loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)

"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)

Veilofthedark · 79 chapters · 342,241 words

PAHINA PARA SA KADALDALAN NG AUTHOR

Hi, guys!

If you want to share your thoughts/reactions/feedback about the update or the story itself, you may do so by tweeting it with the tagline “CATCH ME ATTORNEY” Include n’yo lang siya sa tweet and hundred per cent sure na mababasa ko siya.

This installment has sensitive topics. Please allow the characters and the theme to progress.

Though, part ito ng series, hindi naman ito directly connected sa storyline ng tatlong novels na nauna. It contains spoilers about the past novels but you may read this without reading the first three. Pero kung gusto mong basahin in order, that’s totally fine. The choice is all yours.

As of November 2021, tapos na po ang Season 1 ng book. May Season 2 rin but ongoing.

DATE STARTED: January 22, 2021.

Book cover by Heinz Gonzales ♡

DISCLAIMER

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

TRIGGER WARNING:

The story contains violence and strong language. They are needed for the storyline and the characters to develop. The story itself does not glorify them in any means. Feel free to skip any scene that you may find yourself not comfortable with.

READER DISCRETION IS ADVISED.

PROLOGUE

“LET’S START THE FUN!”

Umalingawngaw ang sigaw na iyon sa buong bahay kasabay ang malalakas na tugtugin at hiyawan ng mga tao.

Sa bawat pagsayaw nila ay kita ang kasiyahan. May ilang mga halos tumumba na dahil sa epekto ng alak ngunit marami pa rin ang nagsasaya na animo’y wala nang bukas.

Nagkalat ang mga confetti sa paligid. Kaliwa’t kanan naman ang mga lamesa para sa pagkain at inumin. May mga tao na nag-uusap lang sa unang palapag, mga sumasayaw at nakikigulo sa ikalawang palapag, at sa ikatlong palapag naman ay mga kuwarto.

Sa dingding ng bahay ay may nakakabit na mga tarpaulin. Kung babasahin, malalaman mo kaagad ang sanhi ng pagdiriwang.

“West Carson High, National School Sports Competition (NSSC) All Sweep Champions in Season ’92,” pagbabasa rito ng isang lalaking naka-upo sa gilid at bumuntong-hininga.

Nang marinig iyon ng babaeng tinabihan niya ay agad itong natawa.

“Ba’t ang lalim naman ng buntong-hininga mo, Nashville?” tanong ng babae sa lalaking nakasuot ng beige-colored turtle neck, light brown denim jacket and pants. Naka-suot din ito ng puting sapatos.

“Bakit Braelyn, bawal ba?” nakangising tanong ni Nashville habang pinanunuod ang mga estudyanteng sumasayaw.

Natawa ang babae. “Para kang kambing, tanga.”

Natawa rin si Nashville. “Ang dami nang nalalasing, oh. Hindi mo ba sila pipigilin?”

“Sino ba kasi nagpasok ng alak dito?” tanong ni Braelyn na bahagyang naiirita. “Hindi na ’ko magugulat kung makarinig nalang tayo ng tunog ng sirena ng mga pulis at ma-raid tayo rito. Imagine, we are all underage here, Nashville, and yet people are drinking and smoking!”

“Why don’t you report us, then?” tanong ni Nashville. “Ikaw nalang kaya hinihintay ko mag-react. Honestly, sumasakit na ulo ko sa amoy ng sigarilyo.”

“Same,” natatawang sabi ni Braelyn. “Pero ewan ko, natatakot ako. Alam mo naman kapag pinakialaman mo ang buhay ng kahit na sino sa West Carson High, buhay din ang kapalit.”

Biglang natahimik si Nashville at maya-maya’y ngumiti nang tipid.

“Whoa-ho-ho, the peacemaker of West Carson High is a scaredy-cat, huh?”

Biglang nanlaki ang mga mata ni Braelyn na ikinagulat ni Nashville.

“W-Why?” takang tanong ni Nashville. “Did… I say something offensive?”

“Speaking of school!” sabi ni Braelyn at agad na inilabas ang iPad niya. “Maniningil pala ako tonight for the props. Kanina sana ’yon kaso championship nga. Hold on… Nashville Burlington… let’s see if bayad ka na…”

Maang na tinitingnan ni Nashville ang kaklase.

“Seriously, Braelyn?” tanong niya. “Hanggang… sa ganitong lugar at pagkakataon maniningil ka…?”

“Siyempre, ’no. Allowance ko pinangbayad ko, e,” sabi nito at naningkit ang mga mata. “Chinichika-chika mo ’ko, hindi ka pa pala bayad pota ka…”

“Magkano ba?” tanong ni Nashville at nilabas ang wallet.

“850.”

“Ang mahal naman. Olympics ba ’yang ni-design niyo,” reklamo niya at inilabas ang wallet. “’Yun lang,  wala akong cash. Next week nalang sa room.”

“Hindi pwede,” determinadong sabi ni Braelyn. “Do bank transfer.”

Pinanliitan siya ni Nashville ng mata. “Sigurista ka, ’no?”

Binuksan ni Nashville ang cellphone niya at nang ma-transfer na ang pera ay iniharap iyon kay Braelyn.

“Okay na, masaya ka na?”

“Yup,” nakangiting sabi ni Braelyn at tumayo. Ikinawit nito ang bag sa balikat at akmang aalis nang pigilan ito ni Nashville.

“Sa’n ka pupunta?” tanong niya.

Ngumisi si Braelyn. “Maniningil.”

At maya-maya’y naglakad na ito papalayo. Pinanuod ni Nashville kung paano nito isa-isang nilapitan ang mga kaklase at siningil.

“Hoy, bago ka mag-twerk diyan, ambag muna. 850.”

“Braelyn, hanggang dito ba naman???”

“Eight pipti!”

Napa-iling nalang si Nashville sa paniningil ni Braelyn sa mga kaklase.

“Daig pa bumbay, ’no?”

Napatingin si Nashville sa nagsalita at nang tingnan niya ang lalaki, nakasuot ito ng puting polo at naka-tuck in iyon sa brown nitong pantalon at nakaputi rin itong sapatos. Bagsak naman ang itim nitong buhok at suot ang bilog na salamin.

“Sinabi mo pa, Greysen,” sabi niya sa kanilang class president. “By the way, Congrats pala. Galing, champion sa soccer. Sali niyo ’ko sa team minsan.”

“Sure,” nakangiting sabi nito. “Everyone’s dancing, ba’t naka-upo lang ang School Performer?”

Natawa si Nashville. Kilala kasi siya bilang performer ng buong school. Sa katunayan, trainee nga siya ng isang talent agency at naka-line up para i-debut sa magiging bagong boy group.

“Ayoko ng kantang tumutugtog. Pang—you know—may edad na,” sagot niya.

Natawa naman si Greysen. Nang makita ni Nashville ang alak sa kamay nito ay maang na tiningnan niya ito.

Kilala si Greysen bilang Ace ng school nila. Bukod sa natural intelligence na mayroon ito, athletic pa ito at mahusay makipag-kapwa. Laging laman pa ito ng mga quiz bee at laging nasa officers ng kung anu-anong organization.

Nang minsan ngang nagkaroon ng popularity poll sa school nila ay nanguna ito at kasunod siya.

Nang mapansin ni Greysen ang tingin ni Nashville sa alak sa kamay niya ay ngumisi siya.

“Shocked?” tanong nito sa kanya.

“N-No, I mean—it’s just that… paano kung malaman ng mga—”

“Teachers natin?” putol sa kanya ni Greysen. “Our adviser knows, though.”

“Really?” tanong ni Nashville. “How?”

“She gave this to me,” sagot ni Greysen habang nangingiti dahil sa ekspresyon ni Nashville.

“SHE’S HERE?” he exclaimed.

Greysen pointed his lips at something ang from there, he saw their adviser, who was in her 20’s, dancing along with their schoolmates.

“I thought banned ang teachers sa party na ’to…” bulong niya.

“Well, not anymore,” sagot ni Greysen. “Oo nga pala. Have you seen Levi?”

Napatingin si Nashville kay Greysen. Si Levi ay iyong kaklase nilang masiyadong mahangin at mataas ang tingin sa sarili. Napakababa rin ng tingin nito sa mga performers gaya niya kaya hindi sila nagkakasundo nito. Kung hindi lang ito gwapo at dating child actor ay wala itong maipagmamalaki sa buhay, iyon ang tingin niya.

Sa katunayan, iyon ang dahilan kung bakit sikat ang West Carson High. Bukod sa madalas itong manalo sa mga competitions na sinasalihan nito, ang mga estudyante nito ay may sinasabi sa buhay. Kung hindi artista, model at social media influencer, ang mga magulang, for sure, ay inclined sa pulitika o mga businesses.

“Last time I saw him, he was talking with Reese,” sagot ni Nashville rito.

“Reese?” gulat na tanong ni Greysen.

“Yup. Our school warfreak, Reese.”

Si Reese naman ay ang kaklase nilang walang nagtatakang kumausap. Dahil bukod sa intimidating ang hitsura nito ay mukha itong nananapak. May usap-usapan pa ngang lider ng mafia ang tatay nito kaya kinatatakutan ito ng lahat.

Bago pa man makasagot si Greysen ay may bagong kanta na tumugtog. Napangisi si Nashville nang marinig ang intro ng Fancy ng Kpop group na TWICE.

“This is my calling, I guess,” sabi ni Nashville at tumayo at agad itong nakihalubilo sa mga tao at nanguna sa pagsasayaw.

“Ako ang Nayeon!” rinig ni Greysen na sabi nito bago siya tumayo at naglakad para hanapin ang kaibigang si Levi.

“Greyyyy!”

Agad siyang napatingin sa gilid niya nang may tumatawag sa kanya. Nang tingnan niya ay agad itong lumapit sa kanya. Ang babae ay nakasuot ng itim na dress at kitang-kita ang dibdib nito.

“Missi,” sabi ni Greysen. “Bakit?”

“Kasama mo ba si Lyle?” tanong nito at namumula na ang pisngi dahil sa alak. “Kanina ko pa tinatawagan, hindi ako sinasagot. Tinititigan lang siguro n’un screen ng phone niya habang nag-ri-ring.”

Natawa si Greysen dahil base sa pagkakakilala niya kay Lyle ay malamang ganoon ang ginawa n’un.

Si Lyle Heimsworth ay ang nakababatang kapatid ng sikat na prosecutor na si Avery Heimsworth. Gaya ni Avery, intimidating din si Lyle pero hindi gaya ni Avery, allergic naman ito sa mga tao. Gagawa at gagawa ito ng paraan para hindi makihalubilo.

Inilabas ni Greysen ang cellphone niya at pinakita ang reply ni Lyle na like-zone nang tanungin niya kung hindi ba ito pupunta.

“As expected from that jerk,” sabi ni Missi. “Enjoy the night, Mr. President!”

“Sure,” sagot ni Greysen. “By the way, nakita mo ba si Levi?”

“Levi?” tanong ni Missi. “Huli ko siyang nakita may kahalikan na babae sa first floor.”

Napabuntong-hininga si Greysen. He had an idea of where his friend could be.

“Sige, Missi. Thank—” natigil siya nang makita ang hawak na alak ni Missi. “Ganyan kataas tinatagay mo?”

Tumango si Missi. “Hindi ba dapat ganto?”

“Masiyado ’yang mataas,” sabi ni Greysen at kinuha ang alak ni Missi at ininom ang kalahati niyon. “Ganyan lang dapat.”

“Ah, okay…” bulong ni Missi.

“Sino ba ’yang mga kasama mo?” tanong ni Greysen habang tinitingnan iyong mga lalaking nasa table na pinanggalingan ni Missi.

“Ah, mga taga kabilang section,” sabi nito.

“And Reese?” tanong niya nang hindi ito makita. Parati kasing magkasama si Reese at Missi.

“Ewan,” sabi niya. “Biglang naglaho, eh.”

“Uminom nang kaya ha,” payo niya rito. “I’ll go.”

“Byeeee!” bati ni Missi.

Nang umalis si Greysen ay bumalik na si Missi sa table nila.

“Si Greysen ’yon, ’di ba?” tanong ng lalaki bago umakbay kay Missi. “Pinopormahan ka ba n’un?”

“Kung pinopormahan ako n’un, eh ’di sana sinapak ka na n’un,” sabi rito ni Missi at hinampas ang kamay ng nagsasalin sa baso niya ng alak. “Tinataasan mo, eh. Nilalasing niyo ’ko, ’no?”

“’Di ah!” reklamo nila. “Mahina lang talaga kayo uminom.”

“Aba, lasenggo,” sabi rito ni Missi.

“By the way, Missi. Ano pala full name mo?” tanong ng isa.

Doon natigil si Missi. “H-Huh?”

“Ano full name mo, ’ka ko. Para ma-add kita sa Facebook.”

“Missi Smith,” natatarantang sagot ni Missi. “’Yun lang search mo, lalabas na ako.”

“Bakit Missi? ’Yun ba full name mo?” tanong ng isa pa.

Ramdam niya ang kalabog ng dibdib niya.

“Alam ko, hindi,” sagot ng isa pa. “Mississippi ’yun, ’di ba?”

Napalunok si Missi. Nag-iisip na siya kung paano siya aalis.

“Missi, how do you spell your—”

“WAIT!”

Natigil sila nang bigla siyang tumayo.

“N-Na-iihi ako, saglit lang…”

“Paano muna i-spell ’yung—HEY, MISSI! HEY!”

Hindi na niya natapos ang sasabihin nang halos patakbong umalis si Missi sa second floor.

“MISSI, ’YUNG BAYAD—” hindi na natapos ni Braelyn ang sasabihin niya nang lampasan siya nito.

Pilit siyang ngumiti nang mapahiya sa sarili.

“Okayed,” sabi ni Braelyn. “Tuloy pa rin ang buhay.”

Naglakad siya at nang makita ang kararating lang na kaklase ay sinalubong niya ito.

“Hi, Everleigh,” sabi niya. “Bayad mo pala sa—”

Natigil si Braelyn nang biglang ihagis ni Everleigh sa kanya ang one thousand-peso bill at agad niya iyong sinalo.

“Keep the change,” tipid na sagot ni Everleigh at naglakad papalayo.

“T-Thanks!” pahabol ni Braelyn at inamoy ang pera. “Ang bango ng pera pero ang baho ng budhi ng pinanggalingan.”

Umismid siya at naghanap pa ng mga kaklase.

Habang naglalakad ay heels ni Everleigh ang maririnig. Inilabas niya ang cellphone at isa-isang vinideohan ang mga nagaganap.

“Ew,” bulong niya habang tinitingnan ang mukha ng ilan.

Habang sumasayaw ang lahat sa halu-halong tugtugin ay hinanap ni Everleigh ang outlet. Nang makita ay agad niya iyong binunot.

Napahinto ang lahat nang tumigil ang musika. Ang mga nagsasayawan ay umalma at lahat ay tumingin sa kanya maging si Nashville ay umikot ang mga mata.

Tinanggal ni Everleigh ang sunglasses niya at ipinatong ang dalang bag sa malapit na upuan at patuloy na vini-videohan ang lahat.

“Underage drinking, underage partying, and underage smoking,” sabi niya at ngumisi. “Have you all lost your mind?”

Bulungan ang sumunod matapos niyon.

“Akala ba ninyo palalampasin ko ’to?” tanong niya.

“What do you expect from a party, huh, Everleigh?” tanong ng isa nilang kaklase. “A prayer meeting?”

Nagtawanan sila.

“Nice idea. Why don’t you guys start a prayer meeting now because once I send this video to the school officials and to the police, let’s see whose career will end and for sure, honey, hindi akin ’yon.”

Natahimik ang lahat.

“Let’s see who’s laughing at whom at the end,” dugtong niya.

Walang nakakibo sa kahit na sino

Nang mapansing wala nang makasabat sa kanya, muling kinuha ni Everleigh ang bag niya. “Fix yourselves and clean this place. I’ll give you few minutes to save your ass.”

Kinuha niya ang perfume sa bag at nag-spray sa paligid.

“Ew,” bulong niya.

Just like that, she went away.

Everleigh was known as the school’s witch. No one dared to be her enemy. She was that dangerous to fight against with.

Nang maka-alis sa second floor at papuntang third floor ay nakita ni Everleigh si Missi na may tinatawagan. Halos pa-iyak na nga ito.

“Mommy… please answer your phone…” bulong nito habang kinakagat ang daliri. “Mommy…”

Tiningnan niya ito at ngumisi. Alam na niya ang problema nito kahit hindi nito sabihin.

“Mommy I just wanna know the spelling of my name…” bulong nito. “Please answer…”

It was Missi’s struggle. In her 17 years of existence, hindi niya makabisado ang spelling ng pangalan niya.

“M as in Mango, I as in India, double S as in Snake then I, double S again then I, double P as in People then I again. That’s the spelling of your name.”

Parehong napatingin sina Missi at Everleigh sa nagsalita and it was Hale Parker, their weird classmate who literally have no friends.

“Thanks but no one asked,” malditang sagot dito ni Missi.

Sa totoo lang, iwas siya rito dahil bukod sa kinakausap nito mag-isa ang sarili parati ay may pagka-manyakis ito.

“Bakit naman galit ka?” tanong ni Hale. “Tinutulungan na nga kita.”

“Hindi ko kailangan ng tulong mo,” sagot ni Missi rito.

Pumalatak si Everleigh dahilan para tingnan siya ng dalawa.

“A lovers’ quarrel, huh?” sarkastiko niyang tanong. “Bagay kayo.”

“Talaga?” nakangiting tanong ni Hale.

Nakangiting tumango si Everleigh. “Oo. Ba’t ’di mo akbayan si Missi and I’ll take a photo of you?”

“EW?!” tugon ni Missi at inirapan siya bago umalis.

Napangisi si Everleigh nang makita kung paano na-bwisit si Missi. Na-iinis siya kapag nakikita niya ito at hindi niya malaman ang dahilan.

“Bakit ba parati mo siyang iniinis?” tanong ni Hale.

Tiningnan ni Everleigh si Hale at nagkibit-balikat.

“Ewan. Siguro, I just hate people who are good for nothing and have nothing to offer aside from a pretty face,” sarkastikong sabi ni Everleigh. “Just like you, Hale.”

“H-Huh?” maang na tanong ni Hale.

“Swimmer ka, right?” tanong ni Everleigh. “Other than that, ano pang meron ka?”

Bumuka ang bibig ni Hale pero hindi niya malaman ang sasabihin.

“Bukod sa yaman ng pamilya mo, sino ka?” tanong ni Everleigh at ngumisi.

Hale gulped.

“Do you wanna know what our adviser think of you?” tanong ni Everleigh. “She thinks you have no future ahead of you, Hale. You will be forever under your family’s shadow. What a pity.”

Hale bit his tongue. “S-She said that?”

Everleigh nodded.

“Wow…” bulong ni Hale habang nangingilid ang luha.

“Gwapo ka, Hale. Pero hindi ba dapat, may laman din ang ulo mo?” tanong ni Everleigh. “Think of that.”

Tinapik ni Everleigh ang balikat ni Hale at umakyat na pa-itaas.

Natigil lamang siya nang may makitang mga dugo sa hagdan. Pagtingin niya sa itaas ay nakita niya si Greysen na tinitingnan din ang nagkalat na dugo at nanlalaki ang mga mata.

“What happened here?” tanong ni Everleigh.

Greysen shrugged. “Hindi ko rin alam…”

“Cutie, right?”

Napatingin sila sa nagsalita at nanggaling iyon sa isang babae. Maikli lamang ang buhok nito at may kulay ang ilalim. Naka-suot ito ng itim na leather jacket at naka-upo sa gilid ng pinakatuktok na hagdan at may lollipop ang bunganga.

It was Reese.

“May pinukpok ako ng bote sa ulo,”  proud na sabi nito. “Dugo niya ’yan habang bumababa.”

“W-What…?” maang na tanong ni Everleigh. “Why did you do that?!”

“He tried to kiss me, I warned him. Eh makulit, I had no choice. I gave him enough money to bring himself to a hospital so need to be that problematic, Everleigh. Stop being so fake.”

Everleigh scoffed.

“Nakita mo ba si Levi?” tanong ni Greysen.

Ngumisi si Reese. “Oh, that fuck boy?”

“Fuck—what?” tanong ni Greysen.

“Missi and I saw him kissing someone sa first floor kanina,” sabi ni Reese habang pinaglalaruan ang lollipop sa bunganga niya. “When he went to the third floor, he was with a different girl. Levi might be fucking someone and you want a clue?”

Hindi sumagot si Greysen. Ngunit ngumisi si Reese nang tingnan niya si Everleigh.

“It’s your sister, bitch.”

Everleigh’s eyes widened. Agad-agad itong pumanhik at na-iwan mag-isa si Greysen sa hagdanan.

Nang tingnan ni Greysen si Reese ay tumatawa na ito.

Napa-iling nalang si Greysen at sinundan si Everleigh habang si Reese ay patuloy sa pagtawa.

Nang makarating sa third floor ay agad na binuksan ni Everleigh ang isang kwarto. Agad siyang nasundan ni Greysen at pareho silang natigil sa kinatatayuan.

Sa loob ng kwarto ay si Levi na wala nang damit pang-itaas. Sa harap niya ay isang babae na hinahalikan ang katawan niya at unti-unting tinatanggal ang sinturon ng pantalon niya.

Napalunok si Greysen sa nakita. Si Everleigh naman ay namula sa galit.

“Close the door or watch the live show,” sabi ni Levi nang hindi sila tinitingnan.

Agad na sumugod si Everleigh at hinablot ang buhok ng babae sa pag-aakalang kapatid niya iyon. Bumagsak ang babae at kinaladkad niya iyon palabas. Napatalikod naman si Greysen nang makitang walang saplot pang-itaas ang babae.

“EVERLEIGH, WHAT THE FCK?!” reaksyon ni Levi.

“STAND RIGHT THERE!” sigaw ni Everleigh kay Levi ngunit nanlambot siya nang makita ang mukha ng babae.

It wasn’t her sister.

Maya-maya’y sumulpot si Reese na patuloy na pinaglalaruan ang lollipop at tiningnan ang gulo. Bahagyan itong ngumisi nang tingnan ang kaguluhan sa loob ng kwarto.

“What’s funny?” tanong ni Greysen dito.

“Si Everleigh,” sabi nito at lalong ngumisi nang makita ang reaksyon ni Everleigh. “I was just kidding. Her sister is at the first floor. Ibang babae kasama ni Levi.”

“Why did you lie?” tanong ni Greysen.

“Why not?” tanong ni Reese. “I want to see her panic.”

Agad na kinuha ng babae ang saplot at tumakbo palabas. Naiwan sina Everleigh at Levi sa loob habang sina Reese at Greysen naman ay nasa pinto.

“Mind to explain what the hell just happened?” naiiritang tanong ni Levi. Bagsak ang itim nitong buhok at may butil-butil na pawis ang mukha at ang maputi nitong dibdib na kahit na may pagka-dim ang kwarto ay kitang-kita ito. Bahagyan na ring nakatanggal ang sinturon nito. Pumeywang si Levi habang hinihintay sila sumagot.

“They thought you were fucking her sister,” sagot ni Reese na natatawa.

“We thought?!” tanong ni Everleigh. “You told us he was!”

“Wow, did you believe me?” tanong ni Reese. “I was joking, though.”

“Joking?” tanong ni Everleigh. “Bagay sa ’yo. Your whole life is a joke.”

Reese was offended. “What did you say?”

Everleigh smirked.  “Ang sabi ko, basura ka at basura ang pamilya mo. Hanggang dito, amoy na amoy ko.”

Sasagot pa sana si Reese nang muling tumugtog ang malakas na kanta at bumalik ang hiyawan.

Umirap si Everleigh. “I told them to stop!”

Bago lumabas ay binunggo ni Everleigh si Reese at umalis. Nagpigil naman si Reese at naglakad na rin papalayo nang mawala na si Everleigh.

Nang naiwan si Greysen at Levi ay napangisi ang dalawa nang magtama ang paningin nila.

“Tss,” Greysen said as he scoffed. “Seems like you are having a great time here, huh?”

“Not that much,” sagot ni Levi habang hinahanap ang polo.

“Not that much but yours is as hard as rock?” tanong ni Greysen.

Agad na ini-ayos ni Levi ang pantalon at natawa. “Were you looking at it? Why, you wanna touch?”

“Kadiri ka, gago,” sagot ni Greysen na ikinatawa nilang dalawa.

“Levi, be careful. Ayoko pa maging ninong,” sabi ni Greysen habang nakasandal sa pinto at pinanunuod ang kaibigan na magbihis.

“Don’t worry,” sagot ni Levi. “What are condoms for?”

“You’re just 17, dumb ass,” sagot ni Greysen. “We should not normalize it.”

“Normalize shutting your mouth too, Greysen. I’d appreciate that.”

Natawa silang pareho.

Nang makapagbihis ay hinarap ni Levi ang kaibigan.

“Got a cigarette with you?”

“Do I look like I smoke?” tanong pabalik ni Greysen. “Tsaka, why would you smoke?”

“There are benefits, though,” sabi ni Levi habang isinusuot ang sapatos.

“Like?” tanong ni Greysen.

“Like you look hot and you die early.”

Nagkatawanan sila nang malakas. Alam niyang hindi maninigarilyo ang kaibigan at nagbibiro lang ito.

“Let’s go,” sabi ni Levi. “Did Lyle come?”

“Nope,” sagot ni Greysen at sinabayan ang kaibigan sa paglabas ng kuwarto. “Same as old.”

“Mukhang sasakit puson ko nito ah…” bulong ni Levi.

Sinuntok ni Greysen ang tyan ng kaibigan nang ma-gets niya ang gusto nitong sabihin. Tawa ng dalawa ang maririnig sa buong third floor.

Sa buong gabi ay puro hiyawan ng kabataan ang maririnig. Sayawan dito, kantahan doon. Sa bawat pagpatak ng oras ay mas umiingay ang lugar at mas nawawala sa sarili ang mga tao.

Ngunit hindi nila alam ay sa bawat hiyawan nila ay isang palahaw ang hindi na nila naririnig.

Sa bawat malakas na tugtog ay humahalo ang iyak at paghingi ng tulong.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Sumirit ang dugo.

Apat.

Lima.

Anim.

Pito.

Nawalan na ng bilang ang tao sa dami ng beses na sinaksak niya ang kawawang biktima na nakahandusay at naliligo sa sariling dugo.

Sa huling pagsaksak ay bumaon iyon sa puso mismo ng babae. Inikot-ikot niya ang kutsilyo, dahilan para sumuka ito ng dugo at unti-unting binabawian ng buhay.

Ngisi ang naging tugon ng kung sino mang sumasaksak na iyon nang makita niya kung paano ito nangisay dahil literal na dinurog niya ang puso nito gamit ang kutsilyo.

Bumaha ng dugo ang buong lugar. Inikot-ikot niya pang muli ang kutsilyo at rinig niya ang pagsirit ng malalapot na pulang likido.

Ngumisi siya nang makitang may luhang lumabas sa mata ng babae bago ito tuluyang namatay nang nakadilat.

Nilabas niya ang blade at tinapos ang isang obrang matagal na niyang gustong tapusin…

Ilang minuto lang ang nakalilipas ay isang napakalakas na tili ng babae ang maririnig sa buong lugar. Agad na nagtakbuhan ang lahat sa kinaroroonan ng babae at isang bangkay at isang lalaking may hawak na kutsilyong puno ng dugo ang tumambad sa kanila.

“Fuck…” bulong ng isa. “’D-Di ba, adviser niyo ’yan…?”

Hindi makakibo sina Everleigh, Greysen, Levi, Nashville, Braelyn, Missi, at Reese.

Kitang-kita nila ang wala nang buhay na katawan ng kanilang guro.

“C-Call the police…” bulong ng isa. “May police station diyan sa labasan. Call the police, we got the killer!”

Nanlaki ang mga mata ng lalaking nakatayo at may hawak na kutsilyo. Nanginginig ito at puro dugo ang kamay. Nangingilid na rin ang luha nito.

“Hale…” bulong ni Missi nang makilala itom

Tiningnan ng lalaki ang lahat. Nanginginig ang mga kamay na binitawan niya ang kutsilyo.

“H-Hindi ako ’yon…” nanginginig niyang sabi at lalong nangilid ang luha sa mga mata. “T-Tinanggal ko lang ang kutsilyo, hindi ako—”

Natigil siya nang marinig ang tunog ng sirena ng mga pulis.

Tumulo ang luha niya at tiningnan ang mga kaklase.

“Tumulong lang ako dahil baka buhay pa siya,” sabi niya. “Tinulungan ko lang siya…”

Isa-isang pinalibutan si Hale ng mga tao at patuloy lamang siya panginginig. Patuloy din sa pagtulo ang kanyang mga luha.

“Hindi ako ’yon…” bulong niya at humagulgol. “Hindi ako…”

Did you see it?

Did you hear it?

Did you feel it?

“The killer…” bulong ng isa sa kanila. “…is hiding behind the face of a 17-year-old…”

At bago pa man may makapag-react sa kanila habang ang ilan ay umiiyak at nanginginig sa takot, may napansin ang isang estudyante. Agad silang napatingin doon at lalo silang kinilabutan.

Sa dibdib ng biktima ay may naka-ukit sa balat nito na mga salita. Halata na blade ang ginamit ng killer dahil na rin sa hugis nito.

“THE WITCH HUNT STARTS,”

basa ni Everleigh sa unang mga salita na naka-ukit. Tumutulo pa ang dugo mula roon.

At sa baba nito, ay ang huling mga kataga.

“CATCH ME, ATTORNEY…”

PART ONE: THE CASE’S LAST ACE

“START NA PO?”

Sa loob ng isang kwartong bahagya ang dilim ay makikita ang isang lalaking bagsak ang buhok at nakasalamin na bilog. May katangkaran ang binata at tama lang ang pangangatawan.

Tumango ang nasa harap nito at ini-ayos ang camera.

“Let’s start with your name,” sabi ng lalaking detective.

“Greysen,” sagot ng lalaki. “Greysen Finch. They call me Grey, whichever they comfortable.”

“Missi,” sagot naman ng isang babaeng maamo ang mukha sa isa pang video. “Mississippi Smith ang full name ko but please don’t ask me to spell it out, it’s exhausting, officer.”

“Levi Hudson,” sagot naman ng isang lalaking naka-suot ng itim na polo at bukas ang apat na butones sa isa pang video. “Hindi ka ba mahilig manuod ng TV, officer? I’m all over the advertisements.”

“Braelyn Yngrid po,” sagot ng babaeng may hawak na iPad at nakangiti sa isa pang bukod na video. “Ano pa po need niyo?”

Sa isang video naman ay isang binatang puno ng pangamba ang mukha.

“Kapag po ba… sinabi ko ang pangalan ko, ma-pro-protektahan ninyo ako?” tanong nito.

“Bakit?” tanong ng detective.

“T-To tell you honestly…” nakagat nito ang labi. “Trainee po ako ng isang talent agency at… at naka-set po ako mag-debut sa isang boy group this year. Kung… kung madadawit po ang name ko baka… baka maging issue pa.”

“I’ll try to help you but you have to help us too,” sagot ng detective. “Let’s start with your name.”

Bumuntong-hininga ito ng malalim.

“Nashville Burlington. They call me Nash sometimes.”

“Reese Turner,” sagot ng babaeng may maikling buhok at may kulay ang ilalim. Naka-suot ito ng itim na leather jacket at may lollipop ang bunganga. “Turner like you spin my head right round, right round, when you go down, when you go down down.”

Tumawa ito nang malakas at hinahampas pa ang table sa sobrang tuwa sa sarili niyang biro.

“Sorry officer, sorry,” sabi nito at natawa uli. “That was hilarious!”

“Why do you need my name?” taliwas sa malalakas na tawa ni Reese ay napakaseryoso naman ang susunod na video clip. “Officer, ini-interview—or interrogate ninyo kami without the presence of a lawyer and mind you, minors kami. Are you… trying to pin us with this murder case, huh?”

“Hindi naman sa ganun, miss. Hindi kayo suspects. Kailangan lang namin tingnan ang iba’t ibang anggulo na makatutulong para ma-solve itong kaso. Kaya nakiki-usap kami na makipagtulungan kayo. ’Wag kang mag-alala, lahat ng mga kaklase mo at iba pang mga tao sa party ay hinihingan namin ng impormasyon.”

Umirap ang babae at bumuntong-hininga.

“Everleigh Miller,” sagot nito. “They call me Leigh. Their choice.”

“Nasaan ka nang mangyari ang krimen?” tanong ng detective.

“Ako po?” tanong ni Braelyn. “Uh… naniningil po.”

“Naniningil?” tanong ng detective. “Para saan?”

“May play po kasi kami bago iyong championship. Allowance ko po kasi iyong ginamit so… naniningil lang po ako.”

“In a party?” tanong ng detective.

“Opo,” sagot ni Braelyn at ngumiti nang awkward. “Masiyado po bang… sigurista?”

“Nasaan ako n’un?” tanong pabalik ni Missi. “Naghahanap ako ng signal that time, eh. Tinatawagan ko si mama.”

“Bakit mo tinatawagan ang mother mo?” tanong ng detective. “Did something happen?

“Uh… ’yun kasi…” sabi ni Missi at kinamot ang likod ng tainga. “I forgot the spelling of name. I was calling in to ask her kung ano ’yung… spelling.”

Maang na napatingin sa kanya ang detective.

“I went outside,” sagot ni Nashville. “Nasa labas ako nang makarinig kami ng tili.”

“Nasa labas?” tanong ng detective. “Anong ginagawa mo sa labas habang ang lahat ay nagkaka-siyahan sa loob?”

“Na-su-suffocate po ako sa loob dahil sa smokes from the cigarettes,” sagot ni Nashville. “Bago pa po mag-start iyong… you know… krimen… nag-co-complain na po ako about sa smokes. When I can’t handle it anymore, I went out. It was… disgusting.”

“Nasa first floor po ako that time,” sagot ni Greysen. “Nag ku-kuwentuhan kami ni Levi until he went to the restroom at… hindi na bumalik. You can ask Levi, pareho kaming nasa first floor.”

’“Yup, Grey and I were at the first floor,” sagot ni Levi sa isa pang video clip. “Pero… pagbalik ko sa lugar kung saan kami nakatambay, wala na siya.”

“Nawala siya?” tanong ng detective.  “Ang sabi niya, ikaw ang ’di bumalik?”

“Ahhh, ’yun ba,” sabi ni Levi at ngumisi. “Should I really tell you why?”

“Of course, Mr. Hudson. That’s why we are doing this.”

“Okay,” sabi ni Levi at lalong ngumisi. “I was making out.”

Nanlaki ang mata ng officer na ikinatawa ni Levi.

“Why? You asked for it.”

“Mr. Hudson, do you know the name of the woman so we can verify?”

“No, no, no,” sagot ni Levi. “For what, officer? Let her have that privacy. Kung gusto mong i-verify, ask Everleigh. She saw us when she went inside the restroom—just make it clear na iba pa ’yong na-interrupt niya sa third floor.”

“I refuse to answer,” sagot ni Everleigh sa isang video. “I don’t want to confirm or say anything until my lawyer arrives, officer. Thank you.”

“Nasa’n ako?” tanong ni Reese. “Hulaan mo HAHAHAHA!”

Halos masabunutan ng officer ang sarili niya dahil hindi niya ma-kontrol ito.

“Char,” sabi ni Reese nang tumigil at maghabol ng hininga dahil sa katatawa. “I was looking for Missi. I ghosted her kasi and I felt bad.”

“Bakit mo siya hinahanap?” tanong ng detective.

“Ha?” tanong ni Reese.

“Bakit ’ka ko—”

“Hadukken,” putol dito ni Reese at muling tumawa nang malakas. “Oh my, ang corny! HAHAHA!”

“What do you think of the victim?” tanong ng detective. “Can you describe her?”

“She’s… pretty,” sagot ni Levi. “Nothing more, I guess.”

“Masiyado siyang mabait,” sagot ni Braelyn. “Parati pang… nakangiti.”

“She’s kind and thoughtful,” sagot ni Greysen. “Sometimes, straight forward but I believe para rin sa amin ’yon.”

“She always encouraged us to be better,” sagot ni Nashville. “Kaya hindi ko… ma-absorb why would… why would someone kill her.”

Bigla namang na-iyak si Missi sa isa pang video.

“She seems like a sister to me,” sabi nito. “I’ll miss her.”

“Sabi nila mabait and totoo naman,” sabi ni Reese. “Pero malay natin, officer. Baka nasa loob ang kulo?”

Everleigh scoffed in her own video clip.

“They said she’s kind—the typical sweet girl. Pero I saw how she rolled her eyes multiple times especially if malayo ang sagot ng classmates ko tanong niya. She’s… a bitch, officer, and I know how to spot one because I’m a bitch too.”

“Who do you believe did the crime?” tanong ng detective.

“I don’t know,” sagot ni Nashville. “Maraming tao, e. Ayoko magsalita without any evidence pero… we saw Hale holding the knife. Ain’t that enough?”

“Hale did it,” sabi ni Missi. “Maluwag ang turnilyo n’un. He talks to himself most of the time so I don’t know. Pero nasa crime scene siya—we spotted him there. Siya ’yun, maybe.”

“Hale, right?” Levi answered. “If he really just helped her then why didn’t he scream for help?”

“Hindi ko alam, officer,” sagot ni Greysen. “Mahirap mambintang. Pointing fingers when you are unsure is another form of injustice. We can’t give justice by making another injustices, don’t you think?”

“Hale po siguro,” sagot ni Braelyn. “Kasi parang… for me lang ha, parang gusto niyang itapon or itago ’yong weapon kahit sabi niya tinanggal niya ’yong kutsilyo kasi akala niya buhay pa. Ewan po, ang gulo.”

“Hale was there. He didn’t ask for help when he saw the body. He was even holding the knife—a perfect depiction of caught in the act,” sagot ni Everleigh. “What else do you need, officer? Do you want him to kill another one just to confirm it?”

“Sino pumatay?” tanong ni Reese. “Ewan, baka ako?”

“Miss Turner!” pagbibigay dito ng detective.

Ngumisi ito. “Why? Matagal ko nang gustong ma-posasan at maranasang makulong.”

Inilagay nito ang dalawang kamay at ipinatong iyon sa table.

“Catch me, daddy.”

“Miss Turner—”

Tumawa itong muli. “I was just kidding, officer, kalma lang. I know problematic na kayo so I’m just lifting up the atmosphere.”

“Miss Turner, we are—”

“Officer, do you want a tip on how should you deal with us?” tanong ni Reese.

“Huh?” naguguluhang tanong ng detective.

“The thing is…” sagot ni Reese at ngumiti. “The hell is full so the creator created the West Carson High.”

“What… are you saying?” takang tanong ng detective.

Ngumiti nang tipid si Reese. “What I’m saying is you’re not dealing with normal people, officer. The kids in my school…”

Huminto ito at unti-unting nawala ang ngiti sa labi.

“…are pure evil.”


JAX SCOTT. 

"WHOA!" reaksyon ng isang lalaki matapos mapanuod ang interrogation videos. Kasalukuyan siyang nasa crime scene.

Ang lalaki ay bahagyang may katangkaran. Nakataas ang buhok nitong kulay brown. Madalas itong makikitang naka-tuxedo at sa bawat ngiti ay lumalabas ang dimples sa ilalim ng kanyang labi. 

"Ilang taon ulit itong mga 'to, officer?" tanong niya sa detective ng kaso.

"Seventeen, Prosecutor Jax Scott," sagot ng detective na nasa tabi niya. "Eighteen ang suspect." 

"Seventeen?" tanong ni Jax at ngumisi habang tinitingnan ang litrato ng mga ito. "Mga minor pero mga naninindak. Ano na bang nangyayari sa bansa?" 

Nagkatawanan sila. Nagpatuloy si Jax sa paglakad. Nagsuot siya ng gloves at ginalaw ang malapot na dugo sa lapag. 

Ilang oras na simula nang mangyari ang krimen ngunit hindi pa nila ito ini-aalis hangga't wala siya dahil siya ang prosecutor na naka-assign sa kaso. 

Pinanunuod ni Jax kung paano kumukuha ng samples ang mga taga-forensics.

"Do you have any questions before I go?" tanong ng detective kay Jax. "Hindi pa kasi ako natutulog."

"Oo nga pala, officer. Napakaraming pumunta sa party pero bakit sila lang ang na-interrogate?" tanong ni Jax.

"Sa party, mayroon silang ceremony. Ngayon kasi ang founding anniversary ng West Carson High. Kaya pagpatak ng alas dose kanina, plano sana nilang mag-countdown para i-post sa facebook page ng Student Council nila. Nagtipon sila lahat sa second floor at bukod tanging sila—ang mga batang na-interrogate—ang nawawala." 

Tumangu-tango si Jax. "At magkakaklase pa sila at adviser nila ang namatay?" 

"Pinatay," pagtatama ng detective.

Ngumisi si Jax. "Easy ka lang, brad. How about the primary suspect?" 

Lumapit si Jax lalo sa crime scene at lumusot sa mga may harang na 'DO NOT CROSS' ang mensaheng nakasulat.

"Si Hale Parker?" tanong ng detective habang sinusundan siya. "Ginigipit nga ako ni Chief at pinapa-deprioritize ang kaso. Alam naman natin kung bakit." 

Napa-iling nalang si Jax. Si Hale, ang suspek mismo sa krimen, ay ang bunsong anak ng Hale Holdings. Makapangyarihan ang magulang sa lipunan kaya sila ginigipit. 

"Haaay, buhay," reklamo ni Jax. "Kailan ba titigil itong mga elitista na 'to sa pag-aakalang mataas pa sila sa batas?" 

Akmang tatanggalin ni Jax ang tabing sa mukha ng biktima nang pigilin siya ng isa sa mga taga-forensics. 

"Baka ho tumulo ang pawis ninyo," sabi nito. "Magugulo ang DNA profiling."

"Okay, okay, sorry," sabi ni Jax at bahagyang lumayo.

Bumuntong-hininga rin ang detective.

"Kaya kailangan natin ng matibay na ebidensya, Jax," sagot ng detective. "Kung hindi, makakawala nanaman ito. Ilang mga krimen na ba ang na-cover up dahil lang makapangyarihan ang gumawa?" 

Jax sighed. He knew sooner or later, this one would be dismissed too—all because the people involved are from rich families. 

"Nakakatakot, ano?" sabi ng detective. "Kung makikita mo lang kung gaano naninindak at nanlilisik ang mga mata ng mga batang iyon, ikaw pa mismo manginginig. Nakakatakot kasi menor de edad pa lang sila pero tingin nila sa mundo ay pag-aari nila. Paano pag tumanda pa sila? Imagine what they can do."

"Ngayon lang kita nakitang ganyan, Detective Howell. Mga bata lang pala ang katapat mo." 

Natawa silang pareho. Kilala sila sa buong department bilang mga huwarang alagad ng batas. Lahat ng kaso na nag-team up sila ay parating solved. Ngunit ngayon lang sila naka-encounter na ang lahat ng involve ay mula sa makapangyarihang sektor ng lipunan.

Tomorrow morning, the news blew up. Isang guro ang patay sa saksak at ang suspek ay ang kanyang estudyante. Lalo pang nagkagulo ang bansa dahil ang suspek na involve ay anak ng isa sa pinakamayaman na angkan sa bansa—at ang mga estudyante ay mula sa paaralang tinitingila at pinapangarap ng bawat kabataan. 

Kaliwa't kanang balita ang lumabas at ang mga reporters ay nagkalat sa paligid, naghihintay ng kung ano mang update na maibibigay ng pulisya. 

Kasalukuyang nasa loob ng office niya si Jax nang makarinig ng mga yapak papunta sa opisina niya. 

"Ayan na..." bulong niya sa sarili at ngumisi. 

"3..." bilang niya. "2...1..." 

Nang marahas na bumukas ang punto ay tumayo si Jax.

It was their head.

"PROSECUTOR SCOTT!" galit nitong salubong sa kanya.

"Ang gandang good morning naman niyan, sir—"

"WHAT HAS GOTTEN INTO YOUR MIND?!" galit nitong sabi. 

"What do you mean?" tanong ni Jax. 

"ABOUT THAT PARTY MURDER—"

"There, you said it, sir. A murder. Isn't it our job?" 

"JAX!" sigaw nito. "Hindi mo kilala kung sino ang kalaban—"

"Kilala ko po," sagot niya. "Ang mga mamamatay-tao." 

"Hindi mamamatay-tao ang Parker Holdings—"

"Wala akong sinabing pangalan ha," sabi ni Jax. 

"JAX!" sigaw nitong muli. "Release that child before things get worse!" 

"How something so worst can even get worse?" tanong ni Jax pabalik. "I'll handle this case—"

"HINDI!" galit na sabi nito. "We will re-assign it to a different prosecutor. Stop whatever investigation you are doing!" 

Nawala ang ngiti ni Jax. "You'll re-assign it to someone else that you can control? How... low can the justice system be?" 

"H-Huh?" tanong nito. "Jax, this case—"

"Magkano ang binayad nila sa inyo?" tanong ni Jax. "Magkano ho ba ang presyo ng konsensya at prinsipyo ninyo?" 

Hindi kasagot ang lalaki.

"May namatay po. May pamilyang nawalan ng miyembro, magulang na nawalan ng anak, mga kapatid na nawalan ng ate, at mga estudyanteng nawalan ng guro. It wasn't even a suicide but a fucking murder. And... you want me to drop this? Paano... paano ito kinakaya ng konsensya ninyo?"

"Jax—"

"HOW MUCH DID YOU GET?!" sigaw ni Jax na halos dumagundong sa buong kuwarto. 

"Half a billion." 

Napatingin sila sa lalaking nasa pinto. Nakilala agad ito ni Jax bilang lolo ni Hale.

"And I can triple it for you, Mr. Scott, just name your price." 

Jax scoffed. "You're talking to a wrong guy, sir. Use that money to fund your grandson's investigation instead for bribery." 

Kinuha ni Jax ang cellphone at akmang lalabas na nang magsalita muli ang head. 

"I'm giving you within this day to release Hale, Jax," sabi ng head nila. "Pagbayarin mo nalang muna ng bail—" 

"What?!" putol dito ni Jax. "Magbabayad lang ng piyansa at makakalabas na? Paano iyong mga bilanggo na hindi kaya magbayad ng piyansa? Pera-pera nalang ba talaga ang hustisya?"

Hindi nakakibo ang lalaki. 

"'Wag kayo mag-alala. Malinis akong maglalaro kahit umaalingasaw kung paano kayo maglaro. Pinatunayan niyo lang sa akin na posible ngang guilty ang suspect." 

Akmang aalis na siyang muli nang magsalita ang lolo ni Hale.

"I admire your bravery," sabi nito. "But too bad, you don't know whom you are talking to." 

Natigil si Jax at tiningnan ito.

"You're talking to a Parker, one of the richest family in the country, you dickhead," sabi sa kanya ng matanda.

Hinarap ito ni Jax at ngumisi rin.

"Mawalang galang na pero ikaw ho yata ang 'di nakakakilala sa kinakausap mo." 

Jax inched their gap and met the old man's eyes. 

"I came from a family who took down a former vice president, senators, and a cult of a serial killer." 

Jax smirked and he turned serious. 

"You're talking to a Scott, you son of a bitch." 

Nawala ang ngiti sa labi ng matanda. Tiningnan ni Jax nang matalim ang lahat at nagkalad papalayo. 

"Wala na siyang pakialam kung guilty man o hindi ang apo niya," bulong ni Jax. "Basta makalabas lang!"

Hapung-hapo habang naglalakad si Jax. Kung saan man siya kumuha ng lakas ng loob ay hindi niya na alam. Agad siyang pumunta sa parking area ngunit nang papunta palang siya sa kotse niya ay isang itim na kotse ang huminto sa harapan niya. Napataas siya nang kamay nang bumukas ang bintana nito. 

"Anong ginagawa mo?" tanong ng pamilyar na boses. 

"Akala ko babarilin—" natigil siya nang sa pagdilat niya ay isang pamilyar na mukha ang nakita niya. "TYLER?!" 

"Yes it's me, fucktard" nakangiti nitong sabi. "Hop in." 

The next he knew, he was inside Tyler's car. 

"What's going on?" tanong ni Jax dito. 

"Jax..." bulong ni Tyler. "Remember when—"

"HEY! HEY!" putol dito ni Jax. "Are you gonna blackmail me again to get the case?! Tyler, what the fuck—I'm out of here, you bastard. I'm—"

"HOY! HOY KALMA!" natatawang sabi rito ni Tyler. "Hindi kita i-b-blackmail, buang. I'm kidding."

"Why are you here, then?" tanong ni Jax. 

"I came here before we fly to Britain for a trip." 

"Really?" tanong ni Jax. "Sino kasama mo?" 

"Avery," nakangiting sabi ni Tyler. 

Tumangu-tango nalang si Jax dahil naiintindihan niya ito.

"And because I saw you on the news too," dagdag ni Tyler. 

"Oh," sagot ni Jax at tiningnan ang pinsan. "Why? Are you laughing at me?" 

"Hindi ah," sagot ni Tyler. "I'm actually... proud." 

Tiningnan niya itong muli. Tyler and him are close but not to the extent where they will compliment each other. They both hated it. 

"And I want to say sorry," sabi ni Tyler. "All these years, I am still getting the recognitions that you are supposed to be getting."

"Ano bang... sinasabi mo?" tanong ni Jax. 

"I just realized it. Traise's case was the turning point of my career. Pero originally, iyo 'yon. Another case was the graft case of Avery's dad where I discovered na mayroong kulto. Iyo rin dapat 'yon.  I admit, I was a bit selfish that time and I... feel sorry about it, Jax."

Hindi makasagot si Jax. Sa totoo lang, ay may parte sa isip niya na na-iisip niya kung siya ang humawak ng mga kaso na 'yun, magiging kasing tanyag din ba siya ng pinsan niyang si Tyler?

"No," sabi ni Jax. "You solved those cases because it's you, Tyler. Kung ako humawak noon, baka nga... baka hindi—"

"Here comes another episode of Jax Scott's self-pity," natatawang sabi ni Tyler. "Stop it, man. I know you are capable. This case will prove that." 

"I hope so," sagot ni Jax. "I really hope so." 

"This case actually reminds me of Traise," sabi nito. "Tinanggal lang ang kutsilyo at may ibang nakakita at siya tuloy ang naging suspect." 

"Hindi ka ba nahirapan?" tanong ni Jax. "I mean, torn ka panigurado kasi iisipin mo tinanggal lang ba talaga niya para tumulong at mag-first aid o tinanggal niya para itago ang weapon na ginamit niya sa pagpatay?"

"May punto," sabi ni Tyler. "Mahirap pero naging madali kasi we have Courtney." 

"Courtney? Your first love?" 

Tiningnan siya ni Tyler nang masama na ikinatawa niya.

"What about Courtney?" tanong ni Jax. 

"Bago mo malaman ang motibo, dapat kilala mo ang mga suspect mo. Alam mo kung paano sila gumalaw at mag-isip para madali mong mababasa kung may motibo ba sila at iyong mga motibo na iyon ay sapat para pumatay. It was easier for me dahil mayroon kaming Courtney na kilalang-kilala si Traise. Pero sa kaso mo, mahirap. Mga bata at hindi madaling basahin." 

"Then what should I do?" tanong ni Jax. 

"You have to study your enemy for you to know how to destroy them completely," sagot ni Tyler. "That's what you should do to capture the culprit, Jax." 

Kumuha si Tyler ng candy at inilagay iyon sa bulsa ng coat ni Jax. 

"Be a parasite and destroy your host."

In a snap, Jax found himself outside a school. 

It's about time to build a name for himself. Madalas lang siyang makilala bilang pinsan ni Tyler Scott pero ngayon, gusto na niyang umalis sa anino nito at makilala bilang siya mismo.

Lumabas siya ng kotse at pinicture-an ang bawat paligid mula sa labas. Kung bakit ay hindi niya rin alam. 

"Kailangan kong makapasok at mag-matyag," sabi niya sa sarili. "Pero wala akong arrest warrant. Ano na, Jax?" 

Kinuha niya ang candy na inilagay ni Tyler sa bulsa niya at kinain. 

"Kailangan kong may maka-usap na estudyante. Kahit interview lang kung anong tingin nila sa gurong pumanaw para makakuha manlang ng kahit na anong motibo sa pagpatay," sabi niya sa sarili at naghanap ng pwedeng matanungan. 

"Miss, miss," habol niya sa tatlong magkakaibigan na papasok ng entrance. "Puwede bang—"

Ngunit dinaanan lang siya nito. 

Jax sighed. This wouldn't be easy. 

Pagharap niya ay may nakita siyang lalaking may katangkaran. Tama lang ang katawan nito at may kaputian. Nakasuot ito ng maroon na uniporme at may polong puti sa loob at neck tie na itim. Nakapamulsa ito at may suot na headset. 

Sa unang tingin ay akala ni Jax artista ang dumating. Agad niya itong hinarang para tanungin pero deretso lang ang tingin ng lalaki kaya nagkabungguan sila. 

Halos tumilapon si Jax sa lakas ng pwersa ng binata at narinig niya kung paano nalaglag ang headset nito.

"Oh, sorry. Sorry, I wasn't—"

Akmang pupulutin niya iyon para ibigay sa binata ngunit nang mahawakan niya ay natigil siya nang biglang apakan ng lalaki ang headset.

Maang na napatingin pa-itaas si Jax at nagtama ang mukha nila ng estudyante. 

Jax gulped. The man has a pokerv face but his eyes were as cold as ice. 

"Watch your step," matipid nitong sagot at kinuha ang headset. Ngunit bago ito lumakad papalayo ay nabasa ni Jax ang name tag nito sa uniform. 

"Lyle Heimsworth..." bulong niya at tiningnan ang lalaking naglalakad papasok sa entrance ng school. 

Jax scoffed. 

"So it's him," he said to himself. "Avery's brother that Tyler warned me about." 

"Prosecutor Jax Scott?"

Napatingin si Jax sa nagsalita at isa rin iyong estudyante. Hindi kagaya ni Lyle ay nakangiti naman ito at ma-aliwalas ang mukha. 

"How... can I help you?" tanong ni Jax. 

"Ah, baka hindi niyo po ako kilala. Ako po si Greysen Finch, Detective Howell calls me Grey. Isa po ako sa na-interrogate about the case." 

"Ahhh," sabi ni Jax nang ma-alala ito. "Ikaw nga." 

"Opo," nakangiti nitong sabi. "Bakit po kayo nandito?"

"Ah, 'yun ba. Kasi—"

"GREY!"

Pareho silang napatingin sa kumakaway sa may entrance. 

"Ang aga ni Levi, ah," bulong ni Greysen.

"Levi...?" bulong ni Jax sa sarili at tiningnan ang lalaki sa may entrance. Agad niya itong nakilala dahil kaliwa't kanan ang mga commercials nito.

"Una na po ako, sir. Nice meeting you," sabi ni Greysen at sinamahan ang kaibigan.

Habang pinanunuod ang dalawang pumasok ay may ideyang pumapasok sa isip niya.

Nang lumingon ang dalawang estudyante ay halatang pinag-uusapan siya nito. Kumaway muli sa kanya si Grey bago tuluyang pumasok sa loob. 

"These kids..." bulong ni Jax sa sarili. 

Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Ang alam niya ay nakakakilabot itong mga ito tumingin.

Nang mawala ang mga ito sa paningin niya ay inilabas niya ang cellphone niya at may tinawagan. 

"Hello, Detective Howell, this is Jax. Get ready, we will interrogate Hale Parker tonight." 

Sa isang kuwarto ay makikita si Jax kaharap ang isang binatang naka-puting damit. Bagsak ang magulo nitong buhok at namumugto ang mga mata. 

"Hindi po ako 'yon..." sabi nito at nangilid muli ang luha sa mga mata. "Hindi ako 'yon, prosecutor... iba dapat ang nandito, hindi ako. Hindi ko kayang gawin 'yon..."

"Hale, kung aamin ka, kaya kong pababain ang sistensya mo." 

"Anong aaminin ko?" tanong nito. "Anong aaminin ko kung hindi nga ako ang gumawa?!"

"Nasaan ka ng mga panahong iyon?" 

"Nasa first floor ako," sabi nito at lalong nanginginig ang mga daliri. "Tapos... tapos sabi nila we need to gather for the countdown kaya hinanap ko ang mga kaklase ko. I went to the third floor dahil baka... baka nandoon sila at may ginagawa... so... so I went there and... and I...uh... I discovered the body..." 

Tuluyan itong na-iyak nang todo. "Hindi talaga ako 'yun, prosecutor. You're chasing after the wrong guy!" 

"Pero bakit hindi ka humingi ng tulong, Hale?" tanong ni Jax.

"I DID!" sigaw nito. "SIGAW AKO NANG SIGAW PERO WALANG NAKAKARINIG DAHIL NAPAKALAKAS NG TUGTOG NILA!"

"Hale, calm down, okay?" sabi niya rito dahil nagsisimula na itong maging agresibo. 

"Narinig lang nila iyong tili dahil doon na huminto ang tugtog para sa countdown. Pagpasok ko roon, na...nangingisay pa si ma'am kaya... kaya I tried to help and took the knife out of her chest but someone went inside and... and saw me. Pero hindi ako 'yon, hindi talaga ako..." 

Humagulgol ito at ikinulong ang mukha sa palad niya.

"The house was yours, Hale. Bakit patay ang CCTV sa buong bahay?" 

"To give them a privacy," sabi ni Hale. "You know how wild teens could be and I respected that. I just... didn't expect I'd be framed up. Pero maniwala po kayo. Hindi ako 'yun..."

"How about your fingerprints, Hale? Walang ibang nakitang fingerprints sa kutsilyo bukod sa ang sayo." 

"EXACTLY!" sabi nito. "Bakit ako mag-iiwan ng fingerprints kung ako ang pumatay? Naroroon ang fingerprints ko dahil ako nga ang bumunot ng kutsilyo. Malamang ay naka-gloves ang pumatay nang ginawa niya ang krimen. Please find whoever that is!" 

"Among anyone, you have the motive, Hale. Someone told me you hated your prof because she believed you are a good for nothing." 

Hale's eyes widened. "Did... did someone from my classmates say that?" 

Jax nodded. 

Tears built up in Hale's eyes more. 

"They... They think I... I really killed her?" 

Jax nodded once more. 

Hale opened his mouth and another wave of tears fell from his eyes. 

"So they don't trust me, huh..." he said and it was obvious that he was hurting.

"Hale..." sabi ni Jax. "Lahat ng ebidensya, ikaw ang tinuturo." 

"That's...bullshit," sabi ni Hale at muling umiyak. "Madali nila akong na-frame up dahil ako ang outcast. Ako ang tingin nilang masama. Ako na walang kaibigan at parating nakakalimutan. They thought I am an easy prey..." 

"Frame up?" tanong ni Jax at tumingin sa tinted na salamin. Sa kabilang kwartong iyon ay naroroon si Detective Howell at nakikinig. 

"Yes," sabi ni Hale. "You don't know my classmates, Prosecutor Scott. They are all evil." 

"What... are you saying, Hale?" 

Hale looked at Jax's eyes. There was an unfathomable amount of anger in it. "West Carson High is a living hell, Prosecutor Jax. Our adviser's death is not the only death that's left to unravel." 

Hale gulped and he looked deeply in Jax's eyes. 

"There are a lot of dead bodies that are not found yet," sabi ni Hale. "It's for you to find out if it is literal or figurative." 

"Hale... you... you know that this is recorded, right?" sabi rito ni Jax. 

"I fear nothing now, sir," Hale said and with anger and tears building up in his eyes, he eagerly said, 

"CATCH THEM, ATTORNEY."

Nang mawala na si Hale ay agad na pumasok si Detective Howell. 

"JAX, WHAT THE HELL WAS THAT?!" 

Jax wasn't answering. He was deeply thinking.

Umupo si Howell sa tapat niya at bumuntong-hininga. 

"I cracked it," Jaxx said and he looked at Howell. "The message left by the killer, I cracked it." 

"The Witch Hunt starts, Catch Me, Attorney..." pagbabasa ni Howell. "What about it?" 

"Puro estudyante ang naroroon, Howell, walang attorney or lawyer or whatsoever. It means, the message is not for the witnesses, but for those who will investigate. They are talking to you, to me, to the defense, to the whole justice system and witch hunt means we are investigating and pointing our fingers at potential suspects. But come to think of it. Hale was said to be caught in the act. No witch hunt will happen if he is the killer." 

"What do you mean?" tanong ni Howell.

"It means Hale could be a bait and the killer..." 

Huminto si Jax at tiningnan ang litrato nina Braelyn, Nashville, Greysen, Levi, Everleigh, Missi, at Reese sa table. 

"...is hiding behind the faces of these 17-year-olds." 

"What's your plan, then?" tanong ni Howell. 

"Be a parasite and destroy your host..." sabi ni Jax at tiningnan si Howell. "We need someone who can go inside, be one of them, and study each and everyone of them." 

"Exactly my plan," sabi ni Howell at ngumisi. "I know someone who fits the job well." 

May inilabas na litrato si Howell at inilagay iyon sa table at inilapit kay Jax. 

"The Case's last ace."

Nang tingnan ni Jax ang litrato ay nanlalaki ang mga matang tiningnan niya pabalik si Howell.

Ngumisi ito.  "Let's start the fun, shall we?" 

Sa kabilang dako, ang babae sa litrato ay kasalukuyang naka-upo sa kama at tinitingnan ang orasan. 

"QEIRIURISJSSJ!" ang maririnig na sigaw. "SLDKDJJEOWSORK!!!"

Natawa nang bahagya ang babae. Naka-uniporme ito tinitingnan ang sugat sa gilid ng labi niya. Hinawi niya ang itim niyang buhok.

"'Wag kang sumigaw, wala akong ma-intidihan," sabi niya at tumingin muli sa salamin at hinawakan ang putok na labi. 

Napailing siya nang maramdaman ang hapdi.

"Bakit kasi ang lakas mong manapak?" reklamo niya rito.

Maya-maya'y bumukas ang pinto at kita niya sa repleksyon mula sa salamin ang pagpasok ng mga pulis.

"WALANG KIKILOS NANG MASAMA!" sigaw ng isang pulis.

Ngumisi siya.

"Paano 'yan makakakilos?" tanong niya at hinarap ang lalaking nakatali sa upuan na walang suot kung hindi ang boxer nito. "Eh, nakatali na?" 

Maya-maya'y may pumasok na lalaki.

"I am Detective Prinz and I have a search warrant for your place," sabi ng lalaki sa nakataling lalaki.

"Positive for drug usage and human trafficking, officer," sagot ng babaeng naka-uniporme rito.

"Nice job," sabi ng detective sa kanya. "I'll deposit the payment." 

"Aasahan ko po," nakangiti niyang sabi at akmang aalis na nang marinig niyang tawagin siya ng lalaking nakatali nang tanggalin ang tape sa bunganga nito.

"SINO KANG IMPAKTA KA, HA! SINO KA PARA GAWIN 'TO?!" 

Nagpintig ang tainga niya at hinarap ang lalaki. 

"Impakta?!"

Binigyan niya ng isang napakalakas na suntok ang lalaki at agad itong bumaliktad at namilipit sa sakit. 

"I am Reign Harriett," she smiled and she turned fierce. "And I am an Undercover Asset."

# PART TWO: "YOU'RE SAFE NOW."

Reign Harriett (First Person POV).

"FINALLY!" 

Nakangiting umabante ako sa pila at inilabas mula sa bulsa ko ang itim kong wallet. Kasalukuyan akong nakapila para mag-withdraw ng pera sa ATM machine.

Medyo mahaba ang pila dahil pay day ng mga empleyado. Nakisabay pa iyong babae sa harapan ko na napakatagal nag-withdraw. Halata na nga ang inis sa mga kapwa ko nakapila, e. Ang sarap na nga tanungin ni ate kung nag te-tetris ba siya roon. 

Agad kong inilagay ang ATM card ko at ini-lagay ang aking PIN. Nang tingnan ko ang balance sa card ko ay napangiti ako. 

Pumasok na 'yong bayad mula sa part time job ko. Ni-withdraw ko ang lahat ng pera at inilagay sa wallet ko. 

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapangiti. Sino ba namang hindi, eh, may pera? 

"Ano kaya masarap na ipasalubong?" tanong ko sa sarili at maya-maya'y napangisi.

Hindi naman puwedeng ako, 'no? Oo, masarap ako pero bawal lalo na't mga nakababata kong mga kapatid ang kakain. 

Apat kami sa pamilya at puro babae pa. Ang tatay ko na nagtratrabaho sa Saudi ay mayroon nang sariling pamilya roon. Nagbibigay nalang ng financial support para sa amin. Ang nanay naman namin ay umalis nalang sa bahay sa hirap ng buhay. Ang sabi, sumama raw sa Amerikano. 

Hindi ako gaanong ma-alam tungkol sa pamilya namin. Lumaki kasi akong nakatira sa probinsya kasama ang lolo at tiyuhin ko. Magulo ang pamilya namin kaya hindi ako lumaki sa mga magulang ko. Sa hirap na rin ng buhay ay halos inampon na nga ata nila ako. Sa totoo lang, hindi ko nga kilala ang mga kapatid ko noon. 

Nang pumanaw ang tiyuhin ko ay umuwi ako ng Maynila at hinanap ang mga kapatid ko. Not too long after, tumira na rin ako sa kanila. Ang panganay ay twenty-four years old. Ako ang sumunod, ang pangatlo ay eleven, at ang bunso ay anim na taon. 

Ang sabi ng nanay namin nang dalhin ang bunso sa bahay anim na taon na ang nakalilipas, kukuhanin daw niya kami 'pag nakakuha na siya ng green card—iyong card na mag a-authorize sa 'yo para tumira sa Amerika. Permanent resident, kumbaga. Pero anim na taon na nga ang lumipas ay wala pa rin.  Hindi na siya nagpakita pa at hindi ko na siya nakita dahil halos mag-iisang taon pa lang nang bumalik ako rito.

Nagpalinga-linga ako at naghanap ng puwedeng bilhin. Nang makita ko ang isang brand ng donuts sa loob ng mall ay agad akong pumila para pumasok. Okay na sana nang bigla akong harangin ng guard. 

"Ilang taon na po kayo, ma'am?" 

Nakangiting kinuha ko ang I.D ko sa wallet at ihinarap iyon sa kanya. 

"Eighteen po," sagot ko. 

Nang tingnan ang I.D ay hinayaan na niya akong pumasok. Napangiti akong lalo.

May ordinansa kasi sa lugar namin na bawal na lumabas ang mga fifteen years old and below kapag gabi na. Ewan ko ba, eighteen na 'ko pero pinagkakamalan pa rin akong kinse. 

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at bumili na ng mga donuts. Dalawang box ang binili ko dahil medyo malaki ang nakuha kong pera mula sa trabaho ko. 

Nagsimula na akong maglakad pa-uwi at hindi maiwasang mapangiti. Matagal ko na kasing pangako ito sa dalawa kong nakababatang kapatid at ngayon pa lang ay na-iisip ko na kung ano ang magiging reaksyon nila. 

"KUNG TAKOT ANG MGA MAMBABATAS, ANONG MANGYAYARI SA HUSTISYA?"
 

Habang naglalakad ay agad akong napahinto. Animo ako nanigas sa kinatatayuan ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. 

Agad akong napatingin sa malaking commercial television ng isang store. Balita iyon at isang babae ang kinukuhanan ng panayam ng mga reporters. Napalunok ako nang makita kung sino iyon.

"Ate Neska..." bulong ko sa sarili.

Taliwas sa parati nitong nakangiting mukha ay napaka-seryoso nito at bakas sa mukha ang galit. 

"Balita ko ikaw lang ang nag-iisang judge na kumuha ng kaso, totoo po ba iyon?"
 habol dito ng reporter habang ito'y nasa parking lot. 

"We are not allowed to disclose that in public,"
 sagot nito. 
"Pero oo. I'm the only woman in our department but I'm the only one who had the balls to be brave. Come on, honorable judges. Stop being a waste of tax and do your job!"

"

Tinanggihan

 din po ba ito ni Judge 

Cliford

 

Andrius

 Blake?" 

"

Andrius

 is on leave. 

Nagplaplanong

 mag med school so please keep his name away from this mess. Thank you and stay pressed."

"Judge Harriett, isang tanong 

nalang

 po—Judge—"
 naputol ito nang pumasok na ang babae sa kotse at sinaraduhan ng pinto ang nagkakagulong mga reporter. 

Humarap ang reporter sa camera.

"Makatatandaang si Judge Neska Ellinor Harriett ang kumuha ng kaso patungkol sa isang guro na walang-awang pinaslang sa gabi ng pagdiriwang matapos manalo ng West Carson High sa National School Sports Competition Season '92. Natagpuan ang biktima na puno ng saksak at naliligo sa sariling dugo. Nadakip na ang suspek na kinilala bilang si Hale Parker, bunsong anak ng Parker Holdings at kasalukuyang iniimbistigahan ng pulisya. At ang panawagan ng samahan ng mga guro ay hustisya."

Huminto ito at lumunok. 

"Kilala ang West Carson High bilang isa sa mga tanyag na paaralan sa bansa ngunit sa pangyayaring ito, panahon na nga ba upang bumulusok ito pa-ibaba? Ito po si Cams nakatutok, bente-kuwatro."
 

Nakagat ko ang labi ko. 

Halos mag-iisang taon na rin simula nang huli kong nakita si Ate Neska. Siya ang nag-iisang anak ng tiyuhin kong nagpalaki sa akin. Nang mamatay si tito, inalok ako ni Ate Neska at Ate Aubrielle na tumira kasama sila sa Maynila pero tinanggihan ko. 

Ang sabi ko sa kanila, panahon na siguro para tumira kasama ang mga kapatid ko at hinayaan naman nila ako. Pero ang totoo, ayaw ko lang maging pabigat. Simula noon ay hindi na kami nagkita. 

Ang alam ko ay hinahanap nila ako. Pero wala na akong communication sa kanila at sinadya ko iyon dahil kung malalaman nila kung sino na 'ko ngayon, malamang ay mawiwindang sila. 

Bumuntong-hininga ako at nagsimulang naglakad. 

At the age of three, I wanted to be a doctor. 

At the age of six, I was fascinated by the thought of being an educator. 

At the age of twelve, I dreamt of being an NBI agent.

At the age of fourteen, I considered to be a lawyer.

At the age of seventeen, I failed my college entrance exam and took a time off from school. Nagtrabaho ako bilang cashier sa isang convenience store. 

Now, I became someone no one would ever imagined. 

"Oy, pards!" bati sa akin ng mga tambay sa kanto.

"Oy!" bati ko pabalik at tumawa. 

Sa pagliko ko sa eskinita ay unti-unting nawala ang mga ngiti ko.

I became...

...an undercover asset. 

Sa totoo lang ay wala rin akong choice. Na-recruit lang ako ng kapit-bahay namin at medyo may kalakihan ang bayad kaya sumali na rin ako.

Kadalasan, ang ginagawa lang namin ay magiging undercover. Minsan, nagpapanggap na bibili ng drugs o kaya nama'y magpapanggap na bayaran. Nakakatunog na ang mga pulis at kami lang ang inihahain para magkaroon ng ebidensya. 

Challenging, oo. Pero kapag nahuli ka, patay ka. Pagalingan nalang sa pag-arte siguro. 

Bukod sa pang-araw-araw na gastuhin at pang bayad ng bills, nag-iipon din ako para makabalik sa eskwela. Gusto ko nga sana sa West Carson High kaso sino bang niloloko ko? Pang bili nga lang ng bagong cellphone ay wala ako. 

Ilang baitang papunta sa bahay namin ay nakita kong nagkukumpulan ang mga kapit-bahay namin. Agad na kumunot ang noo ko kung bakit. 

"Ano pong nangyayari?" tanong ko. 

Bago pa man sila makasagot ay may dalawang babaeng lumabas sa bahay. Agad akong napatingin sa T-Shirt na suot nila.

"Little Angel Orphanage..." pagbabasa ko.

Agad na lumaki ang mga mata ko at patakbong pumasok sa bahay. Nadatnan ko ang ate kong naglilinis ng lamesa at ang dalawa kong kapatid na bihis na bihis. 

"Ate!" sigaw ng bunso nang makita ako.

"Wow, donut!" reaksyon naman ng isa at patakbo nilang nilapitan at binuksan ang dalawang box ng donut.

Nanlalaki at nangingilid ang mga luha na tiningnan ko ang ate ko na patuloy sa paglilinis ng lamesa. Naroroon pa ang dalawang baso na malamang ay pinag-inuman ng dalawang bisita kanina.

"'Wag mo 'kong tingnan ng ganyan," sabi niya at dinala ang dalawang baso sa lababo. "Wala akong choice." 

"Anong...walang choice?" tanong ko at bakas sa boses ko ang galit. "Ate...a-ano 'yon? Bakit sila nandito?" 

Tiningnan niya 'ko at nagtama ang paningin namin. Kita ko rin ang pangingilid ng luha niya. 

"Pumasok kayo sa kwarto," utos nito sa dalawa kong kapatid. "Dalhin ninyo 'yang pagkain ninyo at pumasok kayo sa kwarto." 

Pumasok ang dalawa sa kwarto. Nang sumara ang pinto ay hinarap ako ng ate ko. 

"Umupo ka, Reign." 

"Ate ano 'yon?!" galit kong tanong. "Sabihin mong mali ang iniisip ko. Please..." 

"Wala na akong choice, Reign. Masiyado nang... mahirap," sagot niya. 

"Pinapa-ampon mo nga sila?" tanong ko at tuluyang tumulo ang mga luha. "Ate... hindi ba... hindi ba natin kaya?"

"Hindi na natin kaya, Reign," sagot nito. "Hindi na nagpapadala si papa. Nagkakatanggalan na sa trabaho ko. Hindi parati ay may trabaho ka rin. Pumapasok ang mga bata na minsan ay walang laman ang tiyan. Kailangan nating maging praktikal, Reign. Kung kaya mo silang makitang nagugutom, ako hindi." 

"Ate naman!" reklamo ko at tuluyang umiyak. "Nangako si mama, 'di ba?" 

"Reign, anim na taon na! Lumaki nalang lahat ang bunso ay hindi siya nagpakita!" 

"Ate..." nakagat ko ang labi ko at humagulgol. 

"Wala na akong komunikasyon kay mama at papa. Inabandona na nila tayo, Reign. Ayokong mamatay ang mga kapatid ko. Ayokong magaya sila sa 'kin—sa 'tin— na hindi nakakapag-aral. Reign, hindi mo alam ang hirap na dinaranas ko. Ako ang tumayong magulang nila kahit na dapat ini-enjoy ko ang kabataan ko." 

"Ate..." 

"Hindi mo 'yon alam Reign dahil nasa probinsya ka at walang pino-problema habang kami rito ay nagugutom. Hindi mo alam kung gaano kahirap na wala kang maipa-baon, na nanghihingi ng barya ang kapatid mo at wala kang ma-ibigay. Sawang-sawa na 'ko sa hirap, Reign. Ayoko na..." 

"Wala na ba talagang ibang choice?" tanong ko at nanlalabo ang paningin. "Dadamihan ko ang trabaho ko. Sisiguraduhin kong marami akong mai-uuwi, ate. Sige na..." 

"Tama na, Reign," sabi niya. "Hindi mo na mababago pa ang desisyo  ko. May... may naghahanap na pamilya at gustong mag-ampon ng dalawang bata. Sakto sila. Kahit... kahit na ipa-ampon sila ang mahalaga ay magkasama sila. Atsaka, pwede rin naman daw silang bisitahin." 

"Ate, hindi iyon 'yun, eh," sabi ko. "Kakayanin mo ba na wala sila? Kasi ako ate, hindi." 

"Kailangan, Reign. Matapos ito... aalis na rin ako." 

"Ano?!" tanong ko. "Ate... anong sinasabi mo?"

"Magsarili na tayo," sabi niya at tumulo ang mga luha. "Gusto kong... i-enjoy naman ang buhay ko!" 

Lumuhod ako at humagulgol.

"Ate, 'wag mo na sila ipamigay..." sabi ko. "Kahit... kahit ako nalang mag-aalaga. Kahit—"

"Tama na, Reign," sabi niya. "'Wag na nating...sirain pa ang mga buhay pa natin."

Umalis siya at iniwan akong humahagulgol sa sala. 

Sa buong gabi ay hindi ko malaman ang mararamdaman. Matagal na niyang napag-planuhan iyon ngunit ngayong dumating na ang araw na 'yon ay hindi ko naman matanggap. 

Madaling araw nang makita ko ang sarili kong naka-upo sa gilid ng kwarto at umiiyak habang pinanunuod ang mga kapatid ko na natutulog. 

Sobrang... hindi ko kaya. 

Kinumutan ko ang bunso at hinawi ang buhok sa mukha niya. Maya-maya'y dumilat ito at ngumiti. 

"'Di ka pa tutulog?" tanong niya.

"Mahal ka ni ate..." pabulong kong sabi at lalong humagulgol. 

Nakangiting pumikit uli ito at yumakap sa mahaba niyang unan. 

Napapikit ako nang mariin. 

Bakit... napakahirap na mabuhay? 

What did these young children do to deserve this life? What did they do to be accountable of this world's fucked up system?  

Napatingin ako sa ate ko na bakas sa balat ang hirap.

Life has shown her its worst and darkest side at a very young age that's why she matured and took adult-like responsibilities she shouldn't be carrying. 

Living, is indeed, a privilege for the ruling class and a survival  phase for the less fortunate.

Life itself is unjust.

Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko. Siguro, kung makakapag-ipon ako ng malaking pera sa maikling panahon ay magbabago pa ang isip ni ate. Ito lang ang paraan. 

May tinawagan ako at ilang segundo lang ay sumagot ito. 

"Boss," sabi ko ka-agad. "Si Reign po ito. Kailangan ko po ng trabaho bukas." 

Kina-umagahan ay nakita ko nalang ang sarili ko na nasa loob ng van at nakasuot ng school uniform.

"Here's the plan," sabi ng nasa harapan namin. "Ang target natin ay mga drug dealers. Lungga nila ang amusement arcade na 'yan. Kunwari ay mga naglalaro lang pero ang totoo, doon na ang transakayon nila. Matao kaya hindi halata. Since itong lugar ay napapaligiran ng mga schools, mga estudyante ang target nila kaya kayo naka-school uniform." 

Tiningnan namin ang isa't isa. Iba't ibang school kami at ang akin ay West Carson High. 

"Suotin ninyo itong salamin. Kapag confirmed na may transaksyon ng droga, pumunta kayo sa bintana at tanggalin ninyo ang salamin ninyo at ikawit sa uniform. Go signal na namin 'yon. Para may ebidensya, kuhanin ninyo itong ballpen. May recorder iyan. Kung sino mang ma-aalok sa inyo ay huwag kalilimutang i-record ang transaksyon, ayos ba?" 

"Yes, chief," sagot namin.

"Isa-isa lang ang labas ha," sabi nito. "Good luck and stay alive, comrades."

Maya-maya'y isa-isa na kaming naglabasan. Huli akong lumabas at pumasok sa loob. 

Nang makarating sa loob ng arcade ay kunwari mga normal na estudyante lang kami at nakihalubilo sa mga tao. 

Halos mapatalon ako nang may biglang may kumawit ng braso niya sa braso ko. Nang tingnan ko ay isa iyon sa mga kasama ko sa loob ng van at naka-uniporme rin ng West Carson High. 

"Sis, kumusta?" tanong ko bigla nang may lalaking dumaan sa harap namin.

"Okay lang, ikaw ba?" nakangiti nitong tugon. 

"I miss you, bitch!" sabi ko at kunwari'y nag beso-beso ngunit ang totoo ay bumulong na ako.

"Target locked," bulong ko sa kanya. 

Tiningnan namin pareho ang lalaking dumating. Nang dumating ang iba pa ay nagkatinginan na kaming apat na undercover. 

Inisa-isa naming buntutan ang mga lalaking dumating. Mga nakasalamin ito at naka-sumbrero. 

"Omg, ang cutie!" sabi ng isa kong kasama habang binubuntutan ang isang lalaki.

"Hello, ma. Opo, ma. Uuwi ako later. I'm with my friends, yea. I'm good," pagkukunwari ng isang lalaki habang binubuntutan ang isang maskulado. 

Nakita ko kung paano nila isa-isang pinindot ang pen sa uniform nila na ang totoo ay mga recorder. 

Kinuha ko ang vape sa bag ko at ginamit iyon. Nang makita kong nakapukaw ako ng atensyon ay pasimple kong pinindot ang on sa recorder ng pen.

"Anong school ka?" tanong ng lalaki sa akin habang nagpapalinga-linga.

Ngumisi ako at nag-chest out. 

"Can't you see it?" sabi ko at itinuro ang logo ng school na nasa uniform ko. 

"West Carson?" sabi nito at ngumiti. "Jackpot." 

"What do you mean?" pagkukunwari ko habang inilalapit ang dibdib ko sa kanya para mas marinig siya sa recorder. 

"Saan mo kami na-diskubre?" tanong nito.

"What do you mean?" pagkukunwari ko. 

Pagtingin ko sa tatlong kasama ko ay tumitingin na sila sa akin.

"'Wag ka na magkunwari," pasimple nitong bulong. "Alam ko pinupunta ng mga estudyanteng gaya niyo rito." 

"What is it, then?" I asked pretentiously. 

Pasimpleng ipinakita sa 'kin ng lalaki ang pakete ng shabu sa bulsa ng jacket niya. 

"Droga," bulong ng lakaki. 

Nang marinig niyon ay ngumisi ako. 

That's it. 

They're doomed. 

Inilagay ko ang kamay ko sa ilalim ng upuan at patagong nag-thumbs up, isang code namin na confirmed ang transaction. 

"Ano, miss? Ilan?" bulong ng lalaki. 

"Isa, kuya," sagot ko.

"Isa lang? Ang hina mo naman."

Nakita kong pasimpleng naglalakad na ang isa kong kasama papunta sa bintana para magbigay ng go signal.

"Sige," sabi ko. "Eh, 'di dalawa—"

"Excuse me?" 

Natigil kami pareho nang may biglang sumulpot sa harapan namin. Nang tingnan namin ang lalaki ay naka-uniporme ito ng West Carson High, matangkad, maputi, at may pagka-koreano ang mata. Mukha itong artista.

"Y-Yes?" tanong ko. 

Agad na itinago ng lalaki ang pakete ng shabu.

"Do you go to West Carson High?" tanong nito sa 'kin. 

"H-Huh?" maang na tanong ko.

"Oh, I see," sagot nito nang makita ang logo sa uniform ko. "Would you do me a favor, miss? Can you go to my class ang tell Greysen or Everleigh I won't attend our class? Thanks."

"W-Wait!" sagot ko rito. "Ba't ko gagawin 'yon? Sino ka ba?" 

Bahagyang nanlaki ang mata ng lalaki. "You... you don't know me?" 

Nagtinginan sa amin ang lalaking dealer ng shabu.

"Tatanungin ba kita kung kilala kita?" tanong ko. 

Ngumisi ang lalaki. "From what class are you?" 

"H-Huh?" maang kong tanong ko.

"I'm asking you from what class are you?" 

Napalunok ako. Tinitingnan ako ng lalaki at hinihintay ang sasabihin ko.

"12-Einsten?" sagot ko.

"Eins...what?" tanong ng lalaki at halos matawa ito. "Look here, miss. Such class doesn't exist in my school." 

Umabante ito at tiningnan ang logo ko. "Your logo is fake too. Baligtad ang kulay."

Ramdam ko ang kalabog ng dibdib ko nang lahat ay pinagtitinginan na kami. Maging ang mga kasama ko ay huminto dahil nakakaramdam na ang mga dealers.

"You..." lumapit ang lalaki at tiningnan ako sa mga mata. "Who are you?" 

Nang makita ko ang nametag sa uniform nito ay mas lalo akong kinabahan.

Levi Hudson...

Artista 'to, 'di ba?

"Ano 'yan?" tanong ng lalaking dealer.

Nang tingnan ko ang tinuturo niya ay nanlaki ang mga mata ko. Umiilaw iyong ballpen na recorder ko. 

"Isn't that... a recorder?" tanong ni Levi. 

"Recorder?" tanong ng lalaki at nanlaki ang mga mata. "LINTEK!" 

"What's going on?" tanong ni Levi.

"TABI!" sigaw ko at agad na itinulak si Levi nang biglang bumunot ng kutsilyo ang lalaki at muntik na kaming masaksak.

Tumumba sa sahig si Levi at namilipit.

Ilang segundo lang ay nagkagulo na kami sa loob ng arcade. Iyong tatlo kong kasama ay nakikipagbakbakan na rin. 

Nakita ko kung paano sinipa ng babae kong kasama sa tiyan ang lalaking muntik na siyang sakalin at ikinulong niya ang mga kamay nito sa hita niya at pinilipit. 

Iyong dalawang lalaki naman ay nakikipagsapakan habang ang isa'y may hawak na upuan pang hampas.

Akmang sasaksakin nanaman ako ng lalaki nang sipain ko ang kamay niya dahilan para malaglag niya ang kutsilyo. Akmang pupulutin niya iyon nang sipain ko naman ang mukha niya dahilan para tumumba siya at mamilipit. 

Nang dumating ang ilan pang lalaki ay doon na mas nagkagulo. Nakita ko nalang na namimilipit na ang dalawa kong kasamang lalaki sa sahig matapos silang hampasin ng dos por dor sa hita, binti, at ulo. Iyong babae ko namang kasama ay dumudugo na ang ilong matapos sapakin sa mukha. 

"Tara dito," sabi sa akin ng isa. 

Akmang lalaban na ako nang biglang hawakan ng dalawang lalaki ang mga kamay ko. Agad akong hinarap ng lider nila at sinampal nang malakas dahilan para pumutok ang labi ko. Halos sumuka ako ng dugo. 

Kinuha ng lalaki ang recorder sa uniform ko at hinampas-hampas iyon sa mukha ko habang ngumingisi.

"Tingin mo kakayanin ninyo kami?" tanong nito at ngumisi lalo. "Kawawang bata." 

Agad nitong itinapon sa lapag ang ballpen at inapakan. Dinurog-durog niya iyon habang tinitingnan ako sa mga mata. Ako naman ay nanlilisik ang mga matang tinitingnan din siya. 

"Walang ipinagkaiba ang mga pulis sa amin, ineng," sabi nito. "Mga kriminal din sila pero naka-uniporme lang." 

Ngumisi ako at dinuruan siya sa mukha. Nagulat ang lahat at agad niyang pinunasan iyon.

"Mas nakakadiri nga lang kayo," tugon ko. 

Maya-maya'y muli ako nitong sinampal at halos mamantal ang mukha ko. Nangilid pa ang mga luha ko sa sobrang sakit niyon.

Napatili ang tatlo kong kasamang pare-parehong pinahihirapan. 

Tinanggal ng lalaki ang salamin ko. 

"Akala niyo hindi ko alam itong mga ganito ninyo?"

Biniyak niya iyon sa dalawa. 

"Nasaan ang mga pulis na nangakong pro-protektahan kayo?" tanong nito at ngumisi.

"Manigas ka," galit kong sagot.

"Sabihin mo lang kung nasaan sila nagtatago at pakakawalan kita," sabi nito.

"Mamatay ka na," tugon ko.

Nainis ito at muli akong sinampal. 

"Disiplina, 'neng, disiplina," sabi nito at hinablot ang buhok ko. "Nasaan sila?" 

Ngumisi ako. "Manigas ka sabi." 

"Okay," sabi nito. "Madali akong kausap."

Akmang sasaktan ako nito nang makarinig kami ng boses na tumatawa. 

Nang tingnan namin ay mula iyon sa estudyanteng nagngangalang Levi. Vini-videohan nito ang lahat. 

"Say hi. You're on live, you son of a bitch," sabi ni Levi. "Destruction of property, death threat, illegal possession of fire arms, illegal drug dealers, and physically abusing bunch of minors. Did you witness those, guys? Go save a copy. Screen record this if you want. For sure these bastards will delete my copy—"

Hindi na natapos ni Levi ang sasabihin nang biglang hablutin ng isa sa mga lalaki ang cellphone niya at pinatay iyon. 

"'Di mo manlang ako pinag-goodbye sa mga fans ko," sabi nito at itinaas ang mga kamay matapos tutukan ng kutsilyo. "Kalma, brad. 'Di ako lalaban." 

"Sino 'yan?" tanong ng lider nila. 

Bumulong ang isa. 

"Artista?" tanong nito. "Anong pakialam ko riyan? Bugbugin niyo." 

"Don't you dare," nakangising sabi nito. "Malaki babayaran ninyo 'pag nagkagalos ako. Kayo rin, sige."

Akmang sasaktan siya ng isa nang bigla niyang hablutin ang kamay ng isang lalaki at maya-maya'y tumumba iyon sa sahig matapos niyang sapakin sa mukha at sipain ang dibdib.

"I told you not to hurt me," sabi nito at nag-unat. "I studied martial arts for my role in He Who Collided With The Stars, dumb ass." 

Akmang may lalapit pa sa kanyang isa nang biglang may lumipad na bola sa mukha ng lalaki at halos tumilapon ito.

Pag tingin namin sa pinanggalingan ay mula iyon sa lalaking nasa pinto. 

"Bakit kailangang manakit ng babae?" tanong nito. 

"What took you so long, Grey?" tanong ni Levi. 

"Sorry, man," tugon nito at pinulot ang bolang umikot pabalik sa kanya. "Nag-training pa." 

"Sino ka ba—"

Hindi nito natapos ang sasabihin nang sipain muli nito ang bola at tumama sa mukha ng lalaking may hawak sa isa kong kasamang babae. Namilipit ito sa sahig.

Naglakad ang lalaking tinatawag na Grey papalapit sa bintana kung nasaan ang bola. 

"Who am I?" tanong nito at pinulot ang bola. Maya-maya'y inilagay niya iyon sa harap niya muli. "I am the Captain of West Carson's Crows Soccer Team." 

Ngumisi ito at nagtanggal ng salamin.

"I am Greysen Finch."

Sinipa nito muli ang bola at tumama iyon sa mukha ng lalaking may hawak sa akin. Natanggal ang pagkakahawak nito sa akin at namilipit sa sakit.

My eyes widened. He did it! The go signal!

"PUTANG—"

Hindi na natapos ng lider ang sasabihin niya nang bigla kong i-untog ang noo ko sa mukha niya at pareho kaming namilipit sa sakit.

Nakatayong muli ang mga kasama ko at sa tulong nina Levi at Grey ay nakipag-buno sa mga lalaki.

"'Yong code, Reign. Kailangan nating magbigay ng code—"

"Okay na," sabi ko sa isa kong kasama at tiningnan ang lalaking tinawag ni Levi na Grey. "He unconsciously did us a favor." 

Not too long after, we heard the sound of the police's sirene.

"Sa wakas!" sabi ng isa kong kasamang lalaki.

"Oh shit!" sigaw ni Levi. "Grey, there are cops!" 

"COPS?!" sabi ni Grey habang sinisipa ang isang lalaki. "We had enough issues, Levi. Run!"

"O-Okay!" sabi ni Levi. "I'll see you outside school, man!" 

Maya-maya'y umalis na ito sa kwarto. 

Kinuha ni Grey ang nalaglag niyang salamin at isinuot iyon. Laking gulat ko nang bigla niya akong higitin sa braso.

"Let's go," sabi niya. 

"Huh?" maang kong tanong. 

"The cops are coming," natataranta nitong sabi at tiningnan ang mga kasama ko. "Sa fire exit kayo dumaan, okay?" 

In a snap, he ran away with me. Hila-hila niya ang kamay ko at hindi ko malaman kung paano ko sasabihin na hindi kami huhulihin ng mga pulis. 

Nang makalabas kami ng building ay patuloy lang kami sa pagtakbo habang hawak pa rin niya ako sa braso. Pinagtitinginan na kami ng mga tao ay wala pa rin siyang pakialam.

Nang huminto kami ay pareho kami hapung-hapo at hinahabol ang hininga. 

"What was that?" tanong niya. 

Nang tingnan ko siya ay basang-basa ng pawis ang itim na itim at bagsak niyang buhok. Bakat na rin am
ng dibdib niya dahil maging ang uniporme niya ay basa na rin ng pawis. May katangkaran din ito. 

Tinanggal niya ang salamin at pinunasan ang pawis niya sa mukha gamit ang likod ng palad niya.

"Okay ka lang?" tanong niya. 

Tumango ako. "Ikaw ba?" 

"Oks lang," sagot niya.

"Bakit... bakit ka nand'un?" tanong ko. "Bumibili ka ba ng droga sa kanila?" 

Natawa ito habang hinahabol pa rin ang hininga. "No. Pinapunta kami actually ng principal doon para tingnan kung may mga nag cu-cutting classes." 

Tumangu-tango ako.

"Ikaw ba? Anong ginagawa mo r'un?" tanong din niya.

"H-Huh?" tanong ko. "I...uh..." 

"You're not from our school," nakangiti nitong sabi. "Obvious sa logo ng uniform mo. What do you do there? Why are you wearing our uniform?"

Napalunok ako. "Don't ask. Hindi mo kakayanin." 

Gulat na tinanong niya ko. "Don't tell me..." 

Tumango ako.

"Prostitution?!" gulat niyang tanong.

Natawa ako. "Buang, hindi." 

Ngumiti siya. "I'm just kidding." 

Pareho kaming natahimik kinalaunan.

"Oh!" sabi niya at may kinuha sa bulsa niya. Isa iyong band aid at binuksan niya. 

My eyes widened when he placed it at my nose. 

"May scratches," sabi niya. "Baka pag-usapan ka sa daan." 

"T-Thanks," sabi ko at napalunok.

Inilahad niya ang kamay niya at tiningnan ako sa mga mata.

"I'm Grey," sabi nito. "And you?" 

I met his eyes and I looked down after. Bawal kami makipagkilala dahil baka mahuli kami. 

Unti-unti niyang binawi ang kamay niya. 

"I'm sorry," I said. 

"It's fine," he said. "I understand." 

Tiningnan ko siya at ngumiti siyang muli. 

"Uuwi ka na niyan?" 

Tumango ako. 

"Cab?" tanong niya. 

"Jeep siguro," sabi ko.

Ngumiti siyang muli. "Sakto." 

Maya-maya'y may pinara siyang jeep. 

"This is where we part ways, I guess," sabi niya.

"Sure. Thank you, Grey." 

"No worries, Ms. Unknown," sabi niya na ikinangiti namin. 

Akmang papasok na ako nang magsalita siya.

"The next time we'll see each other, promise me you'll tell me your name."

Huminto ako at lumingon. Hindi ko malaman ang sasabihin kom

"Silence means yes, then," he said and he smiled. "Go on."

"Miss, aandar na," sigaw ng driver.

"Opo," sabi ko at tinapunan si Grey ng huling tingin bago pumasok sa loob.

Maya-maya'y umandar na ang jeep. Nang mawala na siya sa paningin ko ay tinawagan ko ang boss namin. 

"Undercover Assest 092, safe," I said and looked at Levi's phone that I took and hid inside my pocket. "Mission Cleared, officer." 

Matapos kong mai-surrender ang cellphone at ma-ipatawag si Levi para ibigay ang video niya ng mga pangyayari ay naka-uwi na ako. Pina-impis ko muna ang pagkakamaga ng pisngi ko dahil sa sampal bago tuluyang umuwi. Nag-withdraw na rin ako dahil pumasok na ang bayad para sa mission na iyon.

Dahil mahirap na operasyon ang nangyari, halos maging triple ang bayad na nakuha namin.

"Bye, Reign!" paalam ng isa kong kasama nang maghiwa-hiwalay na kami. 

Alas diyes na nang naglalakad ako sa kalsada pa-uwi. 

Ano kaya pwedeng pasalubong? 

Pumunta muna ako sa twenty-four hours na pizza house at bumili. Nang nakalabas at naglalakad na pa-uwi ay napahinto ako nang may makita akong tatlong itim na kotse sa kalsada papasok sa amin. 

Anong... mayroon? 

Tutuloy na sana ako sa paglalakad nang makita kong tumatawag ang boss namin. Nang sagutin ko ay halos kumalabog ang dibdib ko dahil nagpa-panic ang boss namin.

"REIGN, NASAAN KA?!" tanong nito.

"Po?" tanong ko. "Pauwi po." 

"'WAG KA MUNANG UUWI!" sabi nito. "HINAHANAP NILA KAYO!" 

"N-Nino po?" tanong ko.

"Ng mga drug dealers!" sabi nito. "Nakuha na nila si Kael. Makikipag-usap pa ako sa kanila kaya parang awa mo na, Reign. Huwag ka munang uuwi. Pumunta ka rito sa—hello, Reign?!" 

"Boss..." nanginginig kong sabi nang magtama ang paningin namin ng isang lalaki. May ibinulong ito sa isa nitong kasama at nagtinginan sila sa akin. 

"Reign, andyaan ka pa ba?!" 

"Boss, nakita nila ako..." patuloy sa pagkabog ang dibdib ko. 

"ANO?!" reaksyon ng boss ko. "TUMAKBO KA NA, REIGN! PAPATAYIN KA NILA!" 

The moment the guys started walking towards me, I knew I was doomed. The next thing I knew, I ran as fast as I can. Hinahabol ako ng tatlong itim na kotse at laman niyon ay mga lalaking naka-itim na bonnet at may mga baril.

Binitawan ko ang mga hawak kong pizza at naluluhang tumakbo.

"TAKBO, BATA! TAKBO!" pang-aasar ng mga ito at rinig ko ang tawanan nila.

Maya-maya'y rinig ko na ang mga putok ng baril. Lalo akong naluha.

"TULONG!" sigaw ko. 

Ngunit walang tao sa lugar. Napakadilim din at animo'y desyerto.

Lumiko at tumakbo ako nang mabilis. Kung saan ako pupunta ay hindi ko rin alam. Ang alam ko lang ay gusto kong makaligtas dahil tiyak akong papatayin nila ako 'pag nahuli nila ako.

"TAKBO PAAAA!" at tawanan ng mga lalaki ang maririnig. 

Muli akong nakarinig ng mga putok ng baril at muntik na akong matamaan ng isa. Agad akong napatili na mas lalo nilang ikinatawa. 

Tumutulo na ang luha ko sa takot at unti-unti na akong nanghihina dahil sa pagod ngunit mas pinili kong tumakbo para sa buhay ko.

Ayoko pang mamatay!

Gusto ko pang makita ang mga kapatid ko!

Tumakbo ako at patuloy ang pagtulo ng mga luha dahil.sa takot. Humihingi ako ng saklolo ngunit walang katao-tao sa lugar.

Patuloy ako sa pagtakbo.

Hindi ako pwedeng mamatay!

"HULI KA!" 

Hinablot ng isang galing sa kotse ang buhok ko ngunit nagawa kong pumiglas nang i-untog ko ang ulo ko sa ulo niya at namilipit siya sa sakit. 

Pina-ulanan niya ko ng putok ng baril at tili lang ang naging tugon ko.

Awa ng Diyos ay walang tumama sa akin. 

Agad akong pumasok sa isang madilim na eskinita at kumaripas ng takbo.

"PAG NAHULI KITA, BUBUTASAN KO ANG ULO MO!" sigaw nito. "KAYA MAGTAGO KA NA!"

Binilisan ko lalo ang takbo kahit nanghihina na.

Sa pagliko ko ay nakakita ako ng liwanag. Nanggagaling iyon sa isang convenience store.

Agad akong tumakbo papunta roon. Rinig ko ang papalapit na tawanan ng mga lalaki at ang tunog ng papalapit na kotse.

Kailangan kong makapagtago bago lumiko ang mga demonyong ito at maabutan ako!

Hindi ako pwedeng mamatay!

Kailangan pa ako ng mga kapatid ko!

Hindi pwede! 

"TAKBO PA! HAHAHAHA!" 

Nanlalabo man ang paningin dahil sa luha ay mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko.

Kaunti pa, Reign!

Kaunti nalang!

Maya-maya'y bumukas ang pinto ng convenience store at isang lalaking may katangkaran ang lumabas. Nakasuot ito ng puting T-Shirt, itim na pantalon, puting sapatos at isang mahaba at itim na leather jacket.

"TULONG!" sigaw ko.

Nang pagharap niya ay sa hindi inaasahan at desperada nang makaligtas na pagkakataon, agad ko siyang niyakap at itinago ang mukha ko sa dibdib niya.

"Miss..." rinig kong bulong niya at halata ang pagkagulat. "What's—"

"AYAN NA KAMEEEEE!" sigaw ng mga lalaki paliko at nasundan iyon ng tawanan. 

Lalong dumiin ang pagkakayakap ko sa lalaki at lalo kong ibinaon ang mukha ko sa dibdib niya.

"Tulungan mo 'ko..." bulong ko at tahimik na umiyak sa dibdib niya. "Papatayin nila ako..." 

Hindi siya sumagot ngunit hindi rin siya gumagalaw. 

"Ayan na sila..." bulong ko at lalong nanginig sa takot.

"HAHAHA!" tawanan ng mga lalaki ang maririnig sa pagliko nila papunta sa amin.

Napapikit ako nang mariin ngunit napawi iyon nang walang anu-ano'y tinanggal niya ang isang earphone niya at inilagay iyon sa tainga ko. 

Nagsimulsng tumugtog ang kanta. Agad ko iyong natunugan. Bawat Daan ni Ebe Dancel.

Nang tingnan ko ang lalaki ay nakatingin siya sa mga itim na kotse na papalapit sa amin. Rinig ang tawanan ng mga ito.

Mula sa pagkakatingin sa mga kotse, dumako ang tingin niya sa akin at sa unang pagkakataon ay nagtama ang paningin namin.

Walang anu-ano'y inilagay niya ang isa niyang kamay sa likod ng ulo ko at nang papalapit na nang tuluyan ang mga lalaki, ay itinago niya ako sa loob ng jacket niya at niyakap ako pabalik.

Napapikit ako nang maramdaman ang pagdaan ng mga lalaki. Humigpit ang yakap niya nang maramdaman ang panginginig ko.

Ilang sandali lang ay nawala na ang tunog ng kotse at ang mga tawanan. Ang tanging ingay nalang na naririnig ko ay ang kantang nagmumula sa earphone niya. 

Nang tuluyan nang mawala ang mga lalaki ay tumingin ako pa-itaas.  Unang tumambad sa mata ko ay ang scale of justice necklace niya na mayroong naka-imprinta na pangalan niya. 

"Lyle..." bulong ko matapos basahin iyon.

After he heard me mumbling his name, for the first time ever, his lips curved a small smile while his eyes were deeply looking in mine. With a calm yet almost-a-whisper voice, he said,

"You're safe now..."

# PART THREE: THE ACE OF SPADES

"You're safe now..."

We were just looking at each other's eyes deeply and I can hear nothing but the song playing in our shared earphones.

He was still hiding me inside his jacket and I can feel the warmth coming from his body. 

"Hmm?" maang kong tanong habang walang nag-aalis ng tingin namin sa isa't isa at ang kamay niya ay naka-yakap pa rin sa akin. 

At sa ikalawang pagkakataon matapos kong tanungin iyon ay nakita ko kung paano tumaas nang bahagya ang sulok ng labi niya. 

Tipid na ngumiti siya ulit sa akin at doon ko napansin ang namumula niyang pisngi at namumungay na mga mata na bahagyang natatakpan ng bangs niya. 

"I said you're safe now," he said and his voice sounded like a whisper.

Tiningnan ko ang dinaanan ng mga lalaki at nang makitang wala na roon ang mga humahabol sa akin ay doon na ako nakahinga nang maluwag. 

"Salamat—" 

Agad akong napahinto nang pagharap kong muli sa kanya ay nakita kong titig na titig siya sa mukha ko na para bang ino-obserbahan ang bawat detalye nito.

I suddenly felt awkward and didn't know what to do. 

"Bakit?" tanong ko nang maramdaman ang pamumula ng pisngi ko.

From looking at my eyes, I saw how he rerouted his eyes to the bridge of my nose, then down to my lips.

"M-May...problema ba?" tanong ko.

The guy didn't respond. Instead, his lips started to inch the gap of our face.

"Anong...gagawin mo...?"

He wasn't saying anything. He continued inching our gap and in my great horror, I gulped as I closed my eyes hardly. 

"'Wag mo 'kong halikan, please..." bulong ko habang nakapikit nang mariin. 

Unti-unti kong naramdaman ang paglapit ng mukha niya hanggang ilang segundo lang ay naramdaman ko na ang ginawa niya.

As I opened my eyes, I saw how he placed his head on my shoulder. 

"Hoy," sabi ko rito. "Okay ka lang?" 

Ngunit hindi ito sumasagot. Nakapikit na ito at halos tumumba. Agad akong napayakap sa kanya para alalayan siya.

"Anong nangyayari sa 'yo?" tanong kong muli. "Okay ka lang?"

Nang maramdaman ko ang hininga niya ay doon ko lang napagtanto na amoy alak ito at namumula pa ang pisngi at leeg. 

"Lasing ka ba?" tanong ko at tinapik-tapik ang pisngi nito ngunit hindi ito sumasagot. 

"Huy, lasing ka?" tanong ko ulit pero hindi siya sumasagot at himbing na nakapikit na sa balikat ko.

Napa-buntong-hininga ako. 

Lasing nga ang gago. 

Almost an hour later, I found myself inside the convenience store. Ilang minuto kaming naka-upo sa labas habang natutulog ang mokong sa balikat ko at hindi ko malaman kung dapat ko na ba siyang iwanan. Awa ng Diyos, pinapasok kami ng manager ng store at nagsinungaling nalang ako na may susundo sa amin kahit wala. 

Baka kasi biglang bumalik iyong mga humahabol sa akin at mahuli pa 'ko sa labas. Hindi ko naman maiwanan itong lalaking ito dahil nakokonsensya ako. 

Napapikit ako nang mariin. 

Bakit ang hassle?! 

Tiningnan ko siya at himbing pa rin siyang natutulog. Naka-tagilid ang ulo nito sa lamesa at halos malamog ang pisngi. Mukha na nga siyang naka-pout sa sobrang pagkaka-press ng pisngi niya sa lamesa.

Nagawi ang tingin ko sa scale of justice necklace niya at muli kong nakita ang pangalan na naka-ukit doon.

"Lyle ba pangalan mo?" tanong ko kahit alam kong hindi naman siya makakasagot. "O pangalan 'yon ng boyfriend mo?" 

Napangisi ako sa sarili kong tanong. 

"Sabagay. Maraming lalaki na sa sobrang gwapo nila sila-sila nalang 'din nagmahalan." 

Napangiti ako at tiningnan siya.

"'Oy, 'wag ka ma-offend ha, compliment 'yon. Malaya ang pagmamahal." 

Tiningnan ko ang scale of justice design ng necklace niya at bumuntong-hininga.

"Tayo lang ang 'di malaya. Hanggang walang pagbabago, habang buhay tayong nakagapos sa mapaniil na tanikala ng bulok na sistema."

Ngumisi ako ulit nang madako naman ang tingin ko sa paper bag na dala-dala niya. Nang tingnan ko ay puno iyon ng mga cup noodles. 

"Ang mahal ng leather jacket na suot mo pero pagkain mo cup noodles lang. Ano ba naman 'yan, tsong," sabi ko rito at bahagyang natawa. "Parang magkasing-edad lang tayo pero ikaw lasing sa alak habang ako lasing sa problema." 

Kinuha ko iyong sotanghon na nakita ko at sinimulang tanggalin ang plastik niyon. 

"Hindi kita ninanakawan, ha," sabi ko habang patuloy na binubuksan iyon. "Nangungutang lang ako." 

Nang tuluyan kong mabuksan ang cup noodles ay tumayo ako. 

"Babayaran naman kita, hindi nga lang ngayon," sabi ko rito at tumayo para kumuha ng mainit na tubig. 

Habang nagsasalin ay hindi ko maiwasang manghinayang sa pizza na tinapon ko.

Bwisit na mga drug dealers. 

Sila na nga mga lumalabag sa batas, sila pa mga galit?

Kakapal ng mukha. 

Nang mapuno ang cup ng tubig ay naglakad ako pabalik pero bigla akong napahinto nang may makita ako. Isa iyong facial cleanser for men at tinitigan ko ang lalaking endorser. 

"Oh?!" sabi ko nang mapansing pamilyar ang lalaking endorser. "Don't tell me..." 

Nanlalaki ang mga matang nakita ko ang pangalan sa ibaba niyon. 

"Lyle Heimsworth, Model..." pagbasa ko. 

WAIT...

WHAT?! 

Agad ko iyong binitbit para tingnan at ikumpara sa lalaking kasama ko kung siya nga ba iyon. Habang pabalik sa table namin ay agad akong napahinto nang makitang may katangkarang lalaki ang naroroon at tinatapik ang kasama kong himbing pa rin na natutulog.

Nakasuot ito ng jogging pants na itim at isang oversized white shirt.

"Hoy, wake up," rinig kong sabi niya sa lalaking natutulog. 

I hurriedly went there and faced the guy.

"Excuse me, sino po sila?" tanong ko.

Maang na tiningnan ako ng lalaki.

"Po?" tanong nito kinalaunan. "Who are you?" 

"Ako ang unang nagtanong," sabi ko rito. "Sino ka? Marami namang available na upuan ba't mo ginigising ang tulog?" 

Kumunot ang noo ng lalaki.

"I'm Nashville Burlington. Classmate niya." 

Halos malaglag ang panga ko sa lapag. 

Shuta ka, Reign! 

"I was just checking on him kasi familiar and I found out it was really him, kaya ko ginigising. Ikaw ba, miss, sino ka?" 

"H-Huh?" tanong ko pabalik. "Ano...uhm..." 

Halos umurong ang dila ko. Paano ko maipaliliwanag na hinahabol ako ng sindikato at niyakap ko ang kaklase niyang lasing na kinalaunan ay nakatulog sa balikat ko kaya heto kami ngayon? 

Napakamot ako ng leeg nang mapansing nakatingin pa rin siya sa akin at naghihintay ng sagot ko. 

"Ano....uh..." huminto ako at tiningnan siya. "hehe..."

Awkward na ngumiti pabalik ang lalaki. "Nag... da-date ba kayo?" 

Nanlaki ang mga mata ko. "Naku, hindi!" 

Tiningnan ng lalaki ang tulog na kaklase at tumingin ulit sa 'kin.

"It's okay if you guys are," sabi nito. "I can keep secrets pretty well. I promise, I'll keep my mouth zipped."

The guy then acted like he zipped his mouth. 

"Naku, hindi! Hindi kami nag da-date, ano ka ba," defensive kong sabi. 

"Lyle is aloof of people. If he comes with you, it means he's comfortable with you and that happens once in a blue moon. So..." 

Huminto ang lalaki at ngumiti.

"You are dating, right?" 

"Hindi nga sabi," awkward kong sagot. "Pero... Lyle talaga ang name niya?" 

Tumango ito. "Siya endorser niyang cleanser na hawak mo." 

Tiningnan ko ang dala-dala ko at hindi makapaniwalang tiningnan ang lalaking nagpakilala bilang Nashville.

"Model talaga siya?!" tanong ko.

Tumango ang lalaki at napakamot ng likod ng tainga. "Hindi mo alam?" 

Napatakip ako ng bibig at tiningnan ang natutulog na lalaki.

So I just... hugged a model???

Lumapit ang lalaki at tiningnan ang mukha ng tulog na kaklase. Maya-maya'y ngumisi ito. 

"Did he pass out?" 

"Oo," sagot ko habang ina-alala kung paano ko pinagtatapik ang pisngi ng lalaki kanina.

Paano kung nasugatan ko mukha niya?

O 'di kaya magka-pimple siya dahil doon?

Model pa naman siya?!

Wala akong pang bayad ng compensation fee!

"Don't worry," sabi ng lalaki. "Mababa lang talaga alcohol tolerance ni Lyle. Hold on, I'll call someone to pick him up." 

"S-Sige..." tuliro kong sagot habang hindi makapaniwala sa nangyayari. 

"Nakapatay ba phone nito ni Greysen?" tanong ng lalaki sa sarili nang hindi sumasagot ang tinatawagan. 

Nag-dial ito uli. "Pati si Missi ayaw sumagot?!" 

Muli itong nag-dial at finally, may sumagot na.

"Oh, hello Braelyn. Si Nash 'to. Sinong classmate natin ang gising pa? Pwede pa-check? Naka-deactivate kasi SNS ko. Pina-deactivate ng management, e. Sure thing. Take your time," sabi nito sa kausap.

Natahimik ito nang ilang segundo.

"Something came up lang—about kay Lyle. Si Levi and Everleigh? Wala na bang iba? What? Ba't ko tatawagan si Levi, ano ako sira ang ulo? Daig pa windmill sa sobrang hangin n'on. Sige, pa-text nalang ng number ni Everleigh ha, urgent lang. Anong 150 nanaman? Sa Monday nalang 'yon, pwede ba? Daig mo pa loan sharks, eh. Sige, I'm hanging up." 

Nang maka-receive ng text ay muli itong nag-dial. 

"Hello, Everleigh. This is Nash. Do you still have the copy for the student profile? Uh, about Lyle. He passed out. No, just drunk. Ah, yes, yes. Can you call somebody from his house? Nasa convenience store kami, e. I called Greysen and Missi but no one was answering. I called you instead since you live nearby."

Huminto ito sa pagsasalita at tiningnan ang lalaking natutulog. 

"Based sa suot parang galing photoshoot. Oo. Ay, anniversary ba ngayon ng brand na 'yon? No wonder why he's drunk. No, hindi kami magkasama kanina. I just saw him. Alam mo 'yong office ng talent agency, right? Just few steps away lang. Yeah, the convenience store near the bus stop. Okay. I'll wait. Bye."

Nang matapos ang tawag ay humarap na siya sa akin. 

"All good," sabi nito at ngumiti. "Malapit lang bahay n'on dito. Few minutes nandito na 'yon." 

Tumangu-tango ako. "Malapit lang din ba bahay niyo rito?"

"No, malayo pa."

"Ba't ka nandito?" tanong ko at halos takpan ko ang bibig ko nang pabalang 'yong naging tono ko.

Reign, ano ba!

"Ah, 'yun ba," sabi nito. "Trainee kasi ako ng talent agency sa malapit." 

"Trainee?" gulat kong sabi. "Boy group?" 

Nakangiti siyang tumango.

"Wow!" reaksyon ko. "Grabe. Congrats agad."

"Thank you," sabi nito.

"Paano 'yon? Hanggang...ganitong oras nag pra-practice kayo?" 

"Yup," sagot niya. "Kailangan e. Bawal magkamali, maraming mata. Maraming pwedeng punahin ang mga tao."

Natahimik ako at hindi malaman ang sasabihin.

Maya-maya'y naka-receive ito ng tawag. Nang matapos makipag-usap ay humarap siya sa akin.

"Hinahanap ka na?" tanong ko.

"Oo, e. Nakabalik na mga ka-grupo ko." 

"Sige lang. Hihintayin ko nalang 'yong susundo sa kanya." 

"Seryoso ka?" tanong niya. "Okay lang?" 

Tumango ako.

"Thank you!" sabi nito. "What's your name?" 

"Reign," sagot ko. 

"Wayne?" tanong niya. "Okay, thank you, Wayne. I'll see you again." 

"Hindi, Wayne. Reign... 'yon." hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang dali-dali itong tumakbo palabas at halatang may hinahabol na oras. 

Umupo ako at napa-iling.

"Isang model tapos isang trainee ng talent agency," bulong ko sa sarili. "Tapos ako tinutugis ng sindikato? Pambihira." 

Tinanggal ko na ang takip ng cup noodles at sinimulang kainin.

Tiningnan ko ang lalaking natutulog.

"Big time ka pala ha," sabi ko at kumain muli. "May fans ka ba? Hindi ba nila ako kakalbuhin? Wait!" 

Tiningnan ko ang paligid. 

"Wala namang paparazzi, 'no? Ayoko ma-dispatch."

Halos sampung minuto ang lumipas at kung kailan patapos na ako kumain ay doon pa ako nasamid at wala akong tubig!

Napansin ko iyong wallet niya na halos malaglag na sa bulsa niya at kinuha iyon. 

"Hindi ako nagnanakaw ha," sabi ko habang naghahanap ng barya. "Bibili lang ako ng tubig. Ibabalik ko naman—"

"What are you doing?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may magsalita. Pagtingin ko ay mula iyon sa babaeng naka-cross arms at mataray ang mukhang nakatingin sa akin. 

"I'm asking you," sabi ng babae. "What are you doing?" 

Hindi ako makagalaw. Para akong nanigas sa kinauupuan ko. 

Nahuli niya akong kinuha at binuksan ang wallet ng tulog na lalaki!

HOW SHOULD I EXPLAIN THAT I ONLY WANTED A DRINK?!" 

"Taking advantage of a drunk man, huh?" sabi nito.

Agad akong napatayo. "M-Miss, hindi. Na-misunderstand—"

"Ma'am Everleigh, bubuhatin ko na po?" biglang may sumulpot na lalaki sa likuran niya. Kung titingnan ay mukhang driver niya ito.

WAIT. 

EVERLEIGH?!

Siya ba 'yong tinawagan ng lalaki kanina?

O baka naman alam niyang model ito at nagkukunwaring kakilala para makuha nila?

Kidnapping? Ransom? Or i-ta-take advantage ang kalasingan at kukuhanan ng mga malalaswang litrato pang blackmail?!

Wait lang! 

Trust issue, heto ka nanaman! 

"Yes, kuya, please," sabi nito. 

Akmang lalapit ang lalaki nang harangin ko sila.

"Anong proof ninyong kakilala niyo siya?" tanong ko bigla.

"What?" the woman asked uninterestedly.

"Mahirap na," sabi ko. "Baka anong gawin niyo sa kanya." 

The woman scoffed. "Where did you get the nerve to say that? FYI, ikaw ang nahuli kong kumukuha ng pera sa wallet niya." 

Napalunok ako.

Oo nga, 'no.

"Kahit na," sagot ko. "Ipinagkatiwala siya sa 'kin ng kaibigan niya. Show me a proof na ikaw nga ang hinihintay namin." 

The woman sighed and rolled her eyes. 

"Why am I even dealing with petty things," bulong nito sa sarili.

Maya-maya'y hinablot nito ang wallet sa kamay ko at may kinuhang polaroid sa sulok niyon at ipinakita sa 'kin. 

Ang litrato ay isang class picture ng mga bata. Itinuro nito ang babaeng nasa gitna.

"That's you? Hindi ako naniniwala," sabi ko. "Mga bata 'yan, e. B-Baka nagbago na ang mga mukha gaya sa TV." 

"I'm gonna lose my mind..." bulong nito at kinuha ang cellphone. May tinawagan ito at maya-maya'y nag-ring ang cellphone sa bulsa ng lalaking natutulog. Nang tingnan ay nabasa ko sa Caller ID na 'Everleigh' ang pangalan ng gumatawag. 

Napalunok ako. 

Shet. 

"Satisfied?" the woman asked and took the paper bag from the table.

Umusog ako nang lumapit na ang driver at inalalayan ang lalaki. Naunang lumabas ang babae at habang palabas sila Lyle ay sumusunod ako at nasa gilid lang niya ako.

Binuksan ko ang pinto at nang lalabas na sila ay laking gulat ko nang bigla nalang hinawakan ng lalaking nagngagalang Lyle ang braso ko. 

Akmang tatanggalin ko na iyon nang marinig namin siyang bumulong.

"Don't go..." 

Nagkatinginan kami ni Everleigh at maging siya ay hindi malaman ang gagawin. 

"I'll take you home, Lyle. Your mom must be worried," sabi rito ni Everleigh. 

Hindi sumagot si Lyle na nakapikit pa rin. Maya-maya'y unti-unti nang bumibitaw ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa akin. 

Naiwan kaming nakatayo ni Everleigh habang pinanunuod ng driver na ipinapasok si Lyle sa back seat. 

"Don't set your hope way too high, miss," she said out of nowhere while watching the driver accompanying Lyle.

I looked at her, confused. 

"The higher your hope is..." she stopped and she looked at me. "...the deeper you'd fall." 

She smiled before she started to walk away.

After few steps, she stopped. Without looking back, I heard her sighed. 

"Forget whatever happened tonight. Lyle won't even remember you once he's sober enough." 

She looked back and met my eyes.

"Don't get yourself hurt." 

She smiled again before she turned serious and walked away. The moment she stepped inside the car, it departed and I was left there, standing still, feeling so small of myself while watching the car vanishing entirely from my sight.

Tomorrow morning, nakita ko nalang ang sarili ko na naglalakad sa eskinita pauwi ng bahay. 

Nagpa-pick up ako sa boss ko at sa kanila nagpalipas ng gabi kasama ang dalawa ko pang ka-trabaho na tinutugis din ng mga sindikato. 

Akala nga raw nila ay nahuli na ako dahil nga sa pag-uusap namin ng boss ko bago ako mahabol. Ang sabi, kasalukuyan nang nakikipag-negotiate ang ka-pulisan sa sindikato para sa kasamahan namin. 

Ito ang hirap sa trabaho namin. 

Kadalasan, ang mga may kapangyarihan ang nakikinabang habang tayo ang nagiging kolateral.

Bumuntong-hininga ako habang papaliko sa isa pang eskinita. 

Pinayagan kaming umuwi para sabihan ang mga pamilya namin at maya-maya lang ay susunduin muli. Mahirap na kasi kapag pati mga pamilya namin ay nadamay.

Habang naglalakad ay doon ko napansin na pinagtitinginan at pinagbubulungan ako ng mga tao. 

Anong... mayroon?

"Kawawang bata..." rinig kong bulungan pa nila. 

Kawawa tungkol saan? 

Nang marating ko ang labas ng bahay ay kumunot ang noo ko. Walang mga tsinelas sa labas.

"Umalis ba sila?" tanong ko sa sarili.

Nang buksan ko ang pinto ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

Wala nang mga gamit sa bahay.

"Anong... nangyayari?" bulong ko.

Pumasok ako sa loob at mga gamit ko nalang ang natira roon. Nang lapitan ko ang lamesa ay may sulat na naroroon. 

"Nasa tamang kamay na ang mga kapatid natin. 'Wag mo na silang hanapin. 'Wag mo na akong hanapin."

 

Kumalabog ang dibdib ko sa nabasa ko. 

Agad akong pumasok sa kwarto para tingnan ang mga gamit ng mga nakababata kong kapatid ngunit kahit isang damit ay wala na roon. 

Agad akong nanlambot at napasalampak sa sahig habang nangingilid ang mga luha. 

Ipina-ampon na ba niya sila?!

"H-Hindi," sabi ko sa sarili. "Hindi pwede..." 

Pagtayo ko ay halos tumumba ako dahil sa panghihina.

Hindi niya pwedeng gawin sa mga kapatid ko 'to!

Hindi pwede!

Tulirong lalabas na sana ako para hanapin si ate nang ma-alala ko ang ipon na tinatago ko. Napatakbo ako sa kwarto at ang nadatnan ko sa drawer ko ay ang simot kong pitaka. 

Nakagat ko nang mariin ang labi ko habang umagos na nang tuluyan ang mga luha ko. 

Hindi pwede...

Hindi 'to kayang gawin ni ate...

Tumayo ako at agad-agad na tumakbo palabas habang tuliro at hindi malaman ang gagawin. 

Nanlalabo na ang paningin ko sa dami ng luhang tumutulo sa mga mata ko.

Halu-halo ang nararamdaman ko. 

Galit.

Lungkot.

Nakakabalisa. 

Sa sobrang pagka-tuliro ko ay hindi ko na namalayan na wala akong suot na tsinelas at patuloy lang sa pagtakbo sa ilalim ng initan habang pinagtitinginan. 

Nagpara ako ng jeep at sumakay. Kailangan kong puntahan si ate. Baka... baka dinala lang niya sa trabaho ang mga bata. 

Hindi naman...

Hindi naman siya ganoon kasama, 'di ba? 

Pare-pareho lang kaming naghihirap.

Habang nasa loob ng jeep ay hindi ako mapakali. Kahit na anong pigil ko sa luha ko ay patuloy lang ito sa pag-agos.

Nang makarating ako sa trabaho ng ate ko ay pakiramdam ko'y pinatay na rin ako. 

Nag-resign na si ate at sumama sa boyfriend niya. Ipina-ampon niya ang mga kapatid ko at lahat ay nangyari kagabi lang...

Kung...

Kung naka-uwi lang sana ako.

Kung napakain ko manlang sa mga kapatid ko 'yong pizza na matagal ko nang ipinapangako dahil hindi pa sila nakakatikim niyon.

Kung nakita ko manlang iyong saya sa kanila, kahit sa huling pagkakataon...

Hindi ko na kaya.

Ang sakit-sakit na.

Gusto ko silang hanapin pero hindi ko alam kung saan.

Habang nasa loob ng jeep pa-uwi ay tuluyan na akong humagulgol. 

Habang ang mga kapatid ko dati ay nagugutom, nasa probinsya ako at pag-aaral lang ang pino-problema.

Sa tuwing iniisip ko ang bagay na 'yun, mas lalong bumibigat ang lahat. 

Pasensya na kayo. Walang alam si ate...

Nang maka-uwi ay nadatnan ko ang may-ari ng bahay. 

"Reign, okay na ba ang mga gamit mo?" 

"Po?" tanong ko habang tuliro pa rin. "B-Bakit po?"

"May titingin na kasi niyan mamaya, 'neng. Bagong mangungupahan." 

"Ano pong... sinasabi niyo?" naguguluhan kong tanong.

"Kinuha na ng ate mo ang deposit kagabi. Nauna na raw sila at ngayon ang alis mo." 

"Po?!" gulat kong tanong at lalong nanlumo.

"Hindi ka ba nasabihan?" tanong nito sa akin. 

Halos manlambot ang tuhod ko sa mga nangyayari. 

"Mag-impake ka na ha, at ako'y maglilinis pa riyan," sabi nito at tuluyang umalis. 

Pumasok ako sa loob at na-upo sa sulok at tuluyang humagulgol nang todo. 

Why life...has to be this cruel? 

Habang nag e-empake ay tuloy lang ako sa pag-iyak. 

Gusto kong magwala.

Gusto kong magalit.

Kung ano na ang mangyayari sa akin ay hindi ko na alam.

Kung saan man ako tutuloy ngayon ay mas lalong hindi ko alam.

Kahit ang ipon ko para sa pagbabalik-eskwela ko ay wala na.

Pati ang mga kapatid ko na dahilan kung bakit ko pinasok ang mapanganib na trabaho ay wala na rin.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Matapos mag-impake ay naglalakad na ako sa kalsada at hindi malaman kung saan pupunta. 

Kailangan kong makita ang mga kapatid ko. Kailangan ko silang bawiin.

Pero hindi ko alam kung paano at saan.

Napapikit ako nang mariin.

Gusto kong... maglaho.

Habang naglalakad ay may kotseng huminto sa gilid ko. Bumukas ang bintana nito. Nang tingnan ko ay isang lalaki ang nasa loob.

"Come inside," tipid nitong sagot. 

Hindi ko ito pinansin at patuloy na naglakad. 

Sumunod ito. "Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko, sakay na." 

Hindi ko muli ito pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. 

"Undercover Asset 092, you stop there!" sigaw nito. 

Umirap lang ako at akmang maglalakad ulit.

"You're looking for your siblings, right? I know where they are."

Doon ako napahinto at agad na napalingon.

Nang makita ng lalaking nakuha niya ang atensyon ko ay ngumiti siya.

"Hop in," sagot nito. 

Pumasok ako sa loob at ilang minuto lang ay umandar na kami.

"Nasa'n ang mga kapatid ko?!" agad kong tanong.

"Calm, miss," sabi nito. "I'll tell you once we arrive at the safe zone." 

"Safe zone?" tanong ko.

"Yup," sagot nito. "The safe zone."

Ilang minuto kaming nasa biyahe. Nang marating namin ang detention center ay bigla akong kinabahan. 

"Don't worry," sabi ng lalaki. "Just follow me." 

Sinunod ko siya at dinala niya ako sa isang interrogation room. Umupo siya sa isang upuan habang ako ay nanatiling nakatayo sa pintuan at hindi malaman ang magiging reaksyon.

"Sit," sabi nito. "'Wag kang kabahan. Hindi ka suspek o witness o ano." 

Nag-aalinlangan man ay hindi na ako kumibo at umupo sa tapat niya. 

"Nasa'n ang mga kapatid ko?" tanong ko ka-agad. Bakas sa boses ko ang determinasyon. 

Ngumiti ang lalaki habang nag-aayos ng dokumento. "They're safe, don't worry."

"I'M ASKING YOU WHERE THEY ARE!" sigaw ko na umalingawngaw sa loob. 

"Chill," sabi ng lalaki. "Masiyado kang tensed." 

May inilagay itong papel sa harap ko.

"Wala akong panahon para mag-aksaya ng oras," sabi ko.

"So are we," sagot nito. "First and foremost, Undercover Asset 092, your siblings are safe. Isa sa mga tauhan namin ang matagal nang naghahanap ng magkapatid na puwedeng ampunin at mga kapatid mo ang nakuha nila." 

"Nasa'n sila?" tanong ko habang muling nangingilid ang mga luha.

"That's something that I can't disclose for now because it will breach the consent that your sister signed for the adoption," sagot ng lalaki. "But breaking rules are fun, aren't they?" 

Tiningnan ko ang lalaki. Mapanlinlang ang ngiti nito.

"Anong... ibig mong sabihin?" 

Bumuntong-hininga ito at tiningnan ako sa mga mata.

"What if puwede mo pang makuha ang mga kapatid mo?" tanong nito.

I gulped.

"Anong kapalit?" tanong ko pabalik. 

"Oh, you have the wits, huh."

"Alam kong hindi ninyo ako bibigyan ng ganyan kagandahang offer kung wala kayong binabalak," sagot ko. "Anong kailangan niyo sa 'kin?" 

"As expected from the ace of the undercovers. You have a great sense of practicality," sabi nito at ngumiti. "Flip the paper in front of you, please."

Tiningnan ko ang papel na nasa harapan ko at binaligtad iyon. Ang papel ay naglalaman ng balita tungkol sa isang guro na walang-awang pinaslang sa isang celebration party. Ang suspek na nahuli ay ang sarili nitong estudyante.

"What do you think of the article?" the man in suit asked me.

"I've heard it before," I answered. "Pero anong problema rito? Hindi ba't may suspek na at fingerprints niya lang ang nakita sa weapon? Case closed na dapat ito." 

"Nice observation," sagot ng lalaki. "But what if, I'll tell you, that he might be innocent?"

Tiningnan ko siya. "Paano?"

"I am Jax Scott, Ms. 092. I am the prosecutor-in-charge of the case."

"Prosecutor?" tanong ko. "Eh 'di pabor sa 'yo 'tong kaso na 'to. Lahat ng ebidensya, ang suspek ang itinuturo." 

"Not exactly, miss," sagot nito. "Few years back, may isang lalaking nakulong at muntikan nang mapatawan ng death penalty dahil nahuli siyang binubunot ang kutsilyo mula sa dibdib ng tatay niya. Lahat ng ebidensya siya ang tinuturo, hanggang sa fingerprints, siya pa rin. Only to find out, that he was innocent and it was his mom who did it. Kung walang tumulong sa kanyang magagaling na lawyer, malamang ay dagdag na siya sa mga numero ng mga buhay na nasayang dahil sa mababaw na pagtanaw sa batas at hustisya."

I gulped. I knew it was Traise Stevens whom he was talking about.

"Pero, come to think of it. Hindi lahat ng tao ay kasing-suwerte niya. Ang iba, namamatay nalang nang hindi manlang nabibigyan ng pagkakataon na malitis, hindi ba?"

Huminto ito at ngumiti nang tipid. 

"Iyon ang iniiwasan ko sa kaso na ito. Ayoko ng kahit na anong kolateral."

This man...

I can sense his desperation.

"Ang suspek ay si Hale Parker, anak ng Parker Holdings," pagpapatuloy nito. "Madalas mapag-isa. Walang kaibigan. Weird kung i-describe ng mga kaklase. Kung magiging isa kang manipulative na kriminal, siya ang best sacrificial lamb para i-frame up, hindi ba?" 

Hindi ako makasagot. May punto siya. 

"Now, I want you to watch this and observe them." 

Ibinigay nito ang iPad sa akin at may pinanuod akong video. 

Naka-blur ang mukha ng mga iniinterview at naka-censor ang mga pangalan nila. Interrogation iyon patungkol sa nangyaring krimen at mga estudyante ang sumasagot.

"What do you think?" tanong niya matapos kong panoorin. 

"I... don't know," sagot ko. "Para silang... may superiority complex. I mean, someone died and... parang wala lang sa kanila." 

"Exactly," sabi nito. "But what if I'll tell you that those students are Hale's classmates and were all in the crime scene?" 

"W-What?!" I exclaimed. "Namatay ang adviser nila pero... ganoon pa rin sila umasta na parang wala lang? At itinuturo nila iyong suspek na para bang... nakita nila na siya ang may gawa."

"Kahit hindi naman nila nakita," pakikisali ni Jax. "Fishy, isn't it?'

"Bakit mo ipinapakita sa akin 'yan?  At para saan ito? Hindi ba't confidential 'yan?" 

"Well, not anymore," sagot nito at tumayo. "What if you can have your siblings back, Reign? Additionally, you'll have monthly allowance, accommodation and all. You can even go back to school and we'll cover all the expenses—tuition, miscellaneous, uniform, books—name it and it's West Carson High, on top of everything. Will you grab it?"

I gulped. I knew something was up.

"If offers are too good to be true, it's either it's a lie or it will cause me my life," I answered. "What do you need in return?"

Ngumisi ang prosecutor.

"A part of me says Hale is guilty and a part of me says he might be not. That's why we came up with a plan. Para makilala namin ang pinag-sususpetyahan namin, kailangan namin ng taong kaya silang matyagan at kilalanin. Kapag nakilala namin sila isa-isa, ano ang mga ugali nila, persepsyon sa biktima at kahit mga maliliit na usapan, madali nalang tingnan kung may motibo ba sila o wala. In short, kailangan namin ng taong kayang magpanggap na isa siya sa kanila pero ang totoo, pinag-aaralan na sila."

The prosecutor looked at my eyes.

"That's a work that only a professional undercover can pull off, Reign," sabi nito. "That's a work that only you can ace with ease."

"What if I reject this?"

"Well, first of all, you can't," sagot ni Jax. "If you insist, then say goodbye to your siblings permanently and..." 

Huminto ito and I saw his lips curved a small smirk. 

"You are Judge Neska and Prosecutor Aubrielle's cousin, aren't you?" 

I felt my heart just skipped a beat. 

I opened my mouth to say something but nothing was coming out.

"Imagine, matagal ka na nilang hinahanap only to find out na naging undercover ka. Can you imagine what their reactions would be?" 

"You..." I said, jaw clenched. "Is this a blackmail?"

"If that's what you call it," sabi nito. "This is how desperate I am to solve this case, Reign. Help me and I'll return the favor. If you will accept the job, hindi ako magsasalita kila Neska. You can have your siblings back once you have your mission cleared, at bukod sa allowance mo ay may salary ka pa para maka-ipon ka. Makaka-graduate ka pa ng Senior High sa isang prestigious school. All you have to do is be an undercover and be our eyes and ears. It's a win-win for the both of us, don't you think?"

Hindi ako makasagot. Hindi ko ma-absorb ang lahat. 

"Besides, you won't be working alone." 

Napatingin ako sa kanya. "What do you mean? May partner ako?"

"Somehow but not exactly," sagot nito. "Kasi hindi naman siya aware."

"Paanong hindi aware?"

Umupo ito at humarap sa akin.

"Sa section na pinaghihinalaan ko ay mayroong isang estudyante na hindi pumunta sa party na 'yon. Technically, siya ang nag-iisang inosente kung tutuusin. That's why you have to team up with him without getting caught as an undercover, Reign. You have to earn his trust and make him tell you each of his classmate's dirty little secrets. Kung paano, it's up to you. Seduce him or make him fall for you, it doesn't matter. What I care is the outcome. Only the product can show your value."

The prosecutor shrugged. 

"But you gotta be careful. The devil was once an angel so you gotta trust no one."

"Kung... sakali," sabi ko. "Kung sakali lang na tatanggapin ko ito. Sino itong sinasabi mong dapat kong maka-team up?"

"Glad you're excited," sabi nito at may inilagay itong litrato sa harapan ko.

Nang makita ko ang pamilyar na mukha na iyon ay agad na nanlaki ang mga mata ko.

WAIT....

IS IT REALLY—

"Yup, it's him," sagot nito at tipid na ngumiti sa akin. "It's none other than Lyle Heimsworth."

Maang na napatingin ako sa kanya. Hindi makapaniwala.

"He's our Ace of Spades or also known as..." he stopped as he turned fierce and met my eyes. "The Death Card..."

# PART FOUR: DIGGING YOUR OWN GRAVE

"Approaching Central Station. Paparating na sa Central Station."
 

Dumiin ang kapit ko sa handrail  nang marinig ko iyon. Kasalukuyan akong nasa loob ng train at papunta sa isang lugar na hindi ko inakalang mapupuntahan ko sa talang buhay ko. 

Tiningnan ko ang repleksyon ko sa bintana at mula roon ay nagawi ang tingin ko sa logo ng suot kong uniporme. 

Ang logo ng West Carson High. 

Bumuntong-hininga ako at ini-ayos ang uniform na suot ko. Kung titingnan, halos magmukha akong Koreana. 

Oo. 

Tinanggap ko ang offer ni Prosecutor Jax Scott. 

Desidido akong makuha ang mga kapatid ko at bukod doon ay makapag-aral. 

Binigyan niya ako ng tatlong araw para pag-isipan iyon. Ngunit wala pang isang araw, pumayag na ako. Hindi ako pwedeng mag-aksaya ng panahon. Kailangan kong mahuli kung nasa klase man na 'yon 'yong totoong pumatay sa adviser nila. Kung wala, edi nawa'y lahat.

Pero sa totoo lang, nakakatakot. Na-alala ko nanaman tuloy 'yong pa-alala ni Prosecutor Jax. 

"Those students are from the wealthy and influential sector of the society. You have to make sure that you won't get caught by anyone, Reign. Kung 

nakaya

 ng isa ang 

pumatay

, 

paano

 

kapag

 lahat pa sila?"

For the hundredth time, I sighed again. Bahala na. 

Nagawi ang tingin ko sa mga estudyante na kanina pa ako pinagtitinginan. Sa totoo lang, hindi ko na kailangan pang mag-isip kung bakit. 

Imagine a student from West Carson High riding a public transportation. 

Napangisi ako.

Thanks to Prosecutor Jax at bago ang cellphone ko at lahat ng gamit, maging ang laptop. Siya rin nag-process ng enrollment at lahat. Iyong ATM card ko naman ay processing palang.

Kakayanin ko ba talaga? 

Ang epic siguro kung first day palang mahuhuli na agad nila ako.

Halos mapangisi ako ulit.

Kaya mo 'yan, Reign!

"SIGE, HIPO PA..." 

I literally stopped talking to myself when I heard the woman beside me murmured that to herself.

Kita ko ang pagpipigil niya sa sarili. 

Nang lingunin ko ang nasa likuran niya ay isang lalaki ang naroroon. Kung titingnan, halos magka-edad lang din sila at siguro, mahigit limang taon ang agwat sa akin. 

Napa-iling ako.

That wasn't the first time, though. I
mean, in my everyday life as a commuter, marami na akong nakitang mga taong nag e-eskandalo dahil na-ta-take advantage ng mga manyakis ang siksikan na tren. Kagaya na nga lang nito.

Napa-iling nalang ako. 

Haaaay, mga tao talaga. 

Nagbukas nalang ako ng cellphone para ipagpatuloy ang pag se-set up nang mapansin ko ang daliri ng nasa likuran ko through the reflection from my phone's screen. Humahawak na iyon sa pwetan ng babaeng katabi ko. 

Shit.

"Sige kuya, manghipo ka pa! 'DI KA TALAGA TITIGIL?!" 

I heard her shouted that and my grip on my phone tightened. 

Oks 'to, witness ako.

"PATAY MALISYA PA, KUYA?" galit na sigaw ng babae sa likuran.

That's when things hit me. The woman was shouting at the guy behind him at hindi sa lalaki sa likuran ko na totoong nanghihipo sa kanya kanina.

"P-Po?" the guy asked her. It was obvious that he was panicking.  Maybe because of the people's attention. Nagtitinginan na kasi ang lahat. 

Nang hanapin ko ang lalaking totoong nanghipo sa kanya, nakita ko kung paano ito lumabas nang bumukas ang pintuan ng tren.

"BA'T KA NANGHIHIPO?" sigaw ng babae sa lalaki.

Halos masapo ko ang noo ko. Humarap ako sa babae.

"Miss, hindi siya—"

"BAKIT NGA, HA?! BASTOS KA!" sigaw mg babae at hindi ko na natapos ang sasabihin ko.

"Po? H-Hindi po ako 'yun!" depensa ng lalaki. Namumula na ito. "Promise, hindi po ako! Nakatayo lang ako rito!"

"Miss, hindi nga siya—"

"IKAW YUN!" ganti ng babae. "BASTOS KA! IDEDEMANDA KA!"

"Hindi nga po ako 'yun," the man said. "I-Iba po 'yon!"

"Asa'n?" she asked. "Ikaw lang naman lalaki sa likuran ko!"

"Hindi, miss," pakikisali ko. "Mayroong—" 

"ANO 'TO, HA?! MAGKAKUNTSABA PA KAYO?!" 

Literal na nalaglag ang panga ko.

Excuse me?!

"H-Hindi po ako," the man said. stuttering. "Promise, hindi po ako—'

"IKAW YUN!" she shouted again. "'WAG KA NA MAGSINUNGALING, NARAMDAMAN KITA!" 

"Nagbabasa lang po ako—"

"SINUNGALING!" sigaw ng babae at hinablot ang kamay ng lalaki. Namilog ang mga mata ko nang ilagay niya ang kamay ng lalaki sa pwetan niya. "GANTO GINAWA MO, GANTONG GANTO 'YONG PAKIRAMDAM!" 

The man immediately pulled his hand back, flabbergasted on what she did. 

"HINDI NGA AKO 'YON!" nagsisimula na itong magalit. 

"IKAW 'YON!"

"HINDI NGA PO! HINDI KO GAGAWIN 'YON!"

"EH, NAGAWA MO NA NGA!"

"HINDI NGA AKO, SABI EH!" 

"BA'T KA SUMISIGAW?!" 

"KASI NGA HINDI AKO 'YON, ATE OKAY? NAKAKA-FRUSTRATE KA NA!"

"ANONG HINDI IKAW? IKAW LANG LALAKI SA LIKURAN KO, NARAMDAMAN KITA!"

Nagsimula nang magbulungan ang mga tao. Ang ilan naman ay kumukuha pa ng video. 

Bahagya akong umusog. 

Bahala kayo riyan. Sakit niyo sa ulo!

"HINDI KO NGA MAGAGAWA 'YON!" sabi ng lalaki at nababanas na ito. "ANO BAAAA!"

"BAKIT? IKAW NGA LANG 'YONG LALAKI RITO!"

"Bakit, lalaki lang ba pwedeng manghipo?!" sagot ng lalaki at maya-maya'y tiningnan ako.

Luh?!

"BASTA!" sabi ng lalaki. "HINDI KO MAGAGAWA 'YON!"

"BAKIT?!"

"MANIWALA KA ATE, HINDI KO NGA 'YON MAGAGAWA—"

"BAKIT HINDI? EH NARAMDAMAN NGA KITANG—"

Napapikit ang lalaki nang mariin.

"KASI BAKLA AKO, OKAY?!" sigaw nito na ikinatahimik ng babae. 

Wait...

WHAT?!

"MUKHA LANG AKONG LALAKI PERO BAKLA AKO! LALAKI GUSTO KO, BAKIT KITA HIHIPUAN? ANO, MASAYA KA NA? AT BA'T KITA HIHIPUAN, EH MAY BOYFRIEND AKO, ATE?" sabi nito. 

Huminga ito nang malalim. 

"PINAGMUMUKHA KO LANG NA LALAKI ANG SARILI KO DAHIL AYAW KO MALAMAN NG PAMILYA KO! DAHIL WALA AKONG LAKAS SABIHIN! JUSKO NAMAN, ANO, MASAYA KA NA?" 

That rendered everyone speechless. 

Teka lang...

Ano raw...?

Nag-out si kuya mo out of presure?!

When I looked at the woman, her face was madly red but this time, it was out of, perhaps, guilt and embarrassment.

"Uh...kuya..." she said, stuttering. 

"ANO?!" pabalang na sagot ng lalaki.

"Uh...ano kase..." she said, stuttering still.

"ANO NGA?!" he asked back.

"'Wag ka mag-alala, baka alam na ng pamilya mo ngayon pa lang na ano ka, you know..."

Kumunot ang noo ng lalaki at ganoon din ako. Nagpalinga-linga pa nga ako dahil baka nandito ang tatay niya.

"Ha?" tanong niya. "Bakit?"

"Baka kasi...nanunuod sila ngayon...?"

Confusion swallowed him. "Nanunuod? Saan?"

Napalunok siya.

"Live kasi tayo ngayon," paliwanag ng babae. "Naka-broadcast...nationally."

"Paano...?" the guy asked, baffled.

"Kuya, ate," sabi nito sa aming dalawa. "Ayun 'yong camera." 

May itinuro ito at pareho kaming napatingin doon. Nang makita namin ang tinuturo niya ay nanlumo kami.

And the next thing she said made my soul flew out of my body.

"Nasa Wow Mali kayo..." 

WOW MALI. 

WOW MALI TALAGA. 

Nasapo ko ang noo ko habang naglalakad papunta sa school. 

"Pambihira," sabi ko sa sarili at nangingiting umiling. "What a first day in school, Reign. May special cameo ka pa sa Wow Mali. Ano nick name r'un, ha? Witness #1? Pakialamera #1? Victim #2?"

Matapos sabihin ni ate kanina na naka-live broadcast kami sa Mali 'yon ay halos bumagsak sa lapag iyong lalaki. Nag-usap sila ng direktor at hindi ko na alam ang pinag-usapan nila.

Isa lang ang naiisip ko: Agik.

Nagpatuloy ako sa paglalakad nang matanaw ko na ang school at ang mga estudyanteng lumalabas at pumapasok dito. 

Nang makarating ako sa tapat ng gate ay nakabuka lang ang bibig ko at hindi malaman ang sasabihin sa sobrang ganda nito. 

Napalaki ng gate nito. Kung titingnan ang kulay ng eskwelahan na may temang maroon at gold, mukha kaming nasa Hogwarts. 

Nakagat ko ang labi ko.

Dito talaga ako mag-aaral? Ang saya naman! 

Sa sobrang excited ko ay halos makipag-unahan ako sa mga estudyante para pumasok. 

Pagtungtong ko sa gate ay may touchless temperature checker na agad. Once tumayo ka sa tapat nito  ay automatic lalabas ang temperature mo sa screen. 

"36.3, ma'am," sabi ng guard. 

"Thank you po," nakangiti kong sagot at pumasok na sa loob. 

Pagpasok mo naman sa loob ay may harang bago ka makapasok sa mismong campus. 

Hinawakan ko ang I.D ko at tiningnan ang mukha ko sa litrato. Ang I.D namin ay may unique micro chip na naka-embed na mismo sa I.D card. Kapag nag-tap ka sa harang, kusa itong bubuka para makapasok ka.

Once nag-tap ka na, lalabas sa screen ang mukha mo at kung anong grade ka na. Ito ang paraan ng school para malaman kung ang mga nagtatangkang pumasok ay estudyante talaga nila. 

I don't know if that's because they wanted to tighten the security or they're hiding something.

Hmmmm, trust issue 'yan ka nanaman. 

Atsaka, gusto ko ang ganito. Kung bakit? 

Tiningnan ko ang gwapong lalaki na nag-tap ng I.D niya at pumasok.

The moment his name and his grade level flashed on the screen, agad-agad akong napatingin doon. 

Isang way na rin kasi ito para malaman pangalan ng type mo. 

However, the smile on my face literally faded when I saw his grade level. 

GRADE NINE. 

Halos masapo ko ang noo.

Engggk! 

Nag-tap na ako ng I.D bago pa 'ko masita ng guard at pumasok na sa loob. Ilang segundo matapos ako mag-tap ay naka-receive ako ng text message.

West Carson High. 

Your daughter named Reign Harriett has safely arrived and tapped her 

I.D

 at 8:24 AM today.

Thank you.

Ngumiti ako at isinilid ang phone sa bulsa ko. 

Isa kasi iyon sa feature ng entrance. Every tap, makaka-receive ang parents ng in and out ng mga anak nila. 

Yup. 

This is West Carson High, everyone.

Bakit ako ang naka-receive ng text? Wala na kasi akong pamilya.

Pagpasok ko ng campus ay mas lalo pa akong namangha. Kung titingnan, napakalaki nitong eskwelahan. 

Matataas ang mga building may pinturang maroon. Sa labas ay student park na kitang-kita mo ang  grass land at nagkalat na benches. May mga puno sa paligid at tanaw mula sa malayo ang school dorm.

"Wow..." bulong ko sa sarili. "Mukha nang university 'to ah..."

Kinuha ko ang cellphone ko at pinicture-an ang paligid. Agad ko iyong sinend sa messenger ni Prosecutor Scott. 

"Nice. Good luck, Reign. Stay alive."
 

Nakangiting inirapan ko ng reply niya.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin niya ako ina-accept sa Facebook. Ang pangit ng ugali, taas ng pride.

Nagsimula na akong maglakad papuntang faculty para makakuha ng modules so I can catch up to their lessons since one quarter behind ako. 

Matapos ang mahabang pagtatanong, finally ay narating ko na ang faculty. Laking gulat ko nga nang may escalator sila papuntang upper level. Sa upper level naman ay may elevator at iyon ang ginamit ko papuntang faculty office sa 5th floor. Kumatok muna ako bago buksan. Nang buksan ko ang pinto ay ngumiti ako.

"Good morning—"

Natigil ako nang makita ang nangyayari. Sa loob ng faculty office ay mga guro na nagkakagulo. 

Sa gilid ay may mga nag pra-practice ng sayaw. 

Sa isa pang gilid ay mga nag-aayos ng design. 

Mayroon namang guro na tini-trintasan ng isa niyang estudyante.

May isa pang guro na tinatanggalan ng puting buhok ng isa pang estudyante. 

Mayroon ring estudyanteng umiiyak at nagmamaka-awa for special subject sa teacher niya mula sa 'di kalayuan.

"Ano... 'to...?" bulong ko sa sarili. 

"Yes, miss?" tanong ng lalaking huminto sa pagsasayaw at lumapit sa akin.

"Ah, kay Sir Ivan Gliponeo po," sabi ko rito.

"New student?" tanong nito.

Tumango ako. "Paano niyo po nalaman?" 

"We don't call him by his full name, ayaw niya. Call him Ivan." 

"Oh, sige po," nahihiya kong sagot. 

"Anyway, wala pa si Ivan. May meeting ata sila kanina pero parating na 'yun—" 

Natigil ang lalaki nang makitang ang atensyon ko ay nasa magulong set-up mg faculty. 

"Ah, 'wag mo naman kami i-judge," sabi nito at ngumiti. "Ganyan lang kami ngayon dahil ang daming event. Iyong mga estudyante na 'yan, scholar 'yan sila and required sila mag-render ng oras sa faculties." 

Tumangu-tango ako. 

"Anong section ka pala?" tanong ng lalaki at kumuha ng papel at nagsimulang mag-lettering.

"A po. Class 12A."

Bigla itong natigil at maang na tumingin sa 'kin. 

"Seryoso ka?" 

"Opo," sagot ko at napakamot ng batok. "Bakit... ganyan po kayo makatingin?" 

Tinakpan nito ang pentel pen at tumingin sa akin. 

"Have you heard the news about that class?" tanong nito. "That... murder thing?" 

"Yes po," sagot ko.

"And you still want you be there?"

"Opo," sagot ko.

"Miss, look," sabi ng lalaki. "Class 12A ang may pinaka-kaunting estudyante sa mga section na mayroon dito sa West Carson and with that murder incident, you'll know why. Aren't you scared?" 

Napalunok ako. 

Something's up with that class and even the teachers sensed it. 

"'Wag mo namang takutin ang bata, brad." 

Napatingin kami sa lalaking nagsalita. Nakasuot ito ng puting polo na naka-tuck in sa itim nitong slacks. Naka-rolyo ang sleeves ng polo niya at nakasalamin din ito na bilog. Kung titingnan ay mukha itong nasa early thirties.

"Ivan!" sabi ng lalaki at pilit na ngumiti. "Ikaw pala." 

"Stop stating the obvious," sabi nito at ininguso ang mga teachers na sumasayaw. "Mag-practice ka r'un para hindi ka magmukhang kiti-kiti sa program." 

"Ah, oo nga, sige," sabi ng lalaki at ngumiti sa akin. "See you around." 

"Opo, thank you," sagot ko. 

"Reign Harriett?" tanong nito sa akin. 

Sa unang pagkakataon ay nagkatinginan kami nito. Lalaking-lalaki ito tumindig at malaki ang boses. Halos manlambot ang tuhod ko.

"Opo," sagot ko.

May ini-abot ito sa akin at nang kuhanin ko ay gold nametag iyon at naka-ukit ang pangalan ko. 

"You need to wear that whenever you are inside the school premises, understood?" 

"Yes, sir—ay Ivan—Sir Ivan—Ivan—" natigil ako dahil halatang natataranta ako. 

Ngumisi ito at tiningnan ako. "Mukhang na-orient ka na rito, ah? Come with me. I'll introduce you to your classmates." 

Matapos maikabit ang nametag ko ay sinundan ko ito at habang naglalakad ay napansin kong pingtitinginan kami.

"Masanay ka na," biglaang sabi nito sa akin at huminto sa tapat ng elevator. "Bagong mukha ka sa kanila. Class 12A pa." 

Pinindot nito ang up sa elevator. 

"Paano po nila nalaman na Class 12 A ako?" nagtataka kong tanong. 

Nilingon ako ni Sir Ivan at tiningnan niya ang nametag ko. 

"There," sabi nito.

Nang bumukas ang elevator ay agad itong pumasok. May mga estudyante sa loob at agad kong napansin ang nametags nila.

"Good morning, Sir Ivan," bati ng mga ito. 

"Good morning," bati ni Sir Ivan.

Nang huminto kami sa 8th floor ay lumabas na ang lahat. Nang sumara ito ay kami nalang ang natira. 

"What did you notice?" tanong nito sa akin. 

"Magkakaiba kami ng kulay ng nametag," sagot ko. "Gold sa 'kin habang sa kanila ay bronze. Indication po ba iyon ng section namin?"

"Gold is for Class 12A. Silver is for Class 12B and Class 12C. The rest of the class, bronze," he explained. "It shows not just the section but the hierarchy of power and ruling class." 

Maang na napatingin ako sa kanya. 

"Don't ask me why, Ms. Harriett. You'll find the answer yourself during your stay."

Doon bumukas ang elevator.

"Let's go." 

Ilang segundo lang ay naglalakad na kami sa mahabang pasilyo at lahat ay tumitingin sa amin kapag nakikita nila ang kulay ng nametag ko. 

So this color...

It symbolizes power in this school.

May mga naglalabasan at dumudungaw.

Imagine, ang trato sa 'yo ng tao ay depende sa kulay ng name tag mo. 

This is insane.

Narating namin ang isang room. Huminto muna si Sir Ivan at bumuntong-hininga bago tuluyang binuksan ang pinto at pumasok. 

Napahawak ako sa strap ng bag ko. 

Here we go, Reign. 

Pumasok ako sa loob at tumayo malapit sa pinto. 

Sa pagpasok ko, nagtinginan sa akin ang lahat. Hindi gaya ng maiingay na ibang classroom, ang ingay lang dito ay ang mga nag ku-kuwentuhan at isang lalaki na sumasayaw sa likuran. 

Napaka-aliwalas tingnan ng kwarto. May sari-sarili ring upuan at table ang lahat. May white board, four air con, built projector, and a big flat screen Smart TV.

"I can't stop me~ can't stop me~ can't stop me~" pagkanta ng lalaking nasa likuran at sumasayaw pa.

Pinandilatan ito ng mata ni Sir Ivan at natawa lang ito nang mapansin iyon.

"Sorry na Sir," sabi nito at pinatay ang kantang pinatutugtog. Nang magtama ang paningin namin ay nanlaki ang mga mata nito. 

"IKAW?!" sabi nito. "I KNOW YOU!" 

Kinilatis ko ang mukha niya at agad ko siyang nakilala. 

Siya iyong lalaki sa convenience store na nagpakilalang kaklase ni Lyle! 

Suddenly, what Prosecutor Jax told me echoed on my mind. 

We were inside a room and doing a profiling. 

"Kilala ko 'to!" sabi ko 

nang

 makita ko ang 

litrato

 niya sa table. "

Nagkita

 na kami!"

"That's Nashville Burlington, Reign. His parents own a well-known plastic surgery clinics in Gangnam, South Korea and his ancestors are founders of some pharmaceutical labs. Trainee siya under a talent agency, potential main vocalist of the boy group. Be careful with him, okay? This man...is ambitious."
 

Kumaway siya sa akin at kumaway din ako pabalik. 

"Go back to your seat, come on," sabi ni Sir Ivan.

Lahat sila ay bumalik sa mga upuan nila at lahat ng mata ay nasa akin. 

"As you all know, you have a new classmate. Miss, Harriett, do the honor to introduce yourself, please." 

"Sure po," sabi ko at hinarap ang lahat. "Hi, I'm... Reign Harriett, 18 years old, from the province of—"

"Hold on," putol sa akin ng isa. "18? You're 18?"

Nang tingnan ko ang babae ay napakaganda ng mukha nito. May katangkaran at nasa gitna ng pagiging mataray at maamo.

Suddenly, I heard Jax's voice again during the profiling.

"That's Mississippi Smith. Her dad is the capital city's governor while her mom used to be part of the legislative. Be careful with her. This woman is a ticking bomb. She explodes...unexpectedly."

Napalunok ako at tiningnan siya. 

"Yes, I'm 18. I stopped for a year to focus on my mental health," direkta kong sagot.

"Oooooh," rinig kong reaksyon ng iba. 

"You mentioned you're from province? Why did you go here?"  Missi followed. 

"Ms. Smith, let her talk first," Sir Ivan said. 

"No, it's okay," sagot ko at taas-noo na hinarap siya. "My dad is a mayor and my mom is a public defender there." 

And of course, that was a lie. 

Prosecutor Jax Scott plotted it.

"Kapag nagtanong about sa background mo, sabihin mo mayor ang tatay mo at public defender ang nanay mo. Don't worry, I have you covered. Iyong mayor sa probinsya niyo ay tropa nila Tyler at iyong public defender sa office nila roon na tinatawag na Ms. Superior ay naka-usap na ni Avery para magpanggap na mother mo. Don't feel intimidated, that's the secret."

"Oh, okay," sagot nito at mukhang impressed naman ang iilan. 

"Satisfied, Missi?" natatawang asar dito ni Nashville. "Daig mo pa HR sa dami ng tanong, e."

Inirapan lang ito ni Missi.

"By the way, Ms. Harriett, we have a tradition here," Sir Ivan said. "Kada may bagong darating, we play two truths and one lie."

Kapag may bagong darating...? 

Tiningnan ko isa-isa ang mga estudyante sa klase. Lahat ay nakita ko ang mga litrato during the profiling. It means, ever since their seventh grade, walang nadagdag.

Wala nga ba o may ginagawa 'tong mga 'to para mawala sila?

I wonder.

"All you have to do is to tell two truths and one lie. We have to spot the lie, okay?" 

"Okay, sir," sagot ko at nag-isip. "First, I am eighteen. Second, my father is in Canada. And third..." 

Huminto ako at ngumisi.

"I am an undercover asset..." 

Sandali silang nanahimik hanggang ang iba ay tuluyang natawa. 

Maging ako ay bahagyang natawa.

"O, ano class," sabi ni Sir Ivan. "It ws obvious. Ano ang lie?" 

"Three!" 

"Obviously, Three!"

"Ang boring. Of course, three!"

Ngumisi ako. 

"Two!" 

Lahat kami ay napatingin sa lalaking naka-upo sa dulo malapit sa bintana.

Suddenly, I remembered my conversation with Prosecutor Jax.

"Kilala ko 'to," sabi ko 

habang

 

hawak

 ang 

litrato

. 

Nagkita

 na kami noon sa arcade."

"That's Levi Hudson, a child actor. Action star ang 

tatay

 niya 

habang

 theatre actress ang 

nanay

 niya. His brother, Brent Hudson, is the famous doctor online. You have to be careful with him. Actors are emotional manipulators. Don't get fooled."
 

Ramdam ko ang kalabog ng dibdib ko. 

"Number two? His father in Canada is a lie?" tanong ni Sir Ivan. "Then are you telling us, Levi, that Reign is eighteen and an undercover?" 

Napalunok ako.

Levi knew before that I was wearing a fake West Carson High Uniform.

Does he know something?

"I don't know. Who knows," sagot ni Levi at unti-unting umangat ang sulok ng labi. "I'm wondering too..." 

"Levi, alam ko namang action star ang tatay mo pero please, stay away from fiction. Reality 'to," sagot ng babae na naka-upo malapit kay Nashville. 

Agad ko itong namukhaan. 

"Next is 

Braelyn

 

Yngrid

," I can remember Prosecutor Jax telling me. "His father is the President of the Bangko Sentral ng Pilipinas. Kilala bilang peace maker ng school at friendly. Be alert if you want to befriend her. Malay mo, she just loves people being comfortable with her so she can get as many information as possible so she can destroy everyone in one shot." 

Tumingin sa akin si Braelyn at ngumiti. "Number three, ano?" 

Hinarap ko ang klase at ngumiti. 

"Opo, number three ang lie" pagsisinungaling ko. "I am eighteen and my father is currently in Canada."

"Ooooh," reaksyon ng iba.

"Why nasa Canada?" tanong ni Missi sa mga kaklase. "Vacation or what? Dapat 'pag provincial mayor, sa province na lang. Kaya kayo bagsak sa Philippine Politics and Governance, e." 

"Yabang, parang 'di umiyak sa Gen Math, ah?" pambabara rito ni Levi.

Habang nagtatawanan ang klase ay nagawi ang paningin ko sa babaeng naka-upo sa harapan ko. Mahaba ang buhok nito at chill lang ang mukha.

In a snap, I remembered Jax Scott again. 

"This is Everleigh Miller. Her dad is a senator while her mom is from a clan of oligarchs. Make sure na hindi 

ka

 niya mapag-iinitan. That woman is a silent killer. A literal silent killer who will destroy your life before you can even fight back. She's the witch of West Carson High, the biggest bitch you'd encounter."

Ngunit hindi ito kumikibo. Napakatahimik lang nito at nakikinig. 

Nagkita na kami noon nang gabing malasing si Lyle. 

Hindi ba niya ako natatandaan o nagpapanggap siyang hindi ngunit may pina-plano na ito? 

"Oh?" sabi bigla ni Sir Ivan habang nagbibilang ng mga estudyante. "Ba't kulang kayo? Sino wala?"

"GOOD MORNING, SIR!!!" 

Lahat kami ay napatingin sa sumigaw. Pawis na pawis ang babae at may bitbit na lalagyan ng gitara sa likuran niya. Mukha itong tumakbo. Ang buhok nito ay hanggang leeg niya lang at ang ilalim ay may kulay.

I know her...

"Reese Turner," sabi ni Prosecutor Jax during the profiling. "Wala akong 

makuhang

 data 

tungkol

 sa 

kanya

. Ang 

chismis

, 

lider

 ng mafia ang 

tatay

 niya. Hindi 

natin

 siya kilala 

nang

 

tuluyan

, Reign. Just like Missi, she's a ticking bomb but with a twist—we don't know where she was implanted."

Sa kanilang lahat, sa kanya ako na cu-curious. Seeing her now, indeed,  she's charismatic. 

"Bakit ka late?" tanong ni Sir Ivan. 

"Traffic, sir," sagot nito."Sorry."

"Kasalanan ko?" tanong ni Sir Ivan.

"Sinisisi ba kita?" ganti ni Reese.

My eyes literally widened, so did Sir Ivan. 

"Whoooo!" reaksyon ng klase.

"Go to my office, Ms. Turner," walang emosyong sabi ni sir. 

"Hala—wait—charot lang 'yon sir!" sabi nito. "Nag j-joke lang ako—"

"Joking and disrespecting are two different things, Ms. Turner. Go to my office, now." 

"Sir, joke lang daw 'yon," depensa ni Missi rito.

Ah, right. Friends sila.

"Sir, wait," Reese said. "I was just kidding—" 

"Didn't you hear me?" sagot ng teacher namin pabalik. "NOW!" 

Napakagat ako ng labi nang dumagundong halos ang kwarto sa lakas niyon. 

"Okay," sabi nalang ni Reese at akmang aalis na nang huminto at tumingin sa akin. "New student?" 

"Huh?" tanong ko at maya-maya'y tumango. "Oo." 

Ang seryoso nitong mukha ay unti-unting napalitan ng pagkakangisi. 

"Tsk tsk tsk," sabi nito at tiningnan ang mga kaklase. "I bet you guys are excited, huh? New classmate, new person to kill, I guess?" 

Nawala ang ngiti sa labi ng lahat ng tao sa classroom. Nag-iba ang pakiramdam sa paligid—nakaka-suffocate. 

"Ms. Turner, go to my office before—"

"And you," putol dito ni Reese. "You know what's going on with this class and you agreed to put this newbie here?" 

"Ms. Turner stop—"

"I know you're just our temporary adviser but please act like a teacher, sir. I have seen enough bullshits from this class and I can take no more." 

Tiningnan ako nito. 

"You, if you love your life, ask the registrar to transfer you to a different section. Otherwise..." 

She stopped and her eyes turned fierce. 

"...you're digging your own grave." 

"Ms. Turner, last warning," pagbabanta rito ni Sir Ivan. 

Tiningnan nito ang teacher namin at unti-unting tumaas ang sulok ng labi. 

"I'll see you in your office then, sir..." 

Binigyan ako nito ng huling tingin bago tuluyang lumabas.

"Class, wait for Grey, your class president, okay?" sabi ni Sir Ivan. 

"I'm here, sir." 

Nagawi ang tingin namin sa dalawang lalaki na pumasok. The one who talked was Grey.

"

Greysen

 Finch," na-aalala kong sabi ni Prosecutor Jax. "His dad is the Chief of the National Security Task Force.  The class president. Sa 

sobrang

 bait ng 

batang

 'to ay 

naging

 suspicious 

tuloy

 siya. Break his wall, Reign. Make him unleash the devil within him." 

"I will handle the class," Greysen followed. 

"Well, then, I'll excuse myself," sabi ni Sir Ivan.

I looked at Grey again.

We met at the arcade before.

Na-aalala pa kaya niya ako?

Nng lumabas si Sir Ivan ay doon ko napansin ang lalaki sa gilid ni Greysen.

Finally, it's him.

LYLE HEIMSWORTH.

"Last but not the least, Lyle 

Heimsworth

," Jax Scott said. "So far, siya lang ang nag-iisang 

inosente

 sa 

kanila

. As I said, you have to befriend him and team up with him. Pero 

syempre

, it's not a piece of cake. This child... is a Great Wall of China that no one can climb. 

Ganoon

 siya 

ka

-ilang sa mga tao. Now, it's your job to make him out of his comfort zone. Melt the as cold as ice persona of Lyle 

Heimsworth

, Reign. Break his heart of stone."

I looked at them again. 

"Pass your reaction papers," sabi ni Grey at dinaanan lang ako. "Hinihingi na ni ma'am. No more extensions."

Umalma ang mga kaklase namin. 

Pagtingin ko kay Greysen na nasa harap at nangongolekta, na-alala ko ang sinabi niya noon. 

"If we see each other again, promise me you'll tell me your name." 

But now, he just walked passed me. 

He didn't recognize me, did he? 

I was looking at him when suddenly, he rerouted his eyes at me and our eyes finally met. We were looking at each other for few seconds until one of our classmates approached him to aak questions. 

I gulped. 

His eyes were inquiring. 

Bakit siya nagpapanggap na hindi niya ako kilala?

In a blink, Lyle walked passed me too. 

As I watched him, I remembered the night we met. 

"You're safe now..." 

Hanggang ngayon ay na-aalala ko pa rin iyon.

"Don't go..."

Hindi rin ba niya ako na-aalala?

I felt a sudden jolt in me when Lyle stopped midway. With his hands inside his pockets and he looked back. 

When our eyes met, he was looking at my eyes, as if he was seeking something through it. 

"You..." Lyle said. "Have we met before?"

I gulped.

Should I tell him...?

Naramdaman ko ang lahat ay sa amin na nakatingin—maging ang busy na si Grey.

No.

I should not. 

I faked a smile. 

"No," sagot ko. "Ngayon lang kita nakita. I'm R—" 

"Forget it," sabi ni Lyle at tumalikod. Naglakad na ito muli papunta sa upuan niya. 

Just when I was watching Lyle, I heard someone scoffed. 

It was Everleigh.

She looked at Lyle and back to me. She later smirked. 

"Forget whatever happened tonight. Lyle won't remember when he's sober enough."

All along, she was right.

"Hindi ka ba uupo?" tanong niya. "Occupy the seat near the back. That was Hale's, the murderer, seat before." 

I was taken a back. Sinabi talaga niya iyon nang parang wala lang. 

Tiningnan niya ako at ngumiti.

"Do you want me to repeat it?"

"Ah, hindi," sagot ko bigla. "Salamat." 

I started to walk and looked at my classmates once more but then I caught Grey looking at me. When our eyes met again, he turned his eyes elsewhere. 

"Ano 'ulit question mo?" tanong nito sa kaklase namin. "Sorry."

Naglakad na ako papunta sa upuan ko. Nang maka-upo ay ibinaba ko ang bag ko at tiningnan ang paligid.

Lahat ay may ginagawa.

Grey was collecting the papers.

Levi was reading a book. 

Missi was using her phone. 

Braelyn was helping her seatmate to finish his reaction paper.

Reese was at the office. 

Lyle was listening to his playlist.

Everleigh was reviewing her notes. 

Nashville was watching a video on his phone.

The rest were either chitchatting while some were laughing hardly. 

This class...

Their adviser was murdered. 

Their classmate was jailed. 

Pero bakit parang hindi sila apektado? 

Bakit parang wala lang sa kanila? 

Bakit parang....

...normal lang? 

Normal lang na may makulong? 

Normal lang na may masira ang buhay?

At normal lang na may pumatay?

Napahawak ako sa nametag ko at kitang-kita ang pagkinang ng gold nito. 

Paanong ang value mo bilang tao ay naka-base sa kulay ng nametag mo?

Everyone's obsessed with power and it sucks.

Class 12A...

There's something in this section that I need to unravel. 

There are secrets that I need to discover. 

And demons that I have to unleash. 

If a killer is really hiding within them, I need to catch them by any means—even if by hook or by crook. Walang mintis.

Nang mapansing walang nakatingin sa akin ay kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko. Nang tingnan ko ang screen, ay isang pangalan ang naroroon.

PROSECUTOR JAX SCOTT 

34:08 minutes

Yes. 

Simula nang pumasok ako sa faculty hanggang sa pagpasok sa classroom, naka-phone call kami ni Prosecutor Jax at naririnig niya ang lahat. Naka-mute siya para hindi siya marinig at pinalibutan ko ng panyo ang cellphone para hindi umilaw at mapansin.

Wala man siya rito ay alam niya ang nangyayari.

This is what makes me the best undercover of our team.

The devil works hard but I, Reign harriett, work harder.

Sneakingly, I plugged my earphones to my phone and acted like I was just listening to music. When no one was really looking at me, I started to whisper.

"Mission One: Knowing Your Enemies has been cleared, officer," bulong ko at unti-unting umangat ang sulok ng labi. "Undercover Asset 092, safe..."

# PART FIVE: PROJECT EVERLEIGH

Mission #2:

 THE PROJECT 

EVERLEIGH

. 

Goal:

 Keep your enemies closer than your friends. 

Everleigh

 Miller is the biggest threat to your mission, undercover 092. The best way to get rid of her is to be on her good side.

Best of luck. 

- Prosecutor Jax Scott.

Kung maka-ilang beses na ba akong napapikit at bumuntong-hininga nang mabasa iyon ay hindi ko na rin alam.

Kasalukuyan akong nasa loob ng cubicle at kanina pa tinititigan ang text message na na-receive ko mula kay Prosecutor Jax habang nagka-klase. 

Nakagat ko ang labi ko at kahit pinagpapawisan ang kamay ay nag-reply ako. 

"Hindi kaya ng one mission a day? Kailangan sabay-sabay po? Pwedeng huminga? Mag lu-lunch break pa lang kami nang wa-warshock na po?"

Ilang segundo lang ay nakatanggap agad ako ng reply. 

Mission #3:

 Start befriending Lyle Heimsworth. 

Pinatay ko nalang ang phone ko dahil baka siya pa ang mapatay ko. 

Imagine, ilang oras pa lang akong naririto sa school na 'to at hindi pa nga ako umaabot ng lunch break, tatlo agad ang missions ko. 

Trigger happy ata si Jax. 

I turned my phone off and when I composed myself, I went out of the cubicle and watched my reflection in the mirror. 

"Kaya mo 'yan, Reign," bulong ko sa sarili at ini-ayos ang buhok. "Remember, you're a Harriett." 

Ngumiti ako at nagsimula nang lumabas at naglakad. Ilang oras pa lang nang makatuntong ako rito but everything felt like happened in weeks. 

As I observed the class, I noticed that everyone was actually creepy in a way that I can't describe it. Everyone in Class 12-A was disturbing enough to bring chills down my spine.

And to be honest, that feeling... was challenging. 

Habang naglalakad pabalik ng room na kung saan nagpa-alam lang ako na gagamit ako ng rest room ay napansin kong pinagtitinginan ako. 

Gustong manlambot ng tuhod ko nang mapansin ko kung ano ang tinitingnan nila.

Napahawak ako sa gold-colored na nametag sa uniform ko. 

This thing...is it...really that powerful enough to draw attention? 

I sighed. 

Nang marating ko ang room ay agad akong pumasok. Wala manlang ni-isang tumingin sa akin.  As I watched them, everyone seemed like a normal student indulged with our teacher's discussion.

When I looked at the man sitting at the back, my eyes almost gleamed.

Lyle Heimsworth was there, listening with his signature cold face. 

Mission #3, locked.

In a split of few seconds, I looked at everyone too.

Grey was taking down notes. 

Braelyn was teaching Nashville.

Levi had his eyes half-closed. 

Missi kept on looking at herself from her small mirror. 

Wala pa rin si Reese na malamang ay napagalitan nang malala ni Sir Ivan.

Ang iba naming kaklase, kung hindi inaantok ay tahimik lang na nakikinig.

And Everleigh...

From looking at our white board, suddenly, she looked back at me. The moment our eyes met, I gulped as I saw her resting bitch face.

I forced a small smile and from maintaining an expressionless bitch face, her lips curved a small smile too.

Whether it was a warning or not, it raised a red flag on me. 

Anong mayroon sa kanya na pati si Prosecutor Jax ay halatang takot sa kanya? 

Naglakad na ako pabalik sa upuan at tuluyang umupo.

Inilabas ko ang notebook ko at nagpalinga-linga muna kung may makakakita ba sa akin. 

E, paano, instead na notes tungkol sa mga subjects namin kanina, notes tungkol sa mga kaklase ko ang naroroon. 

"Class, i-take down niyo 'to, baka lumabas sa exam niyo 'to," sabi ng teacher namin sa Understanding Culture, Society, and Politics. 

"Take down take down pa mamamatay din naman," bulong ni Levi na ikinatawa ng ilan. 

Nakitawa nalang din ako para hindi ako magmukhang others. 

"Mas mabuti nang mamatay nang mataas ang marka, ano?" pabirong sabi ng teacher namin. "Quiz next week, okay?" 

Umalma ang illan.

"Short quiz lang 'yon, don't worry," sabi nito at tumingin sa akin. "Ms. Harriett, kaya mo bang humabol sa lessons by next week?" 

"Po?" maang kong tanong nang makitang lahat ay tumingin sa akin. "Ah... kung... may mahihiraman po sana ng notes, wala pong problema." 

"I'll lend her my notes, ma'am." 

Lahat kami ay napatingin kay Everleigh. 

The class made a noise.

"Oooooh," bulong ng iba.

If it was a good thing or not, I can't distinguish which.

"Ako na po ang bahala sa kanya," dagdag ni Everleigh habang nakangiti. 

Why does it feel like her statement meant something more than what was stated? 

When I looked at our teacher, she was smiling... awkwardly.

"Class," sabi bigla ni Grey na siyang class president namin. "Minimize your voice. May teacher pa." 

Doon natahimik ang lahat. 

Our teacher made a nervous laugh. 

"A-Anyway," sabi nito. "Gusto niyo ba ng bonus question sa quiz para-you know-may score naman kayo." 

Lahat ay pabirong nagtawanan at tumingin kay Missi. 

"Hoy!" defensive na sabi ni Missi. "Hindi lang naman ako 'yong zero last quiz, ah? Si Nashville rin naman!" 

"Hala, nananahimik na nga ako rito?!" ganti ni Nashville. "Tsaka, hindi ako zero. Mali check ni Braelyn, may one point ako. Ikaw lang zero!" 

"Nag-away pa pareho namang bagsak," pakikisali ni Braelyn.

Nagkatawanan kami lahat at umingay ang klase. Nang mapansin ni Grey na pati ang teacher namin ay tumatawa at hindi ito nababastos, nakitawa na rin siya. 

Lahat ay nagkakatuwaan maliban kay Lyle na walang emosyong pinanunuod lang ang lahat. 

"Bago ko kayo i-dismiss, here's the bonus question," sai ng teacher namin. "Ano ang nauna; Batas o Krimen?" 

"Go Grey," panghihikayat ni Levi rito.

"Ba't ako?!" sagot ni Grey na ikinatawa ng ilan.

"Huwag magturo," sabi ng teacher namin. "Baka manuno." 

The class laughed. 

"Anyone who has an idea?" our teacher asked.

"Dali na Grey para makapag-lunch na," panghuhudyok muli ni Levi.

"Kaunti nalang sasapakin na kita," sabi rito ni Grey.

Itinawa nalang iyon ni Levi. 

"Yes, Mr. Finch? Any idea?" 

Sinuntok ni Grey ang braso ni Levi nang tawagin siya ng guro. 

"Uh, for me, ma'am, it's the law," Grey said. "We call criminals as people who broke the law. So technically, law came first because we cannot break something that does not exist at all." 

"Ooooh," bulong ng iba. "Pag Grey talaga, pang-malakasan." 

Some even cheered and I even murmured 'wow...' to myself. 

That was a nice insight. 

Tama nga naman siya. 

"I bet to disagree." 

Lahat kami ay napatingin kay Everleigh. 

"Laws define crimes. Therefore, crime came first because what would the law define if there is no crime at all?" 

"Ooooh," reaksyon ng iba at napatakip pa ng bibig. 

"Point taken," sagot ni Grey dito. 

Tama rin naman siya. 

Para sa kanya, nauna ang krimen dahil ang mga batas ay patungkol sa krimen. Walang ma-idedefine ang mga batas kung walang krimen. 

"This is getting a lil intense, huh?" pabirong sabi ng teacher namin. "How about you, Ms. Harriett?" 

Halos mapatalon ako sa upuan ko nang marinig ko ang pangalan ko. Nakarinig pa nga ako ng mahihinang tawa dahil nakita nila na para akong kinuryente sa gulat. 

"Which came first, the law or the crime?" tanong uli nito.

Napakamot ako ng leeg. "Required po bang may mauna?" 

Ngumiti ako nang pilit. 

"Uh... para sa akin po... batas ang nauna," sagot ko. 

I saw how Grey's lips curved a smile when he heard we have the same answer. 

Everleigh, on the other hand, smiled too.

"Kasi po, 'di ba, paano natin malalaman na krimen iyon kung hindi siya i-la-label na krimen ng batas? Like, for example, I stole a phone. Krimen ba siya? Hindi natin alam, right? Pwedeng way of survival ko lang. Pero kung mayroong batas na magsasabing iyon ay krimen, doon lamang siya magiging krimen. Therefore, law came first for me." 

There was a long pause of awkward silence until Nashville and Braelyn clapped and in a snap, the class was filled with loud claps. 

"Heard that, Leigh?" Levi said to Everleigh with a mocking smile. "Nakahanap ka na ng katapat mo. Do you feel scared?" 

"What was that, Levi?" Everleigh asked back. "Are you saying something? Pakilakasan, please. I can't hear you here from the top." 

The class made a noise and Levi was offended. 

"Ha? Ano raw?" tanong ni Nashville. "Anong can't hear from the top e, nasa front row lang naman siya." 

"Buang!" natatawang sabi ni Braelyn. "Ibig niyang sabihin, she's at the top and Levi is below her." 

"Gets mo na, Burlington?" rinig kong sabi ni Levi kay Nash. "Gusto mo explain ko rin?" 

"Huwag na, baka mangisay ka pa kakaisip kung paano mo i-coconnect mga salita mo." 

Literal na napanganga ako. 

Anong nangyayari? 

"Levi and Nash are like... enemies,"  sagot ng katabi ko nang makita niya ang reaksyon ko. 

"Enemies?" tanong ko rito.

Tumango siya. "Oo. Conflicted beliefs." 

Tiningnan ko ang dalawa. 

"Really, Burlington? Coming from someone who had a score of one out of twenty items quiz?" Levi asked with a wide smirk. 

"Stop talking about scores, Levi. Lalo na kung kumokopya ka lang naman kay Grey." 

"WHOOOOO!" nagsigawan ang lahat at pati ako ay napanganga. 

"Awat na guys, okay? Awat na!" nakatayong sabi ni Braelyn at natatawa pa. "Huwag niyo 'kong hintaying maningil, sige. Levi, calm down. Ikaw din Nash, kumalma kayo. Mga artista pa naman kayo, sige. Baka ma-blind item kayo ng PEP. Isang bagsak sa quiz at isang nangopya, nagyabangan." 

Nagtawanan ang ilan.

"Pero seryoso, kalma, okay?" 

Huminto ang dalawa. I saw how Grey gave Braelyn a thumbs up. 

Indeed, this woman is Class 12-A's peace maker.

"Let's hear more to buy time," sabi ng teacher namin nang humupa ang tensyon. "How about... we hear it from... uh... Lyle?" 

Pare-pareho kaming napalingon sa kanya. 

Lyle, on the other hand, didn't show any emotion at all.

"Mr. Heimsworth, which came first, the law or the crime?" 

Lyle wasn't saying anything at first. He seemed like he was thinking about it thoroughly. Until suddenly, he looked straight at our teacher's eyes. 

"Humans, ma'am," sagot niya. "Humans came first." 

"H-Humans?" takang tanong ng teacher namin. 

"Yes, humans," sagot niya. "We do crimes and we create laws to define it. We create something that we will eventually break. Can you imagine the audacity? The toxicity? The irony?"

Lahat ay natahimik. Ni-isa ay walang makakibo. 

It was a long pause of awkward silence until Missi raised her hand.

"Ako ma'am, may sagot!" sabi nito. 

"Yes, Ms. Smith?" tugon dito ng teacher namin at hindi na nakapag-komento pa sa sagot ni Lyle. 

Perhaps, when people invented the phrase 'silent but deadly,' they were looking at Lyle. 

This man...is poisonous.

"Which came first, the law or the crime?" ulit ni Missi sa tanong at ngumiti. "Korapsyon, ma'am. Korapsyon ang nauna."

Mula sa nakabibinging katahimikan ay napalitan iyon ng tawanan.

"Missi numbawan!" sigaw ng iba.

"Seryoso ako!" sagot ni Missi. "Korapsyon naman talaga, a?" 

"Dami mo alam sis, i-spell lang ang whole name mo ang hindi," biro rito ni Braelyn. 

"Heh!" pagtataray dito ni Missi.

"Korapsyon?" tanong ni Levi. "Lyle, heard that?" 

Nawala ang ngiti sa labi ko. 

"Missi is talking about corruption, how does that feel?" dugtong nito at ngumisi.

Suddenly, I remembered that Lyle and Avery's dad was found guilty of graft. 

"Levi, shut up," pagbabawal dito ni Grey. "That's too much." 

"Oh my!" reaksyon ni Missi. "Hala, Lyle, sorry! I wasn't referring to your dad-" 

Natigil ito at tinakpan ang bibig. 

"I didn't mean that, I'm sorry!" 

When I looked at the class, I saw how they were murmuring about him. I saw their mocking laughs and cunning smiles. 

Lyle, on the other hand, didn't bother to react. Nilagay nalang niya ang earphone niya sa tainga niya at nakatingin lang sa notebook niya. 

"Levi, tama na," rinig kong awat ni Grey dito.

"Why, Grey? We didn't do anything wrong. We deserve an explanation from him. Ako nanaman masama? Wow. As expected from the manipulative clan of Heimsworths." 

"I know what you feel but please, tama na. Final warning." 

"Okay, okay, if you say so." 

Rinig ko pa ang pagtatalo ni Levi at Grey. 

"Offensive ba 'yong sinabi ko? Gee, I wasn't talking about his dad! I was talking about corruption in general!"

Rinig ko naman ang pagpapanic sa boses ni Missi habang nagpapaliwanag sa mga katabi niya. 

Ang teacher naman namin ay hindi alam ang i-re-react. Halata ang takot sa mukha nito na makialam.

When I was observing Lyle, I can't help but to feel bad. 

Suddenly, I remembered what Prosecutor Jax told me about him. 

"Few years back, Avery and Lyle's dad was found guilty of graft. Ako 

dapat

 ang 

hahawak

 ng kaso 

n'on

 kaso 

kinuha

 sa 'kin ni Tyler para 

matulungan

 niya si Avery na 

mapababa

 ang 

sintensya

. Avery thought na pinagkaisahan siya kaya 

pumunta

 siya sa 

malayong

 lugar at 

iniwan

 ang mga 

kaibigan

. On the other hand, her little brother, Lyle, started to become a victim of school bullying. Grey and Levi used to be his friends-trio sila, actually. 

Nang

 

makulong

 ang 

tatay

 niya, 

nawala

 ang ate, at 

umuwi

 ng ibang bansa ang 

nanay

 

dahil

 sa kahihiyan, Lyle was left alone. Naging 

ilang

 na siya sa mga tao. 

Kawawang

 bata." 

I gulped. 

Habang naririnig ko ang mga tawanan at ang mga mapagkutyang tingin, I can't deny that this man... was really getting bullied.

Naging ilang ba siya sa mga tao dahil iyon nalang ang choice na mayroon siya? 

Bago pa man may makapag-react pa ay tumunog na ang school bell.

"Thanks for your wonderful insights, everyone," sabi ng teacher namin. "See you tomorrow, okay? Class dismissed." 

Nagtayuan na ang lahat habang ako'y pinagmamasdan pa rin si Lyle. 

"Lyle! Lyle, wait! Mag e-explain ako," habol dito ni Missi. 

Agad na kinuha ni Lyle ang bag at inilagay ang isang earphone sa kabilang tainga. At bago pa makalapit si Missi, ginamit nito ang backdoor at tuluyan nang lumabas. 

"Lyle-" 

Hindi na natapos ni Missi ang sasabihin nang sarhan siya nito ng pinto. 

"Okay, fine!" sabi ni Missi na halatang na-offend. "Hindi naman masakit!" 

"Ba't kasi mag so-sorry ka pa r'un?" sabi rito ni Levi. "His pride is bigger than his heart. Hindi ka mananalo sa ganoong tao." 

"Ansabi ng kayabangan mo?" pagtataray dito ni Missi at lumabas na rin ng room.

Napa-iling ako. Parang lahat dito ma-attitude, ah.

"See?!" sabi ni Levi kay Grey. "See how that woman who can't even spell her name correctly disrespects me?!" 

"You deserve it," nakangising sabi ni Grey. 

"Pambihira," sabi ni Levi at lumabas na. 

Habang pinagmamasdan sila ay hindi ko maiwasang mag-isip. 

Noong pagkakataong tinulungan nila kami sa mga drug dealers, their friendship seemed like a friendship who will help you out regardless of anything.

Kung trio sila noon nila Lyle, anong nag-udyok sa kanila para iwanan ito ngayon?

At sa attitude ni Grey na hinahangaan ng karamihan, what pushed him to act like he didn't know Lyle at all? 

There must be something.

Habang nag-iisip ay laking gulat ko nang bigla niya akong tingnan. Ilang segundo kaming nagkatitigan hanggang umiwas siya at tiningnan ang klase. 

"Cleaners, fix the chairs and you can go on break after." 

"Yes, Pres," sagot ng ilan. 

He looked at me once more before finally going out. 

How long will he pretend that he doesn't know me? 

Napangisi ako.

Let's see, Greysen Finch. 

"Reign, right?" 

Nawala ang pagkakangisi ko nang biglang lumapit sa akin si Braelyn at Nashville. 

"Ah, oo," sagot ko at pilit na ngumiti. "And, ikaw si Braelyn and ikaw naman si Nashville." 

"Taray!" sagot ni Braelyn. "Kilala agad. Mukhang pinag-aralan tayo nito, a." 

Halos kumalabog ang dibdib ko.

"H-Huh?" tanong ko. 

May alam ba siya???

"May nagsabi sa amin, pinag-chichismisan niyo raw ng isang teacher ang buong 12-A."

Alam agad nila?!?

"Walang chismis tungkol sa amin na hindi namin nalalaman," sagot ni Braelyn. "Kaya kung may ichichismis ka or what, be careful. You don't know who's real and who's not. If you're unfortunate enough, you might even..." 

"...die," dugtong ni Nashville.

Natahimik ako at napalunok.

"Rorrr!" sagot ni Braelyn at tumawa sila ni Nashville. "Syempre, charot lang 'yon. Nasa faculty kami kanina ni Nash at narinig namin kayo. Nauna lang kami umakyat." 

Natatawang siniko ni Nashville si Braelyn. "'Wag ka kasing manakot." 

Awkward na ngumiti ako. "Ang funny niyo 'no?" 

Sarap niyo pektusan. 

"Anyway, I'm Braelyn Yngrid," pormal na pagpapakilala nito sa akin. "I'm the class secretary, treasurer, and sergeant at arms." 

Kumunot ang noo ko. "Tatlo positions mo?" 

"Oo, bida-bida 'yan, e," sagot ni Nashville at hinampas siya ni Braelyn. 

"Ito naman si Nashville Burlington. We call him Nash and-"

"Uh, the trainee?" tanong ko.

Nanlalaki ang mga matang tiningnan ni Braelyn si Nash.

"Alam niya," sagot ni Nash. "We met before and I told her. Oks na?"

"Okay," sagot ni Braelyn at tumingin sa akin. "Secret kasi talaga 'yon dapat, e." 

"Okay lang, 'di ko ipagkakalat," sagot ko. 

"Nice, nice. May ambagan dapat ng 220-"

"BRAE!" biglang sigaw ni Nashville rito.

"-pero 'di kita sisingilin kasi kararating mo lang dito," dugtong nito at tiningnan nang masama si Nash. "Patapusin mo kasi ako!" 

Tiningnan ako nitong muli.

"Anyway, Reign, lumapit kami kasi may event mamaya after lunch. Kaya ka may nakikitang mga sumasayaw na teachers kanina, music fest kasi ng school."

"And we're here to ask if gusto mo ba sumama sa amin mamaya," sabi ni Nash. "Baka kasi you know, hindi mo ma-enjoy ang fest kasi mag-isa ka. Do you want?" 

Tiningnan ko silang dalawa. 

My mission is about Everleigh. 

Pero hindi na rin siguro masama kung sasama ako sa kanila. Sa daldal nila, paniguradong marami akong makukuhang impormasyon.

Ngumiti ako. "Sure. What time ba?" 

"After class sana," sagot ni Nash. "Kita nalang tayo rito sa room para hindi ka maligaw." 

"Hindi ba kayo mag lu-lunch?" tanong ko.

Magandang opportunity iyon para makinig sa usapan nila habang ako, kunwaring kumakain. 

"I-o-organize kasi namin 'yong event," sagot ni Braelyn.

Tumangu-tango ako. "Sige, after lunch nalang." 

"Alright, see you!" sabi ng dalawa sa akin at lumabas na. 

Akmang lalabas na rin ako ng tawagin ako ng teacher namin na nasa table pa niya. Nang lumapit ako ay nakita kong naroroon din si Everleigh.

"Ms. Harriett, how was the class?" nakqngiting tanong sa akin ng teacher namin.

"Okay lang po. Kaya naman po mag-adjust," sagot ko.

"Nice," sagot nito at may inilabas na papel. "Please write down your e-mail address, dear, para ma-send ko sa 'yo ang ilang materials so you can catch up. Everleigh is here to guide you too." 

Matapos kong magsulat ay ngumiti ako. "Okay na po."

Tumayo na ito at nag-ayos ng gamit. "Mauna na 'ko, ha. Ikaw na bahala, Ms. Miller." 

"Yes, ma'am," sagot ni Everleigh. 

Nang mawala ang teacher namin ay tsaka niya ako tiningnan.

"It feels good to have a competitor, right?" tanong nito sa akin.

Maang na tiningnan ko lang siya at hindi makasagot.

"Competitor in a good way, I mean," she said and looked at my eyes. "Someone who will push you to your limits." 

"I don't understand," sagot ko.

Ngumisi ito. "Loosen up, girl. That's a compliment." 

I faked a smile. "Really?" 

Tumango siya. "You know what, I like your vibe. How about you join us this lunch?" 

Damn. 

It started.

"This lunch?" tanong ko pabalik. 

"Yes. May bagong open kasi na resto nearby. Don't worry, within the campus lang naman siya. We can have a good time along with some 12-A girls and we can discuss about the notes that you need." 

Hindi ko maiwasang mapangiti. 

Mukhang pinadadali niya ang mission ko ah. 

"Sounds good," sagot ko. 

"Give me your number then and I'll text you the place," sabi nito at ini-abot sa akin ang phone niya. Inilagay ko roon ang number ko at ini-abot iyon pabalik sa kanya.

"Here." 

"Great job," Everleigh said. "May pupuntahan kasi ako sa faculty so maybe I would be there half an hour from now. If you want, you may go there thirty minutes from now para hindi ka maghintay." 

"I appreciate that," nakangiti kong sagot.

"No worries. Anyway, I'm Everleigh." 

Inilahad nito ang kamay niya. I took it and shook it. 

"I'm Reign." 

She smiled. 

"Nice meeting you, Reign..." 

I felt a bang in me. The moment she looked at my eyes and the second her lips blossomed a small smile, I knew she was up for something.

In a snap, she took her hand.

"I'll see you, then." 

Kinuha niya ang bag niya at tuluyang lumabas. 

Nang mawala siya sa paningin ko ay doon ako nakahinga nang maluwag. 

That woman... was sneaky.

Few moments later, nakita ko nalang ang sarili ko na naglalakad sa hallway at tuliro. 

Drain na drain na agad ako. 

Kung hindi lang sana nag-party itong mga kabataang 'to, wala sanang mamamatay at hindi sasakit nang ganito ang ulo ko.

Bwisit ka, Hale. 

Habang naglalakad ay literal na humahawi ang mga tao sa dinaraanan ko. Kada may nakaharang at nakita ang kulay ng nametag ko, kusa silang gigilid at magbubulungan. 

Siguro nga, ganoon talaga ka-powerful itong nametag na 'to. Paano nila na e-enjoy 'to, e, literal na form na 'to ng discrimination?

I sighed. 

Habang naglalakad at hindi malaman kung saan magpapalipas ng thirty minutes ay nakarinig ako ng mga tilian. 

Agad akong napalingon at nakita ang babaeng may kulay ang ilalim ng buhok at nakasakay sa isang electric scooter. 

Kumunot ang noo ko.

"TABE! TABE SABE! ALIS DIYAAAAN! WHOOOOOO!" 

Nalaglag ang panga ko.

Tilian ang bumalot sa buong hallway. 

Huminto ito sa harapan ko nang magtama ang paningin namin.

"Ikaw 'yong bago, 'di ba?" tanong nito sa akin. 

"H-Huh?" lutang na tanong ko habang pinagmamasdan siya. "Uh-oo." 

"Ano ulit name mo?" tanong nito sa akin. "'Di kita na-abutan kanina, napalayas ako sa house ni Big Brother, e."

"Reign," sagot ko. "Reign Harriett." 

"Oh, okay, Reign. Sana 'di ka mamatay." 

"HUH?!" reaksyon ko na ikinatawa niya.

"Wala," sabi niya. "Anyway, I am-"

"REESE!" 

Pare-pareho kaming napalingon sa guarss na literal na sumigaw at umalingawngaw ang boses sa buong hallway.

"REESE TURNER!" sigaw muli nito at hingal na tumakbo.

Ngumisi si Reese at tiningnan ako. "That's my name." 

Walang anu-ano'y pina-andar muli nito ang electric scooter.

"WHOOOOOHOOOOO!" 

At hingal na hingal na hinabol ito ng dalawang guard. 

That woman... is unbelievable.

Kailan ba matatapos itong araw na 'to? Pagod na pagod na ako.

Habang naglalakad ay napahinto ako nang makitang pumasok si Lyle sa locker's room.

Doon lamang ako tuluyang napangiti. 

Mission #3, let's have you cleared.

Pumasok din ako at nakita ko siyang nagbukas ng locker. Agad ko siyang tinabihan 

"Lyle Heimsworth, right?" tanong ko kunwari. "Medyo naliligaw kasi ako and I'm glad I saw you here. Saan ka pala kumakain? Okay lang ba... sumabay?" 

Hindi ito kumikibo at naglalagay lang ng gamit sa locker. Inilagay niya ang bag sa loob at kinuha ang headphone niya at iniwan ang earphone sa loob. 

"Oo nga pala, baka 'di mo ko na-aalala. Ako pala si Reign, Reign Harriett. Iyong transferee sa-" 

Natigil ako nang pabalang nitong isinara ang pinto ng locker niya at hinarap ako. 

He looked straight into my eyes and the look in his eyes were lethal. 

"What do you want?" walang emosyong tanong nito. 

"Huh?" I asked back.

"Stop bugging me and tell me what you want," he said and his voice was more like a whisper but with a slight tone of threat.

"Nothing, I just... want to talk to you, bawal ba?" pagrarason ko.

"Why me?" tanong niya.

"Why not you?" tanong ko pabalik. "Tsaka, papunta akong locker ko at nakita kita rito. If you think I'm stalking you, then you're wrong." 

"Really?" tanong nito. 

Tumango ako. "Really." 

"The female locker room is at the other side." 

Maang na tiningnan ko siya. "Huh?" 

"You're in the wrong locker room," sabi nito. 

Tiningnan ko ang mga pumapasok at doon ko napansin na ako nga lang ang babae.

"You're not stalking me in this state, huh?" tanong nito at nagsuot ng headphone. "Sure."

In a snap, he walked away and I was left there, totally embarrassed of myself. 

Tangahan mo pa, Reign! 

"Tsk tsk tsk. That was... so lame." 

Napatingin ako sa nagsalita. It was Levi.

"A failed quest, perhaps?"

"What do you mean?" tanong ko.

"You know what I mean," sagot nito. "We met inside an arcade, remember?" 

Napahinto ako at tiningnan siya. "Anong alam mo?"

Habang nakasandal sa lockers ay ngumisi si Levi at tumindig habang ang mga kamay ay nasa loob ng bulsa niya.

"Let's talk."

In the blink of an eye, I saw myself inside the men rest room. The moment we stepped inside it, Levi locked the door. 

"What do you know?" tanong ko ka-agad. 

Tiningnan ni Levi ang paligid. Nang makitang walang tao ay lalo itong ngumisi.

"What do you want me to know?" tanong pabalik ni Levi. "Do you find me attractive?" 

Napangiwi ako. "Are you hitting on me?" 

"No, not exactly," sagot nito. "This kind of set up-alone inside a rest room with a girl-it just... gives me this sort of feeling." 

Kumunot ang lalo ang noo ko.

"Anyway, Reign, why are you here?" tanong nito at sumandal sa lababo.

"Ano bang ginagawa sa school?" tanong ko. "I'm here to study, Levi." 

He scoffed. "Do you really think I will believe you?" 

"Why won't you?" palaban kong sagot. 

"That attitude, Reign. That attitude is the reason," sabi nito. "Why do you act like an innocent sweet girl inside the class but you act like a fierce bear with me? Is it because I saw who you really are?" 

"Hindi kita maintindihan," sagot ko at itinago ang umiilaw na recorder sa gilid ko. "Anong gusto mong sabihin?" 

"I just find it weird," sabi ni Levi. "The last time I saw you, you were wearing a fake West Carson High Uniform tapos ngayon, you became a real student with a gold nametag. Ikaw ba, hindi ka ba maghihinala sa ganoon?"

"Hindi," sagot ko. "Hindi naman kasi ako nangingialam sa buhay ng ibang tao."

When he heard it, Levi laughed frustratedly.

"I know you're up for something and I'm telling you, you're not gonna win," he said and he started to inch our gap. "Time to retreat now, Ms. Harriett. Huwag mong hintaying malaman pa ng iba. Hindi mo kakayanin."

"Really, Levi?" I asked and gulped. "What do you know, then?"

Levi stopped right in front of me and met my eyes. 

I can feel my system shutting down.

Kung may alam nga siya, tapos na ang pagpapanggap ko.

Day one and I'm doomed. 

"You..." Levi said. 

Does he... really know something? 

At handa nga ba talaga akong malaman iyon? 

Suddenly, Levi smirked.

"Transgender ka, 'no?" 

Halos malaglag ang panga ko sa lupa.

"Come to think of it," sabi ni Levi. "Ang lakas-lakas mo manuntok noon sa arcade tapos nananadyak ka pa. Ginamit mo uniform namin for better hook up, 'no?" 

Halos masapo ko ang noo ko. Seryoso ba 'to?! 

Nagpalinga-linga pa 'ko dahil baka may hidden camera nanaman at nasa Wow Mali ako.

"I mean, naiintindihan naman kita sa part na 'yon. If you're from our school, may wow factor so better strategy for hook up talaga." 

"Gusto mo malaman bakit?" tanong ko.

"Yup," sagot ni Levi. "Why?" 

"Nagpasukat ako ng uniform at mali ang pagkakatahi. Okay ka na?" 

Kumunot ang noo ni Levi. "Iyon na 'yon? Walang twist?" 

E kung leeg kaya nito ang i-twist ko?

"Oo, iyon na 'yon." 

Napakamot ng leeg si Levi. 

Maya-maya'y nakarinig kami ng katok mula sa pinto.

Doon lang nag-sink in sa akin na ang tagal na pala namin dito.

"Malamang maraming tao sa labas," casual na sabi ni Levi.

"WHAT?!" I exclaimed. "Anong gagawin natin?" 

"Hayaan mo sila. Aalis din 'yang mga 'yan."

"Anong hayaan? Ayokong ma-issue," sabi ko.

Nakarinig kami muli ng katok at boses mula sa labas na ipinabubukas ang pinto.

"Magtago ka!" sabi ko sa kanya.

"Bakit ako ang magtatago eh men's rest room 'to. Ikaw ang magtago kung gusto mo." 

"Saan?!" natataranta kong sabi.

Itinuro niya ang drum at puno iyon ng tubig. 

"Buang ka ba?!" sabi ko.

"What's buang?" he asked.

I'm gonna lose my shits! 

Nagtatalo kami sa loob nang walang anu-ano'y bumukas ang pinto.

And Ladies and Gentlemen, here was the audience. 

Lahat ng estudyanteng nagkukumpulan ay nagtinginan at nagbulungan.

And the one who opened the door...

...was Grey.

Nagpapalit-palit ang tingin niya sa akin at kay Levi.

"Hi, brad," nakangiting bati ni Levi rito na parang wala lang.

Habang ako ay gustong magpalamon sa lupa at maglaho mula sa kahihiyan.

Grey had no emotions for few seconds until he looked at Levi.

"Sa 10th floor, room 1009 ang practice area, brad. Hinihintay ka na nila." 

"Aye Aye, Captain," sabi nito at lumabas na. 

Nang mawala na si Levi ay tsaka niya ako tiningnan. 

"Hininintay ka ni Sir Ivan sa faculty tungkol sa schedule mo. Follow me." 

Naglakad na rin ito papalayo at kahit nanliliit dahil sa mga tingin ng mga estudyante ay sinundan ko siya.

Habang naglalakad sa corridor ay hindi ako mapakali. Ang alam ko kasi, parte ng music club itong si Levi at Greysen. 

Napalunok ako at hindi na nakatiis. 

"Sorry, naistorbo ba kita?" tanong ko. 

"Nope," tipid nitong sagot at hindi pa rin ako nililingon. 

"'Di ba, nag pra-practice kayo kasi may performance kayo mamaya sa event? Baka... naistor-"

"Paano mo nalaman?" tanong niya.

"Huh?" tanong ko.

"Paano mo 'ka ko alam na may performance kami?" 

Doon ako napalunok.

Paano nga ba?

"Uh... may... nagsabi lang." 

Kahit ang totoo ay narinig ko lang 'yon.

Lumingon siya at sa unang pagkakataon ay ngumiti.

"Okay." 

Ba't ang awkward ng okay na 'yon?

Nang pumasok kami sa elevator ay kami lang ang tao. Pagpindot ko ng 6th floor ay sabay kaming napapindot kaya nagkatabi ang mga daliri namin na mabilis din naming binawi.

The whole ride was rather awkward. We were silent until I can no longer endure it.

"Paano mo nalamang nandoon kami?" tanong ko.

"Someone reported," tipid niyang sagot. 

Tumangu-tango ako at maya-maya'y hindi nanaman mapakali.

"Uh...about pala doon sa kanina," sabi ko. "Nag...uh..nag-uusap lang kami. Wala kaming ginagawang... hehe... you know..." 

Hindi ito kumikibo.

"Promise, usap lang 'yon. Hindi kami gumagawa ng something na... you know... like... uh... like momol...?" 

"Momol?" taka niyang tanong.

"Oo, momol. Make out, ganoon." 

I saw how Grey's lips curved a smile. "To be honest, wala akong ibang iniisip kung hindi nag-usap lang talaga. Pero seeing how defensive you are, you just gave me an idea." 

"Idea?" taka kong tanong.

"Yup, idea," sagot nito at tiningnan ako sabay ngumiti. "Momol." 

Doon bumukas ang elevator atsaka siya lumabas habang ako ay naiwang nakanganga sa loob.

Agad akong lumabas at sinundan siya. 

Huminto ako nang makitang huminto siya sa may pintuan ng faculty. 

Paano ko ba siya makukumbinsing nag-usap lang talaga kami ni Levi??

"I-"

"Listen to me," putol niya sa akin.

Napatingin ako sa kanya at hindi malaman ang magiging reaksyon.

"Bibigyan ka ni Sir Ivan ng schedule, modules, and other learning materials. Habang nag-uusap kayo, do yourself a favor. Sabihin mo sa kanya na ayaw mo sa klase namin. Sabihin mo gusto mong malipat ng ibang section-kahit na anong section, 'wag lang ang 12-A." 

I felt my heart skipped a beat. 

Greysen seemed disturbed.

"Bakit-"

"Don't ask me any question," he said. "It's a sin if you would know and suffering is the only acceptable consequence." 

I looked in his eyes and he wasn't dodging it. We were looking at each other until the door opened. 

"Oh, Ms. Harriett, ba't 'di ka kumatok?" sabi ni Sir Ivan at tiningnan si Grey. "Thanks, Grey. Good luck sa performance mamaya." 

From looking at my eyes, Grey looked at Sir Ivan and smiled. 

"Sure, sir. Una na po ako." 

Nagsimula na itong maglakad papalayo.

"Come inside," Sir Ivan told me.

Before I go inside, I threw Grey a final look and I caught him looking at me. His eyes were encouraging me to do what he said. 

But I made up my mind.

The more they do that, the more they look guilty for me. 

With determination arising in me, I finally went inside and closed the door.

Half an hour later, I saw my own reflection in the resto's glass door. 

Ni-text sa 'kin ni Everleigh ang direction papunta rito at hindi naman ako naligaw. 

Kung titingnan, mukha itong mamahalin na restaurant na makikita mo along Ayala o BGC. Ang kaibahan lang, nasa loob ito ng isang school. 

Hindi rin naman nagtagal ang pag-uusap namin ni Sir Ivan. Gaya ng sabi ni Grey, binigyan niya ako ng schedule, learning materials, at kaunting interview. 

Hindi ako nagpalipat ng section. The fact that they seemed paranoid about me, that means nasa tamang lugar ako para sa misyon ko.

Ini-ayos ko ang sarili ko sa salamin at tuluyan nang pumasok. Nagpalinga-linga ako at nakita si Everleigh na kumakaway sa 'di kalayuan. 

Pag-upo ko sa harapan niya ay doon ko lang napansin ang mga kasama niya. Ang dalawa ay mula sa klase namin at ang isa naman ay si Missi.

"I'm glad hindi ka naligaw," nakangiting sabi ni Everleigh.

"Muntikan na, actually," sagot ko na ikinatawa namin nang bahagya. 

"Gosh, Leigh. Do you really have to invite her?" tanong ni Missi na para bang wala ako roon.

"Why not, Missi? Sabi ng teacher natin sa UCSP, I need to guide her." 

"About the lesson not about lunch, Everleigh. Nasisira appetite ko." 

Tiningnan ko si Missi. 

Base sa profiling namin ni Prosecutor Jax, siya ang most likely na makaka-vibe ko pero nagkamali ako. Among anyone, siya itong harap-harapan kung ipakita na ayaw niya sa akin.

"Missi, naririnig ka niya," sabi ng isa naming kasama.

"So what? Maganda nga 'yon para siya na ang umalis," sabi ni Missi at uminom ng tubig. 

One of the girls scoffed. 

Everleigh smiled at me. "Don't mind her, parating na kasi period niyan kaya ganyan." 

Ini-abot niya sa akin at sa mga kasama namin ang menu. 

Nang tingnan ko ay halos manlumo ako sa presyo. Halos kalahati lang ng price ng mga pagkain ang cash na mayroon ako sa wallet. Wala pa iyong allowance ko dahil wala pa ang ATM ko. Paano ko babayaran 'to???

Pwede bang bumili nalang ng tubig?

Naghanap ako ng pinakamura pero kahit iyon ay hindi ko kaya. 

"Girls, don't worry about the price, okay?" Everleigh said. "I'll treat my friends, of course." 

"Wooow," reaksyon ng dalawa. "What happened, Leigh? May good news ba?" 

"Of course, wala," sagot ni Missi. "Leigh just wants to showoff her new credit card." 

Napatingin ako kay Everleigh.

Paano siya natatawag na witch e, napakabait niya? 

Missi deserves the title more than her.

Few moments later, I found myself eating with them. Habang kumakain ay nag ku-kuwentuhan kami tungkol sa mga brands ng damit, bags, cars, accessories, and even jewelries. 

Siyempre, maalam ako sa mga bagay na 'yon dahil maraming beses na naming nagamit ang mga iyon lalo na 'pag nag u-undercover kami sa mga mamahaling lugar at bigatin ang target.

Sa pag-uusap namin ay nakuha ko na ang loob ng tatlo maliban kay Missi.

"So, provincial mayor ang dad mo then ang mom mo is public defender?" tanong ni Missi.

Tumango ako. "Yes."

"What's so special about them?" tanong nito.

"Huh?" tanong ko pabalik.

"I mean, anong special doon e normal works lang 'yon. 'Di ba, Clyde's parents are connected with the national hero's bloodline pero nasa silver section lang siya at hindi gold. Anong mayroon sa family mo that made this school give you a gold nametag?" 

"Missi, that's foul," sabi ni Everleigh.

"Is it?" Missi asked back. "Well, I know I'm not the only one who's wondering how a nobody made it here but yea, sure. I'll zip my mouth."

As I watched her, I can't help but to think how can she say those words boldly knowing she was hurting someone? 

Nanliliit na ako pag-apak ko pa lsng sa lugar na 'to pero mas nanliliit ako sa mga salita niya. 

"Mag-bill out na tayo baka saan pa mapunta 'to," sabi ni Everleigh at sumenyas na sa waiter. 

Pumunta naman ang waiter at may ibinulong si Everleigh. Maya-maya lang ay bumalik na ito at inabot ang bill sa kanya. 

"I'll use card," sabi ni Everleigh at ibinigay ang card niya rito. "Thanks." 

In my great horror, the waiter went to me and handed me a bill as well.

Napatingin ako kay Everleigh. "I thought you'll... handle the bill?" 

"Yea, I will," sabi ni Everleigh. "I said I'll take care of the bill for my friends and these are my friends." 

Itinuro niya ang mga kasama namin.

I gulped. I knew what was going on. 

"Why, Reign?" tanong ni Everleigh. "Akala mo ba isasama ko ang iyo?" 

I bit my lip. I was panicking.

"I made it clear. Ang sabi ko, ako ang bahala sa bill ng mga kaibigan ko at hindi naman kita kaibigan so why are you confused?"

When I met her eyes, I saw how she smirked. 

"Don't tell me...you enjoy free rides?" 

She changed. 

Her aura... it changed. 

Tumayo ito at nakita ko kung paano ngumisi ang dalawa pa nitong kasama habang si Missi ay inirapan si Everleigh. 

"Take out your wallet and pay," Everleigh said. "Naghihintay si kuya, oh."

Napalunok ako at hindi malaman ang gagawin.

"Wala akong cash," mahina kong sagot. 

Ngumisi si Everleigh. "I bet pati cards, wala ka rin?"

Hindi ako makasagot. Lalo akong nanliliit sa mga mapangkutyang tingin at ngisi nila.

"Oh, my. Wala nga. Paano 'to, kuya?" tanong niya sa waiter. "She should pay what she eats pero wala siyang pera, e. How about... maghugas siya ng pinggan the whole day?" 

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako kay Everleigh. Doon nagsimulang mangilid ang mga luha ko dahil sa galit at kahihiyan.

"Okay lang ba 'yon, kuya?" 

"O-Okay lang naman, ma'am," sabi ng waiter.

Ngumiti si Everleigh at tumingin sa akin. 

"Heard that? Enjoy washing the dishes all the day, okay? Make sure matatanggal mo ang dumi at wala kang madadala sa room. Don't worry, ako na bahala magsabi kay Sir Ivan. After all, I got assigned to you, didn't I?"

Ngumiti ito lalo. "Enjoy, honey." 

Akmang aalis na ito nang tuluyan akong mapapikit at bumulong.

"Help me."

Huminto at ito at nilingon ako.

"What was that?" 

"Help me..." bulong kong muli. "May... pera naman ako. Babayaran kita agad kapag... kapag nakuha ko 'yong card ko."

Ngumisi ito lalo. "What would I get in return?" 

"Whatever you want," sagot ko.

"Whatever?" sagot nito at unti-unting lumapit sa 'kin. "Okay, then." 

She inched the gap of our face and smirked. 

"Luhod."

Doon kami nagsimulang pagtinginan ng mga tao. That's when I noticed Nash and Braelyn were at a nearby table, watching.

Si Levi naman ay may kasamang babae at nanunuod din.

Ang iba naming kaklase ay naroroon din. Para silang nag tipun-tipon upang panuorin ang pagkakapahiya sa 'kin.

Was it...staged?

Did Everleigh just... set me up so she can humiliate me publicly?

I met Everleigh's eyes and my jaw clenched. 

I wanted to fight back but there was one thing that was stopping me.

THE PROJECT EVERLEIGH.

"What are you waiting, Reign?" tanong ni Everleigh at bahagyang ngumiti. "Kneel." 

I biy my lower lip and tears formed more in my eyes. 

In this job, pride won't help me. 

I need to win.

I need the money.

I need my siblings back.

While maintaining a fierce eye contact with her, I kneeled starting from my right knee. The moment I did, Everleigh smiled widely-as if she was enjoying every bit of the humiliation I was getting.

Akmang iluluhod ko na ang isang tuhod ko nang may marinig akong boses mula sa likuran.

"Stop." 

Pare-pareho kaming napalingon. 

It was from him.

The case's death card. 

LYLE HEIMSWORTH.

"Yes, Lyle?" tanong ni Everleigh.

"I said stop whatever you're doing," sagot nito. "The scenery is such an eye sore." 

Inilabas nito ang wallet at ibinigay ang card niya sa waiter.

"Use this, sir. I'll pay for this girl." 

"What are you doing?" tanong ni Everleigh at kinuha ang card sa kamay ng waiter.

"Paying, obviously," sagot ni Lyle at kinuha ang card niya sa kamay ni Everleigh at ini-abot iyon muli sa waiter. 

"I know but who are you to meddle?" 

"Who am I to meddle?" Lyle asked back. "Who are you to do this?" 

He then he looked at me with his usual cold eyes. "Stand up."

I was hesitant at first until I did. 

"Wow, Lyle, kailan ka pa nagkapake sa ganitong bagay? Kung ang role mo ay pagiging makasarili, stay like that. You're getting out of your character and that is the real eye sore." 

"I meddled because I had enough bullshits," ganti ni Lyle. "And that's no fun. You are still an amateur, Everleigh, and it shows." 

What's... going on?

Everleigh smiled frustratedly. 

"Why don't you just go back to your non-speaking character, Lyle? Mas may silbi ka pa roon." 

"Then don't do anything that will make me talk."

They were looking fiercely at each other until suddenly, Everleigh smiled and looked at me.

"See, little bitch? You just got yourself a knight in shining armor." 

She threw Lyle a glance and she later walked towards me.

"Welcome to the hell's place on earth, the home of the disturbed, the living root of all evil in mankind." 

She stopped right in front of me and smiled. "Welcome to West Carson High."

She then moved closer and placed her lips in my ears and she whispered.

"Enjoy your stay..." 

I felt the chills.

She stood up and later met my eyes with a dangerous smirk.

That's when I realized it.

Indeed, this woman, is a witch...

# PART SIX: "Should I Stay or Should I Go?"

"Welcome to the hell's place on earth, the home of the disturbed, the root of all evil in mankind. Welcome to West Carson High. Enjoy your stay..." 

My legs were shaky.

My eyes were teary. 

And my mind... was in complete chaos. 

Lahat ng estudyante sa loob ng resto ay nanunuod lang at walang lakas ng loob na makialam. 

Kahit na harap-harapan ang nangyayaring pang-aalipusta ay parang wala lang sa kanila. 

Kahit makakita ng pagka-bahala ay wala akong naramdaman. Kung titingnan, parang nag-eenjoy pa nga sila sa nakikita. 

Maging si Braelyn at Nash sa nasa 'di kalayuan ay kapwa nanunuod lang. Si Levi naman na napaliligiran ng mga babaeng estudyante ay nakangisi habang pinagmamasdan ang gulong nangyayari. 

Si Missi naman ay bored na tinitingnan kami.

Si Lyle ay walang emosyong nakatingin kay Everleigh.

At si Everleigh...

When I looked at her, she smiled once again. 

A smile that can tell you you're one step away from a ruined life.

Humarap si Everleigh sa waiter at muling kinuha ang card ni Lyle at bahagyang natawa. 

"I just find it funny," she said in between her small laugh. "The as-silent-as-dead Lyle Heimsworth stood up for a nobody." 

She then looked at my eyes. 

"What's so special about you, huh?" 

I met her eyes with the same intensity. 

Naikuyom ko ang kamao ko. 

Gusto kong magsalita.

Gusto kong tingnan siya sa mga mata at magmaldita.

Gusto kong lumaban. 

Pero hindi ako naririto para sa sarili ko. May misyon akong dapat matapos at kapag lumaban ako, tiyak mahihirapan akong manalo. 

Kasabay ng paglunok ko sa laway ko ay ang paglunok ko sa katiting na pride na mayroon ako. 

"Save me..." mahina kong bulong. 

I looked down and bit my tongue.

"Save me, Everleigh..." 

I heard Everleigh scoffed. 

"I'm shocked," she said smirked. "Hindi lang pala makapal ang mukha mo. Oportunista ka pa." 

I closed my eyes hardly.

Reign, calm down. 

"Won't you stop?" Lyle asked. 

Everleigh looked at him with amused eyes. 

"Why don't you just go away, Lyle?"  Missi joined.

Lyle was about to say something but he chose to close his mouth.

Ngumisi lalo si Everleigh nang makita iyon. 

"See, Lyle? Hindi lang ako ang naiirita sa pakikialam mo. Even your childhood friends felt it. We enjoy the good-as-invincible Lyle Heimsworth. Why don't you just go back to that character?"

Lyle looked at Everleigh with sharp eyes. 

"Why, Lyle?" tanong ni Everleigh. "Makakalaya na ba ang tatay mo and need niyo ng publicity stunt para magpabango sa publiko?" 

Tawanan ang maririnig sa buong resto habang kami ni Lyle ay hindi umiimik. Halata ang pagpipigil niya ng galit. 

"Or, might as well join your mom and sister abroad," Everleigh added. "We would appreciate that."

When I looked at Lyle, I can sense his anger in his cold aura. 

If the students of Class 12-A can bully a Heimsworth in a broad day light like this, they can do more than this—and surely, murder could be one.

When Lyle chose not to fight back anymore, Everleigh met my eyes again. 

"Don't think that we are bullying you," she said. "If a piece doesn't fit the puzzle, what do we do? We throw it away." 

She inched our gap and fixed the collar of my uniform.

"If I were you, I'd quit. You wouldn't wanna see more of what's underneath." 

She smiled at me. 

"That's not an advice but a command." 

I gulped. 

Do I... really need to kiss this woman's ass just to win this mission?

This is my first day and I can't lose. I must never lose.

Bago pa ako makasagot ay pare-pareho kaming napalingon nang makita naming may nagliliparang mga pera sa loob ng resto. 

"ONE HUNDRED, TWO HUNDRED, THREE HUNDRED, FOUR HUNDRED..." 

Pagbibilang nito habang isinasaboy ang pera sa amin.

Nang tingnan ko ang babae, nakasuot ito ng uniform namin at isang itim na leather jacket. Naka-choker din ito na itim at may kulay ang ilalim ng maikli nitong buhok. 

"Reese..." bulong ko nang makilala ito.

"What the hell?!" reaksyon ni Missi.

"FIVE HUNDRED... SIX HUNDRED..." 

Patuloy lamang ito sa pagbibilang at pagsasaboy sa amin ng pera at walang pakialam sa lumalakas na bulungan. 

"What... are you doing?" hindi makapaniwalang tanong ni Everleigh. 

"Nagbibilang, obvious ba?" tanong ni Reese at ngumiti. "Obvious na bagay, tinatanong pa. Akala ko ba matalino ka?"

Kumuha ito ng pera sa bulsa ng jacket niya at muling nag-saboy ng pera sa amin.

"SEVEN HUNDRED... EIGHT HUNDRED..." 

"Stop it!" sigaw ni Missi.

Si Everleigh naman ay pinanunuod lang ito pero bakas sa mukha niya na naiinis na siya. 

"NINE HUNDRED..." patuloy ni Reese sa pagbibilang ng pera at pagsaboy niyon sa amin. 

Ngumisi siya nang makita ang huling pera na nasa kamay niya.

"ONE THOUSAND."

At walang anu-ano'y ibinato niya iyon sa mukha ni Everleigh. Si Everleigh naman ay hindi nagpatinag at hindi manlang kumurap. 

"One thousand lahat 'yan," sabi ni Reese kay Everleigh. "Kung may kulang, text me the amount and I'll do bank transfer. Okay na?" 

"Para saan 'to?" tanong ni Everleigh. 

"Hindi ba obvious?" tanong ni Reese at humakbang papalapit kay Everleigh. "I'm paying for my bitch." 

Nakarinig kami ng hiyawan. 

Humakbang din papalapit si Everleigh at tiningnan sa mga mata si Reese. 

"Wala kang kupas, Reese. Kung nasa'n ang usapan, pupunta't pupunta ka talaga, ano?" 

Reese smiled back but it was out of frustration. 

"Kailan ka titigil sa pagiging papansin?" tanong ni Everleigh. "How about take some character development, huh?" 

Napangiwi ako. Kung ako ang nasabihan n'un, malamang ay nag-init na ako sa galit. 

"Too bad, Leigh," sagot ni Reese. "I don't need a character development. I am the plot of my own life so fuck off." 

"Own plot?" tanong ni Everleigh at bahagyang natawa. "No wonder why you're flop. Masiyadong stagnant. Plain. Boring." 

Ngumisi ito at tiningnan si Reese sa mga mata. 

"Basura." 

Nawala ang ngiti sa labi ni Reese. 

"Sure," sagot ni Reese. "You watch how this basurang plot wins an Oscar." 

Inagaw ni Reese ang card mula sa kamay ni Everleigh. Habang ramdam ang tensyon sa buong lugar, ako naman ay pinagmamasdan ang bawat reaksyon nila, pinag-aaralan sila isa-isa. 

Nang makuha ni Reese ang card ay iniluwa niya ang bubble gum niya sa bibig at idinikit iyon sa card.

"Oops," sabi niya at tumingin kay Everleigh. "Sorry. Pa'no 'to? If you'll insist to pay for Reign, you have to pull out this shit which has my spit?"

Ngumisi lalo si Everleigh. "Hindi akin 'yan." 

Maang na napatingin ako sa card nang ma-alala ko kung kanino iyon. 

"Huh?" takang tanong ni Reese.

"That's Lyle's," sagot ni Missi. 

Napanganga si Reese at hindi malaman ang sasabihin. 

Pero bago pa kami makapag-react ay bumukas ang pinto ng resto at pumasok si Sir Ivan. Nang makita kami ay sumeryoso ang mukha nito. 

"Anong nangyayari rito?" tanong niya. 

Walang makapagsalita sa amin. 

Isa-isa niya kaming tiningnan. Mula kay Levi, kay Braelyn at Nash, kay Missi, kay Reese, kay Lyle, sa akin, at huli kay Everleigh.

"12-A, anong mayroon?" tanong nito at tiningnan ang nagkalat na pera sa sahig. 

"Ah, nilibre kami ni Leigh, sir," sagot ni Reese. "Nalaglag ang cash niya kaya pupulutin niya lahat isa-isa." 

Napatingin ako kay Reese. She winked at me.

"Totoo ba, Ms. Miller?" tanong ni Sir Ivan kay Everleigh.

"No, sir," taas-noong sagot ni Everleigh. "Ikinalat ni Reese 'yan at nag-eskandalo. Nilagyan pa niya ng bubble gum ang credit card ni Lyle." 

"NO, SIR!" defensive na sagot ni Reese. "GINAWA KO LANG 'YON KASI BINUBULLY NILA SI REIGN!" 

Umalingawngaw iyon sa buong resto. Maging ako ay napakagat ng labi. 

"Bully?" tanong ni Sir Ivan at tiningnan si Everleigh. "Totoo ba?" 

Ngumiti si Everleigh. "Of course not, sir. Bakit namin siya i-bu-bully? In fact, we are throwing a simple welcoming party for her here in the resto." 

How can she lie with a straight face?

Reese scoffed. "Sinungaling."

Si Sir Ivan naman ay pinagmamasdan kami, tinatantya ang totoo.

"Bakit hindi nalang natin siya tanungin, sir?" Everleigh said and looked at me. "Kung binu-bully namin siya, magsasabi naman siya, 'di ba?"

I met her eyes. 

A witch, indeed.

"Sige, Reign!" sabi ni Reese. "You tell him!" 

"Totoo ba, Ms. Harriett?" tanong ni Sir Ivan sa akin. "Binubully ka ba?" 

Nanlumo ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makapagsalita. 

"Tell it to me," panghihikayat ni Sir Ivan. "I will help you, I promise." 

Nang tingnan ko ang mga mata ng mga nanunuod, nakita ko kung gaano kaliit ang tingin nila sa akin. Maging si Levi ay nakangisi lang at hindi manlang nangangamba sa mga kaya kong sabihin. 

"Tell him, Reign," sabi ni Everleigh. "Tell him that Reese's claim is a big fat lie."

Doon ako napatingin kay Everleigh. Nakangiti lang siya sa akin na parang wala lang ang nangyayari. 

Si Reese naman ay hinihikayat akong magsalita. 

Gusto kong umamin. 

Gusto kong sabihin ang bawat pang-aalipustang sinabi at ginawa nila sa akin.

Pero may pumipigil sa 'kin. 

Ang dahilan kung bakit ako nandito.

At ang misyon na dapat kong maipanalo.

Ang Project Everleigh.

I need to be on her good side—whatever it takes. 

Napalunok ako at kahit ramdam ang pangingilid ng luha ay nagawa kong ngumiti nang tingnan ko si Sir Ivan. 

"Hindi po nila ako binu-bully, sir." 

Literal na napanganga si Reese at si Lyle naman ay napapikit. 

Huminga ako nang malalim at pilit pang ngumiti.

"Welcome party lang po ito." 

Rinig ko ang mga malalakas na bulungan. 

"Ganoon ba?" tanong ni Sir Ivan. "E, ano iyong sinasabi ni Reese?" 

Tiningnan ko si Reese at nakita ko kung gaano siya ka-frustrated.

"Baka po... na-misunderstand lang niya." 

I heard how Levi scoffed nearby. Nash and Braelyn rolled their eyes after seeing his reaction. 

"Tsaka, anong bullying, sir?" pakikisali ni Missi. "Star section kami, ba't need namin mambully? Kayo talaga."

She faked a laugh but Sir Ivan was just looking deeply at me, probably seeking the truth through my facial expression.

"We lost Hale already," sabi ni Missi. "We can't afford to lose another one. You know us, sir. We can't bully anyone."

"Yeah, sure," sagot ni Reese at tumingin sa akin. "Sabi niyo, e." 

"What can we do about it, sir?" tanong ni Everleigh. "I was hurt being labelled as a bully when my only intention was to help." 

"Seriously?!" reaksyon ni Reese.

"What do you mean, Everleigh?" tanong ni Sir Ivan. 

"Hindi po ba dapat makarating ito sa Student Affairs?" 

My eyes widened.

THE AUDACITY OF THIS BITCH?!

"But since we are under the same class, I'll choose to forgive nalang, sir," Everleigh added.

"WHOA!" bulaslas ni Reese. "Ibang klase! Wala akong masabi!"

"Ms. Turner, final warning, okay?" sabi ni Sir Ivan. "Disrespecting a teacher, riding a scooter in the hallway, now...slandering your classmate. Lahat ngayong araw lang. One more thing and I'll endorse this to the Student Affairs. Do you understand?" 

Hindi ito umimik at umirap lang.

"Do you understand?!" ulit ni Sir Ivan. 

Napapikit si Reese at bumuntong-hininga. 

"Okay." 

"Ano?" tanong ni Sir Ivan.

"Okay po," ulit niya at tumalikod na para umalis. 

But then, she stopped and looked back.

"Come with me," she said and grabbed me by my wrist.

In an instant, she dragged me out of the resto and when we were few steps away from it, she stopped and let go of me.

"Ano bang problema mo?!" tanong niya.

"Huh?" maang kong tanong. "Wala naman akong problema." 

"Binubully ka na, 'di ba?" tanong niya. "Bakit... bakit mo pa sila pinagtanggol? Tapos ako na tumulong sa 'yo, ako pa napasama. Gustong-gusto mo bang pinahihirapan ka? Fetish mo ba 'yon, ha?" 

I know where she was coming from.

"Hindi naman talaga nila ako binubully," sagot ko. "Baka... way lang nila 'yon ng pang we-welcome..." 

"Oh my G..." bulong ni Reese at nilamukos ang mukha. "Ang tanga, ang tanga-tanga..." 

Hinarap ako nito at mukhang frustrated na talaga siya.

"Alam kong alam mo kung ano ang ginagawa nila, Reign," sabi niya. "Kung nagtitiis ka para mapabilang sa kanila, re-evaluate your life. Akala mo titigil sila dahil lang tinitiis mo? At tingin mo, kaya mong tiisin?" 

Pinanlakihan ako nito ng mga mata.

"Marami nang nagtiis pero walang nagtagal—lahat nasira ang mga buhay. I'm telling you these because I saw enough. Pa-ulit-ulit nalang." 

Reese looked at my eyes.

"Kung gusto mong tumagal, matuto kang lumaban. They exist because somehow, you let them exist. Hindi sagot ang pananahimik. Lumaban ka. Hablutin mo ang buhok nila kung kailangan. Sampalin mo—suntukin mo. Kung deserve nila, hampasin mo ng bote sa ulo. Do whatever it takes to survive. West Carson High is a hell and you need to unleash your inner demon to syrvive. Kung ipagpapatuloy mo 'yang pagiging iyakin mo, guess what?"

She inched our gap and stopped right in front of me.

"Run, bitch. Hindi ka tatagal."

Reese was looking at my eyes fiercely until she walked passed me, leaving me behind. 

That's when things finally hit me.

Mahina ang tingin sa akin ng lahat.

Iyakin. 

I smiled bitterly as I felt tears forming in my eyes. 

Unang araw pa lang ito pero pakiramdam ko, sirang-sira na ang pagkatao ko. 

I was bullied but I defended the one who bullied me.

I almost kneeled down right in front of everyone.

Humiliated myself by having no money to pay for my meal.

And I even asked her to save me.

Katakot-takot na paglunok sa pride at prinsipyo ko ang ginawa ko all because of a stupid mission.

The Project Everleigh.

The Fucking Project Everleigh.

I closed my eyes hardly and tears immediately fell from my eyes. 

Kaya mo pa ba, Reign? 

Huminga ako nang malalim. 

Sana kayanin. 

Sa pagharap ko ay nanlambot ang tuhod ko nang makita ang lalaking nakatayo sa 'di kalayuan at pinanunuod ako. 

"Grey..." bulong ko sa sarili.

Naglakad na ako at akmang lalampasan na siya nang bigla siyang nagsalita.

"I warned you, didn't I?" 

I stopped.

"You didn't listen." 

When I looked at him, our eyes met. If he was worried or disappointed, I can't distinguish which. 

"Marami pang mangyayaring ganito," sabi ni Grey. "Mas malala pa. Consider my advice and go to a different section. That's the only way." 

Akmang maglalakad na ako paalis nang hawakan niya ang braso ko dahilan para mapahinto ako.

When I looked at him, he handed me his handkerchief. I wasn't doing anything until he took my hand and placed his handkerchief in my hand.

"You need this." 

Without uttering anymore words, he walked passed me. As I watched him vanishing from my sight, I saw him went inside the resto.

For the next half an hour, I saw myself locked up in a cubicle. Hindi ko kinakaya ang bulungan at tinginan ng mga estudyante kaya naririto ako sa loob. Kung paano kumalat ang nangyari nang ganoon kabilis ay hindi ko na alam.

Kung kanina, ang tingin nila sa akin ay puno ng pagka-mangha dahil sa kulay ng nametag ko, ngayon kung tingnan nila ako ay para akong basura. 

Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko. 

Hindi naman ako iyaking tao pero sa dami ng nangyayari, hindi ko maiwasang hindi umiyak. Kung gaano na ako katagal dito sa cubicle ay ganoon na rin katagal na agos lang nang agos ang luha ko.

Hindi ko alam kung ang lungkot ba na nararamdaman ko ay dahil sa mapangkutyang mga tingin sa akin.

Dahil ba sa harap-harapang pang mamaliit nila.

Dahil ba namimiss ko na ang mga kapatid ko.

O dahil ba namimiss ko na sila tito—sila Ate Neska, Ate Aubrielle, at Kuya Casper.

Hindi ko ginustong maging ganito.

Hindi ko piniling magkaroon ng ganitong klaseng buhay.

Nawalan lang ako ng choice.

Kailangan kong makita ang mga kapatid ko.

Pero kakayanin ko ba ang araw-araw na pang-aalipusta at bawal pa akong lumaban?

Muling umagos ang luha sa mga mata ko.

Gusto kong lamunin na lang ng lupa.

Parang... hindi ko na kaya.

I'm too weak and sensitive for this.

I just... can't.

Mission #2, The Project Everleigh is at risk.

Mission #3, Befriending Lyle Heimsworth could be a failure knowing how disappointed he was.

I'm failing...

Habang pinipigil ang luha ay narinig kong nag-beep ang cellphone ko. Pagbukas ko ay chat iyon ni Prosecutor Jax. 

Just in case you're having a rough day, 092 : ))

Nang tingnan ko ang litratong kasama ng message ay napatakip ako ng bibig at humagulgol.

Litrato iyon ng dalawa kong kapatid na nakatawa. 

Iyak lang ako nang iyak at hindi malaman ang gagawin. 

Nang i-zoom ko ang picture ay lalong bumigat ang dibdib ko sa ngiti ng mga kapatid ko. 

I felt something within me. 

A burning sensation that made me feel uncomfortable. 

Should I Stay?

or Should I Go?

When I turned my phone off, I stood up and opened the door of the cubicle. 

The moment the door opened, I saw my own reflection from the mirror. 

I was reminded of my sole purpose here.

Lumapit ako roon at tiningnan ang sarili. Agad kong pinunasan ang luha ko pisngi. 

"I'm not just a Harriett or an Undercover 092," sabi ko sa sarili at inilugay ang buhok. "I am Reign, and I will reign." 

Just then, I heard the school bell rang. 

I looked back at my own reflection ang gave myself a look full of determination.

"Let's finish this shit."

In a snap, I walked out of the comfort room and walked in the middle of the corridor. 

Every student who know me and know what happened inside the resto looked at me. Some of them were murmuring something while some of them were just shocked to see me again.

"Ghad, she didn't leave!" I heard one of them said. 

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Sa pagliko ko ay dumami ang mga estudyanteng bumabalik sa mga claasroom nila dahil tapos na ang lunch break—at ganoon din karaming mga matang tumitingin at mga bibig na bumubulong patungkol sa akin.

Ang ilan pa nga'y lumalabas pa ng room nila para tumingin.

"So, hindi siya takot? Wow ha!" rinig kong reaksyon ng isa. 

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad na para bang wala akong naririnig bukod sa bawat hakbang ng black shoes ko.

Nang marating ko ang tapat ng room namin ay huminga ako nang malalim. 

"Harriett, Reign S?" rinig kong tawag sa loob at boses iyon ni Sir Ivan. 

"Harriett, Reign S?" ulit nito.

"Wala na, sir," rinig kong sabi ng isang boses sa loob. "Natakot. Umuwi na ata." 

Tawanan ang maririnig sa loob. 

Na-kuyom ko ang kamao ko.

"Baka humahagulgol pa 'yon pa-uwi, sir," boses ni Levi. "'Wag niyo nang alalahanin."

Just then, I opened the door and the laughing noise zoomed out. 

"Present, sir." 

Nanlaki ang mga mata ng ilan. Maging si Levi ay napanganga pa nga.

Nang tingnan ko si Sir Ivan, maging ito ay hindi makapaniwala. 

"Y-Yes, Ms. Harriett," sabi nito. "Take a seat." 

"WOOOOOO!" sigaw ni Reese mula sa upuan niya at tumatawa nang malakas. "THAT'S MY GIRL!"

Ngumiti ako nang bahagya at hinarap ang klase. 

Levi was still shocked.

Missi was shaking her head. 

Braelyn was worried.

Nash gave me a thumbs up.

Lyle and Grey were both nowhere to be found. 

Reese continued cheering at the back.

And Everleigh...

She was looking at me interestedly.

"Complete attendance, then," sabi ni Sir Ivan at ngumiti. "See you sa music fest, 12-A." 

Tumayo ito at akmang tatayo ang lahat para mag-good bye nang sumenyas ito na huwag na. Nang marating nito ang pinto na kung saan naroroon ako, tinapik nito ang balikat ko bago ito tuluyang lumabas.

That was enough for me to know that he was supporting me.

"Okaaaay," sabi ni Levi. "Tara sa music fest." 

Akmang lalabas ito nang isara ko ang pinto. Lahat sila ay napatingin sa akin. 

"Let's make it clear," sabi ko at lahat ay natahimik. "Bully me. Make fun of me. Do whatever you want. Hahayaan ko kayo. Pero kung gagawin niyo 'yon para pa-alisin ako rito, hindi niyo ako mapapaalis. Mapapagod lang kayo. Para akong kabute. Tutubo at tutubo ako kung saan and you will never get rid of me."

Lahat ay hindi maka-imik. Hanggang pumalakpak si Nash at patuloy sa pagsigaw si Reese.

"THAT'S MY GIRL! HA HA!" 

"Okay, sabi mo e," sabi ni Levi at binuksan ang pinto at tuluyang lumabas.

Nagsunuran ang iba at tinitingnan ako ng masama bago tuluyang lumabas. 

Huminto si Missi sa harapan ko at ngumiti.

"Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang tapang mo for today pero let me just remind you na malaki ang gate ng school. Kasyang-kasya ka kung gusto mo umalis at hindi na bumalik." 

Ngumiti itong muli at binangga ang balikat ko bago tuluyang lumabas. 

When I looked straight, Everleigh was heading my way and I can't help but to gulp.

When she stopped right in front of me, she met my eyes. 

Inilahad niya ang kamay niya at puno iyon ng papel.

"The modules, as promised," sabi niya.

Akmang kukuhanin ko iyon nang bigla niyang bitawan at nagkalat iyon sa sahig.

"I just said I'll give you the modules. I didn't say I'll hand it to you personally." 

When I met her eyes, she smirked.

"Pakipulot." 

Just then, she walked away and I was left there, controlling my temper.

Akmang pupulutin ko na ang mga iyon nang marinig ko si Reese.

"HOY!" sabi nito. "'WAG MONG PULUTIN, MARUMI NA 'YAN!" 

Lumapit sa akin si Reese at tiningnan ang isang papel. "Ah, itong topic. Mayroon ako nito. Kita nalang tayo after class sa locker's area. Bigay ko sa 'yo copy ko." 

"Ba't may copy ka pa niyan?" tanong ni Braelyn na kakalapit lang. "'Di ba pinasa na 'yan last week?" 

"'Di siya nagpasa," sagot ni Nash. "Ako nag-check. So technically, hindi niya nasagutan kaya binibigay niya kay Reign." 

Natawa naman si Reese. "Aba, alam na alam ha." 

"Syempre, tropang bagsak."

Nag-fist bump si Nash at Reese. 

"E, paano ka?" tanong ko kay Reese.

"Well, bagsak naman na ako r'un. Bawi nalang ako sa midterm."

"Ta's bawi sa semi-finals," dagdag ni Braelyn.

"Then bawi sa finals," pakikisali ni Nash.

"Hanggang bawian ng buhay," dagdag ko.

Nagtawanan kaming apat.

"Joker ka pala akala ko umiyak lang alam mo, e," sabi ni Reese nang mahimasmasan. "Sige, alis na 'ko. See you fest mga yagit na bubwit!" 

Lumabas na ito at tatlo kaming naiwan sa loob. 

"Ah, lead vocalist and guitarist kasi si Reese ng music club kaya nagmamadali. Need nila mag-set up," sabi ni Braelyn. "Mukha kang curious, e." 

"Mukha ba?" tanong ko.

"Oo. Kulang nalang magka-question mark ang mukha mo," sagot ni Nash na ikinatawa namin.

"By the way, sorry if wala kaming nagawa," sabi ni Braelyn. 

Tiningnan ko sila at alam ko na ang sinasabi nila.

"When it comes to Everleigh, we should not...you know, meddle," she followed.

"Pero bakit?" tanong ko. "Anong... mayroon sa kanya?" 

"She's the gatekeeper," mahinang sagot ni Nash.

"The gatekeeper?" naguguluhan kong tanong. "Ano 'yon?" 

Nagkatinginan si Braelyn at Nash at pilit silang tumawa.

"Malalaman mo soon," sagot ni Nash. 

"For now, enjoy natin ang music fest. Tara!" panghihikayat ni Braelyn.

Habang naglalakad ay agad akong huminto.

May isang tao pala akong dapat maka-usap.

"Bakit?" tanong ni Braelyn.

Takang tiningnan naman ako ni Nash.

"Nakita niyo ba... si Lyle?"

In a snap, I was walking inside a building. Walang ingay na maririnig mula rito at kulang na nga lang ay magmukha itong shooting area for a horror film.

Patuloy lang ako sa paglalakad. Ang sabi kasi nila Braelyn at Nash, dito madalas si Lyle pumupunta dahil madalang ang tao. Music building ito. 

King titingnan ang mga maliliit na kwarto, makikita mo na agad ang mga piano, mga mic stand, at mga drums. Mukha itong mga practice area. 

Naglakad lang akong muli hanggang makarinig ako ng boses. Boses ng isang lalaki. 

Habang papalapit sa pinanggagalingan ng boses ay unti-unti ko iyong nakikilala at hindi nga ako nagkakamali.

It was Lyle. 

Nasa loob siya ng maliit na kwarto at ang glass door ay bahagyang nakabukas. May kausap ito sa cellphone at mukha silang nag vi-video call.

"Worry about yourself," sabi ni Lyle sa kausap. "Look at yourself, ang laki ng eyebags mo. Inaalagaan ka ba talaga ng boyfriend mo?"

Binuksan ko pa nang kaunti ang pinto para mas marinig sila.

"Lyle, sa dami ng pwede mong mapuna, eyebags ko pa?!" sagot ng babae.

"I was being nice. Noo mo nga una kong napansin kaso baka ma-offend ka." 

"LYLE!" inis na sabi ng babae.

"I know you're adult but tell your boyfriend to give you a rest. Ang laki-laki ng eyebags mo, pinupuyat ka ba niyan parati?!"

"Lyle, he has a name, okay? Call him by his name!" 

"Ayaw ko," sagot ni Lyle. 

Napangiti ako. That sounded cute.

"Lyle, just show some respect!" 

"I don't wanna call him by his name. The first time we met, he was shaking." 

"Takot sa 'yo kasi," sabi ng babae. "E, paano, minaldituhan mo agad." 

"Well, if he can't handle me then why worry about me? You can simply break up, though." 

Napatakip ako ng bibig.

"LYLE!" sigaw ng babae. "That's foul!" 

"Why?" tanong ni Lyle. "Then tell your Tyler not to see me. Easy-peasy, Avery." 

Nanlaki ang mga mata ko.

Avery?! 

As in Avery Heimsworth?! 

"How about Courtney? Pinadala mo ba 'yong pinapadala ko?" 

"Yup," sagot ni Lyle. "She doesn't like it. She was asking me if you got infected of COVID-19 there in Britain dahil nawalan ka raw ng taste."

Halos matawa ako. I met Avery and Courtney before noong nasa probinsya ako at wala pa rin silang pinagbago.

"Excuse me?! Baka tusukin ko ng karayom ang tiyan niya at lumipad siya na parang lobo na pumutok," sagot ni Avery. "What did you say in return?"

"Well, I said, 'True'."

"Hindi mo manlang ako dinepensahan?!" sabi ni Avery. "Lyle, ate mo 'ko!"

"You know what, I'm tired talking. I'm hanging up. Bye." 

"Lyle, wait—" 

Hindi na nito natapos ang sasabihin nang bigla itong patayan ni Lyle ng cellphone. 

"Why don't they just get married? Do they think they're young?"

Umiling ito.

The moment he turned off his phone, Lyle took the guitar near him and started playing it. 

When he started humming the intro part, my knees almost melted.

It was At My Worst by P!nk Sweats.

I gulped. I didn't know that his cold voice could be this sweet.

It felt like everything zoomed out. The fact that Lyle's voice was soothing plus the fact that he played the guitar well, parang gusto ko nalang mahiga at pakinggan siya. 

Napangiti ako. Ito na ang chorus. Laking gulat ko nang   mapakanta rin ako.

Umalingawngaw ang boses ko sa buong kwarto.

Natigil si Lyle at pati ako. Bigla kong natakpan ang bibig ko sa gulat.

REIGN, BA'T KA SUMABAY SA PAGKANTA?!

Bigla siyang napalingon at nang magtama ang paningin namin ay dumilim ang mukha niya.

"H-Hi," awkward kong sabi. "Fave song ko kasi 'yan kaya—"

Natigil ako nang tumayo siya at agad na lumapit sa akin. Napa-urong naman ako at tuluyang napalabas ng kwarto habang si Lyle ay hinawakan ang pinto at dumungaw lang.

"What do you need?" he asked coldly.

"Ah, narinig ko kasi—"

"What do you need?" he asked again, emphasizing he didn't wanna hear anything aside from the answer to his question.

I gulped. 

"About kanina sa resto," sabi ko. "Magkano binayad mo?" 

Lyle looked at me blankly.

"Wala pa akong enough cash sa ngayon pero... baka bukas mabayaran na kita," dagdag ko. "Kaya magkano binayad mo?" 

Lyle looked at me uninterestedly.

"Kaya ko naman magbayad," sabi ko. "Kailangan ko lang malaman kung magkano—"

"I didn't pay," tipid niyang sagot.

"Huh?" tanong ko. 

Lyle turned his back and walked inside the room again.

"Sino nagbayad?" I asked.

Lyle stopped for few seconds until finally, he uttered the name of my savior. 

"Grey did." 

In the blink of an eye, I was watching Grey performing on stage. 

He was singing 214 by Rivermaya.

Sa buong minuto ay tinitingnan ko lang siya. Habang ang lahay ay tumatalon, nagsasaya, at nakikikanta—heto ako at tulala.

So Grey went to the resto to sort things out?

But why?

Why would he?

"Excuse me," boses ng isang lalaki sa likuran. Nang lingunin ko ay nakuhanan nito ang nakakunot kong noo. 

It was Levi.

Ngumiti ito sa akin.

"Nice shot," sabi nito at natatawang umalis. Doon ko lang napansin ang dala nitong camera. Nang pagmasdan ko siya ay kinukuhanan nito ng pictures ang event. 

"He's a school photo journalist." 

Napatingin ako sa nagsalita. It was Missi.

"Levi may be joking around pero may silbi rin naman 'yan sa school," sabi nito at sumipsip sa hawak nitong iced coffee. 

"Okay," sagot ko.

"Marunong ka bang kumanta?" tanong niya.

"Hindi," agad kong sagot.

"Sumayaw?" 

"Hindi rin." 

"Bukod sa inisin ako, ano pang alam mo?" tanong nito at binigyan ako ng limang flyers. 

Isa-isa ko iyong tiningnan.

"Mga open clubs 'yan. May club for Community Volunteer, member si Lyle at Reese doon. May Theater Club, nandoon kami nila Everleigh at Grey. Marami pang iba. Iyong last, Music Club. Main vocalist si Grey at Reese and they're searching for new."

"How about Nash?" tanong ko. "Alam ko main vocalist ata siya noong group nila na i-dedebut?" 

"Bawal si Nash. Dapat hindi alam ng publiko talent niya until i-debut sila para suprise," sabi ni Missi. "Now, kung wala kang talent, akin na 'yan." 

"Hindi!" sabi ko at itinago ang mga flyers. "Pag-aaralan ko." 

Inismidan ako nito bago ito tuluyang umalis. 

Sa 'di kalayuan ay nakita ko si Braelyn na may kasama mula sa ibang section base sa bronze na nametag nito. 

"Ang ganda ng set," rinig kong sabi niya. "Magkano kaya ambagan nila?"

Nang ako nalang mag-isa ay nakarinig ako ng tilian. Tapos na pala kumanta sila Grey at napalitan sila ng isa pang grupo. 

"For now, let's dig a bit to classic songs," sabi ng lalaking lead vocalist ng bagong banda na umakyat. "Anybody here who's a sucker for old songs?!" 

Naghiyawan ang mga estudyante habang ako naman ay naghahanap ng chance na maka-usap si Grey.

"The song is How Deep Is Your Love by Bee Gees. Here we go!" 

Naghiyawan ang mga estudyante habang ako naman ay naglakad palapit kay Grey.

"Greysen Finch! GREY! GREY!" 

Huminto ito nang makita ako.

"Hmm?" tanong niya.

"Let's talk," sabi ko. 

"Sunod ako brad," sabi nito sa mga kasama bago sumunod sa akin.

Naglakad kami at huminto sa 'di kalayuan. Sa likod namin ay ang mga naghihiyawang mga estudyante at ang bandang tumutugtog. Papalubog na rin ang araw at malamig na ang hangin. 

"Bakit?" tanong ni Grey. "Do you need something?" 

Tiningnan ko siya sa mga mata.

"Ikaw ba ang nagbayad kanina sa resto?"

Grey was taken aback at first until he met my eyes.

"Yes. Why? What's so wrong about that?"

"Nothing," I said. "Nagtataka lang ako. Bakit mo 'yon ginawa?"

"Dapat ba may rason?" tanong niya.

"Lahat ng bagay may rason," sagot ko.

Tumango siya at ngumiti. "Are you sure you wanna hear it?" 

Tumango rin ako. "You know me, right? We met inside the arcade."

Grey was looking at my eyes without saying anything. 

"Nakilala agad ako ni Levi nang makita niya ako. Pero ikaw... bakit ka nagpapanggap na hindi mo 'ko kilala? Na hindi tayo nagkita na noon?" 

"You wanna know?" tanong ni Grey.

I nodded. 

He took his phone from his pocket, browsed something, and faced it to me.

"Here," he said and handed me his phone.

Nang tingnan ko ay screen shot iyon mula sa group chat nila. Picture 'yon namin ni Lyle noong gabi sa convenience store at si Nash ang nag-send. 

"Kung sinabi mo sa 'kin n'ung araw na 'yon na may boyfriend ka kaya ayaw mong ibigay sa 'kin ang pangalan mo, maiintindihan ko naman. Lyle is a good guy, though." 

Napangiti ako. He sounded defensive and jealous. 

"Hindi kami nag da-date," sagot ko.

Grey looked at me dumbfoundedly.

"Maraming nangyari nang gabi na 'yan pero hindi kami nag da-date ni Lyle," sabi ko. "Walang kami ni Lyle." 

From having an expressionless face, I saw how he hid his small smile when he fixed his glasses upward. 

"Really?" tanong niya.

"Really," nakangiti kong sagot.

Tumangu-tango si Grey at hindi na niya maitago ang lapad ng ngiti niya. 

"I'm Reign," pagpapakilala ko at inilahad ang kamay ko sa harap niya. "Reign Harriett." 

He looked at my hand, up to my face.

"Sabi mo, the next time we see each other, I should say my name," I said. "Here it is." 

"But you didn't agree," he said.

"I was silent and you said you'll take my silence as a yes. Did I object?" 

Grey shook his head smilingly and took my hand. 

"I'm Greysen Finch," he said and met my eyes. "Finally, I met you." 

Just then, while we were looking at each other's eyes, the intro of How Deep Is Your Love played. 

It was coming from the music club's band. 

No one between Greysen and me were dodging each other's eyes. We were looking at each other as if we were seeking for something unknown.

The cold coming from the wind and the sun setting from the sky were enough to bring melancholic scenery from within.

"Grey..." I uttered when he was just looking at my face the whole time. "Why are you doing this. Ayaw kong mag-assume pero...do you... like me?"

Greysen's lip's curved a small smile. "What do you think?" 

I chuckled softly. "Well, what do you feel?" 

Grey smiled more.

"I don't know if I like you or I'm just attracted but one thing's for sure," he said and he stopped.

Along with the wind blowing swiftly, the wild crowd behind us, and the light coming from the sun setting, Greysen Finch met my eyes once more.

"I'm interested in you, Reign Harriett. What should I do?"

# PART SEVEN: "THE TWO-FACED HELLCAT."

"Nawa'y lahat may jowa." 

Napa-pout ako at napasimangot habang tinitingnan ang dalawang estudyante sa labas ng building namin mula sa bintana ng kwarto ko. Kung titingnan, mukhang hinatid ng lalaki ang girlfriend niya. 

Ayaw pa nga umalis ng lalaki. Maya't maya balik para yakapin ang girlfriend niya at 'yong girlfriend naman niya, gusto rin. 

Napa-iling nalang ako at tinakpan ang bintana ng kurtina. 

Humarap ako sa kwarto ko at tiningnan ang paligid. 

Sa loob ay may isang malaking flat screen TV. May sariling aircon din at may sariling kama at comfort room. May study stable at may maliit na refrigerator. Sa comfort room naman ay may cold at hot shower. 

Nakagat ko ang labi ko.

Magkano kaya magagastos ni Prosecutor Jax sa tagal kong maninirahan dito? 

Ito ang small unit na inupahan ni Prosecutor Jax para sa 'kin. Malapit lang ito sa West Carson High at kung tutuusin ay ilang hakbang nga lang. May dormitory sa loob ng school pero ayaw niya roon para raw may privacy ako lalo na't biglaan siyang nagpapadala ng mission. 

Napa-upo ako sa kama ko at inilagay ang bag ko sa gilid at nahiga. Napatitig ako sa kisame at malalim na bumuntong-hininga.

It was a long tiring day.

Imagine, first day ko sa West Carson High at napakaraming nangyari.

I met Sir Ivan na crush ko na ata.

I met Nashville, our soon idol. 

I met Braelyn and we clicked. 

I met Levi at napagkamalan pa nga akong transgender.

I met Missi na akala ko ay makakasundo ko base sa profiling namin ni Sir Jax pero mainit ang dugo sa akin. 

I met Reese na sobrang gusto ko ang personality. She may look tough outside but a softie inside. 

I met Everleigh who proved that she is, indeed, the West Carson High's baddest witch. 

I met Lyle, who, despite of being a Heimsworth, was still getting bullied. 

And Grey... 

Awtomatiko akong napangiti. 

"Ang landi mo, 'te," nakangiti kong bulong sa sarili. 

Sinubukan kong pumikit para mawala ang boses niya sa utak ko pero hanggang doon ay rinig na rinig ko ang sinabi niya. 

Nakikita ko pa rin kung paano siya ngumiti. Kung paano niya sinubukang pigilin iyon sa pagtaas ng salamin niya pero sa huli ay hindi niya rin maikubli. 

Nakikita ko pa rin kung paano niya ako tinitigan sa mga mata habang papalubog ang araw at tumutugtog ang How Deep Is Your Love dahil sa banda at sinabing, 

"I'm interested in you, Reign Harriett. What should I do?"

Maya-maya'y hindi ko napigilan pa ang sarili ko at nagkakalampag na ang binti ko sa kama.

"AAAAAAAAAAAAAAAA!" 

Tili ko ang umalingawngaw sa loob ng kwarto. 

Nang mahimasmasan ay umupo ako at kinuha ang cellphone ko para tingnan ang messages doon. 

Kinuha kasi ni Grey ang phone number ko pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nag-te-text sa 'kin.

"Baka nangisay na rin sa kilig," bulong ko sa sarili. 

Saktong ibinaba ko ang cellphone ko nang bigla itong tumunog. Mabilis ko agad iyong pinulot at tiningnan. 

"Enjoy 1GB/day for YouTube, ML, FB, and more with GoSAKTO90! Get these + 2GB data and more, valid for 7 days!" 

Nawala ang ngiti sa labi ko at inihagis ang cellphone ko pabalik. 

"Mama mo enjoy," dismiyado kong sabi. 

Agad akong napabangong muli nang muli itong mag-beep.

"You're trying to access sites not included in your promo OR haven't subscribed to one yet."         

"Don't miss out on CashBack! Buy a GIGA promo (P99 & up) to get CashBack. Use the GigaLife App to earn MORE to redeem MORE! smrt.ph/GigaLifeApp."

Napapikit ako nang mariin at bwisit na pinatay ang cellphone ko.

"Ewan ko sa inyo," naiirita kong sabi at tuluyang humiga. 

Habang nakatitig sa kisame ay hindi ko maiwasang maisip si Grey.

He's tall. Kung titingnan, six footer iyon. Nang nakatayo nga kami ay halos hanggang dibdib niya lang ako. 

He's a good guy and that's why everybody admires him.

Aside from academic excellence awardee, marunong pang kumanta. 

Pumasok ako sa West Carson High para sa missions ko. Pero bakit mo naman ako tinuruan magmahal?

Wait. 

Magmahal?

Agad???

Do I... really like him that fast? 

Napa-iling ako. 

No, Reign. Hindi dahil interesado sa 'yo ang isang tao, awtomatik gusto ka na rin niya. At kahit gusto ka niya, hindi sapat na gustuhin mo rin siya.

Lonely ka, gurl? 

Napatalukbong ako ng kumot. 

Mabuti na't magpahinga. Makikita ko pa si Everleigh bukas. Need ko ng energy para magtimpi.

Almost half an hour later, I found my eyes slowly yet surely, closing...

And things hit me. 

I saw myself walking while carrying something heavy and everybody was looking at me. 

I wasn't looking at anyone, afraid that my social anxiety might flare up. 

While walking, I felt a mixture of emotions building up inside me. For why, I had no idea at all. 

Until after a long tiring walk, I stopped right in front of a wooden door. 

Kung titingnan, maraming naka-vandal doon at bahagya nang na-aagnas at tanging kadena lamang ang lock niyon. 

Bukas ang pinto nito at matatanaw mo na tanging kandila lamang ang ilaw sa loob. 

"'Wag ka nang umiyak diyan, maluluto na 'to!" 

My eyes looked at the woman who talked. Nasa may kalanan ito at nagpapaypay ng kalan na may nagbabagang uling. 

Doon pala nagmumula ang usok sa lugar. 

"Patahimik mo nga 'yan!"
 sabi nito habang tagaktak ang pawis at halos manglimahid ang damit. 

Doon ko lang narinig ang ang iyak na nanggagaling sa isang bata. Nasa sulok ito kasama pa ang isa pang bata na pinipilit ito na huwag  nang umiyak. Pareho silang walang saplot pang-itaas at bakas sa kalagayan ng katawan ang hirap na dinaranas. Ngunit hindi tumitigil ang bata at mas lalong lumalakas ang iyak nito. 

Doon nagalit ang babae. 

"MGA PUTANG—"

Natigil ito nang makita ako sa pinto. 

"Sino ka?"
 tanong nito. "
Anong hanap mo?"

Doon ko naramdaman ang bigat sa dibdib ko habang nangingilid ang mga luhang tinitingnan ang kalagayan nila.

"Sino ka nga?!"
 tanong nito at tumaas na ang boses dahilan para tingnan na rin ako ng dalawang bata. 

Napahigpit ang hawak ko sa maleta kong dala. 

"Miss wala kaming—" 

"Ate..."
 mahina kong bulong.

Doon siya natigil at unti-unting nanlambot.

Tiningnan niya ang kabuuan ko at nanlumo nang tuluyan akong makilala.

"R-Reign...?"
 

Agad akong napadilat at ang unang tumambad sa 'kin ay ang kisame ng kwarto ko. 

Hapung-hapo akong napa-upo at hinahabol ang hininga habang tagaktak ang pawis.

Nang makita ko ang oras ay alas dos na pala nang madaling araw. 

Ganoon ko na ba talaga ka-miss ang pamilya ko kaya napapanaginipan ko na sila? 

Napangisi ako at napa-iling hanggang ang ngisi ko ay unti-unting napalitan ng mahinang pag-iyak. 

Nayakap ko ang tuhod ko at tahimik na humagulgol. 

Napalaki ng kwarto na 'to pero bakit napakasikip sa pakiramdam? Bakit ako nanliliit? 

Gusto ko rin maranasan ng mga kapatid ko ang ganito karangyang buhay at hindi lang ako. 

Nakagat ko ang labi ko at pinigil na huwag humagulgol nang malakas. 

Tatapusin ko itong misyon na 'to kahit na anong mangyari. 

Sa kahit na anong paraan.

I am Reign and I will reign. 

Tomorrow morning, I can't help myself but to frown. 

Eh, paano, ang sabi ni Prosecutor Jax ay mag me-meeting kami before class tungkol sa nangyari sa first day ko pero busy daw siya.

In fact, ako pa nga kumuha ng ATM card ko at ako na rin nag-activate. 

"Pasensya na, Reign,"
 sabi ni Prosecutor Jax sa kabilang linya. 
"Na-assign kasi sa ibang judge 'yong kaso. Kaya need ko malaman kung bakit at kanino. Kasi, iba-iba utak ng judge. Baka ipa-rush 'yong kaso ni Hale, eh 'di balewala ang misyon mo."

"Re-assign?" tanong ko habang naglalakad papunta sa school. "Wala na kay Ate Neska?" 

"Oo," 
sabi ni Jax. 
"Naka-leave si Neska. And I find it strange." 

"Bakit?" tanong ko habang tumatawid.

"Ito ha. Si Andrius ay ilang days nang 'di pumapasok sa med school. Si Casper, naka-leave. Si Prosecutor Aubrielle rin naka-leave, si Judge Neska rin. Na-curious ako kaya pinatanong ko rin sila Prosecutor Courtney at Doctor Traise. Si Courtney, naka maternity leave. Si Tyler at Avery naman ay wala na sa Britain. Si Doctor Traise Stevens lang ang nag wo-work. I mean, what's going on? Something's up!" 

"Eh si Heinz?" tanong ko. 

"Heinz?" 
tanong niya. 
"Ah, 'yong leader n'ong eagle cult?" 

"Opo," sabi ko at nagmadaling naglakad dahil ang init.

"May usap-usapan ngang mabibigyan ng parole 'yon."
 

Kumunot ang noo ko. "Parole? Ang layo pa ng pasko ah." 

"Tuktukan kaya kita?"
 tanong niya na ikinatawa ko. 
"Parole, 'yong makakalaya siya." 

"Bakit? For sure 'di po papayag 'yong pamilya ng napakarami nilang biktima." 

"Totoo,"
 sabi nito. 
"Pero tingnan natin." 

Huminto ako nang nasa harap na 'ko ng school. 

"May sasabihin pa po ba kayo? Papasok na po ako ng school." 

"Yes, yes, meron,"
 sabi nito. 
"Ni-review ko 'yong profiling at narrative report na sinend mo kagabi. Technically, Braelyn is the peacemaker and close sila ni Nash. Si Nash naman ay enemy ni Levi. Si Levi ay friends with Grey and Lyle before but they both dropped Lyle at ngayon ay binubully ito. Then, Missi is targeting you along with Everleigh habang itong si Reese ay pinagtanggol ka, tama ba?" 

"Opo," sagot ko. 

"
Hmmmm..."
 

Natawa ako. "Bakit?" 

"Reese is suspicious,"
 sabi nito. 
"Watch out."

"Bakit po? She's nice." 

"And that's what makes her suspicious. Nice and West Carson High just... don't match
." 

"Judgemental ka, 'no?" sabi ko. 

"Sige na, pumasok ka na. Aayusin ko lang 'to and I may talk to Hale. Just do your mission #2 and #3, okay?"
 

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko.

"About po pala sa Project Ever—Hello? Hello?!" 

Nang tingnan ko ay pinatayan na ako ng tawag. 

As expected from a Scott. 

Na-iiling na pumasok na ako at saktong pagpasok ko ay nakakita ako ng mga reporters mula sa iba't ibang istasyon at pinaliligiran nito ang isang lalaki. 

Nang tingnan ko ay 'di na 'ko nagulat. 

It was Levi. 

"Yes. This is my school... and uh... " 

Napili kasi siyang ambassador ng isang international brand kahapon lang. Sa dami ng koneksyon niya ay hindi na rin ako nagtaka. 

Base sa mga naririnig kong tanong, puro tungkol sa kung paano niya na ba-balanse ang student life at celebrity life niya. 

Umiling nalang ako at akmang aalis na nang tawagin niya 'ko.

"Reign!" 

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. 

Akmang hahakbang ako nang muli niya akong tawagin.

Napapikit ako nang mariin at napangiwi. 

Sa pagharap ko ay lumapit ito sa akin at pinalibutan kami ng camera. Laking gulat ko nang bigla naman akong higitin at akbayan ni Levi. 

Lah, close kami?!

"By the way guys," sabi nito at ngiting-ngiti sa camera. "This is my classmate, Wayne—"

"Reign," bulong ko. 

"Ah," sabi nito at bahagyang natawa. "Reign Harriett." 

Doon ako napatingin kay Levi at hindi mo maipagkakailang artista nga ito. Bukod sa napakatangkad at artistahing mukha, pwede ka na ring manalamin sa kinis ng balat nito. 

"Ms. Harriett, anong pakiramdam na kaklase mo ang isang international model?" tanong ng isang reporter.

"Huh?" maang kong tanong at 'di malaman ang sasabihin.

Pake ko ba sa lalaking 'to.

"Okay naman po," plastikada kong sagot. 

"Mabait po ba siya?" tanong ng isa.

"Sana..." 

Humigpit ang pagkaka-akbay sa 'kin ni Levi.

"I mean, sana alam niyo. Sa sobrang bait po niya lalampas na siya sa langit." 

Nagtawanan ang mga reporter at hindi alam ni Levi kung pati ba siya ay makikitawa. 

"Anyway, I have something," Levi said before I can even do anything that might humiliate him.

"Reign, anong material sa tingin mo gawa itong damit ko?" tanong niya.

"Material? Uh... cotton?" tanong ko.

Umiling siya.

"Leather?"

Umiling siya at ngumiti.

Kumunot ang noo ko at tiningnan siya. "Saan?"

Levi then inched the gap of our face and in his most seductive yet airy voice, he whispered, 

"Boyfriend material."

My eyes literally widened and I felt my cheeks were burning. 

When I met his eyes, he smirked and he gave me a small wink.

While I was dumbfounded and didn't know what to say, Levi walked away and the journalists followed him with lots of questions. 

Habang pinagkakaguluhan siya roon ay halos manlambot naman ang tuhod ko. 

Agad kong hinawakan ang pisngi ko dahil ramdam na ramdam ko ang pamumula niyon.

Ibang klase. 

Playboy na playboy, ah.

Kainis.

Tiningnan ko uli si Levi habang naglalakad ito papalayo.

"A dream come true, maybe?"

Napatingin ako sa nagsalita. It was Missi. 

"Hindi naman," sagot ko.

"Hindi? E, tuwang-tuwa ka nga."

Inalog nito ang hawak na iced coffee at sumipsip doon. 

"Okay," sagot ko 

"Anong okay?" tanong niya.

"Kung iyon iniisip mo, edi okay na lang." 

"Huh?" nakataas na kilay niyang tanong.

"Ang sabi ko, judge mo nalang ako. Katamad mag-explain." 

Nginitian ko siya at iniwan mag-isa roon.

"YAH!" sigaw niya sa 'kin at 'di ko na siya nilingon. Rinig ko pa ang pagmamaktol niya roon.

The best revenge? Don't look back.

Ngumawa ka nang gumawa riyan all day, wala akong pake. Hindi naman ako ang magmumukhang tanga.

Balang araw masasampal din kita.

Pumasok na 'ko sa loob ng building at nagulat nang makitang mahaba ang pila para sa elevator.

Maghagdan nalang kaya ako? 

E, 9th floor kami. 

Bahala na. Ayoko mapagod. 

Pagpila ko ay naglingunan sa akin ang mga estudyanteng nakapila. Nagtitinginan ang mga ito sa kulay ng nametag ko at nagbubulungan.

Heto nanaman sila.

Nang bumukas ang elevator ay laking gulat ko nang literal na humawi ang pila. 

"B-Bakit?" tanong ko pero walang tumitingin sa akin na kahit na sino. Lahat ay literal na gumilid at ako ang natira sa pila.

Napakamot ako ng leeg.

"Moises ka, 'te?" 

Napalingon ako and it was Reese. 

"Sige na, pumasok ka na," sabi nito.

"Pero bakit...?" tanong ko at naintindihan niya ang pinagtataka ko.

"12-A card," sabi nito at tiningnan ang gold name tag ko. "Go inside."

"Pero..." 

"Mas lalo silang hindi makakasakay kung matagal ka," sabi ni Reese. "Go na. Arte mo." 

Kahit na nahihiya at naglakad na ako papasok sa loob at huminto nang makitang hindi sumunod si Reese.

"Hihintayin ko pa si Missi," sabi nito. "Go na, mars. Ang shugal mo." 

Napakamot ako ng ulo at naglakad na papasok. Ngunit sa pagpasok ko ay wala pa ring sumakay ni-isa.

Bumuntong-hininga nalang ako at pinindot ang 6th floor. 

Akmang sasara na ang pinto nang may biglang mag-ipit ng sarili niya rito dahilan para bumukas iyon. 

When I met the man's eyes, my heart just fluttered. 

It was Grey. 

"Sorry," sabi nito at lumunok. "Okay lang ba?" 

"Sure," kinakabahan kong sabi. 

"Thanks," sabi nito at pumasok sa loob. 

Ilang segundong nakabukas lang ang pinto at pinagtitinginan kami ng mga estudyante at si Reese ay nakangisi sa akin at papalit-palit ang tingin kay Grey at sa akin. Halatang nang-aasar. 

"I think... you should click..." 

"Ay, sorry," natataranta kong sabi kay Grey at pinindot ang lose button. 

Habang papasara ang pinto ay nakita ko si Reese na sumenyas na mag-kiss daw kami ni Grey gamit ang dalawa niyang kamay. Umiling ako nang naka-ngiwi na ikinatawa ni Reese.

Buang talaga 'tong babaeng 'to.

The moment the elevator closed, the atmosphere felt awkward. I felt Grey kept on looking at me and I can't meet his eyes— not now na anytime ay mamumula nanaman ako. 

"Kumusta ka?" tanong niya nang hindi na makatiis.

"O-Oks lang." 

"Oks?" tanong niya. 

"Oks as in Okay," pagpapaliwanag ko.

"Ahhh..." sabi niya at ngumiti. "Ako rin, oks lang." 

Tiningnan ko siya. 

Napakamot siya ng likod ng tainga. "'Di mo 'ko tinatanong, e. Ako na nagsabi. Oks lang?" 

Nagkatawanan kami dahil gamit na gamit niya agad ang new word na natutuhan niya. 

Ilang minuto kaming natahimik nang biglang mag-beep ang cellphone ko. Nang tingnan ko ay text iyon mula sa unknown number.

"Just checking out kung totoong number mo 'yong binigay mo," Grey suddenly said. "It's a relief that it is." 

Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa pagpipigil sa sarili ko mula sa pagngiti. 

"Why don't you talk more?" Grey asked. "I'd like to hear your voice." 

That's when I looked at him and met his eyes. 

This man... is making me feel the butterflies. 

We were just looking at each other's eyes when the elevator opened at the 6th floor.

When we looked at the woman waiting, the butterflies inside me turned into bees when I realized it was Everleigh Miller.

Walang emosyong pumasok ito sa loob at pumagitna sa amin ni Grey. 

Maya-maya'y may iniabot ito kay Grey na envelope nang sumara ang pinto.

"Facilitate the groupings. Need ni Sir Ivan 'yong scores by tomorrow para ma-fill 'yong activities na hindi natin nagawa." 

Kinuha ni Grey ang papel. "Ang subject 'to, Leigh?" 

Habang pinagmamasdan sila ay makikita mong nirerespeto nila ang isa't isa at sobrang propesyonal.

"21st Century Lit," sabi ni Everleigh.

"Sir Ivan took the subject? Edi dalawa ituturo niya?" 

"As if he has a choice," sabi ni Everleigh. "The original teacher died—or murdered—whatever." 

Doon nagsimulang kumalabog ng dibdib ko.

So, ang adviser nila na namatay noon ay ang teacher nila sa 21st Century Lit. At dahil si Sir Ivan ang temporary adviser nila ngayon, siya na rin ang magtuturo niyon.

But why? 

And, the way they talked about it... bakit parang... normal lang?

"Nanghihingi si Sir Ivan ng assistance. May meeting sila for the first half para sa search for school uniform models—"

"Hindi na ba sila Levi at Missi?" tanong ni Grey.

"Napagdesisyunan kanina na i-open ulit to anyone. Alam mo naman, they want to look democractic pero ang totoo manipulative sila," sabi nito.

Tumangu-tango si Grey.

"But if Missi and Levi will join again, most likely they'll win. They must win. We can't afford to have a bronze or a silver nametag owner to be the face of the school. Nakakahiya."

I almost scoffed.

How can they enjoy this name tag thing when it's a clear form of discrimination?

The culture in this school favors nothing but the elites. 

Nakakagalit.

"Thanks for attending the meeting on my behalf, Leigh. I appreciate that," sagot ni Grey.

"No worries, Pres," sagot ni Everleigh at nilingon si Grey. "You know I got your back." 

Ngumiti nalang si Grey at hindi na sumagot.

Ako naman ay pinanunuod lang silang dalawa.

Something feels off...

"How's the modules, Reign?" biglang tanong ni Everleigh sa akin. 

Hindi ako makasagot. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko.

"Tell me if you need help, okay?" tanong nito at ako naman ang nilingon. "In 12-A, we flock together. Consider this as my charity work."

While we were looking at each other fiercely, the elevator opened at 9th floor and that's when Everleigh walked out. Grey did too.

And I was left there, thinking about what she said. 

In 12-A, they flock together...?

Patunay na ba iyon na isa sa kanila ang pumatay at pinagtakpan nila iyon nang sama-sama at itinakwil si Hale dahil ito lang ang outcast? Is that how they flock together?

Too early to tell, Reign.

Grey stopped when he noticed I wasn't moving.

I gave him a fake smile and walked out too and went inside the classroom.

Naroroon na si Nash na sumasayaw sa likod ng room kasama ang ilan naming kaklaseng babae. 

Si Braelyn naman ay tini-trintas 'yong nasa harapan niya. 

Si Everleigh at pumunta na sa upuan niya.

Si Grey at pumunta sa teacher's table at binasa ang papel na ibinigay ni Everleigh patungkol sa activities.

Si Lyle ay nasa likod lang at natutulog.

Maya-maya ay dumating na rin sina Missi at Reese. 

"Guys, settle down, please," sabi ni Grey at ilang minuto lang ay nagbalikan na ang lahat sa kanya-kanya naming upuan. Maging si Lyle ay gumising. 

"As you all know, wala tayong teacher sa 21st Century Lit for the past weeks because of what happened," Grey started.

"Uh, you mean dahil namatay ang adviser natin?" tanong ni Missi.

"PINATAY," pagtatama ni Everleigh.

"Puwede ba, 'wag nang pag-usapan ang patay," reklamo ni Nash.

"Bakit ba ayaw niyo i-address si ma'am by her name at 'patay' nalang ang tawag? Ganoon ba talaga 'pag namamatay ang tao, nawawalan na ng value?" tanong ni Reese. "Isipin niyo. 'Pag may lamay, ang tanong, 'Pupunta ka ba sa patay?' Anong patay? Bakit hindi i-address by name? Like, 'Pupunta ka ba sa burol ni Jess?'"

"Thanks for a good insight, Reese," reaksyon ni Grey. "But please, guys, don't open the wound. We are healing already. Let Ms. Jess rest."

Natahimik ang lahat. 

So Ms. Jess ang name ng adviser nila at hindi sila comfortable na pag-usapan ito.

One of 12-A's weaknesses, maybe.

"Going back, the coordinators had a meeting," Grey followed. "Si Sir Ivan ang magiging teacher natin sa 21st Century Lit."

"Wait! Wait!" sabat ni Braelyn. "So si Sir Ivan teacher natin sa 21st Century Lit bukod pa sa subject na itinuturo niya talaga?" 

"Ganoon na nga," sabi ni Grey.

Umalma ang iilan ngunit mas marami ang natuwa.

Bakit kaya?

Ganoon ba talaga kahigpit si Sir?

"Para maka-habol sa past activities na wala tayo dahil nga sa hindi inaasahang pangyayari—"

"Hindi inaasahan..." bulong ng isa naming kaklase. "Siguro para sa atin, ewan ko nalang kay Hale." 

Nagtawanan ang ilan habang si Grey ay hindi na maipinta ang mukha.

Normal na ba sa section na 'to na gawing katatawanan ang mapait na buhay ng iba?

Pinupok ni Grey ang table dahilan para matahimik ang mga ito.

"Sorry, Pres," bulong ng iba. 

"Going back," sabi ni Grey. "Para makahabol tayo, may activity na ipapasa bukas. By pair daw. We have to read and understand the poem, 'Padre Faura Witnesses The Execution of Rizal' by Danton Remoto. You may search the poem online, you may check the GC as well at ipapasa ko nalang doon." 

Nagtaas ng kamay si Nash at itinuro iyon ni Grey.

"Paanong pair, Pres?" tanong ni Nash.

"What do you guys want?" Grey asked. "Magbibilang or peer?" 

"PEER!" sigaw ng iba.

"Okay, then," sagot ni Grey. "Pair up. Don't hesitate to ask for help kung hindi na kaya. Lapit nalang sa upuan ko."

Doon nagkagulo ang klase. 

Ka-pair ni Missi si Reese.

Si Nash naman at iyong isa naming kaklase.

Si Braelyn naman ay ka-pair si Everleigh. No wonder kung bakit Ms. Friendship din ang tawag sa kanya. E, paano, she can get along with anyone. 

"Sino pang wala?" tanong ni Grey.

Nagtaas ng kamay ang bagong dating na si Levi. Ganoon din si Grey.  Nagtaas na rin ako ng  kamay at maya-maya'y si Lyle. 

Nagkatinginan kami ni Grey. Alam naming gusto naming makapareha ang isa't isa. 

But when I realized that will leave Lyle and Levi as the last pair, I suddenly felt bad knowing how Levi bullied Lyle last time.

Grey was looking at me. 

I knew he was waiting for me to come to him.

I closed my eyes hardly.

"Grey, partner tayo, ah!" sabi ni Levi. "Huy, ba't 'di ka sumasagot?! Grey!"

Hindi sumasagot si Grey at nakatingin lang sa akin.

When I stood up, Grey was watching my every move.

I'm sorry, Grey.

I turned my back at him and walked. I stopped right in front of Lyle's seat. 

Lyle then stopped whatever he was doing and looked up. The moment our eyes met, I could sense the coldness and darkness in him.

I gulped. 

"Let's pair up," I told him. 

Lyle looked at my eyes deeply after hearing that, as if he could trace my intention through my eyes.

"I'm not interested," tipid niyang sagot at akmang magsusuot ng earphone nang bigla kong hablutin ang earphone niya at ipinatong iyon sa table niya.

He looked at me sharply—as if he can squeeze me to death. 

"By pair ang sabi. Tayo nalang ang walang kapareha," pagrarason ko.

"I said I'm not interested," sagot niya.

"I didn't ask if you're interested," I said.

"And I didn't ask to be your partner," matalim niyang sagot at supladong nagsuot muli ng earphone.

Literal na napanganga ako. 

Ibang klase.

Umupo ako sa tabi niya at pumilas ng papel mula sa yellow pad niya. Nagulat naman siya sa ginawa ko kaya napatingin siya.

"Ano?" tanong ko at kinuha rin ang ballpen niya at nagsulat sa papel. 

MEMBERS:

Harriett, Lyle 

Heimsworth, Reign

Isinulat ko iyon sa itaas ng papel. Nang makita iyon ni Lyle ay agad niyang kinuha ang ballpen sa kamay ko at binura ang pangalan namin 

MEMBERS:

Harriett, L̶y̶l̶e̶  Reign 

Heimsworth, R̶e̶i̶g̶n̶  Lyle Xavier

Halos lumubog ako sa kinatatayuan ko dahil sa pagco-correct ni Lyle sa sinulat ko.

Ano ba kasing katangahan 'yon, Reign?! 

Tiningnan ko uli ang papel at doon ko napansin ang idinagdag niya roon.

"Oh?!" reaksyon ko. "May second name ka?!"

Hindi siya kumibo at nakita kong nag se-search na tungkol sa poem.

"Whoa!" bulaslas ko. "Lyle Xavier Heimsworth. Ang expensive ng pangalan mo ha!" 

Unti-unting nawala ang ngiti ko nang hindi niya talaga ako pinapansin. 

Iginilid ko ang upuan ko para matanaw ang sinusulat niya. Nagtatama na ang braso namin dahil pa-slant na ang upuan ko para lang masilip iyon.

"Ano ginagawa mo?" tanong ko. "Nagsisimula ka na?" 

Nang tingnan ko ay nagsisimula na nga siya.

"Tutal sinisimulan mo na ang first part, iyo na 'yan then ako mag-aanalyze ng second part then discuss natin pareho after. Sounds good?" 

Pero hindi talaga niya ako pinapansin.

"Sounds good ba?" tanong ko at lalo pang itinagilid ang upuan ko.

Patuloy lang siya sa pagsagot.

"Lyle Xavier, answer me, yoohooo!"  pang-iinis ko na. "Light Saber, ano na? Star wars ka gurl?" 

Natawa ako sa sarili kong biro.

Iginilid ko lalo ang upuan ko at tanging ang pagkakadikit nalang ng braso namin ang nagiging pundasyon ko. 

"Lyle Xavier, ano nga gagawin ko—" 

Halos mapatili ako nang bigla siyang lumingon at sa sobrang lapit ng mukha namin ay nagkadikit na ang mga ilong namin. I can even feel his warm breath on the top of my lips. Lyle, on the other hand, was looking at my eyes thoroughly and I can hear nothing but my loud heartbeat. 

Nakarinig ako ng mga tilian sa room. 

"L-Lyle, I—"

"You..." mahina niyang bulong. 

Nang maramdaman ko sa mukha ko ang hininga niya ay na-alala ko ang gabi na una kaming nagkita.

Iyong gabing niyakap ko siya at itinago niya ako sa loob ng jacket niya at niyakap pabalik. 

Ganito.

Ganitong ganito ang pakiramdam n'un.

"Do you know what I hate?" Lyle whispered while looking at my  lips. "It's when people bother me." 

From looking at my lips, Lyle looked up and met my eyes.

"Stop provoking me," he whispered. "You won't like it." 

After few seconds, Lyle stood up and was about to walk out when Grey called him out.

"Where are you going?" Grey asked

"CR," tipid nitong sagot at tuluyang lumabas ng class room.

When I was left there, everybody was looking at me—including Grey and Levi.

As I watched Lyle's foot print, I can't help but to think.

Indeed, Lyle is a Heimsworth. 

Pagharap ko sa klase ay tulala ang lahat. Si Reese naman ay nakangisi.

"PAG-IBIG NGA KAYA~~~" pagkanta nito.

"PAREHO ANG NADARAMA~~~" pakikisali ni Missi.

Nagharap ang dalawa habang ang mga ballpen ang nag nagsisilbi nilang microphone.

"ITO BA ANG SIMULA?" duet nila.

Tawanan ng dalawa ang maririnig kalaunan.

For the whole day, puro lang kami lessons at ako naman ay puro paghahabol ng lessons. Everything went smooth at pinagtuunan ko muna ang pakikinig sa klase bago ang mission ko. 

Hapon na nang papuntahin ako sa kabilang building na faculty ng mga PE teachers. Wala pa kasi akong PE uniform at bukas pa available kaya bukas pa ako makakasali. 

Main rule kasi iyon sa PE subject namin. No PE uniform, No Attendance pero bibigyan daw ako ng consideration. 

Kaya habang naglalaro ng volleyball ang mga kaklase ko sa field na tanaw sa bintana ng faculty ay pinanunuod ko lang sila.

"Reign, right?" 

Napatingin ako sa teacher na nagsalita. Ito ang PE teacher namin na babae.

"Opo," sagot ko.

"Sige, 'nak. Ito 'yong may paper works na ginawa nila noong wala ka pa. Tapusin mo nalang today para ma-checkan ko at makahabol ka. Ayos ba?" 

"Opo," sagot ko. "Tatapusin ko po ngayon." 

"Nice, nice. Sige 'nak, pupuntahan ko na mga kaklase mo ha." 

"Ma'am 'wag niyo naman lunurin sa paper works 'yan," sabat ni Reese na kumukuha ng bola. "Beshy ko 'yan." 

"Hindi ko naman siya pinahihirapan ah, chill nga lang siya, e," sabi nito at tumingin sa 'kin. "Tapusin mo ha?"

"Opo, ma'am. Thank you po." 

"Sige lalabas na 'ko. Reese, halika na." 

"FIGHTING!" sigaw sa akin ni Reese bago niya isinara ang pinto.

Nang lumabas ito at isinara ang pinto ay doon ako nagpalinga-linga. Ako lang ang tao sa faculty.

Pagtingin ko sa bintana ay papalubog na ang araw at malamig na ang hangin.

Ah, peace of mind.

Nakangiting sinagutan ko na ang mga papel. 

Kahit na may Missi at Everleigh, thankful naman ako na may Nash, Braelyn at Reese ako. 

Kahit papaano, na-eenjoy ko ang school dahil sa kanila.

Halos kalahating oras na akong nagsasagot nang kabiglang umihip ang malakas na hangin mula sa bintana at nagliparan ang mga papel sa table.

Isa-isa ko iyong dinampot at huling kinuha ang papel na nasa ilalim ng table. 

Doon ko napansin na master list iyon ng 12-A mula Grade 7 sila. Habang tinitingnan iyon ang unti-unti akong naguluhan. 

Kada may madadagdag sa klase nila ay nawawala rin ang mga ito kinalaunan.

"Huh?" tanong ko sa sarili. 

Tiningnan ko itong muli at ipinagkumpara.

Kada may madadagdag sa kanila, next sem ay nawawala na rin ito at 'drop out' ang nakasulat.

Something smells fishy...

Tiningnan ko ang record nila last year at lalo akong naguluhan. Ikinumpara ko iyon sa record nila noong Junior High nanlaki ang mga mata ko sa napagtanto ko.

Hale Parker only joined them last year. Hindi siya originally part ng section nila. At gaya ng mga nadadagdag at nawawala, burado na rin siya ngayong year. 

Napatakip ako ng bibig ko.

Ibig sabihin ba nito, na kikick-out ang mga bagong dating sa section nila?

Pero bakit at paano?

Wait.

Don't tell me...

Napatago ako sa ilalim ng table nang may marinig akong mga yabag. Nagpasukan ang mga ito at nagtatawanan pa.

"Asa'n ba 'yong bola na sinasabi ni ma'am?" tanong ng isa.

"Ayun ata," sagot ng isa pa.

"Oo nga pala. Reign, that new girl, is 18, right? Like Hale?"

Lumakas ang kalabog ng dibdib ko.

"Oo raw," sagot ng isa. 

"Madali ma-frame up, kulong agad." 

Nagtawanan ang mga ito bago lumabas. 

Hapung-hapo akong lumabs ng table nang mawala sila at ikinando ang pinto.

CONFIRMED.

THEY FRAMED UP HALE TO KICK HIM OUT!

It makes sense...

Pero bakit nila iyon ginagawa?

Anong tinatago nila?

Naluluha man dahil sa takot ay tinawagan ko si Prosecutor Jax matapos masiguradong naka-kandado ang pinto.

Sumagot agad ito.

"JAX!" sagot ko na halos pabulong pero naroroon ang tensyon. "HALE IS INNOCENT! HALE PARKER...HE'S... HE'S A VICTIM, I—"

"Reign, kumalma ka, okay?"
 sagot ni Jax sa kabilang linya. 
"Anong nalaman mo?" 

"Nakita ko master list ng section nila. Lahat ng nadadagdag sa section nila ay nawawala—including Hale. Prosecutor, baka... baka inosente talaga siya! Baka—"

"Exactly what I thought..." 
Jax said.

"Huh?" 

"Reign, I'm with Hale now. We are inside the interrogation room and he can hear you."
 

"S-Siya 'yong bago?" 

Sa unang pagkakataon ay narinig ko ang boses niya.

"Umalis ka na riyan!" 
tensiyonadong sabi nito. 
"Hindi mo 'to sila kilala at never mo silang makikilala. Lahat sila ay may maskara at isa lang ang gusto nila—ang sumira ng buhay. Kung mahal mo pa ang buhay mo, umalis ka na riyan. Parang awa mo na..." 

Pa-iyak na ang boses nito at ganoon din ako dahil sa takot.

Nang tingnan ko ang bago nilang master's list ay naroroon na ang pangalan ko.

"Ikaw na ang isusunod nila, miss. Hindi mo sila kaya..." 

Nagtataasan na ang mga balahibo ko.

"A-Ano nang gagawin ko, Prosecutor Jax?" 
tanong ko.

"I came here for a better profiling. You need to hear this, Reign. You listen,"
 sabi nito. 
"Hale, who was your bully?" 

Mula sa tensyonadong boses ay napalitan ng galit at mahihinang iyak ang boses ni Hale.

"That bitch..."
 sabi nito. 
"That...that devil..." 

"Hale, tell us,"
 Jax said.

"Kinaibigan niya 'ko..."
 sabi nito at nasa boses nito ang pait. 
"She made me feel like she was dependable. She earned my trust—only to find out she would ruin me later on. Ipinahiya niya po ako sa harap ng maraming tao. Pinaluhod. She damaged me. She ruined me..." 

"Who are you talking about?"
 Jax asked. 

"That two-faced hellcat..."
 

Doon ako napatingin sa bintana at nakita ang mga kaklase kong nagtatawanan habang naglalaro.

Among them was the woman with the loudest laugh. She was holding the ball in her hand while the wind was swaying her short hair.

"She's... a two-faced bitch, Prosecutor Jax. 

Demonyo

 ang 

babaeng

 'yon!"

From that moment, she smiled widely and waved her hands when she saw me.

"Sino? Sino siya?" 
Jax asked. 

And from then, slowly yet fiercely, her smile disappeared.

"
Reese Turner..."

# PART EIGHT: "THE LAST SURVIVOR."

"REESE TURNER..." 

Bumuntong-hininga ako nang malalim at kung gaano na ba ako katagal nakatitig sa kawalan ay hindi ko na rin alam.

Kasalukuyan akong nasa waiting shed at napakarami nang bus na dumating pero ni-isa ay wala akong sinakyan pa-uwi.

Nakatulala lang ako at hindi makapaniwala sa mga nalaman. 

"Paanong siya 'yon?" bulong ko sa sarili at bahagyang napa-pikit. "Paanong si Reese ang bumubully kay Hale?" 

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Na-aalala ko pa kung paano lumingon sa akin si Reese at unti-unting nawala ang ngiti sa labi  nang makita ako.

She saved me from a public humiliation. 

She saved me from Everleigh. 

Paanong siya ang bully? 

Paanong siya when all she did was to smile at me and cheer me up?

Was it... part of her act?

I can still hear the fear in Hale's voice. Kung paano siya nanginginig at ang magkahalong takot at galit sa boses niya. Kahit hindi ko siya nakikita ay ramdam ko ang panginginig niya. Hindi ganoon ang magiging reaksyon niya kung normal lang ang ginawa sa kanya ni Reese. Sa sobrang tindi ng ginawa sa kanya ay mukha na siyang na-trauma. 

Pero bakit ibang-iba si Reese ngayon? Bakit ibang-iba ang pakikitungo niya sa 'kin kumpara sa pakikitungo niya kay Hale? Anong... nangyayari?

Tiningnan ko ang phone ko at alas otso na rin pala ng gabi. Nang may humintong bus sa tapat ko ay agad na akong tumayo at akmang sasakay nang biglang may humatak sa braso ko dahilan para mapa-hinto ako. 

Nang lingunin ko ang humatak sa 'kin ay kumunot ang noo ko.

"Nash?" 

Naka-kunot din ang noo nito at walang emosyon ang mukha. Nakasuot pa rin ito ng school uniform at bagsak ang itim na buhok.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Huh?" maang kong tanong.

"You're not supposed to ride a bus," sabi nito at ilang segundo lang ay sumarado na ang pinto ng bus. Nagsimula na rin itong umandar. 

Tiningnan namin ito habang umaandar ito papalayo. 

"Nash, paano mo—"

Natigil ako nang may ituro ito. Agad ko iyong tiningnan at isang building sa 'di kalayuan ang itinuturo niya.

"Doon ka nakatira, 'di ba?" tanong niya at saka ngumiti. "Kaya hindi mo kailangan mag-bus. Walking distance lang naman." 

Halos masapo ko ang noo ko. Sa sobrang pre-occupied ko kay Reese ay pati utak ko ay lumulutang na. Mukhang sasakay pa ata ako ng bus pa-uwi sa dati naming bahay. 

"Tara," sabi ni Nash at nagsimulang maglakad. 

Agad ko itong sinundan. Napakalamig ng gabi at napaka-busy ng mga tao. Kitang-kita ang karangyaan ng lugar na ito dahil na rin sa mga night lights at mga matatayog na building sa paligid.

"Paano mo alam na doon ako nakatira?" tanong ko kay Nash habang sinusundan siya. "Parang... wala naman akong ikinuwento?"

Ngumisi si Nash at tiningnan ako. "Hulaan mo." 

"Wow, pa-suspense," nakangiti kong sabi kahit medyo kinakabahan na. "Bakit nga?" 

"Hmm..." Nash started. "Bakit sa tingin mo naglalakad din ako kasama mo?" 

"Kasi wala kang sundo?" 

Nash looked at me with disbelief. 

"Wait, wait," sabi ko. "Wala kang pamasahe, 'no?" 

"Tss," Nash shook his head. He smiled out of frustration. "Wrong." 

"Bakit nga?" tanong ko. "Stalker ka ba?"

"Think why am I walking with you," sabi nito. "Bakit kita sinasamahan? Bakit pareho tayo ng daan?"

Kumunot ang noo ko. "Ewan. Bobo ako, 'di ko alam." 

Natawa si Nash at halos mawala ang mga mata. "Think of it. Bakit nga?"

"Bakit ba?" tanong ko pabalik at nag-isip. 

Maya-maya'y napahinto ako at napatakip ng bibig. 

"Hmm?" Nash asked with a curious face. 

"Nash, don't tell me..." napahinto at ngumiwi. "Nililigawan mo ba 'ko?"

Biglang nawala ang ngiti ni Nash at bored akong tiningnan. 

"Gusto mo ma-upper cut?" 

"Eh, bakit nga?" tanong ko. "Parang panliligaw na 'to, e."

"Fourth floor," sabi nito at nagsimula muling maglakad. "I live there." 

"Live?" tanong ko at tiningnan siya. "Wait! Fourth as in..." 

Doon siya muling ngumiti. "Oo. Same building ang unit natin. We technically live in the same building. Okay ka na?" 

Literal na napanganga ako. 

Dapat warning-an ko na si Prosecutor Jax na huwag bumisita at huwag akong sunduin.

"Paano mo—"

"Nakita kita kagabi," sabi niya. "Tinawag nga kita kaso ang bingi mo."

Bago pa man ako makapag-react ay may kotseng huminto sa gilid namin ni Nash. Hindi ako ma-alam sa kotse pero kung titingnan, halatang mamahalin ito. 

Unti-unting bumukas ang bintana ng back seat nito at nakangiting mukha ni Braelyn ang bumungad sa amin. 

"Why naman nag-aalay-lakad kayo riyan?" tanong niya.

"Why naman ang conyo mo?" tanong pabalik ni Nash.

"Why naman epal ka?" sabi ni Braelyn at tumingin sa akin. "Sakay na kayo."

"Weh ikaw yata 'yong nangunguha ng bata, e," pang-aasar ni Nash.

"Hindi, siya 'yong bata," pakikisali ko.

Agad natawa si Nash nang ma-gets niyang height ni Braelyn ang tinutukoy ko.

"Funny niyo 'no, sagasaan ko kaya kayo?" 

Nagtawanan kaming tatlo.

Ito kasing si Braelyn ay iyong tipo ng tao na nakakahawa ang ngiti. Sobrang gaan kasama at kahit na ikaw pa ang pinaka-aloof na tao, magiging comfortable ka sa kanya. 

"Maglalakad na lang kami," sabi ni Nash. "Walking distance lang naman." 

"Wala akong pake sa 'yo," sabi ni Braelyn at tumingin sa akin. "Diyaan ba sa deretso ang way niyo?"

I nodded. 

"Kagagaling lang namin, hindi kami pinadaan. Sarado ang daan, cino-construct ang lupa." 

"Huh?" tanong ko. "Ayos naman ang kalsada r'un, ah?" 

Ngumisi si Braelyn. "Alam mo na, mema project." 

Nagkatawanan kami. 

"Kaya sumakay na kayo. 'Di rin kayo makakadaan d'on. Iikot din naman kami, madaraanan place mo, Nash." 

Bumukas ang pinto ng kotse at pinagtutulak kami ni Braelyn sa loob. Umaalma man ay wala na kaming nagawa ni Nash.

"Thereee!" nakangiting sabi ni Braelyn at agad na isinara ang pinto. Sa laki ng kotse ay nagkasya kaming tatlo sa likod at napagitnaan namin si Braelyn. 

"Let's go!" sabi nito. 

"Mukha kayong pamilya riyan ah," sabi ng nag dri-drive at bahagyang natawa. "Ilang taon na po anak niyo, ma'am?" 

Natawa kami ni Nash. Maliit kasi si Braelyn at nagmukha kaming mga magulang niya. Si Braelyn naman ay umismid.

"Ang benta n'on, manong ha," sabi ko. 

"Manong...?" Nash asked.

"Bakit?" tanong ko. 

"Are you serious?" Braelyn asked me too.

"Bakit nga?" maang kong tanong.

"Tatay niya 'yan!" bulong ni Nash. 

Tatay?!

Nanlaki ang mga mata ko at tiningnan ang nag dri-drive. Nang magtama ang paningin namin sa rearview mirror ay muli itong natawa. Pati ako ay awkward na nakitawa na rin at hiniling na sana 'wag ako sipain ni Braelyn palabas ng kotse. 

"Sorry po, hindi ko po alam," natataranta kong sabi.

"Okay lang hija," sabi nito. "Hindi naman ikaw ang una." 

Napatingin ako kay Braelyn at may ibinulong siya sa akin.

"Napagkamalan din ni Nash na driver si papa," sabi niya. 

Nash cleared his throat and looked away. 

Tiningnan ko ang lalaki at ibang-iba ito sa na-iimagine ko. 

So siya ang governor ng Bangko Sentral? Wala sa hitsura nito ang karangyaan sa buhay.

"Sabi ko naman kasi sa 'yo dad, hire a stylist para 'di ka napagkakamalang driver all the time," Braelyn said.

"Para saan pa't dito ako kumportable," sagot nito. "Siya ba iyong bago ninyong kaklase?" 

"Ah, opo," sagot ko. "Ako po pala si Reign." 

Tumangu-tango ito. "Nice meeting you, Reign. Kumusta ang anak ko sa school, kawatan ba?" 

"PAAA!" reklamo ni Braelyn.

"Opo tito," natatawang pakikisali ni Nash. "Maya't maya naniningil. Daig pa bumbay, e." 

Nagkatawanan kami habang si Braelyn ay defensive na nag-eexplain. 

"Kung gaano kaliit, ganoon kalaki maningil, e," pang-aasar ni Nash. 

"No Bayad, No Opinion," depensa ni Braelyn na ikinatawa namin lalo. 

Habang tinitingnan ang reaksyon ng tatay ni Braelyn sa pagtatalo nina Nash, hindi ko maiwasang hindi mapangiti. 

Somehow, it reminds me of someone. It reminds me of the man who raised me well. 

Na-aalala ko si tito, iyong tatay ni Ate Neska. 

I miss him somehow.

"Yes, hija?" tanong bigla nito nang magtama ang paningin namin mula sa rearview mirror. 

"Po?" maang kong tanong. "Ay, wala po." 

"Sure ka? Parang may gusto kang itanong," sabi nito. 

Nag-isip ako at mayroon nga talaga. 

"Curious lang po," sabi ko.

Nagtinginan sa 'kin sina Nash at Braelyn. 

"Kung pera ang problema ng mundo, bakit hindi na lang po mag-print ng maraming pera?" 

Nawala ang ngiti nito sa labi.

"I mean, na-curious lang po ako. Nagtratrabaho kayo sa Bangko Sentral, kaya na-bring up ko po. Sorry," pag-eexplain ko.

"Hanggang dito ba naman may pa-10 points essay," bulong ni Braelyn. 

Ilang segundong nanahimik ang lalaki hanggang muli itong ngumiti.

"Ikaw ang tatanungin ko, hija," sabi nito. "Kung ikaw ang nag ma-manage ng isang bansa at may kontrol ka sa pera, bibigyan mo ba ang bawat isa ng let's say... isang milyon?" 

Natahimik ako at hindi malaman ang sasabihin. 

"What do you think?" tanong nitong muli.

"For me... bakit hindi po?" tanong ko. "That's... a good start. Hindi magugutom ang tao." 

"Iyon mismo ang simula ng kagutuman, hija," sabi nito. "Ang pagbibigay ng pantay-pantay na pribilehiyo."

Beat.

"Paano po?" tanong ko. "Sinasabi niyo po bang dapat nasa kahirapan ang iba para balanse ang sistema?"

"Sort of," sabi nito.

My jaw partly dropped out of disbelief.

I didn't expect anything but that was just... so low. 

"Think of it this way," sabi nito. "Kung lahat ay mayaman at may pera, sino ang magiging manggagawa? Sino ang magtatanim, mag-aararo, magtitinda, at mga magiging tauhan? Wala. Dahil lahat ay may pera. Walang gugustuhing magtrabaho—lahat ay gugustuhing bumili na lamang." 

I licked my lower lip. 

That was frustrating. 

"Kaya dapat lang na hindi pantay-pantay ang lahat," dagdag nito. "The lower class works for us, and we pay them in return. That's how we make the cycle stable."

Tumangu-tango na lang ako nang matapos na. 

I have a lot of things to say but I chose not to. 

They don't know how sickening life in poverty is that's why they won't understand. 

Hindi nila maiintindihan dahil hindi nila alam ang pakiramdam na kumakalam ang sikmura ng pamilya mo pero wala kang maibigay.

Hindi nila alam ang pakiramdam ng marami kang pangarap na hindi mo kayang tuparin dahil kailangan mong maging praktikal. 

"Whoa!" bulaslas ni Braelyn. "Look, oh! Nasa billboard si Levi!" 

Tiningnan ko ang tinitingnan nila at sa likod ng napakalaking billboard ni Levi na nag-eendorso ng mamahaling damit ay tanaw ang mga dikit-dikit at tagpi-tagping  mga bahay. 

Hindi nila napansin iyon dahil siguro ay wala naman silang pakialam doon. 

Iba talaga ang nagagawa ng pribilehiyo. 

Nakaka...bulag.

Biglang nag-beep ang cellphone ko.

Greysen

 

Xanford

 Finch sent you a friend request 

Para akong nanigas sa kinauupuan ko nang makita iyon. 

"Ano 'yan?" tanong ni Braelyn.

Agad kong itinago ang cellphone ko. 

"Wala," defensive kong sabi.

"Asus," sabi nito. "Porn ba 'yan?"

"Hoy, hinde!" sabi ko at tiningnan ang tatay niya dahil baka marinig iyon. 

Pagtingin ko ay muling nag-beep ang cellphone ko. 

Greysen

 

Xanford

 Finch reacted to your photo. 

Pagtingin ko ay nag-heart react ito roon. 

Nakangiting tinakpan ko ang cellphone ko habang nagtatalo si Nash at Braelyn. 

Greysen

 

Xanford

 Finch reacted to your post. 

Nang i-click ko ay nag-care react ito sa recent post ko. 

Nakangiting napa-iling ako inaccept ang friend request niya.

My phone beeped again. This time, it was a message.

"

Greysen

 

Xanford

 Finch wants to talk to you but he's shy. Pres 1 to accept, Pres 2 for Pres 1, and Pres 3 to Pres 2. Or you may stay on the line while he thinks of other ways to communicate with you."

Napatingin ako kila Braelyn dahil baka makita nila ang bigla kong pagngiti. 

Pinatay ko muna ang cellphone ko dahil baka makita nila Nash at Braelyn. Ayaw kong ma-issue.

Ilang minuto lang ay ibinaba na kami nina Braelyn sa tapat ng building. Nagpasalamat at nagpa-alam kami sa tatay niya sa paghahatid sa amin. 

"See you bukas!" nakangiting sabi ni Braelyn at kumaway bago tuluyang umalis. 

Maglalakad na sana kami ni Nash papasok nang kanina pa panay ring ang cellphone niya at hindi niya sinasagot. Kanina ko pa iyon napapansin sa kotse.

"Sagutin mo na," sabi ko. "Okay lang." 

"Huh?" maang niyang tanong. 

Ininguso ko ang cellphone niya. 

"Naku, hayaan mo 'yan," sabi niya at nag-ring ito ulit. "Kainis." 

"Sige na," sabi ko. "Pero 'di ba, bawal ang dating sa mga future idols?" 

Tumango ito. "Nasa contract namin. 'Wag mo 'ko i-chichismis, ha?" 

Ngumiti ako. "Puntahan mo na. Nakikipag-meet, 'di ba?"

Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya ako. "Paano mo..." 

"Nabasa ko 'yong text n'ong nag pop up sa screen mo," sabi ko.

Pinanliitan niya ako ng mga mata. "Chismosa ka, 'no?" 

Bahagya akong natawa. "Sige na, baka magtampo pa 'yan." 

"Baka bukas nasa blind item na 'ko ng PEP ha," sabi nito at nag-para ng taxi.

Kumaway ito bago sumakay. Kumaway naman ako pabalik. Nang umandar ito at nawala sa paningin ko ay nagpalinga-linga ako sa paligid. 

Nang mapansing walang nakatingin ay naglakad ako papunta sa likod ng building at doon ay nakita ko ang nakaparadang itim na kotse. 

Bumukas ang bintana nito at kumaway ang lalaki mula sa loob. 

Hindi ko ito pinansin at sumakay na sa passenger's seat. 

"What took you so long?" tanong nito. 

Nang tingnan ko ang lalaki ay naka-brush up ang buhok nito at halatang ka-iidlip lang dahil namumungay ang mga mata. Naka-bukas din ang tatlong butones nito at loosen ang neck tie. Naka-puting polo lang ito at ang coat ay nasa upuan.

It was Prosecutor Jax. 

"Nakipag-plastikan pa," sabi ko at  natapakan ang saplot na nasa paanan ko.

Nang tingnan ko ay damit iyon ng babae. 

Agad na kinuha ni Prosecutor Jax ang damit at inihagis iyon sa backseat.

"Dito talaga nag-ano?" nakangiwi kong sabi.

"Walang place," kaswal na sabi nito.

"Duh, uso check-in?" 

"Katamad," sabi nito at nag-disinfect na akala mo'y may dala akong virus. "Anyway, wala kang nakita, okay?"

I fastened the seat belt at bored na sumandal. 

"Saan tayo?" 

"Saan pa ba?" sabi nito at pina-andar ang kotse. "Eh 'di kay Hale Parker."

In a blink of an eye, a tall man was sitting right in front of me. Mahaba-haba na rin ang manipis nitong buhok. Itim na itim ang mata nito. Matangos ang maliit nitong ilong at manipis ang labi.

"Ikaw ba si Reign?" tanong nito.

Kung titingnan, ibang-iba ang hitsura nito sa litratong nakita ko noon. Halatang stressed out ito. 

Tumango ako. "At ikaw si Hale."

Ngumiti ito nang pilit. "Ako nga." 

Nakita ko kung paano ito hindi mapakali. Kinukutkot ng daliri niya ang isa niyang kamay. 

"Don't worry, Hale," sabi ko. "Mapagkakatiwalaan mo 'ko. I'm here to help." 

Tiningnan ni Hale si Prosecutor Jax na nasa labas ng pinto na kausap ang mga pulis at bumaling sa akin. 

"Can I really trust you?" he asked. "The last time I did, I was... betrayed. I was framed up. Ngayon, nandito ako at ang tanging kasalanan ay nagtiwala sa mga tao." 

As I observed him, I can sense his trauma. It was all over his face.

"I came here to help, Hale," sabi ko. "Mapagkakatiwalaan mo 'ko." 

"How?" he asked. "How am I supposed to do that?" 

Hale gulped.

"Kahit pamilya ko, inabandona na 'ko. Paano pa 'ko magtitiwala? Paano... paano ko masasabing hindi niyo ako ginagamit?"

"Hale..." I uttered, worried.

"I don't know what to do..." he said and tears started to form in his eyes. "Gusto kong lumaban. Gusto kong... linisin ang pangalan ko. Pero anong laban ko kung lahat—maging ang sarili kong mga magulang—ay itinapon na ako? How am I supposed to fight back when everyone's taking advantage of me?" 

"Hale, listen," I said. "We will help—"

"My classmates used me as a sacrificial lamb. My parents disowned me. I know Prosecutor Jax is using me to create a name for himself and you... you are getting paid for being an undercover—all at the expense of my misery. How am I supposed to trust everyone when all you do is take advantage of me?"

"Hale, sa 'yo na nanggaling. Hindi ordinaryo itong kaso mo," pagrarason ko. "Makapangyarihan ang mga kalaban. Do you think papasukin namin 'to kung hindi kami seryoso at wala kaming planong tulungan ka? I'm putting my life at risk here, too." 

Hale stayed silent. 

"I want to help you but I need you to help us too," I said, encouraging him. "It's a win-win situation for us, don't you think?" 

Hale didn't know what to do. He seemed like contemplating about things. Until finally, he met my eyes.

"Tell me what they did to you." 

For the next minutes, ikinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari. Mula sa una kong pagtuntong sa West Carson High hanggang sa pag-uwi kanina. 

"Everleigh did that?!" he asked with confusion in his eyes. 

Tumango ako.

"And... that bitch Reese defended you?" 

"Yes," sagot ko. "Bakit?" 

Nilamukos niya ang mukha niya at bahagyang natawa. Ngunit ang tawa niya ay may frustration at kita ko ang pamumula niya.

"Nakakagalit..." bulong niya at lalong nilamukos ang mukha. "Sobrang nakakagalit..."

"Bakit, Hale?" tanong ko. "Anong napansin mo?" 

Ngumisi ito at ginulo ang buhok. "Mga demonyo talaga..."

"Anong... mayroon?" tanong ko.

"They also did that to me," he said. "The exact same thing. Exact same script. Exact same everything."

"Ganoon ka rin nila ipinahiya?" naguguluhan kong tanong. 

Tumango ito. "Pero ang kaibahan lang, hindi si Everleigh ang gumawa. Si Rees—Ah, I can't even say her name. Nanginginig ako sa takot at galit!"

Nakagat ko ang labi ko nang makitang pinagpapawisan na ito.

"Same dog, different collar..." Hale murmured while his jaw was clenched.

"S-So, matagal na nila itong ginagawa?" 

"Oo," sabi niya. "Malamang ay ganoon ang ginagawa nila kada magkakaroon ng bago sa klase nila. Ganoon nila ito tinatakot at sinisiguradong pagkatapos ng lunch break ay hindi na ito babalik sa klase gawa ng kahihiyan." 

That made sense.

No wonder why Grey warned me. 

"Pero nakakatawa. Nag-iiba-iba pala sila ng naka-toka sa pamamahiya. Ibang klase, 12-A," he said. "I wasn't expecting something good but what the fuck?" 

Hale bitterly smiled at me. 

"Hindi ka ba natatakot? Hindi ka ba kinakabahan sa mga kaya nilang gawin sa 'yo?" 

I gulped. I can't talk.

"Kung nakaya nilang gawin sa 'kin 'to at sa marami pang tao, kaya rin nilang gawin sa 'yo 'yon. Demonyo ang mga tao roon, Reign. Mga walang puso at kaluluwa. Mga halang ang bituka. Kung nakaya nilang manira ng buhay, magpakulong ng inosente at...at pumatay ng guro nang parang wala lang, ano pa sa tingin mo ang kaya nilang gawin?" 

I can see the anger in his teary eyes. 

"Umalis ka na kung ayaw mong ma-pares sa amin," sabi niya. "Parang awa mo na..." 

I have never felt these chills before. Kinailangan ko pang hawakan ang hita ko dahil nanginginig na ito sa takot at kaba.

"Can't we fight them?" I asked.

"You can but you will never win," he said. "Those students...those people...you don't know what each of them are capable of. Please, Reign, umalis ka na roon."

"Paano kung kaya ko?" tanong ko. "Paano kung kaya ko silang talunin?"

Hale met my eyes. "So you chose death? Reign, kung pera ang kailangan mo, marami ka pang puwedeng maging trabaho. Your mission... that class... they're not worthy of your life. They're not worthy of your sanity. Manalo ka man, mawawala ka naman sa katinuan. So please..." 

Seeing how miserable Hale had become, it fueled me more to win this mission. 

"I won't quit, Hale," I said, determination in my eyes. "If they would ruin me, might as well drag them down with me." 

Hale looked at my eyes. Umiling ito, senyales na ayaw niya.

"Hindi ito matatapos kung walang tatapos dito," sabi ko. "They are at the top while I'm at the rock bottom. Walang mawawala sa akin dahil walang-wala ako—pero sa kanila, marami. Hindi ba't 'yon palang ay sapat na rason na para matalo sila?" 

Hale wasn't saying anything but I can't see that he was convinced either.

"Hale, kung... kung ano mang puwede mong sabihin na posible makatulong sa misyon ko, ma-aappreciate ko 'yon," panghihikayat ko. "Kahit ano. Kahit maliit na impormasyon." 

He closed his eyes hardly.

"Hale, help me..." pagmamaka-awa ko.

He locked his face in his palm. I can hear his heavy breaths too.

"Hale, please..." 

There was a long pause of silence until he gulped.

"I won't help you. I can't," sabi nito. "Hindi kakayanin ng konsensya ko kapag may nangyaring masama. Durog na ko, durog na durog na." 

"Kahit na tulungan mo nalang akong malaman mga ugali nila," panghihikayat ko. 

Umiling ito. "Ayoko. Natatakot na 'ko..." 

"Hale, please naman..." pagmamaka-awa ko. "Alam mo bang kung hindi mo sinabi sa 'kin ang tungkol kay Reese, malamang ay nabiktima na niya ako? Paano kapag nagtiwala pa 'ko—"

"THEN DON'T TRUST ANYONE!" he shouted. "Huwag mo nang ituloy 'to. Utang na loob, tigilan mo na—"

"Kung hindi ko matatapos itong misyon na 'to, hindi ko makikita ang mga kapatid ko."

Hale stopped and looked at me with confused face.

"May umampon sa mga kapatid ko at makukuha ko lang sila kapag natapos ko itong misyon na 'to," sabi ko at nagsimulang maluha. 

"May... umampon?" 

Tumango ako. "Ipina-ampon sila ng ate ko gawa ng kahirapan. This is the only chance that I can get them back, Hale. Akala mo ba hindi rin ako natatakot? Akala mo ba hindi rin ako na-aanxious sa mga posible nilang gawin? Takot na takot na rin ako, Hale. Pero wala akong choice. Kailangan kong lamunin ang takot ko dahil kung hindi, hindi ko na maibabalik pa ang mga kapatid ko. Wala akong magagawa. Hindi ko ginusto 'to at hindi ko 'to gugustuhin pero wala na kasi akong choice..."

I bit my lower lip.

Hale looked away and another wave of tears formed in his eyes. 

"Kaya please naman, tulungan mo 'ko..."

Hale didn't meet my eyes. 

"Hale..." bulong ko. 

Huminga ito nang malalim at mariin na pumikit. 

"Do you know my mom?" he bitterly asked out of the blue.

"Y-Yes," sagot ko habang tinitingnan si Prosecutor Jax na kinakausap ang pulis para hindi nito mapansin ang oras. 

"Can you visit her instagram account?" tanong nito. 

"Sure," naguguluhan man ay kinuha ko ang cellphone ko.

Tiningnan ko ang account ng nanay niya at kung titingnan ang mga litrato ay puro iyon litrato ng mga kapatid niya at lahat ay nagkakasiyahan sa ibang bansa.

Nanlulumong napatingin ako kay Hale. 

"How's she?" he asked.

I can't open my mouth. How am I supposed to explain it?

"Happy without me, I guess?" he said and his voice broke. 

"Hale..." I muttered. 

"Do you see now how miserable my life is?" he asked. "Do you see now the consequence of messing with 12-A?" 

A long pause of deafening silence followed until Hale met my eyes.

"Do you still want to proceed with your mission, knowing your family that you are protecting may abandon you too?"

"Hale, I—"

"Do you still want to proceed, knowing that those bitches and bastards can kill you without even blinking an eye?" Hale asked with his jaw clenched. 

I gulped. 

It was Now or Never.

"Yes," I eagerly said. "I will take them down in any ways possible."

Hale looked down. "I don't want to help you still." 

He stopped and sighed.

"But I know someone who can possibly help." 

Confusion swallowed me. 

"Who...?" 

Suddenly, Hale smirked.

"The last survivor..." 

Just then, the door opened and we both looked at it. 

A man wearing a white shirt inside his long black leather coat walked in and we can hear nothing but our loud heart beats and the sound coming from his shoes.

The moment he stepped inside, he stopped and he looked at Hale with his signature blank face.

With his hands inside the pocket of his coat, the man with the cold eyes  rerouted his eyes at me.

The moment he met my gaze, I felt chills down my spine as my jaw partly dropped.

"Lyle Heimsworth..." I murmured.

# PART NINE: "Same Dog, Different Collar."

"Lyle 

Heimsworth

..."

I can't move nor talk. All eyes were on him, and he didn't seem to like it. 

Agad na napatayo si Hale at ganoon din ako. Si Prosecutor Jax naman ay nasa pinto at nakangiwi. Halatang hindi nito malaman ang gagawin ngayong nakita ni Lyle na kasama niya ako at binisita pa si Hale. 

Hale, on the other hand, looked like he was panicking. Pinagpapawisan ito at namumula ang mukha.

Lyle remained silent for a couple of seconds. At dahil nga walang emosyon ang mukha niya, hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. 

Why he wasn't shocked? Was he expecting me to be here? 

"L-Lyle..." nauutal na sabi ni Hale. "Anong... ginagawa mo rito?"

Lyle looked at him with bored eyes. Whether he was just observing him or mocking him inside his head, I can't distinguish which. 

"Is there anything—"

"My mom sent you a meal," putol ni Lyle kay Hale. His voice was as emotionless as his face. "The police are inspecting it." 

Doon ako napatingin kay Hale. Bahagya itong ngumiti.

"Salamat," sabi nito. "Naka-uwi na mom mo?" 

Tipid na tumango si Lyle pero makikita mo na hindi ito interesado. 

"I went here to see you just in case my mom asks if I really went here," Lyle said without even a bit of sincerity in his voice. "I'll go." 

"Sige," sagot ni Hale. "Ingat..." 

Lyle looked at him and turned his back without looking at me—as if I was someone nonexistent.

Inilagay ni Lyle ang kamay niya pabalik sa bulsa ng coat niya at nagsimula nang maglakad. Ilang segundo lang ay natigil ito sa paglalakad nang magsalita si Hale.

"Salamat, Lyle..." 

I looked at Hale and he was getting emotional. 

"Salamat... sa pag-alala sa 'kin," sabi nito at ngumiti nang malungkot. "You're the first one... who visits me from the class."

Lyle wasn't moving or saying anything. Nakatalikod lang siya at hindi manlang lumilingon. In a snap, he walked away again without even responding or acknowledging Hale's statement. 

Nang mawala siya sa paningin namin ay agad na pumasok si Prosecutor Jax sa loob at isinara ang pinto.

"WHAT WAS THAT?!" nagpa-panic nitong tanong. "BAKIT NANDITO 'YON?!" 

Hindi sumagot si Hale at lalong nagsimulang maging emosyonal.

"May nakaka-alala pa pala sa 'kin..." bulong nito at naluluhang ngumiti.

"Hale, hindi ito ang panahon para riyan," sabi ni Prosecutor Jax. "Bakit nandito si Lyle? Alam ni Lyle na ako ang prosecutor ng kaso mo. Ngayon, nakita niyang kasama natin si Reign. Hindi tanga ang batang 'yon!" 

"Pinagdala lang daw ng pagkain," sagot ko at napalunok dahil nagsisimula nang kabahan.

"I know but why?!" tanong ni Jax.

"N'ong nakulong tatay ni Lyle, my family is one of the few people who didn't turn our back at them. Lyle's parents are obviously just... returning the favor," sabi nito. 

Nasapo ni Jax ang noo niya at hindi mapakaling nagpalakad-lakad sa loob. 

"Paano na 'to?" tanong niya. "Nakita niya lahat! Hindi natin alam ang ugali ng batang 'yon!" 

I gulped. 

Hindi pwede. 

If Lyle turns out to be one of them, talo na agad ako at hindi ko na mababawi ang mga kapatid ko.

Sobrang hindi pwede.

"AAAAAA," lalong nataranta si Jax. "Nagsisimula pa lang tayo. Hindi tayo pwedeng matalo agad!" 

"Pero 'di ba part siya ng misyon ko?" tanong ko. "The Mission #3, Jax. Kakaibiganin ko rin naman siya later on." 

"Oo, Reign, pero hindi parte ng misyon na lumantad nang ganito ka-aga," sabi nito. "Kailangang makuha mo muna ang loob niya para maintindihan niya. Ngayon kung nakita niya tayo rito, tingin mo hindi magiging ilap 'yon sa 'yo?" 

"Jax—"

"THAT MAN IS A HEIMSWORTH, REIGN!" bulyaw ni Jax. "And Heimworths are dead-ass smart!"

Natahimik ako at hindi malaman ang gagawin. Nakagat ko na nga ang mga daliri ko sa kamay sa sobrang kabado.

Is this really the end?

"Don't panic," biglang sabi ni Hale. "Lyle is not a threat." 

Pareho kaming napatingin ni Jax sa kanya.

"Pero hindi rin siya kakampi," dagdag ni Hale.

"E, ano siya?" tanong ni Jax. 

"Someone who doesn't give a damn about someone else's life," he answered. "Someone who doesn't give a fuck about anything and anyone." 

Hale bitterly smiled.

"Lyle just... simply doesn't care."

Prosecutor Jax looked at him, contemplating.

"Ah, dagdag trabaho nanaman," Jax said later on and looked at me. "Ako ang bahala kay Lyle. I'll send a red signal if kailangan na nating mag-retreat."

Kinakabahan man nang sobra ay tumango nalang ako at tiningnan si Hale.

"Sabi mo kanina may makakatulong sa 'kin, 'di ba?" tanong ko. "Iyong sinasabi mong last survivor." 

"Yes," sagot ni Hale. "Lahat ng bagong estudyante sa 12-A ay wala na school. Ang iba, itinatanggi pang galing sila sa West Carson High dahil sa inabot na trauma. Pero bukod sa akin, mayroon pang isang biktima na namalagi sa eskwelahan." 

"Si Lyle ba?" tanong ko.

Umiling ito. "Hindi. Iba." 

Kumunot ang noo ko. "Nasaan siya?" 

"She's still in the school, trying her best to survive." 

"She...?" 

"Yes, she's a she." 

Nagkatinginan kami ni Jax at maging siya ay tensyonado na.

"Sino siya?" tanong ko. "Saan ko siya makikita?" 

"Class 12-C, a silver name tag owner," Hale said and looked deeply in my eyes. "That's where you can find our last survivor..." 

Tomorrow morning, hindi ko maiwasang mapangiwi kada titingnan ko ang repleksyon ko sa screen ng cellphone ko.

Mata pa ba 'to na may eyebags o eyebags na may kaunting mata?

E, paano, bukod sa inalala ko pa kung paano ko mahahagilap iyong last survivor na sinasabi ni Hale ay magdamag pang nag-rant si Jax sa kung paano 'pag nagka-pake si Lyle at i-expose kami. 

Bukod doon ay tinapos ko pa ang sandamakmak na seat works para makahabol sa lessons ngayong araw. 

Bukod sa pag-aaral ay kailangan ko pang hagilapin ang babaeng sinasabi ni Hale at siguraduhing hindi magiging hadlang si Lyle sa misyon ko. 

Ang sakit sa ulo!

Pumasok ako sa gate ng school nang nakasimangot. Bukod sa kulang sa tulog ay kulang pa ako sa kain. Kainis. 

"HEYO!" 

Halos mapatalon ako nang biglang may tumusok sa tagiliran ko.

"ANO BA—"

Pero para akong sinabuyan ng malamig na tubig nang makita ko kung sino iyon.

Tumatawa ito at naniningkit ang mga mata. 

"R-Reese..." mahina kong bulong.

"Ba't ba gulat na gulat ka?" natatawa nitong sabi. "Ikaw naman, daig mo pa others." 

Ngunit hindi ako makangiti. Mas ramdam ko ang takot at galit.

Malamang ay may pina-plano ito kaya ganito ang pakikitungo niya sa 'kin.

Kung ano man iyon ay sapat nang si Hale ang huli niyang biktima. Hindi ako magpapahulog. 

"Ang seryoso mo naman," angal nito. "Tara sa—"

Akmang aakbayan niya ako nang mabilis akong umiwas, dahilan para huminto siya.

"Bad mood?" tanong niya at kumunot ang noo. "Chill, girl."

"M-May dadaanan pa 'ko," hindi ko mapakaling sabi.

"Okay," sabi nito. "Huwag bad mood sa umaga, nakakasira ng ganda 'yan." 

"See you sa room," sagot ko nalang at hindi na siya pinansin. 

Nagpatuloy ako sa paglalakad at sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang gusto ko lang ay lumayo sa kanya. 

Nakakatakot iyong mga taong pala-ngiti pero iniisip na pala kung paano sisirain ang buhay mo. 

I felt the chills so I walked as fast as I can, trying my very best to get away from her sight. 

"BEEP BEEP!" 

Natigil naman ako nang may huminto sa tapat ko. 

"Good morning," bati nito at ngumiti.

Tiningnan ko ito at halos hindi ko makilala kung sino iyon.

"Grey...?" taka kong tanong. 

Natawa ito sa reaksyon ko at bumaba sa bike niya. Ipinara niya iyon sa gilid at kita ko ang pagkakangiti niya.

"Nag-iba ba mukha ko?" tanong niya habang itinatali ang lock ng bike niya.

He looked mature than what he looked like yesterday. Ang bagsak nitong buhok, ngayon ay nakahawi at kitang-kita ang noo niya. Hindi rin nito suot ang eyeglasses niya, dahilan para mas mapansin ang maganda nitong mga mata. 

"Hindi naman," sagot ko. "Parang... nag-ayos ka today?" 

"Hmmm, yea," sagot nito. "May pictorial kasi kami mamaya sa org. I wore my contacts instead na glasses."

Tumangu-tango ako. 

Kung titingnan ay napakalinis nito. Iyong tipo ng lalaki na ang bango tingnan. Bagong gupit din ang gilid ng buhok nito at plantsadong-plantsado ang uniform. 

Ang sarap yakapin, mars. 

May ganito ba talagang ka-ideal na tao? Bukod sa given nang gwapo at mayaman, nirerespeto at responsableng estudyante pa?

Duda ako, a.

"Kanina ka pa tumitingin," sabi nito. "Jinu-judge mo na bike lang gamit ko papasok?" 

"Huh?" tanong ko. "Uy, hindi!" 

Doon ako nagka-ideya.

"Pero bakit nga bike gamit mo?" tanong ko. "Hindi naman sa jinu-judge kita ha. Pero kasi...mostly mga naka-kotse lahat. E mayaman ka rin naman." 

Doon ito tumayo at nagpagpag at ini-ayos ang polo.

"Parents ko ang mayaman, hindi ako," he said. 

He looked at my eyes and smiled. 

"Kumain ka na?" 

I smiled back at him and shook my head. 

Agad nitong binuksan ang bag niya at animo may hinahanap.

How can a man like him exist?

Nang makuha ang hinahanap ay isinara nito ang bag at may ini-abot sa 'kin.

"Chicken sandwich," sabi niya. "Pa-almusal ni mama." 

Halos mamula ang pisngi ko.

"B-Baka wala kang makain," pagrarason ko.

Muli nitong binuksan ang bag niya at ipinakitang may dalawa pa roon.

"Kaya mo ubusin 'yan?" tanong ko.

Umiling ito. "Iyong isa, kay Levi. Baka mag-selos, e." 

Nagkatawanan kaming dalawa nang mahina.

"Una na 'ko," sabi nito at tinapik ang balikat ko bago tuluyang tumalikod at naglakad papalayo. 

Habang naglalakad papalayo si Grey ay hindi ko maiwasang mapangiti habang pinanunuod ito. Tiningnan ko ang hawak kong chicken burger at muli siyang tiningnan.

"Pres!" sigaw ko. 

Lumingon ito at huminto.

"Salamat!" dagdag ko.

"Don't call me Pres," sabi niya. "Call me by my name." 

Tipid itong ngumiti.

"Call me Grey." 

Tumango ako at lalong ngumiti. "Okay, Grey." 

"Better," sabi nito at kumaway bago tuluyang pumasok sa building. 

Nang mawala siya sa paningin ko ay muli kong tiningnan ang ibinigay niya.

"Haaay," sabi ko at bumuntong-hininga. "Wala naman instruction si Prosecutor Jax na bawal humarot kaya wala naman akong nilalabag." 

Akmang maglalakad na ako nang biglang mag-beep ang phone ko at chat ni Prosecutor Jax ang bumungad. 

Nagpalinga-linga ako kung may makakakita ba dahil patungkol iyon sa last survivor na hinahanap namin. 

Nang masigurong walang nakatingin ay dali-dali kong binuksan ang message niya.

Name: Jal Perez 

A

ge: 18

Height: 5'5"

School: West Carson High

Section: Class 12-C

Nametag

: Silver

Blood Type: O

Patungkol ang mga impormasyon sa babaeng hinahanap namin. Nag-send din ng mga litrato si Prosecutor Jax para makilala ko ito.

"Ibang klase," bulong ko. "Sa sobrang paranoid ni Jax nag-overnight background check. Name a struugle." 

Habang isa-isa kong tinitingnan ang mga litrato ay muli itong nag-chat.

"Mission #4: Rescuing The Last Survivor."

 

I smirked and determination aroused in my eyes.

"Let's get it."

DURING the lunch break, I only had my eyes in one woman. 

No, hindi ito G x G. 

Ang babae kasing nasa misyon ko ay nasa table malapit sa amin. Mag-isa itong kumakain at halatang walang kaibigan. Crowded ang school canteen pero walang may gustong tumabi sa kanya.

"Ewan ko ba," sabi ni Nash na kumakain sa tapat namin ni Braelyn. "Ang tanda-tanda na, hindi pa rin alam spelling ng pangalan niya." 

"NASH!" reaksyon ni Braelyn na katabi ko at halos mabilaukan. "Lower your voice! Kapag may nagsumbong kay Missi, lagot ka." 

Ito kasing si Missi ay nasa faculty room ngayon. E, paano, kanina habang nagbibigayan ng test paper ay may isang papel na bagsak ang score pero walang pangalan. Nagtatanong si Sir Ivan kung kanino iyon pero walang umaamin. 

Ang nangyari, inisa-isa pa ni Sir Ivan ang papel namin at nang mapagtantong kanya 'yon, pilit parin niyang dini-deny. Hindi dahil bagsak siya—kung hindi dahil sadya niyang hindi nilagay pangalan niya dahil nalimutan nanaman niya kung paano niya i-spell.

"Ikaw kasi, Sir! Ba't ayaw niyo kasi akong payagan na nickname nalang ilagay? Hindi ko nga ma-spell name ko, 'di ba?"
 sabi nito at nagsimulang umiyak sa room.

"Paano ka matututo kung hindi mo sasanayin?" 
tanong ni Sir Ivan.

"Paano ako masasanay kung bobo nga ako?"
 nag-crack ang boses nito at lalong naluha dahil sa frustration. 

Kami naman sa classroom ay napapanganga nalang dahil ang ewan ng pinagtatalunan nila.

"Missi, walang ginawang bobo ang Diyos, okay?"
 pang-eencourage ni Sir Ivan.

"So...So sinasabi niyo pong hindi ako ginawa ng Diyos?"

Sir Ivan shook his head frustratedly. 
"Missi, hindi—"

"So sinong gumawa sa 'kin?!"

At doon na humagulgol nang malakas si Missi at ayaw na pakinggan si Sir Ivan.

Si Braelyn naman ay agad itong nilapitan at hinagod ang likod at sinuklayan ito habang cino-comfort.

"Cringey..." bulong ko sa sarili at napangiwi nang alalahanin ko nanaman ang nangyari sa klase bago kami mag-lunch. 

"Oo, bro. It was dope. Like, like the best experience so far. I mean the way she kissed me... that was the last, I still drool whenever I think of that," rinig ang boses ng lalaki sa 'di kalayuan. 

Biglang umikot ang mata ni Nash nang marinig iyon.

"Another day, another episode of Levi flexing his crown as Mr. Entitled," sabi nito. "Akala niya ba ikina-cool niya 'yang pag ku-kuwento ng first kiss niya?" 

Umiling ito at inis na kumain. 

"Yea, I mean, it has nothing to do with the place. Kissing lang naman, e. You can even do that sa fire exit," kaswal na pagkukuwento nito.

Halos nasamid kaming tatlo nang marinig namin iyon mula sa kanya.

"Napaka-baboy," sabi ni Nash at pinunasan ng tissue ang bibig.

Doon ako napatingin sa mga kumpol na lalaki na kumakain sa may sulok. Naroroon si Levi at Grey at ilang mga miyembro ng soccer team. 

Nang magtama ang paningin namin ni Grey ay kumaway ito sa akin kaya kumaway din ako pabalik. Napansin iyon ni Levi kaya nag 'bleh' ito sa akin bago muling nag-kuwento. 

"Haaaay," sabi ni Braelyn at tumingin sa flat screen TV sa loob ng canteen. "Ba't ang gwapo ni Lyle?" 

Napatingin kami ni Nash sa TV at nakita namin ang pinanunuod niya. 

Replay iyon ng press conference na nangyari kagabi kasama ang ilan pang mga ambassador ng products na ini-endorse niya. Pero sa buong interview ay ang mga kasama lang nito ang nagsasalita. Ni-hindi nga ito ngumingiti at nakasimangot lang—halatang napilitan lang siya umattend.

Nang tingnan ko ang suot niya sa TV ay iyon din ang suot niya noong binisita niya si Hale. 

Kaya pala pormado.

"Absent ba siya?" tanong ko kay Braelyn.

"Nag-notify, papasok daw after lunch," sabi ni Braelyn at maya-maya lang ay nakisali sa malalakas na tili sa canteen. 

Eh, paano, biglang tumutok kay Lyle ang camera at direktang tumingin si Lyle doon. It seemed like he was looking through your soul. 

"Sana 'di ko nalang siya kaklase para crush ko siya," sabi ni Braelyn at kumagat sa garlic bread niya.

"Bawal ba pag kaklase?" tanong ko.

"Oo. Pag nag-break, awkward e. Nakakabaliw. Nakaka-asa. Nakakasira ng ulo. Nakakasira ng pag-aaral, nakakawala ng kahihiyan, nakakasira ng puri at dangal." 

Natawa kami ni Nash.

"Ang liit-liit mo pero ang taas ng pangarap mo," sabi ni Nash. "Tingin mo papatulan ka ni Lyle?"

"HEH!"

Napa-iling na lang ako.

"Hoy, hoy, hoy," sabi ng babaeng kakapasok lang nang humupa ang tilian. "Tanghaling tapat puro ka kabastusan ha." 

Nang tingnan namin ay si Reese iyon kasama si Missi. 

"Oo nga," sabi ni Missi. "Papasok pa lang namin dinig na namin kalandian mo." 

"Magbago ka na," pakikisali ni Reese. "Masiyado kang makasalanan."

"What did Jesus die for if we won't sin?" Levi asked. 

Naghiyawan ang mga lalaki sa table nila habang kami sa table namin ay buwisit na.

"Exodus 20:7, Deuteronomy 5:11. You shall not take the name of the Lord your God in vain, for the Lord will not hold him guiltless who takes his name in vain," Nash said. "Don't use God's name as an expression of surprise, anger, casual mention, or something in jest. God's name is too holy for that."

Inis na tumayo ito. 

"Sa'n ka pupunta?" tanong ko.

"Kukuha ng tubig," badtrip na sabi nito at umalis.

"Ba't badtrip 'yon?" tanong ko kay Braelyn. "Dahil kay Levi lang?'

She shrugged. "Ewan. Kanina pa tingin nang tingin sa phone niya 'yon. Parang may hinihintay." 

Doon ko na-alala iyong ka-meet up niya kagabi. 

Baka na-ghost? 

Awheat. 

"Dami mong alam Levi," sabi ni Missi.

"Marami talaga," sabi ni Levi. "Alam ko ngang i-spell name mo, e. Sana ikaw din." 

"YAH!" sigaw dito ni Missi. "Hindi ko man alam spelling ng name ko, at least, maganda ako. Iyon, mapag-aaralan pero 'yong ganda ko, natural. Ang ganda ko na, ang tangkad ko pa. Siguro, ginawa ako na makakalimutin ang name dahil kung brainy pa 'ko, malalaos ang 'Nobody's perfect'. Tingin mo offended ako?" 

Nag-hair flip si Missi at naglakad papalayo. 

"May saltik," sabi ni Levi sa mga kasama. 

"Oo, parang kayo," bulong ko na ikinatawa ni Braelyn.

"Ikaw ha, nasa loob pala kulo no ha," pang-aasar nito. 

"Puwedeng maki-upo?" 

Natigil kami ni Braelyn nang biglang magsalita si Reese na nasa harapan na namin. 

"Wala na kasing space," sabi nito habang nakangiti sa akin. "Okay lang ba?" 

That smile...

Ibang-iba ang ngiti niyang iyon. 

Kada ma-aalala ko ang sinabi ni Hale ay hindi ko maiwasang kilabutan. 

"Okay lang," sabi ni Braelyn at ini-alis ang bag niya mula sa isang upuan.

Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko.

Hindi puwede. 

Baka... anong gawin niya sa 'kin.

This woman is a two-faced bitch. 

I know she's up for something and I won't let her win.

Ngumiti si Reese. "Thanks—"

"Puno na kami," pagputol ko rito.

"Huh?" maang na tanong ni Reese. "Marami pa namang space, a?" 

"Kay Nash iyong isang chair," sagot ko.

"May dalawa pa," sabat ni Missi. 

"Oo nga," Reese said frustratedly. 

"Sa bag namin 'yon," sagot ko. 

Reese scoffed. "Ayaw mo ba kami katabi? May ginawa ba kaming mali?" 

That's when I met her eyes. She was looking at me fiercely, so I looked at her the same way.

MARAMI. 

MARAMI KAYONG GINAWANG MALI.

AT HINDI NGA SAPAT NA "MALI" LANG ANG TAWAG DOON—DAHIL LAHAT IYON AY KA-DEMONYOHAN.

"Kung may mali kaming ginawa, sabihin mo," matalim na sabi ni Reese. 

Unti-unting nagtinginan sa amin ang mga estudyante. Kita sa mga mata nila ang kuryosidad. 

"Did I do anything wrong to you?" Reese asked. Her usual smile was gone. 

Hindi ako makasagot. Kung dahil ba sa mga tingin ng tao o dahil sa hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag ay hindi ko rin alam. 

I was about to meet Reese's eyes when I noticed a woman was looking at Reese from her seat. 

She wasn't giving her a usual curious look but rather, it was fierce—she was looking at her angrily, as if she was disgusted by the sight of her. 

There she was—the only survivor—Jal Perez.

Huminga ito nang malalim at pumikit nang mariin. Nang hindi na makapag-timpi ay tumayo ito at lumabas na ng canteen.

"Reign, hindi ka ba—"

Hindi na natapos ni Reese ang sasabihin niya nang bigla akong tumayo at naglakad papalabas ng canteen. 

Agad kong hinagilap si Jal. Kailangan ko siyang maka-usap at makumpirma ang lahat. Kung totoo man ang sinasabi ni Hale ay siya lang ang makapagpapatunay. 

Halos patakbo na akong naglakad nang makita ko siyang bumaba. Sinundan ko siya kahit na habol-habol ang hininga. 

Sa wakas ay lumiko ito sa pasilyo at pumasok sa isang rest room.

Nagmamadaling pumunta ako roon at pumasok. 

Agad siyang napalingon sa akin at nanlaki ang mga mata ng bigla kong isara ang pinto. 

"Anong—" natigil siya ng bigla niyang mapansin ang kulay ng nametag ko. 

I gulped.

"Lumabas ka," mariin niyang sabi. "Lumabas ka na." 

"Jal, right? Jal Perez?" 

Nininerbiyos na tiningnan niya ako sa mga mata. 

"Bago ka lang dito, 'di ba? Paano mo 'ko kilala?" tanong niya.

"Ikaw 'yong kasabayan ni Hale na unang napatalsik sa section A, tama ba?"

Nanlaki ang mga mata niya. "Paano mo..."

"Naka-usap ko si Hale," pangungumbinsi ko. "Kaibigan ako ni Hale." 

"Kaibigan?" tanong nito at bahagyang natawa. "Walang kaibiga-kaibigan sa lugar na 'to. Lahat tuso. Kung may paniniwalaan ka, talo ka." 

"Not now that I'm here," sagot ko. "I will break the norm in this school. Kagaya ng pagtulong ko kay Hale, ganoon din ang gusto kong gawin sa 'yo. Gusto kitang... tulungan para mabawi mo ang buhay mo na—"

"Do you know what you remind me of?" Jal said and I saw how mad she was. "Myself." 

"What do you mean?" tanong ko.

"Tingin mo ba ikaw lang ang unang nakapansin ng bulok na sistema ng section A?" Jal asked. "Marami kami. Lahat kami pinilit iyon itama, pero paano mo itatama ang isang bagay na nakatadhana para maging isang malaking mali? Walang nanalo namin. Lahat kami nasira ang buhay." 

Jal inched our gap and met my eyes.

"Tatlo lang ang pwede mong kahinatnan," sabi niya. "Matulad ka sa 'kin na panapon na ang buhay, magaya kay Hale na sirang-sira na ang buhay, o magaya sa adviser nilang wala nang buhay. Don't provoke 12-A." 

Akmang aalis na ito nang harangin ko siyang muli. 

"Ano ba!" sigaw niya at ngayo'y naluluha na. Tiningnan niya ang name tag ko at tumingin sa mga mata ko. "That name tag comes with a price. A destiny that is inevitable." 

She was about to walk away again but then I held her by her wrist.

"Magkaibang tao tayo," mariin kong sabi. "Hindi dahil talo ka, ibig sabihin ay matatalo na rin ako." 

"Ano?" hindi makapaniwala niyang sabi. 

"Ang sabi ko, iba ako sa 'yo," I told her without even blinking. "You had things to lose, I have none. They can't drag me down because I'm already below them, but I can pull them to the ground." 

I inched our gap and met her eyes fiercely.

"You are a loser and I am not."

Unti-unting nanlambot ang mukha niya at umiwas siya ng tingin.

"Pinagkatiwalaan ako ni Hale," I said. "Kung gusto ninyong makaganti, ako na lang ang pag-asa ninyo." 

Natahimik siya at hindi makapagsalita. Tears fell from her eyes all of a sudden. 

"Pero kailangan niyo rin akong tulungan," sabi ko. "Kulang tayo sa oras, Jal. Kaya kung ano mang impormasyon ang maibibigay mo, malaking tulong na sa akin 'yon." 

Hindi pa rin siya tumitingin sa akin at patuloy lang siya sa pagluha. 

"Let's start with this question," I said. "During your first day, sinong nang-bully sa 'yo?" 

Doon siya natigil at hindi malaman ang gagawin. 

"Jal, I need your answer," panghihikayat ko. "Who bullied you?" 

Lalong bumuhos ang luha sa mga mata niya. Pero sa pagkakataong ito, bakas ang galit at takot sa kanya.

"Jal..." bulong ko. "Alam kong mahirap pero—"

"Kinaibigan niya 'ko..." bulong niya. "Akala ko, mabait siya. Akala ko mapagkakatiwalaan siya..." 

"Sino?" I asked, concerned. "Sinong tinutukoy mo?"

"Ginawa lang pala niya 'yon para makuha ang loob ko..." she looked up and cried. "Napakasama niya... napakasahol niya..." 

"Sino siya?" I asked her. 

Jal looked down and her tears fell to the ground. 

Umiling ito at humagulgol.

"Jal..." 

"Araw-araw, kinikilabutan ako kapag nakikita ko siya," nanginginig na sabi niya. "Hindi ko kaya..." 

"Jal, si...si Reese ba 'yon?" 

Lalo itong nanginig.

"Si Reese, ano?" nanlalaki ang mga mata kong tanong.

Ramdam na ramdam ko ang galit ko. Pakiramdam ko ay sasabog ako.

"Si Reese ba?" tanong kong muli pero patuloy lang si Jal sa pag-iyak.

"Jal, kailangan kong malaman kung si Reese ba ang—"

"What about me?" 

Doon kami biglang napalingon nang bumukas ang pinto. Naroroon ang isang babaeng may maikling buhok at ang ilalim niyon ay may kulay. May choker ang leeg nito at may maliit na ngisi sa labi. 

"R-Reese..." bulong ni Jal na lalong nanginig sa takot at napa-urong.

"What about me, I said," pag-uulit nito. Tumingin ito kay Jal at pabalik sa akin. "Kung curious ka about sa 'kin, 'di ba dapat sa 'kin ka nagtatanong? Anong alam ng babaeng 'yan?" 

Nanlulumong nanatili ako sa kinatatayuan ko.

"Reese, wala akong sinabi na kahit na ano," takot na sabi ni Jal. "Maniwala ka sa 'kin... wala talaga..." 

Dinilaan ni Reese ang ibabang labi niya at ngumisi. 

"Ah, alam ko na," sabi nito. "Kaya ka ba ilang sa 'kin ngayong araw Reign dahil may sinabi sa 'yo 'tong babaeng 'to?" 

Nanatili akong nakatitig sa kanya at nangangatog ang binti. 

"Wala akong sinabi!" depensa ni Jal at humagulgol. "Reese, maawa ka! Wala akong sinabi!" 

"Ahhh..." tumango si Reese. "Nakakatampo ka naman, Reign. Ba't kailangan mong makinig sa chismis kaysa kausapin ako?" 

She looked at Jal and she turned dead serious. 

"Hindi ka pa nadadala?" 

Unti-unting humakbang si Reese papalapit kay Jal. Sa bawat hakbang niya ay ganoon naman ang pag-atras ni Jal. 

"Reese, please..." 

"What please?" tanong ni Reese. "Akala ko okay na. Akala ko, tapos na. Pero bakit... ginugulo mo pa rin kami?" 

"Reese... wala talaga akong ginagawa. Kinausap niya lang ako, tapos—"

Hindi na natapos ni Jal ang sasabihin niya nang hablutin ni Reese ang kuwelyo niya at isinandal siya sa pader. 

"You really wanna die, you amateur slut, huh?" mariing sabi ni Reese at nanlalaki ang mga mata.

Hindi malaman ni Jal ang gagawin. Panay ito pagmamaka-awa pero hindi iyon pinakikinggan ni Reese.

Tinapik-tapik ni Reese gamit ang  palad niya ang mukha ni Jal at panay lang ito iyak. 

"Do you miss me doing this, huh, you shit?"

"Reese..." 

Naikuyom ko ang kamay ko habang patuloy na nangingilid ang luha gawa ng galit sa mga mata ko.

"3..." pagbibilang ni Reese. "2..." 

Pumikit si Jal nang mariin at patuloy na umiyak.

"1..." 

Umangat ang kamay ni Reese at akmang sasampalin na si Jal nang walang anu-ano'y pinigil ko ang kamay niya at naiwan iyon sa ere.

Reese looked at me with shocked eyes. 

"Tama na," walang emosyon kong sabi.

Reese smiled bitterly. "Fuck off." 

Pinwersa niya ang kamay ko para sampaling muli si Jal pero mas diniinan ko ang pagkakahawa dahilan para manatili iyong nasa ere. Hindi ako nagpatinag.

Reese looked at me frustratedly. 

"Why, Reese?" I asked fiercely. "Threatened?" 

"Huh?" Reese asked with a smirk.

"How does it feel to face someone..." I stopped and smirked back as I held her wrist tightly to the point that my nails were hurting her. "...who's as strong as you?" 

The smirk on Reese's face turned deadly as she looked at me. She let go of Jal and faced me.

"Pleasure, Reign," she said and inched our gap. "I feel nothing but pleasure..." 

We looked at each other's eyes fiercely.

"Pleasure of doing this." 

In a snap, her other hand flew to the air and was about to slap me but my hand travelled faster than hers.

Natigil si Reese nang sampalin ko siya. Dumugo ang labi niya at maang na napahawak sa pisngi niya na agad namang namula.

Nang makita niyang dumudugo ang labi niya ay kinapa niya iyon gamit ang daliri niya at ngumisi nang makitang dugo nga iyon. Ilang segundo lang ay tumawa ito nang malakas.

"Whoa!" sabi nito at pumalakpak. "It wasn't as impacting as I like pero pwede na." 

Tumawa itong muli.

This woman...is crazy. 

Reese looked at me with amused eyes.

"Good job, Reign! That was... awesome!"

Humakbong ito papalapit at pinagpag ang braso ko habang patuloy na natatawa. 

"No one can beat me," she said. "Not even a transferee with her loser friend." 

She looked at Jal and back to me. 

"Welcome to West Carson High, then," sabi niya at bumulong. "I'll make sure you'll enjoy your stay." 

She gave me a wide smile. 

"I'll remember this." 

Reese turned her back and walked away. 

The moment she vanished, we realized that there was another woman watching us from the door. 

And it was Everleigh. 

Jal stood up and walked out of the comfort room as fast as she can.

Tiningnan ito ni Everleigh at naiiling na pumasok sa loob. Huminto ito sa harap ng salamin at nagbukas ng pouch. 

Akmang lalabas na ako nang magsalita ito.

"Do you know why we have different shades of lipsticks?" she asked while holding her lipsticks, finding for one to use. "It's because we need to find the best shade that will fit us."

Binuksan niya ang isa at ipinahid sa labi niya.

"But what do we do to those who don't fit?" Everleigh asked and held all her lipsticks. "We shut them away." 

In a sudden, she threw everything back to her pouch and faced me. 

"Ganoon ang ginagawa namin dito, Reign," she said casually. "Waste segregation, it is. In case curious ka."

"I have no time for you," sagot ko.

Maya-maya'y may ini-abot ito sa akin. Nang tingnan ko ay damit iyon na naka-plastik.

"PE uniform mo. Ipinabibigay ni m'am." 

Akmang aabutin ko na iyon nang walang anu-ano'y bigla niya iyong binitawan. 

Napapikit ako at nagtimpi. Nang yumuko ako para kuhanin iyon ay biglang inapakan ni Everleigh ang PE uniform ko, dahilan para mag-angat ako ng tingin. 

"Ganyan, ganyan dapat," mahina niyang bulong. "Look up to me. Realize that you are always below me." 

I had enough with Reese. Ayoko nang—

"See how your uniform fell?" tanong nito. "You'd fall deeper than that and I'll make sure of that."

I looked at her sharply.

"Yes, look at me that way," sabi nito. "Remember my face because this is the face of the last bitch you'll see." 

Ngumiti ito at tumingin sa salamin bago lumabas at naglakad papalayo. 

Nang ako nalang ang natira ay napasalampak ako sa lapag at hinang-hina na huminga nang malalim.

"Reign, ano ba 'tong pinasok mo?"

Nag-ayos ako ng sarili at nanlalamyang lumabas ng comfort room. Sa paglalakad ay napahinto ako nang may makita akong lalaking nakatayo at nakapamulsa. 

Medyo basa pa ang bagsak nitong buhok at dala-dala pa ang itim nitong bag. 

Nang magtama ang paningin namin, gaya ng dati, ay wala itong kahit na anong emosyon. 

Dumating na si Lyle.

Nagpatuloy ako sa paglalakad ngunit nang magkalapit kami ay bigla akong natigil nang magsalita ito.

"There's a common logic in this school," he said out of the blue. "To defeat Reese, you need Everleigh. To defeat Everleigh, you need Reese. But what do you do if you need to defeat both?" 

I felt a bang in me.

Habang ang mga kamay niya ay nasa bulsa pa rin niya, humarap sa akin si Lyle. Bahagyang tumagilid ang ulo niya at tiningnan ako sa mga mata. 

"Reign Harriet," he started. 

Just then, for the first time in rare moments, Lyle's lips curved a small smirk. 

"You fucked up big time..."

# PART TEN: "Exposing Nash's Secrets"

"TANGANG TANGA KA NA BA?!" 

Napangiwi ako nang marinig iyon mula sa kabilang linya. Weekend ngayon at walang pasok kaya nakakulong lang ako sa unit ko. Awa ng Diyos ay naka-survive ako ng isang linggo sa West Carson High nang hindi namamatay o nasisira ang buhay. 

Hindi nga sira ang buhay, sira naman ang trust issue ko.

"REIGN, YOU LISTEN, OKAY?" 

I bit my lower lip. Kausap ko sa kabilang linya si Prosecutor Jaxx Scott at galit na galit ito nang malaman ang update ko. 

Na nakipag-pisikalan ako kay Reese—nanampal pa nga. 

Na minalditahan si Everleigh.

Nakikipagmabutihan kay Grey.

Kaibigan sila Nash at Braelyn.

Pinag-iinitan ni Missi.

Nasama sa filming ni Levi. 

Tinakbuhan ni Jal.

At nahuli ni Lyle na nakipag-away kay Reese. 

Tapos na. Finish na. 

"Yes, Prosecutor," kinakabahan kong sabi. "Nakikinig po ako."

Sinabihan na niya akong 'tanga'. Hangga't maaari ay gumagamit ng positive words si Prosecutor Jax. Galit na galit na siya siguro na ultimo choice of words niya ay hindi na niya ma-filter. 

"Why are you in West Carson High again?" he asked with an authoritative voice.

"Para po pag-aralan ang 12-A," guilty kong sagot. 

"Now, are you doing your job?"

I bit my tongue. "Opo?" 

"OPO?!" bulaslas niya.

"Ay, maybe? Perhaps? Siguro?"

"HINDI KA PA SURE?!" 

"Eh, Jax—"

"PROSECUTOR JAX," pagtatama nito.

"Eh, Prosecutor Jax, ginagawa ko naman talaga trabaho ko," pagmamaktol ko. "It's just that—"

"It's just that you woke up and realized, 'Aight I'mma use violence today,' ganoon ba?"

"Eh, hindi mo naman gets e," sabi ko.

"Reign, pumutok labi n'ong tao. Anong hindi gets doon?!" 

"Sasampalin niya ako," depensa ko. "Self-defense 'yon!"

"And you are not supposed to defend yourself. You are supposed to befriend everyone and give them this impression that you are harmless. Na pushover ka at kahit na anong malaman mo o anong gawin nila sa harap mo, hindi ka makakapagsalita dahil ang alam nila, mahina ka. At doon natin malalaman ang baho nila. Doon natin malalaman what those kids are truly capable of. Didn't you think of that?"

Tama naman siya. 

"Gets ko naman po pero kasi, near-death experience po iyon. Alam niyo bang nanghahampas ng bote sa ulo 'yon si Reese? Paano kung patayin ako n'on?"

"Yes it was self-defense but what if she has no intention to slap you? What if she just wanted to exert dominance to scare you? Remember Reign, 12-A ka." 

Possibly. 

"Now, you're a dead meat. Tatlo agad ang kalaban mo. Reese, Everleigh, and Lyle. Not to mention that Levi and Missi don't like you. If I were to ask, I guess, I overlooked your possible defeat." 

I suddenly felt heavy. Disappointed siya at damang-dama ko 'yon.

"What do you mean po?" 

"Aside from Reese and Everleigh, nakikipagmabutihan ka pa kay Greysen Finch at nakipagkaibigan kina Nashville at Braelyn. Hindi ba't parte ng contract natin na bawal kang gumawa ng kahit na anong personal na koneksyon sa kahit na sino sa kanila?" 

"Opo," guilty kong sagot. "Pero hindi naman 'yon para sa sarili ko. I did that to  squeeze any information from them."

"Reign, can you tell me the theory you sent me last night?" 

I closed my eyes heavily. I messed things up.

"Na nagpapalit-palit po ang bully," sabi ko. "Noong panahon ni Jal at Hale, si Reese po ang bully nila. Noong ako naman po ay si Everleigh. Possible na each year or kung may bago, during the first day of the school year, i-bu-bully nila ito—sisirain ang buhay hangga't kusa itong umalis o mawala." 

"THERE!" sigaw ni Prosecutor Jax sa kabilang linya. "YOU SAID IT! Paano kung isa sa mga kinakaibigan mo na 'yan ang dating bullies?" 

"E, paano kung hindi?" pagtatanggol ko kila Grey, Nash, at Braelyn. "Paano kung... kung never nila 'yon ginawa?" 

"Kung never nila 'yon ginawa eh 'di kasali pa rin sila sa krimen dahil hinayaan nila. Being neutral helps the oppressor, never the victim."

I opened my mouth to say something but I can't think of anything.

"I know Harriett ka, Reign and Harriett always sees goodness in every person. Pero mga estudyante ng West Carson High ang involve rito. At gaya nga ng sabi ko noon, goodness and West Carson High don't suit each other. Be vigilant." 

I sighed and looked down. "Opo, Prosecutor. Sorry po." 

"This is an important case for me, Reign. I don't accept apologies, only change of behavior." 

I understandingly nodded.

"Don't get attached with anyone. Hindi ka pumasok para riyan. Ituring mong laruan ang lahat para 'pag dumating ang panahon na may naging suspect tayo, madali natin silang ilalaglag. A person died—a teacher of a school, a friend of her squad, a daughter of her parents, and a loving sister. Habang gabi-gabing hindi makatulog ang pamilya niya at may nakakulong na posibleng wala namang kinalaman sa krimen, ang mga estudyanteng iyon ay kumportable at himbing na natutulog sa gabi."

I felt a mixture of anger and guilt in me. 

"When Detective Howell referred you, mataas ang naging expectation ko. Please, don't disappoint me. I'm giving you everything you need—money, clothes, shelter. Hindi ko maintindihan kung anong rason para mag-fail itong mission na 'to. I invested a lot, and all you have to do is to do your job properly."

"Sorry po," malungkot kong tugon. "Pagbubutihan ko na po." 

"You should've done that umpisa pa lang," Prosecutor Jax said. "For now, continue observing them. Do your school works too. No mission for a while until I say so."

My eyes widened. Ramdam ko ang kalabog ng dibdib ko. 

"Hindi niyo naman po ako sisibakin sa trabaho, ano po?" 

Sandaling nanahimik si Prosecutor Jax at iyon na ata ang pinaka nakabibinging yugto ng buhay ko. 

"Pag-uusapan namin." 

Literal na napatayo ako at halos malaglag ang cellphone ko sa kamay. 

"PO?!" I reacted. "Paano po 'yong mga kapatid ko?!" 

"Pag-uusapan namin ni Howell lahat," Prosecutor Jax sounded intimidating.

"Pero—" natigil ako at muling napa-upo. Sinapo ko ang noo ko at huminga nang malalim. "Sige po. Hihintayin ko desisyon ninyo." 

"Okay," sagot nito. "If you are torn between your brain and your heart, always use your brain. Your heart offers temporary pleasure but your brain can save you from lifetime regrets. Be wise." 

Just then, the call ended. 

I sighed heavily. 

Nabato ko ang cellphone ko sa kama at malungkot na nahiga. 

"Paano na 'to, Reign?" inis na tanong ko sa sarili. "Inaasar mo pa si Prosecutor Jax na trigger happy, ikaw naman pala 'yon." 

Inilubog ko ang mukha ko sa kama at tumili. 

Paano na 'to? Paano kung sa sobrang disappointment niya ay mawalan na ako ng trabaho?

Paano na ako?

Paano ang mga kapatid ko?

For sure, need kong umalis sa unit na 'to. Need ko ring umalis sa West Carson High. 

Ano ipangbabayad ko sa advanced payment na ibinigay niya? Anong ipangbabayad ko sa perang ginamit niya pang-renta ng unit na 'to? Paano ko mababayaran 'yong libu-libong ibinayad niya pang-tuition ko sa West Carson High? 

Ano na, Reign? 

Napaharap ako ng higa at napatitig sa kisame.

If I were to be asked, sobrang disappointed ko rin sa sarili ko. I went to 12-A with the thought of catching the culprit pero ewan ko ba, na-distract nga ata talaga ako. 

Maybe because I experienced most of my first times there? 

First time kong makapag-aral sa ganoong ka-prestigious na school. 

First time kong magkaroon ng mga artista at angat sa lipunan na mga kaklase at kaibigan.

Lastly, first time na may nagpakita sa 'kin ng interest romantically. 

As someone who grew up with adult-like responsibilities, those were the things I used to dream of. Now that I experienced it, the teenager in me got overwhelmed—without even thinking that I came here as an undercover, not as a teenager who should enjoy a normal life.

I felt tears building up in my eyes. 

Ilang bata pa ba ang mga kagaya kong napilitang saluhin ang bigat ng mundo para sa pamilya? 

Ilang pangarap na ba ang na-sakripisyo kasi kailangan mong maging praktikal dahil hindi lang sarili mo ang binubuhay mo?

Poverty is a survival phase and it must not be romanticized. There's no good in poverty. Only sufferings.

Bumangon ako at kinuha ang cellphone ko. Siguro, dapat na akong maghanap ng trabaho. Just in case mapatalsik ako, may mapupuntahan ako. Mabuti nang handa. 

Ano namang trabaho kukuhanin ko? Bantay ulit sa convenience store? Ewan!

Saktong pagkabukas ko ng phone ko ay biglang nag-notify iyong food delivery app. 

"Your rider is here!"
 

Napa-iling ako. Nag-order nga pala ako ng tanghalian.

Wala nang pera pero puro order pa rin, ano na? Ambot. 

Nanghihinayang na lumabas ako ng unit at nag-reply. 

"On my way kuya." 

Pagkalabas ng building ay natanaw ko agad ang rider. Naka-motor ito at may katangkaran. Maputi ito at mas lalo pang pinaputi ng sinag ng araw at ng itim nitong bomber jacket. 

Napalunok ako. 

Gusto ko lang kumain ba't ako bibigyan ng crush?

Nang magtangggal ito ng helmet ay nagkatinginan kami. The moment our eyes met, muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko.

"GREY?!" bulaslas ko. 

Bahagya rin itong nagulat pero ngumiti nang lapitan ako. 

"Ikaw nag-order, ma'am?" nakangiti pa  nitong tanong. 

Nakanganga na tumango ako. 

Ini-abot nito sa akin ang inorder ko at inabot ko naman ang bayad na nakanganga pa rin.

Maya-maya'y ginamit niya ang daliri niya para hawakan ang chin ko at isinara niya ang bibig ko. Napangisi siya sa ginawa niya. 

"Paanong—bakit—I mean—" huminto ako at tinititigan pa rin siya. "Bakit ikaw ang nag-deliver?" 

"Bakit hindi, ma'am?" tanong niya.

"'Wag mo 'kong tawaging ma'am," sabi ko. "Sideline mo?" 

Umiling siya at ipinasok ang pera sa bulsa niya at sinuklian ako.

"Restaurant ng ate ko pinag-orderan mo. May transportation strike lahat ng drivers at riders today kaya walang available. Isasara na sana muna ang restaurant kaso pumasok order mo," pagpapaliwanag niya. 

Sa sobrang aliwalas niyang tingnan ay napapalingon lahat ng dumadaan dahil sa kanya. 

"Pa-check na lang ma'am kung tama po ang orders," sabi niya. 

"'Wag mo sabi akong tawaging ma'am, magkaklase naman tayo," sabi ko at tiningnan ang inorder ko.

"Edi ano?" tanong niya.

"Kahit na ano," sabi ko at tiningnan kung tama ba 'yong flavor ng fries. 

"Kahit ano?" ulit niya. "Pwedeng cupcake?" 

Maang na tiningnan ko siya.

"Sugar bear?" tanong niya ulit. "Love?" 

"Gusto mo ma-one star review?" pagbibiro ko.

Tawa lang ang naging tugon ni Grey.

That laugh.

That voice.

That eyesmile. 

Who wouldn't fall for those? 

"Okay na. Kumpleto ang order, umalis ka na," pagbibiro ko sa kanya. "Baka dumugin ka pa rito." 

Tiningnan din niya 'yong ibang tumitingin sa kanya. Napansin ko rin ang bahagya niyang pagka-ilang. 

"Last na. Proof na lang na na-receive mo, pahawak na lang ng order then I'll take a photo of you." 

Kumunot ang noo ko. "May ganto na ba sa food delivery? Sa parcel lang 'yon, 'di ba?" 

Hindi siya sumagot at inilabas lang ang phone niya. 

"Okay. In 3... 2..." 

Naguguluhan man ay hinawakan ko ang order.

"1..." 

Pilit akong ngumiti.

"Say Hi, cupcake." 

"Hi, Cup—"

Bigla akong natigil nang ma-realize ko iyon. Kumunot ang noo ko at ngumiwi. Bago pa ako maka-alma ay tumunog na ang camera at nakuhan niya ako ng litrato.

"There," nakangisi nitong sabi at bumulong. "May lockscreen na 'ko." 

"Ano?" tanong ko.

"Wala, sabi ko may ise-send na 'ko kay ate." 

"Patingin ako," pagpupumilit ko.

"'Wag na, lalamig na 'yan," sabi nito at nagsuot ng helmet.

Bago ko pa siya pilitin ay sumakay na ito sa motor at pina-andar ang makina. 

"Teka—"

"See you at school, Reign Harriett!" 

Ngumiti ito at kumaway bago tuluyang umalis. Pinanuod ko ito habang unti-unti itong nawala sa paningin ko.

Bahagya akong napangiti pero agad din iyong nawala nang ma-alala ko si Prosecutor Jaxx. 

Tama siya. Hindi dapat akong ma-attach kay Grey.

Paano kung kasabwat s'ya? O baka siya talaga killer? Paano ko s'ya isusuplong kung emotionally attached na ako?

That's right. Be smart, Reign. Be vigilant. 

Naglakad na ako papasok pero bigla akong nahinto nang pabalang na bumukas ang glass door at nagmamadaling lumabas si Nash. Tinawag ko siya pero hindi ako nito nilingon. Nang may pumarang kotse sa harap nito ay dali-dali iyong pumasok sa loob.

Anong nangyayari kay Nash? 

———

THIRD PERSON POV

"DID YOU FIRE HER?!" galit na tanong ng isang lalaki. 

Kung titingnan ay tama lang ang katangkaran nito. Fit na fit din ang suot nitong polo at halata ang  ganda ng katawan. 

Hindi kumibo si Jax at patuloy lang sa paghahanap ng kung ano mang bagay sa loob ng envelope.

"Jax, alam mo ba ang ginagawa mo?" tanong muli ng lalaki at halata ang inis sa mukha nito. 

"Calm down, Detective Howell," sagot ni Jax at isa-isang tiningnan ang mga litrato na nakuha niya. "Syempre alam ko ang ginagawa ko. Ako pa ba?" 

"E, bakit mo 'yon ginawa? Alam kong alam mo na si Reign ang perfect para sa mission na 'to. Mas malaki ang chance na matalo ka—tayo—kung papalitan natin ang undercover. Makakahalata sila." 

"Alam ko," sagot ni Jax at kumuha ng ballpen. "Tingin mo ba hindi ko 'yon naisip?" 

"Then why are you firing her?" 

Hindi kumibo si Jax. 

"Are you firing her in the first place?" 

"The child is emotionally distracted, man. Hindi ko alam kung kakayanin ba niya. Hindi niya naiintindihan ang bigat ng mission na 'to. We can't afford to lose. Not now. Not this time."

Detective Howell wanted to say something but he can't think of any words to defend Reign. He was frustrated. So frustrated that his ears were burning red. 

When Jax noticed that, he shook his head. 

"Whether we will replace Reign or not, let's talk about it some other time. For now, let's focus on this." 

May isinilid si Jax sa envelope at iginawi iyon sa harap ni Detective Howell. 

"What's this?" he asked.

Jax didn't say a thing. He pointed his hand at the envelope. 

Detective Howell took it and he noticed that there was a polaroid inside it. At first, he was hesitant but he decided to take the polaroid. 

The moment he got it, confusion swallowed him. Unlike their primary suspects, this time, it wasn't a student.

Gwapo ang lalaki sa litrato. May maputi at makinis na kutis—lalaking-lalaki kung titingnan.

"Have him investigated," Jax said. "I need all the information about him. He could be one of the suspects. Well, potentially."

"Who's this?" Howell asked with curious face. 

"12-A's new adviser," Jax said and he looked at Howell fiercely. "Ivan Gliponeo..." 

On the other hand, a woman can be seen standing at the staircase. Walang emosyon ang mukha nito at kung susuriin ay parang may hinihintay. 

Nakarinig siya ng tawanan at napatingin siya sa pinagmumulan niyon. Nang mapansing mula iyon sa kwarto ng tatay niya ay umiling siya at umismid. 

Ilang minuto lang ay lumabas ang lalaking bisita mula roon.

"Thank you, sir," sabi ng lalaking bisita na kanina pa niya hinihintay na lumabas. 

"No worries. Tell me if you need anything. First time magbuntis ng asawa mo, alam ko excited ka," sagot ng tatay niya.

Lalong napa-ismid ang babae nang marinig niya ang salitang 'buntis.'

Tamang-tama. 

Pasok sa plano niya.

"Sobra po," sagot ng lalaki at ngiting-ngiti. 

"Osiya, sige. Mag-ingat ka sa pag-uwi," sabi ng tatay niya at tinapik ang balikat ng lalaking bisita. 

Maya-maya lang ay pumasok na ang tatay niya sa loob ng kwarto at nang sumara ang pinto ay nakangiting naglakad pababa ang lalaki. 

Unti-unting nawala ang pagkakangiti ng lalaki nang makita siya sa hagdan. Akmang iiwasan siya nito nang bigla s'yang magsalita.

"Wow, buntis na pala ang asawa mo," she said. "Do you want me to congratulate her by sending photographs?" 

Pakiramdam ng lalaki ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Matalim ang tingin na nilingon niya ang babae. Nang makita niyang nakangisi ito ay ramdam niya ang galit niya. Wala pa rin itong ipinagkaiba. 

"Everleigh, anong kailangan mo?" tanong niya. 

Ngumiti lamang si Everleigh at nilapitan siya. "Your service, sir."

Doon siya kinilabutan. Huling sabi nito niyon ay may nasirang buhay. 

"Ayoko na," mahina niyang tugon. "Alam mo naman ang nangyari noon, 'di ba? Hindi pa ba sapat 'yong mga buhay na sinira mo? Ninyo ng mga kaklase mo?" 

Unti-unting nawala ang pagkakangisi ni Everleigh at napalitan iyon ng blankong mukha. At para sa kanya, nakakatakot na iyon. 

"Ayaw mo?" tanong ni Everleigh. "Mukhang gusto mong makilala ng asawa mo 'yong kabit mo?" 

Unti-unting ngumiti si Everleigh nang makita ang takot sa mukha ng lalaki.

"Buntis pa naman siya. Mukhang hindi lang siya ang mawawala sa 'yo kung sakali." 

The woman in front of him was a total bitch and more than anyone, he knew it. He knew it well.

"Hanggang kailan mo gagamitin sa 'kin 'yan?" matalim at pinagpapawisan na tanong ng lalaki. "Matagal nang tapos 'yon at hindi na na-ulit."

"Until when?" Everleigh asked and smirked. "Until I no longer need you. Besides, you deserve this. A cheater like you deserve this." 

The man's jaw clenched. He knew he was a no match to this woman—even though their age gap was more than a decade. 

"What do you want?" he asked with tears out of fear and anger built up in his eyes. 

Everleigh smiled widely when she noticed the guy had no choice but to follow whatever she would say. 

"The usual thing," Everleigh said and placed a polaroid inside the man's pocket. "And I want it to be as clean as possible." 

Agad na kinuha ng lalaki ang polaroid sa bulsa at isang babaeng naka-uniporme ang nakita niya. 

"She's Reign Harriett. Investigate her and dig her dirty little secrets," Everleigh commanded.

"Did she do anything wrong to you?" the guy asked. 

"She's just... getting into my nerves lately. She needs to be eliminated."

The guy scoffed mockingly. "Threatened?"

"No, not really," Everleigh said. 

The guy met Everleigh's fierce eyes and from that moment, he realized why she was regarded as The Witch of West Carson High. 

"Besides, why would I feel threatened? The best bitch always wins..." 

Just then, Everleigh inched their gap and whispered something in his ears.

"And that best bitch is me..." 

———

Isang lalaki ang makikita sa loob ng itim na kotse. Nakasuot ito ng sumbrero at itim na mask at bilog na salamin na para bang nagtatago sa publiko.

"Saan po tayo, Sir Nash?" tanong ng driver. 

"Sa Uptown lang kuya. Salamat po sa pag pick-up, wala ho akong ma-book. Nag-strike kasi mga drivers."

"Napanood ko nga ho sa balita," sagot ng driver. "Wala ring anuman, sir. Ilang dekada niyo na 'kong family driver, wala lang ho ito." 

Ngumiti na lang si Nash at hindi na kumibo. Nang hindi na siya kinakausap ng driver ay tiningnan niya ang cellphone niya at muli niyang naramdaman ang kirot. 

Nash was dating someone. A non-celebrity, to be exact. Dahil bawal iyon sa kontrata niya, itinago niya iyon ng ilang buwan. 

Masaya naman noong una pero nitong mga nakaraang araw ay nagkakalabuan sila.

In fact, hindi siya nakatulog buong gabi dahil nag-away sila. Ayaw nitong sagutin ang mga messages niya kaya napuno na siya. 

Tiningnan niyang muli ang conversation nila. Hindi niya maiwasang makaramdam ng pinaghalong galit at lungkot.

"Alam kong gising ka pa. Delivered 'yong message ko. Are you really gonna play me dumb?"
 Nash saw his own message.

"Are we gonna fight about this?" 

"Why won't we?" 
Nash replied.

"Ano ba sinasabi mo?" 

"Why aren't you responding? Do you entertain 

someone

 else now?"

"Are you accusing me?!" 

"Why, are you guilty?" 

"Here we go again, tamang hinala." 

"Pwede ka naman magpaalam. Pwede ka naman magsabi. Why do you have to ignore me?"

"Naglalaro ako, okay? Ayoko isipin mo na mas gusto ko maglaro kaysa kausapin ka." 

"Eh ayun 'yong ipinararamdam mo!" 

"Nash, hindi lang naman sa 'yo umiikot ang mundo ko. May sarili rin akong buhay. Mahal kita, oo. Pero hayaan mo naman ako mag-enjoy sa sarili ko."

"Wow, ba't parang kasalanan ko pa?" 

"Tulog nalang tayo." 

"Ano?! Kaya mong matulog nang ganito tayo?!" 

"Ewan, itulog nalang natin, inaantok na 'ko. Let's cool our heads off. Bukas nalang tayo mag-usap, kapag hindi na tayo pagod." 

Nash felt it again. Akala niya ay ubos na ang luha niya kagabi pero hindi pa rin pala. 

He scrolled down and he saw the last message that Nash himself sent.

"Tulog? Nice. Buti ka pa kaya mong matulog kahit 'di tayo ayos. Kaya mong matulog habang ako nag o-overthink dito, inaabot ng umaga kaiisip ano na nangyayari. May patutunguan pa ba? Mahal mo pa ba ko, sawa ka na ba? Maayos pa ba 'to? Ako pinapatay na ng mga naiisip ko habang ikaw, sarap na sarap sa tulog mo. Ta's gigising ka mag-cha-chat na parang wala lang nangyari."

"Let's talk about it tomorrow. I'm tired." 

"Ano na ba ang nangyayari? Dati kapag hindi tayo ayos, inaayos agad natin dahil ayaw natin matulog nang may dinaramdam. Alam ko namang nagbabago ang relationship habang tumatagal at 'di lahat puro kilig. Pero ba't ganu'n? Nagbago tayo not for good, but for the worst? 'Pag nagtatampo ako, suyuin ko sarili ko. 'Pag naging cold ako kasi galit, mas cold ka. 'Pag galit ako, immature na 'ko. Todo habol ka sa 'kin noon, pero bakit ngayong nakuha mo na ko parang lumalayo ka na? Para akong naghahabol sa oras mo. Para akong nakikihati lang, istorbo pa nga ata. Parang kinakausap mo lang ako kasi nga obligasyon mo 'yon dahil syota mo 'ko."
 

"Nash, wala itong patutunguhan. Let's talk about it tomorrow morning, okay?" 

"Why not now? Nakakapagod makisisiksik sa mundo mo na kung saan wala akong tiyak na espasyo. Sure, let's sleep. Pero sana pagdilat ng mata mo, halaga ko agad ang makikita mo. Kasi seryoso, I may answer back your i love yous, hold your hand back when you hold mine, kiss you back when you kiss me, laugh at your jokes whenever you throw one, but deep within the weak smiles of mine, you're slowly losing me with your inconsistency. Good night."

At matapos niyon at sunud-sunod na ang chat nito sa kanya at ni-isa ay wala siyang sinagot.

At ngayon ay makikipagkita siya rito. Hindi para makipag-ayos, kung hindi para tapusin na ang lahat. 

He had enough.

He looked at the window and sighed.

"I was so into you but you fucked it up..." Nash whispered in the air.

———

REIGN.

"Thanks for visiting me. I appreciate it." 

Tiningnan ko si Hale at kumpara sa mukha nito nang una ko itong nakita at sa mukha niya ngayon, mas nag-bloom ito.

"Sana lahat namumukadkad..." mahina kong bulong. 

"Huh?" tanong niya.

"Ay, wala," mabilis kong sabi. "Kumusta ka pala?" 

"Okay lang. Though, namimiss ko nang mag-jogging sa umaga, kaya pa naman magtiis." 

Tumangu-tango ako. Athletic din pala siya kaya kung titingnan ay maganda ang pangangatawan kahit naka-detainee shirt. Hindi siya ganoon ka-buff, hindi rin payat na payat. Sakto lang, pero bakat ang gap ng chest niya sa damit niya which made him manlier. 

"Bakit ka pala bumisita?" tanong niya. "May nangyari ba?"

"Marami," sagot ko. "At nakaka-stress." 

"How about Jal? Did she cooperate?" 

"About her..." huminto ako at awkward na ngumiti. "Natakot ata." 

"Paano?" 

At mula roon, ikinuwento ko ang nangyari. Lahat ng nangyari. Maging ang posibleng pagpapatalsik sa akin ni Prosecutor Jax sa trabaho. 

"As expected from Reese and Everleigh. Ganoon na ata talaga sila habang buhay, hindi uso character development sa kanila, e." 

Bahagya kaming nagkatawanan.

"Ano pa lang plano mo? Paano 'pag pinalitan ka na?" tanong niya. 

I shrugged. "Hindi ko rin alam, pero wala naman akong choice kung hindi sumunod. Siguro, maghahanap ako ng trabaho muna para safe." 

"Work?" Hale asked. "Do you need help? Maraming department sa company ng father ko. May mga sister companies pa and partners. Gusto mo i-recommend kita?" 

"Naku, 'wag na, nakakahiya," pagtanggi ko.

"Sure ka?" 

Tumango ako.

"Okay..." sabi ni Hale. "But if you need help, don't hesitate to tell me. Tutulong ako kung kaya ko."

"Sure," sabi ko at tiningnan si Hale. "Pero kasi... I think, need ko ma-impress si Prosecutor Jax para you know, hindi ako ma-kick out." 

Kumunot ang noo niya. "How?" 

I gulped. 

Ito na! 

"Like...uh..." napakamot ako ng leeg. "Like some inside info about 12-A, ganoon." 

Awkward na tumingin ako sa gilid at hindi tiningnan si Hale. Baka kasi iniisip niya pumunta ako rito para roon—eh totoo naman.

"Like secrets?" Hale asked.

"Yes, yes, secrets," excited kong sabi at tiningnan siya. "Kung... kung may alam ka lang naman." 

Hale stopped and he seemed like in a deep thinking. 

"Pero okay lang naman kung wala, okay lang talaga..." pagkukunwari ko habang pinanunuod siya na nag-iisip. 

"I can't think of anything. Wait." 

"Sure, take your time," sagot ko

"Hmm..." pag-iisip nito at maya-maya lang ay umaliwalas ang mukha.

"Why?" I asked curiously. 

Hale smirked. 

"How about Lyle's first love?"

The next thing I knew, I was inside a photoshoot venue. Nakatayo lang ako sa gilid at hindi malaman ang gagawin.

"Nice shot, Lyle! Now, look at the camera like an innocent child. Perfect!" 

To add more to the uneasiness I was feeling, photoshoot ito ni Lyle. 

Just few hours ago, tinawagan ako ni Braelyn kung pwede raw ba ako sumama dahil may pupuntahan daw silang photoshoot. Nang malaman kong kasama niya ang first love ni Lyle ay hindi na ako nagdalawang-isip na sumama.

And there she was, Lyle's first love—Missi.

"Direk, kaya ko rin mag-pose 'no! Ano ba need niyo? Innocent? Charming? Sweet girl? Poka Girl? I can do anything, just give me a break. Versatile ako. Kahit isang page lang ng magazine, pleaaaase!"

Pinanuod ko ito habang patuloy nitong kinukulit ang isang photographer. 

"Missi, puro lalaki nga lang ang nasa edition namin this month. At kahit pa hindi lalaki ang theme, hindi ka pwede. Magagalit ang daddy mo," sagot ng photographer. 

"Hindi naman malalaman ni daddy, unless sasabihin mo. Sige naaa! Do you want a daring photoshoot? Go ako r'on, sige na, 'di ako maarte—ew ang baho ng perfume—direeeek!" 

Patuloy nitong kinukulit ang photographer at todo paliwanag naman ito. 

"Kahit walang talent fee, okay lang. Sige na, mas maganda at mas matangkad pa nga ako sa models mo, e. Sige naaaa!" 

Napa-iling na lang ako. Maya-maya'y tinawag ako ni Braelyn at umupo kami sa gilid. 

"Pagpasensyahan mo na," sabi niya. "May topak talaga 'yan." 

Totoo nga. Ultimo mga staff ay pinagtitinginan at pinagbubulungan na siya. 

Seryoso ba si Lyle?

Not to judge pero mang ju-judge na 'ko. 

'Yan na first love niya? Todo na?

According to Hale, Levi, Grey, Lyle, and Missi were childhood friends. Pare-pareho ng primary schools at squad talaga until they went to West Carson High in High School at doon na nagkaroon ng mga bagong mga kaibigan. With Missi joining the girls, Grey and Levi became a duo, making Lyle an outcast.

"Bakit ba siya nagkakaganyan?" tanong ko.

"Ah, nakita kasi ng mother niya scores niya. Galit na galit. Feel niya papalayasin siya kaya gusto niyang maging model over the night para hindi siya mapalayas. Kasi you know, pag pinalayas siya and she's a newly debuted professional model—hindi lang ng school uniform but big brands na—issue 'yon. At ayon ang ina-avoid ng families in West Carson High, the controversies."

Muli kong tiningnan si Missi.

Mautak ka, ha. 

"E, ba't ka sumama?" tanong ko.

"She called me, e. Alam mo naman ako, kaladkarin." 

Tumawa siya kaya pilit na rin akong tumawa. 

"Pogi ni Lyle, oh," turo ni Braelyn. 

Pagtingin ko ay nagbago na ito ng damit. Nakasando na lang itong itim at itim na pantalon.

"Seryoso, type mo ba siya?" tanong ko.

"'Pag ni-compliment, type agad? Hindi pwedeng na-appreciate lang? Issue ka rin, 'no." 

Pabiro akong natawa. 

"Ang hot ni Sir Ivan, oh my ghaaaad!" 

Napatingin ako sa phone niya at post iyon ni Sir Ivan sa Instagram. Nakasuot ito na blue na pajama shirt at bahagyang nakangiti. 

"Imagine, ganyan asawa mo!" kinikilig na sabi ni Braelyn.

"Ayan, type mo?" tanong ko.

Nakangiti siyang tumango.

"Same!" ganti ko. 

Pareho kaming napahagikgik.

"There is always that one teacher..." bulong ni Braelyn at nag-scroll down. 

Napawi ang ngiti namin nang picture ni Reese ang bumungad. Napalunok ako nang maalala ko kung paano ko siya sinampal. 

Nakasuot ito ng choker na itim at naka-shades. At sa picture nito ay may caption.

"Imagine you keep on talking behind my back tapos ako walang paki sa inyo."
 

Awkward na tumawa si Braelyn. "Hanggang sa social media nakikipag-away si ate girl. Auto scroll down."

Awkward din ako na tumawa kahit bahagyang pinagpawisan. 

"Okay, Lyle. Change clothes. Mag-polong puti," rinig naming sabi ng photographer.

"BRAELYN!" 

Pareho kaming napatingin ni Braelyn kay Missi. Nasa pinto ito at galit na galit. 

"LET'S GO!" 

Agad na tumayo si Braelyn at kinuha ang bag niya. 

"Tara na raw." 

Patakbong nilapitan ni Braelyn si Missi habang ako naman ay inaayos ang sapatos ko.

"GUYS, KAYO HA," sabi ni Missi sa mga staff. "Dalhin niyo sa pinakamalapit na clinic 'tong photographer na 'to. Ipa-swab niyo, nawalan na ng taste. Hmpk!"

Just like that, Missi stormed out.

"Sorry po, sorry talaga," sabi ni Braelyn sa mga staff atsaka sinundan si Missi. 

"Tingnan mo ugali n'on," bulong ng isa.

Umiling-iling ako. Nang tingnan ko si Lyle ay ilang segundo niyang tinapunan ng tingin si Missi hanggang mawala iyon sa paningin niya. 

"Kung ganoon ugali n'on, wala 'yong mararating," sabi ng photographer sa mga kasama nito. 

"Nice, Lyle. Final shot na para maka-uwi na tayo. Turn seductive." 

Akmang aalis na ako nang utusan ako ng photographer na linisin 'yong table. Akala yata staff ako. Sinubukan kong magpaliwanag pero binigyan lang ako ng basahan. 

Nilinis ko nalang nang matapos na. 

"Lyle, you are looking blank and not seductive at all. Look at the camera and turn daring, okay? 3...2...1..." 

Nakarinig ako ng tunog ng camera habang patuloy na naglilinis.

"No, no, no, not this. Isa pa. Think of anything that can make you look seductive. Look at the camera and gave it a sexy look. Okay? Oh, no. You look handsome but this time, you need to look seductive, Lyle." 

Paanong seductive e parati namang blangko mukha ng lalaking 'yan?

"Tapos na po, thank you," sabi ko matapos linisin ang table at ini-abot ang basahan sa kanila. 

"Nice shot pero hindi ito ang kailangan kong look. How about...uh... teka..." 

Kinuha ko na ang bag ko at nagpa-alam. Akmang aalis na 'ko nang bigla akong pigilin ng photographer.

"Miss! Miss, sandali!"

Huminto ako at lumingon. "Ako po?"

"Oo, ikaw. Ilang taon ka na?" 

"Eighteen," sagot ko. "Bakit po?" 

"Nice. For artistry purposes, okay lang bang tumayo ka lang muna riyan?"

"Po?" sagot ko. "Aalis na po kasi—"

"Babayaran ka naman namin for your participation. Pero if ma-offend ka, okay lang." 

"Kaklase niya 'yan," rinig kong bulong ng isa sa photographer.

"Awesome! Magkakilala pala kayo then this will be good." 

"Pero—"

"Okay, miss, just stand there, okay?" 

Maya-maya'y lumapit sa akin ang photographer at tumabi. 

"Now, Lyle, look at her. Imagine she's your girlfriend. Kunwari may party and you're trying to look sexy in her eyes."

Literal na napanganga ako.

"Teka lang po—"

"In 3... 2... 1..." 

From looking at the photographer, Lyle looked at my eyes deeply and I felt my knees were melting. 

His black soft hair were messy. He was wearing a white polo tucked inside his black pants. Hapit na hapit iyon sa katawan at binti niya kaya kitang-kita mo ang hulma ng katawan niya at ang hulma ng dibdib at flat niyang tiyan. Nagdagdag pa sa ambience and dumilim na paligid at ang red light na ginamit. 

From looking at me deeply, Lyle licked his lower lip making it wet. He tilted his head a bit, revealing the adam's apple of his neck and a mole right below it. 

I heard gasps coming from the staffs.

In a blink, Lyle placed his hand at the top of his necktie and slowly, he loosened them up.

"Nice one!" 

The camera clicked but Lyle didn't stop there

Without breaking the eye contact with me, Lyle took off his necktie and was looking at nothing but my eyes, as if he was telling me 'look at nothing else but me'.

As unexpected as it was, Lyle placed his hand at the top of his polo's button. He started to unbutton it, and the way his fingers touched it was playful and flirtatious.

The first one.

The second one.

The third one.

Three buttons were unbuttoned until it revealed the gap between his chest and the countless moles on it. 

I gulped. 

When he noticed I gulped, I saw how the corner of his lips slightly blossomed a small smirk.

I heard the giggles.

"Nice shots!" sigaw ng photographer. "Continue, Lyle! Continue!"

He continued doing what he was doing and I felt a burning sensation within me.

Lyle Heimsworth is undeniably illegal.

There's no doubt in that. 

Almost half an hour after the shoot, sinabihan nila akong i-dedeposit nalang daw sa bank account ko ang participation fee ko. At first, umaalma ako pero hinayaan ko nalang, pera rin naman 'yon. Binigay ko sa kanila ang bank details ko at tumulong na rin mag-ayos. 

"Bye, Reign! Bye Sir Lyle!" bati nila na isa-isang umalis gamit ang mga kotse nila. 

Nang mawala sila sa paningin namin ay kami na lang ni Lyle ang natira. Naglabas ito ng cellphone at nakita kong nagbukas siya ng Grab app.

"Walang riders today," mahina kong sabi. "May strike sila ngayong araw pati mga drivers. Wala kang mabo-book kahit taxi o angkas." 

Hindi siya nakinig sa akin at patuloy na hinintay mag-loading ang app.

"Kulit mo," bulong ko. "Masasayang lang oras mo riyan." 

Hindi pa rin ito umiimik at patuloy na hinintay iyon mag-loading. 

"Bahala ka nga," mahina kong bulong at binuksan din ang phone ko. 

Naghanap ako sa contacts ko kung sino ang pwedeng sumundo sa akin pero si Prosecutor Jax lang ang level ng closeness na posible akong sunduin. 

Kaso baka magalit 'yon. Sabi niya no mission for today pero heto ako at kumakalap ng impormasyon. 

Tiningnan ko si Lyle at tahimik pa rin itong nakatitig sa screen at hinihintay na mag-load ang app. 

Kung ako 'yan, binalibag ko na 'yan.

Hapon na at papalubog na ang araw. Mahirap na umuwi 'pag naabutan ng gabi.

Tiningnan ko ulit 'yong phone ko at naghanap. When I stumbled upon Grey's name, napa-isip ako bigla. 

Pwede kaya?

Paano kung abala?

Baka nag dedeliver pa siya? 

Baka—

Halos maibato ko ang phone ko nang bigla iyong nag-ring at si Grey ang tumatawag. I hesitated at first but I eventually accepted the call.

"

Nasa'n

 ka?"
 bungad niya. 
"Brae calle and informed me. She gave me the address and everything. Nand'yan ka pa?" 

"Oo," sagot ko. "Bakit ka pala napatawag?" 

"May strike ngayon, wala ka masasakyan. May I pick you up?"
 

I bit my tongue. I was expecting it but hearing it directly from him, it felt different.

"Sige—"

"Sino 'yan, Grey? Chixx ba 'yan?"
 

Halos umikot ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Levi.

"Puro ka chixx. Punta ka ng poultry,"
 sagot nito kay Levi. 
"I'm sorry about that, I'm with Levi—"

"Levi Hudson, the actor and the model—"

"
She didn't ask—Hello?"

"Hello," naiiling kong sagot.

"Sorry. Okay lang ba kung kasama ko si Levi?"

"Sure," sabi ko.

"Who's that?"
 I heard Levi asked. 
"I thought bro moments 'to, why are we picking up a girl?" 

"Levi, she can hear you!" 

"Of course, she has ears. From West Carson High ba 'yan?" 

"Yep. Reign. Reign Harriett." 

"From our class?"
 Levi asked. 

"Yea,"
 sagot ni Greysen.

Maya-maya'y rinig kong hinablot ni Levi ang phone mula kay Grey. 

Kumunot ang noo ko.

Kailan titino itong lalaking 'to?

"Reign?"
 Levi asked.

"Yes—"

"REIGN REIGN GO AWAY COME AGAIN ANOTHER DAY, LITTLE LEVI WANTS TO PLAY, REIGN REIGN—"

"Shut up!"
 I heard Grey took the phone. 

I laughed softly. 

"Sorry about that, that was a mess,"
 Grey said.

"It's fine. That was fun." 

"Really?"
 I heard the relief in his voice. 
"Anyway, papunta na kami. Wait for us." 

He stopped in a sudden.

"Wait for me." 

I smiled. "Sure, sir." 

We laughed. 

Just few seconds later, the call ended and I saw Lyle was with someone over thr phone. 

"The usual place. Yes. Bye." 

Iyon lang ang narinig ko mula sa kanya. Ni-hindi nga tumagal ng isang minuto 'yong tawag. I doubt kung tumagal man lang ba 'yon ng thirty seconds. 

Grabe. Panis na panis na ata laway nito. Ano ba dila nito, ginto? Ayaw gamitin. 

After that phone call, Lyle opened the camera of his phone and took countless shots of the sunset. 

Ginaya ko rin siya. I took photos of the sky and the images were emotionally therapeutic.

"Ain't it cute?" bigla kong tanong kahit alam kong hindi naman makikinig si Lyle. "The sun and the moon were so in love with each other but they rarely meet. They longed for a whole year but they only meet every eclipse. That's why the sun ends the day with such beauty through sunset and the moon shines brightly at night, unveiling the beauty of the dark, to show their love for each other is unwavering."

Ngumiti ako at kumuha pa ng isang litrato.

"I hope I will meet someone like that. Someone who'll love me the way the moon misses the sun..." 

There was a long pause of silence until Lyle broke the ice.

"We all deserve someone like that."

I literally lost it. 

He was listening?

I looked at him with shocked face. I can't even think of anything to say. 

"But in this vast universe, do you think you would find that?" he later asked. 

I opened my mouth but nothing came out.

"Love is not for everybody."

I suddenly felt heavy for no reason. Lyle checked the photo he took from his phone. 

"It was you, right?" he asked out of the blue.

I looked at him, confused. "Huh?"

"It was you. The woman outside the convenience store that night."

I felt a bang in me. 

"The one who hugged me and the one I hugged back."

My eyes widened. 

From looking at his phone, Lyle met my eyes. 

"It was you, Reign Harriett."

My legs almost gave in. I wanted to object. I wanted to deny it but I couldn't. 

"Do you remember now?" I asked. 

He slowly nodded.

"How?" I asked. 

"You are wearing what you wore that night," he said. 

Doon ko napansin na suot ko rin ito ng gabing iyon—white shirt, beige-colored long coat and pants. 

Damn, Reign. 

Lyle took shots of the sun set again. But this time, the rays of the orange-colored sun light struck his face.

"Don't give that night any meaning. That was just a hug. I was drunk, I was out of my mind."

So hindi niya na-aalala kung bakit niya ako niyakap? 

"Sure," sagot ko. "Wala lang naman 'yon. Hindi naman big deal."

I saw Lyle did a nod.

"There are things that are better off forgotten and what happened that night could be one," he said. "Let's keep them as memories." 

"No problem," I said in relief.

Lyle didn't say a thing. After he slid back his phone to his pocket, he crossed the road and went inside a milk tea shop. 

I shook my head. 

Mabuti na ring yakap lang ang naaalala niya. Okay na ako roon.

Almost ten minutes had passed but Lyle didn't come out yet from the store. Dumilim na rin dahil alas sais na kaya napagdesisyunan kong tumawid. 

Sa pagtawid ko ay doon ko napansin ang night life. Nagkalat ang malalaking building, mga shops, mall, may mga karaoke hubs, convenience stores, fast food chain, spas, at clubs sa paligid. Nagkalat na rin ang mga tao at mga night lights.

Isang taon mahigit na ako sa Maynila pero hindi pa rin ako nasasanay. 

Napahinto naman ako sa pagtawid nang may pumarang kotse sa gilid ng club na katabi lang ng shop na pinasukan ni Lyle. Hindi tinted ang kotse kaya kitang-kita mo ang paghahalikan sa loob. 

At sa hindi ko sinasadya, nakita ko ang naghahalikan—dalawang lalaki. 

Literal na nanlaki ang mga mata ko.

Grabe?! 

Laking gulat ko nang bumukas ang pinto at lumabas ang isang lalaki. 

"Bye! I'll call you!" sigaw nito sa nasa loob at natatawang umalis ang lalaki at nag-drive papalayo.

Halatang lasing na lasing ito dahil hindi ito makatayo nang maayos.

Grabeng night life naman 'to, Manila. Alas sais pa lang, teka?! Bakit may naghahalikan na???

When the guy walked and faced my direction, confusion swallowed me.

He looked familiar, though.

White skin complexion, dyed hair, tall height—

My eyes widened.

Don't tell me—

Tinanggal ng lalaki ang sinuot niyang mask. Pulang-pula ang mukha nito dahil sa alak. Nang magtama ang paningin naming dalawa ay para bang nawalan din ito ng tama. 

Kahit siya at hindi malaman ang gagawin. 

"Reign?" he asked, confused.

"Nash?" I asked, dumbfounded.

He scratched his neck. "Did you... see everything?" 

I nodded with face in absolute perplexity.

"Fuck," bulong niya sa sarili at nilamukos ang mukha. "You know what, I don't care. I gotta go." 

"Teka, Nash!" habol ko sa kanya at hinawakan siya sa braso. "Anong nangyayari?" 

Nash rolled his eyes. "Didn't you see it? I was kissing a stranger inside his car. What explanation do you need?"

"I mean... why would you do that—"

"Why?" Nash asked frustratedly. "Fine, I'll tell you." 

Just then, the shop's door opened and Lyle walked out with drinks in his hands. 

"Reign, I'll tell you a top secret," Nash said while looking at my eyes. "You can destroy my life with this, I don't care." 

Lyle walked nearer and he stopped when he realized it was Nash. 

"Reign..." Nash started.

My eyes widened.

Lyle might hear it!

"No, Nash..." I whispered. My eyes kept on looking at Lyle back to Nash.

"Listen." 

"Nash..." I uttered with widened eyes when Lyle was literally just behind him.

"This is the truth..." 

"Nash, don't—"

Just then, the soft boy of West Carson High that everyone adored uttered his ultimate secret that Lyle and I have heard.

"I'M GAY."

# PART ELEVEN: "12-A's Deduction Show."

"I'M GAY." 

I stared at him for a really long time with my eyes wide opened. 

I can hear nothing aside from my loud heart beat. Sa sobrang lakas ng kalabog niyon ay para bang lalabas na iyon mula sa dibdib ko. 

Narinig ko naman ang sinabi niya. But why does my system refuse to acknowledge it?

There's nothing wrong in being gay but I never expected it from Nash.

"Now, think whatever you wanna think about me, wala na akong pakialam," namumula na sabi ni Nash. "Basta bakla ako. Wala nang magbabago pa r'on."

Lasing ito. Lasing pa rin ito at halatang-halata iyon. 

"I-chismis mo man ako or what, bahala ka na," dagdag niya at pansin kong frustrated ito. "I'm done with everything." 

Kung dapat ba akong kabahan dahil walang pakundangan niyang inamin sa 'kin ang bagay na kayang ikasira niya at ng career niyang nag-uumpisa pa lang o dahil ba alam kong hindi lang ako ang nakarinig ay hindi ko na alam. 

Sa likod ni Nash ay naroroon ang isa pang taong hindi sinasadyang narinig ang lahat.

Isang tao na hindi mo mabasa ang ugali dahil blangko ang mukha nito parati kaya hindi mo alam kung ano ang takbo ng isip niya. 

At iyon ang nakakatakot—hindi mo alam kung paano siya maglaro.

May hawak itong mga inumin at wala man lang bahid ng pagkagulat ang mukha dahil sa narinig.

Lyle Xavier Heimsworth was just behind Nash and was listening without even moving a single nerve after hearing Nash's naked truth.

I wanted to warn Nash but I can't even open my mouth to begin with. Papalit-palit ang tingin ko kay Lyle at sa kanya at ramdam na ramdam ko ang nerbiyos.

"Now, Reign, I have nothing more to explain," Nash said and for the first time, I saw pain in his eyes. "Kung lalayuan mo ako dahil bakla ako, go on." 

Nash turned his back aggressively and the moment he did, he literally stopped and he almost fainted when he saw Lyle just behind him.

Ang kanina niyang pulang-pula na mukha ay halos mawalan ng dugo. Kita sa mukha niya ang pagkabigla at halatang hindi niya malaman ang gagawin. 

"L-Lyle..." nauutal niyang bulong. Bakas sa boses ni Nash ang kaba at pagkabigla. 

Lumingon sa akin si Nash at halatang hindi niya malaman ang gagawin. 

"K-Kanina ka ba r'yan?" tanong ni Nash at halos manlumo siya. 

On the other hand, Lyle, like the usual, had no trace of emotion or even a little bit of interest on his face. He stared at Nash for few seconds and that few seconds felt like a decade. 

He heard it. 

Alam kong narinig niya ang lahat—loud and clear. 

Question is, anong gagawin niya? 

What this Heimsworth can do with that information?

Ipagsasa walang-bahala ba niya ito?

I-jujudge si Nash?

Or with the usual response of a world full of hatred, pandidirihan niya ba ito?

"L-Lyle, it's—"

Biglang naputol ang sasabihin ni Nash nang walang anu-ano'y gumalaw si Lyle. This time, he didn't ignore him. Instead, he offered one of his drinks to Nash. 

Kahit ako ay bahagyang nagulat at si Nash naman ay hindi maipinta ang mukha. Sa totoo lang ay mukhang iiyak na ito. 

"It might help you sober up," Lyle said casually. 

Nash looked at Lyle's face for few moments, as if he was seeking for something. With tears building up in his eyes, slowly, he took the drink. 

"Salamat..." mahinang bulong ni Nash. 

Never did I expect it from Lyle. Akala ko ay wala siyang pakialam sa lahat at sa kung ano mang nangyayari sa paligid niya.

Who would've thought that the cold as ice Lyle Xavier Heimsworth has this side?

He may not say it but I can see it through him: HE CARES. 

"BEEP BEEP!" 

Napatingin kaming tatlo sa kotseng huminto sa gilid namin. Nang bumukas ang bintana ng kotse ay isang lalaking naka-sunglasses ang bumungad sa amin. 

Naka-polo itong itim at kulang na lang ay tanggalin ang lahat ng  butones dahil kitang-kita ang dibdib niya. Halatang ipina-ayos din ang itim na buhok nito dahil nakahawi ang bangs niyang parating nakabagsak lang.

Levi Hudson took off his sunglasses and looked at us while his hand was still at his car's paddle.

"Come on, losers. We're going shopping," sabi nito.

The moment Nash saw him, he rolled his eyes. 

Doon dumungaw si Grey na nasa passenger's seat.

"Hi," nakangiti nitong bati. 

Hindi kagaya kanina, naka-ayos din ito. Nakasuot ito ng puting t-shirt at black and white na checkered polo. Suot din nito ang bilog nitong salamin at puting earphone. 

"Hi," bati ko pabalik at pilit na ngumiti.

"I mean, why are you so obsessed with me?" biglang sabi ni Levi na ikinagulat ko.

"Ha?" tanong ko. "Ewan ko sa 'yo, inaano ba kita?" 

Bigla silang tumawa nang malakas ni Grey. Kumunot ang noo ko.

"'Wag mong intindihin 'yan," sabi ni Grey. "Na-scout kasi siya sa remake ng Mean Girls. Na-receive na niya ang script kahit next year pa ang filming." 

Tumangu-tango ako. Nawala ang ngiti ni Grey nang nakita niya si Lyle. 

"Are you with them?" he asked. 

"Oo, e. Lahat kami walang masakyan," sagot ko. 

"Dalawa lang available seat. Okay lang ba sa mga kasama mo kahit magsiksikan sa likod?" tanong ni Grey.

Doon ako napatingin kay Lyle at Nash. 

Nash wasn't saying anything, so did Lyle. 

"Wow, gandang trio, ah?" tanong ni Levi. "Isang trans, isang exam flunker at isang..." huminto ito nang tingnan si Lyle. "Ano ka ulit, brad? Nawawalan ako ng term sa pag de-describe sa 'yo. Ganoon ka katindi." 

Lyle met Levi's eyes which made Levi laughed. "Why, Lyle? Fight back. Nang makita nila kung gaano ka—"

"Tama na," awat ni Grey. 

Levi just shrugged. "Nakaka-umay na kasi pagbabait-baitan. Akala mo hindi—okay, okay. I'll shut up. By the way Burlington, ba't namumula ka? Type mo 'ko?" 

Nash looked at him sharply. "Fuck you."

"Is that a curse or a request?" Levi asked. "I'm a hard fucker, Burlington. Baka umiyak ka."

"Gago ka ba?" tanong ni Nash.

Tumawa lang si Levi nang malakas. 

Maya-maya'y lumabas na si Grey at lumapit sa amin. 

"Okay lang ba kung tabi kayo ni Levi sa passenger's seat?" tanong ni Grey sa akin habang nakatingin sa mga mata ko. "Kami na lang tatlo sa likod para hindi ka magitgit." 

"Ayos lang naman," sabi ko. "Pero hindi ba nakakahiya?" 

"Mas mahiya ka kapag tinanggihan mo 'ko," sabi niya at ngumiti. "I went all the way here for you." 

Hindi ako makasagot. Tipid na ngiti lang ang naging tugon ko.

"Salamat," mahina kong sabi. 

Nginitian lang ako ni Grey at tiningnan sila Nash at Lyle. 

"Doon tayong tatlo sa likod, ayos lang ba?" tanong niya. 

"Ako, uuwi akong mag-isa—" natigil si Nash nang bigla akong kumawit sa braso niya.

"May strike, wala kang masasakyan," mahina kong bulong.

"Ayoko magtiis kasama sa iisang kotse 'yang hambog na 'yan," sabi nito at sinipat si Levi.

"Magtiis ka na lang muna," sabi ko.

Nash just sighed hard. 

"Then settled," sabi ni Grey at ngumiti. Nawala naman ang pagkakangiti nito at sumeryoso nang tingnan si Lyle. "Ikaw?" 

Lyle didn't say a thing. He didn't even look at Grey. In a snap, he walked away, snobbing everyone of us without even saying goodbye, without even looking back at all.

"See?" sabi ni Levi at natatawang umiling dahil sa frustration. "Napakasama ng ugali. Bastos."

When I looked at Grey, he was just watching Lyle walking away. Walang bahid ng pagka-inis sa mukha nito—wala kahit na ano. 

"Walang masasakyan, 'di ba?" tanong ko. "Paano si Lyle?" 

"Lyle is the most independent person I know," sagot ni Grey habang pinanunuod pa rin si Lyle na naglalakad papalayo at tumingin sa amin. "He'll be fine." 

"Will he?" tanong kong muli.

"Surely," sagot ni Grey. "Anyway, sa likod na kayo ni Nash since hindi sumama si Lyle. Hindi mo na kailangang tiisin si Levi."

Tinapik nito ang balikat ko at ngumiti bago pumasok. 

"Nash, let's go," sabi ko kay Nash. "Tsaka natin pag-usapan 'yong nakita ko. Ang mahalaga, maka-uwi muna tayo."

"Okaaaay," Nash said and shrugged. Gegewang-gewang itong naglakad kaya inalalayan ko siya makapasok. 

"Yay Burlington, lasing ka ba? 'Pag lasing uwi na," rinig kong pang-aasar ni Levi kay Nash sa loob ng kotse. 

"Ako nababanas na 'ko Levi," sagot ni Nash. "'Pag hinamon kita ng suntukan, walang sumbungan sa lolo mong pulis, ha?"

Halakhak ni Levi ang sunod na maririnig. 

Nanatili naman akong nakatayo at hawak-hawak ang pinto ng kotse habang pinanunuod muli si Lyle na naglalakad sa malayo. Ni-minsan ay hindi iyon lumingon pero bawat madaraanan niya ay napapalingon sa kanya. 

"Reign." 

Doon ako napatingin kay Grey na nasa labas pa rin at hinihintay ako pumasok. Hawak nito ang pinto ng kotse at tiningnan ang tinitingnan ko. Nang mapansin niyang si Lyle iyon ay tiningnan niya akong muli at bahagyang ngumiti. 

"He'll be fine, I promise," he said. 

"I hope so," sagot ko at pumasok na sa loob. 

Anong nangyari sa kanila para magkaganito sila?

If they used to be a trio, what broke their bond? 

Ang sabi ni Hale, magkakasama itong tatlo na lumaki. Kung kilala nila ang isa't isa simula bata pa lang, paniguradong masyadong mabigat ang nangyari para itrato nila nang ganito ang isa't isa. 

Ano ang tinutukoy ni Levi na kapasidad ni Lyle na gawin at nagbabait-baitan pa raw? 

Ano ang naging dahilan para talikuran ni Grey, na isang taong ma-prinsipyo, ang kababata niya? 

Matagal silang mga nagkasama—sabay-sabay pang lumaki. 

If there's someone who should understand and protect Lyle when his dad was convicted because of graft, sila dapat 'yon.

What exactly did Lyle do?

Or what did Levi and Grey do to Lyle?

I wonder. I really do.

Sa buong biyahe ay walang umiimik sa aming dalawa ni Nash. Nakatulala lang ito sa bintana at hindi sumasagot sa kahit na anong tanong ko o ni Grey sa kanya. 

Si Levi naman ay nag me-memorize ng lines niya para sa shooting niya sa isang show next weekend habang nag d-drive. Kinalaunan ay nabagot ito at nagpatugtog ng kanta habang inaasar kami ni Nash. 

Si Grey naman ay maya't maya lingon at nagtatanong kung okay lang daw ba kami sa likod, kung kumportable kami sa lakas ng aircon, o kung ayos lang sa amin ang kanta na tumugtog. He even offered to go to the drive thru kung gusto naming kumain. But seeing Nash, ang mahalaga ngayon ay ang maka-uwi kami kaya tumanggi ako. Like the gentleman he is, he accepted it with an understanding smile.

Not too long after, huminto na ang kotse ni Levi.

"We're here," sabi ni Levi.

Tiningnan ni Grey ang labas at iyon na nga ang building namin.

Doon kami nilingon ni Grey.

"Nash, kaya mo ba?" tanong nito. "Gusto mo ihatid kita sa unit mo?" 

"Kaya ko," sagot ni Nash na halatang bumaba na ang pagkalasing. 

"Babae ba 'yan si Burlington para ihatid pa door-to-door?" tanong ni Levi. "Kung babae 'yan baka ako pa magbuhat and you know..." 

Halatang walang sapat na pasensya si Nash para kay Levi. 

"Salamat, Grey," sabi ni Nash at nagtanggal ng seat belt. "Sinalo mo na lahat ng manners sa mundo, hindi ka na nagtira para sa kaibigan mong bastos."

"Oo nga, e, kinuha ni Lyle lahat," sagot ni Levi. Nang makita nito na binubuksan na ni Nash ang pinto ay ngumisi ito. "Do you want me to open the door for you, baby girl?" 

Agresibong binuksan ni Nash ang pinto at nagtaas ng middle finger niya kay Levi bago pabalang na isinara ang pinto. 

Tumawa nang malakas si Levi. "Kita niyo 'yon? Badtrip si tanga."

"Nakaka-offend ka na kasi," pakikisali ko at nagtanggal ng seat belt.

"Okay, sabi mo e," sagot ni Levi. "Baka mag-iyakan pa kayo sa labas dahil offensive ako?" 

"Mama mo," badtrip ko ring sagot.

"Wow, wala man lang salamat? Okay sayang oil ng kotse ko, oookaaaay," pang-aasar ni Levi. 

"Edi salamat," sagot ko at lumabas. "Baka 'di ka pa makatulog." 

Isinara ko rin ang pinto at lumabas. Pagtingin ko ay nakapasok na sa building si Nash at hindi na ako hinintay. 

"Reign! Saglit!" 

Doon ako lumingon at nakita kong lumabas si Grey ng kotse. 

"Bakit?" tanong ko. 

May ini-abot ito sa akin at milk tea iyon—iyong milk tea na ibinigay ni Lyle kay Nash. 

"Salamat," sagot ko. "Pasensya na rin sa abala ha." 

"Wala 'yon," sabi ni Grey. "Galing kay Lyle 'yan?" 

Awkward akong tumango. "Ibinigay niya kay Nash kanina. How did you know?" 

"'Yan lang nag-iisang milk tea flavor na iniinom niya," sagot ni Grey.

"Oh," sagot ko at bahagyang tumango. "Matcha. Hindi ba lasang damo 'to?" 

Natawa si Grey. "Hindi, a. Masarap naman. Teka, may ibibigay ako. Lahad mo kamay mo." 

Kumunot ang noo ko. "Ano?" 

"Basta, lahad mo na lang kamay mo," sagot niya. 

Nagkatitigan kami ng ilang segundo at parehong nangingiti. Inilahad ko ang palad ko sa harap niya at may inilagay siya roon. Nang tingnan ko ay isang candy. 

"Flip it," utos niya at ginawa ko naman. 

Isa iyong candy na may statement sa likod. When I looked at the statement printed on it, I can't help but to smile wider. 

'Ang ganda mo' 

"Sobra," dagdag ni Grey sa nakasulat.

We were looking at each other's eyes deeply until we bursted out laughing softly.

"Is this flirting?" tanong ko.

"I don't know," he said. "Getting to know you stage, I guess?" 

Bahagya kaming natawa ulit at natigil ako nang walang anu-ano'y ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at dahan-dahan iyong tinapik.

Grey was tall—even the tallest in the class that's why I was just looking up to him with my heart racing inside me. I can feel the butterflies in me—even the whole zoo. 

"What... are you doing?" I asked. 

"Washing away your worries," he said fondly. "By now, I know, alam mo nang kaibigan namin si Lyle and the look in your eyes earlier says you are curious about what happened. Hindi ko maikukuwento nang buo but something I can tell you is we parted ways for our own good."

"Ganoon ba kadali 'yon?" tanong ko.

Grey continued patting my head softly. "That's the irony of life. There are friendships that won't last forever even though the bond was real. And even if you are that close, there are friendships that end just because you stopped talking."

Hindi ako nakakibo. May punto si Grey. Ilang segundo rin kaming natahimik hanggang nakita kong tumaas ang sulok ng labi niya.

"This is my love language, Reign Harriett," he said while looking at my hair down to my eyes. "I hope you'll remember this." 

It felt like I was melting. The moment was indeed, poetic.

Natigil lang kami nang bumusina nang malakas si Levi.

"Allergic ako sa romance so please stop," sabi nito. "Grey, tara na!"

"Teka brad," sabi ni Grey at bahagyang natawa. 

"May pupuntahan pa kayo?" tanong ko. 

Grey nodded. "Why? Pagagalitan mo 'ko?"

"Bakit kita pagagalitan?" taka kong tanong. 

"Why not?" tanong niya. "Come on, pagbawalan mo 'ko. Let me hear it." 

I shook my head while smiling. 

"We are going to film something," sagot ni Grey kinakaunan. "A birthday VLOG." 

Kumunot ang noo ko. "Birthday VLOG?" 

Tumango si Grey. "Today is Levi's 18th birthday, 'di lang halata." 

My eyes widened. "SERYOSO?!" 

"Oo. Ayaw niya lang na cine-celebrate," sagot ni Grey. "Pero para sa fans niya, he feels like he needs to thank them through the VLOG." 

"Wait, babatiin ko," sabi ko at akmang lalapitan ang kotse nang unti-unting sumara ang bintana.

"Don't mention it!" sigaw ni Levi. "Please, I'll just cringe!"

At doon na tuluyang sumara ang bintana. Maang na napahinto naman ako.

Ang bastos???

"See?" sabi ni Grey at bahagyang natawa. "Una na kami, Reign. See you in school." 

"Sige, ingat!" bati ko. 

Nang pumasok si Grey ay agad na sinara ni Levi ang pinto. Nag-'bleh' pa ito sa akin bago iyong tulungang sumara. Pinanuod ko silang umandar hanggang mawala sila sa paningin ko.

Nang ako na lang mag-isa ang natira ay doon na ako napangiti. 

One person from 12-A turned eighteen. 

Isa-isa na silang nagiging legal age, which only means one thing—they are one by one becoming legal enough to face their crimes.

"Just wait for it..." bulong ko sa sarili at tiningnan ang candy na ibinigay ni Grey. "I'm the parasite who will destroy the entire 12-A which is my host..."

For the next minutes, nakita ko ang sarili kong nasa rooftop ng building at nakahinga nang maluwag nang makita si Nash doon. Pumunta kasi ako sa unit niya at hindi siya lumalabas only to find out na naririto siya at nagpapahangin. 

Lumapit ako sa kanya at tumabi. Napatingin siya sa akin at muling tumingin sa kawalan kinalaunan. 

"Pumunta ako sa unit mo, wala ka." 

"Obviously," sagot ni Nash.

"Ang maldita mo ha," ganti ko. "Nagsasabi lang ako!"

"Duh, obvious naman kasi," sabi ni Nash. "Magulat ka kung nakita mo ako roon kahit nandito talaga ako. Baka magtatatakbo ka pa palabas ng building." 

Bahagya kaming nagkatawanan.

"Kumusta ka?" tanong ko. 

"Ewan," sabi niya. "'Di ko alam." 

Bumuntong-hininga siya at tumingin sa langit. 

"Sapat na rason naman 'yon, ano?" 

"Syempre. Sapat 'yon dahil 'yun 'yong nararamdaman mo. May ganoon talaga. Minsan okay ka, minsan hindi, minsan ewan." 

Nash smiled weakly. "Like...you don't wanna die yet but you have nothing to live for either."

I looked at him with empathy. "Nash..." 

"Ewan, pagod na ata talaga ako sa lahat." 

"How about your dreams?" tanong ko. "Hindi ka na ba na-eexcite na mag-debut bilang idol? 'Yong satisfaction na kumanta at mag-perform?" 

"Mayroon pa rin naman kaso lang...nakaka-suffocate minsan. What if stuck na ako rito dahil dito lang ako magaling? Paano kung hindi ako maging successful, paano lahat ng pagod—maging ang kabataan ko na isinakripisyo ko para sa pangarap ko? Paano...kung masayang ang lahat sa dulo? Saan ako pupulutin?" 

Nash sighed.

"Iyon 'yong dilemma ko lately. Nakakapagod mangarap. Nakakatakot sumugal."

I can see his pain, I can also feel it right through my chest. 

"Nasabi ko naman na nag-stop ako last year for my mental health, 'di ba?" tanong ko. 

Nash looked at me and nodded.

"It was because of my dream, too. Darating talaga tayo sa punto na ma-rerealize natin na marunong lang tayo, hindi magaling. Magaling man, hindi naman mahusay. Pero isipin mo. Ano naman kung hindi tayo magaling? Ano naman kung hindi tayo mahusay? Ang mahalaga, marunong tayo. Kung hindi man, at least willing tayo matuto. Willingness to learn is the first step to success. As long as your dream is alive in your heart, no one can take away its light." 

I saw tears started to glimmer in Nash's eyes. He smiled at me emotionally. "Paano kung 'yong mga pangarap ko manatiling pangarap na lang?" 

"Then do something to make it work," sagot ko. "May mga prayers tayo na akala natin unanswered prayers na but time will come na ma-rerealize natin na hindi siya unanswered. God will give that to us in the perfect time that we are strong enough to handle it. At saka, napakaraming bagay na dinarasal lang natin noon pero hindi natin napapansin na natupad na. Dati lang, dinarasal mong maging idol. Na-scout ka ng agency, na-train ka, now, look at you. You are in the line up to debut. The things you were just praying yesterday became today's reality. That's how powerful dreams are."

Nash continued to tear up. "Ba't 'di ka maging motivational speaker?"

"Hindi pwede, may fear ako sa public speaking. Baka malunok ko ang mic."

Bahagya kaming nagkatawanan ni Nash. 

"There's something like a hindrance too," sabi ni Nash and he smiled weakly. "My sexuality." 

I looked at his eyes and he wasn't joking. 

"It's real, Reign. Hindi lang dahil lasing ako. I'm gay." 

"Nash..." I uttered. 

I wanted to open up that topic but I can't find a chance to do so. Ngayong siya na ang nag-initiate ay hindi ko na alam ang gagawin. 

"Not a bisexual or a pansexual or anything," Nash said. "I'm gay. As in gay. I'm attracted to nothing but guys." 

I bit my tongue. "C-Cool." 

"Cool?" tanong ni Nash at tiningnan ako. "Hindi ka gulat?"

"S-Syempre, gulat, 'no. Ikaw kaya makakita ng naghahalikan sa loob ng kotse ng alas sais ng gabi." 

Bahagyang natawa si Nash.

"Pero, sa akin lang, kung... kung 'yon ang gender mo, there shouldn't be a problem. I mean, ikaw 'yan, e. 'Yan ang pagkakakilala mo sa sarili mo gaya ng pagkakakilala ko sa sarili ko bilang babae. Wala namang ipinagkaiba. Hangga't wala kang naaapakang tao, I have nothing against it. Go date guys—iyong mas gwapo kay Levi para wala siyang masabi." 

Nash smiled and looked down. "Thank you, Reign. Thank you for accepting me for who I am." 

"You don't have to thank me," sagot ko. "Normal lang 'yon." 

"Pero sa nature ng pangarap ko, hindi," sabi ni Nash. "Idol ako, Reign—a public figure. We need to please the public, we need to appeal ourselves to them. Alam naman natin kung gaano ka-homophobic ang publiko sa mga gaya ko. Yes, the gay, lesbian, and people like me are tolerated because you can see us everywhere but we are not yet accepted. There's an empowerment but we lack general acceptance." 

Nash sighed. Ramdam na ramdam ko ang hirap niya. 

"And worse? Namimili sila," dagdag ni Nash. "Kung bakla ka dapat gwapo ka, matalino ka, entertainer ka, mayaman ka, at dapat successful ka. If you're not any of those, they won't accept you. That's how they view people like me in the society that we have. Kaya ang iba, pinipili na lang huwag magpakatotoo. Paano ako? Paano ang pangarap ko? Imagine a gay in a boy group? Baka mag-freak out ang management ko." 

"So anong plano mo?" tanong ko. "Will you keep it as a secret?" 

"As if I have a choice," sagot niya. "I can't give up my dream, Reign. Not now." 

I nodded. I fully understood what he was going through. 

"Marami bang nakaka-alam?" tanong ko. 

Umiling siya. "Aside sa ex ko, ikaw pa lang." 

I bit my tongue. In his seventeen years of existence, dalawang tao pa lang ang nakaka-alam. Imagine the struggle of being yourself and imagine being sorry for being yourself. Nash had been through a lot. 

"Kung ganoon, edi feel free to be free around me," sagot ko. "May mga friend akong gay noong high school, mga cross-dresser pa 'yon at ginagawang blush on mga liptint ko at parating umuubos ng pulbo ko." 

"Hindi ako ganoon," sabi ni Nash at natawa. "Not all gays are cross-dressers or interested in make up. 'Yong iba sa amin, straight kung kumilos, manamit, magsalita—and all. It's just that... we are attracted to guys—romantically and sexually." 

"Ooooh," reaksyon ko. "Pwede pala 'yon?" 

"Yup," sagot niya. "It's a matter of choice and preference."

"Anu-ano ba ang uri ng sexuality?" tanong ko. "Hindi kasi ako aware. Gay and bi lang alam ko."

Nash shook his head.

"Una, mayroong heterosexuality. Sila 'yong mga attrated sa mga opposite sex. Technically, sila 'yong mga straight. Then we have bisexuality, 'yong mga attracted sa dalawang gender. Homosexuality naman ang tawag 'pag attracted ka sa same gender mo. We have gay na male attracted to male and lesbian na female na attracted sa kapwa female."

"E, ano 'yong queer?" tanong ko. "Madalas ko mabasa sa mga english novels 'yon, e."

"Queer is umbrella term that fits all the people who have non-heterosexual attractions. Lahat ng 'di straight, ito ang tawag. Like, lahat tayo iba-iba ng lahi pero pare-parehong tao. Ganon." 

I nodded. 

"Of course, ang pansexual. Na-aattract sila regardless of the gender.  Next is polysexual na na-aattract sa maraming gender. Then the demisexual na na-aatract lang sa taong may emotional connection sila. Wala silang pake sa love at first sight. Then we have the very famous sapiosexual na na-aattract sa talino ng isang tao." 

"Ang dami pala," sabi ko. "Nahilo ata ako?"

"Feel mo tapos na?" tanong niya. "We have asexual na may katiting o minsan nga wala talagang attraction sa particular gender. As in wala talagang pake. Then we have aromantic, sila 'yong mga literal na hindi na-aatract or na-iinlove. Kumabaga parang ugali ni Lyle, ganoon. Ayaw kong mang-judge pero parang aromantic talaga siya, e." 

"Malayo," sagot ko. "'Di ba nga, first love niya si Missi?" 

"Ay, oo," sagot ni Nash. "Nalimutan ko na 'yon, a."

That's when I looked at him. So it's real. Hindi lang iyon sikreto. Lahat sila sa 12-A ay nakaka-alam niyon. 

"Ba't parang hindi ka nagulat?" tanong ko.

"Saan? Kay Missi?" tanong niya. "Alam naman ng buong klase 'yon. Missi grew up with Levi, Grey, and Lyle. Besides, si Missi ata unang babae na naging kaibigan ni Lyle kaya hindi na rin nakapagtataka. You know, childhood sweetheart." 

Point taken. 

Nash sighed. "Ang hirap ng buhay." 

I looked at him. "Boyfriend mo ba kasama mo kanina?" 

"'Yong sa kotse?" tanong ni Nash. "No. Just a random stranger." 

Nanlaki ang mga mata ko. "TOTOO BA?!" 

Natawa si Nash. "Yup. Welcome to the gay world, Reign. Besides, single naman na ako. I broke up with someone who doesn't value me the way I valued him." 

"Okay ka lang?" tanong ko.

"Not really but I know someday I will. Besides, it's 2021. We don't settle for things we don't deserve anymore. Sometimes in life, we gotta turn our back and seek for our glow." 

"Tss," reaksyon ko na ikinatawa niya. 

"Thank you, Nash," sabi ko. "Thank you for trusting me." 

"No, ako dapat ang mag pasalamat," sagot niya. "Thank you for not judging me, Reign. I... really appreciate it. Thank you for being a good friend."

Friend. 

A good friend. 

It echoed in my mind. 

Nasa West Carson High ako at wala akong dapat na kaibiganin. Hindi ako pwedeng ma-attach sa kahit na sino.

Lahat ay kalaban.

Lahat ay suspect. 

Pilit akong ngumiti. "Of course. Pero...paano si Lyle? Narinig din niya ang lahat." 

"Lyle?" tanong ni Nash at ngumisi. "Thinking about it now, we shouldn't worry. Wala pakialam sa mundo 'yon. As long as hindi siya apektado, wala siyang pakialam. Lyle is no threat." 

Tugmang-tugma sa sinabi ni Hale.

Lyle simply doesn't care.

Doesn't he really care or he's secretly up for something? 

Patuloy na tumingin si Nash sa kalangitan at bumuntong-hininga. 

"Haaaay," sabi niya. "Parang utang pa yata sa mundo ang pagiging masaya." 

Maya-maya ay tumunog ang cellphone ni Nash.

"Ba't tumatawag 'tong t'yanak na 'to?" bulong ni Naah at sinagot iyon. "Hello Braelyn—"

"YAH!"
 bungad nito at napangiwi si Nash. 
"

NASA'N

 

KA

?!"

"BAKIT KA SUMISIGAW?!" sigaw pabalik ni Nash. "BAKIT BA?!"

"

INIWAN

 AKO NI MISSI!"
 sigaw din nito. 
"

Nagpasama

 

tapos

 

nang

 may maka-date na 

lalaki

 

iniwan

 ako! 

PAANO

 NAMAN AKO?! WALA AKONG 

MASAKYAN

?!"

"Edi tawagan mo daddy mo!" sabi ni Nash.

"

TUMAKAS

 LANG AKO!"
 sigaw uli ni Braelyn. 
"

Bwisit

 kasi. May strike na nga 

dahil

 

napaka

 anti-poor ng modernization, may pa-RNC Bubble pa! Restricted ang transportation sa 

buong

 RNC region, Nash! 

Bawal

 

bumiyahe

 ang private transpo businesses! 

Shuta

 'yanf RNC Bubble na 'yan. 

Ano

 tayo, system update ng Android? Bubble 

ampota

."

"Kumalma ka, tatawagan ko si Grey, okay?" 

"

Paano

 ako 

kakalma

? Maypa-Hard RNC at Soft RNC pa sila. 

Ano

 'to, massage?'

Nash laughed but I can't.

I was, in fact, disturbed.

I am disturbed with the fact that Lyle knows his secret.

Hindi ba talaga banta si Lyle?

Wala ba talaga siyang pakialam?

Or he's plotting for something big and disastrous?

Lyle Xavier Heimsworth, is there a monster beneath your mask? 

What exactly are you hiding?

———

LEIGH IMPAKTA 

"Hey, Reese. I did a background check on Reign. Wanna have fun?" 

Napangiwi si Reese habang binabasa ang text na na-receive niya.

"Anong wanna have fun," bulong nito sa sarili at patuloy na nginuya ang bubble gum sa bibig niya. "Ba't parang nag-aaya siya ng sex." 

Hindi niya ito sinagot at isinilid ang phone niya sa bulsa niya. 

"Kailan ba darating 'tong babaeng 'to, nilalamok na 'ko," reklamo niya habang yakap-yakap ang sarili at pinagtitinginan ng mga taong dumaraan.

Kasalukuyan siyang nasa isang lugar na kung saan ang mga bahay ay pinagtagpi-tagpi lamang. At dahil sa kasuotan niyang halos lahat ay itim na leather na taliwas sa mga kasuotan ng naroroon ay pinagtitinginan siya ng lahat. 

"Gabi na may mga chismosa pa rin," nakangising sabi ni Reese. "Iba ang chismis, timeless." 

Naghintay pa si Reese nang ilang minuto sa tabi ng isang bahay at maya-maya lang ay dumating na ang hinihintay niya. 

"Oo, naka-ubos tayo," nakangiti nitong sabi. "Naku, mukhang malaki ang itinubo!"

Ngiting-ngiti ito habang kasama ang dalawang bata ngunit awtomatikong napawi ang ngiti nito nang napansin siya.

Ngumiti si Reese at kumaway. Nguya-nguya ang chewing gum na lumapit siya rito at ang babae ay agad na nag-panic at hindi mapakali.

"Hi," sabi ni Reese. "Why naman 'di ka sumasagot sa mga text ko? Napuntahan pa tuloy kita rito. Tingin mo ba hindi kita matutunton?"

Lalong natakot ang babae. Bakas sa mukha nito na gusto na nitong tumakbo.

"Ate sino 'yan...?" tanong ng batang kasama nito. 

Doon tiningnan ni Reese ang batang babae.

"Frenny," sagot ni Reese. "Frenny ako ng ate mo." 

Agad na kinuha ng babae ang kapatid at itinago sa likuran niya. 

"'Wag ang kapatid ko, Reese," mariing sabi nito.

"Chill, girl," nakangising sabi ni Reese. "Hindi ako pumapatol sa bata." 

"Pumasok ka r'on, Mae, bilis!" utos nito sa kapatid. Nag-aalinlangan man ay mabilis na pumasok ang bata. 

Napa-iling si Reese. "Girl, 'wag ka mag-panic. Ikaw lang ang may atraso sa 'kin, hindi ang pamilya mo." 

"Anong kailangan mo?" tanong ng babae. Halos maiyak na ito sa takot.

Unti-unti niyang nilapitan ang babae. "I went here to bring you back to your senses." 

Inamoy siya ni Reese at ngumiwi. "You smell poor. No wonder why you stick your nose to our section despite not being part of us anymore. Regrets, I guess?" 

"Sa 'yo na nanggaling na wala na ako sa inyo. Bakit... bakit ginugulo mo pa rin ang buhay ko?" tanong nito at halos umiyak na nang todo sa takot.

"Don't play the victim card. Hindi bagay sa 'yo. Oppressor ka, tanga," bulong ni Reese. "Puro ka pa-awa, wala kang maloloko. After all the help that we did, kami pa ang masama? Ang kapal naman pala mukha mo. Basura ka, mababang uri ng tao, patapon sa lipunan. Tingin mo isang kagaya mong walang bilang ang sisira sa 'kin?" 

"Reese..." bulong ng babae at nagsimula na itong lumuha.

Tinapik ni Reese ang pisngi ng babae gamit ang likod ng palad niya. "Alam mong kaya kong ipa-void ang scholarship mo sa West Carson High, right?" 

Nanlaki ang mga mata ng babae at tuluyang tumulo ang mga luha. 

Reese smirked. She inched the gap of their face and from there, she whispered something that brought chills to the woman's spine.

"Learn your place, Jal Perez..." 

———

Pile of papers.

Dark room. 

One table. 

Sa isang kwarto ay makikita ang lalaking kilala sa tawag na Detective Howell. Sikat ito sa mundo ng batas at krimen dahil na rin sa dami ng kasong natulungan nitong maresolba. Naka-upo ito sa isang upuan at sa harap nito ay mga nagkalat na mga papel at litrato. 

Sa kabilang upuan naman ay makikita ang isa ring lalaki na kilala bilang Jax Scott. Mula ito sa angkan ng pamilyang matagal nang napatunayan ang husay sa batas at pulitika. 

"Welcome to 12-A's Deduction Show, where the world fears the minors, and the minors' role is to inflict pain and terror to the world..." Jax started, looking at Detective Howell. 

Pumalakpak naman si Detective Howell bago tuluyang kinuha ang papel sa harapan niya. "Prosecutor Jax, you may start." 

"Thanks," sagot ni Jax. "This case involves a teacher who was murdered in her student's house. Matapos mapanalunan ng West Carson High ang National Sports Competition, nagsagawa sila ng party para i-celebrate iyon. The same night, a dead body bathing with her own blood was found." 

"Sino ang victim?"

"Roseann Jess Tolitol, 23, a graduate of Bachelor of Secondary Education Major In English. Siya ang adviser ng 12-A simula Grade 11 sila." 

"Paano siya nakilala habang nabubuhay pa siya? What's her image?" tanong ni Howell.

"Well, a loving sister, a good daughter, an honor student, friendly teacher—she literally had a good image. Kaya ang motibo ng krimen ay mahirap alamin." 

"Complicated," sagot ni Howell. "Now, who are the suspects?" 

Kinuha ni Jax ang kumpon ng mga litrato sa table at naglahad ng isang litrato at isa iyong class picture. 

"What about this?" he asked.

"The entire 12-A is the suspect except for one..." inilahad nito ang isang litrato. "Lyle Heimsworth." 

"From the Heimsworth clan?" 

Tumango si Jax. "Hindi siya umattend sa party kaya wala siya sa crime scene. Simple as that." 

Tumangu-tango si Howell.

"Now, for the suspects and the reasons behind it," sagot ni Jax at isa-isang nilahad ang litrato ng mga suspect. 

"First, for the under surveillance, Ivan Gliponeo.  Siya ang pumalit na adviser ng 12-A. Ayon sa source ko ay matagal na niyang gustong hawakan ang 12-A. Pero dahil pataasan ng evaluation score ang batayan sa paghawak ng higher sections, lagi siyang natatalo ni Roseann. That can be a motive." 

"What made him under surveillance, then? Hindi ba't strong motive na 'yan?" 

"Yup but just like Lyle, wala siya sa crime scene." 

Naintindihan iyon ni Howell. 

"Now here are the suspects," simula ni Jax. "First, Hale Parker."

"The detainee?" 

"Yes," sagot ni Jax. "He was caught on act na tinatanggal ang kutsilyo mula sa dibdib ng teacher nila. In his defense, ang sabi niya humihingi siya ng tulong pero sa lakas ng tugtog ay walang nakaririnig sa kanya. Kaya siya ang nagtanggal ng kutsilyo dahil akala niya makatutulong iyon pero dumating ang mga kaklase niya at nahuli siya. Nakita rin ang fingerprints niya sa kutsilyo ayon sa forensics." 

"What made you doubt his guilt?" 

"Things seem off. Planado ang lahat. Nangyari ang krimen sa bahay niya kung saan naganap ang party. Disabled ang mga CCTV dahil sa request ng mga estudyante dahil baka... alam mo na, they may do something wild. Kung sya talaga ang pumatay, bakit niya gagawin iyon sa bahay niya? Bakit niya huhugutin ang kutsilyo na kung saan posibleng mag-iwan siya ng marka, gaya ng fingerprints? Bakit siya nag-stay doon imbis na tumakbo o umakto? That made me doubt his guilt and his classmates' innocence." 

Kinuha ni Jax ang natitirang mga litrato at inilatag iyon lahat. 

"Reese Turner, the school's war freak. She's unpredictable and usually resorts to violence whenever  she wants to. Based on my source, parati siyang napupuna ng teacher nila dahil laging late at sa behavior niya."

"Nashville Burlington, the school's idol. He's ambitious and we all know what ambitious people are capable of. Based on my source, nagka-disagreement sila ng victim noon. She told him his voice was plain for an idol."

"Next, Greysen Finch, the class president. Close sila ng adviser nila pero matapos siyang mapuna tungkol sa pamamalakad niya ng section at nasabihang incompetent, they stopped talking."

"Everleigh Miller, the school's witch. Technically, lahat ng grades niya ay line of nine except sa subject ng adviser nila. Hindi siya nakakuha ng special award last school year dahil sa kanya." 

"Mississippi Smith, the school uniform's model.  Medyo special case ito dahil itong batang ito ay hindi kabisado ang spelling ng pangalan niya. Minsan, na-prangka siya ng teacher at nasabihang 'tanga'. Missi is a spoiled child—we know how unpredicted kid like her is."

"Next, Levi Hudson, the child actor and model. People like him have so much pride. One time, hindi nakapasok si Levi dahil may shooting pero hindi naging valid reason iyon sa adviser nila. In the end, hindi siya nakapag-exam and he failed the subject. Nag-summer class pa siya just to retake it." 

"Lastly, Braelyn Yngrid. Their adviser was an activist and Braelyn's dad works in Bangko Sentral. Kapag umaabot ang lesson tungkol sa society at paano sinisira ng mga kapitalista ang mundo, madalas nagkaka-initan sila ni Braelyn dahil na-ooffend ito para sa ama."

Howell looked at all the photos. Hindi siya makapaniwalang isa sa mga batang iyon ang posibleng kriminal.

"Lahat ng mga estudyanteng ito ang naging mga pangunahing suspect ko. And... something solidifies that." 

May inilahad muli itong litrato ng isang babae 

"Sino 'to?" tanong ni Howell. 

"Jal Perez." 

"A suspect?" 

"No," sagot ni Jax. "Someone who can help us solve the mystery." 

"What about her?" Howell asked. 

"12-A has this ritual. Itinataboy nila ang mga bagong salta sa section nila every year. Gumagamit sila ng lahat—pamamahiya, pananabotahe, kahit pa dahas. At isa siya, maging si Hale Parker, sa mga nabiktima nila."

"Bakit nila 'yon ginagawa?" Howell asked, terrified that young people like them were doing that.

"Hindi ko pa alam. Ang ideya ko ay may tinatago silang ayaw nilang malaman ng kahit na sibi. Na parang sa section lang dapat nila iyon. Which made me think that they conspired to frame up Hale Parker para mawala ito sa section nila."

"Mabigat na claim 'yan, Jax," sagot ni Howell. "Delikado."

"I know pero may mga patunay na ako. At every year, nagpapalit-palit kung sino ang naka-assign na bully para sa bagong salta. Like nung kay Jal, si Reese ang bully niya. Ngayong kay Reign, si Everleigh."

"What are you trying to imply?" Howell asked.

"What I'm trying to say is they have the team work, Howell. And that's dangerous."

"What's your theories, then?" Howell asked with loads of theories forming in his mind.

"My first theory is Hale did the crime. Second, there could be two people who teamed up. And lastly..." 

Jax stopped and looked fiercely in Howell's eyes. 

"The whole 12-A did the crime..."

Howell gasped for air. "All of them?!"

"Yes," Jax said confidently. "Could be all of them." 

Howell gulped. "C-Can we prove that?" 

"For now, we can't but someone else can observe and find the disturbing truth by herself." 

"Who?" Howell asked.

Jax placed the final photo on the table and smirked. 

"Our case's last ace, Reign Harriett..."

# PART TWELVE: Lyle's True Color

"

CLASS 12-A's MURDER CASE PROGRESS REPORT.

Suspect #1: Hale Parker

Possible motive:

 Continuous belittling statements from their adviser (the victim).

Thing(s) to consider:

 Based sa interaction ko sa 

kanya

, he seems nice at 

malabong

 gawin niya 

iyon

. Hale is afraid to even fight back, let alone to kill.

Suggestion:

 Though 

maliit

 ang 

nakikita

 kong chance na gawin ni Hale 

iyon

, hindi pa rin 

dapat

 tayo 

maging

 

panatag

. Investigate on him the same way we investigate on 12-A. 

Suspect #2: 

Everleigh

 Miller

Possible motive:

 She is regarded as the 12-A's gatekeeper. Base sa 

pagmamasid

 ko, 

masyado

 

siyang

 protective sa 12-A. At 

dahil

 siya ang 

naka

-assign na bully sa akin, I can see and feel how she tries to shoo me away. May 

itinatago

 siya and that's for sure.

Thing(s) to consider:

 

Everleigh

 is the school's witch. Kung siya ang gate keeper, it means marami 

siyang

 

nalalaman

. Kung marami 

siyang

 

nalalaman
, 
it
 
means she can be 12-A's greatest downfall or a shield to protect them 'till the end.

Suggestion:

 Be careful with her. She destroys lives and she finds comfort with that. 

Suspect #3: Reese Turner

Possible motive:

 She's aggressive and violent. 

Kitang

-

kita

 ko kung 

paano

 niya hindi ma-

kontrol

 ang galit niya to the point na 

gagamit

 na siya ng 

dahas

 as the last resort. Kung conflicted na sila ng adviser nila, hindi 

malayong

 gawin niya ang 

krimen

.

Thing(s) to consider:

 Base sa 

pakikinig

 ko, 

nalaman

 kong may 

hinampas

 si Reese ng bote sa ulo 

noong

 party at 

medyo

 lasing ito. If she can be that violent and she had a disagreement with their adviser, that can be a motive too.

Suggestion:

 Protect Jal Perez. 

Mukhang

 threatened si Reese sa 

kanya

. 

Kailangan

 

nating

 malaman kung 

ano

 ang alam niya. 

Suspect #4: Levi Hudson

Possible motive:

 Haven't found anything yet

Thing(s) to consider: Levi is a womanizer and someone too full of himself. 

Pwedeng

 

magamit

 

iyon

 para 

tingnan

 kung 

ano

 ang 

motibo

 niya.

Suggestion:

 Give me a specific project about him. 

Suspect #5: 

Braelyn

 

Yngrid

Possible motive:

 Nothing yet.

Thing(s) to consider:

 
She's too nice to be in 12-A. That made me doubt her.

Suggestion:

 

Masyado

 

siyang

 close sa daddy niya. Find her dad's possible connection with the school. Kung conflicted ang dad niya at ang adviser niya, there's no doubt that 

Braelyn

 can commit the crime.

Suspect #6:

 Mississippi Smith

Possible motive:

 

Parating

 

napupuna

 ng teacher at 

ayaw

 

pagbigyan

 na 'Missi' lang ang 

ilagay

 sa papers niya.

Thing(s) to consider:

 Missi is too full of herself too. A total spoiled brat. 

Parating

 

nawawala

 ang 

nametag

 niya 

kaya

 wala 

siyang

 reference ng full name niya at 

bakit

 

di

 niya alam spelling ng full name niya?

Suggestion:

 I can't see any personal conflict about Missi. I need to observe more. 

Suspect #7: 

Greysen

 Finch

Possible motive:

 He's just... too nice.

Thing(s) to consider:

 

Masiyado

 

siyang

 

mabait

 at sweet sa akin. 

Nakakapagduda

.

Suggestion:

 Allow me to carryout a specific mission about him. Hindi ko alam kung sincere ba siya pero gusto kong 

gumanti

 

pabalik

. If scheme niya ang pagpapa-fall sa 'kin, I'll do it in return until I find a decent motive. 

Suspect #8: Nashville Burlington.

Possible motive:

 May mga 

sikreto

 siya na 

kapag

 

nabunyag

 sa 

publiko

 ay 

masisira

 ang career niya.

Thing(s) to consider:

 
He is ambitious and if his teacher knew his secret and she wanted to spill it, Nash could be capable of committing the crime.

Suggestion:

 Investigate kung may conflict ba sila ng-"
 

Bigla akong napahinto sa pag t-type.

Dapat ko bang ilagay ang lahat? 

Napatingin ako sa orasan ko at alas dies na ng gabi. Nilamukos ko ang mukha ko at bumuntong-hininga nang malalim. 

Ilang oras pa lang simula nang mangyari ang lahat-ang pagbisita ko kay Hale at pagkaka-alam na si Missi ang first love ni Lyle, ang pagyaya sa akin ni Braelyn sa photoshoot ni Lyle, ang pag-amin ni Nash, ang pagdating ni Grey at Levi. Napakahaba ng naging araw ko at pakiramdam ko ay hapung-hapo ako. 

Kung dahil ba sa napakaraming ganap o dahil sa sikreto ni Nash na inamin niya sa akin ay wala na akong ideya. 

Tiningan kong muli ang laptop ko at binasa ang nakasulat mula doon.

"May mga sikreto siya na kapag nabunyag sa publiko ay masisira ang career niya." 

I bit my tongue.

Should I specify it?

Dapat ko bang ilagay ang sikreto ni Nash sa progress report knowing na hindi lang si Prosecutor Jax ang posibleng makabasa niyon at kung mapunta sa maling tao ay paniguradong sira ang career ni Nash na ilang taon niyang pinaghirapan?

Naalala ko tuloy 'yong kwento ni Nash. Na hindi niya alam saan siya pupulutin 'pag hindi niya natupad ang pangarap niya. 

Is it okay to out him like this? 

To tell anyone about his gender and depriving him from his right to tell it when he's ready? 

But then, I remembered Prosecutor Jax telling me I'm emotionally unstable to carry out my missions. 

Na na-aattach na ako sa 12-A at posibleng maging dahilan iyon ng pagkatalo ng mission ko. 

At 'pag natalo, hindi ko na mababawi ang mga kapatid ko. 

No, Reign. You have to stand firm this time. 

Hinawakan kong muli ang laptop ko at nagsimulang mag-type. 

"S

uspect #8: Nashville Burlington.

Possible motive:

 Nash is gay. Kung alam iyon ng teacher niya at knowing na parati nitong pinupuna ang career niya, that can be a motive.

Thing(s) to consider:

 He is ambitious. Nash will do everything to succeed.

Suggestion:

 Please don't tell it to anyone else."

Hinawi ko ang buhok ko at tiningnan muli ang isinulat ko. 

I'm sorry, Nash. Kailangan kong gawin ang trabaho ko. 

At bago ko tuluyang ipasa ang report ay may isa pang ideya ang pumasok sa isip ko. Dali-dali ko iyong isinulat kahit grabe ang kalabog ng dibdib ko.

"

NEW SUSPECT FOR CONSIDERATION:

Name: Lyle 

Heimsworth

Reason: 

Dating trio sina Levi, Grey, at Lyle. Lumaki silang tatlo kasama si Missi. Pero nang makulong ang tatay ni Lyle dahil sa graft, doon naputol ang koneksyon ng apat. Para sa akin, masyadong mababaw iyon. Sama-sama silang lumaki kaya kung mayroong dapat umintindi at mag-protekta kay Lyle, sila iyon. Pero inabandona nila ito. Ang suspetya ko ay may iba pang nangyari-at posibleng kahit papaano ay mai-kokonekta iyon sa krimen. 

Additional info:

 
Missi is Lyle's first love. 

Question in my mind:

 Si 

Missi

 kaya ang rason ng pagkakawatak-watak nila?"

Matapos masulat iyon ay ramdam ko ang tensyon sa isip ko. 

Anong nangyari sa tatlo? Did they somehow fall for the same girl? Then what did Lyle do? 

I need to figure those out. 

I know Lyle is more than what he shows.

Pinagtuunan kong muli ang laptop ko. 

"Undercover 092, reporting."

And that night, before I go to sleep, I made up my mind. 

"I'll expose Lyle's true color whatever it takes..."

Kinaumagahan, lahat kami sa section namin ay aligaga dahil sa dami ng online quizzes, activities, at research papers na dapat naming i-turn in online. Ang malala, 8AM ang deadline. Buti na nga lang by pair iyon at maaga naming natapos ni Braelyn. 

"Mas maganda nang maaga kaysa huli, 'no,"
 sabi ni Braelyn nang mag-video call kami. 
"Bahala sila ma-stress diyan basta tayo, wala nang aalalahanin. Sige, manunuod muna ako ng KDrama. Bye muna." 

Isa iyon sa hinahangaan ko kay Braelyn. Sobrang dami nitong responsibilidad. Like member siya ng kung anu-anong organization at clubs, tatlo-tatlo posisyon sa classroom, pero hindi nahuhuli sa school works, na-aaya mo anytime at anywhere, may time pa manuod ng kung anu-ano. 

Kaya minsan masaya bumarkada sa ganitong tao. Ma-prepressure ka talaga.

Gaya ng inaasahan, gahol ang lahat. Gumawa pa ng isang GC ang 12-A na wala ang mga teacher namin para lang maghingian ng sagot. 

Missi: 

Ano sagot dito?

Reese: 

Na-send ko na backread ka.

Missi: 

Katamad mag-up send mo na lang 

ulit

.

Reese: 

Alam mo, sarap mo sampalin. Baka gusto mo ako na rin magpa-aral sa 'yo?

Missi: 

luv u 

Levi:

E, dito? Ano 'to?

Nash: 

Ito ba 'yan? Kopya ka na lang, katamad mag-explain.

Levi: 

Weh baka ma-zero ako 

riyan

? 

Nash: 

Kapal ng mukha mo. Nakuha ko kay Brae 'yan.

Levi: 

Naks, thanks babe bukas na school 'yong kiss

Nash: 

./. 

Grey:

If need niyo sa Pre-Calculus mayroon ako

Reese: 

Ako! Ako! Muntik ko na kainin 'yong papel dahil wala ako ma-gets. Thanks, Pres! 

Missi: 

Meganon future engineer pero bobo sa math?

Reese:

Ba't tangina ka?

Grey: 

Ngayon lang 'yan dahil rush ha. Next time mag-aral na. 

Everleigh: 

Meron ako sa General Physics, send ko now before ko i-turn in. 

Levi: 

Ako, Leigh!!! Sakto gagawin ko pa lang!!!

Nash: 

Wew parang lahat naman ng sagot mo sa 'min nanggaling.

Braelyn: 

Angas online kopyahan 

Me:

@ Braelyn Akala ko manunuod ka? 

Braelyn: 

Ang ingay, e. Notif nang notif akala ko may chismis. 

*Levi Hudson added Ivan John Gliponeo to the group*

My eyes widened. Seryoso bang-IN-ADD NIYA SI SIR SA GROUP CHAT?!?

Reese: 

WTF!!!!

Nash:

POTA???

Missi: 

BITCH YOU DID NOT-

*

Levi Hudson removed Ivan John Gliponeo from the group* 

Grey: 

ANO 'YON BRAD???

Braelyn: 

May saltik ka be?

Nash:

Tara lipat school 

Everleigh:

Hayaan niyo, siya naman maraming kinopya. Tapang ng hiya. 

Pinindot ko 'yong in-add ni Levi at nakahinga ako nang naluwag. 

Me: 

Guys, fake account lang ni sir. Hindi 'yon fb ni sir.

Levi:

Badtrip naman. 

Reese: 

Naunahan mo 'ko gumawa ng dummy ni sir ha

Levi:

HHSSJSKSKDJHSKSKSJDKDJ

Reese: 

Anong tawa 'yan brad?

Me:

Tawang nasubsob sa keyboard

Missi:

Guys ano isasagot dito?

Nag-send si Missi ng picture at nang tingnan namin ay halos masapo ko ang noo ko.

Everleigh

:

 

M

issi wtf...?

Missi: 

Why???

Me: 

Name 'yan, missi. Pangalan mo hinihingi. 

Missi: 

Oh... hehe ok. Akala ko enumeration 

nanaman

 ng name ng capital city ng 

bawat

 bansa. Na-trauma na 'ko, 'no.

Everleigh:

Siguro n'ong umulan ng katangahan, si Missi naka-swim suit pa.

Me: 

Naka-salbabida pa 'yan.

Doon biglang natahimik ang GC at ilang minuto na ay wala pa ring nag-reply. Hanggang sa nag-haha react si Grey. 

Missi: 

Masaya ka, girl?

Levi: 

@ LyleXavierHeimsworth, tignan mo gaano kalutang first love mo brad. Kinikilig ka na ba 

riyan

? 

Nag-haha react ang karamihan pero hindi ako kumportable. Doon biglang nag-seen si Lyle sa GC.

Sa buong duration na nag-uusap kami ay hindi ito lumilitaw doon. Not until now that Missi got involved.

Braelyn: 

Okay I'm back may chismis na

Levi: 

Anyway guys tama ba 'tong sagot ko?

Nag-send si Levi sa group ng picture. 

Name: 

Levi Hudson

Section: 

12-A

Sex:

 Last night

Literal na napanganga ako at inulan siya ng reklamo sa GC.

Reese: 

TANGINAMO 

Missi: 

Sana lahat last night 

ako kasi-charot

Everleigh: 

Sumbong kita sa mama mo

Grey: 

KADIRE KA 

Braelyn: 

May pinsan akong priest baka gusto mo magpa-bendisyon

Me: 

May alam akong 

dasal

 suki ako ng mga 

orasyon

 

tuwing

 

Semana

 Santa

Nash:

Wow proud pa ha hambog na hambog 

Levi: 

Magiging "The next day" 'yang "Last night" Burlington 'pag kinita mo 'ko sa school bukas. I know a place ; ) 

Nash:

EWWWWW

Habang sila ay nagkakabiruan, muling nag-seen si Lyle. Agad kong pinindot ang profile picture niya at na-route ako sa facebook profile niya. 

Ang cover photo niya ay night sky. Ang profile picture naman niya ay naka-denim jacket siya at grey na sando. Naka-suot siya ng bilog na salamin at naka-upo sa lapag. 

Wala akong makitang ibang picture o post dahil naka-private account ito. 

"Sayang..." bulong ko sa sarili. "Maganda na sanang way 'to ng stalking kaso-" 

Natigil ako nang 'pag scroll up ko ay napindot ko 'yong Add friend.

"SHIT!" sigaw ko at akmang tatanggalin ko na sana 'yon nang mangyari ang hindi inaasahan.

NAMATAY 'YONG PHONE KO! 

"AAAAAAAAH!" bigla akong napatili at napabalikwas ng bangon. "SHUTAAAAAA!"

Halos magtatalon na ako sa kwarto dahil hindi ko makita 'yong charger ko. 

"ASAN KA NA BA?!?" nag-pa-panic kong tanong. "BAKIT 'PAG KAILANGAN KITA TSAKA KITA HINDI MAKITA?!" 

Nagpalinga-linga ako at nakita ko siya malapit sa table ko. Agad akong tumakbo papuntang outlet at agad-agad na chinarge ang phone ko. 

Halos maubos ang daliri ko kaka-kagat dahil sa sobrang nerbiyos. 

"Online si Lyle baka ano isipin n'on," bulong ko sa sarili at sa sobrang inis ay gusto ko na hablutin ang sarili kong buhok. 

Saktong pag-open ng phone ko ay agad kong binuksan ang wifi. Nang tumunog ang notification ng phone ko ay napasandal ako sa dingding at bahagyang natulala. 

Lyle Xavier 

Heimsworth

 accepted your friend request. 

"I'm doomed..." bulong ko at tiningnan muli ang notification ko. "Mamaaaaaa!" 

Nilamukos ko ang mukha ko at tiningnan ang messages ko. Nag-ko-kopyahan pa rin sila sa group chat. 

"Anunaaaa!" tensed kong sabi at saka binisita ang wall ni Lyle. 

Tada! Friends na kami.

Napangiwi ako. 

"'Wag naman sana niya isiping ini-stalk ko siya, 'no?" tanong ko sa sarili. 

At doon ako nag-stalk. 

Kung titingnan, hindi ito nag-popost ng kahit na ano. Nag-sha-share lang ito ng news noon tungkol sa ate niya at wala nang iba.

Puro nga tagged lang ng relatives niya ang makikita. Mga tag sa kanya ng nanay niya, ng kamag-anak niya, ng mga teachers niya, at ng brand na ini-endorse niya. 

At hindi man lang siya nag-he-heart react o kahit man lang like roon. 

"Suplado ha," bulong ko at nagpatuloy. 

Sa sobrang pag-stalk ko ay narating ko ang picture nila nina Levi, Lyle, Grey, at Missi. Mukhang graduation nito sa elementary. Lahat sila ay nakangiti maliban kay Lyle. 

I zoomed the picture at nakita kong naka-ambay si Lyle kay Missi. 

Napanganga ako.

"Ba't parang kinikilig ako?" tanong ko sa sarili at bahagyang natawa. 

Nag-scroll down pa ako at nakita ko ang album ni Levi.

"Just a normal day in school." 

![](https://img.wattpad.com/3b527010770b2cb35dbc81ff5028a2580f302d53/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f5659314f363354534a53476a51773d3d2d313035353131343839382e31363735383863623139333662383131393631333333323434312e6a7067)

Napangiti ako nang una kong makita ang mukha ni Missi.

"Ang cute!" bulong ko at nangiti. "Photo journalist nga pala si Levi."

![](https://img.wattpad.com/dbbffe46347a5b8cc4682e08260fa48c7e909593/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f4238326d55554e4b34387a666d673d3d2d313035353131343839382e313637353838643633633636613563363236363838363539313832382e6a7067)

Sumunod ang litrato ni Nash. 

"Ang gwapo..." bulong ko at nag-scroll down pa. 

![](https://img.wattpad.com/dbe361b259704918a5f1e06c8b93f1967331a9ac/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f4944577858697858424c5a394e673d3d2d313035353131343839382e313637353838653036633431356435393937383235303036393531302e6a7067)

Bigla akong kinabahan. 

"Sinong teacher nanaman kaaway ni Reese?" tanong ko sa sarili. 

![](https://img.wattpad.com/01dbe2d081701263ccd39871f734e59d24a779ec/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f3954794e426b654448614e3873513d3d2d313035353131343839382e313637353838656130643336353338393830363238393232353435382e6a7067)

Napangiwi ako.

"Ang bait mo sis, ah," bulong ko sa sarili at bahagyang natawa. 

![](https://img.wattpad.com/6642ec9202c941559afe1273857321327abc4090/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f4a793063584f5a6a4871366f73673d3d2d313035353131343839382e313637353839303334393735326637653332333937373939343636372e6a7067)

Namukhaan ko ang interior. Iyang-iyan 'yong faculty room. 

"Sinong siningil mo riyan, 'te?" biro ko. 

![](https://img.wattpad.com/6e3d951255200dad081e6dc5dff33c56dcbe6771/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f2d334969794a656632316e366a513d3d2d313035353131343839382e3136373538393130643131386332623133383733373636313834322e6a7067)

"Cool," reaksyon ko sa picture ni Levi. "Kuha kaya 'to n'ong tumutugtog sila? Nice ha."

![](https://img.wattpad.com/d143007e62372edbe4d3f5fa3cff6713c21eb682/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f7970364238327857664a6f6c38673d3d2d313035353131343839382e313637353839346630613461343865313432353530353031303032362e6a7067)

"Oooooh..." reaksyon ko nang makita si Grey. "Tumutugtog nga sila nito."

Pag-scroll ko sa huling litrato ay bahagya akong natigil at tinitigan iyon ng ilang minuto. 

Tama ba 'tong... nakikita ko? 

I zoomed it just to make sure and no doubt, it was real. 

![](https://img.wattpad.com/fd7bf9b42cccabe94c8755f587c61bb71c30c667/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f5344495f67306433736c377633773d3d2d313035353131343839382e3136373538393638636161623036643436343332383436353332362e6a7067)

Lyle...

was smiling...

Napatakip ako ng bibig.

"Seryoso talaga 'to?" bulong ko. "Sure na? Ngumiti talaga siya? Hindi lang ngiti, e. Parang tawa na!'

Tiningnan ko ang date at doon ko napagtantong nangyari ito noong Junior High nila-mga panahong okay pa sila Lyle, Levi at Grey. 

Pero kung ganito siya noon, ibig bang sabihin n'on hindi natural na cold si Lyle? 

Siguro, naging defense mechanism na lang niya ang pagiging ganoon for some reason?

"Wow. Wow talaga," reaksyon ko nang lalo akong ma-curious sa kung ano ba talaga ang nangyari sa kanila.

Maya-maya lang ay nag-ring ang phone ko at unknown number ang tumatawag. Tinanggal ko iyon sa pagkaka-charge at kunot ang noong sinagot ko iyon.

"Hello? Sino po ito?"

"Hello, si Reign Harriett ba ito?" 

"Opo," sabi ko at bahagyang napalunok. Ang gwapo ng boses! "Sino po sila?" 

"Ay, Reign, si Sir Ivan 'to, Ivan Gliponeo." 

"Ay, hello sir!" nabigla kong sabi. "Ba't po kayo napatawag?" 

Kaya naman pala ang gwapo ng boses! 

"Tinawagan ko kasi si Nash pero hindi ma-contact. I tried kay Braelyn pero ang sabi hindi rin daw sumasagot sa tawag niya si Nash. Binigay niya number mo kasi same building daw kayo ng tinitirhan. Pasensya na kung nakaka-abala ha." 

"Naku, hindi po," sabi ko at ngiting-ngiti. "Okay lang po. Ano po ba ang sadya nila?" 

Don't tell me siya ang ex ni Nash? 

"Nag-submit kasi si Nash n'ong by pair research kanina pang 5AM. E, by pair iyon pero name niya lang ang naroroon. Partner kasi sila ni Lyle, baka 'ka ko hindi lang na-ilagay. Sayang kasi 'to, baka bumaba grade ni Lyle, e academic awardee 'yong bata." 

"Oooh..." reaksyon ko. "Don't worry, sir. Puntahan ko po sa unit niya para itanong." 

"Ayun! Thank you, Reign. Pakisabi contact-in ako ha. Salamat." 

"Opo, sir. Wala pong anuman." 

Nang matapos ang tawag ay halos manginig ako sa kilig.

"BA'T ANG GWAPO?!" tili ko. 

Iniwan ko ang cellphone kong naka-charge at lumabas na ng unit ko para puntahan si Nash. Pero ilang hakbang papunta sa unit niya ay bigla akong napahinto. 

Nasa labas ng unit niya si Nash at may kausap na lalaki. Kung titingnan ay mukha itong modelo sa tangkad. 

"Ano 'to?" bulong ko. "May shooting ba?"

"Umuwi ka na, sige na," sabi ni Nash sa lalaki. "Tatawagan na lang kita."

"Nash, hindi ka sumasagot sa tawag ko, ako pa tatawagan mo?" giit ng lalaki. "I know you blocked my number." 

"Alam mo naman pala, e, ba't tumatawag ka pa?" tanong ni Nash. "Umuwi ka na, sige na." 

Kumunot ang noo ko.

Ito ba 'yong ex niya? 

"Nash, pag-usapan naman natin. Ganun na lang 'yon?" 

"Oo, ganun na lang 'yon," sagot ni Nash at patuloy itong itinataboy.

"Ganun na lang lahat ng pinagsamahan natin?" 

"Sana naisip mo 'yan bago mo ipinaramdam na parang nanlilimos lang ako ng atensyon mo, 'no? No one deserves to be treated like a shit just for love. Kaya umuwi ka na." 

Napatakip ako ng bibig. Grabe.

"Nash, why is it so easy for you to leave me?" the guy asked. "Hindi na ba ako mahalaga sa 'yo?" 

Ew, sad boy. 

"Do you think I left you just because I had the thought of doing so?" Nash asked. "It piled up. Everything just piled up until I burst out and can't handle things anymore. I love you but I'll choose my own glow this time." 

"Nash naman!" sagot ng lalaki. "I bought two tickets of your favorite concert. Won't you go with me?" 

"Then, nice. Watch the concert twice," sagot ni Nash. "Umalis ka na, please lang. Baka may makarinig pa at parehong masira ang career natin. Please." 

Tinitigan muna ng lalaki si Nash at nang masiguradong hindi na magbabago ang isip nito ay bumaba ang tingin nito sa lupa at malalim na bumuntong-hininga. 

"Call me if you ever change your mind," sabi nito at unti-unting naglakad papalayo.

Nang sumakay ito sa elevator at tuluyang naglaho, pumalakpak ako papalapit kay Nash. Nang makita niya ay bahagya siyang natawa. 

"Grabe ang dialogues, pwede nang pang-movie," sabi ko. "The Lion, The Witch, and the Bravery of this Bitch."

Napahalakhak si Nash. "Kanina ka pa?" 

Tumango ako. "'Yun 'yong ex mo?" 

"Yep," sabi niya. "Gwapo ba?" 

"Oo," sagot ko agad. 

"Gwapong gago," sabi ni Nash. "Why are you here pala?"

"Ay, oo. Tumawag kasi si Sir Ivan about doon sa by pair activity niyo ni Lyle. Hindi mo raw naisama name ni Lyle." 

"Ah, 'yon ba?" tanong ni Nash at napakamot ng ulo. "Sadya 'yon, e."

"Huh?" I asked. "Bakit?"

"Ayaw ko ka-group si Lyle," sabi nito. "Nakakatakot! Tsaka sinubukan kong i-message kanina kaso 'di nag-reply. Pero sabi ko sa message mag-so-solo ako kasi need ko mag-pasa by 5AM para individual activities pagtutuunan ko 'till 8AM. Kaya I had no choice but to submit without Lyle." 

"E, paano 'yon?" tanong ko. "Academic awardee daw si Lyle, malaking part 'yong research paper."

Nash pouted. "Ba't kasi ako pa naging pair n'on, e. Sige, usap na lang kami ni Sir."

"'Yon pa pala," habol ko. "Hindi mo raw sinasagot tawag niya." 

"Natatakot kasi ako. Medyo terror 'yon si sir. Last time na nagalit 'yon, nag-iyakan mga taga-silver section. Ngayon pa lang kinakabahan na 'ko!" 

"Magpaliwanag ka na lang para ma-gets niya," suggestion ko.

"Sige, sige, thanks, Reign!" 

"Sige, good luck." 

As Nash walked inside, I felt something heavy within me. 

Why do I feel anxious about this Nash and Lyle conflict?

Paranoid na ata ako. 

I shrugged as I walked away.

For the whole day, I waited for Prosecutor Jax's response to my e-mail but I received none. Kahit text ay wala rin. 

Siguro nga, masyado akong naging pabaya. Kung matatanggal man ako ay alam kong reasonable naman. 

Pero sana mabigyan pa 'ko ng chance. 

And I'll make sure that in this game, I will Reign.

---

THIRD PERSON POV

Kinaumagahan, makikita ang isang babaeng naka-uniporme at sa harap niya ay isa ring babae. Kung titingnan, halatang mag-ina ito dahil sa hitsura nila. 

"Everleigh..." sabi ng babae pagkatapos inumin ang green tea na nasa harapan niya. "Kumusta ang bagong salta?" 

Natigil si Everleigh sa pagkain. Bahagya siyang nagulat pero pinilit na ngumiti sa harap ng ina. 

"Gaya ni Hale, mapag-tiis," sabi nito. "But there's nothing to worry, mom. She's just one of the leeches that I can throw away with one flick." 

"What did you do so far?" tanong nito at humigop sa inumin.

"Ipina-imbestiga ko na siya," sagot ni Everleigh at ngumisi. "One dirty little secret and she's out." 

Ngumiti ang babae sa narinig at inamoy ang inumin. "Very good, darling. You're doing a great job. You are the gatekeeper and you should protect everyone in the class." 

Unti-unting nawala ang ngiti ni Everleigh at napalitan iyon ng hindi maipintang galit.

"Of course," sagot ni Everleigh. "Walang makakasira sa amin. Not even that Reign. Basura lang siya. I haven't started any gruesome move, mom. She waits until I do so."

"Like what your class did to that poor Jal Perez?" 

"Certainly," sagot ni Everleigh. 

"Just make sure na walang malalaman 'yang Reign Harriett na 'yan, honey. Once she finds the dirt, she knows where the garbage could be."

That's when Everleigh got alarmed. 

"I'll make sure of that, mom. Never pa 'kong nagkamali. All the kids who joined us suffered and that nobody is no exception." 

"Lovely! Lovely!" reaksyon ng babae. "How about the thing that we were talking about?" 

May kinuha si Everleigh mula sa bulsa ng uniform niya at inilagay iyon sa table. Kinuha naman iyon ng babae. 

"Ito na ba 'yon?" 

"Yes, mom," Everleigh said. "My sister's scandal."

"Ilan ang may kopya nito?"

"Isa lang," sabi niya. "And I made sure na hindi siya makakapagsalita." 

"How did you threaten him?" 

"Simple things," sabi ni Everleigh. "The usual thing you taught me." 

Humalakhak ang babae. She was impressed. 

"What's your suggestion for me, darling?" she asked. 

"Have my sister transferred to a different school," sagot ni Everleigh. "Pinanuod ko ang video at sobrang... nakakahiya. We don't want it to spread like a wild fire. Kaya ngayon pa lang, let's prevent it. Take her out of West Carson and have her transferred elsewhere." 

"I'll process that," sabi ng babae. 

Hindi maiwasang mapangiti ni Everleigh. Little did her mom know, during the party, it was her who filmed her sister kissing a random guy. She did that because she was so sick of her being in West Carson High. She wanted to be the only Miller during her stay.

"By the way, honey," sabi ng babae at ibinaba ang binabasa. "You hired Justine, our photographer. For what?" 

"'Yon ba?" tanong ni Everleigh. "Grey and that Harriett girl are having some romantic thing. Hindi ko lang alam if seryoso si Grey or what but it seems mutual at nagkakamabutihan na sila." 

"And?" her mom asked.

"And Grey's mom is against him having a girlfriend yet, isn't she?" 

"Then what did you do?" her mom asked with a thrilled face. 

Just then, a maid came in. "Ma'am Everleigh, delivered na raw po 'yong photos." 

Nanlaki ang mga mata ng nanay ni Everleigh at tiningnan siya. "Don't tell me..." 

Everleigh didn't answer. She gave her mom a cunning smile as she sipped her tea.

"Oh my!" sigaw ng nanay niya at humalakhak. "Anak nga talaga kita!" 

Everleigh smiled confidently as her mom continued to laugh.

She did something dirty and she was proud of it.

Everleigh continued to drink her tea with a smirk on her face, imagining how would Reign react to it.

"You're dead, Reign Harriett..." Everleigh said in her mind. "You really are..."

On the other hand, Grey can be seen inside his room. Nakaharap ito sa salamin at pilit na inaayos ang buhok. 

"Ano ba mas bagay?" tanong niya sa sarili. "Kapag bagsak ang bangs ko mukha akong bata. Kapag nakahawi, mukhang womanizer gaya ni Levi. 'Pag nakataas, aasarin ako sa room na KPOP. Ano ba?" 

Na-stress ito sa sarili at muling sinipat ang buhok. "Ano bang mas gusto ni Reign? Tanungin ko kaya si Brae? Nakakahiya."

Sa kwarto nito ay makikita ang nakasabit na iba't ibang medalya. Mula sa pagiging academic awardee, mayroon din itong leadership awards at iba't ibang tropeyo galing sa pagtugtog. Ang ilang medalya naman nito ay galing sa paglalaro nito ng soccer. Kaya grabe ang respeto sa kanya sa buong paaralan. 

Ginulo ni Grey ang buhok. "Bahala na!" 

Bigla siyang natigil nang makarinig siya ng malalakas na katok.

"Sandali po!" sabi ni Grey at muling sinipat ang sarili. Agad na binuksan ni Grey ang pinto at ngumiti nang makitang mama niya ang naroroon. "Bakit po-"

Natigil si Grey nang isang sampal ang bumungad sa kanya.

Maang na napahawak si Grey sa pisngi niya at tiningnan ang ina. Doon niya napansin na galit na galit ang hitsura nito.

"Ma..." hindi makapaniwalang sabi niya. "Bakit po...?" 

Agad na isinaboy nito sa mukha niya ang mga litrato. Nang tingnan niya ay mga kuha iyon noong isang gabi na hinatid nila si Reign at Nash. Ang tumambad na litrato sa kanya ay ang hinawakan niya ang ulo ni Reign at pareho silang nakangiti sa isa't isa. 

Grey's eyes widened.

If there's something he tried to avoid, 'yon ay ang malaman ng mama niya ang tungkol kay Reign.

"M-Ma..." 

Nanlambot siya nang makita ang luha sa mga mata nito.

"Hanggang kailan ko dapat sabihin na hindi ka pa pwedeng mag-girlfriend, Greysen?!" matalim na sabi nito. "Alam mo naman kung bakit 'di ba? ALAM MO 'DI BA?!"

Napakagat ng labi si Grey nang pagtaasan siya nito ng boses. 

"Saan niyo po nakuha 'yan?" tanong niya. "Pina...susundan niyo ho ba 'ko?"

"NAHIHIBANG KA NA BA?!" sigaw nito. "Gusto mo ba 'yong babaeng 'yon? Alam mo naman 'yong nangyari n'ong huli kang magkaganyan, 'di ba?!" 

Hindi makatingin dito si Grey. Hindi niya kayang makita na lumuluha ang hina. 

"SUMAGOT KA! GUSTO MO BA SIYA?!" sigaw nito. 

Hindi makakibo si Grey. Hindi niya kayang makita na nasasaktan ang ina.

Hinigit nito ang braso niya at itinaas ang sleeve ng polo niya. At mula sa pulso niya ay tumambad ang ilang marka na hindi niya malilimutan. Ang ilang marka na halos tumapos ng buhay niya. 

"GUSTO MO BANG MAGKAGANYAN KA ULIT?!" galit na sabi ng nanay niya at humagulgol na ito.

"Ma..." nag-aalalang sabi ni Grey at doon na nangilid ang luha niya nang makita ito. "Iba po 'yong ngayon..." 

"Wala na 'kong tiwala sa mga babae sa paligid mo, Grey," sabi nito. "Hindi ko kakayanin 'pag may nangyari nanaman sa 'yo!" 

Nakagat ni Grey ang labi niya nang maalala ang nakaraan. Awtomatikong tumulo ang luha niya sa lupa. 

"Hirap na hirap kang mabuhay noon at wala ni-isa sa mga kaibigan mo ang nakaka-alam," sabi ng mama niya at humagulgol ito sa galit at pag-aalala. "Ayokong ma-ulit iyon. Alam na alam mo kung paano ka umiiyak gabi-gabi, 'di ba? Alam mo kung paano mo...halos tinapos ang buhay mo. Parang-awa mo na, 'nak. 'Wag muna... hindi ko kaya..." 

Humagulgol lalo ang babae at agad itong niyakap ni Grey nang mahigpit. Patuloy ito sa pag-iyak at wala siyang magawa kung hindi aluhin ito at hagkan ang noo. 

While his mom was crying in his arms, Grey couldn't help himself but to stare at the photos. 

He knew that whoever sent them was up for something.

He won't just sit and do nothing-not now that they used his mom against him.

Not today.

Not this time.

On the other side of the coin, Levi was at the school comfort room and was talking with his mom over the phone. 

"Ma, okay lang," sabi niya habang binubuksan iyong skin toned band aid na regalo sa kanya ni Missi. "I had fun." 

"Pasensya na, 'nak, ha. Hindi kami naka-uwi ng daddy mo n'ong birthday mo. Naka-lock in taping kasi kami and bawal mag-phone talaga,"
 paliwanag nito.

"Okay nga lang," sagot ni Levi at sinipat ang leeg. "I used the money you sent well. Panuorin niyo na lang sa birthday vlog ko, mamaya upload." 

"Really?" 
natutuwa nitong sabi. 
"What did you do? You threw a party?" 

"Banned kami mag-party," sabi ni Levi. "A person died the last time we did." 

"E, ano nga?"
 tanong nito. 
"Dapat gwapo ang anak ko sa video, ha. I-pro-promote ko 'yon."

"Mas mukha pa nga akong artista kaysa sa inyo ni daddy," sabi ni Levi na ikinatawa ng mommy niya. 

"Sige, panunuorin namin habang nasa biyahe kami ha."

"Nasaan pala si daddy?" 

"Katabi ko, natutulog. May flight kasi bukas 'yan for overseas shooting for months." 

Tumangu-tango si Levi. "Ah. So ngayong gabi ko lang kayo ulit makikita. Okay..."

Mapait itong ngumiti bago tinakpan ng band aid ang pulang marka malapit sa collar bone niya. 

"Babawi na lang kami ni daddy mo once free na kami, okay?"
 excited na sabi nito.

"Kailan ba kayo naging free?" kaswal na sagot ni Levi at sinipat ang sarili sa salamin. "Sige po. Pasok na ako." 

"Anong gusto mong ulam?"
 tanong ng mommy niya. 
"Para doon man lang makabawi ako. Gusto mo bang maghanda tayo? Ako magluluto lahat for my baby boy." 

"No," sagot ni Levi. "Magpahinga na lang kayo."

"Sure ka?"
 tanong nito. 

"Opo. Sanay naman na 'ko. Kain na lang ako kasama si Grey mamaya."

"Mas gusto mo pa kasama si Grey kaysa sa 'min?"
 tanong nito.

"Kayo naman 'tong parating wala..." bulong ni Levi. 

"Nandito kami with you tonight. Anong gusto mo? Iluluto ko, dali." 

"Hmmm..." sabi ni Levi at nangiti. "Sige na nga. Ginisang ampalaya with egg then fried na tilapia." 

Rinig niyang natawa ang mama niya roon. 
"Ang unusual ng craving mo, a." 

"Mapait kasi tinda nila sa canteen. Sa luto niyo lang ako nasasarapan."

"Aysus, nambola pa. Sige, iluluto ko 'yon. Hintayin ka namin ha."

"Opo," sagot ni Levi at ngumiti. "See you." 

"Walang love you?"
 tanong ng mama niya.

"Wala," sagot ni Levi. "Labyu." 

Agad-agad niyang pinatay ang phone niya at ngumiwi. Hindi siya sanay sa ganoon.

Ngiting-ngiting humarap si Levi sa salamin at ini-ayos ang buhok.

"Hindi ako kakain this day para marami akong makain sa bahay," bulong niya sa sarili at ngumiti sa salamin."Ba't ang gwapo mo, brad?" 

Nawala ang ngiti niya nang makitang halata pa rin ang kiss mark sa collarbone niya. 

"Grabe naman kasi humalik," angal niya at ini-ayos ang band aid nang walang anu-ano'y tumunog ang cellphone niya. 

Nang tingnan niya ay notification iyon mula aa bagong GC.

"Sino nanaman pinag-chi-chismisan nila?" tanong ni Levi at binuksan 'yon. 

Sunud-sunod na litrato ang tumambad sa kanya at halos mabitawan niya ang cellphone nang makita iyon. 

Nanlaki ang mga mata ni Levi at hindi malaman ang gagawin.

Napatakip siya ng bibig.

"WHAT THE FUCK..."

---

REIGN.

"CONGRATS!" bungad ko kay Nash na kasabay kong naglalakad papuntang classroom. 

Lumabas na kasi sa balita ang bagong boy group na ilalabas ng company nila. Kahit na silhouette lang ang ipinakita para sa line up ay namukhaan ko si Nash.

"Anong congrats?" tanong ni Nash. "Hindi pa nga ni-re-reveal ang members, e." 

"Ganun na rin 'yon. Kasama ka sa line up, 'di ba?" 

Nakangiti siyang tumango.

"Naaaks! Pengeng signature ng members mo ha. Benta ko 'pag sikat na kayo," biro ko.

"Sira," sabi niya. 

Habang naglalakad kami ay literal na humahawi ang mga nasa harapan namin para mag-give way sa amin. Sa totoo lang ay napaka-awkward pa rin para sa 'kin. Hindi ako sanay.

"Kumusta pala pag-uusap niyo ni Sir?" tanong ko.

"Ayun, hindi raw nakapagpasa si Lyle. Sa viber pala nag-message si Lyle, e, in-uninstall ko 'yon kasi pati ex ko nangungulit doon, 'di ba? Ewan, mag-so-sorry na lang ako kay Lyle siguro." 

Hindi na ako kumibo nang marating namin ang room. Pagpasok namin ay nagbubulungan ang mga kaklase namin at nakatingin lahat sa cellphone nila. 

"Anong meron?" tanong ni Nash.

I shrugged. 

"Tama na 'yan!" awat ni Braelyn. "Delete them! Ano ba!"

Nang makita nila kami ay lalong lumakas ang bulungan at maya't maya sila tingin sa phone nila at sa amin. 

Pati si Braelyn ay natigil at hindi malaman ang gagawin. 

"Ang weird," sabi ni Nash. "Anong chismis?"

Just then, parehong nag-beep ang cellphone namin ni Nash at may nag-add sa amin sa isang GC. 

Nagkatinginan pa kami ni Nash bago namin iyon tuluyang binuksan. 

But the moment we did, my knees almost gave in. 

May isang facebook user na ang pangalan ay 'The Witch Hunt' ang gumawa ng group chat at ang miyembro ay ang buong 12-A kasama si Sir Ivan. 

Nag-send ito ng napakaraming litrato.

At mga litrato...

Napatakip ako ng bibig.

WAIT.

TOTOO BA ITO?

BAKIT?

PAANO?! 

Pinindot ko pa ang isa at zinoom para makasigurado. 

At walang duda.

Mga litrato iyon ni Nash na may kahalikan na lalaki sa loob ng kotse. 

With a heavy heart, I looked at Nash.

"N-Nash..." I uttered, my eyes grew bigger.

Nash, on the other hand, was trembling and panicking. Nakatitig lang siya sa screen at nanginginig pati ang mga kamay. 

"GUYS, NAKITA NIYO NA BA-" 

Natigil ang kararating lang na si Levi nang makita kami ni Nash at nang masaksihan ang mga bulungan.

Tiningnan ni Nash ang buong klase at lahat ay nakita ang mga litrato. 

Hindi siya nakatiis at kahit na nangangatog ay tumakbo siya palabas ng classroom. 

Hindi ko na ito pinigil o sinundan dahil maging ako ay hindi malaman ang gagawin. Ni-hindi nga ako makagalaw-hindi malaman ang iisipin.

WHAT THE HELL.

JUST... WHAT THE HELL.

PAANONG KUMALAT 'YON?!

"GUYS, STOP!" sigaw ni Grey. "WALANG MAKAKA-ALAM NITO, NAIINTINDIHAN NIYO BA?" 

Walang makasagot sa amin. 

"NAIINTINDIHAN NIYO BA?!" 

"Y-Yes, Pres," takot na sabi ng iilan. Ngayon lang namin nakitang ganito kagalit ai Grey. 

"Reese, pakikuha lahat ng cellphone nila," utos ni Grey. "Brae and Leigh, make sure lahat ng nasa gc na 'yon deleted at wala silang kahit na anong copy o kahit na sinong pinag-sendan. Leave the GC afterwards. Levi, guard the door. Make sure walang nakikinig.

"Sure," sagot ni Reese at tumayo at pinaghahablot ang mga cellphone ng kaklase. 

"Give it," utos ni Everleigh sa isa na nagmamatigas. 

Si Braelyn naman ay hindi makakilos. Hanggang ngayon ay hindi nito malaman ang magiging reaksyon. 

"Grabe!" reaksyon ni Missi. "Gay si Nash?!" 

"MISSI!" awat ni Grey. 

"Okay, okay, sorry," sabi nito at umupo. 

Hindi ko maintindihan kung ano ang dapat kong maramdaman. 

"Ibang klase..." bulong ni Levi. "Paano niya na-itago 'yon?

That night...

Those photos were taken that night...

Noong gabi ng photoshoot.

Naroroon din ako. 

Pero wala akong nakitang iba. Wala kaming kasamang iba bukod kay-

Napahinto ako at nanlaki ang mga mata. 

Bukod sa akin, may isa pa kaming kasama.

I looked around and from there, my eyes landed at the man sitting at the back. 

I saw how his eyes were watching each and everyone's reaction. 

And in midst of the chaos in our class, his lips sneakingly twisted a sudden smirk, as if he was enjoying the sight of us being like this.

"Lyle Heimsworth..." I muttered with so much anger in it.

Agad ko siyang nilapitan at huminto sa harapan niya. 

"Let's talk," I said authoritatively.

Hindi niya ako kinibo at hindi rin ako pinansin. 

"Alam kong naririnig mo 'ko," matalim kong sabi. "Mag-usap tayo." 

Lyle tried to shrug me off by opening his phone but I snatched it and placed it elsewhere. 

That's when Lyle finally looked at me but unlike his usual emotionless eyes, this time, I sensed anger and irritation.

"I said we need to talk. I'm not even requesting so stop your shits," I whispered sharply.

Doon nagtinginan sa amin ang lahat sa classroom. Maging sina Levi, Braelyn, Missi, Grey, Everleigh, at Reese ay hindi maiwasang mapatingin.

Lyle looked at them before he looked back at me. He stared at me for few seconds until he finally stood up.

Kinuha ko ang cellphone niya sa gilid at walang anu-ano'y hinila ang pulso niya at mabilis kaming lumabas ng classroom habang hila-hila ko siya. 

Wala kaming kibuan habang naglalakad. Kahit na pinagtitinginan kami ay hindi kami kumikibo. Hila-hila ko si Lyle sa pulso niya at siya naman ay nakapamulsa ang isang kamay na sumusunod lang sa kung saan ko siya dalhin. 

Nang marating namin ang madilim na storage room ay doon kami huminto. Agad kong isinara ang pinto at hinarap siya. 

"Ikaw 'yon, ano?" matalim kong tanong. "Ikaw 'yong nag-leak ng kung ano mang litrato na 'yon."

Lyle wasn't responding. Instead, he just put his hands inside his pocket, tilted his head a bit, and stared at me amusingly.

"Umamin ka," mariin kong sabi. "Ikaw ang may gawa n'on, Lyle. I can see your through colors and it stinks."

Lyle licked his lower lip and met my eyes. "How do you say so?" 

"Lahat ng na-add sa GC ay 12-A, Lyle," sabi ko sa kanya. "Nasa section lang natin 'yon. At nang gabing 'yon, tayo ang magkasama. Tayo ang nasa iisang lugar. Tayo ang-"

"If I did, why do you care?" he asked me abruptly while looking at the floor.

Nahinto ako nang sabihin niya iyon. 

"Huh?" I asked unbelievably.

"If I did it..." and from looking at the floor, he stared at my face fiercely. "Are you sure you can stop me?"

I gulped. Lyle's aura changed.

What's going on?

"There are three things that you need to follow in order to survive in this school," he said. 

There was no trace of emotion on his face but the look in his eyes was enough to give you a warning. 

"First," he followed and he took a step closer to me with his hands inside his pockets still. "Don't be in 12-A." 

I moved backward and I felt my heart was racing inside me. If it was because of the fear or the thrill, I can't distinguish which.

"Second, attend your classes," he said and he moved closer again.

This time, I was sweating heavier than before.

"And third..." 

It was that moment I knew that there's something beneath this guy's innocent face. From being stoned cold, I saw how his lips twisted a small yet playful and devilish smile.

"They did warn you, didn't they?" he asked and his whisper was full of threat.

It caught me off guard.

I was doomed.

As he took the last step closer to me, I immediately stepped back and my back pressed against the wall. I was trapped and there was no way for escape.

"Lyle..." I muttered helplessly.

With his hands inside his pockets, he inched the gap of our face and the tip of our nose met.

That's when I knew what he was capable of. Indeed, a Heimsworth is a Heimsworth and no one comes close.

In a snap, the smirk on Lyle's lips faded when he looked straight into my eyes. From there, he tilted his face, as if he was about to kiss me. 

In a sudden, Lyle's lips touched my ear and with the most airy yet deadly way possible, he whispered,

"Never mess with a Heimsworth..."

# PART THIRTEEN: "The Witch Hunt Starts"

"Never mess with a 

Heimsworth

..." 

I gulped. 

Lyle's warm breath touched my ear and I felt a sudden goosebumps.

I had never felt this thrilled yet scared before. 

After whispering that warning on me, Lyle stood up with his hands inside his pockets still. He looked at my face and stared at my eyes intently. 

"Remember that..." mahina niyang bulong at nagsimulang tumalikod pa-alis.

Napangisi ako out of frustration. Lumalabas na ang tunay na kulay niya at hindi ko iyon dapat palagpasin. 

"Never mess with a cheap scheme of Heimsworth, you mean?" ganti ko dahilan para huminto siya sa paglalakad. 

"Really, Lyle? Dahil lang sa research paper, i-a-out mo ang taong nagsisimula pa lang?" 

Hindi siya kumibo. Kahit lumingon ay hindi niya rin ginawa. 

"Alam mo man lang ba mga hirap ni Nash para marating kung nasa'n siya ngayon? Mas matagal mo na siyang kilala kaya dapat mas alam mo," matalim kong sabi. 

Hindi pa rin siya kumikibo. Nakatalikod lang siya at nakapamulsa. 

"Lyle..." bulong ko. "Gaano ka kababa?"

That's when I heard him scoffed as he looked down. "You said it. Mas matagal ko na silang kilala. Between us, it is me who knows well what they deserve and what they don't." 

Maang na tiningnan ko siya. "Huh?" 

"Alam ko ba mga hirap na dinanas nila?" ulit niya sa sinabi ko at bahagya siyang ngumisi. Kitang-kita ko ang repleksyon niya mula sa salamin sa dingding. "Ako ba, alam mo ba ang hirap na tiniis ko dahil sa kanila?"

I felt a bang in me.

Lyle's voice was full of bitterness and threat. 

"Anong sinasabi mo?" tanong ko at nanlalaki ang mga mata. "Gumaganti ka ba sa kanila?" 

That's when Lyle looked back and faced me. He took a step causing me to step back. 

"You know nothing," he said and his usual emotionless eyes were glaring. "So you have no right to judge me and my actions." 

He took another step and once again, I stepped back with my heart pounding hard. 

"They're only paying the price of their sins," he said fiercely. "And the interest is not yet included." 

I tried to compose myself, not showing any sign of fear in front of him. 

"So it's really you?" I asked. "The one who leaked the photos." 

Instead of answering it directly, Lyle smiled slyly. "What is it to you?" 

"I'm his friend," matalim ko ring sagot. 

"12-A doesn't know what friendship is so stop deluding yourself," Lyle said. "You're not part of the problem so do what's the best thing to do." 

Laking gulat ko nang biglang hatakin ni Lyle ang I.D lace ko dahilan para magdikit ang katawan namin. Ngumisi siya nang makita ang takot sa mga mata ko. 

"Sit back, be a spectator, and enjoy the show..." 

We exchanged fierce eye contact until Lyle  turned serious. He let go of me and walked out of the room later on. 

Nang ako na lang ang natira ay huminga ako nang malalim at napasandal sa dingding. Mariin akong napapikit. 

Ibang klase. 

Ibang klase ang mga tao sa section na 'to. 

Wala silang pakialam kung may masisira ba silang buhay. Para sa kanila, nakatutuwa pa nga iyon. 

And it's fascinating to know that a Heimsworth was no exception to that.

Agad kong inilabas ang pen recorder sa bulsa ng uniform ko. Nang makitang gumagana iyon at na-record ang lahat ay napangisi ako. 

"Why be a spectator if I can own the show?"

Unti-unting nawala ang pagkakangisi ko at tiningnan ang pinto na dinaanan ni Lyle. 

"If Prosecutor Jax thinks you're innocent, ibahin mo 'ko," bulong ko sa sarili at muling tiningnan ang recorder. "You are my primary suspect now, Mr. Heimsworth..." 

Sa buong araw ay hindi nagpakita si Nash. Hindi rin namin alam kung saan siya nagtago o pumunta. Ang alam lang namin ay malamang nahihiya itong humarap sa klase dahil na rin sa nangyari. 

Lahat ng teacher namin ay hinahanap siya sa klase. Bukod kasi sa siya lang ang absent ay alam ng mga ito na kasama siya sa line up ng i-de-debut na boy group. Buti nga ay kinausap ni Grey ang mga teacher at idinahilan na pagod ito dahil sa rehearsals kaya hindi nakadalo sa klase. Naniwala naman ang mga ito. 

Si Sir Ivan naman ay inasikaso kami. Siniguradong deleted lahat ng footage at pinagbawalan kaming pag-usapan ang nangyari. Humantong pa nga sa punto na pumunta pa siya sa security team at ni-review ang CCTV footage sa classroom just to make sure na hindi makikita roon ang mga litrato. Awa ng Diyos ay hindi iyon kita. 

Natakot din kami na baka may nakarinig din mula sa kabilang section kanina. Pero nang isa-isa itong sumisilip at kinikilig na hinahanap si Nash para magpa-picture ay napanatag kami. Ang kalat na chismis ay miyembro siya ng boy group na i-de-debut at hindi ang gender niya. 

Somehow, panatag na kaming kami-kami lang ang nakaka-alam n'on at hati-hati ang opinyon namin tungkol dito. 

"I mean, binibiro ko pa naman siya na babe. Paano kung na-fall 'yon?" reklamo ni Levi sa room.

"Buti pa siya may sex life," reaksyon ni Reese rito. 

"Hala siya lang prinsesa sa boy group na 'yon. Na-i-insecure ako," sabi ni Missi. 

Si Braelyn naman ay hindi alam ang magiging reaksyon niya. 

"Since grade seven kami na ang magkasama. Bakit hindi ko napansin? Bakit hindi niya sinabi? Okay, gets ko na secret 'yon. Pero...tuwing may kissing scene 'yong pinanunuod namin, nandidiri siya. Tapos siya 'tong nakikipaghalikan sa car? Okay po."

Sa kahit na anong activity na mayroon kami ay ayun ang usap-usapan at hindi na iyon natigil. Kahit si Everleigh at Grey ay hindi na napigil ang buong klase. 

Speaking of Grey, hindi niya ako kinikibo. Kahit tingnan ako, gaya ng ginagawa niya noon, ay hindi niya ginagawa. Kung gaano siya ka-sweet noong isang araw ay ganoon naman ang pag-iwas niya sa akin sa ngayon. 

Nang mapansin ng buong klase na tahimik ito at masungit ay doon lang humupa ang chismisan tungkol kay Nash. Madalang lang maging ganoon si Grey at hindi sanay ang buong klase. Sa sobrang bait nito ay takot silang makita kung paano ito magalit kaya hindi na lang nila sinubukan.

"Haaaay," bumuntong-hininga si Braelyn habang nasa canteen kami at tinutusok-tusok lang ng tinidor ang ulam niya at nakapalumbaba. 

"Bakit ba?" tanong ko at tumigil sa pagnguya. 

"Ewan," sabi niya. "Masama loob ko kay Nash pero concern ako. Nasaan na kaya siya?" 

I shrugged. "Paano ba mag-cope si Nash sa problema niya?" 

"Sinasarili parati," sagot ni Braelyn. "Sirang-sira na kaya mental health 'non ta's nagka..." 

Huminto ito at tiningnan ang paligid. Puno ang cafeteria. 

"... you know, pa siya," dagdag ni Braelyn. 

Bigla akong nag-alala rin. 

"Masarap 'yan, a, ayaw mo niyan?" 

Bigla kaming napatingin ni Braelyn kay Missi at Reese na kararating lang. 

"Wala akong gana," sabi ni Braelyn. "Want mo?" 

"Siyempre, 'no. Ako pa ba?" agad-agad itong umupo sa tabi ni Braelyn at kinuha ang tinidor at nagsimulang kumain.

Nang magtama ang paningin namin ni Reese ay bahagya akong kinabahan. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang pagsampal ko sa kanya. 

Ngumisi siya sa akin at inilabas ang lollipop na nasa bunganga niya. 

"Guys, malakas ba kayo manampal?" tanong niya bigla. 

Halos masamid ako sa kinakain ko. Iyon ang iniiwasan ko, ang i-kuwento niya sa klase ang nangyari.

"'Di ko sure," sabat ni Missi. "Try ko sa 'yo gusto mo?" 

Natawa si Braelyn. "Last time na may sumampal kay Reese, nabalian ng buto at na-kick out sa school, e. Careful ka." 

I gulped. Reese sucked the lollipop again and met my eyes, as if she was telling me, 'you heard that?'.

"Lahat ng nag-try ay umuwing sawi," sabi niya at nagpalumbaba sa mesa at humarap sa akin. "Kaya nakapagtataka kung saan humuhugot ng lakas ng loob 'yong iba."

I met her eyes and she smirked. 

"Beware," she mouthed. 

Fighting against Reese was a really wrong move. 

I need to fix this. 

Mahina akong tumango, pagpapakita na nagsisisi ako sa ginawa ko kahit na hindi. 

I need to show Reese that I'm not her enemy. 

I need to show her that I am no threat. 

Nang makita iyon ni Reese ay bahagya siyang natawa. 

"Bakit?" tanong ni Missi.

"Wala," sagot ni Reese at tiningnan ako. "Nakakatawa lang na may mga taong gumagawa ng bagay na hindi nila kayang panindigan. Ako na ang na-aawa."

Hindi ako kumibo. 

Napagplanuhan ko na 'to. 

Malayong makuha ko ang loob ni Everleigh kaya kay Reese ako lalapit, kahit na lunukin ko pa ang pride ko at magmukhang balimbing. 

I will use Reese to destroy Everleigh. There was no other way. 

"Ano ba 'to, Braelyn," reklamo ni Missi habang ngumunguya. "Ang lata ng kanin niyo." 

"Ikaw na lang nakikikain maarte ka pa," sagot dito ni Braelyn. 

"Sino nagluluto sa niyo? Hire someone else. Nakakawala ng appetite," sabi ni Missi at iniluwa sa tissue ang kanin. 

"Ikaw, sino nagluluto sa inyo? Tell her na ipagluto ka ng baon para hindi ka nambuburaot," inis na sagot ni Braelyn.

"What's nambuburatot?" tanong ni Missi.

"Buraot, shunga," sagot ni Reese. 

"It means looking pretty," pakikisali ko. 

Natawa si Braelyn at nakangising tiningnan ako ni Reese. 

"Seryoso?" amused na sagot ni Missi.

"Oo," pakikisali ni Reese. "Nambuburaot means looking pretty. Buraot means pretty." 

Napatakip si Braelyn ng bibig at pinigil ang pagtawa.

"Then I'm a proud buraot!" confident na sabi ni Missi.

"Gaano ka-proud?" pakikisali ni Braelyn.

Tumayo si Missi at pumalakpak para kuhanin ang atensyon ng lahat. Nang lahat ay nakatingin na sa kanya ay hinawi niya ang buhok niya at pumeywang. 

"Guys, listen. Am I buraot?" 

Natahimik ang lahat.

Tiningnan kami ni Missi. "O, 'di ba? Starstruck sila." 

Sinenyasan ni Reese na pumalakpak ang lahat at doon nila ginawa. Kami ni Braelyn ay pigil na pigil ang tawa habang si Missi ay flattered pa at walang ka-alam-alam na na-go-good time na siya. 

"See?" taas ang noong sabi nito at umupo. 

"Bakit ba kasi hindi ka nagdala ng baon?" tanong ni Braelyn. 

"Diet kami," sabi nito at ipinakita ang bottle na dala niya. "Nag-protein shake lang kami." 

Doon ko rin napansin na may dala ring ganoon si Reese. Natigil ang pag-uusap naming apat nang makarinig kami ng nagtatawanan at nagpapalakpakan. 

Nang tingnan ko ay may mga estudyanteng nakapalibot sa isang babae. Ini-spray-an ito ng kung anu-ano at hinihila ang buhok habang pilit itong kumakain at hindi sila pinapansin. 

May jaw partly dropped when I realized who the woman was. 

"Jal Perez..." bulong ni Missi at iiling-iling na ininom ang protein shake niya. "Hanggang kailan ba magmamatigas 'yan?" 

Tiningnan ko siya at parang wala lang sa kanya na may ganitong karahasan na ang nangyayari. Ibang klase. 

"I know, right," sagot ni Reese at nakangising tiningnan ang binu-bully na si Jal. "Gustong-gusto 'yong ginaganyan siya. Ewan ko ba sa mga batang mahihirap. Masyadong matiisin. Kapag nakatikim ng kaunting karangyaan, ayaw nang bumitaw sa pagkakakapit." 

I licked my lower lip out of frustration.

Reign, act like you're one of them. You need to show them that you share the same view. You need to regain Reese's trust.

"True," wala sa loob kong sagot. "They have nothing aside from their dreams. Among anyone, sila ang matatapang dahil walang mawawala sa kanila. Nakaka...awa." 

Nakagat ko ang labi ko. 

Nakakadiring sabihin iyon.

Nakakasuka. 

Tiningnan ako ni Missi, Reese, at Braelyn. Natawa si Missi habang ngumisi si Reese.

"12-A na 12-A ka na ha," sabi ni Braelyn at nakipag-hi five pa sa akin. 

"It's my turn," sabi ni Reese at tumayo. Dinala nito ang protein shake nito at umalis.

"Saan pupunta 'yon?" tanong ko.

"You wait and see," sabi ni Missi at nakangising pinanuod si Reese habang umiinom din ng protein shake niya. 

Reese was walking towards Jal's direction. Nang makita siya ng mga tao ay gumilid ang mga ito at pinaraan siya. 

Walang anu-ano'y ibinuhos ni Reese ang protein shake niya sa plate ni Jal. Naghiyawan ang mga tao at nakita ko kung paano natuwa si Reese. 

"Whoo, hooo!" sigaw ni Missi at tuwang-tuwa rin. "Deserve!"

Si Braelyn naman ay kaswal lang na kumakain na parang walang nangyayari sa paligid niya. 

Nang tingnan ko ang buong canteen ay parang tuwang-tuwa pa ang lahat sa nakikita. Ang iba naman ay parang walang mga pakialam. 

Tinapik ni Reese ang balikat ni Jal at ngumiti.

"Enjoy your meal." 

Nang lumakad paalis si Reese ay lalong dumami ang nakisali sa pambu-bully kay Jal. Kahit ang mga school utility staff at mga nagtitinda ay hindi nababahala. Mabahala man ay wala silang magawa.

Na-ikuyom ko ang kamao ko. 

"If you want to bully anyone, just go to Jal Perez," sabi ni Missi at pinunasan ng tissue ang bibig. "Punching bag ng school 'yan." 

"Missi!" awat dito ni Braelyn. "Over naman ang punching bag."

"Hindi ba?" tanong niya. "Never naman magsasalita 'yan. Try niya nang mawalan siya ng scholarship." 

I was disturbed. Totally disturbed that there was a clear violence but everyone including the whole school were the enabler of it. 

"Is that how you view scholars here?" tanong ko. "A punching bag?" 

"Not really," sagot ni Braelyn. "Si Jal Perez lang." 

"Bakit?" taka kong tanong. "Bakit siya lang?" 

"Well, may history kasi sa school," sagot ni Missi. "May mga—you know—mga gangster na whatsoever. Binu-bully nila lahat regardless of the color of your nametag. Not until dumating kami." 

"Si Everleigh at Reese, specifically," sabat ni Braelyn. "Akala kasi nila walang lalaban sa kanila kaya ayon, n'ong nilabanan nila Reese at Everleigh kasi sinubukan nilang i-bully kami ni Missi, nagkagulo at ending, tumiklop sila." 

"Kaya nagka-ceasefire," pakikisali ni Missi. "Nagkasundo na they can bully anyone pero wala silang gagalawin sa 12-A. Otherwise, makikialam si Reese at Everleigh—na ayaw nilang mangyari."

"Edi ba part ng 12-A si Jal?" tanong ko. 

"Dati but not now," sagot ni Braelyn. "Kaya 'yong galit nila sa 12-A, kay Jal nila binubuhos." 

Lalo akong na-curious kung ano ba talaga ang nangyari kay Reese at kay Jal. Bakit ganito na lang ang galit ni Reese sa kanya?

"Bakit parang galit si Reese kay Jal?" pagkukunwari ko. "May nangyari ba?" 

Nagpalit-palit ang tingin ko kay Missi at kay Braelyn, naghihintay ng sagot. 

"Ang alam ko—"

"Ba't ang dami mong tanong?" sabi ni Missi dahilan para matigil si Braelyn. "Next week pa ang quizzes, please lang, may hangover pa 'ko sa research paper kahapon." 

Natawa si Braelyn pero hindi ako.

Ang mga estudyanteng ito ay mula sa mayayaman at ma-impluwensyang mga pamilya. 

Karamihan sa kanila ay ang mga future engineer, doctor, business owners, lawyers, prosecutors, judges, politicians, and leaders. 

Nakakikilabot na ganito ang mga mamumuno sa hinaharap. 

Habang pinanunuod ko si Jal Perez na nililinis ang sarili kahit napakarumi na dahil sa kung anu-anong sinaboy sa kanya ay hindi ko maiwasang ma-awa.

Ilang Jal Perez pa ang dapat magtiis? 

Just then, someone came inside the cafeteria. Nang pumila siya ay nagsi-alisan ang iba at pina-una siya. Gaya ng inaasahan ay hindi siya umalis sa pila at hindi man lang pinansin ang mga estudyanteng pinapa-una siya. 

"Missi, si Lyle, oh," turo ni Braelyn gamit ang labi.

"Saan?" tanong ni Missi at nang makita si Lyle ay agad na ngumiti. "Sakto na-uuhaw ako." 

Dali-dali itong tumayo at tumakbo palapit kay Lyle. Nang makalapit ay tumalon ito at inakbayan si Lyle. 

Bahagyang nagulat si Lyle. Pero hindi gaya kung paano niya tingnan ang lahat ay may something sa titig niya kay Missi. 

"Cute..." bulong ni Braelyn habang nakatingin sa dalawa. "First love never dies talaga, 'no? Look at Lyle, 'di man lang masungitan si Missi. King tayo 'yan tinitigan na tayo niyan hanggang manginig tayo sa takot." 

Sa 'di maipaliwanag na dahilan ay gustong umikot ng mga mata ko. 

Hindi ko pa rin ma-absorb na si Missi ang first love ni Lyle. 

"Bili mo 'ko n'on!" turo ni Missi sa isang inumin habang akbay-akbay si Lyle. 

"Wala ka bang pera?" tanong ni Lyle na nakapamulsa pa rin. Wala mang emosyon ang mukha nito pero kita mong kumportable ito sa pagkaka-akbay ni Missi. 

"Meron pero iba 'pag libre, 'di ba?" sabi nito at ngumuso. "Kay Grey sana kaso bad mood. Si Levi naman ayaw mag-lunch. Kaya sa 'yo na lang. Malaki yata kinita mo sa photoshoot last time, e. Dali naaa!"

Blangko pa rin ang mukha ni Lyle pero halatang nakikinig ito kay Missi. 

"Anong gusto mo?" tanong nito kinalaunan. 

"ETO!" kumalas si Missi sa pagkaka-akbay at nagturo. 

Napa-iling ako. 

"Same." 

Halos mapatalon kami ni Braelyn nang biglang sumulpot si Levi sa gilid ko. 

"Kadiri, 'no?" tanong niya habang nakatingin kila Missi at Lyle. 

Hindi ko ito pinansin at sinara na lang ang baunan ko. 

"Anong kadiri? Ang sarap kaya yakapin ni Lyle, ang bango pa," depensa ni Braelyn. 

Biglang nagtanggal si Levi ng coat niya at binuksan ang tatlong butones ng polo niya. 

"Oh, ayan, Brae. Ako na lang amuyin mo, amoy baby ako." 

"Ew!" reaksyon ni Braelyn na ikinatawa ni Levi. "Himala a, 'di ka nag-lunch." 

"Kakain ako sa bahay, magluluto si mommy," masayang sabi ni Levi.

Inilagay ko ang baunan ko sa bag ko at agad na tumayo. 

"Una na 'ko, Brae, ha. See you sa class." 

"Sige," sabi nito at kumaway. "Bye!" 

"Hoy, trans!" sigaw ni Levi. "Sa 'kin, 'di ka magpapa-alam?" 

Hindi ko na siya pinansin. May namumuong ideya sa utak ko. 

Bigla kong naalala 'yong e-mail ko kay Prosecutor Jax.

May naiisip akong project at kailangan kong kumunsulta.

Saktong paglabas ko ay agad akong napahinto nang makita ko si Grey. Huminto rin ito nang magtama ang paningin namin. 

Sa mga ganitong pagkakataon ay ngingiti na agad ito sa akin o kakaway. Pero ngayon, matamlay ito at hindi kumikibo. 

"Kumain ka na?" tanong niya. 

Tumango ako. Iyon ang unang pag-uusap namin sa araw na 'to.

Ngumiti siya nang tipid. "'Wag kang magpapagutom." 

Just like that, he walked away, leaving me wondering what's going on and what went wrong. 

Sa buong oras ay hindi na pumasok pa si Nash. Ang sabi ni Sir Ivan sa klase namin kanina ay nag-badge out ito kaninang umaga as per the system kaya malamang ay umuwi na ito. 

Napakarami kong iniisip at sa totoo lang ay hindi ako mapakali. Sinubukan kong tawagan si Prosecutor Jax pero hindi pa rin ito sumasagot. Si Grey naman ay tahimik pa rin kaya apektado ang buong klase at ni-hindi na ako kina-usap ulit. 

At si Lyle... 

Kitang-kita ko kung gaano siyang natutuwa dahil sa nangyayari. 

This man is ready to bring the entire 12-A down and he's just starting.

"Reign Harriett." 

Natigil kami ni Braelyn sa pagku-kuwentuhan at napatingin kay Everleigh. Wala pa ang teacher namin kaya wala rin akong ginagawa. Si Grey naman ay kausap ni Sir Ivan sa faculty dahil maging ito ay napansin na ang pagiging tahimik niya.

"Bakit?" tanong ko. "May... kailangan ka?" 

Natahimik ang klase at nagtinginan sa amin.

"Give me your phone," she said. 

I looked at her, confused. "Huh?" 

"We inspected Lyle's phone," Everleigh said. "Sa 'yo na lang ang hindi." 

Tiningnan ko siya at pinalibutan na kami ng mga kaklase namin. 

"Are you suspecting me?" tanong ko. 

"Everyone is a suspect, Reign Harriett," she said sharply. "Give me your phone and prove your innocence."

Inilahad ni Everleigh ang palad niya at tiningnan ko lang iyon. 

"Why?" Everleigh asked. "Are you scared?" 

Hindi ako kumibo. I met her eyes with the same intensity. 

"Bakit parang pinag-iinitan niyo siya?" tanong ni Braelyn. 

"No, Brae," sagot ni Missi. "Nalaman namin kay Lyle na kasama niya si Reign at Nash that night." 

Doon ako napatingin kay Lyle at habang kami ay nagkakagulo, nasa gilid lang siya at interesadong nanunuod. 

Did this guy just...frame me up? 

"We checked Lyle's phone at wala sa kanya," sabi ni Everleigh. "Kung hindi siya...sino pa ba?"

She smirked as she met my eyes. 

"Let's inspect your phone. Let's see if you're really that clean."

Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. 

Lyle Heimsworth framed me up. He threw me under the bus.

Is this what he means when he said never mess with a Heimsworth?

He plays dirty and it shows.

"Ano pang hinihintay mo?" tanong ni Everleigh. "Give it and prove that you didn't betray your friend." 

Nagtitigan kami nang ilang segundo bago ko binuksan ang bag ko at kahit na nanginginig ang kamay ay ini-abot sa kanya ang phone ko. 

She scanned it along with Levi and from there, they got the result. 

"Nothing," sagot ni Levi. "There's nothing suspicious in here." 

As Everleigh met my eyes, I put my chin up and smirked back. 

Ang hindi nila alam, hinatak ko palabas si Lyle para makatakas. Bukod sa hulihin siya ay may iba pa akong motibo—ang magpalit ng cellphone. 

Isa sa parte ng kontrata namin bilang undercover ay iba ang gamit namin sa trabaho at iba rin ang para sa personal. 

Dalawa ang cellphone ko at ang isa ay for cloning para sa mga ganitong sitwasyon. Parehong naka-log in ang SNS accounts ko at parehong naka-link ang google drive ko para sa mga litrato kaya magkapareho ng laman ang dalawang cellphone maliban sa ilang bagay. 

Sa isang cellphone ay personal na e-mail ko ang naka-connect habang sa isa ay student e-mail. Ang phone na hawak nila ay student e-mail ko ang nakabukas kaya hindi nila makikita ang e-mail ko kay Prosecutor Jax. Pinalitan ko naman ang pangalan ni Prosecutor Jax bilang 'Tatay' kaya hindi magiging suspicious sa kanila ang call logs. Sa text message naman ay tinanggal ko ang sim card at dahil sa sim card naka-store ang messages at hindi sa internal storage, hindi nila nakita ang usapan namin ni Prosecutor Jax. 

"Ano, Leigh? Wala talaga?" tanong ni Missi. 

Everleigh sighed. She seemed disappointed. "Wala." 

Lalo akong napangisi. 

Bago ako bumalik sa classroom kanina matapos namin mag-usap ni Lyle ay pinagpalit ko na ang cellphone. 

Hindi nila alam, ang hinahanap nila ay nasa locker ko lang. 

Akmang aalis na si Everleigh nang magsalita ako. 

"Won't you apologize to me?" 

Napahinto ito at maang na tiningnan ako.

"You shamed me in front of the class. Napatunayan kong inosente ako. I deserve an apology, at least." 

"Oooooh," bulungan ng iba.

"Sabong oh, sabong!" tumatawang sabi ni Levi. 

"Seryoso ka ba?" Everleigh asked unbelievably. 

Tumango ako. 

The class cheered and Everleigh scoffed. 

"Awat na..." bulong ni Brae pero hindi ko siya pinakinggan. 

Kahit nangangatog na ang binti ko ay kailangan ko 'tong gawin. It was part of my self-imposed mission. The mission that I was about to consult to Prosecutor Jax.

The Project Reese. 

To defeat Everleigh, I need Reese.

Kapag natalo ko si Everleigh, since siya ang gate keeper, maraming sikreto ang lalabas—mas malala pa kaysa kay Nash.

At iyon ang kailangan ko.

Kailangang lumabas lahat ng sikretong iyon.

Para makuha ang loob ni Reese ay kailangan niyang makitang kagaya niya rin ako. Na wala kaming ipinagkaiba. At wala akong kinatatakutan—kahit ang school witch pa.

"You..." Everleigh said. "Do you know me?" 

"You are Everleigh Miller, aren't you?" I asked back. 

Lalong nag-ingay ang klase. 

Si Reese ay nakangising nanunuod. 

"Do you have a death wish?" Everleigh asked with a smirk. 

"None," I said and smiled. "I just wanna let you know that I refused to be your victim. I'm not a pushover, Everleigh. Wala akong dapat ikatakot sa 'yo. Hindi mo 'ko hawak." 

"OOOH SHOOOT!" reaksyon nila. 

Aawat sana si Braelyn pero pinigil ito ni Missi. 

Everleigh inched our gap and smiled as she met my eyes. 

"Close the doors," she said while looking at me. 

The class did.

Everleigh crossed her arms and inched our gap again. "What about it again, Reign?"

"If you hurt someone, you should say sorry," I said with the same tension. 

"How?" she asked and smiled. In a snap, it faded. "Like this?" 

Laking gulat ko nang bigla niyang hablutin ang buhok ko. Sa gulat ko ay halos bumalikwas ako sa lakas niyon. Nahawakan ko ang buhok ni Everleigh hanggang dumulas iyon nang lalo niyang hinigpitan ang pagkaka-higit niya sa buhok ko.

Hinarang ni Missi si Braelyn. Lahat ng aawat ay pinigilan ni Reese habang si Levi ay binantayan ang pinto. 

Sinubukan kong abutin ang buhok ni Everleigh pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

"Now, what?" Everleigh asked with eyes full of threat. "Ba't hindi ka makalaban?"

I looked at her and she was smirking. 

She inched the gap of our face. 

"Don't bite more than what you can chew," she said. "I'm not the bitch that your stupid self can handle."

At walang anu-ano'y itinulak niya ako dahilan para bumagsak ako sa sahig. Agad akong inalo ni Braelyn at inaawat kami. 

"Pitiful..." Everleigh said right in front of me before walking back to her seat.

Humalakhak na pumalakpak si Reese. "What a show!" 

Habang lahat ay nagkakagulo, si Lyle ay tinitingnan lang ako mula sa gilid. Nang makita ang sinapit ko ay nakita ko kung paano siya umiling bago nagsuot ng headphone niya—na para bang ikinatutuwa niya ang nangyari. 

"Okay ka lang?" tanong ni Braelyn.

Tumango ako. 

Ang hindi nila alam ay sadya iyon. 

Sadya ang lahat.

Sadya ang 'di ko paglaban.

Humigpit ang hawak ko sa hibla ng buhok na nasa daliri ko.

Time to get your DNA and compare it with the knife, Everleigh bitch. 

Sa huling klase ay ramdam pa rin namin ang tensyon. Nagka-galos ako sa gilid ng pisngi at dumugo pa nga iyon. Nang tingnan ko ay para siyang kalmot. 

"Gusto mo bang pumuntang clinic?" concerned na tanong ni Braelyn.

"Okay lang," sabi ko rito. 

Nang dumating si Grey ay nalaman nito ang nangyari pero hindi ito nagalit. Wala itong kahit na anong reaksyon. 

Ano bang nangyayari sa kanya? 

Matapos ang klase ay pumunta ako sa faculty para kuhanin ang seat works ni Nash. Paglabas ko ay napahinto ako nang makita si Grey na nasa labas at nakasandal sa dingding. Nakapikit ito at bahagyang naka-angat ang ulo, dahilan para makita ang jawline at ang adam's apple nito.  

Tinitigan ko siya roon ng ilang segundo. Nang dumilat siya at nakita ako ay doon siya tumindig at humarap sa akin.

"Hi," Grey said and forced a smile.

"Hinihintay mo ba 'ko?" I asked. 

He nodded. 

"Bakit?" I asked. 

From then, he walked towards me and stopped right in front of me. He took something from his pocket—a band aid. 

Tiningnan ko lang siya habang binubuksan niya iyon. Ilang segundo lang ay ipinatong niya iyon sa kalmot ko sa mukha at bahagyang ngumiti.

"Nakakatawa ba ang mukha ko?" biro ko.

He smiled. "Nothing. Naalala ko lang. I was giving you a band aid too when we first met." 

Matapos niyon ay sinigurado niyang maayos ang kapit ng band aid at inilagay niya ang basura sa bulsa niya. 

"Please be careful, Reign," he said. "Wala ako parati sa tabi mo para protektahan ka."

I didn't answer. I was just looking in his eyes. 

"Grey, may problema ba?"

He seemed different. Really different from the last time we met. 

Umiling ito. "Sige na, you should go home. Kakausapin ko lang si sir sa loob." 

Tumango na lang ako. 

When Grey went inside, I knew, there was something bothering him and it showed.

———

THIRD PERSON POV.

Matapos mawala ang tunog ng mga yapak ay bumuntong-hininga si Grey. 

Pumasok siya sa loob ng faculty dahil hindi niya alam kung paano niya iiwasan si Reign. Nang wala na ito ay tsaka siya lumabas. 

"Pres." 

Natigil siya at napalingon. It was Everleigh.

"Hmm?" he asked. 

"Nasa loob pa si Sir Ivan?" 

"Oo, nagliligpit," sagot niya. "Why?" 

"Just few things to ask," Everleigh said. "Kumusta ka?"

"Okay lang," sagot niya. "Do I seem like I'm not?" 

"I'm the gatekeeper, Grey. There's nothing that you can hide from me," Everleigh said.

"Did mom call?" Grey asked.

"Yup," Everleigh said. "She told my mom everything." 

Grey sighed hard. "Sorry, Leigh. Dagdag alalahanin nanaman sa 'yo."

"Don't worry, walang makaka-alam. Tulad ng kung anong nangyari noon. Ako na bahala sa klase, maiintindihan naman nila," Everleigh assured him.

Grey looked at her. "Thank you, Leigh. I owe you a lot."

"No worries. Take your time to heal, Pres. Tao ka lang and you deserve a break."

Grey smiled at her. "Can I receive a hug?" 

"Sure thing," sagot ni Everleigh and they hugged. 

"I have no idea how my mom knew..." Grey whispered. 

"Sasabihin ko sa 'yo lahat ng i-ku-kuwento niya kay mama," Everleigh said while smirking behind Grey's back. "You know I got your back."

Humigpit ang yakap ni Grey sa kanya bago siya pinakawalan.

"Ang sarap pala sa pakiramdam na may nakakaintindi sa 'yo," sabi ni Grey at huminga nang malalim. "Una na 'ko, ha. Ingat ka." 

"Ikaw din," sagot niya at ngumiti nang tipid. 

Kumaway si Grey bago tuluyang umalis.

Unti-unting naglaho ang ngiti sa labi ni Everleigh habang pinanunuod si Grey na naglalakad papalayo. 

"Our former adviser was right..." she whispered while watching him. "You are incompetent, Grey." 

Binuksan niya ang cellphone niya at isa-isang tiningnan ang mga litrato nila Grey at Reign na nakangiti sa isa't isa habang si Grey ay naglalagay ng band aid sa mukha ni Reign.

She sent them to Justine, the photographer., and sent him a message as well. 

"Enhance the photos and send them to Grey's mom tonight."

Tiningnan niyang muli si Grey na naglalakad papalayo bago dumako ang paningin niya sa bintana at tanaw si Reign na naglalakad papalapit sa gate. 

"You refuse to be my victim, huh?" she asked herself. Everleigh scoffed out of frustration. 

Ilang segundo lang ay naka-receive siya ng reply mula kay Justine.

"Will send tonight."

Everleigh felt the contentment after reading it.

Grey was doomed, so was Reign Harriett.

She was smiling from ear to ear.

Naglakad na si Everleigh palabas ng building pero agad siyang napahinto nang masalubong si Lyle. Sinubukan niyang 'wag itong pansinin pero natigil siya nang magsalita ito.

"Does it feel heavy?" 

Everleigh looked at him. "Huh?"

"Our section has wicked and disturbing secrets and you carry them all as the gatekeeper," Lyle said. "Don't you feel suffocated?" 

"Drop the narrative," Everleigh said. "What are you trying to say?" 

"It is the first time that someone stood up against us. That Reign Harriett is far different from Hale and Jal. Alam mong hindi mo siya basta-basta mapapa-alis." 

"Yes, Lyle. But you know the 12-A curse never fails," Everleigh said confidently.

"Every tongue that rises up against us shall fall," Lyle said. "I know but this time is different. Imagine what would the class' reaction be if they find out that you are not the original gatekeeper." 

Lyle looked at Everleigh. "Do you want me to remind you that you are just a replacement of me?" 

"Lyle!" singhal ni Everleigh at nagpalinga-linga. "Watch your mouth!" 

"Don't fear the facts, Everleigh," Lyle said. 

"Like the fact that you were replaced because of what you did to Levi and Grey?" Everleigh asked and scoffed. 

"I just did what I must do," he reasoned out.

"Like what?" Everleigh asked. "Like ruining your friends' life and not even feel sorry about it?" 

Everleigh mockingly laughed at him. "Pareho lang tayong masama, Lyle. Wala kang ipinagkaiba."

"You're right. I gatekeep the class' secrets the same way you do," Lyle said. "But I'm tired of it now. I want some fun." 

"What do you mean?" Everleigh asked. Suddenly, her eyes widened by a sudden realization. "Lyle... don't tell me... ikaw ang nagpakalat ng scandal ni Nash?!" 

Lyle didn't answer. He just smiled. 

"LYLE!" Everleigh exclaimed. "Why did you—"

"I'm tired being an extra," he just said. "It's time for the main antagonist to reveal himself, don't you think?" 

Everleigh was at a loss for words. Na-alala tuloy niya ang minsang sagutan nila sa cafeteria nang tulungan ni Lyle si Reign.

"Wow, Lyle, 

kailan

 

ka

 pa 

nagkapake

 sa 

ganitong

 

bagay

? You're getting out of your character and that is the real eye sore." 

"I meddled because I had enough 

bullshits
. 
You are still an amateur, 

Everleigh

, and it shows." 

"Why don't you just go back to your non-speaking character, Lyle? Mas may 

silbi

 

ka

 pa 

roon

." 

"Then don't do anything that will make me talk."

Hindi alam ng lahat ay may iba iyong kahulugan.

"What do you want, then?" Everleigh asked. 

Lyle took out a cigarette from his pocket, lit it up, and looked at Everleigh's eyes.

She was actually shocked. No one had an idea that he was a smoker.

"Let the Witch Hunt start," Lyle said as he smirked. "Let's expose their secrets and watch them all fall..."

# PART FOURTEEN: His First Victim

"LYLE KILLED THE ADVISER!" 

Bahagyang napakamot ng ulo si Prosecutor Jax at tiningnan ako. Bakas na bakas sa mukha nito ang pagkayamot. 

Kasalukuyan kaming nasa loob ng kotse niya. After class ay finally, nag-reply na siya sa e-mail ko. Nakipagkita siya sa 'kin malapit sa school at habang inihahatid ako sa unit ko ay doon namin pinag-usapan  ang lagay ng mission ko.

Nag-kwento ako tungkol sa lahat. 

Ang pagiging gay ni Nash at pagkalat ng scandal niya sa room. 

Ang koneksyon ni Missi kay Levi, Grey, at Lyle. 

Ang nangyari sa amin nina Reese, Braelyn, at Missi patungkol kay Jal.

Ang ginawa ko para ma-obtain ang hibla ng buhok ni Everleigh. 

LAHAT. 

Wala naman pala siyang balak na sibakin ako sa trabaho. Gusto niya lang malaman ko na hindi ako dapat maging emotionally attached kung kanino man. Na kapag may nalaman ako, kahit ikasisira pa nito, dapat kong sabihin sa kanya dahil iyon ang trabaho ko. 

"Look, Reign," sabi ni Prosecutor Jax. "Masyado 'yang maagang sabihin. Let's say Lyle has a tendency. Pero hindi iyon enough basis." 

"Eh ganoon din naman ang 12-A, a?" tanong ko. "Lahat ng mayroon sila ay tendencies lang." 

"Totoo. Pero ang ipinagkaiba, present sila sa krimen, si Lyle, hindi," sagot ni Prosecutor Jax. 

"Ano bang alibi niya bakit wala siya roon?" 

"He had a photoshoot," sagot ni Prosecutor Jax at ibinigay sa akin ang isang magazine. "Ayan 'yon." 

Tiningnan ko iyon at si Lyle nga ang nasa cover page. 

"E, kahit na," hindi kumbinsido kong sagot. "He killed the adviser the same way the 12-A did. Hindi mo ba narinig sa recorder, Prosecutor Jax? Inamin niyang siya ang gumawa. Sa kanya mismo nanggaling na ginagawa niya 'yon dahil sa hirap na tiniis niya dahil sa kanila. Who knows, baka pinatay niya 'yong teacher para i-frame up ang buong section. Then it just happens na si Hale ang nakadiskubre. Ngayon, he changed his plan at gusto na lang sirain ang buhay ng bawa't isa." 

Prosecutor Jax looked at me. "Tingin mo ba hindi namin naisip 'yan, Reign? We did. Pero kahit na anong anggulo namin tingnan, wala kaming makitang matibay na motibo para ilagay si Lyle sa suspect list. Isa pa, kapatid siya ni Avery. He's a Heimsworth, after all." 

I rolled my eyes. "Si Avery din naman anti-corrupt pero bakit ang tatay niya, mandarambong?" 

Prosecutor Jax's eyes widened. "REIGN!" 

"Bakit?" tanong ko. "Ang ibig kong sabihin, wala sa apelyido 'yan. Wala sa dugo 'yan. Kung kriminal ka, kriminal ka. Lumaki akong may trust issue, ano? Hindi ko pinasok ang trabahong 'to para magtiwala."

"Really, Reign?" he asked. "How about Grey?" 

Maang na tiningnan ko si Prosecutor Jax. 

"Nasa suspects list mo rin ba siya?" 

"S-Siyempre!" defensive kong sagot. "Lahat ay suspect, 'no." 

"Siguraduhin mo lang," tugon niya. "Ayokong dumating ang araw na kapag nalaman mo kung sino talaga ang gumawa ng krimen, mahihirapan kang isuplong dahil attached ka na. Bukod sa failed agad ang mission mo, naging accessory to the crime ka pa. Damay ka, Reign. You're in legal age now, pwede ka nang makulong." 

"Kailangan talaga manakot?" tanong ko. 

Natawa siya. "Pina-aalalahanan lang kita."

May kinuha ito at ipinakita sa akin. Iyon 'yong buhok ni Everleigh na nasa sachet na. 

"Itatago ko 'to." 

Kinuha niya rin ang pen recorder ko na may record ng pag-uusap namin ni Lyle. 

"Pati ito, kung magagamit man 'to sa hinaharap." 

"Lyle is not as soft as Heinz, not as calculated as Traise, not as charming as Tyler, not as mysterious as Andrius, not as funny as Newt or as friendly as Casper,"  sabi ko. "Iba siya, Prosecutor Jax. He's the worst. Sobrang entitled. Sobrang pa-mysterious pero nasa loob ang kulo. Kunwari tahimik pero ang totoo, nakikinig na para makahanap ng ikasisira mo. Nakakainis siya. Tsak, magagamit niyo 'yan. Kung hindi man sa murder case na 'to ay sa iba. Ganoon siya kalala."

Tawang-tawa si Prosecutor Jax dahil kitang-kita niya kung gaano ako ka-bwisit. 

"Oo nga pala, before you go, are you sure about The Project Reese?" 

Bahagya akong kinabahan nang tingnan ko si Prosecutor Jax. Ang Project Reese ay ang proposal kong mission patungkol kay Reese. Kagaya ng The Project Everleigh ay kailangan kong kuhanin ang loob ni Reese at maging kaibigan ito. 

Sa ganoong paraan ay matatalo ko si Everleigh. Kapag nagkataon, isusunod ko si Reese. Kapag tumumba na ang nag-pro-protekta sa 12-A ay madali na lang palabasin ang mga sikreto nila. 

Tumango ako. 

"Then The Project Everleigh failed?" tanong niya.

"Wala pong choice," sagot ko. "Masyado niyang ginagampanan pagiging Gatekeeper niya. Kulang na lang mag-suot siya ng guard uniform." 

Natawa siya.

"Anyway, sige, approved 'yan. Just send me your action plan and the daily progress report. I'll deposit your allowance tomorrow." 

"Ba't parang sugar daddy po kita?" nakangisi kong tanong.

Akmang sasampalin ako ni Prosecutor Jax nang natatawang tinakpan ko ang mukha ko ng bag ko. 

"Gusto mo yata mamaga mukha mo e," sabi nito. 

"Saan kayo pupunta after this?" tanong ko nang mapansing basa pa ang buhok nito. 

"Pupunta ang defense attorney ni Hale for interrogation. Dapat din ako pumunta para ma-itanong ko 'yong tungkol sa gatekeeper thing. Baka mamaya may kulto na riyan sa 12-A tapos 'yong teacher nila ang naging alay, wala pa tayong alam." 

Bahagya akong napangiwi. Horror pala 'to. 

"Sige na, it's getting late. Just do things as a say. Remember, always guard your heart." 

Few minutes later, Prosecutor Jax drove away and I went inside the building. Huminto ako sa harap ng unit ni Nash at pinakiramdaman kung may tao roon pero mukhang wala. 

Hindi kasi ito sumasagot sa kahit na anong tawag o text namin. Wala ring may alam kung nasaan ito ngayon simula nang mabulgar ang sikreto niya sa klase. 

Nag-iwan ako ng sticky note sa pinto niya at bahagyang ngumiti nang basahin iyon. 

"WE MISS YOU." 

I hope you're okay, Nash. I really, really do.

———

THIRD PERSON POV.

Sa loob ng isang kotse ay makikita ang isang lalaking suot-suot ang puti niyang headphone at nakapikit. Tahimik ang buong biyahe at maging ang driver ay hindi kumikibo, kabado sa presensya ng lalaking nasa back seat. 

Ilang minuto ang lumipas ay nagtanggal ng headphone ang lalaki. Binuksan niya ang tatlong butones ng uniform niya at naglabas ng sigarilyo. 

"Sir Lyle."

Natigil siya nang magsalita ang driver. 

"M-Magagalit ho ang mama niyo kapag nalamang...gumagamit pa rin ho kayo niyan." 

Walang emosyon ang mukha ng lalaki. Tiningnan niya lang ang sigarilyo sa daliri niya. "Hindi siya magagalit kung hindi niya malalaman." 

Suddenly, he looked at the rearview mirror, meeting the driver's eyes.

"Unless you tell her..." 

Napalunok ang driver. Hindi niya malaman ang sasabihin o gagawin. 

"Pero matagal na ho kayong natigil diyan," sabi nito. "Gumagamit lang ho kayo niyan kapag may bumabagabag sa inyo. Mayroon ho ba akong maitutulong?" 

Lyle didn't answer. He just heaved a sigh. A few seconds later, he decided to throw the cigarette to the car trash can near him. 

Tumingin na lang si Lyle sa bintana para libangin ang sarili at napukaw ang atensyon niya ng isang bagay. 

"Stop the car," bigla niyang sabi. 

Huminto agad ang kotse at gumilid. 

"Bakit po?" tanong ng driver. 

Tinitigan ni Lyle ang isang lalaking sinisipa ang isang pusa. Lasing ito at may kasamang babae na inaakay siya papasok ng convenience store. 

"Siya 'yon, 'di ba?" tanong ni Lyle nang walang bahid ng kahit na anong emosyon ang mukha. 

Tiningnan din ito ng driver. "Nakikita ko ho siya sa lugar natin. Ang alam ko... ayan din ho 'yong napa-pulis dahil sa pang-mamaltrato sa aso niya." 

Binuksan ni Lyle ang bintana ng kotse at pinanuod kung paano sinipa-sipa ng lalaki ang pusa. 

"Do you know what people who mistreat animals are called?" he asked rhetorically. "Demons." 

Tumakbo ang pusa papalayo habang ang lasing na lalaki ay tuwang-tuwa sa ginawa. 

"And do you know who can take a demon?" Lyle asked again and a small yet cunning smile curved on his lips. "A demon of its kind." 

Just then, Lyle met the driver's eyes. 

"Y-Yes, sir?" kinakabahang tabong ng driver.

"I want you to do something for me..."

Ilang minuto lang ay pinanunuod na ni Lyle kung paano dini-deflate ng driver niya ang kotse ng lalaki. 

Pinanunuod lamang iyon ni Lyle habang nakikinig ng musika sa headphone niya. 

Nang bumalik ang driver ay pawis na pawis ito. "Okay na ho, sir." 

Hindi kumibo si Lyle at pinanuod lang ang paglabas ng lalaki mula sa convenience store. It didn't take long for him to realize that his tires were already deflated. Galit na galit ang lalaki at hindi malaman ang gagawin.

Lyle smirked.

"Let's go."

Hindi nagtagal ay umandar ang kotse. 

Lyle was a keen believer of an eye for an eye, a tooth for a tooth. 

The kitten cannot fight for itself so he did it instead. 

Malayo ang mga sakayan mula sa convenience store na iyon. Wala ring vulcanizing shop sa malapit. Hindi rin ito makakapag-book dahil naka-take down ang mga rider apps. Kahit may spare itong gulong ay hindi iyon gagana dahil apat na gulong—lahat ng gulong, rather, ang ipina-deflate niya. 

He is the Heimsworth that no one knows about. 

The Heimsworth out of the public's grasp.

He's not as loving as his mother. 

He's not as practical as his father.

He's not as compassionate as his sister.

He is a Heimsworth but with a different shade.

Matagal na niyang pilit itinatago ang ugali niya pero ngayon ay kusa na itong lumalabas at hindi niya iyon pinagsisisihan.

Kumportable siyang sumandal sa headrest at pumikit. 

"It's about time..."

———

Kung maka-ilang beses na bang sumimangot si Levi ay hindi na niya malaman. 

Buong araw siyang nagpigil kumain at nagtiis ng gutom dahil nangako ang parents niya na paglulutuan siya ng paborito niyang ginisang ampalaya at pritong tilapia bilang pambawi dahil wala ito noong birthday niya gawa ng trabaho. 

At gaya ng inaasahan, pati ang pangakong iyon ay hindi rin natuloy. 

"Pasensya ka na, 'nak. Hindi lang kami maka-uwi dahil alam mo naman itong tito mo." 

Nakasimangot na nakikinig si Levi. Ang tinutukoy ng ama ay ang tito niyang producer. Ayaw na nitong paalisin ang parents niya at nag-pro-propose na agad ng bagong project bago ito tuluyang mag-retire. 

"Okay po..." mahina niyang bulong. 

"Sasabihan ko na lang 'yong kuya mong ipagluto ka, ha?" 

"'Di naman marunong magluto 'yon si Brent," reklamo niya. "Kahit nga magbukas ng air fryer, baka hindi n'on alam." 

Natawa ang tatay niya sa kabilang linya. "Si Ate Janine, and'yan ba?" 

"Wala lahat ng kasambahay," sabi niya. "Pina-uwi niyo for day-off, 'di ba?"

"Ay, oo nga pala," sabi nito. "Bukas, Levi. Magluluto kami ng mama mo. Promise 'yan." 

"'Wag na kayo mag-promise. Gawin niyo na lang. Mas natutupad pa 'yon kaysa promises niyo, e," sagot niya. 

Natahimik ang daddy niya at rinig niya ang pagtawag rito ng tito niya. 

"Bukas, 'nak. We promise." 

"Sige po," sabi niya. "Bye." 

Umupo si Levi sa upuan sa kusina matapos ang tawag. Napakalaki ng bahay nila pero nanliliit siya dahil siya lang mag-isa. 

Muling tumunog ang tiyan niya at naramdaman niya ang kanina pang tinitiis na gutom. 

"Sana pala nag-lunch ako," nanghihinayang na sabi niya sa sarili. 

Binuksan niya ang cellphone niya at nag-chat sa GC nila. Pero ni-isa ay walang nag-seen. 

"Ang sasama ng ugali," bulong niya. 

Tiningnan niya ang active friends niya at wala siyang online na friend bukod kay Missi.

"Bahala na nga!" sabi niya at chinat ito. 

Levi: 

Hoy 

Missi: 

Ano ba 

Levi: 

Inaano kita? 

Missi: 

Advance lang. Anong need mo, gagawa na ako ng assignment 

Levi: 

Totoo ba 'yan? Baka mali-mali naman 'yan? 

Missi: 

Ang sabi ko gagawa ako pero '

di

 ko 

sinabing

 tama, 

pwede

 ba

Levi: 

Pakopyahin

 na lang 

kita

. 

Sama

 

ka

 sa 'kin

Missi:

Saan??? 

Levi: 

McDo tayo. 'Di pa 'ko kumakain simula kaninang umaga

Missi: 

Kasalanan ko? 

Levi:

Libre ko na 'wag kang maarte

Missi: 

May milk tea?

Levi: 

Oo na patay gutom ka 

Missi: 

May car? 

Levi: 

May kotse ako, Missi ano ba. Gusto mo ba o hindi?

Missi:

Gegege

Levi:

???

Missi: 

Sige, sabi ko. Sunduin mo 'ko sa amin. Pag-

usapan

 na rin 

natin

 'yong about sa pageant. 

Levi: 

Anong pageant? 

Missi: 

Duh, sa school. 'Di ba bukas submission ng school uniform model applications. Formality lang naman 'yon, walang ibang magpapasa. Masabi lang na binigyan nila ng chance sumali 'yong iba. 

Levi: 

Sige, sunduin kita. 

Missi: 

Si Grey ba inaya mo? 'Di ba magtatampo 'yon?

Biglang napahinto si Levi. Napalunok siya nang maalala ang kaibigan. 

Levi: 

Hindi. 

Ayaw

 nga mag-reply sa chats ko, e. 

Missi: 

Paano

 kung dumugin tayo? Duh, artista ka

Levi: 

I'll tell them you're my gf bakit ba 

Missi: 

Wew 

Levi:

Pwede naman mag-order then sa car kumain. Basta, start preparing. I'll pick you up. Bye. 

Matapos i-send iyon ay napa-isip si Levi. 

"Hindi naman siguro siya magtatampo si Grey, ano?" tanong niya sa sarili. 

At sa buong gabing iyon, ay hindi na siya napakali.

———

Hindi malaman ni Grey kung bubuksan ba ang pinto o hindi. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman kapag nakita na ang ina. 

"Hindi po ba kayo papasok?" tanong ng kasambahay nila na nasa gate na. 

"Papasok po," sabi niya at bumuntong-hininga muna bago tuluyang pumasok. 

Sa bawat pagkahakbang niya ay nadaragdagan ang bigat sa dibdib niya. Hindi siya kumportable sa ganoon. Nakakasulasok. 

"Oh, you came..." bungad ng ina. 

Nasa sala ito at hawak-hawak ang aso nila. 

"Opo," sabi niya at nilapitan ito. Hinagkan niya ito sa pisngi at muling tumindig. "Hindi na po ako kakain. Kumain na po ako sa school, marami rin po kasi akong tatapusin."

"Sige," tugon nito. "Magpahinga ka bago maligo." 

"Opo," sagot muli ni Grey at naglakad.

"Malapit na ang election para sa Ledership Award, right?" 

Napahinto si Grey at lumunok. "Opo." 

"Ikaw ang recipient n'on simula Grade 7 ka, Greysen. Kailangan mong makuha iyon para mapadali ang college admission mo sa States. No one should be a hindrance. Not even that girl." 

Nakagat ni Grey ang ibaba niyang labi. Iyon ang iniiwasan niya. 

"Did you talk today? Did you have interaction at all?" 

Grey closed his eyes hardly. "Wala po." 

Ngumisi ang mommy niya habang hawak-hawak ang mga litrato. "Good. Go to your room." 

Habang naglalakad si Grey ay lalong bumigat ang lahat. Hindi siya sanay sa ganitong pakikitungo niya sa ina. Hindi rin siya sanay sa inaasal nito sa kanya. 

Close sila. Sobra. 

Ngayon, harap-harapan siyang nagsisinungaling at wala siyang choice. 

Her mom was capable of anything especially if she was being provoked. He witnessed it before and he never wanted to see it again.

Nang marating niya ang kwarto ay agad humiga si Grey sa kama niya. 

Mariin siyang pumikit at ramdam ang pagod physically and emotionally. 

Walang ibang dapat sisihin kundi ang nagpadala ng mga litrato. 

S'ya ang puno't dulo nito. 

Wala nang iba. 

"Whoever you are, I will destroy you in any means possible..." bulong niya sa sarili. "You wait and see."

———

"IKAW 'YON, ANO?!" 

Natigil si Everleigh sa paglalakad pabalik ng kwarto niya nang bigla siyang sigawan ng galit na kapatid. 

Nilingon niya ito at nginisian lang. 

"ANG KAPAL NG MUKHA MO!" sabi nito. Umiiyak ito sa galit at namumula pa ang mukha. "Anong sinabi mo kay mommy?! Paano mo nanaman pina-ikot-ikot si mommy?!" 

"Wala akong ginagawa," sagot ni Everleigh. "Ni-hindi ko nga alam kung ano ang ikinagagalit mo." 

"LIAR!" tili nito. 

Gustong-gusto ni Everleigh ang nakikitang galit sa mukha nito. She hated her. She loathed the fact that she had a sister. 

"Kung tapos ka na magtiti-tili, babalik na 'ko sa kwarto ko," sabi niya. 

Ibinato nito sa mukha niya ang mga papeles. Hindi nagpatinag si Everleigh at hindi man lang kumurap. 

"Pinalilipat ako ni mommy sa ibang school," mariin nitong sabi sa kanya. "What did you do, you manipulative bitch?! WHAT DID YOU DO?!" 

Nagpintig ang tenga ni Everleigh nang sigawan siya nito harap-harapan. Agad niyang hinablot ang buhok ng kapatid at isinandal ito sa pader. 

"Do you really wanna know?" she whispered but her voice was full warning and her eyes were glaring. "It's your scandal, you filthy spoiled brat." 

Unti-unting nanlambot ang mukha ng kapatid niya. 

"Akala mo hindi namin malalaman?" mariing tanong ni Everleigh. 

Namuo ang luha sa mga mata ng kapatid niya at hindi ito makakibo gawa ng kahihiyan. 

"How long am I gonna clean up your mess?" Everleigh asked sharply. "Grow fucking up."

Pinakawalan ni Everleigh ang kapatid. She crossed her arms later on and scoffed. 

"You call me a bitch?" tanong niya. "Ayusin mo muna ang buhay mo." 

Inirapan niya ito bago pumasok sa loob ng kwarto niya. Saktong pagkasara niya ng pinto ay rinig ang malakas na tili ng kapatid niya at sinabayan iyon ng hagulgol na puno ng galit. 

Nakangiwing tiningnan ni Everleigh ang pinto. 

"Ba't kasalanan ko pang malandi ka?" bulong niya. 

Maya-maya lang ay nag-ring ang phone niya. Nang makitang nanay iyon ni Grey ay agad niya iyong sinagot. 

"Is this Everleigh?"
 bungad nito. 

"Yes, Tita," sagot niya. "Bakit ho kayo napatawag?" 

"I tried to call your mom pero hindi ko siya ma-reach, e. Kaya ikaw na lang ang tinawagan ko."

Ngumiti siya. Alam na niya ang pakay nito. 

"Umalis po sila ni daddy, baka naka-off ang phone. Bakit ho ba kyo napatawag?"

"About Grey..." 

Tuluyan na siyang napangisi. "What about him po?" 

Hindi ito kumibo pero rinig niya ang pag-iyak nito. 

"Don't worry, tita. Mom told me everything. I'm the gatekeeper, safe sa akin ang lahat." 

At dahil doon, nagkuwento na ito. Na kesyo bumabalik sa dati ang anak, na natatakot siyang ma-ulit ang nangyari dalawang taon na ang nakalilipas, at ngayon na nagsinungaling na mismo si Grey sa kanya.

"Saan po nanggaling ang litrato?" nakangiting tanong ni Everleigh. Kulang na lang ay humalakhak siya rito. 

"Hindi ko alam. May...may nag-se-send lang sa amin. Nang tanungin ko kung...kung nag-usap ba sila, sabi ni Grey hindi. Pero sa mga litrato, kitang-kita na nag-usap sila. Hindi ganito si Grey. Hindi niya kayang magsinungaling..." 

Nakagat ni Everleigh ang dila niya, pinipigil ang sarili sa tuluyang pagtawa. 

"Tingin niyo po nagbabago si Grey?" walang-malisya niyang tanong. 

"Yes. Bumabalik siya sa dati and we know how...how miserable he was before..."
 sagot nito. 

"Pansin ko rin po," pakikisali niya. "Kanina nga po sa school ay iritable siya at hindi kumikibo. Napapansin na nga po ng mga classmates namin. Kapag ito nag-tuluy-tuloy, baka hindi po siya ang maging recipient ng Leadership award." 

"Oh, no. Oh my gosh, no..."
 reaksyon nito. 
"Mahalaga iyong award para ma-endorse siya sa university sa states. Hindi pwede..." 

Nagsimula itong umiyak ulit at umikot ang mga mata ni Everleigh. "Ano pong plano ninyo?"

"Hindi ko alam, hija. Hindi ko na alam ang gagawin ko." 

Umupo si Everleigh sa kama niya at tiningnan ang kuko. "Kung ako ang tatanungin, wala namang problema si Grey. Ang problema ay nasa babae, 'yong Reign Harriett. Siya iyong bad fluence."

"Talaga?"
 tanong ng nanay. 

"Opo," sagot ni Everleigh. "Baka siya pa nagsabi kay Grey na magsinungaling sa inyo. Pangit kasi ugali ng babaeng 'yon, tita. Alam ng klase 'yan." 

"I will never let my son to end up with a wonan like that!"
 galit nitong sabi. 

Lalong napangisi si Everleigh. 

"I know. If I were you tita, ang gagawin ko, hahayaan ko lang si Grey. Lapitan niya 'yong babae all he wants. Kasi wala naman sa kanya 'yong problema, e. Hindi siya 'yong masama ang ugali. I won't stop him. I don't want my son to hate me." 

"Then what should I do?"
 tanong nito. 

"Focus on the girl," Everleigh said and smirked. "Focus on that Reign Harriett." 

"How?"
 tanong nito. 

"Make her life miserable, tita. Ipamukha mong hindi sila bagay ni Grey at kahit na anong gawin niya ay hindi mo siya matatanggap." 

Inihawi ni Everleigh ang buhok niya.

"Give her a taste of hell para siya na mismo ang umalis sa West Carson at tapos na ang problema. Simulan niyo po siguro sa paghahanap ng sikreyo niya. The dirtier, the better. Kung mag-hi-hire kayo ng private investigator, it might take a month." 

Tinitigan niya muli ang kuko at ngumiti. 

"But since Grey's father is the Chief of the National Security Task Force, marami siyang connections from the intelligence unit. Madali lang makapag-background check. Who knows, the result might be out in a couple of days...or hours?" 

Sandaling nanahimik ang babae. 

"What do you think, tita?" 

"You are brilliant, hija!"
 sabi nito. 
"Kakausapin ko agad ang asawa ko. Thank you so much!" 

"No worries," sagot ni Everleigh. "Maganda kasi kung siya mismo ang aalis. At least, sa kanya magagalit si Grey at hindi sa inyo. Ang alam ni Grey ay sinusuportahan niyo siya pero ang totoo, palihim niyong pinahihirapan ang babae. Grey had enough sufferings. I know you don't want him to be emotionally unstable again, not now that the Leadership Awards is coming." 

"I know, I know," 
tugon nito. 
"Ako ang bahala. Pag-iisipan ko ang lahat. Thank you so much, hija. I owe you a dinner!" 

Nagkatawanan sila at nang matapos ang tawag ay unti-unting nawala ang ngiti ni Everleigh. Tiningnan niya ang cellphone at umiling. 

"Mag-ina nga talaga kayo," bulong niya. "Mag-inang tanga." 

Tumunog ang phone niya at text iyon mula kay Justine. 

"Delivered." 

"Nice. My mom will deposit the money." 

Matapos mag-reply ay tumayo si Everleigh at sinipat ang sarili sa salamin. 

"I hope you're seeing this, Lyle..." bulong niya. "Why do I need to team up with you when I can destroy anyone whenever I want?" 

Ngumiti siya sa sarili. 

"After Grey and Reign, isusunod kita." 

Unti-unting nawala ang pagkakangiti niya at sumeryoso ang mukha. 

"I am Everleigh Miller and I am the last woman standing..."

———

REIGN. 

Kinaumagahan ay wala pa rin si Nash sa unit niya. Nang makipag-chismisan ako sa receptionist ay nakita niya raw si Nash na umuwi ng madaling araw at mahigit isang oras lang ay umalis din ito kaagad. 

Nang i-kwento ko kay Braelyn iyon nang tawagan ko siya ay galit na galit ito.

"Hindi ko gets, e. I mean, okay, bakla siya. So what? Nagnakaw ba siya? Nantapak ba siya ng kapwa? 'Yong iba nga, bilyon-bilyon na ninakaw tumatakbo pa rin for government position. Iyong isa nga sumayaw lang kahit mukhang clown, naging senador pa. Gets ko naman pinanggagalingan ni Nash pero makikipag-away ako sa kanya 'pag 'di siya pumasok. Anyway, ambag mo pala sa Contemporary Arts? 80 pesos." 

Kasalukuyan ako ngayong naglalakad sa labas ng school. 

Sana pumasok na si Nash. 

Sana talaga. 

Laking gulat ko nang biglang may kumalabit sa akin nang nasa gate na 'ko. 'Pag lingon ko sa kanan ay wala roon. 'Pag lingon ko sa kaliwa ay naroroon si Grey at tinatakpan ang mukha. 

"Invisible ako, 'di mo 'ko nakikita," sabi niya. 

Natawa ako at ganoon din siya. Nagtanggal siya ng takip sa mukha at nginitian ako. 

"Hi," sabi niya. 

"Hi," sabi ko. 

Tiningnan niya ang kalmot ko sa mukha.

"Magaling na kaso nagsugat," sabi ko. "Nilagyan ko ng—" 

Natigil ako nang binuksan niya ang bag niya at naglabas ng band aid. Tinanggal niya ang band aid sa mukha ko habang nakatitig sa mga mata ko. 

"Pareho lang naman 'yang band aid," sabi ko. 

Ngumiti siya at umiling. "Mine is cuter." 

Nang matanggal ay inilapat niya ang band aid niya sa kalmot ko sa pisngi. 

"See? Mas cute 'pag sa akin galing." 

"Okay, sabi mo, e," sabi ko at bahagya kaming natawa. 

"Tara," sabi niya. 

Habang naglalakad kami papasok ng entrance ay hindi ko maiwasang tingnan si Grey. Hindi kagaya kahapon na wala itong kinikibo at walang interes sa kahit na ano, bumalik na ito sa pagiging palangiti. 

Kung ano man ang nangyari ay wala akong balak itanong muna iyon. Ayokong sirain ang mood ni Grey. 

Habang papasok kami ay may mga lalaki na tumitingin sa amin. Sa unang tingin ay kita ang gold nametag nito. 

11-A. 

Nang mapansin ni Grey na ako ang tinitingnan nila ay ay humawak ito sa balikat ko. Saktong pag-tap ko ng I.D ay nag-tap din siya, dahilan para hindi lumabas ang mukha at pangalan ko sa screen. 

Napa-iling na lang ako. 

Pagpasok namin ng gate ay doon na ako inakbayan ni Grey. Bago pa ako makapagtanong ay hinigpitan niya iyon dahilan para dumikit ako sa katawan niya at ang baba niya ay dumikit sa ulo ko. 

"Don't look back," sabi niya.

"What are you doing?" tanong ko.

"Marking my territory, I guess."

Hindi ako kumibo. Malayu-layo na ang narating namin nang tanggalin niya ang pagkaka-akbay niya sa akin at nilingon ang mga lalaki. 

"Whoa..." bulaslas niya. "Grabe, mga bata pa lang landi na ang inaatupag." 

Tiningnan ko siya. "Isang taon lang tanda mo r'on." 

"Bata pa rin 'yon," sagot niya. 

"Isang taon tanda ko sa 'yo. Edi bata din itatawag ko sa 'yo, ganun ba?" 

"Ba't bata kung pwede naman baby?" tanong niya.

Hinampas ko ang tiyan dahilan para matawa siya. Ako naman ang namula dahil naramdaman ko 'yong pagkaka-flat ng tiyan niya at pagka-tigas ng abs niya. 

"Reign." 

"O-Oh?" maang kong tanong. Kulang na lang ay tumalon ako. 

Bahagya tuloy siyang napangiti.

"Bakit?" tanong ko ulit.

"Pwede mag-request?" tanong niya. 

"Mmm?" tanong ko. 

"Sabay tayong mag-lunch mamaya, okay lang?"

"Sure!" agad kong sagot. "Sasabihan ko sila Brae na sumabay—"

"No," sagot niya. "Just you and me." 

Grey looked into my eyes deeply. "Just the two of us." 

I felt my heart just took a sudden leap. 

I gulped. 

"Sure." 

He smiled. I did too. He was just staring at my face for few seconds until I cracked a small laugh. 

"Bakit?" tanong ko. "May dumi ba 'ko sa mukha?" 

Umiling siya. 

"Then why are you staring at me?" 

He smiled. "You have no idea of what risks I'm bravely taking now just to see that smile." 

Confusion swallowed me. 

Ginulo ni Grey ang buhok ko at lalong ngumiti. "Punta muna ako sa office. See you sa room and don't forget our lunch." 

"Opo," sagot ko. 

Nagkatawanan kami ulit. Habang papalayo si Grey ay tiningnan ko ang isa ko pang pen recorder sa loob ng bulsa ko. Na-record ko ang lahat. 

"Send ko ba 'to kay Prosecutor Jax?" tanong ko sa sarili. "Puro kalandian lang 'to, e. Baka mag-sana all lang 'yon."

For the next hours, hindi pa rin pumasok si Nash. Ang sabi ni Sir Ivan ay nag-notify ito sa kanya at papasok kapag ready na siyang harapin ang klase. Kaya naman si Braelyn ay gigil na gigil. Maya't maya ito parinig sa kwarto. 

"Oh, kumakain ako ng crackers!" sabi ni Braelyn. "Bawal sa 'kin 'to, mapuputol nanaman bracket ng braces ko. Picture-an niyo 'ko, dali! Send niyo sa dentist ko, scandal 'to!"

Si Levi naman ay patuloy na iniisip ang sarili. 

"Paano kung hindi pumapasok si Nash kasi nag-mo-move on sa 'kin? Panay pa naman tawag ko r'on ng babe sa GC dati tapos biniro ko pang bubuhatin ko pa-akyat ng unit niya. Baka na-fall?"

Si Missi ay tuwang-tuwa. E, paano, ngayong araw ang last day ng submission para sa school uniform models. Ang sistema kasi ay dapat Queen and King kayo. Tandem na agad 'pag sumali. Ngayong si Levi at Missi ang nag-team up, para na siyang chilling effect. Wala nang gustong sumali. 

"Paanong may sasali e, ako ang kalaban?" tanong ni Missi. "Sa ganda kong 'to, may maglalakas pa ng loob?" 

"Wish mo lang walang Q & A girl," sabat ni Reese. "Talo agad tayo 'pag nagkataon. Buti na lang ganda ang basehan."

Usap-usapan naman ang pag-absent ni Jal matapos ma-bully kahapon. Ang chismis, nag-mantsa sa uniform niya ang mga isinaboy at dahil isa lang daw ang uniform nito ay hindi ito nakapasok. 

"Naging part si Jal ng Section A dahil sa scholarship niya. Sa amin siya ipinasok dahil mababa ang class average namin noon at isa siya sa nagpataas. Nang makabawi na kami, she was kicked out," sabi sa akin ni Everleigh nang magkasabay kami sa CR after the second class. "Just like you, soon." 

Sa klase naman ni Sir Ivan ay napag-usapan namin ang common relation ng crow at ng eagle.

"When a crow attacks an eagle, the eagle does not fight back with the crow. Hindi ito kumikibo o nagiging agresibo. Lumilipad lang ito pataas nang pataas. Whenever the eagle rises up to the sky, it becomes difficult for the crow to breathe due to the lack of oxygen. In the end, the crow falls while the eagle remains up to the sky, looking at the crow unbotheredly." 

Tiningnan kami nito isa-isa. Naka-polo itong puti at naka-brush up ang buhok. Naka-tuck in naman ang polo nito sa hapit nitong black slacks at nakasuot din ng black shoes. Lalo itong naging gwapo lalo na kapag nagsasalita.

"Moral of the story? Don't fight back just because you were provoked. Instead, take the enemy out of its comfort zone, work smart, and win effortlessly." 

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay si Lyle ang tutok na tutok sa mga salitang iyon. Nakita ko pa kung paano tumaas ang sulok ng labi niya nang marinig ang mga salitang iyon. 

Lunch break nang kami na lang ni Reese ang matira sa room. Humihingi ako ng tawad sa kanya tungkol sa nangyari, parte ng aking Project Reese. Pero para patawarin ako ay may isa siyang kondisyon. 

KAILANGAN KONG SUMALI AS SCHOOL UNIFORM MODEL. 

Of course, umalma ako pero iyon lang daw ang paraan para mapatawad niya ako. 

"E, queen and king ang set up n'on, Reese. Kung sasali ako, saan ako maghahagilap ng king?" reklamo ko.

"Aba, malay ko sa 'yo," sabi ni Reese at isinubo ang lollipop niya. "Problema mo na 'yan." 

"Bakit ba gusto mo ako pasalihin?" 

"Sure win sila Missi, ang boring," sabi nito at dinilian ang lollipop. "Gusto ko ng sabong."

Napapikit ako. "Ibang dare na lang!"

"Lumabas ka na kung ayaw mo," sabi ni Reese.

"Pero—"

"Labas!"

Left with no choice, lumabas ako ng room at mag-isa siyang na-iwan sa loob at nagpatugtog. 

Akmang maglalakad na ako para kitain si Grey sa labas ng building nang matigil ako. 

Sinugod ni Missi at Levi si Lyle at pinalilibutan sila ngayon ng mga estudyante. 

"Nagpasa ka ng application?" tanong ni Levi kay Lyle. 

Tumango si Lyle. "Bawal ba?" 

Nagsimulang magbulungan ang mga estudyante. Si Lyle lang ang naglakas loob na kalabanin si Levi bilang model ng school uniform. 

I crossed my arms. Mukhang masaya 'to, a. 

"Hindi naman sa bawal," sagot ni Levi. "Pero malinaw sa rules na kailangan may ka-partner ka 'pag nagpasa ka. It's a king and queen concept, Lyle." 

Ini-abot ni Missi kay Lyle ang application paper ni Lyle. "Maghanap ka muna ng ka-partner mo within the day. Otherwise, invalid ang application mo."

Hindi iyon kinuha ni Lyle. Tinitigan niya lang iyon at bahagyang ngumiti. 

"Are you sure that the qualification is the real deal here?" he asked. 

"Huh?" Missi asked. 

Lyle then met Levi's eyes. "Or are you threatened about me?" 

Lumalakas lalo ang bulungan. Maging ako ay napanganga. 

Harap-harapang sinabi ni Lyle 'yon sa maraming tao. 

Damn.

"Bakit ako matatakot sa 'yo?" tanong ni Levi. 

"The fact that you are a professional model competing against amateurs is already unfair. How about we change the battleground and face each other as professional models?" he said mockingly. "Like the crow and the eagle?"

Hindi makakibo si Levi. Gustuhin man niya ay maraming nakikinig. 

"Why?" Lyle asked and he took a step forward with his hands inside his pockets. "Scared?" 

Lumakas ang bulungan. Maging ako ay na-tense.

"Wala namang kaso kung sasali ka," sabi ni Missi. Lalong dumami ang mga estudyanteng nanunuod at pinalilibutan kami. "Ang amin lang, you need to follow the guidelines. Find a partner and you're qualified. That's it." 

Lumabas si Reese ng room at napangisi nang makita ang gulo.

"Find a partner?" tanong ni Lyle.

Tumango si Missi.

Doon lumingon si Lyle. Nang magtama ang paningin namin ay itinuro niya ako.

"She's my partner." 

Literal na nanlaki ang mga mata ko. Lalong lumakas ang mga bulungan. 

ANO RAW?!

"Oops!" sabi ni Reese. "Go, Reign! Join! Ayan na 'yong King sa ibabaw ng cupcake mo!"

Hindi ako maka-imik. Hindi ko malaman ang gagawin o sasabihin. Gusto ko tumakbo!

"Pumayag ba siya?" 

Doon dumating si Grey at naglakad papunta sa amin. 
Literal na gumilid ang mga tao at pinaraan siya.

"You didn't even ask her," Grey said authoritatively. 

Huminto ito sa harap ni Lyle.

"At hindi pa siya pumapayag," dugtong ni Grey. 

Lyle tilted his head and looked at Grey amusingly. "Dapat ko pa ba siyang tanungin?" 

"That's a basic etiquette, Lyle," tugon ni Grey. 

Lyle and Grey exchanged a fiery eye contact until Lyle's lips blossomed a smile. He was enjoying the anger and panic on their faces.

That's when I realized it. 

Lyle wasn't being bullied. He was, in fact, the bully. He will destroy their life and it would be too late for them to realize it.

And right now, he decided. 

LEVI WAS HIS FIRST VICTIM.

"Ask her consent," Grey told Lyle. 

"Do it now if you're so brave," Levi joined in.

Lyle looked at them with a small smile.

"Reign Harriet..." Lyle started. 

With his hands inside his pockets still, he looked back.

When our eyes met, I felt my heart pounding hard. Lyle was looking at nothing but my eyes. This time, he smiled genuinely.

"Will you be my queen?"

# PART FIFTEEN: "His First Love"

"WILL YOU BE MY QUEEN?" 

Pounding hearts. 

Confused minds. 

Inaudible murmurs. 

Beat. 

Bahagya akong napanganga sa narinig ko. Nakaharap sa akin si Lyle at nakatitig sa mga mata ko. Si Grey naman ay nakatingin din sa akin at hinihintay ang magiging sagot ko. 

Nang narinig iyon ni Reese ay napatili ito at niyugyog ang balikat ko. 

"Girl, go na!" sabi nito. "Lyle na 'yan, masarap na icing 'yan sa ibabaw ng cupcake mo!" 

Si Missi at Levi naman ay parehong hindi ma-i-pinta ang mga mukha. 

I gulped. I didn't expect this. 

Paano ako sasagot kung literal na blangko ang isip ko at nangangatog ang mga tuhod ko dahil na rin sa tingin ng mga estudyanteng nanunuod? 

"Don't answer," Lyle then said. "I'm not giving you any option to turn it down." 

I bit my lower lip. "Lyle—"

"Be my queen, Reign Harriett," Lyle followed and he looked straight into my eyes. 

Inilahad ni Lyle ang kamay niya at bahagyang ngumiti sa akin.

"Let's conquer the world together, shall we?" 

Nakarinig ako ng tilian. Nangingibabaw ang tili ni Reese sa mga ito.

"Ibang klase..." bulong ni Missi habang nakahalukipkip at nakangiwi. "Seryoso ba siya? THAT girl talaga?" 

Bago pa ako maka-isip ng dapat isagot ay biglang hinarap ni Grey si Lyle. Grey literally blocked Lyle from my sight. 

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Grey.

"None of your business," tipid na sagot ni Lyle. 

"Apparently, it is," Grey answered sharply.

"Bakit? Kayo ba?" tanong ni Lyle. "Hindi pa naman, 'di ba?" 

Lalong umingay ang mga nanunuod dahil sa narinig. Kahit si Reese ay napatakip ng bibig. 

Si Missi na nanunuod ay umirap. 

"Oo, hindi pa. Pero interesado ako sa kanya. Hindi ba sapat na rason 'yon para mangialam ako?" tanong ni Grey. 

Lyle stared at Grey's face until slowly, his lips curved a satisfied smirk. 

Ito panigurado ang plano niya. 

Ang i-trigger si Grey sa harap ng mga estudyante. 

At this point, he was hitting two birds with one stone. 

Levi and Grey were his victims. 

Lyle took a step closer to Grey and he stopped right in front of him. "Kapag ba naging interesado ako sa kanya, pwede na rin akong makialam?" 

Kitang-kita ko kung paano nagulat si Grey doon. Lumakas ang mga ingay na pinamumunuan ni Reese. 

"Wow. Wow!" reaksyon ni Missi. 

"Kung liligawan ko siya, sa'n ka lulugar?" dugtong ni Lyle.

Doon na lumapit si Levi sa dalawa para awatin sila.

"Stop, people are watching," rinig kong bulong ni Levi. "Cool your heads down, okay?" 

Pinanunuod ko lang sila pero sa loob-loob ko ay gusto ko nang maglaho. Lahat ng mga estudyanteng ito ay sobrang entitled at ma-pride. Ngayong nagtatalo-talo sila ay ako ang na-i-ipit. 

"Lyle, what's with you?" tanong ni Levi. "Hindi ka naman ganyan, brad." 

Doon siya tiningnan ni Lyle. 

"I only let you see a portion of me that was convenient for you to see. So stop acting like you know me because you don't." 

Doon nag-igting ang panga ni Levi. Kitang-kita sa mukha nito ang galit. 

Palihim akong ngumisi. 

Marumi kung kumilos itong si Lyle. 

Kapag sila-sila lang ay hindi niya sila kinikibo. Ngayong maraming tao, ganyan niya sila kung sagutin. Halatang tini-trigger niya ang mga ito para lumabas ang tunay nilang ugali sa publiko. 

Ibang klase. 

Pagtingin ko kay Reese ay nangongolekta na ito ng mga pera. 

"Singkwenta lang, double your money 'pag tama ang hula. Yes or No lang kung tatanggapin ni Reign ang offer ni Lyle. Ikaw, wala kang cash? Sige, si Braelyn na bahalang sumingil sa 'yo, ewan ko na lang kung hindi ka katukin sa bahay n'on. Oo 'te, double your money bet 'to. G na? G ha!" 

That's when something came into my mind. 

THE PROJECT REESE. 

Ito lang ang tanging paraan para makuha ko ang loob niya. 

Sabi nga ni Sherlock Holmes, sometimes we must dangle our feet in the water in order to attract the sharks.

At this point, I will use Lyle to get Reese.

Lyle, akala mo ikaw lang ang ma-utak dito? 

I smirked. 

"If I would be your Queen, would you do me one thing?"

Lahat sila ay napatingin sa akin. Nang magtama ang paningin namin ni Lyle ay hindi ako nagpatinag.

Ngumiti nang tipid si Lyle.

"Anything for my queen." 

Lumakas ang hiyawan. 

"What the hell..." bulong ni Missi.

Si Levi at Grey ay hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. 

Si Reese naman ay hawak-hawak ang mga pera at nakangising pinanunuod kami. 

"If I would be your Queen, can you sacrifice your kingdom for me?" I asked bravely. 

Lyle was fascinated. "I would sacrifice the world for you." 

Nagtilian ang iba. 

"Even your life?" I asked back fiercely.

Lyle smiled. "You are my life."

My eyes widened.

That's when the crowd lost it. 

Kahit si Grey ay hindi malaman ang magiging reaksyon.

"L-Lyle!" nanlalaki ang mga matang reasyon ni Missi. "Ano 'yang...sinasabi mo? Give me a goddamn minute, what was that?!" 

Hindi kumibo si Lyle. Interesado lang siyang nakatingin sa akin. 

"Tell me anything you want, Reign. I'll do anything to have you in my arms."

"Oh my—" natigil si Missi at nilamukos ang mukha. 

Hindi ako makakibo. Si Grey ay pinanunuod lang kami pero kitang-kita na nasasaktan na ito. 

"Lyle, I asked you!" sabi ni Missi. "Hindi ka pumayag maging partner ko dahil sabi mo hindi ka interesado. Now, this?!" 

Hindi kumibo si Lyle. Nakatingin lang siya sa akin at naghihintay sagot. 

"Oh no," pakikisali ni Reese at ngumuso. "Wala na ang first love card ni Missi. How sad." 

Inirapan siya ni Missi at tiningnan ako.

"It must feel good for you, 'no? Pangarap mo ba 'to? Pag-agawan ng mga lalaki? Ang kapal! Sobra!" galit na lumapit sa akin si Missi. 

"H-Hindi naman—"

Nagulat ako nang itulak ako ni Missi at halos tumumba ako. Galit na galit ito. 

"Ang kapal ng mukha mong magpanggap na mahinhin," sabi ni Missi at itinulak ako gamit ang daliri niya. "Isa ka rin pa lang malandi." 

Halos tumumba ako nang biglang higitin ni Grey ang kamay ni Missi. 

"Tama na," mariing sabi ni Grey. 

Pagtingin ko kay Lyle ay halos ngumiti ito dahil sa nakikita. 

That's when realizations hit me. 

He used the crowd to control Grey and Levi. 

He used me to trigger Missi. 

Ngayong triggered na si Missi, she will destroy me. 

Harap-harapang nagsusugal si Reese. 

One photo as an evidence, she's out.

He's trying to destroy us all in one shot. 

Indeed, he didn't come to play. 

"Take responsibility of this, Lyle," sabi ni Grey. "Nag-aaway na dahil sa 'yo, nakatayo ka lang?" 

"Wala akong obligasyon sa kanila," sagot ni Lyle. 

I looked at him unbelievably. 

"Then stop playing with them. Especially Reign," Grey answered. 

"Bakit ba affected ka?" tanong ni Lyle. "Hindi ka naman niya boyfriend."

Grey was at a loss for words.

Natigil kami nang biglang mag-ring ang cellphone ni Levi. Nang tingnan namin siya ay siya naman ang ngumisi. 

"Time's up," sabi ni Levi at lumapit siya sa amin. "Tapos na ang submission ng application, Lyle. Hindi ka na pwedeng mag-apply." 

Missi looked at Lyle sharply. "'Wag mo na 'kong kakausapin ulit." 

Just then, she walked out. 

"Oh, tapos na ang show! Alis na! Alis!" pagtataboy ni Reese sa mga estudyante. "Anong refund? Walang ganon. Draw ang result, wala namang tumaya sa draw, a? Kaya, alis! Alis!" 

Habang nag-aalisan ang mga estudyante ay hindi pa rin nagpapatinag sina Levi, Grey, at Lyle.

"Ano bang nangyayari sa 'yo?" tanong ni Levi kay Lyle. "Wala kang interes sa ganito, Lyle. What's wrong with you?"

"People change, Levi," Lyle answered. "Besides, do you really think I joined just because I need the popularity?" 

"Stop toying us," Grey meddled. "Pwede naman 'tong i-settle privately. Bakit... sa harap pa talaga ng—"

"Bakit, takot ka?" sagot ni Lyle. "Takot ka bang ma-apektuhan ang Leadership Award mo? Binibigyan ko ng ingay ang pangalan mo, Grey. Be thankful, at least." 

Nag-igting ang panga ni Grey. Halatang nagpipigil ito. 

"And Levi..." Lyle followed and he looked at him. "I joined to let you know that you are not stable at all." 

Levi smirked. "But I did won, didn't I?" 

Lyle smirked back. "You did but only because you have no opponent. Did you really win, you coward piece of shit?" 

Levi's eyes widened. 

"If I were you, I would drop out. Hindi mo deserve 'yang pagkapanalo mo. Paano nakakaya ng konsensya mong nanalo ka dahil walang ibang sumali?" Lyle smirked mockingly. "Nakakahiya." 

He threw us one more glance before he placed his hands inside his pockets again. When he made sure he won, he started to walk away. 

Nang mawala siya sa paningin namin ay hindi makatingin sa amin nang maayos si Levi. Halatang bumaon sa kanya ang mga sinabi ni Lyle.

"Una na 'ko," sabi niya at tipid na ngumiti bago naglakad papalayo. 

"Kawawang Levi," sabi ni Reese habang pinanunuod ito. "Well, tama naman si Lyle. Kahit ako mahihiya sa sarili ko, 'no. If I were him, i-w-withdraw ko na lang ang application ko." 

Doon siya tumingin sa akin habang inilalagay ang mga pera sa bulsa niya. 

"Anyway, forgiven ka na," sabi niya at hinampas ako sa balikat. "Galing ha!" 

Tuwang-tuwa itong umalis. 

Nang kami na lang ang natira ni Grey ay doon ako nanliit. Naaalala ko ang mga sinabi ko kay Lyle at kung paano nasaktan si Grey dahil doon.

I won the Project Reese but why do I feel like I lost him?

"Grey..." I started. "I—"

"It's okay," sagot niya at pilit na ngumiti. "Hindi mo kailangang mag-explain." 

"Hindi ka ba galit?" tanong ko. "I mean, sa mga narinig mo..."

Natigil ako nang bigla siyang lumapit. Naglabas siya ng panyo at pinunasan ang pawis sa noo ko. 

"Tama naman si Lyle," sabi niya at dahan-dahang pinunasan ang pawis sa noo ko. "Wala nga namang tayo." 

Napalunok ako.

"K-Kung...magkakaroon ako ng lakas ng loob, may chance naman, 'di ba?" tanong niya. 

That's when our eyes met. 

I was about to open my mouth but then he smiled. 

"Don't answer," pigil niya. "Kinakabahan ako." 

Doon kami biglang natawa. Katahimikan ang bumalot sa amin nang muli siyang magsalita. 

"Okay lang ba kung... postpone muna iyong lakad natin?" tanong niya. "Kakausapin ko lang sila. Baka kasi lumala pa 'to, lalo na 'yong sinabi ni Lyle kay Levi. Knowing Levi, mag-o-overthink na 'yon." 

Tumango ako. "Okay lang. Naiintindihan ko." 

"Bale, tawagin ko na lang si—"

"GUUUUURRRRRLLLL!" 

Pareho kaming natigil nang makita naming tumatakbo papalapit sa amin si Braelyn. 

Natawa si Grey. "Ayan na pala siya." 

Nang makarating sa amin ay hingal na hingal si Braelyn. 

"May chismis ako!" bungad niya. 

Nakangiting napa-iling si Grey. "Una na 'ko."

Pinanuod namin siya ni Braelyn. Nang mawala na siya sa paningin namin ay tsaka ko siya tiningnan. 

"Bakit?" tanong ko. "Anong chismis mo?" 

"Tungkol sa—wait—'di ka pa pala bayad sa 80 pesos, 'no?" 

"Mamaya na 'yon," hindi makapaniwalang sagot ko. "Anong chismis mo?"

"Wait, hihinga lang ako," sabi ni Braelyn at huminga nang malalim. 

Nang harapin ako ay ngumiti ito. 

"Si Nash, bumalik na!" 

For the whole day, usap-usapan ang nangyari sa amin. May mga nakapag-record pa ng video at buti na lang ay na-take down lahat ni Everleigh at Reese. 

Bumisita sila sa mga classroom at nang makitang sila ang mangangalkal ay kusa nang nag-surrender ng footage ang iba. 

Napili sila Missi at Levi bilang school models. Si Missi ay tuwang-tuwa at sobrang sigla sa loob ng room. 

"Ito na 'yong opportunity na 'yon. Ewan ko na lang kung 'di pa ko payagan ng parents kong mag-modeling," kwento nito sa mga kaibigan. "Sabi nila wala kang ma-a-achieve 'pag maganda ka lang at walang talino? Newsflash, everyone! Maganda ako, mayaman pa!"

Kung gaano kasaya si Missi ay ganoon naman katamlay si Levi. Hindi ito maingay sa classroom. Tahimik lang ito at naka-upo. Ngingiti kung may lalapit pero alam mong pilit. 

Naalala ko nanaman tuloy 'yong sinabi ni Lyle kay Levi.

"
If I were you, I would drop out. Hindi mo deserve 'yang 

pagkapanalo

 mo. 

Paano

 

nakakaya

 ng 

konsensya

 mong 

nanalo

 

ka

 

dahil

 

walang

 ibang 

sumali

? 

Nakakahiya

." 

Kahit ako ay mananamlay doon, e. 

Si Lyle naman ay naka-upo lang sa upuan niya at nagbabasa habang suot-suot ang puti niyang headphone, walang pakialam sa damage na ginawa niya sa tao.

Sa katunayan, lumiwanag nga lang ata ang mukha ni Levi nang pumasok na si Nash. 

"Akala ko 'di ka na ulit papasok dahil nag-mo-move on ka sa 'kin, e," pangungulit ni Levi. "I mean, I get it. I'm a boyfriend material." 

Inirapan siya ni Nash. "Kahit ikaw na lang lalaki sa mundo, gugustuhin ko na lang maging tuyot." 

"Really?" biro ni Levi. "Akin kaya ang pinaka...you know... sa lahat ng lalaki sa klase." 

"Ewww!" reaksyon ng ilan. 

"Totoo naman!" sabi ni Levi. "Grey, you tell them!"

Umiling lang si Grey.

"Oo bakla ako pero may taste ako," sagot ni Nash. 

"Anong taste? Tasteless?" 

Nash threw his pen at Levi and Levi just laughed hard.

With Nash, his aura changed. Pumasok lang siya na parang walang nangyari. 

"Hindi ka ba dapat mag-explain sa amin?" tanong ng isa naming kaklase sa kanya. 

"Ano dapat kong i-explain?" tanong ni Nash. 

"Kung bakit ka bakla," sagot ng isa pa. 

"Bakit, need mo rin ba ng explanation kung bakit ka babae?" tanong pabalik ni Nash. 

"Bars, bitch!" sigaw ni Reese at humalakhak. 

"Protect Nash at all cost!" pakikisali ni Missi. 

"Protect our baby girl!" sagot ni Levi. 

"Full force ang bagsak squad," bulong ni Braelyn na katabi ko. "Ang bumangga, giba."

Palihim kaming natawa ni Braelyn. Nang makita kong nakangiting nakatingin sa akin si Grey ay tumaas ang dalawa kong kilay. 

"Bakit?" I mouthed. 

"You're pretty," he mouthed back. 

I rolled my eyes jokingly, he laughed softly in return. 

To formally secure Nash's secret, gumawa si Grey ng kontrata at pinapirma kaming lahat.

Matapos ang klase ay sabay-sabay kaming lumabas nina Nash at Braelyn. 

"Pumunta ako sa ex ko," sabi ni Nash nang tanungin namin siya ni Braelyn kung saan siya pumunta nang nag-walk out siya. "Akala ko kasi siya nagpakalat n'ung picture kasi aware siyang natatakot ako na masira ang career ko dahil nga gay ako. Pero turned out, hindi siya." 

"Hula ko nasa klase," sabi ni Braelyn. "Kasi, 'di ba, lahat ng nasa GC, mga classmate natin. Tapos ang name ng dummy account ay The Witch Hunt Starts." 

Tahimik akong nakikinig. 

"Naisip ko rin," sabi ni Nash. "'Di ba 'yon 'yong naka-ukit sa katawan ni Ma'am Jess n'ong natagpuan 'yong bangkay niya?" 

Beat. 

Ito na. 

Pinag-uusapan na nila.

"True," sagot ni Braelyn. "Cinareer ha." 

Natawa silang pareho, pero hindi ako.

"Sino si Miss Jess?" pag-mamaang-maangan ko. 

"Hindi mo alam?" tanong ni Braelyn. "Adviser namin before." 

"'Yong na-chugi n'ong party," dugtong ni Nash.

Nakagat ko ang labi ko. Kung banggitin nila ito ay parang wala lang. 

"Nabalitaan ko pero limited lang alam ko," pagsisinungaling ko at pilit na kinakapa ang pen recorder sa bulsa ko. Nang mapindot iyon ay kinakabahang nagtanong ako. 

"Ano ba siyang klaseng teacher?" tanong ko.

"Ayoko na lang mag-talk," sabi ni Nash na ikinatawa ni Braelyn. 

"Mabait naman si ma'am," sabi ni Braelyn. "Nasa loob lang ang kulo." 

"Sa sobrang bait lahat tayo gusto na siyang patayin sa inis," sagot ni Nash. "Hindi lang nakapagtimpi si Hale, kaya ayon." 

Hinampas ni Braelyn si Nash habang natatawa. "May makarinig sa 'yo, gagi ka." 

"Did I lie?" tanong ni Nash. "Bitchesa 'yon." 

Nangangatog ako sa kaba. 

"Pero naniniwala ba kayong si Hale ang gumawa?" tanong ko. "Alam niyo na, sa mga palabas...baka... you know, hindi siya." 

"You mean na-frame up?" tanong ni Braelyn. 

"Could be," sagot ko.

"Malabo," sagot ni Nash. "Hindi kami kriminal, 'no." 

"Truuuue," Braelyn said. "Weird lang talaga 'yong si Hale. Minsan nagsasalita mag-isa. Walang friends kaya siguro nasiraan ng bait." 

"Hindi ba opportunity na 'yon para i-frame up siya?" tanong ko kunwari. "Easy prey kasi... you know... ganun siya." 

"Ooooooh," reaksyon ni Nash at Braelyn.

"'Di ko 'yon na-isip, a," sabi ni Braelyn. "Pero siya ang nakita, e. Wala siyang takas r'on."

"Totoo," sabi ni Nash. "Lumaki na tayong sabay-sabay. Si Hale 'yong 'di natin nasubaybayan. Malay nating may ganoon pala siyang tendency? Yikes!" 

'Di ka sure sa mga kasama mong lumaki, Nash. Isa nga sa mga 'yan nag-leak ng sikreto mo, e. Hello, Lyle?

"Remember n'ong nag-camping tayo sa Mount Banaag? Buti 'di ka pinatay n'on, kasama mo 'yon sa tent, 'di ba?" tanong ni Braelyn.

"Awa ng Diyos," sagot ni Nash. 

Nang marating namin ang gate ay naroroon na agad ang sundo ni Braelyn. 

"Bye guys!" sabi ni Braelyn at iniwan na kami. 

Nang kami na lang ni Nash ang matira ay halos tumumba ako nang may bumangga sa akin. 

"Oops, sorry," sabi ni Missi at inirapan ako bago pumasok sa loob ng kotse niya. 

"Tanungin mo spelling ng name niya, iiyak 'yan," sagot ni Nash. 

Itinawa ko na lang ang inis ko. 

Laking gulat ko naman nang biglang sumulpot si Reese at inabutan ako ng lollipop. 

"Para saan 'to?" tanong ko. 

"Friendship lollipop," sagot ni Reese at ngumisi. "Ginalingan mo kanina, e." 

"Ako, wala?" tanong ni Nash. 

"Manahimik ka Burlington," sabi ni Reese. "Ako tuloy ang lowest kahapon dahil hindi ka pumasok." 

Natawa si Nash. 

"Anyway, Reign," sabi ni Reese. "Now na may friendship lollipop ka na, you are entitled to one protection card. In case na maiipit ka sa gulo, may isang card ka para hingin ang tulong ko. Kahit sinong kaaway mo, sisirain ko ang mukha." 

Lumapit siya at bumulong. 

"Kahit si Missi pa 'yan, sasabunutan ko 'yan." 

Napangisi ako. "Paano kung si Everleigh?" 

"Kahit walang card, sasapukin ko 'yon." 

Tawa naming tatlo ang maririnig sa entrance. 

"Ciao!" sabi ni Reese nang sumakay na siya ng kotse at maya-maya lang ay umalis na. 

Tama lang na ginamit ko si Reese. Sa tamang panahon, siya ang itatapat ko kay Everleigh at bahala na silang magsiraan. 

"Mukhang 'di ako makakasabay sa 'yo, Reign," sabi ni Nash at nangingiti. 

"Bakit?" tanong ko. 

May ininguso siya at nang tingnan ko ay si Grey iyon na naghihintay kasama ang bike niya. 

"Grey!" sigaw ni Nash. 

Doon tumingin sa amin si Grey. Umaliwalas ang mukha nito nang makita ako. 

"Okay, e-exit na ako," sabi ni Nash. "Haaay, ako ata ang third wheel sa—"

"BURLINGTON!" 

Bumukas ang bintana ng isang kotse at si Levi ang naroroon. 

"Tara, hatid na kita!" pang-aasar nito. 

Nash raised his middle finger for him and later walked away. Levi just laughed it off.

"Type ba ni Levi si Nash?" tanong ko kay Grey nang lapitan ako nito kasama ang bike niya. 

"Why not?" tanong pabalik ni Grey. 

"Boto ka?" tanong ko.

"Kung gusto nila ang isa't isa, bakit hindi?" sagot ni Grey. "Pero malabo. Knowing Levi, he's into women. A lot of women." 

"At ikaw?" biro ko.

"I'm into you." 

Maang na napatingin ako sa kanya. Kung sa gulat o kilig, hindi ko na malaman. 

Namula rin si Grey sa sarili niyang banat. Nakamot niya ang leeg niya at napalunok. 

"O-Okay lang ba kung...ihahatid kita? Kasya naman tayo sa bike ko. I feel bad kasi hindi tayo nakapag-lunch kanina. Kung...okay lang sana." 

"S-Sige," sabi ko. "Pero malapit lang kami rito. Baka five minutes lang—"

"Five minutes or an hour, it doesn't matter as long as I'm with you," sabi niya at lalo siyang namula.

Kinapa ko ang recorder sa bulsa ko at pinatay iyon. 

Yari ako kay Prosecutor Jax. 

"Sakay ka na..." sabi niya.

"Sige—"

"...sa 'kin," dugtong niya. 

My eyes widened. 

"I mean sa bike!" depensa niyang sabi. 

Napatakip siya ng mukha. "AAAAAAAAAH!"

Natawa ako dahil kitang-kita ko ang pag-pa-panic niya. 

Tinapik ko ang balikat niya at sumakay na ako sa likurang parte ng bike. 

"Tara na bago ka pa lamunin ng lupa," biro ko sa kanya. 

Nagtanggal siya ng takip ng mukha at pumeywang. 

"Hindi ko alam kung bakit ako namumula but I swear—"

"Okay nga lang," natatawa kong sabi. "Tara na." 

Sumakay na rin siya at maya-maya lang ay umandar na ang bike. 

Sa pag-andar namin ay nadaanan namin si Everleigh. Ngumisi ito nang makita kami. 

Nang makalagpas kami sa school ay tahimik lang kami ni Grey. Papalubog na ang araw at nagsisimula nang maging malamig ang hangin. 

"Hindi ka ba nahihirapan diyan?" tanong niya bigla. 

"Okay lang," sagot ko.

"Pwede kang kumapit sa 'kin kung gusto mo," sabi ni Grey. "You may hug me too, if you want." 

Napalunok ako. Sa totoo lang ay nangangawit na nga ako. 

Laking gulat ko nang higitin ni Grey ang kamay ko at iniyakap iyon sa katawan niya. 

"There," sabi niya. "Pwede mo ring ipatong ang ulo mo sa likod ko para mas kumportable ka." 

I hesitated at first until I finally did and it was comfortable. 

"Gusto mo pa lang maging model?" tanong niya. 

Hindi ako nakakibo. 

"I mean, model ng school uniform." 

"Oo," pagsisinungaling ko. "Childhood dream, e."

"You could've asked me," he said. "I can be your King, too." 

Natahimik ako. 

"I don't have a kingdom to sacrifice, but I can build one for you." 

I smiled weakly. "Interested ka ring maging model?" 

"Hmmm, paano ko ba 'to sasabihin..." bulong niya. "Actually, sa akin unang na-offer 'yon n'ong Grade 11 pa. I declined kaya nagkaroon ng applications." 

My eyes grew bigger. "Wow..." 

He chuckled. "Why? Hindi ba ko model-material?"

"You are. Hindi ko lang ma-imagine," rason ko. 

"Same. I prefer to work behind the camera. Ayoko ng spotlight. Imagine all the eyes watching you, dictating you how should you live your life. I'm a free man. I do what I want."

Indeed. 

No wonder why he's the president. 

Grey is a man of principles. 

Nang marating namin ang building namin ay bumaba na ako. 

"Salamat," sabi ko. "Nakabawi ka na." 

"'Yooon!" natutuwa niyang sabi. "See you at school, then." 

"See you at school," sagot ko rin. Nagkatawanan pa kami nang biglang tumugtog ang Your Song by Parokya ni Edgar sa katabing establishment ng building.

Naglakad na ako at nang malapit na ako sa pinto ay biglang nag-ring ang phone ko. Nang tingnan ko ay si Grey ang tumatawag. 

Nilingon ko siya at nakatayo pa rin siya sa 'di kalayuan at nakatingin sa akin. Nakatapat sa tainga niya ang cellphone niya at hinihintay na sagutin ko. 

Kinakabahan man ay sinagot ko iyon. 

"Grey—"

"Reign." 

Natigil ako nang mag-iba ang tono ng boses niya. It was, perhaps, longing. 

I gulped. The Your Song by Parokya ni Edgar was still playing, making the scenery extra emotional.

When our eyes met, I knew, I got trapped and there was no way out. 

"They say, we need to take one risk a day and right now, I'm taking risk with you," Grey said.

My heart was throbbing inside me.

"When the right day comes, I'll go to you like how the sun embraces the moon in the most awaited ecliptic day. From there, there will be no doubts, no fears, no taking risks. You can wait for me, can't you?"

We were just staring at each other from a far, letting the song swallow our young souls seeking for love...

Kinabukasan, ingay ng klase ang maririnig. Tapos na kasi ang klase ni Sir Ivan at nagpapa-games na lang ito bilang alternative sana sa long quiz. Hindi kasi kami nakapag-review at ayaw niyang bumagsak kami dahil graduating na kami. 

Si Levi ay patuloy na naging matamlay. Kada mababanggit ang tungkol sa modelling ng school uniform ay nagiging ilang siya. Ang usapan pa nga ay baka raw mag-back out ito kaya todo cheer up dito si Grey.

Si Braelyn naman ay tinataguan na ng mga nasa Junior High dahil literal na nangangatok ng bawat room dahil naniningil para sa nasira nilang TV noong assembly nila. 

Si Nash ay kahit sa room nag-pra-practice. Malapit na raw ang debut niya. Hindi na rin naging issue ang sexuality niya sa room. Unti-unti na rin nilang natatanggap iyon. 

Si Missi naman ay tinutulungan ni Reese maghanap ng magandang angle niya para sa photoshoot. Ganoon siya ka-excited at hindi niya talaga kinikibo si Lyle. 

Si Lyle naman ay nahuhuli kong tumitingin sa kanya most of the time, mukhang nagsisisi na nga. 

Nang mapaskil ang ranking para sa current grading ay si Everleigh and Rank 1 at sinundan ni Braelyn. Lahat ay nagulat dahil bumaba sa ranking si Grey at naging rank 4 na lang. Si Lyle ay naging rank 3 at si Levi ang pumasok as Rank 5. 

Nang i-send ko kay Prosecutor Jax ang recording ay isang text ang bumungad sa akin. 

"ANG 

LANDI

-

LANDI

 

NIYO

." 

Itinawa ko na lang. 

Ayon sa kanya, gusto raw ako maka-usap ni Hale. May gusto siyang sabihin na ayaw niyang ipagkatiwala kaninuman. Na-trauma na siya sa pagtitiwala sa lahat. 

Si Jal naman ay patuloy na binu-bully. Awang-awa ako sa kanya. 

"OKAY, KUNG SINO ANG MATITIRA, SIYA ANG MAY PARUSA HA," sabi ni Sir Ivan. 

Matapos ang magulong recitation ay si Lyle ang natirang nakatayo. Hindi kasi ito nakikihalubilo at pinanunuod lang ang lahat nang walang interes. 

"Any suggestion for the penalty?" tanong ni Sir Ivan. 

"Patayin na 'yan," galit na sabi ni Missi na ikinatawa ng klase. 

Ako naman ay manghang pinanunuod sila. Mukha silang mag-jowang nagtatampuhan. 

"Tiktok, sir!" sabi ni Reese. "Skirri! Skirri! Kkiri Kkiri Kkiri!" 

Nagkatawanang muli.

"'Di ba part 'yan dati ng music club?" tanong ng isa naming kaklase. "Sing for us, Lyle." 

Bahagyang nagulat doon si Lyle. 

"Sing?" tanong niya. 

"Who agrees?" tanong ni Sir Ivan. 

Nagtaasan lahat ng kamay. Naalala ko nong kumanta siya ng At My Worst kaya nagtaas na rin ako ng kamay

Kinuha ng isa naming kaklase sng gitara sa likod ng room at ibinigay iyon kay Lyle. Hesitant pa si Lyle ng una pero nang malaman niyang wala nang choice ay umupo na siya gitna ng klase at hinawakan ang gitara.

Nang marinig namin ang intro ay bahagya kaming napanganga. Ang ilan pa ay napa- "awwww".

It was Friend of Mine.

https://www.youtube.com/watch?v=9ARrss-LlPU

(Imagine this as Lyle's Voice)

Just then, I saw how Lyle looked at Missi. 

I bit my lip. His voice sounded so good.

I felt the pain in his voice. 

Lyle was looking at nothing but her. 

Nakita ko kung paano napalunok si Missi at nagsimulang mamula. 

"Kinikilig ako!" sigaw ni Nash.

It was that moment that everybody's hearts just melted. 

Patuloy sa pagkumpas sa gitara si Lyle at wala siyang ibang tinitingnan kung hindi si Missi lang.

Doon na tumayo si Levi at lumabas. Sinundan naman ito ni Grey. 

Walang nakapansin dahil lahat ay nakatingin at nakikinig kay Lyle. 

Doon nagtama ang paningin namin ni Everleigh. Nakita rin pala niya ang pag-wa-walk out ng dalawa. 

Ngumiti siya sa akin, isang ngiti na alam kong may kahulugan.

Anong... nangyayari? 

Just then, I realized something.

My eyes literally grew bigger.

Don't tell me, totoo ang hinala ko? 

Tiningnan kong muli kung sino ang tinititigan ni Lyle habang kumakanta.

Totoo nga.

Si Missi... 

...ang first love ng tatlo.

———

THIRD PERSON P.O.V

Matapos ang klase ay dali-daling naglakad si Everleigh papunta sa likod ng school. Nang may humintong puting kotse ay ini-ayos niya ang buhok niya at pumasok sa loob. 

"Ma'am," bungad ng isang lalaki. 

"Hi," sabi ni Everleigh at isinara ang pinto. 

Maya-maya lang ay umandar na ang kotse. 

"Kumusta ang investigation about Reign Harriett?" tanong niya at nagsuot ng seat belt. "Did you find anything?" 

"Mayroon po," sabi nito at may ini-abot sa kanyang envelope. Binuksan niya iyon at mga litrato ang bumungad sa kanya. 

"What about these?" Everleigh asked.

"May nakita po kaming record. Nag-aral po siya sa public school sa lugar nila kahit napakaraming private schools doon." 

"Public school?" tanong ni Everleigh at ngumisi. "Why would she go there?" 

"At ayon sa mga napagtanungan namin, nag-stop po siya dahil bumagsak sa college admission test ng isang university doon." 

Humalakhak si Everleigh. "Ang sabi niya nag-stop siya para sa mental health niya. What a great way to sugarcoat her failure."

"Napag-alaman din naming hindi kasal ang mayor doon. Hindi rin kasal ang babaeng sinasabing nanay niya." 

"What?" Everleigh asked. "What do you mean?" 

"Dalawa lang ibig sabihin n'un," sabi nito. "Anak siya out of wed lock o nagsisinungaling siya na magulang niya sila." 

Ngumiti si Everleigh hanggang ang ngiting iyon ay naging ngisi, at ang ngisi ay naging tawa, na nauwi sa halakhak. 

Tumigil siya at tiningnan ang picture ni Reign. From having a wide smile, her face turned fierce.

"Your days are numbered, you sneaky bitch..."

———

REIGN.

Sa buong magdamag ay pinag-chismisan lang namin nina Braelyn at Nash ang nangyari. 

"Ang alam ko, naglagay ng love letter si Lyle sa bag ni Missi back in the day. Ayon ang kwento ni Missi," sabi ni Nash. 

At dahil isa akong malaking chismosa, ni-record ko 'yon at sinend kay Prosecutor Jax. 

Late akong pumasok kinaumagahan dahil na rin sa dami ng chismis na kinailangan kong masagap. Tapos tinapos ko pa kinaumagahan ang balancing sa subject naming Physical Science dahil late kong nalaman na may assignment pala. 

"

Kita

 na lang sa room" 

Iyon ang chat sa akin ni Nash na nauna na sa school dahil kokopya pa raw siya kay Braelyn. 

Habang papunta sa room ay nakita kong nagkukumpulan ang mga kaklase ko sa pinto. Naroroon na si Reese, Everleigh, Braelyn, Nash at ang ilan. 

"Anong mayroon?" tanong ko. 

Paglapit ko ay may nag-p-play na video sa screen through a projector.

At isang kanta ang nag-p-play roon. 

Friend of Mine. 

Isang lalaki ang makikitang may dalang letter. Siya rin ang nag-set up ng camera at ang set-up ay nasa kwarto. 

"Kwarto ni Missi 'yan, a?" tanong ni Reese. 

Pinanuod namin ito. 

Ang letter ay inilagay ng lalaki sa bag na nasa kama.

"Bag ni Missi 'yon," sabi ni Everleigh. "I saw it before." 

"Missi. I like you. Ikaw ata ang first love ko. Hindi ko alam. Pero 

sana

...

makilala

 mo 'ko..." 

Kumunot ang noo namin nang sabihin iyon ng lalaking nasa video. Medyo malabo iyon kaya hindi namin mamukhaan. 

"Totoy 'yong boses," sabi ni Braelyn na bahagyang natawa. 

Then it means it happened few years back? 

Pagkalagay ng letter ay laking gulat ng lalaki nang biglang bumukas ang pinto. Dalawang lalaki na kasing laki nito ang pumasok. 

"Anong 

ginagawa

 mo 

rito

?"
 tanong ng isa. 

"Aren't we supposed to play online games?"
 tanong din ng isa.

Sa gulat ng lalaking naglagay ng letter ay napatakbo ito palabas ng kwarto. 

Nagkatinginan ang dalawang lalaki na bagong dating. Ang isa ay hinabol ang lumabas at ang isa naman ay naiwan at kinuha ang letter na nasa ibabaw ng bag.

Binuksan iyon ng lalaki at binasa. Ibinabalik niya ang papel sa bag at maya-maya lang ay isang babae ang pumasok kwarto. 

"That's me!" 

Pare-pareho kaming napalingon. 

It was Missi. 

"Lyle, why are you here?"
 the Missi in the video asked.

"Just...playing around,"
 the guy in the video reasoned out.

Nang titigan naming mabuti ay si Lyle nga iyon.

"Wait!" sabi ni Nash. "Hindi si Lyle 'yong tumakbo?!"

My eyes widened.

"Kung hindi si Lyle ang nag-iwan ng love letter, edi sino?" tanong ni Braelyn.

"Watch," Everleigh said

Patuloy na tumutugtog ang Friend of Mine. Iyon ang kasalukuyang tugtog sa bahay ng nasa video. 

Nang bumalik ang lalaking tumakbo at ang lalaking humabol dito ay tinitigan namin iyong mabuti. Pare-parehong nanlaki ang mga mata namin nang makita namin kung sino talaga ang naglagay ng love letter sa bag ni Missi, at sigurado na kaming hindi si Lyle iyon.

"Guys, anong mayroon?" 

Lahat kami ay napalingon sa pinanggalingan ng boses. Kararating lamang ng mga ito at parehong napahinto nang makita ang mga reaksyon namin.

Gaya ng nasa video, magkasama ngayon si Grey at Levi. 

Napagbintangan lang si Lyle dahil siya ang nakita ni Missi na may hawak ng letter. 

Ngunit ang totoong naglagay niyon ay isa lang kila Grey at Levi.

Today, the mystery of the first love has been unveiled. 

And finally...

After all the years of hiding, the truth has prevailed.

Missi looked at the real owner of the love letter unbelievably and at long last, she uttered his name.

"Levi..."

# PART SIXTEEN: Ending Hale Parker

SI LEVI ANG MAY LIHIM NA PAGTINGIN KAY MISSI. 

After all the hiding, his secret was exposed.

Si Levi ang tunay na may gusto kay Missi simula bata pa lang sila. 

Hindi si Lyle. 

Hindi si Grey. 

"W-What's going on?" hindi makapaniwalang tanong ni Missi. 

Lahat kami ay nasa corridor. Sarado ang classroom dahil na kay Grey ang susi pero bukas ang bintana at doon namin nakikita ang video.

Gaya ni Missi, lahat kami ay hindi makapaniwala sa nalaman namin. If it wasn't because of the video, habang buhay na sigurong aakalain ng lahat na si Lyle ang nagbigay ng love letter. 

Nasa 'di kalayuan si Levi. Base sa tunog mula sa video ay alam na nito ang nangyayari. Hindi ito makakibo pero halata ang panginginig ng kamay. Nakatingin lang siya kay Missi at nanlulumo ang mukha. 

"Levi, ano 'to?" tanong muli ni Missi. "You need to explain this." 

Levi wasn't answering. His usual mischievous smile was gone and I knew he was trapped. 

"Levi, explain your side!" sigaw ni Missi. Her voice even cracked. "Bakit ako? Of all people... bakit ako?" 

"Bakit hindi ikaw?" sagot ni Levi.

It caught Missi off guard. 

"Bakit kay Lyle pwede pero sakin, hindi?" 

I heard gasps. Pati ako ay napanganga. 

There was this unexplained amount of pain in Levi's voice. 

"Hindi ba kita pwedeng magustuhan?" tanong ni Levi. Pain was all over his face. "Hindi ba valid ang feelings ko?"

Nakagat ko ang ibabang labi ko. 

That hit my heart. 

Hindi malaman ni Missi ang gagawin. Nasapo na lang niya ang noo niya at bumuntong-hininga nang malalim habang si Levi ay sa kanya lang nakatingin at emosyonal ang mukha. 

"Yes, ako ang nasa video," dagdag ni Levi. "Ako ang naglagay ng letter. Ako 'yong patay na patay sa 'yo, bata pa lang tayo." 

"Levi, please..." Missi muttered. Tears started to build up in her eyes. 

"Ako 'yong thankful dahil tinatawagan mo 'ko kapag frustrated ka kahit alam kong tinatawagan mo lang ako 'pag hindi sumasagot si Grey or si Lyle." 

Levi's voice broke. 

Na-alarma roon si Grey at tiningnan ang kaibigan. 

"Ako 'yong kahit grounded or nasa shooting ng madaling araw, sasama sa 'yong pumunta sa Crossing dahil bigla kang nag-c-crave sa chicken nuggets at whopper burger." 

Levi gulped. He was hurting big time. 

"Ako 'yong ninanakaw minsan ang kotse ni kuya para lang samahan ka mag-road trip 'pag nag-aaway kayo ng mommy mo dahil wala pa akong kotse that time. Nahuli pa nga tayo one time dahil wala pa akong license, 'di ba?" 

Levi forced a smile but his eyes were the saddest.

"But guess what?" Levi asked. "I hate driving. I fucking hate it. Tanga ako sa direction. But I did my best to learn it para kung sakaling kailangan mo ng kasama, mapupuntahan kita anytime." 

Missi, on the other hand, started to tear up more. 

Lahat kami ay hindi makakibo pero kita sa mukha ng lahat ang pagiging emosyonal. Kahit na si Braelyn ay naluluha.

Dumarami na rin ang mga estudyante pero walang nagkukusang-loob na lumapit dahil pinandilatan ang mga ito ni Reese at tinitingnan ni Everleigh nang masama.

"Ako 'yong gago sa paningin mo pero walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka lang," Levi followed and he looked down. His tears fell to the ground. "Kahit palihim."

"Levi, control yourself," alo ni Grey sa kaibigan. "Hindi mo kailangang—"

"Kailangan, Grey," putol rito ni Levi. "Binunyag siya publicly, I'll settle it publicly." 

"I'm just concerned," sabi ni Grey at huminga nang malalim. "God, what's happening..."

Tiningnan kami ni Levi.

"Yes, guys. Napagbintangan lang si Lyle. Ako ang totoong gumawa ng letter." 

Halu-halong emosyon ang naramdaman namin. 

"Sabi na e," sabi ni Nash.

"Well, may ganyan talaga," reaksyon ni Reese. 

Levi rerouted his eyes back to Missi. 

"I'm sorry if I was too coward to tell you. I tried, pero nahihirapan ako," Levi smiled bitterly. "Sobrang taas ng confidence ko pero sa 'yo, nanginginig ako."

There was a pause of silence.

"How about now?" Missi finally answered back, breaking the ice. Namumula na ang mukha nito at bakas ang luha sa mga mata. "Do you like me...still?" 

Levi gulped. 

"Kung oo, lalayuan mo ba 'ko?" 

Missi couldn't answer. 

"If being brave would make me lose you then I'd rather be a coward all my life." 

Napatakip ng bibig si Reese. Kung kinikilig ba o natatawa ay hindi ko malaman. 

Missi gulped too. Another wave of tears built up in her eyes.

"You know what?" tanong ni Missi at naglakad papalapit kay Levi. "I hate you!" 

After saying that right in front of Levi, binangga niya ito. Missi stormed out, leaving us baffled about the situation.

Levi looked down and smiled sadly. 

Grey was torn if whether or not should he stay with Levi or go to Missi. 

"Ako na, Pres," sabi ni Everleigh. "I can handle her." 

Grey sighed in relief. "Thanks, Leigh. Ako na ang bahala sa klase." 

"Ako na," suhestiyon ni Reese. "Alam ko kung saan pupunta 'yon." 

"And what advice would you give her?" Everleigh asked. "Manapak?" 

"Oo gusto mo sa 'yo ko i-try?" sagot ni Reese at nag-cross arms. 

Napanganga kami. 

Mag-away talaga sa ganitong sitwasyon?

Everleigh crossed her arms too. "Why? Hihingi ka ng tulong sa tatay mong leader ng mafia para saktan ako?" 

Natawa ang ilan. Maging ako ay bahagyang nangiti dahil naalala ko ang chismis na lider daw ng mafia ang tatay ni Reese. Pero nang makita ko ang bahagyang pagkagulat sa mukha ni Reese ay unti-unting nawala ang pagkakangiti ko. 

Reese was taken aback. Those words literally melted her. 

Everleigh smirked out of victory and walked away. 

Habang papalayo si Everleigh ay nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanya at kay Reese. 

Mafia leader. 

Iyon ang ginamit ni Everleigh to instill fear to Reese. 

Was it code? 

Tiningnan ko si Reese at ang sama na ng tingin nito kay Everleigh. 

Indeed, that woman was a sly fox. 

Natigil si Everleigh sa paglalakad nang masalubong nito si Sir Ivan. 

"Sa'n ka pupunta?" tanong ni Sir Ivan. "Klase na, a?" 

Tiningnan kami ni Everleigh at nang makita ni Sir Ivan ang pagkukumpulan namin ay na-gets niya sng nangyayari.

"Issue nanaman," sabi nito at ngumisi.

Everleigh then walked away.

Naglakad din paalis si Reese at nang tanungin ng isa naming kaklase kung saan ito pupunta ay badtrip ito.

"Frustrated ako," sabi nito. "I need my punching bag." 

Doon ako naalarma. 

"Kawawang Jal..." bulong ng isa naming kaklase.

"Wow! Wow talaga!" reaksyon ni Nash sa mga nangyari. "Ano 'to, telenovela? Dapat 'pag takbo ni Missi, nag-freeze tayo then pasok ang theme song." 

Pabiro kong hinampas si Nash dahil naroroon pa si Grey at Levi. 

Binuksan ni Grey ang pinto ng room at hinarap kami. 

"Dito muna kayo. Ako na ang kakausap kay Sir." 

Tahimik kaming pumasok at si Levi ay hindi pa rin kumikibo. 

Maya-maya lang, ang nananahimik na si Braelyn ay biglang humagulgol. Lahat kami ay nagulat. 

"Huy! Bakit?" tanong ni Nash. 

Sa sobrang gulat ko ay hindi ko malaman ang gagawin.

Hagulgol talaga ang ginawa niya at nag-e-echo pa sa buong room. 

"B-Brae, bakit?" tanong ko at sinubukang aluin ito.

Hindi ito sumagot at patuloy lang sa pag-iyak.

"Is there anything wrong?" Grey asked. 

"N-Na-iyak lang ako..." sabi nito at sinisinok na. "A-Ang sad ng love story nila. Weakness ko 'y-yong ganitong... set-up. 'Y-Yong mga... unrequited love..." 

Ngumawa ito at basang-basa ang mukha ng luha. Inabutan ito ni Grey ng tissue at pinunasan ko ang noo. 

"Braelyn, hindi 'to tungkol sa 'yo, gaga," sabi ni Nash. "Daig mo pa si Missi. Ikaw 'yong first love?" 

Napa-iling si Levi at nangiti. "Ganoon ba ako nakaka-awa?" 

Tumango si Braelyn habang umiiyak pa rin. "Ang s-sad lang isipin na... na kinikimkim mo siya f-for so long... I'm so weak for this, lahat ng ship ko lubog then second lead lagi nagpaparaya kaya dama ko. Wait, ayan nanaman luha ko!"

Grey laughed softly while watching her. 

"Pres, we need to talk," sabi ni Sir Ivan na nasa pintuan na namin."I want you to tell me everything." 

"Yes, Sir," sagot ni Grey. 

"Tara sa ibaba," sabi nito at tiningnan kami isa-isa hanggang nagawi ang paningin nito kay Braelyn. "Sino nagpa-iyak sa cute size ng 12-A?" 

Hindi sumagot si Braelyn na sinisinok na kaka-iyak at pinapaypayan ni Nash habang ang iilan sa amin ay bahagyang natawa.

Naglakad na paalis si Sir Ivan at susunod na sana si Grey nang huminto ito. 

"Reign," he said. 

I looked at him.

"Bago ka pa lang sa amin. You must be shocked."

"Somehow," I answered and gave him a forced laugh.

He was just smiling while looking at my eyes.

"Why?" I asked. 

"Gathering enough strength," he said while looking at my eyes still. "There. Full charged." 

"Tss," I reacted. 

"Few hours before, I felt drained and exhausted," Grey said. "But by looking at your eyes now, I'm suddenly ready for a war."

I looked at him, caught off guard. Grey laughed softly and he patted my head.

"I'll go," paalam niya. 

Tango lang ang naging tugon ko. 

Tinawag ni Grey si Levi. Nang lumingon si Levi ay problemadong problemado ang hitsura nito. 

"Mmm?" Levi asked. 

Grey smiled. "Proud of you."

Levi didn't know what exactly to react. He just sighed.

Nang mawala na si Grey ay doon ko tiningnan ang lahat. 

Kumakalma na si Braelyn. 

Si Nash naman ay natatawa dahil sa pag-iyak ni Braelyn. 

Si Levi ay nasa upuan niya at yumuko na.

Si Grey ay kasama na ni Sir Ivan. 

Everleigh went to Missi. 

Reese wasn't inside too. 

And Lyle... 

Doon ako napahinto at napatingin sa harapan. Nag-p-play pa rin ang video at Friend of Mine ang tugtog. 

Hindi ba't ito ang kinanta ni Lyle kahapon at kay Missi lang siya nakatingin? 

Kung si Levi talaga ang may gusto kay Missi, para saan ang ginawa niya kahapon? 

In a snap, someone came inside the class. He was wearing his neat uniform. Bagsak ang itim na itim niyang buhok at nakasuot ng puting headphone. 

Huminto siya sa pinto nang makita ang hitsura ng klase. Nang mapansin niya ang video sa harapan ay nakita ko ang palihim na pagtaas ng sulok ng labi niya. 

I looked at him interestedly. 

This guy...

He's Avery but a hundred percent devil, no mix. 

It made sense now. 

Kinanta niya ang Friend of Mine at tumitig harap-harapan kay Missi para i-provoke si Levi. 

Inaasar niya ito tungkol sa kung ano talaga ang nangyari noon. 

Iniinis niya ito. 

At dahil na-ungkat niya ang feelings ni Levi and it was as fresh as apple for him, that's when he made this set up and exposed Levi through the video. 

Napangisi ako. 

Kung dahil ba sa inis o na-impress ako ay hindi ko na rin alam. 

While looking at the video, Lyle looked at me and our eyes met. When he saw I was smirking, he smirked back at me. 

It was as if he was telling me not to mess with him. 

Hindi ako nagpatinag.

I wasn't wrong after all. 

Levi was indeed, his first victim—and he successfully wrecked him. 

We were just looking at each other's eyes fiercely when suddenly, Lyle did something I never imagined.

HE WINKED AT ME.

I scoffed out of frustration. 

Alam niyang siya ang suspect ko at nang-aasar ito.

Habang pinanunuod ko si Lyle na naglalakad pabalik sa upuan niya ay isa lang ang naiisip ko. 

Yes. 

We should never really mess with a Heimsworth...

...unless you're a Harriett. 

"A Harriett defeating a Heimsworth," bulong ko sa sarili.

I tilted my head as I watched him. 

"Let's see..." 

Sobrang awkward ng klase. Halos walang kumikibo sa amin. Kaya nang mag-early dismissal kami dahil pati teacher namin ay nahawa na sa mood namin, tuwang-tuwa ang ilan. 

"Sana parating may confession, 'no?" rinig kong kwento ni Reese. "Para laging early dismissal. Yamot na yamot na 'ko mag-aral, lalandi lang naman ako sa college." 

"Huh? Mag-Co-College kayo?" pakikisali ni Nash.

Si Braelyn naman ay affected na affected. 

"Ilang minutes pa ba bago next class?" tanong niya na nakabusangot. 

"Twenty," sagot ko. "Okay ka lang?" 

"Hindi," sagot niya at tumayo. "'Pag dumating si Ma'am, pa-attendance na lang ako, ha." 

Kinuha niya ang cellphone at wallet niya. 

"Sa'n ka pupunta?" tanong ko. 

"Maniningil na lang," sagot ni Braelyn at nag-liptint. "Marami pang hindi bayad na junior high sa nasira nilang TV sa Assembly. 'Pag ako nainis tatawagan ko na mga nanay n'on." 

"Kailangan talaga mag-lip tint?" tanong ni Nash. 

"Oo," sabi ni Braelyn. "Kung magiging sad girl man ako, at least sad girl na fresh."

Naglakad na ito at lumabas ng kwarto. Ilang segundo lang ay bumalik itong muli. 

"Reign, Nash, 'di pa pala kayo bayad 80 pesos," sabi niya. "Inuuto niyo pa 'ko para makalimutan ko."

Nagbayad na lang kami para matapos na. 

For the next classes, lalong lumala ang tensyon. Sobrang tahimik namin sa klase. Maya-maya lang ay hindi na nakapagtiis si Missi at nagtaas na ng kamay. 

"Yes, Missi?" tanong ng teacher namin. 

"May I go out?" Missi asked. 

"Sure—"

"With Levi." 

Literal na napanganga kami. Doon nagka-ingay sa klase at maging ang teacher namin ay nagulat. 

"B-Bakit?" tanong ng teacher namin.

"Something personal, ma'am," sagot ni Everleigh. "Please excuse them." 

Tumingin ang teacher namin kay Grey. 

"They need to talk po," sabi nito. 

"W-Well, then," sagot ng teacher. "Take your time." 

Doon na lumabas si Missi na naka-cross arms. Sumunod naman si Levi. 

"Dalawa lang 'yan. Either rejected or they will work on it," kwento ni Reese sa dalawang katabi. "Gusto niyo bet tayo? Double your money, Yes or No lang, o?" 

"Ano bang mayroon sa dalawa? Are they dating?" tanong ng teacher namin. 

Nang tingnan ko ang salarin ng gulo ay kumportable lang itong nagbabasa, na para bang wala siyang ginawa.

Iba ka, Lyle. 

Habang wala sila Missi ay nag-meeting ang klase tungkol sa nangyari. Wala ring makitang lead kung sino. 

"First si Nash, then Levi, sinong next?" tanong ni Grey. "Tayu-tayo lang ang naririto, for sure, whoever leaked those ay nasa atin lang din." 

"Any lead?" Everleigh asked.

"None exactly," sagot ni Grey. "Pero ang nasisiguro ko ay nasa atin lang iyon." 

"Hindi ba 'yon pwedeng makita sa CCTV?" tanong ni Reese. 

"All the CCTVs are under maintenance, Reese. Hindi nila in-announce dahil alam nila kung gaano ka-wild ang karamihan ng estudyante sa 'tin," sagot ni Grey. "But guess what? Whoever this person is, mayroon siyang access sa files ng school. At sino lang ang may ganoong privilege?" 

Itininuro ni Grey ang gold name tag niya. 

"Tayo." 

Ang iba ay napasinghap, karamihan ay takot. 

How will they react kung ang hinahanap nila ay naririto lang at pinakikinggan sila?

Tiningnan ko si Lyle at pinaglalaruan nito ang relo niya.

Tumatawa na kaya siya sa isip niya?

"We can't pin anyone on this," pakikisali ni Everleigh. "Best way is to secure your secrets, kung mayroon man." 

Just then, she looked at me.

It was, as if, she was telling me something through her eyes. 

"Tsaka parang wala siyang planong i-publicize 'yong secrets," sabi ni Braelyn. "Kasi, look. Sa atin lang niya ni-re-reveal." 

"Totoo," pakikisali ni Nash. "Kasi if gusto niya tayo sirain individually, dapat na-publicize na 'to." 

"Same view," Grey affirmed. "The culprit doesn't want to destroy us individually. It wants us to break us as a group." 

There. 

Tiningnan kong muli si Lyle. 

Sana nakikinig ka. 

"Nagtataka lang ako," pakikisali ng isa. "Nandito kasi tayong lahat kanina. Pwera sa isa." 

"Who?" Everleigh asked. 

Itinuro nito si Lyle.

Huminto ito sa paglalaro sa sariling relo nang maramdamang lahat ay nakatingin na sa kanya.

"Oo nga, 'no?" tanong ni Nash.

"Lyle, nasa'n ka kanina?" tanong ni Everlrigh.

Hindi ito kumikibo. 

"Lyle, where were you?" she repeated.

Doon siya tiningnan ni Lyle. 

"Am I obliged to update you about my whereabouts?" he asked. "Girlfriend ba kita?" 

Nagulat ang lahat sa klase.

"Si Lyle ba 'yan?!" takang tanong ni Reese. "Scary, ha."

"Nagtatanong lang kami. Why galit," reaksyon ng isa. 

Everleigh looked at Lyle unbelievably. 

"Ah, alam ko na!" pakikisali ni Braelyn. "I saw him sa garden, nagsasagot ng assignment." 

"Then I'm cleared," sagot ni Lyle. "Now's the time for me to ask." 

I felt my heart throbbing inside. 

"Everyone of us here grew up together, except sa bagong dating," sabi nito at lahat ay nagtinginan sa akin. "When she came, things like this happened. So tell us, Ms. Transferee." 

He stopped and smiled cunningly at me.

"How innocent are you?" 

That's when I lost it.

What does he know? 

Lahat ay nag-aantay ng isasagot ko. Akmang sasagot na ako nang mag-ring ang scho bell. 

"Oops!" sabi ni Reese at tumayo. "Saved by the bell! Sana ganyan 'din 'pag tameme ako sa recitation."

Isa-isang nag-alisan ang mga kaklase namin at para kong nanigas sa kinatatayuan ko. 

What's this?

Am I Lyle's next victim?

"Reign." 

It was Everleigh. 

"Bakit?" nagtataka kong tanong.

"For the record lang," sabi niya at inabutan ako ng papel. "Sa registrar 'yan galing. Kulang daw ang info ng credentials mo. They need your parents' documents." 

"Sure," sabi ko at tinanggap iyon. "Salamat."

Madali lang ito. Si Prosecutor Jax na ang bahala. 

"By the way, Reign. How's your parents?" Everleigh asked.

I looked at her. Kumunot ang noo ko. 

"Okay lang," sabi ko. 

"Really?" she asked. 

Tumango ako. "Bakit?" 

Ngumisi si Everleigh. "Wala. Nice to hear."

Umalis si Everleigh at halatang nagpipigil ito ng tawa. Sa kung bakit ay wala na akong ideya.

Lalong bumibigat ang pakiramdam ko. 

Bakit parang may hindi magandang mangyayari?

———

THIRD PERSON POV. 

"Confirmed. She's lying," sabi ni Everleigh sa kausap niya sa cellphone. "Continue your investigation about her. Ako na ang bahalang umalam kung anak ba siya out of wed lock o peke ang credentials niya. Leave it to me, hawak ko ang registrar."

Nang matapos ang tawag ay may isa pa siyang tinawagan. Habang nag-r-ring ay hindi maiwasan ni Everleigh ang mapangiti. Kasalukuyan siyang nasa roof top ng Senior High Building.

"Hey, Justine," sagot ni Everleigh. "Send the photos tonight to Grey's mom. Make sure makakarating 'yon before maka-uwi si Grey para galit agad ang mommy niya. I want him to be as emotionally distracted as possible."

Ngumiti lalo si Everleigh. 

"Yes, lumabas na ang result. Rank 1 ako and Grey? Uhm... I can't remember anong rank niya. Sa sobrang baba hindi ko na maalala." 

Ngumisi siya. 

"Of course, I'll give you a bonus. Ang laki na ng gap ng average namin ni Grey, hindi na 'yon makakahabol pa. If Braelyn becomes a hindrance, she's no exception, of course. Alright." 

Nang matapos ang tawag ay nakarinig si Everleigh ng mga yapak. 

"What do you think Grey will do if he finds out?" 

She looked back. 

It was Lyle. 

Hindi na dapat niya ito papansinin pero muli itong nagsalita. 

"Iba si Grey 'pag nagalit. You know he can kill you if he discovers what you are up to." 

Everleigh scoffed. "Bakit hindi ka magsumbong kung concern ka talaga?" 

Lyle looked at her eyes. She crossed her arms and smirked. 

"See? Gusto mo rin 'yong ginagawa ko. Don't act like you're clean, Lyle. You have a fair share of demonic deeds and they stink." 

Akmang aalis na siya nang muling magsalita si Lyle. 

"I made it clear. Hindi kita pakikialaman kung hindi mo rin ako pakikialaman." 

"What are you talking about?" 

"The video about Levi," Lyle said and met her eyes deadly. "It was you." 

Kumunot ang noo ni Everleigh. "Huh?" 

"Don't make a fool out of me," Lyle said sharply.

"H-Hindi ikaw 'yon?" tanong ni Everleigh. 

Confusion swallowed Lyle. "It wasn't you, too?" 

"Bakit ko gagawin 'yon?" tanong ni Everleigh. "Levi is out of my target. Akala ko ikaw. Tayo lang ang may alam n'on, Lyle." 

Lyle stared at Everleigh's face, tracing if whether or not she was lying. 

"Wow..." Everleigh murmured and scoffed. "So may isang taong pinaglalaruan tayong lahat? That hurts my pride." 

"Isa pang tao?" Lyle asked. "Aren't you scared? Everyone will lose more than what they gained in case." 

"Not for me," Everleigh answered. "Karma is my bestfriend."

Ngumisi siya kay Lyle at iniwan ito roon. Maya-maya lang ay huminto siya. 

"Hindi ako 'yon, Lyle, and that's for sure. Kung nagsasabi ka ng totong hindi rin ikaw ang nag-leak, then someone's toying the entire class." 

Lyle looked at her. 

"I know, it's too early to tell but I know somebody who probably knows our secrets," Everleigh said. 

"Who?" he asked. 

Everleigh's face went blank. 

"Hale Parker..." 

There was a long pause of deafening silence. 

"If you want your dirty little secret to remain concealed forever, you know what to do," Everleigh said.

She looked back at him and their fierce eyes met.

"End him." 

———

REIGN. 

"Bye!" 

Iyon ang huli kong narinig nang magpa-alam si Nash. Uwian na at ako na lang ang natira sa room.  

It wasn't a day for us, I guess. 

After mag-usap ni Missi at Levi ay bumalik sila na parang wala lang nangyari. May dala pa nga si Missi na iced coffee at corndog. 

"Tuloy ang buhay," sabi ni Levi. "Malayo sa bituka." 

Ang chismis galing kay Braelyn, Levi chose to remain as good friends kay Missi para lang hindi ito ma-awkward-an. 

Nang ma-return ang quizzes at exams namin, si Everleigh at Braelyn lang ang halos pumasa. Usap-usapan ang pagkabagsak ni Grey dahil never daw iyong nangyayari. 

"May problema ba?" concerned kong tanong ng lunch break.

"Wala naman," sagot niya. "It happens. Hindi naman tayo stable parati. It's just the expectation from the class that I can't handle."

Kaya ng P.E namin ay naglaro na lang sila ni Levi ng soccer. Nang mag-uwian ay nag-text na lang ito sa akin. Dama ng klase iyon at lahat kami apektado. 

At isa lang ang rason ng lahat. 

When he walked inside, he stopped when he saw me. Nakatayo ako malapit sa pinto at kanina pa siya hinihintay. 

He was about to ignore me but then I talked. 

"How does it feel, Lyle?" I asked, my arms crossed. "How does it feel when you ruined someone else's life?" 

He didn't answer. He was about to take a step but then I scoffed. 

"Does it make you feel good when you make someone feel bad?"

With his hands inside his pockets, he looked at me. 

"You're starting to feel comfortable with disrespecting me," he said coldly. "And I don't like it." 

As unexpected as it was, Lyle took a step closer to me. 

Sa bawat hakbang niya ay ang bawat pag-atras ko naman. Nakatingin lang siya sa mga mata ko, nakapamulsa, at walang emosyon ang mukha. 

When my back pressed against the wall, I gulped. Huminto si Lyle nang magkadikit na ang mga katawan namin. Ramdam ko ang init na nanggagaling sa katawan niya. 

"What are you gonna do?" I asked, trying to remain my calm. "Strangle me to death?"

"Strangle you with my lips..." he said with a husky voice. "Could be?" 

"This is harassment," I said firmly, meeting his eyes. 

"No one will believe you," he answered. 

"The truth prevails," I said fiercely. 

"Baby, you have a shallow depiction of truth," he said.

He gave me a small smile. 

"The truth depends on whoever interprets it." 

My jaw clenched. 

Mula sa pagkakatayo habang nakapamulsa at nakatingin sa mga mata ko ay bahagyang yumuko si Lyle para magpantay ang mukha namin. 

Halos magdikit ang mga labi namin dahilan para maisandal ko ang ulo ko sa pader. 

Napasandal ako sa light switch. Sa isang iglap ay namatay ang ilaw at dumilim ang paligid.

Wala akong ibang nakikita bukod sa mukha ni Lyle. 

Suddenly, he smirked. 

"No students, no light, no CCTV camera," he said and his voice was more like a whisper. "If I would do something tonight, no one would know." 

I tried to compose myself. "Lyle—"

"And if I would kiss you now..." he said with an airy voice and he looked at my lips. "No one would know." 

Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko. 

Lyle then met my eyes. 

"I don't tolerate bad girls, Reign," he said. "I punish them. I tame them." 

Doon na unti-unting lumapit ang labi niya sa akin. Lalong lumakas ang kalabog ng dibdib ko. 

"Be a good girl and I'll reward you." 

"I'm not your toy, Heimsworth," mariin kong sabi. 

"Who said I'm toying you?" he whispered. "Be my baby or be my enemy. There's nothing in between." 

Lyle was looking at nothing now but my lips. 

"You're a shit—"

I literally got halted when he tilted his head and inched the remaining gap of our face. He pulled me by my I.D lace and was about to kiss me.

Napapikit ako nang mariin at hindi malaman ang gagawin.

Nang maramdaman ko ang hininga niya ay napadilat ako. Nakatingin lang siya sa labi ko. 

"Scared?" he whispered. 

When he saw the fear on my face, Lyle softly smirked. 

"Boo."

He then turned fierce. 

Binitawan niya ako at habul-habol ko ang hininga ko. Kinuha niya ang bag niya at naglakad na papalayo. 

"You won't get away with this," habol ko. Huminto siya pero hindi ako nilingon.

"Kakarmahin ka rin," dugtong ko.

"Pero mukhang may mauuna sa 'kin," sabi niya. "Expect Levi to withdraw from school modelling. Prepare yourself, you might get picked."

I felt the anger. 

DEMONYO. 

Naglakad na ito papaalis at nagsuot pa ng puting headphone na parang wala lang nangyari.

Alam kaya ng ate niya pinaggagagawa niya?

Ang sarap magsumbong.

Natigil ako ng mag-text si Prosecutor Jax.

"OUR DAYS ARE NUMBERED." 

Few minutes later, nakita ko na lang ang sarili kong  nasa loob ng kotse ni Prosecutor Jax at nakaparada sa kawalan. 

After school ay nagkita kami. Gusto raw akong maka-usap ni Hale at may emergency daw na sasabihin si Prosecutor Jax. 

I expected it to be worst but not like this. 

Nanlulumong tiningnan ko ang mga litrato na nasa loob ng envelope. 

"Mga private investigators 'yan, Reign. Matagal ka na pala nilang pina-iimbestigahan," kwento ni Prosecutor Jax. 

"Anong... info po ang nakuha nila?" tanong ko. Nanginginig pa ang kamay ko sa takot.

"School-related. But I believe, sooner or later, makukuha na nila ang family registry niyo. I'm sorry, Reign. I did my best to protect your identity. It's just that...gumamit sila ng tao from the intelligence unit. I did everything that I can. I'm sorry..." 

Halata ang kalungkutan kay Prosecutor Jax. 

"I fucked up, Reign, I know," dugtong nito at huminga nang malalim. "They played us dirty. I know I shouldn't be explaining myself but—" 

"It's Everleigh..." putol ko kay Prosecutor Jax. "No wonder kung bakit tinatanong niya ako tungkol sa parents ko. Tinatawanan na siguro niya ako sa isip niya kanina." 

"She's the gatekeeper, oo, pero sobra itong ginawa niya. She used all the influence her family has to ruin you," sabi ni Prosecutor Jax. "Masyado akong naging pre-occupied ng personal life at pressure sa kaso. I didn't even expect they will stoop down this low." 

Natatakot ako, oo. 

Kinakabahan. 

Pero normal ito sa trabaho ko. 

When I signed up for this, risk and death are inevitable. 

I shouldn't be scared. 

"Kung ganoon na ang ginamit nilang method, it means takot siya. Takot sila," rason ko. 

Prosecutor Jax looked at me. He seemed apologetic.

"Gaano po katagal sa tingin ninyo bago ako mapatalsik ni Everleigh?" 

"A month or few weeks," sagot ni Jax. "We're really running out of time." 

"Then let's do it," I said, determination in my eyes. "Tapusin na natin itong mission in few weeks or a month."

"Seryoso ka?" tanong ni Prosecutor Jax. Bakas ang pag-aalala nito. 

"Wala po tayong choice. Kailangang matapos ang mission na 'to bago pa i-reveal ni Everleigh kung ano man ang nalalaman at malalaman niya. Para kung mapapatalsik man ako, hindi ako ang tunay na talo." 

Ngumiti si Prosecutor Jax. "When Howell said you are the case's last ace, I didn't believe it at first. Now...it shows." 

"Pagod na rin po kasi ako," sabi ko. "At gusto ko na ring makita ang mga kapatid ko." 

Pero ang totoo ay natatakot na rin ako. 

If the students of 12-A can destroy their friends that they grew up with just like that, ano pa ako? 

Prosecutor Jax nodded understandingly. "Cheers for our win, then." 

"Cheers." 

Nag-fist bump kami. 

"Saan po tayo ngayon?" tanong ko kinalaunan.

"Kay Hale," sabi niya. "He wants to tell you something. Ayaw sabihin sa defense or sa akin. Ikaw na lang ang pinagkakatiwalaan ng bata." 

Umandar na ang kotse. 

"Tungkol sa 12-A?" tanong ko. 

"I guess so. Lalo nga iyong pumayat. Hindi na rin daw natutulog at madalang kumain." 

"Binisita na po ba siya ng family niya?" tanong ko. 

"Nope, wala, nothing, NADA." 

Napadungaw ako sa bintana. 

Hindi na ako kumibo. Sa tindi ba naman ng pinagdaanan niya ay trauma talaga ang aabutin niya. 

I sighed.

Few weeks or a month, makikita ko na ang mga kapatid ko. 

Ipapanalo ko 'to. 

Maya-maya lang ay may tumawag kay Prosecutor Jax. 

"This is Jax Scott, speaking," sabi nito. "Yup. On my way, sir. Why?" 

Halos tumilapon ako nang bigla itong huminto sa pagmamaneho. 

"Bakit po?" gulat kong tanong at napahawak sa seatbelt ko.

When I looked at him, his eyes widened. Para itong binuhusan ng malamig na tubig at nanigas sa kinauupuan. 

"P-Prosecutor, bakit po?" kinakabahan kong tanong. 

When he looked at me, he was dead-ass scared. In a matter of seconds, his phone fell from his shaking hand. Fear was all over his face and tears were building up in his eyes. 

And the next thing he said made my world stopped. 

"Hale died tonight..."

# PART SEVENTEEN: HIS LAST BREATH

"HALE DIED TONIGHT..." 

Beat. 

Literal na napanganga ako at nanindig ang mga balahibo. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig.

My eyes widened more. 

"Fuck it..." bulong ni Prosecutor Jax at tinakpan ang mukha gamit ang mga palad. "Put*ng ina... Put*ng ina talaga..." 

Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko.

Did Hale Parker really just... die? 

"Put*ng ina nila..." bulong muli ni Prosecutor Jax at nagsimula nang maiyak dahil sa galit. Pulang-pula ito. "KINAWAWA NILA 'YONG BATA!" 

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Ramdam ko ay maiiyak na rin ako.

Patay na si Hale. 

Pinatay nila si Hale. 

Halu-halong emosyong ang nararamdaman ko; galit, takot, lungkot. 

"Ano pong ginawa nila?" tanong ko at lumunok. Nagsimula nang lumabo ang paningin ko dahil sa luha. "Paano pong... namatay si Hale all of a sudden?" 

Hindi makasagot si Prosecutor Jax. Nakayuko ito sa manibela at rinig na rinig ko ang pag-iyak nito. 

"Sinira nila 'yong pamilya n'ong bata..." sabi niya. "Tinanggalan nila ng karapatan mangarap. Ngayon... papatayin nila nang... ganun-ganon lang?!" 

Lalo siyang namula. Nag-crack pa nga ang boses niya dahil sa galit. 

Hinawakan ko ang braso niya at sinubukan siyang pakalmahin. 

"Paano pong namatay si Hale? Ano pong... ginawa nila?" tanong kong muli. 

"Nakita siya sa loob ng CR na naliligo sa sariling dugo at puno ng saksak..." huminto ito. "Put*ng ina, he's just an eighteen year old!" 

Galit na hinampas nito ang manibela at doon na ako tuluyang na-iyak. 

Paano nila nagagawa ito?

Prosecutor Jax unbottoned three of his polo's buttons.

"They will pay for this," he said.

Suminghap ito ng hangin para pakalmahin ang sarili. 

"In this lifetime or in hell, I'll make sure they'll pay for this." 

Muli nitong hinampas ang manibela.

"Jax, can you hear me? Hello?" 

Pareho kaming napatingin sa cellphone niya na nalaglag kanina sa sahig. Naroroon pa rin ang kausap niya kanina. 

Dinampot ko iyon dahil wala nang balak pa si Prosecutor Jax na kuhanin iyon. Pinakakalma nito ang sarili dahil hindi nito ma-kontrol ang sariling galit at luha 

Nagpunas ako ng luha sa pisngi at kahit nanlulumo dahil sa balita ay ako ang kumausap. 

"Hello po..." sagot ko kahit nanginginig ang kamay dahil sa sinapit ni Hale. 

Napakabata pa ni Hale para mawala. 

"Who's this? Reign?" 

"Opo," sagot ko. "Sino po sila?" 

"That's Howell," sabi ni Prosecutor Jax. 

"Yes, this is Howell. Tell Jax to go to the West Carson Medical School near the Crossing. 'Yong sa 

harap

 ng Library, please. Go with him." 

"Bakit po?" taka kong tanong. 

"We rushed Hale to the hospital and..." 

Biglang napatingin sa akin si Prosecutor Jax at hinablot ang cellphone. 

"And what?!" tanong nito. 

"And he's being revived..." 

The next thing I knew, kumakaripas na kami ni Prosecutor Jax ng takbo sa ospital. May nabangga pa nga siya pero wala siyang pakialam at tuluy-tuloy lang siya sa pagtakbo. Ako na ang humingi ng tawad. 

Hale... please survive... 

"HALE PARKER!" sigaw ni Prosecutor Jax sa reception. "S-Saan siya na-admit? Anong kwarto?"

Sa gulat ng nurse ay nanginig ito at itinuro sa amin ang daan. 

Dali-dali kaming tumakbo. Sa bawat hakbang ay lalong bumibigat ang dibdib ko.

If they can do this to Hale, what more sa akin?

If they can kill someone like him who has an influential family, paano pa ako? 

Nang umakyat kami sa ikatlong palapag ay doon namin nakita si Detective Howell na may kausap na doktor. Nang makita kami nito ay kumaway ito sa amin. 

Mabilis kaming lumapit. Nang makita namin si Hale na nakahiga sa isang kama at walang malay ay doon kami halos matumba. 

Literal na napasandal ako sa gilid at natulala.

Si Prosecutor Jax naman ay napa-upo sa kabilang gilid at nasapo ang sariling buhok. Unti-unting namuong muli ang luha sa mga mata niya. 

"He's safe for now," Detective Howell said. "Ang sabi, hindi pa alam kung kailan siya magigising. Literal na namatay na siya kanina at awa ng Diyos ay na-revive pa. Kaso, baka raw ma-comatose. They will conduct more test and—" 

Natigil si Howell nang biglang umiyak si Prosecutor Jax. Kitang-kita mo kung gaano ito natakot, nagalit, at pagod na pagod na dahil sa panganib ng trabaho niya. 

"Thank God..." he said in between his cries. "God is good... God is good..." 

Niyakap ito ni Howell at natatawang tinapik ang likuran ng kaibigan. 

"Ngayon na lang kita nakitang ganito ka-emosyonal, brad. Umayos ka, baka pagtawanan ka ni Reign," sabi nito at nginitian ako. Naluluha na rin ito. 

Ngumiti ako pabalik kahit puno ng luha ang mga mata at pisngi ko. 

The world may conspire against them, but at least, Howell and Jax got each other. 

Sobrang mapanganib ang trabaho nila pero kung hindi nila ito gagawin, sino ang gagawa? 

I felt proud. I admired them, big time. 

"Hindi natin i-to-tolerate 'to," sabi ni Prosecutor Jax nang mahimasmasan siya. "Hindi pwedeng wala tayong gagawin, Howell." 

Tiningnan nito si Hale na inaasikaso ng isang nurse sa loob ng kwarto. 

"Clear indication na ito na inosente ang bata. They tried to kill him because they wanted to silence him. Hindi pwedeng wala tayong gagawin. Harap-harapan na tayong ginag*go ng mga batang 'yon." 

Kitang-kita ang galit sa mga mata nito.

"Nahuli ba ang sumaksak sa kanya?" tanong ni Jax.

"Oo. Kasalukuyang ini-interrogate, umamin naman. Nang tanungin anong rason, ang sabi niya naiirita lang daw siya sa presensya ni Hale. Wala raw nag-utos sa kanya."

"That's bullshit," reaksyon ko. 

"I know," sabi ni Howell. "Pero wala kaming makuhang ebidensya for now na may nag-utos pero iimbestigahan ko 'to." 

Ngumisi si Prosecutor Jax out of frustration. "See what money can do?" 

Humarap ito kay Howell.

"Nanghingi ka na ng copy ng mga bumisita kay Hale for the whole week?" 

"I did," sabi ni Howell at naglabas ng cellphone. "Here. They sent it few minutes ago." 

Tiningnan iyon ni Prosrcutor Jax. "Illegally acquired 'to dahil walang utos from the higher ups. Hindi natin magagamit 'to para mag-issue ng warrant." 

Tiningnan niya itong muli at maya-maya ay ngumisi. Ini-abot sa akin ang cellphone.

"Bakit po?" tanong ko. 

"Find your classmates," Prosecutor Jax said with a voice full of bitterness. 

Nang tingnan ko ang listahan ay unti-unti akong nanlumo. 

Monday

Reese Turner 

Tuesday

Braelyn Yngrid 

Wednesday

Ivan Gliponeo 

Thursday

Nashville Burlington 

Friday

Jal Perez 

Saturday

Greysen Xanford Finch 

Sunday

Levi Hudson 

Monday

Missi Smith 

"Look at the most recent," Prosecutor Jax said. 

Tuesday, AM 

Everleigh Miller 

Tuesday, PM 

Lyle Xavier Heimsworth

"Mga kaklase mo ba 'yan?" tanong ni Detective Howell. 

"Opo..." sagot ko. 

"That's it," reaksyon ni Prosecutor Jax. "May gusto sabihin si Hale kay Reign. For sure, isa sa mga 'yan ang  naka-alam o pinagsabihan ni Hale na may aaminin siya sa atin, sa prosecution or sa defense niya. The motherfcker probably got triggered and decided to kill Hale to silence him!" 

Galit na galit ito. 

"That makes sense, Jax," pag-sang-ayon ni Detective Howell. "Nasa 12-A nga ito." 

Sa buong stay ko sa 12-A ay hindi ko inakalang kaya nilang umabot sa ganitong karumaldumal na bagay. 

Nakakatakot. 

Nakakalungkot. 

Nakakagalit.

"They cannot silence the truth," determinadong sabi ni Prosecutor Jax. "They throw a fight, we'll give them a war." 

"Ano pina-plano mo?" tanong ni Howell. 

"Kung gusto nila tayong patahimikin, pwes, mag-iingay tayo," sabi niya. "Howell, call the media. Magpapa-press con ako." 

My eyes widened. 

"J-Jax, sandali," sabi ni Howell. "Wala pa tayong ebidensyang kayang ibunyag." 

"I know. Hindi naman tayo magpapa-press con para may ibunyag. Mananakot tayo, Howell. Ipakikita nating may pangil ang batas at kaya nitong mangagat." 

I gulped. Prosecutor Jax sounded threatening. 

"Bantayan mo si Hale, ako na ang haharap sa press. Sa lobby ng office ang venue." 

Tumalikod ito, nagsimulang maglakad at biglang huminto.

"Oo nga pala," sabi nito. "Starting tonight, lahat ng sasahurin ko ay gawin mong pondo para itago ang identity ni Reign." 

I looked at him, alarmed. 

"May nag-iimbestiga na sa kanya. Hire someone from the intelligence unit, I don't care. I-t-transfer ko laman ng isa kong bank account at kung kailangan kong ibenta ang isa kong kotse, tell me." 

"Prosecutor..." pakikisali ko.

"It's okay, Reign," sabi niya sa akin. "I hired you. Obligasyon kita." 

"Pero Jax—" 

"Do whatever you can," putol ni Jax kay Howell. "Kung kinakailangang nakanawin ang documents ni Reign sa dati n'yang school, do it. Kung kailangang i-alter ang family registry temporarily, do it. I'm risking everything in here and I'll make sure I'll end this mess." 

"I know a way pero it's illegal," sabi ni Howell. "Can you risk your license?" 

Doon ako kinabahan. Napatingin ako kay Prosecutor Jax. 

"Let's ensure Reign and Hale's safety first. Let's worry about the consequences after." 

Howell looked at Jax with understanding eyes. Halata ang pag-aalala nito para sa kaibigan. 

"I'll be fine," Jax said and smiled at him. Tinapik nito ang braso ng kaibigan. Tiningnan nitong muli ang kwarto ni Hale at bumuntong-hininga. "I'll go."

Maya-maya lang ay naglakad na ito palayo at pinanuod namin siya ni Howell. 

"Jax!" sigaw ko. 

Huminto ito at lumingon.

"PROSECUTOR JAX," mariin nitong pagtatama. 

Ngumiti ako. "Thank you." 

It caught him off guard. He didn't know what exactly to say. His face started to become emotional again.

Maging ako ay nagsimula muling maluha. 

Takot kami pare-pareho pero wala kaming ibang magawa kung hindi ang maging matapang lang.

Kumaway na lang ito at muling tumalikod.

Nang nawala na siya sa paningin namin ay doon ko tiningnan si Detective Howell. 

"Alam na po ba ito ng family ni Hale?" 

"Oo," sagot nito at huminga nang malalim. "Pero walang sumasagot. Wala silang pakialam. Tatawagan ko lang 'yong press ha, excuse me, Reign." 

Habang may katawagan si Detective Howell ay napadungaw ako kay Hale. 

Wala pa rin itong malay at kaliwa't kanang tubes ang nakakabit sa katawan. 

Nakaka-awa itong tingnan. 

His family abandoned him. 

His classmates outcasted him. 

And now, someone wanted him dead. 

At ang tanging kasalanan lang niya ay nagtiwala siya. 

Iyon lang. 

Hindi siya pumatay, hindi siya nagnakaw, hindi siya nang-apak ng tao. 

Muntikan na siyang mamatay dahil lang naging parte siya ng section na ayaw sa kanya at pinagkatiwalaan niya sila. 

Naikuyom ko ang kamao ko. 

"Whoever you are and wherever you are..." I whispered with so much anger and determination. "We'll catch you and we'll throw you back in hell, dumbass."

———

THIRD PERSON P.O.V.

Sa isang kwarto ay makikita ang lalaking naka-upo sa sahig at dahan-dahang inilalapag ang isa pang piraso ng domino. Marami na ang mga iyon at wala pang tumutumba kahit isa.

Nakaputi itong T-Shirt at basa pa ang itim nitong buhok. Walang emosyon ang mukha nito habang nakikinig sa kausap sa telepono. 

"LYLE, 

ANO

 BA!"
 sigaw ng nasa kabilang linya. 
"

NAKIKINIG

 

KA

 BA?" 

"Of course," wala sa loob na sagot ni Lyle at naglagay muli ng isa pang piraso ng domino. 

"Anong 

pinag

-

uusapan

 

natin

?"
 tanong ng babae.

"Missi, you were talking about how you turned down Levi," Lyle said apathetically. "And he accepted it because he wants a place in your heart, kahit kaibigan lang." 

"So what do you think?"
 tanong ni Missi. 
"Tama ba ang 

ginawa

 ko?"

"Kung tama ang ginawa mo, bakit ka nakokonsensya?" tanong ni Lyle at naglagay ulit ng isa pang piraso. 

"Kasi baka 

nasaktan

 ko siya. 

Sobrang

 bait ni Levi 

kahit

 

mahangin

 at 

babaero

 'yon,"
 nag-aalalang sabi ni Missi. 
"Pero kasi hindi ko 

talaga

 siya type. I can't imagine him as a boyfriend. 

Ayaw

 ko 

namang

 i-try then in the end '

di

 ko 

talaga

 

kaya

. Baka 

masaktan

 siya lalo. Na-gui-guilty ako!" 

"Perfect," sagot ni Lyle nang tingnan ang napakalawak at stable na domino na nasa kwarto niya. 

"Anong perfect?! Na 

nasasaktan

 na 

kami

?!"
 tanong ni Missi. 

"No," sagot ni Lyle. 

"

Naisip

 ko lang. 

Napagbintangan

 

ka

 lang pala, so 

bakit

 hindi mo 

nilinaw

 na si Levi 'yon?" 
Missi asked.

Lyle took one piece of the domino and he looked at its design without any emotion. 

"Because you didn't ask." 

"So kung 

walang

 

magtatanong

, hindi mo i-k-

klaro

?"
 Missi asked unbelievably.

"I just don't have the energy," he explained. 

Just then, he heard a knock from his door. 

Iyon ang kanina pa niyang hinihintay. 

"Bye Missi," Lyle said. 

"What?! Lyle—"

Hindi nito natapos ang sasabihin nang bigla niya itong patayan ng cellphone. 

"Come in," Lyle commanded. 

When the door opened, his driver came in. Butil-butil ang pawis nito at ninenerbiyos. 

"Okay na po, sir," sabi nito.

"The footage?" Lyle asked without looking at him. He continued playing his domino. 

"Nabura na po namin," sabi nito. 

"And my fingerprints?" Lyle asked.

"Ayos na po," sagot ng lalaki. 

"Nabayaran mo na ba?" 

"Opo, sir. Cash." 

"Good," Lyle answered. "Dispose the sim card and the phone. Make sure na wala silang ma-t-trace." 

"Yes, sir," nanginginig na sagot ng lalaki. 

Ini-ayos ni Lyle ang domino nang hindi man lang tinatapunan ng tingin ang lalaki. 

"Sir..." hindi ito mapakali. "Paano po kung... kung malaman po ito ng ate n'yo?" 

"She won't know unless someone tells her," tipid na sagot ni Lyle at kalmadong tiningnan ang lalaki. "Will you tell her?" 

Agad itong umiling. "Hindi po, sir."

"Then there should be no problem," sagot ni Lyle at muling tumingin sa kanina n'ya pa ginagawa. "You may go." 

"Yes, sir." 

Yumuko ito at nangangatog na lumabas ng kwarto. Nang marinig n'ya ang pagsara ng pinto ay manghang pinanuod n'ya ang nagawa n'yang domino sa loob ng isang oras. 

Lyle tilted his head and with the arising interest in his eyes, he pushed one of the dominoes through his finger.

In a snap, they started to fall one by one and it was satisfying for him to watch. 

When the last domino fell down to the mirror on his wall, Lyle looked at it and he saw his own reflection. 

Habang pinanunuod ang sarili ay unti-unting tumaas ang sulok ng labi niya. 

"One down..." 

Sa kabilang dako, isang kotse ang huminto sa tapat ng isang napakalaking bahay. Bumaba si Everleigh mula roon at nagbayad sa driver. 

"Keep the change," she said to the driver.

"Ay, thank you ma'am. Good evening po."

Hindi na sumagot si Everleigh dahil pagod na pagod na rin siya. Huminga siya nang malalim at ini-ayos ang sarili bago tuluyang pumasok sa loob ng kanilang bahay. 

Natigil siya nang ang bumungad sa kanya ay ang daddy niya na ina-alo ang mommy niya. Ang mommy naman niya ay umiiyak habang may kausap sa cellphone.

"What's going on?" she asked soon as her father, who's a senator, approached her.

"Hija, Hale Parker died. Your classmate died," nag-aalalang sabi nito.

"WHAT?!" reaksyon niya.

Umirap ang kapatid niyang nasa table at kumakain nang marinig siya.

"I mean...how?" Everleigh asked.

"He got stabbed. Sa kulungan. Kausap ng mom mo 'yong parents ng section ninyo," sabi nito at napa-iling. "I'm sure hot topic ito sa Congress tomorrow. Death Penalty will be popular again, I'm so sick of it." 

Hindi malaman ni Everleigh ang mararamdaman. Nanatili lang siyang nakatayo roon at bahagyang nakabuka ang bibig. 

"Hija, kumain ka muna. I know nagulat ka rin but—"

Naalarma ito nang makita ang mga luha na unti-unting namumuo sa mga mata niya. 

"Hey, are you okay?" 

Everleigh looked down. "Hindi po muna siguro ako kakain. Need ko makausap ang mga classmates ko." 

"Sure, sure, honey, if that will make you feel better," sabi nito. 

Hindi na kumibo si Everleigh at naglakad na paalis. Patuloy ang pamumuo ng luha niya habang paakyat sa kwarto niya. Rinig niya ang pag-uusap ng mama niya at ng mga magulang ng mga kaklase niya.

Nang marating niya ang kwarto niya ay agad niyang isinara ang pinto at sumandal doon. 

At sa pagkakataong iyon, ang kanina niyang malungkot na mukha ay napalitan ng pagkakangisi. 

"Sayang luha," bulong niya sa sarili at pinunasan ang pisngi. Inihagis niya ang bag niya sa kama at humarap sa salamin. 

"Buti hindi nasira ang eyeliner ko," she said to herself.

Maya-maya lang ay bigla siyang natawa.

"Haaaay, ang tanga," Ini-ayos niya ang buhok niya sa harap ng salamin. "Imagine being dead? I could never." 

Nawala ang pagkakangisi niya nang makita ang picture na nakadikit sa salamin. 

Kuha iyon ng surpresahin nila si Ms. Jess, ang adviser nila na pumanaw, noong birthday nito. 

Tinanggal niya iyon at muling tiningnan. 

"You should've listened to me," sabi niya sa litrato. "Kung nakinig ka, edi sana buhay ka pa." 

Puno ng galit ang boses niya. 

"If you only let Sir Ivan to be our adviser, everything's cool. E kaso, pabida ka. Now you get what you deserve." 

Ngumisi siya nang makita rin ang litrato ng section kasama si Hale. Pinagtabi niya ang litrato ni Ms. Jess at ni Hale at hindi niya maiwasang ngumiti.

"Indeed, every tongue that rises up against us shall fall..." 

At sa sandaling iyon, ang nakangising mukha ni Lyle at ang mga halakhak ni Everleigh ang bumalot sa buong gabi. 

At the same time, Sir Ivan was walking home. Kagagaling lang nito sa trabaho at nakikipagtalo sa kapwa nito guro sa cellphone dahil sa napakababang marka na ibinigay nito sa isa niyang estudyanteng si Greysen Finch. 

"Naiintindihan ko naman, Sir," sagot ni Ivan. "Pero graduating kasi 'yong bata. May hinahabol pang award. Kaya nakiki-usap sana ako kung... kung kaya pang gawan ng paraan."

"Alam naman pala 

niyang

 may 

hinahabol

 

siyang

 award. 

Bakit

 hindi niya 

pinagbutihan

? Hindi lang naman sa akin siya 

bumaba

—sa lahat. Unfair naman sa ibang 

nagpursige

 

talaga

." 

Napakamot si Ivan ng batok. Against talaga sa prinsipyo niya ang ginagawa niya pero heto siya, sinasalba ang estudyante niya. 

"Pero kasi sir, baka may problema lang 'yong bata. Alam naman nating hindi ganoon si Grey, 'di ba? Matalino at masipag iyon, alam natin 'yan. Baka lang may problema sa bahay or—hello? Hello, sir? Hello?" 

Halos mapamura siya nang makitang pinatayan siya nito. 

"Haaay, Grey, ano ba kasing nangyayari sa 'yong bata ka." 

Napa-iling na lang siya at pumasok sa loob ng gate ng bahay niya. 

Nag-usap sila ni Grey ng uwian at itinatanggi nito na may problema kahit halatang mayroon. Matagal na niya itong naging estudyante at alam niya ang kakayahan nito.

"Distracted ang bata," bulong niya sa sarili at napa-palatak. 

Natigil siya nang may marinig na kaluskos sa loob. Mag-isa lang siyang namumuhay at ang parents niya ay nasa Hawaii kasama ang mga kapatid niya. 

He knew someone was inside. 

Sumandal siya sa gilid ng pinto at nang bumukas iyon ay isang lalaki ang lumabas. 

Nagulat ang lalaki nang makita siya pero bago pa ito makakilos ay nagawang hawakan ni Ivan ang leeg nito habang ang hita niya ay umikot sa likod ng hita ng lalaki. 

Sa isang iglap ay itinumba niya ito at pumalo ang ulo at likod ng lalaki sa sahig. Namilipit ito sa sakit at hindi makatayo. 

"Ako pa bibiktimahin mo?" tanong ni Ivan at niluwagan niya ang necktie niya at binuksan ang ilang butones ng polo niya para makahinga. 

Akmang gagapang paalis ang lalaki nang bigla niyang luhuran ang leeg nito at nahirapan itong huminga. 

"You..." Ivan asked fiercely. "You're from the intelligence unit, right?" 

Hindi sumasagot ang lalaki kaya diniinan niya ang pagkakaluhod sa leeg nito at napahiyaw ito at lalong nahirapan huminga. 

"Tell this to whoever sent you," Ivan said without a slight trace of fear. 

The guy looked at him, begging for his life.

Ivan inched the gap of their face and fiercely, he whispered something to his ear.

"Make sure to pull the trigger otherwise, I will..."

Sa isa namang lugar ay isang kaparehong eksena ang makikita. Nakapatay ang ilaw at isang lalaki ang nasa sahig at naminilipit. Puno ng pasa at dugo ang mukha nito.

Sa harap niya ay naroroon si Grey at pinagmamasdan siya. Hindi kagaya ng palagi nitong nakangiting mukha ay wala itong emosyon. Kung mayroon man ay wala kang ibang makikita kundi galit. 

"Hindi ka talaga magsasalita?" tanong ni Grey sa lalaki. "Justine, time is ticking..." 

Hindi kumikibo si Justine. 

"Matagal na kitang nakikitang nakasunod," sabi ni Grey. "Matagal na kitang nakikitang kinukuhanan ako—kami ni Reign ng litrato. I even got to know your name, so hindi ako tanga." 

That's when Grey showed anger. 

"Tell me whom do you work for and you're free," Grey said, his voice was threatening. 

"S-Stalker lang talaga ako, sir," sabi ni Justine. "Wala akong pinagtratrabuhang—"

"Talaga?" tanong ni Grey. "Bakit mo sinira ang phone mo ng mahuli kita? Bakit mo pinapadala sa nanay ko ang mga litrato?" 

Isinaboy ni Grey sa mukha ni Justine ang mga litrato na dapat sana ay ipapadala nito sa mama niya. Na-tyempuhan niya ito at nahuli. 

"'Wag mo 'kong gag*hin, Justine. Hindi ako tanga." 

Naiyak na lang sa takot ang lalaki. 

"Tell me who hired you," Grey said and his jaw clenched. "You won't?" 

Hindi kumibo si Justine. 

"Cool." 

Sa isang iglap ay lumipad kay Justine ang isang mamahaling flower vase at nabasag iyon sa tabi niya. Sigaw ito ng sigaw sa takot. 

"Kaya kitang saktan, Justine. Sa galit na nararamdaman ko ngayon, I can even kill you..." Grey said. Naluluha na siya sa sobrang galit. "Let's settle this with no blood. Sino ang nag-hire sa 'yo?" 

Hindi pa rin ito umiimik. Iyak lang ito nang iyak sa takot. 

"Ayaw mo pa rin?" tanong ni Grey. "Okay." 

"'Wag! 'Wag!" sigaw ni Justine nang makitang kumuha ng bote si Grey. 

"I can ignore you kung ako lang ang involve. But putting Reign's life at risk is a big no for me, you son of a bitch." 

Akmang hahampasin na ito ni Grey nang biglang bumukas nag pinto at tili ng mama niya ang maririnig.

"G-Greysen!" sigaw nito. "Anong—" 

Natigil ito dahil hindi nito malaman ang gagawin. Gulat na gulat ito dahil capable sa ganitong bagay ang anak.

"Leave, mom," Grey said with no emotion. "I'll settle this." 

"GREYSEN, ANO BA 'YAN!" sigaw nito at ninenerbiyos na. Sinenyasan nito ang dalawang body guard para tulungan si Justine.

"'Wag kayong lalapit," banta ni Grey at tumingin sa ina. "Or else I'll hurt myself." 

"Grey..." hindi makapaniwalang bulong ng ina. 

"Don't you dare, mom," Grey said. "You know I'm not kidding." 

It was a minute full of tension. 

In a snap, inakay ng dalawang body guard si Justine palabas at hindi ito tinutulan ni Grey. 

Nakatitig lang siya sa mama niya habang unti-unti itong kinamumuhian.

"Don't blame me for this," he said. 

In a blink of an eye, hinampas ni Grey ang bote sa upuan at ang natirang parte ay ang hawakan. Inilahad niya ay braso niya at unti-unting ibinaon ang bubog sa braso niya at sa isang iglap ay tumulo ang mga dugo mula roon. 

Napatili ang mama niya ay napatakbo sa kanya. Kinuha nito ang bote sa kamay niya ay ibinato kung saan. Humagugol ito at niyakap siya. 

"Tama na, Grey..." sabi nito. "Tama na..." 

Hindi kumikibo si Grey. Kahit ang lalim ng naging sugat ay para na siyang namanhid sa sakit nito.

"Tama na..." hagulgol ng mama niya. 

Patuloy lang ang pagtulo ng dugo mula sa kamay niya at hindi man lang siya kumikibo. Nakatulala lang siya at namumuo na ang mga luha sa mata. 

"Anong pakiramdam, ma?" tanong niya. "Anong pakiramdam na hindi ka mapagbigyan?" 

Hindi kumikibo ang mama niya at iyak lang ito nang iyak habang yakap-yakap siya. 

"Anong pakiramdam na nagmamaka-awa ka?" tanong ni Grey sa ina.

"Takot lang ako, anak..." sabi nito habang umiiyak. "Takot lang ako na baka ma-ulit ang noon. Baka matuluyan ka nang mamatay..." 

Grey smiled bitterly. 

"Ma, kayo ang pumapatay sa 'kin..." 

He bit his tongue.

"Kayo ang dumudurog sa akin..." 

It was the moment that he felt everything. 

"Pinipira-piraso ninyo ako araw-araw. Sagad na sagad na ako, ma. Walang-wala na. Ang lungkot-lungkot ko dahil sa inyo, pero wala akong magawa dahil magulang ko kayo. Pero hanggang kailan ganito?" 

Tears fell from his eyes. 

"Pagod na 'ko. Sobra." 

"Grey, anak..." sabi ng mama niya at kumalas. Halos magpanic ito nang makita ang sugat niya. "Gamutin muna natin 'yan, okay? Tapos... tapos mag-usap tayo." 

"Kahit anong gamot ang gawin ninyo, hindi pa rin mawawala ang kirot," sagot ni Grey at muling namuo ang luha sa mga mata. "Wala sa sugat 'yong sakit, ma." 

Itinuro ni Grey ang dibdib niya.

"Nandito." 

Nakagat niya ang labi niya. Ang mga bagay na kinikimkim niya ay heto't nasasabi na niya.

"Narito 'yong sakit na hindi ako pinatutulog gabi-gabi. Sobra na akong nasasaktan pero hindi ako nagsasalita dahil magulang ko kayo..." 

"Ano ba kasing nakita mo sa babaeng 'yon, ha?" tanong ng mama niya. "Of all people, bakit siya pa?!" 

"She made me feel that I am capable to love again," Grey answered bravely. 

Her mom was taken aback. 

"I love her, mom. I love her so much. So damn much." 

His mom looked away, tears fell from her eyes. 

"Hindi ba pwedeng maging masaya na lang kayo para sa 'kin?" Grey asked. He was hurting. 

"Anyone but not her, Grey," matalim na sabi ng mama niya. "I will never accept her." 

"MA!" sigaw ni Grey. 

"You heard me. Ayaw kong maulit ang nangyari noon. Hindi pwede." 

"Paano ako?" tanong ni Grey. "Hanggang kailan akong dapat magsakripisyo para i-impress kayo?" 

"GREY!" her mom shouted out of disbelief.

"Kapag sinabi ninyong gusto niyo 'tong award, I'm working my ass off to get it para may maipagyabang kayo sa mga kaibigan ninyo. Kapag gusto ninyong umattend sa ganito, sinasamahan ko kayo. If you want me to attend an event alone in behalf of you, pumupunta ako. When you wanted me to be the president, I did. For you." 

His mom started crying softly.

"Pero ma, naisip n'yo man lang ba kung gusto ko 'yon? Kung kumportable ako sa event? Kung gusto kong maging leader? Ma, I hate them but I did them because I want you to be happy. Gusto kong kapag nag-uusap kayo ng mga kaibigan mo, you have a son that you can brag."

Grey stopped as his voice broke.

"Pinapasaya ko kayo, pero paano naman ako?" 

His tears fell to the ground. 

"I kept on saving you but who will save me?" 

"Grey..." his mom. "Anak... siguro...hindi pa malinaw sa 'yo. But I'm just doing this to protect you. Ayaw lang kitang maging kasing devastated kagaya ng nangyari noon..."

Grey looked up and tried his best not to look at his mom. 

"Kayo ang sumisira sa akin. Kayo na magulang ko. Kayo na pamilya ko."

Hindi nakakibo ang mama niya. Iyak lang ito nang iyak.

Tiningnan niya ang orasan at bente minuto na lang ay alas dose na. 

"Mom, twenty minutes from now, 18th birthday ko na. Is this how you want to greet me?" 

That's when her mother lost it. She sat down and cried harder.

"Mahal na mahal kita, ma. Please. Don't make me hate you..."

Nagsimula itong humagulgol. 

Kinuha ni Grey ang panyo niya sa lamesa at itinali iyon sa sugat niya at bago umalis ay tiningnan ang ina. 

"I'll choose myself tonight, mom. I'll be selfish for the first time in my life," Grey said.

Nilapitan niya ang ina at hinagkan sa noo. 

"I'm sorry for making you cry. I'm sorry." 

With that, Grey went out and took his bike. His mom was left inside, crying still

Kahit nanlalabo ang paningin ay nagpatuloy si Grey sa pagpadyak. Kung saan man siya pupunta ay hindi niya rin alam.

Ang gusto lang niya ay makawala. Gusto niyang umalis. Kailangan niya ng panandaliang lugar para huminga. 

Pagod na pagod na siya. 

At ang pagod na nararamdaman niya ay hindi kayang alisin ng kahit na ano mang pahinga. 

At habang patuloy lang siya sa pagpadyak, sa unang pagkakataon, ay alam niya na kung saan niya gustong pumunta. 

Sa kanya. 

Agad niyang kinuha ang cellphone niya sa bulsa at tinawagan siya. It took a couple of minutes before she answered. 

"Hi, bakit?" bungad nito sa kanya.

He bit his lower lip. Gusto niyang umiyak. Her voice was enough to comfort his exhausted soul.

"Hello?" tanong nitong muli. 

"Reign, nasa'n ka?" tanong niya. 

"Pauwi na," sagot nito. "May pinuntahan lang. Ikaw ba? Mag-a-alas dose na, a? Sorry if maingay, nasa bus kasi ako." 

"Bus?" Grey asked. "Anong station ang next stop niyan?" 

"Wait...hmmm... sa may Alfonso. Bakit?" 

"I'll meet you in Alfonso, then." 

"Okay—wait—what?!" gulat nitong tanong. "Grey, anong oras na—" 

He smiled with his sight getting blurry because of the tears.

"See you, Reign Harriett."

When he ended the call, lalong bumilis ang padyak niya. 

He was determined to see her. 

It was the first time. 

Instead of hurting himself, he wanted to see her. 

That's when he realized it. 

Damn it, I love her,
 he thought.

Binilisan niya pa ang pagpapatakbo. Nang marating niya ang Alfonso ay huminto siya. Nasa kabilang lane ang bus stop at nasa kabilang lane naman siya. 

Nang umandar ang bus na nasa bus stop ay isang babae ang naiwang nakatayo roon. Gaya niya ay naka-uniporme pa rin ito. Mukha itong naguguluhan.

Grey smiled.

"How can she just stand there and make my heart melt?" he asked himself. 

In a snap, his phone rang. He answered it while looking at nothing but her. Iginawi niya ang bike niya sa gilid at tumayo.

"Nandito na ako," bungad ni Reign habang nagpapalinga-linga. 

He smiled. "I know." 

"You know?" Reign asked. "Magician ka na?" 

Nang tumingin ito sa harap ay doon nagtama ang paningin nila. She waved her hand and smiled at him. 

Grey smiled back at her weakly. 

That smile... that's the smile that I wanna be the cause... 
he told himself. 

Suddenly, Binibini by Zack Tabudlo played from the nearby advertising monitor and it matched what his heart was screaming for. 

https://www.youtube.com/watch?v=AuhXUmRlI1w

(Please listen to this while reading. The song adds an emotional impact to the scene)

"Anong ginagawa mo riyan?" tanong ni Reign. "Hindi ka ba tatawid?" 

Pakiramdam ni Grey ay nilulunod siya ng kanta. He was hurting inside but in a good way.

"I have a question," Grey suddenly said. "If I let your hand go, will I ever see you again?"

He saw how confusion swallowed her. 

"Huh?" she asked. 

"I won't, right?" he asked, tears started to form in his eyes again. 

"Grey...I'm confused..." Reign said over the phone. 

Magkatitigan lang sila at walang nag-aalis ng tingin.

"Let's be selfish tonight," Grey said with determination in his eyes. "Stay right there." 

Despite the cars passing by, he started to walk closer to her. 

Tumawid si Grey at wala nang iniintindi pang kahit na ano. 

5... 

He whispered in his head, counting down to his birthday.

Habang patuloy ang kanta ay lalo siyang nagiging emosyonal. 

4...

In his whole existence, he has never been this brave. 

3...

When your home doesn't feel like a home anymore, where do you go? 

2...

To her,
 Grey answered. 
I'm coming to her.

1...

When he reached her, he hugged her in an instant. 

Agad na ipinatong ni Grey ang baba niya sa balikat ni Reign at niyakap ito. Ang isang kamay niya ay nasa likod nito at ang isa ay nasa likod ng ulo.

"G-Grey..." gulat na reaksyon ni Reign. "May...problema ba?"

He didn't answer. Instead, he hugged her tighter than before. 

If this would be 
his last breath
, he's glad that it was her who took it away. 

Grey burst out with that thought and cried softly in Reign's arms.

It was the best birthday gift for him.

That at long last, after a long time of wandering and being lost, through her embrace, he's finally home.

She felt like home.

# PART EIGHTEEN: Burn The Witch

"Bulalo, Sea Food, Chicken, Beef, or Batchoy?" 

From looking at the cup noodles, Grey's eyes landed on me. He smiled automatically after seeing me.

"Anong gusto mo?" tanong niya. 

Kasalukuyan kaming nasa convenience store. Ala-una na ng madaling araw at hindi pa kami umuuwi. Nang magkita kami sa bus station kanina ay laking gulat ko nang yakapin niya ako at marahang umiyak pagkatapos.

Kahit hindi niya sabihin ay alam kong may problema siya at for sure, family related iyon dahil kanina niya pang ayaw umuwi.

"Sea Food," sagot ko at tiningnan ang mga hawak niya. "Sa 'yo?"

"Sea Food na rin sa 'kin," sagot niya at bahagyang natawa. Kumuha siya ng dalawa mula sa tambak na mga cup noodles. 

"'Yung malaki!" habol ko at pabirong ngumiwi. "Sa school pa kasi huling kain ko." 

Lalong lumapad ang ngiti ni Grey at kinuha ang mas malaki pang cup noodles. 

"Kaya ka patpatin, ang dalang mong kumain. Mukha ka nang walis," sabi niya at pumunta sa lugar kung nasaan naroroon ang mainit na tubig.

"Nagsalita ang matangkad na payat?" biro ko at akmang tatayo ako para tumulong pero umiling siya at sinenyasan akong 'wag nang tumulong.

"Kaya ko na 'to," sabi niya at binuksan ang isang cup noodles. "Just sit there and don't you dare look at someone else." 

Bahagya kaming nagkatawanan. Kanina kasi nang dumating kami ay may grupo ng mga kasing-edad namin ang nasa loob at panay ang lingon sa amin. Panay din ako tingin sa kanila dahil na-a-anxious ako.

Habang pinanunuod si Grey ay dumapo ang tingin ko sa braso niya. Kanina ay panay tulo ang dugo mula roon at ayaw tumigil. 

Kaya pumunta kami agad sa malapit na convenience store para bumili ng mga gamot dahil walang bukas na drug store. Doon ko na rin nilinis ang sugat at awa ng Diyos ay tumigil ang pagdurugo. 

Ayaw pa nga niyang sabihin sa akin kung napano siya. Ang sabi lang niya, nadisgrasya siya kanina habang nag-b-bike. Hindi ko man tanungin ay halatang matulis na bagay ang sumugat sa kanya. 

"See?" tanong ni Grey nang lumapit at dala-dala ang dalawang cup noodles. "I'm a man now."

"Kaya pala nanginginig ka?" pabiro kong tanong.

"Well, mainit, e," rason niya at umupo sa tabi ko. 

"Hindi ka ba hinahanap sa inyo?" tanong ko. "Ala-una na. Baka ma-curfew ka." 

"Well, I'm eighteen now," nakangiti niyang rason. "Curfew who?"

"Tss," sagot ko.

Birthday pala niya ngayon. Kung hindi pa nag-tweet si Braelyn ay hindi ko pa malalaman. Buti nabasa ko iyon habang nasa bus ako. Kaya kanina ay ako raw ang unang bumati sa kanya.

"I'll buy you a gift," sabi ko at tinanggal ang takip ng noodles at humigop ng sabaw. "Ano price limit n'yo as birthday gift sa klase?"

"Hmmm..." pag-iisip ni Grey. "Nabibili ka ba? Magkano ka?" 

Nasamid ako sa hinigop kong sabaw at literal na inubo. Natatawang binigyan ako ni Grey ng tissue at ng tubig. 

"Kung nabibili ka, mine and grab ko na para iwas steal."

"Greysen Finch!" I said irritatedly, joking.

He just laughed it off. "Why?" 

"Seryoso kasi ako, damuho ka." 

"Seryoso rin naman ako, a?"

Pinunasan niya ang pisngi ko gamit ang sleeve ng uniform niya.

"No need to give me anything, Reign. You've already given me the best birthday gift."

"And what is it?" 

He stopped and his wide smile had turned into a small and shy one. 

"Your time. Your presence. Your warm embrace. Your shoulder to lean on."

He then gulped and met my eyes. 

"You." 

I gulped and turned my eyes elsewhere. Grabe ang kalabog ng dibdib ko at pakiramdam ko ay nanlalambot ang tuhod ko dahil sa mga mata niya. 

"Nag-eighteen ka lang, ang dami mo nang alam," pagbibiro ko. 

"Well, same age na tayo. Hindi mo na ako pwedeng tawaging bata," sagot niya at humigop ng sabaw. 

"Mas matanda pa rin ako ng ilang buwan—" 

Natigil ako nang literal na mukha siyang nanigas sa kinauupuan niya at nagsimulang mamula ang mukha. 

"Bakit?" tanong ko. 

"W-Wala," sagot niya at pinunasan ng tissue ang butil-butil niyang pawis sa mukha. "W-Wala nang tubig?" 

"Inubos ko na ang tubig kanina."

Tiningnan ko ang kinakain niya at lumapad ang ngiti ko sa nabasa ko. 

"Hindi ka sanay sa spicy, 'no?" 

"Huh?" tanong niya. "Nginunguya ko nga lang ang sili. Candy lang sa 'kin 'yon." 

Muli itong humigop at biglang napatayo. 

"Damn it, my tongue is burning!"

Biglang itong nag-lakad-takbo papunta sa cooler ng convenience store at walang anu-ano'y nagbukas ng tubig at agad iyong ininom. 

My eyes literally widened. 

"GREY!" sigaw ko. "BAYARAN MO MUNA SA CASHIER!" 

Nakita iyon ng nasa cashier at maging iyon ay naalarma. 

"Hoy, ano 'yan?" sabi ng guard. "Bawal 'yan, hoy!"

"Miss, magbabayad ako!" agad kong sabi dahil pati ang manager ay lumabas na. "Hindi siya nagnanakaw, promise!" 

Few minutes later, I found myself walking with him. We were just laughing the whole time as he walked me home. 

"Nakakahiya ka," biro sa kanya. "Ngumunguya ka talaga ng sili, ha? E dalawang higop lang mas mapula ka pa sa kamatis." 

"Ngumunguya naman talaga ako ng sili," depensa ni Grey at ngumisi. "Gummy bear nga lang." 

Muli kaming natawa. 

"Ba't kasi spicy pinili mo?" tanong ko. 

"I was trying to impress you," he reasoned out. "Pero mukhang ligwak ata." 

Napa-iling ako. "Saan mo natutunan 'yang word na ligwak?" 

"Kay Reese. 'Yon lagi sinasabi niya after ng result ng exams. 'Missi! Nash! Ligwak tayo, ano raw special project natin? Ba't kasi naka-tiles room natin, bawal tuloy floorwax.'" 

Lalo akong natawa dahil literal na ginaya niya si Reese pati ang angas nito sa pagsasalita. 

We stopped when we reached the building. 

"Should I live here too?" tanong niya habang hawak-hawak ang bike at tinitingnan ang kabuuan ng building. 

"Gusto mo ba?" tanong ko. 

Tumango siya. 

"Then bakit hindi? Convenient since malapit sa school." 

"I just... can't." 

"Takot ka mag-isa?" 

"No." 

"Then what?" 

He smiled weakly. 

"My mom." 

I opened my mouth but nothing came out.

Grey sighed heavily. "My dad is busy at work. My sister has a business to grow. Kung aalis ako, wala nang kasama si mama sa bahay. I don't want her to feel alone."

I smiled weakly. 

Understandable. 

"Pa'no? Papasok na ako." 

"Sure. It's getting late," Grey said and met my eyes. "Thank you for tonight. I'll remember this." 

"That's deep," sagot ko at ngumiti. "Thank you rin. Uwi ka na ha. Happy Birthday ulit." 

Matapos ang bahagya naming nginitian ay nagsimula na akong maglakad. Nang marating ko ang pinto ng building ay naroroon pa rin si Grey at pinanunuod ako. 

"Wanna make sure you're safe before I leave," he shouted.

I smiled and shook my head a bit. "Ingat ka ha!" 

Kumaway siya at kumaway ako pabalik at pumasok sa loob. 

Habang naglalakad ay unti-unting bumibigat ang dibdib ko. 

Naalala ko ang pag-uusap namin ni Detective Howell kanina sa ospital. 

"During the evaluation, may 

nabanggit

 sa akin si Jax. What do you think about Grey, Reign?" 

Maang

 na 

napatingin

 ako sa 

kanya

 at hindi malaman ang 

sasabihin

. 

"Do you like him?" Howell followed. 

I looked down and smiled bitterly. "Hindi ko po alam. 

Siguro

. Ang alam ko lang...

panatag

 ako sa 

kanya

. He makes me feel safe 

kahit

 na 

mapanganib

 ang mga tao sa 

paligid

 ko. I am an undercover, detective. 

Kahit

 facial expressions ko ay na-train para i-peke. But with him...he makes me laugh without faking it." 

I sighed. 

"Hindi ko 

masabing

 gusto ko siya pero hindi ko rin 

masabing

 hindi. Ang alam ko lang...he's growing in me. Hindi ko na po alam. 

Pasensya

 na po." 

Bahagya

 akong 

naluha

 at hindi siya 

matingnan

. 

"What do you feel sorry for?" Howell asked. 

"Na 

nagiging

 emotionally attach na po ako sa 

kanya

. I know
, 
bawal

. I tried to fight it pero...wala po, e. 

Sobrang

 unfair po sa 

trabaho

 ko, 

sobrang

 unfair sa inyo. 

Sobrang

 dami na 

ninyong

 sacrifices, Hale even risked his life 

tapos

 ako..." 

huminto

 ako at 

nakagat

 ang 

labi

.

"Reign, listen," sabi ni Howell. "

Ilang

 

taon

 

ka

 na 

ulit

?" 

"Eighteen po." 

"Eighteen," 

tumango

 ito. "At your age, normal 'yang ganyan. 'Yong bigla 

ka

 na lang na-a-attach 

kahit

 na sa 

simpleng

 

ginagawa

 nila. Attracted kay 

ganito

, crush si 

ano
. 
That's the age where we are seeking for a love interest and that's not something to feel sorry about." 

Huminto

 ito 

sandali

.

"Naiintindihan 

ka

 namin. Ikaw ba naman 

makakilala

 ng 

gwapong

 6'2" ang height, 

responsable

, honor student, athlete, at 

mayaman

, 

sinong

 hindi 

kikiligin

? 

Kahit

 ako na 

lagpas

 na sa 

kalendaryo

 ang 

edad

 ay 

titili

 

for sure."

Natawa

 ito at 

bahagya

 lang akong 

ngumiti

. 

"Now, am I saying it's normal? Yes. Is it a good thing for your job? No. Can we still work on it? Yes. Would it cause you to fail your mission? Possibly. But can we turn it into our advantage? Definitely." 

I looked at him, confused. "

Paano

 po?" 

Ngumiti ito. "We planned the Project Grey, Reign." 

My eyes grew bigger. "

Ano

 pong... mission 

iyon

?" 

"Hindi

 namin 

pwedeng

 

sabihin 

sa 'yo na

 

iwasan

 si Grey o 

pigilan

 ang 

nararamdaman

 mo. You can fool yourself but not your heart. You may tell us you're strong but you wouldn't be able to deny how your heart cracks inside. Besides, if 

sasabihin

 naming 

iwasan

 mo siya, ikaw ang ma-

aapektuhan

." 

Kumuha

 ito ng crackers at 

nginuya

 

iyon

. 

"Love can destroy you faster than how it built you. Love itself can make you stop believing in love, 

ganoon

 ito 

katindi

. Kung 

sasabihin

 naming 

iwasan

 mo si Grey, yes, 

magagawa

 mo pero emotionally, you're not fine. In one way or another, it will affect you and your mission." 

Nagpagpag

 ito ng 

daliri

. 

"That's why Jax and I came up with the decision that you can like him but in one condition." 

"What is it?" I asked, tensed. 

"Make him fall harder. The deeper, the better." 

"

Paano

 po kung siya ang suspect na 

hinahanap

 

natin

?" 

"Then mission accomplished," he said. "In love, you need acceptance. He might confess his crimes, thinking you will accept him as who he is, knowing how deeply in love you guys are. At 

kapag

 

nahuli

 siya, mental torture na 

iyon

." 

"

Paano

 kung hindi po siya ang killer?" 

"Then, good. You got yourself a boyfriend, 

sana

 lahat." 

Natawa

 ito pero 

nanatili

 akong 

nakatingin

 sa 

kanya

 at 

naghihintay

 pa ng mga 

sasabihin

 niya. 

Sumeryoso

 ito at 

tumindig

. 

"Just remember what you signed up for, Reign. 

Pumasok

 

ka

 sa West Carson High para 

kilalanin

 sila. We placed you there to know if those kids have a potential that we can consider as a motive. 

Kaya

 

ka

 nga may daily progress report. 

Iyon

 lang. Mag-aral 

ka

 like a normal teenager, have fun—just don't forget what you pledged for. Hindi mo 

misyon

 ang 

hanapin

 ang 

salarin

, 

kami

 ang may 

trabaho

 

n'on

." 

Detective Howell's voice was calming. 

"Ang 

trabaho

 mo ay 

kilalanin

 sila at 

kami

 ang mag-de-decide kung may 

sapat

 bang 

motibo

 o wala.  We hired you as an undercover to know more about their possible involvement. Nothing more, nothing less. After all, may 

posibilidad

 na wala rin sa 

kanila

 ang 

totoong

 may sala,

 '

di

 ba? It's just that we can't disregard the angle na baka involve rin sila, that's why you are there."

He made sense. 

"So enjoy every bit of your senior year. Minsan 

ka

 lang 

magiging

 bata. Just be vigilant. And... this." 

May 

ini

-

abot

 ito sa akin. Isang pen recorder. 

"Bago 'yan. 

Medyo

 choppy 'yong recorder mo, e. Ako 

nahihirapang

 mag-transcribe."

Tumawa

 ito at 

ngumiti

 ako ng 

tipid

. 

Ginulo

 

nito

 ang 

buhok

 ko. 

"Don't forget to record everything. Even if it's Grey." 

At ngayon, heto ako at hawak-hawak ang recorder mula sa loob ng bulsa ko. Bago ako bumaba ng bus kanina ay binuksan ko na ito. Na-record nito ang lahat.

I turned it off and sighed.

To be honest, I felt bad. 

I don't romantically like Grey and I can't say that there's no chance either. Masaya ako kapag kasama siya. Enough na rason na iyon para makonsensiya. 

Nang bumukas ang elevator ay agad akong pumasok. Akmang sasara na ito nang biglang may pumigil dito. Nang tingnan ko ay si Grey iyon. 

"Okay ka lang?" gulat kong tanong dahil katawan niya ang ginamit niyang pangharang. 

"Reign." 

That's when I met his eyes. He was looking deeply at me, and his eyes...they were emotional.

I gulped. 

He was definitely not fine. 

"It's okay kung hindi mo 'ko gusto o wala ka pang nararamdaman para sa 'kin ngayon. Just don't close your heart for me. Okay na sa 'kin 'yon." 

My lips parted but I can't say anything. I was just looking at nothing but his eyes. 

"G-Grey...akala ko ba.. you're going home?" I asked. 

"That's why I'm here," he said. "You are the home that I want to go to after a long exhausting day." 

Tears started to build up more in his eyes and I got alarmed. 

"Grey..."

"Once I unleash the monster inside me, promise me you'll look at me that way." 

I was at a loss for words. 

"Promise me you'll look at me with no sign of pity or disgust." 

After a momentous couple of seconds, Grey stepped back. The elevator started to close and before we disappeared from each other's sight, he mouthed something that almost melted my knees. 

"I love you, always..." 

Tomorrow morning, naging usap-usapan ang press con ni Prosecutor Jax. Kaya naman aligagang-aligaga ang management ng West Carson High dahil kaliwa't kanang mga media personalities na ang umaaligid sa school para hingan sila ng statement. 

Ayon kay Levi, narinig nga raw niyang problemado ang faculties dahil malapit na ang early reservation para sa enrollment. Malaking kawalan daw ang pagkakadawit nilang muli sa kaso. 

Nalaman na rin nilang buhay pa si Hale. Ang ilan ay naawa pero ang iba ay mga walang pakialam. Mas problemado pa nga sila na na-invite sila uli ng prosecutor's office para sa bagong interrogation. 

"Makikita ko nanaman si Prosecutor," sabi ni Reese habang kinukulot ng isa naming kaklase. "Bet ko siya maging sugar daddy. Ang laki ng chest niya, sarap gawing unan." 

Si Nash naman ay problemado rin. 

"Malapit na ilabas teaser ko," sabi nito. "Paano ako nito? Baka teaser pa lang, puro hate comments na agad. Iba pa naman utak ng netizens. Advocate ng Mental Health pero nang-d-drag ng kapwa. Ewan ko ba!"

Hindi ko maiwasang mapangiwi. 

Someone got stabbed. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito gumigising at walang kasiguraduhan kung magigising pa. 

Pero heto sila, mas pino-problema pa ang mga sarili.

Ibang klase. 

"Ano 'to?" kunwari kong tanong nang makakita ng origami sa bag ni Braelyn kahit alam kong kay Hale iyon galing. 

Gusto kong pag-usapan nila siya. Gusto kong makita ang mga reaksyon nila.

"Ah, bigay ni Hale," sabi ni Braelyn at hinawakan iyon. "Cute 'no?" 

"Para saan?" pagmamaang-maangan ko. 

"Binibigay niya 'yan 'pag may bumibisita sa kanya," sagot ni Missi na kararating lang at may dalang corndog. "Token of appreciation sa pagbisita sa kanya, ganern."

Kagagaling lang nito sa pag-iyak at namamaga pa nga ang mga mata. E, paano, nagkatotoo ang sinabi ni Lyle. 

Nag-withdraw si Levi sa school modelling competition. At dahil partner sila ni Missi, pati si Missi ay na-automatic withdrawal. 

Bukod kay Hale at kay Prosecutor Jax, isa rin itong usap-usapan. In fact, the faculties decided na pipili na lang sila through academic performance and values. 

Kaya itong si Levi ay hindi mapakali. Gustong-gusto nitong lapitan si Missi pero hindi ito makahanap ng tiyempo at lakas ng loob. Kaya ayun, pa-sulyap-sulyap na lang siya, kunwari ay kinakausap ang kaklase namin pero kay Missi lang nakatingin. 

"Bumalik na pala ang crying lady," pakikisali ni Reese at lumapit sa amin at puno ng curler ang buhok. "Namumula mata mo, a? Anong tinira mo?"

"Nagsalita ang canton," sagot ni Missi. "Anyway, move on na 'ko. Marami pang opportunity diyan. I don't need them. They need me." 

"Whooooa!" pang-aasar nina Braelyn at Nash.

"Ba't sa 'yo 'yong black?!" galit na sabi bigla ni Reese nang makita ang origami na bigay ni Hale kay Braelyn. "Tapos sa 'kin Pink binigay niya?!"

"Akin nga yellow," sagot ni Missi. "Medyo na-offend ako. Remember n'ong nakalimutan ko mag-toothbrush n'ong youth camp?!" 

"Ewww!" reaksyon ni Nash. 

"Maka-eww ha?" sabi ni Missi. "Ikaw nga orange na origami binigay sa 'yo. Jologs ka kasi." 

"Weh, spell mo nga name mo?" pang-aasar ni Nash. 

"Hindi ko man ma-spell name ko, at least wala akong picture na nakikipaghalikan sa kotse." 

"WHOA!" reaksyon namin. 

That was foul! 

"As if never ka nakipaghalikan?!" offended na sabi ni Nash. "May collage ka nga ng mga exes at naka-fling mo, duh."

"Oo pero never nahuli," sabi ni Missi at nag-flip hair. 

Natatawang pumalakpak si Braelyn at Reese habang si Nash ay na-badtrip. I caught Levi looking at Missi and his lips curved a small smile after seeing her laughing. 

Pag-ibig nga naman. 

"Ikaw, Reign?" tanong ni Braelyn. "Anong color nakuha mo?" 

"Wala," sagot ko. "Hindi naman ako bumisita." 

"Really?" Nash asked. "Weird." 

"Bakit weird?" I asked, confused. 

"We were obliged, e," sagot ni Missi. "Kaya no choice kami kundi bumisita." 

"Obliged?" tanong ko para magbigay pa sila ng impormasyon.

"Oo. Kinausap kami at inobligang bumisita isa-isa," sagot ni Reese. 

So that's why they all visited him for a whole week?

"Para saan?" inip kong tanong. 

"Kasi hindi raw binibisita si Hale ng parents niya kaya kami raw ang bumisita para hindi siya lonely," Braelyn explained. "Oo nga, speaking of Hale, kailan tayo bibisita sa ospital?" 

"Busy ako," sagot ni Reese. 

"Same," Missi followed. 

"Ako rin," sang-ayon ni Nash. 

"Teka lang. Sino nag-obliga sa inyo?" tanong ko at inilalapit sa kanila ang recorder na nasa bulsa ko. 

"Hindi ka niya kinausap?" tanong ni Nash. 

Umiling ako. 

"That's it. May bibisita na sa hospital!" tuwang-tuwa si Reese.

"Pero sino nga nag-utos?" tanong ko. 

"Ah, si—" 

Natigil si Braelyn nang bumukas ang pinto sa harap. Pumasok si Sir Ivan, Everleigh, at Grey, na galing sa meeting ng school tungkol sa paano nila i-ha-handle ang nangyayari ngayon. Parte kasi sila Grey at Everleigh ng student council. 

"There he is," Braelyn said and smiled. "Sir Ivan." 

When I looked at him, he was as good looking as he had always been. 

"Akala n'yo whole day walang klase, ano? Wala kayo sa kama n'yo kaya 'wag kayong mangarap. Maglabas ng one half lengthwise, pre-test tayo." 

Maraming umalma at tawa lang ang naging tugon niya. 

When he looked at my direction, the smile on his face slowly faded and it turned cryptic. 

From that moment, I knew. 

There's something's off about him and I can't tell what...

———

THIRD PERSON POV. 

"Well, well, well. Look whose soul is burning."

Lyle looked at Everleigh uninterestedly. Kasalukuyan silang nasa rooftop at sila lamang ang tao. 

"May sasabihin ka ba?" tanong ni Lyle. Lunch break nila. "Kung wala, aalis na 'ko. You're not worthy of my time, not even a single second." 

Everleigh chuckled. "Nakapatay ka lang, dumaldal ka na?" 

She crossed her arms and looked at Lyle mockingly. 

"Kaya ka ba hindi pumasok ng first class? Pinuyat ka ba ng bawat pagmamaka-awa ni Hale?" 

Lyle remained emotionless. He was just meeting her eyes. 

"Well, I can say you did well. Wala silang nakitang ebidensya. You even paid the prisoner a decent sum." 

She inched their gap and gently patted Lyle's head. 

"Kung matagal mo na sanang sinabi na masunurin ka, edi sana noon pa kita kinampihan..." bulong ni Everleigh habang hinahamplos pa rin niya ang buhok ni Lyle. "Were you scared? Knowing a dumbass like Hale can spill how you destroyed your—" 

Natigil si Everleigh nang biglang hawakan ni Lyle nang mariin ang kamay niya. 

"You're being comfortable with me," Lyle said, his voice was more like a whisper. "We're not that close." 

He threw her hand and she got offended. Everleigh smiled out of frustration. 

"Chill," she said. "You know how my words can put you to jail." 

"Really?" Lyle asked. "But you instructed me to do it." 

"But I'm not the one who did it," Everleigh clapped back. 

"But you planned it with me," Lyle said calmly. "Have you ever heard of the term 'accessory to the crime', Ms. Know-It-All?" 

The smile on Everleigh's face faded. 

"And oh, I heard Justine, the one who hired, was caught last night?" Lyle asked. "Sinabi ko naman sa 'yo, 'di ba? Grey is capable of anything. Sooner of later, malalaman niyang ikaw ang mastermind n'on. He won't let you live in peace. Grey is someone you can't fathom, Leigh, and you know that. You saw that." 

Everleigh licked her lower lip. 

"Justine is not a problem. Hawak ko siya sa leeg. Kapag sinuplong niya ako, ibubulgar ko sa asawa niya ang dati niyang kabit. Buntis pa naman 'yon. Either iiwanan siya, malalaglag ang bata, or both." 

Everleigh smiled out of the feeling of triumph. 

"I can deny it and frame him up. Pwede kong sabihing sinisiraan niya ako dahil nahuli ko siyang may kabit. Sino sa tingin mo ang paniniwalaan nila? Ang lalaking nangaliwa o ang seventeen year old na angat sa lipunan at marami nang napatunayan?"

Lyle scoffed. 

Everleigh smirked. 

"That's how you play the chess, Lyle. Sacrifice your pawns to survive." 

Lyle tilted his head. He was amused. 

"So don't piss me off," Everleigh said, threatening him. "Ano tingin mong reaksyon ng ate mo 'pag nalaman niyang ang kapatid niya ay isang...kriminal?"

Lyle looked at her sharply. 

"Do you think she doesn't know what I am capable of? She's aware, that's why she can't get married yet. She knows and she can't handle me." 

Everleigh laughed. "Wow. What a fox."

"Beware of this fox," Lyle said. "He'll dig your secret and will destroy you until you beg him to stop." 

"Sounds like sex for me," Everleigh said mockingly. 

With her arms crossed still, she inched their remaining gap. 

"You'll dig my secret?" Everleigh asked. The side of her one finger touched Lyle's cheek and she looked at it amusingly. "You're dead before you could even know."

She stopped and met Lyle's eyes.

"Dig well because 'll bury you in the dirt you dig, you psychotic shit." 

She gave him a smirk and slowly, the smirk on her lips disappeared and she turned fierce. 

"Just wait for your turn." 

After a tensed exchange of eye contact, Everleigh smirked at Lyle one more time before she turned her back and walked away. 

Lyle was just watching her.

He was, in fact, impressed. 

Just few seconds after, his phone rang. When he saw who just called, he answered it immediately.

"Hello, kuya Lyle?" tanong agad nito. "Pinapatawag n'yo raw po ako sabi ni Mommy?" 

A smile curved on Lyle's lips. 

It was Everleigh's sister.

"Are you free after class?" he asked.

"B-Bakit po?" rinig niya ang tilian ng mga kaibigan nito. Maging ito ay impit ang boses dahil sa kilig. 

Tiningnan ni Lyle ang naglalakad papalayo na si Everleigh. When she looked back at him, the dark smile on Lyle's lips fiercely faded. 

And while holding the phone to his ear, he declared a war.

"Let's burn the witch tonight..."

# PART NINETEEN: Can You Feel My Heartbeat?

THIRD PERSON POV. 

Sa isang restaurant ay makikita ang isang lalaking naka-polong bughaw at nakasuot ng maliit na salamin. Humahalakhak pa ito kasama ang isang kaibigan at dalawang tao sa harapan. 

"Thank you, Sir," sabi ng babaeng nasa harapan niya. "Sobrang need lang talaga ng daughter ko ang spot na 'yon sa school ranking. We're planning to send her abroad but you know, the grade requirement is tough. We had no choice." 

"Don't mention it, Ma'am," sagot ng lalaki. "Wala namang nakapansin." 

Nagtawanan ito. Kung susuriin mo ang lalaki, ang una mong mapapansin ay ang I.D lace nito. At mula roon ay naka-imprinta ang pangalang nagbibigay impluwensya sa kanya bilang tao. 

WEST CARSON HIGH. 

"Oo nga pala," sabi ng lalaking nasa harapan niya. "Kumusta 'yong batang minanipula natin ang grades para bumaba sa ranking?"

"Si Greysen Finch?" tanong niya at ngumiti. "Don't worry. Hindi naman nagtanong. Submission na ng finalized grades bukas at hindi naman siya nagreklamo." 

Muli silang nagtawanan.

"Hindi man nakapasok sa gold section ang anak ko, at least she has better grades than half of the 12-A. All thanks to your magic pen," biro ng babae. 

"Ready yourself," sang-ayon ng asawa ng babae at tiningnan siya. "Next school year, program chair ka na ng West Carson High. Ako ang bahala." 

Kinindatan siya nito. Sa sobrang tuwa ay halos mapunit ang labi niya sa pagkakangiti. 

Nagkwentuhan pa ang mga ito at maya-maya lang ay nagpaalam ang lalaki para gumamit ng CR. 

Doon tumaas ang sulok ng labi ng lalaking nasa kabilang table at kanina pa sila pinakikinggan. 

Ivan Gliponeo chew his steak once more and shook his head.

He knew something was up. May rason kung bakit ayaw makipag-negotiate sa kanya ng kapwa-guro at ngayon niya napatunayan kung bakit. 

Nagpapabayad ito para i-manipula ang mga grado. Si Grey ang naging puntirya nito dahil ito ang bumaba ang marka sa halos na lahat ng subject kaya hindi ito magtataka kung bakit ganoon ang ranking niya.

Itinusok niya ang tinidor sa steak at ngumisi out of frustration.

Nang makita ni Ivan ang kapwa-guro na pumasok ng banyo ay pinunasan niya ang bibig niya ng tissue at nag-bill out. 

He silently hid the knife inside his sleeves and with an emotionless face, he went inside the rest room. 

Sumisipol pa ang lalaki nang madatnan niya. Halos lumuwa ang mata nito nang makita siyang nakatayo sa pinto at tinititigan ito sa pamamagitan ng salamin.

"I-Ivan!" sabi nito at halatang nag-panic. "Kanina ka pa riyan?" 

Ivan didn't answer. Instead, he stepped inside and closed the door. The guy gulped when he locked it. 

"Ivan ano bang—" 

Natigil ang lalaki nang ilabas niya ang kutsilyo sa loob ng sleeve niya. Napa-urong ang lalaki at tumama ang likuran nito sa sink. 

"Whoa..." Ivan sarcastically reacted as he slowly inched their gap. "Marunong ka pa lang matakot?" 

"Ivan...ano bang...ano bang gusto mo?" 

"I already told you. Kaya pala ayaw mo kasi may nangako nang magandang posisyon sa 'yo." 

Nagsimulang pagpawisan gawa ng takot ang lalaki. 

"But I wonder," Ivan said and looked at the knife. "If what this knife could offer?" 

"Ivan..." ninenerbiyos na ito. "S-Senior mo ako!" 

"Seniority shows experience but experience does not  always equates competence," Ivan clapped back.

"Bata ka pa kasi," rason nito. "'Pag narating mo na ang edad ko, maiintindihan mo!"

"Abuse of power exists because you tolerate it," Ivan fought back. "I'm so sick of hearing old fucks like you ruining the future that you can't even live." 

He smirked. 

"Time to pay." 

At habang nagtatawanan ang mga tao sa loob ng restaurant kasabay ng saliw ng eleganteng tugtugin,  sakal-sakal naman ni Ivan ang lalaki gamit ang necktie niya at kaunti na lang ay mawawalan na ito ng hininga. 

Nang may kumatok ay doon niya ito tinigilan. Bagamat nanghihina ay habul-habol pa rin ng lalaki ang hininga at naiiyak na sa takot at galit. Ubo ito nang ubo at pulang-pula ang mukha.

Ivan cupped his chin and forced him to look at himself through the mirror. Kitang-kita ang repleksyon nilang dalawa dahil bukas ang cubicle nila. 

"Now listen..." he said. "Fix Grey's grades. I need his real grades by tomorrow before we send it to the higher ups. Wala akong pakialam kung anong deal ang pinasok mo. Just don't touch my students."

He stopped and he held the guy's face with force. 

"Otherwise, you're dead..." he whispered. 

Pinakawalan niya ang lalaki nang tuluyang bumukas ang pinto. Gulat na gulat ang waiter nang makita siya at ang lalaking nasa lapag at hinahabol ang hininga. 

Ivan smiled at him and placed a money inside the waiter's pocket.

He went out of the restaurant. He was about to go inside his car but then he saw another car that was parked nearby. Tinitigan niya itong muli at napa-iling nang may ma-realize. 

With his hands inside his pockets, he walked towards the car and stopped right in front of it. 

Naalarma ang lalaki sa loob. Hindi nito malaman ang gagawin. Ivan took out a sticky note from his bag and wrote something on it.

Ivan knocked on the window. Nang tuluyang mapukaw ang atensyon ng lalaki sa loob ay tsaka niya idinikit ang papel sa bintana ng kotse.

The guy was rather shocked. When the guy looked at him, Ivan gave him a smirk full of warning. 

"Tell them," he mouthed him.

Ivan once again placed his hands inside his pockets and started to walk away. In his every step, his smirk was slowly fading until he turned dead fierce. 

Unti-unting binuksan ng lalaki ang bintana ng kotse. Kinakabahan man ay kinuha niya ang note na naroroon at binasa niya iyon. 

"Hire better agents. They're all amateurs and it disgusts me." 

- Ivan, Undercover 09

———

"CONFIRMED, JAX. Dating undercover agent si Ivan." 

Mula sa pagbabasa ng mga dokumento, tiningnan ni Jax si Howell. 

"Any proof?" tanong niya. 

Ipinakita ni Howell ang litrato ng note na iniwan ni Ivan. Halos lumubog sa kinauupuan niya si Jax at literal na napanganga. 

"No wonder kung bakit madali niyang napabagsak 'yong agent natin na matagal na siyang minamanmanan," sabi ni Howell.

"Current undercover ba siya?" tanong ni Jax. 

"No. Akala mo ba hindi ko naisip 'yan? With his fighting technique, trained agents lang ang may kakayanan n'on. May documents ako ng mga current undercovers at wala siya roon." 

"If may access ka sa current documents, can you request for the former agents?" Jax asked. 

"We can try," sabi ni Howell at may tinawagan ito.

After a couple of minutes, they received a document and immediately searched for Ivan.

Jax had never been so thrilled yet threatened before. 

"Gotcha!" sigaw ni Howell.

"Nakita mo?" tanong ni Jax.

Tumango ito. 

"Okay. Ayon dito... Ivan was an undercover agent for four years. Umalis siya right after he graduated from College," Howell said, analyzing all the data in front of him. "Ginawa niyang sideline para makapagtapos." 

"E anong ginagawa niya sa West Carson High ngayon?" tanong ni Jax. "Under mission ba siya?" 

"No. Hindi na siya active member at wala siyang connection. Hindi rin magkakakilala ang undercovers, Jax. I doubt if may insider siya. He applied to West Carson after niya makuha license niya for teaching at hindi na lumipat pa ng ibang school. He's been there for four years too." 

"Pero tingin mo ba... may alam siya kay Reign?" kabadong tanong ni Jax. 

"Hindi tayo sure," sagot ni Howell. "But don't worry. Kung may alam siya, he should've done something. Convincing naman ang ginagawa ni Reign. If may kutob siya, wala siyang makukuhang ebidensya. Focus on the case, Scott. I'll handle this Ivan for good." 

Jax sighed. He was getting anxious. 

"Should we add him to the suspects list?" tanong ni Jax. "He's been in West Carson for four years habang si Ms. Jess ay two years lang. First time handling a class at gold section agad. Maybe, nasaktan si Ivan—naapakan ang pride dahil mas nauna siya pero sa iba ibinigay. Base sa background check, ambitious siya. He's capable of doing the crime given his background."

"Cool," sagot ni Howell at natawa. "Sige, i-add ko siya. I'll hand over the list tomorrow morning for interrogation. May ipadadagdag ka pa?"

That's when Jax gulped. 

"Mayroon sana." 

"Sino?" tanong ni Howell at binuksan ang laptop para ilagay ang pangalan ni Ivan. 

Jax hesitated at first. He was afraid. Deadly afraid. 

"Lyle," he said. He almost stuttered. "Lyle Heimsworth." 

Literal na natigil si Howell at maang na tiningnan si Jax. 

"Bro, he's a Heimsworth." 

"I know," Jax affirmed. "Matagal nang sinasabi sa 'kin ni Reign na Lyle has the motive pero just like you, apelyido na lang niya ang pinanghahawakan ko. Not until Reign sent this tonight."

"Sent what?" Howell asked curiously.

Jax played a recording and they listened to it. When Howell heard what Jax was referring to, his eyes grew bigger and looked back to Jax. 

"You're right..." 

Sa kabilang dako, makikita si Lyle na nakatayo at nakatingin sa glass window ng kwarto niya. Tanaw mula roon ang matatayog na mga building at night lights. 

Nakapamulsa siya habang ang isang kamay ay may hawak na baso.

Muling nag-ring ang cellphone niya na nakapatong sa kama niya. Kanina pa roon may tumatawag at ni minsan ay hindi niya sinagot. Alam niyang nagpapanic na ito.

Lyle sipped his drink once more and he can't help himself but to smile darkly. 

"Everleigh..." he whispered in the air, remembering her secret that her own sister just spilled to him. "You sure are dirty..." 

Tiningnan niya ang kawalan.

"Masyado pang maaga para pabagsakin ka," he said to himself. "I'll make sure you'll lose more than what you'll gain." 

Huminto ang pag-ring at muli iyong tumunog. 

"Timing..." Lyle murmured to himself and a small yet cunning smile blossomed on his lips. "It's all about timing..."

———

"BWISET!" 

Tili ni Everleigh ang umalingawngaw sa buong kwarto. Siya ang nag-iisang tao sa bahay nila ngayong gabi. Ang kapatid niya at ang mama niya ay may flight ngayong gabi papuntang ibang bansa at doon na pag-aaralin ang kapatid niya gawa nga ng scandal nito. 

Malapit na kasi ang filing for Senatorial election. Planong tumakbong muli ng daddy niya kaya bago pa maging malaking issue ang sa kapatid niya ay minabuti na nilang tuldukan iyon.

Pero bago sila umalis ay sinabihan siya nitong alam na ni Lyle ang sikreto niya. Nagkita sila kanina at bilang ganti, her sister exposed her to him. That's how much she loathed her.

Everleigh was mad. She was enraged. She can't calm. 

Ilang beses niyang tinawagan si Lyle pero hindi ito sumasagot. Ring lang ito nang ring. 

Sa huling pagkakataon ay halos maibalibag niya ang cellphone niya. She was furious. She won't just sit and do nothing. 

"Sige, sinasagad mo ang pasensya ko..." mariing bulong ni Everleigh. "You'll regret this."

Nag-isip si Everleigh kung paano niya gagantihan si Lyle kung sakali. 

Kailangan handa siya. Napakahirap basahin ng kilos nito kaya hindi siya dapat mapanatag. 

Palakad-lakad siya sa kwarto niya at hindi mapakali. Hanggang sa isang iglap, may isang bagay siyang naalala. 

Dali-dali niyang binuksan ang drawer niya at hinanap ang isang flash drive. Kinakabahan siya nang todo. 

Nang mahanap iyon ay agad niya iyong ikinonekta sa laptop niya. Sa sobrang kabado niya ay nakakagat na niya ang mga daliri niya unconsciously. 

When she saw the video, she felt the relief. She played it and it worked just well. 

Everleigh found herself smiling from ear-to-ear. Her smile then turned into a laugh. 

From feeling anxious, she felt a sudden burst of triumph.

"Do you think you can take me down just like that?" Everleigh asked, looking at the video. "I'll bring you down with me, you son of a bitch." 

Tinitigan niya ang video at ngumisi. 

"Welcome to my chess board, Lyle, and today...you are my pawn." 

———

At the same time, Reign can be seen inside her room. Kung maka-ilang beses na ba siyang bumuntong-hininga ay maging siya ay hindi niya rin alam.

Katatapos lang niya makipag-usap kay Grey. Busy kasi ito maghapon at wala sa room kaya nangumusta. Katatapos lang din niya mag-send ng progress report kay Prosecutor Jax kasama ang mga recordingsbniya ngayong araw at heto siya ngayon, nakatulala sa kisame.

Ramdam niya ang bigat ng dibdib niya.

"Ano kaya desisyon nila?" tanong ni Reign sa sarili. "Ilalagay kaya nila si Lyle sa suspects list?"

She sighed. 

She sent them a recording of Lyle with a special request to consider.

It happened during their P.E. Habang nagpapahinga matapos maglaro ng badminton ay napag-usapan nilang mga babae ang ate ni Lyle na si Avery. 

"Super pretty,"
 sabi ni Braelyn. 
"Sobrang amo pero sobrang fierce din ng mukha. I know, hindi nag-ma-match ang description pero...she's like a greek god."

"Sobrang maldita rin,"
 sabi ni Reese. 
"Remember, inirapan ako n'on noong kuhaan ng card noong Grade Seven tayo dahil ang ingay ko?" 

Nagkatawanan sila.

"Ikaw ba, Missi?"
 tanong ni Reign. 
"Lumaki ka with Lyle. Close kayo ni Avery?"

"Ewan ko ba. I don't like her." 

Napatingin ang lahat sa kanya.

"Bakit naman?"
 tanong ni Reign at pasimpleng binuksan ang recorder na nasa bulsa niya.

"She's too maldita na sometimes out of place na. Alam niyo ba, I've only been in Lyle's house once kasi super traumatic n'ong experience ko with her." 

"What happened?"
 tanong ni Nash na kararating lang. 

"Pinitik bunganga ko kasi ang ingay ko raw ngumuya!" 
 sabi nito na halata ang pagkainis. 

Lahat sila ay natawa. 

"Kaya when she lost her career, ewan ko ba. I know ang sama ko pero parang...karma 'yon sa kanya." 

Natigil sila sa pagtawa nang makita si Lyle na nasa likod na ni Missi at kukuhanin ang shuttlecock na lumipad sa gilid nito.

"Avery deserved losing her career. Ganoon talaga, ano? If you can't humble yourself, the universe will find a way." 

"Missi!"
 pabulong na sabi ni Braelyn.

Sinisenyas na sa kanya si Lyle pero hindi niya ma-gets. 

"Tapos tinawanan niya ako when I can't spell my name? Huh! At least ako hindi na-fall sa kriminal!" 

"MISSI!"
 sigaw na ni Nash. 

"Bakit ba?!"
 tanong ni Missi. 

Napa-face palm si Reese. 
"Tangina, ang tanga talaga."

"Ba't ba kayo ngumunguso? Gusto n'yo kiss?"
 tanong ni Missi. 

"Ang bobo,"
 bulong ni Nash.

"Bakit ba—" 

Natigil na ito ng biglang pulutin ni Lyle ang shuttlecock sa gilid niya. 

"H-Hi, Lyle—" 

She stopped when Lyle snobbed her. 

Ngumiwi siya habang pinanunuod si Lyle papaalis.

"Narinig ba niya?"
 tanong ni Missi sa kanila. 
"Ba't 'di n'yo ko sinabihan?!" 

"Ewan ko sa 'yo,"
 sabi ni Braelyn at umalis kasama ni Nash. 

"Alam mo, buti na lang maganda ka,"
 sabi ni Reese at kinuha ang tubig niya at umalis. 

Nang sila na lang ang maiwan ay hindi maintindihan ni Reign ang dapat niyang maramdaman. She knew Lyle treasured her sister more than himself and hearing someone talking ill about her, she was sure that Lyle won't let it pass. 

Kaya matapos ang P.E ay hinintay niya si Lyle sa labas ng shower room. Kabisado na niya ang routine nito. Parati itong nagpapahuli sa field para siya na lang ang mag-isa sa shower room at locker's area. 

After minutes of waiting, Lyle showed up. Naka-PE uniform ito at bakat ang katawan gawa ng pawis. 

He was about to snob her and go inside the shower room but got halted when Reign talked. 

"You heard Missi badmouthing your sister,"
 Reign started with her arms crossed that made Lyle stopped. 
"Anong gagawin mo sa kanya?" 

Lyle wasn't responding. He wasn't even looking at her.

"After exposing Nash and Levi, si Missi na ba ang next?" 

That's when Lyle met her eyes. Reign was taken aback. 

Lyle faced her and slowly tilted his head.

"Do you want me to?" 

Reign gulped. She scoffed. 

"As if susundin mo 'ko?" 

"Why not?"
 Lyle asked and his lips twisted a smile. 
"Anything for my queen, remember?" 

Reign's eyes grew bigger. 
"Drop the act." 

"I'm not acting,"
 Lyle snapped. 
"I told you. I'll sacrifice the world for you. If you want to take down Missi, who am I to object?" 

He smirked and looked deeply into her eyes.

"You're my queen, after all." 

Reign scoffed.

"Stop toying with me."

"Iniisip ko lang kanina kung ano ang dapat gawin kay Missi,"
 Lyle said, ignoring her. 
"Now, you gave me an idea. If something bad happens to her, I hope your conscience can put you to sleep." 

Naikuyom ni Reign ang kamao niya. Lalong ngumisi si Lyle nang makita iyon.

Lyle was about to walk inside the men shower room but then he stopped again. 

"Few days,"
 he said. 
"Just wait for few days." 

He looked back and met her eyes. 

"Missi will be destroyed by then." 

At iyon. 

Iyong mga pag-uusap na 'yon ang ipinadala niya kay Jax. 

Kailangan munang may mangyari kay Missi para madiin si Lyle. Reign felt bad for some reason.

"Ayoko na," sabi ni Reign. "Matutulog na lang ako." 

The moment she closed her eyes, her phone chimed. 

She looked at it with tired eyes. It was a notification from Youtube.

https://www.youtube.com/watch?v=91JU2LYKC7s

[TEASER] SYNK_Can You Feel My Heartbeat?_ NASHVILLE 

Napabalikwas siya ng bangon. 

She clicked it and the 43-second video teaser played. 

"Whoa..." she murmured. "Mag-d-debut na si Nash!" 

———

"KAILAN BA TITIGIL 'TONG BWISIT NA 'TO?!" 

Napapikit na lang si Nash habang naglalakad. 

Nang marinig niya ang busina ng kotseng kanina pa sunud nang sunod sa kanya ay humigpit ang pagkakahawak niya sa bag niya at binilisan lalo ang paglalakad. 

Pero sa bawat hakbang niya ay sunud pa rin ito nang sunod at panay ang busina. Alas diyes na ng gabi at pinagtitinginan siya ng mga dumaraan.

Halos patakbo na nga ang lakad niya pero panay pa rin ito busina at ayaw tumigil.

Doon huminto si Nash at iritableng nilingon ang kotse. Huminto ito sa gilid niya at bumukas ang bintana. 

"Sumakay ka na kasi Burlington." 

Nakangiting mukha ni Levi ang bumungad sa kanya.

"Daig mo pa babae, e." 

After class ay dumiretso siya sa agency nila at nakita roon si Levi. Turned out, nag-half day lang si Levi sa school kasi nag-sign ito ng exclusive contract sa agency nila. 

Ngayon, labelmates na sila. 

Hindi ito pinansin ni Nash at naglakad ulit. Nakaka-ilang hakbang pa lang siya ay bumusina ito ulit. Bumusina ito ng isa pa at tinadtad siya nito ng mga malalakas na busina.

"Ano ba!" singhal niya rito.

"Sumakay ka na kasi," sabi nito. "Minor ka, ma-curfew ka riyan. Besides, madaraanan ko rin naman building n'yo. Sa akin ka inihabilin ng manager n'yo, 'wag ka nang maarte." 

"Ayaw kitang kasabay," mariin niyang sabi at naglakad muli pero bumusina ulit si Levi at ayaw tumigil. Naiinis na ang mga tao sa paligid at masama na ang tingin sa kanya.

Nash looked at him sharply.

Levi just smiled and shrugged.

"I'm not giving you any choice, baby," Levi said and opened the door beside him. "Pasok na." 

Pumikit nang mariin si Nash.

"Lord, pahinging pasensya," bulong niya. 

"Lord, 'wag na sana siyang maarte." 

Pagtingin niya ay nakapikit na rin si Levi at nakatingin sa langit. Dumilat ito at itinuro ang pinto gamit ang sariling labi.

Left with no choice, Nash went inside. Ilang segundo lang ay umandar na sila.

"Do you wanna eat anything?" Levi asked. "I'm starving."

"'Wag mo na akong kausapin. Matutulog ako." 

"KJ mo naman. May ginisang ampalaya ba sa McDo?" 

Nash opened his eyes aggressively. "Seryoso ka?" 

"Wala ba?" tanong ni Levi. "Sa Inasal kaya?" 

"Levi, honor student ka talaga?" Nash asked unbelievably. "Fast food lang mayroon sila. Kaya nga fast food chain, 'di ba? Kung gusto mo ng lutong bahay, doon ka sa carinderia." 

"Ang pait nila maggisa ng ampalaya. 'Di nila makuha luto ni mama. Tsaka baka pagkaguluhan ako roon." 

"Then ask your mom to cook." 

Levi smiled weakly. "They're busy. May new projects."

That's what caught Nash off guard. He felt the pity. 

"Tsaka ba't ba high blood ka sa 'kin parati? Kalma ka lang," natatawang dagdag ni Levi.

At ayun ang hindi maipaliwanag ni Nash. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, lahat ng ginagawa ni Levi ay nakakainis para sa kanya. 

"Bumili ka na lang ng pagkain sa fast food kung gutom ka," sabi na lang ni Nash. "Mayroong drive thru sa may crossing." 

"Ayoko. Wala sila n'ong gusto ko," sabi ni Levi habang nagmamaneho. 

"Bukod sa ginisa, ano pa bang gusto mo?" Nash asked. 

From looking at their way, Levi smiled and met his eyes. "Ikaw." 

Levi smiled more but Nash didn't know what to react. His lips parted but he had no idea what to say. 

"G-Gusto mong masaktan?" tanong ni Nash. 

Tumawa si Levi nang malakas. "I was joking, Nash. Masyado kang stiff, ang boring ng atmosphere. Baka ma-fall ka ha." 

Huminto ito sa pagtawa at ngumisi.

"Or baka halikan mo 'ko." 

At tiningnan siya nito.

"Gaya n'ong sa picture."

Sa inis ni Nash ay nasuntok niya ang braso ni Levi. Umalma naman si Levi pero lamang ang pagtawa nito.

"Ihinto mo 'yong kotse," sabi ni Nash. "Bababa ako." 

"'Wag kang banas." 

"Tatalon ako, Levi, and I'm not kidding," banta ni Nash. 

Levi pressed the power lock of the car.  "Ge, talon."

Pero hindi iyon mabuksan ni Nash. 

Sa gitna ng pagtatalo nila ay tumunog ang cellphone ni Levi. Nang tingnan niya kung ano iyon ay napa-pull over siya nang wala sa oras.

"Bakit?" nag-aalalang tanong ni Nash.

"Burlington..." he said and smiled widely. "Lumabas na teaser mo!" 

Nash's eyes widened out of excitement. "Really?" 

Agad siyang lumapit kay Levi. Nagkadikit ang pisngi nila at nahawakan ni Nash ang kamay ni Levi na nakahawak sa cellphone. 

Bigla silang naghiwalay dahil sa biglaang tensyon.

"I-I'll play the video," Levi said awkwardly. 

They played it. 

"Ang ganda..." bulong ni Nash.

"Anong maganda?" nakangiwing tanong ni Levi after itong panuorin."Hindi ka nga kumanta o sumayaw." 

"Kaya nga teaser, 'di ba? Tanga ka?" 

"Ano position mo?" 

"Bottom." 

Levi looked at him unbelievably. "Sa group, Burlington!" 

"Ay, main vocalist. Bakit?" 

"Ilang minutes 'yong debut song n'yo?" 

"3 minutes and 27 seconds." 

"Ilang minutes ka kakanta?" 

"41 seconds." 

"So 41 seconds lang kitang maririnig sa loob ng 3 minutes and 27 seconds?!" 

"Support our whole group, 'wag lang ako, 'no. Ang arte mo, 'di ka naman ata nag-pre-order ng album." 

"Nagpasabay ako kay Brae," Levi explained. "Now, say thank you Levi pogi." 

"Cancel mo na lang order mo, kadiri," sabi ni Nash at tumingin sa bintana. 

Natawa si Levi. "Ganito na lang. Marunong ka magluto, 'di ba?" 

"Mmm?" Nash asked. 

"Ipagluto mo 'ko ng ginisang ampalaya everytime I crave at ako magiging body guard mo." 

"May body guard kami right after we debut," bored na sabi ni Nash. 

"Or I'll say we're friends. Celebrity connection din 'yon! Dagdag promotion!" 

"Trabaho ng company ang promotion. 'Wag mo silang agawan ng trabaho," Nash answered sarcastically.

"How about I buy fifty albums!" 

"Marami na ang pre-order," bored na sagot ni Nash.

Nag-isip si Levi.

"Then I'm left with this one option."

"What is it?" Nash asked while looking at the window still.

"If you don't want me to be a body guard or a celebrity friend..."

When Levi stopped, Nash finally looked at him. When their eyes met, Levi's lips twisted a smile. 

"I'll be your boyfriend, then..."

# PART TWENTY: A Change of Heart

THIRD PERSON POV. 

"I'll be your boyfriend, then..." 

With a smile planted on his lips, Levi looked at Nash's eyes intimately, as if he was seducing him through his gaze.

"What do you think?" 

Amusingly, Nash met his eyes. From staring at him with a mild shock on his face, Nash gathered himself in a split of seconds and stared at Levi's eyes with a face full of disgust.

"Gago ka?" 

Doon na natawa si Levi. Sa sobrang lakas ng tawa nito ay napasandal na ito sa head restraint ng kotse nito at hawak-hawak ang tiyan. 

"Masaya ka talaga sa ganyan, 'no?" inis na tanong ni Nash. "Eighteen ka na, Levi. Kailan ka ba tatanda? Grow up!" 

"I don't wanna grow," Levi answered him. Nakatawa pa rin ito. "If I would grow up, I can't be your baby anymore." 

"Okay, I had enough!" sa sobrang bwisit ni Nash ay dumampot siya ng kung ano mang madarampot niya sa kotse at ibinato iyon kay Levi. Natamaan ito sa ulo at doon natigil sa pagtawa. 

"THAT HURTS!" sigaw nito. 

"Mas masasaktan ka 'pag 'di ka nagtino," sabi niya rito. 

"That's okay, mas nag-e-enjoy nga ako 'pag nasasaktan during—BURLINGTON, DON'T—" 

Huli na nang may makapa si Nash sa side pocket ng kotse. 

He looked at Levi unbelievably.

"Wala kang first aid kit sa kotse mo pero condom—iba-iba pa ang flavors, marami?!" 

"Well, I warned you," sagot ni Levi at nagsimulang paandarin ang kotse. "Makulit ka kasi. Don't pretend like you haven't used one before." 

"Well, I haven't," kalmadong sabi ni Nash.

"You haven't?!" Levi intentionally exaggerated it. "Shall we?" 

Nash gave him a sharp look.

"Shall we go the fast food near the crossing?" pabirong dugtong ni Levi. "Chicken nuggets na gusto ko." 

Napa-iling na lang si Nash. "Wala ka nang pag-asa." 

Kumuha siya ng isang condom at inilagay sa wallet niya.

"Akin na lang 'to ha. Lalagay ko sa wallet ko, pampaswerte raw 'to. Para naman mag-s*x ang mga pera ko at dumami." 

Napangisi si Levi at hinablot ang wallet ni Nash at kinuha ang condom.

"Paano darami, e nilagyan mo ng condom?" 

Nash scoffed at first but he ended up giving a small laugh.

"Woah..." reaksyon ni Levi habang nagma-maneho. "First time ata kitang napatawa?" 

"Hindi ako tumawa dahil sa 'yo. May naalala lang ako," pagsisinungaling ni Nash. 

"That was a lame excuse pero okay, sabi mo e," sabi ni Levi at pumalatak. "Hindi ka pwedeng mag-actor, Nash. Ang pangit mong umarte." 

"Ah, acting ba?" sagot ni Nash. "Like ilang years kang nag-acting na friends lang kayo ni Missi pero mahal mo na pala for so long?" 

Nawala ang pagkakangisi ni Levi at sumeryoso ang mukha. Ilang minuto silang natahimik at walang kumikibo. 

"I'm a good actor, then," Levi said, finally breaking the ice. "See? She didn't notice." 

Nash felt the pity and he hated himself for being that insensitive.

"Pero may balak ka bang umamin sa kanya, just in case hindi nabulgar?" 

"May balak pero walang lakas," sagot ni Levi. "Aren't we all like that? We have the thought but we don't have the bravery and confidence to do it. In turn, opportunities just...slip away." 

Nash felt the awkward atmosphere was enough to suffocate him. Hindi siya sanay na ganito si Levi. 

"Blessing in disguise na rin ata 'yon. At least, nalaman niya." 

"Pero hindi kayo pareho ng nararamdaman," Nash followed. "Ayos lang sa 'yo 'yon? You've invested so much as her secret admirer for too long." 

"May magagawa ba tayo? Hindi naman por que mahal natin sila ay dapat mahalin na nila tayo pabalik. Hindi naman ganoon ang love. Minsan, sapat na 'yong nagmahal tayo... kahit hindi nasusuklian, kahit na palihim." 

When Nash looked at Levi, he saw pain on his face. He wanted to comfort him but he had no idea how to.

"'W-Wag ka ngang sad boy diyan, hindi ako marunong mag-comfort," sabi ni Nash. 

Bahagyang natawa si Levi pero hindi ito nagsalita. 

"Left or right?" tanong nito. 

"Left," sagot niya at lumiko ang kotse. 

Ilang minuto silang tahimik nang muling magsalita si Levi.

"She's dating someone." 

Nash looked at him. "Si Missi? Who?" 

"An actor too," sabi nito at may halong pait ang boses. "They've been seeing each other for months." 

"H-How are you?" 

He almost cringed after saying that. He knew Levi will make fun of his concern but he did it anyway. 

Bahagyang ngumiti si Levi nang marinig iyon at ilang segundo siyang ninakawan ng tingin bago muling tiningnan ang daan. 

"I felt terrible, to be honest. Pero habang tumatagal...I'm starting to move forward. Wala naman akong magagawa kung ayaw niya sa 'kin, e. Tsaka, may ganoon pala, ano? Mabigat at nakakabaliw sa pakiramdam kasi hindi mo masabi. Lalong lumalala dahil pilit mong kinikimkim. Pero kapag dumating 'yong panahon na nailabas mo na, you're starting to feel easy and get over it." 

"But there are things that are better off unsaid," Nash argued. 

"Yes, but there are also things that you need to get off your chest so you can finally breathe freely and move forward."

Tumangu-tango si Nash. Sa unang pagkakataon ay sumang-ayon siya kay Levi. It was exactly the same feeling when he decided to break up with his ex. 

"Kaya ikaw Burlington, kung type mo 'ko, sabihin mo na. Baka nahihirapan ka na, ha?" 

And his light feeling about him literally faded within few seconds. 

"Okay na, e," matalim na sabi ni Nash. "Hindi mo ba talaga mababawasan pagiging assumero at mahangin mo?" 

Levi shrugged. "No." 

Napa-iling na lang si Nash.

"Oooh, walang tao sa kalsada. Burlington, do you wanna have fun?" 

"Like what?" 

"Like this." 

In a snap, Levi drove in a light speed and Nash's screams filled the whole night. 

At the same night, Grey was with his parents. Sama-sama silang kumakain at kanina pa siya kinakausap ng mga ito pero hindi niya sila kinikibo. 

"Your mom is talking to you!" bulyaw ng daddy niya. "What's wrong with you?" 

"Pa..." pigil dito ng ate niya at tiningnan siya. "Grey, hindi mo man lang ba kami kakausapin?" 

Hindi nagsalita si Grey. He chew his meal as if he was hearing an absolute nothingness. 

"Greysen Finch!" galit na pinukpok ng daddy niya ang table. Natigil siya sa pagnguya ngunit matapos lang ang ilang segundo ay ngumuya ulit siya nang parang walang nangyari. 

"Pa..." mahinang bulong ng ate niya at halata sa boses nito na nai-iyak na ito. "'Wag ho kayo sumigaw. Let's... settle this without shouting." 

Tiningnan siya nito.

"Grey, ano ba. Just talk to them, please?" 

Hindi siya kumibo. Maging ito ay hindi niya pinapansin. 

"Woah, did you see that?" sabi ng daddy niya. "Iyan ba ang puring-puri na class president? School Leader? Someone who can't even respect his parents? The perfect good son is now disrespecting his family, huh?" 

Doon natigil si Grey sa pagnguya. Bahagyang nag-igting ang panga niya. 

"Who told you I'm a good son, dad?"

Napatingin sa kanya ang lahat. 

"Huh?" his dad asked with anger in his voice. 

"I'm not a good son. I've never been one. You only gave me that role to flaunt and brag to your friends." 

"Aba't—"

Akmang sasaktan siya ng papa niya nang pigilan ito ng ate niya at ng mama niya. 

Nagpunas si Grey ng tissue sa bibig at tumayo nang hindi man lang sila tinitingnan. 

"Thank you for the meal." 

Tinalikuran niya ang mga ito at muling huminto. 

"I'll continue bearing the good son image in front of the public so you have something to flex about. But don't expect me to carry out the role inside the house," doon niya sila nilingon at tiningnan ang ina. "I'll go study." 

Sa paglalakad niya pa-akyat ay rinig niya ang galit ng ama. 

"See? Nagkakaganyan siya dahil sa babaeng 'yon! We need to do something!" 

Napahinto si Grey at mariing napapikit. 

"When will you realize that you guys are the problem?" he murmured to himself. 

Nang maka-akyat ay pumasok agad siya sa kwarto niya. Hindi kagaya noon ay wala siyang maramdaman ngayon. Kahit na katiting na lungkot, galit, o pagkabigat—wala. Animo siya namanhid na dahil sa mga nangyayari. 

Umupo siya sa study table niya at pinilit ang sariling mag-aral. 

Isang oras. 

Dalawang oras. 

Tatlong oras. 

Natigil na lang siya nang makitang na-ubos na niya ang lahat ng assignment niya. Kahit pangangalay o pagkapagod ay wala siyang maramdaman.

He really felt numb of everything. 

Just when he was in a deep thought, he received a chat from Braelyn. 

Braelyn

Hi, Pres! Alam ko super late na pero pwedeng pa-ask ng favor? Ina-assist ko kasi si Reign sa Pre-Calculus pero inaantok na ako at wala pa siya sa 

kalahati

. I really need to help her, okay lang bang ikaw mag-assist? Early lessons kasi ito, a week before siya mag-transfer. 

Ps. 'Wag 

ka

 na mag-reply, '

pagka

-send ko 

nito

 mag-o-offline na ako at 

matutulog

 

kaya

 wala kang choice. 

Konsensya

 mo 'pag 

bumagsak

 si Reign.

Pps. Sorry!!!!

Ppps

. 

Bigyan

 na lang 

kita

 discount sa 

sunod

 na 

singilan

. Sorry 

ulit

! 

Napangiti si Grey nang mabasa iyon. Nang tingnan niya ay 'Active 2 minutes ago' nga ito. 

Tiningnan niya kung online si Reign at ganoon nga. Medyo maingay pa ang GC nila dahil nagtatanungan pa sila Reese at Missi na sinasagot ni Everleigh. Si Reign ay panay seen lang. 

"Malamang nahihiya..." bulong niya sa sarili at lalong ngumiti. "Cute." 

Akmang i-c-chat na niya ito nang may ma-isip siya. Grey took a photo of himself with his Pre-Calculus textbook. Nilagyan niya ito ng 'Pre-Calculus left' at in-upload iyon sa My Day niya. 

Naghintay siya nang ilang minuto at biglang nag-beep ang phone niya. 

Missi: 

Beke

 nemen 

Reese: 

Ang 

pogi

 omg btw 

ano

 

sagot

 sa 4 

Everleigh

: 

Now 

ka

 

palang

 

gagawa

?

Nash: 

Hala 

kauuwi

 ko lang 

ano

 'yan? 

Levi: 

MAY ASSIGNMENT????? 

Halos matawa siya dahil sa mga reaksyo nila. Nawala ang ngiti niya nang makitang nag-seen doon si Lyle. 

Sa totoo lang ay hindi niya malaman ang mararamdaman. 

He was about to turn off his phone but then it beeped. again. When he looked at it, he can't help himself but to smile.

Reign: 

Send help po, 

nilalamon

 na 'ko ng numbers : ((

Ngumisi siya at akmang pipindutin na ang chat nito pero pinigilan niya ang sarili.

"Give her a minute, Grey. Halatang excited ka," bulong niya.

Pinanuod niya ang digital wall clock niya at nang magsaktong isang minuto ay mabilis niya itong ni-reply-an.

Grey: 

A

bout saan po?

Reign: 

Pre-Calculus po 

Grey: 

ozg

 

Reign: 

Ano

 'yan? 

Grey: 

ozg

= 

osige

 

Reign: 

HAHAHAHAHAHAHA
 

Literal na napangiti si Grey dahil rinig niya ang boses ni Reign kahit na ganoon. 

Grey:

Which part ba ng Pre-Calculus? 

Reign: 

Lahat 

huhuhu

 

Grey: 

'Yan na lang ba '

di

 mo pa 

natatapos

? 

Reign: 

Pati

 General Physics. 

Pasensya

 na, 

pagawin

 mo na ako ng essay 'wag lang 

talaga

 mag-compute. Wala ako 

mahingan

 ng 

tulong

, 

tulog

 na si Brae 

pcnxia

 n 

Grey: 

pcnxia

 accepted 

Ngiting-ngiti siya habang isinusulat iyon.

Grey: 

Chat mo na lang ako kung anong part 

ka

 

nahihirapan

. 

Hintayin

 

kita

 

matapos

. 

Reign:

Sure 

ka

? Teka, 

ba't

 mo 'ko 

hihintayin

? Hindi 

ka

 pa ba 

nakakagawa

? 

Grey: 

Oo. Hindi pa. 

Sabay

 na tayo, 

hintayin

 kita.

Reign: 

'Yon! Thank you!

Grey: 

May I call? 

Reign: 

Sige, wait. Kuhanin ko lang earphones ko. Sure ka hindi ka tapos ha?

Grey: 

Opo. Take your time

Reign: 

Sige, wait langgg!

At doon tiningnan ni Grey ang table niya. Puno iyon ng mga libro at mga assignments na kanina pa niya tapos gawin, maging ang Pre-Calculus man o General Physics.

Kinopya niya ang mga tanong sa ibang papel para magmukhang hindi pa rin siya nakakagawa. 

"Ready na?" tanong ni Reign nang sagutin niya ang tawag nito.

"Wait," nakangiti niyang sabi at binilisan pa ang pagsusulat. "Give me a couple seconds." 

"Tagaaal," biro ni Reign na lalo niyang ikinangiti. 

It was that moment he realized, a home can be a person too.

REIGN.

Sa buong araw ay lahat kami stressed. Given na dahil iyon sa school works pero ngayon ay iba. Stressed kami dahil kay Nash.

At dahil nga na-reveal na siya as the new member of the most anticipated new boy group, dinagsa ang classroom namin ng mga estudyanteng mostly ay nasa lower year levels.

Dahil iyong mga nasa same year level namin ay takot pumunta dahil kila Everleigh at Reese.

Kanina nga ay nag ka-klase kami at may nangangatok. Sa sobrang inis ni Reese ay binuksan niya ang bintana at binatukan ’yong estudyante. Lahat ay natakot at umalis.

Pero siyempre, maraming hindi nagpatinag. Lahat ay gustong makita si Nash at magpa-picture.

Dahil napansin iyon ng school at nalaman ng management, they came up with an agreement to call it a day for Nash. Sinundo ito ng manager nila right after first class.

“Sorry guys,” malungkot nitong sabi bago tuluyang lumabas ng classroom. “Bawi na lang ako.”

“Ganyang-ganyan kami dati ni Lyle noong Junior High,” kwento ni Levi sa isa naming kaklase. “Remember araw-araw kami may love letters?”

“Oo wala na ngayon kasi laos na kayo,” sabi ni Missi.

Naghiyawan ang mga kaklase namin.

“Hindi kami laos. Rank One nga ako sa brand reputation ng young actors at rank one sa models. Takot lang sila kasi may mga tiyanak dito.”

Tiningnan niya ang nag-aaral na si Everleigh at nag-c-charge na si Reese.

“Ba’t ako nadamay?” tanong ni Reese. “Kanino bang phone ’to? Kanina pa ’to naka-charge, a? Ako naman!”

Sa totoo lang ay ayos na nga sina Levi at Missi. Kung titingnan, awkward pa rin sila sa isa’t isa pero ginagawa nila ang lahat para isalba ang friendship nila. In fact, kanina nga lang ay nag-uusap sila tungkol sa mga bagong school models na ngayon daw i-a-announce.

“May naisip ako,” sabi bigla sa akin ni Braelyn.

“Hmm?” tanong ko habang naglalakad kami papunta sa upuan.

“Gusto mo mag-business?” tanong niya.

“Anong business?” tanong ko at umupo na sa upuan ko habang siya ay umupo sa arm chair ko.

“Picture-an natin si Nash tapos benta natin as rare photocards ’pag sikat na siya!”

“Buang ka!” sabi ko sa kanya at natawa. “Sino namang bibili n’on?”

“Don’t underestimate the power of collectors ha. Mayroon nga isang photocard umaabot ng 50,000 at 100,000, ano?”

“Really?” tanong ko. “Magkano kaya ’pag topless si Nash tapos may signature niya?”

Nagkatawanan kami ni Braelyn at natigil nang pumasok na si Sir Ivan kasama si Grey. Sila kasi ang nag-asikaso kay Nash. Nawala ang ingay namin nang kasama nilang pumasok ang program chair ng year level namin.

“Ano meron?” tanong ni Braelyn.

“Baka announcement ng chosen models?” tanong ko.

“Oooooh,” reaksyon ni Braelyn. “Chismis.”

“Class, stand up,” Everleigh commanded.

Lahat kami ay tumayo at nag-greet.

“Thank you, Ms. Miller. Everyone sit down,” sabi ng year level chair namin at lahat kami ay umupo.

Doon naman bumukas ang pinto at pumasok si Lyle. Suot pa rin nito ang headphone nito at sinenyasan ni Sir Ivan na tanggalin. Ginawa naman niya at bahagya pang yumuko para sa year level chair namin.

“Thank you, Mr. Heimsworth, take your seat.”

Sa paglalakad ni Lyle ay nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Agad din akong nag-iwas ng tingin.

Saan siya galing? Anong ginawa niya? Wala naman siyang ginawa kay Nash, ano? Ngayong sikat na si Nash, i-e-expose na ba niya siya sa publiko?

“As you all know, for some reasons, the original candidates for the school uniform models were Mr. Hudson and Ms. Smith. At dahil nga sa mga bagay-bagay, they have withdrawn from it kaya ang faculty ay pumili ng mga bagong models base sa school performance all throughout your stay here and with the values that we saw.”

Nagsimulang mag-ingay ang mga kaklase namin.

“Sino sa tingin mo? I think Everleigh and Lyle,” sabi ni Braelyn. “Pwede ring Nash and Reese.”

I just shrugged.

“For the male model, we chose…”

Literal na kinakabahan kami.

“Lyle? Nash?” tanong ko.

“Mr. Greysen Finch.”

Pumalakpak ang lahat at nag-ingay. Maging si Braelyn ay tuwang-tuwa. Napatayo pa nga ang ilan maging ako.

Napangiti ako nang makitang gulat na gulat si Grey. Ayaw pa nga nitong tumayo sa harapan at namumula na sa hiya.

Nang tumayo na ito sa harapan ay hindi ito makatingin sa amin. Pati leeg nito ay namumula na rin.

“That’s my boy!” sigaw ni Levi.

Ngiting-ngiti ako habang tinitingnan siya. Sobrang deserve niya iyon.

“And for the female model, we chose…”

“Everleigh…?” tanong ko.

“Reese?” tanong ni Missi.

“Me?” tanong ni Reese

“Reign?” tanong ni Braelyn.

“Buang ka talaga,” natatawa kong sabi kahit na kinakabahan.

“Maganda kaya. Grey and Reign, naks, couple ang models!”

“We’re not dating yet,” ganti ko.

“Not yet but soon,” pang-aasar ni Braelyn. “Ikaw na ’yan, Reign. Promise—”

“Ms. Braelyn Yngrid!”

Lahat ay natahimik at naglingunan sa amin.

“Ay si Braelyn?” tanong ni Braelyn at tumayo. Nagsimula rin itong pumakakpak. “Congrats—”

Bigla itong natigil nang may ma-realize.

“Teka…” huminto ito at tumingin sa akin. “Ako si Braelyn, ’di ba?”

Nakanganga akong tumango.

Nanlaki bigla ang mga mata ni Brae.

“HALA! BAKIT AKO?!” angal nito. “HALA, AYOKO! BAKIT AKO?!”

Natawa ang mga kaklase namin ngunit hindi si Brae na halatang nagulat.

“Hala nang-t-trip na lang kayo, e. Ayoko po! Ayoko! Bakit kasi ako?!”

Pumalakpak ang buong klase habang natatawa, at ganoon din ako.

“Come and join us here, Ms. Yngrid,” aya ni Sir Ivan.

“Ayoko sir!” sabi ni Brae at nagsisimula nang ma-iyak. “Tatawanan lang ako sa bahay!”

Matapos ang napakaraming panghihikayat at pagsundo na mismo ni Sir Ivan kay Brae ay doon na ito sumama kahit naluluha na.

Nang magtabi sila ni Grey ay kitang-kita ang height gap nila. Wala pa siya sa dibdib ni Grey. Lalong umugong ang tawanan.

“Come with us. Ipakikilala namin kayo sa iba pang section,” sabi ng year level chair namin.

Doon na umiyak si Braelyn dahil hiyang-hiya siya. Ayaw pa nga niya lumabas at kumapit pa sa pintuan.

“Ayoko talaga, sir!” sabi nito. “Nakakahiya po!”

Natatawa na lang dito si Grey at inakay ito. Matapos ang ilang minuto ay sumama ito pero nakatakip ang mukha.

Nilingon ako ni Grey at bago umalis ay ngumiti at kumaway sa akin. Ganoon din ang ginawa ko pabalik.

“Assignment mo.”

Napatingin ako sa nagsalita. It was Everleigh.

“Thank you,” tipid kong sagot at kinuha iyon.

“You got a perfect score. Tatlo tayo ni Braelyn ang highest.”

“Oh,” mangha kong sabi.

Tiningnan ni Everleigh sila Grey at Braelyn. Nakangiti si Grey kay Braelyn at halatang pinalalakas ang loob nito habang naglalakad papalayo.

“Aren’t you alarmed?” Everleigh asked.

“Tungkol saan?” tanong ko.

“About your friend slowly stealing your man…”

I looked at her and when she  met my eyes, she smiled.

“How does it feel?”

“They’re just partners,” I said.

“Partners at first but who knows what will happen after that?” Everleigh asked. “Draw the line, Reign. Everyone can be a snake, and Braelyn is definitely not an exemption.”

Ngumisi siya at tinapik ang balikat ko.

“Just my two cents.”

At habang naglalakad papalayo si Everleigh ay muli kong tiningnan sila Grey at Braelyn. Tinatapik na ni Grey ang balikat nito at hindi ko alam kung ano ba ng dapat kong maramdaman.

Bago ako umupo ay napansin ko si Lyle na nakatingin din kila Grey. Nang tumama ang tingin nito sa akin ay bahagya itong umiling at tipid na ngumiti bago pumikit at nagsuot ng headphone.

PART TWENTY-ONE: Two Truths, One Lie

THIRD PERSON POV.

Hindi mapakali si Howell at kanina pa pinakikinggan ang recordings na isinumite ni Reign kagabi.

Sa pag-t-transcribe niya ay ilang mga kataga ang kanina niya pa binabalik-balikan.

“Queen…” bulong niya. “Will you be my Queen? You are my Queen after all. Queen. Queen. Queen.”

Bumuntong-hininga siya at binulugan ang salitang ‘Queen.’

“May ibig ba siyang sabihin sa Queen? Hint na ba ’to or what?” nilamukos ni Howell ang mukha at sumandal sa head rest. “Trust issue please lang, lumayo ka na sa ’kin. Kahit katiting na bagay suspicious na sa ’kin. Huminga lang ’yong mga bata, may kahulugan na. Please lang.”

Natigil siya sa pagka-usap sa sarili nang bumukas ang pinto at pumasok si Jax.

“Good morning, brad. Kumusta?” tanong nito sa kanya at umupo sa upuan nito.

“Stressed. Oo nga pala, may dumating na package sa ’yo. Nasa ilalim ng keyboard mo.”

“Oks,” sagot ni Jax at nang makita iyon ay bahagyang nagulat.

Napansin iyon ni Howell.

“Brad, ano ’yan?”

“Wala,” sagot ni Jax. “Just…you know, some private things.”

“Private enough for you to hire investigators just to acquire that?” Howell snapped back.

Napatayo si Jax at tiningnan kung may iba bang nakarinig ngunit nang mga panahong iyon ay sila lang ang tao.

“What exactly are you up to?” Howell whispered at him, concerned.

“Binuksan mo ba ’to?” matalim na tanong ni Jax.

“No, of course not.”

“Good,” sagot ni Jax at muling kinuha ang coat. “Pupunta ako kay Hale. Give me an update about the recording ’pag balik ko.”

“Jax, hindi mo ba sasabihin sa ’kin kung ano ’yan? We’ve been friends for almost a decade, partners pa. Ngayon ka pa maglilihim sa ’kin?”

“It’s something personal, man,” sagot ni Jax. “I’ll be back by noon.”

Bago pa makapagsalita si Howell ay lumabas na ito ng office at iniwan siyang mag-isa.

Pinanood ni Howell ang kaibigan na unti-unting nawawala sa paningin niya.

And it was the first time in the span of ten years that he found himself suspicious of him…


REIGN.

“Alam n’yo, pumapasok na lang talaga ako para sa recess.”

Natawa si Missi at Braelyn sa sinabi na ’yon ni Reese. Kasalukuyan kaming nasa canteen ngayon at kumakain.

Kanina ko pa nga hinihintay ang sagot ni Prosecutor Jax kung under na ba ng suspect’s list si Lyle pero wala siyang sinasabi. Ang sabi lang niya ay mag-aral ako at kung may malalaman ay ilagay sa Progress Report.

Ang alam ko ay kasama niya ang defense attorney ni Hale para mapagplanuhan kung paano nila i-de-delay ang trial.

Nagsabi na rin ako na gusto kong bisitahin si Hale pero matapos ang press con niya ay marami nang press ang pumupunta sa lugar. Mahirap na raw na makuhaan ako ng litrato.

Speaking of Hale, ang kaibigan niyang si Jal ay kasalukuyang binubully nanaman. Hindi ako makakain nang naayos dahil tanaw na tanaw ko kung paano siya hinahampas, sinasambunutan, at pinag-t-tripan.

Gusto kong tumulong pero wala akong magawa. Nakakalungkot na may mga kagaya ni Jal sa mundo na walang magawa kung hindi ang magtiis.

Indeed, just because you don’t see it doesn’t mean it doesn’t exist.

“Punching bag nanaman?” tanong ni Missi nang makita ang ginagawa ng ibang section kay Jal.

Tiningnan din ito ni Reese. “Type niya ’yang ganyan, hayaan n’yo siya. Kung ayaw niya ba’t ’di siya mag-drop?”

Doon ko tiningnan si Reese. “Hindi por que wala siyang ginagawa ay pinahihintulutan na niya. Wala lang siyang choice. Gusto lang niya… maka-graduate.”

“You’re speaking as if you’re besties but okay,” sagot ni Reese at sumubo ng kanin na parang wala lang.

May dumaan sa aming mga babae at pinag-c-chismisan si Braelyn.

“See?!” sabi ni Brae. “Kalat na sa buong school! Ayoko na!”

“’Wag ka maarte, tulungan kita,” sagot ni Missi at uminom ng tubig. “Ako mag-make up, okay?”

“Ang laki kaya ni Grey! 6’2” siya tapos ako 5’2“!“ reklamo ni Braelyn at sumubo rin ng kanin.

“Heels lang katapat niyan-tinitingin n’yo?!” malditang tanong ni Missi sa mga dumaan na pinagbubulungan si Brae.

Nakuyom ko ang kamao ko nang may makitang may nagbuhos ng iced tea sa kanin ni Jal at nasundan iyon ng hiyawan.

Nakikita na ito ng mga nagtitinda pero wala silang kibo.

I lost it when they were forcing her to eat them, as if it was a rice soup.

Naghihiyawan ang mga estudyante at pinaliligiran siya.

Nagpipintig na ang tainga ko at ramdam ko ang galit.

Ganito.

Ganitong-ganito ang rason kung bakit ako hindi nakapag-focus sa entrance exam ko dati.

I was bullied. Every day.

Wala akong magawa.

Wala akong nanay na mapagsasabihan. Wala akong tatay na mapagsusumbungan.

Nang lumapit ako sa mga teacher ko ang nasabi lang nila ay “magtiis” daw ako. Hindi rin daw nila kaya ang mga gumagawa niyon sa akin.

Hindi ako makapagsabi kay Tito noon dahil ayaw kong mambroblema pa siya.

Hindi ako nagsabi kay Ate Neska, Ate Aubrielle, at Kuya Casper dahil problemado na sila sa trabaho nila.

I endured them.

Hanggang tuluyan na akong nasira.

Hindi ako uma-attend ng klase dahil natatakot akong mapagdiskitahan.

Na-p-paranoid akong ipasa ang entrance exam. Alam kong magiging kaklase ko sila kung sakali sa College at hindi ko iyon kakayanin.

Nag-flash back ang lahat-ang mga ginagawa nila, ang bawat pag-iyak ko dahil sa sobrang galit at takot, at maging ang pagluhod ko sa canteen para lang payagan nilang kumain ng tanghalian nang payapa.

I felt tears forming in my eyes.

I was traumatized. Now that I was over it, I won’t let anyone to experience the same shit that I went through.

Tama na.

Nag-iingay ang mga estudyante. Nag-c-cheer ang mga ito at pinakakain kay Jal ang pinaghalu-halo nilang iced tea, kanin, at hot sauce.

“Ang iingay,” inis na sabi ni Reese. “Kung ako ’yan-”

Natigil ito nang walang anu-ano’y tumayo ako at dere-deretsong naglakad papunta sa mga iyon.

“REIGN! REIGN!” tawag ni Braelyn pero pinigil ito ni Missi at sumipsip sa milk shake nito. “Let’s watch the show.”

Habang pinagkakaguluhan si Jal ay halatang naluluha na ito. Gusto nitong umalis pero hindi nito malaman ang gagawin.

“Eat that shit,” sabi ng babae at hinawakan ito sa ulo. “Ganyan naman kinakain n’yo, ’di ba?”

Nag-cheer pa ang mga estudyante at pilit na iniyuyuko ang ulo ni Jal sa plato pero pumipiglas si Jal at umiiyak na.

“Ang arte mo, ha?” nakangising sabi ng babae

“Tapusin mo na ’yan,” sabi ng kasama nito. “Ganito kase.”

Pinatong ng babae ang kamay niya sa ulo ni Jal at pinuwersa itong iyuko at naghiyawan ang mga tao. Pero bago pa niya tuluyang magawa ’yon ay binato ko siya ng soda at natamaan siya sa mukha.

“WHAT THE-”

Natigil ang babae at ang lahat ay nagtinginan sa akin.

“Hands off,” I said calmly yet sharply.

I inched our gap while my hand was inside my uniform’s pockets.

“WHO THE HELL ARE YOU?!”

Kinapa ko ang ballpen sa bulsa ko at ibinato rin iyon sa kanya. Nasapol siya sa mukha.

“ANO BA!” sigaw nito.

“I said hands off,” I reiterated.

“WHO ARE YOU TO-”

“Hands fucking off.”

In a snap, I took her hand and twisted it. Napahiyaw ito at doon lang nakawala si Jal at naluluhang tumayo. Pinaligiran kami ng mga tao.

“Bakit ba parating ’yong mga hindi lumalaban ang target n’yo?” tanong ko at isa-isa silang tiningnan. “Ayaw n’yo sa nambabali ng buto?”

Bago pa makasagot ang babae ay muli kong inikot ang kamay niya dahilan para mapahiyaw siya. Napatalikod siya sa akin at doon ko siya tinulak at pinakawalan. Tumumba siya sa mga estudyante.

“Who’s next?” tanong ko at nag-unat ng ulo. “Come here nang matapos na.”

Just then, a group of women came forward. Base sa hitsura nila, sila ’yong mga bullies from the other sections na dating kaaway ng 12-A pero nagka-ceasefire.

“Sino ’to?” tanong ng isang babae at nakangisi sa akin. Sa laki niya at pananamit, mukhang siya ang lider nila.

“Reign Harriett,” sabi ng katabi nito. “’Yong bago sa 12-A.”

“Ah, 12-A nanaman?” tanong nito at nakangising umiling.

“Ano pa bang bago?” tanong ng isa.

“Tapusin mo na ’yan,” sabi ng lider nila.

The woman stepped forward without any hesitation and when she was about to hit me, someone held her by her hand.

As I looked at who did, it was Braelyn.

“Grabe, until now nang-o-outnumber kayo ng tao?” tanong nito.

“Brae…” bulong ko.

“Sa liit mong ’yan?” tanong ng babaeng pinigilan ni Braelyn.

“I may be small but I’m a fighter,” Braelyn said sharply. “Two minutes, paduduguin ko ilong mo. Try me.”

Ngumisi lamang ang babae at ganoon din si Braelyn.

One woman stepped forward but then somebody blocked her too.

It was Missi.

“No, auntie. Not with that arnis,” sabi nito at hinarap ang babae at humigop muli sa milk shake niya.

“Do you even know how to fight?” the woman asked her.

“Try me,” Missi said fiercely at tinapatan ang height ng babae at ini-abot ang milk shake niya sa isang estudyanteng hindi niya kilala.

Mas matangkad si Missi kaya nakatingala sa kanya ang babae.

“Not my bitches…” banta ni Missi.

One girl was about to come forward but then she got halted by Reese.

“Oh-oh,” sabi nito. “Bakit may away?”

“Reese. Kaklase mo ang sumira ng ceasefire,” sabi agad ng lider. “You know what will happen.”

“And what will happen?” tanong ni Reese at sumubo ng lollipop.

“We’ll make your life a living hell,” sabi ng isa.

“Mga demonyo naman kami, okay lang,” sagot ni Missi.

Reese inched their gap and when they were just one step away, she smirked.

“It’s been a long time…” Reese whispered.

“Yes. Ilang beses ko ring pinangarap ’to-ang sirain n’yo ang napagkasunduan para mabasag ko na ’yang mukha mo,” sabi ng babae. “Ang tagal ko nang nagtimpi, Reese. Sobra.”

“Baka napapanaginipan mo pa ’ko, ha? Wet dreams?” pabirong sabi ni Reese.

Nagtawanan ang ilang estudyante at halatang na-insulto ang babae.

“Reign…” sabi ni Reese. “Remember ’yong friendship lollipop? ’Yong friendship card na pwede mong gamitin in case nasa panganib ka? Use it.”

She said those while looking at nothing but her enemy’s eyes fiercely.

“Use it now.”

“Sure,” I said while looking at the woman in front of me. “I’m using it now.”

“Cool,” sabi ni Reese.

“Let’s start in 3… 2… 1…” ngumisi ang babae sa harap ni Reese. “Go-”

Pero bago pa nito matapos ang sasabihin ay isang malakas na sampal mula kay Reese ang dumapo sa mukha niya.

Sa sobrang lakas ng tunog, lahat kami ay napahinto at nakangangang napatingin.

Bumakat ang palad ni Reese sa pisngi ng babae. Pulang-pula ito.

Akmang sasampalin din nito si Reese nang walang anu-ano’y may isa pang kamay ang pumigil sa kanya.

It wasn’t Braelyn.

It wasn’t Missi.

It wasn’t Reese.

And it wasn’t even me.

When we looked at her, we were all shocked.

“Everleigh…” I murmured.

“Akin na ’tong kanan,” she said. “Ipapantay ko.”

In a snap, Everleigh gave the woman a one solid slap. Tumumba ito kasama ang lamesa at pumutok ang labi.

Pulang-pula ang magkabilang pisngi nito at bakat ang palad ni Reese at Everleigh. Maging sila Missi at Braelyn ay nagulat.

Sapu-sapo ng babae ang sariling pisngi.

“E-Everleigh, akala ko ba-”

“Akala ko rin,” putol dito ni Everleigh at nagtanggal ng I.D at ipinatong iyon sa katabing lamesa. “But the 12-A girls are being outnumbered. Who am I to ignore?”

Huling hinubad ni Everleigh ang relo at ipinatong iyon sa lamesa.

“Ginagawa mo ba ito dahil kay Jal?” nakangising tanong ng babae.

“No. Not exactly. I’m doing this because I’m the gatekeeper,” from then, Everleigh’s eyes turned fierce. “Bitch.”

Just like that, the war started.

Punches.

Screams.

Tables being turned.

Students cheering.

It was… a chaos.

Sa ilang minuto ay makikita mo si Braelyn na naka-ibabaw sa babaeng dugo na ang ilong.

Si Missi na nawala ang poise at nakikipagsabunutan na.

Si Reese na nanapak at dalawang babae ang pinag-untog.

At si Everleigh na lahat ng nakaka-away ay namimilipit sa lapag.

At maging ako ay pinakikitaan ng undercover trained fighting skill ang kalaban ko.

It was the first time that the 12-A girls had united.

“12-A Girls Queen shits!” sigaw ni Missi nang hindi na makalaban ang kaaway niya.

Si Jal naman ay nasa gilid at hindi malaman ang gagawin.

When I finished off my enemy, someone grabbed me by my wrist.

“Come with me.”

Nang tingnan ko ay si Lyle iyon.

“Bakit ba-teka nga!”

Hinablot ko ang kamay ko at huminto. Akmang babalik ako nang muli niya akong higitin sa braso.

“Ano ba!”

“Listen, okay?” sabi niya. “The teachers along with the guards are coming. Nasa lower floor na sila kasama ang guidance counselor.”

“So what?” tanong ko.

“So what?” he asked and his tone sounded as if he heard something offensive and absurd.

“Tingin mo ba takot pa kami sa guidance?” tanong ko. “If you can’t help, step back. If you can’t ignore, step outside.”

I turned my back but he blocked my way.

I looked at him unbelievably.

“You don’t understand the severity of this,” he said. “Have you read the handbook?”

“Wala akong panahon-”

“Kada academic term, limang beses lang dapat magkaroon ng disciplinary action ang bawat section. If it exceeds the five mark, the class might get dissolved. One ticket for Reese, one for Everleigh, one for Missi, one for Braelyn, one for you. Reese had a record before because of her scooter. A total of six.”

Iyon ang unang beses na nakita kong concern si Lyle.

“’Di ba eto naman ang gusto mo? Ang bumagsak ang section? Then consider yourself a winner.”

I was about to walk pass him but once again, he blocked my way.

“I want them to fail but not me,” he said sharply.

“So anong gusto mong mangyari?” tanong ko.

“OMG!

PAPARATING

NA ’YONG MGA GUARDS!“

“KASAMA ’YONG GUIDANCE COUNSELOR, GUYS!”

“PATI SI DEAN!”

Pareho kaming natigil ni Lyle. Pero silang mga nag-aaway ay ayaw patinag.

“Do you run fast?” Lyle asked.

I looked at him with confusion in my eyes. “Lyle, are you nuts?! Are you telling me to run away and leave them behind-”

“That’s the only way to stop our section being dissolved,” he said and met my eyes. “So do you run fast or not?”

I didn’t answer.

Sa bawat segundo na lumilipas ay rinig na namin ang papalapit na mga yabag.

Just then, I saw them coming near the entrance.

“I assume you’re not,” Lyle said and he held out his hand. “Here. Take me. Run away with me.”

One…

Two…

Three…

“Now.”

I bit my lower lip.

Left with no choice, I took his hand and right when we ran away and left the scene through the exit door, that was the same time that the authorities went inside the entrance door.

Kumakabog man ang dibdib ay hinayaan kong dalhin ako ni Lyle sa kung saan.

Sa pagkakataon iyon ay sari-sari ang tumatakbo sa utak ko.

Humigpit ang pagkakahawak ni Lyle sa kamay ko at doon ko naramdaman ng init na nanggagaling mula sa napakalambot niyang palad.

Bumaba kami gamit ang hagdan at patuloy lang sa pagtakbo pero nang malapit na kami sa fourth floor ay nakita namin si Sir Ivan kasama ang ilang mga taga-faculty at si Grey na paakyat.

“Damn it,” bulong ni Lyle at muli kaming umakyat.

Sa pag-akyat naman namin ay mayroong guard na pababa at halatang kami ang hinahabol.

Pawis na pawis na siya at halatang tensed.

“Saan tayo?” bulong ko nang paakyat na sina Sir Ivan at pababa ang mga guards.

Nagpalinga-linga si Lyle at nang may makita ay muli akong hinila at sumabay lang ako.

Bago magkasalubong sina Sir at ang mga guard, sa isang iglap, ay binuksan ni Lyle ang isang kwarto at hinatak ako papasok doon.

Sobrang sikip sa loob at sobrang dilim. Dikit na dikit ang katawan namin ni Lyle sa isa’t isa at ramdam na ramdam ko ang init ng singaw na nanggagaling sa uniform niya.

At dahil matangkad siya, ang ulo ko ay nakadikit lang sa dibdib niya habang ang dalawa kong kamay ang nagsisilbing pagitan namin, ganoon kasikip sa loob.

Kapwa kami humihingal at naliligo sa sariling pawis. In fact, ang mainit niyang hininga ay dumadapo na sa bandang buhok ko.

“Ano ’tong.. lugar na ’to?” bulong ko.

“Lalagyan ng mops, I think,” bulong pabalik ni Lyle.

“Mops?” tanong ko at bahagyang natawa.

“You’re laughing?” he asked unbelievably. “At situation like this, you’re laughing?!”

“Bakit hindi?” tanong ko at natawa. “Nakakatawa naman talaga. Of all places, Lyle?”

“There was no other place to hide. Rooms in this floor are not affected by the security camera maintenance,” he explained.

Hindi na ako kumibo. Lalo kaming pinagpawisan dahil sobrang sikip, sobrang init, at sobrang dikit namin sa loob. Wala nga rin akong ibang nakikita bukod sa mukha ni Lyle na nasisinagan ng ilaw mula sa napakaliit na mga butas.

Kahit tagaktak ng pawis ay ang gwapo pa rin itong tingnan. Out of nowhere, Lyle licked his lower lip while looking at the holes.

I gulped as I had my eyes fixated at his lips.

Ang ganda rin pala ng kurba nila?

And out of my great embarrassment, Lyle looked at me and caught me looking at his lips. I turned my gaze elsewhere.

“Stop imagining things,” he warned me.

“I’m not imagining things,” I defensively said.

“Then why are you looking at my lips? It’s not a romance movie, sweetheart. Wake up your mind.”

I scoffed. “Sino nagsabing gusto ko ng romance?”

Bahagya kaming natahimik nang may dumaan na guard. Siniksik namin ang isa’t isa at ang baba ni Lyle ay nasa ulo ko na at ako naman ay halos ibaon na ang mukha ko sa dibdib niya huwag lang maaninag ng gwardiya.

“He’s gone…” bulong ko.

We partly separated.

“Hanggang kailan pa tayo rito?”

“Few minutes,” sagot niya. “Until that guard is gone.”

Muli kaming natahimik at hindi na malaman ang gagawin.

“Reign, do you wanna play Two Truths, One Lie with me?” Lyle said out of the blue.

“Ano ’yon?” sagot ko.

“I’ll tell you three things. Two from them are truths and one is a lie. You need to know which one is the lie.”

“But-”

“One…” he said, shrugging me off. “You don’t like Grey. Not yet, could be.”

I looked at him, didn’t know what to say.

“Two, sooner or later, you’d fall for me.”

I scoffed as his lips blossomed a smirk.

“And three…”

That was the moment that the smirk on Lyle’s lips slowly faded. Instead, he looked at me intently; from my eyes, down to the tip of my nose, and to my lips.

“I wanna kiss you,”  he whispered in the most masculine yet soothing voice possible. “Right now…”

PART TWENTY-TWO: Catch The Culprit

“I wanna kiss you.”

Lyle whispered in the most masculine yet soothing voice while looking at my eyes, to the bridge of my nose, and down to my lips.

“Right now…”

I gulped.

Hindi ko malaman ang gagawin. Sa sobrang kalabog ng dibdib ko ay pakiramdam ko’y nanlalambot na ang mga tuhod ko.

Mula sa pagkakatingin sa labi ko ay umakyat ang tingin niya sa mga mata ko. Inilapit pa niya nang kaunti ang katawan niya sa akin dahilan para magdikit kami nang tuluyan.

Ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula sa uniform niya dahil sa pawis.

“Reign…” bulong niya habang nakatitig sa mga mata ko. “Do you want to kiss me?”

Walang kahit na anong bahid ng emosyon ang mukha niya nang sabihin niya iyon pero ang mga mata niya’y namumungay.

I gathered myself together and met his eyes bravely.

“Hindi mo ba ma-kontrol ang sarili mo?” tanong ko.

Lyle stared at me amusingly.

“You have no idea,” he said. “Push me if you don’t like, close your eyes if you do.”

“Pwede bang—”

In a snap, Lyle wrapped his one hand around my waist while his other hand was on the wall, right beside my face.

Lalong nagdikit ang mga katawan namin. Pakiramdam ko ay nakuryente ako.

Hindi kumikibo si Lyle. Nakatingin lang siya sa mga mata ko at bahagyang ngumisi.

“Do you feel me?”

I looked at him, didn’t know what to react.

“Close your eyes,” he said playfully. “Don’t worry, no one will know.”

Lyle tilted his head and started inching the gap of our face and I can hear nothing but my loud heartbeat.

Pero bago pa tuluyang may mangyari ay para akong binuhusan ng malamig na tubig nang maramdaman ko ang unti-unti niyang paggalaw.

The next thing I knew, isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya at natigil siya.

Bahagya ko siyang itinulak at sinapo namanniya ang pisngi niya at tiningnan ako nang masama.

“Siraulo ka ba?!” galit kong tanong. “Hindi lahat type ka, Lyle. Wala akong pakialam kung Heimsworth ka o kung sino ka man. Stop taking advantage of the situation, spoiled brat!”

Bubuksan ko na sana ang pinto nang higitin niya ako sa braso.

“But you liked it,” he said.

“Wala akong sinabi,” mariin kong sagot.

“I asked you. You didn’t push me,” he answered sharply too.

“Ngayon tinutulak kita,” sabi ko at muli siyang tinulak. “Ayan!”

Hinigit niya ang dalawa kong kamay, ikinulong sa mga palad niya, at idinikit sa dibdib niya.

“You liked it at first,” Lyle said, calm yet authoritative. “Nag-hesitate ka lang. Takot ka malaman ni Grey?”

Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya.

“I told you, no one will know,” Lyle followed.

“Maluwag na nga ata talaga ang turnilyo mo,” sagot ko. “May something sa amin ni Grey. We’re getting there. Paano mo… naatim ’tong ganito?”

Lyle wasn’t answering. He was just looking at my face.

“Ganito rin ba ang ginawa mo noon? Kaya kayo nabuwag tatlo nila Levi?” I asked mockingly. “Nang-aagaw ka?”

Lyle’s lips parted for few seconds and in my great surprise, he smiled.

That’s when my eyes widened.

Tama nga kaya ang hula ko?

“Fascinating…” sagot ni Lyle habang tinititigan ako.

Bago pa ako makapag-react ay biglang bumukas ang pinto. Nang makita ko kung sino ang nagbukas ay nanlumo ako at hindi malaman ang gagawin.

Bahagya itong nabigla. Mula sa pagkakatingin sa akin ay lumipat ang tingin nito kay Lyle. Kung dati-rati ay nakangiti ito parati, ngayon ay wala na itong emosyon at hindi ma-ipinta ang mukha.

“Mr. Finch nariyan ba sila?!” rinig naming boses sa ’di kalayuan.

Boses iyon ng guidance counselor namin. Tumingin sa direksyon niya si Grey at pilit na ngumiti.

“Wala po.”

Grey threw us a final glance and from there, I saw pain in his eyes.

“Wala po sila.”

For the next hours, gaya ng inaasahan, napatawag din ako sa guidance office. Kanina pa naroroon sina Braelyn, Missi, Reese, at Everleigh. Ipinatawag ako dahil pinagpipilitan ng mga naka-away namin na ako ang nagsimula.

“Hindi po,” pagsisinungaling ko. “Wala nga po ako sa canteen n’on.”

Lalong nagalit ang mga iyon. Halata kasi na nagsisinungaling na ako pero kami ang pinapanigan ng school. Hindi kasi pwedeng ma-dissolve ang 12-A, takot na lang nila sa mga magulang ng mga ito.

“AYAN, OH!” sigaw ng babaeng naka-away ko. “Halos pumutok ’yong kabi ko! Sino pong gagawa nito?”

“Malay namin,” sagot ni Braelyn. “Paki namin sa ’yo?”

“Baka naman pinagsasampal mo na sarili mo?” tanong ni Reese. “You know, baka fetish mo ’yong nasasaktan ka.”

“Miss Turner, language!” saway ng counselor.

“Ba’t ba sinisisi n’yo si Reign for something that she didn’t do?” naka-cross arms at chin up na tanong ni Missi. “Gusto mo akuin ko na at paputukin ko na ’yang labi mo for real para valid na paninisi mo?”

“See?! See?!” sabi ng kabila. “Ma’am, nangako kami na mananahinik na kami. Sila ang gumulo sa amin!”

Nagkakagulo sa loob dahil binato ni Missi ng liptint ang isa at binato rin pabalik. Pati ako ay naki-awat dahil si Braelyn ay ready na rin bumira.

“Miss Miller, what’s your take on this?” the counselor finally asked.

Lahat kami ay tumingin kay Everleigh na naka-cross arms at tahimik lang na naka-upo. Kahit hindi kumikibo ay kita ang poise at pagka-chill nito.

“As stated in the Section 17, Article III of the 1987 Constitution, no person shall be compelled to be a witness against himself. I therefore invoke my rights against self-incrimination, ma’am. I refuse to answer.”

Lahat kami ay napanganga. Everleigh said that with a straight face.

“Anong article-article?” tanong ng ka-away namin. “Sumagot ka! On what grounds na ayaw mo, huh?”

“On the grounds that I don’t want to talk,” she answered sharply. “If you want to hear things from me, I want my lawyer to represent me. Hangga’t wala ang lawyer ko, hindi ako magsasalita.”

She crossed her legs and looked straight again.

Napatayo sila Reese at pumalakpak habang ang kabila ay stressed na stressed—maging ang guidance counselor.

Matapos ang napakahabang pagtatalo ay kung hindi pa dumating si Sir Ivan ay hindi pa matatapos ang lahat.

“See?” sabi ni Everleigh sa mga kaaway namin. “No evidence, no crime.”

Tumalikod ito at lumabas matapos mapagdesisyunan na pag-uusapan ito sa presensya ng mga magulang.

“No crime, no case,” dugtong ni Braelyn at lumabas.

“No case, no punishment,” sagot ni Missi at lumabas na rin.

“No punishment, goodbye,” sunod ni Reese.

Nang ako na lang ang natira ay nagtinginan sila sa akin, maging si Sir Ivan

“Goodbye, adios,” sagot ko at lumabas na rin.

Nang lumabas ako ng pinto ay hinihintay nila ako. Ipinaiwan ang mga naka-away namin dahil sa ginagawa nila kay Jal.

“Woah…” sabi ni Reese. “Ito na pala ang Star Player natin.”

“Ako ang Star Player, ’no,” sabi ni Braelyn. “Pinadugo ko ilong n’ya wala pang one minute, e. Kita mo ba iyak niya?”

Inakbayan siya ni Missi at tiningnan ako. “Ikaw nagsimula ng away pero ikaw tumakbo, huh?”

Napalunok ako nang tingnan nila akong lahat. Thinking about it now, sobrang nakakahiya.

I bit my lower lip.

“Guys…” sabi ko at bumuntong-hininga. “Sorry—”

Natigil ako nang biglang mag-thumbs up si Missi at ngumiti.

“Well, you did the right thing,” Missi followed. “Hinihintay lang nila na magkaroon ng ganito.”

“And you blocked their long desire of 12-A getting dissolved,” sabi ni Braelyn at nag-thumbs up din. “Good job!”

Sa hindi malaman na dahilan ay gusto kong ma-iyak.

Tinapik ni Reese ang balikat ko at ngumisi bago tingnan sina Braelyn at Missi.

“Tara sa labas, kain tayo corn dog.”

“’Yooon!” reaksyon ng dalawa at inakbayan sila pareho ni Reese.

In a snap, I saw myself watching the three as they were leaving.

“How does it feel?” biglaang tanong ni Everleigh. Dalawa na lang kaming naiwan.

“Terrible,” sagot ko.

“As you should,” dugtong niya at tiningnan ako. “Iniwan mo kami when in fact ikaw ang nagsimula. Well, I hate what you did but I like the reason why.”,

Tiningnan ko siya. Hindi ako makapaniwalang maririnig ko ’yon mula sa kanya.

“But I must warn you…” biglang sabi ni Everleigh. “Masama ang mamangka sa dalawang ilog.”

I looked at her, confused.

“Don’t say anything,” Everleigh followed. “Save it for him.”

Pagtingin ko sa tinitingnan niya ay halos manlambot ang mga tuhod ko nang makita si Grey na naglalakad papalapit sa amin.

Everleigh looked at me once more and gave me a small smile before she walked away.

Nanatili akong nakatayo at huminto si Grey sa harapan ko.

“Nasa loob si Sir?” tanong niya.

Tumango ako.

“Thank you,” sagot niya.

Akmang papasok na siya sa loob nang hawakan ko ang braso niya. Nilingon niya ako.

“Why?” he asked calmly.

When I met his eyes, that’s when I knew he wasn’t fine.

“Are you okay?” tanong ko.

He nodded while meeting my eyes.

“Are we okay?”

With that question, Grey’s facial expression changed.

“Why wouldn’t we be?”

Confirmed.

He was hurting.

Grey forced a smiled. “I’m okay. We’re okay.”

Hindi ako kumibo. Nakatingin lang ako sa kanya.

“Your lips may not say it but your eyes are telling me the truth,” I said.

Grey shook his head and he patted my hair softly.

“I understand. I’ll choose to understand.”

“Pero nasasaktan ka. Hindi pwedeng parati ka na lang uunawa. Normal lang ang magalit. Okay lang ang maguluhan.”

“Pero okay lang din bang magselos kahit walang tayo?” tanong niya at malungkot na ngumiti. “Gusto kita ipagdamot pero hindi ka naman sa ’kin.”

“Grey…” I muttered.

He forced a smile.

“Besides, ayaw kong ma-suffocate ka. I don’t want to invalidate your feelings. I don’t want you to feel distant about people around you just because of me. Kaya hangga’t kaya ko naman, uunawain ko. Uunawain kita. Mag-a-adjust ako kasi ganoon naman dapat. If we’re not perfectly fit for each other then we’ll adjust to make things work.”

Hindi ako makakibo. Worried na tinitingnan ko lang siya.

“I’ll be fine,” he said. “I promise.”

Doon bumukas ang pinto at dumungaw ang guidance counselor namin.

“Mr. Finch, come inside.”

Grey cupped my face gently for one last time.

“I’ll go.”

Just like that, he finally went inside.

Nang ako na lang ang tao sa buong hallway ay naglakad ako papuntang East Wing.

Nag-aalala ako para kay Grey, sa totoo lang.

Nang makasiguradong walang tao ay pumunta ako sa may hagdan malapit sa lumang clinic na ngayon ay halos maging abandonado na.

Mula roon ay nakita ko ang isang lalaking hindi mapakali. Nang makita ako ay doon lang ito nakahinga nang maluwag.

“Reign!” bungad nito at agad akong nilapitan.

He’s undercover 094.

Matapos ko ilagay sa Progress Report ko noon ang tungkol sa pang b-bully kay Jal tuwing lunch ay sinabihan na ako ni Prosecutor Jax na maglalagay sila ng undercover every lunch bukod sa akin para pag-aralan ang ginagawa kay Jal.

Ang naging usapan namin ay i-t-triggrt namin ang 12-A na makialam. Gusto ni Prosecutor Jax na makita kung gaano sila magiging agresibo at ano ang kaya nilang gawin sa panahong agresibo sila. Only by then, they can evaluate who has the potentials.

Kaya tuwing lunch break ay parati kong pinupuna ang ginagawa nila kay Jal pero kahit ni-isa ay walang nangingialam. Not until today. Isa sa mga signal ay ang pagbato ko ng ballpen, at na-gets naman niya iyon.

Every lunch lang siyang nakakapasok dahil sa mga panahon na ’yon hindi masyadong mahigpit ang security. After lunch ay aalis na rin siya. Nakatrabaho ko na siya nang maraming beses at ang specialization niya ay ang pagkuha ng mga ebidensya.

“Na-video-han mo ba?” tanong ko.

Tumangu-tango ito.

“Nasaan ang camera mo? Patingin?” tanong ko at tiningnan ang paligid kung may paparating ba.

“Hindi pwede. Hindi kaya,” natatawa nitong sabi.

“Bakit?” tanong ko at nanlaki ang mga mata. “Don’t tell me—”

Ngumisi siya lalo. “Oo. Nandito.”

Itinuro niya ang suot niyang eyeglasses. Built in na sa eyeglasses ang camera at iyon ang ginamit niyang pang-video.

“Whoa…” reaksyon ko. “High budgeted ka, a?”

Natawa ito. “Hiniram lang ’to ni Detective Howell, actually. Mission cleared na ako at hindi mo na ako makikita every lunch. Paano ka?”

“Wala akong choice. On going pa ang mission ko. Kumusta ka? Kayo?”

“Puro drug-related ang undercover operations, nakakadala na,” sabi nito. “By the way, mag-iingat ka. Hinahanap ka pa rin ng sindikato, Reign.”

Tumango ako. “Mag-iingat ako. Sige na, baka mahuli ka pa.”

“Good luck,” sabi nito at nagsuot ng coat.

Nag-salute ito bago umalis.

Habang pinanunuod siya paalis ay doon ako napabuntong-hininga.

Naramdaman ko ang pagod at umupo ako sa hagdan. Doon ko naramdaman ang lahat ng kirot at pananakit ng katawan. Dumurugo pa nga ang malaking hiwa sa hita ko na kanina ay hindi ko napansin.

Napangiti ako kahit bahagyang naluluha.

At long last, I can say this again.

“Undercover 092, joint mission cleared…”

———

THIRD PERSON POV.

Kanina pa tulala si Howell sa screen ng computer niya at kahit pa-ulit-ulit na binabasa ang progress reports ni Reign sa mga nagdaang araw.

“Bakit hindi alam ni Missi i-spell ang pangalan niya? Nahihirapan lang ba talaga siya dahil conflicted at mahaba talaga, o tanga lang ’yong bata?” tanong niya sa sarili.

“Itong si Reese, nakakatakot. Parang bigla ka na lang ilalaglag sa hagdan anytime. Si Levi may pagka presko. Si Nash, ambitious. Si Everleigh, ang hirap basahin. Si Braelyn, galit sa kapitalista pero mukhang pera.”

Napa-iling si Howell at tiningnan ang latest voice recording na katatapos lang niya i-transcribe.

“At heto, imbes na naka-focus ako sa kung sino ang pumatay, kinikilig pa ’ko kay Lyle at Grey. Sino ba sa kanila, Reign?”

Natawa siya sa sariling iniisip. Natigil si Howell nang pabalang na bumukas ang pinto at pumasok si Jax. Naka-puti itong polo na naka-tuck in sa itim nitong slacks.

“Howell, pick up your things,” ma-awtoridad nitong sabi.

Napatayo siya. “Sa’n tayo pupunta? Hindi pa ako tapos—”

“Pick. up. your. things,” sagot ni Jax at pumunta sa table nito para kuhanin ang ilang dokumento sa table niya.

Aligagang nagsuot si Howell ng coat at kinuha ang flashdrive sa laptop niya. “Saan tayo pupunta?”

“Come with me,” sagot ni Jax at nagsuot din ng coat at ini-ayos ang relo bago lumabas.

Sinundan ito ni Howell. “Jax, ’wag mo ’kong i-war shock. Partner tayo rito, ’wag mong solohin ang lahat, okay?”

“I’ll tell you. Basta sumunod ka,” sagot ni Jax nang hindi man lang siya nililingon.

“About what?” Howell asked. “Jax, litung-lito na ’ko. Kanina lang kung anu-anong parcel ang dumarating sa ’yo then now bibiglain mo ako sa ganito? Give me a heads up, at least.”

Huminto si Jax at tiningnan ang paligid. Nang walang nakatingin kay binulungan niya si Howell.

“May possible lead na ako sa involvement ng 12-A,” sabi ni Jax.

Howell’s eyes widened. “How?”

“Not here. Tara sa kotse.”

Few minutes later, both of them were inside the car. Gulat na gulat si Howell sa dokumentong nakita.

“Then it means…”

“Yes,” sabi ni Jax. “It’s all about money.”

Napa-iling si Howell. “Pambihira.”

“Here’s the thing. Two years back, naging intern ng 12-A—na dating 10-A dahil nga Grade 10 pa lang sila that time—si Teacher Jess. Dahil sa galing niya, na-absorb siya ng West Carson High right after she graduated. Since private school sila, teaching without a license yet wasn’t an issue. Though, months after it, pumasa naman si Jess sa Licensure Exam.”

Kwento ni Prosecutor Jax.

“Here’s the twist. Noong internship ni Jess, nagkaroon ng conflict sa 10-A. Hindi ko pa alam kung ano, paano, o bakit pero ang sigurado ay mayroon. According sa reports ni Reign, the same timeline, nasira ang friendship nina Lyle, Levi, at Grey. Since okay si Grey at Levi, the problem could be on Lyle or on the two.”

“Hindi ba dahil nakulong ang tatay ni Lyle?” tanong ni Howell. “You know, the graft case, the same reason why Avery Heimsworth left.”

“Akala ko rin,” sabi ni Jax. “Pero kung hindi dahil kay Reign, hindi pa natin malalaman na hindi iyon ang rason. Lyle wasn’t bullied. He was, in fact, the bully. Kumbinsido na ako na unti-unti at isa-isa niyang sinisira ang mga kaklase niya—Nash, Levi, and now he’s planning to take down Missi, gaya ng sinabi niya kay Reign. Everything boils down to what happened two years back.”

“Anong connect ni Lyle kay Jess?” tanong ni Howell.

“I don’t know. Noong internship ni Jess ay malamang may nalaman siya tungkol sa 12-A. Kaya hindi na siya pina-alis pa ng West Carson High at ginawang adviser pa mismo nila, instead na si Ivan. Kaya nang dumating ang final year nila ng high school, they disposed her and buried all the secrets along with her death when they had the chance. Ivan got promoted to 12-A and the rest… is history.”

“Tang ina…” bulaslas ni Howell. “Mga bata ba ’tong mga ’to?!”

Natawa si Jax. “Same reaction, dude.”

“What about Hale? Bakit nadamay si Hale?”

“Like Jess, Hale knows something. Try to imagine it. Bakit sa bahay niya ginawa ang party, with disabled CCTV and all? They wanted him to take their downfall. I know, it’s too early to say but my evidence will soon tell.”

“Pero sobrang influential ng family ni Hale. I mean, hello, it’s Parker Holdings? Bakit nila gagawin ’yon sa kanya at bakit pumayag ang angkan niya?”

“That’s what I discovered recently,” sabi ni Jax at may ibinato na newspaper kay Howell na agad nitong sinalo.

“Nag-retire na as CEO ang lolo ni Hale pero hindi siguradong sa daddy niya mapupunta ang position. May ibang gusto ang board of directors.”

“Paano mo ’yan alam?” tanong ni Howell.

“Nag-invest ako sa Parker Holdings under my dad’s name. Technically, isa na ako sa shareholders.”

“WHAT?!” bulaslas ni Howell. “Dude, you went that far?!”

“Wala na akong choice, Howell. Besides, babawiin ko rin naman ang pera, madali lang ibenta ang stocks ng Parker Holdings lalo na’t nagpapalakihan na ng shares ang dalawang kampo para sa nalalapit na eleksyon ng susunod na CEO.”

“Anong kinalaman niyan sa case?” Howell asked.

“Here’s what I found out,” sabi ni Jax. “Nadiskubre kong miyembro ng Board of Directors ang lolo ni Braelyn at lolo ni Everleigh. One of the investors din ang parents ni Nash sa subsidiaries ng Parker Holdings. Tito ni Missi ang gustong iluklok ng ibang shareholders. Ang mother ni Lyle, Grey, at Levi ay may stock din sa kanila. Reese’s family invested also last year.”

“That’s… a migraine,” reaksyon ni Howell. “Does it mean hawak ng 12-A ang Parker Holdings?”

“That’s it,” sagot ni Jax at mapait na ngumiti. “Malapit na ang election for the next CEO. If lalabanan ng pamilya ni Hale ang 12-A, mawawala sa kanila ang kumpanya na ilang dekadang itinaguyod ng angkan nila. Kapag mas malaki ang accumulated shares ng mga sumuporta sa ’yo, you can be the CEO. If you’ll go against them, you would lose the candidacy. You know how the corporate world works, Howell. Walang pamilya-pamilya.”

“They held his family captive. Ngayon, ginawa siyang sacrificial lamb. Wow…” napasandal si Howell sa head restraint at na-frustrate. “Kahit si Satanas kakabahan sa ginagawa nila, e.”

Nakangiting umiling si Jax. “That’s why we need to win this case. Hindi lang simpleng murder case ito, Howell. For sure, marami pa tayong posibleng madiskubre. Desidido akong tapusin ito. And let’s start with him.”

Tiningnan ni Howell ang litratong ini-abot sa kanya ni Jax.

“The ace of the first set of undercovers.”

When Howell recognized the photo, his eyes widened when he looked at Jax.

“Ivan Gliponeo…”

On the other hand, the man that they were talking about was inside the guidance room.

Halos kalahating oras na siyang naroroon at nakikinig lang sa mga kapwa niya guro na nagsasalita. Karamihan sa mga ito ay may mga edad na at iisa lang ang gusto ng mga ito—i-dissolve ang 12-A o ibigay sa iba ang modelling slot dahil na rin sa gulo na kinasangkutan ni Braelyn.

Hindi kumikibo si Ivan. Pinaglalaruan niya lang ang tubig sa baso na hawak niya at banayad iyong ini-ikot-ikot habang pinakikinggan sila.

“The murder case of their adviser, Mr. Parker as the suspect, kanina lang gumawa sila ng gulo, who knows what’s more?” tanong ng isa. “When are we gonna realize that 12-A is no longer as great as they used to be?”

Bahagyang nag-igting ang panga ni Ivan pero hindi siya kumibo. Instead, he unbuttoned two of his buttons gently and played with his glass.

Iyon ang hinihintay nila: ang pagbagsak ng 12-A.

Dahil nga sa dami ng controversy na sangkot ang section ay gusto na nila itong bitawan.

“Masyadong risky ’yang ganyan. Alam n’yo naman ang mga magulang nila,” sabi ng counselor. “Break muna for ten minutes. Let’s decide after the break. Ivan, may sasabihin ka ba?”

“Nothing,” sagot ni Ivan at sa glass lang nakatingin.

“O, siya, sige. Take the ten minutes break.”

“Ba’t kasi ayaw pang i-dissolve ’yong mga ’yon? Nang matikman nila ang mga kalokohan nila.”

Tiningnan ni Ivan ang nagsalita. Iyon ang adviser ng section na naka-away ng mga estudyante niya. Iyon din ang nagpupumilit na i-dissolve ang mga estudyante niya at tanggalin ang dalawa sa pagiging model.

Pinanuod niya ito at nang tuluyan itong lumabas ay tsaka niya ibinaba ang baso at sinundan ito.

Sumisipol pa ito habang papaliko ng pasilyo at pumasok sa loob ng comfort room.

Ivan looked around. When he made sure no one else was there, he loosened his necktie and went inside too.

Umiihi pa ang lalaki nang datnan niya. Tinabihan niya ito at nagbukas din ng zipper at umihi.

Tiningnan siya nito at umiling. Matapos nitong umihi ay pumunta agad ito sa may lambabo at naghugas ng kamay.

Hindi kumikibo si Ivan. Kahit na anong bahid ng emosyon ay wala siya.

“Grabe,” biglang sabi ng lalaki. “Bakit ba kinukunsinti mo ang mga estudyante mo? Noong panahon ni Jess, hindi naman sila ganyan.”

Ivan zipped his pants and went to the sink to wash his hands. Nagkatabi sila ng lalaki at nang magtama ang paningin nila ay ngumisi ito sa kanya.

“Ivan, talo ka na,” sabi nito. “Tanggapin mo na lang ako resulta, ha?”

Tumawa ito at tinapik ang balikat niya.

Akmang aalis na ito nang bigla siyang magsalita.

“Paano kung ayoko?”

The guy looked back, confused.

Pinunasan ni Ivan ng tissue ang kamay at nilingon ang lalaki.

“Paano kung ayaw ko, sir?”

The guy scoffed. “May choice ka ba?”

“I have a lot,” Ivan said sharply. “Ikaw ba, mayroon?”

“Bakit… ganyan ka tumingin?” sabi nito. “Don’t glare at me!”

Natigil ito nang maglabas si Ivan ng kutsilyo mula sa gilid ng medyas niya.

Pinagpawisan ang lalaki at ni-nerbiyos. “Ivan…kung ano man ang iniisip mo—”

“Wala akong iniisip,” sagot ni Ivan at tiningnan ang kutsilyo. Kumikinang ang gilid at dulo nito dahil sa ilaw. “Unless you’ll give me something to talk about. Like talking shit about me and my students, perhaps.”

Napa-urong ang lalaki. Gusto na nitong tumakbo.

“Sir, remember the top one in your class?” tanong ni Ivan. “I found out her grades and Grey’s grades were switched. I have a proof.”

Ipinakita niya rito ang litrato sa cellphone niya. Mga kuha iyon sa isang steak house.

The guy’s eyes widened. “You…”

“What about me?” tanong ni Ivan at unti-unting nilapitan ang lalaking nanginginig na sa takot.

“’Wag kang lalapit!”

Natigil ito nang marahas na lumapit si Ivan. Halos mapahiyaw ito nang maramdaman nito ang kutsilyo sa tagiliran niya.

“Stay the fuck away from me and my class, do you understand?”

Nagmamaka-awang tumangu-tango ang lalaki habang naliligo sa sariling pawis.

“Oo! Oo!” sigaw nito. “Hindi na ako mangingialam! I promise!”

“I don’t trust you,” pabulong na sagot ni Ivan.

Bahagya siyang lumayo at nang may maisip ay bahagyang ngumiti.

“Sira ang pintong ’yan, ’di ba?” tanong niya.

“O-Oo,” sagot ng lalaki. “Nabubuksan sa labas pero hindi sa loob…”

Nanlaki ang mga mata nito nang maunawaan ang gustong ipakahulugan ni Ivan.

“Ten minutes break?” Ivan asked. “How about you stay here for ten hours?”

“Ivan, no—Ivan, don’t—VAN!!!”

In a snap, the door closed. Hampas nang hampas ang lalaki sa pinto at tawag nang tawag sa kanya, nagmamaka-awa. Pero wala siyang naririnig mula sa labas.

Isinilid ni Ivan ang maliit niyang kutsilyo sa bulsa niya at akmang maglalakad nang mapansin ang lalaking nakasandal sa dingding.

“G-Grey?” tanong niya at bahagyang nagulat. “Kanina ka pa riyan?”

Tiningnan ni Grey ang pinto ng banyo at tiningnan si Ivan.

“Grey, tara sa—”

“I saw it,” putol nito sa kanya. “I heard everything, Sir.”

Ivan was taken aback. Hindi niya malaman ang gagawin.

“Don’t worry, I won’t tell anyone,” Grey followed. “He deserves that.”

Ivan met his eyes. “Sigurado ka?”

Tumango si Grey. “I liked it, sir. Consider me now as your ally. Anong kailangan kong gawin para makabawi?”

Ivan stared at Grey for few seconds.

“Ano bang kaya mong gawin?” tanong niya.

“Anything, sir,” Grey said with a straight face.

“Are you sure?”

Grey nodded.

Ivan looked at him amusingly yet cunning and suddenly, his lips curved a smirk…

Sa isa namang lugar ay makikita si Howell na nasa loob ng isang ospital at binabantayan si Hale. Matapos nila mag-usap ni Jax ay pinagbantay siya nito.

Nanunuod lang si Howell sa TV nang makita niyang nagtatakbuhan ang mga tao sa labas. Tumayo siya at binuksan ang pinto. Hindi nga siya nagkakamali, nagkakagulo nga ang lahat. Kahit ang pulis na nagbabantay sa labas ng kwarto ni Hale ay wala na.

“Miss, anong mayroon?” harang niya sa isang tumatakbo.

“May nagwawala sa ibaba, may dalang granada!”

“Ano?!” gulat niyang tanong. “Tumawag na ba sila ng pulis?”

“Oo, narinig ko ’yong nurse. Hindi raw kaya n’ong guard.”

Nagpapanic na tumakbo ang babae.

“Shit!” bulyaw ni Howell.

Nang may mamataan siyang nurse ay agad niya itong hinarang.

“Miss, pabantay naman nitong pasyente. May gulo sa ibaba, tutulong ako.”

“Sir, mapanganib po. Tumawag na po kami ng—”

“Ng police?” putol ni Howell at ipinakita ang badge niya. “Pulis ako.”

“Oh…” reaksyon ng nurse. “Sige po, sir.”

“Salamat. Ito number ko. Call me if something happens, okay?”

Tinapunan niya ng tingin si Hale bago tuluyang umalis.

At hindi nga nagkakamali ang babae. Isang lalaki ang nasa ibaba at may hawak na granada. Nag-aamok ito at nagbabanta na magpapasabog kung hindi ilalabas ang anak nito. Sinubukan niya itong pakalmahin pero lalo itong nagagalit sa bawat minutong lumilipas na hindi nito nakikita ang anak.

Dumating ang mga pulis at pinaligiran ito. Si Howell naman ay kinakausap ang lalaki at pilit ito na pinakakalma.

Habang nagkakagulo sa ibaba ay isang tao ang nasa kahabaan ng pasilyo. Nakasuot ito ng itim na jacket na may hoodie, bilog na salamin, at ang uniporme.

“Nurse! Nurse! Si mama nagpa-panic attack!”

Mabilis na lumabas ang nurse sa isang kwarto at pumasok sa kabila. At iyon mismo ang hinihintay niya.

Nang mawala ang nurse sa kwarto ay siya naman ang pumasok. Sinilip niya at nagkakagulo pa rin ang mga tao kaya walang nakakapansin sa kanya.

Tiningnan niya ang katawan ng lalaking nakahiga at napangisi.

“It’s been a while, Hale…”

Agad niyang inilabas ang syringe mula sa bulsa ng jacket niya at may inilagay na likido mula sa isang maliit na bote. Nang mapuno ay itinusok niya iyon sa silicone hose na nakakabit kay Hale.

“Now, die…” bulong niya rito.

Pinanuod niya kung paano pumasok sa katawan ni Hale ang inilagay niya. Tiningnan niya ang sariling relo at binilingan ito.

“3…” bulong niya.

“2…”

“1…”

Saktong pagkasara niya ng pinto ay narinig niya ang tunog na kanina niya pa hinihintay.

Nagsimulang mangisay si Hale at ang monitor nito ay umingay. At dahil nagkakagulo ang mga tao, walang sinuman ang nakaririnig.

Isinuot niya ang hoodie niya at naglakad papalayo nang may ngiti sa mga labi.

Sa kabilang dako, matapos ang matagal na pagpapaliwanag sa lalaking nag-aamok ay hindi pa rin ito tumitigil. Tingin ni Howell ay may sakit ito sa pag-iisip. Sinenyasan niya ang isang pulis na pwersahin na ito.

Sa isang iglap, tinalunan ng isang pulis mula sa likuran ang lalaki dahilan para tumumba sila. Ikinulong ito ng pulis sa bisig niya para hindi makawala.

Agad namang sumugod si Howell para protektahan ang granada mula sa pagsabog. Hiyawan ng mga tao ang sunod na maririnig.

Nang makasiguradong ligtas ito mula sa pagsabog ay tumayo si Howell na pawis na pawis. Ini-abot niya sa mga kasamang pulis ang mga granada habang ang lalaki ay hinuhuli. Natigil lang siya nang mag-ring ang phone niya.

“Hello?” sagot niya habang nagpupunas ng pawis. “Sino ’to?”

“SIR! ’YONG PASYENTE!”

Parang binuhusan si Howell ng malamig na tubig nang marinig iyon.

Nanlaki ang mga mata niya kinalaunan. Alam na niya ang ibig sabihin ng tawag.

Pero bago pa siya makatakbo papunta sa kwarto ni Hale ay isang tao ang pumukaw ng paningin niya. Kabababa lang nito at dinaanan sila.

Nakasuot ito ng itim na hoodie, bilog na salamin, at sa loob nito ay ang school uniform—ng WEST CARSON HIGH.

Sa pagkakataong iyon ay para siyang nanigas sa kinatatayuan niya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay parang naramdaman nito ang titig niya. Bigla itong tumigil at lumingon.

When their eyes met, Howell felt the unfathomable amount of fear and terror.

Nakilala niya ito. Hindi siya nagkakamali.

Lalo siyang nangilabot nang unti-unting tumaas ang sulok ng labi nito habang nakatingin sa kanya.

While everyone was in chaos, with a pounding heart inside him, Howell finally uttered his name.

“Grey…”

PART TWENTY-THREE: Ivan’s Little Secret

THIRD PERSON POV.

“Grey…”

Hindi makapaniwalang nakatitig si Howell kay Grey. Hinding-hindi siya nagkakamali. Kilala niya ang mukha nito—mula sa tangkad, sa mata, maging ang tindig. Ilang buwan na niyang pinag-aaralan ito at ang mga kaklase nito kaya’t alam niyang hindi lang siya namamalik-mata.

Habang dinadakip ng mga pulis ang lalaking nagwala sa ospital ay ilang segundo silang nagkatitigan ni Grey.

Out of all his personal suspects, Grey was his least suspected one. That’s why seeing him now after what just happened to Hale, he felt like he was getting sick.

Grey was smirking at him. Tiningnan nito ang nagkakagulong mga pulis at nang bumalik sa kanya ang tingin nito ay doon unti-unting nawala ang pagkakangisi nito.

Ibinaba ni Grey ang hood ng hoodie niya, sapat para matakpan ang mga mata niya. Bahagya din nitong itinaas ang salamin gamit ang isang daliri. Ngumiti ito ng tipid bago tumalikod at tuluyang naglakad papalayo.

Animo’y nanlambot si Howell at nabalisa. Hindi niya malaman ang gagawin. Para siyang nanigas sa kinatatayuan niya at sa sobrang lakas ng kalabog ng dibdib niya ay pakiramdam niya, mawawalan na siya ng malay.

“Sir! Sir!” rinig niyang tawag ng nurse sa kabilang linya. Rinig niya ang tunog ng makina mula roon.

Doon din niya napansin ang mga doktor kasama ang ilang nurse at ang dalawang pulis na supposedly ay bantay ni Hale. Kumakaripas ang mga ito ng takbo paakyat.

“May nakakita pong pumasok sa loob kanina!” rinig niyang sabi ng nurse. “Nakasalamin daw pong bilog at itim na hoodie—”

Dumulas ang phone mula sa kamay ni Howell nang marinig iyon habang pinanunuod si Grey na naglalakad papalayo.

Hoodie.

Specs.

That’s it. That’s him, bulong niya sa sarili.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa pagkakataong iyon. Nangangatog man ay nilakasan niya ang loob at sinimulang habulin ito.

“HOY! TUMIGIL KA!” sigaw niya habang hinahabol ito.

Pinagtitinginan na siya ng mga tao pero hindi pa rin siya nililingon nito.

“GREYSEN FINCH!”

Nang lumingon ito ay hinablot niya ito sa balikat at pwersahang inilagay ang kamay nito sa likod.

“D-Detective,” gulat nitong reaksyon. “Bakit po?”

“’Wag ka nang sumagot,” sabi niya at kinakapa ang posas sa bulsa niya. “May nakakita sa ’yo.”

Kumunot ang noo ni Grey at nang makita ang posas ay doon ito pumalag at umalma.

“Teka ho, teka lang,” sabi nito at pilit na lumalaban. “Ano bang ginawa ko? Anong nahuli? Detective, saglit!”

Ngumisi si Howell at pinuwersang muling ilagay ang mga kamay ni Grey sa likod nito.

“Do you think no one would know?” tanong ni Howell.

“Ano ba kasing ginawa ko?!” bahagyang tumaas na ang boses ni Grey. “Let me know why I am getting arrested, at least!”

“You have the right to remain silent—”

“Ano ba!” sagot ni Grey. “Detective, nasasaktan na ’ko. Teka—”

“Grey? Howell?”

Pareho silang napaharap. Si Jax iyon at naguguluhan na nakatingin sa kanila.

“Ano nangyayari?” tanong nito.

“I-I don’t know, Prosecutor!” sagot ni Grey. “Bigla na lang akong nilapitan ni Detective at gustong posasan.”

Pinagtitinginan na silang lahat at tagaktak na ang pawis ni Howell. Tiningnan siya ni Jax at alam niyang nanghihingi ito ng explanation mula sa kanya.

“Someone tried to kill Hale tonight,” tipid niyang sagot.

Nanlaki ang mga mata ni Jax at ni Grey.

“W-What?” tanong ni Grey.

“Paano? Kumusta siya?” tanong ni Jax.

“Ginagamot siya ngayon,” sagot ni Howell.

Akmang tatakbo papasok si Jax ng ospital nang pigilan siya ni Howell.

“Nandoon na ang mga bantay ni Hale at ang mga doktor. Mas kailangan kita rito, Jax. We got him,” Howell looked at Grey. “The culprit.”

Grey’s eyes grew bigger and his lips parted.

“Hindi po ako ’yon…” sagot ni Grey. “H-Hindi ako ’yon, sir!”

Nagkatinginan si Jax at Howell. Kapwa ito nanlulumo.

“May nagtangka nanamang pumatay kay Hale?” concerned na tanong ni Grey. “Sir, kumusta siya? Did he survive? He did, right?”

Hindi malaman ni Howell kung umaarte lang ba ito.

“’Wag ka nang magsinungaling. May nakakita sa ’yo,” sabi niya rito. “Makipag-cooperate ka na lang sa ’min—”

“Hindi nga po ako ’yon!” tumaas na lalo ang boses ni Grey. “I didn’t even see him!”

“May nakakita nga sa ’yo!” sigaw ni Howell.

“Sir, you’re aiming at the wrong guy! Hindi nga ako—”

“MANAHINIK KA!” sigaw ni Howell at pwersahan itong itinalikod. “MAGPALIWANAG KA NA LANG SA AWTORIDAD!”

“I’m telling you the truth!” Grey defended himself and looked at Jax. “Prosecutor, it’s not me!”

“Do you have evidence?” tanong ni Jax kay Howell. “I know desidido na tayo pero hindi tayo pwedeng basta-basta na lang manghuli. Sa atin ang balik nito.”

“I know,” sagot ni Howell. “May nakakita sa kanya. Nasa taas ang nurse at ang witness.”

“What?!” reaksyon ni Grey. “Ano bang nakita nila? I… I literally didn’t see Hale! I didn’t do anything!”

Tiningnan ni Jax si Howell, naghihintay ng isasagot.

“Ang suspek ay nakasuot daw ng hoodie, uniporme sa loob, at bilog na salamin,” mariing paliwanag ni Howell at halata sa boses nito ang galit. Hawak-hawak pa rin nito ang mga kamay ni Grey na nasa likod nito at hindi ito pinakakawalan. “Ngayon mo sabihin sa ’king hindi ikaw ’yon?! Ngayon mo—”

“What’s…this?”

Natigil si Howell at napatingin sa tatlong babae na nasa pintuan ng ospital. Nagtatawanan pa ang mga ito kanina at literal na natigil dahil sa nakita.

Nakilala sila ni Jax. Sina Missi, Braelyn, at Reese ang mga ito.

Nang tingnan nila ang mga suot nito ay doon sila halos takasan na ng bait.

Gaya ni Grey ay mga naka-hoodie rin itong itim, nakasuot din ng uniporme, at pare-parehong bilog na salamin.

“The fuck…” bulong ni Howell.

“Anong nangyayari?” tanong ni Reese. “Bakit…n’yo sinasakal si Grey?”

“Are you arresting him?” tanong ni Braelyn. “Anong… ginawa niya?”

“Arrest agad?” tanong naman ni Missi. “Baka naglalaro lang ng Doctor Quak Quak, kayo naman.”

Natawa si Missi sa sariling biro ngunit nang makitang seryoso ang lahat ay tinikom niya ang bibig niya.

“Sabi ko hintayin n’yo ’ko, e!”

Lalong nanlambot sila Howell at Jax nang lumitaw si Reign at gaya nila Grey, Missi, Braelyn, at Reese ay naka-hoodie rin ito at bilog na salamin.

“Grey?”

Mula sa loob ng ospital ay lumitaw si Everleigh. Ganoon din ang suot nito.

“What’s… going on?” bulong ni Jax.

Maya-maya lang ay may nakita silang doktor at may kasama itong lalaki na gaya ng 12-A, ay ganoon din ang suot. Namukhaan nila ito bilang ang magkapatid na Brent at Levi Hudson.

“Guys!” kaway ni Levi sa kanila. Nawala ang ngiti nito nang makalapit at nakita ang kalagayan ni Grey. “Brad… ba’t ka poposasan? Anong nangyayari?”

Hindi sila makasagot. Wala ni-isa ang makasagot.

Natigil lamang sila nang lumitaw si Nash kasama ang manager nito sa hagdan at nakasuot din ito ng hoodie at bilog na salamin.

“NAAAAASH!” tili ni Missi at kinawayan ito.

Nang makita sila ni Nash ay kumaway ito pabalik.

Lalong nanghina si Howell nang ma-realize na hindi lang si Grey ang nakasuot ng mga bagay na sinabi ng nurse.

“Bakit pare-pareho kayo ng suot?” tanong ni Jax sa kanila. “Tang ina… anong nangyayari?”

“Class picture po namin kanina at ito ang theme,” sagot ni Reign at bakas sa mata nito ang pag-alala. Nagkunwari itong hindi sila kilala.

Ramdam ni Howell ang pagkapahiya.

“Lahat kayo ganyan ang damit?” tanong muli ni Jax.

“Yes, daddy,” nakangising sagot ni Reese.

Natatawang hinampas ni Braelyn at Missi si Reese.

“Why? Daddy type naman talaga siya, a?”

Nang tingnan ni Jax si Reign ay binigyan niya ito ng signal na huwag itong uuwi. Kahit sa titig lang ay alam niyang na-gets nito iyon.

“May problema po ba?” tanong ni Levi at nagpapalit-palit ang tingin nito kay Grey at kay Howell. “Nasasaktan na po ’yong kaibigan ko.”

Hindi na kumikibo si Grey. Nakatingin na lang ito sa sahig at halatang nagtitimpi.

“On what grounds are you arresting him?” tanong ni Everleigh at lumapit. “Anong ginawa niya? May ebidensya ba kayo? Don’t tell me all you have are baseless—”

“May nagtangka nanamang pumatay kay Hale,” putol ni Howell dito.

Nagulat sila at nagsimula ang bulungan.

“And?” tanong ni Everleigh. “Kami agad ang suspect?”

Hindi makapaniwalang tiningnan ni Howell si Everleigh.

“May nakakita, miss.”

“Anong nakita?” Everleigh said sharply without even dodging his eyes.

“Na ’yong nanggaling sa kwarto ni Hale ay kapareho ninyo ng suot,” Jax answered.

Napatakip ng bibig nag iilan.

“So?” tanong ni Everleigh. “Pwede ko sabihing may nakita rin ako pero hindi totoo. You do realize how words can kill, right?”

“I know, but—”

“But what?” putol ni Everleigh dito. “Baka mamaya ’yong nakakita ay siya pala ang gumawa. Masyado kayong naka-focus sa amin na baka ’yong hinahanap ninyo ay wala pala talaga sa amin, ’di ba?”

“Miss Miller, hindi naman sa—”

“Nasaan ka?”

Natigil sa pagtatalo si Everleigh at si Jax nang marinig iyon mula kay Howell.

“Nasaan ka kanina?” tanong nito kay Grey.

“Maniniwala ka ba?” tanong pabalik ni Grey.

Howell’s jaw clenched. “Tell me.”

Lahat ay pinanunuod sila. Maging si Reign ay ramdam ang tensyon.

“I went to Doctor Brent to give him meds,” sabi ni Grey. “Okay na?”

“That’s true,” sagot ni Brent na kasama ni Levi. “Kung gusto ninyo makita, nasa office ko.”

“Bakit?” tanong ni Howell. “Bakit mo siya binigyan?”

“Because I said so.”

Lahat ay natigil at napalingon. It was Ivan.

Gaya nila ay nakasuot din ito ng hoodie at bilog na salamin. Ang buhok nitong parating naka-brush up ay bagsak na rin.

Lumapit ito sa kanila at nakapamulsa ang isang kamay.

“Good evening, Sir,” bati ng ilan sa 12-A.

Huminto si Ivan at tiningnan si Jax at si Howell.

“Any problem?”

“May muntik nanamang pumatay sa isa mong estudyante,” sabi ni Jax.

Ivan’s lips parted.

“Then that means you and the security failed to do your job. Why harass my students?”

Ini-alis nito ang kamay ni Howell kay Grey.

“If you need to ask me questions, ’wag rito,” sabi nito at tiningnan ang paligid. “Masyadong magulo.”

Tiningnan nito si Howell. “Parang kayo.”

Ngumisi ito nang makita ang galit sa mukha ng dalawa.

Ivan placed his hands inside his pockets.

“12-A, go home. Gabi na.”

“Opo, Sir,” tugon ng mga estudyante.

Inakbayan ni Ivan si Brent at naglakad ang dalawa papalayo. Kung titingnan ay halatang magkaibigan ito.

Ramdam na ramdam ni Howell at Jax ang pagkapahiya. Sa totoo lang ay hindi nila malaman ang gagawin.

Grey looked at them sharply before he completely walked away.

“Grey—”

Natigil si Reign nang hindi siya kibuin ni Grey. Kahit ni-isa sa 12-A ay wala itong tiningnan o kinausap. Tuluy-tuloy lang ito sa paglalakad.

“Ako na bahala,” sabi ni Levi at sinundan ang kaibigan. “Grey, saglit!”

Nag-aalalang nakatingin naman si Braelyn.

“Wow…” sabi ni Reese at tiningnan si Howell at Jax. “Walang iyakan mga sir, ha.”

Pumasok ito kasama si Missi. Sumunod naman si Braelyn at si Everleigh.

“Howell, it’s okay,” sabi ni Jax sa kaibigan.

Hindi kumibo si Howell at iniwan si Reign at Jax doon. Umakyat ito sa hagdan at alam niyang papunta ito kay Hale.

“Ayos lang po ba kayo?” tanong ni Reign nang sila na lang ni Jax ang naroroon.

Tumango si Jax. “Na-record mo ba lahat?”

Tumango rin si Reign.

“Nice,” sagot ni Jax. “Send mo tonight ’yong files.”

“May ibibigay din po ako,” sabi ni Reign. “’Yong footage po ng cafeteria.”

“Na-obtain mo na?” tanong ni Jax.

Tumango rin si Reign.

“Reign!” sigaw ni Reese na kalilingon lang. “Tara na!”

“Nice meeting you, Sir,” pagkukunwari ni Reign at nakipag-shake hands kay Jax.

“Nice meeting you rin, Reign,” pakikisali ni Jax.

Lumapit si Braelyn para akayin si Reign. Nang maabutan nila si Reese ay tsaka siya inakbayan nito.

“Nang-aagaw ka ng sugar daddy ha,” biro nito sa kanya.

Nagkunwari si Reign na natawa at habang naglalakad papalayo ay nilingon niya si Jax.

Si Jax naman ay hawak-hawak ang maliit na flash drive na palihim na ibinigay sa kanya ni Reign nang mag-shake hands sila. Isinilid niya iyon sa loob ng bulsa ng coat niya at sinundan si Howell.

Sa kabilang dako, makikita si Nash na naglalakad kasama ang manager nila.

Kanina kasi ay pinagkaguluhan ang class room nila dahil sa kanya kaya sinundo siya nito. Nang malapit nang matapos ang klase ay pinabalik siya para sa class picture nila at lahat sila ay nakasuot ng itim na hoodie at bilog na salamin bilang main theme nila.

Pumunta siya sa ospital kasama ang mga kagrupo niya pagkatapos para sa i-update ang physical exam at medical records nila. Hindi niya inaasahan na maging doon ay magkakagulo ang section nila.

“’Wag mo munang isipin ’yong gulo na nakita mo,” sabi sa kanya ng manager nila. “May i-f-film kayo. First video iyon to be uploaded after your music video. Kailangan good ang impression sa ’yo ng tao, okay ba?”

“Opo,” sagot niya.

“Sige na.”

Binuksan nito ang pinto ng van para sa kanya at tumambad sa kanya ang mukha ng mga members niya.

“Nash, bilis!” sabi ng isa. “Ikaw na lang hinihintay.”

“Sorry,” sabi niya at pumasok sa loob. “Naka-set up na ba?”

“Yes,” sabi ng leader. “Ito suotin mo para pare-pareho tayo ng damit.”

Inabot ng leader nila sa kanya ang isang t-shirt at hinubad niya agad ang uniform at hoodie na suot niya at mabilis na nagpalit.

Ilang minuto lang ay umandar na ang kotse at naghaharutan na ang mga members niya sa loob.

“Saan ka pala galing kanina?” tanong bigla ng main dancer nila. “After ng physical exam mo nawala ka for ten minutes. Hahanapin sana kita kaso tinawag na ako.”

Lahat ay tumigil at nilingon siya.

“Wala. Naglibot lang,” sagot ni Nash. “Anong video ang i-r-react natin for reaction?

“Music video ng senior group natin, nag-comeback sila kanina lang.”

Tumangu-tango si Nash. “Sige, ready na ’ko.”

“Okay, first introduce natin ang group, then—wait, si Levi ba ’yon? ’Yong actor?”

Lahat ay napatingin sa bintana at hindi nga sila nagkakamali. Si Levi iyon at si Grey at halatang nagtatalo ang mga ito.

“Classmates mo ’yon, ’di ba?” tanong ng isa sa kanya.

“Oo…” mahina niyang sagot.

“Nakita ko siya kanina,” sagot ng face of the group nila. “Nagpa-autograph ako kasi idol siya ng kapatid ko. Kaso nagmamadali siya at tinatanong sa nurse anong room number n’ong classmate n’yong naka-confine kaya hindi na ako nakapag-pa-picture. Sayang nga.”

“Ba’t niya hinahanap si Hale?” tanong ni Nash.

His co-member shrugged.

“Okay, we’ll start in 3… 2… 1…” bilang ng leader nila at pinindot na ang camera.

“FREEZE! Hey, we are SYNK!” sabay-sabay nilang pakilala.

Pilit na ngumiti si Nash sa camera.

Habang isa-isang nagpapakilala ang mga miyembro niya ay tiningnan muli ni Nash si Levi at Grey sa bintana. Halata nga na nagtatalo ito sa daan.

Anong

pinag

aawayan

nila?   he asked himself.

He heaved a sigh.

———

Matapos ang ilang oras ay tuwang-tuwang nilantakan ni Missi ang burger na nasa harapan niya. Kasalukuyan siyang nasa loob ng fast food restaurant kasama sila Reign, Reese, at Braelyn dahil sarado na ang ilang restaurant.

Pumunta sila ospital dahil na rin sa dami ng kalmot nila sa braso at hita dahil sa nangyaring away. Na-p-paranoid si Missi at baka raw magpeklat iyon kaya sinamahan na nila siyang magpakonsulta.

“The best!” sabi ni Missi at muling kumagat sa burger. “Their whopper bugger doesn’t disappoint at all!”

Nakangiwing inabutan siya ni Reese ng tissue. “Ayan ba ’yong nililibre sa ’yo ni Levi before? N’ong mga panahong secret pa ang feelings niya at ikaw na si gaga ay clueless?”

Natawa si Reign. “Grabe ’yong description.”

“Totoo naman,” sabi ni Reese at ini-abot kay Reign ang fries nito.

“Bakit ba ayaw mo kay Levi?” tanong ni Braelyn.

“Not really ayaw,” sabi ni Missi. “Pero kasi, I can see him as a brother. We literally grew up together, ’no. Tsaka, we talked about it. Cool naman kami. I feel bad, yes. Pero anong magagawa ko? Besides, I’m dating.”

Nasamid ang tatlo.

“Weh?!” tanong ni Braelyn.

“Oo nga!”

“Seryoso ba?” tanong ni Reign.

Tumango si Missi.

“Baka imagination mo nanaman ’yan? Kagaya n’ong grade eight, sabi mo nag-d-date kayo nung guy from the other school pero ang totoo, wala siyang alam?” tanong ni Reese.

“Totoo na ’to!” sabi ni Missi at pinakita ang picture nila. “Ayan oh!”

Napasinghap sila.

“Artista ’to, ’di ba?” tanong ni Reign.

Tumango si Missi at kinuha ang phone niya pabalik.

“Ang hilig mo sa artista lately,” sabi ni Braelyn.

“Syempre. Kung masasaktan lang ako, doon sa pogi na.”

They burst out laughing.

“Ba’t ’di n’yo inaya si Leigh?” tanong ni Braelyn.

“Hayaan n’yo s’ya, baka masampal ko na ’yon,” sagot ni Reese at nginuya ang yelo ng drinks niya.

“Kanina pala, may muntikan nang… you know, pumatay kay Hale,” sabi ni Reign.

“Well, he survived,” sagot ni Missi.

“Okay lang sa inyo ang ganoon?” tanong ni Reign.

Natigil ang tatlo.

“May magagawa ba kami?” tanong ni Reese. “Blame it to his security. Tama si Sir Ivan, they sucked.”

Natahimik sila nang ilang segundo.

“Oo nga pala, Missi. Nasaan ka kanina?” tanong ni Braelyn. “Ikaw ang nauna sa hospital pero you met us outside. What for?”

“Nagkakagulo kaya sa loob,” sagot ni Missi. “Si Reese ang tanungin mo. May hawak na syringe n’ong nakita ko sa labas.”

“Ah, ’yun ba? Napulot ko lang ’yon. Ang cute kaya, may design!” sabi ni Reese. “Ikaw, Brae? Bakit ka late?”

“Tumakas lang ako, ’no,” sabi nito at natawa. “Why are we suspicious of each other? Don’t tell me nasa atin ang gumawa nun kay Hale, ha?”

At habang nagkakatuwaan sila ay tahimik na nakikinig  si Reign. Hindi nila alam, ni-r-record na nito ang lahat mula sa recorder nito na nasa ilalim lamang ng lamesa…

———

“I’M GONNA KILL THEM, JAX!”

Galit na galit si Howell. Kasalukuyan silang nasa loob ng kwarto ni Hale at katatapos lang maka-usap si Ivan.

Ayon dito, inutusan nito si Grey na dalhin ang mga gamot sa kaibigan nitong si Brent Hudson na isang doktor. Mga gamot daw iyon mula sa Hawaii kung saan nakatira ngayon ang mga magulang ni Ivan. Sumunod siya kinalaunan dahil may naiwan si Grey na gamot

Ayaw iyong paniwalaan ni Howell pero wala naman silang ebidensya para idiin ito o kung sinuman sa 12-A. Nang tanungin nila ang witness, napag-alaman nilang matanda ito at bulag na ang isang mata. Nang kausapin ni Ivan ay hindi na nito malaman kung iyong nakita ba niya ay dumaan lang o lumabas mula sa kwarto.

Hanggang ngayon ay naaalala pa rin nila ang ngisi sa labi ni Ivan na para bang kinukutya sila.

Nakaligtas si Hale at ngayon ay lalong dumami ang mga pulis na nagbabantay. Kung hindi ito naabutan ng nurse ay malamang umpekto na kung anuman ang itinurok ng hindi pa nakikilalang tao.

“Masyado tayong ipinahiya ng mga tao na ’yon…” bulong ni Howell. “Don’t expect me to do nothing!”

“Kumalma ka muna,” sagot ni Jax. “After all, tama naman sila. You were too aggressive, Howell. Naiintindihan ko naman, pero—”

“Uuwi muna ako. Hindi ko kayang kumalma hangga’t nandirito ako,” sabi ni Howell at kinuha ang coat niya. “Don’t call me. I’ll see you in the office.”

Tumalikod ito at muli siyang hinarap.

“That Ivan. You know that we can’t just let him go. He’s dangerous, Jax. Too dangerous to be on the loose.”

After saying those words with fear and anger in his eyes, Howell turned his back without looking back at Jax.

Napahawak na lang si Jax sa ulo niya at napasandal sa dingding.

“Ang sakit na ng ulo ko sa inyo…” bulong niya at bumuntong-hininga. Tiningnan niya si Hale at awang-awa siya rito. “But Howell is right. That Ivan is suspicious.”

Tumayo siya at may tinawagan. Ilang segundo lang ay sumagot na ito. Ngumiti siya.

“Hello, Tyler. It’s Jax…”

———

Lyle can be seen inside his car. Nasa back seat siya at suot-suot ang headphone niya.

Hindi kagaya noon na parati itong walang emosyon, ngayon ay nakangiti ito habang nakatingin sa bintana.  Maging ang driver niya ay napansin iyon.

“Sir, may nangyari po ba?” tanong nito sa kanya. “Tuwang-tuwa ho kayo.”

Tinanggal ni Lyle ang isa niyang headphone mula sa tainga niya para marinig ito.

Umiling lamang si Lyle.

“Naku, sir, huli ko po kayong nakitang ganyan ay noong bumalik na ang ate ninyo. May nangyari po ba sa ospital na pinuntahan ninyo?”

Tiningnan muli ng driver si Lyle mula sa rearview mirror at doon nito napansin na naka-hoodie pa rin itong itim at bilog na salamin.

Ngumiti ito sa kanya.

“Wala po.”

Ngumiti lalo si Lyle at tumingin. Kitang-kita niya ang replesyon niya sa salamin at ang repleksyon ng isang gamit na kanina pa niya hinahawakan mula sa bulsa ng hoodie niya.

At isa iyong syringe.

———

Sumisipol na ipinarada ni Ivan ang kotse niya at bumaba mula roon. Inilagay niya ang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya habang ang isa ay iniikot ang susi sa isa niyang daliri.

Hindi niya maiwasang mapa-iling habang nangingiti.

“Pathetic…” bulong niya habang inaalala ang nangyari.

Akmang bubuksan na niya ang pinto ng bahay niya nang may maramdaman siyang presensya. Huminto siya at awtomatikong nawala ang ngiti sa mga labi.

“You’re late,” a woman voice said.

When Ivan figured out whose voice was that, he closed his eyes for few seconds. The woman was standing few steps away from him with her arms crossed.

“What brings you here?” he asked without looking at her.

“Hindi mo man lang ba ako babatiin?” tanong ng babae at nilapitan siya. “It’s pass twelve, Sir. Eighteen na ’ko.”

That’s when Ivan finally looked at the woman.

“Everleigh, go straight to the point. What do you want?”

Everleigh scoffed. “Bakit ang sungit mo? I just… want some protection.”

“From what?” Ivan asked.

“From everyone,” sagot ni Everleigh. “Lyle knows my secret, fyi.”

Ivan’s eyes widened. He got alarmed. “Paano?”

Everleigh shrugged. “He probably bribed my sister, I don’t know. Basta alam na niya.”

“Bakit hindi ka nag-ingat?” tanong ni Ivan. “Alam mo namang—”

Everleigh laughed mockingly. “I have no control over Lyle. Sa buong 12-A, alam mong hindi ko siya kayang pa-ikutin. Kaya nga ako nandito, Sir. I am asking for your help.”

“And what makes you think that I will help you?” Ivan asked sharply.

“Simple,” Everleigh answered and she inched their gap. She touched his face and smirked. “Because I am your dirty little secret, Ivan.”

The smirk on Everleigh’s face faded. She looked straight into his eyes.

“You dated me, remember?”

PART TWENTY-FOUR: The Moment His Heart Beats

THIRD PERSON POV.

“You dated me, remember?”

From that moment, Ivan lost his cool.  Tiningnan niya ang paligid at nang masiguradong walang ibang tao ay agad niyang nilapitan si Everleigh.

“What are you saying?” pabulong ngunit matalim niyang tanong.

Hindi nagpasindak si Everleigh at tiningnan din siya sa mga mata. Ngumisi ito nang makita kung gaano siya na-alarma.

“Sir…” panimula nito at malumanay na idinikit ang daliri nito sa dibdib niya. “Nakalimutan mo na ba?”

Ivan aggressively took her hand away from his chest. Everleigh was caught off guard at first but she smirked out of amusement.

“Don’t act like nothing happened,” sabi ni Everleigh at lalo itong nilapitan at binulungan. “Especially when you kissed me.”

Ivan looked at her with sharp eyes.

“Okay, past is past,” sabi ni Everleigh. “But that past will haunt us forever, Ivan. Mawawalan ka ng lisensya bilang teacher at masisira ang reputasyon ko sa school and I might even kicked out.”

Ivan was at a loss for words. He was just staring at her.

“We did it before and we can do it again. Si Miss Jess and si Hale lang ang naka-discover before and now they’re out. Even my sister is out. What makes Lyle special?” Everleigh asked. “Eliminate him, Ivan. Protect me and our dirty little secrets, hmm?”

Everleigh smiled at him for one last time before finally turning her back and walking away.

Habang pinanunuod ito paalis ay samu’t saring ideya ang pumapasok sa isip niya. Nang tuluyang makapasok si Everleigh sa isang kotse at kalauna’y umandar na iyon, isinilid niya sa bulsa ng pantalon niya ang mga kamay niya at pinanuod ng kotse na maglaho sa paningin niya.

The smile on Ivan’s lips disappeared when he was finally left alone. He went inside his house, did his regimen, and stayed in the shower for half an hour without doing anything.

Nakatayo lamang siya at hinahayaan ang tubig mula sa shower na lunurin siya. May bahagyang usok na tumatapis sa hubad niyang katawan na nanggagaling sa hot shower.

Nasa ganoon siyang kalagayan nang may isang ideya ang pumasok sa isip niya. Tumingala siya at hinayaang basain ng tubig mula sa shower ang mukha at ang itim niyang buhok.

When he looked at the mirror in front of him and saw his reflection, Ivan couldn’t help himself but to stare at his eyes.

“So Lyle knows…” he murmured to himself. Ivan licked the corner of his lower lip and smirked. “This is getting more exciting…”

Sa kabilang dako, matapos ang ilang oras, ay makikita si Everleigh na nasa harap ng salamin. Kagagaling niya lang sa shower at ngayo’y naka-upo sa harap ng salamin at sinusuklay ang sariling buhok.

Hindi niya maiwasang mapangiti sa tuwing maaalala ang reaksyon ni Ivan kanina. She wasn’t even sure if they really dated or not—but for her, they did.

It happened few months ago. Katatapos lang nila ng Grade 11 at nag-c-comply na lang for the academic year clearance.

Simula noong pumasok si Ivan sa West Carson High nang Junior High School pa lang sila ay natipuhan na niya ito. Pero hindi kagaya ng karamihan na nagustuhan ito dahil sa hitsura nito, mas nagustuhan niya si Ivan dahil sa talino nito.

Noong una pa nga ay wala siyang pakialam dito. Pero nang marinig niya itong magsalita sa isang forum sa school nila ay doon na siya tuluyang na-attract.

She’s not the type of a woman who would go crazy over a man. For her, love was childish. It motivates people to do better but most of the time, it was a distraction. As a woman full of ambitions, getting distracted by love was the least thing she’d settle with, but Ivan made her break her rules.

Hindi naman siya kagaya ng karamihan na vocal sa pagkakagusto sa guro. Gusto lang niya ay parati niya itong nakikita, wala nang iba. Kaya nang tumuntong sila ng Senior High School at nabalitaan niyang naghahanap ang school ng magiging adviser nila ay ginawa na niya ang lahat ng magagawa niya para matulungan ito.

She helped him without him knowing. She even used her family’s influence. At the end, Ivan was chosen and she was the happiest. Not until few days after, Miss Jess, their intern teacher in 10th grade, got absorbed by the school and came to the scene. Results were changed drastically.

At the end, Miss Jess became the then’s 11-A (now 12-A)’s adviser. Everleigh was upset. What infuriated her more was the fact that Ivan accepted it wholeheartedly.  All her efforts were wasted.

Kaya sa buong school year ay naging teacher na lang nila si Ivan sa Social Science subjects at hindi siya kuntento roon. She wanted to see him often than that.

Miss Jess needs to be eliminated, she thought.

At hindi lang siya ang naka-isip n’un. The whole class agreed.

Sobrang

judgemental niya!“ reklamo ni Nash.

“She keeps on insulting my dad!

Kasalanan

ba ng

tatay

kong

nagtratrabaho

siya

sa

gobyerno

?!“ angal ni Braelyn.

Mahina

raw

utak

ko. ’

Di

siya aware,

palad

ko

malakas

,“ sabi ni Missi.

“Late lang ako ng two minutes,

bawal

na

agad

pumasok

.

S’ya

nga

late last week,

pinalabas

ko ba siya?“ reklamo ni Reese.

Pumayag

si

Dean na mag-half day ako kasi may taping ako,

tapos

siya

ayaw

niya. Type ba ako

n’un

at gusto ako makita ’till dismissal?“ inis na sabi ni Levi.

Everyone of them wanted her out. Kahit ang buong school ay ganoon din ang gusto. Miss Jess was a woman of her words. Hindi siya basta-basta nagpapatinag—kahit pa sa school officials. That’s why everyone regretted why they didn’t choose Ivan.

It was during the clearance period when the conflict with their adviser was uncontrollable. Bali-balitang papalitan si Miss Jess kung mayroong kayang tumapat sa kanya credentials-wise and the whole school knew that only Ivan can match her.

But Ivan was no longer interested. Nang kausapin nila ay masaya na raw ito na wala itong advisory class. Nagtuturo na lang ito ng social science subjects at adviser ng School Journalism.

Of course, that didn’t stop Everleigh. One night, he saw Ivan coming out from a Karaoke Hub with his friends. Lahat sila ay lasing na at maging si Ivan ay hindi na makalakad ng tuwid.

Ivan sent his friends away and when he was left alone, doon ito nilapitan ni Everleigh. Ni-hindi nga siya nito nakilala. Tumawag na lang siya ng taxi at inakay ito papasok. Nang akbayan siya nito ay grabe ang kalabog ng dibdib niya.

Inihatid niya ito sa bahay nito dahil nag-aalala siyang baka pagnakawan ito kung sakali at hindi nga siya nagkamali. Sa buong biyahe ay tulog na tulog si Ivan sa balikat niya at kung hinayaan niya ito ay baka ano na ang nangyari.

She sent him home. Nang makapasok sa loob ay inihatid niya ito sa kwarto nito. Ivan threw himself to his bed and closed his eyes while breathing heavily. Aalis na sana si Everleigh pero nang tingnan niya ito ay grabe ang tibok ng puso niya.

Nakatihaya si Ivan sa kama nito at pinagpapawisan. Bukas ang tatlong butones ng puting polo nito at kita niya ang pamumula ng pisngi, tainga, leeg, at dibdib nito.

Everleigh went to him. Pinunasan niya ang pawis sa pisngi nito bago siya umalis but along with doing it, she felt a sudden burst of wanting to kiss him. She was scared but she was thrilled.

Right when she was close of doing it, Ivan opened his eyes slightly. Everleigh was shocked.

In her great surprise, Ivan’s lips parted and he gently smiled at her and he did something she had never imagined—HE KISSED HER ON HER CHEEK.

The kiss lasted for few seconds until Ivan uttered his ex’s name and finally fell asleep.

Hindi malaman ni Everleigh ang mararamdaman. She knew he mistook her as his ex but the butterflies caused by the kiss was something that made her wide awake all night.

Hindi rin iyon naalala ni Ivan kinabukasan. Everleigh was also prepared to keep it as a secret but the universe was against it. Isang araw, bago ang recognition day for the Grade 11 academic awardees, someone blackmailed her.

May nag-send sa kanya ng mga litrato nila ni Ivan na pumapasok sa bahay nito nang gabing iyon. Turned out, it was the school utility guy who was waiting outside Ivan’s house the same night to borrow some money.

Binayaran niya ito kapalit ng pananahimik nito. Sa kasamaang palad, nalaman ni Ivan ang lahat, including the kiss and he apologized to her. Everleigh wasn’t pleased. Halatang awkward na sa kanya si Ivan at nilalayuan siya nito and she didn’t like it.

Like a sly fox that she was, she used her ace card against him—she blackmailed him too. Gamit ang mga litrato ng gabing ’yon mula sa utility guy, she threatened him that he might lose his license.

Kapalit ng pananahimik niya ay ang presensya ni Ivan. Sa tuwing aalis siya ay gusto niya samahan siya nito. Sa gabing mag-c-crave ay gusto niyang ipag-drive siya nito at samahang kumain. Kung may pupuntahan siyang museum or concert, he needed to be there. It was their set up for the whole summer break. She knew that Ivan didn’t like it but he had no choice.

It wasn’t technically a date but for her, it was.

Not until her sister caught her. They stopped right after her mother knew too. Not too long after, Miss Jess discovered it. Nang kausapin siya nito, Hale overheard it.

Now, Miss Jess was dead.

Hale was in coma.

Her sister was thrown out.

At ngayon, isang tao na lang ang nakaka-alam. She can’t afford the downfall, not now that she’s graduating with flying colors.

Everleigh looked at her own reflection.

“Lyle…” bulong niya at unti-unting nawala ang pagkakangisi. “Are you ready?”

———

Tomorrow morning, makikita si Levi na pumipikit na ang mga mata at may hawak na iced coffee. Patuloy ito sa paglalakad at nang makapasok sa loob ng itim na kotse ay agad na ibinalibag ang bag sa katabing upuan at pumikit.

“Ahhhh, salamat…” bulong nito at ngumiwi. “I’m a teenager with a back pain of a 70-year-old.”

Natawa ang manager niya na nasa passenger’s seat at katabi ng driver.

“Nakapag-goodbye ka ba sa staff?”

Tumangu-tango siya. “I did. Sa sobrang pagod ko, I can sleep for a decade and I’m not even kidding.”

Weekend ngayon at walang pasok sa school. Simula pa kaninang madaling araw ay gising na si Levi dahil may taping sila ng special episode ng isang palabas na siya ang male lead.

Noong alas siete naman ng umaga ay nag-guest siya sa isang morning show para mag-promote.

At nang mag-alas nuebe naman ay photoshoot para sa official drama posters ng bagong palabas at isa siya sa mga supporting characters.

“May schedule ba ako mamayang gabi?” tanong niya at malapit nang makatulog.

“Sa radio show mamayang alas otso ng gabi,” sagot ng manager niya. “At hindi mo pwedeng i-postpone ’yon, nangako ka roon sa senior mo na ’yon. Matampuhin pa naman ’yon.”

Levi sighed heavily. “Gusto ko na matulog.”

“Eto pala, fan gifts ’yan galing sa morning show kanina,” sabi ng manager niya.

Dumilat si Levi at inabot ang isang box na punung-puno ng iba’t ibang bagay.

“Sa bahay ko na titingnan lahat,” sabi niya at muling pumikit. “Let me sleep.”

“Hindi pwede. May schedule ka pa,” sabi nito. “Kanina pa tawag nang tawag ’yong manager ni Xyriel. Nangako ka raw na ngayon kayo magkikita sa condo niya—Levi kailan ka ba titigil sa pambababae?!”

“Ngayon,” nakapikit na sagot ni Levi. “Tell her pagod ako. Tsaka na.”

“Mayroon pa. One hour from now, sched from your classmate.”

“Tell them busy ako,” inis na sabi ni Levi.

If there’s something he hates doing now, that’s probably his school works.

“Hindi raw pwede. Sa Monday na raw pasahan ng research paper n’yo.”

“’Yan ba ’yong by pair?” tanong ni Levi at inilubog ang sarili sa neck pillow. “Sabihin mo hindi ako ma-contact.”

“Yari ka raw ’pag ’di ka sumipot,” reklamo ng manager niya.

“Sino ba ’yan?” iritableng tanong niya.

“Nashville Burlington.”

Napadilat si Levi. “Nash? Bakit si Nash? Akala ko si Reese partner ko?”

“May last minute changes daw kagabi,” sabi ng manager niya. “Kaya yari ka raw ’pag ’di ka sumipot. You look so restless. Matulog ka na nga lang, ako na bahalang mag-move nito. Same company naman kayo ni Nash, ako na kakausap. Pwede naman siguro ’to bukas—”

Nagtanggal si Levi ng neck pillow. “Nasa taas sila, ’di ba? Tapos na ba guesting nila sa GA Radio?”

“H-Ha?” takang tanong ng manager niya nang makitang nagtatanggal siya ng seat belt. “Ako na bahala—Levi—matulog ka na lang—”

“I’m good, I’m fine,” sabi ni Levi at sinipat ang sarili sa salamin. “Bakit ang gwapo ko pa rin kahit puyat?”

Hindi makapaniwalang tiningnan siya ng manager niya. “Akala ko ba matutulog ka?”

“Don’t call me. I’ll be back!” sabi nito at lumabas na ng kotse.

Mabilis na pumasok siya sa loob ng building at hinanap ang station for radio shows. May mga ilang nakakilala sa kanya at binabati niya rin ang mga ito.

Saktong pagdating niya ng fifth floor ay kalalabas lang nila Nash kasama ang mga ka-grupo nito. Bukas na kasi ang labas ng music video nila at may early taping sila for the radio show.

“Nash!” sigaw niya at nilapitan ito.

Napapalibutan pa grupo ng mga staff nang lumapit siya. Nag-bow ang lahat sa kanya as a sign of respect at ngumiti siya pabalik.

Kung gaano kalapad ang ngiti niya ay ganoon naman ang pagkaburyo sa mukha ni Nash.

“Kumusta?” tanong niya sa mga ito.

“Okay lang po,” sagot ng mga lalaki at manghang tinititigan siya.

“’Wag kayo mahiya sa ’kin, pareho naman tayo ng company,” sabi niya sa mga ito at tiningnan ang direktor na kalalabas lang. “Inalagaan n’yo ba ’tong mga ’to? Rookies ng company namin ’to. Ito future breadwinners namin, direk. Baka naman pwedeng makapag-demand ng fair screen time?”

Nagkatawanan ang lahat.

“I’ll treat them better if mag-g-guest ka rin sa amin,” sabi ng writer ng show. “Ang hirap mong i-guest!”

“Next time!” sagot ni Levi na ikinatawa nila.

Habang ang lahat ay nagkakatuwaan, si Nash ay nakangiwi.

“Ba’t ganyan ka makatingin?” tanong niya rito.

“’Di ba sabi ko mamaya nang 1PM? 12 pa lang. Baka naman pwede muna kaming mag-lunch?”

“Whoa!” reaksyon ni Levi at tiningnan mga ka-miyembro niya. “Kita n’yo ’yon? Attitude, ’di ba? Sino leader n’yo? Paruhasan n’yo ’yan. Paano nakapasa ng training ’to?”

“Nash,” sabi ng leader nila.

Nash sighed. “Okay. Sorry. Kakain muna kami.”

“Pasensya na po, wala pa po kasi ’yang tulog,” sabi ng isa.

“I know,” nakangiting sabi ni Levi. “Kakain kayo? Pwedeng sumabay? My treat, tutal senior n’yo ako.”

“’Yooon!” tuwang-tuwa ang lahat.

Kahit si Nash ay bahagya na ring napangiti nang makita kung gaano katuwang-tuwa ang mga kagrupo niya.

“Ano, akala mo makakatakas ka?” bulong ni Levi kay Nash.

Bago pa makasagot si Nash ay may lumapit na sa kanilang dalawang babae.

“Okay lang po bang mag-pa-picture?” tanong ng isa.

Nagkatinginan ang magkakagrupo at ’di malaman ang gagawin.

“Sure,” sagot ni Levi.

“Thanks! Wait, ayusin ko lang ang cam ha,” sabi ng isa.

“No problem,” tugon ni Levi.

“Hindi po kami pwedeng magpapicture,” bulong ng leader nila kay Levi. “Not until debut daw po.”

“I know,” sabi ni Levi. “Pero hindi simpleng tao ’yan. She writes blogs and maraming followers. If you say no, she’ll drag your career. Ako na bahala sa manager n’yo. I’ll explain.”

He looked at Nash and he gave him an encouraging smile.

“All set!” sabi ng babae at tumayo sa gitna.

“In 3…”

Lahat sila ay tumingin sa camera.Levi inched the gap between him and Nash.

“2…”

Inakbayan ni Levi si Nash. Sa sobrang gulat ni Nash ay napatingin siya kay Levi at saktong nakatingin din ito sa kanya at sa sobrang lapit nila ay nagkadikit na ang mga ilong nila.

Levi smiled at him. “Sa camera ang tingin.”

“1…”

Naramdaman ni Nash and mga daliri ni Levi na nasa balikat niya at tinatapik siya nang mahina.

They both looked at the camera with pounding hearts.

When Levi tightened his arms around him, Nash gulped and forced a smile, as if he wasn’t panicking inside at all.

At sa sandaling iyon, tunog ng camera lamang ang maririnig.

———

Nakatitig naman si Grey kay Braelyn na kasama niya sa National Library. Originally ay si Missi ang kagrupo niya at dahil nagkaroon ng changes ay naging si Braelyn.

Halos dalawang oras na silang naroroon at malapit nang matapos.

Kanina pa sila pinagtitinginan. Siguro ay dahil na rin sa tangkad at tindig niya. Nakasuot lang siya ng puting sapatos, itim na pantalon, itim na damit, long sleeved black and white checkered polo at ang bilog niyang salamin. Ngunit kanina ay may mga estudyanteng lumapit sa kanila para magtanong kung artista ba siya.

May mga bagong dating at pansin ni Braelyn na sila ang pinagtitinginan ng mga ito. Kung may ayaw siya sa mundo, ’yun ay ang atensyon.

“Okay lang ba kung lilipat ako ng table?” tanong ni Braelyn nang ’di na makatiis.

“Bakit?” tanong ni Grey. “Ayaw mo rito?”

“Kanina pa tayo pinagtitinginan. Naiilang na ’ko…” bulong ni Braelyn.

Bahagyang natawa si Grey. “Nahihiya ka kasama ako?”

Tumango si Braelyn.

Lalong natawa si Grey at nagtanggal na ng suot na earphone. “Do you wanna go somewhere else?”

Umiling si Braelyn. “Nandito lahat ng resources na kailangan, e. It’s just that… I don’t want the attention.”

Tumangu-tango si Grey. “Okay, sorry.”

“Hindi ka ba naiilang?”

“Naiilang,” sagot ni Grey. “’Di ko na lang pinapansin kasi kumportable ka riyan kanina.”

“Ako na may kasalanan ngayon?” pabirong tanong ni Braelyn at natawa. “Artista mga kababata mo. Endorser si Lyle, actor si Levi, model si Missi. Sa height mo ’yang pwede ka ring mag-model. Bakit ayaw mo?”

“Not really ayaw,” sagot ni Grey. “It’s just that…it’s not for me. Ayaw ko ng showbiz life, magulo. I don’t want my life to be public. I value my privacy.”

Tumangu-tango si Braelyn. “About pala last night…”

Tiningnan siya ni Grey.

“’Yong sa hospital. Are you okay?”

Grey forced a smile. “Yep. Tumawag si Prosecutor Jax later the night, nag-apologize. Pressured lang daw si Howell kaya ganoon.”

“Good to hear. Nandoon si Reign kagabi and she was calling you.”

“Really?” takang tanong ni Grey.

Braelyn nodded. “But… you ignored her. Naiintindihan naman niya pero baka kasi… you know, you need to talk, ganoon.”

“Thanks, Brae,” sagot ni Grey. “Oo nga pala, about sa modelling, kumusta? Have you heard anything from the school?”

“Wala pa nga,” sagot ni Braelyn. “Baka nga ma-kick out ako sa modelling e, which is good.”

Natawa si Grey. “Ano ba kasi nangyari at ’yong peace maker ng 12-A, nakipag-away? Why don’t you negotiate para tapos na.”

“Bahala sila riyan. Ayoko mag-sorry, deserve nila ’yon.”

Lalong natawa si Grey. “Ang liit mo pero ang taas ng pride mo.”

“YAH!” sigaw ni Brae sa kanya. “Watch your mouth ha!”

Tumayo si Braelyn at umalis.

“Saan ka pupunta?” tanong ni Grey.

“Kukuha ng libro!” sagot ni Braelyn at hindi ito nililingon.

“Duh, ano naman kung maliit? Ikaw nga ang laki mo pero…pero…” bigla siyang napahinto sa pagsasalita. “Hmmm…matangkad siya, may hitsura, model student, and responsable naman. Grrr! Bakit wala akong malait sa kanya?!”

Inis na hinanap ni Braelyn ang history book sa kahaban ng pasilyo. At habang naghahanap ay naisipan niyang magbukas ng cellphone at nakita niya ang IG stories nina Missi at Reese na nasa salon

’ Sarap

gumising

sa

umaga na alam mong hindi

ka

kabet

’, ang sabi sa caption ni Reese.

’ Babagsak

man at least

babagsak

na fresh’ , ang caption naman ni Missi.

Napa-iling na lang si Braelyn at pinatay ang cellphone bago isinilid sa bulsa ng pantalon niya.

“HR 201… HR 206… HR 2017…”

Huminto siya sa pagbibilang nang ma-realize na nasa pinakatuktok ng bookshelf ang libro.

“Wow, need ko ba lumipad?” inis na tanong ni Braelyn at pilit na inaabot ang libro. Gagamitin sana niya ang stairs para roon pero wala sa pasilyo nila.

Tumingkayad at tumalun-talon pa siya pero wala pa rin. Pilit na inaabot iyon ni Braelyn nang walang anu-ano’y may isang kamay ang umabot ng libro. Nang lumingon siya para tingnan kung sino iyon ay nabigla siya.

It was Grey.

Walang hirap nitong kinuha ang libro. Nakatingala siya rito at nang magtama ang paningin nila ay ngumiti ito sa kanya.

“You should’ve called me.”

Bago pa makapagsalita si Braelyn ay mga nagtatakbuhang estudyante ang dumaan sa masikip na pasilyo dahilan para mapansandal siya sa book shelf at magdikit ang katawan nila ni Grey.

Umuga ang bookshelf kaya agad siyang hinawakan ni Grey sa braso at hinapit nito ang bewang niya, dahilan para lalo silang magdikit.

“Okay ka lang?” nag-aalalang tanong ni Grey.

She couldn’t talk. Her heart was beating insanely and she can’t control it.

“O-Oo,” sagot niya.

Tiningnan ni Grey nang masama ang mga estudyante.

Braelyn, on the other hand, touched her chest. Her heart was beating aggressively. If it was because of the danger or the way Grey held her, she can’t tell which…

———

For the hundredth time, Reign sighed. Kasalukuyan siyang nasa loob ng coffee shop kasama ang taong never in her life na aakalain niyang magiging kagrupo niya—si LYLE HEIMSWORTH.

Naka-upo ito sa harap niya at tuwid ang tingin. Nakasuot ito ng puting sapatos, itim na pantalon, puting t-shirt, at sky blue na denim jacket.

Kahit pinagtitinginan ito at pinagbubulungan ay wala itong pakialam.

“Lyle, listen,” sabi niya rito. “Hindi ito pwede.”

Ibinalik niya ang flash drive na ibinigay nito.

“Ang sabi, by pair. Bakit mo tinapos lahat?”

Lyle looked at her uninterestedly. “Because I want to work alone.”

Reign closed her eyes hardly and opened them again.

“I understand, it happens. Pero ngayon, by pair ito. Lahat dapat bunga ng brainstorming natin. Kapag nagtanong ang teacher natin, alam natin dapat lahat cover-to-cover, okay?”

“No,” sagot ni Lyle. “Hatiin na lang natin. Akin first half, sa ’yo ang remaining. Get this file, kunin mo ’yong  part ko, delete the second half, then ilagay mo ang iyo. Solved.”

“Hindi ganoon,” nagsisimula na siyang mainis. “Kailangan connected ’yong gawa natin.”

“Then connect your research to mine. If you can’t, just use my output at pag-aralan mo na lang para ma-defend mo in case the teacher asks bunch of questions. Don’t stress yourself,” Lyle said nonchalantly.

“Hindi ako freeloader, Lyle,” sagot ni Reign.

“Wala akong sinabi.”

Reign’s eyes widened. “We are supposed to do it by pair! Simula hanggang dulo!”

“Who told you I need a pair?” tanong ni Lyle.

“And who told you gusto kita ka-pair?” ganti ni Reign.

“Then let’s stop this. Magsarili na lang tayo,” sabi ni Lyle at kinuha ang flash drive.

“Tingin mo papayag si ma’am?” tanong ni Reign.

“You know what, you’re giving me a migraine,” sabi ni Lyle at tumayo. “Tell our teacher I backed out.”

“Talaga!” ganti ni Reign. “Kawalan ka ba?”

“That’s not insulting me because I don’t know what kawalan is,” sagot ni Lyle. “Bye—”

“Lyle? Lyle Heimsworth?”

Pareho silang natigil at nang tingnan ni Lyle ang apat na babae ay napatili ang mga ito.

“Ikaw nga! OMG! Pa-picture po!”

Hindi mapakali si Lyle. He was uncomfortable and it was obvious.

“Kung alam n’yo lang ugali niyan,” bulong ni Reign at uminom. Halos maibuga niya ang iniinom niya nang makita ang napakaraming tao na nagkukumpulan sa labas.

Hindi ito pinapapasok ng guard at nakita niya kung paano nag-uusap ang security at ang manager.

“Patay…” bulong niya.

Mga fans iyon ni Lyle at sigurado siya roon.

“Pwede po ba?” excited na tanong ng mga babae kay Lyle.

“I don’t know, may kasama ako,” sagot ni Lyle. “Ask her.”

Tiningnan siya ng mga ito at doon nanlaki ang mga mata niya.

“Ba’t ako?!” defensive na tanong ni Reign. “Anong malay ko?!”

“See? Ayaw niya,” sabi ni Lyle.

Doon lumapit ang mga personnel ng coffee shop kasama ang manager at sinabihan sila tungkol sa mga nagkukumpulang mga tao sa labas at nagpupumilit pumasok para kay Lyle.

Nagmatigas pa si Lyle pero nang malamang nagkaka-stampede na talaga ay tinanggap na nila ang suhestiyon ng manager na lumabas sila gamit ang fire exit.

The next thing they knew, they were running.

“Sa fire exit dumaan!” rinig pa nilang sigaw ng mga babaeng nag-pa-pa-picture kanina, dahilan para maging sa fire exit ay habulin sila.

Nagmamadali silang bumaba ng hagdan at ngayon ay binabaybay ang likod ng building para maka-iwas sa mga tao.

“Turn left, malapit doon ang kotse ko!” sigaw ni Lyle.

Inis na nilingon ito ni Reign gabang tumatakbo. “Bakit ba ako nadadamay dito?! Bakit sa tuwing kasama kita, tumatakbo na lang ako parati?!”

“Then stop running so people can take photos of you and make rumors about us, go on!” sagot ni Lyle habang tumatakbo.

“Ngayon kasalanan ko pang nadawit ako? Ang lakas mo ha,” sagot ni Reign at kumaripas pa ng takbo.

“Just run if you don’t want an issue,” Lyle said.

“Why are people so obsessed with issues? Don’t they have a life to live?”

“They don’t care if issues are real or not. They just want something that they can talk about.”

Pareho silang natigil nang makitang may mga taong tumatakbo papalapit sa direksyon nila.

“Here!” hinila niya si Lyle at gumilid sila para hindi sila matanaw ng mga ito. Nasa gilid sila ng isang building at natatakpan ng kotseng nakaparada.

“Na-corner tayo…” bulong ni Lyle at tagaktak ang pawis nito.

Isa sa mga iniiwasan ni Reign ay ang lumikha ng ingay dahil anytime ay pwede siyang makita nila Neska at Aubrielle. Noon ngang napalabas siya sa TV dahil sa school interview ni Levi ay araw-araw siyang anxious na baka bigla na lang kumatok si Neska, Aubrielle, o Casper sa pinto ng unit niya.

At ngayong napakaraming tao ang involve, one click and her photo with Lyle will be around the internet.

“I’m doomed,” bulong ni Lyle.

Rinig ni Reign ang papalapit na mga yabag. Sa unang pagkakataon, maging si Lyle ay nakitaan niya ng kaba.

“Anong plano mo?” tanong ni Reign.

“I don’t know,” sagot ni Lyle.

They stayed there for few more seconds until they knew there was no way out.

“You stay here, I’ll face them,” Lyle said coldly. “Kapag nagkagulo, pretend that you are part of the crowd and exit.”

“Paano ka?” tanong ni Reign.

“I said I’ll face them, nakikinig ka ba?”

“What I meant is kung kakayanin mo ’yong crowd, nag-iisip ka ba?”

Both of them looked at each other sharply.

“You know what, you’re getting into my nerves,” Lyle said threateningly.

“Well, same,” ganti ni Reign.

Natigil sila pareho nang makarinig sila ng tilian mula sa magkabilang daanan. Magsasalubong na ang mga umikot at ang mga galing sa fire exit.

“Stay right here,” Lyle told her and he gulped. “Stay safe.”

Right when he moved, Reign knew there was another way out. She was hesitant to do it but since she was left with no other choice, she made up her mind.

Bahala

na!

“Lyle…” she called him.

The moment Lyle looked back, she held him by his wrist.

Lyle was flustered. “What are you—”

In a snap, as if the first time that they met was flashing back, Bawat Daan by Ebe Dancel played from the nearby store. Both of them were partly flustered.

Just like what happened that night, this time, Reign pulled Lyle by his wrist and like the sea and the stars meeting halfway the night, SHE HUGGED HIM.

Doon nagsalubong ang mga nagtatakbuhang mga tao. Nasa gilid sila at natatakpan ng mga nakaparadang kotse kaya hindi sila nito matanaw. Nakatalikod din si Lyle sa kanila kaya hindi nila ito makita.

Nakayakap si Reign kay Lyle at nakabaon ang mukha sa dibdib nito. Ramdam niya ang init na nanggagaling sa katawan ni Lyle gawa ng pawis pero hindi na niya pinansin iyon.

“Y-You’re weird…” she heard Lyle mumbled.

“’Wag kang lilingon. Makikita ka nila,” bulong niya rito.

Nanatili sila sa ganoong posisyon hangga’t hindi nawawala ang mga tao. Patuloy pa rin sa pagtugtog ang Bawat Daan at naaalala ni Reign ang unang pagkikita nila ni Lyle.

That night, when she was in danger, he became his safe zone.

And now that he’s in danger, she became her sanctuary.

Different context, same moments.

Naramdaman ni Reign na unti-unti ay niyayakap na rin siya pabalik ni Lyle.

“Baka nasa fire exit pa nagtatago!” sigaw ng iilan.

Sa isang iglap, nakarinig sila ng mga takbuhan. Lalong humigpit ang yakap nila sa isa’t isa, kapwa takot na madiskubre sa ganoong kalagayan.

Just when the noise zoomed out, the chorus of Bawat Daan played. Bahagyang natawa si Reign at nang tumingala siya para tingnan si Lyle ay nakatitig ito sa kanya.

Taimtim siya nitong tinitingnan. Hindi kagaya noon na blangko ang mukha nito, ngayon ay kita ang pag-aalala nito.

Reign smiled at him. It was the most genuine smile that she had given him—a smile of comfort, telling him that—

“You’re safe now…” she whispered a familiar line.

When Lyle heard that from her, for unknown reason, he felt his heart beating faster than it normally does.

Seeing her smiling at him while saying those comforting words, he felt a sudden jolt in his heart.

The wind flew and her soft hair swayed. He was mesmerized. 

Noon ay hindi niya ito nakikita bilang isang babae. Ngayon, sa hindi maipaliwanag na dahilan, ay napakaganda nito sa paningin niya.

“Okay ka lang?” natatawang tanong nito.

Hearing her voice now while looking deeply in her eyes, Lyle knew that at that moment, her name became the lyrics of his heart’s every beat…

PART TWENTY-FIVE: The Culprit’s First Clue

REIGN.

“IN LOVE AKO, ’DI KO LANG ALAM KUNG KANINO.”

Bigla akong napatakip ng bibig para magpigil ng tawa. Nasa loob ako ngayon ng bus at pauwi na sa unit ko. Linggo ngayon at kagagaling ko lang sa agency nila Lyle para ibigay ang revised paper namin.

Simula nang mangyari ang nangyari kahapon na hinabol kami ng mga fans niya, hindi na ako kinita pa ni Lyle.

Kumalat ang mga litrato namin kinalaunan. May mga article pa nga na lumabas na nag-d-date raw kami pero dahil akala nila minor ako, they blurred my face at thankful ako roon.

The same day, inasikaso ng company ni Lyle ang issue. They paid them to take down the articles at nag-release ng press statement na hindi kami nag-d-date. They cleared up na school-related iyon at currently single si Lyle.

Noong umaga bago mangyari ’yon ay nag-iisip pa ako kung magsusuot ako ng sumbrero o hindi. Awa ng Diyos ay ginawa ko at hindi masiyadong kita ang mukha ko sa mga kuhang litrato ng mga kapwa namin customer that time. Nakatalikod pa nga ako kaya sobrang safe.

After it all happened, Lyle became aloof. Pinakasakay niya ako sa kotse niya at hinatid ako ng driver niya sa unit ko at iyon na ang huling beses na nakita ko siya. Kinaumagahan kasi, hindi na siya nag-r-respond sa mga messages ko. Hindi niya rin na-s-seen, pero delivered sila.

Ang malala, nakakapagpost pa siya ng litrato ng pusa niya sa Instagram, obvious na ini-ignore niya lang talaga ako.

His manager contacted me in the afternoon, saying siya na raw ang magiging medium namin ni Lyle tungkol sa research paper. Tapos na raw gawin ni Lyle ang part niya at ginawa ko ang akin. I went to the agency to get the materials, maging siya raw kasi ay ayaw na reply-an ni Lyle para ibigay ang file.

Todo sorry nga ’yong manager niya sa akin. Ganoon nga daw talaga si Lyle, minsan nga raw ’pag wala siyang schedule, naka-zoom out talaga siya sa mundo.

Tiningnan ko ang oras at alas nuebe na rin pala ng gabi. Bumuntong-hininga ako, isinuot ang earphone k, at tumingin sa bintana.

“IN LOVE KA PERO ’DI MO ALAM KUNG KANINO?!” natatawang ulit ni Braelyn sa sinabi ni Nash. Magkatawagan kaming tatlo para magkumustahan. “BAKLA KA!”

Lalo akong natawa at nakisali na. “Imposible namang in love ka pero hindi mo alam kung kanino, ’no.”

“Bawal ba?” tanong ni Nash sa kabilang linya. “Dapat ba sa tao lang tayo in love? Can’t we fall in love with the scenery, with a certain song, or a scent of coffee? Mga ganoong bagay.”

“Asus,” biro ni Braelyn. “May nangyari ba sa meeting n’yo ni Levi? Baka na-fall ka na r’on?! Babaero ’yon???”

“As if papatol sa ’kin ’yon at as if papatulan ko siya? Suntukan puwede pa.”

Napahalakhak ang dalawa at ako ay todo pigil dahil baka ma-istorbo ko ang mga kapwa ko pasahero.

“Pero hindi ka ba na-cu-cute-an kay Levi lately?” tanong ko. “Parang nag-m-mature na siya, ’no? Hindi na siya ganoon ka-ingay. Hindi na masiyadong nambwibwisit. As what I heard, he rarely meets girls na rin.”

“Baka he’s into boys na,” pakikisali ni Braelyn. “I mean, Nashville came so…”

“GAGO KANG PANDAK KA?!” galit na sabi ni Nashville na ikinatawa namin lalo. “But I agree. He’s not as annoying as he was before. I don’t know, I find him manly lately.”

Napatakip ako ng bibig. “Girl…”

“Bitch is in love and it show…” dagdag ni Braelyn.

“In love ba ’pag ganito?” seryosong tanong ni Nash.

Literal na nanlaki ang mga mata ko at rinig ko ang pagbangon ni Braelyn.

“NASH?!” sabay naming sabi.

“Or lonely lang ako?” dugtong ni Nash. “I am feeling something that I can’t explain, e. Parang… kinakabahan ako ’pag nandiyan siya. Though, naiinis ako, yes, but..  I feel safe when he’s around, especially ’pag may camera or filming. I don’t know, Forget it. Baka lonely lang nga ako or dahil senior ko siya sa industry? I don’t know!”

I heard Braelyn just gasped. “Nash…you’re in love…”

“Y-You think so? Hindi ba parang ang bilis?”

“I also think so,” sabat ko. “Wala naman sa time ’yan. When I first met Grey, ganyan din ang naramdaman ko.”

“Patayin n’yo na lang ako kung in love nga ako kay Levi, please lang…” bulong ni Nash.

At sa pagkakataong ’yon ay ako lang ang natawa.

“Brae? Still there?” tanong ko.

“Ah, oo,” sagot ni Braelyn. “May… naisip lang. Kapag ba ang bilis ng tibok ng puso mo kapag hinawakan ka ng isang tao and you have this urge to hug them…ano ’yon?”

Kumunot ang noo ko. “In love ka rin?!”

“H-Huh? Hindi, ah. Naisip ko lang—”

“Si Grey lang kasama mo ng weekend, Brae…” sabi ni Nash. “Don’t tell me…”

“HUH?!” halos pasigaw na sabi ni Braelyn. “ISSUE KA HA! B-Bakit, buong araw ba kami magkasama at siya lang ba ang nag-iisang lalaki na kilala ko?!”

“Ba’t galit?” tanong ni Nash.

“What time ulit live n’yo at release ng music video n’yo?”

“Eleven ’yong live then 12AM ’yong release ng MV,” sagot ni Nash. “Why?”

“Mag-prepare ka muna. Bye!”

Biglang nawala si Braelyn sa call.

“Anong nangyari r’on?” tanong ko.

“Ewan, either nainis or guilty.”

I forced a laugh. “Hindi naman siguro.”

“Pero in case na…you know, Brae falls for Grey. Okay lang sa ’yo?”

“Huh?” tanong ko at napakamot ng leeg. “Hindi ko alam. Something’s going on between me and Grey, kaya…hindi ko alam.”

“Would you feel betrayed just in case?” Nash asked.

“Ano ba ’yang tanong na ’yan,” natatawa kong sabi ngunit ninenerbiyos.

“Brae is a competitive person, Reign. If she likes something, she will work hard just to get it. It doesn’t matter if it’s a thing or a person. Kaya kung gusto niya si Grey and she’s fully invested, I don’t know.”

I started to feel uneasy.

“She’s the type of person who won’t let go of stuff that makes her happy, she will always find a way. Mabait si Braelyn, yes, that’s given. Almost seven years na kaming magkaklase at nakita ko kung paano siya nagpupursige para makuha ’yong mga bagay na gusto niya. She wasn’t even an honor student back in the day but look at her now, striving harder and battling against Everleigh to be the valedictorian.”

I gulped. Napansin ko rin iyon.

“She’s persistent to get anything she wants—be it a thing or a person. Just wanna let you know that.”

At hindi na naalis sa isip ko iyon. Bumaba ako ng bus at tulala na naglalakad sa sidewalk.

Posible nga kayang magustuhan ni Braelyn si Grey?

At kung oo, ano naman kaya ang magiging reaksyon ko?

Ano ang gagawin ni Braelyn?

Would she just keep it to herself or she would do something about it, gaya ng sinasabi ni Nash na persistent ito sa mga gusto nito—kahit bagay man o tao.

Suddenly, what Everleigh told me few days back echoed in my mind.

“Aren’t you alarmed?”

Everleigh

asked.

Tungkol

saan?“ tanong ko.

“About your friend slowly stealing your man. How does it feel?”

“They’re just partners,” I said.

“Partners at first but who knows what will happen after that?”

Everleigh

asked. “Draw the line, Reign. Everyone can be a snake, and

Braelyn

is definitely not an exemption.“

Noon, pakiramdam ko ay napaka-nonsense niyon. Pero matapos ang pag-uusap namin ni Nash, I started to feel heavy about it.

May alam kaya si Everleigh?

At hindi naman siguro masisira ang friendship namin ni Braelyn dahil sa lalaki, ano? That’s just absurd.

I sighed heavily and took out my earphones from my ears. Hindi na napapagaan ng kanta ang loob ko. Masiyado na akong na-pa-paranoid.

Nang makita ko ang malapit na convenience store ay alam kong ice cream lang ang katapat nito. Dali-dali akong naglakad papasok doon at agad na napahinto nang may makilala ako sa mga nakapila sa counter. Nakasuot ito ng plain white T-shirt at itim na pantalon.

Grey was standing near the counter with bottles in his hands.

Sa pagkakataong ’yon ay hindi ko malaman ang gagawin. Simula nang makita niya kami ni Lyle na magkasama sa loob ng napakasikip na mop room at dahil sa eskandalo na nangyari noon sa ospital ay hindi na kami nag-usap pa ulit—kahit personal man o sa chat.

I decided na pumila na lang din at nasa pinakadulo ako at siya na ang sunod sa counter. Nagbayad siya at maya-maya ay umalis, hindi man lang ako napansin. Kung tutuusin, okay na rin iyon. Kaysa naman i-snob niya ako, edi umiyak ako.

Saktong pagpunta ko sa counter ay doon ko napansin na umuulan na pala sa labas. Inalok ako ng cashier ng payong kaso nag-iipon din ako kaya tinanggihan ko.

“Salamat na kang po,” sabi ko. “Malapit na lang din naman po ako. Tatakbuhin ko na lang.”

Natawa ang babae at ibinigay sa akin ang resibo ng ice cream.

“Salamat,” sabi ko at akmang aalis na nang pigilan ako ng babae.

“Miss, saglit!” sabi nito at may ibinigay sa aking paper bag. “Ipinabibigay po n’ung lalaki kanina. Grey daw ang pangalan.”

“S-Sige po,” gulat na kinuha ko ang paperbag at tiningnan iyon.

I smiled weakly when I saw medicine inside. Tiningnan ko ang bandage sa hita ko gawa ng away na naganap last week.

Tiningnan ko ang dinaanan ni Grey at hindi ko maiwasang maging emosyonal nang bahagya. I thought he forgot about it or he simply didn’t care about it anymore, now here he was, proving me wrong.

Lumabas ako ng convenience store at nahinto nang makita si Grey na nasa gilid ng convenience store at nakasandal sa dingding. May hawak iyong payong at pinanunuod ang pagpatak ng ulan.

Nang maramdaman nito na naroroon ako ay humarap ito sa akin.

“Hinihintay mo ba ’ko?” tanong ko.

Tumango siya. “Magpapaalam sana ako bago umuwi kaya hinintay na kita. Kaso umulan din at sa liit ng bag na dala mo, alam kong wala kang payong.”

Binuksan ni Grey ang payong na nasa kamay niya at tiningnan ako.

“Tara na?” tanong niya.

I didn’t respond. I knew he wanted to walk me home. I was just looking at him and slowly, I nodded.

Grey smiled at me weakly. “It’s getting late.”

Like the gravity pulling the rain down to the ground, I was inevitably falling for this guy and there was no other way out.

Even if I go against my friend.

Even if I go against Braelyn.

———

THIRD PERSON POV.

Lyle was looking at the ceiling of his room for almost half an hour now. Unan-unan niya ang braso niya at nakatulala lamang sa kisame at hindi malaman ang gagawin.

Katatawag lang ng manager niya para i-notify siya patungkol sa research paper nila ni Reign—at iyon mismo ang iniiwasan niya—ang marinig ang pangalan nito.

Ever since what happened yesterday, he can’t take her off his mind. She was there the whole damn day, rent free.

Hindi na maalis sa isip niya kung paano siya tingnan sa mga mata nito, kung paano kumurba sa isang pagkakangiti ang manipis nitong labi. Pa-ulit-ulit nang lumalabas sa isip niya kung paano hinangin ang buhok nito at hanggang ngayon ay ramdam niya ang pagkakayakap nito sa katawan niya.

“You’re safe now…”

He knew he said that to her before. But hearing it from her now, it gave him not just the butterflies or the zoo, but the whole damn jungle.

Alam niyang walang ibig sabihin iyon para kay Reign. Alam niyang para rito ay baka nga pang-iinis lang iyon. Pero sa kanya, iba ang dulot niyon.

Lyle touched his chest. Even up to this moment, his heart was beating wildly inside him. Just the touch of her can make his heart shiver. Just the sound of her voice was giving him this unexplainable feeling that he wasn’t familiar with.

And he hated it.

He hated her.

Humigpit ang pagkakahawak ni Lyle sa dibdib niya. He can’t even listen to his playlist now because his songs suddenly became all about her.

“Am I in love?” tanong niya sa sarili.

Lyle closed his eyes hardly.

“No. You can’t be…” bulong niya sa sarili. “Lyle, hindi pwede.”

Bumuntong-hininga siya nang malalim. Alam niyang gusto ni Grey si Reign at ganoon din ang nararamdaman ni Reign. At kung totoo mang gusto niya ito, he knew he was doomed.

“So this is gonna be my first love and first heartbreak?”

Lyle scoffed.

“Ouch.”

———

Kasalukuyang tinatahak nila Jax at Howell ang isang masikip at maputik na eskinita. Nagkalat ang mga basura roon. Mayroon pa ngang mga aso na may bitbit na plastik ng basura sa bibig.

“SHIT!”

Napatalon si Howell nang may malaking daga ang dumaan sa tapat nila. Kahit si Jax ay napangiwi nang mapansing napapanot na ang daga at maging ang mga pusa ay wala nang pakialam dito.

Pinagtitinginan sila ng mga residente. Ang ilan pa nga ay nagpapasukan sa kani-kanilang bahay sa tuwing daraan sila.

“PASOK SA LOOB! IPAPAHULI KITA SA MGA MAMA, SIGE!” bulyaw ng isang ina sa hinahabol na anak at ginawa pa silang panakot.

Sa pagliko nila ay hinarang sila ng mga nag-iinumang mga lalaki. Karamihan ay may mga tattoo ang katawan.

“Brad, shot muna!”

At hindi nila iyon tinanggihan. Kung mayroon man silang iniiwasan ay ang mapaaway sa mga tao roon. Ayaw nila ng gulo.

“Mga asset ba kayo?” bulong kay Jax ng isang manginginom. “’Wag n’yo kaming tablahin, pre. Matagal na kaming natigil sa… alam mo na. Pero may kakilala kami. Puwede n’yo arestuhin kahit kailan.”

Nagkatinginan sila Jax at Howell. Sa tagal nila sa serbisyo ay alam na nila ang mga ganoong kalakaran. May mga isusuplong ang kalaban para sila ang matira. At siyempre, hindi sila magpapagamit.

“Ang lakas ng alak, tangna,” bulong ni Howell na ikinatawa ni Jax.

“Parang hindi ka naman sanay sa alak,” sagot ni Jax at inakbayan ang nahihilong kaibigan.

Habang tinatahak ang dulong bahagi ng eskinita ay pareho silang nagpapalinga-linga ng tingin. Humawak sila sa mga baril na nakatago sa tagiliran nila at humanda anumang oras.

Huminto ang dalawa sa isang bahay na pinagtagpi-tagpi ng mga kahoy at yero. Sinenyasan ni Howell si Jax.

Agad na tinadyakan ni Jax ang isang pinto at isang babaeng naka-upo sa gilid ng lamesa ang tumambad sa kanila.

It was Detective Hazel, ang nakatoka sa tangkang pagpatay kay Hale.

“Anong nangyari?” tanong ni Howell. “Nasaan sila?”

Ang bahay na iyon ay ang bahay ng pamilya ng lalaking sumaksak kay Hale. Nakakuha sila ng tip na ito ang kumuha ng pera na bayad sa pagsaksak at tangkang pagpatay kay Hale.

The woman sighed heavily. “We’re few hours late, comrades. Wala na ang pakay natin.”

Sinuri ni Jax ang paligid. Wala na ang mga gamit. Ang gasera na ginagamit sa bahay ay nakataob na. Semento ang sahig pero nanggigitata iyon dahil sa putik at tubig. Butas-butas na rin ang yero sa dingding at may maliliit na dagang nagtatakbuhan sa kung saan.

Nilapitan ni Jax ang de-uling na lutuan. Ang baga mula sa mga iyon ay wala na rin.

“Saan sila pumunta?” tanong ni Jax.

“Ayon sa asset, umalis daw at hindi na bumalik,” sagot ni Hazel. “Alam ng babae na may nagmamatyag sa kanya at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay natakasan ang mga undercover natin. Ang huling update ay sumakay ng barko papuntang Palawan.”

Howell touched his head and occupied the seat near him. “Malamang ay tumakas na iyon pagkakuha ng pera. Ang utak ng mga walang hiya. E ’yong asawa na sumaksak kay Hale, anong balita?”

Hazel took a deep breath. Halatang bwisit na ito. “They wanted me and the defense to drop the charges. At ang mga makakapal ang mukha, balak pa siyang bigyan ng parole.”

“PAROLE?!” napatayo si Howell. “NANAKSAK, BIBIGYAN NG PAROLE?!”

“Alam kong connected sa case n’yo ito kaya sinabi ko sa inyo. Ang suspetya ko, may nakikipaglaro sa mga higher officials. There’s no way there would give him a parole at papalayain lalo na’t nanaksak siya. Unless they are manipulating this whole damn thing with the officials as their puppets,” sagot ni Hazel. “Konektado ito sa West Carson High at hindi ako nagkakamali.”

“They wanted to silence Hale because he knows something. Aside sa monetary reward, for sure pinangakuan din ’yan ng mapapabilis ang paglaya kaya ganyan,” inis na sabi ni Howell.

“Which is odd…” bulong ni Jax.

Parehong napatingin ang dalawa sa kanya.

“Anong…nasa isip mo?” tanong ni Howell.

“Nabayaran na sila. Nagawa na ang mga pangako. Sa mga ganitong kaso…” huminto siya at tiningnan ang dalawa. “…alam na ang kasunod…”

Nanlaki ang mga mata ni Howell at Hazel nang may mapagtanto.

“HOLY SHIT!”

At sa gabing iyon, mabilis na tumakbo ang tatlo palabas ng kwarto. Sa kung saan man sila papunta ay walang nakakaalam.

———

Sa loob ng isang selda ay naroroon ang lalaking kanina pa iniinda ang pananakit ng tiyan. May katangkaran ito, mahaba ang buhok, balbas-sarado at may malaking tattoo sa leeg.

Kanina pa siya namimilipit pero ni-isa ay walang nakakapansin sa kanya. Lahat ay abala sa bagong dating na kanina pa binubugbog dahil matalas ang dila.

Ganito ang karaniwang sitwasyon nila sa kulungan. Sa sobrang pagkaburyo ng marami ay sakit na ng katawan ang hinahanap.

Marami sa kanila ay nakulong dahil sa pagpatay. Ang ilan, gaya niya, ay pagnanakaw. Kilala siya bilang snatcher. Noon ay hindi naman siya nahuhuli dahil may porsyento ang ilang kinauukulan sa kinabibilangan niyang grupo ng mga snatcher. Ngunit nang minsang hindi na sila makapagbigay, isa-isa na silang tinabla.

“Ba’t ka namimilipit diyan, brad?” tanong ng isa sa kanya. “Lalaya ka na, baka ’yan pa ikamatay mo?”

“Gago!” pilit ang tawang sagot niya rito. “Hindi ko nga alam, e. Pare-pareho naman tayo ng nilamon pero ako lang ’tong nagkakaganto.”

“Ibanyo mo na ’yan,” sabi nito sa kanya at sinenyasan ang isang pulis. “Boss, pasuyo naman.”

Matapos ang ilang minutong pag-uusap ay naglalakad na sila ng pulis sa kahabaan ng pasilyo papunta sa banyo. Nasa likod niya lamang ang pulis.

Nang minsang bumisita ang asawa niya,  sinabihan siya nito na may nag-alok sa kanya ng trabaho. Kailangan niyang saksakin ang kapwa niyang preso na nagngangalang Hale at bibigyan sila ng malaking pera at makakalaya siya.

Umay na umay na siya sa preso. Gusto na niyang maging malaya. Kaya nang masigurong matatanggap ng mag-ina niya ang pera ay pumayag siya.

At heto, ilang araw o buwan na lamang ay makasusunod na siya sa pamilya niya.

Ano ba naman ang masayang buhay kapalit ng pagpatay? Sanay na sanay na siya sa ganoon. Ni-hindi na nga siya kinikilabutan sa dugo.

“Kumusta, boss?” tanong niya sa pulis na nasa likuran niya. “Nabuhay ba?”

Nagpalingun-lingon ang pulis at nang makitang walang tao ay ngumisi. Tinutukoy niya ang sinaksak niya na si Hale.

“Buhay pa.”

“’Nakngpota, masamang damo pala ’yong gagong ’yon.”

Bahagya silang natawa at natigil nang magdilim ang paligid. Nawalan ng kuryente ang buong lugar.

“Boss?” tanong ng lalaki.

“Lakad lang,” sabi nito. “Malapit na tayo.”

Kahit kinakabahan ay sumunod ang lalaki. Walang ibang maririnig kundi ang ingay mula sa sapatos ng pulis. Nang marating nila ang pinto ng banyo ay binuksan nito iyon para sa kanya.

“’Wag ka magtatagal.”

Hindi na siya kumibo. Pumasok siya sa loob at kahit na nangangapa sa dilim ay dumiretso sa loob ng cubicle at umupo sa toilet.

Nagpalinga-linga ang taong nagpanggap na pulis. Iniwan niya ang pinto at sumisipol na umalis.

“Oh, shit…” bulong ng lalaki.

Tama ang ang ka-kosa niya. Banyo lang ang kailangan niya. Matapos iyon ay naglinis siya at napamura nang makitang walang toilet paper.

“Toilet paper, sir?”

Boses iyon mula sa kabilang cubicle.

“Mayroon ka ba riyan?” tanong niya.

“Oo. Abot ko na lang sa ilalim.”

Akmang kukuhanin na niya iyon pero laking gulat niya nang imbis na toilet paper ay isang baril ang dumungaw mula sa ilalim.

Bago pa siya makatakbo ay pumutok na iyon at tumama sa hita niya.

Mabilis siyang tumumba. Ramdam niya ang hapdi at kirot mula sa hita niya at halos maligo na siya kaagad sa sariling pawis at dugo.

Kahit walang maaninag dahil sa dilim ay pinilit niyang gumapang palabas ng cubicle. At nang magawa niya, siya namang lumabas sa kabilang cubicle ang tao na bumaril sa kanya.

Naaaninag niya ang baril nito na may silencer. Lalo siyang nanginig sa takot.

“Sa’n ka pupunta?” natatawang tanong nito.

“Maawa kayo…” sabi niya. “A-Ayaw ko pang mamatay!”

“Sino ba namang gustong mamatay?” tanong nito pabalik.

Nabosesan niya iyon. Kaya nang tingalain niya at maaninag niya ang nakangisi nitong labi ay nangilabot siya sa takot.

“I-Ikaw…” sabi niya. “B-Bakit…”

Ito iyon. Ang taong kumontrata sa kanya para gumawa ng krimen.

“Akala ko ba goods tayo?” nangingiyak niyang tanong.bKung dahil ba sa takot o sakit mula sa butas na niyang hita, hindi na niya mawari.

Ngumisi lalo ang tao. “Walang ganon.”

Binaril siya nito sa balikat at napahiyaw ang lalaki sa sakit.

Naliligo na siya sa sariling dugo at ilang minuto lang ay alam niyang tapos na siya.

Gumapang siya pabalik ng cubicle at pilit na inaabot ang dingding. Hindi siya puwedeng mamatay nang walang laban. Kung babagsak siya, dapat ay ganoon din ito. Kailangan niyang mapangalanan kung sino man itong demonyong kaharap niya.

“Napababaan ko sintensya mo. Nabigyan ko ng pera ang asawa mo, umalis na nga sila, e. Quits na tayo, ’di ba?” tanong ng tao.

Nang marating niya ang dingding ay agad niyang hinawakan ito gamit ang kanyang kamay na puno ng dugo.

“Ano sa tingin mo ang sunod kong gagawin?”

Narinig niya ang pagkasa nito ng baril.

“Edi alisin ang ebidensya.”

Sa paglingon niya, isang bala ang bumutas sa noo niya. Pumilandirit ang malapot na likido mula roon at unti-unting bumuha ng dugo sa buong lugar mula sa butas na hita, balikat, at noo niya.

Napahalakhak ang tao.

“Death is inevitable…” bulong nito at ngumisi. “So am I…”

Pinanuod nito ang bahagyang pangingisay ng kawawang biktima. Nang tuluyan itong bawian ng buhay at doon siya sumeryeso at naglakad papalabas na parang wala lang nangyari.

At doon siya nagkamali.

Dahil na rin sa dilim ay hindi niya napansin ang isang clue na naiwan ng biktima na posibleng makapagturo sa kanya.

Sa dingding ay makikita ang isang clue na isinulat ng biktima gamit ang daliri at sariling dugo nito. Tumutulo pa ang pulang likido mula roon.

At iyon ay isang letra.

ANG LETRANG…

‘e’

PART TWENTY-SIX: Remember The Mark

THIRD PERSON POV.

“Tang inang buhay ’to…”

Halos masuka ang mga awtoridad sa nadatnan. Isang lalaking preso ang natagpuang patay sa palikuran ng isang popular na bilibid sa bansa.

“Ang baho! Nasusuka ako! Langya!”

Hindi na natiis ng isa ang amoy ng nabubulok na kalamnan kaya ito’y patakbong lumabas bago pa itong tuluyang maduwal.

Habang ang lahat ay diring-diri sa nakitang krimen, isang babae ang nakatindig at pinanunuod ang forensics sa pagkuha ng kung anumang samples ang kailangan ng mga ito. Hindi makikitaan ng pandidiri ang babae. Kung susuriin, galit ang makikita sa mga mata nito.

Her name is Hazel, ang senior detective na nakatoka sa kaso ng lalaking nasa harapan niya ngayon na isa nang bangkay.

Ayon sa ulat, ang lalaking ito ang nagtangkang pumatay kay Hale Parker, anak ng isa sa pinakamayamang angkan sa bansa, para hindi ito makapagsalita tungkol sa kasong kinasasangkutan nito—ang pagpaslang umano nito sa sariling guro.

During her investigation, she found out that Hale was a West Carson High student. At ang kaibigan niyang si Howell ang nag-h-handle naman ng kaso ni Hale. Nang malaman niya ang koneksiyon ng kaso nila ay nakipagtulungan siya kay Howell at sa kaibigan nitong si Prosecutor Jax.

Gaya niya, tingin ng dalawa ay inosente si Hale kaya ito gustong mawala upang tuluyang manahimik. Nang malaman niyang isang tao ang nakipag-unayan sa asawa ng lalaki upang patayin si Hale ay agad niya itong pinamanmanan.

Ngunit huli na ang lahat. Nagawa na ng lalaki ang krimen, napangakuan ito ng parole, at nakatakas ang babae at pumunta na ng Palawan.

Alam nilang sa ganitong kaso ay mayroong hindi natutupad. The man saw the devil’s face and it earned him a one way ticket to hell. Earn money by crime and you’ll lose your life by crime.

Lumapit si Hazel sa katawan ng lalaki. Nilalangaw na ito at naliligo sa sariling dugo. Nang madatnan pa nga nila ay napapaligiran na ito ng mga daga.

Hinarang siya ng isang lalaki at pinakita niya ang badge niya. Pinaraan siya nito at pinayagan ng forensics na siyasatin ang bangkay.

Hazel squatted in front of the corpse and covered her mouth out.

“Good grief…” bulong niya nang makita ang butas nito sa hita, balikat, at noo.

“Careful lang, ma’am. Baka matuluan ng pawis n’yo,” sabi ng isang taga forensic sa kanya.

Hazel stood up. Napahawak siya sa ulo niya at hindi malaman ang gagawin. If it weren’t even because of her, Howell, and Jax, hindi madidiskubre ang bangkay nito. Tatlo silang pumunta roon pero hindi pinapasok ang dalawa dahil hindi nito dala ang badge at ID nila.

“Hazel, okay ka lang?”

Napatingin siya sa tumawag at ang senior niya iyon. Hazel nodded but it was obvious that she was stressed out.

“Sir, this shit just… doesn’t add up,” sabi niya. “Bilibid na ito at napakaraming pulis. How can…how can a crime happen here?!”

“I know you’re frustrated, that’s given. Go home for now. I’ll handle this,” sabi nito sa kanya.

“Hindi pwede, sir. Trabaho ko ’to—”

“I know but you seem restless. Besides, your father called in. Nag-aalala na ang mga tao sa inyo, hinahanap ka na rin ng anak mo.”

Hazel sighed. “I…I’ll call to notify them—”

“Hazel, listen. Go home and take a rest, okay?” mariin nitong sabi sa kanya. “Bukas…haharap ka sa media. The news about this will blow up. You need enough energy for that so listen to me and go home. Ako na ang bahala rito.”

Hazel didn’t answer. She contemplated.

Tama nga naman ito. Siguradong bukas ay kaliwa’t kanang interview ang mangyayari at kailangan niyang humarap dahil siya ang detective ng kaso.

“Okay…” Hazel finally gave in. “Pero kung ano man ang madiskubre, kailangan n’yong ipaalam sa akin. The results from the forensics and all, ako ang unang makaka-alam.”

“I know, I know. We’ll let you know.”

Hazel once again looked at the dead body and the crime scene.

“SIR! SIR! PRESENT!”

Natigil sila nang dumating si Cedrick, ang intern niyang detective rin.

“PRESENT, MA’AM!” sabi nito nang makita siya.

Nawala ang pagkakangiti nito nang makita ang crime scene. Namutla ito at halos masuka.

“Ano?” nakangiting sabi ng senior niya rito at binatukan ito.

“A-Anong nangyari rito, ma’am?” tanong nito at tiningnan siya. “Paano na ’yong kaso?”

“Ginawa mo ba ’yong assignment ko sa ’yo?” tanong niya rito.

“Opo. Naka-stand by ang agents natin sa babaan ng cruise ship sa Palawan.”

“Nice. I’ll see you this morning. Ikaw na ang bahala rito.”

Nag-salute ito sa kanya bago niya ito tinalikuran at nagsimulang maglakad papalayo.

“Kami na ang bahala, Hazel!” sigaw ng senior niya. “Have a good sleep!”

Nang marating niya ang pinto ay muli siyang lumingon at tiningnan ang masalimuot na krimen. Binuksan niya ang cellphone niya at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay palihim niya itong kinuhanan ng litrato.

With a disturbed heart, Hazel turned her back again and finally walked away. Little did she know, it was the beginning of her worst nightmare…

Kinaumagahan, galit na mukha ni Hazel ang makikita. Tirik na ang araw at nasa loob na siya ng office niya. Marahas niyang nilamukos ang papel sa table niya at nangingilid ang luha sa mga mata dahil sa galit.

“Ma’am…” nakayukong bulong ni Cedrick sa kanya. Nasa harapan niya ang intern at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito natutulog. “Pasensya na po…”

Hazel’s jaw clenched.

“Ginawa ko po lahat ng sinabi n’yo. Binantayan ko po ang lahat. Sinigurado kong ako ang unang makakakuha ng result mula sa forensics at mga possible evidence. Maging mga footages po pero…”

“Pero they took them away from you?” Hazel snapped.

Cedrick bit his lip and nodded.

“And you let them?” Hazel asked sharply.

“Intern lang po ako…” sabi nito at hindi makatingin nang tuwid sa kanya. “Ano pong…laban ko sa—”

“DAPAT TINAWAGAN MO ’KO!”

Hindi na niya nakontrol ang sarili. Sinigawan na niya ito at nanginig ang lalaki sa takot.

“C-Cinonfiscate po nila ’yong phone ko…” takot na sabi ni Cedrick. “Sorry po. Sorry po talaga.”

Napasandal si Hazel sa head rest at napapikit nang mariin.

Kung alam niyang may motibo ang senior niyang iyon kaya siya nito tinulungan ay hindi siya papayag na ito ang mag-supervise sa intern niya.

He wasn’t just a senior for her. He was like a teacher, a mentor, a father—that’s why she trusted him. Now shits happened. She should’ve known better.

“Anong kinuha nila?” tanong niya.

“Lahat po…” sabi nito.

“How about the crime scene photos?”

“Kinuha rin po…”

She bared her teeth.

“Wala pa silang inilalabas sa publiko?”

“Opo,” sagot ni Cedrick. “Lahat daw po ay ilalabas mo sa press con mamaya at sasabihing—”

“Suicide?”

Hazel scoffed out of frustration. Iyon ang nasa papel na nilukot niya. Ang findings daw ay nag-suicide ang lalaki.

Walang ibang DNA samples ang nakita sa oras na iyon. Walang nakita sa footages dahil naka-off ang security camera dahil sa black out.

May testimonies pa galing sa mga kapwa nito preso na nagpanggap daw itong masakit ang tiyan kaya’t nagbanyo. Pumuslit daw ito ng baril at doon na pinatay ang sarili.

Natagpuan ang baril sa tabi nito at walang ibang fingerprints ang naroroon bukod ang sa lalaki.

Kung titingnan naman ang anggulo kung bakit ito nagpakamatay, dahil daw iniwan na ito ng mag-ina at ang parole na magbibigay daan upang mapalaya ito ay na-decline.

Naghalu-halo na raw ang lahat kaya naisipan nitong kitilin ang sariling buhay.

It was a perfect crime but not for her. They may fool the public but not her.

“Ano tingin nila sa ’kin, gago?” galit na tanong ni Hazel at tumayo.

Marahas itong naglakad palabas. Pilit siyang pinipigil ni Cedrick pero kahit lingunin ito ay hindi niya ginawa.

Lahat nang makakasalubong niya sa hallway ay tinitingnan siya pero wala na siyang pakialam.

Nang marating niya ang opisina ng senior niya ay agresibo niya iyong binuksan at nagulat ito nang makita siya.

Tumayo ito sa upuan nito. “Hazel—”

Natigil ito nang isinampal ni Hazel sa kanya ang papel na hawak niya.

His secretary was about to halt them but he instructed her to go out. When the door closed, he met her eyes with the same fierce.

“Nawalan ka na ng respeto sa ’kin?”

“Cut the crap,” Hazel said fiercely. “Anong ginawa mo sa kaso?!”

“Wala akong ginagawa—”

“We both know that he didn’t kill himself,” Hazel snapped. “Tatlo ang tama niya!”

“Hazel, it’s better that way,” sabi nito. “Walang magandang patutunguhan ang—”

“CAN YOU HEAR YOURSELF?!” Hazel raised her voice. “Sir…that’s obstruction of justice! YOU SHOULD KNOW BETTER!”

“I know it better that’s why I did that. Hindi mo alam kung anong mangyayari kung palalabasin nating pinatay ’yong lalaking ’yon. Maraming magagalit. Maraming posibleng madawit. Bawal silang galitin, Hazel, alam mo ’yan…” pinanlalakihan na siya nito ng mga mata.

“Then it shows…” Hazel mumbled. “Sino nanamang makapangyarihang tao ang nasa likod nito, sir? Hanggang kailan tayo magiging puppet sa kanila?!”

“Our current world is not for the idealistic. Sinasabi lang nating no one is above the law para lang i-flatter ang sense of justice natin pero ang totoo, mayroong mas mataas sa batas—ang mga taong may kontrol dito gamit ang pera at impluwensya.”

“Bullshit…” Hazel uttered.

“Accept it, Hazel. Money speaks louder than justice.”

“Hanggang kailan tayo ganito? Hanggang kailan tayo magiging biktima ng sistema?”

“Hangga’t may ruling class, walang magbabago. Ang pagiging biktima mo ng sistema ang nagluklok sa ’yo kung anumang posisyon ang mayroon ka sa trabaho. Ano ba naman ’yong kahit na ngayon, kahit na sa isang beses na ’to, maging bulag ka muna ulit?”

Hazel can’t believe that she once idolized him. She was getting sick because of his fucked up principles.

“Alam nating hindi siya nagpakamatay. Pinatay siya. You want to turn a blind eye? Fine. Pero hindi ako papayag. Lalo na’t nakita ko kung ano ang totoo. Hirap na hirap siya nang mamatay. He wanted the justice so bad that he even left a clue about his killer—the letter e.”

The guy was shocked. So shocked that he couldn’t even say a single thing to her.

“Akala n’yo hindi ko nakita?” Hazel opened her phone and faced him the photo that she took. “I have an evidence, sir.”

“H-Hazel… Let’s… Let’s—”

“Wala akong pakialam sa kung sino man ang nanakot sa inyo o kung magkano man ang bigayan ninyo. Wala rin akong pakialam kung sino ang pino-protektahan ninyo. Kaya bulok ang sistema dahil sa ruling class? Sure. Pero parte ka rin ng pagiging bulok nun dahil nagpapa-alila ka sa kanila.”

Hazel met his eyes.

“I’ll face the media and will tell them the truth and nothing but the truth. Don’t you dare block my way.”

Hazel looked at him again, disgusted. She then turned her back and started walking away.

She was decisive.

She’s sick of seeing rich people playing with the law.

Kailangan niyang ipakitang may pangil ang batas at kahit na sino ay kakagatin nito.

“Are you sure?”

She stopped when her senior talked. She looked back at him, confused.

“Huh?”

He didn’t answer. He just smiled.

In a sudden, her phone beeped. When she looked at it, someone sent her a couple of photos. Kahit na nanginginig ang kamay ay tiningnan niya iyon.

Nanlaki ang mga mata ni Hazel nang makita ang mga litrato. Mga litrato iyon ng anak niyang nasa Grade 2 na at kuha iyon mula eskwelahan. Alam niya dahil siya ang naghatid dito ilang oras pa lang ang nakararaan.

Halos mabitawan niya ang cellphone niya. Alam na niya ang ibig sabihin niyon. They will use her daughter to blackmail her.

She looked at her senior with tears building up in her eyes. She was mad. So mad that she could kill.

Her senior smirked at her.

“Who’s the puppet now?”

———

Galit ang naramdaman ni Jax at ni Howell. Kapwa sila hindi makapaniwala sa nangyari. Katatapos lang ng press interview ni Detective Hazel at sa sobrang galit nila dahil sa mga narinig ay napatakbo sila sa opisina nito para harapin ito.

“Paanong suicide?!” galit na sabi ni Howell na kapwa niya ay kalalabas lang ng kotse. “Alam natin pare-pareho na pinatay ’yong lalaking ’yon! Paanong suicide ’yon? Bobo ba sila?!”

Hindi kumibo si Jax. Ayaw niyang magsalita nang hindi nalalaman ang panig ni Hazel. There must be a reason and he was willing to hear her side.

Nagpatuloy siya sa paglalakad habang si Howell ay patuloy sa pagrereklamo. Natigil lang sila nang lumabas ng building si Hazel at hinahabol pa ng mga media na nasa labas at hindi nakapasok sa conference hall.

Nang magtama ang paningin nila ay umiwas ito pero nang muli niyang harangin ay hinarap na siya nito.

“What do you want?” tanong nito.

“What happened?” he asked calmly.

“What do you mean what happened?” Hazel answered back.

“Bakit ganoon ang naging pasya?” tanong niya at tiningnan ang media na nasa paligid. “Bakit nagkaganoon?”

“Anong bakit? E sa ganoon ang naging resulta ng imbestigasyon ko, anong magagawa ko?”

“Hazel!” pakikisali na ni Howell. “’Wag mo nga kaming gawing tanga.”

“Ano bang gusto n’yong sabihin ko?” tanong ni Hazel. “Sinabi ko lang kung ano ang totoo. Sinabi ko kung ano ang katotohanang nakapahayag sa bawat ebidensyang nakalap ko.”

Bawat flash ng camera ang pumigil kay Howell para magsalitang muli.

Jax, on the other hand, was observing her. Something was off and he sensed it. He undoubtedly knew something was off and it showed.

“Can we talk?” Jax asked.

“We’re talking,” Hazel answered bravely.

“Not here. Somewhere private.”

Hazel gulped. She was looking at his eyes deeply. She was uneasy, as if she was being watched.

In a snap, Hazel held him by his collar aggressively.

“Hoy! Hoy!” awat ni Howell.

Humigpit ang pagkakahawak ni Hazel sa kwelyo niya.

“Umalis ka na,” bulong nito sa kanya at pwersahan siyang itinulak.

Naglakad ito papalayo at sinundan ito ng media.

Howell and Jax were both left there, watching her.

“Ibang klase!” sabi ni Howell. “Anong nangyari roon? Tumiklop? Nasuhulan? Langya. Iba talaga ’pag pera!”

Tiningnan siya nito.

“Jax, okay ka lang?”

Jax nodded.

“Ako lang ba o ang off ng babaeng ’yon?”

“She was,” sagot ni Jax. “Nakita mo ba ’yong mata n’ya?”

Howell shook his head. “No. Bakit? Anong mayroon?”

“She was blinking too many times at me…” Jax said.

“Baka bet ka?” tanong ni Howell at bahagyang natawa. “Or…she’s asking for help? You know, blinking signal thing.”

“She is…” sagot ni Jax at pinakita kay Howell ang kanina niya pang hinahawakan.

Nang higitin siya ni Hazel sa kwelyo at pagbantaan ay may inihulog ito sa loob ng polo niya. Nang makapa niya ay sigurado siyang flash drive iyon.

Nagkatitigan sila ni Howell.

“Shit…”

Pagkapasok ng kotse ay agad nilang isinaksak ang flashdrive sa loob ng laptop. Hindi na nila mabilang kung ilang beses ba silang napamura sa dami ng ebidensyang itinanim na ng mga ito sa limot.

“Ano sila, farmer?” tanong ni Howell at frustrated na tiningnan ang autopsy report. “Paanong suicide ’tong pagbaril sa hita at balikat?”

“Ang mahalaga ay may clue,” sabi ni Jax. “Letter E. Sino ang may E sa 12-A?”

“LylE, GrEy, REign, HalE, BraElyn, Everleigh, REese, LEvi, NashvillE,” sagot ni Howell. “Pwede ring Jal PErez, Ivan GliponEo, o kaya ikaw Jaxon HiblEr Scott.”

“O baka ikaw, HowEll?” sagot ni Jax. “Well, that’s not a big clue at all. Lahat sila may E.”

“Except for one,” sabi ni Howell. “Missi.”

“Is it a clue na hindi siya kasali o clue na ang killer ay walang letter E sa pangalan?” Jax smiled frustratedly. “This is… disturbing. Do you think connected pa rin ito sa mga agila?”

Howell looked at him. “The Eagle Cult?”

Jax nodded. Ang Eagle Cult ay ang kultong minsang yumanig sa buong bansa. Sa isang liblib na lugar ay nagaganap ang araw-araw na pagpatay. Akala ng mga awtoridad ay may serial killer sa lugar pero lingid sa kanilang kaalaman ay isa na palang kulto ang pumapatay at ginagawaang alay ang bawat babaeng biktima nila.

It was not until Jax’s cousin, Tyler Scott along with his friends Avery Heimsworth and Newt Dahmer created the secret legion named Death Chasers. Together, they fought against the cult and won.

“Imposible. Nahuli na ’yong lider nila. Wala na ’yon,” sagot ni Howell.

“Pero pwede sila magtalaga ng bagong lider,” sagot ni Jax. “Come to think of it. Karaniwan sa mga miyembro nito ay mga mayayamang tao at mga pulitiko. The students of West Carson High fit the profiling. May possibility na ang kulto ay umabot na roon at pailalim na kumikilos, lingid sa alam ng publiko.”

“Jax… ’wag ka namang manakot…” sabi ni Howell.

“I’m not kidding,” sabi ni Jax. “Remember their death code. They are as inevitable as death.”

“So what’s your plan now?”

“First things first. We need to know the members of the cult. Kung mayroong taga West Carson High doon, we’re good as dead. Lalo na’t gumamit pa sila ng hoodie at specs as class picture theme—the outfit of the eagle cult.”

“Saan naman tayo kukuha ng listahan? Wala namang na-publish na ganoon,” sagot ni Howell.

“I know someone who has the list.”

“Who?”

Jax smirked.

“Neska Ellinor Harriett.”

———

Sa isang madilim na kwarto ay makikita ang isang lalaki na kalalabas lamang ng banyo. Basa pa ang buhok nito at nakatapis lamang ng tuwalya.

Nagpunas ito ng buhok at hinanap ang damit. Tumingin ito sa orasan at nang masigurong hindi pa siya mahuhuli sa klase ay bahagya siyang napangiti.

Hinubad niya ang tapis ng tuwalya at nagsuot ng boxer. Sinuot niya rin ang pantalon at hinanap ang itim niyang sinturon.

Nang makita iyon ay ipinatong niya iyon sa kama niya at pinalitan ang tugtog na nagmumula sa cellphone niya. Natigil lamang siya nang makitang nay missed calls siya at may nag-iwan ng voicemail.

He played it.

“Sir Ivan!” sabi ng boses. Alam niyang si Levi iyon. “Hindi po ako

makakapasok

today, may shooting pa po ako. Nag-send na po ako ng letter

sa

e-mail

ninyo

. Many thanks!

Labyu

!“

Napa-iling na lang si Ivan at napangisi.

Mabuti na lang at responsable itong estudyante kaya kaya niyang idepensa ito sa mga kapwa niya guro.

Nang masuot ang sinturon ay isinuot ni Ivan ang polo at doon siya natigil nang may mapansin siya.

Sinipat niya iyon at hinawakan. Awtomatikong nawala ang ngiti sa mga labi niya nang bumalik ang mga ala-alang dulot niyon.

Ivan turned emotionless yet fierce.

Sa kanyang tagiliran ay isang bagay ang kapansin-pansin.

Isang bagay na pilit niyang ikinukubli.

At isa iyong marka.

MARKA NG ISANG

AGILA

.

PART TWENTY-SEVEN: Break My Heart

REIGN.

“KAPE KA NANG KAPE. BAKA PATI DUGO MO, PURO NA KAPE.”

Nasamid ako sa iniinom kong iced coffee nang marinig iyon mula kay Prosecutor Jax. Magka-video call kami dahil may ipapakita raw siya. Turned out, crime scene iyon at patay na ang nagtangka kay Hale noon sa kulungan.

The news blew up this morning. Noong sinabi nilang suicide at nakilala ko ang lalaki ay nagduda na agad ako. At heto, tama nga ang hinala ko. He was killed and even left a clue—a letter e.

Tumawid ako sa kabilang side ng kalsada bago sumagot. Kasalukuyan kasi akong papasok ngayon sa school.

“Nag-aaral ako para makabili ng kape at nagkakape para makapag-aral. It’s a win-win benefit for us, Prosecutor,” pabiro kong sagot.

Halakhak ni Prosecutor Jax ang sunod na maririnig. I even turned the volume a little bit down dahil ang lakas niyang tumawa.

“What do you think?” tanong nito kinalaunan. “Any idea about letter e?”

Tiningnan ko ang paligid.

“E as in ewan? Ende ko alam? Enge help?” sagot ko at humigop sa iced coffee. “Prosecutor, pwedeng mamaya na lang po? Baka kasi ma-snatch ’yong phone ko, ano po?”

“May mukhang snatcher ba riyan? Sumbong mo sa ’kin, ako na t-trabaho,” pagbibiro nito.

“Para ka namang sugar daddy niyan, kaya type ka ni Reese e,” natatawa kong sabi. “Wala naman po. Pero anong malay natin? Hindi na basehan ’yong pagiging ‘mukhang’ magnanakaw to determine a magnanakaw, ’no? ’Yong iba nga edukado tapos nasa gobye—”

Muli itong natawa. “Magpayong ka nga. Inuulan ka ng trust issues.”

Ako naman ang bahagyang natawa. “Ano na pong plano n’yo niyan?”

“Well, may isa pa kaming way. ’Yong asawa niya na pumuntang Palawan. Few hours from now, nandoon na sila. May mga agents na naka-stand by sa babaan ng cruising and we’re planning to go there.”

Napahinto ako at tiningnan siya. Doon ko napansin na airport pala ang background niya.

“Don’t tell me nasa airport kayo ngayon?”

Tumango si Jax at ipinakita si Howell sa tabi niya na natutulog. “1 hour and 13 minutes lang naman ang flight. We just need to make sure na kami ang unang makaka-usap ng babae. Mahirap nang masalisihan.”

Tumangu-tango ako at nagsimula uling maglakad. “Sa ’kin po? May specific mission po ba ako?”

“For now, just… observe and report if there’s something unusual. Alam ko research week n’yo ngayon kaya mag-focus ka rin muna riyan. The situation is for adults like me to handle. Masiyado itong madugo so stay out of it for now.”

Nag-usap kami nang ilang minuto pa hanggang marating ko ang gate ng school at nagpaalam na. Saktong pagkabulsa ko ng phone ko ay may biglang bumusina sa akin. Pagtingin ko ay itim na kotse iyon at bumukas ang bintana. Mukha ni Missi ang bumungad. Naka-full make up ito at nakasuot pa ng itim na sunglasses.

“Move, loser!” sabi nito.

Gumilid ako at ngumiti siya.

“There.”

Before the car moved and her window closed, I saw she was with someone. Isang lalaking mukhang british ang nag-d-drive at mukhang ka-edad lang namin ito.

Nang pumasok ang kotse sa loob ng school ay doon ko lang napagtanto kung sino iyon—’yong hot na half-british na dini-date ni Missi!

Napatakip ako ng bibig.

“Grabe…” bulong ko. “Kaya pala ang lakas ng loob busted-in si Levi. Levi who nga. Ang gwapo…”

“True, ang gwapo.”

Halos mapatili naman ako nang may bumulong sa akin and it was Reese. Nakasuot pa ito ng helmet at nakasakay sa itim niyang electric bike.

“Inggit pero hindi pipikit,” dagdag nito at kumaway. “Hi, Reign.”

Hinimas niya ang electric bike niya at itinuro ako.

“Baby, meet your tita. Reign, meet your pamangkin.”

Nakangiwing tiningnan ko siya. “Bago ’yan?”

“Oo. Kagabi ko lang binili. Nahihiya pa nga akong kunin kasi nakasakay pa ’yong may-ari.”

My eyes widened but Reese just laughed.

“Joke lang, gagi. Brand new ’yan, ’no,” sabi nito at sinipat ang kotse na lulan si Missi. “Nakita mo ’yong jowa ni Missi, gwapo talaga ’yon. At heto ha, malaki raw.”

I looked at her, confused. “Malaki? Height?”

“Oo, ’yong height, weight, and width ng ano…” sabi niya at may biglang tinatantiya sa daliri. “Ilang inches ba ’pag ganto?”

That’s when I realized what she was doing.

“REESE!” I exclaimed, disturbed.

“Bakit?” tanong niya. “Sensitive ka? Hindi mo pa nakikita ’yong kay Grey? Girl, ang bagal mo!”

I literally covered her mouth. Narinig iyon ng mga estudyanteng pumapasok sa gate at ng guard mismo.

Reese chuckled. “Ano ba? Wala ka pa bang experience? You want experience ba? I have friends na United Nations. Mayroong Thailander, British, German, Canadian, may Chinese din if want mo. Ano, pa-meet up ko kayo?”

“Ewan ko sa ’yo!” sabi ko at tinakpan ang tainga ko at nagmamadaling pumasok sa gate.

“Reign! Ano nga?!” pahabol ni Reese. “Safe ’yon!”

“HEH!” sigaw ko nang ini-inspect na ang gamit ko. Halakhak ni Reese ang huli kong narinig bago ko siya tuluyang iniwan at pumasok sa gate.

Itinapon ko ang lalagyan ng iced coffee ko nang makapasok. Natulala pa nga ako sa basurahan dahil napa-isip ako kung biodegradable ba siya o non-biodegradable.

“Ambot!” sabi ko.

What a great morning it is, really.

Imagine, na-combo agad ako ni Prosecutor Jax, Missi, at Reese. Ito namang si Reese, anong akala sa akin, desperada? Ni-kahit nga first kiss, wala pa ako. ’Yon pa kaya?

I felt my cheeks burning.

Yikes!

United Nations daw. Ano siya, bugaw?

Inis na binuksan ko na lang ang Spotify ko at nagsuot ng earphone habang naglalakad papunta sa building namin. Pinakinggan ko ang debut song ng grupo ni Nash na na-release kaninang alas dose ng madaling araw.

It was a disco pop song na may addictive choreography. Sobrang galing ng lyricism, choreography, aesthetic, and even the cinematography ng music video.

Sobrang addictive rin ng kanta to the point na ito na lang ang pinakikinggan ko hanggang ngayon. When it was released, inulan namin ng congratulations si Nash. Lahat kami ay nagpuyat para mag-stream.

What I love about the section is their sense of unity. Kapag may magandang nangyari sa ’yo, you can feel their support.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at tiningnan ang paligid. May mga estudyanteng nasa Student Park at nag-j-jamming, mayroong mga naglalaro, may mga naglatag pa nga at natutulog.

Bahagya akong natawa.

Lumiko ako papunta sa Senior High building. Nang marinig ko na ang part ni Nash sa kanta ay lalo akong napangiti.

Nakaka-miss siya, sa totoo lang. Sobrang dalang na niyang pumunta ng school at minsan na lang din namin siyang nakakausap ni Braelyn. Pero iniintindi na lang namin. Deserve niya lahat ng ito.

Saktong pagpasok ko ng building ay napakaraming estudyante. Napanguso ako.

I took off my earphone at laking gulat ko nang biglang may umakbay sa akin. When I looked up, it was Grey.

“Sorry, nagulat ka ata,” nakangiti niyang sabi.

“Huh?” maang kong tanong. “H-Hindi naman.”

Hindi siya naka-school uniform. Suot-suot niya ang soccer shirt at soccer shorts niya—his soccer uniform. Kulay itim iyon na may halong gold ang paligid at logo ng West Carson High ‘The Crows’ Soccer Team.

Doon ko lang naalala na si Grey nga pala ang Captain nila. Napalunok ako dahil sobrang bagay tingnan sa kanya ng suot niya. Hapit sa braso at balikat niya ang shirt kaya kita mo kung gaano iyon ka-built. Flat na flat din ang tiyan nito. Ang buhok naman ay naka-brush up at hindi suot ang bilog na salamin.

“Okay ka lang?” Grey asked and he chuckled. “You’re blushing.”

“Am I?” I asked, meeting his eyes.

Grey smiled more and nodded.

Iba. Iba ang atake ni Grey ’pag naka-soccer uniform. Lalong humigpit ang pagkaka-akbay niya sa akin pero magaan sa pakiramdam. Kahit na wala siyang perfume ay ang bango niya.

“Hindi ka papasok sa klase mamaya?” tanong ko.

Nagsimula kaming maglakad at lahat kami ay pinagtitinginan ng mga estudyante. Kung sa ibang school ay basketball ang sikat na sport sa campus, sa West Carson High ay soccer. At ngayong Team Captain ang kasama ko at naka-akbay pa sa akin, for sure pagtitinginan kami.

“Hindi,” sagot ni Grey. “May try-out mamaya. Kailangan nandoon ako. Excused naman ako sa klase kaya walang problema.”

Tumangu-tango ako at hindi na kumibo. Sa totoo lang ay hindi ko malaman ang sasabihin. Maramdaman lang ang kamay ni Grey sa balikat ko ay grabe na ang kalabog ng dibdib ko.

“Grey…” bulong ko nang ’di na makatiis.

“Hmm?” tanong niya.

“Pinagtitinginan tayo…” bulong ko ulit.

Grey just smiled. “Hayaan mo sila.”

He patted my head gently. Huminto lang kami nang lumabas mula sa isang pinto ang coach nila at ang ilan niyang team mates.

I expected na aayos si Grey at titindig pero hindi niya ginawa. Nang huminto sila sa amin ay bumaba ang kamay ni Grey mula sa balikat ko papuntang bewang.

I felt a sudden leap of my heart. I felt like I was going nuts.

“Grey,” sabi ng coach. “Ten minutes ha. We need you there.”

“Yes, Coach,” sagot ni Grey at tipid na ngumiti.

Lahat ng tao sa hallway ay sa amin na nakatingin. Kahit mga ka-team niya ay sinusuri na ako at gusto ko na lang maglaho.

“Classmate mo?” tanong ng coach niya sa kanya nang hindi na makapagtiis.

“Opo, classmate n’ya po ako,” sagot ko. “Hello po.”

“She’s Reign,” pagpapakilala ni Grey.

And the next thing he said made everyone lose their shits.

“Girlfriend ko.”

Nagsimula ang bulungan. Kahit ako ay bahagyang napanganga at tiningnan si Grey.

“Kaya if nirerespeto n’yo ko, give her the same respect that you will give me. Like bowing, at least,” dagdag ni Grey.

Doon biglang nag-bow ang team niya sa amin habang ako ay grabe ang kalabog ng dibdib at gusto nang lamunin ng lupa.

“Sunod na lang ako, Coach,” sabi ni Grey sa coach niya na halatang nagulat. Pilit itong ngumiti at naglakad na kami papalayo.

Hinatid niya ako sa bakanteng elevator at nang bumukas iyon ay pumasok ako sa loob.

“Ano ’yon?” tanong ko.

“Anong ano ’yon?” tanong niya pabalik at ngumisi. “Hindi mo ba ako boyfriend?”

“Grey…” bulong ko. “We’re dating pero—”

“That’s it, we’re dating. We are together. As long as we’re dating, I am committed to you.”

Hindi ako kumibo. Hanggang maya-maya ay napangiti na lang ako.

“Ang unpredictable mo, ’no?”

“Gugulatin pa kita,” biro niya na ikinatawa namin. “Go on. Baka ma-late ka na.”

Tumango ako at pinindot ang 9th floor.

“Bye!” sabi ko.

“See you,” sabi niya.

At habang pasara ang pinto ay magkatitigan lang kami at nakangiti sa isa’t isa.

For the whole day, kulang pa ang salitang ‘stressed’ para lang i-describe ang araw ko.

Una, may surprise quiz na tanging si Everleigh at Braelyn lang ang pumasa.

Pangalawa, may recitation na tanging si Everleigh at Lyle lang ang nakasagot at lahat kami ay uulit bukas pero may minus na.

Si Missi at Reese ay literal na sinabon sa research defense. E, paano, nag-salon lang sila ng Saturday at nag-foot spa by Sunday. Nag-hire sila ng gagawa ng research paper nila at nahuli sila dahil ang mga buang, hindi naman chineck ang paper.

Hindi nila nabura ’yong pangalan n’ong gumawa at may note pa tungkol sa service fee.

“I-refund na lang natin,” unbothered na sabi ni Missi. “50k lang naman ’yon.”

“Oo nga,” pakikisali ni Reese nang lumabas ng room. “Hanap na lang tayo ng iba. Bakit ba kasi print ka lang ng print?”

“Duh, kaya nga ako nagbayad para ’di na ko magbasa, ’di ba?” sabi ni Missi. “Sa bahay na lang tayo later, ikukulot kita.”

“Bet!”

Napa-iling na lang ako.

Sumunod si Everleigh at ang kagrupo nito. Walang ibang napuna sa kanila bukod sa references nila. Pinadadagdagan ng teacher namin. Sila nga ata ang may pinakamataas na grade.

Nang tingnan ang kila Nash at Levi, though, wala ang dalawa, pinapa-revise ang Review of Related Literature. Sobrang kulang daw.

Nang sina Grey at Braelyn ang sumunod, pinapa-revise naman ang Chapter One nila.

“Dapat pala nagdala ako ng bawang at sibuyas. May gisahan portion pala rito,” inis na sabi ni Braelyn nang lumabas.

“Sagot ko na ang kalan,” pakikisali ko at itinawa na lang namin.

Nang kami na ni Lyle, okay naman. Title lang ang pinaparevise sa amin pero kapag may tanong ang panel, kinokontra niya ang sinasabi ko in a shady way. Parang siya tuloy ang panel kahit magkagrupo kami!

After few hours, at long last, tapos na ang lahat. Chill na lang kami sa room at walang ginagawa.

Si Reese ay naka-upo sa teacher’s table at naggigitara. Si Missi at Braelyn naman ay kumakanta. Si Grey ay nasa soccer field at bumalik sa try-out. As usual, wala si Levi at Nash. Si Lyle ay pumuntang library at hindi na bumalik.

Tapos na ang lunch break namin kanina at hindi ko nakit si Jal doon. Kahit ang mga bullies niya ay hindi ko nakita. Nang sabihin ko kay Braelyn, hayaan ko na lang daw.

Pero hindi ako mapanatag.

Alam kong may mali.

“May I sit?”

Napatingin ako at si Everleigh iyon. Tumango ako at umupo siya sa tabi ko at tiningnan sina Missi, Reese, at Braelyn na nagkakantahan.

“I heard Grey announced na girlfriend ka raw niya?” tanong ni Everleigh. “That’s sweet.”

“Paano mo nalaman?” tanong ko.

“I was there. Lyle too.”

Tiningnan ko siya. “Si Lyle?”

Tumango siya. “Nag-walk out siya nang marinig ’yon, e. I wonder why?”

Ngumisi si Everleigh at hindi ko iyon gusto. May gusto itong ipahiwatig at hindi ako magpapalinlang dito.

“May idea ka ba?” tanong ko pabalik. “You must know him better than I do. After all, classmate mo siya for seven years, right?”

Everleigh twisted a smile. “Ang alam ko lang, Lyle doesn’t accept anyone on Facebook. Required lang kaya niya kami in-accept before. Hindi rin siya nakikipag-usap o tumutulong kahit nasa peligro ka pa, wala siyang pakialam in general. He hates being touched, he hates touching anyone. Alam ko, he doesn’t even hug his mom or sister.”

Then everything flashed back.

From Lyle accepting my friend request on Facebook in a matter of minutes, Lyle saving me countless times, and even hugging me.

“So kapag ginawa n’ya sa ’yo, I think… alam mo na?” dagdag ni Everleigh.

“Wala akong alam,” pagpapatay-malisya ko.

She chuckled. “Ang cute ni Braelyn, ’no?”

Tiningnan ko rin si Braelyn at tumatawa ito dahil pumiyok si Missi.

“Alam mo bang wala siyang male friends bukod sa mga lalaki sa 12-A?” tanong ni Everleigh. “Babae lahat ng kaibigan niya sa kanila. So if Braelyn is blooming and in love lately, kaninong lalaki sa 12-A kaya?”

I bit my lower lip. Iyon ang kagabi ko pa iniisip. At ngayon heto si Everleigh at pilit na pina-aalala ang bagay na kinalilimutan ko na.

“Nagtanong ba si Braelyn sa ’yo about sa mabilis na pagtibok ng puso at urge to hug someone?” tanong ni Everleigh.

I looked back at her, alarmed. Iyon na iyon ang tanong ni Braelyn sa amin ni Nash.

“Nagtanong din siya sa amin,” sabi ni Everleigh. “Braelyn is in love, no doubt. Pero kanino? Kay Levi na kinaiinisan niya? Nash na we all know is gay? Lyle na hindi niya nakakausap? Or Grey na kasama niya whole weekend at hindi natin alam ang ginagawa nila?”

“Shut up…” bulong ko.

“Brae is in love with your man, Reign. Kailan mo ba ma-re-realize na unti-unti nang sinusulot ng kaibigan mo ’yong lalaki mo?”

“I said shut up…” I said sharply.

“Brae knows Grey since seventh grade. Who knows baka noon pa siya may gusto kay Grey? Don’t be this stupid, Reign. Braelyn is just a face—she’s a bitch. At least ako, kilala mo ako. You know how I work. E siya? You have no idea of what she’s capable. Ni-hindi mo nga alam na sinusulot na niya si Grey—”

Everleigh stopped when I stood up. She smiled after seeing my reaction.

“The truth will remain as the truth no matter how hurt you are,” she said and stood up too. She inched our gap and met my eyes. “Wake up. I’m not the real enemy here.”

She crossed her arms and looked at Braelyn, Missi, and Reese.

“But your fake friends are.”

Tiningnan niya akong muli at ngumisi bago tumalikod at tuluyang lumabas ng room.

Naiwan akong nakatayo at hindi malaman ang gagawin. Lahat ay nag-j-jamming pa rin at walang nakapansin sa nangyari. Ang nakakainis pa, may katwiran si Everleigh.

I took my phone and went out too. I need a space to breathe.

———

THIRD PERSON POV.

Naglalakad sa corridor si Lyle at may hawak na libro habang ang isa niyang kamay ay nasa loob ng bulsa ng pantalon niya. Patuloy lang siya sa paglalakad pabalik ng classroom nila, galing kasi siya sa library at may tinapos lang.

Pag-akyat niya ng hagdan ay nasalubong niya si Everleigh. Ngiting-ngiting ito pero hindi sila nagpansinan.

Wala rin naman siyang pakialam.

Habang naglalakad na siya sa corridor ng 9th floor ay nakita niyang naglalakad si Reign. Deretso ang tingin nito at hindi siya tinitingnan. Seeing how wide the smile on Everleigh’s lips before, he had an idea of what happened.

Malamang ay na-trigger nito si Reign. Talent na nito ang magmanipula ng tao at hindi na siya nagtaka pa.

But seeing Reign now, he was feeling them again—the butterflies, the bees, the zoo, or the jungle whatever.

Seeing her walking towards his direction, Lyle felt his heart waving inside him. He’s still not used to it. Para siyang magkakasakit.

Ilang araw niya itong iniiwasan. Ilang oras niyang inisip kung paano niya ito titingnan o kakausapin. Ngayong narito siya, parang gusto niyang tumalikod at bumalik sa library.

That’s stupid, sabi niya sa sarili. Fuck

you, love.

Fuck

you.

Nang magkalapit sila ay hinarang niya ito. Kumaliwa ito at hinarang niya ulit ito.

“Ano ba?!” tanong nito sa kanya.

He gulped. She looked cute even though she’s mad.

Binuksan niya ang hawak na libro at may kinuhang papel mula roon.

“I fixed the title. Approved na ni Sir.”

Kinuha iyon ni Reign at akmang aalis na nang harangin niyang muli.

“What do you need, Heimsworth?”

He gulped.

“You.”

Reign looked at him unbelievably.

“I need you to revise the paper as stated,” he added.

“Okay,” wala sa loob na sagot ni Reign at muling aalis nang harangin niyang muli.

“Now what?!” Reign asked.

“’Wag mong susundan si Everleigh. Don’t fall for her trap.”

“Mind your own business,” Reign answered.

“You are my business,” Lyle answered back.

Reign scoffed. “Ano bang pakialam mo?”

“I care and I don’t know why,” Lyle said, looking at nothing but her eyes. “So don’t follow her. No one knows what she’s up to.”

Tiningnan lang siya ni Reign. Maya-maya ay ngumiti ito at hinarap siya. She even crossed her arms that made him gulped.

“Heimsworth…” she started. “Do you like me?”

Lyle’s lips parted but he didn’t say a thing.

“Please don’t,” sabi ni Reign. “Hindi kita ginusto, hindi kita gusto, at hindi kita magugustuhan.”

Magkatitigan lang sila at hindi rin nagpapatinag si Lyle. He knew he stood no chance. Wala naman siyang balak guluhin ito at ang dating kaibigan na si Grey kung sakaling love nga ang nararamdaman niya.

Ni-hindi nga siya sure kung love ba ito talaga.

Lyle gulped. Maybe a lie would save his pride.

“I don’t like you,” Lyle said. “I will never.”

Humakbang si Reign paharap at tiningnan siyang muli sa mga mata.

“Then stop being weird.”

Doon sumeryoso si Reign, inirapan siya, at binangga siya sa balikat bago tuluyang naglakad pa-alis.

Bahagyang natulala si Lyle. Napahawak siya sa balikat niya at nilingon si Reign at pinanuod ito habang naglalakad papalayo.

“Hindi

kita

ginusto

, hindi

kita

gusto, at hindi

kita

magugustuhan

.“

It echoed in his ears.

Iyon na iyon ang pilit niyang sinasabi sa sarili.

Hindi

kita

ginusto

, Reign.

Hindi

kita

gusto.

Hindi

kita

magugustuhan

.

Now look at his heart proving him wrong.

Napatingin siya sa librong hawak niya na kagabi pa niya binabasa.

PSYCHOLOGY OF LOVE

Am I In Love?

Bahagyang napa-iling si Lyle.

“So you won’t like me?” he murmured to himself.

Muling ipinasok ni Lyle ang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya. And with a small smile on his lips while watching Reign fade from his sight, he said,

“Break my heart, then…”

———

“ICE CUBES, NASH!”

Napasimangot si Levi nang makita ang repleksyon niya sa salamin. Pulang-pula na ang pisngi, leeg, at dibdib niya dahil sa alak.

“WALA NA AKONG ICE CUBES!” sigaw pabalik ni Nash at nagdala ng isang malaking yelo. “Ayan na lang.”

Kasalukuyan siyang nasa loob ng unit ni Nash. Kanina ay nag-MC siya ng isang music show at nag-perform ang grupo ni Nash doon at ayun mismo ang debut stage nila.

Sabay natapos ang taping nila ng alas-sais ng gabi. At dahil nga magkagrupo sila sa research at ang dami nilang dapat ayusin ay pumayag ang manager nila na tapusin na nila iyon dahil deadline na bukas.

Natapos sila ng alas-nuebe ng gabi at napagkasunduang mag-inuman saglit dahil pareho silang problemado. Ngayon ay alas-dies na at pareho na silang may tama.

“Anong gagawin ko rito?” tanong ni Levi dahil ang laki ng yelo na binigay ni Nash.

“Aba, ewan ko?” tanong ni Nash na pulang-pula na rin. “Pukpok mo sa ulo mo.”

Halos mapatili si Nash nang pinukpok ni Levi ang yelo sa dingding at nadurog.

“See?” proud na sabi ni Levi. “Husband material talaga ako. Kaya kung mag-b-boyfriend ka, get someone who’s as strong as me.”

“Hambog talaga ang hayop,” bulong ni Nash at umupo sa harap ni Levi. Sinalinan siya nito ng alak na agad niyang ininom.

He caught Levi smiling while watching him.

“Ano?” tanong niya.

Umiling ito. “Ang lakas mong uminom. Ganyan ka ba ka-problemado?”

Hindi kumibo si Nash. Nagpasalin siya ng alak at muling uminom.

To be honest, he was problematic. Their debut didn’t do well. Kahit pumasok sa Top 100 ng music charts ay hindi nila nagawa. Ni-mag-1 million views ay hirap na hirap sila. They were even called a failure. Their company produced legendary pop groups in the country and here they are, struggling so damn hard.

Napakalaki ng nagastos sa promotion at production. Pero kulang na kulang ang kinita nila. Sobrang disappointed ng management dahil hindi nila na-meet ang expectations nito.

Hiyang-hiya siya sa sarili. Hiyang-hiya siya sa pamilya at mga kaibigan niya. Hiyang-hiya siya sa mga ka-grupo na katulad niya ay isinakripisyo ang childhood para lang mag-training, only to end up as non-profitable.

Huminga siya nang malalim. Gustong-gusto niyang ma-iyak. Na-pa-paranoid siya.

“You’re tearing up, boy,” sabi ni Levi. “’Wag mo nang isipin ’yan. Oh, shot ka ulit.”

He took it. He wanted the alcohol to make him numb just for tonight. The fact that Levi knew kahit na wala siyang sinasabi, it means kalat na talaga na hindi successful ang debut nila.

“’Wag mo nang isipin ’yon,” sabi ni Levi at uminom din. “Ganyan talaga. Just because some people started high doesn’t mean everyone will. Learn from this and do better next time.”

Nagsalin ito ng alak at kumain ng chips.

“Tsaka, it’s too early to say na nag-fail kayo. Hindi pa nga kayo nag-p-promote sa lahat ng radio stations at music shows, e. Paano kayo makikilala ng publiko bukod sa fans ninyo? May mali rin ang management. They should promote you better.”

Sinalinan siya nito ng alak na agad niyang ininom.

“Tsaka, it’s a debut song, for fuck’s sake. What would they expect, an immediate hit? They should compare you with your history and not with other groups. It’s like comparing someone’s prologue to someone else’s Chapter Twenty tapos mag-c-complain dahil mas developed ang plot ng isa. It doesn’t make sense.”

Levi took a shot and gulp.

“Kung ako sa ’yo, i-pressure n’yo ’yong management na i-promote kayo. Mag-guest kayo sa radio shows, variety shows, talk shows, even music shows. Work hard and work smart.”

Tinapik ni Levi ang balikat ni Nash.

“Success tastes better when no one believed in you.”

Napa-iling na lang si Nash kahit bahagya nang naluluha dahil sa kakaisip.

“Ano bang alam mo sa success, Levi? Nanay mo, sikat. Tatay mo, sikat. Kuya mo, sikat. When you were born, sikat ka na agad dahil mahal ng publiko ang pamilya mo. Child actor ka. Naging teen actor. Ambassador. Model. Ngayon, MC,” Nash said bitterly. “What do you know about starting from the scratch?”

Levi stopped. “Well, I created a name for myself, let’s start with that. Totoong naging madali sa akin dahil sa pamilya ko pero hindi naman siguro ako tatagal nang ganito kung hindi nila ako nakitaan ng talent at hindi ako nagpursige, ’di ba?”

Nash looked at him. It was true, though.

“I worked so hard just to be who I am today. Habang naglalaro ang mga kapwa ko bata, ako nagtratrabaho. Habang sila maayos ang study schedule, ako, kailangang magpuyat after ng taping para may maipasa kinabukasan. Do you think it was a piece of cake for me?”

Nash got alarmed. He sounded hurt and he can’t blame him.

“Sorry. That was insensitive,” sagot niya rito.

“It’s fine. Mahirap lang talaga tanggapin kapag na-i-invalidate ’yong hirap mo just because they thought you had it easy.”

Nash nodded. He made sense.

“I’m sorry. I’m sorry, Levi. Masiyado na ata akong tinamaan ng alak—”

Levi softly laughed. “Sober or not, you’re always like that. Masiyadong… mababa ang tingin mo sa ’kin.”

Tiningnan ni Nash si Levi. Uminom ito ng alak at hindi siya kinibo. Lasing na nga ito.

“Hindi mababa ang tingin ko sa ’yo. It’s just that… ayaw ko sa mga babaero. Minsan nang nagloko ang daddy ko and I loathed cheaters since then. Bakit ba kasi ang dami-dami mong babae?”

Levi didn’t answer at first until he broke the ice.

“Gusto ko lang ng kasama,” sabi ni Levi. “Missi is with her girl friends all the time. Si Lyle, we barely talk. Si Grey, puro aral at sports—and I hate sports. Gusto ko ng makakasama o makaka-usap. Kaya when I had my first girl, it became addictive. Not the girl part, pero ’yong pakiramdam na you can be with someone in bed, cuddling, narrating how your day went. I like that shit a lot.”

“And sex?” tanong ni Nash.

“I don’t force them. I don’t even do the initiatives. Kapag lang gusto nila. They satisfied my desire for companion and I want to satisfy them too, kaya pumapayag ako gawin ’yon.”

“Ang alin?” tanong ni Nash.

“Ayon,” tipid na sagot ni Levi.

“Anong ayon?”

“Sex, Burlington, sex!” sabi ni Levi. “Gusto mo i-demonstrate ko pa?”

Natawa silang pareho. Iyong tawa nila ay hindi na nila makontrol sa sobrang kalasingan.

On the good note, he understood him. Never niyang inakalang ganoon ang rason ni Levi.

“See?” tanong ni Levi at uminom ng alak. “I’m not that jerk though I liked doing that too. So please stop hating me.”

“I don’t hate you. I hated what you were doing,” sagot ni Nash at uminom din ng alak.

“Just curious, Burlington, tutal nabanggit na ang sex.”

Nash got alarmed. “Hmm?”

“Have you ever had sex with a girl?”

Halos maibuga niya ang nginunguya niya. “Gago ka ba?”

“Seryoso ako,” sabi ni Levi. “You don’t look like a gay at all.”

“Hindi pa,” sagot ni Nash.

“Seriously?! Man, you’re missing a gem…”

Kumindat ito sa kanya kaya binato niya ito ng chips at natawa ito.

“How about kiss? Have you kissed a girl?”

Umiling din siya.

Kumunot ang noo ni Levi. “E boys? Have you had both?”

Tumango siya. Hindi maipinta ang mukha ni Levi. Mukha itong na-culture shock.

“Okay, okay, I respect,” sabi nito at lumagok ng alak at lalong namula.

Siya rin ay ginawa iyon at ramdam niya na ang init-init na ng pisngi niya.

Nash watched Levi drinking his alcohol. Nakasuot pa ito ng puting polo na suot nito kanina sa show at bukas ang apat nitong butones. Wala itong suot na sando kaya kitang-kita mo ang mga nunal sa dibdib nitong pulang-pula na.

Umakyat ang tingin niya sa leeg nito. Namumula na rin iyon maging ang parte ng adam’s apple nito. Kahit ang pisngi nito at tainga ay namumula na dahil sa alak.

Bagsak din ang itim na buhok ni Levi at basa ng kaunting pawis. Namumungay din ang mga mata nito.

Sa puntong iyon, sa hindi maipaliwanag na dahilan, ang attractive nito sa paningin niya.

“Why?” Levi asked when he caught him staring at him.

Basa ang manipis ngunit mapula na labi nito dahil sa alak. He was feeling something within him that he can’t explain.

Ang sabi ng mga kaibigan niya, in love siya rito pero ayaw niya iyong paniwalaan.

He felt safe and secured around him. Pero enough na bang basehan iyon?

Kailangan niyang kumpirmahin iyon. At isa lang ang naiisip niyang paraan.

Nash gulped. He met Levi’s eyes once again.

“May tanong ako.”

“Fire away,” sagot ni Levi at muling uminom ng alak. Nagpatugtog ito at Strawberries and Cigarettes ni Troye Sivan ang tumugtog.

He was scared but it was now or never

https://www.youtube.com/watch?v=Jjase8-PQ_w

(Play the song while reading the next scene. Mas

dama

)

“Levi…” panimula ni Nash.

“Hmm?” tanong pabalik ni Levi habang inuubos ang laman ng baso niya.

Nash gulped.

“Have you kissed a boy?”

Maang na napatingin si Levi sa kanya. “Are you serious?”

“Do I look like I’m kidding?”

“W-Well, I did. My dad, kuya ko, grandpa—”

“Not your family, dumbass. A boy, like…kissing with tongue. Romantically,” Nash gulped. “Have you?”

Kumunot ang noo ni Levi. “Bakit ganyan ang tanong—”

“Have you?” Nash asked eagerly.

“O-Of course, I haven’t. Straight ako, Nash,” naguguluhang sagot ni Levi. “Bakit ako hahalik ng lalaki?”

“D-Do you wanna try it?” tanong ni Nash.

Levi was flustered. “Nash, what’s going on?”

“With me?” Nash followed.

Levi’s lips parted.

“Do you want to kiss me?”

Levi didn’t answer. He didn’t even know what to do.

“Fine. I’ll do it.”

In a snap, Nash stood up and sat on Levi’s lap.

Levi, on the other hand, didn’t know what to do.

He can’t say that he doesn’t like the idea but he can’t tell if he likes it either.

Nash sat right on Levi’s fly and he can feel him. He was hard.

Napasandal si Levi sa back pillow ng sofa at hindi niya malaman ang gagawin. He was feeling confused. Hawak pa nga ng isa niyang kamay ang baso ng alak.

“Kung ayaw mo, why are you hard?” Nash asked, his voice was more like a whisper.

“Nash…” Levi mumbled and paused. He didn’t know why the hell he was getting aroused. Nash was right. He was hard—rock hard—and he can’t control it. “It’s just…the alcohol, perhaps. C-Come on, let’s just—”

“Let’s find out why our hearts are beating this way, shall we?” Nash whispered while looking at Levi’s lips. “Let’s find out why we are confused.”

While sitting on top of Levi’s fly still, Nash slowly closed his eyes as he inched the gap between their face.

And from that moment, as if the sun and the moon  were both enchanted, slowly yet surely, their lips have finally met—THEY KISSED.

Levi wasn’t answering his kiss at first. He was shocked. He was confused. Nakatulala lang siya at hindi malaman ang gagawin.

Until as he felt Nash’s lips smoothly kissing his, Levi couldn’t fight it anymore. As magical as it seemed, he slowly closed his eyes too, letting his emotions to take over him.

In Nash’s great surprise, Levi wrapped his hands around his waist, making sure that Nash would feel him.

AND IT HAPPENED.

Levi Hudson, the most annoying womanizer he knew, fought back.

HE KISSED HIM BACK.

PART TWENTY-EIGHT: The Letter E

WARNING: R18 Scene. Reader discretion is advised. You may skip any scene that you may find uncomfortable. Thank you.


THIRD PERSON POV.

HE KISSED HIM BACK.

Nash did not expect it at all. He was expecting him to feel shocked. He was expecting him to push him. But what happened was the exact opposite.

The moment their lips touched, Levi wasn’t doing anything at all. Nanlaki lang mga mata nito at halatang nagulat pero wala itong ginawa. Hindi ito kumibo. Hindi siya itinulak. Hindi nagsalita.

Nash was confused. He needed to confirm something. May nararamdaman siya sa presensya ni Levi na halos makasira na ng katinuan niya.

Attracted lang ba siya rito?

Gusto na niya ba ito?

It was the alcohol who gave him the bravery to kiss the man who’s been messing his sanity for the whole week.

Nakahawak sa sofa ang isang kamay ni Levi at ang isa ay nakahawak sa baso na may alak at naiwan sa ere.

In Nash’s great surprise, Levi placed his hand around his waist while the other one was left mid-air. Nakahawak ito sa bewang niya nang malumanay at bahagyang idinidiin ang sarili sa kanya habang hinahalikan siya pabalik.

Nash was sitting on Levi’s lap still and he can feel how hard his bulge was. Levi was out of control and Nash was being carried away.

He knew Levi as a womanizer. Maraming babae na itong nakasama. Parati siyang nagtataka kung ano ang nagustuhan ng mga ito rito. Given nang gwapo ito, pero other than his looks, what else was there? Bakit ito hinahabol? Bakit maraming nababaliw dito?

Tonight, he got the answer. Levi is a good kisser— so damn good to the point that he was going nuts. If he were to rate it, Levi’s skill was out of the meter. He was a goddamn pro.

There was something about his kisses that could melt you—Levi was gentle and caring, but there was a sense of wildness in it. He can change his approach depending on how your body reacted on it. He’s experimental but he’ll make sure that you’d get nothing but pleasure.

Nang lalo silang nadala ng sitwasyon ay naikawit na ni Nash ang braso niya sa leeg ni Levi at pareho silang napasandal sa pader. Si Levi naman ay binitawan na ang basong hawak nito. Without cutting their kiss, Levi touched his ass and he gently groped it, giving Nash a bit of ticklish sensation.

The way they were kissing each other became wilder and Levi was becoming more aggressive. Kinuha ni Levi ang isang kamay ni Nash at inalalayan ito sa unti-unting pag-u-unbutton ng polo niya.

It was hot. Nash was slowly losing his sanity. Hawak-hawak ni Levi ang kamay niya at ina-alalayan siya sa pagbubukas ng mga butones nito. Nang matanggal na ang lahat at tumambad ang katawan ni Levi ay lalong uminit ang singaw ng katawan nito.

Amoy-amoy niya ang magkahalong pawis, perfume, at alak sa katawan nito. He looked manlier in his eyes. Parang may spell sa amoy nito at lalo siyang na-t-turn on.

When Levi’s lips travelled down to his neck, Nash softly moaned. Levi was sucking, kissing, and even licking his neck and it was his soft spot. Napapikit na lang si Nash nang mariin at tuluyang nawala sa sarili.

Muling hinawakan ni Levi ang kamay niya. There was something about Levi’s touch, he was giving him an assurance. Ipinatong nito ang kamay niya sa ibabaw ng sinturon nito at tinulungan siyang tanggalin iyon.

Levi let him unzipped his zipper. Right when it opened,  Levi placed Nash’s hands on top of his fly. Nash touched it—it was hard and warm.

“Do what you want,” bulong nito sa kanya.

Lalo siyang na-turn on sa init ng hininga nito na naramdaman niya sa likod ng tainga niya. Levi even pecked a kiss on it.

Sumandal si Levi sa sofa at tiningnan siya. Namumungay ang mga mata nito, namumula ang pisngi, at basa na ng pawis ang buhok.

Bukas din ang butones ng polo nito at kitang-kita niya ang pamumula ng dibdib nito at ang abs nito. Bukas na rin ang zipper nito.

He looked like a greek god. Wala pa siyang nakikita na ganito ka-well crafted.

This man is an art, he thought.

Naka-upo pa rin siya sa lap ni Levi at nakatingin lang sila sa mata ng isa’t isa.

Nash gulped.

Fuck. Levi’s too hot.

Nash was about to kiss Levi again but Levi’s phone rang.

Pareho silang natigil. Napatayo pa nga si Nash at hindi malaman kung saan titingin.

Levi stood up and answered the call. Ini-ayos din nito ang sinturon habang may kausap sa cellphone.

“Yes. Opo. I’ll go there. No, no, I’m good. Thank you.”

Pinanuod ito ni Nash. Ni-hindi ito makatayo nang maayos gawa ng kalasingan.

When Levi looked back, Nash looked away. Grabe ang kalabog ng dibdib niya at hindi malaman ang dapat maramdaman.

Ilang minuto silang hindi nagkibuan. Umupo si Levi pabalik sa sofa at nilamukos ang mukha. Para itong natauhan at biglang napa-isip.

“I-I need to go home,” sabi ni Levi at lumunok. “Nasa ibaba na ’yong manager ko.”

“S-Sure…” sagot ni Nash at hindi malaman kung saan titingin. “Ako na magliligpit dito.”

“Sige, salamat,” sagot ni Levi at inayos ang butones ng polo. Pinanuod ito ni Nash.

“Ingat…” sabi niya.

“Okay,” awkward na sagot ni Levi at kinuha ang wallet sa ibabaw ng lamesa.

Nang tiningnan siya nito ay parang gusto niyang maglaho sa sobrang awkward.

“I’ll go now,” sabi nito.

Tumango na lang siya at hindi na kumibo. Nang dumaan nga ito sa gilid niya ay hindi man lang niya ito tiningnan.

“Nash.”

“Hmm?” tanong ni Nash at tiningnan si Levi. Nasa pinto na ito.

“About what happened…” simula nito at bumuntong-hininga. “’Wag mo sanang…lagyan ng malisya.”

Nash’s lips parted. “Paanong wala? Levi…we kissed.”

“I know, pero…ginawa ko lang kasi sabi mo curious ka, ’di ba?” sagot ni Levi.

Nash felt bad. So, so bad.

“So trip lang sa ’yo ’yon?” tanong niya.

“Hindi naman sa trip. Lasing ako, Nash. Pumatong ka sa akin at hinalikan ako. I don’t wanna make you feel bad—”

“Wow…” bulong ni Nash. “Levi, you kissed me back. You even told me I can do whatever I want. Wala lang sa ’yo ’yon?”

“Nash, I don’t know. I’m not gay. Straight ako.”

“Then why did you kiss me back?” tanong ni Nash. “Pwede mo naman akong itulak.”

“I told you, I didn’t wanna make you feel bad and… I got carried away—I don’t know. I’m straight, Nash. I know myself. I like girls.”

Nash felt the frustration. “So hinalikan mo lang ako para tulungan ako?”

Tumango si Levi. “You were curious and I was carried away.”

“Umalis ka na,” sabi ni Nash.

“Nash, ’wag ka namang magalit. I’m just explaining myself.”

“Alis na,” mariin niyang sabi rito.

“Nash—”

“ALIS!” sigaw niya.

Doon natigil si Levi. Halatang naiinis na rin ito pero pumikit na lang ito nang mariin at bumuntong-hininga. Nang dumilat ito ay kalmado na ito at tiningnan siya sa mga mata.

“I’ll see you at school, then.”

Levi threw him a final glance before closing door. When he disappeared from his sight, Nash sat on the edge of his sofa. Tinakpan niya ang mukha niya gamit ang palad niya at litung-lito.

Nalimutan niyang playboy pala si Levi at walang sini-seryoso.

Kaya bakit, kahit na sa sandaling panahon, ay inisip niyang nay ibang dahilan ang pag-akbay nito sa kanya?

Bakit niya binigyan ng ibang dahilan ’yong pagsagot nito sa halik niya?

Maybe Levi was just curious, too. Nothing more, nothing less. Lalo na’t lasing ito at nadala ng sitwasyon gaya niya.

But the way he touched him, the way he kissed him, and the way he cared for him during those kisses, Levi made him feel like he was a woman.

As if he wasn’t kissing a boy at all.

Nash bit his lower lip.

Gaya ng ibang mga babaeng nahumaling kay Levi at hindi na naka-move on dito, ganoon na rin ang nararamdaman niya.

He’s no longer confused.

He got the answer and he knew he was doomed.

“I’m in love with that flirt…” bulong niya sa sarili. “I’m in love with Levi.”

Sa kabilang dako, makikita si Levi na naglalakad sa kahabaan ng pasilyo. Nang marating niya ang elevator ay agad siyang sumakay doon at bumaba. Nang makalabas siya ng building ay dali-dali niyang hinanap ang susi niya at sumakay sa sariling kotse. Mabilis niya iyong pinaandar na para bang may humahabol sa kanya.

He lied to Nash.

Ang tawag kanina ay confirmation lang sa music fest na pag-g-guest-an niya. Hindi siya tinawagan ng parents niya para umuwi at mas lalong walang naghihintay na manager sa kanya sa ibaba.

Gusto niya lang umalis. Nang mag-ring ang cellphone niya ay parang binubusan siya ng malamig na tubig at bumalik sa katinuan.

HE KISSED A BOY. HE TOUCHED A BOY.

It wasn’t even just a kiss. He made Nash experienced how he does it in bed.

Ang mas lalo pang nakakapagpagulo sa kanya ay hindi siya ganoon. All the women that he slept with knew him as a beast in bed. Hinding-hindi siya magiging gentle unless he’s doing it with a virgin.

But with Nash, naging maingat siya. Sobrang careful siya sa magiging reaksyon nito at kung nagugustuhan ba nito. He wanted to satisfy him and give him nothing but pleasure—he might even have slept with him.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nawala siya sa sarili. Hindi niya nakita si Nash na lalaki. Kung dahil ba sa kalasingan ay hindi niya mawari.

Bumilis ang takbo ng sasakyan.

“Fuck, what’s happening to me?” bulong ni Levi sa sarili.

He started to wonder why. Kilala niya ang sarili niya. Hinding-hindi siya makikipaghalikan sa kapwa-lalaki. Ilang bisexual role na ba ang tinanggihan niya dahil alam niyang hindi niya kayang gampanan iyon?

Nirerespeto niya sila pero alam niyang sa sarili niya na hindi siya miyembro nila. He’s straight. He’s not bisexual, sapiosexual, or pansexual. Straight siya. He likes girls.

That’s why what happened tonight was a mystery to him.

“Kulang na ba ako sa sex?” tanong niya sa sarili.

Thinking about it now, when was the last time that he had sex? A week ago? Two weeks ago? Three weeks?

He was so busy to the point that he couldn’t even touch himself.

“Maybe that’s why…” bulong niya sa sarili.

Iba ang tama sa kanya ng alak parati. Iyon ang naiisip niyang rason.

But Levi knew he was kidding himself. Nag-pull over siya at huminto sa gilid. Tiningnan niya ang sarili sa rearview mirror at maging sa sandaling iyon ay hindi niya makilala ang repleksyon niya.

There’s no way that I am gay, he told himself.

He’s lying if he wouldn’t admit that that was one of the most satisfying kisses that he ever had. Hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya iyon.

“Anong nangyayari sa ’kin?” tanong ni Levi sa sarili at ipinatong ang ulo sa steering wheel. “Burlington, anong ginawa mo sa ’kin?”

———

Sa loob ng madilim na kwarto ay makikita si Lyle na nakahiga at nakatingin sa screen ng kanyang cellphone.

Nagkalat din ang mga papel sa kama niya at nakabukas pa ang laptop niya. Ang dalawa naman niyang pusa ay naghahabulan sa ibaba ng kama niya.

Napa-ismid si Lyle. Kanina niya pa tinitingnan ang mga litrato ni Reign sa Instagram. Hindi niya rin alam kung bakit. Matapos niyang mag-revise ng research paper ay nagsimula na siyang i-stalk ito.

“Hindi siya katangkaran. Mas matangkad pa nga si Missi,” pintas niya rito. “Hindi rin maputi. Mas maputi pa si Reese. ’Yong buhok niya, may pagka-wavy. Mas malambot pa yata ’yong kay Everleigh. She’s not as cute as Braelyn. She looks plain. Boring.”

Biglang pumasok sa isip niya ’yong araw na hinabol sila ng fans niya. Noong araw na niyakap siya nito.

Napapikit si Lyle.

She’s not that pretty, pero

bakit

ganito

ang

dulot

niya

sa

’kin?

Reign was out of her league. Wala man lang ni-isa sa mga ideal traits niya ang pino-posesses nito. Kaya sino ito para baliwin siya nang ganito?

“Maybe, it’s not love. Baka lonely lang ako,” rason ni Lyle.

Pero alam niya sa sarili na kapag nakita nanaman niya ito harap-harapan ay halos kumawala nanaman ang puso niya mula sa dibdib niya.

Maya-maya ay tumunog ang cellphone niya at isang message mula sa Messenger ang pumasok. Napabalikwas siya nang bangon nang makitang galing kay Reign iyon.

Ever since gumamit siya ng social media ay naka-off na lahat ng notifications niya.

Reign was the sole reason why, for the first time in his dear life, he turned on the notifications again.

Nag-aalangan pa siyang buksan ang mensahe pero nang buksan niya at nawalan siya ng gana. Hinihingi lang nito ang revised part niya ng research paper nila.

He shook his head.

“What was I even expecting, a good night message?” biro niya sa sarili.

Sa totoo lang ay kanina pa siya natapos. Hinihintay na lang niya itong matulog para kapag nag-send siya ay hindi ito makakapag-reply agad. Now, here he was—cornered.

Nag-reply siya sa message nito ng isang malaking like emoji. He sent the file through e-mail. Hinintay niya itong mag-reply pero ilang minuto na ang lumipas ay naka-seen lang ito sa message niya.

“Sineen niya lang ako?” tanong ni Lyle sa sarili. Bahagyang offended ang boses niya. “Anong karapatan niya?”

Tiningnan niya ulit ang message nila at wala talaga itong reply.

“She can reply back with an emoji too o kaya ‘file received’, does she really need to leave me on read like this?!” frustrated na sabi ni Lyle. “The disrespect?!”

He opened his laptop and searched something.

‘Messages that could make someone respond instantly.’

Nakahanap siya ng iilan at isa ang pumukaw sa interes niya. He typed it and sent it.

‘Kumain ka na?’

Nakagat ni Lyle ang labi niya.

“Hindi ba ’to masiyadong cringe?” tanong niya sa sarili.

He waited and five minutes had passed pero walang response si Reign. Delivered ang message niya pero kahit seen ay wala na.

Naghintay pa siya. Pumunta muna siya sa Instagram para magpalipas ng oras. Sa pag-v-view niya ng IG stories ng mga brand na ini-endorse niya ay nagawi siya sa IG story ni Grey.

Magka-video call sila ni Reign.

Ngiting-ngiti si Reign at ganoon din si Grey.

Napahinto si Lyle at bahagyang natulala sa litrato. He felt something within him that he can’t explain. Ang alam niya lang ay hindi siya natutuwa

When Lyle looked at Reign’s wide smile, he smiled weakly too.

“Kaya pala hindi ka nag-r-reply.”

Bumalik siya sa messenger at tiningnan ang message niya. Naalala niya pa kung paano in-announce ni Grey na girlfriend niya si Reign and seeing her reaction, she confirmed it. She liked it. Masaya sila.

Kahit mabigat sa loo ay in-unsend ni Lyle ang message niya. Pinatay niya ang cellphone niya at nahiga. Sumampa ang isa niyang pusa sa dibdib niya at hinimas iyon habang nakatulala sa kisame.

Inunan niya ang sariling braso at ngumiti nang mapait.

’Hindi

kita

ginusto

, hindi

kita

gusto, at hindi

kita

magugustuhan

.’

Naririnig pa rin niya iyon hanggang ngayon.

“Reign Harriet…” Lyle mumbled to himself. “Bakit ang sakit mong gustuhin?”

———

Palakad-lakad si Howell sa labas ng cruise ship. Hindi siya mapakali at maging ang mga daliri niya ay kanina niya pa kagat-kagat.

“Wala pa rin?” tanong niya kay Jax.

Si Jax naman ay naka-upo sa gilid ng mga bato. Tulala ito at halatang tensyonado. Umiling ito kay Howell.

Lalong nataranta si Howell.

Kasalukuyan silang nasa Palawan. Twenty-four hours ang travel time ng cruise ship at lagpas bente-cuatro oras na simula nang sumakay rito ang mag-ina ng lalaking pinatay sa kulungan.

Kani-kanina pa dumating ang cruise ship at lumabas na ang lahat ng pasahero pero hindi lumabas ang mag-ina. Maraming agents na ang naka-stand by sa iba’t ibang area at may mga naglibot pa sa loob ng cruise ship pero wala silang nakita.

Kinumpirma naman na sumakay ang mag-ina, base sa CCTV footage na nakapaloob sa flash drive na ibinigay ni Detective Hazel. Imposible namang makawala ang mga ito nang ganun-ganon na lang.

They even checked the drop off footage at wala rin ang mag-ina. Hindi lumabas ang mga ito.

“Ano na?” tanong ni Howell. “Kapag ito nakawala pa, wala na tayong ebidensya, Jax.”

Hindi kumikibo si Jax. May namumuo na siyang ideya pero ayaw niya iyong paniwalaan.

Hanggang sa mag-ring ang cellphone niya. Iyon na ang tawag na magkukumpirma sa lahat.

Dali-daling lumapit sa kanya si Howell at nakinig.

“Yes, this is Prosecutor Jax Hibler Scott,” sagot niya sa tawag.

At nang marinig niya ang nangyari ay para siyang nanigas sa kinatatayuan niya.

“Natagpuan ang ina na palutang-lutang sa dagat, Sir. Six cities away from Palawan. Mukhang nahulog daw.”

Doon siya nawalan ng lakas at halos mabuwal sa kinatatayuan.

“’Y-Yong bata?!” tanong ni Howell. “N-Nasaan ’yong bata?!”

Jax felt like his soul just left his body. He looked at Howell.

“Nalunod din…”

“Tang ina…” bulaslas ni Howell. “Jax, mga high school student pa ba talaga ang kalaban natin dito? Lang ya, demonyo na ang gumagalaw, e. Hindi na mga kabataan ito!”

Hindi makakibo si Jax. Alam niya lang ay galit siya at natatakot.

“We shall see…” Jax said and his jaw clenched.

Buo na ang loob niya.

Kabataan man o hindi, wala siyang patatawarin.

Who may be the owner of that letter e shit, you’re done.

———

Sa harap ni Ivan ay ang mga lalaking nagtratrabaho sa harap ng kumpol na mga computer. Mabibilis ang mga kamay ng mga ito at kung anu-anong mga code ang bigla na lang lumilitaw sa mga screen nito.

Iyon ang underground. Ang mga nagtratrabaho roon ay ang mga gumagawa ng illegal.

As a former undercover, he knew how the dirty world works—he used to be one of them, after all.

Hindi lang niya akalain na matapos ang maraming taon ay makakabalik siya roon.

“Ivan, brad, kumusta?” salubong sa kanya ng manager ng mga ito na dati niya ring kaibigan.

Nakipag fist bump siya rito at muling ibinalik ang kamay niya sa bulsa niya.

“Sino ’tong pinapa-trace mo, ha?”

Ngumiti lamang si Ivan ng tipid.

“Someone who’s as good as dead.”

Natawa ito pero hindi siya. Hindi siya nagbibiro.

Days ago, nag-pictorial sila para sa class picture nila at ang naging theme nila ay ang black hoodie at round specs. Ang alam niya ay animal farm ang theme nila kaya nang makuha niya ang memo noon ay nagtaka siya.

Only to find out na ang nagsuot din noon ay ang taong nagtangkang pumatay sa dati rin niyang estudyante na si Hale Parker. Ginamit sila ng kung sinuman para maging panggulo.

He was even right when just few hours ago, naka-usap niya ang Dean at napag-alamang may nag-text sa kanya na hoodie at specs ang theme. Nagpakilala raw bilang siya, si Ivan, kaya sumunod ito at inilagay sa memo.

Ivan knew something fucked up was happening.

Ang specs at hoodie ay trademark ng Eagle Cult at dati siyang miyembro nito. Pinaglalaruan siya—pinaglalaruan sila. At siyempre, hindi siya papayag.

Kaya pasimple niyang ninakaw ang phone ng Dean at nakipag-ugnayan sa underground para ma-trace ang pinagmulan ng mensahe.

Illegal iyon, oo. Pero sanay na siya roon. Ito na lang ang tanging paraan na naiisip niya.

Gusto niyang malaman ang lugar kung saan sinend ang message. He wanted to know if it is one of his students or Jax Scott himself. Kung sakali, malalaman din niya kung sino ang nagtangkang pumatay kay Hale. Knowing the location would be a great help.

“Ito na!” sigaw ng isa. “Nakita ko na!”

Lahat sila ay nagkumpulan sa lalaking sumigaw. Kahit si Ivan ay nakipag-unahan.

Sari-saring codes ang lumabas hangga’t isang mapa ang lumitaw sa screen. Patuloy iyong nagiging specific hanggang unti-unti ay huminto ito sa isang lugar.

Ivan’s lips parted when he saw the origin location of the message.

Bahagya siyang napangisi at dinilaan ang gilid ng labi niya.

“This is turning me on…” he said deadly.

Sa screen ay makikita ang isang gate na may bahid ng pula at ginto. Naroroon ang malaki nitong logo—isang itim na uwak.

At doon, naka-imprinta ang pangalan ng lugar.

WEST

CARSON

HIGH.

PART TWENTY-NINE: First Heartbreak

REIGN.

“ANAKAN MO ’KO GREY, KAHIT BATIK-BATIK!”

Naghiyawan ng tawa ang mga estudyante sa bleachers namin dahil kay Reese. Kasalukuyan kaming nasa soccer field ng school at pinanunuod ang The Crows Soccer Team na kalaban ang The Serpents na soccer team ng kabilang school.

Noong una, I found it unusual. Pero nang i-explain ni Braelyn na ginagawa daw ’to annually kasi walang soccer field ang kabilang school. Puro raw kasi sila matatayog na school building.

Hindi naman siya actual na laban. More on training, ganoon. Kaya heto kami at pumasok isang oras bago ang klase namin para lang makapanuod.

“Anong batik-batik, sisiw ka?” biro ni Missi kay Reese at napatili nang maagaw ng kabilang team ang bola. “IBALIK MO ’YAN! WALA! WALA! AAAAAAH!”

Napatili ang lahat nang muntikan na itong mag-goal pero naagaw ng The Crows ang bola. Pati ako na tahimik lang manood ay napatayo at napakagat sa mga daliri.

“I-goal n’yo ’yan!” sigaw ni Braelyn na humahalo sa kaliwa’t kanang tilian. “’Pag tayo nalampaso sa sarili nating soccer field, umuwi na kayo!”

Natawa ako dahil gigil na gigil talaga siya. Siya ang pinakamaliit sa amin pero siya ang may pinakamalakas na boses.

Napatili na rin ako nang muling maagaw ng kabila ang bola. Bumalik ito sa area nila at naghabulan.

“The Crows ’pag natalo kayo, i-a-adobo ko kayo!” sigaw ni Reese. “Magaling naman kayo manulot ng jowa nang may jowa, agawin n’yo ’yang bola, piste!”

Lalo kaming natawa.

“Bakit?” tanong ko kay Braelyn.

“May issue kasi last year. May teacher sa atin na nang-agaw ng asawa,” sagot niya.

“Lahat ng chismis alam mo, ’no?” nakangisi kong tanong.

“Ako pa ba?” sagot ni Braelyn at bahagyang natawa. “Sa chismis na lang ako nabubuhay.”

Napa-iling na lang ako at nagulat nang muling nagtilian at nagsisisigaw ang lahat.

NAKUHA NI GREY ANG BOLA!

Napakagat ako ng labi. Ang bilis ng mga pangyayari!

“GREY, IPAKITA MONG HINDI KA LANG KULAY!” sigaw ni Reese.

“Kulayan mo ang buhay ko!” sigaw din ni Missi.

Nagtawanan kami kahit na ninenerbiyos.

Kung titingin ka sa field ay si Grey agad ang una mong mapapansin. Bukod kasi sa sobrang puti niya dahil na rin sa araw at sa itim na soccer uniform nila, siya rin ang pinakamatangkad sa kanila.

Ikinunsulta ko na ito kila Detective Howell at Prosecutor Jax. Araw-araw ay nag-s-submit pa rin ako ng narrative report about sa mission ko kahit na hindi na na-r-review ni Prosecutor Jax madiyado. Sobrang busy na kasi niya kaya si Detective Howell na ang nag-h-handle.

Sinabihan ko sila kung ano na ang namamagitan sa amin ni Grey. Sinabi ko kay Detective Howell na nagkakabutihan na kami to the point na we are referring to ourselves as girlfriend and boyfriend.

At first, akala ko magagalit sila. Pero nang i-remind sa akin ni Detective Howell ang tungkol sa Project Grey, na kung saan dapat kong makuha ang loob nito para malaman ang sikreto ng 12-A dahil si Grey ang president at nakakaalam ng lahat, ay tuwang-tuwa pa si Detective Howell.

Ang sabi niya, it shows that I am succeeding. Nang tanungin ko siya kung good thing ba iyon, ang tanging advice niya lang ay dapat daw mas ma-fall si Grey sa akin. Kumbaga, if I like him, he should like me more. He must like me deeper. Para sa dulo, hindi ako ang dehado.

Kung ito man ang killer, mental torture daw iyon. Base kasi sa profiling kay Grey ay ito ang tipo ng taong nag-s-seek ng validation sa taong gusto nito. If I were lucky enough, he might tell me his dirty little secrets kapag panatag na siya sa akin at tuluyang nakuha ang loob.

Isa pa sa sikretong kailangan kong malaman ay kung bakit sila nabuwag nila Lyle at Levi. At kung bakit hanggang ngayon ay may galit sila sa isa’t isa to the point na parang ayaw na ni Grey papasuking muli sa buhay niya si Lyle, as if hindi sila lumaki nang sabay-sabay.

Hindi lang iyon dahil sa nakulong ang tatay ni Lyle, napakababaw na niyon.

Tingin ko ay malaki ang magiging parte niyon sa kaso. Base sa pag-r-review ko ng narrative report ay nagulo ang 12-A two years ago.

Iyon ang time na nagkawatak-watak sila Levi, Grey, at Lyle. Doon din natigil sa pagiging nagkaibigan sila Reese at Everleigh. Doon dumating si Miss Jess at nag-attempt si Sir Ivan na hawakan ang 12-A. Iyon ang pinagmulan ng lahat.     

Kung malalaman ko kung ano ang nangyari two years ago, posibleng malaman na rin namin ang motibo ng krimen. Matatapos na ang mission ko at makukuha ko na ang mga kapatid ko.

At siya.

Ang lalaking tinitingnan ko ngayon. Siya ang susi sa lahat.

Si Grey ang susi sa lahat.

“GO GREY!” tili ni Braelyn nang malampasan ni Grey ang tatlong nang-corner sa kanya malapit sa goal post. Ngiting-ngiti ito at nagtatalon.

Isa pa itong problema ko.

Braelyn hasn’t shown her dark side yet.

Anong kaya niyang gawin?

Tama nga kaya si Everleigh? That Braelyn is just a face but a bitch underneath? Na kunwari ay suportado ka pero plano na pa lang agawin ang iyo?

Gustong-gusto kong alisin iyon sa isip ko. Alam ko naman kasing malabo iyon. But the way Everleigh said it, and the fact that she’s the gatekeeper, kilala niya ang lahat. Alam niya ang baho ng lahat.

Indeed, Everleigh is manipulative.

Pero paano kung sa pagkakataong ito ay hindi talaga siya kalaban?

At kung kalaban man siya, paano kung hindi siya ang dapat kong katakutan?

I looked at Braelyn.

What if it’s her?

What if she’s only pretending to be my friend so she can destroy me better?

I shook my head.

Damn, I’m overthinking.

Nang sipain ni Grey ang bola at pumasok iyon sa goal net, nagsisigaw ang lahat at napatalon. Maging ako ay napangiti.

GREY SCORED!

WEST CARSON HIGH WON!

Huminto si Grey at napahiga sa field. Sinugod siya ng mga ka-team niya para yakapin.

Pagod na pagod ito at pawis na pawis. Pero kitang-kita mo kung gaano nito kamahal ang ginagawa niya at kung gaano siya kasaya roon.

Lalo akong napangiti.

Halos sirain na ni Reese ang mga bleachers dahil nagwawala na siya dahil sa saya. Si Missi naman ay nag-a-apply na ng liptint dahil mag-m-my day daw siya.

“Liptint agad?” tanong ni Braelyn.

“May ex ako sa kabilang school. Kailangan kong mag-my day na talo ang school nila. Ito na lang ang ganti ko,” sabi ni Missi. “West Carson High represents!”

Napa-iling na lang ako at muling tumingin sa field. Nakita kong tumayo si Grey at parang may hinahanap. Nang magtama ang paningin namin ay lumawak ang ngiti nito at kumaway.

Kumaway din ako pabalik at bahagyang natawa.

Pinagtinginan kami at umugong ang asaran. Kumalat na sa buong school na girlfriend niya ako.

Kahit naman parte lang ng mission ko si Grey ay alam ko sa sarili kong attracted ako sa kanya. Gusto ko siya.

He never made me feel confused. Consistent siya sa nararamdaman niya at kinikilos niya simula pa noong magkakilala kami. I know I’m not the prettiest or the smartest in school, but he never made me feel insecure.

Kahit na maraming lumalapit kay Grey sa field ay sa akin pa rin siya nakatingin at nakangiti.

That’s when I realized it.

With or without the mission, I would fall for him.

I was destined to fall for this guy and there’s no doubt about it.

Matapos ang masayang event ay halos lumuha naman kami ng dugo dahil sa defense namin.

As expected, si Everleigh ang pinakamataas. Sumunod sila Grey at Braelyn. Kami naman ni Lyle ang sumunod, then sila Levi at Nash.

Ang nakakatuwa ay pumasok na si Levi at Nash. Siguro, dahil na rin sa defense. Pero hindi sila nagkikibuan. Kahit nga magtinginan ay hindi nila nagawa. Iyon nga ang naging puna sa kanila, wala raw silang teamwork.

Noong lumabas sila ng room ay parang galit pa sa isa’t isa. Noon, kapag ganito, mag-r-rant na si Nash. Pero ngayon, ultimo pangalan ni Levi ay ayaw marinig.

Sila Missi at Reese naman ay napatawag ang parents dahil wala silang gawa. Nang tanungin, nagkulutan lang daw sila ng hair at nag-color ng nails. Mga buang.

“Bili na lang tayo ng bagong parents,” rinig kong sabi ni Missi.

Lunch break nang tawagin sila Braelyn at Everleigh sa klase. May school conference daw at kailangan sila dahil editor-in-chief sila ng English and Filipino Newspaper. Kahit si Sir Ivan ay wala kasi siya ang adviser ng School Journalism. Wala rin si Grey dahil kailangan siya sa training.

Iyon pa ang nakakatakot. Tahimik si Everleigh lately. Alam ko namang may pinaplano ito at handa ako anytime.

Heto kami nila Missi at Reese sa canteen. Walang kibuan na kumakain. Namromroblema kasi sila dahil ayaw nilang ipatawag parents nila.

“Nalaman n’yo na ba nangyari roon sa tinulungan n’yo?”

Sabay-sabay kaming napa-angat ng tingin. It was Levi. May dala itong food tray at tumabi sa akin.

“Hi, trans,” bati nito.

Napa-ismid ako. “Akala ko nagbago ka na.”

“The same handsome Levi, ain’t I?” biro nito.

Hindi na lang ako kumibo at uminom ng soup.

“Sino tinutukoy mo?” tanong ni Missi. “Sinong tinulungan?”

“Sino pa ba?” tanong ni Levi at binuksan ang inumin niya. “Jal Perez.”

Natigil kaming tatlo nila Reese at Missi.

“Anong mayroon?” tanong ko.

“Nakita ko parents ng 12-B, ’yong parents ng mga inaway n’yo,” sabi nito at sumubo ng kanin. “Pumasok sa Office of Students Affairs. Alam n’yo na mangyayari.”

“Ano?” clueless kong tanong.

“Dahil hindi nila tayo kayang galawin, doon sila sa easy prey,” sabi ni Missi at nakangiti habang may ka-text na sure ako ay ang boyfriend niya. “They’ll kick her out.”

“Bakit?” bahagyang tumaas ang boses ko. “W-Wala namang kasalanan si Jal?”

Bahagyang natawa si Reese. “Welcome to West Carson High.”

Hindi ako nakakibo. Feeling ko ay maduduwal ako. Ang fucked up ng sistema. At nakakakilabot na parang wala lang sa kanila.

“Reign, ito na lang avail…able,” natigil ako sa pag-iisip nang dumating si Nash.

Natigil din ito nang makita si Levi. Nang magkatinginan sila ay pareho silang umiwas ng tingin.

What’s going on?

“Okay na ba sa ’yo ang orange flavor?” tanong sa akin ni Nash.

Tumango na lang ako. Tumabi siya kay Reese at magkaharap sila ni Levi.

Kumain kami at walang kibuan. Halatang problemado ang lahat.

“Ay, oo nga pala!” sabi ni Reese. “Kasama mo kagabi si Gianne, ’no? ’Yong ambassador ng—”

“Ssssh,” putol dito ni Levi. “What about it?”

“Ikaw ha…” nakangising sabi ni Reese. “Nagjugjugan kayo last night?”

Nasamid si Missi at ganoon din ako.

“Girl?!” sabi ni Missi. “Right in front of my cheesecake?!”

“Epal ka,” sabi ni Reese at tiningnan uli si Levi. “Ano nga, legit ba?”

Tiningnan namin si Levi at maya-maya’y chill na tumango ito. “Saan mo nalaman?”

Tiningnan ko si Nash at halatang nagulat ito. Humigpit pa nga ang pagkakahawak niya sa kutsara niya. Kumunot ang noo ko.

“Nakita ko sa IG niya, may paa mo, tanga. Alam kong iyo ’yon, ’no. Mas maganda pa nga paa mo sa akin,” sabi ni Reese.

“Akala ko ba nakila Nash ka?” tanong ni Missi. “Nagpapabili ako ng nuggets, sabi mo busy ka.”

Hindi kumibo si Nash pero obvious na hindi siya okay.

“Maaga kami natapos,” tipid na sagot ni Levi at sumubo ng kanin. “I met Gianne after it.”

“Wow…” bulong ni Nash.

Lahat kami ay napatingin sa kanya. Ngumiti ito nang mapait at tiningnan kami.

“Nawalan na ako ng gana,” sabi nito at tumayo.

“Why?” tanong ko.

Hindi ito kumibo at lumakad paalis. Tinawag ko pa siya pero hindi kami nilingon.

“Problema nun?” tanong ni Reese at tiningnan si Levi. “Ikaw ha, kaya pala namumukadkad ka ha, may dilig kagabi.”

Natawa si Missi pero tipid lang na ngumiti si Levi at hindi na nagsalita.

“Shit!” biglang sigaw ni Missi. “I know na bakit galit si Nash!”

“Bakit?” tanong ko.

“Birthday niya kahapon, kasabay ng debut nila. Myghad! Kung hindi pa ako tumingin sa FB memories!”

Maging ako ay napanganga.

“Masyado tayong pre-occupied ng research, hindi na natin naalala,” sagot ni Reese. “Kaya pala nag-happy birthday si Brae at Leigh kahapon sa IG Stories nila. Saglit, habulin ko si bakla!”

Sumunod si Missi at dalawa kaming naiwan ni Levi. Mukha itong walang pakialam.

“Hindi mo ba siya hahabulin?” tanong ko.

Levi didn’t answer at first. He seemed hesitant. Until he shrugged.

“Malaki na siya.”

———

For the next hours, pilit kaming bumabawi kay Nash sa room pero walang umepekto. Badtrip ito. Nang kausapin ko, ang sabi niya ay naiintindihan naman daw niya.

Nagkasabay ba naman ang debut niya at ang research paper namin, nangyayari raw talaga iyon. Kahit siya ay hindi na iyon naalala dahil mas excited pa siya sa debut niya. Pero ngayon, ayaw niya ng kasama. Gusto niya raw mapag-isa.

Lahat ay bumati na sa kanya maliban kay Levi na ayaw din siyang pansinin.

Kahit nga si Lyle na walang pakialm sa mundo ay binati siya sa chat, ‘hbd’ nga lang. Pero mas okay na ’yon kaysa wala.

Speaking of Lyle, I realized na masiyado akong naging rude sa kaniya kahapon. Wala talaga ako sa sarili at mainit ang ulo dahil kay Everleigh tapos nakisabay pa siya.

Wala namang sinabi si Lyle na gusto niya ako at alam kong never niya akong magugustuhan at ganoon din naman ako.

Kaya bakit, of all phrases, sinabi ko sa kanyang never ko siyang ginusto, hindi ko siya gusto, at never magugustuhan? Nakakahiya!

Kaya matapos ang second break ay bumili ako ng paborito niyang inumin—isang orange-flavored drink na galing sa vending machine ng school. Sabi ni Levi iyon lang daw sng softdrink na iniinom ni Lyle.

Peace offering, kumbaga. Pa-thank you na rin dahil siya ang sumagot sa lahat ng mahirap na tanong ng panelist. Baka nga kung nag-solo siya ay siya pa ang highest.

Ilang beses na nga akong napakamot dahil sobrang nakakahiya talaga ang ginawa ko. Sobrang wala sa hulog. Badtrip lang talaga ako dahil kay Everleigh at nadamay tuloy siya kahapon.

Alam ko sa sarili kong sobrang rude ng mga sinabi ko kaya deserve niya ang apology.

I waited for him outside the room. Nang lumitaw siya two minutes before the break, I composed myself.

Gaya ng dati ay suot-suot nito ang headphone nito at walang emosyong naglalakad sa kahabaan ng pasilyo. Nakapamulsa rin ito at bahagyang hinahangin ang itim at manipis nitong buhok.

At first sight, alam mo na agad na model ito. Mula sa tindig at kilos pa lang, halata na.

He’s handsome, that’s given.

Nang malapit na siya sa room ay hinarang ko siya. Huminto naman siya at tiningnan ako.

Iginawi ko sa kanya ang softdrink na nasa kamay ko at bahagyang yumuko.

“Sorry kahapon,” sabi ko at lumunok. “I know that was rude—”

“Kung alam mo ba’t mo pa ginawa?”

Doon ako napatingin sa kanya. His eyes were as cold as ice but he sounded hurt.

“Lyle…” I uttered. That caught me off guard.

Tiningnan niyang muli ang softdrink sa kamay ko at tumaas ang sulok ng labi.

“Ano bang gusto mo?” tanong ko.

When his eyes rerouted at my eyes, that’s when he turned serious.

“Kaya mo bang ibigay?”

Tumango ako. “I’ll try.”

Lyle’s lips twisted a smile.

“You,” he whispered. “You and your heart.”

I scoffed. “Do you want me to be your puppet?”

Lyle looked at me with disbelief. “Unbelievable.”

Umiling ito at pumasok sa loob ng room.

Tiningnan ko siya at hindi man lang niya ako nilingon. Iniwan niya ako sa pinto na tulala, napahiya, at gulung-gulo.

———

THIRD PERSON POV.

Walang ginagawa sa classroom at wala ring klase. Nagkakatuwaan ang mga estudyante. Ang ilan ay nagkakantahan, mayroong mga nagkukuwentuhan lang, at may ilang sumasayaw.

Sa dulo ng classroom ay naroroon si Lyle at nakapatong ang ulo sa kanyang headrest. Unan-unan niya ang sariling braso at nakatitig sa isang kaklase.

She was sitting there, talking with someone. Ngiting-ngiti ito habang nakikipag-kwentuhan sa ’di kalayuan.

Lyle couldn’t resist it. He wanted to look at her all day. His brain was hating it because he seemed like a freak but his heart was waving.

Tiningnan niya ito. Ang buhok nito ay may pagka-brown dahil nasisinagan ito ng araw. He wanted to pat her head too.

Her eyes were not the prettiest but the most expressive he had ever seen. He could stare at them all day long.

Lyle gulped when she laughed. Her laugh wasn’t as feminine as the other girls but what made it as a lullaby in his ears was the fact that she was being herself—bold and carefree.

Damn… he thought. Baliw na nga ata talaga ako.

Tiningnan niya ang kumikinang sa uniform nito. Isang gold na nametag na kung saan nakaukit ang pangalan ng babaeng ilang araw nang laman ng isip niya.

Ang babaeng dahilan kung bakit hindi siya nakatulog nang maayos kagabi at hanggang ngayon ay gulung-gulo sa sarili.

“REIGN HARRIETT,” Lyle mouthed.

Nag-joke si Reese at lalo itong natawa. Hanggang ang tawa nito ay naging halakhak na.

Unconsciously, Lyle smiled too. The joke wasn’t even funny for him. It was her smile that seemed contagious.

And that was unusual.

Bihira lang siyang mapangiti ng mga bagay-bagay. But  there she was, planting a smile on his lips effortlessly.

Lalo itong humalakhak nang nakisabay si Missi.

Lyle heard himself laughed softly too. Alam niyang ngiting-ngiti na siya at kung makikita siya ng ate niya o ng mama niya ay baka hindi siya makilala ng mga ito.

Tumingin si Reign sa bintana at natamaan ng sinag ng araw ang mata at ang mukha nito.

Lyle felt his heart took a sudden leap.

It was mesmerizing.

“So pretty…” his lips automatically whispered in the air while watching her.

In his great surprise, Reign looked at his direction. Ilang segundo silang nagkatitigan at wala siyang balak  mag-alis ng tingin.

Pero nang ngumiti ito ay doon na siya natunaw. Umiwas si Lyle ng tingin at bahagyang napalunok.

Tiningnan siyang muli ni Reign bago ito tawagin ng isa nilang kaklase dahil P.E. na.

When she was no longer looking at him, Lyle threw her a final glance and from there, he knew.

All this time, it was love.

———

Nang makita ni Nash si Levi sa library ay dali-dali niyang hinugot ang flash drive sa laptop niya. Mabilis niyang inilagay ang mga gamit niya sa loob ng bag at gusto nang umalis.

“P.E na,” sabi ni Levi nang lapitan siya. “Pinapahanap ka ng P.E teacher natin. Marami ka raw dapat i-comply.”

“Thanks,” sagot ni Nash nang hindi man lang ito tinitingnan.

“Do you need help?” tanong ni Levi.

“I’m good,” sabi ni Nash at pilit na isinusuksok ang laptop niya sa loob ng bag niya. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay ayaw nitong maipasok.

“Ako na,” pilit ni Levi. “You’re doing it wrong.”

“Kaya ko sarili ko,” sabi niya.

“Ako na nga sabi,” pagpupumilit nito.

“’Wag na nga—”

Natigil siya nang hawakan nito ang kamay niya. Nash felt a sudden jolt and what happened last night flashed on his mind.

Tiningnan niya ang paligid at walang tao bukod sa kanila. He was about to pull his hand but Levi held it tighter.

“Ba’t mo ’ko iniiwasan?” tanong ni Levi.

Tiningnan niya ito.

“Nash, ang sabi ko huwag mong lalagyan ng malisya, ’di ba? Why do you have to act like this? Masiyado kang obvious.”

Nash was hurt. Binawi niya ang kamay niya at tiningnan ito.

“What do you expect me to do, Levi? You fucked someone after kissing me. How’s that?”

Levi felt the frustration. “Ano naman sa ’yo?”

“Ano naman sa ’kin?!” hindi makapaniwalang sabi ni Nash. “Levi, hinalikan mo ako!”

“Hinalikan kita kasi hinalikan mo ako,” rason ni Levi. “I was drunk and confused. Kaya anong sabi ko? ’Wag mong lagyan ng malisya and now look at you!”

“Paanong hindi ko lalagyan ng malisya? Hindi mo lang ako hinalikan. You touched me. You made me feel like I was your girlfriend and—”

“Which is not,” putol ni Levi sa kanya. “You are not my girlfriend, Nash. You’re not even a girl to begin with.”

Nash’s lips parted. He was hurt.

“Kung ako ang tatanungin mo, hindi ko alam kung bakit kita hinalikan pabalik. Siguro nadala lang ako? Could be. Pero kung ipagpipilitan mong there was something other than that, Nash, stop hurting yourself. I did not kiss you romantically. I don’t even feel romantic about you. Not even a single inch.”

Para siyang pinapatay ng mga salita nito.

“I respect you and your gender. Pero kilala ko ang sarili ko. I’m only attracted to girls. Alam mo ’yan,” sabi ni Levi.

“Tingin mo ayan lang ang ikinagagalit ko?” tanong ni Nash. “Levi, I get it. You’re straight, sige. Wala lang sa ’yo ’yong halik na ’yon kahit na hindi ako pinatulog n’on the whole night, okay, I get it. Pero why do you need to fuck someone right after something happened between us?”

“Kung nag-kiss man tayo o hindi, gagawin ko pa rin ’yon. Stop making a drama out of it, please!”

“Hindi mo ba nakukuha?!” Nash felt his heart cracking. “Respeto ’yong hinihingi ko! Hindi ba pwedeng kinabukasan ka na lang makipag-sex? Do you really need to do it just few hours after you kissed me? Alam kong wala lang sa ’yo pero ang pangit sa pakiramdam.”

Nash felt the tears forming in his eyes.

“Respeto lang sana. O kaya…kung ginawa mo man, sana sinigurado mong hindi ko malalaman. Kasi ang sakit-sakit. Hindi pa ba sapat na sabihin mo sa ’kin na wala lang ’yong nangyari kahit ako, nababaliw na? Kailangan ba durugin mo pa ako nang ganito?”

Nash’s voice cracked. Levi himself didn’t know what to do. Napa-upo ito sa gilid ng table at nilamukos ang mukha. Maya-maya ay tumayo ito.

“I’m sorry, Nash. You’re a good classmate pero hindi kita nakikita as a—you know—someone that I can be with, romantically. Call me names, I’ll give it to you. Let’s stop this once and for all.”

Levi met his eyes.

“I will never like a boy.”

And the next thing he said broke him completely.

“I will never like you.”

Just like that, Levi turned his back and walked away, leaving his heart scarred and shattered.

Napa-upo si Nash sa upuan at tinakpan ang mukha. Ang mga luhang kagabi pa niya pinipigil ay kusa nang kumawala.

On his eighteen birthday, he received the gifts that he won’t ever forget—love and rejection.

———

Napahinto si Grey sa pintuan ng classroom nila. Sumakto sa P.E time ang tapos ng training nila at iyon mismo ang hinihintay niya.

Gustong-gusto na niyang matapos ang training dahil na-miss na niya ang maging isang normal na estudyante at na-miss na rin niyang makasama si Reign.

At heto siya ngayon, tinitingnan si Reign na nasa loob ng room nila. Ito na lang ang tao roon at mukhang may hinahanap.

“Do you need help?” he asked.

Bahagyang nagulat si Reign at napangiti naman nang makita siya.

“Hindi, ayos lang. Hinahanap ko kasi ’yong shuttlecock, parang naiwan ko yata.”

“May hawak na shuttlecock si Reese kanina sa field,” sabi niya at nilapitan ito. “’Yon ata ’yon.”

Napabuntong-hininga si Reign. “Sabi na’t siya ang nagtago, e.”

Nagkatawanan sila.

“Kumusta? Tapos na training mo?” tanong sa kanya ni Reign.

Tumango siya.

“Hindi ka ba magpapahinga niyan?”

Umiling siya.

“Why?” tanong ni Reign.

“Mas gusto kitang makita.”

“Tss.”

Pareho silang natawa.

Ang tawa ni Grey ay unti-unting naging ngiti. Palubog na ang araw at ang sinag nito ay tumatagos sa bintana. Saktong-sakto ang ilaw niyon sa mukha ni Reign. Hindi niya maiwasang mapangiti.

“Bakit?” tanong ni Reign. “Ang haggard ko ba?”

Umiling siya at bahagyang ngumuso. “Bakit ang ganda mo?”

Pabirong umirap si Reign.

“Seryoso ako,” sabi ni Grey at inilabas ang cellphone niya. Ipinakita niya ang lockscreen niya.

“HOY!” gulat na sabi ni Reign. Kuha niya iyon nang makatulog ito habang magka-video call sila kagabi. “BAKIT?!”

“Why not? You look cute,” sabi ni Grey at tiningnan ang lockscreen niya. “Para kapag nawala ang phone ko at may nakapulot, makita pa lang nila ang lockscreen ko, alam na nila kung kanino ang phone. Uy, si Reign ’to ng 12-A ’di ba? Kay Grey ’to, panigurado.”

Bahagya silang natawa at sabay na natigil nang magkatitigan sila.

This time, there was something different in their eyes. They were shy yet romantic.

The sun set beside them just made the scene more aesthetically pleasing. Binibini by Zack Tabudlo was even playing from the student park and Grey remembered what happened before.

When he was lost, he found her.

Whenever he’s with her, he’s at home.

“Grey…” Reign mumbled.

Grey started inching their gap and Reign stepped back   until she stumbled and accidentally sat on the table. Grey stopped and stood right in front of her.

Tiningnan niya si Reign sa mga mata. Nahihiya ito.

“May I kiss you?” Grey asked shyly. His ears were even burning red.

Hindi agad nakakibo si Reign. Nakatitig lang siya sa mga mata ni Grey at napalunok.

“W-Why are you asking?” she asked.

“Because I want your consent,” he answered. His voice was more like a whisper.

Ni-hindi niya alam kung saan siya nakakuha ng lakas ng loob na itanong iyon. Sa totoo lang ay grabe ang kalabog ng dibdib niya.

Reign didn’t answer. Slowly, she closed her eyes.

Grey gulped. She gave him the consent.

How can someone be this beautiful?   he thought.

A smile blossomed on his lips—a smile full of admiration, surely.

In an instant, he inched the gap of their face and Reign felt his warm breath. He looked at her lips first until the smile on his lips faded.

“Open your eyes,” he whispered.

When Reign did, their eyes met. Grey tilted his head and with the light passing through the window, as if their hearts were beating with the same melody, finally, their lips met.

They kissed.

Grey was Reign’s first kiss…

Little did they know, someone was watching them from the window.

Nabitawan ni Lyle ang shuttlecock na hawak niya nang makita ang nangyayari.

Grey and Reign were kissing right in front of his eyes.

He didn’t know what to do.

He wanted to walk away but he couldn’t.

Napahawak siya sa dibdib niya. Nagsisimula iyong manakit nang matindi.

Hindi na niya ito kayang tingnan. Pakiramdam niya ay dinudurog siya.

Gusto niyang umalis pero para siyang nanigas sa kinatatayuan niya.

Sobrang sakit na na animo’y pinapatay siya unti-unti.

With his heart aching inside him, Lyle finally turned his back and slowly, he walked away without even looking back.

He felt tears in his eyes.

For the time, his eyes were glimmering with tears. Before he can even process it, the tears fell to the ground.

He was in so much pain that he couldn’t handle. So much pain that no one could ever imagine.

Pakiramdam niya ay unti-unti siya nauubos.

Sobrang kirot. Sorang hapdi. Sobrang sakit.

Isang linya sa librong binabasa niya kagabi ang pumasok sa isip niya.

You will never know how in love you are until they actually break your heart.

And now, it happened.

Today, after days of his endless quest, he got the answer.

He can no longer ignore it.

He can no longer deny it.

Indeed, Reign became his first love—and first heartbreak, too.

PART THIRTY: Fixing Your Broken Heart

REIGN.

“SO, TAYO NA?”

Napahinto ako sa paglalakad at napalingon kay Grey. Katatapos lang ng klase at kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa unit ko, gusto raw niya akong ihatid.

Bahagyang napamaang ang mga labi ko nang magtama ang paningin namin. Suot-suot ni Grey ang school uniform niya at ang coat naman niya ay bitbit-bitbit lang niya.

Sa tagal nilang nag-t-training ay lalong gumanda ang hubog ng katawan ni Grey. Sa katunayan, bumabakat na nga ang dibdib niya sa suot niyang polo at bagay na bagay ’yon sa kanya.

Natataman din ng sinag ng papalubog na araw ang balat niya kaya bahagya iyong namumula. Paano ba naman kasi, tirik na tirik ang araw sa t’wing mag-t-training sila. Sanayan na siguro.

Ngumiti sa akin si Grey nang mapansin niyang sinusuri ko siya. Nang napatingin ako sa labi niya ay bumalik sa ala-ala ko ang nangyari kanina—ang unti-unting paglapit ng mga labi namin at ang pagpikit ng mga mata ko.

Today, I had my first kiss and I liked it—no, I loved it.

When someone said that a first kiss must be magical, I never thought that it could be this enchanting.

Iba pa rin talaga ’pag gusto mo ang tao.

“Reign, are we?” ulit ni Grey at lalong ngumiti.

“H-Huh?” maang kong tanong dahil para akong nalulunod sa ganda ng ngiti niya. “Hindi ba?”

Kumunot ang noo ni Grey. “Kaya nga kita tinatanong. I was… impulsive the other day. Masiyado akong nadala. I told my team that you are my girlfriend without your consent. I felt bad.”

“Tss…” pabiro akong umismid at tinalikuran siya. Nagsimula akong maglakad. Tanaw ko na ang building namin.

“Ano nga?” tanong ni Grey at sumunod sa akin. “Baka mamaya ako lang pala ang inlove rito, ha.”

Natawa ako at tiningnan siya. “Tingin mo ba hahayaan kitang halikan ako kung ’di boyfriend ang tingin ko sa ’yo?”

Grey was  probably expecting that but I guess, it still caught him off guard. Bumuka ang bibig niya para magsalita pero hindi nito malaman ang sasabihin.

I faced him and patted his head gently.

“Yes, Greysen Finch. I am your girlfriend and the feeling is mutual.”

When he met my eyes, his ears turned madly red.

I smiled at him. “Malapit na mag-go signal, tara.”

Akmang maglalakad na ako nang pigilan niya ako.

“Hmm?” taka kong tanong.

“Kung tayo na nga, let’s do what other couples are doing.”

Inilahad niya ang kamay niya at tipid na ngumiti.

“Hold my hand, Reign.”

Pabiro akong umirap at pareho kaming natawa.

I took his hand and he held mine tighter while we were waiting for the green light.

“Finally, I’m home…” I heard Grey whispered to himself.

“Huh?” I asked.

Umiling lang si Grey at ngumiti. “Go signal na.”

With our hands intertwined with each other, we crossed the street together.

Patuloy kami sa paglalakad at nang marating namin ang tapat ng building ng unit ko ay doon kami huminto.

“May tanong ako,” sabi ko sa kanya.

“Yep?” tanong pabalik ni Grey.

“Hindi ba masiyadong… mabilis? I mean, sigurado ka na ba sa ’kin?” tanong ko. “To be honest, Grey, hindi pa rin ako makapaniwalang magugustuhan mo ako. What I mean is super daming actress-figure sa school and all of a sudden…you like me. Not that I’m doubting you, okay? Hindi ko lang talaga ma-absorb.”

“Kung interesado ako sa kanino man sa school, edi sana sila nilapitan ko, ’di ba?” sagot ni Grey. “I know everyone in West Carson High, Reign. I’ve been with them for seven straight years at wala ni-isang naka-attract sa ’kin the way you captivated me.”

Ngumiti ito lalo at tiningnan ako sa mga mata.

“Hindi ako naniniwala sa first love pero noong nakita kita, ay, baka totoo nga.”

Bahagya kaming natawa.

“Ilang months pa lang tayong magkakilala,” I said. “We barely know each other.”

“Well, I date to settle. If you think things are too rushed, we can slow down. Besides, we have the rest of our lives to know each other.”

Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan iyon.

“At sinasabi ko sa ’yo, I don’t do break ups. Kung pagod ka, I’ll rest with you. Kung galit ka, rant ka lang, makikinig ako. If you want to cry, my shoulder is always ready. Kung stress ka, I can sing for you. We can eat, too—it doesn’t matter kung tataba ako. Matutunaw ko naman ’yong fats sa training.”

Napangisi kaming pareho.

“What I’m saying is I am committed to you. Kung busy ka, updates will be enough for me. In college, it doesn’t matter kung busy ako o hindi. I will always make time for you. Ang gusto ko lang ay mutual parati ang nararamdaman natin. Okay lang sa ’yo?”

Grey sounded responsible and dependable. He’s just… too good to be true.

Tumango ako. “Of course.”

Lumapad ang ngiti niya. “First kiss mo ’ko, I should be responsible for it.”

Pakiramdam ko ay uminit ang pisngi ko.

Ba’t ko ba kasi sinabi sa kanya? Nakakahiya tuloy!

In midst of the butterflies in my stomach, I remembered my job and my task.

The 12-A case.

The Project Grey.

Seeing how genuine and excited Grey was, I kind of felt bad. Kahit na pareho kami ng nararamdaman ay pakiramdam ko niloloko ko siya at pinaglalaruan.

Pero ano bang magagawa ko?

I became an undercover before I became his girlfriend.

My mission should be my priority.

My siblings should be my top priority.

But looking at Grey’s eyes now and his wide smiles, I knew I might hurt him sooner or later.

I faked a smile. “Wow, ha. Parang prepared ang speech mo, a? Tell me. Sinu-sinong exes mo na ang sinabihan mo niyan?”

Kumunot ang noo ni Grey. “Hoy. Yes, I’m friend with Levi but that doesn’t make me a womanizer!”

I let out a small laugh. “Birds with the same feathers flock together daw, ’di ba?”

“Well, hindi kami ibon,” sagot ni Grey at natawa.

Suddenly, an idea came to my mind. Ang theory ko noon na romantic relationship ang posibleng dahilan ng pagkakawatak-watak nila Grey, Levi, at Lyle.

Na sa sobrang intense ng nangyari ay pati friendship nila Missi, Reese, at Everleigh ay naapektuhan.

Anong nangyari two years back? Bakit nagulo ang 12-A? Bakit huminto si Sir Ivan sa kagustuhan nitong hawakan ang section nila noon? Anong nalaman ni Miss Jess at buong school ay kinalaban siya at sa huli ay pinatay? Anong nadiskubre ni Hale at muntik na siyang magaya sa namatay na guro?

It must be something deadly. Something that can expose West Carson High’s grave sins. Na pati ang nagtangkang pumatay kay Hale at ang mag-ina nito ay pinapatay para lang hindi mabunyag ang tinatago nila.

If I could make Grey talk about it, kaya kong pagtagpi-tagpiin ang nangyari. A small detail can be a big clue. A big clue can be a key, and a key can open the skeletons in their closets.

“Really?” tanong ko. “Ilan na ba ex ni Levi?”

“’Wag mo akong tanungin. Pati siya hindi niya na rin mabilang. Puwede na nga ata siyang gumawa ng collage nila.”

Natawa kami.

“E, ikaw ba?” tanong ko.

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni Grey. He looked uneasy.

“I don’t know,” tipid niyang sagot.

“You don’t know?” tanong ko.

Tumango siya. “Yes. I don’t know.”

“Bakit hindi mo alam?” pilit kong tanong. Kita kong uncomfortable na siya pero wala akong magawa. I need to get a clue.

“Hindi ko alam kung naging kami ba o hindi. Basta,” Grey laughed it off softly but I knew he wasn’t ready to talk about it.

“E si Lyle?” tanong ko.

He shrugged. “Not sure. Alam ko lang pareho kami ng sitwasyon.”

BINGO.

Maybe it wasn’t Levi and Nash who fell for the same girl. Perhaps, it was Grey and Lyle. Then naging desperado itong si Lyle at gumawa ng masama, causing his friends to hate him. I mean, ’yon lang ang reasonable angle na nakikita ko.

“Can we… not talk about Lyle?” tanong ni Grey. “Hindi pa kasi ako ready.”

“Hindi na ba kayo magkaka-ayos?” tanong ko.

“I have forgiven him for the things that he doesn’t even feel sorry about. Okay na ’yon. I deserve the peace.”

Hindi na ako kumibo. My move was insensitive.

“Sorry…” I said.

“Kaysa mag-sorry ka, pahingi na lang ako ng two by two photo mo.”

“Huh?” taka kong tanong. “Bakit?”

Nagpasa kami ng two by two kanina sa isang subject namin para raw sa index card at ang daming excess.

“Basta,” sagot ni Grey at binuksan ang wallet niya.

Kumuha ako sa bag ko ng isa at kinuha niya agad iyon. Bago pa ako makapagsalita ay inilagay niya ang two by two picture ko sa likod ng phone niya. At dahil clear ang phone case niya ay kitang-kitang ang mukha ko roon.

“Ang corny!” reklamo ko na ikinatawa niya.

“Corny but cute,” sabi niya at ini-abot sa akin ang two by two picture niya. “Cute ko riyan, ’di mo ako malalait.”

Totoo nga. He looked good to the point na nakakainis na. Clear din ang phone case ko kaya roon ko inilagay.

“Kapag nag-graduation picture na tayo for SHS, papalitan natin ’yan. Then college graduation picture,” Grey added.

We just laughed it off.

“Sige na. Magdidilim na. Go inside.”

“Should I?” tanong ko.

Tumango siya. “Bago pa ako manghingi ng hug, sige na.”

“Tss…” pakunwari kong reklamo. “I’ll go inside.”

“I’ll text you ’pag naka-uwi na ako.”

“Sige, ingat ka.”

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papalayo. Nakaka-ilang hakbang palang ako ay tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko ay text iyon ni Grey.

Naka

-uwi na ako’

Bago pa ako makalingon ay naramdaman kong yumakap sa kin si Grey mula sa likuran.

He wrapped his hands around my waist and rested his head on my shoulder. He hugged my tight.

Napangiti ako. “Ang sabi ko umuwi ka na.”

“Naka-uwi na nga ako,” sagot niya ngunit pabulong.

Napa-iling na lang ako habang nangingiti. “Pinagtitinginan na tayo.”

“So what?” tanong ni Grey.

Bahagya akong natawa.

Matapos ang ilang segundo ay kumalas na siya. “Sige na nga. Ingat.”

“Sure ka?” tanong ko. “Baka habulin mo ako ulit.”

Natawa siya at umiling. “Hindi na, promise. Ingat ka.”

Ngumiti na lang ako at tinapik siya sa balikat. “Ingat.”

I started walking and when I reached the entrance, I looked back and waved at him. Grey waved back at me.

I finally went inside and realizations hit me.

Simula nang umalis ako sa poder nila Ate Neska na kumupkop sa akin nang maghiwalay ang parents ko, umuwi ako sa Maynila para magpursige at naging undercover pa nga. I have always been anxious about my job and my environment. Na baka isang araw ay balikan kami ng mga na-aresto namin at madamay pa ang mga bata kong kapatid.

During that time, I felt like I lost myself too. Kinalimutan ko na ang pangarap ko dahil kailangan kong makapag-provide para sa pamilya ko—para sa mga kapatid ko.

Hindi na nga Reign Harriett ang tingin ko sa sarili ko. Para sa akin, mas importante ang pagiging ate ko. Mas importante na may mai-uwi ako gabi-gabi para hindi matutulog ang mga kapatid ko na kumakalam ang sikmura. Mas lamang ang responsibilidad ko sa buhay.

Ni-hindi ko nga mabilhan ang sarili ko ng magagarang damit. ’Yong phone ko noon, kinakabitan ko pa ng goma dahil humihiwalay na ang screen at may basag pa ang gilid. Kung may gusto akong pagkain, inaalala ko kung ilang panghapunan na ang katumbas niyon. Naranasan ko na nga ring mag-ulam ng tigpipisong chichirya para may mai-uwing masarap na ulam sa kanila.

Kung hindi pa ako na-hire ni Prosecutor Jax, hindi ko pa mararanasan ang matulog nang kumportable at hindi inaalala kung saan ako kukuha ng pangkain kinabukasan. Hindi ko na inaalala kung saan ako mag-iigib ng tubig para makaligo. Dito ko ulit naranasan na after all, tao nga pala ako. Bata pa pala ako. Estudyante nga pala ako.

Grey made me feel safe and secured. He washed all my anxieties away. Ipinaramdam niya rin sa ’kin na deserve ko ’yong love na pilit kong ibinibigay sa pamilya ko at sa ibang tao.

Na kahit na gaano kalupit ang mundo, nandiyan lang siya parati.

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Ramdam ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko.

Sobrang dami kong kinikimkim. Sobrang bigat. Minsan, gusto ko na lang din sumabog.

I made this far without my mom, my dad, or even my sister. Sarili ko lang. Parati.

Nang marating ko ang elevator ay muli ko siyang tiningnan. Naroroon pa rin si Grey. I took my phone and texted him.

‘Hindi ka pa uuwi?’

He saw it and he replied.

’ Kapag

nakapasok ka na ng elevator.’

Awtomatikong tumulo ang luha ko sa screen ng phone ko.

You will never know how damaged you’ve become until someone comes along and values you the way you should be.

In my darkest days, Grey came along and embraced me in the shadow.

He became a home to a homeless girl like me.

I have never felt this safe and secured.

———

THIRD PERSON POV.

“Ma’am Braelyn, deretso na po tayo roon?”

Kasalukuyang nasa loob si Braelyn ng kotse. Daddy dapat niya ang susundo sa kanya pero hindi ito sumipot dahil may biglaang meeting ito.

“Opo,” wala sa loob na sagot niya.

Kanina pa siya hindi mapanatag at alam niya sa sariling niyang hindi ang pag-ghost sa kanya ng daddy niya ang dahilan niyon.

Braelyn tried to shrug it off but she couldn’t. She tried her best to wash it away from her mind but the more she did that, the more it lingered.

P.E class nila nang mangyari iyon. Nasa grass field na sila at nag-r-ready na dahil badminton ang lalaruin nila. She was even in the good mood kasi favorite sport niya iyon.

Nagpaalam si Reign na hahanapin daw nito sa room ang shuttlecock nito dahil biglang iyong wala. She suspected na baka raw nahulog somewhere. Minutes after Reign went back to their room, nagtawanan sila Missi at Reese. Noong una ay ayaw pa nilang sabihin kung bakit.

After about five minutes or so, sinabi nilang tinago nila ang shuttlecock ni Reign. Tawang-tawa ang mga ito pero at natigil nang walang anu-ano’y hablutin ni Lyle  ang shuttlecock mula sa kanila. Galit itong umalis at hindi man lang sila nililingon. Inis na inis si Reese.

At dahil concerned siya sa kung ano ang gagawin ni Lyle sa gamit ng kaibigan ay sinundan niya ito para kuhanin iyon. Right when she was few steps away from him, nakita niya na nakatayo si Lyle sa tapat ng bintana ng room nila.

Tulala ito roon at mukhang nagulat sa kung ano man ang nakita. Sa sobrang pagkabigla ay nalaglag pa nga nito ang hawak na shuttlecock. Tatawagin na sana niya ito pero tumalikod ito at naglakad na papalayo.

Naguguluhan man ay lumapit si Braelyn at pinulot ang shuttlecock sa sahig. Saktong pagtayo niya ay nakita niya mula sa bintana ang nakita ni Lyle ilang segundo lang ang nakakaraan.

GREY AND REIGN WERE KISSING.

Braelyn felt something inside her that she couldn’t explain. She felt weird the whole damn time.

“Ma’am, deretso po ba?” tanong muli ng driver.

Tumango siya at inilubog ang sarili sa kinauupuan. She felt like she was getting sick.

“Ma’am?” tanong ng driver.

Doon na siya nawalan ng timpi.

“OO NGA KUYA, ’DI BA?!” pinagtaasan na niya ito ng boses. “ILANG BESES KO BANG DAPAT ULITIN?!”

She sounded so mad. The driver trembled. Ilang taon na itong nagt-trabaho sa kanila at iyon ang unang beses na tinaasan niya ito ng boses.

“S-Sorry po…” sabi ng driver.

Hindi na kumibo si Braelyn. Pakiramdam niya, ang galit na naramdaman niya ay baka sa driver niya maibuhos—at alam niyang hindi iyon tama.

Napatingin na lang siya sa bintana. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. Hindi niya rin alam kung ’yong nakita ba talaga niya ang rason.

Pero isa lang ang sigurado niya.

“I never lose…” Braelyn whispered while looking at the window. “Be it against a thing or a person, I never lose…”

Sa kabilang dako, makikita si Grey na nakatayo pa rin sa labas ng building. Nang kumaway si Reign bago tuluyang pumasok sa elevator, ngumiti siya rito at kumaway pabalik.

Nang tuluyang mawala sa paningin niya si Reign ay unti-unti ring nawala ang pagkakangiti niya. Napalitan iyon ng hindi maipaliwanag na galit. Nakakatakot iyon kung titingnan.

Lumingon si Grey at sa ’di kalayuan ay nakita niya ang itim na kotse. Naglakad siya papunta roon nang wala man lang kahit na anong emosyon ang mukha.

Kanina pa sila nito sinusundan.

Nang malapitan niya ang kotse ay hindi nga siya nagkakamali. Bumukas ang bintana at mukha ng mommy niya ang bumungad sa kanya. Nagtanggal ito ng salamin at ngumisi.

“Oh, you caught me?” sabi nito.

Hindi kumibo si Grey at pumasok sa loob. Tumabi siya sa ina at deretso lang ang tingin.

“Have you developed a sixth sense, son?” tanong ng ina. “We were well-hidden.”

Grey scoffed. “Matagal ko nang alam. Hindi lang ako kumikibo. I know you saw her. I know you’ve been watching her and I’m telling you, mom.”

Doon siya humarap sa ina.

“Don’t touch her.”

“Or else?” his mom asked.

“Or else I’ll destroy your spy earlier than planned.”

“Sino ang spy ko, huh?” tanong ng mommy niya at tumawa. “Son, you have no idea of what you are talking about—”

“Everleigh Miller,” he answered sharply, cutting her off.

Maang na napatingin sa kanya ang mommy niya. Nanlaki ang mga mata nito.

“It’s her, right?”

“N-No!” defensive na sabi ng mommy niya. “It’s not—”

“What do you take me for, mom?” Grey asked. “I’m not a twelve-year-old. Alam mo kung ano ang kaya kong gawin. Tingin mo po ba hindi ako gumawa ng paraan para ma-record ang phone calls mo?”

Nanginig ang labi ng ina.

“Hindi lang ako gumagawa ng move dahil ’pag sumabog ako ulit, I know you know the entire West Carson High will go down.”

“GREYSEN!” galit na putol sa kanya ng ina. Takot ito na baka ano pa ang masabi niya.

“Let me draw the line once and for all,” Grey said, unbothered.

From that moment, Grey turned deadly fierce.

“Mess with Reign or I’ll destroy the entire school in one shot,” Grey looked at his mom’s eyes and smiled. “Try me.”

———

REIGN.

Maaga kaming pinapasok ni Lyle kinabukasan dahil daw gusto kami makausap ng Practical Research teacher namin. Kung bakit ay hindi ko rin alam.

An hour earlier akong nakapunta sa campus para sana panuorin ang try out nila Grey. Ang kaso, nag-physical exam sila at late ko nang nalaman. I-su-surprise ko sana si Grey kaso ako ang na-surprise nang mag-reply siya sa text ko na nasa clinic daw sila at may physical exam.

Kaya nag-stay na lang ako sa library at nag-review para sa quiz. Nagulat nga ako nang makita ko roon si Levi. Ma-a-amaze na sana ako kaso nakita ko siyang may kasamang dalawang babae.

Judgemental na, oo, pero ’pag si Levi kasi may kasamang babae out of his work schedule, alam na namin kung ano ’yon.

Habang naglalakad sa corridor papunta sa office ng teacher namin ay chineck ko ang phone ko kung nag-reply na ba si Detective Howell o Prosecutor Jax sa narrative report ko pero wala akong nakuhang response.

Sobrang tahimik nila simula nang umuwi sila galing Palawan. Hindi ko rin sila masisisi. Three people died—a whole family died—and they were just few minutes late. If they arrived on time, they could’ve done something.

Inintindi ko na lang. Sabi nga ni Detective Howell, okay lang magpaka estudyante ako hangga’t wala pang specific mission para sa akin. Nagagawa ko naman ang trabaho ko kaya panatag ako.

Habang naglakakad sa corridor ay napansin ko ang lalaking lumagpas ng lakad sa akin. Nauuna na ito at walang pakialam sa paligid. Nakasabit ang headphone nito sa leeg at ang kamay ay nakapamulsa.

Napangisi ako.

“Lyle Heimsworth,” bulong ko sa sarili.

Binilisan ko ang lakad ko at sumabay sa kanya.

“Hi, kumusta?” tanong ko.

Pero hindi siya lumilingon.

“May chinat ka pala sa akin noong isang araw,” sabi ko. “Hindi ko nabasa kasi in-unsent mo. Ano pala ’yon?”

Kahit man lang tingnan ako para ipakitang in-a-acknowledge niya ang presensya ko ay hindi niya ginawa. Tuluy-tuloy lang siya at walang pakialam.

“Ba’t kaya tayo pinapatawag?” tanong ko. “May problem kaya sa research natin—”

Natigil ako nang may mabangga siya. Imbis na tumigil at mag-sorry ay tuluy-tuloy pa rin siya sa paglalakad na parang walang nangyari. Wala talaga siyang pakialam, nothing, wala, zero, NADA.

“Ang bastos…” bulong ko at tiningnan iyong lalaking nabangga niya. “Sorry po.”

Magagalit sana ito pero nang makita ang gold nametag ko ay pilit itong ngumiti. “Sure, sure, no worries.”

Patakbo itong umalis.

Napa-iling na lang ako at sinundan si Lyle. Naabutan ko naman siya. Kinatok niya ang pinto.

“Come in,” rinig namin.

Nang buksan ni Lyle ang pinto ay tiningnan ko siya nang masama. Inis na inis ako, sa totoo lang. Nasa likuran niya lang ako at hindi pinapansin. Non-existent ako para sa kanya.

Ang sarap saktan.

Ang sarap manakit.

Suntukin ko ’to, e.

Nang pumasok siya ay palihim ko siyang inambahan ng suntok.

Isang sapak lang, tanggal attitude nito.

Isa lang talaga.

Muli ko siyang inambahan pero roon naman siya lumingon. Nang magtama ang paningin namin at nakita niya ang naka-amba kong kamao na naiwan sa ere, parang gustong magpalamon sa lupa.

Lyle looked at me with disgust. “You look stupid.”

Bumuka ang bibig ko para magsalita pero wala akong maisip na sasabihin. Tama naman siya. Mukha akong tanga.

Ngumiwi si Lyle at tinapunan ako ng tingin bago tuluyang pumasok. Sumunod naman ako kahit hiyang-hiya sa sarili.

“Mr. Heimsworth, Ms. Harriett, come and sit,” bati sa amin ng teacher namin. “I have a proposal for you.”

For the next half an hour, nag-discuss ang teacher namin tungkol sa proposal niya sa amin. Turned out, gusto niyang isali ang research paper namin sa research colloquium.

Nang tanungin ko kung bakit kami ang napili e, hindi naman kami ang may highest grade, ’yong research paper daw kasi namin ang akma sa tema ng colloquium.

Of course, Lyle was Lyle. He argued that he didn’t wanna do it unless he’d get something in return.

Maproseso raw ang colloquium and it will require a lot of his time. It’s not even part of the syllabus daw so it should be a two-way cycle, according to him. We need to get something in return. Mukha namang prepared ang teacher namin at ino-offer-an kami ng additional grade at exemption sa semi-finals exam.

He had a hard time convincing Lyle but after our teacher explained that I need the additional grades para mag-qualify sa Honors List kung sakali, ay pumayag na siya.

“Wait ha. Papapirmahan ko lang ’tong agreement sa program chair natin. Hold on kids, stay here.”

Kinuha ng teacher namin ang phone niya at lumabas. Nang kami na lang ni Lyle ang naiwan sa faculty ay sobrang awkward ng atmosphere.

Gusto kong mag-thank you sa kanya pero sa inasal ko kanina, sobrang nakakahiya.

Kaya heto ako, nakatingin lang sa kanya. Bukas-sara ang bibig dahil tumitiklop at nahihiyang magpasalamat.

Kinuha ni Lyle ang libro at umupo sa gilid ng table. Binuklat niya iyon at nagsimulang i-skim ang bawat pahina.

Nasa ganoon kaming kalagayan nang nakita kong tumaas ang sulok ng labi niya.

“Do you have anything to say?” he asked while reading still.

“Huh?” maang kong tanong. “Ah, about—”

“Please don’t say thanks,” he said coldly. “I’ll cringe.”

Ang kaninang pagkamangha ko sa kabaitan niya ay napalitan nanaman ng inis.

“’Wag ka na lang magsalita. I’ll appreciate that,” Lyle added without any trace of emotion at all. Parang bored pa nga siya.

“Wala akong gustong sabihin sa ’yo, ’no,” defensive kong sagot.

“Ba’t mo ko tinititigan?” tanong ni Lyle at mula sa pagbabasa ay umangat ang tingin n’ya sa ’kin.

“No, I did not. Assuming ka lang,” pagsisinungaling ko.

“Really?” he asked.

“Really,” I answered firmly.

In snap, Lyle closed the book. He stood up and placed the book on top of the table. He then looked at my eyes and started walking towards my direction.

Hindi ako nagpatinag. Tiningnan ko rin siya sa mga mata at hindi umatras mula sa kinatatayuan ko.

When Lyle stopped right in front of me, I gulped.

“Reign…” he whispered.

“O-Oh? Bakit?” tanong ko.

Muling tumaas ang sulok ng labi niya. “May I pat your head?”

Literal na napanganga ako.

Ini-expect kong mumurahin niya ako, pagbabantaan, o lalaitin. But then, what? I-p-pat ang ulo ko?!

“Huh?” tanong ko. “Pat? My head? Like this?”

I patted my head. Lyle nodded.

“Baliw ka ba?” tanong ko. “Ano ako, pusa mo?”

Napatakip ako ng bibig.

Reign, that was wrong!

“Paano mo nalaman na may pusa ako?” tanong ni Lyle. “Ini-stalk mo ’ko?”

“Hindi, ’no!” sagot ko. “Sinabi lang sa ’kin.”

“So pinag-uusapan n’yo ’ko?” tanong ni Lyle.

“Ang kapal mo!”

“Are you interested in me?”

“Excuse me?!” I exclaimed.

“Then why are you gossiping about me?”

“Sinabi nga lang sa akin. Kung ayaw mo maniwala, edi don’t!”

Hindi kumibo si Lyle. He was just staring at me as if he was amused.

“Ano?” tanong ko.

“Anyway, I already have two cats,” Lyle said.

“Ano naman ngayon?” tanong ko.

Lyle smiled playfully. “You can be the third if you want.”

I scoffed and met his eyes. “Bakit ganito mo tina-trato ang mga tao sa paligid mo, Lyle?”

The smile on Lyle’s lips faded. “What do you mean?”

“This. Like this,” I answered. “Na parang mga bagay lang kami sa ’yo na magagamit mo anytime.”

Hindi ito kumibo.

“You seem lonely for me,” I said, concerned. “You need friends to enjoy your life.”

“I don’t need anyone. Not even my family,” Lyle answered calmly.

“Walang ganoon,” sabi ko at lumapit sa table ng teacher namin. “Sa buhay, minsan, okay lang na magkaroon ng utang na loob sa kapwa. Hindi pagiging mahina ang paghingi ng tulong.”

Pumilas ako sa sticky notes at isinulat ko ang number ko roon at hinarap siya.

“Since you helped me today, I have a gift. A friendship gift,” sabi ko at inilahad ang sticky notes na may phone number ko. “You can call me anytime na kailangan mo ng tulong, basta kaya ko ha.”

Ngumiti ako sa kanya pero hindi man lang umubra iyon. Tumingin lang siya sa papel at hindi iyon kinuha. Mukha tuloy akong tangang nakalahad ang kamay sa kanya.

“I don’t need you,” he answered coldly.

“Too early to tell,” sabi ko at idinikit ang sticky note sa pisngi niya.

Nagulat si Lyle at natawa naman ako.

“There,” sabi ko. “Call me if you need help, okay?”

“I said I don’t need a friend. Take this off.”

Mukha na siyang naiinis.

“Ayaw mo ng friends? Anong gusto mo?”

Lyle gulped. “More than that.”

Natawa ako. “Super friends, ganoon? Mega friends? BFF agad, Lyle?”

His jaw clenched. “I’m not kidding. Take this off.”

“May kamay ka naman,” sabi ko. “Tanggalin mo.”

“Tanggalin mo na,” sabi ni Lyle.

“Ayoko nga,” sabi ko. “Kung gusto mo, ikaw magtanggal.”

“Take this off, Harriett,” Lyle said. “Or else you’re dead.”

“I won’t, Heimsworth,” pang-iinis ko at itinaas pa ang dalawa kong kamay na parang inaaresto. “Kill me, then.”

“Cool.”

After Lyle said that, in my great surprise, he pulled my hand and our bodies touched. Inilagay niya ang kamay ko sa pisngi niya kung saan naroroon ang sticky note at sa bilis ng mga pangyayari ay hindi ko na alam ang mararamdaman. Napakalambot ng pisngi ni Lyle.

“Tanggalin mo na,” mahina niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko. He was looking into my eyes deeply as if he was telling me something through it. Napalunok ako.

Itinaas ni Lyle ang kamay ko at hinawakan niya mismo ang daliri ko.

His hand and fingers were soft too…

“So, kids—anong mayroon? Nag-away ba kayo?”

Doon na dumating ang teacher namin at naguguluhan sa nadatnan. Agad kong kinuha ang papel sa pisngi ni Lyle.

“W-What’s going on?” tanong ng teacher namin.

Lyle took his bag without looking back at me.

“I’ll go,” he said to our teacher and stormed out.

“Una na rin po ako, Sir,” sabi ko at kinuha ang bag ko.

“Sige, sige, sa klase ko na lang kayo kakausapin. Hindi naman kayo nag-away, ano?”

“Hindi po. Thank you.”

Naglakad na rin ako at nang makalabas ay napabuntong-hininga.

That was awkward.

Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin sa kamay ko ang pisngi ni Lyle. Sobrang kinis at sobrang lambot n’un at parang ang sarap pisilin.

Ganoon ba skin health ng mga model? Sabagay, endorser din naman siya. Sana lahat baby face.

Napa-iling na lang ako at natatawang naglakad papalayo.

———

THIRD PERSON POV.

Kung ang paglalakad ba niya ang mabilis o ang tibok ng puso niya, hindi malaman ni Lyle ang sagot.

It took him a lot of bravery to talk to her but now that she touched his cheek, he felt like he was getting sick again but in a good way.

Ni-hindi nga siya nakatulog kagabi dahil nakita niyang magkahalikan ang babaeng gusto niya at ang dating kaibigan. Ngayon, binigyan nanaman siya ni Reign ng bagay na iisipin niya buong gabi.

“I hate you,” bulong niya sa sarili at lalong binilisan ang lakad.

He promised to himself that he will forget about her. Nang ma-receive nga niya ang message ng guro ay wala siyang balak pumunta dahil alam niyang makikita niya si Reign. Pero kung bakit siya dumalo ay hindi niya rin alam.

Huminto si Lyle sa paglalakad. Alam niyang sa kaliwa ang daan ni Reign kaya sa kanan siya dumaan. Ayaw na niya itong makasama, parang sasabog ang puso niya.

Nang lumingon siya ay nakita niya si Reign na naglalakad sa kabilang dulo.

May isang ideyang pumapasok sa utak niya.

Isang ideyang alam niyang pagmumulan nanaman ng gulo.

Hindi siya sigurado pero may part sa kanya na gusto niyang subukan.

Hindi na niya kaya pang tiisin ang gabi-gabing pag-iisip dito. Parang siyang mababaliw.

Kailangan niyang kumilos. Kailangang may gawin na siya.

Lyle stood firmly. Ipinasok niyang muli ang mga kamay niya sa loob ng bulsa niya.

He looked at Reign from afar. Naglalakad lang ito nang tuluy-tuloy.

Let the sign decide for me , he thought.

Tiningnan niyang muli si Reign.

“’Pag lumingon ka…” Lyle whispered to himself. “…aagawin kita.”

Grabe ang kalabog ng dibdib niya. Gusto niya itong lumingon pero may part sa kanya na na-g-guilty.

He knew Grey was a good friend. Napakabuti nitong tao at kaibigan. Messing with his life again will bring him no good.

But what can he do?

He’s a Heimsworth, after all.

‘Playing dirty is my cup of tea’ quoting his very own sister, Avery.

Please don’t look back… Lyle told himself. Hindi ko alam ang kaya kong gawin so please don’t…

Nanatili siya sa ganoong kalagayan nang walang anu-ano’y… lumingon si Reign.

Hindi lang ito lumingon. Nagtama pa ang paningin nila. Ngumiti ito nang tipid at kumaway. Hawak pa rin nito ang sticky note.

Halos mawalan ng lakas si Lyle. Gulo ito, kung tutuusin.

Suddenly, Lyle tilted his head in amusement. He felt the challenge. He liked the thrill.

This is how Heimsworths fix their broken hearts . They don’t cry, they take revenge.

“I’m not stealing you,” Lyle whispered in the air and from having an expressionless face, a smirk curved on his lips while watching Reign. “I’m just taking back what’s mine…”

PART THIRTY-ONE: The Detective’s Downfall

THIRD PERSON POV.

“SANA PINATAY N’YO NA LANG AKO,” nakangiwing bulong ni Detective Howell sa sarili.

Kasalukuyan siyang naglalakad sa mahabang pasilyo ng office nila. Wala nang tao at patay na ang mga ilaw. Napakadilim. Kung hindi pa nga dahil sa ilaw na nanggagaling sa cellphone niya ay lalamunin na siya ng kadiliman doon.

“’Pag may multo, uwian na,” sabi niya sa sarili, pilit na nilalabanan ang takot.

Sa pagliko niya ay natanaw niya ang isang kuwarto. Iyon ang sadya niya. Nang matapos ang trabaho nila at nag-uwian, nanatili muna siya sa kotse niya at naghintay ng ilang oras para ma-solo ang buong building at mapuntahan iyon.

Hindi naman siya na-bore. Sinagot niya ang lahat ng narrative report na ipinadala ni Reign. Lahat ay na-aayon sa plano niya. He even gave Reign a bonus. Just few more tasks and The Project Grey will end. Hindi siya makapaghintay para sa resulta.

Huminto si Howell sa tapat ng kuwarto at nagpalinga-linga. Nang masiguradong walang ibang tao bukod sa kanya ay kinuha niya ang susi sa bulsa niya at dahan-dahan iyong binuksan.

Right when he opened it smoothly, tumambad sa kanya ang table niya at ang table ni Jax. Opisina nila iyon at ang mga dokumento ni Jax ang tunay na pakay niya sa gabing iyon.

Ilang linggo nang iba ang ikinikilos ni Jax para sa kanya. Dati-rati ay sinasabi nito ang lahat sa t’wing sila ang partners sa kaso pero ngayon, alam niyang limited lang ang ibinibigay nito sa kanya.

At iyon mismo ang ikinagagalit ni Howell. Whenever he discovers something useful, sinasabi niya agad kay Jax with proper documents and evidence. Pero si Jax, lately, pili lang ang ipina-aalam sa kanya.

Hinala ni Howell ay nagsimula ang lahat ng iyon nang may natatanggap itong parcels araw-araw. Minsan na niyang nahawakan ang isang parcel. Sobrang secured niyon. Nakasulat mismo na confidential ang laman at huwag ibibigay kung wala si Jax Hibler Scott.

Hindi iyon galing sa Intelligence unit. Hindi rin galing sa Judge or kung kanino man na may kinalaman mismo sa kaso na hinahawakan nila. It seemed for him that it was something personal and Howell knew that in one way or another, those documents changed Jax.

Ano ang laman niyon?

Para saan iyon?

Ayaw niya itong pagdudahan kaya wala na siyang choice kung hindi alamin iyon. If Jax wouldn’t give him the answer, he’d seek one for himself.

Lumapit si Howell sa table ni Jax at walang pakundangang binuksan ang lahat ng drawers na makikita niya at hinaluglog isa-isa.

“Nandito lang ’yon,” bulong niya sa sarili at inilawan ang mga dokumento at binasa. “No. Not this.”

Patuloy siya sa ganoong kalagayan nang makita niya ang isang drawer sa loob ng isa pang drawer. Nakadikit ito sa gilid at hindi mo mapapansin kung hindi mo kakapain. Parang secret pocket sa bulsa ang dating.

“Wow…” impressed na bulong ni Howell. “Scotts are sneaky, indeed.”

That was the moment that he had been waiting for. Simula nang umuwi sila galing Palawan at namatay ang buong pamilya na posibleng makapagturo sa kung sino ang nag-utos na magpapatay kay Hale, lalong nagbago si Jax.

Ni-sagutin nga ang narrative reports ni Reign ay hindi nito magawa. Parati pa siya nitong pinapaalis at saan-saan pinapupunta para kumalap ng kung ano man. Hindi na nga rin nito nabibisita si Hale.

Hindi niya alam kung ano na ang nangyayari sa kaibigan pero isa lang ang nasisigurado niya. Distracted ito at ang mga parcels na natatanggap nito ang puno’t dulo.

“Moment of truth,” Howell whispered to himself.

Akmang bubuksan na niya ang secret drawer nang may isang kamay ang pumigil sa kanya.

Halos mapasigaw siya at mapabunot ng baril sa sobrang gulat at takot.

“JAX…?” tensiyonadong bulong ni Howell nang makilala ang pumigil sa kanya.

“Anong ginagawa mo?” walang emosyong tanong ni Jax sa kanya.

Napalunok si Howell. Napakadilim ng buong kwarto at. Tanging ang ilaw mula sa phone niya lang ang nag-iisang liwanag sa kwartong. Nakatutok pa iyon sa mukha ni Jax. Matalim ang tingin nito sa kanya at walang emosyon ang mukha. Halos maihi si Howell sa takot.

“M-May hinahanap lang,” rason ni Howell at napalunok. Kung nakakamatay lang ang titig sa kanya ng kaibigan ay panigurado, nangisay na siya. “’Yong flashdrive na ibinigay ni Detective Hazel, hinahanap ko lang—”

“Sigurado ka?” tanong muli ni Jax. “Weren’t you looking for my parcels?”

Lalong lumakas ang kalabog ng dibdib ni Howell. Sobrang nakakatakot na si Jax para sa kanya.

If Jax would kill him tonight, no one would even know.

“Hindi,” sagot ni Howell. “’Yong flashdrive nga lang.”

“Go home, Howell,” bulong ni Jax. “You have a wife and a kid waiting for you.”

Doon na nagsimulang kilabutan si Howell. Iba ang aura ni Jax. Hindi na nga lang takot ang nararamdaman niya—mas matindi pa roon.

He knew what Jax told him was a threat. A threat that he must not try to shrug off.

“Sure,” sagot na lang ni Howell at pilit na ngumiti. “I’m sorry, Jax.”

Ngumisi ito sa kanya.

“Stop digging your own grave, Howell,” sabi nito sa kanya at tipid na ngumiti. “Especially if you have a family to feed.”

Nanginig ang labi ni Howell. Banta na iyon. Klarong-klaro.

Tumango na lang siya at tumayo kahit na halos takasan siya ng bait.

“Pasensya ka na…” sabi niya rito. “I-I’m going.”

Hindi na siya nilingon ni Jax. Isa-isa na lang nitong isinilid ang mga dokumento pabalik sa drawer at tinakpan ang kinalalagyan ng parcels. Sa ginawang iyon ni Jax ay lalo siyang nagduda.

Naglakad na papalayo si Howell. Huminto siya sa pintuan para muling lingunin ang kaibigan.

Masama na ang kutob niya rito. May naiisip na siyang dahilan pero pilit iyong itinatanggi ng sistema niya.

Simula nang maging shareholder si Jax ng Parker Holdings at nakasama ang mga angkan ng 12-A sa iisang mundo, nagsimula na itong maka-receive ng parcels.

Iyon nga ba ang dahilan?

Hindi ganoon ang pagkakakilala niya kay Jax. Pero dahil sa kagustuhan nitong gumawa ng sariling pangalan, lalong lumakas ang kutob niya.

Jax will do everything to build a name for himself. Ayaw na nitong makilala bilang pinsan lang ni Tyler Scott.

Pero ano ang kaya nitong gawin para lang makilala?

Howell looked at his friend. He was concerned and disturbed.

“Jax…” bulong niya sa isip habang pinanunuod ito. “You’re getting suspicious each day…”

———

Pagkababa ni Grey ng hagdan ay natanaw na agad niya ang pamilya niya na nasa hapag-kainan. Kumpleto sila. Naroroon ang mommy niya, ang daddy niya, at kahit ang ate niya na busy sa business nito.

“Oh, you’re here?” tanong ng mommy niya nang makita siya. “Come and sit.”

Hindi na kumibo si Grey. Umupo siya sa tapat ng daddy niya at tiningnan ang mga pagkain. Lahat ay paborito nilang pamilya.

Bahagya siyang napangiti.

“You like it?” tanong ng ate niya.

Tumango siya at kumuha ng kutsara. “Sinong nagluto?”

“I did,” sabi ng daddy niya.

“I helped you, darling,” pakikisali ng mommy niya. “Stop taking all the credit.”

Nagtawanan sila pero si Grey ay pinigilan ang sarili. Masama pa rin ang loob niya sa mga ito pero masaya siya na masaya ang pamilya niya. Pasimple na lang siyang ngumiti nang humigop siya ng sabaw.

“Greysen,” panimula ng daddy niya. “I heard you got yourself a girlfriend.”

Doon nawala ang ngiti ni Grey. Alam niyang simula na iyon.

“Saan n’yo po nalaman?” sagot niya sa daddy niya habang nakatingin sa mommy niya. Hindi siya nito matingnan sa mga mata.

“Anong saan namin nalaman?” tanong pabalik ng ate niya. “Grey, lahat ata ng tao sa school n’yo, alam. Dad called Missi to confirm it and she said yes.”

“Ganoon po ba?” tanong niya habang nakatingin pa rin sa mommy niya. He knew his mom planned this.

“Bakit sa iba pa namin dapat malaman?” his dad asked. “What is this family for?”

Marami siyang gustong isagot pero hindi niya ginawa. Ayaw niyang saktan ang damdamin ng ama kung sakali.

“I’m doing this because I’m concerned,” sabi ng daddy niya at may inilapag na envelope sa table.

Napatingin doon si Grey.

“Ano po ’yan?”

Hindi kumibo ang daddy niya at inilahad lang ang envelope. Kinuha iyon ni Grey.

“That contains information about your girlfriend, Reign Harriett.”

Natigil si Grey nang marinig iyon sa ina. Isinara niyang muli ang envelope at ipinatong sa table.

Nagtratrabaho sa National Security ang daddy niya at sobrang dali lang para rito ang magpa-back ground check dahil may access ito sa Intelligence Unit.

“Let me guess,” Grey started bitterly. “Nagpa-background ba si Everleigh sa private investigators niya at limited lang ang nakuha kaya binilog kayo para makuha ang mga impormasyon na hindi niya makuha?”

“GREYSEN!” sigaw ng mommy niya. “Watch your tone!”

“Hindi niya kami binilog, Grey. She’s just concerned,” depensa ng ate niya.

“Concerned about what?” he asked. “Can’t you see it? Everleigh’s power is limited so she used you to go beyond the boundary. Kasi nga naman, she can get everything from someone who has connections in the Intelligence Unit.”

“Grey, hear us out,” his mom said.

“Mom, hindi n’yo ba talaga nakikita? Everleigh doesn’t care about me. She cares about herself. She’s using you to destroy Reign, and not to protect me!”

“Grey, we’re not that dumb, okay?!” sagot ng ate niya.

“Kung hindi, bakit kayo nagpapa-uto sa kanya? No wonder why she’s quiet lately. She’s just silently watching us from afar, enjoying the view of us one by one destroying each other. Tingin n’yo talaga concerned siya sa ’kin? That’s BS. That woman is a manipulative bitch!”

“She may be manipulative but she’s just doing her job as your section’s gatekeeper!” his mom answered.

“Really, mom?!” Grey asked unbelievably. “You’re really… taking her side?”

“Open the envelope and you’ll know why,” his dad told him.

Tiningnan niya ito. Sobrang galit ang nararamdaman ni Grey. Buong pamilya niya ay nabilog na ni Everleigh.

“Open it, son,” his dad said, encouraging him.

Tiningnan ni Grey ang dokumento. Kahit nanginginig na ang tuhod niya dahil sa galit ay pinigilan niya ang sarili. Pumikit na lang siya nang mariin.

“Ayoko.”

“Why? Are you scared?” his dad. “Afraid to know that a manipulative bitch is better than a liar?”

Grey looked at his dad furiously. “Don’t call her that.”

“I have all the rights to call her names,” his dad said. “The documents will tell you.”

Sumubo ito ng pagkain at ngumuya.

Grey looked at the document again. Sa totoo lang ay natatakot siya sa kung ano man ang mababasa niya roon.

Bumuntong-hininga siya nang malalim at ini-urong ang envelope pabalik sa ama.

“I don’t want it.”

“Why?” his dad.

“Because I don’t need it,” Grey answered.

“Scared of the truth, eh?” his dad said.

“I’m not scared at all, dad. It’s just that I respect her,” Grey answered, meeting his dad’s eyes.

“Anong karespe-respeto sa sinungaling?” sabi ng mommy niya.

“Reign has her reasons. I respect her and her past. She will tell it to me once she’s ready,” Grey said. “I trust her.”

“And if she won’t?” asked by his dad.

“Then I’ll choose to understand just like how she chose to understand that I’m still healing from my past,” he answered bravely.

Natahimik sila. Walang makakibo kahit ni-isa. Isang palakpak ang pumutol sa katahimikan nila.

When they looked at the owner of the voice, Grey found Everleigh standing at the door, smiling at them.

“That was a lovely speech,” she said mockingly.

Grey’s jaw clenched. Galit na galit siya rito.

“Oh, hija, you came?” his mom stood up.

“Opo,” nakangiting bati ni Everleigh dito at nagbeso-beso pa sila. “Hi, tito.”

Kumaway lang ang daddy niya.

Grey felt like he will explode.

“Tara, let’s have dinner—”

Natigil ang mommy niya nang marahas siyang tumayo. Lahat ay napatingin sa kanya.

“Where are you going?” his dad asked him.

“When your home suffocates you now, where should you go?” Grey asked back.

Walang nakakibo sa kanila.

Tiningnan niya si Everleigh at nakangiti lang ito sa kanya.

“Come with me,” he told her. “Let’s talk.”

Lalong ngumiti si Everleigh sa kanya. Lumapit ito at hinarap siya.

“No,” mariin nitong sabi at umupo sa tabi niya. “I like the food here, tita. Maybe I’ll eat.”

“Really?” his mom asked joyfully, shrugging the tension away. “Here, use this fork—”

“I told you to talk to me!” Grey exclaimed.

Tensyonado ang lahat dahil sa inaasal ni Grey.

“And I told you that I don’t want to,” sagot ni Everleigh at ibinaba ang dalang bag. “Kung may sasabihin ka, say that here.”

Hindi siya makapaniwala sa inaasal nito.

She met his eyes. “Bakit hindi mo masabi ngayon? Takot kang malaman ng pamilya mo?”

“EVERLEIGH!” sigaw niya rito. Kahit ang daddy niya at ang mommy niya ay naalarma na.

Everleigh remained unbothered. “Lower your voice, Grey. You’re too loud. Nasa harap tayo ng pagkain.”

“Follow me, otherwise my family would hear things they shouldn’t hear,” Grey threatened her.

“Like what?” Everleigh asked with a smirk, challenging him.

“Like Ivan,” Grey said sharply.

Nawala ang pagkakangiti ni Everleigh. Naglikot ang mga mata nito.

“Don’t make me pull the trigger here,” Grey warned her. “Or else you and your lover boy would be sorry.”

Nagpalitan pa sila ng matalim na tingin bago tumalikod si Grey at naglakad papalayo.

Pinanuod ni Everleigh si Grey hanggang mawala ito sa paningin niya. Alam niyang sa garden ang punta nito at kailangan niyang sundan ito. She knew Grey will stick to his words. Iba ito kung magalit. She witnessed it herself, two years back.

“Hija, are you okay?” tanong ng mommy ni Grey sa kanya. “That was so rude, I very am so sorry.”

“It’s okay, tita. He’s mad, that’s normal,” sagot ni Everleigh at napatingin sa envelope na nasa table. “How did it go, po?”

“Just how you planned it,” nakangiting sagot ng daddy ni Grey sa kanya.

Ngumiti pabalik si Everleigh. “Hindi niya binuksan nang malaman niyang wala itong laman?”

Tumango ang ate ni Grey. “Just like what you said. Grey didn’t look at it because he trusts her.”

Gustong matawa ni Everleigh. Nang sabihin ng mommy ni Grey sa kanya na alam na ni Grey ang ginagawa niya, Everleigh panicked.

If there’s someone that she would never want to mess with face-to-face, between Lyle, Grey, and Reese, she knew it was Grey.

Kaya alam niyang wala nang dahilan para magtago pa siya. She must reveal herself. But Everleigh was Everleigh—she won’t go to a battle unarmed.

Kaya nagplano siya. The best way to control Grey again was through his weakest spot—Reign Harriett. Alam niyang may itinatago si Reign at gagamitin niya iyon.

Ilang investigators na ang ginamit niya pero lahat ay dead end ang nararating sa pag-iimbestiga. Sobrang limited ng lahat na para bang may makapangyarihang tao ang nag-p-protekta rito.

So she used Grey’s family. Nag-t-trabaho ang mga ito sa National Security at madali lang para sa kanila na magamit ang Intelligence unit—bagay na kinakailangan niya para malaman ang lahat tungkol kay Reign.

Using Reign’s secrets to tame and place Grey on a leash were Everleigh’s first move. At dahil nga wala pa silang nakukuha, they faked it. Alam nilang hindi iyon bubuksan ni Grey dahil may tiwala ito kay Reign. At ang pagtitiwala mismo nito ang ginamit ni Everleigh as her advantage.

It’s not the resources that they lack, it’s knowledge. It just happens that Everleigh has both.

People may call her as a manipulative, but she’s just using her brain. For her, it’s not her fault if they’re not as strategic as she is.

“That’s good, then, tito. We know Grey. Kailangan lang natin mag-instill ng mistrust sa relationship nila,” paliwanag ni Everleigh. “They’ll break apart sooner or later. Imagine dating someone who hides something from you. Kahit gaano mo kamahal ang tao, once you developed trust issue, fear will be bigger than love, causing the apparent break up. Let’s just wait and see.”

Uminom si Everleigh ng tubig at tumayo. Nagpaalam siya sa mga ito at sinundan na si Grey.

Habang naglalakad ay hindi niya maiwasang hindi mapangiti.

Kontrolado niya ang pamilya ni Grey.

Hawak niya si Ivan.

Malapit nang masira ang friendship ni Reign at Braelyn.

Nash, Levi, Missi, and Reese were no threat.

Gumana ang plano niya kay Lyle at malapit na niya itong masira.

She got everything under her control.

She smirked.

“Who’s pulling the trigger now?” Everleigh whispered in the air.

She’s not the undisputed Witch of West Carson High for nothing.

———

Makikita si Detective Hazel na hindi mapakali. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito. Pero kung susuriin, mapapansing pinagpapawisan ito nang matindi at bahagyang nangangatog ang binti.

Lumabas ito ng isang building at hawak-hawak ang ilang dokumento. Ang parking lot na pupuntahan nito ay ilang hakbang ang layo mula sa building na nilabasan nito. Malamig ang gabi at madilim na ang paligid. Alas dies na rin kasi ng gabi.

Sa totoo lang ay hindi na malaman ni Hazel ang saysay ng trabaho niya. Simula nang ma-blackmail siya na kapag itinuloy niya ang imbestigasyon tungkol sa tangkang pagpatay kay Hale ay mapapahamak ang anak niya, nawalan na siya ng gana pang magtrabaho.

Nasusuka siya sa sistema. Nakakadiri. Nakakapangilabot.

Naramdaman niyang may dapat na siyang gawin nang ang mag-ina ng lalaking pinatay sa kulungan ay natagpuang palutang-lutang sa dagat. Ayon sa ulat, nalaglag daw ang mga ito sa sinasakyang cruise ship papuntang Palawan.

Pero hindi siya tanga. Hindi siya ipinanganak kahapon.

Hindi pa closed ang kaso at bukas pa siya pinag-f-file na i-close na ito. Alam ni Hazel na konektado ito sa kaso ng kaibigan niyang si Detective Howell at kung sino man ang kalaban nila ay isang tiyak na demonyo.

Kaya hindi siya puwedeng tumigil. Dumarami ang kagaya nitong halang ang sikmura dahil hinahayaan ang mga ito. Siya ang puputol sa sungay nila.

Nang makarating siya sa parking lot ay bumusina sa kanya ang isang pulang kotse. Dali-dali siyang naglakad-takbo papunta roon. Nang buksan niya ay tumambad sa kanya ang mukha ng intern-detective niya na si Cedrick. Kumakain pa ito ng pizza.

“Ang tagal mo po,” sabi nito at uminom ng coke.

“Safe ba ’tong lugar?” tanong agad ni Hazel at tiningnan ang paligid kung may nakasunod.

“Opo,” sagot ni Cedrick. “Chineck ko ’yong CCTV alignments nito. Sa part po na ’to hindi tatama ’yong cameras. Safe rito.”

“Good, good,” sabi ni Hazel. “Kumusta ’yong task ko sa ’yo?”

“Solved, boss,” sagot ni Cedrick at binuksan ang sariling laptop. “Need ko bumawi. Nakuha sa atin ’yong evidence natin last time, e.”

Ang tinutukoy nito ay ang mga photographs at physical evidence sa crime scene ng kasong hinahawakan nila—ang kaso ng nagtangkang pumatay kay Hale.

Nang iwanan n’ya si Cedrick sa crime scene para i-secure ang mga ebidensya noong gabing iyon, kinuha ng senior detective rito ang mga ebidensya na nakalap nito. Only to find out na nabayaran na pala ang senior niya na ’yon para pagtakpan ang krimen.

“Ito po. Ito lahat,” sabi ni Cedrick at ipinakita sa isang folder sa laptop ang napakaraming footages.

“Sobrang dami niyan. Don’t tell me you didn’t narrow them down?”

“Of course, I did. Ako pa ba?” proud na sagot ni Cedrick at binuksan ang isa pang file.

“Natututo ka na ha,” natutuwang sabi ni Hazel at binatukan ito.

Tawa lamang ang naging tugon ni Cedrick.

“Na-solve mo ba?”

Tumango si Cedrick. “Nakuha ko ’yong footage sa Crossing A, C-7 high way, parking lot, at sa D-9 road, then sa school mismo. I narrowed them down by time and carefully tracked down the car. Nagkatalo pa nga kung paano ko kukuhanin footage sa main road pero napaki-usapan naman.”

“Nice! Nice!” sagot ni Hazel. “Let’s see.”

Cedrick played the footages. “Ito pong lalaking naka-pula. Una siyang nakita sa parking lot at pumasok sa loob ng school. Then sa footage near the admissions, he was standing right at the window sa Room 105, first floor of Main Building.”

“Which is ang classroom ng anak ko,” sagot ni Hazel. “Ayan ’yong kumuha ng litrato na pang-black mail sa akin. Kailangan nating ma-track kung saan siya pupunta ’pag tapos niyan. Kapag nalaman natin, we can kidnap him and squeeze some info.”

“Kidnap po talaga?” natatawang tanong ni Cedrick. “Ito po. After niyang kumuha ng litrato, he went back to the parking lot, and drove away. Na-trace ko siya sa Crossing A. Lumiko siya sa D-7 highway and lumitaw sa D-9 road at nag-short cut. Then noong nasa main road na siya, he stopped at—”

“Hold on,” sabi ni Hazel at tinitigan ang screen. “Pa-stop nga.”

And he did.

Hazel’s eyes widened. “Hindi ba’t… building natin ’tong pinuntahan niya?”

“Really?” Cedrick asked. “Hala… oo nga?!”

“Building natin ’yong pinuntahan niya!” sabi ni Hazel at inagaw ang laptop kay Cedrick. “Pumunta siya sa Parking Lot then naglaho na siya!”

“Baka dito rin po siya pumarada sa kung saan tayo pumarada?” tanong ni Cedrick. “Ito lang ’yong part na hindi sakop ng mga CCTVs.”

Hazel felt the chills.

Tinitigan niya ang screen. Hinihintay niya itong lumabas kung saan man iyon nagtago. Nangangatog na siya sa kaba at takot.

“Teka…” may napansin si Hazel. “Hindi ba’t Monday nangyari ’yong press con? Bakit Friday ang nasa time stamp?”

“Ayan nga pala ’yong sasabihin ko, detective. Hula ko, ’yong mga litrato na ipinadala sa ’yo ay Friday pa nila kinuhanan. Ayan na siya!” sigaw ni Cedrick nang lumitaw ang lalaki sa screen at naglalakad.

Hazel paused the video. She zoomed it.

Kitang-kita ang mukha ng lalaki. Nilinawan niya iyon.

“Pamilyar siya…” kinakabahang bulong ni Hazel. “I think…I think I saw him somewhere.”

Hazel played it again. Huminto ang lalaki at tumingin sa CCTV camera. Nagtanggal ito ng suot na mask at ngumiti. Hazel paused it and zoomed it again.

“Parang kilala ko ’to, ah…” bulong niya.

Nasa ganoon siyang kalagayan nang tuluyan na niya itong mamukhaan.

Nanlaki ang mga mata niya dahil sa napagtanto. Pinagpawisan siya nang malamig.

Dali-dali niyang kinapa ang cellphone niya na nasa gilid niya at pinindot ang alin mang numero na mapipindot niya mula roon.

Bawat numero sa phone niya ay emergency buttons. Isa roon kay Howell, isa kay Jax, at isa sa undercover na ayon sa dalawa ay mapagkakatiwalaan.

“Of course, kilala mo ’yan, Hazel,” sabi ni Cedrick at kitang-kita niya ang pagngisi nito mula sa peripheral vision niya.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang maramdaman niya ang pagdikit ng baril ni Cedrick sa sentido niya.

“Dahil ako ’yan…”

Gumagawa ng narrative report si Reign nang makatanggap siya ng tawag. Tinitigan pa nga niya ang screen dahil unknown number iyon.

Ilan lang naman ang posibleng tumawag sa kanya sa ganoong oras. Pwedeng si Nash dahil may i-r-rant ito, si Braelyn dahil may bago itong chismis, si Detective Howell para sabihing acknowledged ang reports niya, si Grey na boyfriend niya, o si Prosecutor Jax na halos isang linggo na niyang hindi nakaka-usap.

Hindi na sana iyon sasagutin ni Reign dahil utos sa kanya ni Jax, ’wag sasagot ng unknown number at hintayin ang text nito kung sakali pero hindi nagpapatinag ang tawag.

“Baka importante,” bulong ni Reign sa sarili.

Kinakabahan man ay sinagot niya iyon.

“Hello po—”

“’WAG! ’WAG, PLEASE! ’WAG!”

Natigil si Reign nang makarinig siya ng sigaw. Boses pinapatay ang babae. Agad napatayo si Reign dahil sa takot.

Masiyado

ka nang

maraming

alam. Binigyan ka namin ng

pagkakataon

pero hindi ka na

nagtanda

.“

“CEDRICK, ’WAG MO ’KONG

PATAYIN

!“ sigaw ng babae. “May anak ako! Bata pa ’yong anak ko! Single mom ako, Cedrick.

Maawa

ka sa anak ko kahit

huwag

na sa akin…“

Napakuha ng papel at ballpen si Reign. Alam niyang alam ng babae na nakikinig siya. Isinisigaw nito ang pangalan ng taong nagbabanta sa kanya at mabilis niya iyong naintindihan.

Isinulat niya ang pangalan nito sa papel.

Cedrick. Now shout his surname and whereabouts. Come on…

Naawa

kami sa ’yo kaya ka nga namin binigyan ng option na

mabuhay

pero

heto

ka.

Tinik

ka sa

lalamunan

, Hazel. Kailangan mo nang

mawala

or else ako ang

papatayin

nila.“

“CEDRICK

SY

!

ITIGIL

MO NA ’TO!“

Cedrick Sy, that’s it! bulong ni Reign sa sarili.

“SA PARKING LOT MO BA TALAGA AKO

PAPATAYIN

? SA

HARAP

PA NG JUSTICE BUILDING? Cedrick, give honor to the place, at least!“

Justice Building’s Parking Lot. Sa Main road ’yon!

Napatakbo si Reign sa telepono niya. Dali-dali siyang nag-dial sa 9-1-1 para tulungan ito.

“Don’t worry, we’ll take care of your kid,” rinig niyang bulong ng lalaki.

“This is 911, what is your emergency?”

“Hello,” bulong ni Reign habang hawak-hawak ang cellphone sa kamay niya ang telepono sa tainga niya. “Mayroon pong—”

Isang napakalas na tili ang narinig ni Reign sa cellphone na hawak niya at sinundan iyon ng tunog ng pagputok ng baril.

Nanlaki ang mga mata ni Reign at nabitawan ang telepono. Napatakip siya ng bibig.

Makikita si Cedrick na may talsik ng dugo ang mukha. Kahit na katiting na pagsisisi ay walang makikita sa kanya.

Sa tabi niya ay ang wala nang buhay na si Detective Hazel. Dilat pa ang mga mata nito. Isinara niya iyon.

“Kung nakinig ka lang sana…” bulong niya rito.

Akmang papaandarin na niya ang kotse nang mapukaw ang atensyon niya ng isang kotseng nakaparada sa harap niya. Umiilaw ang headlights nito.

“Gago ’to, a?” sabi ni Cedrick at nagkasama ng baril.

May bumabang tao mula sa kotse. Nakadamit itong panlalaki pero hindi niya malaman kung lalaki ba talaga ito dahil balot na balot ito at may mask ang mukha.

Pinanuod iyon ni Cedrick. Ngunit nang huminto ito sa tapat ng bumper niya ay laking gulat niya nang bumunot ito ng baril.

His eyes widened.

“Shit!”

Muling nakarinig si Reign nang putok ng mga baril. Hiyaw naman ng lalaki ang sunod niyang narinig. Napatakip siya ng tainga at naka-upo na sa sahig. Nanginginig na siya sa sobrang takot.

“Miss?

Naririnig

mo ba ako? Hello? This 9-1-1, what is your emergency?“

Patuloy pa rin ang dispatcher sa 9-1-1 pero hindi na ito nasagot pa ni Reign.

Gusto niyang humiyaw pero ayaw niyang gumawa ng ingay. Gusto na niyang tapusin ang tawag sa cellphone niya ng unknown number para matigil na ang mga naririnig niya pero hindi maari. Krimen iyon at ang tawag na ni-r-record niya ang tanging ebidensya.

Takot na takot na siya. Namumuo na ang luha sa mga mata niya. Wala siyang magawa kung hindi ang pakinggan ang unti-unti nilang pagkamatay.

Isang nakakabinging katahimikan ang sumunod. Akala ni Reign ay tapos na pero natigil siya nang may marinig siyang humihinga.

“Miss, if you need please create a noise. Kahit tap sound lang, maiintindihan—”

Napatayo si Reign at pinatay ang tawag sa 9-1-1. Alam niyang narinig siya ng killer sa kabilang linya dahil sa tunog na nanggagaling sa telepono niya.

Pinakiramdaman ni Reign ang cellphone niya. Akmang papatayin na niya ang tawag ng unknown number nang makarinig siya ng hagikgik.

“Nag-enjoy ka ba?”

Kinilabutan si Reign. Napakalaki ng boses na ’yon at hindi niya mawari kung babae ba o lalaki ang nagsalita dahil distorted ang original voice nito.

Hindi siya kumibo. Nagtaasan lalo ang balahibo niya.

“Alam kong nakikinig ka, undercover 092.”

Reign’s eyes widened. Kilala siya nito!

“Ang saya, ano? Ang sarap pakinggan ng pagkamatay nila. Mas nakaka-enjoy ’pag nakita mo pa…”

Halakhak ng tao ang maririnig.

Nakagat ni Reign ang ibabang labi niya. Lalong namuo ang luha sa mga mata niya dahil sa takot na nararamdaman. Kilala siya nito at posibleng siya na mismo ang isunod nito.

“You are the only witness, huh? Cool.”

Hindi na niya alam ang gagawin. She had never been this terrified and traumatized.

“Who are you?” tanong ni Reign. “Who are you, you coward piece of shit!”

Humalakhak ang tao. “

Matagal

ko nang

ipinakilala

ang sarili ko, undercover 092. I am the E. The Letter E.“

“Cut the crap,” Reign said. “Mahuhuli ka rin. Walang perfect crime.”

“Really? E, bakit hindi ako

mahuli

?“ tanong ng tao. “Pero sige, let me give you a clue.

Kawawa

naman kasi kayo. Hazel is right. Her case and Howell’s case are connected. I killed Miss Jess too.“

“Miss Jess?” tanong ni Reign. “That means… nasa West Carson High ka lang?”

“Yes. I am watching you. Every day.”

Nangilid ang luha ni Reign dahil sa sobrang kilabot.

“Tingin mo

bubuhayin

pa kita

ngayong

narinig mo na ako?“

Humalakhak itong muli.

“Kill me or I’ll kill you. There’s nothing in between.”

Hindi na iyon kaya ni Reign. Grabeng takot na ang nararamdaman niya. Mag-isa lang siya sa unit niya at walang mahihingian ng tulong kung sakali.

She was supposed to end the call but the next thing the killer said brought chills down her spine.

“Catch Me, Reign Harriett…”

PART THIRTY-TWO: The Mystery of The Letter E.

REIGN.

“Hazel is gone, so does Cedrick.”

Napalunok ako. Nanginginig ang mga tuhod ko. Nasa loob ako ng kotse at kasama ko si Prosecutor Jax. Kahit na madilim ay tanaw namin mula rito ang nakakapangilabot na crime scene.

Pagkatapos kong maka-usap ang killer ay tinawagan ko si Prosecutor Jax para humingi ng tulong at sabihin kung ano ang nangyari. Pinuntahan naman niya ako habang si Detective Howell ang tumawag sa mga pulis at rumesponde sa crime scene. Kahit sa 911 ay nawalan na ako ng tiwala.

Nadiskubre nila ang wala nang buhay na katawan nila Detective Hazel at Detective Cedrick sa loob ng pulang kotse sa parking lot. Pareho silang may butas sa ulo.

Pinalilibutan ito ngayon ng mga pulis at ng forensic. Hindi ko maiwasang mangilabot sa tuwing naaalala ko ang nangyari. Rinig na rinig ko ang lahat—maging ang pagpatay sa kanila. Maging ang halakhak ng salarin, rinig na rinig ko pa rin.

Mag-a-alas dose na rin ng madaling araw. Sa gitna ng mahimbing na tulog ng mga tao ay isang krimen nanaman ang bubungad sa kanila kinabukasan.

“May anak po si Detective Hazel, ’di ba?” nanghihina kong tanong. “Ano na pong… mangyayari?”

“Ano pa ba?” tipid na sagot ni Prosecutor Jax at bumuntong-hininga. “Ulila na ang bata.”

I bit my lower lip. Thinking about how Detective Hazel begged for her life for the sake of her child, it made me feel sad and sick. She wanted to live not for herself, she just… wanted to be with her child. That’s utterly tragic.

Napatingin ako sa bintana at kita ko ang pamumuo ng luha mula sa repleksyon ko. Maging ang tuhod at ang mga kamay ko ay patuloy pa rin ang panginginig. Nakakatakot at nakakagalit.

Walang kumikibo sa amin ni Prosecutor Jax. Sobrang patay ng atmosphere at maging ako ay ayaw nang magsalita.

Pareho lang kaming napatingin sa harap nang mula sa crime scene ay lumakad palapit sa amin si Detective Howell. Sobrang lungkot ng mukha nito at halatang nanghihina. Jax opened the window for him.

“Anong lagay?” bungad ni Prosecutor Jax.

Howell sighed hard. “On the way na ’yong detective na magiging in-charge. Ako na muna ang tumingin para hindi na nila madaya.”

“Madadaya nila ’yan,” Jax said bitterly. “They’ll do something to fit this into their narrative.”

At iyon ang sobrang nakakagalit.

“May na-recover bang kahit na anong evidence?” Prosecutor Jax followed.

“Wala pa. Nag-r-rely sila ngayon sa footage at DNA. Ewan ko ba,” sagot ni Howell. His voice even broke. Mukha na siyang mag-b-break down anytime.

I mean, Hazel and him were friends. Sobrang naiintindihan ko.

“Parating na ang family ni Hazel. Few minutes, darating na rin ang media,“nagtanggal si Prosecutor Jax ng seat belt at nagsuot ng coat. “Howell, sa inyo mo na muna patuluyin si Reign overnight. She’s safe with your wife. May klase pa siya bukas, she can sleep there peacefully, at least.”

“Ikaw? Saan ka pupunta?” takang tanong ni Howell nang buksan na ni Prosecutor Jax ang pinto at lumabas. Tiningnan ko sila at pinanuod.

“I’ll watch over the crime. Wala akong tiwala sa kukuhaning prosecutor,” tipid nitong sagot at nilingon ako. “Reign, do you still have the recording?”

Ang tinutukoy nito ay ang tawag na na-record ko. Naglalaman iyon ng pag-uusap ni Detective Hazel at ni Cedrick, maging ang pag-uusap namin ng totoong salarin.

Tumango ako. “Opo.”

“Nag-r-record ka talaga ng phone calls?” tanong sa akin ni Detective Howell.

“Naka-automatic recording po ang phone ko pagdating sa calls just in case,” sagot ko. “Dati ko pa po ’yon ginagawa.”

“Nice,” sagot ni Prosecutor Jax. Magsasalita pa sana siya kaso natigil siya nang may mga pumaradang kotse. Mula roon ay nakita naming nagbabaan ang mga reporter.

“The media is here,” he said. “Drive my car, Howell. Baka mahagip pa si Reign ng camera, mahirap na.”

Tumango na lang si Detective Howell.

“Reign, keep the recording. We need that in the future,” Jax told him.

“What?!” tanong ni Detective Howell. “Jax, malaking tulong ’yan sa imbestigasyon. Kailangan natin ’yang i-surrender—”

“Wala ’yong phone ni Hazel sa crime scene, right?” putol dito ni Jax.

Our eyes widened.

“Po?!” reaksyon ko.

“Paano mo nalaman?” takang tanong ni Howell.

“I am a prosecutor. I fought against criminals for years, Howell. Kabisado ko na sila,” sagot ni Prosecutor Jax. “The killer doesn’t want to expose Reign. Not now, not yet.”

“So ano pong gagawin natin?” tanong ko.

“Keep that recorder. For sure palalabasin nilang nag-away si Cedrick o Hazel, whichever shits that they could come up with. Kung ilalabas natin ’yan, kaya nilang i-twist ’yan. That’s a strong evidence in a wrong time. Let’s wait for the perfect time.”

“Hindi mo naiintindihan, Scott,” Howell argued. “Kaibigan ko ’yong pinatay. Nag-iisang anak ’yan ng parents niya, breadwinner pa. Solo parent din, sobrang bata pa ng anak. The least that we can do is to serve her justice.”

“Trust me, Howell,” putol dito ni Jax. “You need to trust me this time.”

“Trust?” Howell scoffed. “Ewan ko na.”

Hindi nito nilingon si Prosecutor Jax at pumasok na sa loob ng kotse. Frustrated na frustrated ito.

Jax opened his mouth to say something but chose to shut it later on. Sobrang emotional na ni Detective Howell and he knew arguments will bring no good at all.

“I’m going,” sabi nito at tiningnan ako. “Take care.”

Just then, we watched him approaching the crime scene. Akmang papaandarin na ni Detective Howell ang kotse nang tumigil ito. Tiningnan ko ang tinitingnan niya at bahagyang napangiti—isa iyong bata. Karga-karga iyon ng isang matandang babae.

“Inaanak ko ’yan. Anak ’yan ni Hazel…” bulong ni Detective Howell.

The smile on my face faded automatically. Bahagyang bumuka ang bibig ko. Howell looked away and I saw tears forming in his eyes.

Nakagat ko ang ibabang labi ko.

Umiiyak ang matanda habang ang bata ay naglilikot, hinahanap ang ina.

Tears fell from my eyes.

———

THIRD PERSON POV.

Tomorrow morning, makikita ang mga ka-grupo ni Nash na nasa isang morning show. Katatapos lang ng guesting nila. Nasa dressing room sila at sabay-sabay na nagpapahinga.

“Sa wakas!” rinig ni Nash na sabi ng leader nila at umupo sa sofa. “Ang pangit ko kanina sa screen. Ang laki ng mukha ko.”

Nagtawanan sila.

“Naka-zoom kasi sa ’yo. Dapat nag-request ka sa producer na gandahan ang angle,” suggestion ng isa.

“Wow selfie king ha, pero sa dorm tamad utusan,” binato ito ng leader nila ng unan na lalo nilang ikinatawa.

“Oo nga pala, Nash,” sabi ng bunso sa kanila. “Kailan ka lilipat sa dorm?”

Nash faked a smile. “Baka next week. Marami akong gamit, e. Baka walang paglagyan wardrobe ng isa riyan.”

“I am unbothered because I can’t hear,” biro ng ka-grupo niyang binibiro niya. Ito ang kilalang fashion student sa kanila.

Nagkwentuhan ang mga ka-grupo niya habang siya ay natahimik sa gilid. Nash had no intention to move in. Part ng agreement nila ng company na papayagan siyang tumira sa unit niya dahil sobrang sensitive niyang tao. Pero isa lang ang dahilan kung bakit sa halos isang dekada na niyang pagtanggi ay pumayag na siya.

Every part of his room reminded him of something—of someone. He loathed it. He loathed him.

“Bagyong Levi!”

Halos mapatalon si Nash nang marinig ang pangalan na pilit na niyang tinatanggal sa sistema n’ya.

“Hoy!” saway ng leader nila sa ka-grupo niyang isinigaw iyon.

“Bakit?” tanong nito at itinuro ang TV. “Ayun oh, may bagong bagyo. Bagyong Levi.”

Lahat sila ay napatingin doon. Totoo ang sinabi nito. May bagong bagyo sa bansa at pinangalanan iyong Levi.

May blind item nga kagabi about doon. Ang sabi, a young actor ghosted a model, and that model’s father turned out to be part of the Weather and Flood Forecasting Department. It was like a shade to him.

Many suspected Levi. But Nash knew that it was true. Ilang babae na ba ang iniwan ni Levi? He’s a trash and there’s no excuse for it. He kissed him and slept with someone hours after it. That alone speaks volume.

Umiling na lang si Nash at binuksan ang phone niya. “What a trash.”

Napaangat ang tingin niya nang makarinig siya ng ingay mula sa dressing room. Someone came in, causing the staffs to gasp. In Nash’s great horror, it was Levi. The Levi Hudson he knew.

“Hello, peeps!” bati nito sa mga staff. “Ate Marj, gumaganda ka lalo. Anong tubig n’yo sa bahay?”

Nagtawanan ang mga ito. Binati pa siya at kinawayan. The atmosphere brightened with Levi’s sudden appearance. Halatang paborito ito ng mga staff at kumportable sila rito.

When Levi looked at his members, kinamayan nito ang iilan. He even fist bumped their leader, showing na nagiging close na ang mga ito.

Pagkatapos ng morning show na pinag-guest-an nila ay ang national music show na. Si Levi ang bagong MC kaya ito nasa dressing room nila.

“Pa-ayos ko lang mic ko ha,” sabi nito sa mga ka-group niya.

Obvious na nagiging close na ang mga ito kay Levi at doon siya naiinis. Nash wanted to move on. He wanted to erase every trace of Levi in his life.

Hindi rin niya malaman kung naiinis ba siya dahil gusto na niya itong kalimutan pero araw-araw pa rin niya itong nakikita o dahil ba close na close ito sa mga ka-grupo niya pero siya ay hindi man lang matapunan ng tingin?

Levi didn’t even look at him. At all.

Nash threw Levi a secretive glance. Nakasuot ito ng puting t-shirt at itim na denim jacket. He looked nice, as always.

Sinusuotan ito ng lapel mic at nakikipagbiruan pa sa mga staff.

“Blooming talaga si Ate Marj, oh. Kung magka-same age lang tayo, baka niligawan na kita.”

Namula ang babae kaya umalingawngaw ng tawanan sa loob ng dressing room. Kahit mga ka-grupo ni Nash ay tuwang-tuwa dahil sobrang namula iyon. Dagdag pa ang biro ng ilang staff.

Levi may be too full of himself but everyone’s comfortable around him. He knew how to treat them properly. Levi was even laughing genuinely.

How can he laugh like that after hurting me?

Napatingin na lang si Nash sa sahig at tipid na ngumiti.

Maling

-mali na

ginusto

ko siya, sabi niya sa sarili. Sobrang mali.

“Nashville, right?”

Natigil ang tawanan. Tumingala si Nash at isang lalaki ang bumungad sa kanya. Iyon ang host ng show na pinag-guest-an nila kanina.

Agad silang napatayo ng mga ka-grupo niya para mag-bow sana as a sign of respect pero pinigil sila nito.

“Okay lang,” nakangiti nitong sabi. “I just wanna give Nashville this.”

May inabot ito sa kanyang sandwich. Awkward na kinuha iyon ni Nash. Hindi niya alam ang mararamdaman.

“Thank you po,” sagot niya. “Pero para saan po ito?”

“Wala lang,” ngumiti ito sa kanya. “I adore you. I’m a fan.”

Tinapik siya nito sa balikat at ngumiti.

Nash bowed and the guy walked out after greeting everyone.

“Wow, Nashville! Lapitin ng artista!” kantyaw ng mga ka-grupo niya sa kanya.

Nash didn’t know what to feel. Sampung taon halos ang agwat nito sa kanya. Kanina pa man sa show ay malagkit na ang tingin nito sa kanya but he shrugged it off, not until now. May usap-usapan pa nga na bisexual ito, though, hindi naman nito iyon cinonfirm.

Nash felt so lost, confused, yet flattered.

“May sugar daddy na!” biro ng isa.

Sinuntok niya iyon sa braso at tumawa. When he looked at the staff, he caught Levi looking at him. Agad itong umiwas ng tingin na para bang walang nangyari.

Few minutes later, Nash went out to buy a drink. Kasalukuyan siyang pumipili ng inumin sa vending machine. Nang maglalagay na siya ng barya ay may biglang naglagay ng barya roon.

When he looked back, it was Levi. Ramdam niya ang pagdikit nito sa katawan niya. Gumilid siya.

Levi didn’t say a thing. He was emotionless. Ang isa nitong kamay ay naglalagay ng barya sa vending machine habang ang isa ay nakapamulsa.

“What do you want?” Levi asked coldly.

Nash didn’t answer.

“Aside from me, what do you want?”

Nash’s eyes grew bigger. Napatingin siya bigla sa paligid kung may nakakarinig ba pero sila lang ang tao sa buong pasilyo.

“Pwede bang manahimik ka?” Nash asked sharply.

“Don’t make me repeat my words, Burlington,” Levi answered, unbothered. “What do you want?”

“I can buy my own drink.”

Tumaas ang sulok ng labi ni Levi. “Iba pa rin ’pag galing sa ’kin.”

Nash closed his eyes hardly. “I’ll go for cola.”

“That’s bad for your throat, you’re a vocalist. Just take water.”

Levi pressed something on the machine.

“Ba’t ka pa nagtatanong kung ikaw din pala masusunod?’

Levi just shrugged. He took the drink from the machine.

“Hindi mo ’ko na-mi-miss?”

Nash’s lips parted. He wasn’t expecting that from him.

“Ang kapal naman ng mukha mo. I’m moving on. Give me few days or a week and I’ll be over you.”

Levi smiled playfully and met his eyes. “Kaya mo?”

Nash gulped. “Of course, kaya ko.”

Levi didn’t answer. He just stared at Nash intently. Maya-maya ay dumako ang tingin niya sa hawak ni Nash na sandwich. He took it.

“I’ll give you an advise since bago ka pa lang sa industry,” sabi nito. “If someone gives you something, look for codes.”

Tinanggal nito ang tissue na nasa ilalim ng sandwich at iniharap sa kanya.

What Nash saw left him speechless. Nakasulat sa tissue ay ang phone number ng host ng show kanina.

“See?” Levi asked. “He’s interested in you.”

Akmang kukuhanin ni Nash ang tissue pero nilukot iyon ni Levi gamit ang isang kamay nito.

“I’ll take this.”

“Give that back,” said by Nash.

Umiling si Levi at isinilid sa sariling bulsa ang tissue. “I’ll protect you.”

“From what?”

“From harm.”

“You are the only harm to me, Levi,” Nash answered bitterly. “You are a toxic to my system.”

Levi’s lips parted. “A toxic that you love? I’ll take that as a compliment.”

“Let’s get this straight,” Nash snapped. “Wala na sa ’yo ang lovelife ko. Kung magpapabiktima ako o hindi, that’s up to me, hindi sa ’yo. If that host likes me, the decision is up to me. Besides, ano ba naman ako sa ’yo? You will never like a boy, ’di ba? You will never like me, ’di ba? Stick with that.”

The amount of hate in Nash’s eyes was unmeasurable.

“If you don’t like me, don’t give me false hope. Stop confusing me.”

Nash threw him one final look before turning his back and walking away.

Levi remained standing there for few minutes. Pinanunuod niya si Nash na naglalakad papalayo.

Kung bakit siya nakialam sa lovelife ni Nash ay hindi niya rin alam. Levi knew the dark side of the celebrity life and maybe that triggered him.

Maybe, he just wanted to guide Nash? Maybe he wanted to protect him?

Levi may fool his head but definitely not his heart. He knew the reason could be more than that.

Ever since Nash and him kissed, he felt weird. Every kiss that he shared with other woman felt weird. Parang may kulang. Parang may hinahanap siya.

He dated three women in a span of few days. Ganoon siya ka-desidido na normal na reaksyon lang ng katawan niya ang naramdaman niya kay Nash—but he was wrong. He never felt it to anyone else—Nash set the bar way too high.

It wasn’t even about the pleasure. Levi was seeking for that comfort and warmth—bagay na naramdaman niya kay Nash nang gabing iyon.

He thought, sudden burst of emotion lang iyon. But a week had passed and yet, he’s still seeking for it. Iyon nga ang rason kung bakit ghinost niya ang kinikita niya lately. She was hurt to the point that her dad even named the typhoon to humiliate him.

It was all because of him.

All because of Nashville Burlington.

Levi smiled weakly while watching Nash vanishing from his sight.

“Take responsibility of me,” he whispered in the air. “Take responsibility of my heart…”

———

REIGN.

Just as I expected it, the news about Detective Hazel and Cedrick blew up. On-going ang investigation pero ang dami na agad na haka-haka. Ang sabi pa ng ilan, baka raw nag-d-date sila at nag-away. Cedrick killed Hazel and later shot himself.

Ewan ko na lang talaga sa mga tao.

Umaga na rin at may klase na. In fact, nasa loob na nga ako ng school. Kila Detective Howell ako natulog at sobrang bait ng pamilya niya.

Sobrang anxious ko knowing na nasa school lang ang salarin. Anytime, pwede niya akong saktan o patayin. Pero naisip ko, may role pa ako sa kanya kaya hindi pa niya ako tinatapos. Kaya hangga’t hindi pa ako ang target niya, I’ll do everything to expose whoever that person is.

Catch Me, Reign? I will, with all pleasure.

Tiningnan ko ang phone ko at naroroon ang mission sa akin ni Prosecutor Jax. Kailangan kong alamin kung sino ang marunong bumaril sa 12-A. Marunong daw kasing bumaril ang killer, short range man o hindi.

With 12-A’s background, for sure mayroon sa kanilang naging member ng shooting clubs. Kailangan ko lang malaman kung sino.

After talking with Reese sa messenger, I found out na mayroon sa kanila na marunong. I messaged her at kunwari naghahanap ako ng shooting membership dahil interested akong matuto. Siya rin naging suspect ko pero turned out, hindi siya marunong bumaril.

Instead, she told me na mayroong naging member ng sikat na shooting club sa kanila last year at hindi niya lang maalala kung sino. Naging extra curricular grade din daw kasi iyon ng estudyanteng ’yon, impressed daw kasi ’yong teacher nila.

After my investigation, I found out na P.E iyon. Nalaman ko kung sino ang PE teacher nila last year. Kaya ito ako ngayon, pumasok an hour earlier than my class. Ito kasi ’yong oras na walang tao sa P.E faculty. Mas madali kong mahahanap ang dokumento.

Nasa labas ako ng faculty building at hinihintay lumabas ang nag-iisang teacher na nasa P. E faculty. Hindi ako pwedeng maghintay sa loob dahil baka mautusan ako, mahirap na.

Tiningnan ko ang langit. Ang sabi, may bagyo raw pero sobrang tirik ang araw.

“Cute…” bulong ko at ngumiti.

“Yea, cute.”

Halos mapatili ako nang biglang may magsalita sa tabi ko. It was Lyle.

“Bakit ang aga mo?” tanong ko.

He didn’t answer. May inabot itong papel sa akin at tiningnan ko iyon. Invitation iyon sa colloquium namin.

“Salamat,” tipid kong sagot. “Pwede ka namang mag-message na lang sa ’kin.”

“I did,” tipid niyang sagot.

Tiningnan ko ang phone ko at binuksan ang messenger.

“Wala naman, a?”

“Check your inbox.”

Tiningnan ko at may nag-text nga sa akin. Galing iyon sa unknown number kaya hindi ko pinansin.

Kumunot ang noo ko. “Paano mo nalaman ang number ko?”

Suddenly, what happened yesterday flashed on my mind. Binigyan ko si Lyle ng sticky note na may number ko pero hindi niya kinuha. Nakatitig lang siya roon pero hindi naman niya tinanggap.

“Nakabisado mo?!”  impressed kong tanong.

Lyle didn’t answer. Tumaas lang ang sulok ng labi niya at tumingin sa kalangitan. Nasisinagan ng araw ang pisngi at mga mata niya.

I looked at the sky too. Sobrang refreshing sa pakiramdam.

“You find this cute?” he asked later on.

“Hindi ba?” tanong ko.

“You’re cuter.”

I looked at him with great shock. That was so sudden.

Tama ba ako ng narinig o nag-h-hallucinate na ako?

Lyle was glooming—he looked bright and lively.

“Your eyes are pretty…” I said.

Lyle looked at me and smiled a bit. “So are you.”

Pakiramdam ko ay malalaglag na ang panga ko sa sobrang bigla.

Lyle looked back at the sky.

“I rarely compliment people. Be flattered, Harriett.”

I scoffed jokingly. “Mukhang maganda gising mo, a?”

Lyle didn’t answer. He remained silent for few seconds.

“Ang sabi, uulan pero tirik ang araw.”

“Yes,” sabi ko. “Kaya nga ang cute.”

“It’s climate change, Reign. There’s nothing cute about it.”

Lyle then looked at me mockingly and smirk.

“Learn your science.”

Bago pa ako makapagsalita ay tumalikod na siya at naglakad papalayo. Naiwan akong nakanganga at offended.

Bakit ko nga ba inexpect na good mood siya?

Bakit ko nga ba inisip na baka somehow, nagbago at bumait na siya?

Lyle found a way to mock me!

Learn my science? Duh, ako kaya lyricist every time may Science Jingle competition sa school.

Ako rin nananalo sa poster making na laging may globe at kamay na sumasalo roon at mga tao na hawak-kamay sa paligid nila.

Inis na pinanuod ko si Lyle na naglalakad papalayo nang biglang lumabas ang teacher na hinihintay ko mula sa building.

Wala nang tao sa faculty.

A smirk curved on my lips.

This is it!

In a snap, I found myself inside the faculty room. May malaki silang wooden drawers at doon ako naghahanap ng documents from last year.

From portfolio, written activities, BMI, test papers—lahat nadaanan ko na pero hindi ko pa rin makita.

“What if niloloko lang ako ni Reese?” bigla kong tanong sa sarili.

Na-frustrate ako bigla. Knowing Reese, hindi malabong mangyari iyon.

“Sasabunutan ko siya!” inis na sabi ko at naghalungkat pa.

Kinakabahan ako na baka biglang may dumating. Hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko.

After almost ten minutes, I found a box. Kinuha ko iyon at binuksan. Naglalaman iyon ng mga letters at teacher’s day greetings. Kinuha ko ’yon at sa ilalim ay may mga papel na parang itinatago.

Kumunot ang noo ko.

I took them and my eyes widened.

Extra-curricular sports iyon last year ng mga kaklase ko!

“Sorry Reese, ’di na pala kita sasabunutan,” tuwang-tuwa kong bulong sa sarili at nagsimulang magbasa.

Inisa-isa ko iyon at bigla akong naguluhan. Lahat sila ay naroroon maliban sa isa. At instead na pangalan niya ang naroroon, ibang pangalan ang nakasulat.

‘Ellie’

“Sino ’to?” taka kong tanong.

May iba pa ba silang kaklase dati? Nakita ko na ang master’s list nila at wala namang Ellie roon. Nag-profiling na rin kami dati ni Prosecutor Jax at walang may nickname sa kanila ng Ellie.

Kinuha ko ang papel at binasa. Kahit apilyedo ay wala. Ellie lang ang nakasulat.

I skimmed the paper and was left bewildered.

Siya ang hinahanap ko!

May certificate siya from shooting club! The person can shoot both in short range and long range—like a pro!

“Damn…” bulong ko.

Kinuha ko ang phone ko at pinicture-an iyon. Right after I took the photo, nakarinig ako ng mga yabag. Nasa dulo ang P.E faculty kaya for sure dito ang punta niyon.

Shit!

Dali-dali kong ibinalik ang mga gamit at bago pa bumukas ang pinto ay nakapagtago ako sa ilalim ng isang table. Nagsumiksik ako roon.

Nang bumukas ang pinto ay pinanuod ko ang pagpasok ng isang tao. Para itong nagmamadali, parang may hinahabol.

Sumilip ako pero nahihirapan akong makita siya. Binuksan niya ang mga drawers at parang may hinahanap. Nag-pa-panic ito at madaling-madali. Nang makita niya ang isang box ay kinuha niya iyon.

Iyon ’yong box na tinitingnan ko kanina!

Anong kailangan niya roon?

Hinalungkat niya iyon at kinuha ang extracurricular sports report.

Don’t tell me—

Inisa-isa niya iyon at kinuha ang isang papel. Ang nag-iisang papel na may gold logo. Kahit hindi ko makita nang malapitan ay alam kong iyon ’yon dahil kumikinang ang gold na logo ng papel. Ang papel ng shooter na si Ellie.

Sino ’tong taong ’to?

Undercover din ba siya or what?

Or… siya kaya si Ellie?!

Suddenly, realizations hit me.

May Letter E ang pangalan ng killer.

May letter E ang pangalang Ellie.

Ang killer ay nasa West Carson High lang, at ganoon din si Ellie.

Siya na kaya ito?

Siya na kaya ang salarin sa mga krimen na nangyayari?

Sino si Ellie to begin with?

Sa loob ng box ay naaalala kong nakita ko ang papel nila Braelyn, Grey, Lyle, Nash, Everleigh, Levi, at Reese.

Sino ang nawawala…?

When the person looked back to see if someone’s coming, I saw her panicking face clearly.

I covered my mouth. My eyes widened.

“Missi…”

PART THIRTY-THREE: Sacrifice The Pawn

Si Ellie ay si Missi.

Napapikit ako nang mariin at napasandal sa upuan ko. Nasa klase ako ngayon at nakatulala lang kay Missi. Nag-l-lecture ang teacher namin sa Contemporary Arts From The Region at ni-isa ay walang pumapasok sa utak ko.

Ang mission ko ngayong araw ay hanapin kung sino ang marunong bumaril sa 12-A. Through Reese, I found out na mayroong isa na nag-take pa ng private shooting lessons at member pa ng isang shooting club. Marunong nga raw ito bumaril kahit short range man o long range. Professional ito kung tutuusin.

Hinala kasi ni Detective Howell at Prosecutor Jax ay isa sa 12-A ang gumawa niyon. Nang mag-imbestiga kasi ang detective na humawak ng kaso ay napag-alaman nilang ang itim na kotseng sinasakyan ng taong bumaril kay Cedrick na siya namang tumapos kay Detective Hazel, ay huminto sa isang maliit na sari-sari store para bumili ng sigarilyo.

Ang kaso, matanda ang nagbebenta at hindi na matandaan ang hitsura ng tao. Ang natatandaan niya lang ay kabataan ito. Pinakitaan nila ito ng mga litrato pero hindi na niya talaga matandaan. Hindi nga rin niya masabi kung babae raw ba ito o lalaki dahil sa suot nito. Wala ring CCTV sa tindahan o kalapit na lugar. Distorted rin ang plate ng kotse nito na halatang dump car lang. Matalino ito, aminado sila.

Kaya ang lead nila tungkol sa suspect ay isang kabataan, marunong mag-drive, at naninigarilyo. Isa pa, alam nito ang kaso ni Miss Jess base sa phone call naming dalawa. Inamin niyang siya rin ang pumatay kay Miss Jess at nasa West Carson High lang siya.

Sinu-sino ba sa 12-A ang fit sa mga clues?

Hindi pa sila nagpapakita ng tunay nilang ugali kaya sobrang hirap na magturo. Besides, they can act well. They can easily fake things.

Kaya pinagtuunan ko kung sino sa kanila ang marunong bumaril. You can fake your attitude but you can’t fake your skill. I worked about it the whole night and I was informed na last year ay may extracurricular activity sila at isa sa kanila ang nakakuha ng highest grade dahil nga naging miyembro ito ng shooting club.

So I went to the P.E faculty to steal that paper. Right when I was about to take it, Missi came in. She was panicking. She took that paper and stormed out as if her life depend on it.

Lahat ng students sa 12-A ay nakita ko ang records about their extracurricular. At instead na pangalan ni Missi ang nakalagay sa nag-iisang papel na natira, Ellie ang naroroon. The catch, that paper was a certification from a shooting club.

Does that mean, si Missi ay si Ellie?

Imposibleng sa dati nilang classmate ang certificate na ’yon. Mayroon akong copy ng master’s list nila simula Junior High School at ni-isa ay walang may pangalan na Ellie, kahit second name man lang.

Tiningnan ko ulit si Missi. Kinukulot niya ang ibabang buhok niya habang may nginunguya na kung ano. Kumikinang din ang labi niya dahil sa shade ng liptint na ginamit niya.

Totoo bang slow si Missi or ginagawa niya lang iyon para linlangin ang lahat? Para hindi siya paghinalaan sa kung ano mang ginagawa niya dahil mukhang hindi siya capable?

Could she be the letter E all along?

Ang sakit sa ulo!

Iniisip ko pa lang kung paano ko ’to gagawan ng narrative report mamayang gabi, pakiramdam ko lalagnatin na ’ko.

“Hey, trans!”

Mabilis akong napatingin sa gilid ko at mukha agad ni Levi ang bumungad. Umupo siya sa upuan na nasa tabi ko na para bang close kami.

“Ba’t dito ka umupo?” tanong ko. “Ang daming upuan.”

“Ito pinakamalapit sa pinto,” kaswal niyang sabi. “Besides, wala namang seating arrangement sa subject na ’to. Ano bang ikinagagalit mo?”

“Ba’t ’di ka na lang doon umupo?” tanong ko at ininguso ang bakanteng upuan sa tabi ni Braelyn.

“Mas gusto kita katabi, choosy ka pa?”

Tiningnan ko siya nang masama na ikinangisi niya.

Kanina lang ay pinanunuod ko pa siya at si Nash sa live morning show. Mabuti at nakahabol pa sila sa klase. Si Nash ay dumating on time habang si Levi ay ten minutes late.

“Ba’t ba nakatulala ka kay Missi kanina? Na-in love ka na rin sa kaniya?”

“Hindi ba pwedeng nagagandahan lang?” tanong ko. “Maganda naman talaga si Missi. Pinakamaganda sa school, I admit.”

“Well,” ngumuso si Levi at tiningnan si Missi. “Totoo naman. Kaya nga first love ko ’yan.”

Tiningnan ko ulit si Missi. Totoo iyon. Kahit na anong anggulo ay ang ganda nito. Siya iyong kahit na i-candid mo, i-stolen shot mo, o kahit low quality pa ang camera mo, hindi kukupas ang ganda niya.

Ang unfair lang. Samantalang ako ’pag sa picture, hindi pantay ang mata.

When I looked back at Levi, an idea came into my mind. Kung may nakakakilala nang lubos kay Missi, si Levi ’yon. Sabay silang lumaki, possible na alam niya ang connection ni Missi sa pangalang Ellie.

“I’m glad to know na naka-move on ka na,” pagpapaka-plastik ko kahit deserve niya talaga ’yon. “I mean, ang hirap siguro n’on. Sabay kayo lumaki, e.”

“Life is too short. Bakit ko kailangang habulin kung puwede namang palitan?”

Napatakip ako ng bibig. Grabe ang hangin nito. Kahit si Reese na nasa harap namin ay napalingon at napa-thumbs up kay Levi.

“Bakit pala Mississippi ang pangalan niya?” tanong ko. “Wala ba siyang second name?”

“Kasi sa Mississippi siya ipinanganak,” Levi said. He smiled when he saw how amused I was. “Yes. That US state. Siya nga lang may US citizenship dito.”

“That’s cool…” bulong ko kunwari.

“Sa second name, wala. Mississippi lang.”

That’s it. Saan nanggaling ang Ellie?

“E nickname?” tanong ko.

“Missi,” sabi ni Levi sa tono na parang natatangahan na siya sa akin. “’Yon na ’yon.”

“Bagay sa kaniya. I heard shooter pa siya. Ang galing lang,” pagkukunwari ko at tinitingnan ang magiging reaksyon niya.

“Saan mo nalaman ’yan?” tanong ni Levi. “Missi is a good shooter. Bonding na nila ng daddy niya ’yon. Kukuhanin nga dapat siyang ambassador ng shooting club nila, ayaw lang ng daddy niya.”

Then si Missi nga si Ellie? Sa kaniya talaga ang certification?

Lalo akong naguluhan.

Walang second name si Missi, saan niya nakuha ang Ellie?

Ano, nakalimutan naman niya ang spelling ng ‘Missi’ kaya ‘Ellie’ ang inilagay niya? Sobrang layo. Kung ganoon man, bakit siya nag-pa-panic habang hinahanap iyon?

At bakit niya hinahanap ’yon to begin with? Isang taon nang naroroon ang certificate, bakit ngayon lang siya nagka-interes? Bakit ngayon na nagpakilala na sa akin ang killer bilang The Letter E at nasa West Carson High daw siya?

Lahat ng clues ay siya ang itinuturo.

Pero hindi ba sobrang dali naman ata?

Ewan. Ang gulo. Ambot.

“Oh, ipinabibigay ni lover boy mo.”

Napatingin ako ulit kay Levi at may ini-aabot itong sandwich. Kinuha ko iyon kaagad dahil baka makita pa kami ng teacher namin.

“Akala ko busy si Grey?” tanong ko.

“Oo nga,” sagot ni Levi at binuksan ang notebook niya para mag-take down notes. “Pero pagdating sa ’yo, hindi.”

Nagsulat na ito at hindi na kumibo.

Muli akong napatingin sa sandwich at may stick note roon na ang tanging nakasulat ay isang smiley face.

Sa totoo lang, sobrang busy ni Grey lately. Malapit na ang opening ng National School Sports Competition. Sila ang champion last time at pressured silang maka-secure ng bagong trophy. Siya pa ang Captain nila at huling taon niya na sa team dahil graduating na kami.

Pero kahit na ganoon, Grey always made time for me. Kung may oras siya para ihatid ako, ginagawa niya. Kahit minsan hindi kami nagkikita, pakiramdam ko kasama ko pa rin siya. Kapag may oras siya para tawagan ako, ginagawa niya. Nag-c-chat din siya para i-update ako. Kung offline naman ako, nag-t-text siya to make sure na hindi ako mag-w-worry.

He never made me feel the doubt. Busy siyang tao pero kahit minsan ay hindi ko naramdaman na kailangan kong manghingi ng oras niya. Never kong naramdaman na kailangan kong makihati sa mga priorities niya.

I smiled weakly and hid the sandwich inside my bag. Natigil ako nang pabalang na isinara ni Levi ang notebook niya.

“Anong karapatan niyang ’di ako tingnan?” rinig kong bulong ni Levi sa sarili.

Nang tingnan ko ang tinitingnan niya ay napansin kong side iyon nila Nash at Lyle. Magkatabi ang dalawa.

“Si Nash ba tinutukoy mo?” bulong ko sa kaniya.

Levi looked at me, alarmed. “May alam ka ba?”

“May alam saan?” tanong ko pabalik.

Levi stared at me intently.

“Saan nga?” tanong ko ulit.

Levi shook his head. “Mas okay nang wala kang alam.”

Kumunot ang noo ko.

How dare him trigger my curiousity like this then leave me hanging?

“About what nga?” tanong ko at kinurot ang braso niya. “Levi!”

Levi was startled at first, until a smile planted on his lips.

“Finally, tumingin ka rin.”

He was looking at Nash’s direction again. Lalong kumunot ang noo ko.

Anong mayroon?

Maya-maya ay nagtaas si Levi ng kamay. “Ma’am!”

Natigil sa pagsasalita ang teacher namin at lahat ay tumingin sa amin.

“Yes, Bagyong Levi?”

Lahat ay nagtawanan. Kahit ako ay napangisi. Usap-usapan ang pagpapangalan ng bagong bagyo kay Levi after nitong i-ghost ang anak ng nag-t-trabaho sa National Forecasting Department. Kung sa group chat namin ay usap-usapan na ’yon, no wonder kung bakit pati sa school ay kalat na rin iyon. May blind item pa nga.

Lahat ay tawang-tawa maliban kay Missi. Mukhang uwing-uwi na ito at tensed na tensed kahit first class pa lang.

“Ma’am naman!” pagmamaktol kunwari ni Levi.

“Biro lang, ’nak. Ano ’yon?”

“Puwede po bang lumipat ng upuan?”

My eyes widened. Lahat ay natingin sa akin dahil ako lang ang katabi ni Levi.

“Hoy, anong problema mo?” offensive kong bulong.

“Bakit? Hindi ka ba kumportable riyan?” tanong ng teacher namin habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa akin at kay Levi.

“Opo,” sagot ni Levi. “Dinadaldal ako ni Reign.”

Lalong nanlaki ang mga mata ko. Hinampas ko siya sa braso sa sobrang offended at lalong natawa ang mga kaklase namin.

“Ang kapal mo!” sabi ko. “Ikaw nga ang madaldal!”

“Kita n’yo ’yon, nananakit pa?!”

“Ano ba kinukwento sa ’yo?” gatong ni Reese na tuwang-tuwa dahil natigil ang klase.

“Oo nga,” pakikisali ni Braelyn. “Share mo naman.”

“Well, sabi niya ang cute daw ni Lyle.”

Doon ako napatayo sa gulat. “YAH!”

Umugong ang asaran sa room. Si Lyle naman ay hindi man lang lumilingon. Alam kong wala itong pakialam.

“ANG SINUNGALING MO!” sigaw ko kay Levi.

“Totoo naman, a? Sabi mo ang cute ni Lyle, sana seatmate na lang kayo.”

“Napakasinungaling mo!” sabi ko at namumula na sa hiya. “Ma’am, hindi ’yon totoo!”

Natawa ang teacher namin. “Hija, I know—”

Natigil ang lahat nang biglang tumayo si Lyle mula sa upuan niya. Sabay-sabay niyang kinuha ang notebook, ballpen, at headphone niya mula sa table niya.

Lyle was only wearing his fitted white school polo na naka-tuck in sa itim niyang slacks. Ang coat naman niya ay isinukbit niya sa braso niya. Bagsak ang itim niyang buhok at ang balat ay nasisinagan ng araw dahil malapit siya sa bintana.

Lyle looked at our direction with his signature, emotionless face.

“Fine,” he said while looking at Levi. “Let’s exchange seats.”

My lips parted. Karamihan ay nagulat pero nang pangunahan ni Reese ang pang-aasar ay naghiyawan na ang mga kaklase namin.

“At diyan nagsimula ang lolo’t lola ko!” tawang-tawang sigaw ni Reese.

Si Everleigh ay pinanunuod lang kami at hindi kumikibo.

Gusto kong umalma. Gusto kong sabihin na ayaw ko pero lahat sila ay paniwalang-paniwala kay Levi. Kahit ang teacher namin ay tawang-tawa. Kausap pa nito ang isa naming kaklase at nakiki-chismis tungkol sa amin. Rinig ko pa nga ang pagbanggit nito sa pangalan ni Grey.

Tumayo na si Levi nang naglakad papalapit sa amin si Lyle.

Levi smiled at me. “Thanks, trans. I owe you a lot.”

Bago pa ako makapagsalita ay umalis na ito at dumating na si Lyle. Ni-hindi ako kinausap ni Lyle o kahit tingnan man lang. Umupo ito kaagad at nagbukas ng notebook.

Maang na tiningnan ko si Levi na ngayon ay katabi na si Nash. Lumingon pa ito at kumaway sa akin.

Napakasama ng ugali. Hayop talaga! Kainis!

Maya-maya lang ay nag-aaway na sila ni Nash.

“Ang tapang ng pabango mo, Levi. Naligo ka ba?” tanong ni Nash.

“’Wag mo ’kong awayin, Burlington. Mas mataas GWA ko sa ’yo!”

“Class, settle down,” sabi ng teacher namin. “Enough na. May hinahabol tayong lesson. Saan nga ulit tayo nag-stop?”

Nagsimula na itong magturo ulit habang ako ay nakatayo pa rin at hindi malaman ang gagawin.

Bwisit na Levi! Pahirap sa buhay!

“Sit down,” I heard Lyle said. “Don’t make it obvious.”

“What obvious?” I asked back.

That’s when Lyle looked up and met my eyes. “Na gusto mo akong katabi.”

My eyes widened.

Bwisit ka talaga Levi!

I was about to open my mouth to defend myself but Lyle smiled as he looked back at his notes.

“Don’t worry. Gusto rin kitang katabi.”

I looked at him unbelievably.

“Oh, Ms. Harriett, bakit hindi ka pa umuupo?” puna ng teacher namin.

I was startled.

“Baka gusto kumandong, ma’am,” sabi ni Reese at kumindat.

Lalong nagtawanan ang klase kaya umupo na ako agad.

Tiningnan ko ulit si Lyle at busy ito sa pagsusulat.

“Eyes on the board,” Lyle then whispered in the air. “Don’t focus on me.”

“Sa notes mo ako nakatingin, hindi sa ’yo,” depensa ko at binuksan na rin ang notes ko.

Lyle didn’t answer. Tumaas lang ang sulok ng labi niya.

An absolute silence followed between us until Lyle broke the ice.

“Kailan mo balak ibalik ’yong cupnoodles ko?” tanong niya habang nakasandal sa upuan at hawak ang notebook niya.

“Cupnoodles?” naguguluhan kong tanong.

Maya-maya ay naalala ko ’yong noodles niya na binuksan ko noong unang beses na nagkita kami. Noong gabi na hinahabol ako ng sindikato.

“Naaalala mo ’yong mga ganoong bagay pero mag-sorry sa mga nababangga mo, deadma ka, ’no?”

“I say sorry kung ako ang mali.”

“E, ba’t hindi ka nag-apologize? Sila pa ang may kasalanan?”

“Exactly,” sagot ni Lyle.

Isa pa itong masama ang ugali.

Lyle looked at my bag. Bahagya iyong nakabukas at nakita niya ang sandwich mula roon.

“I’ll take that as your payment.”

“Hindi puwede,” angal ko at isinara ang bag ko.

“Why?” tanong niya. “Sandwich lang naman ’yon.”

“Hindi ’yon sandwich lang,” mariin kong sabi.

“Bigay ni Grey?” tanong ni Lyle.

“Oo,” sagot ko.

“I can make a better sandwich than him. Ask Levi.”

“So?” tanong ko. “It’s the thought that counts.”

“Doesn’t change the fact that I cook better than him,” Lyle casually said and began writing again.

Hindi na ako nagsalita pa. Alam kong hindi naman siya magpapatalo.

Bukod sa iisipin ko pa ang connection ni Ellie at Missi, need ko pa ngayong klaruhin kay Grey ang tungkol kay Lyle. Baka maniwala ’yon kay Levi.

What a day.

It was lunch break when I met Grey. Nasa labas ito ng building. When I saw him, he was wearing his soccer uniform at nakikipag-usap sa mga grade ten students at hula ko ay ini-interview ito para sa baby thesis nila.

After the interview, Grey finally noticed me. He waved his hands at me. Lumapit ako sa kaniya at ngumiti.

“Interview?” tanong ko.

Tumango lang siya. “Baby thesis daw nila. How are you?”

“Ikaw ang kumusta,” sabi ko at pinunasan gamit ang bimpo ko ang pawis na nasa noo niya. “Ang aga n’yong nag-training.”

“Kaya nga ’di ako makapasok ng building. Amoy pawis ako, nakakahiya,” bahagya siyang natawa. “Na-receive mo ’yong sandwich?”

Tumango ako. “Ah, about Levi—”

“I know. Sinabi na niya sa ’kin through text,” nakangiting sabi ni Grey. “I understand.”

“Buti naman at ’di ko kailangang mag-explain para sa kalokohan niya.”

We laughed. We then stopped and stared intently at each other. Grey spread his arms and smiled at me.

“Okay lang?” tanong niya.

Tumango ako at niyakap siya. Grey wrapped his hands around my waist. He hugged me back as if he was longing for it for so long. Hinigpitan niya ang yakap sa akin.

“I miss you,” sabi niya at idinampi ang labi niya sa buhok ko.

“Sobrang busy mo kasi,” sabi ko. “I mean, hindi naman ako nag-c-complain, it’s just that… sana hindi mo i-overwork ang sarili mo.”

“I know…” bulong ni Grey at ipinatong ang baba niya sa balikat ko. “Pero gusto kong mag-champion para maibigay ko sa ’yo ’yong medal and sa team ’yong trophy. I wanna be a boyfriend that you can be proud of.”

I smiled. We stayed for that moment for few minutes.

“Anong oras ka babalik sa training?” tanong ko.

“Five minutes from now.”

Kumunot ang noo ko. “Akala ko ba half an hour ang break n’yo?”

“Oo nga. I waited for you for twenty minutes.”

“Hindi ba puwedeng magpa-late ka na lang for ten minutes? Sabay na tayong kumain.”

“Hindi puwede,” sabi niya. “Though, gusto kita makasabay ulit, hindi naman ako puwedeng ma-late. I am the Captain, I should be the role model.”

Maya-maya ay kumalas na kami sa pagkakayakap.

“Besides…” Grey said and held my hand. Pinisil-pisil niya ang palad ko. “Nakapag-sandwich na rin ako. Okay na ’yon, may free meal naman ang team mamaya.”

Tumango-tango ako. That’s when I noticed Grey was somewhat hesitant. He looked like he wanted to say something but he was unsure.

“May gusto ka bang sabihin?” tanong ko.

“Huh?” Grey asked. “Halata bang… may gusto akong itanong?”

Natawa kaming pareho. Tumango ako.

“Is there something bothering you?” he asked. “Like anything. Gusto kong malaman.”

Napaisip ako.

“Wala naman,” sagot ko. “Bakit?”

“Are you sure?” Grey asked. “It can be anything or anyone—like Lyle.”

That’s when Grey sounded worried.

“Wala po,” sagot ko at pilit na ngumiti.

“Promise?” Grey asked again, his eyes were seeking for assurance.

“I promise,” tipid kong sagot.

Grey looked into my eyes deeply, as if he was weighing if I was lying or not. Whether or not he was convinced, Grey smiled back at me nevertheless.

“Glad to hear.”

“May dapat ba akong ikabahala kay Lyle?” tanong ko.

Grey didn’t answer at first until he heaved a sigh.

“I don’t want to talk ill about him,” he said. “Pero kailangan mong mag-ingat sa kaniya. Walang pakialam si Lyle sa mga tao sa paligid niya unless he needs something from them.”

“You mean, may kailangan siya sa akin?” tanong ko.

“I don’t know. Sinakyan ni Lyle ang kalokohan ni Levi. He would normally ignore because he thinks that’s childish but he didn’t. Lyle is up for something. Kapag gumamit siya ng tao, wala siyang pakialam sa magiging proseso o kung ano ang magiging dulot niyon sa kanila. He only cares about his desired outcome. That’s why you need to promise me one thing.”

Grey then met my eyes. He was dead-worried.

“Never negotiate with him.”

Matapos namin mag-usap ni Grey ay bumalik na ito sa training at baka last class pa makahabol sa klase. Ako naman ay humabol kila Reese sa canteen. Hindi ko na naabutan si Nash dahil ipinatawag daw ito ni Sir Ivan kasam si Levi para pag-usapan kung paano nila ma-sosolusyunan ang absences nila gawa ng celebrity schedule nila.

“Teka, mainit!” sigaw ni Reese habang dala-dala ang soup papalapit sa amin.“TABE!”

Napatakip ng mukha si Missi na nasa harapan ko. “Hindi natin kasama ’yan ha. Nakakahiya.”

Maya-maya ay dumating na si Reese. “Ayan! Sige, kuha na lang.”

Kumuha kami ni Missi.

“Oh?” biglang tanong ni Missi. “Si Jal ba ’yon?”

Napatingin kami ni Reese sa pumasok. Si Jal nga.

“Balita ko lalong ginagawang punching bag ’yan sa room nila dahil sa nangyari before, ’yong away natin with her classmates. Kulang na lang gawing basahan ng board,” dugtong ni Missi.

“Well, tignan mo naman ng uniform. Gusot-gusot. Ginawa talagang basahan.”

Nagtawanan ang dalawa habang ko ay hindi maipinta ang mukha dahil pinagdaanan ko rin ’yon. Minsan nga isa o dalawa lang ang uniform ko at kailangan kong labhan araw-araw para may maisuot ako kinabukasan kahit kupas-kupas.

“Ano na bang napagdesisyunan ng committee?” tanong ko. “Hindi ba’t i-k-kick out daw siya?”

Tumango si Reese. “For sure, mayroon na silang decision. Timing lang hinahanap nila dahil hindi nila puwedeng isabay ’yon sa dami ng issues ng school lately. Isama mo pa ’yong pagkamatay ng dalawang detectives kagabi tapos tayo ang sinisisi. Duh, anong alam natin doon?”

Agad akong napatingin kay Missi. Hindi ito kumikibo. Napalunok lang ito.

“See? Lumabas din si Jal. Sabi sa inyo hindi kakayanin n’on ang tingin sa kanya, e. I’m glad wala na siya sa 12-A.”

Lumabas na si Jal ng canteen dahil naroroon ang mga kaklase niya. Doon ko naalalang si Reese pala ang gumulo sa buhay ni Jal dati.

Hanggang saan ang alam ni Jal tungkol sa kanila? Kilala niya kaya si Ellie?

Nasa ganoon akong kalagayan nang dumating si Braelyn. Hapung-hapo ito.

“Ba’t ba hindi kayo sumasagot?!” tanong nito kila Reese at Missi. “Kanina pa ako tawag nang tawag!”

“Nasa room ang phones namin, naka-charge,” sagot ni Missi. “Why?”

“Ipinatatawag kayo ng teacher natin sa Practical Research. Mali-mali pa rin ’yong research paper n’yo, ibabagsak na raw kayo. Pa-inom nga.”

Kinuha nito ang inumin ni Reese at uminom.

“After lunch na lang tayo pumunta,” unbothered na sabi ni Reese. “Si ma’am lang ’yan.”

“Babagsak na kayo pero chill lang kayo?” tanong ko.

“There’s nothing that money can’t solve,” sagot ni Missi. “Isang tawag lang ng mommy ko, okay na ’yan. Tsaka, takot na lang nila sa daddy ni Reese na leader ng mafia.”

Nagtawanan ang dalawa.

Sana lahat bumabagsak na pero tatawa-tawa na lang.

“Bye, alis na ako,” sabi ni Braelyn. “Basta, sinabihan ko kayo, ha.”

“Hindi ka na mag-l-lunch?” tanong ko sa kaniya.

“May quiz mamaya, need ko mag-review,” sagot ni Braelyn.

“Short quiz lang ’yon, a?” taka kong tanong.

“Short or long, quiz pa rin ’yon,” rason nito.

“Aiming for top one ’yan,” sabi ni Missi. “Braelyn pa ba? Wish mo lang bumagsak si Everleigh.”

“Malakas kapit n’on. Demonyo ’yon, e,” biro ni Reese at inalok kay Braelyn ang pagkain niya. “Sumubo ka man lang kahit kaunti. Wala si Grey, Levi, or Nash sa room. Kaya ’pag nahimatay ka sa room, walang bubuhat sa ’yo.”

Natawa kami.

“’Wag ka mag-expect kay Lyle. Kahit bumulagta ka riyan, titingnan ka lang n’on,” Reese followed.

“Reign,” tawag sa akin ni Missi. “Kayo na pala ni Grey?”

I forced a smile and nodded.

“Nagyayakapan pa nga sa field kanina,” kantyaw ni Reese.

“Grey had enough emotional distress before. ’Wag mo na sanang dagdagan,” banta ni Missi.

“I won’t. I promise,” sagot ko.

“Mukha bang nananakit ’yan si Reign? ’Di lahat katulad mo, girl,” pang-iinis ni Reese kay Missi.

“Una na ako,” sabi ni Braelyn matapos sumubo nang ilang kutsarang pagkain.

Huminto ito maya-maya at tiningnan ako.

“Reign, about pala sa Physics reviewer na hinihiram mo, hindi ko na pala maibibigay. Gagamitin ko kasi.”

Bahagya akong napanganga. “Puwede bang kahit picture-an ko na lang? Nag-r-review na kasi ako sa lahat at bukod sa Physics kasi manghihiram sana ako sa ’yo. Hindi rin ako makakagawa ng notes kasi kulang-kulang ang akin especially ang early lessons since nag-transfer lang ako dito. Dalawa lang daw kayo ni Everleigh ang kumpleto.”

“Hindi ba puwedeng kay Everleigh ka na lang manghiram?” tanong pabalik ni Braelyn. “Pareho lang naman ang notes namin for sure.”

“Brae… ba’t ganyan ang tono mo?” tanong ni Reese. “Kung ayaw mo pahiramin, say it.”

To be honest, Braelyn sounded sarcastic. She was shady.

“Reign, ayaw kitang pahiramin,” sabi niya sa akin at tiningnan si Reese. “Okay na?”

“Parang notes lang, Brae, nagmamaldita ka na?” sagot ni Reese.

“If notes lang ’yon, bakit hindi siya makagawa? Pare-pareho tayong estudyante. Bakit ko kailangang ipahiram ’yong bagay na pinaghirapan ko?”

I was caught off guard. Ang maldita ni Braelyn.

“Are you still talking about the notes?” Missi asked.

Hindi ko malaman ang mararamdaman. Ibang-iba si Braelyn ngayon.

“Of course, ano pa ba?” sagot pabalik ni Braelyn at tumingin sa akin. “I’m sorry, Reign. If you need something, work hard for it. Hindi ’yong aasa ka na lang sa tulong all the time.”

Tumalikod na ulit si Braelyn at muling humarap.

“Oh, ba’t hindi ka na lang pala manghiram sa boyfriend mo?”

Braelyn smiled at me and turned her back. She walked away, leaving us puzzled.

“Grabe, lumalabas na ugali ni Braelyn!” reaksyon ni Reese.

“Nagalit lang lumabas na tunay na ugali? Hindi ba siya puwedeng magalit or magdamot once in her life?” depensa rito ni Missi. “Besides, she has the rights. Gamit n’ya ’yon, e. Talino n’ya ’yon.”

“Matutulungan ba siya ng talino n’ya ’pag sinuntok ko siya sa mukha?” sagot ni Reese at idinaan na lang sa pagkain ang inis niya.

Sa ’di kalayuan ay nakita ko si Everleigh na mag-isa sa isang table. Mula sa pagkakatingin sa dinaanan ni Braelyn ay dumapo ang tingin niya sa akin.

When our eyes met, she smirked at me.

“Told you…” she mouthed.

Na-realize kong ang lahat ng sinabi ni Everleigh noon patungkol kay Braelyn ay unti-unting nagkakatotoo.

What if hindi nga talaga si Everleigh ang kalaban?

Sa pagkakataong iyon, ang takot ko kay Everleigh ay napalitan ng takot ko kay Braelyn.

Something’s off about her lately. I must watch out.

The next thing I knew, nasa labas ako ng boys CR at hinihintay si Lyle na lumabas mula roon.

Hapon na at wala kaming ginagawa. Kaya nagkuwentuhan na lang ang mga kaklase ko hanggang ang usapan ay napunta sa pamilya ni Lyle.

At dahil maraming alam si Missi tungkol sa kanila, siya ang nanguna sa usapan hanggang harap-harapan na nitong nilait ang ate ni Lyle. Ang masama pa, rinig na rinig ni Lyle ang lahat. Sinasadya nilang iparinig sa kaniya pero si Lyle, hindi kumikibo. Nakasandal lang ang mukha nito sa arm desk pero alam kong rinig niya ang lahat.

Ayon kay Missi, Avery is as weird as Lyle. Dumadaloy na nga raw sa dugo nila ang ganoong ugali. Sinabi pa niyang hindi raw deserve ni Avery si Tyler. Instead of love, Avery must seek for help daw.  At dahil bestfriends sila ni Lyle dati, pinaniniwalaan siya ng lahat.

Sobrang offensive niyon at alam kong hindi papayag si Lyle sa ganoon. He will do something in his own way, that’s for sure.

“Are you waiting for me?”

Mula sa pagkakasandal sa dingding ay napatingin ako kay Lyle. Kalalabas lang nito ng banyo at basa pa ang bangs. Malamang ay naghilamos ito.

“Okay ka lang?” tanong ko.

“Concerned ka?” tanong niya pabalik.

Tumango ako. “Kahit sino naman ang ganunin, alam kong masakit. They were talking bad about your sister and—”

“What do you know about me and my feelings, Harriett?” Lyle asked. His voice sounded bitter. “You know nothing.”

Aalis na sana siya nang magsalita ako ulit.

“Wala ka namang gagawin, ano?” tanong ko.

Huminto si Lyle at nilingon ako.

“Gaya noong ginawa mo kay Nash at Levi. You exposed them. Hindi mo naman… gagawin kay Missi ’yon, ’di ba?”

Lyle placed his hands inside the pockets of his slacks and faced me. “What do you think?”

“Sabi mo sa akin dati, you will destroy her the first time she bad-mouthed your sister. Wala namang nangyari, so I think—”

“I gave her a chance and she lost it by now,” putol ni Lyle. “So the time of her downfall has come. This time, you don’t have to wait for days or weeks. It would be immediate.”

“Lyle…” mahina kong bulong.

Nakakatakot ang tingin niya. Ang mga mata niyang usually ay walang emosyon, ngayon ay punung-puno ng galit.

“Gugustuhin mo rin ang mangyayari. Hinahanap mo si Ellie, ’di ba?”

My eyes grew bigger. Kahit ang mga labi ko ay nanginig.

Paano niya nalaman?

“Nagkakagulo sa faculty kanina dahil may nawalang document. Obvious na may kumuha at ’yong certification na may pangalang Ellie ang nawawala. Alam ko dahil ako ang nag-collect niyon dati. Ikaw lang din ang nakita kong pumasok sa faculty na ’yon kaninang umaga, same time na lahat ng teachers ay wala roon. You’re sneaky, Harriett.”

“Paano?” tanong ko kahit nanginginig na ang binti. “Paanong si Missi ang susi para makilala si Ellie?”

“You’ll know once I do so,” Lyle said playfully. “Gusto mo ba?”

Hindi ako makakibo.

“Ask me to expose her and I will do it. It will clear all the questions you have in mind.”

“Bakit ako?” tanong ko. “Bakit nakadepende sa akin?”

“I told you,” Lyle said and met my eyes. “I’ll do things like this for you.”

I didn’t answer. I didn’t know what to say exactly.

“Gusto mo bang gawin ko? Do you want me to unravel Ellie’s mystery through Missi?”

I wanted to say yes badly. Pero bigla kong naalala ang nangyari kay Nash nang ma-expose ang sikreto niya. Ganoon din kay Levi. They were deprived of the rights to say those secrets when they were ready enough.

Pero hindi ako narito para intindihin sila o kung ano man ang mararamdaman nila. Nandito ako para alamin ang mga sikreto na ’yon para tingnan kung may motibo ba sila sa pagpatay kay Miss Jess.

Ayokong masaktan si Missi pero ayaw ko ring isantanbi ang rason kung bakit ako naririto. Si Prosecutor Jax at Detective Howell, pareho na silang pagod. Ilang kamatayan na ang nakita nila dahil lang sa kaso na ’to. Maging si Detectice Hazel ay nadawit na rin.

I need to act. Malaking tulong si Ellie sa imbestigasyon na ’to at walang ibang paraan para makilala ko siya bukod kay Lyle.

Tiningnan ko si Lyle. Nakatitig lang siya sa akin at naghihintay ng sagot.

Pero paano kung ang lalaking ito ang tunay na salarin at ginagamit niya lang ako para sirain ang mga kaklase niya… at sa huli ay ako na ang ididispatya niya?

I was about to answer but then I remembered Grey. Tama siya. Negotiating with Lyle would be an absolute risk. Ginagamit lang niya ako dahil may gusto siyang mangyari. It made sense now.

Kung ano man ang kahihinatnan, wala na akong pakialam. I need to use Lyle wisely. Maggamitan kami kung kinakailangan. At sa huli, sisiguraduhin kong ako ang panalo.

I’m sorry, Grey.

“Gawin mo,” sabi ko at napalunok. Nanghihina na ako dahil sa lakas ng kalabog ng dibdib ko. “Expose her. Expose Ellie.”

“Despite the consequences?” Lyle asked coldly.

“I don’t care,” I said eagerly. “I need answers, Heimsworth.”

“It will ruin Missi’s life forever, kaya ba ng konsensya mo?”

Bumuka ang bibig ko pero walang lumabas na kahit na ano.

Lahat ng sinabi ni Grey at nakikita ko na ngayon. Walang pakialam si Lyle sa mga masisira niyang buhay. As long as makamit niya ang resultang gusto niya, iyon ang success para sa kaniya.

“This is quite interesting,” Lyle said. “Alam mo bang kaunti lang ang nakaka-alam ng tungkol kay Ellie? Most of my classmates don’t even know about it. Last time na may nakaalam, she died. Terribly. Guess who was it?”

Hindi ako makapagsalita. Takot ang nararamdaman ko.

Lyle’s lips twisted a smile. “It’s Miss Jess…”

I bit my lower lip.

Sobrang… nakakatakot.

Lyle took a pen from his pocket and he looked down. Pinaglaruan niya ang ballpen at pinaikot-ikot iyon gamit ang mga daliri niya.

“The mystery about Ellie had been buried along with Miss Jess’ death. Digging it up might give you a one way ticket for the same spot. Siguro ka na ba?”

Marami pang buhay ang masisira kung hindi pa matatapos ito. Hindi ako puwedeng magpatalo lang sa takot.

“I don’t mind,” sagot ko. “I-expose mo si Missi para mapalabas si Ellie, I don’t care.”

Lyle scoffed. “What do you think, Reign? Si Missi nga ba si Ellie, different persona ni Missi, ibang tao, o kapatid ni Missi? A cinematic type of shit.”

He seemed challenged more than terrified. Masiyado yatang mabigat ang sikreto na ’to.

“I’m with you, Lyle” panghihikayat ko. “Do it. Please do it…”

He’s my only chance to know more about this mystery. He’s my last card.

“Let’s sacrifice the pawn to trap the king. Checkmate.”

He seemed amused. He liked it.

Lyle tilted his head and looked deeply into my eyes.

“You don’t need to beg. I’ll do it with pleasure,” he said and smirked. “My queen…”

PART THIRTY-FOUR: Braelyn’s Plan

THIRD PERSON POV.

Pinanunuod ni Jax ang anak ni Hazel na nasa harapan niya. Pinaglalaruan nito ang mga pagkain at puro crumbs ng biscuit ang mukha.

“Masarap ’yan?” malumanay niyang tanong dito.

Tumango ang bata kahit hindi siya tinitingnan. Inilahad niya ang palad niya rito at ngumiti.

“Pahingi naman si tito pogi,” sabi niya.

Umiling lang ang bata at isinubo nang buo ang isang biscuit.

Bahayang natawa si Jax at kinuha ang panyo mula sa bulsa ng coat niya. Pinunasan niya ang crumbs sa mukha ng bata at hindi niya maiwasang maawa rito.

“Don’t rush your foods, baka hindi ka matunawan. Hindi na manghihingi si tito pogi, promise.”

Tiningnan lang siya ng bata at bumungisngis bago muling itinuon ang atensyon sa pagkain.

“Sir, excuse po.”

Tumaas ang tingin ni Jax sa nagsalita. Nakilala niya ito bilang ang dating asawa ni Hazel, nagpakilala na sila sa isa’t isa kanina. Nakasuot ito ng purong itim at namumugto pa ang mga mata.

“Okay lang po ba?” tanong nito sa kaniya at itinuro ang anak.

“Sure,” tipid na sagot ni Jax.

Kinuha ng lalaki ang bata at binuhat.

“Naku, ang dungis mong bata ka. Baka sabihin ng mommy mo pinababayaan kita.”

Umalis na ang lalaki at buhat-buhat ang bata. Kumaway pa ang bata sa kaniya. Ngumiti naman si Jax rito at kumaway pabalik.

Nang nawala na ito sa paningin niya ay doon na rin nawala ang ngiti niya.

Pinanuod ni Jax ang paligid. Ito ang unang gabi ng lamay ni Detective Hazel. Napakarami na ring pumunta, may mga sikat na personalidad pa. Halatang napakabuti nitong tao kaya maraming pumunta para makiramay. Awa ang naramdaman ni Jax sa mga naiwan nito, lalo na sa napakabatang anak.

She died while trying to help them. Finding the culprit and giving her and the other victims the justice they deserve is the least thing that they can do.

Alam niyang hindi lang kabataan ang kalaban nila. Demonyo ito. King hindi nila ito mapuputulan ng sungay ay magiging sakit pa ito ng ulo ng lipunan.

His phone beeped. He checked it.

‘Still unconscious, boss.’

Hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising si Hale. Isa ito sa mga alas nila. Paniguradong marami itong alam at dahil sa nangyari sa kaniya, kampante siyang tutulong ito. Sana ay ganoon nga.

Jax was about to hide his phone but then again, it beeped. This time, it was from Howell.

‘Info received. Go to our safe place, Scott.’

In a snap, Jax fled to the safe place with a smirk. Narating niya ang office nila at doon ay nakita niya si Howell na tutok na tutok sa screen ng laptop nito.

“Oh, you’re here?” tanong nito.

Hinubad ni Jax ang coat niya at niluwagan ang neck tie niya. “Na-email na ni Tyler ’yong hinihingi ko?”

“Yes, buddy,” sagot ni Howell. “I also skimmed it dahil alam kong tamad ka.”

Jax laughed a bit. He was nervous, somehow.

“Saan pala nakuha ni Tyler Scott itong listahan ng mga dating miyembro ng Eagle Cult?” tanong ni Howell. “Ang angas ha.”

Ngumisi si Jax. “From the Death Chasers’ Dark Raven, for sure.”

Kunot ang noong tumingin sa kaniya si Howell. Nagtatanong ang mga mata nito.

Jax laughed. “You don’t need to know who’s the Dark Raven. Anong nalaman mo riyan?”

“AYUN PALA!” excited na sabi ni Howell. “Grabe, hanggang ngayon kinikilabutan ako. I searched for 12-A’s name sa Eagle members list na galing kay Tyler. Wala akong nakita. It means, walang miyembro sa mga bata na ’yon. But I figured someone from West Carson High ang dating member ng kulto.”

“Who?” kinakabahang tanong ni Jax.

“See it yourself,” sagot ni Howell at nag-type sa laptop. Sa pagpindot nito ng enter ay lumabas sa screen ang isang pangalan.

“Ivan John Gliponeo…”

His eyes widened. Jax was suspicious of him but not to this extent.

“The fuck is this?” Jax expressed. “Then may member talaga ng kulto roon all this time?”

“Yes,” kalmadong sagot ni Howell. “But there’s more. Upon seeing it an hour ago, I emailed my junior. Nanghingi ako ng copies ng master’s list ng mga undercover at ng mga naging mission nila. We both know that Ivan used to be an undercover, ’di ba?”

Tumango si Jax. May nabubuo nang conclusion sa utak niya.

“I found out na bago sumali si Ivan, he changed his name legally. Ang tanging may alam ng totoo niyang pangalan ay siya, of course, at iyong dating may hawak sa undercovers, which is pumanaw na last year. With that, Ivan’s real identity has been locked away. Kaya kahit ipa-background check mo pa ’yan, wala tayong makukuha.”

“Why would he do that?” Jax asked.

“For all I know, ginagawa ’yon to protect your family. If things go south, damay ang pamilya mo sa trabaho mo. Ayan ngayon ang tanong, sino ang pamilya ni Ivan? Peke rin na nasa Hawaii sila. That was all made up.”

“Bro, this is  giving me migraine,” reklamo ni Jax. “Anong connection ngayon ni Ivan sa Eagle Cult?”

“That’s the plot twist of all time,” sagot ni Howell. “Whoa, hanggang ngayon kinikilabutan ako.”

“Bakit?” tanong ni Jax. “Ganoon ba kalala?”

Tumango si Howell at may binuksan na folder mula sa laptop. Ipinakita niya iyon kay Jax.

“Guess what Ivan’s first mission was?” Howell asked.

Binasa ni Jax ang nasa laptop. Maya-maya ay pati siya’y kinilabutan na rin.

“Yes, Jax,” sagot ni Howell sa kaniya. “Ivan joined the Eagle Cult as an undercover…”

Napasandal si Jax sa upuan at bahagyang bumuka ang bibig. Para siyang masisiraan ng bait.

“Then he’s not an enemy at all…” bulong ni Jax.

“Before. Ngayon, hindi tayo sure,” sagot ni Howell.

“Somehow true,” sagot ni Jax. “Who knows, sino ba pamilya n’yan? The government helped him hide his real identity and legally changed his name. Alam din nating at that time, maraming parte ng government ang part ng cult. Baka mamaya, Ivan is connected with the cult’s leader, Heinz? No one knows.”

“Fuck you!” sigaw ni Howell kay Jax. Maging siya ay kinilabutan doon.

Bahagyang natawa si Jax pero ramdam niya ang panlalamig ng pawis niya.

If that’s the case, then hindi nga dapat nila minamaliit si Ivan.

“Anyway, based on his timeline, four years siya naging undercover sa eagle cult. Mind you, he was literally young that time,” sabi ni Howell habang nakatutok sa screen. “He was so close to know the real leader behind it but he was caught and kicked out.”

“Kicked out?” takang tanong ni Jax. “The Eagle cult’s law is quitting equates dying. Paanong napaalis lang siya?”

“Someone helped him out. It’s a powerful family, actually. And guess what? D’yan na connected ang lahat. Isang pamilya sa 12-A ang tumulong sa kaniya.”

“Whose family?” Jax asked, tensed.

Howell met his eyes and smiled. May ipinakita ito sa kaniya.

Natahimik silang dalawa. Pakiramdam ni Jax ay puputok na ang mga ugat niya sa ulo sa dami ng revelation na nalaman niya sa isang gabi lamang.

“Bakit nila gagawin ’yon?” tanong ni Jax kinalaunan. “Anong meron kay Ivan? Bakit nila isinalba?”

Howell shrugged. “This is fascinating to know.”

Sumandal si Howell sa swivel chair at tiningnan siya.

“Before The Death Chasers, there was Ivan Gliponeo…”

———

Sa kabilang dako, makikita si Ivan na lumabas ng kotse niya. Ipinarada niya iyon at habang hawak-hawak ang suitcase niya ay naglakad papunta sa main door nang walang emosyon ang mukha. Napadilim ng paligid at wala kang ibang maririnig bukod sa tunog ng sapatos niya.

Natigil siya nang pihitin niya ang pinto at hindi iyon naka-lock.

Ivan smiled weakly. He was always ready for this.

Hinubad niya ang eyeglasses niya at isinabit iyon sa polo niya. Niluwagan niya rin ang necktie niya at dinilaan ang sulok ng labi niya.

“Of all people, why me?” he whispered to himself.

Ivan kicked the door and it opened. But instead of seeing an intruder or another undercover tailing him, he saw a familiar face.

“Hi, sir,” nakangiting bati ni Everleigh. Naka-upo ito sa sofa niya.

Ivan didn’t answer but his eyes were inquiring.

“Don’t ask kung paano ako nakapasok. I am capable of anything, sir,” sabi nito.

Ivan closed the door and he locked it.

“What do you need?” he asked coldly. He took off his coat and hanged it on the wall.

“Need agad? Hindi ba puwedeng na-m-miss lang kita kausap?” Everleigh replied.

Ivan scoffed. “Hindi ako pumapatol sa bata.”

“Really?” Everleigh asked mischievously while watching him untying his necktie. “Eh, ano ’tong ginagawa natin?”

“Wala tayong ginagawa, Ms. Miller,” Ivan said calmly and smiled. “It’s just you and your obsessions.”

The smile on Everleigh’s lips faded. She was offended.

“Ba’t hindi ka na lang gumawa ng love interest sa mga ka-edad mo?” tanong ni Ivan. “Levi, Grey, or Lyle. It doesn’t matter kung sino. Stop being obsessed with me, Everleigh. We are living in different worlds.”

“Date with guys within my age bracket? Kadiri,” sagot ni Everleigh. “They’re all childish. Napaka-shallow. Boring. I want you because I like your principle. You excite me, sir.”

Ivan didn’t answer. He was just watching her.

“And what? We are living in different worlds? I doubt that,” doon na tumayo si Everleigh, binuksan ang drawer niya at may kinuha mula roon. “Sa underground ’to, ’di ba? Nagpa-trace ka ng text message at sa West Carson High galing?”

Ivan’s lips parted. He was shocked.

“Gulat ka?” tanong ni Everleigh. “The underground works for my dad, sir. Nalalaman ko ang lahat. Kaya kung tingin mo magka-iba tayo ng mundo, stop your delusions. Pareho lang tayong itim ang budhi.”

“Give that back,” Ivan commanded.

Everleigh laughed. “Are you mad? Come on. That’s not the attitude of the undercover that I know.”

Ivan gulped. Ibang-iba si Everleigh sa mga kaklase nito.

“It’s getting late. I’ll go straight to the point,” Everleigh said and sat back. “Nandito ako para sabihin na kung ano man ang pinaplano mo na connected sa section namin, you need to help me. Ano man ang malaman mo, I need to know first. I am the gatekeeper at trabaho ko ’yon.”

“Are you really concerned or gusto mo lang malaman para malaman mo kung paano sila paglalaruan?” Ivan asked bitterly.

“Woah!” Everleigh exclaimed and laughed. “Akala ko pumupurol ka na, sir. You still have the brain pala.”

Lalo itong humalakhak.

“You got me there. I’m done being a gatekeeper. I’m planning to destroy them all para sa huli, ako lang ang malinis. Kung ako lang ang makinis, sa akin lahat ng awards. Imagine graduating as a valedictorian with all the major awards under your belt? I can’t wait.”

“You’re insane…” bulong ni Ivan.

“Maybe, I am,” sagot ni Everleigh. “Pero hindi ba puwedeng mag-focus ako sa success ko ngayon? I’ve been protecting their stupid ass all these years. Sawa na ako. Nakikita mo ba kung paano sila mag-away-away lately? They’re all as petty as hell.”

“You’re done with Reign Harriett?” Ivan asked.

“No, not yet. Nagbago lang ako ng plano. Ayaw ko na siyang paalisin, dahil siya ang gagamitin ko para i-distract ang lahat. Gumagana naman na. Habang sila nagkakagulo, ako nasa gilid lang, tahimik, pero natatawa sa inaasal nila. At the end of the day, it’s the Witch’s win.”

“You’re sick, Everleigh…” Ivan uttered with disgust.

Tumayo si Everleigh at lumapit kay Ivan.

“You forgot that the family of this sick girl…” huminto si Everleigh at hinawakan ang tagiliran ni Ivan na may marka ng agila. “Saved you and your stupid life from that pathetic cult, right?”

Ivan met her eyes. Everleigh smiled playfully and placed her lips next to his ears.

“All you need to do is to protect me while I do my thing, is that too much to ask?” she whispered.

Ivan gulped. He loathed her.

Lumayo si Everleigh at nag-cross arms.

“Besides, mapapadali na lang ang lahat, Ivan. Lahat ay umaayon sa plano ko. You don’t need to do something about Reign, though. May isang tanga na ang tatapos sa kaniya sooner or later.”

Ivan looked at her, confused yet alarmed. “Who?”

Everleigh smirked. She was having fun.

“Your favorite student…” she said and turned serious. “Braelyn Yngrid.”

———

Sa table ni Braelyn ay makikita ang mga crumpled na papel at patung-patong na mga libro at mga notebook.

Simula nang maka-uwi siya ay iyon agad ang inuna niya. Napakarami niyang i-r-review dahil malapit na ang exam at malapit na rin ang admission test ng university na gusto niyang pasukan.

Bukod doon, pinapagawa rin siya ng powerpoint presentation para sa research paper nila ni Grey. Sila Reign at Lyle ang napili para sa colloquium pero pinagagawa siya ng teacher nila as a back up, just in case may mangyaring hindi maganda sa research paper nila Reign at Lyle.

Tumutulong naman si Grey sa pag-r-revise pero ayaw niya itong gambalain. Hindi nga ito maka-attend ng klase dahil sa practice kaya kung hindi man ito makakatulong sa paggawa ng powerpoint presentation ay naiintindihan niya.

Naiintindihan nga ba niya o dahil si Grey iyon kaya considerate siya?

Lalong bumilis ang pagsusulat ni Braelyn.

Ano ba ’tong iniisip ko?   tanong niya sa sarili. Nawawala na ata ako sa sarili.

Pero alam niyang may punto siya. Kung iba ang ka-grupo niya, i-p-pressure niya ’yon dahil pare-pareho naman silang busy kaya bakit siya lang ang gumagawa?

But this time, she was teamed up with Grey. She didn’t want to admit it but she was considerate of him—if considerate would even fit her bias act.

Lately, may something kay Grey na hindi niya malaman. Makita lang ito ay masaya na siya.

Hindi naman na bago iyon. Kahit dati pa naman  ay masaya na siyang makita si Grey. In fact, noong grade seven sila ay ito ang una niyang naging ka-close bago si Nash. Madalas silang maging magkagrupo sa mga activities at mga roleplays.

Magaan ang loob niya kay Grey. Sa kaniya siya pinaka-kampante. Pero wala lang iyon sa kanya noon. Normal na paghanga lang dahil sobrang responsable nito at sobrang bait din. Kahit nga ang pag-akbay nito sa kaniya noon ay wala lang sa kaniya.

Pero nagbago ang lahat lately. Lalo na nang nakikita niyang nagkakamabutihan si Reign at si Grey. At first, she thought, baka need na rin niyang mag-love life.

You know, ’yong phase na gusto mong ma-in love.

But after being teamed up with Grey sa research paper nila at nangyari ang sa library, she knew something was up. Hindi lang niya gustong ma-in love. Gusto niyang ma-in love kay Grey. Si Grey mismo ang gusto niya.

Kaya nang malaman niyang si Grey na at si Reign, she felt weird. Lalo na nang makita niya ang dalawa na naghahalikan sa loob ng room nila.

At some point, she wanted to be Reign. Kaya sa tuwing nakikita niya ito ay hindi niya alam ang mararamdaman. Gusto niyang maging masaya para rito pero mas lamang ang inis na nararamdaman niya.

Ni-hindi nga niya malaman ang gagawin kapag kasama niya si Reign at pinagkukuwento ito ni Nash tungkol kay Grey. Kunwari lang siyang nakikinig at nakikingiti but she knew she was jealous. She was congratulating her but she envious.

Dumating pa nga sa point na minamaliit na niya si Reign sa isip niya.

Sino ba naman siya? She just transferred and suddenly, nasa kaniya na ang lahat? She can’t even make her own notes.

Tingin nga niya ay hindi ito papasa kung hindi niya ito tinutulungan.

Sa tuwing maiisip niya ang ganoon ay na-g-guilty siya. Hindi niya ugali ang ganoon. Pero sa dami ng nangyayari ay nawawala siya sa sarili. Wala pa siyang mapagsabihan kaya lahat ay kinikimkim lang niya.

Hanggang sa sumabog na siya kanina at hindi pinahiram kay Reign ng notes niya. Kung anu-ano pa ang nasabi niya na alam niyang hindi niya intensyong sabihin.

She felt sick. She honestly felt bad. She stayed up all night para tapusin ang notes na ’yon kasi alam niyang kailangan ni Reign pero dahil sa sudden burst of emotions, nangyari ang hindi inaasahan. Ngayon, hindi niya alam kung paano ulit ito haharapin. Hindi siya ganoong tao pero nahihirapan na siya.

Natigil si Braelyn sa pagsusulat nang may tumulo sa notebook niya. Dugo iyon na nanggagaling sa ilong niya.

Mabilis siyang napatayo at kumuha ng tissue. She pinched her nose and leaned forward.

“Ahhh… bakit sa notes ko pa?!” frustrated niyang tanong at bahagyang natawa sa sarili. “Mamamatay na lang ako notes pa rin inaalala ko.”

Normal na iyon sa kaniya. Nangyayari ang nosebleeds niya kapag sobrang tutok niya sa pag-aaral. Habang hinihintay na tumigil ang pagdurugo ng ilong niya ay napatingin siya monthly goals na nasa wall niya.

She smiled weakly when she saw the last part.

‘Rank first so my mom would be proud’

Malapit na ang family gathering nila at sa ganoong event ay laging minamaliit ang mama niya dahil hindi ito nakatapos ng college habang ang mga kapatid nito ay mga nasa corporate world.

That’s why she promised to herself that she would do everything to succeed. Kaya kahit hirap na hirap siya sa pag-aaral ay ginagawa niya pa rin. If she’s better than her cousins, enough na ’yon para hindi na maliitin ng angkan nila ang mommy niya.

Nang matapos ang pagdurugo ay akmang mag-aaral na ulit si Braelyn nang biglang tumunog naman ang phone niya. Napatitig pa siya sa screen kasi si Grey ang tumatawag.

Napalunok siya at sinagot iyon.

“Yes, Grey? Napatawag ka?”

“Hello, Brae,” bungad nito.

Napapikit siya. Grey’s voice sounded so good.

“Pasensya na, ngayon lang kami natapos mag-training. I heard ni-r-revise mo ’yong paper, may I help?”

“N-No, okay lang,” sagot ni Braelyn. “Busy ka and—”

“Busy ka rin naman kaya wala akong excuse. Let’s work on it together.”

Napangiti si Braelyn. “Sure, kung gusto mo. Send ko na lang sa ’yo ’yong part mo then—”

Natigil siya nang marinig ang mahinang pagtawa ni Grey.

“Bakit?” tanong niya.

“Wala, sorry. Ang cute lang anino mo. Nakikita ko from your window.”

“Window?” tanong ni Braelyn. Her eyes grew bigger with the sudden realization.

Mabilis niyang binuksan ang bintana niya. From there, he saw Grey outside. Nakatingala ito at ang cellphone ay nasa tainga.

Nakasuot ito ng itim na T-Shirt at soccer shorts. Naka-rubber shoes pa rin ito at naka-bag. Ngumiti ito sa kaniya at kumaway.

Braelyn felt her heart waved too. She smiled back at him.

While looking at each other from that distance, Braelyn made up her mind.

For so long, laging ako na lang ang

tumutulong

. Maybe, it’s okay for me to be selfish this time…

PART THIRTY-FIVE: Exposing Missi’s Secrets

THIRD PERSON POV.

Huminto ang itim na kotse sa tapat ng isang malaking bahay. Tiningnan ni Missi ang labas at nang makita ang mommy niya na nasa gate ay tsaka siya tumingin sa lalaking katabi niya. Half-british ito at isang model.

“Starting tonight, wala na tayo. Do you understand?” she asked with a straight face.

“Alright,” kalmadong sagot ng lalaki. “Anong sasabihin kong reason for break up in case magtanong si daddy?”

“Busy schedule, hindi tayo nag-click? Bahala ka na. Magaling ka naman sa paggawa ng kwento, ikaw na ang bahala.”

Bahagyang natawa ang lalaki. “How about the payment for acting as your boyfriend? One month din ’yon.”

Missi sighed. “I-d-deposit ko na lang bukas. With bonus para hindi ka na umangal, okay ka na?”

“Very much,” sagot ng lalaki at ngumisi. “Bakit ba nag-hire ka pa ng tao to act as your boyfriend? With your beautiful face, someone will do it for free. It just happens na kailangan ko ng fund my new car kaya tinanggap ko ang bayad mo.”

“Siguro kung hindi ka lang pakialamero, your parents won’t cut your cards,” sarcastic na sagot ni Missi. “Kung ano man ang reason ko, wala ka na roon. Just do your job and keep your mouth shut. Don’t communicate with me from now on. ’Wag mo rin akong banggitin sa mga interviews mo. Bye.”

Binuksan na ni Missi ang pinto ng kotse at lumabas. Hindi na niya ito nilingon pa at tuluy-tuloy na lumapit sa mommy niya na nasa gate.

“Bakit ngayon ka lang? It’s late. Tara sa loob, hinihintay ka ng daddy mo.”

Inakay siya ng mommy niya at isinara na ang gate.

Habang naglalakad ay pabigat nang pabigat ang nararamdaman ni Missi. For the past months, she felt like dying because of the pressure. Sobrang taas ng pamilya niya na pati siya ay hindi ito maabot.

Dumating pa siya sa punto na nag-hire siya ng lalaking nasa mataas din na antas ng lipunan para maging boyfriend niya. Gusto niyang ma-impress ang daddy niya sa kaniya. She needed his validation. She needed to be worthy of her luxurious life.

Naunang pumasok ang mommy niya at nahinto siya nang makita ang isang kasambahay.

“Kumain na ho ba kayo, ma’am?” tanong nito sa kaniya.

May edad na ito pero mas matanda tingnan kaysa tunay nitong edad. Dala na rin siguro ng kahirapan.

“Why do you care?” tipid na sagot ni Missi at tiningnan ito nang masama.

Hindi nakakibo ang kasambahay at tumingin na lang sa lapag. Iniwan ito ni Missi sa ganoong kalagayan. Saktong pagpasok ni Missi sa sala ay nakita niya ang daddy niya na nasa sofa. Pilit siyang ngumiti at nilapitan ito.

“Daddy…” tawag niya rito. Mula sa pagkakatingin sa laptop ay tiningnan siya nito.

Binuksan niya ang bag niya at kinuha ang isang papel. Certification iyon mula sa shooting club na sinalihan niya last year. Kinuha niya iyon sa P.E faculty dahil kung sino man ang makakakuha niyon ay for sure, malalaman ang sikreto niyang sobrang tagal na niyang itinatago.

Inilahad niya ang certification sa daddy niya at muling ngumiti.

“Nakuha ko na po. Safe na po lahat,” kinakabahang sabi niya rito.

Kinuha ng daddy niya ang papel. Ang mommy naman niya ay kabado rin sa magiging reaction ng daddy niya.

“Let’s talk upstairs,” kalmadong sagot ng daddy niya.

Umakyat ito at iniwan sila roon. Nagkatinginan naman sila ng mommy niya at bakas sa mukha nito ang takot.

“It’s okay, honey. Go upstairs,” panghihikayat nito.

“Natatakot po ako,” sabi niya rito. Ramdam nga niya ay maiiyak na siya.

“It’s gonna be okay…” her mom said.

Left with no choice, Missi followed her dad and went upstairs. Just when she saw her dad, isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi niya. Halos mabuwal siya sa lakas niyon.

“Dad…” bulong niya nang tingnan ito habang hawak-hawak ang pisngi.

“How dumb can you be?” mariing tanong ng daddy niya. “Really, Missi? Bakit… bakit itong pangalan pa na ’to ang isinulat mo? What if someone sees it? Ano na lang ang mangyayari sa ’yo? Sa ’tin? Hindi ka ba nag-iisip?!”

Galit na galit ito. Takot na takot naman si Missi.

“Dad… wala naman pong nakakita. Ako lang. Promise, wala po—”

“Gaano ka kasigurado? Kung hindi ko pa hiningi ang copy ng certificate sa shooting club, hindi ko pa malalamang ganoon ang ipinasa mo sa school mo. Wala ka na ba sa sarili mo?!”

“Dad…sorry…” sagot ni Missi at tuluyang tumulo ang luha. “I promise, h-hindi na po ito mauulit—”

“Talagang hindi na ito dapat pang maulit. Hindi ko alam ang magagawa ko kapag kumalat ang sikreto natin, Missi. Pare-pareho tayong babagsak at kasalanan mo ’yon lahat!”

Napakagat si Missi ng ibabang labi. “Opo, Daddy. I’m sorry… I’m sorry po…”

“Hindi ka si Ellie, naiintindihan mo ba?” galit na tanong nito. “Wala na si Ellie. Ikaw na si Missi. Anak kita. Itanim mo sa utak mo ’yan.”

Pinagpupunit ng daddy niya ang certificate. Grabe ang galit nito.

“Stop disappointing me for goodness’ sake.”

Tumango siya habang patuloy ang pagtulo ng luha. “Opo. I’m sorry po…”

Her dad gave her a final look of disappointment before walking away.

“Honey, saglit,” habol dito ng mommy niya.

Missi was left standing there, her tears falling uncontrollably.

Pinulot niya ang mga pinunit na papel. Iyong bagay lang na iyon ang maipagmamalaki niya. Na minsan sa buhay niya ay naging magaling siya sa isang bagay.

Lalo siyang naiyak. Knowing her dad, lalo itong magiging mahigpit sa kaniya. Kasalanan naman niya iyon. Aminado naman siya.

Naglakad si Missi papunta sa kwarto niya at nadatnan niya sa pinto ang katulong na kausap niya kanina sa gate.

“Okay lang po ba kayo?” tanong nito.

Hindi siya kumibo. Galit na galit siya rito.

She ignored her and was about to open the doorof her room but the maid uttered something that made her stopped.

“Ellie…”

She looked at her aggressively. “Don’t call me that!”

Bumuka ang bibig ng matanda pero hindi na ito nagsalita.

“Ikaw ang may kasalanan nito,” mapait niyang sabi rito at lalong namuo ang luha sa mga mata. “Ikaw ang sisisihin ko habang buhay.”

Sinaraduhan niya ito ng pinto. Sumandal si Missi sa dingding at pumikit. Sa buong gabing iyon ay umiyak lang siya at walang ibang nakaririnig.

———

REIGN.

“Nakaka-stress.”

Hinihintay kong mag-go signal ang traffic lights bago ako tumawid. Papasok na ako ngayon sa school nang ilang oras lang ang tulog.

Paano na naman kasi, magdamag kong inisip ang tungkol kay Ellie at kay Missi. Plus factor pa ’yong pakikipag-negotiate ko kay Lyle. Ni-hindi ko alam kung tama ba iyon o hindi. Wala na akong choice, kailangan kong malaman ang tungkol kay Ellie. Kailangan kong gawin ang trabaho ko kahit marami pa ang masasaktan. Ito naman talaga ang rason kung bakit ako naririto.

Tumawid na ako nang mag-go signal na at itinapon ang cup ng iced coffee ko sa malapit na trash can. Nag-coffee nga ako para magising, feeling ko naman nag-p-palpitate ako bigla. Kaasar.

Ilang hakbang na lang ang layo ko sa gate nang makita ko si Grey. Nag-usap kasi kami na sabay kaming papasok. Naka-uniform siya at sa totoo lang, nakaka-miss siyang makita na ganoon ang suot. For the past weeks, parati na lang kasi siyang naka-soccer uniform.

“We’re late,” natatawa niyang sabi nang makalapit ako.

“May ten minutes pa naman,” sagot ko at natawa na rin.

Inilahad niya ang kamay niya at magka-holding hands kaming pumasok sa loob ng school. We were talking about random things habang naglalakad papunta sa building namin nang banggitin ni Grey si Braelyn.

“I heard nanghihiram ka raw kay Brae ng notes?” tanong niya.

Isa pa iyon sa inaalala ko. Sobrang ilap na ni Braelyn. Nag-chat ako kagabi sa kaniya para mag-sorry pero kahit seen ay wala.

Tumango ako. “Pero gagamitin daw niya. Okay lang naman, gets ko.”

Maya-maya ay binuksan ni Grey ang bag niya at may ini-abot sa aking notebook.

“Notes ko ’yan sa Physics. I can’t believe na nakalimutan mong mathematician ang boyfriend mo at rank one sa science subjects since seventh grade.”

Natawa ako dahil tumaas pa ang isang kilay ni Grey at umirap.

“Anong nakalimutan? Busy ka lang,” sabi ko at binuklat ang notebook. “At saka, sabi ni Nash kulang daw ang notes mo dahil sa training mo.”

“Oo nga, kaya naghagilap ako sa mga kaklase natin ng seatworks nila.”

“Pero si Everleigh at Braelyn lang daw ang nakaka-perfect ng seatworks, saan ka kumuha ng answer key?” tanong ko.

“Bakit ko need ng answer key kung kaya ko namang sagutan?” confident na sagot ni Grey.

Kumunot lalo ang noo ko. “Sinagutan mo lahat?”

Tumango siya. “I tried na tapusin last night para makapag-review ka on time kaso hindi ko kinaya. Kaya  gumising ako kaninang umaga para maibigay ko sa ’yo ngayon. Look.”

Ipinakita niya ’yong isang kamay niya na may mga tinta pa ng ballpen na ginamit niya.

“Makalat ako magsulat,” sabi niya at ngumiti.

It moved me. “Grey…”

“Don’t say thanks. Just do well sa exam, that’s enough for me,” sabi niya at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. “Tara na.”

Habang nasa elevator kami ay hindi ko maiwasang ma-guilty. Ganito ang ginagawa ni Grey for me habang ako nakipag-negotiate kay Lyle, bagay na pinagbabawal niya. My mission should be my first priority, though. After all of these, when things are finally over, I hope he’d understand.

Naglalakad na kami sa corridor nang matigil ako. Nasa pinto si Lyle ng class room at tiningnan ako at si Grey. Nang bumalik ang tingin niya sa akin ay ngumisi siya bago muling pumasok sa loob ng room.

Ito na ba? Simula na ba ng pagpapalabas kay Ellie?

“Why?” tanong ni Grey.

“Wala,” tipid kong sagot.

Hindi nga ako nagkakamali. Pagdating namin sa room ay naroroon ang lahat. Ako, si Grey, Everleigh, Braelyn, Reese, Lyle, Nash, Levi, at si Missi. Naroroon din ang iba naming kaklase. Nakabukas ang flat screen TV at nag-c-countdown iyon.

“Anong meron?” tanong ni Braelyn.

“Sigurista na si Sir Ivan? ’Pag lumagpas sa countdown, late na? Wow ha. I-reset natin, guys,” sabi ni Reese.

Pero hindi iyon basta countdown lang. Alam ko. Ramdam ko.

“May iba bang nagklase rito?” tanong ni Grey at lumapit sa harap.

“Wala,” sagot ni Nash. “Ako unang pumasok, ganyan na talaga ’yan.”

“Wow, brad. Hindi ka naka-soccer uniform, a?” bati ni Levi kay Grey at inakbayan ito.

Tumingin ako kay Lyle. Nakatingin din ito sa screen. Maya-maya ay nagbilang ito.

“3… 2… 1…” Lyle mouthed.

Pagtingin ko sa screen ay hindi na countdown ang naroroon. Litrato na ng dalawang bata.

“WOOOOOW!” reaksyon ni Levi at Reese.

“May pa- ‘Will you be my girlfriend?’ ba ’yan?” tanong ni Levi at nawala ang ngiti nang may ma-realize. “Oh? Missi, ikaw ’yan, ’di ba?”

Lahat ay tumingin kay Missi. Nanlalaki ang mga mata nito at naglilikot ang mga daliri. Nininerbiyos ito.

“Guys, look,” sabi ni Everleigh at nag-iba ang nasa screen.

‘You think that’s Missi? Think about it again,’ the text on the screen said.

Lumabas ang sunud-sunod na mga litrato. Pinagkukumpara ang dalawang bata na magkamukhang-magkamukha.

Ni-hindi mo malalaman na magkaibang tao iyon kung hindi dahil sa mga naka-encircled na bagay. Gaya na lang na si Missi ay may nunal sa pisngi at ang isang bata ay wala. Mas maputi si Missi sa isang bata. Si Missi ay unat ang buhok habang ang isang bata ay wavy ang buhok. Itim na itim ang buhok ni Missi habang ang isa naman ay may pagka-brown.

Both pictures were taken when they were at the same age. Naka-indicate iyon sa mga litrato.

Umugong ang bulungan sa room. Si Lyle ay interested na pinanunuod ang nasa screen habang si Missi ay naglilikot ang mga mata.

“Missi, may kapatid ka ba?” tanong ni Reese. “Parang kakambal mo ’yan, a?”

“Only child si Missi,” sagot ni Grey at tumingin kay Missi. “Right?”

“O-Of course!” sagot ni Missi. Maging boses niya ay nanginginig na. “Patayin n’yo na lang ’yan—”

‘YOU’RE A LIAR…’

Lahat ay muling napatingin sa screen. Iyon na ang nakasulat roon.

Sobrang bigat ng mga nangyayari. Lyle prepared for this and it showed.

Maya-maya ay lumabas ang isang article sa screen. Tungkol iyon sa parents ni Missi na may rumor na namatay ang anak.

“Absurd,” reaksyon ni Levi. “Buhay na buhay si Missi.”

“Patayin n’yo na ’yan,” sabi ni Missi at nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata. “Please, itigil n’yo na—”

Muli siyang natigil nang may lumabas muli sa screen.

‘The real Missi died when she was seven… so she was replaced with someone she resembles…’

Napatakip ako ng bibig. Lahat ay nagbulungan. Lahat ay nalilito.

‘Hello, Ellie…’

At matapos niyon ay litrato ni Missi ang lumabas. Ngumisi nang tuluyan si Lyle at tumulo ang luha mula sa mga mata ni Missi. Lahat kami ay nakatingin na sa kaniya, naghihintay sa magiging sagot niya.

Tiningnan niya kami isa-isa. She looked disturbed.

“Missi, ano ’yon?” tanong ni Reese. “Chismis lang ’yon, ’di ba?”

“Sino si Ellie?” tanong ni Levi.

Lahat ng kaklase ko ay nagtatanong. Nakakarindi ang mga boses.

Kinapa ko ang recorder sa bulsa ko. I feel bad pero wala ako dapat ma-miss out na kahit na anong detalye.

“Mind to explain your side?” Everleigh asked.

“FINE!” sigaw ni Missi nang tuluyan nang marindi sa lahat. “I’ll tell you…”

Pinunasan niya ang luha sa mga mata niya. Pulang-pula ang mukha niya at patuloy sa pag-iyak.

Lahat ay natahimik. Lahat ng mata ay sa kaniya lang nakatingin. Lahat ay naghihintay ng sagot.

Tiningnan kami ni Missi. Takot na takot ang hitsura nito.

“Hindi ko ma-spell ang pangalan ko dahil hindi naman ako ’yon. Hindi naman akin ’yon,” panimula niya. “Alam ko ang spelling but after all those years, I’m still… I’m still rejecting the fact that I am a different person now…”

“So you admit it?” Everleigh asked.

Tumango si Missi at umiyak.

“Naguguluhan ako,” sabat ni Grey.

“Hindi ako si Missi, Grey…”

Nakagat ni Missi ang ibabang labi niya at muling umiyak.

“Ako si Ellie…”

I heard gasps. Murmuring followed.

“Paano?” tanong ni Braelyn. “I mean, magkakakilala na tayo seventh grade pa lang? Who’s Ellie, kambal mo?”

Umiling si Missi. “Namatay ang totoong Missi noong seven years old pa lang siya. Nalunod siya. Hindi matanggap ng pamilya niya. May deal din sila noon and they can’t get that business expansion if wala silang heir. Business pressure and grievance from their lost daughter ang nag-udyok sa kanila na maghanap ng kamukha ni Missi…”

Lahat ay nagiging emosyonal na, maging ako.

“Ako naman si Ellie. Single mom ang parent ko at pagtitinda ng banana cue ang ikinabubuhay namin. When they discovered me and their resemblance with Missi, they wanted to adopt me. Ayaw ng parent ko. Kaya isang araw, nang ma-demolish ang lugar namin at wala kaming mapuntahan, tumira kami sa kalsada. Nawalan ng choice si mama…”

“She accepted the offer?” I asked. Naiiyak na rin ako.

Tumango si Missi. “They made it look like si Ellie ang namatay at ako ang naging Missi by document. Si mama naman ay naging katulong sa bahay…”

Natahimik ang lahat. Sobrang bigat ng nangyayari.

“How about ’yong… ’yong batang nakilala ko noon?” tanong ni Levi. “’Yong batang nakalaro namin nila Grey at Lyle dati sa park ng residence natin. That child who kissed my cheek. Doon ako na-in love. Ikaw ’yon, ’di ba?”

Hindi kumibo si Missi. Lalo lang itong iyak.

“Please tell me na ikaw ’yon. Kahit ’yon na lang…”

Yumuko si Missi habang umiiyak. At maya-maya’y umiling ito.

“I’m sorry…”

Parang nawalan ng lakas si Levi. Namuo na rin ang luha sa mga mata nito. Hindi na nito malaman ang gagawin.

“I think… I think I need air.”

Maya-maya lang ay lumabas na si Levi.

“Levi!” tawag dito ni Grey. Sinundan nito ang kaibigan.

“I’m sorry, guys,” sabi ni Missi at nag-squat sa sahig at tinakpan ang mukha. Humagulgol ito nang malakas. “Patawarin n’yo ko… I’m sorry…”

Hindi namin malaman ang gagawin. Unang lumapit dito si Reese at sinundan ni Braelyn at Nash. Niyakap nila ito at lahat ay umiiyak na.

Naiwan kaming tatlo nina Everleigh at Lyle na nakatayo. Nagpunas si Everleigh ng kaunting luha sa gilid ng mata niya at tiningnan si Missi.

“So much drama,” she whispered and walked out of the room too.

When I looked at Lyle, nakatingin siya kay Missi. Walang bahid ng kahit na anong lungkot sa mga mata niya. Hindi ko rin malaman ang iniisip niya.

When he looked at me, he gave me a satisfied smile. As if he was telling me it was a job well done.

Lumabas si Lyle ng room at sinundan ko siya. Tuluy-tuloy lang kami sa paglalakad nang marating namin ang hagdan ay doon siya huminto at hinarap ako. I was a one stair higher than him.

“What’s with the way you look at me now?” Lyle asked in a low voice. “You liked what I did. Don’t be hypocritical.”

“I was expecting to see just a little amount of regret in your eyes,” sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya. “Pero kahit na kaunti, wala akong makita.”

“Why would I feel bad? She deserves it.”

“Lyle, ang bigat ng ginawa mo. Hindi ’yon basta-basta lang. She deserves it, yes, pero hindi ka man lang ba nasasaktan? Kaibigan mo siya. Literal na sinira mo ang buhay niya—”

“Sinira natin,” putol ni Lyle sa akin at ngumisi. “You agreed with it, Reign. Stop being stupid.”

My eyes widened. I have never heard him with this tone before.

“Why? Isusumbong mo ’ko?” banta ni Lyle. “Go on. Whatever happens to me, isasali kita.”

“Wala kang ebidensya,” mariin kong sabi. “Walang maniniwala sa ’yo.”

“I hope so,” sagot ni Lyle. “I know how to manipulate things based on my desired outcome, Reign. I needed the motivation to get rid of her and you gave that to me. Kaya kung may mangyari sa ’kin, dawit ka. Idadawit kita.”

Looking at his eyes now, sobra siyang nakakapangilabot.

Suddenly, naalala ko ang sinabi sa akin ni Grey. Na huwag akong makikipag-negotiate kay Lyle dahil wala itong pakialam sa mangyayari sa mga taong gagamitin niya as long as makuha niya ang resulta na gusto niya.

“You used me…” I said unbelievably.

“I did. Nagpagamit ka naman,” sagot ni Lyle at ngumisi. “Knowing Grey, I know he already warned you about me. But it seems like you stabbed him behind his back. Ano kayang magiging reaksyon niya ’pag sinabi kong tayo ang gumawa n’on kay Missi at nakipag-negotiate ka sa ’kin? Do you think makikipag-break siya sa ’yo? If he would, then sasabihan ko siya.”

“Fuck you, Heimsworth…” I uttered with disgust.

“Tell that to me one more time and I’ll destroy your boyfriend like what I did two years back,” bulong ni Lyle. “Trigger me, Harriett. Do it and you’ll see.”

Demonyo ang lalaking ito.

I should’ve listened to Grey…

“Bakit mo ba ’to ginagawa?” tanong ko.

“Matagal na akong nagtimpi. It’s about time. Besides, I want something and in order to get that, everyone must go down. If I can’t have her, no one else should. Prepare your conscience, Reign. Marami pa ’tong kasunod.”

Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

“If this is a movie, I am the antagonist who rules the entire story,” he said and smirked while looking at my lips. “Watch out.”

Muli akong tiningnan ni Lyle sa mga mata bago umalis. Saktong pagtalikod niya ay doon naman lumitaw si Grey paakyat ng hagdan at nakita kami.

He looked shocked at first until he remained his composure. Tumingin siya sa akin at kay Lyle.

“Ah, Reign,” sabi bigla ni Lyle. “Punta ka na lang sa bahay ko for colloquium preparation. You can stay there overnight. I won’t mind.”

My eyes widened. Sinasabi niya iyon habang magkatitigan sila ni Grey.

“You have my number. Text mo na lang ako,” Lyle followed.

He looked back at me and smiled.

“Ingat ka.”

Ngumisi siya ulit nang tingnan si Grey. Nakapamulsa siyang bumaba.

Grey didn’t say a single thing. Pinanuod niya lang ang pagbaba ni Lyle after ng matalim na tinginan nila.

Lyle wanted to trigger Grey. This motherfcker really wanted to bring us down.

Finally, he showed his real role.

He’s the antagonist, all along.

———

THIRD PERSON POV.

“Hindi ka ba kinakabahang mahuli?” tanong ng isang lalaki kay Levi. Nasa likod sila ng school gymnasium.

Umiling si Levi at kinuha ang lighter mula sa lalaki at sinindihan ang sigarilyo na naka-ipit sa labi niya. “Kapag kumalat na naninigarilyo ako, lolo ko nang pulis ang bahala sa inyo.”

Nagtawanan ang tatlong kasama ni Levi. Sa totoo lang, minsan niya lang makasama ang mga ito. Ang isa sa tatlo ay basagulero, ang isa ay muntik nang ma-drop out dahil panay absent, at ang isa ay repeater.

“Bakit ba parang problemado ka, ’tol? May nangyari ba sa section n’yo?” tanong ng isa.

Bumuntong-hininga na lang si Levi. “Ayokong pag-usapan.”

Hindi na lang kumibo ang tatlo. Ang totoo, hapon na at ilang oras na ang nakakaraan simula nang inamin ni Missi ang sikreto niya. Hindi na bumalik si Levi sa klase. Text na rin nang text ang manager niya at pinatay na lang niya ang phone niya.

Kailangan niya ng oras para i-absorb ang lahat. He fell in love with Missi because of what happened before. Turned out, hindi pala talaga si Missi iyong nakilala niya sa park. Gulung-gulo siya sa mararamdaman.

“Pengeng sigarilyo.”

Lahat sila ay napatingin sa bagong dating. It was Nash.

Mabilis na itinago ni Levi ang sigarilyo niya. “Bakit ka nandito?”

“Ikaw, ba’t ka nandito?” tanong ni Nash pabalik at kumuha ng sigarilyo sa isa nilang kasama.

“That’s none of your business, Burlington,” Levi said. Mabilis na kinuha ni Levi ang sigarilyo mula sa kamay ni Nash. “Will you, for fuck’s sake, stop acting like you like this?”

Nash smiled. “If that’s none of my business then it’s out of your business too.”

Hinablot pabalik ni Nash ang sigarilyo at tumingin sa isang lalaki. “May lighter ka?”

Tumango ang lalaki. “Baka mahuli ka. Artista ka pa naman, baka ma-issue ka. Madamay pa kami.”

“Ang laki ng katawan mo, napakaduwag mo,” sagot ni Nash na ikinatawa ng dalawa nitong kaibigan.

Napakamot ito ng ulo at inabutan si Nash ng lighter. Akmang kukuhanin iyon ni Nash nang pigilan siya ni Levi.

“DON’T,” he said, his eyes full of warning.

“If you can do this, why can’t I?” Nash answered back.

“Are you nuts?” Levi asked. “Stop it!”

“Why?” Nash asked back. “Ramdam mo na ba worry ng pamilya mo ’pag naninigarilyo ka?”

Levi looked at him but he didn’t say anything.

“Hinahanap ka ng manager mo. May schedule ka raw mamayang gabi,” sabi ni Nash. “Ako ang kinukulit, hindi ako makapag-focus sa klase.”

Levi sighed. Itinapon na lang niya sa sahig ang sigarilyo sa kamay niya at inapakan iyon para hindi makasunog.

“COME HERE.”

With that, he immediately grabbed Nash by his wrist and walked away with him.

When they had enough distance from that group, pinakawalan na niya si Nash.

“Alam mo talaga kung paano mang-asar, ’no?”

Nash smiled. “Well, that’s my skill.”

Bahagya silang natawa at bumagal sa paglalakad. Papalubog na rin ang araw kaya orange-ish na ang sinag ng araw na tumatama sa balat nila. Habang naglalakad ay napansin niyang tinitingnan siya ni Nash.

“What’s with the stare?” he asked without looking at him.

Nash immediately turned his gaze elsewhere. “Bawal ba?”

“Hindi naman. Lalo na kung ganito ako ka-gwapo. I understand.”

Nash looked at him sharply. He laughed.

Nagpatuloy sila sa paglalakad at parehong natahimik.

“By the way, may gusto akong itanong,” sabi ni Levi nang hindi na makatiis.

“Hmm?”

“Kailan mo na-realize na gusto mo ’ko?”

Hindi nakakibo si Nash noong una.

“Ewan,” sagot niya later on. “Siguro noong… you know, nag… nag-kiss tayo. Sorry.”

Lalong hindi nakasagot si Levi. Nagpatuloy lang sila sa paglalakad. Sobrang awkward ng lahat.

“Don’t worry. Nag-m-move on naman na ako. Give me a few days or weeks, magiging okay din ako,” sabi ni Nash. “I fall fast but I move on faster. You don’t need to feel bad about it. ’Di ka rin obligadong i-reciprocate lahat. Just give me time. Okay na ’yon.”

Tumango lang si Levi. Nash was expecting to hear something from him. Kahit ano, ayos na. But the fact that he just nodded, it showed that he had no chance at all. He lost his entire hope.

“You don’t need to move on,” maya-maya ay sagot ni Levi. “You can like me whenever you want. I don’t mind.”

Nash scoffed. “Bakit?”

Levi shrugged. “I don’t know. Baka kasi mahirapan ka.”

“Tingin mo ba ganoon ka kahirap kalimutan?”

“Don’t take it like that. Ang akin lang, ’wag mong pwersahin ang sarili mo. You can like me still. Do it. Then move on slowly. Don’t force yourself.”

“Does it hurt your pride ’pag may nakaka-move on sa ’yo?” tanong ni Nash. He sounded hurt.

Huminto si Levi at tiningnan siya. “Huh?”

Nash faced him. “Gusto mo ba ’yong maraming naghahabol sa ’yo?”

Kumunot ang noo ni Levi. “Hindi ganyan ang sinasabi ko. Can’t you see it? I’m breaking the awkwardness between us. Gusto kitang maging kaibigan.”

“Kaibigan?” Nash scoffed and met Levi’s eyes. “If you want someone so bad, you can’t just be his friend.”

“What—”

Nash began walking so fast, leaving Levi behind. Natulala naman si Levi sa nangyari. Binilisan niya rin ang lakad niya at nang maabutan si Nash ay hinila niya ito paharap sa kaniya.

“Nag-uusap pa tayo.”

“We have nothing to talk about. Besides, you should contemplate if you really wanna be friends with a closeted gay,” sagot ni Nash.

Levi looked at his eyes. Ramdam ni Nash na mag-b-breakdown na siya anytime.

“Nash, can we just—”

“We have nothing to talk about.”

“Please let me finish talking—”

“Hinihintay ka na ng manager mom”

“But we should—”

“I LOVE YOU, LEVI!” sigaw ni Nash. Tuluyan na siyang sumabog. “At hindi ko alam kung makaka-move on pa ba ako sa ’yo kaya please lang, umalis ka na! Maawa ka…”

Tiningnan lang siya ni Levi. Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak nito sa kaniya.

“Gusto ko nang tumigil sa kaiisip sa ’yo kaya please lang, hayaan mo na akong maka-usad sa ’yo.”

He was about to walk away but he heard Levi whispered something.

“I think I like you too…”

Natigil si Nash. “Huh?”

“I said I think I like you too,” Levi said with a low tone then met his eyes. “What should I do?”

Napanganga si Nash. “Nagbibiro ka ba?”

Umiling si Levi.

“Seryoso?!” Nash asked.

“Does it look like I’m kidding? What am I, a clown?” Levi asked rhetorically. “Alam mo bang nahihirapan akong makipag-make out lately kasi it feels like I’m cheating on you?”

Hindi malaman ni Nash ang sasabihin o gagawin.

“Alam mo ba kung gaano ako naiinis n’ong may nagbigay sa ’yo ng sandwich? Simula nang halikan kita hindi na ’yon nawala sa isip ko. At first in denial ako pero bakit hanggang ngayon, ramdam ko pa rin? Ano bang ginawa mo sa ’kin, Burlington?”

“Levi…” Nash muttered.

“I don’t know if this is bisexuality or pansexual or what not but something I assure is I want you. In my arms.  Right now.”

“Pero sabi mo straight ka?” hindi makapaniwalang sabi ni Nash.

“I’m straight but gay for you.”

Lalong napanganga si Nash. “What the hell are you saying—”

“WHAT I’M SAYING IS GO OUT ME. That’s not a question so you can’t say no.”

Nash can’t think of any right words to say. Magkaharap sila at isang hakbang lang ang pagitan. Sa gitna naman nila ay tanaw ang school field at ang papalubog na araw.

They were just looking at each other intently, as if they were communicating through the depth of their eyes.

“Why, Burlington? Are you rejecting me?” tanong ni Levi. “Your loss.”

Nash sighed. He can’t absorb it.

“Artista ka. Artista tayo. Magkaklase pa at pareho ng agency. Paano ’pag may nakaalam? Levi—”

“Sssh,” putol ni Levi kay Nash at idinikit ang daliri niya sa labi nito. Levi flashed a smile. “Doesn’t matter.”

Hindi alam ni Nash ang gagawin. Nakatitig lang siya kay Levi. Sobrang gwapo nitong tingnan ngayong papalubog ang araw at bahagyang nililipad ang bagsak nitong buhok.

“What now?” nakangiting tanong ni Levi. “Are we dating or what?”

Nash gulped. Hindi pa rin siya makapaniwala. “Am I dreaming?”

“If this is a dream then I am your ‘dream come true’,” sagot ni Levi at hinawakan ang kamay niya at tiningnan siya sa mga mata. “Starting this day, be careful of my heart. It’s yours. All yours.”

PART THIRTY-SIX: The Confession

THIRD PERSON POV.

“MISS JESS KILLED HERSELF?!”

Umalingawngaw ang boses ni Jax. Kasalukuyan siyang nasa loob ng office ng isang private law firm. Tinitigan niya ang maliit na notebook sa harapan niya at nanlalaki ang mga matang tiningnan ang lalaking kaharap niya. Tanging ang maliit na lamesa lang ang pagitan nila.

“Seryoso ba ’to?” tanong niyang muli. Halos mamanhid siya sa nalaman. “She committed suicide?”

“That’s what we think,” sagot ni Attorney Lhindee, ang  defense attorney ni Hale.

Ilang buwan na rin silang nagtutulungan kahit dapat ay magkalaban sila bilang Prosecutor at Defense Attorney ng kaso. Pareho silang naniniwala na hindi si Hale ang gumawa ng krimen. The attorney wanted to acquit his client, habang si Jax ay popularity ang habol.

“We only need to show a strong evidence that says so. At iyang diary mismo ni Miss Jess ang proof,” sagot ng lalaki at malumanay ang boses. “I know sobrang nakakagulat. Kahit ako, Jax, sobrang… nanlamig.”

“Paano nangyari ’yon?” tanong ni Jax at hindi maipinta ang mukha. “I can’t process anything. I understand but my brain refused to acknowledge everything.”

“Nabasa mo rin diyan,” sagot ng lalaki at itinuro ang diary. “Miss Jess was emotionally unstable for months. Walang nakakaalam kung bakit. Wala ring documents na makaka-support if she was diagnosed of anything. Hindi rin alam ng family niya kung bakit. Kahit workmate or friends, wala. Sa diary niya na ’yan, she didn’t provide any detail aside from she wanted herself gone. Every entry niya laging may ganoon. It seems like she hated her life.”

Jax bit his lower lip. Binuklat niya ang bawat pahina at ganoon nga ang naroroon. Sa bawat entry ni Miss Jess sa diary ay parating mayroong nakasulat na gusto na niyang mawala.

“Then few weeks and days bago siya mawala, as you can see sa entries niya, pa-ikli na nang pa-ikli ang isinusulat niya. May mga tuyong patak na rin ng luha. Then the night before she went to the party, look at her last entry.”

Binuklat ni Jax ang last page ng diary at doon siya lalong nanlamig.

‘The sadness will last forever. - Vincent Van Gogh’

Pareho silang nanahimik. Walang makapagsalita, kapwa awang-awa sa sinapit ng guro.

“Saan mo ’to nakuha?” tanong ni Jax at muling tiningnan si Lhindee.

“Sa nanay niya,” sagot nito. “Noong una, ayaw nilang ibigay. Hindi nila matanggap ang nangyari sa anak nila. It is easier if you have someone to blame, I understand them. Pero noong binasa nila ang entries sa diary ng anak nila, they knew she probably did that to herself. Alam nilang may tendency siya. I commend their bravery to admit that.”

“How sure are you na si Miss Jess ang mga nagsulat nito?” tanong ni Jax. Hanggang ngayon ay ayaw pa rin niyang maniwala. “I get it, she’s emotionally unstable. Pero ang insensitive na i-i-isolate lang natin ito roon.”

Ngumiti ang lalaki at may inilabas na dokumento at ipinatong iyon sa table. Kinuha naman iyon ni Jax at tiningnan.

“Ipina-analyze ko ang handwriting niya at nagtugma sa penmanship ni Miss Jess. The graphology even suggested that her emotional state based on her handwriting was… I can’t even describe how sad it was.”

Tugmang-tugma ang lahat ng sinasabi ni Attorney Lhindee sa mga dokumento.

Jax closed his eyes hardly. Sumandal siya sa upuan at hindi malaman ang gagawin.

All this time, pinagtuunan nilang may iba ang killer only to be confronted with a tendency that Jess probably did it to herself all along.

“Last question,” sabi ni Jax. “Bakit sa tingin mo sa party niya mismo tinapos ang sarili niya? May naka-ukit pa sa balat niya na The Witch Hunt starts. Why would she do that to herself? That’s a painful death.”

“Sa totoo lang, hindi ko pa rin alam,” sagot ni Lhindee. “Pero ayon kay Hale noong nakausap ko siya, Jess hates everyone in her class. Pakitang tao lang daw na mabait ang buong section nila. Model section kasi, like the face of the school. Pero internally, lahat may lihim na galit at inggit sa isa’t isa. Pati teachers, plastikan. I don’t know, siguro ginawa niya ’yon para mabulgar na hindi ganoon kalinis ang school or ang section mismo? Jess wanted to expose something, and that’s for sure. She used her death to bring them down. She despised them that much.”

“Pero bakit?” tanong ni Jax. “Posible kayang sila sng dahilan kung bakit siya nagkaganoon?”

“Could be,” sagot ni Lhindee.

Tumangu-tango si Jax. Pinipisil-pisil niya ang ibabang labi niya habang naka-de cuatro at para bang may malalim na iniisip.

Maya-maya ay tumayo ito at iniayos ang suot na coat.

“Aalis ka na?” tanong ni Lhindee.

Tumango si Jax. “Some things don’t add up. I need to do something.”

“And what are those things?” tanong pabalik ni Lhindee.

Jax smiled. “I’ll tell you kapag nakuha ko na ang sagot.”

Lhindee scoffed. “Another way of telling ‘I don’t trust you’, huh? Iba talaga kayong mga Scott. Sly foxes, indeed.”

Bahagyang natawa si Jax. “Hindi ba magkakaroon ng conflict ’yong mga sinabi mo sa akin?”

“No, nothing at all. Nagtutulungan naman tayo rito so certain disclosures shouldn’t be a problem. Unless you expose me.”

“Hindi ako ganoon,” sagot ni Jax at nakipagkamay sa lalaki.

“’Till next time, attorney,” Jax said.

“’Till next time, prosecutor,” Lhindee answered back.

Jax smiled and took the graphology document from the table.

“I’ll take this,” he said.

“Feel free,” sagot ng lalaki.

Nagpaalam na si Jax at lumabas. Awtomatikong nawala ang ngiti niya nang tuluyan na siyang nakalabas ng kwarto.

Habang naglalakad sa mahabang pasilyo ng building ay tanging tunog lang na nanggagaling sa sapatos niya ang maririnig. Sari-sari ring ideya ang pumapasok sa isip niya.

Posible nga kayang ginawa iyon ni Jess sa sarili niya? Attorney Lhindee has a proof for that narrative. Lalo na’t matapos ang nangyari kay Jess, kung anu-anong issues at controversies ang sinapit ng West Carson High.

She wanted herself gone. Ginamit niya ang kamatayan niya para pabagsakin din ang mga tao na posibleng naging dahilan kung bakit siya nagkaganoon.

Maybe, that explains kung bakit walang ibang fingerprint na nakita bukod sa fingerprints niya at kay Hale. Nasa kutsilyo ang fingerprint ni Hale dahil siya ang bumunot ng kutsilyo para tumulong. Inakala ng lahat na normal lang na naroroon din ang fingerprint ni Miss Jess dahil baka sinubukan nitong tanggalin ang kutsilyo, but what if her fingerprints were there because she did that to herself in the first place?

Was it all a set up?

To think na ang party na iyon ay para lang sa mga estudyante pero pumunta siya?

Did she plan it all along?

Pero sino ang pumapatay?

Sino ang nagtangkang tumapos kay Hale?

Sino ang tumapos sa mag-ina sa Palawan at sa preso?

Sino ang pumatay kay Hazel at kay Cedrick?

Sino si Letter E na ngayon ay pinagbantaan si Reign?

Napakaraming tanong sa isip ni Jax. Huminto siya sa tapat ng elevator at pinindot ang parking area. Isinandal niya ang ulo niya sa dingding habang hinihintay iyong bumukas.

Buhay ba si Miss Jess at siya ang

kumikitil

sa buhay ng lahat?   tanong ni Jax sa sarili. Imposible. I saw her corpse, I attended her burial.

Kung ganoon, sino nga ang kumikilos? Posible kayang may kasabwat si Miss Jess? O ’di kaya ay may taong ipinaghihiganti siya?

Her misery, based on the diary, started two years ago. Iyon ang panahong nakilala niya ang 12-A. Iyon ang puno’t dulo ng lahat. Kung malalaman nila kung ano ang gulong nangyari dati na laging laman ng mga narrative reports ni Reign, Jax knew that would be a great help. It may even solve the entire case, kung connected ang lahat.

“That’s it…” bulong ni Jax sa sarili at kinuha ang cellphone mula sa bulsa niya.

Tinawagan niya si Reign at maya-maya lang ay sumagot na ito. Doon naman bumukas ang elevator. Jax went inside it with determination in his eyes.

“Change of mission, undercover 092…”

———

REIGN.

“Ang gwapo…”

Napatingin ako sa tinitingnan ng tatlong babae na nasa gilid ko. Hula ko ay nasa Junior High School  sila at sa tawid lang ang school nila dahil familiar ang suot nilang uniform.

Kalalabas ko lang din ng building dahil papasok na ako sa school. Tanghali na nga ang pasok namin kasi wala kaming morning classes ngayon. May special event din kasi sa school at need naming mag-prepare.

“Picture-an mo, dali,” sabi ng isang babae. “Send mo sa ’kin, ha. Post ko sa spotted page.”

Humagikgik ang dalawa nitong kasama at pasimpleng kinukuhanan ng litrato ang lalaki.

Napa-iling na lang ako at nangingiti habang pinanunuod sila.

Ang lalaking tinutukoy nila ay nakasuot ng pilot uniform. Fitted din dito ang uniporme nito at sa sobrang tangkad ay lalong bumagay ang suot. Ang usually bagsak nitong buhok ay naka-side swept. At dahil athlete, maganda ang hubog ng katawan at maayos ang tindig.

Nakapamulsa ito at nakatingin sa glass window ng isang jewelry shop. Nang bigla itong tumingin sa direksyon namin ay nagtilian ang tatlong babae na nasa harapan ko.

It was Grey. Kumaway ito at ngumiti.

“Girl, ang ganda ng kuha ko!” sabi ng isang estudyante.

“Ngumiti siya sa ’kin!”

“Lah, asa ka—”

Natigil ang tatlo nang lumingon sila at nakita akong kumakaway-pabalik kay Grey.

Nagpabalik-balik ang tingin nila sa akin at kay Grey.

“Kahiya…” bulong ng isa.

“Tag n’yo siya ha,” sabi ko sa isa sa kanila. “Greysen Finch name niya, search n’yo na lang.”

“Aaaaaah,” hiyang-hiya ang may hawak ng camera at sabay-sabay silang umalis at maya-maya’y nagtatawanan na sa daan dala ng kahihiyan.

“What happened?” tanong ni Grey nang malapitan ako at tinitingnan ang tatlong bata na nililingon pa kami. “Kakilala mo?”

Umiling ako. “Ready mo na sarili mo. Baka mag-viral ka na.”

“Why?” tanong ni Grey at natawa.

Umiling ako at ngumisi. “Secret.”

Tiningnan ko ang suot niya. I can’t deny that he looked attractive. He was oozing with charisma. In fact, karamihan sa dumaraan ay napapalingon sa amin. Grey was a head-turner. No doubt.

“Grabe ka naman makatingin, parang hinuhubaran mo na ako,” sabi niya at pabirong tinakpan ang dibdib niya. “Mahirap hubarin ’to, miss ma’am.”

Pabiro ko siyang hinampas sa braso at ang tigas ng muscle niya roon. Pakiramdam ko tuloy bahagya akong namula.

Career orientation namin ngayon at may career parade sa school mamaya. Lahat kami ay required magsuot ng uniform ng dream profession namin.

I looked at Grey. “You look good. Should I call you Captain Grey now?”

Umiling siya. “Call me baby.”

Kumunot ang ilong namin pareho. It was cringey in a good way.

“You look lovely, as always,” sabi ni Grey habang tinitingnan ako at bahagyang umatras at pakunwaring hinimas ang chin niya habang sinusuri ako. “Whoa… girlfriend ko ba talaga ’to? Ba’t sobrang ganda naman?”

“Tumigil ka na,” natatawa kong sabi. “Nahihiya na ako!”

“Whoa…” Grey said while looking at me with eyes full of admiration. “Kung wala lang tayo sa public place baka naiyak na ako.”

I rolled my eyes jokingly. Grey softly laughed and held my hand.

“Let’s go.”

Habang naglalakad ay pinagtitinginan pa rin kami. Bukod sa ang gwapo ng kasama ko, ang bata pa namin sigurong tingnan para sa mga career uniform na suot namin.

“You wanna be a lawyer?” tanong ni Grey habang sabay kaming naglalakad.

Tumango ako at tiningnan ang suot-suot kong white polo, black coat, black slacks, at high heels.

“Bagay ba?” tanong ko.

“If you’re asking about the outfit, you look beautiful in everything. If you’re asking if the job fits you, as long as ’yon ang gusto mo, don’t let someone else’s opinion dictate you,”  sagot ni Grey at dumiin ang pagkakahawak sa kamay ko.

Hindi ako kumibo. Sobrang overwhelming sa pakiramdam.

Sa totoo lang, hanggang ngayon, wala pa akong pangarap. Ito lang ang isinuot ko dahil sila Ate Neska at Ate Aubrielle na mga pinsan ko ay mga naging lawyer din.

Pero kung ako, wala pa akong pangarap sa sarili ko hanggang ngayon. Gusto ko lang kumita ng pera. Kahit na ano.

“You wanna be a pilot?” I asked to divert the topic.

Tumango si Grey. “I’ve always wanted to, same with being a professional soccer player. Marunong na nga ako magpalipad ng helicopter.”

“Really?” impressed kong tanong.

Grey confidently nodded. “Noong sixteen ako, marunong na akong magpalipad ng helicopter by myself. On my seventeenth birthday, I got my Private Pilot’s license already.”

“Wow…” bulong ko. “At that young age?”

Natawa roon si Grey at tiningnan ako. “Opo. Let’s meet the sky kapag hindi na tayo busy sa school.”

I gave him a small smile. He pinched my cheek lightly.

“Wait lang ha,” sabi ni Grey at nilapitan ang matandang nagtitinda ng mga pagkain sa gilid ng kalye. Mukhang kilala na siya nito dahil nagmano pa siya rito. Nang tingnan ko ang nasa gilid ng stall ay napansin ko ang nakasulat doon.

West Carson High Livelihood Project.

It made sense. Tiningnan ko ang kahabaan ng mga food stalls. Lahat ito ay mga beneficiary ng livelihood project ng school, no wonder kung bakit kilala nila si Grey. He’s the School President, siya malamang ang organizer.

That’s when things hit me.

Magkaibang-magkaiba kami ng mundo. At a young age, natuto siyang magpalipad ng eroplano habang ako nagbabanat ng buto para mabuhay. Kaya lang naman kami nagkakilala dahil sa pekeng mundo na ginawa nila Prosecutor Jax para sa akin. Without that, walang chance na makilala ko si Grey. Baka kahit matinong pag-uusap ay wala rin.

Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Prosecutor Jax kagabi noong tumawag siya.

“Change of mission, undercover 092. ’Wag ka munang mag-focus sa paghahanap ng motibo sa buong 12-A. Focus on Greysen Finch now. We need to isolate the case. Do everything to know what happened two years ago as soon as possible. I don’t care about your methods, do anything to trigger him. He’s your mission now. Kailangan mong ma-access ang deepest emotions ni Grey. Kung

kinakailangang

ungkatin

ang lahat, do it. Kailangan kong malaman kung ano ang nangyari noon at si Grey lang ang may alam ng lahat. No questions asked. Break his heart if you must.“

I looked at Grey once again.

Mahal kita pero mas mahal ko ang trabaho ko.

Simula’t sapul pa lang naman, peke na ang lahat. Nakaya kong iwan sila Ate Neska, ano ba naman ikaw na ilang buwan ko pa lang na nakakasama?

Mas nauna akong maging undercover bago ako naging girlfriend mo.

Kapag nalaman mong peke ang lahat, you’d thank me for doing this. I love you but I must treat you as a mission. I love you but that love won’t bring back my life and my siblings.

Kailangan ko nang putulin ang lahat unti-unti, hanggang kaya ko pa.

Lumingon sa akin si Grey at muling ngumiti. Mukhang ako ang pinag-uusapan nila ng matanda.

“Girlfriend pa lang po, ang bata ko pa para ikasal,” rinig kong pabirong angal ni Grey.

Tumingin ako sa kotseng nakaparada sa ’di kalayuan na kanina pa kami minamanmanan. Sa loob niyon ay si Prosecutor Jax at Detective Howell.

I gave them a thumbs up sneakily, a sign that I accepted the new mission.

Jax was right. There’s no other way.

I looked at Grey. He was laughing genuinely.

Few years from now, kapag naging pilot ka na, I hope we can meet again as Reign and Grey, not as Undercover 092 and Her Mission. Maybe by then, we can try again.

But for now, I must break your heart, even if it will break mine too…

———

THIRD PERSON POV.

“3… 2… 1…”

Tumaas ang sulok ng labi ni Levi nang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang taong inaasahan niya.

“Nash, you’re three seconds late,” reklamo niya rito.  Naka-upo siya sa swivel chair at nakasuot ng puting sando at grey na sweatpants.

Mabilis na isinara ni Nash ang pinto. Ito naman ay nakasuot ng puting t-shirt at itim na sweatpants at rubber shoes. Hula niya ay galing ito sa mirror room, which is ang practice area nito at ng group nito.

“Bakit ba text ka nang text?” inis na tanong ni Nash nang hinarap siya. “Sabi ko mamaya na lang tayo magkita, ’di ba?”

“At anong sabi ko?” tanong ni Levi pabalik at ini-urong ang swivel chair papunta kay Nash at hinapit ito sa bewang. “May schedule ako mamayang hapon.”

Levi spanked Nash’s ass. Nash was startled and Levi just laughed it off.

“Kalma ka lang. Walang CCTV dito sa office ng manager ko, mamaya pa dating n’un,” Levi said, giving Nash the assurance. Nasa company building sila kaya medyo tensed si Nash na mahuli.

Tiningnan ni Nash si Levi. It was the first time na nakita niyang nakasando ito and he looked perfect in his eyes, exactly his ideal type.

“Why?” tanong ni Levi. “Do you want me to take off my clothes? I will.”

“Hoy, bwisit ka!” mabilis na pinigil ni Nash si Levi dahil maghuhubad talaga ito. Just when he tried to stop him, Levi pulled him close and locked him in his arms.

Naka-upo pa rin si Levi sa swivel chair at nakasandal ang ulo sa headrest. Si Nash naman ay nakapatong sa kanya at yakap-yakap niya. Their bodies were pressing against each other.

Pumapalag pa si Nash noong una dahil na-a-awkward-an siya but Levi hugged him tighter. The warmth coming from Levi’s body melted the tension in him.

“Now, this is rest…” bulong ni Levi at pumikit.

“Isang araw pa lang tayong nag-d-date, Levi…” bulong ni Nash. “Tapos ganito ka na ka-clingy?”

Levi didn’t answer. Tumaas lang ang sulok ng labi nito.

Nasa ganoon silang kalagayan nang pagmasdan ni Nash si Levi. Sobrang dami nitong nunal sa dibdib at kanina pa siya nagtitimping huwag iyon hawakan. When he looked at Levi’s face, wala itong kahit na anong inilagay sa mukha. Kitang-kita niya ang bahagyang pamumula ng pisngi nito at ang haba ng pilik-mata nito. Even Levi’s lips that were said to be one of the sexiest lips in the industry, sobrang lapit sa kaniya.

He can’t believe that he can kiss it whenever he wants.

Amoy pawis din ito pero mabango pa rin ang amoy. Hula niya ay galing ito sa company gym at nakipagkita sa kaniya bago umuwi.

“What time ka babalik sa practice room?” bulong ni Levi. His voice was seductive. Ramdam niya ang hininga ni Levi sa leeg niya.

Alam na alam ni Levi kung paano siya paglaruan. He expected it from him because of his experiences. Hindi lang niya inakalang ganoon ito ka-expert. Pakiramdam ni Nash ay lalagnatin siya.

“As soon as possible,” sagot ni Nash.

“Mmmm… okay…”

Nash gulped. It sounded like Levi just moaned and he can feel him slowly getting hard. Their position was enough for Nash to fully feel it.

Nang dumilat si Levi ay nagtama ang paningin nila. Namumungay na ang mga mata nito. If he was seducing him or he was just sleepy, Nash can’t tell which.

They were just staring deeply at each other’s eyes until Levi smirked.

“Why?” tanong ni Nash.

“Nothing,” sagot ni Levi at lalong ngumisi. “Ganito pala ang view ko kapag pumatong ka sa ’kin.”

Nash’s eyes widened. He didn’t see that coming. He wasn’t ready for that kind of conversation at all.

“I was kidding. Damn, babe, you’re blushing,” pang-aasar ni Levi.

Pero bago pa siya makapag-react ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Mabilis silang nagkalakas ni Levi. Nash stood up and suddenly danced while hitting a high note habang si Levi ay napa-push up sa sahig.

“Oh, bakit?” kunwaring tanong ni Levi nang makilala ang nasa pinto. Lider iyon ng grupo nila Nash.

“Si Nash… po?” naguguluhan nitong tanong at tumingin kay Nash.

“Practice na ba?” patay malisyang tanong ni Nash at nag-vocalization kunwari. “N-Nagpapatulong kasi ako kay Levi kung ano magandang breathing control sa high note, medyo nag-s-struggle ako sa live, e. ’Di ba?”

Tumingin ito kay Levi.

“Oo, ’yong pangalawang try, mas maganda technique. Hindi hoarse ’yong sound, mas clear especially high pitch din ang succeeding note,” pagkukunwari ni Levi at napakagat sa dila, pinipigil ang pagtawa.

“Okay…” sagot ng lider. “Practice na ulit tayo. Una na po kami.”

“Sure, sure,” sagot ni Levi.

Naunang lumabas ang lider at sumunod si Nash. Bago niya isinara ang pinto ay nagkatinginan ulit sila ni Levi at patagong tumawa.

———

REIGN.

Nakapila kami by section sa gymnasium para sa career parade. Dahil nga West Carson High ito, marami sa nakita ko ay puro naka-corporate attire. Hindi na rin nakakapagtaka. Anak ang mga ito ng mga mayayaman, kaya same world lang din halos ang gagalawan ng career nila.

Nakita ko nga rin si Jal. Nasa pinakadulo ito ng section nila at naka-teacher uniform. Pinagtatawanan pa nga ito dahil sobrang luwag sa kaniya ng suot niya. Malamang daw ay hiniram niya lang ito.

“Mukhang saranggola,” pangangantiyaw ng ilan.

Sinubukan ko siyang kausapin pero umiiwas siya. The last time kasi na kinausap ko siya, napahamak siya. Naiintindihan ko naman.

As per Missi, nasa pinaka-unahan siyang pila. Nakasuot siya ng mga mamahaling damit at accessories. Naka-high heels din ito, high ponytail, at nakasuot ng itim na sunglasses.

“Ariana ’yarn?” kantyaw ni Reese.

Simula nang ma-reveal ang sikreto niya kahapon, naging tahimik si Missi. Pero hindi siya nagpatinag. Pumasok pa rin siya at hindi nagpaapekto. Hindi na nga lang siya nagsasalita unless kakausapin mo pero ’yong fierceness and ’yong pagiging maldita, nandoon pa rin.

Kinausap na kami ni Sir Ivan kanina na huwag na lang banggitin ang mga nangyari kahapon. Ibaon na lang daw namin sa limot para raw hindi maging awkward ang klase. At dahil nagawa naman na namin iyon sa secret ni Nash at secret ni Levi, hindi naman iyon naging malaking problema sa amin. Time will come, they’ll get used to it.

“Anong peg ni Missi?” tanong ng lalaking taga-ibang section sa akin.

I shrugged. Wala ako sa mood makipag-usap.

“Model, for sure,” sagot ni Reese na nasa harapan ko. “Ikaw bakla ka, anong peg mo?”

Naka-school uniform lang kasi ’yong nagtanong sa amin.

“Ano pa ba, girl?” sagot nito at tumawa. “Edi pabigat sa pamilya.”

Nagtawanan sila ni Reese at nag-apir. Kahit ako ay bahagyang natawa.

“Ikaw, Reese? Anong drama mo?” tanong naman nito.

Si Reese naman ay naka t-shirt na puti, black na leather jacket, at itim na pantalon.

“Tamang civillian lang,” sagot ni Reese. “Sila gustong maging doktor, lawyer, CEO, politician and all para makatulong sa kapwa, at ako ’yon. Ako ’yong kapwang tutulungan nila.”

Nagtawanan ang mga nasa side namin. Kahit ako ay napa-iling na lang habang natatawa.

Ang parade ay by pair. Si Missi at Reese ang naging pair, si Braelyn at Grey, si Everleigh at si Sir Ivan, at ako at si Lyle.

“Hindi ba nag-chat si Hudson at Burlington sa inyo?” tanong ni Sir Ivan na naka-formal attire. Mukha itong stressed dahil ang gulo naming lahat.

“Wala po,” sagot namin.

“Tayo lang ang kulang,” sabi ni Sir at disappointed na may isinusulat sa papel. “Si Lyle, nasaan?”

“Nag-CR po,” sagot ni Reese.

“Huy, ba’t mo alam?” kantyaw ng kaibigan niya sa kabilang section.

Nag-lip bite lang si Reese at umugong ang tawanan.

“Reign,” Lumapit sa ’kin si Everleigh. “Attendance.”

Kinuha ko ang papel at nagsimulang magsulat. Nakasuot si Everleigh ng corporate attire.

“Lawyer?” tanong niya sa akin habang pinagmamasdan ang suot ko.

Tumango ako. “Ikaw ba?”

“Senator.”

Umangat ang tingin ko sa kaniya.

Everleigh just smiled at me. “Why? Hindi ba ako bagay maging senator?”

“Matalino ka, you will get there,” sabi ko at pinagpatuloy ang pagsusulat.

“Thanks. Ikaw din. You’ll get there, Attorney Reign Harriett.”

Binigay ko sa kaniya ang papel at ngumiti.

“Thanks, Senator Miller.”

Pabirong umirap si Everleigh. I just smiled.

“Oh, I think I need to tell you this,” sabi ni Everleigh. “Si Braelyn ang nag-set up ng pairing.”

“So?” I asked, curious.

“So?” Everleigh asked back and scoffed. “Bakit sa tingin mo she partnered herself with Grey, kahit alam niyang ikaw ang girlfriend ni Grey?”

“I don’t know. Siguro kasi matched sila? Grey wants to be a pilot, Braelyn wants to be a flight attendant,” pagrarason ko.

“Iyon nga lang ba?” tanong ni Everleigh. “As far as I know, Braelyn wants to be an accountant. Who knows, baka alam niyang pilot uniform ang susuotin ni Grey kaya siya nag-flight attendant to match him?”

Everleigh smiled playfully at me and took the pen from my hand. “Get what’s yours.”

Ngumiti siyang muli bago lumakad paalis.

Nang tingnan ko sila Grey at Braelyn at nag-uusap ang dalawa at parehong nakangiti.

They looked good together.

I smiled bitterly.

Napansin ako ni Braelyn. Tiningnan niya ako nang ilang segundo hanggang ibinalik niya ulit ang tingin niya kay Grey.

Natigil ko nang makarinig ako nang bulungan. Lahat ay napalingon sa bagong dating. Lalaki ito at nakasuot ng puting doctor coat. Bagsak din ang bangs nito at nakasuot ng bilog na salamin. May stethoscope din sa balikat nito.

“Lyle…” bulong ko.

Naglakad ito palapit sa akin. Lahat ng mata ay nasa kaniya. Kahit ang mga kaklase namin ay tinitingnan kami.

Not gonna lie, Lyle seemed like a different person. He was glowing.

Huminto siya sa tabi ko nang marating niya ang pila namin.

“I’m sorry,” he said without looking at me. “I was late.”

“Okay lang, ’di pa naman nagsisimula,” tipid kong sagot.

I caught Grey looking at us. When he saw me, he smiled a bit and I did too.

Nagsimula ang parade kahit sobrang late na at kung gaano kasaya ang lahat, ganoon naman kapatay ang atmopshere sa amin ni Lyle. Nalibot na namin ang buong school at lumabas na kami ng school, wala pa ring kumikibo sa amin. Kahit magtinginan ay wala.

Sa intense ng nangyari kahapon, sino ba namang hindi ma-a-awkward-an?

Nang pabalik na kami sa school ay wala pa ring kumikibo sa amin. Hanggang sa kumikipot na ang daan at nagkakabangga na ang braso namin. Naka-ilang ‘sorry’ na kami sa isa’t isa pero hanggang doon lang.

Huminto ako sa paglalakad nang makakita ako ng tindahan ng streetfoods. Kanina pa ako naglalaway sa dami ng street foods na nadadaanan namin.

“Gusto mo ba?” tanong ni Lyle.

“Huh?” maang kong tanong at napatingin sa kaniya. “Hindi, may tiningnan lang ako.”

“You can eat. Hintayin kita,” kaswal niyang sabi.

“Hindi na,” sabi ko. “Baka maligaw tayo—”

Natigil ako nang hindi ko na matanaw ang pila ng section namin at naghalu-halo na ang lahat. Kumalam ang sikmura ko at narinig iyon ni Lyle.

He sighed and held me by my wrist. “Tara.”

Gumilid kami at lumakad sa food stall na nasa pinakagilid.

“Sure ka ba?” tanong ko at kinuha ang plastic cup na iniabot sa akin ng tindero. “Baka magutom ka.”

He didn’t answer. Kinuha lang din niya ang basong iniabot sa kaniya ng tindero.

“Naku, kuya,” pigil ko. “Hindi ’yan kumakain ng streetfoods—”

“Sino nagsabi?” tanong pabalik ni Lyle at kumuha ng stick. “Pa-init po ng pugo at siomai.”

Bahagya akong napanganga.

Not to be dramatic but a Heimsworth doing this?! Knowing Avery?! Iba nga talaga itong si Lyle.

“Why?” tanong ni Lyle habang nagsasandok ng gravy sa may lalagyan.

“Wala. Nakaka-amaze lang,” sagot ko at ini-abot sa kaniya ang cup ko para lagyan din ng sawsawan.

“Suki namin’yan, ma’am,” ngiting-ngiting sabi ng tindero. “Kumakain ’yan si Sir Lyle madalas kasama driver n’ya, ’no, sir?”

Lyle seemed shy. He can’t even look at me. He just nodded.

Habang kumakain kami ay hindi ko siya nakitang na-awkward-an kahit na maraming tumitingin sa kaniya. Wala na ang mga nasa parade at kami na lang ang naiwan. If you were to look at him, alam mong celebrity talaga siya. Ganoon ang impact ni Lyle.

“Palamig?” tanong niya sa akin.

“Hmm?” tanong ko habang nginunguya ang huling pagkain ko.

“Gulaman or what?” he casually said.

“Anything,” sabi ko.

Pinanuod ko lang si Lyle habang kinukuha ang palamig namin. Siya rin ang nagbayad dahil wala akong dalang pera. Medyo nakakahiya lang.

Habang naglalakad kami pabalik sa school ay umiinom lang kami ng gulaman. Panay ako tingin sa kaniya dahil ang ewan niyang tingnan. Never did I expect him to be this humble. I know, stereotyping itong ’pag mayaman, ganoon-ganto, pero kasi sobrang classy ni Avery at iyon ang tumatak sa utak ko about Heimsworths. It was my bad to think that Lyle was like that too.

“Why lawyer?” Lyle asked.

Kumunot ang noo ko. Sobrang out of the blue ng tanong niya at parang siga pa.

“Why not lawyer?” tanong ko pabalik.

Hindi kumibo si Lyle. Maya-maya lang ay tumaas ang sulok ng labi niya. “It fits you.”

Humigop ako sa iniinom ko at ngumiti rin. “Thanks. Ikaw, why doctor? Anong field?”

“Veterinary,” tipid na sagot ni Lyle. “I wanna be a veterinarian.”

“Cool,” sagot ko. “Marami sa kakilala ko gusto maging surgeon. Cool of you to take care of animals.”

Silence swallowed the both of us again.

“Cup noodles, kwek-kwek, kikiam, palamig. Marami ka na rin pa lang utang sa ’kin.”

Napahinto ako at tiningnan siya. Sobrang unpredictable talaga ng lalaking ’to.

“Babayaran kita mamaya sa room. Kalma ka lang,” sabi ko.

Umiling si Lyle at tiningnan ako sa mga mata. “Let’s make a deal.”

“What deal?” I asked.

Nasa kalagitnaan kami ng kalye at papalubog na ang araw.

“Kapag naging veterinarian ako at naging lawyer ka, my first legal consultation should be free. Iyon na ang bayad mo sa ’kin,” sabi niya.

Bahagya akong natawa. “And if ma-injure ang future pets ko, my first consultation should be free as well.”

Lyle smiled back at me. “Fair enough.”

Wala nang kumibo sa aming dalawa at pareho lang kaming nakatitig sa isa’t isa.

“That’s a deal, then. Let’s meet again in the future, Doctor Lyle Xavier Heimsworth.”

Inilahad ko ang kamay ko. He shook it.

“It’s a deal, Attorney Reign Harriett.”

We smiled at each other. I’ve always seen Lyle as someone cold but today, he was so warm that he actually brightened up the atmosphere. For the first time, I felt comfortable with him. Hindi ko iniisip kung ano bang gagawin niya o ano ang iniisip niya. I wasn’t scared. I wasn’t anxious. I felt safe.

“Lyle,” I suddenly said.

“Hmm?” he asked while looking at me still.

I gulped. “You’re cute.”

Bumuka ang bibig ni Lyle pero walang lumabas na salita mula roon. It caught him off guard at first until he remained emotionless again. Kitang-kita sa mga mata niya na nagpipigil ito kahit namumula na ang tainga.

“Reign,” he then said.

“Hmm?” I asked.

“Meet me after class,” Lyle said while looking at my eyes intently.

“For what?” tanong ko.

“You’ll know,” tipid niyang sagot.

“Okay…” sagot ko.

We remained staring at each other for few seconds. Hindi na rin ako nakatiis.

“Una na ako,” sabi ko at napalunok. “See you after class.”

Hindi sumagot si Lyle.

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Ni-hindi ko alam ang iisipin o mararamdaman. Sobrang awkward ng nangyayari. Everytime we look at each other, parang trap na iyon at hindi na maaalis ang tingin namin sa isa’t isa.

Huminga ako nang malalalim. Weird.

Natigil ako nang biglang mag-ring ang phone ko. Familiar ang number. Sinagot ko iyon.

“Hello—”

“Reign.”

That voice…

Napalingon ako.

Nakatayo pa rin si Lyle sa kung saan ko siya iniwan. Nakatingin lang siya sa direksyon ko at nakadikit ang phone sa tainga.

“L-Lyle…” I mumbled on the phone while looking at him too.

He didn’t answer. He was just staring at me from there. Just then, The Only Exception by Paramore played from the nearby convenience store.

I felt a mixture of emotions filling me up. Kung dahil ba sa papalubog na ang araw at biglang tumugtog ang kantang iyon habang nakatingin lang kami sa isa’t isa, hindi ko na alam.

“Lyle…” I said again. “Bakit?”

“Let’s meet right now,” he answered.

“Sabi mo after class—”

“Hindi ko pala kayang maghintay,” putol niya.

There was a long pause of silence. Walang umaalis sa kinatatayuan namin at wala ring nag-aalis ng tingin sa amin.

“I… I saw it on social media,” Lyle started. “That if you like someone, you subconsciously copy them.”

“Really?” I asked.

“Really,” he said.

“What about it?” I asked, confused.

“What about it?” he asked back.

Kumunot ang noo ko. “Lyle—”

“Lyle.”

That’s when I realized something.

He was copying me.

Does that mean…?

Lyle smiled at me from afar.

“Just when the time that I needed to be felt, you came. You made me feel like I wasn’t non-existent at all.”

“Lyle…” I muttered, shocked.

“I know romance isn’t for me but… I’ve wanted to ask you this question.”

I gulped.

With my heart pounding hard and his eyes looking deeply at mine, he said…

“If I fall for you, will you Catch Me, Attorney?”

PART THIRTY-SEVEN: Her First Heartbreak

“If I fall for you, will you Catch Me, Attorney?”

With my heart pounding hard still, I gulped.

Magkatitigan pa rin kami ni Lyle mula sa malayo. Ang mga phones namin ay nakadikit sa tainga namin at rinig namin ang bawat paghinga ng isa’t isa.

Habang ang mga taong dinaraanan kami ay mga nagmamadali sa paglalakad, kami naman ay hindi makakilos. Nakatayo lang kami pareho at nakatingin sa isa’t isa. Hindi ko malaman ang nararamdaman.

Sa likuran ni Lyle ay tanaw ko ang kalangitan. The sun was setting, the sky was somewhat orange-ish. Malamig na rin ang hangin.

Lyle smiled at me weakly. “Will you catch me, Reign?”

My lips parted. Gusto kong magsalita pero masiyadong magulo ang isip ko.

“Will you catch this foolish heart of mine?” Lyle added.

Bumukang muli ang labi ko pero hindi ko pa rin alam ang sasabihin o mararamdaman. Blangkong-blanko ako pero ang bigat sa pakiramdam.

“Lyle…” I whispered.

“I understand,” sagot niya at hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. Suot pa rin ni Lyle ang doctor coat niya at ang bilog na salamin. “Sobrang unexpected. Kahit ako ganiyan ang naramdaman noong una. Hindi ko rin alam ang sasabihin o gagawin. Pero noong niyakap mo ’ko noon, noong hinabol tayo ng mga customer sa coffee shop, I… I have never felt that safe. I have never felt those intense emotions before na parang… parang maluluha na ako sa sobrang overwhelming ng mga nararamdaman ko.”

I didn’t say anything. Pinakikinggan ko lang siya.

Nililipad na ng hangin ang buhok ni Lyle pero hindi ito nagpatinag. “Hindi ako sanay sa ganoon. Wala pang nakapagparamdam sa ’kin nang ganoon. I grew up as someone dependent to no one. But when you came… you made me feel like I can entrust you with my heart. Na kahit anong gawin mo—play with it, take care of it, or even break it—I don’t mind.”

Lyle smiled but his eyes didn’t. Parang ’yong mga emotions na matagal na niyang pinipigil ay kusang lumalabas ngayon. He looked emotional.

“I knew something’s up and I’m pretty sure that it would fuck me up pero wala akong magawa,” Lyle added. “It feels like I was meant to fall for you like how the sun, the stars, and the moon rise in the east and set in the west. It happens inevitably, helplessly, silently. Even if it hurts sometimes.”

Kapwa kami natahimik. Lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Nakatingin lang kami sa isa’t isa at nanatili sa ganoong sitwasyon hanggang sa tuluyan na akong nagsalita.

“Sabi mo noon, romance isn’t for you, right?” I asked.

Lyle gulped as he nodded. “Not until you made me feel that I actually exist. You made me break my rules.”

That rendered me speechless.

“Why me?” I later asked.

“Why not you?” Lyle asked back.

“Lyle—”

“Gusto mo ng mas direct na sagot?” tanong ni Lyle. “Listen to the song carefully and you’ll know.”

Tumutugtog pa rin ang The Only Exception ng Paramore sa malapit na convenience store.

“That’s the answer, Reign,” Lyle answered and looked straight into my eyes. “You are my only exception.”

The chorus played. Magkatitigan lang kami habang tumutugtog ang buong chorus.

“What do you think?” Lyle later asked. “If I fall for you, what would you do?”

“Lyle… may boyfriend ako,” sagot ko.

“Hindi ko tinatanong kung may boyfriend ka. Tinatanong ko kung ano ang nararamdaman mo sa ’kin. Do I stand a chance?”

“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?” tanong ko at bahagyang tumaas ang boses. “Lyle, may boyfriend ako. Sapat na sagot na ’yon para sagutin lahat ng tanong mo.”

“Paano kung wala kang boyfriend?” tanong ni Lyle. Hindi ito nagpapatinag. “What would you think about me?”

“Matagal ko nang sinabi sa ’yo ang sagot,” sabi ko. “Hindi kita ginusto, hindi kita gusto, at hindi kita magugustuhan.”

Lyle was taken aback. That caught him off guard. He looked hurt. Napalunok siya at napatingin sa lapag.

“So please, Lyle, respect me and Grey. I’m in a relationship and—”

“Dati mo pa ’yon sinabi,” sagot ni Lyle at muli akong tiningnan. “Dati mo pang sinabi na hindi mo ako gusto. I’ll help you change your mind.”

My eyes widened. “Lyle!”

“Hindi man lang ba nagbago ang tingin mo sa ’kin? Wala man lang ba akong development para sa ’yo?” Lyle followed. “Give me a chance to prove myself. I’m not a bad guy at all.”

“It’s not about giving chances, Lyle. Okay, I acknowledge your feelings. Thank you. Pero may boyfriend ako. Boyfriend ko ang kaibigan mo.”

“Do you really like him?” he asked.

“Yes.”

“Do you love him?”

“Definitely.”

“And you can’t give me that same love?”

Natigil ako at maya-maya’y tumango.

“Kahit kaunti?” tanong ni Lyle. His voice almost cracked. “Wala talaga?”

I bit my tongue. Muli akong tumango. “Wala.”

Natahimik si Lyle. Naglikot ang mga mata nito. Silence swallowed us both until Lyle heaved a sigh.

“What a pity,” sabi niya at ngumiti sa akin. “I wish I was Grey.”

Hindi ako kumibo.

“Gugustuhin pa rin kita,” sabi ni Lyle. “Kahit ayaw mo sa ’kin, I’ll live with this love for you. I’ll like you from afar, okay lang naman siguro ’yon.”

“If I hurt you in any means, I’m sorry,” sabi ko.

“No, don’t feel sorry,” Lyle smiled. “It turned out the way I imagined it.”

He looked at the sky. Tuluyan nang dumidilim.

“This is where we part ways, I guess?” sabi ni Lyle at muli akong tiningnan. Doon ko napansing may namumuo nang luha sa mga mata nito. “Okay lang bang ako na ang mauunang umalis? Masiyadong masakit kung panunuorin pa kitang maglakad palayo.”

“Sure,” sagot ko at worried na tiningnan siya. “You may go first.”

Lyle’s lips smiled but his eyes were the saddest. “Thanks.”

At habang tumutugtog ang huling chorus ng The Only Exception ay tiningnan niya akong muli.

“Farewell,” he said.

Lyle ended the call. He turned his back and slowly, he walked away.

Habang pinanunuod siya ay hindi ko maiwasang ma-guilty. Alam ko sa sarili kong nagbabago na ang tingin ko kay Lyle at hindi na iyon katulad ng dati.

Pero kailangan kong maging totoo sa kaniya. I love Grey more than I love his development.

At ngayong nagsisimula na ang detachment ko kay Grey as part of my mission, hindi dapat ako ma-attach kahit na kanino man. Lahat sila ay mission ko lang at bawat mission ay may hangganan.

Kung kay Grey pa lang ay nahihirapan na ako, paano pa kaya kung pati si Lyle ay makikisali pa?

Hindi ko hawak ang buhay ko. Hindi ko hawak ang magiging desisyon ko. Lahat ay nakaayon kay Prosecutor Jax at Detective Howell.

Kaya kahit na ayaw ko sa ibang desisyon ay wala akong choice kung hindi sundin ang utos nila at gawin ang mga bagay na alam kong makakatulong sa kanila. Even if that means I need to break everyone’s hearts—including Grey’s and Lyle’s.

Pinanuod ko si Lyle habang naglalakad siya palayo. Alam kong sobrang sakit ng mga sinabi ko pero wala akong choice. Kailangan kong maging totoo.

I bit my tongue. Nakakaawa siyang tingnan.

“LYLE!” sigaw ko nang hindi na makatiis.

Huminto siya pero hindi ako nilingon.

“I’m sorry,” sabi ko. “I’m sorry and thank you.”

Nanatili siya sa ganoong kalagayan hanggang sa tuluyan na siyang naglakad ulit at hindi na lumingon o kumibo.

———

THIRD PERSON POV.

“CONGRATS!!!”

Hiyawan ng mga lalaki ang maririnig sa isang kwarto. Isa sa kanila ay si Nash.

“Totoo po ba?” tanong ng kagrupo ni Nash. Kasalukuyan silang nasa loob ng isang kwarto sa company building. “Pasok ang kanta namin sa Daily Top Ten chart?”

“Oo,” sagot ng manager nila. “At hula namin kung tuluy-tuloy ang hype dito, posibleng mag-number one by weekend!”

Lalong lumakas ang hiyawan. Ngiting-ngiti si Nash habang pinanunuod kung gaano kasaya ang mga kagrupo niya.

Nang mag-debut ang group nila, hindi ganoon kaganda ang resulta. Kahit na mataas ang anticipation sa kanila ay hindi sila pumatok. Mababa ang album sales nila, mababa ang youtube views, at hindi pumasok sa Top One Hundred ng Philippine Music Chart ang debut song nila.

To be honest, they weren’t profitable. Takot na takot siyang baka i-disband ang grupo nila dahil hindi nila na-meet ang expectation ng tao at ng company sa kanila. Takot siya na baka masayang ang ilang taong training nila dahil lang dito.

Ang ilan pa sa mga kagrupo niya ay hindi na nag-aral at nag-training na lang. Ang iba naman ay sa probinsiya pa galing at kung anu-ano na ang ibinenta ng pamilya para lang matustusan ang pangarap ng anak.

They were scared that all those sacrifices would not pay off. Kaya araw-araw ay nag-p-practice ang mga ito, habang may takot sa dibdib na baka huling performance na rin nila iyon.

But God answered their prayers. May isang social media star na gumamit ng kanta nila para sa isang Tiktok challenge at doon na nagsimula ang lahat.

In a span of twenty-four hours, their song reached a peak of number ten on the Daily Philippine Music Chart. Nagiging viral na ang challenge at napag-uusapan na sila.

“Finally, pwede nang uminom!” sabi ng isa nilang kagrupo.

“Hoy, may minor,” sabi ni Nash at ininguso ang pinakabata sa kanila.

“Seventeen na ’ko, pwede na siguro San Mig apple,” biro nito.

Nagtawanan sila.

“Hindi, matutulog ’to before 10 AM,” sabi ng leader nila at pinalo-palo ang puwetan ng pinakabata sa kanila.

Muli silang nagtawanan.

“Bakit po pala tayo nandito?” tanong ni Nash sa manager nila.

“Ah, good thing you asked Nash. Nawala bigla sa isip ko. Umupo kayo lahat,” sagot ng manager nila.

Lahat sila ay umupo.

“Ilang taon pinakamatanda sa inyo?” their manager followed.

Nagtaas ng kamay ang leader nila. “Ako po, nineteen.”

“Seventeen ang pinakabata, nineteen ang pinakamatanda,” tumangu-tango ito. “Sino nakakaalala ng middle part ng Artist Contract?”

Natahimik sila at tila nag-iisip. Biglang nanlaki ang mga mata ni Nash nang maalala kung ano iyon.

“Ah!” sabi ng isa niyang kagrupo. “’Yong dating ban!”

“Correct,” sabi ng manager nila. “Since nakikilala na kayo, marami kayong makikilala sa industry. Mga bata pa kayo, nasa panahon kayo kung saan nag-s-seek kayo for intimacy. But I must warn you. May dating ban kayo. Bawal kayo makipag-date or makipag-relationship for three years. Gusto ng management na mag-focus kayo sa career ninyo.”

Natahimik si Nash. Hindi siya makakibo.

“Mahigpit ang company when it comes to dating ban. Sa history ng idol groups sa company natin, most of the fans are possessive. Hindi lahat pero mayroon talaga. One dating news and they’ll boycott the entire group. Kaya ang ginagawa ng company, inaalis ang member na hindi sumunod sa dating ban. It happened to your senior groups, imposibleng hindi nila gawin sa inyo ’yon. Ayaw ko namang may ma-terminate sa inyo, kaya binabalaan ko kayo. Wala akong magagawa if ma-kick out kayo, zero tolerance talaga ang management.”

Naglikot ang mga mata ni Nash.

“Mayroon bang may relationship dito?” tanong ng manager.

“Wala po.”

“Naku, wala.”

“Single kami lahat.”

Lahat ng mga kagrupo ni Nash ay nagsalita maliban sa kaniya. Hindi niya malaman ang mararamdaman.

“Nash?” tanong ng manager. “Ba’t hindi ka sumasagot? Are you in a relationship?”

Lahat ay napatingin sa kaniya.

Nash gulped. “Hindi po.”

Pilit siyang ngumiti at tiningnan ang manager nila.

“Single po ako.”

“That’s good,” sagot ng manager at ngumiti. “Clear ang dating ban ha. Tara sa tapat, i-celebrate natin ’yang number ten chart n’yo. Libre ko na ang samgyupsal.”

Naghiyawan ang lahat maliban kay Nash at nagtakbuhan sila palabas.

Huling lumabas ng kwarto si Nash at parang nanghihina. Habang naglalakad ay biglang nag-ring ang phone niya at si Levi ang tumatawag.

Tinitigan niya ang screen. Hindi niya alam kung sasagutin ba niya ito o hindi.

“Nash!” tawag ng leader nila.

Nagulat si Nash at pilit na ngumiti. He felt anxious for a moment.  “Saglit!”

Nash decided to power off his phone and followed them with a heavy heart. Kung paano ba nila maitatago ni Levi ang tungkol sa kanila, o kung kakayanin ba nila, ay hindi niya rin alam.

Sa kabilang dako, tanaw ni Missi si Levi na nasa gate nila at parang may hinihintay. Galing siya sa school at hindi na nagpasundo. Kinailangan niyang mag-isa kaya napagdesisyunan niyang maglakad. Hindi rin naman ganoon kalayo ang bahay nila mula sa school.

“Ba’t ba ayaw n’ya sumagot?” tanong ni Levi at mukhang may tinatawagan.

“Ako ba tinatawagan mo?” tanong ni Missi nang lapitan niya si Levi.

Sa gulat ni Levi ay halos maibato nito sa kaniya ang hawak nitong phone.

“Hindi ka ba marunong mag-greet?!” tanong ni Levi.

Umiling si Missi. “Anong kailangan mo? Ba’t nandito ka?”

Tiningnan siya ni Levi mula ulo hanggang paa. Suot-suot pa rin niya ang outfit niya kanina sa Career parade.

“Hindi ka ba pinagtinginan sa daan?”

“Pinagtinginan pero wala akong pakialam,” sagot ni Missi.

Bahagyang natawa si Levi. “That’s the Missi that I know.”

“I’m not Missi and you know it,” sagot ni Missi at tipid na ngumiti.

Levi’s smile faded. Pareho silang natahimik hanggang huminga nang malalim si Levi.

“Well, that’s true,” sagot nito. “Pero ikaw na si Missi ngayon.”

Hindi kumibo si Missi. Nakatingin lang siya kay Levi at na-g-guilty.

“Napadaan lang ako kasi may pinabibigay si mommy sa mommy mo. Dito na kita hinintay para hindi ako matanong sa loob,” sabi ni Levi.

“Okay, cool,” sagot ni Missi. “Papasok na ako.”

Dinaanan niya si Levi at akmang papasok na ng gate nang muli itong magsalita.

“Tanggap kita.”

Napahinto si Missi nang marinig iyon. Napatingin siya kay Levi.

“Tanggap ka namin,” dugtong ni Levi at ngumiti sa kaniya. “It doesn’t matter kung si Ellie ka or Missi. That doesn’t change the fact na ikaw ’yong kababata ko at kasabay kong lumaki. I was shocked at first, yes, pero hindi nagbago ang tingin ko sa ’yo. Missi or not, you will always be my first love.”

Sa totoo lang ay pilit na iniiwasan ni Missi ang usapin tungkol sa pagkatao niya. Wala naman sa kaniya kung ano ang magiging opinyon ng tao sa paligid niya, pero iba pa rin sa pakiramdam na may mga taong tanggap siya kung sino man siya.

Missi felt the tears building up in her eyes.

“Lahat kami sa klase, tanggap ka. We can keep your secret just like how they kept mine. Kaya sana ’wag ka nang maging awkward sa ’min. You can be yourself again, that would be lovely.”

Missi felt like she would cry. Iyon na iyon ang mga salitang gusto niyang marinig.

“I’m going,” sabi ni Levi at muling ngumiti sa kaniya. He was giving her an encouraging smile.

Akmang sasakay na ito sa kotse nang si Missi naman ang magsalita.

“Thank you.”

Huminto si Levi at nilingon siya.

“Thank you for always protecting me, Levi.”

Ngumiti lang muli si Levi. “Siyempre. Bestfriends tayo, e.”

Nangiti rin si Missi at nagpunas ng luha. “Yes. Bestfriends tayo.”

“Aalis na ako, baka pareho pa tayong maiyak,” sabi ni Levi. “Don’t be harsh on yourself. You deserve the peace too.”

Binigyan siya nito ng huling tingin bago tuluyang sumakay ng kotse. Nang mawala na ito sa paningin niya ay doon na rin pumasok si Missi sa loob ng bahay nila.

Nadatnan niya ang matandang kasambahay na para bang may hinihintay. Ito ang kasambahay na namalditahan niya nang nakaraan. Ang kasambahay na nakakaalam ng buong pagkatao niya. Nang makita siya ay pilit itong ngumiti.

“Ma’am, hinihintay na po kayo ng mommy at daddy n’yo,” bungad nito.

“Nasaan sila?” tanong ni Missi.

“Nasa kuwarto na ho. Sabay-sabay na raw hong maghapunan maya-maya,” sagot nito at titig na titig sa kaniya.

“Patawag na lang ako sa kwarto ’pag kakain na,” sabi rito ni Missi.

“Opo.”

Naglakad na si Missi at napahinto. Napakagat siya sa labi niya at pilit na pinipigil ang luha.

“May… kailangan pa po ba kayo?” tanong ng kasambahay.

Tumango si Missi at nilingon ito. “Kumain na?”

“P-Po?” tanong ng matanda.

“Kumain ka na ba, ma?”

Nanlambot ang mukha ng matanda at namuo rin ang luha sa mga mata. “Ellie…”

“’Wag po kayong magpapagutom,” sabi niya rito.

Tumango lang ang matanda at tuluyang tumulo ang mga luha.

Doon na umalis si Missi at dali-daling pumunta sa kwarto niya. Nang marating niya iyon ay agad niyang ini-lock ang pinto at doon na tuluyang umiyak.

Sobrang tagal niyang kinimkim ang lahat. Napakatagal na panahon niyang tiniis ang tunay na ina. Ngayon, lahat ng sakit at hirap ay kusang lumalabas at wala siyang magawa kung hindi i-iyak lang ang lahat.

Deep within her, it felt good too. It felt so good to know na mayroong mga taong tanggap siya. Na naririyan si Levi at ang tunay niyang ina para sa kaniya.

At some point, nakatulong din ang pagkabuking ng sikreto niya. In one way or another, nabawasan ang bigat na ilang taon na niyang dinadala.

For her, it was a blessing in disguise. Somehow, it freed her from the haunting ghost of her past.

On the other note, makikita si Grey at si Braelyn na lumabas ng school. Alas siete na rin at madilim na ang karamihan sa paligid. Huli silang umuwi dahil inayos pa nila ang research paper nila.

“Okay ka lang?” tanong ni Braelyn kay Grey. Kanina pa kasi ito patingin-tingin sa phone nito.

Tumango si Grey. “May hinihintay lang na text.”

Hindi nagsalita si Braelyn. Alam niyang si Reign ang hinihintay nitong mag-text at ayaw niyang manggaling pa iyon sa bibig ni Grey.

“Kasama niya si Lyle, ’wag ka nang ma-anxious,” sagot ni Braelyn. She tried her best to sound positive. “Ganoon lang si Lyle pero alam nating ’di gagawa nang ’di maganda ’yon.”

“I know,” sagot ni Grey at muling tiningnan ang phone niya. “Pero iba pa rin ’pag nag-text siya. I wanna be assured na okay siya. Kahit ’yon lang.”

Tumangu-tango kunwari si Braelyn at nag-iwas ng tingin. May namumuong inggit sa kaniya at hindi niya alam kung paano lalabanan iyon.

She did everything to be with him. Confused pa siya sa nararamdaman niya kaya she manipulated the list para maging magka-partner sila sa parade.

Gusto niyang makasama si Grey nang sila lang. Walang Reign, walang 12-A. Gusto niyang malaman kung ready ba siya sa magiging consequences ng gagawin niya.

Pero sa buong oras na magkasama sila, puro si Reign ang hinahanap nito. Deep within her, she was jealous. She was envious to the point that she lost counts on how many times she rolled her eyes.

Ngayon ay uwian na pero hindi pa rin bumabalik ang si Lyle at Reign. Lalo tuloy nag-aalala si Grey at si Reign ang bukambibig.

“About pala sa research—”

“Brae, okay lang bang bukas na lang natin ’yon ayusin?” putol sa kaniya ni Grey. “Medyo pre-occupied kasi ako.”

“About Reign nanaman?” tanong ni Braelyn. Her voice sounded off.

Naguguluhang tumango si Grey. “Nag-text na siya, sabi naka-uwi na siya. Baka kasi hindi siya okay. Promise, babawi ako bukas.”

“Okay,” sagot ni Braelyn. “Wala naman akong magagawa.”

“Sorry, Brae,” sagot ni Grey. “Nag-aalala lang kasi ako.”

Narating nila ang gate ng school at kakaunti na lang ang tao.

“Saan ka ba susunduin ng driver mo?” tanong ni Grey. “Sarado main road, bawal sila makapasok dito.”

“Doon,” turo ni Braelyn sa may kalayuang fast food chain. “Doon ang usapan namin.”

Tumangu-tango si Grey. “Tara. Hatid na kita roon.”

“’Wag na,” sabi ni Braelyn. “Baka gusto mo nang puntahan si Reign, ayaw ko namang maging abala.”

Grey scoffed jokingly. “Anong abala? Hindi ka abala. Tara na, baka nandoon na driver mo.”

“’Wag na nga,” sagot ni Braelyn at pilit na ngumiti. “Kaya ko namang maglakad. Mukhang nag-aalala ka na kay Reign. Puntahan mo na siya, kaya ko na ang sarili ko.”

“’Wag ka nang makulit. Madilim ’yong daanan, baka mapano ka pa,” pangungulit ni Grey. “Tara na.”

“No,” sagot ni Braelyn. “Baka mapalayo ka pa.”

Hindi kumibo si Grey at tiningnan lang siya.

“Sige na,” sabi ni Braelyn. “Kailangan ka ng girlfriend mo.”

Napakamot si Grey sa leeg niya. “Sure ka?”

Pilit na ngumiti si Braelyn kahit na nasasaktan. Gusto niyang puntahan ni Grey si Reign dahil kahit papaano, nag-aalala rin siya kay Reign. Pero at some point, gusto niya ring makasama pa si Grey.

“Oo naman, ako pa ba?” biro ni Braelyn.

“Sige, if you insist,” sabi ni Grey. “Ingat ka ha.”

Tumango siya. “Ikaw din.”

Nang naglakad na paalis si Grey ay tiningnan niya ito. At sa pagkakataong iyon, nanaig ang kagustuhan niyang makasama si Grey kahit kaunti pa.

“Ouch!” Mabilis na napahawak si Braelyn sa heels niya.

Napalingon si Grey at nang makita siya at tumakbo palapit sa kaniya. “Okay ka lang?”

Punung-puno ng pag-alala ang mukha nito.

Tiningnan ni Grey ang heels niya. “Ito ba ’yong masakit?”

Tumango si Braelyn. Tinanggal ni Grey ang heels niya at nakitang nagdurugo ang little toe niya.

“Kanina pa ba ’to?” tanong ni Grey at agad na kinuha ang sariling panyo at ipinunas doon.

Tumango si Braelyn. “Medyo maliit na pala sa akin. Hindi kasi ako nag-h-heels kaya kaunti lang ang heels ko at same sizes pa.”

Tinitingnan niya ang mukha ni Grey. She badly wanted him.

“Kanina pa ito sa parade, ’no?” tanong ni Grey at tiningnan siya. “Ba’t hindi ka nagsabi?”

“N-Nahihiya ako,” sagot ni Braelyn.

Ang totoo lang ay kanina pa niya iyon iniinda pero kaya naman niya iyong tiisin. It’s just that she used it and overreacted to get Grey back. Alam niyang sobrang pathetic na niya pero gusto pa niyang makasama si Grey at iyon na lang ang naiisip niyang paraan.

“Wala tayong choice,” sabi ni Grey at hinubad din ang isang heels niya. Kinuha iyon pareho ni Grey at tumalikod sa kaniya.

“Anong ginagawa mo?” tanong ni Braelyn.

“Pasan na,” sabi ni Grey. “Mahihirapan kang maglakad.”

“’W-Wag na,” sagot ni Braelyn. “Kaya ko naman. Baka hinihintay ka ni Reign.”

“I’ll tell her I helped you. Ngayon, pumasan ka na sa ’kin, kanina ka pa hinihintay ng driver mo roon. Baka lumaki pa ’yang sugat ’pag pinilit mong maglakad.”

“Grey—”

Natigil si Braelyn nang malumanay na kinuha ni Grey ang mga kamay niya at ipinatong sa balikat nito. In no time, tumayo ito at pasan-pasan na siya.

“See?” sabi nito at ngumiti. Maya-maya lang ay naglakad ito nang pasan-pasan siya.

Grabe ang kalabog ng dibdib ni Braelyn. Pakiramdam niya ay lalagnatin siya. Pasan-pasan siya ni Grey at may sinasabi ito pero walang pumapasok sa isip niya. Para siyang nabibingi dahil sa lakas ng tibok ng puso niya.

“Brae…” mahinang bulong ni Grey. “Ang bilis ng tibok ng puso mo. Okay ka lang ba?”

Hindi siya kumibo. Sobra na siyang na-g-guilty pero gusto niya ang nangyayari.

Ipinatong ni Braelyn ang pisngi niya sa batok ni Grey at hinigpitan ang pagkakayakap niya rito. She closed her eyes while feeling Grey’s warmth. If only she could freeze this moment, she would.

———

REIGN.

After namin mag-usap ni Lyle ay hindi na ako bumalik sa school. Nasa locker naman ang mga gamit ko kaya pwede kong balikan bukas. Ang mahalaga, nasa akin ang I.D ko.

Sa totoo lang, hindi ako bumalik ng school dahil alam kong uwian na rin naman at hindi ko kayang makita si Lyle. Hindi ko rin kayang harapin si Grey.

I needed a space to breathe. Sakto namang tumawag si Detective Howell at nakipagkita. Binigyan niya lang ko ng updates tungkol sa mga kapatid ko. Kaunting tiis na lang ay makukuha ko na sila.

He even gave me a bonus as a motivation. Kaya heto ako, bitbit-bitbit ang mga groceries. Dumaan muna ako sa grocery store bago umuwi, sakto na rin na paubos na ang stock ko.

Sa bawat hakbang ko ay pabigat naman nang pabigat ang nararamdaman ko. Lalo na sa tuwing naaalala ko na sabi ni Detective Howell, I only have few days to break Grey’s heart.

Nakaka-guilty na nabubuhay ako sa panlilinlang ng kapwa. Mas lalong nakaka-guilty na nagkakaroon ako ng pangkain sa araw-araw kapalit ng malungkot na kahihinatnan ni Grey.

Pero anong magagawa ko? Nandito ako para roon. Pumasok ako sa West Carson High para gawin iyon. Nakisabay pa itong si Lyle.

I heaved a sigh.

Natigil ako sa paglalakad nang makita ko sa labas ng building ng tinitirhan ko si Grey. Suot pa rin nito ang pilot uniform at nakatingala, malamang ay tinatanaw ang unit ko.

Maya-maya ay hindi ito nakatiis. Nag-ring ang phone ko. Bumuntong-hininga ako at sinagot iyon habang nakatingin sa kaniya sa ’di kalayuan.

“Hello?” sagot ko.

“Hi,” bungad ni Grey. “Kumusta ka?”

“Okay lang,” sagot ko. “Ikaw ba?”

“Okay lang din. The parade was fun. Hinintay kita sa school pero hindi ka na bumalik. May… dapat ba akong ikabahala?”

Grey’s voice sounded worried. Nakikita ko rin iyon from his gestures.

“Wala naman,” sagot ko. “Kanina pa uwian. May pinuntahan ka ba?”

“Inihatid ko lang si Braelyn sa kabilang road dahil sarado ang main road,” sagot niya. “Pwede ba tayong magkita?”

My lips parted. I wanted to say yes badly but I knew that I shouldn’t.

“Pagod ako,” sagot ko at nakaramdam ng pananakip ng dibdib. “Hindi ba pwedeng bukas na lang?”

Natahimik si Grey. Tiningnan ko siya. Nakatayo pa rin siya sa labas ng building at halatang hindi niya alam ang isasagot.

“G-Ganoon ba?” tanong ni Grey. “Hindi pa kasi ako kumakain. Hinintay kita sa school kasi alam kong wala ka pa ring kinakain. Hindi ba tayo pwedeng… lumabas kahit saglit lang?”

“Nagluto kasi ako,” pagsisinungaling ko at nakagat ang ibabang labi. “Busog ako.”

“Okay lang ba kung kakain ako sa unit mo?” tanong ni Grey. “Gusto lang sana kitang makasama. Promise, aalis din ako agad para makapagpahinga ka.”

“Hindi ba pwedeng sa inyo ka na lang kumain?” sagot ko at bahagya nang naluluha.

“Gusto nga kita kasama,” sabi ni Grey. “Gusto kitang kasabay.”

“Ba’t ’di na lang si Braelyn?” tanong ko.

Natahimik si Grey. Alam kong nabigla siya roon.

“I’m sorry, Grey, pagod lang talaga ako,” pagsisinungaling ko.

“It’s fine. Naiintindihan ko,” sagot ni Grey.

Pinanuod ko siya habang nakatayo pa rin roon. Tumingala siya at pilit na ngumiti.

“Okay lang, Reign. Papunta pa lang naman ako sa unit mo,” pagsisinungaling niya. “Uuwi na lang ako siguro. Pahinga ka, ha?”

Hindi ako kumibo. Pakiramdam ko ay mag-b-break down na ako anytime.

I wanted to see him. I wanted to eat with him. I wanted to be with him. Katakot-takot na pagpipigil ang ginagawa ko.

“Sige,” sagot ko. “Bye.”

Papatayin ko na sana ang phone nang magsalita siya.

“I love you, Reign.”

Natigil ako at natulala.

“I love you, Reign Harriett.”

Napatakip ako ng bibig. Pinapatay na ako ng sakit.

“I love you, my attorney.”

Nanginig ang labi ko. Pakiramdam ko ay namamanhid na ako.

“Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, pero pagod ka lang sa parade at hindi sa akin, ’di ba?” tanong ni Grey.

Napapikit ako nang mariin. Nagsisimula nang tumulo ang mga luha ko.

“Ewan ko,” sagot ko. “Matutulog na ako.”

“Wala bang bumabagabag sa ’yo?” tanong ni Grey. “Ayokong matutulog ka na hindi tayo ayos. Usap tayo.”

“Hindi ba tayo ayos?” tanong ko. “Okay tayo. Pagod nga lang ako, Grey. Bakit ba big deal sa ’yo?”

Natahimik siya, ako naman ay napatakip ng bibig. I wanted to curse myself. I felt bad. It was sickening.

“Pasensya na kung… kung makulit ako. Nag-aalala lang kasi ako. Pahinga ka nang mabuti,” sagot ni Grey. Kitang-kita ko na nasasaktan siya. “Mahal kita.”

I wanted to answer it. I wanted to tell him that I love him too.

Instead of saying anything, pinatay ko ang tawag. Abruptly. Nanatili si Grey sa labas ng building nang ilang minuto. Tumingala ito sa unit ko at malungkot na ngumiti bago ito lumakad palayo.

Hinang-hina ako at pakiramdam ko, mabubuwal ako anytime. Sobrang sakit na ng mga nangyayari at hindi ko alam sa mga susunod pa.

Nang hindi ko na matanaw si Grey ay naglakad na ako papunta sa building. Tumutugtog ang Lost Without Your Love by Bread sa may lobby.

Napangiti ako nang mapait. Tugmang-tugma ang kanta sa lungkot na nararamdaman ko.

Just when I reached the glass door, someone pulled me and back hugged me.

“Grey…” I mumbled when I recognized him.

Grey didn’t answer. Hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa akin at ipinatong ang ulo niya sa balikat ko.

“A-Akala ko umalis ka na…” bulong ko.

“Ganoon ka ba kapagod?” tanong ni Grey na halos pabulong. “Okay lang kung manghihingi ka ng personal time, maiintindihan ko ’yon. Just… don’t lie to me. Mag-o-overthink ako nito magdamag.”

Tears started to build up in my eyes again.

“I’m trying my best so please don’t give up on me…” bulong niya. “I know being with me is boring but I’m doing my best for you.”

Nakagat ko ang dila ko. Maiiyak na ako nang tuluyan. Grey’s warm hug never failed to melt all my worries away.

“Hindi ko alam kung ano ang nangyayari o kung may nagawa ba ako pero pwede naman nating pag-usapan, ’di ba?” Grey asked with soft voice. “I just love you so much that I want our relationship to work. Mahal mo rin naman ako, ’di ba?”

Hindi ako kumibo. Hindi ako makapagsalita. Natatakot ako. Natatakot ako sa mga posible kong masabi ngayong naghahalu-halo ang mga emosyon ko.

“Reign…” Grey uttered. His voice sounded hurt and concerned. “Mahal mo ’ko, ’di ba?”

Instead of answering it, hinawakan ko ang kamay niya at unti-unting tinanggal mula sa pagkakayakap sa akin. Parang dinudurog ako sa sakit ng mga ginagawa ko sa kaniya.

“Reign…” sabi ni Grey. Bahagyang nanlaki ang mga mata nito dahil sa ginawa ko.

Hinarap ko siya kahit nanlalabo na ang paningin dahil sa mga luha.

Grey’s eyes were seeking for answers. He looked like the pain was murdering him alive and his face showed it.

Akmang hahakbang siya palapit sa akin. Natigil siya nang umatras ako.

He looked at me with pain written on his face.

“Umuwi ka na,” sabi ko at bahagyang nag-crack ang boses. “Pagod ako.”

Bumuka ang bibig ni Grey pero itinikom niya iyon matapos akong titigan. Namuo na rin ang luha sa mga mata niya at mukha na siyang nasasaktan pero wala akong magawa.

Tinalikuran ko na si Grey at hindi na niya ako sinundan. Naglakad ako papunta sa elevator at nang bumukas iyon ay tinapunan ko si Grey ng huling tingin at naroroon pa rin siya at pinanunuod ako.

Pumasok na ako sa loob ng elevator at pinipigil ang sarili. Nang tuluyan nang sumara ang elevator ay doon ako nawalan ng lakas. Napa-upo sa pinakagilid at tuluyang umiyak.

“I’m sorry Grey…” bulong ko at napahagulgol nang maalala ang mukha niya. “I’m sorry…”

He looked hurt.

He sounded hurt.

He was hurt.

For a moment, I wanted to hug him back. I wanted to answer his I love yous. I wanted to hold his hand. I wanted to run away with him, leaving all these shits behind. Pero hindi pwede. Hindi ako pwedeng maging makisarili.

I hurt the guy who would give me the moon if I asked him too. I hurt someone who loves me more than I love myself.

Naaalala ko ’yong mukha ni Grey nang magkita kami noon sa waiting sched, noong tumakbo siya mula sa bahay nila at may sugat ang kamay. That time, he looked like he found a comfort in me.

Looking at his face now, ibang-iba. Nasaktan ko siya. Sinaktan ko ’yong taong walang ibang ginawa kung hindi ang mahalin lang ako at wala akong maibigay na rason.

Mahal na mahal kita Grey pero hindi pwede. Maling-mali ang panahon. Maling-mali ang pagkakataon.

Mahal na mahal kita.

Gustong-gusto kong sabihin ’yon sa ’yo.

Gustong-gusto ko pang iparamdam ’yon sa ’yo.

Sana, kahit na sa napaka-ikling panahon, ramdam mong naging totoo ako sa ’yo.

At sana, mapatawad mo ako.

I’ll have my siblings back in exchange of your misery. I’ll get my life back at expense of your heart getting hurt.

Masakit din sa akin pero wala akong magawa.

Pwede naman siguro kitang mahalin kahit hindi ka na sa ’kin, ’di ba?

Kahit hindi na tayo para sa isa’t isa?

Naiintindihan ko kung magagalit ka. Alam kong pagsisisihan ko lahat ’to. Ma-m-miss ko ang lahat ng ’to.

Ma-m-miss ko ang mga yakap mo.

Iyong messages mo sa tuwing gigising ako na unti-unti na ring mawawala.

Iyong mga nakaw na tingin at nginitian natin sa classroom kapag may klase.

Iyong paghawak mo sa kamay ko tuwing naglalakad tayo pauwi.

Itong band-aids mong parating naka-ready dahil mabilis akong magka-scratches.

Ma-m-miss ko ’yon lahat.

Time will come na magkikita tayo sa daan at hindi na magpapansinan. As if never nating minahal ang isa’t isa. As if hindi tayo magkakilala.

Alam kong pagsisisihan ko ito, pero ito ang tamang gawin. People will hate me for doing this. Sasabihin nilang ang tanga ko, nakakainis ako, bobo ako. Pero anong magagawa ko? Wala akong ibang choice.

Kailangan kong saktan ang taong mahal ko para makuha ang mga kapatid ko. I can’t have best of the two worlds.bSobra kitang mahal pero hindi ko pwedeng isuko ang pamilya ko.

Sana maintindihan mo. Sana alam mong nasasaktan din ako. Sana alam mong hirap na hirap din ako.

Time will not heal this. Time will not wash away your memories in my head.

Pasensya ka na kung sa akin ka pa nagkagusto. Pasensya ka na kung ako pa ang minahal mo.

Sobrang dami kong pagkukulang pero ako pa ang pinili mo. Ngayon, masasaktan pa kita.

I hope you know that it was against my will, too.

Grey, ang sakit na.

Humagulgol ako sa loob ng elevator at hindi na makontrol ang mga luhang lumalabas mula sa mga mata ko.

Mahal kita. Kahit na anong kahinatnan ng lahat, mahal kita.

Napatingin ako sa phone ko at text message ni Grey ang bumungad.

Pahinga

ka. Dito lang ako, hindi kita

susukuan

.“

Nakagat ko ang labi ko at muling humagulgol nang iyak.

Grey became my first kiss—and first heartbreak, too.

PART THIRTY-EIGHT: Lost Without Your Love

REIGN.

“Nasa library ako.”

Lyle.

Huminga ako nang malalim at tiningnan muli ang text message na na-receive ko kani-kanina lang. Nasa school na ako at pumasok two hours before the first class dahil napag-usapan namin ni Lyle na tatapusin na namin ang presentation para sa research colloquium ngayong araw.

Ang library lang ang napag-agree-han naming lugar. After he confessed to me yesterday, sobrang awkward na makipagkita sa kaniya in private areas. We can’t finish the presentation in my place or in his place. Kahit ngayon ngang sa library lang kami magkikita ay sobrang awkward pa rin.

Paano ka ba titingin sa taong ni-reject mo? Paano ka makikipag-usap sa kaniya after breaking his heart? Paano ka makikipag-communicate nang hindi naaalala ’yong bawat salitang sinabi niya?

How do you deal with the guilt that you can’t reciprocate their love and you know how devastating that was but you can’t do anything at all?

Especially that he’s not just a Heimsworth, he’s Lyle. Ang pinakawalang pakialam na taong nakilala ko. Someone so cold, someone that I couldn’t read at all.

For sure, sobrang rare niyang ma-attract or ma-in love. The fact na hindi siya vocal sa nararamdaman niya pero harap-harapan niyang inamin kung ano ang nararamdaman niya sa ’kin without even breaking his eye contact with me, it showed that he was desperate for the love that I can’t give.

He wasn’t afraid of the rejection-he saw it coming. He confessed nevertheless, hoping for that little amount of hope to save him from a broken heart and in the end, it didn’t. I turned him down.

Sobrang hirap.

Isa pa itong si Grey na inaalala ko. After nang mga ginawa ko kagabi, I know dinamdam niya ’yon pero wala akong magawa. I wanted him to get mad at me. Gusto ko siyang magtampo to the point na iiwasan n’ya ako, na gagawin n’ya ’yong mga ginawa ko at ipamumukhang hindi ako kawalan.

But Grey was Grey. I woke up to his chats na parang wala lang nangyari. Nag-u-update siya ng mga ginawa niya kagabi, he even sent photos of himself in case ma-miss ko raw siya. Kaninang umaga, nag-send pa siya ng mga dapat gawin at dapat kainin if you’re not feeling well. Mga bagay na makakapagpa-boost ng dopamine at serotonin-mga neurotransmitters natin na responsible for our mood, feelings, happiness, and the way we feel pressure.

He cared about me still after I made him feel like a shit. Sobrang hindi ko siya deserve. Thinking about him, gusto ko nanamang maiyak pero naiyak ko na ang lahat kagabi para ngayon at sa mga susunod na araw ay numb na ako.

I sighed again. Narating ko na ang library. Bahagya akong nagulat dahil marami-rami ang mga estudyante. Papalapit na rin kasi siguro ang exam week. Hinanap ko si Lyle pero hindi ko siya makita.

“Saang table?” I texted him. “Hindi kita makita.”

Ilang segundo lang ay nag-reply na rin ito.

“Look straight,” he texted back.

Tumingin ako nang tuwid at nakita ko siyang nagtaas ng kamay. Naglakad ako palapit at doon ko napagtanto kung bakit hindi ko siya makita kanina.

Lyle wasn’t wearing his uniform. Naka-hoodie itong puti. Bagsak din ang itim na itim nitong buhok at bahagyang natatakpan ang mata. Nakasalim din itong bilog at ang kalahati ng mukha ay natatakpan ng laptop.

Umupo ako sa tapat niya. Hindi man lang niya ako tinitingnan. Nasa laptop lang ang tingin ni Lyle at walang emosyon ang mukha habang ang mga daliri niya ay mabilis na nag-t-type. Kitang-kita ko sa salamin na suot niya ang reflection ng screen ng laptop niya.

“Hi,” bati ko. “Good morning.”

Tiningnan ko ulit siya habang inilalabas ko rin ang laptop ko. Sobrang sungit niyang tingnan.

“Stop looking at me,” malumanay na bulong ni Lyle. “I might look back at wala tayong matatapos.”

My lips parted. He sounded arrogant yet confident. Napailing na lang ako.

“Tapos ko na kalahati ng akin,” sabi ko at binuksan ang laptop ko. “May idadagdag ka ba?”

“’Yong introduction part, you can have it,” sagot ni Lyle. “I like yours better.”

Napatingin ako ulit kay Lyle at bahagyang napangiti. Did he just compliment me?

Sa unang pagkakataon ay doon na tumaas ang tingin sa akin ni Lyle. Tiningnan niya ako sa mga mata. Mabilis nawala ang pagkakangiti ko nang mahuli niya ako.

“And stop smiling at me like that,” sabi niya. “Ayokong ma-distract.”

“Okay, chill,” sabi ko at sa laptop ko na tumingin. “Natutuwa lang.”

Maya-maya ay napangiti nanaman ako kasi masiyado siyang seryoso at authoritative. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ako o maiinis.

“I said stop smiling,” Lyle then said.

“Then stop looking at me,” I answered back.

“I can’t help it.”

Napahinto ako sa pag-t-type at napatingin kay Lyle ulit. Our eyes met for few seconds until he gulped and looked back at his laptop.

“I can’t stop looking at you,” he said “Especially when you smile at me like that.”

Bahagya akong napanganga. Katahimikan ang bumalot sa amin hanggang sa nagsalita siya ulit.

“Stop giving me false hope, Harriett.”

“I’m not giving you false hope, Heimsworth,” I said.

“Then stop smiling at me,” sagot niya at tiningnan ako.

“Hindi por que ngumingiti ako sa ’yo, may dahilan na ’yon,” depensa ko.

“Diyan sa ngiti na ’yan ako nahulog. How can I move on if you’re giving it to me time to time?”

It caught me off guard. “Ganiyan ka ba talaga ka-straight forward, Lyle?”

Tumango siya. “I barely talk but when I do, I spit facts. That’s why when I told you I like you, I ain’t playing around.”

“Lyle!” sagot ko. “Stop talking about it!”

“Then stop smiling at me,” sagot ni Lyle. “Don’t make me fall for you harder.”

“Aba’t-”

“Ssssssh!”

Pareho kaming natahimik nang sawayin kami ng katabi naming table. Halos matawa ako dahil galit na galit ito at si Lyle naman ay todo pigil ng ngiti.

Nagsimula na ulit kaming gawin ang presentation. Ilang minutong puro pag-t-type lang mula sa keyboard ang maririnig until Lyle finally decided to break the ice.

“Do you feel awkward?” he asked while looking at his laptop.

“About what?” tanong ko habang nag-t-type.

“About yesterday. About the things that I said. About me.”

Tumingin ako kay Lyle at nakatingin na siya sa akin.

Bahagya akong tumango. “Ikaw ba?”

Umiling siya. “Not even a little bit.”

Ngumiti ako. “Good for you.”

Tumingin na ulit ako sa laptop ko at kahit na-b-blangko na ako. Hindi ko rin alam kung dapat bang pag-usapan ’yon.

“Reign…” bulong ni Lyle.

“Hmm?” tanong ko.

“Hindi ko alam kung anong iniisip mo sa ’kin pero lahat ng sinabi ko kahapon, lahat ’yon totoo. Even if I were to rewind that moment, nothing would change.”

Napahinto ako sa pag-t-type at napalunok. Lyle sounded hurt.

“It’s okay kung ayaw mong pag-usapan ’yon. Naisip ko lang na dapat kong sabihin ’to, at least,” sabi ni Lyle at narinig ko siyang nagsimula na ulit na mag-type. “I’ll cover the conclusion part.”

“S-Sure,” sagot ko.

For the whole hour, wala nang kumikibo sa amin. Tinatapos na lang namin ang presentation. Thankful na rin ako dahil sa totoo lang ay sobrang awkward sa akin na pag-usapan ang nangyari. Hindi maganda sa pakiramdam na may nasasaktan kang tao pero wala kang magawa.

Napahinto lang ako nang marinig ko ang mabigat niyang paghinga. Tumingin ako sa kaniya at mukha siyang uncomfortable.

“Are you okay?” tanong ko.

Tumango si Lyle. “Nilalamig lang.”

Kumunot ang noo ko. Sobrang init ng temperature ngayon. The fact na naka-hoodie siya ay weird na para sa akin kanina.

Doon ko rin napansin na nananamlay ang mga mata niya. Hindi ko gaanong pansin kanina kasi natatakpan ng bangs niya at ng salamin niya. Pero ngayon ay bahagya niyang hinawi.

“Lyle.”

Tumingin siya sa akin.

Inabot ng palad ko ang noo niya pero umiwas siya.

“What are you doing?” tanong niya.

“Titingnan ko lang kung mainit ka,” sabi ko.

“I’m not,” sabi niya. “Pagod lang ako siguro.”

Hindi siya mukhang pagod lang. Namumula na rin ang mga tainga at pisngi niya.

Magsasalita pa sana ako kaso biglang nag-ring ang phone ko at tumatawag si Prosecutor Jax.

“Excuse me,” paalam ko at lumabas ng library dahil bawal kong sagutin ang tawag mula sa loob.

Napatingin ako kay Lyle bago lumabas. Isinara nito ang sariling laptop at yumuko sa table namin, unan-unan ang sariling bisig.

Ilang minuto lang kaming nag-usap ni Prosecutor Jax. May immediate concern lang ito tungkol sa narrative report ko kagabi kasi masiyado raw emotional. I assured him na okay lang ako at kaya ko naman.

Pagbalik ko sa loob ay ganoon pa rin ang posisyon ni Lyle. Lumapit ako sa kaniya at ipinatong ang palad ko sa noo at leeg niya. Naka-idlip na ito.

“Lyle…” bulong ko habang tinatapik siya.

“Hmm?” tanong niya.

“May sinat ka,” sabi ko. “Gusto mo dalhin kita sa clinic?”

Umiling siya habang nakapikit.

“Kuha kitang gamot, gusto mo?”

Umiling ulit siya.

“Baka maging lagnat ’yan,” bulong ko sa kaniya.

Hindi siya kumikibo.

“Nilalamig ka ba?”

Bahagya siyang tumango.

Hinubad ko ang coat ng uniform ko at ipinatong sa balikat niya. “Gisingin na lang kita thirty minutes before class.”

Hindi na siya nagsalita at nagsumiksik na lang sa coat ko. Bumalik ako sa upuan ko at binuksan ang laptop ko. Napatingin ako ulit kay Lyle.

Base sa profiling namin dati, noong panahong nakulong ang daddy niya, umalis ang ate niya at umuwi sa ibang bansa ang mommy niya, Lyle was left alone in their huge house.

Sa tuwing nagkakasakit ba siya gaya ngayon, siya rin ang nag-aalaga sa sarili niya?

I looked at him again with worry and pity on my face. I sighed.

Sa buong klase, napansin din ng lahat iyon. Nasa dulong upuan lang si Lyle at nakayuko. Ilang teachers na rin ang nakapuna at nagsabing dalhin siya sa clinic pero ayaw niya. Kung hindi pa nga si Sir Ivan mismo ang nagsabi, hindi pa siya mapapapayag.

“Iba talaga si Sir Ivan,” natatawang sabi ni Nash na pumasok na dahil ibabagsak na ni Sir Ivan.

“Levi, hatid mo sa clinic si Lyle,” utos ni Sir Ivan.

“Hala?!” reaksyon ni Levi. “Bakit ako? Ayoko! Sir naman!”

“Sige, sino pa ibang aakay kay Lyle? Si Nash?” tanong ni Sir Ivan.

Lalong sumimangot si Levi. “Sige na nga, ako na.”

In the end, wala rin itong nagawa. Inakay nito si Lyle palabas.

“Bumubulong ka pa?” tanong ni Sir Ivan at hinampas si Levi ng diyaryo.

“Hindi naman, sir!” reklamo ni Levi na nakabusangot.

“Deserve,” bulong ni Nash.

Nagtawanan ang klase pero ako, hindi. Lyle looked like he will pass out anytime. Kung kanina ay sinisinat lang ito, ngayon, inaapoy na ito ng lagnat.

Sobrang kaunti namin sa klase. Wala si Everleigh at Braelyn kasi nag-m-mentor sila ng mga Junior High School students na member ng School Journalism. Si Missi naman ay lunch pa papasok. Si Grey, may training.

Nangako si Nash na babawi sa akin ng lunch dahil ang dalang na naming magkita. Pero noong lunch naman na, hindi ko na siya mahagilap. Ang sabi ng isa naming kaklase, kasama raw ni Levi.

Hindi ko na siya hinanap. Malamang ay nag-aaway lang ’yong dalawa.

Kaya in the end, si Reese ang kasabay ko kumain. Sobrang ingay nga ng table namin kasi kasama namin ’yong mga tropa niya sa iba’t ibang section.

“Oo, sira-ulo ’yon,” sabi ni Reese na may pinakamalakas na boses. “Naaalala mo ’yong nagsagutan kami sa club? Ano raw ambag ko sa lipunan? Hindi ako aware individual grading pala ’yon.”

Nagtawanan sila pero ako lumilipad lang ang isip.

“Tapos binara mo pa lalo,” natatawang sagot ng isa niyang kaibigan. “Nanghihingi ng ambag sa club binigyan mo ng dos.”

Nagtawanan sila lalo. Masiyado akong distracted at kailangan ko ng tahimik na lugar. Maling-mali na sumama ako kay Reese.

Natahimik lang sila nang may pumasok sa canteen. Nang tingnan ko ay si Jal iyon. Lahat ng dinaraanan niya ay tinitingnan siya at pinagbubulungan.

Kumunot ang noo ko at napansin iyon ni Reese.

“Well, last day niya sa school,” sabi ni Reese sa akin. “Kicked out na siya mamaya.”

“Huh?” tanong ko. “May result na ba ’yong investigation? Tayo ang may kasalanan noong away dati.”

“No,” sabi ni Reese. “Basta 12-A, walang kasalanan. Malinis tayo parati, Reign.”

Fucked up. Too fucked up.

Tiningnan ko si Jal at umupo ito sa pinakasulok.

“Wala pang formal document na nagsasabing kicked out na siya,” sabi ni Reese at sumubo ng ulam. “Mamaya pa ’yong meeting nila.”

“Pero sa history ng school, unwritten rule na ’yon,” sabi ng kaibigan ni Reese. “Pare-pareho lang kinahihinatnan nila. Reese, should we say goodbye to her?”

“Mamaya na paglabas niya ng Student Affairs room at kicked out na siya talaga para mas dama,” sagot ni Reese at nagtawanan sila. “Deezurv!”

Napapikit ako nang mariin. Sobra akong naging comfortable kay Reese lately at nakalimutan kong may ganito rin pala talaga siyang side.

“Go away! Tabi! Kkeojyeo!”

Napatingin kami sa bagong dating at si Missi iyon. Fresh na fresh ito at kumikinang pa ang labi.

“Grabe, ang init. Free trial na ata ’to sa impyerno,” bulong nito at umupo sw bakanteng upuan sa tabi ni Reese.

“Girl, babagsak ka na ang lakas pa ng loob mong mag-half day sa school ha,” sabi rito ni Reese na parang wala lang nangyari.

I guess, ibinaon na talaga nila sa limot ang tungkol kay Ellie.

“Better late than never,” sabi ni Missi at tiningnan isa-isa ang mga kasama namin sa table. “Kaya naman pala ang init, nagsama-sama ang demonyo rito.”

Nagtawanan sila. Mukhang tropa rin ni Missi ang mga ito.

“Kung may muse ang impyerno, ikaw na ’yon,” sabi ni Reese.

Nagtawanan sila ulit. Natigil si Missi nang makita ako.

“Nag-away ba kayo ni Grey?” tanong nito sa ’kin.

“Huh?” tanong ko at umiling. “Why?”

“Sa field kanina, tinatanong ako kung nag-lunch ka na. Bakit hindi ka na lang i-text? Nag-away ba kayo?”

“Hindi naman,” pagsisinungaling ko.

“Don’t hurt my friend, Reign,” sabi ni Missi. “Mukha lang reliable si Grey pero sa amin nila Levi at Lyle, siya ’yong most vulnerable.”

“Missi, umuwi ka na nga kung mang-aaway ka lang,” biro ni Reese. Nang makitang hindi ito ngumingiti at sa akin lang nakatitig ay nawala ang ngiti ni Reese.

“You saw it too, Reese,” sabi ni Missi. “Nakita mo kung paano nasaktan si Grey dati. Hindi na dapat maulit ’yon.”

“Nasaktan dati?” tanong ko. “Anong-”

Natigil ako nang may ma-realize ako.

Confirmed. Tungkol sa love ang nangyari two years ago.

“Puntahan mo na si Grey. Nasa field sila,” sabi ni Missi. “May evaluation mamaya kung sinu-sino ang qualified maglaro sa National Schools Competition. Love should be a motivation and not a distraction, don’t you think?”

Kinuha ni Missi ang baon ko at ngumiti. “Ako na bahala sa lunch mo. Go girl.”

Tama si Missi. I shouldn’t be a hindrance to Grey’s dream. Pero paano na lang ’pag nakita ko siya? Baka ’yong lakas na inipon ko kagabi ay mawala sa isang yakap o ngiti niya lang.

Kailangan kong pigilin ang sarili ko. Kung hindi ko siya matiis nang isang araw, paano pa ’yong mga buwan o taon na hindi ko na siya makikita ’pag tapos na ang lahat?

Nasasaktan ako, oo, pero mas lalo akong masasaktan ’pag hindi ko sinanay ang sarili ko.

Napalunok ako.

Self, be brave.

Kinuha ko ulit ang lunch ko mula kay Missi at tipid na ngumiti. “Okay lang kami ni Grey. Walang problema.”

Missi was shocked at first until she forced a smile. “I hope you’re telling the truth.”

Hindi ko na siya pinansin at napatingin sa screen ng phone ko na inuulan ngayon ng messages ni Grey.

Ang huling lumabas sa screen ay halos ikalambot ng tuhod ko.

‘Miss na kita.’

After lunch classes were dull. Literal na bilang lang kami sa daliri sa klase. Wala si Grey, Lyle, Everleigh at Braelyn. Si Nash at Levi naman ay hindi na bumalik. May mga absent pa.

Kaya naman nang hapon na ay pati ang teacher namin ay tinamad na. More than half ay wala sa klase kaya pinagbigyan na lang kaming manood ng evaluation game nila Grey.

Tuwang-tuwa ang mga kaklase ko papunta ng field habang ako ay hindi sigurado kung dapat ko na bang makita ulit si Grey. Pero miss na miss ko na rin siya, If I were to be honest.

Natigil kami nang bumukas ang Student Affairs room at lumabas si Jal mula roon. Umiiyak ito at galit na galit. May hawak din itong papel.

“Drop-out form ’yon, ’di ba?” tanong ni Missi. Sumura ang office.

“Ay, shet, oo,” sabi ni Reese at ngumisi. “Kicked out na siya. Buti naman.”

Dinaanan nito ang mga kaklase ko. Lahat ay nagbulungan. Napahinto si Jal nang makita ako. Lalo itong naluha at napalitan ng matinding galit ang ekspresyon ng mukha niya.

“Ikaw…” bulong niya.

Lahat ay napatingin sa akin.

My lips parted. Gulat na gulat ako at hindi alam ang sasabihin.

“Kasalanan mo ’to…” mariin niyang sabi.

“Jal…” bulong ko. “Anong…anong nagawa ko?”

Napa-urong ako dahil papalapit na siya nang papalapit sa akin.

“Kasalanan mo ’to lahat…” sabi ni Jal at tumulo ang mga luha niya. “Kung hindi ka nakialam… hindi ako magkakaganito…”

“Jal, gusto ko lang tumulong,” sabi ko at bahagya na ring naluluha. “Inaapi ka nila tapos-”

“Hiningi ko ba ang tulong mo?” sabi ni Jal at lalo siyang naluha sa galit. “Hindi ako nanghihingi ng tulong, Reign. Sinira mo ang buhay ko…”

“Jal…” bulong ko at muling napa-atras. Lahat ay pinanunuod kami.

“Ang tagal kong nagtiis dahil alam kong hindi ako mananalo. Tingin mo ba gusto ko ’yong nangyayari? Tinitiis ko lang lahat kasi alam kong sa dulo, ako ang talo. Tapos… tapos sisirain mo ang lahat? Dahil lang gusto mong maging bayani?” galit na galit si Jal. “Ikaw ang dapat sisihin dito. IKAW ’YON! IKAW!”

In a snap, Jal attacked me. Sinugod niya ako at mabilis kaming natumba. Pumaibabaw siya sa akin at sinabunutan ako.

“KASALANAN MO ’TO!” tili ni Jal.

Napatakip ako ng mukha at pilit siyang inaawat pero hindi siya nagpapaawat. Walang umaawat sa amin-lahat ay nanunuod lang-maging si Missi at Reese.

“KUNG HINDI KA SANA NAKIALAM! KUNG PINABAYAAN MO NA LANG SANA AKO!” tili muli ni Jal.

Hanggang ang sabunot niya ay unti-unting naging kalmot at sampal. Hinahampas na niya ako at wala akong magawa kung hindi takpan ang mukha ko.

“Jal-Jal-”

“SINIRA MO ANG BUHAY KO!” sigaw ni Jal.

Hanggang sa unti-unti akong nanghina at hindi na makagalaw.

Ito. Ganitong-ganitong ang nangyari sa akin noon sa probinsya. Noong tumakbo ako sa school at hindi umuwi at hindi nagpakita. Noong panahong hinanap ako ni Ate Neska at Kuya Andrius.

I didn’t run away because I failed the admission. I ran away because I was sick of being weak.

Natulala ako at namuo ang mga luha sa mga mata. Unti-unting nawala ang lakas ko at natanggal ang pagkakatakip ko sa mukha. Hindi ko na nakikita si Jal. Nakikita ko ang sitwasyon ko noon.

Sa bawat hampas, kalmot, at sigaw ni Jal, wala akong naramdaman. Wala akong marinig. Tuluyan na akong namanhid.

My tears fell.


THIRD PERSON POV.

Nakapila si Grey kasama ang team niya at kinakabahan.

“Chill ka lang,” sabi ng coach nila sa kaniya. “Sa lahat ng ka-team mo, ikaw lang ang ninenerbiyos.”

Grey sighed. “Paano kung hindi ako mapili, coach?”

Tumawa ito. “Grey, ikaw ang Captain. Imposibleng hindi ka mapili.”

“Ba’t ba kasi may evaluation pa, coach?” tanong ng isang miyembro ng team. “Wala namang ganito sa ibang school at sa sports na ’to mismo. Mema din kayo, e.”

Nagtawanan sila sa birong iyon.

“Well, West Carson High ’to,” sabi ng coach nila. “Top school. They want nothing but the best players. Kaya lahat kayo, mapipili. Team ko kayo e, for sure best players kayo.”

Naghiyawan ang lahat maliban kay Grey na ngumiti lang. Kinakabahan siya na para bang may mangyayaring hindi maganda. Sobrang bigat sa pakiramdam at hindi siya mapakali.

“Make sure lang na walang mang-g-ghost ng evaluation, ha. Kapag hindi kayo naglaro, doon lang kayo hindi mapipili, common sense. Wala nang aalis. We’ll start in…” tumingin ito sa relo nito. “…three minutes. Good luck boys!”

Nag-cheer pa sila bago lumabas ang coach nila.

“Best of luck, boys!” sigaw ni Grey.

Maya-maya lang ay may lalaking dumating.

“GREY! GREY!” sigaw nito.

Napatingin siya rito. Hinihingal pa ito.

Grey recognized it as one of his classmates. “Bakit?”

Hindi ito nagsalita. Hinahabol nito ang hininga.

“May nangyari ba?” tanong ni Grey.

Tumango ito. “S-Si Reign!”

Grey’s eyes widened. “Anong nangyari kay Reign?”

“Nag-aaway sila ni Jal. Jal Perez! Nagbubugbugan, kawawa si Reign!”

“WHAT?!” sigaw ni Grey. “Nasaan sila?!”

“Sa tapat ng Student Affairs, tara!”

Akmang aalis si Grey nang pigilan siya ng ka-team niya. “Saan ka pupunta, Grey? Magsisimula na.”

Natigil si Grey. Hindi niya malaman ang gagawin.

“Tara na, Grey!” sabi ng kaklase niya. “Kawawa si Reign, hindi lumalaban!”

“Grey, hindi ka pwedeng umalis, magsisimula na!” awat ng ka-team niya.

“Grey, ano ba?” tanong ng kaklase niya. “’Yong girlfriend mo!”

“Grey, chill out. Kapag hindi ka nakapaglaro, hindi ka makakasali sa team,” paalala ng ka-team niya.

Grey stood there for few seconds until he made up his mind without a second doubt.

“Kailangan ako ni Reign,” sabi niya.

“Wait-WHAT?!” reaksyon ng mga team members niya.

“Bahala na!” sabi ni Grey.

In a snap, Grey ran away. He worried about Reign’s safety more than losing his spot as the Team Captain.

Sa kabilang banda, natigil sa paglalakad si Lyle nang matanaw na may nag-aaway sa ’di kalayuan. Tumakas siya sa clinic kahit na inaapoy ng lagnat dahil ayaw niya roon. Mas gugustuhin niyang umuwi kaysa manalagi roon.

Sa totoo lang ay wala namang pakialam si Lyle. Napakarami na niyang nakikitang nag-aaway sa sa school at gaya ng nakagawian ay hindi na lang niya papansinin iyon.

Almang tatalikod na siya at sa kabilang hagdan na lang dadaan nang marinig niya ang pangalan na kanina pa nasa isip niya.

“REIGN!”

Agad siyang napalingon. Doon din bumukas ang Student Affairs room. May mga lumabas mula roon at pilit na inaawat ang dalawang babaeng nag-aaway pero hindi nila sila maawat.

“JAL PEREZ! REIGN HARRIETT! WARNING!” sigaw na umalingawngaw sa mahabang pasilyo.

Tiningnan ni Lyle ang dalawang babaeng nag-aaway. Ang nakapaibabaw ay si Jal at ang nasa ilalim at hindi lumalaban ay si…

Lyle’s eyes widened. “Reign…”

Kahit na nanghihina, tumakbo si Lyle papunta sa dalawa. At nang maabutan ay pilit itong inawat.

“KASALANAN MO ’TO!” galit na galit na sigaw ni Jal Perez. Naawat ito ni Levi na bagong dating at pilit na inilayo kay Reign. “SINIRA MO ANG BUHAY KO!”

Si Reign naman ay nakahiga lang sa sahig. Puro kalmot ito at tahimik lang na umiiyak.

Lumuhod si Lyle sa harap ni Reign at tinapik-tapik ang pisngi nito. Puno ng pag-aalala ang mga mata niya.

“Reign… Reign… naririnig mo ba ’ko?” tanong ni Lyle. “Nakikita mo ’ko? Reign. Reign Harriett!”

Doon siya tiningnan ni Reign. Papapikit na ang mga mata nito at nanlalabo ang paningin dahil sa mga luha.

Lyle felt his heart cracking inside him. Sobrang hirap na makita siyang puro galos at nasasaktan. Para siyang pinapatay ’pag nakikita siyang umiiyak nang ganoon.

Lyle held her hand. “Reign, listen. You have me. Hindi ako aalis. Nandito lang ako.”

Reign smiled at him weakly and her tears fell. “Grey…”

Pakiramdam ni Lyle ay para siyang sinaksak sa puso. Siya ang naririto pero iba ang hinahanap niya.

Lyle smiled back at her despite the pain. “Oo. Darating na si Grey. For the meantime, habang wala pa siya, okay lang bang ako muna? Pwede bang ’wag ka muna maghanap ng iba?”

Hindi kumibo si Reign. Tumulo lang ang mga luha nito. Mukhang wala ito sa sarili.

“Grey…” rinig niyang bulong nito ulit at tahimik na umiyak.

Lyle bit his tongue. The pain was killing him. He can sacrifice himself but she’d be looking for Grey still. Hinding-hindi niya ’to kayang tapatan.

“PAANO NA ANG PAMILYA KO? PAANO KO SASABIHIN SA MAMA KO NA WALA NA SILANG AASAHAN SA ’KIN?!” sigaw ni Jal. “Hirap na hirap sila magtrabaho para sa wala. Sinira mo ang buhay ko, Reign. Ikaw lang ang dapat sisihin!”

Sumugod ito at may binunot mula sa bulsa. Ballpen iyon at sira ang gilid. Akmang sasaksakin nito si Reign pero pumagitna si Lyle.

Napahiyaw ang lahat nang may tumulong dugo mula sa leeg ni Lyle.

Napahawak din si Lyle roon at napakalaki ng guhit sa leeg niya.

Binato ni Jal ang hawak na ballpen at sumalampak sa sahig at humagulgol.

Si Reign naman ay tulala pa rin at umiiyak. Tiningnan siya ni Lyle, hindi iniinda ang hapdi ng sugat niya at kirot sa puso.

“Kaya mo bang tumayo?” tanong ni Lyle at naluluha na.

Tiningnan siya ni Reign. “Lyle…”

Lyle bit his tongue. Ramdam niyang namuo lalo ang luha sa mga mata niya nang makilala na siya nito.

Tumango siya at mapait na ngumiti. “You’re safe now…”

Lyle held her hand firmly.

“Hindi man ako ’yong hinahanap mo but you’re safe now.”

Reign didn’t answer. Tumingin ito sa leeg niya at nakita ang dugong tumutulo mula roon.

“Kaya mo bang tumayo?” tanong ni Lyle.

Umiling si Reign. Hinang-hina ito.

“It’s okay… it’s okay…” sabi ni Lyle. “Bubuhatin na lang kita.”

“Pero may sakit ka rin,” sagot ni Reign.

“It’s fine,” sabi ni Lyle. “Kaya ko.”

With his struggling strength, binuhat ni Lyle si Reign. Ilang hakbang pa lang ay tumumba na sila. Napatili ang ilan. Kahit si Lyle ay nanghihina dahil sa lagnat niya.

Akmang bubuhatin niya itong muli nang marinig niyang bumulong si Reign.

“Grey…”

Natigil si Lyle nang dumating na si Grey. Mabilis itong tumakbo palapit sa kanila at nilapitan si Reign.

“Okay ka lang?” tanong ni Grey. Kitang-kita niya sng pag-aalala sa mukha ng kaibigan. “Anong nangyari? Bakit hindi ka naman lumaban?”

Niyakap nito nang mahigpit si Reign at doon na humagulgol si Reign. Umiyak ito nang umiyak sa yakap ni Grey habang si Lyle ay nasa gilid at pinanunuod sila.

“Lyle-”

Pinigil ni Lyle si Levi na papalapit sa kaniya. May iniaabot itong bimpo.

“’Yong sugat mo.”

Kinuha ni Lyle sng bimpo at inilapat sa leeg niya na patuloy sa pagkirot at pagdugo.

Sa totoo lang, hindi niya malaman kung ang sakit ba na nararamdaman niya ay dulot ng sugat o dulot ng makita si Grey at Reign na magkayakap.

Kung ibang tao lang si Grey, he would do everything to get Reign. Though he was tempted to steal her from him, nawala rin iyon kaagad dahil alam niya kung gaano kabuti si Grey at hindi niya ito kayang saktan sa ganoong paraan.

He was acting tough all this time, pero mahina rin siya. He can’t inflict pain to him. Hindi pa ito nakakarecover sa ginawa n’ya noon at ayaw na niyang dagdagan pa ang mga kasalanan n’ya rito.

Alam niyang deserve din ni Grey ang maging masaya kahit ang kapalit noon ay kalungkutan niya.

Tiningnan ni Lyle si Reign.

For the past days, akala niya, kung mababago niya ang isip nito ay may pag-asa pa siya kahit papaano.

But seeing her now, he lost all the hope. He knew he stood no chance at all. Siya ang kasama nito pero si Grey ang hinahanap nito. Na kahit na anong sitwasyon man naroroon si Reign, si Grey ang gusto nito. Si Grey ang kailangan nito, hindi siya.

Magkayakap ang dalawa. Umiiyak si Reign sa bisig ni Grey habang si Grey ay inaalo ito.

Lyle smiled painfully with the sight.

Hindi siya lumaking naiinggit sa ibang tao. Lumaki siyang kuntento sa kung ano mang meron siya. Pero sa pagkakataong iyon, hiniling niya na sana siya na lang si Grey.

Para siya ang hahanapin ni Reign parati. Siya ang kailangan ni Reign parati. Siya ang kayakap niya. Siya ang mahal niya.

Lyle looked down. Awang-awa siya sa sarili.

Kung kailangan niyang lumuhod para lang mapunta sa kalagayan ni Grey kahit ilang minuto lang, gagawin niya.

“Lyle…” pilit ni Levi. “Kailangan mong pumuntang clinic. Kailangan mo ng gamot.”

Lyle smiled painfully at him. “Walang gamot na makakaalis ng sakit na nararamdaman ko ngayon.”

Kumunot ang noo ni Levi.

“Hayaan mo na lang ako, Levi.”

Tiningnan niyang muli sila Grey at Reign. Tears started to build up in his eyes again.

With his remaining strength, Lyle turned his back and walked away. Unti-unti na ring tumulo ang mga luha na kanina pa niya pinipigil.

Muli siyang huminto at lumingon nang medyo malayo na siya. Tiningnan niya si Grey at Reign kahit na masakit para sa kaniya.

Napangiti siya.

“At least she’s safe…” bulong niya sa sarili.

Tumingin siya sa sahig at doon muling tumulo ang mga luha.

If love is a dream, it’s a nightmare for him.

The world knew that seeing them together would kill him and they did it perfectly.

Even words won’t suffice how painful it was for him.

He has so much love to give but she doesn’t need it.

PART THIRTY-NINE: Reese’s Secret

THIRD PERSON POV.

“I LIKE YOUR GIRLFRIEND, GREY.”

From looking at nothingness, Lyle looked at Grey who was sitting right beside him.

“I like Reign.”

Hindi kumibo si Grey. Kasalukuyan silang naka-upo sa wooded bench malapit sa school field. Katatapos lang ng kaguluhan. Si Reign ay dinala sa clinic at sinundo ng nagpakilalang guardian nito. Si Jal naman ay tumakas nang mahimasmasan dahil sa gulong ginawa niya.

Si Lyle naman ay ginamot sa clinic. Malaki ang sugat nito sa leeg at pinilit itong dalhin sa ospital pero ayaw nito.

Left with no choice, they treated him and contacted his manager. Ngayon ay paparating na ito. Kahit anong pilit ng doktor na mag-stay siya sa clinic ay wala itong magawa. Lyle was stubborn. Kaya naman hindi umaalis sa tabi nito si Grey hangga’t hindi dumarating ang manager nito.

If it weren’t for Grey, baka kung saan na nagpunta si Lyle at baka lumala pa ang sugat nito.

“Grey…” Lyle mutterred. “Ang sabi ko gusto ko si Reign. Hindi ka man lang ba magagalit?”

Hindi pa rin kumikibo si Grey. Nakatulala pa rin siya sa kawalan. Sari-sari ang pumapasok sa isip niya.

Nag-aalala siya kay Reign.

Nag-aalala siya kay Lyle.

Nag-aalala siya para sa sarili. Alam niyang hindi na niya pwedeng balikan ang soccer team niya.

“Grey,” Lyle said. His voice sounded desperate. “I said I like your girlfriend and it’s making me nuts. I like your girlfriend and I don’t know what to do!”

From having an expressionless face, a smile curved on Grey’s lips. Sumandal siya sa bench at bumuntong-hininga.

“Who wouldn’t like her?” tanong ni Grey na parang wala lang sa kaniya ang narinig.

Kumunot ang noo ni Lyle. “Hindi ka galit?”

Umiling si Grey.

Lyle snickered. “Sira na ang ulo mo. May nagkakagusto sa girlfriend mo—hindi nga lang pagkagusto, he wants her so bad that he would steal her if he could. Tapos okay lang sa ’yo?”

“Kahit gusto kong magalit, hindi ko magawa,” sabi ni Grey at tipid na ngumiti. “You saved her, Lyle. Kung wala ka, baka kung ano na ang nangyari sa kaniya.”

Lyle sighed. Grey reacted the way he expected him to be.

“Kailan ka ba titigil sa pagiging mabait?” tanong ni Lyle. “Ang hirap mong kamuhian. Go on, show your bad side so I can finally see you as a rival.”

Grey smiled a bit. “I know.”

“Grey—”

“I know you like her.”

Lyle was partly shocked. “You know?”

Tumango si Grey. “Iba ka tumingin sa kaniya. You don’t look at her the way you look at other people. Hindi ka mukhang bored. Mukha kang interesado. Minsan ka lang magkaroon ng interes sa ibang tao, sobrang bilang sa daliri. That’s why I know you like her. You don’t look at her as if she’s one in the class. You look at her as if she’s the only one in the class.”

Lyle gulped. Tamang-tama si Grey.

“Kung may tumitingin ng ganiyan sa girlfriend mo, you should get mad,” sabi ni Lyle.

“I am mad, Lyle,” sabi ni Grey at tiningnan siya at ang leeg niya na may bandage. “Pero kung magagalit ako sa lahat ng titingin sa kaniya, sobrang immature ko naman. I trust her. Sapat na assurance na ’yon para sa sarili ko na kahit maraming tumingin sa kaniya, ako pa rin ang pipiliin niya.”

Lyle’s lips parted. Gusto niyang magsalita pero hindi niya malaman ang sasabihin. Ang laking sampal sa kaniya ng sinabing iyon ni Grey.

“Kilala kita,” sabi ni Grey at muling tumingin sa kawalan. “Ikaw ’yong tipo ng taong hindi madalas magka-interes sa mga bagay-bagay kaya most of the time, wala kang pakialam. Kaya kapag may nagustuhan ka, bagay man o tao, gagawin mo ang lahat para makuha ’yon. By hook or by crook, only the result matters.”

Lyle was watching Grey thoroughly. Sa lahat ng tao sa buhay niya, no doubt, si Grey ang pinaka nakakikilala sa kaniya. Basang-basa siya nito.

“Pero kilala mo rin ako,” Grey followed. “I tend to share most of the things that I have. Pero kapag may gusto ako, ipagdadamot ko talaga, especially if it’s love. I don’t share love, Lyle.”

“Which means?” Lyle asked.

“Which means I will never share Reign,” Grey looked back at him. “Kahit pa sa ’yo.”

They shared an intense eye contact for few seconds until a bitter smile curved on Lyle’s lips.

“There’s no need to share. Talo naman na ako simula pa lang,” sabi ni Lyle.

“What do you mean?” takang tanong ni Grey.

Lyle gulped. “I confessed my feelings yesterday after the parade.”

Grey was alarmed. “And?”

“And she turned me down,” Lyle added, his voice sounded hurt. “Panalo ka na kahit hindi ka pa lumalaban.”

Nag-iwas ng tingin si Lyle at tumingin muli sa kawalan.

Grey gulped too. Hindi niya alam ang sasabihin. Mas lalo tuloy niyang gustong makita si Reign. Pakiramdam niya ay maiiyak na siya anytime sa sobrang pag-aalala at pagka-miss dito.

“Grey…” Lyle started. “I…I’m sorry…”

“For loving Reign?” tanong ni Grey.

Umiling si Lyle. “For everything.”

Grey looked at him, confused. Lyle was getting emotional.

“I’m sorry for the things that I did two years ago…” Lyle followed. He looked hurt. Grey felt uneasy. “I’m sorry. I know I should’ve said it a long time ago. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. I regret it. I regret what I did to you. I know hindi ito sapat dahil nasira ko ang buhay mo pero nawalan lang ako ng choice—”

“Nawalan ka ng choice so you chose to destroy me instead?” Grey cut him off. Napa-iling ito. “Lyle, hindi mo lang sinira ang buhay ko. Nasira rin ang pamilya ko. Because of you, I almost died.”

Lyle looked down. Alam niyang totoo ang sinasabi ni Grey. Nasaksihan n’ya ang lahat ng iyon.

“You knew what you did two years ago would kill me  but you did it perfectly without even blinking, without a second doubt, without even flinching,” Grey sounded bitter and hurt. May namumuo na ring kaunting luha sa mga mata nito. “You promise you wouldn’t do it but you did. I trusted you. I felt betrayed.”

Hindi matingnan ni Lyle si Grey. Bawat salita nito ay tumatagos sa kaniya, lalo na’t alam niyang totoo ang lahat ng iyon.

“Hindi ka nag-sorry noong mga panahong kailangan ko ’yong sorry mo. Halos mamatay na ako noon pero wala lang sa ’yo. Ako pa ang lumapit sa ’yo, ’di ba? Ako ’yong biktima pero ako pa ’yong nagmamaka-awa para hingin ang side mo.”

Lyle bit his lower lip. Nag-f-flashback ang lahat sa kaniya.

“Kahit na galit na galit ang lahat dahil sa ginawa mo, lalo na si Levi, ako pa ang nanghihingi ng paliwanag mo kasi ayaw kong magalit sa ’yo. Tinalikuran ko ng mundo pero ako ’yong pilit kang inuunawa. But you showed no remorse, Lyle. You loved seeing me in pain. You enjoyed every bit of it.”

Lyle looked at Grey once again. Ni-minsan ay hindi niya ito narinig na nagsalita nang ganoon. He imagined his emotional baggage to be this heavy but witnessing him talking about it now, he felt terrible.

“You sought pleasure at the expense of my well-being, Lyle,” Grey said. “Ganitong-ganito noon. Ngayong masaya ako kay Reign, you’re at it again. Does seeing me happy make you feel bad?”

Lyle met Grey’s eyes. Nagsimula na rin siyang maluha. Napakarami niyang gustong sabihin pero alam niyang wala siyang karapatan. After what he did to Grey, he deserved being painted as the bad guy.

“Natutuwa ka ba ’pag nasasaktan ako?” Grey followed.

Nasa ganoon silang kalagayan nang may marinig silang tumawag kay Lyle. Dumating na ang manager nito at patakbo itong lumalapit sa kanila.

“Don’t worry about Reign. Ako na ang bahala sa kaniya,” sabi ni Grey. “And if you’re really sorry about what you did, please don’t do it again. Masaya na ako. Masaya kami. Please, Lyle, I’m begging. Tama na.”

Lyle didn’t answer. His mind was in chaos. Reign was the first thing he ever wanted for himself but he wanted Grey to be happy this time too. Hindi niya alam ang gagawin.f His heart was aching so bad.

“LYLE!” singhal nang manager niya nang makalapit. Hinahabol nito ang hininga. “Ano bang ginagawa mo sa buhay mo? Bakit ka tumatanggap ng saksak na ’di para sa ’yo?! Na-kwento na lahat sa ’kin ng adviser mo. Nag-p-panic ang management! Paano ’pag nag-peklat ’yan?! Lyle, model ka!”

Tuluy-tuloy ito sa pagsesermon pero hindi siya kumikibo. Ganoon din si Grey. Natigil lang ito nang mapansing kasama niya si Grey. Alam nitong dati silang magkaibigan. Seeing them together again was awkward for him too.

“H-Hi Sir Grey, kumusta?” bati nito.

Nagpapalit-palit ang tingin nito kay Lyle at kay Grey. Tumayo na si Grey at tiningnan ang manager ni Lyle.

“Dalhin n’yo po siya sa ospital,” tipid na sabi ni Grey. “Una na po ako.”

Ini-ayos na nito ang bag at nagsimulang maglakad palayo.

Thoughts after thoughts were flooding in Lyle’s mind. Guilt was flowing all over him and he didn’t know how to deal with it. Until something popped in his mind. At least, Grey needed to know that.

“Grey,” Lyle called him.

Huminto si Grey pero hindi ito lumingon.

“It wasn’t me,” Lyle said out of the blue. “From Nash’s secret, to Levi, to Missi. It wasn’t me.”

Doon na lumingon si Grey. Nagtatanong ang mga mata nito. “Anong sinasabi mo?”

“I didn’t expose their secrets. I didn’t do it. It’s someone else.”

Grey’s eyes widened. He looked confused.

“Inamin ko kay Reign na ako ang gumawa para tingnan ang reaksyon niya. I was suspecting her before because the shits started to happen when she came. Pero mukhang hindi siya.”

He looked at Grey’s eyes.

“Nasa atin lang ’yon. Nasa klase lang natin ang nag-r-reveal ng sikreto ng bawa’t isa. Kailangan na siyang mapigilan. Alam mong hindi pwedeng mabulgar ang sikreto nating dalawa.”

“Bakit ko kailangang maniwala sa ’yo?” tanong ni Grey. Halata rito na takot na rin ito.

“Kasi alam mong hindi ko kayang magsinungaling sa ’yo,” sagot ni Lyle.

Grey didn’t know what to say or what to feel. But something  he was sure about was Lyle can’t lie to him.

“We need to stop whoever that is,” sabi ni Lyle. “Hindi tayo pwedeng ma-expose. Alam mo ’yan.”

They stared at each other for few minutes, reading each other’s expressions until Lyle broke the ice.

“Hindi mo na rin ako dapat pang sabihan about kay Reign,” Lyle followed. “Kahit ako ang kasama niya, ikaw ang hinahanap niya. Kahit ako ang naroroon, ikaw ang kailangan niya. Kahit anong gawin ko, ikaw lang ang gusto niya.”

Lyle smiled at him painfully.

“If she thinks your love is the love that she deserves, who am I to question it?” he asked. “At least, she’s happy. Kuntento na ako roon.”

Bumuka ang bibig ni Grey. Alam niyang hindi basta-basta sumusuko si Lyle pero alam niyang sincere rin ito sa sinasabi nito ngayon.

“Pero oras na makita ko siyang nasasaktan sa ’yo, I warn you. Hindi ako mananahimik lang,” Lyle said fiercely. “I’ll do things my way and you better prepare for it.”

Hindi nagsalita si Grey. Tinitigan niya lang si Lyle at mukha itong determinado.

“I’m going,” Lyle said before turning his back, leaving Grey behind.

Sa kabilang dako, makikita si Levi at Nash na nasa loob ng isang kotse. Nasa parking area sila at halos kalahating oras nang naroroon.

“Nakakainis,” sabi ni Levi at kumagat sa tinapay na hawak niya habang nakatitig sa screen ng laptop niya kung saan sila nanunuod ni Nash ng pelikula.

Sumimangot ito at nilakasan ang volume.

“Why can’t we date normally like what other couples do? Parang kailangan nating magtago parati. Tapos, busy pa tayo pareho kaya half an hour a day lang pwede magkita, sa parking area pa. Name a struggle.”

Hindi nagsasalita si Nash at nanonood lang ng pelikula. Napansin iyon ni Levi kaya hinawakan niya ang kamay ni Nash at hinalikan iyon. “Babe, what’s wrong?”

Nash sighed. Umiling ito.

“Come on,” sabi ni Levi at inilapit ang mukha sa mukha ni Nash. “Iniisip mo pa rin ba ’yong dating ban n’yo? Don’t worry about it, hindi naman nila malalaman. I’ll protect you. I’ll be the boyfriend that you can rely on. I promise.”

Nash heaved a sigh. “But in case malaman nila, anong gagawin natin?”

“I don’t know, hindi ko iniisip dahil ayaw kong i-manifest. Nagka-dating ban ako dati pero hindi ako nahuli. It means I’m a pro,” pagmamalaki ni Levi at ipinatong ang ulo sa balikat ni Nash. “Ikaw ba? I-d-deny mo ba ’ko sa kanila?”

Lalong bumigat ang paghinga ni Nash. “Manood ka na lang. Ayokong ma-stress.”

Pareho silang natawa. Levi patted a kiss on the side of Nash’s neck and continued watching until Nash broke the ice.

“Do you still love your ex?”

It caught Levi off guard. Napatingin siya kay Nash.

“I mean exes, no one specific,” Nash followed.

Levi knew that something was up.

“May problema ba?”

“Wala naman,” sagot ni Nash. “Naisip ko lang. ’Yong movie kasing pinanunuod natin, hindi nagkatuluyan ’yong bida. I mean, ako, safe to say I don’t care about my exes anymore. Sa dami ng ex mo naman, baka may bumalik. Who knows?”

“You’re overthinking, Nash. Chill out,” sabi ni Levi. “Ano ulit title nitong pinanunuod natin?”

“Call Me By Your Name,” sagot ni Nash.

Tumangu-tango si Levi. “Well, to answer your question, yes. I love my exes still.”

Nash looked at Levi aggressively. Tumaas ang isang kilay nito.

“Why?” tanong ni Levi. “You asked me, I answered.”

Umiwas ng tingin si Nash. “Wow ha, sobrang straightforward. Magsinungaling ka naman.”

Levi laughed. “Won’t you ask me why?”

“’Wag na, baka pagbuhulin ko pa kayo ng exes mo,” sabi ni Nash. “Ang papangit ng taste n’yo.”

Levi laughed. “Are you mad?”

“’Wag mo ’kong kausapin,” sabi ni Nash at marahas ng kumagat sa tinapay nito. Mukhang nainis ito.

“Nash, you’re tripping!” sabi ni Levi at tumatawa nang malakas.

“I’m not tripping, I’m jealous,” sabi ni Nash. “Nabasa ko chat ng ex mo kagabi. Ang sweet niya ha, may pa-send pa ng picture niya kahit hindi hinihingi. Sana lahat confident. Tapos mahal mo pa pala exes mo. Edi great.”

“Okay, listen,” sabi ni Levi at hinarap si Nash.

“Manood ka na lang,” sabi ni Nash.

“Look at me,” sabi ni Nash.

“Ayoko.”

“I said look at me,” sabi ni Levi at hinawakan si Nash sa pisngi. He faced him to him and looked straight into his eyes.

“When I say I love my exes still, that’s true,” Levi said. “BUT! Love for the memories na lang ’yon. I mean, hindi naman talaga natin kayang i-unlove ’yong mga taong minahal natin. Mahal pa natin sila pero hindi na kasing intense ng dati. Mahal natin sila pero mayroon nang love na mas superior sa lahat ng love na naramdaman natin noon. And for me, that’s you. You made all the love before you weak and irrelevant. You are my superior love.”

Nash rolled his eyes jokingly and they laughed softly.

“Pero mali pa rin ’yon,” sabi ni Nash. “Kung naroroon pa rin ’yong love, there’s still a chance for you to bounce back kasi naroon pa ang foundation.”

“As what I’ve said, they are now irrelevant loves. There’s no foundation anymore because basically, you are here. You are the only foundation I need, the only essential root.”

Sasagot pa sana si Nash pero mabilis siyang hinalikan ni Levi sa labi. Bahagya siyang nagulat.

“Every time you kiss me, hold my hand, scratch my back, play with my hair and ears, it causes chaos in my stomach, yet it feels so good, so comforting. It feels soothing. It’s only you, who made me feel like that. Oh, scratch that. It’s you, who taught me that such unexplainable feelings really do exist. There are so many people I met, but there’s only you.”

Levi smiled.

“I love you.”

Nash looked away. He knew he can’t let go Levi anymore.

“Hindi mo sasagutin I love you ko?” tanong niya. “Ang daya mo! Burlington, answer my I love you or else you’re dead.”

Naghaharutan sila sa loob ng kotse at hindi nila napansin ang isang pulang kotse na nakaparada sa ’di kalayuan. Bumukas ang bintana nito at may itinutok sa kanila.

Tunog ng camera ang huling maririnig.

———

REIGN.

“Magkano po itong Empi?”

Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko. Nasa counter ako sa loob ng isang convenience store.

“Ilang taon na po kayo?” tanong ko.

“Nineteen,” sagot ng lalaki at ipinatong ang alak sa harap ko.

Bahagyang nanliit ang mga mata ko. Mukha itong sixteen para sa ’kin.

“Pwede pong patingin ng I.D?” tanong ko.

Naglikot ang paningin ng lalaki. “Ay, ’wag na nga. Mas mura pala sa kabila.”

Iniwan nito sa counter ang alak at mabilis na lumabas ng convenience store.

Anong problema niya?

Tumatawang lumapit sa akin si Ate Gladz, ang asawa ni Detective Howell. Siya ang may-ari ng convenience store at naririto ako para tumulong.

“Naku, pabalik-balik ’yon parati para bumili ng alak. Akala niya makakalusot siya ha,” sabi nito at umiling.

“Minor po ba siya?”

Tumango ito. “Sixteen, kaklase ng pamangkin ko.”

“Ooooh,” reaksyon ko dahil tama ang hula ko.

“Sige, Reign, ha. Ikaw na muna ang bahala rito. Kukuhanin ko lang ang report card ng pamangkin ko. Babalik ako bago magdilim.”

“Sige po,” sabi ko. “Ingat!”

Pinanuod ko si Ate Gladz na lumabas ng store. Nadapo ang tingin ko sa tiyan nitong lumalaki na dahil anim na buwan nang buntis. Napangiti ako.

Nang nawala na ito sa paningin ko ay umupo ako sa upuan at bumuntong-hininga. Napansin ko ang mga kalmot sa braso ko na gumagaling na.

Dalawang araw na rin ang nakararaan simula nang mangyari ang gulo. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako lumaban that time. I felt like I was traumatized.

Thankfully, ilang pasa at mga kalmot lang ang nakuha ko. Nilagnat pa ako kinabuksan kaya hindi na muna ako pinapasok ni Prosecutor Jax nang dalawang araw at tinanggap naman ni Sir Ivan ang excuse letter ko. It happened on Wednesday at Sabado na ngayon. Parang nagkaroon tuloy ako ng four days break.

I knew what happened to Lyle. Ang sabi sa akin ni Nash, dinala raw ito sa ospital the same day dahil lalong tumaas ang lagnat nito dahil sa sugat. Lyle saved me from Jal’s stab. In return, siya ang napuruhan sa leeg. He was admitted in the hospital at kahapon lang daw nakalabas.

Tiningnan ko ang phone ko. Nag-send ako ng text message at chat kay Lyle kagabi pero hindi pa rin siya nag-r-reply. Gusto kong humingi ng tawad at magpasakamat pero halatang ayaw naman niyang makipag-usap.

Si Jal naman ay hindi na nagpakita simula noon. Tuluyan na itong na-expell isa school at gusto pang idemanda ng management ni Lyle pero hindi rin natuloy. Sabi ni Reese, ayaw na raw palakihin ni Lyle ang lahat.

As per Grey, we haven’t talked since then. Sinabi ko sa kaniyang kailangan ko ng panahon para magpahinga. Araw-araw naman siyang nag-u-update sa akin kahit hindi ako nanghihingi. Sa totoo lang ay miss na miss ko na siya pero kailangan kong sanayin ang sarili ko na wala siya.

At kailangan ko ring sanayin si Grey na wala ako sa tabi niya. Ramdam kong papalapit nang matapos ang mission ko kaya hangga’t maaari, kung kaya kong bawasan ang sakit, ay gagawin ko.

Kaninang umaga ay tumawag si Detective Howell kung pwede ko raw bang tulungan ang asawa niya sa convenience store nito. Nagka-emergency daw ang employee nito kaya ito lang mag-isa store at nag-aalala siya dahil buntis ito.

At dahil free naman ako at okay na ang pakiramdam ay pumayag na rin ako. Malayo rin sa school kaya okay sa akin.

Nag-c-cellphone lang ako nang bumukas ang pinto ng store at may tatlong customer na pumasok.

“Good afternoon po—”

Natigil ako at nanlaki ang mga mata nang makilala sila Missi, Braelyn, at Reese.

Nagtatalo si Reese at Braelyn nang pumasok sila at nanlaki ang mga mata ni Missi nang makita ako sa counter. Nagtama ang paningin namin.

Bumuka ang bibig ko pero hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam kung anong idadahilan ko. Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag na nag-t-trabaho ako ngayon sa convenience store habang ang alam nila ay mayaman ako kaya ako napasok sa 12-A.

Hindi rin maipinta ang mukha ni Missi. Tumingin ito kila Reese at Braelyn at muling bumalik ang tingin sa akin.

“Guys, I think… sa kabilang store na lang tayo,” sabi ni Missi at bahagyang nakanganga.

“Bakit?” tanong ni Braelyn. “Nandito na tayo, okay na ’to.”

Akmang lalapit si Braelyn sa counter kaya hinarang siya ni Missi. Umupo ako sa sahig at nagtago sa machine para hindi nila makita. Sa sobrang kaba ko ay parang lalabas na ang puso ko mula sa dibdib ko.

“Mainit dito, na-i-irritate ang skin ko,” rinig kong rason ni Missi.

“Okay naman lamig dito, a?” rinig kong sagot ni Reese. “Anong lamig ba ’yong gusto mo, ’yong may penguin at polar bear ka nang nakikita?”

“Basta, ayoko rito. Ang cheap ng amoy. Let’s go!”

“Bakit ba—aray—”

“Let’s go!”

In a matter of seconds, narinig kong sumara ang pinto. Sumilip ako at nang wala ng tao ay napahawak sa dibdib at huminga nang malalim.

Para akong aatakihin sa puso.

Hapon nang lumabas ako sa store para magtapon ng mga basura. Pagtapon ko ay nakita ko si Missi na nakatayo sa gilid at naka-cross arms. Tiningnan ako nito ulo hanggang paa at umiiling na lumapit sa akin.

“Anong nangyari sa ’yo?” tanong niya.

“Missi…” sagot ko. Hindi ko alam kung paano magsisimula. “Ano kasi…”

“Let me guess,” sabi ni Missi. “Nag-away kayo ng parents mo, they cut your cards off, kaya ngayon nag-s-sideline ka. Am I right?”

I forced a smile. “Oo! Oo, ganoon nga.”

Nakahinga ako nang maayos.

“Nag-away kami. You know, misunderstanding. Kaya wala akong choice. Part time lang naman ito, ngayon lang. I promise, hindi ito makakaapekto sa image ng 12-A—”

“Sssh,” putol ni Missi. “You talk too much. Just say you’re broke.”

Binuksan nito ang bag nito at may kinukuha mula roon.

“Rule number one. What happens in Vegas, stays in Vegas. It means, keep my secret and I’ll keep this secret of yours.”

“Sure,” sagot ko at bahagya pa ring kinakabahan. “Sobrang okay sa akin. Ayaw ko ring malaman ng mga classmate natin, kaya sana… sa ’tin na lang tutal naiintindihan mo naman ang sitwasyon ko.”

Kinuha ni Missi ang wallet niya at may iniabot sa aking card. Kinuha ko iyon at tiningnan.

“That’s my calling card. I created one in case may mag-scout sa aking model agency, you can have it,” sabi ni Missi. “Call me if you need money. Pahihiramin kita basta magbabayad ka.”

Missi smiled at me and I did too.

“Your secret is safe with me. Alam ko pakiramdam ng ma-expose nang ’di ka pa ready at ayokong ma-experience ng kahit na sino ’yon. Just be careful kasi kapag may iba pang nakaalam, expect the worst.”

Tumango ako. “I’ll bear that in mind. Thank you, Missi.”

Tumangu-tango si Missi. “I’ll go.”

Tumalikod na ito at pinanood ko siyang maglakad. Huminto si Missi at muling lumingon.

“Oh, wait. I almost forgot.”

“Yes?” tanong ko.

“Nag-usap na ba kayo ni Grey?” tanong niya.

I gulped. We haven’t talked for two days. “Hindi pa.”

“Now you admit na hindi nga kayo okay?” tanong muli ni Missi.

Tumango ako kahit napipilitan.

She sighed. “Protective ako kay Grey kasi nakita ko mismo kung paano siya magmahal and I swear, sobrang selfless. I promised to myself that I will protect him the next time he falls in love. Ayaw kong makialam kung paano n’yo ni-r-resolve ang conflicts ninyo but don’t you think that you’re being too much?”

Kumunot ang noo ko. “Missi, hindi ko maintindihan.”

“You don’t know?” taka niyang tanong. “Walang nagsabi sa ’yo?”

“Na ano?” tanong ko.

Hindi kumibo si Missi. Nagtatakang nakatingin lang siya sa akin.

“Missi, anong dapat kong malaman?”

Missi closed her eyes hardly. She seemed disappointed and pissed off.

“Grey needs you,” she said, looking back at me. “He sacrificed his dream for you tapos ikaw walang alam?”

“Missi, I don’t understand,” sagot ko at nagsisimula nang mag-alala. “Anong nangyari kay Grey?”

“Hindi siya naka-attend sa evaluation para lang iligtas ka,” sabi ni Missi. “Hindi na siya ang Captain ng school at tinanggal na siya sa team.”

My eyes widened. Nabitawan ko ang hawak-hawak ko.

Grey…

———

THIRD PERSON POV.

Napahinto si Lyle nang makita kung sino ang bisita ng mommy niya. Kagagaling niya lang sa follow up check-up niya at hindi inaasahan ang bisita nila.

“Oh, you’re here,” sabi ng mommy niya at hinagkan siya sa pisngi. “Samahan mo muna si Everleigh dito at may kukuhanin lang ako sa kuwarto.”

Tumingin ito kay Everleigh na naka-upo sa sofa nila.

“Sure, tita. Take your time,” sagot ni Everleigh at ngumiti.

Pinanood nilang dalawa ang pag-akyat ng mommy niya. Nang mawala na ito sa paningin nila ay tiningnan nila ang isa’t isa.

“Anong ginagawa mo rito?” blangko ang mukha na tanong ni Lyle.

“Nothing. May pinag-usapan lang kami,” sabi ni Everleigh at kumuha ng grapes mula sa mamahaling plato at nginuya iyon.

“Anong pinag-usapan n’yo?” tanong ni Lyle. “After manipulating Grey’s mom, mommy ko naman ang target mo?”

Everleigh snickered. “Don’t panic. May pinadala lang si mommy. Hindi ko sinabi ang weird love interest mo kay Reign Harriett, don’t worry.”

Kumunot ang noo ni Lyle.

“How did I know?” tanong ni Everleigh at ngumisi. “Why wouldn’t I know?”

“Stop playing around,” sabi ni Lyle. “I’m not obliged to dance to your tune.”

Naglakad na siya paalis at iniwan si Everleigh doon ngunit natigil siya nang marinig ang pagtawa nito.

Nilingon niya ito at nakangiti ito sa kaniya.

“I’ll tell you what I did lately tutal tapos naman na at wala ka nang magagawa.”

Lyle was interested to hear it. For the past weeks, alam niyang ang katahimikan ni Everleigh sa mga bagay-bagay ay hindi dapat ikawalang-bahala.

“Tingin mo, bakit magka-group si Braelyn at Grey noon sa research paper? Bakit magka-group din kayo ni Reign?” Everleigh asked rhetorically.

“Why are you doing this?” tanong ni Lyle.

“Simple. Gusto ko kayo magkagulo. Gusto ni Grey at ni Reign ang isa’t isa. It would be an interesting plot if you fall for Reign and Braelyn falls for Grey. And guess what? Lahat kayo nahulog sa plano ko. You like Reign and Braelyn likes Grey. Habang si Reign at Grey, gusto ang isa’t isa. Ang gulo n’yo. Ang saya, ’di ba?”

Lyle’s clenched his jaw. He was annoyed.

“Why? Galit ka?” tanong ni Everleigh. “You should thank me, Lyle. Dahil sa ’kin, nagka-moments kayo ni Reign. Tingin mo ba makakasama mo siya kung hindi ko ginawa ’yon? Tingin mo papansinin ka niya? Baka nga kahit tingnan ka hindi niya gawin. Instead of looking at me as if you would murder me, you should thank me.”

Ngumisi lalo si Everleigh.

“Kung may fans club pa ’yang love team, ako ang president. Lyle and Reign, end game!”

Humalakhak ito at lalong nagpintig ang mga tainga ni Lyle.

“Do you really have to go that low?” mariing tanong ni Lyle. “Dahil lang gusto mong mapatalsik si Reign?”

“No, you’re wrong,” sagot ni Everleigh at sumandal sa sofa. “Hindi ko ’yon ginawa para mapatalsik si Reign. I don’t want her gone, I want her to stay. Siya ang gagamitin ko para pabagsakin kayong lahat. Either you kick her out to stop this mess or let her stay and destroy each and everyone of you, wala na akong pakialam.”

“What do you need?” tanong ni Lyle. “You want something, right? Fine. I’ll give it to you so you can shut the hell up.”

“The school leadership award nomination is near. Kailangan kong manalo. Iyon ang gusto ko,” Everleigh said confidently.

“Ginagawa mo ’to para sa award lang?” tanong ni Lyle. “Everleigh… you’re pitiful.”

“Say that to me kapag nasa ibaba ka at nanonood habang tinatanggap ko ang award,” sabi ni Everleigh at ngumisi. “I know you want it too, Lyle. Pareho tayo ng school na gustong pasukan sa college and we both know having that award is like a free pass.”

Everleigh looked straight into his eyes.

“Napaka hipokrito mo sa part na tinatawag mo akong pitiful, e, ’yon din naman ang dahilan kung bakit mo sinira si Grey two years ago.”

“Shut up,” Lyle warned her. His eyes were deadly, Everleigh noticed it.

“Thing is, I need to protect my spot,” Everleigh followed. “Nasa itaas na ako at wala na akong mapupuntahan. Hindi ako pwedeng bumaba. Hindi pa. We have unique ways of protecting what’s ours and my way is to see you suffer.”

Lyle smirked. “Tingin mo mananalo ka? Matalo mo man ako, pero hindi si Grey. Siya ang Captain and—”

Ngumisi lalo si Everleigh at umiling. “No, honey. He’s not.”

“What do you mean?” tanong ni Lyle. Naalarma na siya.

“As of today, he’s out. He was kicked out.”

Lyle’s eyes widened. “P-Paanong…”

“Hindi siya naka-attend ng evaluation para lang isalba si Reign. Cute, right?”

Lyle looked at Everleigh sharply. Nanginginig ang labi niya sa galit.

“Kilala si Grey bilang school captain. Ngayon, ang image niya sa school ay taong irresponsable at kayang isakripisyo ang team niya para lang sa love. Oh my, I’m not even worried na siya ang maging rival ko sa award. Baka nga hindi pa siya ma-nominate.”

Bahagya itong natawa. Naikuyom ni Lyle ang kamao niya.

“Iyon ang plano ko, Lyle. That’s why I’m quiet lately. I’m messing you up and you haven’t noticed it. Dati, wala kang pakialam sa mundo pero ngayon, tumatanggap ka pa ng saksak na hindi para sa ’yo.”

Tumingin si Everleigh sa leeg niya at ibinalik ang tingin sa mga mata niya. Hindi ito nagpapatinag.

“I’ve been seeking for an opportunity to see your weak spot and I discovered it with ease. I’m gonna use Reign to destroy you and everyone you love.”

Nag-igting lalo ang panga ni Lyle at akmang lalapitan si Everleigh nang muli siyang ngisian siya nito.

“Why? You’ll hurt me?” tanong ni Everleigh. “In this house na isang sigaw ko lang at pag-iinarte ay ako ang paniniwalaan ng mommy mo? Come on, Lyle. Don’t be stupid.”

“’Yong award lang ba ang gusto mo? Fine. Take it,” sagot ni Lyle.

“Don’t tell me what to do. I’m not your puppet, it’s the other way around. You are my puppet, Heimsworth. You are obliged to dance to my tune. Otherwise, buksan mo na ’yong phone mo at maghanap ka na ng malayong lugar na pwede mong pagtaguan gaya ng ginawa ng ate mo.”

Lalong tumalim ang tingin ni Lyle sa kaniya. “Don’t talk shit about my sister.”

“Why?” tanong ni Everleigh. “Pareho lang naman kayo. Parehong tanga na sa pag-ibig tumitiklop.”

“Stop talking about love especially when your love is a forbidden one,” sagot ni Lyle. “You want me to start talking about Ivan?”

Everleigh’s eyes widened. “Shut up.”

“Hindi ka rin ligtas, Everleigh,” sabi ni Lyle. “Isa-isa na tayong na-e-expose. Nagsimula kay Nash, kay Levi, at kay Missi. Tingin mo ba ligtas ka? Tingin mo ba ligtas kayo ni Ivan?”

Nakitaan ni Lyle ng takot sa mga mata si Everleigh.

“Expose me and I’ll expose you. Ganoon lang ’yon,” sabi ni Everleigh.

“You got it wrong this time,” sabi ni Lyle at ngumisi. “Hindi ako ’yong nag-e-expose ng mga sikreto ng section natin.”

“How come?” tanong ni Everleigh. “Dalawa lang tayong may alam sa sikreto nila. Tayong dalawa lang ang naging gatekeeper—”

“That’s the point. Kung hindi tayo, sino?”

Everleigh’s lips parted. Lyle knew she was scared too.

“I have a theory. I’ll tell you because I want you to panic,” sabi ni Lyle. “May pattern ang pagkakasunud-sunod ng mga in-e-expose.”

“What pattern?” Everleigh asked.

“The first grade ranking noong grade seven tayo,” Lyle said, observing Everleigh. “At kung tama ang hula ko, I know who’s next.”

“Who?” Everleigh asked, terrified.

Lyle met her eyes. “It’s your ex-friend.”

He turned serious.

“Reese Turner.”

On that very moment, makikita si Reese na bumaba mula sa isang taxi. Nagbayad ito sa driver at tuluyan nang lumabas. Tumayo ito sa harap ng malaki at marangyang bahay.

“Alam mo ikaw girl, ang arte-arte mo,” sabi ni Reese sa kausap nito sa cellphone. “Nagkapalit lang tayo ng tumbler, nandidiri ka na pero sa mga nakakahalikan mong hindi mo kakilala, tuwang-tuwa ka pa.”

Matapos nilang mag-shopping nila Missi at Braelyn ay mga kaibigan naman niya sa elementary ang kasama niyang gumala at ngayon lang siya naka-uwi.

“Totoo naman, a?” sabi ni Reese at napahinto nang may makitang kotse sa gilid ng bahay nila. Kabisado niya ang mga kotse ng tatay niya at sigurado siyang hindi sa kanila iyon. “Kanino ’to? Hanep ha.”

Sinipa ni Reese ang gulong at nag-alarm iyon.

“Ano?” tanong ng nasa kabilang linya.

“Kapag kausap ka, hindi ka sumasagot. ’Pag hindi ka kausap, sumasagot ka. May kabag ba kokote mo, mare? Bye nga muna.”

Pinatayan ito ni Reese ng tawag. Sinuri niya ulit ang kotse at familiar ang plate number sa kaniya.

“Parang nakita ko na ’to somewhere sa school,” bulong ni Reese sa sarili. Sinilip niya ang tinted na bintana at wang tao roon.

“Sino naman pupunta rito galing sa school? Takot na lang nila sa tatay kong mafia boss.”

Natawa si Reese sa sariling biro at pumasok na sa loob ng gate. Sa likod ng birong iyon, totoong wala pang nakapupunta sa bahay nila. Kahit mga guro man o mga kaklase niya. She was hiding something that no one must know.

“Paaaa?” tawag ni Reese habang papasok ng sala. “May bisita ka?”

Ngunit walang sumasagot sa kaniya. Pumasok si Reese sa sala.

“Paaaa?” patuloy niya.

Natigil si Reese nang makita ang isang lalaki na naka-upo sa sofa nila. Nakasuot ito ng navy blue na polo at itim na slacks. Naka-slick back ang itim nitong buhok at wang emosyon ang misteryosong mukha. Agad niya itong nakilala.

Mabilis nawala ang ngiti sa labi ni Reese at napalitan iyon ng galit.

“Ma’am, pasensya na po,” lapit ng kasambahay nila. Aligaga ito. “Hindi ko po siya mapigil kahit anong pigil ko. Nagpumilit pong pumasok at gusto raw po kayong makita.”

“Okay lang ate,” sagot ni Reese habang matalim ang tingin sa lalaking nasa sofa. “Ako na po ang bahala.”

“Sorry po talaga ma’am. Sorry po.”

Nang umalis ang kasambahay at iniwan silang dalawa ng lalaki ay doon tumaas ang sulok ng labi ng lalaki. Mula sa pagbabasa ng magazine na nasa table nila ay tumaas ang tingin nito sa kaniya.

“Hindi mo man lang ba ako aalukin ng inumin?” tanong nito.

Reese loathed that voice. She hated everything about him.

“Anong kailangan mo, Ivan?” tanong ni Reese. “Ba’t ka nandito?”

“Hindi mo ba narinig ’yong sinabi ng kasambahay n’yo?” Ivan Gliponeo said. “Gusto kitang maka-usap. Gusto kitang makita.”

“You could’ve done that during weekdays sa school,” Reese answered sharply. “Paano kung may nakakita sa ’yo? Paano kapag may nakaalam sa school?”

“You know I didn’t come here as your adviser,” Ivan said. “I came here as Ivan.”

“Wow,” sagot ni Reese at puno ng panunuyang ngumisi. “Tingin mo anong gagawin ni Everleigh ’pag nalaman n’ya ’to?”

“She won’t know unless you tell her,” Ivan said. “And I don’t really care if she’ll know. Ikaw ang ipinunta ko rito, Reese. Ikaw ang gusto kong maka-usap.”

“Pwes ako, ayaw kitang maka-usap,” sagot ni Reese. “Umalis ka na habang may pasensya pa ako.”

“Chill out, okay?” Ivan said and smiled at her. “Mag-uusap lang tayo.”

“Anong pag-uusapan natin?” Reese asked bitterly.

“Tayo,” Ivan answered without even stuttering.

Nagpintig ang tainga ni Reese nang marinig iyon. “Get out.”

“Reese, hindi ko na kayang itago.”

“I said get out,” Reese repeated, controlling herself.

“Reese, hanggang kailan tayo dapat magpanggap—”

“UMALIS KA NA!” umalingawngaw ang sigaw ni Reese sa buong kwarto.

Natahimik si Ivan. Tiningnan niya lang si Reese at kahit marami pa siyang gustong sabihin ay itinikom na lang niya ang kaniyang bibig.

“Umalis ka na, Ivan. Hindi mo gugustuhing magalit ako,” banta ni Reese. “Alam mo kung ano ang posibleng mangyari kaya parang awa mo na, umalis ka na.”

Hindi kumikilos si Ivan. Nakatitig lang siya kay Reese at naghahanap ng tiyempo para mapakalma ito.

Sa sobrang inis naman ni Reese ay binuksan niya ang pinto at tumingin mula kay Ivan.

“Umalis ka na at ’wag ka nang babalik. Ayaw kitang makita,” sabi ni Reese at naluluha na siya sa sobrang galit sa lalaki. “ALIS!”

Ivan knew that wasn’t the perfect timing to talk to her. Left with no choice, he followed her. Naglakad siya palabas. Akmang isasara na ni Reese ang pinto nang harangin niya iyon gamit ang katawan niya.

“I know galit ka pa sa ’kin pero hindi natin kayang itago pa ’to nang matagal,” he said.

He stared at Reese’s eyes and he could see nothing but anger and disgust. He can’t blame her. He understood her side.

“Kahit anong gawin mo, hinding-hindi mo mabubura kung anong mayroon tayo. Hindi mo maaalis kung ano mang relasyon mayroon tayo.”

PART FORTY: The Break Up

REIGN.

“Hi, Lyle. Si Reign ito. Gusto ko sana

magpasalamat

tungkol sa nangyari last week. Kailan ka free?“

Tiningnan ko ang tinype ko sa cellphone ko. Iniisip ko pa rin kung i-s-send ko ba o hindi. I sent Lyle a message last night pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang reply.

’Wag na lang kaya? Baka kailangan niya ng panahon para mapag-isa?

I sighed. Bahala na nga!

Soon as I sent the message, pinatay ko na ang phone ko at ipinatong sa table ko.

Monday ngayon at last day ko na sa convenience store. Mamayang tanghali pa raw kasi ang dating ng employee nila Detective Howell kaya nagpatulong sa akin si Ate Gladz sa store. Mamayang tanghali pa rin naman ang klase ko kaya tumulong na ako. Pumayag naman si Prosecutor Jax na busy sa trabaho.

Ang sabi ni Detective Howell ay pinag-iinitan daw nito si Sir Ivan lately at iniimbestigahan ito. Si Sir Ivan daw kasi ang main suspect ni Prosecutor Jax lately. Tingin niya ay iyon ang pumatay kay Detective Cedrick at si Sir Ivan din ang naka-usap ko noon sa cellphone.

Nag-beep ang phone ko at mabilis ko iyong kinuha at binuksan. Awtomatiko akong napasimangot nang text lang pala ng ’yon ng phone carrier ko at mag-e-expire na raw ang load ko sixty minutes from now.

Malungkot akong ngumiti nang makita ko ang I.D picture ni Grey sa likod ng phone ko. Naalala ko tuloy ’yong nagpalitan kami ng I.D pictures dati. Those were the days na sobrang okay pa ng lahat.

To be honest, kahapon pa ako naghihintay ng text or tawag man lang mula kay Grey. Active a day ago siya sa social media at nag-aalala na ako. He stopped texting me after he was officially kicked out from the soccer team. Alam kong hindi siya okay pero wala akong magawa.

I stalked Lyle’s instagram too. Last week pa ang huling post niya. Nag-release din ng statement ang management niya at ang sabi ay magaling na ang sugat niya at wala nang dapat ipag-alala. Naibalita rin pala ang nangyari sa kaniya. I saw online articles about it. For a moment, nalimutan kong model nga pala siya at may fanbase rin.

Lyle saved me from Jal. Gusto kong magpasalamat kaso hindi ko alam kung paano. Sobrang hirap niyang hagilapin.

“Reign, ikaw muna ang bahala sa store ha,” sabi ni Ate Gladz at may bitbit itong isang stray ng mga paninda niya.

“Ako na po riyan,” sabi ko at akmang aalis ng counter nang pigilan niya ako.

“Ako na, kaya ko na ito. Diyaan lang naman ako sa tabi pupunta,” sabi niya.

Napangiti siya nang mapansing nakatitig ako sa mga dala niya.

“Mag-e-expire na ’yong iba bukas at iyong iba sa makalawa,” sabi niya. “Lagi ko ibinibigay ’yong mga malapit nang mag-expire sa mga pamilya roon sa bangketa. Gustuhin ko mang magbigay ng mga hindi malapit mag-expire ay hindi naman kami mayaman. Ito naman, kaysa itapon ko, ipamimigay ko na lang.”

Tumangu-tango ako. “Sige po. Ako pong bahala sa store.”

Kumaway ito at lumabas na. Ako na lang ang natira sa loob. Umaga pa lang naman at wala pa gaanong customer.

I checked my phone again at nakita kong trending ang isang blind item. Ayon sa insider daw ay may miyembro ng isang boy group at isang sikat na actor ang involved sa same-sex relationship.

Maraming naging theory at napakaraming hula. Nang makita ko nga ’yong comment na baka si Nash at Levi ’yon ay napa-iling na lang ako.

“Grabe nga mag-away ’yan kung alam n’yo lang,” natatawa kong sabi.

Natigil ako nang marinig kong bumukas ang pinto ng store.

“Good morning—”

Natulala ako nang pumasok ang isang matangkad na lalaki. Nakasuot ito ng blue and white na checkered polo. Nakabukas ang mga butones niyon at kita ang suot nitong puti na sando. Bagsak din ang itim nitong buhok at suot ang bilog na salamin. Nakasabit din ang usual headphone nito sa leeg nito.

“Lyle…” bulong ko.

Lyle met my eyes for few seconds. Alam kong nagulat din siya nang makita ako pero hindi iyon nagtagal. Pumasok siya sa loob ng store at dumiretso sa beverage cooler. Pinanuod ko siya habang kumukuha siya ng inumin mula roon.

From Missi, now Lyle. Ilan pa ang makakakita sa akin dito?

Sheez! Anong idadahilan ko?!

Bakit ako magdadahilan, e, for sure, wala namang pakialam si Lyle?

I composed myself.

That’s it, Reign. Kalma ka lang. Kung paano mo hinandle si Missi ay ganoon lang dapat kay Lyle. Kung mabubuko ka man, dapat nagtutugma ang mga rason mo.

Narinig kong sumara ang cooler at napayuko ako nang makita kong papalapit na si Lyle sa counter.

Naglapag siya ng dalawang inumin. Pagtingala ko ay nakatingin lang siya sa akin na para bang sinusuri ako.

Kinuha ko ang dalawang inumin at in-i-scan iyon. “May suki card po?”

Umiling siya at nakatitig pa rin sa mukha ko.

“Ito lang po ba, sir?” tanong ko ulit.

Tumango siya.

“Seventy-six lang po,” sabi ko.

Nagbukas siya ng wallet at nagbigay sa akin ng cash. Sinuklian ko naman siya. Sobrang akwward!

“Thank you po,” sabi ko at muling yumuko. “Ibabalot pa po ba?”

“No,” tipid niyang sagot. His voice was as cold as his face.

Kinuha niya ang isang inumin at inilapit sa akin ang isa.

“For you,” Lyle said.

Tumaas muli ang tingin ko sa kaniya. at doon ko napansin ang bandage sa leeg niya.

My lips parted.

Lyle stared at my eyes one last time before he turned his back and walked away. Pinanood ko siyang lumabas ng store at tuluyan nang nawala sa paningin ko.

Tiningnan ko ang ibinigay niya. Orange-flavored drink iyon. Hindi ko alam kung matutuwa ako o lalong ma-g-guilty. Ako dapat ang nagbibigay sa kaniya nang ganito kasi ako ang may utang na loob sa kaniya, hindi siya.

I sighed.

Doon bumukas ang muli ang pinto at pumasok na si Ate Gladz. May ideyang pumasok sa isip ko at naghubad agad ako ng apron.

“Ate Gladz, saglit lang po ha,” sabi ko at kinuha ang cellphone ko.

“Saan ka pupunta? Ingat!” pahabol niya nang tuluyan na akong makalabas.

Hinanap ko si Lyle at mabilis ko siyang nakita dahil sa suot niya at sa tangkad niya. Tumakbo ako palapit sa kaniya.

“Lyle!” sigaw ko. “Lyle!”

Pero hindi siya lumilingon. Patuloy lang siya sa paglalakad at walang pakialam sa paligid.

“Lyle, saglit!” sigaw ko ulit pero wala siyang naririnig. Doon ko napansing suot niya ang headphone niya. “Lyle!”

Huminto ako at hinihingal na. Tiningnan ko siya ulit.

“LIGHT SABER!”

Doon siya huminto. Para siyang nakikiramdam at nagtanggal ng headphone. Lumingon siya at nakita ako.

Bahagya akong natawa kahit habul-habol ang sariling hininga. Lumapit ako sa kaniya.

“Hinahabol mo ’ko?” taka niyang tanong. Tiningnan niya ang store mula sa malayo at bumalik ang tingin sa akin. Malayo na nga ang narating namin.

Tumango ako sa kaniya.

“Why?” tanong ni Lyle. “May naiwan ba ’ko?”

Umiling ako. Napansin niyang hingal na hingal ako at inalok niya ang inumin na binili niya. Tumanggi ako at napangisi dahil salubong na ang mga kilay niya.

“Tungkol sa nakita mo,” panimula ko. “Tumutulong lang ako sa store kasi—”

“’Yan ba ang itinakbo mo?” putol sa akin ni Lyle. “Just to explain yourself?”

“Huh?” maang kong tanong.

Ipinasok ni Lyle ang isa niyang kamay sa bulsa ng pantalon niya habang ang isa naman ay hawak pa rin ang inumin. He was looking at me amusingly.

“You don’t need to explain your situation to everyone,” sabi niya. “You don’t owe any of us an explanation. Live your life and let them wonder.”

Hindi ako kumibo. Nakatingin lang din ako sa kaniya. Tama rin naman siya.

“Kung ’yon lang ang sasabihin mo, aalis na ’ko,” Lyle added. He was about to turn his back but then I talked.

“Thank you,” I said.

Huminto si Lyle at muli akong tiningnan. “For the wisdom or the drink?”

Tiningnan ko ang bandage sa leeg niya at napansin din niya iyon.

“For saving me when no one else did,” I said genuinely.

Lyle’s face softened.

“Iyon ang ipinunta ko rito,” sabi ko at napalunok. “Gusto kong magpasalamat.”

Lyle didn’t say a thing at first.

“Sinubukan kitang i-text and i-chat pero hindi ka sumasagot. Hinabol kita kasi baka mahirap ka nang hagilapin next time,” pagpapaliwanag ko. “Lyle, salamat.”

Lyle was staring at nothing but me. Binuksan niya ang inumin at uminom doon.

Not gonna lie, he looked cool.

“Paano ba ’yan, I think I don’t need your words,” Lyle said after drinking.

Kumunot ang noo ko.

“Noodles, streetfoods, drink, then I saved you from a stab. Mukhang hindi na kaya ng salitang ‘thank you’ lang ’to, Reign,” Lyle playfully said and smirked while looking straight into my eyes. “I want something else.”

“Like what?”

“Like something valuable,” Lyle answered. “A piece of you, perhaps.”

Bahagya akong natawa. “A piece of me?”

Tumango si Lyle at bahagyang ngumiti.

Napaka-unpredictable talaga ng lalaking ito.

“For example?” tanong ko.

“Your attention, your affection, your time and if you could, your love,” he said. “I’ll accept them with open arms.”

Bahagya akong natawa. I didn’t expect that. Lyle smiled widely while watching me.

“Hindi ako nagbibiro. I want a piece of you,” he told me.

“Ah, alam ko na,” sabi ko nang may ma-realize. Pilit kong tinanggal ang suot kong necklace.

“What are you doing?” tanong ni Lyle.

“You said you want a piece of me,” I said. “I’m giving you one.”

Natanggal ko ang necklace at hinawakan ang kamay ni Lyle. Bahagya siyang nagulat. Inilagay ko sa palad niya ang necklace.

“There,” sabi ko. “Bayad na ako.”

Tiningnan ni Lyle ang necklace at nagtatanong ang mga mata niya. Ang design ng necklace ay yin yang cat. Originally ay couple necklace iyon pero wala sa akin ang kapareha. Kapag hinati ay isang white cat at isang black cat. Kapag nabuo ay magiging yin yang ang design.

“’Yan ang una kong nabili gamit ang sarili kong pera,” proud kong sabi. “Gandang-ganda ako kapag nakikita ko ’yan kaya I promised to myself na iyan ang bibilhin ko sa una kong sahod. Hindi man siya ganoon kamahal pero pinaghirapan ko ’yan. Now, I’m giving it to you to say thanks.”

Nakatitig lang siya roon at parang sinusuri iyon. I can’t tell if he was amused or disappointed.

“Pangit ba?” tanong ko. “Maganda ’yan ’pag suot, promise.”

“Saan mo nabili ’to?” tanong ni Lyle. Hinihimas na niya ang necklace at titig na titig pa rin siya roon.

“Sa province,” sagot ko. “May jewelries and accessories store malapit sa school ko dati. Ang concept ng store niya ay nagbebenta siya ng couple accessories pero kalahati lang ang pwede mong bilhin. You can’t buy it as a whole. Akala ko nga poetic ang reason behind that. ’Yong parang ikaw ang maghahanap ng other half niya tapos kapag nahanap mo ang may-ari, meant to be kayo. Pero mema lang pala n’ya ’yon. Mas maganda ang concept, mas malaki raw ang kita.”

Natawa ako pero seryoso lang na nakatingin si Lyle sa necklace. Hindi ko tuloy alam kung gusto ba niya iyon o hindi.

“No,” biglang sabi ni Lyle. Kinuha niya ang kamay ko at ibinalik ang necklace. “I can’t take this.”

“Bakit?” tanong ko. “Pangit ba talaga?”

Umiling si Lyle. “The other half of the necklace may be looking for it.”

I was amused. “Naniniwala ka pala sa ganoon?”

“No,” sagot niya. “It’s just that… the necklace goods on you. I can’t just take it away.”

Hindi ako nagsalita. Hindi pa rin talaga ako sanay na napupuri niya ako.

Silence swallowed the both of us later on and we were just looking at each other.

“See you at school,” Lyle told me.

Tumango ako. “See you at school.”

Lyle smiled at me before he turned his back and walked away. Just when I was watching him, after taking few steps, he stopped.

“Ah, about sa messages,” sabi ni Lyle at muling lumingon. “The management confiscated my phone that’s why I wasn’t able to answer them.”

Biglang nag-flashback sa akin ang mga chat ko. Thinking about them now, ang cringey!

“Now I’m wondering what messages you were sending me,” Lyle said and smirked. “I’ll enjoy reading them.”

Literal na napanganga ako at namula sa hiya.

Lyle chuckled after seeing my reaction. “I’m going.”

Naglakad na muli siya paalis at naiwan akong nakanganga at nilalamon ng hiya.

Mabilis kong kinuha ang phone ko at sinubukang i-remove ang messages na sinend ko pero hindi na pwede.

“Bwisit!” bulong ko at muling tiningnan si Lyle na naglalakad papalayo.

Anong mukha ang maihaharap ko sa kaniya mamaya sa klase?

Ah, lupa, lamunin mo na lang ako!

———

THIRD PERSON POV.

Mabilis ang mga hakbang ni Jax. Kahit na malakas ang kalabog ng dibdib niya ay tuwid pa rin ang tingin niya sa daan.

Kahit may tumatawag pang mga kakilala ay hindi niya nililingon o pinapansin. Tiningnan niya ang hawak niyang dokumento at pumasok sa loob opisina niya.

Pagpasok niya ay nakita niyang natutulog si Howell sa swivel chair. Nakanganga pa ito at ang mata ay natatakpan ng panyo.

Isinara niya ang pinto at ini-lock iyon. Nang makalapit ay hinampas niya ng dokumento sa mukha si Howell at napamura ito sa gulat. Nang makita siya ay parang binuhusan ito ng malamig na tubig.

“J-Jax, nandito ka na?” tanong nito at namumula pa ang mga mata.

“Obvious ba?” tanong ni Jax at umupo sa kabilang swivel chair.

“Kumusta? May nalaman ka na ba tungkol kay Ivan? May koneksyon ba siya kay Miss Jess?” agad na anong ni Howell.

Lately, pareho silang busy at pakiramdam ni Jax ay sa dami ng mga natutuklasan niya ay malapit na siya sa finish line ng kaso.

“Listen,” sabi ni Jax at humarap kay Howell. “Nalaman ko na lahat ng tungkol kay Ivan. He may be a suspect or just a decoy.”

Nanlaki ang mga mata ni Howell. “Talaga? Pati ’yong identity niya na tinago ng—”

“Oo, Howell, lahat,” sabi ni Jax at pinagpapawisan pa. “Pati ang lihim na relasyon nila ni Reese Turner.”

“WHAT?!” napasigaw si Howell. “Ano pa?!”

“This is turning me nuts,” sabi ni Jax at binuksan ang envelope. “It took me weeks to figure this shit out. Alam mo bang ang pamilya niya—”

Napahinto si Jax nang makita ang balita sa TV.

“Ang pamilya niya, ano?” hindi makapaghintay na tanong ni Howell.

Nanlaki ang mga mata ni Jax nang makita kung sino ang hinuhuli ng mga pulis. Live pa iyon.

Tiningnan din iyon ni Howell at lalo siyang naguluhan.

Ibinabalita ngayon ang isang lalaking parte ng isang sindikato na nandaya ng lotto result ilang taon na ang nakalilipas. Dinaya nila ang pagkapanalo nila at halos isang bilyon ang nakuha nila.

Napabuntong-hininga si Jax. “Ito na nga ba ang sinasabi ko.”

“Kilala mo ’yan?” Howell asked. He didn’t answer.

Kasalukuyan itong tinutugis ng mga pulis. Biglang lumabas sa screen ang koneksyon ng lalaking iyon. Binanggit ang mga businesses na kasali ito. Nang madako sa family nito ang report, binanggit ang pangalan ng anak nito.

“N-NARINIG MO ’YON?!” Howell exclaimed. “JAX, ANAK DAW N’UN SI—OH SHIT—THE HELL—TEKA—WHOA…”

Napapikit nang mariin si Jax.

“The fck…”

———

“Reese, anak, kumalma ka, okay?”

Bumibigat ang paghinga ni Reese. Nasa likod siya ng school building at naluluha na sa sobrang kaba.

“Pa, umalis ka na riyan,” sabi ni Reese sa kausap sa cellphone. “Mahuhuli ka na nila. Paparating na sila riyan, nasa news na po kayo. Umalis na kayo!”

Umiiyak na si Reese sa takot para sa ama. Tinutugis ito ng mga pulis at napalilibutan na ang bahay nila.

“Reese, makinig ka,” sabi ng ama. “Mahuhuli na ako, wala na akong takas dito. Kung ano man ang mangyari, ’wag kang uuwi ng bahay. Sumama ka kay Ivan—”

“Ayoko! Hindi ako sasama kahit na kanino!” sabi ni Reese. “Sa ’yo lang ako sasama. Hintayin mo ako. Pupunta ako riyan, tutulungan ko kayo—”

Natigil si Reese nang makarinig siya nang mga tilian. Nagkakagulo sa kabilang linya.

“Pa!” sigaw ni Reese. “Papa!”

Naputol na ang tawag. Naiyak si Reese dahil sa takot at pag-aalala para sa ama.

Dali-dali siyang tumakbo papunta sa motor niya at doon niya na-realize na wala sa kaniya ang susi niya. Sinipa niya ang motor sa sobrang inis.

Tumakbo siya papasok ng building at nagmamadaling pumunta sa room nila. Naiwan niya ang bag niya roon at nandoon ang susi ng motor niya.

Kailangan siya ng daddy niya. Hindi ito pwedeng makulong.

Kahit pinagtitinginan at pinagbubulungan siya ay wala na siyang pakialam. Alam na ng mga tao sa school ang sikretong matagal na nilang pilit itinatago. Wala na silang kawala.

Nang marating niya ang room nila, ang lahat ay nakatutok sa TV. Gulat ang mga ito at pinagbubulungan. Mula sa TV ay nakita niya mismong pinuposasan na ang daddy niya at napalilibutan ng mga pulis at ng mga reporter.

Napatakip siya nang bibig nang makita niya ang litrato niya sa screen. Na-identify siya bilang anak nito at idinawit ang West Carson High.

Lahat ay isa-isang napalingon sa kaniya. Halos lahat ay naroroon. Si Lyle, Missi, Reign, Braelyn, Nash, Levi, at Everleigh. Ang iba pa nilang kaklase ay naroroon din. Kung dati ay natutuwa ang mga ito kapag nakikita siya, ngayon ay kitang-kita niya ang disappointment sa mga mata nito.

“So, alam n’yo na,” sabi ni Reese at namuo ang luha sa mga mata at pilit na ngumiti. “Alam n’yo na ang sikreto ko.”

“Reese, totoo ba ’yon?” tanong ni Missi. “Totoo bang…”

Hindi matuloy ni Missi ang sasabihin. Tila naghahanap ito ng tamang mga salita para hindi siya masaktan.

“Oo,” sagot ni Reese. “Totoo ang nasa balita. Papa ko ’yon.”

Lumakas ang bulungan.

“’Yon ang dahilan kung bakit hindi ko kayo pinapupunta sa bahay. ’Yon ang dahilan kung bakit hindi ko kayo ipinakikilala sa papa ko,” Reese bravely said. “Anak ako ng magnanakaw.”

Nag-iwas ang iba ng tingin. Hindi niya sila masisisi.

“Hindi mafia boss ang daddy ko. Member siya ng sindikato dati at isa sa nag-set up ng biggest theft sa lotto history,” sabi niya. “Totoo ang balita. Hindi kami originally na mayaman gaya ninyo. Kaya lang ako nakapasok dito at naging miyembro ng section na ’to dahil sa nakaw na yaman ng papa ko.”

Walang kumikibo. Kahit na sino ay wala.

“Okay na ba? Nasagot ko na ba ang lahat?” tanong ni Reese at tumulo ang luha sa mga mata. “Kung wala na, aalis na ’ko. Kailangan ako ng daddy ko.”

“Bakit mo sinasabi sa ’min lahat ’yan?” tanong ng isa niyang kaklase.

“Kasi wala na akong maitatago. Lantad na sa balita,” Reese said bitterly. “Mabuti nang sa akin ninyo marinig, ’di ba?”

Walang sumagot. Natahimik ang lahat. Akmang kukuhanin na ni Reese ang bag niya nang harangin siya ni Everleigh. Naglabas ito ng mga litrato at inihagis sa kaniya.

Lahat ay nagtinginan sa mga litrato. She even heard gasps and murmuring.

Tiningnan niya rin iyon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang laman ng mga litrato. Pictures nila iyon ni Ivan na palihim na nag-uusap sa faculty, sa comfort room, sa library, at sa labas ng school. May  photograph din ng kotse ni Ivan na nakaparada sa labas ng bahay nila.

Nagsimulang manginig ang tuhod ni Reese.

“S-Saan n’yo nakuha ’to…?” she asked, stuttering.

“Nakita na lang namin na nasa table,” sagot ni Nash.

“Kami ni Nash naunang pumasok sa room. Nandiyan na ’yan pagdating namin” sabi ni Braelyn. “Naka-address sa section natin kaya binuksan namin. Then… ayan na nga…”

Nanginig na rin ang labi ni Reese. Parang papatayin siya nang araw na ’to. Lahat ng sikreto niya ay kusang lumalabas.

“Mind to explain?” Everleigh asked sharply.

If there’s something that she wanted to bury forever, ’yon ay ang koneksiyon niya kay Ivan. Hindi pwedeng malaman ng mga ito iyon. Hindi siya papayag.

“Wala akong dapat i-explain,” depensa ni Reese. “Nag-uusap lang kami.”

“Patago kayong nag-uusap sa kung saan-saan at bumibisita pa sa bahay n’yo. Anong ginagawa n’yo, outreach program?” Everleigh asked.

Napayuko si Reese. Hindi siya iyaking tao pero gusto na lang niya iiyak ang lahat ngayon. Sobrang frustrated niya sa nangyayari.

“Reese… may relasyon ba kayo ni Sir Ivan?” tanong ni Braelyn.

Umugong ang bulungan.

“Wala, ’di ba?” tanong ni Levi. “B-Baka misunderstanding lang ’yan. Hindi naman ganoon si Reese.”

Tiningnan ni Reese ang mga kaklase. Lahat ay naghihintay ng isasagot niya. Lahat ng mga mata ay nangungutya at mababa na ang tingin sa kaniya.

“Reese, explain yourself,” sabi ni Missi. “Alam naman naming hindi totoo. You can just… deny it.”

Napalunok si Reese. Huminga siya nang malalim. Magsisinungaling siya. Enough na para sa kaniya na ang sikreto lang ng daddy niya ang alam ng mga ito. May ebidensiya iyon, hindi niya kayang itanggi.

Pero ito. Itong sitwasyon na ’to. She can deny it and she won’t let them know his connection with Ivan.

“Okay, I’ll tell you,” Reese said. “Actually—”

“Yes. May relasyon kami.”

Lahat ay napatingin sa nagsalita.

It was Ivan. Nakatayo ito sa pinto at hinihingal. Alam niyang siya ang ipinunta nito.

Lahat ay nagulat. Umugong ang bulungan habang ang ilan ay napanganga. Pumasok si Ivan sa room at hinarap sila.

“No!” sabat ni Reese. Her eyes grew bigger. “W-Wala kaming koneksiyon, hindi ’yon—”

“Sawa na akong magpanggap, Reese,” dagdag ni Ivan.

“Manahimik ka!” sabi ni Reese at tumingin sa mga kaklase. “’Wag kayong maniwala sa kaniya!”

“The truth is…”

Tumingin si Reese kay Ivan at naluluhang umiling. “No, don’t say it. Ivan… please…”

“Reese and me…”

From looking at everyone, Ivan finally looked back at her.

“… are siblings.”

———

“MAGKAPATID SILA?!” reaksyon ni Howell sa kwento ni Jax.

Tumango si Jax at pinanuod ang lalaking nahuli na mga pulis at pilit na isinasakay sa kotse.

“Whoa… teka, ang sakit ng ulo ko bigla…” sagot ni Howell at napa-upo. “Then… bakit… bakit nasa West Carson High si Ivan?!”

“May theory tayo noon. Na nasa West Carson High si Ivan kahit na maraming offer sa kaniya sa ibang school, may international pa nga. Now, we got the answer. It’s Reese. Nasa West Carson High siya para bantayan at protektahan ang kapatid niya laban sa mga… you know, unpredictable na mga estudyante roon. That explains it.”

“And ang history kung bakit ’di niya ibinalik sa dati ang apelyido niya?”

“Itinakwil siya,” sagot ni Jax. “Noong panahong ginawa ng daddy niya ang about sa lotto, he didn’t like it. Sinubukan niyang isuplong sila pero nahuli siya at itinakwil. Nagtrabaho si Ivan as an undercover para matustusan ang sarili at para makapagtapos without his dad’s help at ngayon ay nasa West Carson High para protektahan ang kapatid niyang si Reese. That’s it. The rest is history.”

“Saan mo nalaman lahat nang ’yan?” tanong ni Howell. Hawak-hawak nito ang noo. “That’s some type of cinematic shit.”

“Nasa watch list na ang family nila, actually. My relative works there at nakakuha ako ng inside information. Alam ko ring sooner or later ay mahuhuli sila. It just happens na ngayon ko lang din na-receive na si Reese pala ang kapatid niya.”

“Tingin mo ba posible kayang si Reese ang gumawa ng krimen? That’s why naroroon si Ivan para hindi siya mabuko?” tanong ni Howell. “Or, posibleng silang dalawa ang gumawa.”

“Could be but remember, may strong alibi si Ivan na wala siya sa party that night,” sabi ni Jax. “Tawagan mo si Reign. Sabihin mo kailangan niyang obserbahan kung paano mag-r-react ang lahat sa nangyari. I need the narrative report by 10PM.”

Kinuha ni Jax ang coat niya. “May pupuntahan lang ako. May tanong sa isip ko at kailangan ko ng sagot.”

Bago pa makapagtanong si Howell ay mabilis na lumabas si Jax ng office. Nang si Howell na lang ang natira ay tiningnan niya ang dokumentong iniwan ni Jax.

He sighed.

Nag-promise ito sa kaniya na sabay nilang lulutasin ang kaso pero hanggang ngayon, late nitong sinasabi sa kaniya ang mga nalalaman nito. Hindi siya mapanatag.

Tiningnan ni Howell ang table ni Jax. Naroroon ang puno’t dulo niyon. Kung malalaman niya kung ano ang laman ng parcel na madalas nitong ma-receive ay malalaman niya rin kung ano ang nangyayari sa kaibigan.

Nagpalinga-linga siya at nang masiguradong wala na si Jax ay tiningnan niya ang lalagyan ng parcel.

Kahit kinakabahan ay binuksan niya iyon. Bahagya siyang napasinghap nang makitang wala na iyong laman.

Napapikit si Howell nang mariin. Malamang ay itinago na ’yon ni Jax sa ibang lugar dahil nag-s-suspetya na siya.

“Mautak ka talaga…” inis na bulong ni Howell sa sarili.

———

REIGN.

“Kinausap ko ’yong coach nila Grey. Hindi na raw talaga siya makakabalik sa team. Kahit against din sila, policy daw kasi iyon. Puntahan mo na lang si Grey sa kanila. Hindi ko rin siya ma-contact, e. I don’t know kung okay lang siya but something that I assure you is he needs you more than anyone and anything. I’ll send you the address.”

Tiningnan ko ulit ang inbox ko at ang huling message pa rin ni Missi ang naroroon. I was expecting Grey’s message pero simula pa kaninang umaga ay hindi na siya nag-text at alam kong ang pagkakatanggal niya sa school soccer team ang dahilan.

Tama si Missi. Kailangan ako ni Grey ngayon. Ako ang may kasalanan kung bakit siya natanggal sa team. Hindi ko alam kung paano ko siya matutulungan pero kailangan niya ako ngayon. Kaya nagpaalam ako kay Detective Howell at ipinaliwanag ang nangyari. Pumayag naman siya dahil naaawa rin siya sa nangyari kay Grey.

Hindi ito pumasok kanina sa klase at nag-aalala ako. At kahit nagkakagulo ang school dahil kay Reese na kapatid pala ni Sir Ivan ay pinipilit nilang ’wag magpaapekto roon pero lahat kami sa room ay tuliro at hindi makausap nang maayos.

Umuwi ako after class pero hindi ako mapanatag. Kaya heto ako ngayon at nasa tapat ng bahay nila Grey. Pumunta agad ako matapos gawin ang narrative report ko.

Hindi ko alam kung kakatok ba ako o hindi. Ni-hindi ko nga alam kung may mukha pa akong maihaharap sa kaniya. He sacrificed his dream for me tapos ako, pinaplano kung paano siya iiwan. Sobrang kapal ng mukha ko. Sobrang sama kong tao.

Lumapit ako sa gate at napansing bahagya itong bukas. Kumunot ang noo ko.

Sumilip ako at nang mapansing walang tao ay pumasok ako sa loob. Kahit na kinakabahan ay naglakad ako papasok sa main door.

Akmang mag-d-door bell ako nang makarinig ako nang sigawan mula sa loob. Lumakas ang tibok ng puso ko nang ma-recognize ko ang boses ni Grey. He sounded as if he was in deep pain and fuming with anger.

I panicked. May kasagutan si Grey at pareho silang galit. Naghanap ako ng pwede kong pagsilipan at nang makita ang bintana sa ’di kalayuan ay dumungaw ako roon.

Nakatagilid si Grey at kaharap ang mommy niya.

“Ma, tama na!” sabi ni Grey. “Hindi n’yo ba napapansin? Sakal na sakal na po ako. Hayaan n’yo na ’kong sumaya!”

“Sumaya?” tanong ng mommy niya. Nanlalaki ang mga mata nito. “Grey, natanggal ka sa soccer team na limang taon mong pinaghirapan dahil lang sa babaeng ’yon! Tapos… tapos masaya ka pa?!”

Napatakip ako ng bibig. Ako ang pinag-aawayan nila.

“What proofs do you need, huh?” his mom followed. “Ano pang kailangang mangyari para ma-realize mong malas ’yong babaeng ’yon! Grey, gumising ka na!”

“Hindi siya malas ma,” sagot ni Grey. Kitang-kita ko na namumuo na ang luha sa mga mata nito. “Pinapasaya n’ya ako—”

“Panandaliang saya lang ’yan, Greysen,” putol sa kaniya ng mommy niya. “Now look at you! Unti-unting nawawala sa ’yo lahat ng pinaghirapan mo. Ang mga kaibigan mo, school ranking mo, ngayon pati sports na mahal na mahal mo at ’wag mong hintayin na pati kami, na pamilya mo, ay mawala sa ’yo. Ni-hindi nga sinasagot ng babaeng ’yon ang mga tawag mo!”

Nakagat ko ang ibabang labi ko. His mom sounded hurt too. She was hurting too.

“Pinagmumukha ka na niyang tanga, kailan mo ba ’yon ma-r-realize? Akala mo ba hindi masakit sa akin bilang ina na alam kong pilit mong ibinibigay lahat ng kaya mong ibigay sa babaeng kahit i-text ka ay ’di magawa? You can’t even sleep properly at night, Greysen!”

Namuo ang luha sa mga mata ko.

I didn’t mean that…

Hindi nakasagot si Grey. Malamang ay maging siya’y na-r-realize na rin iyon.

“She’s sick, mom…” sabi ni Grey. “Kaya… kaya hindi niya nasasagot ang mga text at tawag ko. S-She’s recovering and—”

“Hindi ka tanga, Grey,” his mom cut him off. “Reign doesn’t love you anymore. She’s done with you, she’s done using you!’

“SHE’S NOT USING ME!” sigaw ni Grey na umalingawngaw sa buong lugar.

Sobrang bigat na ng dibdib ko. Hindi ko na maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko habang pinanunuod siyang nagkakaganon.

“She is,” sabi ng mommy ni Grey. “Kung hindi, nasaan siya ngayon? Bakit iniwan ka niya sa ere ngayong wala na sa ’yo ang lahat? Grey, anak, ginagamit ka lang niya. Nandiyaan ka parati para sa kaniya pero ngayon, nasaan siya?”

Umiling si Grey at tumulo ang luha sa mga mata. “Mahal n’ya ako.”

“Kung mahal ka niya, bakit okay lang sa kaniyang nasasaktan ka?”

Dumiin ang pagkakatakip ko sa bibig ko.

“Kung mahal ka niya, bakit ka niya inabandona ngayong miserable ka na at siya na ang masaya?”

Umiling ako at tumulo ang luha mula sa mga mata ko. Hindi iyon ganoon.

“Kung mahal ka niya, bakit—”

Hindi na natapos ng mommy ni Grey ang sasabihin nito nang biglang lumuhod si Grey. Kahit ako ay bahagyang napasinghap.

“G-Grey anong… anong ginagawa mo?” tanong ng mommy niya. “Grey—”

“Ma… tulungan mo ’ko…” Grey said, his voice broke. “Hindi ko po kayang mawala siya. Hindi ko rin kayang mawala ako sa team. Ma… ikaw lang makakatulong sa ’kin. Please po… nagmamakaawa ako…”

Grey…

Tumingala ang mommy ni Grey at pilit na pinipigil ang pagtulo muli ng mga luha nito. Hirap na hirap din itong makita ang anak sa ganoong kalagayan.

“Ma…” Grey utterred. “Isang salita n’yo lang maibabalik po ako ulit sa team. K-Kaya ko rin pong ayusin ang sa amin ni Reign. Hindi niya po ako inabandona. M-May sakit siya lang siya…”

“At ikaw ba, hindi nasasaktan?” his mom asked. Her eyes were glimmering with tears. “Sa sobrang pagmamahal mo sa kaniya nalimutan mong nasasaktan ka rin!”

“,Ma… mahal na mahal ko po si Reign at ang sports ko,” Grey said and bit his lower lip. “Hindi ko po alam anong mangyayari sa ’kin ’pag nawala sila… ma… I’m begging…”

Hindi sumasagot ang mommy ni Grey. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Sobrang hirap na makita siyang ganito. Sobrang sakit.

“Ma…” pagmamakaawa ni Grey.

Tiningnan siya ng mommy niya. She was in deep pain too.

“Alright, I’ll help you.”

My eyes widened, so did Grey. Hope aroused within me, and I knew he felt the same way too.

“Pero sa isang kondisyon,” dagdag nito.

“Ano po?” tanong ni Grey. Desperation was all over his face. “Mom, I’ll do everything—”

“Break up with Reign.”

My lips parted. Pati si Grey ay napanganga. Naramdaman ko rin ang panghihina ng tuhod ko.

“Iwan mo siya,” dagdagan nito.

“N-No,” umiling si Grey at halatang nagulat. Pilit itong ngumiti sa ina. “You’re kidding, right?”

Naluluhang umiling ang mommy niya.

“Ma, hindi pwede,” sabi ni Grey. Nag-crack ang boses niya. “Ma, hindi ko kaya…”

“You have to. Kung gusto mong makabalik sa soccer team, kayang-kaya kitang ibalik pero kailangan mong sundin ang gusto ko,” sabi nito. “You can’t have it both, Grey. Hindi ko hahayaang sirain ng babaeng ’yon ang buhay mo. Magalit ka man sa akin ngayon pero in the future, you’d thank me for doing this.”

Natulala si Grey at muling umagos ang luha sa mga mata. “I can’t…”

“That’s the only way. You sacrifice Reign and get your sports back or you lose both.”

Nanginig ang labi ni Grey at pumikit. Tahimik itong umiyak at ganoon din ako.

“Bakit n’yo ba ako ginaganito…” sabi ni Grey at humagulgol.

Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha. Sobra na rin akong nahihirapan.

“I’m doing this for you,” rinig kong sabi ng mommy ni Grey at hinagkan siya sa ulo. “Maiintindihan mo rin ako.” 

Umalis ito at iniwan si Grey na umiiyak.

“Ma!” maya-maya’y hinabol ito ni Grey. “Ma, hindi ko po kaya. Ma!”

Rinig na rinig ko pa ang paghabol dito ni Grey. Nang mawala na sila sa paningin ko ay nanghihinang napa-upo ako sa gilid. Tinakpan ko ang bibig ko at umiyak nang tahimik.

Sobrang hirap ng kalagayan namin. Sobrang komplikado. Sobrang sakit.

Tila nakisabay ang langit sa damdamin naming dalawa. Ang kanina’y ambon lang ay naging malakas na ulan. Ipinatong ko ang ulo ko sa tuhod ko at doon iniiyak ang lahat.

Nang mahimasmasan ay nakita ko na lang ang sarili kong basang-basa ng ulan at nakatayo sa labas ng bahay nila. Panay ang ring ng phone ko at si Grey ang tumatawag.

Tumingala ako. Tanaw ko siya mula sa bintana ng kwarto niya. Kitang-kita ko siya mula roon. Pabalik-balik siya sa paglakad at ang cellphone ay nasa tainga. Hindi siya mapakali.

Kumulog nang malakas pero hindi man lang ako kumurap. Lalong lumakas ang ulan pero hindi ko iyon iniinda. Kasabay ng pagtulo nito ay ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko.

Tiningnan ko ulit ang phone ko. Ring pa rin nang ring iyon. Kahit namamanhid na ako ay sinagot ko ang tawag at inilapat ang phone sa tainga ko.

“Reign!” biglang sagot ni Grey. “Thank God, you answered!”

Rinig ko ang iyak ni Grey. Nakagat ko ang ibabang labi ko at niloloko ko na lang ang sarili ko kung hindi ko aamining hindi ko siya na-miss.

“Reign, naririnig mo ko ba ’ko? Nandiyan ka, ’di ba?” tanong ni Grey. “Please talk. Kailangan kita ngayon. Please…”

Huminga ako nang malalim at tumingala. Muling namumuo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko kayang makita si Grey sa sitwasyon niya ngayon. Sobrang bigat.

“Reign… please talk…” pagmamakaawa nito. “I need you. Let me hear you…”

Nakagat ko ang labi ko. Sinubukan kong ikalma ang sarili ko pero lalo kong nararamdaman ang kirot dahil sa boses niya.

“Bakit ka napatawag?” tanong ko.

Natahimik si Grey. Rinig ko ang impit na pag-iyak nito.

“Na-miss kita,” Grey said and his voice broke. “Miss na miss na kita.”

Napapikit ako nang mariin. Hindi ko na kaya.

“Miss na miss kita at wala akong magawa kung hindi ang ma-miss ka lang,” he followed. He sounded miserable. He looked miserable. He was miserable.

Napalunok ako at pinipilit na huwag iparinig sa kaniya ang mahinang pag-iyak ko.

“Nasaan ka?” tanong ni Grey. “Pupuntahan kita. Umalis na tayo rito, ayoko na rito. Ayoko na ng buhay na ’to. Umalis na tayo hangga’t… hangga’t may panahon pa.”

“Bakit? Anong mayroon?” tanong ko.

“Ipaliliwanag ko kapag nagkita na tayo. Sobrang against sa atin ng mundo pero lalaban tayo. Hindi tayo pwedeng maghiwalay, hindi ko kaya. Hangga’t may oras pa, hangga’t may chance pa, ilalaban kita Reign. Mahal na mahal kita…”

Napapikit ako nang mariin. Nahihirapan na akong huminga.

“S-Saan naman tayo pupunta?” tanong ko at nanginginig na ang mga labi.

“Hindi ko alam. Anywhere, I don’t mind. Basta kasama kita, kahit saan. May ipon ako, s-sapat naman ’yon. Let’s worry about it after. Fuck it, I’m done with this life. I’m done with everything, umalis na tayo Reign.”

Hindi ako sumagot. Napahawak ako sa dibdib ko. Papatayin ako ng sakit.

“For so long, lagi na lang natin iniintindi kung anong iisipin o mamaramdaman nila. Let’s be selfish this time, hmm?” Grey said and his voice cracked.

“Grey…” bulong ko at impit na ang pag-iyak.

“Sasama ka naman sa ’kin, ’di ba?” tanong niya.

Hindi ako sumagot. Hindi ko alam ang isasagot.

The heaven knew how much I wanted to say yes and leave everything behind. Pero hindi pwede. Hindi maaari. Hindi ngayon.

“’Di ba?” tanong ulit ni Grey.

Tinakpan ko ang cellphone para hindi marinig ni Grey ang paghikbi ko.

“Please say yes…” sabi ni Grey. Umiiyak na rin ito. “Ikaw na lang ang mayroon ako ngayon…”

Huminga ako nang malalim. “Grey, bukas na lang tayo mag-usap. M-matulog na lang tayo.”

“Reign…” He sounded hurt. “H-Hindi mo naiintindihan. Kung… kung hindi natin ’to gagawin, baka… baka hindi na tayo magkita ulit. Reign, please choose me. Come with me.”

I closed my eyes hardly. Lumakas lalo ang ulan at para akong pinapatay ng kirot at sakit.

“Matulog na lang tayo at mag-usap sa school bukas,” sabi ko at napalunok.

“Reign, no, please don’t hang up.”

Nakapatakip ako ng bibig at humagulgol.

“Reign… please…”

“Good night,” I said and my voice broke.

“Reign! No! Reign—”

Pinatay ko ang tawag at umiiyak na tumingala. Nakita ko mula sa anino sa bintana na ibinalibag ni Grey ang phone niya at umupo ito sa sahig.

Humagulgol ako sa gitna ng ulan at mas lalong nanikip ang dibdib.

“I’m sorry…” bulong ko. “I’m sorry, Grey…”

Nang makaipon na ako ng sapat na lakas ng loob ay tiningnan kong muli si Grey.

“Para rin sa ’yo ’to…” bulong ko sa hangin.

Kahit na mabigat sa pakiramdam ay tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papalayo habang basang-basa dahil sa ulan.

Maybe, we are destined to meet but not meant to end up with.

Hindi ko gusto ang lahat ng ito pero ito ang dapat gawin.

Baka nga tama sila. Hindi talaga tayo para sa isa’t isa. Kaya kahit anong pilit natin, nasasaktan lang tayo pareho.

Maybe, we are fighting against the will of the universe kaya kahit anong gawin natin, hindi talaga pwede.

Huminto ako at napahawak sa dibdib ko. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha sa mga mata ko at sa lakas ng ulan.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Prosecutor Jax. Ilang segundo lang ay sumagot ito.

“Tapusin na natin ’to. Gawin na po natin nang matapos na ang lahat,” bungad ko.

“Reign, what do you mean?” tanong ni Prosecutor Jax. “Okay ka lang ba? Nasaan ka?”

“The Project Grey. Gusto n’yong saktan ko siya, ’di ba? You want me to break his heart? Okay, then. Let’s do it.”

“Reign, saglit. Where are you?”

“I’m ready, Prosecutor Jax,” I said.

And with my heart breaking into tiny million pieces, I said, “I’ll break up with him.”

Pinatay ko ang tawag at muling umiyak. Napakahirap.

Akmang maglalakad na ako ulit nang mapahinto ako. May lalaking nakatayo sa ’di kalayuan at nakatingin sa akin.

Nakasuot ito ng puting T-shirt at itim na jogging pants. Nakatsinelas lang ito at nakapayong. Bagsak ang buhok nito at suot ang paboritong bilog na salamin.

“Lyle…” I whispered in the air.

He was staring at me. He was scanning me.

“Missi texted me. Malapit lang ang bahay namin dito kaya pumunta ako kasi baka wala kang dalang payong,” dahilan nito.

He looked worried. He was looking at me softly.

“Reign…” he said. “Are you okay?”

Lalong namuo ang luha sa mga mata ko. Tumango ako at maya-maya’y umiling.

He smiled weakly at me. “It’s okay.”

His face started to become emotional. “Do you want a hug?”

Nakagat ko ang ibabang labi ko at tumango habang patuloy na naluluha.

Lyle smiled painfully at me as he opened his arms.

Without a second doubt, I ran to him like how I ran towards him the night that I was being chased, the night where we first met.

Lyle, like what he did that very night, embraced me in his arms.

Binitawan niya ang payong niya at ngayo’y pareho na kaming basang-basa ng ulan. Lyle wrapped his arms around me and I buried my face on his chest, crying all the pain out.

Lyle patted my head. “It’s gonna be okay. Everything’s gonna be okay.”

Under the heavy rain, I encountered the two most painful love—the one that I can’t have and the one that I can’t reciprocate.

“You have me now…” Lyle whispered to me. “I won’t go anywhere.”

I closed my eyes hardly.

If only I could love Lyle back, I would.

PART FORTY-ONE: The End of Project Grey

THIRD PERSON POV.

“I KNEW IT! MAY TUMAMA RIN SA THEORY KO!”

Umalingawngaw ang boses ni Jax. Ngiting-ngiti ito habang nakatingin sa harap ng malaking screen kasama si Aldrin, ang kaibigan niyang tinutulungan siya sa pag-t-track ng isang bagay.

Ang nasa screen ay ang phone activity ng cellphone ni Detective Hazel na kinuha ng taong pumatay kay Detective Cedrick. Ito rin ang nagpakilala kay Reign bilang ang totoong pumatay kay Miss Jess. Hindi na na-retrieve pa ang cellphone at alam niyang hawak ng salarin iyon.

Kaya simula nang gabing iyon ay ipina-track na iyon ni Jax. Ang huling phone activity nito ay noong gabing naka-usap ito ni Reign. Since then, the phone was turned off. Not until this very morning, the phone was turned on again.

“Gotcha!” sigaw ng lalaki at tuluyan nang natukoy ang exact location nito. Isinulat nito iyon sa papel.

“Sure kang ’yan ang exact location kung nasaan ang phone?” tanong ni Jax. “If makakakuha ako ng proof, tama nga talaga ang theory ko.”

“Oo, brad,” sagot ng lalaki at tinakpan ang ballpen. “The phone was turned off since the night it was stolen. Ngayon, nagkaroon ito ng phone activity at ang sim card network ay nag-connect sa pinakamalapit na cell tower.”

Tumigil ito at iniabot sa kaniya ang papel.

“There you go, buddy. Catch that freak.”

Tiningnan ni Jax ang papel at kumunot ang noo. “Address ’to ng hospital, a. Sinong pupuntahan n’ya roon?”

Biglang nanlaki ang mga mata ni Jax nang may ma-realize.

“Si Hale!” sabi niya at agad na kinuha ang coat niya na nasa malapit na upuan. “Aldrin, can you do me another favor?”

“Basta ba sagot mo ang almusal ng staff ko, walang problema,” sabi nito at ngumiti. “Ano ’yon?”

“I have a plan. Can you track the movement of the phone? Kung kailan ito namatay ulit at anong oras nawala sa ospital, I need the details.”

“Sure, buddy,” sagot nito. “At your service.”

“Salamat,” sagot ni Jax at tinapik ito sa balikat. “Ako na bahala sa almusal ng staff mo.”

Ngumiti ito sa kaniya. “Noted ’yan, Scott. Hurry up, gumagalaw ang phone.”

Jax looked at the screen one more time before he stormed out of the room. The next thing he knew, sumakay na siya ng kotse at madaling-madali sa pagpunta sa ospital.

Ito ang pinagkaka-abalahan niya lately. He was doing all sort of things to solve the crime as soon as possible. Marami nang namatay at marami nang nasasaktan. Dapat lang na matapos na ito.

Kaya malaking tulong ang serbisyo ni Aldrin para sa kaniya. College friend niya ito na nag-drop out dahil hindi na kayang tustusan ang pag-aaral. Pero dahil mahilig ito sa mga technology-related na trabaho, nakapasok ito sa underground. Kumikita ito kapag may nagpapa-track.

Saktong pagbaba ni Jax ng kotse ay naka-receive siya ng tawag mula kay Aldrin.

“Wala na, brad. Patay na ang cellphone. Hindi ko alam kung nasa loob pa ba siya o hindi.”

Ngumisi si Jax. “It’s okay. Hindi pa tapos ang laban.”

Matapos nilang mag-usap ay dumiretso si Jax sa security office ng ospital.

Nahulaan na niyang one of these days ay may magtatangkang tumapos ulit kay Hale Parker. Wala na si Detective Hazel at si Detective Cedrick. Wala na rin ang presong nagtangka kay Hale at ang pamilya nito. Wala nang nakakikilala sa kaniya maliban kay Hale. Si Hale na lang ang tinik sa lalamunan nito.

Kaya hindi nakapagtatakang nasa ospital ito ngayon. Malakas ang kutob ni Jax na pinag-aaralan na nito kung paano tatapusin si Hale. Last time that he tried to kill him, the killer didn’t suceed. Mabilis na naagapan kung ano man ang itinurok nito kay Hale at nakakatawa pa ngang si Grey ang napagbintangan.

Kaya naman natuto na sila. Sobrang higpit ng security ni Hale kaya ngayon pa lang ay napapangisi na si Jax. Malamang ay stressed na stressed na kung sino man ang killer dahil hindi nito magalaw si Hale. Once magising ito ay tapos na siya.

“Kumusta si Hale, officer?” tanong ni Jax habang papasok ng security room.

“Same old, Prosecutor. Wala pa ring malay.”

Nagpasalamat siya rito at humarap sa CCTV footage ng pasilyo kung saan naroroon ang kwarto ni Hale.

Tama nga ang hula niya. May isang taong pabalik-balik sa floor na iyon. Naka-hoodie ito at tagung-tago ang mukha. Tiningnan niya ang ibang footage pero hindi talaga makita ang mukha nito.

“Pwede pa-rewind po niyan?” tanong ni Jax sa isang security personnel. Ni-rewind ng lalaki ang CCTV footage.

“Stop!” sabi ni Jax. “Can we zoom that?”

Tumango ang lalaki. He zoomed it.

“I’m sorry, Mr. Scott,” sabi ng head ng security team ng ospital. “Mukhang nakatakas nanaman siya.”

“No,” sagot ni Jax at titig na titig sa footage. “We got the killer this time.”

Kumunot ang noo ng lalaki. “Paano?”

“We got the biggest clue, Sir,” sagot ni Jax at itinuro ang screen.

Tiningnan iyon ng lalaki at nanlaki ang mga mata nito.

“Sa footage ay makikitang tumingala siya at naghahanap ng camera. Malamang ay pinag-aaralan niya kung anu-anong parte ang sakop ng camera at anong parte ang safe zone niya, at doon siya nagkamali,” sabi ni Jax. “We got the lead.”

Itinuro ni Jax ang leeg ng nakatingalang tao sa footage at kita ang adam’s apple nito.

Jax smirked. “Lalaki ang pumapatay…”

Halos isang oras ang makalipas ay si Howell naman ang kaharap ni Jax. Nasa loob sila ng office at ikinuwento niya ang lahat dito.

“So you’re telling me that this guy,” itinuro nito ang footage sa screen. “Siya mismo ang killer?”

“Hindi pa ako ganoon kasigurado pero I am confident to say that he could be. Kaunting investigation pa and I can say that he is,” Jax answered.

“Look,” sabi ni Howell. “As I know, mayaman at makapangyarihan ang gumagawa nito. Do you think siya mismo ang pupunta sa ospital to plan his second attack? Didn’t you even think that maybe, this man is a decoy? Na inutusan lang din niya ’to?”

“I know, naisip ko rin ’yan. But come to think of this,” sabi ni Jax at mula sa pagkakatayo ay umupo sa tapat niya. “After Hazel’s phone was stolen and turned off for weeks, ngayon na lang ulit ito nagkaroon ng phone activity. Binuksan ulit ’yon for some reason at nasa ospital ang may hawak. For sure, nasa lalaking ’yan ang cellphone.”

“And?” Howell asked, unconvinced.

“’Di ba, iyon ang ginamit ng killer para kausapin si Reign at umamin na siya mismo ang mastermind ng lahat? Iyon ang matibay na ebidensiya na siya ang nag-utos kay Cedrick para maging spy at patayin si Hazel. Iyon din ang makakapagturo na siya ang umamin kay Reign at siya ang nagtangka kay Hale. Napakaimportanteng ebidensiya niyon kaya hinding-hindi mo ipagkakatiwala ’yon kahit na kanino. With that strong evidence in your hands, you either destroy it or keep it with you all the time. Guess what? Nasa lalaki mismo ang cellphone. Posibleng siya ang mastermind. Circumstantial evidence it is, Howell. Strong point.”

Hindi kumibo si Howell. Jax made a strong analysis of the situation.

“So what now?” Howell asked when he finally agreed with Jax. “What do we conclude?”

“In conclusion, Miss Jess didn’t commit suicide. She was murdered that night,” Jax said.

“About that…” sabi ni Howell at may inilapag na flashdrive. “Ininterview ko ang family ni Jess two days ago. They gave me the permission to review their family registry too. Hundred per cent sure na si Miss Jess ang nakalibing based on the footage at na-autopsy pa siya, nasa atin ang report.”

Tumangu-tango si Jax.

“Nag-iisang panganay din siya at walang kakambal. Hindi rin siya ampon whatsoever. Crossed out na ang theory na si Miss Jess ang pumapatay o naghihiganti ang kakambal niya dahil walang ganoon.”

“Nice job,” sabi ni Jax at naglapag din ng flashdrive. “Noong isang araw, na-receive ko ang text logs ng phone ni Miss Jess. Nandiyan lahat. Nalaman kong may lakad pa sana siya after the party. May text nang text sa kaniya noong gabing iyon based sa text logs. Nang tawagan ko kahapon ay cake shop iyon. She ordered one to suprise his sibling for being an academic awardee. P-Pick-up-in n’ya dapat iyon bago siya umuwi.”

“Then that means… wala talaga siyang planong tapusin ang sarili niya that night?”

“Yes, I think wala. May plano pa siya after the party kaya imposible. Remember, exclusive for students lang ang party na ’yon pero bakit n’ya nalaman ’yon? Even Ivan Gliponeo, the well-loved teacher in 12th grade, wasn’t informed about the party. It seems like she was lured to go there.”

“By the students?” Howell asked.

“No, I think not by the students.”

“What do you mean?” tanong ni Howell. Kahit siya ay gulung-gulo na.

“Party for students ’yon. Kaya kapag may nangyari, sila-sila ring students ang sisisihin. What if ’yong thought na ’yan ang mayroon ang killer that night? She lured her to the party and killed her there so the blame would be on the students, leaving the possible suspect out of the picture?”

“Jax…” Howell’s eyes widened. “Don’t tell me…”

“Yes, Howell,” Jax cut him off. “I think class 12-A is innocent.”

Howell’s lips parted. Napahawak siya sa braso niya. Ramdam niya ang pagtayo ng mga balahibo niya. Kung takot ba iyon o pagkamangha, hindi na niya alam.

“Sobrang daming labas-pasok sa bahay nila Hale that night. May mga outsider pa. Nagkakasiyahan ang lahat, may mga uminom pa ng alak kahit bawal. The place was dark, party lights lang ang liwanag. It’s possible that the killer sneaked in and no one ever noticed it.”

“That’s right,” sang-ayon ni Howell. “Natatandaan mo ’yong part na napagbintangan ko si Grey dati na siya ’yong nagturok ng kung ano man kay Hale pero lahat pala ng 12-A ay naroroon sa ospital? The killer has been using them as the distraction. Kung ginawa na niya iyon that time, maaaring ganoon din ang ginawa niya noon sa party. Lalo na’t ang focus natin—ng publiko—ng lahat—ay nasa mga batang ’yon.”

“Exactly,” sabi ni Jax. “If you observed their faces that night sa hospital, they were all confused. They may be brats, bitchy, happy-go-lucky, spoiled kids, or what-not but I believe they cannot kill. The killer used their feud with Miss Jess to make it looks like they can.”

“’Yong narrative report ni Reign,” Howell said. “Nabasa mo ba? Based sa analysis niya, they’re all immature to commit such crime.”

Tumango si Jax. “Isa pa ’yon. She’s telling us na isa-isang na-r-reveal ang sikreto ng bawat isa sa kanila. Kung naroroon ang killer, hindi niya gagawin ’yon. Ang mga sikreto na ’yon na alam ni Miss Jess ang dahilan kung ba’t sila naging suspect. We first concluded that someone killed her because she knows too much, am I right?”

Howell nodded.

“Now, kung nasa kanila ang killer given that logic, hindi dapat mabunyag ang mga sikreto na ’yon. The more it stays as a secret, the harder it is for us to know their motive. Revealing those secrets will narrow down our suspects dahil kung sino ang matitira, siya ang gumagawa. Eh, ’di mas lalo siyang nahuli? Kung pati sarili niyang secret ay i-r-reveal niya, that doesn’t sit right with me. That secret was the reason why that person killed Jess and now i-r-reveal lang niya? It doesn’t add up.”

Napahawak na si Howell sa buhok niya. Katahimikan ang bumalot sa kanila hanggang sa nagsalita siya. “Do you think inosente talaga sila? Na all along, biktima din pala sila?”

“I think so. For now, I believe so,” Jax answered.

Tumangu-tango si Howell. “All right. I’ll focus on that angle too.”

Ngumiti si Jax. “Thanks, man. Mukhang malapit na nating ma-solve ’to.”

Tumayo si Jax at kinuha ang flashdrive na ipinatong ni Howell sa table.

“Mag-aalmusal muna ako. May ipabibili ka ba?”

“Pancit lang,” sagot ni Howell.

Ngumisi lang si Jax at akmang lalabas na nang may maalala. “Ah, bago ko malimutan. Pakisabi kay Reign postponed muna ang Project Grey until further noticed.”

“Pero ready na siyang tapusin ’yon,” angal ni Howell.

“Did you hear her cries last night? She was hurting all because of the project that you made.”

“And you agreed to it.”

“Because I was desperate. Ininform mo na lang ako kung kailan sila na, ano pang magagawa ko?” tanong ni Jax. “Reign’s only mission was to observe them and report everything by night. Hindi niya misyon ang hulihin ang killer, tayo ang may trabaho n’un.”

“What did I do wrong, Scott?” Howell asked.

“You gave her a mission to reciprocate Grey’s affection. Obvious sa narrative reports niya na attracted siya kay Grey pero nagpipigil siya pero binigyan mo siya ng go signal to put her guards down. Ikaw pa nagsabing i-pursue niya ang romantic relationship nila to know Grey better and unveil what happened two years ago. Now look at her, devastated as hell.”

“What do you expect me to do? Sobrang busy mo sa pag-uurong ng date ng kaso at pagproprotekta ng identity ni Reign kaya ’di mo na siya halos nakakausap. Hayaan mo, ako bahala kay Reign. Medyo na-g-guilty nga ako pero wala e, trabaho e.”

“Sad boy ka na niyan?” tanong ni Jax at tumawa. “Tell her to postpone Project Grey. I’ll find a way to totally cancel it, now that we have a strong point that 12-A students could be innocent. If that’s the case, hindi na natin kailangang alamin ang nangyari two years ago.”

“What if may makuha tayong ebidensiya na nasa kanila pala talaga?” tanong ni Howell.

“Pag-aaralan ko itong mabuti. Kung nasa kanila, we’ll proceed with the project as planned. But for now, we can’t hurt them for something that we aren’t sure. We can’t afford more casualties, Howell.”

Ngumiti si Jax.

“Give Reign a call,” he said. “Our brave agent needs a break.”

———

REIGN.

“Pinag-t-trip-an ba ’ko ng magkaibigan na ’to?”

Napabuntong-hininga ako nang malalim at umupo sa kama ko. Nagising ako sa tawag ni Detective Howell at ang sabi, postponed daw muna ang Project Grey. I can interact with Grey again without worrying about the mission. Ang mission ko lang daw ay obserbahan ang 12-A and with our desperation to expedite the case, we went overboard.

He assured me na gumagawa ng paraaan si Prosecutor Jax para tuluyan nang i-cancel ang Project Grey. Naiintindihan ko naman sila. Lahat ng anggulo ay titingnan nila kaya nga nila ako pinasok sa West Carson High.

Tao lang din ako. I have my biases and downfall. I get attached too, pero alam ko ang trabaho ko. Alam ko ang limitation ko. When they said I need to be careful around Lyle, I did. When they instructed me to tell them everything, gaya ng sikreto ni Nash na wala akong karapatang i-out siya, ginawa ko. Noong sinabihan nila akong i-take advantage ang feelings ni Grey sa ’kin and let the romance as it is, I did. Now, if they want me to break up with him, I would too.

Iyon naman ang isa pang rason kung bakit ako naririto. Walang perpektong plano kaya ako ang trial and error card nila. I agreed to it, I’m getting paid to do it.

I sighed again. Tiningnan ko ang phone ko at may mga missed calls si Grey kagabi. Should I call him after what I did last night? Sobrang awkward.

Tumayo ako para tawagan si Grey. Nakakailang ring pa lang ay halos mapatili ako dahil may naapakan akong paa. Napatakip ako ng bibig nang may makita akong nakahiga sa lapag. Balot na balot ito ng kumot.

“Ano ’to?” tanong ko sa sarili.

Ako lang naman ang mag-isang nakatira rito?!

Kinakabahang nilapitan ko ito. Nakasuot ito ng jogging pants at…

Napasinghap ako nang umunat ito at lumitaw ang flat nitong tiyan.

Mukhang napasok ako ng magnanakaw at nakitulog pa. Ang kapal ng mukha.

Dahan-dahan kong kinuha ang dustpan sa gilid at hinawakan iyon nang maigi.

Nilapitan ko ang natutulog sa sahig at unti-unting tinatanggal ang kumot sa mukha nito.

3… 2… 1…

Pumikit ako nang mariin at akmang hahampasin na ito.

“What… are you doing?”

Napadilat ako nang marinig ko ang pamilyar na boses. Gising na ito at nakatitig sa akin. Gulu-gulo ang itim nitong buhok, at namumula ang pisngi at tainga. Namumungay din ang mga mata nito at blangko ang mukha.

“L-Lyle?” nanlalaki ang mga mata kong tanong.

Napatingin ako sa mukha niya paibaba sa leeg niya. Kitang-kita ang adam’s apple niya. My eyes lowered more.

He was topless!

Sobrang puti ng katawan niya at marami siyang nunal sa dibdib. Flat na flat ang tiyan nito. May abs pero hindi ganoong ka-visible. He looked soft and dreamy.

Nanlaki bigla ang mga mata ko. Ba’t ko siya i-ni-inspeksiyon???

“Bakit ka nandito?!” tanong ko at nagtaas ng boses. “B-Bakit ka nakahubad??”

Inambahan ko siya ng dust pan dahil akmang tatayo siya. Lyle sat back. Kinamot niya ang leeg niya at humikab.

“Tinatanong kita,” sabi ko at napalunok. “M-May ginawa ka ba…?”

Lyle looked at me. He looked sleepy. “Wala kang naaalala?”

“Na ano?” tanong ko kaagad.

My eyes landed on the slippers near the door. Iyon ang suot ni Lyle kagabi.

Wait… kagabi…?

What happened last night flashed back on my mind. Mula sa pag-aaway ni Grey at ng mommy niya, pag-uusap namin ni Grey, at pagdating ni Lyle habang umuulan.

“Inihatid kita rito, basang-basa ka at tulala lang,” sabi ni Lyle. “You changed your clothes and then you slept. Hindi mo man lang alam na kasama mo ’ko. Sabi mo pahihiramin mo ’ko ng damit kasi basang-basa ako pero you forgot that you were with me. After changing your clothes, you went out of the bathroom like a zombie and slept on your bed as if you were in coma.”

Unting-unti kong binitawan ang hawak kong dust pan.  

“I was worried that’s why I stayed. You were out of yourself and you may do something stupid in the middle of the night.”

Hindi ako nagsalita. I looked away.

“Okay na?” tanong ni Lyle.

“N-Natulog kang basa ang damit mo?” guilty kong tanong at tiningnan siya ulit.

“Why, are you worried?” tanong ni Lyle.

He was sitting on the floor. Ang kumot naman ay nakatakip sa ibabang bahagi niya. Buti na lang ay hindi ako nag-speaker mode noong kausap ko si Detective Howell sa cellphone at puro lang ako ‘noted po’.

“Sino bang hindi?” tanong ko pabalik. “Baka lagnatin ka ulit.”

Lyle smiled at me. “Don’t worry, pinatuyo ko ’yong jogging pants ko gamit ang hair dryer mo.”

“Pinatuyo mo overnight?” tanong ko. “Sorry, wala akong clothes dryer dito. Nagpapa-laundry lang kasi ako sa laundry shop sa tapat.”

“Not overnight,” sagot ni Lyle. “Manipis lang naman ’to kaya mabilis ding natuyo. Inaantok na rin ako kaya hindi ko na napatuyo ’yong shirt and underwear ko.”

“UNDERWEAR?!” my eyes widened. “W-Wala kang suot underneath?”

Kalmadong tumango si Lyle. Inaantok pa ang hitsura nito.

Bumaba ang tingin ko sa ibaba ng tiyan niya at agad niyang tinakpan iyon ng unan.

“What are you doing? Stop staring at it,” he said.

“I-I’m not staring at it,” defensive kong sabi.

“You do. I said STOP staring at it,” ulit niya. Lalong namula ang tainga nito.

Tumalikod ako at bahagyang napailing. “Pumunta ka sa CR. Pahihiramin kita ng jogging pants at shirt. Baka maiksi at masikip sa ’yo ’yong pants kasi matangkad ka kaya baka… you know… may ano… may bumakat—”

Napahinto ako. WHAT.

“May ano?” tanong ni Lyle.

“Wala,” sagot ko at napakagat ng dila, pinipigil ang pagtawa. “I mean… may oversized shirts naman ako kaya matatakpan naman, don’t worry.”

“You think it’s funny?” I heard him asked.

“’Di ah,” sagot ko at nagtakip ng bibig.

Hindi ko na kaya, matatawa na talaga ako. Bakit ko ba sinabi ’yon? Nasa isip ko lang dapat ’yon!

Narinig ko siyang tumayo at lumingon ako. Nagtama ang paningin namin at agad niyang tinakpan ang ibaba niya.

“Nang-iinis ka ba?” tanong niya.

Umiling lang ako at tumalikod ulit. Ang sarap niyang asarin.

In a snap, suot na ni Lyle ang mga ibinigay ko. ’Yong oversized kong T-Shirt ay sakto lang sa kaniya. Kung ako ang nagsuot niyan ay malamang nagmukha na akong saranggola. Dalang-dala ni Lyle ang suot niya. Ang attractive niyang tingnan kahit napakasimple lang ng mga ibinigay ko.

I suddenly remembered what I said last night.

If only I could love Lyle back, I would.

Kung hindi ako napagsabihan ni Prosecutor Jax about Lyle at kung hindi kami nag-away umpisa pa lang, would things turn out different?

“Get ready,” Lyle then said while looking at himself at the mirror. Nag-aayos ito dahil uuwi na. “Mamaya na ang colloquium.”

Tumango ako. “Prepared ako. Baka buhatin pa kita.”

Lyle smiled, I did too. We were smiling at each other through the mirror.

“May electrical tape ka?” tanong niya.

“Meron,” sabi ko at kinuha iyon. Ini-abot ko iyon sa kaniya.

Lyle took it and applied some on the shirt. He covered its logo. Napansin niyang nakatingin pa rin ako sa kaniya.

“I am censoring the logo because I’m endorsing its rival brand,” sabi ni Lyle. “Mahirap na.”

Tumangu-tango ako. “Model ka nga pala.”

Kinuha ni Lyle ang phone niya at ang paper bag na may laman ng mga damit niya.

“Thanks, Harriett. See you at school.”

“See you,” sagot ko.

Akmang aalis na ito nang mag-ring ang phone niya. He answered it. I was observing Lyle while he was on the phone call. Sobrang seryoso ng mukha nito at hindi ko mabasa.

“Reign, go to school. Your friends need you,” he told me right after the call.

“Bakit?” taka kong tanong. “May nangyari ba?”

“About Reese…” he started. His face seemed worried.

Mabilis akong kinabahan. Napatawag si Reese kahapon sa Student Affairs tungkol sa tatay niya.

“Anong mayroon sa kaniya?” tanong ko.

Lyle gulped. He seemed hesitant. He met my eyes.

“She was kicked out.”

In a snap, hinihingal na narating ko ang room. Nagkakagulo ang ilan at nakita ko si Missi, Nash, at Levi na aligaga.

“Reign!” sigaw ni Nash. Tumingin sila sa akin at si Nash naman ay lumapit. “Nagsabi ba sa ’yo si Reese?”

Umiling ako. “Wala ba siyang sinabihang iba?”

“Wala,” sagot ni Levi. “Wala na rin si Sir Ivan. Nag-submit ng immediate resignation kanina.”

Napanganga ako. Ang bigat.

“Teka, pupuntahan ko sa bahay nila. Baka nandoon pa,” sabi ni Levi at kinuha ang susi ng kotse niya mula sa bag niya.

“Sama ako,” sabi ni Nash.

“No, you stay here,” sabi ni Levi at naglikot ang mga mata. “Lyle, busy ka ba?”

Tumingin ako sa pinto. Bagong dating din si Lyle. Umiling ito.

“Good. Tara, samahan mo ’ko kila Reese,” sabi ni Levi. “I’ll tell you what happened habang nasa biyahe.”

Nilapitan niya ito at tinapik sa balikat bago lumabas ng room.

Lyle’s face was blank. He looked at me before coming with Levi.

Napa-upo ako sa gilid ng upuan. Reese may be the war freak of the class but she was the mood maker. Halatang lahat kami ay nag-aalala sa kaniya.

Reese’s father was detained. May usap-usapan ngang hindi na ito makakalaya pa. Inamin ni Reese na alam niya ang ginagawa ng daddy niya. At dahil kalat na taga West Carson High siya, she was expelled for not upholding the school’s virtues and core values.

Nalaman din ng school ang relasyon ni Sir Ivan kay Reese at sa tatay nito. May meeting pa ang school committee tungkol sa kaniya pero nag-immediate resignation na siya para matapos na.

Nangyari ang huling meeting kay Reese at ang pagkaka-kick out sa kaniya kaninang umaga kung kailan wala kami sa school. Sinadya nilang wala kami.

Kung hindi pa nga nalaman ni Braelyn, na maagang pumasok dahil isa siya sa nag-aayos para sa colloquium, ay hindi pa namin malalaman.

“Nasa school pa siya for sure,” sabi ni Missi. “Nasa locker pa ’yong gamit niya. Kaya—”

“Wala na sa locker,” sabi ni Braelyn at pumasok sa room. “Malamang ngayon niya lang kinuha. Nasa school pa siya for sure.”

“Great!” sabi ni Missi. “Maghiwa-hiwalay tayong tatlo nila Reign para maghanap. Mag-chat kayo sa GC ’pag nakita n’yo s’ya. Nash, ikaw bahala sa room in case pumunta s’ya rito, okay? Hindi pwedeng basta-basta na lang mawala ang bruha na ’yon.”

“Should we tell Grey?” tanong ni Braelyn.

Napatingin kami sa kaniya.

“No, ’wag muna,” sabi ni Missi.

“Pero class president siya. He needs to know,” rason ni Braelyn.

“I know pero hindi naman natin ililihim sa kaniya. Malalaman din niya ’pag pasok niya but not now, not this time. Nasa hospital si Grey, baka ma-distract ’yon at magmadaling pumunta rito.”

“Hospital?” nag-aalala kong tanong. “Bakit? May sakit ba siya?”

“No, sinamahan n’ya ate n’yang magpa-check up. I think she’s pregnant,” sagot ni Missi. “Don’t distract him, Grey has enough problems to worry. At least give him that moment.”

“Sino bang may kasalanan kung bakit nagkakaganiyan si Grey ngayon?” tanong ni Braelyn at tumingin sa akin bago ito lumabas. “Ako na ang bahala maghanap sa field.”

Nang iwanan kami ni Braelyn ay umirap si Missi. “That’s why we need Reese here, Reign. Walang sasampal sa gaya ni Braelyn at Everleigh just in case.”

“Totoo naman ’yong sinabi niya,” sagot ko at malungkot na ngumiti. “Ako naman ang may kasalanan.”

“You know what, save the drama for later. Ako na ang bahala maghanap sa building, ikaw sa ground. Okay?”

Tumango ako.

Ilang minuto na naming hinanap si Reese pero hindi namin ito makita. Kung saan-saan na ako pumunta pero wala pa rin. Hanggang sa bigla kong naisip ang paborito nitong lugar—ang likod ng main building.

At hindi nga ako nagkakamali. Nakarinig ako ng mga boses mula roon. Parang nag-aaway ang mga ito. Nang silipin ko ay sila Reese at Everleigh iyon.

Nagtago ako. Tanaw na tanaw ko sila at ang matalim na tingin nila sa isa’t isa.

“Kaya ’wag ka nang lalapit pa sa ’kin o sa pamilya ko,” banta rito ni Reese. “Alam mo na ang mangyayari.”

“You should’ve told me,” sabi ni Everleigh. “Kung sinabi mo lang sa ’kin na magkapatid kayo ni Ivan, maybe we’re still friends by now.”

Wait. Ito na nga ba ang dahilan kung bakit hindi na sila magkaibigan ngayon? Pero ano iyon? Anong nangyari?

I turned on my pen recorder.

“Tell you? Then what? Use my secret against me? Kilalang-kilala kita, Everleigh. Itim ang budhi mo.”

“I can keep your secret if you trusted me,” Everleigh said.

Reese smirked. “I don’t need your protection. Protect me or not, hindi ko pa ring gugustuhin na maging kaibigan ka matapos kong malaman ’yon.”

Everleigh was taken aback.

Humakbang papalapit si Reese kay Everleigh pero si Everleigh ay hindi nagpatinag.

“Ayaw sa ’yo ng kuya ko. You blackmailed her, you pathetic piece of shit. Ayaw n’ya sa ’yo pero pinipilit mo siya. Now, an evidence tells that you had a relationship with him. Kahit ang totoo, para sa ’yo lang ’yon. Never inisip ni Ivan na naging kayo. It wasn’t even a date for him. He feels nothing but disgust towards you. Nakakadiri ka.”

My eyes widened. Napatakip ako ng bibig.

“Now, I’m warning you,” Reese said sharply. “Kapag hindi mo nilubayan ang kuya ko, ako na ang makakalaban mo. No one can use my secrets against me anymore. I have nothing to lose now pero ikaw, marami. Once I open my mouth, you’re done. You’re gone.”

Inilapit ni Reese ang mukha niya sa mukha ni Everleigh at itinulak ito gamit ang daliri niya.

“Try me, bitch.”

———

“Ba’t ang tagal mo?” tanong ni Ivan nang buksan ni Reese ang kotse at umupo sa passenger’s seat.

“May inayos lang,” sagot ni Reese. Tiningnan niya si Ivan.

Hindi katulad dati na parati itong naka-coat, ngayon ay puting T-Shirt lang ang suot nito na naka-tuck in sa suot nitong jeans. Nakasuot din ito ng itim na sunglasses.

“Ayaw mo ba talaga magpaalam sa mga kaklase mo? Sa probinsiya tayo uuwi, sa side ni mama. Baka hindi mo na sila makita pa,” sabi ni Ivan.

“Same reason kung ba’t ka nag-immediate resignation,” sabi ni Reese. “Ayaw ko ng drama.”

Pareho silang natawa.

“Ano nang mangyayari sa section? May bago ba silang adviser?” tanong ni Reese.

“Siguro pero temporary lang,” sabi ni Ivan. “Ayoko na silang isipin. Masiyadong magulo.”

Pareho silang natahimik. Wala nang malapit na relative si Reese kung hindi si Ivan na lang. Kinumbinsi siya ng daddy niya na sumama rito at kapag okay na ang lahat ay kukuhanin siya ulit. Iyon na lang ang pinanghahawakan niya.

“Hindi mo ba sila ma-m-miss?” tanong ni Ivan.

Reese sighed. “Ma-m-miss. Pero wala akong mukhang maihaharap sa kanila ngayon. Tsaka, may kaaway ako sa ibang section, ngayong powerless na ’ko, baka madamay sila. Tsaka na. Ikaw ba?”

Umiling si Ivan. “Ikaw lang naman ang dahilan kung ba’t ako pumasok sa West Carson High. Ikaw lang ang lrason kung ba’t ko gustong hawakan ang 12-A. I wanted to protect you. Now that you’re out, I’m out too. I wanna be a brother to you this time, Reese. I mean it.”

Reese looked at the window. Hindi pa rin siya sanay na bumalik na ang kuya niya.

“Well, eighteen naman na ako next month. Legal age na, pwede na ako umalis sa poder mo.”

“Kung makakaalis ka,” sagot ni Ivan.

Tiningnan niya ito at natawa sila nang bahagya.

Just then, the car finally moved, leaving West Carson High and all their traumatic memories behind.

———

REIGN.

Sa buong klase ay tulala lang ako. Lahat kami sa room ay tuliro at hindi nagsasalita. Bumalik si Levi at Lyle at sabi’y wala na raw sila Reese sa kanila. Nakapag-impake na raw ang mga ito.

Wala si Grey at Everleigh sa klase. Wala na rin si Reese at Sir Ivan. Kailan ba ulit kami nagkaroon nang maayos na klase? Kahit nagkakagulo sa school ay parang walang pakialam ang mga namamahala. Bulag at bingi sila sa mga nangyayari. Tuloy pa rin ang colloquium.

Nag-CR ako para maghimalos. Kailangan ko ring tawagan si Prosecutor Jax at sabihin ang nalaman ko tungkol kay Everleigh at Sir Ivan. Hindi ko kasi siya ma-contact kanina. I was about to call him but Grey was calling. I answered it.

“Hello?” bungad ko. Pero sobrang tahimik ng kabilang linya. “Hello, Grey?”

“H-Hello,” sagot ni Grey sa kabilang linya. “I’m sorry, I thought hindi mo sasagutin. Teka, na-b-blangko ako.”

He sounded happy. Mukhang hindi pa rin nito alam ng tungkol kay Reese.

“Hindi ka ba papasok?” tanong ko.

“Why? Are you waiting for me?”

Tumango ako. “Oo.”

“Really?” Grey asked. He sounded excited. “Hindi mo na ako iiwasan?”

“Tapos na mood swings ko. There’s no need for that anymore,” I said. “Gusto mo bang… sabay tayong kumain after ng colloquium?”

Natahimik si Grey. Maya-maya’y nagsalita ito. “ Oh God, thank You for this answered prayer.“

I bit my lower lip. Sobrang saya niya at ang sarap nitong pakinggan.

“Sure, sabay tayo. I’ll go straight to the school after this. Gusto ko na kitang makita at

mayakap

ulit,“ Grey followed. “I love you, Reign.”

Hindi ako sumagot.

“I said I love you. Won’t you answer it?” he asked.

“I will answer it once you’re here,” sabi ko. “Gusto ko iparinig sa ’yo nang harapan.”

I heard Grey chuckled. Lalo akong napangiti. Nawala ang ngiti ko nang biglang mag-notify ang text ni Prosecutor Jax. Kailangan daw naming mag-usap.

“Grey, nandito na si ma’am,” pagsisinungaling ko.

“Okay lang. See you, then,” sabi niya.

“See you,” sagot ko.

Right after he hung up, I answered Prosecutor Jax’s call.

“Prosecutor, listen,” bungad ko. “Wala na si Reese, na-kick out na siya. Nag-resign na rin si Sir Ivan. Na-record ko ang pag-uusap ni Reese at Everleigh, nalaman kong si Everleigh pala at si Sir Ivan ay—”

“Ay ano?”

Kumunot ang noo. It wasn’t Prosecutor Jax’s voice. Boses iyon ng babae.

“Si Ivan at ako ay ano?”

My eyes grew bigger when I recognized her.

“Everleigh…?”

Humalakhak ito. “Surprise…”

Nanlambot ng tuhod ko. Napahawak ako sa sink at halos takasan ng bait.

“B-Bakit hawak mo ang phone ni—”

“Go to the annex gate and you’ll see a black car waiting for you outside,” Everleigh said. “You have five minutes.”

“Pero—”

She hung up.

Anong nangyayari?

Mabilis akong tumakbo papunta roon at kinakabahan. Nang makalabas ako sa annex gate ay naroroon nga ang itim na kotse. Kumakalabog man ang dibdib ay lumapit ako. Kinatok ko ang bintana at bumukas iyon.

Detective Howell was on the driver’s seat and Prosecutor Jax was sitting beside him. Nakatulala si Prosecutor Jax sa kawalan at si Detective Howell ay pilit ang ngiti at kumaway sa akin.

“Ano pong nangyayari?” naguguluhan kong tanong.

Doon bumukas ang bintana ng back seat. Grey’s mom was there and sitting right beside her was Everleigh.

Confusion swallowed me. What’s going on?

“Hi, Undercover 092,” Everleigh said with a smirk. “How are you?”

My eyes widened and my lips parted. Napatingin ako kay Prosecutor Jax. He met my eyes and sighed.

“I’m sorry, Reign…” he said. “I’m really sorry.”

The research colloquium started.

Napakaraming estudyante ang nanonood. Lahat din ng teachers ay naroroon. Lyle was wearing a formal attire and was standing right beside me.

Bumukas ang pinto. Grey finally came. He looked at us, he seemed proud and excited.

“You may start,” sabi ng research teacher namin.

Lyle gave me the mic. Ako ang sa introduction.

“Good luck,” Lyle whispered. I didn’t answer.

I faced the crowd with an emotionless face. I stood firm.

“Good morning, everyone. Thank you for being here. I am Reign Harriett of Class 12-A, known as the girlfriend of The Crow’s former Team Captain, Greysen Finch.”

Umugong ang bulungan. Kita ko ang pagkunot ng noo ng mga teachers at rinig ko ang hiyawan ng ilang estudyante.

“And before anything else, I would like each and everyone of you to be the witness of today’s special announcement.”

Lumakas ang bulungan.

“Grey…” I started and stared at him.

When I saw Grey smiling at me despite being confused, I lost it. Tears started to build up in my eyes.

“Let’s break up.”

PART FORTY-TWO: Lyle and Braelyn

“Grey, dito!”

Napalingon ako. Iyong pangalan na iyon ang iniiwasan kong marinig.

Kasalukuyan akong nasa loob ng canteen at kumakain. Hindi kagaya noon na marami akong kasama sa table at masayang nakikipag-usap, ngayo’y ako na lang ang mag-isa sa buong hilera. Walang kumakausap. Walang pumapansin.

Tiningnan ko kung sino ang tumawag kay Grey. It was Braelyn. Magkatabi itong kumakain kasama sila Missi, Levi, Nash, at Everleigh sa iisang table. They were chitchatting and laughing. Grey was even smiling while listening to them.

Ngumiti ako nang malungkot nang makitang masaya na siya.

“Good for him…” bulong ko sa sarili.

Just then, Grey looked at my direction and our eyes met. I immediately looked away.

I closed my eyes. I deserve this.

Halos dalawang linggo na simula nang makipag-break ako kay Grey sa harap ng maraming tao. Tandang-tanda ko pa kung paano niya ako hinabol. Kung paano ko ipinagsigawang ginamit ko lang siya para makilala ako sa school.

Of course, hindi siya naniwala. Hindi raw iyon ang naramdaman niya. Harap-harapan ko siyang pinagtabuyan at ipinamukhang hindi ko siya minahal. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isip ko kung paano siya umiyak at nagmakaawa. It flashed back on my mind as if it happened yesterday.

“Let’s break up…” naluluha kong sabi pero seryoso ang mukha.

Umugong ang bulungan. Lahay ng estudyante at mga guro na dumalo sa colloquium ay naguluhan.

Grey was confused too. He was smiling at me painfully as if he refused to acknowledge it.

“Reign…” sabi niya at unti-unting lumapit. “Is that a prank or what? That’s not funny.”

“I’m not pranking you,” sabi ko at lumunok. “I’m breaking up with you. Simula ngayon, tapos na tayo, Grey. Ayoko na.”

Lalong lumakas ang bulungan. Kahit ang mga kaklase namin ay hindi makapag-react dahil sa gulat.

Lumapit sa akin si Grey at umakyat sa stage. Naluluha na ito at halatang nasasaktan. “Y-You didn’t mean that. I know you didn’t.”

“Ano bang alam mo?” sagot ko. “Pagod na ’ko sa ’yo, Grey. Ang hirap nong mahalin. Masiyado kang malungkot.”

His lips parted. He didn’t expect that. He looked down. He was hurting big time.

“Pati ako nadadamay sa malungkot mong buhay. Gusto ko nang makaalis sa ’yo. Hindi na kita mahal,” my voice cracked. I bit my lower lip. “No, hindi naman kasi kita minahal.”

From looking down, Grey looked up and met my eyes. Punung-puno ng luha ang mga mata nito.

“Hindi mo ’ko minahal?” tanong ni Grey. His voice was shaky.

“Oo,” I answered, cold-heartedly.

“Kahit ni-minsan?” tanong niya.

“Kahit ni-minsan,” sagot ko.

Doon na tumulo ang luha sa mga mata ni Grey. Bumuka ang bibig niya at may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa. Sobrang sakit sa akin na makita ko siyang ganoon.

“Reign… hindi ito ’yong sinabi mo sa ’kin…” sabi ni Grey. Patuloy sa pagtulo ang mga luha niya. “I-I came all the way here because I want to hear your ‘I love you’. Now… you’re breaking up with me? Reign naman… it’s a prank. I knew it.”

“I’m not pranking you,” sagot ko. “Grey, ayoko na sa ’yo. Hindi na kita gusto. Ano bang mahirap intindihin doon?”

“Naiintindihan ko pero hindi ko matanggap,” sagot ni Grey. His voice broke. He was in deep pain. “Reign, what’s going on, hmm? Ayusin natin ’to. Pag-usapan natin ’to.”

Nakakarinig na ako ng mga flashes ng camera. Nakatayo na ang lahat at pinagbubulungan kami.

Pumikit ako nang mariin. I felt so powerless.

“Ano bang gusto mong marinig para maniwala ka?” tanong ko. “You want the truth? Okay. Ginamit lang kita, Grey. Ginamit lang kita para maging kilala ako sa school at mapadali ang buhay ko.”

Grey’s eyes widened. He looked like he was being murdered by my words.

“At ngayong walang-wala ka na, wala ka nang pakinabang sa ’kin,” sabi ko. “Tama na, Grey. Let’s end this once and for all.”

Ibinagsak ko ang mic at nag-echo ang tunog niyon sa buong hall. Bumaba ako ng stage na unti-unting nadudurog at pinapatay ng sakit.

Hinabol ako ni Grey nang makalabas ako ng hall. He grabbed me by my wrist and he faced me.

“Alam kong nagsisinungaling ka, Reign,” sabi niya. “Kinausap ka ba ni mama? Sinabi ba niyang layuan mo ’ko? I know my mom. I know she would do that. Pinapili rin niya ako kung ikaw ba o ang sports ko. Ikaw ang pinili ko, kaya sana ’wag mo naman akong ganituhin. I can go back to that sport but I chose you over my dream.”

Nakagat niya ang ibabang labi niya at pilit pinipigil ang luha. “Ako rin ang piliin mo, please. I know you love me, I felt it. Reign naman, ikaw na lang ang mayroon ako ngayon…”

“Few months from now, you’d thank me for cutting the strings that should’ve never been created in the first place,” sagot ko at malungkot na ngumiti. “Para rin sa atin ’to.”

“Hindi ako naniniwala. Paano ako magpapatuloy kung ikaw na lang ’yong dahilan kung ba’t excited akong gumising parati?” tanong ni Grey. “Reign, paanong hindi mo ako minahal? ’Yong mga yakap natin, ’yong kuwentuhan, paghahatid ko sa ’yo pauwi, even our kiss. Wala lang sa ’yo ’yon? Wala lang ako sa ’yo?”

Hindi ako nakasagot. Nag-iwas ako ng tingin dahil kaunti na lang ay mawawala na ako sa sarili.

“Look at me,” he said. “Look at me in the eye and tell me you never loved me at all.”

Napapikit ako nang mariin. Namumula na ang mata at mukha ni Grey kaiiyak.

“Say it,” he said and his voice was shaky again. “Go on…”

Doon ko siya tiningnan. Nang magtama ang paningin namin ay gustung-gusto ko siyang yakapin.

“That eyes… that look…” Grey whispered. “Ganyang-ganyan ka tumingin sa akin sa tuwing sinasabi mong mahal mo ’ko. How can you have that same look while telling me you didn’t love me at all?”

Tears built up in my eyes. Hindi ko na kaya.

“Reign, nahihirapan ka rin,” sabi ni Grey. “Nahihirapan ka kasi mahal mo rin ako. Mahal din kita. Why do we have to part ways?”

He took my hand and he held it. Pinipisil niya ang palad ko habang naluluha at nakatitig sa mga mata ko.

“You know we can still run away, right?” Grey asked. “Let’s go somewhere far. Kahit saan, basta hindi nila tayo mapaghihiwalay. Ask me to run away with you, Reign. Iiwan ko ang lahat. I’ll come with you in a heartbeat.”

Muling tumulo ang mga luha niya at ganoon din ako.

“Please choose me…” pagmamakaawa niya. “I’m begging…”

Napatingala ako at pinaagos ang luha mula sa mga mata ko. Kahit gustuhin ko mang sumama ay hindi puwede. Ako na lang ang pag-asa nila Prosecutor Jax at Detective Howell. Ako na lang ang pag-asa ng mga kapatid ko.

“You got it all wrong,” sabi ko at binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. “Umpisa pa lang, hindi na kita minahal. Kaya anong ipinagkaiba ng tingin ko sa ’yo noon at ngayon? Accept it, Grey. I’m done. Ayoko na.”

Tinalikuran ko siya at akmang aalis na nang hawakan niya ako sa damit.

“Don’t do this…” Grey whispered while crying. “Don’t leave me…”

Unti-unti kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa damit ko. Sobra siyang nasasaktan pero biktima lang din ako. Kahit na sobrang sakit para sa akin ay iniwan ko siyang nakatayo roon at naglakad na ako papalayo. Rinig na rinig ko ang ilang ulit na pagtawag niya sa akin pero ni-minsan ay hindi ako lumingon. I felt like my heart died that very moment.

Para rin sa atin ’to…

Iyon na lang ang pinanghahawakan ko.

Umalis ako ng colloquium at si Lyle ang naiwan para tumapos ng representation kahit na gusto niya rin akong puntahan.

Lahat ay nagalit sa akin simula nang araw na ’yon. Lahat sa school ay tinalikuran ako. Kahit sila Missi, Braelyn, Levi, at Nash ay hindi na ako pinapansin. I became an outcast.

“Sorry, Reign,” sabi ni Nash. “Bias na siguro ako pero hindi ko talaga kayang i-tolerate ang ginawa mo. Galit ako sa ’yo. I am really disappointed. Grey deserves better.”

Hindi nagpatinag si Grey. For a whole week, tawag siya nang tawag at text nang text. Pumupunta pa siya sa labas ng building ng unit ko at nagmamakaawang makausap ako. Kahit na tirik ang araw o malakas ang ulan, hindi siya umaalis.

“Reign,” tawag niya sa akin nang minsang madatnan ko siya sa labas ng building ng unit ko. “Pwede ba tayong mag-usap?”

“Mag-r-review pa ako,” sagot ko. “Go home, Grey. It’s late.”

At iniwan ko siyang nakatayo sa labas. Pagpasok ko ng elevator ay nag-break down ako kaagad.

“Please give up on me…” bulong ko sa hangin. “Para rin sa ’yo ’to…”

Dumating pa sa point na pati ate niya ay tinatawagan na ako. Hindi na raw kasi ito kumakain at hindi na lumalabas ng kwarto. Iyak lang daw ito nang iyak.

Two weeks after, mukhang nahimasmasan na siya. He sent me a letter saying this would be the last.

“Hi. Kumusta ka? I hope you’re safe.

First off, hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko. Hanggang ngayon ay magulo pa rin ang isip ko. Sa totoo lang, I can’t sleep or eat properly. I am still in deep pain. Nawalan na ako ng

gana

sa lahat. Masiyado yata kitang minahal. Sa ’yo ko na

ipinaikot

ang buhay ko kaya ngayong wala ka na, hindi ko na alam ang gagawin.

I would be lying kung sasabihin kong hindi kita na-m-miss. Paano kita

malilimutan

kung sa lahat ng nakikita ko, ikaw ang naaalala ko?

I remember you in every sweet scent that I smell. I remember you in every good song that I listen to. Whenever I think of my future, ikaw pa rin ang nakikita ko. I’m so into you to the point that everything in me is all about you.

Umiiyak pa rin ako ’pag gigising ako at hindi ko na nakikita ’yong messages mo. Umiiyak pa rin ako kapag naaalala ko kung gaano tayo kasaya dati. Paanong hindi mo ako minahal? Paanong wala lang sa ’yo lahat ng ’yon? Those were the best thing that ever happened to me. You are the best thing that ever happened to me.

I’m sorry for all the things that I did. Kung may

pagkukulang

man ako,

pasensiya

ka na. Kung minahal man kita ng sobra, pasensiya na.

Don’t worry,

hindi na ako

mangungulit

. Hindi na ako

maghahabol

. I know it’s hard for you too. This is the last time that I will talk about us. Alam kong

gusto mo na ring makausad.

I’ll treasure you forever in my heart. Minahal mo man ako o hindi, alam ko sa sarili kong totoo ang naramdaman ko sa ’yo. Pasensya na kung

napagod

ka. Pasensya ka na kung masiyadong malungkot ang buhay ko kaya napagod ka.

I’m setting you free from now

on.

Mahal kita.“

Awang-awa ako kay Grey pero kinailangan kong gawin iyon. Mahirap din sa ’kin ang lahat. Araw-araw at gabi-gabi rin akong umiiyak pero wala akong magawa. Masiyadong mabigat. Kinailangan kong gawin ang nararapat.

Our sacrifices paid off apparently. Nakabalik si Grey sa Soccer Team at masaya na ang klase. Unti-unti na rin silang nasasanay na wala na rin si Reese.

Isa lang naman ang dahilan ng paghihirap namin. Prosecutor Jax was trying to find a way to cancel the Project Grey but we were exposed. May nakaalam ng sikreto namin at ginamit niya iyon para paglaruan kami.

Tiningnan ko si Everleigh. Nakangisi ito habang ngumunguya at nakatitig sa screen ng phone niya.

It was her. She caught us.

Matagal na pala niya akong ipina-i-imbestigahan. At sa tulong ng mommy ni Grey na isang ma-impluwensiyang tao at daddy nito na nag-t-trabaho sa National Security, kahit na ginawa na ni Prosecutor Jax ang lahat para tulungan akong itago ang identity ko, in the end, nahuli pa rin nila kami.

That day, nalaman nilang isa akong undercover at peke ang family background ko. Nalaman din nilang si Prosecutor Jax at Detective Howell ang may hawak sa akin. Kahit ang undercover badge number ko ay nalaman din nila.

“Break up with Grey or I’ll expose you,” banta ni Everleigh. “Ganoon lang ka-simple.”

Nasa loob kami ng kotse sa labas ng annex gate, isang oras bago ang colloquium.

“I gave him two options,” sabi ng mommy ni Grey. “Kapag hiniwalayan ka niya, tutulungan ko siyang makabalik sa Soccer Team. My son loves his sport so much but he still chose you. Kung hindi ko gagawin ’to, masisira ang future ng anak ko. Nanay lang ako, Reign. I want nothing but the best for him and that best is definitely not you.”

“Do it in front of the students during the colloquium. Tell the crowd that you only used Grey. Masama ang image ngayon ni Grey sa school. They need to hate you so they’d pity and love Grey in return,” Everleigh instructed.

“Kailan bang i-torture n’yo siya nang ganyan?” naluluhang tanong ko.

“Mas okay nang isipin niyang ’di mo siya minahal kaysa ginamit mo lang siya para sa mission mo, ’di ba?” Everleigh asked. “Keep my secret and I’ll keep yours. Especially wala na si Ivan, tapos na rin ang mission mo, right?”

Nagkatinginan kami ni Prosecutor Jax mula sa rearview mirror.

“Do it today, Reign,” Everleigh said. “It’s a win-win situation for us. Itatago ko ang sikreto mo, itatago mo ang sikreto ko, at makakabalik si Grey sa soccer team. All because of your heroic sacrifice.”

Matapos ng pag-uusap na iyon ay nakatulala lang ako at hindi malaman ang gagawin.

“Listen, Reign,” sabi ni Prosecutor Jax nang kami na lang dalawa ang natira. “Hindi nila alam kung bakit ka naririto. Ang alam nila, undercover ka sa school at si Ivan at Reese ang binabantayan mo—akala nila nandito ka dahil sa lotto theft. We still got this, Reign. We can still win.”

“Ano na pong gagawin ko?” kinakabahan kong tanong. “Alam kong malalaman din nila kung bakit ako nandito. At si Grey…”

“Don’t worry about Grey for now. Isipin mo ang sarili mo. Nakatakdang mangyari ang kay Grey, let’s just… proceed with it. Gawin natin ang gusto ni Everleigh at ng mommy ni Grey para tantanan na nila tayo. I assure you, they will stop after it. Iyon lang ang gusto nila,”  sabi ni Prosecutor Jax. “I’m sorry, Reign. Ginawa ko ang lahat. It’s just that… sobrang lakas ng kapit nila and—”

“Okay lang po,” sabi ko at tuluyan nang naluha. “Manalo man tayo o manalo, iiwan ko rin si Grey dahil ’yon ang dapat. Tama sila. Mas madali niya akong makakalimutan kung ang alam niya, ’di ko siya minahal. At kung i-r-reveal man ni Everleigh na undercover ako, I’ll make sure na tapos na ang lahat. Para kung mabuking man ako, hindi ako ang talo.”

“That’s right…” sang-ayon ni Prosecutor Jax. Nag-aalala ito. “You can do it, Reign. Best of luck.”

Matapos ang pakikipag-break ko kay Grey ay pinuntahan ako ni Everleigh sa likod ng main building. Binigay niya sa akin ang documents na nakuha nila tungkol sa identity ko at ibinigay ko naman sa kaniya ang pen ang recorder na naglalaman ng pag-uusap nila Reese tungkol kay Ivan.

“Ang ganda ng acting mo ha,” sabi ni Everleigh at nangungutya ang ngiti. “Para akong nanunuod ng pelikula.”

“Sure,” sagot ko at matalim ang tingin sa kaniya. “Ako naman ang manunuod sa ’yo sa susunod. Kapag nasa ’yo na ang lahat, doon kita pababagsakin.”

Ngumisi lalo si Everleigh. “Gising ka naman pero ba’t nananaginip ka?”

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at humakbang papalapit sa akin.

“Go on, honey. I’ll wait for that moment…” she whispered, mocking me.

And now, ito ang nangyari. Ito na ang sitwasyon ngayon.

Inialis ko na ang tingin ko sa table nila Grey at nag-focus sa pagkain ko. May dalawa pa kaming exam mamaya. Ang isa ay General Physics at ang isa ay P.E at need pa namin pumunta sa gymnasium.

Sa totoo lang, after breaking up with Grey, tapos na ang mission ko technically. Ang tanging dahilan na lang kung bakit ako nandito ay tingnan kung anong mangyayari dahil sa pagiging heartbroken ni Grey.

Ang akala ni Detective Howell ay magiging rason iyon para maungkat kung ano man ang nangyari two years ago, pero hindi. Walang nangyari. Walang naungkat na kahit na ano.

Kung sakali pa lang natuloy ang Project Grey hanggang dulo na bukal sa puso namin at hindi kami pinuwersa, sayang lang. We damaged someone and it didn’t even yield any positive result. Nagkaroon lang ng bagong biktima.

Sabi ni Prosecutor Jax, I need to observe them for few more weeks. May iniimbestigahan din daw siya at kapag sigurado na siya sa lead na mayroon siya, tapos na ang lahat. Tapos na ang mission ko rito. Tapos na ang pagiging undercover ko.

Huminga ako nang malalim. Nawalan na ako ng ganang kumain.

Mukhang last few weeks ko na rin pala ito ss school.

“Guys, don’t forget to vote!” rinig kong sabi ni Missi sa mga dumaraan.

Nagsimula na pala ang voting kahapon para sa Leadership Award. Ang mga naging nominees ay sila Lyle, Grey, at Everleigh. Next week din and announcement and they can back out anytime.

School ang pipili ng nominees per year depende sa academic and extracurricular activities ng estudyante. Ang mga students naman sa school ang boboto. Kung tutuusin, parang popularity poll lang iyon.

Kaya hanga rin ako sa utak ni Everleigh. Ginamit niya ako to distract Grey and I know hindi pa siya sa tapos. Siya ang nangunguna sa voting.

Akmang susubo na ako ng kanin nang may umupo sa harap ko. Pagtingin ko ay si Lyle iyon. Magaling na ang sugat nito sa leeg at hindi ganoong visible ang peklat. Nag-t-treatment din kasi ito.

Tahimik itong kumain at hindi kumikibo. Kami lang ang tao sa mahabang table namin at magkaharap pa kami.

I cleared my throat. “Hindi mo naman ako dapat samahan. Preferred kong mag-isa sana.”

“Wala nang bakante,” sagot ni Lyle at tahimik na ngumunguya. Binuksan nito ang dalang tumbler at uminom mula roon.

Tiningnan ko ang paligid. May mga bakanteng table at upuan naman.

“May bakante naman, a?” tanong ko.

“Ayaw ko silang kasama,” sagot niya.

“At ako, gusto mo?” pang-iinis ko.

Lyle looked at me and he nodded. “Gusto kita.”

My lips parted.

“…kasama,” dugtong niya.

I scoffed, and he did too.

For the past two weeks, si Lyle lang ang pumapansin sa akin. Siguro kasi pareho kaming outcast na sa school. Since thrn, mas lalo akong nagiging kumportable sa kaniya. Pinapakita niya minsan na wala siyang pakialam pero concerned siya. He’s smiling a lot lately too.

Naaalala ko nga after ng colloquium, hinanap niya agad ako. Siya ang nag-iisang nag-comfort sa akin nang araw na ’yon.

He comforted me without even thinking if I was right or wrong. He stayed with me because he knew I was hurting too.

“Tiningnan ko ’yong ranking, nasa hulihan ka,” sabi ko. “Wala ka bang balak gawin? Like promotion, ganoon. I’ll help you.”

Umiling siya. “Wala naman akong pakialam sa kanila.”

Natawa ako. The usual Lyle, walang pagbabago.

“They can have that award, I don’t mind.”

Kumunot ang noo ko. “Bakit? Big award daw ’yon, a? Ayaw mo?”

Lyle shrugged. “I don’t need it.”

Tumangu-tango ako at hindi na kumibo.

“Have you seen the school brochure?” tanong ni Lyle.

Tumango ako. Nagsimula na ang pictorial nila Braelyn at Grey bilang school models noong isang araw. Dahil doon, madalas silang magkasama at naging mas close pa kaysa noon.

Hindi nga rin nagkamali si Everleigh. Totoo ang sinabi nito. Gusto nga ni Braelyn si Grey at sinabi iyon ni Braelyn sa akin isang linggo matapos kong makipag-break kay Grey.

“I’m sorry,” sabi ni Braelyn. “Hindi ko lang din napigilan. I mean, hindi mo naman mapipili kung kanino ka ma-i-in love, ’di ba? Hindi ko rin inakala, Reign. It happened so fast, e. Sinubukan kong pigilan pero hindi talaga kaya. Sorry.”

Nasa school garden kami nang aminin niya iyon sa akin.

“Pero wala akong ibang ginawa. I stayed on my lane, promise!” habol ni Braelyn. “It’s just that… ngayong wala na kayo, hindi naman siguro masamang… gumawa ako ng paraan, ’di ba?”

“Kaya mo ba ako iniiwasan dati kasi may gusto ka kay Grey?” hindi makapaniwalang tanong ko.

“Noong una, akala ko ganoon nga. Pero habang tumatagal, mas nagustuhan kong hindi ka kasama,” pag-amin ni Braelyn. “Sa totoo lang, si Nash lang naman ’yong may gustong makasama ka dati. Kaya lang ako pumayag na sumama ka sa ’min kasi gusto ni Nash.”

Hindi ko alam kung ano ’yong masakit. ’Yon bang akala ko masaya siya para sa akin o ’yong akala ko kaibigan din ang tingin niya sa ’kin.

“Sinubukan ko naman pero ewan ko, habang tumatagal na-r-realize kong hindi ka nga talaga belong sa amin,” Braelyn said. “Kaya ngayong wala na si Reese at wala na kayo ni Grey, I think I need to say this. I don’t like you to be my friend, Reign. We just don’t click.”

I was hurt to the point that I didn’t know what to do. Straight face pa si Braelyn habang sinasabi iyon, na para bang wala lang sa kaniya.

“We don’t click o ayaw mo lang sa ’kin kasi girlfriend ako ni Grey noon?” tanong ko.

“Hmmm, ’di ko alam,” sagot ni Braelyn. “Ganoon din ang iniisip ko dati. Baka naiinggit lang ako. Pero bakit ngayong wala na siya sa ’yo, ayaw pa rin kitang maging kaibigan?”

Sobrang sakit niyang magsalita.

“Napilitan lang talaga ako siguro noon pero ngayon, sigurado na ’ko. Alam mo ba kung ba’t nilalayuan ka ng lahat? Tingin nila gagamitin mo rin sila gaya ng paggamit mo kay Grey. Naiintindihan mo naman ba’t ka namin nilalayuan, right?”

Hindi ako kumibo.

“’Yon lang. Gusto ko lang sabihin sa ’yo lahat. No worries, we’ll take care of Grey. He’ll get through this and we’ll help him. I’ll help him.”

Ngumiti na lang si Braelyn at iniwan na akong mag-isa at nasasaktan.

Iisang tao na nga lang ang kumakausap sa akin at hindi ako hinuhusgahan. Tiningnan ko siya at tahimik lang siyang kumakain sa harapan ko.

Kinapa ko ang bulsa ko at naroroon pa rin ang dalawang tickets na binili ko kagabi.

“Lyle,” sabi ko.

“Hmm?” tanong nito.

“May gagawin ka ba this weekend?”

“Exam,” sagot nito.

“Practical Research na lang ang exam next week at exempted tayo pareho, ’wag kang sinungaling,” sabi ko.

Tumaas ang sulok ng labi niya. “I’ll sleep.”

“Ako nag-record ng daily activity report natin sa P.E. Ten hours ang tulog mo every day,” sabi ko.

“I’ll go out with my friends,” rason niya.

“Wala kang friends. Outcast na tayo, remember?” tanong ko at bahagyang natawa.

Lyle shook his head and he smiled. He looked up and met my eyes. “Why? Are you gonna ask me for a date?”

“What if I do?” biro ko at tiningnan siya sa mga mata.

Lyle gulped. “What am I, a rebound?”

Nawala ang pagkakangiti ko. Making biro nga iyon.

“Bring it on, Harriett,” sabi ni Lyle. “I’m kidding. Why do you ask?”

Pilit akong ngumiti ulit at inilapag ang all-ride access ticket sa table. Iginawi ko iyon sa harap niya. “Marami na akong utang. Ito na lang naiisip kong bayad.”

“Amusement park?” tanong niya habang tinitingnan ang ticket. Hindi ko malaman kung gusto ba niya o hindi.

Tumango ako. “Last day ng amusement park na ’yan this weekend. Sayang kung hindi natin mapupuntahan. It’s my way of saying thanks.”

“Are you going somewhere?” tanong ni Lyle.

Tumango ako. “Baka hindi na kasi kita mabayaran ’pag nagkataon.”

“Hindi ka na babalik?” tanong niya. He sounded concern. He was looking deeply in my eyes.

“Not sure,” sabi ko at pilit na ngumiti. “Ano, gusto mo bang sumama sa amusement park?”

Tiningnan ni Lyle ang ticket. Tumaas ang sulok ng labi niya at muli akong tiningnan.

“Anywhere with you.”

He took the ticket and he stood up.

“Kuha lang ako ng tubig.”

Pinanood ko si Lyle habang naglalakad siya papunta sa water dispenser.

There’s a reason why I did that. Birthday ngayon ni Lyle at parang walang ibang nakakaalala, maging siya.

Pagtingin ko sa table nila Missi ay nakita ko si Grey na nakatingin kay Lyle. Nang bumalik ang tingin nito sa akin ay nagtama ang paningin namin. He looked away and turned to Levi.

I sighed.

What an ill-fated love it is.

———

THIRD PERSON POV.

Makikitang ni-lock ni Nash ang pinto matapos makumpirmang walang ibang tao sa loob ng CR bukod sa kanila ni Levi.

“Why?” tanong ni Levi. Katatapos lang nilang mag-lunch at kanina pa niya napapansing tuliro si Nash. Kaya nang senyasan siya nitong sumunod sa kaniya ay ginawa niya. “May problema ba?”

“Hindi mo ba talaga napapansin?” tanong ni Nash. “Hindi ka ba nag-c-check ng social media accounts mo?”

Ninenerbiyos ito at napansin iyon ni Levi.

“Nash, tungkol ba ’to sa blind item two weeks ago? About sa same-sex couple na ’yong isa ay member daw ng boy group at ’yong isa ay actor? Hindi tayo ’yon. I’m sure of it.”

“I know pero isa tayo sa mga nabanggit na pangalan. Now look at this,” sabi ni Nash at ipinakita ang article na nasa phone niya. Binasa naman iyon ni Levi. “Sumagot ’yong nagsulat ng blind item sa isang comment. Sabi niya, may nakahula nang tama. Isa tayo sa pinag-uusapan kanina pang umaga.”

Nagsimula na ring kabahan si Levi. “Marami namang hula ang netizens. Imposibleng tayo ang pag-iinitan nila. Look, mas trending pa ’yong ibang artists na hula nila. Iilan lang ang nagsasabing tayo ’yon and no one’s taking them seriously.”

“Pero paano kung may alam ’yong nagsusulat? Paano kung may ebidensiya siya? Hindi tayo pwedeng ma-expose, Levi. Nagsisimula pa lang ang career ko at natanggap ka sa audition mo para maging parte ng international film. Hindi pwedeng masira ang career natin.”

“Kung ilalabas niya, kakasuhan siya ng management natin,” rason ni Levi.

“May dating ban ako, Levi. Kung malalaman ng management, ma-k-kick out ako sa grupo ko. Hindi pwede…”

“Listen, Nash, okay?” sabi ni Levi. “Hindi tayo ’yon. I’m sure of it. Kilalang actor ako, rising artist ka. Big fish tayo para sa kanila. Kung may alam sila, hinuthutan na tayo ng pera n’un but look, they haven’t done anything to us. Either fake ’yon o hindi tayo ’yon. Trust me, babe, I know how the industry works.”

“Paano kung tayo talaga ’yon? Kung may ebidensiya sila, anong gagawin natin?” tanong ni Nash. Takot na takot ito.

“Then we have no choice,” sabi ni Levi at hinagkan si Nash sa noo. “You need to deny me.”

———

Kalalabas lang ni Lyle ng men’s locker area nang mapahinto siya. Naghihintay sa kaniya si Everleigh sa labas. Naka-cross arms ito at nakangiti sa kaniya.

“Sa’n punta?” tanong nito. “May date ka?”

Walang balak si Lyle na pansinin ito. He can even pretend that she doesn’t exist at all. Alam niyang problema lang ang dala ni Everleigh at masiyadong maganda ang araw niya para lang sirain nito.

“Noong sinabi kong kasing tanga ka ng ate mo sa pag-ibig, mali pala ako,” pahabol ni Everleigh na dahilan para matigil siya sa paglalakad. “Kasi mas tanga ka pala.”

Lyle looked back with no trace of emotion on his face. Alam niyang gusto ni Everleigh na mainis siya at hindi niya pagbibigyan ito.

“At least hindi namin kailangang mang-blackmail para lang makasama ’yong taong gusto namin,” sagot ni Lyle.

Nawala ng pagkakangiti ni Everleigh. Malamang ay hindi nito inaasahan na lalaban siya.

“Really, Lyle?” tanong ni Everleigh. “Masasabi mo pa kaya ’yan ’pag nalaman mo kung ano talaga identity ni Reign? Baka mandiri ka pa?”

Lyle placed his hands inside the pockets of his slacks and looked at Everleigh amusingly. He tilted his head and smirked.

“Do you like me?”

Confusion swallowed Everleigh. “Huh?”

“Bakit big deal sa ’yo kung ano man ang nararamdaman ko kay Reign?” tanong ni Lyle at lalong ngumisi. “If you like me, keep it to yourself and stop being foolish. I will never like you, not even a bit.”

Everleigh scoffed. “Are you out of your mind?”

Umiling si Lyle. “Baka ikaw. Masiyado kang obsessed sa buhay ko.”

“Let’s say I’m doing you a favor,” sagot ni Everleigh. “Reign is not as innocent as you think.”

“Then it makes her more attractive in my eyes,” Lyle said and met Everleigh’s eyes fiercely. “Mystery excites me, sweetheart.”

Everleigh lost it. She sighed. “Okay, I’ll give it to you this time. Masiyadong maganda ang mood ko today, there’s no point to ruin it.”

“Cool,” bored na sagot ni Lyle. “May I go now?’

Umiling si Everleigh. “I went here to negotiate with you.”

“And who told you I would negotiate with you?” Lyle asked coldly.

“I just know,” Everleigh said confidently. “It’s a deal you can’t resist.”

Alam ni Lyle na hindi basta-basta nakikipag-negotiate si Everleigh. Ginagawa lang nito iyon kapag malaki ang kailangan nito at malaki rin ang makukuha niya pabalik.

“Let’s see,” Lyle said.

“As you know, tatlo tayong nominated nila Grey sa Leadership Award. Hindi naman ako threaten sa ’yo kasi napakalayo ng gap ng votes natin. Ang inaalala ko ay si Grey. Sobrang lapit ng gap namin and I want a sure win, Lyle.”

“You’re still obsessed with the award?” Lyle asked unbelievably.

Everleigh nodded. “I told you. Having that on my credentials is like a free pass to the prestigious university that I want. Call me names, I don’t care. I need it, I want it, therefore I must get it.”

“And what do you need from me?” Lyle asked.

“I want you to withdraw from the nomination,” sagot ni Everleigh. “Surprisingly, may mga bumoboto pa rin sa ’yo. Kung wala ka, for sure sa akin ang boto nila. I want a landslide victory.”

“What do I get in return?”

Ngumiti si Everleigh. “Diyaan na papasok ang deal, Heimsworth. As you know, apat na lang tayong hindi pa na-r-reveal ang sikreto. Ako, ikaw, si Grey, at si Braelyn. I know takot ka rin. What if I tell you…I can finally stop it?”

“How?” Lyle asked curiously.

“Kilala ko na kung sino ang gumagawa,” sabi ni Everleigh at ngumiti. “Nahuli ko na siya.”

Lyle took a step. “Sino?”

“Uh-Oh, the deal,” sabi ni Everleigh. “Withdraw from the nomination and I’ll expose that person. Sawa na ako sa lahat ng gulo, ’yong award na lang ang kailangan ko. Once I get it, I promise, titigil na ’ko. You can have that weird love interest with Reign again. Hindi mo na kailangang ma-anxious kung ikaw ba ang susunod na target.”

Napalunok si Lyle. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit kung minsan ay na-a-anxious siya sa school. Hindi niya alam kung sinusunod pa ba ng nang-e-expose ang pattern o baka siya na ang isunod nito.

“It’s a deal?” tanong ni Everleigh at inilahad ang kamay sa kaniya.

Lyle gulped. He was desperate. She took Everleigh’s hand and shook it.

“It’s a deal.”

Lumapit si Everleigh sa kaniya at bumulong. “Go to our classroom after the P.E exam.”

He looked at her and she met his eyes. Everleigh smiled and later turned serious. Her eyes were playful.

“You’re invited to the grand show…” she followed.

———

REIGN.

Katatapos lang ng exam namin sa P.E. at babalik na kami sa room namin para mag-ayos at umuwi na.

Nagpahuli ako para pagdating ko ay kakaunti na lang ang tao sa room. After what I did to Grey, wala na akong mukhang maihaharap pa sa mga kaklase ko.

Naglalakad na ako sa corridor ng floor namin nang biglang may humawak sa braso ko. Nang tingnan ko ay si Lyle iyon.

“Don’t ask why, we have no time,” sabi nito.

“Bakit? May nangyari ba?” tanong ko rito pero hindi ito kumibo.

Saktong pagdating namin sa room ay patay ang ilaw. Kumunot ang noo ko. Nakauwi na sila agad?

Hinatak ako papasok ni Lyle at dinala niya ako sa pinakasulok. Halos mapatili ako nang may mabangga ako. Doon ko na-realize na naroroon ang mga kaklase namin.

Anong mayroon?

“Sssh,” saway ni Everleigh dahil panay tanong nila kung ano ang nangyayari.

Natigil ang lahat nang makarinig kami ng footsteps.

“Nandito na siya,” sabi ni Everleigh.

In a sudden, may pumasok sa room. Dali-dali itong lumapit sa pinakaharap at may pilit na ikinakabit sa TV. Tanaw namin siya dahil sa ilaw na nanggagaling sa bintana.

Sino ’to? Anong ginagawa niya?

Sinenyasan ni Everleigh si Lyle. Tumayo si Lyle at binuksan ang ilaw.

What we saw left us bewildered. Braelyn was standing in front, looking terrified as if she was caught doing something illegal.

“N-Nandiyan pa pala kayo?” tanong ni Braelyn at pilit na ngumiti. “Akala ko—”

“Akala mo mamaya pa kami darating kaya nag-s-set up ka na ng sunod mong ibubuking?” tanong ni Everleigh. “Well, surprise bitch. You’re wrong.”

Kumunot ang noo ko. Sobrang dami naming tanong.

“Yes,” sabi ni Everleigh at hinarap kami. “Siya. Iyang babaeng ’yan. Siya ang nag-r-reveal ng mga sikreto ninyo.”

Napanganga ako. Lahat ay nagulat. Lahat ay nagtatanong.

“Ano?” tanong ni Missi. “Paano? Paanong si Braelyn?”

Si Braelyn naman ay nakatayo lang sa harap. Nakatingin lang ito kay Everleigh at nanlulumo.

“Take her flashdrive, Levi. Connect mo sa laptop mo and let’s see kung ano ang gagawin niya kung hindi natin siya nahuli,” Everleigh said fiercely.

“No,” harang ni Braelyn. “Hindi inyo ’yan.”

“As if may pake kami kung ano ang iyo at ano ang hindi?” Everleigh argued. “Go, Levi. Take it.”

When we saw what was stored in the flashdrive, lalong umugong ang bulungan.

“As you can see. ’Yan ang mga powerpoint slides na lumabas sa screen noong na-reveal ang sikreto ninyo. Do you recognize that, Nash? Levi? Missi? Even Reese, kaso wala na siya rito,” sabi ni Everleigh.

“Ayan ’yon,” sabi ni Nash at tila nanghihina dahil sa nalaman. “’Y-Yong picture ko na kinalat sa GC. Hinding-hindi ko malilimutan ’yan…”

“Hindi akin ’yan,” depensa ni Braelyn. “N-Na frame up lang—”

Natigil si Braelyn nang may mag-play sa TV. Naka-connect na pala si Everleigh doon. Footages iyon ng mga pag-s-set up ni Braelyn sa room.

“Ever since na-reveal ang secret ni Nash at ni Levi, naglagay ako ng hidden camera sa room para malaman kung sino ang pumapasok at nag-r-reveal ng sikreto ng bawa’t isa. The camera caught you setting up Missi’s and Reese’s secret, Brae. Stop lying, huling-huli ka na.”

Galit na galit si Missi at Levi. Inaawat lang ito ni Nash at Grey. Ako naman ay pilit kinakapa ang pen recorder ko pero nasa locker pala iyon kasi bawal kami magdala ng kahit na ano noong exam.

“You think you can outsmart me?” Everleigh asked and smirked

Hindi ako makapaniwala. Paanong nagawa ni Braelyn iyon?

Tiningnan ni Braelyn ang bawat isa. Namumuo na ang luha sa mga mata nito. Yumuko siya at pumikit nang mariin.

Hinihintay namin siyang magsalita at i-deny kung ano man ang nakikita namin. Dahil kahit kami ay hindi namin iyon matanggap.

Pero imbis na umiyak, nakita naming ngumisi si Braelyn. Muli itong nagtaas ng tingin. Ngumisi ito at maya-maya’y sumeryoso ang mukha.

“Aish…” bulong nito. “This bitch is really annoying.”

Lalong lumakas ang bulungan.

She looked at Everleigh with sharp eyes.

“You caught me,” she said and scoffed. “Interesting…”

Harap-harapang inamin ni Braelyn ang lahat.

“Y-You caught me? Ayon lang?” tanong ni Nash. “Brae, wala kaming ginagawa sa ’yo! Anong karapatan mong—the hell. Nakakagalit!”

“Bakit galit ka?” tanong ni Braelyn. “Dapat nga magpasalamat pa kayo sa ’kin. Ako ang tumulong sa inyo para maging sino man kayo ngayon.”

“Naririnig mo ba ang sarili mo?” ganti ni Levi. “Brae… you out-ed us. Wala kang karapatan.”

“Let’s get this straight,” sabi ni Braelyn. “Nash, tingin mo ba tatanggapin ka ng lahat kung hindi kita in-out? Baka nga hanggang ngayon, nagkukunwari ka pa ring straight. I gave you the freedom that you have now.”

She turned to Levi.

“Levi, kung hindi ko ni-reveal ’yong secret feelings mo kay Missi, do you think makaka-move on ka sa kaniya? Baka nga hanggang ngayon panay nakaw ka pa rin ng tingin sa kaniya.”

She looked at Missi.

“You. Tingin mo matatanggap ng lahat na ikaw si Ellie kung hindi ko ’yon ginawa? Baka hanggang ngayon nagpapanggap ka pa rin.”

She faced us all.

“In one way or another, tinulungan ko lang kayong harapin ang mga takot n’yo. Sinasabihan n’yo akong duwag at mahina noon, ’di ba? E bakit ngayong hinarap kayo ng sarili n’yong multo, takot na takot kayo? Tinulungan ko lang kayong magpakatotoo.”

“Really?” sagot ni Missi. “Magpakatotoo, huh? Why don’t you tell Grey?”

“Tell me what?” tanong ni Grey. Gulung-gulo ito.

“Okay, I’ll do it,” Braelyn said. “Grey, I like you. I love you. I want you so bad that it kills me whenever you look at Reign. Okay na?”

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Tumulo na ang luha ni Braelyn at nanginginig na ang boses nito.

“Brae…” bulong ni Grey. “What happened to you?”

“Hindi ko rin alam,” sabi ni Braelyn. Nag-crack ang boses niya. “I just… want to help at first…”

“Help?” tanong ni Lyle. “Is there… something going on?”

“Gusto tayo mawala ng school officials,” sabi ni Braelyn. “Gusto nilang ma-dissolve ang section natin. Gusto nilang i-abolish ang gold, silver, at bronze name tag culture. Tayo ang sinisisi nila kung bakit bumabagsak ang admission rate. Gusto nilang mag-rebrand at tayo ang isasakripisyo nila.”

Lahat ay napanganga. Gulat na gulat ang lahat dahil sa narinig.

“A-Are you sure?” tanong ni Grey. Pati ito ay gulung-gulo.

Tumango si Braelyn at lalong namuo ang luha sa mga mata. “I overheard them. Gusto nilang simulan sa mga sikreto natin. Kung hindi nila tayo kayang paalisin, gusto nilang tayo ang aalis sa school nang kusa isa-isa dahil sa kahihiyan.”

“Paano nila nalaman ang mga sikreto natin?” tanong ni Everleigh. “Ako ang gatekeeper, Braelyn. Ako lang ang nakakaalam ng sikreto ng lahat—”

“Why do you think I know their secrets?” ganti ni Braelyn. “Kasabwat ng school ang mommy mo, Leigh. Kasabwat din ng school ang mommy ko at mommy ni Grey. They wanted us to be the remaining three.”

Lumakas ang bulungan. Base sa reaksyon nila Grey at Everleigh, halatang mga wala rin itong alam.

“Hindi ko alam kung paano ko kayo sasabihan at ipapaalam na we are about to fuck up. Kaya ginawa ko ’to. Ine-expose ko ang secrets n’yo sa room—sa atin-atin lang—para kapag ginamit na ’yon ng school laban sa ’tin, hindi na ganoon kabigat. Hindi nila tayo basta-basta mapapaalis kasi tanggap na natin ang isa’t isa.”

“But why does it seem like you enjoyed it?” Nash snapped. “Why does it look like you enjoyed seeing us in pain?”

“I did,” pag-amin ni Braelyn.

“Everyone, lumabas na ang secret ni Braelyn,” sabi ni Missi at hinarap ang lahat. “Plastik siya at inggitera.”

“Akala mo ba madali lang sa ’kin?” ganti ni Braelyn. “Ako ’yong tumutulong sa inyo. Ako ’yong parating naririto. Pero noong dumating si Reign… siya na ang pinagtutuunan ng lahat…”

“Brae, hindi ’yan totoo,” pakikisali ko.

“Anong hindi?” tanong ni Braelyn. Lalo itong naiyak. “Ikaw na ’yong gustong kasama ni Nash parati. Ikaw bukambibig ni Reese at ni Missi. Pati si Levi, gusto kang maka-close. Habang ako… na-i-itsa-pwera kasi ikaw ’yong bago. Ikaw mas gusto nilang kasama. Kahit na inaaway ka nila, I can see that they like you. Tapos ako… nakakalimutan na.”

“That’s not true,” sabi ni Missi. “You know we treated you as a friend!”

“Stop lying!” sigaw ni Braelyn. “Kaibigan n’yo lang ako ’pag hindi available ang ibang kaibigan n’yo. I even had to include myself in group plans kasi kung hindi ko gagawin, makakalimutan n’yo ’ko. That’s why I did this. Aside from helping you to face your fears, if I can’t have everyone of you as my friend, might as well destroy you all.”

Walang makakibo sa amin. Lahat ay hindi makapaniwala sa nangyayari. Galit sila at nasasaktan.

“Now, let’s expose one more secret,” sabi ni Braelyn. “Tutal nagkanda-leche-leche na. Kung babagsak man ako, he needs to go with me.”

“He?” tanong ni Levi. “Sinong he?”

That’s when I realized it. Nakila Lyle at Grey ang tinutukoy niya. Sila na lang dalawa ang hindi niya nabubulgar.

“No, Brae…” sabi ni Grey. “Don’t do it.”

“All along, siya ang lumalabas na biktima,” Braelyn said, shrugging off Grey’s plead. “Nakulong ang daddy niya dahil sa graft and corruption. Umalis ng bansa ang mommy niya. Lumayas ang ate niya. Siya ang nagmukhang kawawa.”

“No…” Levi uttered when he finally realized Braelyn’s target. “’Wag mo nang ituloy…”

“Pero paano kung sabihin ko sa inyong siya ang may kasalanan ng lahat ng ’yon?” Braelyn followed. “Na siya ang may kasalanan kung bakit nasira ang pamilya niya? Kung bakit nakakulong ngayon ang daddy niya?”

“Stop it,” Levi followed. “Braelyn, you stop right there!”

I looked at Lyle. Siya ang tinutukoy nito. Tears started to build up in his eyes. I can see nothing but remorse on his face. Nakatulala ito kay Braelyn at mukhang nanghihina.

“Brae, you can stop now,” Grey continued. He sounded worried. “Don’t do this…”

I gulped. Ayaw ko ring ituloy ni Braelyn pero na-c-curious ako sa nangyayari.

“Lyle Xavier Heimsworth…” Braelyn started.

Lahat ay tumingin kay Lyle. Tears fell from his eyes.

“Bakit mo isinuplong ang sarili mong ama?”

PART FORTY-THREE: Exposing Lyle’s Secret

THIRD PERSON POV.

“HINDI SI BRAELYN ANG PUMAPATAY.”

Tiningnan ni Howell si Jax. Madilim na ang paligid at kasalukuyan silang nasa loob ng kotse. Maya’t maya sila replay sa voice record na ipinadala ni Reign through e-mail. Narrative report iyon ni Reign pero sa sobrang haba at urgent ng information ay nag-voice record na lang ito.

Laman ng voice record ay ang pagtatalo ng 12-A kani-kanina lang. Braelyn was caught and later admitted that she was exposing her classmates’ secrets. Laman din niyon ang sikreto ni Lyle. All along, siya ang nag-report sa sarili niyang ama.

“Tingin ko rin hindi si Braelyn,” sabi ni Howell. “Concern lang talaga siya. Sa sobrang pag-p-panic niya, nagawa n’ya ’yon. Isali na natin ’yong internal jealousy niya. In one way or another, she enjoyed it too.”

“I agree,” sabi ni Jax at malungkot ang mukha. “Ginawa n’ya ’yon dahil ’yon ang tingin n’yang tama. Hindi n’ya kayang sabihin sa kanila directly kaya gumawa s’ya ng paraan. That explains kung bakit sa room lang n’ya inilalabas ’yong secrets nila at hindi sa buong school. Halfway through it, nakaramdam na siya ng selos. She felt like she was being outcasted kaya ayon… from helping, she started using the secrets to destroy them. What a pity.”

“Sa lahat ng secrets na posibleng mayroon si Lyle, ’yong secret n’ya na s’ya pa talaga ang nag-report sa sarili niyang ama sa awtoridad ang ni-reveal ni Braelyn,” sabi ni Howell. “She can keep it to herself since nahuli na siya but I guess, naisip niyang babagsak na rin naman siya so might as well bring Lyle with her.”

“Sobrang bigat niyon,” sagot ni Jax. “People may think, how come it can drag Lyle down, e, ginawa n’ya lang ang tama? Ang point kasi, dahil doon nasira ang pamilya niya. Nakulong ang daddy niya, umalis ng bansa ang mommy niya, ’yong ate niya, nawalan ng career at nagtago sa malayong lugar. It destroyed their family.”

Tumangu-tango si Howell.

“Tama ang ginawa niya pero imagine the guilt,” Jax followed. “Partida, guilt pa lang para sa sarili mo ’yon. Paano pa ’yong guilt na mararamdaman mo kada titingnan ka ng mga tao sa paligid mo? Ng mga kaibigan mo? Paano ’pag nalaman ng family mo? Kaya mabigat ’yon para kay Lyle.”

Huminga nang malalim si Howell at sumandal sa headrest. “Ewan ko ba sa mga batang ’yan. Ang i-immature, parang laro lang ang buhay.”

“Walang immature ’pag nasaktan ka. If it hurts, it hurts. We have different ways of coping with our insecurities, it just that Braelyn used the wrong way. Sayang, siya pa naman favorite ko base sa narrative reports ni Reign.”

Pareho silang natawa. “Paano ba ’yan, Jax? Tama ang hula natin. May gusto ngang magpabagsak sa 12-A.”

Jax sighed too. “Awkward bang ngingiti ako kahit na nagkakasiraan na sila ng buhay doon?”

Natawa si Howell at sinuntok siya sa braso. “Tayong dalawa lang naman dito, brad.”

Natawa si Jax at tiningnan ang mga dokumentong nasa harapan niya. Papalapit na nga sila sa wakas.

“Posibleng inosente nga ang 12-A,” Jax said out of the blue. “Gaya ng sabi ni Braelyn, gusto silang ma-dissolve ng school. Gusto ng school na i-abolish ang school name tag color thing at hindi nila magagawa ’yon kung naroroon pa ang 12-A.”

“Gusto nila silang gawing sacrificial lamb,” Howell followed. “Matagal na silang na-c-critize dahil sa concept ng gold, silver, at bronze name tag. Isama pa natin ang mistreatment sa mga estudyante at scholars ’pag hindi ka part ng section A. Over the past years, ang dami nang protesta laban sa kanila. Pababa na rin nang pababa ang nag-e-enroll kasi kahit mataas ka na sa lipunan, no guarantee na makakapasok ka sa section A. Even some employers started to refuse to accept students from that school. They all wanted to lead, not to follow.”

“That makes sense,” sagot ni Jax. “Gusto na nga talaga sila mawala ng school. Pero masiyadong madugo ’yong way na naisip nila kung sila talaga ang nag-set up. Mas lalo silang napag-usapan at inayawan nang mabalitaang may teacher na pinatay noong student party.”

“Siguro tanga sila at hindi napagplanuhan nang maigi?” tanong ni Howell at natawa. “Or they didn’t see the result coming. Look, after the murder, what happened? One news about them joining the National School Sports Competition, nakalimutan na ng mga tao ang nangyari. Maybe they had it all planned. That a single news will cover that shit up.”

“Could be,” sagot ni Jax. “Bukas, imbestigahan mo ang school management ng West Carson High. Ako bahala sa area ng crime scene. Titingnan ko kung sino ang labas-pasok ng gabing ’yon at iimbestigahan sila lahat.”

“Noted,” sagot ni Howell. “Kung totoo mang ang management ang pumatay kay Miss Jess, kawawa ang 12-A. All along, sila pala ang tunay na biktima dito pero sila ang pinaka nag-s-suffer.”

“It’s not a war if there’s no casualties,” Jax said. “The only thing that we can do is to reduce it. Naaalala mo noon, si Jess lang ang teacher na hindi nila makontrol? She knows a lot that’s why they wanted her gone. That’s the best angle that I can think of.”

“Haaay, buhay,” sabi ni Howell at ipinikit ang mga mata. “Kapag na-solve natin ’to, big time ka na. Baka mas sikat ka pa sa pinsan mo.”

Natawa si Jax at sumandal din sa head rest.

“Noong una, tinanggap ko ’tong kaso kasi gusto ko ring sumikat. ’Yong case ni Traise Stevens, ’yong napagbintangang pumatay sa sarili niyang ama. ’Yong muntik nang maging biktima ng death penalty, naaalala mo?”

Tumango si Howell kahit nakapikit.

“That case made Tyler Scott, my cousin, the most popular prosecutor in town. Kung sa akin napunta ’yon, baka sikat na rin ako gaya niya. Nagkaroon ako ng second chance for my big break, ’yong case ng daddy ni Avery, ’yong graft thing. Tyler took it from me too. He took those chances away and this is my last chance. Sawa na akong makilala bilang pinsan lang niya. I want to create a name for myself.”

“You accepted the job just for that?” tanong ni Howell at ngumisi. “Jax, you’re a famewhore, huh?”

Natawa si Jax. “’Yon ang dahilan ba’t ko tinanggap. Pero ngayon… parang na-attach na ’ko. Whatever happens, we need to solve this case. Kung 12-A man o ang school management ang totoong salarin, we need to catch them by hook or by crook. Kung sisikat man, bonus na lang siguro ’yon. They trusted us and we should not fail them.”

Dumilat si Howell at napangisi. “Woah, what a character development. Speaking of Avery, alam na ba niya? Na kapatid niya ang nag-report sa daddy niya?”

“Malalaman niya ’yan sooner or later. Ayaw kong sa akin manggaling, nakakatakot ’yong babaeng ’yon,” sagot ni Jax.

Pareho silang natawa.

“Busy ka ba?” tanong ni Jax kay Howell kinalaunan.

Umiling si Howell. “Umuwi asawa ko sa mama niya. Ako lang sa bahay the whole night. Bakit, iinom tayo?”

“Puro ka alak, hayop ka,” sabi ni Jax at sinimulang paandarin ang kotse.

“Saan tayo pupunta?” tanong ni Howell at kumunot ang noo.

“Saan pa ba?” tanong ni Jax pabalik. “Let’s revisit the crime scene. I believe we can get something from there. Again.”

———

Makikitang binuksan ni Lyle ang pinto ng bahay nila. Kagaya ng nakasanayan ay napakatahimik ng lugar. Day off ng mga kasambahay nila at hindi siya nagpasundo sa driver niya. Wala rin ang dalawa niyang pusa sa bahay at malamang ay dala-dala ng mommy niya.

Walang tao sa loob maliban sa kaniya. Napakalinis ngunit napakalungkot tingnan ng lugar. Malaki pero masikip sa pakiramdam.

Pumasok si Lyle sa loob. Inilapag niya ang phone niya sa sofa. Pumunta siya sa ref at kumuha ng tubig. Habang umiinom ng tubig pabalik sa sofa ay napahinto siya nang makita ang mga litrato nilang pamilya na nakasabit sa dingding.

Litrato iyon simula ng bata siya at ang ate niya. Mula noong nasa pre-school siya, elementary school, at high school. Ganoon din ang litrato ng ate niya. Parati silang may medal at laman ng mga awardings.

Tanda pa niya ang ibang litrato. Alam pa niya ang nangyari noong mga panahong iyon na parang kahapon lang sila naganap. Lalo na iyong mga litratong nangibang-bansa sila para magbakasyon.

Sa lahat ng litrato, siya lang ang hindi ngumingiti. Parating blangko ang mukha niya at walang emosyon—maliban sa isang litrato.

Hinawakan ni Lyle ang family picture nila. Kuha iyon ilang linggo bago makulong ang daddy niya. Ngiting-ngiti ang mommy, daddy, at pati ang ate niya. He can hear their laughs that day too, which caused him to smile widely at the camera.

Lyle smiled painfully. Unti-unting bumibigat ang pakiramdam niya. Hanggang ngayon ay sinisisi niya ang sarili niya dahil sa nangyari sa pamilya niya.

“Bakit mo

isinuplong

ang sarili mong ama?“

Lyle can still hear Braelyn’s voice. Nakikita rin niya ang gulat at tanong sa mga mata ng mga kaklase niya. Hindi niya kinaya ang tensyon at ang guilt na naramdaman niya. He can ignore everything but not that secret of him. That’s why he stormed out of the room and ran away—leaving them all puzzled yet shocked. Ni-hindi nga niya nakuha ang bag niya.

Sa katunayan, hanggang ngayon, hindi pa rin niya matanggap na isinuplong niya ang sarili niyang ama. Na siya ang may kasalanan kung bakit ang bahay nila na dating masaya ay naging ganito katahimik.

Madaling sabihin na ginawa niya ang tama. Na nakakaproud ang ginawa niya. Pero base sa kanya na mismong naka-experience niyon, napakahirap. Gabi-gabi kang papatayin ng konsensya mo lalo na’t kapag nasira ng desisyong iyon ang pamilya mo.

Napa-upo si Lyle sa sofa. Sumandal siya roon at natulala sa kisame. Sa pagkakataong iyon, unti-unti siyang nilalamon ng galit para sa sarili.

It happened few years back. Kilala silang pamilya. Senador ang daddy niya, dating congresswoman ang mommy niya, prosecutor ang ate niya at isa siya sa top students sa school nila at ang unang doktor sa pamilya.

Lyle couldn’t ask for more. He had everything. Sobrang mapagmahal ng parents niya at kahit busy ay gumagawa ng paraan para makasama siya. They weren’t a perfect family and he liked it. Kahit na malaki ang agwat ng edad ng ate niya sa kaniya, he never felt like he was behind. Sobrang close silang dalawa at minsan pa nga’y ito ang sumusundo sa kaniya sa school.

He had few friends but he knew he had everything he ever needed. Sapat na sa kaniya si Grey, Missi, at Levi. Kasabay niyang lumaki ang mga ito at parati pa silang magkakaklase. Sa sobrang lapit nila sa isa’t isa ay pati mga magulang nila, naging close na rin.

Everything was going fine not until Lyle noticed something about his dad. Madaling araw na kadalasang umuuwi si Lyle dahil sa paglalaro nila ni Grey ng video games sa bahay nila Levi. Magkakalapit lang ang bahay nila at iisang area lang kaya panatag ang parents nila. Dahil sa ganoong oras na pag-uwi niya, madalas niyang naririnig ang daddy niya na may kausap sa cellphone at mukha itong galit.

Noong una ay akala niya normal lang iyon, lalo na’t ’pag tungkol sa trabaho. Pero ang madalas ay naging parati. Nangyayari iyon kapag tulog na ang lahat sa bahay nila, na para bang sikreto iyon na hindi dapat malaman ng kahit na sino sa kanila.

Laging puyat si Lyle dahil doon. Napapansin na rin iyon nila Levi at Grey pero wala siyang balak sabihan ang mga ito. Ayaw niyang mag-isip ang dalawa nang masama tungkol sa daddy niya. Lalo na’t ang ideyang pumapasok sa isip niya ay baka may kabit ito.

Apparently, it stopped. Wala nang tumatawag sa daddy niya tuwing madaling araw. Napalitan naman iyon ng kung anu-anong dokumento na dini-deliver sa kanila tuwing gabi. Lagi iyong naaabutan ni Lyle.

Huminto ang pagpapadala ng mga dokumento ilang linggo ang makalipas. Napalitan naman iyon ng iba’t ibang lalaking bumibisita sa kanila. Ang akala ng mommy niya ay mga kaibigan iyon ng daddy niya pero iba ang kutob ni Lyle. Hindi kumportable ang daddy niya sa mga ito. Kitang-kita niya kung paano maglikot ang mga mata nito kapag nasa bahay nila ang mga bisita.

Kaya isang araw, nang hindi na siya makapagtimpi, ay nakinig siya sa mga usapan nito. Nag-uusap ang mga ito tungkol sa bilyun-bilyong pera. Doon na siya kinabahan.

Naghintay siya ng tamang tiyempo at nang wala ang daddy niya sa bahay nila ay pumasok siya sa kwarto at binuksan ang vault nito. Ilang araw niyang binantayan ang pagbubukas nito ng vault para makuha niya ang passcode at tumama siya.

Ang laman ng vault ay mga dokumento at ilang flashdrive. Binasa niya iyon at ninakaw ang mga flashdrive bago dumating ang daddy niya. He copied all the files to his laptop and he took photos of the documents. Isinauli niya iyon bago mag gabi para hindi ito maghinala.

Sa buong magdamag ay pinag-aralan iyon ni Lyle. Sa pagkakataong iyon ay nadiskubre niya ang lihim ng ama. Parte ito ng isang kulto—ang Eagle Cult.

Hindi pumapatay ang daddy niya. Gaya ng ilang miyembro ng eagle cult na mga pulitiko rin, sumali ang daddy niya rito para ma-secure ang pagkapanalo nito sa kahit na anong eleksyon. Mas mataas ang posisyon, mas malaki ang kapalit. At ang kapalit na iyon ay maraming pera—na manggagaling sa kaban ng bayan.

Milyun-milyon na ang nailipat ng daddy niya sa kanila at marami pang kasunod. Araw-araw na ring nagbabago ang kilos ng daddy niya at kitang-kita niya kung paano ito nagbabago. Nangangayayat na ito, lubog ang mga mata, at parating anxious sa paligid.

Takot ito. Labag sa loob nito ang ginagawa pero dahil sa takaw nito sa kapangyarihan ay pikit-mata na lang nitong ginagawa ang gusto ng kulto dahil ibibigay nito ang posisyon na gusto niya.

Hindi na nga kulto ang tingin dito ni Lyle. Sindikato na ang mga ito para sa kaniya. Hindi iyon napapansin ng mommy at ng ate niya. Pero siya, aware siya sa lahat ng nangyayari.

Hindi alam ni Lyle ang gagawin. Naging tahimik siya sa klase at hindi kumikibo. Naging mapag-isa siya at laging iniiwanan sila Levi at Grey. Hindi niya rin sila pinapansin. Lagi rin siyang tuliro.

Hanggang isang araw ay hindi na niya kinaya. He opened up to Grey and Levi. Nagulat ang mga ito at hati ang opinyon. Grey wanted him to talk to his mom and tell her everything. Kung i-r-report ba nila ang daddy niya o hindi, it’s a family matter. Ang kay Levi naman ay huwag daw ipaalam kahit na kanino. After all, pamilya sila.

Mas lalo siyang naguluhan. Pakiramdam ni Lyle ay masisiraan siya ng bait. Ni-hindi na siya makapag-focus sa pag-aaral at parating na-ca-call out sa klase.

Isang gabi, narinig niya ang usapan ng daddy niya at ng tatlong lalaki. Minumura nila ang daddy niya at pinagbabantaan. Takot na takot ang daddy niya sa mga ito. Kahit na magbago ang isip nito at talikuran ang ginagawa ay huli na ang lahat. Papatayin ito, sigurado siya.

Mas lalong nag-panic si Lyle. Kailangan niyang wakasan ang nangyayari at isa lang ang naiisip niyang paraan—kailangang makulong ang daddy niya. Sa ganoong kalagayan, hindi nila ito magagalaw. Matatapos na ang lahat.

Pero natatakot si Lyle. Natatakot siya sa mga posibleng mangyari. Hindi niya kaya ang magiging consequences ng lahat. Sisirain ng desisyong iyon ang pamilya niya pero iyon na lang ang paraan.

Lalong nahirapan si Lyle nang malaman niyang nag-p-plano ng third honeymoon ang parents niya. Gusto nilang magbakasyon nang sila lang. Ang ate pa nga niya ang kasama ng nga ito na maghanap ng magandang lugar overseas. Mukha silang masaya. Excited sila sa napakarami nilang plano.

Pero habang tumatagal ay mas nagiging marahas ang kulto. Pinagmumukha ng mga ito na mahina at sunod-sunuran sa kanila ang daddy niya. They threatened him that they would kill him if no money will be transferred by night. Gawin man iyon ng daddy niya ay alam niyang hindi na matitigil iyon. Mangyayari iyon nang ilang beses pa hangga’t wala nang maibigay ang daddy niya at doon na nila ito i-d-dispatya.

Kaya nang gabi ring iyon, hawak ang mga kopya niya ng dokumento at ang flashdrive, pumunta si Lyle sa police station. At habang nagkakagulo ang mga tao roon dahil sa mga lasing na nahuli at nag-aaway, iniwan ni Lyle ang mga gamit sa station ng isang pulis na ang angkan ay kilala sa pagtugis sa mga corrupt na pulitiko. Umalis siya roon nang wala man lang nakapansin.

That very morning, his father was arrested. Siya pa ang tumawag sa ate niya dahil dinakip ang daddy niya. He acted clueless and shocked.

The whistleblower, who was him, was unknown to the public even up to this moment.

Akala niya ay tapos na ang lahat pero doon siya nagkamali. Sinira ng desisyon na ’yon ang buhay ng pamilya niya.

Nakulong ang daddy niya.

Tinalikuran ang mommy niya ng mga kaibigan nito. Kinailangan pa nitong umalis ng bansa dahil hindi nito kinakaya ang kahihiyan.

Ang business ng mga kamag-anak nila na walang kinalaman sa ginawa ng daddy niya at binoycott ng publiko. Sa sobrang sama ng sitwasyon ay kinailangan pa nilang i-rebrand ang business pero sa huli ay na-bankrupt pa rin dahil sa galit ng publiko.

Lyle became a laughing stock in their school too. Tingin ng mga nasa lower section ay mas mababa pa siya sa kanila. Nilayuan din siya ng lahat maliban kila Levi at Grey.

At ang ate niya…

Lyle closed his eyes hardly.

Nawala ang lahat sa ate niya—ang trabaho nito, connections nito, at ang pangarap nito. Pinagtatawanan si Avery dahil naging bulag daw ito sa katotohanan. At kahit na kinukutya ng lahat ay ipinaglaban pa rin nito ang daddy nila kahit alam nitong umpisa pa lang ay talo na sila.

Umalis ang ate niya sa kanila. She lost everything that she built for herself in a blink of an eye. After her career’s downfall, she went to a far city to escape the humiliation. Doon, muntik pa itong mamatay dahil naging biktima ito ng parehong kulto na nang-h-harass sa daddy niya.

Hinding-hindi mapapatawad ni Lyle ang sarili niya kung may nangyaring masama sa ate niya. For him, it was all his fault.

Even up to this moment, ramdam niya ang consequences ng ginawa niya.

Minsan niya lang mabisita ang daddy niya dahil nahihirapan siyang makita ito. Mas matanda na itong tingnan kaysa tunay nitong edad.

Ang ate niya ay hindi pa rin umuuwi sa kanila. Grabeng trauma ang inabot nito dahil sa karanasan nito sa kulto kaya hanggang ngayon ay pilit nitong inaayos muli ang sarili.

Ang mommy naman niya ay umuwi ng Pilipinas para sa kaniya. Pinipilit siya nitong sumama sa kaniya sa ibang bansa at doon na mag-aral pero ayaw niya. Kaya nag-stay ulit ito sa Pilipinas at umuuwi lang sa bahay nila kapag naroroon siya.

Gaya ngayon, wala ito sa kanila dahil ang alam nito ay mamaya pa ang uwi niya. Hindi rin nito kinakaya ang nakabibinging katahimikan sa bahay nila.

Pumikit si Lyle at tinakpan ang mga mata niya gamit ang braso niya. Kusang tumulo ang mga luha niya at doon, ay tahimik siyang umiyak.

All those years, tingin niya’y kasalanan niya ang lahat. Sinisisi niya ang sarili niya hanggang ngayon at hindi niya mapapatawad ang sarili niya hanggag’t hindi niya nakikitang masaya ulit ang pamilya niya.

Ngayong alam na ng klase ang ginawa niya, hindi na siya magtataka kung magagalit ang mga ito sa kaniya. Naiintindihan niya sila. Besides, they can’t hate him the way he hates himself.

After witnessing how his mom and her sister fought tooth and nail to defend his father despite losing everything that they have, Lyle lost all the courage to tell them the truth. Na siya ang nag-report sa daddy niya at siya ang responsable sa paghihirap nilang lahat. Hinding-hindi niya iyon kayang aminin. Pamilya na lang niya ang mayroon siya.

Lyle continued crying his heart out silently. Iyong mga emosyong napakatagal niyang pinipigil ay kusa nang lumalabas. Hirap na hirap na rin siya. Gusto na rin niyang matapos ang lahat.

“I’m sorry…” Lyle whispered in the air. “I’m so sorry…”

Ilang minutong nasa ganoong kalagayan si Lyle nang marinig niyang nag-r-ring ang phone niyang nasa tabi niya. Kinuha niya iyon at tiningnan. Hindi niya kakayanin kung ang mommy niya na ’yon o ang ate niya.

Napakaraming missed calls mula sa mga kaklase niya. Ang huling tumatawag ay si Missi pero ni-isa ay wala siyang sinasagot. Muli iyong nag-ring. Halos isang minuto ay namatay ulit iyon. Nang muli iyong mag-ring ay papatayin na dapat ni Lyle ang phone niya pero nang makitang si Grey ang tumatawag ay napahinto siya.

Simula nang mag-away sila ni Grey, ngayon na lang ulit siya nitong tinawagan. Hesitant at first, Lyle answered his call still.

“Lyle…” bungad ni Grey.

Napahinto si Lyle. Hindi niya inaakala na sa simpleng boses na iyon, ma-r-realize niyang kailangan niya ng makakasama ngayon.

“Hindi ko alam kung naka-save pa ang number ko sa phone mo but… uh… this is Grey. Greysen Finch. Your… your friend.”

Lyle looked down. Alam niyang malaki ang kasalanan niya kay Grey pero ’yong part na ito pa ang tumawag sa kaniya, alam niyang nag-aalala rin ito.

“I… uh… I’m calling in to check on you,” Grey followed. “Okay ka lang ba?”

Hindi kumibo si Lyle. Hindi rin naman niya alam ang isasagot.

“Lyle, I know you’re there,” Grey sounded weird. “You don’t have to say anything. Baka lang kailangan mo ng kausap.”

Lyle remained silent. He didn’t know what to feel at all.

“Naaalala mo ’yong sinabi ko noon? Noong panahong nahuli ang daddy mo?” tanong ni Grey. “Tatlo tayong nag-

iiyakan

nila Levi noon. Mga mukha tayong tanga.“

Lyle smiled weakly, remembering that memory.

“Tapos…

ini

-interview tayo kung sino sa tingin natin ’yong whistleblower. Sabi ni Levi, ang tanga niya.

Pinariringgan

ka niya.“

Lyle looked up, trying to stop his tears from escaping his eyes.

“Then… ako na ’yong na-interview. Naaalala mo pa ’yong sinabi ko?”

Lyle bit his lower lip. Hindi na niya kaya pa.

“Kahit ngayon, ganoon pa rin ang opinyon ko, walang nagbago. I still think that you did the right thing. Kung hindi mo ’yon ginawa, baka kung ano na ang nangyari sa daddy mo.”

Tumulo nang muli nang luha sa mga mata niya.

“You’re brave for doing that, Lyle. Hindi lahat kayang harapin ang ganoong

klaseng

katotohanan. I envy you.“

There was a pause of silence.

“I’m proud of you.”

Lyle covered his eyes again. Hindi na niya kayang kontrolin pa ang mga luha niya. He was dying to hear that.

“Don’t be harsh on yourself, hmm?” Grey asked, he sounded as if he was about to cry too. “Give yourself a pat on the back. This shall pass.”

Nagpatuloy sa pag-iyak si Lyle nang mahina at alam niyang naririnig na siya ni Grey. Napahawak na siya sa dibdib niya. Kumikirot na iyon.

“Is it okay if I’ll end this call?” Lyle finally talked “Gusto ko sanang… mapag-isa.”

“Sure,” Grey answered. “Do anything that will make you feel better.”

“Thank you,” bulong ni Lyle.

“No problem, bro,” sagot ni Grey.

When Lyle ended the call, he bit his tongue. Kailangan niyang matulog para takasan pansamantala ang sakit na nararamdaman niya. Iyon lang ang nakikita niyang paraan.

Saktong pagtayo niya ay doon bumukas ang pinto ng main door. Bumungad ang mommy niya na umiiyak at nakatingin sa kaniya.

“Mom…” Lyle uttered, shocked. His eyes widened. “Ano pong—”

Hindi na niya natapos ang sasabihin nang lumapit ito sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit. Humagulgol ito sa balikat niya at hinihimas ang likuran niya.

“My poor baby…” she said in between her tears. “It must’ve been so hard on you…”

Natulala si Lyle. Alam na ng mommy niya ang lahat.

“Kaya ka pala nagkaganito…” sabi ng mommy niya at nag-crack ang boses nito habang umiiyak. “I’m sorry if you had to carry everything by yourself. I’m sorry, anak…”

Lalo itong humagulgol. Muling namuo ang luha sa mga mata ni Lyle.

“I’m sorry if you were in deep pain because of us…” his mom said. “We are sorry, Lyle. Pasensya ka na…”

Unting-unting niyakap pabalik ni Lyle ang mommy niya. Niyakap niya ito nang mahigpit at hinagkan ito sa ulo habang tumutulo na ang mga luha.

“Sssh, it’s okay, mom…” he whispered. “Please don’t cry. I’m okay… kinaya ko naman po. Kaya ko pa naman po.”

Habang nasa ganoong sitwasyon ang mag-ina ay hindi maiwasang huminga nang malalim ni Levi. Nakatayo ito sa bintana kasama si Reign at sinisilip ang nangyayari sa loob.

Matapos umalis ng room ni Lyle ay alam na ni Grey ang mangyayari. Kakalat ang sikreto nito sooner or later at mas magandang hindi iyon marinig ng mommy ni Lyle sa mga oportunistang tao.

Kaya pinapunta ni Grey si Levi sa paboritong shop ng mommy ni Lyle para sabihan siya kung ano ang nangyari. Alam nila na hinding-hindi aamin si Lyle sa sariling ina, hindi niya kaya. Sumama si Reign para i-condition ito.

They succeeded. They saw her and with Levi’s knowledge of what happened before, naintindihan ng mommy ni Lyle sitwasyon. It wasn’t easy at first, of course. Hindi siya naniwala pero ipinaintindi ni Levi ang lahat. At habang nasa biyahe ay iyak ito nang iyak. Si Reign ang nagpapakalma rito.

Now, this is what happened.

“Finally, tapos na ang pagdurusa niya…” sabi ni Levi at malungkot na ngumiti habang pinanunuod ang mag-ina.  “Happy Birthday, Lyle…”

Ngumiti si Reign nang marinig iyon. Hawak-hawak niya ang cage na naglalaman ng dalawang pusa ni Lyle.

“Bati na kayo?” tanong ni Reign habang nakatingin din sa mag-ina.

Levi shrugged. “I don’t know. Basta masaya ako na hindi na niya kailangang sisihin ang sarili niya. At least, he’s finally free. Proud of him.”

Reign sighed out of relief. She had no idea of the weight of Lyle’s pain but she knew he deserved peace like anybody else.

“The best birthday gift for him,” Reign said while watching Lyle still. “Forgiveness and acceptance.”

She smiled even more.

“Happiest eighteenth year of existence, birthday boy…”

———

Galit na pumasok si Everleigh sa bahay nila. Nang madatnan niya ang mommy niya sa sala ng bahay nila ay matalim ang tingin niya rito.

“Why?” tanong nito nang tingnan siya. “May nangyari ba?”

“May dapat ba kayong sabihin sa akin?” tanong pabalik ni Everleigh.

Ibinaba ng mommy niya ang binabasa nito nang marinig ang tono niya. Hindi ito sanay na nagsasalita ang anak sa ganoong tono.

“What do you need to know?” her mom asked.

“Maybe, you can tell me why the school wants our section to disappear?” Everleigh asked back.

Halatang nagulat ang mommy ni Everleigh sa narinig.

“Saan mo nalaman ’yan?” tanong ng mommy niya.

“Kay Braelyn. That bitch was exposing our secrets!” frustrated na sabi ni Everleigh.

“Why would she do that?”

“I don’t know, mom!” sagot ni Everleigh. “Ang sabi niya, ikaw, ang mommy niya, at mommy ni Grey ang nakipag-alliance sa school management to dissolve our section. In the end, ako, si Grey, at si Braelyn ang hindi maaapektuhan. I-e-expose nila ang secret ng mga kaklase namin isa-isa, bagay na nakuha mo sa ’kin dahil ako ang gatekeeper. Mom… what the hell were you thinking?!”

Her mom’s face seemed amused. Everleigh was out of words.

“Interesting…” bulong nito.

“Interesting?” Everleigh asked. “Mom, nagkakagulo na kami and that’s all you have to say? Interesting?”

“Everleigh, listen, darling,” sabi ng mommy niya. “That plan… that thing to expose their secrets to the public… hindi namin itinuloy ’yon. I mean, we planned it, yes, but we abandoned it. It didn’t push through.”

“What?!” takang tanong ni Everleigh.

“Ginawa namin ’yon to ensure that in the end, nasa inyong tatlo nila Grey at Braelyn ang makakakuha ng leadership award dahil pare-pareho kayong tatlo ng gustong pasukan na school and that award is like a free pass. We planned it at the beginning of the school year but we didn’t do it. Ni-hindi nga ’yon nasimulan.”

Nanlumo si Everleigh. “What’s going on? Bakit… bakit tingin ni Braelyn—”

“Baka narinig niya kami,” putol sa kaniya ng mommy niya. “Then the girl panicked and put the justice on her hands without knowing the plan was cancelled.”

Everleigh’s lips parted.

Humalakhak ang mommy ni Everleigh. “Gosh, akala ko matalino ang batang ’yon. Look at what she did. Sinu-sino na lang ang hindi niya na-r-reveal?”

“Sa akin at kay Grey,” sagot ni Everleigh. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. “Hold on, mom. You mean… Braelyn started that mess without knowing na cancelled na ’yon before pa masimulan?”

Nakangising tumango ang mommy niya. “Stupid little girl, right?”

Tumawa ito at umiling. Si Everleigh ay hindi alam ang mararamdaman.

“See what happens kapag puro emosyon ang pinaiiral?” tanong nito. “How about Lyle? Na-reveal na ang kaniya?”

Everleigh nodded, her mom smirked.

“Lyle and I had an agreement. Mag-w-withdraw siya from nomination bukas,” sabi ni Everleigh.

“And you trust him?”

Tumango si Everleigh. “Lyle keeps his words, always.”

“Good, good,” sagot ng mommy niya. “Now, si Grey na lang. Do you think it’s time to expose him now?”

“Mom…” Everleigh utterred. She was shocked.

“Why? Sinimulan na ni Braelyn, might as well finish it. Besides, kayo na lang dalawa. Exposing him will give you a guaranteed win with regards to the votings. Don’t you think?”

“Masiyado pong mabigat ’yong sikreto ni Grey,” sagot ni Everleigh. “Baka po mag-backfire sa akin.”

“The bigger the secret is, the deeper he’d fall,” sagot nito. “Besides, ’pag nalaman ’yon ng lahat, hindi mo na kailangang problemahin ang voting. Ma-d-disqualify siya at ikaw na lang ang recipient ng award. Sounds lovely, isn’t it?”

Muli itong tumawa bago siya iniswan para kumuha ng maiinom. Napahawak si Everleigh sa gilid ng couch at huminga nang malalim. She was so stressed out.

“I’m so sick of this…” bulong niya sa sarili.

———

Kinabukasan ay makikita si Howell na may sinusundang motor. Matalim ang tingin niya rito at sinisiguradong hindi ito mawawala sa paningin niya.

“Kaunti na lang…” bulong ni Howell sa sarili. “Kailan ka ba titigil buwisit ka…”

Araw-araw ay hindi pa rin tumitigil ang mga parcels na dumarating kay Jax. Bago umalis si Jax sa opisina ay hinihintay muna nito ang parcel na idini-deliver ng kung sino man sa kaniya. Sobrang confidential niyon na wala siyang pinagkakatiwalaan kahit sino man.

Iyong katotohanan pa lang na sa office ito ipinadadala ni Jax at hindi sa bahay nila mismo, alam na ni Howell na kahit mga kasama nito sa bahay ay hindi nito pinagkakatiwalaan.

Gaano ba iyon kabigat?

May kinalaman ba iyon sa kaso?

Dapat na ba siyang makialam?

Kung hindi siya bibigyan ni Jax ng sagot, siya ang maghahanap ng sagot sa mga katanungan niya. Sobrang suspicious na ni Jax para sa kaniya at kailangan na niyang kumilos. Hindi na niya hihintayin ang araw na baka saksakin siya nito patalikod.

Kaya matapos ma-deliver ang parcel ay sinundan niya ang nag-d-deliver kay Jax. Halos kinse minutos na sila sa kalye pero hindi pa rin ito tumitigil.

Nang lumiko ito ay lumiko rin si Howell. Maya-maya ay huminto ito sa tapat ng malaking building. Bumaba ang lalaki at habang dala-dala ang helmet ay pumasok sa loob.

Lumabas si Howell ng kotse at nang makita ang pangalan ng building ay kumunot ang noo.

“Philippine Statistics Authority…”

———

Sa buong araw ay panay lang review si Jax ng mga naglabas-pasok sa bahay nila Hale nang gabing iyon. Nakapatay man ang CCTV sa bahay nila Hale ay nakabukas naman ang CCTV sa malapit na poste at tanaw mula roon ang gate ng bahay nila Hale.

He began reviewing the footages from an hour before the party started and an hour after it ended. Nakilala  niya ang ilan at mga estudyante iyon ng West Carson High.

Apat na oras na ang nakararaan at pagod na pagod na si Jax. Kahit ’yong dalawa n’yang kasama na security personnel ay naka-idlip na. Kahit siya ay pipikit na ang mga mata.

“Please make my time worthy…” pagmamakaawa ni Jax. “Ayaw kong mapagtawanan…”

Nakatutok pa rin siya sa screen at ramdam na niya ang pananakit ng likuran niya. Nasa ganoon siyang kalagayan nang may makita siyang dumaan sa footage.

Tinitigan niya iyon. Kumpara sa mga nakita niya kanina na puro kabataan, ito ay hindi. Matured na matured ang lalaki tingnan ayt may katangkaran. Halos ka-edad nga lang niya ito kung titingnan.

Naglakad ito at halos napatayo na si Jax mula sa upuan niya.

Lalagpas ba ito sa bahay nila Hale?

Papasok doon?

Hihinto?

Pakiramdam ni Jax ay maiihi siya sa sobrang kaba.

Huminto ang lalaki sa tapat ng bahay nila Hale at kumatok.

Napanganga si Jax.

Bumukas ang pinto ilang minuto lamang. Isang babae ang bumungad.

Jax’s eyes widened.

It was Miss Jess.

Pumasok ang dalawa sa loob at sumara na ang pinto.

“Shet!” bulaslas ni Jax.

Ni-rewind niya ang footage at inihinto sa kung saan kita ang mukha ng lalaki. Ginising niya ang isang security personnel.

“Tol, kailangan ko ng clear copy nito, ngayon na.”

After an hour, with the help of his connections, Jax was able to know the identity of the guy on the footage.

Sa katunayan, nasa harap na niya ito ngayon. He interviewed him. Ang sabi niya, pumunta lang siya roon dahil may usapan sila ni Jess na magkikita sila pero hindi na ito sumasagot sa tawag niya. Jess later texted him to go there since she’s too drunk to go out.

Kaya pumunta roon ang lalaki para kuhanin ang kailangan niya mula kay Miss Jess at umalis din maya-maya matapos kuhanin iyon.

Pinatunayan iyon ng footage. Ten minutes after he went inside, lumabas na rin ito at si Miss Jess pa mismo ang naghatid palabas. Kaya naman crossed out agad ang lalaki sa suspect’s list nila.

They interviewed him nevertheless to get something. Dahil twenty-minutes matapos ng pagkikita nila ay natagpuan nang walang buhay si Miss Jess, tingin ni Jax ay makakatulong ang lalaki.

“Masiyadong madilim sa loob, boss. Maingay din. Ang daming tao kaya hindi ko alam kung mayroon bang hindi kabataan doon, pasensya na,” sagot nito nang tanungin niya tungkol sa mga tao roon.

“Kumusta si Miss Jess doon?” tanong ni Howell.

“Wala siya sa sarili, e. Lasing na lasing. Inaaya ko na umuwi sa kanila pero ayaw niya. Nakakalungkot lang na ’yon na pala ’yong huling beses na makikita ko siya.”

Sobrang lungkot ng mga mata at ng mukha nito.

“Bakit mo siya pinuntahan doon?” tanong ni Jax. “Ano iyong kinuha mo sa kaniya?”

“Okay lang po bang sabihin dito?” tanong nito.

Tumango si Jax. “Feel free.”

“P-Pera po…” sagot ng lalaki.

“Pera?” takang tanong ni Jax. “Para saan?”

“Sustento po,” sagot ng lalaki.

“Sustento saan? May anak si Jess?” tanong ni Jax.

Umiling ang lalaki. “S-Sa kapatid ko po. Dati silang magkarelasyon.”

“Anong nangyari sa kapatid mo? Pwede bang malaman?” tanong ni Jax.

“Naka confine po sa ospital, comatose. Tinutulungan kami ni Jess sa bill sa ospital dahil walang-wala rin po kami.”

“This may sound rude pero kailangan ko lang itanong,” sabi ni Jax. “Bakit s’ya ang nagbabayad? May… ginawa ba siya sa kapatid mo?”

Hindi sumagot ang lalaki. Nagsimulang maglikot ang mga daliri nito.

“Si Jess ba ang dahilan?” tanong ni Jax.

Naglikot ang mga mata ng lalaki. Ayaw nitong sumagot.

“Sir, for the sake of the investigation, I need to know. Anong ginawa ni Jess sa kapatid mo?”

Pumikit ang lalaki nang mariin at tiningnan siya sa mga mata.

“Ibibigay ko na lang ’yong address ng ospital kung nasaan ang kapatid ko. Ayaw kong magsalita, prosecutor. Baka… baka madawit po ako…”

In a snap, nagmamadaling lumabas ng kwartong iyon si Jax. Dala-dala ang papel na naglalaman ng address ng pasyente ay tinawagan niya si Howell.

“Brad, listen,” sabi ni Jax. “May i-s-send akong address. Go there. Now!”

Sa kabilang dako, ang pasyenteng tinutukoy ng lalaki ay makikitang nakahiga sa isang kwarto sa ospital. Nag-iisa lang ang lalaki roon at walang bantay. Wala rin iyong malay. Tanging tunog lang mula sa mga machine ang maririnig sa buong kwarto.

Habang walang tao sa loob ng kwarto ay may isang babaeng na nakatayo sa pintuan nito. Tahimik lang ito at taimtim na pinanunuod ang lalaki mula sa bintana ng pintuan.

It was Everleigh.

Unti-unting tumaas ang sulok ng labi nito habang pinanunuod ang pasyente.

“Should I use you now?” she whispered in the air.

Matapos makapagdesisyon ay tumalikod na si Everleigh at kinuha ang phone niya. Naglakad siya papalayo at may tinawagan.

“Yes, Hello,” bungad niya. “It’s been a while. I want you to do something for me again…”

Sa pagkakataong iyon ay may dumaan na lalaki sa gilid niya. Pamilyar iyon kaya napalingon si Everleigh.

Ang lalaki naman ay huminto rin. Mukhang namukhaan din siya nito. Lumingon ito at nagtama ang paningin nila.

It was the prosecutor of Miss Jess’s case. The same prosecutor who’s handling Reign Harriett. It was Prosecutor Jax.

Gulat ito nang makita siya roon. Tiningnan niya ang kwartong pupuntahan dapat nito at bumalik ang tingin niya kay Jax. May namumuong ideya sa isip niya.

Napangisi siya.

“Yes, Justine…” Everleigh whispered on the other line while having an intense eye contact with Jax. She smirked even more. “Let’s end him now…”

PART FORTY-FOUR: Levi & Nash

REIGN.

Sobrang awkward sa room at wala halos nagsasalita. Kung dati ay kaliwa’t kanan ang nag-uusap at nagtatawanan, ngayon ay makikita mo ang lahat na nasa mga upuan lang nila at tahimik na nagsusulat.  Ito na yata ’yong unang araw na hindi nagalit ang kahit na isang teacher dahil sa ingay namin. Kahit sila ay nanibago rin.

“Bagong buhay ’yan?” biro ng isa naming teacher bago kami i-dismiss.

Ang ilan ay tipid lang na ngumiti, hindi kagaya noon na kahit maliit na bagay ay pagtatawanan.

“O siya, sige. Magbagong buhay nga kayo,” sabi ng teacher namin nang lahat ay nakapagpasa na ng papel. “Class dismiss.”

Saktong pagkalabas nito ay muling tumahimik ang klase. Walang nagsasalita o umaalis man lang. Nakarinig kami ng ingay mula sa isang upuan. When we looked at it, it was Lyle.

He took his things and went out of the room without even looking back.

Sa totoo lang, isa siya sa dahilan kung bakit sobrang awkward sa room. Dahil sa nangyari kahapon—mula sa pagkakabuking ni Braelyn, plano ng school na i-dissolve ang section namin, at ang sikreto ni Lyle—sobrang uneasy na ng section namin.

Parang ang lahat ay nagkaroon ng trust issue sa isa’t isa.

Akala nga namin ay hindi papasok si Lyle dahil sobrang bigat ng na-reveal sa kaniya. Na after all, tama ang ginawa niya pero isa iyon sa naging dahilan kung ba’t nasira ang pamilya niya at hanggang ngayon ay hindi pa totally healed emotionally ang ate niya. It was so brave of him to still go to class and I envied him.

“Ano, hindi pa ba aalis ’yong isa riyan?” pagpaparinig ni Missi. “Gusto naming mag-enjoy, oh.”

Tahimik na natawa ang ilan. Napatingin ako kay Braelyn. Tahimik lang itong nag-c-cellphone sa upuan niya na parang walang naririnig.

“Sino ba ’yan, Missi?” tanong ng isa naming kaklase. “Name drop naman.”

Napangisi ang ilan. Tuwang-tuwa ang mga ito habang pinag-t-tripan si Braelyn.

“Ayaw ko, ’no? Baka i-chismis ako niyan,” sagot ni Missi. “Mahirap na. Baka gawan ako ulit ng powerpoint.”

Doon na umingay ang klase at lumakas ang tawanan.

Tiningnan ko ulit si Braelyn. Halatang nagtitimpi ito.

“Ang tigas talaga ng mukha,” bulong ng isa pa naming kaklase. “If I were her, mag-d-drop out na lang ako.”

“E, kaso hindi ka ako kaya ’wag kang desisyon,” biglang sagot ni Braelyn.

My eyes widened. Lahat ay nagulat din maging si Missi. Si Nash na tahimik lang na gumagawa ng mga hinahabol niyang seatworks ay napanganga. Si Levi ay napangisi at napailing na lang.

“Woah…” reaksyon ni Missi. “May naririnig kayo? Parang may nagsalita mula sa ilalim ng lupa?”

“Baka ’yong real identity mo ’yon na matagal mo nang ibinaon sa limot, huh, Ellie?” sagot ni Braelyn.

Napatakip ako ng bibig. Maging ang karamihan sa amin ay ganoon din ang ginawa. Sobrang tapang ni Braelyn at hindi nagpapatinag kahit na kanino.

“YAH!” sigaw ni Missi at tumayo. “Ikaw na may kasalanan sa amin, ikaw pa ang galit?”

Tumayo rin si Braelyn at kinuha ang bag niya. Hinarap niya si Missi at ngumiti.

“Why?” she asked. “Truth hurts?”

Akmang lalapitan ito ni Missi nang pigilan siya ni Grey. 

“No, Missi,” sabi nito. “Calm down.”

Umirap si Missi at muling umupo. Si Braelyn naman ay nanatiling nakatayo at nakatingin din kay Grey.

“Brae,” Grey said as he looked at Braelyn. “Let’s talk.”

Umugong ang bulungan sa room. Ang iba ay nagtinginan pa sa akin.

Braelyn was shocked too. She opened her mouth to say something but Grey walked passed her already, a sign that she should follow him.

Anong pag-uusapan nila?

To be honest, ngayong alam na ng buong klase na may one sided love itong si Braelyn kay Grey, ang awkward na sa pakiramdam kapag makikita ko sila.

Naiwan si Braelyn sa room at hindi kampante ang hitsura. She sighed and followed Grey later on.

Lumakas lalo ang chismisan sa room.

“I hope i-reject ni Grey ’yon nang matauhan,” sabi ni Missi. Halatang inis na inis pa rin ito. “Nash, let’s go sa canteen. I need a drink.”

“Sa iba ka na lang magpasama,” Levi suddenly meddled. “May hinahabol siyang paper works. Hindi puwede.”

Magkatabi ngayon si Levi at Nash. Nakaupo sila sa pinakasulok na parte ng room at parehong may tinatapos na mga seatworks at activities.

“Parang dati lang maya’t maya kayo away, ngayon nag-t-tutor ka na kay Nash. Baka gusto mo na rin siyang ikandong habang nagsasagot siya?” pang-aasar ni Missi.

Pabirong naghiyawan ang iba sa room. Kahit ako ay napangiti.

“Gusto n’yo ba?” tanong ni Levi. “We will.”

Nagtilian ang ilan naming kaklase at sinuntok ni Nash si Levi sa braso.

“Hay, sa sobrang gwapo ng ilan, minsan sila-sila na lang nagmamahalan,” sabi ni Missi. “Magtira kayo ng para sa amin, ha.”

Pagtingin ni Missi sa direksyon ko ay nagtama ang paningin namin.

“Hoy, Reign. Wala kang ginagawa, right? Samahan mo ’ko sa canteen.”

“Huh?” maang kong tanong. “Bakit ako? Mag-r-review pa ’ko sa—”

“Exempted ka sa Practical Research, girl, don’t lie,” sabi ni Missi at hinawakan na ako sa braso. “Let’s go.”

Wala na akong nagawa kung hindi ang sumama sa kaniya. Nilibre niya ako ng inumin at panay siya kwento. Kada mag-d-disagree ako ay tumataas ang kilay niya kaya nag-a-agree na lang ako sa lahat ng sinasabi niya.

Naikwento rin niya si Reese. Hindi na kasi ito nag-r-respond sa mga messages namin kaya laking tuwa ni Missi nang mag-reply ito sa kaniya.

Nasa probinsiya na raw ito at sikat daw siya roon. Hinamon daw kasi siya ng mga kamag-anak niya ng arm wrestling at halos mabalian ng buto ang mga tito niya roon. Magpapakita raw siya sa amin ’pag ready na siya pero ngayon daw ay i-e-enjoy niya muna ang pagpitas ng mga calamansi.

What an update, really.

Habang pagbalik kami ng room ay sa kabilang hagdan kami dumaan para raw matagal. Nagpapa-late siya para raw grand entrace kung sakaling nandoon na ’yong next subject teacher namin.

Habang nag-k-kwento si Missi ay napahinto ako at ganoon din siya. Nakita naming nag-uusap si Grey at si Braelyn sa may hagdan. Umiiyak si Braelyn at nakayuko habang si Grey ay malumanay na nagsasalita. Hindi namin marinig ang sinasabi nito.

“Na-reject ’yan for sure,” sabi ni Missi. “Sa kabila na lang tayo dumaan.”

Bumaba si Missi ng hagdan at bago ako sumunod ay tiningnan kong muli ang dalawa.

It’s a shame that things had to end this way.

I sighed.

———

THIRD PERSON POV.

Hapon na at nasa labas si Lyle ng locker room at mukhang may hinihintay. Nakasandal ito sa pader at nakatingin lang sa screen ng phone niya.

Naka-receive siya ng text mula sa ate niya at hindi niya alam ang isasagot dito. Hindi sila madalas mag-text o mag-call. Ginagawa lang nila ’yon ’pag importante o may emergency.

Alam niyang alam na nito na siya ang nag-report sa daddy nila. Alam niyang kinausap na ito ng mommy niya kaya kung nagalit man o ito o hindi, wala siyang alam. Hindi rin iyon ipakikita ng ate niya. Mag-p-pretend itong wala itong alam.

Masakit ito para sa ate niya, nawala rito ang lahat dahil sa ginawa niya. Dumating pa nga sa punto na nagalit ito kila Traise, Courtney, at Tyler dahil akala nito ay pinagtutulungan siya ng mga ito. She hated them because of all people, they thought they all ganged up to convict her dad.

But in the end, it was him, her very own brother, who did it.

Hindi niya lubos maisip kung ano ang nararamdaman nito ngayon. Hindi niya alam kung paano niya ito haharapin ’pag umuwi ito. Baka nga kahit tingnan ito sa mga mata ay hindi niya magawa.

Kilala niya ang ate niya. Pamilya ang kahinaan nito at gaya niya, hindi rin ito handang pag-usapan kung ano man ang ginawa niya. His sister will never show her vulnerable side to him. She can’t hate him either. Lalong na-g-guilty si Lyle dahil alam niyang mag-s-suffer nanaman itong mag-isa at sasarilihin ang  nararamdaman.

Takot siya. Hindi niya kayang aminin dito nang harap-harapan. If he could keep his secret forever, he would. Pero nangyari na—na expose na ang sikretong kailan man ay hindi niya kayang harapin.

Hindi niya kakayaning makitang umiyak ang ate niya kagaya ng nangyari sa mommy niya kagabi. Nasasaktan ang mga ito dahil sa ginawa niya pero wala silang magawa kung hindi unawain siya.

Kaya alam ni Lyle na alam na rin ng ate niya ang nangyari. Ngayon ito nag-text dahil panigurado ay pinakalma pa nito ang sarili at nag-isip-isip.

Noong madaling araw ay pumunta sa kanila si Everleigh. Nag-usap silang dalawa at gaya ng deal nila, kailangang mag-withdraw ni Lyle mula sa Leadership Award nomination. He did it soon as he went to the school.

May ibinigay din si Everleigh sa kaniya bago ito umalis.

“Flashdrive ’yan,” sabi ni Everleigh nang

mapansin

nitong nakatitig lang siya sa ibinigay nito. “That night, noong ni-report mo ang daddy mo,

nakasakay

ako sa loob ng kotse ng pinsan ko na nakaparada sa labas ng police station. Nakita kita na pumasok sa loob ng police station habang may hawak-hawak na maliit na bag. Noong lumabas ka, hindi mo na hawak ’yon. Tomorrow morning, I saw the bag on the news. Apparently, naglalaman ’yon ng documents about your dad’s corruption. Alam kong ikaw ’yong nag-report sa kaniya from day one. I knew you were the whistleblower from the start.“

“And you remained silent?” tanong ni Lyle.

Tumango si Everleigh. “Gatekeeper ako, Lyle. Tsaka wala akong kailangan sa ’yo that time. Ayaw kong ma-involve noon dahil ayaw ko ng problema.”

“Then what is this?” Lyle asked, holding the flashdrive.

“Noong ni-report mo ang daddy mo, as I said, I was outside the police station. Nasa loob ako ng kotse at hinihintay lumabas ’yong pinsan ko. Kasama kasi ’yong boyfriend n’ya sa mga nahuling naglalasing at nag-aaway. She went there to get him out. While waiting outside, I caught you through dash cam. Laman ng flashdrive na ’yan ’yong footage ng pagpasok at

paglabas

mo sa police station habang dala-dala ang bag.

Itinago

ko ’to kasi baka

magamit

ko against sa ’yo. Now, I’m giving it to you.“

“Why are you doing this?” Lyle asked and looked at Everleigh.

He was observing her.

“I’m getting sick of this,” sagot ni Everleigh. “Baka madamay pa ’ko in the end. ’Yang footage na ’yan ang nakita ni Braelyn. Levi destroyed her flashdrive yesterday kaya wala na siyang copy. Wala rin akong ibang copy ng footage, kaya kapag sinira mo ’yan, wala nang ebidensiya na ikaw ang nag-report sa daddy mo. Do things as you pleased, I don’t mind.”

Lyle didn’t answer. Kilala niya si Everleigh at alam niyang sincere ito sa sinasabi nito.

“Isang bagay na lang ang dapat kong gawin. Kaya sana, hindi ka na makialam. After that, after ko makuha ang award, wala na akong ibang gusto. I promise, I’ll stop,” Everleigh followed.

“Why are you so obsessed with that award?” Lyle asked. “Dahil lang free pass sa university na ’yon? Kahit na mag-take ka ng admission exam, papasa ka.”

“I know, pero sobrang kaunti lang ng tinatanggap nila yearly. Kahit na maganda ang grades ko, marami ring

matataas

ang grades gaya ng akin. May mga katulad natin na kayang

pumasa

sa admission exam nila kahit na mahirap pero hindi ’yon doon

natatapos

. Mapili sila. The only thing that can guarantee my spot there is by having that award,“ sagot ni Everleigh.

Lyle hated to admit it but he understood her.

“It’s not just a free pass for me, Lyle. It’s freedom,” sabi ni Everleigh. “Kapag na-admit ako sa university na ’yon, I can finally leave our house and this depressing town. I can decide on my own and live on my own freely. Gagawin ko ang lahat para makuha ’yon. Kaya kung

makikialam

ka pa rin, I must warn you. Hindi ako basta-basta hihinto.“

She looked at him and Lyle can see the desperation in her eyes. Matagal nang sunud-sunuran si Everleigh sa ina at ngayon ay gusto na nitong makaalis sa ganoong sitwasyon. Ang university na lang na ’yon ang nakikita nitong paraan para maging free na siya at para

maisakatuparan

iyon ay kailangan nito ang award.

“I promise,” Everleigh said. “Once makuha ko ang award, titigil na ako. But for now,

lalaban

ako. If I need to take everyone down, I would. I will be last witch standing.“

Hindi nakatulog si Lyle magdamag. Sari-sari sng naiisip niya. Now that he’s out of the nomination, si Grey na lang ang kalaban nito. Everleigh wasn’t sarcastic or bitchy when they talked. She was eager and desperate.

Hanggang saan aabutin ang pagiging desperada nito?

From that moment, Lyle started to worry about Grey. May sarili siyang problema pero ngayon, pati problema ng iba ay iniisip niya. Lyle was awake the whole night. Kahit na hindi siya pinapapasok sa school ng mommy niya kinaumagahan ay pumasok pa rin siya. Hindi niya kayang makita ang ina buong araw, nilalamon siya ng guilt.

His withdrawal from the nomination shocked the school but not his class. Hindi pa alam ng buong school ang sikreto niya pero ang mga kaklase niya ay oo. Ang akala ng mga kaklase niya ay nag-withdraw siya dahil sa kahihiyan, pero hindi. He had a deal with Everleigh and he’s a man of his words.

Now, he was outside the locker room, waiting for someone to go out. Kagabi pa niya iniisip kung gagawin niya ba iyon pero naging desidido na siya. Hindi niya iyon kayang palagpasin lang.

Lumabas ang babaeng hinihintay niya mula sa women locker room. Blangko ang mukha nito nang lumabas pero bahagyang nagulat nang makita siya. Nag-iwas ito ng tingin at hindi siya pinansin.

Naglakad ito at dinaanan lang siya. When she heard him scoffed, that’s when she stopped.

“It must have been so fun for you, huh, Brae?” Lyle finally talked. He was sarcastic. “Imagine playing us and acting clueless all the time. Umiyak ka pa noong na-expose na si Missi ang first love ni Levi. Part ba ’yon ng script mo? Not gonna lie, sweetheart, that was convincing.”

Braelyn sighed and looked back. She met Lyle’s eyes sharply. “You talk too much lately, Lyle. Mas okay pa ’yong hindi ka nagsasalita. At least doon, hindi ka annoying.”

Lyle smiled after hearing those. “Cute.”

Braelyn snickered. “Cute? Ayaw kitang kausap. Anong cute roon?”

“It just fascinates me,” sabi ni Lyle. “Ikaw na ang masama, ikaw pa ang makapal ang mukha.”

Braelyn’s lips parted. Never pa niyang narinig magsalita si Lyle nang ganoon. He may be straightforward pero pinipili nito ang mga salitang ginagamit. Pero ngayon, halatang wala na itong pakialam kung masasaktan man siya o hindi.

“Ginawa ko lang kung ano ang tama. Hindi ako ang masama, kayo ’yon. Kayo ang gumawa ng mga masasamang bagay na ’yon kaya bakit ako ang sinisisi n’yo?” tanong ni Braelyn.

Lyle was out of words. Ni-katiting na pagsisisi ay wala si Braelyn.

“Noong ginawa n’yo ’yong mga ’yon on your will, alam n’yo na dapat na someday, pagdurusahan n’yo rin ’yon. You did those to yourselves so why are you acting as if I forced? Ano akala n’yo, never kayo mahuhuli? Walang masamang mabubulgar tungkol sa inyo kung hindi n’yo ’yon ginawa in the first place.”

“Braelyn…” Lyle utterred out of disbelief. “Hindi ka man lang ba nagsisisi sa ginawa mo? May tamang panahon para harapin namin ’yong mga problema namin pero pinuwersa mo kaming harapin ’yon sa panahong mahina kami. Do you really think that’s cool?”

Tumango si Braelyn. “Tamang panahon? Walang ganoon, Lyle. Hangga’t may chance kayong itago ’yong sikreto n’yo, gagawin n’yo. Hindi kayo aamin kung hindi kayo mahuhuli. Ikaw ba, may balak kang sabihin sa family mo na ikaw ang may kasalanan ng lahat ng kamalasang nangyari sa angkan mo? May lakas ka ng loob?”

Lyle opened his mouth but he didn’t know what to say. May punto roon si Braelyn.

“Wala, right? You’ll keep that secret as long as you can. Mahina kayo. Tinulungan ko lang kayong maging matapang kaya kung may dapat mang magalit dito, ako ’yon. Masiyado n’yo ’kong na-misunderstand. You guys should be thanking me instead of getting mad.”

Lyle sighed while watching her. “Alam mo kung ano ang masama? Hindi mo inaamin ang pagkakamali mo. Pilit mong isinisisi sa iba at ni-katiting na pagsisisi ay wala ka.”

“Why would I?” tanong ni Braelyn. “Tingin mo magiging free si Nash sa room kung hindi ko in-expose ang gender niya? Si Levi, tingin mo makaka-move on ’yon kay Missi? Si Reese, kung hindi ako nagbigay ng tip sa authority na anak siya noong magnanakaw na ’yon sa lotto—”

“Ikaw ang nag-tip?” Lyle asked, his eyes grew bigger, shocked.

“Sino pa ba?” proud na tanong ni Braelyn. “Tingin mo ba sasama ’yon sa kuya n’ya ’pag nagkataon? No. Baka nga nagpapanggap pa rin sila rito at patuloy tayong niloloko. At ikaw… I heard your mom accepted you and the things that you did. Tingin mo magkakaroon ka ng lakas ng loob na umamin sa mommy mo kung hindi ko ’yon ginawa? Lyle, wake up.”

Braelyn inched their gap.

“You owe me a lot.”

He met her eyes with the same amount of hate.

“Instead na magalit kayo sa ’kin, dapat nga magpasalamat pa kayo,” sabi ni Braelyn. “Pero anong ginawa n’yo? Pinagmukha n’yo ’kong masama kasi sarili n’yo lang ang iniisip n’yo. Now Grey thinks that I am bad. He rejected me. Kasalanan n’yo ’yong lahat.”

Tears started to build up in Braelyn’s eyes out of anger. Her voice sounded bitter too.

Kumunot ang noo ni Lyle. “Braelyn… ni-reject ka niya dahil hindi ka niya gusto. Wala kaming kinalaman doon. Mangyari man ’to o hindi, hindi ka niya magugustuhan.”

“Liar!” sigaw ni Braelyn. Nag-echo iyon sa buong pasilyo. “Kung hindi n’yo ko na-misunderstand at inunawa n’yo ang side ko, hindi bababa ang tingin sa akin ni Grey. Kayo ang may kasalanan!”

“I expected nothing from you but what the fuck…” bulong ni Lyle habang tinitingnan si Braelyn. “How can you blame us and show no repentance at all?”

Hindi kumibo si Braelyn. Papaiyak na ito dahil sa galit.

“I’m giving you the chance. Apologize and I’ll do nothing,” Lyle followed.

“Apologize about what?” tanong ni Braelyn. “Wala akong pinagsisisihan.”

“This is your last chance,” sabi ni Lyle at tiningnan si Braelyn sa mga mata. “Lose it and you’re gone.”

“I regret nothing,” matalim na sagot ni Braelyn. “Not even a bit.”

A smile curved on Lyle’s lips. “Cool.”

From that very moment, they heard loud footsteps coming towards them. Parehong napalingon sila Lyle at Braelyn. Naroroon sila Missi, Reign, Grey, Nash, Levi at ang iba nilang kaklase. Sa harapan nila ay naroroon ang Prefect of Discipline.

“Ms. Braelyn Yngrid,” sabi ng Prefect of Discipline nang  marating sila. “Tara sa office.”

“Bakit po?” takang tanong ni Braelyn. “M-May problema po ba?”

“Malaki,” sagot ng Prefect. “Last year, may nagnakaw ng test papers sa faculty one week bago ang exam. We got an evidence today that it was you.”

Lumakas ang bulungan. Napapaligiran na sila ng mga estudyante. Nanlaki ang mga mata ni Braelyn. Parang tatakasan ito ng bait.

“Paano kayong nakakasiguradong ako ’yon?” tanong ni Braelyn. Nanginginig na ito sa takot. “Evidence can be manipulated, sir. Set up lang ’yon. Hindi—”

“Someone sent a video. A strong evidence, Brae,” sagot ni Grey. Halata sa mukha nito na disappointed ito.

“Someone sent…?” Napahinto si Braelyn at lalong nanlaki ang mga mata. Napatingin siya kay Lyle na nasa harapan niya. Walang emosyon ng mukha nito habang tinitingnan siya.

“You may call your parents and your family lawyer to represent you, you have the rights. Hihintayin ka namin sa office,” sabi ng Prefect.

Umalis na ito at nagsunuran ang lahat. Pati 12-A ay pinatawag kaya lahat ng kaklase nila ay sumunod sa Prefect. Tinapunan nila ng mapangkutyang tingin si Braelyn bago sila sumunod.

Naiwan si Braelyn at Lyle na nakatayo roon. Hindi malaman ni Braelyn ang gagawin, nanlulumo ito.

“You…” Braelyn said after she realized something. She was losing all her strength. “It was you…”

Hindi kumibo si Lyle. Nakatingin kang ito sa kaniya.

“Lyle fucking Heimsworth…” Braelyn said and her jaw clenched. Tears out of anger were building up in her eyes. “What did you do…?”

Tumaas ang sulok ng labi ni Lyle. Mapaglaro ang mga mata nito.

“I told you,” Lyle answered. “Lose the chance to apologize and you’re gone.”

Braelyn tried to calm herself but she couldn’t. “S-Saan mo nakuha ’yong… ’yong video—”

“May vlog project tayo last year as replacement to our Media and Information Literacy finals. You were caught by cam.”

Tuluyan nang nanghina si Braelyn at napa-upo sa lapag. Nakatulala siya, nanghihina, at hindi malaman ang gagawin.

“Tingin mo walang makakahuli sa ’yo?” tanong ni Lyle at ngumisi. “Your grades are higher than mine but who outsmarts who now?”

Braelyn looked up and met Lyle’s eyes. Galit na galit siya pero hindi niya alam ang gagawin. Nanlulumo siya at nanghihina.

“Don’t get mad,” Lyle followed. “Gaya nga ng logic mo, tinutulungan lang kitang magpakatotoo.”

Her tears fell. Everything about her will surely fall apart because of this guy.

Nakatayo lang si Lyle at tinitingnan ang nakakaawa niyang kalagayan.

“Alam mo ba kung bakit walang naglakas ng loob na kalabanin ako kahit outcast na ’ko?” tanong ni Lyle at kalmado lang ang boses. “Dahil alam nila kung paano ako maglaro. Play clean and I’ll play clean. Play dirty and you’re out ’cuz I play the dirtiest shits too.”

Lyle placed his hands inside his pockets.

“In your case, you forgot the main rule.”

Lyle smirked at her and she knew how scary that smirk could be. Tears fell from Braelyn’s eyes.

Itinungkod ni Lyle ang isa niyang tuhod sa lapag at tiningnan siya sa mga mata.

“Never mess with a Heimsworth…”

———

REIGN.

Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko si Lyle sa likod ng main building. Mabilis kong itinago ang phone ko sa bulsa ng uniform ko. Plano ko sanang tawagan si Prosecutor Jax para mag-report realtime sa nangyari kay Braelyn.

Nakita kong nagbukas si Lyle ng sigarilyo at inilapat iyon sa pagitan ng labi niya. Huminto siya nang makita ako. Bahagyang nagulat ang mga mata niya pero ilang segundo lang iyon.

“Dadaan ka ba?” tanong niya.

Tumango ako. “Kaso ayaw kong maamoy ’yong usok ng sigarilyo, mahihilo ako.”

Lyle sighed. Bumuga siya ng isa at binitawan ang sigarilyo. Inapakan niya ’yon para mamatay ang upos.

“Daan na,” sabi niya at inilagay ang mga kamay sa bulsa ng pantalon niya.

“Hanggang ngayon, naninigarilyo ka pa rin pala?” tanong ko habang naglakad papalapit sa kaniya. “I respect pero bata ka pa, Lyle.”

“Naninigarilyo lang ako ’pag stressed out,” sabi niya. “It’s like once a month.”

“What can I do to help you stop?” tanong ko at huminto sa tapat niya.

“Why are you concerned?”

“Hmmm, may kapit-bahay kasi kami. Sobrang bait pero namatay sa complications dahil sa sigarilyo. Bata ka pa kaya hindi mo pa nararamdaman ’yong complications but later on… ayaw kong pagsisihan mo rin,” sabi ko. “So, tell me. Paano natin ma-t-turn ’yang once a month to never at all?”

“Hmmm,” Lyle’s lips pouted. “Kiss me regularly.”

My eyes widened.

“I’ll stop smoking since I’ll be conscious about how does my mouth taste,” he said nonchalantly.

“Paano ka nakakapagbiro nang ganiyan?” tanong ko at hindi makapaniwala. “Lyle, kung ibang tao ako nasampal na kita.”

“I’m kidding. Besides, hindi ka ibang tao,” sagot niya. “My mom even likes you.”

Napangiti ako. Totoo iyon. After what happened last night, she followed me on Instagram.

“No wonder, mag-ina nga talaga kami…” bulong niya.

I scoffed jokingly. “Naririnig kita, alam mo ba ’yon?”

“Okay lang. Pinaparinig ko naman talaga sa ’yo.”

I rolled my eyes, and he smiled. We remained silent for few seconds until I did something that made him petrified.

Tumingkayad ako at sinimulang haplusin ang buhok niya. Natigil si Lyle sa pagngiti at naging seryoso. Titig na titig siya sa mga mga mata ko.

“What… are you doing?” he whispered.

“Petting you…” sagot ko.

“What am I to you, a cat?” tanong niya.

Ngumiti ako at tumango. Natahimik kaming dalawa.

“Lyle…” panimula ko. “Just because people around you are bad, doesn’t mean you should be too.”

I saw him gulped. “Are you talking about what I did to Braelyn?”

“In general,” sagot ko.

He didn’t say a thing. Until in a blink of an eye, he held me by my wrist that made me stopped. Nagkatitigan kami at unti-unti niyang ibinababa ang kamay ko papunta sa dibdib niya. He stopped right above his heart. I could feel his heart beat. It was beating aggressively.

“See how my heart beats wildly when you touch me?” tanong ni Lyle. Seryosong-seryoso ang mukha nito. “It screams your name, Reign.”

My lips parted.

“And if you have no intention to scream back, don’t give me hope.”

Hindi ko alam ang gagawin. Gusto kong mag-explain pero mas pinili ko ang manahimik. Magkatinginan kami ni Lyle for few minutes until he finally let go of my hand.

“I’m going,” sabi niya.

Pinanood ko siya habang naglalakad siya papalayo.

What was that?

Tumingin ako sa sigarilyo sa sahig at napabuntong-hininga.

———

THIRD PERSON POV.

“Nash, right foot, left hand. Kanina ka pa nagkakamali. Do you need a break?”

Napahinto si Nash sa pagsayaw. Kasalukuyan silang nasa practice room ng grupo niya at nag-p-practice dahil isa sila sa mga performers sa papalapit na music fest.

Nagiging in-demand na sila sa mga music ceremonies at TV guestings dahil sa nag-viral nilang kanta online. At dahil pinagsasabay niya ang pag-aaral at pagiging artist, medyo nahihirapan na siya.

Nakisabay pa ang kaliwa’t kanang kaguluhan na nangyayari sa mga kaklase niya. Lately lang ay umalis na si Reese, nasundan ng break up nila Reign at Grey, na-expose ang sikreto ni Lyle, at ngayon suspended si Braelyn ng isang linggo dahil sa pagnanakaw nito ng test questionnaire last year.

Hindi na niya alam ang gagawin. Gusto niya silang i-comfort isa-isa pero dahil sa schedule niya ay kahit tawagan sila through phone ay hindi niya magawa. Sumali pa ang blind item tungkol sa same-sex couple sa showbiz industry sa mga inaalala niya. Masama ang kutob ni Nash, dahilan para hindi siya lalo makapag-focus sa pag-p-practice.

“Kaya ko,” sagot ni Nash sa kagrupo niya. “Ano nga ulit sunod after ng solo part ko?”

Lahat ay nagtinginan sa kaniya.

“Nash, tinanggal na natin solo part mo hanggang second chorus dahil dance break na after ng bridge,” sabi ng main dancer nila. “Tayo pa nga nagplano ng formation.”

Napahawak si Nash sa ulo niya. “Sorry. Medyo… medyo distracted lang ako kasi—”

“Nash, umupo ka muna sa gilid,” utos ng leader nila. “Wala tayong matatapos ’pag ganito. Ten minutes break ka muna, compose yourself.”

“No, okay lang,” sabi ni Nash. “Kaya ko namang aralin kahit—”

Natigil sila nang bumukas ang pinto ng practice room at bumungad ang manager nila na may dalang isang box ng pizza. Naghiyawan ang mga kagrupo niya at masayang lumapit dito.

Napangiti si Nash. Gutom na rin kasi siya.

“Boys, i-enjoy n’yo ’yan, a,” sabi ng manager nila.

“Yes, boss!” sabi nila.

Akmang kukuha na si Nash nang lapitan siya ng manager nila.

“Nash, tara sa office. We need to talk about something.”

Kumunot ang noo niya. “Bakit po?”

“Sa office ko na sasabihin,” sabi nito at lumabas na ng practice room.

Tumingin sa kaniya ang mga kagrupo niya. Gaya niya ay naguguluhan din ang mga ito.

“Bakit daw?” nagtatakang tanong ng isa.

Nash just shrugged before going out.

For the next few minutes, Nash felt like he was gonna pass out. Nanlalamig siya at nanginginig ang mga tuhod dahil sa nangyayari.

Nasa harap niya ang mga litrato nila ni Levi. Mga kuha iyon ng mga patago nilang pagkikita sa parking lot at pagpunta niya sa bahay nila Levi nang minsang mag-sleep over siya roon.

Hindi malaman ni Nash ang gagawin o sasabihin. Hindi niya kayang itanggi ang mga iyon dahil ang mga ebidensiya ay nasa harap na niya mismo.

“Simula noong sinabihan ko kayo tungkol sa dating ban, isa-isa ko na kayong pinamanmanan. For the whole duration, ikaw lang ang nahuli ko,” panimula ng manager nila. “Akala ko noong una, normal lang ’yong sa inyo ni Levi. Pero nang makita ko na itong mga litrato na ’to—itong mga magkahalikan kayo—I knew something was up.”

Nanginginig na maging ang mga daliri ni Nash. Masayahing tao ang manager niya pero ngayon ay nakakatakot ito.

“Actually, I’m not surprised,” his manager followed. “Nangyayari ang ganito at marami akong kakilala. There’s nothing wrong about it. Pero nag-t-trabaho tayo sa industriyang ’to, Nash. Nakasalalay ang career natin kung tatanggapin ba tayo ng publiko o hindi. At anong tingin ng publiko sa same-sex relationship? They acknowledge it but they do not accept it. They say they respect but they have internal homophobia with them. They are aware but they do not tolerate.”

Nash bit his lower lip. Ramdam na ramdam niya iyon. Buong buhay niya ay pinagdaanan niya iyon.

“Difference lang, ’yong mga naglalakas ng loob na umamin, mga sumikat na at pwede nang mag-lie low. May career na sila, may pangalan na, may naipundar na. Kung ano man ang iisipin ng publiko ay wala na silang pakialam. Pero sa kaso mo at ng grupo mo…”

Huminto ito at tiningnan siya sa mga mata.

“Nash, do you wanna be a singer?”

He nodded.

“A popular one?”

Muli siyang tumango.

“At sino ang dapat mong i-please?”

Nash gulped. He looked down with a heavy heart. “Ang publiko…”

“Exactly,” sabi nito. “Matagal na ’ko sa trabahong ’to. Marami na akong nakitang magagaling na singer na naging sikat at hindi sumikat. To be honest, the talent is there. Magkakatalo na lang kung papaano ka a-appeal sa publiko. Our country… is not yet ready for a situation like yours. Sana naiintindihan mo ako.”

Nash didn’t answer. Sa unang pagkakataon ay kinamuhian niya ang trabahong mayroon siya.

“If you would be brave enough to choose that love, good for you. Hindi naman sa dini-discriminate kita pero kapag nag-fail ang group ninyo, ikaw ang nakikita kong least affected. Mawala man sa ’yo ’tong trabahong ’to, mayroon ka pa ring magandang kinabukasan para sa ’yo dahil mayaman ang pamilya mo, Nash. Mayaman ang angkan mo. Mabubuhay ka kahit hindi ka magtrabaho.”

May punto ito. Tuluyang nilalamon si Nash ng guilt sa pagkakataong iyon.

“Pero ’yong mga kagrupo mo? Kapag nawala sa kanila ito sa kanila, tingin mo may babalikan pa sila? Iyong iba sa kanila hindi na nag-aral para sa training at sa schedule ngayon. ’Yong iba sa kanila, binenta pa ng pamilya ang ilang pag-aari para masuportahan ang gastos sa training. Alam mo ang hirap ninyo ng mag-debut kayo. Ngayong nakilala na kayo ng publiko, ngayon pa lang nakakabawi financially ’yong ibang members mo. Kapag ito nawala sa kanila, saan sila pupulutin?”

Nash sighed. For a brief moment ay gusto niyang mag-breakdown.

“Iyong nasa blind item ngayon, hindi kayo ’yon. Akala ko rin kayo pero napag-alaman kong ibang agency sila at ngayo’y nagkakagulo sila kung paano pagtatakpan ’yon. Few days or weeks from now, mabubulgar kung sino ’yon. Isa-isang mag-p-pull out ang lahat ng sponsors at in-e-endorse nila at pareho silang mawawalan ng mga projects. Mawawala lahat sa kanila kahit na ang nagawa lang naman nila ay magmahal. Hihintayin pa ba nating umabot kayo sa ganoon?”

Nash bit his lip. Alam na niya ang patutunguhan nito.

“Balita ko, na-cast si Levi sa isang international film. Ikaw at ang grupo mo naman ay nominated as Best New Male Artist. Once your relationship with him blows up, mawawala lahat ng once in a blue moon chances na iyon. ’Wag na nating hintaying lumaki pa ito, Nash. Let’s end this.”

Kinuha ng lalaki ang phone niya mula sa ibabaw ng table nito. Kada mag-p-practice sila ay kailangan nilang i-surrender iyon parati.

Iniabot nito sa kaniya ang phone at malungkot na ngumiti. “Break up with Levi.”

That’s when Nash’s jaw dropped. His eyes grew bigger too. “S-Sir…”

“Naiintindihan ko,” sabi nito. “Pero ito ang tamang gawin, alam mo ’yan. Ako pa lang ang nakakaalam nito at wala akong balak sabihan ang management. Kung hindi mo gagawin, wala akong ibang choice kung hindi i-submit ang mga ito. You might get terminated and kicked out from your group. Let’s not complicate things.”

Tiningnan ni Nash ang phone niya at umiling. Nangilid na ang luha sa mga mata niya. “Hindi ko po kaya…”

“Kakayanin mo,” sagot nito. “Dahil kailangan.”

Muli nitong iniabot sa kaniya ang phone at hindi niya alam ang gagawin niya. Ayaw niyang mawala si Levi pero ayaw din niyang bitawan ang pangarap niya.

Umiling muli si Nash at mga mata ay nakikiusap.

“Go on, Nash,” panghihikayat ng manager niya. “Maiintindihan ka niya.”

Muling umiling si Nash. “Pwede po bang… pag-isipan ko muna? M-Masiyado po kasi itong… mabigat.”

“No, Nash. ’Wag na nating hintayin na lumaki pa ito. Do it now, maiintindihan ka niya.”

Nakagat ni Nash ang dila niya. Pinapatay na siya ng sakit. Pero tama ang manager niya. Dapat niya iyong kayanin.

Kaya nang muli nitong iniabot sa kaniya ang phone ay kinuha niya iyon kahit nanginginig ang kamay niya. Huminga siya nang malalim at binuksan iyon. Ilang segundo lang ay nag-ring na at sumagot si Levi.

“Baby, why?” bungad ni Levi.

Nash’s lips parted. Unti-unti na niyang nararamdaman ang kirot sa dibdib niya.

“Ikaw nagsabing ’wag kang tatawagan tonight dahil may practice ka, what’s with the call?” tanong nito. “Break mo ba? Na-miss mo ’ko?”

Tumingin si Nash sa manager niya, nagmamakaawa siya. Tumango lang ito sa kaniya bilang panghihikayat.

“The staff applied some oil on my body, para sa next scene ko. Ang lagkit pero ang cool tingnan ng abs ko, kumikinang,” kwento ni Levi at bahagya itong natawa. “Mamaya ’pag ako na lang mag-isa sa dressing room, I’ll take a good photo so you can imagine me the whole night. Love you!”

Levi sounded happy and excited. How can he just kill that with just few words?

“Levi…” panimula ni Nash.

“ Mmm ?“ Levi asked back.

Bumuka ang bibig ni Nash pero walang lumabas mula roon. Hindi niya talaga kaya.

“Ano nga?” pangungulit ni Levi.

Napatingala si Nash. Sobrang hirap. Sobrang sakit.

Hooooy

, ano nga?“

Napatakip na si Nash ng bibig. Nagsisimula na siyang humikbi.

“Burlington, what’s going on?” concerned na tanong ni Levi. “May problema ba?”

Napapikit siya nang mariin. Paano niya i-e-explain na ang problema ay ang pagmamahal nila sa isa’t isa?

“Nahihirapan ka ba sa practice? Do you want me to go there after the filming?”   Levi asked, his voice sounded soft and worried.

“Levi…” Nash said and his voice cracked.

“Yes, darling, I’m listening,” Levi answered, his voice was soothing.

Nash closed his eyes and tears once again fell from his eyes.

“Maghiwalay na tayo.”

PART FORTY-FIVE: What’s Inside His Parcel?

THIRD PERSON POV.

“Sumasakit nanaman ang ulo ko.”

Tiningnan ni Howell si Jax. Nasa loob sila ng kotse niya at katatapos lang nilang pumunta sa ospital kung saan naka-confine ang ex ni Miss Jess.

“Bakit naroroon si Everleigh, of all places?” dagdag ni Jax. “Minsan nakakatakot na rin ’yong batang ’yon.”

Hindi kumikibo si Howell at malalim ang iniisip. Nang hindi na makatiis ay hinarap niya si Jax.

“Sigurado ka bang hindi suspect ’yong lalaking ’yon?” tanong ni Howell at ang tinutukoy ay ang kapatid ng lalaking naka-confine. Nakausap ito ni Jax kani-kanina lang tungkol kay Miss Jess. Siya ang nasa CCTV at ang huling nakausap ng guro bago mangyari ang krimen nang gabing iyon.

“Why?” tanong ni Jax. “Suspicious ba siya para sa ’yo?”

Tumango si Howell. “You checked the CCTV footage. Siya lang ang hindi tiga-West Carson High na pumunta sa party. Kita pa sa footage na si Jess pa mismo ang nagbukas ng pinto para sa kaniya. Kung tama ang theory mo na wala sa 12-A ang gumawa noon at frame up ang nangyari, siya ang fit na suspect.”

“I know, I know,” sabi ni Jax at halata na ang pagod sa boses nito. “Pero kita sa footage rin na inihatid pa siya ni Jess palabas. Jess was found dead on the spot later on. Hindi niya maihahatid ’yong lalaking ’yon sa labas kung ’yon ang pumatay sa kaniya. She was still alive when he left.”

Kinuha niya ang phone niya at binuksan. Maya-maya’y ibinigay kay Howell.

“Ayan, tingnan mo. Ang rason niya, pumunta siya sa party kasi hindi niya ma-contact si Jess. May usapan daw sila na magkikita sila noong gabing ’yon pero hindi ito sumasagot sa kahit na anong tawag niya. Luckily, at that hour, she texted him to go there, in which he did. He confirmed na sobrang lasing nga si Jess nang gabing ’yon.”

“E, ba’t daw sila magkikita? Para saan?” tanong ni Howell.

“Sustento raw,” sagot ni Jax.

“Sustento?” tanong pabalik ni Howell at kumunot ang noo. “May anak siya?”

Bahagyang natawa si Jax at sumandal sa head rest. “’Yan din una kong naisip, pero hindi. Sustento raw para sa kapatid noong lalaking pumunta sa party. Para daw doon sa lalaking comatose na binisita natin kanina. Apparently, ex ni Jess ’yon.”

“Sabi ng nurse kanina halos dalawang taon nang comatose ang lalaki, does it mean two years na rin siyang nagsusustento?”

Tumango si Jax. “Siguro. I wonder why.”

“Kinausap ko ’yong nurse kanina para malaman kung ano ’yong nangyari sa comatose na lalaki pero hindi raw sila puwedeng mag-disclose ng medical condition ng mga pasyente nila.”

“So, anong ginawa mo?” tanong ni Jax at ngumisi. “I know you well, Howell. Hindi ka titigil basta-basta.”

Ngumiti si Howell. “Kaya habang nasa room ka kanina, nagtanung-tanong ako sa mga pasyente na matagal nang naroroon. You know, crowd sourcing. Pati sa mga personnels, nakipagchismisan ako.”

“I bet you got something, huh?” pang-iinis ni Jax.

“Well, thanks to my hunting and gathering skills. Hunting of the biggest chismoso’t chismosa of that building and gathering the information.”

“Hindi ganoon ang hunting and gathering, sira-ulo ka,” sabi ni Jax at tumawa. “What did you discover, then?”

“Two years ago, nalaman kong na-confine ’yong lalaki dahil sa bugbog.”

“Bugbog?!” tumaas ang boses ni Jax.

“Yes, bugbog,” sang-ayon ni Howell. “Nakakagulat, ’no?”

“Na-comatose siya dahil sa bugbog?” dagdag ni Jax. “I bet head injury ang nangyari.”

“Oo raw. Baka grabe ’yong galit ng gumawa kaya nagkaganoon. Halos hindi nga raw makilala ang lalaki noon sa dami ng pasa. He almost died.”

“Daaamn,” bulong ni Jax. “May record ba sila? Did they file a charge?”

“’Yon nga ang ipinagtataka ko, e. Walang nagsampa ng charges,” sabi ni Howell. “Parang… parang settled na siya the moment na nangyari ’yon.”

“Dalawa lang ’yan. Either makapangyarihan ’yong gumawa kaya walang choice ang pamilya na manahimik dahil sa takot o nag-agree ang both parties to settle it to themselves and to protect who did it. Similar pero magkaiba ang atmosphere. ’Yong una ay may fear na na-instill, ’yong pangalawa mutual ang agreement without force.”

“Bakit sa tingin mo si Jess ang nag-s-sustento, e mag-ex naman na sila?” tanong ni Howell. “I mean, ako nga wala nang pake sa exes ko. Sustentuhan pa kaya sila?”

Hinampas siya ni Jax sa braso at ngumisi. “Sabi sa akin noong kapatid kanina sa interview, kapos daw kasi sila kaya ito ang tumutulong simula’t sapul.”

“He lied to you,” sabi ni Howell at may kinuha mula sa bulsa ng jacket nito. Iniabot nito iyon sa kaniya.

Tiningnan iyon ni Jax. Resibo iyon. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang daan-daang libo ang bill ng lalaking naka-confine kada buwan.

“We reviewed Jess’ financial situation before including her bank accounts and all. At alam natin parehong hindi ganoon kalaki ang ipon niya at ang sinasahod niya. Nasa table ’yan kanina. Saan siya kukuha ng ganyan kalaking pera?”

Napamura si Jax. Lalong gumugulo ang lahat.

“’Yong resibo na ibinigay sa ’yo ng kapatid noong na-comatose, totoo ’yon. Pero bill ’yon ng changes sa medicine ng lalaki. I bet few months after niya ma-comatose, nag-iba ng gamot. Pero ’yong daan-daang libo monthly, iba pa ’yon.”

“What the hell…” Jax murmured to himself. “Does it mean there’s something larger in play?’

“Yes. Ang question ngayon, bakit si Jess ang nagbabayad ng medication? Ang theory ko, ’yong taong dahilan ba’t s’ya na-comatose, ’yon ang nagbabayad ng bill monthly, even up until now. Then, si Jess ang nagbabayad dati ng changes sa medication.”

“It doesn’t make sense. Ba’t ’di na lang niya bayaran ang lahat?” tanong ni Jax.

“Exactly. Kaya ang naiisip ko, wala na silang koneksiyon doon sa taong may kasalanan, ’yong dahilan ba’t na-comatose ’yon. Nagbabayad na lang ito monthly pero hindi na nila ito nakikita o nakakausap. Now, I wonder, connected kaya ito sa case?”

“Could be,” sabi ni Jax. “Baka kaya nito idinispatya si Miss Jess dahil kilala siya nito at gusto na niyang burahin ang nangyari noon?”

Howell’s eyes grew bigger. “That makes sense!”

“Kanina, Howell, may kumausap sa aking matandang pasyente,” sabi ni Jax. “Natutuwa raw siya kasi, finally, may bumisita na sa lalaking comatose. Wala raw kasing bumibisita rito bukod sa binata two weeks ago.”

“Binata?” tanong ni Howell.

“Oo. Dumadalaw daw ’yon madalas lately at aalis din kaagad.”

“Sinabi ba niya sa ’yo description noong lalaki?”

Tumango si Jax. “Of course, I asked. Matangkad daw, maputi, gwapo.”

Kumunot ang noo ni Howell. “Parang familiar.”

“Wala akong balak na gawing big deal ’yon kasi napag-alaman kong may Alzheimer’s din ’yong matanda kaya somehow… may loophole ito pero…”

“Pero?” atat na tanong ni Howell.

“Just… just in case, ipinakita ko ang picture ng Class 12-A sa kaniya. You know… baka naroroon. Baka mamukhaan niya.”

“But she has Alzheimer’s, Jax, we can’t really trust her memory, you know?”

“I know pero sinubukan ko lang. Alam mo ba kung sino ang itinuro niya sa picture na bumibisita raw sa lalaki lately?”

“Sino?” Howell asked, tensed too.

Jax gulped and met Howell’s eyes.

“Greysen Finch.”

———

REIGN.

Maaga kaming na-dismiss at may isang klase pa bago ang last class. Dahil doon, kalat-kalat ang section namin sa campus ngayon. Since outcast na ako, mag-isa lang ako na nagpapalipas ng oras. Naka-upo lang ako sa wooded bench sa student park at tinitingnan ang paligid.

Tiningnan ko ang oras. Halos may isang oras pa.

Sa buong duration na pumunta ako rito, parati akong anxious sa kung anong mangyayari sa akin. Parati akong nag-o-overthink na baka may mangyari sa aking masama kapag nahuli nila ako.

To be honest, ngayon lang ako nagsimulang i-enjoy ang pamamalagi ko rito. Ngayon ko lang naramdaman na estudyante rin pala ako.

Lately, wala na akong nakukuhang mission kila Prosecutor Jax. Ang tanging sinasabi na lang nila sa ’kin ay i-report kung may dapat akong i-report.

Pakiramdam ko nga ay tapos na talaga ang lahat. Few days or a week from now, they will give me the go signal to leave. Aaminin ko, medyo na-attach na ako sa school na ’to pero hindi naman talaga ako belong dito. I will be the happiest once I finally come back to the place that I truly belong.

Thinking about it now, sobrang traumaticna ng mga nangyayari sa school ngayon. Lahat ay nag-s-suffer at ramdam ’yon ng bawat-isa.

Si Missi ay pilit na pinapasaya ang sarili. Since wala na si Reese sa school, kung kani-kanino na siya sumasama pero mukhang ni-isa ay wala siyang natitipuhan.

Si Braelyn ay one week suspended dahil sa ginawa niya. She was almost kicked out pero napakiusapan pa ng parents niya. Galit na galit ang school pati ang section namin pero kahit ni-katiting ay hindi raw siya nagsisisi. She didn’t even apologize for it. At all.

Si Grey ay busy na sa soccer. Hindi na kami nag-uusap at nagpapansinan. Minsan, kapag nagkakasalubong kami sa corridor ay ngingiti lang siya nang tipid sa akin, pero hanggang doon na lang. May part na nasasaktan pa rin ako pero mas gugustuhin ko ang sitwasyon namin ngayon kaysa noon na nasasaktan kami pareho. At least now, he’s happy and free.

Si Levi at Nash naman ay hindi nagpapansinan. Ni-magtinginan ay hindi nila magawa. Noong isang araw lang ay magkatabi pa sila at nagtatawanan kaya palaisipan sa amin kung ano ang nangyari.

As per Lyle, lalo itong naging mailap. Nakikita ko lang ito sa room ’pag may klase at naglalaho na lang ’pag dismissal. Ang huling pag-uusap namin ay noong sa canteen pa tungkol sa amusement park.

Sinubukan ko siyang lapitan kaninang lunch pero saktong pag-upo ko sa tapat niya ay bigla siyang tumayo. When I asked him why, tapos na raw siyang kumain.

Pero alam kong mailap ulit siya lately dahil sa sikreto niyang na-expose. Tingin siguro niya lahat ay masama ang tingin sa kaniya when in fact, hangang-hanga nga ako.

Speaking of pagkain, nakaramdam ako bigla ng gutom. Hindi kasi ako nakakain nang maayos sa canteen kanina dahil naroroon ’yong mga tiga-ibang section na nakaaway namin dati. Ngayong wala na si Reese, mas naging malala sila.

Tumayo ako at naisiping lumabas ng school. Maraming food stalls doon at nag-c-crave ako for something na maalat.

Nang marating ko ang gate ay nakita kong lumabas sila Nash at Missi kasama ang ilan naming kaklase. Mukhang kakain din ang mga ito.

Laking gulat ko nang biglang may umakbay sa akin. Pagtingin ko ay si Levi iyon.

“Hi, trans,” bati nito at ngumiti.

Huminto ako. “Pakitanggal nga ’yong kamay mo.”

“Ang selan mo naman,” angal niya at lalong diniinan ang pagkaka-akbay niya sa akin. “Kumusta? Blooming ka, a? Ganyan ba ’pag broken?”

Nang tingnan ko siya ay doon ko napansing namumugto ang mga mata nito.

“Umiyak ka?” tanong ko.

“Ba’t ako iiyak?” tanong niya pabalik. “Sa gwapo kong ’to, ba’t ako iiyak at maghahabol?”

“Wala naman akong sinasabing naghabol ka,” sagot ko. “Ayan, sa sobrang babaero mo, kinakarma ka na.”

“Siya ’yong karma na gusto kong bumalik.”

Natawa ako. “So iniwan ka nga o part nanaman ’yan ng drama script mo?”

Ngumiti si Levi sa akin. “Take a guess.”

I rolled my eyes jokingly. Lumingon si Levi at lalong lumapad ang ngiti.

“Hoy, save year!”

Napatingin ako sa tinawag niya. Si Lyle iyon. Napatingin din ito sa amin at bored na bored ang mukha.

“Save year?” taka kong tanong at tumingin pabalik kay Levi.

“Save year,” ulit ni Levi at tiningnan ako tsaka ngumisi. “As in Xavier.”

“Ang gwapo mo pero ang corny mong tao,” sabi ko sa kaniya. “Indeed, the Creator above has no favorites.”

Nilapitan ni Levi si Lyle at dahil nakaakbay siya sa ’kin, dala-dala niya ako papunta roon. Huminto kami sa tapat mismo nito. Nagtanggal ito ng headphone.

“Sa’n ka pupunta? Kakain ka ba?” tanong ni Levi.

Walang emosyong tiningnan ni Lyle ang pagkakaakbay sa akin ni Levi. Medyo na-awkward-an ako.

“No,” tipid na sagot ni Lyle at akmang tatalikuran kami ulit nang akbayan din ito ni Levi.

“Alam kong kakain ka rin. Tara, sumama ka na sa ’min. Kakain din kami ni Reign.”

Kumunot ang noo ko. “Sinong nagsabing kakain tayo?”

“Sssh,” bulong ni Levi sa akin. “Kakain tayo ngayon. Alam kong gutom din kayo.”

“Hindi ako kakain,” sabi ni Lyle at akmang aalis sa pagkaka-akbay ni Levi nang lalong higpitan ni Levi ang pagkaka-akbay sa kaniya.

“Ngayon, kakain ka na,” sabi ni Levi at ngumisi. “Saan n’yo ba gusto? Mayroong—Hoy, Grey!”

Napalunok ako nang tawagin ni Levi si Grey. Dumaan ito sa amin at huminto. Lumingon ito at tiningnan kami.

“Hey, Levi,” bati ni Grey at tipid na ngumiti. “Bakit?”

Doon ko lang napansin na bagong gupit ito. Maiksi na ang bangs nito at clean-cut. He looked manlier now. I can’t help but to smile at myself. Grey was blooming.

“Gusto mo sumama? Kakain kami,” pagyaya rito ni Levi. “Tara na.”

Tiningnan ni Grey si Lyle. At nang sa akin na siya tumingin ay nag-iwas ako ng tingin.

“Niyaya na kasi ako nila Nash at Missi,” sabi ni Grey. “Next time na lang, brad.”

“Nash?” tanong ni Levi. “Buti pa kayo, inaya.”

Pilit itong ngumiti.

“Sige next time na lang.”

Tumango na lang din si Grey at tumalikod na. Nang mawala na siya sa paningin namin ay huminga ako nang malalim.

He’s okay now. I was relieved.

Paglabas namin ng gate ay pare-pareho kaming tahimik. Nawala na ang pagkaka-akbay amin si Levi. Parang nawalan ito bigla ng gana. Nauuna rin ito sa paglalakad at naiiwanan kami ni Lyle sa likod.

Biglang dumaplis ang braso namin ni Lyle sa isa’t isa kaya nagkatinginan kami. Hindi naman kami kumibo at nagsimulang maglakad ulit. Maya-maya ay dumamplis nanaman kaya gumilid na kaming pareho.

Bakit ba ang awkward ng araw na ’to?

“Ginupit mo bangs mo?” biglang tanong ni Lyle.

Tumingin ako sa kaniya at nagtama ang paningin namin. He was looking at me and for unknown reason, he looked so innocent in my eyes.

Bahagya akong tumango. “Medyo mahaba na kasi.”

Hindi na ito kumibo at nagpatuloy kami sa paglalakad.

“Bagay sa ’yo,” sabi bigla ni Lyle.

“Thanks,” sabi ko.

“Mas gumanda ka,” dagdag niya.

My lips parted. Tumingin ako sa kaniya at napahinto. Hindi talaga ako sanay na pinupuri ako. Feeling ko na-g-good time ako parati. Huminto rin si Lyle.

“Are you saying I’m pretty to make my heart flutter?” tanong ko. “Whoa, Lyle. You’re becoming a womanizer like Levi, huh?”

Tumaas ang sulok ng labi ni Lyle at nagkibit-balikat. “Guess I failed?”

I scoffed jokingly. “Kailangan mo pa ng kaunting training. Medyo malamya ka pa, boy.”

“Train me, then,” he answered.

It caught me off guard.

Lyle then met my eyes mischievously.

“Tame my heart, attorney.”

I licked the side of my lip and crossed my arms to show my frustration jokingly. “You’re joking, Heimsworth, and it ain’t funny at all.”

“Maybe I’m joking but jokes are half-meant,” he answered and crossed his arms jokingly too.

Napangiti ako at ganoon din si Lyle.

“Anong half-meant, na maganda ako?” tanong ko.

“No, not that,” he said. “You’ve always been pretty, Reign.”

Nawala ang pagkakangiti ko. Hindi ko alam ang mararamdaman. Lyle was looking at nothing but me. He wasn’t smiling, he wasn’t poker-faced either. I can’t describe it but there’s something about the way he stared at me that made him looked so pure.

What’s happening to me?

“Tapos na ba kayo?”

Natigil kami nang marinig ang boses ni Levi. Medyo malayo na siya amin kaya bumalik siya.

“Ayaw kong mangialam ng problema ng iba kasi marami na akong problema sa buhay, pero kung nagkakamabutihan na kayo ni Lyle, pwedeng sundin mo man lang ang three months rule, huh, Reign?” tanong nito. “I don’t wanna put it this way but Grey is still healing, and I know you are too so—”

“Three months rule? Bakit ikaw, every week nagpapalit ng ka-fling noon?” putol ni Lyle.

“I know pero hindi ’to tungkol sa ’kin, okay?” rason ni Levi. “Bahala na nga kayo.”

“Ba’t ka galit?” tanong ko.

“Ewan. Basta,” sabi nito at nakatingin sa tawid. Nang tingnan ko ay kapapasok lang nila Nash sa isang Japanese restaurant.

“Kumain na lang tayo. Anong gusto n’yo?” tanong ni Levi. “Chicken wings? Corndog? May korean restaurant doon sa kabila. May bulalo something sa may tawid. Okay din streetfoods para ’di mag-inarte si Lyle.”

Ngumiti ako at ganoon din si Levi. Nagsimula na kaming maglakad ulit. Lyle wasn’t doing anything at first. Hanggang maya-maya ay tumaas na ang sulok ng labi nito. Tuluyan kaming natawa ni Levi kasi obvious na pinipigil ni Lyle ang pagngiti.

“See? Gustung-gusto n’ya. Lalo na ’pag matamis ’yong sawsawan. Ayaw n’ya ng suka kasi ayaw raw mawala sa panlasa n’ya. Takot maamoy ng kahalikan niya,” pagkukuwento ni Levi.

“Wala akong kahalikan,” biglang depensa ni Lyle. “Ayaw ko lang ng lasa.”

“Oo na, defensive ka,” sabi ni Levi. “Just say you don’t wanna embarrass yourself just in case may maka-make out ka.”

Sasagot sana si Lyle pero biglang bumisina ang ilang sasakyan. Pareho kaming natawa ni Levi dahil biglang nagpintig ang tainga ni Lyle dahil sa ingay.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari kung bakit natapos ang pagkakaibigan nila. Pero lately, mukhang nagiging okay na sila. Ang sarap sa pakiramdam na makita silang nagkakaayos na.

“Ano ngang gusto n’yo?” tanong ni Levi. “Anything, ’wag lang samgyupsal kasi masiyadong mabigat sa tiyan. Or pwede ring—”

Napahinto kaming tatlo nang may humintong van sa tapat namin. Kumunot ang noo ko. Sobrang pamilyar niyon. Bumukas ang bintana nito at may dumungaw mula sa loob.

“Hi, kids,” bati nito.

Ang lalaki ay balbas-sarado at may tattoo ng bungo sa may bandang leeg.

“Kilala po ba namin kayo?” tanong ni Levi.

Tumawa ang lalaki at nakarinig ako ng maraming boses mula sa loob ng kotse. Marami sila roon.

“Hindi n’yo na ako naaalala?” tanong nito.

Nang ngumiti ito at nakita ko ang isang gold teeth nito, nagsimula akong kabahan.

“Familiar po kayo…” sabi ni Levi.

Then realization hit us. Nanlaki ang mga mata namin pareho ni Levi. Nakilala na rin niya ito.

Ito ang sindikatong nakaaway namin nila Levi at Grey noon sa may arcade. Ito rin ang humahabol sa akin noong gabing nakilala ko si Lyle.

“Reign…” Levi uttered while looking at the man. “RUN!”

In a snap, tumatakbo na kaming tatlo at hinahabol ng mga lalaki. Kung saan-saan na kami nagsususuot pero naaabutan din nila kami.

“Sila ba ’yong humahabol sa ’yo dati?” tanong ni Lyle habang pareho kaming tumatakbo.

Tumango ako at binilisan pa lalo ang pagtakbo.

“Paano mo alam?” tanong ko.

“The voice. I remember their voice. They were shouting that night,” sabi ni Lyle.

Takbo lang kami nang takbo at hindi alam kung saan pupunta. Kung saan-saang eskinita na rin kami dumaan pero naaabutan pa rin nila kami.

“Hindi ko na kaya,” rinig naming sabi ni Levi matapos ang matagal na pagtakbo. “Tumakbo pa kayo! Malapit na sila!”

Lumingon kami ni Lyle.

“Levi, bilisan mo!” sigaw ni Lyle.

“Hindi ko na kaya… sorry…”

Huminto ito at napahawak sa sariling tuhod,  habul-habol ang hininga. Napahinto rin kami ni Lyle.

“Levi!” sigaw ko. “Tara na!”

“Sige na, tumakbo na kayo! Hindi ko na kaya, sorry—”

Natigil ito nang maabutan na ito ng isang lalaki. Akmang tatakbo na ulit kami ni Lyle nang pagharap namin ay papalapit na rin ang ilan. Na-corner na nila kami. Nasa likod kami ng isang malaking building at tagung-tago iyon. If they would kill us here, no one will know.

Umurong kami ni Lyle at ganoon din ang ginawa ni Levi. Hanggang sa magkakasama na kaming tatlo. Lyle and I were facing the front, Levi was facing our back.

Tumatawa ang isang lalaki nang lumapit ito sa amin. May baril ito sa tagiliran at ngising-ngisi nang makita ako.

“Anong sabi ko, hahanapin kita, ’di ba?” tanong nito sa akin. “Tingin mo ganun-ganon na lang ’yon, huh?”

Akmang lalapit ito sa akin nang humarang si Lyle. Matalim ang tingin nito sa lalaki at tagaktak ng pawis.

Nagtawanan ang mga lalaki dahil doon.

“Anong nakakatawa? Ang babaw ng kaligayahan ng mga pangit na ’to,” rinig kong bulong ni Levi mula sa likuran.

“’Wag ka nang makialam, utoy,” sabi ng lalaki kay Lyle. “Hindi ikaw ang kailangan namin. Napakaganda mong lalaki, ayaw kong sirain ang mukha mo. Kailangan lang namin kuhanin itong babaeng kasama mo, tapos aalis na kami. Ganoon lang.”

Akmang hahablutin ako ng lalaki nang harangin ni Lyle ang kamay nito.

“Bitiwan mo ’ko…” matalim na banta ng lalaki kay Lyle.

Pero imbis na gawin iyon ay lalong diniinan ni Lyle ang pagkakahawak niya sa lalaki at ibinaon ang kuko niya sa braso nito.

They were looking at each other fiercely until I finally talked.

“Kung sasama ba ’ko, papakawalan n’yo sila?” tanong ko.

“Reign…” bulong ni Levi. Gaya ni Lyle ay hindi ito makapaniwala.

“Syempre,” sagot ng lalaki. “Safe at wala pang galos.”

“Okay,” sabi ko. “Sasama ako.”

Doon na marahas na lumingon si Lyle. “Hindi ka sasama sa kanila.”

“It’s okay,” sabi ko at pilit na ngumiti. “I’ll be okay.”

“Hindi kita ibibigay,” sagot ni Lyle. Nag-aalala ito.

“Reign, kaya nating lumaban,” sabi ni Levi.

“Marami sila, tatlo lang tayo,” sabi ko. “Hindi tayo mananalo. Kaya okay lang.”

Akmang hahakbang na ako palapit sa kanila nang higitin ni Lyle ang kamay ko. Tiningnan niya ako sa mga mata at umiling.

“I can fight, Reign,” he said, his voice was more like a whisper. “I can throw punches well.”

Nagtawanan ang mga lalaki. “’Kano yata ’tong isa, e.”

Pilit akong ngumiti at tinanggal ang pagkakahawak ni Lyle sa akin.

“Ito lang ang chance para manalo tayo,” sabi ko at tinapik siya sa balikat.

“Reign…” bulong ni Lyle.

I smiled weakly. “It’s okay.”

Tiningnan ko rin si Levi. Pawis na pawis ito at nag-aalala.

Naglakad na ako palapit sa lalaki at muli silang nagtawanan.

“Brave girl, brave girl,” sabi nito.

Nang makalapit ako ay hinawakan ako nito sa balikat at tinutulak palabas ng eskinita. Muli kong nilingon sila Lyle at Levi. Pareho silang nag-aalala. Kumindat ako sa kanila at ngumisi.

Sa pagkakataong ’yon, inagaw ko ang baril mula sa tagiliran ng lalaki. Sa bilis ng mga pangyayari ay napasinghap ang ilan.

Itinutok ko sa kaniya ang baril at bahagyang natawa at naging seryoso. “Yes, you stinky old hag. Brave girl ako. Now get the fuck out.”

Akmang lalapit ang ilang lalaki kaya itinutok ko sa noo ng lider nila ang baril.

“Palayuin mo ’yang mga tauhan mo o lalagyan ko ng butas ’tong noo mo,” pagbabanta ko.

Sinenyasan niya ang mga tauhan niya at umatras ang mga ito.

“Hindi ko alam kung paano mo ako natunton pero hindi mo ako mapapatumba,” bulong ko. “Umalis na kayo at iwanan n’yo na kami. Makikipag-usap ako sa inyo kasama ang boss ko pero hindi rito. Hindi ngayon. Hindi sa harap ng dalawang kasama ko.”

Ngumisi ang lalaki. “Takot kang malaman nila?”

Idiniin ko ang baril sa noo niya. “Dito, hindi ka takot?”

“Alam ko kung paano ka gumalaw, pinag-aralan na kita,” sabi nito. “Kaya ’yang baril na dala ko, panakot lang ’yan. Walang bala ’yan.”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Ngumisi ang lalaki. “Checkmate, bitch.”

Pilit akong ngumiti. “Sabi mo pinag-aralan mo ’ko. Pero nakalimutan mong magaling ako sa hand-to-hand combat at hindi ko kailangan ng bala para mapatumba ka.”

Ngumisi rin ako.

“Ito ang checkmate, tanga.”

Hinampas ko ang baril sa ulo niya at doon na nagsimula ang tunay na gulo. Kaliwa’t kanang away at suntukan ang makikita. Lagpas sampu sila kaya outnumbered kami. Si Lyle at Levi ang nakipagbuno sa kalahati at ako naman sa kalahati rin.

Our situation was chaotic. Hindi ko na alam ang nangyayari, hiyawan lang ang maririnig. Napalakas ang suntok kay Lyle kaya tumumba ito. Akmang hahampasin ito ng kahoy sa ulo pero mabilis kong nasipa ang lalaki kaya tumumba iyon. Doon naman ito nahampas ni Levi sa tiyan ng kahoy kaya namilipit ito sa sakit.

“Ikaw na ang may utang sa ’kin,” sabi ko kay Lyle at tinulungan itong tumayo. Lyle just smiled at me.

Ganoon ang nangyari sa mga sumunod na minuto. We were fighting for our lives and we had no intention to raise a white flag. Natigil lang ako nang marinig kong sumigaw si Levi. Pagtingin ko ay puro galos na ang dalawa kagaya ko at may nakatutok na kutsilyo sa leeg nila.

Tumayo ang leader nila at nagpunas ng bibig. Nagsusuka na ito ng dugo. “Ang pait, tangna.”

Hinarap ko siya at tuluyan na akong nanlumo. We were at disadvantage. Ngumisi ito nang makita ang hitsura ko.

“Tingnan mo ang ginawa mo,” sabi nito. “Kung sumama ka lang, wala na sanang ganito.”

“Pakawalan mo sila…” galit kong sabi. “Bakit kailangan nilang madamay?!”

“Kasi peste ka,” sagot ng lalaki at napahawak sa ulo. “Tangna, nahihilo ako.”

Lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa kuwelyo ng uniform ko. “Pahirap ka talaga sa buhay ko.”

Sinampal ako nito nang malakas at tumumba ako. Napasigaw sila Levi at Lyle pero hawak-hawak na sila ng mga lalaki. Isang maling galaw ay gigilitan sila ng mga ito.

Nalasahan ko ang sarili kong dugo dahil pumutok ang labi ko. Akmang tatayo ako nang tadyakan ako nito dahilan para muli akong bumagsak at sumubsob sa lupa. Namilipit ako sa sakit.

Lumapit sa akin ang lalaki. Hinablot naman nito ang buhok ko at iniharap ako sa kaniya. Sunud-sunod ako nitong pinagsasampal at hindi ako makalaban. Unti-unti akong nanghihina at nawawalan na ng malay Galit na galit ito, mura ito nang mura. Sa huling sampal nito sa akin ay para akong nabingi.

Rinig ko ang sigaw nila Levi at Lyle. Nakita kong pumapalag pa rin sila kahit na nanlalabo na sila sa paningin ko. Namanhid na ako sa dami ng sampal at suntok na nakuha ko.

Sinimulan akong sakalin ng lalaki. Mura pa rin ito nang mura at alam kong sa pagkakataong iyon ay papatayin na niya ako. Nagpumiglas ako pero hindi ko siya maabot. Sinusubukan ko siyang kalmutin pero hinang-hina na ako.

Lalong lumakas ang sigaw ni Lyle at ni Levi. Nagpupumiglas na sila pero hindi nila matalo ang mga may hawak sa kanila.

Pilit na inaabot ng kamay ko ang mukha ng lalaki. Impit na ang boses ko kasi hindi na ako makahinga. Sobrang higpit ng pagkakasakal niya at kaunti na lang ay malalagutan na ako ng hininga.

Nasa ganoon kaming kalagayan nang walang anu-ano’y may nanghampas ng kahoy sa batok ng lalaki at itinulak ito dahilan para bumagsak ito sa lupa at namilipit din sa sakit.

Napahawak ako sa leeg ko at naghabol ng hininga. Halos maiyak ako dahil sa sakit. Lumuhod ang lalaking nagsalba sa akin at hinawakan ako sa pisngi.

“Reign…” he said, his voice was dead worried.

When I looked at him, I recognized him immediately.

“Grey…” I mumbled.

Ngumiti si Grey kahit na nangingilid na ang luha dahil sa kalagayan ko. “You’re gonna be safe now. I promise.”

Lalong nagpumiglas sila Lyle at Levi pero hindi pa rin sila makawala. Hindi rin alam ng may hawak sa kanila ang gagawin dahil dalawa na lang din silang natitira. Lahat ng kasama nila ay namimilipit sa sahig at ang iba’y wala nang malay. Tanging ang hawak nilang kutsilyo na lang ang advantage nila.

Nilapitan ni Grey ang lalaking sumakal sa akin. Pumaibabaw siya rito at pinaulanan ito ng suntok sa mukha.

“Ba’t mo ginawa ’yon sa kaniya? BAKIT?!”

Galit na galit ito. Doon ko lang nakitang ganoon kagalit si Grey. Nakakatakot.

Hindi ko na mabilang kung naka-ilang suntok na si Grey sa lalaki. Nawalan na nga ng malay ang lalaki at duguan na ang mukha pero hindi pa rin tumitigil si Grey. Pulang-pula ang mukha nito dahil sa galit at hindi makontrol ang sarili.

“WHO ARE YOU TO HURT HER?!” Grey screamed.

He will kill him!

Nakarinig kami ng sirena ng mga pulis. Sa sobrang pagpapanic ng dalawang may hawak kay Levi at Lyle ay napilitang tumakbo ang mga ito at iwan ang mga kasama.

Pinilit itong habulin ni Lyle pero tumigil din siya dahil hinang-hina na. Si Levi naman ay sinubukang awatin si Grey pero pati siya ay halos tumilapon nang itulak siya nito.

Pinilit kong tumayo pero hindi ko kaya. Hinang-hina na rin ako at ramdam ko ang kirot sa iba’t ibang bahagi ng katawan ko. Hanggang ngayon ay nahihirapan akong huminga.

Pinauulanan pa rin ni Grey ng suntok ang lalaki. Hindi niya ito tinatantanan kahit na pati ang kamao niya ay nagdurugo na rin.

“ANONG KARAPATAN MONG GAWIN ’YON SA KANIYA?!” sigaw ni Grey. Naluluha na ito sa sobrang galit.

Pati ako a naluha na habang pinanonood siya. Hindi ako makapagsalita. Hirap na hirap ako kahit sa paglunok.

“Grey, tama na…” sabi ni Levi at pilit itong inaawat. “Wala na ’yang malay baka… baka mapatay mo pa—”

Natumba si Levi nang itulak siya ni Grey.

“Grey naman… makinig ka sa ’kin,” sabi ni Levi. “Tumigil ka na—”

Muli itong natumba.

“GREY, ANO BA!” sigaw ni Levi. Hindi niya ito maawat.

Doon na lumapit si Lyle at pilit din itong inawat.

“Grey, tama na. You did well, y-you saved us so please—”

Hindi nito natapos ang sasabihin nang pati siya ay bumagsak sa lupa. Tumayo ulit si Lyle at pinilit itong patigilin.

“Grey, makinig ka sa ’kin. Tapos na, hmm? We won. We’re okay. Kaya tumigil ka na. Baka ano pang mangyari riyan,” sabi ni Lyle. “You’re not a bad guy. You can’t be a bad guy. Kaya tama na, itigil mo na—”

Tumumba muli si Lyle. Si Levi ay ’di na tumayo at naluluhang pinanood na lang ang kaibigan.

“You know Grey is unstoppable when he explodes,” sabi ni Levi. “Hindi mo siya kaya…”

“Hindi natin siya pwedeng hayaan,” sabi ni Lyle. “Baka…baka mapatay n’ya ’yong lalaki. Masisira ang buhay n’ya.”

Pilit na tumayo si Lyle at muling inawat si Grey. Hindi pa rin niya ito mapigil.

Walang anu-ano’y niyakap niya ito nang mahigpit dahilan para maiwan ang kamay ni Grey sa ere na handa na muling sumuntok.

“Tama na…” rinig kong bulong ni Lyle. Naluluha na ito habang yakap-yakap ang kaibigan. “Hindi ka ganito, Grey. Nasasaktan ka lang. Nagagalit ka lang. Tama na… please… tama na…”

Humigpit ang pagkakayakap ni Lyle kay Grey at hinawakan niya ang kamay nito para hindi na ito makasuntok pa ulit.

“Hindi ka masamang tao. Don’t get your hands dirty…” sabi ni Lyle at lalong hinigpitan ang pagkakayakap niya kay Grey. “You did well, Grey. Thank you for saving us… thank you for being brave… thank you…”

Doon na unti-unting ibinaba ni Grey ang kamao niya at yumuko. Tiningnan nito ang lalaking wala nang malay at doon siya pumikit at huminga nang malalim. Maya-maya ay tumulo na ang luha sa mga mata niya at umiyak nang tahimik.

Lumapit si Levi sa dalawa at niyakap din si Grey. They were all hugging and teary-eyed.

Dumating ang mga pulis at baranggay. Nadatnan nila kami sa ganoong kalagayan. May CCTV pala sa itaas namin kaya mabilis na naitawag ng baranggay ang sitwasyon sa pinakamalapit na police station.

Tinulungan ako ng mga pulis na makatayo. Lyle looked at my direction and when he met my eyes, despite being in tears, he smiled at me. I did too.

Looking at them now, I can’t help but to bleed for them. Kahit na hindi sila okay at may tampuhan sa isa’t isa, they still care about each other.

What they formed wasn’t just a friendship. It was brotherhood, all along.

———

THIRD PERSON POV.

Mabilis na umupo si Howell sa swivel chair niya. Kumuha siya ng gunting at tiningnan ang parcel na nasa harap niya.

Magkasama sila ni Jax kanina na bumalik sa ospital para kumuha ng mga impormasyong pwedeng makuha. Galing na sila roon kagabi pero bumalik sila kaninang tanghali dahil hindi sila mapalagay.

Ang tingin kasi nila ay in one way or another,  makakakuha sila roon ng maliit na impormasyon na pwedeng maging susi sa kaso.

Lingid sa kaalaman ni Jax ay may ibang target si Howell. Kagabi ay kasama niya si Jax at nakita niyang may mga parcel sa loob ng kotse nito. Malamang ay doon nito iyon itinatago.

Kaya kanina ay kumuha siya ng isang parcel at hindi iyon napansin ni Jax. Napakaraming tanong sa isip niya at kailangan iyong masagot. Pakiramdam niya ay mababaliw siya ’pag hindi niya iyon nalaman.

Anong itinatago ni Jax?

Konektado ba iyon sa kaso?

Bakit ayaw nitong ipaalam sa kaniya?

At anong kinalaman ng Statistics Authority dito?

Inuulan nanaman siya ng mga tanong at itong parcel lang ang solusyon. Kaya gamit ang gunting ay binuksan niya iyon. Huminga nang malalim si Howell.

“This is it…” bulong niya sa sarili.

Kinuha niya ang nasa loob at ang laman ng mga iyon ay mga litrato at ilang dokumento.

Kumunot ang noo niya. “Ano ’to?”

Tiningnan niya iyon isa-isa. Karamihan sa litrato ay mukha ng isang binatilyo at isang baby. Ilang buwan pa lang ang bata at halos ka-edad nila Lyle ang lalaki.

Nanlaki ang mga mata ni Howell. “Si Jax ’to, a?”

Tiningnan niya ang time print sa picture. Kuha iyon sixteen years ago. Kung ganoon, it means around seventeen or eighteen na ang bata ngayon, given na mukha itong isang taong gulang na sa litrato.

“Anong nangyayari? Ano ’to? Ang gulo?!” reklamo ni Howell.

Nang tingnan niya ang mukha ng baby ay hindi niya iyon namukhaan. Tiningnan niya pa ang ilang dokumento. Ang ilan ay certificate of live birth at sa dulo ay litrato ng isang paaralan.

“You got it?”

Halos mapatalon si Howell nang makita si Jax sa pinto. Walang emosyon itong nakatingin sa kaniya.

“J-Jax…” napatayo si Howell. “I-I was just—”

Natigil siya nang pumasok ito at ni-lock ang pinto. Napaurong si Howell at napalunok. Sinimulan siyang kabahan.

Tiningnan ni Jax ang mga litrato sa table niya at nakita niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito.

“Jax…sorry, n-na-curious lang ako. Ang dami mong nililihim kaya—”

“Tiningnan ko ang parcels sa kotse ko kanina, kulang ng isa kaya alam kong kinuha mo. I’m ready for this, Howell,” sabi ni Jax at tiningnan siya. “What do you need to know?”

Napalunok muli si Howell. Hindi iyon ang inaasahan niyang reaksyon mula rito. “W-Well, simulan natin kung bakit… kung bakit hindi mo sinasabi sa akin ang tungkol sa mga ’to.”

“Kasi wala silang kinalaman sa kaso. Personal na buhay ko ito, Howell,” sagot ni Jax.

“Personal?” tanong ni Howell. “Paanong personal?”

“As you know, isa lang ang tunay na anak ng dating Chief Justice and it wasn’t me. Si Ate Miu ’yon, she’s in Canada now. Only child and babae pa. He adopted Tyler Scott para itago ang identity nito, in which we all know, ay anak pala ng thirteenth president—long story. Ate Miu and Tyler went abroad to study in College. At the same time, nag-retire sa politics ang dating Chief Justice at sobrang lungkot ng bahay nila.”

Howell was just staring and listening to him.

“That’s why they wanted to adopt one more. Gusto ng mag-asawa ay lalaki dahil alam nilang sooner or later, baka gamitin na ni Tyler ang apelyido ng totoo nitong ama. They were afraid that if Ate Miu gets married, wala nang magdadala ng apelyido nila. You know, patriarchal society things. Ayaw nila mag-adopt ng bata, they thought masiyado na silang matanda and they were kind of anxious they might not see the kid grow.”

“And that’s how they adopted you?” tanong ni Howell.

Tumango si Jax. “As per me, my childhood was good. Until now, hindi ko matanggap kung paano kami napunta ng kapatid ko sa ampunan. We lost our parents when I was sixteen, my brother was one year old at that time, near two. Noong inaampon nila ako, ayaw kong sumama kasi ayaw kong mahiwalay sa kapatid ko. But the Scott family promised me that they will also get my brother after me. Kailangan lang daw nilang i-convince ang panganay nila.”

“Sumama ka naman?” tanong ni Howell.

“I did. It was our last chance,” sagot ni Jax. “Pero noong binalikan namin ang kapatid ko…huli na. May… may kumuha na sa kaniya at hindi na namin siya nakita pa ulit.”

“Damn, man. That was… tragic,” sabi ni Howell. “Akala ko, all this time, magpinsan talaga kayo ni Tyler.”

Jax smiled weakly. “By papers, technically, magkapatid kami. But Tyler and I grew up so annoyed of each other. Kaya kapag may nagtatanong, sinasabi namin magpinsan lang kami at hindi magkapatid, hanggang nakasanayan na.”

“Kumusta ’yong kapatid mo? Any great news?” tanong ni Howell.

“Simula nang makagraduate ako ay hinanap ko na siya. Nagkataon lang na natapat sa investigation ng kaso na ’to ang panahon kung kailan nakaka-receive na ako ng tip kung nasaan siya. Lahat ng parcels na dumarating ay tungkol doon. Halos isang dekada ko na siyang hinahanap at ngayon lang ako nagkaroon ulit ng pag-asa na baka makita ko ulit siya.”

“Kilala mo na ba siya?” tanong ni Howell.

Umiling si Jax. “Lately ko lang din nalaman kung saan siya nag-aaral. Laman ng parcel na binuksan mo ang tip sa akin.”

Tiningnan ni Howell ang mga litrato at isang eskwelahan lang ang naroroon.

Kinuha iyon ni Jax. Seryoso ang mukha nito at iniharap sa kaniya ang litrato.

“West Carson High…”

PART FORTY-SIX: Exposing Grey’s Secret

REIGN.

“Reign, I’m sorry.”

Tiningnan ko si Levi. Malungkot ang mukha nito at puno ng galos ang braso. May kaunting kalmot ito sa mukha at buti na lang ay hindi iyon masiyadong malalim.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng police station. Nahuli ang mga lalaki na nakaaway namin at naayos na ang lahat.

The situation blew up apparently. In fact, napakaraming reporters sa labas ng police station at hinihintay lumabas si Lyle at Levi. Kaya nga sinusundo si Levi ng manager nito ngayon at ang manager naman ni Lyle ay papunta na.

“Okay lang,” sagot ko kay Levi at tipid na ngumiti. “Salamat, Levi. Ingat ka sa pag-uwi.”

Tumango ito at tiningnan si Grey at Lyle. “Una na ako, ha. Ingat kayo.”

Tumango lang si Lyle at si Grey ay tulala pa rin. Tinapunan ni Levi ng huling tingin si Grey bago siya nagsuot ng sumbrero at nag-mask. Nang lumabas siya ay rinig namin mula sa loob ang tunog ng mga camera at ang kaliwa’t kanang tanong ng mga reporter.

Kami na lang nila Lyle at Grey ang natira sa loob pagkatapos. Walang nagkikibuan sa amin. Tapos na kaming ma-interrogate at ang iba pala sa mga lalaking nakaaway namin kanina ay mga wanted din.

I looked at Grey once more. Naaalala ko kung paano niya binugbog ang lalaki kanina bilang depensa sa amin. Seeing him now in that situation, alam kong maging siya ay nagulat sa ginawa niya. He almost killed him. Pero kung hindi niya iyon ginawa, baka ako na ang patay ngayon.

I gulped. Gustong-gusto ko siyang lapitan pero may kung anong pumipigil sa akin. Na-g-guilty ako. Wala na akong ibang ginawa kung hindi bigyan siya ng problema. I felt terrible.

Maya-maya lang ay dumating na ang mommy ni Grey. Kitang-kita ko ang pag-aalala nito. Ipinaliwanag ng pulis ang nangyari at galit na galit ito.

“Lyle, natawagan mo na ba ang mommy mo? Gusto mo sumabay sa amin?” tanong nito kay Lyle nang kumalma na siya at pinayagan nang dalhin pauwi si Grey.

Umiling si Lyle. “No, susunduin po ako. Thank you, tita.”

“You take care, okay?” sabi nito at hinaplos ang buhok ni Lyle.

Nang sa akin na dumapo ang tingin niya ay huminga siya nang malalim. I can’t tell if she was mad or worried.

“Let’s go to the hospital,” ibinaling niya ang paningin niya kay Grey. “Baka nagka-fracture na ’yang kamay mo.”

Grey was emotionless the whole time. Tulala lang ito at hindi kumikibo. Sobrang bigat sa pakiramdam.

Habang naglalakad na sila palabas ay hindi ko na napigilang tumayo at tawagin ang pangalan ni Grey. Lumingon siya pati ang mommy niya.

“Salamat,” sabi ko at malungkot na ngumiti. “Salamat nang marami.”

Grey remained emotionless at first until he looked deeply into my eyes. From that moment, despite the pain crippling deep within him, Grey smiled weakly at me too.

“Mag-iingat ka parati,” tipid niyang tugon.

Just when they left, the door opened again. Dumating na ang manager ni Lyle at alalang-alala rin ito. Nag-panic ito nang makita ang kalmot sa ilong niya at ang gilid ng labi niya na pumutok dahil sa suntok. Sira na rin ang ilang butones ng uniform niya.

Habang kinakausap ng manager ang mga pulis ay umupo si Lyle sa tabi ko.

“Do you want me to stay here?” He asked while looking at the floor, his voice was as calm as the sea.

Tiningnan ko siya at umiling. “Okay lang ako.”

“Kahit hanggang dumating lang ang guardian mo,” sagot niya at tiningnan din ako.

“Kaya ko ang sarili ko,” sabi ko at pilit na ngumiti. “Ipa-check up mo ’yang nasa labi mo. Baka magpeklat.”

Hinawakan ni Lyle ang gilid ng labi niya. His nose wrinkled a bit when he felt the pain.

“Masakit?” Tanong ko at bahagyang ngumisi.

He nodded. “A bit. Yours?”

Umiling ako. Ang tinutukoy niya ay ang sugat ko rin sa labi. “Malakas pain tolerance ko.”

Pareho kaming natahimik.

“May susundo ba sa ’yo?” He asked, breaking the ice. “You live alone. Kung gusto mo, puwede kitang isabay. Ipapahatid kita sa unit mo.”

“I’m okay. Susunduin ako ng tita ko,” pagsisinungaling ko. “Salamat, Lyle.”

“For what?” tanong niya.

“Sa pag-aalala,” sagot ko.

Lyle opened his mouth to say something but nothing came out from it.

“Tingin mo ba magiging okay siya?” Tanong ko kinalaunan.

“Who?” He asked.

“Grey,” I answered.

“He will because he needs to,” sagot ni Lyle. “Tsaka, hindi naman itong gulo ang problema para sa kaniya. The problem for him is his mom.”

Hindi ako nakakibo. Knowing Grey’s mom, alam kong hindi ito matatahimik dahil sa nangyari. Lalo na’t ako nanaman ang naging dahilan ng gulo na ’to.

“Family members will damage a child mentally, causing them to be socially awkward and carry emotional baggages in life. Later on, the same family members who traumatized them have the bravery to wonder why the child grew up that way,” Lyle said bitterly. “Irony.”

Realizations kept on coming in. Tumayo na si Lyle nang tawagin na siya ng manager niya. Nagsuot din siya ng mask at ng sumbrero gaya ni Levi kanina. Siya na lang ang hinihintay ng mga reporter sa labas.

Bago ito tuluyang lumabas ay nilingon niya ako. Kumaway ako sa kaniya. Paglabas nila ay ganoong ingay muli ang maririnig—tunog ng mga camera at rumaragasang tanong ng mga reporters.

Ako na lang ang natira sa loob at doon ko ininda ang sakit ng katawan ko. Pinipigil ko iyong ipakita kanina kasi ayaw kong mag-alala pa sila. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang leeg ko at hindi ako makalunok nang maayos. Mahapdi rin ang gilid ng labi ko at nang silipin ko ang tagiliran ko kanina sa CR ay may malaking pasa mula roon.

“Miss, gusto mo ba ng kape?” tanong ng pulis sa akin.

“Tubig na lang po sana,” sagot ko.

Habang ikinukuha ako nito ng tubig ay hindi ko maiwasang mainggit sa mga taong sinusundo ng magulang nila sa police station.

Ano kayang pakiramdam na may darating para sunduin ka, mag-aalala sa ’yo, tatanungin ka kung anong nangyari, yayakapin ka, gagamutin ’pag uwi, at lulutuan ng mainit na sabaw bago ka magpahinga?

I smiled weakly.

Alam kong hindi ito ang tamang lugar at panahon para mainggit pero hindi ko maiwasan. Ipinatong ko ang kamay ko sa ibabaw ng balikat ko at huminga nang malalim.

“Thank you for being brave, self…” bulong ko sa sarili.

Dumating ang pulis at binigyan ako ng tubig. Agad ko iyong ininom.

“Sir, saglit,” sabi ko nang akmang aalis muli ang pulis. “Puwede po bang makahiram ng phone? Tatawagan ko lang po ’yong sundo ko.”

“Sige lang,” sabi nito at iniabot sa akin ang phone niya. “Wala ka bang dalang phone?”

“Mayroon po kaso…” Inilabas ko ang phone ko mula sa bulsa ng palda ko. Cracked na ang screen nito at hindi na bumubukas. Naintindihan naman iyon ng pulis.

Tinawagan ko si Prosecutor Jax at nagmamadali itong pumunta. Iniwan nito ang trabaho at alalang-alala na pumunta sa police station.

Galit na galit ito sa mga lalaking nakaharap namin kanina. Muntik pa nga itong mapalabas sa presinto. Nang dumating si Detective Howell ay ipinaliwanag nito ang nangyari.

Nagkaroon ng lamat ang ceasefire nila ng mga sindikatong iyon. Kaya tinarget nila ang mga undercovers at isa ako sa mga nabiktima nila. Nag-uusap na raw ulit ang dalawang grupo. He assured me that they won’t victimize me again.

Gusto nila akong dalhin sa ospital pero tumanggi ako. Ipinilit nila pero hindi sila nanalo. Inihatid na lang nila ako sa unit ko at nagpasalamat ako. Gabi na rin at gusto kong magpahinga.

Pagpasok ko ng building ay hinarang ako ng receptionist. May nag-iwan daw ng gamit para sa akin. Pagtingin ko ay mga painkillers iyon at panlinis ng sugat.

“Sino po ang nagbigay?” tanong ko.

“Hindi nagpakilala, e. Kani-kanina lang din niya iniwan. Maliit na babae siya, ma’am. May bangs po.”

Tiningnan ko ang paper bag at kinuha ang maliit na card mula roon.

“You said you live alone. Take care.

-Brae.“

My lips parted.

Malamang ay na-televise na kanina ang nangyari, no wonder kung bakit pati siya ay alam na ang nangyari. Suspended siya pero naisip pa rin niya akong dalhan nito kasi alam niyang mag-isa lang ako at ako lang ang mag-aalaga sa sarili ko.

Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko. Brae wasn’t naturally bad, nilamon lang talaga siya ng insecurities niya.

Alam kong kahit na sa napakaliit na panahon ay naging kaibigan din ang tingin niya sa akin. Hindi niya gagawin ito kung hindi ganoon.

I looked at the paper again.

Nakakalungkot lang na ganito ang kinahinatnan namin. Indeed, regret is stronger than gratitude.

———

THIRD PERSON POV.

“I almost killed someone, mom,” sabi ni Grey at tulala. “I almost killed someone again…”

Nabitawan ng mommy niya ang dala-dala nitong bag. Kararating lang nila sa bahay nila at nag-aalala ito para sa kaniya. Nilapitan siya nito at hinimas ang buhok niya.

“No, you did what you had to do,” she said, comforting him.

“Reign saw me. Lyle and Levi too. ’Y-Yong tingin nila sa akin nang makita nila ang ginawa ko… ’y-yong takot nila… ’yong mga mata nila…what if they see me as a monster?” Namuo ang luha sa mga mata ni Grey. “Ma… hindi ako ganoon…”

“You’re not a monster, Grey,” pag-aalo ng mommy niya sa kaniya at hinawakan siya sa mga kamay. Puno na rin ng luha ang mga mata nito dahil sa labis na pag-aalala. “Nagulat lang sila, pero naiintindihan ka nila. Kung hindi mo ginawa ’yon, baka kung ano na ang nangyari. Did you hear them thanking you? They are grateful, not scared.”

“Ma…” sabi ni Grey at tiningnan ang ina sa mga mata. “Noong nakita ko siya roon… nasa lapag, puno ng galos, at sinasakal… mom… I lost it. Nablangko ako, I know… k-kung hindi ako napigilan ni Lyle, I could kill that person. Natatakot na ako sa sarili ko…”

“Listen to me,” sabi ng mommy niya at hinawakan ang dalawa niyang pisngi. “Kahit sinong nasa sitwasyon mo, gagawin ’yon. Kahit si Lyle o Levi man, gagawin nila ’yon. Don’t blame yourself, wala kang kasalanan.”

“This reminds me of what happened two years ago…” sabi ni Grey at nakagat niya ang ibabang labi niya. “I did it again this time. I almost killed someone again and—”

Natigil siya nang yakapin siya ng mommy niya.

“Tama na, anak, tama na…” sabi nito at nag-crack ang boses. Natigil si Grey. Pakiramdam niya ay nanlalambot siya. “I am protective of you because I don’t want you to be on that situation again. ’Wag na nating balikan ’yon. Please… nagmamakaawa ako. Kalimutan na natin ’yon…”

Humagulgol ito sa balikat niya. Kung may ayaw man siyang makita, iyon ay ang makitang umiiyak ang mommy niya dahil sa kaniya. She’s been through a lot because of him.

“I’m sorry,” sabi ni Grey sa ina. “I’m sorry, mom…”

Hindi kumibo ang mommy niya at niyakap siya nang mahigpit. Lalo itong umiyak sa balikat niya. Grey patted his mom’s back and his tears fell too.

Sa buong gabi ay hindi mapakali si Grey. Iniisip pa rin niya ang nangyari. Kumalat na ito sa school at pinag-uusapan na sila lalo na sa school facebook groups at sa mga chatrooms.

In fact, tumaas nga ang boto sa kaniya sa Leadership Award poll. Ngayon ay siya na ang nangunguna, hindi na si Everleigh. Sakto pang may debate bukas para sa mga nominees. Hindi alam ni Grey kung paano niya haharapin ang mga ito. He was seeing himself as a beast but they were thinking of him as a hero.

Nakahinga siya nang maluwag nang malamang okay na si Reign. Kanina pa siya naghihintay ng update tungkol dito pero hindi ito nag-o-online simula pa kanina kaya hindi siya makatulog. He was dead-ass worried but he can’t call her because he didn’t want to disturb her or make her uncomfortable.

Kaya nang malaman niya mula kay Missi na okay si Reign, kahit papaano ay napangiti siya.

“Thank God…” bulong ni Grey sa sarili.

Hindi pa rin siya makatulog kaya napagdesisyunan niyang lumabas kahit gabing-gabi na at maglakad kasama ang aso niya.

He took his dog and put him on a leash. Pagbukas niya ng pinto ay sakto namang may mag-d-door bell sana roon. Bahagya siyang nagulat.

“Lyle?” tanong ni Grey nang makilala ito. “May kailangan ka?”

Lyle was shocked too. Napansin niya ang bike nito na nakasandal sa gilid. Nakasuot lang ito ng puting damit at itim na shorts. Bagsak ang itim nitong buhok at suot ang salamin.

“Nag-s-stroll lang ako kasi hindi ako makatulog,” sagot ni Lyle at halatang nahihiya ito. “Napadaan ako sa inyo kaya naisipan kong magtanong kung… kung okay ka lang.”

Grey was looking at Lyle thoroughly and he noticed that Lyle didn’t change at all. Hindi ito napapakali kapag nag-aalala ito.

“Okay lang ako,” sagot ni Grey. “Hindi naman napuruhan.”

“Hindi ba masakit ’yong kamay mo?” tanong ni Lyle at napakamot ng batok. “Ang lalakas ng suntok mo kanina.”

“No, I’m good,” sabi ni Grey at itinaas ang sariling kamao at iginalaw ang mga daliri. “Ikaw ba?”

“Okay lang din,” sabi ni Lyle. “Madadaan naman daw sa ointment ’yong sugat para hindi magpeklat.”

Ngumiti si Grey. “Dapat pala sa ’yo nagpapabugbog. Mas okay sa ’yo tingnan ’pag may kalmot sa ilong at putok ang kabi. You look hot.”

Tumaas ang sulok ng labi ni Lyle. “Kung ikaw ang susuntok, ’wag na lang.”

Bahagya silang natawa pareho. The smile on their lips faded when the awkwardness swallowed them later on.

Tumahol ang aso ni Grey at doon napatingin si Lyle. His eyes widened out of amusement when he saw the dog.

“Ang laki na niya,” Lyle said.

Tiningnan ni Grey ang aso niya. He was wagging his tail at Lyle.

Yumuko si Lyle at nakangiting hinimas ang aso sa ulo. Pinipilit nitong dilaan ang kamay niya. He chuckled. “Kilala pa rin niya ako.”

Pinanood ni Grey si Lyle at ang aso niya. Hindi niya rin maiwasang mapangiti.

“It’s been two years since we rescued him from the street,” sabi ni Grey. “Baby pa siya noon.”

“Look at him now, binata na,” sabi ni Lyle at nilalaro ito.

“He missed you, maybe,” sagot ni Grey.

Doon na natigil si Lyle nang marinig ang salitang ‘two years’. Para bang awtomatikong nag-flashback sa kaniya ang lahat. Lyle felt the enormous amount of guilt. Huminto siya at tumayo.

“I think I should go,” paalam ni Lyle. “Baka hinahanap na ’ko ni mama.”

“Are you sure?” Grey asked.

Lyle nodded. “Tumakas lang kasi ako.”

But Grey knew he was lying. He could sense Lyle’s a bit off.

“Okay. Ingat,” tipid na sagot ni Grey.

Bahagyang tumango si Lyle at nagpaalam na sa aso.  Sumakay na ito sa bike nito at akmang aalis na nang muli niyang tawagin.

“Lyle.”

“Mmm?” tanong nito nang lumingon.

“Matutulog ka na ba?” tanong ni Grey.

Umiling si Lyle. “Baka hindi pa, hindi pa ako inaantok. Bakit?”

Grey gulped. “Okay lang ba kung mag-online ka mamaya?”

Kumunot ang noo ni Lyle. “Why…?”

“Gusto ko sana maglaro ng online games kaso wala akong kalaro, tulog na si Levi,” Grey said, swallowing his pride. “Okay lang ba kung… maglalaro tayo?”

Lyle’s lips parted. Maging ito ay hindi iyon inaasahan. Nag-iwas ito ng tingin. Hindi ito makatingin sa mga mata niya bigla. Nahihiya ito.

“Kung… kung okay lang sa ’yo na makalaro ulit ako… walang problema,” sagot ni Lyle.

“Mag-online ka after thirty minutes. Maglalakad lang kami then I’ll see you sa game,” sabi ni Grey.

“Sure…” sagot ni Lyle. Napalunok ito at nagsisimula maging emosyonal ang mukha. “Thank you, Grey.”

“For what?” tanong ni Grey kahit na alam na niya ang sagot.

“For not being awkward with me,” Lyle said.

Grey scoffed jokingly. “Baka mamaya mapurol ka na. I haven’t seen you online for two years sa game. Baka hindi ka na marunong.”

Lyle scoffed jokingly too. “Gumawa lang ako ng ibang account pero naglalaro pa rin ako. Baka ipagising ko pa sa ’yo si Levi para lang buhatin ko kayo pareho.”

Pareho silang nangiti sa isa’t isa.

“Aabangan ko ’yan,” sabi ni Grey. “I’ll see you in thirty minutes, then.”

“Sure,” sabi ni Lyle. “Una na ’ko.”

Tumango siya at pinanood si Lyle na mag-bike papalayo. Lumingon pa ito sa kaniya. Ngumiti siya nang tipid.

Sa totoo lang, hindi na galit si Grey dahil sa ginawa ni Lyle. Noon pa man ay naiintindihan na niya ito. Ang tanging ikinagagalit lang niya rito ay noon, parang wala lang dito na nasasaktan siya. Parang wala itong pakialam at hindi pinagsisisihan ang ginawa. Na para bang wala lang dito kung masira man ang buhay niya o hindi.

Ngayon, nakikita niya na nagsisisi na ito. When Lyle told him that he was sorry, Grey felt his sincerity. All those years, iyon lang ang hinihintay niya. Alam niyang gaya niya, Lyle did what he had to do. Hindi niya iyon tino-tolerate pero naiintindihan niya ito. It’s about time to forget the past and move forward.

Nang malayu-layo na si Lyle ay yumuko si Grey at hinimas ang ulo ng aso niya.

“Two years and you still like Lyle better than me, huh?” tanong niya rito.

Tumahol ang aso na para bang sumasang-ayon ito. Napangiti si Grey.

“Cute.”

———

Kinaumagahan, makikita si Jax na nasa loob ng opisina at mag-isa lang doon. Pagod na pagod ang isip niya dahil sa dami ng nangyayari lately. Kaya  kahit na ilang oras na tulog ay wala siya. Pakiramdam nga niya ay lumulutang siya.

Noong isang araw ay nalaman ni Howell ang sikreto ng parcels niya. Kahapon ay na-involve sa away si Reign. At ngayon, pakiramdam niya ay nasa dead-end ang kaso.

Nakakuha sila ng magandang angle ng kaso then all of a sudden ay na-stuck up sila. He felt like they were running in circles and he’s about to lose his mind. Ang daming suspect pero walang matibay na ebidensiya.

Sobrang daming pera at panahon na ang naubos niya. Hindi siya papayag na magiging cold case ito. Not when he’s the prosecutor-in-charge.

“Bakit binibisita ni Grey ’yong lalaki sa ospital?” tanong ni Jax sa sarili nang biglang maalala ang lalaking comatose. “Anong alam niya?”

Ayaw pakawalan ni Jax ang anggulo kung saan involved ang lalaking comatose sa ospital. Ex iyon ni Miss Jess. Pakiramdam niya ay may makukuha siyang importanteng impormasyon mula roon pero hindi niya alam kung paano iyon kukuhanin at kung ano ang dapat gawin.

“Pero si Grey nga ba talaga ’yon? Mapagkakatiwalaan ko ba talaga ang memorya ng witness na may Alzheimer’s?” He followed.

Kinausap niya ang lalaking nakita niya sa CCTV. Ito ang huling nakausap ni Miss Jess, after all. Ayaw nitong sabihin kung ano ang nangyari at kung bakit na-comatose ang kapatid niya. Kahit ang gumawa niyon ay ayaw din nitong ipaalam. Frustrated na siya.

Nang kausapin naman nila Howell ang pasyente na nagsabing nakikita nito ang matangkad, maputi, at gwapong lalaki na kinumpira nitong si Grey na bumibisita sa lalaking comatose, wala raw siyang maalala. Hindi raw niya ’yon sinabi. Wala raw siyang kilalang binata. The Alzheimer’s disease kicked in.

“Ewan, nakakaasar,” bulong ni Jax at sumandal sa upuan. Pumikit siya at napagdesisyunan na lang na umidlip nang biglang mag-ring ang telepono niya.

Nakapikit na kinuha niya iyon at sinagot.

“Hello, this is Prosecutor Jaxon Hibler Scott, speaking.”

“Hello sir, good morning po. Sa front desk po ito.”

“Yes po, good morning. How can I help?” tanong ni Jax.

“May bisita po kayo rito sa ibaba. Gusto niya hong pumunta sa office ninyo kaso wala raw po siyang appointment. Mahalaga raw po ito.”

“Mahalaga?” tanong ni Jax at dumilat. “Puwede po ba siyang makausap?”

“Sige, sir. Saglit po.”

“Thank you,” sagot ni Jax.

Ilang segundo lang ay sumagot na ito.

“Hello sir, good morning.”

Pamilyar ang boses para kay Jax. Kumunot ang noo niya. “Good morning sir, may kailangan daw po kayong sabihin sa akin?”

“Opo. Ako po pala ito, ’yong kapatid noong nasa ospital, ’yong na-interview n’yo po tungkol kay Jess, ’yong nakita n’yo sa CCTV.”

Napaayos si Jax ng pagkakaupo dahil sa gulat. “Ah, opo. Naaalala ko kayo. Anong kailangan nila?”

“Tungkol sana sa sinabi n’yo roon sa kaso ni Jess. Gusto ko sanang tumulong. Natatakot lang ako kahapon pero nakapag-isip-isip na ako ngayon. Malaki ang naitulong niya sa kapatid ko kaya kung may maitutulong man ako sa paglutas ng pagkamatay n’ya, gagawin ko.”

Napatayo si Jax. Hope aroused inside him. Lumapad ang ngiti niya. “Mabuti kung ganoon. Susunduin ko po kayo riyan, hintayin n’yo po ako.”

“Gusto ko

sanang

simulan ang pag-

uusap

natin sa isang bagay,“ dagdag nito.

“Saan po?” takang tanong ni Jax.

“Sa kung sino ang bumugbog sa kapatid ko…”

———

REIGN.

The debate has began.

Lahat ng teachers at students ay nasa loob ng hall. Kahapon ay lamang si Everleigh kay Grey pero matapos ang nangyaring away kahapon ay nanguna na si Grey sa boto.

Masiyadong tricky ang voting. Puwede kang bumoto ng isang beses lang pero puwede kang magpalit kapag nagbago ang isip mo basta pasok sa voting period.

Halos two hundred votes na rin ang lamang ni Grey kay Everleigh. In-e-expect ng lahat na tataas pa iyon pagkatapos ng debate dahil hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang pagsagip sa amin ni Grey kahapon.

Kilala na siya sa school bilang Team Captain ng soccer team at mas lalo pa siyang nakilala dahil sa nangyari. Landslide votes pa nga ang prediction ng iba. The support for Grey was visible. May mga ibang year level pa nga ang gumawa ng banners para sa kaniya.

Sa pagkakataong iyon ay na-c-curious tuloy ako kung ano ang gagawin ni Everleigh.

I looked at her. She was standing there with poise and looking sophisticated as she had always been. Walang bahid ng pag-p-panic o pagkabahala sa mukha nito. She was calm and chill, as if the support for Grey was no threat for her.

Hindi ko tuloy maiwasang hindi kabahan.

Natanaw ko sila Lyle, Missi, Levi, at Nash. Maging si Braelyn na suspended ay dumalo para manood. Lahat ay naroroon, as if ito ang main event at hindi ang awarding mismo.

Nagsimulang magpakilala ang host. Sinabi nito ang rules at ang concept ng debate. Sinabi na rin nito kung saan iikot ang topic at lahat-lahat.

The debate has officially started at this point.

“First topic,” sabi ng host. “Thoughts about the student-teacher relationship. Mr. Finch, you may start.”

Tumayo si Grey sa harapan at hinawakan ang mic. Parang natulala ito sa tanong at nagkaroon ng katahimikan dahil doon.

“I… I… uh…” Huminto ito at parang natuliro.

Kumunot ang noo ko at ganoon din ang iba. Nagsimula ang bulungan.

“S-Sorry, what was the question again?” tanong ni Grey.

Something was off…

Sasagot na sana ulit ang host nang walang anu-ano’y bumukas ang malaking screen sa likuran nila. Lahat kami ay napatingin doon.

From having a black screen, may lumabas na text mula roon.

“Grey’s secret…” pagbabasa namin.

Nag-countdown iyon at sa isang iglap, isang litrato ang lumabas. Napakabilis ng pangyayari. Napatayo sila Levi at Lyle, parehong nagulat ang mga ito at nag-aalala ang hitsura. Napatayo rin sila Nash at Missi kinalaunan. Pareho rin silang nagulat.

Tumayo rin ako at tiningnang mabuti ang mga litrato. Hindi ko kasi matanaw nang maayos kanina. Nanlaki rin ang mga mata ko nang ma-realize kung ano at sino ’yon.

Litrato iyon ni Grey at may kasama itong babae. Lumabas ang iba pang litrato na para bang slideshow iyon. Magkasama ang dalawa sa mga litrato at parehong nakangiti. May mga pictures na nakaakbay si Grey sa babae at sa mga huling litrato ay nakahalik na siya sa pisngi nito.

May mga anggulo sa litrato na para bang sinusundan sila ng kumukuha ng pictures. May kuha pa na nag-uusap sila sa isang coffee shop at mukhang nag-d-date. Mayroong magkasama rin sila sa arcade at naglalaro. Parang kuha iyon ng paparazzi.

Napatakip ako ng bibig nang mamukhaan ko ang babae.

“Miss Jess…” bulong ko at unti-unting nanlumo.

Umugong ang bulungan sa buong hall. Nagkakagulo ang lahat at kahit na anong saway ng mga teacher at pagpupumilit na patayin ang screen, walang gumagawa.

When I looked at Grey, nasa gilid na siya at nakatingin sa screen. Nanlulumo rin ito at halatang hindi alam ang gagawin.

Si Everleigh na nasa kabilang gilid ay walang emosyon ang mukha. Nakatingin lang din siya sa screen. If she was expecting it or she knew about it a long time ago, I can’t tell which.

Natigil lang ang lahat nang tuluyan nang mapatay ang screen. Umugong ang napakaraming tanong mula sa mga estudyante at hindi na ’yon makontrol ng mga facilitators.

Nakaharap si Grey sa lahat at hindi malaman ang sasabihin. Gaya namin ay gulat ang ekspresyon ng mukha nito.

“GREY, ANO ’YON?!” sigaw ng isa mula sa likuran. “ANO ’YONG NAKITA NAMIN?!”

Kaliwa’t kanang tanong ang sumunod at nakakabingi na ang ingay. Kahit sila Levi, Nash, Missi, at Lyle ay gulung-gulo na.

“Bakit ganoon?”

“Ano ’yon?”

“Wala akong naiintindihan!”

“Anong ibig sabihin ng nakita namin?”

“We need your explanation!”

Kahit ang mga teachers ay hindi na sila maawat.

“Grey,” rinig naming sabi ni Everleigh. “You need to explain your side.”

“Oo nga!”

Gulung

-gulo na kami!“

“Hindi ko na alam!”

Tiningnan ni Grey ang lahat. Napansin kong nanginginig na ang tuhod niya.

“Okay… I’ll… I’ll explain,” Grey announced through the mic. He sounded nervous. He looked like he was panicking.

“No!” biglang sigaw ni Levi. “Wala kang dapat i-explain, Grey. Stop and—”

Dinumog ng mga angal ang pakikisali ni Levi. Sa dulo ay pinaupo rin siya dahil lalong lumala ang ingay.

“LET GREY TALK!” sigaw ng isa.

Umalingawngaw iyon sa buong hall dahilan para tumigil ang lahat. Ngayon, lahat kami ay kay Grey na nakatingin, hinihintay ang sasabihin niya.

Parang nalulula si Grey sa lahat ng mga matang nakatingin sa kaniya. Nanginginig ito at hindi mapakali.

“The truth is…” panimula ni Grey. Tiningnan niya ang mga tao. “T-The truth… is…”

Huminto ito at huminga nang malalim. Nang magtama ang paningin namin ay lalo itong nanghina.

“The truth is… I… t-those photos are… are—”

“ARE TRUE, RIGHT?”

Napatingin kami sa nagsalita. Isang babae ang umakyat sa stage at hinarap ang lahat.

My eyes widened. It was Jal Perez.

“Paano nakapasok ’yan?” tanong ni Missi.

“Totoo ang mga pictures na ’yon, ’yon ang gusto mong sabihin, ’di ba?” tanong ni Jal. She was mocking him.

Hindi nakakibo si Grey. Kinuha ni Jal ang mic mula sa host at ngumisi.

“It’s been a while, West Carson High,” sabi nito. Ibang-iba ang aura nito ngayon. “Oh, naririto pala ’yong mga teachers kong kinick out ako dahil sa kasalanang hindi ko ginawa. Gulat kayo? Tinalo ko ba si Douglas MacArthur dahil hindi lang ako nag-‘I shall return’ ’cuz I literally returned?”

She laughed like a witch.

“12-A, how’s life treating you?” She followed. “I hope life treats you well so I can come and ruin it for you, you spoiled brat piece of shits.”

Nagulat ang marami.

“Now, hindi ko na patatagalin pa. Dahil ayaw sabihin ni Grey at atat na atat na kayo, ako na ang magsasabi,” hinarap ni Jal ang lahat ng estudyante. “Yes, totoo ang pictures. Totoo ’yong cheek kiss, ’yong akbay—lahat. Kasi alam n’yo kung bakit? Ha? Alam n’yo?”

Lahat ay sa kaniya lang nakatingin. Kahit kami ay walang magawa. Si Grey ay napalunok.

“Greysen Finch and their former adviser, Miss Jess…” Jal started.

And what she said next rendered everyone of us speechless.

“… they dated.”

PART FORTY-SEVEN: Two Years Back…

REIGN.

“Greysen Finch and their former adviser, Miss Jess… they dated.”

I heard gasps from every corner of the hall. Lahat kami ay nagulat. Napahawak pa nga ako sa gilid ng upuan ko dahil parang tutumba ako dahil sa narinig ko.

Grey remained standing there. Kagaya ng lahat, ito ang pinaka nanlulumo. Hindi nito alam ang gagawin. Kita sa mga mata nito na nag-p-panic na ito.

“Grey, itatanggi mo ba?” tanong ni Jal. Nakangisi ito at nangungutya ang mga mata. Napakalayo nito sa Jal na kilala ng buong eskwelahan.

She came back stronger—tougher.

“Itatanggi mo ba na ikaw at si Miss Jess—”

Natigil si Jal nang may mga umakyat na guard sa stage at pilit siyang pinaaalis mula roon. Nagpumiglas siya pero hindi siya nanalo. Nabitawan niya ang mic at nag-echo ang tunog niyon sa buong hall.

Habang lumalakas ang bulungan ng mga estudyante ay tili ni Jal ang maririnig. Lumalaban ito. Yakag-yakag ito ng mga guards palabas.

Nang mawala na si Jal, ang lahat ay nakatingin na lang kay Grey. Nakatayo pa rin ito sa stage at tinitingnan ang lahat. Namumula ang mukha nito at parang ilang segundo lang ay mawawalan na ng malay.

Hindi itinanggi ni Grey ang sinabi ni Jal. Seeing Lyle and Levi’s reactions, they were more worried than shocked. Alam nila ’yon panigurado.

Pero paano? Hindi pa rin ako makapaniwala. Parang ayaw tanggapin ng sistema ko ang lahat kahit na may mga ebidensya na.

Si Everleigh ay nakatayo lang sa gilid at hinihintay magsalita si Grey. Ganoon din kaming lahat.

Naglikot ang mga mata ni Grey. Huminga ito nang malalim at maya-maya’y hinarap muli kaming lahat.

“I’m sorry,” aniya at ipinatong ang mic sa podium.

In a snap, Grey stormed out of the hall. Hinabol siya ng tingin ng lahat at pinagbubulungan.

Parang nanlalamig ako sa nangyayari. Hindi nga talaga itinanggi ni Grey iyon. His silence confirmed it. Hindi ko alam ang mararamdaman ko.

Nakita kong nagsunuran ang mga kaklase ko sa kaniya kaya nakipagsiksikan din ako palabas ng hall. Grey was walking fast without looking back. Nakita kong hinahabol siya nila Missi habang inuulan ng tanong mula sa mga kaklase namin pero ni-isa ay wala siyang sinasagot o nililingon man lang.

Patuloy lang ito sa paglalakad na para bang walang nakikita o naririnig. Nang maabutan siya ni Missi ay hinatak siya nito sa braso dahilan para mapaharap siya sa amin.

Sa pagkakataong iyon, kita sa mukha ni Grey na nasasaktan na ito.

“Ganyan na lang ang gagawin mo?” tanong ni Missi. “Tatakbo ka na lang? Iiwanan mo na lang ’yong problema? Grey, hindi ka ganiyan!”

Missi was getting emotional. Lahat kaming magkakaklase ay nasa hallway na. Everleigh, Braelyn, Lyle, Nash, and Levi were there too.

“Grey, wala kang dapat ikahiya,” dagdag ni Missi. “Alam namin ang nangyari. It’s not your fault. Kung i-e-explain mo ang sarili mo, maiintindihan ka nila.”

“I agree,” sabi ni Levi. “Grey, hindi mo kailangang takbuhan ’to. Explain your side, explain the stories about those pictures. They’ll understand.”

Hindi kumikibo si Grey. Nagiging emosyonal na ang mga mata nito.

“No, keep going,” sabi ni Lyle. “Wala kang dapat i-explain kahit na kanino. Hindi mo sila kailangang i-please. Go on, Grey. Do what you want to do. Leave if you must.”

“I’m sorry Lyle pero president kasi si Grey,” sabi ni Nash. “Dapat role model siya. Dapat siya ang nag-u-unify sa ’tin. Pero ngayon… I don’t know. Sorry pero need ko ng explanation.”

“I feel the same,” sagot ni Braelyn. “Kailangan naming malaman kung ano ang nangyari para alam namin kung paano ka dedepensahan.”

They were arguing but Grey wasn’t saying a thing. He was just observing them with a disturbed face. When he looked at my direction and he realized that I was there, his face softened.

Naalala ko iyong panahong nagkita kami noon sa bus station. That night when he ran away from his home with nowhere to go. Ganoong-ganoon ang hitsura at niya ngayon. It was, as if, he was begging me to grab his hand and take him somewhere far.

“Grey…” I utterred, my voice was really worried.

Habang nagtatalo-talo ang lahat ay nakatingin lang kami sa isa’t isa. Suddenly, Grey smiled weakly at me.

“Do you wanna know what happened, too?” He asked.

Lahat ay natahimik at napahinto. Tumingin sila kay Grey at sa akin. Hindi ako kumikibo. Hindi ko alam ang sasabihin.

“I’ll tell the story if you want me to,” Grey added.

Napalunok ako. Everyone was waiting for my answer.

“No,” pakikisali ni Lyle. “Wala kang dapat ikuwento, Grey. Leave it as it is. Please—”

“Reign…” Grey said, shrugging Lyle off. “Magkukuwento ako kung gusto mo…”

“Grey…” Bulong ni Lyle. Puno ito ng pag-aalala. Lyle looked at me and he shook his head, begging me not to do it.

Hindi ko alam kung tama bang ungkatin ulit iyon pero curious din ako. I deserved to know.

It’s the only wait to accept what happened two years back. Let bygones be bygones.

I looked at Grey with eyes full of encouragement and slowly, I nodded.

“Okay,” Grey answered and smiled painfully at me. “I’ll tell you…”

———

THIRD PERSON POV.

Two Years Back…

Matagal nang crush ni Grey ang student intern nilang si Miss Jess. Nang pumasok ito sa room nila noong unang araw ng internship nito, Grey can’t take his eyes off her, as if his eyes were glued at nothing but her.

She was smart, pretty and thoughtful. It was as if the Creator above crafted her out of his ideal type. Hindi niya iyon sinabi kahit na kanino, kahit pa kila Levi at Lyle. Alam niyang

tutuksuin

lang siya ng mga ito. Kuntento na siyang tinitingnan lang si Miss Jess at

nakikinig

nang mabuti sa klase nito. He can’t hide his smile sometimes.

He wasn’t sure if it was just a crush stage or it already crossed the boundary. Ang alam lang ni Grey ay isa si Miss Jess sa dahilan kung bakit masaya siya lately at

ganadong

mag-aral. Kahit na ganoon, alam naman ni Grey ang limitation niya. After all, masiyado siyang bata para rito.

Bilang class president, siya parati ang

nakakausap

nito tungkol sa mga kaklase niya. Naging routine na nga ata nila ang pag-

uusap

every after class. Tungkol lang sa lessons at mga kaklase niya ang usapan nila pero

kadalasan

ay wala nang naiintindihan si Grey sa mga class strategy nito dahil nakatitig lang siya rito. He

was head over heels for her.

Hindi

nagtagal

ay napansin na rin iyon nila Lyle at Levi. Ilang araw niya iyong pilit

itinatanggi

pero nang makita ni Lyle ang username ni Grey na tungkol kay Miss Jess sa online game nila ay na-corner na siya. He denied it but admitted it apparently.

He can lie to Levi but not to Lyle. Lyle was infamous for his own method of seeking the truth about the lies around him and Grey didn’t want to test it.

Tuwang

tuwa

si Levi at

maya’t

maya siyang

inaasar

. Normal lang naman daw iyon at aminado itong maganda at matalino si Miss Jess. Kaya kapag nasa classroom sila ay

pasimple

siyang nililingon ni Levi at

nginingisian

.

Taliwas

kay Levi, napansin naman niya ang

pananahimik

ni Lyle. Alam niyang hindi ito sang-ayon pero pinili na lang din ni Grey ang manahimik. Matapos ang ilang araw ay kinausap na siya nito.

Pinaalalahanan

siya nitong ’wag masiyadong ma-fall kay Miss Jess.

Okay lang daw ang crush stage pero kung

lalagpas

pa iyon doon, dapat na raw siyang

maalarma

.

Lyle reminded him about their age gap, and that he should only see her as an inspiration, nothing else. He assured him that there’s nothing to worry about. Alam niya ang boundary niya at crush niya lang daw ito.

Humahanga

lang talaga siya rito at hindi naman siya naghahangad ng kung ano pa man.

As time passed by, Grey felt like he was lying to himself. Hindi na basta-basta

paghanga

lang ang nararamdaman niya. Hindi

buo

ang araw niya kapag hindi ito nakikita. Malungkot siya ’pag hindi sila nag-

uusap

. May part na naiinis siya minsan ’pag inaasar si Miss Jess kay Sir Ivan. Pilit na

nilalabanan

iyon ni Grey pero hindi niya kaya.

Napansin iyon ni Lyle kaya

pinagsabihan

siya ulit nito. Umamin naman siya na iba na ang nararamdaman niya. Lyle gave him advices and helped him to divert his affection towards Miss Jess

elsewhere.

Pero

mapaglaro

ang tadhana. Kung kailan pilit siyang lumalayo, doon naman ito

mas n

apalapit

sa kaniya. May mga events na

in

-o

-organize si Miss Jess sa school

katuwang

ang ilang teachers. Dahil siya ang president, siya ang

katu

katulong

nito. Araw-araw silang magkasama at nag-

uusap

. Mas lalo niyang nakilala si Miss Jess at mas lalo lang siyang

nahulog

dito.

Dumaan pa ang mga school activities at mas

napalapit

sila sa

sa’t

isa. Sa isang truth or dare booth, na-dare siyang

halikan

ito sa pisngi at ginawa naman niya.

Wala raw iyong

malisya

kay Miss Jess dahil kapatid ang turing niya kay Grey. Pero kay Grey, dahil doon, hindi siya nakatulog nang maayos ng ilang gabi. Lalong

lumalala

ang nararamdaman niya para rito at hindi na niya iyon

mapigilan

.

Lalo namang naging concern si Lyle para sa kaniya. Ilang

beses

na siyang

nagsinungaling

para hindi na ito mag-

alala

pa pero dahil sa mga pagsisinungaling na ’yon, lalong

lumala

ang problema.

Their relationship as student and teacher grew more when Miss Jess barely went to school. Nag-

aalala

si Grey kaya siya mismo ang

bumisita

sa bahay nito at

napag

alaman

niyang may problema ito financially at naghahanap ng

mauutangan

pero walang tumutulong.

Walang-wala rin ang mga kaibigan nito. Dumating pa sa punto na halos tumigil si Miss Jess sa pag-

aaral

at ma-p-postpone ang internship dahil sa problema sa pera.

Alam niyang kapag siya ang

nagpahiram

ay hindi nito tatanggapin iyon. Kaya naman kinausap niya ang teacher sa school nila na may hawak kay Miss Jess. Iniabot niya rito ang

pera mula sa sarili niyang ipon

para

ipahihiram

kay Miss Jess.

Pinakiusapan

niya ang guro na kunwari ay iyon ang

magpapahiram

kay Jess, at hindi galing sa kaniya.

Naunawaan

naman nito ang sitwasyon. Two days after, Miss Jess went back to school and Grey was the happiest.

Nalaman ni Lyle ang ginawa niya.

Pinagsabihan

siya nito at nalaman din ni Levi iyon. Parehong nag-

aalala

ang dalawa. Dumating pa nga sa

puntong

nagtalo

-talo na sila at sa dulo ay

nagkabati

rin. Naiintindihan naman niyang concerned lang sila. He gave them the assurance that he won’t do anything stupid.

Sasarilihin

lang niya ang nararamdaman at hindi naman siya naghahangad na maging

karelasyon

ito. Tumulong lang siya dahil

naaawa

siya rito,

wala nang iba.

Everything changed when Miss Jess figured out what he did. Nag-usap sila at gusto nitong ibalik ang pera niya agad-agad. Kung saan ito kukuha ng pera ay hindi rin alam ni Grey. Walang-wala talaga ito. He decided to ask her to be his tutor in exchange of her debt. Mahina kasi siya sa isang subject kaya gusto niya hingin ang tulong nito kahit na ang totoo ay gusto lang niya itong makasama.

Pumayag naman ito. Every weekend ay

kasa

-kasama niya ito at

tinuturuan

siya sa isang malapit na coffee shop.

Inilihim

niya iyon sa mommy niya at sa mga kaibigan niya. Ayaw niyang mag-isip ang mga ito ng kung ano. Grey felt the happiest when she was around, he wanted to be selfish that time.

After all, he’s living the best life with his teenage love.

Naging close sila ni Miss Jess. They even shared their problems and they hung out a lot because of the tutoring. Lalong na-i-in love si Grey at alam niyang hindi na niya kaya pang

kumawala

roon. He was falling harder and he liked it.

Miss Jess remained clueless, nonetheless.

Not until a problem occured. May nang-b-blackmail kay Grey at

tinatakot

siyang

ikakalat

ang relasyon niya kay Miss Jess kung hindi siya

magbibigay

ng pera. The person even had photos of them.

Nagsimulang

mambroblema

si Grey sa kung saan siya kukuha ng pera. Malaki ang hinihingi nito at malalaman ng mommy niya kapag

nagbawas

siya sa account niya nang

ganoonng

halaga

kaya nawalan siya ng choice.

Ninakaw

niya ang ilang

alahas

ng mommy niya na hindi nito ginagamit at

ibinenta

niya iyon.

He felt horrible but it was the only option that he could think of.

Nagkita sila at

napag

alaman

niyang ang nang-b-blackmail sa kaniya ay isang

tauhan

ng school. Nakikita niya ito parati.

Nagbayad

siya at ibinigay nito ang mga litrato sa kaniya.

Pero hindi iyon doon natapos. Pa-ulit-ulit siya nitong

hinihingan

ng pera to the point na sobrang stressed na siya. Hindi alam ni Grey kung saan siya kukuha at ayaw na niyang kumuha ng

alahas

ng mommy niya.

He felt sick—he wanted to throw up.

Left with no choice, humingi na siya ng tulong kay Lyle at Levi. Gaya ng inaasahan, nagalit ang dalawa pero sa huli ay tinulungan pa rin siya.

Nalaman pa nga iyon ni Everleigh at tinulungan din siya nito para

mapatahimik

ang lalaki.

Natapos ang

problema

pero hindi ang

masamang

dulot ng

pangyayari

sa mental health niya. Pakiramdam niya ay laging may

sumusunod

o nakatingin sa kaniya. Takot siyang lumapit kay Miss Jess dahil kapag na-issue sila ay malamang, mawawalan ito ng trabaho.

For the next weeks,

unti

unti

nang lumalayo si Grey kay Miss Jess. Para sa kaniya, iyon ang

ikabubuti

ng lahat. Hanggang isang araw, napansin ni Grey na laging may pasa si Miss Jess kapag pumapasok. Napapansin na rin iyon ng ilang estudyante kaya lalong

nangamba

si Grey.

Napag

alaman

niyang may boyfriend si Miss Jess at nag-l-live in na ang dalawa.

He was heartbroken to the point that he didn’t know what to do. Hindi siya makatulog nang maayos, hindi siya makausap, at nangangayayat. Naging mailap din siya sa lahat.

It was his first heartbreak and Grey had no idea on how to deal with it so he suffered alone. Kahit anong lapit nila Missi at Levi, wala siyang sinasabi. Ayaw niyang ipaalam kung ano ang nangyayari sa kaniya pero iba si Lyle. Hindi siya makapagsisinungaling dito. He knew what was happening and he guided him to cope with his heartbreak.

Pero hindi talaga kinaya ni Grey. It was hard for him to see her with those bruises. It was a whole damn torture to think that she was still living with the guy who’s assaulting her—that she was living under the same roof with her abuser.

Isa lang ang naiisip na paraan ni Grey. Kung

pipiliin

siya nito, she can dump his abusive boyfriend anytime. Kaya isang araw, after class, ay umamin siya kay Miss Jess.

However, the heaven seemed to be against him that day—his first love turned him down. Kapatid lang daw ang tingin nito sa kaniya at masiyado siyang bata.

The pain doubled.

Unti

unting

sinisira

si Grey dahil sa nararamdaman at nalalaman niya. Ilang araw at linggo rin siyang

nangungulit

kay Miss Jess—hinihintay niya ito after class,

sinusubukang

kausapin,

binibigyan

ng

regalo

—pero walang nangyari. Ayaw pa rin sa kaniya nito.

Hanggang isang araw ay nagbago ang lahat. Miss Jess caught her boyfriend cheating on her. She felt lost and Grey was the only one beside her during her darkest times. Alam ni Grey na wala itong balak na i-reciprocate ang nararamdaman niya. Tanggap niyang hanggang doon na lang iyon.

Nalaman ni Lyle na

nagkikita

pa rin sila ni Miss Jess kahit na nag-usap na sila na titigil na siya sa

pakikipagkita

rito. Lyle was mad and he literally confronted him. Naiintindihan niya ang pag-

aalala

ng kaibigan kaya

nagpaliwanag

siyang hindi na siya naghahangad ng kahit na ano. Pagkatapos ng lahat ay

kalilimutan

na niya ito pero hindi ngayon na siya na lang ang mayroon ito.

Lyle asked him to stop it or else ito na ang

gagawa

ng paraan para matapos iyon. Hindi raw maganda ang dulot ng pagmamahal niya kay Miss Jess at ayaw daw nitong masira siya dahil doon. It was the same time that Lyle’s father was arrested. Kaya naiintindihan ni Grey kung bakit nagiging protective si Lyle.

Nangako

siyang titigil na siya kapag okay na si Miss Jess. Kahit iyon na lang—just few days or weeks. Hindi talaga niya kayang iwanan ito ngayon. He begged Lyle to understand him

but Lyle made up his mind. Kung hindi pa iyon matatapos, ito na ang

gagawa

ng paraan.

Days after days, Grey knew that he once again lied to himself. Matapos niyang

masaksihan

ang vulnerable side ni Miss Jess ay mas lalo niya itong gustong

alagaan

. Hindi niya ito kayang mawala. Not now na siya na lang din ang

kinakapitan

nito.

Wala na siyang pakialam kung ano man ang tingin nito sa kaniya—kapatid, estudyante, o kung ano man. Ang

importante

ay naroroon siya para rito.

Levi and Lyle talked to him again when they noticed Grey’s feelings for her were already uncontrollable. Lyle lost his chill and told him that if he wouldn’t stop seeing her, he would be heartless. Magsasabi na si Lyle sa mommy niya. Knowing his mom, malaking gulo iyon.

Nagmakaawa

si Grey kay Lyle na bigyan pa siya kahit na ilang araw. Pagkatapos niyon ay titigil na talaga siya. Hindi lang talaga niya kayang iwanan si Miss Jess na mag-isa sa panahong parang

pinagtutulungan

ito ng mundo.

Levi became their neutralizer. He talked to Lyle and he talked to him. Napagdesisyunan nilang bigyan si Grey ng ilan pang araw pero

buo

na ang loob ni Lyle na magsasabi na siya ’pag hindi pa iyon natapos.

Kapag may iba pa raw na nakaalam ay baka hindi pa

makagraduate

si Miss Jess. At kapag

nagtagal

pa ay baka mas lalo pa siyang ma-attach rito. Leaving her would be the best option for them.

The following days were the hardest for Grey.

Palala

nang

palala

ang nangyayari kay Miss Jess pero kailangan na niya itong iwanan.

Inuubos

na lang niya ang isang linggo at

sisimulan

na niya ang pag-iwan dito. Kung paano ay hindi niya rin alam. Araw-araw ay

pumupuslit

siya para samahan si Miss Jess na mag-unwind.

Lulubusin

na niya ang pagkakataon. Itinago niya ang mga

pagkikitang

iyon kay Lyle at Levi. He wanted his remaining week with Miss Jess as something memorable and worry-free so he can say that it was a memory well-spent.

Ngunit nang

sumapit

ang huling araw ng

pakikipagkita

niya kay Miss Jess, gumuho ang lahat. Nag-

aayos

si Grey dahil

inaya

niya itong umalis. Nagulat na lang siya nang tumawag si Levi at ang sabi ay pinuntahan ng mommy niya si Miss Jess sa bahay nito at nag-e-

eskandalo

.

Kinabahan si Grey at alam na niya ang nangyari. Nagsumbong si Lyle sa mommy niya at hindi ito

nagtiwala

sa kaniya.

Nagmadali si Grey na puntahan si Miss Jess. Naabutan niya itong

binubugbog

ng ex nito.

Kahit na

sinasaktan

siya nito physically,

binabalik

-balikan pa rin niya ito. Mahal na mahal ito ni Miss Jess kahit na ito ang puno’t dulo ng mga paghihirap niya.

Grey was fuming with anger. Siya ang pinili ni Miss Jess kahit na

binubugbog

niya ito pero

minamaltrato

niya ito.

Galit ang lalaki dahil ang akala nito ay

ipinagpalit

siya ni Miss Jess sa isang bata.

Malamang ay naroroon ito nang pumunta ang mommy niya at narinig ang lahat.

Grey lost it.

Nagpang

abot

sila ng lalaki at nag-away. Grey threw him countless punches. Nawala na siya sa sarili at nilamon na ng galit. Natigil na lang siya nang tumili si Miss Jess at pilit siyang

pinatitigil

. Hindi siya maawat nito.

Nagdilim

ang paningin niya.

He stopped when he heard Miss Jess’ panicking cries. When he looked at what’s in front of him, the guy was unconscious and bleeding to death.

Isinugod

ito sa ospital at nag

agaw

-buhay. Not too long after,

naideklara

itong

comatose dahil sa head injury. Hindi alam ni Grey ang gagawin. Dumating ang pamilya nito at galit na galit sa kaniya. Sinisisi siya ng mga ito at takot na takot si Grey sa nangyayari.

Halos

nakapatay

siya ng tao dahil sa galit niya.

How can he sleep well with that?

Dumating ang mommy niya at

inayos

nito ang lahat. Dumating din sila Missi at Levi para

damayan

siya. Pero si Lyle ay hindi pumunta. Hindi ito nagpakita pa.

Pinilit

ikinubli

ng pamilya ni Grey ang nangyari. Ang sabi ng lawyer niya ay self-defense iyon.

Pinagtanggol

din siya ni Miss Jess kaya madaling

nakumbinsi

ang pamilya ng lalaki. May mga ebidensiya pa si Jess ng pang-

aabuso

nito sa kaniya. She said that Grey only defended her and himself.

Grey’s parents paid a huge sum to the guy’s family. Sila na rin ang nagbabayad ng hospital bills ng lalaki. Grey’s mom even negotiated with Miss Jess. Tutulungan niya itong

makapagtapos

at

makapagtrabaho

sa West Carson High kapalit ng

pananahimik

niyo. Binigyan niya rin ito ng malaking pera kapalit ng

paglayo

nito kay Grey at tinanggap nito iyon.

It broke Grey more. He would do everything for her but she abandoned him without even a doubt, just for money.

Hindi naman niya ito masisisi. Ano nga naman pala siya para rito? Sino nga ba siya para rito? The money weighted more than him.

Na-solve na ang lahat pero hindi ang impact ng nangyari kay Grey. Pakiramdam niya ay hindi na niya kilala ang sarili niya at nawalan na siya ng gana sa lahat.

Nangako

si Missi na sa

susunod

na ma-i-in love si Grey,

sisiguraduhin

niyang deserving ito dahil ayaw na niyang makita siyang nasasaktan.

Lalong naging protective ang mommy niya dahil kitang-kita nito ang impact ng lahat sa kaniya. Tumulong lang siya at

nagmahal

pero sa dulo, siya ang pinaka

agrabyado

.

Siya ang

pinakakawawa

. Siya ang nag-suffer.

Levi, on the other hand, was  mad at Lyle for betraying them like this.

Binalewala

nito ang agreement nila at siya ang sinisisi ni Levi sa nangyari.

Nagsumbong

ito kaya nagkagulo at muntik pang

makapatay

si Grey. Kung sakali, dahil sa

desisyong

iyon, habang buhay nang

guguho

ang kinabukasan ni Grey.

What pushed Grey to feel mad at Lyle was the fact that he wasn’t apologetic about it. Ito pa ang

umiiwas

sa kanila at hindi sila pinapansin. Kahit anong lapit nila ay lumalayo ito, dahilan para lalong magalit si Levi.

Naunawaan

ni Grey na baka na-g-guilty ito. Pero kahit na

katiting

na guilt ay wala kay Lyle nang

komprontahin

ito ni Levi. He wasn’t sorry about anything at all.

Inilaban

ni Levi na

nagkasundo

silang tatlo na hindi

magsusumbong

at

lalayo

na si Grey kay Miss Jess. In the end, Lyle didn’t trust him.

Few more days, nag-take sila ng school assessment at sa sobrang distracted ni Grey, bumagsak siya at hindi napasali sa School Leadership award for Junior High department. Levi was mad because instead of Grey, Lyle made it on the shortlist for the first time.

Matagal nang gusto iyon ni Lyle pero hindi siya napipili dahil kay Grey. With Grey’s grades dropping drastically, Lyle became nominated for the first time. Kaya lalong nagalit si Levi at Missi kay Lyle. Tingin nila ay nagsumbong si Lyle sa mommy niya tungkol kay Miss Jess para ma-distract siya sa assessment. He was begging for Lyle’s explanation but he didn’t give him any.

Pakiramdam ni Grey ay ubos na ubos na siya. He lost his will to live. Hindi na siya kumakain at hindi na natutulog, dahilan para ma-admit siya sa ospital na halos

ikamatay

na niya. He was depressive and all.

Pero kahit na

nagkakaganoon

na siya, wala lang iyon kay Lyle. Noong naging

kritikal

siya sa ospital ay hindi man kang ito pumunta kahit na isang

beses

. Ilang linggo siyang naroroon dahil

humina

ang katawan niya pero hindi ito nagpakita.

Nang makalabas si Grey sa ospital, ang una niyang ginawa ay ang puntahan si Lyle sa bahay nito at hingin ang side nito. Galit siya, oo, pero gusto niyang malaman ang

paliwanag

nito.

Pero hindi lumabas si Lyle kahit na naroroon ito sa loob. Tawag siya nang tawag sa pangalan nito kahit na nanghihina pero hindi ito sumasagot o

dumudungaw

man lang.

That’s why Grey remained mad at him. Hindi siya galit dahil sa ginawa ni Lyle, galit siya dahil hindi nito

pinagsisisihan

ang ginawa nito. Parang wala lang sa kaniya na

nagdurusa

siya at nahihirapan. Na kahit na

ikamatay

pa niya ay wala itong pakialam. As if he was having fun. As if he loved seeing him in pain.

Hirap na hirap siyang maka-ahong muli

pero sa tulong ni Levi, Missi, at ng mommy niya, from scratch, he tried to rebuild himself again. Even if he lost two of the best people in his life—Miss Jess, his first love and Lyle, his

best friend

,

his life must go on.

———

Nanlulumong lumabas ng building si Jax. Katatapos lang nila mag-usap ng kapatid ng lalaking na-comatose. Inamin nitong si Grey ang dahilan kung bakit nagkaganoon ang kapatid niya at sinabi rin nito ang dahilan.

Saktong pagkatapos ng pag-uusap nila ay tumawag naman si Reign at ikinuwento ang nangyari sa debate event. Halata sa boses nitong malungkot ito at nag-aalala.

Ngayon, unti-unti nang napagtatagpi-tagpi ni Jax ang lahat pero hindi niya alam kung paano iyon i-c-connect sa kaso. Jax was about to lose his mind. Mag-isa lang siya at wala si Howell dahil sinamahan nito ang asawa nito na magpacheck-up. Ayaw naman niyang tawagan ito kasi alam niyang excited ito para sa baby nila. The stress will surely dry out his energy.

Jax sighed. Ngayon ay hindi niya alam ang gagawin. Gusto niyang makipagkita kay Reign para tanungin ito tungkol sa mga nangyari harap-harapan at para sabihing anytime ay puwede na siyang umalis sa West Carson High at pwede na niyang makasama ang mga kapatid niya. Planado na niya iyon pero dahil sa mga nangyari ngayong araw, nagdadalawang-isip siya kung itutuloy ba niya iyon.

Nagpatuloy sa paglalakad si Jax papunta sa parking lot. Tumigil siya sa harap ng kotse niya at binuksan ang pinto niyon nang walang anu-ano’y may humarang sa kaniya. When he looked up, it was Lyle. Bahagya siyang nagulat pero hindi niya iyon ipinakita.

“Prosecutor Scott, I hope you remember me,” bungad nito. “I am Lyle Heimsworth from Class 12-A. May gusto sana akong sabihin sa ’yo.”

Mukhang tensed ito at desperado.

“Bakit, ano ’yon?” tanong ni Jax. Tiningnan niya ang paligid at wala itong ibang kasama. “May nangyari ba?”

“Is this your car?” tanong ni Lyle at tiningnan ang kotse.

Tumango siya.

“Cool. I’ll tell you inside,” sabi ni Lyle at pumasok sa loob.

Jax’s lips parted. Parang si Avery din ito kung umasta. Pumasok na lang din si Jax sa loob at isinara ang pinto.

“Tungkol saan ba ito, Lyle?” tanong ni Jax. “Pasensya na, wala kasi akong oras kaya—”

“Tungkol sa nagtangkang pumatay kay Hale noon sa ospital,” putol ni Lyle sa kaniya. “Nakita ko siya. Kilala ko siya.”

Jax was caught off guard. Hindi niya inaakalang ganoon kabigat iyon. Ang tinutukoy nito ay noong minsang may nagtangkang pumatay kay Hale sa ospital at si Grey ang unang napagbintangan. Turned out, lahat pala ng 12-A ay nasa ospital at pare-pareho ng suot.

“Sigurado ka ba?” tanong ni Jax. Halata sa boses niya ang pagkabigla. “May pruheba ka ba?”

“I have,” sagot ni Lyle at ipinakita ang phone niya. Confident ito. “Nasa ospital ako that time for a physical exam required by my management. Noong nagawi ako sa floor kung saan naroroon si Hale, nakita kong tumakbo palabas si Detective Howell. That time, nagkakagulo ang mga tao dahil sa lalaking nagwawala at nagbantang pasasabugin ang lugar. Right when Hale was left alone in his room, someone came in.”

Jax’s eyes widened. The scenery was too detailed. Either he made that up or he was really there. “Na-picture-an mo siya habang itinuturok ’yong—”

“Na-video-han, sir,” putol muli ni Lyle sa kaniya.

Nakaramdam ng tuwa si Jax. Lalong lumakas ang kumpiyansa niyang malulutas nila ang kaso.

“Nakuha ko rin ’yong syringe na ginamit niya,” dagdag ni Lyle at kinuha mula sa bag niya ang syringe na nasa loob ng sealed na plastic. “Nagkaharap kami. Alam niyang alam ko ang ginawa niya. Nakuha ko ’to kasi nagmamadali siyang tumakas. May laman pa ang syringe at puwede n’yong i-match sa kung ano man ang itinurok kay Hale. May fingerprint n’ya rin ’to kaya wala siyang kawala.”

Jax, was in fact, impressed. Indeed, being this smart is a Heimsworth thing.

“Bakit mo ito itinago?” tanong ni Jax nang mahawakan ang sealed plastic na naglalaman ng syringe. “Bakit hindi ka nag-report?”

“Wala akong tiwala sa ’yo at sa batas,” sabi ni Lyle. “I planned to conduct my own investigation too. Pero masiyado akong na-distract sa mga nangyayari sa school. Hinihintay ko lang din siya gumalaw ulit dahil iba ang kutob ko. Pero ngayon… wala na akong pakialam. They destroyed Grey and I know he won’t fight back. Pero iba ako. An eye for an eye, a tooth for a tooth. Hindi ako titigil hangga’t hindi rin sila bumabagsak.”

Jax felt the chills. “Masiyado itong mabigat, Lyle. What pushed you to put your trust on me?”

“I don’t trust you yet. I just… chose the less evil. Besides, it’s a win-win situation that you can’t resist. Gusto ko siyang makitang maghirap. You will help me, right?” Lyle followed.

“Only if you’ll let me see the footage,” sagot ni Jax.

Tiningnan siya ni Lyle sa mga mata. Desperado na ito.

“I promise, tutulungan kita. You have my words, Lyle.”

Lyle contemplated at first and finally, he gave in. He opened his phone and showed him the video.

Kita sa video ang isang tao na nakasuot ng hoodie. Nakatalikod ito sa camera at nakaharap kay Hale. Ibinaba nito ang hood ng jacket nito dahilan para makita sa camera ang mahaba nitong buhok.

Babae ito!

Inilabas nito ang syringe mula sa bulsa ng jacket nito  Itinusok nito iyon sa tube ng dextrose ni Hale at maya-maya ay lumingon para tingnan kung mayroon mang paparating.

Gumilid ang camera para hindi ito makita ng babae. Pero sa pagkakataong iyon, nahagip ng camera ang mukha niya.

Kumunot ang noo ni Jax dahil pamilyar ang babae. His eyes grew bigger when he finally recognized her.

“Jal Perez…”

PART FORTY-EIGHT: The Mastermind

THIRD

PERSON POV.

“PUTANGINA!”

Rinig ang boses na iyon ni Detective Howell nang makita niyang tumakbo palayo ang babaeng kanina pa nila minamatyagan.

Nagtatago sila sa likod ng isang kotse at minamatyagan ang bahay ni Jal Perez. Wala ito roon at hinihintay nila itong umuwi para direktang arestuhin.

Ngunit saktong pagdating nito ay lumingon ito na para bang may hinahanap. Aligaga ito at tuliro. Namumula pa nga ang mukha nito at pinagpapawisan. Nang magtama ang paningin nilang dalawa ay kinutuban ito at kumaripas ng takbo.

Mabilis na hinabol ito ni Howell kasama ang dalawa pang kapulisan. Nag-transmit siya gamit ang walkie talkie para contact-in ang kabilang unit na nasa malapit na vicinity lang.

“We need back up,” sabi ni Howell sa kabilang linya habang hindi inaalis ng tingin kay Jal. “Do it as planned. Over.”

Huminto si Howell sa pagtakbo habang ang dalawa niyang kasama ay hinahabol pa rin ito.

“Tabi!”

“Mga pulis kami, tabi!”

Nagtitilian ang bawat madaraanan nila. Itinutumba ni Jal ang mga madaraanan niyang bagay para mahirapan ang mga pulis na sundan siya. Mabilis itong tumakbo. Tuso talaga ito.

Imbis na sundan si Jal ay pumasok si Howell sa kabilang eskinita at doon tumakbo. May iba siyang plano. Hindi nila maaabutan si Jal dahil mukhang tinutulungan ito ng mga taong makalusot. Kitang-kita mo ang galit ng mga mamamayan sa pulis.

“Nakikita na namin siya, sir,” rinig ni Howell na sabi ng kabilang linya sa walkie-talkie. “Waiting for command. Over.”

“Huwag muna kayong magpapakita, baka mabulyaso tayo. Wait for my signal,” sabi ni Howell at umakyat sa paitaas na hagdan.

Ang lugar ay isang eskinita na may bahay sa ibaba at mga bahay na paitaas. Tumakbo siya ng diretso at kalaunan ay nakita na niya si Jal sa ibaba habang siya ay tumakatabo sa itaas.

Humahalakhak ito habang tumatakbo dahil hindi na ito mahabol ng dalawang pulis. Huminto na ang dalawa at hinahabol ang hininga. Hindi na sila makasunod.

“Now!” utos ni Howell sa kabilang linya.

Sa pagkakataong iyon, hinarang ng police car ang labasan ng eskinita. Na-trap na si Jal dahil doon.

Nang makitang lumabas ang mga pulis sa kotse ay nataranta si Jal. Mukha itong iiyak na. Nakadungaw na ang mga taong nanunuod at pinagbubulungan ang nangyayari.

“PAKSHET KAYO!” sigaw ni Jal. Tumili ito at para bang nababaliw.

Akmang tatakbo ito pabalik sa pinanggalingan niya para makatakas. Doon na tumalon si Howell mula sa itaas at sa harap mismo ni Jal bumagsak. Nagpagpag ito ng palad at napangiwi.

“Yikes, basa…” bulong ni Howell at napapalatak.

Nanlulumong tiningnan siya ni Jal. Namumuo na ang luha sa mga mata nito at parang tinakasan na ng lakas.

“Sir… ’wag naman…” Pagmamakaawa nito. “I-Inosente po ako—”

“Jal Perez…” Howell said, cutting her off. Kinuha niya ang papel mula sa bulsa ng coat niya at ngumisi kay Jal. “You are under arrest.”

———

“Okay na, Lyle. Na-aresto na siya.”

Lyle licked his lower lip and rested his head on his car’s headrest.

“Prosecutor Jax, bakit wala ka kanina?” Tanong niya.

“Ako ang nag-ayos para makakuha ng warrant of arrest. Ngayon… inaayos ko ang mga ebidensiya. To be honest, kahit na gaano pa kaklaro sa video na si Jal nga ang nagtangka kay Hale, they can make the video inadmissible,” sagot sa kaniya ni Jax. “In one way or another, pwede pa ring makalabas si Jal.”

“So what’s your plan?” Lyle asked while playing his finger.

“Ipina-test ko na ang fingerprint na nasa syringe, ’yong binigay mo sa ’kin pati ang DNA ni Jal. ’Pag nag-match, wala na siyang kawala. No worries, I’ll keep my promise. Mapaparusahan si Jal. Makakaganti ka sa ginawa niya kay Grey.”

Lyle looked down. Hindi pa siya kuntento. Hindi pa rin nawawala ang galit niya.

“’Yong hininhingi ko po?” Lyle asked and gulped.

“I’ll send Miss Jess’ autopsy report to your dummy e-mail. Promise me you won’t tell anyone else. Bawal ito, Lyle. Ginagawa ko lang ’to dahil may utang na loob ako.”

Lyle’s phone beeped and the autopsy report had been sent.

“Received,” Lyle said. “Thanks, Jax.”

He turned the phone off abruptly. Umayos si Lyle ng pagkakaupo at hinubad ang coat ng uniform niya at binuksan ang dalawang butones ng polo niya. He wore his eyeglasses and from there, he reviewed the autopsy.

May isinulat si Lyle sa notebook niya. May head injury si Miss Jess at ang impression ay whether may inihampas sa ulo nito o may tinamaan ang ulo nito pagbagsak.

Hindi nakatiis si Lyle at tinawagang muli si Jax para tanungin ito tungkol doon.

“Iyon lang daw ang nangyari. Either may inihampas sa ulo niya o ’yong injury na ’yon ay dulot ng pagbagsak niya sa sahig. Pero ang hula ko, may inihampas sa ulo niya pero wala namang nakita sa crime scene. Kung sakali mang totoo ang theory ko, hawak ng bagay na ’yon ang DNA ng salarin pero wala talagang nahanap na kahit na ano.”

That’s it… bulong ni Lyle sa sarili. Kailangan lang namin mahanap ang weapon, kung totoo mang hinampas nga talaga ito.

After the phone call, Lyle made up his mind.

“Saan tayo, sir?” Tanong ng driver sa kaniya.

Tiningnan niya ito mula sa rearview mirror. Isa lang ang naiisip niyang lugar kung saan siya puwedeng magsimula.

“Jal Perez’s house,” Lyle answered fiercely. “I need to confirm something.”

———

Huminga nang malalim si Grey bago pumasok sa loob ng gate ng bahay nila. Matapos i-explain sa mga kaklase niya at kay Reign kung ano man ang mayroon sa kanila ni Miss Jess noon, umalis na siya at walang sumunod o nangulit pa sa kaniya. Naiintindihan ng mga ito na gusto niyang mapag-isa.

Base sa ekspresyon ng mga ito noong nagpapaliwanag siya, hindi niya malaman kung disappointed ba sila o naiintindihan nila ang sitwasyon niya. Either way, alam niyang disappointed ang mga ito at some point.

Sino ba naman ang mag-aakala na ’yong taong masiyadong malinis ang tingin ng lahat, role model, at maprinsipyo ay may ganoong nakaraan? He almost had a thing with his teacher and that’s unethical.

Mapait na ngumiti si Grey sa sarili.

“Almost had a thing?” tanong niya sa sarili at malungkot na napailing.

Mali. Hindi naman kasi iyon ‘almost’ dahil wala namang na-develop. Kapatid lang ang tingin sa kaniya ni Miss Jess noon simula’t sapul. Ni-hindi nga siya nito tinitingnan sa paraang tinitingnan niya ito. He can see nothing but a sibling love in her eyes whenever she looked at him.

Siya lang naman ang nagpumilit at umasa kahit na ilang beses na siyang tinanggihan nito. Thinking about it now, that was so foolish of him.

Pumasok si Grey sa loob ng gate at nakita niya sa garahe ang kotse ng mommy niya. Kararating lang nito. Palubog na rin ang araw at ilang oras din siyang nawala. Pagkaalis ng school ay naglibut-libot pa siya dahil hindi pa niya kayang harapin ang mommy niya.

Somehow, na-imagine na ni Grey na mangyayari ito, lalo na nang magsimula ang pag-r-reveal ng sikreto ng mga kaklase niya. Parati niyang iniisip kung ano ba ang magiging reaksyon niya kung sakali.

Iiyak ba siya? Malulungkot? Mag-b-break down? Babalik ba ang sakit na naramdaman niya noon at ang trauma? He had no idea not until it happened today in the most unexpected event.

Grey finally got the answer to his questions. Hindi siya umiyak. Hindi siya malungkot. Hindi pa siya nag-b-breakdown. Ramdam niya ang sakit pero hindi ang trauma. He was rather numbed.

Siguro dahil lahat na ng sakit ay naramdaman na niya? He lost Lyle before. Jess died. Reign left him. Siguro, ubos na ang luha niya kaya wala na siyang maramdaman.

Gusto niyang problemahin kung paano haharapin ang mga schoolmates niya bukas. Gusto niyang isipin kung paano siya magpapaliwanag sa mga teachers niya na mataas ang tingin sa kaniya. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay mas gusto niyang matulog.

Grey smiled at himself. Maybe, that’s the thing.

You know you’re emotionally exhausted when sleeping is your last resort to escape the reality temporarily.

Akmang bubuksan na niya ang pinto nang walang anu-ano’y bumukas iyon nang marahas at tumambad ang mommy niya. Ayos na ayos ito at mukhang natataranta. She was in tears.

“Mom…” Grey utterred, worried. “You’re crying again?”

“Paanong hindi?” she asked and her voice cracked. “Tumawag ’yong dean n’yo, sinabi n’ya sa ’kin ’yong nangyari sa debate. I went there, they said you left. We’ve been looking for you, Grey, are you okay?”

Tumango siya.

“Kaya ka po ba nagmamadali?” tanong ni Grey. “Aalis ka ulit para hanapin ako kasi wala pa ’ko sa bahay?”

“Why are you smiling?” tanong ng mommy niya at nagpunas ng mga luha. “Greysen, this is a serious matter. You should—”

Natigil ito nang yakapin ito ni Grey. Dahil matangkad si Grey ay hanggang balikat niya lang halos ang mommy niya.

“Haaay, bakit ang crybaby ng mommy ko?” tanong ni Grey at ngumiti. “Lagi ka na lang umiiyak dahil sa ’kin. Kailan ba kita mapapangiti ulit?”

Umiyak ito sa kaniya dahilan para yakapin pa niya ito nang mahigpit.

“I’m okay, mom,” sabi ni Grey. “No need to worry. Hindi ko rin alam na ganito pala ako katatag all this time. That revelation… it hurts a bit kasi pakiramdam ko, I was forced to face it. Pero come to think of it, kung hindi ’yon nangyari, kailan ko haharapin ’yong takot ko na ’yon? That’s why rather than feeling bad, I’d rather think it was a blessing in disguise.”

“Blessing? You may lose your award,” his mom snapped in between her tears.

“Who cares about that award?” tanong ni Grey at malungkot na ngumiti. “Ang mahalaga, nalaman kong hindi na ’ko hinihila pababa ng nakaraan ko. I just realized by now that somehow, I healed from it. I’ve moved on from it, mom. I’m the real winner, if we’d think about it that way.”

Lalong naiyak ang mommy niya. Sa lahat ng tao ay ito ang pinaka apektado sa lahat ng nangyari. He was too focused on his wounds that he didn’t realize his mom was bleeding too.

“I’m okay now, mom. Hindi na ako minumulto ng nakaraan ko tulad ng dati,” sabi niya at hinihimas ang buhok ng mommy niya. “You’ve been through a lot because of me. It’s time to focus on yourself now. Prioritize your own happiness this time. I promise to be the son that you will be proud of.”

Tumingin ito sa kaniya at pulang-pula ang mukha nito kaiiyak. Ngumiti si Grey ngunit sa pagkakataong iyon ay iba ang spark sa mga mata niya. He wasn’t sad. He wasn’t resentful. There was no regrets. He looked happier, free, contented.

“I love you,” bulong ni Grey sa ina at hinagkan ito sa noo.

———

Tulala si Everleigh nang pumasok siya sa loob ng bahay nila. Sa sobrang bigat ng mga nangyari sa debate, hindi niya malaman ang mararamdaman.

“Oh, you’re here?” salubong ng mommy niya na nasa harap ng lamesa at tinitingnan ang mga pagkain.

“Anong mayroon?” tanong ni Everleigh. “May bisita po ba?”

“Anong bisita?” tanong nito at ngumiti sa kaniya. “We will celebrate your victory, honey.”

“Celebrate?” tanong ni Everleigh. “What is there to celebrate about?”

“Come on, stop being modest,” sabi nito. “Alam ko ang nangyari sa event ninyo, nag-report sa akin ’yong na-hire mo to expose Grey’s secret, what’s her name again? That poor girl from your section before? Ah, Jal, that Jal girl. Pati si Justine ay nagsabi rin sa akin. I gave them a bonus for a job well done.”

Napalunok si Everleigh. Totoo iyon. She hired Justine to gather Grey and Miss Jess’ photos and she hired Jal to expose Grey’s secret in front of the crowd. Madali niyang nakausap si Jal. Bukod sa galit ito sa school ay nangangailan din ito ng pera.

She could’ve done the exposing by herself. Pero gusto niyang magmukhang malinis sa lahat. Hindi man naging suspicious ang mga estudyante sa ginawa niya pero hindi niya malilinlang ang 12-A. Masama ang tingin sa kaniya ng lahat dahil alam ng mga ito na siya ang may pakana ng nangyari.

“Hindi ba masiyado pang maaga para mag-celebrate?” tanong ni Everleigh habang tinitingnan ang ina. “Wala pa naman pong announcement na ako ang nanalo.”

“Nakausap ko ang dean kani-kanina lang, sweetheart,” sabi nito at inaayos ang design ng pagkain. “According to him, Grey is most likely to be disqualified. Since ikaw na lang ang natitira, sure win ka na.”

Inamoy nito ang pagkain at napangiti.

“Lovely!”

Pinanood ni Everleigh ang ina. Hindi siya mapalagay.

“And, since sure win ka na and secured na ang admission mo sa university na pinag-uusapan natin, maybe we can talk about your course. How about medicine, law, or any corporate thing, huh? Sounds good?”

“Hindi ba pwedeng ako ang mag-decide niyan para sa sarili ko?” tanong ni Everleigh. She sounded defensive.

“Chill, sweetheart,” sabi ng mommy niya at pabirong tumawa. “We’ll get there. Magpalit ka na ng damit nang makakain na. Your dad will arrive in few minutes.”

Tinapunan ni Everleigh ng tingin ang mommy niya bago umakyat. Saktong pagpasok niya ng kwarto niya, isinara niya ang pinto at sumandal doon.

Pumikit si Everleigh at umupo sa sahig. Isinandal niya ang ulo niya sa pinto at huminga nang malalim.

Nanalo siya, makukuha niya ang award, at makakapasok siya sa university na gusto niya. Malaki rin ang chance na siya ang overall rank one sa buong semester.

Pero bakit ganito ang nararamdaman niya?

Dumilat si Everleigh at bumungad sa kaniya ang mga medal at certificates na nasa dingding ng kwarto niya.

Napakarami niyang awards. Napakarami niyang achievements. Pero bakit parang hindi siya masaya?

Bakit mas nararamdaman niya ang guilt? She planned this. She climbed all the way up and sacrificed everything that she could just to reach this far.

Pero bakit ngayong nasa tutok na siya at nasa kaniya na lahat ng pinaghirapan niya, hindi niya maramdaman ang saya?

She’s at the top, then what now?

“Sira na ata ang ulo ko…” bulong ni Everleigh sa sarili.

Sa pagkakataong iyon ay unti-unti niyang na-realize ang mga bagay-bagay.

Maybe, the reason why she can’t feel any happiness is because she has no one to share her success with. Magkagalit sila ng kapatid niya. Hindi nakukuntento ang mommy niya. Galit sa kaniya ang section nila. Wala na siyang kaibigan.

Everleigh grew up as someone independent. She rarely asked for help. She suffered and triumphed all by herself. She’s so used of being alone but the loneliness that she was feeling at that moment made her feel so sick. She wanted to talk to someone but she had no one to talk to.

Her phone chimed and an e-mail came in. Tiningnan iyon ni Everleigh at requirements iyon para sa special admission niya sa university na papasukan niya.

Isa na lang ang dahilan kung ba’t pa siya nagpapatuloy. One semester na lang at g-graduate na siya. Ma-a-admit siya sa university na gusto niya, aalis sa bahay nila, at sa wakas ay mabubuhay na siya sa paraang gusto niya.

She’s been planning it for so long. Hindi niya hahayaang may sumira pa niyon. Hinding-hindi niya hahayaan na ang guilt na nararamdaman niya dahil sa ginawa niya kay Grey ang magpapahinto sa kaniya. She didn’t reach this far just to be defeated by guilt. Not now. Not this time.

At least ngayon ay sigurado siyang kaniya na ang award. Gaya ng sabi ng mommy niya, secured na ang slot niya para sa dream university niya. Few more months and she’s finally free. Iyon ang mahalaga.

“It’s over now…” bulong niya at tinapik ang sariling balikat. “You did well, Leigh. You did so, so well.”

———

Lumabas ang nanay ni Jal kasama ang bunso nitong anak at nagmamadaling umalis. Natataranta ito. Malamang ay alam na nito ang nangyari kay Jal. Pinagtitinginan ito ng mga kapit-bahay na kanina pa pinagchichismisan ang nangyari. Nang tuluyang mawala sa paningin ni Lyle ang babae ay doon na siya lumabas ng kotse.

Without anyone noticing, Lyle sneaked inside the Perez house. Pagkapasok na pagkapasok niya ay tanaw na niya agad ang buong bahay. Isinara niya ang pinto.

Maliit lang ito at masikip. Kahoy ang dingding maging ang kisame. Ang lapag naman ay nababalutan ng linoleum.

Lyle didn’t waste any second. He searched the whole place only to find nothing. Pinagpapawisan na nga siya at bagsak na ang buhok.

If I were a killer and this is my place, where would I hide a murder weapon?   He asked himself.

Nagpalinga-linga pa siya pero wala talaga siyang makita.

Lyle sighed. He thought that maybe, he was just desperate to think that Jal killed Miss Jess too. Paano kung ang injury ay dulot nga lang ng pagkakabagsak ni Miss Jess sa sahig at hindi dahil may humampas sa ulo niya?

Lyle heaved a sigh again.

Akmang aalis na si Lyle nang mapansin niya ang pinagpapatungan ng malaking plastic cabinet. Malapad ang kahoy at mahaba, parang stage ang dating niyon.

Kumunot ng noo niya. Tiningnan niya ang isa pang plastic cabinet pero wala naman iyong ganoon.

Bakit iyon lang?

Sinubukang alisin ni Lyle ang plastic cabinet at iginawi iyon sa gilid. Nang hawakan niya ang parang stage na pinagtutuntungan nito ay napansin niyang nabubuksan ang ibabaw niyon.

Lyle’s lip parted. It was a secret box!

Tinanggal niya ang takip niyon kahit na pinagpapawisan nang husto at kumakalabog ang dibdib.

Right when he opened it, Lyle felt his whole body turned cold.

He was right.

Jax was right.

Isang baseball bat ang nasa loob niyon at may namuo pang mga dugo.

Napa-upo si Lyle sa sahig at lalong nanginig ang labi at nanlaki ang mga mata.

Pamilyar ang baseball bat. Nang grumaduate ang senior baseball team sa school nila, sa section nila ibinigay ang mga baseball bat na pag-aari ng mga ito bilang remembrance. Alam ni Lyle dahil tinanggihan niya iyon.

Bakit mayroon si Jal nito? Section lang nila ang binigyan ng customized baseball bat na ’yon at wala na si Jal sa section nila nang mga panahong iyon.

So it’s not her… he mumbled to himself.

Lalong pinagpawisan si Lyle nang malagkit at malamig nang may mapagtanto.

“The killer…” he murmured to himself. “… is in 12-A.”

———

“PAKAWALAN N’YO ’KO, MGA HAYOP KAYO!”

Sigaw ni Jal ang maririnig ang maririnig sa buong lugar. Nahuli na ito ng mga pulis at kasalukuyang nakakulong.

Base sa imbestigasyon ni Jax at Howell, napag-alaman nilang si Jal ang nagtangka kay Hale pero hindi ito ang pumatay kay Miss Jess.

Na-acquire nila ang footage ng CCTV mula sa poste na tanaw ang bahay nila Jal. Noong gabing nangyari ang krimen sa party, wala roon si Jal. In fact, as per the footage, hindi umalis si Jal at nasa labas lang ng bahay nila at nagtitinda ng balot kasama ang nanay nito.

Iyon pa lang ay acquitted na ito sa suspetya nilang ito ang pumatay kay Miss Jess. Pero bakit niya tinangkang patayin si Hale?

Doon na naisip ni Jax na baka kasabwat ito. Hindi man si Jal ang tumapos kay Miss Jess, may alam naman ito sa kung sino talaga ang salarin at kung ano ang totoong nangyari.

Hindi iyon nakapagtataka. Malaki ang galit ni Jal kay Miss Jess, sa 12-A, at sa school. Matagal itong nagtiis at nagtimpi. Kung tama ang anggulo na tinitingnan nila na na-set up ang 12-A, si Jal ang makakasagot niyon pero ayaw nitong makipag-cooperate sa kanila.

“SIR! PAKAWALAN N’YO NA AKO!” pagpupumilit ni Jal. “Kailangan ako ng mama ko, ng mga kapatid ko. So please lang… palabasin n’yo na ako!”

Hindi kumikibo si Jax. Nakatingin lang siya rito at hindi maiwasang maawa. Parang wala na ito sa sarili.

“Buhay naman si Hale, ’di ba? Hindi ko siya napatay. So para saan ’to? Hindi ba kayo naaawa sa ’kin? Mga sir naman!”

“Sinabi na namin sa ’yo,” sagot ni Howell nang hindi na makapagtimpi. “May karapatan kang manahimik dahil ’yang mga sinasabi mo, pwedeng magamit laban sa ’yo. May karapatan ka pa rin sa due process. There will be trials if you plead not guilty, of course. Now, kung wala kang lawyer—”

“Wala na nga kaming makain, pang bayad pa ng lawyer?” tanong ni Jal.

“Magbibigay ang pamahalaan sa ’yo ng isa kung wala ka,” Howell followed.

“Pakawalan n’yo na po ako, ayoko na rito,” pagmamakaawa ni Jal. “Masiyado pa akong bata!”

“Kaya nga dapat makipag-negotiate ka,” banas na si Howell. “Ayan si Jax, siya ang prosecutor ng kaso mo. Kung  gusto mong mapababa ang sintensiya mo, kailangan mong makipag-cooperate sa kaniya.”

Nakaupo lang si Jax sa isang upuan at naka-de cuatro. His arms were crossed too and his eyes were emotionless while observing Jal.

Tumayo si Jax at huminto sa tapat ng rehas ni Jal. Tiningnan niya ito sa mga mata.

“Listen,” sabi ni Jax. Ma-awtoridad ang boses nito. “Kung ayaw mong mabulok dito, ako lang ang pag-asa mo. Kaya lahat ng itatanong ko, sasagutin mo. Lahat ng gusto ko, gagawin mo. Kung may dapat kang ilaglag, drop their names. Someone else’s downfall is the only key to your freedom. Do you understand?”

Hindi kumibo si Jal. Nagsimula itong manlumo.

“Magsimula tayo sa kung bakit mo ’yon ginawa. Bakit mo tinangkang patayin si Hale? Sinong nag-utos sa ’yo?”

“W-Wala,” sagot ni Jal. “Ako lang. Naiinis na ako kasi ang haba ng buhay niya. Hindi ba valid ’yon?”

“Hindi ako nakikipagbiruan, Jal,” matalim na sagot ni Jax. Nag-igting ang panga nito. “I know a puppet when I see one. Now, don’t make me lose my cool. Sinong nag-utos sa ’yo?”

Jal gulped. Hindi ito kumibo pero nakatingin pa rin kay Jax.

“Jal Perez…” bulong ni Jax. “Alam mong ako na lang ang—”

Natigil si Jax nang biglang tumawa si Jal.

“Sorry,” sabi nito at nagpigil ng tawa. “M-Medyo ano lang—wait, sorry—HAHAHA!”

Hindi makapaniwalang tiningnan ni Jax si Jal. Tinatawanan siya nito. Pakiramdam niya ay nababastos siya pero kailangan niyang magpaka professional.

Tumigil si Jal sa pagtawa at tiningnan siya. Ngumisi ito sa kaniya. “Tingin mo mananalo ka?”

Kumunot ang noo ni Jax. “Huh?”

“Ang sabi ko…” nagulat si Jax nang hinila siya ni Jal sa neck tie niya dahilan para magkalapit ang mukha nila kahit na may harang na rehas. “… tingin mo mananalo ka sa kaniya?”

Jax knew she was talking about the mastermind. Confirmed. She’s not the mastermind!

“Kayang-kaya n’ya akong ilabas dito,” bulong ni Jal. “At kapag nagkataon, iisa-isahin ko ang mga taong mahal mo.”

“Naiintindihan mong prosecutor ang pinagbabantaan mo, ’di ba?” Jax asked back fiercely.

“I know pretty well. Hindi ako tanga,” sagot ni Jal. “Gusto mo unahin ko ang undercover 092 mo?”

Jax’s eyes widened. She knew something about it!

“Scared, Jax?” tanong ni Jal at ngumisi. “As you should. Marami na siyang tinapos at baka si Reign, si Howell, o baka ikaw na ang susunod?”

Jax felt the chills. Indeed, Jal was the accomplice.

“Who knows, baka ’yong matagal mo nang hinananap…” Huminto si Jal at inilapit ang labi sa tainga niya. “…ay isa pala sa mga pinagkakatiwalaan mo ngayon?”

Lalong ngumisi si Jal nang makita ang takot sa mga mata niya.

“Check your circle, Jax,” sabi nito at pumalatak. “Nalinlang ka na niya.”

———

REIGN.

Hindi ako palamura pero parang mapapamura ako sa nangyayari sa paligid ko lately.

Kahapon lang ay na-expose ang sikreto ni Grey pero hindi pa roon natapos ang lahat. Nang hapon ay nahuli si Jal at ito raw ang nagtangkang pumatay kay Hale noon sa ospital. Lahat kami ay nagulat. Usap-usapan nga iyon ngayon sa buong school. Ang sakit na sa ulo.

Pumasok lang ako sa school after lunch. Nag-half day lang ako ngayon kasi may importante akong lakad kanina.

I got notified by Prosecutor Jax na pwede na akong umalis sa West Carson High. Technically, tapos na ang mission ko at nakuha ko na ang buong bayad sa akin. Malaki-laki rin iyon kaya confident akong makakapagsimula ulit ako. Kung papalarin, pwede ko nang mapabalik si ate.

Nabisita ko na rin ang mga kapatid ko. Maganda ang buhay ng mga ito at mga nag-aaral din. Hindi ko maiwasang mapaiyak nang makita ko sila. Tumakbo sila sa akin at niyakap ako nang makita ako. Sobrang saya ko.

Awa ng Diyos ay mabuting pamilya ang nakakuha sa kanila. Ka-close sila ni Prosecutor Jax at nasabihan na raw sila tungkol sa pagkuha ko sa mga kapatid ko. Sinabihan ko silang kukuhanin ko na sila one of these days.

Nakausap ko na rin ang tita ko sa side ni mama. Pumayag ang mga ito na uuwi kami sa probinsya at sa kanila makikituloy. Nangako naman akong tutulong ako sa mga gastusin. Kailangan lang namin ng matitirhan at pumayag naman sila.

Everything was set. It’s truly the end.

Thinking about it now, siguro nga, nakatadhana talagang mangyari ang lahat para humantong ako sa kalagayan ko ngayon. Hindi man ito ang magandang buhay na pinapangarap ko, masasabi ko namang mas maayos ito kaysa noon. Makakapagsimula ulit kami at iyon ang mahalaga.

Maybe, Grey and I were really meant to break apart. Masakit pero wala akong pinagsisisihan.

Speaking of Grey, hindi ito pumasok ngayon at alam ng lahat kung bakit. Dahil iyon sa nangyari kahapon pero ang sabi ni Missi ay okay naman daw si Grey.

Kaninang umaga ay na-announce din na disqualified na siya sa nomination, making Everleigh the winner of the leadership award. Masaya ang ibang section pero hindi kami. Alam naming siya ang may pakana ng nangyari kahapon kay Grey.

Tapos na ang first semester at nag-c-comply na lang ang ilan dahil submission na ng grades. Iyon na lang ang hinihintay ko kaya hindi pa ako umaalis sa West Carson High.

It’s a shame na isang semester lang ang itinagal ko rito at hindi ako rito makaka-graduate. Pero okay na rin iyon. Itutuloy ko na lang siya sa probinsiya. At least doon, panatag ako at malayo sa kapahamakan.

Tiningnan ko ang paligid ko. Hapon na rin at papalubog na ang araw. Kalat-kalat ang mga kaklase ko dahil time ni Sir Ivan ngayon. Dahil wala na siya sa school, naging free time tuloy namin ang last class.

Tumayo ako at lumapit sa lalaking nakatayo sa tabi ng bintana. Nasisinagan ng papalubog na araw ang mukha niya at ang dreamy niyang tingnan.

Gamit-gamit niya ang headphone niya at may pinakikinggan. Tumayo ako sa tabi niya at naramdaman niya ang presensya ko.

“Go elsewhere,” bulong niya.

“Bakit?” Tanong ko.

“Tinatamad akong makipag-usap.”

Napangiti ako. The usual Lyle.

“Malapit na sembreak. May plano ka ba?” tanong ko.

Hindi siya sumagot. Hindi niya ako kinikibo. Nagpapakiramdaman kami at nang hindi siya makatiis ay tinanggal niya ang headphone mula sa tainga niya at ipinalibot sa leeg niya.

“So ano nga?” Tanong ko ulit. “May plano ka this sembreak?”

“Why?” Lyle asked and looked at the window. “Gonna ask me for a date?”

My lips parted.

“If you wanna ask me out, just say it. I don’t like girls who beats around the bush,” Lyle said while looking at the window still.

“Ang kapal ng mukha mo,” offended kong sagot. “Magkaibigan nga kayo ni Levi, pareho kayong mahangin. Baka gusto mo ng Bagyong Lyle for a nickname?”

Tumaas ang sulok ng labi niya. “Lowkey lang ako.”

“So low pressure Lyle ka?”

Doon niya ako tiningnan. “Stop joking, it doesn’t fit you. Seryosohin mo na lang ako.”

Nawala ang pagkakangiti ko. Pakiramdam ko nag-iinit bigla ang pisngi ko. Bumuka ang bibig ko pero hindi ko alam ang isasagot.

“I’ll just sleep,” Lyle told me vaguely.

“Mmm?” I asked.

“You asked me about my sembreak plans. Matutulog lang ako.”

“Other than sleeping?” tanong ko.

“Waking up,” sagot niya.

I scoffed. “Ang boring ng buhay mo, ha.”

Lyle and I laughed a bit.

“When you enjoy your own company, you don’t need to go out just to feel alive,” sagot ni Lyle.

“Tinatamad daw magsalita pero ang daming sinasabi…” bulong ko kunwari.

He looked at me coldly at nag-peace sign ako.

“Joke,” dugtong ko.

“Do you need something?” he asked.

Umiling ako. “Wala lang. Pumunta lang ako rito kasi mag-isa ka.”

Napatingin ako sa upuan sa gilid niya at nakita ko ang animated na drawing doon. Lyle looked at it too, his eyes were inquiring.

“Naalala mo, ’yan ’yong upuan ko dati noong time na naging mag-pair tayo sa activity.”

“Ah…” sagot ni Lyle nang maalala rin iyon. “’Yong time na sinulat mo sa papel ay ‘Reign Heimsworth’?”

My eyes widened. “Sa dami ng maaalala mo, ayon pa?!”

“I mean… if you really want my surname, why not do it?”

“Do what?” I asked.

Lyle smiled at me flirtatiously. “Marry me.”

I glared at him, he laughed.

“You wanna listen to my recordings?” tanong bigla ni Lyle. “Nag-c-compose ako ng kanta and hindi ko alam kung maganda ba.”

“Really?” tanong ko. “Sige lang, gusto ko ’yan.”

Isinuot sa akin ni Lyle ang headphone niya at pumipili na siya sa recordings niya. Thinking about it now, kailan ba kami naging ganito ka-comfortable sa isa’t isa? Hindi ko maalala.

“Give me an honest review after,” sabi ni Lyle.

“Sureee,” sagot ko at ngumiti.

The recording played. Tinawag ni Missi si Lyle dahil nagpapatulong na tanggalin ang design sa kisame ng room.

Lyle left me there. Listening to his recordings, maganda ang boses ni Lyle. Naalala ko tuloy ’yong kumanta iya dati ng Friend of Mine at akala ko ay para kay Missi iyon.

Napailing ako. Wow Mali.

Out of curiousity, nag-slide down ako sa mga recordings sa cellphone niya. Napakarami niyon. Mayroon doong mahabang recording.

Tiningnan ko si Lyle. Tinutulungan pa rin nito si Missi. I played a recording randomly and I listened to it curiously.

Voice record iyon ni Lyle at ng isa pang lalaki. As per the date, it happened a month before I transferred here as an undercover. Pamilyar ang boses ng ka-pair ni Lyle pero hindi ko matukoy kung sino. Parang nag-m-mic check sila at mag-t-try daw ng voice changers. Nabanggit na project nila iyon sa Media and Information Literacy at gagamitin nila ang recording bilang voice over.

Lyle and his partner tried the voice changers. Nagsalita si Lyle at bahagya akong natawa dahil helium gas effect ata ang ginamit niya. Boses chipmunk siya.

Nawala ang pagkakangiti ko nang marinig ko ang boses ng ka-partner ni Lyle gamit ang voice changer. Nanlaki ang mga mata ko at natulala.

That voice…

Pinakinggan ko ulit iyon at parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Nagtayuan ang mga balahibo ko.

Mabilis kong binuksan ang phone ko at nanginginig ang kamay na hinanap ang recording ng phone call namin ng nagpakilalang killer noon.

Ikinumpara ko iyon sa nasa recording ni Lyle at napatakip ako ng bibig.

Tugmang-tugma ang boses!

Sa recording, nag-try si Lyle ng kaparehong voice changer effect. Kahit na pareho na sila ng ginamit ay magkaiba pa rin ang tunog ng boses nila. That man’s voice matched the killer’s voice hundred per cent!

Natulala ako ng ilang minuto. Sinubukan kong pakinggan ulit ang lalaki sa voice recording ni Lyle at ikinumpara sa recording namin ng killer dahil hindi talaga ako makapaniwala. Pero ganoon pa rin, tugmang-tugma pa rin. Walang nagbabago.

Napatayo ako. Hindi ko alam ang gagawin. Grabe ang kalabog ng dibdib ko at para akong tatakasan ng bait.

“What’s wrong?” Lyle asked when he approached me.

Tinanggal ko ang headphone sa tainga ko at hinawakan si Lyle sa braso palabas ng room. Sumunod naman siya at huminto kami sa may hagdan. I played his recording.

“Sino ’to?” seryoso kong tanong.

Pinakinggan iyon ni Lyle. “Why? Anong mayroon?”

“Just answer my question, Lyle,” I said sharply. “Sino ’yan? Sino ’yang kasama mo sa recording?!”

“Calm down, Reign,” sabi ni Lyle at halatang naguguluhan ito sa nangyayari.

“Sino ’yon?!” tanong ko ulit. Tumaas na ang boses ko.

“Don’t shout,” sagot ni Lyle at halatang gulung-gulo ito dahil sa inaasta ko. Nang makita niyang hindi ako nagpapatinag ay nagbuntong-hininga siya. “Okay, I’ll tell you.”

I looked at Lyle with eyes full of eagerness. When he finally said the person’s name, my eyes grew bigger. My mouth opened but nothing came out.

It turned my world upside down.

———

Naglalakad si Jax ngayon sa corridor ng ospital papunta sa room ni Hale. Matagal na niya itong hindi nabibisita kaya’t heto siya. Ito na lang ang pag-asa niya para matalo ang lahat at maipanalo nang tuluyan ang kaso. Maybe a visit will give him the energy to finally wake up.

Aminado si Jax na hindi nawala sa isip niya ang mga sinabi ni Jal kagabi. Magaling itong maglaro ng emosyon at nabiktima siya nito. Hindi siya nakatulog magdamag, inumaga na siya kakaisip at hapon na nang nagising.

Ilang beses niyang tinawagan si Howell pero hindi ito sumasagot. Malamang ay ine-enjoy nito ang non-working holiday kasama ang asawa. Hindi na niya ito ginambala pa.

According to Aldrin, ang kaibigan niyang tracker, hindi na raw ulit bumukas ang cellphone ni Hazel na hawak ng killer. Maya’t maya niya tinatawagan ito, umaasang mag-r-ring iyon somehow.

Napangiti si Jax, awang-awa sa sarili. “Masiyado ka nang desperado, Jaxon.”

Pero sa sitwasyon niya ngayon, pagiging desperado na lang ang makakatulong sa kaniya. Kaya gamit ang phone niya ay tinawagan niya ulit ang phone ni Hazel na nasa kamay ng killer.

Gaya ng inaasahan niya ay hindi iyon nag-r-ring. Sinubukan niya nang isa pang beses pero wala pa rin. Sa pangatlong pagkakataon ay sinubukan niya ulit. Isang hakbang na lang ang pagitan niya sa kwarto ni Hale nang mapahinto siya.

Nag-ring ang tawag!

Napalunok si Jax. Lumakas ang tibok ng puso niya. Nanlambot ang mga tuhod niya nang may sumagot mula sa kabilang linya.

“Hello?”

Bumuka ang bibig ni Jax. Hindi niya alam ang gagawin.

“Sino ’to?” tanong ng lalaki sa kabilang linya. “Wrong number ba ’to?”

Kumunot ang noo ni Jax.

Ang boses na iyon…

Hindi siya pwedeng magkamali.

“Prank call ba ’to?!” tumaas ang boses ng lalaki.

Narinig niya ang boses na iyon sa cellphone at sa loob ng kwarto ni Hale, na para bang nasa loob lang ng kwarto ang kausap niya.

Nanlalaki ang mga matang tumingin si Jax sa pintuan. Mula roon ay nakita niya ang isang lalaki sa loob ng kwarto ni Hale. Nakatalikod ito sa kaniya at nakaharap sa bintana. Nakatapat ang cellphone sa tainga nito. Iyon ang cellphone ni Hazel.

“Howell…” bulong ni Jax pero walang boses.

Hindi siya makapaniwala sa nasaksihan. Si Howell ang may hawak ng cellphone ni Hazel. Ito ang sumagot. Isa lang ang ibig sabihin niyon.

Marahas na binuksan ni Jax ang pinto at napalingon si Howell. Bahagya pa itong nagulat.

“Oh, Jax, napadalaw ka?” bati nito. “Teka lang ha, may nan-t-trip sa ’kin, e.”

He turned to the phone again.

“Hoy, magsalita ka—”

Natigil si Howell nang marinig niya ang sariling boses na nagmumula sa cellphone na hawak ni Jax.

“Bakit…” Natigil si Howell nang maintindihan ang nangyayari.

Napakapa si Howell sa sariling bulsa at halatang nagulat ito na naroroon ang totoo niyang cellphone at hindi ang hawak niya ngayon.

“J-Jax, I-I’ll explain,” sabi ni Howell. “Let me—”

Natigil si Howell nang makuha ni Jax ang baril niya na nakapatong sa may maliit na table. Itinutok iyon ni Jax sa kaniya.

“I want you to be honest with me,” matalim na sabi ni Jax. Nanginginig siya sa galit. “I can plead a self-defense if I ever kill you, you son of a bitch.”

“Jax, kumalma ka,” awat ni Howell. “Ibaba mo ’yan—”

Napasinghap si Howell nang ikasa ni Jax ang baril. Pinagpawisan ito nang malamig.

“Bakit hawak mo ’yang phone ni Hazel?” tanong ni Jax. “Bakit nasa ’yo?!”

“Jax, ibaba mo ’yang baril mo. Pwede natin ’tong pag-usapan nang—”

“SUMAGOT KA!” sigaw ni Jax. Nanlalaki ang mga mata niya sa sobrang galit. “Bakit nasa ’yo?!”

“Ibaba mo muna ’yan at magsasalita ako,” sabi ni Howell. “I promise, I will!”

“Umurong ka,” utos ni Jax. “Itaas mo ang kamay mo. Sabi ko umurong ka!”

Nagtaas si Howell ng kamay at umurong.

“I trusted you…” Jax’s jaw clenched. “Paano mo ’to nagawa? Ang kapal ng mukha mo…”

“Hear me out,” sabi ni Howell. Natataranta na ito. “Ibaba mo muna ang baril mo at sasagutin ko lahat ng tanong mo. Please, Scott.”

Lalong nanlaki ang mga mata ni Jax nang mapansing wala si Hale sa kama nito. Humigpit ang hawak niya sa baril.

“Nasaan si Hale?!” tanong ni Jax. “Anong ginawa mo kay Hale?!”

“Wala akong ginagawa!” sagot ni Howell. “Put that gun down and I’ll tell you!”

“Don’t test me, Howell,” sabi ni Jax. “Anong ginawa n’yo sa kaniya?! Nasaan si Hale? Saan n’yo siya dinala—”

“I’m here.”

Natigil si Jax nang lumabas si Hale mula sa banyo. Nakatayo ito at nakatingin sa kaniya.

Lalong naguluhan si Jax. Hindi na niya alam ang nangyayari. Hindi ito comatosed. Hindi ito naka wheel chair. Wala itong suot na dextrose. Maaliwalas ang mukha nito at mukhang walang sakit.

“Anong… anong nangyayari?” tanong ni Jax at gulung-gulo na. “B-Bakit… bakit ka—”

“Bakit hindi ako comatose?” tanong ni Hale. “Bakit nga ba?”

Namuo ang luha sa mga mata ni Jax. Luha iyon ng galit at labis na pagkagimbal.

Doon na tumaas ang sulok ng labi ni Hale. “Kasi hindi naman talaga ako na-comatose, prosecutor.”

“Huh?” Jax asked, couldn’t get a grasp of what was happening.

“Everything… was a set up,” Hale followed.

“Set up?” tanong ni Jax. Nanlalambot na ang tuhod niya.

“Bakit sa tingin mo nasa amin ang phone?” pakikisali ni Howell. “Bakit sa tingin mo gising si Hale, Jax?”“

Nanlalamig na si Jax. Sari-saring ideya ang pumapasok sa isip niya at lunud na lunod na siya.

“Fuck the law,” sabi ni Hale at kumuha ng mansanas mula sa malapit na table at umupo sa kama niya. “Everything bends to a rich and powerful person like me.”

“You…” Bulong ni Jax at nagsimulang pagpawisan nang butil-butil.

Nanlalaki ang mga mata niya at nanginginig na ang kamay dahil sa napagtanto.

“You are the mastermind…?”

Rinig niya ang pagtawa ni Howell. Kumagat si Hale sa hawak nitong mansanas at tiningnan siya. Hale smirked at him and in a snap, he turned evil.

“What took you so long to find out?”

PART FORTY-NINE: CATCH ME, ATTORNEY

TRIGGER WARNING: This chapter contains violence. The author does not glorify it in any means. Reader discretion is advised.

“LET’S START THE FUN!”

Umalingawngaw ang sigaw na iyon sa buong bahay kasabay ang malakas na

tugtugin

at

hiyawan

ng mga tao.

Sa bawat

pagsayaw

nila ay kita ang

kasiyahan

. May ilang mga halos

tumumba

na dahil sa

epekto

ng alak ngunit marami pa rin ang

nagsasaya

na

animo’y

wala nang bukas.

Nagkalat

ang mga confetti sa paligid. Kaliwa’t

kanan

naman ang mga

lamesa

para sa pagkain at inumin. May mga tao na nag-uusap lang sa unang

palapag

, mga

sumasayaw

at

nakikigulo

sa

ikalawang

palapag

, at sa

ikatlong

palapag

naman ay mga

kuwarto

.

Sa dingding ng bahay ay may

nakakabit

na mga tarpaulin. Kung

babasahin

, malalaman mo kaagad ang

sanhi

ng

pagdiriwang

.

“West Carson High, National School Sports Competition (

NSSC

) All Sweep Champions in Season ’92,“ pagbabasa rito ng isang lalaking naka-upo sa gilid at bumuntong-hininga.

Napatingin si Hale sa nagsalita. Si Nash iyon, ang kaklase niyang trainee ng isang talent company at

nangangarap

maging isang pop idol.

Hindi maiwasang

mapangiwi

ni Hale habang tinitingnan ito. Nakasuot ito ng

beige-colored turtle neck sweater kahit na mainit ang lugar dahil sa dami ng tao.

Hale didn’t like Nash. Well, hindi naman niya gusto ang lahat sa section nila. Para sa kaniya, mga spoiled brat sila at naiirita siya sa presensiya nila.

“Sa’n ka pupunta?” rinig niyang tanong ni Nash sa isa pa nilang kaklase, si Braelyn. Nag-

uusap

ang dalawa kani-kanina lang.

Ngumisi si Braelyn kay Nash. “Maniningil.”

At maya-maya’y naglakad na ito papalayo. Pinanuod ni Hale kung paano isa-isang nilapitan ni Braelyn ang mga kaklase

nila.

“Hoy, bago ka mag-twerk diyan, ambag muna. 850.”

“Braelyn, hanggang dito ba naman???”

“Eight

pipti

!“

Napa-

iling

na lang si Hale. Isa pa itong

kinaiinisan

niya. Tingin niya ay

plastik

ito.

Pinagmasdam

ni Hale ang paligid.

Nagkakasiyahan

ang lahat sa party na sa bahay niya

idinaos

. He felt proud. Nakatayo lang siya sa gilid at

in-o-obserbahan sila.

May isa pa silang kaklase na dumating. Si Greysen Finch, ang class president nila. Lumapit ito kay Nash at nag-usap ang dalawa.

Kilala si Greysen bilang Ace ng school nila. Bukod sa natural intelligence na mayroon ito, athletic pa ito at mahusay makipag-kapwa. Laging laman ito ng mga quiz bee at laging nasa officers ng kung anu-anong organization. Nang minsan ngang nagkaroon ng popularity poll sa school nila ay nanguna ito.

The whole school loved Grey but not him. Masiyado itong malinis para sa kaniya, parang hindi ito tao. Ayaw ni Hale sa mga ganoon. Boring.

Nang mapansin ni Nash ang alak na nasa kamay ni Greysen ay napangisi si Hale.

“Shocked?” rinig niyang anong ni Grey kay Nash.

“N-No, I mean—it’s just that… paano kung malaman ng mga—”

“Teachers natin?” putol ni Grey kay Nash. “Our adviser knows, though.”

“Really?” tanong ni Nashville. Nagulat ito. “How?”

“She gave this to me,” sagot ni Greysen habang nangingiti.

“SHE’S HERE?” Nash exclaimed.

Greysen pointed his lips at something. Tumingin din si Hale roon at mula roon, he saw their adviser, Miss Jess, who was in her 20’s, dancing along the crowd.

“I thought banned ang teachers sa party na ’to…” bulong

ni Nash.

Ikinubli

ni Hale ang ngiti sa mga labi niya. Banned nga ang teachers sa party na ’yon pero

inimbitahan

niya si Miss Jess anonymously. May plano siya at ito—rito—ang tamang lugar at panahon

upang

gawin iyon.

“Well, not anymore,” sagot ni Greysen. “Oo nga pala. Have you seen Levi?”

Si Levi ay iyong kaklase nilang masiyadong

mahangin

at mataas ang tingin sa sarili. Naiinis din si Hale roon, masiyado itong mahangin para sa kaniya.

Napangisi lalo si Hale habang pinanunuod ang mga kaklase, lalo na si Grey.

“Hindi ka nga pala malinis…” bulong ni Hale sa sarili habang tinitingnan si Grey at si Miss Jess.

Bahagya siyang napailing.

Alam niya ang sikreto ng lahat. After all, siya ang

pinakamayaman

at pinaka

makapangyarihan

sa kanila. There’s nothing that money can’t do.

Sawa na siyang pinag-t-trip-an lang ng mga ito. He will do things on his way tonight and the whole world will watch him in awe.

Isa-isa niyang nakita ang mga kaklase niya nang gabing iyon. Nang dumating si Everleigh ay lalo siyang napangiti. Kumpleto na ang mga target niya. Sayang lang at wala si Lyle,

kumpleto

na sana

ang section nila.  Pero wala naman siyang galit kay Lyle. Para nga sa kaniya ay malaki ang

pagkakapareho

nila.

Gaya ng inaasahan ay nakialam si Everleigh sa party. Pinuna nito ang mga alak at ang lahat-lahat. Nakasagutan pa nga nito ang ilang estudyante.

Everleigh was known as the school’s witch. No one would dare to be her enemy. She was that dangerous to fight against with.

Bida-bida

ka talaga…“ bulong ni

Hale habang tinitingnan ito mula sa malayo.

Umalis si Hale sa second floor at akmang pupunta sa kwarto niya nang makita si Missi na nasa hagdan.

“Mommy… please answer your phone…” bulong nito habang kinakagat ang daliri. “Mommy…”

Tiningnan niya ito at napailing. Alam na niya ang problema nito kahit hindi nito sabihin.

“M as in Mango, I as in India, double S as in Snake then I, double S again then I, double P as in People then I again. That’s the spelling of your name.”

Napatingin si Missi sa kaniya. Kitang-kita niya ang pandidiri sa mga mata nito.

“Thanks but no one asked,” malditang sagot nito sa kaniya.

Sa totoo lang, iwas ito sa kaniya. He was attracted to her but she was aloof of him. Naiinis siya rito dahil doon.

Sino ito para pandirihan siya?

“Bakit naman galit ka?” tanong ni Hale. “Tinutulungan na nga kita.”

“Hindi ko kailangan ng tulong mo,” sagot ni Missi.

Nakarinig sila ng palatak at si Everleigh iyon.

“A lovers’ quarrel, huh?” sarkastikong tanong nito. “Bagay kayo.”

“Talaga?” nakangiting tanong ni Hale.

Nakangiting tumango si Everleigh. “Oo. Ba’t ’di mo akbayan si Missi and I’ll take a photo of you?”

“EW?!”

tugon

ni Missi at

inirapan

siya bago tuluyang umalis.

Hale felt offended. Masama ang tingin niya kay Missi nang umalis ito.

“Bakit ba parati mo siyang iniinis?” tanong ni Hale kay Everleigh.

Tiningnan siya ni Everleigh at nagkibit-balikat.

“Ewan. Siguro, I just hate people who are good for nothing and have nothing to offer aside from a pretty face,” sarkastikong sabi ni Everleigh. “Just like you, Hale.”

“H-Huh?” maang na tanong ni Hale.

Kinokontrol

niya ang sarili niya dahil alam niyang kaya niyang

pabagsakin

si Everleigh kung gugustuhin niya.

He can kill her now if he would like to.

“Swimmer ka, right?” tanong ni Everleigh. “Other than that, ano pang meron ka?”

Bumuka ang bibig ni Hale pero hindi niya malaman ang sasabihin.

“Bukod sa yaman ng pamilya mo, sino ka?” tanong ni Everleigh at ngumisi.

Hale gulped.

Someone that you should be scared of, you pathetic bitch… sabi ni Hale sa isip niya.

“Do you wanna know what our adviser think of you?” tanong ni Everleigh.

Nakaramdam ng galit si Hale. Mababa ang tingin sa kaniya ng guro. Parati siya nitong

minamaliit

at

ipinahihiya

. Alam niyang wala itong

sasabihing

maganda tungkol sa kaniya.

“She thinks you have no future ahead of you, Hale. You will be forever under your family’s shadow. What a pity.”

Hale bit his tongue. “S-She said that?”

Everleigh nodded.

“Wow…” bulong ni Hale habang

nangingilid

ang luha

dahil sa sobrang galit.

“Gwapo ka, Hale. Pero hindi ba dapat, may laman din ang ulo mo?” tanong ni Everleigh. “Think of that.”

Tinapik

ni Everleigh ang balikat niya at umakyat na

pa-itaas

.

Nang mawala na si Everleigh at siya na lang ang natira sa ibaba ay pinunasan ni Hale ang luha sa mga mata niya.

Tanginang

acting ’to,

pang-best

actor,“ bulong niya sa sarili at tiningnan si Everleigh na

paakyat

sa hagdan

at kausap na si Reese na nakaupo sa gilid at may lollipop sa bibig.

“Dapat may laman din ang ulo?” tanong ni Hale. “Watch me.”

Tuluyang pumasok si Hale sa kwarto niya at

ni-lock

iyon.Nagsindi siya ng isang sigarilyo at umupo sa upuan.

Sa loob ay naroroon ang isang screen kung saan kita ang bawat sulok ng bahay niya. Maging ang pakikipag make out ni Levi, away ni Reese at Everleigh, ang paniningil ni Braelyn, pagsayaw ni Nash, pag-inom ni Missi, at si Grey—lahat ay kita mula roon.

He turned off all the CCTV cameras but he installed hidden cameras that only him could spot. He had it all planned.

This night, he will show why he’s better than everyone else. He will make sure that everyone will go down.

At sa pagkakataong iyon,

titingalain

siya ng lahat.

Tiningnan niya sa screen ang babaeng sumasayaw kasama ang ilang estudyante. Hindi niya maiwasang hindi

mapangiti

.

“Hi, Miss Jess,” sabi ni Hale at

bumuga

ng

usok

mula sa sigarilyo. “Lagi mong sinasabing mahina ang ulo ko. Kung bobo ako, tingin mo magagawa ko ang lahat ng ’to? Ikaw ang bobo.”

Galit na galit siya rito. Parati siya nitong ipinahihiya sa harap ng mga kaklase niya. Mababa na nga ang tingin sa kaniya ng section niya, mas lalo pang bumaba dahil sa halos araw-araw na

pamumuna

nito sa kaniya.

Kahit sa mga estudyante ng ibang section ay ginagawa siyang

katatawanan

dahil sa

ginagawang

iyon ni Miss Jess.

Ang

masaklap

pa, lahat ay

sumasang-ayon

sa kaniya.

Sinasang-

ayunan

ng mga ito ang

panglalait

sa kaniya ng guro.

Ano naman kung hindi siya

nakakapagpasa

ng requirements on time?

Ano naman kung late siya

kadalasan

?

Ano naman kung bagsak siya most of the time?

At ano naman kung mayaman ang pamilya niya?

Hale was so sick of it. He wanted to be better, he wanted to know how he could do well but instead of lending hands everytime he committed mistakes, laging ginagamit ng lahat ang

estado

niya sa buhay—lalo na ni Miss Jess. Na mayaman ang pamilya niya kaya

pabaya

siya sa pag-aaral.

Kahit sa faculty room,

ipinahihiya

siya nito sa tapat ng mga teachers mismo. Hale was getting sick of it. He felt terrible to even go to school. He can no longer endure it.

Tinapakan

nito ang

pagkatao

niya at wala siyang balak patawarin ito. Ngayong gabi, siya naman ang maniningil. Siya naman ang mamamahiya. Siya naman ang tama.

Pinanood niya ang lahat mula sa kwarto niya. Sayawan, mga away, make out, hiyawan—lahat. Hinihintay niya ang tamang oras para gawin ang plano niya.

Unti-unting nawala ang lahat sa sarili. Isang oras, dalawa, at tatlo. Lahat ay lasing na at naging wild. Lumakas ang

tugtugan

na para bang

yumuyugyog

na ang buong bahay kahit si Everleigh ay wala nang magawa. Wala nang pakialam ang lahat sa nangyayari. Nagkakasiyahan ang mga ito na parang wala nang bukas.

Tiningnan niya si Miss Jess mula sa screen niya. Natutumba na ito at mag-isa lang. Iyon na ang tamang oras.

Gamit ang bagong sim card,

itinext

niya ito.

“Go to the third floor, first room near the stairs, in fifteen minutes. We need to talk. Delete this message after you read it. I don’t want my mom to know. -Grey.”

Pinanood niya si Miss Jess at nakita niyang nabasa nito iyon.

Maya-maya ay

nag-reply

na ito.

“Ok. I-d-delete ko rin ’tong reply ko.”

Napangisi si Hale. “Sino ang tanga ngayon?”

In fifteen minutes, tinanggal ni Hale ang connection niya sa mga hidden cameras. Kinuha niya rin ang mga camera at itinago ang mga iyon sa secret mini basement na ang maliit na pinto ay natatakpan ng room floor carpet niya. Maliit lang iyon at

taguan

niya ng mga bagay-bagay.

Kung sakali mang may

mangyaring

hindi inaasahan sa plano niya, ayaw niyang may makitang ebidensya laban sa kaniya.

Hale wanted it to be as smooth as possible.

Nilakasan niya ang lahat ng speaker to the point na halos

mabingi

na ang lahat. Pero dahil lasing na ang mga ito at wala na sa sarili, hindi nila iyon ininda.

Lahat ay umaayon sa plano niya.

Pumunta siya sa kwarto at hinintay si Miss na pumunta roon. Nasa likod siya ng pinto kaya ng pumasok ito at akala ay walang tao dahil madilim, doon niya ito hinampas ng baseball bat sa likod ng ulo nito.

Tumumba

si Miss Jess sa sahig at

namilipit

.

Nanlaki ang mga mata nito nang makita siya.

“H-Hale…” bulong nito at parang tatakasan na ng ulirat.

Hale felt the satisfaction of watching her in pain and miserable as hell. Akmang

ihahampas

niyang muli ang baseball bat sa mukha nito nang bigla siyang

tadyakan

nito sa crotch area niya.

Sa lakas niyon ay halos

lumipad

si Hale sa dingding. Nabitawan niya ang hawak niyang baseball bat at

nalaglag

iyon sa bintana,

diretso

sa mga

halamanan

.

Napamura

si Hale habang

namimilipit

sa sahig.

Nakita niyang umiiyak si Miss Jess habang gumagapang palabas ng kwarto at

tumatagaktak

ang dugo mula sa ulo.

“Gusto ko sanang

patagalin

pa ang

pagdurusa

mo gaya sa mga

pelikula

…“ sabi ni Hale at tumayo. “’Y

ong mag-

uusap

pa ang killer at ang biktima. Pero

nangangati

na ’kong mawala ka sa mundo…“

Kinuha niya ang kutsilyo mula sa ilalim ng

unan

na

nakapatong

sa kama.

“Papatayin na lang kita nang mabilis, siguro.”

Lumingon si Miss Jess, nagmamakaaawa ito.

“H-Hale… ’wag…”

“Sssh,” sabi ni Hale at tuluyang

nakalapit

kay Miss Jess. Nagpupumiglas ito.

Pumatong

siya rito. “Bakit takot na takot ka ngayon? Bakit ang tapang-tapang mo kapag pinahihiya mo ’ko, pero ngayon hinang-hina ka?”

“Hale…” pagmamakaawa nito nang

hinablot

ni Hale  nang marahas ang buhok niya. “’Wag…”

“Malandi ka rin talaga, ano?” tanong ni Hale. “Isang text lang ni Grey pupunta ka agad. Langhiya, Jess. Ang

dumi

mong tao.“

Umimpit

ng iyak ni Miss Jess nang makita niya ang kutsilyo sa kamay ni Hale.

“Deserve mo ’to,” bulong ni Hale. “Sawang-sawa na ’ko sa mga pangmamaliit mo. Pinapatay ako ng mga salita mo parati. Ngayon kamay ko naman ang papatay sa ’yo.”

Nagkakasiyahan ang lahat.

Sayawan

dito,

tilian

dito, hiyawan doon. Hindi nila alam na sa bawat pag-

indayog

nila, isang palahaw ang hindi na nila naririnig.

Sa bawat malakas na tugtog ay humahalo ang iyak at paghingi ng tulong.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Sumirit ang dugo.

Apat.

Lima.

Anim

.

Pito

.

Nawalan na ng bilang si Hale sa dami ng saksak niya kay Miss Jess.

Para siyang

mababaliw

sa saya.

Nakaka

adik

ang pakiramdam.

Nakahandusay

si Miss Jess at naliligo sa sariling dugo. He was grinning while doing it. He didn’t even blink

at all.

Sa huling pagsaksak ay bumaon iyon sa puso mismo ni Miss Jess. Inikot-ikot niya ang kutsilyo, dahilan para

sumuka

ito ng dugo at unti-

unting

binawian

ng buhay.

Ngisi ang naging tugon ni Hale nang makita kung paano ito nangisay dahil literal na dinurog niya ang puso nito gamit ang kutsilyo.

Bumaha

ng dugo sa buong lugar. Inikot-ikot niya pang muli ang kutsilyo at rinig niya ang

pagsirit

ng

malapot

na

pulang

likido

.

Ngumiti siyang muli ng

malapad

nang makitang may lumalabas na luha mula sa mata ni Miss Jess. Sa isang iglap, tuluyan itong namatay nang nakadilat.

Nilabas niya ang blade at tinapos ang isang obrang matagal na niyang gustong tapusin.

Iginuhit

niya ang salitang,

’THE

WITCH HUNT STARTS’ sa katawan nito.

Gusto niyang i-frame up lahat ng dumalo sa party para hindi sa kaniya ang

sisi

.

Matapos gawin ang lahat ay itinago ni Hale ang blade. 

Hinugot

niya ang kutsilyo para itago iyon sa mini basement niya pero natigil siya nang makarinig siya ng isang

napakalakas

na tili. Lumingon siya at nakitang may babae sa pintuan.

May nakahuli sa kaniya!

“N-No, hindi ako ’yon—”

Natigil si Hale nang may isa pang

dumungaw

at napa-urong sa

nasaksihan

.

Marami ang

umaakyat

para magpahinga. Wala siyang takas.

Agad na

nagtakbuhan

ang lahat sa

kinaroroonan

nila In a snap, lahat ay naroroon na, maging ang 12-A.

“Fuck…” bulong ng isa. “’D-Di ba, adviser n’yo ’yan…?”

Hindi makakibo sila Everleigh, Greysen, Levi, Nashville, Braelyn, Missi, at Reese.

Kitang-kita ng mga ito ang wala nang buhay na katawan ni Miss Jess.

Nakatayo lang si Hale roon at hindi alam ang gagawin. Natataranta siya.

“C-Call the police…” bulong ng isa. “May police station diyan sa labasan. Call the police, we got the killer!”

FUCK… bulong ni Hale sa isip.

Nanginginig si Hale at puro dugo ang kamay. Hawak pa rin niya ang kutsilyo. Nagsimulang

mangilid

ang luha sa mga mata niya.

“Hale…” bulong ni Missi

habang nakatingin sa kaniya.

Tiningnan ni Hale ang lahat. Nanginginig na rin ang mga kamay niya at binitawan ang kutsilyo.

“H-Hindi ako ’yon…” Lalong

nangilid

ang luha sa mga mata niya. “T-Tinanggal ko lang ang kutsilyo, hindi ako—”

Natigil siya nang marinig ang tunog ng sirena ng mga pulis. Malapit lang ang police station sa kanila. He knew he fucked up and he will never give in.

Tumulo ang luha niya at tiningnan ang mga kaklase. Hindi siya pwedeng makulong. Hindi siya papayag.

“Tumulong lang ako dahil baka buhay pa siya,” pagsisinungaling niya. He was trying to win their trust. “Tinulungan ko lang siya…”

Isa-isang pinalibutan si Hale ng mga tao at patuloy lamang siya pag-iyak.

“Hindi ako ’yon…” bulong niya at kunwaring humagulgol. “Hindi ako…”

Nahuli siya nang gabi ring iyon, wala iyon sa original plan niya. Ang gusto niya lang ay patayin si Miss Jess at lahat sa party ay magiging suspect, hindi lang siya.

He didn’t wear the gloves in purpose. Ang plano niya ay itatago niya ang murder weapons at kunwari’y siya ang unang

makakadiskubre

sa katawan ni Miss Jess.

Magpapasama

siya sa isang kaklase kunwari at makikita nila ang

bangkay

ni Miss Jess. Hale will try to give her first aid kahit na alam niyang patay na ito. His

classmate

will ask for help, and that will explain why Miss Jess’ clothes or body had his DNA.

Mag-

t-testify

ang kasama niya na kaya may DNA siya roon ay dahil siya ang nagtangkang

mag-first

aid dito. Dahil doon, siya ang

uulanin

ng interview dahil siya ang unang witness. Maraming mga estudyante sa school ang gugustuhin siyang makasama at makausap para malaman ang

bersyon

ng kwento niya. Hale loved the whole idea.

Ngunit dahil nahuli na siya, nasira ang planong nasa isip niya. Kinailangan niyang lumaban, hindi siya

pu-puwedeng

makulong.

Kaya pinangatawan niya ang narrative na nadatnan niya si Miss Jess doon at hawak niya ang kutsilyo kasi tinutulungan niya ito.

Si Detective Howell ang detective ng kaso niya. The detective was popular for being righteous but little did they know, he was his grandfather’s puppet for so long. Hindi na

nagtaka

pa si Hale.

Ang gusto ng lolo niya ay

i-dismiss

agad ni Detective Howell ang kaso laban sa kaniya pero hindi raw iyon

maaari

. Ayon kay Howell, nakita raw siya on the spot sa crime scene at may fingerprint niya mismo sa murder weapon. Enough na raw iyon bilang ebidensiya kaya kapag

dinismiss

ang kaso, alam ng publiko na guilty siya at ginamit ang

yaman

ng pamilya para

makalaya

.

The public’s opinion was torn. Maraming

nagsasabing

inosente siya at tumulong lang kaya kailangan ay maging careful sila sa

pagdedesisyon

para kapag

nakalaya

siya ay suportado siya ng mga ito dahil alam nila ay inosente talaga siya.

That’s why they planned it all.

Hinayaan

nilang

mapunta

sa prosecution ang kaso. Ang problema nga lang daw ay isang

nagngangalang

Jaxon

Hibler

Scott ang prosecutor na

naitoka

sa kaso. Ayon kay Howell,

maprinsipyo

iyon at hindi nababayaran ng pera.

His grandfather tried to bribe Jax pero hindi iyon umubra. Nagkakagulo ang pamilya nila dahil sa ginawa niya. His parents literally condemned and abandoned him. They saw him as a monster. Lolo na lang niya ang kakampi niya at bilang isa sa

tagapagmana

ng Parker Holdings, alam niyang hindi siya

pababayaan

nito.

Surprisingly,

parami

nang

parami

ang naniniwala at naawa sa kaniya. Tingin pa ng karamihan ay

na-frame

up siya at ang totoong salarin ay nasa

section lang nila.

Isang araw, sinabihan siya ni Detective Howell na

nagplaplano

si Jax na

magpadala

ng undercover agent sa school nila.

Alarmang

alarma

si Howell pero isang ideya ang pumasok sa isip ni Hale.

“Hayaan mo siya,” sabi niya rito. “Mas maganda iyon. Kapag

nagpasok

siya ng undercover, malalaman niyang lahat ng kaklase ko ay may motibo. Lahat sila ay posibleng suspek. Mas magiging broad ang suspetya niya and in the end, wala siyang mahuhuli dahil suspetya lang ang mayroon siya.“

Iyon ang naging plano na nila.

Hahayaan

nilang marami ang

pagsuspetyahan

ni Prosecutor Jax para sa huli ay wala itong maging main suspect at walang

makuhang

irrefutable evidence. Dahil doon, dismissed ang kaso,

makakalaya

siya, at siya pa mismo ang magiging biktima.

Jax even communicated with him and asked things about his section. Ipinakilala pa nito si Reign sa kaniya. Hale had fun while fooling them. Tawang-tawa siya kapag siya na lang ang mag-isa. They were thrilled by his made up stories.

Humingi pa ito ng tulong tungkol sa last survivor. Doon niya ipinakilala si Jal, ang kaibigan niya sa school. Dati itong member ng Section A pero

nalipat

dahil sa mga ginagawa nito.

She stole the class fund and tried to frame up Braelyn. She even seduced Levi. Nang hindi siya pinatulan ay gumawa siya ng chismis tungkol dito.

Palihim

din siyang

nagnanakaw

ng gamit nila Missi at Nash. Kung hindi pa siya nahuli ni Reese ay hindi pa siya mapapaalis.

Hale made it look like Jal was a victim rather than a perpetrator. Naniwala naman sila Reign at Jax. Hindi niya

maikubli

kung gaano siya kasaya dahil sa mga nangyayari.

Muntik pang maging problema si Jal noon. Noong gabing iyon, humabol ito sa party matapos tulungan ang ina sa pagtitinda ng balot. Pero ang nadatnan nito  ay ang mga pulis. Patay na si Miss Jess at napaliligiran ang lugar ng mga kapit-bahay na nagiding dahil sa nangyari.

Jal was able to go inside through the small garden and from there, she saw the baseball bat. Alam nitong kay Hale iyon dahil sa sticker na naroroon. Jal may be poor but Hale knew she was smart.

She blackmailed him. To buy her silence, she wanted Hale to give her money in a monthly basis. Hale gave in, hindi naman problema sa kaniya ang pera. Once he’s finally free, doon niya aasikasuhin si Jal. Not now that he might need her. Not now that she’s hiding a murder weapon.

Walang nagiging progress si Jax sa kaso dahil lahat ay ni-r-report ni Howell sa kaniya at sa defense team niya. Hale had everything under control, bonus pa na nagkakagulo ang 12-A at isa-isang nabubunyag ang mga sikreto nila. For him, deserve nila ’yon. Lalo siyang nagagalit ’pag naaalala niya ang mga tawa at ngiti ng mga ito tuwing napapahiya siya.

During his stay in the prison, Hale wanted to step up the game. Gusto niya ng thrill at isang bagay lang ang nakikita niyang paraan para

magmukha

talaga siyang inosente. Na para bang may ibang tao na gusto siya mawala.

They hired a co-prisoner to stab him. Pumayag ito dahil malaki ang bayad na ibibigay nila. Gaya ng na-imagine ni Hale, na-confine siya sa ospital matapos niyon at naging inosente sa mata ng lahat

dahil doon. Ang usapan pa nga ay gusto raw siyang patahimikin dahil sa nalalaman niya.

“Mga tanga…” bulong ni Hale nang tuluyang maka-recover sa saksak.

Hindi pa iyon doon natapos. He even hired Jal to make him unconscious for a short period of time. Napag-alaman niyang ibabalik na raw siya sa kulungan dahil

gumagaling

na siya ayon sa pulis at ayaw na niyang bumalik pa roon.

Hinding-hindi siya babalik sa lugar na iyon.

Hindi kuntento si Hale. Gusto pa niya ng gulo. Kaya nagplano siya at nag-text kay Ivan na

naiba

ang theme nila para sa class picture.

Nagkunwari

siya bilang dean ng school. Ang sabi niya ay hoodie at bilog na salamin ang theme nila.

Nauto

naman niya ito.

Through his fingers, nakuha niya rin ang schedule ng 12-A. Nalaman niyang marami sa mga ito ang pupunta sa ospital nang gabi ring iyon. Kaya nagsuot si Jal ng kagaya ng suot ng 12-A para i-frame up ang mga ito.

Palalabasin

nilang may gusto

nanamang

pumatay kay Hale dahil inosente ito at maraming nalalaman. Gusto niyang ang suspicion ay ma-direct sa 12-A

.

They almost failed. Lyle caught Jal in the act. Rinig na rinig niya ang pagtatalo ng mga ito sa harap niya habang siya’y nagkukunwaring tulog. He opened his eyes secretly. He witnessed how Jal pushed Lyle and ran off, leaving the syringe on the floor. Pinulot iyon ni Lyle at nagmamadaling tumawag ng nurse o doktor.

Apparently, thry succedded. For unknown reason, hindi nagsalita si Lyle.

Ang akala ng lahat at ni Jax ay na-comatose siya, pero hindi. Tumatawag parati si Howell kapag bibisita si Jax at doon ay nagtutulug-tulugan.

Kinalaunan ay kasabwat na rin ni Hale ang mga pulis na bantay niya at ang doktor mismo niya. Sa tulong ng lolo niya at sa kapangyarihan ng pera nila, walang naging imposible para sa kaniya.

Napag-alaman ni Hale na hindi sumusuko si Jax at pilit inaalam ang rason kung bakit siya sinaksak ng lalaki sa kulungan. Nang sabihan siya ni Howell na dapat niya iyong ikabahala dahil iba si Jax ’pag nag-imbestiga, Hale settled things by himself.

Umalis siya sa ospital, pumunta sa kulungan, at

binaril

ang lalaki sa

banyo

.

Problema ito kapag kumanta kaya’t siya na ang tumapos.

“e?” pagbabasa ni Hale sa isinulat nito sa dingding gamit ang sariling dugo habang nag-

aagaw

buhay.

eyl

?“ tanong niya ulit at ngumisi. “Hindi ganyan ang spelling ng name ko.”

Binaril niya ulit ito para masiguradong wala na itong buhay.

It didn’t stop there. Naging tinik pa niya sa lalamunan si Detective Hazel dahil iniimbestigahan nito ang pagpatay sa lalaki. Hale even ordered to kill the prisoner’s family, hoping that would be his last problem but Hazel came into the picture. He had no choice but to dispose her too. Through Detective Cedrick, Hazel had been eliminated.

At

siyempre

, hindi

papayag

si Hale na p-problemahin pa niya si Cedrick sa hinaharap. After watching Cedrick shooting Hazel, ito naman ang isinunod niya. He stood right in front of his car and shot him dead too.

Surprsingly, someone was on the phone. Undercover 092 ang nakalagay sa screen. Kilala niya ito, narinig niya kay Howell na badge number ni Reign iyon. Nag-usap sila at pinaglaruan niya ito.

Bumalik si Hale sa ospital at simula niyon ay nag-lie low siya. Araw-araw niyang

binabasa

ang forwarded narrative reports ni Reign mula kay Howell kaya aware siya sa gulong nangyayari sa 12-A. Aware siyang nagkakasiraan na sila ng mga buhay. Masaya si Hale, masayang-masaya.

He gained everyone’s trust. They pitied him. And he will use that opportunity to get away with his crime.

Hinihintay na lang niya ang tamang panahon para tuluyan nang makalaya. Ngayong alam na ni Jax ang sikreto niya, ito na ang tamang pagkakataon.

Oras na para tapusin ang lahat.

———

THIRD PERSON POV.

Halos matumba si Jax dahil sa mga nalaman niya mula kay Hale. Never did he imagine that he was just a mere player in Hale’s big time.

Hawak-hawak pa rin ni Jax ang baril. Nakatutok ito kay Howell at babalik kay Hale depende kung sino ang gagalaw.

“Hale… you’re sick…” sabi ni Jax at itinutok ang baril kay Howell habang tinitingnan si Hale. “Hindi lang isa ang pinatay mo pero bakit wala lang sa ’yo?!”

Muli itong kumagat sa hawak nitong mansanas at nagkibit-balikat. Wala itong pakialam.

“At ikaw…” Itinuon niya paningin niya kay Howell. “Pinatay si Hazel. Inaanak mo ’yong anak n’ya, paano mo… paano ka pinatutulog ng konsensiya mo, hayop ka?”

“Jax, nahihirapan din ako,” sabi ni Howell. “Pero kailangan kong magbulag-bulagan. Kung hindi dahil kay Hale at sa lolo niya… baka… baka nag-file na kami ng bankruptcy. Magkakaroon pa ako ng anak. Sana naman naiintindihan mo—”

“HINDI KITA IINTINDIHIN!” Sigaw ni Jax. “Howell… pinagkatiwalaan kita. Pinagkatiwalaan ka ni Reign. Pati si Hazel… tapos… tapos ganito? Kung kailangan mo ng pera, dapat lumapit ka sa ’kin. Hindi mo kailangang dungisan ang mga kamay mo para lang dito!”

“Hindi lang barya ang kailangan ko, Jax. Malaking pera ’yon at lolo lang ni Hale ang makakatulong sa akin. Tao lang ako—”

“Taong walang prinsipyo,” putol ni Jax. Nag-iigting ang panga nito sa sobrang galit.

“Hindi mapapakain ng prinsipyo ang pamilya ko,” sagot ni Howell. Naluluha na ito. “Hindi mo ’ko maiintindihan. Malaki amg problema ko habang ikaw… ang problema mo lang ay gusto mong makilala bilang ikaw. Gusto mong sumikat. Magkaiba tayo—”

“MANAHIMIK KA!” sigaw ni Jax. “’Y-Yong Project Grey… parte rin ba ’yon ng plano mo?!”

Tumango si Howell. “Gusto kong ma-distract si Reign. Iyon lang ang paraan.”

“Pati ’yong bata dinamay mo…” lalong nagalit si Jax. “Demonyo ka. Demonyo kayo!”

“Tss,” he heard Hale scoffed. “Ang drama.”

Howell didn’t answer. Yumuko ito. Hindi malaman ni Jax kung nagsisisi ba ito o hindi.

“Ano nang gagawin mo ngayon, Scott?” tanong ni Hale.

“May pangil ang batas, Hale,” sagot ni Jax at tiningnan ito.

“May pangil pero pili ang kinakagat,” sagot ni Hale.

Jax gulped. Para siyang sasabog sa tindi ng galit na nararamdaman niya. He treated Howell like a brother but he betrayed him as if he was nothing to him.

“What are you gonna do now? I’m curious,” Hale followed. Walang bahid ng takot ang mukha nito. He was playing with him. “I-r-report mo ’ko sa mga awtoridad kahit hawak ko sila? Kukuha ng medical record ko kahit kakampi ko ang mga doktor?”

Tumawa si Hale. Kinukutya siya nito.

“Scott, you fucked up,” dagdag nito.

Akmang magsasalita si Jax nang mag-ring ang phone niya. Tumatawag si Reign. Akmang lalapit si Howell kaya tinutukan niya muli ito ng baril. Umatras ito at nagtaas ng kamay. He answered Reign’s call.

“PROSECUTOR, MAKINIG KA!” bungad nito. “KILALA KO NA KUNG SINO ANG

TOTONG SALARIN! SI HALE!“

Bahagyang nagulat si Hale at Howell. Napansin iyon ni Jax.

“Paano mo nalaman?” ninenerbiyos na tanong ni Jax.

“’YONG PHONE CALL RECORDING, MAY PROOF AKO NA BOSES IYON NI HALE. MAY EVIDENCE PO AKO, PROSECUTOR!”

Nagkatinginan si Howell at Hale. Mukhang kinakabahan ang dalawa.

Tumaas ang sulok ng labi ni Jax. Kahit papaano ay nagkaroon siya ng pag-asa. Tinakpan niya ang phone at ngumisi sa dalawa.

“I’ll still win. You know why?” he asked rhetorically. “I still got the case’s last ace with me, my undercover 092.”

Itinuon ni Jax ang atensiyon niya sa phone.

“PROSECUTOR, ANO NA PONG GAGAWIN KO? I-R-REPORT KO BA O MAGKIKITA MUNA TAYO?”

“Reign, listen carefully,” sabi ni Jax. “Pumunta ka sa—”

“Hinahanap mo raw ang kapatid mo?”

Natigil si Jax dahil sa sinabing iyon ni Hale. Tiningnan niya si Howell at umiwas ito ng tingin sa kaniya. Malamang, maging iyon ay ni-report nito kay Hale.

“Paano kung sabihin ko sa ’yong alam ko kung nasaan ang kapatid mo, i-d-dismiss mo ba ang kaso?”

Tiningnan niya si Hale. Nanginginig na ang labi niya dahil sa galit. “Don’t use my brother against me.”

Ngumiti si Hale. “Alam mo na kung ano ang kaya ko. Tingin mo ba nagsisinungaling ako? Kilala ko ang kapatid mo, Jax.”

Lumapit siya rito at tinutukan ito ng baril.

“Ang sabi ko ’wag mo ’kong linlangin tungkol sa kapatid ko,” madiin at matalim niyang sabi.

Mapapatay na niya ito sa sobrang galit na nararamdaman niya. Tiningnan siya ni Hale sa mga mata.

“Jax…” sabi nito. “Hindi ka naniniwala?”

“ANG SABI KO—”

“Ganyan ba ang kuya?” tanong ni Hale at titig na titig sa mga mata niya. “Tinututukan ng baril ang nakababatang kapatid?”

Lumambot ang mukha ni Jax dahil sa narinig. “Ano…?”

“Matagal din kitang hinanap,” sabi nito at nagsimulang ngumiti. “Na-receive mo ba ang mga parcels na ipinadala ko?”

Pakiramdam ni Jax ay pinagsakluban siya ng langit at lupa.

“Don’t fool me,” matalim niyang sabi. “Hindi ako nakikipagbiruan, Hale.”

In his great surprise, iniangat ni Hale ang suot na hospital shirt at tumambad sa kaniya ang peklat nito sa tiyan. Nanlaki ang mga mata ni Jax. Iyon ang palatandaan niya sa kapatid niya. Isang malaking peklat iyon at may ganoon din ang kapatid niya.

“What else do you need?” Hale asked him.

Tiningnan niya ito sa mga mata at doon, nakita niya ang isa pang palatandaan. May maliit na nunal si Hale sa gilid ng lower eyelid nito gaya ng sa kapatid niya.

Jax’s eyes widened. His lips parted but he couldn’t say a single word.

“Nakikilala mo na ba ’ko?” tanong ni Hale. “Kuya…”

Unti-unting umurong si Jax at napahawak sa maliit na table. Pakiramdam niya ay tutumba siya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Ni-hindi na niya namalayang namumuo na ang luha sa mga mata niya.

“Hindi pa ba sapat na iniwan mo ’ko sa ampunan noon at sumama sa mayamang pamilya?” tanong ni Hale. “Kailangan ba talagang ipakulong mo pa ’ko?”

Nanginginig na ang lahat kay Jax. Pakiramdam niya ay mawawala na siya sa sarili.

“Kung balak mo sirain ang buhay ng nag-iisa mong kapatid, sige.”

Inilahad nito sa kaniya ang dalawa nitong kamay na para bang poposasan ito. Tiningnan siya nito sa mga mata at malungkot na ngumiti.

“Catch me, Attorney…”

PART FIFTY: GAME OVER

THIRD PERSON POV.

“Indeed. You’re the only one who can make my heart flutter by simply existing…” bulong ni Levi habang pinanunuod ito mula sa malayo.

May early holloween costume party sa company nila at lahat ng artists ay required um-attend. He dressed as Detective Conan whilst Nash dressed as Sherlock Holmes. It was a fun night, especially for Levi. Dahil sa ganoong pagkakataon, somehow, ay makakasama niya si Nash sa iisang lugar.

Nagpapa-picture ang ibang staff sa grupo nito. Ngiting-ngiti si Nash sa camera at hindi rin maiwasang  mapangiti ni Levi habang nakatingin dito.

Letting him go wasn’t easy. It will never be easy. Araw-araw ay hinahanap-hanap niya ito. Pero sa tuwing maiisip niya ’yong mga panahong kasama niya ito, ’yong mga panahong nahahawakan n’ya ang kamay nito at nayayakap hanggang sa makatulog siya, hindi niya maiwasang malungkot nang todo.

Once upon a time, they were madly in love and now, they barely look at each other as if they never happened at all.

He started to think that perhaps, Nash was his karma. He was the karma that he’s dying to experience once more.

“Thank you!”

Matapos magpa-picture ang ilang production staff sa grupo nila Nash ay nagsimula nang maghiwa-hiwalay ang mga ito. Iyon mismo ang hinihintay niya. He wanted to approach Nash. Kung ano ang sasabihin niya ay hindi niya rin alam. Gusto lang niyang makausap ito.

Inubos ni Levi ang inumin sa baso niya at huminga nang malalim. Nang makaipon nang sapat na lakas ng loob ay tumayo siya at unti-unting nilapitan ang table kung nasaan si Nash.

He fixed his hair swiftly. He wanted to look handsome in Nash’s eyes.

Busy si Nash sa pag-b-browse sa cellphone nito at mag-isa lang sa table. He stopped right beside him. Nash felt his presence and when he looked up, their eyes met. Levi felt the sudden jolt—his heart began beating wildly for him, like what it used to.

“Hi,” bati niya kay Nash at tipid na ngumiti. Titig na titig siya sa mga mata nito.

“H-Hi,” sagot ni Nash at nakatitig din sa mga mata niya. He saw him gulped and Levi knew Nash missed him too.

“Alone?” Tanong niya rito.

“Not really,” tugon ni Nash. “Naglibot lang sila—”

“Would you mind if I join you?” He followed.

Naglikot ang mga mata ni Nash. Halatang anxious ito.

“Just few minutes, Nash,” he said desperately yet calmly. “Give me just few minutes.”

“Wala naman tayong dapat pag-usapan,” Nash said, anxious about the people around them.

“I know. Nasabi mo naman na lahat at naiintindihan ko naman,” mahinang sagot ni Levi. “Pero kasi…”

Huminto siya, yumuko, at bumuntong-hininga.

“Na-m-miss kita,” Levi followed. “Parati. Araw-araw. Maya’t maya.”

He smiled weakly and sadly. He knew Nash was listening.

“Ang hirap lang na nasanay ako na parati kang nasa tabi ko. Na kada titingin ako sa phone ko, message mo ang naroroon. Ang hirap magsimula ulit na wala ka…”

“Levi…” Nash uttered, his voice sounded worried.

Levi looked back at him, his eyes were as emotional as his heart.

“But you look fine. Just fine…” Levi’s voice almost cracked. “Ang sakit lang isipin na nakakaya mo habang ako pinapatay ng sakit kaiisip sa ’yo.”

“Hindi naman sa ganoon,” Nash said. Tiningnan nito ang palagid at nang masiguradong walang nakatingin at walang nakaririnig sa kanila, tiningnan siyang muli nito. “Nasasaktan din ako pero kailangan kong mag-move forward dahil wala naman tayong choice.”

“Parati tayong may choice, Nash,” tugon ni Levi. “Even loving each other was our choice. It’s just that… maybe, I was the easiest to sacrifice.”

“That. That attitude of yours,” Nash answered. “Iyan ang dahilan kung bakit ako umiiwas. Hindi pa tayo handa sa mga ganitong usapan.”

“Maybe I act this way because I’m hurting. I act selfish because I’m hurting and I can’t think rationally because I’m hurting,” Levi answered. Walang luha sa mga mata niya ngunit kapansin-pansin ang lungkot.

Bumuka ang labi ni Nash para magsalita pero hindi nito iyon itinuloy. Tiningnan niya sa mga mata si Levi at naiintindihan niya ang pinagdaraanan nito.

“Mag-usap tayo bukas after ng awarding sa school,” sabi ni Nash kay Levi. “Magkita tayo sa rooftop.”

“Hindi ba puwede ngayon?” tanong ni Levi. “We can talk about anything. Literally anything. Wala naman ang manager mo. Close ako sa mga members mo, hindi nila tayo pagdududahan.”

“Puwede nating pag-usapan ang lahat bukas. Just wait until tomorrow—”

“I can’t,” Levi cut him off. “Gusto ko pang marinig ang boses mo.”

Napahinto si Nash. Kitang-kita ni Levi ang epekto niya rito. It was enough assurance for him. Na kahit papaano ay mahal pa rin siya nito.

Nash sighed heavily. “Not now, Levi. Not here. I promise, pupunta ako bukas. Just wait until then. Hmm?”

Levi looked away. Nash tapped Levi’s hand through his finger hidden underneath the table.

“Levi…” Nash whispered.

Levi gulped once more. Hinawakan niya ang isang daliri ni Nash na nasa ilalim ng table.

Ilang saglit lang ay narinig nila ang tawanan mula sa mga lalaking paparating. Pabalik na ang mga co-members ni Nash.

“Okay,” tugon ni Levi. “Tomorrow it is, then.”

Tumayo na siya at lumakad pabalik sa upuan niya. Nang makalayo ay muli siyang huminto at nilingon ito. Kasama na nito ang mga kagrupo nito at may dala sila na camera para sa self-vlog.

Nash met his eyes too and in the blink of an eye, they both looked away.

———

Sa kabilang dako, makikita si Everleigh na kalalabas lang ng isang university. Ngiting-ngiti ito habang hawak ang mga dokumento niya.

Huminto siya at tumingin sa logo na nasa gate. Napangiti siya dahil kaunting panahon na lang ay dito na siya mag-aaral. Makakawala na siya sa poder ng mommy niya. She turned her dream into a reality without anyone’s help.

Dahil nag-withdraw si Lyle sa nomination at na-disqualify si Grey dahil sa ‘sikreto’ nito na against sa core values ng school, siya na ang nanalo sa leadership award.

Nagpasa na siya ng requirements niya ngayon para sa special admission at nakipagkita na sa officials ng school. Bukas ay makukuha niya ang leadership award for formality. She was over the moon about it. She’s one step away from her freedom.

Nang marating ni Everleigh ang gate ay napahinto siya nang makita roon si Braelyn. Kumunot ang noo niya.

“Brae?”

Agad itong lumingon. Nakatingin din ito sa logo ng school.

“Oh, Everleigh…” bahagya itong nagulat.

“Why… are you here?” Tanong niya at nang mapansin ang mga dokumentong hawak nito ay parang nasagot na rin ang tanong niya.

“Nag-inquire ako,” sagot ni Braelyn.

“Interested ka rin pala sa school na ’to,” sabi ni Everleigh. “Anong sabi nila? Tumatanggap daw ba sila ng nagnanakaw ng test questionnaire?”

Braelyn’s eyes widened. She looked offended. “Excuse me?”

Everleigh smirked. “Mahigpit sila sa background check. Just a piece of advice, ipaasikaso mo muna sa family mo ’yong issue mo sa school.”

Lalong ngumiti si Everleigh nang hindi makasagot si Braelyn. Kung hindi dahil sa pag-c-cheat nito, siya sana ang rank one sa particular term na ’yon. Hindi sana siya ikinumpara ng mommy niya at muntikan nang bigyan ng private instructor.

Tinapunan niyang muli ng isa pang tingin si Braelyn at nagsimula nang maglakad. Akmang lalagpasan na niya ito nang bigla itong magsalita.

“Tingin mo ako lang ang marumi?”

Everleigh stopped. She looked back at her and Braelyn met her eyes.

“Everleigh…” Braelyn started. “Mas umaalingasaw ang baho mo kaysa sa ’kin.”

“Wala akong alam sa sinasabi mo,” sagot ni Everleigh.

Braelyn smiled. “What about you and Ivan?”

That’s when Everleigh’s eyes grew bigger.

“Nakalimutan mo yatang alam ko ang sikreto ng lahat at pati ang iyo?” Braelyn asked calmly yet her eyes were playful. “Background check? Guard your secrets, girl. Hindi ka rin safe.”

“Watch your mouth,” banta ni Everleigh.

“Wala akong gagawin, ’wag kang mag-alala. Wala akong mapapala. Somehow, pinagsisisihan ko na lahat ng ginawa ko. Tingin ko dati, ginagawa ko lang ang tama pero ngayon… I realized my wrong deeds and I regret every single thing about it. I lost everything. Miserably.”

“Stop lecturing me,” Everleigh said. “We’re not the same.”

“Totoo. Pero hindi ka ba natatakot? Bumagsak na ang lahat. Ikaw na lang ang nasa tuktok. Don’t you feel lonely?”

“Hindi ako nagsumikap para i-impress ang iba kaya hindi ko kailangan ang presensya ng iba. You work hard to impress the crowd, I work hard to secure my future. That’s why we are entirely different.”

“Siguro nga kaya hindi mo naiintindihan ang sinasabi ko kasi magkaiba nga tayo. I’ll give it to you. Pero ’di ba, mas dapat kang matakot dahil doon? You destroyed your present while trying to build your ideal future.”

Everleigh’s lips parted. She wanted to defend herself but she couldn’t.

“Just my two cents, Everleigh. The most painful downfall is when you thought you had everything under control,” Braelyn said and stared at her eyes. “Guard your throne.”

———

Sa likod ng ospital ay makikita ang itim na kotse. Madilim ang paligid at tanging isang orange-ish light post lang ang nagbibigay ng liwanag sa lugar.

Walang tao roon maliban sa isang lalaking nakasandal sa kotse at nakasuot ng navy blue hoodie. Tila ba may hinihintay ito.

“Lyle!”

Tiningnan niya ang pinanggalingan ng boses. Nang makita ang lalaking hinintay niya ay umayos siya ng tindig.

“Doctor Brent, kumusta po?” Tanong niya nang makalapit ito sa kaniya. Ito ang nakatatandang kapatid ni Levi.

“I’m good, I’m good,” sabi nito. “Hindi ko na patatagalin dahil busy din ako ngayon. Anyway, we got the result.”

Iniabot nito sa kaniya ang isang brown envelope na naglalaman ng DNA testing result. Just few days ago, nadiskubre niya ang baseball bat sa bahay nila Jal na posibleng isa sa murder weapon sa pagpatay kay Miss Jess.

Agad na lumapit si Lyle kay Doctor Brent para ipa-test iyon kasama ang gamit ni Jal at ng lahat ng nasa 12-A.  Nakuha niya ang lahat ng iyon sa faculty. Kay Doctor Brent na siya lumapit dahil ito lang ang mapagkakatiwalaan niya sa ganoong bagay.

“We tested the items,” sabi nito habang pinanonood siyang binabasa ang mga dokumento. “Usually, matagal ang proseso niyan pero alam kong sobrang kailangan mo kaya minadali ko. Lyle, I know you’re up to something but is this something that I should worry about?”

Tiningnan niya ang documents at marami ang hindi nag-match. “Not at all. It’s just… something I’m curious about. Ano po ang result?”

“Lahat ay hindi nag-match maliban sa tatlo,” pagpapaliwanag ni Brent. “We saw two fingerprints and one bloodstain. ’Yong bloodstain ay nag-match kay labelled item X.”

Lyle’s eyes grew bigger. Halos mabitawan niya ang mga hawak na dokumento.

Ang bloodstains ay mula nga kay Miss Jess. Tama si Prosecutor Jax, ang head injury ni Miss Jess ay mula sa pagkakahampas ng isang bagay sa ulo nito at hindi dahil sa pagbagsak nito. At heto. Nahanap niya ang murder weapon na iyon. ohPakiramdam ni Lyle ay tatakasan na siya ng bait.

“What about the fingerprints?” he asked.

“’Yong fingerprints ay mula sa labelled item C and labelled item J. Match na match sila.”

Tiningnan ni Lyle ang labelled items sa dokumento. Ang isa ay mula kay Jal at isa ay kay…

Lalong nanlamig si Lyle.

“So it was Hale…” bulong niya sa sarili.

Napahawak siya sa gilid ng kotse dahil pakiramdam niya ay tutumba na siya sa tindi ng mga nalaman niya.

In a snap, nasa loob na si Lyle ng kotse niya at mabilis na nagmamaneho. Sari-saring ideya ang pumapasok sa isip niya.

Hindi niya kayang kimkimin ang nalaman niya pero wala naman siyang mapagkakatiwalaan para i-share iyon. He felt sick and terrible.

“Alam kaya ni Reign?” bigla niyang tanong sa sarili.

Gulat na gulat si Reign nang mapakinggan ang boses ni Hale sa recording. Matapos niyon ay tinawagan nito si Jax at umalis na. A day after, isinauli nito ang phone niya at wala na roon ang recording.

What if Reign conducted her own investigation too? Nalaman niya na si Hale nga ang salarin at ni-report iyon kay Jax?

Bigla niyang naalala iyong isang beses na nakita niyang magkasama si Reign at Jax sa kulungan at binisita si Hale.

Were they close? Pero bakit walang ginawa si Jax matapos ipakita ni Reign ang recording?

Lyle’s lips parted with the sudden realization.

What if kasabwat si Prosecutor Jax all this time?

Lyle pulled over his car and stopped. Parang duduguin ang utak niya sa dami ng naiisip niya.

That’s it. Siguro ay binura ni Jax ang recording o sinira ang anumang ebidensiya na mayroon si Reign kaya ganoon ang nangyari. That explained the terror on Reign’s face when she heard Hale’s recorded voice and the disappointment on her face when she handed his phone back.

Pero bakit tinulungan siya nitong hulihin si Jal? Was it for a show?

He can’t even ask Reign directly. Paano kung nag-o-overthink lang siya at nasabi kay Reign ang napakabigat na bagay? He can’t afford to risk her.

Lyle concluded that he can’t trust Jax or even Howell either. He can’t trust anyone at all. Not with the kind of evidence in his possession. Hindi ito puwedeng mapunta sa maling tao.

Pero ngayon, kanino siya hihingi ng tulong?

Isinandal ni Lyle ang noo niya sa steering wheel ng kotse at pumikit.

Kapag ang mga taong pumo-protekta sa batas ay nagsimulang abusuhin ang batas, kanino ka lalapit? Kanino ka hihingi ng tulong?

———

REIGN.

Prosecutor Jax had failed us.

For the past two days, hindi niya ako hinaharap. Walang nakakakita sa kaniya at mailap siya sa publiko.

Gising na ‘raw’ si Hale at naging laman ito ng mga balita. Naging usapan din ito ng school dahil finally, matatapos na ang kaso. Tingin nila ay matatapos na ang lahat dahil gising na ito at isisiwalat na ang nalalaman niya.

Pero sa buong dalawang araw na naibalitang ‘gising’ na ito mula sa pagiging comatose, walang nangyari. Walang naisiwalat na kahit na ano. Walang nadakip. Walang usad ang kaso.

Ang huling balita lang ay bumalik na si Hale sa kulungan at nag-uusap na ang prosecution at defense sa kung ano ang mangyayari. Usap-usapan ito ngayon ng publiko dahil ilang buwan matapos mangyari ang krimen ay walang naging main suspect bukod kay Hale. Lahat ay may motibo lang at walang decisive na ebidensiya.

Ang masaklap pa, para sa kanila, inosente si Hale at biktima lang din ito ng incompetent na justice system.

Para bang naghahanap na lang ang publiko ng masisisi. Wala na silang pakialam kung sino ang gumawa, kailangan na lang nila ng masisisi at mapag-uusapan.

Pero lingid sa kaalaman ng lahat, bilang sa daliri lang ang nakakaalam ng tunay ng nangyari at isa ako roon. Alam ko ang katotohanan at kung sino ang gumawa.

Noong gabing na-discover ko na si Hale ang tunay na killer dahil sa recordings, tinawagan ko si Prosecutor Jax para mag-report. Sa pag-uusap namin ay narinig ko ang lahat. Si Hale ang hinahanap niyang kapatid.

Nataranta ako at hindi alam ang gagawin. Natakot ako sa posibleng mangyari. I was shocked at first pero lamang ang kagustuhan kong matuldukan na ang lahat.

Prosecutor Jax sounded relieved when I called him that night. Lumakas ang kumpiyansa ko na gagawin niya ang tama. Na sa ganoong sitwasyon, mas pipiliin niyang gawin ang tama kaysa sa kadugo niya.

Sobrang paranoid ako nang mga panahong iyon. Lyle can’t even handle me. He followed me but he lost sight of me. Hinanap ko si Prosecutor Jax. Pumunta pa ako sa office niya dala-dala ang cellphone ni Lyle dahil naroroon ang recording pero natunton ko siya sa ospital. Ngunit noong pagkakataong iyon, sinampal ako ng realidad.

Hale was awake. Detective Howell was his accomplice. Sitting right in front of them was Prosecutor Jax. Kalmado ang tatlo at mga nag-uusap. Hindi ko sila nakitaan ng takot o tensiyon.

That’s when I knew something was off. Pumasok ako sa loob pero pinalabas ako ni Prosecutor Jax ng kwarto.

Ang sabi niya, walang mangyayari sa akin kung mananahimik ako. Alam ko na ang ibig sabihin niyon. Prosecutor Jax chose to turn a blind eye. Kinuha niya sa akin ang phone ni Lyle at pinauwi.

Kinaumagahan ay pinapunta niya ako sa office niya. Akala ko ay nagbago na ang isip niya at gagawin ang tama, pero nagkamali ako. Ipinabura sa akin ni Prosecutor Jax ang recording na mayroon ako. Ibinalik niya sa akin ang phone ni Lyle pero wala na rin doon ang recording. At dahil sa ginawa niya, tuluyan nang nabura ang nag-iisang ebidensya na makakapagturo kay Hale.

Pinapirma niya rin ako ng ibang kontrata. Na kahit na anong nalaman ko tungkol sa mission bilang undercover ay hindi ko puwedeng isiwalat. Pinilit ko si Prosecutor Jax na gawin ang tama pero hindi na ito ang taong nakilala ko na gagawin ang tama kahit na ano ang kahihinatnan.

Nang makita ko ang DNA test document sa table niya ay alam kong hindi na magbabago ang isip niya. He made up his mind when he figured out that indeed, Hale was his sibling.

Alam ko ang kuwento niya, snabi sa akin ni Detective Howell noon. Halos dalawang dekada niyang hinahanap ang kapatid niya. Halos dalawang dekada siyang nag-aalala kung ano na ang nangyari rito. Araw-araw siyang nilalamon ng guilt na mas inuna niya ang sarili at iniwan ang kapatid sa ampunan.

Kaya ngayong nakita na niya ang kapatid niya, sa ganitong sitwasyon, sinisisi niya ang sarili niya. That maybe, if he didn’t leave him, Hale wouldn’t grow like that. Naiintindihan ko pero hindi tama at hindi ko kayang tanggapin.

Pinirmahan ko ang kontrata at sa pagkakataong iyon, tapos na ang mission ko. Masakit mang isipin pero ang katotohanan ay habang buhay nang maibabaon sa limot. All this time, biktima lang din ang 12-A.

“I’m sorry, Reign,” sabi sa akin ni Prosecutor Jax nang ihatid niya ako sa pinto. It was obvious that he was in deep pain too. “Wala akong choice. Biktima lang din ako ng sistema.”

“Parati tayong may choice, Prosecutor,” sagot ko at malungkot ang mukha. “Pero mas pinili ninyo ang pumanig sa masama.”

Hindi siya kumibo. Kitang-kita ko kung gaano siyang nahihirapan sa sitwasyon niya.

“Kasama n’yo na ang kapatid n’yo, ang nag-iisa ninyong pamilya. Pero paano naman ’yong mga nawalan ng asawa, ng anak, at ng kapatid dahil sa ginawa ni Hale? Paano sila?”

Prosecutor Jax looked down.

“Hindi pa huli ang lahat, Prosecutor. May panahon pa. At sana, piliin po ninyo ang tama.”

And when I stepped out of the building, officially nang tapos ang mission ko. Ako na ulit si Reign at kailangan kong ilihim ang lahat kahit na labag sa kalooban ko. May pinirmahan akong agreement at gustuhin ko mang tumaliwalas ay wala na akong ebidensiya. Walang maniniwala sa akin.

Paano ko kakayaning itago buong buhay ko ang mga nalaman ko? Hanggang kailan?

Bumuntong-hininga ako. Nasa school ako ngayon at kuhaan na ng card pero iyon pa rin ang iniisip ko. Hindi na yata ako patutulugin pa ng konsensya ko.

Last day ko na ngayon sa West Carson High. After ng araw na ’to, kalilimutan ko na rin ang lahat. Masiyadong traumatic ang experiences ko sa lugar na ’to at ni-katiting ay wala na akong kagustuhang bumalik pa.

“Guys, 9PM ha!”

Napatingin ako sa mga estudyanteng nagkukumpulan sa harap ng TV sa student lounge. Pinanonood nila ang balita tungkol kay Hale. Mamaya na ilalabas ang press release tungkol sa kaso. Kung itutuloy ba ng prosecution ang pagsasampa ng kaso kay Hale, kung i-d-drop ba ang kaso dahil walang irrefutable evidence, at kung ano man ang naging agreement ng defense at prosecution.

Hindi pa iyon nangyayari pero alam ko na ang kahihinatnan. Kahit alam ko na ang desisyon ni Prosecutor Jax ay hinihiling ko pa rin na sana ay gawin niya ang tama. Sana magbago ang isip niya.

“Nakita mo na ’yong ranking?” tanong ni Nash na katabi ko sa lounge. Busy ito sa phone nito kanina at ngayon lang kumibo.

Tumango naman ako. Ang tinutukoy nito ay ang school ranking. Sa first semester ay rank one si Everleigh, rank two si Braelyn, at rank three si Grey. Ang big three daw kung tawagin.

“Congrats,” sabi ni Nash. “Ang taas ng average grade mo. Easy na lang sa ’yo makapasok sa universities niyan.”

“May second semester pa, hoy,” natatawa kong sabi. “Ikaw ba, may naiisip ka na bang university na papasukan?”

“Ewan ko. Parang hindi para sa ’kin ang College, e. Pag-iisipan ko pa,” sabi ni Nash.

Tumangu-tango ako.

“Reign—”

Dumating si Levi at natigil ito bigla sa pagsasalita nang makita kami ni Nash. Nawala ang ngiti niya. Tumingin ito sa akin at pilit na ngumiti ulit.

“Nakita mo si Grey?” tanong niya.

Umiling ako. Hearing Grey’s name sounded awkward now. “Pumasok ba siya?”

“Yes. For Everleigh’s acceptance speech,” sagot ni Levi. “Alis na ako. See you around.”

Umalis si Levi at hindi na lumingon pa. Tiningnan ko naman si Nash at halatang uneasy ito.

“Magkagalit kayo ulit ni Levi, ’no?” tanong ko. “Akala ko okay na kayo.”

“Akala ko rin, e,” sagot ni Nash. “Teka, Reign. CR lang ako.”

“Sure, sure,” sabi ko. “Bantayan ko bag mo.”

“Thanks.”

Sa pag-alis ni Nash ay hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot. After three days, finally, pumasok din si Grey.

Sana okay na siya. Kung wala mang happy ending ang lugar na ’to, sana kahit sa kaniya na lang. Grey had been through a lot. Deserve niya ang inner peace.

I sighed.

Halos isang oras ay nagsimula na ang main event ng araw na ’to—ang awarding. Nagsimula ito sa pagbibigay ng medals at certifications sa mga academic excellence awardee. Saktong tapos na ang suspension kay Braelyn kaya nakadalo na rin ito.

Iyon nga lang, gaya ni Grey, ay laman ito ng bulungan. Wala ngang pumapansin man lang sa kaniya dahil sa pagnanakaw nito ng test questionnaire days before the exam last year.

Good thing ay hindi ito pinuna ni Missi. Hindi na lang niya ito pinansin dahil masiyadong maganda raw ang araw niya para sirain lang nito. Galit pa rin ang 12-A sa kaniya dahil sa pagbubulgar nito ng secrets nila.

When Grey went to the stage to get his award, marami ang nagbulungan. Pero halatang hindi apektado si Grey. He was smiling happily at the camera together with his mom while receiving his award.

“Okay na sila…” Bulong ko at ngumiti. “Buti naman.”

It felt good. Sobrang okay na sila ng mommy niya. 

Umakyat din kami ni Lyle sa stage dahil sa research paper namin. Ang awkward nga dahil umulan ng pang-aasar sa amin lalo na nang pi-picture-an na kami. Hawak ko ang kabilang side ng certificate habang hawak naman niya ang kabila.

Sobrang thankful ko kay Lyle dahil hindi ito nagtanong kung bakit ko kinuha ang phone niya. Hindi ko rin alam kung paano ko i-e-explain kung sakali.

Bago ko isauli ang phone niya ay na-invade ko ang privacy niya. I checked his gallery and I found a topless mirror shot photo of him there. Nakahawi pa ang buhok niya roon. I didn’t know Lyle had that side of him.

“Mabuhay ang bagong kasal!” sigaw ni Missi sa ’di kalayuan, dahilan para umugong ang tawanan sa buong lugar.

“Have you made up your mind?” tanong ni Lyle habang katabi ako sa stage at naghahandang ma-picture-an.

“About what?” tanong ko habang nakatingin sa camera.

“About marrying me so you can be Reign Heimsworth,” sabi niya.

Marahas ko siyang tiningnan.

“People are already cheering for us. Don’t let them down,” Lyle added, smiling mischievously while his eyes were at the camera.

Kinurot ko siya sa braso at napahiyaw siya. Doon naman nag-click ang camera kaya ang epic ng picture namin. Masama ang tingin ko sa kaniya at kurut-kurot ang braso niya habang siya ay nakabuka ang bibig dahil sa paghiyaw.

Nagtawanan ang lahat.

Finally, dumating na sa huling part ng ceremony—ang leadership award.

“Last award na, sure na?” tanong ni Missi. “Walang Best Visual student award? Best in Liptint? Best in ‘ang hot ko tingnan kahit bagong iyak’? Best in waist line? Sure na talaga?”

Siniko siya ni Nash. “Spelling Quiz Bee award, ayaw mo?”

“Ang bee lang na gusto ko ay Jollibee.”

Nagtawanan sila. Napailing na lang ako habang nangingiti.

“And for her acceptance speech, let’s give a round of applause to Miss Everleigh Miller.”

Nagpalakpakan ang lahat maliban kila Missi, Nash, at Levi. Dahan-dahan din akong pumalakpak habang pinanonood siyang umaakyat. Everleigh looked lovely but she was rather nervous than happy.

Nang marating niya ang stage ay tumayo siya sa tapat ng podium.

“Boo,” bulong ni Levi. “Grey pa rin kami.”

Napalingon kaming dalawa ni Missi kay Levi na nasa likuran namin. Kumindat siya sa amin.

Bumalik ang tingin ko kay Everleigh.

May rason kung bakit hinintay ko ang pagkakataong ito bago ako umalis ng West Carson High. I’ll make sure that I will give her the best gift that she will never forget.

Tinitingnan ni Everleigh ang lahat. Parang hinahanap nito kung nasaan kami. Tumingin si Everleigh sa mga officials at naroroon ang mommy niya na proud na proud sa kaniya. Hinawakan ni Everleigh ang microphone.

In 3… 2… 1…

Tumaas ang sulok ng labi ko.

“Good afternoon, teachers, parents, students—”

Natigil ito nang biglang bumukas ang malaking screen sa likuran niya.

Kumunot ang noo nito at gaya ng lahat, ay naguguluhan. Sa isang iglap, lumabas ang mga litrato nila ni Sir Ivan na para bang slideshow iyon. Mga kuha ng kung sino man na para bang nag-d-date sila. Mayroon pa noong pumasok si Everleigh sa bahay ni Sir Ivan at mayroon pang mga litrato na kuha mula sa bintana.

Napatayo ang ilan. Umugong ang bulungan.

“A-Ano ’yan?!” Napatayo na rin ang mommy ni Everleigh. “P-Patayin n’yo ’yan!”

“What the hell—Everleigh and—Oh my g?” Reaksyon ni Missi.

“My eyes…!” Sabi ni Levi.

“Legit ba ’yan? Hindi ba edited?” Tanong ni Nash.

Lahat ay nakatayo na mula sa pagkakaupo at ako na lang ang natirang nakaupo. Hindi gaya ng lahat na naguguluhan at nagulat, walang emosyon ang mukha ko habang pinanonood si Everleigh na nanlulumo sa stage.

Nakatayo pa rin siya sa stage at hindi alam ang gagawin. Hindi mapahinto ng mommy niya ang screen at nagkakagulo na ang mga school officials. Maging sila ay hindi iyon inaasahan.

They had no choice but to unplug it. Pero huli na ang lahat dahil na-picture-an na ng mga estudyante ang mga litrato. Dahil pinatay nila ang screen, lalong nagkagulo dahil gusto pang makita ng mga estudyante ang mga susunod na larawan.

Napansin kong nanlalaki na ang mga mata ni Everleigh sa stage. Para siyang nanigas mula roon habang tinitingnan ang lahat na nagkakagulo at naging saksi ng pagkabunyag ng sikreto na itinatago niya.

“EVERLEIGH, EXPLAIN IT!” Panghihikayat ng mommy niya. “Alam nilang out of context ang mga pictures. You are a woman of principle, we believe in you!”

Nagtinginan ang lahat kay Everleigh at hinihintay ang isasagot niya.

“May relasyon ba kayo ni Sir Ivan?” tanong ng isang estudyante.

Natahimik ang lahat. Iyon gustong malaman ng karamihan.

“I… uh…” Sagot ni Everleigh at huminto. Hindi nito malaman ang gagawin. Pinagpapawisan na ito at nangangatog ang binti. “Actually—”

“Yes. Mayroon.”

Natigil si Everleigh at lahat kami ay napalingon sa nagsalita. Nasa pintuan si Sir Ivan.

“SI SIR!” sigaw ni Nash.

Napatayo muli ang ilan at napasinghap. Lalong lumakas ang bulungan.

Nakaformal attire si Sir Ivan pero bagsak ang buhok nito ngayon at bago ang salamin. Mukha itong bumata ng ilang taon.

“No, let me rephrase it,” dagdag ni Sir Ivan. “Nagkaroon kami ng relasyon noon. Totoo ang mga nasa litrato.”

“GEEZ!” sigaw ni Missi. “ANG DIRTY!”

Lahat ay muling nagbulungan. Pati ang mga school officials ay hindi malaman kung paano i-h-handle ang mga estudyante.

Si Everleigh ay hindi kumikibo. Parang pinagsakluban ito ng langit at lupa at nanginginig na ang tuhod. Bumubuka ang bibig nito pero hindi alam ang sasabihin. She wanted to defend herself but she didn’t know how.

“Kaya kung tinanggal n’yo si Grey dahil sa past niya kay Miss Jess, alam n’yo na ang gagawin,” sabi ni Sir Ivan. “Disqualify her.”

Umugong ang napakalakas na bulungan. Ang mommy ni Everleigh ay pinipilit ang mga school officials na hindi iyon totoo.

“Disqualify her if you still have your principles with you,” Sir Ivan added.

“Sinungaling ka,” sagot ni Everleigh.

Lahat ay napatingin sa kaniya. Nangingilid na ang luha sa mga mata nito dahil sa galit.

“Tinatanggihan mo ’ko. Pinagtatabuyan mo ’ko parati. Alam mong wala tayong naging relasyon, Ivan,” galit ang boses ni Everleigh at nasasaktan. “Ikaw na ang nagsabing walang namagitan sa ’tin.”

Tumaas ang sulok ng labi ni Sir Ivan. “Wala akong maalala.”

Lalong lumakas ang ingay at lalong nanlumo si Everleigh. Sa pagkakataong iyon, isang babae pa ang pumasok. Nakasuot ito ng itim na boots, itim na leather jacket, at itim na sleeveless tank. Suot nito ang paborito nitong choker at kung dati ay bleached ang ibabang bahagi ng buhok nito, ngayon ay pula na ang highlights ng buhok nito.

“REESE?!” sigaw ni Missi. “OMG KA GIRL!”

Napangiti ako. Lahat ay nagulat maliban sa akin.

Bakit ako magugulat, e, ako ang nag-set up nito?

Kahapon ay nakausap ko si Reese. Nag-reactivate ito ng social media accounts nito at doon lang nalaman ang nangyari kay Grey. She was mad.

Sinabi ko sa kaniya na aalis na ako sa school at sabi niya, bakit hindi kami gumawa ng masayang bagay. What she meant by that was to expose Everleigh in her most anticipated day—the awarding.

Wala nang mawawala kay Reese kung gagawin nito iyon, at ganoon din ako. Tapos na ang mission ko at puwede ko nang gawin ang kahit na anong gusto ko.

I know, stooping down on Everleigh’s level was not the best thing to do. But it’s about time to make her taste her own medicine.

Now, things happened the way we planned it. Rushed kami pero natupad pa rin. Nang sabihan namin si Sir Ivan ay hindi ito tumanggi. Maging ito ay hindi na rin natutuwa kay Everleigh.

Sinabi ko sa kaniya na risky ito dahil baka mawalan siya ng teaching license. Pero may impending case na pala laban sa kaniya dahil sa theft na ginawa ng daddy niya at siya ang lumalabas na kasabwat nito noon. In one way or another, ma-r-revoke rin ang license niya kaya bakit daw hindi na nila iyon sulitin?

Nalaman ko mula kay Lyle na obsessed na obsessed si Everleigh sa award dahil iyon na lang ang nag-iisang way nito para ma-admit sa gusto nitong university at makaalis na sa bahay nila. That award was the key to her freedom.

When I asked Lyle why he was telling me that, isa lang ang naging tugon niya.

“In case you wanna do something.”

Lyle was giving me an idea on how to destroy the unbreakable witch of West Carson High and I took her weakest point with pleasure.

Sinira ni Everleigh si Grey para lang sa award na ’yon at ’yon din ang gagamitin namin para sirain siya.

Now it happened.

Naglakad si Reese at natahimik ang buong lugar. Tanging tunog lang mula sa boots niya ang maririnig habang naglalakad siya.

Lahat ng mata ay nasa kaniya. If they were impressed or intimidated, I can’t tell which.

Umakyat si Reese sa stage. She plugged the screen and the video played again. Pinanood iyon ng lahat. Wala nang nakapigil pa. Halata sa mga litrato ang pagsunud-sunod ni Everleigh kay Sir Ivan.

“I came here for that,” sabi ni Reese. “And to do this.”

Humarap siya sa amin at ngumiti.

“Grey!” sigaw nito.

Tumingin ang ilan kay Grey. He was standing beside his mom. Confusion was all over his face.

“Para sa ’yo ’to!” dagdag ni Reese. Ngumisi ito at kumindat.

Hinarap niya si Everleigh at unti-unting nawala ang ngisi sa labi niya. Everleigh, on the other hand, was looking at her fiercely too.

Sa isang iglap, isang napakalakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Everleigh dahilan para tumumba ito.

Doon na nagkagulo ang mga estudyante at tumakbo sa harap para picture-an ang nangyayari at i-record ang video na nag-p-play sa screen.

Napahiyaw ang ilang officials at tinangka silang pigilan pero hindi nila ma-kontrol ang nangyayari.

Napahawak si Everleigh sa sariling pisngi at agad iyong namula. Lalo itong naluha at tumingin kay Reese nang masama mula sa sahig.

“What did I tell you, huh?” tanong ni Reese kay Everleigh. “Once I talk, you’re done. Now say bye to your award, bitch.”

“Hayop ka!” Akmang tatayo si Everleigh para lumaban nang itulak lang siya ni Reese dahilan para tumumba ulit siya.

Tumama ang siko niya sa sahig at mukhang na-injure iyon kaya namimilipit siya sa sahig at hindi na makatayo.

The students were taking videos and photos of her at hindi makaraan ang mommy niya papunta sa kaniya sa dami ng estudyante. Mukha siyang kawawa.

From that moment, Everleigh looked at my direction. Lahat ay nakatayo na ako na lang ang natitirang nakaupo. My hands and legs were crossed and I was watching her with nothing but amusement now in my eyes.

Sa pagkakataong iyon, alam kong naaalala ni Everleigh ang sinabi ko sa kaniya noon.

“Ang ganda ng acting mo ha,” sabi ni Everleigh at nangungutya ang ngiti matapos niya akong

i-blackmail

para

hiwalayan

si Grey sa harap ng buong estudyante. “Para akong nanunuod ng

pelikula

.“

“Sure,” sagot ko at matalim ang tingin sa kaniya. “Ako naman ang

manunuod

sa ’yo sa susunod. Kapag nasa ’yo na ang lahat, doon kita

pababagsakin

.“

Ngumisi lalo si Everleigh. “Gising ka naman pero ba’t

nananaginip

ka?“

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at humakbang papalapit sa akin.

“Go on, honey. I’ll wait for that moment…” she whispered, mocking me.

Look at us now. Sa araw na nakuha niya ang lahat, doon ko siya pinabagsak at pinanonood habang unti-unting gumuguho ang lahat ng pinaghirapan niya.

Tears fell from Everleigh’s eyes while watching me. It took a Harriett to take down the reigning witch.

She created the game but I stole the show.

I smirked.  “Game over…”

EPILOGUE

REIGN.

“Game Over…”

Matapos sabihin ang mga katagang iyon ay hindi ko malaman ang mararamdaman ko. It was fulfilling to avenge Grey but I kind of felt bad. Pero sa tuwing naaalala ko kung paano niya iyon ginawa, na wala siyang pakialam kung ano man ang magiging epekto ng ginawa niya sa ibang tao as long as mag-b-benefit siya, nananaig ang galit sa akin.

No, hindi ako bumaba sa level niya. Hindi rin ako naging katulad niya. Minsan, kailangan natin ipamukha sa ibang tao kung gaano kasama ang ginagawa nila para matauhan sila. Being nice and matured may be the best thing to do, but definitely not all the time.

Everleigh was still on the floor, looking at me with anger and fear in her eyes. In a sudden, the smirk on my lips faded. I turned serious as I stood up. I was done.

“Pitiful,” I mouthed while looking at her. Tears built up in her eyes more when she understood it.

From that moment, I turned my back and walked away. Rinig ko ang pagkakagulo ng mga estudyante habang naglalakad ako paalis at hindi sila nililingon. Naroroon din ang ingay mula sa mga school personnels na pilit inaawat ang mga estudyante, gayon din ang mommy ni Everleigh na pilit siyang hinihikayat.

When I was one step away from the door, I heard Everleigh shouted my name. Hindi ko siya pinansin. Hindi ko siya nilingon.

Tuluy-tuloy ako sa paglalakad hangga’t marating ko ang hagdan. Rinig na rinig ko ang papalapit na mga yabag. Just as I expected it, Everleigh followed me. Hinila niya ang braso ko paharap sa kaniya.

“Ikaw ’yon, ano?” Tanong niya at nanlalaki ang mga mata sa galit. “Ikaw ang may pakana n’on?!”

Tumaas ang boses niya pero hindi ako nagpatinag. Walang emosyon ang mukha ko at bored lang ang mga matang nakatingin sa kaniya.

“I know you,” mariin na sabi ni Everleigh. “ALAM KO ANG UGALI NG MGA KAGAYA MONG—”

“Kagaya kong ano?” Putol ko sa kaniya. Kalmado ang boses ko ngunit nanghahamon. “Everleigh… sa kahit anong anggulo… mas lamang ako sa ’yo.”

Her lips parted. She didn’t expect that I will fight back.

“I get it. Kailangan mo ’yong award na ’yon para makalaya sa mommy mo. Pero ilang tao ang sinira mo para roon? I pity you, I do. Pero maling-mali ang ginawa mo,” pagrarason ko.

“Maling-mali?” Dumiin ang pagkakahawak sa akin ni Everleigh. “Do you think you’re better than me? Ginawa mo rin ’yong maling ginawa ko. You’re no different from me, you self-righteous bitch.”

Tumingin ako sa gilid at mapangutyang ngumiti. “I’m no different from you?”

Tiningnan ko ulit siya sa mga mata at sumeryoso.

“You expose people to lift yourself up. I expose people to punish the evil and to defend the voiceless. You and me… we’re not the same,” tugon ko.

Matalim na tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa pulso ko.

“You are always behind me, Everleigh,” I followed. “Accept it.”

Lalo siyang namula sa sobrang galit. Sa isang iglap, akmang sasampalin niya ako nang mabilis kong nahuli ang kamay niya at itinalikod siya at idinikit ang mukha sa pader. Napahiyaw siya sa sakit.

“You will never get away with this, Reign,” sabi ni Everleigh. “Tingin mo matatanggap ka nila kapag nalaman nilang undercover ka? Na asset ka? Tingin mo gugustuhin ka nilang maging kaibigan? Na all along, mission mo lang sila?”

I looked at her, and she was desperate.

“Kung babagsak ako, isasama kita,” banta niya. “Isasama ko kayong lahat!”

Idiniin ko lalo ang mukha niya sa pader.

“Tingin mo takot ako?” Tanong ko. “Tapos na ang mission ko, Everleigh. Nag-resign na rin ako at burado na ang records ko. Wala kang makukuhang impormasyon tungkol sa pagiging undercover ko. Gusto mo akong i-expose? Go on. Hindi kita pipigilan. Baka tulungan pa kitang gumawa ng script mo, ako pa ang mag fact-check para sa ’yo. Ang tanong… sinong maniniwala sa ’yo? Sa dami ng inagrabyado mo, may magtitiwala pa ba sa ’yo?”

Natahimik siya at hindi makakibo. Nagsimula siyang maluhang muli. She probably realized that she reached the dead-end. Inilapit ko ang labi ko sa tainga niya.

“This is my last warning,” bulong ko at puno ng galit at pananakot ang boses. “I’m leaving. Hindi mo na ’ko makikita pa. You don’t have to deal with me, kusa akong maglalaho at hindi na ako babalik pa. Pero kapag may sinaktan ka sa kung sino man sa mga kaibigan ko—kapag inulit mo ang ginagawa mo sa kanila—babalik ako at pababagsakin kita nang paulit-ulit hangga’t hindi ka na makatayo, hangga’t hindi ka na matulungan ng sarili mong pamilya.”

Nag-igting ang panga ko sa sobrang galit na nararamdaman ko. Everleigh was sobbing on the other hand.

“It’s not over until it’s over,” I said, loosening my grip on her. “Puwede ka pang magbago. Hindi mo kailangang mang-apak ng ibang tao para lang makuha ang freedom na gusto mo. Just don’t set your hopes too high ’cuz you know why?”

I met her eyes.

“The higher your hope is, the deeper you’d fall…” I whispered, quoting her.

———

THIRD PERSON POV.

“JAL, YOU KILLED SOMEONE! Imbis na magsisi ka, ngumingisi ka lang?!”

Galit na galit si Lyle. Kaharap niya ngayon si Jal Perez sa kulungan. Matapos ang awarding ay dumiretso siya rito. May dapat siyang tapusin at ito na ang wakas.

Humikab si Jal na para bang nababagot ito. “Puwede ba, Lyle, ’wag mo ’kong sigawan? Siyempre, nandoon ang fingerprint ko kasi ako ang pumulot. Ano ba, tangang-tanga ka na ba?”

“Imposibleng si Hale ang killer,” sabi ni Lyle. Sinabi sa kaniya ni Jal ang lahat pero ayaw niyang maniwala. Alam niyang ginugulo lang nito ang isip niya. “Paano mo ipaliliwanag ang saksak sa kaniya? ’Yong pagkaka-comatose niya? ’Yong—”

“Pinlano niya ’yon para magmukhang inosente sa publiko. Basic,” sabi ni Jal. “Sabi ko naman kasi sa ’yo, nag-aaksaya ka lang ng oras mo. Hindi mo kaya si Hale, bebe boy. Go home na lang at maglaro ka na lang ng video games mo.”

“Jal, stop fooling around,” mariin na banta ni Lyle.

“You know I’m not fooling around. Ano bang mapapala ko? Ang gulo-gulo ninyong mayayaman. Ang sakit n’yo sa ulo lahat.”

“Then why are you telling me this? Why are you—”

“Kasi walang maniniwala sa ’yo,” sagot ni Jal. “Hindi mo magagamit as evidence ’yang baseball bat kasi illegally acquired ’yan, hindi ’yan tatanggapin ng korte. Tingin pa ng publiko, kawawa si Hale. Kapag binulgar mo ’yan, Hale can find a way to twist that. In the end, ikaw at ang pamilya mo ang kawawa. Hindi pa naman ata nakaka-recover ang ate mo sa trauma, dadagdagan mo pa?”

Lumapad ang pagkakangisi ni Jal.

“Baka i-frame up ka pa ni Hale tapos ikaw pa ang maging suspect. Umuwi ka na lang, Lyle. Itulog mo ’yan.”

“Why is it so easy for you to say that?” Lyle asked. “Jal, may mga taong namatay—”

“Correction, pinatay. Pinatay ng mga mayayaman na kagaya mo. Kayo-kayo lang naman ang gumagawa ng problema. Sa huli, kaming mahihirap ang collateral.”

Hindi niya masikmura kung paano ito mag-isip.

“Okay na sa ’kin na nakumpirma ko kung sino talaga ang puno’t dulo ng lahat,” sabi ni Lyle at tumayo. “Sisiguraduhin kong hindi kayo makalalabas ni Hale.”

Tumayo na si Lyle at saktong pagtalikod niya ay nagsalita si Jal.

“Kanino ka hihingi ng tulong? Kay Jax ba na kapatid ni Hale?”

Nanlaki ang mga mata ni Lyle at mabilis na napalingon.

“Oo, magkapatid sila. Mahabang kuwento, pero totoo. Tingin mo, bakit nawala ’yong recording n’yo ni Hale sa phone mo? Binura ni Jax. Pinoprotektahan niya ang kapatid niya kaya kahit anong ebidensiya pa ang makuha mo, wala yang silbi.”

“Y-You’re lying…”

“You know I’m not,” sagot ni Jal. “Alam ko ang bagay-bagay dahil isa ako sa kanila. Hindi ko sinasabi sa ’yo to para tulungan ka. Sinasabi ko sa ’yo lahat ’to para magkagulo kayo. Kung hindi ka naniniwala, go to Jax. Submit your evidence and wait for the announcement tonight. Wait and watch how the law fucking bends to the rich.”

Alam ni Lyle na hindi nagsisinungaling si Jal. Pero sa ganitong pagkakataon, kanino nga ba siya lalapit?

In the end, pumunta siya sa office ni Jax pero bawal pumasok sa loob dahil busy daw ang Prosecutor para sa announcement ng desisyon nito hinggil sa kaso mamayang gabi.

Ayaw magtiwala ni Lyle kay Jax pero ito lang ang tanging paraan. Kahit na kanino siya humingi ng tulong, si Jax pa rin ang magdedesisyon ng lahat. Kilala niya ito. At nananalig siya na sana ay gawin nito ang tama.

“Sorry talaga sir, bawal talaga pumasok,” sabi ng secretary sa kaniya. Nag-ring ang telepono nito at iniwan siya roon.

Tiningnan ni Lyle ang kumpol na mga dokumentong ipapasok sa kuwarto ni Jax. Inilabas niya ang DNA results mula sa bag niya. Ito na lang ang makapagtuturo kay Hale.

Left with no choice, ipinatong ni Lyle ang envelope sa kumpol na mga dokumento at bumuntong-hininga. Ito na lang ang tanging paraan.

“Please…” bulong niya sa hangin.

———

Kaharap ngayon ni Jax si Hale. Kuwento ito nang kuwento tungkol sa mga plano nito paglabas ng kulungan. Hale was happy but Jax can’t feel anything at all.

Kani-kanina lang ay may nagpadala sa kaniya ng isang ebidensiya na makapagtuturo kay Hale bilang salarin ng kaso. Illegally acquired iyon, oo, at puwedeng maging inadmissible sa korte. Pero kung magagamit niya nang tama, posibleng mapahaba nito ang kaso dahil may grounds na siya sa pagtutuloy ng kaso.

Turned out, ang ebidensiyang iyon ay ang murder weapon na matagal na niyang hinahanap. Alam niyang galing iyon kay Lyle dahil sinabihan siya ng secretary niya na naroroon iyon kanina sa labas ng office niya.

“How about Paris?” Suhestiyon ni Howell kay Hale. Nag-b-book na ang dalawa ng travel destination.

“Sa Rome na lang muna. Nalibot ko na ang Paris last year,” ngiting-ngiting sabi ni Hale.

Pinagmamasdan niya lang si Hale. Simula nang malaman niyang ito ang tunay niyang kapatid ay hindi na siya pinatulog ng konsensiya niya.

Nakokonsensiya siya dahil nilunok niya ang prinsipyo niya para rito.

Nakokonsensiya siya dahil hindi na magkakaroon ng hustisya ang mga taong sinaktan nito at ang mga pamilyang naghihinagpis dahil dito.

At nakokonsensiya siya dahil sinisisi niya ang sarili niya kung bakit nagkaganito si Hale. Only if he weren’t ambitious, Hale wouldn’t turn out like this. Kung hindi niya ito iniwan noon, sana ay nagabayan niya itong lumaki.

Nandidiri si Jax sa sarili niya.

“Howell…” Jax started.

Parehong natigil ang dalawa.

“Puwede bang iwan mo muna kami?” Malumanay niyang pakiusap. “May pag-uusapan lang kami ni Hale.”

“Hindi ba ako puwedeng makinig?” Tanong ni Howell. “Baka magtanong ’yong lolo ni Hale. Need kong mag-report.”

Hindi kumibo si Jax. Tiningnan niya lang nang matalim si Howell at naintindihan na nito iyon.

“Okay, okay. Diyaan lang ako sa labas ng pinto,” sabi nito.

Tumayo si Howell at lumabas. Nang sila na lang ni Hale sa loob ay hindi naman niya ito matingnan sa mga mata.

“Anong pag-uusapan natin?” Tanong ni Hale.

Hindi siya makakibo. Wala siyang lakas para sabihin iyon.

“Kuya, namumutla ka. Loosen up,” biro ni Hale at bahagyang tumawa.

Kuya.

Parang gustong maiyak ni Jax. Ilang taon niyang ginustong marinig iyon.

“May tanong ako…” Panimula ni Jax at nakatingin lang sa table.

“Sure,” sagot ni Hale.

“Kung… kung sakali mang hindi ko nalaman na ikaw ’yong mastermind ng lahat…”

Huminga siya nang malalim at tiyaka tiningnan si Hale sa mga mata.

“May plano ka pa rin bang magpakilala sa ’kin bilang kapatid ko?”

Nawala ang pagkakangiti ni Hale. Naglikot ang mga mata nito.

“Hale…” Jax followed. “Sinabi mo lang sa ’kin para mahawakan mo ’ko sa leeg, tama ba?”

“Kuya…” Hale utterred, his eyes partly widened.

“Pero kung hindi kita nahuli, wala kang balak na magpakilala sa ’kin kaya—”

“Hindi,” putol ni Hale. “May plano ako. Kaya nga kita pinadadalhan ng mga parcels, ’di ba? Matagal na ’kong nagpapakilala sa ’yo. Bakit hindi kita hahanapin? Kuya kita. Ikaw na lang ang pamilya ko.”

Jax couldn’t tell if he was saying the truth or he was  manipulating him emotionally.

“Hindi mo ba pinadadala ’yong parcels para i-distract ako sa kaso?” Jax sounded hurt and bitter.

“Of course not!” Putol ni Hale. He looked frustrated. “Kuya, ano bang nangyayari sa ’yo? Akala ko ba settled na ’to?”

“Hale, listen,” he sounded desperate. “Kung… kung gagawin ko ang tama, I promise, tutulungan kitang mapababa ang sintensiya mo. Hindi kita iiwanan, pangako—”

“What the fuck?!” Hale exclaimed. “Anong gagawin ang tama? Ito ang tama, Jax! Ang tama ay ang makaalis ako sa lugar na ’to. Mapapababa ang sintensiya ko? Ilang taon ako niyan? Fifty? Sixty? Damn seventy?!”

Hinampas ni Hale ang table.

“Ayaw ko. Hindi puwede. Hindi mo ba naiisip na ikaw ang may kasalanan kung ba’t ako nagkaganito? Ang sabi mo sa letter mo, babalikan mo ’ko sa ampunan pero nasaan ka?! Sumama sa mayamang pamilya habang ako… ako na walang muwang sa mundo… naiwan mag-isa doon at kawawang-kawawa!”

Jax bit his lower lip. Tears started to build up in his eyes.

“Suwerte ko na lang dahil mayaman din ang kumupkop sa akin. Paano kung hindi? Paano kung napahamak ako o naabuso? Kasalanan mo ’yon. Growing up, lagi akong outcast. Ngayon pa lang magsisimula ang buhay ko ’pag labas ko rito, kasama ka na kapatid ko, so why do you have to lock me up?!”

“Hale, pangako, gagawin ko ang lahat para—”

“HINDI MO BA NAIINTINDIHAN?!” Sigaw ni Hale. “Ayaw ko nga! Ayaw ko!”

Hindi malaman ni Jax ang gagawin. Pakiramdam niya ay sasabog na siya.

Tumayo si Hale at naluluha na rin ang mga mata.

“Tandaan mo ’to, Jax,” sabi nito sa kaniya at tiningnan siya sa mga mata. “Kapag itinuloy mo ang kaso, wala ka nang kapatid. Kapag umabot pa ’ko kinabukasan sa kulungan, I will end myself.”

Jax’s eyes widened. He knew Hale wasn’t kidding.

“Ngayon, mamili ka kung sino ang tutulungan mo,” Hale’s voice cracked. “Ako na kapatid mo o ang ibang tao?”

Umalis si Hale sa kuwarto at sumama sa mga pulis pabalik sa selda nito.

“Anong nangyari?!” Takang tanong ni Howell pagpasok nito pabalik sa kuwarto.

Jax looked away and tears immediately fell from his eyes.

Once again, he was torn.

———

Natigil si Nash sa paglalakad nang makita niya si Levi. Nasa rooftop ito at nakatingin sa kawalan. Levi texted him to go there. Iyon naman ang usapan nila kagabi sa halloween party. Akala niya ready na siya pero ngayon, parang gusto niyang tumakbo at magtago.

Nakita siya ni Levi at kumaway ito sa kaniya. Ngumiti siya nang tipid at kahit kumakabog ang dibdib ay lumapit dito. Umupo siya sa tabi nito at wala silang kibuan hanggang magsalita si Levi.

“It’s been a week na rin pala, ano?” Levi asked without looking at him. “Yet, everything feels the same.”

Nash gulped. “Yes, it’s been a week. I thought hindi natin kakayanin pero isang linggo na rin pala. Naiintindihan mo naman kung ba’t ko ’yon ginawa, ’di ba?”

“Naiintindihan ko. Actually, masaya ako na pinili mo ang pangarap mo. Ilang taon mo ring pinaghirapan ’yan at ngayon lang nagbunga. Pero… ewan ko ba. Naiintindihan ko naman, pero ang hirap tanggapin,” sagot ni Levi.

Hindi nakakibo si Nash. Hindi niya alam kung paano iyon sasagutin.

“Lalo na ’pag araw-araw kitang hinahanap,” Levi followed. “Maya’t maya ako open ng phone ko, naghihintay ng text mo then ma-r-realize ko, wala na nga pala tayo. Ang daya lang. Ikaw ang unang nagkagusto sa ’kin pero ako ’tong naghahabol.”

Napapikit si Nash. Parang dinudurog ang puso niya. Ganoong-ganoon din ang nararamdaman niya.

“There are things that you can’t have just because you want them,” Nash opened his eyes and said. “There are things that are not just meant for you to keep. Like you and me.”

“We are meant for each other, Nash, trust me,” sabi ni Levi at tiningnan siya. “Hindi lang talaga tama ang panahon para sa ’tin.”

Levi sounded hurt, Nash could feel it.

“Pero worth it naman, ’di ba?” Tanong ni Nash. “You got the role, my group is getting popular. May maganda pa ring nangyari.”

Levi smiled painfully. Humawak ito sa upuan at tumingala sa langit. Huminga ito nang malalim.

“Kailangan ba nating maghiwalay para lang maging successful?”

“Siguro,” sagot ni Nash at tumingin din sa langit. “Hindi ko lang kasi pangarap ’to. Sa desisyon ko nakasalalay ang kahihinatnan ng grupo ko.”

“I understand,” tugon ni Levi. “Pinag-isipan ko ’to overnight. I stalked you, your members, pati charting ng songs n’yo sa music charts. Pati mga fan accounts, tiningnan ko rin. I felt proud. Naisip ko, this is your moment, Nash. Kahit masakit, kung doon ka mas sasaya, who am I compete?”

Napatingin siyang muli kay Levi. Alam na niya kung ano ang kahihinatnan ng nangyayari.

“Ito ’yong in-e-expect ko. Ito ’yong naging desisyon ko. Pero bakit… bakit ngayong sa ’yo ko na mismo naririnig, bakit sobrang sakit naman ata?” Nash asked and laughed a bit. Tears started to glimmer in his eyes.

Doon siya tiningnan ni Levi. “Ayaw ko nang maghabol, Nash. Ayaw ko nang pahirapan ka pa.”

Nash looked down. The pain was piercing his heart.

“I love you.”

He looked at Levi. Ang sakit marinig niyon mula sa kaniya sa ganitong pagkakataon. Nakatingin ito sa kaniya at may luha na rin ang mga mata.

“I love you, Nash,” Levi added. “I’m sorry for not reminding you enough before.”

Doon na tumulo ang luha sa mga mata niya. “Mahal din kita, Levi. Sobra.”

Ngumiti si Levi nang malungkot at pinunasan ang luha sa mga mata niya.

“Sssh, don’t cry,” sabi nito. “Basta sa susunod na ma-i-in love ka, siguraduhin mong kaya ka niyang mahalin gaya ng pagmamahal ko sa ’yo. Don’t settle for less, Nash. Hinding-hindi kita makakalimutan. Ikaw ’yong ala-ala na lagi kong babalik-balikan.”

Lalong tumulo ang luha ni Nash. Sobrang hindi na niya kaya. If Levi would ask him to go away with him, he might come with him. Nilalamon siya ng emosyon niya.

“Puwede bang mag-request?” Nash asked.

“Hmm?” Levi asked. Pulang-pula na ang pisngi nito at pinipigil ang pagluha.

“Puwedeng pa-hug?” Tanong niya.

Bahagya silang natawa pareho pero ang mga mata nila ay lumuluha.

“Of course,” Levi answered. “For one last time?”

“For one last time,” Nash answered.

Agad siyang niyakap ni Levi at nang ipatong nito ang ulo nito sa balikat niya, Nash lost it. Niyakap niya ito nang mahigpit at ganoon din ang ginawa nito. Just few minutes later, pareho na silang umiiyak sa bisig ng isa’t isa.

Paano niya malilimutan ang specific scent nito na gustong-gusto niya?

Paano niya malilimutan ang warmth sa bawat yakap nito na nagbibigay sa kaniya ng assurance?

Paano niya ito malilimutan?

Levi planted a kiss on his neck and hugged him tighter. Hinawakan nito ang likod ng ulo niya at malumanay na hinimas iyon.

“Thank you for being my almost, Nash,” bulong ni Levi. “My almost boyfriend. Almost husband. Almost endgame. The almost that started but never really happened.”

———

REIGN.

Matapos ang nangyari sa awarding, hindi na nakita pa si Everleigh sa campus. Hindi rin ibinigay sa kaniya ang award at pag-uusapan daw ng school officials ang nangyari pero alam naming hindi na iyon ibibigay pa sa kaniya.

Maagang umalis si Levi dahil may shooting ito overseas at doon magpapalipas ng sembreak. Si Nash naman ay hindi namin mahanap. Mabilis daw itong umalis at walang pinansin.

Si Reese naman ay hindi na pinakawalan ni Missi. Napakarami nitong tanong at halatang na-miss ang kaibigan.

“Reign, ’di ka ba sasama?” tanong ni Reese sa akin. “Kakain kami.”

She looked stunning. Bagay na bagay sa kaniya ang styling niya ngayon.

Umiling ako. “May gagawin pa ako, kayo na lang.”

“Sige, next time na lang. Habol ka ’pag nagbago isip mo ha,” sabi nito sa akin.

Tumango ako. “Si Sir Ivan pala?”

“Nasa faculty, hinahanap ’yong favorite ballpen niya. Naiwan niya raw. Medyo materialistic din kasi ’yon, hindi lang halata.”

Tumangu-tango ako.

“MISSI, ON THE SPOT QUIZ BEE, READY?!”

Pati ako ay nagulat sa pagsigaw ni Reese. Ang sudden niya.

“Aye aye, madam!” Sagot ni Missi.

“Spell MINE!”

“M-I-N-E!”

“Spell SIDE!”

“S-I-D-E!”

“Now, spell MISSISSIPPI!”

“M-I-S-S-I-S-S-I-P-P-I!”

“AAAAAAAAAAH!”

Nanlaki ang mga mata ko. Nagtatatalon at nagtilian ang dalawa. Napatakip ako ng bibig.

MISSI SPELLED HER NAME CORRECTLY!

“Gulat ka, ’no?” Tanong ni Missi sa akin at tuwang-tuwa.

“Matagal naming pinractice ’yan,” dagdag ni Reese.

Muli silang nagtilian at hindi ko maiwasang matawa at mapailing. Nang mahimasmasan ay nagpaalam na sa akin ang dalawa.

“Buh-bye!” paalam ni Missi.

Ilang segundo lang ay umalis na ito kasama si Reese. Pinanood ko sila.

“Ang yaman ko na, ang sexy ko na, ang ganda ko na, marunong pa ’ko mag-spell. Kabahan na ang West Carson High next sem!” Rinig kong sabi ni Missi. Ang ingay nila ni Reese sa corridor.

Maya-maya lang ay may naalala ako.

“Reese!” Tawag ko at lumingon naman siya.

“Yup?”

Ngumiti ako. “Salamat.”

Reese gave me a flying kiss. We laughed. Umalis na sila at pinanood ko silang mawala sa paningin ko.

Saktong pagtalikod ko papunta sana sa lockers area ay nakita ko si Braelyn. Parang hinihintay niyang maging mag-isa ako. Lumapit siya at huminto sa tapat ko.

“Hi,” bungad niya.

“Hi,” sagot ko. “Buti um-attend ka ng awarding.”

“Oo, e. Tapos na rin ang suspension ko,” Braelyn answered.

Tahimik kaming pareho. I felt the awkwardness.

“Hindi ko na patatagalin pa,” sabi ni Braelyn. “Grey is waiting for you.”

Tiningnan ko siya. Hindi ko iyon in-e-expect.

“Nasa likod ng school si Grey, malapit sa arcade.”

Wait. Doon kami unang nagkita dati. Noong nasa mission ako at iniligtas niya kami kasama si Levi.

“B-Bakit daw?” Tanong ko.

She shrugged. “He thought doon ka dumaraan. Hinihintay ka niya, baka may dapat kayong pag-usapan.”

“Bakit mo sinasabi sa ’kin ’to?” Tanong ko.

“I don’t know,” sabi ni Braelyn at mapait na ngumiti. “Siguro… to lessen the guilt?”

Pareho kaming natahimik.

“’Yon lang. I just… thought I need to let you know.”

From that moment, Braelyn walked passed me. I was about to call her but she called my name first.

“Reign,” bungad niya. “Okay lang ba kung hindi ako mag-sorry?”

Nilingon ko siya at tiningnan sa mga mata.

“I’m still in the process of acknowledging my wrong deeds. Okay lang bang mag-apologize ako ’pag hindi na ’ko in denial?”

Sa totoo lang, hindi ko alam ang isasagot.

“I hope… ’pag dumating ’yong araw na ’yon, mapatawad mo pa ’ko.”

“That’s fine,” sagot ko. “As long as you’re trying, you’re not failing yet. Masaya na ’kong kahit papaano ay na-a-acknowledge mo na ang maling nagawa mo.”

Braelyn smiled at me, and I did too.

It’s sad to see that some relationship ends just because the friendship turns into a competition.

“Sige, una na ’ko,” pagpapaalam niya.

“Ingat,” tugon ko.

Pinanood ko siyang mawala sa paningin ko bago ako umalis. Nakakapanghinayang.

Sa paglalakad ko, gaya ng sinabi ni Braelyn, ay naroroon nga si Grey sa labas ng arcade building kung saan kami unang nagkita.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan siya. He looked healthier than before.

Lumapit ako sa kaniya at kinalabit siya. Bahagyang siyang nagulat paglingon niya.

“Oh, hi,” bungad ni Grey at titig na titig sa mga mata ko. “Why are you here?”

Hindi talaga magaling magsinungaling si Grey.

“Uuwi na. Nakita kita kaya lumapit ako,” pagkukunwari ko rin. “Umalis sila Reese ah, hindi ka sasama?”

“Niyayaya nila ako,” sagot niya. “Pero hindi ako sumama.”

Natahimik kaming dalawa at ramdam namin ang awkwardness. Doon ko napansing mahaba-haba na rin pala ang buhok ni Grey. In fact, halos aabot na nga sa mata niya ang bangs niya.

Seeing our height difference, I almost chuckled. Mayroong specific aura si Grey na kapag kasama mo siya, feeling mo sobrang safe mo. That’s something I adored about him.

“Reign…” sabi ni Grey at nakatingin lang sa mga mata ko.

“Yes?” tanong ko at tiningnan din siya sa mga mata.

“Okay lang bang mag-usap tayo habang naglalakad?” tanong niya at tipid na ngumiti. “Comfortably.”

Tumango ako. Nagsimula kaming maglakad. Hapon na rin at papalubog na ang araw. Malamig na rin ang hangin at busy na ang lugar dahil uwian na ng mga estudyante at mga empleyado.

“Kumusta ka?” panimula niya.

“Hindi ganoon ka-okay pero puwede na,” sabi ko at bahagyang natawa. “Ikaw ba?”

“Doing better,” sagot ni Grey. “A lot better than before.”

Ngumiti ako. “I’m glad to hear that.”

“Naging mas close kami ni mommy. Hindi na rin siya umiiyak madalas ’di gaya noon,” he followed. “I think graduate na siya sa drama class niya.”

Natawa kami pareho.

He really seemed happy. Mas maaliwalas tingnan si Grey ngayon. Ang sarap sa pakiramdam na nagbunga ang lahat ng sakripisyo namin.

“I think best actress ang mom mo?” Pagbibiro ko.

“Best Actress of the decade, I suppose,” sagot niya.

We grinned. Finally, kumportable na ulit kami sa isa’t isa.

“Alam ko may ginawa si mommy noon kung bakit mo ako iniwan,” Grey started. “Alam kong kinausap ka niya.”

Nawala ang pagkakangiti ko nang simulan niya iyon. Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Hindi ko alam kung handa ba ako.

“Alam kong may sinabi siya sa ’yo. Kilala ko ang mommy ko, I know how she works. Kaya alam kong nagsisinungaling ka noong sinabi mong hindi mo ako minahal.”

Grey was as calm as the sea. Wala sa boses niya ang galit o sakit.

“How did you know?” I asked.

“I just know, Reign,” he said and smiled a bit. “You used to look at me as if I was the most beautiful man in your eyes.”

Hindi ko alam kung kaya ko bang pag-usapan iyon.

“Alam kong may rason ka kung bakit ka pumayag sa gusto ni mommy. Wala akong ideya kung gaano ’yon kabigat to the point na pumayag ka, ang alam ko lang ay valid ’yon.”

I met Grey’s eyes.

“You don’t need to explain or to feel sorry at all. Masaya ako na pinili mo ang sarili mo. You look happier now. You look better now than before. You glow differently this time.”

“Ikaw din,” sagot ko. “Mas naging masaya ka.”

“Hindi ko alam kung dapat bang sabihin ko ’to pero noong naghiwalay tayo, ang daming nagbago. Naging okay kami ni mommy, natanggap ko ang past ko, at nagkabati kami ni Lyle. Ang hirap lang tanggapin na kinailangan pa nating maghiwalay para lang maging masaya tayo pareho.”

“Pero nagbunga naman, ’di ba?” tanong ko at malungkot na ngumiti. “Sulit ang lahat ng sakit at iniyak natin. Hindi man natin gusto ang naging proseso, naging okay naman ang resulta. Pareho tayong naging masaya.”

“Masaya nga ba o natanggap lang natin na hindi talaga tayo para sa isa’t isa?” tanong ni Grey.

Beat.

“We were so in love. Ni-hindi sumagi sa isip ko na ganito ang wakas para sa ’tin,” sabi ni Grey at malungkot na ngumiti. “Nakakapanghinayang.”

“Lumaban naman tayo,” sagot ko. “Hindi lang talaga kaya.”

“Hindi natin kinaya kasi baka hindi talaga puwede. Kaya kahit anong pilit natin, pareho lang tayong nasasaktan. I prefer to see you happy without me than to see you suffer just to call it love.”

“Then we agree,” sabi ko at huminto sa paglalakad. “That this is the best ending for us.”

Tumango si Grey at huminto rin. Bahagya kaming natawa. Nakatingin na lang kami sa mata ng isa’t isa at nangiti kinalaunan.

“Thank you for coming into my life, Reign. Hindi kita malilimutan,” sabi niya. “Whenever I look back at my youth, ikaw at ikaw ang maaalala ko.”

I smiled back at him. But this time, there was no more pain. It was a smile full of nostalgia and contentment.

“Thank you for being my once upon a time, Grey,” sabi ko. “Please be happy.”

“I will,” sagot niya. “With all pleasure.”

Ngumiti kami sa isa’t isa. Sa dami ng pinagdaanan naming dalawa, masaya ako na tanggap namin ang lahat at walang pinagsisisihan.

“Naaalala mo dati?” Tanong niya. “Dito tayo unang nagkita. Noong tumakbo tayo pareho palabas ng arcade, tapos binigyan kita ng band aid kasi may scratch ka sa bridge ng ilong mo.”

Suddenly, that memory flashed on my mind as if it happened just few minutes ago.

Naaalala ko pa ’yong dumating si Grey dala-dala ang soccer ball niya para iligtas ako sa arcade sa kamay ng mga sindikato.

’Yong panahon na hinatak niya ang kamay ko at sabay kaming tumakbo paalis dahil paparating na ang mga pulis.

Naalala ko pa kung paano siya nagpakilala.

Inilahad ni Grey ang kamay niya at tiningnan ako sa mga mata.

“I’m Grey,” sabi niya. “And you?”

I met his eyes and I looked down after. Bawal kami

makipagkilala

ng

mga undercover

dahil baka

mahuli

kami.

Unti-unti niyang binawi ang kamay niya.

“I’m sorry,” I said.

“It’s fine,” he said. “I understand.”

Tiningnan ko siya at ngumiti siyang muli.

“Uuwi ka na niyan?”

Tumango ako.

“Cab?” tanong niya.

“Jeep siguro,” sabi ko.

Ngumiti siyang muli. “Sakto.”

Maya-maya’y may

pinara

siyang jeep.

“This is where we part ways, I guess,” sabi niya.

“Sure. Thank you, Grey.”

“No worries, Ms. Unknown,” sabi niya na

ikinangiti

namin.

Akmang papasok na ako nang magsalita siya.

“The next time we see each other, promise me you’ll tell me your name.”

Huminto ako at lumingon. Hindi ko malaman ang sasabihin ko.

“Silence means yes, then,” he said and he smiled widely. “Go on.”

Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na kami unknown sa isa’t isa.

“We parted ways to meet again before, but this time, we part ways for good,” Grey said. “Dito kita nakilala, dito rin kita pinapalaya. Salamat, Reign. Sa lahat-lahat.”

Pakiramdam ko ay maiiyak ako. “Salamat, Grey.”

“Sige na,” sabi ni Grey. “Alam kong hinihintay ka na ni Lyle.”

I looked at him, confused.

“You promised you’ll go to the amusement park with him,” pagpapaliwanag ni Grey nang makita ang pagkalito sa mukha ko. “Nasa amusement park na siya, hinihintay ka. Nakalimutan mo?”

Umiling ako. “I know.”

“You may go now, Reign,” he said. “Magpapahangin lang muna ako rito. Mamaya pa siguro ako uuwi.”

“Are you sure?”

He nodded. Nagpaalam na ako sa kaniya at nagsimulang maglakad. Tumutugtog na ang Binibini by Zach Tabudlo mula sa isang store.

Nakakailang hakbang na ako nang matigil ako dahil tinawag ako ni Grey.

“REIGN!” He shouted.

Akmang lilingon ako nang magsalita ulit siya.

“DON’T LOOK BACK!” He followed.

Huminto ako at hindi lumingon.

“Look straight,” utos niya.

Tumingin ako nang tuwid at hindi na nagtanong kung bakit.

“From now on, ganiyan lang dapat ang tingin mo. Look at what’s ahead of you, focus on your path. Don’t look back at me—don’t let what happened in our past to hold you back. Move forward, Reign. Choose yourself, always.”

I felt tears in my eyes. Nagsimula akong maging emosyonal.

“Walk free now. You deserve the freedom.”

Nagsimula akong humakbang at doon na tumulo ang luha sa mga mata ko. Pero hindi kagaya noon na umiiyak ako dahil sa sakit at lungkot, ngayon, masaya ako. Masaya ako na tapos na ang lahat. I felt contented.

I couldn’t ask for more.

Siguro nga, hindi sapat na mahal lang namin ang isa’t isa. Dapat ay tama rin kami para sa isa’t isa. We found each other when the both of us were broken. No wonder why we ended up getting hurt no matter how much we try.

Alam kong maswerte ang susunod na mamahalin ni Grey. Sana, maging mabuti na sa kaniya ang pagkakataon. He was too good for me, but it’s such a shame that we met when everything was against us.

Siguro nga, bridge lang namin ang isa’t isa. Bridge na huhulma sa isa’t isa. It was an honor to fall in love with him, and to be loved by him. Wala akong pinagsisisihan.

Nang pumunta ako sa amusement park ay natanaw ko agad si Lyle dahil sa tangkad niya. Suot pa rin niya ang school uniform pero ang polo niya ay pinatungan niya ng hoodie niya.

Nasa labas siya ng amusement park at may hinihintay. May hinahanap ang mata niya mula sa malayo at maya-maya’y titingin sa phone niya.

Tiningnan ko lang si Lyle mula roon. Matagal ko nang alam na gwapo siya pero iba ang dating niya ngayon. Lalo na’t nagpagupit siya at hindi na natatakpan ng bangs ang mga mata. He was oozing with charisma kahit na uniform lang ang suot at ang bilog niyang salamin.

Walang emosyon ang mukha niya pero nang mapatingin sa direksiyon ko at makita ako ay napangiti siya.

Kumaway siya sa ’kin at ganoon din ako. We walked towards each other and met halfway.

“Kanina ka pa?” tanong ko.

Tumango siya. “Ang tagal mo.”

Bahagya akong natawa. Normally na maririnig ay ‘kararating ko lang din’ pero heto si Lyle at hindi mapigilan ang sarili sa pagiging straight forward.

“Sorry, may inasikaso lang ako,” sabi ko.

“No, it’s okay. I waited for you for eighteen years, ano ba naman ’yong fifteen minutes?”

My eyes widened. “Alam mong naririnig kita, ’di ba?”

“Oo. Pinaparinig ko naman talaga sa ’yo,” ganti niya. Tumaas ang sulok ng labi niya nang makitang na-speechless ako roon. “Let’s go, dumarami na ang mga tao.”

Hinawakan ako ni Lyle sa braso at niyakag papasok ng amusement park. Tiningnan ko ang pagkakahawak niya sa akin. For unknown reason, I just smiled it off.

Hindi ko na alam ang nangyari sa loob ng amusement park. Kung anu-ano ang mga sinakyan namin at wild rides lahat dahil sa kayabangan namin pareho.

“Deal oh, bawal sumigaw,” sabi ko.

He scoffed. “Call!”

Nang sumakay kami sa windmill ride, sa unang pagkakataon ay narinig kong tumili si Lyle.

Tawa ako nang tawa pagbaba namin at siya naman ay pulang-pula.

“Hindi ako tumili on my will, kinurot ako, kinurot!” pagdadahilan niya.

Pero ayaw kong maniwala kaya lalo siyang nabanas.

“Akala ko nanganganak ka na kanina,” sabi ko at tawang-tawa. “Daig mo pa nag-l-labor.”

“Sumakay tayo sa kamikaze ride. Tingnan mo, hindi ako titili!”

And we did. Hindi nga siya tumili dahil nagpalakasan naman kami ng sigaw.

Pagbaba namin ay pareho kaming hinang-hina. Humiga pa si Lyle sa sahig kasi umiikot daw ang paningin niya. Hinihila ko siya sa braso para tumayo pero ayaw niya. Humiga rin ako kasi tumutumba na ako. Tawa lang kami nang tawa habang pinagtitinginan ng mga dumaraan.

Nang mahimasmasan ay nag-bump cars kami. May nakaaway pa si Lyle na mga bata kasi masiyado siyang malaki para sa mga kotse. Pinagtutulungan tuloy siya ng mga bata at cino-corner ang kotse niya at sabay-sabay na binabangga. Inaasar pa siya ng mga ito na ‘damulag’.

Sa dulo ay inilibre niya ang mga bata ng cotton candies para hindi na siya asarin. Tanggap niya ang pag-gang up ng mga ito sa kaniya at pagbangga sa kotse niya kanina sa bump cars pero hindi ang pagtawag nila sa kaniya ng damulag.

“Grabe, salitang damulag lang pala makakapagpatiklop sa ’yo?” Pang-aasar ko sa kaniya habang kumakain kami ng cotton candy.

“I said stop calling me that, ang pangit sa pandinig,” angal niya at banas na.

“Damulaaaag!” Pang-aasar ko ulit at sumubo ng cotton candy.

Marahas na ang pagnguya ni Lyle. “Isa pa.”

“Damulag?” sagot ko.

“Akin na ’yan,” hinablot niya ang cotton candy sa kamay ko. “Ako ang bumili nito.”

Tumayo siya at iniwan ako. Tinatawag ko siya pero hindi niya ako nililingon. Natatawang sinundan ko siya.

It was one of my happiest nights in this city. Hindi ko iyon maitatanggi. Sa buong oras ay nag-enjoy talaga ako. Noong una ay iniisip ko kung paano ko i-l-lighten up ang atmosphere in case na tahimik lang si Lyle pero natural lang na nangyari ang mga bagay-bagay. Walang awkward atmosphere, kumportable kami sa isa’t isa.

Sinubukan naming mag-bingo at maya-maya ay sinisiko niya na ako.

“Bakit ba?” Tanong ko at medyo iritable na dahil ang laki na ng natatalo ko.

“Bingo na ’to, ’di ba?” tanong niya.

Nang tingnan ako ay bingo na nga siya.

“Huy! Bingo na ’to! Ba’t ’di ka nagsasabi?” tanong ko.

“Hindi ako marunong,” sabi niya.

“Magsabi ka na, dali! Sayang ’pag may nag-bingo pang iba, may kahati ka!”

“Paano ba?” Tanong niya.

“Taas mo kamay mo tapos sigaw ka ‘Darna!’”

Kumunot ang noo ni Lyle at tiningnan ako. “Ganoon ba ’yon?”

“Oo, dali!” Sabi ko at tinatapik na siya sa braso. “Bilis!”

“Parang hindi naman ganoon ’yon?” Takang tanong ni Lyle at walang tiwala sa akin.

“Bilis na kasi,” Iniangat ko na ang braso niya. “Sigaw ka na.”

Tiningnan ako ulit ni Lyle at ayaw magtiwala.

“Dali!”

Tumingin siya sa announcer at hindi maipinta ang mukha.

“DARNA!”

Lahat ay tumigil at napatingin sa kaniya.

Asar na asar si Lyle habang naglalakad kami paalis ng binguhan at ako naman ay tawa nang tawa. E, paano, kailangan mo lang kumatok sa table ’pag bingo ka na. Hindi mo kailangang sumigaw ng darna. Malay ko bang maniniwala siya?

“Uuwi na ’ko!” sabi ni Lyle at hindi ako pinapansin.

“Hoy, ’wag ka namang banas,” sabi ko at sinusundan siya.

Huli kaming pumasok sa photo booth. Masikip sa loob kaya sobrang dikit kami sa isa’t isa. Nag-flash ang camera at mukha kaming tanga dahil mukha kaming kawawa sa mga pictures. Nakatingin lang kami sa camera at walang emosyon. Para kaming nagpa-picture para sa passport.

“Try kaya natin mag-pose, ’no?” sabi ko. “Baka lang naman.”

And we did. It was awkward at first but we became comfortable with doing poses after.

Sa huling minuto naman ay naramdaman ko ang kamay ni Lyle sa bandang pulso ko. Umangat iyon hanggang sa tuluyan na silang nagdikit.

I smiled at the camera just like him, while our hands were touching each other underneath.

Flash from the camera followed.

Matapos ang halos dalawang oras na pamamalagi namin sa amusement park ay lumabas na kami. Pareho kaming pagod pero kita sa mga mukha namin na nag-enjoy kami.

“Oh,” sabi ni Lyle at iniabot sa akin ang mga litrato. “Souvenirs.”

Kinuha ko iyon. Apat ang mahahabang litrato na mayroon kami at sa akin niya ibinibigay ang tatlo.

“Bakit tatlo sa ’kin?” tanong ko.

“Para hindi mo makalimutan ang mukha ko during sembreak,” sagot ni Lyle at ngumiti.

“Tss…” Pabiro kong sabi. “Dati lang sobrang suplado mo ngayon nagbibiro ka na.”

“I’m comfortable with you, that’s why,” Lyle said while looking at the pictures.

Tiningnan ko siya at nakangiti niyang tinitingnan ang mga litrato. Umihip ang malamig na hangin. I shivered.

“Lyle…” sabi ko.

“Hmm?” tanong niya.

“I’m sorry,” sabi ko bigla.

Tiningnan niya ako. Halatang nagulat siya roon.

“Sorry kung masama ang tingin ko sa ’yo noon,” I followed. “Sorry kung lagi kitang pinagbibintangan. That was so wrong of me. Being with you now, I realized na sobrang buti mong tao. You laugh over small things once you get comfortable. I’m sorry for misunderstanding you.”

“Sanay na ako. Ganyan naman parati,” sabi niya. “Pero minsan, mahirap din. Lalo na kapag alam mong na-m-misunderstand ka lang pero hindi mo madepensahan ang sarili mo sa kanila. But it’s fine, Reign. At least, nagbago ang tingin mo sa ’kin. Okay na ’yon.”

Ngumiti ako. “Nag-enjoy ako tonight.”

“Ako rin,” sabi ni Lyle. “Kung… kung may susunod pa sana… that’ll be cool.”

Napakamot siya ng leeg at napansin kong namumula na ang tainga niya. “Pero kung busy ka… okay lang.”

Hindi ako kumibo. Natahimik kami pareho. Lyle cleared his throat.

“Hatid na kita?” tanong niya.

“’Wag na. May dadaanan din kasi ako. Ikaw ba, saan ka susunduin ng driver mo?”

“Sa may tawid.”

Tumango ako. “Okay. Una na ako?”

“Sure, sure,” sagot ni Lyle. “Gaya ng dati. I’ll watch you walk away.”

Hindi na ako umalma. “Thanks for tonight, Lyle. I had fun.”

“Likewise,” he said. “Ingat ka, ha.”

Tumango na lang ako. Naglakad na ako paalis.

“Reign!” Tawag ni Lyle.

Tumigil ako at lumingon.

“Thank you,” sabi niya. “Thank you for not being awkward around me. Thank you for allowing me to love you like this.”

My lips parted.

“’Wag kang mag-alala, hindi ako umaasa. Hindi mo kailangang ma-obliga, ma-guilty, o ma-pressure. Okay na sa ’king nakakasama kita. I’m a low maintenance guy, you don’t need to worry about me. I’ll just love you silently.”

He smiled weakly at me.

“It felt like I needed to say that,” Lyle added.

We remained looking at each other and no one was dodging an eye contact.

“See you after sembreak, then,” sabi niya.

Napalunok ako.

“See you…” tugon ko.

Pinanood ako ni Lyle na umalis at hindi na ako lumingon pa. I just lied to Lyle. Hindi niya alam na baka iyon na ang huling beses na makikita niya ako.

Naglakad ako nang mabilis at imbis na dumiretso dahil doon ang daan papunta sa unit ko, lumiko ako at agad na nakita ang itim na kotse.

Lumapit ako roon. Nang buksan ko ang pinto niyon ay tumambad ang dalawa kong kapatid.

“ATE!”

Niyakap ako ng dalawa. Inihatid sila sa akin ng taong kumupkop sa kanila at nag-offer pang ihahatid kami sa bus station. Hindi na rin ako tumanggi dahil pagod na rin ako. Nag-impake na rin ako kagabi at nasa kanila na ang mga gamit ko. Sa kanila rin ako tumuloy kasi isinauli ko na ang unit ko kay Prosecutor Jax.

Ito ang dahilan kung bakit hindi na ako babalik. Tapos na ang mission ko at nagawa ko na ang lahat ng dapat kong gawin sa lugar na ’to. Uuwi na ako sa probinsiya, sa side ni mama, at makikitira sa tiyahin namin. Sa pera na naipon ko dahil sa pagiging undercover sa West Carson High, kahit papaano ay makakapagsimula kami at makakapag-aral.

Narating namin ang bus station at inabutan pa kami ng pera ng kumupkop sa mga kapatid ko. Pilit kong tinanggihan dahil grabe na ang mga itinulong nila sa amin pero nagpumilit sila. Para naman daw iyon sa mga kapatid ko. Tinanggap ko na lang din sa dulo.

Nasa loob na kami ng bus at umandar na iyon. Halos pitong oras ang biyahe at buti na lang ay nakapamili ako ng mga pagkain kaninang umaga. Pagod ang dalawa kong kapatid kaya pagkatapos magharutan ay pareho silang nakatulog.

Reflecting about my stay in West Carson High, it was a blast. Hindi pala por que mayaman ka ay wala ka nang problema. May mga problema rin palang hindi naaayos ng pera.

Kagaya ni Braelyn na nilamon ng insecurities at nakagawa ng mga bagay na alam niyang hindi bukal sa puso niya.

Kagaya rin ni Nash na hanggang ngayon ay iniisip kung paano niya itatago sa mapanghusgang lipunan ang totoong siya.

Si Missi na namumuhay sa hindi naman niya katauhan.

Si Reese na kilalang malakas kaya ’pag may problema, sinasarili niya.

Si Grey na kahit na gaano kalupit ang mundo sa kaniya, pinili pa rin niyang maging mabuti.

Si Lyle na sinasarili ang mga problema dahil naging defense mechanism na niya ang pagiging intimidating para pagtakpan ang vulnerable side niya.

Si Levi na hinahanap ang kalinga ng magulang sa ibang tao.

At si Everleigh na ang gusto lang ay maging malaya.

Lahat tayo ay may kanya-kanyang pinagdadaanan. Whether a big thing or a small thing, the main point is we are all hurting. And the best thing to do? Be kind. Always.

Napatingin ako sa TV dahil may ibinabalita roon. My eyes widened when I saw Prosecutor Jax. Tungkol iyon sa kaso ni Hale. I-a-announce na nila ang balita tungkol sa kaso.

Napatayo ako at napahawak nang mariin sa gilid ng upuan.

“Please Prosecutor Jax…” pagmamakaawa ko sa hangin. “Please choose what’s right…”

———

THIRD PERSON POV.

Matapos pumunta sa amusement park ay dumiretso si Lyle sa lugar kung nasaan si Prosecutor Jax para malaman ang kinahinatnan ng kaso. Ngayon na rin kasi ang announcement niyon.

Reese, Missi, Braelyn, Grey and Ivan were there too. Levi, on the other hand, was watching it live through his phone inside his car. Nanunuod naman si Nash sa TV sa loob ng company building nila. Si Everleigh ay nakatutok sa labas ng isang shop, wala pa siyang lakas ng loob na umuwi. Si Reign naman ay sa loob ng bus.

Lahat sila ay nakatutok. Lahat ay inaabangan ang resulta. Buong bansa ang naghihintay.

Kumpulan ang mga tao sa labas. Naroroon ang mga reporters, ang sambayanan, at ang pamilya ni Miss Jess.

Hindi mapakali si Lyle. Grabe and tensiyon na nararamdaman niya.

Lahat ay napasinghap nang bumukas ang pinto. At sa pagkakataong iyon, isang babae ang lumabas.

“WHAT?!” Reaksiyon ni Missi at Reese. “HOW?!”

Nang huminto ang babae sa gitna at inulan ng flashes mula sa mga camera ay ngumiti ito. Tumingin ito sa direksiyon ng 12-A at lalong lumawak ang pagkakangiti na parang nangungutya.

“Jal…” bulong ni Lyle habang nakatitig dito.

Bago pa niya ma-process ang nangyayari, dalawang lalaki ang lumabas mula sa pinto. Ang isa ay ang defense attorney at ang isa ay si—

“Hale…” bulong ni Braelyn.

Parang tatakasan silang lahat ng bait.

Huminto rin si Hale at ang attorney nito sa gitna kasama si Jal. Kumakaway ang mga ito sa mga camera at inuulan ng mga tanong.

“Maraming-maraming salamat po sa lahat ng naniwala sa akin,” sabi ni Hale. “Kung hindi dahil sa inyo, baka naging biktima na ako ng mapaniil na sistema. Tama nga sila. May pangil pa rin ang batas.”

Marami ang nag-cheer para sa kaniya. Umiyak nang todo ang pamilya ni Miss Jess.

Napaurong si Lyle. Nanginig ang labi niya sa sobrang galit. Isa lang ang ibig sabihin nito…

Sumunod na lumabas si Prosecutor Jax at si Detective Howell. Inulan ang mga ito ng mga tanong. Nang magawi ang tingin ni Jax sa kaniya ay lalong lumungkot ang mukha nito.

“Patawad,” Jax mouthed at him.

Nangilid ang luha sa mga mata ni Lyle.

Malaya na si Hale at Jal.

PROSECUTOR JAX DISMISSED THE CASE.

———

REIGN.

“Hale Parker is innocent.”

I expected it pero nakaka disappoint pa rin.

Hati ang opinyon ng mga tao sa bus. May mga umaangal pero mas marami ang nagbubunyi dahil tingin nila ay inosente si Hale.

Ang sabi sa interview, Prosecutor Jax dismissed the case due to the lack of irrefutable evidence. Ang sabi naman ng defense attorney ni Hale, may malakas daw na ebidensiya na walang foul play at nag-suicide daw si Miss Jess base sa diary entries nito.

Kita pa sa footage ang pag-iyak ni Jal at Hale. Mukhang aping-api ang dalawa.

Napa-upo ako at huminga nang malalim. Pakiramdam ko ay maiiyak ako sa sobrang galit.

I felt sick. Nakakatakot isipin na marami ang kagaya ni Hale na malaya kahit na may krimen na ginawa.

Indeed, no one is the above the law—except for those who made them.

Marami ang kagaya ni Hale na nakakalaya dahil sa kapangyarihan.

Marami ang kagaya ni Miss Jess na hindi nakukuha ang hustisya kahit na may mga ebidensiya pa.

Marami ang kagaya ni Prosecutor Jax na nagbulag-bulagan na lang dahil makikinabang siya.

At marami ring kagaya ko—natin—na biktima ng sistema.

Nakakatakot. Nakakasuka. Nakakapangilabot.

Tiningnan ko ang dalawa kong kapatid na natutulog.

Ito ba ang mundong ipapamana natin sa mga susunod nating pamilya? Ito ba ang mundo na gusto nating kalakihan natin at ng mga susunod na henerasyon? Hanggang kailan natin dapat mangamba?

Just because it happens often doesn’t mean it’s right.

Hihintayin mo ba na ikaw o ang pamilya mo ang susunod na Miss Jess para lang makialam ka at magkaroon ng pake na baguhin ang sistema?

I want you to be alarmed. I want you to know that shit like this happens. I want you to be terrified enough to make movements.

Hindi pa huli ang lahat. Tayo ang babago sa sistema.

The world is cruel.

The world is unfair.

But the question is: Will you change the world or will the world change you?

This is undercover 092, signing off… for now.

THE END.

CATCH ME ATTORNEY BOOK!

“If I fall for you, will you Catch Me, Attorney?”

CATCH ME, ATTORNEY (Law Series #4) book cover reveal ⚖️

Book price: Book 1 & Book 2 (Php 1,439.00 until March 10, 2023, 10 percnt. dscount).

Original price: 1,599 576 pages each book

Cover: Matte Laminated Cover, Embossed Title, With Flap. WITH DIGITAL SIGN.

Inclusions:

Pin Bookmark Photocards Letter from the Author.

Pre-order period: February 17 - May 16, 2023. Release: July 13, 2023.

To secure your copy, please shoot Precious Express,

Precious

Negosyo or Precious Pages Bookstore a message on Facebook.

Pwede ring mag-order through PHR’s Authorized Resellers.

Shop well, unveilers! Lyle, Reign and Grey are waiting for you! ♡

STAY ALIVE TEASER

After the downfall of the Eagle Cult, the sun has risen again.

To be honest, hindi iyon naging madali. Kapalit ng hustisyang matagal na naming ipinaglaban ay ang pagkawala ng mga importanteng bagay sa amin.

We lost our jobs. We lost our sanity.

Hanggang ngayon, pinipilit pa rin naming bumalik sa normal naming pamumuhay at i-redeem ang sarili namin.

It wasn’t easy.

It will never be easy.

The Death Chasers won the war but deep within us, with the fall of the great Newt Dahmer, alam naming hindi iyon ganoon ka-fulfilling.

Kaya heto kami, sinusubukang i-enjoy ang buhay para kung pinanlnood man kami ni Newt ay masasabi niyang worth it ang sakripisyo niya at hindi siya mapa-“P*TANGINAAAA” kung nasaan man siya.

Napangiti ako nang tingnan ang group chat namin. Kitang-kita kung paano sinusubukang mag-heal ng bawa’t isa.

Neska, who used to have this unlimited dumb bitch energy, became a judge.

Si Andrius naman ay nag-resign para i-fulfill ang pangarap niyang maging doktor. Balita ko, pumasok na siya sa med school.

Si Casper ay sakit ko pa rin sa ulo. Sa sobrang gusto niyang maka-move on kay Neska ay kung anu-anong kaso na lang ang tinatanggap niya para pre-occupied ang utak niya.

And the catch?

Pareho kami ng nakukuha. Kaya kung ilang beses na ba kaming nagharap sa korte at kinainisan ang isa’t isa, hindi ko na rin mabilang.

Si Tyler at Avery naman ay parehong jobless. Ang alam ko ay nag-invest itong dalawa habang nililibot ang mundo. Sa yaman ng dalawa, alam naming ’di na namin dapat mangamba.

Si Traise naman ay lalong naging popular na doktor. Lumalabas na nga rin siya sa TV para sa mga consultations.

Si Courtney naman ay nag-resign sa trabaho niya para mag-focus sa pagbubuntis niya. Naging maselan kasi ang kalagayan niya.

In return, nag-focus siya sa dati na niyang pangarap—ang magsulat ng mystery-thriller novel—na dapat pala ay hindi na niya ginawa.

Dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan ay doon nagsimula ang lahat.

Doon nagsimula ang bagong gulo.

Doon nagsimula ang bagong bangungot.

Kung ako ang tatanungin, isa lang ang naiisip kong naging puno’t dulo nito.

SI HEINZ.

With the secrets that Heinz himself tried to conceal, our lives were at risk again.

Pero sa pagkakataong ito, hindi na siya kalaban. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, we teamed up. Kung tama ba ang desisyon ko ay hindi ko rin alam.

“You will regret trusting me,” he once told me. “I promise you will.”

In the world where demons live among us, we must be vigilant.

We must trust no one.

And this time, we need to STAY ALIVE.

I am Aubrielle Baxter, the struggling yet hottest Prosecutor in town, and welcome to my world.

STAY ALIVE (Law Series #5)

Kill Me, Attorney Special Spin-off

December, 2021.

SEASON 2 PART 1

A/N: After 4 months of waiting, SEASON 2 is finally here! Join us on Twitter by using our tagline, “

CATCH ME ATTORNEY S2

’. Nagbabasa po ako ng tweets. Happy reading!

The pre-order for KMA (Law Series #3) ends on April 18th. Save your copies, unveilers!


REIGN.

“Miss Harriett, come in.”

My lips formed a shy and nervous smile. Hindi ko alam kung tama bang gawin ko ito o hindi. My brain wanted to pursue whatever it was but my heart wanted to run away.

For one last time, I heaved a sigh. Kung ano man ang maririnig ko at kung ano man ang gagawin ko matapos malaman kung bakit ako ipinatatawag ngayon, bahala na.

Pumasok ako sa loob ng office ng home room teacher ko. Saktong pagsara ko ng pinto ay ngumiti siya sa akin at pinaupo ako sa harapan niya. Umupo naman ako at nagpasalamat.

“So, Ms… Harriett… give me a minute, i-open ko lang ang file ha,” sabi niya at itinaas ang bilog at makapal niyang salamin habang nakatingin sa Computer niya.

Habang tumatagal ay lalo akong kinakabahan. Hindi ako mapalagay at halata iyon sa akin. Nanginginig pa nga ang tuhod ko at nagpapawis ang palad.

Napatingin ako sa salamin sa likod ng teacher ko at kitang-kita ko ang reflection ko-ibang-iba sa mukha ko noon. Noong mga panahong nasa Maynila pa ako.

Ang dati kong straight na buhok ay kumukulot na. Dati may bangs ako, pero ngayon wala na rin. Nakasuot ako ng puting uniporme at navy blue na skirt. Ibang-iba sa maroon na uniporme noon ng school na pinapasukan ko. Ibang-iba sa West Carson-

“Ayon, nakita ko rin,” sabi ng adviser ko at bahagya siyang natawa. Bata-bata pa ito pero masiyado nang malabo ang mata. “Kumusta ka, Reign? Kumusta ang klase?”

“Okay lang po,” sagot ko. “Kinakaya pa naman araw-araw. Minsan, mahirap ang klase pero walang hindi kakayanin.”

Lumawak ang ngiti nito sa akin. “Tiningnan ko ang records mo at base roon, nag-stay ka sa isang private school ng isang term. Hindi lang basta-basta private school, kung hindi top pick pa talaga at elites lang ang nakakapasok.”

I felt uneasy. Iyong ala-ala ng school na iyon ang gusto ko nang ibaon sa limot. Iyong mga tao na nakilala ko noon at ang mga pangyayari na nasaksihan ko ang mga bagay na ayaw ko nang balikan.

Pero sa buong isang taon na umalis ako ng school na ’yon at pumunta sa malayong probinsiya, para bang naging multo ang mga karanasan na ’yon na lagi akong dinadalaw. People will always ask me how was the experience. They thought that being surrounded by money was great but in reality, it was disgusting.

Lalo na kapag naaalala ko ang mga sikreto na hanggang ngayon ay walang ibang nakakaalam. Kapag nakikita ko sa balita na hanggang ngayon ay nag-p-protesta ang pamilya ni Miss Jess para sa katarungan niya. Kapag nakikita ko rin si Detective Howell at Prosecutor Jax sa TV, at nababalita ang pagiging isa sa largest company sa bansa ng Parker Holdings, naiiyak pa rin ako sa galit.

“Paano mo mai-co-compare ang West Carson High sa State University na mayroon tayo rito sa probinsiya?” Patuloy ng teacher ko. “Was it great?”

I wanted to say it was awful, sickening and wicked but my lips wouldn’t allow me to.

“Fantastic,” sagot ko na lang at tipid na ngumiti. “Siguro po lamang lang sa technology pero sa quality of teaching, same lang. Better pa nga tayo minsan.”

Natawa ang teacher ko at ngumiti lang ako nang tipid. Totoo iyon. Sa West Carson High, kahit saan may aircon. Sa amin dito, electric fan lang ang mga nasa rooms tapos minsan, sira pa. Sira rin ang flush ng mga toilet sa CR at kadalasan, walang tubig. Pero ang quality ng pagtuturo? Hindi mo maikukumpara.

Nakakalungkot lang isipin na maraming estudyante ang nagtitiis sa hirap para lang sa edukasyon. If only we have a better government who could do not just the bare minimum, our potential could be our biggest asset.

“Totoo ’yan. Laki rin ako sa hirap at noong nagturo lang ako sa private schools nakaranas ng high tech na mga bagay. Hindi nga ako marunong mag-print noon,” sabi ng teacher ko. “Anyway, Ms. Harriett, the reason why I called you here has something to do with your college education.”

“What about it po?” taka kong tanong.

“Alam namin ang hirap ng pag-aaral sa lugar natin. Araw-araw kailangan ng mga estudyante gumising ng alas cuatro ng umaga para mag-prepare para sa eskwela dahil umaalis ang unang bus ng alas singko. Kapag uuwi, kailangan nang maglakad dahil walang bus halos pabalik, lalo na sa inyo na mga taga looban. Mahina rin ang internet at kakaunti ang mga resources para sa pag-aaral-ang iba, kapos pa.”

Napatingin ako sa ibaba. Totoong-totoo iyon. Ayon na ayon ang nararanasan ko-namin ng mga kaklase ko-araw-araw.

“Monthly, nag-e-evaluate kami ng mga estudyante. Lalo na iyong mga top performer talaga. Gustuhin man namin silang hasain pero alam naming hindi namin kaya. Kulang na kulang kami sa resources kaya ang ginagawa ng school, ine-endorse namin ang magagaling na estudyante sa mga bigating eskwelahan para doon na mag-aral. At ikaw, Ms. Harriett, ang napili ngayong taon.”

Mabilis akong napatingin sa teacher ko. Kung sa gulat ba o takot, hindi ko mawari.

“Ako po?” tanong ko at nanlaki ang mga mata. “Bakit po ako?”

May inilahad itong papel sa harapan ko at tiningnan ko iyon. Ranking iyon ng mga estudyante sa buong school namin at ako ang number one.

My lips parted. Finally, nagbunga ang paghihirap ko!

“Seryoso ito, ma’am?” tanong ko at ngumiti na nang malapad. Hindi ko na ’yon mapigilan. “Ako po ang number one?”

“Yes, ikaw,” sabi nito at ngiting-ngiti rin.

Halos maluha ako sa sobrang saya. Hirap na hirap ako simula nang iwanan ko ang West Carson High at pumunta sa malayong probinsiya at tumira sa mga kamag-anak ng mama ko kasama ang mga kapatid ko. Hindi ko alam kung paano paiikutin ang pera para hindi na kami magutom ulit.

Kaya gamit ang pera na kinita ko bilang undercover, nagtayo ako ng water refilling station sa barangay namin. Noong una ay puro ako lugi pero awa ng Diyos, kahit papaano ay kumikita pa rin.

Pinagsasabay ko ang pag-aaral at pag-t-trabaho at sa sobrang hirap ng buhay, minsan nakakapagod na. Ang sabi ng marami, tumigil na lang ako sa pag-aaral at asikasuhin ang mga kapatid ko at ang business na itinayo ko pero dahil may pangarap ako, hindi ako tumigil.

That’s why seeing myself as the number one paid all the tears, sweat and blood that I invested.

“Congrats, hija,” sabi sa akin ng adviser namin. “Kaya dahil diyan, ikaw ang ni-recommend namin at in-endorse sa isang full scholarship program. Sagot ng school ang lahat. Lahat ng fees, accommodation, uniform, books, allowance-name it. Ang gusto lang nila ay after mo mag-aral, sa company ka nila magta-trabaho for at least three years. Ano sa tingin mo?”

Bigla akong natahimik. Nawala lahat ng excitement na nararamdaman ko kanina. The last time I received an offer as good as this, kinailangan kong lunukin ang prinsipyo ko at isugal ang buhay ko.

“That’s… too good to be true po,” sagot ko at halata sa boses ang bahagyang pagkadismaya. “Saan at anong school po ’yon?”

“Sa Manila, ’nak,” ngiting-ngiting sabi ng adviser ko. “Sa West Carson University.”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Manila. West Carson.

Iyon ang mga salitang matagal ko nang kinalimutan pero heto sila’t ayaw akong pakawalan.

After my talk with my adviser, hindi ako mapakali sa buong araw. Kahit sa lessons ay natatameme ako at wala sa sarili.

Sabi ng adviser ko, I only have few days to take the opportunity or leave it, otherwise sa ibang estudyante iyon mapupunta.

I badly wanted to take it. I needed an opportunity that would be the catalyst of change of my life. Ayaw ko nang magutom ako at ang mga kapatid ko. Ayaw ko nang pagdaan pa namin ulit ang mga pinagdaanan namin noon.

Pero kaya ko bang bumalik muli sa Maynila? Kaya ko bang bumalik sa lugar na trauma lang ang naging dulot sa ’kin?

Kaya ko rin bang tumagal sa West Carson University? Paano kung nandoon din ang 12-A? After ghosting them, anong mukhang maihaharap ko? Even to Lyle whom I promised to spend my Summer with.

Lalo na’t baka sinabi na sa kanila ni Everleigh na isa akong undercover at lahat sila ay parte lang ng mission ko.

Paano kung maging impyerno ulit ang buhay ko?

Buong klase, iyon at iyon ang inaalala ko. Hanggang mag-lunch break ay wala ako sa mood.

“Reign.”

Mabilis akong napalingon. Lumabas ako ng school para kumain sa carinderia sa malapit. Ngayon pabalik na ako sa room para sa last class.

Isang lalaki ang lumapit sa akin. My katangkaran ito at makapal ang kilay. Moreno ang kulay ng balat nito, dahil na rin siguro laking bukid at parating tumutulong sa mga magulang na kapwa magsasaka.

Ngumiti ito sa akin na para bang nahihiya. Doon lumabas ang puti nitong mga ngipin na isa sa mga assets nito.

“Bakit, Maki?” tanong ko. “May problema ba?”

“Wala naman,” sagot niya agad. “Sabi lang sa akin ni Gleny na wala ka raw sa mood sa klase simula nang ipatawag ka ng adviser n’yo. May problema ba? Tama ba ’yong hula natin?”

Kumunot ang ilong ko at tumango. “Oo, e. Ako nga ang napili para roon sa scholarship.”

Matagal na kasi niyang kutob iyon.

“Congrats!” excited niyang sabi at malapad ang ngiti. “E bakit ganiyan ang mukha mo? Dapat nga, e, masaya ka. Sabi ko naman sa ’yo, ikaw mapipili, e. Ang galing mo sa lahat ng bagay.”

“Ang sabi ng tutor ko?” sarcastic kong sabi at pareho kaming natawa.

Kapit-bahay ko si Maki at madali kaming naging close kasi parati kaming sabay na naghihintay ng masasakyang Bus papunta sa School kada umaga. Irregular student siya dahil pahintu-hinto sa pag-aaral, gawa ng minsan kinakapos sa pantustos.

Sa totoo lang, kung makakapag-focus siya sa pag-aaral without his economic status as the hindrance, mas mag-e-excel pa siya kaysa sa ’kin. Siya pa nga ang nagtuturo sa akin ng ibang lesson.

“Kahit naman hindi kita turuan, magaling ka pa rin,” sabi niya sa ’kin. “Ikaw pa ba? Si Reign ka.”

Ngumiti ako. “I am Reign…”

“… and you will Reign,” dugtong niya.

Muli kaming nangiti sa isa’t isa.

“Saan ka pala pupunta? Ba’t lumabas ka ng school?” tanong ko. “Bibili ka?”

Umiling siya. “Ikaw ang pinunta ko.”

My lips parted.

“Baka ’ka ko, mag-isa kang kumakain,” nahihiya itong ngumiti. “Gusto sana kita samahan, kaso tapos na pala.”

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o gagawain. It just felt good that someone got your back regardless of how traumatic your past was.

“Thank you,” sagot ko at tiningnan siya sa mga mata. “Lakad na tayo?”

Tumango siya at nagsimula na kaming maglakad papasok ng school.

Madalas kaming makantiyawan ng mga kaklase namin maging ng mga kapit-bahay. Kapag nga wala ang mga pinsan ko sa Water Refilling Station ko para mag-deliver ng tubig, siya ang nag-d-deliver. Ayaw niya tumanggap ng bayad. Kaya kapag nag-r-review kami, sagot ko na ang merienda.

Kada hapon, sa kubo nila sa palayan kami tumatambay kasama ang aso nila na si Ryx. Kaya kahit ang pamilya niya, binibiro na kami.

Hindi ko alam kung may nararamdaman ba siya sa ’kin o kung may nararamdaman din ba ako sa kaniya. Ang alam ko lang, special sa akin si Maki. Hindi ko lang alam kung romantically ba o as a friend pa rin.

Ni-hindi ko nga alam kung handa na ba akong makipagrelasyon ulit. Pakiramdam ko, hindi pa totally’ng tapos ang sa amin ni Grey at may something pang hindi nalilinaw sa pagitan namin ni Lyle.

A part of me knows na closure na ’yong wala kaming closure. Pero mayroong mga pagkakataon na iniisip ko, if he still wants me, maybe we can try again.

But… sinong ‘he’ iyon? Ewan ko na.

“Tatanggapin mo?” biglang tanong sa akin ni Maki. Bahagyang nagkikiskisan ang mga braso namin sa paglalakad at hinayaan ko lang ’yon.

“Ang alin?” tanong ko pabalik.

“’Yong offer sa ’yo,” sabi niya. “Sinabi mo na ba sa tita mo?”

Ang titang tinutukoy niya ay ang kapatid ng mama ko na kumukupkop sa akin at sa mga kapatid ko ngayon.

Tumango ako. “Tanggapin ko raw. Sayang ang opportunity.”

“Pero gusto mo ba?” tanong niya pabalik. “Kapag tinanggap mo, mapapalayo ka sa mga kapatid mo.”

“Ano sa tingin mo?” tanong ko. “Tanggapin ko ba?”

“Nasa sa ’yo ’yan,” sagot niya sa akin. “Kung saan ka sasaya at kung saan tingin mo giginhawa ang buhay mo at ng mga kapatid mo, gawin mo. Hindi importante ang opinyon ng ibang tao. Hindi naman sila ang magbabayad ng bills mo, e.”

Parehas kaming natawa.

“Pero malayo ang Maynila,” sabi ko at mapait na ngumiti. “Hindi ko alam kung anong mangyayari sa ’kin doon. Baka nga baguhin pa ako ng lugar na ’yon as someone na never kong ginusto. Nakakatakot.”

“That’s the challenge,” sabi niya at mariin ang Ingles. “Hahayaan mo bang baguhin ka ng mundo o ikaw ang babago sa sistema ng mundo?”

“Tss,” sabi ko at tiningnan siya. “Ang deep mo, ha. Wala akong time for existential crisis, kalma tayo.”

Lumapad ang ngiti niya. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang nakapasok na kami ng school. Tahimik lang naming binabaybay ang hagdan hanggang marating namin ang ikatlong palapag. Sa third floor ang klase ko habang ang sa kaniya nama’y sa fourth floor.

“Reign.”

Sabay kaming huminto. Tiningnan ko ang mukha niya. “Hmm?”

I saw him gulped. “Kung… kung ano man ang magiging desisyon mo, alam mo namang suportado kita, ’di ba?”

Ngumiti ako at tumango. “Alam ko. Pero okay lang ba sa ’yo? Na… na mapalayo ako?”

His eyes widened. It caught him off guard. Kahit ako, nagulat kung bakit ko naitanong ’yon.

“Bakit…bakit mo naitanong?” he asked me with eyes as sincere at it had always been. “Kung… kung ayaw ko ba… kung ayaw kong mapalayo ka… “

Huminto siya at para bang iniisip kung dapat ba niyang sabihin ang gusto niyang sabihin.

Maki slightly shook his head. He looked down and smiled at himself.

“Sorry,” he followed. “Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko. Sorry, Reign. P-Pasok na siguro ako sa klase.”

“Sure,” sagot ko at bumibigat na ang pakiramdam. Sobrang awkward.

“Sige, Reign,” Maki said and looked back at me, trying to shrug off the awkwardness. “Akyat na ako.”

Tumango lamang ako.

The moment he took the stairs, I started walking towards the classroom.

Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko. Gusto ko ba si Maki o ganito lang ang nararamdaman ko kasi siya parati ang kasama ko? Lonely lang ba ako? ’Yong regrets ko ba noon sa past relationship ko ang dahilan kung bakit ganito ang nararamdaman ko? Na kapag may taong nandiyaan para sa akin, there’s a tendency for me to fall in love?

Kulang ba ako sa kalinga?

I sighed. Nakakahilang hakbang pa lang ako nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko.

“Reign!”

Lumingon ako agad at si Maki ang nakita ko.

“G-Gusto ko sanang… makipagkita sa ’yo sa university ground after class.”

I didn’t answer. Kitang-kita ko ang hiya sa mukha niya. Maging ang mga daliri niya ay hindi mapakali.

“Kung okay lang sa ’yo,” he followed and met my eyes sincerely.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sari-sari. Magulo. Isang paraan lang ang naiisip ko para makumpirma ang lahat. Kailangan ko siyang makausap tungkol doon at ngayon ang tamang panahon.

“Sure,” I said. “Okay lang sa akin.”

A lips planted on Maki’s lips. “Salamat.”

I just smiled back and nodded.

“Sige na, Reign, balik ka na sa klase n’yo. Baka ma-late ka na.”

“Ikaw? Hindi ka pa ba babalik sa inyo?” tanong ko.

Umiling siya. “Panoorin kita habang naglalakad ka papalayo, tapos tiyaka ako babalik ng room.”

Mabilis na bumuka ang bibig ko. Maraming ala-ala ang biglang bumalik sa isipan ko.

“Gaya ng dati. I’ll watch you walk away.”

I can still remember someone saying that to me before. That one night in amusement park. Since then, hindi na ako nagpakita sa kaniya. Noong nasa bus na ako pabalik ng probinsiya kasama ang mga kapatid ko, siya ang huling tumatawag sa cellphone ko bago ko tinapon ang sim card ko.

Nakikita ko pa rin siya sa TV, sa mga advertisement, sa mga products na siya ang modelo, at sa mga billboard. Looking at him, he seemed fine. I knew he liked me, but I wasn’t sure if I were good for him. Ghosting him and leaving all the shits behind wasn’t the best option-but the most practical one.

Do I regret it? No. Not at all. Ayaw ko na sila muling makita. Ayaw ko nang balikan kung ano man ang nangyari noon. Galit ako sa kanila pero nilunok ko rin ang prinsipyo ko dahil takot ako. Wala akong ipinagkaiba kaya mas lalong nakakagalit.

“Reign?”

Mabilis akong napatingin kay Maki. Bigla akong nag-zoom out.

“Okay ka lang?”

“Yes, yes, sorry,” sabi ko. “Sige, babalik na ako ng room. See you mamaya?”

Tumango siya. “Sige, hihintayin kita, ha.”

I gave him one more smile before I finally turned my back and walked away.

Hanggang kailangan ako dapat multuhin ng nakaraan ko? I badly wanted to erase what happened before in my life. West Carson High, 12-A, Prosecutor Jax-lahat-lahat.

Kada may nangyayaring maganda sa akin, naiisip ko ang pagiging bulag ko sa katotohanan. Na isa ako sa dahilan kung bakit hindi nakuha ni Miss Jess ang hustisya. May alam ako pero pinili kong manahimik dahil sa takot. Maging ang perang ginamit ko sa pagsisimula ng buhay ko at ng mga kapatid ko, galing sa pagiging undercover ko-galing sa panliinlang ng kapwa.

Gusto ko nang kalimutan ang lahat. Gusto kong sumaya nang hindi iniisip kung derserve ko ba talaga.

Huminto ako nang marating ko ang pinto ng room namin. Muli akong lumingon at nakita ko si Maki na naroroon pa rin kung saan ko siya iniwan at pinanonood ako.

Maybe this time, deserve ko na ang sumaya.

Ngumiti sa akin si Maki at kumaway.

Maybe, just maybe, this time, it’s with him…


THIRD PERSON POV.

WEST CARSON UNIVERSITY.

“GREY!”

Mabilis na napalingon ang isang lalaki. Matangkad ito at maganda ang pangangatawan. Sa katunayan, bakat na bakat sa puting Polo T-Shirt nito ang pagiging matipuno niya na bunga ng kasipagan niyang mag-gym lately.

Nakasuot din ito ng isang itim na salamin. Ang dating mahabang buhok ay naka-clean cut na rin. Suot-suot niya ang student council ID lace niya na kung saan siya ang school president.

A smile planted on his lips when he finally realized who was calling him. Nasa student garden siya ng university at kahit nagkalat ang mga estudyante dahil break time ng karamihan, tanaw niya ang mga kaibigan.

Isang babae na kulot ang buhok ang naroroon. May kulay ang buhok nitong chestnut brown at mukhang artista kung titingnan. Maganda rin ang suot nitong damit-designer clothes. Kitang-kita ang karangyaan dito. She’s Mississippi Smith. Missi for short.

Sa tabi nito ay naroroon naman ang isang babaeng hanggang balikat ang buhok. Kung dati’y tipo nito na parating may kulay ang laylayan ng buhok, ngayo’y itim na itim na iyon at shiny pa. Suot nito ang paborito nitong choker at isang makapal na salamin. She’s Reese.

Lumapit si Grey sa kanila at nakipag-high five sa kaniya ang dalawa.

“Kumusta ang University President na fresh pa rin kahit sobrang daming tasks?” Tanong ni Missi. “Hindi ka pa ba nangangasim, Grey?”

Tumawa nang malakas si Reese at ganoon din si Missi. Pinagtitinginan tuloy sila ng mga estudyante.

“Sweet kasi ako, ba’t ako mangangasim?” biro ni Grey pabalik. Sa katunayan, sa kanila lang siya ganito.

“Sweet and Sour ’yarn?” pakikisali ni Reese.

Bahagyang natawa si Grey. It felt good to see them after a very exhausting day.

“Kumusta kayo?” Tanong niya. “Ang dalang na nating magkita.”

“True,” sabi ni Missi. “Lahat busy at lahat iba-ibang course ang kinuha. We wanted to make a reunion naman ’di ba pero they didn’t want to attend. Bahala sila. That’s their life naman.”

‘Very Missi…’ Grey thought.

“Tapos si Levi and Nash?” sabi ni Reese. “Pinaka-busy. Palibhasa sumikat lalo ’yong group ni Nash. Halos once na nga lang pumasok ’yon monthly, ’di ba?”

Tumango si Grey.

“I heard nominated nanaman sila sa Rookie of the year. Kapag napanalo pa nila ’yong award next month, Rookie Glandsam na,” kuwento ni Reese.

Ang tinutukoy nito ay ang mga music awardings sa bansa na ginagawa yearly. Halos lahat ng awardings na idinaos ay ang group nila Nash ang nanalo. Isa na lang ang idaraos next month at kapag iyon ay naipanalo nila, Rookie Grandslam na ang tawag. It means, they bagged all the Rookie Major Awards.

“Si Levi busy din. Palibhasa nag-bloom internationally ang career niya as an actor. His followers have already reached millions sa IG, dati lang nagmamakaawa pa ’yon na i-followback ako,” sabi ni Missi. “I heard ’yong last na Film niya, nasa Top 10 ng highest grossing film, e.”

“Yieeee, first love ni Levi,” pang-aasar ni Reese sa kaniya.

“EW!” sigaw ni Missi. “Kadiri ha! We’re just friends!”

“Naku, friend ka rin naman ni Grey pero ba’t ’di ka niya first love?” ganti ni Reese.

“’Di ka sure,” Grey answered.

Maang na napatingin si Missi at Reese sa kaniya.

“Joke lang,” sabi ni Grey at tumawa nang ninenerbiyos. Nakatingin pa rin sa kaniya ang dalawa at hindi maipinta ang mukha. “Hoy… joke nga lang… hehe…”

“Ang sablay mo talaga mag-joke, Pres. Kaya ka tinatarget ni Everleigh e, pangit mo ka-bonding,” sabi ni Reese.

Grey didn’t know what to feel exactly. He hasn’t heard Everleigh’s name for a long time. After ma-reveal ang sikreto nito noon, na-disqualify ito sa leadership award at hindi natanggap sa gusto nitong university. At the end, no one got the award.

Kaya heto silang lahat-sa West Carson University napunta. Ito ang pangalawang popular na university sa bansa.

“Oo nga, speaking of Everleigh, hindi ko na siya nakikita sa Campus. Pati si Braelyn,” dagdag ni Missi. “I mean, I feel bad but… dazurv!”

“Legit pala ’no? Marinig mo lang pangalan ng mga tao, ramdam mo na agad ’yong galit. Ang love language ko talaga ay magalit,” sabi ni Reese at humigop sa milk tea nito.

Napangiti si Grey. “After what Everleigh and Brae did? I don’t think na kakausapin pa nila tayo. Perhaps… they are ashamed.”

“I wish they are,” Missi followed. “Kung may kunsensiya pa sila. Imagine, ni-reveal ako as Ellie?!”

Natawa si Reese at Grey. Ganoon nga ang nangyari. Parating pumapasok si Braelyn at Everleigh pero madalang mo silang makita sa campus. Sa classroom naman ay sobrang outcast ng dalawa.

If there’s something good about what happened to them before, it was the fact that they were able to embrace their insecurities and dirtiest secrets.

Were they really able to embrace it or as a defense mechanism, they had no choice but to make fun of it so that the truth won’t sting that much?

“Ikaw, Reese?” Grey asked. “Kailan ka mag-e-enroll?”

Bahagyang natahimik si Reese. After Senior High School, hindi na ito nag-enroll. Hindi nga rin ito sigurado kung ano ang gusto nitong gawin sa buhay. Pumupunta na lang ito sa University para bisitahin sila. Patago pa nga dahil baka mahuli pa ito ng guard.

“Mag-aaral pa pala?” tanong ni Reese. “Tama na. Sumuko na tayong lahat!”

Missi and Grey laughed.

Nawala ang ngiti sa labi ni Reese nang may makita. Nagbaba ito ng sumbrero at tiningnan sila.

“Bye na muna, guys,” sabi nito at hinagkan si Missi sa pisngi.

Isinukbit nito ang bag nito sa balikat at kinuha ang milk tea niya sa lamesa.

“Why?” Tanong ni Missi. “May lakad ka?”

“Wala,” sabi ni Reese at ngumisi. “Nandiyaan na kasi si Super Mario.”

Doon naman pumito ang isang malusog na guard at may bigote. May sumbrero rin ito at kamukha nga ni Super Mario.

“Ba’t nandito ka nanaman!” galit na sigaw nito kay Reese. “Bawal nga outsider!”

“Bye, luv,” sabi ni Reese at mabilis na hinagkan si Missi sa pisngi.

“Bye, pogi,” sabi ni Reese kay Grey at maya-maya’y hinagkat din ito sa pisngi.

“See you tomorrow ’pag hindi ako nahuli ni Super Mario! Bye!” Reese said.

Mabilis itong tumakbo at tinangkang habulin ng guard. Lumilingon pa ito na parang wala lang at kumakaway pa sa kanila.

Missi was laughing while taking a video of Reese while Grey was left there, dumbstruck. He didn’t know what to feel. Her ex-girlfriend, Reign Harriett, was the last woman who kissed him aside from his mom.

Now Reese kissing him on his cheek was something that he couldn’t absorb. Hindi talaga siya sanay.

It wasn’t uncomfortable, but he was rather not prepared for it.

“Gulat ka, ’no?” tanong ni Missi nang matapos videohan si Reese. “Ganoon lang talaga ’yon ’pag comfortable siya. It means, Reese doesn’t see you as a man who could be a predator-but a sibling, perhaps, whom she could trust.”

It made sense. Knowing Reese’s personality, it made sense.

“Or sibling nga ba o more than that?” dugtong ni Missi.

Kunot ang noong tiningnan ni Grey si Missi. “Seriously?!”

“Joke lang,” Missi said and grinned. “Malay mo, Pres, crush ka pala ni Reese. We will never know.”

“Ang issue mo,” sagot ni Grey.

Bahagya silang natawa.

“How’s Lyle?” Missi asked. “I haven’t seen him for a while.”

After what happened a year ago, bumalik ang closeness nila ni Lyle. It was just a shame that they had to go through hell just to be close again.

“I know may photoshoot siya somewhere. He didn’t say where. You know him. If he doesn’t want to share what’s up with him, he won’t.”

“A typical Lyle,” sabi ni Missi. “Kaya pala ganoon ang IG Post ng management niya. Parang nasa Province sila or what. Ay, oo nga pala. Aalis ka rin mamaya, ’diba? Pupunta ka rin sa Province? I forgot the name.”

“Yes,” sagot ni Grey. “May scholarship program partnership ’yong isang university at si papa. I had to go there with him.”

“Good. At least, okay na rin kayo ng Daddy mo.”

Pareho silang napangiti. Kilalang-kilala talaga nila ang isa’t isa. A deafening silence swallowed the both of him until Missi broke the ice.

“Y’all’s still looking for her?”

Grey gulped. It was, perhaps, the topic that he wasn’t prepared to talk about.

“Her?” Pagpapatay-malisya niya.

“Yes. Her,” sagot ni Missi. “Reign Harriett.”

Grey didn’t know what to feel. He knew to himself that he had already moved on. But hearing her name again, it brought a different sensation in him. It was like hearing that certain song again that used to be your most favorite song before. Nostalgic but painful.

“Have you moved on, Grey?” Missi asked sincerely.

Tiningnan niya si Missi. “Well, I had to.”

“Pero kung sakaling magkita kayo ulit at puwede na, would you like to try it again?”

“Hmmm, too hard to say,” Grey reasoned out. “Pero focus muna ako sa sarili ko ngayon.”

“If she comes back and you and Lyle still want her, then what?” Missi asked curiously.

“But is she coming back?” Grey snapped.

Natahimik si Missi.

“Trauma lang ang ibinigay natin sa kaniya. Kaya kung ginusto niyang hindi tayo makita… I understand,” Grey reasoned out.

Sumimangot si Missi. “I miss her sometimes.”

Pareho silang natahimik. Maya-maya ay napabuntong-hininga si Missi nang malalim. Akala niya’y tungkol pa rin kay Reign iyon pero nang makita niya kung kanino ito nakatingin, naintindihan na niya kung bakit.

“The weirdo is here,” sabi ni Missi. “Bye na nga muna, ayaw ko makausap ’yan. He creeps me out!”

Dali-daling umalis si Missi. Grey looked again at the guy Missi was referring to.

Isang lalaki ang nakatayo sa ’di kalayuan kasama ang mga kaibigan nito. Malalakas ang tawa nila at akala mo siga sa daan.

The guy was petite and all. Itim ang buhok nito at mukhang japanese kung titingnan. Hindi gaya noon na mag-isa ito at outcasted, ngayo’y sisiga-siga na ito sa school.

Nagtama ang paningin nila. The guy smiled and waved at him.

He’s Hale Parker.

“Hi, Pres!” sigaw nito sa kaniya habang kumakaway.

Grey knew that there was something off with Hale when he was freed from the jail, but he couldn’t figure it out. Noong na-reveal na nag-suicide si Miss Jess at napagbintangan lang si Hale na pumatay rito, the whole country’s sympathy was with Hale.

Pero nang bumalik sa eskwela, hindi niya inaasahang matutuwa pa ito sa atensiyong natatanggap nito. He would always use that victim card to get the sympathy of the people around him.

Something was really off and he can’t tell which.

Kumaway na lang din siya at ngumiti out of courtesy.

“Hi,” tipid na bati ni Grey.


REIGN.

Ito na. Itong-ito na talaga.

“Miss Harriett, pag-isipan mo ang tungkol sa scholarship, ha. Kailangan ko ang sagot mo as soon as possible,” paalala sa akin ng adviser namin bago ako tuluyang lumabas ng pinto.

“Opo,” sabi ko. “Pag-iisipan ko po.”

Lumabas ako ng classroom na hindi malaman ang mararamdaman. Bakit ba parati na lang akong ganito? Siguro, kailangan kong kausapin din ang mga kapatid ko. Kailangan ko silang makita para makapag-decide ako nang maayos.

Lumabas ako ng classroom at halos mabangga ako ng mga nagtatakbuhang mga estudyante. Madaling-madali ang mga ito at mga nagtitilian pa. Sumilip ako sa bintana sa corridor at maraming estudyante ang nasa school ground. Bigla kong naalala na Battle of the Bands pala ngayong araw.

Rinig ang mga tilian ng mga estudyante. Ganoon din ang mga banda na tumutugtog. Bumaba na ako sa hagdan at gumilid dahil muntik nanaman akong matulak ng mga estudyante.

“Dali! May artista raw!” tili ng isa na may dala pang pinagtagpi-tagping bond paper at marker.

Napangiti ako. May inimbita palang artista para sa Battle of the Bands? Ganoon na pala talaga ako ka-aloof sa school. Wala na akong alam sa mga nangyayari.

Lumawak ang ngiti ko nang may mga estudyante pa ulit na nagmamadaling bumaba.

“Dali, baka ’di natin maabutan!” sabi pa ng isa.

It’s funny to think na dati, kaklase ko noon ay mga artista pa talaga.

Tuluyan na akong lumabas mula sa school building. Saktong paglabas ko ay napahinto ako.

Maki was there. He was waiting for me patiently.

Nakatalikod ito at nakasukbit ang mga kamay sa loob ng bulsa. Nakatingala ito at pinagmamasdan ang langit na orange-ish na ang kulay.

Napangiti ako. Wala itong pakialam sa ingay ng mga estudyante at musika mula sa banda na tumutugtog. Umihip ang malamig na hangin at nayakap ko ang sarili ko.

Doon na lumingon si Maki. Nang magtama ang paningin namin ay lumawak ang ngiti nito. Lumapit siya sa akin at hindi tinatanggal ang tingin sa mga mata ko.

“Nariyan ka na pala, bakit hindi ka nagsabi?” he asked. “Kanina ka pa?”

Umiling ako. “Ngayon lang. Ikaw ba, kanina pa?”

Tumango siya. “Maagang na-dismiss, e.”

“How long?” I asked. “How long have you been waiting for me?”

“Hmmm, isang oras?” sagot niya.

“Isang oras?!” tanong ko pabalik. Tumili ang mga estudyante at nagpalakpakan dahil tapos nang tumugtog ang banda at may kakantahin pa muling isa.

Nang matigil ang ingay ay nagsalita akong muli.

“Isang oras ka nang naghihintay sa ’kin?”

Tumango siya. “Okay lang. Basta ikaw, kaya kong maghintay kahit gaano katagal.”

My lips parted. I didn’t know what to say.

We were just looking at each other’s eyes for a minute until Maki finally broke the silence.

“Kaya gusto kitang makita ngayon kasi… kasi may gusto sana akong sabihin,” he said and gulped. His eyes were shy yet alluring.

“Tungkol saan?” kinakabahan kong tanong.

“’Pag napapangiti ka ng isang tao nang walang dahilan, ano bang ibig sabihin n’on?” he asked. “Kapag nasa biyahe ka o may ginagawa, tapos maalala mo lang siya, tapos nangingiti ka na bigla… ano bang meaning n’on?”

“Maki…” I utterred.

“Tapos gusto mo siya parating nakikita o nakakasama. Lahat ng kantang pinakikinggan mo, siya ’yong naaalala mo. Gusto mo siyang alagaan parati, ganoon. What do you think, Reign? Ano… ano para sa ’yo ’yon?”

I opened my mouth but nothing came out. I felt good but I kinda felt scared at the same time. Alam na alam ko na kung ano ang ipinahihiwatig niya, pero mas lamang ang takot ko ngayon. Takot na baka sa huli, trauma lang muli ang makuha ko.

“Ganoon ka sa ’kin, Reign,” Maki said in a shy yet proudest way possible. “Parati kitang gustong makita. Masayang-masaya ako kapag nakikita ka. Gusto ko ring alagaan ang mga kapatid mo para sa ’yo. Ewan ko… pinapasaya mo ako parati. Kaya kahit minsan, alam ko naman talaga ang lesson, nagtatanga-tangahan ako para maturuan mo.”

Namula na si Maki sa hiya.

“Hindi ako natutulog kapag hindi pa nagsasara ’yong water refilling station n’yo. Gusto ko parating safe ka at… at masaya.”

I smiled at him. I felt his sincerity.

“Wala akong yaman na maipagmamalaki sa ’yo. Mahirap lang kami at pag-a-araro lang ang hanap-buhay. Kaya natatakot akong baka hindi mo ako matipuhan. Pero ngayon… bahala na. Gusto kong maging matapang para sa ’yo. Gusto kong… maging matapang para sa nararamdaman ko sa ’yo.”

He looked down and smiled shyly at himself. Lumakas ang hiyawan ng mga estudyante dahil nagsimula na ang bagong tugtugin.

“Reign… gusto ko sanang… gusto ko sanang sabihan sa ’yo na…”

Handa na ba talaga akong marinig ’yon?

Handa na ba talaga akong magmahal ulit?

Maki met my eyes. “Reign Harriet. Mahal kit-”

“Reign?”

It felt like my world stopped when I heard someone called my name.

That voice…

Mabilis akong napatingin sa lalaking nasa likuran ni Maki.

Matangkad ito at maputi ang balat. Ang dati nitong bagsak na itim na buhok ay nakahawi ngayon. Nakasuot ito ng puting polo at bukas ang tatlong butones niyon. Naka tuck-in iyon sa itim nitong pantalon. Nakasuot din ito ng puting rubber shoes. Ang mga mata nito’y gulat na nakatingin sa akin. Doon na tumugtog muli ang banda.

Bawat Daan ni Ebe Dancel ang kinanta nila.

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko nang makilala ko siya. Pinalilibutan siya ng mga estudyante na nagpapa-picture sa kaniya.

Ang mga mata nito’y gulat pa rin na nakatingin.

That eyes.

That hair.

His usual stare.

Every memory that we shared flashed back on my mind.

His expressionless face never changed at all. Kung mayroon mang nagbago, mas nagmukha lang siyang mature at mas lalong gumwapo.

He looked at Maki, then back at me. His eyes were inquiring, seeking, alluring.

When I finally went back to my senses, I finally realized that I wasn’t dreaming and it was really him who’s in front of me. With my heart racing inside me as if it wanted to escape and protect itself, I finally utterred the guy’s name.

“Lyle…”

And before he could even speak back, a woman’s hands wrapped around his arm.

“Let’s go, Lyle?” the beautiful lady asked.

My lips parted.

He has a girlfriend.

SEASON 2 PART 2

LEVI.

“Levi, I regret leaving you sometimes…”

Levi looked at the person in front of him. His hands were shaky. His eyes were teary.

“Sometimes?” Levi asked, hurting. “Araw-araw akong pinapatay ng sakit, tapos ikaw minsan lang?”

Bumuntong-hininga ito at tiningnan si Levi. Bakas sa mukha nito na nasasaktan na rin ito pero wala itong magawa. Hindi niya masisi si Levi. After all, kagustuhan niya rin iyon.

“Akala mo ba madali sa ’kin?” sagot nito. “Nahihirapan din ako pero bakit… bakit parang ikaw lang ’yong nasasaktan sa ating dalawa?”

“Pareho tayong nasasaktan,” sagot ni Levi at lalong namuo ang luha sa mga mata. “Pero ang ipinagkaiba natin, mas mahal kita kaya ako ’yong mas nasasaktan.”

“Levi naman!” singal nito ito nag-crack na ang boses.

“Bakit, hindi ba?” Levi asked. “Totoo naman ’di ba? Mas mahal kita at alam mo ’yon kaya nga you can treat me like a shit because at the end of the day, mahal pa rin kita kahit ang sakit-sakit na. Kaya kahit saktan mo ’ko, okay lang sa ’yo kasi alam mong tatanggapin pa rin kita.”

“Levi, hindi ganoon ’yon!”

“I am one of the billion stars in your galaxy while you?” Tears suddenly fell from his eyes. “You are the only one for me. Kaya mas nasasaktan ako. Kaya mas nahihirapan ako. Kaya galit na galit ako kasi araw-araw kitang na-m-miss pero ikaw, tuwing kailan lang? Tuwing wala kang kausap?”

“Hindi naman sa ganoon…”

“Ganoon ’yon. Ikaw ’yong unang nagkagusto sa ’kin pero bakit ako ’yong pinaka nasasaktan? Ang tahimik ng buhay ko noon. You wrecked it. You wrecked me.”

“Levi, I’m sorry… I’m so… sorry…”

“No, don’t feel sorry,” Levi said. “I lost someone who never really loved me and you? You lost someone who did.”

Tumulong muli ang luha nilang dalawa.

“Bye for real,” Levi said and turned his back. He walked away, leaving everyone behind. This time, the only love that he needed was his love for himself. He must protect himself. He must protect his heart from everybody else.

“AAAAND, CUT!”

Nagpalakpakan ang lahat sa set. Mabilis na huminto si Levi at ganoon din ang babaeng katambal niya sa mini series na pinagbibidahan nila.

Lumapit sa kaniya ang Personal Assistant niya at pinunasan ang luha sa gilid ng mga mata niya, ganoon din ang pawis niya.

“Good job, Levi at Pinky!” tuwang-tuwa na sabi ng direktor. “One shot lang and we captured it vividly and aesthetically!”

Ngumiti lamang si Levi. “Thanks, Direk.”

Matapos ang preparation ay nilapitan siya ni Pinky. Isa itong baguhang artista pero napakahusay umarte. The first psychological-thriller movie on Netflix that she starred with was a massive hit.

“Nice acting, Levi,” sabi nito nang lapitan siya. “I forgot my lines pero nadala ako sa emosyon mo kaya nakuha natin ng one take lang.”

Levi smiled at her. “No, you’re good. And pretty.”

“Tss,” Pinky scoffed jokingly. “Are you flirting with me, huh?”

Levi laughed. “Do you want me to? I could and I would.”

Nagtawanan silang dalawa.

“Baka ma-blind item tayong dalawa, sige ka,” sabi ni Pinky at malambing ang tingin sa mga mata niya. “Wanna grab a drink outside bago umuwi? You know, bonding with our co-actors. Kung hindi ka busy.”

“I am busy,” sagot ni Levi at isinukbit ang kamay sa loob ng bulsa. “But for you, girl, I am not. Beep me up if we’ll drink together. Just the two of us. You have my number, ain’t ya?”

Pinky laughed smoothly. “Alright. Totoo nga ang chismis from the grapevines. Levi, you are a womanizer.”

“Yes I am, baby,” Levi answered and winked.

Pareho silang natawa.

Matapos magpaalam sa mga katrabaho ay sumakay na si Levi ng kotse. Saktong umandar iyon ay pumikit siya at pinilit ang sarili na umidlip.

Bata pa lang siya ay expose na siya sa Showbiz. In fact, his parents were both public figures. Sanay na siya na kakaunti lang parati ang tulog at hectic ang schedule. But when his career reached his highest peak last year when he starred in an international film, lalo siyang sumikat bilang actor at mas naging hectic ang schedule.

Millions na rin ang followers niya sa social media accounts niya. Kaliwa’t kanan ang radio and show guestings, drama series, hostings at cameos.

Dumating pa sa punto na halos once a month na lang siyang pumasok sa eskwela. His management even advised him to do home schooling but he declined. He wanted to graduate on time.

“Levi, here.”

Naramdaman niya ang neck pillow na iniabot ng manager niya. Kahit hindi dumidilat ay kinuha niya iyon at pinilit na matulog.

“Levi in thirty minutes, may radio guesting ka,” sabi ng manager niya. “After that, you may go home and rest. You had a tough week.”

“Thank God…” bulong ni Levi habang nakapikit. “Have you heard anything from my school?”

“Yes. A lot. Puro texts galing kay Grey about the school requirements. You need to pass them over the weekends,” his manager answered.

Hindi na kumibo pa si Levi. Lumalalim na ang tulog niya nang maalimpungatan siya dahil sa mga busina. When he opened his eyes, nagtatalo na ang manager niya at ang driver nila.

“Bakit kasi dito tayo dumaan? Napaka traffic dito,” sabi ng manager niya. “Paano ’pag na-late tayo? Anong sasabihin ng Seniors ni Levi? Sumikat lang lumaki na ang ulo?”

“Pasensya na, boss. Hindi ko naman kasi alam na marami palang tao rito,” rason nito.

Nagtatalo ang dalawa at nawala na ang ang antok ni Levi.

“Ano po bang meron, bakit traffic? Hindi naman traffic dito usually,” sabi ni Levi.

“May concert yata boss,” sagot ng driver. “’Yong sikat na grupo. ’Yong SYNK.”

SYNK.

Biglang natahimik si Levi.

“Gustong-gusto ng anak ko ’yon, e. Buti nga boss at may pa-Bonus kayo kaya nabilhan ko ’yong anak ko ng ticket,” tuwang-tuwang kuwento nito.

Tuluyan nang nawala ang antok ni Levi dahil doon. Tumingin na lang siya sa bintana ng kotse niya at mula roon, tanaw na tanaw niya ang larawan ng grupo na SYNK sa isang billboard announcement. Patungkol sa concert ng grupo ngayong gabi.

Sa kaliwa ay naroroon ang nag-iisang lalaki na pumukaw ng atensiyon niya sa grupo. Sa katunayan, siya lang ang tinitingnan niya sa kanila. There were more members but that guy stood out for him. Sa ibaba ng larawan nito ay naroroon ang pangalan nito.

“Nash…” bulong ni Levi sa hangin at malungkot na ngumiti.

Biglang bumalik ang mga nangyari noong nakaraang taon. Kung paano sila nag-aaway parati, kung paano si Nash umamin sa kaniya, kung paano niya nilayuan ito, kung paano siya unti-unti na ring na-fall rito, kung paano sila lumaban sa mundo at kung paano sila lumayo sa isa’t isa para sa career nilang dalawa.

He could remember every detail of it, he could still see every fragments of him.

After all, worth it rin naman. When they broke up, parehong nag-bloom ang careers nila. Walang puwang ang relasyon nila sa mapanghusgang mundo.

Muling tumaas ang sulok ng labi ni Levi habang nakatingin pa rin sa larawan ni Nash sa labas.

“Proud of you…” Levi whispered to himself.

On the other hand, nasa loob si Nash ng concert hall kasama ang mga kagrupo niya. Katatapos lang ng rehearsal nila at hapung-hapo siya.

“Thirty minutes break, guys,” sabi ng leader nila. “Then we gather here again, okay?”

“Alright!” sabay-sabay nilang sigaw.

Habang pababa siya ng stage ay may batang lalaki na naghihintay sa kaniya roon. Mukha itong mga nasa pito o walong gulang. Kasama nito ang isang babae na kilala niya bilang isa sa mga organizers ng concert nila.

“Hey kiddo, what’s up?” bati niya rito.

Ngumiti sa kaniya ang bata at nahihiyang iniabot ang isang album, at iyon ang first album ng grupo niya.

“Pasensya na po, fan na fan n’yo kasi ’yang pamangkin ko. Gustong magpapirma,” hiyang-hiya na sabi ng babae.

“Okay lang po,” sabi ni Nash at kinarga ang bata. Kinuha niya ang album pati ang marker.

“What’s your name, baby boy?” tanong niya sa bata.

“Levi,” sagot ng bata. “Levi po.”

Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Nash. Para siyang nag-zoom out for few seconds. Nang mapansin din iyon ng babaeng kasama ng bata ay pinilit na lang ni Nash na ngumiti ulit.

“Woah… gwapo ng name, a?” biro niya na lang sa bata at pinirmahan ang album. “Pang good boy.”

Matapos pirmahan ay inilahad ni Nash ang album sa bata at ipinakita ang album cover.

Sino pinakapogi sa amin?“ tanong niya.

Itinuro ng bata ang litrato niya at doon siya tuluyang natawa.

“Kiss mo nga ako,” sabi niya rito.

Hinagkan siya ng bata sa pisngi at nag-high five pa sila. Nagpa-picture din ito sa kaniya.

“Salamat po! Thank you nang sobra!” sabi ng babaeng kasama nito.

Nang umalis na ang mga ito ay pinanood na lang sila ni Nash. Hindi maiwasan ni Nash na hindi mapangiti.

When he looked up to the advertisement being played on the TV, he saw Levi Hudson. Hindi niya alam ang mararamdaman. He can still feel the pain but whatever happened in the past must stay in the past.

Lalo itong sumikat at sobrang hit ng mga palabas nito. Maya’t maya mo ito makikita sa TV, Social Media at kahit sa mga Billboards pa.

“Ang hirap magkaroon ng ex na sikat. Kung saan-saan mo siya makikita. Ang hirap mag-move on,” Nash thought before.

But it’s been a year. Looking at Levi now, ramdam niya ang pinaghalong saya at lungkot.

“I hope you know that I am very proud of you, always…” he whispered in the air while watching Levi’s advertisement.


JAX.

“NAGPROPROTESTA pa rin?!” inis na inis na tiningnan ni Howell ang isang pamilya sa bintana. Nagproprotesta ang mga ito tungkol sa pagkamatay ng kaanak nito na isang empleyado ng isang malaking kumpanya-ang AX Holdings, sister company ng Parker Holdings.

Tatlong linggo na ang nakakaraan simula nang maaksidente ang tatlong truck drivers ng kumpanya at nagdulot iyon ng malaking gulo sa kalsada. Marami ang nadisgrasya at ang tatlong drivers ay dead on artival nang isugod sa Ospital.

Siya at si Howell ang nakatanggap ng kaso. Ang reklamo ng pamilya, kasalanan iyon ng kumpanya pero hindi nila masabi kung paano.

At the end, they dismissed the case dahil wala namang grounds. Nagbayad na lang ng settlement money ang kumpanya para tulungan ang tatlong pamilya.

“Hindi pa ba sila masaya na milyon-milyon na ang ibinayad sa kanila? Kasalanan ba ng AX Holdings na disgrasyado ’yong mga drivers na ’yon? Kainis!” reklamo ni Howell habang pinanonood ang mga nag-r-rally sa labas.

Sa totoo lang, para kay Jax, there’s something to investigate about. Nakakapagtaka na tatlong driver ang nasa ganoong klaseng kalagayan. Na para bang may ginawa sa kanila.

But just when Jax had the idea to investigate further, nakatunog si Howell at sinabi agad ’yon sa President ng Parker Holdings, ang taong umampon sa nakababatang kapatid niyang si Hale.

They warned him. Wala silang tinatago raw pero ayaw nila ng gulo. Knowing that AX Holdings is connected with Parker Holdings, madadawit ito kapag nagkaroon ng issue.

Hale himself talked to him.

“Paano na lang kapag na-bully ako dahil doon, kuya?” sabi nito sa kaniya. “Buong buhay ko binubully na ’ko. Ngayon ko pa lang ulit na-e-enjoy ang buhay ko at ngayon pa lang ako nagkakaroon ulit ng kaibigan.”

He tried to explain it to him but Hale wasn’t listening.

“’Pag nilayuan nila ako dahil tingin nila may kinalaman ang Parker Holdings sa nangyari, ikaw ang

sisisihin

ko. Hindi ka ba

naaawa

sa

nakakabata

mong kapatid? Hanggang kailan ako dapat maging kawawa? Matalino ka, kuya. Use your brain!“

Knowing Hale as his weakest point, Jax finally gave in. Binasura niya ang kaso. Dahil doon, araw-araw na may nag pro-prostesta sa tapat ng building nila. Iba’t ibang pamilya na humihingi ng hustisya.

Ganitong-ganito rin noon. Noong binasura niya ang kaso ni Miss Jess kahit may mga ebidensiya siyang si Hale, ang kapatid niya, ang totoong may sala.

Pinalabas nila na nagpakamatay ito. They even presented her diary. Napaniwala nila lahat pero hindi ang pamilya nito.

Jax and Howell became famous. Howell enjoyed the fame, but him? Sukang-suka siya. Wala na nga siyang gana sa trabaho niya, lalo na kapag nakikita niyang nag-p-protesta sa labas ng building nila ang pamilya ni Miss Jess noon.

“Nakaka-stress!” sigaw ni Howell, na ngayo’y isang tatay na. “Kulang pa ba ’yong perang ibinigay sa kanila o naubos na agad nila? Iba talaga ang mahihirap ’pag tinulungan, mga oportunista! Hindi makuntento!”

Hindi na kumibo si Jax. Gustong-gusto niyang kontrahin iyon pero wala na siyang gana sa lahat. Lumabas si Howell ng opisina at pabalang na isinara ang pinto.

Nang si Jax na lang ang natira sa kuwarto ay muli niyang tiningnan ang papel na nasa table niya. Kanina pa niya iyon tapos isulat pero hindi siya makapagdesisyon kung dapat na ba niya iyong pirmahan.

Isa iyong Resignation Letter.

Ito na lang ang naiisip niya para matigil na ang pang-aabuso sa kaniya. Mahal na mahal niya ang trabaho niya noon pero ngayon, ito na mismo ang sumisira sa kaniya.

He had no choice. He needed to end it now. Bago pa dumanak muli ang dugo. Bago pa magkaroon ng mga bagong biktima.

It’s now or never.


REIGN.

He has a girlfriend.

Kasalukuyan kaming nasa school ground at pinalilibutan ng mga estudyante na pilit na naggigitgitan makapagpa-picture lang sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

Hindi ako nagkakamali. Siyang siya iyon.

Sa tabi niya ay ang isang babae na kutis pa lang ay alam mong mayaman na. Nakasuot ito ng mamahaling damit at mga alahas. Wavy ang kumikinang nitong buhok na may highlight ng ash blonde.

Nakakawit ang kamay nito sa braso ni Lyle. Looking at them together, I can’t deny their chemistry. They looked perfect together.

Muling dumapo ang tingin ko kay Lyle. Titig na titig siya sa akin.

It’s obvious. Lyle has a girlfriend. He has ready moved on.

“Lyle…?” the woman asked and looked at me. Matamis ngumiti ang babae at sobrang angelic ng mukha. The way she talked, it was so articulate. Her confidence was overflowing.

Bigla akong nanliit. Bigla akong nahiya para sa sarili ko. Bigla akong nalungkot.

Comparing myself to her, sino ba ako?

“Do you know her?” the woman asked with a smile.

Bumaba ang tingin ko sa sahig. Ibang-iba ang hitsura ko noon kaysa ngayon. Aaminin ko, napabayaan ko ang sarili ko dahil sa pag-aaral at pagtratrabaho. Madalas pa akong bilad sa araw. Nakailang acne break out na ba ako?

Besides, maraming tao. Kaya kung i-d-deny ako ni Lyle, maiintindihan ko.

“Yes, Serene, I know her,” Lyle said, unbothered. It even seemed like he was proud of it.

Nagsimula ang bulungan mula sa mga kamag-aral ko.

“I know her pretty well…” Lyle followed.

Tumaas ang tingin ko kay Lyle at nagtama ang paningin namin. He was looking at nothing but me. Only me. Thoroughly.

“Reign… kilala mo siya?” tanong ni Maki na nasa gilid ko na. Titig na titig ito kay Lyle.

Lumunok ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sobrang daming nakatingin sa amin.

“S-Siyempre,” sabi ko at pilit na ngumiti. “Artista siya, ’di ba?”

I suddenly saw the disappointment in Lyle’s face. I denied him in the crowd.

“Ganoon ba?” tanong ni Maki at ngumiti. “Pero bakit parang iniiwasan mo siya?”

Narinig iyon ni Lyle pero sa akin lang siya nakatingin na para bang ako lang ang tao sa paligid niya.

“Hindi ka ba kumportable?” tanong ni Maki sa akin. “Kung hindi ka kumportable, puwede na tayong umalis.”

“Why would you bring her with you?” Lyle snapped.

Pareho kaming napatingin sa kaniya.

From looking at me, Lyle looked at Maki too.

“Go if you wanna go but leave her behind,” Lyle said coldly.

“Close ba kayo?” tanong ni Maki kay Lyle.

“More than close,” Lyle answered inyimidatedly.

“Friends?” Maki asked back.

“More than friends,” Lyle answered back. He then looked at my eyes. “Aren’t we?”

I gulped. Ayaw ko ng atensyon. Gusto ko nang matapos ’to.

“Maki pala,” pagpapakilala ni Maki at inilahad ang kamay niya sa harap ni Lyle. “Kaibigan ni Reign.”

“Kaibigan?” tanong ni Lyle. Maya-maya ay tumaas ang sulok ng labi niya.

Tiningnan niya lang ang palad ni Maki at hindi niya siya nakipagkamay. I felt bad for Maki.

Muling dumapo ang tingin ko sa pagkakahawak ng babae na braso ni Lyle.

Bagay sila. Bagay na bagay.

“Tara na, Maki,” sabi ko at hinawakan ang kamay ni Maki na naiwan sa ere dahil hindi nakipagkamay si Lyle. “Baka… baka maiwanan na tayo ng bus.”

“Sigurado ka?” tanong ni Maki.

Tumango ako.

“Sure, kung saan ka kumportable,” sabi niya sa akin.

Tinalikuran na namin si Lyle at ang kasama nitong babae. Saktong paglakad namin ay narinig kong tinawag ni Lyle ang pangalan ko.

“REIGN!” sigaw niya.

Napahinto kami ni Maki. Nag-aalala lang na nakatingin sa akin si Maki, pinag-aaralan ang expression ng mukha ko.

Nagsimula uli kaming maglakad at hindi pinansin si Lyle.

“REIGN HARRIETT!” sigaw muli ni Lyle.

Napahinto muli ako. Pumikit ako nang mariin at nagpatuloy sa paglalakad. But just when I was about to take a one step away, I heard him said something.

“Until when do I have need to watch you walking away?”

Doon na ako tuluyang napahinto at hindi gumalaw. Umugong ang bulungan ng mga estudyante. Kahit si Maki at ang kasamang babae ni Lyle ay bahagyang nagulat.

Lyle sounded hurt and bitter.

Narinig ko ang paglakad ni Lyle papunta sa akin pero hindi ako lumingon.

He stopped right in front of me. Gumilid si Maki at nalilito sa nangyayari. Maging ang banda ay tumigil sa pagtugtog at lahat ng atensyon ay nasa amin na.

“Why do you always run away?” Lyle asked me with a cold voice. “Why do you always make me chase you, huh?”

Tumaas ang tingin ko at muling nagtama ang paningin naming dalawa.

“You left me hanging, Reign,” he whispered to me. “And I’m not gonna let you do it twice.”

Walang anu-ano’y hinila niya ang ID Lace ko at naglapit ang katawan naming dalawa. Nakarinig ako ng mga singhap. Inilapit ni Lyle and mukha niya sa mukha ko.

“Sonst Bay Hotel, Room 604. That’s where I stay until tomorrow evening,” Lyle said, his voice was more like a whisper, enough for me to hear him. “Drop by. We’ll just talk.”

My lips parted. I wanted to say something but I can’t find the right words to say. We were just looking at each other’s eyes for few seconds until Lyle finally let go of me. He turned his back and once again stopped. He looked back and met my eyes.

“Reign…” he said and stopped. “Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko. Kung hindi mo ako pupuntahan, ako ang pupunta rito. You wanna be the talk of the town?”

“Itigil mo na ’to, please,” mahina kong sabi. “Kahit… kahit ngayon na tayo mag-usap.”

Lyle observed my face and suddenly, he smirked. “A hard no.”

Humarap siya sa akin ng tuluyan.

“I no longer trust your words, Harriett. I had a broken heart the last time I did,” he followed.

“I’ll keep it this time,” I said eagerly. “Whatever happens, tutuparin ko ’yon. Just…”

Huminto ako at tiningnan ang dumaraming mga estudyante na pinagpipiyestahan kami.

“Just don’t make a scene,” I said. “Please.”

Tiningnan ako ni Lyle at muling gumuhit ang pilyong ngiti sa labi niya. Isang ngiti na may bahid din ng galit.

“No more first love card for you,” he said in a low voice, enough for me to hear him. “Just drop by.”

Bago pa bumuka ang bibig ko at bago pa makisali si Maki ay binigyan ako ng final look ni Lyle bago ito naglakad papalayo dahil tumatakbo na palapit ang manager niya. Malamang ay tumakas nanaman siya.

The woman named Serene gave me a final glance too. She smiled sweetly at me before coming with Lyle. Together, they walked towards the two black vans. Naka-park iyon sa ’di kalayuan.

Lumakas lalo ang bulungan ng mga estudyante. Malamang gulat ang mga ito dahil close kami ni Lyle.

Pinanonood ko si Lyle habang naglalakad siya papalayo. Nang masalubong niya ang manager niya ay nakita kong pinagagalitan siya nito. Iyong isang Assistant pa nga ay nilapitan ang mga estudyante para ma-control kung ano mang chismis ang mabubuo dahil sa nangyari.

Before Lyle went inside the van, he looked back once more and he caught me watching him.

“See you..” I saw his lips formed.

I didn’t expect that.

Lyle finally went inside. The door closed and they drove away, leaving me puzzled-leaving my life once again wrecked and ruined.


SERENITY.

Sa loob ng isang van ay naroroon ang babaeng kasama ni Lyle kanina. Matangkad ito, balingkinitan ang katawan, makinis ang balat at gaya nga ng sinasabi ng karamihan, mukha itong anghel.

Bata pa lang ay model na ito. Lately nga lang nag-bloom nang todo ang modelling career niya nang ma-partner kay Lyle sa isang TV advertisement. The people and the brand managers saw their chemistry and here they were.

Nakaupo ito at naka-cross ang mga hita. Nakasuot din ito ng sunglasses at nakatingin sa bintana

“Sorry raw, Miss Serene,” sabi ng manager ni Serene. “Na nadawit kayo kanina.”

“Sino ang nag-apologize? Si Lyle or his manager?”

“’Yong manager,” sabi ng manager niya.

Napangiti si Serene. “As expected from Lyle. The guy really doesn’t know how to apologize at all.”

“I’ll talk to his manager, if he could apologize-’

“That’s what makes him exciting,” Serene snapped. “I wonder how can I teach him basic manners.”

Hindi ba kumibo ang manager niya.

Biglang pumasok sa isip niya ang nangyari kanina.

“Bakit ganoon siya?” tanong ni Serene. “Bakit halos habulin n’ya ’yong babae?”

“Babae?” tanong ng manager niya. “What do you mean, Serene?”

“We met someone. Seems like Lyle and her know each other but the woman was trying to ignore him. I wonder what happened.”

“Maganda ba siya?” tanong ng manager niya. “Sobrang snobbish ni Lyle Heimsworth. Kaya kung ’yong babae ’yong nang-s-snob sa kaniya, baka… may something?”

“May something?” ulit ni Serene at napangiti. “Yes, I could say she’s pretty. A filipina beauty.”

“What if Lyle and her had… you know… a thing?”

“She’s pretty but not on that level,” Serene said with a mocking voice.

Natawa ang manager niya pati ang ilang Assistants niya.

“What would you like to do, then?” her manager. “Kapag may something talaga sila at nag-re-unite in the middle of these brand partnerships, sira ang tandem n’yo.”

“Why are you overthinking?” Serene said and laughed swiftly.

“No, darling, just in case.”

“Alright. I’m curious too,” sagot ni Serene. “Run a background check, then.”

“Noted,” sabi nito. “Alam mo ba name niya?”

Inalala niya ang mga nangyari kanina at naalala niya bigla ang pagtawag ni Lyle rito.

“Reign,” Serene answered. “Reign Harriett.”

“Alright,” sabi ng manager niya at isinulat iyon sa papel.

Nang may tawagan ang manager niya ay sumandal na si Serene sa headrest ng upuan niya. Itinaas niya nang kaunti ang sunglasses niya at tiningnan ang sariling repleksiyon sa bintana.

“Reign…” she whispered. “Who are you…?”


LYLE.

“WHAT DID YOU DO?!”

Galit na galit ang manager ni Lyle. Kanina pa siya nito sinesermunan sa loob ng kotse. Pero ni-isa ay walang pumapasok sa utak niya. Ang nasa isip niya lang ay ang mukha ni Reign.

“Ang sabi ko, maghintay ka lang sa loob ng kotse. Binisita ko lang saglit ’yong kapatid kong principal ng school. Maraming estudyante kaya sinabihan na kitang ’wag lalabas pero anong ginawa mo?”

From Reign’s hair, to her eyes, to the bridge of her nose, down to her lips. Mas lalo itong gumanda para sa kaniya.

“Bakit n’yo ba kasi pinayagan na lumabas si Lyle?!” baling nito sa mga Assistants niya.

“E, sabi Sir, maglalakad-lakad lang daw po siya, e…” sabi ng isa.

“Two days photoshoot lang ang ipinunta natin dito. Tapos na natin ang isa kaninang tanghali at bukas na ang last. Please naman, do your job. If something bad happens to Lyle, pare-pareho tayong walang trabaho. Nakakahiya pa kay Miss Serenity!”

Si Serenity ay ang ka-partner niya sa photoshoot. They were hailed as this year’s ambassadors of a well-known international brand.

“I’ll talk to Serene,” sabi ni Lyle. “She’ll understand.”

“I hope she does, Lyle. I really hope she does…” inis na sabi ng manager niya.

Tinawagan ng manager niya ang manager ni Serene at sila muli ang nag-usap.

Tumingin si Lyle sa bintana, inaalala ang nangyayari kanina. Nag-stop over lang sila sa school na ’yon after ng photoshoot dahil bibisitahin ng manager niya ang kapatid nito na Principal doon.

Bored na bored si Lyle sa loob ng kotse kaya nang makita niyang may school event, lumabas siya para manood man lang. But just when he was starting to enjoy the music, he saw a familiar face nearby.

At first, akala niya namamalik-mata lang siya. Pero nang lapitan niya ito, hindi siya nagkakamali. Siya nga iyon. Si Reign nga iyon-ang nag-iisang babae na sumira ng sistema niya.

Ilang buwan niya itong hinanap. Ilang buwan siyang balisa dahil dito. Lyle felt that there was something between them when they went to the amusement park together.

The way she held him, the way she laughed at him, and the way she promised to spend her whole summer with him, Lyle had hopes that perhaps, she could love him back. If not, at least they gave it a shot.

Lyle was ready to take the risk. But just when he was ready to give his all, she vanished. Nawala siya nang wala man lang pasabi.

Wala na ito sa school, nag-drop out na raw. Wala na ito sa tinitirhan nito, umalis na raw. Hindi na rin ito matawagan. Ang social media accounts naman nito ay deactivated na. Kahit sino sa kanila ay walang nakakaalam kung saan ito pumunta. Ni-hindi nila alam kung bakit ito umalis.

Lyle felt lost. He didn’t know how to begin again. Ni-hindi siya makapag-entertain ng iba noon. Feeling niya may something pa na hindi natatapos sa pagitan nila ni Reign. He deserved to know what happened. He deserved to know the answers to his Whys.

Until a year passed, just when he had already accepted that everything’s done, she came back in the most unexpected way. And now, he felt lost again.

“If I fall for you again…” Lyle whispered in the air while looking at the car window, imaging Reign’s face. “… will you Catch Me this time, Attorney?”

SEASON 2 PART 3

A/N: To share your thoughts, use our tagline CATCH ME ATTORNEY 03 on Twitter.


REIGN.

“If I fall for you, will you Catch Me, Attorney?”

Paulit-ulit na bumabalik ang mga katagang ’yon sa isip ko. Kahit na higit isang taon na ang nakararaan simula nang umamin sa akin si Lyle, I still hear those words. I can still remember the mixture of emotions in his eyes-the fear of being rejected and the bravery to confess what he feels.

Sa totoo lang, nagsisimula ko nang makalimutan ang lahat ng naganap sa Maynila at sa West Carson High. I created a new version of me in this province and selectively erased whatever happened before.

But just when I was completely succeeding, the world screwed me up again. Ngayon, pakiramdam ko’y nag back to zero ako at hindi ko alam ang mararamdaman.

“Oh, isa pa. Kaya pa ’yan, usog lang sa dulo, usog!” rinig kong sigaw ng konduktor.

Nasa loob ako ngayon ng bus pauwi ng bahay. Kakaunti lang ang bumabiyaheng bus sa gabi kaya sobrang siksikan ngayon. Public bus pa iyon kaya walang aircon at talaga namang umuuga na para bang nasa roller coaster ka.

Looking at the passengers, mukhang sanay na sanay na sila. Walang-wala lang sa kanila na para na silang titilapon sa kabilang dulo ng bus. Nakakabilib ang resiliency pero nakakalungkot na matagal na silang nagtitiis sa ganito.

Why would you settle for less when there’s something far better? Only if the government was competent enough…

Bigla akong natigil sa mga iniisip ko nang huminto ang bus at tumapat sa isang bus stop. Napalunok ako nang makita ko ang advertisement poster ni Lyle doon.

“’Di mo ba talaga ako titigilan?” bulong ko sa hangin habang nakatingin doon.

Nakangiti pa ito sa akin.

“Does seeing me confused make you smile?” tanong ko rito.

I sighed.

Kanina lang nangyari ang lahat. Kanina lang kami nagkita ulit ni Lyle at kanina lang ulit nagsimulang gumulo ang buhay ko.

Seeing how he looked at me, I felt he really did miss me. Pero may bahid ng galit doon, mayroong tampo. Hindi ko naman siya masisisi. After I promised him something, I vanished without even a word. Kaya kung galit siya, naiintindihan ko. Maiintindihan ko.

Biglang umandar muli ang bus at nawalan ako ng balanse. May humapit sa balakang ko, dahilan para hindi ako matumba. When I looked who was beside me, it was Maki.

Nakasuot ito ng puting T-Shirt na naka-tuck in sa slacks nito. Ang polo naman nitong uniform ay hawak na lang niya dahil sa sobrang init. To be honest, Maki looked manlier yet cuter in white. Sobrang linis tingnan.

“Okay ka lang?” tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Tumango ako. “Ikaw ba?”

“’Di ko sure. Parang gusto tayong ibalibag ng bus,” biro niya. Pareho kaming nangiti sa isa’t isa.

Umandar na ulit ang bus at maya-maya lang ay may sinasabi si Maki sa akin pero hindi ko maintindihan dahil sa ingay ng bus at ng mga tao.

“Ano?” malumanay kong tanong.

Bumuka ang bibig ni Maki para ulitin ang sinasabi niya pero agad din niya iyong isinara at biglang ngumiti.

Walang anu-ano’y hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at iginiya ako sa dulong bahagi ng bus.

“May bakante na kase,” rinig kong sabi niya.

“Sorry na,” nangingiti kong sabi. “Sabog ako today.”

I heard his tiny laugh. “Hindi lang pala mga tao sa loob ng bus ang lumilipad, isip mo rin pala.”

Tuluyan na kaming natawa pareho. Nang marating namin ang upuan ay pinauna akong umupo ni Maki sa tabi ng bintana. Doon naman siya tumabi sa akin at inilagay ang bag niya sa harap niya.

“Bakit kapag sumasakay tayo ng bus, dito mo ako parati pinapaupo?” I asked out of the blue.

“Ayaw mo ba sa tabi ng bintana?” tanong niya pabalik.

Umiling ako. “Ito pinakagusto kong spot.”

“That’s why,” sagot ni Maki. “Noong hindi pa tayo close at nagkakasabay sa bus, nakikita kita parating nakaupo sa tabi ng bintana. Gustong-gusto mong tumitingin sa labas, parati kang ngumingiti kahit ang gulo sa paligid mo “

Napangiti ako. “Ikaw ha, inoobserbahan mo ’ko.”

Nahihiya siyang ngumiti. “Ikaw nga noon, snobbers.”

“Snobbers?” tanong ko at natawa. “Saan mo napupulot ’yang mga salitang ’yan?”

“Narinig ko lang,” sagot niya at malapad na ngumiti. “Mali ba pag gamit ko?”

“Ewan ko sa ’yo,” biro ko sa kaniya. Maya-maya ay humupa ang tawanan namin.

I cleared my throat.

“Ayaw mo bang umupo rito sa tabi ng bintana?” I asked. “Lagi mo sa akin binibigay ’yong spot, baka… baka gusto mo rin.”

“Gusto ko rin pero mas gusto kita makitang ngumingiti habang nakatingin sa bintana,” sagot ni Maki. “Kaya okay lang.”

Bahagya kaming natahimik. Ni-hindi ko alam kung paano sasagutin ’yon. I knew a simple ‘Thanks’ will do but for some reason, I chose not to say anything.

“’Yong lalaki kanina…” biglang sabi ni Maki. “Kilala mo ba talaga siya?”

I bit my lower lip. Si Lyle ang tinutukoy niya.

“Oo,” sagot ko. “Kaklase ko siya noon sa Maynila.”

Tumango-tango si Maki.

“Bakit parang galit siya? Ba’t parang, ang dating… iniwan mo siya?”

Tiningnan ko siya. Maki looked curious

“Nag… nag-date ba kayo noon?” tanong niya.

Bumuka ang bibig ko.

“Sorry,” bigla niyang sabi. “Baka masiyado na akong nanghihimasok. Sorry, Reign-”

“No,” putol ko sa kaniya. “Hindi kami nag-date. Magkaibigan lang kami dati. Thesis partner. ’Yon lang.”

“Talaga?” tanong ni Maki at nakatitig sa mga mata ko, na para bang ang sagot sa mga taong niya ay naroroon.

“Oo,” sagot ko. “Kaibigan ko lang siya dati.”

A smile blossomed on Maki’s lips. “Buti naman…”

“Huh?” tanong ko. “Anong buti naman?”

“Buti may kaibigan ka na ulit,” sabi niya. “Sad girl ka ’pag absent ako, e.”

“Ang kapal!” sabi ko at pabirong hinampas siya sa braso.

Tawa lang ang naging tugon ni Maki. Wala na ulit nagsalita sa pagitan naming dalawa nang huminto muli sa isang bus stop ang bus. Maraming bumaba at kakaunti na lang kaming natira.

Maya-maya’y inilagay ni Maki ang isa niyang earphone sa tainga ko habang ang isa nama’y nasa kaniya. When I looked at him, he smiled at me again.

“Parang ang dami mong iniisip,” sabi niya. “Kapag maingay ang mundo at ang isip mo, music can help.”

Tipid akong ngumiti. “Salamat.”

Tumingin na ako ulit sa bintana at tanaw ko ang repleksyon ko mula roon. Sa totoo lang, hindi ko na alam ang gagawin. Gustong-gusto kong tanggapin ang scholarship pero natatakot ako sa possibleng mangyari ’pag nakita ko ulit ng 12-A.

Si Lyle pa nga lang ang nakikita ko pero parang guguho na ang mundo ko. Paano kapag lahat na sila?

Tiningnan ko ang phone ko at panay message sa akin ang mga ka-blockmates ko sa school. Tinatanong nila kung kaibigan ko raw ba si Lyle. Maging ’yong mga never ko nakausap, ngayo’y nagtatanong.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Nabulabog nanaman ang buhay ko.

I sighed. Bigla akong may naalala kaya tiningnan ko si Maki. Nakasandal siya sa upuan at naniningkit na ang mata dahil sa pagod at antok.

“Maki…” bulong ko.

“Hmm?” tanong niya at tiningnan ako. Antok na antok na talaga ito.

“Kanina pala, may sasabihin ka, ’di ba?” I asked. “Kaya ka nakipagkita sa school ground after class.”

Parang biglang nawala ang antok sa mukha ni Maki.

“Sorry, nawala na rin sa isip ko. Naging occupied bigla ang isip ko dahil sa nangyari. Ano pala ’yon?” tanong ko.

Tiningnan niya lang ako.

“Ano nga?” tanong ko ulit.

His lips parted a bit but just a few seconds after, he chose to close it again as if he had a sudden change of heart.

“Wala,” sabi niya at ngumiti habang nakatitig sa mga mata ko. “Kalimutan mo na ’yon.”

“Ano ’yon?” tanong ko ulit. “Baka importante.”

Umiling siya at lalong ngumiti. “Wala nga. Basta, next time na lang.”

“Sure?” tanong ko.

Tumango lang siya.

“Ikaw ang bahala,” sabi ko at tumingin na ulit sa bintana.

Ilang minuto pa ang kumipas ay parang inaantok na ako. Nagsimula nang lumamig ang hangin at tuluyang nagdilim ang labas. Doon ko napansing gegewang-gewang na ang ulo ni Maki. Tiningnan ko siya ulit. Nakatulog na ito at bagsak na bagsak ang buhok. Bahagya pa nga itong naka-pout.

Napangiti ako. Unti-unti kong inilapit ang balikat ko sa kaniya at iginawi ang ulo niya sa akin. In a snap, pumatong na ang ulo niya sa balikat ko.

Pinanood ko si Maki na matulog. He looked really cute.

Maya-maya lang ay nakaramdam na rin ako ng antok. aunti-unti nang bumibigat ang mga mata ko.

In the blink of an eye, I didn’t notice that my head landed on top of his head and together, we fell asleep helplessly.


GREY.

“REESE?!”

Hindi maiwasang hindi sumimangot ni Grey nang makita si Reese sa campus. Nasa student park ito at ’di mo mahahalatang outsider. Katatapos lang niyang i-organize ang Theater Room para sa isang play na gaganapin bukas ng umaga. Pagod si Grey kaya wala na siyang balak pagsabihan si Reese.

“Bakit naman lukot ang mukha mo, Grey?” tanong ni Reese at hinawakan ang hawakan ng lollipop niya at nilaro iyon sa labi niya. “Ganoon na ba ako kaganda at pati ikaw, insecure?”

“Where’s Missi?” tanong niya rito.

Supposedly, magkikita sila ni Missi ngayon. Napalabas kasi ito ng teacher nito kahapon dahil bigla na lang umiyak sa klase. Ayon pala, nanonood lang ng Korean Drama at namatay ’yong favorite niyang character.

Tinulungan niya ito dahil inis na inis ang teacher nito sa kaniya. He talked to her teacher and because of him, the teacher gave Missi another chance. Bilang kapalit, ipahihiram nito sa kaniya ang isang limited book first print edition na isa sa collections ng Daddy nito.

Nakakatawa na nga lang isipin. If this situation happened in the past, a year before to be exact, things would be entirely different. Baka nga mawalan pa ng trabaho ang guro.

Somehow, the students of 12-A changed. If they have matured already or they just lost the power they once had, Grey couldn’t really identify.

“Si Missi? Wala, tulog, umalis,” sagot ni Reese at inabot sa kaniya ang libro.

“Ano ba talaga?” tanong ni Grey.

“Pinapaabot niya ’yan. ’Wag mo siyang hanapin. Sabi niya sabihin ko raw na nag-s-study siya kahit ang totoo nandoon siya sa library at tinatapos ’yong 16 Episodes ng drama na pinapanood niya.”

Imbis na mainis ay natawa si Grey.

“Ang pangit mong kaibigan, nanlalaglag,” sabi ni Grey at tinanggap ang libro.

“Ikaw ba, kaya mo ’kong ilaglag?” tanong ni Reese.

Umiling si Grey. “Of course, no.”

“Kung ’di mo kaya ilaglag, saluhin mo na lang ako.”

Biglang natulala sa kaniya si Grey. Hindi maipinta ang mukha nito.

“I can’t tell kung shocked ka, nandidiri o kinikilig. Joke lang ’yon, brad, ’no?” sabi ni Reese at humalakhak.

Kinurot niya ang pisngi ni Grey.

“Ang cute-cute ng abunjing-bunjing namin,” she said in a baby voice.

“Take your hand off,” sabi ni Grey at nakatingin kay Reese.

“Teyk yor hend off,” Reese copied him in a baby voice.

Natawa si Grey kaya natawa na rin si Reese.

“Excuse me,” a woman’s voice said.

Natigil ang tawanan nila nang biglang dumaan ang isang babae. Agad nila iyong nakilala.

It was Braelyn.

Inalis ni Reese ang pagkakapisil niya sa pisngi ni Grey. She felt awkward too.

Mabilis na dumaan sa kanila si Braelyn at hindi man lang sila tinitingnan. Tuluy-tuloy ito sa paglalakad.

Braelyn changed a lot. Achiever pa rin ito sa school pero invisible sa mata ng lahat. Wala rin itong kaibigan at parating mag-isa.

Grey felt bad everytime he sees her. Gusto niya itong lapitan at kausapin pero umiiwas din ito. Inisip na lang niya na baka na-g-guilty pa rin ito sa pag-e-expose ng mga sikreto nila noon. Grey chose to respect her choice, if that would make feel her a lot better.

“Pitiful, isn’t it?” tanong ni Reese habang pinanonood si Braelyn na naglalakad papalayo.

Grey looked at her with loads of questions in his eyes.

“In your desperate attempt to have everything, you miserably lost everything that you have. Now you’re left with nothing but dust…”

Reese smiled bitterly.

“Speaking from experience?” Grey joked, trying to lift up the atmosphere.

“Hanggang ngayon nakakulong si papa dahil sa pang-s-scam niya, hirap na makahanap ng teaching job si Kuya Ivan, ako naman ayaw mag-aral kasi walang gustong gawin sa buhay. Siguro nga, speaking from experience.”

Biglang natigil si Grey. He felt bad.

“That’s not what I meant, Reese,” he said. “I-”

“I know,” sabi ni Reese at bahagyang natawa nang tingnan siya. “Ganon talaga ang buhay. Either maganda ka pero unsuccessful or unsuccessful pero ’di ganoon kaganda. You can’t have the best of the two worlds.”

Bahagyang natawa si Grey.

“Paano na lang kung maganda na nga ako tapos successful pa? Edi favorite na ako ng Creator niyan?”

Napailing na lang si Grey. “Kailan ka ba kasi mag-e-enroll para hindi ka na papuslit-puslit sa Campus?”

“Gusto kong yumaman nang wang ginagawa at ’di nag-aaral. How ba?”

Tuluyan nang natawa si Grey. “Find someone rich, then.”

Reese looked at his eyes and smiled. “I found you, then.”

Biglang natigil si Grey. Humalakhak naman si Reese.

“Joke lang, oy!” sabi nito at hinampas pa siya sa braso. “Bye na nga muna, baka mahuli ako ni Super Mario. See you ulit, abunjing!”

Tinapik ni Reese ang balikat niya bago ito naglakad papalayo. As he was watching her fading from his sight, he couldn’t help thinking.

“Since when have we been this close?”

Grey looked at the book that Reese handed him and shrugged. Saktong pagtalikod niya ay bahagya siyang nagulat nang isang lalaki ang nakatayo roon na para bang gusto siyang gulatin. It was Hale Parker.

“Hi, Pres,” sabi nito at ngumisi.

“Yes?” tanong niya rito.

Tinitigan siya nito at lalong ngumisi.

Lalong naguluhan si Grey. He felt weird. He looked really weird.

“May kailangan ka, Hale?” tanong niya rito.

“I heard pupunta ka sa isang university sa isang province today?”

Tumango si Grey. Supposedly kagabi iyon pero nauna na ang daddy niya at maraming sudden errands sa school kaya ngayon siya pupunta. His mother’s brother, his uncle, is the mayor of that province and the old guy wanted to meet him too.

Tumango siya. “What about it?”

“Wala lang,” sabi ni Hale. “Ang alam ko kasi may bibisitahin kayong beneficiary ng scholarship program ng Daddy mo. Iba talaga! Tatakbo na ba Daddy mo sa Politics kaya kailangan ng mga ganiyan?”

That’s when Hale hit a nerve.

“Hindi naman lahat ng tulong ay peke, Hale,” he said in the most polite way.

“For you, oo. But for some? I doubt it. All your life nagta-trabaho ka para kumita ng pera tapos ipapamigay mo lang? Ba’t ka mag-aaksakya? Unless, may kapalit, ’di ba?”

Grey had lot of nasty replies to say but he will never lose his cool.

“The way you analyze it speaks about your character,” he said.

“Chill,” sabi ni Hale at tumawa. “Interested lang ako kasi may scholarship beneficiary din kami roon. In fact, kagaya ng scholar ninyo, kapag tinanggap niya ang scholarship na ino-offer ni Lolo, dito rin siya mag-aaral sa West Carson University. Who knows, baka kilala mo siya?”

Kumunot ang noo ni Grey. “Bakit ko siya kilala?”

Hale shrugged. “I don’t know. Baka lang naman. Napakaliit kasi ng mundo.”

“Yeah, indeed,” a voice said. Parehong napalingon sila Hale at Grey sa bagong dating. It was Missi. She looked at Hale mockingly. “Sa sobrang liit ng mundo, I even forget that you exist sometimes.”

Nabigla si Hale at halata ang inis sa mukha nito. Tumaas naman ang sulok ng labi ni Grey.

Bago pa makasagot si Hale ay hinawakan na ni Missi si Grey sa braso.

“Tara na, don’t waste your time sa mga good-for-nothing-leeches.”

The moment they walked away, Grey knew Hale was in rage.

“Sakto dating mo, a?” sabi ni Grey at ngumiti.

“Dapat kasi ’di mo na pinapansin ’yon,” sagot ni Missi.

“Akala ko nanonood ka sa library ng drama? Tapos na? Ba’t ang saya mo ata?”

“Syempre, buhay pala ’yong character na gusto ko. Iniyakapan ko pa, scam pala. Daming twist, sa sobrang twisted ng story gusto ko na rin i-twist leeg ng author.”

Pareho silang natawa.

“May question ako, Grey,” panimula ni Reese. “Sa pinanonood ko kasi… super love nila ’yong isa’t isa pero hindi tama ’yong tadhana para sa kanila. But when that right time comes, sinubukan ulit nila at umayon na sa kanila ang tadhana.”

“What about it?” Grey asked.

“Naalala ko lang kayo ni Reign. Sobrang in love kayo sa isa’t isa pero ’yong timing para sa inyo… it was a mess. What if… magkita ulit kayo? Tapos, puwede na? What will you do?”

Grey sighed. “I don’t know. Only time will tell.”

“Pero kung gusto mo pa siya?” tanong ni Missi.

“Ang tanong, gusto pa rin niya ba ’ko?” Grey asked back.

“What if yes?” Missi asked curiously.

“I don’t really know unless makikita ko siya ulit. I can’t unlove her but I’m not sure if it’s worth the risk again.”

“Woah, deep,” sabi ni Missi.

Natahimik silang pareho at ramdam ni Missi ang awkward atmosphere.

“When alis mo papunta sa province?” Missi asked out of the blue.

“Now na.”

“NOW?!” gulat na tanong ni Missi. “Ingat ka. Hatid na kita sa parking at baka kung sino-sino nanaman ang kumausap sa ’yo at hindi ka pa naman marunong humindi.”

Tawa na lang ang naging tugon ni Grey. But deep within him, he couldn’t get the question off his mind.

Kapag ba pwede na, pwede pa?


REIGN.

Tomorrow morning, usap-usapan nga ang nangyari kagabi gaya ng inaasahan ko. Maraming kaklase ko ang pilit na lumalapit sa akin para alamin kung anong mayroon kami ni Lyle. They even digged my photos with 12-A. Nakita pa nila ’yong picture namin ni Lyle noong recognition day, noong na-award-an kami dahil sa thesis paper namin.

Sa totoo lang, it was draining me. Isali pa natin ang maya’t mayang paalala ng teacher ko about sa decision ko sa scholarship.

Kinausap ko si tita at ang mga kapatid ko, lahat sila ay pabor. Tingin ni tita, the scholarship could be the bridge to my success. Sinabi kong nag-aalala ako sa mga kapatid ko, na walang mag-aalaga sa kanila. She assured me that they will provide care for them, basta magpapadala ako ng allowance nila dahil kapos din sila tita.

Lahat ay ayos na. Desisyon ko na lang talaga ang kailangan.

“Class dismiss.”

Right after I heard that, lumabas na agad ako ng room at binuksan ang phone ko. Message agad ni Maki ang tumambad doon. Nag-send ito ng picture.

Maki:

Pasabi kay Tito mo salamat sa Jacket, Reign. Ang pogi ko raw sabi nila hahaha

nahihiya tuloy ako

Bahagya akong natawa. Si Maki ’yong tipo ng tao na ang gwapo pero hindi aware na gwapo siya.

Kagabi kasi namigay si tito ng mga pinaglumaan niyang damit. Saktong nagkasya at bumagay kay Maki ’yong leather jacket niya at agad namang sinoot ni Maki iyon ngayon. Sakto at wash day namin.

Nag-heart react lang ako at hindi na nag-reply. Alam ko kasing mag-n-notify agad iyon kay Maki and knowing Maki, hindi niya mapipigilang hindi agad mag-reply.

Lumabas na ako ng room at nagsimulang maglakad palabas ng building. Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin pero hindi ko na ’yon ininda.

Isipin na nila ang lahat ng gusto nilang isipin. Bahala na sila, judge na lang nila ako.

Paglabas ko ng building ay tirik na tirik ang araw. Pagkahakbang na paghakbang ko ay natanaw ko bigla ang isang lalaki sa ’di kalayuan. Pinagtitinginan ito ng mga tao.

Nakasuot ito ng puting sweatshirt at itim na pantalon. Nakasuot din ito ng itim na sunglasses. Nakatayo ito sa tapat ng building namin.

That’s him.

That’s Lyle Heimsworth.

Bahagya siyang kumaway sa akin at lahat ay tumingin sa gawi ko.

Damn. Issue nanaman!

Akmang pupunta ako sa kaliwa para iwasan siya nang walang anu-ano’y may ginawa siya para matawag ang atensiyon ko.

“REIGN!” sigaw niya.

Bigla akong napahinto.

“REIGN HARRIETT!”

Matalim ang tingin na tiningnan ko siya. Lahat ay nagtitinginan na sa amin.

Tinanggal ni Lyle ang sunglasses niya at ngumisi.

“I’ve been calling you for so long, sweetheart,” he said. “When will you answer my heart?”

Nakarinig ako ng bulungan. Alam kong ginagawa ni Lyle ’yon para makuha ang atensiyon ko at para mawalan ako ng choice para kausapin siya.

I snobbed him. Nagtuluy-tuloy ako sa paglalakad at hindi siya pinansin. Habang naglalakad ay narinig kong may naglalakad papalapit sa akin. Nakarinig at nakaramdam ako ng mga yabag pero hindi ko siya pinansin. Maya-maya lang ay hinarang na ako ni Lyle.

Dahil mas matangkad siya sa ’kin, tumingala ako para magtama ang paningin namin. Nakababa ang tingin niya sa akin dahil nga hanggang dibdib niya lang ako. Lyle was wearing his usual expressionless face.

“What?” malumanay kong tanong.

Kumunot ang noo ni Lyle. “Anong what?”

“What. Ano. Ano pa bang meaning ng what sa ’yo?” tanong ko pabalik.

Tiningnan niya lang ako at ngumisi. “Buti na lang maganda ka. Bagay sa ’yo magtaray.”

I opened my mouth but nothing came out. I felt defensive but I didn’t know how to defend myself. I knew Lyle was playing with me. Ibang-iba na ito ngayon. He knew how to defeat his opponents by playing with their emotions and I won’t fall for it.

“Ang init, Lyle. Baka magalit ang manager mo, nasusunog na ang balat mo,” pang-iinis ko.

“Well, it’s healthy. Anything healthy is good for the heart,” sagot niya at kita ang pawis niya sa gilid ng mukha. “You know what else is good for my heart?”

“What?” I asked back.

Lyle smirked. “You.”

Inirapan ko siya. Ang laki talaga ng pinagbago ni Lyle.

“Anong kailangan mo?” tanong ko. “Sasagutin ko na para makaalis ka na.”

“Do you really hate seeing me?” Lyle asked. “You ghosted me. Between the two of us, it’s me who has all the rights to get mad.”

“Hindi kita ghinost,” sabi ko. “Required ba akong magpaalam sa ’yo parati? Ano ba kita?”

“Oo nga, ano mo ba ako?” Lyle asked back. “Kahit walang namamagitan sa atin, Reign, you shoul’ve kept your promise. Kung hindi mo kayang tuparin, dapat hindi ka na nangangako.”

“Bakit ka galit?” tanong ko at halos tumaas na ang boses dahil ganoon na rin ang boses niya.

“I’m not mad, I’m disappointed. Pinaasa mo ako, Reign. Umasa ako sa ’yo,” he said and he sounded hurt.

“May mga bagay na hindi ko alam na mangyayari, Lyle. Maybe that night, I meant that promise. Then something happened and I can no longer fulfill it,” pagsisinungaling ko. “People lie. A lot. Manage your expectations so you won’t get disappointed.”

I looked at his eyes fiercely and before I could even turn my back and walk away, he said something that made me stopped.

“I miss you, Reign.”

Beat.

I looked back at him. He was looking at nothing but me.

“Ako ba, hindi mo na-miss?” he followed.

Hindi ako makapagsalita. That was way too direct.

“Lyle-”

“Imposibleng hindi,” putol niya sa akin. “Imposibleng kahit na kaunti sa pinagsamahan natin, hindi mo naaalala. Imposibleng kahit na isang beses, hindi ako sumagi sa isip mo.”

Itinikom ko ang bibig ko. Hindi ko rin alam kung paano ipaglalaban ang sarili ko.

“I heard you got a scholarship offer,” Lyle suddenly said.

I looked at him, shocked. “How did you know?”

“From the grapevines,” he answered. “Kapatid ng manager ko ang Principal dito. I also heard sa West Carson University ang offer sa ’yo. Don’t you think it’s the right time to come back?”

“Wala na akong babalikan doon, Lyle. Masaya na ako rito,” ganti ko.

“Bumalik ka na sa ’min,” he said. “Bumalik ka na sa ’kin.”

“Ayaw ko na,” I said. “This place is a lot better than-”

“Kung ayaw mong bumalik bakit pinag-iisipan mo pa kung tatanggapin mo ang scholarship o hindi?” he asked. “A part of you wants it. What’s stopping you from accepting it?”

“Ikaw,” sagot ko at nagsisimula kong maramdaman ang galit. “Kayo.”

Biglang natahimik si Lyle at hindi alam ang sasabihin.

“Bakit ko gugustuhing bumalik sa lugar kung saan trauma lang ang dulot sa ’kin?” I asked sharply.

Hindi malaman ni Lyle ang sasabihin. I knew he wanted to say something but he couldn’t find the right words to say.

“Kung wala ka nang sasabihin, aalis na ako,” sabi ko. “And I hope this is the last time I’d see you. Move on na, Lyle.”

I threw him a final glance. Just when I turned my back, he held me by my wrist. I looked back at him.

“Hindi pa tayo tapos mag-usap,” sabi niya.

“Wala na akong gustong sabihin,” sagot ko.

“Ako marami,” sabi niya. “Like Miss Jess’ case.”

Bigla akong nanlambot.

“Alam kong alam mo ang nangyari,” sabi niya at may bahid ng galit at takot ang mga mata. “I don’t know how did you find out, pero I’m sure it has something to do with the voice record before. Noong narinig mo ’yon, pinuntahan mo si Prosecutor Jax. We both know that Jax… is an ally of the enemy.”

Nakaramdam ako ng matinding takot.

“Tayong dalawa lang ang nakakaalam ng katotohanan, Reign. I wanted to reveal the truth pero mag-isa lang ako. Hindi ko rin alam kung paano. Hindi ko rin kung ano magiging dulot niyon sa pamilya ko. If you come back to West Carson… sabay nating uungkatin ang lahat. We got each other.”

“H-Hindi ko alam ang sinasabi mo,” sabi ko at ramdam ko ang kalabog ng dibdib ko. “W-Wala akong alam-”

“Si Hale ang pumatay kay Miss Jess,” bulong ni Lyle at may galit ang boses. “I know you know it too!”

“Wala akong alam,” pagsisinungaling ko. “Tama na, aalis na ako.”

“Reign-”

“Tama na!”

“Let’s talk-”

Natigil kaming dalawa nang biglang may humawak sa isang kamay ko at bahagya akong inilayo kay Lyle.

It was Maki.

“Ayaw na nga niya makipag-usap, ’di ba?” tanong ni Maki kay Lyle. “Bakit namimilit?”

“Sino ka ba?” tanong ni Lyle kay Maki. “I don’t need anything from you. I don’t even know you.”

“Kaibigan ako ni Reign. Ikaw, kaibigan ka dati. Past. Ako ang kaibigan ngayon. Present. Ilugar mo sana ang sarili mo,” Maki snapped.

Lyle smirked in disbelief. He tilted his head and looked at Maki’s nametag.

“Malcolm Kiel Edejer…” Lyle whispered and looked at Maki’s eyes again. “Maki. Combination of two names.”

Lyle scoffed.

“Did Reign tell you that we were friends or did you do your research?”

Maki was taken aback.

“Why?” Lyle asked with a mocking voice. “Threatened?

Hindi nakasagot si Maki.

From smirking, Lyle turned dead serious. “As you should be. Kung kaibigan ka lang, stay on your lane.”

Hindi makaimik si Maki. Gumanti lang ito ng matalim na tingin. Nakahawak siya sa isang kamay ko at si Lyle naman sa kabila. Nasa ganoon kaming kundisyon nang makarinig kami ng isang boses.

“Lyle?”

Sabay-sabay kaming napalingon. Isang lalaki ang nakatayo sa ’di kalayuan. The guy looked at Lyle, then at me. When our eyes met, he was rather shocked.

“Reign…?” he uttered.

That’s when I finally recognized him. My eyes widened and once again, my heart waved.

“Grey…”

SEASON 2 PART 4

REIGN.

“Grey…”

I suddenly can’t move at all. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko nang makita ang pamilyar na mukha na ni minsan ay hindi ko nalimutan.

When Lyle appeared when I was talking with Maki, pakiramdam ko ay nanlamig ako. Just when I thought that was gonna be the most inexplainable feeling above all-meeting the person you used, ghosted, and lied to-I was wrong. With Lyle, I felt the need to be brave and defend myself.

But with Grey…

Tiningnan ko siya. Gulat na gulat pa rin siya nang makita ako. Isang taon na rin ang lumipas simula nang nag-break kami, isang taon na rin ang lumipas simula nang umalis ako sa West Carson High at napakarami nang nagbago.

Kabisado na namin ang isa’t isa. From our features to our secrets, we found comfort with each other. Pero ngayon… he was looking at me as if I looked really strange in his eyes.

Nanliit ako sa sarili ko at na-guilty. Isa lang ang nakikita kong paraan, gaya ng dati-I felt the need to run away and disappear. It was the only way.

Tiningnan ni Grey si Lyle, papunta kay Maki, at pabalik naman sa akin. Hawak pa rin ni Lyle ang isa kong kamay habang si Maki naman sa isa. He looked really confused.

“Sino siya, Reign?” tanong ni Maki sa akin. “Kilala mo ba siya?”

Hindi ako makapagsalita. Ni-hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

“Of course, he knows him,” Lyle said with a hint of bitterness in his voice. “Sa lahat ng taong kilala niya, siya ang hindi niya malilimutan.”

Hindi sumagot si Maki. Tiningnan ni Maki si Grey, na para bang pinag-aaralan niya ito.

“Reign…”

Napatingin ako kay Grey. From looking confused, he forced himself to smile at me.

“It’s… it’s nice seeing you again…”

Lahat ay nag-flash back sa akin. Simula noong una kaming nagkita sa Arcade at sinalba niya ako laban sa mga sindikato, ’yong mga panahong siya lang ang kakampi ko sa school habang ang lahat ay gusto ako umalis, the way he chose me over his family, and the way we broke up and parted ways.

Alam kong tanggap ko na ang lahat. Alam kong naka-move on na ako. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Do I feel the guilt now? Or am I just ashamed of how I have become after ghosting them all?

“Let go of me…” bulong ko.

“What?” Lyle asked me.

Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Mabilis kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak nila Maki at Lyle. Pareho silang nagulat. Akmang lalapit si Grey sa amin nang bigla siyang mapahinto dahil sa ginawa ko.

Without uttering anything, I turned my back and just like what I always do, I ran away without even looking back at all…


THIRD PERSON POV.

Hindi malaman ni Grey ang gagawin. Ang unang nakita niya sa malayuan pa lang ay si Lyle. Hindi pa nga siya sigurado kung si Lyle nga ba iyon pero dahil sa tangkad ng kaibigan ay madali niya itong nakilala.

Nang tuluyan siyang makalapit ay bigla siyang napahinto. May kasama itong isang babae at isang lalaki.

“May away?” tanong ni Grey sa sarili.

He knew pretty well that Lyle will never get himself in trouble. Pero sa sitwasyong iyon, mukhang handa itong makipagbuno anytime.

Matalim ang tingin ni Lyle sa lalaki at may sinasabi rito. The way he smirked, he knew Lyle will never hesitate to destroy his life.

“Lyle?” Grey asked.

Lyle looked at him. The three looked at him.

Bahagyang nabigla si Lyle pero agad nitong nabawi ang postura. Doon niya mas lalong napansin ang mukha ng babae na kasama nito at ang isa pang lalaki na artistahin din ang hitsura.

Nang mamukhaan niya kung sino iyon, his heart once again waved inside him.

“Reign…?”

Hindi siya makapaniwala. He even blinked twice just to make sure that his eyesight wasn’t fooling him but no, it was real. It was her. After a year long, he met her again. They met again.

Halatang nagulat din si Reign nang makita siya. He can barely recognize her. Ang daming nagbago sa hitsura nito pero he can’t deny that Reign really has this captivating aura that no one could ever resist.

Bumuka ang bibig ni Reign pero wala itong sinabi sa kaniya. Maging ito ay hindi alam kung paano siya babatiin.

“Let go of me…” rinig niyang bulong nito.

“Why?” Lyle asked.

Hindi na nito hinintay pa ang tugon ni Lyle. In the blink of an eye, she took her hand from the two guys and without uttering anything, she turned her back and ran away, leaving him once again puzzled.

“Reign-” Biglang natigil si Grey nang bigla itong tumakbo. “S-Saglit!”

Ngunit hindi ito lumingon. Tuluy-tuloy lamang ito sa pagtakbo and Grey felt like it was unnecessary. Tiningnan niyang muli si Lyle at ang lalaking nasa harap nito. Without saying anything, he chased Reign.

Sa pagkakataong iyon ay parang lulubog si Lyle sa kinatatayuan niya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Ang sigurado lang niya ay nagseselos siya.

“Sino siya?” tanong ni Maki. “Bakit siya tinakbuhan ni Reign?”

Hindi kumibo si Lyle. Pinanonood niya lang si Reign at Grey na unti-unting naglalaho sa paningin niya.

“Ayaw nga siyang makausap ni Reign. Bakit pa niya hinahabol?” bakas sa maamong boses ni Maki ang bahagyang inis. “Hindi ba niya napansing hindi kumportable ’yong tao sa kaniya?”

Akmang aalis ito para sundan ang dalawa nang harangin niya ito ng kamay niya. Huminto naman si Maki at tiningnan siya. His eyes were rather curious than mad.

“Let them,” sabi ni Lyle. “Among anyone, siya ang gustong makausap ni Reign. Sa ating tatlo, siya ang may karapatan.”

“Bakit?” tanong ni Maki. “Sino ba siya?”

Tiningnan ni Lyle si Maki. His lips curved a weak smile.

“Someone who can melt her heart,” he said. “Someone that she chose over me.”

Bahagyang napanganga si Maki. Naintindihan niya iyon.

“Kaya ’wag ka nang mag-aksaya ng panahon. Wala tayong karapatan,” Lyle uttered.

“Paanong wala?” tanong ni Maki. “Parte kayo ng nakaraan niya, parte ako ng present niya. Sa ating tatlo, ako ang may karapatan ngayon.”

“Pero ano ka ba niya ngayon?” Lyle snapped back. “Kaibigan na assuming? Kaklaseng umaasa? Kapit-bahay na feeling may significant role sa buhay niya?”

Hindi nakapagsalita si Maki. Totoong-totoo rin iyon para sa kaniya.

“Kaklase niya ako dati. Kaibigan ka niya ngayon. Pero ’yong taong ’yon… ’yong tinakbuhan niya… ’yon ’yong taong minsan niyang minahal. Wala tayong laban sa ganoon, Edejer. Tayo lang ang kawawa.”

Maki wanted to say something but he can’t compose himself.

Maki looked at Lyle. Naiintindihan niya ang sinasabi ni Lyle pero ayaw niya iyong tanggapin.

“Isang taon na siya rito. At sa isang buong taon na ’yon, marami nang nagbago,” he said. “Kung akala n’yo siya pa rin si Reign na kilala n’yo noon, hindi. Puwedeng gusto niya siya dati, ngayon, hindi na.”

“We are not the same person we were a year ago and that’s true. But when it comes to love? I doubt it,” Lyle answered.

“Paano mo nasabi?” tanong ni Maki. “Hindi mo siya kilala-”

“I just know,” Lyle said. “I’ve loved her before and a year later, I love her still.”

Natahimik lalo si Maki. Hindi nito malaman ang sasabihin.

“Kung ayaw mong maniwala, chase her. See it to yourself. She will choose him over you,” Lyle added.

“Papatunayan kong mali ka,” ganti ni Maki.

Tinapunan siya ni Maki ng tingin bago ito umalis para sundan ang dalawa.

Lyle was left all by himself and variety of emotions were filling him up.

Noong nakita siya ni Reign, the first thing she did was to defend herself. Pero noong nakita nito si Grey, she showed her vulnerable side. Ibang-iba.

“Hindi ako inggiterong tao pero bakit siya pa rin, kung puwede namang ako naman ngayon?” Lyle muttered to himself.

He smirked sadly.

“Ouch.”


REIGN.

“Reign! Saglit!” rinig kong habol sa akin ni Grey. “Reign!”

Tuluy-tuloy lang ako at hindi siya nililingon. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante pero wala na akong pakialam. Ang mahalaga sa akin ngayon ay mawala sa paningin nilang lahat.

Lumiko ako sa likod ng building para malayo sa mata ng mga tao. Hindi ako handang makita si Grey. Hindi ngayon.

“Reign, bakit mo ba ako iniiwasan?” rinig kong tanong ni Grey. Binilisan niya ang lakad niya. “Reign! Reign Harriett!”

Doon ako napahinto. Mukhang hindi talaga siya papayag na hindi kami makakapag-usap.

Lumapit sa akin si Grey at hinarap ako.

“Can we talk?” Grey asked, chasing his breath.

That’s when I met my his eyes. Tinitigan ko siyang mabuti, sinusuri kung ano ang magiging reaksyon ng puso ko.

Mabilis ang tibok nito. Kung sahil ba gusto ko pa siya o dahil ba kanina pa ako lakad-takbo, hindi ko na ma-identify.

“Sure,” sagot ko at pinilit na patapangin ang sarili. “Tungkol saan?”

Grey didn’t respond at first. He was, as if, scanning the every feature of my face.

Grey smiled at me then. “So, hi.”

“Huh?” maang kong tanong.

Maya-maya ay tuluyan na siyang natawa.

“Grabe ka, pinahabol mo pa ’ko,” sabi niya at lalong lumawak ang ngiti. “Gusto ko lang namang mangumusta.”

Hindi ko iyon inaasahan. What I expected was, just like Lyle, he would ask me why I left them.

“Iyon lang,” sabi ni Grey. “Gusto ko lang mangumusta. It’s… nice seeing you again. Here.”

“Y-Yeah,” sabi ko at bahagyang na-guilty. “Okay lang ako. Ikaw?”

“Good. Doing better,” sagot niya sa akin. “Do you study here?”

Tumango lang ako at muli nanamang nahiya. Ibang-iba ang hitsura ko kaysa dati. Kaya nahihiya ako sa tuwing tinitingnan niya ako. There’s nothing to be proud of.

“Your uniform…” Grey said and smiled again. “Bagay sa ’yo.”

My lips parted. “Salamat.”

Natahimik kaming dalawa. Nakatingin lang kami sa isa’t isa at sobrang awkward na ng atmosphere.

“Iyon lang ba ang gusto mong sabihin?” tanong ko bigla.

“To be honest, marami. Pero I think hindi ito ang tamang pagkakataon para sabihin o itanong lahat. Pero it’s nice meeting you again, Reign. It feels good that you’re doing good.”

“Thank you,” sabi ko at hinihingal na rin.

“Ayan kasi, bakit ka pa tumakbo?” tanong ni Grey. “Hinihingal ka rin tuloy. Wala naman akong balak na masama. You know… kapag may nakita kang familiar na mukha in public and you just… wanted to say hi. Ganoon lang…”

“S-Sorry,” sabi ko. “Hindi pa kasi siguro ako handa na makita kayo or what-I mean-”

“It’s okay, wala ka dapat i-explain. We parted ways in good terms kaya kung nag-decide kang umalis sa West Carson High, okay lang ’yon. Ang mahalaga… masaya ka ngayon. Are you?”

“S-Siyempre,” sabi ko.

Grey smiled at me, and I did too.

May sasabihin pa sana ako nang walang anu-ano’y dumating si Maki. Pumagitna ito sa amin ni Grey Hingal na hingal ito at pawis na pawis.

“Anong kailangan mo?” tanong ni Maki kay Grey.

Bahagyang nagulat si Grey at ganoon din ako.

“Ayaw niya kayong kausapin, kaya tinatakbuhan niya kayo. Bakit kailangan n’yo pa siyang i-torture mentally?”

My eyes widened. “Maki!”

“Ako na ang bahala, Reign,” sabi niya sa akin at pilit na pinatatayo lang ako sa likuran niya. “Diyaan ka lang.”

“Hindi, okay lang,” sabi ko. “Okay kami.”

“Kaibigan mo ako. Ako ang bahala sa ’yo,” dagdag ni Maki.

Imbis na mainis ay nakita kong ngumiti lang si Grey. He was looking at Maki, as if the sight of his acts were fascinating him.

“Kapag ayaw niya kayong kausapin, ’wag n’yo siyang pilitin. Marami nang iniisip si Reign, kaya pakisabi roon sa isa pa ninyong kaklase, tigilan na siya. Kakausapin naman niya kayo kapag handa na siya, e.”

Maki then took my hand.

“Tara na.”

He looked at Grey once more, as if he was telling him to back off through his eyes.

“Maki-Maki, saglit!”

Hindi na ako nakaangal pa nang hilahin na ako ni Maki paalis. Iyon din naman ang gusto ko, pero may part sa akin na gusto pang kausapin si Grey para tuluyan nang matuldukan ang sa amin. Pero tama siya. Hindi ito ang tamang pagkakataon.

Habang naglalakad papalayo ay natigil kami nang biglang magsalita si Grey.

“Malcolm Kiel Edejer?”

Pareho kaming napalingon ni Maki. Kung gaano kagulat si Maki ay ganoon din ako.

Magkakilala sila?

“Kilala mo ako?” tanong ni Maki.

“Of course,” sagot ni Grey. “You applied for a scholarship program, right?”

“P-Paano mo alam?” tanong ni Maki. “Tsaka… matagal na ’yon, wala pa ring result.”

Ngumiti si Grey. “Baka hindi mo na-c-check ang e-mail mo. I am Greysen Xanford Finch, the representative of Finch Foundations. I am here for your contract signing.”

Maki’s eyes widened. Maging ako ay nagulat.

“Come at the Conference Room,” Grey said. “West Carson University is waiting for you…”


THIRD PERSON POV.

“NAG-TRANSFER NA SI BRAELYN?” gulat na tanong ni Everleigh sa sarili. Tiningnan niya ang mga papel na naiwan sa locker nito at transfer forms nga ang mga iyon.

Sa buong taon na pareho silang na-outcast ni Braelyn, alam na niya na isa sa kanila ang hindi makakatiis at tuluyan nang aalis. At first, she expected na siya mismo ang aalis.

Sa kanilang dalawa ni Braelyn, si Braelyn ang mas malakas ang loob. But seeing the situation now, she pitied her.

“Dati lang ikaw ang sumisira ng buhay ng mga estudyante. Na tingin mo ikaw ang pinaka makapangyarihan sa lahat. Ano ka ngayon?” tanong ni Everleigh.

Hindi maiwasang makaramdam ni Braelyn ng inis at awa.

“Gagawa talaga ang mundo ng paraan para itapak ulit ang paa mo sa lupa…” she whispered in the air.

Saktong pagsara niya ng locker ni Braelyn, na hindi na naka-lock at wala nang gamit-palatandaang wala nang gumagamit niyon-ay isang pamilyar na mukha ang tumambad. Nakangisi ito at titig na titig sa mga mata niya.

“Hi, Leigh.”

It was Hale.

Inirapan niya lang ito at umalis na nang hindi man lang ito pinapansin. Nang malagpasan na niya ito ay bigla itong nagsalita.

“Umalis na si Braelyn,” panimula nito.

Napahinto si Everleigh.

“Natakot. Naduwag na ata. Kasalanan naman niya lahat ng ginawa niya, ’di ba? Sobrang deserve umalis.”

She looked at him. Sobrang yabang ng boses nito na kapag narinig mo, magpipintig agad ang tainga mo.

“So?” She asked and crossed her arms.

“Anong so?” tanong ni Hale at bahagyang natawa. “Ikaw ba? Bakit ka pa nagmamatigas? Isunusuka ka na ng mga kaklase mo, a?”

Her lips parted. Sobrang inis ang biglang naramdaman niya.

“Kailan ang alis mo?” tanong ni Hale at ngumisi. “Wala namang may pakialam pero gusto ko lang malaman. Don’t worry, kahit naman umalis ka wala namang malulungkot.”

Lumawak ang pagkakangisi nito nang mapansin ang inis sa mukha niya.

“Baka nga wala pang makapansin kung aalis ka man. Ganoon ka ka-outcast, Everleigh.”

Tumindig siya at tiningnan si Hale nang taimtim.

“Dati lang sabi mo good for nothing ako, ’di ba?” tanong ni Hale. “Na wala akong maipagmamalaki bukod sa yaman ko. E, ano ka ngayon? Kahit isa wala kang maipagmalaki.”

Humalakhak ito.

“Umalis ka na lang, Leigh. Para naman mabawasan na ang 12-A sa school na ’to. Nakakasira ng araw kapag nakikita ko kayong mga spoiled brat at mga kriminal,” dagdag ni Hale.

“Tingin mo ba malungkot ako dahil lang mag-isa ako?” Everleigh fought back.

“Halata naman, e,” sabi ni Hale at lalong ngumisi. “Wala ngang gustong maging ka-partner ka sa klase, ’di ba? Yuck, kawawa.”

Everleigh smirked back. “Hindi naman kasi lahat kagaya mo na mahilig humingi ng validation sa iba. Hindi ganoon kalungkot ang buhay ko gaya ng iyo, Hale.”

Unti-unting nawala ang ngisi sa labi ni Hale.

“Kaya ka lang naman may kaibigan kasi takot sila sa ’yo at dahil sa pera mo. Without it, ano ka? Wala. Basura ka.”

Halata ang bigla inis sa mukha ni Hale. Mukha na nga itong mananakit. Akmang lalapitan nito si Everleigh pero hindi ito nagpatinag.

“Ano, sasaktan mo ’ko?” tanong niya. “Maraming CCTVs, Hale. Baka masira ang image mo na biktima ka ng bulok na justice system. Baka masira ang career mo bilang napagbintangang pumatay kay Miss Jess. Ikalma mo, sayang lahat ng drama mo. Mawawalan ka nanaman ng relevance at maging iyakin ka nanaman sa gilid, you attention-seeking leech.”

Nag-igting ang panga ni Hale. Galit na galit ito.

“You’re dead, Miller,” pagbabanta ni Hale. “I will make sure of that…”

“Sinong takot?” tanong ni Everleigh at humakbang papalapit kay Hale.

Huminto mismo siya sa tapat nito at tiningnan ito sa mga mata.

“Ito ang tatandaan mo,” sabi niya at inilapit ang tainga kay Hale. “Mayaman ka lang pero bobo ka.”

Tiningnan niya muli si Hale at nginisian siya nito.

“Guguluhin ko ang buhay ninyong lahat sa pagbabalik niya. At itong bobo na ’to… ito ang papatay sa inyo isa-isa…” naluluha sa galit na sabi ni Hale.

“Awww, scary,” pang-aasar ni Everleigh. “Bring it on, Hale. Nawala na ang lahat sa akin kaya wala na akong ikinatatakot. Pero ikaw? Marami. Pababagsakin kita. At kahit sinong makapangyarihang tao pa ang dalhin mo, hindi magbabago ang tingin ko sa ’yo.”

Lalong inilapit ni Everleigh ang mukha niya kay Hale.

“Basura ka.”

“Itong basura na ’to ang tatapos sa ’yo,” bulong ni Hale.

“Sure, go to bed grandpa,” pang-iinis ni Everleigh at tumalikod na at nagsimulang maglakad.

“Reign Harriett.”

Napahinto siya nang marinig ang pangalang iyon.

“She’s coming back…”

Napalingon nang marahas si Everleigh.

“Huh?” she asked and gulped.

“Destroy her or she will destroy you again,” sabi ni Hale.

Biglang hindi nakapagsalita si Everleigh. Naglikot ang mga mata niya.

“S-She’s gone…” she said.

“And now she’s coming back. Umpisa na ng impyernong buhay n’yo…” Hale whispered while smirking at her.


“Ang tagal naman ni Nash,” reklamo ni Missi na nakabusangot na. Halos isang oras na kasi nilang hinihintay si Nash sa loob ng company building nito.

“Hayaan mo na,” sabi ni Reese. “Artista na ’yon si accling. Tayo ang need mag-adjust.”

Lalo siyang sumimangot. After class ay dumiretso sila sa company building nila Nash para makita ang kaibigan. Nag-concert kasi ang group nito kahapon at hindi nila napuntahan dahil sobrang busy niya sa school.

Ngayon na lang sila ni Reese nakahanap ng tamang panahon para mabisita ito. Minsan na lang din kasi si Nash pumasok sa school.

“When ka ba kasi mag-e-enroll?” tanong ni Missi kay Reese. “Para naman may kasama na akong bumagsak sa mga quizzes at mag-make up class.”

Biglang natawa si Reese. “Hoy, matalino kaya ako, ’no. Hindi ko lang pinapakita kasi baka ma-intimidate ang mga tao. Ayaw ko ng ganon, gusto ko friendly lang.”

“Kaya pala noong nag-exam tayo dati, inilagay mo sa birth date mo ay date today.”

Bigla silang nagtawanan.

“Bakit ba ako mag-e-enroll? Para saan? Kung stressed na kayo, ’wag n’yo ako isali,” biro ni Reese.

“Because edukasyon ang key sa tagumpay!”

“Kung edukasyon ang susi sa tagumpay, bakit n’yo ba kasi ni-lock?”

Humalakhak nang todo si Reese at Missi.

“Baka naman hindi lang edukasyon ang susi. Baka naman may spare key pa,” dagdag ni Reese.

Natigil ang tawanan nila nang bumukas ang isang pinto at isang grupo ng mga kalalakihan ang lumabas. Napangiti sila nang makita mismo si Nash.

“NASHVILLE!” sigaw ni Missi.

Nang makita sila nito ay kumaway ito at malapad ang ngiti. Kinausap nito ang manager nito at nang payagan ay tsaka lumapit sa kanila.

“Kumusta ka na, accling?” tanong ni Reese at kinurot ang pisngi ni Nash.

“Ssssh,” sabi ni Nash dahil baka may ibang makarinig ng pagtawag nito sa kaniya ng ‘accling’. “Okay lang naman ako, buhay pa. Kayo ba?”

“May choice ba kami?” tanong ni Missi. “Sobrang kinis mo, grabe. Ang pogi, pogi!”

“True!” sabi ni Reese. “Sobrang gwapo mo, Nash. Artistang-artista ka na talaga.”

“Asus,” sabi ni Nash at sumimangot. “Hindi lang kayo um-attend sa concert namin kagabi, e. Hinihintay ko kaya kayo.”

“Sorry na, na-busy lang talaga,” sabi ni Missi. “Sa susunod, promise!”

“Promise, promise. Gawin n’yo na lang, puro kayo promise,” biro ni Nash.

“Ay, tampo yarn?” sabi ni Reese at natawa na silang tatlo.

Natigil sila nang may makarinig silang ingay. May kausap ang isang lalaki na direktor at nang matapos ay nagpaalam na sa kausap.

“Levi?” tanong ni Missi at humarap kay Nash. “Si Levi ’yon, ’di ba?”

Hindi kumibo si Nash.

“Oo nga, si Levi ’yon,” sagot naman ni Reese. “LEVI! LEVI HUDSON!”

Agad naman itong napatingin sa kanila. Bahagya itong nagulat nang makita si Nash pero agad din namang ngumiti sa kanila.

“Tara here!” suhestiyon ni Missi.

Nag-aalangan man ay lumapit pa rin si Levi sa kanila.

“Hi, girls. Kumusta?” bati nito.

“Ay, taray. Womanizer na womanizer ang dating, a? Wala na po tayo sa taping, koya,” pang-aasar ni Missi.

“’Wag kang ganiyan, Levi. First love mo pa naman si Missi, baka bigla kang i-love back, sige ka.”

Nagtawanan sila. For some reason, Levi looked at Nash at nagtama ang paningin nila. Mabilis nilang binawi iyon.

“Hoy! Kadiri!” reaksyon ni Missi.

“Kadiri?!” reaksyon ni Levi. “Grabe ka, ha. Pero kung makatawag sa akin habang umiiyak kasi miss na niya ako. ’Wag nga ako, Missi.”

Napatakip ng bibig si Reese at napalunok naman si Nash.

“Grabe ka!” hinampas ni Missi si Levi sa balikat nito. “Need talaga sabihin?”

“Aray!” reklamo ni Levi. “Ilang tao ang gustong pumisil diyan tas hahampasin mo lang?!”

“Bagay kayo,” biglang sabi ni Nash.

Natahimik ang tatlo.

“G-Grabe,” sabi bigla ni Missi. “May malisya talaga, Nash?”

“You look good together,” sabi ni Nash at ngumiti nang tipid. “You’ll be a good pair.”

“True,” sabi ni Reese. “Lalo na’t first love ka ni Levi, Missi. May foundation. I-develop n’yo na lang, who knows?”

Sasagot pa sana si Missi nang bigla itong mapatili.

“Si Roden ’yon, ’di ba? ’Yong singer?!”

“ASAN?!” tanong ni Reese. “Hala ka girl, siya nga ’yon!”

Biglang napatili si Reese at Missi at sa sobrang tuwa ay halos magtatatalon.

“May pen ka?” tanong ni Missi kay Nash.

“Wala, why?” tanong ni Nash.

“Here!” sabi ni Missi at kinuha ang pen na nasa bulsa ng polo ni Levi.

“Sorry na, binisita namin kayo rito pero siya talaga ang habol namin,” sabi ni Reese. “Bye na muna!”

Nagmamadaling naglakad papalayo ang dalawa para maabutan ang singer. Sa isang iglap, si Nash at Levi na lang ang natira sa corridor. Wala ni-isang nagsasalita sa kanila pero wala ring umaalis. Nakikiramdam sila sa isa’t isa.

“Congrats,” Levi said, breaking the ice.

“For… what?” tanong ni Nash at tiningnan na rin si Levi.

“Successful ang concert n’yo kagabi,” Levi said, his eyes were kind of emotional. “I’m proud of you.”

“Thank you…” sagot ni Nash at napalunok. “Congrats din pala. I heard ang mas tumaas ang ratings ng show mo this week.”

“Thank you din…” sagot ni Levi.

Katahimikan muli ang bumalot sa kanila. Nakatitig lang lang sila sa isa’t isa at hindi na malaman ang susunod na sasabihin.

“Una na ako?” tanong ni Nash.

“Sure,” sagot ni Levi. “Feel free.”

“Thank you, Levi,” sagot ni Nash. “Sa lahat-lahat.”

Levi gulped. He knew what Nash was saying.

“Always welcome, baby boy,” Levi answered back.

Nash’s lips parted and Levi noticed it.

“That was… the title of your b-side track, right? Baby boy.”

“Y-Yeah,” sagot ni Nash. He forced a smile. “Una na ako.”

“Sure, sure,” sagot ni Levi.

Nash gave him a smile before turning his back and walking away. Ilang segundo lang siyang pinanood ni Levi at si Levi naman ang umalis at naglakad sa kabilang daan.

Habang naglalakad at hindi maiwasang maalala ni Levi ang lahat. Kung paano sila nagsimula bilang magkaaway sa classroom, kung paano sila na-develop sa isa’t isa, ’yong first kiss and first make out nila, kung paano siya naging in denial, kung paano naging sila, kung paano nila pinilit ilaban ang relasyon nila hanggang sa kung paano sila naghiwalay.

Everything felt like fresh, as if it only happened a couple of hours ago.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay huminto si Levi at nilingon si Nash. Saktong ginawa niya iyon ay huminto naman din si Nash at nilingon siya.

Muling nagtama ang paningin nila, gaya ng unang pagkikita nila noon sa eskwela.

He smiled at him, and Nash smiled at him too.

That’s when he realized something.

They may no longer be together but their souls are connected forever-despite all the tears, pain, and heartbreaks.

Nash and him were physically apart but their love for each other remains profound, compelling, unwavering.

SEASON 2 PART 5

A/N:

Finally, may update na! Thank you for being patient, unveilers. : )

To share your thoughts about this update, you may do so by tweeting it on Twitter using our tagline, CATCH ME ATTORNEY 05. Yes, twitter party ulit after few months! Babasahin ko ’yan lahat hahaha

Pwede rin kayong mag-join sa ating Facebook Group, Law Series by Veilofthedark and UNVEILERS OFFICIAL.

Open pa rin for Pre-Order si Tuned In , available sa Shopee ang DMA & CMA reprint, released na si KMA premium, and published na rin sa Wattpad ang new story entitled, ’ Taking A Step Closer To You ’.

xoxo.

———

REIGN.

“SI MAKI ANG BAGONG STUDENT NG WEST CARSON UNIVERSITY!”

Umalingawngaw ang sigaw na ’yon sa buong kuwarto. Nagtinginan ang mga estudyante sa bagong dating.

“Grabe, narinig n’yo na ba?” tanong muli ng bagong dating at umupo sa gitnang bahagi ng kuwarto kung nasaan ang isang grupo. “Siya ’yong isa pang napiling scholar!”

“Totoo ba?” reaksiyon ng mga kaklase ko. “Ang galing!”

I sighed. Bukod sa pagpili sa akin bilang ang bagong exchange student sa West Carson University, na-announce na rin ngayon na si Maki naman ang napili ng bagong partner ng school namin na isa pang recipient ng scholarship.

It means, dalawa na kaming exchange student pero hindi pa namin ina-accept ang offer.

Kahapon ay dumating si Grey at muli kaming nagkita. Only to find out na nandito siya para makita si Maki, dahil si Maki ang bagong scholar ng foundation na itinayo ng daddy niya.

After our short talk, hindi na rin kami nagkita pa. Nasa klase na ako nang matapos ang meeting nila ni Maki. He went straight to their home after their talk. Sa totoo lang, I felt relieved.

May part sa akin na gusto ko siyang makausap nang taimtim pero siguro nga, there’s no reason for that. Pakiramdam ko naman ay natapos na talaga ang lahat sa amin ni Grey at pareho na kaming okay.

Hindi pa rin kami nagkikita ni Maki simula kahapon kaya wa rin akong ideya sa naging offer sa kaniya. Maaga akong umuwi at natulog, sobrang drained ng pakiramdam ko kahapon kaya hindi kami sabay na umuwi.

Nang mag-ring ang school bell ay mabilis akong tumayo. Uwian na rin kasi. Hindi ko alam kung bakit tamad na tamad ako sa buhay lately. Ang gusto ko na lang ay umuwi at matulog parati.

“Oh, Reign!” bati sa akin ng isa kong kaklase nang tumayo ako. “Congrats, ha. Tinanggap mo na ba ’yong offer?”

Tiningnan ako ng mga kaklase ko.

Umiling ako. “Pinag-iisipan ko pa.”

“Nawa’y lahat!” komento ng isa na ikinatawa nila. Ngumiti na lang ako at lumabas na.

Paglabas na palabas ko ng building ay nakita ko agad si Maki na naghihintay. Nang magtama ang paningin namin ay ngumiti siya at kumaway. Ganoon din ang ginawa ko.

Habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng bus ay walang kumikibo sa amin, pareho kaming pagod buong-araw. Sakto naman at may bus kaya hindi na namin need maghintay. Pagpasok naman namin ay may mga bakanteng upuan kaya nakaupo agad kami.

Maya-maya lang ay umandar na ang bus at nakatingin lang ako sa bintana. Ilang minuto ang lumipad ay naririnig kong parang bumubulong si Maki kaya tiningnan ko siya. Napangiti ako nang makita ang ginagawa niya. Hawak niya ang notes niya at may kinakabisado.

“Review ’yan?” biro ko.

Napatingin siya sa gawi ko. “Oo, e. Nahirapan ako sa lesson kanina.”

“Buti nakakapag-review ka kahit nasa biyahe,” dagdag ko.

“Walang choice, sayang ang oras. Alam mo namang wala akong oras mag-aral sa bahay. Tutulungan ko sila tatay sa bukid, maraming gawain,” dahilan ni Maki.

Totoong-totoo iyon.

“Akin na,” sabi ko at kinuha ang notes na hawak niya.

“Bakit?” maang na tanong ni Maki. “Alam ko na-exam n’yo na ’yan, pero ’wag mo sabihin sa akin ang mismong lalabas sa exam. Gusto kong matuto.”

“Sira. Tutulungan lang kitang mag-review,” rason ko. “Ako magtatanong, tapos sasagot ka. Okay?”

“Ah…” sabi ni Maki at bahagyang natawa. “Sige, sige.”

Sa buong biyahe, ganoon lang ang ginagawa namin. Ang ingay pa nga naming dalawa at nagtatalo minsan kasi jinu-justify niya answer niya kahit na mali.  Dinadaan na lang namin sa tawa.

Hanggang  sa dumami na ang mga pasahero at natutulog ang iba, kaya pinili na lang naming manahimik. Sabi ni Maki, magre-review na lang daw siya mamaya bago matulog.

Nag-earphone na lang ako at tumingin ulit sa bintana. Nang magawi ang tingin ko si Maki ilang minuto ang makalipas, tulog na tulog ito. Napangiti ako.

“Masiyado kasing masipag…” bulong ko.

Ipinatong ko ang ulo niya sa balikat ko at pumikit na rin.

Muntik na kaming makalagpas ng bababaan dahil pareho kaming nakatulog. Kung hindi pa kami tinapik ng kapit-bahay namin na naka-recognize sa amin, ewan ko kung saan kami pupuluting dalawa.

“Bakit kasi hindi mo ’ko ginising?” tanong sa akin ni Maki at namumula pa ang mga mata. Naglalakad na kami pauwi sa amin.

“Mukha kang adik,” sabi ko at bahagyang natawa.

“Adik sa pera,” sagot ni Maki.

“Pera talaga, ha?” tanong ko.

“Syempre, alangan naman sa ’yo?” biro ni Maki. “Puwede ba kita ibayad sa bills?”

Pareho kaming natawa.

“Anong nangyari sa Maki na walang pakialam sa pera noon?” tanong ko.

He smiled weakly. “Wala lang, sinampal lang siguro talaga ako ng realidad kahapon.”

Nawala ang ngiti sa labi ko. Alam kong ang tinutukoy ni Maki ay ang pag-uusap nila ni Grey.

Napatingin ako sa langit. Orange-ish na ’yon at papalubog na ang araw. Malamig na rin ang sariwang hangin. No doubt, nakakadala ng emosyon ang panahon.

I shivered. “May nangyari ba kahapon?”

“Wala naman,” sabi ni Maki. “Nag-discuss lang siya tungkol doon sa scholarship. ’Yong duration, anu-anong courses ang sakop, monthly allowance, accommodation, at iba’t iba pa.”

“Maganda naman?” tanong ko.

“Sobrang ganda. Lahat ng gastusin, sagot nila. Tuition, Miscellaneous, Books, Uniform, Dorm, tapos may monthly allowance pa at puwedeng mag-part time job sa kanila during academic break. Too good to be true.”

“Sobrang gandang offer pero bakit parang malungkot ka?”

“Hindi naman ako inggiterong tao pero nakaka-insecure rin pala talaga ang social status mo, ano? Nakakapangliit.”

I gulped. He sounded really sad.

“Halos ka-edad ko lang si Greysen, ’yong anak ng may-ari ng scholarship foundation. Pero siya… parang ang dami nang achievement sa buhay. Tapos ako… ito… umaasa sa tulong.”

“Maki…” I said and looked at him.

“Totoo naman,” sabi niya at ngumiti nang tipid. “Ang sarap sigurong maging mayaman, ano? Magagawa mo lahat ng gusto mo, makukuha mo ang course na pangarap mo talaga. Hindi mo iintindihin ang finances, hindi mo kailangang ma-guilty na nag-s-struggle na nga financially ang pamilya mo pero kailangan mo pang humingi ng pang-project.”

I bit my lower lip. Ramdam na ramdam ko siya.

“Na kapag may pera ka, makakapag-focus ka lang sa pag-aaral at pagtupad ng pangarap mo. Hindi mo kailangang isipin kung dapat ka na bang huminto sa pag-aaral at magtrabaho na lang para makatulong sa parents mong hirap na hirap na sa buhay.”

He looked at me.

“Hindi ba’t nakakainggit?” tanong niya. “Sabi nila, hindi mahalaga ang pera. Hindi pa kasi siguro nila nararanasan ’yong makitang hirap na hirap na ang pamilya mo masuportahan ka lang.”

Tumingin siya nang tuwid sa daan at bumuntong-hininga.

“Kaya noong nakita at kinausap ako ni Greysen kahapon… gustong-gusto kong maging katulad niya. Gusto ko nang makawala sa kahirapan. Gusto kong bigyan ng magandang buhay ang nanay at tatay ko… ’yong hindi na nila kailangan pang gumising ng alas cuatro para lang magtrabaho. Gusto kong yumaman…  ayaw ko nang magutom. Ayaw ko nang makitang namo-mroblema ang pamilya ko kung paano babayaran ’yong mga bills buwan-buwan.”

Ramdam na ramdam ko ang determinasyon kay Maki. Alam na alam ko rin ang pinagdaraanan niya. Kung hindi nga lang siguro ako naging undercover sa West Carson High at nabayaran nang malaking halaga kapalit ang prinsipyo ko, hindi luluwag kahit papaano ang pamumuhay namin.

“So anong plano mo?” tanong ko. “’Yong scholarship na ’yon ang solusyon, Maki.”

“Hindi ko alam,” sagot niya. “Natatakot naman akong lumuwas ng Maynila, lalo na’t hindi ko makikita sila nanay at tatay nang madalas.”

“Kaunting sakripisyo lang naman ’yon. Apat na taon. After that… puwede mo nang ibigay sa kanila ’yong buhay na hindi n’yo na problema ang pera.”

“Ikaw ba?” tanong sa akin ni Maki. “Tatanggapin mo ba ang scholarship mo?”

I sighed. “Hindi ko rin alam.”

“Ano bang worry mo?” tanong niya. “Ayaw mo siyang makita ulit?”

“Sino?”

“Si Greysen. Sabi noong lalaki kahapon… noong Lyle ba ’yon… na ex mo si Greysen.”

I scoffed jokingly. “It’s not about him. Naka-move on na ako.”

Maki smiled. “Totoo?”

Tumango ako.

Lumawak ang ngiti niya. “E, anong rason ba’t ayaw mo pa tanggapin ang scholarship?”

Ang buong West Carson University mismo. Alam kong magiging impyerno muli ang buhay ko kapag tumungtong ako ulit sa mundo nila.

“Basta,” sagot ko na lang.

“Takot ka mag-isa, ano?” tanong ni Maki.

Tumango na lang ako para hindi na siya magtanong pa. “Siguro. Ayaw ko ring mapalayo sa mga kapatid ko.”

Hindi ko na namalayan na malapit na pala kami sa bahay namin. Nang marating namin ang tapat ng bahay ko ay huminto kami.

“Ganto na lang,” he started. “Tatanggapin ko ang scholarship kapag tinanggap mo ang iyo.”

Kumunot ang noo ko. “Bakit?”

“Para magkasama tayo,” dahilan ni Maki at ngumiti. “Kaya sabihan mo ako agad bukas, ha.”

“Pero—”

“TAY!”

Natigil ako nang biglang tinawag ni Maki ang tatay niya na nasa ’di kalayuan. Tumakbo si Maki papalapit dito at tinulungan itong magbuhat ng mga buko.

“Sige na, Maki, kaya ko na ire. Pumasok ka na sa looban at baka mamantsahan pa ’yang uniporme mo,”  sabi ng tatay niya pero wala itong nagawa dahil nagpumilit si Maki na buhatin ang lahat.

“Sabi ko naman kasi sa inyo kapag may bubuhatin kayong mabigat, iwanan n’yo lang po at ako na ang gagawa kapag dating ko galing eskwela,” dahilan ni Maki.

Kumaway sa akin siya bago sila tuluyang pumasok sa loob ng bahay nila.

I sighed when they vanished from my sight.

Pumasok na ako ng bahay at nadatnan ko ang mga kapatid ko na naglalaro kasama ang mga pinsan namin. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti.

Later that night, kinausap ako ng tita ko tungkol sa scholarship ko at nang sabihin ko sa kaniyang hindi ko pa rin iyon tinatanggap, she told me to seize the opportunity. Siya raw ang bahala sa mga kapatid ko, basta’t magbibigay ako ng sustento dahil kapos din sila.

Nagtitiwala naman ako sa tita ko at alam kong maiintindihan ako ng mga kapatid ko. Kung ibang school lang ang pupuntahan ko, matagal ko na itong tinanggap. But it’s West Carson University, and an impending life of hell surely awaits me if ever I accept the offer.

Hindi ako nakatulog sa buong gabi kakaisip. Hanggang maya-maya lang ay biglang pumasok ang tita ko sa kuwarto ko.

“Reign! Tulog na ba ’yang mga kapatid mo?”

Napa-upo ako. “Opo, bakit po?”

“Aba, e, may lalaki sa labas, hinahanap ka.”

“Lalaki?” tanong ko. “Sino raw po?”

“Hindi nagpakilala, e. Kakilala mo raw siya. Ala, e, napakagandang lalaki!”

Bigla akong napatayo at sumilip sa bintana. My aunt wasn’t lying, he was really there.

Nakasuot siya ng puting polo shirt at naka-tuck in iyon sa itim niyang pantalon. Nakasuot din siya ng puting sapatos. Bagsak din ang itim niyang buhok at natatakpan ang mga mata niya ng bangs niya. Nakasuot din siya ng bilog ngunit manipis na salamin. Tanging ang orange light na nanggagaling sa ilaw sa labas ng bahay namin ang tanging liwanag niya.

When he looked up and met my dumbfounded eyes, a sudden smile curved on his resting cold face.

“Hi, Harriett,” he greeted.

My jaw almost dropped.

Am I dreaming?

“Lyle…” I started. “Anong… ginagawa mo rito?”

He shrugged. “Bawal ba?”

When he noticed I wasn’t pleased, napakamot siya ng leeg.

“I went here to talk with you.”

“Nang ganitong oras?” tanong ko. “Lyle, alas diyes na. Hindi ka ba pagod?”

“Anything for you.”

We remained looking at each other for few seconds until he touched his neck.

“Nangangawit na ’ko. Come down,” reklamo niya.

I heaved a sigh. Bumaba ako at kinita siya. Paglabas ko ng pinto ay siya lang mag-isa ang naroroon. I can’t still process why would Lyle go here. Liblib pa ang lugar namin at gabing-gabi na!

“Nasa labasan ’yong kotse,” Lyle then said when he noticed the questions on my face. “Hindi tumuloy dito kasi—”

“Maputik, I know,” putol ko sa kaniya. “Paano mo nahanap ang bahay ko?”

“I have my ways, Reign,” he said while looking in my eyes. “And, I, uh… I would like to… you know… apologize for what I did yesterday. That wasn’t okay but it wasn’t entirely my fault.”

Wala ngang pagbabago si Lyle. Hindi pa rin siya marunong mag-sorry.

“Tinutukoy mo ba ’yong pag-uusap natin kahapon tapos biglang dumating si Maki at Grey?” tanong ko.

He nodded.

“Lyle…” I started. “Kung gusto mo mag-sorry, say it. ’Wag ka nang defensive.”

He opened his mouth to defend himself. “But—”

Pinandilatan ko siya ng mata.

He later chose silence. “Okay, I’m sorry but—”

“Just say you’re sorry,” sabi ko.

He sighed. “Okay. Sorry.”

“Kung ’yan lang ang pinunta mo ngayon, you may go home. Hindi ko naman ’yon dinamdam or what. It’s late, Lyle.”

He looked at me frustratingly. “Ang manhid mo talaga, ano?”

“Huh?” I asked.

“I came here to see you, Reign,” he said.

“Why would you do that?” I asked back.

“Why can’t I?” he asked. “Hindi ba kita puwedeng ma-miss?”

My eyes widened. I was really speechless.

“Uuwi na ako bukas,” Lyle added. “Tapos na ang filming namin and I have an offer.”

“Ano ’yon?” tanong ko at nagsimulang kabahan.

Lyle won’t negotiate unless it’s dangerous and necessary.

“Take that offer,” he said. “Accept that scholarship and come with me.”

I was loss of words.

“Bumalik ka na sa West Carson, Reign. Whatever happens, I will protect you,” he said, his voice was as calm as the sea.

“Ayaw ko nang bumalik,” kalmado kong sabi. “Hindi na ako babalik. Tapos na ako sa lahat, Lyle, kaya ayaw ko na sana ’yong pag-usapan. Kung wala ka nang sasabihin, umuwi ka na at may pasok pa ako bukas.”

We threw glances at each other for a few seconds until I finally turned my back. The moment I took a step away from him, he said something that made me stopped.

“What about Miss Jess?”

Bigla akong natigil. Itong pangalang iyon ang ayaw ko nang marinig dahil nakokonsensiya ako.

“Ganoon na lang ’yon?” Lyle asked. “Hindi kita pinababalik sa West Carson dahil lang gusto kitang makasama. I wanna be with you, yes, but there’s a deeper reason.”

Gusto ko nang pumasok sa loob pero parang nanigas ako mismo sa kinatatayuan ko.

“Alam nating hindi nag-suicide si Miss Jess gaya ng pinalalabas nila,” Lyle said with anger in his voice. “Alam nating pinatay siya and we had evidence but… we were betrayed by Prosecutor Jax…”

Nilingon ko si Lyle. Hindi pa niya alam na dati akong undercover? Si Everleigh lang ang nakakaalam niyon at hindi niya ipinagkalat.

“Tayong dalawa lang ang nakakaalam ng totoo. Tayong dalawa na lang ang natitirang pag-asa ng pamilya ni Miss Jess para mabigyan siya ng hustisya.”

“H-Hindi ko alam ang sinasabi mo, Lyle,” I said and gulped. “Tama na, umuwi ka na—”

“The mastermind,” putol niya sa akin. “He’s free and happy. Marami siyang kaibigan at naibalik na ’yong buhay na nawala sa kaniya noong nakulong siya. Hale is acting like nothing happened and he’s not even bothered by the crime he did. Pero ako… I can’t. I am utterly disgusted.”

I felt my hands and knees shaking.

“Ikaw ba, Reign, nakakatulog ka ba nang maayos sa gabi?” Lyle asked, tears forming in his eyes. “Sure, you wanna protect your peace but until when? Hale is even proud of the crime he committed…”

“Anong gusto mong gawin ko?” tanong ko at medyo nag-crack ang boses. “The fact na nagawa niya tayong  paikot-ikutin lahat… the fact na hawak niya mismo ang batas… even Prosecutor Jax… wala akong laban. Ordinaryong tao lang ako na kayang-kaya niyang patayin anytime he wants. May mga kapatid ako na binubuhay, I’m sorry but I can’t risk them—”

“Hihintayin mo pa bang maging biktima ka o sino man sa pamilya mo para lang umaksyon ka?” Lyle asked fiercely.

“Madaling magkaroon ng prinsiyo ang mga kagaya n’yo dahil may pera kayo,” I said and tears started to form in my eyes. “May mga connections kayo na puwedeng magprotekta sa inyo. Pero ang mga kagaya ko… collateral lang kami. Kaya hindi mo ’ko masisisi, Lyle. Tawagin mo akong duwag o ano mang gusto mo, tatanggapin ko.”

“Reign… you have me,” Lyle said. “I will protect you.”

“I’m sorry…” sabi ko. “Pero hindi ko kayang i-risk ulit ang lahat. Umuwi ka na, Lyle, tama na.”

Tinalikuran ko na siya at naglakad papasok ng gate. Bago ako tuluyang makaalis ay nagsalita siyang muli.

“Help me, Reign…”

I stopped.

“Hindi ko alam kung paano ipapanalo itong laban, alam kong hindi ko ’to kayang mag-isa kaya kailangan kita…”

I looked down and closed my eyes hardly. Sobrang hirap.

“Kapag bumalik ka, uungkatin ko ang lahat at sisiguraduhin kong mananagot si Hale at Prosecutor Jax.”

“At kung hindi?” tanong ko at dumilat. “Kung hindi ako babalik?”

“I will accept things as they are. Hahayaan ko na lang na maging sikreto ang katotohanan. I feel outnumbered, I am hopeless.”

Hindi ko alam ang gagawin o sasabihin.

“Uuwi na ako bukas, 2PM. Maghihintay ako sa labas ng school mo. If you don’t show up, I get it. Uuwi ako at kalilimutan ko na ang lahat.”

I gulped. I felt like I was going nuts.

“But if you show up and promise to come back, itutuloy natin ang laban. You and I against the fucked up system.  A Harriett and a Heimsworth against the whole system.”

I looked back and met Lyle’s eyes.

“The choice is all yours…” he said, his voice sounded determined yet begging.

Kinabukasan ay ang alala ng mga bagay-bagay. Kaliwa’t kanan ang mga murder cases na ang biktima ay ang mga guro. Naungkat tuloy ang tungkol kay Miss Jess. Even her fake suicide note was circulating online.

Kitang-kita pa sa TV ang panayam tungkol sa pamilya niya na hanggang ngayon ay hindi sila naniniwalang nag-suicide ito. Habang-buhay daw silang hihingi ng hustiya.

Pinag-usapan pa ito sa klase kaya hindi ako mapakali. The way they were gossiping about it with false narrative, it made me feel sick.

Nang hindi na ako makatiis ay nagpaalam ako sa prof namin para umihi. Nang marating ko ang CR ay iginiya ko ang ulo ko sa dingding. Everything was physically draining me.

Tiningnan ko ang relo ko at malapit nang mag-alas dos. Malapit nang umuwi si Lyle.

Tama lang naman siguro ang desisyon kong piliin ang safety ko at ng mga kapatid ko. Ayaw ko nang madawit pang muli sa magulo nilang mundo. Pero may part sa akin na gustong tumulong.

Kung magiging maayos lang ang stay ko sa West Carson, papayag ako sa gusto ni Lyle. Pero mukhang malabing mangyari iyon.

Pumikit ako at ipinahinga muna ang isip ko nang bigla akong may maalala. Binuksan ko ang phone ko. I opened my student E-mail na ginagamit ko noong nasa West Carson High pa ako.

Noong dineactivate ko ang social media accounts ko, hindi ko ito pinakialaman. Hindi ko na rin binuksan noon kasi natatakot ako sa mga mababasa ko.

What if galit na galit sila sa akin?

What if sumbatan nila ako?

What if… gusto rin nila akong patayin?

Sari-sari ang nasa isip ko kaya’t binuksan ko na lang ang E-Mail ko para na rin sa peace of mind ko. For some unknown reasons, gusto kong tingnan kung sakali bang nag-message din sa akin si Prosecutor Jax.

To my surprise, puro mga kaklase ko noon ang naroroon. Karamihan sa mga messages nila ay almost a year ago, ang ilan ay few months ago lang.

Mississippi.Smith@wcu.edu

1 Year Ago

Reign, omg, did you really ghost us??? sana sinabi mo para binigyan kita ng make up set. Para naman pretty ka pa rin kahit saang school ka

mapunta

. Bawal haggard sa section na ’to. ’Di bale nang bagsak at least hindi pangit

Nashville.Burlington@wcu.edu

1 Year Ago

I heard ’di ka nag-enroll. Ano mang reason mo, I support you. Attend ka sa

fanmeeting

namin kung sakali mang may

fansign

event kami sa kung saan ka man naroroon ha. Bigyan kita free album tsaka free rare

photocard

hahaha

benta

mo 90k

Everleigh.Miller@wch.edu

1 Year Ago

stay safe, attorney

Braelyn.Yngrid@wch.edu

1 Year Ago

I hope we can meet again. I learned a lot from you, Reign, and I’m sorry.

Btw, ’di pala kita

nasingil

ng 450 sa

ambagan

dati kaya pala ako

nag-abono

. Okay na bang peace offering ’yon?

Levi.Hudson@wch.edu

1 Year Ago

’Di ka nag-enroll? Sad boys ’yong dalawa kong kaibigan. Bawi ka soon, bisitahin mo kami ha. Bigyan kita autograph muah muah

ps.

nagagandahan

ako sa ’yo dati. dati lang naman ’yon :p

Reese.Turner@wch.edu

1 Year Ago

Ghinost

mo na kami? ’Di mo na kami mahal? aminin mo aminin mo umiyak

ps. char, see you soon.

mabuhay

ka hanggang kailan mo want

Greysen.Finch@wch.edu

1 Year Ago

Always proud of you, Reign. I hope masaya ka kung nasaan ka man. I

wish

you are in a place where you feel loved and appreciated. I know you have your reasons, and valid ’yon. Please don’t feel guilty about choosing yourself. You deserve nothing

but the peace

. It’s an honor to meet you and fall for you.

Nang makita ko ang pangalan ni Lyle ay hindi ko malaman ang mararamdaman. Among all of them, messages niya ang hindi a year ago. He was literally e-mailing every month since the day I left. Napatakip ako ng bibig.

lylexavier.heimsworth@wch.edu

1 Year Ago

Where are you? You promised to spend our summer together, haven’t you? It’s fine. Saang school ka na? I’ll visit you. Maybe we can go out together? Idk i just wanna see you.

lylexavier.heimsworth@wch.edu

11 Months Ago

Araw-araw akong naghihintay na

magre-reactivate

ka ng social media accounts mo. Okay na kami ni Grey at Levi, we hangout sometimes but I still feel lonely. Help my heart, come back.

lylexavier.heimsworth@wch.edu

10 Months Ago

I thought

masasanay

din ako na wala ka. But why does everything remind me of you?

lylexavier.heimsworth@wch.edu

9 Months Ago

My sister bought a new perfume. It smells like you. Bigla kitang naalala.

lylexavier.heimsworth@wch.edu

8 Months Ago

I bought my first car. If you tell me where you are,

susunduin

kita. Puwede tayong kumain ng street foods malapit sa school dati. Anywhere with you, Harriett.

lylexavier.heimsworth@wch.edu

7 Months Ago

Pinilit

ako ni ate makipag-blind date. Levi told her I am heartbroken, that’s why. Guess what?

Kapangalan

ka ng ka-blind date ko. I thought I’ve moved on, pero may ma-encounter lang ako na

kapangalan

mo, back to zero ako. What did you do to me, Reign? Come back,

juseyo

.

lylexavier.heimsworth@wch.edu

6 Months Ago

Hey, I got international endorsement deals. I saved you some shirts and products. I’ll give them to you, if you ever reply.

Limited editions sila. Sige ka, sayang.

lylexavier.heimsworth@wch.edu

5 Months Ago

I’m drunk and instead of calling my driver or my manager, my instinct tells me to write you this E-Mail. How are you? I hope you’re fine. Please don’t forget me.

lylexavier.heimsworth@wch.edu

4 Months Ago

Napanaginipan kita. Sabi nila kapag

napapanaginipan

ka ng isang tao,

nami-miss

ka niya. I wish

that’s

real.

lylexavier.heimsworth@wch.edu

3 Months Ago

Just dropping by. I like you, Reign. Wala pa ring nagbabago

lylexavier.heimsworth@wch.edu

2 Months Ago

I miss you

Napahawak ako sa dibdib ko. I was expecting him to get mad at me but he didn’t. Instead, he was updating me as if I was still part of his life.

My mouth parted. Kilala ko si Lyle pero hindi ko in-expect na may ganito siyang side. I felt really bad.

Tinitigan ko ulit ang mga E-Mail niya. Sa buong isang taon, ngayon ko lang na-realize na genuine nga talaga ang nararamdaman niya para sa akin.

I sighed.

Akmang papatayin ko na ang phone ko nang biglang may nag-pop na bagong notification. When I looked at it, my heart just took a sudden leap.

lylexavier.heimsworth@wch.edu

2 seconds Ago

I’m giving you another 5 minutes. Please, come back.

Napapikit ako nang mariin. My heart was racing inside me. Once again, my heart and mind were torn.

———

LYLE.

“TARA NA, SIR?”

Nang marinig ni Lyle ’yon ay lalong lumubog ang puso niya.

“Kahit anong hintay po natin, kung hindi siya darating, wala po,” dagdag ng driver niya.

Kanina pa siya patingin-tingin sa bintana, hinihintay ang presensya ni Reign pero halos isang oras na siyang naroroon pero wala pa rin ito. He even extended his time but there was still no sight of her.

Hindi magawa ni Lyle na ngumiti. Sobrang lungkot niya.

“Sir?” tanong ng driver.

“Can’t we… give her another five minutes?” he asked, his voice sounded sad and hurt.

“Ma-t-traffic po tayo niyan, Sir, kung sakali,” sabi nito. “May hahabulin pa po kayong filming bukas kaya kailangan n’yo na rin pong magpahinga.”

Isinandal ni Lyle ang ulo niya sa headrest at halos lumubog siya mula roon. He wore his sunglasses and looked away.

“Are you crying?” tanong ng manager niya na nasa passenger’s seat. “Umiiyak ka dahil sa babae?!”

“No, I’m not,” Lyle said. “But I’m hurting…”

“Maraming babae sa paligid, Lyle,” dagdag ng manager.

“There are billions of women but there’s no one like her.”

Hindi na kumibo ang manager.

Lyle was really sad. Sinoot na niya ang sunglasses niya para hindi man lang halata ang lungkot sa mga mata niya.

“Let’s go,” sabi ng manager niya.

The moment the car engine started, Lyle lost all the hope. The window was slowly closing until suddenly they heard something.

“SAGLIT! SAGLIT!”

Natigil sila nang may marinig silang sumisigaw mula sa malapit.

“Sino ’yan?” tanong ng manager. “OH MY—”

Lyle looked at the woman running towards them. Napatanggal siya ng sunglasses nang makilala iyon.

“Reign…” he uttered. “She came…”

“SAGLIT PO!” habol ni Reign nang tuluyang marating ang kotse. Pawis na pawis ito at ngumiti nang makita siya.

“Hi,” bati ni Reign.

“How dare you?” Lyle asked in a small voice. “Matapos mo akong palunglutin, ngingitian mo na lang ako ngayon?”

Lumawak lalo ang ngiti ni Reign. “Sorry. Ang tagal kong… nag-isip.”

“Have you made up your mind?” Lyle asked.

Tumango si Reign. “Dapat kong gawin ang nararapat.”

“Does this mean… you’re coming back?” Lyle asked. He was trying his best to act cold. Deep within him, he wanted to scream happily.

“Only if you protect me,” sagot nito sa kaniya.

“My pleasure,” Lyle responded. His heart was about to burst.

Inilahad ni Reign ang kamay niya kay Lyle.

“A Heimsworth and a Harriett against the fucked up system?”

Lyle took her hand and held it firmly, gently, lovingly. He met her eyes and finally, a sweet smile blossomed on his lips.

“You and I against the world…”

SEASON 2 PART 6

A/N: Use our tagline, CATCH ME ATTORNEY 06 on Twitter to share your thoughts about this update. Thank you, unveilers!

———

THIRD PERSON POV.

“SHE GHOSTED ME AGAIN.”

Lyle sighed. If he was just sad or disappointed, he can’t tell which. Tumawa lang ang manager niya na kasama niya sa kotse. Kagagaling lang nila sa isang event na kung saan isa si Lyle sa mga bida ng isang fashion show.

“Sinabi ko naman kasi sa ’yo noon pa. Wala na ’yang pag-asa,” sagot ng manager niya sa kaniya.

Lyle has been defending Reign for so long. He fought tooth and nail to protect her name. Pero mukhang maliit talaga ang tingin nito sa kaniya. He can’t blame her at all. He started as a red flag jerk who was giving her mixed signals. There was no surprise that she didn’t take his feelings seriously, though it was, and still is, genuine.

Isang linggo na ang nakararaan simula nang mag-promise si Reign na babalik ito sa West Carson High. Isang linggo na rin siyang naghihintay at nagbabakasakaling isang araw ay susulpot na lang ito sa school pero walang nangyayari.

He was patiently waiting for her but as time passed by, napanghihinaan na siya ng loob. There was no trace of her at all.

“Para saan ’yong promise niya?” Lyle asked himself. “Was she toying with me, knowing she has my heart in her palm?”

Hindi niya maiwasang hindi malungkot. Ayaw niyang i-Email si Reign pero hindi niya maiwasan. Siya ’yong tipo ng tao na kung ayaw ng tao sa kaniya, wala siyang pakialam. Mas ayaw niya rito. But with Reign, it was different.

Lyle heaved a sigh again, thinking of her.

“Tanggal ang angas ko sa ’yo…” he whispered in the air and smiled bitterly.

Sa kabilang dako, makikita si Grey na nagmamadali lumabas ng bahay nila. Kitang-kita sa mukha nito ang pag-aalala habang hinahanap ang susi ng kotse niya.

“Bakit ka nagmamadali?” salubong sa kaniya ng mommy niya sa sala. “Did something happen?”

“Ewan ko po. Tumawag si Reese, emergency daw po.”

“Anong nangyari sa kaniya?” tanong ng mommy niya.

“I don’t know, mom. She sounded anxious. Bye po.”

Hinagkan niya ang ina sa pisngi at halos kumaripas ng takbo. Sumakay agad siya sa kotse at nagsimulang mag-drive papunta sa bahay nito. Sinusubukan niya itong tawagan pero out of coverage area na.

Matapos makulong ang daddy ni Reese noon, nag-resign si Sir Ivan sa school at namuhay ang dalawa sa malayong probinsya nang ilang buwan. Pero nang nagsimula na ang College, bumalik ulit ang dalawa sa Manila dahil papasok sana si Reese sa West Carson University pero hindi ito nag-enroll kinalaunan.

Si Ivan naman ay hanggang ngayo’y naghahanap pa rin ng trabaho pero walang tumatanggap dahil sa nangyari noon.

“Bwisit na Everleigh. Sarap tirisin,” Reese once said. “Mag-feeling ba naman kasing naging jowa niya kuya ko? Tanghali naman pero ba’t nananaginip na siya.”

Nang makarating si Grey sa bahay nila Reese ay natigil siya nang makitang sabay na lumabas ng bahay na ’yon si Sir Ivan at si Hale. Nagulat din ang dalawa nang makita siya.

“Oh, Grey?” reaksyon ni Sir Ivan. Mas lalo itong bumata tingnan at naging built ang katawan. “Long time no see.”

“Hi, Sir…” bati niya at tiningnan si Hale na nakangiti rin sa kaniya. “Si Reese po?”

“Nasa loob. Bakit?” tanong ni Ivan.

“Tumawag po kasi. Sabi niya—”

“Ah, Sir,” putol ni Hale. “Hayaan na natin sila. You know po, hayaan natin silang mag-bebe time.”

“Bebe time?” tanong ni Ivan at tiningnan si Grey. Medyo nagsungit na ito. “Nag-d-date ba kayo ni Reese?”

“Ha?” gulat na tanong ni Grey. “N-Nako, hindi po!”

“Buti naman. Bawal pa ang kapatid ko,” banta ni Ivan.

Natawa si Hale. “Hayaan mo sila, Sir. Lalo na’t alam kong na-miss ni Grey ang ganiyan. Gaano katagal na nga ulit kayong hiwalay ni Reign?”

Biglang natahimik si Grey. Hale sounded like he was mocking him.

“Kumusta pala siya? Rinig ko nagkita kayo ulit. I guess, she’s living well without you. Ganoon talaga siguro kapag hindi gaanong minahal.”

“What?” Grey asked, offended.

“Sinasabi ko lang observation ko,” Hale said. “Dati ha, no offense, pero tingin ko ikaw lang naman ang nagmahal. While Reign… parang napilitan lang na gustuhin ka para mas maayos ang buhay niya sa school.”

“She never used me, Hale…” Grey answered, threat in his voice.

“Wala akong sinabi!” sagot ni Hale at tumawa. “Pero… hindi nga ba?”

Hale smirked.

“Hindi ka talaga niya ginamit ni-minsan?”

“Why would she?”

“Why wouldn’t she?”

“For what?”

“I don’t know, ikaw nakakaalam niyan,” sagot ni Hale at mas lalong lumawak ang ngiti. “Dahil sa pera siguro?”

“Hindi ganoon si Reign,” depensa niya rito.

Hale shrugged. “Hindi tayo sure. Pero kung ’yan ang gusto mo, sige na lang.”

Napansin na ni Ivan ang tensyon kaya inaya na nito si Hale at bago tuluyang umalis ang dalawa at sumakay sa kotse ay tiningnan siya nitong muli at ngumisi nang para bang nang-iinis.

Suddenly, naalala ni Grey ang panahong nakipag-break sa kaniya si Reign.

“Let’s break up…”

“Reign…” sabi niya at unti-unting lumapit. “Is that a prank or what? That’s not funny.”

“I’m not pranking you. I’m breaking up with you. Simula ngayon, tapos na tayo, Grey. Ayoko na.”

“Y-You didn’t mean that. I know you didn’t.”

“Ano bang alam mo? Pagod na ’ko sa ’yo, Grey. Ang hirap nong mahalin. Masiyado kang malungkot. Pati ako nadadamay sa malungkot mong buhay. Gusto ko nang makaalis sa ’yo. Hindi na kita mahal. No, hindi naman kasi kita minahal.”

“Hindi mo ’ko minahal?” tanong ni Grey. His voice was shaky.

“Oo,” she answered cold-heartedly.

“Kahit ni-minsan?” tanong niya.

“Kahit ni-minsan,” sagot ni Reign.

Doon na tumulo ang luha sa mga mata ni Grey. Bumuka ang bibig niya at may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa.

“Reign… hindi ito ’yong sinabi mo sa ’kin…” sabi ni Grey. Patuloy sa pagtulo ang mga luha niya. “I-I came all the way here because I want to hear your ‘I love you’. Now… you’re breaking up with me? Reign naman… it’s a prank. I knew it.”

“I’m not pranking you. Grey, ayoko na sa ’yo. Hindi na kita gusto. Ano bang mahirap intindihin doon?”

“Naiintindihan ko pero hindi ko matanggap,” sagot ni Grey. His voice broke. He was in deep pain. “Reign, what’s going on, hmm? Ayusin natin ’to. Pag-usapan natin ’to.”

“Ano bang gusto mong marinig para maniwala ka?” tanong ni Reign. “You want the truth? Okay. Ginamit lang kita, Grey. Ginamit lang kita para maging kilala ako sa school at mapadali ang buhay ko.”

Grey’s eyes widened. He looked like he was being murdered by my words.

“At ngayong walang-wala ka na, wala ka nang pakinabang sa ’kin. Tama na, Grey. Let’s end this once and for all.”

“Alam kong nagsisinungaling ka, Reign,” sabi niya. “Kinausap ka ba ni mama? Sinabi ba niyang layuan mo ’ko? I know my mom. I know she would do that. Pinapili rin niya ako kung ikaw ba o ang sports ko. Ikaw ang pinili ko, kaya sana ’wag mo naman akong ganituhin. I can go back to that sport but I chose you over my dream.”

Nakagat niya ang ibabang labi niya at pilit pinipigil ang luha.

“Ako rin ang piliin mo, please. I know you love me, I felt it. Reign naman, ikaw na lang ang mayroon ako ngayon…”

“Few months from now, you’d thank me for cutting the strings that should’ve never been created in the first place,” sagot ni Reign at malungkot na ngumiti. “Para rin sa atin ’to.”

“Hindi ako naniniwala. Paano ako magpapatuloy kung ikaw na lang ’yong dahilan kung ba’t excited akong gumising parati?” tanong ni Grey. “Reign, paanong hindi mo ako minahal? ’Yong mga yakap natin, ’yong kuwentuhan, paghahatid ko sa ’yo pauwi, even our kiss. Wala lang sa ’yo ’yon? Wala lang ako sa ’yo?”

Hindi nakasagot si Reign.

“Look at me,” he said. “Look at me in the eye and tell me you never loved me at all.”

Napapikit si Reign nang mariin. Namumula na ang mata at mukha nito kaiiyak.

“Say it,” he said and his voice was shaky again. “Go on…”

Hindi iyon magawa ni Reign.

“ That eyes… that look…“ Grey whispered. “Ganyang-ganyan ka tumingin sa akin sa tuwing sinasabi mong mahal mo ’ko. How can you have that same look while telling me you didn’t love me at all?”

Tears built up in her eyes.

“Reign, nahihirapan ka rin,” sabi ni Grey. “Nahihirapan ka kasi mahal mo rin ako. Mahal din kita. Why do we have to part ways?”

He took her hand and he held it. Pinipisil niya ang palad niya habang naluluha at nakatitig sa mga mata niya.

“You know we can still run away, right?” Grey asked. “Let’s go somewhere far. Kahit saan, basta hindi nila tayo mapaghihiwalay. Ask me to run away with you, Reign. Iiwan ko ang lahat. I’ll come with you in a heartbeat.”

Muling tumulo ang luha sa mga mata ni Reign.

“Please choose me…” pagmamakaawa niya. “I’m begging…”

“You got it all wrong,” sabi ni Reign at binawi ang kamay mula sa pagkakahawak niya. “Umpisa pa lang, hindi na kita minahal. Kaya anong ipinagkaiba ng tingin ko sa ’yo noon at ngayon? Accept it, Grey. I’m done. Ayoko na.”

Tinalikuran siya ni Reign at akmang aalis na nang hawakan niya ito sa damit.

“Don’t do this…” Grey whispered while crying. “Don’t leave me…”

Unti-unting tinanggal ni Reign ang pagkakahawak niya sa damit nito…

Alam niyang may valid na rason kung ba’t ’yon ginawa ni Reign. Sobrang biglaan ng mga bagay-bagay kaya hindi siya naniniwalang ’yon na ang mga rason kung ba’t ito nakipaghiwakay sa kaniya.

Pumasok na siya sa loob at nadatnan niya si Reese na nasa sofa at nanonood ng TV.

“Oh, ba’t ka nakatayo lang diyan?” tanong nito sa kaniya nang ’di siya tinitingnan. “Ano hinihintay mo, buhatin pa kita paupo rito?”

Grey was at a loss of words. “What’s going on?”

“Ano want mong movie?” tanong nito at namimili ng palabas sa TV. “Horror ba na unang matsu-tsugi ay ’yong nag tsu-tsukchakan, fantasy na ’yong bida ay ang nawawalang tagapagmana na may super powers, romance ba wherein cold guy ang main lead tas si ateng nerd ang makaka-melt ng heart niya, action ba na marami nang namatay na characters bago dumating ang mga pulis.”

Ngumuya ito ng chips at tiningnan siya. “Or want mo ’yong may mga bed scene ta’s si guy super red flag pero keri lang kasi masarap siya. Ano?”

Halos malaglag ang panga ni Grey. “You… you said there was an emergency.”

“Ito ang emergency,” sabi ni Reese. “Nag-aya si Missi ng movie marathon pero ’di na raw pala siya makakarating kasi may biglang pimple na tumubo sa tip ng ilong niya. She had an emergency appointment sa derma niya to have it injected tapos she cancelled our marathon right after I had my schedule cleared! Ang sarap bigwasan. Tirisin ko tigyawat niya, e.”

Grey sighed. “Madaling-madali pa naman ako, akala ko naman…”

“Naks naman, concerned,” sabi ni Reese at ngumisi. “Mayroon pala talagang Emergency.”

May kinuha ito sa table na bote at pinabasa sa kaniya ang nasa gilid.

“Shake well daw before drinking, e ininom ko agad. Anong gagawin ko?”

Grey looked at her. “Okay lang naman ’yan siguro—”

Natigil si Grey nang biglang gumiling-giling si Reese.

“Anong ginagawa mo?” ’Di makapaniwalang tanong niya.

“Hindi ko na-shake, so ako na lang ang magsha-shake.”

Nagkatawanan silang dalawa.

“Tara na,” sabi ni Reese at inaya siya. “Kahit isang movie lang para ’di ako magdabog.”

“Alright, then,” sabi ni Grey at umupo na rin sa sofa. Binigyan siya ni Reese ng inumin at kinuha naman niya iyon at ininom.

“Oo nga pala. Nagkita raw kayo ni Reign last week?” biglang tanong ni Reese.

Natigil si Grey at tiningnan siya. “Yeah. How did you know?”

“Sinabi ng driver mo sa mama mo. Sinabi naman ng mama mo sa mama ni Missi. Sinabi naman ng mama ni Missi kay Missi. At sinabi naman sa akin ng boang. Ang alamat ng chismis, bow.”

Napangiti si Grey. “Oo, nagkita kami.”

“Does that mean romantic movie na ang panonoorin natin?” Reese asked. “You know, plot na baka may comeback.”

Grey sighed. “Honestly… ’di ko alam ang gagawin ko dati in case na makikita ko siya. Iniiisip ko… baka mag-back to zero ang pagmo-move on ko sa kaniya. But when I saw her… the love is still there…”

“But?” Reese questioned.

“But the will to have her back… it’s gone.”

Reese gulped. “And?”

“That made me think na naka-move on na nga ata talaga ko. Now she’s just someone special to me. An ex-lover who has the memories of my youth.”

“Sana all ganiyan tingin sa ex. Kami kasi ng ex ko nagpaparinigan sa Facebook kung sino sa amin ang mas toxic, e,” Reese said.

Nagtawanan sila.

“Hindi ka pa ba mage-enroll?” Grey asked.

“Gusto ko na ayaw. Ewan, ’di na ata ako marunong mag-aral. What if pag-recite-in ako tapos imbis na mag-recite, e, tumahol ako?”

Natawa si Grey. “Edi dapat pina-billboard mo.”

Reese looked at him, amused. “Saan mo natututunan ’yang ganiyang response?”

“Ganiyan response ni Levi sa ’kin kagabi noong nangumusta ako.”

Natawa silang muli.

“But honestly speaking, take your time. Hindi mo naman kailangang magmadali sa buhay. May kanya-kanya tayong timeline to be successful,” Grey followed.

“May kanya-kanya pa lang time puwede bang magpa-expedite?” Reese joked.

“Ewan ko sa ’yo,” Grey reacted with a smile. “Oo nga pala. Bakit nanggaling dito si Hale?”

“Ewan ko, sinundo si kuya. May meeting with his lolo raw, for sure o-offeran ng trabaho sa West Carson University.”

“You know how dangerous the Parker Holdings, right?” Grey asked, concerned.

Reese heaved a sigh. “Ewan ko ba. Desperado na si kuya.”

Doon kinabahan si Grey. Deep within him, he knew, something terrible was bound to happen…

Noong gabi ring iyon ay makikita si Jax na blangko ang mukha at tuluy-tuloy na pumasok sa bahay ng mga Parker.

“Jax!” bulyaw ng isang matandang babae nang makita siyang umaakyat papunta sa kwarto ni Hale. “’Wag mong guluhin si Hale, he’s studying!”

Hindi niya pinansin ang lola ni Hale at marahas niyang binuksan ang kuwarto at hindi na kumatok. Naglalaro ito ng online games sa harap ng computer.

“Oh, why?” bungad nito at parang bored pa ang boses.

“Anong pinaplano mo, Hale?” Jax asked. “Why the hell are you toying with Ivan?!”

“Ba’t galit?” Hale asked and laughed. “Tumutulong lang ako. Sir Ivan was nice to me back in West Carson High. Masama bang tumulong lalo na’t wala siyang mahanap na trabaho dahil kay Everleigh?”

“Cut the crap. Alam natin pareho na hindi ka tumutulong. You are playing with them and in the end, your money will conceal your dirty deeds. Hindi pa ba sapat ’yong ginawa mo noon? You promised me that’s gonna be the last and look at you know!”

Doon nagtanggal ng headset si Hale at nilingon siya. “Ano naman kung may gawin nanaman ako? Para saan pa’t mayaman ang pamilya ko at prosecutor ang kuya ko?”

Jax was taken a back. “Can you hear yourself?”

“Loud and clear. ’Wag mo akong sumbatan sa ginawa mo noon. Obligasyon mo akong hindi ipakulong at parating protektahan dahil kapatid mo ako. ’Yon na nga lang ang way para makabawi ka sa pag-iwan sa ’kin sa ampunan, parang mabigat pa sa ’yo.”

Jax lost it whenever Hale used his guilt about what he did in the past.

“Besides, kalma ka lang. I’m doing you a favor. Binibigyan ko ng trabaho si Sir Ivan para mas dumami pa ang alas ko at mata sa school. May isa pang darating at magsisimula na ang lahat.

“Sino?” Jax asked.

Hale smirked. “Hintayin mo…”

Tomorrow morning, things were as boring as yesterday. Wala nang schedule si Lyle kaya pumasok na siya sa school at parang napakahaba ng araw para sa kaniya.

Gusto sana niyang pumunta sa school garden para magtingin ng mga halaman kaso may mga estudyanteng panay ang tingin sa kaniya kaya ayaw na niyang lumabas pa ng building nila. He felt so drained.

Wala pa rin si Reign. Maging si Maki na bagong scholar ng school ay wala rin. Lyle was losing his hope. Iniisip niyang nangako lang si Reign sa kaniya dahil naaawa ito sa kaniya.

Pumasok na siya sa classroom at si Hale lang ang naroroon. Hindi niya iyon pinansin at umupo na sa upuan niya. Maya-maya ay lumapit ito sa kaniya.

“Wow, pumasok ka?” bati nito.

“Obvious ba?” tanong ni Lyle at nagsoot ng earphone.

Biglang tinanggal ni Hale ang isang earphone mula sa tainga niya at umupo sa edge ng table niya.

“Bastos mo naman, kinakausap ka, e,” reklamo nito.

Lyle met Hale’s eyes.

“Ayaw kita kausap,” matigas niyang sabi.

Hale smiled. “Why do you hate me so much?”

“Is there even something likeable about you?” Lyle snapped back.

Nawala ang ngiti ni Hale. “Watch your mouth, Heimsworth. Masiyado ka nang madaldal.”

“Don’t scare me, freak,” Lyle answered fiercely. “Go away.”

Nakipagtitigan sa kaniya si Hale na para bang nang-aasar at maya-maya ay lumapad ang ngiti nito.

“Chill ka lang, ’wag masiyadong galit. Nakaka-stroke ’yan,” sabi nito. “Kaya ka ’di pinipili, e. Red flag.”

Iniwan na siya nito.

Hindi bayolenteng tao si Lyle but he really wanted to give Hale a solid punch straight to his face just for once. Alam na alam niya ang krimeng ginawa nito. Hinding-hindi niya ito mapapatawad.

Mas lalo tuloy niyang gustong makita si Reign. He really wanted her to show up so they can finally start their vengeance.

Actually, he can do it alone. Takot lang siya sa posibleng maging epekto niyon sa pamilya niya. Reign was his sign. A sign that the battle will be worthy regardless of the consequences.

“Reign, please show up…” bulong niya sa sarili.

Few more minutes later, dumating na ang mga estudyante sa klase at nagsimula na ang ingay.

“Nandiyan na si Sir!” sigaw ng isa.

Pagtingin ni Lyle sa bintana bandang corridor ay naglalakad ang Teacher nila at may kasama itong estudyante.

Lyle sighed. Naaninag niya ang kulay brown na buhok ng babae. Hindi iyon sa Reign. Tiningnan na lang niya ang phone niya at nag-scroll.

“Class!” saway ng teacher nang tuluyan nang makapasok sa room, pinatatahimik ang klase. “I want you to meet your new classmate. Miss, go on. Introdicr yourself.”

“Uh, hi…”

Biglang natigil ang kamay ni Lyle sa pagsco-scroll.

That voice…

Tiningnan niya ang harap niya at bahagyang bumuka ang bibig niya.

She was standing there, glowingly.

“I am Reign Harriett. You may call me Reign,” she said, smiling.

Reign dyed her hair and wore make up. Lyle knew that she has always been gorgeous but she looked like a goddess in his eyes now.

“Nice to meet you…” she added.

Maririnig ang ingay ng mga estudyante. But Reign and Lyle was only looking and smiling at each other.

“Any words for the class, miss?” tanong ng teacher.

Doon nawala ang ngiti ni Reign at ang tingin ay napunta sa lalaking nasa pinaka likuran. When Lyle looked at that direction, he saw Hale.

Hale and Reign were looking at each other fiercely until she tilted her head and smirked.

“Hi, Murderer…”

SEASON 2 PART 7

A/N: Happiest 25th month, unveilers! As you know, nasa Germany si author n’yo kaya I had problems with time difference but here we go.

Enjoy!

———

REIGN.

“Hi, Murderer…”

Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Hale sa pagkakataong ito. Pero kitang-kita sa mukha niya ang pagkabigla.

Hale was sitting at the back. He was staring at me fiercely and furiously. Lahat ay napalingon na rin sa direksiyon niya. Curious ang lahat.

I saw how Lyle smirked seeing Hale’s reaction.

“Excuse me, Miss Harriett…” biglang sabi ng teacher namin nang mapansin niya ang tensiyon. “What’s going on?”

Walang kumikibo sa amin ni Hale. I suddenly smiled to our teacher.

“Ah, I know Hale po kasi. We were friends back then. We used to call each other murderers. That’s… nothing but a mere endearment po. Unless… totohanin niya…”

Lalong naging awkward sa room. Hindi nagsasalita si Hale at nakatitig lang sa akin at nag-iigting ang panga. Alam kong sa sandaling ’yon ay gusto na niya akong saktan.

“Of course, endearment lang. I don’t kill people, though,” Hale suddenly said. “Napagbintangan pa nga ako, ’di ba? Trauma pa ang inabot ko. I deserve all the apology.”

Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi naman Bachelor of Psychology Major in Lies and Gaslighting ang course niya pero ganap na ganap siya.

“Sige, kwento mo ’yan, e,” pabiro kong sagot na ikinatawa ng klase.

I saw how pissed Hale was. Halatang-halata iyon sa mukha niya. Iyon naman ang gusto ko. Mamatay siya sa inis.

Hindi ko na siya pinansin at tiningnan na ang klase.

“Again, I am Reign Harriett. You may call me Reign and I am hoping na sana maging okay tayo sa class. Please take care of me.”

Binati naman nila ako at ngumiti ako.

“Miss Harriett, you may sit beside… uh…”

Naghanap ang teacher ng bakanteng umupan. Lyle cleared his throat so loud na lahat kami ay napatingin sa kaniya. May bakanteng upuan sa tabi niya.

“I’m sorry to turn you down, Mr. Heimsworth pero may katabi ka, absent nga lang. How about at the back, Ms. Harriett? Beside Mr. Parker, since friends naman kayo.”

Nawala ang ngiti ni Lyle at napangisi naman si Hale.

“Kung okay sa kaniya, Sir,” Hale said. “I bet not. Masiyadong maarte ’yan.”

“No, okay lang sa ’kin, Sir. Para naman matulungan ko si Hale. Balita ko puro bagsak exam niya, I’m glad I could help. Slow pa naman siya maka-pick up.”

Nagtawanan ang klase at kita ko ang inis sa mukha ni Hale. Ayaw na ayaw niyang napapahiya at iyon ang ginagawa ko ngayon.

“Alright, Ms. Harriett, go on,” our teacher.

Nagsimula na akong lumakad papunta sa direksiyon ni Hale. He was looking at nothing at me. There was something in his eyes, as if he was observing me and threatening me but I showed no fear at all.

Umupo ako sa tabi niya at hindi kumibo. I caught Lyle looked back at me and Hale. We made an eye contact and didn’t say a thing.

While our teacher was reminding the class of the house rules, Hale suddenly said something

“Alam mo naman siguro ang pinasok mo, ano?” tanong niya at alam kong may iba iyong kahulugan.

“Ako pa ba?” tanong ko. “Hindi ako pumapasok sa isang bagay na alam kong talo ako.”

Doon ko siya tiningnan.

“Takot ka na ba?”

Hale scoffed a little. “Bakit ako matatakot sa talunan? You didn’t win against me last time.”

“I did,” mahina kong tugon. Walang ibang nakaririnig sa amin. “Ang mission ko lang ay magmatyag sa 12-A at nagawa ko nang tama. Sa sobrang galing ko, nalaman ko pa kung sino talaga ang kriminal…”

The smirk on Hale’s lips faded.

“Why?” pang-iinis ko. “Ayaw mong marinig ang term na kriminal? Does it hurt?”

“Harriett…” panimula niya. “Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo…”

“Ikaw ang mag-ingat sa akin, Hale,” tugon ko. “Pera lang ang advantage mo. Pero kahit gaano pa ’yan karami, patutumbahin kita.”

Anger was all over my eyes. I looked at him deadly and smirked, too.

“Ako ang bangungot mo, Hale Parker…”

After class, doon ko pa lang nakita si Maki. Hapung-hapo ito at mukhang na-discourage.

“Ayaw ko na rito!” daing niya. “Sng hirap ng buhay!”

Natawa ako habang pinanonood siyang mag-complain. Sobrang high tech kasi ng school. May mga escalators at elevators sa building. Naglalakihan din ang mga gusali.

Sa loob ng school ay may mga fastfood chains din at coffee shops. May student mini mart din kaya wala na talagang rason na lumabas.

Natigil si Maki nang makita niya akong nakangiti sa kaniya.

“Na-stress na nga ako, natutuwa ka pa riyan,” sabi niya. “Kasalanan mo ’to. Kung hindi mo ako pinilit na kunin ang scholarship at sumama sa ’yo rito, edi sana hindi ako napahiya sa klase.”

“Ano ba kasing nangyari?” Natatawa kong tanong.

That’s right. Kinumbinsi kong tanggapin din ni Maki ang scholarship, dahil alam kong malaking oportunidad iyon para mabago niya ang buhay ng pamilya niya.

We contemplated about it for a whole week until suddenly, I felt that urge to finally end things. Ano man ang mangyari, at least alam kong lumaban ako. I will end Hale.

“’Wag mo nang tanungin kung anong nangyari, hiyang-hiya na ako,” sabi ni Maki at namumula na ang tainga.

Bago pa ako magtanong ulit ay may dumaan na grupo ng mga estudyante.

“Maki!” bati sa kaniya ng iba at nagtawanan nang malakas.

Ngumiti ako at tiningnan si Maki. “Wow ha, sikat ka agad? Ano bang nangyari?”

“Pinasayaw nila ako kagaya sa TikTok,” sabi ni Maki.

“Paanong sayaw?” tanong ko.

“’Yong ano… ’yong kumakaldag…”

Nasamid ako sa sinabi niya at bahagyang natawa.

“Tignan mo! Pati ikaw, natatawa!” asar na sabi ni Maki.

“Oy, ’di ah. Baka magaling ka naman kumaldag. Sample nga!”

“Ewan ko sa ’yo!” sabi niya at marahas na kinuha ang bag niya. “Punta muna ako sa faculty, pinapapunta ako ni Ma’am.”

Pilit ko siyang tinatawag pero ni-hindi man lang niya akong nilingon. Tuluy-tuloy lang siya sa paglalakad. Natawa naman ako.

Haaay, Maki.

“Tapos na ba na ang moment n’yo?”

Lyle suddenly appeared out of nowhere. Halos atakihin ako sa puso nang may nagsalita sa tabi ko. Ni-hindi ko nga naramdaman na tumabi siya sa akin.

“Puwedeng moment ko naman?” Lyle followed.

I scoffed. “Masiyado ka nang demanding, Heimsworth.”

I smiled. I knew Lyle was kidding. If there’s a significant change in him, it was the fact that he could now show his color.

“What happened?” he asked. “What pushed you to accept the offer?”

I shrugged. “Wala lang. Bakit hindi? Everything’s way too good to be true.”

“If it’s too good to be true, it’s not true at all,” Lyle argued.

I scoffed. “Alam ko.”

“And you still accepted it?” he asked. “For what reason exactly?”

I sighed. “I know sobrang off pero… noong nagkausap tayo last week, I felt scared. Feeling ko lahat ng trauma ay bumalik. I can’t even sleep properly at all. Until as time passed by, I felt myself regaining that strength. The same strength that eagerly wanted to put Hale behind bars the first time we realized he was the killer.”

“So?’ Lyle asked. “That made you come here a week after?”

Tumango ako. “It took me a week kasi I had to fix things. Kailangan kong i-secure ang mga kapatid ko, ang finances at security nila bago ako umalis.”

Tiningnan ko si Lyle sa mga mata.

“Seryoso ako sa laban na ’to, Heimsworth. I will never back down this time until we finally bring him down.”

Lyle was staring at nothing but my eyes, as if he was seeking something in them.

“Well, I thought you ghosted me again,” Lyle said. “You didn’t say anything, walang paramdam. Sa dami ng panggho-ghost mo sa ’kin, hindi ko na alam kung kailan ka ulit mawawala at kung babalik ka pa ba.”

I opened ny mouth to say something but nothing cane out from it. I knew that in this situation, I was undeniably the red flag.

“Pero hindi ka ba natatakot?” tanong niya.

“Saan?” tanong ko pabalik.

“Sa mga posibleng mangyari. Hindi natin alam kung anong kapahamakan ang naghihintay sa ’tin. If Hale was at his worst state before, I can’t put into words how demonic he is now.”

“Natatakot. Sino bang hindi!” tanong ko. “Pero anong magagawa natin kung matatakot lang tayo sa kaniya?” ganti ko.

“So what’s your plan?” Lyle asked.

“Let’s put him down, shall we?” I asked, fierceness in my eyes.

A smile curved on his lips. “Thank you for trusting me, Reign.”

I smiled back at him. “And thank you for waiting, Lyle…”

After class ay nakita kong sunod nang sunod sa akin si Hale. Kahit saan ako pumunta sa campus ay doon din siya pumupunta.

Alam ko ang gusto niyang ipahiwatig kaya pumunta ako sa school rooftop.

Saktong pagpungammta niya roon ay nadatnan niya akong nakaupo sa gilid at naka-cross arms. Bahagya pa siyang nagulat.

“Sinusundan mo ’ko?” tanong ko.

“Obvious pala?” tanong niya pabalik.

Tiningnan ko siya na para bang nang-iinis at halata namang naiinis na siya.

“You know what I hate about you, Harriett?” Hale asked. “Your eyes. Masiyado kang mayabang, wala ka namang maipagyayabang.”

“Alam mo rin anong ayaw ko sa ’yo?” tanong ko. “Buong pagkatao mo. I even hate the fact that you are alive.”

“Really?” tanong ni Hale at tumawa nang malakas. “Gustong-gusto ko ’yong ganyan, ’yong may nabo-bother sa existence ko. ’Yong ikamamatay pa nila ’yong galit.”

“Mamamatay sa galit o papatayin mo gaya ng ginawa mo kay Miss Jess?” direkta kong sagot.

Mabilis na nawala ang ngiti sa labi ni Hale at napalitan iyon ng matinding galit.

“Your mouth, Reign…” he said, threatening.

“Why?” tanong ko at tiningnan ang paligid. “Tayo lang naman ang tao. And if namang hindi natin alam ang totoo, Hale. Puwede ba, ’wag ka nang magmalinis. Hindi kayang itago ng pera mo ang baho ng pagkatao mo.”

“Masiyado ka na atang matapang,” sagot niya. “Handa ka ba sa posibleng mangyari kung sakali? Careful, ha. Baka hindi na lumaki ang mga kapatid mo…”

My eyes widened. Alam kong pagbabanta na iyon at hinding-hindi ako magpapakita ng takot sa kaniya. Never ko siyang bibigyan ng rason para mahawakan ako sa leeg.

“Pinagbabantaan mo ba ’ko gamit ang mga kapatid ko?” tanong ko.

“Pagbabanta na ba ’yon?” tanong ni Hale at ngumisi. “Pinaaalahanan lang kita. Kawawa naman kasi sila. Either maulila na sila or… sila mismo ang mawawala.”

“’Wag kang mag-alala sa amin, okay kami,” sabi ko. “Inihabilin ko sila sa tamang tao. At kapag may nangyaring masama sa akin o sa kanila… humanda ka.”

Kumunot ang noo niya. “Should I be scared?”

“You should,” sabi ko at ngumisi. “Baka nakakalimutan mong isa ako sa mga nakakuha ng ebidensiya tungkol sa mga krimen na ginawa mo?”

His eyes widened.

“Oo, Hale. MGA KRIMEN,” mariin kong sabi. “Kaya sa sandaling may mangyari sa mga kapatid ko o sa akin, asahan mong kakalat iyon.”

“At kanino mo ibibigay? Sa awtoridad na hawak ng pera ko?” Hale asked mockingly.

“Alam kong hawak mo sila, pero alam ko rin na hindi mo kontrolado ang publiko. Hindi ka man makulong pero kahit saan ka mapunta, kriminal ang tingin nila sa ’yong buong buhay mo.”

Hale was at a loss of words. He opened his mouth to say something but he couldn’t find the right words to say.

Instead, he took a step closer to me aggressively. In an instant, he grabbed me by my collar. Galit na galit ito.

“Sasaktan mo ’ko?” tanong ko at ’di man lang nagpatinag. “Go on, Hale. Gumawa ka ng katangahan na magpapakulong sa ’yo agad-agad. Wala man lang thrill.”

Nakatingin siya sa mga mata ko at hindi ako nagpatalo. Habang nakatingin sa mga mata niya ay marahas kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa collar ko.

“Sa susunod, Hale, utak mo ang gamitin mo ’wag puro emosyon.”

I knew Hale could kill me at this moment but I needed to make him realize that I’m not his prey at all.

“Magkapatid nga talaga kayo ni Prosecutor Jax,” sabi ko at ngumisi. “Pareho kayong tanga…”

———

“I WILL KILL HER!” sigaw ni Hale sa likod ng school building. Sinipa niyang muli nang malakas sng dingding at iniisip na si Reign iyon.

“Punyeta siya. Walang utang na loob!” gigil na gigil na sabi niya.

Kumuha siya ng malaking bato at ibinato sa malayo.

“Papatayin ko siya! Magsama-sama sila!”

Natigil si Hale nang biglang dumating si Lyle. Tiningnan nito ang gumugulong na bato bago siya tiningnan.

“Oh, Lyle…” biglang umamo ang mukha ni Hale. “Darating ka pala?”

He sent Lyle a text message, asking him to meet him up.

“Anong kailangan mo?” tanong ni Lyle. “I don’t have much time.”

Tiningnan siya ni Hale. “It’s about Reign.”

“And?” Lyle asked.

“Nagbago siya, ano?” Hale asked.

“Of course, she did,” Lyle said. “What did you expect, kaya mo pa siya utuin?”

“Grabe ka na, Lyle. Ganiyan na ba talaga kasama ang tingin mo sa ’kin?” Hale asked.

“Kapatid ka ni Satanas,” Lyle answered. “I’m not even surprised.”

Hale laughed. “Kung kapatid ako, ano ka pa? At least ako, ibang tao ang kinakalaban ko, hindi ang sarili kong pamilya. Makakalaya pa kaya tatay mo, Heimsworth?”

That’s when Hale hit a nerve.

“’Wag kang mag-alala,” Lyle said fiercely. “Baka maging jail mate pa kayo ng tatay ko.”

Nawala ang ngiti sa labi ni Hale. “O baka maging cemetery-mate kayo ni Miss Jess?”

“So inaamin mo ngang ikaw ang pumatay? Inaamin mong kriminal ka?”

Natahimik si Hale roon at bahagyang natawa. “Maangas ka ha.”

“Anong kailangan mo, Hale?” tanong ni Lyle. “Inuubos mo ang oras ko.”

“It’s about Reign, actually…” he said.

“What about her?” mabilis na sagot ni Lyle.

“Tingin mo ba… nakahanap ka na ng kakampi?”

Kumunot ang noo ni Lyle.

“Tingin mo ba… mananalo ka dahil nandito na siya?”

“What do you mean?” Lyle asked.

“Alam ko ang plano mo. Alam kong gusto mo akong ipahuli or what. Pero go lang, sige lang. Gawin mo lahat ng gusto mo,” Hale narrated.

Lyle gulped. “Hindi ko alam kung anong sinasabi mo.”

“Kunwari ka pa. Alam ko naman ’yon ang rason kung bakit mo siya hinahanap. Alam kong ’yon ang rason kung ba’t pilit mo siyabng pinapasama sa ’yo.”

Lyle’s lips parted.

Hale smiled. “Alam ko lahat ng ginagawa mo. Alam na alam ko rin na isinasama mo si Reign para pabagsakin ako. I mean… you may try but good luck.”

“Go straight to the point, Parker,” Lyle said. “What are you up to?”

“How did you know that I am up to something?”

“Kilala kita. You knew I was doing something behind your back and you won’t sit still. Anong balak mo, Hale?”

“Well, simple lang,” Hale said. “Gusto ko kayong pabagsakin lahat nang sama-sama. Hinayaan kong kunin mo si Reign para isang bagsakan na lang kayong lahat…”

“You’re sick…” Lyle said. “Kung akala mong mananalo ka ulit like what you did before, stop your delusion. That shit won’t ever happen again.”

“Are you sure?” Hale asked. “Alam mo man lang ba anong bala ang mayroon ako ngayon? Tingin mo hahayaan na lang kitang kumilos basta-basta unless magbe-benefit ako?”

Hale smirked.

“Kapag tinapos ko kayong lahat at si Reign ay hindi ko alam kung nasaan… hindi ako mabubunutan ng tinik sa lalamunan. Kaya gumawa ako ng paraan para mapalapit siya ulit sa West Carson…”

“What did you do?” Lyle asked, alarmed.

“Maki is understandably smart. Good grades and all, no wonder nakakuha siya ng scholarship. Pero ’yong kagaya ni Reign? May record ng multiple transfers, absenteeism and all. May matino bang scholarship foundation ang tutulong sa gaya niyang patapon na ang buhay?”

Lyle’s eyes widened. “Don’t tell me…”

“Kaya ako tumulong,” Hale said. “I asked my lolo to offer a really poor girl a scholarship. Sobrang hirap nga e, kasi hindi talaga siya qualified. Pero syempre masiyadong mabuti ang puso ko kaya nakiusap talaga ako.”

Lyle laughed jokingly.

“Napakabuti kong tao kahit na masama ang hangarin sa akin ng kapwa ko.”

“Parker Foundations ang kumuha kay Reign?” gulat na tanong ni Lyle.

“No, sister company namin. Alam kong hindi tatanggapin ni Reign ’yon pag nalaman niyang sa amin ang scholarship. ’Yan ang rason kung ba’t mahirap ang buhay nila. Silang mahihirap… masiyadong ma-pride.”

“Hale… you’re really… sick…”

“Sick pero tumutulong sa kapwa?” Hale asked. “Hindi ko na alam kung paano ko kayo iple-please.”

“Drop the act,” Lyle said. “What exactly is your plan?”

“Well, I want to bring everyone down using her…” Hale started, no longer beating around the bush. “Walang magagawa si Reign sa lahat ng iuutos ko. Masiyado nang malaki ang utang niya at may napirmahan niya. Hindi na siya makaka-back out. Buong buhay niya… tatanaw siya sa akin at sa buong pamilya ko ng utang na loob.”

He smirked.

“Wala na siyang kawala…”

“Hindi ganoon katanga si Reign para sundin ka…” Lyle said, anger in his voice.

“Well, hindi ngayon but soon, who knows? It takes time, Heimsworth. Hindi naman ako nagmamadali pero makikita natin. Pero ’pag dumating ang pagkakataong pati ikaw ay tinalikuran ni Reign… ako ang unang tatawa sa ’yo. Masiyadong makapangyarihan ang pera at utang na loob.”

“Kilala ko si Reign,” Lyle argued. “She won’t—”

“Kilala mo si Reign ngayon. Pero si Reign ng hinaharap na kung saan nakatali siya sa kontrata at utang na loob? ’Wag kang masiyadong papakampante, Lyle. Sooner or later, Reign herself will dispose you—through my instructions, of course.”

Tumawa ito nang malakas. May tiwala si Lyle kay Reign pero kilala niya si Hale. Gagawin nito ang lahat para makuha nito ang gusto nito.

Lyle knew that Reign and him can put up a good fight but it will never be easy.

Ayaw niyang panghinaan ng loob pero alam niyang marami ring kahinaan si Reign. Kailangan niya itong protektahan para hindi ito magamit nang tuluyan na si Hale sa kahit na ano mang paraan.

“Magiging kakampi mo nga ba si Reign o kalaban…”

Hale uttered and a cunning smirk blossomed on his lips while meeting Lyle’s eyes.

“We will see…”

SEASON 2 PART 8

A/N: Long time no update, unveilers. You deserve this 5k-word-length chapter. Enjoy!

To share your thoughts, use our tagline,

CATCH ME ATTORNEY 08

on Twitter.

———

REESE

“ANONG PLANO MO SA BUHAY?”

Natigil si Reese sa pagnguya ng nuggets na kaninang umaga pa niya gustong kainin. Pero ngayong nakain na niya, umay na umay naman siya.

Tiningnan niya ang kuya niya na si Ivan. Kauuwi lang nito galing sa isang meeting at siya agad ang hinanap.

“Ay, may plano pa pala sa buhay?” biro ni Reese sa kapatid. “Akala ko forever na ’kong palamunin.”

“Reese, hindi biro ang tanong ko. Seryoso ako,” sabi ni Ivan.

“Bakit ba? Nandiyan ka naman. Ang yaman mo kaya, puwede na siguro akong taga-alaga ng mga magiging anak mo.”

“Kaya kitang alagaan, that’s not a problem. But you know what the problem is? We don’t know what the future holds. What if may mangyari sa akin, paano ka?”

“Edi ulila si accla,” sabi ni Reese at tumawa pero tumigil siya nang makitang seryoso si Ivan.

“I want you to be independent and empowered on your own.”

“And?” she asked.

“Hindi naman sa pinakikialaman kita, but don’t you think… it’s about time to enroll in College?”

Natigil si Reese. ’Yon ang matagal niyang iniisip. Feeling kasi niya, behind na behind na siya.

“Kung ang iniisip mo masiyado ka nang huli, you’re wrong. Walang una at huli sa pag-aaral. We have our own pace. It’s not a battle between you and your friends, it’s a journey between you and yourself,” Ivan said.

Natahimik lalo si Reese. Tumingin siya sa chicken nuggets and for a moment, gusto na lang niyang maging manok para tili na lang siya nang tili kada umaga.

“What do you think?” Ivan asked.

“Hmmm…” Reese started. “In case mag-aaral ako, magkano allowance ko?”

Natawa si Ivan. “Allowance talaga ang concern mo?”

“Siyempre, ’no. Wala kayang ipon ’pag walang allowance.”

Pareho silang natawa.

“Pero kuya… pag-iisipan ko. Ang hirap kasi wala akong gusto. Parang wala akong pangarap kaya hindi ako makapag-enroll, wala akong gustong course.”

“Ano bang hilig mo?” Ivan asked.

“Wala akong pangarap o hilig. Gusto ko lang kumita ng pera. ’Yon lang.”

Napailing si Ivan. “Bata ka pa. Explore your interest, susuportahan kita.”

“What if maghanap na lang ako ng sugar daddy na matanda at malapit na mategi? Secure naman siguro ang future ko sa ganoon.”

“E paano kung mauna kang mategi kaysa sa matanda?” tanong ni Ivan.

“Edi iyak ang accling. Bawi next life.”

Natawa sila.

“Ayaw mo kay Jaxx?” tanong ni Ivan. “Or Howell?”

“Ah, ’yong dalawang pinagtanggol si Hale in the end? Sabi ko kuya want ko mayaman na matanda, hindi mayaman na tanga.”

Nakita niya ang ngisi ni Ivan. Alam niyang inis din ito sa dalawa.

“Kaya ikaw kuya, mag-ingat ka sa pakikipag-transact kay Hale. Alam kong nagkakaroon ka ng meeting with them lately.”

“Don’t worry about it. Plain business lang.”

“I trust you,” she said. “Alam kong hindi mo ako i-d-disappoint.”

Ivan smiled. “Don’t worry about me. Worry about yourself and tell me once you’ve decided. Kung gusto mo magpahinga pa, okay lang. Kung gusto mo na mag-aral, suportado kita. Pero sa pagbo-boyfriend, hindi pa.”

“Bawal mag-boyfriend pero makipag-momol sa hindi boyfriend, okay lang, ’no?”

“REESE!” saway ni Ivan.

“Why?!” Reese asked jokingly. “At least, hindi ko boyfriend. ’Yon ang rule.”

Nakutusan siya ni Ivan na itinawa na lang niya.

And since that night, the idea of coming back to West Carson never left Reese’s mind.

———

HALE.

Hindi titigil si Hale nang hindi siya nakakaganti kay Reign. Sa buong araw ay ramdam niyang ipinahiya lang siya nito. He needed to make her realize that she’s no way higher than him.

Hindi kalaban si Reign para kay Hale. Isa na lang instrumento si Reign na gagamitin niya para patigilin si Lyle sa kung ano mang pinaplano nito.

Pero siyempre, hindi iyon magiging madali. Alam niyang si Lyle ang kakampihan nito kaya kailangan niya itong sindakin para ipakitang siya ng dapat niyang kampihan. Wala siyang karapatang kampihan ang ibang tao.

“Hale?”

Napatingin siya sa babaeng nagsalita. Kalalabas lang nito mula sa Registrar.

“Oh, hi, Serenity.”

Ngumiti ito sa kaniya at lumapit. “Why are you here? Were you waiting for me?”

“Of course. I heard my beautiful cousin is here to enroll.”

Natawa ito. “Stop complimenting me, Hale Parker. I know you will talk ill about me in front of my parents behind my back.”

Nawala ang ngiti ni Hale. Si Serenity ay ang pinsan niyang model. Ka-tandem nito si Lyle lately at alam niyang nagkita na si Reign at ito.

Serenity is a famewhore. She loves attention, kaya nga’t idinidikit nito ang sarili nito kay Lyle, trying her best to create a love team. Kaya nga heto’t nag-enroll ito sa school nila to get close to Lyle. Hale will use her to tame Reign.

He hates Serenity. Lagi nitong pinagmumukha kada family reunion na ampon lang siya pero sanay na rin siya, at alam niyang darating ang panahon na makakaganti siya rito.

“Well, hindi ako nandito para makipag-away,” sagot ni Hale. “I’m here to welcome you.”

“Sounds plastic pero sige,” Serenity said and laughed. “Thank you, Hale. May dapat ba akong i-expect here or something?”

“Just so you know, Reign Harriett is here.”

Nawala ang ngiti ni Serenity. “Reign? Sounds familiar… That girl sa province, ’yong may something kay Lyle?”

“Exactly. Pumunta siya rito to get close to Lyle. Alam kong you want to create a love team with him. Hindi siya magpapagamit sa ’yo kapag nandiyan ’yong babaeng gusto n’ya. Paano ka sisikat niyan?”

Serenity crossed her arms. “What do you want me to do, then?”

Hale smirked. She bit the trap.

“Destroy her…”

———

REIGN.

“Grabe, hiyang-hiya ako!”

Nakangiti si Reign habang pinanonood si Maki. Nagkukuwento ito tungkol sa first day niya sa West Carson. Kung gaano siya pinagtripan at naging class clown.

“Mukha akong tanga!” dagdag ni Maki habang tumatawa.

“Paano nga ulit ang kaldag, patingin,” biro ko sa kaniya.

Tiningnan niya ako nang masama at tawa lang ang naging tugon ko.

Naglalakad kami papunta sa unit namin. Ang maganda rito ay ang accomodations namin ay iisang building lang.

“Kaya bang magtagal sa West Carson?” tanong ko sa kaniya.

“Kaya naman kaso parang binu-bully ako, e. Parang lahat nakakatawa sa kanila kahit hindi ako nagbibiro. Ewan ko, minsan feel ko mababa kasi ang tingin nila sa akin.”

’Yon din ang na-sense ko base sa mga kuwento niya kanina and I felt really bad, hindi ko lang sinasabi.

“Okay lang sa ’yo ’yong ganoon?” tanong ko.

“Okay lang, wala naman akong choice. Tsaka, wala naman akong pakialam. Pag-aaral ang pinunta ko rito, hindi ang i-please sila.”

Napangiti ako. “’Yan si Maki na kilala ko. Basag ang mukha, buo ang loob.”

Tumawa kaming pareho.

“Ikaw ba, Reign, kumusta ang araw mo?”

Bigla akong natigil at tiningnan siya.

“Bakit?” tanong ni Maki. “May nasabi ba akong masama?”

“Wala naman. Hindi lang kasi ako sanay na may nagtatanong kung kumusta ang araw ko…”

“Simula ngayon tatanungin ko na,” Maki answered and smiled at me. “Kasi may pake ako sa ’yo.”

“Salamat, Maki,” sagot ko. “Pero sana mag-focus ka sa sarili mo this time. ’Wag mo akong alalahanin.”

Tumango siya. Narating na namin ang lobby at akmang papasok na. Saktong pagpasok ni Maki sa loob ay lumingon ako sa labas.

Kanina pa may umaaligid sa aming itim na kotse.

“Bakit?” tanong ni Maki.

“Wala,” pinilit kong ngumiti nang tingnan siya. “Mauna ka na.”

“Sige.”

Muli akong lumingon at kinabahan.

Napalunok ako.

Nagsimula na ang panganib…

Kinabukasan ay nakita ko si Maki na nakikipaglaro ng basketball sa mga kaklase niya. Kumaway ito sa akin nang makita ako at naghiyawan ang mga kaklase niya na para bang pinagtri-tripan talaga siya. Nagbubulungan pa ang iba habang tumatawa.

Hindi ko na lang pinansin. Nang break time na ay sinundo ako ni Grey sa room para ilibot sa buong campus. Special request daw ng scholarship foundation na may hawak sa akin.

Noong una ay nagulat ako nang lapitan ako ni Grey. Sa hindi malaman na dahilan ay kumakabog ang dibdib ko. Hindi ako kinikilig, kundi kinakabahan ako sa posible kong maramdaman.

But Grey didn’t show any romantic move or glance at me. Inililibot niya lang ako sa buong campus at ipinaliliwanag kung saam dapat pumunta sa iba’t ibang sitwasyon.

Nang matapos ang tour ay hinarap niya ako.

“Any question?” tanong niya.

Umiling ako. “Wala. Salamat sa oras, Grey.”

He didn’t answer. Instead, he smiled while looking at my eyes.

“Why?” I asked, curious.

“You look so stiff,” he said. “Chill.”

“Chill lang ako,” sabi ko.

Umiling siya. “Sobrang conscious ka, Reign. Do you feel awkward because we had something before?”

Yes. DAMN YES.

“No,” pagsisinungaling ko. “Not at all.”

“Buti naman. Feel comfortable. We ended things in good terms, kaya ’wag kang ma-awkward-an. No worries, hindi naman kita guguluhin, hoping to try it again. I’ve moved on.”

I smiled. “That’s a relief…”

“So tama nga ako, ’yon ang rason ba’t parang masiyado kang careful sa galaw mo.”

“No,” sabi ko. “Hindi talaga!”

“Asus, relief relief ka nga riyan,” sabi niya at natawa. “We may have changed but I know a part of you so well and it tells me you are a bit uncomfortable earlier. Mali ba ako?”

I opened my mouth to say something but I shut it and sighed jokingly.

“Sige na nga, nahuli mo ako.”

Grey smiled. “’Wag kang mag-alala, hindi na ako maghahabol. The love is still here, I admit, but the will to have you back—it’s gone.”

It’s true. Kitang-kita ko ’yon kay Grey ngayon.

“Kaya ’wag ka nang ma-awkward-an sa ’kin. Wala akong masamang hangarin. I just wanna see you succeed in life, that’s all.”

“Thank you, Grey.”

“Don’t mention it,” he said.

Magsasalita pa sana ako nang biglang mag-ring ang phone ko. Unknown number ang tumatawag. Pinatay ko pero tumawag din ito ulit.

“Sagutin mo na, baka importante,” Grey said.

I answered the call. “Hello? Sino po sila—”

“It’s my number. Save it,” a voice said.

Kumunot ang noo ko. “Lyle?!”

“Yea, sweetheart.”

“Saan mo nakuha ang number ko?” taka kong tanong.

“At bakit wala ka ng number ko?” tanong niya pabalik.

“Huh?!”

“Nasa library ako,” he said.

“Nugagawen?” tanong ko.

“You have five minute to come. Bye.”

“Huh? Anong mayroon—Hello?”

Tiningnan ko ang phone ko at pinatay na niya ang tawag. Hindi maipinta ang mukha ko sa inis.

“Tapos na ang tour,” Grey said with a smile on his face. “You may go.”

“Sorry,” I said. “Hindi ko alam ano nanamang topak ni Lyle.”

“It’s okay, I understand. See you around, Reign.”

“See you around,” I said and smiled back, leaving all the painful memories behind.

Finally, just like the sun leaving the day without looking back on how it went, we’ve moved on.

Pagkapunta ko sa library ay nakita ko agad si Lyle sa may sulok. Nakasuot ito ng puting hoodie at bilog na salamin. Sa table niya ay naroroon ang laptop niya at ibang notebook. May binabasa siya habang nakikinig ng musika mula sa headphone niya.

Lumapit ako at pabirong tinanggal ang headphone niya. Mabilis siyang lumingon sa akin at halatang handang mag-attitude. Nawala ang talim ng tingin niya nang mapansin niyang ako ang dumating.

“Umupo ka na,” walang-emosyon niyang sabi. “Marami ka pang gagawin.”

“Anong gagawin?” tanong ko.

“Paper works. Marami kang dapat habulin,” tipod niyang sagot at nagsimula sa pagt-type sa laptop niya.

Umupo ako sa harap niya at tiningnan ang mga papel na nasa table. Organized ang lahat at hindi makalat. Ultimo pagkakapatong-patong ng mga papel ay pantay-pantay, walang lumalagpas.

Kinuha ko ang isang kumpol ng mga worksheets at binasa ang mga iyon.

Halos malula ako sa dami. Ang sarap na lang ngumuya ng papel, sa totoo lang. Hirap maging transferee.

“Ito ba ang hahabulin ko?” tanong ko. “Kailan daw ang deadline?”

“Hindi ’yan. Tapos na ang iyo, sinagutan ko na,” sagot niya.

May kinuha siyang isang folder at inilapag iyon sa harap ko.

Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko iyon isa-isa. May sagot na nga lahat.

“Ba’t mo sinagutan?” tanong ko. “Tingin mo ba hindi ako capable na answer-an ’to on my own?”

Pero hindi siya sumasagot. Mas bumibilis ang mga daliri niya sa pagta-type.

“Kung sinagutan mo na pala ang akin, e ano ’to?” tanong ko at hinawakan ang isa pang kumpol ng mga papel.

“Sinagutan ko ang iyo para hindi ka na ma-stress. Iyang papel na ’yan, assignment ko ’yan sa isang subject ko. Wala na akong panahon para sagutan pa s’ya, kaya ’yan na lang sagutan mo.”

“Huh?” maang kong tanong. “It doesn’t make sense.”

“Which part?” Lyle asked. “I spent all my time doing your paper works kaya hindi ko nagawa ang akin.”

He stopped typing and looked straight into my face.

“Wala man lang thank you, Lyle. I owe you a lot. Muah.”

Gusto ko mainis pero nanaig ang bahagya kong tawa. He sounded so sassy.

“Exactly. Thank you, sige, pero kung sinagutan mo ’tong assignment mo instead na ang akin, edi sana wala kang problema.”

“Kung ginawa ko ’yon edi sana walang rason para makasama kita ngayon,” he answered without even stuttering.

The boy I once knew… has now become a man.

“I wanna spend time with you, Reign. I know it sounds dumb, when I did that I knew it was really plain stupid but what can I do? Just for this time, I wanna be with you.”

That rendered me speechless. Hindi na siya torpe. Grabe. Imbis na siya anv mahiya, ako ang namula.

“But-”

“No buts. Sagutan mo na lang ’yan, I don’t wanna entertain questions anymore. My doctor said that it’s bad for the baby.”

I scoffed. “Are you even pregnant?”

“No,” he proudly said. “I am the baby.”

I rolled my eyes. He laughed.

“Sige na nga,” sabi ko at kumuha ng ballpen. “Walang sisihan ’pag bumagsak ka, ha?”

“Okay lang bumagsak, basta may sasalo…” rinig kong bulong niya.

I gave him a sharp look and he started typing again. A smile planted on his lips.

“What?” he asked.

“Anong what?” tanong ko. “Type type ka riyan, nakapatay screen ng laptop mo, tanga.”

“Oh…” bigla niyang bulong. “Guess I got caught?”

Napailing na lang ako at lumawak lalo ang ngiti ni Lyle.

Maya-maya lang ay may tumawag kay Lyle. Noong una ay kalmado pa siya pero maya-maya lang ay mukha na siyang frustrated.

“Reign, wait lang ha,” he said.

Tumango ako. “Sige lang, take your time.”

Lyle left all his stuff and left the library. He was furious.

Sinagutan ko na lang ang assignment niya pero na-distract ako nang may marinig akong tilian mula sa labas ng building. Saktong sa tabi ng bintana ang pwesto namin kaya sumilip ako.

Maraming tao ang naroroon. May mga media, may reporter, may mga outsider, at may banners. Sa harap nila ay naroroon si Lyle kasama ang isang babae na ang mga kamay ay nakapalupot sa braso ni Lyle.

Nakasuot ito ng uniform namin, pero hindi ko makilala. Tinitigan kong mabuti at doon ko lang siya namukhaan. It was Serene.

He gave Lyle a kiss on his cheek and everyone giggled while Lyle looked really blank.

“She enrolled here,” sabi ni Hale na bagong dating at umupo sa tabi. “Kahapon lang.”

Hindi ako sumagot. Ni-hindi ko nga siya pinapansin.

“Ang ganda talaga niya, ano? Mayaman pa. May pangalan. Hindi kailangang ibenta ang prinsipyo para lang magkapera…”

Doon ko tiningnan si Hale. Nakangisi ito sa akin.

“Bagay na bagay sila ni Lyle, hindi kagaya ng iba na kailangan pang dumikit sa mayayaman magkapangalan lang. Wala pang utang na loob.”

“Wala akong panahon sa ’yo, Hale,” sagot ko. “Hindi tayo magka-level. Ba’t hindi mo na lang kausapin ’yong kuya mo? Malay mo, mag-enjoy ka. Pareho pa naman kayong tanga.”

I saw how those words triggered him.

“Kung hindi dahil sa amin na mga tanga, I think namamasura ka ngayon, ’di ba? Kung hindi ka tinulungan ng kuya ko, baka wala na rin sa ’yo ang mga kapatid mo. Kaya imbis na magalit ka, magpasalamat ka dapat. Wala kang utang na loob.”

“Wala kang ambag sa buhay ko,” diretya kong sagot.

“Ayaw ko sanang sabihin sa ’yo ’to pero kailangan mo yata ng wake up call, e,” sabi ni Hale at tumawa. “Reign, ako ang rason kung bakit ka naririto. Ako ang may scholar sa ’yo…”

Ngumisi siya at maya-maya ay nawala iyon nang mapansing hindi ako bothered.

“Why?” I asked. “Tingin mo matatakot ako? I have researched about it before going here. Alam kong sister comlany n’yo ang ginamit mo na pangalan para lang hindi ko mapansin. Hindi ako tanga, Hale Parker. Hindi lahat kasing baba mo mag-isip.”

“Don’t you feel indebted?” he asked playfully.

“Hindi. Deserve kong aksayahin ang pera mo,” I said and smirked back.

“No, no, no,” he said and smiled widely. “That help… it comes with a bigger consequence, Reign. Malalaman mo rin kung kailan ka magbabayad…”

Tumingin siya sa bintana at tinanaw sila Lyle at Serene.

“Pero sa ngayon, mag-enjoy ka muna kasi papagurin na kita sa susunod.”

Ngumisi siya lalo.

“Cute nila, ’no?”

Sa isang subject namin ay nagulat na lang ako at kaklase ko si Maki.

“Bakit ka nandito?” tanong ko sa kaniya.

Napakamot siya ng ulo. “Dito pala ang klase ko.”

Kumunot ang noo ko. “Wala ka rito kahapon, a?”

“Kaya nga. Ibang klase napasukan ko kahapon. Nakakahiya.”

Napangisi ako. “Anong nangyayari sa ’yo, oy?”

“Ewan ko ba. Puro na lang kahihiyan,” sagot ni Maki at umupo sa tabi ko. “Hindi kasi nag-attendance kahapon kaya hindi ko alam. Tapos kanina nag-attendance, wala pangalan ko. Hiyang-hiya ako lumabas. Grabeng pagsipsip ginawa ko kahapon, sayaw dito kaldag doon. Tapos ending… hindi pala sila ang kaklase ko.”

Natawa ako dahil mukha talaga siyang badtrip. “Hindi mo chineck class schedule mo kung anong room ka?”

“Chineck,” sagot ni Maki at tumayong muli para ayusin ang uniform niya. “Naligaw lang, hayop ’yan.”

Pareho na lang kaming natawa. Natigil kami nang biglang dumating si Lyle.

“Kanino ’yan?” tanong niya, tinutukoy ang bag na nasa tabi ko.

“Sa akin, bakit?” sagot ni Maki at bahagyang lumaki ang boses.

Tiningnan siya ni Lyle na parang bored na bored at muling dumapo ang tingin sa ’kin.

“Gusto kong tumabi sa ’yo, sinong maga-adjust?”

My eyes widened. “What?”

Maki scoffed. “Nauna ako.”

“Kahapon ko pa ’ton pinaplano, so technically I was the first,” Lyle answered back

“Huh?” sagot ni Maki. Gaya niya, pati ako ay natameme. “Anong klaseng logic ’yan, brad?”

“Someone has to transfer to another seat and it ain’t me,” pagmamatigas ni Lyle.

“Mas lalo naman ako. Bahala ka riyan, manigas ka sa inis,” sagot ni Maki.

Akmang uupo na siya nang walang anu-ano’y umupo si Lyle sa upuan niya. Literal na inunahan siya ni Lyle.

“Hoy!” nabigla si Maki sa bilis ng pangyayari. “S-Sulutero ka, a!”

Lyle smiled at him. “That doesn’t hurt because I don’t know what sulutero means.”

Kinuha niya ang bag ni Maki at ipinatong iyon sa hand rest.

“Lipat ka na lang. Ako ang katabi ni Reign today,” he said while having a smile on his lips. He then looked at me. “Be thankful.”

Napailing na lang ako. Si Maki naman ay nakatayo lang sa harap namin at hindi alam ang gagawin. Mukhang gusto pa niyang makipag-away.

“Gusto ko ring katabi si Reign!” pagmamatigas niya.

“Better luck next time,” Lyle answered.

Napakamot ako ng ulo.

“Reign…” Maki said. “Mas gusto mo ’yan katabi kaysa sa ’kin?”

“Wala akong sinasabi—”

“Pero hindi siya umaangal. It means gusto niya,” Lyle confidently said.

“Pero—”

Sasagot pa sana si Maki nang walang anu-ano’y tumayo ako. Kinuha ko ang bag ni Maki at inilagay iyon sa upuan ko. Kinuha ko naman ang bag ko at mga gamit ko.

“Saan ka punta?” tanong ni Maki.

“Gusto n’yo rito, ’di ba?” tanong ko. “Pwes, magtabi kayo.”

Pinuwersa kong paupuin si Maki sa tabi ni Lyle.

“O, ’di ba? Tapos ang problema,” sagot ko.

“Lilipat ka ng upuan?” Lyle asked. “Go, leave me again.”

Naghiyawan ang mga kaklase namin. He sounded sad.

“Lyle, magtigil ka,” sabi ko.

He smiled at me. “I just wanna be close to you. Why does it have to be so complicated?”

“You can’t just get anything you want,” I answered back.

“You are the only exception to that rule, Reign,” he said. “I’ll make sure that I’ll be worthy.”

Doon siya tumayo at muling kinuha ang bag niya.

“Dito ka na umupo,” sabi niya sa akin. “Nang-iinis lang ako.”

“Nang-iinis? Ikaw?” I said and scoffed jokingly. “Ikaw na yata ang pinakaseryosong tao na kilala ko.”

“Well, people change,” he said. “Gusto lang kitang makitang mainis.”

He smiled at me and he patted the top of my head gently.

“You’re cute. Always.”

Tinanggal ko ang kamay niya sa ulo ko. “Stop. Ano ako, pusa mo?”

“If you want. My furrbabies need a furrmom, though.”

I was at a loss of words.

Ngumisi si Lyle. “I’m going.”

Lumipat na siya ng upuan at umupo sa pinakadulong upuan.

“Puwede ba kapag mag-uusap kayo tagalog na lang,” sabi bigla ni Maki. “Gets ko naman pero hindi ako makapagsalita. Kaya ayon, tahimik na lang ako.”

Doon din dumating ang teacher namin at si Serene. Nang makita ako ay agad itong umirap. Ngumiti ito at kumaway nang makita naman si Lyle.

Lumingon ako kay Lyle at nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Instead of turning his eyes elsewhere since he was caught, he maintained an eye contact with me and with a soft smile on his lips, he winked at me.

Umiling na lang ako.

Matapos ang klase ay dumiretso ako sa library para tapusin ang assignment ni Lyle. May event ngayon sa school at maraming estudyante ang dumalo. Maging si Maki ay kasama ang ilang kaklase niya sa ibang subject na close na niya. Niyaya naman niya ako pero hindi ako sumama dahil nga marami-rami pa ang dapat kong gawin.

It took me three hours to finally finish them. 8PM na at ako na lang halos ang tao sa school kaya lumabas na ako. Paglabas ko ay marami pa ring estudyante ang nasa school ground at nakiki-jam sa mga school bands na tumutugtog.

Mula sa malayo ay natanaw ko si Maki. Umalis ito mula sa crowd at parang may pupuntahan. Hindi ko na siya tinawag o sinundan. Masiyado siyang malayo.

Sa sobrang enjoy niya siguro  ay hindi na niyang nagawang mag-text sa akin. I texted him na mauuna na akong umuwi.

Nagulat naman ako nang makarinig ako nang hiyawan. Levi came. Lalo itong gumwapo. Isa pala siya sa special guest ng event.

In a split of seconds, I saw Nash came with his group. Isa sila sa performers.

From the crowd, I saw Grey, Reese and Missi.  Nakiki-jam ang mga ito. May ibinulong si Reese kay Missi at biglang umalis. Sumunod naman si Missi. After mawala ng dalawa, ilang minuto lang ay umalis si Grey.

Maglalakad na sana ako nang bigla akong may mabangga. When I looked at her to say sorry, my jaw dropped.

“Everleigh?”

“Reign?”

It was her. Si Everleigh nga iyon.

“Totoo nga,” sabi niya. “You transferred here.”

I nodded awkwardly. “Hindi kita… nakita.”

“Ah, yeah. I was sick. Napadaan lang ako ngayon kasi I left something important inside my locker.”

Tumangu-tango ako. If there’s something in Everleigh’s aura, it was rather peace than war.

Tumingin siya sa stage at nakita niya ang picture ni Serene sa tarpaulin.

“Wanna kno a secret, Reign?” she said out of a blue.

“Hmm?” I asked.

“That girl… everyone of us wants her gone.”

Kumunot ang noo ko. “Why?”

Ngumiti siya at tiningnan ako. “She’s that bitch. Malalaman mo rin.”

Tiningnan niya muli ang tarpaulin. “I’ll go. It’s nice seeing you here.”

Tumango lang ako at pinanood na umalis si Everleigh. Nang mawala na siya sa paningin ko, for unknown reasons, I stayed for few minutes more to watch the free concert.

Ang daming nagbago. Maging si Everleigh ay nawala ang angas.

Nabigla ako nang biglang mag-black out. Literal na nagdilim sa buong campus. Nagtilian ang lahat na nauwi sa masasayang sigawan nang kumanta ng acapella ang banda.

That’s it. Kailangan ko nang umuwi.

Lumagpas na ako sa mga tumutugtog nang bigla akong matigil. May narinig akong sumisigaw. Hindi kagaya ng masasayang tili o sumasabay sa pagkanta, ang tili na ’yon ay puno ng sakit at paghihirap.

Napatingin ako sa small clinic room malapit sa stage. Doon ko naririnig ang pagsigaw ng tulong pero parang ako lang ang nakaririnig.

Unti-unti akong lumapit doon, kumakalabog ang dibdib.

Lalong lumakas ang tili. Para itong sinasaktan.

Napakapit ako sa bag ko. Gusto kong tumakbo pero hindi ko magawa. Kusang lumalapit ang mga paa ko sa kwartong iyon.

Hanggang sa isang iglap, natigil ang lahat. Nawala ang tili na parang sinasaktan. Natahimik ang kwarto.

Hinawakan ko ang door knob at nanginginig ang kamay na gusto iyong buksan. Nang walang anu-ano’y bumukas ang kabilang pinto at nagmamadaling tumakbo ang tao.

Nakasuot ito ng itim na mask na tumatakip sa buo nitong ulo at mukha bukod sa mga mata.

“Hoy!” sigaw ko.

Hindi ko malaman kung hahabulin ko ba siya o titingnan muna ang loob. Mabilis kong binuksan ang kwarto at kinakabahang pumasok.

Bumabaha ng dugo ang kwarto. Sa sahig ay naroroon sng isang babae. Naliligo ito sa sariling dugo at nag-aagas buhay.

My eyes widened. “Serene…”

Nagawa pa niyang tumingin sa akin habang nilalabanan ang kamatayan.

Mabilis akong lumapit sa kaniya. “Kaya mo pa? T-Teka, hihingi ako ng tulong, saglit lang—”

Hinawakan niya ako sa kamay at nalagyan ako ng dugo. “H-Habulin…”

“Oo, hahabulin ko siya pero ang mahalaga… ang mahalaga mailigtas ka muna—”

Tumulo ang luha sa mga mata niya. “N-Nakaganti na siya…”

Confusion swallowed me. Serene held me by my uniform. Nalagyan ang damit ko.

Bumuka ang bibig niya at may gustong sabihin. Nang walang anu-ano’y binawian na siya ng buhay na dilat pa ang mga mata.

“OH MY????”

Napatingin ako sa pinto. May isang estudyante ang nakatingin sa amin at gulat ang mga mata.

“ANONG GINAWA MO? HELP! HELP!”

Nanlaki ang mga mata ko. “H-Hindi, hindi ako—”

Hindi na ako nakapagpaliwanag dahil ang lakas na ng mga sigaw niya. In a snap, dumami ang mga estudyante at pinaligiran ako. Kumukuha ang mga ito ng mga litrato at may tumawag pa ng pulis.

“Nagkakamali kayo ng iniisip, hindi ako ang—”

Natigil ako nang makita si Hale sa crowd. Nakatayo ito roon at nakangisi.

That’s when I realized it. It was a trap.

“Reign Harriett…” He said, acting shocked now. “Why did you kill her?!”

Lumakas ang bulungan. Umugong ang galit.

I felt my knees getting weak.

And just like that, I became a murderer…

SEASON 2 PART 9

“Anong pangalan mo?”

“Greysen Finch,” sagot ng isang lalaki sa isang kwarto.

“Everleigh Miller,” sagot naman ng isang babae sa kabilang recording.

“Mississippi Smith,” another woman said.

“Lyle Xavier Heimsworth.”

“Levi Hudson.”

“Nashville Burlington.”

“Malcolm Kiel Edejer po,” nanginginig na sagot naman ng lalaki.

Bumuntong-hininga naman ang isang babae at kinamot ang likod ng tainga niya.

“Ah shit, deja vu,” she rolled her eyes sland faked a smile. “Reese Turner, Sir. Kasi lahat ng nadadaanan ko napapa-turn ang head to look back at me. Oh, pak!”

Taliwas sa takot at kinakabahang emosyon ng iba, isang binata ang confident na sumagot sa interrogation.

“Hale Parker,” sabi nito at ngumiti. “What a lovely name, ain’t it?”

“Nasaan ako nang mangyari ang krimen?” tanong ni Everleigh, pagbibigay linaw sa tanong ng officer. “Nasa school. May naiwan akong importante sa locker ko kaya bumalik ako nang araw na ’yon.”

“Nasa school po,” sagot ni Grey. “President ako ng Student Council kaya I had to be there ’till the end of the event.”

“Nakiki-party sa school,” Missi answered. “Sobrang stressed ko na academically, emotionally, and k-dramatically-kasi lagi akong na-fa-fall sa second lead na hindi laging pinipili-kaya I joined the event.”

“Actually, special guest ako that night,” Levi responded. “Ano magagawa ko, officer, kung marami akong fans sa school kaya need ko pumunta to show my gratitude, at least?”

“Guest performer po kami ng group ko,” Nash said with anxiety. “Wala na po akong ibang ginawa that night, nag-perform lang.”

“I was just… observing the night. Pauwi na rin ako pero there’s something that lured me to watch the performance,” Lyle answered.

“Galing po ako ng probinsya kaya bago sa akin ang lahat-lahat dito,” rason naman ni Maki. “Kaya pagkatapos ng klase, pumunta ako sa event at nag-enjoy po, at first time ko pong maka-attend sa ganoong kalaking event na maraming artista at libre pa. ’Yon lang, Sir.”

“Nasa school po,” sabi ni Reese.

“At hindi ka naman enrolled doon?” tanong ng officer.

“Kaya nga, e, ba’t ako nadamay?” she asked back. “Nanonood lang ako ng concert, Sir, nakikisaya ta’s kinabukasan suspect na agad sa pagpatay. Langyang buhay ’yan, lakas ng plot twist, e.”

“Nasa school lang ako, officer,” sagot naman ni Hale. “Nag-e-enjoy sa party na isa ang pamilya ko sa nag-organize kaya naging free siya para sa mga estudyante. Ba’t ako gagawa ng masama, ’di ba? Sobrang ganda parati ng hangarin ko.”

“Marami ang suspect pero isa ka sa ini-interrogate ngayon dahil sa isang bagay. Bakit ka umalis sa Concert minutes before the crime happened?”

“Naglibot po,” Levi answered. Naglikot ang mga mata nito.

“Naglibot when you were supposed to perform?”

Levi sighed. “Okay, I’ll tell you. Nanigarilyo ako-but please keep it private, officer, masisira image ko.”

“Saan ako pumunta?” tanong ni Nash at napalunok. “Naglakad-lakad lang po since last performer po kami.”

“Bakit ka naglakad-lakad knowing na magpe-perform kayo anytime?”

“To be honest, naglibot po ako to make myself feel that I am a student, too. Ang tagal ko na po kasing absent dahil sa schedule ko.”

“Actually,” Missi then answered. “I went to the comfort room. Natutunaw na kasi ’yong make up ko and I had to retouch. Bagsak kasi ako sa dalawang quizzes kanina. Pangit man grades ko, at least ang mukha ko hindi.”

“Hinanap ko si Missi,” sabi ni Reese. “Bestfriend ko ’yon, officer. Bigla kasing nawala, baka nilamon ng lupa o naligaw, tanga pa naman ’yon. Kaya umalis ako at hinanap siya. Tapos na po ba siya interview-in? Pasabi naman ‘Hi’.”

“Sabi ko naman officer,” Everleigh answered. “May kinuha ako sa locker ko.”

“Ayon sa excused letter mo, may sakit ka. Was that thing in your locker so important para lang pumunta ka sa school nang ganoong oras ng gabi?”

“Yes,” Everleigh said. “And don’t ask me kung anong ’yon. That’s my privacy unless you have a paper that says you can have that thing lawfuly. Kung wala, don’t force me to specify it. Thank you.”

“Hinanap ko po si Reign…” Maki said at nanginginig na ang tuhod. “Sabay po kasi kami parating umuuwi. ’Yon lang po, officer. Wala po akong masamang ginawa.”

“Pumunta ako sa office, officer,” sagot ni Grey. “Nagbago ang line up ng performers dahil may dalawang musician ang nag-withraw sa line up. I had to go to the office to print a new one.”

“I saw a cat…” Lyle answered.

“Cat?”

“Oo. Pusa.”

“And?”

“I followed it and… fed it.”

“And then?”

“That’s it, officer,” Lyle answered. “’Yon lang ang rason kung ba’t ako nawala sa party.”

“Mas importante ang pusa kaysa makihalubilo ka sa mga schoolmate mo?”

Lyle nodded without even thinking about it twice. “Better than everyone else.”

“Let’s talk about Serene. What do you think about her?”

“To be honest, she’s annoying,” diretsang sagot ni Levi. “Naging guest kami sa isang radio show and she’s really so full of herself.”

“Someone I won’t befriend,” sagot ni Nash. “Noong baguhan pa lang kami ng group ko sa industry and she was already famous, she didn’t even greet us when we greeted her. Tapos noong sumisikat na kami, she kept on telling to interviews that we are close.”

“Ayaw ko sanang magsalita ng masama pero ayaw ko sa kaniya,” sabi ni Grey. “Noong nasa West Carson High pa lang kami, we tried to invite her for an event but she refused dahil lang hindi siya ang pinakasikat sa line up.”

“We used to go in the same salon before,” kuwento naman ni Missi. “I tried to befriend her but the bitch rolled her eyes on me because she doesn’t like the color of my nails. Like duh, kasalanan ko bang mas maganda ako sa kaniya?”

“She’s a bitch,” sabi ni Everleigh. “For sure, hindi ko na dapat pang i-explain kung bakit. The other students will tell you.”

“She’s a famewhore,” sabi ni Reese. “Dikit nga nang dikit ’yan kay Lyle, e. Feeling relevant si ante. Panggagamit competition pero kung si Serene ang kalaban mo, umuwi ka na lang.”

“She always tries to create loveteam eith ever other guy to see kung kanino siya magcli-click,” Lyle said. “I don’t really like her.”

“She’s my cousin,” Hale Parker answered. “Mabait naman siya, matulungin. Kung may masasabi mang masama ang ibang tao, for sure inggit lang nila ’yon sa katawan.”

“Given the chance, would you kill her?”

“Yes,” sagot ni Everleigh. “But I won’t. Hindi ako kasing sama niya.”

“Siguro,” sabi ni Missi. “Pero baka pumangit siya lalo?”

“Uh, I don’t know,” sabi ni Levi. “Never naman ’yon pumasok sa isip ko.”

“Hindi po ako ganoong tao,” sabi ni Maki. “Kahit na anong inis ko sa tao, sa ’kin na lang po ’yon.”

“Magagalit ako pero hindi ako marunong manakit,” sabi ni Nash.

“Aba oo,” sabi ni Reese. “Sampalin ko pa ’yon, e.”

Sa pagkakataong iyon, biglang tumunog ang cellphone ng officer. Sinagot niya iyon at biglang namutla ang mukha.

“Bakit po?” tanong ni Maki.

“Serene… is dead…”


REIGN.

I BECAME A MURDERER OVERNIGHT.

Nasa loob ako ngayon ng interrogation room at tulala. Pinapanood ko ang lalaking nasa harapan ko habang kumakalabog ang dibdib.

Naaalala ko pa kung gaano kabilid nangyari ang lahat. Pumasok ako sa isang kuwarto at nakita si Serene na nag-aagaw-buhay. The moment I helped, that’s when the doors opened and the hell finally started.

Dumating ang isang estudyante at nagulat sa nakita. Napatili siya kaya sumunod ang iba at ako ang nakita sa crime scene.

When I realized the hell I was at, I panicked. Hindi ko alam ang gagawin.

“Why did you kill her?!” sigaw ni Hale.

I felt like I was a prey caught by the predator pitifully. Nanginig ang tuhod ko at kahit na alam ko sa sarili ko na hindi ako ang gumawa niyon, I suddenly felt hopeless.

“H-Hindi ako ang gumawa!” depensa ko sa sarili ko. “K-Kararating ko lang dito at-”

“LIAR!” sigaw ng isa. “Why would you even go here when there’s a party?!”

I opened my mouth to defend myself but another one spoke up.

“Kaya pala ayaw mong sumama sa amin…” sabi ng isa na nakilala kong kaklase ko. “Ganito pala ang plano mo…”

Lumakas ang bulungan. Some were even taking photos of me.

“Call the police…” sabi ng isa. “CALL THE POLICE! THE MURDERER IS CAUGHT RED-HANDED!”

“N-No… no… Hindi-”

Nawalan na ako ng pag-asa nang tumawag sila ng mga pulis at dumating ang guard. Sumunod ang mga teachers at ang marami pang estudyante.

I felt hopeless.

Sa gitna ng malalakas na ingay ay napako ang tingin ko kay Hale. Mukha itong nangungutya. Mukha itong masaya sa nakikita.

Bigla kong naalala na ganitong-ganito ang sitwasyon niya noon. Bigla akong naluha sa sobrang galit at takot.

Sa gitna ng kaguluhan, ngumisi lamang si Hale na para bang nilalait ako…

“So, Reign Harriett…”

Muling napukaw ng lalaki ang atensyon ko. Nasa harap ko ito at may binabasa. Ang galit na nararamdaman ko kay Hale ay naging triple para rito.

“I am Prosecutor Jaxx, I bet you know me.”

“Of course,” sagot ko. “Ikaw at ang kapatid mo ang dahilan kung bakit ako nandito.”

“Reign, ’wag kang mambintang-”

“Mambintang?” putol ko sa kaniya. “Ang taas ng pinag-aralan mo pero ba’t hindi mo yata kayang mag-isip? Hale did it to trap me. Alam kong alam mong-”

“Reign, listen,” putol ni Jax. “Kung hindi ka makikipag-cooperate sa akin, tatagal ka rito-sa kulungan na ’to. I am helping you kaya please lang, ’wag mong pairalin ang emosyon mo.”

“Grabe…” saad ko. “Ba’t parang hindi ka nababahalang may pinatay nanaman ang kapatid mo? Alam nating siya ang gumawa nito.”

“Walang ebidensiya na siya ang gumawa, Reign. Pero ebidensiya na makakapagturong ikaw ang salarin, marami. So please just… stop and cooperate. Just for the sake of good old days, I will help you.”

Tuluyan na akong nandiri sa lalaking hinangaan ko noon.

“Wala kang pinagkaiba sa kapatid mo,” I said. “Isa ka sa rason kung ba’t maraming kriminal sa mundo. At isa ka rin sa rason kung bakit habang buhay nang magiging kriminal ang kapatid mo!”

“Anong ginagawa mo sa crime scene?” tanong ni Prosecutor Jax na para bang wala lang sa kaniya ang naririnig niya.

“Marami pa siyang papatayin at marami kang pagtatakpan. Hanggang kailan mo kakayaning pagtakpan ang kapatid mo? May araw din kayo. May pagkakataon din na hindi aayon ang plano n’yo at-”

“May party sa school ninyo, pero bakit ka nasa kwarto na ’yon at ang paalam mo pa sa mga kaklase mo ay busy ka sa assignments?”

Parang wala lang siyang naririnig. Patuloy lang siya sa pagtatanong na para bang maging siya’y wala nang magawa sa kapatid niya.

“Prosecutor Jax!” hiyaw ko.

Hindi siya kumibo. Tiningnan niya lang ako nang matagal at bumuntong-hininga. Isinara niya ang notebook niya at tiningnan niya ako sa mga mata.

“Wanna know what’s going on, Reign?” tanong niya.

Ako naman ang hindi kumibo.

“Galit ang mga tao sa ’yo. Serene is a celebrity with a big fanbase. Matunog ang pangalan mo ngayon bilang kriminal. In one snap, mawawala sa ’yo ang scholarship mo, matagal bago humupa ang galit sa ’yo ng publiko, posible ka pang makulong habang-buhay at hinding-hindi mo na makikita ang mga kapatid mo. Now, hindi mo pa rin ba nakikita kung gaano kabigat iyong sitwasyon mo ngayon?”

Hindi ako makasagot. Natatakot ako at nagagalit.

“Hindi kayang i-solve ng galit o emosyon mo ang lahat. May pinagsamahan tayo, Reign, kaya gusto kitang tulungan para mabawasan man lang ang bigat ng sitwasyon mo ngayon.”

I gulped.

“Walang ibang makakatulong sa ’yo-not even Lyle or Grey. Walang may kaya bukod sa akin. I am not an enemy-not now. Gusto kitang tulungan so please, act like your age, all ears on me and just answer my questions.”

Tuluyan nang tumulo ang luha sa mga mata ko.

“Now, let’s start.”

Muli niyang binuksan ang notebook. Yumuko ako at doon tumulo ang luha ko habang ang kamao ko naman ay nakakuyom.

Hanggang kailan magiging ganito ang sistema?

Sa buong araw ay hindi ako tumanggap ng bisita. Not even Lyle or Maki. Alam ko rin na sa pagkakataong ito ay may alam na si Ate Neska o Ate Aubrielle dahil for sure ay na-televise na ang pagmumukha ko.

Nasa loob pa rin ako ng kulungan at hindi ko na alam ang mangyayari sa akin. A part of me regrets that I went back here. Pero alam kong may rason ang lahat at hindi ito ang hantungan ko.

Nang sumapit ang gabi ay isang bisita lang ang sinipot ko. It was Hale. Nakasuot ito ng grey na hoodie at gold-colored na bilog na salamin.

Pagpasok ko pa lang ng kuwarto ay nagulat ako’t walang pulis. Kaming dalawa lang talaga. Kitang-kita na maging ang mga tao rito ay hawak din ng pamilya niya.

“How’s our scholar?” he asked, smiling brightly at me.

“Still has a better morality than you,” sagot ko bago umupo sa harap niya.

“Chill,” sabi ni Hale at isinuot ang hood ng hoodie niya. “’Wag ka mang-away, hindi mo pa nga alam kung ba’t ako nandito, e.”

“At wala akong interes alamin,” tugon ko sa kaniya.

“Then why did you show up?” he asked. “Kanina pa pabalik-balik si Lyle, Maki at Neska Harriett pero bakit sa akin ka lang sumipot?”

Natahimik ako. I saw how satisfied Hale was.

“Anong kailangan mo?” tanong ko.

“Ikaw ang may kailangan sa akin,” he said confidently. “Kahit magsama-sama pa si Lyle, Maki, at Grey o isama mo pa si Neska or Aubrielle o ang Death Chasers na ’yan, walang ibang makakatulong sa ’yo kung hindi ako lang.”

“Puro ka lang yabang,” sabi ko at ngumisi. “Siyempre, ikaw lang talaga. Ikaw ang gumawa ng krimen na ’to, e.”

Nawala ang ngisi ni Hale.

“Maraming klase ng krimen, Hale Parker. Try mo naman ang iba ’wag puro pagpatay. Umay ka na,” sarkastiko kong sagot.

“Wala kang ebidensiya,” sagot niya. “Pero maraming ebidensiya na ikaw ang pumatah kay Serene. I can help you clear your name.”

“And then what?” tanong ko. “Habang buhay akong magiging tuta mo?”

“Akala ko ba aaksayahin mo ang pera ko, Reign?” he asked and laughed mockingly. “Ba’t ngayon ayaw mo na?”

Nag-igting ang panga ko. Napakagaling niya talagang mang-inis.

“There are two ways to get you out of here,” Hale said. “A bale of One Million Pesos and an evidence that will prove your innocence.”

“And you have both?”

“Of course,” Hale confidently said. “Hindi ako sumasabak sa laban nang hindi handa.”

May inilapag siyang cellphone sa table.

“One million pesos for the bail, barya lang sa akin ’yan. I can give it tomorrow morning, no problem.”

“What’s this?” tanong ko.

“A footage,” sabi ni Hale. He played the video and it was a footage of me walking in the corridor.

“The forensics provided a precise time of Serene’s death. Kung anong oras posible ang unang failure ng organs due to a deep stab and so on. During that time, makikita ka sa video na ’yan na naglalakad sa corridor, making it impossible for you to be in the crime scene and kill her.”

Dumagundong ang dibdib ko. Alam kong may pag-asa pa sng kaso ko.

“Sad news is, ako lang ang may copy nito. Lahat ng footage sa CCTVs ng school na naroroon ka ay deleted na. The public thinks you hired someone to delete them-a scheme of your failed perfect crime. And only I, can prove that it’s the other way around.”

“You are sick!” I hissed.

“Maybe I am, pero anong choice mo?” Hale asked and laughed. “Ako lang ang makakapagligtas sa ’yo, Reign. Saan kukuha ng 1 Million si Lyle o Grey nang hindi magdududa ang family nila? Saan maghahagilap ng ebidensiya si Neska gayong nasa akin ang nag-iisang bagay na magpapatunay na inosente ka?”

Napailing siya at sumandal sa upuan. “Ako lang ang makakatulong sa ’yo. Wala nang iba.”

“Anong gusto mo?” tanong ko. “Ba’t mo ’to ginagawa?”

“Boring kasi,” sabi ni Hale at tumawa. “Nananahimik na ako, tapos biglang may nagplaplano na ipakulong ako. Ayaw n’yo ba talagang lumagay na lang sa tahimik?”

I clenched my jaw.

“Simple lang ang gusto ko, Reign. Be my puppet and destroy everyone who threatens my peace.”

“Or else?” I asked back fiercely.

“Or else you’ll lose the chance to watch your siblings grow.”

“Not my siblings, you son of a bitch…”

“Then be my puppet,” Hale answered.

“Hinding-hindi ako kakampi sa kriminal!”

“Uh-oh, masama ang magbintang,” sabi ni Hale at ngumisi. “I didn’t kill her.”

Lalong lumawak ang ngisi niya.

“Someone from the class did…”

SEASON 2 PART 10

Someone else killed Serene. Hale is innocent.

Iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko buong-gabi matapos kaming mag-usap ni Hale. Ni-hindi man lang ako nakatulog sa loob ng kulungan.

Paano kung ganoon nga ang nangyari? Paano kung all this time, inosente si Hale at mali ako ng pinagbibintangan? Tapos ang totoong salarin ay nasa labas lang, kakilala ko, at tuwang-tuwa dahil nakalusot siya sa krimeng ginawa niya at ako ang nadawit?

Knowing Serene, marami na siyang naagrabyadong tao. Marami ang galit sa kaniya at for sure, marami na siyang nagawang hindi maganda. Siguro, hindi na iyon nakapagtimpi at ginawa na ang krimen.

Pero knowing Hale rin, wala siyang hindi kayang gawin. Kaya niyang paikutin ang lahat sa kahit na ano mang istoryang gusto niya.

Pati nga kami napaikot niya noon. Ganoon siya katindi kaya hindi ko rin siya maalis sa suspect list ko.

“Harriett?”

Nasa sulok ako ng selda at nakapatong ang ulo sa tuhod ko.

“Reign Harriett?”

Nang marinig ko ang pangalan ko ay ngtaas ako ng tingin. Ang boses ay nanggagaling sa isang pulis na nagbukas ng pinto.

“Laya ka na,” dugtong nito.

Masama ang tingin sa akin ng mga nasa selda. Tumayo ako na hindi man lang nagulat. I expected it. I anticipated it.

Because last night…

I took Hale’s bait. I accepted his offer to be his puppet. It was the only way.

Lumabas ako ng selda at ang tumambad sa akin ay si Detective Howell. Ito ang unang beses na nakita ko ulit siya matapos ang panlolokong ginawa niya sa skin noon.

Nakaupo siya sa gilid at nagce-cellphone lang. Naka-de-cuatro pa ito na upo at bored na bored. Mukhang napilitan pa itong sunduin ako.

“May klase si Hale, may appointment si Jax. Kaya ako ang sumundo sa ’yo,” sabi nito baho tumayo. Doon lang ako tiningnan. Maging ang mukha nito ay bored na bored.

Inirapan ko ito. Galit na galit talaga ako sa lalaking ’to.

“Kung ayaw mo akong makita, mas lalong ayaw kitang makita,” mapanuyang sabi sa ’kin nito. “Pasalamat ka nga’t may tumutulong sa ’yo. Kung ako lang, hahayaan kitang mabulok dito. Walang utang na loob.”

Umiling ito at ngumisi bago makipagkamay sa pulis. Sabay akong tiningnan ng dalawa, parehong natatawa at halatang kinukutya ako. Hindi na lang ako kumibo.

Paglabas namin ng presinto ay napakaraming reporters. Mabilis nila akong sinalubong at pinaligiran.

“Totoo bang ikaw ang pumatay kay Serene?”

“Maraming tao ang nagsasabing hindi ka inosente. Anong masasabi mo rito?”

“May gusto ka bang sabihin sa mga taong ayaw paniwalaan ang mga ebidensiyang inosente ka?”

Bigla akong nag-panic. Napakaraming tao ang pinaliligiran ako, napakaraming mic ang nakapaligid sa akin. May mga sumisigaw sa likuran at pilit na lumalapit, galit na galit ang mga ito.

Kaliwa’t kanan ang nagtatanong. May mga flash galit sa mga camera. May sumisigaw. Nagkakagulo sila.

Bigla akong naluha. Hindi ko malaman ang gagawin. Parang bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko.

“Ang ebidensiya na mismo ang bahalang magpaliwanag para sa kaniya,” sabat ni Detective Howell. “Sa ngayon, hangga’t hindi kayang patunayan na guilty ang kliyente namin, mananatili siyang inosente. Salamat.”

Hinawakan na ako ni Detective Howell sa braso at niyakag ako paalis ng lugar na ’yon. Dumiretso kami sa kung saan nakaparada ang kotse niya at dali-daling pumasok sa loob dahil hinahabol pa rin kami ng mga reporters.

Mabilis na pinaandar ni Detective Howell ang kotse niya at nang malampasan na namin ang mga tao ay doon lang siya bumuntong-hininga nang malalim.

“Tingnan mo?” bungad niya. “Sobrang nakaka-stress. Hindi ako bayad sa biglaang pagdepensa na ’yon, maniningil ako ng extra kay Jax mamaya. Kaya ikaw, dapat, i-ayon mo ugali mo. Hindi ’yong ikaw na tinutulungan, ikaw pa ang mataray.”

“Ganoon… ba talaga kalala ang lahat?” tanong ko at napalunok.

“Ano bang inaasahan mo, e, artista ang pinatay mo?” Jax asked and scoffed.

“Hindi ako ang pumatay sa kaniya,” mariin kong sabi.

“Sige na lang,” sabi ni Detective Howell. “Kung saan ka masaya. Pasalamat ka na lang at may Jax at Howell kang backer, kung hindi, mabubulok ka na sa rehas.”

Bigla itong natawa.

“Biruin mo ’yon, galit na galit ka sa amin, e, kriminal ka rin pala.”

Tumingin na lang ako sa bintana at naikuyom ko ang kamao ko. Gusto kong sumagot pero alam kong wala iyong patutunguhan.

Ang mahalaga ngayon ay nakalabas na ako at wala sa kulungan. Hindi ko kayang lutasin ang krimen na nangyari kung nasa loob ako ng kulungan. Hindi ko mahuhuli ang totoong salarin, at mas lalong hindi ako papayag na ako ang magbabayad sa kasalanang ginawa niya.

Hindi ako maturulungan ni Lyle. Ate Neska tried, I know the Death Chasers did, but they weren’t powerful enough to get me out this fast.

Tanging si Hale at Prosecutor Jax lang ang paraan para mabilis akong makalabas. Kaya nilunok ko ang pride ko at pumayag na ako na maging puppet niya. Alam kong hindi ko madaling maloloko si Hale, pero tanging iyon lang ang paraan.

Sa buong biyahe ay hindi na ako kumibo. Ang dami pang sinasabi ni Detective Howell na kung anu-ano pero hindi ko na iyon pinansin pa.

Nang marating namin ang tapat ng apartment ko ay mabilis kong tinanggal ang seatbelt ko. Akmang lalabas na ako nang biglang magsalita si Detective Howell.

“Puppet ni Hale…”

Bigla akong napalingon sa kaniya. Ramdam na ramdam ko ang galit ko sa kaniya. Masiyado niya akong minamaliit.

“Magpakabait ka, a?” pang-iinis nito. “Hindi sa lahat ng oras may tutulong sa ’yo. Kapag nag-text si Jax sa ’yo, pakisabi totoo ang additional service charge. Pinagtanggol kita kanina, may fee ’yon. Don’t worry, hindi ’yon sa ’yo i-cha-charge, okay?”

I gulped. Masamang-masama ang tingin ko rito.

“O, sige, labas na,” sabi nito. “At may pupuntahan pa ako. Inuubos mo oras ko, wala ka namang ibinabayad.”

I threw him a final furious glance before I went out of his car. Saktong pag-andar niya ay may napansin akong kotse sa gilid ng apartment. Bumisina ito sa akin.

Tiningnan ko ang paligid at ako lang ang tao sa labas. Ako ang binubusinaan nito.

Lumapit ako sa kotse at bumaba ang bintana nito. When I saw who it was, my world stopped.

“Ate Neska…”

“Kumusta, Reign?” bati nito sa akin at ngumiti. “Tara sa loob, may pag-uusapan tayo.”

“About saan po?” tanong ko, hindi makapaniwalaang nagkita kami ulit magpansin ngayon.

“Basta, tara muna sa loob.”

“Ayaw n’yo pong pumasok muna sa apartment ko para mabigyan ko man lang kayo ng maiinom—”

“Ano ’to, makulit?” biglang sabi ni Ate Neska.

“Po?” Maang kong tanong.

“Wala,” sabi niya at bahagyang natawa. “There’s no safe place to speak with you than my car. Kaya tara na.”

“Sige po,” pag-sang-ayon ko at binuksan ang kotse. Pumasok ako sa loob at tumabi kay Ate Neska sa harap. Kaming dalawa lang ang tao.

“I know what happened,” she said.

Bigla akong nanlambot. “Ate…”

“At alam ko ring hindi ikaw ang gumawa noon. Alam kong hindi mo kayang gawin ’yon, Reign. Even Aubrielle knew you are innocent. Hindi lang siya sumama ngayon kasi ayaw ka niyang ma-tense dahil dalawa kami, lalo na’t medyo takot ka sa kaniya, ’di ba?”

I smiled a bit and nodded.

“We tried to help you, Reign,” Neska said. “Naglikom kami ng 1 Million for your bail out, pero wala kaming ganoong kalaking on the spot cash to get you out overnight. Plus, alam din naming wala kaming ebidensiya to prove your innocence. Masiyadong mahirap. We can, yes, but it might take days or weeks. Kaya… Sorry, kung… kung iba pa ang tumulong sa ’yo…”

“It’s okay, Ate,” sabi ko. “Alam ko namang mahirap talaga ang sitwasyon ko at alam kong may ginagawa kayo para tulungan kayo. Pasensiya na rin kung… hindi ko tinanggap ang pagbisita n’yo sa kulungan. Ayaw ko rin kasing makita ninyo ang kalagayan ko. Ayaw kong maawa kayo sa akin at ma-stress dahil sa kalagayan ko.”

“No, not at all,” sabi sa akin ni Ate Neska. “Alam naming inosente ka kaya in one way or another, confident kaming mailalabas ka namin. I’m glad tinulungan ka ng pinsan ni Tyler, si Jax. Nakausap namin siya and, Thank God, he was willing to help. Pati ’yong kaibigan mo, si Hale….”

Nawala ang pagkakangiti ko. So pati ang Death Chasers, napaikot na nila. Ayaw ko namang sabihin kay Ate Neska na mali sila ng pagkakakilala sa dalawa. Na ang tulong na ibinigay nila ay may kapalit.

Ayaw kong bigyan pa siya ng problema.

“Ah, opo,” sagot ko at ngumiti nang peke. “Buti na nga lang po…”

Ilang minuto kaming natahimik hangga’t nagsalita ulit si Ate Neska.

“So anong plano mo?” tanong niya.

“Kagaya lang po ng dati. Mag-aaral,” sagot ko.

“Kaya mo ba ang pressure mula sa mga tao sa paligid mo?”

“Kakayanin. Wala namang po akong choice,” sabi ko. “Ate Neska, ’wag n’yo na po akobg isipin. Kung kailangan ko ng tulong, lalapit na ako sa inyo. Pero hangga’t kaya ko pa, lalaban ako mag-isa. Tutal, laban ko naman po ’to. Alam kong may sarili rin kayong laban ba kinahaharap ngayon at aware ako na hindi iyon madali…”

Ate Neska looked down and sighed.

“Gusto kong i-deny pero alam ko rin sa sarili kong hindi nga madali ang laban namin. Death Chasers are facing something that could cost us our lives. Basta, Reign, if you need any help, nandito kami ni Aubrielle, okay?”

“Opo,” tugon ko. “Lalapit po ako.”

Tumango si Ate Neska at ngumiti. Nag-usap pa kami at maya-maya lang ay nagpaalam na siya. Pinanood kong mawala ang kotse sa paningin ko bago ako bumuntong-hininga at makaramdam ng bigat sa dibdib.

Tahimik na ang buhay ko sa probinsiya, bakit ba kasi nilagay ko nanaman sa alanganin?

Naglakad na ako at akmang papasok na sa apartment nang makarinig ako ng pagtawag sa pangalan ko.

“REIGN?”

Bigla akong natigil at napalingon. It was Maki. May bitbit itong grocery at mukhang kakauwi pa lang galing school.

“Oh, Maki,” sabi ko at pilit na ngumiti. “Hi.”

Biglang binitawan ni Maki ang dala niyang grocery at mabilis na tumakbo palapit sa akin. Sa isang iglap, niyakap niya ako nang mahigpit.

“Maki—”

“Akala ko hindi na kita makikita!” sabi niya.

“Huy?” sabi ko. “Umiiyak ka ba?”

Idiniin niya ang mukha niya sa balikat ko at doon umiyak.

“Hala siya, na-buang ka na?” sabi ko at bahagyang natawa. “Nag-crying boy talaga?”

“Sinong hindi maiiyak sa takot?” sabi niya at umiyak lalo. “Ikaw dahilan kung ba’t ako nag-aral dito, tapos bigla ka na lang makukulong? Lakas ng amats mo, a. Kakaibang trip ’yan.”

Bigla akong natawa at pati siya’y bahgyang natawa habang umiiyak.

“Malay ko ba kasing mapagbibintangan ako?”

“Ba’t ka ba naman kasi naglilibot doon?” sabi niya. “Tinakot mo ako, Reign. Akala ko mawawala ka na. Akala ko hindi ka na makakaalis sa kulungan na ’yon, lalo na’t galit na galit ang lahat sa ’yo.”

Inalis niya ang ulo niya sa balikat ko at umalis na rin siya mula sa pagkakayakap sa akin. Pulang-pula ang mga mata at itlong nito dahil sa pag-iyak.

“Nagplano na rin sana akong mag-drop out kung sa aking hindi ka na makakalaya. Babalik na lang sana ako kila nanang at tatang sa probinsiya at doon na lang ulit mag-aaral. Tinakot mo ako, Reign…”

“Sorry na,” sabi ko at pinunasan ang luha niya. Nagsimula na rin akong maluha dahil takot din akong hindi na makalaya, lalo na’t ako na lang ang bumubuhay sa mga kapatid ko. “Natakot din naman ako, ano.”

“Simula ngayon, sa akin ka na lang sasama, ha? Para hindi ka na mapapahamak. Sa dami ng pangarap mo, presinto ang nakamit mo. Lugi sa ’yo, e.”

Pareho kaming natawa habang naiiyak.

“Ano ba ’yang ipinamili mo?” tanong ko.

“Magluto na lang tayo sa unit mo,” sabi niya. “Alam kong gutom ka, Reign. Alam kong hindi ka masiyado nakakakain doon. Tara.”

Niyakag ako ni Maki sa building at kahit na sa sandaling panahong iyon, nalimutan ko ang problema ko.

——— THIRD PERSON POV.

May pinanood si Prosecutor Jax sa laptop niya. Kasalukuyan siyang nasa office at patay ang lahat ng ilaw sa kuwarto.

Maya-maya lang ay biglang bumukas ang pinto at ang mga ilaw. Pumasok si Hale sa loob at may dala-dalang cake.

Mabilis na tumayo si Jax mula sa pagkakaupo at isinara ang laptop niya. Tiningnan niya ang kapatid.

“Bakit ka nandito?” tanong niya rito.

“Bawal ko ba puntahan ang kuya ko?” tanong ni Hale at napailing. “I’m here to celebrate something with you. Congrats, kuya. Nauto mo ang Death Chasers. Kumusta sa pakiramdam?”

Hindi kumibo si Jax. Alam niyang nang-iinis ito.

“Imagine, lahat sila lumapit sa ’yo para tulungan si Reign, hindi nila alam ako lang ang makakatulong sa babaeng ’yon. Halos nagmamakaawa pa sila sa ’yo,” tumawa si Hale nang malakas. “Mukha silang kawawa.”

“Inosente si Reign kaya naging madali lang ang lahat,” sagot ni Jax. “Sooner or later, makakalabas din siya kahit wala ang tulong ko.”

“I don’t think so,” sagot ni Hale. “May ebidensiya na siya sng pumatay kaya kayang-kaya ko siyang idiin sa kaso kung gugustuhin ko.”

“Bakit ba ganiyan ka, Hale?” tanong ni Jax. “Ano bang nagawa sa ’yo ng tao?”

“Impakta kasi ’yong babaeng ’yon. Palamunin ko na nga—ako na nga nagpasok sa kaniya sa scholarship ni lolo—si Lyle pa rin ang kinakampihan niya. Wala siyang utang na loob, buwisit siya.”

“Are you jealous?”

“Hell no!” sigaw ni Hale. “Ang akin lang, she’s an ungrateful bitch. Buti nga sa kaniya, deserve niya ang ganoong problema.”

“Tell me honestly,” Jax said. “Ikaw ba ang pumatay kay Serene?”

“No.”

“Sigurado ka?” tanong muli ni Jax.

“Pinagbibintangan mo ’ko?” Hale asked back.

“Alam mong kailangan kong malaman ang totoo para maipagtanggol kita kung sakali, Hale,” Jax said.

“Hindi nga ako. Ba’t ba ako ang sinisisi mo?”

“Hale!” Napasigaw na si Jax. “Ang dami mo nang maling ginawa na patuloy kong pinagtatakpan. Kaya magsabi ka na nang totoo bago pa ako tuluyang mabaliw!”

Hale closed his eyes hardly and sighed. “Okay, sige, kung gusto mo talagang malaman.”

Jax gulped. He knew it was him.

“Well, I didn’t really kill her. Isa ako, siguro, pero… hindi talaga ako.”

“Hale, you’re not making any sense—”

“I’m telling you the truth!” Hale said. “I lured her there, yes, we had an argument, we fought, then… she attacked me. I defended myself, bumagsak siya sa sahig at namilipit. Binugbog ko siya, yes, but it didn’t kill her at all.”

“Are you kidding me?” Jax asked.

“Nagsasabi ako ng totoo,” natatawang sabi ni Hale na parang wala lang sa kaniya ang kasamaang ginawa. “Nawalan ng malay si Serene dahil doon pero buhay pa siya. Hindi ko siya pinatay o ano, wala akong plano. The bitch told grandpa something nasty about me so I had to teach her who was a better devil between us. Tapos may ibang pumasok. I thought I was caught! Chineck niya ang pulse ni Serene at nang malaman niyang buhay pa, inilabas niya ang dala niyang kutsilyo at tinapos niya ang lahat. That person killed her, not me!”

Napansin ni Hale ang suspects board na ginawa ni Jax at nilapitan niya ito.

Naroroon ang picture niya at picture nina Reign, Lyle, Grey, Maki, Missi, Reese, Everleigh, Braelyn, Levi at Nash.

“At dahil kuya kita, bibigyan kita ng clue kung sino ang pumatay kay Serene.”

Biglang napangiti si Hale at hinawakan ang mga litrato.

“Isa sa kanila ang pumatay…”

SEASON 2 PART 11

A/N:

Catch Me, Attorney Season 1 is up for pre-order! Yes, may physical book na siya. Visit LIBOfficial on Facebook for more information.

Save your copies, unveilers!

———

REESE.

Nasa West Carson University siya ngayon at nakaupo sa registrar’s office. Pinapanood niya si Grey na kinakausap ang babae sa registrar, pinapakiusapan na hayaan siyang mag-enroll kahit sobrang late na.

For some reason, she decided to enroll. Nagising na lang siya na feeling insecure sa mga batch mate niya at bigla siyang natakot na mapag-iwanan.

She went directly to West Carson University para mag-enroll. Hindi siya nagsabi kahit kanino, except sa kuya niyang si Ivan, na mage-enroll siya.

Ang kaso nga lang, ayaw siyang tanggapin ng registrar’s office at ng admission kasi nga sobrang late na raw siya. Puwede raw siyang mag-enroll but in the next semester na.

Of course, hindi siya pumayag. Nangulit siya nang nangulit pero hindi umubra ang powers niya sa kanila. So, si accla nanghihinang lumabas ng building at gustong manakit.

Nag-iisip na siya kung magpatayo na lang kaya siya ng bagong university na kakalaban sa West Carson at pabagsakin itong school na ’to para regret nila na hindi nila siya pinag-enroll?

Sari-sari na ang naiisip niya nang bigla niyang makasalubong si Grey. For some reason, medyo iniiwasan na niya ito. Nagtakip pa nga siya ng mukha para hindi siya nito makita, but it was too late. He was already in front of her when she covered her face with her palm. Mukha lang siyang tanga.

When he asked what she was doing here, hindi na siya nagsinungaling pa. Instead of showing sympathy, tinawanan lang siya nito at ginulo ang buhok niya.

“’Wag mong guluhin ang bangs ko or else you’re dead!” banta niya rito.

“Ipalibing mo na lang ako,” ganti ni Grey at natatawa pa.

Grey went back with her to the registrar’s office and admission’s office. Kanina pa siya nakikipag-usap sa mga ito at pilit na nangungulit.

“E, sobrang late na talaga siya,” sabi ng isang babae roon. “Hindi namin siya pinage-enroll for her own sake rin naman. Sobrang layo na ng lessons ng iba at baka siya lang din ang mahirapan.”

“I understand, but the Reese Turner I know is hardworking. Kayang-kaya niya pong humabol, I assure you.”

Sumimangot si Reese.

“Huh, ’di nga ako gumagawa ng project, paghahabulin pa ako?” bulong niya sa sarili.

“And, if you would give her a chance, I promise, she won’t disappoint us. Tutulong po ako para makahabol siya.”

Nag-usap pa sila at may tinawagan ang babae sa telepono. Medyo matagal ang naging usapan nila. Maya-maya lang ay lumingon sa kaniya si Grey. Saktong humihikab pa siya kaya anlaki ng buka ng bunganga niya.

Bahagyang natawa si Grey at ganoon din siya.

“Miss Turner?” tawag sa kaniya ng babae mula sa office.

Bigla siyang napatayo. “Po?”

“Say thanks to Mr. Finch, makakapag-enroll ka na today. Welcome to West Carson University.”

Matapos niyang mag-enroll ay pareho na silang naglalakad ngayon ni Grey sa campus. Hapon na rin at papalubog na ang araw.

“Saan ang punta mo ngayon niyan?” tanong ni Grey sa kaniya.

“Uuwi na,” sabi ni Reese. “Ikaw ba?”

Nagkibit-balikat si Grey. “Mag-stay na lang ako siguro sa Student Council office. Last class ko sana ngayon.”

“O, e, ba’t ’di ka pumasok?” tanong ni Reese.

“I was with you,” tipid na sagot ni Grey.

Kumunot ang noo ni Reese. “Hindi ka pumasok sa last class mo para lang tulungan akong mag-enroll?”

Grey smiled and nodded. “Yeah, I ditched my class for you, Reese.”

Biglang napahinto si Reese sa paglalakad at ganoon din si Grey.

“Why?” She asked.

“Anong why?” tanong pabalik ni Grey.

“Why did you do that?”

“And why not?” Grey asked and smiled again. “You are special to me, Reese. Walang problema.”

“But you missed some activities, for sure. Hindi ka ba nanghihinayang?” Reese asked.

“Well, no. Kaya ko namang habulin ’yon. Besides, it was a time well spent with you, kaya wala akong regrets.”

Bumuka ang bibig ni Reese pero walang lumabas mula roon.

Ito ang pinag-uusapan nila ni Missi lately. Noong high school sila, hindi naman sila ganito ka-close ni Grey. Nakakapag-interact sila pero laging by large group. Hindi sila nagkikita o nagsasama nang silang dalawa lang.

Lately, napansin din ni Missi na lagi silang magkasama. It’s not they planned it, but whenever Reese would go for a walk, nagkakasalubong sila ni Grey. He would go for a walk too kaya nagsasabay na lang sila. Siguro, dahil dito, kaya sila naging close.

May mga ginagawa si Grey na sobrang gentleman. Hindi malaman ni Reese kung normal lang ba iyon o Grey was really treating her special.

When she consulted Missi, Missi said that it wasn’t normal at all.

“Oo, mabait si Grey. Pero ’yong idi-ditch niya ang ilang lakad niya just to be with you? Ay, girl, iba na ’yan,” Missi once said. “I’m telling you. Aasa talaga ako niyan, walang pake kung ma-hopia. Siya naman nagse-send ng signal, e. Go na ’yan! Okay lang iyakan at the end, at least pogi ang iniiyakan!”

“Sinasabi mo ba ’yan dahil ’yan ang nao-observe mo o epekto na ’yan ng kaka-K-Drama mo lately?”

“Ay, sorry,” sabi ni Missi. “Ganiyang-ganiyan kasi ’yong male lead sa napapanood ko, e. Mixed signals talaga pero in the end totoo feelings niya. Malay mo ganoon din si Grey!”

“Bwisit ka, ginawa mo pa talagang K-Drama sng buhay ko?!”

Looking at Grey now, he really looked like a man straight out of Korean Dramas.

“So, ano na?” Grey asked and laughed. “Will you ask me for a drink or uuwi ka na talaga… Or…?”

“No!” defensive niyang sagot. “Anong drink? U-Uwi na ’ko.”

Kahit si Reese ay naiinis na sa inaasal niya.

“Okay, okay,” sabi ni Grey. “Chill ka lang. Ayaw mo ako kasama?”

Tumango si Reese at biglang na-stop. “No—hindi naman sa ganoon-”

“’Wag kang mag-panic, oy.”

Natawa nanaman si Grey.

“O, siya, sige. Go home and chill, Reese. Welcome to West Carson High ulit. See you tomorrow.”

“Y-Yea, see you…” Sagot ko.

Grey smiled at her before he turned his back and went on his path to his office.

“Grey!” pahabll ni Reese.

Doon siya muling lumingon.

“Thank you!” sigaw niya. “Thank you for being the one call away someone for me.”

Grey smiled more. “Anything for you.”

Nagngitian silang dalawa habang nasisinagan ng papalubog na araw.

He waved his hand once more before turning his back again and walked away.

Habang pinapanood siyang maglakad ay napahawak si Reese sa puso niya. Kanina pa mabilis ang tibok niyon.

“Reese, dalaga ka na…” Bulong niya sa sarili.

Shesighed and shook her head.

There’s no point in denying it now.

“Confirmed,” she uttered. “Crush ko nga si Grey.”


REIGN.

Ilang araw na ang nakararaan simula nang mamatay si Serene at ako ang nahuli sa crime scene pero hindi pa rin tumitigil ang publiko. Araw-araw ay iba’t ibang theories ang kumakalat pero sa huli, sa akin pa rin ang sisi.

Sinasabi ng ilan na injustice raw ang pagpapalaya sa akin. Ang hindi nila alam, ang pagkakahuli sa akin ang injustice dahil wala naman akong kasalanan.

“Ready ka na?” tanong sa akin ni Maki.

Nasa loob kami ng taxi at sabay kaming papasok sa eskwela. Ito ang unang pagkakataon na papasok ako sa school matapos ang insidente.

Nag-taxi na kami dahil nakakatakot maglakad, knowing na galit na galit pa ang mga tao sa akin.

“Wala naman akong choice,” sabi ko at bumuntong-hininga. “Kapag nagtago ako, ako ang talo.”

Nasa labas na kami ng school at tanaw sa labas ang dami ng estudyante. May mga fanbase pa ni Serene na nagra-rally sa labas at humihingi ng hustisya para sa idolo nila.

“Tama ’yan,” panghihikayat ni Maki. “Inosente ka naman. Iyon ang mahalaga.”

Never ako tinanong ni Maki kung ano ang nangyari. He didn’t even ask me if I was really innocent or not. He chose to believe me dahil alam niyang hindi ko ’yon kayang gawin.

“Tara na?” tanong ko sa kaniya.

“Kung ready ka na,” sabi ni Maki.

Lumabas na kami ng taxi at kinakabahan akong naglakad.

“Chill lang,” sabi ni Maki. “Wala namang nakakapansin—”

Natigil si Maki nang may napatingin sa aming babae. Maya-maya lang ay may binulungan ito at marami na ang nagtinginan sa amin.

“Oy, o, si Reign ba ’yan?!” sigaw ng isa.

At dahil doon, lahat ay napatingin na sa amin. Umugong ang bulungan. Hindi pa kami nakakalapit sa mismong gate ay may mga sumugod na sa akin.

“Bakit mo pinatay si Serene, huh?” galit na galit ito at hinarang ako. “Mamamatay-tao! Kriminal!”

Walang anu-ano’y isinaboy nito sa akin ang tubig mula sa bottled water na hawak niya. Doon nakisali ang karamihan. Pinalibutan nila ako at pinagbabato. Ibinubuhos din nila sa akin ang mga tubig nila. Hindi na ako makagalaw.

“Dapat lang ’yan, kriminal ka!”

“Walang puso!”

“Mamamatay-tao!”

Rinig na rinig ko ang pag-awat ni Maki sa kanila pero sa dami nila ay hindi niya sila kaya.

This time, hindi ako naluluha. Sa bawat pagbato na natatanggap ko, galit ang nararamdaman ko. Hindi para sa kanila, kundi para sa totoong salarin.

Masaya kaya siya sa nakikita niya?

Masaya kaya siyang ako ang nagdurusa para sa kaniya?

Tumingin ako sa lapag. I vowed to catch whoever the culprit is. Hindi ako titigil hangga’t hindi siya nagdurusa.

Natigil ako nang biglang tumigil ang pagbato. Pati ang galit ng mga tao ay napawi rin.

Nang tingnan ko ang harap ko, may lalaking nakaharap sa akin at may tumutulo ring tubig mula sa uniform niya. Siya ang sumalo ng huling mga pagbato sa akin.

He was just looking at my eyes as if nothing happened.

“Are you okay?” he asked, his usual cold voice was filled with care.

“Lyle…” bulong ko.

Tumaas ang sulok ng labi niya pero halatang nag-aalala pa rin siya para sa akin.

“Akala ko hindi na kita makikita. I tried countless times to visit you in jail and in your unit but you didn’t let me,” he said. “Nag-alala ako.”

He gulped.

“Na-miss kita.”

I didn’t say a thing. Kahit na talikuran ako ng mundo, laging nandiyan si Lyle para sa akin.

Hinawakan niya ako sa kamay at niyakag. Hindi kami pinapadaan ng mga tao pero binabangga ni Lyle ang lahat ng nasa daan. Until in the end, they gave way for us.

Pareho kaming basang-basa habang naglalakad at pinagtitinginan kami ng mga tao. Nadaanan pa nga namin si Missi, Reese at Grey pero hindi namin sila kinibo.

Hawak-hawak lang ni Lyle ang kamay ko at hindi nahihiya. Hindi rin siya takot na maapektuhan ang career niya dahil sa pagtulong sa akin.

Serene and him were a loveteam. Seeing him defending me like that, for sure magkakaroon siya ng backlash knowing na some of Serene’s fans are also his fans.

Pumasok kami sa loob ng building at doon lang medyo bumagal ang lakad ni Lyle.

“May baon ka bang extra na uniform?” tanong ni Lyle.

Umiling ako. “Wala.”

“May extra akong uniform sa locker. Okay lang bang P.E uniform ko ang suotin mo? Wala akong pambabaeng uniform, e. ’Di naman kasi ako nagsusuot noon, unless mag-Darna ako ulit.”

Bigla kaming nagkangitian nang maalala ko ang pangyayari na ’yon. Noong nasa amusement park kami at pinasigaw ko siya ng ‘Darna’ instead na ‘Bingo’.

Lyle was trying to lift up the atmosphere. He’s not that kind of person but he was doing it for me.

“Okay lang,” sabi ko. “Salamat, Lyle.”

“I won’t say ‘You’re welcome,’” sabi niya sa akin. “Sa susunod na may mangyayari sa ’yo, please don’t hide to me. I lost you once and I can’t afford to lose you again this time.”

“Baka kasi… mapahamak ka rin,” sabi ko. “I hid myself not because I didn’t wanna see you. I hid myself because I was afraid I might harm you.”

“Ako ang nangulit na bumalik ka rito, Reign,” sabi niya sa akin. “If somethig bad happens to you, I won’t forgive myself—especially if I didn’t do anything to help you. Partners tayo rito. It’s either we win together or we lose together. Always together.”

Narating na namin ang locker room.

“I won’t let go of your hand until you promise me,” he said.

“I promise, Lyle,” sabi ko. “We’re always together.”

“Good,” sabi niya at bahagyang ngumiti. “Please don’t hurt my heart.”

Pabiro akong umiling.

Binuksan na ni Lyle ang locker niya at kinuha ang uniform niya at PE Uniform na ipahihiram sa akin.

“Sa Boy’s CR ka na lang magpalit, Reign. Baka mapano ka sa Girl’s CR at hindi pa kita mapuntahan.”

“Sure,” tugon ko.

In a moment, nasa magkatabing cubicle kami ni Lyle at nagbibihis. Basang-basa talaga ang uniform ko at may mga sauce pa palang itinapon sa akin.

Medyo malaki ang uniform ni Lyle sa akin dahil nga malaking tao siya. Oversized na oversized talaga.

Narinig kong bumukas na ang cubicle ni Lyle. For sure lumabas na iyon.

Akmang lalabas na rin ako nang may biglang pumasok at isang pamilyar na boses ang narinig ko. Biglang nag-init ang dugo ko.

“Wow naman,” rinig kong bati ni Hale kay Lyle. “Ang lakas maka-knight in shining armor ng pasok mo kanina, ha. Cringey nga lang pero puwede na.”

“If you’re here to get on my nerves, no need to speak,” Lyle answered back. “Your existence is enough.”

“’Wag ka naman ganiyan kasungit, Lyle. Kung hindi dahil sa akin, wala kang lovelife ngayon. Tingin mo ba babalik si Reign dito kung hindi siya challenged to catch me? Walang pake sa iyo ’yong babaeng ’yon, sa akin meron.”

“E, paano, kulang ka sa pansin,” sagot ni Lyle.

Bigla silang natahimik. I knew those words hit Hale big time. Siya ’yong tipo ng tao na mapang-asar pero sa huli ay banas na banas.

“Well, kulang nga siguro ako sa pansin. Pero ikaw? Kulang sa pagmamahal?” Humalakhak si Hale. “Your parents love your sister more than you. Grey likes Levi as a friend more than you. Reign chose Grey over you. Now Reign comes back because of me and not you. Forever ka nang last option, Hemsworth. Kawawa ka naman.”

Lyle scoffed. “Why does it sound like you like her? Hale, just say it. Mukha kang desperadong sad boy.”

“Ako?” Hale laughed. “I’m not as low level as you to like her. She’s out of my league. She’s way too low for me. Hindi mo naman ako kagaya na house maid ang hanap kaya mahal na mahal si Reign.”

“Grabe ka naman magkagusto, Hale. You put them behind bars?” Lyle asked. “Aminin na natin. Ikaw ang pumatay kay Serene just like how you killed Miss Jess.”

“Ang lakas mo namang magbintang,” sabi ni Hale. “Wala kang ebidensiya.”

“Lokohin mo na ang lahat, Hale, ’wag ako. I know what you are capable of. Nakakuha ako ng ebidensiya noon na ikaw ang pumatay kay Miss Jess. Do you really think I won’t find any evidence again this time?” Pagbabanta ni Lyle. “Wala ka nang kawala. I will end you.”

“You got me wrong this time, Heimsworth,” Hale said. “Okay, I acknowledge you as my enemy and it gives me thrill. I’ll tell you a secret, then, to make the witch hunt more exciting.”

“What, then?” Lyle asked.

“You’re half-right, half-wrong. That night, I lured Serene in that room. I planned it. Nag-away kami because that woman is really a bitch. Nagsagutan kami and nagkapisikalan. Hinampas ko siya sa ulo, she fell down at namilipit—no regrets, that whore deserved that.”

Hale paused and sighed. There was no  remorse in his voice. Parang nagkukuwento lang siya ng daily routine niya, it was way too normalized. Sickening.

“I had no plan to kill her. Gusto ko lang siya takutin, I wanted to inflict fear on her. Na hindi niya ako dapat kalabanin—that I am way powerful than she is. Noong nasaktan ko na siya, I was about to leave but someone came…”

“Someone?” tanong ko sa sarili.

“Natakot ako, syempre. I thought I was caught. But that person was really evil. May dala siyang kutsilyo. Then… that monster did it. The person stabbed her like a wild animal. Hindi pa nga siya titigil kung hindi pa ako umawat. Instead of showing fear, ngumiti pa ito sa akin…”

“And do you really think paniniwalaan kita?” Lyle asked, his voice was tensed.

“You have no choice, I’m telling you the truth,” Hale said and smirked. “Lyle, this time, it’s real. The killer is near you. Manipulating you. Acting all innocent but the real devil lurking on earth. And you know what makes it exciting?

He smirked.

“Isa siya sa 12-A…”

SEASON 2 PART 12

THIRD PERSON POV.

Nagsimula na ang klase at iyon ang kinakatakot ni Reese. Since ito ang first day niya sa college at maghahabol pa siya ng requirements, she could’t help but to feel anxious.

What if pagtawanan lang siya?

What if mahirapan siyang makihalibilo sa kanila dahil may bond na ang klase bago siya dumating?

What if i-bully siya roon at dahil hindi naman siya papayag sa ganoon, lalaban siya at makasira pa ng mukha?

There were loads of ‘What ifs’ that were filling her in. Pero taliwas ang lahat sa naging first day niya.

It went smoothly. The professors were nice, her classmates were awesome. Isama pang kaklase niya si Grey, Missi, Reign, Everleigh at Lyle sa ilang subjects. Nakita niya sa listahan ng klase si Levi at Nash pero absent ang dalawa. She didn’t feel she was an outcast at all. ’Yon nga lang, kaklase niya si Hale. Medyo papansin sa klase.

Nang unang break ay hindi malaman ni Reese sng gagawin. Nagpaalam sa kaniya si Missi. Uuwi na raw ito at antok na antok kasi.

“Girl, nakaka dalawang subject pa lang tayo today, uuwi ka na?!” hindi niya makapaniwalang tanong dito.

Humikab si Missi. “Hindi ko na talaga kaya. Antok na antok na ako, uuwi na talaga ako.”

“Paano kung may gagawin pala mamaya?” tanong ni Reese. “Edi babagsak ka niyan?”

“Wala na akong pake. Mag-take man o hindi ng exam, bagsak pa rin naman ako. Kaya n’yo ’yan, ganda na lang ambag ko sa lipunan.”

“Missi naman!” reklamo ni Reese at pilit ito sinusundan. “Iiwanan mo talaga ako rito, on my first day?!”

“Anong magagawa ko? Yawn ako nang yawn, kulang na lang pumasok buong classroom sa bunganga ko, ’no. Hindi ko na talaga kaya.”

“Sige, hayaan mo na lang ako rito. Tandaan mo ’tong araw na ’to,” nakaismid na sabi ni Reese.

Natawa si Missi roon. “Go to Reign! Close naman kayo before, a?”

That’s true. But seeing the situation now, Reese knew that getting close to Reign is quite impossible. Dahil nga naging suspect ito sa pagpatay kay Serene, everyone was talking about her. They were always looking, gossiping, and stalking her. Ayaw ni Reese ng gulo.

“Ayaw ko ng issue. ’Wag ka na kasing umalis. Bumagsak ka man sa quiz, at least bumagsak kang fresh, ’di ba?”

“Hindi ko na talaga kaya,” sabi ni Missi at muling humikab. “Ang katawan ko nasa klase na pero ang isip ko nasa kuwarto ko na. Mukhang unan na nga ang prof natin sa paningin ko.”

Umirap si Reese.

“If you want, go to—oh, he’s here!”

Napalingon si Reese at pinanood nila ang isang lalaki na naglalakad papunta sa kanila. Katatapos lang nitong kausapin ang prof. It was Grey.

Ngumiti ito sa kaniya at naramdaman ni Reese ang bilis ng tibok ng puso niya. Agad siyang napatinging muli kay Missi.

“Buang ka ba?!” sabi niya rito.

“Bakit?” tanong ni Missi. “Friend din naman natin si Grey, a? Na-fall ka na?”

“N-No!” defensive na sabi ni Reese.

“Asus, then why are you blushing?” Missi asked.

“I’m not!”

“Kung hindi, then feel comfortable with Grey,” sabi ni Missi. Doon na tuluyang nakarating si Grey. Parang nanigas si Reese sa kinatatayuan niya.

“Grey, uuwi ako. Ikaw na ang bahala kay Reese, a?” Sabi ni Missi at nangingiti.

“Bakit?” Tanong ni Grey. “Tinatamad ka nanaman pumasok?”

“Exactly. So, naghihintay na ang driver ko sa labas,” tiningnan ni Missi si Reese at nang-aasar sng bawat ngiti. “Please make her first day memorable. Bye!”

Dali-dali itong umalis. Hindi naman nakapagsalita si Reese. Tila ba nahihiya siyang sumigaw dahil naririto si Grey. Feeling niya dalagang-dalaga siya.

“Bigla agad umalis,” sabi ni Grey at bahagyang natawa. “I’m quite busy, though.”

“It’s okay,” sabi ni Reese. For her, that was a better. “Kaya ko naman ang sarili ko. Besides, marami naman akong kakilala sa school. Don’t feel pressured.”

“Seryoso ka?” tanong ni Grey.

Tumango si Reese. She forced a laugh. “Ako pa ba?”

Ngumiti si Grey.

Napalunok naman si Reese dahil doon. Grey really has the sweetest smile. Parang mapapangiti ka na lang din.

“Okay, okay. Hiningi ko pala sa prof ’yong past lessons. I’ll send it to you later para mapag-aralan mo at makahabol ka,” Grey told her. “If you ever need help, tell me.”

“Ibibigay mo ba sa akin ang answer key?” Tanong ni Reese. “Para hindi na ako mag-isip, ’no.”

Natawa si Grey dahil doon. “Hindi ko ibibigay sa ’yo ang sagot, pero I can make time to teach you. If puwede sa bahay n’yo para hindi mag-worry si Sir Ivan, I can visit you and teach you there. Anytime.”

Namula si Reese. “Y-You don’t have to do that…”

Hindi siya sanay sa ganoon. Sanay si Reese na siya ang tumutulong. Sanay siyang siya ang naglalaab ng oras para sa ibang tao. Hindi siya sanay na siya ang pinaglalaanan ng oras. She’s not used to the feeling of being special.

“Okay ka lang?” Biglang tanong ni Grey.

“Siyempre, bakit hindi?” tanong ni Reese.

Sa isang iglap ay inilapad ni Grey ang palad niya sa noo ni Reese.

“Oh, hindi ka naman nilalagnat pero pulang-pula ka…” bulong niya.

Reese felt like she was being electrocuted. There was a spark!

Mabilis niyang hinawakan paalis ang kamay ni Grey dahil para na siyang tutunawin niyon. Nagulat naman si Grey dahil doon.

“A-Alis na ’ko,” sabi ni Reese at mabilis na dinampot ang bag niya na nasa upuan niya lang.

“Okay, sure,” sabi ni Grey. “Call me kung may problema. No, kahit walang problema, call me. I’ll put my lines open for you.”

“Thank you, Grey,” sabi ni Reese at muling lumunok. Nag-iinit lalo ang pisngi niya. Bakit ba sobrang gwapo ni Grey at sobrang lambing ng boses?

“Always welcome,” tugon ni Grey.

Naglakad na paalis si Reese. Grabe ang kalabog ng dibdib niya na para bang lalabas na iyon sa dibdib niya.

Nang marating niya ang pinto ng kwarto ay napalingon siyang muli nang marinig niya ang pagtawag ni Grey sa pangalan niya.

“The school uniform suits you,” he said and smiled more. “Ang ganda mo.”

———

REIGN.

Hindi pa rin ako makapaniwala. Napapikit ako nang mariin habang kuyom-kuyom ko ang kamao ko.

After the first break ay kinausap ako ni Hale. May gusto siyang ipagawa sa akin. Isang bagay na alam niyang sisira sa pagkatao ko.

I objected but he said I have no power to do so. Pumayag akong maging puppet niya at hangga’t hindi siya nasa-satisfy sa paggamit sa akin, I will  be his object forever.

Natatakot ako. Hindi ko ’yon kayang gawin. Lalong-lalo na sa isang tao na laging nandiyan para tulungan ako.

Nagawi ang paningin ko sa isang lalaki na nakaupo sa hindi kalayuan. Busy ito sa pagta-take ng exam.

May exam kami ngayon pero masiyado akong distracted sa dami ng problema ko. Bukod sa lahat ng tao sa school ay pinagtitinginan, pinagtsi-tsismisan, at sinusundan ako, dumagdag pa ang utang na loob ko kay Hale.

Ilang araw na rin ang lumipas pero hindi pa rin humuhupa ang gulo at ang ingay ng pangalan ko. Ngayo’y nakisabay pa si Hale.

When I took his offer to be his puppet in exchange for my freedom, I knew it wouldn’t be easy. Sooner or later, he would ask me to do disgusting stuff—I just didn’t know that Lyle would be the first victim.

Tiningnan ko si Hale. Katabi ko lang ito. Kaming dalawa lang ang tao sa pibakalikuran na bahagi ng kuwarto. Si Maki naman ay pinalipat sa harapan dahil malabo ang paningin.

“Scared?” Rinig kong bulong ni Hale. Nakangisi ito sa akin.

Hindi ako sumagot. Matalim lang ang tingin ko sa kaniya.

“Don’t look at me as if you’ll kiss me,” sabi ni Hale at lalong ngumisi. “Hindi kita papatulan, Reign.”

“’Wag kang mangarap,” bulong ko rin sa kaniya. “Walang magkakagusto sa ’yo. Masiyadong malungkot ang buhay mo, Hale. Rehab ang need mo.”

Nawala ang ngisi ni Hale dahil doon. He just later on shrugged it off. He looked challenged.

“Sa dami ng trauma na makukuha mo dahil sa akin at sa tindi ng trauma na ibibigay mo sa lahat ng nagmamahal sa ’yo dahil sa mga utos ko, baka in the end ikaw ang ma-rehab,” mahinang sabi ni Hale. “Ingat sa pagma-manifest, Harriett. Baka bumalik sa ’yo.”

If there’s something he’s really good at, ’yon ay ang pakuluin ang dugo mo. Hale is really an expert in getting into my nerves.

Maya-maya lang ay nakarinig kami ng katok mula sa pinto. Bumukas iyon at lahat ay napatingin.

Ang Dean iyon kasama ang department heads. Mukhang tensed ang lahat at wala sa mood.

Akmang tatayo ang lahat para bumati pero sumenyas ang Dean na ’wag na kaya nag-proceed ang lahat sa page-exam. Pumunta naman ang teacher namin sa Dean at nakipag-usap. Lumabas ang mga ito at tanaw ko mula sa bintana na nagkakagulo sila sa labas ng classroom.

Kinakabahang tiningnan ko si Hale. Nanginginig ako sa sobrang galit ngunit ngisi lang ang naging tugon niya sa akin.

“Wait for it,” sabi niya at lalong lumawak ang ngiti habang kumokopya sa mga sagot ko. “Magsisimula pa lang ang tunay na saya.”

Nang sandaling iyon ay muling bumukas ang pinto at pumasok ang Dean at ang mga teachers. Lahat ay natigil sa pagsagot at napatingin sa kanila.

“May gusto lang kaming itanong,” sabi ng Dean. “Mayroon bang nagawi sa inyo sa Department office kaninang umaga?”

Nagsimula ang bulungan pero walang nagtataas ng kamay.

“Wala ba?” tanong muli ng Dean.

Umiiling ang ilan, senyales na wala sa kanila ang nagawi sa office nang mga sandaling iyon.

“O wala ba kayong nakita na nagawi roon kaninang umaga?” dagdag ng Dean.

“Wala po,” sagot ng isa.

“Importante ito sa amin,” sabi ng isang teacher. “Kaya kung mayroon kayong nakita o gustong sabihin, please do so.”

Lahat ay tumango. Isa-isa kaming tiningnan ng mga guro at nang wala talagang ni-isa sa amin ang may sasabihin, they decided to finally go.

“Do it,” bulong ni Hale sa akin.

Hindi ako kumikibo. Ni-hindi ko siya tinitingnan. Natatakot ako sa posibleng mangyari.

“Gawin mo na,” mariin na bulong ni Hale. Bahagya na itong nagagalit. “Ano pang hinihintay mo?!”

Hindi ko pa rin siya pinapansin at lalo siyang nagagalit dahil doon.

“Alalahanin mo ang ipinangako mo sa akin,” sabi ni Hale. “You are my puppet, Reign. Ibabalik kita sa kulungan kapag ako nabwisit pa sa ’yo.”

Doon ko siya tiningnan at galit ang makikita sa mga mata ko.

“Don’t test me, you bitch. Do as I say,” Hale said and smirked.

In a sudden, Hale raised his hand.

“Ma’am!” tawag niya sa mga ito.

Lahat ay napalingon sa amin. Maging ang mga teachers at si Lyle ay napalingon din, hinihintay ang sasabihin na Hale.

“Yes, Mr. Parker?” Tanong ng Dean. “May gusto ka bang sabihin sa amin?”

“Ah, opo,” sabi ni Hale. “May I know kung ano po bang nangyayari? I mean, why are you walking around asking us that question?”

Nagtinginan ang mga guro. Ang mga estudyante naman ay nakikinig lang, naghihintay sa magiging sagot ng guro.

“To tell you honestly, there’s a problem,” sabi nito at huminga nang malalim. “A really, big problem.”

“And what is it?” tanong naman ng isa pang estudyante.

“Well, as you know, exam week ngayon. We have prepared the test questionnaires and answer keys. The bad news is, they were stolen from the office…”

We heard gasps.

“Estudyante po ang kumuha?” tanong naman ng isa pa.

“Hindi pa namin alam hija, that’s why we are walking around, asking everyone for help. As much as possible we wanted to avoid leakage dahil masisira ang reputasyon ng school. Kaya please if you ever see someone, heard a gossip, or any information that will help us, please do tell us. Malaking tulong iyon sa amin at sa buong eskwelahan.”

Tumango ang ilan habang nagbubulungan pa rin ang iba.

“Papayag ba kayong mataas ang score ng nagnakaw kaysa sa inyo na nagkandahirap na mag-aral talaga?”

“Of course not,” sagot ni Everleigh na nasa gilid.

Tiningnan ni Reese ang mga pamilyar na mukha. Si Grey ay nasa harap katabi si Reese at parehong tutok na tutok sa mga guro.

Si Everleigh ay nasa gilid at mukha ring namromroblema. Si Maki naman ay walang pakialam sa nangyayari at pilit na inaalala ang kinabisado niya kagabi para sa exam.

Si Lyle naman ay nagsasagot na lang at wala nang pakialam sa nangyayari sa paligid niya.

“Sige na, we took too much of your time. Do well on your exam,” sabi ng Dean at pilit na ngumiti. “Good luck, everyone.”

Nang nagsimula na sila maglakad palayo ay bahagyang sinipa ni Hale ang paa ko.

“Now is the time, Harriett,” sabi ni Hale at diretso ang tingin sa mga guro. “I bought you some time, don’t disappoint me.”

Napalunok ako. Hindi ko kaya.

“Do it or I’ll hurt your siblings while I place you behind bars again…” Pagbabanta ni Hale habang nakangisi. “Your choice.”

Gustong-gusto kong lumaban. Doing a pact with Hale was a living hell.

I closed my eyes hardly.

“3…”

Hale started counting.

“2…

“1…” Huling bilang ni Hale. “Take the floor, Harriett.”

I heaved a sigh and raised my hand. Muling natigil ang mga guro at napatingin sa akin.

“Yes, Ms. Harriett?”

Lahat ay napalingon sa akin, maging si Lyle.

Hindi ako sumasagot. Wala akong ibabg naririnig kung hindi ang kalabog ng dibdib ko. Lahat ng mga mata ay nasa akin na.

“May gusto ka bang sabihin o itanong?”

I can’t open my mouth. I just can’t.

“Ms. Harriett?” Tanong ng Dean. “Are you okay?”

“M-May nakita po ako…” pagsisinungaling ko.

“Good job…” bulong ni Hale.

“What, then?” The dean.

“Nakita ko po siyang pumasok sa… sa Department office at… At may kinuha…”

Umugong ang bulungan. Nagsimula naman akong maluha habang si Hale at hindi na mapigilan ang pagngisi na para bang nage-enjoy siya nang todo.

“T-Totoo?” Tanong ng Dean. “Kailan ito, hija?”

“Kanina lang po,” pagsisinungaling ko.

“Kilala mo ba siya?”

Tumango ako.

“Nandito ba siya sa classroom na ’to?”

I nodded once again hardly.

Lalong umugong ang bulungan.

“Sino siya?” Tanong ng Dean at nanlalaki na ang mga mata. “Sino siya, Reign Harriett?”

I sighed. Hindi ko kaya.

“Reign Harriett, I know it’s hard,” sabi ng Dean. “But you have to trust me. I promise I will—”

Natigil siya nang bigla akong may itinuro. Ang lahat ay napatingin sa taong itinuro ko.

My finger landed at Lyle’s direction.

Lahat ay nagulat. Maging si Lyle ay bahagyang nanlaki ang mga mata at bumuka ang bibig.

Pilit itinatago ni Hale ang ngisi niya. Tuwang-tuwa siya.

“This is fun…” Bulong ni Hale.

“Mr. Heimsworth…” Gulat na bulong ng mga teacher. Maging sila ay hindi makapaniwala.

“Puwede ba naming i-check ang gamit mo?” Tanong ng isang guro.

Tumango si Lyle. Bigla itong natuliro at hindi makapaniwala sa nangyayari.  They went to Lyle’s chair, opened his bag and there, they found it.

They found what Hale put inside—ang answer key.

Lahat ay nagulat. Lahat ay napasinghap.

Bumuka ang bibig ni Lyle at hindi makapaniwala. He looked at me, met my eyes, and there I found he was in pain.

That after helping me through thick and thin, this is what he gets

He was looking at me as if he was asking me a question. A question that I can see through his eyes.

“Reign… why did you betray me?”

SEASON 2 PART 13

I BETRAYED LYLE.

I betrayed someone who would give the world to me.

He was hurt. He was in pain. I could see it all over his face. It was visible in his eyes.

Bumuka ang bibig niya nang bahagya pero nanatili na iyong ganoon. He didn’t say even a single word.

Lahat ay nagbubulungan pa rin. Ang mga teachers ay hindi malaman ang gagawin sa nakitang answer key sa bag ni Lyle na itinuro ko. They were mad, yes, but they were a bit hesitant. Heimsworth si Lyle.

Ngising-ngisi si Hale habang pinanonood ang nangyayari. Kagat-kagat na nga niya sng ibabang labi niya at nagpipigil ng tawa.

“Oh, this is fun…” Bulong niya.

Nanlulumo ako sa ginawa ko.

“Mr. Heimsworth…” Sabi ng Dean. She finally composed herself but it was still visible that she was mad. “Did you really take this?”

Hindi siya tinitingnan ni Lyle. Sa akin lang ito nakatingin.

“Lyle doesn’t need that,” sabi ng Teacher naming hindi makapaniwala sa nangyayari. “H-He’s smart enough—”

“Pero nakita ito sa bag niya,” putol ng isang teacher.

Lalong lumakas ang bulungan nang makitang maging ang nga teacher ay nagtatalo na.

Naputol ang usapan nang biglang magsalita si Lyle.

“Yes,” putol niya sa lahat at muling tumingin sa akin. “I did it…”

Natahimik ang lahat. Pulang-pula sa galit ang mga guro. Ako naman ay nilalamon na ng guilt habang si Hale na nasa gilid ko ay tuwang-tuwa.

They took Lyle with him. Habang niyayakag siya palabas ay muli niya akong nilingon. It was, as if, he was asking me for help.

“Don’t come,” bulong bigla ni Hale. “Hayaan mo siya.”

I bit my lower lip. Nang mapansin ni Lyle na hindi ako susunod sa kaniya ay hinayaan na niyang dalhin siya palabas ng mga guro.

“Very good,” Hale then said at biglang tinapik ang kamay ko na nasa arm rest ko. “You’ve proven your loyalty to me. Halfway bayad ka na sa utang na loob mo.”

Mabilis kong kinuha ang kamay ko at tiningnan siya nang masama. “Masaya ka na?”

Tumango si Hale at bahayang natawa. “Siyempre. Did you see his face? Masiyado nang mayabang si Lyle, kinailangan ko lang ilagay sa lugar ang hangin niya. Masiyado na niya akong binabastos. He deserves that.”

I scoffed out of disbelief. “Hanggang kailan mo akong gagawing laruan, Hale? Hanggang kailan ’to matatapos?”

“’Wag kang atat, Reign,” sabi ni Hale at ngumisi. “We will get there. I spent a million and utilized my connections to get you out of prison, kulang pa ’yang ginawa mo to pay me back.”

Napapikit na lang ako sa sobrang galit at guilt. Gusto kong sundan si Lyle. I felt so fucked up.

Natigil lang ang lahat nang bigla kaming lapitan nila Missi at Reese. Mukhang galit ang dalawa.

“Totoo ba ’yon, Reign?” Bungad ni Missi. “Nakita mo talaga si Lyle na kumuha ng gamit na ’yon?”

Hindi ako kumikibo. Hindi ko na kayang magsinungaling.

“See, hindi siya makasagot,” sabi ni Missi at tiningnan si Hale. “Ano nanaman kayang kagaguhan ang ginawa ng pangit na kutong lupa na ’to?”

“Watch your language, Missi,” banta ni Hale.

“Bakit, offended ka sa pangit na kutong lupa?” Sabi ni Missi at biglang natawa. “Sa true lang. Pangit mo na nga, pangit pa ng ugali mo. Why favorite mo always ang terno?”

Nakuyom ni Hale ang kamao niya.

“Anyway, hindi namin alam kung anong pangbla-blackmail ang ginawa sa ’yo ni Hale, but you’re no different from him,” sabi ni Reese sa akin. “If he’s the problem, you’re part of the problem now, Reign—whether you have a choice or not. Nagpagamit ka.”

Hindi ako makatingin sa mga mata ni Reese. Totoo ang mga sinabi niya and I can feel the guilt. Lyle was always there for me, but I reciprocated his good deeds with betrayal.

“Life is short, Reese,” Hale said and smirked. “Don’t spend it nonsensically —putting your nose in someone else’s business. Ba’t ’di mo na lang problemahin ang tatay mong nakakulong?”

“Omg?” Reaksyon ni Missi. “That’s a foul!”

Sobrang offensive naman talaga niyon. Akmang lalapitan ni Missi si Hale nang bigla siyang pigilan ni Reese. Instead, si Reese ang lumapit kay Hale.

Isinandal ni Reese ang palad niya sa arm rest ng upuan ni Hale at tinitigan ito sa mga mata. Hale didn’t dodge the intense eye contact.

“You’re right,” umpisa ni Reese. “Life is short, so why not make yours shorter?”

Nabigla ang lahat ng nakikinig. That was strong.

“’Wag mo akong minamaliit, Hale. Hindi man kasing lakas ng connection mo ang connections ko, mas malakas naman ang kamao ko kaysa kamao mo. Anong magagawa ng pera mo ’pag sinapak kita ngayon?”

Nagtawanan ang karamihan. Namula sa inis si Hale. He tried to open his mouth but he couldn’t find the right words to counter Reese.

Tiningnan naman ako ni Reese.

“Disappointed kami sa ginawa mo. Kung ganito ang nararamdaman namin, what more si Lyle?” she asked.

Inirapan ako ni Missi at niyakag niya si Reese paalis. Lumabas ang dalawa. Maya-maya ay sumunod na si Grey sa kanila. Good thing he didn’t look at me. Lubog na lubog na ako.

Malakas na sinipa ni Hale ang upuan sa harap niya at nagbagsakan sa sahig ang gamit ng babaeng nakaupo roon.

“What the hell!” sigaw ng babae. “Anong ginawa mo?”

“MANAHIMIK KA!” galit na sigaw dito ni Hale at galit na lumabas ng kuwarto.

The girl was left there, traumatized.

Nang ako na lang ang maiwan ay tumayo na rin ako. Akmang lalabas ako ng kuwarto nang bigla akong harangin ni Everleigh.

“Yes?” Tanong ko sa kaniya.

Tiningnan niya ang paligid at nang walang ibang nakatingin sa amin ay may inilagay siya sa bulsa ng coat ko.

Mabilis ko iyong kinapa. Nang mapagtanto ko ay isa iyong flashdrive.

“Lyle didn’t do that, I know,” she said. “Matalino si Lyle, sobrang threatened ako sa kakayahan niya dati. I know whis capabilities—that’s why he would never steal the answer key for the exams.”

Nakatingin lang ako sa kaniya at hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin.

“I know why you did that too,” she added. “I learned from dad that Hale helped you para makalaya. Utang na loob, a puppet for quite some time, I just know. I understand your situation, but we both know that it ain’t right, is it?”

Tiningnan niya ang flashdrive na nasa bulsa ng coat ko.

“Narinig ko kayong nag-uusap sa comfort room ni Hale. The moment I realized it was the two of you, my instinct told me to record it…”

She then looked at me.

“Nandiyan lahat ng sinabi niya. The moment he blackmailed you and all, it was there. It’s up to you kung paano, saan o kailan mo ’yan gagamitin.”

“Everleigh…” I started, touched yet curious. “Thank you…”

Hindi malaman ni Everleigh kung ano ang magiging reaksyon niya. We started not-so-good and seeing her helping me out this time, I just can’t imagine it.

“I’m just… tired of Hale’s bullshit. Make sure to use them wisely, Reign. I’m counting on you.”

Makalipas ang ilang oras ay nasa labas lang ako ng guidance’s office. Nasa loob si Lyle at hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas kahit ilang oras na ang nakararaan. Kumalat na sa buong school ang nangyari.

May mga dumadaan na estudyante at pinagtitinginan ako. Bukod sa galit nila sa akin dahil ako pa rin ang suspect nila sa pagkamatay ni Serene, galit din sila because they thought I framed Lyle up.

Sari-sari na ang pumapasok sa isip ko. Gusto ko nang pumasok sa loob at aminin ang lahat, pero alam kong walang magandang maidudulot iyon. Lyle will understand.

Sa isang iglap ay bumukas na ang pinto at lumabas na ang mga guro. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa gilid. Lumitaw si Lyle isang segundo lamang kasama ang mommy niya.

The moment our eyes met, I felt the guilt. He looked so down and sad. Hindi na ’yon nagawa pang itago ng usual blank face niya.

But then, despite all the chaos and the sudden betrayal, Lyle stood there and his lips blossomed a smile for me—as if he was telling me that everything will be okay.

I smiled weakly at him, too. Niyakag na siya ng mama niya paalis at pinanood ko silang mawala sa paningin ko.

Nang mawala na sila sa paningin ko ay doon ko na-realize na hindi ko kayang maghintay ng tamang panahon para sabihin kay Lyle ang totoong nangyari.

Alam kong may idea na siya, but he deserved the truth. Mabilis akong tumakbo papuntang parking lot kung nasaan sila ng mommy niya. Naabutan ko naman sila roon.

“Mom, give me a minute or two,” sabi ni Lyle sa mommy niya.

“Make it quick,” tipid na sabi nito. I knew, she was mad at me.

“Salamat po,” sabi ko pero hindi ako pinansin nito. Madali itong pumasok sa loob ng kotse at hindi man lang ako tiningnan.

Naiintindihan ko ang mommy ni Lyle. I knew I deserved all of these.

Nang pumasok na ang mommy ni Lyle ay tiningnan na niya akong muli.

“Lyle, look, I’m… I’m sorry…” Sabi ko at napalunok. “I know I sound and look stupid, but… I had no choice…”

Hindi siya kumikibo. Nakatingin lang siya sa akin at pinakikinggan ako.

“Wala na ring oras para masabi ko sa ’yo bago iyon mangyari. Wala rin akong maisip na way para baliktarin ang sitwasyon. Hawak n’ya ako sa leeg nang mga panahong iyon, Lyle… that’s why… that’s why I’m sorry…”

“You had no choice but to throw me under the bus…” he finally said. “There was no other option, but to betray me?”

I nodded, tears in my eyes. “Sorry…”

“Naiintindihan ko, Reign,” Lyle said and forced a smile at me. “Hawak ka niya. May utang na loob ka at kaya niyang baliktarin ang lahat ’pag hindi ka sumunod. Either he will harm you and put you back in jail ot he will harm your siblings. You hadn’t have the luxury of time to strategize it, that’s why you had no choice. I understand it well…”

Lyle took an inch closer to me. He wiped the tears coming out from my eyes.

“Ako ang nagdala sa ’yo rito. Responsibilidad kita, Reign. Ako ang mananagot sa lahat ng masamang mangyayari sa ’yo. I always have your back, even at times like this.”

“Pero ikaw?” Sabi ko. “At times like this, sinong mananagot sa ’yo? I can’t even do anything to help you at all…”

Lyle smiled painfully. He realized it too. “It’s okay. Malakas ako, Reign. I can withstand everything.”

“I’m sorry,” sabi ko at kinuha ang kamay ni Lyle at may inilagay na isang flashdrive. “Ito lang ang kaya kong gawin to help you.”

Tiningnan iyon ni Lyle.

“Dalawang file mayroon ang flashdrive. Ang isa ay ang pag-uusap namin ni Hale. Everleigh recorded it. She approached me and told me that she was able to record the time when Hale was blackmailing me.”

“Everleigh?” Tanong ni Lyle. He was a bit shocked.

Tumango ako. “Yes. Si Everleigh.”

“And the second file?” Tanong ni Lyle.

“Na-videohan ko si Hale na kumukuha ng answer key…”

Lyle’s eyes widened. “Really?”

Tumango ako. “Hindi ako papayag na ako lang ang babagsak. Nagpapa api ako para sa dulo siya ang babagsak.”

Doon ngumisi si Lyle. “Dapat lang. Grabeng kahihiyan ang inabot ko ngayong araw. If it wasn’t for my mom, I’d been suspended by now.”

Tiningnan ni Lyle ang flash drive at inilagay sa coat niya.

“Don’t worry, I’ll use them well,” Lyle said. His smile was different this time. It was, as if, he knew now how to bring Hale in his demise.

“Gawin mo lang ang lahat ng sinasabi ni Hale, but don’t forget to provide evidence and notify me. Ako na ang bahala sa lahat, Reign.”

“I’m giving all the evidence to you, because I’ve finally realized something,” I added. “You are the only one who can bring Hale down. Kaya sa ’yo lang siya threatened ngayon.”

“I know,” Lyle smiled confidently. “I will destroy him for you. I’ll do everything for you.”

———

Nang umalis si Reign sa parking lot ay nagpaiwan si Lyle sa mommy niya. May sarili siyang plano nang gabing iyon.

Pumunta siya sa likod ng school building at nakita niya nga ang hinahanap niya roon.

Naroroon si Hale kasama ang dalawa nitong kaibigan at pare-parehong naninigarilyo—kahit na ipinagbabawal iyon ng school.

Dali-dali niya itong nilapitan. Nakita si Lyle ng isang kaibigan ni Hale, kaya kinalabit nito si Hale at itinuro si Lyle.

But the moment Hale looked back, Lyle was slready there. Mabilis na bumagsak si Hale sa lupa nang bigla siyang suntukin ni Lyle.

Pati ang dalawa nitong kasama ay nagulat. Akmang lalapit ang dalawa kay Lyle nang pigilan sila ni Hale. Pinaalis niya ang mga ito.

Tumayo si Hale at hinawakan ang sariling labi. Pumutok iyon at dumudugo.

“Wow, Heimsworth,” sabi ni Hale at bahagyang tumawa. “Ang lakas mo naman palang sumuntok. Ba’t mo pinipigil ’yan?”

Dumura ito ng dugo at in-exercise ang bunganga. “Magnanakaw ng answer key at nananakit pa. Parang gusto mo na ata talagang ma-kick out, huh?”

“Ibang klase,” sabi ni Lyle. “Gusto mo pang masapak?”

“What’s with you, Lyle? Stooping down to violence?” Pang-aasar ni Hale. “Ain’t fun.”

“How does it feel?” Lyle asked. “Starting from now, I will stoop down to your level. Take that as a warning, Hale. Galawin mo pa si Reign—o kahit na sinong malapit sa akin—and I won’t hesitate to shut the hell out of you down.”

Hale smirked, thrilled. “Should I feel threatened? Wala kang panghahawakan sa akin, ako, marami. It’s the other way around. Kayo ang dapat matakot sa akin, hindi ako. Ako ang may hawak sa inyo ss leeg. Ako ang dapat ninyong sundin!”

“Sigurado ka?” Lyle asked back, smirking.

“What do you mean?” Hale asked.

“That night, when Serene was killed… there was a witness…”

Nanlaki ang mga mata ni Hale sa gulat. Bigla itong natakot.

“You’re lying…” Sabi ni Hale. “’W-Wag kang magsinungaling!”

“Dalawa kayong pumatay kay Serene, hindi ba?” Lyle fought back. He wasn’t holding back anymore. Lyle was fiercer than he has ever been.

Biglang nanghina si Hale. Hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya alam ang sasabihin.

“S-Sinasabi mo lang ’yan para takutin ako,” Hale said. “W-Wala kang alam!”

“Really?” Lyle said and smirked as he took a step closer to Hale. “Just wait and see. Ako mismo ang kakausap sa nag-iisang witness ng krimen na ginawa mo at sa dulo… pababagsakin kita.”

Lumawak ang ngisi ni Lyle. Maya-maya ay sumeryoso ito at nagsinulang mag-igting ang panga.

“Kaya tigilan mo na si Reign. Hindi siya ang katapat mo ngayon, Hale—kundi ako. Feel threatened as you should be. I will do everything to make your life as miserable as possible. Pababagsakin kita…”

Hale gulped. He was mad, for sure, but a part of him felt scared. Never pa niyang nakitang ganito kagalit si Lyle.

He knew to himself that it was the start.

Sa kabilang banda ay makikita ang nag-iisang witness ng krimen. Nasa loob ito ng kuwarto at hindi na lumalabas. Tulala ito sa bintana.

Natigil lamang ito nang makita ang sariling repleksyon sa bintana.

Hindi niya makilala ang sarili.

It was Braelyn…

SEASON 2 PART 14

A/N:

Join our twitter party and use our tagline, ’ CATCH ME ATTORNEY’ . Feel free to tweet your thoughts!

Last 1 WEEK na rin ng Pre-order ni Catch Me, Attorney Book 1 & 2 (SEASON 1). Make sure to save your copies!

———

THIRD PERSON POV.

“CRUSH KO ATA SI GREY. DESERVE KO BA?”

Tawa ang naging tugon ni Missi sa kabilang linya. Inis na inis naman si Reese sa kabilang banda. Kanina pa siya nagra-rant sa kaibigan pero tawa lang ang nagiging tugon nito.

Nasa loob na siya ng kuwarto at nakahiga. Napapaligiran naman siya ng mga papel na puno ng activities na dapat niyang tapusin overnight dahil nga napakarami niyang dapat habulin as a transferee student.

Noong una ay sinisipag siyang magsagot-sagot. Pero nang nahawakan niya ang phone niya at nag-scroll sa Facebook, sinapian na siya ng katamaran at sino nama siya para labanan ito?

“Okay lang ’yan, teh,” sabi ni Missi. “Normal lang magka-crush sa kaibigan, ’no. Tignan mo nga noon ’di ba, type ako ni Levi. Kaya ’wag kang ma-stress, eh ako nga—”

“Sshhh,” putol ni Reese sa kaibigan. “Alam mo, comfort ang need ko. Kaya ’wag mo akong sapawan ng ‘eh ako nga…’ mo, ’wag kang feeling main character, okay?”

Muling natawa si Missi. “Ano ba kasi ang gusto mong marinig? Na omggg, crush mo si Greyyy? Go for it bestieee???”

Doon napangiti si Reese. Missi sounded so kikay. “Ang plastic, huh?”

“I know. Ayaw kong mag-overreact kasi normal na bagay lang naman ’yon. I wanted to sound as normal as possible para hindi ka ma-guilty. Kasi ba naman ’di ba, sinong hindi magkakagusto kay Grey?”

For the first time in a while, Missi sounded rational. May point din naman siya.

“Pero ito ang tanong,” sabi ni Missi. “What took you so long to find out? Char! How did you find out pala?”

Paano nga ba?

Hindi malaman ni Reese kung paano.

“Ewan ko,” sabi ni Reese. “Ang sudden, sobra. Na-realize ko na lang one day na gusto ko siya. Like… gustong-gusto.”

“Omggg,” rinig na rinig niya ang tili ni Missi. “Dalaga na ang borikat! What did he do, though? I mean, classmates na tayo for so long, bakit now mo lang siya nagustuhan? There must be a reason.”

“Lagi siyang nagre-react sa My Day ko…” Sabi ni Reese at bahagyang napangiti.

“Ang assuming mo sa part na ’yan, huh? Wala bang iba?”

“I mean, kahit anong i-my day ko. Kahit kuko ko lang, bagong biling gamit, movie ba pinapanood ko, mga pictures ko, or lugar na binibisita. Lagi siyang naka-heart, walang palya.”

“Kaya pala napapadalas pag-upload mo sa My Day, huh? Dati hate na hate mo, pero now secretly mong hinihintay reactions niya. Na kapag ’di siya nag-heart, feeling invalidated ka. Girrrlll, ang landi-landi mo!”

Nagtawanan sila ni Missi. Kinikilig ito at ganoon din siya.

“Tapos… nag-start siyang mag-reply sa My Day. Na kung saan ko nabili, o kumusta ’yong movie. One time, nag-upload ako ng picture ng lugar na pinuntahan ko. He asked its location tapos nagulat ako, pumunta siya…”

“Ay wala,” reaksyon ni Missi, nang-aasar ang boses. “Na-fall ka na nga talaga. Grabe, girl. You sounded so into it… omg!”

“Talaga ba?” Tanong ni Reese at napapangiti.

“Oo, ’no? Matagal ko nang napansin, actually. Nagiging feminine ka na because of him. Wala namang masama, and I like it, para naman ma-make up-an na kita!”

“Tss,” sagot ni Reese. “Supportive ka talaga?”

“Oo naman, yes na yes! Ayon nga lang, alam naman nating patay na patay si Grey noon kay Reign. Now na nandito na ulit si ate girl, do you think  you can stand a chance?”

Doon natahimik si Reese. Sa totoo lang, hindi naman siya naghahangad ng kahit na ano. Ni-hindi nga siya nage-expect na magugustuhan siya nito. Grey was surely treating her specially, pero ganoon din naman ito sa iba. Nagkataon lang na sila ang close ngayon at parating magkasama.

Kahit na alam niya sa sarili niya na ganoon ang sitwasyon niya, hindi niya maiwasan na hindi bigyan ng ibang meaning ang mga kinikilos nito.  Pakiramdam niya ay mababaliw na siya.

She started getting attentive to Grey’s actions. Kapag nandiyaan si Reign, tinitingnan niya ang reaksyon o kinikilos ni Grey. Pero wala pa naman  itong ginagawang kakaiba kapag nandiyaan si Reign.

“You know what,” umpisa ni Missi. “Mag-confess ka na kaya?”

“Gago ka ba?” gulat niyang reaksyon.

“Bakit?” maarteng sabi ni Missi. “’Yon lang ang way para matapos ’yang what-ifs mo, ’no? What if type ka ni Grey? Edi they live happily ever after ang drama n’yo?”

“Eh paano kung hindi? Edi nilayuan niya ako at mukha akong kawawa?” tanong ni Reese.

“Edi sorry!” sabi ni Missi.

Napapikit si Reese at iniisip ang sitwasyon niya. Hindi niya kayang mag-confess. Tumayo siya at tumingin sa bintana. Laking gulat niya nang bigla niyang makita si Everleigh sa  labas.

May kausap ito sa  at nang tingnan niya ay si Braelyn naman iyon. Nasa veranda si Everleigh at si Braelyn ay nasa labas at nakatingila, nag-uusap ang dalawa.

Nang lumipat sila Reese at Ivan nang bahay ay nagawi sila malapit sa bahay nila Braelyn at Everleigh.

“Huy, ba’t natahimik ka?” tanong ni Missi. “Namatay ka na ba sa kilig—like literally?”

“Wait lang, Missi. Tawagan kita mamaya ha,” sabi niya rito.

Pinatay ni Reese ang tawag at bahagyang binuksan ang bintana niya. Sumilip siya at nakinig sa pag-uusap nila Everleigh at Braelyn.

———

“Meet me at school at 10PM. I need your help, Brae. We need to end Hale—now.”

  • Lyle.

It took Braelyn almost an hour to finally decide.

Takot na takot siya nang masaksihan niya ang krimen. Kahit na wala siyang magawa ay nagawa niyang mag-video ng nangyari. Kitang-kita mula sa bintana ang ginagawang krimen ni Hale at ng kasama nito. Kitang-kita ang mukha ng dalawa—kapwa ngumingisi habang winawasakan ang buhay ng biktima nila.

Hale finally found his equal. At para kay Braelyn, mas masahol pa ang kasama ni Hale. Hale didn’t even want to kill Serene at all, Braelyn knew it. Pero ang taong kasama nito… he wanted blood. He took her life without even blinking like a psychopath.

She wanted to help but it was too late. Ang tanging nagawa na lang niya ay kumuha ng ebidensya. Noong gabi ring iyon, she was ready to send her evidence to the police, but Reign was already captured.

Braelyn got terrified on how Hale twisted everything to frame Reign up. Kayang-kaya nitong sirain ang buhay niya kung sakaling ituturo niya ito. Braelyn’s family power is no longer as strong as it used to be. Dehado siya kung wala siyang proteksyon.

Kaya walang choice si Braelyn kung hindi ang manahimik pansamantala. Little did she know, Lyle knew that she know what happened. Nakita siya nito sa police station at nagsimula ba itong mangulit sa kaniya. Lyle saw her running away from that building on that night.

Kaninang tanghali pa nangungulit si Lyle pero hindi niya ito pinapansin. Pabalik-balik na nga ito sa bahay nila kanina pa pero hindi siya lumabas. After a thorough thinking, she made her decision.

Nangako si Lyle na tutulong ang ate nitong si Avery kung papayag siya. ’Yon lang ang kailangan niya.

Pasikretong umalis si Braelyn sa bahay nila dala-dala ang cellphone niyang naglalaman ng ebidensiya. Habang naglalakad siya ay nagulat siya nang may tumawag sa pangalan niya. It was Everleigh.

Nasa veranda ito ng bahay nito at nakatanaw sa kaniya.

“Gabi na,” sabi ni Everleigh. “Saan ang punta?”

“To the moon,” sagot ni Braelyn.

Bahagyang napangiti si Everleigh.

“D’yan lang, maniningil,” dagdag ni Braelyn.

“Sinong sisingilin mo nang ganitong oras na gabi?” Everleigh asked.

“Malalaman mo rin,” tipid na sagot niya. Akmang aalis na si Braelyn nang muli siyang tumigil.

“Will you do me a favor, Everleigh?”

“Sure,” sagot nito. “What is it?”

“Makikipagkita ako kay Lyle ngayong gabi.”

“And why are you telling me that?”

“If something bad happens… At least may nakakaalam…”

They exchanged looks for a few seconds and Braelyn smiled weakly. Itinaas ni Braelyn ang hood ng hoodie niya at naglakad na papalayo.

In a dark melancholic night, voidness awaited her…

———

Hindi makatulog si Lyle kaya napagdesisyunan niyang kumain na lang. Nang tingnan niya ang refrigerator niya ay wala siyang matipuhan sa mga pagkain doon. It only took him few seconds to decide to go out.

He took his car key and his jacket. He drove to the nearest convenience store and bought himself a fried siomai in a stick.

Masiyadong occupied ang utak ni Lyle ngayon. Stressed na stressed siya sa nangyayari sa buhay niya ngayon.

Kayang-kaya naman niyang labanan si Hale kung siya lang ang pinupuntirya nito. He can even ignore him until Hale himself got tired.

Pero ibang usapan na kung idadamay nito si Reign. Hale even pushed Reign to turn her back at Lyle. He was using her to tear him down. Doon galit na galit si Lyle.

Hindi siya makaisip nang paraan kung paano tatapusin ang lahat sa maikling panahon. Hindi nga niya malaman ang gagawin ngayon para tigilan ni Hale si Reign.

Hindi siya makatulog kaya heto siya ngayon at pilit na dini-distract ang sarili.

Nagbayad na si Lyle sa cashier at akmang aalis na nang biglang bumukas ang pinto. Si Reese ang pumasok. Nagkagulatan pa nga silang dalawa.

“Hi, pogi,” sabi ni Reese at awkward na kumaway.

Hindi alam ni Lyle kung paano magre-react sa ganoon.

“H-Hi,” awkward niyang sagot at inalok si Reese ng kinakain niya.

“No, thanks. Iba ang gusto kong kainin,” sagot ni Reese.

Kumunot ang noo ni Lyle at bahagyang natawa si Reese.

“Hindi ikaw, ’yong friend mo, ’no—”

Biglang natigil si Reese at nahampas ang noo niya.

“Da’t kasi hindi ko tinikman ’yong beer ni kuya…” bulong nito sa sarili.

“Reese… are you okay?” takang tanong ni Lyle.

“’Pag lasing, ’di agad okay? ’Di ba puwedeng may amats lang talaga—oo, okay ako, Lyle,” sagot ni Reese sa kaniya. “Sige na nga, baka kung ano pa ang masabi ko.”

Nilagpasan na siya ni Reese at nagdire-diretso ito sa pasilyo ng mga chips. Tiningnan siyang muli ni Lyle bago siya tumalikod na rin at nagsimulang umalis.

Nakakailang hakbang pa lang si Lyle nang bigla siyang tawaging muli ni Reese.

“Umalis na siya…” sabi nito.

Kumunot muli ang noo ni Lyle, hindi maintindihan ang sinasabi nito.

“Hindi ba’t magkikita kayo ngayon?” tanong muli ni Reese. “Or nalimutan mo na?”

“Who?” Lyle asked, confused.

“Si Brae. Narinig ko usapan nila ni Everleigh. She said you texted her, magkikita kayo somewhere,” nagsimula na ring maguluhan si Reese. “Or trip n’ya lang ’yon? I don’t know.”

Sandaling natahimik si Lyle. Maghapon niyang kinukulit si Braelyn to meet him up. Alam niyang kilala nito ang kasabwat ni Hale at may ebidensiya ito laban sa dalawa. But she wasn’t showing up at all.

Lyle didn’t text her or even tell her to meet him up this late at night.

Something was up.

When a realization kicked in, his eyes grew bigger.

“Shit…”

———

Kinakabahan man ay pumasok si Braelyn sa loob ng school. Madilim na ang paligid at kahit may ilang ilaw pang bukas sa campus ay mas nilalamon ng kadiliman ang lugar.

Nayakap pa nga niya ang sarili dahil napakalamig na ng gabi. Naglakad siya papasok sa isang building, ang parehong building na napag-usapan nila ni Lyle na pagkikitaan nila.

Nasa ikatlong palapag na siya nang biglang may tumawag sa kaniya. Sinagot naman agad niya iyon.

“Hello, Lyle—”

“Brae, listen!”

Bigla siyang matigil nang pasigaw ang bungad ni Lyle.

“WHERE ARE YOU?!” dagdag nito. He sounded worried, yet tensed.

“Anong nasaan ako?” she asked, perplexed. “Lyle, we agreed to meet tonight—”

“I didn’t!” Sagot ni Lyle. “Brae, that wasn’t me!”

Nanlaki ang mga mata ni Braelyn. “Anong… anong hindi ikaw, Lyle? Anong sinasabi mo?!”

“Umalis ka na kung nasaan ka man, please,” Lyle said. “Kung sino man ang nag-text sa ’yo, alam niyang alam mo ang nangyari. Get out of that place, Brae! Now!”

Braelyn ended the call. She was too scared and tensed.

“Fuck…” Bulong ni Braelyn sa sarili.

Akmang bababa na siya ng hagdan nang marinig niyang may nagsara ng pinto. Kasunod noon ay ang tunog ng paglalakad at habang papalapit ay naririnig niya sng hagikgik nito.

Sa isang iglap, namatay ang ilaw sa buong building. Nagdilim ang lahat at walang makita si Braelyn.

Ninenerbiyos man ay binuksan niyang muli ang phone niya para gamitin itong flashlight.

Saktong pagtapat niya ng ilaw sa hagdan ay napatili si Braelyn.

Isang lalaki ang nakatayo sa dulo ng hagdan, nakangisi ito at may dalang kutsilyo.

“Welcome to hell, class treasurer…” Bungad nito.

“Fuck you, Hale!” sigaw ni Braelyn. “Fuck you!”

Doon na tumakbo si Braelyn paakyat ng building. Rinig na rinig niya ang pagtawag at pagtawa ni Hale habang hinahabol siya nito.

“’Wag ka nang tumakbo!” tawag ni Hale, nang-iinis. “Pareho lang naman ang kahihinatnan mo, pinapagod mo lang ako.”

“Mamatay ka na!” sigaw ni Braelyn at pilit umaakyat. Pinaririnig ni Hale ang bawat hakbang nito. Braelyn was terrified as hell.

Narating ni Braelyn ang rooftop at agad na ni-lock ang pinto. Hinarangan niya rin ito ng mga upuan.

Takot na takot na siya, hinihingal at pagod. Nagsimula na rin siyang maluha. Hindi niya sigurado ang mangyayari sa kaniya ngayong gabi. Himala na lang kung makakaligtas pa ba siya.

Napatili si Braelyn nang makita niyang sinisira na ni Hale ang pinto. Ilang segundo lang ay tuluyan na itong nasira.

Napaatras si Braelyn nang tuluyan nang pumasok si Hale. Pawis na pawis ito at nanlilisik ang mga mata.

“Ba’t ba pinapagod mo pa ako, ha?” Tanong nito. “Hindi ka worth it habulin.”

“Do you think makakaligtas ka kapag pinatay mo ako ngayon?” Tanong ni Braelyn. “Hale… hindi lahat kaya mong pagtakpan. Itigil mo na ’to.”

“Masiyado nang maraming pera at panahon ang nasayang ko,” sabi ni Hale at ngumisi. “Ngayon pa ba ako susuko? Kasalanan mo ’yan. Nananahimik ako, bigla ko na lang malalaman na may ebidensiya ka pala, bobo ka. Anong akala mo, kaya kang protektahan ng punyetang Lyle na ’yon? Mga inutil! Mahihina ang utak!”

Humalakhak ito.

“Nagsama-sama ang mga tanga. Awang-awa ako sa inyo. Tignan mo sitwasyon mo ngayon, ilang minuto lang… sasama ka na sa Teacher mong kapwa mo bobo. Pasabi kay Miss Jess, bisitahin naman niya ang Nanay niya sa panaginip para tumigil na sa paghingi ng hustisya sa Anak niyang puta—never na nilang makukuha ’yon.”

Lalong ngumisi si Hale.

“Gaya mo. I will kill you tonight and no one will ever catch me…”

Nagsimulang lumapit si Hale kay Braelyn hawak-hawak ang matalim na kutsilyo.

“Any last words?” tanong ni Hale.

“How about… ibibigay ko na lang sa ’yo ang ebidensiya at… at mananahimik ako?” Braelyn started to be teary-eyed. It was the only way to live. “Hale… please, mananahimik ako…”

“Edi sana nanahimik ka na lang umpisa pa lang. Hindi ako tanga, Braelyn. Kung bubuhayin kita, ako ang papatayin ng publiko bukas. It’s only rational and understandable to kill you now, right?”

Lumawak ang ngisi ni Hale.

“Pikit ka na lang, ako na ang gagalaw.”

Sa isang iglap ay sinugod ni Hale si Braelyn, pero nakailag si Braelyn at nakalaban. Galit na galit si Hale dahil doon.

“Ginagalit mo talaga ako,” sabi nito. “Now you’re dead, bitch!”

Binitawan ni Hale ang kutsilyo at nagsimulang bugbugin si Braelyn. Pumaibabaw si Hale sa kaniya at sinakal siya nang todo.

Pilit pa ring lumalaban si Braelyn. Kinakalmot-kalmot niya ito. She will never go down without fighting.

In a blink of an eye, Braelyn saw an opportunity. Malakas na sinipa ng tuhod niya ang crotch area ni Hale habang sinasakal siya nito.

Namilipit ito sa sakit. Without wasting any time, she pushed him off the edge.

Bumalik na lang sa katinuan ang isip ni Braelyn nang makita niyang nakakapit na lang sa edge ng building si Hale at malapit nang malaglag.

“Brae, tulong! Tulong!”

Nagmamakaawa ito. Napakabilis ng mga pangyayari.

Unti-unti siyang lumapit dito at tiningnan ang babagsakan nito. Sa taas ng building ay for sure, hindi ito mabubuhay.

“Tulungan mo ako please…” sabi nito. “Nangangawit na ako… Braelyn… Please…”

Namuo ang luha sa mga mata ni Braelyn. Gusto niyang mamatay na si Hale, pero hindi niya ito kayang gawin.

“Maawa ka… Please…”

“Kung bubuhayin kita…” sabi ni Braelyn at tuluyang tumulo ang luha. “Ako ang papatayin mo…”

Umiling si Hale at nagsimula na ring maluha. “No, no, hindi— I will set you free. Please, Brae—AAAAH!”

Napatili si Braelyn at napasigaw si Hale nang tuluyan nang bumitaw ang isang kamay ni Hale at ang isang kamay na lang nito ang nakakapit.

“I promise you… “ Sabi ni Hale at umiyak. “Maawa ka…”

Napapikit nang mariin si Braelyn. Hindi siya nagtitiwala kay Hale pero hindi niya kayang pumatay.

Left with no choice, she offered her other hand. Kinuha naman iyon ni Hale at kahit na parehong nahihirapan ay nagawa niyang i-angat si Hale.

Kapwa sila nakaupo na sa sahig, hinahabol ang hininga.

“Salamat, Brae… salamat…” Nagsimulang umiyak si Hale at niyakap siya.

Hindi maintindihan ni Braelyn ang nangyayari.

“Ang pangako mo…” sabi ni Braelyn. “Tuparin mo.”

“Siyempre…” sabi ni Hale. “Siyempre hindi.”

Napakalas si Braelyn sa pagkakayakap ni Hale. Hindi na ito umiiyak. Nakangisi na ito sa kaniya.

“Ang tanga tanga mo,” bulong nito sa kaniya.

Sa isang iglap, he pushed her off the edge.

Mabilis na nalaglag si Braelyn at bumagsak sa lupa. Hindi na siya makagalaw. Matinding sakit ang nararamdaman niya at mabilis siyang naligo sa sariling dugo.

Nakatingin siya sa itaas, kitang-kita si Hale mula roon—pinanonood siya.

Tumulo ang luha sa mga mata ni Braelyn. At sa pagpikit ng mga mata niya habang-buhay, ang huling ala-ala niya sa mundo ay ang pagtratraydor sa kaniya.

Isang tao ang lumapit kay Braelyn at kinuha ang cellphone sa bulsa niya.

Tinitigan siya nito, kinukutya.

“Sana kasi hindi ka na nakialam…” bulong nito sa kaniya.

Hindi ito si Hale, ito ang kasabwat nito.

When Braelyn’s eyes finally closed forever, her final memories were nothing but pain and betrayal.

A pity that her life ends here.

SEASON 2 PART 15

“Braelyn… please stay alive…”

Those were the words that Lyle kept on uttering to himself. Kasalukuyan siyang nagdra-drive papunta sa school para hanapin si Braelyn.

Nanggaling na siya sa bahay nito pero wala na ito roon. According to Reese, someone texted Braelyn to meet him somewhere. Pero ang totoo, hindi niya iyon ginawa. Hindi niya tinext si Braelyn to meet him somewhere at this late hour.

Si Braelyn ang may hawak ng ebidensiya laban kay Hale. Siya ang may hawak ng ebidensiya tungkol sa pagpatay kay Serene. That evidence was enough to put Hale behind bars.

Kaya natatakot ngayon si Lyle. Bukod sa mayroong gumamit sa pangalan niya, sigurado siyang nasa panganib ngayon si Braelyn.

Hindi mapanatag si Lyle sa posibleng kahihinatnan ni Braelyn. He called her multiple times, but she wasn’t picking it up.

Mas mabilis na sa usual ang pagdra-drive ni Lyle. He was overspeeding, but he can’t do anything about it. Bawat segundong lumilipas ay mas lalong nalalagay sa peligro ang buhay ni Braelyn. He will just face the consequences after.

He was really pre-occupied with loads of things lately. Reign turned her back against him, betraying him in front of the class. Nawawala ang answer key sa test questionnaires nila at natagpuan iyon sa bag niya. Reign pointed him as the doer.

Alam naman niyang ginawa iyon ni Reign dahil sa pananakot ni Hale. Pero kahit papaano ay masakit pala talaga. Ramdam na ramdam niya ang kirot nang ituro siya nito. He knew she did that for a specific reason, but he was really hurt.

Alam na alam niyang hawak ni Hale sa leeg si Reign dahil ito ang nagpalaya rito sa kulungan nang mapagbintangan itong pumatay kay Serene.

Lyle can’t help himself but to feel like he was useless too. Siya ang nagdala kay Reign sa lugar na ito sa pangakong tatapusin nila si Hale Parker at pagbabayarin sa lahat ng kasalanan nito. Tingin kasi niya ay nagtatago si Reign sa malayong lugar dahil sa takot dito. Dahil doon, she was missing all the opportunities in Manila to make her life better.

Tatapusin nila si Hale at mamumuhay nang maayos—wala ang lahat ng galit, takot at guilt.

Kaya nag-imbestiga si Lyle at napag-alaman niyang si Braelyn ang nakasaksi sa krimen na ginawa ni Hale Parker. He did his best to keep that information to himself, so that he could win Braelyn’s trust and end Hale Parker for good. 

Pero nagkamali siya. He underestimated Hale’s wickedness. He knew Hale will know about Braelyn sooner or later, hindi lang niya in-expect na masyado itong magiging mabilis.

Habang iniisip ang lahat ng iyon ay natanaw na ni Lyle ang school nila mula sa malayo. Lalo niyang binilisan ang takbo ng kotse. Nang marating niya ang school ay napahinto siya nang makitang nakabukas ang gate.

Alam niyang naririto si Braelyn at kung sino man ang gumagamit ng pangalan niya.

Dali-dali siyang pumasok sa loob at nagsimulang tumakbo. He started calling Braelyn’s name, but no one was responding. Hanggang sa makarinig siya nang isang tili mula sa kabilang building.

“Brae?” Patanong na sigaw ni Lyle.

He ran towards the building’s direction, but his heart took a leap when he saw someone was falling from the building from afar.

“Braelyn!” huling sigaw ni Lyle.

Pero huli na ang lahat. Bumagsak na sa lupa si Braelyn mula sa tuktok ng building. Lyle’s eyes widened. Para siyang nanigas sa kinatatayuan niya.

FUCK.

He ran towards the building and saw Braelyn on the ground. She was bathing with her own blood. Beside her, there was someone. May binubulong ito kay Braelyn at may kinuha sa bulsa nito.

“Don’t run!” sigaw ni Lyle. Naluluha siya sa sobrang galit. “I caught you, you son of a bitch.”

Sandaling huminto ang tao. Ibinaba nito ang suot na sumbrero at maya-maya ay bigla na lang itong tumakbo.

Akmang hahabulin ito ni Lyle nang makita niyang gumalaw ang daliri ni Braelyn. Bigla siyang napahinto, hindi malaman kung hahabulin ang salarin o tutulungan ang kaibigan.

Lyle chose to stay by Braelyn’s side. He was there while she was battling death, hoping he could save her.

“Hold on, Brae, please…” sabi ni Lyle habang pilit na tumatawag ng ambulansya. “Please….”

Ang sigurado lang si Lyle ay hindi si Hale ang taong tumakbo. He knew Hale’s physique so well. May kasabwat ito, iyon ang sigurado.

“Brae?”

Napahinto si Lyle nang mapansin niyang hindi na humihinga ang kaibigan. Nakadilat itong binawian ng buhay.

Tears fell from his eyes. He felt numb.

“119, what’s your emergency?”

Doon lang sumagot ang kanina pa niyang tinatawagan. Hindi na nakapagsalita pa si Lyle. Umiyak na lang siya sa sobrang galit at awa sa sinapit ni Braelyn. He was blaming himself for everything.

“Sir?” sagot ng operator. “Can you hear me?”

Natigil si Lyle nang makarinig siya ng tunog ng sirene. Maya-maya lang ay pumasok na ang maraming kotse sa eskwelahan at pinalibutan siya. Lumabas ang mga pulis.

Lyle stood up and wiped his tears.

“Officer…” Lyle said, his voice broke. “My friend… was murdered.”

But he didn’t expect their response. Instead of showing sympathy, they looked at him with disgust.

Just then, a man walked out from a car. Nakilala niya ito. Ito si Prosecutor Jax.

Lyle was taken aback. He knew he was in danger.

“Lyle Xavier Heimsworth,” Jax started. “You are under arrest.”

———

Reign.

Nakatulala lang ako sa kwarto at hindi malaman ang gagawin. Sari-sari ang pumapasok sa isip ko lately.

I didn’t only betray Lyle, I even put him in danger. Alam kong napag-usapan na namin ito, na okay lang sa kaniya at naiintindihan niya ang sitwasyon ko. Pero nakaka-guilty pa rin iyon. Kailangan kong tapusin na itong lahat. Hindi puwedeng gamitin pa ako ulit ni Hale.

Napadighay ako, lasang-lasa ko pa rin ang slurpee na ininom namin ni Maki kanina kahit na kaka-toothbrush ko pa lang. Sobrang problemado ako at napansin iyon ni Maki kaya inaya niya akong lumabas at mag-unwind.

“’Wag ka masiyadong ma-stress,” sabi ki Maki. “Hayaan mong sila ang ma-stress sa ’yo. Gaano man kalaki ang problema mo lately, at least maganda ka. Mai-stress kang maganda.”

Nagtawanan kami. I was lucky to have him in my life. At least, kahit na nakakapagod ang mundo, feeling ko nakakapagpahinga ako kapag kasama ko siya.

Tumagilid na ako ng higa pero hindi pa rin ako mapakali. Parang may hindi tama, parang may mali.

Ilang minuto pa ang lumipas ay na-relax na ako. Matapos ang matagal na pagi-imagine ay unti-unti na akong dinadalaw ng antok. Akmang papikit na ako nang magising ako dahil sa malalakas na katok sa pintuan ko.

“Reign! Reign!” sigaw ng tao. “Si Maki ’to! Reign!”

Bumangon akong inis na inis. Mahihirapan nanaman akong makatulog nito.

“Bakit?!” tanong ko habang naglalakad papunta sa pinto. “Alam mo ba kung anong oras na, ha?!”

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Maki. Mukhang kagigising lang din nito.

“Si Lyle!” Sabi nito.

“Anong meron kay Lyle?” Kinakabahan kong tanong.

“Tinawagan ako ni Missi, hindi ka raw kasi niya ma-reach. Si… Si Lyle… nahuli, nakakulong! Pinatay daw ’yung kaklase n’yo dati, si Braelyn!”

Para akong nabingi at nawala sa sarili. Hindi ko alam kung ano ang una kong ipro-procees. ’Yung ikinulong ba si Lyle o ang pagkawala ni Braelyn.

“Ibinigay niya sa akin ang address. Alam kong nag-aalala ka na, tara sasamahan kita. Kaso wala tayong sasakyan—Reign!”

Naisigaw ni Maki ang pangalan ko nang bigla na lang akong tumakbo paalis.

“Ito talagang babaeng ’to!” sabi ni Maki.

Alam ko kung nasaan si Lyle. Iyon din ang lugar na pinagdalhan nila sa akin noon. Sinamahan ako ni Maki at nang marating namin ang lugar ay nagkakagulo sila.

Maraming pulis at mga reporter sa labas ng police station. Naroroon din ang mga fans ni Lyle na narinig na ang balita.

Pasimple kaming pumuslit papasok habang nagkakagulo sila roon.

Nadatnan namin ang pamilya ni Braelyn. Humahagulgol ang mommy nito at inaalo ng asawa nito. Galit na galit sila.

Sa gilid naman ay ang manager ni Lyle at ang mommy ni Lyle, pilit na pinapakalma ang parents ni Braelyn, habang pinagtatanggol pa rin si Lyle.

Sa kabilang banda ay naroroon si Reese at Missi. Si Reese ay nakasandal sa gilid, lasing. Si Missi naman ay nakapajama pa at may facial mask. Halatang nagski-skin care pa ito nang malaman ang balita.

“Glad you came!” bungad ni Missi sa akin. “Tell them how kind Lyle is! Tell them na hindi nila magagawa iyon kay Brae…”

Bakas sa boses ni Missi na nag-aalala ito kay Lyle, but at the same time ay nagluluksa para sa sinapit ni Braelyn.

Nagtinginan sa akin ang lahat.

“Nasaan si Lyle?” tanong ko. “Nasaan si Braelyn?”

“Wala na ang anak ko…” sagot ng mommy ni Braelyn. Her voice even broke. “Pero ang kriminal na pumatay sa kaniya… he’s here!”

“Wala pang ebidensiya!” sagot ng mommy ni Lyle. “Hindi pa napapatunayan na si Lyle ang may gawa niyon!”

Muli silang nagkagulo roon. Kahit si Maki ay nakiawat na sa kanila.

“Tama na po!” awat ni Maki. “Hindi malulutas ang problema na ’to kapag nagaway-away po kayo!”

Lumapit ako kay Missi ay nangingilid na ang luha sa mga mata. I can’t believe two of my friends were at danger this night.

“Nasaan si Lyle?” tanong kong muli. “Puwede ko ba siyang makausap?”

“He’s inside. Hindi namin alam kung anong ginagawa sa kaniya. If they are interrogating him or they already locked him up, we have no idea,” Missi said. “Gusto rin namin siya makausap, to confirm at least what happened. Pero ayaw nila. Pakshet sila—Reese omg ’wag ka makisabay, girl!”

Muntik nang tumumba si Reese sa sahig dahil gegewang-gewang na ito. Ngumiti ito sa akin bago ipinikit muli ang mga mata at isinandal ang ulo sa pader.

Doon biglang bumukas ang pinto at si Everleigh ang lumabas. Akay-akay ito ng mga pulis, katatapos lang i-interrogate.

“What did you say?” bungad ni Missi rito.

“Nothing but the truth,” Everleigh said.

“What truth?” pakikisali ng mommy ni Braelyn. “That Lyle killed my daughter?!”

“Don’t accuse my son like that!” sabi ng mommy ni Lyle, umiiyak na rin ito. “Hindi pa natin alam ang tunay na nangyari!”

“Kumalma po kayo,” awat ni Maki sa dalawa. “Baka mapano po kayo.”

“I just told them what I know,” dagdag ni Everleigh. “Kanina, umalis si Braelyn at nakita ko siya mula sa bintana ko. Nagkausap kami, sabi niya magkikita sila ni Lyle… I found it weird dahil sobrang late na and they were not close enough to meet at that late hour. Tapos… sabi niya, if something bad happens, she was with Lyle…”

Lalong humagulgol sa galit ang parents ni Braelyn.

“That bastard killed my daughter!” sigaw nito.

Hindi naman na makapagsalita ang mommy ni Lyle. She felt weak, so did I.

Alam na alam kong hindi iyon gagawin ni Lyle. Pero sa pagkakataong ito, lahat ng ebidensiya ay siya ang itinuturo. Wala siyang ligtas. I wanted to help him, but I couldn’t since we can’t talk.

“Totoo ba ’yan?” Laban ni Missi. “How can you guarantee us that you are telling us the truth?”

“I heard it…”

Natigil kami nang biglang nagsalita si Reese. Lasing na lasing ito, pero nakikinig pa rin.

“Braelyn did say those words…” dagdag ni Reese. “That if anything bad happens… she was with Lyle.”

It was like a bomb.

“I’m not doing this to put Lyle behind bars. Sinasabi ko lang kung ano ang nalalaman ko. So please don’t demonize me,” Everleigh said.

Hindi na nakasabat pa si Missi at pinili na lang manahimik.

Doon naman lumabas si Prosecutor Jax mula sa isang kwarto. Bahagya pa itong nagulat nang makita ako, pero mabilis din niyang nabawi ang composure na parang walang nangyari.

“Ano nang balita sa anak ko?” Bungad ng mommy ni Lyle.

“I am so sorry, Mrs. Heimsworth,” Jax started. “But we have to lock him up.”

Lahat kami ay parang tinakasan na ng lakas maliban sa parents ni Braelyn.

“Lahat ng ebidensiya ay siya ang itinuturo,” Jax added. “Pero titignan pa namin ang iba pang anggulo. Sa ngayon, hinihililing namin sng kooperasyon ng lahat. Kung mayroon kayong nalalaman, makipagtulungan lamang sa pulisya at sa prosecution. Maraming salamat.”

Akmang aalis na ito nang may mga bagong dumating. Si Grey iyon at may kasama siya.

Si Avery Heimsworth kasama ang boyfriend nito na si Tyler Scott.

Lahat kami ay nagulat. Kahit si Reese ay parang nawala ang amats.

“Sinundo ko na sila,” Grey said. “In case you need their help.”

Unti-unting lumapit si Avery kay Jax. Mabagal ang lakad niya pero sng mga mata ay fixated kay Jax.

Nang marating niya si Jax ay malakas niya itong sinampal.

Lahat kami ay nagulat maliban kay Tyler. He was, perhaps, expecting it to happen.

Tiningnan ni Jax nang masama si Avery.

“Physical Assault, Prosecutor Avery Heimsworth?” sabi ni Jax. “Maraming nakakita. May ebidensiya.”

“Should I feel scared?” Avery asked back. Her voice was as cold as ice, but as cunning as fox. “Gusto mo sampalin ko rin ang kabila nang magpantay?”

Natameme si Jax. His jaw just clenched.

“Don’t use laws if you’re dumb as hell,” Avery started. May inilabas siyang mga papel.

“At this hour, Lyle was seen by a CCTV footage in a convenience store with Reese.”

Ibinato ni Avery ang papel sa mukha ni Jax at nalaglag iyon sa lupa.

“At this hour, he was seen overspeeding by an officer.”

Ibinato rin ni Avery ang papel na iyon sa mukha ni Jax.

“At this hour, he was filmed by a dash cam near the school going inside the campus.”

Muling ibinato iyon ni Avery sa mukha ni Jax at kagaya ng ibang mga papel, nahulog lang ang mga ito sa lupa.

Avery and Jax were just looking at each other’s eyes fiercely. Kapwa sinisindak ang bawat isa.

“So tell me, sa kakaunting oras na mayroon ang suspect, paaano niya magagawang umakyat sa pinakamalayo at pinakamataas na building ng campus, makipag-away at itulak ang biktima?” Avery asked.

Hindi kumikibo si Jax.

“The victim’s cause of death is falling from a high building. Sabi ninyo, Lyle was caught on scene. Paano siya bababa sa building na ’yon agad-agad pagkatulak niya sa biktima at panoorin ito na nakahandusay sa sahig? It is only possible if Lyle has a superpower like Flash, right?” Avery added.

“Siya lang ang nasa scene, Prosecutor Heimsworth. He led the victim there, we have a witness,” sabi ni Jax at tinignan si Everleigh. “Are you saying that our witness is a liar?”

Ngumiti si Avery, halatang mino-mock si Jax.

“Reese Turner,” tawag ni Avery.

“Yes po?” sagot ni Reese na parang nawala ang amats.

“Sabi mo you met Lyle in a convenience store, right?”

“Yes,” sagot ni Reese.

“Anong nangyari? Anong napag-usapan n’yo?”

“Tinanong ko siya about sa meet up nila ni Braelyn, pero parang wala siyang alam. Gulat pa nga e,” sabi ni Reese habang sinisinok pa.

Muling tiningnan ni Avery si Jax. “Anong conclusion mo, Prosecutor?”

“Nothing,” Jax said. “I will dig deeper.”

Umiling si Avery. “It means may gumamit sa pangalan ni Lyle. You caught the wrong person, Jax.”

Jax gulped.

“See, this is why it’s getting annoying,” Avery said. “Instead of looking at the bigger picture, you settled to your fixated narrative—which is too stupid, by the way. You had hours to investigate, I only had an hour to gather some evidence. You know what does it imply? You are fucking incompetent, Jaxon Scott.”

Avery took a step closer.

“Lumaki na ang ulo mo dahil sikat ka na. But you know what? You are still incapable. You got a 100 in exams before because you are good, but I got a 100 because 100 was the limit. You are always behind me— a woman—Jax.”

Avery was really scary.

“Matagal na akong nananahimik at hindi na pinakikialaman pa kung ano mang pang gagago ang ginagawa ninyo. Pero ngayong idadawit nanaman ninyo ang pamilya ko? Ang kapatid ko? Don’t let me pull the trigger, Jaxon. I might solve the whole damn case and lock up whoever you may be protecting.”

Avery smirked.

“Don’t trigger me.”

SEASON 2 Part 16

Galit na galit na pumasok ng office niya si Jaxon Scott. Madaling-araw na at siya lang ang tao roon. Halos lahat ng gamit na nadaraanan niya ay ibinabalibag niya.

“That Avery Heimsworth…” bulong niya sa hangin. There was a sense of anger in his voice. “How dare she to humiliate me?!”

Napapikit si Jax at umupo sa swivel chair niya.

“If she’s that good, why is she a nobody now, huh?”

Hinampas niya nang malakas ang table niya at huminga nang malalim, pilit na pinakakalma ang sarili.

Alam ni Jax na may mali sa kaso ni Braelyn. He knew Hale was part of the crime. Nakita niya ang kotse nito sa ’di kalayuan nang hinuli nila si Lyle.

It was also off for him that Hale told him to go to the school that night. A moment later, someone notified the police about the incident. May nakakita raw sa dalawang tao na nag-aaway sa itaas ng building. The police station was just around the corner.

When Jax arrived, Lyle was caught on the scene. At iyon nga ang plano ng kapatid niyang si Hale. Hale wanted Lyle to be out of the picture.

“Alam niyang ako ang pumatay kay Serene,” sabi ni Hale sa kabilang linya. Tumawag ito sa kaniya ilang minuto bago ang interrogation sa witness na si Everleigh Miller. “Dati, iniisip ko na hindi ko kailangang ma-bother kay Lyle, na hindi ako mastre-stress sa kaniya, but I was wrong. Sa sobrang bait ko sa kaniya… nagiging kumportable na siya na i-disrespect ako. Ako, ipapakulong niya? Gago ba siya?”

Nilamukos ni Jax ang sariling mukha. He knew that Hale did kill Braelyn, at hindi niya na dapat iyon itanong.

Gaya ng ilan pang krimen na ginawa ng kapatid, kailangan niyang pagtakpan iyon. Iyon na lang ang kaya niyang gawin para makabawi sa pagkukulang niya rito bilang kuya.

Iyon na lang ang paraan para mabayaran niya ang kasalanan niya rito noong iniwan niya ito sa ampunan at sumama sa mayamang pamilya.

Biglang nag-ring ang cellphone niya. Nang tingnan niya ay si Hale ang tumatawag. Sinagot niya iyon.

“Nasaan ka?” Tanong ni Jax. “Hindi ka pa ba uuwi?”

“Kumakain ako ngayon ng Ramen,” sagot ni Hale. “Masiyado akong na-stress ngayong gabi, kailangan ko ng pahinga. Deserve kong kumain nang marami.”

“Stressed?” Jax asked. There was bitterness in his voice. “What did you do to feel stressed?”

“’Wag mo nang alamin. Ang mahalaga, nabawasan na ang problema ko. Trabahuhin mo na lang ang kaso ni Lyle. Make sure that shit will be traumatized. Gusto kong makitang problemado siya, pangit at mukhang kawawa. Okay ba, kuya?”

Napalunok si Jax. Hindi siya makasagot.

“We both know na may chance na makalaya si Lyle dahil sa koneksiyon niya, ’di ba?” tanong ni Jax.

“I know. Hindi ko naman balak na ikulong siya. Gusto ko lang matakot siya sa ’kin. Na kaya kong sirain ang buhay niya. Now, look. May record na siya, cina-cancel sa twitter at bino-boycott. Wala nang fans si tanga, laos na ang career.  Deserve n’ya ’yan, feeling main character kasi si gago.”

Humalakhak si Hale, kinukutya si Lyle.

Noong una ay hindi siya sanay sa ganitong asta ni Hale. Na matapos nitong manakit ng tao o gumawa ng krimen, ay parang wala lang dito kalaunan ang ginawa nito. Pero dahil sa pera nito at kapangyarihan ng pamilya, never itong nagbayad sa kahit na ano pang kasalanan nito.

Lalong-lalo na rin at pinoprotektahan niya ito. Jax felt sick at first, until he was left with no choice and became part of the problem too. He even wanted to resign, pero sa tuwing gagawin niya, kinokonsensiya siya nito.

“Sige, iwan mo ’yang trabaho mo. Hayaan mong makulong ang bunsong kapatid mo na iniwan mo noon sa ampunan para sumama sa mayamang pamilya,” sabi ni Hale sa kaniya. “Sa tagal ng panahon na nagpakasaya ka sa yaman at ako naman ay naghihirap, kulang pa lahat ng ginagawa mo ngayon. Magpaka kuya ka naman sakin!”

He can’t resist his brother. One day, Jax just woke up tired of his life. Napagdesisyunan na lang niya na igugugol na lang niya ang buong buhay niya para protektahan ang kapatid—bagay na ipinangako niya noon sa mga magulang nila.

“Hale…” Simula ni Jax. Tiningnan niya ang mga papel sa table niya at may pinulot na isa. May litrato roon kuha ang isang magarang kotse. “Sino ang kasama mong gumawa nun kay Braelyn?”

“What do you mean gumawa? Anong ginawa?” tanong pabalik ni Hale.

“’Wag ka nang magsinungaling, paano kita maproprotektahan kung pati ako niloloko mo?”

Hale sighed. Matagal itong tumahimik bago ulit itong nagsalita.

“’Wag mo na siyang isipin, safe siya. Kakampi ko siya at tutulungan niya ako sa lahat ng gusto ko…”

Bakas sa boses ni Hale na natutuwa pa ito.

“Just worry about saving me. ’Yon na lang ang ambag mo bilang kapatid.”

“Sabihan mo ang kakampi mo na mag-ingat,” sabi ni Jax at kinuha ang lighter niya at sinunog ang ebidensiya na makakapagturo kay Hale at sa kakampi nito. Pinanood niyang maging abo ang mga ito. “Otherwise… mahuhuli kayo.”

’Yon na lang ang huling usapan nila bago siya patayan ni Hale ng telepono. Akmang tatayo na siya sa pagkakaupo nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Howell. Base sa hitsura nito, galit na galit ito.

“Jax,” bungad nito at huminto mismo sa harap niya. “Wala ka na ba talagang gagawing tama sa buhay mo?”

Ibinato nito kay Jax ang isang folder. Bumagsak ang mga iyon sa lupa.

“I told you I was still investigating!” galit na sigaw nito. “Bakit pinakawalan mo si Lyle agad?!”

If Jax was still his past self, he will look at Howell in the eyes and make him tremble in fear. Pero lately, he was out of himself. Sa sobrang pagkawala niya sa sarili, Howell took the opportunity to treat him badly. Sinisigaw-sigawan na siya nito, por que malakas ang kapit nito sa kapatid niya. Isang sumbong lang nito ay nabibilog na ang utak ni Hale.

“There’s nothing to investigate, Howell,” sabi ni Jax. “Alam natin pareho na inosente si Lyle, you’re just wasting your time. Kaya lang natin siya ikinulong dahil  gusto ni Hale. Para matakot siya kay Hale. So please—”

“Wasting my time?” Howell scoffed. “Imagine the publicity, Jax! The fame I will be more getting if we pursued the case a bit more. JUST A BIT MORE!”

“Fame? Publicity?” gustong masuka ni Jax. “You are all after that?”

“Oh come on, stop deluding yourself. Iyon din naman ang dahilan kung bakit mo kinuha ang murder case ni Miss Jess noon ’di ba? So what makes my case different? I need the publicity, Jaxon. Hindi mapapakain ng prinsipyo ang pamilya ko. That shit won’t pay my bills.”

“If we prolong the case, makikialam si Avery Heimsworth,” Jax said. “Avery alone is scary in court. What more ’pag tinulungan siya ni Tyler? Ng mga kaibigan niyang sila Judge Neska Harriett, Former Judge Cliford Andrius Blake, Prosecutor Aubrielle Baxter at Public Defender Casper Harrington?  Not to mention Doctor Traise Stevens and Attorney Courtney Spencer? Didn’t you see that Avery already gave me a warning? We’re done, Howell. Mas lalong magiging kawawa ang pamilya mo ’pag nakulong ka.”

Natahimik si Howell at maya-maya ay napangisi.

“Ako? Makukulong?” Umiling ito. “Kapag nahuli ako, Jax, idadawit kita. Kapag nasira ang buhay ko, dapat sira rin ang iyo. Damay-damay tayo rito.”

Nag-igting ang panga ni Jax at mabilis na hinawakan si Howell sa kuwelyo nito at bahagya itong itinaas.

“Ano, galit ka?” sabi ni Howell at hindi man lang nagpatinag. “Magaling akong gumawa ng kuwento, kayang-kaya kitang idawit. Kaya dapat hindi lang si Hale ang pinoprotektahan mo—dapat ako rin. Kasi ’pag ako nakulong… isasama kita, Jaxon. Sabay tayong magdurusa.”

They exchanged a fiery eye contact for a few seconds. Hanggang sa tinanggal ni Howell ang pagkakahawak ni Jax sa kuwelyo niya at inunat ang ulo.

“Ah, tanga kasi…” Bulong nito bago tuluyang lumabas ng kuwarto.

Jax was left there. Muli siyang napaupo sa swivel chair at naisandal ang ulo roon. He sighed hardly. Anger was filling him in.

——— At long last, Lyle was freed.

It was eight in the morning when Detective Howell went to his cell along with police officers.

“Laya ka na Heimsworth,” mapangkutyang sabi ni Howell. Minamaliit siya nito. “Pasalamat ka sa koneksiyon ng ate mo. Kung ako lang, hahayaan kitang mabulok rito.”

Binuksan nito ang pinto pero nanatiling nakaupo lang sa gilid si Lyle, tinitingnan lang ang lalaki.

“Ano, narinig mo ba ’ko? Laya ka na, ’wag ka nang magpaawa pa riyan,” dagdag ni Howell. “Marami pa akong gagawin, inaaksaya mo oras ko.”

Ilang sandali pa ay tumayo na si Lyle. Habang naglalakad sa pasilyo ay sari-sari ang pumapasok sa isip niya.

Braelyn was gone at sinisisi ni Lyle ang sarili niya. Siguro, kung hindi niya kinulit si Braelyn noon tungkol sa ebidensiya ay buhay pa ito. Sinisisi ni Lyle ang sarili.

Nadawit na rin ang ate niya. Alam ni Lyle na may sarili itong problema na kinahaharap ngayon, pero nagawa pa niyang dagdagan.

He can’t imagine how worried his mom was. Kung may mangyayaring masama sa mommy niya, Lyle wouldn’t forgive himself.

Wala na rin siyang career dahil sa nangyari. Mahirap mag-damage control sa sitwasyong iyon. Everything has been damaged and destroyed. Walang-wala na siyang babalikan pa.

“Swerte n’yo talagang mayayaman, ano?” biglang sabi ni Howell habang naglalakad sila. “Kahit na anong krimen ang gawin ninyo, nakakalusot kayo. Gaya mo.”

Tiningnan siya ni Lyle nang masama.

“O, galit ka? Totoo naman. Ang dami kong ebidensiya laban sa ’yo. Buwisit kasi ’yang ate mo, papansin.”

Hindi na lang iyon pinansin ni Lyle. Narating nila ang dulo ng pasilyo at naroroon si Avery at Tyler.

Biglang napahawak sa bibig niya si Howell, takot na baka narinig ni Avery ang sinabi niya.

“Leave him here,” ma-awtoridad na utos ni Avery. “Ako na ang bahala.”

Nagtinginan ang mga pulis kay Howell.

“At bakit?” Tanong ni Howell. “Ihahatid namin siya hanggang labas.”

“Maraming tao sa labas,” sagot ni Tyler. “Mas media, may fans din ni Lyle. Masiyadong magulo, magkakagulo lang. Better to leave him here, kami na ang bahala kay Lyle.”

“Kami ang maghahatid sa labas,” mariin na sabi ni Howell, hindi nagpapatinag. “Trabaho namin ’to.”

“Trabaho mo?” Tanong ni Tyler at ngumisi. “Ano ka, body guard?”

Biglang napangiti si Avery. Nagtawanan din ang ibang pulis. Howell felt insulted.

“Kung gusto mong magpapansin sa labas, magpa interview ka but don’t use my brother for clout,” Avery said. “Imagine standing next to Lyle live on TV? Sa pangit mong ’yan?”

Si Tyler naman ang biglang napangiti.

“Please leave Lyle here,” utos ni Tyler. “Wala pa kaming tulog, Avery can roast you all day, hindi ka mananalo.”

Masamang tiningnan sila ni Howell. Maya-maya lang ay umalis na ito at pabalang na isinara ang pinto.

Nang maiwan sila Lyle, Avery at Tyler ay katahimikan ang bumalot sa kanila.

“I guess… I’ll leave you guys here,” sabi ni Tyler. “You need to talk.”

Tinapik niya ang balikat ni Avery at bahagyang nginitian si Lyle. Akmang aalis na si Tyler nang tawagin siya ni Lyle.

“Tyler Scott…”

Lumingon si Tyler at tiningnan si Lyle. Sa totoo lang ay ilang pa rin ang dalawa sa isa’t isa. Mas nahihirapan pa si Tyler na ligawan si Lyle kaysa kay Avery mismo.

“Salamat, kuya…”

That caught Tyler off guard. Lagi siyang tinatawag lang ni Lyle na ‘Tyler Scott’ ‘Tyler’ or ‘Mr. Scott.’

Never siyang tinrato nito na kapamilya. Lyle has always drawn a line between them. Kaya nang marinig niyang tawagin siya nitong ‘Kuya’ sa unang pagkakataon, he felt so good.

“You’re always welcome, Lyle…” Tyler said. He threw Lyle and Avery a final glance and he walked away.

Nang buksan ni Tyler ang pinto ay nagtinginan ang mga taong kanina pa naghihintay sa labas.

Lyle saw Grey, Reese and Missi. Beside them was Reign. Reign raised her hand, saying ‘Hi’ with a smile out of relief. Nagkatitigan sila nang ilang segundo bago muling sumara ang pinto.

“How’s the experience?” tanong ni Avery sa kapatid. “Did someone bother you inside your cell?”

Umiling si Lyle. “I’m good. Hindi na ba talaga naisalba si Braelyn, ate?”

Nawala ang ngiti sa labi ni Avery. Malungkot siyang umiling. “She’s gone.”

Lyle expected that, but he was hoping that she could still be saved. His heart sank. He could feel like he was about to cry.

“Lyle, who did it?” tanong ni Avery. “Kilala mo ang gumawa, ’di ba?”

Tiningnan ni Lyle ang kapatid. Tears were already building up in his eyes.

“Lyle…” nilapitan siya ni Avery at hinawakan ang magkabilang balikat. “You need to tell me what you know. Tutulungan kita—tutulungan ko kayo.”

Lyle looked down and tears fell from his eyes. “Lahat ng tumutulong sa ’kin, napapahamak…”

Umiling si Avery. “Kapatid kita. Kahit na anong mangyari, tutulungan kita. Kaya kailangan mong sabihin sa ’kin kung ano ang nalalaman mo, Lyle. Sabay nating lulutasin ang kaso na ’to at—”

“Ate…” Tiningnan ni Lyle si Avery sa mga mata. “Let me solve this case.”

Hindi nagsalita si Avery. Hinahayaan niyang magsalita ang kapatid.

“Problema ko ito, kakayanin kong lutasin ito. Ako ang tatapos sa problema ko at hindi ko hahayaan na matalo ulit ako,” Lyle assured her sister.

“Are you sure?” Avery asked.

Lyle nodded. “I know you and the rest of the Death Chasers have your own problems to face. Ayaw ko nang makidagdag pa. I can face and win my own battle, I promise you. I am a Heimsworth and we never lose.”

Avery smiled, and Lyle did too. She caressed her brother’s hair.

“Okay, I trust you and I believe in you,” she said. “Make sure you win.”

Sa pagkakataong iyon ay muling bumukas ang pinto at may isang lalaking pumasok. Pareho iyong tiningnan ni Avery at Lyle.

It was Hale Parker.

“Wow, laya ka na nga,” sabi ni Hale at ngiting-ngiti. “Congrats, my friend. How would you like to celebrate?”

Nag-igting ang panga ni Lyle at galit na nakatingin kay Hale.

Hinarap ni Avery si Hale. Tiningnan niya si Lyle at muling tiningnan si Hale.

“Siya ba ’yon, Lyle?” tanong ni Avery habang tinitingnang mabuti ang mukha ni Hale.

Hindi kumibo si Lyle. Nagkuyom lang siya ng kamao.

“Ang alin?” Tanong pabalik ni Hale. Maya-maya ay ngumisi ito. “Jusko naman, Lyle Heimsworth. Nagsumbong ka agad sa ate mo? Ang weak mo naman.”

Napailing si Avery. “So ikaw nga?”

“Ako ang alin?” Tanong ni Hale, nang-aasar.

“Ang pumatay kay Braelyn?” dagdag ni Avery.

Bahagyang nagulat si Hale. Avery said that so loud.

“Innocent until proven guilty, Ms. Heimsworth,” sagot ni Hale sa paratang. “’Wag basta-bastang magbintang. Kaya ka nalaos e.”

Bahagyang tumaas ang kilay ni Avery. Walang takot ang batang ito.

“I came here to negotiate,” Hale said.

“So you’re admitting your crime now, huh?” Avery asked back.

“Let’s say I’m doing you a favor,” Hale added. “’Wag ka nang makialam, hayaan mong kami-kami ang magharap. Go the fuck away and mind your own problem.”

“And what do I get in return?”

“No further charges will be charged against Lyle. Magiging malinis ang record niya. Magsisimula kami ng bagong laban.”

“And what made you think na sasang-ayon ako?”

“Kasi wala kang choice,” Hale said and smirked. “Mahirap akong kalaban.”

May inilabas si Hale na papel at iniabot iyon kay Avery. Nang tingnan ni Avery ang papel ay mabilis siyang nanghina.

Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya si Hale. Halos pagpawisan siya nang malamig.

“One blow, sira ang career mo, ni Tyler, ni Traise, Courtney, Andrius at Casper. Isang galaw ko lang, kawawa sila Neska, Aubrielle… lalong-lalo na ang first love ni lover boy.”

Tiningnan ni Hale si Lyle at ngumisi.

“Si Reign Harriett. Kapag inilabas ko ’yan, back to zero ang buhay ninyong lahat. So tell me, do you still have the guts to say no to me?”

Mabilis na nilukot ni Avery ang papel at nilapitan si Hale.

“What do you want?”

Lyle felt worried. It was the first time that he saw her sister so terrified and mad at the same time.

“Sinabi ko na. Ayaw kong nakikialam ka o kung sino man sa inyo. Sa oras na makialam pa kayo sa laban na ’to, I will make everyone of you feel sorry. Ilalabas ko ito at lahat ng buhay ng mga kaibigan mo masisira.”

“You son of a bitch…” galit na sambit ni Avery.

“Yes I am,” Hale answered confidently. “Kung si Jax takot sa ’yo, puwes ako hindi. Isa ka lang namang laos na prosecutor na feeling relevant pa rin pero ang totoo ay mannerless na feeling bad bitch.”

Hale smirked.

“Remember this face, Avery…”

He then turned deadly serious.

“Before Avery Heimsworth, there was Hale Parker. You will never be on my level, you trash…”

SEASON 2 PART 17

AVERY.

Tahimik na hinihintay ni Tyler si Avery sa loob ng kotse. Iniwanan niya ang magkapatid para mag-usap. He texted Avery that he will just wait for her inside their car.

Gising sila buong gabi sa pagkuha ng ebidensiya na makakapag-acquit kay Lyle sa krimen na ibinibintang dito. Avery and him were on a date that night, only to get faced by a sudden news that Lyle was arrested.

Hinding-hindi titigil si Avery hangga’t hindi nalilinis ang pangalan ng kapatid, alam ni Tyler iyon. Hindi rin naman niya hahayaang maapi si Avery at lahat ng mahal nito.

Tyler was just wishing that everything would go well. Kasi kapag nagmatigas pa si Jax, he might not like the aftermath.

Pumipikit-pikit na ang mata ni Tyler sa sobrang antok nang magulat siya nang biglang may bumukas nang pinto. Sa sobrang sudden ng mga pangyayari ay halos masapak na ni Tyler ang pumasok.

It was Avery.

Matalim ang tingin nito sa kaniya. “Sasapakin mo ’ko?!”

“No, no, hindi,” sabi ni Tyler at umayos ng upo. “Nagulat lang ako, sorry.”

Avery wasn’t smiling. She really looked so pissed.

“Bakit galit ang beshy ko?” Biro niya rito dahil iba ang galit sa awra nito.

But she wasn’t smiling nor laughing. Instead, she just closed her eyes and sighed hard.

“Baby, what’s wrong?” Tyler asked.

Hindi sumasagot si Avery. Nabigla na lang si Tyler nang makitang may luha sa mga mata nito.

“You know you can tell me everything, right?” Tyler asked, reassuring her. “Baby…”

“That kid… is a monster…” sabi ni Avery.

“Hale Parker?” Tanong ni Tyler.

Tumango si Avery. “Tama nga tayo, biggest donor ng Eagle Cult ang Parker Holdings, pag-aari ng pamilya ni Hale. No wonder kung bakit masiyado siyang matapang. Malakas ang batang iyon, hawak niya at ng pamilya niya ang lahat…”

“Did he blackmail you?” Tyler asked.

Avery nodded.

“At tumiklop ka?”

“I had no choice…”

“What did he use to blackmail you?” Tanong ni Tyler. “Is it… really that bad?”

“It is, it really is,” sagot ni Avery. “Remember the secret that us, the Death Chasers, chose to bury forever?”

Nawala ang kunot sa noo ni Tyler.

“The promise to keep the secret of Neska’s father…”

Tyler’s jaw dropped.

“Hale Parker… that kid…”

Tumulo ang luha sa mga ni Avery.

“He knows…”

———

REESE.

“Ang daming paper works, ang sarap nila nguyain isa-isa,” reklamo ni Reese habang inilalagay ang printed paper works niya sa loob ng kaniyang bag. “Ba’t ba kasi ako nag-enroll?”

Kasalukuyan siyang nasa loob ng Library at pinilit tapusin ang mga activities niya sa School.

“Sino ba kasing nag-imbento ng pag-aaral?” inis na tanong ni Reese sa sarili. “Hindi ba puwedeng maging palamunin na lang?”

Pero sa tuwing maiiisip niya na silang dalawa ni Missi ang laging lowest sa exam, namo-motivate siyang mag-aral. Lalo’t lalo nang mas mataas si Hale sa kanila.

“Aba, mas matatanggap ko pang ma-drop out ako sa klase kaysa malamangan sa exams ni Hale ’no!” reklamo ni Missi kung minsan. “Sa chaka niyang ’yon?!”

Pero hindi naman ito nag-aaral. Nag-start ito ng Youtube Channel last week at nawili sa pag-Mu-Mukbang. Nag-viral ang isa nitong Video kaya naman ganado itong mag-Vlog lately.

Reese woke up today and wanted to change her life. No, hindi lang iyon dahil sa gusto niyang malamangan si Hale. Napapansin kasi niya lately na parang walang patutunguhan ang buhay niya. She wasn’t getting any younger.

Kaya nang maaga silang ma-dismiss sa klase ay dumiretso siya sa Library para mag-aral. Wala pang isang oras ay nabagot agad siya.

Nang makuha niya ang lahat ng gamit ay tumayo na siya at lumabas ng Library. Saktong paglabas niya ay napahinto siya nang makita niyang naroroon si Grey at may kausap na isang lalaking estudyante.

“O, ayan pala si Reese,” sabi ng estudyante. “Hindi ko na need ituro. Sige, Pres, see you.”

Kumaway ito kay Grey at kay Reese at tuluyan nang umalis.

Reese gulped.

Hinahanap niya ako? Tanong niya sa sarili.

Grey faced her and smiled.

“Bakit?” Tanong ni Reese at sinusubukang i-compose ang sarili. “Hinahanap mo ’ko?”

Tumango si Grey. “Nandito ka lang pala. Pumunta pa ako sa likod ng building, akala ko kasi tumatambay ka pa roon—hindi na pala.”

Kilalang-kilala talaga siya ni Grey. 

“Bakit mo ako hinahanap? Miss mo na ako agad?” Reese said, trying to shrug off the bitterflies in her stomach.

Napangiti lang si Grey doon. “Puwede.”

Reese laughed nervously. “’Wag kang ganiyan, Pres, baka ma-inlove ako sa ’yo niyan, sige.”

Reese observed Grey’s reaction, if it would be awkward for him or not. Instead, natawa lang ito at napa-iling.

“Actually, I was looking for you to ask you for a—”

“Date?” Pabirong putol ni Reese at pinanliitan si Grey ng mga mata. “Asus, sino ba naman ako para humindi?”

Kumunot ang noo ni Grey. “Paano mo nalaman?”

Awtomatikong nawala ang ngiti sa labi ni Reese. Bahagyang bumuka ang bibig niya, it really took her breath away.

“You’re… asking me for a… date?” Tanong ni Reese.

Tumango si Grey. “A friendly one, maybe.”

Ouch.

Aray.

Sakit.

Pighati.

“Nag-open kasi ng bagong bar ’yong kaibigan namin noong elementary, he was giving away free tickets. Gusto ko sanang suportahan kasi deserve naman niya. May mga guest performer din since opening, may isa pang natira and I was thinking if maybe you could come with me tonight?”

Reese gulped. Hindi niya malaman ang mararamdaman. “Have you ever offered it to someone else?”

Umiling si Grey. “I didn’t bother asking Missi, for sure busy ’yon sa bago niyang hobby. I asked you directly, because I know you love music.”

Sinong hindi aasa sa mga paganito niya? Tanong ni Reese sa sarili.

He knew her hiding placed. He knew her wants, needs, favorites, hates and what-nots. He remembered every little details about her. He knew her well.

“Sure…” sagot ni Reese. “I’ll come with you.”

Lumapad ang ngiti ni Grey dahil doon. “I’ll pick you up in your house, then?”

“No, no,” sabi ni Reese. “Baka makita ka ni Kuya Ivan, mahigpit ’yon.”

“It’s okay, confident naman ako kasi wala akong balak na masama. I can say ‘Hi’ to Sir Ivan,” confident na sabi ni Grey.

“Ikaw ang bahala…” bulong ni Reese.

“Then, see you, Turner,” sabi ni Grey at ginulo ang buhok niya at ngumisi. “Una na ako.”

Habang naglalakad si Grey papalayo ay napahawak si Reese sa dibdib niya at pinakiramdaman ang takbo ng puso niya. Napakabilis niyon.

“Aasa ba ako sa mga paganito niya?” Tanong ni Reese sa sarili habang pinanonood pa rin si Grey.

Maya-maya lang ay napangiti siya sa sarili.

“Aba, siyempre aasa ako. Tama si Missi. Masaktan man ako, at least gwapo ang iiyakan ko.”

Napangisi siya sa sarili.

———

REIGN.

Kasalukuyan ako ngayong nasa loob ng kuwarto ko at nakahiga lang sa kama. Nakatulala lang ako at nakatitig sa kisame.

Tapos ko na lahat ng paper works ko. Nakapaglinis na rin ako ng kwarto, nakipag-Video Call sa mga kapatid ko at nagkapag-grocery kasama si Maki.

Tapos na ang lahat pero alas siete pa lang ng gabi. Tinamad na rin akong mag-Cellphone, pero hindi pa ako inaantok. Wala akong magawa.

Tatlong linggo na simula nang mailibing si Braelyn. Matapos niyon ay bumalik na sa dati ang lahat na para bang wala man lang nangyari. Wala nang nakakaalala ng nangyari. Hindi na pinag-uusapan. The people have moved on so fast, as if nothing really happened at all.

The prosecution dropped their charges against Lyle. Napatunayan daw nila na nag-suicide si Braelyn at tumalon ng School Building. They even found a suicide note from Braelyn—which, for sure, was fabricated. 

The public accepted it, pero kami, hindi. Alam na alam kong si Hale ang may gawa niyon. Lyle even told me na may kasabwat pa ito. Speaking of him, napatunayang inosente si Lyle pero ang damage sa career nito ay hindi na mababago.

Maraming nag-back out na endorsers at maraming offers ang na-cancel. Lyle was really struggling to get his reputation back. Si Hale naman ay nag-lie low lately, pero inaasar pa rin nito si Lyle sa tuwing magkikita sila. Ngingisi ito at iiling.

“Heimsworth, nasaan ate mo?” Tawag nito kay Lyle nang minsang mapadaan si Lyle sa grupo nila Hale na nakatambay sa hallway. “Hindi ka ba magsusumbong?”

Hindi lang ito pinapansin ni Lyle. Pero kung ako lang, sinapak ko na ’yan, e.

Natigil ang pagmumuni-muni ko nang biglang may nag-door bell sa unit ko. Wala naman akong ine-expect na bisita. Kung si Maki naman ay kakatok naman iyon.

Tumayo agad ako at sinilip kung sino man iyon sa peephole. Isang lalaki ang tumambad sa akin. Nakasuot ito ng denim jacket at white hoodie sa loob. Bagsak ang buhok nito at nakasoot ng itim na bilog na salamin.

It was Lyle Heimsworth.

Binuksan ko ang pinto at pareho kaming nagkagulatan.

“Bakit?” Tanong ko agad.

Kumunot ang noo niya. “Wala man lang hello?”

“Okay, hello. Bakit?”

Tumaas ang sulok ng labi ni Lyle. “’Wag kang magsungit sa akin, I find it attractive.”

Nawala ang kunot ng noo ko. A lot have changed, and Lyle becoming this straightforward was one.

“What brings you here, Lyle?” I asked, trying to divert the topic into elsewhere.

Lyle always had this elegant aura. Looking at his sister and his mom, I have always thought na baka nasa pamilya na talaga niyon. Mukha silang mayayaman, mabango. Expensive, ika nga.

Pero ngayon, he didn’t look like it and that’s a complimentt. He had this youthful vibe, like a boyfriend asking you for a sudden road date.

Wait. Boyfriend??? Sa lahat ng example, boyfriend talaga? Reign, what’s on your mind, really?

“What brings me here?” ulit ni Lyle sa tanong ko. “Reign, can’t I visit you whenever I miss you?”

My eyes widened. “Bakit mo naman ako mami-miss?”

He shrugged. “I don’t know, you ask yourself. Hindi mo ako pinapansin sa school, paanong hindi kita mami-miss?”

“Lyle!” Sabi ko, hindi makapaniwala sa sobrang straightforward niya. “Since when did you become this straightforward?”

“Since the day that you ghosted me. I promised myself that I will tell you exactly how I feel, so the next time you ghost me, there will be no regrets,” he bravely answered.

I felt guilty again.

“But I’m giving you no room for ghosting me again, Reign Harriett,” he warned me. “Baka totohanin ko na ang sinasabi ni Hale na sumbongero ako. Isusumbong kita sa ate ko.”

Pareho kaming bahagyang natawa. Nang matigil kami ay doon na nagsalita ulit si Lyle.

“Nag-open ng bar ’yong kaibigan namin noong elementary. He’s a really good guy, kaya I wanted to show my support by showing up. Kaso, I haven’t seen him in a while kaya medyo nahihiya ako, lalo na’t crowded ang lugar for sure. Can you… come with me?”

“Bakit ako?” Tanong ko.

“When I panic because of the crowd, you can hold my hand to calm my heart. You’re the only one who can do that…”

I smiled. “And if I don’t want to?”

“Then, wala akong choice. Mag-isa ang introvert na kagaya ko sa extroverted crowd, nasa gilid at mukhang kawawa. Ka pupunta lang pero gusto nang umuwi. Hindi ka ba naaawa sa ’kin?”

Bahagya akong natawa. “That sounds terrible. Kaya sige, I’ll come with you, Heimsworth. Wait for me for five minutes, magbibihis lang ako.”

Lyle smiled widely. He really looked so happy.

Narating namin ang lugar at marami nang tao. Si Lyle ang nag-drive ng kotse niya at napansin kong isang kamay lang ang gamit niya habang ang isa ay nakapatong sa bandang bintana ng kotse niya. Surprisingly, we had no dull moment inside the car. Rather, it was sexual tension.

Nakita agad si Lyle ng may-ari. They greeted and had a chit chat. Ipinakilala pa ako nito.

“Girlfriend mo?” Tanong nito kay Lyle.

Pareho kaming nagkatinginan ni Lyle. Maya-maya ay ngumiti siya.

“Soon.”

Napahiyaw ang kaibigan niya at ako naman ay namula. Nagpaalam na ito nang dumating na ang ibang bisita. Sobrang daming tao at malalakas ang tugtugin. Nagsasayawan sila at nasa gitna lang kami ni Lyle, nagigitgit ng mga tao.

Magkaharap kami at dikit na dikit sa isa’t isa.

“Nage-enjoy ka ba?” Bulong sa niya sa akin.

Umiling ako.

“Ako rin. Uwi na tayo?” tanong niya.

Bigla akong natawa. “Kakarating lang natin.”

We continued dancing there, smiling and laughing at each other over nothing. Minsan may manunulak at pareho namin titignan nang masama. Nang muli kaming madaanan ng kaibigan ni Lyle at inabutan kami nito ng alak. We don’t usually drink, but for some reason, we drank them. Malakas ang tama agad nito sa amon.

“Soon,” panimula ko. “Sabi mo magiging girlfriend mo ako soon.”

Lyle smiled melancholically. “Was that offensive? Sorry, Reign. I was just—”

“Why?” Tanong ko habang nakatingin sa mga mata niya. “Do you really like me that much?”

Hindi siya makapagsalita. Nakatitig lang siya sa mga mata ko, as if he was gathering strength through it.

“Ganoon ba talaga siya ka-sincere para maghintay ka sa akin nang ganito katagal? At kahit na napakarami na nating kinakaharap na problema, hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman mo sa ’kin?”

Mas lalong dumami ang mga tao at mas lalo silang naging wild. In a snap, sobrang dikit na ng katawan namin ni Lyle. Nakatingala na lang ako sa kaniya at dahil matangkad siya, he was just looking down at me.

“We didn’t start good,” patuloy ko. “I judged you. Sa iba, binibigyan ko pa sila ng benefit of the doubt pero noon, I judged you as someone bad. I painted you as the protagonist na wala nang nagawang tama. That was so bad of me, Lyle. Pero kahit na ganoon ang mga ginawa at nasabi ko, hindi pa rin nagbago ang feelings mo?”

Tumango siya.

“Kahit kaunti?”

“Kahit ni-katiting,” sagot ni Lyle.

Muli kaming natahimik, until he broke the ice.

“Noong gabi sa convenience store, noong niyakap mo ako noong tumatakbo ka…” he started. “I remember it so well. Hindi lang kita mamukhaan noong nawala na ang lasing ko, pero ’yong naramdaman ko dahil sa yakap na ’yon nang gabing iyon… it didn’t go away.”

He smiled at me weakly.

“When I met you, the feelings didn’t fade. It blossomed. You ruined my system, Harriett. Sanay akong mag-isa, pero dumating ang panahon na hinahanap-hanap na kita. I am an independent man who became emotionally invested in you. I hated school, because the people there made me feel alone, but when you came, your presence didn’t make me feel lonely anymore. I was lucky, really lucky, to meet you.”

It felt surreal.

“I know it might be awkward for you to hear, but I no longer like you, Reign, because…”

He paused and met my eyes.

“I love you…”

My lips parted.

“They say love is a choice, but I bet to disagree. I forced myself to like someone else, but I can’t. My feelings for you feel like a maze with no escape. I’m trapped forever,  I guess.”

Dumilim ang paligid at nagsimula ang mabagal na tugtugin.

“Okay lang kung hindi mo ako magugustuhan,” he said and smiled. Okay na sa ’kin ’yong aware ka sa nararamdaman ko pero hindi mo ako nilalayuan.“

I was just looking at his eyes.

“I can always be the man that you can run to, someone you can depend on when things didn’t go well. I’m a low maintenance guy, you don’t need to worry about me. Kung may magustuhan ka mang iba, okay lang. Just let me keep this love for you, that’d be enough. Ganoon kita kamahal.”

Napangiti si Lyle nang biglang may maalala.

“This is my first ever love confession,” he said. “Be proud.”

Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan ni Lyle sa sobrang dikit ng katawan namin. Ramdam ko rin ang lakas ng tibok ng puso niya.

The light became reddish dim light. A love song was playing.

From Lyle’s eyes, my eyes looked down at his lips. I gulped.

“Lyle…” I started. “Kiss me.”

Hindi niya iyon narinig. “Huh?”

“Kiss me…” mahina kong sabi.

Lyle stopped and looked at me. He was rather shocked.

Fine, I’ll do it.

In a snap, I wrapped my hands around his neck. Tumingkayad ako to inch our height.

In a blink of an eye, our lips met.

I kissed him.

Noong una ay hindi gumagalaw si Lyle. Until in a sudden, he wrapped his arms around my waist.

His lips moved—he kissed me back.

SEASON 2 Part 18

Grey and Reese.

Reese was looking at nothing but Grey. Nasa loob sila ng bar na pagmamay-ari ng kaibigan ni Grey. He was talking with his friend, and he was smiling from ear to ear.

Matamis kung ngumiti ito. Iyong tipo ng ngiti na nakakahawa.

Grey was invited to the launch of his friend’s bar, and he invited her as his date.

Date.

I am his date, iyon ang katagang nagpapangiti kay Reese maya’t maya.

In fact, Missi and her had an emergency meeting. Tinanong niya ito kung ano ang dapat niyang suotin.

“Omg ka girl!” Tumitiling sabi nito. “I-push mo na ang aura mo for tonight. Anong peg ba ang gusto mo? Iyong gangster lang na tigasin like your usual self para stay natural ka, gusto mo mukha kang kikay from BGC, or borikat type at ilabas natin ang dalawa mong melons, or peg mo ang sweet, fresh and juicy na purity ang handog?”

It was a long hour of discussion until she came up with one. Gusto niyang magpapansin kay Grey. Kaya kahit hindi siya sanay na mag-dress ay nagsuot siya. Kahit na hindi siya sanay na mag-ayos ng buhok ay ginawa niya. She even let Miss do her makeup.

Pero sa totoo lang, deep within her, she knew what she really wanted to become.

She wanted to look like Reign, at least. Si Reign kasi ay effortless ang pagiging attractive. Iyon bang wala itong ginagawang bagay para magpapansin, pero in modst of the crowd, madali siyang mapansin.

Grey fell for her. Reese wanted to radiate the same aura that Reign has, so that he could see her as equally attractive.

Hindi siya ganitong tao. Hindi siya madaling mainggit. Kaya minsan ay sinasabunutan na lang ni Reese ang sarili para magising sa katotohanan.

Pero sa mga ganitong pagkakataon, sa tuwing ganito ka-precious tingnan si Grey, she would loss all of her senses. She was really that enchanted.

Tumingin sa kaniya si Grey at maya-maya ay lumapit. Siksikan na rin ang mga tao kaya medyo mahirap nang gumalaw.

“Anong nakakangiti?” Tanong ni Reese nang  ngiti nang ngiti si Grey sa kaniya.

“Wala,” sabi nito. “Sabi ng kaibigan ko, ang ganda-ganda mo raw. Inilayo ko para hindi mo marinig, baka kasi sapakin mo bigla.”

Tumawa ito ngunit hindi ngumiti si Reese.

Maybe that’s why he would never fall for her. Si Reign ay isang babae na ang tingin na Grey ay dapat niyang protektahan. Habang siya? Isang palaban na babae na hindi kailangan ng proteksiyon ninuman. She came off as a really strong woman for him, to the point that he didn’t see her as a woman anymore, Reese thought.

“Pero tama siya,” Grey added. “You look beautiful today.”

Reese’s lips parted. Hindi niya ine-expect iyon.

“You look beautiful everyday, mas lalo lang ngayon,” Grey said and smiled once more.

Umiwas ng tingin si Reese, pakiramdam niya ay namumula na ang pisngi niya.

“A-Alis muna ako,” paalam niya.

“Saan ka pupunta?”

“Sa church, gusto na kitang pakasalan.”

Kumunot ang noo ni Grey. Sa sobrang lakas ng tugtugin ay hindi niya iyon narinig.

“Huh?” Tanong ni Grey. “Anong lalakasan?”

Natawa bigla si Reese. Lalong inilakas ang tugtog sa lugar at naghihiyawan na ang mga lasing sa crowd.

“Ang sabi ko, ang cute-cute mo, sana akin ka na lang,” sabi ni Reese, kumpiyansang hindi nito iyon maririnig. “Promise, pagsisilbihan kita, ipagluluto, ipaglalaba, mamahalin—luluhuran.”

“Huuuuh?” Sabi ni Grey. “Wala akong marinig, bakit ka luluhod? May nalaglag ba?”

“Oo, ako. Laglag na laglag na sa ’yo…”

Confusion swallowed Grey more. Tawa lang ang naging tugon ni Reese. Nawala ang ngiti niya nang mapansing biglang napako ang tingin ni Grey sa isang bahagi ng lugar na iyon.

Nang tinginan niya kung ano ang tinitingnan  ni Grey, maging siya ay nagulat.

Reign ang Lyle were standing not so far from there, kissing.

When she looked back at Grey, three words could be seen on his face.

Pain. Regret. Jealousy.

Reese wanted to take Grey’s hand and storm the place together. Before she could even do anything, just like how she feared it, Reign saw them.

——— Reign.

I kissed Lyle.

He kissed back.

Hindi ko malaman kung dahil ba iyon sa confession niya o dahil ba sa tama ng alak, pero isa lang ang sigurado ako.

I will never regret that I did it. It wasn’t just a sudden burst of my emotion. My heart really wanted it.

Attracted na ako kay Lyle.

I was expecting him to freeze, hit my face and walk away as if nothing happened. Instead, Lyle wrapped his hands around my waist, pulled me closer enough for me to feel him and kissed me passionately.

When we stopped, we were chasing our breaths. Pareho kaming napatitig sa isa’t isa at nang walang masabi ay pareho kaming natawa.

“That was awkward,” sabi ko.

“No, it was a dream come true,” Lyle answered back. “You have no idea how long I have been practicing for that. Was I good? Wanna do it again and rate me? I’d make you like it.”

Hinampas ko siya sa noo na ikinatawa rin niya.

Unti-unting nawala ang ngiti ko nang dumapo ang tingin ko sa isang tao sa hindi kalayuan. Nakatitig ito sa amin ni Lyle.

When I recognized his face, para akong binuhusan ng malamig na tubig.

It was Grey.

“Reign?” biglang tanong ni Lyle. “What’s wrong?”

Lumingon si Lyle at tiningnan ang dikreksong iyon. Nakita niya rin si Grey at nawala rin ang ngiti sa labi niya.

Nakita niya ba kami ni Lyle na naghahalikan?

I felt worried, but why should I?

Wala na kami. Matagal na kaming naghiwalay. We parted in good terms, but why do I feel uneasy? Parang ang bigat. It felt like I was caught cheating.

Doon ko lang napansin na kasama niya si Reese at maging ito ay nakatingin din sa amin. Base sa expression ni Reese, they did see us kissing.

I gulped.

Fuck, Reign. Hindi ka guilty. Wala kang ginawa para makaramdam ng guilt.

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

Grey looked at me and threw Lyle a final glance. In a blink of an eye, he turned his back and walked away. Maya-maya ay sinundan siya ni Reese paalis.

He looked hurt. Marami na kaming napagsamahan, alam ko kung ano ang nararamdaman niya base lang sa facial expressions niya.

I gulped. Nananakit ang dibdib ko.

“L-Lyle…” bigla kong saad. “Pupunta muna ako sa CR—”

“CR?” tanong ni Lyle at ngumiti nang mapait. “Mukhang iba ang gusto mong puntahan.”

Hindi ako nakakibo. Ang alam ko lang ay hindi ko rin gustong mag-CR, all I wanted was a space to breathe.

“No,” pagsisinungaling ko. “Kailangan ko lang talaga. Excuse me.”

Akmang aalis na sana ako nang bigla niya akong hawakan sa braso.

“Reign,” he started, his eyes were authoritative. “Come with me, let’s talk.”

———

Sa kabilang dako ay makikita si Grey na lumabas ng building  na iyon. Nakasunod lang sa kaniya si Reese, at kapwa sila mabigat ang dibdib. Patuloy lang sa paglalakad si Grey at bigla itong huminto at lumingon.

“Was it too obvious?” tanong niya.

“Ang alin?” Tanong ni Reese.

“Na nasasaktan ako sa nakita ko?”

It was the first time that she witnessed him being this emotionally wrecked. No tears were on his eyes, but you can feel the sadness in him.

Tumango si Reese sa tanong ni Grey. “Nag-walk out ka, e. Ipinahalata mong nasasaktan ka—na nagselos ka.”

Grey sighed heavily and smiled weakly. “Ah, shit. Akala ko okay na ako, akala ko wala na. But that sight… that scene… hindi ko kayang manood. Para skong dinudurog.”

“I know,” Reese said bitterly too. “Alam na alam ko ang pakiramdam na masaktan habang pinanonood ’yong taong mahal mo na in-love sa iba…”

“Ang hirap, ’di ba?” Tanong ni Grey. “We broke up for good. When I made up my mind to let her go, prepared na prepared ako sa lahat ng mga magiging consequences niyon. Even if those consequences mean seeing her happy with someone else…”

Napailing si Grey sa sarili.

“All this time, akala ko okay na ako. Akala ko kaya ko nang wala na talaga si Reign sa buhay ko. She barely even popped on my mind before. Yes, may mga araw na maaalala ko siya. Pero ingingiti ko na lang, saying to myself that everything happened for a reason, and sometimes, it’s for our character development. I thought, she was my character development.”

“Grey…” Reese uttered, observing him. “You were, and still is, so in love with her…”

Nawala ang ngiti ni Grey at napalunok. “Am I? Still?”

Masakit man para kay Reese, ngunit iyon ang totoo. Kung paano niya ikuwento si Grey kay Missi, ganoong-ganoon ikuwento ni Grey si Reign.

“Have you really moved on?” she asked back.

“I thought so,” Grey added. “Pero ngayong gabi… noong nakita kong iba na ang hinahalikan at kayakap niya… Reese… I… It felt like I was dying. Sobrang sakit. Nanikip ang dibdib ko, nagselos ako… parang… parang maiiyak ako.”

Tears finally filled Grey’s eyes.

“Oh, God…” Grey uttered. “I’m still in love with her… The way Lyle held her, the way they were sharing that moment… Reese, we did those before. I knew how heavenly her lips feel. That was me before… that could’ve been me now. God… I am so in love with her, I don’t know what to do…”

Reese bit her lower lip. Ipinilit niya itago ang luha na kumawala sa mga mata niya. She was hurting too. Wala siyang pag-asa kay Grey, wala siyang laban sa pagmamahal nito para kay Reign. She has accepted her defeat, without even having the chance to fight for it.

“Nag-back to Zero ako, Reese…” he said, his tears finally fell too. “She has moved on, hasn’t she?”

Hindi na sumasagot si Reese. Wala na siyang maramdaman kung hindi ang kirot sa dibdib niya.

———

Reign.

Hinayaan kong dalhin ako ni Lyle sa kung saan man niya ako gustong dalhin. Hawak-hawak niya ang kamay ko at pinipilit naming umalis sa matao at maingay na lugar na iyon.

Dinala niya ako sa likod ng building at doon na pinakawalan ang kamay ko.

“Here,” umpisa niya. “Let’s talk here.”

“Anong pag-uusapan natin?” Tanong ko.

“There’s no need for me to hit around the bush. What was that look, Reign? Bakit ganoon ang naging expression mo nang makita mong nakita tayo ni Grey?”

“Hindi ko alam ang sinasabi mo. Of course, nagulat ako,” paliwanag ko.

“It was more than that. You looked like you wanted to go to him and explain what was happening. Your expression… you looked like you were caught doing something nasty. Does kissing me seem nasty? Nakakahiya ba?”

My eyes widened. “God, No! Hindi ganoon, Lyle. Nagulat lang ako—”

Napahinto ako nang makita kong nag-igting ang mga panga ni Lyle. He looked mad.

“You know you can’t fool me,” he said coldly. “Let’s put it this way. Why did you kiss me?”

Bigla akong natahimik.

“Reign, you can be honest with me,” he said. “Show me your real emotions, even the vulnerable ones. I will never hurt you.”

I sighed.

“So tell me, why did you do that?”

“I find you attractive, Lyle…” I confessed with all honesty. “Sobrang attracted ako sa ’yo lately, hindi ko alam kung bakit, kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya hinalikan kita.”

Kumakabog ang dibdib ko.

Lyle’s lips parted. Namula ang pisngi at tainga niya. It caught him off guard.

“Hindi ko alam kung dahil ba parati kitang kasama, o dahil ba parati kang nandiyan para sa akin, lalong-lalo na kapag kailangan ko ng makakasama. Na kahit na gaano kadelikado ang mundo na ginagalawan ko ngayon, hindi ako masiyadong natatakot dahil alam kong nandiyan ka. Na kahit na talikuran man ako ng mundo, nandiyan ka pa rin para tanggapin ako.”

Tears filled my eyes.

“Lyle, you made a girl like me, who has a really low self-esteem, feel special, loved, and appreciated. I don’t have the confidence about how my face and body, pero sa tueing makikita mo ako, wala kang pinalagpas na pagkakataon para purihin ako. You gave me the will to believe in myself. You gave me the confidence to look at the mirror and remind myself that I am, indeed, beautiful.”

Tumulo ang luha sa mga mata ko at bahagyang ngumiti. Si Lyle din ay nagiging emosyonal na.

“Siguro, ayon ang dahilan kung bakit attracted ako sa ’yo lately. Kung iniisip mong bugso lang iyon ng damdamin, hindi. I will never kiss a guy, unless my heart tells me so.”

“Reign…” panimula ni Lyle at hindi makapaniwala. “S-Sandali. Sobrang… lakas ng kalabog ng dibdib ko… s-sumasakit din ang tiyan ko. Ganito ba ’yong… kilig?”

Bahagya akong natawa at ganoon din siya.

“I don’t see you as the stoned-face, cold and mannerless Lyle. Hindi na ikaw si Mr. Sungit. I guess, I’m starting to see you as Lyle Xavier Heimsworth. I see you as a man now…”

Lyle bit his tongue, pilit na pinipigil ang pagngiti.

“It feels good…” sabi niya at hinigit ang kamay ko. Agad niya akong niyakap nang mahigpit. Ang pisngi ko ay nakasandal sa dibdib niya at ipinatong naman niya ang chin niya sa ulo ko. “Akala ko… habang buhay nang unrequited love ang nararamdaman ko. Salamat, Reign. Thank you for answering my heart’s call. It feels surreal, I can’t even describe—”

“But…” putol ko sa kaniya. “But there’s a problem…”

Doon unti-unting kumalas si Lyle mula sa pagkakayakap sa akin. Tiningnan niya ako at nawala na ang ngiti sa mga labi niya.

“Is it Grey?” Tanong niya.

I nodded.

“Do you… love him still?”

I gulped. “I’ll tell you honestly. Matagal ko nang natanggap na wala na kami ni Grey, na hindi kami para sa isa’t isa. Pero sa tuwing nakikita ko siya, may kirot pa rin sa akin at sa tuwing nagkakatinginan kami, parang pinipisil ang puso ko. Hindi ko alam kung mahal ko pa siya kagaya ng dati, pero may impact pa rin siya sa akin.”

I looked down.

“Kagaya kanina. Noong nakita ko siya, it felt like I was caught cheating to him. Ganoon ang guilt na nararamdaman ko, which is alam kong mali. Hindi ko alam, Lyle, naguguluhan nanaman ako.”

“One question,” Lyle said. “Gusto mo ba siyang mahalin ulit?”

“I’m afraid… mahal ko pa rin ata siya…”

Lyle gulped. “Pero gusto mo na ba siyang makalimutan?”

Tumango ako. “Matagal ko nang ginagawa, pero mahirap. Parang hindi ko kaya.”

“Then use me,” Lyle suggested, determined. “Use me as a distraction, Reign.”

My lips parted.

“Give me all the love that you have for him. Tutulungan kita na kalimutan siya sa kahit na anong paraan. Give me a chance, Reign. I will do better, I will love you better, I will help you move on from him completely. Gagawin ko ang lahat. You said that you are attracted to me already, use that as the foundation. We aren’t starting from scratch.”

Lyle stopped and held my again, then he pressed my palm gently.

“Love Me, Attorney…”

Season 2 Part 19

“Love Me, Attorney…”

Malakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa narinig kong iyon. It felt good that I have someone like Lyle, but I pitied him somehow.

I looked down and sighed.

“Lyle…” panimula ko. “I know, desperate na ako pero hindi ako ganoon kasama para gumamit ng ibang tao.”

“You won’t use me on your will. I volunteer, Reign,” sabi sa akin ni Lyle. “You can use me whenever you want to. Kung sa tuwing maaalala mo si Grey or something reminds you of him, call me. Kung sa tuwing nami-miss mo ang yakap niya, I would give you a hug. If you wanna feel him, I would kiss you delightly. Reign, desperado na rin ako. I wanna be loved. I wanna feel your love… even of his behalf.”

Lalong bumibikat ang dibdib ko.

“Reign, listen to me…” he said. “You may think that it’s not me, that I have changed. Na masiyado ko nang ibinababa ang sarili ko. People may say that I am pitiful, na kawawang-kawawa ako. But Reign, I have been numb for so long. I haven’t loved anyone else this much. I have never felt attracted to anyone else. When you came, you changed me for good. You made feel the emotions that were strangers to me before. Sa ’yo ko lang naramdaman ang saya, ngiti… ang kilig.”

The snobbish Lyle that I once knew smiled at me genuinely.

“I love you, Harriett…” Lyle confessed, his voice was more like a whisper. “Even if you won’t be mine…”

Kinabukasan ay tuliro pa rin ako sa nangyayari. Kinakabahan ako sa mararamdaman ko kung sakaling makita ko si Grey.

A part of me says na dapat ko siyang makita para kung maramdaman ko mang muli ang naramdaman ko kagabi, for sure, mahal ko pa nga talaga siya.

“Reign! Reign!”

Natigil ako sa hallway nang makita ko si Maki. Kumunot ang noo ko dahil pormadong-pormado ito.

“Nag-shopping ka?”

Tumango siya. “Na-receive ko na ang allowance ko, e. Bumili ako ng damit kahapon, nagpagupit at nagpa-facial na rin.”

“Wow!” Sabi ko at bahagyang natawa. “Facial talaga?”

“Oo,” sabi niya at bahagyang sumimangot. “’Yon kasi gusto niya, e. ’Yong well-groomed.”

“Sinong siya?” Tanong ko at nanlaki ang mga mata. “May nililigawan ka?!”

“Sssh!” Sabi ni Maki at tiningnan ang paligid. “’Wag kang maingay!”

“So totoo nga?!” Sabi ko. “Maki, binata ka na!”

“Sssh nga, hindi pa naman kami. Nagkikita pa lang kami, ganoon. Basta, hirap i-explain. Maarte kasi siya.”

Napangiti ako. Maki really looked happy. No wonder kung bakit siya blooming.

“Akala ko tatanda ka nang matanda, e,” sabi ko. “Sa wakas, magagamit na ang putotoy.”

Natawa si Maki sa biro kong iyon.

“Sayang naman ang pagtuli sa akin noong baby pa lang ako kung hindi ko naman magagamit. Ready na si putotoy.”

Nagkatawanan kami nang malakas. Natigil ang tawa ko nang makita ko si Hale sa bandang dulo ng hallway. Kumaway ito sa akin at sumesenyas na sumunod daw ako sa kaniya.

“Maki…” sabi ko. “May naiwan pala ako sa locker ko. Babalikan ko lang.”

“Okay, okay. Kita na lang tayo sa class ha.”

Hindi na ako kumibo at tumalikod na lang. Tinalikuran ko rin ang direksiyon ni Hale. Marami na akong problema, wala na akong balak na dagdagan pa.

Nakakailang hakbang pa lang ako nang biglang mag-ring ang phone ko. Pagtingin ko ay chat iyon sa akin ni Hale. Hindi ko na sana bubuksan pero nang makita kong voice message iyon ay inatake ako ng curiousity. I opened his message and listened to the voice message.

“Oh, God…” A voice uttered. “I’m still in love with her…”

My eyes widened. Kilala ko ang boses niyon. Boses iyon ni Grey.

Lumingon ako at nakita kong muli si Hale sa dulo ng hallway, ikinakaway ang cellphone niya.

Ngumisi siya nang makitang nahuli niya ang curiosity ko.

Hale has it again.

———

Reese and Missi

“Girl, anong ginagawa mo?” tanong ni Reese kay Missi.

Nasa loob sila ng supermarket ngayon at namimili ng mga groceries bago pumasok sa school. Papasok na dapat siya sa school nang bigla siyang tawagan ni Missi at nagpapasamang mag-grocery.

“Namimili, obvious ba?” Sagot ni Missi sa tanong niya. Kumuha ito ng isang pack ng noodles. “Masarap ba ito or ’yong spicy flavor? Kasi last time na kumain ng spicy noodles ang pinsan ko, namaga ang labi niya at mukha siyang Brats. So… I don’t know if worthy ba or what. What do you think?”

“Mas masarap ’yong sea food flavor, but Missi, puwede bang bilisan natin ito? Baka kasi ma-late tayo sa first class, hello?!” Sagot ni Reese.

“Girl, hayaan na natin ang pag-aaral. Ibigay na natin ’yan sa matatalino, ’wag na tayong makigulo. Sila na ang bahala sa talino, tayo na ang bahala sa face value. Ganoon ba, gamitin ang strength ng bawat isa. Division of labor.”

Napailing si Reese. “Ba’t ba kasi ang dami mong binibili, huh? Para saan ba itong mga ’to?”

“Napanood ko kasi sa balita kagabi, mayroon daw bagyo this weekend, keep safe daw at kailangan nating paghandaan. Kaya ito, maghahanda ako sa bahay. Carbonara, Fried Shanghai at Tacos. Attend ka, ha?”

Gustong sabunutan ni Reese ang sarili dahil sa narinig. “Girl, seryoso ka? Alam kong bobo tayong dalawa, pero ba’t sinagad mo naman?!”

“Wow, ako ang bobo?” Sagot ni Missi at hinarap si Reese. “FYI, teh, hindi akoa ng may gusto sa lalaking hindi pa nakakamove on sa ex niya.”

Reese’s eyes widened. “Bakit kailangang mamersonal?!”

Naikuwento niya kasi ang nangyari kay Missi. Lahat ng nangyayari sa kanila ni Grey, sinasabi niya rito. Ito ang nagbibigay sa kaniya ng advices.

“Girl, mas bobo ang abangers na walang kasiguraduhan kaysa sa ’kin na naghahanda para sa bagyo ’no. Duh?!”

Galit na galit si Missi. Obvious ang inis niya sa boses niya.

“Sorry na nga,” sabi ni Reese. “Sige, ako na ang bobo na nag-aabang sa taong never naman siyang gugustuhin.”

“Aba, dapat lang aware ka,” ganti ni Missi. “Lagi mong tatandaan na hindi mo ’yan kaya. Dapat sumuko ka na, ’wag ka na magkaroon ng pag-asa.”

Inirapan niya si Reese at mabilis ba itinulak ang push cart at iniwan ang kaibigan.

“Missi!” Sigaw ni Reese. “Sorry na!”

Hindi lumilingon si Missi ag patuloy lang sa paglalakad. Saktong pagliko niya ng pasilyo ay may na-receive siyang E-Mail. Hindi na sana papansinin iyon ni Missi, pero napa-second glance siya nang mabasa kung sino ang nag-send sa kaniya niyon.

Nanlamig ang mga kamay niya at nanlaki ang mga mata. Her heart started beating fast.

The E-Mail was from Braelyn Yngrid.

———

Reign.

Kinakabahan at nagagalit. Iyon ang dalawang emosyon na bumabalot sa akin habang sinusundan si Hale. Umakyat ito sa third floor at sinundan ko naman siya. Nang pumasok si Hale sa isang bakanteng classroom ay bigla akong napahinto.

Alam kong may pinaplano si Hale. Nananahimik ito lately dahil may inaasikaso ito, and that’s for sure.

Pero dapat ba akong matakot? I am partly scared, I agree, knowing how he and his accomplice disposed Braelyn out of fear of what she knew.

Pero kung habang buhay akong matatakot, hindi ito matitigil. Patuloy lang itong mangyayari. Paano kapag nadawit na ang pamilya ko? Ang mga kapatid ko?

I need to end this. We have to end him.

Pumasok ako sa loob ng classrom. Patay ang ilaw. Binuksan ko iyon at naroroon si Hale sa loob, nakasandal sa teacher’s table at nakangisi sa akin.

“Ayaw mo ng light’s off? Disappointing.”

“Masiyadong mababaw for you to feel disappointed,” sagot ko. “At saka, hindi ka pa ba sanay? Everyone is disappointed of how disgusting of a person you are. Iyon dapat ang bini-big deal mo, hindi kung lights on lights off. Priorities, Hale.”

Imbis na mainis ay lalong lumawak lamang ang pagkakangisi ni Hale. He looked cunning and confident.

“Mahu-hurt na sana ako, kaso naalala ko ang buhay mo. Don’t judge my life kung patapon din ang iyo.”

Ngumisi si Hale at umiling.

“Ewan ko ba sa inyo, ang hilig ninyong magmalinis lahat, pero marurumi rin naman kayo.” He added. “Anyway, hindi ’yan ang sadya natin dito.”

Doon lalong lumawak ang pagkakangisi niya.

“Bakit ka pumunta rito after hearing the voice message? Nakikala mo ba kung sino ang nagsabi n’on?”

My jaw clenched. “Hale, ’wag mong idamay si Grey sa kung ano mang binabalak mo. Leave him alone!”

Umiling si Hale at lalong natutuwa sa reaksyon ko.

“Hindi ko sinabing si Grey ’yon, how did you know?” Pang-aasar niya sa akin. “Why, when he said ‘I love you’ sa voice message na ’yon, do you recall him saying those words to you noong kayo pa?”

“I told you not to fuck around,” I warned him. “Sa atin ang gulo na ’to, Hale. Sa ating tatlo ni Lyle. Kaya please lang, ’wag mong idamay si Grey. Nananahimik siya at—”

Biglang inilabas ni Hale ang isang recorder at pinlay ang kabuuan ng voice message na sinend niya sa akin.

“Ah, shit. Akala ko okay na ako, akala ko wala na. But that sight… that scene… hindi ko kayang manood. Para akong dinudurog.”

My eyes widened. Si Grey nga iyon.

“Ang hirap, ’di ba?” Tanong ni Grey. “We broke up for . When I made up my mind to let her go, prepared na prepared ako sa lahat ng mga magiging consequences niyon. Even if those consequences mean seeing her happy with someone else…”

My lips parted. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at ang sakit-sakit niyon.

“All this time, akala ko okay na ako. Akala ko kaya ko nang wala na talaga si Reign sa buhay ko. She barely even popped on my mind before. Yes, may mga araw na maaalala ko siya. Pero ingingiti ko na lang, saying to myself that everything happened for a reason, and sometimes, it’s for our character development. I thought, she was my character development.”

I felt like crying. Ang hirap na marinig na nasasaktan siya. I still care for him and there’s also a space in my heart for him. Only for him.

“Noong nakita kong iba na ang hinahalikan at kayakap niya… Reese… I… It felt like I was dying. Sobrang sakit. Nanikip ang dibdib ko, nagselos ako… parang… parang maiiyak ako.”

Napapangiti si Hale sa reaksyon ko. Gustong-gusto niyang nasasaktan ako.

“Stop it,” sabi ko. “Itigil mo na ’yan—”

Pero ako ang natigil nang muling mag-play ang recorder.

“Oh, God…” Grey uttered. “I’m still in love with her… The way Lyle held her, the way they were sharing that moment… Reese, we did those before. I knew how heavenly her lips feel. That was me before… that could’ve been me now. God… I am so in love with her, I don’t know what to do…”

Para akong nanghina. My knees were about to disown me because of the things that I have heard.

Nakakapanghina. Napakasakit.

“Masakit?” Pang-aasar ni Hale. “What do you think, Reign? Nagsisisi ka bang hinalikan mo si Lyle dahil nasaktan mo si Grey? Or ginawa mo ’yon at ginamit si Lyle para pagselosin si Grey?”

“Shut up…” tugon ko at may galit sa boses.

“Ah sus, kunwari pa. Malandi ka naman, no need to deny.”

“Were you there?” Tanong ko. “Paano mo nalaman lahat nang ’yan?”

“Ako pa ba? I’ve been telling you, may accomplice ako. Kasabwat. Katulong. Partner. Mind you, sa akin kayo naka-focus, e, mas masahol pa sa akin ’yon.”

Umiling-iling si Hale.

“Mapatumba n’yo man ako, pwes, siya hindi,” ngumisi ito lalo. “Kitang-kita niya kung gaano kayo ka-dramatic lahat kagabi. So, answer my question now. Did you do that para pagselosin si Grey?”

“Wala kang pakialam,” sabat ko. “Ayusin mo na lang ang buhay mo, pwede ba?”

“Ayusin ang buhay? Didn’t you enroll in West Carson High to work as an undercover to hurt Grey’s feelings by making him fall for you? Didn’t you befriend Lyle, not because you wanted to but because he’s your mission? Didn’t you make a huge bucks for unraveling their secrets and breaking Grey’s heart?”

“Manahimik ka na,” sabat ko. “Aalis na ako—”

“Umamin ka na, tayo-tayo pa ba ang maglolokohan? Ginamit mo si Lyle para makuha si Grey. In the end, you dumped both of them to get money. Hindi ka ba nakokonsensya?”

“Okay,” sabi ko. “I was an undercover and they were my mission. I broke Grey’s heart for money, masaya ka na?!”

Ngumisi lalo si Hale. “Sobra. E siya kaya, masaya sa narinig niya?”

May itinuro si Hale sa bandang pintuan at nang tingnan ko ay bigla akong nanlambot.

“Grey…”

He was shocked. He heard everything.

Tumingin si Grey kay Hale, at muling bumalik sa akin.

“Reign…” he sounded wrecked. “Y-You used me?”

SEASON 2 PART 20

“Y-You used me?”

Beat.

Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig. Hindi ko malaman ang gagawin ko. It felt like I was caught stealing something.

“G-Grey…” I muttered. Muling bumuka ang bibig ko pero hindi ko malaman kung ano ang dapat kong sabihin. Parang kinukurot ang puso ko dahil sa galit, sakit at gulat na nasa mga mata niya.

“I’m waiting for your explanation, Reign…” he uttered and he really sounded hurt. He looked at Hale and he looked back at me again. “Was it true? Were you really… an undercover?”

Tears filled my eyes. Hindi ako takot na aminin sa kaniya na dati akong undercover. Kundi takot akong aminin na sinaktan ko siya at ang mga kaibigan niya dahil sa pera.

“Reign… please…” pagmamaka awa ni Grey. “I deserve the truth…”

Silence swallowed the whole room. I can’t talk. I just… can’t.

“I think… you deserve to have the whole room alone,” pang aasar ni Hale at nagsimula nang maglakad palabas ng room. Huminto ito sa pinto at ngumisi sa akin. “Tell Grey everything. Deserve niya malaman ang lahat. Stop being a liar and a user. Tsk. Tsk.”

Ngumisi itong muli bago tumalikod at tuluyang umalis papalayo.

Nang kami na lang ang naiwan ni Grey sa loob ay nagsimula siyang humakbang papalapit sa akin.

“Tell me everything,” he said. “Noong nag-break tayo noon, I knew my mom did something. If she paid you something and you agreed to it, I don’t care. Pero… ano iyong sinabi ni Hale na simula pa lang ay ginagamit mo na ako? Were you planning to use and dump me even before my mom paid you something?”

Ang bigat sa pakiramdam. How can I tell him that he got it right all along, that it was my mission to win his heart and break it after?

I need to run. Hindi ko iyon dapat sagutin. He’s fine now, he might… burst out again if he ever knows the whole truth. I have seen him at his worst state at hindi ako papayag na masira ko siya ulit emotionally.

Tumalikod at nagsimulang maglakad papalayo.

“Reign, don’t leave me hanging, please…” I heard him beg. “I’m ready to hear it no matter how it would hurt me. Reign, please!”

I stopped walking. The sound of his voice was enough to kill me.

“Let me hear the truth so I can finally unlove you…” he added.

That’s when I faced him. Pareho na kaming may luha sa mga mata.

“Anong gusto mong malaman?” Mahinahon kong tanong. “I’ll tell you everything so you…no, so we… can finally move on.”

“Tell me everything from the start,” he told me. “Why did you transfer to West Carson High?”

“I came to your school as an undercover…” I hardly said. Parang nahihirapan akong magsalita.

“What was your mission?” He asked back, but his eyes were telling me that he already knew.

“You and your friends,” I answered. “It was my mission to know each and every one of you.”

“For what?” Tanong niya.

“I was hired by Prosecutor Jaxon Scott. Kinailangan ko kayong kilalanin para malaman niya kung sino ang may motibo sa pagpatay kay Miss Jess.”

Sandaling natahimik si Grey. “Oh, okay… Was I part of your mission?”

My mouth partly opened. I knew where we were heading to.

“Reign, hearing everything makes me think that you framed everything up…” he told me. “Part ba ng mission mo to make me fall for you? All those hugs, all those kisses and I love yous that we shared, was it all part of your plan?”

Grey sighed hard. He was close to actually crying.

“I don’t know if I’mready to hear your answer…” he said. “Hanggang ngayon, sa tuwing naaalala ko iyong mga pinagsamahan natin, iyong tinginan natin sa klase, iyong holding hands bago umuwi at kapag hina-hug mo ako sa tuwing pagod ako after maglaro ng Soccer, Reign… you have no idea how you curved me into who I am today.”

Tears finally escaped his eyes.

“I kept giving other people all the love that I can’t give to myself, until you came. You gave me the love that I didn’t know I badly needed. So please don’t tell me that it was part of your plan….”

“It was part of the plan, Grey…” pag-amin ko. “It was my mission to use you. With or without your mom, masasaktan pa rin kita. Iiwan pa rin kita. I was destined to make and break your heart. I’m really sorry.”

“It was part of your mission to make me fall for you, okay, but was it also part of your plan to fall for me?”

I gulped. Gusto kong maiyak.

“Reign, you can fool everyone but not me. Kahit na may instruction kang sinusundan noon, kahit na it was all for money or whatever that was, alam kong alam mo sa sarili mo na minahal mo rin ako…”

“Grey—”

“I know deep within you that all the kisses and hugs that we shared were real,” he was hurting so bad and I can see it through  his eyes. “Right?”

Should I really tell him the truth? What if it might hold him back from moving on? I wanted to lie so he can hate me. That would be easier for him.

“Don’t even try to lie to me anymore,” he then added, as if he was reading my mind. “I deserve the truth.”

I closed my eyes hardly and opened it again. “You’re right. I was genuine when I kissed and hugged you. Minahal kita nang totoo, Grey, kaya sobrang sakit din sa akin nang kinailangan na kitang iwan. It was never my intention to break your heart. With or without the mission, I knew to myself that I would fall for you. Kaya kung nasaktan kita noon at kung nasaktan din kita ngayon, I’m really sorry. I just… got no other option. I badly needed the money and—”

“Thank you,” putol niya sa akin. “Thank you for telling me the truth and thank you for answering my heart even though you were on a mission.”

“Weren’t you supposed to get mad at me?” Tanong ko sa kaniya.

Umiling siya sa akin. “It was enough for me to know that your feelings were real.”

“Grey…” I muttered. How can someone be this considerate and all?

“I’m mad, I need to admit that. I’m hurting, too… and I don’t know what to do with all the emotions feeling me up now,” he said and smiled weakly. “Reign… I want to cry…”

“Y-You can be mad at me, t-that’s fine. Naiintindihan ko, hindi mo kailangang kimkimin ang lahat. Grey… don’t punish yourself emotionally. It’s all my fault.”

Tears fell once again from his eyes. Sobrang sakit na nakikita siyang nasa ganitong kalagayan. It seemed like he was back to zero again.

“I kept telling everyone that I have moved on from you, that I got no feelings for you anymore. Sinabi ko na rin iyon sa ’yo, kasi iyon ang totoo. Pero after seeing you last night with Lyle, after seeing you kissing him like that and after hearing all the truth from you today… I don’t know. I feel confused. I… I’m hurting so bad.”

Hindi ko alam ang gagawin ko o sasabihin. I never wanted to see Grey hurting this way. Mananagot si Hale sa ginawa niya ngayon. He forced me to tell Grey everything when we were both not emotionally ready.

“Y-You said you’ll love me before with or without your mission,” he said and paused for a while. “I… uh, I kept thinking about it. What about now? You’re no longer on a mission, Reign, what do you feel about me now?”

My jaw partly dropped. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

“Malaya ka na ngayong gawin ang lahat ng gusto mo without any restriction. You… you can love freely without thinking how to end it… Fuck, Reign, I’m sorry…” bigla siyang huminga nang malalim. “My mind is a mess right now, hindi ko na alam kung anong mga pinagsasabi ko, but… I think it’s my right to know… what do you feel about me now?”

What do I feel about him now?

Sa tuwing nakikita ko siya, parati kong naaalala iyong mga panahon na masaya kami. Iyong pagsundo at paghatid niya sa akin noon sa school, iyong mini picnic namin kapag break time, iyong pagpisil niya sa mga daliri ko habang magka hawak-kamay kami na naglalakad pauwi.

Iyong mga pasimpleng sulyapan sa classroom, iyong pagtulong niya sa akin sa mga assignments, lahat. He was a good boyfriend that whenever I think about my ideal relationship, it would also be like what we had. He made me feel loved and treasured. He made sure that my youth was really memorable.

Kaya sa tuwing makikita ko siya, may kirot pa rin sa puso ko. Sa tuwing maririnig ko ang boses niya o maaamoy ang pabango niya, may impact pa rin siya sa akin at alam kong sa sarili ko na never na iyong mawawala.

But I don’t know if it’s still love and I don’t know if I have moved on from him already. Alam ko, oo, magulo. Kahit ako, hindi ko rin alam kung ano ba ang nararamdaman ko. All I know is Grey has a special place in my heart, but I don’t know if it’s worth taking risks again. Ayaw ko na siyang masaktan. Ayaw kong nakikita siyang naghihirap mapasaya lang ako.

He deserved better.

“Grey…” panimula ko. “If… If  I ever tell you what I feel about you now, it might… ruin you again. So I think, it’s the best way if… if we let it be unsaid.”

“Why?” He asked back. “Is it because you still feel the same?”

Hindi ako kumikibo.

“If you still feel the same why are you holding it back?”

“Mabuti na iyong ganon,” I said and my voice broke. My heart was aching badly. “Ayaw kitang masaktan.”

“Well, what I saw last night hurt me already, what makes telling me what you feel about me any difference?” He said back. “I kept telling myself that I got no feelings for you anymore, not until I saw someone else kissing you. Magpapakatotoo na ako. Nagselos ako nang sobra, Reign. I used to be your man, and.. I… I wanted to be your man again. God, I don’t know what I’m saying but that’s what I felt last night.”

He met my eyes sincerely.

“I told you I wanna hear the truth, so I’ll tell you my fair share of truth.”

His eyes became teary again, so did mine,

“I can’t fool myself anymore and the Heaven knows how much will I regret it if I won’t let you know,” he started.  “I loved you before and I love you still, Reign Harriett…”

My lips parted.

Grey gave me a genuine smile.

“It doesn’t matter to me now if you don’t love me anymore,” he said. “Just… let me love you like before…”

Bago pa ako makakibo ay may nagsalita mula sa pinto ng classroom.

“That’s great.”

Sabay kaming napatingin ni Grey sa nagsalita. It was Lyle.

Humakbang ito papalapit sa amin

“Then, dalawa na tayong nagmamahal sa kaniya.” He stopped right beside me.

Lalong bumuka ang bibig ko pero hindi ko malaman kung ano ba ang dapat kong sabihin.

Tumingin sa akin si Lyle. He smiled at me mischievously and confidently, as if he wasn’t threatened by Grey at all.

“But I need to give you a quick heads up, Grey,” Lyle said and faced Grey. His hands were inside his pockets. “There’s something between Reign and I already.”

Suddenly, Lyle took my hand and held it lovingly.

“We’re dating.”

If Grey was shocked, so did I. Nagda-date na ba kami?

“If what you saw last night at the party bothers you that much, let me tell you something. I didn’t kiss her, she kissed me. Now, that answers your question on what does she feel about you now.”

Grey was taken aback. Tumingin siyang muli sa akin bago tumingin kay Lyle.

“K-Kung nagkakamabutihan na kayo, then… there’s no room for me to meddle. I-I’m sorry—”

Lyle scoffed. “You said you love her, so why are you giving up?”

Grey looked at Lyle with questions on his face.

“Nagkakamabutihan pa lang kami, pero hindi pa kami,” Lyle added. “If you love her, fight for her. I’m giving you the chance because I see you as good friend. If I were on your shoes, I’d do everything to have her back.”

“Why are you doing this?” Grey asked back.

“I know you deserve a chance, but I know I can’t just let her go. I know Reign finds me attractive lately, but I know that deep in her heart, she still has feelings for you. Kung pareho natin siyang liligawan, she can evaluate her feelings better. Kung infatuated lang ba siya sa akin lately o baka gusto na niya talaga ako. Or she still loves you, or maybe she was in love with the butterflies that you made her feel, but no longer with you. We can only answer that if she’d give you a chance.”

“Aren’t you scared?” Grey asked.

Tumaas ang sulok ng labi ni Lyle. “You’re an ex and ai’m the present for a reason.”

I sighed. Ano ba itong sitwasyon na ito?

“Fight for the love that you think you can’t live without, Grey,” Lyle said. “But let me tell you this.”

Itinaas ni Lyle ang kamay ko na hawak-hawak niya.

“I love my girl so much, it won’t be an easy fight for you,” he smirked once more. “Sorry in advance.”

SEASON 2 Part 21

Third person POV

.

“I love my girl so much, it won’t be an easy fight for you,” Lyle smirked once more while looking straight into his eyes. “Sorry in advance.”

Grey sighed. For how many times had he sighed since then, he had no idea at all.

Kasalukuyan siyang nasa loob ng kwarto niya, nakaupo sa gilid ng kama at nakatulala sa kawalan.

He didn’t know what exactly rendered him speechless. If it was the revelation from Reign or the love in Lyle’s eyes, he can’t tell which.

There was something about Lyle’s smile that he can’t figure out. He seemed very confident about his love for Reign. He wasn’t afraid at all. As if he knew that he wouldn’t lose.

He closed his eyes hardly and made up his mind. Kinuha niya ang susi ng kotse niya at walang ingay na isinara ang pinto ng kaniyang kwarto.

Rinig na rinig ni Grey ang mahihinang halakhakan na nanggagaling sa kusina. Dahan-dahan siyang bumababa ng hagdan, pinipilit ang sarili na huwag gumawa ng kahit na anong ingay upang hindi magambala ang mga bisita.

“Grey,” biglang tawag ng boses mula sa kusina. Tanaw-tanaw niya ang kaniyang ina at ang mga bisitang nakatingin na rin sa kaniya. “You’re going out?”

Grey smiled and nodded as he zipped his jacket. “Magpapahangin lang po. I won’t stay out late, I promise.”

“Okay, then,” sabi nito at ngumiti. Na-distract na ang mommy niya sa kuwento ng mga bisita at hindi na nito napansin ang paglabas niya ng bahay.

He reached his car and was about to open it, but then he noticed a familiar figure near their garden. Papalapit ito sa kaniya habang bumubuga ng usok mula sa vape nito.

“Hmm, let me guess,” bungad nito. “Hindi ka pinapatulog ng mga narinig mo mula kay Reign, ano?”

Grey sighed out of frustration. If there was someone he wanted to see now, it’s definitely not Hale Parker.

Pero anong magagawa niya? Bumisita ang lolo nito at ngayo’y masayang kausap ang parents niya. If it’s business-related or their political greed, he didn’t give a single damn. Maybe he does, but not tonight. He wanted to ease the pain in his heart tonight or else he might lose his mind.

“Is there anything you wanna say?” tanong ni Grey. “Wala kasi akong pasensiya lately. Say all the things you wanna say, so I don’t have to deal with you anymore.”

Ngumisi lamang si Hale, halatang nang-iinis.

“Go on, makikinig ko,” dagdag ni Grey.

Umiling si Hale habang lalong lumalapad ang ngiti. “Narinig mo lang na type ka pa rin ni baby girl mo, tumatapang ka na ulit. Chill out, man. Hindi ba niya alam na pati siya ay ginagago mo lang?”

That was when Hale hit a nerve.

“Acting like you were really hurt and surprised when you heard that she used you,” Hale mockingly smirked. “Greysen Finch, alam kong alam mo ang totoo. Ang akala ni Reign, ang gamitan na alam mo ay iyong pagiging undercover niya para mahuli ang tatay ni Reese na magnanakaw. Ang hindi niya alam, alam mo rin ang totoong pinasok niya sa West Carson High.”

Hale smoked from his vape and inched their gap. Ibinuga niya ang usok at tiningnan si Grey sa mga mata.

“She’s an undercover agent of Prosecutor Jax Scott and her mission was to unravel all the Class 12-A’s secrets…”

Grey gulped. Hale was provoking him.

“Tingin mo hindi ko malalaman na alam mo? You did your own investigation on her, Grey, and I admit. It was so brave of you to not expose her. Anddd, to still love her nevertheless.”

Grey wouldn’t even dare to act clueless about it. Maraming alam si Hale dahil na rin sa koneksiyon ng pamilya nito.

“At hindi lang basta unravel the secrets of 12-A ha?” dagdag ni Hale at bahagyang tumawa. “It was to find whoever killed Miss Jess. Grey, in love na in love ka sa kaniya tapos siya sinasagot lang ang mga I love yous mo kasi suspect kaniya? Tangina bro, send ka nang send ng sweet messages for sure tapos sine-send lang pala doon sa nagbayad sa kaniya? Yuck, Greysen. If I were you, pahirapan mo ang buhay niya. Sino ba siya, e kutong lupa lang naman ’yon sa school.”

Grey was losing his temper.

Umiling si Hale at pumalatak nang makitang nahuli na niya ang inis ni Grey. “How much did she earn from that, man? Imagine, pinaglaruan niya feelings mo and she’s getting bucks from it? Yet, you protected her. Ni-hindi nga niya alam na hanggang ngayon protected mo siya. You destroyed all the records of her being an undercover. Kung hindi dahil sa ’yo, matagal nang napahamak iyan. Tapos in the end, si Lyle ang pipiliin niya? After all the things that you did just make her safe? What the fuck?”

That’s when Hale hit a nerve.

“Hale, are you lonely?” Putol ni Grey dito.

That caught Hale off guard. Kumunot ang noo nito. “Whats do you mean by lonely?”

Grey shrugged. “I don’t know. You talk a lot, wala ka bang kausap sa inyo? O wala lang talagang gustong kumausap sa ’yo?”

Nawala ang ngisi ni Hale.

“Yes, you’re right,” saad ni Grey. “Maybe, she really did use me. She earned a hefty sum from breaking my heart, whatever. But if she ever wanted to break my heart again, I’m willing to live with a broken heart for the rest of my life. At least, I experienced all those butterflies in the stomach shits. E, ikaw ba, Hale, may na in love na ba sa ’yo?”

Bumuka ang bibig ni Hale ngumit walang lumabas mula roon. He was hurt.

“Or have you ever fallen in love? Like genuinely-without violence involved.”

Hindi nakakibo si Hale. Naglikot ang mga mata nito.

Grey tapped his shoulder. “I think kaya ka ganiyan kasi naghahanap ka lang ng pagmamahal. Mukhang kinulang ka kasi.”

Hale met Grey’s eyes furiously. Grey smirked back.

“Thanks for triggering my emotions, man. Now I wanna go to Reign and see if my heart still flutters whenever I see her, something that you’d never ever feel in your miserable life.”

Muli siyang ngumisi at binuksan ang kotse niya. Nang umandar siya ay nakatingin lang sa kaniya si Hale at alam niyang galit na galit ito.

Too bad for Hale, he’s not the same Grey that he once knew.

Ikinuyom ni Hale ang kamao niya habang pinapanood ang kotse ni Grey na mawala sa paningin niya. Hinding-hindi niya hahayaan na hindi makaganti rito. He felt humiliated.

“Sige lang, Grey,” bulong ni Hale sa hangin. “Do you think this fuck ass show will end with a happy ending? Maghintay ka lang.”

Napangisi siya habang naiisip ang mga bagay na unti-unti niyang isisiwalat sa mga darating na panahon.

“This betrayal will definitely hurt…”


Reign.

Malungkot na nakatitig lang ako sa pagkain na nasa ibabaw ng table ko. Kasalukuyan akong nasa loob ng unit ko at sinubukang magluto, kahit na ang totoo ay hindi naman ako nagugutom. Sa sobrang preoccupied ng isip ko dahil sa nangyaring pag-uusap namin ni Grey, I can’t even think straight. Literal na lumilipad ang isip ko sa kung saan man. Ni-hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi ngayong gabi.

Heto nga’t maging ang niluto kong skinless longganisa ay nasunog. As in itim na itim na siya. Tumunog na nga ang smoke alarm sa unit ko at sa sobrang lutang ko, akala ko kung anong instrumental lang iyon na tumutunog sa Spotify ko. Iniwan ko kasing naka-random play para man lang may background music ang pag-zoom out ko sa mundo dahil sa dami ng iniisip.

Tiningnan kong muli ang sunog na longganisa.

Mukhang matigas na tae ng bata.

I shook my head out of frustration.

Bahala na, laman tiyan din iyan.

Akmang tutusukin ko na iyon ng tinidor nang biglang may mag-door bell sa unit ko. Actually, hindi lang iyon ang unang beses. Kanina pa iyon door bell nang door bell at hindi siya tumitigil, as if that person was giving me no option other than opening that damn door.

Tumayo na ako at padabog na lumapit sa pinto ko.

“Sino ba ’yan?” Tanong ko habang papalapit sa pintuan. “Wala ka bang bahay?”

I knew it was Maki. Sino pa ba?

Ngunit hindi ito sumasagot.

“Sino nga ’yan?” Ulit ko. “Anong pangalan mo?”

“Tonight,” sagot ng lalaki.

Kumunot ang noo ko. It wasn’t Maki’s voice. May accent ang English nito at buong-buo ang boses. Sinilip ko ang peephole at ang nasa kabila ng pinto ay isang matangkad na lalaki. His hair was slicked back. Nakasuot ito ng itim na hoodie at itim na baggy pants.

“Lyle?” Bulong ko sa sarili. “Anong ginagawa nito rito nang ganitong oras?”

Agad-agad kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang ngiti nito. I was a bit petrified. This man was really smiling at me handsomely the moment I opened the door for him. Even his eyes were twinkling. He seemed so soft. Damn.

“Ang sabi ko anong pangalan mo,” I started, just so he wouldn’t notice that my cheeks were slightly burning.

“I answered you,” Lyle said confidently. “I’m tonight.”

I crossed my arms. “And why tonight?”

His lips curved a flirty smile. “’Coz you may call me tonight, sweetheart.”

I rolled my eyes. He acted offended.

“What brought you here?” Tanong kong muli. “May gusto ka bang sabihin?”

Umiling si Lyle. “Sabihin, wala. Gawin, mayroon.”

“Anong gusto mong gawin?” Taka kong tanong.

Ininguso niya ang loob ng unit ko.

Kumunot ang noo ko. What does this guy want?

Muli niyang ininguso ang loob ng unit ko at nang lingunin ko ang itinuturo niya, nahagip ng paningin ko ang kama ko. My eyes widened.

“Lyle Xavier Heimsworth!” I exclaimed. “J-Just because I kissed you once, it doesn’t mean na makukuha mo na ang katawan ko!”

“YOU kissed ME, not the other way around,” ganti ni Lyle. “So kung may predator dito, it’s you, Reign Harriett.”

This guy was making me nuts!

Muli siyang ngumisi.

“I had a photoshoot after school. Sa sobrang tight ng schedule ko kanina, I had no time to eat nor grab a snack,” kuwento niya. “I’m tired and starving as fuck. Amoy bagong luto ang unit mo. You got something for me to eat?”

Bago pa ako makasagot ay bigla na lang siyang pumasok sa loob at hindi na nagpapigil pa. I had no choice but to close the door.

“What did you cook? I love women who cook well-my mom and Ate Avery are great cooks, I think makakasundo mo sila-”

Natigil si Lyle nang makita ang sunog na kanin at sunog na skinless longganisa sa ibabaw ng table ko. Hindi na ako nakakibo sa hiya.

“B-Bakit ka kumakain ng… ng…”

“Ng ano?” Tanong ko habang hiyang-hiya.

Tiningnan niyang muli ang sunog at matigas pa sa bato na skinless longganisa.

“Bakit ka kumakain ng tubol?”

“EXCUSE ME?!” Singhal ko.

Biglang natawa si Lyle dahil sa reaksiyon ko.

“It’s okay, it’s fine. You’re pretty and smart. Enough na iyon. Of course, there are things that you can’t do- you’re not perfect as a person but you’re perfect for me so, it doesn’t matter. I can cook, though. Ako na ang bahala, marami naman ingredients sa TikTok.”

Bigla kong kinurot ang tagiliran niya at natatawa siyang umiwas sa akin.

“Come,” Lyle said. Tinakpan niya ang nakahain kong pagkain sa lamesa. “Let’s go out tonight.”

“A date?” Biro ko sa kaniya.

That’s when his ears turned red. “Is it?”

Tumango ako. “Hindi ba ganoon na rin iyon?”

“Sige lang, paasahin mo lang ako nang paasahin,” Lyle said as he inched our gap. He then stood right in front of me. “Break my heart, Harriett. Play it however you want. Ikaw na ang bahala, I don’t care about the future now.”

I gulped. I didn’t know what to do. Ang alam ko lang ay attracted ako kay Lyle ngayon. Hindi kagaya noon na masasabi ko na wala talaga akong feelings para sa kaniya. However, as time passed by, I knew he grew on me. Hindi lang basta-bastang affection, kundi attraction. The only thing that was stopping me to explore this attraction was Grey.

I knew deep in me that I still love him. Hindi na ata siguro talaga iyon mawawala. Ang hindi ko lang alam ay kung mas lamang ba ang attraction ko kay Lyle or ang natitira ko pang feelings para kay Grey. I can’t say yes to Lyle, dahil ayaw kong pareho kaming masasaktan sa dulo dahil si Grey pala talaga ang gusto ko. I can’t even figure out if the love that I have for Grey is enough to want him back.

Kaya tama lang ang set up na napagkansunduan nilang dalawa. It’s the proper way to evaluate our feelings. Kaya sa ngayon, I will never hold back. I won’t be unfair to any of them. I will give them chance.

“Natahimik ka na,” sabi ni Lyle at umupo sa maliit kong sofa. “Magbihis ka na, kakain lang tayo sa labas. I’ll wait for you here. Patiently. No pressure.”

In a snap, kaharap ko na ulit si Lyle. Sarap na sarap ito sa kinakain nitong Bulalo. Tinikman ko naman ang Pares na binili ko at doon ako nakaramdam ng gutom. Sobrang tahimik naming dalawa at todo kain, siguro dahil na rin sa sobrang gutom. Nagpalinga-linga ako. Puno ang store ngayong gabi at may iba na ngang tumitingin-tingin kay Lyle. Kahit saan naman kasi ay napaka head turner at eye candy ng lalaking ito.

Kinatok ko nang bahagya ang table niya dahil hindi ko na talaga siya makausap. Doon naman siya tumingin sa akin.

“Why?” He asked with a full mouth. “You want mine?”

He offered his soup. Umiling naman ako. “Pinagtitinginan ka na. Okay lang ba sa management mo na may lumabas na picture na may kasama kang babae?”

Uminom muna si Lyle bago ako sagutin.

“So what? It benefits me, though. Para hindi na nila ako i-pair kung kani-kanino.”

Tumangu-tango naman ako at tinanaw ang bintana. Kita kasi mula roon ang Billboard ni Lyle kasama ang isa pang artista.

“E, ikaw ba, prepared ka just in case kumalat pictures natin tonight?” Lyle asked me back.

I shrugged. “Wala na akong pakialam. Bahala sila sa buhay nila. Basta ako, gutom.”

Muli akong kumain at muli rin kaming nanahimik. Pero sa bawat minuto ay nakikita kong tinitingnan-tingnan ako ni Lyle. Bagsak na ang slicked back hair nito sa dami ba naman kasi ng chili oil na ginamit ng loko.

“Ba’t kasi ang dami mong nilagay na Chili Oil?” Tanong ko at inabutan siya ng tissue. Nagsisimula na siayang magpawis.

“Ginaya lang kita,” sabi niya at nagpasalamat para sa tissue. “I kept asking myself why would people do it to themselves. Bakit kailangang saktan pa ang sarili para lang kumain? Fuck these Chilis.”

Bahagya akong natawa dahil naiinis talaga siya.

“Look,” sabi ni Lyle at inilapag sa table ang cellphone niya. “Look at what I bought online, because you weren’t reading my messages.”

“Sorry,” sabi ko at tiningnan ang phone niya.

“Tss,” he jokingly said.

Nang tingnan ko ay mga online books iyon about Dinosaurs.

Napailing ako. “Nagbibinata ka ba? Bakit nahilig ka naman ngayon sa Dinosaurs?”

“I got so bored. Sa kahihintay ko ng reply mo, naka-discover tuloy ako ng bagong Dinosaur.”

“Anong klaseng Dinosaur?” Tanong ko pabalik.

Lyle looked straight into my eyes and smiled shyly. “Imissyousaurus”

Literal na napanganga ako at nanlaki ang mga mata.

Biglang naghiyawan iyong mga kabataan sa kabilang table namin na kanina pa pala nakikinig sa usapan namin.

Si Lyle naman ay namula ang pisngi at nag-iwas ng tingin. “Why were they listening?!”

“Swerte mo naman mada’am,” sabi ng isa. “Lami iyong uyab.”

“Parang dako pa oy,” dagdag ng isa.

Muling nagtilian ang mga kabataan. Ang lalandi!

Si Lyle naman ay hindi na maipinta ang mukha, as if hindi niya kasalanan kung bakit kami inaasar ngayon.

Imissyousaurus?! Really?!

Tinatanaw na rin tuloy kami ng mga taga kusina. Yawa! When I looked at his hand on the table, they were slightly trembling.

“Lyle, do you want me to hold your hand?” Tanong ko.

He looked at me, confused. “Huh?”

“Like this,” I said as I put my hand on top of his.

Unti-unting nawala ang panginginig ng kamay niya pero mas lalong namula ang pinsgi at tainga niya.

“O-Okay ka lang?” Tanong ko. “Gusto mo umalis na tayo ngayon-”

Ako naman ang natigil nang walang anu-ano’y hawakan ni Lyle ang kamay ko nang maigi. Our hands were no longer just touching, his fingers were intertwined with mine.

Bigla akong may naramdaman sa puso ko na hindi ko maipaliwanag. Para itong umaapaw, para itong hinahabol, para bang-

Before I could even process the emotion that was filling me up, a familiar figure showed up beside me. Dala-dala nito ang sarili nitong order at inilagay sa table namin.

“Can I join you guys?” He politely asked, eyes were all on mine.

Lyle’s face hardened.

Mine softened.

It was Grey.

Kung kay Lyle, parang umaapaw ang puso ko at parang hinahabol, kay Grey naman ay kakaiba.

“Hi, Reign…” he greeted with a smile full of nostalgia.

For him, my heart seemed tamed yet yearning.

Yearning for a could’ve been.

Yearning for that happy ending.

Yearning for the endgame.

SEASON 2 Part 22

Reese.

Nakatitig si Reese sa cellphone niya at malalim na bumuntong-hininga. Kanina pa siya nasa balcony nila at hindi makatulog.

“Paano ka ba makakatulog kung iyong crush mo ay pumunta ngayong gabi sa first love niya?” bulong niya sa sarili.

Aayain sana niya si Grey ngayong gabi na pumunta sa kanila dahil may bagong episode na iyong sinusubaybayan nilang series. For the first time in a while, Grey turned him down. When she asked why, isa lang ang naging tugon ni Grey.

“Tonight, I’m taking back what’s mine,” chat nito sa kaniya. “I hope you’d understand, Reese. Sorry.”

Napairap si Reese habang binabasa ang chat ni Grey na ni-long press niya lang at hindi man lang sineen.

“Anong understand? Color blind ako, ’no. Kahit anong mixed signals ibigay mo ’di ko mage-gets ’yan, bobo ako e,” biro ni Reese sa hangin.

Tiningnan niyang muli ang mga posts sa social media ng fan page ni Lyle. Ayon dito, Lyle was seen eating out with his special someone. In fairness, they blurred Reign’s face.

“Taking back ka pang nalalaman d’yan,” bulong ni Reese sa sarili. “O, ayan. Pareho tayong sawi. Karma-karma lang ’yan. Ang happy ni Lyle at Reign, o. Tapos tayo parehong sad. Tayo na lang kasi brad, akala ko ba matalino ka?”

Napailing siya sa sarili habang natatawa. How would she even feel a broken heart, kung lahat na lang ay biro sa kaniya? Maybe that’s why he would never take her seriously. She came out as someone too strong for him.  Too tough to be the woman of his dreams.

Napawi ang pagmumuni-muni niya nang may makita siyang babae na lumabas mula sa kabilang bahay. May dala itong malalaking maleta at mag-isang inilalabas ang mga iyon. Mayroong taxi na nag-aabang para rito.

When the woman looked up to her, their eyes met. It was Everleigh.

“I’m… I’m moving out,” Everleigh shouted. “I… uh, I thought I need to tell someone about it, at least.”

It was the very first time that Reese saw raw emotions on Everleigh’s face.

If Reese was her usual self, sasagutin niya ito ng, ’O, e, anong pakialam ko? Masiyado nang marami ang problema ko, ‘di ko need ang iyo. At bakit sa akin ka nagpapa alam, kamukha ko ba ang mama mo?’

But maybe, she really has grown up. She knew it wasn’t the perfect time for it. Everleigh may be a witch, but she looked different now. She seemed like a different person now.

“Saan ang punta mo?” tanong niya pabalik at tumayo mula sa pagkakaupo. “Saan ka dalahen?”

Everleigh partly smiled. “Somewhere far away. Somewhere far from this… this shitty place.”

Kung mayroon mang makakaintindi rito, it was probably her. Reese knew what Everleigh had gone through. Noong panahong inexpose nila ito upang ipaghiganti si Grey during Everleigh’s acceptance speech para sa leadership award, gumuho ang mundo at pangarap nito.

Everleigh lost the award, so does her dream of being accepted to her dream school. That dream school was the key to her freedom—away from her manipulative mother and self-centered father. Pero dahil hinarang nila ito ni Reign bilang ganti sa ginawa nito kay Grey, Everleigh lost the only way to get freed from her messy family.

Her family looked at her as if she was nothing but a disappointment—a failure. At first, natutuwa si Reese dahil grabe ang kasamaan ni Everleigh noon. She didn’t care what the outcome would be, as long as she’d get that award. She didn’t bother kung ilang buhay man ang masira niya.

There are people who would just shrug that off, like Grey for instance. But for Reese? Maybe, people like her were made so someone could take revenge in behalf of people who can’t fight for themselves. Kaya para kay Reese ay deserve nito ang nararanasan nito.

Akala niya, tama na ang ginawa niya. Seeing Everleigh hit her lows and looking at Everleigh now, somehow, a part of her pitied her and the guilt was definitely hurting her big time.

“Reese, I received an offer to study abroad. Malayo, but I want a breath of fresh air. I want to start all over again.”

“That’s nice,” sagot ni Reese at tinitingnan ang bintana ng kwarto ng parents ni Everleigh. Kitang-kita niya ang anino ng mga tao mula roon. “Pero bakit ikaw lang? Walang maghahatid sa ’yo?”

Tiningnan ni Everleigh ang tinitingnan niya. Everleigh understood what Reese was trying to imply.

“It’s the end of their trophy child’s journey, I guess,” mapait nitong tugon. “They don’t need me anymore. What a relief.”

“Pero anak ka pa rin nila. Ano ba naman iyong ihatid ka sa Airport?” Reese asked back. “Ako naiinis para sa ’yo, ha. You know what, ’wag ka nang bumalik. Dapat lang na bumukod ka na, ’no, baliw din ’yang nanay mo, e. Lakas ng toyo sa ulo, feeling adobo.”

Natawa si Everleigh at ganoon din siya.

“To be honest, I didn’t even think twice when I received the offer. I badly needed this escape.”

“Why?” Reese asked. “You hate your parents that much?”

Umiling siya. “I hate what kind of person I chose to be. It’s not just about my parents, Reese. Siguro nga, pinapaki nila akong ganito. Pero habang tumatanda ako, I realized, naging choice ko rin ang maging ganito. At ayaw ko nang maging ganito. That’s why I want to start all over again. Alam ko sa sarili kong hindi ako ito, that I’m better than this.”

“Ang dami mo nang nasirang tao, ngayon mo lang naisip magbagong buhay? Pasampal muna bago ka tuluyang magbago,” biro ni Reese na ikinangiti nilang dalawa.

Everleigh and her used to be best friends. Nasira lamang ito nang maging keeper si Everleigh ng mga sikreto ng section nila. Everleigh lost her self and just wanted to climb the ladder all the way up without even looking back. She had changed and Reese knew she couldn’t be friends with her anymore. It was out of her morals.

“Reese… it’s getting really late. I need to go,” Everleigh said, her voice was really full of sadness and yet, she could feel how she was yearning for this freedom.

“Good luck, Everleigh,” sagot ni Reese. “Sana mahanap mo ang sarili mo at sana ay hindi ka na mang-apak ng ibang tao para makuha lang ang gusto mo. Karma has its way and it will never go wrong. I hope you learned your lessons and I hope that you’d be happy. Like for real.”

Reese saw how tears started to form and glimmer in Everleigh’s eyes. Nagsimula na rin siyang maluha dahil doon.

“Te, ’wag ka papatalo sa mga foreigner na babae,” Reese suggested. “Balita ko mga palaban ’yon. Hilahin mo ang buhok kapag pinagtripan ka tapos i-lock mo sa cubicle.”

They softly laughed.

“I’m going…” Everleigh said for one last time.

“Bye for now, Senator Miller…”

That’s when Everleigh broke out crying.

“Omg ka girl ’wag ka umiyak!” nataranta si Reese at hindi malaman ang gagawin. “Baka makita ka ng nanay mo at sabihin, inaaway kita. Hoy, magtigil ka! Hindi ako puwede bumaba, wala akong bra!”

Everleigh smilingly wiped off her tears. “Thanks for making me feel better, Reese. I badly needed this conversation. Before I go, let me tell you a secret.”

“Hmm?” Reese asked. “What secret?”

“I know that you like him.”

Unti-unting nawala ang ngiti ni Reese.

“Hindi ko alam kung kailan mo na-realize, but I’m aware that you had fallen for him.”

Reese’s lips parted. “T-Teka ’te, b-ba’t about sa akin na ’to? It’s about you and your mom, kayo ang bida sa chapter na ’to. ’Wag mo ibalik sa akin, ayaw kong mag-sad girl, please lang!”

“Continue that feeling, Reese,” putol ni Everleigh. “Listen to your pounding heart. Feel those butterflies. Because you know what, you’re not starting from scratch.”

Kumunot ang noo ni Reese. “What do you mean?”

“During seventh grade, when we had a camping and you weren’t able to go because you had chicken pox, the class  played truth or dare, Grey chose truth.”

Everleigh paused and smiled at her.

“Levi asked him who his first love was.”

“And?” Reese asked back, gulping.

“He said he didn’t have one. Nagalit kami dahil truth nga ang pinili niya but he was obviously lying. Grey said that he wasn’t lying at all…”

Everleigh was smiling while reminiscing it.

“He didn’t have a first love because he said he was too young for that. Instead, he had a first crush. Like a solid first crush that he was really infatuated to and just… admiring from afar. The kind of crush with stolen glances and shy smiles.”

“Was it Missi?” Reese asked back.

Umiling si Everleigh. “Missi was like a baby sister to him, he said.”

“Was it Braelyn?”

Umiling muli si Everleigh. “She was a really dependable friend to him, Grey explained.”

“Wait, was it you?”

“No!” Everleigh laughingly answered. “You know Grey despised me somehow.”

“Then… was it me?!” Biro ni Reese. “Ako na lang natitirang babae e, unless he likes guys. Pero, malabo. Malabo rin namang magustuhan ako n’on. Ako maty-typean ng isang Greysen Xanford Finch? Huh, asa.”

But this time, Everleigh didn’t say a thing. She didn’t move. She never denied it.

Reese’s eyes widened. “Wait, was it really me?!”

Instead, Everleigh smiled and proudly nodded.

“Yes, you were Greysen’s first crush, Reese Turner…”

———

Lyle.

“Hi, Reign…”

If Lyle only knew how to roll his eyes, he definitely would. Nakatingin si Grey kay Reign at nakangiti lamang.

Lyle asked Reign to eat out so they could spend some time together. Lyle had no idea how on earth did Grey find them.

“Would you sit or you’d just stand there, making eye contacts as if you’re in a movie or something?” Lyle asked rhetorically and drank his drinks.

“Okay lang ba?” Grey finally looked at him.

Lyle shrugged. “Nandito ka na, alangan naman palabasin pa kita?”

Bigla siyang hinampas ni Reign sa hita at pinandilatan ng mata.

Umupo si Grey sa tabi ni Reign. “Hindi man lang ba kayo nagtataka kung paano ko kayo nahanap?”

“How?” Reign asked back.

“On Twitter,” Grey answered at nagsimulang inumin ang sabaw ng pagkain niya. “Someone tweeted that Lyle was seen eating in this restaurant with someone. They blurred Reign’s face, but I knew it was her.”

Tiningnan ni Reign si Lyle at nag-aalala. “Okay lang ba sa management mo?”

“I don’t care,” Lyle answered. “Bahala na sila sa kung anong gagawin nila. I can quit anytime for you.”

“Lyle!” singal ni Reign. “Masisira ang career mo kung—”

“Kung gagawin ko ang gusto ko?” Lyle halted her and smiled playfully. “Reign, I can give up the world for you. Just ask me to.”

Reign’s lips opened but it seemed like it rendered her speechless.

Napailing si Grey at nangingiting pinanonood sila.

“Cute,” komento nito.

Parehong tiningnan ni Reign at Lyle si Grey.

“Grey, sorry—”

“You think so?” Lyle asked back.

Tumango si Grey. “Kaya lang naman ako pumunta rito para kunwari ay tatlo tayo at hindi kayo nagda-date, para walang issue. But hearing things from you, Lyle, I think you can handle it on your own.”

“Really?” Lyle said. “I thought you were here because I asked you to court her again, to see who she likes more. Is it her first love or me, his cute and caring introvert admirer?”

“Lyle, tone down your voice…!” awat ni Reign.

“Tone down your beauty, then,” ganti ni Lyle.

“What?!” Reign reacted.

“What ka rin,” dagdag ni Lyle at pilyong nakangiti.

“You may go now,” Grey suddenly said. “Marami nang tao sa labas at for sure, dadami pa iyan kapag nag-stay ka rito. You may say na wala kang pakialam, Lyle, but you wouldn’t like it if something bad happens. Last time na nagkaroon ng ganito, there were stampedes.”

Nakatingin si Reign sa labas at doon niya napansin ang mga taong nagkukumpulan doon.

“I think, tama si Grey,” Reign said. “I think you should go.”

“I’m not going without you,” Lyle nonchalantly said.

“No, she can stay here,” Grey said. “I can keep her safe, Lyle. I promise.”

Umiling si Lyle. “I may have given you the idea that we can court her, Grey, but tonight, she’s my date. Either I’d leave with her or I’m not moving at all.”

Grey sighed. Reign and him exchanged eye contacts.

“Okay, kung iyan ang gusto mo,” sabi ni Reign at tumayo na. “Tara na.”

Umiling si Lyle. “Take my hand, Harriett. Hold it.”

Reign sighed hard and took his hand. “Happy?”

“So damn much,” Lyle answered back, his ears and cheeks were burning red. Doon lamang ito tumayo.

“Ako na ang magbabayad dito,” pahabol ni Grey. “Just… avoid the crowd, please.”

Habang naglalakad ay unti-unting inaalis ni Reign ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Lyle. When Lyle noticed it, he held it tighter.

“You can’t escape me, Harriett,” Lyle whispered. “Not tonight.”

Reign looked at him with disbelief. “Gusto mo talaga akong mag-viral, ano?”

Nagawi ang tingin ni Reign sa mga canned softdrinks na nasa loob ng chiller. Mukha ni Lyle ang naroroon dahil ini-endorse niya ito. Narating na nila ang pinto ng store at naroroon ang may-ari ng tindahan. Pilit nitong isinasara ang pintuan dahil napakaraming gustong pumasok.

“Ba’t ba nalilimutan kong sikat ka pala talaga at bakit lagi na lang magkakaroon ng stampede kapag lumalabas tayong dalawa?” Reklamo ni Reign. “Nasa labas na ba ang manager mo?”

Lyle nodded while smiling still.

“Lyle, last na ito, ha. Ayaw ko na ng ganitong date.”

Lalong lumawak ang ngiti ni Lyle. “So you agree?”

“That?” Reign asked back.

“That it’s a date…”

Napahinto si Reign at bahagyang bumuka ang bibig. May sasabihin sana ito pero mukhang hindi nito mapagtagpi-tagpi ang gustong sabihin.

“It’s okay to be speechless sometimes, Reign,” Lyle playfully said. “You’re starting to fall for me and it shows…”

Lalong bumuka ang bibig ni Reign na ikinatawa ni Lyle. He let go of her hand and tapped her head.

“See you tomorrow, sweetheart.”

Reign’s cheeks turned burning red.

Bago pa man makapagsalita si Reign ay nagpa alam na siya at binuksan ang pinto. Doon nagkagulo ang mga tao at sinalubong siya. For the very first time, his fans saw him smiling genuinely.

Through his peripheral vision, he saw how Reign blended and turned away from the crowd, making a genius escape.

Sa isang iglap ay pinalibutan si Lyle ng mga tao at maraming nagpapicture at nagpa-sign. Kahit napakaraming kumakausap sa kaniya, ang mga mata naman niya ay may hinahanap mula sa kalayuan.

When Reign finally looked back, she smiled at him and waved her hand.

Lyle couldn’t be happier.

“Oh God,” he thought, “I’m so in love with this woman and he can’t help himself but to fall for her again every single day.”

———

Reign.

Nang makalayo ako sa mga tao ay doon ako lumingon para tingnan ang kalagayan ni Lyle. Looking at him, he seemed like he can handle the crowd on his own.

Besides, simula noong na-frame up siya sa pagkawala ni Braelyn, halos bumagsak ang career niya. Even up to this moment, nasa recovery state pa rin ang career at management niya. Kaya mabuti na rin itong nagkita siya at mga fans niya. At least, he knows that he’s still loved.

Ibang-iba si Lyle ngayon sa mga fans niya. Noon, he seemed too aloof of the crowd. Pero ngayon, he enjoyed their company and it showed.

Nang magtama ang paningin namin ni Lyle ay kumaway ako. He didn’t wave back, afraid that his fans might see me. Instead, he just smiled at me.

When I made sure that Lyle was also safe, I finally turned my back and vanished from his sight. Ilang minuto lang ay naka-receive ako ng chat mula kay Grey.

“Reign, it’s me. If you ever need a ride tonight, tell me. Maybe… you could give me some time tonight kung okay lang sa ’yo. If you’re comfortable. If not, it’s fine. I’d understand.”

As much as I wanted, I had other plans tonight.

“Next time, Grey, I promise. I have plans tonight, really sorry.”

Without waiting for his response, I slid my phone back to my jacket. Itinaas ko ang hood ng jacket ko at nagsimulang maglakad papalayo. Ilang minuto lang ay narating ko ang isang building. Dumaan ako sa likod ng building, sa isang sikretong daan na matagal ko nang pinag-aralan.

Tamamg-tama. Walang tao dahil holiday bukas.

In a blink of an eye, I saw myself inside the prosecution department and right in front of me was the office of Prosecutor Jaxon Scott.

Inilabas ko ang chip na ninakaw ko mula sa bahay ni Detective Howell. Nagkunwari akong binibisita ko ang asawa nitong noong wala ito. Dahil close kami ng asawa niya dahil dati akong nagtrabaho sa convenience store nila, it was a lot easier for me to steal Detective Howell’s chip.

Without any hardship at all, napasok ko ang kwartong iyon at dahan-dahang isinara ang pinto. When I made sure that no one was there, nagsimula akong buksan ang bawat cabinet na naroroon.

Noong mga panahong nagtratrabaho pa ako para sa kaniya, I observed how he kept his pile of evidence. May espesyal siyang pinaglalagyan ng mga ebidensiya na alam niyang sobrang importante at hindi nga ako nagkakamali. Nang makita ko ang hinahanap ko ay halos mangilid ang luha sa mga mata ko.

It was the evidence that Lyle acquired before. Noong nahanap niya ang baseball bat na murder weapon sa pagkamatay ni Miss Jess. Lyle ran a DNA test and found that the fingerprints belonged to Hale. It was the only concerete evidence that can potentially put Hale behind bars, but Prosecutor Jax didn’t submit it.

When I asked Lyle before for a copy, he said he had none. The evidence was illegally acquired and the test was done illegally too. Kaya wala silang ginawang copy.

Thankfully, Prosecutor Jax didn’t destroy it either. Pero bakit? Jax is not this dumb, he knew sooner or later, Lyle will look for it. Anong pinaplano nito?

“It doesn’t matter,” bulong ko sa sarili habang inaayos muli ang mga ginulo ko upang hindi maghinala na may pumasok doon. “Ang mahalaga nakuha ko ito. Now, I just need to go back to Howell’s place and place back his chip—shit!”

Halos mapatili ako nang biglang bumukas ang pinto. Mabilis akong nagtago sa ilalim ng table at pinipigil ang paghinga.

Rinig na rinig ko ang pagtatalo ng dalawang boses at kung paano pumasok ang mga ito sa loob.

“Bwisit kasi ’yang Lyle na ’yan,” rinig kong reklamo ni Hale. “All this time, I thought si Reign ang kalaban ko. Hindi pala. Si Lyle pala. Bwisit ’yan, manang-mana sa ate niya, parehong pakialamero!”

“Hale, hindi ka ba napapagod?” Sagot ni Prosecutor Jax. Nakilala ko ito. “Ako ang napapagod sa dami ng kaaway mo.”

“E paano ba naman—wait, did you leave that cabinet open?”

Napapikit ako nang mapansin nilang nakauwang ang pintuan ng cabinet na nasa harap ko.

“No,” sagot ni Jax. “Did Howell drop by?”

Unti-unting lumalapit ang mga hakbang papunta sa akin. I held my breath, the tension was suffocating me.

Huminto si Jax sa harap ko at akmang isasara ang cabinet nang biglang may nalaglag na ballpen mula roon. The ballpen stopped right in front of me.

FUCK.

Jax knelt down and when he did, our eyes met.

Shit! Tang ina, katapusan ko na!!!!

Kung gaano ako kagulat ay ganoon din si Prosecutor Jax. Lumipat ang tingin nito sa document na hawak-hawak ko.

“What’s taking you so long, Jax?” Hale asked. “Tara na, akala ko ba kukunin mo lang ang jacket mo? Gutom na ako!”

“N-Nothing,” sagot ni Jax at matalim ang tingin sa akin. Bigla itong tumayo at may kinuhang jacket. “Come, I’ll treat you somewhere.”

Kasabay ng unti-unting pagdilim ng kwarto at pagsara ng pinto, ay doon pa lang din ako unti-unting nakahinga.

Prosecutor Jax saved me, for now…

Season 2 Part 23

Missi.

Malalim na ang gabi ngunit ang tanging maririnig lang sa daan ay ang mga yapak ng heels na suot ng isang babae at ang paghigop nito mula sa personalized metal straw nito.

Inalog ni Missi ang iniinom na iced latte at naiinis na sinagot ang tawag ng isang lalaki.

“Hoy Mississipi, nasaan ka?” Halos bulyaw sa kaniya ng nasa kabilang linya.

Tumaas ang kilay ni Missi. “Hoy ka rin, Maki. Puwede ba, ’wag mo akong sigawan? It’s so not nakakalalaki ha!”

“Paanong hindi kita sisigawan, e matapos mo akong pahagilapin ng iced latte mo na ’yan ngayong des oras ng gabi, malalaman ko e wala ka pala sa inyo. Alam mo bang halos pagkamalan akong magnanakaw ng mga kapit-bahay n’yo?”

“Ang tagal mo kasing mag-reply,” naiinip na sabi ni Missi. “So I looked and bought it myself. Duh, if manliligaw ka, do better naman.”

“Hindi ako nanliligaw, okay?” rinig niya ang inis sa boses nito.

Missi smirked. “If not then why did you take an extra mile and really bought one for me at this hour?”

“Kasi tawag ka nang tawag at naawa ako sa ’yo, para kang buntis na naglilihi.”

“And you can’t resist me?” Missi asked. “Awww, you love me that much?”

“Paki-transfer ang pera at baka hindi pa ako makatulog kakaisip dahil magkukulang allowance ko,” sagot ni Maki.

Kaunting hakbang pa ay natanaw na ni Missi si Maki sa ’di kalayuan. Naroroon ito sa gate nila at naka-bike lang. For some reason, Missi smiled to herself.

They were not this close not until last week. May in-attendan s’yang fanmeet ng isang Korean actor and to her surprise, Maki was there. Pareho pala sila ng obsession sa mga Dramas. They spent the whole week sharing thoughts and theories and in a snap, they became close. Pero matapos ang Drama two days ago, Maki wasn’t answering her messages at all.

“Omg ka Maki, I’ve just realized it. Why weren’t you answering my chats pala, did you fall for me? Ba’t ganoon notes mo sa IG, you seem sad. Miss mo ba ako or what? Omg ka ha, do you also imagine my face at night?”

“Ewan ko sa ’yo. Iwan ko na lang ’to sa gate n’yo. Sana makatulog ka nang mahimbing,”

“Hindi ganyan magsabi ng ‘Sweet dreams, baby,’” pang-iinis ni Missi. “But okay, I understand. In denial ka pa sa feelings mo and—”

Hindi na natapos ni Missi ang pang-aasar niya nang bigla siya nitong patayan. He watched Maki rode his bicycle until he vanished from her sight. He didn’t even notice her from afar. Missi shook her head laughingly.

At least, Maki was there for her.

Nang makapasok sa bahay nila ay natigil si Missi nang may mapansing hindi normal. Hindi naka-lock ang gate nila. Siya ang tao sa kanila ngayon dahil nasa business trip ang parents niya. Her biological mom also went to their province. Kaya nga siya lumabas mag-isa dahil nababagot siya sa bahay nila.

“I locked it, I knew to myself that I locked this…” bulong ni Missi sa sarili. She seemed suspicious at first and scratched her head. “Or I did not? Hay, ewan!”

Sa pagsara niya ng pinto, hindi niya alam na isang anino mula sa bintana ang kanina pa nagmamatyag sa kaniya.

The moment Missi went in, she knew to herself that the atmosphere wasn’t normal. It felt like someone was with her.

“Mom? Dad?” Tawag ni Missi at ibinaba ang iniinom sa table. The light wasn’t turning on too. “Hello?”

But then something popped in her mind. Noong naggro-grocery sila noon ni Reese, she received an E-Mail from Braelyn, kahit pumanaw na si Braelyn nang panahong iyon.

At first, she was scared. Minumulto ba siya nito? Or Braelyn was alive all this time? Not until she realized that the E-Mail was future dated. It was sent to her from the past, the very night before Braelyn died.

Wala siyang sinabihan kahit sino man tungkol doon. Not even Reese.

When Missi gathered enough bravery to open it, she was confronted by a dark truth. Braelyn didn’t commit suicide just like what the authorities were saying. SHE WAS MURDERED.

May iniwan na video si Braelyn para kay Missi. Among anyone, Missi was the least suspect for her. Braelyn filmed her life, how she was stalked for days, and how terrified she was for her dear life.

Sa sobrang takot ni Missi ay hindi niya tinapos panoorin ang Video ni Braelyn. Braelyn really did drop names. Sinabi niyang nakita niya si Hale nang gabing mamatay si Selene, ang aktres na kapareha noon ni Lyle.

Braelyn said Hale was with someone.

And she did provide a video. A video of Hale and his accomplice, an evidence of them killing her. Pero hindi iyon pinanood ni Missi. She wasn’t ready. She was gathering enough strength to watch it. She knew if she would watch it, she might do impulsive things that could make Hale get away with it. She was waiting for the perfect time. Hindi niya hahayaang masayang ang tiwala ni Braelyn sa kaniya. Kaya inilagay niya ang video sa isang USB at tuluyang iyong idinelete sa E-Mail niya.

Natigil ang pag-iisip ni Missi nang may marinig na ingay mula sa itaas. Ang kalabog ay nanggaling mula sa kwarto niya. Then realization hit her. Whoever that person upstairs was, they were after that video!

Dali-daling umakyat si Missi at nadatnan niyang nakabukas ang kwarto niya. She hurriedly went inside and found her laptop completely destroyed. Her room was a mess, halatang mayroong pumasok doon at may hinahanap. She opened her cabinet and her heart took a leap.

The USB was still there. Hindi nito iyon nahanap. She took it and held it tightly.

Shit!

Mabilis na lumabas ng kwarto si Missi. The person was still inside her house and now she needed to get out of there. Hindi puwedeng makuha nila ang ebidensiya na ’to. It was the reason why they killed Braelyn and it will be the same reason that would put them behind bars.

Dali-dali siyang nag-dial sa phone niya. Akmang tatawagan niya si Maki para pabalikin ito sa bahay nila nang walang anu-ano’y biglang may tumulak sa kaniya sa hagdan.

In a snap, Missi screamed as she fell to the ground. She hit her head and blood started to flow from it. Kahit na umiikot ang paningin ay natanaw pa rin ni Missi ang tao na naglalakad pababa sa hagdan.

It was Hale.

Humalakhak ito.

“You’re really such a dumbass…” kutya nito.

Mula sa madilim na bahagi ng bahay ay lumabas ang isa pang pigura. Wala itong emosyon. Nakakatakot ito.

When the person reached her, it looked at her pitifully. Kinuha nito ang USB sa kamay niya at umiling.

Tears started to fall from her eyes. Missi felt helpless.

That person was more sinister than Hale ever was.

“Sleep well, sweetheart..,” bulong nito sa kaniya.

Nang maaninagan niya ang mukha nito, Missi recognized it instantly.

It was…

Before she could finish her words, her eyes started slowly closing…

———

Reign.

Tulalang naglalakad ako ngayon pauwi ng bahay. Tiningnan ko ang envelope na hawak ko at malalim na bumuntong-hininga. Ito ang DNA comparison ni Hale sa pumatay sa Miss Jess. After makuha ito ay hindi muna ako umuwi. Naglakad-lakad muna ako at pinag-isipan ang buhay ko.

Now that I got this evidence, what now?

Paano ko magagamit itong document na ito in a way na hindi ito ma-mamanipulate ni Hale? Paano ko ito magagamit sa paraan na hindi ito matwi-twist ni Prosecutor Jax at Detective Howell? If I wouldn’t use it correctly, masasayang at masasayang ito.

Prosecutor Jax wasn’t even threatened about it. Akala ko noong nahuli niya ako ay katapusan ko na. It seemed like he wasn’t scared that I got this document. If he was, dapat kinonfronta na niya ako noong nahuli niya ako, but no. He even hid me from Hale. He distracted him. Somehow, he protected me from Hale.

Dahil ba alam niya ang ugali ng kapatid niya? Alam niyang if Hale saw me there, he might kill me and no one would ever know.

If Prosecutor Jax sees this document as a threat to his brother’s safety, he wouldn’t definitely let me get away with it. Pero hindi, he let me have it. Pero bakit?

Did he have a change of mind?

Napailing ako.

Malabo. Sobrang labo.

“Bahala na,” bulong ko sa sarili. “Ang mahalaga, nakuha ko itong ebidensiya na ’to at ang mahalaga, hindi ako ipinahamak ni Prosecutor Jax.”

“Ba’t ka niya ipapahamak?”

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang lumitaw si Lyle. Kanina pa pala ito nakaupo sa gilid ng entrance ng apartment building ko.

“At anong ebidensya?” dugtong ni Lyle.

My eyes widened. Instead of telling him the truth, my instinct won and I hid the envelope behind me.

Lyle saw it and I saw how the corner of his lips curved.

“Are you hiding something from me, miss ma’am?”

“H-Huh?” I asked back, startled. “K-Kumusta pala ang biglaang fan meet mo kanina? Hindi ba nagalit ang management mo dahil sa ginawa natin? It took them months to build up your career again, pero sa isang kain lang natin sa labas mukhang masisira ulit.”

“Don’t worry about it, ipinaliwanag ko naman sa kanila and they were able to manage any damage it may cause. But please, don’t distract me, Reign Harriett and tell me the truth.”

“Huh?” sagot kong muli. “What truth?”

Lyle shook his head while smiling. “Where did you get that?”

“What do you mean?” Pagmamaang-maangan ko.

“Don’t play with me, sweetheart. Did you steal something from Prosecutor Jax’s office or what?”

My eyes widened. “How did you know?”

Lyle pointed something with his lips. When I looked back, I saw how Prosecutor Jax went out of his car. His car was parked over there, as if he was waiting for me the whole damn time. He wasn’t with Hale this time.

“That’s the reason why I haven’t left yet. I knew you were up to something that’s why that guy was waiting for you.”

Nang marating ni Prosecutor Jax ang kinatatayuan namin ni Lyle ay inilahad niya agad ang kamay niya.

“Give it back,” malamig nitong sabi.

Matalim na tiningnan ko lang siya at mas hinigpitan pa ang hawak ko sa envelope.

“Reign Harriett, give it back while I’m still civil,” banta nito.

“Or what?” sagot ko pabalik. “Papatayin ba ako ng kapatid mo?”

Nagpalinga-linga si Prosecutor Jax, tinitingnan kung may ibang tao bang makakarinig sa amin.

“Alam mo kung anong kayang gawin ni Hale, Reign…” bantang muli ni Prosecutor Jax. “Kaya habang hindi pa niya alam, please, let’s not make unwanted problems.”

“Unwanted problems?” saad ko. “Nakakalimutan mo na atang mamamatay-tao ang kapatid mo?”

Prosecutor Jax’s jaw clenched.

“Just… give it back to me, Reign,” Prosecutor Jax begged. “For old fuck’s sake.”

Bago pa ako makasagot ay kinuha ni Lyle ang envelope sa kamay ko. He opened it and a smirked planted on his lips when he realized what document it was.

“I see why you’re threatened…” sagot ni Lyle. He inched their gap and stopped right in front of Prosecutor Jax. “Let me knock some sense into you, Jaxon Scott. First and foremost, this document isn’t yours. I gave it to you before, before when I thought you were righteous and all. Sa akin ito, and I’m getting it back.”

“Lyle…” Prosecutor Jax started. “Useless ’yang document na ’yan. You know to yourself that it was illegally acquired so in one way or another, you can’t use it in court.”

“If it’s useless then why are you threatened?” Lyle asked back.

Hindi nakasagot si Prosecutor Jax. Ako naman ang ngumisi.

“You chose to side with the devil so be ready to fall hard with your dear brother,” I said. “I won’t be calling you Prosecutor anymore, because honestly, you don’t deserve it, Jaxon Scott…”

We exchanged fierce eye contacts until we heard someone fell down. Doon namin napansin si Maki na bumagsak sa bike nito at panay dugo ang puting damit. May luha ang mga mata nito at mukhang takot na takot.

“Lyle! Reign!” sigaw nito at humagulgol. “S-Si Missi!”

Kinaumagahan ay usap-usapan ang nangyari kay Missi sa buong iskwelahan. Halos lahat ng school GC ay siya ang topic. Ang sabi, nilooban ang bahay nila. Pero alam naming hindi iyon ang nangyari. Alam naming may pakana nanaman ang Hale na iyon, pero hindi lang namin malaman kung bakit niya iyon ginawa kay Missi.

Matapos sabihin ni Maki iyon kagabi, we all went to Missi. She was being revived when we went to the hospital. Lahat ay naroroon, maging si Levi, Nash, Grey, Lyle, Maki, Reese at maging si Everleigh na supposedly ay may flight late at night ay hindi na nag-board sa flight nito.

Malala ang head injury ni Missi to the point na hindi malaman ng mga doktor kung kailan ito magigising. At dahil doon, inimbitahan ang lahat sa school para ipag-pray siya at ang recovery niya.

Lahat ay nasa Gymnasium para sa prayer meeting, maliban kay Hale.

“Bakit wala rito ang demonyo?” Galit na sabi ni Reese. Nakaupo ito sa tabi ko at kanina pa nito hina-hunting si Hale. “Bumalik na sa impyerno?”

“Haven’t seen him for the whole day,” dagdag ni Everleigh na nakaupo sa likuran. “Guilty, e?”

For some reasons, they reconciled.

“Pero anong rason niya para saktan si Missi?” Tanong ni Grey na nasa kaliwa ko. “Just because Missi turned him down for a hundredth time?”

“I’ve been stalking Missi’s private account lately, base sa posts niya, something’s bothering her…” bulong ni Nash na nasa likuran.

“Nakausap ko siya one time noong nagkita kami sa coffee shop. Sabi niya, she knows a secret but now is not the perfect time to spill it,” rason ni Levi.

“Mahilig siya magtanong-tanong sa akin about crimes…” pakikisali ni Maki. “Lagi niya tinatanong kung paano mahuhuli ang taong nakagawa ng perfect crime…”

“Ano ba kasing alam ng babaeng ’yan?” Inis na tanong ni Reese at naluluha na. “Sa sobrang kaka-keep niya ng secret na nalaman niya mukhang dadalhin pa ata niya sa hukay.”

Bahagya kaming natawa lahat pero ramdam namin lahat ang bigat. We lost Braelyn already, and we can’t lose Missi this time.

“Nasaan pala si Lyle?” Tanong ni Levi.

I shrugged.

“Speaking of the devil…”

Lahat kami ay napatingin sa direksyong tinitingnan ni Levi. Pumasok sa Gymnasium si Hale at mukha itong malungkot. Akmang tatayo si Reese pero pinigilan ito ni Grey.

“Not worth it,” Grey said. “It’s a prayer meeting.”

“Kainis kasi mukha niya. Sobrang punchable,” inis na sagot ni Reese bago muling bumalik sa pagkakaupo.

Humarap sa amin si Hale at nang makita kami ay ngumiti ito.

“Sama-sama kayo, a? Sino ililibing?” Sabi nito.

Literal na nanlaki ang mga mata naming lahat at napatayo si Grey, Levi at Maki.

“Gusto mo ipalibing kita? Nakaka gago ka na, a?!” Akmang susugurin ito ni Levi pero hinarang siya ni Nash. Nash didn’t provide any reason, he just shook his head.

“Mananapak ka Levi?” Nang-iinis na tanong ni Hale. “Go on! Ipakilala mo ang sarili mo sa lahat ng fans mo rito. Show them kung gaano ka ka-asal kalye!”

“Isang sapak lang Nash, I’ll just shut this mother fucker up,” nag-iigting na sabi niya Levi.

“No,” saad ni Nash. “It’s not worth it to be ragebaited by that stupid guy. Don’t give me what he wants.”

Levi closed his eyes hardly and sighed hard.

“Bakit walang sumasapak sa tarantado na ’yan?” Galit na sabi ni Maki. “Ako na kung natatakot kayong lahat.”

Hinawakan ko naman ito sa braso para pigilan ito. I knew Hale was up to something and I won’t let him get what he wants.

“’Wag n’yong patulan,” sabi ni Grey sa amin. “Kapag pinatulan n’yo ’yan, magpapa awa lang ’yan. In the end magpapa-victim lang ’yan.”

At mukhang nakinig naman ang lahat maliban kay Everleigh.

“Well, if you’re all scared about the possible consequences, then let me handle this one. I’m flying away anyway.”

Wala nang nakakibo nang lapitan ni Everleigh si Hale habang ang lahat ng mga estudyante ay nanonood.

“Why are you throwing tantrums here, you big fat loser?” salubong sa kaniya ni Everleigh. “Hindi ka ba pinapatulog ng konsensya mo?”

Hale smirked. “Careful with your allegation, you pitiful leech. Baka ikaw ang hindi pinapatulog ng konsensya mo kaya lilipad ka na palayo?”

Umiling si Everleigh. “The only reason why I’m flying away is because there’s a beautiful life that awaits me there. E, ikaw ba? Sa dami ng krimen mo, I guess kulangan na lang ang naghihintay sa ’yo?”

Ngumisi lalo si Hale at maya-maya ay sumeryoso. He then inched their gap.

“Gusto mo atang masaktan?” Tanong ni Hale pabalik.

Bago pa maka-react si Everleigh at isang malakas na sampal ang binigay sa kaniya ni Hale. Sa sobrang lakas niyon ay natumba si Everleigh at namula ang pisngi.

“Everleigh!” sigaw namin.

“Don’t talk bad about me, you motherfucking loser!” Singhal ni Hale kay Everleigh.

Galit na galit ito at parang wala na sa sarili.

Akmang lalapit na kami nang walang anu-ano’y may humawak sa balikat ni Hale mula sa likuran. Marahas nitong iniharap si Hale at sa isang iglap ay napakalakas itong sinapak.

Tumamba rin si Hale sa lupa malapit kung saan tumumba si Everleigh. Naghiyawan ang mga estudyante. Pumutok ang labi nito at nagsimulang dumugo.

When we looked at who did it, my eyes widened.

Lyle was standing there, jaw clenched and fist ready to throw again.

“Don’t you dare hurt my friends ever again…” banta ni Lyle. Galit na galit ito.

Napahawak si Hale sa pumutok niyang labi. Grabe ang pagdudugo niyon.

“Get ready for the consequences, Heimsworth…” banta pabalik ni Hale at idinura ang dugo. “You won’t get away with this…”

“Don’t fucking scare me…” saad ni Lyle. “Bakit mo ginawa kay Missi ’yon? Why the fuck did you try to kill her?!”

Natahimik ang lahat dahil sa pagsigaw ni Lyle. He really seemed furious.

Kahit si Hale ay namutla sa paratang ni Lyle. Literal na ipinarinig iyon ni Lyle sa lahat.

“Tell us. Anong alam ni Missi? Why were you trying so damn hard to silence her?!”

“Lyle…” sagot ni Hale. Hindi na ito ngumingisi. Galit na rin ito. “Watch your fucking words…”

“Oh yeah?” Lyle asked back. “Don’t you ever deny it.”

May hinagis si Lyle na mga dokumento kay Hale at kumalat iyon sa paligid.

“Hindi n’yo ata na-check na may kotse na nakaparada sa tapat ng bahay nila Missi at nakunan kang pumasok sa loob ng bahay nila kagabi?”

Hale’s eyes widened.

“How would you deny that, freak?” Lyle asked, challenging him.

Hindi malaman ni Hale ang sasabihin. Lahat ng mga mata ay nasa kaniya. Nagsimulang maglikot ang mga kamay niya. At maging ang mga kamay niya at nagsimulang manginig.

“There’s no perfect crime, Hale,” Lyle said, jaw cleanched. “Now enjoy your time in jail, you fucking murderer…”

Matagal na natahimik si Hale hanggang maya-maya ay muling tumaas ang sulok ng labi nito.

“Ganito pala ang gusto mo?” tanong nito. Kumunot ang noo ni Lyle at ganoon din ako.

Anong pinaplano nito?

Tumayo si Hale kahit nahihirapan at humarap sa mga tao.

“Imbis na ako ang pagpyestahan n’yo, hindi n’yo ba alam na mayroong legit na murderer ang nagtatago rito sa inyo?”

Nang magtama ang paningin namin ay lalong lumawak ang ngiti niya.

“The leader of the eagle cult’s niece is with us today.”

He started and smiled playfully. Itinuro niya ako sumeryoso.

“Reign Harriett, lahi ng mamamatay-tao…”


Return to top?

Part of a series

Catch Me Attorney Law Series

Part 4 of 4
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.