patient Hillary Jane Ignacio. Tumawag po kasi sa amin si Doc at naghahanap na ng result for Trop I and Pro-BNP, pero wala po kaming na-receive na sample at kahit yung request form ay wala rin. Tanong ko lang po kung nakuhanan na.”

“Wait lang, Sir.”

Hinarap naman ni Ma’am Agnes ang computer at tinipa doon ang pangalan nung pasyente.

Pagkatapos nang ilang segundo ay nakuha na rin ang sagot.

“Ah, siya po yung nasa ICU. Ako po sir ang kumuha ng dugo kay patient. Hindi po nakikita yung request sa system kasi galing operating room po yung pasyente nang mag-request si Doc ng test pero nung nailipat na sa ICU, nagkaroon ng error kaya pansamantalang nawala. Need lang iyon i-edit ni Doc ulit sa system para lumabas pero baka nakalimutan na.”

Mas lalo akong nagtaka.

“Edi napasok na po siya sa laboratory kanina pa?”

Tumango naman si Ma’am Agnes. “Yes po, Sir. Kasama po yun nung first batch. Mga around seven iyon naipasok.”

“Pero wala po kaming na-receive, Ma’am.”

“Hala, bakit po wala?” Nilingon naman ni Ma’am Agnes yung mga interns. “Sino sainyo yung pumasok ng first batch ng mga samples sa lab?”

Tinaas naman nung isang babaeng intern ang kamay niya. “A-ako po, Ma’am.”

“May naipasok ka bang Hillary Jane Ignacio sa loob?”

Napa-isip naman iyong intern.

“H-hindi ko na po matandaan… sorry po, Ma’am.”

“Oh, sige. Hanapin na lang natin iyon sa loob ng lab kasi baka naibigay mo sa ibang sections. Samahan ko na po kayo sir maghanap.”

“Sige po. Thank you po, ma’am.”

Sinamahan naman ako ni Ma’am Agnes sa pabalik sa loob ng laboratory.

Napaisip naman ako habang naglalakad kami pabalik, if ever kasi na sa maling section ng laboratory naibigay yung sample, makikita naman iyon ng mga interns sa receiving area yung pangalan ng pasyente, yung test, at yung request form.

At, I’m assuming, na kapag naka-receive sila na iba ang test na nakalagay sa barcode nung sample, ay ibibigay naman nila iyon sa amin. Katulad na lamang sa isa sa mga paalala ko sa mga interns sa section namin na kapag namali ng bigay yung phlebotomist ng sample sa amin ay kami na lang mismo ang bibigay ‘non sa tamang section. Kaya I am expecting others to do the same too.

“Good morning, Ma’am Bing,” bati ko kay Ma’am Bing na galing Hematology.

Wala namang nare-receive na yellow top tube ang hematology, just in case lang.

“Ay, yes, Sir Kasper? Anong maitutulong ko sa’yo?”

“Tanong ko lang po kung may na-receive kayong sample and request ni patient Hillary Jane Ignacio.”

Binalingan naman ni Ma’am Bing ang mga interns.

Hinanap muna nila sa kanilang logbook kung mayroon pero mukhang wala naman.

“Wala daw silang na-receive, Sir Kasper. Wala rin akong na-release na result na ang pangalan ay Hillary.”

“Sige po, Ma’am. Thank you po!”

Habang patagal nang patagal ay nararamdaman ko na ang pananakit ng ulo ko. Inaasahan ko pa naman ngayon na magiging chill lang kasi sunday pero mukhang nagkakamali ako.

Isa ‘to sa mga bagay na pino-problema ng mga laboratory sa isang government hospital o sa kahit anong hospital. At bilang ikaw yung senior medtech on duty ay sasarguhin mo kung ano man ang mangyari sa loob ng shift mo.

Papunta na sana ako ng ibang section nang tawagin ako ni Ma’am Agnes.

“Sir Kasper!” 

Nilingon ko naman ito at nakitang may hawak na itong yellow top tube at papel.

Guminhawa naman kaagad ang pakiramdam ko nang makita si Ma’am na may dalang magandang balita.

“Nasa Clinical Chemistry section daw naibigay. Pero yung intern na nasa receiving area ay na-toxic kasi madaming dumating na mga sample kaya s-in-et aside na muna daw niya pero nakalimutan nang ibigay sa serology.”

Makakahinga na rin.

“Thank you po talaga, Ma’am Agnes. Mauna na po ako para ma-process na ito kaagad.”

Nang makuha ko na sa kaniya yung sample at yung request ay agad akong bumali sa section namin.

Naabutan ko silang abala at parang kinakabahan.

“Sir!” Tawag sa akin ni Theo.

Ibinigay ko naman yung sample sa mga interns.

“Paki-process na po nito para maibigay na natin yung result. Yes, Sir Theo?”

Napansin kong kabado ang mga interns at maging si Sir Theo ay mukhang kinakabahan rin.

“May nangyari ba nung wala ako?”

Nag-aalala namang tumango si Theo.

“Pumunta dito kani-kanina lang si Sir Winston. Pinapapunta ka sa opisina niya… mukhang galit.”

Akala ko nasolusyonan na yung problema ko, mukhang mali na naman ako. 

Napakamot na lamang ako sa aking sentido. “Sige, puntahan ko na. Pasensya na, Sir Theo. Ikaw na muna bahala dito.”

“Don’t worry, Sir. Unahin mo na muna ‘yan at mukhang wala sa timpla si Sir Winston.”

Si Sir Winston ang Chief Medical Technologist ng aming hospital. Lahat ng mga issues at ano pa mang mga importanteng bagay ay dumadaan sa kaniya. Kaya kapag napatawag ka sa opisina niya ay para ka na ring napapunta sa principal’s office.

Ngayon pa lang ay alam ko nang may kinalaman ito sa nangyaring insidente kanina. Malamang ay nag-sumbong na yung doktor kay Sir Winston.

Kapag may mga reklamo kasi sa laboratory ang mga doctors, nurses, o iba pang staf ng mga hospital ay kaagad nila itong nire-report kay Sir Winston. Kaya kung ano man ang nagawa mong mali, malaki man o maliit, ay agad iyong pinatatawag ni Sir Winston sa opisina niya.

TOK TOK TOK

Kumatok ako sa opisina ni Sir Winston bago binuksan ang pintuan.

Binubuksan ko pa lamang ang pinto ay naririnig ko na na may kinakausap na isang lalaki si Sir Winston.

“Good morning po, Sir Winsto—”

Napahinto ako sa pag bati kay Sir Winston nang magtama ang mga mata namin nung lalaki na kasalukuyang kausap niya ngayon.

Parehon nanlaki ang mga mata namin nang magtagpo ang mga ito. Pareho naming hindi inaasahan na makita ang isa’t isa… lalo na sa ganitong sitwasyon.

T… Tucker?

.

.

.

.

Kasper H. Antonio
, RMT, MPH, MSMT, MLS(ASCPi), SMB(ASCP)

Tucker Luis M. Burke
, MD, PhD, RMT


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.50.274
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.