loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
CHASING HER: The Billionaire's Mistake

CHASING HER: The Billionaire's Mistake

YuChenXi · 7 chapters · 9,337 words

CHAPTER 1:

Mahina na ang kalusugan ng kanyang anak dahil sa sakit nito sa bato at may huli itong kahilingan bago ang operasyon. Ang samahan ito ng kanyang ama na pumunta sa panlibangang parke sa araw ng kanyang kaarawan. Ang makasama ito ng mag isa.

  Lumuhod siya at nakiusap kay Ace na sana tuparin nito ang huling kahilingan ng anak niya. Hindi naman siya nabigo at pumayag ito.

Pero sa araw ng kaarawan ng anak niya ay hindi ito nagpakita. Naghintay sa kanya sa malamig na buong maghapong hanggang sa magsuka na ng dugo ang anak niya at nawalan ng malay.

Mas lumala ang kalagayan ng anak niya at hindi na naagapan pa.

Bago namatay ang anak niya ay tinanong siya nito na may luha sa mga mata. “Mama, bakit mas gusto ni papa ang anak ni tita Belle at hindi ako? Dahil ba sa hindi ako karapatdapat?”

Umalis ang anak niya ng may panghihinayang. Hawak nito ang cellphone at napanuod nito mismo kung paano ipagdiwang ng kanyang ama ang kaarawan ng anak nito kay Belle na inupahan ang buong palaruan para dito.

….

Nakasuot siya ng itim at makapal na jacket pero hindi parin iyon maitago ang manipis niyang pigura. Hindi maitago ang pamumula at pamamaga ng kanyang mga mata dahil sa matinding pag iyak sa pagkawala ng kanyang anak. Si Ashley lang ang mag isang tumunghay sa bangkay ng kanyang anak.

Inilabas niya ang isang pares ng hairpin at marahan iyong isinuot sa kanyang anak. Ang huling regalo na personal pa niyang idinisenyo para dito.

“Maligayang kaarawan, anak ko. Mahal na mahal kita.”

Niyuko ni Ashley ang anak at marahang hinalikan sa nuo. Ang maramdaman ang lamig na dumampi sa kanyang labi ay nagdala na naman sa kanya sa pagluha.

Nalalapit na ang naitakdang oras para sa pagsusunog sa bangkay nito.

Doon lumapit ang isang lalaking tauhan ng purenarya at maayos na nagpaalala. “Paumanhin, hindi pa ba darating ang ama ng bata?”

Nakasaad sa impormasyon na may biyohikal na ama ang bata kaya nito iyon natanong.

“Hindi na siya darating.”

Kalamigan ang tanging nakikita sa kanyang mga mata.

“Wala ng hihintayin?”

Isa din itong ama. At tiyak niyang pagsisisihan din nito ang hindi masilayan ang anak sa mga huling sandali.

“Maghintay?”

Mapaklang napangiti si Ashley. “Kahapon, sobrang lamig at ang aking anak ay naghihintay lamang sa pasukan sa palaruan na matiyagang naghihintay sa kanyang ama. Buong araw siyang naghintay hanggang sa hindi na kaya ng kanyang katawan. Nagsuka siya ng dugo at nahimatay. Ngunit hindi nagpakita ang kanyang ama.”

“At alam mo ba kung saan siya nagpunta? Inupahan niya ang buong palaruan para lang ipagdiwang ang kaarawan ng anak nila ni Belle.”

Hindi nakaimik ang lalaki.

Hindi niya talaga akalain na may ganun palang tao sa mundo na hindi karapatdapat maging isang ama.

Hinapalos ni Ashley ang maputla at malamig ng mukha ng kanyang anak. Bumulong na may paghikbi. “Ipagpatuloy na, huwag ng paghintayin ang anak ko sa kanyang payapang pagpapahinga.”

Nahiling niya na sana ay makahanap ng magandang pamilya ang anak niya sa kabilang buhay. Ang magkaroon ng mabuting ama na magmamahal dito.

At hindi na ito maghihintay pa.

…..

Kalaliman ng gabing taglamig matapos niyang makaalis ng punerarya.

Umupo siya sa likuran ng taxi habang mahigpit na yakap ang mga urn ng kanyang anak.

Tumingin siya sa labas ng bintana na walang ibang makikitang emosyon maliban sa puno ng kalungkutan ang kanyang mga mata.

Madadaan ang paluraan. Gitgitan din ang trapiko kaya bumagal ang takbo ng taxing sinasakyan niya.

Sa mismong harapan nila ay may isang malaking elektronikong screen na naglalahad ng balita.

[Ang presidente ng Mondragon Group, ay inupahan ang buong palaruan para ipagdiwang ang kaarawan ng anak nito para sa naggagandahang mga paputok.]

“Bang!”

“Bang!”

“Bang!”

Hindi mabilang ang makikinang na paputok ang namayani sa kalangitan. At pagkatapos ay may mga linyang lumitaw sa kalagitnaan ng mga iyon.

“Maligarang kaarawan, pinakamamahal kong anak!” iyon ang mababasa sa nakakasilaw na mga paputok.

Hawak ni Ace at Belle ang magkabilang kamay ni Vinice habang suot nito ang naipasadyang kasuotan ni Princess Elsa na siya namang gustong gustong maisuot ng kanyang yumaong anak na si Lesie na madalas naman tawaging Sisi.

Muling namayani ang mga paputok sa mga sumunod na sandali. Sabay na yumuko sina Belle at Ace para gawaran ng halik sa magkabilang pisngi ang kanilang anak.

Doon natigil ang larawan.

“Mas magandang makita kesa ang marinig. Talagang pinalayaw ni Mr. Mondragon ang kanyang anak.”

“Magandang pamilya at ma—-.”

Sa kanyang mga naririnig, nabuo doon ang inggit.

Namumula na ang mga mata ni Ahsley sa pinipigilang mga luha. Binalot niya sa kanyang jacket  ang urn ng kanyang anak para doon itago.

Malungkot niyang naibulong dito. “Anak, huwag mo silang tingnan.”

Ayaw niyang malungkot ito kapag makita kung gaano kasaya ang isang pamilya ng ama nito.

…..

Alas diyes na ng gabi ng makabalik si Ashley sa mansyon ni Ace kung saan siya nakaitra. Sa Hacienda El Cielo.

Mabibigat ang kanyang hakbang na umakyat sa hagdanan at pumasok sa silid ng kanyang anak.

Inimpake niya ang mga gamit ng kanyang anak. Matapos niya iyong maiimpake ay magdamag siyang naupo sa kama nito habang yakap ang urn nito.

Madaling araw na siyang lumabas ng silid ng kanyang anak. Sa pagbaba niya ay nabangga siya ng isang matatag na pigura.

Si Ace.

Hindi siya nito tinignan. Napakalamig ng ekspresyon at walang pakialam tulad ng dati. Wala itong sinabi sa kanya maliban sa tanong nito.

“Nasaan si Sisi?”

“Huh!”

Napangisi si Ashley ng may panunuya.

Ngayon lang nito naalala gayong tatlong araw na ang nakakalipas mula ng mamatay ang kanyang anak.

Seryusong nakatingin sa kanya si Ace na may kasamang pagkadismaya.

“Narito ako para sunduin si Sisi para dalhin sa palaruan.” sabi nito sa malamig na tinig.

Natigilan siya ng marinig niya ang salitang palaruan. Nanikip ang dibdib niya. Hindi niya makakalimutan kung paano nawala ang kanyang anak kasabay ng kung paano nito ipinagdiwang ang anak nito kay Belle.

Nagsuka ng dugo at nawalan ng malay na walang Ace na nagpakita. Sa pagkakataong iyon ay nagreak siya ng maalala ang sinabi ng kanyang anak. “Mama, dumating si papa. Masaya akong makasama si papa, Huwag kang mag alala.”

Alam niyang isa lamang iyong kasinungalingan.

Sa unang pagkakaton ay nagsinungaling ang kanyang anak sa kanya. Malaki ang paniniwala nito na darating ang ama nito. Naghintay ang anak niya mula umaga hanggang gabi pero hindi ito sumipot at nagpakita.

Namula ang kanyang mga mata na nanlilisik na tumingin kay Ace. Malamig na may galit ang boses niyang sumagot dito. “Sunduin? Patay na siya. Saan mo siya susunduin ngayon? Sa kabilang buhay?”

“Tumahimik ka.” Galit na pinapatigil siya nito.

Tahimik? Ito pa ang may ganang magalit gayong hindi ito nakarating sa araw na naghihintay ang anak niya dito. Ina siya si Sisi at paano siya tatahimik kung para na siyang mababaliw dahil sa pagkawala ng anak niya.

“Hindi ka makatwiran.” Hindi na pinagtuunan ng pansin ni Ace si Ashley na tila nababaliw na sa pagkakatitig sa kanya. Binalaan niya itong umayos at huwag magwala.

Paakyat na siya para tawagin mismo si Sisi pero ilang hakbang palang ang naiakyat niya ng tumunog kanyang cellphone. Agad niya iyong kinuha sa bulsa.

Isang malambing na boses ng batang babae ang tumunog sa katamikan ng sala.

“Papa, miss na miss na kita, sasamahan mo ba si Vinvin?”

CHAPTER 2:

Nawala ang galit na ekspresyon sa mukha ni Ace kanina at walang pagdadalawang isip na pumayag.

“Sige.”

Walang pag aatubiling tumalikod si Ace matapos ang usapan nila ng anak nito. Mabilis na naglakad palayo.

Muli, mas pinili ang anak nito kay Belle at nakalimutan ang anak niyang si Sisi.

Pumanhik pabalik si Ashley sa silid ng kanyang anak. Kunuha ang urn at mahigpit iyong niyakap sa kanyang pagkabalisa. Tahimik at marahang hinahaplos iyon sa kanyang mga bisig.

Simula ng bumalik si Belle kasama nito ang anak nilang si Vinice ay naging pangalawang priyoridad na lang sila ni Sisy. Kahit gaano man kaabala sa trabaho si Ace o kalalim ang gabi basta may tawag mula sa mag ina niyang Belle at Vinice ay wala itong pagdadaawang isip.

Wala siyang pakialam kung hindi siya pagtuunan ng pansin ni Ace pero naawa siya sa anak niya. Matiyaga lamang naghihintay sa pagkalinga ng kanyang ama ngunit paulit-ulit lamang itong sinasaktan ni Ace.

Buti na lang hindi na kailanman masasaktan ang anak niya.

Hindi na, kailanman!

…..

Sa unang Ospital sa lungsod ng Quirino, sa pribadong silid. Marahang binuksan ni Ace ang pinto ng silid.

Nagulat pa si Belle ng makita siya at napatanong. “Bakit ka nandito? Diba sinabi mo na pupuntahan mo ang anak mo kay Ashley para sa nakaraang birthday nito?”

Matapos tanungin iyon ni Belle ay makahulugang tinignan nito ang anak. “Vin, tinawagan mo pa ang papa mo-.”

“Papa…”

Patalon pang yumakap si Vinice kay Ace. Umangat ang tingin na namumula ang mga mata. Naiiyak na naglalambing na nagsalita. “Kung wala si papa sa tabi ko, matatakot si Vinvin.”

Marahan namang niyakap ni Ace ang anak. Masuyong hinahaplos ito sa likod para aliwin na nakatingin kay Belle. “Limang taon lamang si Vinice kaya natural lamang na nakakatot ito kapag may sakit. Wala akong ibang pupuntahan ngayon kaya dito lang ako sa kanya. At tungkol naman kay Sisi…Marami pang pagkakataon na mailabas ko siya.”

Dahil sa nabanggit nito si Sisi ay naisip ni Belle ang kalagayan ni Vinice. “Ace, maraming salamat. Nakahanap ka ng katugma ng bato ni Vin. Kung hindi dahil sayo, magiging… ang anak natin.”

Habang sinasabi iyon ay hindi niya mapigilan ang kanyang luha at gustong maiyak.

“Habang nandito ako ay hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa kanya.” pangako ni Ace sa mahinang tono.

“Ace, mabuti na lang talaga nandito ka.” sabi pa nito na marahang sumandal sa balikat ni Ace.

Pinayapa ni Ace sa pagtapik sa likod si Belle at ng sinubukang naman ibalot ni Belle ang kamay sa baywang ni Ace ay agad naman itong umiwas. “Kakausapin ko lang ang mga Doktor na may hawak sa kondisyon ni Vinice. Pwede mo siyang ilabas muna at pupuntahan ko na lang kayo mamaya.”

“Papa, bilisan mo.” matinis na matamis na sabi ni Vinice kay Ace bago ito lumabas ng silid na agad sumakay ng elevator na siya namang pagbukas sa kabila na lumabas doon si Ashley na nagmamadali.

Deretso siya sa opisina ng doktor ng anak niya.

“Miss Diaz, hindi ka pwedeng pumasok.”

Hindi pinansin ni Ashley ang pagpigil ng nurse sa kanya at pilit paring pumasok.

Mabilis siyang nakalapit sa doktor. Namumula ang kanyang mga matang nakiusap sa doktor. “Doktor Castro, sabihin mo sa akin. Sino ang umagaw ng kidney donor ng anak ko.”

Kung hindi dahil sa may umagaw ng kidney donor ng anak niya ay hindi sana ito mamamatay.

“Doktor Castro, nakikiusap ako.”

Narinig niya ang pagbuntong hininga ng doktor kaya siya napaluhod. Gagawin niya ang lahat para lamang malaman ang katotohanan.

“Miss Diaz, hindi ko talaga alam.” tumayo si doktor Castro sa kinauupuan at tinulungan siya sa pagtayo.

Nakatingin sa kanya ang doktor. Nagpakawala ng malalim na paghinga ng makita ang kalagayan niya. Ang bigla niyang pagngangayat sa paglipas lamang ng ilang araw.

Naawa ang doktor sa kalagayan niya. Amg anak nito na nagihintay sa donor ng kidney nito pero ninakaw lang iyon sa mismong gabi ng operasyon nito at doon na mismo ito namatay.

Napakagandang bata at nakapakabait, namatay lang ng ganun.

Bilang isang ina ay talagang hindi katanggap-tanggap.

Pero, hindi talaga alam ng doktor.

Narinig na lang niya na ang anak ng isang mayamang negosyante ay may pagkakatugma…

Pero hindi naman niya iyon masabi dito.

Walang nakuhang kasagutan si Ashley kaya mabigat ang pakiramdam na lumabas sa opisina ng doktor.

Habang naglalakad ay hindi niya napansin ang maliit na pigurang mabilis na tumatakbo palapit sa kanya. Nais niyang abutin ito bago tuluyang matumba pero bago pa man niya ito mahawakan ay may humampas sa kamay niya.

“Huwag mong hawakan ang anak ko.”

Si Belle. Belle Pagbilao.

Binawi ni Ashley ang kamay at kalmadong tumingin dito. Nakita niya kung paano nito protektahan sa mga bisig nito na para ba siyang kaaway. “Kung galit ka, sa akin ka magalit. Huwag sa anak ko. Bata lamang siya kaya huwag kang magalit sa kanya.”

Sarili lang din nito ang kinakausap.

Dahan dahang tumaas ang sulok ng kanyang mga labi. Hindi na niya kailangan tumingin sa paligid para malaman na nasa malapit lang si Ace kaya ito ngayon umaarte na para bang sasakytan niya ang anak nito.

At hindi siya nagkamali.

Pagkasabi pa lang iyon ni Belle ay agad niyang narinig si Ace mula sa likuran niya.

“Ashley, ano na namang kabaliwan ito?”

Inilang hakbang lamang ni Ace ang pagitan para makalapit sa mag ina nito. Nasa mga mata nito ang pagbabanta na nakatitig sa kanya habang nasa likuran na nito ang mag ina.

Ang makita niya kung paano protektahan ni Ace sina Belle at Vinice ay nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib. Mahigpit niyang naikuyom ang mga kamao.

Ang sadya lamang naman niya ay ang pagkamatay ng kanyang anak kaya hindi na siya nakipagtalo sa mga ito. Tumalikod siya at handa ng umalis pero hindi nakaligtas sa paningin niya kung paano yumakap si Vinice sa hita niya na nagpapaawa. “Papa dahil ba sa hindi ka nakadalo sa kaarawan ni Sisi kaya galit ngayon sa akin si Tita Ashley?”

Nanlamig ang pakiramdam niya sa narinig.

Ang eksena ngayon sa harapan niya ay nagpaala sa kanya kung paano unang magkakilala ang anak niya at si Vinice.

Nahulog sa pool si Vinice na agad namang sinakluluhan ni Ace. Sa oras ding iyon ay umiiyak na humihingi ng tawag si Vinice kay Sisi. “Sisi, hindi ka ba masayang kasama ako? Patawad kung hindi ako karapatdapat.”

Humihingi ito ng tawag na para ba nitong ipinapahiwatig na sinadya ni Sisi na itulak ito sa pool.

Galit na galit si Ace at hindi man lang pinakinggan ang paliwanag ni Sisi. Pinagalitan at pinaruhasan na tumayo sa labas ng mag isa para isipin ang pagkakamali.

Ilang oras itong nakatayo sa labas at wala man lang pakialam si Ace.

Sa araw ding iyon ay nagkasakit ito at mataas ang naging lagnat nito ng tatlong araw at tatlong gabi.

Nang magising ito isang gabi ay hindi ito mapigil sa pag iyak at kinumbulsyon. “Mama, naniniwala ka sa akin, diba? Hindi ko naman itinulak si Vinice. Siya mismo ang nagtulak sa akin at nalaglag siya mismo sa pool. Hindi ko talaga siya itinulak, hindi.”

“Huwag ka ng umiyak, tahan na, naniniwala ang mama sayo.”

Niyakap niya ang kanyang anak at pinakalma ito ng paulit ulit pero patuloy lamang ito sa pagiyak. “Bakit hindi naniniwala si papa sa akin?” at ang mismong nakakapagpalungkot dito ay ang pinakamamahal niyang ama ay hindi naniniwala sa kanya.

Ang mga alaalang iyon ay naging mas malamig ang naging tingin ni Ashley kay Vinice.

Dahil sa takot ni Vinice sa naging tingin niya dito ay pumalahaw ito ng iyak. Agad namang hinarang ni Belle ang mga tingin niya sa anak nito. “Ashley, kung galit ka ay huwag…”

Tumaas ang kamay niya at hindi mapigilan ang sariling sampalin si Belle ng ilang beses.

“Smack!”

“Smack!”

“Smack!”

“Ashley, nababaliw ka na ba talaga?”

CHAPTER 3:

Mabilis na pinigilan ni Ace ang kamay ni Ashley na patuloy lang sa pagsampal kay Belle. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.

Ace Mondragon, isang marangal at walang pakialam sa iba na ngayon ay nagbago sa isang iglap alang alang sa kasintahan.

Namumula ang mga mata ni Ashley na napatingin kay Ace. Ang lalaking minahal niya ng sampung taon. Nakaramdam siya ng lungkot sa kanyang puso.

“Oo, matagal na akong baliw.”

Pagkasabi iyon ay itinaas naman niya ang isang kamay at ito naman ngayon ang sinampal niya,

“Ace, tapos na tayo.” mga katagang nais niyang sabihin mula pa ng namatay ang kanyang anak.

Mula ngayon, hindi na siya magpapanipula kay Ace.

Inalis ni Ashley ang pagkakahawak ni Ace sa isa niyang kamay. Namanhid ang kanyang palad sa lakas ng pagsampal niya dito.

Namumula ang pisngi ni Ace na sinampal niya. Lumaki siya na walang nagbubuhat ng kamay sa kanya, ito ang unang pagkakataong sinampal siya ng isang babae.

Nakakatakot ang naging tingin ni Ace kay Ashley na hindi mailarawan ang galit.

“Ikaw…”

Hindi na nagsalita si Ashley at tinalikuran na si Ace bago pa may masabi ito.

Alam niyang hindi naniniwala si Ace sa sinabi niyang tapos na sila.

Kasi nga, sa paningin nito, ay ginawa niya ang lahat para lamang makasama ito. At sa nakalipas na limang taon, nanatili siya sa tabi nito ng walang pangalan.

Ngayong wala na ang kanyang anak, ano pa ang silbi para makasama ito?

…..

Pagkalipas ng tatlong araw, sa mansyon.

Umuwi si Ace na pagod na pagod at walang sumalubong sa kanya ng makapasok siya sa silid nila ni Ashley.

Lumayas si Ashley kasama ang anak nilang si Sisi.

Inilabas niya ang kanyang cellphone para padalhan ng mensahe si Ashley sa unang pagkakataon at sabihan na bumalik ito.

[Bumalik ka.]

Mensahe na mapagutos.

Pagkapadala niya ng mensahe kay Ashley ay agad na nagpakita ang isang kulay pulang tandang padamdam. Kasunod din iyon ay lumitaw sa ibaba ang isang linya ng mensahe ng mga salita: [Naipadala na ang mensahe, ngunit tinanggihan ito ng kabilang partido.]

Ace: “…..”

Hindi niya maipadala ang mensahi dahil hinarang na siya ni Ashley.

Lalong lumamig ang ekspresyon ng mukha niya. Sinubukan din niyang tawagan ito ng paulit ulit pero tulad ng mensahe niya ay hinarang din siya nito. Hindi niya ito matawagan

Mahusay.

Sinundan siya nito sa hospital at hindi pa niya ito nakukompronta tungkol sa ginawa nitong kabaliwan kay Belle at sa anak niya.

…..

Bayan ng Saguday.

Tatlong araw na ang nakakalipas mula ng umalis siya sa mansyon ni Ace sa Hacienda El Cielo at lumipat dito.

Bayan kung saan nakatira ang inang umampon sa kanya.

Ang inang umamapon sa kanya ay ang katulong ng pamilya Mondragon, na nag alaga sa lola ni Ace.

Walong taong gulang siyan ng makatakas sa ampunan kung saan masasama ang mga ugali ng mga tagapangalaga doon. Ng makatakas siya ay nakilala naman siya ang inang umampon sa kanya at si lola Astrid.

Iniligtas siya ng lola ni Ace na si Lola Astrid. Sa tulong at kapangyarihan ng Mondragon ay nabigyan ng hustisya ang ampunan at iba pang nandoon. Wala na siya noong mapuntuhan, doon na siya inampun ng kanyang ina.

Lagi na siyang nakasunod dito kapag pumupunta sa mansyon ng Mondragon.

Kalaunan, hindi din nagtagal ang buhay ng kanyang ina at namatay ito. At sa kanya iniwan ang bahay nito.

Natapos na ni Ashley ang paglilinis ng bahay. Bumaba siya para magtapon ng basura ng biglang may kung sinong humatak sa kanya sa malakas na pwersa. Dahil sa gulat ay nawalan siya ng balanse ng masalo naman siya nito.

Ang nagtatanong na tinig nito sa itaas ng kanyang ulo ay halatang may pagkainis. “Ashley, sino ang nagbigay sayo ng lakas ng loob na harangan ako?”

Umayos ng tayo si Ashley bago tumingin dito.

Titig na ayaw magpato. Katulad ng tubig sa pool na hindi natitinag.

Hindi niya sinagot ang tanong nito, sa halip at mahinahong sinabi dito. “Ace, bitawan mo ako.”

Hindi siya nito pinapakawalan bagkus mas hinipitan ang pagkakahawak sa kanya.

Nang makitang hindi siya nito makakawalan ay itinaas niya ang kanyang paa at malakas niya itong inapakan. Dahil sa sakit sa paa nitong inapakan ni Ashley ay unti unting nanghina ang pagkakahawak nito sa kanya.

Kinuha ni Ashley ang pagkakataong iyon para tuluyang makawala dito. Tumalikod at mabilis na umakyat pataas.

“Hindi ka makakatakas, Ashley.” Malalim ang tinig na sabi ni Ace na agad din siya nitong naabutan sa malalaki nitong hakbang at muli siyang nahawakan.

“Huwag mo akong hawakan.” pagpupumiglas ni Ashley kay Ace sa pagkakahawak nito sa kanya.

Tinignan siya nito ng may mapagmatang titig dahil sa kanyang kakaibang ikinikilos. At may sinabi sa mapaglarong tinig. “Hindi pa kita nahahawakan sa kung saan, huh!” Makahaulgan nitong sabi.

Agag na nanlamig ang mukha ni Ashley, mariing napapikit. Malamig at matigas ang boses na sumagot dito. “Ace, sinabi ko sayong tapos na tayo.”

Natigilan ito.

Matapos niya iyong sabihin ay nagmamadali siyang tumalikod at mabilis na naglakad paakyat.

Tanging tingin na lang ang nakasunod sa likod ni Ashley. Madilim ang mga mata niyang nakasandal sa gilid ng kotse na nakatingin sa inakyatan ni Ashley.

…..

Sa ikatlong palapag gusali ng marating ni Ashley ang kanyang bahay.

Binuksan niya ang pinto at pumasok. Isasara na sana niya ang pinto nang may mga kamay na humarang doon.

Si Ace. Sinundan parin siya ni Ace.

Bago pa man siya muling makapagreak ay agad siyang pumasok dala ang mga regalo nito sa kanilang anak.

“Sisi, halika. May dala si papa na mga regalo para sayo.”

Katahimkan. Wala siyang tugon na narinig mula kay Sisi kaya siya natigilan.

Bagamat hindi ito tulad ni Vinice na agad siyang yayakapin at maglalambing kapag nakikita siya ay sa tuwing naririnig siya nito at tatawagin ay agad itong sasagot at lalapit sa kanya. At tatawagin siyang “papa.”

“Hindi pa ba bumabangon si Sisi? Ako na ang gigising sa kanya.”

Ibinaba ni Ace ang mga regalo niya at naglakad ng patungo sa kwarto.

Natigilan siya. Maayos ang kama at walang Sisi na natutulog sa kama. Iginala niya ang tingin sa paligid. Wala siyang makitang tao sa kwarto pero nakita naman niya ang mga damit ni Sisi na maayos na nakasabit sa kabinet kasama ang damit ni Ashley.

“Nasaan si Sisi?” Tanong ni Ace kay ashley ng lumabas ito ng kwarto.

Nakatayo parin ito sa may pinto habang nakatingin sa mga regaling dala niya. Hindi niya mabasa ang ekspresyon nito.

“Sisi?” iyon ang pinakamalamig na tinig na narinig niya mula dito. “Hindi mo na siya kailanman makikita.”

“Anong ibig mong sabihin.”

Nagdilim ang ekspresyon ni Ace.

Itinago ba nito si Lesie?

Hindi sumagot si Ashley.

Naglakad siya palapit sa lamesa kung saan inilapag ni Ace ang mga regalo nito sa anak niya. Nanginginig ang mga kamay niyang kinuha doon ang damit ni Princess Elsa sa mga regalo nito. Namumula na ang kanyang mga mata.

Ito ang pinakahihiling ni Lesie na iregalo ng ama nito.

Nangako siyang ibibigay nito iyon sa anak niya.

Ngunit sa huli ay isuot muna iyon ni Vinice. At nang matapos nitong gamitin ay saka lang nito ibibigay sa anak niya?

Ano ba ang akala niya kay Lesie?

“Ace, wala dito si Sisi!”

Natusok si Ashley, at nawalan ng kontrol.

Itinapon niya ang damit at ang kahon na parang isang basura.

Ang mga abo ng kanyang anak ay nasa lamesa sa gilid ng kama.

Ayaw niyang makita ng anak niya iyon.

Hindi na napigilan iyon ni Ace at pinanuod lang na malaglag ang kahon sa sahig at ang damit na ipinasadya pa niya para kay Sisi ay nahulog mula roon na dumapo sa upos ng sigarilyo at nasunod iyon na nagdala ng malaking butas.

“Ashley, masaya ka na ba sa ginawa mo?”

Ang mga mata ni Ace ay nabahiran ng galit. Salubong ang mga kilay at nagdilim ang mga mata na para bang may bagyong darating.

“Umalis ka na.”

Binaliwala ni Ashley ang galit ni Ace at malamig na boses na pinapalayas ito.

Bago pa lumamig ang paligid sa pagitan nila ay tumunog ang kanyang cellphone.

Si Belle ang tumatawag.

Tumingin na muna si Ace kay Ashley bago sinagot ang tawag. “Belle?” Malumanay nitong tono.

Ngunit kung makatingin siya kay Ashley ay laging napakalamig.

“Nasundo mo na ba si Sisi? Tumawag ang palaruan at tinatanong kung kailan kayo dararting para maisaayos nila ng mas maaga.” malumanay ding tinig ni Belle sa kabilang linya.

“Hindi, wala dito si Sisi.” sagot nito na nakatingin parin kay Ashley.

Habang nakatingin siya kay Ashley ay palamig ng palamig ang tingin nito sa kanya.

“Kung ganun ipapakansel ko na ang palaruan, pupunta ako upang samahan ka at si Vinvin ngayon.”

CHAPTER 4:

Pinutol na niya ang kanilang usapan.

Bago umalis si Ace ay nagiwan siya ng salita sa malamig na tono. “Ashley, huwag mong hayaang tawagan ako ni Sisi kung may kailangan ka.”

Matapos niya iyong sabihin, agad siyang tumalikod at umalis ng walang pagdadalawang isip.

Kalalabas lang ni Ace. At sa pagtalikod niya ay nakarinig siya ng malakas na kalabog.

Marahas siyang napalingon at nakita niya si Ashley na nakabulagta na sa sahig na kanina ay nasa maayos lang ang kalagayan.

“Ashley, pinagsabihan na kita na hindi na uubra sa akin ang pakulo mong iyan.”

Nakahiga lang si Ashley sa malamig na sahig. Hindi naman siya talaga nawalan ng malay.

At ang marinig ang sinabing iyon ni Ace ay mas lumamig ang pakiramdam niya. Napakalamig na nanuot sa kanyang katawan.

Sa katunayan, ay naisip niya na nagdadahilan lamang ito para mapanatili siya.

Sa mga mata niya, ay isa itong masamang babae na handang gawin ang lahat para sa kanya.

Limang taon na ang nakalilipas, gumawa ito ng paraan para paghiwalayin siya at ni Belle. Sinadya nitong lagyan ng droga ang inumin niya sa araw mismo ng kanilang anibersaryo para makatabi siya nito sa kama at doon pilit na pinaalis si Belle.

Hinayaang mangibang bansa kasama ang anak nito na may sakit na siyang nagdusa ng husto.

Pagkalipas ng limang taon bumalik si Belle kasama ang anak nito.

Muli siyang nainggit at nagselos at doon hinimok si Sisi na magpanggap na may sakit para mabaling ang pansin nito mula sa may sakit na si Vinice.

Hindi niya kayang makipagtalo noon kaya pinilit niya ang kanyang anak at ipinaliwanag dito ang gusto niya. Pero hindi pala kailangang magpanggap si Sisi dahil talagang may sakit din ito.

Pero hindi naniniwala doon si Ace.

Gustong tumayo ni Ashley para sabihing umalis na lang ito.

Pero nanghihina siya. Pilit man niyang gustuhing kumilos ay nakaramdam siya ng pagkahilo at tuluyan siyang nawalan ng malay.

Sa kinatatayuan ni Ace sa labas ng pinto ay natigilan siya ng makitang hindi na gumagalaw si Ashley.

Mabilis siyang lumapit dito at hinila ito patayo mula sa sahig.

“Ashley, huwag mong isipin na kahit prinuprotektahan ka ni Lola ay hindi ako mangangahas na masaktan ka.”

Bago pa man matapos ni Ace ang may galit na salita ay nakita niya si Ashey na muling pabagsak sa sahig.

Ang kanyang galit ay biglang naglaho.

At bago pa man tuluyang bumagsak ito sa sahig ay mabilis niya itong nasalo sa kanyang mga bisig.

Ang makita si Ashley na nakapikit at namumutla sa kanyang bisig ay alam ni Ace na hindi na lang ito nagpapanggap.

…..

Kalahating oras ang matuling lumipas. Si Frank Brillantes, na siyang nakatanggap ng tawag mula kay Ace ay nagmamadali siyang pumunta ng Saguday.

Pagkapasok ng bahay ay agad itong nagpunta ng pangunahing silid para tignan si Ashley.

Pagkatapos ng masusing pagsusuri, tumayo ito.

“Anong meron sa kanya?”

Bago pa man makapagsalita si Frank para maipaliwanag kung ang kalagayan ni Ashley ay naunan ng nagsalita si Ace.

Ang boses nito ay halatang hindi interasado, at kaswal lang nitong tanong iyon na walang pakialam pero hindi naman makaalma si Frank.

Siya ang family doctor ng pamilyang Mondragon. At dalawampung taon na siyang naninilbihan sa pamilyang Mondragon at nasubaybayan niya ang paglaki nito.

Noong sampung taon ito, ay nasangkot ito sa isang aksedente.

Namatay ang ginang sa aksedenteng iyon at nawawala naman ito.

Ayon sa sabi-sabi ay namatay din ito pero ang matandang Mondragon ay hindi sumuko at pilit na hinanap si Ace ng halos kalahating taon hanggang sa tuluyan itong matagpuan sa bayan ng Isabela na kalapit lang ng bayan ng Quirino.

Ngunit bulag na ng matagpuan si Ace at ang ugali nito ay hindi matanto at naging sumpungin.

Naghanap ng magaling na doktor ang matandang Mondragon para maipagamot ito na umabot ng kalahating taon bago ito tuluyang gumaling.

At ang unang bagay na ginawa nito ng maibalik ang paningin ay ang kausapin ang bodyguard na kumuha sa kanya at ihatid siya pabalik ng Isabela.

Sa anim na buwan ng kadiliman ay nagkaroon ng liwanag ang kanyang mga mata sa unang pagkakataon.

Ngunit ng bumalik si Ace galing ng Isabela ay nawala ang mga liwanag na iyon. Hindi niya nakita ang mag inang nagligtas sa kanya.

Lumipat ang mga ito at wala na siyang nakuhang balita.

Simula noon, nawala na ang sigla ni Ace.

Naging mailap siya at laging lumalayo sa mga tao.

Hanggang sa dumating si Ashley sa mansyon kasama ang matandang babae.

Siya lang ang nakakalapit kay Ace maliban sa matandang babae.

“Young Master, nahimatay si Miss Diaz dahil sa labis kalungkutan at hindi ito makahinga ng maayos. Magpahinga lang ito ng ilang araw ay magiging maayos na ulit siya.”

Nang marinig niyang dahil sa labis na kalungkutan ay naging malalim ang tingin niya kay Ashley.

“Young Master, Kailangan bang tumawag ng iba sa Mansyon para mag alaga kay Miss Diaz?” tanong ni Frank.

Noong nakaraan, ay laging pinapaburan ni Ace si Ashley. Personal pa ang pag aalala niya kapag may sakit ito.

Ngunit nang maglaon ay bigla na lang itong nagbago at ipinaramdam ang pagkadisgusto dito.

“Hindi na kailangan.” mahinang saad ni Ace.

Tumingin kay Frank at sinenyasang umalis na ito.

…..

Pabaling baling sa pagtulog si Ashley at nahulog siya sa isang banunggot.

Sa panaginip niya ay bumalik siya sa araw ng pagkamatay ni Lesie.

Lumala ang sakit ni Lesie dahil sa mataas na lagnat at kailangan na ng agarang operasyon.

Ngunit sinabi sa kanya ng doktor na bigla na lang nawala ang kidney donor at hindi maisasagawa ang operasyon.

Bumagsak sa kanya ang langit.

Sa sandaling iyon, naisip niya si Ace.

Sinubukan niyang tinawagan si Ace para makiusap na tulungan siya nitong hanapin ang nawawalang kidney.

Ngunit walang sumagot.

Hanggang sa hindi na talaga kaya ng kanyang anak.

Nang manlupaypay ang mga kamay ni Sisi na hawak niya at pumikit na ang mga mata habang nasa kanyang mga bisig, nadudurog na ang kanyang puso.

Mahigpit niyang niyakap ang kanyang anak at walang ampat ang kanyang pagiyak na hindi matanggap ang katotohanan.

Paulit ulit niyang binabanggit ang pangalan ng kanyang anak. Sinasabi kay Sisi na huwag siya nitong iiwan.

Patuloy lamang siya sa paghaplos sa maliit na katawan ng kanyang anak at sinusubukang panatilihing mainit ito.

Ngunit kahit na anong gawin niya ay unti unti paring nanlamig at tuluyang nanigas ang katawan ni Sisi sa mga bisig niya.

Wala na ang kanyang Sisi.

…..

Nagising si Ace ng marinig ang pag iyak ni Ashley.

Nitong mga nakaraang araw, ang anak niyang si Vinice ay nasa hospital habang siya ay naabala at hindi siya makatulog ng maayos.

Ito ang gigising sa akin hindi magtatagal matapos kong makatulog?

Hindi maipinta ang mukha niya ng magmulat siya ng mga mata. Kunot ang nuong inalis ang mga braso nito sa kanyang braso at naiinis niyang sinabi, “Ashley, ano bang ginagawa mo ulit-.”

Itutulak na sana niya ito ng mapansin niya ang mga luha nito sa mukha.

Natigilan si Ace na napatitig dito.

Umiiyak si Ashley ng labis na kalungkutan na para bang nawalan ito ng pinakamamahal sa buhay.

Nakaawang ang bibig at nasa tinig ang lungkot na paulit ulit na bumubulong.

Mahina ang boses nito kaya hindi niya iyon masadong maintindahan. Ngunit malinaw ang mga salitang narinig niyang… “Huwag kang umalis.” “Hindi ako mabubuhay ng wala ka.”

Nabawasan ang lamig sa mga titig ni Ace kay Ashley.

Marahang tinapik nito ang pisngi ni Ashley pero wala itong naging tugon.

Hindi din nagtagal ang masuyong pagkausap ni Ace dito at matigas na ang tonong ginising ito. “Ashley, gumising ka. Huwag kang umiyak.”

Pero hindi siya naririnig ni Ashley na tila ba may sarili itong mundo na puno ng kalungkutan.

Masagang luha ang naglandas sa mukha nito na parang perlas na naputol ang sinulid.

Nakatingin lang si Ace kay Ashley na may pagkadisgusto sa mga mata ngunit kinuha parin niya ang tissue sa kanilang ulunan at tinulungang punasan ang mga luha nito. “Okay, huwag ka ng umiyak, nandito lang ako.”

Nasa tono parin niya ang katigasan pero halatang pinakapalma niya si Ashley.

Walang tugon si Ashley. Patuloy lamang ito sa pag iyak. Pag iyak na puno ng lungkot. Hindi niya ito mapatigil sa pag iyak.

Nagsalubong ang mga kilay ni Ace, bigla na lang niyang hinawakan ito sa baba, niyuko at hinalikan.

Ang intensyon lang naman niya kaya niya ito hinalikan ay ang patahanin ito sa pag iyak na parang nagdadalamhamhati at naiinis siya doon.

Pero ang halik niyang iyon ay unti unting nagbago.

Matagal na panahon na ding hindi niya ginalaw si Ashley.

At hindi mapigilan ni Ace na palalimin ang halik niya dito.

Halik na hindi na niya mapigilan na habang tumatagal ay siya namang lumalalim.

CHAPTER 5:

Nagsisimula ng uminit ang hangin.

Niyakap ni Ace si Ashey sa kanyang mga bisig.

Nagising na din si Ashley mula bangungot at napasinghap, dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata.

Nakatingin sa bubida na sandaling natigilan.

Napakalungkot ng kanyang panaginip na hindi matukoy kung isa lamang iyong bangungot o katotohanan ng ilang sandali.

Hanggang sa maramdaman niya si Ace. At tuluyan na siyang nagising.

Nanlamig ang kanyang mukha at kumulo ang kanyang dugo.

Hindi na nakapag isip, itinaas niya ang kamay at itinulak ito.

“Ace, bitawan mo ako.”

Mas nalukot ang mukha nitong nakatingin kay Ace.

Sa nakalipas na limang taon, hindi kailanman sineryuso ni Ace ang kanyang nararamdaman.

Dahil mahal na mahal niya ito at ang kagustuhang magkaroon ng kompletong pamilya si Lesie ay naging sunod-sunuran siya dito.

At ngayong wala na ang kanyang anak ay gusto na niyang makipaghiwalay dito pero bakit hindi parin nito pinapansin ang kagustuhan niya?

“Ace, sinabi ko sayong bitawan mo ako. Naririnig mo ba ako?”

Pilit parin siyang kumakawala at nagpupumiglas dito.

Ngunit muli lamang siyang hinalikan ni Ace.

Kinagat niya ang labi nito.

Sa pagkagat niya ay nabahiran ng dugo ang labi niya.

Ang amoy ng dugo sa bibig ni Ace ang nakapagpatigil dito, at kinuha ni Ashley ang pagkakataong iyon pata itulak ito ng buong lakas.

Gumulong at umiwas sa pagkakahawak nito.

Dahil sa wala siyang naging magandang kain nitong mga nakaraang araw ay sa kunting kilos lang niya ay hinihingal na siya at nangingitim na din ang paligid ng kanyang mata.

Pero naging alerto parin siya, binalot ang sarili sa manipis na kubrekama at naging matalas ang tingin kay Ace.

At kung mangangahas parin itong hawakan siya, lalaban siya dito.

Dahil sa kanyang ayos ay tuluyang nawalan ng gana si Ace.

Mabilis na tumayo at umalis sa kama. Sa pagbibihis nito ay nalaglag sa kanyang bulsa ang cellphone at lumapag sa kama.

Umilaw iyon.

Mayroong mahigit labing dalawang tawag ang hindi niya nasagot at galing lahat kay Vinice.

Doon naalala ni Ace na may pangako siya kay Vinice na sasamahan niya ito.

Mabilis siyang nagbihis.

Hindi na muling tinapunan ng tingin ni Ace si Ashley at tuluyang umalis.

Hanggang sa maisara na ang pinto doon na tuluyang nanghina si Ashley at napaupo sa kama.

Inayos ang kanyang damit at nanghihinang umalis sa kama. Kinuha ang urn ng kanyang anak at nagsimula na namang namula ang kanyang mga mata.

…..

Nagpunta si Ace sa Tres-Reyes kung saan nakatira ang mag inang Belle at Vinice.

Agad siyang sinalubong ni Vinice pagkarinig pa lang ng ugong ng sasakyan niya.

Nang makitang bumaba ng kotse si Ace, inilayo ang ulo na tila umuusok ang ilong sa pagtatampo.

“Galit ba ang aking prinsesa?”

Lumakad palapit si Ace saka niya ito kinarga.

Agad na pumulupot ang kamay ni Vinice sa leeg ni Ace saka ito tumingala sa kanya na may pagyayabang na sinabi. “Papa, kung hahalikan mo ako, patatawarin kita.”

Nawala ang lamig sa katawan ni Ace at isang ngisi ang napaskil sa mga labi. Hinalikan niya ng paulit ulit sa pisngi si Vinice.

Agad namang ngumiti si Vinice, at mapaglarong ibinaon ang mukha sa leeg ni Ace.

Napatitig si Ace sa bata na nasa mga bisig niya ng puno ng pagmamahal.

Ito ang gusto niya sa isang anak.

Napakakyut talaga.

Madaling uminit ang ulo pero madali namang suyuin.

Naturaan ng husto ni Belle si Vinice.

Hindi tulad ni Sisi, hindi maganda ang mga naituro ni Ashley sa murang edad nito.

Minsan lang siya hindi nakasipot sa usapan nila at naniwala na sa mga salita ng mama nito na agad nagtampo at nagtago.

“Nakahanda na ang hapunan. Halika na kayo at kumain.” Inaalis ni Belle ang apron nito na lumapit ng pinto at marahang nagsalita.

Nang lumakad si Ace palapit ay mahina itong tumawa. “Nang tawagan kita kaninang umaga, narinig niya ako kaya inabangan ka niya. Dahil doon, nang hindi ka na niya mahintay, tinawagan kita ng paulit-ulit. Hindi naman kita naabala, diba?

“Hindi, may ginawa lang ako.” mahinang tugon ni Ace at binuhat si Vinice papasok.

Sa ilalim ng maliwanag na ilaw, napatingin si Belle kay Ace, napansin ang basag nitong labi.

Sa unang tingin, masasabing kinagat iyon.

Nawala ang mga ngiti sa labi ni Belle sa mga sandaling iyon.

Sinabi ni Ace na may ginawa lang ito, ibig ba nitong sabihin na ginamit niya si Ashley kaya ito hindi nakarating sa tamang oras?

…..

Alas otso y medya na ng gabi, oras na ng pagtulog ni Vinice.

Tinulungan ni Belle si Vinice na maligo at yakapin ito sa pagtulog.

Kinuha ni Ace ang bedtime story at umupo sa gilid ng kama para ito ay agad na makatuog.

Nagpakarga sa kanya ang bata, yumakap sa kanyang leeg at marahang ibinaon ang mukha. “Papa, huwag ka ng umalis ngayon, dito ka lang at samahang matulog si Vinvin at mama, okay?”

Narinig iyon ni Belle na tamang palabas sa banyo matapos makapaglinis ng katawan. Binabaan ng kilay at agad na pinagsabihan ang anak. “Vinvin, huwag kang maging pasaway.”

Pinagalitan ito ng kanyang ina at pakiramdam ni Vinice ay aping-api ito.

Agad na namuo ang luha nito sa mga mata. Tumingin kay Belle na lumuluha at sinabi. “Hindi naman pasaway si Vinvin, gusto ko lang naman na makatabi sa pagtulog ang mga magulang ko.” At habang sinasabi iyon ay tumutulo na ang luha nito. Malungkot na malungkot.

Humihikbi na tinanong. “Ang ibang mga bata ay katabing matulog ang mga magulang, bakit ako, hindi?’

Nalungkot si Belle ng makitang umiiyak ng ganito ang kanyang anak. Mabilis siyang nagbihis at lumapit sa kama. Niyuko ito para suyuin ang anak.

Walang kaalam alam si Belle na napupukaw ang atensyon niya sa pag iyak ng anak niya.

Ang makitang nababagabag ang mukha ng kanyang anak ay marahan niyang sinuyo si Vinice na umiiyak. “Mabait kang bata, Vinvin kaya tahan na. Sinabi sayo ni tito doktor kahapon na hindi ka dapat maging emosyonal, nakalimutan mo na ba?”

Hindi pinakinggan iyon ni Vinice at umiling ng paulit ulit at pilit paring pinapanatili si Ace.

Ang maliit nitong kamay ay humawak sa pulsuhan ni Ace, niyugyog at nagmamakaawang nakiusap. “Papa, sige na.”

Ngunit hindi agad nakasagot si Ace na lagi naman pumapayag sa gusto nito.

Ang makita iyon, nandilim ang mga mata ni Belle.

Bigla niyang pilit na niyakap si Vinice, na pilit din ang naging ngiti kay Ace. “Ace, huwag mo siyang pansinin, kahit na umiyak siya, gabi na, bumalik ka na at magpahinga.”

Ang umalis si Vinice sa bisig ni Ace ay mas lalo pa itong umiyak.

At habang nakatingin kay Ace ay mas lalo itong umiyak na nakakaawa, na para bang inibandona ito. “Papa kahit ngayong gabi lang, sige na.” mahina nitong sabi.

Ang bata ay umiiyak at humihikbi, na lubhang nakakaawa.

Kagagaling lang nito at kailangang hindi ito makaramdam ng mabibigat na emosyon.

Sa huli ay tumango si Ace at pumayag na manatili ng buong magdamag.

…..

Nakatanggap ng tawag si Ashley mula kay Belle kinaumagahan at sinabing makipagkita sa kanya sa cafeteria.

Hindi siya tumanggi.

Gaya ng naipangako, pagkapasok na pagkapasok niya ng cafeteria, kinawayan siya na may ngiti sa labi ni Belle at natural na binati siya. “Ashley, dito.”

Tulad ng nakaraan, ang taong sinampal ni Ashley ng ilang ulit sa hospital ay hindi ito.

Sanay na itong magpanggap.

Kalmado lang na lumapit si Ashley.

Pagkaupo pa lang ni Ashley ay nagsimula ng magsalita si Belle na nakakairita sa pandinig niya.

“Ashley, nag order ako ng mainit na cappuccilo, tingin ko kailangan mong uminom ng matamis, total, napakahirap ng buhay…”

“Anong gusto mong sabihin?” pinutol ni Ashley ang sinasabi nito sa malamig na tinig.

Hindi siya sumipot para lang makinig dito.

Hindi naman nainis si Belle na bahagyang ngumiti saka may kinuha ang laman ng shopping bag.

Binuksan iyon at ibinigay kay Ashley na may taas ang gilid ng labi. “Damit iyan ni Ace na naiwan sa akin kagabi, ibabalik ko lang sayo.”

CHAPTER 6:

Ang mga salita nito ay walang katapusang kasinungalingan.

  At lalong walang kabuluhan, ang mga damit sa shopping bag.

  Kompletong damit ng panlalaki ngunit ang panloob ay halata na sinadya na ilagay sa itaas.

  Malinaw na ang ipinapahiwatig ni Belle kay Ashley.

  Kagabi, nagpalipas ng gabi si Ace sa kanyang lugar.

  Ilang sigundo ding napatingin si Ashley sa mga damit lalo na sa panloob saka niya iyon inilayo at bumaling kay Belle.

  Nakita niyang sinadya nitong hawiin ang buhok, at ipakita ang mga iba’t-ibang marka sa leeg nito.

  Sino man ang makakita ay alam niyang marka iyon ng halik.

  Magkatabing natulog sina Ace at Belle kagabi.

  Hindi nito nakuha ang gusto sa kanya kaya ibinaling nito iyon kay Belle.

  Bukod doon, sadyang pinagsawa ang sarili.

  Parang may tumurak sa puso ni Ashley. Halatang gusto siyang inggitin ni Belle.

  Ang muling maisip ang kanyang anak sa malamig na bangkay nito ay mas malamig pa ang tinging ipinukol ni Ashley dito.

  Dahan dahan siyang tumayo, tumingin kay Belle na puno ng pagkukunwari at sarkastikong sinabi, “Total damit naman iyan ni Ace, bakit hindi mo na lang deretsang ibigay iyan sa kanya, miss Pagbilao. Hindi ako nandito para pumulot ng basura.”

  Natigilan si Belle dahil hindi nito inaasahan ang mga sinabi niya.

  At bago pa ito makabawi ay nakaramdam ito na may tao sa kanyang likuran.

  Lumingon si Belle. Si Ace ang nasa likuran nito at siya naman ay nakaramdam na kung anong lamig na bumalot sa kanyang katawan.

  “Ace, bakit ka nandito?”

  Agad na tumayo si Bele at lumapit kay Ace at tumabi dito.

  Hindi sumagot si Ace dito. Nakatingin lamang ito kay Ashley.

  Napakalamig ng tingin nito, nanunuot sa lamig.

  Damang dama ang galit sa titig nito na nakatutok kay Ashley.

  Hindi naman maitago ang ngisi sa mga labi ni Belle na napasulyap kay Ashley na may pagmamalaki sa kislap ng mga mata nito. Marahang humawak ito sa manggas ng damit ni Ace at mahinhing sinabi: “Ace, huwag kang magalit, hindi naman ako inaapi ngayon.”

  Nakasanayan na ni Ashley ang eksina sa harapan niya kaya hindi na iyon bago para sa kanya.

  Hindi na nagtatanong kung anong dahilan at walang pasubaling pinapaburan lang si Belle.

  Lagi namang nangunguna si Belle sa puso ni Ace at pinakaimportanteng tao para dito.

  Hinanap niya ito ng maraming taon.

  At walong taon na ang nakakalipas ng magpakita ito na may dalang token, at tuluyan itong naging kasintahan ni Ace.

  Simula noon, si Belle na lang ang tangi nitong nakikita.

  At siya bilang tuso, mapanlinlang at panira sa pagmamahalan nilang dalawa. Para sirain ang relasyon at gagawin ang lahat para mapaghiwalay sila at saktan si Belle.

  Sa nakaraan, nalulungkot na siya sa tuwing laging pinapaburan ni Ace si Belle at paulit ulit lang siya nitong binabaliwala.

  Pero ngayon…

  Wala na siyang pakialam.

  At si Ace, hindi na niya ito kailangan.

  Kaya niya tinawagan si Ace. Gusto niyang linawin na ang lahat ng tungkol sa kanila. Na tigilan na siya at huwag ng guluhin ang buhay niya.

  “Belle, si Ace at ako ay wala na. Hiwalay na kami. At kung ano man ang mga bagay na maiwan niya sayo, sayo na. At kung tutuusin, ang magandang lugar para sa mga basura ay sa basurahan.”

  Matapos niya iyong sabihin ay hindi na siya nagtagal pa. Naglakad na siya paalis. Hindi na niya binigyan ng pagkakatong makabawi si Ace.

  Pero bago pa man niya malagpasan ang mga ito nahawakan na siya ni Ace sa kanyang pulsuhan.

  Nandilim ang paningin ni Ashley at pilit na kumakawala dito.

  Ngunit sa pagpupumiglas niya ay mas lalong humihigpit ang pagkakahawak ni Ace sa kanya.

  Na sa higpit ng hawak nito ay parang madudurog ang mga boto niya.

  Nanuot ang sakit sa kamay niya. Namumula sa galit ang mga mata ni Ashley na tumingin kay Ace at malamig ang boses na sinabi: “Ace, bitawan mo ako. Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Belle na hindi ko siya inapi?”

  Nagbingi-bingihan si Ace na tila walang narinig.

  Sa malamig na titig, hinila siya ni Ace palabas.

  Hindi na din nagpumiglas si Ashley at nagpatangay na lang kay Ace.

  Ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso ay tahimik lang siyang nagbibilang.

  “Isa.”

  “Dalawa.”

  Bago siya makabilang ng tatlo ay narinig nila ang mahinang pagtawag ni Belle sa kanilang likuran.

  “Ace….” na tila nanghihina. Kasunod ang tunog ng pagkalabog.

  At si Belle na mahinhin at mahina ay nahimatay.

  Natigilan sa paglalakad si Ace. At walang pagdadalawang isip na binitawan siya. Lumingon at mabilis na nilapitan si Belle na nakabulagta na sa sahig. “Belle…”

  Hindi na kinailangan ni Ashley ang lumingon pa para makita kung paano mag alala si Ace dito. Kakaiba sa malamig na pagtrato sa kanya ng mahimatay siya kahapon.

  Nakatayo lang si Ashley na nayuko ang kamay at napatingin doon kung saan nag iwan ng pulang marka dahil sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya ni Ace. Tumaas ang sulok ng kanyang labi na may ngiti ng panguuyam.

  Hindi na ito ang unang pagkakataon na mas pinili ni Ace si Belle para iwan siya.

  Pero ito ang huli at hindi na mauulit pa.

  …..

  Matapos makaalis ng Cafeteria si Ashley, dumeretso siya ng mall para bumili ng lapis at papel.

  Naisip niyang lumahok sa kompitasyon ng pagdidisenyo ng mga alahas ngayong taon.

  Sa linggong ito ay abala siya sa paghahanap ng magandang sementeryong paglalagakan para kay Lesie. At malaking halaga ang magagamit niya kung personal na lupa ang bibilhin. At wala siyang malaking halaga.

  Sa nakalipas na limang taon ay binibigyan naman siya ni Ace ng buwanang gastusin. Hindi naman siya magastos kaya nakakaipon siya sa bawat buwan.

  Pero nagkasakit si Lesie.

  At hindi naniniwala si Ace na talagang may sakit si Lesie.

  Ang ipagamot si Lesie ay mabilis na naubos ang kanyang ipon. Ang tanging magagawa na lang niya ay ang humingi kay Ace, pero sa tuwing mababanggit niya ang tungkol sa sakit ni Lesie ay bababaan lang siya ni Ace ng telepono. O di kaya naman ay tatalikuran siya nito at hindi bibigyan ng pagkakataong makapagsalita ulit.

  Para lang makakuha ng pera ay kailangan niyang magsinungaling dahilan para mapasama sila ni Lesie sa paningin nito.

  Pero ngayon ay hindi siya hihingi kay Ace para sa pambili niya ng lupa sa simenteryo. Ayaw na niyang mabahiran ito ng tulong galing kay Ace.

  Gusto niyang magkapera sa sarili niyang paraan para mabilihan si Lesie.

  Ang isipin kung paano kumita ng malaking halaga sa lalong madaling panahon ay nakipagkita siya kay Propesor Castillo.

  Si Propesor ay propesor niya sa kolehiyo at isa ito sa hahatol sa naturang kompitasyon.

  Limang taon na ng hinangaan ni Propesor Castillo ang kanyang galing sa pagdidisenyo.

  Nang nasa kolehiyo pa lang siya at nag aaral ay lagi nitong iginigiit na makilahok siya sa mga kompitasyon, na kapag sumali siya ay siguradong siya ang mangunguna.

  Lubos na nasisiyahan si Propesor Castillo sa kanyang mga gawang disenyo sa mga panahong may libreng oras siya sa bahay ng ilang mga taon at hinihikayat siya nitong sumali sa kompitasyon at isali ang mga disenyo niya.

  Nahikayat siya. Hindi lang sa hilig niya sa pagdidisenyo ng mga alahas.

  Kundi, ang perang mapapanalunan niya ay sapat na para sa anak niya.

  …..

  Mabilis na nakabili si Ashley, pasakay ng elevator dala ang pinamili niya na nasa paper bag hanggang sa unang palapag sa parking area.

  May mabilis na sasakyan ang tumigil sa harap niya.

  Bumukas ang pinto sa likuran at may matatag na mga kamay ang humila sa kanya. Nahawakan sa pulsuhan.

  “Ahhh.”

  Nanlaki ang mga mata ni Ashley, at dahil sa gulat ay nais niyang sumigaw at humingi ng tulong.

  Ngunit nawalan siya ng pagkakataon dahil malakas siyang hinila at pakaladkad pasakay ng kotse.

  At kasunod ng malakas na pagsara ng pinto.

  Napakabilis ng pangyayari at idiniin sa likuran ng upuan si Ashley.

  Sa labis na pagkataranta ay mahigpit na hinawakan ang paper bag at ipinalo iyon sa lalaki.

  Itinaas ng lalaki ang kamay at marahas na inipit ang panga niya at agrisibong hinalikan.

CHAPTER 7:

Minahal ni Ashley si Ace ng sampung taon kaya pamilyar sa kanya ang amoy nito.

Sa sandaling hinalikan siya nito ay nakilala niya agad ito.

Nawala ang pagkagulat at takot niya. Tanging ang kalamigan lang ang natira sa naging tingin niya.

Nagyeyelo ang naging tingin ni Ashley dito. Nililihis ang mukha para iwasan ang marahas na paghalik sa kanya ni Ace.

Sa kanyang pag iwas ay mas lalong naging agrisibo ang tingin ni Ace. Muling hinawakan sa mukha si Ashley, inipit ang baba at niyuko para halikan ulit.

Napakaiksi lang ng pasensya ni Ace kaya madali siyang magalit.

Sa cafeteria, ipinaramdam niya kay Belle na tila naagrabyado ito, kaya ba siya nito sinundan para ilabas ang galit nito sa kanya para sa kasintahan?

Mas lalong bumigat ang pakiramdam ni Ashley at nanlaban dito.

Namumula ang kanyang mga mata sa galit at nanggagalaiting tiim ang kangyang mga ngipin na sinabi dito. “Ace, let me go, hindi ka karapatdapat.”

“Huh!” kumislap ang mga mata ni Ace sa lamig saka ngumisi.

Hindi karapatdapat?

Babae siya nito. At kung gusto niya itong galawin ay gagalawin niya ito at wala itong karapatang tumanggi.

“Ang pinakamamahal mong si Belle ay alam nang hiwalay na tayo. At kung malaman niyang gagalawin mo ako hindi ka ba mag aalalang malulungkot siya?” sabi niya para pukawin ang interest nito.

Bahagyang natigilan si Ace pero hindi naman siya nito pinakawalan.

“Ashley, bakit hindi mo naisip noon na malulungkot si Belle nang nilagyan mo nang droga ang inumin ko at nagpagalaw sa akin limang taon na ang nakakalipas?” Mas malamig pa sa yelong sabi ni Ace sa kanya.

Ang marinig niya ulit ang nangyari limang taon na ang nakakalipas ay natahimik siya at nanikip ang dibdib.

“Hindi kita drinoga.” malakas niyang sabi dito na handang makipagtalo.

“Huh!” ngumisi si Ace. “Sa tingin mo ba maniniwala ako?”

Hindi ito naniniwala sa kanya.

At sa nakalipas na limang taon ay hindi siya nito pinaniwalaan.

Hindi ito naniniwala sa kanya na hindi siya ang naglagay ng droga sa inumin nito at hindi din niya alam kung paano siyang nasa kwarto nito.

Dahil nang gabing iyon ay may naglagay din ng droga sa inumin niya, nakaramdam siya ng paghilo pero hindi naman nawalan ng malay.

Naisip niyang itulak ito at tumakbo palayo.

Gayunpaman, ang makitang hindi komportable ang gwapo nitong mukha ay huli nagdalawang isip na siyang itulak ito at tinulungan niya itong lunasan ang pagkadroga nito.

Natigilan siya ng maalala iyon at hindi agad nakaimik.

“Anong gusto mong palabasin?” tanong ni Ashley sa malamig na tinig.

Ngayon, wala na siyang balak itama ang mga nangyari noon.

Sa nakaraan ay talagang minahal niya ito ng husto, lagi niyang inaalala ang hindi nila pagkakaunawaan at laging gustong itama ang sarili para hindi ito tuluyang lumayo. Ngunit ngayon, wala na siyang pakialam.

Mas lumalim ang naging tingin sa kanya ni Ace.

“Bago mong pakulo? Gustong iwasan ang katotohanan?” may panguuyam na sabi nito sa kanya.

Nang mas naging maalinsangan ang hangin sa pagitan niya, tumunog ang cellphone nito.

SI Belle ang tumatawag sa kabilang linya.

Natatakot si Ashley kapag naririnig ang espesyal na tunog na iyon sa tawag ni Belle dahi sa tuwing naririnig niya iyon alam niyang hindi magdadalawang isip si Ace na iwan siya at ni Lesie.

Sa puntong iyon ay nakahinga ng maluwang si Ashley dahil mahirap patigilin ito sa mga ganitong pagkakataon.

Binitawan nito ang kamay niyang nakahawak sa kanya at kunuha ang cellphone nito sa bulsa saka iyon sinagot.

“Ace…”

Umalingawngaw ang tono nitong umiiyak sa loob ng sasakyan.

Kumilos si Ashley para tuluyang makawala dito. At habang abala ang pansin nito na kausap si Belle ay tinuhod niya ito.

“Ugh!” Napaigik si Ace sa sakit.

At kinuha niya ang pagkakataong iyon para makawala ng tuluyan sa pagkakahawak nito.

Mabilis siyang kumilos para tumakas. Binuksan ang pinto at lumabas ng sasakyan. Hinigpitan ang hawak sa kanyang jacket at mabilis na bumalik sa sariling sasakyan.

Sa sandaling nakasakay na siya sa sariling sasakyan at naisara iyon ay doon na siya nakahinga ng maluwag.

Sa kabilang daku, sa loob ng sasakyan ni Ace. Sumandal ito sa upuan ay inilabas ang kaha ng sigarilyo at naglabas ng sigarilyo at sinindihan iyon.

Nakasunod lang ang tingin niya kay Ashley. Ang imahe na nakapaibabaw siya dito ang tumutakbo sa isip niya. Ang magulo at mahabang kulot na buhok at ang makinis at maputi pa sa niyebeng kutis nito. Ang balingkinitan at malambot nitong katawan.

Kaakit-akit at sadyang nakakaakit.

Gumalaw ang adams apple niya sa paglunok.

Muling nagdilim ang tingin niya ng mawala na ito sa paningin niya.

Humihit siya saka din binuga ng dahan dahan. Sa kapal ng usok ng sigarilyo ay hindi na makita ang kanyang ekspresyon. Hanggang sa muling marinig si Belle sa kabilang linya.

“Ace, anong nangyayari sayo?”

“Hmmm, ano ba ang nangyari?” naging tugon ni Ace.

Ang malalim at puno ng pagnanasang tinig na iyon ni Ace ay nanuot sa pandinig ni Belle lalo na ang pag ungol nito kanina na tila nasaktan. Natigilan ito. Hindi ito tanga. Pagkarinig nito iyon kay Ace ay alam nito kung nasaan ito at ano ang ginagawa.

Sa cafeteria, nakaramdam siya ng lamig ng kausapin ni Ace ang assistant nito na samahan ito sa pag uwi. Gusto man nitong tumutol pero hindi naman nito maimulat ang mga mata sa pagpapanggap.

Hindi niya matanto kung galit ba ito dahil inaapi siya ni Ashley o dahil sa pagpapasya niyang makipagkita kay Ashley.

Ngunit hindi nito akalain na susundan nito si Ashley.

Humigpit ang hawak ni Belle sa telepono sa nalamang kasama nito si Ashley. Pero hindi naman nito maipakita iyon sa harapan ni Ace. Pinalamyos ang tinig at tila nagmamakaawang sinabi dito. “Hindi kita nakita kaninang nagising ako, kaya ang akala ko ay galit ka sa akin.”.

Ang hindi agad marinig ang sagot ni Ace at pakiramdam nito ay hindi ito naging masaya sa ginawa niya.

Sanay ng magpakita ng kahinaan si Belle at kusa siyang humingi ng tawad. “Ace, alam kung hindi dapat ako nakipagkita kay Ashley ngayon, hindi ko naman sinasadya, naawa lang ako sa anak natin.“

Kagabi ay umalis ka kaagad ng makatulog ito. Nagising ito ng hating gabi at ng hindi ka makita sa tabi nito ay umiyak ito magdamag. Paulit ulit nitong tinatanon bakit daw hindi niya makasama ang papa niya gayong may ama naman siya. Tulad na lang nang nasa ibang bansa kami.”

“Ace, kasama ako ni Vinvin sa lumipas na limang taon na nagdusa ng husto at ang daming hinaing. Naawa ako sa kanya kaya hindi na ako nakapag isip kaninang umaga…”

“Hindi na nangyayari iyon… Ako na ang bahala sa inyo ni Vinice.” bumagal ang tinig ni Ace sa sinabing iyon.

“Ace, sorry talaga. Hindi na mauulit pa. Alam ko namang ikaw ang nag aalaga sa lola mo. Maghihintay lamang ako. Sisikapin ko ding manalo sa kompitisyon para makuha ang pagkilala kay Uncle Aaron.”

“Hmmm.” Tanging tugon ni Ace sa mahinang tinig.

Naikuyom ni Belle ang palad nang hindi nito marinig ang inaasahan sanang maging tugon mula dito.

○○○○○○○○○

Hindi ba kayo nauusisa kung paano malalagpasan iyan lahat ni Ashley?

Kung paano siya magiging malakas at pagtibayin ang sarili sa mga pagsubok na kinakaharap niya?

Hindi ba kayo naiusisa kung paano niya labanan si Belle at kung paano niya ipapamukha kay Ace ang mga pagkukulang niya

Hindi niyo ba gustong makita kung paano magsisi ang isang Ace Mondragon kapag nalaman na patay na ang kanyang anak?

At kung ano susupalpalin ni Ashley si Belle?

Masasagot lahat iyan sa mga susunod na kabanata.

Maasar, maiiyak, matatawa..

Selos, galit, kagkasuklam. Nasa nobelang ito lahat ng mga emosyon na inyong mararamdaman.

Kaya umaasa ako na inyong susundan sa kabila at alamin ang inyong mga katanungan na masasagot mismo sa nobela kapag inyong binasa.

Salamat! Maghihintay po ako sa inyo sa kabila.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.