loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Chess Pieces Aftermath: Gray Sanford

Chess Pieces Aftermath: Gray Sanford

HiroYuu101 · 64 chapters · 218,815 words

Shielder

“Have you ever wonder if what you see in front of the mirror is the real you?”

  • HiroYuu101

Synopsis

WARNING:

This story contains mature scenes that is not suitable for young

readers

. Reader discretion is advised.


SYNOPSIS:

If there is one thing that could fascinate her, it will be humans. She was mesmerized at how human mind works despite the past she had and even decided to study and understand it.

She was so good with her job, until she met someone she thought that could make her finally understand all the things she was fascinated to.

Entirely unaware of what was waiting for her, she decided to get to know everything about him. But things will only get worse as she unveils more and more about the identity of the man named Gray Sanford.

Prologue

God created the world. He created animals, plants, mountains, and waters. He created humans. And my questions would always be, does He understands every one of us? Is He listening to our every prayers?

Napatingala ako sa kulay bughaw na kalangitan. Bahagyang nasilaw sa liwanag ng araw kaya naramdaman ko ang pagluluha ng mga mata ko. I blinked the tears away and stared at the clear blue sky a little longer. Pero hindi ko kinakaya ang hapdi sa mata ng sikat ng araw.

Gusto ko sanang tumitig pa. Baka kasi mahanap ko doon ang sagot sa palagi kong tanong. Or maybe, He will give me a sign. A sign that would make me understand the wonders of life.

Napapitlag ako nang makarinig ng malakas na busina ng sasakyan mula sa likuran ko. Ang lapit-lapit ng pulang kotse sa akin. Muntik na akong mabangga. Nagtataka ako dahil nasa pinakagilid naman ako ng kalsada pero muntik pa ring mahagip nitong sasakyan.

Bumaba ang salamin ng makintab na pulang sasakyang iyon. Nakita ko ang galit na driver mula sa driver’s seat. Nakatingin s’ya sa akin na halata ang inis sa mukha.

“Tumabi ka, bata!Haharang-harang ka sa daan!” bulyaw sa akin ng matandang lalaking nagmamaneho ng kotse.

“Sorry po,” ang tanging nasabi ko na lang.

The driver tsked and rolled up the window of his car again. Agad n’yang pinaharurot ang sasakyan palayo sa lugar na ’yon.

I sighed. Muli akong napatingin sa langit. Sinubukan kong iharang ang kamay ko sa liwanag ng araw.

Katulad no’n. Alam din kaya ng Diyos kung bakit ganoon ang ikinilos ng lalaki? Alam din kaya N’ya kung anong iniisip ng mga taong sa iba isinisisi ang kasalanan nila? Bakit may mga taong hindi kayang umamin sa nagawa nilang kasalanan at ang iba pa ang pagmumukhain nilang masama? Bakit may ibang mga tao sa sa iba ibinibintang ang kasalanang nagawa nila?

Inayos ko ang pagkakasukbit ng itim na backpack sa likuran ko. Naramdaman kong malapit nang maputol ang strap noon na noong nakaraang araw lang ay tinahi naman ni Mama. Ilang tahi na rin ang nagagawa n’ya sa bag ko.

Ang sabi ng mga teacher ko ay bumili na lang daw ako ng bago. Pero kahit gaano ko mang kagusto na magkaroon ng bagong bag o ng mga gamit pang eskwela, hindi naman pwede. Kulang pa ang kinikita ni Mama para sa pangkain namin sa araw-araw.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nilalakad ko lang ang distansya ng school sa bahay namin kahit gaano pang kalayo. Kulang ang baon ko para sa pamasahe. Kung minsan pa ay wala talagang naibibigay na baon sa akin si Mama dahil walang natitira sa kinikita n’ya.

Ayos lang naman sa akin. Kaya kong tiisin ang gutom ko. Ang gusto ko lang ay makapagtapos sa pag-aaral.

Lumiko ako sa masikip na eskinita at doon dumaan. Kahit na mabaho at mapanghi ay hindi ko ininda. Shortcut kasi. Kaysa naman mas mapalayo pa ang lalakarin ko.

Nang makalabas ako ng eskinita ay tanaw ko kaagad ang mga kapitbahay naming naglalaro ng tong-its at halos sakupin na ang buong daanan. Nakapabilog sila at may hawak na kanya-kanyang mga baraha.

“O, Reyziel!” bungad sa akin ng isa sa mga naglalaro nang makita ako. Sumulyap lang s’ya sa akin saglit at ibinalik din ang tingin sa hawak na baraha. “Nag-aaway na naman ang nanay at tatay mo.”

Napatigil ako at tumitig sa kanya.

“Si Larissa po?”

“Aba, malay ko! Kapatid mo ’yon, bakit mo sa ’kin hinahanap?” sagot n’ya. Ni hindi man lang ako tinignan. Ikinumpas pa ang kamay na parang pinapaalis ako. “Sige na, alis na. Baka malasin ako.”

Napatingin ako sa lahat ng mga naglalaro pati na rin sa mga nakikinood bago ako naglakad paalis doon. Ang ingay ng paligid. Napakaraming tao akong nadadaanan. Pati ang mga bata ay madungis na sa kakalaro.

Nakarating ako sa bahay namin. Maliit lang iyon at mga kahoy lang na malalapad ang dingding. Sa ibaba ay nandoon ang sala at ilang hakbang lang ay kusina na. Sa tabi ng kusina ay ang maliit na banyo. Ang kwarto namin ay nasa itaas at kurtina lang ang nagsisilbing pinto.

Nakita ko ang kapatid ko na nakatayo sa labas ng bahay namin. Suot pa ang uniporme n’ya at ayaw pang pumasok sa loob. Nahuhulaan ko na kung bakit lalo pa at ibinalita na sa akin ng kapitbahay namin ang dahilan.

Nilapitan ko ang kapatid ko. Napatingala s’ya sa akin at nandoon ang pag-aalala at takot sa mga mata n’ya.

“Ate…” rinig ko ang takot sa boses n’ya.

I smiled at her.

“Halika, bili muna tayo ng ice candy kina Aling Gloria.”

Hinawakan ko ang maliit na kamay ng kapatid ko at hinila s’ya palayo sa bahay namin. Agad naman s’yang sumunod.

Napalingon ako sa bahay namin habang naglalakad palayo doon. Dahil kahoy lang ang dingding ay rinig na rinig ko ang pagkabasag ng kung ano pati ang malakas na sigaw ni Papa. Halata sa boses na nakainom na naman.

Nag-iwas ako ng tingin. Pilit na inihahakbang ang mga paa palayo sa bahay namin. Naaala ko ang nangyari noong sinubukan kong pigilan ang galit ni Papa noon. Ayoko na ulit mangyari dahil mas lumala lang ang sitwasyon. Kaya sa tuwing naririnig ko ang mga pagtatalo ng mga magulang ko. Niyayaya ko kaagad ang kapatid ko na umalis para hindi na n’ya marinig.

Ayokong lumaki s’ya na may ganoong mga alaala. Ayokong itanim n’ya sa isip n’ya kung paano saktan ni Papa si Mama. Ayoko nang makita pa n’ya iyon.

Naupo muna kami sa harapan ng tindahan kung saan kami bumili ng ice candy. Ang pera na ginamit ko ay ang natira sa baon na ibinigay sa akin ni Mama at itatabi ko sana para may pambili ng bagong gamit kung sakali.

’Di bale na. Kaya ko pa naman pagtiisan ang mga gamit ko.

Nagpakwento ako kay Larissa kung anong nangyari sa school nila ngayon. Ganado n’ya naman akong kinuwentuhan. Napangiti ako. Mukhang nawala na sa isip n’ya ang mga narinig n’ya kanina sa bahay.

Ilang minuto nang ubos ang ice candy na kinain namin pero hindi pa rin kami umuuwi ng bahay. Si Larissa ay halatang naiinip na. Nililibang ko na lang para hindi paulit-ulit na magyaya pauwi.

Ilang minuto pa ang lumipas nang makita ko si Papa na dumaan sa harapan ng tindahan. Ni hindi man lang kami napansin. Nakita ko pa na may ibinubulsa s’yang mga lukot na papel. Siguro ay ang kinita na naman ni Mama para sa araw na ’yon.

Tumingin ako sa kapatid ko na mukhang hindi nakita ang tatay namin na dumaan. Nginitian ko s’ya.

“Halika na. Uwi na tayo…” 

Nang makarating kami sa bahay ay nakita ko ang mga nagkalat naming gamit. Si Mama ay nakaupo paluhod sa sahig, nakatalikod sa amin. Nakita ko ang tingin sa akin ng kapatid ko.

“Sige na. Akyat ka na sa taas,” sabi ko sa kanya at mabilis naman s’yang sumunod.

Inilapag ko muna ang bag ko sa kahoy namin upuan. Tinulungan ko si Mama na magpulot ng mga nabasag na pinggan.

“Ako na d’yan, anak…” dinig kong sabi n’ya na lumapit sa akin at pinigilan ang kamay ko sa pagpupulot. “Baka masugatan ka pa.”

I looked at her. Nanikip ang dibdib ko nang makita ko ang itsura n’ya. Gulo-gulo ang buhok. Ang ilang mga hibla ay nakawala sa pagkakapusod. May nakita rin akong pasa sa gilid ng labi ni Mama. Pati na rin sa kaliwang mata n’ya. Nakangiti s’ya sa akin na parang walang problema.

Nagbaba ako ng tingin. Hindi kayang matagalan na makita ang ganoong kalagayan n’ya nang hindi naiiyak. Nagpatuloy lang ako sa pagpupulot.

“Mag-iingat po ako.”

Dinig ko ang pagbuntong-hininga n’ya at nagpatuloy na rin sa pagpupulot ng mga bubog. Alam n’ya kasi na kahit anong pilit n’yang hayaan lang s’yang maglinis doon ay hindi ko s’ya susundin.

Hindi ko na matandaan kung kailan eksaktong nagsimula. Basta ang alam ko, bigla na lang nagbago si Papa simula nang masisante s’ya sa pinagtatrabahuhan n’ya bilang construction worker. Hindi na n’ya ulit sinubukang maghanap ng trabaho matapos na ilang ulit na hindi matanggap sa pinag-a-apply-an.

Tanda ko na hindi naman ganito talaga si Papa noong una. Masayahin s’ya. Mabuting ama. Kahit na pagod ay patuloy na nagtatrabaho para lang sa pamilya namin. Katulong n’ya si Mama na nagtatrabaho rin bilang labandera ng isang mayamang pamilya.

Pero simula nga nang matanggal s’ya sa trabaho ay nagbago ang lahat. Noong una ay hindi s’ya lumalabas ng bahay at palagi lang nakahiga. Hanggang sa nagsimula s’yang mag-inom. Kung minsan ay maghapong wala sa bahay at uuwi ng hatinggabi na lasing na lasing. Si Mama, kahit na masakit ang kamay sa dami ng nilabhan ay inaasikaso pa rin si Papa.

Hanggang sa isang araw, hindi s’ya nabigyan ng pera ni Mama pambili ng alak. Doon nagsimula ang pananakit n’ya. Ang mga kinikita ni Mama noon ay kinukuha n’yang lahat. Hindi na nagtitira ng pangkain namin kaya ilang araw din kaming walang makain noon.

Ang naisip ni Mama ay magtabi sa perang kinikita n’ya para sa pagkain namin. Ang iba ay ibinibigay n’ya kay Papa. At isang araw, nabalitaan ko na pati si Papa ay gumagamit ng ipinagbabawal na droga. Doon ko napagtanto kung bakit kailangan n’ya ng malaking halaga ng pera pero sinasabi lang n’ya na pambili n’ya ng alak.

May iilang beses na kapag nakainom o lango sa droga ay sinasaktan n’ya ni Mama. Sinubukan ko s’yang pigilan pero mas lumala lang ang pananakit n’ya noon kay Mama at natakot ako para sa kapatid ko dahil kitang-kita ko ang galit sa mga mata n’ya na parang hindi na kami kilala.

Kapag may ganoong pagkakataon ay muli akong napapatanong. Anong nangyari? Bakit biglang nagbago si Papa? Bakit noong una ay mahal na mahal n’ya kami pero ngayon ay pinapabayaan na n’ya ang pamilya namin? Ano ang mga naiisip n’ya sa tuwing sinasaktan n’ya ni Mama? Nakukuntento ba s’ya sa mga pananakit n’ya? Ano ang nararamdaman n’ya sa tuwing pinagbubuhatan n’ya ng kamay si Mama?

May pag-asa pa ba na bumalik sa dati si Papa? Iyong isang amang mapagmahal at inaalagaan ang pamilya n’ya?

Gusto kong malaman ang lahat ng sagot. Pero kahit anong isip ang gawin ko, kahit na anong gawin kong paghahanap ng sagot sa mga iyon ay wala akong makuha.

God created humans. He created their minds. Alam din kaya N’ya ang lahat ng mga nasa isip ng lahat ng mga tao? Alam kaya N’ya ang kasagutan kung bakit nagbagong bigla si Papa? Alam kaya N’ya kung anong dapat gawin para mapabalik sa dati si Papa?

Please po. Bigyan N’yo ako ng sagot. Gustong-gusto ko na pong bumalik si Papa sa dating s’ya. Iyong hindi na nananakit. At sana po, matigil na rin ang mga pananakit n’ya kay Mama.

Nagising ako isang gabi nang makaramdam na parang may humahaplos sa mga binti ko. Nagdilat ako ng mga mata at nagulat nang makita na si Papa iyon. Sa gitna ng dilim ay nakita ko ang paraan ng tingin n’ya sa akin.

Nakakatakot… Hindi ko na makita ang Papa ko sa kanya.

“Reyziel… Dalaga ka na pala. Parang dati lang noong kinakarga pa kita.”

Maging ang boses ni Papa ay hindi ko na kilala. Kung dati ay gustong-gusto ko sa tuwing naririnig ko ang boses n’ya kapag dumadating s’ya galing sa trabaho. Kaagad akong tatakbo palapit sa kanya at yayakapin s’ya. At pakiramdam ko ay ligtas ako sa tuwing nasa bahay na s’ya.

Pero ngayon, hindi ko na iyon maramdaman. I was scared. Nanginig ang buong katawan ko habang patuloy n’yang hinahaplos ang binti ko paakyat sa mga hita ko.

Napalingon ako sa tabi ko. Wala si Mama. Siguro ay ginabi na naman sa paglalaba. Habang ang kapatid ko naman ay tulog na tulog at walang alam sa mga nangyayari.

“Papa… ’Wag po.”

He smiled in a creepy way. Nilagay n’ya ang isang daliri sa bibig ko na parang pinapatahimik ako.

“Shh…”

May tumulong luha sa mga mata ko. Pinipigilan ko ang mga kamay n’yang humahaplos sa katawan ko. Pumalag ako pero masyado s’yang malakas para sa batang katulad ko. Si Larissa ay gumalaw sa tabi ko. Parang magigising dahil sa kumosyon. Nanlaki ang mga mata ko at hiniling na sana ay hindi n’ya makita ang kababuyang ginagawa sa akin ni Papa.

Hanggang sa narinig ko ang pagkabasag ng kung ano. Napatigil si Papa sa ginagawa n’ya sa akin. Napahawak s’ya sa ulo n’ya at nakita ko ang iilang mga bubog sa buhok n’ya. Napatingin s’ya sa likod at nakita ko si Mama na hawak ang ulo ng isang basag na bote.

She looked at me with tears and fears in her eyes.

“Reyziel! Takbo, bilis! Isama mo ang kapatid mo!”

Hindi na ako nagtanong pa at mabilis na kumilos habang si Papa ay nagtatanggal ng hilo. Tuluyan ko nang ginising ang kapatid ko at hinila s’ya palabas ng bahay. Ilang beses s’yang nadadapa dahil mukhang hindi pa nawawala ang antok sa sistema n’ya.

Puno ng luha ang mukha na kinatok ko ang kapitbahay namin. Sinabi ko sa kanila ang nangyari sa gitna ng mga hikbi. Si Aling Lucia ay kinuha ang kapatid ko at ipinasok sa loob ng bahay nila. Habang ang asawa n’yang si Mang Ben naman ay nagsuot ng sando at naglakad papunta sa bahay namin para siguro pigilan sa pagtatalo ang mga magulang ko. Sumunod ako sa kanya.

And when we got into our house, I was welcomed with a horrible sight I know I would never be able to forget.

Hawak ni Mama ang isang kutsilyo. Napansin ko na puno ng dugo ang mga kamay n’ya. I looked down the floor and cried even harder with what I’ve seen.

My father was on the floor, motionless, dead and full of blood.

Chapter 1

Dumating ang mga pulis ilang minuto matapos silang tawagan ng kapitbahay para rumesponde. Kahit na hatinggabi na ay maraming tao ang nakiusyoso, halos paligiran na ang bahay namin para lang makita kung anong kaganapan sa loob. Nahawi lang nang itaboy ng mga pulis at lagyan ng linyang harang ang paligid ng bahay namin.

Ang mga kapitbahay namin ay tinatanong kung anong nangyari. Nakikita ko sa mga mata nila ang kagustuhan na ikwento ko sa kanila ng buo. Alam kong may ideya na sila, naririnig ko sa usap-usapan pero gusto pa rin nilang malaman ang buong kwento.

Nakatulala lang ako sa kanila, hindi alam kung anong nangyayari. Hindi alam kung anong gagawin. I was surrounded by my neighbors, trying to make me spill the story. Hanggang sa kinuha ako ng mga pulis at pinaghintay sa isang ambulansya na nandoon.

Sinubukan kong hanapin ang kapatid ko sa kumpol ng mga tao at nakita kong kasama s’ya ni Aling Lucia na s’yang tumawag sa mga pulis. Kahit na malayo ay kitang-kita ko sa kanya walang muang na mga mata ang kalituhan sa mga nangyayari ngayon.

Mas lalong umingay ang paligid, ang mga bulong ay hindi na naging bulong, nang lumabas ang mga paramedic mula sa bahay namin, dala-dala ang stretcher na may puting kumot sa anumang nakalagay doon. Kita ko pa ang mga mantsa ng dugo na bumakat sa puting kumot.

Si Papa…

Sunod na lumabas si Mama, inaalalayan ng mga pulis. Wala sa sariling napatayo ako mula sa pagkakaupo sa ambulansya at naglakad papunta kay Mama. Nakita n’ya ako pero bago pa ako makalapit sa kanya ay hinarangan na ako ng mga pulis.

“Mama! Mama!”

Napatingin sa akin si Mama. Napansin ko kaagad ang mga bagong pasa sa mukha n’ya. Ang buhok ay magulo at ang ilang mga hibla ay nakawala sa pagkakaipit. Halata rin sa pisngi n’ya ang mga marka ng mga natuyong luha.

Bumaba ang tingin ko sa mga kamay n’yang puno ng dugo. Maging sa mga braso ay mayroon din pero natuyo na. Napansin ko na nakaposas ang mga kamay n’ya.

“Reyziel!” dinig kong tawag n’ya sa akin kaya napatingin ulit ako sa mga mata n’ya.

Ang mga pulis ay pilit s’yang hinihila at tinutulak para magpatuloy sa paglalakad pero pinipigilan n’ya para makausap ako.

“Reyziel! Ikaw na munang bahala kay Larissa, ha?” she said. Dinig ko ang pagkabasag sa boses n’ya. “’Wag mong pababayaan kapatid mo.”

Nagsimulang pumatak ang mga luha sa mga mata ko. Nagkatunog ang pag-iyak ko lalo na nang marinig ang hagulgol ng kapatid ko ’di kalayuan sa amin. Pinipilit n’yang kumawala sa pagkakahawak ni Aling Lucia sa kanya.

“Ma… Sa’n po kayo pupunta?” humihikbi kong tanong. Nag-aalala para sa kanya.

Takot ako sa mga pulis. Ang panakot kasi sa akin ni Mama noon kapag makulit ako ay huhulihin daw ako ng mga pulis. Kaya ngayong nakikita ko silang pilit na hinihigit si Mama papunta sa police car ay mas lalong nadagdagan ang takot ko sa kanila. Nag-aalala akong baka kung anong gawin nila kay Mama.

“Sasama lang muna ako sa pulis, Reyziel. Ilang gabi muna kong ’di makakauwi,” sabi ni Mama na parang okay lang ang lahat. Nakikita ko sa mga mata n’ya ang takot pero pilit na nagpapakatatag habang nakatingin sa akin.

“Ma, sasama na lang po ako sa inyo…”

“Hindi pwede ang bata doon!” may pagmamadali na sa pagsasalita n’ya nang higitin ulit s’ya ng pulis. “Si Larissa, Reyziel. Ikaw na munang bahala sa kanya.”

“Mama! Mama!”

Napahagulgol ako at sinubukan s’yang lapitan pero pinigilan ako ng isa pang pulis na nandoon. Pinanood ko si Mama na naglalakad papunta doon sa kotse habang nakaalalay ang dalawang pulis na may hawak sa kanya. Hindi n’ya ako nilubayan ng tingin hanggang sa makapasok na s’ya ng kotse.

“Mama!” I called her again.

Mula sa loob ng kotse ay nakita ko ang paglingon n’ya sa likod. Nagtama ang paningin namin. Napansin kong umiiyak na s’ya na mas nagpaiyak lang sa akin.

Umandar ang kotse at mas lumakas lang ang pag-iyak ko. Sinubukan kong humabol pero pinigilan lang ako ng pulis na nandoon.

That night changed everything.

Nakitira kami ng kapatid ko kina Aling Lucia dahil naging crime scene ang bahay namin at iniimbestigahan pa ng mga pulis. Hindi ko alam kung hanggang kailan tatagal ’yon. Nahihiya ako kina Aling Lucia dahil bukod sa nakikituloy lang kami sa kanila ay pinapakain rin nila kami. Alam ko naman na katulad namin, hirap din ang buhay nila. May tatlo pa naman silang mga anak na puro maliliit pa. Ang pinakamatanda ay nasa pitong taon.

Pumapasok kami ni Larissa sa school ng walang baon kaya kapag break time ay wala kaming kinakain. Pero nalaman ko na madalas namang pakainin ng teacher n’ya si Larissa tuwing break time. Pati ang teacher ko ay binibigyan rin ako ng pagkain kung minsan.

“Reyziel, ’di ba pinatay ng Mama mo ’yung Papa mo?”

Napatingin ako sa kaklase ko nang isang araw ay tinanong n’ya ’yon sa akin. Mukhang hindi na nakayanan ang pagiging kuryoso. Nakita ko pa ang pagsiko sa kanya ng katabi n’ya na mukhang pinipigilan s’ya pero naitanong na naman. Napatingin din ako sa iba na nakatingin sa akin at mukhang naghihintay ng sagot ko.

Alam kong alam nila kung anong nangyari sa pamilya ko. Naririnig ko ang paminsang-minsang pagbubulungan nila pati na rin ang pagsulyap nila sa akin. Kapag nahuhuli kong nakatingin sila ay saka lang mag-iiwas ng tingin. Kapag dadaan ako sa harapan nila ay biglang tatahimik na parang walang pinag-uusapan.

Hindi ko sinagot ang tanong ng kaklase ko at tumingin na lang sa harap kahit wala naman kaming teacher ngayon. Ayoko lang sagutin ang tanong n’ya.

Alam ko namang pinag-uusapan nila ako at ang pamilya ko. May mga kaibigan ako noon pero isa-isa silang nawala matapos ng nangyari. Hanggang sa naging mag-isa na lang ako.

Naisip ko na huwag na lang pumasok sa school. Pero palagi kong naaalala ang sinasabi sa akin ni Mama noon. Na mag-aral daw ako nang mabuti. Kapag ginawa ko raw ’yon, mas magiging madali para sa akin ang magtagumpay balang araw.

“Ate, nasa’n si Mama?”

Nilingon ko ang kapatid ko na nakahiga sa tabi ko. Nandito kami sa sala ng bahay nina Aling Lucia at nakahiga sa sahig. Binigyan kami ng karton bilang pangsapin at isang kumot na maikli. Pero ipinagpapasalamat ko na iyon.

“Nasa malayo, Larissa. Pero uuwi rin s’ya,” sagot ko.

“Kailan pa? Ang tagal-tagal n’ya naman.”

“Hindi ko alam… Pero uuwi rin s’ya. Kaya maghintay lang tayo, okay?”

“Eh, si Papa?”

Hindi agad ako nakasagot. Walang alam si Larissa sa nangyari. Hindi n’ya nakita ang nakita ko. Si Papa na nakahandusay sa sahig ng bahay namin at wala nang buhay. Si Mama na punong-puno ng dugo ang kamay at may hawak na kutsilyo.

Hindi ko pa kayang sabihin sa kanya ang totoo. Masyado pa s’yang bata.

Isang araw nang umuwi ako galing school ay nagulat ako nang may isang babaeng nasa loob ng bahay nina Aling Lucia. Naabutan ko pa s’yang kausap ng kapitbahay namin pero agad na napatayo nang makita ako.

“Ikaw ba si Reyziel?” the woman asked. Wala sa sariling napatango ako habang pinapasadahan ang kabuuan n’ya. Si Larissa ay pinapasok muna ni Aling Lucia sa kwarto nila at sinabihang huwag lalabas.

I’m guessing that she’s on her early forties. She was wearing a white inner na pinatungan ng isang itim na coat. Naka-pencil skirt din s’ya at isang itim na closed shoes na may isang pulgada ang heels. Nakita ko ang isang itim na brief case na nakapatong sa mahabang kahoy na upuan sa loob ng bahay nina Aling Lucia.

“I’m Attorney Martha Pelajio from Public Attorney’s Office. Ako ang abogado ng Mama mo.”

“Abogado po?” tanong kong nalilito.

The woman smiled and nodded at me.

“Ibig sabihin, ako ang humahawak sa kaso ng Mama mo.”

Nangunot ang noo ko at mas lalo pang nalito. She smiled patiently at me. Itinuro n’ya ang upuang mahaba.

“Upo tayo. Ipapaliwanag ko sa ’yo ang lahat.”

Nakauniporme pa ko pero sumunod ako sa gusto n’ya. Katabi ko s’ya sa upuan pero nagbigay ako ng sapat na distansya para sa isang estranghero. Ang bag ko ay inilapag ko sa sahig.

“Hindi ka na bata. May isip ka na, hindi katulad ng kapatid mo,” Attorney Pelajio said. “Alam mo kung anong nangyari ng gabing ’yon, ’di ba?”

Tumango ako. Napatingin ako kay Aling Lucia na tahimik lang na nakikinig at nakatayo ’di kalayuan sa amin. I was thankful for her presence. Sa palagay ko kasi ay kakabahan ako kung ako lang mag-isa ang haharap dito sa abogado ni Mama.

“Your mother committed a crime which is against the law kaya s’ya kinasuhan. Pero tutulungan ko ang Mama mo sa kaso n’ya.”

“Anong kinaso sa kanya?” tanong ni Aling Lucia.

“Murder.”

“Murder?” si Aling Lucia na hindi na napigilan ang paglapit sa ’min. “Wala akong masyadong alam sa mga ganyan pero parang hindi naman yata tama na murder ang ikaso sa kanya? Hindi ba’t mabigat na kaso ’yon?”

“Oho,” sabi ni Attorney Pelajio. “Kaya gusto ko sanang kausapin si Reyziel para malaman ng buo ang nangyari ng gabing ’yon.”

“Sandali lang. Bakit murder, eh, pinagtanggol lang naman ni Esme ’yung sarili n’ya? Ilang taon na rin s’yang inaabuso ng asawa n’ya!” giit ni Aling Lucia.

“Iyon nga ho sana ang ilalaban namin. Self-defense. Pero mahihirapan po tayo dahil sa mga anggulong tinitignan at nilalaban ng prosecution.”

“Anong mga anggulo?”

“Limang saksak ho ang natamo ng biktima. Kung isa lang, madali sanang mailulusot ’yung self-defense at sigurado akong mananalo kami lalo pa at matagal nang inaabuso ang kliyente ko. Sa pangalawa, pwedeng mas mababang kaso sana ang ibibigay sa kanya. Pero kung ito hong lima… mahirap ho. Kasi nandoon talaga ang intensyon na patayin ang biktima.”

Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanila habang nag-uusap sila. Wala akong maintindihan pero gusto kong intindihin. Tungkol ito sa kaso ni Mama.

“Kailan po uuwi si Mama?” tanong ko kaya napatingin sa akin si Attorney Pelajio. Humugot s’ya nang malalim na buntonghininga bago ako sinagot.

“Hindi ko alam kung ga’no tatagal ’tong kaso ng Mama mo, Reyziel. Pwedeng abutin pa ng ilang taon.”

Hindi ako nakapagsalita. Ibig sabihin… matagal pa naming makakasama si Mama. Hindi ko na alam kung anong isasagot sa kapatid ko kung sakaling magtanong s’ya ulit.

Hindi ko maiwasan ang malungkot. Sana… hindi na lang nangyari ang gabing ’yon. Sana panaginip na lang ang lahat. Sana ’pag nagising ako, masaya ulit ang pamilya namin. Iyong bago pa naglalasing si Papa o gumamit ng droga.

Ayoko ng ganito… Gusto kong makasama sina Mama at Papa.

Sinabi ko ang lahat ng mga alam ko kay Attorney Pelajio. Ang sabi n’ya ay babalik-balik s’ya para bisitahin kami ng kapatid ko o hindi kaya kapag may tanong s’ya. Ibinigay n’ya rin ang cellphone number n’ya kung sakaling gustuhin naming kausapin s’ya.

“Ano ’yan? Habangbuhay na lang natin pakakainin ’yang mga ’yan? Eh, kulang na kulang pa nga para sa pamilya natin ’yung kinikita ko sa pasada! Puro na nga tayo utang!”

Naalimpungan ako isang gabi dahil sa ingay na naririnig mula sa kwarto nina Aling Lucia. Manipis na plywood lang kasi ang nagsisilbing pintuan nila at dahil hatinggabi na ay tahimik ang paligid kaya rinig na rinig ko sila.

“Shh! Hinaan mo nga ’yang boses mo. Baka magising ang mga bata!” rinig kong bulong ni Aling Lucia.

“Bakit ba kasi kinukop mo pa ’yang mga ’yan?” rinig kong sabi ni Mang Ben.

“Anong gusto mo? Hayaan na lang ang mga bata? Ni hindi pa nga sila makabalik sa bahay nila dahil hindi pa tapos mag-imbestiga ang mga pulis!”

“Hindi mo sila obligasyon! Kapit-bahay lang natin sila at hindi kamag-anak!”

Napatitig ako sa bubong ng bahay nina Aling Lucia. Nag-iisip ng plano para sana makatulong sa gastusin nila. Ingat na ingat pa naman akong mas makadagdag pa sa gastusin nila bukod sa pagkain na kailangang-kailangan namin ng kapatid ko. Kaya kahit na wala kaming ginagamit na electic fan dito sa sala kapag natutulog kami, kahit na halos hindi ako makatulog dahil malamok at pinapaypayan ko ang kapatid ko, tinitiis ko na lang.

Naiintindihan ko naman si Mang Ben. Dalawa pa naman kami ni Larissa. Dagdag sa pinapakain n’ya tuwing tanghalian at hapunan.

Pwede na kaya akong magtrabaho kahit wala pa ako sa legal na edad? Pero ano namang trabaho? Saan ako makakahanap?

“Reyziel…”

Napatingin ako kay Aling Lucia na mukhang inabangan na nasa banyo ang kapatid ko bago ako kausapin nang magising kami kinabukasan. 

“Bakit po?”

“Wala na kasi kaming pera ni Ben. ’Yung iluluto ko mamaya, sapat lang para sa mga bata. Hindi namin kayo mapapakain mamayang tanghalian. Pasensya na, Reyziel.”

Nanlumo ako doon pero hindi ko pinahalata. Ngumiti pa ko sa kanya na parang naiintindihan ko ang lahat.

“Ayos lang ho, Aling Lucia. Nahihiya na nga po ako sa inyo, eh.”

“Tanungin mo si Leticia kung may sobra sila sa kanin. Para sa inyo ng kapatid mo,” tukoy ni Aling Lucia sa isa pa naming kapit-bahay. “Ihihingi ko na lang kayo ng sabaw d’yan sa karinderya.”

Tumango na lang kahit na parang gusto kong umiyak. Hindi lang sa tanghalian namin ngayon ang problema. Pati mamayang hapunan. Pati na rin ang pagkain namin kinabukasan. At sa susunod pa.

Hindi pwedeng magutom ang kapatid ko. Kahit ako na lang sana ang hindi kumain. ’Wag lang si Larissa. Bata pa s’ya at ayokong maranasan n’ya agad ang gutom.

Nakihiram ako sa teacher ko ng cellphone para tawagan si Attorney Pelajio. Sinabi kong gusto ko sanang kausapin si Mama. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Ayoko na sanang istorbohin si Mama at dagdagan pa ang alalahanin n’ya habang nasa kulungan s’ya pero hindi ko na alam kung sino pa ang kakausapin ko. Si Mama lang ang alam ko.

“Mamaya ko pa dadalawin ang Mama mo. Tatawagan kita kapag nandu’n na ko,” sabi ni Attorney Pelajio.

“Ah… Hindi po kasi sa ’kin ’yung cellphone na ’to. Sa teacher ko po.”

“Ikaw? Wala ka bang cellphone na pwede kong tawagan mamaya?”

“Wala po.”

Natahimik kaming dalawa. Paano ’yan? Gusto ko sanang magtanong kay Mama kung anong pwede kong gawin.

“Ganito na lang,” mayamaya ay sabi ni Attorney Pelajio. “Sabihin mo na lang sa ’kin ang sasabihin mo sa Mama mo. Then, tatawagan na lang kita dito bukas ng ganito ring oras para sabihin sa ’yo ang sinabi ng Mama mo. Hindi kasi ako makakapunta agad d’yan.”

Pumayag ako sa gusto n’ya at sinabi sa kanya ang mga sasabihin ko kay Mama. Lahat. Sinabi ko rin na wala na kaming makain ng kapatid ko dahil wala nang pera sina Aling Lucia at nagiging pabigat na kami. Hindi na ako nahiya kay Attorney Pelajio dahil kailangang-kailangan ko talaga.

Kinabukasan ay tumawag nga si Attorney Pelajio sa teacher ko. Tuwang-tuwa pa ako dahil ginawa n’ya talaga ang sinabi n’ya.

“Kunin mo raw ang huling sahod ng Mama mo sa pinagtatrabahuhan n’ya. May eleven days s’yang pumasok nitong huli bago s’ya nakulong. Malaki-laki rin ’yun. Makakatulong sa inyo ng kapatid mo.”

“Saan po ba? Sinabi po ba n’ya ang address?”

“Yes… May ballpen at papel ka bang hawak? Ididikta ko sa ’yo.”

Noong araw ding ’yon ay nagdesisyon akong pumunta sa pinagtatrabahuhan ni Mama kung saan s’ya pumapasok bilang labandera. Pinauna ko na munang umuwi si Larissa. Kung ipagpapabukas ko pa kasi ay wala kaming kakainin para mamayang hapunan at bukas ng tanghalian.

Nasa isang subdivision ang bahay kung saan nagtatrabaho si Mama. Hindi ko maiwasan ang humanga sa mga naglalakihan at naggagandahang bahay na nadadanan ko habang hinahanap ko ang sadya ko. Kinukwenta ko pa sa isip ko kung ilang bahay kaya namin ang kailangan para makabuo ng ganong kalaki at kaluwag na bahay.

Siguro… ’Yung buong bahay namin, banyo lang nila. O baka mas maluwag pa nga ’yung banyo nila.

Nang mahanap ko na ang sadya ko ay napatulala na lang ako. Feeling ko ay iyon na yata ang pinakamalaking bahay sa buong subdivision na ’yon. Sobrang lawak ng kulay brown na gate nila! Ibig sabihin, malawak ang espasyo sa loob. Feeling ko ay marami rin silang sasakyan!

Sa labas pa lang ay inaasahan ko nang mas maganda ang loob ng bahay. Kulay dark blue ang bubong nila sa labas at sky blue naman ang sa dingding. Grabe! Napakaganda talaga!

Ilang sandali ay naglakas loob na akong pindutin ang doorbell. Tuwang-tuwa pa ako! First time kong makapindot ng doorbell! Gusto ko pa nga sanang ulitin pero narinig ko na ang pagbubukas ng kung sino doon sa mas maliit na gate.

“Ano ’yon?” tanong sa akin ng babaeng kasing-edad lang siguro ni Mama. Nakauniporme s’ya ng pang-katulong. Katulad noong madalas kong napapanood sa TV.

“Uhm… d-dito po ba ang bahay ng mga Callisto?” kinakabahan kong tanong.

“Dito nga. Bakit?”

Napatikhim ako para alisin ang kaba ko.

“Ako po Reyziel. Anak po ko ni Esmeralda Denava. Nagtatrabaho po s’ya dito bilang labandera.”

“Ah! Si Esme!” Nakita kong napangiti ang babae. “Oo, kilala ko s’ya. Dito nga s’ya nagtatrabaho. Narinig ko ang nangyari sa mga magulang mo.”

Tumango ako. Hindi alam kung anong sasabihin doon. Kung hindi lang dahil sa sahod ni Mama, hindi ako magpupunta dito.

“Bakit ka nandito?” tanong nu’ng babae.

“Ah. Sabi po kasi ni Mama, may hindi pa raw po s’yang nakukuhang sahod. Kukunin ko ho sana.”

“Ay, oo nga! Malapit na ’yung sahod day nang mangyari ’yon. Naku, ang swerte mo! Nandito pareho sina Doc!” She smiled at me. “Halika, pasok ka.”

Alanganin akong sumunod sa babae papasok ng gate. Tama nga ako. Mas malawak doon sa loob. Pagpasok ay hindi agad ang bahay ang bumungad sa akin kundi malawak na garahe kung saan nakita kong may apat na sasakyan ang nakaparada doon.

Napatingin ako sa nilalakaran ko dahil lumulubog ang paa ko sa damo. Bermuda grass yata ang tawag do’n. Ang galing… May ganito sa bahay nila.

Nang buksan ng katulong ang pintuan ay nag-alangan akong pumasok. Ang kintab-kintab ng sahig nila! Natatakot akong humakbang dahil baka madumihan! Ang dumi-dumi pa naman ng tsinelas ko.

“Halika, dito. Tatawagin ko sina Doc. Maupo ka muna,” sabi ng katulong kaya wala na akong nagawa kundi ang pumasok.

Ingat na ingat pa ako sa paghakbang. Natatakot na baka kapag binigitan ko ang hakbang ay dumikit sa marmol na sahig ang dumi sa tsinelas ko. Napatingin pa ako sa sofa na tinuro ng katulong kung saan ako mauupo. Pero hindi ko ginawa.

Ang linis-linis ng sofa nila. Baka madumihan.

Inilibot ko ang tingin ko sa buong bahay. Ang daming dekorasyon na hindi ko alam kung anong tawag. Hindi ko nga akalain na makikita ko iyon sa personal. Madalas ay sa TV lang. Iyong kapag mayaman ang mga bida.

Bumaling ang tingin ko doon sa magarbong hagdan nang marinig ang matitinis na tunog ng takong sa bawat paghakbang ng kung sino. Nakita ko ang isang babaeng bumababa doon.She was wearing a black dress na hapit na hapit sa katawan n’ya. Her hair was in a bun. She looked so elegant. Kasunod n’ya ang isang lalaking nakaputing longsleeve at naka-tuck-in iyon sa kulay cream na pantalon n’ya. 

Lumapit ang dalawa sa akin at halos manliit ako. Mukha talaga silang mayayaman na tao. Samantalang ’yung suot ko, kupas na uniporme pa. Tapos sa likod ko ay ang bag kong malapit na namang masira at ang sapin sa paa ay isang maduming tsinelas.

“Anak ka daw ni Esmeralda?” tanong n’ung babae na pinasadahan pa ako ng tingin.

“O…opo,” nahihiya kong sagot.

The woman smiled. A formal one.

“Take a seat,” she said. Umupo s’ya doon sa kabilang sofa at tumabi sa kanya ang lalaki na inakbayan s’ya.

Wala akong nagawa kundi ang umupo kahit na ayaw ko talaga sa takot na madumihan ang mga bagay dito na madidikitan ko. Pero ayokong magalit sa akin ’tong mga taong kaharap ko.

“I’m Evelyn Callisto and this is my husband Stanley Callisto. Kami ang mga amo ni Esmeralda.”

“Ako po si Reyziel Denava,” pakilala ko.

“So nandito ka dahil kukunin mo ’yung huling sahod ng Mommy mo?” tanong ni Ma’am Evelyn.

“Opo… Kung pwede po sana.”

“Of course. Your Mom worked hard for it. At anak ka naman n’ya.”

Nakahinga ako nang maluwag. Ang akala ko, hindi pa nila ibibigay. Nag-iisip pa nga ako na baka kailangan ko pang magmakaawa para ibigay nila.

“Nasaan si Esmeralda?”

“Nasa… kulungan po,” alanganin kong sagot sa tanong ni Ma’am Evelyn.

“I see,” sabi n’yang tumatango-tango. Hindi na sinundan pa ang tanomg n’ya.

“May kapatid ka pang babae, ’di ba? Sinong nag-aalaga sa inyo ngayon?” tanong ni Sir Stanley.

“’Yung kapitbahay po namin. Sina Aling Lucia at Mang Ben. Sa kanila po muna kami tumutuloy ng kapatid ko.”

“Ibibigay mo ang sahod ng Mommy mo sa kanila?” tanong ni Ma’am Evelyn na napakunot ang noo. Parang ayaw sa ideyang ’yon.

“Hindi po,” sagot ko at umiling pa. “Ipanggagastos ko po sa amin ng kapatid ko. Wala na po kasi silang pera kaya hindi na po nila kami mapakain.”

Nagkatinginan ang mag-asawang Callisto.

“Paano ’pag naubos na ’yung sahod ng Mommy mo? Ano nang panggagastos n’yo?” Ma’am Evelyn asked.

Hindi agad ako nakapagsalita. Hindi ko pa kasi naiisip ang tungkol doon. Abala ako sa pag-iisip kung saan kami kukuha ng pangkain ni Larissa para sa hapunan mamaya kaya nagpunta na ako dito.

Pero kung mangyari nga ’yon. Hindi ko na alam…

“Hindi ko po alam…” mahinang sabi ko.

The Callistos stared at me. Napayuko ako. Hindi ko alam kung paano tatagalan ang tingin nila. Pakiramdam ko kasi ay hinuhusgahan nila ako.

“How old are you?” Ma’am Evelyn asked.

“Fifteen po.”

“’Yung kapatid mo?”

“Seven po.”

Ma’am Evelyn sighed. “Ang babata n’yo pa…”

“Why don’t we hire her, hon?” dinig kong sabi ni Sir Stanley. “I mean, kulang na rin naman tayo sa tao rito dahil wala na si Esmeralda. You know how hardworking she was. Kahit hindi n’ya trabaho, ginagawa n’ya.”

Napaangat agad ako ng tingin sa kanila. Eto na ’yon! ’Yung trabahong kailangan ko para matustusan ang pangangailangan namin ng kapatid ko!

Ma’am Evelyn scoffed. “You know that’s against the law, Stanley. That’s child labor.”

“Hindi po ako magsusumbong! Hindi ko po sasabihin kahit kanino!” hindi ko na napigilang sabat. Desperado na ko. “Please po… Kailangan ko po talaga ng trabaho. Naghahanap po talaga ako.”

“Hija… We can’t. Baka makasuhan pa kami,” sabi ni Ma’am Evelyn.

“Please po, sige na po… Alam ko pong matatagalan pa si Mama sa kulungan. Hindi ko na po alam kung saan pa ko makakahanap ng pangkain namin ng kapatid ko,” pagmamakaawa ko. “Sige na po. Kahit anong trabaho po, gagawin ko.”

Nagkatinganan ang mag-asawa. Kita ko sa mga mata ng lalaking Callisto na gusto n’ya akong tanggapin. Si Ma’am Evelyn ay mukhang alanganin pa.

“Marunong ka ba sa mga gawaing bahay?” tanong ni Sir Stanley mayamya.

Mabilis akong tumango. “Opo. Lahat po ng mga gawaing bahay, alam ko pong gawin.”

“Pati ang maglaba at mamalantsa?”

“Opo,” sabi kong tumatango pa.

Sir Stanley looked at his wife. Ilang sandali silang nagtitigan. Mayamaya ay bumuntonghininga si Ma’am Evelyn at tumingin sa akin.

“Alright… Pero bibigyan kita ng choices na pwedeng pagpilian,” Ma’am Evelyn said.

“Ano po?” I asked eagerly. Parang kahit ano pa yata ’yon, ayos lang sa ’kin. Basta magkaroon ako ng trabaho.

“Since you’re a student, I don’t want the job to get in the way of your studies. You can choose to work and stay here with your sister. Pero ang sasahurin mo, ’yung kakainin n’yo sa araw-araw pati ang ipangpapaaral namin sa inyo. Or you can choose to take the money every payday but of course, hindi kayo dito mag-i-stay.”

Napatulala ako habang pinag-iisipan ang mga sinabi n’ya.

Chapter 2

Napakurap ako. Hindi ko alam ang isasagot. Hindi ko naman akalain na mag-aalok sila sa akin ng ganito. Pumunta ako ngayong araw para sana kunin ang huling sahod ni Mama na makakatulong sa amin ng kapatid ko. Pero masyadong mabait ang tadhana dahil may solusyon na agad na ibinigay sa akin para sa problemang darating palang.

Nakita siguro ni Ma’am Evelyn ang paghihirap kong magdesisyon kaya nginitian n’ya ko.

“Hindi naman kailangang ngayon ka mag-decide, Reyziel… I just want you to know your options. Although personally, mas gusto kong mag-stay ka dito while you’re working. I think that’s better since you’re still a minor. But it’s still your choice.”

Napayuko ako at pinaglaruan ang mga daliri sa kamay kong nakapatong sa mga hita ko habang nag-iisip. Nag-angat rin ako ng tingin sa kanya nang may maalalang tanungin.

“Pati rin po ’yung kapatid ko? Pwede pong mag-stay dito?” I asked.

Ma’am Evelyn smiled as she nodded her head.

“Yes… Hindi ka mahihirapan sa pagtatrabaho at pag-aalaga sa kapatid mo dahil pareho kayong dito mag-i-stay. You’re both students at ayoko naman na maapektuhan ng sobra ang pag-aaral n’yo habang nagtatrabaho ka dito.”

“We both know how hardworking your mother is,” Sir Stanley said. “Nabanggit rin n’ya na tumutulong ka sa kanya so we’re sure that you’ll do a good job like your mother that’s why we want to hire you.”

“Paano po ang sahod?” I asked.

“Gaya ng sabi ni Evelyn, ang magiging sahod n’yo ay ang pagtira n’yo dito, pagkain sa araw-araw, at ang ipangpapaaral namin sa inyo ng kapatid mo. I think that would be enough as a payment.”

“Nakakausap mo ba ang Mom mo?” Ma’am Evelyn asked. Napatingin ako sa kanya at wala sa sariling napatango. “Good. I want you to talk with your Mom about this, okay? You’re both minors so we need her approval. Call us once you made a decision.”

Naglabas s’ya ng calling card mula sa purse n’ya at iniabot iyon sa akin. Kinuha ko ’yon sa kanya gamit ang dalawang kamay ko pa. Pareho pang nanginginig iyon kaya napatingin ako kay Ma’am Evelyn. She gave me a reassuring smile when she saw how my hands shook with nervousness.

Ibinigay rin nila ang huling sahod ni Mama at pinauwi na rin pagkatapos. Habang naglalakad ako ay titig na titig ako sa calling card na ibinigay sa akin ni Ma’am Evelyn. Halos makabisado ko na nga ang mga numerong nakasulat doon. Nalaman kong isa pala s’yang doctor sa isang malaki at sikat na hospital sa Manila. A surgeon.

Gamit ang perang sinahod ni Mama, naghanap ako ng tindahan kung saan pwede akong makitawag. Gusto ko na agad tawagan si Attorney Pelajio. Gusto ko nang makausap si Mama.

“Do you want to talk to her personally?” tanong sa akin ni Attorney Pelajio nang sabihin ko sa kanya kung ano ang itinawag ko. “Sa tingin ko kailangan n’yong personal na mag-usap ng Mama mo para sa bagay na ’to.”

“Pwede po?” paniniguro ko. Ilang buwan ko nang hindi nakikita si Mama at miss na miss ko na s’ya. Gustong-gusto ko na s’yang makita.

“Oo naman. Sa susunod na bisitahin ko ang Mama mo, isasama kita.”

“Sige po!” agad kong sabi. Hindi ko na pinag-isipan ’yon. Wala rin namang kailangang pag-isipan pa.

Um-absent pa ako sa school dahil may pasok ako nang araw na bibisitahin ni Attorney Pelajio si Mama. Gusto pa ngang sumama ni Larissa pero ako lang daw muna ang pwedeng isama ng abogado ni Mama. Sa susunod na lang daw si Larissa kapag dumalaw s’ya ulit.

Inilibot ko ang paningin ko nang nasa visitor’s area na kami at hinihintay na lang si Mama. Nakita ko ang iba pang mga tao doon na bumibisita rin roon. Ang iba ay kausap na ang taong binisita nila na nakasuot ng kulay orange na tshirt.

Narinig ko ang pag-ingit ng gate na binabantayan ng mga pulis kaya napalingon ako doon. Nakita ko si Mama na nakaposas ang mga kamay at bago s’ya papasukin sa visitor’s area ay tinanggal iyon ng pulis. Napatayo agad ako bago pa s’ya makalapit kung saan kami nakaupo ni Attorney Pelajio.

“Mama!”

Natigil sa paghahanap ang mga mata ni Mama nang tawagin ko s’ya. She looked at me and I saw happiness in her eyes as soon as she saw me. Mabilis s’yang lumapit sa akin at patakbo akong yumakap sa kanya.

“Reyziel…” bulong n’ya sa pangalan ko nang yakapin n’ya ako pabalik.

Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko kay Mama. Hindi ko napigilan ang mapaiyak. Nitong mga nakaraang buwan, pinipilit ko lang na magpanggap na malakas para sa kapatid ko. Dahil kailangan ako ni Larissa. Kailangan n’ya ng isang malakas na ate na mag-aalaga sa kanya ngayong wala na kaming mga magulang na magbabantay sa amin.

Pero ngayong yakap ko si Mama, naramdaman ko kung gaano ako kahina. Na hindi pala ako malakas. Dahil ngayong yakap n’ya ako, parang biglang gusto kong magsumbong sa kanya na nahihirapan na ako. Parang gusto ko na lang umiyak nang umiyak sa mga bisig n’ya.

“Shh…” pag-aalo sa akin ni Mama. Hinaplos n’ya pa ang likod ko na mas lalo lang nagpaiyak sa akin.

Ilang sandali bago ako natigil sa pag-iyak. Umupo na kami at kaharap ko si Mama, nasa tabi ko si Attorney Pelajio. Kitang-kita ko tuloy ang laki sa pagbabago ng itsura ni Mama kahit ilang buwan pa lang ang nakalipas.

Ang payat-payat na n’ya. Lubog na ang mga pisngi n’ya at sobrang gulo ng buhok n’ya. Parang ilang araw na hindi nagsusuklay. Ang suot na kulay orange na tshirt ay sobrang maluwag sa kanya. Malalim na rin ang mga mata n’ya ata nakitaan ko pa ng pangingitim sa ilalim noon.

“Kumusta ka na, anak?” she asked and smiled at me. “Si Larissa?”

“Pumasok po, ’Ma. Ayos lang po kami.” Napatikhim pa ako nang mapapiyok ako. “Kayo po? Parang hindi na kayo kumakain, Mama,” hindi ko na napigilan ang panginginig sa boses ko.

“Huwag mo kong alalahanin. Ayos lang ako dito,” she said using her soothing voice. “Ako nga ang nag-aalala para sa inyo. Hindi ko na kayo naaalagaan.”

“Ayos lang po talaga kami ni Larissa, Mama. Mababait po sina Aling Lucia at Mang Ben.”

She smiled and reached for my face. Marahan nyang hinaplos ang pisngi ko at parang gusto ko na namang umiyak pero pinigilan ko. Ayokong isipin n’ya na nagsisinungaling ako nang sabihin kong ayos lang kami dahil sa simpleng haplos n’ya lang ay gusto ko nang maiyak.

“Maraming salamat sa pagdadala ng anak ko dito, Attorney,” sabi ni Mama nang tumingin s’ya kay Attorney Pelajio.

“Wala ’yon, Esmeralda. May gusto kasing sabihin itong anak mo pero naisip ko na mas maganda kung personal kayong mag-uusap.”

Napakunot ang noo ni Mama nang tumingin sa akin.

“Ano ’yon, Reyziel?”

Napayuko sa mga kamay kong nakapatong sa table na nakapagitan sa amin. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya. Baka hindi pa s’ya pumayag dahil hindi naman namin kaano-ano ang mga Callisto.

“Nagpunta po kasi ako sa bahay ng pinagtatrabahuhan n’yo para kunin ’yung huling sahod n’yo, ’Ma,” panimula ko at ikinuwento sa kanya ang mga napag-usap namin ng mga Callisto. Sinabi ko ang lahat sa kanya.

“Gano’n ba…” sabi n’ya nang matapos ako. “Mababait ang mga Callisto, Reyziel. Mababait silang mga amo. Kahit kailan, hindi nila kami minaltratong mga nagtatrabaho sa kanila. Kung minsan pa nga, binibigyan nila kami ng bonus kahit walang okasyon.”

“Mas okay po ba kung doon na lang kami ni Larissa?”

“Kung ako lang, oo. Hindi rin ako kampante na iwan kayo sa lugar na kinalakihan n’yo. Delikado ’yon para sa inyo.”

“Ayos lang po sa inyo kung magtrabaho ako sa kanila at manatili sa mga Callisto?”

Malungkot s’yang ngumiti sa akin. Inabot n’ya ang mga kamay ko at ikinulong iyon sa mga palad n’ya. The warmth spread through my heart. It feels so comfortable. Para bang magiging okay ang lahat.

“Sa totoo lang, hindi, anak…” sabi n’ya sa malungkot na boses. “Ako dapat ang nagtatrabaho para sa inyo. Ang gagawin n’yo lang dapat ay mag-aral. Hindi ito ang ginusto ko para sa ’yo, Rey…”

Iginalaw ko ang mga labi ko para pigilan ang pag-iyak pero hindi ko na napigilan ang panunubig ng mga mata ko. Napalunok ako at nahirapan pa dahil sa nakabara sa lalamunan ko.

“Reyziel, pagpasensyahan mo na si Mama, ha? Hindi ko ginustong maranasan mo ang ganito. Ako dapat ang nag-aalaga sa inyo ng kapatid ko.”

Nanginig ang pang-ibabang labi ko sa pagpipigil na maiyak.

“Ayos lang po, ’Ma… Basta po lumaban kayo, ha? Huwag po kayong susuko. Magkakasama rin po ulit tayo nina Larissa.”

Tinawagan ko si Ma’am Evelyn at sinabi ang desisyon ko. Siniguro pa nilang nakausap ko si Mama tungkol doon bago sila pumayag at sinabing kahit kailan ay pwede na kaming lumipat doon at magsimula na akong magtrabaho.

Kaunting gamit lang ang nadala namin dahil kaunti lang din naman ang mga damit namin ni Larissa. Halos magkasya na nga iyon sa isang backpack lang. Kung hindi lang dahil sa mga notebook at mga librong ginagamit namin sa pag-aaral ay isang backpack lang talaga ang madadala namin.

“Mag-iingat kayo d’on, Reyziel, ha?” bilin sa amin ni Aling Lucia nang inihatid nila kami sa sakayan ng tricycle. “Kapag minaltrato kayo o gustuhin n’yong umalis, may babalikan naman kayo.”

Napangiti ako sa kanya. “Huwag po kayong mag-alala, Aling Lucia. Sabi naman po ni Mama na mababait ang mga Callisto.”

“Hindi natin alam ’yan, Reyziel. basta ipapaalala ko lang sa inyo na pwede kayong bumalik kung gusto n’yo.”

Ngumiti lang ako sa kanila ni Mang Ben. Kinuha ko ang backpack na bitbit nila nang tulungan nila ako sa pagbubuhat papunta sa sakayan ng tricycle.

“Maraming-maraming salamat po sa pagkupkop sa amin ng kapatid ko, Aling Lucia, Mang Ben… Hayaan n’yo po. Kapag nakaipon ho ako, susuklian ko ang kabutihang ginawa n’yo sa amin ni Larissa.”

“Kahit hindi na, Reyziel. Hindi rin naman naming kayang pabayaan na lang kayo ng kapatid n’yo,” sabi ni Mang Ben.

“Oo nga,” si Aling Lucia na tumango pa. “Basta maging maayos lang kayo ng kapatid mo, okay na sa ’min ’yon.”

Ngumiti ulit ako sa kanila at niyakap sila. Ilang sandali pa kaming nagpaalam ng kapatid ko bago kami sumakay na sa tricycle at nagpahatid sa bahay ng mga Callisto.

Pagkababa pa lang namin ay nakita ko na ang paghanga sa mga mata ni Larissa habang nakatingala sa malaki at malawak na bahay ng mga Callisto. Natawa pa ako nang makitang nakanganga pa s’ya. Pinindot ko ang doorbell at ang katulong na nagbukas sa akin ng gate noon ang s’ya ring nagbukas ngayon.

“O, Reyziel! Nandito na pala kayo.” Tumingin s’ya sa kapatid ko na tahimik lang sa tabi ko. “Ito ba si Larissa?”

“Opo,” sagot kong nakangiti.

“Ako ang Ate Edith n’yo,” pagpapakilala n’ya. “Halika, pasok na kayo.”

Pumasok na rin kami. Hindi matigil ang ulo ni Larissa sa paglinga habang naglalakad kami palapit sa mismong mansyon ng mga Callisto. Ang paghanga ay nasa mga mata n’ya pa rin.

“Ang laki ng bahay, ate! Parang palasyo!” hindi na napigilang sabi ni Larissa nang makapasok na kami sa loob. Pareho kaming napatawa ni Ate Edith.

“Wala sina Doc pero ibinilin n’ya kayo sa akin,” sabi ni Ate Edith. “Tara. Doon tayo sa maid quarters.”

Living room ang bubungad sa bahay pagpasok pa lang. Sobrang lawak ng living room nila at nadaanan pa namin ang dining area. Naglakad kami pakaliwa ng dining area at nadaanan din namin ang dirty kitchen. Nakita ko pa ang kitchen na nasa dulo pero salungat na direksyon ang nilakad namin bago kami nakarating sa maid quarters na nasa kaliwang dulo ng bahay.

“Dalawa ang pinto ng maid quarters. May pinto rin sa labas para hindi n’yo na kailangang pumasok sa bahay para makarating dito,” sabi ni Ate Edith. “Idinaan ko lang kayo para maging pamilyar kayo sa bahay.”

Binuksan na n’ya ang pinto at nakita ko kaagad ang tatlong double deck. Ang dalawa ay nasa kaliwa at ang isa ay nasa kanan. Maluwag ang kwarto. Mas maluwag pa nga ’yon sa buong bahay namin. Walang ibang taong nando’n bukod sa amin.

“Dito ako,” sabi ni Ate Edith at lumapit sa double deck na nasa kanan. Tinapik n’ya ang kamang nasa taas. “Ako ang naglilinis dito sa buong first floor ng bahay. Si Agnes naman sa second floor,” sabi n’ya at tinapik ang kamang nasa ilalim.

Napaisip ako. May kanya-kanyang gawain ang mga katulong?

“Dito kayo ng kapatid mo,” sabi ni Ate Edith at lumapit s’ya sa double deck na nasa kaliwa, sa tabi ng pintuan na nasa loob ng bahay. “Dito kayo sa baba. Si Cora ang dating nandito pero dahil magtatabi kayo ng kapatid mo, lumipat na lang s’ya sa taas. Baka may mahulog pa sa inyo. Si Cora ang tagaluto dito.”

Inilapag namin ni Larissa sa kamang pwesto namin ang mga bag na dala namin. Single bed lang ang kama pero para sa amin ng kapatid ko ay maluwag na iyon.

“Makikilala n’yo ang iba pa mamaya. Abala pa kasi sa kanya-kanyang mga gawain,” sabi ni Ate Edith nang makita ang kuryoso kong tingin sa double deck na nasa kabilang dulo. Malapit sa pinto na nasa labas. “Tara. I-tour ko kayo sa bahay.”

Nakasunod lang kami ni Larissa kay Ate Edith habang inililibot n’ya kami sa bahay at nagbibilin ng mga dapat at mga bawal gawin. Tahimik lang kami ng kapatid ko habang nakikinig sa kanya.

“Hindi kayo pwedeng magpagala-gala sa bahay,” bilin ni Ate Edith nang umakyat na kami sa second floor. “Kung saan lang ang gawain n’yo, doon lang kayo at sa maid quarters. Kung pwede nga lang ay huwag sana kayong magpakita kina Doc.”

“Huwag daw pagala-gala,” bulong ko kay Larissa.

“Oo, ate.”

“Ikaw, Reyziel, sa paglalaba ka. Nakita mo naman sa baba ang laundry area, ’di ba? Doon ka lang dapat,” sabi ni Ate Edith. “Nandito sa second floor ang master bedroom, kwarto ng anak nina Doc at tatlong guest rooms. Kaya kung maaari, huwag na huwag kayong aakyat sa second floor.”

“May anak po sina Doc?” kuryoso kong tanong.

“Oo. Lalaki. Nag-iisang anak nila. Pero sa ibang bansa nag-aaral.”

May ilan pa s’yang ibinilin bago kami bumalik sa maid quarter. Ang sabi ni Ate Edith ay pwedeng bukas na ako magsimula at ayusin na lang muna namin ni Larissa ang mga gamit namin at tulugan. Wala namang masyadong aayusin dahil kaunti lang naman ang mga dinala naming gamit.

Mababait ang mga iba pang katulong doon. Sa tuwing tapos na sila at nakikitang hindi pa ako tapos sa paglalaba at pagsasampay ay tinutulungan nila ako.

Tama ang sinabi ni Mama. Mababait ang mga Callisto. Binilhan pa nila kami ni Larissa ng mga bagong gamit sa school. Bago na ang uniporme namin at pati na rin ang mga bag namin. Hindi na rin kami nakatsinelas sa tuwing pumapasok sa school.

Dalawang taon ang lumipas at nagtatrabaho pa rin ako sa mga Callisto habang nag-aaral. Ang akala ko pa nga ay papaalisin na nila ako doon kapag nasa legal na edad na ako pero hindi nila ginawa. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa kanila dahil dalawang taon na lang ay tutungtong na ako sa kolehiyo.

Sa loob ng dalawang taon ay hindi ko nakita ang anak nila kahit na madalas na magkwento si Ma’am Evelyn tungkol doon. Sa pictures ko pa lang s’ya nakikita. Mas matanda s’ya ng limang taon sa ’kin. Med student s’ya sa ibang bansa at dahil busy ay hindi nakakauwi.

Pamilya ng doctor ang mga Callisto at napag-alaman ko pa na sila pala ang may-ari ng hospital kung saan sila nagtatrabaho. Ang Callisto Medical Center na isa sa malalaking Hospital sa Manila. Narinig ko pa na may mga branch na rin daw ang hospital sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Isang taon pa ang lumipas at naging busy kaming lahat sa nakatakdang pag-uwi ng nag-iisang anak ng mga Callisto. Si Doc Evelyn ay abala sa pagbibilin sa amin ng mga kailangan naming gawin. She wanted this welcome back party for her son to be perfect. Natatakot daw s’ya na baka kapag hindi nagustuhan ng anak ay bumalik sa ibang bansa at doon na lang manirahan.

Their son is the heir.

Nang dumating ang araw na ’yon ay mas lalo pa kaming naging abala. Pabalik-balik ako sa kitchen at sa garden ng bahay kung saan ginanap ang welcome party para sa anak nila. Maraming mga bisita at base sa mga kilos nila ay nahuhulaan ko nang mga importanteng tao sila. Mahigpit kong ibinilin kay Larissa na huwag lalabas ng maid quarters o pupunta sa garden.

“I am glad to announce that after ten years of studying abroad, my son is finally here!” sabi ni Doc Evelyn doon sa microphone. Nasa gitna s’ya ng maliit na elevated stage na nandoon sa garden. “Welcome back, Azazel!”

I took the chance to glance at the stage. Nakita ko ang isang lalaki na umakyat sa stage. He was wearing a three-piece black suit. Dahil may kalayuan ay hindi ko maaninag ang mukha n’ya. Pero naririnig ko ang ibang mga babaeng guests na nagsasabing gwapo raw ang lalaki.

May iba pang sinabi si Doc Evelyn pati na rin si Doc Stanley bago nila itinaas ang wine glass na hawak. The guest took a toast with them.

“Miss?”

Napalingon ako sa tumawag sa akin. It was one of the guests.

“Yes, Ma’am?”

“Can you wipe this, please?” turo n’ya sa table nila. “I accidentally spilled my drink.”

I smiled at her. “Sure, ma’am. Kukunin ko lang po ang pamunas.”

Pumasok na ako ng bahay at agad na dumiretso sa kitchen para kumuha ng pamunas na gagamitin ko. Walang ibang tao doon bukod sa akin. Siguro ay abala sila sa labas kung nasaan ang party at inaasikaso ang mga bisita. Ang dami pa namang bisita ngayon.

Pagtalikod ko para sana bumalik na sa garden ay napatigil ako sa lalaking nakatayo sa bukana ng kusina. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto ko na sanang umalis pero nakaharang s’ya sa daraanan ko.

This is Azazel Callisto. The guests were right. Gwapo nga s’ya. He has dark hair and light brown eyes. Sa paraan pa lang ng tindig n’ya ay mukha na s’yang respetadong tao.

“Who are you?” tanong n’ya sa matigas na Ingles.

Akala n’ya ba magnanakaw ako? Naka-uniform naman ako ng pang-katulong.

“Uhm…” I looked around. Gusto ko nang tumakas. “Reyziel po. Isa sa mga housemaids.”

He stared at me. Nakita ko pang napakunot ang noo n’ya na parang kinikilala ako. It’s useless. Ngayon lang naman kami nagkita.

“How long have you worked here?” he asked.

“3 years na po.”

Napatingin ako sa palagid at hiniling na sana ay may dumating. Pero wala. Bakit ba kasi ngayon pa talaga nawalan ng tao dito sa kusina?

Sinubukan ko ulit tumingin sa kanya pero nang makitang nakatitig s’ya sa akin ay napatikhim na lang ako. Baka sakaling makaramdam s’ya na nakarahang s’ya sa daan kaya hindi ako makaalis.

“Ace?” rinig ko ang boses ni Doc Evelyn at pareho kaming napatingin ni Azazel sa kanya na bumungad sa kusina. “There you are. I’ve been looking for you.”

“Mom…”

“Ace… Why are you here?” tanong ni Doc Evelyn sa anak na mukhang hindi pa ako napapansin.

“Nothing. I just wanted to look around the house,” dinig kong sabi ni Azazel.

Tumikhim ulit ako at naglakad ng loob na magpaalam sa dalawa. Napatingin silang pareho sa akin.

“Excuse me po. Balik na po ako sa garden,” I said.

“Oh, Reyziel. Make sure the guests have enough drinks, okay?” Doc Evelyn said. Tinignan ko s’ya.

“Yes po, Doc,” I said. Ramdam ko ang tingin sa akin ni Azazel pero hindi ko na s’ya nilingon at naglakad na palabas sa kusina.

Chapter 3

Naging usap-usapan lalo na sa aming mga kasambahay ang tungkol kay Azazel Callisto. Sa tuwing nagkakaroon ng pagkakataon o sa tuwing nakikita ng iba ang lalaki, hindi mawawala ang pagkukwentuhan. Hindi rin naman kasi madalas na makita ang nag-iisang anak ng mga Callisto sa loob ng mansyon kaya ganoon na lang din siguro ang tuwa nila.

“Ang gwapo talaga ng anak nila Doc, no?” sabi ni Ate Cora isang gabi nang tapos na kami sa mga gawain at naghahanda na sa pagtulog. Nagpapahid s’ya ng kung ano sa mukha n’ya.

“Hay, naku! Sinabi mo pa! Parang artistang poreneyr ! Ngayon lang ako nakakita ng gano’ng kagwapo sa buong buhay ko!” sabi naman ni Ate Edith.

“Sumbong kita sa asawa mo, Ate Edith,” sabi ni Ate Agnes at nagtawanan sila.

Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti habang nakikinig sa pinag-uusapan nila. Hindi lang ’yon ang gabi na pinag-usapan nila ang tungkol sa batang Callisto. Mas lalo na noong unang linggo mula nang umuwi si Sir Ace. Kahit nagtatrabaho ay pinag-uusapan pa rin nila.

Nakikinig lang ako sa kanila sa lahat ng pagkakataon pero hindi ko mapigilan ang ’di sumang-ayon. Totoo naman kasi. Kahit ako ay ngayon lang din nakakita ng ganoong kagandang lalaki. Akala ko ay sa mga palabas lang ako makakakita ng katulad n’ya. Gwapo at maganda pa ang pangangatawan.

“Nakakaganang magtrabaho kapag may ganoong nakikita. Gwapo na tapos bata pa. Hindi ’yung asawa ko na lang palagi ang nakikita ko,” reklamo ni Ate Edith. Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang pagtutupi sa mga damit namin.

“Ang gwapo nga ni Sir Ace, ate,” sabi ni Larissa sa gitna ng paggawa ng assignments n’ya. Napatingin tuloy ako sa kanya.

“Nagkita kayo?” I asked.

Umiling si Larissa. “Hindi. Ako lang nakakita sa kanya. Papasok na ko no’n sa school tapos nakita ko s’ya, pumasok ng bahay. Nag-jogging yata.”

Napatango ako. “Basta, ha? Iwasan mo sila. Baka sabihin pagala-gala ka dito sa bahay, eh, nakikitira lang naman tayo dito.”

“Alam ko naman ’yon, ate. Pero, aminin mo. Gwapo talaga si Sir Ace, ’no?”

Bumuntonghininga ako at kumuha ng bagong damit na tutupiin sa mga sinampay na hinango ko kanina.

“Ikaw, Larissa, ha? Bata ka pa.”

“Bakit? Naggawapuhan lang, eh,” pagrarason n’ya pa. Sinimangutan ko tuloy kaya bumalik na s’ya sa paggawa ng assignment n’ya.

“Kanino pong damit ’to?” tanong ko nang hindi pamilyar ang damit na tutupiin ko. Ginugrupo ko na kasi ang mga damit na natupi ko na.

“Ay, sa akin ’yan, Rey,” sabi ni Ate Agnes kaya tumango na lang ako at nagpatuloy na ulit sa pagtitiklop.

Ilang buwan din ang lumipas at hindi ko rin naman madalas makita si Sir Ace sa mansyon. Kahit din naman sina Doc. n Naiintindihan ko dahil abala sila sa hosital. Siguro, sinasanay na rin nila ang anak nila ’cause he’ll be the one who’ll handle the hospital in the near future.

Sa tingin ko rin, imbes na maglagi sa bahay ay sinasanay rin ni Sir Ace ang sarili n’ya sa bagong lugar. I heard that he’s planning of staying here. Parang dito na yata planong ipagpatuloy ang pag-aaral ng medisina.

Iwas na iwas naman ako sa kanya kapag may pagkakataon na nakikita ko s’ya sa mansyon. That conversation we had during his party was our first and last conversation. Wala rin naman akong planong dagdagan pa ’yon. Anak s’ya ng mga amo ko. Kaya technically speaking, amo ko na rin s’ya.

Ilang beses na rin akong bumisita kay Mama habang nasa loob s’ya ng kulungan. At sa bawat pagkakataon ay mas nalulungkot lang ako. Ang payat-payat na n’ya. Ibang-iba na ang itsura n’ya dati noong kasama pa namin s’ya. Gustong-gusto ko na s’yang makalabas ng kulungan pero wala naman akong magawa.

Hirap na hirap ako kapag nakikita ko s’ya. Ang sakit sa pakiramdam na wala akong magawa kundi ang maawa na lang sa kanya.

Ang gusto lang naman ni Mama para sa pamilya namin ay ang bumuti ang buhay namin. Ang makapagtapos kami ni Larissa ng pag-aaral. Pero bakit nauwi sa ganito ang lahat?

“Reyziel!”

Sinalubong agad ako ni Mama ng yakap nang makita n’ya ako kaya yumakap ako pabalik sa kanya. Ang higpit ng pagkakayakap n’ya sa akin pero hindi ako nagreklamo. Miss na miss ko na s’ya. Kahit kailan naman.

Sana maging maayos na ang lahat. Sana makalabas na s’ya sa kulungan para magkasama na ulit kami.

“Kumusta na ang baby ko?” sabi ni Mama habang hinahaplos ang buhok ko. Naglakad kami papunta sa upuan habang ginagawa n’ya iyon. Si Attorney Pelajio ay tahimik lang na nakamasid sa amin hanggang sa makaupo na kami.

“Ayos lang po, Ma,” sabi ko habang pinapasadahan s’ya ng tingin. Napabuntonghininga ako. “Ma, mas pumapayat ka pa. Sabi ko naman po sa inyo na kumain kayo.”

“Eh, hindi masarap pagkain dito,” may pagrereklamong sabi ni Mama pero agad rin akong nginitian. “Si Larissa?”

“Nasa school, Ma. Ayos lang din s’ya. Nag-aaral s’ya ng mabuti.”

“Eh, ang papa mo? Nakahanap na ba ng trabaho?”

Natigilan ako sa tanong n’yang ’yon. Hindi ko na napigilan ang paninikip ng dibdib ko. Bigla ay parang gusto kong humagulgol ng iyak. Pero ayoko namang mangyari ’yon lalo pa at ngayon na lang kami nagkita. Ayokong umiyak sa tuwing dumadalaw ako sa kanya.

Kahit na nahihirapan ay sinubukan kong ngumiti sa kanya. Naramdaman ko ang panginginig ng pang-ibabang labi ko sa pagpupumilit na ngumiti pero mukhang hindi naman iyon napansin ni Mama.

“Sinusubukan po n’yang makahanap.”

She smiled. Napalunok ako at naramdaman ang bikig sa lalamunan ko.

“Mabuti ’yon,” she said. “’Pag nakalabas ako dito, magkakaroon ako ng trabaho. Pero syempre, kailangan ko munang tapusin ang training ko dito.”

Tinanguan ko lang si Mama at hindi na sinubukang magsalita. Sa palagay ko ay mapapahagulgol na talaga ako kapag nagsalita pa ako. Nararamdaman ko na ang panunubig ng mga mata ko at alam kong ilang sandali na lang ay mapapaiyak na ko.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Hindi ko alam kung kailan ko rin unang napansin ang pagbabagong ’yon ni Mama. Sa palagay ko, noong unang taon pa lang na nakakulong s’ya.

Sa tuwing binibisita ko s’ya, napapansin ko ang mga pagbabagong ’yon sa kanya. Ang pagbabago ng kilos n’ya at pananalita n’ya. At sa bawat pagbisita ko, mas lalo lang iyong lumalala.

Pinipilit kong sabihin sa sarili ko na ayos lang ang lahat. Na ayos lang si Mama. Pero kahit na anong pilit ko pang paniwalain ang sarili ko, alam ko, may mali na sa kanya. Lalo na sa pag-iisip n’ya.

Parang nakalimutan n’ya ang nangyari ng gabing ’yon. Nakalimutan n’ya ang mga masasamang nangyari. Sa isip n’ya ay buhay pa rin si Papa at inaalagaan kami. Nakalimutan n’ya rin ang pagtatrabaho ko sa mga Callisto.

Sa isip n’ya ay wala s’ya sa loob ng kulungan. Na nasa isang employment agency s’ya at nagte-training para sa magiging trabaho n’ya pagkatapos.

Naaalala ko pa kung gaano ako namamangha sa isip ng tao. Kung anong iniisip ng bawat isa bago sila gumawa ng anumang kilos. Kung anong nasa isip nila sa mga pangyayari sa buhay nila. Kung hanggang saan ang kayang isipin ng tao.

Pero ngayon, si Mama, mukhang kusang kinalimutan ng isip n’ya ang mga masasakit na nangyari sa buhay namin.

Pinilit ko pa rin ang ngumiti kahit na ang gusto kong gawin ay umiyak. Sobrang sakit na makitang nagkakaganito si Mama.

“Sige po, Ma. Maghihintay po kami sa paglabas n’yo.”

“Mabibili ko na kayo ni Larissa ng mga pagkain sa Jollibee. Paborito n’yo ’yon, ’di ba? Lalo na ’yung spaghetti.”

Ang plano kong huwag umiyak sa harapan n’ya ay hindi ko na nagawa. Kusa nang tumulo ang mga luha ko nang marinig iyon sa kanya.

Gusto nga namin ’yon. Si Larissa ang madalas na humingi no’n sa mga magulang namin. Tuwing birthday n’ya. O hindi kaya ay kapag napapasama s’ya sa top ng klase nila kaya ganado mag-aral ang kapatid ko noon. Pero kung minsan, hindi nila kami nabibili dahil sa kahirapan. Dahil mas may kailangan pa kami kaysa sa mga pagkain sa Jollibee.

Pinunasan ni Mama ang mga luhang tumulo sa pisngi ko. Nakangiti s’ya. She must’ve thought that they were tears of joy. She must’ve thought that I’m happy ’cause finally, mabibili na n’ya kami ng paborito naming pagkain.

Hindi naman namin kailangan ’yon. Kahit habangbuhay pa kaming hindi na makakain no’n. Basta lang makasama ulit namin si Mama.

“Huwag ka nang umiyak, ha?” sabi pa ni Mama habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko. “Malapit na kong makapagtrabaho. Bibigyan daw nila agad kami ng trabaho paglabas namin ito. Kaya magiging maayos na ang lahat.”

Tumango lang ako at niyakap si Mama. Tahimik akong umiyak sa mga balikat n’ya at pilit na pinapakalma ang sarili ko. Pero mas lumalala lang ang pag-iyak ko lalo pa nang maramdaman ko ang paghaplos ni Mama sa likod ko, inaalo ako.

Nang maubos ang oras namin sa pagdalaw ay hindi muna ako pinauwi ni Attorney Pelajio at kakausapin pa raw ako. May ideya na ako na hindi ko magugustuhan ang mga sasabihin n’ya sa akin lalo pa nang makita ko ang kaseryosohan sa mga mata n’ya.

“Nag-file ako ng request na mai-transfer sa mental health insitution ang nanay mo para matutukan s’ya sa mga pangangailangan n’ya.”

Kahit si Attorney Pelajio ay napansin na rin ang mga pagbabagong iyon kay Mama kaya n’ya ginawa iyon. They were providing medical needs for the prisoners, even counseling, pero sa dami ng mga nakakulong ay hindi lahat natututukan iyon. At sa tingin ko rin, masyado nang malala ang kay Mama.

“She needs therapy, Reyziel. Kailangan agapan. Hindi uusad ang kaso kung hindi s’ya makakausap nang maayos.”

Hindi ako nakapagsalita. Sa ngayon, sa isip ni Mama ay buhay pa si Papa at naghahanap ng trabaho para sa amin. Kung malalaman n’ya ang mga nangyari, hindi ko alam kung anong mangyayari sa kanya. Natatakot akong baka mas lumala pa ang kalagayan n’ya.

“Ano na pong balita sa request n’yo?” tanong ko.

Napabuntonghininga si Attorney Pelajio.

“Iyon nga, eh. Hanggang ngayon wala pa ring balita. Tuwing nagpa-follow up ako, palagi nilang sinasabi na pina-process daw pero hindi naman alam kung aaprubahan o hindi.”

“Ano na pong gagawin natin? Baka mas lalo lang pong lumala ang lagay ni Mama,” nag-aalala kong sabi.

“Wala tayong magagawa kundi ang maghintay, Reyziel. Ito ang mahirap kapag wala kang… kapit. Maghihintay ka lang kahit gaano pa katagal dahil ’yon na lang ang magagawa mo.”

Iyon lang ang nasa isip ko sa mga nagdaang araw. Pinoproblema ko kung anong pwede kong magawa para kay Mama. Para makatulong man lang sa kalagayan n’ya. Pero hindi ko naman alam kung paano.

I tried researching about my mother’s condition. Marami akong nabasa kung anong posibleng nangyayari sa kanya. Pero sa lahat ng ’yon, may napagtanto ako. Being in jail isn’t a good thing for her. Mas lalo lang lalala ang kalagayan n’ya kung nandoon s’ya.

Tama si Attorney Pelajio. My mother needs a specialist.

Hindi ko sinabi kay Larissa kung anong nangyayari kay Mama. Alam kong nakakahalata rin s’ya pero sa tuwing dumadalaw kami, pinapakiusapan ko na lang s’yang sakyan n’ya ang mga sinasabi ni Mama. Hindi rin naman s’ya nagtatanong. Pero balang-araw, ipapaliwanag ko rin sa kanya ang lahat.

Inabot ako ng gabi sa paglalaba kaya naabutan ko pang naghahapunan ang mga Callisto sa dining area. Gusto ko sanang lumiko o huwag magpakita sa kanila pero kahit anong gwain ko, kailangan kong daanan ang dining area bago makapunta sa maid quarters. Wala akong choice kundi ang dumaan doon.

Nakayuko ako habang naglalakad, humihiling na sana ay walang makapansin sa akin o wala silang kailanganin sa akin. Pero hindi iyon natupad.

“Reyziel, hija?” it was Doc Evelyn. “Come here.”

Wala akong nagawa kundi ang mag-angat ng tingin at tignan sila. They were all looking at me, waiting for me to come near them. Wala akong nagawa kundi ang lumapit sa dining table.

Hindi ko alam kung anong kailangan ni Doc Evelyn sa akin. Kung may ipag-uutos ba s’ya. Pero nando’n naman sina Ate Agnes, nag-aabang sa iuutos nila kaya hindi na nila ako kailangan doon.

Tumigil ako hindi kalayuan sa dining table. Nasa pinakapuno ng upuan si Doc Stanley, sa kanan n’ya si Doc Evelyn, sa kaliwa ay si Sir Ace. Nakaharap ako kay Doc Evelyn kaya ang likod lang ni Sir Ace ang nakikita ko.

“Bakit po, Doc?” tanong ko nang makalapit.

“College student ka na next school year, right? Anong course ang kukunin mo?”

Natigilan ako doon sa tanong ni Doc Evelyn. Ayokong umasa pero naisip ko na hindi naman s’ya magtatanong ng ganito kung wala lang.

“Pag-aaralin n’yo rin po ako ng college?” dahan-dahan kong tanong.

She flashed me a smile.

“Of course! ’Di ba nga? That’s our deal?”

“What deal, Mom?” dinig kong tanong ni Sir Ace bago uminom ng tubig.

Doc Evelyn smiled at her son.

“Reyziel is working here in exchange sa pagpapatira at pagpapaaral namin sa kanila ng kapatid n’ya,” she explained before she looked at me. “So? What course are you planning to take?”

Hindi ko alam kung anong uunahing gawin, ang pasalamatan ba sila o sagutin ang tanong n’ya.

“Psy… Psychology po,” natataranta kong sagot.

Hindi ko kasi inaasahan na hanggang sa college ay pag-aaralin nila kami. Ang alam ko, mahal na ang tuition fee sa college, maliban na lang kung makahanap ng murang school o maging scholar at makalibre sa tuition. Iyon ang plano ko. Pero nagulat ako sa sinabi ni Doc Evelyn ngayon!

Gusto kong maiyak sa tuwa. Gusto kong magpasalamat nang magpasalamat sa kanila. Kahit na pinagtatrabahuhan ko naman, sa tingin ko ay hindi sapat ang mga sinasahod ko sa mga pinapalit nila sa amin.

“Oh, wow! That’s good,” sabi ni Doc Evelyn na mukhang natuwa sa sagot. “Any reason bakit iyon ang course na kukunin mo?”

I shifted my weight on my other foot. Alam kong alam nila ang nangyari sa pamilya namin. Alam nilang nakulong si Mama. Pero hindi pa nila alam ang kalagayan ni Mama ngayon.

“Noon pa po talaga ako interesado. Tsaka… dahil po kay Mama,” matapat kong sagot. They deserve to know. Sila pa ang magpapaaral sa akin.

Nakita kong napakunot ang noo nina Doc Evelyn at Doc Stanley. Nagkatinginan pa sila.

“Bakit? Anong nangyari sa Mama mo?” kuryosong tanong ni Doc Stanley.

I pursed my lips. Humugot muna ako ng malalim na paghinga.

“Mukhang nagka-trauma po si Mama dahil sa mga nangyari. Hindi rin po nakatulong na nasa kulungan s’ya.”

“What about her case?” it was Doc Evelyn.

“Hindi rin po umuusad dahil sa kalagayan n’ya.”

Hindi sila nakapagsalita. Mukhang hindi alam ang sasabihin. They know that no words could make me feel better. Lalo pa at wala akong magawa para kay Mama.

Ayos lang naman sa akin kahit wala na silang sabihin. Sobra-sobra na ang naitulong nila sa akin. Hindi ko nga alam kung paano pa makakabawi doon.

“Mom can do something about that,” Sir Ace suddenly said. Napatingin tuloy kaming lahat sa kanya.

Nakatalikod s’ya sa akin kaya hindi ko alam kung sino ang kinakausap n’ya pero may palagay ako na ako. Napatingin pa ako kay Doc Evelyn at nakita ko ang gulat sa mga mata n’ya habang nakatingin sa anak. But she was trying to compose herself.

“I can?” alanganing tanong pa ni Doc Evelyn.

Nakita kong napatango si Sir Ace.

“Yeah. You know someone from NCMH, right? I think you can help her mother.”

Napatingin ulit ako kay Doc Evelyn. She was smiling but I can see the uncertainty on her face. Mukha rin s’yang nagugulat sa mga sinasabi ng anak.

Hindi ko rin naman alam kung anong ibig sabihin ni Sir Ace doon. Kung paano nila matutulungan si Mama. Kahit hindi pa nila tulungan, ayos lang sa akin. Hindi rin naman nila problema ’yon.

Pero… may parte sa akin na umaasang sana nga… matulungan nila si Mama.

“Right, Mom?” si Sir Ace nang hindi sumagot ang ina.

“Yeah…” sabi ni Doc Evelyn pero may pag-aalangan pa rin sa ngiti n’ya. Maya-maya ay tumikhim at ngumiti na. “Yeah, of course… I think… I think I can pull some strings.”

Napakurap-kurap ako. Hindi maintindihan ang pinaparating n’ya.

“Tutulungan n’yo po si Mama?” paniniguro ko pa.

Nang ngumiti sa akin si Doc Evelyn habang nakatingin sa akin ay parang gusto ko na lang maiyak sa harapn nila.

Sa lahat ng mga masasamang nangyari sa pamilya namin, hindi pa rin kami pinabayaan at may mabait na pamilyang tumutulong sa amin.

“Of course! Hindi naman bago sa amin si Esmeralda,” sabi pa ni Doc Evelyn. “Maybe we can request a transfer for your Mom. Para mabigyan s’ya ng medical attention na needed n’ya.

Sunod-sunod akong napatango habang maluha-luha na ang mga mata ko. Alam kong nag-request na si Attorney Pelajio pero pakiramdam ko, magiging mabilis na ang proseso dahil katulong na ang mga Callisto ngayon. Sabi rin ni Attorney Pelajio na mabagal kung walang kapit.

But the Callisto were one of the powerful families. They have powers that could help my Mom.

“Nakakahiya po. Ang dami n’yo nang naitulong sa akin,” sabi kong hindi na napigilan ang panginginig sa boses ko dahil sa sobrang tuwa.

“Oh, don’t be,” sabi ni Doc Stanley na malaki rin ang ngiti sa akin. “You’re a hardworking kid. You deserve this.”

“Thank you po! Maraming salamat po!” tuwang-tuwa kong sabi. “Paano ko po kayo mababayaran?” tanong ko. Ayokong tanggapin ng libre ’to. Masyadong malaki ang tulong na ’to at hindi ako matatahimik hangga’t hindi ako nakakabawi sa kanila.

Kahit ano pa ’yan, gagawin ko para kay Mama.

“She can work for our hospital once she become a registered psychologist,” Sir Ace said. Hindi ako ang kausap n’ya pero alam kong ako ang tinutkoy n’ya.

“Yeah… Yeah. I think that’s a good idea,” sabi ni Doc Evelyn na tumatango-tango pa.

“Sure po! Kahit ano pa po ’yan, gagawin ko! Maraming salamat po talaga!”

I took up BS in Psychology with the help of the Callisto. Sila ang gumastos sa lahat ng mga kinailangan ko sa pag-aaral. I passed the board exam and became a registered psychologist. At gaya ng napag-usapan, nagsimula akong magtrabaho sa Callisto Medical Center bilang clinical psychologist nila.

It was Sir Ace who trained me. Kahit na minsan ay hindi ko maintindihan dahil magkaiba kami ng field. He’s a surgeon. Pero dahil marami akong natutunan sa kanya, hinayaan ko na lang.

And soon enough, I started taking up patients.

Chapter 4

Kanina ko pa inoobserbahan ang pasyenteng nasa harapan ko. She has a pillow on her lap. Nakataas din ang mga paa n’ya sa sofa kung saan s’ya nakaupo. I noticed her glancing from time to time on her watch. Maya-maya ay ang buong kwarto naman ang titignan n’ya.

Kanina, nang magsimula ang session namin, halos hindi s’ya makatingin sa akin. Nakayuko lang at pinaglalaruan ang mga daliri sa kamay. After a few minutes, of me talking mostly, I saw her relaxing a bit but her guard was still up. Inaasahan ko na naman iyon dahil first session rin naman namin ’to.

“You keep on glancing on your watch, Mindy. Are you waiting for your Mom?” I asked with a light tone. Saglit s’yang sumulyap sa akin at yumuko ulit bago tumango.

“Yeah,” she softly said.

“Is she gonna pick you up?” I asked. Hindi s’ya nagsalita at tumango lang. “Anong oras mo sinabing sunduin ka n’ya?”

“Sabi ko… bumalik s’ya half an hour.”

“Hindi nagtagal ang session natin ng kalahating oras. How do you feel about that? Does that make you feel better?” I asked. Nang tumango s’ya sa tanong ko ay napangiti ako.

She was in a strange place, talking with a stranger. Naiintindihan ko kung hindi n’ya gustong magtagal sa lugar na ’to. She looked anxious earlier when she walked in my office. At habang nag-uusap kami kanina, ramdam ko ang kagustuhan n’yang umuwi na.

“Would you like to stay here for a bit longer? Talk or maybe… familiarize yourself in this room?”

She looked up. Nakita ko ang pag-aalangan sa mga mata n’ya. Mukhang hindi alam kung paano sasagutin ang tanong ko. Maya-maya ay tumungo ulit at umiling. Nakakaunawang tumango ako.

“Do you want to call your Mom and tell her that the first session is shorter?”

Tumango s’ya nang hindi nakatingin sa akin. Hindi pa rin nagsalita.

“Yeah…” sabi ko at tumango-tango. “It’s okay. This is enough. I know it isn’t easy for you to be here. A lot of people find it confronting to walk in here because of the issues that we might gonna talk about in the future.”

She looked at me. I flashed her a gentle smile.

“And you… You’re doing a great job just by familiarizing yourself in this room. You’re doing well,” I said. “And I’m here with you…”

Natapos ang session namin nang sunduin ang pasyente ko ng nanay n’ya. They both said thanks to me. Kahit na ilang pa rin si Mindy  at hindi pa rin makatingin sa akin ay napangiti ako.

It’s okay… It’s usually like this.

“Dinah?” I called my secretary who was probably just outside my office. Sana lang. May pagkamadaldal pa naman ang isang ’yon at ilang beses ko nang nahuling nakikipagkwentuhan sa iba habang oras ng trabaho.

“Yes, Miss Reyziel?” bungad sa akin ni Dinah nang pumasok sa office ko.

“Last patient ko na ba today si Mindy?” I asked. Mabilis naman s’yang tumango.

“Yes, Ma’am.”

I grinned at her. “Kaya pala nakapag-retouch ka na,” puna ko sa kanya nang makitang ayos na ayos na ang itsura n’ya.

She laughed. Mukhang nahihiya pero idinaan na lang sa tawa.

“Syempre, Ma’am. Kailangang maganda pag-uwi.”

Natawa na lang ako at ikinumpas ang kamay ko na parang pinapaalis na s’ya.

“Sige na, sige na. Ako naman ang mag-aayos.”

When Dinah left the room, inilabas ko ang salamin na nasa drawer ko. Ipinatong ko iyon sa table at nagsimulang ayusin ang sarili ko. 

I stared at myself in the mirror. I have black round eyes. Madalas na pansinin iyon ng mga katrabaho ko, lalo na ng mga nurse dahil masarap daw lagyan ng make up.

My eyes compliment my straight thick brows and my small nose. Dahil ganoon ay sinasabi nilang approachable ako, hindi mukhang mataray. Kaya siguro nakikipagbiruan sa akin ang mga nurse at palaging may nakahandang ngiti sa akin sa tuwing nakikita nila ako.

I have pinkish heart-shaped lips. Ang buhok kong itim at tuwid ay hanggang ibabaw lang ng balikat ang haba. Hindi na yata lumagpas pa doon ang haba ng buhok ko simula pa noon.

Nang matapos makapag-ayos ay tumayo na ako. Kinuha ko ang shoulder bag bago lumabas ng office at ini-lock iyon. Nakita ko pa si Dinah na may kakwentuhan pa pero mukhang handa na ring umuwi.

“Miss Rey! Uuwi ka na?” tanong ng kausap ni Dinah nang makita ako.

I smiled and shook my head. “Dadaanan ko pa muna si Ace.”

Nagkatinginan sila at nang ibalik ang tingin sa akin ay nakita ko ang nakakaloko nilang ngiti.

“Uy… Aminin mo na, Ma’am! Kayo na talaga ni Doc, ’no?” pang-aasar pa sa akin ni Dinah.

Napangiti na lang ako habang umiiling.

“Kayo talaga…” sabi ko na lang. “Sige na. Ingat kayo sa pag-uwi, ha?”

“Kayo din, Miss Rey!” dinig kong sabi nilang dalawa. Ngumiti lang ako at naglakad na papunta sa office ni Ace.

Wala sa sariling napaayos ako sa dress ko habang naglalakad. Nakita ko ang isang nurse na naglalakad pasalubong at nakatitig sa akin. Agad kong ibinaba ang dalawang kamay sa gilid ko at nginitian s’ya. He just smiled back. Dire-diretso na rin akong naglakad papunta sa office ni Ace.

“Hi! Busy ba si Ace?” tanong ko sa secretary n’ya nang makita ko.

She smiled at me. “Hindi po, Miss. Wala na rin pong pasyente si Doc.

“Alright. Papasok na ko, ha?” Nang tumango s’ya ay dumiretso na ako sa pinto ng office ni Ace at kumatok doon.

Binuksan ko ang pinto nang hindi hinihintay ang sagot n’ya. Nakita ko s’yang nakaupo sa likod ng office table n’ya at may kung anong sinusulat. Nang maramdaman ang pagpasok ko ay napaangat ang tingin n’ya sa akin.

“Hi! Are you done?” I asked as I entered his office.

Napangiti naman s’ya nang makita ako. I couldn’t help but return his radiant smile.

“Malapit na. Tatapusin ko lang ’to,” he said.

Tumango ako at umupo na sa harapan ng office table n’ya habang bumalik naman s’ya sa pagsusulat. Sandali ko lang inilibot ang paningin ko sa office n’ya bago ko ibinalik ang tingin kay Ace na tahimik pa ring nagsusulat. Hindi ko maiwasan ang mapatitig sa kanya.

Ace is a very attractive man. He has clean-cut hair that was always in a brush-up style. Malinis palagi ang itsura n’ya and no sight of stubbles on his chin and jaw. Maputi s’ya, mas maputi pa nga kaysa sa akin. Matangkad at kapag itinatabi ako sa kanya ay hanggang balikat lang ako.

He was wearing a red button-down longsleeve shirt at nahuhulaan kong naka-tuck in iyon sa itim na trousers n’ya. That’s how he always looked like. Ang lab coat n’ya ay nakasabit sa coat hanger na nasa gilid ng opisina n’ya.

Alam ko rin na marami ang nagkakagusto sa kanya dito sa hospital. Hindi ko rin naman sila masisi. Naririnig ko pa nga sa mga nurse na kahit ang mga pasyente raw ay gustong si Ace ang maging doktor nila.

Napaayos ako ng upo nang mapansing tapos na sa pagsusulat si Ace. Tinakpan n’ya na ang ballpen at inilagay iyon sa holder. Inilagay n’ya sa drawer ang sinulatan n’ya at pagkatapos ay tumingin sa akin at nginitian ako.

“Shall we go?” he asked. Ngumiti ako at sunod-sunod na tumango.

He stood up and took his lab coat from the hanger. Napatayo na rin ako. Nauna s’yang maglakad sa pinto at binuksan iyon para sa kin. Sabay kaming lumabas ng opisina n’ya.

“Joanna,” tawag n’ya sa secretary n’ya nang makalabas kami.

“Yes, Doc?”

“We will go now. Kung may problema, just call me, okay?”

Tumango naman si Joanna. “Yes, Doc. Ingat po kayo,” sabi n’ya at tumingin sa akin.

I smiled at her. “Ikaw din.”

Naglakad na kami ni Ace palabas ng hospital. Napansin ko ang mga sumusunod na tingin sa amin lalo na ng mga babaeng nurse na nadadaanan namin. Some even greeted us. Sinabing mag-iingat kami sa pag-uwi na ginagantihan ko naman ng ngiti.

Bumaba kami sa basement parking dahil doon nakaparada ang kotse ni Ace. Pinagbuksan n’ya pa ako ng pintuan. I said my thanks before I went inside the car. Umikot naman s’ya at maya-maya lang ay nakaupo na s’ya sa driver’s seat.

“Let’s go have our dinner first,” he said as he started the engine. Napatingin tuloy ako sa kanya.

“Magtatampo na naman ang mommy mo Ace. Sabihin na hindi ka na n’ya nakakasabay mag-dinner.”

Dahil nakatingin ako sa kanya at s’ya ay nakatingin sa daan, nakita ko ang biloy sa kanang pisngi n’ya namg ngumiti s’ya. Hindi naman masyadong malalim pero dahil maputi s’ya ay mapapansin pa rin iyon.

“Nah… I’m tired. I want to have a peaceful dinner for tonight.”

Napakunot ang noo ko pero hindi na nagtanong pa nang magsimula na s’yang magmaneho. I opened the stereo and listened to the music while I looked outside the window. Tinitignan ko ang mga nadadaanan namin kahit na kabisado ko na iyon dahil araw-araw ay iyon ang dinadaanan namin sa nakalipas na ilang taon.

Looking back, I never thought that I would have this life. Pangarap ko noon na maiahon sa kahirapan ang pamilya namin. Kahit hindi iyong mayamang-mayaman. Basta ay nakakakain at nabibili namin ang mga gusto namin. Iyong hindi na kailangang magtrabaho nina Mama at Papa. At may sariling bahay at lupa kami. 

Kaya nag-aral ako nang mabuti. Kahit na walang baon ay pumapasok ako. Nilalakad ang distansya mula sa bahay hanggang sa eskwela kahit na medyo may kalayuan dahil walang pamasahe. Pero ayos lang sa akin. Basta ay makapasok ako at makapag-aral. Para matupad ang mga pangarap ko.

Pero ngayon… wala ang mga magulang namin sa tabi namin ni Larissa. Nakikitira pa rin kami sa mga Callisto. Nag-iipon pa ako para sana makaalis na kami doon dahil nahihiya na rin naman ako.

But there’s still my mother… Ang hinihinging kabayaran ng mga Callisto sa pagtulong nila kay Mama ay ang manilbihan ako sa kanila at sa hospital nila.

Ngayong nagtatrabaho na ako sa hospital ay si Larissa naman ang pumalit sa akin bilang katulong sa mansyon ng mga Callisto. The Callistos were considerate with my sister’s situation as she’s a college student. Gaya nang kung paano sila naging considerate sa akin nang magkolehiyo ako. Alam nila na abala na kapag nasa kolehiyo na kaya magagaan na trabaho lang ang pinapagawa sa amin.

I promised myself that I would repay their kindness. Kung hindi dahil sa kanila, hindi ko alam kung saan kami pupulutin ng kapatid ko.

“We’re here,” Ace announced kaya napabalik ako sa huswisyo.

Napatingin ako sa labas at nakitang nasa isang fine dining restaurant kami. Hindi na ako nagreklamo at bumaba na ng sasakyan nang pagbuksan n’ya ako ng pinto.

A waitress guided us to our seats. Binigyan n’ya kami ng menu list nila pero hindi ko na iyon tinignan dahil si Ace naman ang palaging umo-order para sa ’min.

“So… may problema ba kayo ni Doc Evelyn? Bakit ayaw mo s’yang kasabay kumain ngayon?” tanong ko matapos n’yang maka-order para sa amin at umalis na ang waitress.

Ilang beses na kasing nagreklamo si Doc Evelyn na huwag na kaming kumain sa labas sa tuwing uuwi kami galing ng hospital. She wanted to have dinner with her son. Halatang nagtatampo na si Doc Evelyn sa anak dahil mas pinipili pa ni Ace na kumain sa labas kaysa ang makasabay s’ya.

Doctors are always busy. Bihira lang din sa kanila ang makakain sa tamang oras kaya kung may pagkakataon, gusto sana ni Doc Evelyn na makasabay sa pagkain ang anak. Pero palaging inaayawan ni Ace.

Ace sighed. Mukhang problemado s’ya dahil napasandal pa talaga s’ya sa inuupuan n’ya.

“I guess her and Dad had some petty quarrel again,” he said. “Pinuntahan n’ya pa ako kanina sa office ko para lang mag-rant sa pinag-awayan nila ni Dad.”

I know I should sympathized with him pero hindi ko napigilan ang matawa. Na-imagine ko kasi s’ya na mukhang naiinis habang nakikinig sa mommy n’ya pero wala namang magawa.

“Ano namang pinag-awayan nila ngayon?” sabi kong pinipigilan ang mapangiti. Ayokong isipin n’ya na pinagtatawanan ko s’ya gayong nagsasabi s’ya ng problema sa akin.

“The same issue. Her being the surgeon so Dad should always take her advice,” he said. He took a deep breath and sighed. “I actually understand Dad. Mom is full of pride. Kung minsan, nagagamit n’ya na rin ’yon kay Daddy.”

Nakinig lang ako sa kanya at hindi muna nagsalita. Iyon ang palaging pinagtatalunan ng parents n’ya. Ang pagiging surgeon ni Doc Evelyn habang si Doc Stanley naman ay pediatrician. Simula nang magtrabaho ako sa hospital, nalaman ko na mas tinitingala ang surgeon. At iyon ang naging problema ng mga Callisto.

Doc Evelyn was sometimes getting out of the line. Isang beses ay sinabi sa akin ni Ace na pinahiya pa raw ng Mommy n’ya si Doc Stanley nang minsang kailangang nilang magtrabaho nang magkasama.

“Minsan gusto ko nang sabihan si Mommy,” Ace continued. “Pero alam kong magtatampo s’ya. She’ll take it the wrong way. Sasabihin n’yang kinakampihan ko si Daddy.” Muli s’yang napabuntonghininga. “Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.”

I sighed. Nahihirapan akong makitang ganito si Ace. Problemado at hindi alam ang gagawin. Nasanay akong palagi s’yang nakaalalay sa akin at sinasabi sa akin ang mga dapat kong gawin. Kung minsan, kapag ganitong magkasama kaming nagdi-dinner sa labas, pati mga pagkain ko ay s’ya na rin ang nag-o-order. Ayaw na ayaw n’yang makitang kumakain ako ng mga hindi healthy na mga pagkain.

Alam kong naiipit na s’ya sa problema ng mga magulang n’ya. Kahit si Doc Stanley ay nagsasabi rin sa kanya. Kaya siguro ngayon ay hindi na n’ya kinaya at nagsabi na sa akin ng pinoproblema n’ya na hindi n’ya naman madalas gawin.

“You need to talk to your Mom, Ace…” I told him. “Kayo ng Dad mo. If you’ll just leave it be, baka mas lumala pa.”

“Sasama ang loob sa akin ni Mommy,” he said.

“Your Mom is not a child anymore. Siguro nga sasama ang loob n’ya… but you still have to talk to her. Make her understand, Ace, that she needs to be considerate of your Dad’s feelings. Sa tingin ko, hindi rin s’ya aware na nasasaktan na n’ya ang Dad mo. At dapat n’yo ’yong ipa-realize sa kanya.”

Ilang sandali akong tinitigan lang ni Ace. I stared back at him, naghihintay sa sasabihin n’ya. Maya-maya ay napatawa s’ya at napailing habang nakatingin sa akin.

“This is why I love being with you. Nakakalibre ako ng session sa ’yo.”

Sinimangutan ko s’ya. “Next time may bayad na.”

Natawa s’ya na ikinangiti ko.

“I think we won’t have any problem when we get married,” he said. “You’re too understanding. Parang kahit anong kasalanan ko, patatawarin mo agad ako.”

Hindi ako nagsalita at tinawanan na lang ang sinabi n’ya. Hindi ko rin naman alam kung anong isasagot ko doon.

Dumating na rin ang pagkain namin kaya natigil ang pag-uusap namin at nagsimula na kaming kumain.

“It’s your off tomorrow, right? Anong gagawin mo?” tanong ni Ace sa pagitan nang pagkain namin.

“Dadalawin namin ni Larissa si Mama,” sabi ko at napatango-tango si Ace.

“Gusto mong ihatid ko kayo?” he asked. Mabilis akong umiling.

“Hindi na. May duty ka pa bukas.”

“Ipapahatid ko na lang kayo sa driver,” giit pa n’ya.

“Ace, really. Hindi na kailangan. Alam naman namin ni Larissa kung paano ang pagpunta do’n.”

“Still, mas kampante ako kung ipapahatid ko kayo.”

“Pero—”

“No buts, Rey,” seryosong sabi ni Ace at gumamit pa nang maawtoridad na tono. Kapag ganoon na ang tono n’ya, alam kong hindi ko na s’ya mapipigilan sa gusto n’yang gawin. Napabuntonghininga na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain.

Nagyaya na rin akong umuwi pagkatapos naming kumain. Tahimik sa loob ng mansyon nang makarating kami. Mukhang wala pa sina Doc Evelyn at Doc Stanley. Si Ace naman ay dumiretso na sa taas at ako naman ay sa maid quarters.

Nakita kong tulog na ang iba, si Larissa na lang ang gising at mukhang gumagawa pa ng mga assignments n’’ya. Naglinis muna ako ng katawan at pagbalik sa kwarto ay inilatag ko ang mattress sa sahig sa pagitan ng dalawang double deck. Hindi na kasi kami kasya ni Larissa sa kama kaya kinailangan kong bumili ng mattress para tulugan ko.

“Nag-date kayo ni Sir Ace, ate?” mahinang tanong sa akin ni Larissa.

Napakunot ang noo ko pero natawa rin naman.

“Nag-dinner lang,” sabi kong pinapagpagan ang higaan ko.

“Gano’n na rin ’yon. Kayo lang dalawa, eh,” giit pa n’ya. Binitiwan n’ya ang ballpen at humarap sa akin. “Kayo na ba ni Sir Ace, ate?”

Nagulat ako sa tanong n’ya. Palagi naman sa akin tinatanong iyon ng mga nurse sa hospital pero ang manggaling sa kapatid ko ang tanong ay nakakagulat. Napatigil tuloy ako sa ginagawa at tumingin sa kanya.

“Saan mo naman nakuha ’yan?” mahina kong tanong. Baka magising ang mga kasama namin.

“Palagi kasi kayong magkasama. Tsaka mabait si Sir Ace. Palagi ka pa n’yang tinutulungan. Halata rin naman na may gusto s’ya sa ’yo at may gusto ka rin sa kanya.”

I pursed my lips. Huminga muna ako nang malalim bago umiling.

“Hindi kami ni Ace,” sabi ko pa.

“Pero may gusto ka sa kanya?”

Tinitigan ko si Larissa, pinag-iisipan ang isasagot sa tanong n’ya. Maya-maya ay napasimangot ako.

“Gumawa ka na nga lang d’yan ng assignment mo!” inis kong sabi.

“Bakit ’di ka makasagot? Totoo, ’no?” pang-aasar pa ni Larissa kaya mas napasimangot pa ako.

“Matulog ka na lang kaya? Wala ka namang pasok bukas. Tsaka dadalawain natin si Mama.”

“Kaya nga tinatapos ko na ’tong mga assignment ko, ate. Para wala na akong problemahin.”

Mukhang naiwala ko naman ang usapan tungkol kay Ace dahil bumalik na sa paggawa ng assignment ang kapatid ko. Napailing na lang ako at naghanda na sa pagtulog.

Humiga ako sa higaan ko pero napatitig muna sa ceiling. Naisip ko ang itinanong sa akin ni Larissa.

Hindi naman mahirap magustuhan si Ace. Mabait s’ya. Naaalala ko pa na ilag ako sa kanya nu’ng una pero palagi s’yang nandyan at tinutulungan ako. Palaging sinasabi ang kung anong dapat kong gawin. Nakapagtapos ako nang walang problema at naging registered psychologist dahil na rin sa tulong n’ya.

Maybe… I have a small crush on him. Hindi ko rin naman maiwasan. At hindi ako manhid para hindi maramdaman ang nararamdaman n’ya para sa ’kin. Especially when he’s always saying that we’re gonna be together in the future. Kapag ganoon ay hindi ko alam ang sasabihin at nginingitian na lang s’ya.

I just sighed and tried to close my eyes. Kailangan kong matulog. Magluluto pa ako bukas para sa dadalhin namin kay Mama. Balak namin na doon na rin kumain ng lunch.

Kinabukasan ay inayos ko ang mga dadalhin namin. Nakakahiya pero sobrang convenient na ihahatid kami ng driver dahil marami-rami rin kaming dala. Natatakot ako na baka kapag nag-commute kami ay matapon ang mga pagkaing dala namin ni Larissa.

Sabay kaming lumabas ni Larissa at pumunta kung nasaan ang sasakyan. Saglit pa akong natigilan nang makita si Ace doon na mukhang naghihintay sa amin. Pero nang makabawi ay lumapit na rin ako sa kanya.

“’Di ba may pasok ka ngayon?” tanong ko nang makalapit sa kanya.

“Yeah. I just want to see you before I go,” sabi n’ya at pinasadahan ako ng tingin. There was a frown on his face when he looked at me again. “What are you wearing?”

Napatingin ako sa damit ko. I was wearing a white top with ruffled sleeves and pants. Flat shoes lang din ang isinuot ko.

“What?” tanong ko kay Ace dahil wala naman akong nakikitang problema sa suot ko.

“I told you, you should always wear a dress!” he said. Nakita ko pa ang inis sa mga mata n’ya. “Go inside and get change.”

Napatitig ako sa kanya. Gusto ko sanang magreklamo pero nakikita ko sa kanyang magagalit s’ya kapag ginawa ko iyon. Ayoko s’yang magalit sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang sundin na lang ang sinabi n’ya. Pumasok ako sa loob at nagpalit ng damit.

Isang simpleng cream colored dress lang ang suot ko na may three-fourth sleeves. Iyong flat shoes pa rin ang sinuot ko.

Ace looked satisfied when he saw me. Nakita ko si Larissa na nakatayo lang sa tabi n’ya at tahimik na naghihintay sa akin. Ang mga gamit namin ay mukhang nasa loob na ng trunk ng kotse.

“Call me kapag pauwi na kayo, okay?” sabi ni Ace nang pagbuksan n’ya kami ni Larissa ng pinto sa backseat. Nauna nang pumasok ang kapatid ko doon.

I smiled at him and nodded. “Okay.”

He kissed me on the cheeks. Pumasok na ko sa loob ng kotse at isinara naman ni Ace ang pinto sa side ko. Tahimik ang naging byahe namin papunta sa institution kung nasaan si Mama.

Chapter 5

Nakaupo kami ni Larissa sa visitor’s area habang hinihintay si Mama. Hindi iyon ang unang beses na nakapunta kami doon at dinalaw si Mama pero pansin ko ang pagtingin sa paligid ni Larissa na para bang hindi n’ya pa nakita ang lugar noon. Siguro ay naghahanap ng mapaglilibangan habang wala pa si Mama.

I was excited now that I’m gonna see our mother again. Pero nandoon din ang kaba sa akin. Kaba sa kung anong maaaring makita namin ngayon. At sa tingin ko, ganoon din ang nararamdaman ni Larissa. Hindi n’ya lang pinapahalata sa akin kaya nililibang na lang ang sarili sa pagtingin sa paligid.

Sa bawat pagdalaw namin, iba-iba ang nasasaksihan namin kay Mama. Dahil sa kondisyon n’ya. May mga panahon na maayos s’ya pero madalas ay hindi. Sa tuwing dumadalaw kami na ganoon s’ya, hindi ko maiwasan ang masaktan.

Her psychiatrist said that her trauma was too deep that she was having a hard time moving on. Hindi gaanong nakakatulong ang medications n’ya. Sinusubukan kong gamitin ang napag-aralan at kaalaman ko sa kanya pero nahihirapan ako sa konting oras namin. Lalo pa at hindi rin naman pwedeng sunod-sunod ang pagdalaw ko sa kanya.

Hindi na rin umusad ang kaso ni Mama dahil sa kondisyon n’ya. Hindi tatanggapin ang testimony n’ya kung ganito s’ya kaya hinayaan muna s’yang manatili dito sa institution habang nagpapagaling.

“Si Mama,” tawag-pansin sa akin ni Larissa.

Napatingin ako sa kanya. Nakatingin s’ya sa bukana ng visitor’s area kaya tumingin rin ako doon. Inihanda ko ang ngiti ko habang papalapit sa amin si Mama na hinahatid ng isang nurse.

“Ma…” bati ko sa kanya nang makalapit s’ya.

Kumpara noong nasa kulungan s’ya, nakikita kong maayos ang lagay n’ya dito sa institution. Hindi na s’ya payat at nagkaroon na ng kaunting laman. Pero payat pa rin kung ikukumpara noong magkakasama pa kami. Nakasuot s’ya ng simpleng tshirt at shorts. Ang buhok ay magulo mula sa pagkakapusod.

Kunot ang noo n’ya nang tumingin sa akin. Pagkatapos ay tumingan s’ya kay Larissa sa tabi ko na tahimik lang na nakamasid kay Mama. She smiled widely when she saw her.

“Reyziel, anak…” she said and approached Larissa. Niyakap n’ya ang kapatid ko.

Napabuntonghininga ako. So it was one of those days again. Isa na naman ’to sa araw na hindi s’ya maayos. Tumingin ako sa nurse na naghatid sa kanya at tinanguan s’ya. Saka lang s’ya umalis at iniwan muna kami doon.

I looked at Larissa. Nakita ko ang pag-aalangan sa kanya habang yakap s’ya ni Mama. Siguro ay dahil tinawag na naman s’ya ni Mama sa pangalan ko. Sa huli ay yumakap na rin s’ya pabalik.

“Nasaan si Larissa?” tanong ni Mama nang bumitiw s’ya sa pagkakayakap kay Larissa.

“Ma, ako po si Larissa,” my sister said.

“Pumasok ba? Ikaw lang ulit ang dumalaw sa ’kin ngayon?” tanong ni Mama na parang hindi narinig ang sinabi ni Larissa. “Sa susunod isama mo naman s’ya. Ang tagal ko nang hindi nakikita ang kapatid mo.

“Ako nga po si Larissa, eh,” ramdam ko ang tinatagong inis ng kapatid ko nang sabihin n’ya ’yon.

“Kumusta ang Papa mo, Reyziel?” tanong pa rin ni Mama na nakatingin kay Larissa.

“Ma, hindi nga ako si Ate,” sabi ni Larissa na bahagyang kumawala ang inis. She was slightly frowning and it was clear that she’s controlling herself.

“Larissa, ano ba?” mahinahong saway ko sa kapatid ko. Hindi dapat kami mag-away sa harapan ni Mama pero hindi ko nagugustuhan ang kilos n’ya.

Dahil doon ay napatingin sa akin si Mama. May pagtataka sa mga mata n’ya nang tignan ako. Nabawasan ang ngiti sa mga labi n’ya.

“Sino s’ya, Reyziel?” tanong ni Mama na muling tumingin kay Larissa.

“Ma…” I called her before my sister could answer. Halata ko na kasing naiinis s’ya sa paulit-ulit na pagtawag ni Mama ng pangalan ko sa kanya. “Ako po ’to… Si Reyziel,” nakangiti kong sabi kay Mama.

She looked at me. She was frowning. Tinignan n’ya ang kabuuan ko bago sunod-sunod na umiling.

“Hindi ikaw si Reyziel,” she said while shaking her head. Itinuro n’ya si Larissa. “Ito si Reyziel. Ikaw… Hindi kita kilala.”

I pursed my lips. Kahit na nasaktan sa sinabi n’ya ay pinilit ko pa ring ngumiti.

“Si Larissa po ’yan… Ako po si Reyziel.”

Napatingin si Mama kay Larissa pagkatapos ay sa akin. Tumingin ulit s’ya sa kapatid ko at nang ibinalik ang tingin sa akin ay muling umiling.

“Hindi… Niloloko mo ko. Ito si Reyziel,” sabi n’ya at itinuro si Larissa. “Si Larissa, nandoon. Pumasok sa school. Ikaw, hindi kita kilala.”

“Ma…”

Sunod-sunod na umiling si Mama.

“Hindi kita kilala. ’Wag mo kong kausapin.”

Umusog pa s’ya palayo sa akin. Lumapit s’ya kay Larissa at muling yumakap sa kapatid ko. Nakita kong nakatingin sa akin si Larissa na parang maiiyak. Ngumiti na lang ako sa kanya at tinanguan s’ya. Sinasabing pagbigyan na lang muna si Mama at makisakay ulit ngayon.

I could tell that if I tried to feed her the facts, it will break her. Nakikita ko ang takot sa kanya habang nakatingin sa akin kanina. Hindi pa s’ya handa. Baka mas lalo lang lumala ang kondisyon n’ya kung ipipilit ko pa.

Kaya kahit na masakit para sa akin ay hinayaan ko muna s’ya. Hindi n’ya na ako muli pang kinausap at si Larissa lang ang pinapansin n’ya. Kahit na halata ang inis kay Larissa ay pinagbigyan n’ya naman si Mama.

Ilang beses na ’tong nangyari. Hindi ako nakikilala ni Mama sa tuwing dumadalaw kami. Inaakala n’yang ako si Larissa. Hanggang ngayon, nakakulong pa rin s’ya doon sa panahong hindi pa nangyayari ang masakit na bahagi ng buhay namin na ’yon. Kaya siguro, akala n’ya ay ako si Larissa. She was still stuck at that time.

Mukhang namang hindi nagugustuhan ng kapatid ko na hindi s’ya nakikilala ni Mama. Ilang beses ko na s’yang nakausap tungkol doon. I explained our mother’s condition pero mukhang napupuno na rin ang kapatid ko. Naiintindihan ko naman s’ya. Alam kong nasasaktan din s’ya.

“It won’t be easy, Reyziel,” sabi sa akin ng psychiatrist nang kausapin ko s’ya. Iniwan ko muna sina Mama at Larissa sa visitor’s area. “Your Mom built a wall in her mind. Inihiwalay n’ya ang masakit na parte ng buhay n’ya sa kabilang side ng pader na itinayo n’ya. And that wall serves as her protection. Dahil sobra s’yang nasaktan, mas pinili ng utak n’yang kalimutan ang mga alaala na nasa likod ng pader na ’yon.”

“Pero may improvement naman po s’ya?” I asked.

“Yes… Iyong paminsan-minsan na naaalala n’ya ang nangyari, it was already an improvement,” she answered. Humugot s’ya nang malalim na paghinga pagkatapos. “But we need to be careful. May instances na kapag pinipilit ang pasyente, tuluyan na silang hindi nakakaalala. Kaya hindi dapat natin madaliin. Avoid triggers as much as possible.”

Napatang-tango ako. Alam ko iyon. Hindi pare-pareho ang epekto ng trigger sa tao. Kung minsan, nakatutulong iyon para mas mapabuti ang kalagayan ng pasyente. There are times na hindi pag-iwas ang solusyon. Sometimes, they should face the problem head on.

Pero sa kaso ni Mama na parang nakalimutan ang lahat at naka-stuck s’ya sa panahon na ’yon, kailangang dahan-dahanin. Trigger might be bad for her. Worse, baka tuluyan nang kalimutan ng utak n’ya ang mga pangyayaring nakasakit sa kanya. Hindi na n’ya maipagpapatuloy ang buhay n’ya.

“Just don’t give up on her, hija,” the psychiatrist said. “Iyon naman ang kailangan ng mga taong kagaya ng Mama mo. Those people with mental illness need patience from us, love, and understanding. Hindi natin dapat silang sukuan.”

Bumalik ako sa visitor’s area pagkatapos kong kausapin ang psychiatrist. Noong una ay hindi pa rin ako kinakausap ni Mama pero maya-maya ay naging komportable na s’ya. We ate lunch and spent time together, exchanging stories.

Hanggang ngayon, ang akala pa rin ni Mama ay nagte-training s’ya at paglabas n’ya ay bibigyan na agad s’ya ng trabaho. She still thought that Papa was still alive. Iniisip pa rin n’ya na kapag nakalabas s’ya ay muling mabubuo ang pamilya namin.

Hindi ko mapigilan ang masaktan sa tuwing sinasabi iyon ni Mama. She was still suffering. Kung pwede lang, ako na lang sana ang masaktan. Hindi ko kayang panoorin na lang si Mama sa ganoong kondisyon.

It was five in the afternoon when we decided to go home. Nagulat pa ako nang makita ang kotse ni Ace na nakaparada sa parking lot ng institution na madadaanan din namin palabas. Nakasandal s’ya sa gilid ng kotse n’ya at mukhang kanina pa kami hinihintay. Nilapitan namin s’ya ni Larissa.

“Anong ginagawa mo dito?” nakatitig kong tanong sa kanya dahil sa gulat.

“Sinusundo kayo,” he said. Kinuha n’ya ang eco-bag mula sa akin na pinaglayan ko ng mga pagkain. Binuksan n’ya ang trunk ng kotse at s’ya na mismo ang naglagay doon ng bag.

“Kanina ka pa?” nag-aalala kong tanong. Baka matagal s’yang naghintay.

He shook his head. He looked at Larissa and motioned her to get inside the car. Tahimik namang sumunod ang kapatid ko at sumakay sa backseat ng kotse.

“Hindi naman,” he said and he looked at me again. “Kararating ko lang. Kabisado na kita. I know na ganito ang usual time mong umuwi kapag binibisita mo ang Mom mo.”

Tumango na lang ako sa paliwanag n’ya. He opened the car door for me. Sumakay ako sa passenger seat at umikot naman s’ya sa driver seat. Maya-maya lang ay nasa daan na kami pauwi.

“How’s your Mom?” Ace asked while he’s driving our way home.

“Ganoon pa rin,” I said. “May improvement naman daw pero… mukhang matatagalan pa ang paggaling n’ya.”

Tumango lang si Ace at wala nang sinabi. Natahimik na rin ako at ibinaling sa labas ang tingin.

Nagulat ako nang pagdating namin sa bahay nila ay nandoon na si Doc Evelyn na mukhang kanina pa naghihintay sa amin. There was a frown on her face nang salubungin n’ya kami papasok ng bahay.

“Saan kayo nanggaling?” tanong n’ya na noong una ay sa akin nakatingin pero lumipat din ang tingin sa anak.

“Sinundo ko sila,” Ace answered. Tuloy-tuloy s’ya sa pagpasok at sinusundan naman s’ya ni Doc Evelyn.

“Sinundo?” Doc Evelyn stopped walking before she looked at me. “Bakit? Saan ka ba nagpunta?”

Pinauna ko nang pumasok sa maid quarters si Larissa bago ko hinarap si Doc Evelyn.

“Dinalaw lang po namin ng kapatid ko si Mama,” I said.

Nakita ko na hindi nagustuhan ni Doc Evelyn ang sagot ko. May inis sa mga mata n’ya nang muling tumingin sa anak.

“So kaya ka umuwi agad from the hospital? Just to fetch them?” she asked. Mukhang hindi na naitago ang inis.

Ace looked at his Mom. Mukhang nagtaka nang marinig ang inis sa tono ng ina.

“Yes. What the problem with that?” he asked.

“You’re neglecting your work, Azazel! May mga pasyente ka sa hospital pero inuna mo pang sunduin ang magkapatid!”

“Then, I’ll just go back!” Ace reasoned out. “Pabalik naman na talaga ako ng hospital but you started nagging at me!”

“Ace, that’s not the point!”

Palipat-lipat ang tingin ko sa mag-ina. Hindi ko alam kung dapat na ba akong umalis. Baka kasi may itanong pa si Doc Evelyn sa akin. And it’s clear to me na nagtatalo ang dalawa dahil sa pagsundo sa amin ni Ace kanina.

Nang hindi pa rin sila matapos sa pagtatalo ay pasimple na akong umalis at pumasok sa maid quarters. Napalingon sa akin si Larissa pero ilang saglit lang ay bumalik din sa pag-aayos ng mga gamit namin na dinala kanina.

“Nag-aaway ’yung mag-ina?” she asked.

Umiling ako at hindi na lang nagsalita. Tinulungan ko s’ya sa pag-aayos ng gamit.

“Tingin ko, ate, ayaw ni Doc Evelyn na may gusto si Ace sa ’yo,” sabi ni Larissa na ayaw pa ring tumigil.

Napakunot ang noo ko.

“Bakit naman?” I asked.

“Syempre. Kasi mayaman sila tapos ikaw nakikitira lang naman dito sa bahay nila,” paliwanag n’ya. Itinigil pa n’ya ang ginagawa at humarap sa ’kin. “Ilang beses ko nang napapansin, ate. Pinapalayo n’ya si Kuya Ace sa ’yo kapag magkasama kayo. ’Yung sinabi n’yang gusto n’yang palaging makasabay sa dinner si Kuya Ace kasi miss n’ya nang kasabay kumain? Palusot n’ya lang ’yon para hindi na kayo magsabay sa dinner ni Kuya Ace.”

Natawa ako. “Kung ano-ano ang napapansin mo Larissa.”

“Oo nga!” giit n’ya. “Tignan mo, ’pag hindi na nakatiis si Doc Evelyn, kakausapin ka na n’yan na layuan mo anak n’ya. Tanggapin mo ’yung pera kapag nag-alok, ate, ha?”

Tinawanan ko na lang ang pinagsasabi ng kapatid ko. Hindi ko naman kasi alam kung totoo ’yon. Wala naman akong napapansin kay Doc Evelyn. Isa pa, hindi rin naman kami palaging nagkakasama ni Ace. Kung minsan ay mas nauuna s’yang pumasok sa hospital. Minsan lang din naman kami magsabay sa dinner dahil hindi rin naman madalas na sabay kaming umuwi. Mas busy si Ace dahil isa s’yang surgeon. Hindi kagaya ko na scheduled ang mga session sa mga pasyente ko.

Pero mukhang tama si Larissa. Mas magaling pa yatang mag-obserba ang kapatid ko kaysa sa akin. Nagulat na lang ako nang pagkatapos ko ng session sa isang pasyente ko ay pumasok si Doc Evelyn sa opisina ko sa loob ng hospital. May ngiti sa mga labi n’ya nang pumasok pero may kung ano sa mata n’ya habang nakatingin sa akin.

“Doc Evelyn,” sabi ko at tumayo pa. “Upo ho kayo.” Itinuro ko pa sa kanya ang couch. Umupo ako sa katapat no’n.

“May susunod ka bang pasyente?” tanong n’ya habang umuupo.

“Maya-maya pa naman, Doc,” sagot kong sumulyap pa sa relo ko. “May kailangan po ba kayo?”

Inilibot ni Doc Evelyn ang tingin n’ya sa buong opisina ko. Bigla akong kinabahan. It feels like she was judging my character based on how I decorated the room. Ako kasi mismo ang nag-ayos ng sarili kong opisina. I made it as confortable and welcoming as possible. Makakatulong iyon sa pakikipag-usap ko sa pasyente kung maganda ang ambiance ng kwarto.

“I like how you decorated your office,” sabi ni Doc Evelyn maya-maya.

Nakahinga naman ako nang maluwag.

“Salamat po.”

“You’re probably wondering why I’m here. Hindi kita makakausap ng maayos sa bahay at baka makita tayo ni Ace,” she said. “Gusto lang kitang kausapin tungkol sa anak ko.”

Hindi pa n’ya nasasabi kung ano ’yon pero nagkaroon na ako ng ideya dahil sa mga sinabi sa akin ni Larissa noong isang araw.

“Ano ’yun, Doc?” kalmadong tanong ko.

“Hindi ko na kasi nagugustuhan kung paano ka pakitunguhan ni Ace. This is the first time I’ve seen him being like this over some girl. And I’m not stupid not to know what his actions mean.”

Natahimik ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin doon. Hindi rin naman ako manhid para hindi malaman kung anong ibig sabihin ng mga ikinikilos ni Ace.

“Do you like him?” tanong ni Doc Evelyn sa pananahimik ko. “Do you like my son?”

Hindi kaagad ako nakasagot. Hindi ko alam. I always thought that I have a crush on him. Pero ngayong tinatanong na ako ng mismong ina n’ya, pakiramdam ko, mali kung sasabihin ko iyon. Kaya nanatili na lang akong tahimik at hindi sinagot ang tanong n’ya.

Ikinumpas ni Doc Evelyn ang kamay n’ya, like she’s dismissing the thought. Hindi na rin s’ya naghintay sa sagot ko.

“I don’t care, though,” she said. “And I don’t think that Ace likes you enough. Mawawala rin ang nararamdaman n’ya sa ’yo. You just have to stay away from him.”

Napakunot ang noo ko. I was confused by her words.

“Layuan po?” I asked.

Bigla akong kinabahan sa gusto n’yang mangyari. Nasa iisang bahay kami at nagtatrabaho rin sa iisang hospital. Kaya malabo ang sinasabi n’yang layuan ko si Ace.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin. Baka paalisin na kami ni Larissa sa bahay nila. O hindi kaya ay tanggalin na ako dito sa hospital.

May naipon na naman ako. Pero nag-aalala ako na baka pati si Mama ay tanggalin na nila sa institution na ’yon. Ang kapalit pa naman ng ginawa nila para kay Mama ay ang pagtatrabaho ko sa hospital nila.

“Yes, Reyziel,” she said. “Layuan mo si Ace para mawala ang kung anumang nararamdaman n’ya para sa ’yo.”

Napaawang ang mga labi ko. “Doc—”

“Don’t get me wrong, hija,” putol n’ya sa sasabihin ko. “I like you. Mabait ka. Masipag. Family oriented… But I don’t like you for my son. I don’t want someone like you for my son.”

I pursed my lips. Hindi ako nagsalita. Naiintindihan ko kung anong gusto n’yang iparating.

“Mula sa pamilya ng mga doctor ang anak ko. Hindi ko s’ya pinag-aral sa ibang bansa at nagtiis ng ilang taon na hindi ko s’ya kasama para lang mapunta s’ya sa taong… sa ’yo. Na magulo ang pamilya,” she said. “I already have someone in my mind na gusto kong mapangasawa ni Ace. Mula rin sa pamilya ng mga doctor.”

“Naiintindihan ko po…” sabi ko na lang.

“I know you would,” she said. “I know you’re a smart woman, Reyziel.”

“Ano pong gusto n’yong gawin ko?” matatag kong tanong. “Gusto n’yo po bang umalis kami ni Larissa sa bahay n’yo? Maghahanap na po ba ako ng trabaho?”

Umiling s’ya na ipinagtaka ko. Mas lalong hindi n’ya pipiliin na si Ace ang umalis ng mansyon para lang sa akin.

“About that… I’ve already thought of a solution,” she said with a business tone. Naging pormal din ang mukha n’ya. “Magagalit si Ace kapag pinaalis kita sa bahay o dito sa hospital nang basta-basta. And the last thing that I want was for my son to hate me.”

“Ano hong gusto n’yong mangyari?”

“You know that this hospital has branches in some parts of the country. Gusto kong lumipat ka sa isa sa mga ’yon. At Candoni branch to be more specific.”

Agad na umahon ang pagtutol sa dibdib ko. Umiling ako kay Doc Evelyn na hindi man lang nagbago ang ekspresyon sa mukha.

“Hindi ho pwede, Doc,” I said. “Hindi ko pwedeng iwan ang kapatid ko dito. Isa pa, ang Mama ko ho. Kailangan ko s’yang alagaan lalo pa sa kondisyon n’ya.”

“Larissa can do that,” she said. “Malaki na ang kapatid mo. Hindi na s’ya bata.”

“Hindi ho kayang alagaan ni Larissa nang mag-isa si Mama.”

Hindi kagaya ko, walang masyadong kaalaman si Larissa kung paano pakikitunguhan si Mama sa kondisyon n’ya. Ngayon pa nga lang, nakikita ko nang hindi n’ya na kayang pagpasensyahan pa si Mama.

“I’ll transfer your Mom to a better institution,” she said. “Hindi masyadong natututukan ang nanay mo sa institution na ’yon. Ililipat ko s’ya. I’ll even hire a personal nurse for her. May kilala rin akong magaling na psychiatrist. Kapag pumayag ka sa gusto ko, then I’ll introduce your Mom’s case with her.”

Natigilan ako. Sa dami ng pasyente sa institution na ’yon, alam kong hindi masyadong natututukan si Mama dahil kulang din sila sa mga doctor at nurse. Kaya rin matagal ang nagiging improvement ni Mama.

Doc Evelyn’s offer is too good to be true. Ang gusto ko lang naman ay gumaling na si Mama para matuloy ang kaso n’ya. Dahil sa trauma na inabot n’ya mula kay Papa, ang sabi ni Attorney Pelajio ay malaki ang pag-asa na manalo kami sa kaso. Pero dahil sa kondisyon ni Mama ay hindi umuusad ang kaso n’ya.

Kapag gumaling si Mama… maipagpapatuloy na ang kaso. Kapag nanalo s’ya, pwede na ulit namin s’yang makasama ni Larissa.

My experience as a registered psychologist was not enough to cure my mother. She needs a psychiatrist. She needs medication. Alam kong kung ako lang ay hindi ko mapapagaling si Mama.

“Paano po si Larissa?” tanong ko maya-maya.

“She can stay at the house. She can help with the chores. Pag-aaralin pa rin namin s’ya.”

Natahimik ulit ako at muling nag-isip. Larissa is already at her twenties. Alam kong kaya na n’yang alagaan ang sarili n’ya. Nag-aalala lang ako na baka hindi n’ya kayang alagaan si Mama.

Pero nandoon ang offer ni Doc Evelyn. Matututukan na si Mama. May pag-asa na s’yang gumaling.

“Paano ho ang magiging kabayaran sa lahat ng gagawin n’yo para kay Mama?” I asked.

Doc Evelyn smiled at me.

“Just work at the Candoni branch para mapalayo ka sa anak ko. Iyon lang ang hinihingi kong kapalit,” she said, “It’s not forever, Reyziel. Just until mawala ang feelings sa ’yo ng anak ko.”

Natahimik ako. Hindi ako makapag-isip nang maayos. Gusto ko sanang mapag-isipan ang lahat nang maigi bago ako gumawa ng desisyon. May pag-aalinlangan din naman akong iwan si Larissa dito sa Manila pati na rin si Mama.

Ang totoo ay gusto ko rin sanang malayo kay Ace. Habang nandito s’ya sa hospital ay hindi ako makakilos nang maayos, lalo na sa mga pasyente ko. Nalaman ko na inaalam n’ya ang lahat ng mga information ng mga pasyente ko bago ko pa sila makausap. Kung minsan ay mas nauuna n’ya pang makilala sila kaysa sa akin. Binabantayan n’ya ang lahat ng mga taong nakakausap ko.

I guess, some part of me wanted to be free from him.

“I’ll give you time to decide,” Doc Evelyn said. Nakita siguro ang paghihirap kong magdesisyon. “But I want to know what your decision will be by this week. And I hope I’ll like it.”

Tumango ako at napatayo nang tumayo rin s’ya. Inihatid ko s’ya sa pinto at nang makalabas na s’ya, pakiramdam ko ay nawala ang lahat ng lakas ko. Nanghihinang napaupo ako sa sofa.

I wanted to accept her offer. But there are so many buts.

Chapter 6

Hindi na nawala sa isip ko ang naging offer sa akin ni Doc Evelyn. Tuwing may oras ay iyon lang ang iniisip ko, pinag-iisipan kung anong magiging desisyon ko. Five days has already passed pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapagdesisyon.

Gustong-gusto ko talagang tanggapin ang offer n’ya. Alam kong mas malaki ang tyansa na gagaling si Mama dahil matututukan na s’ya ng doctor. Mas maaalagaan pa s’ya. Maililipat s’ya sa mas magandang institution.

It’s been years pero wala pa rin akong nakikitang improvement kay Mama. Hindi pa rin s’ya gumagaling. Natatakot ako na kapag hindi s’ya matutukan ay mas lalo pa s’yang lumala. Ayokong sa bawat pagdalaw namin ay hindi ako nakikilala ni Mama. Inaakala pa n’yang si Larissa ay ako dahil malapit ang edad ko sa kanya ngayon noong huli kaming nakita ni Mama. Natatakot rin ako na baka unti-unting makalimutan ni Mama ang mga nangyari and she won’t be able to move on at all.

Natatakot rin ako na baka kapag hindi s’ya gumaling, mas magtatagal s’ya sa institution at mababalewala ang kaso n’ya. Hindi na s’ya magkakaroon ng pagkakataong makalaya pa.

Dahil doon ay naiisip ko na lang na tanggapin ang offer ni Doc Evelyn. Alam kong mas makakabuti iyon para kay Mama. Pero ayoko namang iwan nang mag-isa ang kapatid ko. Nawalan na kami ng mga magulang. Ayokong pati ako ay iwanan din s’ya.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko…

Gabi na at nakatitig lang ako sa kisame ng maid’s quarter. Ilang gabi na akong ganito. Tititig sa kawalan, susubukang gumawa ng desisyon. Pero hanggang sa abutin na ako ng umaga ay hindi pa rin ako makapili. Ilang araw na tuloy akong puyat.

I sighed. Tinignan ko kung saan nakapwesto ang kapatid ko. Kanina pa s’ya nakahiga sa ibabang kama ng double deck at nakatalikod s’ya sa gawi ko, nakaharap sa dingding. Napagdesisyunan kong kausapin na s’ya tungkol sa naging offer sa akin ni Doc Evelyn.

Tama si Doc Evelyn. Hindi na bata ang kapatid ko. Kailangan kong sabihin sa kanya ang tungkol dito at hingin ang opinion n’ya. Isa pa, magulang namin ang pinag-uusapan dito.

“Larissa?” tawag ko sa kanya. Nagbabakasakaling gising pa s’ya. “Gising ka pa?”

“Tulog na…” sagot ni Larissa sa inaantok na boses.

Napangiti ako. Kung inaantok s’ya at gusto nang matulog, pwede n’ya namang hindi na ako sagutin. Alam n’ya namang hahaba ang usapan namin. Alam kong napapansin n’ya ang pagiging problemado ko.

“Naaalala mo nu’ng maliit ka pa? Madalas kang tuksuhin ng mga bata kasi ang payat-payat mo. Tapos nagsusumbong ka sa ’kin kaya inaaway ko ’yung mga nang-aaway sa ’yo. Pati tuloy ako, tinukso na payat din.”

Sinulyapan ko si Larissa at tumingin ulit sa kisame. Ilang sandaling hindi nagsalita ang kapatid ko bago s’ya tumihaya ng higa.

“Pareho tayong nagsumbong kay Mama nu’n,” she said.

Napangiti ulit ako. “Oo, tapos sinabi n’ya kay Papa. Para ’di sumama ang loob natin, nangako si Papa nu’n na dadalhin n’ya tayo sa Jollibee ’pag nagkapera s’ya. Sabi pa n’ya, pwede nating kainin lahat ng gusto nating kainin nu’n.”

“Pero kulang ang sinasahod ni Papa no’n kaya hindi n’ya tayo nadala sa Jollibee,” pagpapatuloy ni Larissa sa kwento ko. Halata ko sa boses n’ya ang ngiti sa kanya. “Kaya bumili na lang s’ya ng tinitindang manok sa daan. Tig-isa tayo doon sa hita. Tapos ang ulam nila ni Mama no’n, tuyo lang.”

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Pinipigilan ang mapaluha kahit na nanlalabo na ang paningin ko. Mabuti na lang at patay na ang ilaw at madilim na sa kwarto. Hindi makikita ni Larissa kung iiyak man ako.

Nagpalipas muna ako ng ilang sandali para pakalmahin ang sarili ko. Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita.

“Miss ko na sila…” I said softly.

Kahit na ganoon ang nangyari kay Papa, naging mabuting ama naman s’ya sa amin ni Larissa. Kung hindi lang siguro s’ya gumamit ng pinagbabawal na droga, baka buo pa rin kami ngayon.

Hindi nagsalita si Larissa kaya tinignan ko s’ya. Hindi ko makita ang mukha n’ya dahil mas mataas ang pwesto n’ya sa akin.

“Ikaw ba?” I asked.

“Miss ko na rin sila, ate…”

Napalunok ako nang marinig ang lungkot sa boses ng kapatid ko. Simula nang nangyari ang lahat, hindi pa namin napag-uusapan ni Larissa ang tungkol doon. Para bang naging taboo ang bagay na ’yon tungkol sa amin. Pareho kaming natatakot na baka kapag napag-usapan namin iyon ay masaktan pa namin ang isa’t isa.

“Gusto mo bang gumaling si Mama?” I asked.

Napalingon sa akin si Larissa.

“Ano bang klaseng tanong ’yan, ate? Syempre naman!”

Ilang saglit akong nanatiling tahimik. Pinag-iisipan kung paanong sisimulang sabihin sa kanya ang tungkol sa offer ni Doc Evelyn.

Mukha namang nakaramdam si Larissa sa pag-aalangan ko. Gumilid s’ya ng higa, nakaharap na ngayon sa akin.

“Bakit, ate? May kinalaman ba kay Mama kung bakit mukhang problemado ka nitong mga nakaraang araw?”

Marahan akong tumango. Hindi ko alam kung napansin n’ya dahil madilim ang buong kwarto.

“May in-offer kasi sa ’kin si Doc Evelyn…” simula ko. “Ililipat daw n’ya sa magandang institution si Mama. May kilala daw s’yang magaling na psychiatrist, ire-refer n’ya raw ang case ni Mama. Tapos, magha-hire rin daw s’ya ng private nurse para kay Mama.”

“Ano naman ang kapalit ngayon?”

Napangiti ako. Sa tono ni Larissa, mukhang aayaw s’ya kung malaman n’ya na hindi maganda ang hinihinging kapalit ni Doc Evelyn. Alam n’ya kasi na may kapalit ang paninirahan namin dito pati na rin ang pagtatrabaho ko bilang psychologist sa hospital nila.

“Layuan ko raw si Ace…”

Mula sa kaunting liwanag na nanggagaling sa labas, napansin ko na bahagyang napabangon pa si Larissa mula sa pagkakahiga, parang sinisilip ako.

“Sabi ko sa ’yo, ate, eh! Ipapalayo n’ya si Sir Ace sa ’yo!” bulalas pa n’ya na parang proud pa sa sarili dahil tama s’ya sa sinabi n’ya noon. “Hindi nga lang pera ang kapalit pero mas maganda ’to! Gagaling na si Mama!”

Maya-maya ay natigilan s’ya.

“Eh, paano mo malalayuan si Sir Ace, eh, nasa iisang bahay kayo? Tapos sa iisang hospital pa kayo nagtatrabaho?”

“Iyon na nga…” problemado kong sabi. “Hindi naman pwedeng si Ace ang paalisin ni Doc Evelyn dito sa bahay. Ang tagal n’yang ’di nakasama ang anak nu’ng nag-aral si Ace sa ibang bansa. Kaya ako ang gusto n’yang lumayo mismo.”

“Palalayasin na tayo dito sa bahay, ate?” rinig ko ang pag-aalala sa boses ni Larissa.

Umiling ako. “Hindi… Ako ang pinapalayo. Ililipat n’ya ako ng hospital. Doon na ako magtatrabaho. Doon sa Candoni branch ng Callisto Medical Center.”

“Candoni? Sa branch nila sa Negros Occidental?”

Tumango ako. Hindi ko alam kung napansin ni Larissa sa dilim. Pero kung hindi man, alam n’ya namang tama ang sinabi n’ya.

“Doon na tayo titira?” she asked.

“Hindi, Larissa… Ako lang. Maiiwan ka rito. Ikaw ang mag-aalaga at dadalaw kay Mama.”

Hindi kaagad nakapagsalita si Larissa pero alam kong nagulat s’ya. Mukhang hindi n’ya inaasahan na ganoon ang kapalit. Hindi siguro n’ya naisip na maiiwan s’ya rito habang ako ay nasa malayo.

Alam ko naman na minsan, nawawalan s’ya ng pasensya kay Mama. Kaya nga alangan din akong iwan s’ya. She can’t tolerate her. Kahit na ilang beses kong pili na pinapaintindi sa kanya na may sakit si Mama, kung minsan, napupuno na rin s’ya.

“Ikaw talaga ang inaalala ko, Larissa,” sabi ko nang hindi pa rin s’ya nagsasalita. “Ayaw kitang maiwan mag-isa dito. Ayoko ring ibigay lahat sa ’yo ang responsibilidad sa pag-aalaga kay Mama. Kaya kung ayaw mo… sabihin mo lang. Hindi ko tatanggapin ang offer ni Doc Evelyn kung ayaw mo.”

“Tanggapin mo na, ate…”

“Huh?” nasabi ko na lang sa sobrang gulat. Hindi ko inaasahan na makakapagdesisyon agad s’ya. Samantalang ako, inabot pa ng ilang araw.

“Tanggapin mo na,” ulit pa ni Larissa.

Napabangon tuloy ako mula sa pagkakahiga at humarap sa kapatid ko. Mula sa liwanag sa labas na tumatagos sa bintana ay naaninag ko si Larissa na bumangon ko.

“Tanggapin mo na. Chance na ’to para magkaroon na ng improvements si Mama. Ilang taon na rin s’yang ginagamot pero wala namang nangyayari.”

“Sigurado ka?” tanong kong hindi pa rin makapaniwala. “Maiiwan ka dito nang mag-isa. Nasa malayo ako kaya ikaw ang mag-aalaga kay Mama. Ikaw muna ang magiging guardian n’ya.”

“Alam ko. Nasabi mo na ’yan kanina,” sabi ni Larissa na parang maliit na bagay lang ang magiging kapalit ng pagtanggap ko sa offer ni Doc Evelyn.

“At pumapayag ka?”

“Oo nga.” Mukhang naiinis na si Larissa. “Kaya ko naman, ate.”

“Ngayon lang kita maiiwan, Larissa!”

“Alam ko! At mas gusto ko ang ganito, ate. Para naman matuto akong mag-isa. Hindi ’yung lagi kang nakaalalay sa ’kin. Kahit sa paggawa ng desisyon, ikaw din ang nasusunod.”

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko sa kanya. ’Yung tono n’ya pa, parang nanunumbat.

“Kinakausap na kita ngayon!” I hissed.

“Dahil nahihirapan ka na. Hindi mo na alam ang gagawin mo. Du’n mo lang ako naalala,” she said. “Hindi dapat ganu’n, ate. Pamilya tayo. Hindi na ako bata na kailangan mo pang protektahan mag-isa. Kaya ko na ring protektahan ang sarili ko. Kaya ko na ring tumulong sa pamilya natin.”

Hindi ako nakapagsalita. Ngayon lang nagsalita ng ganito si Larissa. Hindi ko napansin na may tinatago pala s’yang hinanakit na ganito.

How could I even call myself a psychologist? How can I call myself as her sister kung ito lang ay hindi ko pa napansin sa kanya?

“Hindi mo ba naisip kung anong mangyayari ’pag tumanggi ka sa alok ni Doc Evelyn?” she asked. “Sabi mo nga, hindi n’ya paaalisin ang anak n’ya dito para sa ’tin. Kaya tayo ang paaalisin nila, ate. Baka pati si Mama, ibalik nila sa kulungan.”

I gasped with that realization. Ngayon ko lang naisip iyon! Masyado akong nag-focus sa magiging sitwasyon kung sakali mang tanggapin ko ang alok ni Doc Evelyn. Hindi ko na naisip kung ano ngang mangyayari kung tanggihan ko nga!

I guess, deep inside, a part of me is already accepting the offer.

I heard Larissa sighed.

“Sa tingin ko, kailangan natin ’to, ate. Kailangan ko ’to para matuto ako sa buhay. Ikaw din. Kailangan mo ’to para hindi ka na makontrol ni Sir Ace, ate.”

“Hindi n’ya ako kontrolado,” giit ko.

“Talaga? Mukha kasing hindi, ate. Gusto mong mag-improve bilang psychologist pero kontrolado naman ang mga galaw mo. Tsaka tingin ko naman, hindi mo gusto si Sir Ace. Hindi ka lang makatanggi dahil malaki ang utang na loob natin sa pamilya nila.”

I remained silent. Hindi ko maitanggi ang lahat ng mga sinabi ni Larissa dahil totoo ang lahat ng iyon. Habang nasa tabi ko si Ace, pakiramdam ko, binabantayan n’ya ang lahat ng galaw ko. Dito sa bahay o kahit sa hospital man. Kahit mga pasyente ko, kontrolado rin n’ya.

I just couldn’t say no to him as I know how much indebted I am to their family. Nandito ako ngayon, may maayos na tulugan, nakakakain ng tatlong beses sa isang araw, nakapagtapos ng pag-aaral at may trabahong gusto ko… Lahat ng iyon ay dahil sa pamilya nila.

I actually admire Larissa. She has the courage to go through her life alone. To learn more and to take the risk. Ako itong psychologist pero ako pa itong naduduwag.

“Tsaka, ate… Para kay Mama naman ’to. Kapag gumaling na ’sya, magsasama-sama ulit na tayo,” sabi ni Larissa. There’s a hope in her voice. Katulad ko, umaasa rin s’ya na makakasama rin namin si Mama.

I took a deep breath and sighed.

“Sigurado kang iyan ang gusto mo, Larissa?” I asked.

Naaninag ko ang sunod-sunod n’yang pagtango.

“Oo, ate. Tanggapin mo na ’yung offer. Ako nang bahala kay Mama.”

Hindi ako nagkaroon nang maayos na tulog sa gabing ’yon. Pinag-isipan ko pa rin ang lahat. Alam kong sinabi na sa ’kin ni Larissa ang gusto n’ya pero alangan pa rin akong iwanan s’ya. Masyadong malayo ang Negros Occidental sa Manila. Hindi ko s’ya madadalaw agad ung gusto ko man. Ngayon lang din kami magkakalayo ng ganito ng kapatid ko.

My baby sister… Dati, tuwing umuuwi kami ng bahay at naaabutan naming nag-aaway ang mga magulang namin, niyayaya ko s’yang kumain ng ice candy sa tindahan kahit wala akong pera. Para lang mailayo s’ya at hindi n’ya marinig ang pag-aaway nina Mama at Papa.

Pero ngayon… malaki na ang kapatid ko. Nakakapagdesisyon na para sa sarili n’ya.

This is her first time deciding for herself, deciding for the family. I should respect it. Para sa susunod, magkaroon ulit s’ya ng lakas na loob na magdesisyon para sa sarili n’ya. Kung anong alam n’yang makakabuti para sa kanya.

Inubos ko ang araw na ibinigay sa akin ni Doc Evelyn sa pagdedesisyon. Kaya nang dumating ang sumunod na linggo, inaasahan ko na ang pagbisita n’ya sa mismong office ko sa loob ng hospital nang magkaroon ako ng bakanteng oras.

“I’m hoping you already have your decision, Reyziel,” deretsong sabi na ni Doc Evelyn nang makaupo. “And I’m also hoping na magugustuhan ko ang naging desisyon mo.”

Huminga muna ako nang malalim bago s’ya tinignan.

“I’m sure you’ll like it, Doc Evelyn… ’Cause I’m accepting your offer.”

I saw her face lit up. Halatang nagustuhan n’ya ang sinabi ko. She even smiled widely at me and clapped her hands once.

“Perfect!” she even exclaimed. “I’m so glad to hear that, hija.”

“Gusto ko lang pong makasiguro na magiging maayos ang kapatid ko… pati na rin po si Mama habang nasa malayo ho ako.”

Doc Evelyn waved her hand dismissively.

“Of course, of course. Larissa can stay at the house. And as what I’ve promised, ililipat ang Mom mo sa magandang institution and they will assign her for a private nurse. Ang kaibigan kong psychiatrist ang mismong titingin sa kanya.”

Napatango-tango ako. Kuntento na sa narinig. Iyon lang naman ang gusto kong siguraduhin. Ang makasiguro na ayos sila. Wala ako para alagaan sila.

“You also have nothing to worry sa pag-stay mo sa Candoni, hija. You’ll have your own condo unit there, sa mismong condo tower na malapit sa hospital. Ang poproblemahin mo na lang ay, of course, your food and necessities.”

Natuwa naman ako sa narinig ko. Oo nga pala. Hindi ko na naisip ang tutuluyan ko. ang priority ko lang talaga ay sina Mama at Larissa, ang kalagayan nila dito kapag umalis na ako.

“Thank you, Doc…” I sincerely said.

Doc Evelyn flashed me a warm smile mixed with pity.

“I’m sorry, hija… Ayoko namang isipin mo na pinapalayas kita. I’m just… I’m doing this for my son.”

Nakakaunang tumango ako. “Naiintindihan ko naman po, Doc. Nagpapasalamat pa rin ako na ginagawa n’yo ’to kahit hindi n’yo naman kami kaano-ano.”

They’re not obligated with anything. Kung tutuusin, kung gusto ni Doc Evelyn na palayuin ako kay Ace, pwede n’ya namang paalisin na lang kami ni Larissa sa bahay nila. She doesn’t have to offer me anything in exchange for that.

That’s why I’m still thankful for what she did. Kahit na pinalayo n’ya ako, may trabaho pa rin ako at may matutuluyan pa. Isama pa ang gagawin n’ya para kay Mama at Larissa.

“Oh, it’s alright… Napalapit na rin naman kayo ng kapatid mo sa amin. It’s just that… may iba akong gusto para sa anak ko.”

Tumango lang ako at hindi na nagsalita pa. Mabuti na rin at naging crush ko lang si Ace. I admire how helpful he was for me when I was still studying. At kahit na medyo may pagka-controlling s’ya sa trabaho, he was there to guide me.

“I already book your plane ticket na rin, Reyziel,” sabi ni Doc Evelyn maya-maya at may iniabot sa aking brown envelope. “Sa weekend na ’yan. From the airport, may susundo sa ’yo at ihahatid ka sa condo tower where your unit is. Then on Monday, magre-report ka na sa hospital.”

Binuksan ko ang envelope at nakita ko ang plane ticket na sinasabi n’ya. May umalog sa loob at nang inilabas ko iyon ay nakitang isa iyong susi. I’m guessing that it was for the condo unit.

Saglit kong tinitigan ang ticket at ang susi sa kamay ko. So… tuloy na talaga ang alis. ko. Ngayon lang ako lalayo ng ganito sa Manila. Dito na kami ng kapatid ko pinalaki ng mga magulang namin.

May takot akong nararamdaman. Paano kung manibago ako roon? Paano kung iba ang pamumuhay nila roon? And I’m sure, I will miss my mother and Larissa…

Sa Sabado na ang alis ko. Nagmamadali talaga si Doc Evelyn na palayuin ako kay Ace. Hinanda n’ya na agad pala ang lahat. Alam kong iniisip n’ya na baka kapag nagtagal pa na magkalapit kami ay mas lumala pa ang sitwasyon.

“Paano po si Ace? Ano pong sasabihin ko sa kanya?” tanong ko kay Doc Evelyn.

“You will not say anything to him. Ako nang bahala kay Ace. Just spend your time with your Mom and Larissa, okay?”

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko doon. I’m sure na magagalit si Ace sa akin kung basta na lang ako aalis. I think that it’s rude. Naging mabuti rin naman s’ya sa akin. He helped me a lot.

Pero naisip ko rin, baka hindi s’ya pumayag kung sakaling malaman n’ya ang tungkol dito. I know he’ll react like that. Sa ilang taon ring magkasama kami sa iisang bahay at sa trabaho, na-obserbahan ko na rin ang ugali n’ya. He doesn’t like it if things don’t go his way. He’s kinda stubborn.

I sighed. Then… si Doc Evelyn na ang bahala kay Ace.

It was hard for me to act like I’m not hiding anything whenever I’m with Ace. Sa tuwing nagdi-dinner kami, kung kailan nagkakaroon kami ng oras na makapag-usap nang maayos, ay nahihirapan ako. Pero mukhang wala namang nahahalata si Ace. It was an advantage that I’m a psychologist.

“Have you ever thought what style would you want for our future house, Rey?”

Napatigil ako sa paghihiwa ng steak dahil sa narinig na tanong ni Ace. Samantalang s’ya ay patuloy lang sa pagkain na parang normal na bagay lang ang tinanong n’ya.

“What?” I asked. Para ulitin n’ya ang sinabi. Baka nagkamali lang pala ako ng rinig.

“For our future house. When we get married,” he said casually.

Napatitig na lang ako sa kanya. Kung narinig siguro ni Doc Evelyn ’to, baka hinimatay na ’yun.

Alanganin akong umiling kay Ace.

“Wala pa sa isip ko ang pag-aasawa, Ace…”

Napatigil sa pagkain si Ace at tinitigan ako. Sinalubong ko ang titig n’ya kahit na natatakot ako sa kung anumang magiging reaksyon n’ya. He stared at me for a while before he shrugged his shoulders.

“It’s okay. It’s too early for us to get married anyway.”

Hindi na ako nagsalita at nagpatuloy na sa pagkain kahit na nahihirapan na akong lunukin ang kinakain ko. Hindi ko alam kung saan n’ya nakuha ang ideyang ikakasal kami. He’s not even my boyfriend.

The dinner ended peacefully. Hindi na ulit inungkat pa ni Ace ang tungkol sa kasal pagkatapos noon. He must’ve sensed that it made me uncomfortable.

Ngayon ko naisip na mabuti nga sigurong tinanggap ko ang alok ni Doc Evelyn. No matter how good Ace is towards me, I just can’t keep up with him.

I decided to visit my Mom when Friday came. Hindi ko na isinama si Larissa. I was hoping that she would recognize me this time ngayong mag-isa na lang ako. Pero nanlumo ako nang hindi n’ya pa rin ako makilala.

“Bakit mo ako dinadalaw? Sino ka ba?” tanong ni Mama nang makaupo na s’ya.

I smiled at her. Sinubukan kong hawakan ang mga kamay n’ya pero inilayo n’ya iyon sa akin. Doon pa lang ay parang gusto ko na lang humagulgol.

Aalis na ako bukas. Matagal ko s’yang hindi makikita. And my only wish is to hug her, or at least to hold her. Pero mukhang hindi matutupad iyon.

“Akala ko pa naman mga anak ko na ang dumalaw sa ’kin,” sabi ni Mama na mukhang dismayado pa.

“Anak n’yo naman ako, Ma…” nanghihina kong sabi.

Tinitigan ako ni Mama. Parang pilit na kinikilala ako. May pag-asang umusbong sa akin dahil sa ginawa n’ya pero mabilis din iyong nawala nang makita ko ang pagsimangot n’ya.

“Hindi naman, eh. Hindi kita kilala,” sabi n’ya at luminga pa. “Nasa’n na ba ’yun? Gusto ko nang bumalik.”

Nahulaan ko na ’yung nurse na nagdala sa kanya ang hinahanap n’ya. I panicked. Aalis na ako bukas at gusto ko sanang magpaalam sa kanya pero ayokong ganitong sandali lang ang pagkikita namin.

Napatayo na rin ako nang tumayo na si Mama. Mukhang mag-isa na lang babalik sa loob. Hindi na ako nag-isip at mahigpit s’yang niyakap.

“Ma, salit lang po…” sabi ko at hindi ko na napigilan ang panginginig sa boses ko. Bumuhos ang mga alaala namin noong magkakasama pa kaming pamilya nang yakapin ko s’ya.

Buo pa kami noon, pero magkakahiwalay na naman kami. Malalayo ako sa kanila.

Kailan kaya ulit kami magkakasama-sama?

“Ano ba?! Bitiwan mo ko!” sabi ni Mama at itinulak ako palayo sa kanya. Muntik pa akong mabuwal kung hindi ko lang nabawi agad ang balanse ko. “Salbahe ka! Ayoko na ulit makita ka!”

Tumalikod si Mama sa akin at wala na akong nagawa kundi ang tignan na lang s’ya na naglalakad papalayo. Sinalubong s’ya ng nurse at hinatid pabalik sa loob.

My heart was clenching as I watch her walk away. Para bang sinasabi sa ’kin na wala na kaming pag-asang mabuo ulit. 

No… Mabubuo pa kami. Magkakasama kami nina Mama at Larissa. Magiging masayang pamilya ulit kami.

This is my last chance. Sana… sana gumaling na si Mama sa offer ni Doc Evelyn sa akin.

Kinabukasan, hindi na ako nagpahatid kay Larissa sa airport kahit na anong pilit n’yang sumama. Ayoko… Pakiramdam ko ay maduduwag lang ako at hindi ko na kayanin ang pag-alis.

Ang gusto ko lang naman, mabuo ang pamilya namin. Pero kabaligtaran yata ang nangyari.

I was already at the airport, waiting for my flight when I received a text from Doc Evelyn saying that I should take care. Parehong wala sila ni Ace kanina sa bahay. Nagpasama sa kung saan si Doc Evelyn sa anak n’ya. Pero alam kong paraan n’ya lang iyon para hindi malaman ni Ace ang pag-alis ko.

Kinakabahan pa ako nang makasakay na sa eroplano. It was my first time riding an airplane. Kinalma ko ang sarili ko kahit na kabang-kaba ako lalo na nang mag-take off ang eroplano.

The flight took almost three hours before the plane landed. Nang makalabas ako ng airport ay luminga-linga ako sa mga taong nag-aabang. Nakita ko ang isang lalaking may hawak ng isang papel kung saan nakasulat ang pangalan ko. I approched him and smiled.

“Hi! I’m Reyziel Denava,” I said.

The man smiled at me. He was the same age as my father. Nakitaan ko na ng kaunting puting buhok at nang ngumiti sa akin ay bahagyang kumulubot ang mga gilid ng mata.

“Ako na ho ang magdadala ng mga gamit n’yo, Ma’am,” sabi n’ya na nakatingin sa dalawang travelling bag na dala ko.

“Oh, thanks,” I said and handed him my bags.

Sumunod ako kay Manong papunta sa sasakyan n’ya. Binuksan n’ya ang backseat door ng sasakyan kaya pumasok na ako doon.

Nakatingin lang ako sa labas habang nagmamaneho na si Manong papunta sa condo tower kung saan ang tutuluyan ko. I was trying to familiarize myself with the place. Nakakaramdam ako ng kaunting pagod dahil sa byahe sa eroplano pero pinipilit ko pa ring kabisaduhin ang mga dinadaanan namin.

Naninibago ako. May mga punong kaming nadadaanan na nakatanim sa gilid ng daan. Ang mga bahay ay hindi magkakadikit. Wala rin masyadong sasakyan. Halos mga motor at tricycle lang.

Nasa probinsya na nga ako…

“Dito na po,” sabi ni Manong at ipinarada ang sasakyan kaya bumaba na ako.

Inaasahan ko na katulad sa Manila ang condo tower na sinasabi ni Doc Evelyn kung saan mataas ang building at maraming floors. But it wasn’t a tower. It looked more like an apartment. Sa bawat floor ay may dalawang unit na pinaghiawalay ng pasilyo. Tabing kalsada lang din ang lugar na kinatatayuan ng apartment.

Sa tabi ng apartment building na iyon ay isang mini grocery store at karinderya. Ayos na sa ’kin iyon. At least, accessible din naman pala ang pagkain ko.

May guard na nagbabantay bago makapasok ng apartment unit. Pinapirma n’ya muna ako sa logbook pero nang mabasa n’ya ang pangalan ko ay mukhang alam n’ya nang isa ako sa mga tenant doon. Mukhang nasabihan na s’ya dahil pinapasok na rin ako matapos tignan lang ang I.D. ko.

Sa pagkakaalala ko ay nasa third floor ang sa akin. Hindi ko lang alam kung sa kaliwa o kanan ba ang kwarto ko. Sira ang elevator kaya gumamit ako ng hagdan.

Abala ako sa paghahanap ng susi ng unit sa shoulder bag ko habang umaakyat. Tahimik ang paligid. Siguro ay dahil probinsya at kahit sa tabi ng kalsada ay walang ingay ng sasakyan ang maririnig dahil hindi madalas ang pagdaan doon.

I was struggling while trying to find the key in my bag. I was holding two traveling bags with my one hand habang ang isa ay abala sa paghahanap ng susi. Mabigat pero nakakaya ko pa rin namang buhatin. I was already on my way to the last floor.

Dahil abala ay hindi ko na napansin na may makakasalubong pala ako. I wasnt even expecting I would bump into someone as the place was really quiet. Nagulat na lang ako na habang paakyat ako ay bumangga ako sa kung sino, ’causing me to lose my balance.

Nag-panic ako! Nabitiwan ko ang dalawang traveling bag ko at sinubukan humawak sa railings. But it was too late! I know I will fall pero bago pa ako mahulog ay naramdaman ko ang paghapit ng kung sino sa bewang ko, preventing me to fall.

I gasped. Hindi ko alam kung para saan. Dahil ba sa muntik ko nang pagkakahulog o dahil sa mukhang sumalubong sa akin. I was welcomed with the most handsome face I’ve ever seen! Sa sobrang gulat ay hindi na ako makagalaw!

The first thing I noticed was his eyes. He has a set of gray brooding eyes. Sobrang ganda ng mga mata n’ya na binagayan pa ng makakapal n’yang mga kilay kaya nahirapan akong alisin ang tingin ko sa mga mata n’ya. It was gray and mysterious. Sa mata pa lang ay alam ko nang marami s’yang tinatago.

Doon ko lang napansin ang magkatabing hiwa sa kaliwang kilay n’ya. He has eyebrow slits. Hindi ko alam kung sinadya o nakuha n’ya sa pakikipag-away. But it suits him so well!

He has a pointed nose, reddish lips and a perfect angled jaw. Kulay abo rin ang buhok n’yang magulo na undercut ang style. Halatang pinakulayan lang.

I stared at him. Hindi ko na nagawang alisin ang tingin ko sa kanya. He just looked so good! At para bang may pwersa sa kanya na naghihila sa akin para lang titigan ko s’ya buong araw.

“Are you okay?” I heard him asked. Nahigit ko na lang ang paghinga ko nang marinig ang boses n’ya. Lalaking-lalaki. Deep and hoarse.

“Ha?” wala sa sarili kong tanong habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya.

“Okay ka lang ba?”

Oh, he’s a Filipino? Nakakagulat. He looked foreign pero mukha namang sanay na sanay s’yang magsalita ng Tagalog.

“Miss?” I saw his eyebrows frowned. He looked concerned and confused.

Saka lang ako natauhan! Mabilis akong lumayo sa kanya at muntik pang mahulog ulit dahil nakalimutan kong nasa hagdanan pa rin kami sa sobrang pagkataranta ko! But the man held me in place again. Nang masiguro n’yang ayos na ako ay dahan-dahan n’yang inalis ang pagkakahawak sa akin.

Mabili akong nag-iwas ng tingin sa kanya at tumikhim. Pinakalma ko ang sarili ko. Hindi ko naman alam kung bakit ganoon ang reaksyon ko.

Because of my profession, I learned how to be calm and how to handle myself in a situation most of the time. Pero parang biglang nawala yata ang lahat ng mga pinag-aralan ko ngayon dahil sa lalaking ’to!

Shit! Hindi pa nakakatulong na naamoy ko ang panlalaking pabango n’ya! Dumikit pa yata sa akin dahil sa pagkakalapit namin kanina!

Nagbaba ako ng tingin at doon ko lang napansin ang nakakalat sa sahig. Bawat baitang ay nakakalat ang bagay na ’yon.

Pingpong balls?

Nakita ko ang maliit na kahon hindi kalayuan. Nahuhulaan ko nang dala siguro iyon ng lalaki. Mukhang nabitiwan rin dahil sa pagkakabangga namin kanina.

The man moved. Nagulat pa ako doon. Kinuha n’ya ang dalawang traveling bag ko at inilagay sa pinakataas na baitang. Pagkatapos ay ang box naman ang kinuha n’ya.

I was watching him the whole time. Nakasuot lang s’ya ng simoleng black shirt at cream colored khaki shorts pero ang lakas na ng dating n’ya. Napansin ko pa ang baseball cap na nakasabit sa lalagyanan ng sinturon ng shorts n’ya.

He has a nice body. Humahapit sa katawan n’ya ang shirt na suot n’ya. He has a chiseled chest and broad shoulders.

Napatingin ako sa mga braso n’ya. They looked firm and hard. Kanina lang, hawak ako ng mga brasong ’yon. I felt safe when he held me earlier.

“Miss?” tawag-pansin sa akin ng lalaki na nakatitig na pala sa ’kin.

Naman! Ano bang nangyayari sa ’kin?

Tumikhim muna ako at umayos ng tayo.

“Yes?”

He looked at me sheepishly. How can a man looked cute and intimidating at the same time?

“Pwedeng pakitulungan ako sa mga bola? Ang dami kasi,” he said.

Ilang segundo pa akong nakatitig lang sa kanya, nagtataka kung totoong tao ba s’ya, bago rumehistro sa akin ang sinabi n’ya.

“Ah, sige,” sabi ko at sinimulang pulutin ang mga bola.

Ang dami namang pingpong ball na ’to? Mahigit twenty yata. Ang iba ay tumalbog pa sa kabilang hagdan.

Nang makuha ang nasa side ko ay inilagay ko iyon sa box na hawak n’ya. Mukhang tapos na rin naman s’yang magpulot. Tumayo s’ya nang maayos at nginitian ako.

“Thanks!” he said with a boyish smile on his face.

I nodded. “No problem.”

I looked away by instinct. Nahihirapan akong salubungin ang tingin n’ya. He looked friendly with that boyish smile pero kapag tumitingin ako sa abong mga mata n’ya, nakakaramdaman ako ng kakaiba doon.

Like something dark and mysterious. It was so hard for me to look away.

I cleared my throat. Tinalikuran ko na s’ya at kinuha ang mga traveling bag ko. I didn’t look back at him as I walked towards my unit.

Chapter 7

Ipinasok ko ang susi sa keyhole at binuksan ang pintuan. Isang tingin ko pa lang sa loob ng unit na ’yon ay halata ko nang matagal nang walang umuokupa doon. Sa tingin ko nga ay hindi pa natitirhan nang matagal. Parang ginagamit lang panandalian para may matuluyan.

Isang mahabang sofa ang nandoon sa sala at isang maliit na flatscreen TV. Ilang hakbang lang mula sala ay kusina na. Nandoon na rin ang maliit na lamesa na may dalawang upuan.

Pumasok pa ako sa loob at nakita ang dalawang kwarto. Mayroon ding banyo at nakahinga ako nang maluwag nang makitang may supply na ng tubig pagbukas ko ng gripo. Sinubukan ko na rin kung may kuryente ba, meron naman. Mukhang alam ng may-ari na ngayon ako lilipat kaya inayos na lahat.

Ang kwarto sa dulo ang ginamit ko. May lumang electric fan na ang nandoon at gumagana naman. Pero naisip ko na rin na bumili ng stand fan, iyong malakas ang binubugang hangin, para sa sala.

Naupo ako sa kama. Mabuti na lang at walang alikabok na lumabas nang lumubog ang foam. Tinatamad kasi akong maglinis. Napagod yata ang katawan ko sa unang beses na pagsakay sa eroplano. Tatlong oras pa.

Nahiga ako at inilabas ang phone ko. Nagpalit ako ng bagong numero. Bilin na rin ni Doc Evelyn dahil nakakasiguro raw s’ya na tatawagan ako ni Ace. Nanghihinayang nga lang ako sa mga pasyente ko na hindi na ako makakausap ngayong nandito na ako sa Negros. Ang sabi pa ni Doc Evelyn, s’ya na rin ang bahala sa mga pasyente ko kung kaninong psychologist sila ia-assign.

I sighed. Pakiramdam ko tuloy, ang iresponsable ko. Na ang sama kong tao. Some of my patients took so much time to build their trust so they could easily open up to me. I feel sad that they have to start again sa bago nilang psychologist.

I took a deep breath before I dialed Larissa’s number na kabisado ko naman. Nakadalawang ring lang iyon bago n’ya sinagot. Parang talagang nag-aabang sa tawag na ’yon.

“Larissa?” panimula ko. Nabigla pa sa mabilis n’yang pagsagot. “Ang Ate Reyziel mo ’to.”

“Ate!” she exclaimed. Napangiti agad ako. “Kanina ko pa hinihintay ang tawag mo!”

“Bakit? Miss mo na ko?” biro ko pa kahit ang totoo, ako talaga ang nakakaramdam no’n. I suddenly miss my sister. Huminga ako nang malalim para mawala agad ang bigat sa dibdib ko.

Hindi pa nga ako nakakaisang oras dito sa apartment pero ganito na agad ang nararamdaman ko.

“Hindi pa naman. Siguro ’pag isang buwan ka nang wala, baka ma-miss kita,” biro n’ya na alam kong pinapagaan lang ang sitwasyon.

Natawa ako. “Bakit mo inaabangan ang tawag ko? May nangyari ba?”

“Wala naman, ate… Syempre, gusto ko lang maka-sure na nakarating ka d’yan ng safe.”

“Ang sweet mo yata ngayon, ah? Sana ganyan ka din nu’ng nandyan pa ko,” biro ko pa na ikinatawa ni Larissa.

“Ay, oo nga pala, ate. May ichi-chismis din kasi ako sa ’yo kaya inaabangan ko rin ang tawag mo.”

Napakunot ang noo ko. Ano na namang kalokohan ang ginawa ng kapatid ko?

“Ano ’yan? Naku, Larissa… Wala pa kong isang araw dito, ah?”

“Hindi tungkol sa ’kin, ate! Kay Sir Ace!”

Natigilan ako doon. Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan ang tungkol kay Ace. Sigurado akong sa mga oras na ’to, alam na n’ya ang pag-alis ko. He’s always checking on me kahit nu’ng nasa Manila pa ako. Kapag hindi n’ya ako nahahanap ay tinatawagan ako. Pero dahil iba na ang number na gamit ko, hindi na n’ya ako matatawagan ngayon.

“Bakit?” I asked. Medyo kinakabahan sa sasabihin n’ya.

“Kaninang umaga, hinahanap ka sa ’kin, ate. Sabay yata kayong papasok. Eh, hindi ko naman pwedeng sabihin kung nasa’n ka talaga kaya sinabi ko na lang na paggising ko, wala ka na,” she said. “Tinawagan ka sa cellphone, ate , tapos nakita ko na nainis s’ya nu’ng hindi ka n’ya ma-contact.”

I pursed my lips as I took a deep breath. Biglang lumala ang kaba ko. Pakiramdam ko, anytime, bigla na lang susulpot si Ace dito sa loob ng apartment ko.

“Tapos?” I asked.

“Ayun. Umuwi nu’ng hindi ka siguro nakita sa hospital. Tapos tinanong na si Doc Evelyn. Galit na galit s’ya nu’ng nalaman na wala ka na dito, ate!”

Nakagat ko ang pag-ibabang labi ko. Bigla kong na-imagine ang kinukwento ni Larissa. Si Ace pa naman, kapag hindi ako mahanap ay naiinis talaga. Lalo na kapag hindi ako ma-contact man lang.

Sigurado akong galit na galit nga s’ya.

“Sinabi ba ni Doc Evelyn kung nasa’n ako?” kinakabahan kong tanong.

“Syempre hindi! Edi mawawalan ng saysay ’yung pagpapapunta sa ’yo d’yan ni Doc Evelyn!” sabi ni Larissa. “Kaya nga galit na galit si Sir Ace. Ayaw kasi talagang sabihin ni Doc Evelyn kung nasa’n ka. Nag-away ’yung mag-ina. Halos magwala na si Sir Ace, ate!”

Marahas akong napabuntong-hininga. “Ikaw sigurado ang kukulitin n’yan, Larissa. Alam n’yang ipapaalam ko sa ’yo kung nasa’n man ako.”

“Akong bahala, ate. Marami akong palusot na nakahanda,” rinig ko ang kasiguraduhan sa boses n’ya. “Gwapo s’ya pero over possessive sa ’yo. Buti nga nakawala ka ngayon.”

Hindi pa rin nawala ang pag-aalala ko para kay Larissa. Dapat rin yata na umalis na rin sa mansyon ang kapatid ko. Sigurado akong hindi s’ya titigilan ni Ace. He knows how much I love my family. Lahat ng ginagawa ko ay para sa kanila kaya alam ko na maghihinala s’ya na alam ni Larissa kung nasa’n ako.

“Sa ’yo s’ya magagalit ’pag hindi mo sinabi, Larissa…” nag-aalala ko pa ring sabi.

“Edi magalit s’ya! Kahit naman magwala pa s’ya, hindi ko pa rin sasabihin kung nasa’n ka.”

Hindi ko naiwasan ang mapangiti sa mga sinasabi ni Larissa. Kung minsan, humahanga rin talaga ako sa kapatid ko. Matapang kasi s’ya. Malakas ang loob. Kampante ako na alam kong magiging maayos s’ya dahil sa pagiging matapang n’ya. Siguro, lumaki s’yang ganoon dahil na rin sa mga naranasan namin. At kami lang ang naging sandalan ng isa’t isa.

“Kumain ka na ba?” pangungumusta ko.

“Oo, ate. Meryenda. Ikaw?”

“Hindi pa. Kahit lunch wala pa akong kain. Kararating ko lang din.”

“Pahinga ka muna konti tapos kain ka na.”

“Plano ko nga ’yan.”

“Sige, ate. Baba ko na, ha? Baka biglang dumating pa si Sir Ace. Maabutan pa kong kausap ka.”

Natawa ako sa sinabi n’ya. “Sige. Tatawag ulit ako bukas.”

“Okay, ate.”

Naputol na ang tawag pero nanatili pa rin akong nakahiga sa kama. Napatitig ako sa puting kisame ng kwarto. Iniisip ang tungkol kay Mama, pati na rin sa kapatid ko.

Ang layo ko na sa kanila… ’Yung pamilyang gusto kong mabuo, parang ayaw ibigay sa ’kin.

Pinuno ko na muna ng hangin ang dibdib ko bago tumayo sa pagkakahiga. Ayokong malungkot sa unang araw ko rito. Baka kasi magsunod-sunod. Baka hindi ko makayanan ang lungkot. Kailangan kong magpakatatag para kina Mama at Larissa.

Pumunta ako sa kusina para maghanap ng makakain. Binuksan ko ang cabinet pero wala akong nakitang laman. Kahit ang ref ay wala. Huminto muna ako saglit bago napagdesisyunan na lumabas para kumain.

May karinderya naman akong nakita sa baba kanina. Tapos ay mamimili na lang ako ng mga supply ko sa tabing grocery.

Dahil hapon na at probinsya pa ay wala akong nakitang kumakain sa karinderya nang pumasok ako. Ako lang tuloy ang customer nila. Um-order lang ako ng gulay at karne para sa ulam at isang cup ng kanin.

Nang matapos kumain ay dumiretso na ako sa katabing grocery para mamili ng mga supply ko. Kaunti lang din ang mga namimili. Nakakapanibago. Samantalang sa Manila, parang araw-araw yata ay pare-pareho ang dami ng tao sa grocery.

Kumuha ako ng cart at inuna muna ang mga nasa canned goods section. Kailangan ko ’to. Pati na ang mga noodles kapag tinatamad akong magluto.

Abala ako sa pagkuha ng mga bibilhin ko. Malapit nang mapuno ang cart ko nang maisip ko rin na bumili ng mga cupcake at tinapay pang snacks. Pagliko ko sa aisle na ’yon ay natigilan pa ako nang makita na may tao rin sa aisle na ’yon. It wasn’t an unusual scene pero napahinto ako dahil namumukhaan ko ang isa sa kanila.

’Yung lalaki na may dalang maraming pingpong balls.

May kausap s’yang isang babaeng nakatalikod sa akin. ’Yung lalaki naman ay nakaharap sa gawi ko pero masyadong abala sa pakikipag-usap doon sa babae at parang walang pakialam sa paligid. He was even tilting his head, para makita ng maayos ang mukha ng babae dahil mas matangkad s’ya. His hands were casually inside the pockets of his khaki shorts. Cool lang s’yang tignan habang ang babae ay mukhang kinikilig.

Napanguso ako bago tinuloy ang pamimili. Kumukuha lang ako ng mga tinapay nang mapalapit ako sa kanila kaya hindi sinasadyang marinig ko ang usapan nila.

“Nando’n ka ba ulit mamayang gabi?” rinig kong tanong ng babae.

“Bakit? Pupunta ka?” tanong ng lalaki na nahuhulaan kong nakangisi ngayon base sa tono ng boses n’ya.

“Oo sana…” sabi ng babae bago humagikgik.

“Gabi-gabi naman akong nando’n. Doon ako nagtatrabaho,” ang lalaki ang narinig ko. Abala pa rin ako sa pagkuha ng mga bibilhin ko pero naririnig ko talaga ang usapan nila.

The woman giggled. “Pa’no ba ’yan? Mukhang gabi-gabi rin akong malalasing nito…”

Napataas ang isang kilay ko sa narinig pero deadma pa rin ako. Kunwari ay hindi ko naririnig ang usapan nila. Ayoko naman talaga sanang pakinggan pero anong magagawa ko kung may tenga ako at nakakarinig ako?

The man chuckled. Wala sa sariling napatingin ako sa gawi n’ya nang marinig ko ang pagtawa n’ya. He was grinning while biting his lower lip. He looked boyish with that expression. Like some naughty playboy planning something that isn’t good for the heart. Kaya naman hindi na ako nagulat nang makita na mukhang mas kinilig pa ang babae.

“Safe ka naman dahil nando’n ako,” sabi pa ng lalaki. “Akong bahala sa ’yo.”

“James, ha? Aasahan ko tuloy ’yan,” sabi ng babae at humagikgik ulit.

James?

Napatagal siguro ang pagkakatitig ko sa kanila at mukhang naramdaman iyon ng lalaki. Nang mahalata ko na lilingon s’ya sa akin ay nag-iwas ako ng tingin at nagkunwaring abala sa pamimili. Kumuha na lang ako ng isang pack ng Fudgee Bar at nagdesisyon nang umalis sa aisle na ’yon.

Ano ba ’yun? They were clearly flirting! Ang akala ko ay sa Manila lang ako makaka-witness ng gano’n, pati pala dito. At sa unang araw ko pa talaga sa Negros, ha?

I groaned inwardly. Nainis ako bigla sa mga iniisip ko. I guess it’s one of the traits of being a psychologist. Being observant. Naa-apply ko tuloy kahit sa mga ’di mahahalagang bagay.

Pumila na ako sa counter para magbayad. Na-punch na lahat ng mga pinamili ko at nailagay na sa kahon na inabot pa ng tatlong kahon sa dami nang ma-realize ko kung anong problema ko.

Paano ko iaakyat lahat ’to? Tatlo pa naman at sigurado akong mabibigat. Tapos ay sira pa ang elevator!

“May kotse ba kayong dala, Ma’am?” tanong ng kahera na mukhang nakita ang pagiging problemado ko. 

“Ha? Uhm, wala… D’yan lang ako sa katabing apartment building,” I said.

Nagliwanag ang mukha ng cashier. “D’yan lang naman pala kayo, Ma’am. Tulungan na kayo ng mga bagger namin sa pagbubuhat.”

“Hindi ba nakakahiya?” alanganin kong tanong. Hindi na kasi nila trabaho ’yon.

“Ayos lang, Ma’am!” ang bagger na na nagkahon sa mga pinamili ko ang sumagot. “Malapit lang naman at tsaka wala naman masyadong namimili ngayon. Wala kaming ginagawa.”

“Anong floor ba kayo, Ma’am? Sira pa naman ang elevator palagi do’n,” tanong ulit ng kahera kaya tumingin na ako sa kanya.

“3rd floor.”

“3rd floor? Edi kapit-bahay n’yo pala si James!”

James… Ah… ’yung lalaki. Kaya pala galing din sa floor na ’yun ’yung lalaki nu’ng magkabungguan kami kanina.

So kapit-bahay ko s’ya? Sa kanya ’yung unit na katapat ng akin?

“Patulong na rin tayo sa kanya, Ma’am! Namimili din ’yun ngayon, eh,” sabi ng kahera na mukhang tuwang-tuwa pa.

“Ah, hindi na… Kahit ’yung bagger na lang. Ilalabas na lang namin ’tong cart hanggang sa apartment building then papatulong na rin sa guard.”

Ewan ko ba. May pakiramdam ako na kailangan kong iwasan ang lalaking ’yon. Wala akong tiwala sa mga ngisi n’ya. Lalo na sa abong mga mata n’ya na parang may malalim na tinatago.

“Ayaw mo, Ma’am? Mabait naman ’yun si James!” pangungumbinsi pa ng kahera pero mariin akong umiling.

“Hindi na. Kaya na naman namin siguro ’to.” Tsaka busy makipag-flirt ’yung lalaking ’yon. Baka magalit pa kung iistorbohin para lang pagbuhatin ng mga pinamili ko, eh, hindi naman kami magkakilala.

Hindi na rin naman ako napilit ng kahera na magpatulong sa James na ’yon. Ang bagger at ang guard na ang nagbuhat sa mga pinamili ko. Binigyan ko na lang ng tip, compensation na rin sa abala at effort nila dahil alam kong mabigat ang mga binuhat nila at sa third floor pa ang unit ko.

Inayos ko ang mga pinamili ko at naghanda na rin ng pagkain. Feeling ko, lunch at dinner ko na ’to. Naramdaman ko na ang pagod dahil sa mahabang byahe. Plano ko pa sanang puntahan ang branch ng Callisto Medical Center dito sa Candoni pero mukhang hindi ko na magagawa.

Okay lang. Linggo naman bukas.

Iyon nga ang ginawa ko. Kumain muna ako bago naligo para mawala ang dumi sa katawan ko. Nang matuyo ang buhok ko ay dumiretso na ako sa kama. Dahil siguro sa sobrang pagod dire-diretso ang tulog ko. Alas otso na ng umaga nang magising ako kinabukasan.

Tinawagan ko si Larissa para mangamusta. Tama nga ang hinala ko. S’ya na nga ang kinukulit ni Ace. Hanga ako sa kapatid ko na hindi n’ya talaga sinasabi kung nasaan ako kahit na anak si Ace ng amo namin. Kung ako ay nag-aalangan pang tanggihan si Ace, si Larissa ay mukhang wala lang sa kanya.

Nag-ayos na ako para sa pag-alis ko. Nagtanong ako kay Mang Gener, ang guard sa apartment building na ’yon, kung paano pumunta sa Callisto Medical Center. Dalawang sakay pa pala dahil sa bayan pa raw iyon at medyo malayo ang bayan doon.

Napalabi na lang ako habang nasa byahe. Ang sabi ni Doc Evelyn, malapit lang daw ’yung apartment unit sa CMC. Dalawang jeep pa pala na kalahating oras ang itatagal ng byahe.

Buti na lang talaga at naisipan kong pumunta ngayon! Ma-adjust ko ang oras ko para bukas para hindi ako ma-late. Ang hirap pa namang mag-abang ng jeep!

Pagkarating ko roon ay naintindihan ko kung bakit tinawag iyon na bayan, sentro daw ng lugar na ’yon ang sabi ni Mang Gener. Dahil halos nando’n din pala ang lahat. May mall din pero kailangan pang sumakay. Ilang minuto lang din naman ang byahe.

Nandoon rin ang mga hang-out place na pwedeng tambayan at mapaglibangan. Marami ring tao doon at mga sasakyan pero hindi kasing rami sa Manila.

Kailangan ko pang maglakad ng fifteen minutes bago makarating sa CMC. Maliit ang ospital na ’yon kumpara sa branch sa Manila. Pero isa rin daw iyon sa pinakamalaking hospital sa buong Negros Occidental.

Nanatili lang ako sa labas, pinag-iisipan kung papasok sa loob o hindi. May part sa ’kin na gusto nang makita ang loob at makipagkilala sa mga medical staffs doon. Pero may part rin sa akin na gustong bukas na lang mangyari ang lahat.

Marami rin ang mga naglalabas-pasok sa hospital. Iilang mga mukha na ang nakikita ko. Ang iba ay nagtatagal pa ang titig sa akin. Nagtataka siguro kung bakit nakatayo lang ako doon.

I sighed. Luminga ako sa paligid. May nahagip ang mga mata ko na pamilyar na mukha na naglalakad, kasama ang isang babae,

’Yung James… ’Yung kapit-bahay ko. Lumipat ang tingin ko sa babaeng kasama n’ya at hindi iyon namukhaan. Hindi s’ya ’yung babaeng kausap n’ya sa grocery store kahapon. Pumasok sila sa isang restaurant at mukhang doon kakain para sa lunch.

Babaero yata…

Mabilis kong ipinilig ang ulo ko dahil sa naisip na ’yon. I shouldn’t judge him that quickly. Nainis tuloy ako sa sarili ko. Naturingan pa naman akong psychologist!

Kahapon pa ako naiinis sa sarili ko dahil sa James na ’yon!

Humugot ako nang malalim na buntong-hininga. Tumingin ulit sa hospital na nasa harapan ko bago nagdesisyon na bumalik sa apartment at magpahinga na lang sa araw na ’yon.

Chapter 8

Hindi natuloy ang plano kong bumalik sa apartment at magpahinga. Naalala kong kailangan ko nga pa lang bumili ng electric fan na ilalagay ko sa sala. Pinag-isipan ko pa kung bibili rin ba ako para sa isa pang kwarto pero napagdesisyunan kong ’wag na lang muna. Wala rin naman sigurong gagamit ng kwartong ’yon dahil wala pa akong kakilala dito sa Negros.

Imbes na sa apartment ay dumiretso ako sa pinakamalapit na mall. Nanibago ako sa pagpasok ko pa lang. Ibang-iba ang mall dito sa Negros kaysa sa Manila. Hindi gaanong kalakihan at hanggang second floor lang ang taas. Department store at ilang mga restaurants at coffee shops lang ang nandoon.

Naisipan ko na munang kumain ng lunch sa isa sa mga restaurant na nandoon bago ako pumunta sa department store para bumili ng electric fan. Binawasan ko na muna ang perang iniipon ko sana para sa paglipat namin ng bahay. Alam kong hindi rin naman kami habang-buhay na mananatili sa poder ng mga Callisto.

Ilang taon na rin kaming nakikitira ni Larissa doon. Gusto ko na ring umalis. Gusto ko nang magkasama-sama kami nina Mama at Larissa.

“Turista kayo, Ma’am?” tanong nu’ng salesman habang nilalagay na sa kahon ang electric fan na binili ko. S’ya rin ang nag-asikaso sa akin kanina habang namimili ako.

“Uhm… Bagong salta,” sabi ko na lang.

“Pero taga-Maynila kayo, Ma’am?” he asked and I nodded. Napangiti naman s’ya. “Sabi na, eh. Halata kasi sa inyo, Ma’am.”

Nahiwagaan naman ako kung paano naging halata sa akin na taga-Manila ako at hindi tagaroon pero hindi na ako nagtanong. Siguro ay nahalata n’ya habang magkausap kami kaninang ina-assist n’ya ako.

“Saan ba ang sakayan ng taxi dito?” I asked. Hindi ko na kayang mag-jeep. Masyadong malaki ang karton ng fan at ang bigat pa.

“Ay, itatawag ko na lang kayo, Ma’am!” magiliw pang sabi nu’ng lalaki.

“Talaga? Salamat.”

Isinakay na muna sa cart ang electric fan na binili ko. Sinamahan ako nu’ng salesman at doon na rin kami lumabas sa exit ng department store. Pinaghintay lang ako ng lalaki doon at nagtawag nga ng taxi para sa ’kin.

Hapon na nang makarating ang taxi sa apartment building. Gusto ko pa sanang maglibot-libot kaya lang ay naisip kong ayusin na rin ang unit ko. Dahil sa pagod sa byahe kahapon ay pahinga lang talaga ang nagawa ko.

Tinulungan ako ng driver sa pagbaba ng fan na binili ko. Agad naman akong nilapitan ni Mang Gener nang makita ako at s’ya na ang nagbuhat noon para sa ’kin.

“Thank you, Mang Gener. Kahapon ko pa kayo pinagbubuhat,” nahihiya ko nang sabi habang papasok kami sa apartment building.

“Wala ’yon, Ma’am,” sabi n’yang nakangiti. “Gawa na rin pala ang elevator, Ma’am!”

Nagulat ako doon. “Talaga?”

Doon nga idineretso ni Mang Gener ang kahon ng electric fan na binili ko. Inilapag n’ya muna sa gilid ang kahon at s’ya na ang pumindot ng elevator button.

“Oo, Ma’am! Pinaayos na ng may-ari. Alam kasi na babae ang nakatira sa isa sa unit sa third floor.”

“Dahil sa ’kin kaya pinagawa na?”

Natawa si Mang Gener sa itsura kong nakangiwi. “Oo, Ma’am! Si Sir James kasi, wala naman problema raw sa kanya kung maghahagdan s’ya. Exercise pa raw n’ya ’yun.”

Napatango na lang ako. Pinili ang huwag na lang magsalita. Gusto ko sanang sabihin na hindi lang naman ang mga nasa third floor ang dapat alalahanin, pati na rin dapat ang mga nasa second floor. I think it’s too much of a hassle kung gagamit ng hagdan lalo na kung maraming dala.

Gusto pa sana ni Mang Gener na s’ya na ang magbuhat sa kahon hanggang sa unit ko pero pinilit ko na ako na lang. May elevator naman na. Ilang hakbang na lang rin naman ang lalakarin ko mula sa elvator papunta sa unit ko. Kaya ko na ang pagbubuhat hanggang doon. Isa pa, masyado na yata akong nakakaabala sa trabaho ni Mang Gener. He was supposed to be the guard, hindi isang kargador.

Una kong pinasok ang kahon sa unit ko bago ako tuluyang pumasok sa loob. Isinasara ko na ang pinto nang marinig ko ang tunog ng elevator, tanda na may lalabas. I saw that guy, James, stepped out of the elevator. Nagtama pa muna ang mga mata namin bago ko tuluyang sinara ang pinto ng unit ko.

Ilang sandali pa akong napatulala sa nakasaradong pinto. Nagulat lang ako na nagkatinginan pa kami nu’ng lalaki. Ipinilig ko na lang ang ulo ko bago gumalaw.

Hindi pa man ako nakakahakbang nang marinig ko ang sunod-sunod na pagtunog ng doorbell. I frowned. Mukhang nagmamadali ang kung sino mang nasa labas na pagbuksan ko ng pinto.

I opened the door. Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ko nang makita kung sino ang nasa labas. It was none other than that guy, James. Pangalawang araw ko pa lang dito sa Negros pero parang madalas ko yatang nakikita ’tong lalaking ’to kung nasaan ako.

I looked at him. He looked fascinated as he stared at me. Amusement was in his eyes. Bahagya pang nakaawang ang mga labi n’ya at nagtagal naman ang tingin ko doon. Natitigan ko tuloy.

His lips have a nice shape. A perfect Cupid’s bow shape. Mamula-mula pa ’yon.

Inangat ko ang paningin ko mula sa mga mata n’ya. ’Yung abo n’yang mga mata na namamanghang nakatingin sa akin ang nakita ko. Kulang na lang ay kuminang ng literal ang mga mata n’ya dahil sa pagkamangha. Hindi ko naman alam kung para saan.

I waited for him to say something. Pero lumipas ang ilang minuto ay nandoon pa rin s’ya, nakatingin sa akin na parang hindi pa rin makapaniwala.

“Yes?” agaw-pansin ko na sa kanya. Mukha kasing wala talaga s’yang planong magsalita.

Mas mukha pa s’yang namangha nang magsalita ako. Unti-unti kong nakita ang pagngiti n’ya.

“Woah… May kapitbahay na ko,” he said with all smiles.

He really looked fascinated with that fact. Hindi ko naman maintindihan kung bakit. Does it really make him happy that he has a neighbor now?

Siguro… Baka matagal na rin s’yang walang kapitbahay. S’ya lang mag-isa sa floor na ’to noon.

Pasimple ko s’yang pinasadahan ng tingin. He’s wearing a red checked flannel shirt. Nakabukas iyon kaya nakikita ko ang puting undershirt shirt n’ya. He’s wearing a khaki short. Nakasuot rin pabaliktad sa ulo n’ya ang puting baseball cap.

Ito rin ang nakita kong suot n’ya kanina. Mukhang kauuwi n’ya pa lang din. He looked too casual for someone who had a date.

Dahil doon ay inalis ko na sa isip ko na baka ka-date n’ya ang kasama n’yang babae kanina. He looked like he didn’t put much effort with his clothes. Parang ganoon araw-araw ang suot n’ya. Unlike those men na nakikipag-date.

I stared at him. He has a carefree smile plastered on his lips. Ngiting-ngiti s’ya habang nasa mga mata ang pagkamangha. Hindi ko alam pero nakakatuwang tignan na may ganoong ekspresyon ang abo n’yang mga mata. Nawawala kasi ang pagiging misteryoso doon.

“Uhm… May kailangan ka?” tanong ko dahil manghang nakatitig pa rin s’ya sa akin.

Mukha namang natauhan s’ya. Maya-maya ay napakurap-kurap.

“Ha? Ah, wala, wala,” sabi n’yang umiling-iling pa. Mas lalo pang lumawak ang ngiti n’ya habang nakatitig sa akin.

Na-weird-uhan naman ako. I scratched the back of my neck.

“Kung gano’n, isasara ko na ’yung pinto,” I said.

He nodded. “Okay,” sabi n’ya pero hindi naman gumalaw sa pwesto. Nanatili pa ring nakatitig sa akin.

What’s with this guy?

Napakamot uli ako sa batok ko. Alanganin akong ngumiti sa kanya at ginalaw nang kaunti pasara ang pinto. Mukhang nakuha n’ya naman ang gusto kong iparating.

“Oh! Okay, okay.” He let out a chuckle. Napapahiyang napakamot sa gilid ng kilay n’ya. Isang beses humakbang paatras nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa ’kin.

Ngiting-ngiti s’ya so I smiled back at him. His gray eyes twinkled with amusement. I bit the insides of my cheeks bago ko tuluyang isinara ang pinto.

Nanatili muna akong nakatayo doon. I was trying to find out if he walked away. Pero wala man lang akong narinig na yabag papalayo. Bahagya ko pang inilapit ang tenga ko sa pinto pero wala talaga akong marinig.

What? Nakatayo pa rin s’ya sa tapat ng unit ko?

I just sighed and shrugged my shoulders. Ganito ba talaga dito? Madalang magkaroon ng kapitbahay kaya ’pag may lumipat, tuwang-tuwa?

Hindi ko tuloy alam kung anong mararamdaman ko. Should I be glad? I feel so welcome here. Parang masaya ang mga tao sa paglipat ko. Tinutulungan pa ako sa pag-a-adjust ko dito.

Sana lang… ganito rin sa hospital bukas.

Maaga akong natulog kaya may sapat akong lakas nang magising ako kinabukasan. I want to be in my best condition on my first day. Importante pa naman ang first impression. Mahirap burahin iyon kaya ang gusto ko sana ay maganda ang first impression ng mga medical staff na makakasama ko sa pagtatrabaho ko sa hospital na ’yon.

I also wore a nice but formal clothes. Isang chiffon gray blouse ang isinuot ko. I tucked it in my high waist black pencil skirt. Inilugay ko lang ang buhok kong hanggang balikat. I brushed it with my fingers. Ang ilang mga hibla ay nahulog pabalik sa gilid ng mukha ko. Nang makuntento na ako sa ayos ko ay saka ako lumabas.

“Good morning, Ma’am Reyziel!” bati sa akin ni Mang Gener nang makita akong lumabas ng elevator.

I smiled. “‘Rey’ na lang, Mang Gener,” sabi ko at lumabas na ng building.

“Sige, Ma’am Rey.” Natawa na lang ako at hindi na s’ya itinama pa. “Tatawag na ba ako ng taxi para sa inyo?”

I chewed on my lower lip habang nag-iisip. Noon ay hindi ako nagkakaproblema sa pagpunta sa hospital dahil hinahatid naman ako ni Ace. Kung minsan ay kapag wala s’ya, sa mismong driver pa talaga nila ako pinapahatid.

Mahal ang taxi kumpara sa pamasahe sa jeep. But this is my first day. First day means first impression. I want to look presentable kapag ipinakilala na ako sa team mamaya.

“Sige, Mang Gener,” sabi ko nang makapag-isip.

Ilang sandali lang ay sakay na ako ng taxi. It took thirty minutes bago ako makarating sa hospital. Ibinilin na sa akin ni Doc Evelyn na dumiretso ako sa office ng Head Physician sa unang araw ko. Agad naman akong pinapasok ng secretary n’ya sa loob nang magpakilala ako.

“Miss Reyziel Denava?” bungad sa akin ng lalaking nakaupo sa swivel chair pagpasok ko. He has a warm smile on his face. Sa hula ko ay nasa early fifties na s’ya. Ang buhok ay naghahalo na ang gray at itim.

I smiled as I approached him. “Yes.”

The man stood up. He offered a handshake which I immediately accepted.

“Lorence Florentino. Head Physician of this hospital,” he introduced himself as he shook my hand firmly. Nang bitiwan n’ya ang kamay ko ay itinuro n’ya ang upuan sa harap ng desk n’ya. “Take a seat.”

Naupo ako. Hindi na nawala ang ngiti sa mukha n’ya simula kaninang pagpasok ko.

“Ibinilin ka ni Doc Evelyn sa akin. Ang sabi n’ya ay alagaan daw kita. You worked at the Manila branch before transferring here, right?”

Tumango ako. “Yes, Doc.”

“Hindi gaanong marami ang mga pasyente natin dito compared sa Manila. This is provincial so I assumed you already expected that. But we still give our best for our patients.”

Tumango lang ako. Hindi na nagsalita. Mukha rin namang hindi s’ya naghahanap ng kahit anong maririnig mula sa akin.

“Our staffs here are all professionals. I’ll introduced you to them next time. But first, you need to meet the hospital staff with the same department as you.”

He called his secretary using his intercom. Mukhang may ipinapatawag. Ilang sandali lang ay pumasok din sa loob ng office ang isang lalaking naka-lab coat pa. He was wearing an eyeglasses pero mukhang bata pa naman. Parang hindi nagkakalayo ang edad namin.

“You called for me, Doc?” the man asked.

Nakangiting itinuro ako ni Doc Florentino kaya napatingin sa akin ang bagong dating.

“She’s the one I mentioned yesterday. Ang magiging bagong clinical psychologist natin, Reyziel Denava.” He, then, turned to me. “Miss Denava, he’s the head of the Neurology Department, Doc Abel Harrison. He’ll guide you. Kung may mga tanong ka, sasagutin n’ya lahat.”

Napatayo naman ako nang maglahad ng kamay ang lalaki sa akin.

“Anything but love. Wala ako no’n,” biro ni Doc Harrisson nang tanggapin ko ang pakikipagkamay n’ya.

“Liar,” rinig kong sabi ni Doc Florentino.

Ngiting-ngiti tuloy ako habang nakikipagkamay kay Doc Harrison na napatawa nang marinig din ang sinabi ng Head Physician.

“Nice to meet you,” I said.

“Ikaw nang bahala sa kanya, Doc,” Doc Florentino said. “I trust you.”

“Yes, Doc.”

Doc Florentino looked at me. He flashed me a welcoming smile.

“See you around, Miss Denava.”

Nagpaalam na kami ni Doc Harrison sa Head Physician bago lumabas sa office n’ya. Binati pa ng kasama ko ang secretary ni Doc Florentino nang makalabas kami. I noticed the woman’s cheeks burned red nang batiin s’ya ni Doc Harrison.

Now I know why Doc Florentino said that he’s a liar. Mukhang maraming nagkakagusto sa Head ng Neurology Department dito sa hospital na ’to.

To his credit, Doc Harrison looked nice. Kasing tangkad at kasing katawan n’ya si Ace. His eyeglasses made him looked approachable. Kaya kanina ay wala akong naramdamang pagkailang sa kanya.

“You’re from Manila, right?”

Nagulat ako sa biglang pagbubukas n’ya ng usapan habang naghihintay kami sa elevator. Napatingin pa ako sa kanya at nakita kong nakatingin na s’ya sa akin.

“Ah, oo…” I said.

“Kailan ka pa nandito sa Negros?” he asked. Dumating na ang elevator at pumasok kami sa loob. He pushed the number four button.

“Nu’ng Saturday lang.”

“Kumusta naman?” tanong n’yang mukhang interesado talaga sa isasagot ko.

“Okay lang…” I said. Mabilis ko ring dinugtungan nang makita na mukhang naghihintay pa s’ya ng kasunod na sasabihin ko. “Ibang-iba ang Negros sa Manila pero ayos lang. Parang lahat ng tao sa paligid ko, pinaparamdam na welcome ako dito.”

“Which is true,” Doc Harrison said. There was a warm smile on his lips. Napansin ko na bahagyang naningkit ang mga mata n’ya sa pagngiti n’yang ’yon. “Neurology Department has the best staff. Come, I’ll introduce you to them.”

Pagkasabi n’ya noon ay saktong pagbukas ng elevator nang makarating kami sa fourth floor. Tahimik na hallway ang nadaanan ko. Pero nang makarating kami sa nurse station ay naintindihan ko kung bakit.

“Nandito pala kayong lahat,” Doc Harrison said. Napatingin ang limang taong nandoon.

“Doc Harrison!” halos sabay-sabay pa nilang bati. They were all smiling.

Mas lumapit pa kami sa kanila. Napansin kong napatingin sila sa akin. Mukhang nagtataka kung sino ako at kung bakit ako kasama ni Doc Harrison pero hindi pa rin naman nawala ang mga ngiti nila.

This is where the first impression starts. Ang unang tingin nila sa akin. Alam kong may mga tanong nang namumuo sa mga isip nila. Nagsisimula na rin silang i-assess kung anong klaseng tao ako.

Doc Harrison looked at me. He gave me a reassuring smile before he turned to them.

“I want you to meet Reyziel Denava, our new clinical psychologist. Sya ang papalit kay Mrs. Esteban.”

I smiled at them, reminding myself to make a good first impression. Kung anuman ang naisip nila sa akin kanina, mabubura iyon kapag nagsalita na ako. The way I talk and my gestures will be their basis.

“Hi!” I greeted them. Ramdam kong patuloy pa rin nila akong inoobserbahan. “Don’t worry, okay? I can’t read minds.”

With that, I saw them loosened up. Ang dalawang babaeng nasa loob ng nurse station at nakauniporme ng pang-nurse ay natawa pa. Nakahinga ako nang maluwag.

Seems like I made a good first impression.

“That’s Sheena, Mandy, and Brent. Morning shifts sila,” pakilala ni Doc Harrison sa mga taong nasa loob ng nurse station.

“Doc naman! Sabing Brenda, eh,” biro ng nag-iisang lalaki sa kanila. He has a wide smiled when he looked at me. “Hi, Miss Reyziel! Bet ko ang outfit mo.”

“Thank you… ‘Rey’ na lang,” ngiting-ngiti kong sabi.

“This is my secretary, Lana. Kapag may kailangan ka sa akin at hindi mo ko mahanap, sa kanya ka lang magtanong,” pakilala ni Doc Harrison sa babaeng may maamong mukha. “And that’s Janina. She’ll be your secretary.”

“Hi, Miss Rey!” Janina greeted me with a wide smile on her face. Sinuklian ko ang ngiti n’ya.

“Hi! Mukhang madalas tayong magkakasama, ah?”

“Okay lang! Mukhang magkakasundo tayo, Miss Rey! Pareho tayong maganda!”

Natawa na lang ako. Nakahinga na rin nang maluwag. The staffs felt welcoming. Mukhang wala naman akong magiging problema sa pakikisama sa kanila.

“Do you have any questions?’” Doc Harrison asked kaya napatingin ako sa kanya. Magaan ang pagkakangiti n’ya sa akin.

I smiled back as I shook my head. “Wala naman, Doc. Thank you.”

He nodded. “If you need anything, you can ask for me, okay? And Janina will show you your office and she’s there to assist you. Ite-turn over rin n’ya sa ’yo ang mga pasyente ni Mrs. Esteban. ’Yung dating clinical psychologist dito.”

“Okay.”

“Alright… I’ll see you around.”

Nakatingin kaming lahat sa papalayong bulto ni Doc Harrison. Rinig ko pa ang sabay-sabay na pagbuntong-hininga ng mga kasama ko nang mawala s’ya sa paningin namin.

“Hay…” Brent sighed. “Ang gwapo talaga ni Doc Harrison.”

“Sinabi mo pa, girl! Ang sarap titigan na lang!” Mandy said.

“Bawing-bawi ang pagod kapag nakikita ko s’ya!” kinikilig na sabi ni Sheena.

“Etong si Lana ang swerte, eh!” reklamo ni Brent but Lana just flipped her hair at him.

“’Yung pasyente mo! Asikasuhin mo!”

Inirapan lang s’ya ni Brent pero tumalikod naman at may kung anong kinuha doon. I smiled as I watched the three nurses got busy with something.

“Miss Rey…” tawag sa akin ni Janina kaya napatingin ako sa kanya. “Birthday ko ksi ngayon.”

Nagulat ako doon. “Really? Happy birthday!”

“Thank you! Pupunta kami sa Cold Spot after shift, Miss… Pwede kayong sumama kung gusto n’yo.”

I frowned. “Cold Spot?”

“Bar, Miss Rey!” sabi ni Brent na tinigil sandali ang ginagawa para lingunin ako. “Crush kasi ni Janina ’yung bartender do’n.”

“Ikaw rin kaya!” giit ni Janina pero napansin ko pamumula ng pisngi n’ya.

“Lahat tayo!” Lana said.

“Lahat naman ng gwapo, crush natin,” natatawang sabi ni Sheena.

“Pero oo nga, Miss Rey… Sumama ka na,” Lana said.

Alanganin akong napangiti. “Night out n’yo ’yon. Celebration n’yong magkakaibigan para sa birthday ni Janina. I don’t want to make things awkward for you.”

“Hindi naman magiging awkward, Miss Rey. Tsaka ako naman ang nag-invite sa inyo. Tinupad n’yo kasi ang birthday wish ko.” Napakunot ang noo ko kaya nakangiting nagpatuloy si Janina. “Nag-wish kasi ako, Ma’am, na sana makasundo ko ’yung magiging bagong clinical psychologist. Si Mrs. Esteban kasi, feeling ko palagi akong ina-assest kapag tumitingin sa akin.”

“Ako rin, girl!” Nagkunwari pang kinikilabutan si Brent. “Ang awkward kapag tumitingin s’ya! Parang lagi akong jina-judge!”

“Check ko lang ’yung patient sa room four-o-two,” sabi ni Sheena bago tumingin sa akin.“ Pero, Miss Rey… sumama ka na. Para mas makilala ka namin.“

“Correct!” Brent seconded.

“D’yan na muna kayo. Basta sumama ka, Miss Rey!” sabi ni Sheena bago umalis.

“Sige na, Miss Rey!” pamimilit pa ni Janina.

“Okay lang talaga sa ’yong kasama ako?” nag-aalangan kong tanong.

“Yes, Miss Rey! Sige na…”

Tinitigan ko pa muna sila. Lahat sila ay mukhang nag-aabang sa sagot ko. Si Brent ay hindi na talaga nakabalik sa ginagawa dahil sa pangungumbinsi sa akin.

I sighed in resign before I nodded.

“Sige na… Sasama na ko.”

They looked happy with my decision. Napailing na lang ako. Maya-maya ay nagyaya si Janina na pumunta na kami sa magiging office ko para i-turn over sa akin ang trabahong naiwan ng dati nilang clinical psychologist.

Chapter 9

Janina guided me to where my new office is. Pagbukas pa lang ng pinto ay natigilan na ako. Hindi ko na nakilala ang dating clinical psychologist at alam kong magkaiba kami ng preferences pero ramdam ko naman ang pagiging comforting ng kwarto. But it doesn’t suit my taste. Ang layo ng itsura ng clinic ko sa clinic ni Mrs. Esteban.

“Pwede mong ibahin ang ayos kung gusto mo,” rinig kong sabi ni Janina sa tabi ko. Nilingon ko s’ya, nakatingin na pala s’ya sa akin. Siguro ay nakita n’ya sa ekspresyon ko na hindi ko nga nagustuhan ang pagkakaayos ng kwarto.

Tipid ko s’yang nginitian. “I’ll do that.”

Pumasok na ako sa loob habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ng kwarto. Iniisa-isa ko na sa isip ko kung anong aalisin at babaguhin ko. At kung anong pwede kong ilagay sa kwarto para mas maging “comforting” ang kwarto.

Naisip ko na gayahin na lang din ang ayos ng clinic ko sa Manila but then, I figured I would try something new. This is my chance to do something different. Na sariling kagustuhan ko ang gagawin ko at hindi ako mag-aalala na baka hindi magustuhan ni Ace.

Napangiti tuloy ako. It’s just my own and new clinic pero nandoon ang pakiramdam ng pagiging malaya.

I walked towards the desk. I sat on the swivel chair and familiarized myself. Tanging pen holder lang ang nakalagay sa ibabaw ng desk at wala nang iba.

“Ako na magpa-file ng request para sa laptop at sa desk nameplate mo, Miss Rey,” sabi ni Janina na nakatayo lang sa may pintuan. Mukhang nag-aabang sa anumang inuutos ko. “Usually, three days bago mo sila makukuha.”

I nodded at her. “How about sa mga ite-turn over sa ’king patients?”

Pumasok na si Janina at tumigil sa harapan ng desk.

“Sa drawer sa left mo, Miss, nandoon ang information ng mga patients. Personal info lang nila. Then, ise-send ko sa email mo ang notes ni Mrs. Esteban para may idea ka.”

“Ilang patients?” I asked.

“Dalawa lang, Miss Rey,” she answered. “Isang trauma patient, car accident. Then ’yung isa, diagnosed with MDD.”

Napatango ako. Kinuha ko ang patient charts na nasa loob ng drawer at binasa iyon. Parehong bago lang ang dalawang patient na iniwanan ni Mrs. Esteban. Ang trauma patient ay nakakaisang session pa lang habang ang isa ay nakakadalawa na.

Napatitig ako sa chart ng pasyente na na-diagnose ng MDD. She was only a teen. Nakalagay din na may psychiatrist nang tumitingin sa bata pero ang gusto ng magulang ay makausap rin ng psychologist para sa theraphy session.

I sighed and closed the chart. Mabuti na rin at nakakailang session pa lang ang dalawa kay Mrs. Esteban. It might be too overwhelming for them na mag-iiba ang psychologist nila lalo pa kung matagal na silang pasyente ni Mrs. Esteban. Ang pinakamahirap pa naman ay ang unang step— to let them talk and open up.

“Thank you, Janina. Paki-send na lang sa email ko ang notes mamaya,” sabi ko habang ibinabalik ang chart sa drawer.

Janina nodded. “Ipapabago mo ba ang ayos ng kwarto?”

“Yes… Mahihirapan ako kung ako mismo ang hindi komportable sa kwarto.”

“Sige, Miss Rey… Kung may bibilhin ka para dito sa clinic, ilista mo lang para maipa-reimburse sa finance.”

I smiled and nodded at her. “Okay, thank you.”

“Nasa labas lang po ako, Miss, kung may kailangan ka.”

Hinintay n’ya muna akong tumango bago lumabas ng clinic. Isinandal ko ang likod sa upuan nang mapag-isa ko. I tried to relax myself, pero nandoon ang pakiramdam ng pagiging estranghero ng kwarto kaya nahirapan ako. Mas lalo ko tuloy naisip na ibahin talaga ang ayos ng kwarto.

I sighed before I took my phone out. Sinubukan kong tawagan si Larissa pero hindi n’ya sinasagot. Napatingin ako sa orasan at nakitang magla-lunch time na pala. Siguro ay nasa klase pa si Larissa kaya hindi rin masagot ang tawag ko.

I decided to just send her a message to call me when she could. Gusto ko lang marinig ang boses ng kapatid ko. The place really made me feel estranged. Sa mga ganitong pagkakataon mas lalo kong nararamdaman na nasa malayong lugar nga ako. Malayo kina Mama at Larissa.

Larissa called me back when it was around lunchtime. Niyaya ako nina Janina na sumabay sa kanila ni Lana dahil lunch break din nila pero hindi ako sumabay. Hinayaan naman ako ni Janina nang ipangako kong sasama naman ako sa kanila mamayang night out nila.

“Ate, bakit?” bungad agad ni Larissa nang sagutin ko ang tawag n’ya.

“Wala naman…” I said. Maingay ang paligid n’ya kaya sa tingin ko ay nasa classroom s’ya. “Lunch n’yo na?”

“Oo. Hindi ko nasagot kanina tawag mo kasi may klase pa ko.”

“Ayos lang… Nakalimutan ko rin naman na baka nasa klase ka nga.”

I sighed. Mali rin pala na tinawagan ko s’ya. Unti-unti kong nararamdaman ang pagiging malungkot. I suddenly miss her. At alam kong hindi na mawawala ang pakiramdam na ’to hangga’t malayo ako sa kanila ni Mama.

“Kumusta naman?” tanong ko na lang. Sinubukan kong itago sa boses ko ang pagiging malungkot. “Kumakain ka naman sa tamang oras?”

“Eto na nga, ate. Magla-lunch na ko. Ikaw ba?”

“Maya-maya muna… Nandito ko sa bagong clinic ko. Medyo hindi pa ko sanay sa lugar.”

“Ibahin mo ayos ng clinic, ate. Para mas madali kang masanay.”

“Iyon nga ang plano ko, eh…” I sighed. “Si Mama, Larissa? Binisita mo ba s’ya?”

“Hindi pa. Sa weekend ko plano. Weekend naman natin s’ya palaging binibisita.”

Napatango ako na parang kaharap ko lang s’ya. Naiintindihan ko naman kung bakit hindi n’ya nabisita si Mama nitong nakaraang weekends. Dahil umalis ako. Alam kong nag-a-adjust din si Larissa ngayong wala na ako sa tabi n’ya. She’ll do everything alone. Without me by her side to help her.

“Sorry, Larissa… Kung iniwan ko ang responsibilidad sa ’yo sa pag-aalaga kay Mama.”

I still feel bad about it. Ako ang ate n’ya pero sa kanya ko ipinasa ang pag-aalaga kay Mama. Ako dapat ang gumagawa noon dahil ako ang nakakatanda.

“Ayos lang, ate… Tsaka inaalagaan mo rin naman si Mama kahit nasa malayo ka. S’ya nga ang dahilan kung bakit nand’yan ka. Pareho pa rin natin s’yang inaalagaan.”

Napangiti ako sa sinabi n’ya. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil doon.

“Oo nga pala, ate… Hinahanap ka pa rin ni Sir Ace.”

Nawala ang ngiti ko nang marinig ang sinabi ni Larissa. Maya-maya ay napabuntong-hininga rin. Alam ko naman na hindi agad titigil si Ace. Somehow… he strikes me as someone who wouldn’t stop until he gets what he wants.

“Kinukulit ka?” I asked worriedly.

“Oo! Kung hindi lang talaga s’ya anak ng amo natin, nakatikim na ’yun sa kin!” Hindi ko napigilan ang matawa. “Magkagalit nga sila ni Doc Evelyn, eh. Hindi nagpapansinan. Daig pa bata na hindi pinagbigyan sa lollipop.”

“Nasanay lang s’ya na binibigay palagi ang gusto n’ya…” I said. “Bumabawi si Doc Evelyn kasi nga, matagal na hindi nakasama nu’ng nag-aaral pa si Ace sa ibang bansa. Kaya ngayong hindi napagbigyan si Ace, hindi n’ya matanggap.”

“Kaya pati ikaw, gusto ring makuha,” may narinig akong inis sa tono ni Larissa.

“Ace is not a kid anymore. Nasanay lang talaga s’ya. Alam kong lilipas rin ’yan.”

“’Wag kang mag-alala, ate. Pareho kami ni Doc Evelyn na walang planong sabihin sa kanya kung nasaan ka.”

Napangiti ako. “Salamat, Larissa.”

Ilang sandali pa kaming nag-usap ni Larissa bago namin pinutol ang tawag. Hindi raw s’ya makakain nang maayos. Nagdesisyon na rin akong ’wag sayangin ang lunch break at kumain na.

Janina sent me the patients’ notes after lunch. Iyon lang ang inasikaso ko hanggang sa matapos ang shift ko. I silently thanked Mrs. Esteban for being so clear with her notes dahil madali kong naintindihan ang mga nakalagay doon. Nag-isip na rin ako kung paanong approach ang gagawin ko para sa dalawang pasyente.

Five minutes after shift ay kinatok ako ni Janina. Pinapaalala ang birthday celebration n’ya sa Cold Spot mamaya.

“Uuwi muna ako. I need to change,” I said. Kasama namin si Lana na naglalakad palabas ng hospital.

“Baka hindi ka sumipot, Miss Rey!” rinig ko ang pag-aalala sa boses ni Janina.

Mahina akong napatawa. She looked like she really wanted me to join her birthday celebration. Nakakatuwa dahil ngayong araw lang n’ya ako nakilala pero ganito na n’ya ako i-welcome. Nawala tuloy ang pag-aalala ko na baka hindi ko makasundo ang mga makakatrabaho ko sa hospital. Mahirap pa naman kapag may ilangan sa workplace.

“Darating ako…” I assured her.

“Sina Brent din uuwi pa para magbihis. Hihintayin ka namin sa entrance, Miss! Hindi kami papasok hangga’t wala ka!”

I smiled and nodded. Nagpaalam na rin ako at pumila sa sakayan ng jeep. Nagdesisyon akong mag-jeep ngayong pauwi na ako. Hindi ko na kailangang magmukhang presentable dahil pauwi na naman ako.

I went home to my apartment and took a bath. Pagkatapos ay nag-ayos na ako. I’ve been into clubs and bars when I was still in Manila. Minsan ay isinasama ako ni Ace. Pero hindi ko nagugustuhan ang ambiance doon. Mausok at maingay. I feel so out of place whenever I’m in a place like that.

But today is different. Gusto kong makisama sa mga makakatrabaho ko. Alam ko kung gaano ka-busy sa hospital at madalang lang na magkaroon ng mga pagkakataong ganito. Kaya sinamantala ko na rin.

I dressed up. Isang white bodycon halter dress ang isinuot ko na pinatungan ko ng itim na blazer. I wore a black peep-toe wedge heels. Inilugay ko lang rin ang buhok ko. Nang makuntento na ako sa ayos ko ay lumabas na ako. I took a cab at nagpahatid ako sa Cold Spot.

Nandoon na silang lahat nang dumating ako at naghihintay sa akin sa entrance. Nahiya tuloy ako. I gave them an apologetic smile.

“Sorry… Sana pala mas inagahan ko,” I said.

“Naku, okay lang, Miss Rey! Hindi ka naman late. Sadyang maaga lang kami. Excited kasi ’tong si Janina na makita ang crush n’yang bartender,” sabi ni Brent. He looked different now that he’s not wearing his uniform. Hindi rin mahahalata kung ano talaga s’ya sa polo shirt at maong pants n’yang suot.

“Dumating ka, Miss Rey!” nakangiting sabi ni Janina bago ako pinasadahan ng tingin. “Ang ganda mo po!”

I chuckled. “Thank you, Janina. And happy birthday.”

“Thank you, Miss Rey!”

Bahagya akong napasimangot. “Kung ganyan pa rin ang itatawag n’yo sa ’kin kahit nasa labas na tayo ng hospital, baka umuwi na lang ako ngayon.”

“Ha?”

Natawa ako nang sabay-sabay nilang naiusal ’yon. Nakita ko pa ang pag-aalala sa mga mukha nila.

“‘Rey’ na lang. Nandito tayo para i-celebrate ang birthday ni Janina. Just be comfortable around me, okay?”

Nagkatinginan sila pero nandoon ang malaking ngiti sa mga labi nila. Pagkatapos ay lumapit sa akin si Janina at ikinawit ang mga braso n’ya sa braso ko.

“Patabi ako, Rey, ah? Sure ako na pagtitinginan ka ng mga boys. Padamay man lang sa line of sight nila.”

“Ay, ako rin, mamsh!” sabi ni Brent at isinukbit rin ang mga braso sa akin sa kabila.

Tumatawa tuloy ako nang hilahin nila ako papasok ng Cold Spot. Sa entrance pa lang ay rinig na ang electronic music. Mas lumakas pa iyon nang pumasok na kami sa loob. Hindi ganoon kalaki at kadami ang mga taong nandoon kagaya ng mga bar sa Manila pero maganda ang lugar. Walang second floor pero malawak ang dancefloor at nasa gilid ang mga couch.

Nagulat pa rin ako sa dami ng taong nasa loob na. Ang akala ko ay kaunti lang dahil Monday ngayon, weekdays, at usually ay sa weekends talaga nag-a-unwind ang mga tao. There were already some who were dancing on the dancefloor.

Sa gilid malapit sa bar counter ang pinili nilang pwesto. Para raw mas makita ni Janina ang bartender na crush n’ya.

“Nasa’n ba d’yan?” tanong ko na habang nakatingin sa bar counter. Na-curious na rin ako kung sino ang crush n’ya. Pinag-uusapan pa lang kasi ay kinikilig na s’ya.

“Wala pa s’ya. Mamayang midnight pa ang shift n’ya,” sabi ni Janina na ngiting-ngiti.

“Talagang alam mo ang work schedule, ha? Madalas ka dito, ’neng?” sabi ni Brent na umirap pa.

Natawa na lang ako at nilibot ng tingin ang paligid. Sure ako na hihintayin ni Janina na dumating ang bartender na crush n’ya. It’s just ten in the evening. Hindi pa naman sila umo-order ng drinks pero hindi naman pwedeng umupo lang kami dito for two hours.

Monday night pero nandito kami at mag-iinom. I just hope na hindi maapektuhan ang trabaho namin for the whole week.

Tama nga ako. Ilang sandali lang ay um-order na sila ng drinks nila. Puro light drinks lang naman at may isang bucket ng beer. Sa tingin ko ay iniisip rin nila na may shift pa sila kinabukasan. Mukhang wala naman silang planong magpakalasing ng sobra.

“I’ll pay for the food,” I offered. Mabilis na umiling si Janina.

“Hindi na! Birthday ko ngayon kaya libre ko lahat.”

Ako naman ngayon ang umiling. Nahihiya kasi ako na parang nakisabit lang ako sa celebration nila kay mas nadagdagan ang gastos n’ya.

“Treat ko na rin since first day ko sa hospital ngayon. Also, birthday gift ko na rin sa ’yo. Just accept it, please?” nakangiti kong sabi.

Ilang sandaling tumitig sa akin si Janina. Mukhang pinag-iisipan kung tatanggapin ang alok ko o hindi. Maya-maya ay tumango na rin.

Siguro, dahil ako ang magbabayad ay nahiya silang um-order nang marami. Ako na tuloy ang nagdagdag sa mga in-order nila.

“Ang sabi ko maging komportable lang kayo sa ’kin, eh,” I said.

Napapalakpak si Janina.

“Wish granted na talaga! Ang bait mo, Miss Rey!” Mabilis n’yang natutop ang bibig n’ya. Na-realize siguro kung anong itinawag sa ’kin pero natawa rin pagkatapos. “Happy ako na ang gaan kasama ng new clinical psychologist natin!”

I smiled. Habang umiinom ay nagkukwentuhan kami. Marami akong nalaman tungkol sa kanila. Si Sheena ay pangarap talagang maging nurse. May kaya ang pamilya nila. Si Brent naman ay fashion design ang gustong kuning kurso. Pero dahil may sakit ang ina ay nagdesisyon na maging nurse. S’ya na raw mismo ang nag-aalaga sa nanay n’ya kung kaya n’ya naman daw. Ilang beses rin s’yang tumigil sa pag-aaral para panggamot daw sa nanay n’ya.

Si Mandy at Lana ay matagal nang magkaibigan. Si Mandy ang nagsabi kay Lana na pumasok bilang secretary ni Doc Harrison. Para raw magkasama pa rin sila sa trabaho. Si Janina naman ay gusto talagang magtrabaho bilang medical secretary. Takot daw s’ya sa dugo pero gustong magtrabaho sa hospital. Kaya ang pagiging medical secretary na lang ang pinili.

I told them the reason why I became a psychologist. Hindi ko inilihim sa kanila ang kalagayan ni Mama. Pero inilihim ko ang pagtira namin sa bahay ng mga Callisto at kung anong koneksyon ko sa kanila. Sa tingin ko kasi, mag-iiba ang trato nila sa akin kapag nalaman nila na may koneksyon ako sa may-ari ng hospital. Sinabi ko na lang na si Doc Evelyn mismo ang nagpa-transfer sa akin dito sa Negros.

“Girl, nand’yan na ’yung crush mo,” narinig kong bulong ni Brent kay Janina. Napansin ko pa ang bahagyang pagkurot n’ya sa braso ng babae.

Agad na napalingon si Janina sa bar counter. Kahit na dim ang lights ay napansin ko ang pamumula n’ya. Nag-ayos pa ng buhok at maya-maya ay tumayo.

“Lapitan ko lang,” nahihiyang sabi ni Janina.

“That’s my girl!” Brent cheered.

Natawa ako at sinundan ng tingin si Janina na papalapit sa bar counter. Nilapitan n’ya ang lalaking nasa loob noon. Napakunot ang noo ko nang mamukhaan ang lalaki.

It was my neighbor. Bakit palagi ko na lang s’yang nakikita kahit saan?

“Iyon ang crush n’ya?” tanong ko kay Sheena. Nakatingin rin s’ya kay Janina at pinagtatawanan ang kaibigan. Halata kasi na nahihiya si Janina habang kausap si James.

“Oo… Ang gwapo, ’no?” nakangiting sabi ni Sheena. “Crush ko rin pero pinapaubaya ko na kay Janina. Birthday n’ya naman ngayon.”

“Bartender s’ya?” I asked the obvious.

“Oo. Last year lang yata? Hindi naman madalas kaming nagpupunta sa bar pero itong si Janina kasi, gusto laging nakakasimoy sa crush n’ya.”

Napatango-tango ako at tumingin ulit sa bar counter. Nakita kong mukhang may sinasabing kung ano si Janina kay James, tinuro pa ang pwesto namin kaya napatingin sa amin ang lalaki. Nagulat ako dahil sa paglingon n’ya ay nagtama ang paningin namin.

Mukha rin namang nagulat s’ya nang makita ako. But that surprised look on his face turned into grin. He was grinning when he looked at Janina again. Tumango naman si Janina at maya-maya lang ay nakita ko nang papalapit ang dalawa.

Para namang mga estudyanteng kukuhanan ng ID picture ang mga kasama ko sa couch. Mabilis silang nag-ayos ng itsura pati ng mga buhok nila habang papalapit ang dalawa sa amin.

“Hey…” bati nu’ng James sa amin nang makalapit.

“Hi, James! Ang gwapo mo pa rin,” walang hiyang sabi ni Brent.

James let out a chuckle. Mabilis ko s’yang pinasadahan ng tingin. Naninibago ako sa itsura n’ya ngayon. He was wearing a white longsleeve polo tucked in his black pants. Bukas ang unang dalawang butones noon at ang sleeves ay nakarolyo hanggang sa siko n’ya. His hair was in a messy style. Maayos ang pagkakagulo sa buhok. Ang ilang hibla ay tumatama sa noo n’ya.

He looked like a school bully. Lalo na dahil sa dalawang magkatabing hiwa sa kaliwang kilay n’ya.

“Birthday pala ni Janina. Nagse-celebrate kayo?” he asked.

“Yes. Gusto mong saluhan kami?” yaya pa ni Mandy. Napatingin tuloy ako sa kanya. Kulang na lang ay sabihin kong ’wag dahil sa naging pagtutol sa loob ko. Hindi ko naman alam kung saan nanggaling ’yon.

I heard James chuckled again. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin s’ya sa akin. Base sa nakikita ko sa kanya, mukhang nahalata n’ya na ayaw ko s’yang pasamahin sa amin. He has a naughty glint in his eyes. Mukhang natutuwa dahil sa kung ano.

“As much as I want to, kailangan kong magtrabaho, eh,” he said when he looked at the gals again.

“Aww…” Janina muttered. Hindi na naitago ang pagiging dismayado.

“I’ll treat you for the night in exchange,” James said. “All your orders are in the house.”

“Hindi ba nakakahiya?” tanong pa ni Janina.

“Don’t be… Free na talaga ang drinks para sa mga birthday celebrant. Dinagdagan ko lang. Sagot ko na ang foods n’yo.”

Napalabi ako. So hindi ako magagastusan ngayong gabi.

Nag-angat ako ng tingin at nakita na nakatingin rin si James sa akin. He looked amused. Base sa paggalaw ng mga balikat n’ya ay mukhang tumawa s’ya habang nakatingin sa akin. Napakunot tuloy ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit tumatawa ang isang ’to nang walang dahilan.

“Balik na ko. Baka magalit na sa ’kin ’yung kasama ko,” he said. Tumingin s’ya kay Janina. “Happy birthday.”

“Thank you!”

Nagulat ako nang si Janina na mismo ang yumakap kay James na kinagulat din naman ng lalaki. Pero yumakap din naman pabalik. Tinapik n’ya pa ang likod ni Janina.

“Enjoy the night!” James said. Tumingin pa muna sa akin at ngumiti bago bumalik sa bar counter.

“Niyakap n’ya ko!” kinikilig na sabi ni Janina nang makaupo ulit. Pinaghahampas n’ya pa ang braso ni Brent sa sobrang kilig.

“Aray ko naman, teh!” reklamo ni Brent.

“Ang bango n’ya, grabe!” sabi pa ni Janina. “Tapos ang tigas ng muscles sa likod! Ang sarap yakapin! I feel safe and secured!”

Natawa na lang ako. I sipped on my beer. Wala sa sariling napalingon ako sa may bar counter at natigilan nang makitang nakatingin si James sa akin. Nakatukod ang dalawa n’yang kamay sa counter habang tinitignan ako. He looked surprised when our eyes met. Maya-maya ay napangisi rin.

I pursed my lips. Nag-iwas ako ng tingin at pinagtuunan na lang ng pansin ang inumin ko.

Chapter 10

Hindi ako mapakali habang nakaupo. Maingay dahil sa malakas na tugtog ng electronic music na nanggagaling sa malaking speaker at ang mga tao sa paligid ay halatang nakakasiyahan. Pero ako ay hindi makalma. Kanina ko pa nararamdaman ang pagtitig sa akin ng kung sino.

Pigil na pigil ang leeg ko sa paglingon. Kahit naman hindi ko tignan ay kilala ko na kung sino ang nakatitig sa akin. It was the bartender, James. Hindi ko lang alam kung bakit n’ya ako tinititigan kanina pa.

I tried to ignore it and shake off the feeling of his intense stare. Na kahit hindi ko nakikita ang ginagawa n’yang pagtitig sa ’kin, ramdam na ramdam ko naman iyon, tumatagos sa ’kin, bumubutas sa pagkatao ko.

Kinuha ko ang baso ng beer at sinubukang inumin iyon. I was trying to enjoy the night for Janina. Kanina pa kasi sila nagsasaya. I was thankful for them for including me in their every conversation. Hindi nila hinahayan na makaramdam ako na hindi kasama sa kanila.

Most of the time, they were asking questions about me. Na maingat ko namang sinsagot. nahihiya na nga ako kay Janina dahil birthday celebration n’ya ’to pero parang ako pa ang nagiging center of attention.

Now that they’re finally done asking me questions, they started drinking. Sinusubukan kong makisabay sa kanila pero nahihirapan ako lalo pa at ramdam na ramdam ko ang titig ng isang lalaki sa ’kin.

“Bottom’s up na!” Brent cheered when it was Janina’s turn to drink.

“May duty pa tayo bukas, hoy!” Mandy tried to remind them pero natatawa rin naman at mukhang game pa sa bottom’s up game nila.

“Mahiya naman kayo kay Miss Rey!” Lana said.

Napasimangot ako pero hindi ko pa rin mapigilan ang ngiti ko. They really looked like they’re having fun and I don’t want to ruin it just because of this strange feeling.

“Isang tawag pa talaga sa ’kin ng ‘Miss Rey’, uuwi ako,” I jokingly warned.

“Rey, okay lang naman, ’di ba?” tanong ni Janina na sumisigaw na. Based on her slurred speech, halatang may tama na s’ya. Komportable na rin s’ya sa pagbanggit ng pangalan ko lang.

“What?” I asked.

She showed me the mug of beer. Natawa ako nang malakas at tumango.

“No need to ask for my permission, Janina. It’s your birthday! You have a pass to do anything you want!”

Janina giggled. Itinuro ako pero dahil may tama na ay hindi deretso ang pagturo n’ya.

“Kaya feeling ko talaga magkakasundo tayo, eh!” she said before she turned to her drink. In no time, she was already chugging down the beer.

“You go, girl!” Brent even cheered.

Malakas na ibinaba ni Janina ang mug sa table nang maubos n’ya ang laman. She stood up. Hinila n’ya si Brent at Sheena patayo.

“Tara sa dancefloor!” she said.

Tumayo na rin sina Mandy at Lana at sinubukan akong hilahin patayo. Panay ang pag-iling ko habang ginagawa nila ’yon.

“No! Kayo na lang!” I said, laughing.

“Sige na, Rey!” Janina said, mukhang narinig ang pagtanggi ko. “Isang beses lang.”

I shook my head. Ayoko talaga. Kahit sa Manila, sa tuwing sinasama ako ni Ace sa mga lugar na ganito, hindi talaga ako nagpupunta sa dancefloor. I don’t think I’ll enjoy being there. Madalas rin naman na nasa VIP room si Ace at doon nagce-celebrate ng mga kasama n’ya.

“Birthday wish, please,” si Janina na ginamit na ang birthday card n’ya.

I looked at her. Mukhang hindi talaga s’ya titigil hangga’t hindi ako pumapayag. Halata ring may tama na s’ya kaya kahit anong pagtanggi ko ay hindi n’ya tatanggapin.

I sighed in defeat. “Sige na nga,” pagsuko ko.

“Yes!” sabay-sabay pang sabi nila nang tumayo ako.

It’s okay. Hindi ko naman siguro kailangang sumayaw. Basta masamahan ko lang sila. Ayoko rin namang magmukhang killjoy, eh, sabit nga lang ako sa grupo nila.

We made our way towards the dancefloor. It’s already the peak of the night kaya mas dumami pa ang mga tao. Hindi ganoong naging ka-awkward nang makarating kami sa dancefloor. The people were having fun. Walang pakialam sa dancestep o kahit kaliwa ang paa ng iba. Mas may pakialam pa sila kapag may nakikita silang hindi nag-e-enjoy.

“Happy birthday, Janina!” our group cheered.

Sinubukan kong sabayan sila. I tried to enjoy the music. Hindi mahirap dahil marami naman akong kasama. Mukha ring nasa mood ang DJ dahil maganda ang beat ng music. Nakakadala. I wasn’t a party girl but I appreciate how the DJ makes the music more entertaining.

Nang tignan ko si Brent ay nagulat ako nang makita na may kasayawan na s’yang isang lalaki. Mukhang hindi lang naman ako ang nagulat. Pati na ang apat na babaeng kasama ko. Nagkatawanan pa kami.

“Grabe! Ako ’yung may birthday pero naunahan pa ko, ha?” sabi ni Janina pero natatawa naman.

“Kahit nga si Rey, eh! Kanina ko pa nakikitang may mga tumitingin pero wala namang lumalapit! Naunahan pa ni Brent!” Sheena said.

Natawa na lang ako at nailing. Sigurado naman ako na kahit may lumapit pa sa ’kin, I’ll just drive them away. Siguro, nasanay na rin ako kay Ace. Kahit naman nasa club din kami noon, walang lumalapit sa akin. Hindi n’ya hinahayaan at palagi lang nakadikit sa akin.

“Party people, are you having fun?”

Napatingin kaming lahat sa DJ na nandoon sa DJ booth. The crowed cheered as the answer to his question. Mukha namang natuwa ang DJ doon.

“To give more spice, here’s a good drink for all of you,” itinaas n’ya ang bote ng alak na hawak n’ya. “This is actually a gift for Janina, from that nice man behind the bar counter,” sabi pa ng DJ at itinuro ang direksyon kung nasaan ang bar counter.

Nagulat pa kami nang marinig mula sa DJ ang pangalan ni Janina. Ang akala ko pa ay ibang Janina ang tinutukoy pero nang tumingin ako sa bar counter at nakita si James na nakahalukipkip habang nakatingin sa amin ay naghinala ako. Nakumpirma ang hinala ko na si Janina nga iyon when James gave us a two-finger salute.

“Calling up the birthday girl to start the toast,” sabi pa ng DJ.

Janina shrieked. Nagtatalon pa sa tuwa.

“Masaya ’to!” excited pang sabi n’ya bago lumapit sa DJ booth.

Dahil mataas ay bumaba ng isang level ang DJ. Itinukod ang isang paa sa pasimano ng harang para makakuha ng buwelo. He opened the alcohol bottle. He crouched down when Janina went near him. Nakatingala si Janina sa DJ kahit nang ibinuka n’ya ang bibig n’ya. The DJ poured a drink directly on her mouth.

The crowd cheered. Janina gulped the drink in her mouth. May sinabi s’ya sa DJ kaya kinuha ulit ng DJ ang mic.

“Calling up her friends, too.”

Napatili sina Mandy at Sheena. Walang pagdadalawang-isip na pumunta sa harap kung nasaan ang DJ booth. Hindi ko naman alam kung anong gagawin ko. Iisipin ko pa lang na bumalik sa upuan nang hilahin na rin ako ni Lana.

“Tara na!” she said, smiling wide.

“What?” gulantang kong tanong.

“Try rin natin!”

Napatingin ako sa harap. Nakita kong ginawa rin ng DJ kay Sheena ang ginawa n’ya kay Janina. Sheena opened her mouth and the DJ poured directly the drink from the bottle to her mouth.

“Ayoko!” tanggi ko pero si Brent naman ang humawak sa kabilang braso ko.

“Let’s go, girls!”

Nawala na ang pagtutol ko nang dalawa na silang humila sa akin papunta sa harap. Wala na akong magawa. Ang plano ko sana ay bumalik na lang kapag turn na nina Brent. Pero mukhang nakahalata ang dalawa sa gagawin ko kaya pagkatapos ni Mandy ay ako na agad ang itinulak papunta sa DJ.

Napatingala ako. The DJ smiled at me. Mukhang nahalata ang pag-aalinlangan ko. He looked like he won’t force me if I don’t want to.

Pinakiramdam ko ang sarili ko. I feel indifferent. Kung ayaw ko talaga ay kanina pa ako tumakbo. But maybe, something inside me wanted to try this new experience too.

Kung nasa Manila ako… hindi ko ’to magagawa.

It’s just for tonight…

I took a deep breath. I slowly opened my mouth. Mas lumawak ang ngiti ng DJ at pumorma na ibubuhos na ang alak sa bibig ko. Mas tumingala pa ako at pumikit hanggang sa maramdaman ko ang alak sa bibig ko

I gulped the alcohol down. It was hot. May init na gumuhit sa lalamunin ko pababa sa tyan ko. It was a strong drink. Naalala ko na may pasok pa ako bukas kaya dumilat ako at lumayo na.

Dahil hindi napaghandaan, hindi agad naitaas ng DJ ang bote ng alak. Natapon ang iba mula sa bibig pababa sa leeg ko hanggang sa damit ko sa dibdib.

“Sorry about that,” the DJ said. Tumango lang ako at tumalikod na.

I stink of alcohol!

Umalis ako sa dancefloor at imbes na sa pwesto namin dumiretso ay doon ako sa bar counter nagpunta. Hindi pa ako nakakalapit pero nakita ko na agad si James na nakatingin sa akin. He has a playful grin on his lips habang hinihintay ang paglapit ko.

“Water, please,” I said.

Napansin ko pa ang pasimpleng pagtawa n’ya bago kumuha ng baso. He put three ice in it before he poured the water. Inilapit n’ya ’yon sa akin kasama ng isang tissue box. Napatingin tuloy ako sa kanya. Nakatukod ang isang kamay n’ya sa counter habang ang isa ay nasa hips n’ya.

“You should wipe your clothes,” sabi n’ya, deretso ang titig sa mga mata ko.

Namula ang buong mukha ko nang ma-realize kung anong sinasabi n’ya. ’Yung parte ng damit kong natapunan ng alak!

So he was looking at it!

Walang kibo akong kumuha ng tissue at sinimulang punasan ang damit sa parteng dibdib ko nang matigilan ako. I know he was still looking. Ramdam ko kasi ang titig n’ya. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko s’yang nakatingin nga sa ’kin! Doon pa talaga sa pinupunasan ko!

James looked at me. He bit his lower lip, mukhang guilty at nahiya dahil nahuli ko s’ya kaya mabilis na nag-iwas na rin ng tingin.

“Sorry,” sabi pa n’ya, hindi pa rin nakatingin sa akin. He was looking at his side kaya napansin ko ang pamumula ng tenga n’ya.

Mas lalo tuloy akong nahiya. Hindi ko na naituloy ang pagpupunas sa damit ko. Hindi ko rin alam kung anong gagawin ko. Gusto kong umalis dahil sa kahihiyan pero hindi ko naman maigalaw ang mga paa ko.

Ano ba? This is really awkward! Bakit kasi namumula s’ya?!

I took the glass of water. Napatingin sa akin si James at mukhang may naalala. Nahalata ko ang pagkataranta n’ya nang kumuha ng black straw at inilagay iyon sa mismong baso ko.

Nagkatinginan kami. Pareho naming hindi alam ang susunod na gagawin. We just stared at each other’s eyes. His gray eyes were glistening against the lights but they seemed so much darker now.

Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang pakiramdam ko na marami s’yang sikreto. I believe the quote that eye is the window of the soul. Pero wala akong makitang kahit ano sa kanya habang nakatitig ako sa abo n’yang mga mata. He’s hiding his secrets so well.

“Rey!”

Natauhan ako nang marinig ang pagtawag sa ’kin ni Janina. Saglit pa akong napakurap-kurap na parang nagising sa malalim na panaginip. Pero bago pa ako makalingon ay napansin ko ang pagbaling din ni James, parang may hinahanap. Nakalapit na si Janina sa ’kin pero nakatingin pa rin ako ay James.

“Rey! Nandito ka lang pala,” Janina said.

James turned his gaze on us. Napakunot ang noo n’ya nang tumingin kay Janina, pagkatapos ay sa ’kin. Nagpalipat-lipat sa ’ming dalawa ang tingin n’ya.

“Okay ka lang ba?” tanong ni Janina kaya napatingin na ko sa kanya. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata n’ya. She looked sober now.

“Ha? Okay lang…” wala sa sarili ko pang sagot.

Mukha namang nakahinga nang maluwag si Janina. “Akala ko nagalit ka, eh. Kasi hindi mo gusto ’yung pa-shot ng DJ.”

Natawa ako.

“Okay lang naman sa ’kin. Kung ayaw ko nga talaga, hinding-hindi ko na naman ita-try.”

Janina smiled widely. Tumingin s’ya kay James na nakatingin pa rin sa ’ming dalawa.

“Hi, James! Thank you sa gift,” she said sheepishly.

I heard James chuckle.

“Don’t mention it.”

“Balik na kami sa table, ha?” sabi ni Janina na ikinawit pa ang kamay sa braso ko.

James smiled as he nodded. “Sure. Enjoy the rest of the night.”

Nakita ko pa ang pagsulyap sa ’kin ni James bago ako hinila ni Janina pabalik sa upuan namin.

Wala pa ako sa sarili nang makaupo ako. Naririnig ko naman ang masayang pag-uusap nila, lalo na sa nangyari kanina sa DJ, pero wala sa kanila ang atensyon ko. Nandoon sa lalaking nasa bar counter.

I looked at him. He was serving a customer now. Isang babae. Nakita ko ang malawak na ngiti n’ya habang hinahanda ang drinks at may kung anong sinasabi ang babae sa kanya.

I stared at him. Malayo ako sa kanya at hindi na s’ya nakatingin sa akin pero parang nakikita ko pa rin ang misteryosong mga mata n’ya na nakatingin sa akin. I don’t know but somehow… I was drawn to his eyes.

Sa dami ng mga taong nakausap ko, sa mga mata n’ya lang ako nagkaroon ng ganitong interes. Something inside me was telling me to uncover his secrets.

I sighed. Nag-iwas ako ng tingin at sumandal sa inuupuan ko. Alam kong hindi ako lasing pero siguro, tinatamaan na ako ng alak. Maybe that’s why I was feeling this way to a man who’s like a stranger to me.

Mag-a-alas tres nang madaling araw nang magyaya nang umuwi ang mga kasama ko. Hindi naman mga lasing na lasing but they were tipsy. Hindi na deretso ang paglalakad.

“Paano kayo uuwi n’yan?” tanong ko sa kanila. Wala kasi silang dalang sasakyan.

“Magta-taxi, Miss Rey!” masayang sabi ni Sheena na humahagikgik pa kahit wala namang nakakatawa. Hindi ko na rin pinansin na bumalik sa dati ang paraan ng pagtawag n’ya sa ’kin kahit wala kami sa hospital.

“Isn’t it dangerous?” nag-aalala kong tanong. “I mean, pare-pareho kayong mga nakainom.”

“Ako nang bahala sa kanila, Miss Rey,” sabi ni Brent na pinaka-sober sa kanilang lahat. Namumungay ang mga mata pero mukhang maayos naman s’ya.

“Pero lima kayo?”

“Kasya kami n’yan sa taxi. Mga sexy naman kaming lahat,” sabi pa ni Brent.

Kahit na nag-aalala ay natawa ako. I took a deep breath.

“Hihintayin ko na lang kayong makasakay bago ako tumawag ng taxi,” I said.

“Ay, baliktad!” gulantang na sabi ni Brent. “Ikaw dapat ang hintayin naming makasakay muna. Ikaw ’tong mag-isa, Miss Rey!”

“Pero…”

“Sige na, mamsh. Para makauwi na rin kami. Baka magsuka pa isa sa kanila!” patiling sabi ni Brent na ikinatawa ko ulit.

“Hoy, hindi kami lasing na lasing para magsuka, ha?” sabi ni Janina na nabubulol pa.

Ipinagpilitan nilang sumakay na ako kaya wala na akong nagawa kundi ang sumakay sa taxi na naghihintay lang ng pasahero sa harap ng bar na ’yon. I waved them goodbye.

Nang makarating sa apartment ay naglinis muna ako ng katawan. Kanina pa ako nanlalakit sa damit ko dahil sa alak na nabuhos kanina sa akin. When I got comfortable, I dove onto my bed.

Dahil na rin siguro sa nakainom ako kaya mabilis akong nakatulog. Alas otso nang magising ako kinabukasan. Masakit ang ulo ko at ramdam ko pa sa utak ko ang epekto ng alak pero kinailangan kong bumangon. It’s my second day in the hospital. I don’t want to be seen as a tardy person.

Nang makaligo ako ay medyo naging maayos na ang pakiramdam ko. Nagtimpla ako ng kape at uminom na rin ng gamot pampawala ng sakit ng ulo ko. Nakakalahati ko pa lang ang kape nang marinig ang pagkatok ng kung sino sa pinto.

I opened the door. Hindi ko inaasahan kung sino ang napagbuksan ko ng pinto.

It was James. Ngiting-ngiti s’ya nang mapagbuksan ko. He was holding a white cat with black ears and tails in his arms.

“Good morning to my beautiful neighbor! Pwedeng paalaga muna dito sa baby ko?” he greeted.

Nakurap-kurap ako. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa pusa. Nagtataka ang huling tingin na binigay ko sa kanya.

“Hindi naman kita kilala,” I said.

Hindi naman talaga! We haven’t even formally introduce yet. Wala akong alam sa kanya. Sa tingin ko nga ay hindi n’ya rin naman alam ang pangalan ko. Tapos ipapaalaga n’ya sa ’kin ang pusa n’ya?

“Ouch,” he mumbled. He even acted like he’s hurting. He looked at me, puppy-eyed. “Three days ago nu’ng una tayong nagkita. Nagkita rin tayo kagabi. Magkapitbahay din tayo. Tapos sasabihin mong hindi mo ko kilala?”

Nagpapaawa ang tinging ibinigay n’ya sa ’kin. Bumuka ang bibig ko pero sinara ko rin dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Napabuntong-hininga na lang ako.

“Hindi pa naman tayo pormal na nagkakakilala,” sabi ko na lang.

“Edi magpakilala!” malawak ang ngiting sabi n’ya na parang iyon ang solusyon sa lahat. “I’m Gray!”

Napakunot ang noo ko. Iba ang pangalan na sinabi n’ya sa pangalan na narinig ko sa iba.

Ano? Iba-iba ba talaga ang pangalan na sinasabi n’ya sa lahat?

Nahalata siguro n’ya ang pagkalito ko kaya mahina s’yang napatawa. He was smiling gently. Mukhang naaaliw sa pagkalito ko.

“James is my second name. ’Yung ‘Gray’, nickname ko. Nakuha sa first name ko.” He grinned. “Hulaan mo kung anong whole first name ko.”

“What?” kunot ang noo kong tanong. Naguguluhan sa kanya.

What’s this? Bakit pinapahula n’ya pangalan n’ya?

“It’s Grayson!” he exclaimed. Hindi na hinayaan na makahula ako. “Grayson James… Galanos.”

Napatango-tango ako. “I’m Reyziel Denava,” pagpapakilala ko.

He’s my neighbir. Mukha rin namang madalas pa kaming magkikita at hindi namin maiiwasan ang isa’t isa. Mas mabuti nga siguro kung magpakilala na rin ako sa kanya.

“‘Rey’ ang nickname mo, ’di ba?” tuwang-tuwang tanong n’ya.

I nodded with confusion. “Pa’no mo nalaman?”

“Kagabi. Nu’ng tinawag ka ni Janina,” he said and grinned widely. “Gray at Rey… Magkatunog ang mga nickname natin!”

Pinagmasdan ko s’ya. He really looked happy with that fact. Mas masaya pa kaysa noong malaman n’yang magkapitbahay kami. I smiled helplessly. He looked fascinated with simple things.

Now, I understand. Kaya pala nu’ng tinawag ako ni Janina ay lumingon din s’ya. Dahil magkatunog ang mga palayaw namin.

“Magkakilala na tayo… Pwede mo na bang alagaan ang baby ko?” he asked again.

Napatingin ako sa pusang nasa mga braso n’ya. The cat looked comfortbale in his arms. Nakatulog pa nga.

“Bakit?” I asked.

“Aalis kasi ako,” he said.

“Aalis din ako.”

“Pero mamaya pa naman.”

“I’ll go to work in an hour.”

“Oh, mamaya pa nga. Ako kasi ngayon na aalis.”

That confused me to the core. Hindi ko s’ya maintindihan!

“Ipapaalaga mo s’ya sa ’kin kasi aalis ka at walang magbabantay sa kanya. Aalis din ako after an hour kaya wala ring magbabantay sa kanya pagkatapos no’n.”

He nodded. “It’s okay. Pagalain mo na lang pag-alis mo,” he said. “Nagkasakit kasi ’yan. Kung okay naman s’ya after an hour, then pwede na s’yang maggala-gala.”

“Pero kung hindi maging okay?”

“Then take him to the vet?” alanganin ang ngiting binigay n’ya sa ’kin.

I exhaled harshly. Napatingin ako sa pusa na sakto namang nagising at tumingin sa akin. Her eyes seemed like it’s pleading me to take care of her just for a while.

I sighed in defeat. “Alright.”

“Yes!” Gray mumbled in victory. Ngiting-ngiti tuloy nang ibinigay n’ya sa ’kin. “Then… I’ll leave him to you.”

Maamo ang pusa. Hindi man lang kumawag nang buhatin ko na. I caressed it’s fur.

“Anong pangalan n’ya?” tanong kong nag-angat ng tingin kay Gray.

He gave me a warm smile.

“Lilac…”

Napatango-tango ako. Hinimas ko ulit ang balahibo ng pusa. Wala sa sariling napangiti ako.

“Rey… Alis na ko, ha?” pagpapaalam ni Gray.

Dahil natutuwa ako sa pusa ay nakangiti tuloy ako nang tumingin kay Gray.

I nodded at him. “Sige… Bye.”

Gray smiled at me. “Bye! See you mamaya!”

Isinarado ko ang pinto nang umalis na s’ya. Si Lilac ay nakatulog na din sa mga braso ko.

I smiled.

“Your owner is weird…but cute.”

Chapter 11

I monitored the cat for an hour. Minu-minuto ko yatang tinitignan para i-check kung may pagbabago ba sa behavior n’ya. This is my first time taking care of a cat kaya hindi ko alam kung paano malalaman kung may sakit nga s’ya.

But Lilac looked fine to me. She even drank her water nang paghandaan ko s’ya kanina. Sinubukan ko lang. Gusto ko rin sanang pakainin pero wala nang oras. I think Gray already fed her too. Tahimik lang kasi at mukhang hindi naman nanghihingi ng pagkain sa ’kin.

“Lilac, labas na tayo?” tanong ko sa pusa nang matapos na ko sa pag-aayos. Her big round eyes were staring curiously at me.

It meowed at me as an answer. Hindi ko napigilan ang mapangiti. Dumiretso ako sa pinto at sumunod naman sa akin si Lilac. S’ya pa nga ang naunang lumabas sa akin nang buksan ko ang pinto. I locked the door and stared down at her. Nakatingala lang din sa akin ang pusa, parang inaabangan kung may ipapagawa ako.

“Kailangan ko nang pumasok sa trabaho,” sabi ko kay Lilac. Sana lang ay maintindihan ako. “Ang sabi ng amo mo, pwede ka raw maggala. Sa tingin ko magaling ka na rin naman.”

Nag-meow ulit ang pusa sa akin. I smiled. Dumiretso na ako sa elevator pero si Lilac ay sumunod pa rin. Sumakay pa nga sa elevator. Kaya tuloy kasama ko hanggang sa pagbaba.

“Bye na, Lilac,” I said to the cat. Hindi na rin s’ya sumunod sa ’kin nang lumabas na ako sa apartment building.

“Good morning, Ma’am Rey!” bati sa ’kin ni Mang Gener. “Tumawag na ko ng masasakyan n’yo para hindi na kayo matagalan sa paghihintay.”

Nakita ko nga ang isang taxi na naghihintay sa harap ng apartment building. Nginitian ko si Mang Gener.

“Thank you, Manong. Hindi na ho sana kayo nag-abala.”

“Maliit na bagay lang naman ’to, Ma’am,” he said. “Ingat ho kayo.”

Sumakay na ako sa taxi at nagpahatid sa Callisto Medical Center. Maaga ako ng tatlumpong minuto pero nakita ko nang nandoon si Janina na nakaupo sa pwesto n’ya. Hindi maganda ang ekspresyon ng mukha n’ya kahit na nang makita ako.

“Anong problema?” I asked. 

She groaned. Napasabunot s’ya sa buhok n’ya at kahit hindi na n’ya sagutin ang tanong ko, alam ko na kung anong pinoproblema n’ya.

“Ang sakit ng ulo ko,” pagkukumpirma n’ya sa iniisip ko. “Tuesday na Tuesday pero ganito na ako.”

I laughed. Inilagay ko ang ballpen na nakalapag lang sa mesa n’ya doon sa pen holder n’ya. Madalas pa namang magkawalaan ng ballpen sa hospital.

“Hindi naman marami ’yung ininom mo, ah?”

“Pero medyo nalasing pa rin ako. Tapos kulang pa ’yung tulog ko.” Ipinatong n’ya ang mga siko sa desk at muling sinabunutan ang sariling buhok. “Hindi na ko iinom ng alak.”

Napapangiting umiling na lang ako at pumasok na sa clinic. Alam ko namang hindi totoo ang sinabi n’ya. She just said that because of what she’s feeling right now.

Ilang sandali pa lang akong nakakaupo sa pwesto ko nang makarinig ako ng katok at pumasok si Janina. May hawak s’yang chart at pormal na ang itsura nang humarap sa akin.

“Wala kang scheduled session ng pasyente today, Miss Rey. Pero bukas, meron. Si Miss Arciaga. Then sa Thursday naman po si Mrs. Cristobal.”

Napatango-tango ako. I already read their charts at pinag-iisipan ko na rin kung anong approach ang gagawin ko. May nilagay na rin naman na note si Mrs. Esteban sa approach na ginawa n’ya but I ahve to observe the patients.

“You’re lucky,” sabi ko kay Janina at ngumiti. “Wala tayong pasyente ngayon. Konti lang ang gagawin mo.”

Napangiti na rin s’ya. “Ikaw, Miss Rey? Wala ka namang pasyente ngayon. Pwede mong ayusin ’yung kwarto sa style na gusto mo. Mas okay kung ngayon kasi may pasyente ka na bukas.”

I regarded what she said. Mas mabuti nga siguro ang ganoon. The patient was already expecting that she’ll have a different psychologist today. Hindi magiging ganoong ka-overwhelming sa kanya kung pati ang ayos ng kwarto ay mag-iba.

“I should do that, right?” I told Janina.

Nakangiti naman s’yang tumango. “Ilista mo lang mga nabili mo, Miss Rey. Ako nang bahalang magpa-reimburse sa finance.”

I nodded at her.

“Thank you, Janina.”

That’s what I did for the day. Hindi rin naman ganoong kadami ang iniba ko sa kwarto. Hindi magiging maganda kung over-decorative ang kwarto. Pinalitan ko lang ang kulay ng couch at ng mga unan. Bumili na rin ako ng mga pang-display na alam kong makakatulong sa pagiging relax ng pasyente.

Nang umuwi ako sa apartment ay nakita ko si Lilac sa harapan ng unit ko. Nakatingin sa pinto pero napalingon din sa ’kin nang marinig siguro ang mga yabag ko. She meowed when I went near hear. Nai-imagine ko tuloy na sinasabi sa ’kin ng pusa na kanina pa s’ya naghihintay doon.

“Bakit ka nandito? Wala pa ang amo mo?” tanong ko sa pusa na para bang nakakapagsalita rin s’ya.

Napatingin ako sa pinto ng katapat na unit ko. Sarado pa iyon. May kurtina ang bintana kaya hindi ko masabi kung bukas ang ilaw sa loob pero mukha namang wala pang tao doon.

Gray is a bartender. Baka nga nagsisimula pa lang s’yang magtrabaho ngayon. Alam din siguro ni Lilac ang tungkol doon kaya sa unit ko na lang naghintay.

I smiled at the cat. “Pasok na tayo.”

Nauna pa si Lilac na pumasok sa loob nang buksan ko ang pinto. Napangiti ako. Kanina lang nakapasok ang pusa dito sa loob ng unit at hindi pa nagtagal pero mukhang komportable na s’ya. Tumalon pa nga sa sofa at naupo doon.

It meowed again. Para namang naintindihan ko kung anong gustong sabihin sa ’kin ng pusa. She’s hungry.

“Gutom ka na?” I even asked. Nag-meow ulit ang pusa kaya natawa ako at dumiretso na sa kusina.

Binuksan ko ang ref at nakita ang manok sa freezer. Dahil walang alam sa pag-aalaga ng pusa, nag-search pa ako kung ayos lang bang pakainin ng manok ang mga pusa. Nang masiguro na ayos lang, iyon na lang ang niluto ko. Nagtabi ako para sa pusa at pinakuluan iyon. Ang iba ay niluto ko para sa ulam.

Natulog si Lilac sa sofa matapos kumain. Hinayaan ko na lang. Kahit nang matapos ako sa paghuhugas ng pinagkainan at maglinis ng katawan, nandoon pa rin ang pusa. Tulog na tulog.

Dahil alam kong umaga pa uuwi ang amo n’ya ay hinayaan ko na si Lilac na matulog sa unit ko. Naglagay na lang ako ng tubig sa lalagyan para kapag nauhaw ang pusa ay may maiinom s’ya.

Nang magising ako kinabukasan ay nandoon si Lilac, naghihintay sa labas ng kwarto ko. Nag-meow pa nang makita ako at umikot-ikot sa paanan ko. She rubbed her head on my leg. Napangiti tuloy ako.

She’s so cute…

“Gutom ka na?” I asked. 

Lilac meowed again. Natawa ako at dumiretso na sa kusina. Sinundan pa ako ng pusa doon at nag-meow nang nag-meow habang nakatingin sa ’kin at hinahanda ko ang pagkain n’ya. Buti na lang at may naitabi pa akong manok sa kanya kagabi.

“Eto na, eto na,” I said to the impatient cat.

Sinunggaban agad ni Lilac ang pagkain nang mailapag ko iyon. She looked really hungry that I felt bad. Dapat siguro ay pinakain ko rin s’ya kaninang madaling araw.

Nagdesisyon ako na mag-almusal na rin. Nagtimpla lang ako ng kape at kumain ng tinapay para sa almusal. Nang matapos ay naligo na ako at nag-ayos.

Natutulog na si Lilac sa sofa nang lumabas ako sa kwarto at nakahanda na para sa trabaho. Lumapit ako at hinaplos ang balahibo n’ya. Gumalaw ang pusa at nag-inat pero bumalik din naman sa pagtulog.

“Aalis na ko,” problemado kong sabi.

Pagagalain ko ba? Pero tulog na tulog kasi ang pusa. Kapag naman iniwan ko dito sa bahay, baka gustuhing lumabas, o hindi kaya ay magkalat. Wala pa naman akong litter box.

Naputol ang pag-iisip ko nang may kumatok sa pinto. Nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko pa man binubuksan ang pinto ay may ideya na ako kung sino.

Nakumpirma iyon nang lumapit ako at pagbuksan ang taong kumakatok. It was Gray. Agad n’ya akong binigyan nang malawak na ngiti pagkakita sa ’kin.

He was still wearing his white longsleeve polo. Magulo na iyon. Bukas ang unang dalawang butones at nakarolyo ang sleeves hanggang sa siko n’ya. Wala na iyon sa pagkaka-tucked-in sa black slacks n’ya kaya ang dulong bahagi ay gusot. His hair was a mess too. But he still looked attractive.

He looked tired… gorgeously tired. Dahil sa pagod ay mapupungay ang abo n’yang mga mata habang nakatingin sa akin. But he was still smiling brightly at me.

“Good morning, Rey!” he said. Mas magiliw ang pagsabi sa pangalan ko kaysa sa pagbati n’ya.

Halata ang pagod sa mga mata n’ya. I bet that he hasn’t sleep yet. Mukha ring hindi pa nakakapasok sa unit n’ya at dumiretso agad na kumatok sa pinto ko.

“Good morning,” I greeted back.

“Nand’yan ba si Lilac? Wala kasi sa baba.”

Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto para makita n’ya si Lilac na nakahiga sa sofa at natutulog. Hindi man lang gumalaw sa pwesto kahit na nang kumatok si Gray kanina.

“Ay, tulog?” Gray asked when he saw Lilac.

“Katatapos lang kumain kaya siguro nakatulog agad,” I said.

“Pinakain mo?” gulat n’yang tanong na ipinagtaka ko. Napakunot tuloy ang noo ko.

“Oo. Kagabi tsaka ngayon.”

Mas mukha pa s’yang nagulat dahil doon.

“Ibig sabihin, dito s’ya natulog?”

Tumango ako.

He has a horrified look on his face. Mukhang naging problemado rin at napatingin sa loob ng apartment ko. Kung wala lang ako sa pinto, baka pumasok na rin s’ya.

“Ayos lang ba apartment mo?” problemadong tanong ni Gray. “May nagulo ba? May nabasag ba s’ya? Nagkalat ba? ’Yung tissue ba sa C.R. mo, ayos pa rin?”

I was taken aback by his continuous questions. Napatingin na rin ako sa loob ng apartment ko kahit na nalibot ko na ’yon kanina habang naghahanda ako.

“Okay naman,” sabi ko nang ibinalik ang tingin kay Gray. “Wala namang nasira.”

He looked relieved with my answer. Naisip ko tuloy kung paano si Lilac sa kanya. 

“Anong pinakain mo sa kanya?” he asked.

“Chicken. Pinakuluan ko lang.”

“Chicken?” Bahagyang nanlaki ang mga mata n’ya. It made him looked cute. Parang inosenteng bata na nagulat sa sagot ko.

Kinabahan tuloy ako. Bakit? Hindi ba pwede ng chicken ang mga pusa?

“Nag-search kasi ako kung anong pwedeng kainin ng mga pusa. Pwede raw ang chicken,” paliwanag ko.

Ready na nga sana akong kunin ang phone ko para ipakita sa kanya na trusted ang site na pinagkunan ko ng impormasyon na ’yon. Pero pinigilan ko ang sarili ko nang tumango s’ya. Parang nahihiya pa nga.

“Sorry… Kukunin ko na si Lilac,” he said. “Tatawagin ko na lang. Lalapit agad ’yan. Kilala n’ya naman boses ko,” sabi n’ya nang makitang lalapitan ko sana ang pusa.

Tumango na lang ako at tumabi sa pinto para hindi ako nakaharang doon at makita agad s’ya ni Lilac kapag tinawag n’ya. Tulog na tulog pa rin ang pusa. Napatingin tuloy ako kay Gray at nakitang nakahanda na ang ngiti n’ya.

“Lilac, daddy’s here!” he said in a singsong voice. Ngiting-ngiti pa habang nakatingin sa pusa.

Pinigilan ko ang ngiti ko. He looked cute! He said it like he’s really talking to his child. Ang lawak pa ng pagkakangiti n’ya habang sinasabi iyon. Kahit sinong bata siguro ay mapapalapit sa kanya.

Hindi ko tuloy maiwasan na ikumpara sa kanya si Ace. Ace is a serious man. Minsan ko lang din makitang ngumiti ng totoo. Hindi rin madalas magsaya. Kung magpupunta man kami sa club ay for formalities lang din. Hindi nga nagpupunta ng dancefloor at nasa loob lang VIP room lang palagi.

Ilang araw ko pa lang nakikilala si Gray pero kitang-kita ko na ang kaibahan nila ni Ace. Palaging may ngiti sa mga labi n’ya. He looked like he’s a carefree man. An easygoing guy kaya madaling lapitan. Ngayon ko tuloy naisip kung bakit parang halos lahat ng kakilala ko ay kilala rin s’ya.

But sometimes… I still couldn’t ignore that mysterious aura he has in him. Pilit n’yang tinatago. Ayaw ipakita kahit kanina.

“Tara na,” yaya pa ni Gray nang makita na nag-angat ng ulo si Lilac para tignan s’ya. He even spread his arms to welcome her just in case na lalapit nga sa kanya ang pusa.

But Lilac just looked at him lazily and went back to sleep. Nag-inat pa ang pusa at naghanap ng mas komportableng pwesto. Nakatalikod na s’ya sa amin ngayon ni Gray.

Mukhang nagulat tuloy si Gray sa ginawang iyon ni lilac. Hindi n’ya siguro inaasahan na hindi s’ya papansinin ng pusa n’ya. Napatingin pa s’ya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin sa kanya. tumingin ako sa gilid habang pigil na pigil ang ngiti ko.

Shit… Hindi ko mapigilan! Nakakatawa ’yon!

He sound really confident kanina nang sabihin n’ya na lalapit sa kanya si Lilac kapag tinawag n’ya. But the cat just ignored him!

“Lilac! Halika na. Uwi na tayo,” tawag n’ya ulit sa pusa pero hindi na ulit gumalaw si Lilac. Mukhang ipinagpatuloy na talaga ang pagtulog at hindi na pinansin ang amo.

Please, please… Ayokong tumawa. He’ll feel bad for himself. Mapapahiya s’ya. Wala sa intensyon kong ipahiya s’ya.

Tumikhim ako sa pagbabakasakaling mapigilan ko ang tawa ko. Inulit ko iyon. Nang masiguro na makokontrol ko na ang ngiti ko ay tumingin ako sa kanya.

His ears were pink! Nakayuko pa at parang hiyang-hiya sa ’kin dahil sa nangyari! He looked like he got betrayed by Lilac!

“Kukunin ko na lang s’ya,” sabi ko na pinipigilan ang ngiti. Ngayon ay hindi na dahil sa nangyari ngayon, kundi dahil sa nakikita kong reaksyon n’ya.

“Sige…” mahinang sabi n’ya.

Pagtalikod ko sa kanya ay saka ko na pinakawalan ang ngiti ko. Lumapit ako kay Lilac at binuhat s’ya sa mga braso ko. Antok na antok ang pusa. Hindi pa maidilat ang mga mata kaya nang ibinigay ko kay Gray ay hindi na rin pumalag.

“Thank you for taking care of Lilac,” he said, mukhang naka-recover na sa kahihiyan.

I nodded. “You’re welcome.”

Tumango si Gray at tumalikod. Hindi na lumingon sa ’kin at pumasok na sa loob ng apartment n’ya.

Napangiti na ako at tuluyan nang napailing. Ang cute ng mag-among ’yon.

Umalis na ako at pumunta sa hospital. Mas maaga akong pumasok ngayon para maghanda sa session ko sa isang pasyente mamaya. I made sure that she would feel comfortable. Alam kong maiilang s’ya na bago na ang psychologist n’ya kaya sa paligid ko na lang babawiin ang pagkailang n’ya.

I kept on looking at the clock to check the time, kinda feeling excited that I’ll get to talk with the patient again. Pero alam kong kapag kinausap ko na s’ya ay hindi na magiging ganito ang pakiramdam ko.

Ang hirap-hirap na magpanggap na hindi naapektuhan sa mga sinasabi sa akin ng pasyente. Nandoon palagi ang bigat sa dibdib, ang simpatya para sa kanila. But the last thing that they want is for someone to pity them.

Napakunot ang noo ko nang tatlumpung minuto nang late ang pasyente ko gayon. Tinawag ko si Janina. S’ya na ang nag-text sa pasyente at nakatanggap naman agad s’ya ng reply.

“’Yung nanay ’yung nag-reply, Miss Rey. Kung pwede next week na lang daw,” Janina informed me.

I sighed. Naiintindihan ko naman. She must’ve felt overwhelmed. She’s only a teen. Alam kong natatakot s’yang humarap sa bago n’yang psychologist.

“Scheduled them for next week, Janina,” I said. “Same day and time.”

Tumango si Janina at ginawa ang sinabi ko. Naitago n’ya na ang phone n’ya pero hindi pa rin s’ya umaalis sa harap ko.

“Yes?” untag ko sa kanya.

Mukha pa s’yang nag-aalinlangan noong una pero umupo rin sa upuan sa harap ng desk ko.

“Matagal na kong curious dito, Miss Rey, eh. Pero hindi ko matanong si Mrs. Esteban kasi nga, you know… hindi s’ya bagets.”

Natawa ako. Mukhang naghanap pa s’ya nang magandang term para iparating sa ’kin ang gusto pinupunto n’ya.

“Ano ’yon?” I asked.

She leaned in. Parang may sikretong sasabihin na hindi dapat marinig ng iba kahit kami lang namang dalawa ang nandito sa clinic ko.

“Nagkaroon ka na ba ng pasyente na may DID?” she asked. “’Yung dissciative identity disorder?”

I sighed. Hindi ko alam kung pang-ilang beses nang may nagtanong sa akin ng tanong n’ya.

“Hindi pa,” I answered. Sumandal ako sa inuupuan ko.

“Pero pwede kang mag-treat ng mga may DID? ’Di ba parang dapat may special training ’yung mga humahawak sa may DID?”

Tumango ako. “I have my special training. Pero hindi pa ako nagkakaroon ng patient na may DID. Nasabi sa ’min na rare daw ang disorder na ’yon at may ibang nagre-retire na hindi talaga nagkaroon ng mga pasyenteng may gano’n.”

“Pero gusto mong magkaroon ng gano’ng pasyente?” she asked.

Pinag-isipan ko muna nang ilang sandali ang sagot ko sa tanong n’ya.

“It’s challenging,” I honestly said. “Pero DID shouldn’t be taken lightly. Mahabang medication and therapy ang needed. Plus, there is still no cure for DID. With my experience, I don’t think I would be of much help sa pasyente na ’yon so… no.”

Napanguso si Janina. Mukhang hindi inaasahan ang sagot ko.

“Pero ang interesting ng case nila, ’no, Miss Rey? May multiple personality sila. Pero ’yun nga lang. Wala pang cure para sa kanila.” She sighed. “Nakakaawa na nakaka-amaze sila.”

I just smiled and didn’t say anything. Nasabi sa amin na bihira lang ang may ganoong disorder kaya hindi ko na rin naisip na sa buong career ko ay magkakaroon ako ng pasyente na may DID.

“I have a session with a patient scheduled tomorrow, right? Please, confirm if makakapunta s’ya bukas,” I said instead.

Pumormal na ang ayos ni Janina at tumango.

“Yes, Miss Rey,” she said. “Labas na po ako.

Tinanguan ko s’ya kaya dumiretso na s’ya sa pinto at lumabas na ng clinic. Naiwan akong mag-isa sa kwarto at napaisip sa mga itinanong ni Janina kanina.

Kahit kailan ay hindi ko naisip ’yon pero… paano nga kaya?

With my skills and experience, I don’t think I’ll be able to help them. I think… I’ll just refer them to someone else.

Someone else who could be more of help to them.

Chapter 12

I was really glad nang dumating si Mrs. Cristobal para sa session n’ya. I was worried when I first saw her. Naka-cast kasi ang kaliwang braso n’ya at halata ang mga sugat sa mukha na papagaling na. But Mrs. Cristobal reassured me that she’s okay.

She’s been in a car accident. She was driving her way home from work late night dahil nag-overtime sa trabaho. When she was in the intersection, tumigil s’ya para sa traffic lights at hinintay na mag-go sa way n’ya. Pero may isang motosiklo na hindi pa tumigil at humabol pa kahit naka-orange na ang traffic lights sa lane na ’yon. Sumalpok ang motor sa kotse ni Mrs. Cristobal. Mrs. Cristobal tried to control the wheels but failed at sumalpok sa poste.

Hindi gaanong naging malala ang naging lagay n’ya. Her air bag saved her. Pero kinailangan pa rin n’yang mag-stay sa hospital for a week. At ngayon nga ay kinailangan din magpatingin sa psychologist to ensure that she could go back with her daily life if she seems fit already.

Her first session was with Mrs. Esteban bago ang session na ’to. Nag-alala pa ako na baka mahirapan ako kay Mrs. Cristobal pero mabilis s’yang nag-open up. She looked fine pero hindi pa rin ako nagpakakampante. She might be hiding her pain, or her trauma caused by the accident.

“Tell me what you did when you wake up this morning. Everything. Even the little details na natatandaan mo,” I said. “So from the moment you wake up until you set your foot inside this room.”

Mukhang nag-isip pa muna si Mrs. Cristobal kaya hinayaan ko lang s’ya. I know how random my request is pero kailangan ko ’to para mas maobserbahan pa s’ya. I need to see if there’s any changes in her daily life after the accident.

“I opened my eyes,” Mrs. Cristobal started. “I woke up, naramdaman ko kasi na gumalaw ’yung kama. I saw my husband getting out of bed. He was heading to the comfort room. Naghintay lang ako. Pagbalik n’ya, tinulungan n’ya kong bumangon. It’s hard for me to get up on the bed since I still can’t use my left arm properly.”

Tumango ako. I took a mental note about that small changes. Sa simula pa lang ng kwento n’ya ay nandoon na ang mga pagbabagong nangyari pagkatapos ng aksidente. She’s still not okay.

“He opened the window curtains. Nakita ko na maaraw. Then he helped me to go to the comfort room. Tinulungan n’ya ko sa pagligo… kahit sa pagbibihis. He’s the one who picked these clothes for me.”

Pareho kaming napatingin sa damit n’ya. She’s wearing a light blue longsleeve chiffon blouse na pinaresan ng itim na slacks. She looked comfortable with her clothes. I got the impression na sa mga ganoong damit s’ya komportable. Napangiti tuloy ako.

It was her husband who picked those clothes for her. That shows how attentive he is to her.  He picked clothes that he knows his wife would be comfortable with. He seems to notice little things about her.

If that isn’t love, then I don’t know what it is.

Mrs. Cristobal continued telling me her routine this morning. I was still observing pero napapansin ko na parang nahihiya s’ya sa tuwing sinasabi n’ya kung paano s’ya tulungan ng asawa n’ya sa pagkilos. She looked like she felt sorry for her husband that he has to help jer with everything. Kahit nang sabihin n’ya na ipinag-drive s’ya ng asawa n’ya papunta dito at naghihintay sa labas na matapos ang session n’ya.

This is one of the issues for trauma patients due to accidents. They felt bad for themselves and for the people around them. They must’ve thought na nagiging pabigat sila para sa mga taong tumutulong sa kanila. They felt guilty that they’ve been in an accident kahit hindi naman nila ginusto iyon.

That, and their trauma related to the accidedent. Hindi ganoong detailed ang kwento ni Mrs. Cristobal nang makasakay s’ya sa sasakyan. Wala rin s’yang nabanggit na pinag-usapan nila ng asawa n’ya habang papunta dito. It just shows that she was focusing on herself rather than her surrounding that time. I guess that she was feeling scared as she remembered the accident and was trying to calm herself.

So she’s still not okay.

“Your next session will be on Monday afternoon,” I said when our session ended. “Please talk with my secretary outside before you go.”

“Thank you, Miss,” sabi ni Mrs. Cristobal at tumayo na. She closed the door behind her.

Hinarap ko ang laptop ko. I added notes to Mrs. Cristobal’s files. Pati na rin ang naging flow ng session namin ngayon at mga personal note ko. Now I have an idea on what approach I’m gonna do to her that would help her.

Abala ako sa pagsusulat nang pumasok si Janina. I saved the progress and looked at her. Agad naman s’yang nagsalita nang mabaling na ang atensyon ko sa kanya.

“Two to three p.m. ang next appointment ni Mrs. Cristobal, Miss Rey. Nailagay ko na ’yon sa scheule n’yo.”

I nodded and smiled at her.

“Thank you, Janina,” I said. “May gagawin pa ba ako for the rest of the day?”

Tinignan n’ya ang journal na dala n’ya bago umiling sa ’kin.

“Wala na, Miss Rey. And tomorrow pati sa Saturday, rest day n’yo po.”

“Ikaw?”

Napangiti si Janina. “Rest day ko rin po,” sabi n’ya na hindi napigil ang katuwaan sa boses.

Natawa ako. “Makakapag-rest ka na. Next time siguro, ’wag na tayong iinom kung may pasok kinabukasan.”

“Okay lang naman, Miss Rey. Nakaya ko naman,” she said. “Tsaka malakas ang loob ko na uminom no’n kasi malapit na restday.”

Natawa na lang ako at napailing.

Nang makauwi ay nakita ko ulit si Lilac na mukhang naghihintay sa tapat ng pinto ng apartment ko. Napangiti tuloy ako.

“Sa ’kin ka muna ulit?” tanong ko sa pusa habang ipinapasok ang susi sa keyhole.

Nauna ulit si Lilac na pumasok kaysa sa ’kin. Dumiretso ako sa kwarto at nagpalit ng damit bago lumabas. Si Lilac ay mukhang hindi naman gutom dahil hindi pa ako pinapansin. Gumagala sa buong parte ng apartment ko.

Naisipan kong tawagan si Larissa. Hindi na kami masyadong nakakapag-usap dahil alam kong may klase s’ya sa umaga hanggang hapon. Ayoko naman s’yang istorbohin sa pag-aaral n’ya. Nagpapadala na lang ako ng text messages sa kanya para paalalahanan s’ya na sinasagot n’ya naman ng maikling “okay.”

Ilang ring muna ang hinintay ko bago n’ya sinagot ang tawag. 

“Bakit, ate?” iyon ang bungad n’ya nang sagutin n’ya ang tawag ko.

Napasimangot ako. “Mangangamusta lang. Bawal ba?”

“Hindi naman. Akala ko kung anong nangyari kaya ka napatawag, eh.”

I smiled. I heard the relief in her voice. Ang akala n’ya siguro ay sa weekend pa ako tatawag dahil simula Lunes ay hindi ko pa s’ya tinatawagan. Kaya siguro inakala n’ya na may nangyari kaya ako tumawag ngayon.

“Wala kasi akong pasok bukas pati sa Sabado. Naisip ko na tawagan ka para mangamusta,” I said. “May ginagawa ka ba?”

“Wala naman. Tapos ko na mga assignment ko kanina.” Inunahan n’ya na ako dahil alam n’yang itatanong ko ang tungkol doon.

“Kumusta naman d’yan?”

Hindi s’ya sumagot agad. Nakarinig ako ng mga kaluskos kaya pinagkinggan ko lang. Tapos ay ang pagbukas at pagsara ng pinto.

“Sandali lang, ate,” Larissa said.

Hindi ako nagsalita. May ginagawa siguro s’ya. Nakarinig ulit ako ng pagbukas at pagsara ng pinto.

“Ayan, game na,” I heard Larissa said. “Lumipat ako ng laundry area. Nandu’n na kasi sila sa maid’s quarter, eh. Naiilang ako na naririnig nila sinasabi ko.”

I chuckled. “Bakit? Dapat bang walang makarinig ng mga sasabihin mo?”

“Eh, kasi, ate, ang lala na dito sa mga Callisto! Nag-aaway na ’yung magpamilya!”

I frowned. Bago ako umalis sa Manila, naririnig ko na ang pag-aaway ng mag-asawang Callisto. Inaasahan ko na rin na magagalit si Ace kay Doc Evelyn dahil sa biglaan kong pag-alis pero hindi ko akalain na lalala pa pala ang mga issue na ’yon.

“Si Doc Stanley, galit kay Doc Evelyn. May problema yata sa hopital tapos parang napahiya daw si Doc Stanley sa mga doctors and nurses du’n dahil may sinabi si Doc Evelyn. Hindi ko alam kung ano ’yung buong kwento pero ayun, hindi nagpapansinan ’yung mag-asawa ngayon,” pagkukwento ni Larissa.

I put the phone on a speaker. Umupo ako sa sofa at inilapag ang phone sa tabi ko para malinaw ko pa ring marinig ang sinasabi ni Larissa. Tumabi naman sa ’kin si Lilac at nadaganan pa ang phone ko. Natawa ako habang kinukuha ang phone sa ilalim n’ya.

“Si Sir Ace naman, tinakot si Doc Evelyn na magre-resign daw sa hospital at babalik na lang sa States kapag hindi sinabi kung nasa’n ka. Syempre ’di pumayag si Doc Evelyn. Nagalit pa nga kasi tinatakot pa raw s’ya ni Ace.”

I sighed. Hinaplos ko ang malambot na balahibo ni Lilac para pakalmahin ang sarili ko. Nai-stress ako sa mga kinukwento ni Larissa.

“Hindi pa rin tumitigil si Ace?” I asked.

“Naku, ate! Wala yatang planong tumigil ’yon! Iniiwasan ko na nga lang na magkita kami dito sa mansyon kasi nakukulitan na talaga ko.”

“Is he bothering you that much?” nag-aalala kong tanong.

“Hindi naman, ate. ’Pag nakikita n’ya naman na wala talaga kong panong sabihin kung nasa’n ka, tumitigil naman. Pero mangungulit ulit kapag nagkikita kami.”

I took a deep breath. Napatingin sa ’kin si Lilac, mukhang napalakas yata ang pagbuntong-hininga ko. Pero bumalik naman sa paghiga at mukhang matutulog pa.

“Sorry, Larissa. Ikaw tuloy ang kinukulit ni Ace ngayon,” I said.

“Okay lang, ate. Hindi naman s’ya umuubra sa ’kin, eh.”

Napangiti ako. Sa aming dalawa talaga, mas matapang si Larissa. She’s not afraid of saying what she wants. Hindi rin s’ya takot ipakita ang nararamdaman n’ya. Hindi ko maisip kung paanong pagtataboy ang ginagawa n’ya kay Ace sa tuwing kinukulit s’ya na tumatalab naman.

“Kailan mo dadalawin si Mama?” pag-iiba ko ng usapan.

“Sa Sunday pa sana pero sa Saturday nalang. Para wala ka ring pasok. Mag-send ako ng pictures n’ya sa ’yo.”

“Sa email ko na lang,” I said. “Hindi ko na kasi binubuksan Facebook ko at Messenger. Alam ko kasing mangungulit do’n si Ace.”

“Okay ’yan, ate. Kahit i-deactivate mo pa.”

Natawa ako. Ilang sandali pa kaming nag-usap ni Larissa. Nagulat pa nga ako na umabot ng isang oras ’yung pagkukwentuhan namin. I just really miss her.

Nang ibinaba ko na ang tawag ay saka tumingin sa ’kin si Lilac. Mukhang naghihintay lang pala na matapos akong makipag-usap bago mangulit. Tumayo kasi at nag-inat pa bago nag-meow nang nag-meow sa ’kin.

“Gutom ka na, ’no? Ako rin. Kain na tayo,” sabi ko at tumayo na.

Sinundan ako ni Lilac hanggang sa kusina. Mukhang alam yata na papakainin ko na dahil sunod-sunod at malalakas na ang pag-meow n’ya nang inilabas ko ang natitira pang manok sa ref. Napatungo ako sa pusa at natawa nang makita ang itsura n’ya habang nakatingala sa ’kin.

“Gutom na ang baby?” I asked, baby-talking the cat. Hindi ko lang napigilan. Parang natural na lumabas sa ’kin ’yon nang makita kung gaano ka-cute ang pusa na parang nagmamakaawa na pakainin ko na s’ya.

Prinito ko ang manok. Tumigil si Lilac sa pag-meow habang nagpi-prito ako. Umakyat sa isang upuan sa dining table at tahimik lang na pinanood ako sa pagpi-prito, naghihintay.

Nang matapos ay hinimay ko ang isang parte at ipinakain iyon sa pusa. Kumain na rin ako. Si Lilac ay dumiretso sa sofa pagkatapos kumain at nahiga, parang matutulog na. Hinintay lang talagang pakainin ko. Ako naman ay naghugas ng mga ginamit at nag-toothbrush na rin.

“Dito ka ulit matutulog?” tanong ko kay Lilac na parang sasagutin ako. “Tutulog na rin ako, Lilac, ah? Goodnight,” I told the cat.

Dumiretso na ako sa kwarto at natulog. Wala akong pasok kinabukasan kaya hindi na ako nag-set ng alarm. Pero ganoong oras pa rin ako nagising kinabukasan. Parang nasanay na yata ang katawan ko.

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko ay nandoon ulit si Lilac sa tapat ng pinto, naghihintay na naman. Dumiretso ako sa kusina at pinakain sa kanya at natirang manok kagabi.

Wala na pala kong lulutuin mamaya. Kailangan ko nang mag-grocery. Buti na lang at nasakto ngayong restday ko.

Naligo na muna ako at nag-ayos. Plano ko nang mag-grocery pagkatapos dahil wala na akong mailuluto sa pananghalian ko. Ayoko namang mag-de lata. Restday ko naman kaya marami akong oras sa pagluluto.

Paglabas ko ay nakita ko si Lilac na patapos nang kumain. Nag-iisip ako kung pagagalain ko ba s’ya habang naggo-grocery ako o iiwan na lang muna dito.

Siguro pagagalain ko na lang. Anong oras na rin naman at alam kong malapit nang umuwi si Gray. Baka kapag kumatok s’ya para kunin si Lilac ay hindi pa ako nakakabalik sa paggo-grocery.

Sakto naman na nakarinig ako ng sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Sigurado ako na si Gray na ’yon. Nu’ng nakaraan din, ganitong oras din s’ya kumatok noon. Napatingin pa ako kay Lilac at nakita na gumalaw ang mga tenga n’ya. She’s on alert. Mukhang alam din na ang amo n’ya ang kumakatok sa pinto.

“Baka hindi ka na naman sumama sa amo mo ’pag kinuha ka, ah? Magtatampo ’yon,” sabi ko kay Lilac bago pumunta sa pinto para buksan.

I was expecting a cheerful Gray that will greet me a good morning. Ganoon naman palagi s’ya. Ngiti agad ang isasalubong sa akin. Hindi rin naman kami madalas nagkikita pero nasanay na ako na ganoon s’ya.

Kaya naman nagulat ako nang pagbuksan ko s’ya na walang kangiti-ngiti. He looked dead tired. Tingin ko pa nga ay anytime, babagsak na sya sa sahig dahil sa sobrang pagod.

Pero mas kinagulat ko pa ang pagdaan ni Gray sa gilid ko at pumasok sa loob ng apartment ko! He even removed his shoes just beside the door na parang madalas n’yang gawin iyon. Dumiretso s’ya sa sofa at doon pa nahiga. Mukhang doon pa nga yata planong matulog!

Dahil sa sobrang gulat ay hindi kaagad ako nakapag-react. Nakatitig lang ako kay Gray na nakahiga sa maliit na sofa at pinagkasya ang sarili doon. He looked like he’s already asleep now! Nilapitan ko na s’ya para kumpirmahin iyon.

Ilang sandali ko s’yang tinitigan nang malapitan at tama nga ako. Banayad ang pagtaas-baba ng dibdib n’ya, patunay na tulog na nga s’ya.

That fast? Tsaka bakit dito s’ya natulog?!

Nagdadalawang-isip pa ako kung gigisingin ko ba si Gray na payapang natutulog sa sofa ko o hahayaan na lang. Napatingin pa ako kay Lilac na tapos nang kumain at nakatitig rin sa ’kin. Parang nag-aabang din sa gagawin ko.

I stared at Gray’s sleeping face. He looked peaceful as he sleeps. Parang ilang araw na hindi nakatulog nang maayos at ngayon lang talaga nakapagpahinga.

Maybe that’s the reason why he mistook my apartment for his? Plano talagang kunin si Lilac sa ’kin kaya kumatok sa  pinto ng apartment ko. Pero dahil pagod na pagod at gusto nang magpahinga, hindi nakapag-process ng maayos ang utak n’ya.

It was like his auto-pilot. Noon siguro ay sa apartment n’ya s’ya dumideretso kapag pagod na pagod at sa sofa na mismo hihiga at matutulog. Pangalawang beses n’ya pa lang dumiretso ng katok sa apartment ko pagkauwi galing sa club kaya hindi pa sanay ang katawan at isip n’ya sa ganoong pagbabago.

And now that he’s tired and cannot process properly, the moment I opened the door of my apartment, his auto-pilot kicked in. Inakala na apartment n’ya kaya dumiretso ng pasok at sa sofa ko na natulog.

I sighed. I stared at Gray again. Tulog na tulog s’ya. Tingin ko pa nga ay kahit mag-ingay ako dito, hindi pa rin s’ya magigising.

He was still wearing his white longsleeve polo and black slacks. Bukas ang unang dalawang butones at ang sleeves ay nakarolyo hanggang siko. Magulong-magulo ang damit n’ya. Kahit ang kulay abo n’yang buhok ay magulo rin. Some strands were on his face. But he looked peaceful like he’s really in a deep sleep.

Hindi ko na naalis ang pagkakatitig ko sa mukha n’ya. Kahit natutulog, ang gwapo n’ya pa rin. He’s really attractive. Hindi na ako magtataka kung bakit nagkagusto sa kanya si Janina.

I really like those eyebrows slits he has on his left brow. Makapal ang mga kilay n’ya kaya halatang-halata iyon. His eyes were close but I know how gorgeous his gray orbs were. There’s something in me wishing that he would open his eyes so I could stare at his mysterious gray orbs. Ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong kagustuhan na matitigan ang mata ng isang tao.

My eyes went down to his nose. He has a pointed nose. Parang ang sarap padaanan ng daliri ang nose bridge n’ya hanggang sa tungki ng ilong n’ya, pababa sa mga labi n’yang bahagyang nakaawang. He has a really nice lips.

Kung hindi pa nag-meow si Lilac ay hindi ko pa titigilan ang pagtitig sa mukha ni Gray. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Sigurado pa ako na namumula ang mukha ko nang mag-iwas ako ng tingin. Nakita ko si Lilac na nakatingin sa ’kin.

“Bakit?” tanong ko sa pusa na nakatingin pa rin. “Ikaw lang ba pwedeng tumitig amo mo?”

Lilac meowed again. Napabuntong-hininga na lang ako. Medyo na-guilty dahil sa pusa ko ibinaling ang kahihiyan na naramdaman ko. Saglit ko pang sinulyapan si Gray na tulog na tulog pa rin bago nagdesisyon na hayaan na lang s’yang patulugin doon.

Mukha namang mabuti s’yang tao base sa naririnig kong kwento kay Janina at kay Mang Gener na rin. They have smiled on their face whenever they talk about him. Isa pa, mukhang alagang-alaga rin n’ya si Lilac.

I took a deep breath. Hinarap ko si Lilac na nakatingin pa rin sa ’kin.

“Dito ka na lang din muna, ah? Bantayan mo amo mo. Maggo-grocery lang ako.”

Lilac meowed. Mukha namang hindi nagprotesta. Nilingon ko na muna ulit si Gray at nang makitang walang kagalaw-galaw sa pagtulog, lumabas na ko ng apartment para mag-grocery.

Chapter 13

“Ang aga n’yong namili, Ma’am Rey, ah?” puna ni Mang Gener nang makita ang dalawang malalaking plastic bags na dala ko.

Kakatapos ko lang mag-grocery. Kaunti lang din naman ang binili ko. Karamihan ay para sa lulutuin kong ulam sa araw-araw at ang iba ay ang mga nakalimutan kong bilhin noong nakaraan.

I bought meat and vegetables. Bumili rin ako ng manok para kay Lilac. Itinatak ko na sa isip ko na mukhang nasanay na yata ang pusa na sa akin na kumakain.

Ayos lang naman. Nag-e-enjoy akong kasama si Lilac lalo na at mag-isa ako sa apartment at walang kasama dito sa Negros. Hindi ako masyadong nalulungkot kapag kasama ko si Lilac dahil ramdam kong hindi ako nag-iisa sa apartment. Isa pa, ang cute-cute n’yang pusa!

“Naubusan kasi ako ng supply ng ulam, Mang Gener,” sabi ko sa guard.

Napakunot ang noo n’ya. “Parang nu’ng nakaraan lang kayo nag-grocery, Ma’am, ah? Hindi naman kayo mukhang malakas kumain. Tsaka mag-isa lang kayo sa apartment n’yo, ’di ba, Ma’am?”

Nakangiwi akong tumango kay Mang Gener. Nakita n’ya nga pala kung gaano karami ang pinamili ko no’n. Hindi lang pala nakita dahil isa s’ya sa tumulong na magbuhat ng mga pinamili ko. Kaya siguro nagtataka ang gwardya na sa dami noon ay naubos agad.

“Si Lilac po kasi. Inubos ’yung binili kong manok,” sabi ko na.

“Si Lilac? ’Yung pusa ni Sir James?”

Napatango ako. Kilala rin pala ni Mang Gener ’yung pusa.

“Kilala n’yo ho si Lilac?” I asked.

Nakangiting tumango ang gwardya. “Kilala ’yung pusa na ’yon ng lahat ng nakatira dito, Ma’am. Naging pusa na nga ho ng lahat ’yon, eh.”

Ah… Kaya pala hinahayaan lang ni Gray na gumala. Kilala naman pala ng lahat si Lilac.

“Pero si Gray po ang may-ari?” I asked.

Napakunot ang noo ni Mang Gener. “Sinong Gray?”

Ako naman ’yung nalito ngayon. Hindi ba nila alam ang buong pangalan ni Gray?

“Si James ho,” I said.

“Ah… Si Sir James.” Napatango-tango si Mang Gener. “Oo, s’ya ang may-ari kay Lilac. Lagi lang nasa club, nagtatrabaho kaya pinapagala n’ya na lang kaysa ikulong dahil kilala naman ng lahat si Lilac. Kilala din kasi nila si Sir James. Palagi pang tumutulong kaya tinutulungan rin ng mga tenant dito sa pag-aalaga kay Lilac kapag wala s’ya.”

“Ah… Mabait po si Gray?”

Mali ang naging tanong ko. Para kasing lumalabas na nakakagulat ang bagay na ’yon. Mabuti na lang at hindi pinansin ni Mang Gener at nakangiti pang tumango.

“Naku, Ma’am! Sobrang bait ni Sir James!” Itinuro n’ya ang CCTV camera na nasa entrance ng apartment building. “S’ya ang nagpalagay n’yan. Tapos pinalitan n’ya rin lahat ng lock ng mga unit dito. High-tech na. ’Yung may pin code, Ma’am? Tapos hindi na s’ya nagpabayad.”

“’Yung apartment ko, Mang Gener…hindi gano’n ’yung lock,” sabi ko.

Natawa tuloy ang gwardya. Napakamot pa sa ulo na parang naging problema n’ya ang sinabi ko.

“Wala pa kasing umuupa no’n, Ma’am, nu’ng pinalitan ni Sir James ’yung mga lock. Hayaan n’yo at sasabihin ko sa kanya.”

Nahiya naman ako. Ikinumpas ko ang kamay ko at umiling pa.

“Naku, kahit ’wag na ho. Nagtaka lang ho kasi ako.”

“Mabait naman ’yun si Sir James, Ma’am,” pamimilit pa ni Mang Gener. “’Yun ngang si Lilac, nakita n’ya lang sa daan nu’ng gabing malakas ang ulan. Basang-basa kahit nakasilong. Naawa ho kaya inampon na.”

Ah… So that’s the story. Lilac was a homeless cat but Gray adopted her.

Ngayon ko tuloy napatunayan na mabait nga sigurong tao si Gray. Lalo na sa mga ikinuwento ni Mang Gener. Pati na rin ang pag-aampon n’ya kay Lilac. Mataba ang pusa kaya alam ko na maganda ang naging pag-aalaga sa kanya ni Gray.

“Nakilala n’yo na rin pala si Lilac, Ma’am,” sabi pa ni Mang Gener. “Kahit ’yung pusang ’yon, mabait din.”

Napatango ako. “Pinaalaga ho kasi sa ’kin ni Gray nu’ng nagkasakit. Parang nawiwili na nga ho sa apartment ko, eh.”

“Kaya pala hindi ko na masyadong nakikita. Sa inyo na pala naglalagi, Ma’am.”

“Palagi nga hong naghihintay na sa labas ng apartment ko kapag umuuwi ako galing trabaho.”

“Kabisado na pala oras ng uwi mo, Ma’am.”

“Kaya nga ho, eh,” sabi kong malaki ang ngiti dahil natatawa. “Sige ho, Mang Gener. Aakyat na ko. Nasa apartment ko ho ulit si Lilac, eh.”

Kahit na ’yung amo n’ya, nando’n din sa apartment ko.

Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Mang Gener.

“Nakauwi na si Sir James, ah? Hindi pa ba kinukuha?”

Hindi ho. Natulog na rin sa apartment ko kaya ’yung mag-amo, nando’n.

Ngumiti na lang ako bilang sagot. Ayoko namang sabihin ’yon. Baka mas lalo pa s’yang magtaka.

“Sige ho. Aakyat na ho ako,” sabi ko na lang.

Sumakay na ako ng elevator at nang makapasok na ako sa apartment ay nakita kong natutulog pa rin si Gray sa sofa. Wala ngang kagalaw-galaw sa pwesto n’ya. Kung paano ko s’ya iniwan kanina, gano’n ko rin s’yang binalikan ngayon.

Lumapit tuloy ako sa kanya pagkatapos kong ilagay ang mga pinamili ko sa dining table dahil sa pag-aalala. Nang makitang banayad ang paghinga n’ya at mukhang mahimbing lang sa pagtulog ay nakampante ako.

Narinig kong nag-meow si Lilac kaya tinignan ko s’ya. Nakatayo pala s’ya sa harapan ng amo n’ya habang nakatingala sa ’kin. Parang nagsusumbong na may natutulog na sa pwesto n’ya.

“Inagawan ka?” tanong kong natatawa.

Napatingin ulit ako kay Gray at napansin ang namumuong pawis sa noo n’ya. Tsaka ko lang naalala na hindi ko nga pala binuksan ang electric fan kaya lumapit ako doon at itinapat kay Gray.

Dumiretso ako sa kusina para ayusin na ang mga pinamili ko. Maaga pa naman at wala akong gagawin kaya naisip ko na lang na linisin ang apartment ko.

Hindi pa nga pala ako nakakabili ng pang-decorate dito. I need bedsheets, pillow sheets, and curtains. At mga ilang pang-display na rin para naman magmukhang may nakatira dito sa apartment ko. Hindi mukhang plain lang. Para maging comforting na rin.

Inuna kong linisin ang kwarto ko bago isinunod ang isa pang kwarto. Tahimik lang ako sa paggalaw habang naglilinis. Iniingatan na huwag magising ang natutulog sa sala. Nang iyong parte na ang lilinisin ko ay naging doble ang pag-iingat ko na huwag makagawa ng ingay para hindi magising si Gray.

Pawis na pawis ako nang matapos kaya nagdesisyon ako na maligo ulit. Nang makabihis ay naghanda na ako para magluto. It’s already four in the afternoon. Hindi ko naman ramdam ang gutom. Mabuti na lang at nag-almusal ako.

Hinanap ko si Lilac, nagtataka na hindi yata humihingi ng pagkain. Nakita ko ang pusa na hirap sa pwesto sa pagtulog. Doon kasi natulog sa ibabaw ng backrest ng sofa, eh, maliit lang ang space no’n.

Napangiti ako. Nagluto ako ng gulay. Kangkong and tokwa in oyster sauce. Nilagyan ko na rin ng baboy.

Noong kaming dalawa lang ni Larissa, kahit kailan, hindi ako naglagay ng baboy kapag ganito ang niluluto ko. Lalo pa nga ngayong mag-isa ako. Hindi ko alam pero bigla ko na lang rin naisip. At mas marami rin sa isang serving ang niluto ko.

I sighed. Okay, sige… Ibibigay ko na lang siguro kay Gray ang sobra.

Niluto ko ulit ang manok na para kay Lilac. Habang hinihintay kumulo, napatingin ako sa mag-amo. Nakita kong gumalaw ang pusa, mukhang naalimpungan at parang mag-iiba ng pwesto. Nanlaki ang mga mata ko nang makita na mahuhulog si Lilac! Tumakbo ako para sana saluhin s’ya pero huli na dahil nahulog na ang pusa sa sahig.

Mukhang nagulat si Lilac pero ang mga mata ay inaantok pa. Lumakad ang pusa sa harap ni Gray. Ilang beses na nag-meow nang malalakas kaya napalapit ako para sana sawayin s’ya sa takot na magising ang amo n’ya.

“Shh… Baka magising,” mahinang sabi ko kay Lilac.

Napatingin ako kay Gray na wala pa ring kagalaw-galaw simula pa kanina. Umahon na naman ang pag-aalala sa dibdib ko.

“Hala, Lilac. Baka kung ano nang nangyari sa amo mo,” pabulong kong sabi sa pusa.

I crouched down in front of Gray. Tinitigan ko s’ya. Mukha pa rin naman s’yang himbing sa pagtulog. Tinitigan kong mabuti ang dibdib n’ya at nang makitang tumataas-baba iyon sa banayad na paghinga ay napabuntong-hininga na ko.

Napatingin ako kay Lilac.

“Kinabahan ako. Kanina pa kasi pa kasi hindi gumagalaw ’tong amo mo,” I said softly. “Huwag kang maingay, ah? Hayaan mong matulog lang.”

Tatayo na sana ko, babalikan ang pinapakuluan kong manok. Ang akala ko ay naintindihan ako ni Lilac pero mukhang inis nga yata ang pusa sa amo dahil inagawan ng pwesto. Nanlaki ang mga mata ko nang makita na tumalon si Lilac papunta sa tyan ni Gray! Narinig ko pa ang tunog nang mag-landing ang mga paa ni Lilac sa tyan ng amo n’ya kaya hindi na ako nagtaka nang bahagyang napabangon si Gray habang dumadaing.

“Ow!” dinig kong daing ni Gray na bahagyang napabangon dahil sa impact ng pagtalon ni Lilac sa tyan n’ya.

Nataranta ako kahit hindi ko naman kasalanan! Nagmamadaling pumunta ako sa kusina bago pa ko makita ni Gray at hinarap na lang ang pinapakuluan kong manok doon.

Shit! Ang bigat pa naman ni Lilac! Sigurado akong masakit ’yon!

I pursed my lips. I know it’s bad to laugh at someone’s misfortune pero hindi ko lang talaga mapigilan. Tahimik akong tumawa. Ang mga balikat ko ay umaalog habang kagat-kagat ko ang pang-ibabang labi ko.

Gumanti si Lilac sa amo n’ya!

“Huh? Lilac?” rinig kong tanong ni Gray. Halata sa boses ang pagtataka. “Nasa’n ako?” he asked with a bedroom voice.

Mas lalo pa kong natawa! Naitakip ko na ang dalawang kamay ko sa buong mukha ko habang tahimik na tumatawa. Pigil na pigil sa paggawa ng ingay.

“Hindi ko ’to apartment,” rinig kong sabi ulit ni Gray.

Tinanggal ko na ang mga kamay kong nakatakip sa mukha ko at hinarap na ang pinapakuluang manok. I pursed my lips. Narinig ko kasi ang pag-aalala at kaunting takot sa boses ni Gray nang mapagtantong wala s’ya sa apartment n’ya.

Hinayaan ko na lang muna s’ya. I know he’s still disoriented. Bigla ba naman s’yang nagising dahil tinalunan ni Lilac. He still needs to process where he is right now.

Pinatay ko na ang kalan. Gumawa iyon ng ingay na alam kong narinig ni Gray. Inalis ko ang manok sa tubig para palamigin. Hindi ko mahihimay ang manok kung mainit.

Nagsimula na rin akong maghanda sa hapag. Bigla akong nakaramdam ng gutom. Hindi ko rin alam pero dalawang mga plato, kubyertos at mga baso ang inilabas ko.

Ilang sandali ay nakarinig ako ng kaluskos. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Gray na nasa bukana ng kusina. Mukha s’yang nahihiya habang kinakamot ang batok. Hindi rin s’ya makatingin sa ’kin.

Itinago ko ang ngiti ko nang makita ang itsura n’ya. Magulong-magulo ang buhok. Halatang kagigising lang. But he looked gorgeously cute… and hot. Lalo pa at mas nagpakita ang dibdib n’ya sa nakabukas na butones ng polo n’ya dahil mas naging magulo rin iyon.

His gray eyes looked innocent, mysteriously innocent as he looked at me. Mukha s’yang nalilito. And I never thought that someone would look this good just by being confused.

Ang gwapo-gwapo n’ya.

“Uhm…” I saw how he struggled to find the words. Nahihiya ang mga mata n’ya nang tumingin sa ’kin. “Anong nangyari?” he asked. Medyo paos pa rin ang boses dahil kagigising lang.

I smiled. Pinagpatuloy ko na ang pag-aayos sa hapag.

“Tinalunan ka ni Lilac sa tyan kaya ka nagising,” sabi ko.

“Ah… oo. Masakit pa nga, eh,” he said.

Sinulyapan ko s’ya at nakita kong napahimas s’ya sa tyan n’ya. Pinigilan ko ang ngiti ko at inilagay na ang ulam sa lamesa.

Tinignan ko si Gray. Nakatingin s’ya sa hapag bago nag-angat ng tingin sa ’kin.

“Gutom ka na?” I asked.

“Huh?” Mukha s’yang naguguluhan.

I smiled. “Kain na tayo.”

That was the most casual invitation I could do. Nahihiya kasi akong imbitahan s’ya. Hindi ko rin alam ang isasagot sa tanong n’ya kung bakit ko s’ya pinagluto. Basta namalayan ko na lang na pang-dalawang servings na pala ang hinahanda ko.

Alam ko rin namang gutom s’ya. Ang haba pa naman ng naging tulog n’ya.

“Upo ka na,” sabi ko pa dahil nanatili lang s’yang nakatayo doon. “Hihimayin ko lang ’yung pagkain ni Lilac.”

“Huh?” Napatingin s’ya sa manok na pinapalamig ko. “Kahit hindi na. Kaya na ’yang kainin ni Lilac ng ganyan.”

Lito akong tumingin sa kanya. “Hindi ba mabubulunan?”

S’ya naman ngayon ang ngumiti. His gray eyes twinkled with his genuine smile.

“Hindi. Mukhang pinakuluan mo pa kaya sigurado akong malambot ’yan. Lilac can manage.”

Tumango-tango ako. Hindi na lang nakipag-argumento. S’ya naman ’yung amo.

Hinati ko na lang sa parte ang manok at hinanda iyon kay Lilac. Nang magsimulang kumain ang pusa ay umupo na ako sa hapag.

Ilang sandali pang nakatayo lang si Gray. I noticed his hesitation when he sat down in front of me. Tsaka ko lang s’ya tinignan nang inabot ko sa kanya ang kanin.

“Kumakain ka ba ng gulay?” I asked. Tinanggap n’ya ang kanin at nilagyan ang sariling plato.

Shit… Hindi ko nga pala naisip ang tungkol do’n! Paano kung hindi pala s’ya kumakain ng gulay? Ng kangkong o ng tokwa? O kaya ay may allergy s’ya sa oyster?

“Kumakain,” he said, giving me the bowl of rice.

“Eh, tokwa?” nag-aalala kong tanong. “May food allergy ka ba?”

Napansin ko ang pagpipigil ng ngiti n’ya. S’ya na mismo ang nag-abot sa ulam at nilagyan ang plato n’ya.

“I have no food allergy, and yes, I eat tofu,” he said and grinned at me. “I’ll eat whatever you cooked, Rey…”

Nakagat ko ang loob ng pisngi ko. May parang nagdiriwang sa loob ng dibdib ko. Kinuha ko ang ulam at nilagyan ang plato ko.

Tahimik lang kaming kumain. Hindi ko rin naman alam kung anong pag-uusapan namin. Ngayon lang yata kami nagkalapit ng ganito. Ni hindi ko nga naisip na isang araw, makakasalo ko s’ya sa pagkain.

I’m a psychologist and I talk with my patients but right now, I don’t know what to say.

Ayos lang. Hindi ko naman s’ya pasyente.

“Rey…”

Nag-angat ako ng tingin. Nasalubong ko ang abong mga mata n’ya na maingat na nakatingin sa ’kin. Napapatigil talaga ako sa tuwing mapapatingin ako sa mga mata n’ya.

His eyes resembles the color of dark gray sky. Iyong kapag mabigat na mabigat ang mga ulap dahil sa nagbabadyang malakas na ulan o bagyo. Like a stormy gray sky. And while looking at him, I can’t help to notice that he’s somehow like that sky too.

Para s’yang may mabigat na tinatago. Nakikita ko ’yon sa tuwing tumitingin ako sa abo n’yang mga mata. Hindi ko lang alam kung kagaya rin ba ng ulan ay bubuhos ang mga iyon mula sa kanya.

Tumikhim ako. “Bakit?”

“Paano ako napunta dito?” he asked.

“Hindi mo naaalala?”

Kumunot ang noo n’ya. “Ang alin?”

Pinigilan ko ang ngiti ko at seryosong tumingin sa kanya.

“Kumatok ka sa pinto ng apartment ko. Nu’ng buksan ko, dere-deretso ka na lang pumasok at nahiga sa sofa. Nakatulog ka agad.”

Nanlaki ang mga mata n’ya. Mukhang gulat na gulat pa sa narinig sa ’kin. Tumungo ako para itago ang ngiti ko at nagpatuloy na lang sa pagkain.

So tama nga ako. Wala s’ya sa sarili kanina dahil sa sobrang pagod. Inakala n’ya nga siguro na apartment n’ya ang pinasaukan n’ya kanina.

“Seryoso ba?” he asked.

“Oo nga. Alangan namang binuhat kita rito,” sabi ko pa. “Hindi mo talaga natatandaan?”

Umiling s’ya. “Hindi… Ang alam ko, kumatok ako sa apartment mo para kunin si Lilac. Tapos no’n, wala na.”

I took a deep breath and stared at him, trying to assess him.

“Wala ka namang history ng sleepwalking?” I asked.

“Wala…”

Napatango-tango ako. “Kailan ’yung last na tulog mo?”

Naalala ko noong pinaalaga n’ya sa ’kin si Lilac dahil may sakit. Ang sabi n’ya ay may pupuntahan s’ya no’n kaya hindi n’ya maaalagaan ang pusa. It was supposed to be his rest after work. Pero may pinuntahan pa s’ya.

“Kahapon,” he said.

“Ilang oras?”

“Fifteen minutes.”

Nanlaki ang mga mata ko. “What? Eh, nu’ng Monday parang hindi ka nga yata natulog no’n.”

Tumango s’ya. “Hindi nga. May pinuntahan kasi ako.”

“Maybe that’s why,” I said.

“What?”

“You’re exhausted. Our brain needs to rest to function well. Eh, ilang araw ka na yatang walang tulog. Your brain is exhausted. Naghahanap ng pahinga, kahit ’yung katawan mo.” I tried to explain pero mukhang nalilito pa rin s’ya.

“And?”

“Nasanay ang katawan mo na after work, dederetso ka sa apartment mo para magpahinga. When you knocked on my door, your mind and body were already begging for a rest. They’re not fucntioning well out of exhaustion. Kaya inakala mo siguro na apartment mo nu’ng buksan ko ’yung pinto.”

“Ah…” Napatango-tango pa s’ya. Mukhang naiintindihan na ang paliwanag ko.

“Delikado ’yan, Gray,” I said. “Paano kung sa ibang lugar ka nakatulog? Magpahinga ka rin.”

Napatango-tango ulit s’ya. He pursed his lips. Nahalata ko na parang pinipigilan n’ya ang mapangiti. Hindi ko naman alam kung anong dapat n’yang ikangiti, eh, sinabi ko na ngang delikado ang sitwasyon n’ya.

Nakita n’ya ang pagtataka sa mukha ko kaya tumungo s’ya at nagpatuloy sa pagkain. Pero halata naman na pinipigilan pa rin ang mapangiti. Hinayaan ko na lang at kumain na ulit.

“Do you always feed him chicken?” tanong n’ya maya-maya.

Mula sa plato ko ay napatingin ako sa kanya. He was already looking at Lilac who’s still eating.

“Oo… Bawal ba?”

“No. Tinanong ko lang.” Iling n’ya at tumingin sa ’kin. “Magastos kasi ang manok.”

“Ah… Hindi ko kasi alam kung anong pwedeng ipakain sa kanya.”

“Marami akong stock ng cat food n’ya.”

“Pahingi naman. Hindi ko kasi alam kung sa’n makakabili no’n.”

Huli na nang mapagtanto ko kung anong naging tunog sinabi ko. Hiniling ko na sana ay hindi mahalata ni Gray pero mukhang napagtanto n’ya kung anong sinabi ko. Nakangisi kasi s’ya nang tignan ko.

“Gusto mo pa rin s’yang alagaan?” he asked. Malaki ang ngisi sa labi na parang tuwang-tuwa.

“Okay lang naman… Palagi ko kasing nakikitang nag-aabang sa labas ng apartment ko kapag umuuwi ako.”

He chuckled. Kinagat n’ya ang pang-ibabang labi n’ya habang nakangisi sa ’kin.

“May Mommy na si Lilac,” he said. Parang nag-aasar pa nga.

Sinimangutan ko tuloy. Napatingin ako sa plato n’ya. Tapos na pala s’yang kumain. Mukhang hinihintay lang na matapos ako kaya hindi pa tumatayo. Binilisan ko tuloy ang pagkain.

“Oo nga pala,” sabi ko nang may maalala. “Hindi ka ba natatakot na pagalain si Lilac?”

He frowned. “Hindi. Bakit naman?”

“Eh, baka kasi isang araw, umuwing buntis.”

Mas lalong kumunot ang noo n’ya. “Buntis?”

I nodded. “Oo. Ganon daw ’yung mga pusang babae, eh.”

He was still frowning at me. Maya-maya ay natawa nang malakas na sobra ko namang pinagtaka.

Anong nakakatawa sa tanong ko?

He was still laughing. Nakatitig lang ako sa kanya. Ang sarap pakinggan ng tawa n’ya. Buo ang boses, lalaking-lalaki. The way he laughs looked manly too.

“Lalaki si Lilac!” sabi n’ya nang maka-recover pero natawa na naman.

Nanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako kay Lilac na tapos na sa pagkain. She—He was already licking his paws.

“Seryoso nga?” I asked. Tawa kasi nang tawa. Baka binibiro lang ako.

“Oo nga!” sabi n’ya na tumango pa at malawak ang ngiti.

“Pero babae ang pangalan n’ya.”

He chuckled.

“Lalaki s’ya. Haven’t you seen his balls?”

I gasped. His what?

“What?”

“His balls! ’Yung meron sa lalaki!”

Nag-e-eskandalo ang tingin na binigay ko sa kanya.

“Bakit ko naman titignan ’yon?!”

Ramdam ko ang pag-iinit ng buong mukha ko. Namumula pa nga yata ako!

“Para nalaman mo sana na lalaki s’ya.

“Malay ko ba?!” hiyang-hiya kong sabi. Bakit ba naging ganito ang usapan namin?

“Makikita mo agad ’yon,” sabi pa n’ya. “Dalawang parang maliit na bola—”

“Gray!”

Ang lakas ng naging tawa n’ya.

Chapter 14

Binilisan ko na lang ang pagkain at hindi na nagsalita. Hiyang-hiya pa rin ako sa naging usapan namin kanina. Ramdam ko ang pamumula ng buong mukha ko. Mainit rin ang pakiramdam ng mga tenga ko kaya sigurado akong namumula rin iyon.

Bakit ba kasi napunta sa ganoon ang usapan namin? Inakala ko lang na babae si Lilac, tapos kung ano-ano na lumabas sa bibig n’ya!

Malay ko ba kasing lalaki pala si Lilac! Pambabae kasi ’yung pangalan! Ewan ko ba kung anong trip ni Gray sa buhay para ipangalan ang ganoon sa lalaking pusa tapos parang kasalanan ko pa na mapagkamalan kong babae si Lilac.

Sinulyapan ko si Gray. Tapos na s’yang kumain kanina pa pero hindi pa rin s’ya tumatayo. Talaga yatang hihintayin akong matapos sa pagkain. Na-concious tuloy ako at bilisan na lang ang pagkain ko.

Ang bilis n’yang kumain. Nakita ko kanina na mas marami naman s’yang nilagay na kanin sa plato n’ya kaysa sa ’kin. Siguro, gutom lang talaga s’ya. Maghapon ba naman kasing natulog kaya sobrang ganado sa pagkain kanina.

Tama ako sa hinala ko na hinihintay nga lang ako ni Gray na matapos dahil nang tumayo ako para sana ayusin na ang pinagkainan namin ay tumayo rin s’ya. He even helped me tidied up the table. Inilagay n’ya ang mga basong ginamit namin sa sink.

“Ako na,” I said.

Nakasunod ako ng tingin sa kanya nang bumalik s’ya mula sa sink. Hindi n’ya pinansin ang sinabi ko at kinuha pa sa mga kamay ko ang mga pinagpatong na mga plato. Hinayaan ko na lang sa takot na baka mabasag ang mga plato kapag nag-agawan pa kami.

Kinuha ko na lang ang pamunas sa lamesa pero bago ko pa magawa, napatigil ako sa narinig na kalansing ng mga plato sa kusina. Napalingon ako doon at nakita si Gray, nakatalikod s’ya sa ’kin at hindi ko masyadong makita ang ginagawa n’ya pero parang may ideya na ako doon!

Nilapitan ko s’ya. Napasinghap ako nang makitang inaalis n’ya na ang mga dumi sa plato.

“Gray! Ako na d’yan.”

Umiling s’ya at nagpatuloy sa ginagawa.

“Ako na. Baka sabihin mo eat-and-run ako ’pag bigla kong umalis.”

Napatanga ako sa sinabi n’ya.

“Edi ’wag ka na munang umalis! Umupo ka na lang muna du’n!” pilit ko pang nararamdaman na ang hiya. Ewan! Nakakahiya na nakikita ko s’yang naghuhugas ng mga plato dito sa kusina ko!

“Ako na nga!” sabi n’yang nilingon pa ako. For a second, he looked like a kid arguing with someone. “Nakitulog na nga ko dito, pinakain mo pa ko. Nakakahiya naman kung ikaw pa maghuhugas.”

I took a deep breath. Mukhang may alam na ako sa ugali ni Gray. May pagkamakulit s’ya.

“If you’re worried I might break your plates, don’t worry. I’m a bartender. Baka nga mas magaling pa ko sa ’yong mag-alaga ng mga glass wares,” he said.

He grinned at me. Tinignan ko lang s’ya. I saw him wiggling his brows. Parang nagmamalaki sa kaya n’yang gawin. Marahas na lang akong napabuntong-hininga at napailing.

“Sige na, ikaw na maghugas,” pagsuko ko.

May lumawak ang ngisi n’ya. He looked boyish with his smirk. I think it was one of his charms. Kahit sinong makakita sa kanya na ganitong nakangisi, mapapangiti na lang talaga.

“Pero hindi ako marunong magluto,” sabi n’ya at binalingan ang mga platong hinuhugasan n’ya.

“Paano ’yung mga kinakain mo?” Hindi ko napigilan ang curiosity ko.

“Marami namang pwedeng kainan d’yan,” he said. Sinulyapan n’ya ko. “’Di ba may maliit na canteen sa tabi nitong building? Madalas ako do’n.”

Napatango-tango ako. So I guess, he’s living alone too? Wala ba s’yang girlfriend na pwede s’yang ipagluto? ’Yung nakita kong kasama n’ya nu’ng isang araw nu’ng papunta sila sa restaurant. Sino ’yon?

“Hindi mo sinubukang mag-aral magluto?” I asked.

“Sinubukan,” he said. “Kaso pareho kami ni Kuya. Ayaw ng kusina sa ’min. Hindi rin ’yon marunong magluto.”

I saw how his gray eyes twinkled when he mentioned his brother. He was smiling widely too. I think he’s not aware that he looked like a child talking about his favorite person in the world.

“Pero hindi mo kasama dito ’yung kuya mo?” I asked.

Napansin kong natigilan s’ya. Maya-maya ay umiling.

“No,” he said.

“Nasa’n s’ya?”

“Manila,” maikli n’yang sagot at muling binalingan ang mga hinuhugasan n’ya.

I could tell that he didn’t want me to ask any more questions kaya nanahimik ako. Nawala rin ang kinang sa abo n’yang mga mata na nakita ko lang kanina. They have darker shades now too. Halatang-halata na ayaw n’ya nang pag-usapan ang tungkol sa kuya n’ya.

I wonder what happened. Kanina lang ay mukhang ang saya-saya n’ya nang mabanggit ang kuya n’ya pero biglang naging ganito s’ya.

I stared at him. Dahil nasa kaliwa n’ya ako ay nakikita ko ang dalawang magkatabing hiwa sa kilay n’ya. I was only looking at his side profile at hindi naman s’ya nakatingin sa ’kin pero ramdam na ramdam ko ang intesidad sa mga mata n’ya. Seryosong-seryoso ang mukha n’ya at hindi ako sanay na hindi nakikita ang ngiti o ngisi sa mga labi n’ya.

With him being like this, I could tell that he’s not some happy-go-lucky guy. He was hiding something… dark. At may parte sa ’kin na parang gustong alamin kung ano ’yon.

“Oo nga pala,” sabi ni Gray maya-maya at tumingin sa ’kin. Nahuli n’ya akong titig na titig sa kanya. Pareho pa kaming nagkagulatan sa biglang paglingon n’ya sa ’kin.

I was surprised! Not only because he caught me staring at him, but also because of how quick his expression changed! He looked really mysterious just a moment ago that the color of his eyes darkened even pero ngayon… he looked like his usual self. Some might even think that they saw wrong.

Gray let out a wicked grin. Mukha s’yang proud na nakita akong nakatitig sa kanya.

“Take a picture. It’ll last longer,” he even said with a haughty grin on his lips.

Napatanga ako. Ang taas ng self-confidence n’ya, ah?

With someone who looks like this, hindi ko rin naman s’ya masisisi.

“Ano ’yon?” tanong kong hindi na lang pinansin ang pang-aasar n’ya.

He let out a slight chuckle. Sinulyapan n’ya ang platong hinuhugasan n’ya bago ulit ako tinignan.

“Wala kang pasok ngayon?” he asked.

Umiling ako. “Rest day ko.”

Nando’n na naman ulit ang malawak na ngiti n’ya. His eyes even glint with happiness.

“Ang galing ng timing ko, ’no?” sabi n’yang tuwang-tuwa talaga. “Saktong wala kang pasok nu’ng nakitulog ako dito!” sabi pa n’ya na parang nakakatuwang bagay nga ’yon.

“Masaya ka pa talaga n’yan?”

I didn’t mean to sound rude. Nagulat lang talaga ko na masaya pa s’ya sa bagay na ’yon. He should worry for himself ’cause it might happen again at sa delikadong tao pa s’ya mapunta. Pero imbes na mag-alala ay natuwa pa s’ya.

Nakita kong namula ang tenga ni Gray, tanda na nahihiya s’ya. Umabot pa nga iyon hanggang sa leeg n’ya. He looked down at the dishes that he’s washing at hindi na ulit nagsalita.

Nakonsensya naman ako kahit hindi ganoon ang gusto kong iparating pero hindi ko na binawi ang sinabi ko. Iniwanan ko na lang s’ya sa lababo at tumabi kay Lilac na ngayon ay nasa sofa na.

Lalaki pala ’tong pusang ’to.

He was licking paws. Maya-maya ay humiga na rin. He curved like a ball at ilang sandali nga ay mukhang nakatulog na ang pusa.

I caressed his soft fur. Hindi ko pa nararanasang mag-alaga ng hayop. Hindi ko rin naman naisip na mag-aalaga ako balang-araw.

Pero iba si Lilac. I think, like his owner, he has also his own charm that I couldn’t resist.

Napatingin ako kay Gray na nakatalikod sa gawi ko at abala sa paghuhugas ng mga plato. He has a broad back. Humahapit ang muscles n’ya sa katawan sa white longsleeve polo na suot n’ya. He really has a lean body. Nakalabas ang mga braso n’ya dahil nakatupi ang sleeves ng polo n’ya hanggang siko. I saw how they flex everytime he moves.

Bumaba pa ang tingin ko. I pursed my lips. He has a nice butt too.

Napatigil ako nang marinig ang mahinang pagtawa ni Gray. His shoulders even moved as he chuckled. Napakunot ang noo ko nang marinig ko s’yang magsalita.

“I told you to just take a picture, Rey,” he said.

Pinamulahan agad ako ng mukha. Nahalata n’ya sigurong tinititigan ko s’ya! Pero paano? Nakatalikod s’ya sa ’kin! Ang lakas naman ng pakiramdam n’ya!

I cleared my throat. Ibinuka ko ang bibig ko para sana depensahan ang sarili ko pero mas pinili kong itikom na lang. Baka mas mapahiya pa ko kung magsasalita ako.

Umayos ako ng upo at binalingan na lang si Lilac na tulog na tulog na. Nakatingala na ang ulo n’ya kaya hindi ko na napigilan ang haplusin ang leeg n’ya.

Gumalaw si Lilac kaya tinigil ko ang ginagawa ko sa kanya. Pero nag-inat lang ang pusa at nagpatuloy sa pagtulog.

“Tulog na naman?”

Halos mapatalon pa ko sa gulat nang marinig ang boses ni Gray sa gilid ko. Napatingala ako sa kanya. He was fixing the sleeves of his polo. Ang ibang parte ng braso n’ya ay basa pa. Tumayo ako at ibinigay ang dry towel sa kanya.

“Natutulog talaga s’ya pagkatapos kumain,” sinabi ko sa kanya ang napapansin ko kay Lilac.

“Kahit bago kumain, tulog rin ’yan. Gigising lang ’pag gutom na.” Sinimangutan n’ya si Lilac. “Ang tamad talaga nitong pusang ’to.”

Natawa ako. Lumapit si Gray kay Lilac. Dumaan s’ya sa harap ko and I caught the scent of his perfume. It smells nice. Hindi matapang sa pang-amoy. He smells like that fresh air in the morning woods. He smells natural but masculine at the same time.

He crouched down. Maingat na binuhat sa mga braso n’ya ang pusa. Nag-inat si Lilac habang karga ni Gray at pinagpatuloy ang pagtulog sa mga braso ng amo.

“Iuuwi ko na muna ’tong si Lilac,” he said when he looked at me. “Baka masyado nang nakakaistorbo ’tong pusang ’to sa ’yo.”

Napangiti ako. “Hindi naman. Okay nga ’yon, eh. May nakakasama ako dito.”

He smiled. Tinignan n’ya si Lilac sa mga braso n’ya.

“Lagi mo nang sasamahan dito si Mommy ’pag wala ako, Lilac, ah?” he said.

Hindi ko namalayan na mas lumawak pa ang ngiti ko. Ganoon din si Gray kaya nang tumingin s’ya sa ’kin ay pareho kaming nakangiti sa isa’t isa.

I prefer him seeing like this. With that genuine smile on his lips.

“Uwi na kami sa apartment,” he said.

Tumango ako. Ako na ang nagbukas ng pinto dahil karga n’ya si Lilac. Lumabas s’ya pero lumingon din agad sa ’kin.

“Thank you sa pagpapatulog at pagkain, Rey. Babawi ako,” he said, pinipigilan ang pagpapakita ng hiyang nararamdaman.

Mahina akong natawa.

“Ayos lang. Wala naman sa ’kin ’yon.”

He smiled at me.

“Sa uulitin!” sabi n’ya na malaki ang ngisi sa mga labi, halatang nang-aasar.

I rolled my eyes but the smile didn’t left my lips kaya nabalewala ang pag-irap ko.

“Sige na. Pasok ka na sa apartment mo,” pagtataboy ko sa kanya na tinawanan n’ya naman. Tinignan n’ya si Lilac nang nagpapaawa ang mukha kahit tulog naman ang pusa.

“Pinapalayas na tayo ni Mommy, baby, oh?” he said, baby-taking the sleeping cat.

“Gray, ano ba?” saway ko sa kakulitan n’ya pero nakangiti naman.

He chuckled. Ilang sandaling tumitig sa ’kin bago mahinang natawa ulit. Napasimangot na ko, iniisip na ako talaga ang pinagtatawanan n’ya.

“Wala ka namang gagawin mamaya, ’di ba?” he suddenly asked.

Nalilito akong umiling sa kanya. “Wala. Rest day ko hanggang bukas.”

He smiled. He looked satisfied with my answer. He showed me his boyish grin before he nodded once.

“See you later,” he said.

Tumango lang ako. Nakatalikod na s’ya at binubuksan ang pinto ng unit n’ya nang ma-realized ko ang sinabi n’ya.

Huh? Later?

Tatawagin ko na sana s’ya para itanong kung anong ibig sabihin n’ya do’n pero naisarado n’ya na ang pinto. I just shrugged my shoulders and went back inside my own apartment.

Dumiretso ako sa kusina para i-check ang pinaghugasan ni Gray. The sink was neat. Halatang nilinis pagkatapos maghugas ng mga plato. Ang mga plato, baso at mga kutsara ay maayos na nakalagay sa lagayan.

Mukhang totoo ang sinabi n’yang may alam s’ya sa pag-aalaga ng glasswares.

Sabagay. Bartender nga kasi s’ya.

Umupo ako sa sofa at tinitigan ang TV na nakapatay naman. Ang tahimik. Parang hindi ako sanay. Ramdam ko pa na mag-isa na lang nga talaga ako.

Mukhang nasanay na ako na palaging nandito si Lilac kahit ilang araw ko pa lang din naman s’yang nakakasama. Ang tahimik kasi talaga na halos mabingi na ako. Hindi ko rin naman alam kung anong gagawin ko kaya binuksan ko na lang ang TV para naman hindi masyadong tahimik.

What? Is this how am I going to spend my day offs?

Siguro… sa susunod na rest day, baka subukan ko na lang mamasyal. Maganda ang lugar ng Candoni. Sa malawak na sakahan at berdeng daanan na nakita ko ay nag-enjoy na agad ako. I guess I’m gonna try explore the place more.

Inilipat ko ang channel sa TV pero walang nakakuha sa atensyon ko. It was already nine in the evening. Hindi pa rin naman ako nagugutom. Nanatili lang akong nakaupo sa sofa at palipat-lipat ng channel sa TV ang ginagawa ko. Sa huli ay sa balita ko na lang inilagay iyon.

Ilang sandali ay nakarinig ako ng mga katok sa pinto. Napakunot ang noo ko. Wala namang ibang kakatok do’n kundi si Gray. Alam ko naman na gising pa rin s’ya dahil kagigising n’ya lang kanina at may trabaho sa club.

May nakalimutan ba s’ya?

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa ’kin ang nakangiting si Gray. He was wearing a white cap backwards on his head. Isang itim na shirt ang suot at maong pants. And yet, he still look good with those. The way how he wears the cap just added to his charms.

“Sama ka sa ’kin,” sabi n’ya.

I frowned. “Saan?”

“Sa club.”

Mas lumalim pa yata ang pagkakunot ng noo ko.

“Huh?”

“Sama ka sa ’kin sa club,” pagbubuo n’ya sa sinabi n’ya.

Napakurap ako. That was so sudden. Hindi ko rin inaasahan na yayayain n’ya ko ngayon.

Ito pala ang ibig sabihin n’ya sa sinabi n’yang “See you later.” kanina.

“Hindi ako mahilig mag-clubbing,” sabi ko. “Wala akong gagawin do’n.”

“Mas wala kang gagawin dito,” he rebutted.

“Matutulog,” nasabi ko na lang dahil tama s’ya.

“Maaga pa para matulog.”

Napasimangot ako.

“Palibhasa kasi, tulog ka maghapon. Ang haba pa nga ng tinulog mo.”

He bit the insides of his cheeks. His lips pouted because of it. Napatingin tuloy ako sa mga labi n’yang natural na yatang mapula.

This man appearance is really screaming of charms and sex appeal!

“Sama ka na!” malakas na sabi n’ya para siguro maitago ang hiya. Nahalata ko kasi na namumula na naman ang mga tenga at ang leeg n’ya.

“Wala nga kong gagawin do’n, Gray. Tsaka walang maiiwan kay Lilac.”

“Nasa apartment ko lang naman s’ya,” he said.

“Iiwan mo do’n?” hindi makapaniwala kong tanong.

Napakunot ang noo n’ya.

“Dati ko pa namang iniiwan si Lilac kapag shift ko na sa club. May pagkain na rin namang nakahanda ’yon para hindi magutom.”

Ah, oo nga pala. Isang beses n’ya nga lang pala pinakiusap si Lilac sa ’kin noon dahil kagagaling lang sa sakit kaya kailangan bantayan. Nakalimutan ko na iniiwan n’ya si Lilac at pinapagala kapag wala s’ya. Nawili lang talaga yata ang pusa sa ’kin kaya palaging nandito na sa apartment ko.

“Huwag kang mag-alala. Hindi ko na ’yon pagagalain para hindi umuwing buntis,” he said with a smirk. Nag-aasar na naman.

Napasimangot ako at s’ya naman ay natawa. Mukhang nawiwili naman yata ang isang ’to na asarin ako, ah?

“So?” untag ni Gray nang hindi ako sumagot.

Pinag-isipan ko ang pag-anyaya n’ya. Tama naman s’ya sa sinabi n’ya na mas wala akong gagawin dito. Plano ko talaga na matulog na lang pero totoo rin ang sinabi ni Gray na maaga pa para matulog. Nasasayangan rin ako na walang gawin.

“Ano namang gagawin ko du’n?” I asked, considering his invitation.

“May bago kasi akong ginawang mixed drinks. I want you to try it.”

“Lalasingin mo ko?” I asked, dumfounded.

Malakas s’yang natawa sa tanong ko.

“Hindi, ah!” He chuckled. “Sabi mo nga, hindi ka mahilig mag-clubbing. I want to hear from the perspective of people like you. Kung magugustuhan n’yo ba ’yung bagong mix ko. It has low alcohol content, I swear.”

Pinag-isipan kong mabuti ang sinabi n’ya.

“Hindi talaga ko malalasing?”

He smiled as he shook his head.

“Nope. I made that drink for people like you. So you’ll have something to enjoy kahit hindi kayo mahilig mag-clubbing.”

I stared at him. Well… wala naman akong gagawin. Rest day ko rin naman bukas. Wala naman sigurong masama.

Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang naging sitwasyon ko sa Manila. Paniguradong hindi papayag si Ace ’pag nalaman n’ya ’to. O kung pumayag man, dapat ay kasama s’ya.

But Ace is not here…

Napatingin ako kay Gray. He was waiting patiently for my answer. I saw the reluctancy in his eyes. Pinigilan ko na lang na matawa. Ang lakas ng loob mag-aya pero hindi rin naman pala sigurado kung sasama ako.

I took a deep breath and gave him a small smile.

“Okay… Magbibihis lang ako.”

I saw how his face lighten up with that. His gray eyes even twinkled with amusement and happiness.

“Sure! Take your time!” he said as he nodded eagerly.

Natawa ako. He looked cute. Parang batang nabigyan ng favorite candy n’ya.

“Sandali lang ako,” I said before I closed the door of my apartment, leaving him outside.

Chapter 15

Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ko sa harap ng salamin. Isang simpleng black loose-dress ang sinuot ko na hanggang kalahati ng mga hita ko ang haba. It has a puffed-style longsleeve and the collar has a v-neck style. Masyadong pormal ang suot ko kumpara sa nakikita kong sinusuot ng mga babae kapag nagpupunta sa club.

Wala na rin naman akong ibang dress o damit na mas babagay pa maliban sa sinuot ko noong birthday ni Janina. Hindi rin naman ako nagpunta dito sa Negros para mag-clubbing at maglibang lang. I went here for work. For my mother.

I put on a light make-up. Pinasadahan ko ng suklay gamit ang mga daliri ang nakalugay kong buhok. Ang ilang hibla ay kusang nalaglag at bumalik sa gilid ng mukha ko.

Ilang sandali ko pang tinitigan ang sarili ko sa salamin bago kinuha ang purse ko na nasa kama at nagdesisyon nang lumabas.

Gray was waiting patiently and was leaning on the wall beside the door of my apartment. Ganoon ko s’ya naabutan nang lumabas ako pero agad din s’yang tumayo nang maayos nang makita ako. Nailang pa ako nang pasadahan n’ya ng tingin ang kabuuan ko. Itinago ko ang hiyang nararamdaman at kaswal na ini-lock ang pinto ng apartment ko.

Humarap na ako sa kanya at naabutan ko s’yang nakatitig pa rin sa kabuuan ko. There was an obvious amazement in his gray eyes. Nang tignan n’ya ako ay nandoon na ang mapaglarong ngisi sa mga labi n’ya.

“Ang ganda talaga ng mommy ni Lilac,” he even said.

I blushed profusedly. Nagkunwari akong hindi naapektuhan sa pang-aasar n’ya at sinimangutan s’ya. Kahit na ang totoo ay hindi ko alam ang gagawin ko dahil bigla na lang akong kinabahan.

No… He just has a sweet tongue. Kaya nga rin siguro madali n’yang makagaanan ng loob ang lahat dahil may ganoon s’yang kakayahan. Na nangyari rin naman sa ’kin.

At first glance, Gray looked like he’s a troublemaker. Parang palaging gulo lang ang hanap. Parang walang gagawing matino at puro kalokohan lang ang nasa isip. Mga tipo ng taong iniiwasan ng karamihan. Nakadagdag pa sa appearance n’yang ’yon ang dalawang magkatabing hiwa sa bandang dulo ng kaliwang kilay n’ya.

But once they got a chance to talk with him, they will realize that he’s not that kind of a person. Magaan s’yang kasama. Someone you can be comfortable with. And those eyebrow slits of his were part of his charm.

“Halika na nga. Kung ano-ano pang sinasabi mo d’yan,” sabi ko na lang at naglakad na para itago ang pamumula ng mukha ko.

“Totoo ’yon!” Humabol si Gray sa ’kin papunta sa elvator at sabay kaming nag-abang doon. Hindi ko s’ya tinignan. Doon ako tumingin sa number counter at hinintay ang pagdating ng elevator.

“’Wag ka nang mangbola d’yan. Sinabi ko naman sa ’yong ’di mo kailangang bumawi sa ’kin,” sabi kong hindi pa rin nakatingin sa kanya.

I heard him chuckled. Bumukas ang pinto ng elevator at sabay kaming pumasok sa loob. Si Gray na ang pumindot ng ground floor button sa number panel.

“You’re beautiful, Rey… Gorgeous even.”

Nabigla ako at agad na napatingin kay Gray sa gilid ko. But he wasn’t looking at me. Nakatingin lang s’ya sa number counter sa taas na nagpapakita kung saang floor na kami. But it was obvious that he was hiding his smile.

Nag-iwas ako ng tingin. Ramdam ko ang pamumula ng buong mukha ko at ang bilis ng tibok ng puso ko. I know that I was blushing real hard right now. Pero sinubukan kong umakto na parang wala lang sa ’kin ’yon. Kahit pa naapektuhan yata ang buong pagkatao ko sa simpleng papuri n’yang ’yon.

I’m not used at hearing compliments. Kaya rin siguro ganito ang epekto sa ’kin ng mga sinabi ni Gray. He’s handsome and full of charms. To receive compliments from someone like him was such a great deal.

Pero kahit sino rin naman ang makatanggap ng compliment galing sa iba, maaapektuhan pa rin. Kahit iyong halos araw-araw nang nakakarinig ng mga papuri. It will always boost their confidence. It will always have an effect on them.

Even now, I am still amaze at how words could affect people. Para sa mga taong nagbibitaw ng mga salita, it might only be just mere words for them. But for the people who will receive and hear it, those words could have a great effect on them.

Words could save, heal, comfort, or boost someone’s confidence. But it could also destroy them.

With my job and profession, kailangan kong palaging mag-ingat sa binibitawan kong mga salita. I shouldn’t say thoughtless words to my patients. At dahil doon, kaya nasanay na akong palaging tinitimbang muna ang mga salita bago ko iyon bitiwan.

But hearing positive words from someone was such a different feeling. It’s nice…and comforting.

Sabay kaming lumabas ni Gray ng elevator nang magbukas iyon nang makarating sa ground floor. Walang nagsasalita sa amin habang palabas kami ng apartment building. Hindi ko na rin sinubukang magsalita at pinakalma na lang ang sarili ko.

“Oh? May lakad kayo? Gabi na, ah?” puna ni Mang Gener nang makita n’ya kami paglabas namin ng building.

“Sasamahan n’ya ho ako sa trabaho, Mang Gener,” masayang sabi ni Gray sa gwardya at tinuro pa kong nakatayo sa tabi n’ya.

Napalabi ako.

“Kinulit n’ya lang po talaga ko,” sabi ko sa tunog na nagrereklamo. Halos matawa ako nang makita ang biglang pagsimangot ni Gray.

“Mabait naman ’yan si Sir James, Ma’am,” Mang Gener said with a smile. “Safe ka ho sa kanya ’pag s’ya ang kasama n’yo.”

Gray snapped his fingers.

“’Yan ang gusto ko sa inyo, Mang Gener, eh!” Lumapit pa si Gray sa kanya at umaktong parang bubulong. “Sige lang ho. Pabanguhin n’yo pa ko sa kanya.”

Napasimangot ako pero maya-maya ay natawa na. Tumawa na rin kasi si Mang Gener.

“Halika na nga!” sabi ko at bahagyang napairap sa kakulitan ni Gray.

He grinned at me. Pabiro akong umirap na kinatawa n’ya naman. Binalingan n’ya ang gwardya.

“Sige ho, Mang Gener. Aalis na ho kami,” he said.

“Mag-iingat kayong dalawa,” Mang Gener said. Tinignan n’ya si Gray pagkatapos. “Sir James! Ingatan mo si Ma’am Rey. ’Wag mong lulubayan ng tingin ’yan at baka kung sino-sinong lumapit kapag nalingat ka.

Hindi ko naiwasan ang mapangiti sa paalala ni Mang Gener kay Gray. He was like a father worrying for his kids.

I miss that feeling.

“Makakaasa ho kayo!” Gray reassured him. He even gave him a two-finger salute.

“Salamat po, Mang Gener,” I said.

Naglakad si Gray palapit sa isang kotse na nakaparada sa parking lot sa harap ng apartment building. It was an old model car. Natigilan pa ako. Hindi ko lang inaasahan na isa sa kanya ang mga nakaparadang kotse doon.

It wasn’t an expensive car like the cars that Ace has pero maganda pa rin naman.

Gray opened the car door for me. Ngumiti muna ako sa kanya bago sumakay sa loob. Umikot s’ya at sumakay na rin sa driver’s seat.

“Seatbelt,” pagpapaalala n’ya sa ’kin habang inaabot rin ang kanya.

Isinuot ko ang seatbelt. Binuksan naman ni Gray ang makina ng sasakyan at nagsimula nang magmaneho papunta sa Cold Spot. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Pinapanood ang mga nadadaanan namin.

Sa mga ganitong pagkakataon ko mas nakikita ang kaibahan ng probinsya sa Manila. Magkakahiwalay ang mga bahay at mas kita pa iyon ngayong gabi dahil hiwa-hiwalay rin ang mga nadadaanang ilaw na nagmumula sa mga bahay na ’yon. May mga street lights din naman pero kita pa rin ang kadiliman sa daan.

Strange but I feel relaxed watching the lights from those houses as we passed by. Binibilang ko pa nga kung mga ilang segundo ang lilipas bago ang susunod na bahay. Pinakamatagal na ang limang segundo. Wala na rin gaanong tao sa daan.

Samantalang sa Manila, sa mga ganitong oras ay busy pa ang mga tao. Marami ang naglalakad dahil umuuwi galing sa trabaho, o hindi kaya ay papasok pa lang. Iyong may mga night shift sa trabaho nila.

“Okay ka lang?” Gray checked on me. Siguro ay nagtataka dahil tahimik lang ako simula nang makasakay kami sa kotse n’ya.

I looked at him. He was looking at the road so I was only seeing his side profile. Nasanay ako na kapag ganito ay ang side profile ni Ace ang nakikita ko. Kaya ngayong nakasakay ako sa passenger’s seat ng kotse at nakalingon sa driver’s side at hindi si Ace ang nakikita kong nagmamaneho ay nakakapanibago.

Nagtagal tuloy ang tingin ko kay Gray. Sumulyap s’ya sa akin at nakita ko ang pagtataka sa mga mata n’ya nang matagal siguro akong sumagot sa tanong n’ya.

“Taga-rito ka ba talaga sa Negros, Gray?” I asked instead.

Muling napasulyap sa akin si Gray. Mas lalong kumunot ang noo n’ya sa pagtataka dahil sa naging tanong ko.

“Hindi,” he answered. “Bakit?”

Nagkibit-balikat ako. May hinala na akong hindi nga talaga s’ya taga-rito. Nabanggit sa akin ni Sheena na last year lang nagsimulang magtrabaho si Gray bilang bartender sa Cold Spot. Plus, the fact that his brother is living in Manila pero s’ya ay mukhang mag-isa lang na nandito sa Negros.

“Gaano ka na katagal dito?” I asked again.

Napansin kong nag-isip muna s’ya ng ilang sandali bago muling sumulyap san’kin.

“Mahigit isang taon na rin.”

“Pero close na kayo ni Mang Gener, ah?” pansin ko.

He chuckled. May ngiti sa mga labi n’ya nang sulyapan ulit ako.

“Mabait kasi si Mang Gener. Mukhang kasundo mo na rin naman s’ya.”

Napatango-tango ako. “Sabi ni Mang Gener, kasundo mo na rin daw lahat ng mga tenant sa apartment building.”

Nagulat ako nang ngumisi s’ya. There was a playful smirk on his lips when he glanced at me again.

“What’s this? You’re interested in me? Pinagtatanong-tanong mo na ang tungkol sa ’kin?”

Hindi agad ako nakapagsalita. Napakurap-kurap pa ako at tumitig na lang kay Gray na hanggang ngayon ay nakangisi pa rin. There was a mischievous glint in his eyes. Halatang nang-aasar na naman.

“Sana sa ’kin mo na lang tinanong ng deretso. Sasagutin ko naman lahat ng tanong mo.” He glanced at me and wiggled his brows.

Nawalan ng reaksyon ang mukha ko. Napailing ako at tumingin na lang ulit sa labas ng bintana.

“Ewan ko sa ’yo,” I mumbled but he heard it. Natawa kasi s’ya.

Bukod sa pagiging makulit, mapagbiro rin s’ya. Isa na rin siguro iyon sa dahilan kung bakit mabilis s’yang makagaanan ng loob. Mahilig s’yang magbiro. ’Yung mga biro rin n’ya, hindi nakakainis. May kaunting asar pero matatawa na lang sa huli dahil alam din namang nagbibiro lang s’ya.

Siguro… Kaya rin maraming mga babaeng nagkakagusto sa kanya ay dahil sa mga ganitong biro n’ya.

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa Cold Spot. It was already midnight. Marami nang tao nang dumating kami. Sabay kaming pumasok ni Gray sa club at nakaalalay s’ya sa ’kin para hindi ako mabunggo ng mga tao roon.

“Oh? James, bago ’yan, ah! Nagdala ka ng babae!” bati ng isang bouncer na nadaanan namin. Halata sa mukha n’ya ang pagtataka kung sino ako.

Kahit malakas ang electronic music na nagmumula sa malalaking speaker ay narinig ko pa rin ang mababang pagtawa ni Gray sa gilid ko.

“Iba ’to!” medyo may kalakasang sabi ni Gray na malaki ang ngiti.

Natawa ang bouncer sa sinabi n’ya.

“Sabi mo, eh.”

Tinanguan ako ng bouncer. I just smiled at him. Naramdaman ko ang magaan na pagdampi ng palad ni Gray sa parte ng likod ko. Hindi iyon masyadong nakalapat pero ramdam ko pa rin ang init ng palad n’ya.

“Let’s go,” he said. He had to crouch down near my ears for me to hear that.

Wala sa sariling napalunok ako nang maramdaman ang mainit na hininga n’yang tumama sa tenga ko. I had to stop myself from shivering. Nagkunwari akong parang walang anumang nangyayari sa ’kin at naglakad papunta sa bar counter.

Marami ang mga bumabati kay Gray sa mga nadadaanan namin. Binabati n’ya naman pabalik pero hindi s’ya tumigil sa paglalakad at nakaalalay pa rin ang kamay n’ya sa likod ko. Ang iba tuloy na bumati sa kanya ay napatingin pa sa ’kin. Hindi rin naman ako tumigil at tuloy-tuloy lang na naglakad.

I could tell that some women who greeted him wanted to talk to him longer. Hindi lang pagbati sa kanya ang gustong gawin. Hindi ko naman s’ya pipigilan kung gusto n’yang makipag-usap nang matagal pero mukhang si Gray na ang may ayaw. Ramdam ko kasi ang marahang paghila ng kamay n’yang nasa likod ko na magpatuloy lang ako sa paglalakad.

“Sit here,” he said. He offered the high chair in front of the bar counter.

Inalalayan n’ya ako sa pag-upo at hinintay na muna akong maayos na makaupo bago s’ya umikot at pumasok sa bar counter. May dalawang babaeng kaagad na kumausap s’ya kanya nang makatayo na s’ya sa likod ng bar counter.

“James! Kanina ka pa namin hinihintay,” one of the women said.

Pumwesto si Gray sa harap ko bago nilingon ang dalawang babae. Lumapit tuloy ang dalawang babae sa ’kin para mapalapit din kay Gray kaya nasa tabi ko na sila.

“Hindi muna kami umo-order. Gusto kasi namin na ikaw ang gagawa ng drinks namin,” sabi ng babaeng mas katabi ko.

I heard Gray chuckle. Napasulyap s’ya sa ’kin, parang nanghihingi pa ng permiso bago magsimulang gumalaw. Napatingin rin tuloy ang dalawang babae sa ’kin kaya mabilis kong tinanguan si Gray.

“Ano bang drinks n’yo?” he asked the two women.

The girls told him their orders and Gray started working with it. Pinanood ko lang s’ya habang ginagawa n’ya ang drinks ng dalawang babae.

I was amazed at how casual he moves. Halatang sanay na sanay na s’ya sa ginagawa n’ya. Hindi ko maiwasan ang hindi humanga sa kanya habang pinapanood s’ya. I didn’t know that someone could look this good just by mixing alcoholic drinks.

I don’t know. Hindi ko ma-explain. He looked casual, dangerously casual and it’s making him look hot as well while he mixed the drinks.

He was too engrossed with what he’s doing. Nasa mga mata n’ya ang kasiyahan habang isinasalin n’ya sa baso ang inumin ng dalawang babae. It was obvious that he really likes his job.

He stirred the drinks with the stirring spoon before he handed it to the girls. Mukha rin namang nag-enjoy ang mga babae sa panonood sa kanya.

Now I know why they waited for him before they placed their orders.

“Enjoy,” Gray said.

Humagikgik ang dalawang babae.

“Thanks, James,” they said before they left the bar counter.

“They like you,” sabi ko kay Gray nang makaalis na ang dalawang babae.

Natawa s’ya. He looked boyish when he showed me his grin.

“I know.”

I scoffed. Ibang klase rin talaga self-confidence ng isang ’to.

“What?” natatawa n’yang puna sa pag-ismid ko. “Alam ko naman talaga. Bakit pa ko magsisinungaling sa ’yo?”

Napairap ako. “Oo na.”

Narinig ko ulit ang pagtawa n’ya. I looked at him. He crouched down and leaned his elbow on the counter to level our gaze. Medyo nagkalapit tuloy ang mga mukha namin at pasimple akong umatras.

“Ayaw mo?” he asked. Pero nakangiti naman kaya alam kong mang-aasar na naman.

I frowned. “Anong ayaw ko?”

“Na may mga babaeng nagkakagusto sa ’kin?”

I scoffed. “Para namang mapipigilan ko ’yon.”

Mas lumawak ang ngiti n’ya dahil sa sinabi ko. Saka ko lang na-realize kung bakit. Hindi ko pala deretsong nasagot ang tanong n’ya. Iba tuloy ang naging dating no’n.

He bit his lower lip. Parang pinipigilan pa na mas mapangiti pero hindi rin naman nagawa. Sa huli ay narinig ko ang mahinang pagtawa n’ya.

“Don’t worry. Ikaw lang ang gusto kong mommy ni Lilac,” he said.

I puffed my cheeks. Natawa naman si Gray sa ginawa ko. Umayos na s’ya ng tayo pero nakatingin pa rin naman sa ’kin. He even tilted his head as he stared at me.

I stared back at him. Simple lang ang suot n’ya, isang white longsleeve polo na naka-tuck in sa black trousers n’ya pero sobrang lakas pa rin ng dating n’ya. The first two buttons of his shirt were open and it’s giving him the vibes of a very outgoing guy.

Magulo ang buhok n’ya, ilang beses n’ya na rin kasing pinasadahan ng suklay gamit ang mga daliri n’ya. Pero bumagay pa rin iyon sa kanya. His gray eyes were staring intently at me. There was a slight smirk on his lips.

So handsome.

Tumikhim ako nang hindi ko na makayanan ang pagtitig n’ya.

“Akala ko ba may ipapatikim ka sa ’kin?” I asked. Hindi pa rin kasi nawawala ang tensyon sa ’kin dahil sa pagtitig n’ya.

He took a deep breath before he tsked.

“Shit, hindi kita gustong iwan dito,” parang problemadong sabi n’ya.

I frowned. “Ha? Bakit?”

“The moment I did, I’m sure there are a lot of men who will try to approach you.”

Napakurap-kurap ako. Titingin na sana ko sa paligid kung hindi ko lang narinig ang pagpigil n’ya.

“’Wag kang titingin!” he said. “They’ll take that as an invitation.”

I saw him glared at something. Sa may kaliwa sa bandang likod ko. Tapos lumipat ang masamang tingin n’ya sa kanan ko sa bandang likod din. Hindi ko tuloy napigilan ang pagtawa ko.

“Sige na. Gawin mo na ’yung drink na sinasabi mo,” sabi ko na lang pero nakangiti na.

He looked at me. Nakita ko ang inis sa mga mata n’ya.

“May lalapit sa ’yo ’pag umalis ako,” he said.

“Hayaan mo na,” sabi ko pero mukhang mas nainis lang s’ya do’n. “Hindi ko naman i-e-entertain. Tsaka sandali ka lang naman. Kukunin mo lang naman mga gagamitin mo,” bawi ko.

“Hindi mo i-e-entertatin?” paniniguro n’ya.

Umiling ako. “Hindi ko rin kakausapin.”

Ilang sandali s’yang tumitig sa kin. Parang tinitimbang kung nagsasabi ako ng totoo. Pigil na pigil ang pagngiti ko. I don’t know but I find him cute like this.

“You better do that, Rey,” he warned. “Isusumbong kita ka Lilac kapag kinausap mo sila.”

Tuluyan na kong natawa. Si Gray naman ay napangiti na rin.

“Sige na. Gawin mo na ’yung drink!” I encouraged him.

He chuckled.

“Eto na po, Ma’am,” he playfully said before he winked at me and left me for a while.

Chapter 16

Naiwan ako sa pwesto nang umalis si Gray. Alam ko rin naman na hindi s’ya gaanong magtatagal. Baka nga hindi pa abutin ng five minutes dahil kukunin n’ya lang naman ang mga gagamitin n’ya para sa mix n’ya. And I could still see him from where I was sitting, taking everything he’ll use for the mix.

Pinipigilan ko ang sarili ko na luminga sa paligid habang hinihintay si Gray. I wanted to observe my surroundings. Siguro ay nasanay na rin ako sa trabaho kong palaging nag-o-observe.

But I was worried I might meet gazes from the men that Gray was talking about earlier. Tama rin naman s’ya. One look and they will take that as a chance and opportunity. Iyon lang din naman ang hinihintay nila bago lumapit. And I won’t give it to them.

I don’t want to put myself in a situation I know I’ll have a hard time escaping. Lalo pa at ngayon ang unang beses na napag-isa ako sa club. Dati kasi ay hindi ako nilulubayan ni Ace kapag nagpupunta kami sa club. And I was actually thankful of him for that dahil hindi naman ako sanay sa mga ganitong lugar.

I sighed. Bakit nga ba ako pumayag na sumama kay Gray dito knowing na magtatrabaho s’ya at may mga pagkakataon na kailangan n’ya kong iwan?

“Hi.”

I looked to my side and saw a guy smiling at me. Hindi naman nagtagal ang tingin ko sa kanya dahil agad akong umiwas ng tingin.

Shit… I shouldn’t even have glanced at him!

Nagulat kasi ako. I was in deep thoughts. Isa pa, malakas ang music kaya nang marinig ko na may nagsalita nang malinaw sa malapit ko ay nagulat ako at napatingin sa kanya. Hindi ko rin naman akalaing may lalapit sa ’kin.

Isa siguro s’ya sa mga lalaking sinabi ni Gray kanina. So may nagtatangka talagang lumapit sa ’kin.

“I noticed that you’re alone. Baka gusto mo ng kasama?” dinig kong sabi ng lalaki sa tabi ko.

Napangiwi ako. Sabi na nga ba. Hindi ko talaga dapat sinulyapan man lang. Baka isipin pa na interesado ako sa kanya.

I know… Hindi ko na lang siguro s’ya kakausapin. If I give him any attention, kahit ang kausapin para tumanggi ako, some will take it as I am just playing hard-to-get. Meron din naman na rerespetuhin ang gusto mo at aalis na lang kapag sinabing hindi interesado sa anumang inaalok nila.

But I don’t know which one of the two is the man beside me. Kaya doon na lang siguro ako sa mas safe. Ang hindi s’ya kausapin.

“Kanina pa kasi kita tinitignan. I figured I should just join you if you’re alone since I’m alone too. Mas okay kung may kasama, ’di ba?,” sabi pa ng lalaki.

Okay. So he’s the former one. Isa s’ya sa makukulit at mapilit kahit pa halata namang wala akong planong bigyan s’ya ng atensyon. Halos tumalikod na nga ako sa kanya sa pagkakaupo ko.

If Ace is here, he’ll surely flip. Magagalit pa sa ’kin dahil hinayaan kong makalapit sa ’kin ang lalaking ’to at kausapin ako. Kaya nga kapag pumupunta kami sa club ay ako na rin ang hindi lumalayo sa kanya. Ayokong maulit na nagalit s’ya nang may isang beses na may lumapit sa ’king lalaki nang sandali n’ya akong iwan.

Pagkatapos no’n, palagi na kaming sa VIP room naglalagi sa mga club.

Hinanap ng mga mata ko si Gray. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang papalapit na s’ya sa ’kin. May hawak s’yang cocktail glass sa isang kamay n’ya at ang laman ay kulay blue na inumin.

But he wasn’t looking at me as he walk towards to where I was sitting. Mas nakatingin s’ya sa lalaking katabi ko. Bahagya ring magkasalubong ang mga kilay n’ya.

Tumigil s’ya sa harapan ko. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong napatingin sa kanya ang lalaking katabi ko.

“James! What’s up, man?” rinig kong bati sa kanya ng lalaki.

Saglit na sumulyap sa ’kin si Gray. Napaawang ang mga labi ko nang makita ang ekspresyon sa mga mata n’ya. It gave me a chilly feeling. Like something dangerous is about to happen. The color of his eyes reminds me of a stormy sky. Pakiramdam ko tuloy ay nakatingin ako sa madilim na kalangitan. Madilim dahil sa malakas na bagyo.

Alam kong misteryoso s’ya. Nahahalata ko iyon sa tuwing tumitingin ako sa abo n’yang mga mata. Pero halos hindi ko mapaniwalaan na ang taong madalas magbigay ng ngiti sa akin sa tuwing nakikita ako ay kaya ring magbigay ng ganitong ekspresyon.

“Planning to get laid tonight?” Gray’s voice was clearly on the edge. Mukhang nahalata rin ’yon ng lalaking katabi ko dahil may pagtataka sa mga mata n’ya nang tumingin kay Gray.

“Ah, hindi naman… I just wanted to talk to her,” sabi ng lalaki na sinulyapan pa ko.

“Hmm,” was Gray’s only reaction.

Ibinaba n’ya ang glass na hawak n’ya at itinukod ang dalawang kamay sa counter. He slightly crouched down. Pailalim n’yang tinignan ang lalaki. May ngisi na ring naglalaro sa mga labi n’ya.

“Gusto kong maghanap ka ng ibang makakausap mo,” Gray quietly said. Mahina pero may diin ang pagkakasabi n’ya but for some reason, narinig namin iyon kahit sa malakas na tugtog ng electronic music na sumasabog sa buong lugar.

Napalunok ako. Halos mapatayo ako sa inuupuan ko. Hindi ko alam kung bakit parang gusto kong pigilan si Gray.

“Huh?” napakurap ang lalaking katabi ko. Nagulat siguro sa mga kinikilos ni Gray ngayon.

Gray chuckled. It was a sarcastic one. Napatingin pa sa gilid pero nang muling tignan ang lalaki ay seryoso na ang mga mata.

“That girl—” sumulyap sa akin si Gray, “—is with me. Back. Off.”

“Oh,” the man beside me muttered. “Girlfriend mo? Sorry, I didn’t know,” natatarantang sabi pa ng lalaki.

I should’ve corrected him. Dapat ay sinabi kong hindi naman talaga ako girlfriend ni Gray at sumama lang sa kanya. Pero parang may nagsasabi rin sa ’kin na hayaan na lang si Gray na umayos nito.

“Sorry, man. I really didn’t know,” sabi pa uli ng lalaki.

Gray smiled. Nawala na iyong nakakatakot na aura sa kanya kani-kanina lang dahil bumalik na ang ngiti n’ya. But it was clear that he’s still being cautious.

“Nah, it’s alright. Ayoko lang na lalapitan mo ulit s’ya.”

Tumango ang lalaki sa sinabi ni Gray.

“Got it. Sasabihin ko na rin sa iba.” Sumulyap ang lalaki sa ’kin bago muling ibinalik ang tingin kay Gray. “I think this is where I should go.”

“Yeah… See you around, man!”

Umalis ang lalaki at sinundan ko s’ya ng tingin. Nakita kong lumapit s’ya sa grupo ng mga lalaki at parang may sinabi. Sumulyap ang iba sa akin pagkatapos ay napailing. Nang ibinalik ko ang tingin kay Gray ay nakita kong nakasimangot s’ya sa ’kin.

Napakurap-kurap ako.

“Bakit?” I asked.

“Hindi mo tinaboy,” he said.

Mas lalong kumunot ang noo ko.

“Akala ko ba hindi ko sila papansinin?”

“Tinaboy mo pa rin dapat.”

“They will think that I was just playing hard-to-get. Mas okay kung wala talagang kong interaction sa kanila at all.”

Hindi pa rin nawawala ang pagkasimangot ni Gray. He wasn’t even looking at me. Parang nagtatampo pa yata. Gusto kong ngumiti pero pinigilan ko na lang. Baka sabihin na pinagtatawanan ko pa s’ya at mas lalo pang magtampo.

“Thank you…” I said instead.

Napatingin sa ’kin si Gray pero mukhang gusto pang ipakita na nagtatampo s’ya kaya nag-iwas ulit ng tingin. Nakasimangot pa rin pero bahagyang nabawasan na.

“I was feeling really uncomfortable earlier. Hindi kasi talaga ako sanay sa mga ganito. Kaya… thank you. Tinaboy mo s’ya para sa ’kin.”

Sumulyap ulit sa ’kin si Gray bago nag-iwas ng tingin. He bit the insides of his cheeks, halatang pinipigilan na ang ngiti. Napangiti tuloy ako at sinilip ang mukha n’ya. He looked at me. Nang makitang nakangiti ako sa kanya ay napangiti na rin s’ya.

I chuckled. Gray bit his lower lip. Napatingin sa gilid n’ya kaya napansin ang inumin na kanina pa naghihintay.

“Eto na nga pala ’yung sinasabi ko,” he said. Itinulak n’ya sa ’kin ang baso gamit ang stem.

Tinignan ko ’yon. It looked like an ordinary blue lemonade.

“Anong tawag sa drink na ’to?” I asked as I studied the liquid.

“Hindi ko pa alam,” Gray answered. “Gusto ko munang ipatikim sa ’yo para malaman kung okay ba. Bago ko idadagdag sa menu.”

I nodded. Kinuha ko ang glass at muling tinitigan ang laman. I slightly shook the glass. Gumalaw nang bahagya ang laman. Tinignan ko si Gray.

“Sure kang hindi nakakalasing ’to?” I asked.

He shook his head. “Hindi.”

Tinitigan ko ulit ang baso. Maya-maya ay dinala ko na iyon sa bibig ko. Napatingin ako kay Gray at nakitang nakatitig s’ya sa ’kin. There was anticipation in his eyes. Inaabangan ang magiging reaksyon ko.

I took a sip of the liquid. It was sweet at first pero malalasahan ang kaunting asim at pait pagkatapos. Naglalaban ang lasa ng pait at tamis sa bibig ko. Nang lunukin ko ay naiwan ang tamis.

“It’s good,” sabi kong nagulat pa dahil sa mga nalasahan ko. May kakaiba pa akong naramdaman habang nasa bibig ko ang inumin. I was curious kung anong lasa ang maiiwan sa bibig ko.

Gray eyes twinkled. “Talaga?”

Tumango ako. “And interesting. Naglalaban ’yung mga lasa sa bibig ko. Nalasahan ko ’yung alak pero hindi ganu’ng katapang. Tsaka makakalimutan din ’yung lasa ng alak dahil maiiwan ’yung tamis.”

He looked satisfied with my answer. Ngiting-ngiti s’ya. Mukha pang proud dahil sa nagawa n’yang inumin.

“Ilalagay ko na sa menu?” tanong pa n’ya sa ’kin.

Napatango ako. “Ikaw bahala.”

I sipped on the drink again. Nagustuhan ko talaga ang lasa. Ayoko kasi talaga ng lasa ng alak. Mapait. Kahit anong alak ang inumin ko, kahit iyong sinasabi nilang masarap daw, pait lang naman ang nalalasahan ko.

“You said that you’re not used going to places like this,” sabi ni Gray nang maibaba ko ang baso. “Pero kasama mo sina Janina noon. Madalas sila dito. Mga kaibigan mo ba sila?”

Ilang sandali akong nag-isip bago umiling.

“Hindi. Mga katrabaho ko. Birthday kasi ni Janina no’n, ’di ba? ’Yun din ang first day ko sa trabaho kaya in-invite nila ko.”

“Katrabaho mo sila? Then you’re working at Callisto Medical Center?”

Tumango ako. Hindi nagsalita at muling uminom sa drink.

“Are you surgeon?” Gray asked.

Umiling ako. “Clinical psychologist.”

“You’re a shrink!” he exclaimed.

Natawa ako sa salitang ginamit n’ya. Uminom ulit ako habang nakatingin kay Gray. He was just staring at me. I saw how his eyes went down my throat when I gulped down the drink.

“Do you like your job?” he asked when he looked at me again.

Ibinaba ko ang baso at tinignan s’ya.

“Hmm…” Ilang sandali akong nag-isip. “I like it. I actually chose this job because of a reason pero namalayan kong nag-e-enjoy pala ko sa trabaho ko. Then, naalala ko, kahit no’ng bata ko, I always wonder at the way how people think.”

“Isn’t it toxic? Sinasabi sa ’yo ng mga pasyente mo ’yung problema or trauma nila. Hindi ka ba naaapektuhan?”

“Naapektuhan din, syempre,” pag-amin ko. “Nasasaktan para sa kanila. Pero kung hahayaan kong kainin lang ako ng emosyon ko, hindi ko sila matutulungan.”

Napatango-tango si Gray. Tinanggal n’ya sa pagkakabutones ang cuff ng sleeves n’ya at inirolyo iyon hanggang siko. Pinapanood ko lang s’ya habang ginagawa iyon. He looked…manly as he did that. Hindi ko akalain na nakakagwapo pala ang simpleng pagrorolyo ng sleeves.

Itinukod ni Gray ang mga siko hanggang braso n’ya sa counter. He was crouching down. Nagpantay tuloy ang mga paningin namin. Bahagya ring nagkalapit ang distansya ng mga mukha namin.

I stared at his gray orbs. Hindi naman nagsalita si Gray at hinayaan lang akong tumitig sa mga mata n’ya. I saw his eyes twinkled in amusement. Napansin ko rin ang pagkibot ng mga labi n’ya, pinipigilan ang pagpapakita ng ngiti.

Tumikhim ako.

“Ikaw? Do you like your job?” I asked.

Gray smiled with my question.

“Yes,” deretso n’yang sabi. “Business ad ang kinuha kong kurso. Walang kinalaman sa pagba-bartending. But when I saw a commercial of a bartender doing bottle flaring, nag-shift ako ng course. Then, like you, na-enjoy ko rin ang trabaho ko.”

Napatango ako.

“Okay lang sa ’yo ’yung may maingay na paligid?”

He chuckled at my question. “Of course. I like it. Best way to divert your thoughts.”

“Hmm…” sabi kong napatango-tango.

Uminom ulit ako sa inumin. Napangalahati ko na ang drink na ibinigay sa ’kin ni Gray at mukhang natuwa naman s’yang nagustuhan ko talaga ang gawa n’ya. Titig na titig kasi s’ya sa ’kin sa tuwing umiinom ako. May kislap ng kasiyahan sa mga mata n’ya.

Napatingin ako sa paligid habang umiinom. May iba akong nahuling nakatingin sa gawi namin, kadalasan ay mga babae, pero walang nagtangkang lumapit. Wala ring umu-order ng inumin habang nag-uusap kami ni Gray.

“How long have you been working as a psychologist?” Gray asked kaya napatingin ulit ako sa kanya.

Ibinababa ko muna ang baso bago s’ya sinagot.

“Four years na rin.”

He frowned. “Pero kailan lang kita nakita?”

Natawa ako sa kanya. Hindi elaborated ang tanong n’ya pero naintindihan ko pa rin.

“Sa Manila ako nagtatrabaho no’n. Sa Callisto Medical Center bago ako nilipat dito sa Candoni branch. Nu’ng araw na tinulungan kitang magpulot ng pingpong balls, ’yun ’yung unang araw ko rito sa Negros.”

“Ah…” Gray muttered. tumatango-tango pa.

“Para saan nga pala ’yung mga pingpong balls?” tanong kong nakakunot ang noon.

“Para sa beer pong,” he said.

“Ang dami naman?”

He chuckled.

“Inuuwi kasi nu’ng iba.”

Tumango-tango ako. Iinom na sana ulit ako pero napansin ko ang paggalaw ni Gray. He reached something in my hair. Nagulat ako sa ginawa n’ya pero hindi agad nakapag-react. Hindi ako gumagalaw habang tinatanggal n’ya ang kung ano sa buhok ko. He traced some strands of my hair. Ramdam ko tuloy ang kamay n’ya sa ilang hibla ng buhok ko na marahang humihila habang tinatanggal n’ya ang kung ano mang ’yon.

I could feel the slight tug of my hair from my scalp. I silently shivered with the sensation. Ngumiti si Gray sa akin pagkatapos. Bumalik sa pwesto n’ya kanina at hindi nagsalita. Tinitigan lang ako.

I stared back at him. Ramdam ko ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Strange, but I didn’t look away from him.

Is it the alcohol? Pero ang sabi ni Gray, hindi naman daw nakakalasing ang iniinom ko. Kalahati pa lang din ang nauubos ko sa inumin.

I cleared my throat. Umayos ako ng upo at sinubukang balewalin na lang ang nangyari.

“Bakit ka lumipat dito sa Negros?” tanong ni Gray maya-maya.

I took a deep breath before I answered him.

“Pinalipat ako. As a part of deal,” I said.

“Deal?” tanong ni Gray na nakakunot ang noo. “Pero nasa Manila ang pamilya mo?

“Hm. ’Yung kapatid ko tsaka si Mama.”

“Mag-isa ka lang dito sa Negros?”

Tumango lang ako at hindi na pinahaba ang sagot ko. “Ikaw? Bakit ka lumipat dito sa Negros?

Gray stilled. Maya-maya ay nagkibit ng balikat.

“I want to. I need to get away.”

It was my turn to frown. “Get away? Saan?”

Tumitig lang sa ’kin si Gray. Nakita ko sa kanya na pinag-iisipan n’ya kung sasabihin sa ’kin o hindi. Pero sa huli ay nakita kong kumunot ang noo n’ya.

“What’s this? Ganyan ba talaga ang mga psychologist?”

Napakunot na rin ang noo ko. “Like what?”

“You have this vibe that I should tell you everything,” he said. “Are you using tricks on me?”

“Hindi, ah!” maagap kong tanggi. Pero nang makita ko ang ngisi n’ya ay natawa na rin ako.

I get it. Hindi n’ya gustong sabihin sa ’kin ang rason. That was smooth. Naiba n’ya agad ang usapan namin.

Pero dahil sa sinabi n’ya ay mas lalo lang lumalim ang kuryoso ko sa kanya. Tama nga ako. Misteryoso s’ya. He’s hiding a lot of things. At hindi ko alam kung matutuwa ako kapag nalaman ko ang lahat ng ’yon.

“James.”

Napatingin kaming dalawa ni Gray nang may tumayong lalaki sa gilid ko. Mukha namang kilala s’ya ni Gray at napatayo s’ya ng maayos habang nakangiti.

“Travis!” he greeted. Nagkamay pa ang dalawa.

“How’s the night?” the man named Travis asked.

“So-so. Just like some other nights. Kalmado lang,” Gray answered.

Nakita kong sumulyap sa ’kin si Travis. There was curiousity in his eyes. Napatingin pa kay Gray na parang nagtatanong. Nakuha naman iyon ni Gray. He chuckled and introduced me to him.

“Rey, si Travis, may-ari nitong Cold Spot,” Gray said. “Travis, si Reyziel. She’s with me.”

Travis offered his hand for a handshake. Tinanggap ko naman iyon at nagkamay kami. Nahiya ako dahil doon ko lang naramdaman na malamig na pala ang mga kamay ko. Dahil na rin sa kanina ko pa hawak ang baso ng inumin at pati na rin sa lamig ng lugar.

“Ingat ka dito sa isang ’to,” pabirong sabi ni Travis na alam kong si Gray ang tinutukoy.

“Tarantado!” Gray exclaimed as he chuckled.

Natawa na rin kami ni Travis. May sinabi s’ya saglit kay Gray bago nagpaalam na pupunta raw sa office n’ya sa taas.

“Enjoy your time here,” Travis said to me before he walked away.

Sinundan ko ng tingin si Travis bago ibinalik ang tingin kay Gray. Mas lalo tuloy akong humanga sa kanya.

He knew the owner of the place where he works at. Of course, pero ang kinamangha ko ay parang kaibigan ang turing n’ya kay Travis. Nagawa n’ya pa ngang murahin.

Gray got this vibe that he could be a good friend. Napaka-welcoming ng aura n’ya. S’ya ’yung tipo ng tao na hindi ka magdadalawang-isip na lapitan. Hindi ka rin mag-aalala na baka hindi ka pansinin. Especially that he always has a smile readied on his face.

“Gray, may tanong pa pala ko,” sabi ko nang ibalik ko ang tingin sa kanya.

“What it is?” he asked. Mukhang handang sagutin ang lahat ng itatanong ko.

“Everyone’s calling you by your second name. Usually, ayaw ng mga tao na tinatawag sila sa second name nila. ’Yung mga ka-close lang nila ang hinahayaan nila. Pero ikaw… parang okay lang sa ’yong tawagin kang James ng lahat.”

Gray chuckled. He scratched his left brow. He put a hand over his hip. Para tuloy akong nakatingin sa isang modelo na kinukuhaan ang litrato.

“I don’t mind. Wala namang problema kahit ano pang itawag nila sa ’kin.”

“Pero James ang tawag nila sa ’yo. Then why did you introduce yourself to me as Gray?”

Malawak ang naging ngiti n’ya sa tanong ko. Itinukod n’ya ulit ang siko sa counter at bahagyang yumuko para magpantay ang tingin namin. Mas nagkalapit kami ngayon kumpara kanina. I could already smell his cologne and his fresh breath.

“I liked it,” he said. “Sounds like your name is a part of my name.”

Napaawang ang mga labi ko sa sinabi n’ya. Hindi agad ako nakapag-react dahil sa kabang biglang nagparamdam sa dibdib ko. Gray was just straing at me with a grin on his lips, looking contented with my reaction.

Lumayo na s’ya sa ’kin at umayos ng tayo. Nakahinga ako nang maluwag. Doon ko lang na-realize na kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga.

I saw Gray glanced at his wristwatch. Tumingin s’ya sa ’kin pagkatapos.

“It’s late. We should go home. Baka mapuyat ka pa.”

Sinulyapan ko rin ang relo ko at nakitang mag-a-alas dos na ng madaling araw. Tumayo ako at nagulat ako nang makita na parang nag-aayos din s’ya.

“Sasama ka?” I even asked.

He looked at me like I just said something ridiculous.

“You don’t really expect me that I’ll just let you go home alone?” He chuckled. “Iuuwi kita, Rey.”

Hindi na ako nagreklamo at hinayaan na lang s’ya. Gusto ko sanang tanungin kung paano ang bar. Pero tinawagan n’ya si Travis at narinig ko ang pagpapaalam n’ya saglit.

So babalik pa s’ya.

He drove me home. Tahimik lang ako sa kotse. Nararamdaman ko na ang antok. Siguro ay dahil na rin kahit papano ay may alak pa rin ang ininom ko kanina.

Hinatid ako ni Gray hanggang sa harap ng apartment. Natawa s’ya nang makita ang inaantok kong mukha.

“Magpahinga ka agad,” he said. Tinanguan ko lang s’ya. “May gagawin ka ba bukas? Ah… Mamaya na pala?”

Ilang sandali akong nag-isip. I had to fight my drowsiness off my mind so I could think clearly.

“Mamimili sana ko ng gamit para sa apartment ko,” sabi ko nang maalala na. “Bakit?”

He smiled and shook his head.

“Nothing,” he said and gestured my apartment. “You should go in and sleep.”

Tumango ako. “Mm-kay.”

“Goodnight, Rey.”

I just smiled at him. Antok na antok na ko. Binuksan ko na ang pinto ng apartment ko at pumasok sa loob.

Chapter 17

I did my morning routine when I woke up the next morning. Walang pagmamadali sa pagkilos ko. Gusto ko rin kasing namnamin ang rest day ko dahil balik trabaho na ako bukas. I wanted to recharge my body and my mind before I get back to work again.

Inilista ko na rin ang mga bibilhin ko mamaya para sa apartment. Baka kasi may makalimutan ako. Isasabay ko na rin siguro ang mga bibilhin ko para sa sarili kong clinic sa hospital. Uunahin ko na lang muna iyong mga madaling dalhin.

Nang matapos ay nagluto na ako para sa almusal ko. It’s already ten in the morning. Sigurado akong late na ako makakapag-lunch mamaya. Ayos na rin dahil alam kong magiging abala ako sa pamimili.

Naninibago ako na wala si Lilac. Naninibago akong walang pinakaing pusa ngayong umaga kaya rin siguro dalawang servings ng pagkain ang nailuto ko ngayon. Problemado ko tuloy tinignan ang apat na meatloaf, apat na hotdog at dalawang itlog na nakahain sa lamesa. Sinangag ko ang natira kong kanin kagabi pero alam kong sobra rin iyon para sa akin.

Halos matawa ako sa palusot na ginawa ng isip ko. Si Lilac talaga? Hindi naman pagkain ng pusa ’to.

Napatingin tuloy ako sa pintuan bago sumulyap sa wall clock. Alam kong mga ganitong oras umuuwi si Gray. Kaya lang… baka kumain na s’ya bago umuwi.

I sighed. Napatingin ulit ako sa mga pagkain sa lamesa. Bakit ba kasi pang-dalawang tao ang niluto ko?

Naglakad ako palapit sa pinto pero hindi iyon binuksan. Tumayo lang ako sa harap noon, pinag-iisipan kung aalukin si Gray o hindi. Baka rin kasi tulog na ’yung tao dahil nga kumain na bago dumiretso ng uwi.

Hindi pa ako nakakapagdesisyon kung anong gagawin nang makarinig ako ng pagkilos mula sa labas. Sigurado naman akong si Gray ’yon dahil kami lang naman ang gumagamit nitong third floor sa apartment building na ’to. Mukhang kakauwi n’ya pa lang galing sa Cold Spot.

Bago pa ko makapag-isip nang mabuti ay namalayan ko na lang na binuksan ko na ang pinto ng apartment ko. Dahil magkatapat lang ang pintuan ng apartment ni Gray at ng sa akin kaya nakita ko agad s’yang nakatalikod sa gawi ko. Suot n’ya na ulit ang itim na tshirt n’ya at ang white cap ay nakasabit sa lusutan ng belt ng slacks n’ya. I heard beeping sounds that I think was coming from the lock of his door.

Oo nga pala. Naalala kong sinabi ni Mang Gener na pinalitan ni Gray ang lock sa lahat ng pinto sa mga unit dito. Hindi na de-susi gaya nang akin.

Narinig n’ya siguro ang pagbubukas ng pinto ko kaya lumingon s’ya sa likod n’ya. He stopped and automatically smiled as soon as he saw me.

“Rey!” he exclaimed. Mukhang nagulat pero mukha rin namang s’yang masaya na makita ako. “Good morning!”

“Good morning!” I greeted back. “Kakauwi mo lang?”

He nodded. “Naglinis pa kami, eh. Sabado ngayon kaya maraming tao mamaya.”

“Kumain ka na ba? Gusto mong kumain muna? Napasobra kasi ’yung luto ko,” alok ko sa kanya bago pa ko tamaan ng hiya.

Tumunog ang lock ni Gray, nabuksan na n’ya siguro. Pareho pa kaming nagulat sa pagtunog no’n at wala sa sariling nabuksan ni Gray ang pinto ng apartment n’ya. Nakita kong may lumabas mula sa loob papunta sa apartment ko na kulay puti pero dahil mabilis ay hindi ko masyadong naaninag kung ano ’yon.

“Ano ’yon?” tanong ko pa sa sobrang bigla bago tumingin sa loob ng apartment ko.

“Lilac!” narinig kong tawag ni Gray sa pusa bago ko pa nakita si Lilac na tumalon paakyat sa sofa at umupo doon.

Tsaka lang ako natawa. Kinabahan pa ko! Hindi pa kasi nabubuksan ng buo ni Gray ang pinto ng apartment n’ya pero si Lilac ay tumakbo na agad papunta sa apartment ko! Akala ko kung ano na ’yung nakita kong tumakbo!

“Ayaw mo na ba sa ’kin, ha?” tanong ni Gray kay Lilac na nakatingin lang sa kanya. “Binigyan ka lang ng chicken, pinagpalit mo na ko!”

Natawa ako sa narinig na pagtatampo sa boses n’ya. I looked at him and I saw him frowning at Lilac. Si Lilac naman ay nag-meow ng isang beses bago kami tinalikuran.

I smiled at Gray. He looked at me and my smile widened when I saw him slightly pouting.

“Kain tayo?” yaya ko sa kanya.

He stared at me for a second before I saw his smile again. Sunod-sunod s’yang tumango sa ’kin.

Niluwagan ko ang bukas sa pinto at pinapasok si Gray. Nang madaanan n’ya si Lilac ay ang sama ng tingin n’ya sa pusa.

“Mas na-miss pa ’yung Mommy n’ya kaysa sa Daddy n’ya,” he said. “Hindi ka naman gan’yan sa ’kin!”

I chuckled. Nauna na kong pumunta sa hapag at sumunod naman sa ’kin si Gray. Kumuha ako ng dalawang plato pati na rin mga kutsara at tinidor. At dahil siguro s’ya ang naghugas ng pinagkainan namin kahapon kaya alam n’ya kung saan nakalagay ang mga baso. Kumuha s’ya ng dalawa at inilagay iyon sa hapag. S’ya na rin ang kumuha ng pitsel ng tubig na nasa ref.

Magkaharap kaming umupo sa hapag. Si Gray na ang naglagay ng pagkain sa plato ko. Tahimik ko lang s’yang pinapanood habang ginagawa n’ya ’yon. Siguro, bumabawi dahil ako na ang nagluto kaya s’ya na sa mga ganito.

“Pinakain mo na si Lilac?” tanong ko dahil nagtataka ako na hindi yata nanghihingi ng pagkain. Tsaka ko lang naalala na kakauwi pa nga lang pala ni Gray nang makita ko s’ya kanina. Hindi pa nga nakakapasok sa mismong apartment n’ya.

“Hindi,” Gray said. Naglalagay na rin s’ya ng pagkain sa plato n’ya. “Busog pa yata. Manghihingi naman ’yan ng pagkain kapag gutom na.”

Tumango na lang ako at nagsimula nang kumain. We ate in silence. Pasimple akong sumulyap kay Gray, inoobserbahan s’ya. Nakita kong magana s’yang kumakain kaya napangiti na lang ako at ibinaba ang tingin sa plato ko.

Hindi pa s’ya kumakain. Buti na lang pala napasobra ang luto ko.

“Aalis ka?” Gray asked after a while.

Tumango ako. Nilunok ko muna ang pagkain sa bibig ko bago s’ya sinagot.

“Oo… Baka hindi na ko magka-time sa susunod. May mga pasyente na kasi ako.”

“Saan ka bibili?” he asked. Hindi pala n’ya nakalimutan ’yung sinabi ko kanina.

“Sa mall. ’Yung malapit lang din sa hospital.” Hindi ko pa nga pala alam kung anong pangalan ng mall na ’yon.

“Sasamahan na kita,” he said.

“Ha?” Napakurap-kurap pa ako. Lagi na lang yata ako nabibigla sa mga sinasabi n’ya.

“Sasamahan na kita,” ulit pa n’ya.

“Bakit?” I asked. That was so random.

“Para may kasama ka.”

“Ayos lang naman sa ’kin kung wala akong kasama. Tsaka hindi ka pa nga yata natutulog.”

I stared at him. Halata ang pagod sa mukha n’ya. Mas magulo na ang buhok n’ya ngayon. I know that he has a messy hairstyle but it’s messier now. Pero hindi pa rin naman iyon nakabawas sa kagwapuhan n’ya.

Hindi naman yata talaga nababawasan ang kagwapuhan ni Gray. S’ya ang pinakagwapong lalaking nakita ko. Marami namang kaibigan si Ace at mga gwapo rin, pero iba si Gray. Iyong mapapangiti ka na lang dahil sa sobrang gwapo n’ya, idagdag pa na palagi rin s’yang nakangiti. At kahit buong araw s’yang titigan, hinding-hindi magsasawa ang kung sino.

The tiredness in his gray eyes was so obvious. Pero mukhang wala lang sa kanya ’yon.

“Hindi naman ako inaantok,” he reasoned out.

“You still need to rest, Gray…”

Hindi s’ya nagsalita. Tinitigan lang ako. I saw him wet his lips with his tongue. Mas lalo tuloy pumula ang mga labi n’ya kaya hindi ko napigilan ang mapatitig doon. Then I heard him chuckle.

“May bibilhin din ako,” he said. His eyes twinkling and he seems like he was glad about something. Hindi ko naman alam kung para saan. “Tsaka baka marami kang bilhin. It’ll be convenient if we’ll use my car.”

He’s right. Sa tingin ko ay marami-rami rin akong bibilhin at mas convenient nga kung may sasakyan. Pero nag-aalala ako sa kanya dahil hindi pa s’ya nagpapahinga. Naalala ko iyong isang beses na inakala n’yang apartment n’ya ’to kaya sa sofa ko na nakatulog.

I’m worried that might happen again. Paano kung sa ibang lugar s’ya makatulog at mapahamak s’ya?

I heard Gray chuckle kaya napatingin ako sa kanya. Nakita n’ya siguro ang pag-aalala sa mukha ko kaya s’ya natawa. He was grinning at me, gray orbs were mixed with amusement and happiness.

“I’ll take a rest when we get home… I promise.”

Wala na akong nagawa kundi ang pumayag. Natapos kaming kumain at nagpresinta ulit s’ya na s’ya na ang maghuhugas ng mga plato. Kahit anong tanggi ko ay mapilit talaga s’ya. Hindi yata talaga nagpapatalo ’tong isang ’to.

“Ayoko namang panoorin ka na lang habang naghuhugas ka,” sabi ko. Hindi talaga ko mapalagay doon.

“Pakainin mo na lang si Lilac,” he said. Napatingin ako sa pusa at sakto naman na nakita kong tumayo si Lilac at lumapit sa ’ming dalawa ni Gray. He meowed and I know that he’s hungry now.

“Chicken?” I asked. Baka kasi magtampo na naman ’tong si Gray kapag manok ang pinakain ko kay Lilac.

“Cat food,” he said. “Nasa apartment ko ’yung pagkain n’ya. Zero-eight-zero-seven.”

“Huh?” Naguguluhan akong tumingin sa kanya. Hindi ko kasi naintindihan kung para saan ’yung mga numbers na sinabi n’ya.

“My lock code. Zero-eight-zero-seven.”

Napatulala ako kay Gray. Hindi ako makapaniwala na gano’ng kadali n’ya lang binigay sa ’kin ang lock code ng apartment n’ya. Na para bang matagal na kaming magkakilala at malaki na ang tiwala n’ya sa ’kin.

Tumalikod na si Gray at nagsimula nang maghugas ng mga plato. Ilang sandali pa akong nanatiling nakatayo sa likuran n’ya, pinag-iisipan ko kung papasok ba talaga ako sa apartment n’ya.

But he gave me his permission. Sinabi pa nga ang lock code sa ’kin. I guess… it’s okay?

Narinig kong nag-meow si Lilac kaya napatingin ako sa pusa na nakatayo sa paanan ko at nakatingala sa ’kin. Parang sinasabi na nagugutom na s’ya kaya ’wag na akong magdalawang-isip pa at kunin na ang pagkain n’ya.

Napatingin ako sa likuran ni Gray. Mukhang wala na talagang planong pansinin ako. I sighed. Nagsimula na akong maglakad palabas sa apartment ko at tumigil sa harap ng apartment ni Gray.

I didn’t let myself think more about it and started punching the code that Gray gave me. The lock beeped, indicating that it’s open. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob.

The apartment looked like just my apartment, but mirrored. Walang gaanong dekorasyon sa loob. Parang itsura ng aparment ko noong unang araw kong pumasok doon.

Nakita ko ang lalagyan ng pagkain ni Lilac kaya kinuha ko ’yon pero wala nang laman. Dumiretso ako sa ref, hoping to find Lilac’s food refill there but all I found was an empty fridge. Tubig at beer lang ang laman.

Walang pagkain?

Pumunta ako sa kusina at binuksan ang mga cupboard doon. I found one full of Lilac’s food pero bukod doon, wala nang laman ang iba.

Hindi ba kumakain si Gray? O puro deliveries? O sa labas talaga s’ya kumakain?

Pero umuwi s’ya ngayon at base sa gana ng pagkain n’ya kanina, halatang hindi pa s’ya kumakain bago umuwi. Ano ’yon? Magpapahinga s’ya galing sa trabaho nang hindi man lang kumakain? O magpapa-deliver na lang s’ya?

I took a deep breath. Nilagyan ko ng pagkain ang lalagyan ng pagkain ni Lilac at lumabas na doon. Nang makapasok ako sa apartment ay sinalubong ako ni Lilac at sinundan hanggang sa mailapag ko ang pagkain n’ya. The cat immediately eats his food.

“Anong oras ka aalis?” Gray asked. Nagpupunas na s’ya ng kamay. Mukhang katatapos lang maghugas ng plato.

Ilang sandali ko s’yang tinitigan. Naalala ko ang walang laman n’yang ref at cupboards.

“Ngayon na sana. Magbibihis lang ako.”

“I’ll take a quick shower,” he said. “Wait for me. ’Wag mo kong iiwan.”

I smiled at him and nodded as an assurance that I won’t leave him. Mukha naman s’yang nakahinga nang maluwag doon. He smiled at me before he left my apartment.

I went to my room to get dressed too. I decided to wear comfortable clothes so I can move freely while shopping. Pantalon at simpleng top lang ang sinuot ko, and white sneakers dahil alam kong maglalakad-lakad ako para hanapin ang gusto kong bilhin.

Naalala ko na naman si Ace. Parang naririnig ko sa isip ko ang boses n’ya na sinasabing I should always wear a dress. For him, it’ll make me look elegant. Like how his friends’ girlfriends look. He wanted me to look like them too.

I wore my hair in a ponytail. Light makeup lang din ang nilagay ko sa mukha ko. Nang makuntento na ko sa itsura ko ay lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko si Lilac na natutulog na ulit sa sofa.

I chuckled. Lumapit ako sa pusa at hinaplos ang malambot at puting balahibo n’ya. Nag-inat lang saglit si Lilac at bumalik din sa pagtulog.

“Okay, sige. Dito ka lang,” I said. Mukhang wala na kasing balak umalis si Lilac sa apartment ko.

I stood up and went outside my apartment. Nakita ko si Gray na nakasandal sa nakasaradong pinto ng apartment n’ya. He looked fresh with his white vneck shirt over a light gray flannel and a maong pants. Nakasuot pabaliktad sa ulo n’ya ang black cap n’ya.

He loves wearing caps, pansin ko lang.

He smiled widely when he saw me. Nawawala ang nakikita kong pagod sa mga mata n’ya sa tuwing ngumingiti s’ya.

“Let’s go?” he asked. Tumango ako at sabay kaming naglakad papunta sa elevator.

Nang makalabas kami ay napansin kami ni Mang Gener. Napangiti ang gwardya nang makita kaming dalawa ni Gray.

“Parang kagabi lang magkasama kayo, ah?” pansin n’ya sa ’min.

“Nagpumilit po s’yang sumama, Mang Gener, eh,” sabi kong kunwari ay nagrereklamo.

“Nasaan si Lilac?” he asked.

“Nasa apartment ni Rey, Mang Gener. Doon na gustong tumambay,” Gray answered.

“Edi walang kasama ’yung pusa do’n?”

“Ayos lang ho. Baka kasi umuwing buntis ’pag pinagala ko.”

Napatingin ako kay Gray. He was clearly teasing me again. Sinimangutan ko s’ya. Nang tumawa s’ya ay lumapit ako sa kanya at pasimpleng kinurot ang braso n’ya.

“Aray!” daing n’ya pero natatawa naman. “Ang brutal mo naman!”

“Nang-aasar ka na naman kasi!” reklamo ko.

Gray just chuckled. Binalingan n’ya si Mang Gener na nakangiti sa aming dalawa.

“Sige ho, Mang Gener. Uuna na kami,” paalam n’ya.

Mang Gener nodded. “Mag-iingat kayong dalawa.”

Gray drove us to the mall. Sa daan ay sinabi ko sa kanya kung ano-ano ang mga bibilhin ko. He said he knew stores that sell cheap but good quality of the things I’m gonna buy. Mas hindi tuloy ako nagsisi na isama s’ya ngayon. Marami s’yang alam sa lugar habang ako ay wala pa.

“Anong una mong bibilhin?” tanong n’ya nang nasa mall na kami.

“Ikaw na lang mauna,” I said. “Marami ang bibilhin ko. Baka mawalan ng time kapag hindi natin uunahin ’yung sa ’yo.”

“Ha?” Napakamot s’ya sa gilid ng kilay n’ya. “Ayos lang. Madadaanan naman natin.”

“No. Unahin natin ’yung sa ’yo. Ano bang bibilhin mo?”

“Basta… ’Yung sa ’yo na muna ang unahin natin. Marami ’yon.”

I squinted my eyes at him. Nagdududa na tuloy ako kung may bibilhin talaga s’ya o sinabi n’ya lang ’yon para pumayag akong sumama s’ya ngayon.

Nag-iwas ng tingin sa ’kin si Gray at mas dumagdag lang ’yon sa hinala ko. Hindi ko lang makumpirma dahil hindi ko naman maisip kung bakit gugustuhin n’yang samahan ako sa pamimili ngayon.

Gray looked at me. Nang makita ang nagdududa ko pa ring tingin sa kanya ay nag-iwas ulit s’ya ng tingin. He removed his cap on his head. Ginulo n’ya ang kulay abo n’yang buhok at napabuntong-hininga bago tuluyang tumingin sa ’kin.

“Sa pet shop tayo. Para kay Lilac ang bibilhin ko,” he said.

Tumango ako at sinundan papunta sa pet shop. Kay Lilac naman pala ang bibilhin n’ya. Mas inaalala n’ya pa yata ang pusa kaysa sa sarili n’ya.

We entered the pet shop. Ramdam ko ang pagtingin ng mga tao sa ’min, mas lalo na sa kasama ko. Kahit casual lang ang suot ni Gray ngayon, hindi pa rin naitago noon ang charm n’ya. Hindi pwedeng hindi mapapatingin sa kanya ang lahat ng mga kasama n’ya sa isang lugar the moment he walked in. Mahirap ignorahin ang isang katulad n’ya.

Si Gray naman ay walang pakialam. He was looking around, finding the thing he’s gonna buy. Sinusundan ko lang s’ya dhil hindi ko naman alam kung anong bibilhin n’ya.

“Woah…” I heard him muttered after a while. Pagkatapos ay nilingon n’ya ko. “Rey, tignan mo ’to.”

Lumapit ako sa kanya. Mga damit pala ng pusa ang tinitignan n’ya. Napangiti tuloy ako, ini-imagine na suot iyon ni Lilac.

“Mommy, ano sa tingin mo? Bagay ba sa baby natin?”

Napatingin ako kay Gray. He was holding tiny clothes, obviously for a cat. It was a green dinosaur onesie.

Napatitig lang ako sa hawak n’ya. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang uunahin ko. Kung tungkol ba sa sinabi n’ya na nagpabilis ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay sobrang kaba ko ngayon, o sa hawak n’ya na alam kong cute para kay Lilac.

May isang babae akong napansin na malapit sa amin. She was smiling. Alam kong narinig n’ya ang sinabi ni Gray. Nang makita n’yang nakatingin ako ay ngumiti s’ya sa akin at nagpatuloy sa pamimili.

I looked at Gray. His gray eyes were looking at me, gleaming with happiness. He winked at me and I felt my blood rose to my cheeks.

Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin sa kanya.

“B-bagay…” I said. Alam kong mahina pero mukhang narinig naman ni Gray.

“Bilhin natin?” he even asked.

“Ikaw bahala,” sabi ko at tinignan ang mga bell necklace doon. I took the blue one and showed it to Gray. “Ito rin.”

Lumapit sa ’kin si Gray. Kinuha n’ya ang bell necklace na hawak ko at nakangiting tumingin sa ’kin.

“Okay.”

Nang mabayaran namin ang nakuha n’ya ay sinamahan na ako ni Gray sa pamimili ng gamit para sa apartment ko. He was telling the truth. Dinala n’ya nga ako sa mga store na mura pero maganda naman ang quality. Malaki tuloy ang natipid ko dahil sa kanya kahit nabili ko ang lahat ng gusto kong bilhin.

It was already five p.m. when we finished my list. Nararamdaman ko na ang gutom. At mukhang ganoon din si Gray dahil nagyaya s’yang kumain.

“Kumain muna tayo bago umuwi,” he said while driving. Tumango na lang ako sa kanya. He was the one behind the wheels.

We went to a casual restaurant. Mukhang hindi iyon ang unang beses doon ni Gray, mukha ngang madalas s’ya doon dahil binabati s’ya ng mga waiter at waitress.

“Bago na naman?” pansin ng isang waiter nang tumingin sa ’kin. He guided us to our seats.

“Shut up,” pabirong sabi ni Gray. Nagtawanan sila ng lalaki na umalis rin nang ibigay namin ang order sa kanila.

“Ang dami mong kakilala, ’no?” sabi ko kay Gray nang makaalis na ang lalaki. “Mga nagpupunta rin ba sa Cold Spot sila?”

Gray shook his head. “Nakilala ko lang. Dito kasi ako madalas kumain.”

“Then all of a sudden naging mga kaibigan mo na?”

“Hmm… Not really friends. More like acquaintances,” he said. “Ikaw rin naman. Maraming mga acquaintance. ’Yung mga pasyente mo.”

“They wouldn’t even want me to be their acquiantance. Kapag kinakausap nila ako, problema nila ang pinag-uusapan namin.”

He smirked. “Touché.”

“Our works were the opposites, pansin mo? People go to your place to have fun and forget about their problems. While people go to my clinic to face and talk about their problems.”

Gray chuckled. He stared at me.

“They say opposite attracts,” he said with a wide grin on his face. “Gusto mong patunayan natin kung totoo nga ang kasabihang ’yon?”

I blinked. Nandoon na naman ang kaba sa dibdib ko. “Ha?”

“We’re not quite the opposite, though. We’re both living alone. Bakit hindi na lang kaya tayo magsama? Mas okay ang may kasama kaysa ang mag-isa,” he even wiggled his brows.

Napasimangot ako. Inignora ko na lang ang bilis ng tibok ng puso ko at sinamaan s’ya ng tingin.

“Ganyan na ganyan ’yung sinabi ng lalaking lumapit sa ’kin kagabi,” I said. “Sa ’yo nila natutunan ang pick-up line na ’yan, ’no?”

Ang lakas ng naging tawa ni Gray. Mas napasimangot tuloy ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. Ilang sandali bago ako tumingin ulit sa kanya at nakita kong nakangisi s’ya sa ’kin.

I frowned. Pero hindi ko rin naman natagalan ang pagsimangot kong ’yon nang ngumiti s’ya. I couldn’t help but laughed and flashed him a smile too.

Chapter 18

Panay ang tingin ko sa phone habang nasa daan kami pauwi. Gray was driving us home and I was silently sitting on the passenger’s seat. Hindi ko na mabilang kung nakailang tingin na ako sa phone ko simula nang umupo ako rito.

Larissa hasn’t texted me back. Nagpadala ako kaninang umaga, paggising ko pa lang, ng text na tawagan n’ya ako kapag nakadalaw na s’ya kay Mama. Naalala kong sinabi n’yang ngayong Sabado s’ya dadalaw para makausap ko rin si Mama sa pagdalaw n’ya. But it’s almost seven in the evening, kanina pa tapos ang visiting hours, pero wala pa rin akong natatanggap kahit isang text galing sa kanya.

Hindi ko tuloy mapigilan ang mag-aalala. Hindi kaya may nangyari kay Mama? O kaya kay Larissa?

I took a deep breath. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko pero nang tignan ko ang phone at makitang wala pa ring text galing kay Larissa, hindi pa rin nawala ang pag-aalala ko.

“Boyfriend mo?”

Napalingon ako kay Gray nang bigla s’yang magsalita. Naabutan ko ang pagsulyap n’ya sa ’kin bago muling binalik ang tingin sa daan. Maya-maya ay sumulyap din naman ulit sa ’kin.

He was staring at me, parang inaabangan ang sagot ko. Saka ko lang naalala na may itinanong nga pala s’ya sa ’kin pero dahil sa sobrang pag-aalala ko ay hindi kaagad nag-sink-in iyon sa utak ko.

“Ha? Ano ’yon?” tanong ko pa kay Gray.

Gray smiled gently. Medyo napahiya tuloy ako. I’m a psychologist and yet, I am not aware with my surroundings.

Hindi ko lang talaga mapigilan. Nag-aalala ako kina Larissa at Mama. ’Di bale sana kung malapit lang sila at madali kong mapupuntahan kapag ganitong hindi nagre-reply sa ’kin ang kapatid ko!

“You keep on glancing on your phone,” Gray said. “Are you waiting for your boyfriend’s call?”

Napatingin ako sa phone ko nang wala sa sarili bago tumingin ulit kay Gray. Saka lang ako napailing nang sunod-sunod.

“Hindi, hindi! Wala… I mean wala akong boyfriend.”

Napangiwi ako. Hindi naman n’ya tinanong kung may boyfriend ako! Bakit gano’n ang sinagot ko?!

Gray chuckled. He mumbled something na hindi ko nakuha dahil sobrang hina. Nagtatakang napatingin ako sa kanya. Nginitian lang ako ni Gray pagkatapos ay umiling.

“Kaninong tawag hinihintay mo?” he asked instead.

I looked at my phone again. Napabuntong-hininga ako at mas isinandal pa ang katawan sa inuupuan ko.

“Kay Larissa… Sa kapatid ko,” I said worriedly. “Kanina ko pa kasi tine-text pero hindi pa rin nagre-reply hanggang ngayon.”

“May kapatid ka?” mukhang nagulat pang tanong ni Gray at napasulyap pa sa ’kin.

Tumango ako. “Oo. Dalawa lang kami. Mas matanda ako sa kanya ng eight years.”

“Pareho pala tayo!” Gray exclaimed. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang malaki n’yang ngiti. “Dalawa lang din kami ni Kuya. S’ya naman ’yung mas matanda sa ’kin ng eight years.”

Napakunot ang noo ko sa kanya. “Hindi tayo pareho kung ganu’n.”

Natawa si Gray. Napangisi s’ya at hindi ko alam kung pa’no ko agad nalaman ang gano’ng tingin n’ya na may kalokohan na naman s’yang sasabihin.

“We’re the opposites, then,” he said with a playful smirk on his lips. “Opposite attracts talaga. Ibig sabihin bagay na bagay tayo.”

“Ibig sabihin, marami tayong pagkakaiba katulad ng ibang tao,” sabi ko dahil kinakabahan na naman ako sa mga pinagsasabi n’ya. “It’s normal. No need to give it a different meaning.”

Napasimangot si Gray. Nainis yata na hindi ko sinakyan ang biro n’ya. Ibinalik n’ya ulit ang tingin sa daan na nakasimangot pa rin. He was definitely sulking.

Napangiti ako. He’s just really cute sometimes. Panandaliang nawala ang pag-aalala ko kina Larissa at Mama dahil sa kanya.

Tinignan ko ulit ang phone ko at nang makitang wala pa ring text galing kay Larissa ay bumalik ang pag-aalala ko. I took a deep breath and sighed, trying to calm myself.

“Maybe she’s busy,” Gray said after a while.

Napalingon ako sa kanya. Wala na ang pagkakasimangot n’ya. He was serious now. When he saw the worried look on my face, he smiled gently at me.

“Let’s wait until the end of the day and stop jumping to conclusions… for your peace of mind. Maybe she’s just busy.”

“Hindi ko lang kasi mapigilang mag-alala…”

“I know… Pero hindi pa tapos ang araw. Baka hindi lang s’ya makahanap ng oras para mag-reply o tawagan ka.”

I looked down at my phone. Nang wala pa rin ang inaasahan kong reply ni Larissa ay napahugot na lang ulit ako ng malalim na buntong-hininga.

“Sana nga…” I said. I looked at Gray and gave him a small smile. “Ako ’yung psychologist sa ’ting dalawa pero ikaw pa ’tong nagbibigay sa ’kin ng comforting words.”

He grinned. Doon pa lang ay alam ko nang kalokohan na naman ang sasabihin n’ya.

“Sabi ko naman kasi sa ’yo, bagay na bagay talaga tayong dalawa.”

Nairolyo ko na lang pataas ang mga mata ko dahil sa kakulitan n’ya. I heard his chuckle. Napangisi ako at tumingin na lang sa labas ng bintana.

Saktong seven p.m. nang makarating kami sa apartment. Tinulungan ako ni Gray sa pagdadala ng mga pinamili ko. Nang buksan ko ang pinto ng apartment ko, nakita naming pareho si Lilac na natutulog sa sofa pero nang marinig ang pagdating namin ay tumayo at sinalubong kaming dalawa ni Gray.

“Lilac! May gift kami ni Mommy para sa ’yo!” Gray said cheerfully to the cat.

Napangiti na lang ako at tuluyan nang pumasok sa loob. Inilapag ko ang mga pinamili ko sa dining table. Si Gray naman ay sinundan ako at inilapag ang mga dala n’ya sa sahig. Pagkatapos ay binuhat n’ya si Lilac.

“Tignan natin kung bagay sa ’yo,” sabi n’ya kay Lilac at inilabas ang dinosaur onesie na binili namin kanina. He leaned his hips on the backrest of the sofa to get support. Bahagya na s’yang nakaupo sa backrest ng sofa na nakatalikod sa gawi namin.

Napapangiti ako habang pinapanood sina Gray at Lilac. Ang pusa ay nagrereklamo dahil pilit na pinapasuot ni Gray sa kanya ang onesie. Habang si Gray naman ay hindi sumusuko kahit meow na nang meow si Lilac.

“Saglit! Malapit nang matapos,” sabi pa n’ya habang sinusuot sa front paws ni Lilac ang onesie.

Ilang saglit lang ay natapos na rin naman si Gray sa pagpapasuot ng onesie kay Lilac. Ang laki ng ngiti n’ya habang nakatitig sa pusa.

He looked at me. His gray orbs were gleaming with delight.

“Mommy, oh! Ang cute ng baby natin!”

I’m sure I was blushing now because of what he just said. Ramdam ko ang mabilis na pag-akyatan ng dugo ko papunta sa mukha ko. I touched my cheeks and felt that they’re warm.

Ang normal naman kasi ng pagkakasabi n’ya! Parang matagal na n’yang sinasabi sa ’kin ’yon! Pero dahil bago sa ’kin ay ganito ang nagiging reaksyon ko.

Si Gray ay nakatingin lang sa ’kin. Alam kong napansin n’ya ang pamumula ng mukha ko pero nagpapasalamat ako at wala s’ya sinabing kahit ano tungkol doon. He was just smiling at me like he’s waiting for my answer. Kaya naman dahan-dahan ay tumango ako.

“Ang cute n’ya nga…” Medyo pumiyok pa ako kaya tumikhim na lang ako.

Gray chuckled. He fished something inside the pocket of his pants. Lilac wiggled against his hold pero pinirmi ni Gray ang pusa sa mga braso n’ya bago n’ya tuluyang nakuha ang phone n’ya.

“Take a picture of us,” he said as he handed his phone to me.

Alanganin ko iyong kinuha sa kanya. Naka-ready na ang camera sa phone nang tignan ko iyon kaya itinutok ko na lang ang lente sa kanila. Mula sa screen ng phone ay nakita kong inaayos ni Gray ang posisyon ni Lilac na ayaw namang tumingin sa camera.

“Tingin ka du’n kay Mommy,” he even instructed the cat but Lilac just kept on looking at the side.

Napangiti ako. Inalis ko ang tingin sa phone at direkta na silang tinignan.

“Lilac…” I called the cat in a singsong voice. “Bibigyan kita ng chicken ’pag tumingin ka dito.”

Para namang naintindihan ng pusa ang sinabi ko dahil biglang tumingin si Lilac sa gawi ko. Nagmadali ako sa pagkuha ng picture nilang dalawa nang tumingin na rin sa camera si Gray. I looked at the shot and saw that it was decent. Ibinigay ko ang phone kay Gray para ipakita ang picture sa kanya.

“Okay na ’yan?” I asked.

Gray studied the picture. He was slighting crouching down as he was getting support from the backrest of the sofa kaya naging magka-level ang height namin. Kaya naman nang tumingin s’ya sa ’kin ay deretsong-deretso sa mga mata ko ang tingin n’ya.

“This is good. Ang gwapo ko rito,” he said.

I pursed my lips. He said it so casually and not as a joke. Walang rason para ngumiti o tumawa ako.

Totoo rin naman kasi ang sinabi n’ya. He looked good in the photo. Much more in person.

Tinapik n’ya ang espasyo sa tabi n’ya.

“Family picture naman.”

“Ha?” nabibigla kong tanong.

He chuckled. He jerked his head to his side, parang sinasabi na tumabi ako sa kanya. Ilang sandali ko munang tinitigan ang pwesto sa tabi n’ya. He was just waiting. Pasimple muna akong kumuha nang malalim na paghinga bago nagdesisyon na lumapit sa kanya.

Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko pero sinubukan kong kumalma nang humakbang ako palapit sa kanya. Pero parang mas bumibilis lang yata ’yon lalo na nang makalapit ako sa kanya.

No… Calm down.

Gray smiled when I was finally beside him. He put the camera in a selfie mode. Itinaas n’ya ang phone n’ya kaya tumingin ako roon. Si Lilac ay nakaharap rin pero hindi sa camera nakatingin.

“One… two…” he counted.

He leaned his head towards me that I could already feel his warmth. Nahigit ko ang paghinga ko. Dahil nakatingin sa camera ay nakita kong mas lumawak ang ngiti ni Gray sa naging reaksyon ko.

“Three,” he said and tapped the capture button.

Nakahinga lang ako nang maluwag nang sa wakas ay lumayo sa ’kin si Gray matapos makuha ang litrato naming tatlo. Napahawak pa ako sa dibdib ko at naramdaman ang sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi ako sanay sa ganitong epekto ng lalaki sa ’kin. Hindi naman s’ya ang unang lalaking nakatabi ko pero sa kanya lang naging ganito ang reaksyon ng puso ko. Mas matagal ko pa ngang nakasama si Ace kaysa sa kanya pero hindi naman ganito ang epekto na ibinigay sa akin ni Ace.

Does this have a psychological meaning? Baka dahil siguro interesado akong malaman ang ilang bahagi sa pagkatao ni Gray. That I am somehow interested in him kaya aware na aware ako sa lahat ng mga kinikilos n’ya.

Yes… That must be it.

Napasulyap ako kay Gray pero nagulat nang makita ang seryoso n’yang titig sa akin. Hindi ko alam kung gaano na n’ya ako katagal na tinititigan. I took my time calming myself down earlier kaya pansamantalang hindi ko muna s’ya tinignan dahil alam kong mas hindi lang ako makakalma ’pag nakikita ko s’ya.

“Bakit?” I asked.

He looked down. May tinignan s’yang kung ano sa ’kin bago muling binalik ang tingin sa mga mata ko. Mas naging seryoso pa ang tingin n’ya ngayon.

“Has anyone ever told you that you look more seductive with your hair tied up?” he said with a soft voice, like a whisper. Naging paos tuloy sa pandinig ko ang boses n’ya.

I gulped. “Ha?” was the only word I could mutter with the situation.

Gray looked down again. Alam ko na ngayon na ang leeg ko ang tinititigan n’ya.

“You have a long slender neck. Elegant, like from the swan. Every man would die just to have a chance to bury their face on your neck.”

Habang sinasabi n’ya ’yon ay kitang-kita ko ang paggalaw ng mga abo n’yang mata habang pinapadaanan ng tingin ang bawat parte ng leeg ko. Ramdam ko ang kiliti sa bawat parteng nadaraanan n’ya ng tingin. Ramdam ko rin ang pagtataasan ng balahibo ko dahil sa ginagawa n’ya.

Dahan-dahan kong nahigit ang paghinga ko. Bigla rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Malakas iyon sa pandinig at sa palagay ko pa nga ay naririnig din iyon ni Gray. If he did, he didn’t say anything.

He was just staring at me. His eyes dilated when he saw how his words affected me. Mas naging madilim pa ang shade ng mga mata n’ya. It was fascinating to look at. Parang isang madilim at delikadong langit dahil sa paparating na malakas na bagyo. But somehow, I find the danger relaxing.

I couldn’t look away from his eyes. I was being sucked in, I know, but I didn’t put any effort to break free. I just stared at his stormy gray eyes, the most beautiful eyes I’ve ever seen.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal magkatitigan nang marinig namin ang pag-meow ni Lilac. Pareho pa kaming nagulat. Parang nagising sa malalim na pagkakatulog. Napakurap-kurap pa ako at napatingin kay Lilac na gustong kumawala sa pagkakahawak ni Gray. Nakawala rin naman ang pusa dahil parang wala pa rin sa sarili si Gray pagkatapos ng nangyari.

Pareho pa naming pinanood si Lilac na tumalon pababa at palayo sa kanya. The poor cat struggled against his onesie pero mas gusto yata ang makalayo kay Gray kaysa ang problemahin ang suot n’ya.

Napatingin ako kay Gray na sakto rin namang napatingin sa ’kin. We both blinked. Naalala ko ang nangyari kanina at ramdam ko ang pamumula ng buong mukha ko na mukhang napansin na naman ni Gray. Pareho kaming nag-iwas ng tingin pagkatapos.

Isip, Rey… How to get out from this awkward situation? Shit! Ano ba kasing nangyari kanina?

Narinig ko ang pagtikhim ni Gray kaya napatingin ako sa kanya. He glanced at me as well pero nag-iwas rin ng tingin nang makitang nakatingin ako sa kanya. He then looked at his phone.

“Anong oras na pala. I need to get ready for my work,” he said and stood up.

Dahil sa sinabi n’ya ay napatingin rin ako sa wall clock. It was already eight in the evening! Naalala kong hindi pa nga pala s’ya nakakatulog!

“Hala!” I exclaimed. Napatayo pa ko nang deretso. “Hindi ka na nakapagpahinga. Ang dami ko kasing binili. Sorry!”

“It’s okay. Hindi kasi talaga ako inaantok.”

“Pero kailangan mo pa rin talaga ang magpahinga. Dapat kasi ’di mo na lang ako sinamahan. Sana nag-stay ka na lang sa partment mo,” guilty kong sabi sa kanya. Alam ko naman na nagtagal talaga kami dahil sa ’kin. Ang dami ko na ngang binili, ang tagal ko pang pumili.

Gray took a step towards me. Natigilan ako. He gently put his hands on my shoulders. He crouched down to level our eyes and smiled at me.

“It’s really okay, Rey… Don’t worry. Mas nag-enjoy naman akong kasama ka kaysa sa natulog ako.”

Sinabi n’ya ’yon pero hindi ko pa rin maiwasan ang pag-aalala. Papasok s’ya ng walang tulog o pahinga man lang? Sabado pa naman ngayon. Sabi n’ya kanina na maraming tao mamaya!

He chuckled when he saw that I still looked guilty and worried. Napaderetso s’ya ng tayo at napatingin sa gilid. Tinakpan n’ya ng kanang kamay ang bibig n’ya while his left hand was on his hip.

“Ah, shit,” I heard him mutter. Base sa narinig ko ay parang nakangiti s’ya.

Nakatingin lang ako sa kanya. Nagtataka sa reaksyon s’ya. Nang muli s’yang tumingin sa ’kin ay nakangisi na.

“Dito muna si Lilac, ah?” he said. “Parang galit yata dahil pinilit kong ipasuot sa kanya ’yung onesie.”

Pareho kaming napatingin kay Lilac na nasa kabilang bahagi ng sala at doon na sa gilid natulog kaysa sa sofa na palagi n’yang pwesto. Parang lumalayo nga yata talaga kay Gray.

“Pakakainin ko ng chicken, ha? Tumingin sa camera kanina, eh,” sabi ko nang ibinalik ko ang tingin kay Gray.

He grinned at me before he chuckled.

“Kung anong gusto ni Mommy para sa baby namin.”

I puffed my cheeks. Natawa nang malakas si Gray sa ginawa ko. Inirapan ko na lang s’ya at tumalikod na para ihatid s’ya sa labas.

“Magpahinga ka naman bukas!” sabi ko nang lumabas na s’ya sa apartment ko at nasa tapat na s’ya ng pinto ng apartment n’ya.

He chuckled. He tilted his head and grinned as he stared at me.

“Thanks for worrying, Rey… I need it.”

Bumalik na rin naman ako sa loob ng apartment ko nang makapasok na si Gray. Sakto naman na tumunog ang phone ko para sa isang tawag. Mabilis ko iyong dinampot nang maalala na inaabangan ko nga pala ang tawag ni Larissa. Nang makita na kapatid ko nga ang tumatawag ay kaagad ko iyong sinagot.

“Larissa!” bungad ko kahit hindi pa nakakapagsalita ang kapatid ko. “Kanina ko pa hinihintay ang tawag mo! Anong nangyari? Bakit hindi ka nagre-reply sa mga text ko? Si Mama? Kumusta? May nangyari ba?”

“Ate, isa-isa lang naman ’yung tanong,” sabi ni Larissa mula sa kabilang linya. Nang marinig ko ang boses n’ya ay nabawasan ang pag-aalala ko.

“Sorry. Kanina pa kasi talaga ako nag-aalala sa inyo. Alam mo namang nasa malayo ako. Hindi ko kaagad kayo mapupuntahan.”

“Sorry din, ate.. Naging busy kasi ako kanina. Ngayon kasi inilipat si Mama sa bagong institution. Du’n sa sinasabi ni Doc Evelyn na kakilala n’yang psychiatrist.”

Naupo ako sa sofa habang pinapakinggan ang kapatid ko. Si Lilac ay tumayo at tumabi sa akin. Doon n’ya na rin pinagpatuloy ang pagtulog n’ya.

“Kumusta naman ’yung institution?” I asked as I caressed Lilac soft white fur.

“Mas maayos, ate! Hindi crowded. Tsaka ang ganda ng rooms! Mukhang private at ang linis-linis ng paligid!”

“Nagustuhan ba ni Mama?”

“Oo. Akala n’ya nga doon na s’ya magtatrabaho, eh. Hindi raw s’ya mahihirapan kasi malinis na.”

I smiled. Hindi ko maiwasan ang pangungulila sa kanila. Ramdam ko tuloy ang pamamasa ng mga mata ko.

“Nakausap ko na rin ’yung bagong psychiatrist ni Mama, ate,” Larissa continued. “Mukhang okay naman. Sinabi n’ya sa ’kin mga plano n’ya daw na ano… basta. Mga gagawin n’ya kay Mama. Hindi ko lang maintindihan kasi wala naman akong alam sa mga ganu’n. Gusto nga kitang tawagan kanina kasi ikaw ang may alam do’n kaya lang hindi talaga ako makahanap ng time.”

Napatango-tango ako. Nagka-idea na ako sa mga sinasabi ni Larissa.

“Ang dami kong f-in-ll up-an kanina, ate! Ngayon nga lang ako nakauwi kaya ngayon lang ako nakatawag.”

“Okay lang. Salamat at binalitaan mo pa rin ako kahit na alam kong pagod ka kanina.”

Ilang sandaling hindi nagsalita si Larissa mula sa kabilang linya. Narinig ko na lang ang pagbuntong-hininga n’ya.

“Ate… Gagaling na si Mama dito, ’di ba? Hindi na tayo maghihintay nang matagal.”

I pursed my lips. Hindi ko alam. Wala akong ideya. Pero iyon ang gusto ko. Iyon ang gusto naming magkapatid.

But I want to believe that it will happen. It will happen soon. Malapit na kaming magkasama-sama.

“Oo naman, Larissa,” I said. “Gagaling din si Mama. Malapit na…”

Chapter 19

Nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ng apartment ko isang umaga para pumasok sa trabaho ay nabungaran ko si Gray na nakasandal sa nakasaradong pinto ng apartment n’ya. Mukha pa s’yang nagulat nang buksan ko ang pinto pero agad ding nakabawi at binigyan ako ng malaking ngiti pagkakita sa ’kin.

“Hi, Rey!” bati n’ya na kumaway pa. He just looked adorable kaya kahit na nagulat ako na nakita s’ya ngayon ay napangiti ako.

Cute…

Sa hula ko ay kakauwi n’ya lng galing trabaho. He was still wearing his black slacks na alam kong parte ng uniform n’ya. Pero isang black plain shirt na ang suot n’yang pang-itaas imbes na white longsleeve polo. His gray hair looked disheveled and the tiredness in his eyes was visible.

“Good morning…” bati ko sa kanya.

His smile widened.

“Aalis ka na? Hatid na kita!”

I was taken aback by his offer. Hindi ko kasi inaasahan. Ang akala ko, kaya s’ya nakatayo rito at parang may hinihintay ay dahil kukunin n’ya si Lilac na nasa loob ng apartment ko. Hindi ko talaga inisip na mag-o-offer s’ya ng ganito sa akin ngayon.

Hindi naman ito ang unang beses na nag-alok s’ya sa ’kin ng ganito. Noon ding sinabi n’yang sasamahan n’ya ako sa pamimili.

Pero magkaiba naman ’yung ngayon at noon! He said that he has something to buy too back then, which turned out was for Lilac, kaya pumayag akong sumabay sa kanya noon. Ngayon kasi, alam kong kakauwi n’ya lang galing trabaho. Kung may pupuntahan s’yang iba, dinaanan na n’ya sana bago umuwi ngayon.

Naisip ko tuloy na baka nga wala talaga s’yang planong bilhin noong nagprisinta s’yang samahan ako sa pamimili at napilitan lang may bilhin talaga para may palusot s’ya sa ’kin.

But I pushed that thought away. Bakit n’ya naman gagawin ’yon kung gano’n nga?

“Bakit?” tanong ko sa kanyang nakakunot ang noo. Alanganing ngiti na rin tuloy ang naibigay ko sa kanya.

“Ha? Ano…” He scratched his left brow. “Pambawi sa pagpapakain at pagpapatulog mo sa ’kin noon.”

Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ko.

“’Di ba nakabawi ka na? Sinamahan mo pa nga kong mamili.”

“Kulang pa ’yun,” he said, then he grimaced when he realized it wasn’t a valid reason.

I smiled. Naniniwala na ko sa sinasabi ni Mang Gener. Na mabait nga si Gray. I think he thinks that everything is his responsibility. Kapag kaya n’yang gawin, gagawin n’ya. And he won’t stop until he’s satisfied.

It’s good that he’s kind. Pero ang mga kagaya n’ya ang madalas na nabibiktima ng mga mapagsamantalang tao. Sana lang ay hindi mangyari sa kanya ang ganoon.

Being kind is good, but not always. There are people who will going to take advantage of the goodness of your heart. They will manipulate you into doing things for their own benefit.

That’s why I always see kindness as a weakness. It is good, yes, but being ‘too’ kind could hurt you in the end.

“Ako naman ang makakapagsabi kung kulang pa ’yun o hindi,” I said and smiled at him. “Sapat na ’yun, Gray… Thank you.”

Halatang hindi s’ya sang-ayon sa sinabi ko. Napailing na lang ako at sinarado na ang pinto. Isa siguro ’to sa mga araw na hahayaan n’ya na muna si Lilac sa apartment ko na minsan ay ginagawa n’ya.

I started walking towards the elevator pero ramdam kong nakasunod sa ’kin si Gray. I pushed the elevator button and waited for it. Si Gray ay tumayo rin sa tabi ko.

“How about for taking care of Lilac?” hindi pa rin sumusuko n’yang tanong. Sabay pa kaming pumasok sa loob ng elevator.

“Gusto ko rin namang alagaan si Lilac.”

“Nakadagdag sa gastos mo pagkain n’ya! Ikaw kasi, palaging manok pinapakain mo. Kaya laging gusto sa ’yo, eh.”

Natawa ako. “Hindi mo raw kasi s’ya pinapakain ng chicken.”

“Mahal! Ano s’ya? Mas mahal pa kinakain n’ya kaysa sa ’kin?”

Mas lalo akong natawa. Tumunog ang elevator at nang bumukas ang pinto ay nauna akong lumabas. Si Gray ay nakasunod lang sa ’kin.

“Good morning, Ma’am Rey!” masiglang bati ni Mang Gener nang makita ako pero agad napalitan ng pagtataka ang ngiti n’ya nang makita si Gray na nakasunod sa likod ko.

“Good morning din po, Mang Gener.”

“Mukhang may LQ kayo ni Sir James, ah?” sabi pa ng gwardya kaya mabilis tuloy akong napalingon sa kanya.

“Ayaw kasing magpahatid sa ’kin, Mang Gener,” reklamo ni Gray sa matanda. Parang nagsusumbong pa.

“Aba, eh, bakit naman?” Mang Gener asked. Nagpalipat-lipat pa sa ’ming dalawa ang tingin n’ya.

“Hindi ko po alam sa kanya,” si Gray na nakasimangot pa nang tumingin sa ’kin.

“Hindi naman na po kasi kailangan, Mang Gener. Magta-taxi na lang ako. T’saka kung ipahinga n’ya na lang po ’yung oras n’ya sa paghahatid sa ’kin, mas mabuti pa,” I said.

“Pwede namang magpahinga pag-uwi,” Gray reasoned out.

“Sinabi mo na rin ’yan noon, hindi ka naman nagpahinga.”

“Ihahatid ka lang naman. Mas okay na ihatid kita kaysa sa gumastos ka pa sa pamasahe. Ipangbili mo na lang ng manok ni Lilac ’yang ipangpapamasahe mo.”

Natawa tuloy ako. I tried to recover my lost drive but failed. Gray’s lips broke into a grin like it was really his intention to distract me with my argument.

“Payag ka na?” he even asked.

Narinig naming natawa nang bahagya si Mang Gener kaya napatingin kami ni Gray sa kanya. Nawala sa isip ko na baka pinapanood n’ya kami kaninang nagtatalo kami.

“Sige na, Ma’am Rey,” Mang Gener said. “Pumayag ka na. Mas mabuti nga naman kung ihahatid ka nitong si Sir James. Bawas gastos at safe ka pa.”

Inakbayan ni Gray ang gwardya.

“Kaya idol kita, Mang Gener, eh. Kakampi talaga kita.” He offered his fist to the guard. Nakuha naman iyon ni Mang Gener at nag-fist bump pa ang dalawa. Napairap na lang tuloy ako.

“Oo na, sige na. Tara na,” sumusukong sabi ko. Mas may tyansa akong matanggihan si Gray kaninang kaming dalawa lang pero ngayong kakampi n’ya si Mang Gener, malabo na ’yon.

Hindi ko alam pero nakikita ko rin kay Mang Gener si Papa noon. Noong inaalagaan n’ya pa kami ni Larissa.

“Yes!” Gray exclaimed like he won a lottery. Sinimangutan ko lang s’ya na ginantihan n’ya naman ng ngisi.

Nagpalaam na kami kay Mang Gener na pinaalalahanan ulit kaming mag-iingat sa daan. Ilang sandali lang ay nagda-drive na si Gray papunta sa Callisto Medical Center.

“You should really rest when you get back, Gray,” giit ko. Ilang beses na n’ya kasing sinabi na magpapahinga s’ya sa tuwing umuuwi s’ya galing trabaho at kinukuha sa akin si Lilac pero duda ako kung ginagawa n’ya naman talaga!

He grinned. Saglit akong sinulyapan bago ibinalik ang tingin sa daan.

“Yes, Ma’am,” he said.

“Seryoso nga ko, Gray. ’Wag kang ngumii d’yan.”

He chuckled. He bit his lower lip pero kitang-kita ko naman ang ngiti n’ya.

“Hindi naman kasi ako nakakatulog,” he said.

“Kahit na. Magpahinga ka pa rin.” I tsked. “Kumain ka na ba?”

Naalala ko kasi ang sinabi n’yang hindi s’ya marunong magluto at ang walang lama n’yang ref at cupboard. Sa hula ko ay hindi talaga s’ya kumakain sa apartment n’ya kapag umuuwi s’ya galing Cold Spot.

“Hindi pa,” sagot n’ya na malawak pa rin ang ngiti.

“Tignan mo! Hindi ka talaga maalaga sa sarili mo, ’no?” Hindi ko na napigilan ang inis ko.

Siguro dahil nasanay rin ako kay Larissa na sa murang edad ay ako ang tumayong magulang n’ya. Kaya ganito na lang ang pag-aalala ko kay Gray. Mag-isa pa naman s’ya. Walang nagpapaalala sa kanya na dapat din n’yang alagaan ang sarili n’ya at hindi lang ang mga taong nasa paligid n’ya.

He tend to help people pero sarili n’ya hindi n’ya man lang alagaan nang maayos.

“Baka pwedeng magpaalaga na rin sa ’yo, Rey… Hindi lang si Lilac,” he said.

Marahas akong napalingon sa kanya. He was looking at the road but there was a huge grin on his lips. I squinted my eyes at him. Sakto naman ang paglingon n’ya sa ’kin kaya nakita n’ya ang reaksyon ko. Malakas ang tawang pinakawalan n’ya.

“Lahat na lang ginagawa mong biro,” naiiling kong sabi at tumingin na sa harap.

“Baka lang makalusot,” sabi pa n’ya.

“Does your brother know that you’re living like this?” I asked. Kung umakto kasi si Gray, parang walang mga taong mag-aalala para sa kanya.

Ilang sandali s’yang natahimik bago sinagot ang tanong ko.

“Alam n’ya.”

“Edi alam din ng parents n’yo?”

“They’re dead.”

Natigilan ako at dahan-dahang napatingin sa kanya. Nakatingin lang s’ya sa daan. I was only looking at his side profile and I can’t see his expression clearly pero wala rin akong makitang emosyon sa mga mata n’ya. And he said those words casually. Na para bang sanay na sanay na s’yang sabihin ’yon.

“I’m sorry,” sabi ko pa rin.

Shit… That was so insensitive of me! Naisip ko lang kasi na kung alam ng mga magulang n’ya ang ginagawa ni Gray dito, napagsabihan na siguro s’ya sa hindi n’ya pag-aalaga sa sarili n’ya. Alam ko ang pakiramdam ng pag-aalala dahil ngayong magkahiwalay kami ni Larissa, sinisiguro kong inaalagaan rin n’ya ang sarili n’ya.

Gray glanced at me. Natawa s’ya pagkatapos. Nakita n’ya kasi siguro ang pagsisisi sa itsura ko dahil binanggit ko pa ang tungkol sa mga magulang n’ya.

“It’s okay, really,” he said, smiling. Mas lalo tuloy akong na-guilty na nahalata n’ya rin naman. “Ayos lang talaga, Rey.”

“Ang insensitive ko… Hindi ko kasi alam.”

“Right. So no need to feel guilty. We have a lot of things to discover about each other and this is one of them,” he assured me.

“Sorry…” sabi ko pa.

He chuckled. Ibinalik n’ya ang tingin sa daan bago sumulyap ulit sa ’kin.

“I don’t see the logic about it, actually,” he said. “’Yung nagso-sorry kapag nababanggit ’yung mga taong wala na sa mundo nang hindi naman natin alam.”

“’Cause we’re afraid we might hurt their feelings by making them remember the memories of the perished,” I said.

“Actually, mas masasaktan pa ’yung tao sa paso-sorry nila. Mas maaalala lang nila na wala na nga ’yung tao. Na kailangan pang mag-sorry ng iba sa tuwing mababanggit ang mga taong wala na.”

Natahimik ako. He’s right… Naranasan ko rin ’yon. At hindi nga maganda sa pakiramdam na sa tuwing mababanggit si Papa, nakikita ko ang awa sa mga mata ng tao. Ang awa nila para sa akin dahil sa nangyari sa pamilya namin.

I don’t need it…

“Mas mabuti pa kung pag-uusapan ang mga taong wala na parang… normal lang,” Gray said. “Na hindi na kailangang mag-sorry. ’Cause we’ve already passed the grieving stage. And we’re now trying to live with their memories… beautiful and happy memories. Kaya hindi dapat sirain ng pagso-sorry nila.”

Gray glanced at me. I saw the soft look in his eyes and it was so beautiful. I felt comfortable. Pakiramdam ko, hindi lang ako nag-iisa sa mga pinagdaanan ko noon. Na naiintindihan n’ya rin ang mga naramdaman ko.

I smiled at him. He smiled back.

And I realized… I always like to see Gray smiling.

Dahil araw ng Linggo at wala akong naka-schedule na pasyente ay wala akong masyadong kailangang gawin. I decided to redecorate my clinic. Ipinalista na rin sa akin ni Janina ang mga nagastos ko at s’ya na lang daw ang bahalang magpa-reimburse sa finance.

Hindi rin naman masyadong marami ang binago ko. Inalis ko lang ang tingin kong hindi komportable para sa mga pasyente ko. Hindi rin naman kailangang masyadong maging over-decorated dahil hindi na magiging relaxing at comfortable tignan ang kwarto.

Nang hapon ay sinadya ako ni Doc Harrison sa clinic ko. Kinamusta n’ya lang ako sa trabaho. He also made a comment about the newly decorated room.

“Relaxing. Kapag gusto kong mag-relax, pagamit nitong kwarto mo,” he said and we both laughed with it.

Nang tapos na ang shift ay kasabay namin si Brent na mag-out. Sina Mandy, Sheena, at Lana ay hindi pa makauwi dahil marami pang kailangang tapusin.

“May pupuntahan ka?” tanong ni Janina kay Brent habang sabay-sabay kaming naglalakad palabas ng hospital.

“May pinapabili lang si Inang,” Brent said. Tumango kami dahil alam naming sa mall pa s’ya dadaan. Kaya siguro maganda ang bihis at nagpalit pa.

“Akala ko boyfriend mo dadaanan mo,” Janina said.

“Naku, neng! Sana’y magdilang-anghel ka!”

Natawa kami ni Janina. Pero naputol din agad ang pagtawa ko nang makita ang isang lalaking nakaupo sa bench sa may lobby ng hospital. He was looking at his phone pero nang maramdaman siguro na may nakatingin sa kanya ay napaangat ang tingin n’ya. Nandoon na naman ang malawak na ngiti n’ya nang makita ako.

“Si Fafa James ba ang nasa-sight ko?” rinig ko pang tanong ni Brent pero hindi ko na nasagot dahil nakita ko nang papalapit si Gray sa amin.

“Out mo na?” tanong pa n’ya sa akin paglapit.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko imbes na sagutin s’ya.

He looked so good with his checked polo and black slacks. Nakasuot na naman pabaliktad sa ulo n’ya ang white cap n’ya.

“Sinusundo ka,” he said. Napasulyap s’ya sa mga kasama ko kaya napatingin na rin ako kina Brent at Janina. Halata ang gulat sa mga mata nila.

“Oh… uhm,” hindi ako makahagilap ng sasabihin ko.

“Hi!” Gray greeted them. “Susunduin ko lang ’tong si Rey.”

“Magkakilala kayo?” gulat na tanong ni Janina.

“Gaga, nagkakilala sila nu’ng birthday mo. Ikaw pa nga nag-introduce sa kanila,” rinig kong bulong ni Brent.

“Hindi, ano…” Janina seemed so lost. “Kailan pa kayo naging close?”

“Magkapit-bahay kami,” it was Gray who answered.

Nanlalaki ang mga mata na napatingin sa akin si Janina. Parang naghahanap ng kumpirmasyon. Napabuntong-hingina na lang ako at tumango.

“Magkatabing unit kami du’n sa apartment building na tinutuluyan ko,” I said.

Bigla yatang sumakit ang ulo ko. Nakalimutan ko ang pagkakagusto ni Janina kay Gray. Hindi ko rin namang gustong banggitin ang tungkol sa pagiging mgkapit-bahay namin ni Gray dahil sa palagay ko ay masyadong personal na iyon.

“Hindi mo man lang nabanggit, Miss Rey!” Janina said.

“Nawala rin sa isip ko,” I said. Isa pa, puro tungkol sa trabaho ang napag-uusapan namin kapag nandito sa hospital.

“It’s not her responsibility,” Gray said. Napatingin kaming lahat sa kanya. “It’s not her business. Plus, I think it’s not appropriate to talk about someone’s address. It’s personal information.”

Napatingin ako kay Gray. His face was serious. Hindi makitaan ng kung anong katuwaan ang mukha n’ya. His gray orbs looked so cold and heartless. Mukhang nagulat din sina Janina at Brent sa nakitang pagbabago ni Gray.

“Fafa James, hindi naman ’yung address mo ang sasabihin,” sabi ni Brent, may alanganing ngiti na sa labi.

“Parang ganu’n na rin ’yon,” giit pa ni Gray. Halata ang inis sa boses n’ya. “You see, kapag sinabi ni Rey sa inyo na magkapit-bahay kami, you can easily find out her address dahil katrabaho n’yo s’ya. And once you did, malalaman n’yo na rin kung saan ako nakatira. Don’t you think it’s better if you’ll just find out about it naturally… like this?”

Napangiwi ako. Mukhang hindi yata nagustuhan ni Gray na parang sinisisi ako ng dalawa sa hindi ko pagbanggit na magkapit-bahay kami that’s why he’s giving them a lecture now. Mukhang ganoon din naman ang nararamdaman nina Janina at Brent dahil nanahimik ang dalawa.

“It’s like giving someone’s personal information indirectly. So tama lang ang ginawa ni Rey. No need to blame her for not saying anything.”

Hinawakan ko na sa braso si Gray para tumigil na s’ya. Mukha kasing hindi na mapalagay ang dalawa. Parang naramdaman na rin na hindi maganda ang mood ni Gray sa ginawa nila. And it’s getting really awkward.

I let out a force laugh. Halata ang awkwardness sa pagtawa ko kaya tinigil ko na lang at tumikhim.

“Sige, una na kami,” sabi kong nagmamadali. Pakiramdam ko, kapag hindi ko pa pinigilan si Gray, may masama na s’yang masasabi sa dalawa

Binalingan ko na sina Janina at Brent.

“See you tomorrow, Brent… Janina,” paalam ko sa kanila.

“See you tomorrow, Miss Rey.”

Hinigit ko na ang braso ni Gray para umalis na do’n. Ayaw pa ngang magpahigit! At sa itsura n’ya, mukhang marami pa s’yang sasabihin kung hindi ko lang pinigilan kanina!

“Madami pa kong sasabihin, eh!” sabi n’ya nang makarating kami sa sasakyan n’ya.

“No need to say the rest. Nakuha na naman ng dalawa ang punto mo,” I said.

“Nakakainis kasi na parang sinisisi ka nila,” he said. He opened the passenger’s door for me and I slid inside.

“Nabigla lang sila. They didn’t mean it like that,” sabi ko nang makasakay na rin s’ya sa driver’s seat.

He was frowning. Hindi talaga maganda ang mood n’ya. Mukha namang okay pa s’ya kanina nang makita ako.

I heard him tsked. This was the moment that I find him mysterious. Madalas kaming magkasama nitong nakaraan kaya nakalimutan ko ang tungkol sa pagiging misteryoso n’ya. Ang now… I’m seeing it again.

I want his usual self. But then… which of the two is the normal him?

“Kumain ka na ba?” I aksed, trying to break the tension.

He looked at me. Bahagyang nakakunot ang noo pero nandoon pa rin ang lamig sa mga mata n’ya.

“What?” he asked.

I still smiled at him.

“Kung hindi ka pa kumakain, magluluto ako… Kumain muna tayo bago ka pumasok sa trabaho mo.”

He stared at me. Mas lalo kong nakita ang kaibahan sa mga mata n’ya kaysa sa palagi kong nakikita ngayong nakatitig na s’ya sa akin. The coldness of his glare was slowly creeping me out.

But then, he blinked. Agad na nawala ang pakiramdam na ’yon nang bigyan na n’ya ako ng ngiti.

“Hindi ko tatanggihan ’yan!” masaya n’yang sabi bago binuksan ang makina ng sasakyan at nagsimula nang magmaneho.

Saka lang ako nakahinga nang maluwag. Sumandal ako sa upuan at tumingin sa labas ng bintana.

Just smile Gray. I like seeing you smile… Your other expression was just… starting to creep me out.

Chapter 20

I was observing Gray the whole ride till we got home. Hinihintay ko kung magbabago ulit ang ekspresyon n’ya. Kung makikita ko na naman ba ulit ang lamig sa mga mata n’ya katulad ng nangyari kanina.

It creeps me out but somehow…it amazed me. I was intrigued. I was curious. Sa tuwing nakikitaan ko kasi s’ya ng ganoong ekspresyon, pakiramdam ko ay ibang tao ang tinitignan ko. Kahit na alam kong si Gray ang kaharap ko, pakiramdam ko, hindi ko s’ya kilala.

That’s why I felt creeped out earlier. Nakakalimutan ko na s’ya pa rin ’yung taong palaging may nakahandang ngiti para sa ’kin sa tuwing nakikita n’ya ako. That he’s the one who’s taking care of Lilac too.

I know I should stop it. As a psychologist, I should think that there might be a deeper meaning to why he’s acting that way. I shouldn’t judge him. I shouldn’t be scared of him.

Still, he’s the kindest person I’ve ever met.

“Lilac! We’re home!” pakantang bungad ni Gray nang mabuksan ko na ang pinto ng apartment ko pag-uwi namin.

Napatingin ako kay Lilac na natutulog sa sofa. Bahagya lang gumalaw, siguro dahil naingayan sa boses ni Gray, pero bumalik din naman sa pagtulog. Napasimangot si Gray sa hindi pagpansin sa kanya ng alaga kaya nilapitan n’ya sa sofa si Lilac at binuhat na.

“Sabihin mo dapat ‘Welcome home, Mommy and Daddy,’” he even said to the disoriented cat.

“Gray, natutulog ’yung pusa, eh,” sabi kong pumasok na. “Ikaw kaya istorbohin sa pagtulog.”

“Okay lang. Hindi naman ako natutulog,” he said casually. Hinaplos n’ya pa ang balahibo ni Lilac na parang hindi n’ya talaga pinag-isipan ang sinabi n’ya.

I frowned. Nanatili lang akong nakatayo at nagpameywang pa habang nakatingin sa kanya. Hindi n’ya ako napapansin dahil busy s’ya sa pagpapaamo kay Lilac.

Naiinis kasi ako. Siguro dahil psychologist ako at alam ko ang kahalagahan ng pahinga at tulog sa tao kaya ganito na lang ang reaksyon ko. Naranasan ko rin kasi ang ilang araw na walang tulog, madalas noong nag-aaral ako at buong finals week yata ay hindi ako nagkaroon nang maayos na tulog dahil sa pagre-review.

Pero imbes na maalala ko ang lahat ng mga ni-review ko noon, minsan ay nakakalimutan ko talaga. Nahihirapan akong mag-isip habang nag-e-exam. Madalas rin akong atakihin ng migraine noon. Ang katawan ko ay hindi nagrereklamo sa kawalan ng tulog but I know that my brain was already at its limit that time. Mas mabilis din akong magkasakit dahil doon.

Mahirap. Kaya hindi ko alam kay Gray kung bakit binabalewala n’ya ang pahinga at pagtulog. Nangyari na nga na sumuko na ang utak at katawan n’ya noong napagkamalan n’yang kanya ang apartment ko at dito natulog. Pero mukhang hindi pa rin pala s’ya nadadala.

“Proud ka pa n’yan?” I asked sarcastically. “Ano? Papalakpak na ba ko? Feeling mo talent ’yan?”

Dahil nakatitig lang ako sa kanya, kitang-kita ko ang biglang pagkakatigil ni Gray. Napatigil talaga ’yung kamay n’ya sa paghaplos sa balahibo ni Lilac nang marinig ang sinabi ko. Ilang segundo pa s’yang hindi nakagalaw bago dahang-dahang tumingin sa akin. Halos matawa ako nang makita ang takot sa mga mata n’ya pero pinigilan ko ang pagtawa dahil gusto kong seryosohin n’ya ang pinupunto ko.

“Galit ka?” alanganin pa n’yang tanong. Mas lalong nadadagdagan ang takot na nakikita ko sa mga mata n’ya habang nakatingin sa ’kin.

Bakit ba nakaramdam ako ng takot sa kanya kanina? Seeing him being like this, mukhang hindi n’ya ako magagawang saktan, o kahit sino pa. Mukhang sa ’kin pa nga s’ya natatakot dahil sa naging tono ko kanina.

I crossed my arms over my chest. Nakita kong napakislot pa s’ya dahil sa ginawa ko. Ibinaba n’ya tuloy ulit si Lilac sa sofa nang hindi inaalis ang tingin sa ’kin.

“Hindi naman ako proud,” sabi n’ya nang harapin ulit ako. “Sinabi ko lang naman ’yung totoo.” Napayuko pa talaga s’ya bago inalis ang cap n’ya.

“You said it like it’s a normal thing. Hindi normal ’yon, Gray. Kailangan ng tao ang tulog at pahinga.”

“I know…” he softly said. Saglit s’yang nag-angat ng tingin sa ’kin para sulyapan ako. I saw the guilt and sadness in his gray orbs. Agad rin s’yang nagbaba ng tingin nang makita siguro na galit pa rin ako.

Na-guilty rin tuloy ako. Pakiramdam ko, ang sama-sama ko dahil pinagsabihan ko s’ya. He looked really dejected and sad that I got angry at him.

I took a deep breath. Sinasabi ko sa sarili ko na wala namang masamang pagsabihan s’ya dahil mali rin naman ang ginagawa n’ya. He wasn’t taking care of himself. S’ya rin naman ang mahihirapan pagkatapos.

Pero wala. Nagi-guilty talaga ko. Parang gusto ko tuloy bawiin ang galit ko.

But he needs to learn his lesson. Kaya kahit na mahirap at parang gusto ko na lang din humingi ng sorry sa kanya sa pagiging galit ko ay dumiretso na ako sa kusina para maghanda ng kakainin namin. Napatingin pa ako sa wallclock. Marami pang oras bago ang shift n’ya sa trabaho kaya pwede siguro akong magluto ng gulay, partner sa ipiprito kong bangus.

Naging abala ako sa kusina. Hindi ko na talaga nilingon si Gray. Hindi ko rin alam kung anong ginagawa n’ya. Feeling ko kasi, kapag tinignan ko pa s’ya, ako pa ang magso-sorry sa kanya na nagalit ako.

I was cutting the cabbage. Plano ko sanang igisa at haluan ng corn beef. Sa tingin ko ay pwede na ’to para sa gulay para maging balanse ang pagkain namin. Gray needs to eat healthy food. Kahit dito man lang sana ay makabawi ang katawan.

I heard footsteps and I know that those were from Gray. Pumasok na rin s’ya sa kusina pero hindi ko pa rin s’ya nilingon. Kahit nang maramdaman ko ang presensya n’ya sa likuran ko ay nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko.

Kaya naman halos mabitiwan ko ang kutsilyo sa sobrang gulat nang maramdaman ang pagdantay ng ulo ni Gray sa kaliwang balikat ko. Nauna ko na munang naamoy ang panlalaki n’yang pabango bago rumehistro sa isip ko ang ginawa n’ya.

His forehead was leaning on my left shoulder. Ang ilang hibla ng kulay abo n’yang buhok ay kumikiliti sa kaliwang pisngi ko. I could smell the mint scent of his shampoo.

I sucked in my breath. Napahigpit rin ang pagkakahawak ko sa kutsilyo. Hindi ako makagalaw. Nanginginig din ang kamay ko kasabay ng bilis ng tibok ng puso ko.

“Sorry…” I heard Gray muttered in a whisper. Kahit pabulong ay ramdam ko ang sinseridad n’ya.

Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan n’ya kahit ang noo n’ya lang naman ang nakadantay sa katawan ko. I was completely aware of his presence from behind. His scent was the only thing I could smell. Dahil doon ay halos magwala tuloy ang puso ko sa loob ng dibdib ko.

Shit… I think I know now what’s happening to me. Kung bakit ganitong kalala ang epekto n’ya sa ’kin na s’ya lang ang nakakagawa.

I slowly tried to calm myself by inhaling a few deep breaths. Sinubukan kong ipagpatuloy ang ginagawa ko kahit halos manginig ang buong kalamnan ko. Hinayaan ko lang s’ya sa likuran ko.

“Sorry, Rey…” rinig kong bulong n’ya ulit.

I took a deep breath. Nagbilang muna ako ng limang segundo bago nagsalita.

“Kumakain ka ba ng repolyo?”

Napaangat ng tingin si Gray. Nagulat siguro sa tanong ko. Nilingon n’ya ako at dahil magkalapit kami, I felt the tip of his nose slightly brushed my left cheek. Nahigit ko ang paghinga ko kasabay ng parang kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko.

“Hm?” Gray asked, completely oblivious about his effect on me.

Bahagya kong inilayo ang ulo ko sa kanya at tumikhim.

“Kumakain ka ba ng isda at repolyo?” tanong kong pilit na kumikilos ng normal.

I heard Gray chuckle. Hindi ko alam kung anong pinagtatawanan n’ya. Kung ako ba, ’yung sitwasyon namin o ’yung tanong ko.

“Sabi ko naman sa ’yong kakainin ko kahit ano pang iluto mo, Rey…” he said.

Pinigilan ko ang pagngiti. Kinagat ko na lang ang loob ng pisngi ko at nagpatuloy sa paggagayat ng gulay.

“Sige na… Umupo ka na d’un. Magluluto na ko,” I said.

“Hindi ka na galit?” tanong ni Gray na sinilip pa talaga ang mukha ko.

Nilingon ko s’ya. Naging magkalapit tuloy ang mga mukha namin and I could already smell his sweet fresh breath. Idinistansya ko ang sarili ko nang bahagya dahil hindi ako nakakapag-isip nang maayos kapag ganito s’yang kalapit.

“Basta mangako kang matutulog ka bukas pag-uwi mo galing sa club,” I said.

Gray grinned at me. Nandoon din tuloy ang urge sa ’kin na ngumiti. Mas gusto ko talaga kapag ganito s’ya.

“Sige. Pagkatapos kitang ihatid sa trabaho mo, magpapahinga ako pag-uwi,” he said.

Napakunot ang noo ko.

“Ihahatid mo ulit ako? Nakabawi ka na, ah? Hinatid mo ako kanina. Sinundo mo pa ako.”

“Susunduin din kita. Pambawi naman ’yung bukas sa pagpapakain mo sa ’kin ngayon.”

“Kaya nga ako nagluluto ngayon pambawi naman sa paghahatid-sundo mo sa ’kin kanina.”

He stared at me. Maya-maya ay malakas s’yang natawa. He took a step back to look at me better as he smirked at me.

“Pa’no ngayon ’yan?” tanong n’yang malaki naman ang ngisi sa labi. Mukhang mas natutuwa pa sa sitwasyon naming dalawa kaysa sa problemahin kung paano matatapos ang ginagawa naming bawian.

“Huwag mo na lang kasi akong ihatid bukas,” sabi ko at agad s’yang umiling.

“Ayoko nga. Pambawi ko nga ’yon sa pagkain ngayon.”

Napairap ako. Hindi na talaga matatapos ’to kung hindi ako mismo ang titigil! Mukhang walang balak magpatalo si Gray.

Tinitigan ko s’ya habang nag-iisip ako ng solusyon sa sitwasyon naming dalawa. I could just accept his offer and not cook for him again. Doon lang naman bumabawi si Gray.

But as I thought about his empty fridge and cupboard, I don’t think I could do that. I don’t know… Hindi ko lang talaga s’ya kayang baliwalain. He’s living alone. Baka nga minsan ay nakakalimutan pa n’yang kumain.

Naisip ko tuloy si Larissa. Hindi ko kakayanin kung ganito mamumuhay ang kapatid ko.

“How about this…” I trailed off. “Ihahatid-sundo mo ako tapos ipagluluto kita.”

Gray nodded. “Oo nga. Kaya nga ihahatid at susunduin kita bukas dahil pinagluto mo ko ngayon.”

Umiling ako.

“No. I mean… Sure ako na gugustuhin ko ring bumawi sa ’yo dahil sa paghahatid-sundo mo sa ’kin. Then why won’t we just… continue this? Palagi na kitang ipagluluto at palagi mo na rin akong ihahatid-sundo.” Napangiwi ako nang tumitig lang sa ’kin si Gray. “Kung gusto mo lang naman.”

Parang gusto ko tuloy bawiin ang mga sinabi ko nang manatili lang ang titig sa ’kin ni Gray. Wala s’yang sinasabing kahit ano. I tried to find out what he’s thinking, o kahit emosyon man lang n’ya kung gusto ba o ayaw n’ya ng sinabi ko. But there’s no telling it. Nakatitig lang talaga sa ’kin si Gray at hindi ko mahulaan ang iniisip n’ya.

Shit… Bakit ko ba naisip ’yon? Of course, there would be a time that he would stop! Siguro ay wala lang talaga s’yang magawa ngayon kaya ganito s’ya at naglalaan ng oras para sa ’kin. Or maybe that he was just too grateful and lately, he will realize that what he’s doing was more than enough of a repayment for the food I’m giving him.

Handa ko na sanang bawiin ang alok ko sa kanya nang unti-unti ay makita ko ang pagngiti n’ya. He smiled so widely that his gray eyes even twinkled in delight. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kasayang ngiti!

“Sure!” sabi n’yang sunod-sunod pang tumango at malaki ang ngiti sa mga labi. “Sure, Rey! Kahit ano pa ’yan.”

I let out a sigh of relief. Buti na lang! Pakiramdam ko ay sobrang madidismaya ako kung sakali mang tanggihan n’ya nga ang alok ko. I am worried about him. Too much that I wanted to make sure he’s taking care of himself from now on.

“Sabihin mo lang kung may food allergies ka,” I said.

Mahinang natawa si Gray.

“Wala naman. Okay ako sa kahit anong lulutuin mo, Rey…”

Ganoon nga ang nangyari. Kinabukasan ay hinatid ako ni Gray sa trabaho. Bago ako bumaba sa sasakyan n’ya ay inabot ko muna sa kanya ang spare key ng apartment ko.

“Ano ’to?” tanong pa n’ya pero tinanggap naman ang inaabot kong susi.

“Spare key ng apartment ko,” sabi kong inuunat ang blouse ko. “’Yung pagkain mo, nasa ref. Initin mo na lang.”

Na-late na naman kasi ng uwi si Gray kanina. Usually ay may one hour pa bago ang oras ng pag-alis ko pero marami raw ulit silang inayos sa club kanina kaya s’ya na-late. At pagdating n’ya ay kailangan ko nang umalis para hindi ako mahuli sa shift ko. Hindi na tuloy s’ya nakakain at diretso na akong hinatid.

Tintigan ni Gray ang susing hawak n’ya. Sa tingin ko pa nga ay sinisiguro n’ya kung susi ba iyon o nagpapanggap lang.

“You’re giving me your spare key?” he asked when he finally looked at me. Tumango lang ako sa kanya. “You trust me that much?”

Natigilan ako sa pag-aayos ng blouse ko. I looked at Gray. He looked surprised. Mukha talagang hindi s’ya makapaniwala na ibinigay ko sa kanya ang spare key ng apartment ko.

I chuckled. “Ikaw kaya ang unang nagbigay sa ’kin ng lock code ng apartment mo. You trust me that much?” balik tanong ko sa kanya.

He grinned. Napailing bago ngumisi sa ’kin.

“Touché.”

“Sige na, bababa na ko. Initin mo na lang ’yung pagkain, ha? Ikaw na bahala kay Lilac,” sabi ko bago binuksan ang pinto sa side ko. “Ingat sa pagmamaneho, Gray.”

He gave me a two-finger salute. “Yes, Ma’am.”

I went inside the hospital and rode the elevator to my floor. Pagbukas pa lang ng pinto ng elevator ay nakita ko na ang limang magkakaibigan na nagkukumpulan sa nurse station. Nang makita nila ako ay agad akong nilapitan nina Janina at Brent.

“Mukhang maluwag ngayon, ah?” bati ko sa kanila pero hindi nila iyon pinansin. Isinukbit pa ni Brent ang kamay n’ya sa braso ko at hinila ako papunta sa nurse station.

“Mamsh, we made a mistake!” he said, more like he cried when we got near the others.

“Ha? Bakit? Saan?” sunod-sunod kong tanong dahil mukhang hindi talaga mapalagay si Brent.

“Miss Rey… Galit ba s’ya sa ’min?” tanong ni Janina na mukha ring takot at kinakabahan.

I frowned. Tinitigan ko silang dalawa. Sina Sheena, Mandy at Lana ay mukhang hindi kinakabahan at nag-aabang lang sa tanong ko. Kaya sa tingin ko ay sina Brent at Mandy lang ang apektado.

Then I remembered what happened yesterday. Saka ko lang naintindihan kung bakit nagkakaganito ang dalawang ’to.

“Ah… Si Gr— Si James?” Ginamit ko ang pangalan kung saan nila mas kilala si Gray. “Hindi ’yun galit. Don’t worry.”

“Pero mukhang nainis sa ’min si Fafa James kahapon, Miss Rey!” si Brent na mukhang ayaw maniwala. Kahit si Janina rin naman.

Natawa ako. Kahit naman na alam kong nainis nga si Gray sa kanila kahapon, alam ko din naman na wala na ’yon. Na hindi naman malalim ang pagkainis n’ya sa kanila at hindi talaga s’ya nagalit.

“Nainis, oo. Pero hindi nagalit. Tsaka lumipas na ’yung inis n’ya. Baka nga nakalimutan na n’ya so don’t worry, okay?”

“Makakapunta pa rin ba silang dalawa sa Cold Spot?” tanong ni Mandy. Sinamaan tuloy s’ya ng tingin ng dalawa. Natawa tuloy ako.

“Baka nga ilibre pa kayo no’n. Pambawi sa kahapon.” I gave them a smile before I finally walked to my clinic.

“Sorry, Miss Rey,” sabi ni Janina na sinundan pala ako hanggang sa loob ng clinic ko. “Nagulat lang talaga ako na kapitbahay mo pala si James. Tsaka na super close na kayo.”

“Nawala rin talaga sa isip kong sabihin sa ’yo, Janina. Nag-a-adjust pa kasi ako no’n kaya hindi ko rin naisip.”

“Hindi… Tama naman s’ya, eh. Hindi ka obligadong magsabi sa ’kin.” She sighed and hugged the chart she was holding. “Maghahanap na lang siguro ako ng bagong crush.”

“Well, that was quick,” sabi kong nakangiti.

“Crush ko lang naman si James, Miss Rey. Tsaka kung sa ’yo s’ya mapupunta, aba, sobrang boto ako.”

Natawa ako. “Ibigay mo na nga lang sa ’kin ’yung chart ng pasyente ko bukas. Kung ano-anong pinagsasabi mo d’yan.”

“Tingin ko naman malapit nang mangyari ’yon, Miss Rey!” sabi n’ya habang binibigay sa ’kin ang chart. “Baka bukas mabalitaan ko na lang na kayo na.”

Natawa na lang ulit ako at napailing. Hindi ko na lang sinakyan ang sinabi n’ya at tinignan ang chart na binigay n’ya sa ’kin. Tahimik na lumabas si Janina sa clinic ko.

I should focus on my work. Whatever I’m feeling, I should ignore it. Hindi ito ang dahilan kaya nandito ako ngayon sa Negros.

I should focus on my Mom and Larissa.

Sa buong Linggo ay hatid-sundo ako ni Gray. Laking bawas din sa pamasahe ang nangyari. Madalas kasi sa umaga ay nagta-taxi talaga ako dahil ayoko namang magmukhang stress at pagod sa pagpasok ko pa lang lalo na kung may haharapin akong pasyente.

Sa apartment ko na rin kumakain si Gray para sa dinner at tanghalian n’ya. Natutuwa ako sa tuwing nakikita ko na nauubos n’ya palagi ang pagkain sa plato n’ya. Kung minsan nga ay kulang pa kaya palagi ko tuloy sinosobrahan ang niluluto ko.

He was eating. Hindi s’ya nagpapalipas, alam ko dahil ako ang palagi n’yang kasabay sa pagkain. Pero hindi ko pa rin alam kung nagpapahinga s’ya pagkatapos n’ya akong ihatid sa hospital tulad ng pangako n’ya sa ’kin.

He always looked tired and sleep deprived. Pero masigla pa rin namang humarap sa ’kin at palaging malawak ang ngiti kapag kaharap ako. But I could see in his eyes that he’s tired.

It was my rest day. Tapos na akong magluto at naghihintay na lang na makauwi si Gray galing sa Cold Spot. Plano ko sanang tanungin s’ya kung nagpapahinga o natutulog man lang s’ya. Sa tingin ko kasi ay kailangan na n’yang magpa-check-up kung nahihirapan pa rin s’ya sa pagtulog. Para hindi na mangyari na nakatulog s’ya ibang lugar. It’s dangerous for him.

Nakarinig ako ng pagkatok at alam kong si Gray na ’yon kaya mabilis akong lumapit sa pinto para pagbuksan s’ya. kahit naman kasi may spare key na s’ya sa apartment ko ay hindi pa rin s’ya basta-bastang pumapasok nang walang permiso ko.

Inaasahan ko ang ngiting palagi n’yang sinasalubong sa ’kin sa pagbukas ko ng pinto pero natigilan ako nang makita ang blankong ekspresyon ng mukha n’ya. His eyes looked dead tired and the dark circles were visible under it. Doon pa lang ay parang alam ko na kung ano na namang nangyayari sa kanya.

His mind shut down again.

He took a step towards me. Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto sa pag-aakala na didiretso s’yang pumasok sa loob pero nagkamali ako. Mas lumapit pa s’ya sa ’kin at sinandal ang ulo sa balikat ko. Hindi katulad noon na ang noo n’ya lang ang nakasandal, ngayon ay ang buong ulo na n’ya. Siniksik n’ya pa ang mukha n’ya sa leeg ko at napasinghap na lang ako nang maramdaman ang tungki ng ilong n’yang tumatama sa nakakakiliting parte ng leeg ko. And his warm breath fanning my skin.

My heart beats faster again. Natatakot nga ako na baka marinig n’ya dahil sobrang lakas din ng tibok. His warm breath was enough to sent shiver down my spine. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang panginginig ko.

“Home…” I heard Gray mumble against my skin. Nakiliti ako dahil ramdam na ramdam ko ang paggalaw ng mga labi n’ya sa balat ko.

“Gising ka?” mahina kong tanong dahil halo-halo ang nararamdaman ko at hindi ko na alam kung anong uunahin doon.

He nodded. Some strands of his hair brushed against my cheek. Mas isiniksik pa ni Gray ang mukha n’ya sa leeg ko na parang hindi pa kuntento. He then wrapped his arms around me and pulled me closer to him to snuggle more on my neck. I let out a whimper and bit my lower lip again to stop myself from making unnecessary sounds.

“K-kailangan mo nang matulog,” nauutal kong sabi. Shit naman! Hindi ko alam kung paano hihinga nang maayos!

I didn’t push him away and let him hug me. He was still conscious pero alam ko na pagod na s’ya at maya-maya lang ay ang utak na n’ya mismo ang gugustuhing matulog s’ya. He needed someone to support him right now.

Plus, I don’t want to let go. Ayoko. It felt so comfortable inside his arms. Parang ako rin tuloy ay nakakaramdam ng antok.

His warmth… No. It was himself that makes me feel so comfortable.

“Ayokong pumasok sa apartment ko.” He was already mumbling. Parang pagod na ring magsalita.

Ayaw n’ya sa apartment n’ya? Ayaw n’yang pumasok sa loob? Hindi kaya iyon ang dahilan kung bakit hirap s’yang makatulog? ’Cause he’s not comfortable at his place?

Kaya rin ba ang himbing ng tulog n’ya nang nandito s’ya sa apartment ko? Hindi dahil sobrang pagod s’ya pero dahil komportable na s’ya?

But what makes him comfortable in my apartment? Maliit sa kanya ang sofa na hinigaan n’ya, so why?

“Gusto mong dito na lang matulog sa apartment ko?” alok ko. Isa pa, I don’t think I could leave him being like this.

Nag-angat s’ya ng tingin pero hindi naman lumayo sa ’kin. The blank look on his face was now gone. Pero nandoon pa rin ang pagod sa mga mata n’ya.

“Pwede?” he asked, hopeful.

I smiled at him. “Oo naman.”

Saka ko lang nakita ang malawak n’yang ngiti. Pinapasok ko na s’ya sa apartment ko at dumiretso s’ya sa sofa. Mukhang doon yata planong matulog. Si Lilac na abalang kumain ay tinignan lang ang amo n’ya.

“May isa pang kwarto, Gray… Doon ka na lang matulog,” I said. Nakita ko kasi na mukhang naghahanap na s’ya ng komportableng pwesto bago humiga.

He shook his head. His tired eyes looked at me.

“Dito na lang ako.”

“Baka maingayan ka. Maglilinis din kasi ako ng sala at kusina.”

He flashed me a gentle smile. His expression was so soft that made my heart feel warm.

“That’s what I want… I like listening to you moving and walking all around. Kumakalma ako.”

Hindi ako nakapagsalita. Tinitigan ko lang s’ya. Mukha namang nakahanap na s’ya ng magandang pwesto at humiga na. Saka ko lang naalalang bigyan s’ya ng unan at kumot. Kumuha ako sa mga kasama kong binili noong nakaraan at iyon ang pinagamit sa kanya. Tahimik n’ya lang iyong kinuha at pumikit na.

In no time, he was already breathing steadily and calmly. Halatang nakatulog na.

Napangiti ako. Inayos ko ang kumot sa katawan n’ya.

“Sweet dreams, Gray.”

Chapter 21

Nagsimula akong maglinis sa sala nang tahimik, nag-iingat na hindi magising ang taong natutulog sa sofa. Sa tuwing may tumutunog nang may kalakasan dahil sa paglilinis ko, kapag may bumabagsak o hindi kaya ay napapalakas ang paglalapag ko sa isang bagay ay napapatingin ako sa gawi ni Gray. Nakakahinga lang ako nang maluwag kapag nakikita s’yang hindi gumagalaw sa pwesto n’ya.

Tulog na tulog s’ya. Iilang beses lang s’yang gumalaw sa pagtulog pero hindi man lang naalimpungan dahil sa paglilinis ko. Palakad-lakad ba naman ako sa buong unit dahil inaayos ko na rin ang mga dekorasyon na nabili ko noon. Pero hindi talaga nagising si Gray.

We’re different. Mabilis akong magising. Kaunting kaluskos lang ay nagigising na agad ako. Kaya nga kapag may nauunang magising sa mga kasama ko doon sa maid quarters sa bahay ng mga Callisto ay gumigising na rin ako. Alam ko rin naman na mahihirapan na akong bumalik sa pagtulog. Napansin nila iyon kaya naman nag-iingat din sila sa pagkilos para hindi ako magising.

Hanga ako sa lalim ng tulog ni Gray. Bukod pa sa ingay ng paglilinis ko ay nag-iingay din si Lilac. Ginigising ang amo dahil inagawan na naman ng pwesto sa pagtulog. But Gray was oblivious to his surroundings and was still in deep sleep.

“Lilac, ’wag maingay. Natutulog ang Daddy mo,” sabi ko sa pusa at binuhat na dahil mukhang plano na naman yatang talunan sa tyan si Gray para magising na.

The cat meowed in my arms. Hinaplos ko ang balahibo n’ya at inilapag malayo kay Gray. Kumuha ako ng kumot at isinapin iyon sa isa sa mga upuan. Pansamantalang tulugan muna ni Lilac. Gusto yata na malambot pa rin ang hihigaan.

Nilagay ko doon si Lilac. The cat felt the soft fabric of the blanket and kneaded its paws on it. Mukhang nakuntento naman si Lilac sa lambot ng kumot at ilang saglit lang ay nakahiga na doon. Mukhang matutulog na.

Napatingin ako kay Gray. Tulog na tulog pa rin s’ya. ’Di ko na tuloy napigilan ang mapangiti. He needs it. A complete rest. Kaya naman ingat na ingat akong huwag maistorbo ang pagtulog n’ya ngayon.

I continued cleaning my unit. Nang mag-alas sais na ay naisipan ko nang magluto. Mauubos na naman pala ang stocks ko. Hanggang para bukas na lang. Kailangan kong mag-grocery na naman sa umaga.

It was almost seven when I finished cooking. I decided to take a bath and clean myself. Pinagpawisan rin ako sa paglilinis kanina at nagluto pa ko. Nagbihis ako at lumabas na sa kwarto para sana kumain na.

Napatingin ako kay Gray. Nag-iisip kung gigisingin ba s’ya para makakain na. Pero mukhang hindi na kailangan dahil mukhang magigising na naman s’ya.

He stirred in his sleep. Pinanood ko ang pagdilat ng mga mata n’ya. Ilang sandali lang s’yang tumitig sa kisame bago bumangon at umupo sa sofa. He stayed still. Mukhang nagtatanggal muna ng antok bago gumalaw.

I smiled and walked towards him. He looked disoriented when he looked up at me.

“Good… evening,” I greeted him.

Tinitigan ko s’ya. Magulo ang buhok n’ya dahil sa pagtulog at halatang bagong gising talaga s’ya. He looked really cute and handsome at the same time. Kahit na mukhang wala pa rin s’ya sa sarili dahil kagigising lang.

He blinked. Umangat ang isang kamay n’ya at inabot ako. I felt the warmth of his hand as he held my wrist and slowly pulled me closer to him. Humakbang ako palapit sa kanya kasabay ng paghila n’ya sa ’kin. Nang makalapit ako sa kanya ay binitiwan n’ya ang pulsuhan ko.

Nagulat ako nang pumulupot ang mga braso n’ya sa bewang ko at mas hinigit pa ako palapit sa kanya. He spreads his legs to make room for me. His legs were now straddling my legs.  He hugged me tight on the waist and buried his face on my stomach. 

Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko. Nahigit ko pa ang paghinga ko sa sobrang gulat sa biglang pagyakap ni Gray. Hindi ako makagalaw. Nakatitig lang ako sa kanya na ang mukha ay nakabaon sa bandang tyan ko.

What’s this? Tulog pa rin ba s’ya? Nananaginip ba s’ya?

Hindi ko s’ya itinulak. Hinayaan ko lang s’yang yakapin ako. It was… comforting. His warmth was so comforting.

“Thank you…” rinig kong bulong ni Gray kahit na nakabaon pa rin ang mukha n’ya sa tyan ko.

Ilang sandali pa akong nakatitig lang sa kanya before I took a deep breath and sighed. Napangiti ako. And, like an instinct, I started brushing his soft hair with my right hand.

Marahan kong sinuklay ang buhok n’ya gamit ang mga daliri ko. Sobrang lambot ng buhok ni Gray. Ang mga hibla ay kumikiliti sa palad ko at sa pagitan ng mga daliri ko.

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap n’ya sa akin dahil sa ginawa ko. Mas lumawak ang ngiti ko. Ang isang kamay ko ay dumantay sa balikat n’ya.

I have no idea how long we stayed like that. Wala sa amin ang may planong humiwalay sa isa’t isa. Sobrang tahimik ng buong unit kaya dinig na dinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko. May palagay pa nga ako na naririnig rin iyon ni Gray. My hand that was brushing his hair was even shaking a bit. I was overwhelmed with this nice feeling.

When did my heart start to react like this towards him? Na sumasaya ang puso ko sa tuwing nakikita ko s’ya? Na gustong-gusto ko kapag nakikita s’yang nakangiti?

Hindi ko alam… But I like what’s happening between us. I like having these feelings.

“Gutom ka na?” tanong ko sa kanya maya-maya.

Tumango si Gray pero hindi naman bumitiw sa akin. He hugged me tighter instead. Ayoko pa rin sanang matapos ’yon pero kailangan n’yang kumain. Hindi kasi s’ya kumain ng lunch kanina.

“Nakapagluto na ko… Kain na tayo,” sabi ko pero patuloy pa rin ako sa pagsuklay sa buhok n’ya.

Ilang sandali pa kaming nanatili sa gano’ng posisyon bago lumuwag ang pagkakayakap sa ’kin ni Gray. He looked up at me. Napangiti ako sa kanya. Saka ko lang nakita ang malawak na ngiti n’ya.

Tumayo na s’ya at sabay kaming pumunta sa kusina. Gaya ng dati, tinulungan n’ya ako sa paghahanda sa hapag. Umupo na rin kami pagkatapos at nagsimula nang kumain.

“Kumusta tulog mo?” I asked.

Gray looked at me. Nilunok n’ya muna ang pagkain sa bibig n’ya bago ngumisi sa ’kin.

“I slept like a baby,” he said with a grin on his lips. Natawa at napailing na lang ako.

“I know wala kang planong mag-iba ng trabaho. You said you love your job. But you need to take care of yourself. Mas prone ka sa sakit since ganyan ang working hours mo,” I said.

“Hindi rin naman ako makatulog kahit gusto ko.”

“Pero ang sarap ng tulog mo kanina.”

Gray chuckled. Napakamot s’ya sa gilid ng kilay n’ya.

“I can’t sleep in my apartment. It’s too quiet. It feels… empty.”

I frowned. “Then play music? Just like in your workplace. Sabi mo gusto mo ng maiingay na lugar.”

He smiled at me. Natigilan ako sa ngiting ibinigay n’ya sa ’kin.

It was a sad smile.

“I guess I just don’t like being alone,” he said.

Natigilan ako at napatitig sa kanya. I was trying to read him. Bumalik sa isip ko ang mga nasabi n’ya at ilang mga napag-usapan namin.

He said that he likes loud and noisy places, just like his workplace. Ibig sabihin, doon sa maraming tao. And now he told me that he couldn’t sleep in his apartment ’cause it felt empty and he didn’t like being alone.

Does he have autophobia?

But no. He said that he went here to Negros to get away. Hindi naman s’ya lalayo para mapag-isa kung may autophobia nga s’ya.

“Your apartment feels comfortable,” sabi n’ya nang hindi ako magsalita. “Siguro kaya gustong-gusto rin ni Lilac dito.”

“Halos pareho lang naman ang apartment natin. Mirrored style lang ng akin ang sa ’yo.”

He smiled at me.

“Nah… It’s you. It’s your presence that is comforting.”

Napatitig ako sa kanya. Maya-maya ay napangiti na rin.

His presence was comforting to me too.

“Off mo bukas, ’di ba? Anoong plano mong gawin?” he asked as he put the food in his mouth.

Saglit akong napaisip sa tanong n’ya. Naalala ko na wala na nga pala akong stocks ng pagkain.

“Maggo-grocery ako sa umaga. Sabihin mo pala sa ’kin kung may gusto kang iluto ko.”

He nodded and swallow the food. “After that?”

“Uhm, siguro maglilibot? Plano ko na ’yon. Susulitin ko na muna hangga’t hindi pa ako masyadong busy at hindi pa marami ang pasyente ko.”

Plano ko naman talaga ’yon. Kaya lang, hindi natuloy noong nakaraan. Dalawang araw ang off ko at ang isa ay inilalaan ko talaga sa pagpapahinga.

“Samahan na kita,” Gray said. Hindi na ako nagulat do’n.

“I have a feeling you’d say that.”

“I’ll be your tour guide,” sabi pa n’ya. Parang inaasahan na tatanggi ako kaya nagbigay na ng rason kung bakit dapat ko s’yang isama.

“No. You need to rest after your work, Gray.”

“Off ko ngayon. Hindi ako papasok mamaya.”

Napakunot ang noo ko at nagtatakang tumingin sa kanya.

“Parang nu’ng nakaraan hindi mo naman off ng ganitong araw?”

“I requested it. Pumayag naman si Travis. Ngayon lang din naman ako nag-demand sa kanya.”

Napatango-tango ako. Perks siguro na kaibigan n’ya ang may-ari ng club.

“Sasamahan kita, ha?” he said, hope was in his eyes.

Umiling ako. “Kailangan mo pa rin magpahinga. Kaya nga rest day ang tawag sa off.”

“Magpapahinga na lang din ako mamaya. Ganu’n din ’yon!”

Kumunot ulit ang noo ko. “Makakatulog ka pa kaya, eh, kagigising mo lang?”

“Kung ipapagamit mo ulit sa ’kin ang sofa mo, makakatulog ako mamaya.”

Marahas na lang akong napabuntong-hininga. It’s no use stopping him! Kailan ko ba s’ya napigilang gawin ang gusto n’ya? Ayaw n’ya talagang magpigil!

“Siguraduhin mo lang na matutulog ka mamaya, Gray! Kapag hindi, hindi talaga kita isasama!” inis kong sabi. Kahit anong pigil ko, sasama pa rin talaga s’ya.

Malawak s’yang napangiti. “Papatulugin mo ulit ako sa sofa mo?”

“Basta matutulog ka!” nakasimangot kong sabi sa kanya. Mas lumawak naman ang ngiti n’ya at sunod-sunod pang napatango.

“Yes, Ma’am!” he said with a big smile on his face. “Bakit hindi na lang tayo ngayon mag-grocery para maaga tayong makaalis bukas?”

“Wow. Hindi na-inform na sasama ka rin pala sa paggo-grocery ko.”

He just chuckled with my sarcasm.

Ganoon nga ang ginawa namin. Pagkatapos maghugas ni Gray ng pinagkainan namin ay nag-grocery na kami. S’ya ang nagtutulak sa cart habang ako naman ang naglalagay ng mga bibilhin namin doon.

Abala ako sa pagkuha at si Gray naman ay pinapanood lang ako. Kung minsan ay kinukuha n’ya ang mga nilalagay ko para basahin ang kung ano doon tapos ay ibabalik din naman sa cart.

Pagliko namin sa isang aisle ay may naalala ako. Bigla akong nainis. Tumigil ako sa paglalakad at lumingon kay Gray na mukhang alam nang may sasabihin ako at hinihintay lang akong magsalita.

“Oo nga pala, Gray. Nu’ng unang araw ko dito sa Negros, I saw you flirting with some girl in this very aisle.”

Biglang nasamid si Gray at napaubo-ubo pa. Halatang nagulat sa sinabi ko. Inirapan ko s’ya at nagpatuloy na lang sa pamimili. Nilagay ko sa cart ang isang balot ng cupcake na gusto ko. Hinawakan ko ang unahan ng cart at ako na ang naghila noon. Maya-maya rin naman ay naramdaman ko na ang pagtulak ni Gray na tumikhim.

Guilty! Sa lahat naman kasi ng lugar na pwedeng makipaglandian, dito pa talaga sa grocery! ’Di n’ya ba alam na makakaabala sila sa mga namimili noon?

“Si ano ’yon… si Wendy,” rinig kong sabi ni Gray pero hindi ko s’ya nilingon. “First time n’ya lang kasing nagpunta sa club no’n kaya nagtatanong. Gusto ulit pumunta.”

“Kaya pala sinabi na gabi-gabi na raw s’yang malalasing.”

I rolled my eyes heavenwards. Bakit ba naaalala ko pati ang sinabi ng babaeng ’yon?

“Sinabi n’ya ’yon?” he asked.

Napatigil ako sa paglalakad. I glared at him. Natagilan naman s’ya at nagulat sa tingin na ibinigay ko sa kanya.

“Oo kaya! Sinabi mo pa ngang safe s’ya dahil nando’n ka naman at ikaw ang bahala sa kanya.”

Gosh! Ang linaw sa isip ko ng sinabi n’yang ’yon.

“Hindi ko maalala,” Gray said. Tinignan ko s’ya at mukhang totoo ngang hindi n’ya maalala!

“Magaling ka lang lumandi!” inis kong sabi at tinalikuran na s’ya.

Nakakabwisit! Ganu’n bang ka-natural sa kanya ang ginawa at sinabi n’yang ’yon kaya hindi n’ya maalala? Ilang babae na ang sinabihan n’ya no’n? At bakit ako naiinis ng ganito?

Nainis na rin tuloy ako sa sarili ko. I know this feeling! This is the first time I’ve felt this way pero alam ko kung anong tawag sa nararamdaman ko. Of course! I’ve studied human minds and behavior! Including feelings and thoughts!

Hindi maganda sa pakiramdam!

“Rey!” rinig kong tawag sa ’kin ni Gray pero nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi s’ya nilingon.

Mas nabwisit pa ko nang marinig kong mahina s’yang tumatawa nang sa wakas ay mahabol na ako!

“Rey!” he said and I could hear his chuckle. “Halika nga dito.”

Naramdaman ko ang pagkagat ng kamay n’ya sa braso ko. Napatigil ako sa paglalakad. Hinarap ako ni Gray sa kanya at hindi ko na tinago ang pagsimangot ko.

Gray looked amused for some reason. Nakikita ko pa ang katuwaan sa mukha n’ya at mas nainis lang ako doon. Inirapan ko s’ya at narinig ko ulit ang mahinang pagtawa n’ya.

“Nagseselos ka ba?” he dared asked.

I glared at him. “Pinagsasabi mo? Tigilan mo nga ko.”

He let out a chuckle. Mas napasimangot pa ako at sinubukang bawiin ang braso ko sa pagkakahawak n’ya. Pero hindi n’ya ko hinayaan at mas hinila lang ako palapit sa kanya.

“Nagseselos ka, eh,” he said with a stupid grin on his face.

“Tigilan mo ko, Gray.”

Mas lalo lang s’yang tumawa. Hinila pa n’ya ako palapit sa kanya at maya-maya lang ay namalayan ko na lang na nakakulong na ako sa mga bisig n’ya. His warmth immediately spreads through me. Biglang namatay ang inis na nararamdaman ko.

Malakas na naman ang tibok ng puso ko. Pinipilit ko ang sarili ko na dapat s’yang itulak pero ayaw sumunod ng katawang ko. Sobrang komportable sa pakiramdam kapag niyayakap n’ya ako na hindi ko na rin gustong lumayo sa kanya.

“Nagseselos ang Mommy ni Lilac…” he said in a singsong voice. Halatang natutuwa s’ya sa sitwasyon.

Kinurot ko s’ya sa tagiliran. I heard his ‘ouch’ pero hindi naman ako binitiwan at tumawa lang. Humigpit pa nga yakap n’ya sa ’kin.

“Huwag kang tumawa!” inis kong sabi.

But I could still feel his shoulders shaking. He’s definitely laughing! Hindi lang nilagyan ng tunog para hindi ko siguro marinig!

“Gray!”

Mas lalong lumala lang ang panginginig ng mga balikat n’ya. Sinubukan ko s’yang itulak palayo sa ’kin pero humigpit lang ang yakap n’ya at ibinaon ang mukha n’ya sa leeg ko. I could feel his smile against my skin.

Kanina pa mabilis ang tibok ng puso ko. Tinatago ko na nga lang sa inis pero sa bawat ginagawa ni Gray ay mas lumalakas at bumibilis lang ang tibok noon. Halos magwala na nga sa loob ng dibdib ko.

“Ikaw lang naman gusto kong maging Mommy ng baby ko,” I heard him say. He was definitely smiling.

Napanguso ako at napasimangot. It’s no use. Gustong ngumiti ng malawak ang mga labi ko. Pinipigilan ko lang dahil alam kong iyon ang gustong mangyari ni Gray.

I bit my lower lip. Ilang sandali ko lang hinayaan na yakapin n’ya ako. I was still savoring the feeling of being inside his arms nang maalala ko kung nasaan kami. Agad akong lumayo sa kanya at hinayaan n’ya naman ako.

Parang iniisip ko lang kanina na nakakaistorbo sila noon ng babaeng kausap n’ya sa mga namimili pero ngayon ay ako na ang kasama n’yang nakakaistorbi sa iba!

“You really like flirting in this aisle, don’t you?” Pinaningkitan ko s’ya ng mata.

“I’m serious about you, though,” he said. Nakangisi s’ya kaya hindi ako sigurado kung seryoso ba s’ya.

Sinimangutan ko na lang s’ya at nagpatuloy na ulit sa pamimili. Narinig ko na muna ang pagtawa n’ya bago s’ya sumunod sa ’kin.

Ah… This is bad. This isn’t part of my plan. Nagpunta ako dito sa Negros para kay Mama, dahil kay Mama. Hindi ko naman inaasahan na mararamdaman ko ang mga ganito para sa isang lalaki.

But it was just so hard not to feel anything towards him. It’s so hard to ignore the feelings. And I don’t think I could stop it now.

“James?”

Pareho pa kaming napalingon ni Gray sa tumawag sa kanya pagliko namin sa kabilang aisle. I saw a woman in her mid fifties. Mas lamang na ang puting buhok na nakikita sa kanya. She smiled at Gray and looked at me curiously through her spectacles.

“Mrs. Aguilar… Kayo ho pala,” bati ni Gray sa matanda.

“Gabi na yata kayo naggo-grocery?” tanong ng matanda na sumulyap ulit sa ’kin. Mukhang nagtataka kung sino ako.

“Aalis po kasi kami bukas. Para sana maagang makaalis,” Gray said. “Kayo ho?”

“Ah, naubusan kasi kami ng kape. Alam mo naman ’yung asawa ko. Umiinit ang ulo kapag hindi nakakapagkape sa umaga.”

Sumulyap ulit sa ’kin ang matanda kaya napatingin na sa ’kin si Gray.

“Mrs. Aguilar, si Reyziel nga ho pala.” Binalingan n’ya ko. “Rey, si Mrs. Aguilar. Sila ng asawa n’ya ’yung nangungupahan sa ibaba ng apartment ko, sa second floor.”

Napangiti ako kay Mrs. Aguilar. “Nice meeting you ho.”

“Ganu’n din ako, hija…” sabi n’ya at napatingin kay Gray. “Girlfriend mo? Aba’y bagay na bagay kayong dalawa.”

Nagulat ako sa sinabi n’ya. I was about to correct her when she spoke again.

“Tapos na ba kayong mamili? Halika na at sabay-sabay na tayong pumila sa cashier.” Nauna na s’yang naglakad. Sumunod na lang kami ni Gray sa kanya.

Napatingin ako kay Gray na sana pala ay hindi ko na ginawa. Nandoon na naman ang nakakalokong ngisi n’ya. Itinuro n’ya kaming dalawa.

I saw him mouthed, “Bagay tayo.”

Napairap ako at sumunod na lang kay Mrs. Aguilar na pumila na sa cashier.

Bumalik na kami sa apartment ko pagkatapos. Habang nag-aayos ako ng mga pinamili namin ay pumunta muna si Gray sa apartment n’ya. Nang bumalik s’ya ay halatang bagong ligo s’ya. His gray hair was a bit damped. He was wearing a white shirt and a khaki shirt. Sakto naman na natapos na rin ako sa pag-aayos.

I yawned and Gray noticed it.

“You should sleep, Rey…” he said. Napatingin tuloy ako sa wall clock at nakitang mag-a-alas onse na ng gabi.

Kaya pala nakakaramdam na ako ng antok.

“Ikaw?” I asked. Duda kasi talaga ako kung makakatulog s’ya dahil ang himbing at ang haba ng tinulog n’ya kanina.

“Matutulog din ako maya-maya. Lalaruin ko muna si Lilac. Magpapaantok lang.”

Napatingin ako kay Lilac na nakahiga sa upuan na sinapinan ko ng kumot kanina at mukhang wala namang planong makipaglaro sa kanya.

I looked at Gray again. He was staring at me.

“Basta ang usapan, Gray, kapag hindi ka natulog mamaya, hindi ka sasama sa ’kin bukas,” I tried to bargain.

He grinned at me.

“Loud and clear, Ma’am.” He even gave me a two-finger salute.

Kinuha ko ulit ang unan at kumot na ginamit n’ya kanina. I gave it to him.

“Matutulog na ko, Gray,” paalam ko sa kanya. “Ikaw na bahala dito.”

He nodded and gave me a warm smile that made my heart skip a beat.

“Goodnight, Mommy ni Lilac…”

I returned his smile.

“Goodnight, Daddy ni Lilac.”

Chapter 22

Inakala ko pang may pasok ako para sa araw na ’yon paggising ko kaya nagmadali akong bumangon. Nagtaka pa nga ako kung bakit hindi nag-alarm ang phone ko. Mabilis akong magising kaya sigurado ako na magigising agad ako kung tumunog nga ang alarm.

Ilang sandali pa bago rumehistro sa ’kin na rest day ko pa nga rin pala. Tinignan ko ang oras sa phone ko. It’s thirty minutes past eight, medyo late sa usual na oras na gising ko.

Tumayo na ako sa kama at tinignan ang sarili sa salamin. Gamit lang ang daliri ay sinuklay ko ang buhok kong nagulo dahil sa pagtulog. Nang masigurong presentable naman ang itsura ko ay lumabas na ako ng kwarto.

I definitely looked like I just woke up. Pero wala naman akong planong manatili lang sa loob ng kwarto habang inaalis ang antok sa mukha ko. Sayang ang oras. Late na nga akong nagising.

I went outside the room, expecting to see Gray still sleeping on the sofa. Pero bakante ang sofa nang makita ko. Instead, I heard the sound of the bathroom door opening kaya napatingin ako doon.

I saw Gray stepping out of the bathroom. His hair was damp. He’s using a towel on his hand to dry it off. He was only wearing his pants, hugging his waist, without any shirt on.

Natigilan ako nang makita ko s’ya. Kahit si Gray din ay natigilan. Napatigil pa s’ya sa pagpupunas ng buhok n’ya. His hand was hanging still as he stared at me.

Napalunok ako. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na pasadahan ng tingin ang katawan n’ya. Hindi ko alam! Parang may sariling buhay ang mga mata ko at basta na lang tumitig sa katawan ni Gray!

Hindi naman ito ang unang beses na nakakita ako ng lalaking walang tshirt dahil sa mga party na isinasama ako ni Ace. Some of them were pool parties. Pero ito ang unang beses na napatitig na lang ako sa katawan ng isang lalaki.

Gray’s body was ripped, lean, and muscular. Like from those male models I always see from billboards. He has eight-pack abs and the v line from his waist down to his hips was visible.

Natigilan ako nang may mapansin sa katawan n’ya. Nakita ko na iyon sa bandang dibdib n’ya, malapit sa kaliwang balikat. Pero nakita ko rin iyon sa bandang tyan n’ya, just below his right ribs. Hindi mapapansin sa una pero dahil halos titigan ko ang bawat parte ng katawan n’ya ay nakita ko iyon.

Are those scars from gunshot wounds? He’s been shot before?

Napabalik ang tingin ko sa mukha ni Gray nang gamit ang towel ay tinakpan n’ya nang bahagya ang katawan n’ya. He even looked like he’s shielding his body from me. Nakita ko sa mga mata n’ya ang kunwaring takot habang nakatingin sa ’kin.

“Please, huwag po…” he said, sounding so scared.

I glared at him. Saka lang s’ya ngumiti at tumayo na nang ayos. Bumalik s’ya sa ginagawang pagpupunas ng buhok n’ya kanina at humakbang palapit sa ’kin.

“Good morning, Rey,” he greeted me with all smiles.

“Umagang-umaga nakahubad ka d’yan,” I asked.

I caught the scent of my shampoo and body wash when he walked passed by me para siguro kunin ang tshirt n’yang nakasampay sa backrest ng sofa. Napakunot ang noo ko at lumapit sa kanya para alamin kung tama ba ang naamoy ko. I held his arm. Iniharap ko s’ya sa ’kin at inilapit ang sarili ko sa kanya para mas maamoy s’ya.

“Woah!” he exclaimed. Nagulat sa ginawa ko pero hindi naman lumayo. “Maaga pa para dito, Rey,” he said, chuckling with his words.

Lumayo ako sa kanya at pinaningkitan s’ya ng mga mata.

“Ginamit mo ba shampoo at bodywash ko?” I asked.

“Oo,” nakangiti pang sabi n’ya na parang hindi nagsisising nahuli ko s’ya.

“Bakit?”

“Mabango, eh.”

I pursed my lips. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Umagang-umaga pero mukhang may plano yata s’yang inisin ako.

“Bakit ba dito ka naligo?”

He shrugged his shoulders. “Ayokong magtagal sa apartment ko.”

Natahimik ako, naalala ang sinabi n’ya kahapon. I sighed and walked towards the bathroom to wash my face. Mamaya na ako maliligo dahil magluluto pa ako ng breakfast namin ni Gray. Pagpapawisan pa ako.

“Dito ka na lang din kaya tumira?” I sarcastically said as I walked to the bathroom.

“Pwede?”

Nasa tapat na ako ng pinto ng banyo nang tumigil ako sa paglalakad at nilingon si Gray. I glared at him. He just laughed and followed me while putting his shirt on.

“Magluluto ka ba ng babaunin natin o doon na tayo kakain?” tanong ni Gray at sumandal sa hamba ng pinto ng banyo. Mukhang may plano pa yatang panoorin ako habang naghihilamos.

“May kainan ba do’n?” I asked. Bending down to the sink to wet my face.

“Meron. Kaso hindi sila masarap magluto.”

Napatingin ako sa kanya. I made a foam with my facial wash and put it on my face. Napailing na lang ako at nagpatuloy na sa paghihilamos habang nakatingin sa salamin na nasa loob ng banyo.

Hindi na nagsalita si Gray. Ramdam ko ang titig n’ya sa akin habang pinapanood ako sa paghihilamos. In my peripheral view, I saw him crossing his arms over to his chest and leaned his head on the doorjamb as he watched me. Hindi ko s’ya pinansin kahit na ramdam na ramdam ko ang mabigat na titig n’ya.

Nakalimutan kong magtali ng buhok kaya ang ilang hibla ay nabasa nang banlawan ko na ang mukha ko. I dried my face and brushed my teeth after. Nang matapos ay lumabas na ako ng banyo. Tumabi si Gray para bigyan ako ng daan.

“Natulog ka ba?” I asked, not looking at him but I know he’s following me. May nakita akong panali ng buhok sa ibabaw ng ref kaya kinuha ko iyon.

“Oo. Tanong mo pa kay Lilac,” he said. Napalingon tuloy ako sa pusa na natutulog na ngayon sa sofa.

“Idadamay mo na naman ’yung pusa.”

I heard his chuckle as I walked towards the kitchen. Nilagay ko sa lamesa ang mga lulutuin ko. Umupo si Gray sa upuan sa tapat ko at ako naman ay nakatayo lang habang nagtatali ng buhok. I tied my hair in a bun. Ang ilang hibla ay hindi nasama sa pagtali kaya bumagsak iyon sa balikat ko. Hinayaan ko na lang.

Titig na titig sa akin si Gray nang tignan ko s’ya. His gray eyes were just on me. Parang walang ibang nakikita kundi ako lang. Hindi ko alam kung gaano na s’ya katagal nakatitig sa akin.

“Bakit?” I asked. Sinimulan ko nang balatan ang mga gulay na lulutuin ko.

He smiled warmly at me. Nagpangalumbaba s’ya sa lamesa at tinitigan ulit ako.

“I’m home,” he said.

“Huh?” tanong kong hindi naintindihan ang sinabi n’ya.

He just made a small chuckle before he shook his head. Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy na sa ginagawa. Nagluto na ako para sa agahan naming dalawa.

Nang matapos ako sa pagluluto ay bumalik sandali si Gray sa apartment n’ya para kumuha ng cat food ni Lilac. Sinabi kong may manok naman sa ref pero ’wag daw sanayin si Lilac sa manok. Hinayaan ko na lang dahil mas may alam naman s’ya sa pag-aalaga ng pusa kaysa sa ’kin.

“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko kay Gray habang kumakain kami ng almusal.

He gave me a sly smile. Nagduda tuloy ako na baka may binabalak s’ya.

“Basta… Akong bahala,” sabi n’ya na mas nagpadagdag lang sa duda ko.

“Saan nga?” pamimilit ko.

“Basta nga. Magdala ka lang ng damit mong pangligo. Tsaka extrang damit na rin.”

That gave me an idea. Baka magpunta kami sa beach, or resort. Meron bang beach dito sa Candoni o sa malapit? O kaya resort? Hindi ko alam. Wala talaga akong alam sa lugar. I didn’t even try to research about this place.

Ang nasa isip ko lang kasi noon, pupunta ako sa Negros para kay Mama, kapalit ng mas improved n’yang medication para mabilis s’yang gumaling. Saka ko lang naisipan na libutin ang lugar nang makarating na ako dito. Nakita ko kasi ang ganda ng paligid habang nasa daan ako noong bumabyahe ako. The air was fresh and not pulluted. Hindi katulad sa Manila.

Tutal nandito na rin naman ako, naisip kong sulitin na rin. Isa pa, alam ko rin namang magiging busy na ako sa mga susunod na araw.

Si Gray ang naghugas ng mga plato at mga ginamit ko sa pagluluto para sa babaunin namin mamaya. Ayaw n’ya talagang doon kumain at mas gusto n’ya raw ang luto ko. It was already almost eleven in the morning when we finally got ready to go.

“Aalis kami ng Mommy mo, Lilac, kaya dito ka muna sa labas,” sabi ni Gray na buhat-buhat si Lilac sa paglabas namin ng apartment. “Ibibilin na lang kita kay Mang Gener.”

Iyon nga ang ginawa ni Gray. Paglabas namin ng building ay kinausap n’ya si Mang Gener para ibilin si Lilac.

“Mukhang may pupuntahan kayo, ah?” Napasulyap si Mang Gener sa maliit na travel bag na dala ni Gray. Nakalagay doon ang spare clothes namin at pagkain para mamaya.

“Magde-date ho kami,” Gray said with a big smile on his face.

Hinampas ko s’ya sa braso para sawayin bago tumingin sa gwardya.

“Sasamahan n’ya lang ho akong mamasyal. Hindi pa ho kasi ako nakakapamasyal simula nu’ng nagpunta ako dito sa Negros,” I explained.

Hindi ako pinansin nu’ng dalawa. Si Gray ay bumulong pa kay Mang Gener pero narinig ko naman.

“’Wag kang maniwala d’yan, Mang Gener. Date talaga ’to. Nahihiya lang s’yang aminin.”

I glared at him. Sa palagay ko naman ay may intensyon s’yang iparinig sa ’kin ang pagbulong n’yang ’yon sa gwardya.

“Gray! Halika na nga!”

Pareho silang natawa sa nakasimangot kong mukha. Sumunod naman si Gray sa ’kin at nagbilin sa amin si Mang Gener na mag-iingat kami.

“Saan ba talaga tayo pupunta?” ulit tanong ko kay Gray pagpasok n’ya sa sasakyan at ako naman ay nagkakabit na ng seatbelt.

He looked at me and grinned.

“You gave me the spare key to your apartment so you trust me, right?”

Napalabi ako. “Hindi masyado.”

“Harsh!” sabi n’ya pero tumawa rin naman. He started the engine of the car.

Napangiti ako at tumingin na sa labas ng bintana para itago sa kanya ang ngiti ko. But I know that he’s smiling too. Pareho kaming nakangiti ngayon.

We both know the real answer to his question.

“Don’t worry, Ma’am… I’ll make sure you’ll enjoy this day,” he said as he started driving the car. Mas lumawak lang ang ngiti ko.

Yeah… I definitely trust him.

“Mahigit isang oras ang byahe natin,” he said. “Pwede kang matulog kung gusto mo.”

Umiling ako. “Hindi na. Titignan ko na lang dadaanan natin.”

True to his words, mahigit isang oras nga ang lumipas bago tumigil ang sasakyan. Hindi naman ako nabagot sa byahe dahil nalibang ako sa panonood ng tanawin habang nasa daan. Ang malawak na kulay berdeng taniman na nasa gilid lang ng daan at ang mga puno ay nakakagaan sa pakiramdam. Walang makikitang ganoon sa Manila.

“Mag-aso Falls?” basa ko sa malalaking mga letrang nasa bato. Tumingin ako kay Gray. “Falls?”

He smiled at me. He must’ve seen the excitement in my eyes.

“Yep,” he said, popping the ‘p’. “Maganda dito.”

Hindi pa ako nakakakita ng falls!

Excited ako nang maglakad kami papasok. May kinausap saglit si Gray, iyong nagbabantay siguro. Hindi ko narinig ang pinag-usapan nila dahil abala ako sa pagtingin sa mga puno at mga halaman sa daan. Sinusubukan ko ring pakinggan kung maririnig ko ba dito ang bagsak ng tubig mula sa talon.

“Let’s go,” sabi ni Gray. Tumango ako at naglakad na ulit kami papasok.

Walang masyadong tao nang araw na ’yon. I only saw two couples and one family on our way. Nandoon sila sa may bahagi ng swimming pool. Ang akala ko ay titigil din kami doon pero nilagpasan namin iyon at naglakad pa. Umakyat kami sa batong hagdanan.

Then I heard something.

“Falls!” I exclaimed. Napatingin ako kay Gray na naglalakad sa gilid ko. He was smiling at me. Mukhang natutuwa sa reaksyon ko.

Pero hindi ko na s’ya pinansin at nauna pa sa paglalakad. Naririnig ko na ang bagsak ng tubig mula sa talon. Nararamdaman ko ang hangin dahil sa pagbagsak ng tubig sa baba. At nang makarating na kami sa talon, napatitig na lang ako sa lugar.

The place was breathtaking.

Nasa dulo ang dalawang talon. It was a twin falls. Napapaligiran ang lugar ng mga dahon mula sa puno na nakatanim sa magkabilang gilid. The water was powdery blue and it was flowing from rocks to rocks, making the place looked like magical.

“You’re lucky,” rinig kong sabi ni Gray sa tabi ko. “Malakas ang buhos ng tubig. Minsan kasi mahina ’yan.”

“Ang ganda, Gray…” hindi ko na napigilang sabihin. Kami lang ang taong nandoon. Parang solo lang tuloy namin ang ganda ng lugar.

It was really beautiful. I know that there’s a lot of famous falls in the country. Ngayon ko nga lang narinig ang pangalan ng falls na ’to pero napakaganda pa rin ng lugar. Lalo na ’yung tubig. It was like the waters that I could see from fantasy movies.

“Yeah…” I heard Gray muttered. Napatingin ako sa kanya. I caught him staring at me. Ngumiti lang s’ya sa ’kin. “A little trivia about the place. The falls name, ‘Mag-aso’, is originanated from the Hiligaynon word, ‘aso’. Which means smoke. Well… nakikita mo naman kung bakit sa salitang ’yon kinuha ang lugar.”

Napatingin ulit ako sa falls. He’s right. I could see why it was named after that word. Sa pagbagsak kasi ng tubig sa baba ay gumagawa iyon ng parang usok. Kaya ganoon siguro ipinangalan sa talon.

Gray held out his hand. Pagtingin ko ulit sa kanya ay nakita ko ang naglalarong ngisi sa mga labi n’ya.

“Ready to take a dip?” he asked.

Napangiti ako. I was wearing a loose shirt na sinusuot ko rin sa pag-alis. Sa ilalim noon at ng shorts kong hanggang ibabaw ng tuhod ang haba ay ang pangligo ko. A black-striped bikini. Alam kong napansin ni Gray ang string na nakatali sa batok ko kaya malakas ang loob na yayain akong maligo na.

I grinned back at him. Hinubad ko ang sandals na suot ko. He did the same. Wala akong planong alisin ang shirt at shorts ko kaya inunahan ko na s’ya sa pagtalon sa tubig.

The water was cold but bearable. Hindi rin naman ako magrereklamo. First time kong maligo sa talon at kahit lamigin pa ako, wala akong planong umahon agad.

I heard Gray chuckled as I jumped into the water. Nang umahon ako ay nakita kong nagtatanggal s’ya ng shirt n’ya. In no time, he jumped into the water too. The water splashed on my face as he landed.

Umahon s’ya. Nagtalsikan ang tubig mula sa basang buhok n’ya. Naipikit ko ang isang mata ko pero dumilat din nang tumigil si Gray. His hair looked disheveled. The water dripping down his face.

“Like it?” he asked. Tumango ako, thinking that he’s asking about the place.

“Matagal ka nang nakapunta dito?” I swam backwards, away from him. Pero s’ya naman ay lumangoy palapit sa ’kin.

“One year ago?” patanong n’yang sagot. “Nu’ng mga unang buwan ko sa Negros, naggala lang ako.”

“Samantalang ako, nagtrabaho agad kinabukasan.” Napanguso pa ko.

Gray chuckled with that. He swam near me. Tinigil ko na ang paglangoy palayo sa kanya kaya ilang sandali lang ay nasa harapan ko na s’ya.

“Nu’ng sinabi mong gusto mong mamasyal sa Negros, I thought of this place first,” he said. “I know you’ll like it.”

I smiled at him. Sobrang nagustuhan ko ang lugar. First time kong makakita ng waterfalls. Twin falls pa. Hindi na sa pictures o sa palabas na lang.

Umangat ang kamay n’ya. Tinanggal n’ya ang ilang hibla ng buhok kong dumikit sa pisngi ko. I trembled when his fingers brushed my cheeks as he tucked the strand of my hair behind my ears.

Napatitig ako sa kanya. He was staring back at me. His gray orbs were much more beautiful than the place. Naramdaman ko ang kamay n’yang bumaba sa leeg ko. He held my neck in a passionate way.

I tried to ignore the fast beating of my heart. I held his hand that was on my neck. Sa pagtanggal ko ng hawak n’ya sa leeg ko ay mabilis akong lumubog sa tubig at lumangoy palayo sa kanya.

I could hear his laughter muffled when I was underwater. Napangiti ako habang lumalangoy. Nang masiguro kong sapat na ang distansya namin ay umahon na ako.

I looked back to where he was but he was gone. Magalaw ang tubig dahil sa pagbagsak ng talon kaya hindi ko masundan kung saan lumangoy si Gray. I looked around but there was no sign of him.

“Gray!” I called him. Pero walang sumagot. Sinubukan kong tignan ang tubig pero wala akong  maaninag na tao sa ilalim. “Gray!”

Fear started to creep up in me. I was alone. The place was breathtakingly beautiful but I was alone. I couldn’t appreciate the beauty of this place as I was starting to feel scared.

I was alone… Mag-isa na lang ako.

Napasigaw ako sa gulat nang may maramdamang humawak sa paa ko. My scream was muffled as a force pulled me down the water. I struggled but I felt the hands hold the sides of my waist and push me up again.

Narinig ko agad ang tawa ni Gray sa pag-ahon ko. Kasabay ng pagkawala ng takot sa dibdib ko ay ang pag-ahon din ng inis ko. Hinapas ko sa balikat si Gray. Nainis pa ako nang tawanan n’ya lang ako.

“Tinakot mo ko!” I could hear the crack in my voice.

Natakot talaga ko. I know he wouldn’t leave me. Alam ko. Pero sa sandaling minutong ’yon ay naramdaman kong nag-iisa ako. Nasa Negros, wala sa Manila. Wala ang pamilya ko sa tabi ko.

“I’m sorry,” Gray said but he was still chuckling. I glared at him. Tinikom n’ya naman ang bibig n’ya. Pinipigilan na ang tumawa dahil nakitang totoo na ang inis ko.

“’Wag mo na ulit gagawin ’yon!”

“Okay… Sorry. ’Wag ka nang magalit.” His voice was soft and sweet. Parang naglalambing.

I suddenly felt his rough hands on my waist. Dahil sa paghila n’ya palubog sa ’kin kanina ay umangat ang shirt ko kaya direkta sa balat ko nang hinawakan n’ya ako sa bewang para iangat. Kahit na malamig ang tubig ay ramdam ko ang init ng palad n’ya.

I suddenly got aware of how close we were. Gray noticed it too. He was just staring at me. His hands were now caressing my waist underwater.

Dahil magkalapit ay may napansin ulit ako sa katawan n’ya. It was also there. Just on the side of his right arm. Another bullet scar.

Hindi ko na napigilan ang kamay kong haplusin iyon. His breathing hitched when my fingertips touched the scar. It was rough to the feeling. I traced the outline of his scar, a circular motion.

Ang isang kamay ko ay hinaplos din ang peklat malapit sa kaliwang balikat n’ya. Gray exhaled harshly. I looked at his face and he has a strained expression. Magkasalubong ang dalawang mga kilay n’ya. His jaw clenched as my fingers caressed his scar. He closed his eyes tight.

Bumalik ang tingin ko sa katawan n’ya. Bumaba ang kamay ko, gusto ring haplusin ang isa pang peklat n’ya. The scar just below his ribs. Pero bago ko pa maabot ’yon ay pinigilan n’ya ang kamay ko. He held me by the wrist.

“Don’t,” he said with a strained voice.

Nagdilat s’ya ng mga mata. Nagkasalubong ang mga mata namin. We both stared at each other.

I saw how his gray eyes roamed around every part of my face hanggang sa bumaba iyon sa mga labi ko. I noticed him gulped. His gray eyes dilated as he stared at my lips. I unconsciously wet my lips with my tongue and I heard him let out a groan.

“You’re torturing me,” he said with an amused yet strained voice.

“What?” lito kong tanong. I was drawn at the forced between us. Parang ayoko nang humiwalay sa kanya.

Gray chuckled. Hinila n’ya ang bewang ko palapit sa kanya. Lumapat ang dibdib ko sa kanya. Hindi ko alam kung nanginig ba ako dahil sa lamig ng tubig o dahil sa paglapat ng katawan ko sa kanya.

His right hand went up to my neck and caressed it. Nagtayuan ang mga balahibo ko. I saw how Gray’s eyes went down my lips again. Mas dumoble ang nakikita kong paghihirap sa kanya.

Then suddenly, it was gone, It was replaced with an unfamiliar look that made me quiver against his body.

“I meant this.”

His head dipped and he closed the space between us. Naramdaman ko ang paglapat ng malambot n’yang mga labi sa ’kin. Ilang sandali bago rumehistro sa isip ko ang nangyayari.

He’s kissing me. Gray is kissing me.

Chapter 23

Since I was fifteen, ang nasa isip ko lang ay kung paano ko aalagaan si Larissa. She was so young when everything happened. Dahil wala na ang mga magulang namin sa tabi namin ay ako na lang ang aasahan n’ya. That’s why I did everything so both of us would survive. Iyon lang ang importante sa ’kin. Wala na akong oras para sa iba pang mga bagay. I worked hard for my Mom and Larissa.

Si Ace lang ang lalaking hinayaan kong makalapit sa ’kin noong nasa Manila pa ako. He was the only man who invaded my personal space. Hindi rin naman s’ya pumayag na may iba pang lalaking makalapit sa akin gaya nang sa kanya. He was always there, beside me, driving men away that would try to get close to me like they’re some kind of flies.

Sa tuwing isinasama n’ya ako sa party, nagmamasid lang ako sa paligid. No one ever tried to talk to me when he’s near. Kahit iyong mga babaeng kasama ng mga kaibigan n’ya. They must’ve thought that I am nothing like them. Na hinding-hindi ako mapapasali sa mundo nila.

Kaya kapag nakikipag-usap si Ace sa mga kaibigan n’ya at wala akong magawa, I tried to observe my surroundings. And I always felt so out of place. Those people were wild, kissing and making out on the couch or the dancefloor like they didn’t care if someone could see them.

I never even thought something like that would ever happen to me. 

I was in shock. My mind was still trying to absorb what’s happening. Nakadilat pa rin ang mga mata ko kaya nakikita ko si Gray na nakapikit. He was frowning like he’s trying to memorize the feeling of my lips against his.

Nang gumalaw ang mga labi n’ya ay saka lang ako napapikit. I could still hear the sound of the water as it fell. The chirping of the birds and the flapping of their wings as they flew from the tree. It was so peaceful. Like the place was only ours.

I gasped when I felt Gray’s hand on the small of my back as he tried to pull me closer to him. Napakapit ako sa dalawang balikat n’ya para kumuha ng suporta. I could feel his muscles against my palm. And even though we’re still in the water, his body felt warm. And I know that mine was too.

He angled his face to kiss me fully. His other hand was on my neck, caressing it sensually that made me quiver against his hold. Ramdam ko ang pagngisi n’ya sa mga labi ko. Parang natutuwang malaman ang epekto n’ya sa akin.

Sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso ko na pakiramdam ko ay sasabog na iyon. Nangingig ang mga kamay kong nakakapit sa mga balikat n’ya. Hindi ko alam kung dahil ba sa lamig ng tubig o sa init ng katawan ni Gray na nakalapat na sa akin. Kahit hangin ay hindi na yata makakadaan sa pagitan naming dalawa.

“Gray…” I breathe his name when he deepened the kiss. My hands went up to his wet hair, pulling some strands when he bit my lower lip that made me gasp. He licked the pain away before he nibbled my lower lip.

I whimpered. Mas hinigit pa ako ni Gray palapit sa kanya. Parang hindi pa kuntento sa pagkakalapit naming dalawa. I hugged him as his lips moved against mine, nibbling and biting my lips.

“Fuck,” he mumbled before he pulled away.

Pareho kaming hinihingal pagkatapos. I stared at him and I saw his eyes dilated with an intense emotion as he stared back at me. His gray eyes looked darker now, lalo na nang bumaba ang tingin n’ya sa mga labi ko.

“This is bad…” he breathes. “Dangerously bad,” he said and he kissed me again.

Sinalubong ko ang mga labi n’ya. Our lips met halfway. This was my first kiss and I have no idea how to do it but I tried to mimic his way. I heard him groaned at may panggigigil na kinagat ang ibabang labi ko.

Hindi ko na maramdaman ang lamig ng tubig. I was too focused on our kiss, the warmth of his body, and the feeling that he’s making me feel with his lips.

He left my lips and planted a soft kiss on my cheeks. He kissed his way down until he reached my neck, that hollow space that connected my neck to my shoulder. He buried his face there and I trembled when he planted a kiss on that sensitive part of my neck.

He hugged me tight like he was not planning of letting go. Ramdam ko ang bigat ng paghinga n’ya while he was trying to catch his breath. Hindi s’ya gumagalaw at nakabaon lang ang mukha sa leeg ko na parang iyon ang pinakakomportableng lugar para sa kanya. His breath was fanning my skin.

“Pwede bang akin ka na lang?” he said, face still buried on my neck.

“Huh?” I was still disoriented from the kiss.

He planted a kiss on my neck again bago s’ya nag-angat ng tingin. His eyes were looking at me, amused, pero hindi ko makitaan ng pagbibiro ang mukha n’ya nang muling s’yang magsalita.

“Sa ’kin ka na lang, please?” He even tilted his head as he stared at me. He’s using that boyish look on his face, parang nagpapaawa.

“Are you asking me to be your girlfriend?” paglilinaw ko.

I pursed my lips when he nodded eagerly. Ramdam ko ang pamumula ng buong mukha ko.

“Sana tinanong mo muna ’yan bago mo ko hinalikan.” Idinaan ko sa pagbibiro ang hiyang nararamdaman ko. Nakayakap pa rin ang mga braso n’ya sa bewang ko habang ang akin ay nakapulupot sa mga balikat n’ya. Parang walang gustong bumitiw sa ’ming dalawa.

He grinned at me, sheepishly. 

“You have no idea how much I wanted to kiss you,” he said. His eyes roamed around my face. “It’s hella worth it.”

Pinaningkitan ko s’ya ng mga mata. “Dinala mo ba ko rito dahil d’yan?”

He chuckled. He put a hand on his chest just where his heart was. Umakto s’yang parang nasasaktan.

“Ang harsh mo talaga sa ’kin kanina pa,” sabi n’ya pero nakangiti naman.

I pursed my lips. Pinigilan ko ang ngiti ko pero mukhang nahalata ni Gray ang ginagawa ko. Mahina s’yang natawa bago pinagdikit ang mga noo namin.

“Ano pong sagot n’yo, Ma’am?” he asked playfully.

I wanted to say yes. I am aware of my feelings for him. Sa malakas at mabilis na pagtibok ng puso ko sa tuwing nakikita o niyayakap n’ya ako. Sa kagustuhan kong makita palagi ang ngiti n’ya. Sa nag-iisang lalaking naging komportable ako… Alam ko ang ibig sabihin ng lahat ng iyon.

Pero sapat na ba ang mga ’yon? Sapat na ba ang nararamdaman ko para pumayag ako?

I don’t know… Hindi ko alam. Wala akong alam sa pakikipagrelasyon.

“I only know a few things about you, Gray,” I said, stating a fact.

“We can get to know each other while we’re together.” Lumayo s’ya sa akin nang bahagya. “I like everything about you, Rey. And I’m hella sure I want to be with you.”

I puffed my cheeks. Namumula na naman ako. Napangiti si Gray na alam kong kitang-kita ngayon ang pagkukulay kamatis ng mukha ko.

“Kung may hindi ka magustuhan sa ’kin, you can break up with me,” he said. Pero maya-maya ay mukhang nataranta at mabilis at sunod-sunod na umiling. “No. ’Wag pala agad. We can talk about it first. Para mabago ko kung anumang ayaw mo.”

My heart swelled up with happiness. Parang gusto kong umiyak. Here is someone who’s willing to adjust for me. Who’s willing to talk to me first para sa mga ayaw ko. Hindi na ako ’yung kailangan mag-adjust. I now have a choice. Isang bagay na matagal nang kinuha sa akin.

Gray gave it back to me.

“Handa kang gawin ’yon?” paninigurado ko. Everything felt surreal. Hindi ko mapaniwalaan ang lahat. I am too happy, so happy that my heart started aching.

He nodded. He was looking at me with so much affection in his eyes.

“Kahit ano pa ’yan, Rey…” he said.

I bit my lower lip. Napayuko ako, nag-iisip kung anong dapat gawin. Kung anong tamang gawin.

Is it okay? To grab hold of this happiness? Nagpunta ako dito para kay Mama pero… magiging masama na ba akong anak kung gusto kong sumaya habang nandito ako?

Pero pa’no si Ace? Pa’no kapag nalaman n’ya ’to? Sigurado akong hindi n’ya magugustuhan. Sigurado akong magagalit s’ya.

But then, there’s Doc Evelyn. Alam kong gagawin n’ya ang lahat para mailayo ako kay Ace. Baka matuwa pa nga s’ya kapag nalaman n’yang may boyfriend na ako dahil hindi na ako hahabulin ng anak n’ya.

And her opinion was what mattered the most. Dahil s’ya ang tumutulong sa akin sa pagpapagamot kay Mama.

I looked at Gray. He looked tensed as he waited for my answer. Halata ang kabang nararamdaman sa mga mata n’ya. He knows his charms and yet… kinakabahan s’ya nang dahil sa akin.

As I stared at those gray orbs, I finally found my answer to those questions earlier.

I don’t want to let this go… of this happiness.

Itinago ko ang ngiting gustong magpakita sa mga labi ko.

“You’re my first…” I said. Nakita ko ang kalituhan sa mukha n’ya kaya nagpatuloy ako. “Boyfriend.”

His lips parted. His eyes roamed around my face, searching for the answer that he wanted. Kaya naman ngumiti ako sa kanya. Napatigil s’ya, maya-maya ay gumanti na rin ng ngiti sa akin. His eyes twinkled with happiness. Mas malawak ang ngiting ibinigay n’ya sa ’kin ngayon.

He chuckled then pulled my body to him and hugged me tight. Ibinaon n’ya ang mukha sa leeg ko. Na-realize kong gustong-gusto n’yang gawin ’yon.

“Aalagaan kita,” he said. Mas humigpit pa ang yakap n’ya sa akin.

I hugged him back. I bit my lower lip to stop myself from smiling pero huli na. Sobrang lawak na ng ngiti ko.

“Sino kaya sa ’tin ’yung nakikikain, nakikitulog at nakiligo pa kanina?”

Ramdam ko ang pag-alog ng mga balikat n’ya nang tumawa s’ya. Humigpit pa ang pagkakayakap n’ya sa akin. I smiled and savoured the moment.

Yes. I don’t want to let this go.

Isang oras pa ang lumipas bago kami umahon ni Gray. Kumain muna kami at pagkatapos ay doon naman sa swimming pool nagbabad. Nanggagaling din pala sa talon ang tubig doon kaya ang tubig ay kakulay din ng tubig sa talon. Powdery blue.

It was almost four in the afternoon when Gray decided that we should go. Ayoko pa nga sanang umalis at gusto ko sanang maligo ulit sa talon. Pero nang tinawanan n’ya ako dahil nangingitim na raw ang mga labi ko sa lamig ay hindi ko na lang ipinilit ang gusto ko. In exchange, Gray told me that we could go back some other time while hugging me. May pupuntahan pa raw kami na siguradong magugustuhan ko.

Halos dalawang oras ang naging byahe namin kaya nang makarating kami sa lugar ay nag-aagawan na ang liwanag at dilim sa langit. I slept on the ride. Hindi ko naman sinasadya na tulugan si Gray habang nagmamaneho pero ngumiti lang s’ya sa akin at sinabing ayos lang. He said that it was good that I took a rest so I could enjoy the second place.

“Tatlong lugar sana ang pupuntahan natin ngayon pero nag-enjoy ka masyado sa Mag-aso Falls kaya tumagal tayo do’n,” he said as we walk to the second place.

May kinausap ulit si Gray na sa tingin ko ay ang nagma-manage ng lugar. Lumayo ako at nagtingin-tingin sa paligid. Ilang saglit lang naman ay bumalik na rin si Gray sa tabi ko at iginiya na ako papasok pa sa lugar.

Dumaan kami sa isang arch pathway na may nakaikot na maliliit na mga ilaw sa mga bakal na nagsisilbing pundasyon ng puting shed na ’yon. The lights looked like they were fireflies, lighting up our way as we walked further inside the place.

“The Ruins?” basa ko sa karatulang nasa itaas bago tumingin kay Gray para kumpirmahin.

He nodded and looked at me.

“The top attraction in Negros Occidental,” he said. “Kulang ang experience mo sa lugar kapag hindi ka nakapunta dito.”

Napasinghap ako nang makita ang buong lugar. There was a rectangular pool in the middle, leading the way to The Ruins. I saw two swans swimming in the pool. Pero ang pinakanapansin ko ay ang isang malaking mansion sa harap. It has an Italian architectural design, lighting the walls with those small firefly light. At sa harap ng mansion na iyon ay ang isang fountain na naiilawan din ng maliliit na ilaw.

The sky was completely dark now kaya naman mas lalong gumanda sa paningin ko ang mansion. It was obvious that it got ruined as it doesn’t have any walls pero hindi iyon nakabawas sa ganda ng lugar.

“Ang ganda…” I breathe.

Naramdaman ko ang kamay ni Gray sa likuran ko, urging me to go near the mansion. Naglakad kami palapit doon at mas gumanda lang ang mansion sa malapitan.

“The Ruins… also known as the Taj Mahal of Negros Occidental,” sabi ni Gray sa tabi ko. “It has a sad backstory.”

Napatingin ako kay Gray. He was looking at me pero tumingin din s’ya sa mansion sa harapan namin. Hindi ko na naalis ang tingin ko sa kanya. The lights illuminated his face, especially his gray eyes, looking like his eyes were twinkling.

“Mariano Lacson, the one who built this place, met the woman that soon became his wife when he was travelling in Hong Kong, Maria Braga, a Portuguese lady from Macau. He fell in love with her so he asked her father, who was a ship captain, for his daughter’s hand. Dahil sa pagiging malapit ng pangalan nila, Maria’s father believed that they were a match made in heaven.”

Nakatitig lang ako kay Gray habang ikinukwento n’ya sa akin ang lugar. He was looking at The Ruins in front of us, admiring the place.

“Dito sila sa Talisay tumira at nagkaroon ng sampung anak,” he continued. “When Maria was pregnant to their eleventh child, she slipped in the bathroom and bled so much. Pinatawag nila ang doctor pero huli na. She was already dead.”

I gasped. Naitakip ko pa ang mga kamay ko sa bibig ko. Napatingin ako sa mansion sa harap and suddenly, I was engulfed with sadness.

“’Yung baby?” I asked.

“The baby died too. Stillbirth,” he answered. “Mariano built this place in honor for his late wife where he and his ten children could also live. But during the war, the Filipino rebels set the mansion on fire, fearing that the Japanese might use it as their headquarters. At ’yung nakikita mo ngayon ang natira na lang sa lugar.”

My eyes watered. I don’t know… The story was just too… sad. The mansion was built because of the love of the husband for his wife. And then it was ruined with fire.

But as I stared at the mansion, I could feel the love and the sadness of the place. It was beautiful yet heartbreaking to look at. Lalo na ngayong nalaman ko ang istorya ng lugar.

“It’s amazing how someone’s love for his wife could built something as beautiful as this,” sabi ni Gray maya-maya. “At hanggang ngayon, nakatayo pa rin ang lugar. And people admiring the place and retelling their love.”

“Hmm. People are amazing,” I said. “Hindi mo alam kung hanggang saan ang kaya nilang gawin. Kung anong iniisip nila habang ginagawa ang isang bagay. Sa bawat emosyong pinapakita nila, wala kang ideya kung alin ba ang totoo doon. At kung anong kwento ang itinatago nila.”

“That’s why you became a psychologist. To understand them.”

“I want to understand people.” No. Gusto kong malaman kung ano ang iniisip ni Papa nang gawin n’ya sa akin iyon. Kung bakit s’ya gumamit ng droga na naging dahilan ng lahat ng paghihirap ng pamilya namin.

I took a deep breath. Sinubukan kong alisin ang lungkot na nararamdaman ko. Pero mahirap dahil nakatingin ako sa lugar na bunga ng pagmamahal at kalungkutan ng isang tao.

“Alam mo bang first time kong mag-enjoy ngayon?” Nilingon ko si Gray. “First time kong mamasyal at mag-enjoy ng isang buong araw.”

Gray frowned. Mukhang hindi naman naniniwala na sa edad kong ’to ay ngayon lang ako nakapag-enjoy. I smiled widely at him.

“Totoo na gusto kong maging psychologist dahil gusto kong maintindihan ang mga tao. Pero mas matindi ang kagustuhan kong matulungan ang Mama kong gumaling.” My smiled faltered. “She’s at the mental institution.”

Nakita ko ang gulat sa mukha ni Gray. Mukhang hindi inaasahan ang sinabi ko. Pinilit kong ngumiti pero alam kong nagpakita ang lungkot ko dahil nakita ko ang pag-aalala sa mga mata n’ya. Kaya tumingin na lang ako sa mansyon sa harap.

“Malala ang naging trauma ni Mama dahil sa masamang nangyari sa pamilya namin,” I started. Nagsimulang manginig ang mga kamay ko.

I guess I like him so much that it feels comfortable telling him my story. Isa pa, I want to know Gray more. I want him to tell me his story, to open up to me. At hindi mangyayari ’yon kung hindi ko rin bubuksan ang sarili ko sa kanya.

I looked at him again.

“She killed my father.”

Gray’s eyes widened with surprised. He looked taken aback. Mukhang hindi rin n’ya alam ang sasabihin kaya nagpatuloy na lang ako.

We’re in the place where the husband built it because of the love for his wife and yet, I’m telling him an opposite story.

“Niligtas n’ya ko. Si Papa… dahil lango sa droga. He… he tried to rape me.” Naipikit ko ang mga mata ko nang maalala ang gabing ’yon. Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko. “Niligtas ako ni Mama pero napatay n’ya si Papa. Dahil do’n, ang lala ng naging trauma n’ya dahil sa mga nangyari. Nagdesisyon ang korte na sa mental institution na lang muna s’ya dalhin. I was fifteen and Larissa was eight. Ako na ang nag-alaga sa kapatid ko simula no’n.”

“Rey…” I heard Gray mumbled my name. Dumilat ako at nakita ko ang sakit sa mga mata n’ya.

He’s hurting for me too. May isang taong nasasaktan para sa ’kin. How lucky could I get?

“May pamilyang umampon sa ’min ni Larissa. Pinag-aral nila kami kapalit ng paninilbihan namin sa kanila. Kaya rin ako napunta dito sa Negros dahil sa kanila. Kapalit ng ililipat nila si Mama sa mas magandang institution.” I smiled. “At dito sa Negros… nakilala kita.”

Gray took a deep breath. Hinawakan n’ya ang kaliwang pulsuhan ko at hinigit ako palapit sa kanya. His arms wrapped me in a tight embrace and instantly, I felt comfortable in his arms. Pakiramdam ko ay hindi na ako masasaktan habang yakap n’ya ako.

“You’re doing okay…” he said. Doon ko lang napagtanto na kailangang-kailangan ko pa lang marinig ang mga salitang ’yon.

I sniffed. Niyakap ko s’ya pabalik. Ilang segundo kaming nanatili sa ganoong posisyon bago s’ya nagsalita.

“Pareho talaga kayo ni Kuya.”

Humiwalay ako sa kanya. Tinignan ko s’ya sa mga mata. He was smiling but there was sadness mixed with pain in his eyes.

“Inalagaan n’ya rin ako. Mas matanda lang s’ya ng ilang taon sa ’yo nu’ng namatay rin ang mga magulang namin,” he said. “S’ya na rin ang nag-alaga sa akin pagkatapos no’n.”

Nakatitig lang ako kay Gray. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya.

This is it. He’s starting opening himself to me.

“Unlike you, I got to enjoy things, thanks to him,” he continued. “He’s the one who handled and tried to resolved all our family problems. Para makapag-enjoy ako. Wala akong ginawa para matulungan s’ya.”

He gulped. Mariin n’yang ipinikit ang mga mata n’ya. Nang dumilat ay nakita ko ang sakit doon. He looked pained and sad that I wanted to cry again, for this man.

“He did everything for me but in the end… I hurt him.” Sinubukan n’ya akong ngitian pero kitang-kita ko ang lungkot at sakit doon. “Nasaktan ko lang s’ya.”

I tried to touched his left cheek. Gray leaned on my hand that was on his cheek. Parang gustong pawiin ang lungkot at sakit n’ya gamit ang init ng palad ko.

He’s guilty. Kaya pala palagi n’yang iniiwas ang usapan kapag napupunta ang topic sa Kuya n’ya. It was obvious that he loves his brother so much. Nakikita ko sa mga mata n’ya lalo na kapag may ikinukwento s’ya tungkol sa kapatid n’ya. But it was also hurting him. ’Cause he hurt his brother.

Iyon din ba ang dahilan kaya s’ya lumayo at nagpunta dito sa Negros?

I wanted to say something but I don’t know the whole story. Natatakot akong may masabi akong mali. Baka hindi na s’ya ulit magkwento sa akin dahil doon.

It’s okay… This is a start.

Instead, I initiated the hug this time. Lumapit ako sa kanya at yumakap sa leeg n’ya. He returned my hug and buried his face on my neck.

“I’m here, Gray…” I said softly. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap n’ya sa akin. “I’m here.”

I hugged him tighter. Silently wishing that things will get better for us… Soon.

Chapter 24

It was almost ten in the evening when Gray finally pulled the car over the parking space in front of the apartment building. Ikinurap-kurap ko ang mga mata ko, trying to fight the sleep in my system. Pero dahil na rin sa pagod kaya kahit maaga pa ay inaantok na ako. Buti na lang din at kumain na kami para sa hapunan bago namin napagdesisyunang umuwi na.

I looked at Gray. He, too, looked tired but there was something else in his eyes. He seemed… happy and raw. Like it was the first time I saw him without those dark and strange emotions hiding beneath his eyes. And thinking that it was because of what happened today made me feel delighted.

Kinuha kaagad ni Gray ang isang kamay ko at pinagsiklop ang mga daliri namin pagbaba namin ng sasakyan n’ya. Napatingin ako sa kanya but he wasn’t looking at me. Sa isang kamay n’ya ay ang maliit na travel bag. He was looking straight ahead with a wide grin on his face. Lumakad s’ya kaya sumabay na ako sa kanya.

Tumingin na ako sa harap at nakita si Mang Gener na kuryosong nakatingin sa amin. Nakita kong bumaba ang tingin n’ya sa mga kamay namin ni Gray na magkasiklop bago n’ya binalik ang tingin kay Gray. There was an understanding glance on his face.

“Mang Gener, kami na,” sabi ni Gray, hindi pa man kami nakakalapit at itinaas pa ang dalawang kamay naming magkahawak na parang hindi pa iyon nakikita ng gwardya.

Hinampas ko s’ya sa braso dahil bigla ang hiyang naramdaman ko. Tumigil kami sa harapan ni Mang Gener at hindi ako makatingin sa gwardya lalo na nang marinig kong maikli s’yang natawa.

“Sinunod mo ’yung advice ko, Sir James?”

Doon lang ako napatingin kay Mang Gener.

“Advice?” I asked.

Malaki ang ngiti ni Mang Gener nang tumingin sa ’kin. Si Gray naman ay mukhang gustong patigilin sa pagsasalita ang gwardya pero nang makitang nakatingin ako sa kanya ay napakamot na lang sa gilid ng kilay n’ya.

“Nagtanong kasi si Sir James sa ’kin kung paano manligaw sa babae,” natatawang sagot ni Mang Gener.

Hindi ko inalis ang tingin kay Gray. He looked embarrassed that I’ve found out about it. Ramdam ko rin ang paghigpit ng hawak n’ya sa kamay ko na parang pinapatigil na akong magtanong pa tungkol doon.

Napangisi ako. Ayoko sana s’yang asarin pero hindi ko talaga mapigilan. I just really like it whenever I discover new things about him.

“Hindi ka marunong manligaw?” tanong kong ikinalaki ng mga mata n’ya.

“Hindi, ah!” Mariin ang naging pagtanggi n’ya. I raised an eyebrow at him and his shoulders slumped. “I just… I don’t want to mess this up.”

I bit the insides of my cheeks. When I felt like I couldn’t stop my smile, I pursed my lips. Ayokong isipin ni Gray na tinatawanan ko s’ya. Ang totoo pa nga ay sobra ko s’yang pinaniniwalaan. I trust him so much that what he said just strucked straight to my heart that it hurts. S’ya lang ang nagparamdam sa akin na dahil sa sobrang kasiyahan ay gusto ko nang maiyak.

Hearing him say that made me feel special. S’ya pa lang ang nag-e-effort sa akin ng ganito.

I squeezed his hand that was holding me. He looked at me and I stared back at him, telling what I was feeling through my eyes. And it seemed like he understood it as he smiled and squeezed my hand back.

“Si Lilac nga po pala, Mang Gener?” tanong ni Gray na tumingin ulit sa gwardya.

Napatingin si Mang Gener sa likuran n’ya na parang kanina lang ay nandoon si Lilac pero ngayon ay wala na. He scratched the back of his head as he looked at us again.

“Nandito lang kanina ’yon, eh. Hinihintay kayo. Baka umakyat na,” he said. “Pinakain na ’yon ni Mrs. Aguilar ng isda.”

Gray grinned at him. “Salamat ho, Mang Gener. Aakyat na kami ni Rey.”

Nagpaalam na rin ako kay Mang Gener bago kami pumasok sa apartment building at sumakay na sa elevator. Hindi pa rin binibitiwan ni Gray ang kamay ko. Kinakabahan tuloy ako na baka nagpapawis na pala ang palad ko.

“Bakit parang hindi yata nagpapahinga si Mang Gener?” tanong ko na lang kay Gray para mawala sa isip ko ang nagpapawis kong kamay.

He glanced at me. Hinigpitan n’ya ang hawak sa kamay ko na parang alam n’ya ang iniisip ko.

“Pauwi na ’yon. Naaabutan ko ’yung kapalitan n’ya kapag aalis ako para pumasok sa Cold Spot.”

Napatango-tango na lang ako. Tumunog ang elevator nang makarating na kami sa third floor at magkahawak-kamay pa rin kaming lumabas ni Gray. Nakita pa namin si Lilac na nakatayo sa harap ng apartment ni Gray at nakatingala, parang nag-aabang. Pero nang marinig siguro ang pagbukas ng pinto ng elevator ay napatingin s’ya sa amin. He meowed and walked towards us.

“Lilac!”

Tsaka lang binitiwan ni Gray ang kamay ko. Sinalubong n’ya si Lilac at binuhat na may malaking ngiti sa mga labi. Lilac meowed again. Mukhang nagrereklamo na binuhat s’ya ni Gray.

“May good news kami sa ’yo,” Gray said in a singsong voice.

Natawa na lang ako at dumiretso sa pinto ng apartment ko. I took out my keys and opened the door while Gray was behind me. Pinapahula n’ya kay Lilac kung ano raw ang good news namin para sa kanya.

Inilapag ni Gray sa sahig ang maliit na travel bag nang makapasok na kami para mabuhat si Lilac gamit ang dalawang kamay n’ya. He carried the cat with his stretched arms, like that scene in The Lion King, pero nakaharap ang pusa sa kanya. Kinuha ko ang travelling bag at inilabas ang mga food container para mahugasan na.

“Kami na ng Mommy mo!” I heard Gray said as I made my way to the kitchen. “Girlfriend ko na s’ya!”

I couldn’t stop my smile kahit nakatalikod na ako sa kanila at sinisimulan nang hugasan ang mga food container. Gray was so cute. Nai-imagine ko rin si Lilac na mukhang wala namang pakialam sa sinasabi ni Gray at ang gusto lang ay makawala sa pagkakahawak n’ya. But Gray was too happy to notice that.

“Legal ka na naming baby!” sabi pa ni Gray na ikinatawa ko na.

I am happy too. Pero mas nadagdagan pa ang saya ko sa kaalaman na masaya rin si Gray sa naging pagbabago ng relasyon namin. Nag-aalala pa nga ako na baka hindi ko s’ya mapasaya dahil wala akong ideya sa kung anong ginagawa ng isang girlfriend. It never occurred to me that I’ll be in this situation soon.

Ang nasa isip ko lang noon ay ang pamilya ko. They’re my inspiration. Pero ngayon, nadagdagan na. And Gray was someone that could bring a smile to my face even after everything. He’s the only one who made me feel this calm kahit na alam kong may mga problemang dapat kong harapin. Pakiramdam ko, magiging maayos ang lahat kapag nakikita ko ang mga ngiti n’ya sa akin. And I don’t want to let this go.

Gray came into my life like a whirlwind. Fast and approaching that I had no time to hide, pulling me towards him while pushing everything away around us. And when I’m finally being swallowed, there was that calm feeling in him. Like his presence was telling me to rest. That I need to rest too, even for a while. And he will be there for me when I decided to get back up again.

I like him so much that I would probably won’t able to let him go.

Naamoy ko muna ang panlalaking pabango ni Gray bago ko naramdaman ang mga braso n’yang pumulupot sa bewang ko. He hugged me back and I stiffened for a second before I finally leaned my body against him. Ang likod ko ay nakalapat sa dibdib n’ya. Ramdam ko ang init ng katawan n’ya kahit na may mga damit na nakaharang sa aming dalawa. And it was enough to make my heart beat like crazy.

He buried his face on the hollow part between my neck and my shoulder. Naramdaman ko ang pagdampi ng mga labi n’ya doon, giving a soft kiss on that part of my neck. I shivered and felt goosebumps all over me. Muntik ko pang mabitiwan ang hinuhugasan ko.

“S-si Lilac?” I tried to draw my attention away from him. Pero kung ganitong ang pabango n’yang humahalo sa natural n’yang amoy ang naamoy ko at ang pakiramdam n’ya sa likod ko, nahihirapan lang akong ignorahin ang presensya n’ya.

“Natutulog na,” he said as he tightened his hug on me.

Natahimik kaming dalawa. The silence was comforting. Parang gusto ko na lang manatiling ganito kami palagi. It was so comfortable. Para bang nahanap ko na ang lugar na ginawa para sa akin.

It was here. With him. Me, inside his arms.

“Gray…” I called his name.

“Hmm?” Hindi man lang s’ya gumalaw. Parang ayaw na ring bumitiw sa pagkakayakap sa ’kin.

“You’re my first boyfriend.”

“I know…”

“Ibig sabihin, wala akong alam sa pakikipagrelasyon,” sinabi ko na ang kanina pang bumabagabag sa ’kin.

’Cause it’s important, right? Communication. Especially with the people you love.

“Wala akong ideya sa kung anong dapat gawin ng isang girlfriend,” I said. “Wala rin akong masyadong alam sa kung anong hindi ko dapat gawin bilang girlfriend mo. But of course, I know I shouldn’t cheat. Wala akong planong gawin ’yon. I like you too much to even cheat.”

I heard Gray chuckled. Naramdaman siguro ang pagkataranta ko. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili ko.

Bakit ba nabanggit ko pa ang tungkol sa cheating? Nataranta lang kasi talaga ako!

Nag-angat ng ulo si Gray at ipinatong n’ya ang baba n’ya sa kaliwang balikat ko. He was looking at me so his breath was fanning my cheeks. Mas dumodoble lang tuloy ang pamumula ng mukha ko.

“Just be yourself, Rey…” he said. Dumampi ang tungki ng ilong n’ya sa pisngi ko. “Being my girlfriend is not some kind of job. You shouldn’t need to worry about anything else. I like you being you.”

Napalabi ako at tinapos na ang paghuhugas. “Pero syempre… may mga dapat pa rin akong gawin, ’di ba?”

I felt his shoulders shook. Tumatawa s’ya nang walang tunog. He was enjoying this.

“In that case… I’ll just teach you some things that a girlfriend should do.”

Napangiti ako. “Talaga?”

“Yep…” he said, popping the ‘p’. “Gaya na lang ng… A girlfriend should give her boyfriend different kinds of kisses.”

Napakunot ang noo ko. May iba’t ibang klase ng halik?

“Like a good morning kiss and a good night kiss,” he said.“

“Ah… okay,” sabi kong tumatango-tango pa.

“Hindi lang ’yon. Meron ding before-eating-a-meal kiss, after-eating-a-meal kiss, before-washing-the-dishes kiss, after-washing-the-dishes kiss, before-taking-a-bath kiss, after-taking-a-bath kiss, before-going-to-work kiss, and going-home-after-work kiss.”

Natigilan ako. Umikot ako paharap kay Gray para makita ang mukha n’ya. I have this feeling that he’s not telling me the truth. Nakumpirma ko nga iyon nang makita ang mukha n’ya at halatang pinipilit n’yang itago ang ngisi n’ya. He was trying to look serious. Alam n’ya kasing binabasa ko s’ya ngayon.

Pinaningkitan ko s’ya ng mga mata.

“Sigurado kang may kiss lahat ng ’yon?” nagdududa kong tanong.

“Oo,” Gray said, still trying his best to hide his grin.

Napasimangot ako. “Siguraduhin mo lang, Gray! ’Pag kahit isa lang sa nabanggit mo hindi talaga kailangan ng kiss, wala kang makukuha kahit isa sa ’kin.”

He looked worried for a while. Pero nang ma-realize sigurong nakatitig pa rin ako sa kanya ay tinanggal n’ya ang emosyon sa mukha n’ya at tumikhim. He stared back at me. Nang makitang seryoso ako ay napangiwi na.

“Hindi ba pwedeng bonus na lang ’yung before-and-after-eating-a-meal kiss? Tsaka ’yung before-and-after-washing-the-dishes kiss?” nakangiwi n’yang tanong.

Sinimangutan ko lang s’ya at lumayo na sa kanya. Pinakawalan n’ya naman ako. He looked dejected when I left him in the kitchen.

Napatingin ako sa orasan at nakitang kailangan n’ya nang umalis para sa trabaho n’ya.

“Gray, may pasok ka pa. Baka ma-late ka,” sabi kong tumabi kay Lilac na natutulog na sa sofa. I caressed his fur. Nag-inat ang pusa at bumalik din sa pagtulog.

“Wala man lang bang after-washing-the-dishes kiss?”

Tinignan ko lang si Gray. Wala akong sinabing kahit ano. He looked hopeful but when he saw the look on my face, his shoulders slumped. He was sulking when he turned around and walked towards the door.

“Now I know what kind of boyfriend I would be,” rinig kong binubulong-bulong n’ya. “Under and deprived of my girlfriend’s attention.”

Naitakip ko ang dalawang mga palad ko sa mukha ko para mapigilan ang malakas na pagtawa. Tahimik akong tumawa at bago pa mabuksan ni Gray ang pinto ay tumayo ako at sinundan s’ya.

“Gray,” I called him. Nang lumingon s’ya sa ’kin na nakasimangot at bahagyang nakanguso ay pinigilan ko na naman ulit ang tawa ko.

“Ano?” he asked without any enthusiasm.

“Alam kong ’yung iba sa mga sinabi mo, totoo. Dinagdagan mo lang talaga,” I said. Lumapit ako sa kanya at sinilip ang mukha n’ya. “Let’s have your before-going-to-work kiss.”

Nakita ko ang unti-unting paglawak ng ngiti n’ya. He wrapped an arm around my waist and pulled me close to his body. Natawa ako pero natigil din nang makita ang intesidad sa mga mga n’ya. He put some strands of my hair behind my ears and stared at my lips.

“I’ll have my before-going-to-work kiss now,” he whispered and I nodded once.

I closed my eyes as his head dipped, closing the distance between us. I caught the scent of his fresh breath before his soft lips landed on mine. I let out a sigh, savoring the feeling of his soft lips.

His grip on my waist tightened. Mas hinila n’ya pa ako palapit sa kanya. Ang mga kamay ko ay lumapat sa dibdib n’ya. My right palm was feeling the fast beat of his heart. Sabay ang ritmo ng pagtibok ng mga puso namin.

His tongue caressed the softness of my lower lip and I let out a sound from my throat that made Gray groan. His other hand cupped on my cheek as he deepened the kiss.

It’s no good. Naramdaman kong nanghihina ang mga tuhod ko at mukhang alam ’yon ni Gray dahil sinusuportahan n’ya ang katawan ko, pulling me closer to his body like our closeness wasn’t enough for him. I was already melting from the way his holding and kissing me. Tumaas ang mga braso ko at pumulupot sa mga balikat n’ya para kumuha ng suporta.

His tongue stroked my lower lip again before he licked my upper lip. I was afraid I might go crazy with the sensation. I did the same with my tongue, caressing his lower lip and Gray let out a pained groan before he pulled away from the kiss.

We were both breathing hard. Napatitig ako sa mga labi n’yang mas namula pa pagkatapos ng halik. His lips glistened with moist and I have the urge to kiss him again, hard this time.

Gray’s lips broke out a smile. Saka lang ako napatingin sa mga mata n’ya. He leaned his forehead against mine, breathing through his mouth.

“Ang swerte ko sa ’yo…” he said.

Napangiti na rin ako. He grinned and gave me a peck on the lips before he let me go.

“’Pag hindi pa ko tumigil, malamang male-late nga ko,” he said with that glint in his gray eyes.

Ramdam kong nag-init ang buong mukha ko. Sigurado akong pulang-pula ’yon pero sinubukan ko pa ring simangutan s’ya.

“Sige na. Baka ako pa sisihin ni Travis kapag na-late ka,” I said. “Ingat ka sa pagmamaneho, Gray.”

He grinned at me and gave me a two-finger salute. “Yes, Ma’am.”

I smiled at him. He smiled back. Binuksan n’ya ang pinto at nang magsara iyon ay hindi pa rin nawala ang ngiti sa mga labi ko.

Maswerte rin ako sa ’yo, Gray…

My days became different after that. Naging masigla ako. Mas masigla kung masigla man ako dati pa. Napansin rin iyon ng mga kasama ko sa hospital, lalo na ni Janina pero I didn’t say nor deny anything. Hahayaan ko na lang na kusa nilang malaman ang tungkol sa relasyon namin ni Gray. Hindi ko rin naman tinatago.

I was always looking forward to spending time with Gray. Na halos wala pang isang oras dahil magkaiba ng oras ng pasok namin. Kapag umuuwi s’ya ay papasok pa lang ako. Kapag naman umuuwi ako galing trabaho ay papasok pa lang s’ya.

That’s why I was glad na nagsabay ulit ang rest day namin. Nag-request daw ulit s’ya kay Travis na pinagbigyan naman s’ya.

“Matagal ko nang gustong palitan ’tong lock mo, nakakalimutan ko namang kunin ang permiso mo. You are too distracting to make me think clear,” sabi ni Gray habang pinapalitan n’ya ang lock ng pinto ng apartment ko sa araw ng rest day naming dalawa.

It was already evening. Natulog ulit s’ya maghapon. Ayaw pa nga sana. He said he wanted to spend time with me. Pero nang makita na magagalit na ako, hindi na nagsalita at natulog na sa sofa.

May palagay pa rin kasi akong hindi s’ya nakakatulog nang maayos.

I blushed because of the last thing he said pero sinubukan ko na lang hindi pansinin iyon.

“Mas okay ba ’pag ganyan?” tanong kong pinapanood s’yang palitan ang lock ng pinto ko. He was replacing it with an electronic lock.

He nodded. “Mas secure. Robbers wouldn’t be able to pick the lock. Mas mahirap malaman ang lock code kaysa sa mag-pick ng lock. They don’t want a lock that would gave them more time to open a door.”

Napatango-tango ako. Pinanood ko lang s’ya nang tahimik. Masyado akong nag-e-enjoy sa seryoso n’yang mukha habang pinapalitan ang lock ko. His eyebrows creasing with concentration. His moves were calculated. Parang alam na alam ang ginagawa n’ya.

Nagtaka tuloy ako. Bartender s’ya, ’di ba? Parang ang layo naman ng pagiging bartender sa marunong ng pagpapalit ng lock?

Ilang sandali lang ay tumayo na si Gray. Pinulot n’ya ang mga ginamit n’ya at tumingin sa ’kin.

“You need to set your passcode,” he said.

Lumapit ako sa bagong lock ng pinto ko at tinitigan lang iyon. Kanina, sinabi na ni Gray sa akin na mag-isip ako ng mga numbers para sa lock code ko. Iyong madaling tandaan at hindi madaling mahulaan ng mga nakakakilala sa akin.

I punched in my lock code. Nag-iwas pa ng tingin si Gray para bigyan ako ng privacy. Sasabihin ko rin naman sa kanya.

“Zero-three-zero-five,” I said. Mabilis na napatingin sa ’kin si Gray.

“Huh?”

“’Yung lock code ko. Zero-three-zero-five.”

Mukha s’yang nagulat. Napakurap-kurap pa s’ya. He opened his mouth and closed it again. Ilang sandali pa n’ya akong tinitigan bago bumuntong-hininga.

“May meaning ba kung para saan ’yon?” he asked. Narinig ko ang pagtunog ng lock ng pumasok kami sa loob ng apartment ko at isinara n’ya ang pinto.

“’Yun ’yung date na first time naming makakain sa Jollibee ni Larissa,” I said. Umupo ako sa sofa at tumabi naman s’ya sa ’kin. Si Lilac ay nakahiga sa upuan na sinapinan ko ng malambot na kumot. “March fifth. Nu’ng elementary ako, in-announce kasi ng teacher ko ’yung honor roll no’n at top one ako. Dinala kami nina Papa at Mama sa Jollibee para mag-celebrate.”

Hindi ko makakalimutan ang araw na ’yon. It was one of my happiest moments pero ngayong malaki na ako at naaalala ko iyon ay nasasaktan rin ako. Hindi kasi kumain sina Mama at Papa noon. Nakatingin lang sila sa amin ni Larissa, pinapanood habang masaya kaming kumakain ng kapatid ko.

“Ikaw?” tanong ko kay Gray bago pa ako maluha. “May meaning ba ’yung lock mo? Zero-eight-zero-seven?”

He nodded. “Birthday ni Kuya.”

Napatitig ako sa kanya. Maya-maya ay napangiti rin.

“Mahal na mahal mo talaga ang kuya mo, ’no?”

Gray gave me a sad smile.

“He’s the only family I have left.”

Tinitigan ko lang s’ya. Hindi s’ya nakatingin sa akin. He was looking down at his hands, playing with his fingers. Pero kahit na ang side profile n’ya lang ang nakikita ko, kitang-kita ko pa rin ang lungkot sa mga mata n’ya.

“Then… what are you still doing here?”

Napatingin sa akin si Gray. I tried to read his eyes. Tinantya ko ang mga susunod kong sasabihin sa kanya. He only started opening up to me. Ayokong masira ’yon.

“Don’t you think it’s better to be with your family?” dahan-dahan kong tanong na para bang mababawasan noon ang epekto kay Gray. “Lalo na s’ya na lang ang natitira mong pamilya.”

I saw the hurt in his eyes. Parang doon pa lang ay gusto ko na agad bawiin ang mga sinabi ko.

“I hurt him, Rey…” Kahit ang boses n’ya ay punong-puno ng sakit.

“I know…” I said softly. “Pero ikaw na rin ang nagsabi, ’di ba? Na parehas kami ng kuya mo. Kung si Larissa ang nakagawa sa ’kin ng kasalanan, kung nasaktan man n’ya ako… I would still want her beside me. ’Yung mababantayan ko s’ya. ’Yung nakikita at kasama ko s’ya. I don’t want her to run away from me and live in guilt.”

Nag-iwas ng tingin sa akin si Gray. Tinitigan n’ya ulit ang mga kamay n’ya pero hindi na nilalaro ang mga daliri ngayon. I sighed. Lumapit pa ako sa kanya at idinantay ang mga kamay ko sa sa mga kamay n’ya.

“Of course… I’m saying this from a point of view of an older sibling. Gusto kitang kampihan, Gray. Gusto kong malaman mong kakampi mo ako. But I still don’t know your side of the story.”

Kaya ingat na ingat akong magbitiw ng mga salita sa kanya. I know he has problems and I want to help him. Pero hindi ko alam kung paano. I want him to be happy too. I want to give him the support that he’s giving me. To let him know that he has me.

“I want to tell you everything, Rey…” he said softly, almost like a whisper. “Pero ayokong matakot ka sa ’kin. Ayokong mag-iba ang tingin mo sa ’kin. I don’t want you to stay away from me or to fear me.”

Mariin akong umiling. “Syempre hindi, Gray. Kahit ano pa ’yan. Hindi kita lalayuan. Hindi ako matatakot sa ’yo.”

I thought that would assure him, that would take his pain away. Pero mukhang mas lalo ko lang s’yang nasaktan. He smiled at me like he’s in deep pain.

“We all have secrets we don’t want anyone to know, right?” he said.

Hindi ako nakapagsalita. Tinitigan ko lang s’ya. Wala sa sariling natanggal ko ang mga kamay kong nakahawak sa kanya.

Those mysterious emotions I always saw in him… Iyon ba ang tinutukoy n’ya?

Gray was just looking straight at me. Mukhang tinitimbang ang reksyon ko. Gusto kong magsalita. Gusto kong sabihin na kahit ano pang sikreto n’ya, tatanggapin ko. Hinding-hindi ko s’ya lalayuan. Pero ayaw namang bumuka ng bibig ko.

Naputol titigan namin nang tumunog ang phone ko para sa isang tawag. Tumayo ako at kinuha iyon na nakapatong sa dining table. Hindi ko alam na hindi na pala ako humihinga habang nakatingin kay Gray kanina. Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang makalayo ako sa kanya.

Nang makita na si Larissa ang tumatawag ay mabilis ko iyong sinagot.

“Ate!” bungad n’ya bago pa ako makapagsalita. Kinabahan tuloy ako. There was something urgent in her tone.

“Larissa?” Pilit kong itinago ang kaba ko.

May nangyari ba? Kay Mama?

“Ate, may good news ako!”

Saka lang nabawasan ang kaba ko.

“Ano?”

“Nakilala na ko ni Mama!” masayang sabi ng kapatid ko. Mabilis ang pananalita n’ya. “Tinawag n’ya akong Larissa tapos hinanap ka n’ya, Ate! ‘Nasaan daw si Reyziel!’”

Ilang sandali pa bago rumehistro sa akin ang sinabi ng kapatid ko. Napasinghap ako at naitakip ang isang kamay sa bibig ko. Naramdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko.

“Ta-talaga?” my voice croaked. Mukhang nahalata iyon ni Gray dahil ilang sandali lang ay nasa tabi ko na s’ya.

I looked at him. He looked worried when he saw my eyes tearing up. Umiling ako sa kanya at nakinig pa sa mga sinabi ng kapatid ko.

“Hindi na kita natawagan kanina. Wala kasi akong load. Pero, Ate, may improvement na si Mama!”

Napatango-tango ako. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko. Gray still looked worried pero nang makita n’ya siguro na hindi lungkot ang dahilan ng pag-iyak ko ay nabawasan ang pag-aalala n’ya.

May mga sinabi pa si Larissa sa akin. Naalala kong sinabi n’yang sa susunod na dadalawin n’ya si Mama ay tatawagan n’ya ako para makausap s’ya. Masyado akong masaya sa balita at iniisip ko pa ngang umuwi na ng Manila pero hindi pwede. Namalayan ko na lang na tapos na pala ang tawag.

“Rey?” bungad ni Gray nang ibinaba ko na ang phone ko sa dining table.

I sniffed. I looked at him, crying and with a smile on my face. I probably looked crazy in his eyes but I don’t care. I am so happy I couldn’t stop my tears.

“Si Mama…” sabi ko at suminghot ulit. “May improvement na si Mama. Nakilala n’ya na kami ng kapatid ko, Gray!”

Saka lang tuluyang nawala ang pag-aalala sa mukha ni Gray. He smiled at me and wrapped me inside his arms. Mas lalong bumuhos ang mga luha ko nang maramdaman ang init ng katawan n’ya.

“That’s good to hear, Rey… I’m happy for you,” he said as he caressed my hair.

Tumango ako at yumakap pabalik sa kanya, uttering a silent promise.

You too, Gray. You’ll be okay, too. I’m here. Magkasama tayong magiging masaya.

Chapter 25

I took a deep breath first before I finally accepted Larissa’s call. Kanina nang sinabi n’yang tatawagan n’ya ako, hindi ako mapakali at hindi rin makapaghintay sa tawag n’ya. Ngayon naman na tinawagan n’ya na ako ay naka-ilang ring muna ang phone ko bago ako nagkalakas ng loob na sagutin ang tawag n’ya.

Kinakabahan kasi ako. Kinabukasan ay dumalaw ulit si Larissa kay Mama para makausap ko na s’ya. I thought I would be okay if I got to talk with my mother pero ngayon naman ay grabe ang tensyon at ang kabang nararamdaman ko.

I was so scared. Paano kung hindi ulit ako makilala ni Mama? Malaki ang posibilidad na ’yon lalo pa at hindi kami magkaharap at ang boses ko lang ang maririnig n’ya. Noon ngang magkaharap kami ay hindi n’ya ako nakikilala, paano pa kaya ngayon?

I am aware that there might be lapses during her recovery. Hindi pa tuluyang magaling si Mama. Pwedeng isang araw ay ayos s’ya pero may mga araw na hindi. Paano kung isa ito sa mga araw na ’yon?

Hindi ko kayang marinig na itatanong n’ya ulit kung sino ako.

I put the phone against my ear. Hindi muna ako nagsalita. I was trying to assess her pero ngayong hindi kami magkaharap, there’s no telling if she’s okay or if this is one of her worst days.

“Reyziel?” rinig kong sabi ng boses sa kabilang linya. Kilalang-kilala ko ang may-ari ng boses na ’yon. “Reyziel, anak… ikaw ba ’yan?”

I caught my breath. Naitakip ko ang isang kamay sa bibig ko. My eyes teared up and all of a sudden, I just found myself silently crying hearing my mother’s voice again.

It’s been so long… God, hindi ko na maalala kung kailan ako huling tinawag ni Mama sa pangalan ko. I felt like a small child again. Gusto ko s’yang yakapin nang mahigpit ngayon at magsumbong. Na sabihin sa kanya ang lahat ng mga hinanakit ko. Na nasaktan n’ya ako sa mga panahong hindi n’ya ako nakilala.

I wanted to tell her that I’m tired. Pero kahit na pagod na ako, hinding-hindi ko sila susukan ni Larissa.

“Ma…” I managed to call her but my voice croaked. Isinara ko ulit ang bibig ko at hinayaan n lang sa pagtulo ang mga luha ko.

“Ang anak ko…” Mas naiyak lang ako nang marinig na nabasag ang boses n’ya. “Kumusta ka na? Ang sabi sa ’kin ni Larissa, nasa Negros ka raw. Ayos ka lang ba d’yan?”

Tumango ako, nakalimutan na wala nga pala s’ya sa harapan ko. How I wish that she’s in front of me right now.

“Ayos lang ako, Ma…” sabi ko sa nanginginig na boses.

“Nakakakain ka ba nang maayos? Baka  magkasakit ka. Ang layo mo pa naman. Walang mag-aalaga sa ’yo d’yan.”

Sakto naman na narinig ko na may pumipindot sa lock key ng pinto ng apartment ko. I knew who it was. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Gray na dito na dumederetso pag-uwi galing sa trabaho n’ya.

Suddenly, I felt calm. Gusto kong sabihin kay Mama na may mag-aalaga sa akin kapag nagksakit ako but I’ll tell it to her some other time. Ang gusto ko lang ngayon ay malaman ang lahat tungkol sa kanya. Para alam ko kung hanggang saan ang in-improve n’ya.

A week passed when Larissa told me that our mother had an improvement. Hindi pa nagtatagal si Mama sa bagong institution na ’yon pero may naging improvement na agad s’ya. Ibig sabihin, effective sa kanya ang approach na ginawa sa kanya ng psychiatrist n’ya. Ang sabi rin ni Doc Evelyn noon na mas matututukan sa institution na ’to si Mama. Pinayagan rin si larissa na bumisita nang maaga.

Isang linggo na ang lumipas. I was hoping na nagtutuloy-tuloy ang improvement n’ya.

“Ayos lang po talaga ako dito, Ma… Kayo nga ho ang inaalala ko. Kayo ni Larissa.

Naramdaman ko ang paglubog ng espasyo sa tabi ko sa sofang inuupuan ko. Tahimik lang na tumabi sa akin si Gray, buhat si Lilac na inilagay n’ya sa kandungan n’ya at hinaplos ang balahibo ng pusa.

“Bumubuti na ang ayos ko, Rey… Hindi mo na kailangang mag-alala.”

My lips quivered. “Pwede ba naman ’yon, Ma?”

Narinig ko ang magaang tawa n’ya. Gustong-gusto ko nang umuwi. Gusto kong makita ulit ang nakangiting mukha ni Mama. Lalo pa ngayong nagiging maayos na s’ya.

“Pasensya ka na, anak, ha? Ako dapat ang nag-aalaga sa inyo pero pinag-aalala ko pa kayo.”

Nanikip ang lalamunan ko. Pinigil ko ang maiyak ulit dahil ramdam ko sa tabi kong nag-aalala si Gray. Pero pagdating sa pamilya ko, hindi ko talaga mapigilan. I just love them so much.

“Hindi mo naman kailangang humingi ng pasensya, Ma,” I said. Hirap na hirap ako na huwag manginig ang boses ko. “Basta gumaling ka lang para magkasama-sama na tayo ni Larissa. Miss ka na namin, Ma…”

“Miss ko na rin kayo,” rinig ko ang pagsinghot ni Mama. She was crying as well. “Hayaan mo. Malapit na akong gumaling. Malapit na tayong magsama-sama ulit.”

I smiled and nodded again. Nu’ng nakaraan ay ibinigay sa akin ni Larissa ang contact number ng psychiatrist ni Mama para raw makausap ko. Mas magkakaintindihan daw kami dahil pareho kami ng field. Sinabi nga sa akin ng psychiatrist ni Mama na maganda raw ang nagiging response ni Mama sa medication at therapy n’ya. Malaki ang tyansa na gumaling daw agad si Mama.

Ilang sandali pa kaming nag-usap ni Mama bago n’ya ibinigay ang phone kay Larissa. Nagbilin ako ng ilang mga bagay sa kapatid ko bago namin tinapos ang tawag. Nagulat ako na halos mag-a-alas dose na pala ng tanghali. Hindi ko alam na halos dalawang oras din pala akong nasa telepono.

“Hala, hindi pa ako nakakaluto,” gulat kong sabi.

Tatayo na sana ako para maghanda ng pagkain. Hindi rin kasi ako nakapagluto ng almusal sa sobrang kaba ko kanina. Wala tuloy kakainin si Gray ngayon.

But Gray caught my wrist. Napatingin ako sa kanya na nakaupo pa rin. Si Lilac ay natutulog sa kandungan n’ya. He slightly tugged my arm, telling me to sit down. And I did.

“Kain na lang tayo sa labas?” he suggested.

Tinagilid ko ang ulo ko. “Gutom ka na ba? Sorry. Nawala sa isip ko ’yung oras.”

He gently smiled at me. “No need to say sorry, Rey. It’s not even your responsibility to cook for me.”

“Pero kapalit ’yon ng paghahatid-sundo mo sa ’kin.”

He frowned. He looked offended. “Hanggang ngayon ba iniisip mo pa ring ginagawa ko ’yon para manghingi ng kapalit? Rey, I was just looking for an excuse to be with you. So when you offered me a good one, I grabbed it.”

Napalabi ako. Wala akong masabi. I never thought that he accepted my offer just because he wanted to be with me. hindi ko nga rin alam kung bakit ko in-offer ang ganoon. I guess, I like to be with him too.

I smiled at him. Halata pa rin kasing nagtatampo s’ya. Hindi lang gustong ipakita sa akin dahil katatapos ko lang makipag-usap kay Mama.

“Pareho lang naman tayo…” I said. Hindi ko na dinugtungan. Alam ko rin namang maiintindihan n’ya kung anong ibig sabihin ko doon.

And he did. Nawala ang pagtatampo sa mukha n’ya. His lips twitched. Parang gustong ngumiti pero pinipigilan lang.

“Kain tayo sa labas?” he offered for the second time. Nakangiti naman akong tumango sa kanya. “Date na rin tayo.”

Napalitan ng pagkakasimangot ang ngiti ko.

“Galing kang trabaho. Matulog ka muna.”

“Lalabas na rin naman tayo. Sulitin na natin.”

“Kailangan mong matulog at magpahinga.”

“Promise. Gagawin ko ’yan pag-uwi natin.” Itinaas pa n’ya talaga ang kanang kamay n’ya. Then he moved towards me and leaned his forehead on my shoulder. “Date na tayo, sige na… Na-miss kita nang sobra.”

Dahil sa ginawa n’ya ay bahagya s’yang gumalaw mula sa pwesto n’ya. Naistorbo tuloy si Lilac na natutulog sa kandungan n’ya. Mukhang nainis ang pusa kaya ang ginawa na lang ay umalis at tumalon pababa. Mukhang doon na lang planong ituloy ang pagtulog sa upuan na may kumot para maging higaan n’ya.

“Kaya ayaw na sa ’yo ni Lilac, eh,” sabi ko kay Gray na naglalambing pa rin sa akin hanggang ngayon. “Ang kulit mo kasi. Lagi mo pang iniistorbo sa pagtulog.”

Instead of moving away, he leaned closer to me. He even wrapped his arms around my waist and buried his face on my neck. Ramdam ko ang init ng hiningang binubuga n’ya, sending goosebumps all over my body. Hindi pa s’ya nakuntento roon at dinampian ng magaang halik ang leeg ko.

“Date na kasi tayo…” he said.

Gray was definitely the clingy and touchy type of boyfriend. Kapag uuwi s’ya galing trabaho, he’ll either hug me or kiss me… or both. Noong una ay nagugulat pa ako hanggang sa nasanay na rin ako dahil araw-araw n’yang ginagawa iyon.

But his kisses and hugs still have the same effect on me. Mas lalo pa ngang lumalala sa pagdaan ng mga araw. Pakiramdam ko pa nga ay magkakasakit na ako sa puso dahil araw-araw na lang mabilis at malakas ang pagtibok noon.

I smiled and caressed his hair. Mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Gray. His body relaxed against mine. Kung hindi ko lang inaalala na hindi pa s’ya kumakain, hahayaan ko nang makatulog s’ya sa ganoong pwesto. He seemed really comfortable hugging me.

“Basta magpapahinga ka pag-uwi natin, ha? Hindi lang pahinga. Matulog ka rin,” I said.

Tumango s’ya pero hindi agad lumayo sa akin. Nanatili kami sa ganoong position. Gray was hugging me while I was caressing his hair. Ramdam na ramdam ko ang banayad n’yang paghinga. Ang akala ko pa nga ay nakatulog na talaga s’ya hanggang sa maramdaman ko ay pagdampi ulit ng mga labi n’ya sa gilid ng leeg ko bago s’ya tuluyang humiwalay sa akin.

“Magbibihis lang ako,” he said. Tumayo na s’ya para bumalik sa apartment n’ya.

I took that time to get dressed as well. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero alam kong kakain kami. So I just wore a simple white blouse and maong pants. I tied my hair in a ponytail. I put a simple make-up and went outside of my room.

Nakabalik na si Gray at nakita kong nakaupo na sa sofa na nasa sala nang lumabas ako sa kwarto. He’s wearing an army green shirt and a black pants na may punit sa tuhod. Nakasuot pabaliktad sa ulo n’ya ang cap na kakulay ng shirt n’ya. Nilalaro n’ya si Lilac na halatang inaantok pa.

He looked up when he noticed me. I was fidgeting while walking up to him. Nakakatitig lang kasi s’ya sa ’kin habang papalapit ako sa kanya. There was that intensity in his eyes that made all the hairs on my nape stand up. He was looking at me like I was the only one that interest him.

Tumikhim ako nang makalapit na sa kanya.

“Halika na?”

Gray nodded. Tumayo s’ya at binuhat si Lilac. “Ibibilin ko na lang ulit si Lilac kay Mang Gener.”

Doon n’ya kami dinala sa restaurant na kinainan din namin noon. The one that I saw him walking up with a girl and they looked like they were talking about something fun.

Napatingin ako kay Gray na pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. I had the urge to ask him about who the girl was. May palagay kasi ako na iyon lang ang maaalala ko sa tuwing dito kami kakain I need to clear it to him. For my peace of mind.

“Gray,” I called him.

He glanced at me. He put his hand on the small of my back, urging me to walk with him. Ginawa ko naman pero hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya.

“Hmm?”

“Nakita kita isang beses. May kasamang babae. Pumasok kayong dalawa dito sa restaurant.”

His steps suddenly halted. Napitigil din tuloy ako sa paglalakad at nilingon s’ya pabalik. He looked alarmed. His shoulders tensed. Malikot ang mga mata at hindi makatingin ng deretso sa akin.

Dapat na ba akong mag-alala?

“Kailan?” he asked. Kahit sa boses n’ya ay halatang kinakabahan s’ya. “Sino ’yung babae?”

“Hindi ko alam,” mahinahong sabi ko. Nag-aalala na kasi ako sa kilos ni Gray at ’pag ipinakita ko pa iyon sa kanya, baka mas lalo lang s’yang kabahan. “Nu’ng…” Inalala ko kung kailan ang araw na ’yon. “Pangalawang araw ko yata dito sa Negros.”

Gray took a long deep breath. He looked relieved when he exhaled. His shoulders relaxed.

“Baka si Krista? May pinaayos s’ya sa ’kin sa laptop n’ya. Malapit lang naman s’ya dito kaya sabay na kaming nag-lunch.”

I frowned. “Bakit ikaw pa pinag-ayos n’ya? Sa service center n’ya sana pinaayos, hindi sa ’yo.” Mas napasimangot pa ako nang makitang nakangiti lang si Gray. “Ang layo kaya ng apartment building dito.”

He chuckled. Hinawakan n’ya ang pulsuhan ko at hinila palapit sa kanya.

“God, you’re driving me crazy,” he said as he wrapped his arms around me.

“Huwag kang masyadong mabait, Gray,” I said, inhaling his scent but I made my mind focus on our conversation. “People will take advantage of you.”

“Alam ko na ’yon…” sabi n’ya at parang may narinig akong iba sa tono n’ya. Pero bago ko pa matanong kung anong problema ay bumitiw na s’ya sa ’kin. “Tara na… Gutom na talaga ko.”

We ate and talked about things. Mostly he was asking me questions and I was the one who did the talking. Itinanong sa akin ni Gray ang naging pag-uusap namin ni Mama. It felt so good talking to him about my family. Iyong may nakikinig sa akin sa pagkukwento ko. He looked even interested in everything I say.

Ikinuwento ko rin ang medication at therapy ni Mama. He looked a little lost whenever I used jargon about my profession. Pero hindi n’ya palalagpasin ’yon. Itatanong n’ya sa akin kung ano ’yung hindi n’ya naintindihan at ipapaliwanag ko naman ’yon sa kanya. It was so clear that he wanted to understand everything about me.

And I want to do the same to him too. But his guard was up whenever I tried to ask deeper things about him.

“Pilot ’yung asawa ni Kuya tapos meron silang kambal,” kwento n’ya. Hindi na muna ako nagsalita dahil ayokong maputol ang pagkukwento n’ya. “They both have blue eyes. Nagmana kay Artemis.”

“Artemis?”

He nodded. “Asawa ni Kuya.”

“Pareho kayo ng kuya mong gray ang kulay ng mga mata?”

May malawak na ngiti sa mga labi n’ya nang tumango ngayon. “Oo. Mas dark nga lang ’yung kay Kuya.”

“Ano nga ulit pangalan n’ya?” I asked. Hindi ko rin matandaan kung nabanggit ba n’ya ang pangalan ng kapatid n’ya.

No… Not even once. He never mentioned his name. May palagay akong iniiwasan n’yang banggitin din ang pangalan ng kapatid n’ya. Nakumpirma ko ’yon nang mag-isang linya ang mga labi n’ya.

“Hindi mo pa yata binabanggit,” sabi ko pa.

Something flickered in his eyes. It startled me for a second. It made me scared. He looked like… he was ready to kill someone.

Nanginig ang mga kamay kong nakahawak sa kubyertos kaya ibinaba ko iyon, worried that Gray might notice my trembling hands. Ayokong isipin n’yang natatakot ako sa kanya. Nawala rin naman ang emosyong iyon sa mga mata n’ya nang kumurap s’ya.

He took a deep breath and leaned on his chair.

“Hunter.” Nagulat ako nang sagutin n’ya ang tanong ko. He looked like he was forcing the words out of his mouth and was having a hard time. “Hunter Chase S—” bago n’ya pa matuloy ang sasabihin n’ya ay itinikom na n’ya ang bibig n’ya.

It’s okay… This is one huge step.

Gray suddenly looked exhausted. Para bang sa pagsasabi ng pangalan ng kuya n’ya ay kinailangan ng buong lakas n’ya. He frowned and massaged his temples with his one hand. Dahil sa ginawa n’ya ay natakpan ng kamay n’ya ang kalahati ng mukha n’ya.

“Gray? Okay ka lang ba?” tanong kong nagsisimula nang mag-alala.

Shit… I shouldn’t have pushed him. Naghintay na lang sana ako hanggang sa maging handa na s’yang sabihin sa akin ang lahat. It looked like I’ve triggered something in him.

“Gray?”

He removed his hand and looked at me. Empty. Iyon ang nakikita ko sa mga mata n’ya. I feel like I was looking at the void. Nag-panic ako ng ilang sandali, nag-alala sa nangyayari kay Gray. Until he blinked and the tiredness was back in his eyes again.

He forced a smile.

“Can we take a rain check on that date?” he asked. “I suddenly don’t feel well.”

Mabilis akong tumango. Kahit naman sabihin n’yang itutuloy n’ya pa rin ang date namin pagkatapos nito, hindi ako papayag. He clearly needs a complete rest.

Tinapos namin ang pagkain at nag-drive na pauwi sa apartment. Tahimik lang kami sa daan which was very unusual ’cause he was chatty. Makulit s’ya. Kapag tahimik ako ay kinakausap n’ya ako. Para bang ayaw n’yang isipin ko ang mga problema ko and he’s helping me escaped them for a while.

Just like what he did today. He asked me out to divert my attention. Alam n’ya kung gaano ko na nami-miss sina Mama at Larissa. Palagi ko ’yong sinasabi sa kanya. At mas lumala lang ang pagka-miss ko sa kanila nang makausap ko si Mama.

I stayed silent throughout the drive. Natatakot akong may mali na naman akong masabi, o magawa. Baka mas lalo lang lumala. Halatang hindi pa handa si Gray pag-usapan ang lahat.

Wala si Mang Gener sa pwesto n’ya nang ipinarada ni Gray ang sasakyan. Pero nang makababa kami ay bumalik rin si Mang Gener. Nagbanyo lang siguro sandali.

“Si Lilac po, Mang Gener?” tanong ko sa gwardya. Mukha kasing walang planong magtanong si Gray.

Tumingin si Mang Gener sa likod n’ya. Inaasahan na nandoon ang pusa pero  nang makitang wala ay nakakunot ang noong bumaling ulit sa ’min.

“Nandito lang ’yon bago ako gumamit ng banyo, eh,” he said. “Baka umakyat na sa taas.”

Walang sinabi si Gray at pumasok na sa building. Nakita kong sinundan s’ya ng tingin ni Mang Gener bago binalik ang tingin sa ’kin. I smiled at him.

“Salamat po, Mang Gener.”

The old man nodded pero mukhang na kay Gray pa rin ang atensyon n’ya.

“Babalik din ang sigla ni Sir James. May mga pagkakataon na gan’yan talaga s’ya.”

Tumango lang ako sa kanya at nginitian ulit s’ya bago nagpaalam at sinundan si Gray. Tahimik kaming dalawa sa loob ng elevator kahit nang makalabas na kami. Nagulat pa ako nang dumiretso s’ya sa apartment n’ya.

“D’yan ka matutulog?” tanong ko at tumango lang s’ya. “Ang akala ko ba hindi ka nakakatulog—”

“I’ll manage.” Nagulat pa ako ng putulin n’ya ang sasabihin ko.

It was the first time. First time na mukhang hindi s’ya interesado sa sasabihin ko.

Tumango lang ako at hinayaan na s’ya. He gave me one last look before he punched in the passcode on his lock and went inside his apartment.

Chapter 26

Last day of 2021.

Happy New Year, Hiroes! Thank you for being with me this year. For all the support and love. I hope 2022 will be a better year for us!

See you next year!


Napatitig na lang ako sa nakasaradong pinto ng apartment ni Gray. Gusto ko s’yang sundan sa loob. I wanna check in on him. Mukhang hindi maayos ang pakiramdam n’ya. Pero kapag naiisip ko kung paano n’ya ako tinaboy kanina, napapaatras ako. He clearly didn’t want me anywhere around him… for now.

Maghihintay na lang siguro ako hanggang mamayang gabi. Baka bumuti na ang pakiramdam n’ya sa oras na ’yon.

I sighed and went inside my apartment. Napatingin ako sa bakanteng sofa na dapat  sana ay tinutulugan ni Gray ngayon. Ilang beses ko nang inalok sa kanya na pwede naman s’yang matulog sa isa pang kwarto na nandito sa apartment pero mas gusto n’ya talaga doon sa sofa.

Sa mga oras na ’to, natutulog na dapat si Gray doon. Pero mukhang hindi nga talaga maghanda ang pakiramdam n’ya dahil bumalik s’ya sa apartment at mukhang doon na planong magpahinga.

I’m worried he might not get proper rest. Naalala kong sinabi n’ya noong hindi s’ya nakakatulog sa apartment n’ya. ’Cause he felt alone. Kaya nga palagi rin s’yang nandito sa apartment.

Humugot ulit ako nang malalim na buntong-hininga at umupo sa bakanteng sofa na iyon. I’m really worried for Gray. And at the same time… I was hurt. It was clear that he was still not letting me fully in his life. Hanggang ngayon ay may mga itinatago pa rin s’ya sa akin. While I’ll almost told him everything about me.

Pero isinantabi ko muna ang nararamdaman ko. It’s okay. There are people like him. Hirap magtiwala. Hirap buksan ang sarili nila sa ibang. And I’m willing to wait for him until he’s ready. I really want to help him. To comfort him. To know that I’m just here.

Nilubog ko ang sarili ko sa sofa at dahil sa ginawa ko ay nakita ko ang bakanteng upuan na tinutulugan rin ni Lilac. Napatingin pa nga ako sa espasyo sa tabi ko, iniisip pang makikita roon ang pusa dahil kapag hindi nakahiga dito si Gray, si Lilac naman ang pumapalit. Pero wala rin sa tabi ko ang pusa. O kahit saan sa sofa.

Nangunot ang noo ko. Ang sabi ni Mang Gener, baka umakyat na raw si Lilac. Hindi ko naman s’ya nakita kaninang paglabas namin ng elevator. At alam kong wala rin s’ya sa apartment ni Gray. He locked it when we went out earlier. Kahit rin nga ’tong apartment ko kaya hindi ko rin alam kung bakit inaasahan kong makikita ko dito si Lilac kanina.

Worried, I stood up. Nagdesisyon na lang akong hanapin ang pusa para maipasok na sa loob ng apartment ko. Magtatanong-tanong na lang ako sa mga iba pang nakatira dito sa apartment building. Ang alam ko, pinapakain din nila si Lilac minsan. Lalo na noong nasa trabaho pa si Gray at wala pa akorito sa Negros .

Una kong pinuntahan ang unit ni Mrs. Aguilar. Her unit was directly below Gray’s. Nakita kong may dala s’yang plastic bag nang pagbuksan n’ya ako ng pinto.

“Good afternoon po, Mrs. Aguilar,” magalang na bati ko sa ginang.

She looked at me through her spectacles. Nangunot ang noo n’ya. Inaalala siguro kung sino ako dahil isang beses pa lang naman kami nagkikita.

“Reyziel? Ikaw si Reyziel, ’di ba? ’Yung girlfriend ni James?” she asked.

Napangiti ako at tumango. Noong nagkakilala kami, hindi pa kami ni Gray noon but she thought we’re together otherwise. But neither Gray nor I corrected her.

Pero ngayon… totoong kami na.

“Oho,” nakangiti kong sabi sa matanda.

“Bakit ka nga pala naparito? May problema ba?” I heard the worry in her voice. Naalala ko tuloy kung anong ipinunta ko rito.

“Ah. Nasa inyo po ba si Lilac? Wala ho kasi sa taas. Iniisip ko hong nakikain o nakitulog muna sa iba habang wala kami ni Gray kanina.”

“Ay, wala sa ’kin ang pusa.” Iniangat n’ya ang plastic bag na dala n’ya. “Kakaakyat ko lang din galing grocery d’yan sa tabi ng building. Sampung segundo bago ka kumatok. Kanina namang umalis ako, wala rin dito si Lilac.”

“Hindi n’yo ho ba nakita sa labas kaninang bago ho kayo umakyat?”

She shook her head. “Hindi. Wala rin kay Gener. Isa pa’y hindi rin naman lumalabas ng building ang pusang ’yon.”

I bit my lower lip. Nakita siguro ni Mrs. Aguilar ang pag-aalala sa mukha ko kaya dinugtungan n’ya ang sinabi n’ya.

“Baka nasa ibang unit. Ipagptanong mo rin. Hindi naman lumalayas ’yon si Lilac.”

I nodded pero hindi nabawasan noon ang pag-aalala ko. Hindi pa ako nagkakaroon ng alaga, ngayon pa lang. Pero ang alam ko ay may tendecy silang mawala lalo na kapag pinapagala.

Pero baka babalik din naman mamaya.

I smiled at Mrs. Aguilar. “Sige ho. Salamat ho, Mrs. Aguilar.”

“Walang problema, ineng. Mabait na pusa ’yon si Lilac. Hindi ’yon basta-basta lalayas lang.”

I nodded and said my goodbye to her. Kinuha ko na rin ang pagkakataon na ’yon para magtanong-tanong samga nakatira sa tatlo pang unit sa building na ’yon. Pero iisa lang ang sagot nila. Hindi pa nila nakikita si Lilac sa araw na ’yon.

Mas dumoble lang ang pag-aalala ko nang makabalik na ako sa apartment. Tinignan ko ang bakanteng upuan na hinihigaan ni Lilac at mas pinalala lang noon ang pag-aalala ko. Pakiramdam ko ay anak ko ang nawawala at hindi ko alam kung saan na hahanapin.

Naging Mommy na nga talaga ako ni Lilac. Masaya naman ako sa pag-aalaga sa pusang ’yon. Palaging tulog, naglalambing kapag gutom pero babalik sa pagtulog pagkatapos ngang kumain. At tama ang sinabi ni Mrs. Aguilar kanina. Mabait na pusa si Lilac.

I sighed. Sinubukan kong alisin ang pag-aalala ko. Dati na namang pinapagala ni Gray si Lilac noong wala pa ako rito sa Negros. Babalik din siguro ang pusa maya-maya.

I heard a knock on my door. My heart leaped thinking that it might be one of the tenants bearing news about Lilac. Tumayo agad ako at nagmamadaling binuksan ang pinto pero pamilyar na mukha ang nakita ko.

It was Gray. Pakiramdam ko ay lumubog ang puso ko at nakahanap ako ng kakampi.

“Gray! Si Lilac nawawa—”

Napatigil ako.

This is not… Gray.

No. It’s him but… he’s different.

He’s wearing a black button-down shirt now, tucked in his black ripped pants that he was wearing earlier. Pero nakasuot na rin s’ya ng mahabang coat na umabot ang haba hanggang sa ibabaw ng tuhod n’ya. His gray-colored hair was in a brush up style. Walang cap na alam kong palagi n’yang sinusuot kapag umaalis s’ya.

And the look into his eyes… They’re not… Gray’s.

I saw him eyed me from head-to-toe. Mabagal. Ramdam ko ang pagbaon ng titig n’ya sa bawat parte ng katawan kong dinadaanan n’ya ng tingin. Nanginig ang kamay kong nakahawak sa doorknob habang pinapanood s’yang pasadahan ako ng tingin. Mabilis din ang tibok ng puso ko. But I know it wasn’t beating this fast ’cause of what I felt for him. Kaba ang nararamdaman ko ngayon. Kabang may halong takot.

I tried to push that emotion away. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit natatakot ako ngayon sa kanya. Gray was the kindest and the most gentleman I’ve ever met. Totoo ang sinabi ng mga tao noon tungkol sa kanya. He was a bit clingy and childish when he was with me pero alam ko namang ginagawa n’ya lang iyon para maglambing. But he still knows when to stop and act properly.

But looking at him now, hindi ko man lang makita ang Gray na iyon. ’Yung clingy at childish na Gray.

The Gray that I like so much.

Gray was wearing a terrifying smirk on his lips when he looked at my eyes that I felt all my hairs stood up.

“Plain,” he said.

Kahit paraan ng pagsasalita n’ya ay iba. It was cold. It was lacking of emotions.

“Huh?” ang tanging lumabas lang sa bibig ko.

Gray chuckled. I caught a scent from him that was so not him. Pamilyar na amoy iyon sa akin at hinding-hindi ko makakalimutan. I onced smelled it when I was a child.

The smell of a cigarette. Hinding-hindi ko makakalimutan iyon dahil kasama ang paninigarilyo sa naging bisyo ni Papa.

Wait… Naninigarilyo si Gray?

“I had a high expectation from you,” Gray said. “But got disappointment when you look so… plain.” He shrugged. “Well, my fault for thinking that he has good taste.”

“Gray…” I muttered his name. Siguro dahil pinapaalala ko sa sarili ko na si Gray ang kaharap ko kahit na ibang-iba s’ya ngayon. “Okay ka lang ba?”

He stared at me. I saw that mysterious glint in his eyes again. It was overwhelming. Like it was eating all the emotions in his eyes and that’s the only thing I could see in his gray orbs now. The color of his eyes darkened. Katulad ng madilim na madilim na langit dahil sa malakas na bagyong paparating.

Kung dati ay biglang nawawala ang misteryosong emosyon na iyon sa mga mata n’ya. But it was staying in his eyes now. Like it was there, all this time. And I just failed to see it.

Gray showed me that smirked again. Hindi na nawala ang paninindig ng mga balahibo ko.

“Of course. I’m okay…” he trailed off. “Reyziel.”

My breathing hitched. Iyon ang unang beses na tinawag n’yang buo ang pangalan ko. He was calling me by my nickname all the time. Tuwang-tuwa kasi s’ya na magkatunog ang mga nickname namin at parang kinuha raw ang nickname ko sa pangalan n’ya. So he was always calling me as ‘Rey’ since then.

Until now.

I shuddered. There was something inside me that’s telling me I’m in danger with this man. Pero hindi ko pinapakinggan iyon.

This is Gray. This is him.

I noticed he took a step back. Nainis pa ako sa sarili ko nang makahinga ako nang maluwag sa ginawa n’ya dahil nagbigay s’ya ng distansya sa aming dalawa.

No… Si Gray ’to. Hindi dapat ako matakot sa kanya.

Gray tilted his head and eyed me from head to toe again before he looked at me in the eye. He smirked and let out a low chuckle.

“See you around, Reyziel ,” he said and walked towards the elevator.

See you around?

Pinanood ko s’yang maglakad papunta sa elevator. He pushed the button and the elevator doors opened. Saka lang ako natauhan at hinabol s’ya kahit kinakabahan pa rin ako.

“Gray!”

Naabutan kong papasara ang pinto but Gray held it open for me. His thumb was pressing the door hold button. Nanatili lang ako sa labas ng elevator at s’ya naman ay nasa loob. Magkaharap kaming dalawa.

“Nawawala si Lilac,” I said. Bumalik ang pag-aalala ko para sa pusa.

His forehead frowned.

“Lilac?” he asked, confused.

I stared at him in horror. Hindi ako makapaniwala sa nakikita kong emosyon sa kanya. He looked like he doesn’t know who owned that name. His eyebrows creased like he was thinking hard who Lilac is.

Then recognition filled his eyes.

“Oh! Lilac!” he exclaimed as he chuckled. “It’s just a cat. Don’t make a fuss about it.”

I stilled.

It’s just… a cat?

Hindi ko akalaing maririnig ko ang mga salitang iyon mula sa kanya. Ang sabihin na pusa lang si Lilac. Na para bang hindi worth it ang pag-aalala ko dahil pusa lang si Lilac.

He treats him like his own child. Daddy pa nga ang tawag n’ya sa sarili n’ya at baby naman para kay Lilac. Then I became the cat’s Mommy.

Tapos sasabihin n’yang ‘it’s just a cat?’

“Anything else?” tanong ni Gray kaya napakurap ako. He was looking bored now.

“Oh… Wala. Wala na…” sabi ko at umatras pa ng isang hakbang.

Gray shrugged his shoulders.

“Okay, then,” he said before he released the button.

Nagsimula nang sumara ang mga pinto ng elevator pero hindi pa rin ako umalis doon. I just kept staring at him. And Gray eyes didn’t leave my face too. We were staring at each other as the door closes.

At the last minute, I saw him eyed me from head to toe again. And before the doors completely closed, I saw him give me that terrifying smirk again.

Hindi agad ako nakagalaw. Nanatili lang akong nakatayo doon, nakatitig sa nakasarang pinto ng elevator. Inaabangan na magbubukas iyon at magpapakita si Gray. Ang Gray na nakasanayan ko. Na nakasama ko simula nang mapunta ako dito sa Negros.

That man earlier… That was… not Gray.

Ibang-iba ang kilos n’ya. Pati ang paraan ng pagsasalita n’ya. Habang kausap n’ya ako kanina, pakiramdam ko ay hindi n’ya ako kilala. He looked like he was talking to a stranger. There was that distant feeling as he talked to me. And his tone was cold and indifferent.

Isa pa, simula nang maging kami, kapag umaalis si Gray ay palagi n’ya akong hinahalikan o niyayakap. Kapag naman tumatanggi ako, pinipilit n’ya. Sasabihin na ilang oras n’ya akong hindi makikita at mami-miss n’ya ako. Sa huli ay ako na lang din ang sumusuko sa kakulitan n’ya.

But now… He didn’t ask any of it.

What? Anong nangyari? Nagkaganoon ba s’ya dahil masama ang pakiramdam n’ya? Alam ko naman na kapag masama ang pakiramdam ng isang tao, may pagbabago sa nagiging kilos o ugali nila. Na parang ayaw magpaistorbo dahil mas lumala lang ang pakiramdam nila. Nagiging masungit.

But this is too much for being feeling unwell.

May isang ideya na pumasok sa isip ko but I shook my head. It was a ridiculous idea. Hindi ko nga alam kung bakit naisip ko pa ’yon.

Gray just left. I sighed and was about to get back to my apartment when I stopped.

I frowned. Aalis si Gray! Hindi s’ya natulog o nagpahinga man lang!

Natauhan ako at pinindot ang elevator button. Mabilis na bumalik ang lift, ibig sabihin ay nakalabas na si Gray. Sumakay ako sa elevator at pinindot ang ground floor.

Sana maabutan ko s’ya!

Hindi pa man tuluyang nagbubukas ang dalawang pinto ay isiniksik ko na ang katawan ko sa gitna at lumabas. Halos mapamura ako nang makitang nakasakay na sa sasakyan si Gray. He was already backing up! But the time na nakalabas ako ng building, nagmamaneho na s’ya palayo.

I caught my breath. Pinanood ko lang ang sasakyan n’yang papalayo. Nang bumalik na sa normal ang paghinga ko ay nagdesisyon na lang akong bumalik sa apartment ko. Nakita ko pa ang nagtatakang tingin sa akin ni Mang Gener.

“Ayos ka lang, Ma’am Rey?” he asked.

I took a deep breath and smiled at him.

“Ayos lang ho.”

“Nakita n’yo na si Lilac, Ma’am?”

Malungkot akong umiling.

“Hindi pa nga ho, eh. Nagtanong-tanong ako sa mga nakatira dito  pero wala raw sa kanila si Lilac. Hindi raw nila nakita.” I looked at him. “Kayo ho? Baka nakita n’yo si Lilac simula nang umakyat kami kanina?”

Umiling si Mang Gener.

“Hind, Ma’am. Wala rin akong nakitang kahit anong pusa.”

Napabuntong-hininga ulit ako. Wala sa apartment building si Lilac. Hindi rin naman nakita ni Mang Gener na lumabas. Nasaan na ang pusang ’yon?

“Baka babalik din naman mamaya, Ma’am. Gano’n naman ang mga pusa. Lumalayas pero bumabalik din.”

I know that he just said that to comfort me. Para hindi ako mag-alala masyado. Pero naalala ko ang sinabi ni Mrs. Aguilar kanina na hindi naman daw lumalabas ng building si Lilac.

I tried my best to smile at the guard despite the sinking feeling in my stomach.

“Sige ho, Mang Gener. Papasok na ho ako. Kapag nakita n’yo si Lilac, pakipasok na lang ho sa building at huwag n’yo na rin hong papalabasin.”

He nodded and I said my thanks. I walked inside the building and went back to my apartment.

Chapter 27

Pabagsak akong naupo sa sofa nang makabalik ako sa apartment. Malalim akong napabuntong-hininga at napatitig na lang sa nakapatay na TV sa harapan ko. Masyado akong maraming iniisip at hindi ko na alam kung anong uunahin ko.

Una ay ang pagkawala ni Lilac. Maybe I was just overthinking things. Baka nga katulad nang sinabi ni Mang Gener, mamaya rin ay babalik si Lilac. Na baka gumala lang saglit pero uuwi rin naman.

But it was unusual for Lilac to leave the building. Hindi nawala sa isip ko ang sinabi ni Mrs. Aguilar na hindi umaalis ng building si Lilac. I don’t know how cat’s thinks pero base sa naaalala ko, napulot ni Gray si Lilac noong isang gabing umuulan nang malakas. Lilac had been in the street for so long before Gray adopted him. Sa tingin ko ay isa iyon sa dahilan kaya hindi na lumalabas ng building ang pusa. He wanted the place where he was now at ayaw na ulit bumalik sa kalsada.

But if that’s really the case, then where he is now? Dapat ay kanina pa nandito si Lilac. Pero wala pa ring pusa sa loob ng apartment ko.

And then… there was Gray.

Ang laki ng pinagbago n’ya. Sa paraan ng pananamit, kilos at pagsasalita, ibang-iba s’ya na akala ko pa nga ay ibang tao ang kaharap ko. But he had Gray’s face. He’s definitely Gray.

Is it possible for a person to drastically change that fast in a span of like… an hour or two?

According to my profession… Yes. It is possible. Napakaraming mga pwedeng maging dahilan ng pagbabago ng isang tao sa ganoong kaikling oras. Like they have been turned into a different person. But all of those reasons are rare. Rare but possible.

Maraming rason akong naiisip pero hindi ko masyadong pinagtutuunan ng pansin. It was just one instance. Pwedeng mali ako ng iniisip ko.

But… there was that thing with the passcode.

Alam ni Gray kung ano ang passcode sa apartment ko. I told it to him once noong araw din kung kailan n’ya pinalitan ang lock ng pinto ko. And he’s been using it ever since. Hindi na kumakatok pero alam ko rin namang nand’yan na s’ya kapag naririnig ko ang tunog kapag pinipindot na n’ya ang code sa lock.

But earlier… he knocked. He knocked and waited for me to open the door.

I don’t know. Imposible rin namang nakalimutan ni Gray kung ano ang passcode ng pinto ko dahil ilang beses na n’ya iyong ginagamit. Kaya nga nang buksan ko kanina ang pintuan, nagulat pa ako nang si Gray pala ang kumakatok.

Did he do it to surprise me? Sa pagbabago sa itsura n’ya?

Siguro. Siguro nga iyon ang dahilan. He wanted to surprise me by knocking on the door para kapag binuksan ko ang pinto ay mas mahahalata ko ang pagbabago sa itsura n’ya.

Or… unless… he didn’t really know the passcode to my apartment.

Napatingin ako sa pinto nang marinig na may pumipindot sa lock noon. Ang una kong naisip ay magnanakaw na sinusubukang hulaan ang passcode ko. But I quickly heard the sound that the door accepted the code and it unlocked. Tsaka lang ako nakahinga nang maluwag.

It was Gray… I knew it was him before he even opened the door.

“Gray…” I called his name. Pero napatayo rin ako nang makita ang itsura n’ya.

He looked… pained.

He was still wearing those clothes. But there was now a pained expression in his eyes. He was looking at me like he did something wrong and was now regretting whatever it was.

Nakita ko rin ang pag-aalangan n’yang pumasok sa loob. Nakatayo lang s’ya doon sa pinto at hindi man lang humakbang papasok. It was like he was afraid.

Hindi ko na tuloy napigilan ang pag-aalala. Lumapit ako sa kanya. Nakita ko pa nga sa mga mata n’ya na parang may nagtatalo sa loob n’ya. Gusto n’yang humakbang paatras pero nanalo ang kagustuhan n’yang manatili lang na nakatayo roon at hintayin ang paglapit ko.

I held his hand and tugged him inside my apartment. Sumunod naman s’ya sa akin at pumasok na. I closed the door and looked at him.

I stared at him, trying to search for something on his face. Pero mukhang alam na naman ng katawan at ng puso ko ang sagot sa hinahanap ko.

This is my Gray.

His hair was now messy. Hindi katulad kanina na naka-brush-up style. Some strands were on his forehead now at ang iba ay nakatayo na para bang intensyonal ang pagkakagulo sa buhok n’ya.

“Anong nangyari?” tanong ko bago bumaba ang tingin sa katawan n’ya. Hinahanap ang dahilan para sa nakikita kong sakit sa mga mata n’ya.

Mas lalo lang iyong dumoble nang ibinalik ko na ang tingin sa kanya. Even the regret in his eyes doubled. Nandoon din ang paghihirap sa kanya habang nakatingin s’ya sa akin.

“D-did I…” he stuttered. “Did I hurt you?”

Mahina lang ang boses n’ya. Parang ayaw talagang itanong dahil natatakot sa magiging sagot ko.

I shook my head.

“Hindi…”

He stared at me. S’ya naman ngayon ang parang may hinahanap sa mukha ko. Nang makita n’ya iyon ay nakahinga s’ya nang maluwag. I saw the tension left his body before he held my arm so gently and pulled me for a hug.

“Thank God…” I heard him mutter. I even heard the slight croak in his voice.

Hinayaan ko lang s’yang yakapin ako ng ilang sandali bago ako gumanti ng yakap sa kanya. His body relaxed even more and I heard him sigh in relief. Mas humigpit ang yakap n’ya bago ibinaon ang mukha sa leeg ko.

He was afraid of something. Something that he might did to me and he wasn’t aware of it. Natatakot s’yang baka nasaktan n’ya ako pero hindi n’ya alam. Maybe he was afraid that he did it unintentionally or maybe… it was something else.

I pushed that thought away. I just wanted to cherish this moment. Right now, he is here. May kakampi na ako ngayon.

“Gray…” I called him after a couple of minutes passed. Lumayo ako sa kanya at hinayaan n’ya naman ko. “Nawawala si Lilac.”

He blinked. “ Nawawala? Baka nasa kapitbahay lang.“

Pinigilan ko ang pagkunot ng noo ko. He was acting that this was the first time he heard of this from me.

I shook my head. “Pinagtanong ko na pero hindi raw nila nakita si Lilac ngayon. Dapat kanina pa nandito ’yung pusang ’yon, eh.”

Gray frowned his forehead.

“Eh, si Mang Gener?” tanong n’ya pero umiling ulit ako.

“Nu’ng umuwi tayo kanina, hindi n’ya na rin nakita. Ang sabi ko nga, ipasok na sa building kapag nakita at ’wag nang palabasin. Pero mukhang hindi n’ya pa rin nakikita.”

“Aakyat ’yon dito kapag hindi na pinalabas ni Mang Gener,” sang-ayon ni Gray sa sinabi ko. “Hahanapin ko s’ya.”

“Baka lumabas lang ng building saglit.” I stopped him kahit na nag-aalangan din ako sa sinabing ’yon.

He shook his head. “Hindi lumalabas ng building si Lilac,” he said. “Hahanapin ko s’ya. Dito ka lang para kapag sakaling bumalik si Lilac, tawagan mo ko.”

Ayoko sana s’yang umalis ulit. Kababalik n’ya pa lang. At hindi pa rin nawawala sa akin ang nangyari kanina kaya nag-aalala pa rin ako.

“Saglit lang ako,” he tried to assure me when he saw the worry in my eyes. “Hahanapin ko lang s’ya d’yan sa canteen sa tabi. O kaya sa grocery. Dito ka lang, hm?”

I stared at him, especially his gray eyes. There was that familiar emotion in his eyes, the gentleness as he looked back at me. The care and love that I always felt around him. Na palaging nagpapaalala sa akin noong araw na nangako s’yang aalagaan n’ya ako.

But I know, the mysterious glint was now hiding beneath his gentleness. Hindi ko alam kung kailan ko ulit makikita iyon.

I took a deep breath and nodded at Gray.

“Bumalik ka agad.”

He smiled at me. Hinila n’ya ulit ako at hinalikan ang noo ko.

“Yes, Ma’am,” he said.

Gray went out to find Lilac. Naiwan ako sa apartment ko, now feeling alone without Gray and Lilac with me. I didn’t know when did the apartment started to feel so empty without them here. Nasanay na siguro akong palagi silang nandito.

Bumalik din si Gray pagkatapos ng isang oras. Hindi rin n’ya nahanap si Lilac. He still wanted to keep on searching for Lilac pero pinigilan ko dahil kumalat na ang dilim. For some reason, Gray being out in the darkness gave me an eerie feeling.

Sabay naming hinintay sa apartment ko si Lilac. I cooked for our dinner pero pareho kaming walang gana. Hindi pa rin nagpapalit ng damit si Gray. He was still wearing that black button-down polo shirt and his ripped pants. Pero ang mahabang coat ay nakasampay na sa armrest ng sofa.

One less cloth but he still gave me that strange feeling whenever I look at him. Nawawala lang kapag tumitingin s’ya sa akin at ngumingiti. His smile was reassuring. Iniisip n’ya siguro na tumatagal ang tingin ko sa kanya dahil nag-aalala pa rin ako kay Lilac.

“Ipagtatanong ko agad bukas ng umaga sa mga tenant kung nakita nila si Lilac,” Gray said. It was almost midnight now but we’re still planning on where to find Lilac for tomorrow. “Ako na lang ang maghahanap. You should stay here.”

“Gusto ko ring maghanap kay Lilac.”

“Walang maiiwan dito kapag bumalik si Lilac.” He held my hands. “Don’t worry… Mahahanap natin si Lilac. Baby natin ’yon, eh.”

I gave him a small smile as gratitude for making the air lighter. But as soon as he said that, we heard a knock on the door.

Si Gray na ang tumayo at nagbukas ng pinto. Naiwan akong nakaupo sa sofa at nakatingin sa likod ni Gray.

“Sabi na nandito ka, Sir James. Kumatok din kasi ako sa unit mo pero walang sumasagot.”

Napakunot ang noo ko nang marinig ang boses ni Mang Gener. Tumayo ako at lumapit rin sa pinto. Mang Gener smiled when he saw me. Tshirt na puti na lang ang suot n’yang pang-itaas at hindi na ang unipormeng pang-gwardya.

“Magandang gabi ho, Ma’am Rey.”

“Sa inyo rin po, Mang Gener,” I said.

“Gabing-gabi na ho, ah? Anong sadya n’yo, Mang Gener?” tanong ni Gray.

Nakita ko ang pag-aalangan sa mukha ng gwardya.

“Off shift ko na kasi, Sir James. Eh, alam n’yo naman na kapag mga ganitong oras, madalang na ang mga dumadaang jeep kaya naglalakad na lang ako pauwi,” he said. Nagpalipat-lipat ang tingin n’ya sa aming dalawa ni Gray. “May nadaanan kasi ako kanina. Doon sa may pangalawang kanto.”

Bigla akong kinabahan sa hindi malamang dahilan. I saw Gray stiffened too. Pero wala sa amin ang nagsalita.

“Alam mo ’yung madamong parte, Sir James? ’Yung may poste do’n?” pagpapatuloy ni Mang Gener. “Hindi ako sigurado pero may nakita kasi akong patay na pusa do’n.”

Malakas akong napasinghap. Napahawak pa ako sa braso ni Gray. Pakiramdam ko ay matutumba ako kapag hindi ko ginawa iyon. Bigla kasing nanlamig ang buong katawan ko at nahirapan ako sa paghinga.

“Si Lilac ho?” Halos hindi na lumabas ang boses ko.

“Hindi ko ho sigurado, Ma’am Rey. Kaya nga ho sinabi ko sa inyo para matignan n’yo. Hindi ko na ho dinala, eh, baka hindi nga ho si Lilac.”

Nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ako makahinga nang maayos. Gusto ko nang umiyak pero sinasabi ko sa sarili ko na baka hindi si Lilac ang pusa na nakita ni Mang Gener.

But Mang Gener had been looking after Lilac for so long now. Mas matagal pa nga kaysa sa akin. Makikilala n’ya agad si Lilac.

Naramdaman ko ang kamay ni Gray na hinawakan ang kamay kong nasa braso n’ya. He held my hand tightly and I looked at him. He was looking at Mang Gener with a blank expression on his face.

“Pupuntahan ko ho,” he said.

“Samahan na kita, Sir James.”

“Sasama rin ako,” sabi ko at napatingin sa akin ang dalawa.

“Dito ka na lang, Rey. Ako na ang bahala.”

I shook my head. There’s no way I would just wait here again matapos ng narinig ko kay Mang Gener. Hindi ako mapapalagay at may pakiramdam ako na baka mabaliw ako dahil sa nararamdaman.

“Sasama ako, Gray,” I said firmly.

Gray stared at me. He was clenching his jaw. Hindi ko alam kung sa akin s’ya nagagalit pero tinitigan ko s’ya pabalik. Gusto kong malaman n’ya na walang makakapagbago sa desisyon ko.

I don’t want to be here alone. I want to see it with my own eyes. I want to confirm myself that the cat that Mang Gener saw was not Lilac. Gusto kong ako rin mismo ang magkukumpirma kung sakali mang… si Lilac nga iyon.

With a deep sigh, Gray nodded once. There was a grim expression on his face that reminded me of what happened earlier. But before I could ponder about it more, Gray tugged me outside, locking the door of my apartment.

Naglakad lang kami papunta doon. Hindi ko nga alam kung anong mas gusto ko, ang sumakay para makapunta agad roon at makumpirma na hindi iyon si lilac. O ang maglakad para mapatagal ang pagkukumpirma na si Lilac nga iyon.

I don’t want to think that it was Lilac. Ayoko. I would still see him. Papakainin ko pa s’ya nang marami. ’Yung manok na paborito n’ya na kahit pinipigilan ako ni Gray, binibigyan ko pa rin ang pusa dahil hindi ko rin matiis.

Kahit ’yung pagrereklamo n’ya sa tuwing aagawan s’ya ni Gray sa sofa, maririnig ko pa rin ’yon. Pati na rin kapag nakukulitan s’ya dahil sa amo n’ya. Bibili pa kami ng maraming onesies n’ya.

Hatinggabi na at malamig na ang hangin. Nakadagdag lang iyon sa kabang nararamdaman ko.

I was sweating cold when we got to the place. Kahit ang mga kamay ko ay nanlalamig na rin. For a second, I’ve considered going back to my apartment. Bigla akong natakot. Parang ayokong kumpirmahin na si Lilac nga iyon.

But when I looked at Gray, I decided to keep walking. S’ya ang amo ni Lilac. I couldn’t even think of what he’s feeling right now but I know that he needed someone to be with him, especially at this moment.

I need to be here with him at this moment.

Nauna na si Mang Gener sa posteng sinasabi n’ya. Nandoon iyon nakatayo sa gilid ng kalsada. May damong nakapalibot sa paa noon. Mang Gener pointed at something near that post.

“Ito ho, Sir James, Ma’am Rey.”

Lumapit rin kami doon pero ilang hakbang na lang ay napatigil si Gray. He must’ve seen it too. Nabitiwan n’ya ang kamay ko habang ako ay dumiretso sa paglalakad. I stopped when I was in front of the dead cat.

I stared at it. Its lifeless eyes were half-open. The light from the lamppost was reflected in its dead and glassy eyes but there was no light of life in those orbs. It was the eyes of death.

I bent down and knelt in front of the dead cat. Nakataas ang mga balahibo noon, isang tanda na patay na nga ang pusa. And by just looking at it, I know that its body was now stiff too.

Still, my hand reached for it. Hinawakan ko ang asul na bagay na nakapalibot sa leeg noon. My hand slightly brushing on the bell. Its sound ripping through the painful silence of the night.

It was the bell chocker I personally chose for Lilac.

Chapter 28

My hand was trembling as I caressed Lilac’s chocker. Tumutunog ang bell na nakakabit doon kapag nasasanggi ng kamay ko. I found that sound cute before but now… it was heartbreaking to hear. Hindi na tutunog ulit ang bell na ’yon dahil sa paggalaw ni Lilac.

I stared at the cat who had been with me for some time now. Nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko nang matitigan ang kalagayan n’ya. Its mouth was half open. Nakalabas ang dila n’ya na parang sa mga huling sandali ay nahihirapang huminga. Saka ko lang napansin na mahigpit ang pagkakatali ng chocker sa leeg n’ya.

“Nasakal yata sa kwintas, Ma’am,” rinig kong sabi ni Mang Gener na mukhang napansin din ’yon.

I shook my head. No… Hindi ganoong kahigpit ang pagkakatali ko sa chocker ni Lilac. Siniguro ko pa ngang maluwag iyon sa leeg n’ya. Ilang beses ko pa ’yong in-adjust bago ako nakuntento sa luwag ng noon.

But now, it was wrapped tightly on his neck. Imposible namang mag-adjust nang mag-isa ang chocker. It was hard to adjust.

“Hindi mahigpit ang pagkakakabit ko sa chocker n’ya,” I said. Takot akong napatingin kay Gray. “Gray… hindi masikip ’yan nu’ng nilagay ko sa kanya. Niluwagan ko pa nga. Hindi ganyan ’yung pagkakakabit ko.”

I heard my voice tremble. I was afraid. I was worried about what he’s thinking. Hindi ko rin naman makitaan ng kahit anong emosyon ang mukha n’ya. He was just looking at Lilac. His eyes were cold when he finally looked at me.

“I know,” he said coldly.

I sobbed. There wasn’t any hint of sadness on his face. He was just looking at me with coldness in his eyes. Mula sa akin ay nakita kong lumipat ang tingin n’ya kay Lilac. May nakita akong dumaan na emosyon sa mga mata n’ya. But it wasn’t sadness. I saw a flash of anger in his eyes for a split second pero agad din ’yong nawala.

Is he… angry at me? Iniisip n’ya bang ako ang dahilan kung bakit namatay si Lilac? Dahil sa chocker na binili ko sa kanya?

Maybe I shouldn’t have bought that accessory. Maybe I shouldn’t have given it to Lilac and let him wear it. Hindi siguro sa kanya nangyari ang ganito ngayon.

I looked at Lilac again. God… I couldn’t bear seeing him like this. Hindi ko akalaing isang araw ay makikita kong ganito ang alaga namin ni Gray. Lifeless… Dead…

“Baka napaglaruan ng mga tambay, Ma’am,” sabi ni Mang Gener.

Hindi ako nagsalita. Alam ni Mang Gener noong una pa lang n’yang makita ang pusa na si lilac nga ’to. He had seen Lilac with choker a lot of times. Kahit nga walang chocker, alam kong makikilala n’ya pa rin si Lilac. Gusto n’ya lang talagang kami mismo ni Gray ang magkumpirmang si Lilac nga ito dahil kami ang amo ng pusa.

I heard the grass rustling behind me kaya napalingon ako doon. Nakita kong naglalakad na si Gray palayo. His hands were inside the pockets of his pants.

“Gray… saan ka pupunta?” I asked. Hindi man lang n’ya nilapitan si Lilac.

Tumigil si Gray sa paglalakad pero hindi ako nilingon.

“Sa apartment ko,” he answered.

Bigla akong kinabahan. Naalala ko ang nangyari kanina. Sinabi n’yang sa apartment n’ya s’ya tutuloy kahit na alam kong hindi s’ya nakakatulog doon. And he’s using that tone of his voice again.

Cold, without any hint of emotion.

“What about Lilac?” I asked.

Ilang sandaling hindi nagsalita si Gray. Nakatingin lang ako sa likod n’ya. And while looking at his back, I suddenly felt scared. Pakiramdam ko ay mas lalo lang s’yang lumalayo sa akin. Like he’ll never turn my way again.

“It’s dead. There’s nothing we can do about it. Just… throw it away.”

Napatitig na lang ako sa likod n’ya nang magsimula ulit s’yang maglakad papalayo. I was waiting for him to stop… or to look back, or to walk back to Lilac and cry over his death. Pero walang nangyari sa anumang inaasahan ko. Nagpatuloy lang si Gray sa paglalakad hanggang sa hindi ko na ’sya makita sa dilim.

Did he say to throw Lilac… away?

Hindi ako makapaniwalang nasabi n’ya ’yon. Parang anak na namin si Lilac. Lilac was like a family to us. Tapos sasabihin n’yang itapon na lang si Lilac dahil patay na? He didn’t even want to send him a proper goodbye?

Hindi ko maintindihan. If there’s one thing I know about Gray, it’s that he’s showy with his emotion. Alam ko kapag masaya s’ya, kapag pagod s’ya, kapag nagtatampo s’ya, kapag may gusto s’ya pero hindi n’ya masabi sa akin kung ano ’yon, kapag nahihiya s’ya. He’s never afraid to show me how he feels. That’s one of the things I’ve got to love about him.

But now… he’s shutting himself, again. He’s pushing me away. Nararamdaman ko ’yon. And it’s hurting me to see him like this. I tried so hard to make him open up to me but he’s always pushing me away.

“Ma’am Rey, kukuha na lang ako ng karton para mapaglagyan kay Lilac. Saka ho natin ilibing.”

Napatingala ako kay Mang Gener na nakatayo sa gilid ko. His eyes were gentle as he looked at me. Nakita ko ang pag-aalala doon. And it was like a trigger to me dahil mas lalo pa akong napaiyak. Bigla kong naalala si Papa.

“Salamat ho, Mang Gener…” sabi ko sa gitna nang pag-iyak.

May kinuha s’ya sa bulsa n’ya bago s’ya lumuhod at inilagay iyon sa kamay ko. It was a metal whistle.

“Gamitin mo, Ma’am, in case of emergency. Saglit lang din ho ako.”

I sniffed and nodded at him. Umalis na si Mang Gener at naiwan akong kasama si Lilac na wala nang buhay.

My lips trembled. I caressed the part of his head between his ears. Mas lumakas ang iyak ko nang maramdaman na malamig na ang katawan ni Lilac. I wouldn’t feel his warmth again even if how much I caressed him now.

Gustong-gusto ko pa naman kapag hinahaplos ang balahibo n’ya. He was so warm. Lilac provided me comfort when I was alone. Nasanay na akong kapag kami lang dalawa sa apartment at nakaupo ako sa sofa, tatabi s’ya sa akin at doon matutulog.

“Baby…”

Hindi ko alam na kaninang umaga na pala ang huling beses na makikita ko s’yang buhay pa. Ang huling beses na maririnig ko ang pag-meow n’ya.

Hindi ko matandaan kung anong ipinakain ko sa kanya kanina. Pinakain ko man lang ba s’ya ng manok na paborito n’ya? Did I say goodbye to him when Gray and I left earlier?

Hindi ko alam. God… I can’t even remember my last moments with him.

“I’m sorry, baby…”

Ngayon lang ako nagkaroon ng alaga but I learned to love Lilac like my own child. Kaya ngayon, sobrang sakit na makitang ganito ang pusang inalagaan at itinuring kong pamilya. Alagang-alaga pa naman kami ni Gray sa kanya. Naaalala ko ang madalas na pagrereklamo sa akin ni Gray na mas mahal pa ang kinakain ni Lilac kaysa sa kanya. He always said that but I know he was spoiling Lilac too.

Gray…

He was the one who picked Lilac up on one rainy day. I know how much he loves Lilac like his own child. Ginawa n’ya pa nga akong Mommy para may complete family na raw si Lilac. And I learned to love the cat as well.

I couldn’t imagine how he’s feeling right now. He must’ve feeling hundred times worse than I was. S’ya ang mismong amo ni Lilac at mas matagal n’yang nakasama ang pusa kaysa sa akin.

Mang Gener helped me bury Lilac. Inilibing namin s’ya doon sa likod ng apartment building kung saan may lupa. We buried him near his home where all of the tenants took care of him too.

Bumalik ako pero hindi ako tumuloy sa apartment. Nakatayo ako sa labas ng unit ni Gray. Pinag-iisipan ko kung kakatok ba ako. Gusto ko s’yang kumustahin. But I was afraid that he’ll tell me he’ll manage on his own again.

With a sigh, I turned and entered my apartment. Ang una kong nakita ay ang upuan na nilagyan ko ng kumot para magsilbing higaan ni Lilac. It will be useless now. Wala nang Lilac na hihiga doon.

My eyes teared up. Dumako ang tingin ko sa food bowl ni Lilac. May laman iyong tubig na para bang may iinom pa doon. Hindi ko na kinaya at napaiyak ulit ako.

I’ll never see Lilac again.

It was things like these that makes death sad. Things that were usual in our daily lives but would be gone after death. Mga bagay na normal nating nakikita, naririnig o ginagawa pero mawawala o matitigil dahil sa pagkawala ng isa. ’ Cause we no longer have that someone to do those things for, to see or to hear those things from them.

It was those things that makes death lonely.

Pinunasan ko ang mga luhang tumulo sa pisngi ko at lumabas ng apartment. Kumatok na ako sa pinto ng apartment ni Gray.

Hindi ko hahayaan si Gray na maramdamang mag-isa ang mga ’to. Alam kong mas higit pang sakit at lungkot ang nararamdaman n’ya kaysa sa ’kin ngayon. I’ll never let him suffer in these emotions alone. I’ll never let him be alone in this.

I’ll never let him be alone again. I promised that I’ll always be with him.

Ilang minuto na pero wala pa ring Gray ang nagbubukas ng pinto kaya kumatok na ulit ako. Minuto na rin ang lumipas pero nakasarado pa rin ang pinto na mas nagpapadagdag sa kaba at pag-aalala ko. I was scared that Gray might push me away again.

Pero hindi ko na s’ya hahayaan ngayon. Not in a time like this.

I punched in his passcode on the electronic lock. Nakahinga pa ako nang maluwag nang bumukas ang pinto. Naisip ko kasi saglit na baka pinalitan ni Gray dahil ayaw n’yang magpaistorbo kanina. Buti na lang hindi kaya naman nakapasok pa ako ngayon.

Walang tao sa sala at kusina nang pumasok ako. In fact, the apartment looked empty. Pero ch-in-eck ko pa rin ang banyo at nang makitang wala pa ring tao, dumiretso ako sa pinto ng kwarto at kumatok doon.

“Gray?”

I waited for another minute and knocked again. Nang walang sumagot ay binuksan ko na ang pinto.

I was greeted by a messy room. Magulong-magulo ang kwarto ni Gray. Makalat. May mga ilang papel ang nakakalat sa sahig. Sa desktop table n’ya na may tatlong screen monitors ay magulo rin. Kahit ang dingding ay hindi rin malinis.

But the wall was what caught my attention. Hindi dahil sa dumi kaya naging mukhang hindi malinis ang dingding kundi dahil sa mga nakadikit doon. There were so many photos, cut-out newspapers and article from magazines that were taped on the wall. Lumapit ako roon para mas makita kung ano-ano ang mga nakasulat doon.

I tried to read one article from a cut-out magazine. Tungkol iyon sa pagme-merge ng dalawang company dahil ikinasal ang CEO sa kapatid ng CEO ng kabilang company. Lumipat ang tingin ko sa news article na katabi noon at nakita kong tungkol naman iyon sa pag-i-invest ng naunang kompanya sa isang airline company.

It was two different articles but they have a similarity that I noticed as I read those articles. May mga naka-cross out na  salita sa parehong article. Parang pilit natinatakpan ng itim na ballpen dahil paulit-ulit ang mga linyang tumatakip doon para hindi mabasa ang mga salitang iyon.

No. It was a name. Pangalan ang pilit na tinatakpan doon. Hindi lang doon sa dalawang article kundi sa lahat ng papel na nakadikit sa dingding.

Tinignan ko naman ang mga picture na nakadikit doon at gaya sa mga article, may pagkakapareho rin ang mga picture. Dumako ang tingin ko sa picture na nasa pinakagitna ng mga nakadikit na papel at mga picture.

There were two men, or at least two men, in the photo. Ang isa ay nakaakbay sa lalaking ngiting-ngiti sa camera. Sa likod nila ay ang nagliliwanag na pangalan ng isang club. I tried to read the name but I could only make out the word “Inferno.” May nauna pang salita doon pero kasama iyon sa parteng napunit.

May punit ang isang bahagi ng picture. The other man’s face was ripped out. Pinunit ang parteng iyon sa larawan kaya ang nakita ko na lang ay ang mukha ng lalaking ngiting-ngiti sa camera habang nakaakbay rin sa lalaki.

It was Gray. I was looking at Gray with a wide smile on his face.

’Yung lalaking kaakbay n’ya… I think it was his brother. Hunter. Pati ’yung pangalan na pilit tinatakpan sa mga article, sa palagay ko ay pangalan din iyon ng kapatid n’ya.

Tinignan ko pa ang ibang mga picture at nakitang halos walang mukha ang lalaking iyon. Kung hindi pinunit ay pilit namang tinatakpan ng itim na ballpen.

Is Gray mad at his brother? Para kasing ayaw n’yang makita o mabasa man lang ang pangalan ng kapatid n’ya.

I took a step back, trying to see the whole wall pero sa pag-atras ko ay nabangga ko ang desktop table. Gumalaw ang mouse kaya nabuhay ang tatlong monitor. Sa pinakagitnang monitor ay naka-pause ang isang video—no. A CCTV footage. Sa harap ng apartment building na ’to.

Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung anong naramdaman ko pero may palagay akong nandito ang sagot kung nasaan si Gray.

So I rewind the video and played it. Ilang minuto akong nanood bago napasinghap. My eyes widened with what I just watched and my hands clamped over my mouth.

No… Gray… Masama ang kutob ko sa kung anong iniisip ni Gray matapos n’yang mapanood ang CCTV footage.

Mabilis  akong tumingin sa ibang monitor, nagbabakasakali na nandoon ang sagot kung nasaan si Gray ngayon. Sa isang monitor ay nakita ko ang mapa ng isang bayan dito sa Negros. May isang pulang tuldok ang nandoon at mga coordinates. Sa isang monitor naman ay nakita kong naka-type ang coordinates doon at kung anong lugar iyon,

Basement parking ng Cold Spot.

Hindi na ako nag-isip pa. Mabilis akong lumabas ng unit ni Gray pati ng building. It was already two in the morning pero himalang may dumaang taxi matapos kong maghintay ng limang minuto. Pinara ko iyon at sumakay.

Nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ako makalma. Kinakabahan ako. Para kay Gray at sa pinaplano n’yang gawin. Naalala ko ang misteryosong tingin na palagi kong nakikitang nakatago sa mga mata n’ya.

It was a dangerous glint.

Gray, he’s— I think… I think he might hurt some people today.

Sa CCTV footage na pinanood ko, nasagot ang mga tanong ko kung anong nangyari kay Lilac. There were two men, riding a motorcycle. Tumigil sila sa harap ng apartment building at bumaba ang nakasakay sa likod, mukhang tinatawag si Lilac. Mapapansin sa video na parang nagtatawanan ang dalawa. Wala si Mang Gener sa pwesto n’ya at sa tingin ko ay iyon ang mga panahong nagbanyo s’ya.

Nang hindi lumapit si Lilac ay mukhang nainip ang isa at lumapit na sa pusa. Tatakbo na sana si Lilac pero nahuli ng lalaki ang buntot n’ya. He pulled Lilac and carried him by the collar. Lilac was struggling, scratching the man pero sumakay na ulit sa motor ang lalaki at umalis na sila . Minutes later, pumarada ang kotse ni Gray at doon din lang bumalik si Mang Gener sa pwesto n’ya.

Those men… they killed Lilac. Hindi man pinakita pero alam kong iyon na ang nangyari. And Gray watched it. He watched it and searched for those men. I don’t know what he’s planning to do with them but I’m sure it wasn’t anything good.

Bumaba agad ako sa taxi nang makarating sa Cold Spot at pumunta sa basement parking noon. I tried to search for Gray but I heard some loud thuds and groans like they were in pain. Mabilis kong sinundan kung saan nanggagaling ang tunog at napasinghap ako sa nakita ko.

Gray… he was standing. There was a blood on his face, parang mga talsik ng dugo. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay n’ya at nakitang puno rin iyon ng dugo.

I looked further down and saw two men on his feet. Puno ng pasa at dugo ang mukha at parang hindi na humihinga. They weren’t moving at all.

It was like… they’re dead.

Naitakip ko ang mga kamay sa bibig ko. I couldn’t believe what I am seeing. Hindi ako makahinga nang maayos. I was afraid, scared. Gusto kong tumakbo palayo pero ayaw gumalaw ng mga paa ko.

Dahil sa paggalaw ko ay mukhang napansin ako ni Gray. He looked at me. His eyes were cold. He was looking at me without any emotion on his face at hindi sinasadyang napahakbang ako paatras.

“Rey…” I heard him say. Humakbang s’ya palapit sa ’kin at mas dumoble ang nararamdaman kong takot.

It’s Gray. It’s Gray…

“G-Gray…”

He stepped on the body as he walked towards me and I heard the man groan in pain. Gray smiled. The blood on his face made him look scarier and my body shook in fear.

He offered me his hand that was full of blood.

“Halika na… Umuwi na tayo.”

Chapter 29

I couldn’t move at all. I don’t think I was even breathing. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin lang kay Gray. My hands were shaking— No… My whole body was trembling with fear.

Takot na takot ako. Nanlalamig ang buong katawan ko at pakiramdam ko ay parang lumubo ang ulo ko dahil sa sobrang takot. I want to run but my feet were like glued on the ground. At dahil na rin siguro may bahagi sa akin na alam na hindi magandang ideya ’yon.

Pilit kong sinasabi sa sarili ko na si Gray ang kaharap ko. He even called me by his favorite nickname for me and told me we should go home.

Home…

It was him. This is Gray.

Kahit pa puro talsik ng dugo ang mukha n’ya. Kahit na ang kamay n’yang nakalahad sa akin ay puno rin ng dugo. Kahit na sa likod n’ya ay ang dalawang lalaking walang malay na puno ng dugo ang mga mukha at bugbog sarado ang katawan.

This is Gray.

Pero… nahihirapan akong pigilan ang takot ko no matter how many times I tried to tell myself that the man in front of me was Gray. That he is Gray that I love.

I must’ve failed to hide the fear on my face, lalo na noong sinulyapan ko ang kamay n’yang nakalahad sa akin dahil nakita ko ang pagtataka na bumaha sa mukha ni Gray. He looked confused. Then he looked down at his hand and his frown deepened.

“What—”

Hindi na n’ya naituloy ang sasabihin n’ya. He looked surprised when he saw blood on his hand. Kahit ang isang kamay n’ya ay tinignan n’ya rin. He turned his hands over para tignan rin ang likod ng mga palad n’ya. Mas dumoble ang pagtatakang nakikita ko sa mukha n’ya.

“Where did I—”

He looked at me. My breathing hitched and I almost flinched. Inaabangan ko kung anong gagawin n’ya. Kung anong sasabihin n’ya. And I was starting to hate myself for feeling like this.

Ilang sandaling nakatitig lang sa akin si Gray. Parang pinipilit intindihin ang sitwasyon. Then… horror struck on his face while looking at me. He looked worried. He looked… scared.

“Rey!” he exclaimed. Kahit ang boses n’ya ay puno ng takot. “No… D-did I—”

He took a step towards me pero tumigil din s’ya at hindi itinuloy. Umangat ang isang kamay n’ya na parang gusto akong hawakan but his hand stopped mid-air. Sa huli ay ibinaba n’ya na lang ang kamay n’ya.

“Fuck,” he muttered under his breath.

He eyed me from head to toe before his eyes settled on my face. He has a pained expression in his eyes as he stared at me. I could also see his regret. His lips pursed. Mas dumoble ang sakit na nakikita ko sa mukha n’ya and I could tell he was about to break down.

“I’m sorry…” he said. His voice croaked. “I’m sorry for hurting you.”

He sounded so hurt that my heart was breaking for him. I bit my lower lip to stop myself from crying. Hindi ko kayang makita ang sakit sa mga mata n’ya. Kakaibang sakit ang nakikita ko ngayon sa kanya. Para bang ang laki ng kasalanan n’ya sa akin at pinagsisisihan n’ya ’yon.

He thought that he hurt me. He didn’t want to hurt me.

Yes… This is my Gray. This is the man I love.

My face crumpled in pain. Nakita ko tuloy na mas nasaktan pa si Gray dahil parang kinumpirma ko lang ang hinala n’ya. Hindi ko lang kasi kinaya ang sakit na naramdaman ko. I wanted to hate myself for getting scared at him.

S’ya pa rin ’to… Si Gray pa rin ’to.

He’s in pain right now and I wanted to comfort him. Kaya kahit na hindi pa rin naaalis ang sakit sa dibdib ko ay humakbang ako palapit sa kanya. I thanked my knees for not giving up on me.

“No, Gray… You didn’t hurt me.”

Mukhang hindi naniwala si Gray sa sinabi ko. Akala n’ya siguro ay nagsisinungaling ako para sa kanya.

I held out my arms in front of him.

“I’m not bleeding anywhere,” sabi ko pa. “See?”

Gray stared at my arms. Bumaba ulit ang tingin n’ya na para bang naghahanap ng dugo sa katawan ko. Nabawasan ang sakit sa mga mata n’ya nang muling tumingin sa akin.

“Really?” parang batang tanong n’ya. He sounded hopeful. And I don’t wanna crush his hope so I smiled and nodded at him.

“Yes. Hindi mo ako sinaktan.”

“Then… Where did I…”

Tinignan n’ya ulit ang mga kamay n’ya. Parang sinisiguro na nandoon nga ang dugo. Bumalik ang pagtataka sa mukha n’ya.

“Where did I get this blood?” he asked.

Tumitig s’ya sa ’kin na parang naghihintay na sagutin ko ang tanong n’ya. Hindi ako nagsalita. Hindi ko kayang sabihin ang totoo.

I made a wrong move by glancing behind him. Napansin iyon ni Gray. Akmang lilingon na rin s’ya nang mas lumapit ako sa kanya. I cupped his face with my hands and made him look at me.

It was an instinct. I thought that I could protect him this way. May palagay ako na hindi n’ya dapat makita ang eksena sa likod n’ya.

“Gray… You cut your hand.”

I lied.

“What? I cut my hand?” litong tanong ni Gray na nakatingin na sa ’kin. Mukhang nakuha ko na ang atensyon n’ya.

“Yes, you clumsy boy,” sabi kong ngumiti pa. I felt my lips tremble but I tried to hide it. “Tara… Linisin natin ang sugat mo.”

Hinawakan ko ang kamay n’ya. Dumikit rin tuloy ang dugo sa kamay ko . It was a sticky feeling. I was scared. May mga alaalang bumabalik sa isip ko dahil sa pakiramdam ng dugo sa kamay ko at mas nagpadagdag lang iyon sa takot ko. But I tried to push those thought away.

Right now, I need to think about Gray. Hindi makakatulong kung patuloy lang akong matatakot sa kanya. I need to clear my mind.

Inalala ko ang mga panahong magkasama kami ni Gray noon. Those moments that became one of my most treasured memories. ’Yung mga ngiti ni Gray sa ’kin, mga inosenteng ngiti n’ya na parang sa bata sa tuwing nakikita ako. The way he will wave at me like he was glad to see me. And those times when he helped me. Pati na rin ’yung palagi n’yang pagsama sa ’kin na alam kong ginagawa n’ya para bantayan ako. O dahil gusto n’ya lang talaga akong makasama.

I just only need those thoughts right now. Iyon lang… Kaya kahit hirap ay binalewala ko ang malagkit na pakiramdam sa mga kamay naming magkahawak.

“Nasaan ang kotse mo?” tanong ko at hinila na s’ya palayo sa lugar na ’yon. Sumunod naman s’ya sa ’kin.

Hindi n’ya dapat makita ang ginawa n’ya sa dalawang lalaki. He didn’t need to see it. It might… ruin him.

“Huh? I… I don’t—”

Nilingon ko si Gray. Mukha s’yang nalilito at hindi alam ang isasagot sa tanong ko. Kaya hinanap na lang ng mga mata ko kung saan nakaparada ang kotse n’ya na mukhang wala naman doon sa basement parking ng club.

I was right. We found his car parked on the side of the road. Sa harap lang mismo ng Cold Spot. Mabuti na lang at madaling araw na kaya walang manghuhuli for illegal parking. Hindi rin naman kasi nakakasagabal sa kalsada at wala rin namang mga sasakyan na nadaan nang ganitong oras.

“Sakay ka muna, Gray,” sabi ko at ginawa n’ya naman ’yon. Gray sat on the driver’s seat. “Dito ka lang muna. Maghahanap lang ako ng panglinis sa sugat mo sa loob ng club. ’Wag na ’wag kang lalabas ng sasakyan, okay?”

Gray just nodded. Saglit ko lang s’yang pinagmasdan bago humakbang paatras at isinarado ang pinto ng kotse.

Naglakad ako papasok sa loob ng club at hinanap si Travis. I thought I would see him at his office pero nakita ko s’ya sa likod ng bar counter. He was wearing a blue coat over a white shirt and black pants. I saw him talking to some woman.

“Travis!” I called him.

He looked around, looking for the one who called him. He saw me and I saw recognition in his eyes. Nagpaalam s’ya saglit sa kausap n’ya at nilapitan ako. He was smiling when he approached me.

“Hey… Reyziel, right? Off ngayon ni James.”

“I know…” sabi kong medyo nilakasan ang boses dahil malakas ang tugtog na nanggagaling sa speaker. “Uhm…”

Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dapat. Hindi ko alam kung pa’no sasabihin sa kanya ang sitwasyon nang hindi mapapahamak si Gray.

Shit… Dapat bang nilapitan ko si Travis?

I looked at the man in front of me. Mukhang naghihintay s’ya sa sasabihin ko. There was a genuine look in his eyes. Parang sinasabing ayos lang na sabihin ko sa kanya ang kahit na ano.

I took a deep breath.

“Can you call an ambulance?”

Mukhang hindi iyon ang inaasahan n’yang sasabihin ko. Travis looked surprised. Napatitig pa s’ya sa ’kin na parang naghihintay na bawiin ko ang sinabi ko.

“What?” he asked when he saw that I was serious. “Why? Are you in pain?”

He looked alert kaya naman umiling ako.

“Hindi… Sa basement parking kasi… May…”

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Tinitigan lang ako ni Travis. No… I couldn’t explain it to him. And even if I could, I still wouldn’t explain what happened to him. Wala akong planong ipahamak si Gray. Hindi ko rin naman kayang pabayaan ang dalawang lalaki nang ganoon ang kalagayan.

Hindi kakayanin ng konsensya ko. Hindi ako katulad nila. They killed Lilac without any remorse and Gray took revenge on them. He was mad that he couldn’t control his emotion. And that’s where the problem is.

Gray needs… protection.

I don’t know why and I don’t know the full story but I think… there’s something wrong with him.

No… There’s something wrong in him.

He needs understanding. Not punishment.

Travis sighed. Mukhang na-realize n’yang wala na akong planong dugtungan ang sinabi ko.

“Alright… Ako nang bahala.”

Saka lang ako nakahinga nang maluwag.

“Really? Thank you!”

“No worries. Normal naman ang mga gano’n sa mga club.”

I just nodded. Mukhang may ideya na s’ya kung anong aabutan sa basement parking pero inaakala n’ya siguro na away bar lang ang nangyari.

“Tsaka… pwede bang makahingi na rin ng tissue at alcohol?” I asked. “Bottled water na rin.”

Binigay naman ni Travis ang mga hiningi ko. I said my thanks and went out. Bumalik ako sa kotse at sumakay sa passenger’s seat. Tahimik lang si Gray kahit nang makasakay na ako.

Hindi rin naman ako nagsalita. Kumuha ako ng ilang sheets ng tissue at binasa iyon ng tubig. I looked at Gray and saw him watching me. Tumingin s’ya sa akin pagkatapos.

“Come here,” I said.

Inilapit naman ni Gray ang sarili n’ya sa akin. My hand held the back of his neck. Ang isang kamay ko naman ay nagsimulang linisin ang mukha n’ya.

I cleaned his face and removed the blood on it. Tahimik lang ako habang ginagawa ’yon. Hinawi ko ang buhok sa noo n’ya para tanggalin ang dugong tumalsik doon.

Gray was just looking at me, staring at my face. He looked confused. Halatang naguguluhan pa rin s’ya sa mga nangyari. He looked like a lost child and doesn’t have any idea where to go.

That’s why he had been obedient since earlier. Ginawa n’ya ang lahat ng sinabi ko sa kanya nanag walang kahit anong sinasabi. Hinayaan n’ya akong hilahin s’ya at hindi man lang nagreklamo kung saan ko gustong pumunta. May pakiramdam pa ako na susundin n’ya ang kahit na anong sabihin ko ngayon. That’s how confused he was.

It hurts seeing him like this. Parang hindi n’ya alam kung saan dapat pupunta. Parang hindi n’ya alam kung anong dapat n’yang gawin. He was depending on me. ’Cause he was so lost. He was hoping that I could lead him to where he should be and tell him what he should do.

My lips trembled. Kapag naiisip ko si Gray, ang unang pumapasok sa akin ay ang mga ngiti n’ya. He always has a smile ready for me. He was always smiling kaya ang sakit-sakit sa akin na makitang nagkakaganito s’ya.

I pursed my lips. Pinigilan ko ang pag-iyak kahit na nararamdaman kong nag-iinit ang sulok ng mga mata ko. Gray was still staring at me and I don’t want him to see me crying right now.

He needs me. That’s why I need to be strong for him.

“I’m sorry…” rinig kong sabi ni Gray habang nakatitig pa rin sa ’kin.

My eyes watered. I blinked my tears away.

“I told you. Hindi mo nga ako sinaktan,” sabi ko at pinunasan ang huling talsik ng dugo na nasa mukha pa n’ya.

“No… About Lilac.”

Lumayo ako kay Gray. Naramdaman ko kasi ang pagsisikip ng lalamunan ko. I was dangerously close to crying.

Yumuko ako at itinago ang pagtulo ng luha ko sa pagbasa ng alcohol sa tissue. Nakayuko ako at hinayaan kong bumagsak ang buhok ko papunta sa mukha ko. Hindi ko hinawi iyon para hindi makita ni Gray ang pag-iyak ko.

“I’m sorry, Rey…”

I bit my lower lip and sniffed. Ang akala siguro ni Gray, nasasaktan ako ngayon dahil kay Lilac. I was still hurting over his death. Masakit pa rin sa akin na wala na ang alaga namin at sa palagay ko ay matagal pa bago ko matanggap iyon. Matagal pa bago ang panahon na hindi na ako maiiyak o masasakatan sa tuwing maiisip ko si Lilac.

But more than that, I was hurting for him. For Gray…

Pasimple kong pinunasan ang mga luhang tumulo sa pisngi ko bago kinuha ang mga kamay n’ya. I couldn’t look at him directly. Baka kasi bigla na lang ako mapahagulgol.

I now have an idea why he couldn’t tell me everything. He was hurting. So much. And it was hard for him to say everything to me.

It was just an idea. It wasn’t confirmed yet. I still need to see some symptoms or the actual moment before I could confirm it.

But still… it hurts like hell.

Sa pagiging psychologist ko, ang pinakamahirap ay ang ’wag maging emosyonal. I should be professional when dealing with my patients. I should be calm. Pagiging kalmado lang ang dapat na ipakita kong emosyon sa kanila kahit gaano pa kasakit at kabigat sa dibdib ang mga kwentong naririnig ko sa kanila.

But now… I think I couldn’t contain my emotions. Ngayon pa lang ay sobra na akong nasasaktan para kay Gray. Paano pa kapag narinig ko na ang kwento n’ya?

“I buried Lilac behind the apartment building,” sabi ko habang nililinis na ang mga kamay n’ya. “I thought he’ll be happy if we bury him there… Near his home.”

“Hm.” Gray nodded. “Gusto nga ni Lilac ’yon.”

Wala nang nagsalita sa amin ni Gray pagkatapos noon. We just stay in silence while I was cleaning his hands. Naging maingat pa ako sa paglilinis. There were some small wounds on his knuckles. Gawa siguro sa mga suntok na binigay n’ya.

Nang matapos ay binawi ni Gray ang mga kamay n’ya. Tinitigan n’ya ’yon. He inspected it like he was looking for something. Saka ko lang naalala kung anong rason nga pala ang sinabi ko sa kanya kanina kaya puno ng dugo ang mga kamay n’ya.

Right now, he already knew I was lying. Walang sugat o hiwa sa kamay n’ya para magdugo nang ganoon karami ang kamay n’ya. Ang meron lang ay ang malilit na sugat na parang daplis sa kamao n’ya.

He looked at me and I readied myself to tell a lie again in case he ask me about it. But Gray just smiled at me.

“Thank you…” he said.

I took a deep breath. Inipon ko ang mga tissue na may mga dugo para itapon na lang mamaya. Sumandal na ako sa upuan pagkatapos at bumuntong-hininga ulit. Ramdam ko na ang pagod ng katawan ko.

“Pahinga muna tayo dito bago umuwi,” I suggested and Gray just nodded.

Buti na lang… Gray needed it. Hindi rin naman ako papayag kung sakaling sabihin n’ya na umuwi na kami. He shouldn’t drive while he’s like this. Confused and lost. Hindi ko alam kung gaano katagal bago s’ya makabawi pero alam kong hindi na muna dapat s’ya magmaneho.

We stayed there for a while. Pinapanood lang namin ang mga taong pumapasok at lumalabas sa club. Ang iba ay mga lasing at halos hindi na makapaglakad nang maayos. May iba ring sumusuka sa gilid at ang mga kasama nila ay parang inaasar pa sila.

Hindi ko alam kung ilang oras kaming nandoon pero sumisikat na ang araw nang mapagdesisyunan naming umuwi na. I told Gray that he should drive slowly. Kaya nang makarating kami sa apartment building ay kalat na ang liwanag.

Ipinarada ni Gray ang sasakyan at naunang bumabapara pagbuksan ako ng pinto . Ako na mismo ang humawak sa kamay n’ya nang isinarado n’ya ang pinto sa passenger seat. Tinanguan lang kami ni Mang Gener nang makita n’ya kami. Mukhang hindi alam kung paano kami babatiin ng magandang umaga matapos nang mangyari kay Lilac. Ngumiti na lang ako sa gwardya at pumasok na kami ni Gray sa building at sumakay ng elevator.

May pasok na ako mamaya pero wala pa akong tulog dahil sa mga nangyari. Palagay ko rin naman ay hindi ako makakatulog kahit subukan ko pa. Plus, sleep isn’t really on my worry list right now. Mas nag-aalala kasi ako para kay Gray.

Tahimik lang si Gray na nakatitig sa pinto ng elevator. Pinapakiramdam ko s’ya at mukhang wala s’yang planong magsalita. I don’t have any idea what he’s thinking right now.

He looked tired. Pareho kaming walang tulog pero alam ko, dalawang araw nang walang tulog si Gray. He really needs to sleep now. Mamayang gabi rin ay may pasok na s’ya kaya kailangan n’ya na talagang magpahinga.

The elevator doors opened. Sabay kamay lumabas ni Gray. Sabay din kaming napatigil nang makita ang dalawang lalaking nakasandal sa magkabilang dingding ng hallway sa gitna ng mga unit namin.

The guy on the left was wearing a black hoodie and black ripped pants. Magulo ang buhok n’ya. His hazel brown eyes looked sleepy na parang naistorbo sa pagtulog.

Mula kay Gray ay lumipat ang tingin ng lalaki sa akin. Biglang nawala ang antok sa mga mata n’ya at napalitan ng pagiging kuryoso. I saw his eyes travelled down. His lips twitched when he saw Gray and mine’s interlocked hands.

Lumipat ang tingin ko sa lalaking nasa kanan na napaderetso ng tayo nang makita kami. No— Si Gray lang. He was just looking at Gray with his gray eyes.

This man was wearing a white button-down polo and khaki pants. Pero ang mas napansin ko ay ang mukha ng lalaki. Halos hindi ko na nga maalis ang tingin ko sa kanya. Naaalala ko kasi ang picture na nakita kong nakadikit sa dingding ng kwarto ni Gray. ’Yung may kaakbay s’yang lalaki.

Gray had still his hair in black in that photo. And looking at this man in front of me, hindi ko maipagkakaila ang pagkakahawig ng dalawa. He has a huge resemblance to Gray especially when Gray’s hair was still black.

This is him…

This is Hunter. Gray’s brother.

Chapter 30

It was definitely hard to miss. These two men have so many resemblances. Pero marami ring pagkakaiba. But still, one look, and anyone could tell they were brothers.

Hunter’s facial features looked harsher than Gray’s. Parang hindi ngumingiti at seryosong-seryoso sa buhay. He has this intimidating aura around him that just added to that serious look he has. Like he’s someone who could kill and will not even have any second thought about it.

But Gray… he’s always smiling. Kahit noong unang pagkikita namin, binigyan n’ya na agad ako ng isang ngiti. He looked like that naughty bully student na sobrang pasaway sa teachers at palaging naga-guidance. Gray had that first impression in me.

Until I spent time with him. And I learned that there’s definitely more about him.

Both brothers have the same mysterious aura around them.

I looked at Gray. Nagulat ako nang makita ang galit sa mukha n’ya. He was glaring at his brother and clearly isn’t happy that he saw him. His jaw was even clenching. Ramdam ko ang paghigpit ng kamay n’yang nakahawak sa kamay ko.

Something happened between them that’s why Gray was having a hard time talking about his brother. Kahit pangalan ay hirap na hirap s’yang banggitin noon. And I remember those pictures taped on his room’s wall. He tore his brother’s face in each picture, telling me that he doesn’t like to see his brother.

Kaya ba mukhang galit s’ya ngayon?

But… Gray said that he hurt his brother. And that he was running away.

Maybe he’s… guilty?

“What are you doing here?” Gray asked. Nakatingin lang s’ya sa kapatid n’ya at kahit paraan ng pagtatanong ay halatang galit.

“What do you think, Gray?” Hunter asked. Kuyang-kuya ang dating na pinapagalitan ang nakababatang kapatid.

I never had an older sibling. But looking at Hunter, parang may parte rin sa akin ang natakot para kay Gray. Gusto ko na nga sanang ipagtanggol si Gray but I know it wasn’t my place.

“How did you find me— Nevermind.” Gray scoffed.

“You used your skills. Out of everyone else, I am the one who could recognize your codes.”

“So, you’re monitoring me, huh?” nakangising tanong ni Gray. It was like he’s mocking his brother. “Ah, oo nga pala… Magaling ka nga pa lang stalker. Ano? Ako naman ang ini-stalk mo ngayon kasi tapos ka na sa goddess mo?”

“Gray—”

“Leave.”

Nagtayuan yata ang lahat ng balahibo ko sa katawan sa isang salitang iyon mula kay Gray. He said it so coldly. Para bang hindi n’ya kapatid ang kaharap n’ya sa paraan ng pakikipag-usap n’ya.

Hunter noticed it too. Napatigil lang s’ya at tinitigan ang kapatid. His eyes looked like he was trying to read his brother.

Gray let go of my hand. Nagsimula s’yang maglakad papunta sa apartment n’ya. Nilagpasan n’ya si Hunter nang hindi man lang nililingon.

“You never called.” Sinundan ng tingin ni Hunter ang kapatid n’ya. “You said you would call but you never did.”

Napatigil si Gray sa paglalakad. He looked back at his brother. There was a cruel look in his eyes as he smirked.

“Are you in denial or are you just dumb?” He scoffed. “C’mon, Kuya… Alam naman nating parehong matalino ka.”

Hindi nagsalita si Hunter. I couldn’t see his face but I think I know what he feels. I’m the older sibling too. At kung ganito ako pakitunguhan ni Larissa, masasaktan ako nang sobra.

Gusto kong patigilin si Gray. His brother was definitely hurting. I saw how his shoulder tensed and his slight jolt with Gray’s words. Hindi madaling mapansin at hindi ko rin alam kung napansin ba ni Gray.

But I chose not to say anything. I don’t know anything. Hindi ko rin alam kung sinong mas nasasaktan sa kanilang dalawa at ayoko gumawa ng bagay na pagsisisihan ko.

“You’re doing it on purpose,” Hunter said in a whisper. Parang biglang nawalan ng lakas kaya mahina ang pagsasalita.

Gray’s smirk widened.

“Of course. Wala rin sa plano kong magpakita pa sa ’yo. So, leave.”

Tumalikod na ulit si Gray pagkatapos sabihin iyon at tuloy-tuloy na naglakad papasok sa apartment n’ya. Medyo may kalakasan pa nga ang pagkakasara n’ya ng pinto.

We were left on the hallway. Tinignan ko ang nakasarang pinto ng apartment ni Gray. Nagdadalawang-isip ako kung susundan ko ba s’ya o ano.

I’m worried about him. Natatakot akong baka kung anong mangyari sa kanya. Lilac had just died. He didn’t show any reaction that he was sad or he got affected by his pet’s death. But him beating up those men who did something to Lilac was enough to tell me that he’s not taking it lightly.

He was suffering. And then, his brother came.

Hindi ko pa man alam kung anong nangyari sa kanilang dalawa, alam kong malaki rin ang epekto kay Gray sa pagdating ng kapatid n’ya dito sa Negros. And I’m scared that… something might happen to him dahil sa pagsasabay-sabay ng lahat.

I noticed Hunter take a deep breath. I noticed his shoulders slightly slumped as he put his hands inside the pockets of his pants. He turned around and his eyes landed on me. Parang doon lang napansin na nandito ako.

Nagsalubong ang makakapal n’yang kilay. I noticed as he looked at me, that his gray eyes were slightly a lighter shade than Gray’s.

“Uhm…” Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nakatingin lang kasi s’ya sa ’kin. Nang tignan ko ang kasama n’ya, he was looking at me too and there was that unnecessary interest in his eyes. Lumapit s’ya kay Hunter na parang natatawa pa.

“You’re a friend of Gray?” Hunter asked.

“Baka more than friend,” rinig kong bulong ng kasama n’ya pero hindi s’ya pinansin ni Hunter.

“Uhm… Oo,” I said. Dapat ko bang sabihin na girlfriend ako ng kapatid n’ya? “Magkapit-bahay kami.” Itinuro ko pa ang apartment ko na nasa tapat lang ng kay Gray.

Pareho silang napatingin doon bago ibinalik din ang tingin sa akin. I gave them a reluctant smile. I don’t know how to escape this situation.

“Ah, sige… Papasok na ko,” I said. Nilagpasan ko sila at tumigil sa harap ng apartment ko para ilagay ang passcode nang magsalita ulit si Hunter.

“Can I talk to you?”

Napalingon ulit ako sa kanila. Seryosong nakatingin sa akin si Hunter, hinihintay ang sagot ko.

“Tungkol saan?” I asked. Kahit na alam ko kung anong gusto n’yang pag-usapan.

“About Gray,” he answered.

I pursed my lips.

“I’m afraid I can’t,” I said. “I’m not in the place to tell something about him.”

“I just want to know if he’s okay.”

“He’s okay,” I said. “Kailangan ko nang pumasok sa loob. May trabaho pa ko.”

Tumalikod na ako at nagsimulang ilagay ang passcode sa lock. Pero hindi ko pa nabubuksan ang pinto nang magsalita ulit si Hunter.

“Please.” There was a hint of desperation in his voice. “Gray won’t talk to me. I need to make sure that my brother is okay.”

Napatigil ako. He was… on the verge of begging. My heart ache for him. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil pareho kaming nakakatandang kapatid and a part of me understand him. He’s doing this because Gray is his brother.

May parte sa akin ang nagsasabing tanggihan ko s’ya. That I am not in the place. That I don’t have Gray’s permission to talk to his brother about him. It was my practice as a psychologist. We aren’t allowed to disclose our patient’s information except for a few statements; statements that are brief and general or if we think that they are a danger to themselves but other than that, we need their permission if we would disclose anything to their family.

But… I’m not Gray’s therapist. I couldn’t be. I’m his girlfriend. And I really, really want to talk to his brother too.

I took a deep breath. It’s okay. I just have to make sure to him that Gray is doing well. Kung ako rin naman ang nasa kalagayan n’ya, gagawin ko rin ang ginagawa n’ya.

I turned around and looked at him. His eyes were expecting and begging me to say yes. Napabuntong-hininga ulit ako bago tumango.

“Okay,” I said. “Pero may trabaho pa ako. Okay lang ba kung pagkatapos na lang ng shift ko?”

Mabilis na tumango si Hunter. “Yes, of course. Anything. Kahit ikaw na rin ang mamili kung saan tayo pwedeng mag-usap.”

“May coffee shop malapit sa Callisto Medical Center, doon na lang tayo magkita. Mga eight p.m.”

“Okay,” sabi ni Hunter na tumatango-tango pa. “Thank you. This means a lot to me.”

Tumango na lang ako at tuluyan nang pumasok sa apartment ko. Napahugot ulit ako nang malalim na hininga pagpasok ko. I’m not sure if I’m doing something right. Hindi ko rin alam kung dapat ba akong magkipag-usap kay Hunter nang hindi sinasabi kay Gray ang tungkol dito.

Alam ko rin naman kung anong sasabihin n’ya. Hindi n’ya ako papayagan. Nakita ko sa mga mata n’ya kanina na ayaw n’yang makipag-usap sa kapatid n’ya.

Nahahati ako kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Naiintindihan ko ang ginagawa ni Hunter kaya pumayag akong makipag-usap sa kanya. I’m just worried Gray might think I’m betraying him if he’ll know about this.

Pumasok ako sa hospital nang gulong-gulo ang isip ko. I was reading my patient’s counselling notes pero wala doon ang isip ko. Sumasakit pa ang ulo ko dahil hindi pa ako natutulog.

I tried to search for my phone in my bag but I couldn’t find it. Mukhang hindi ko yata nadala. Nakalimutan ko sa sobrang gulo ng isip ko. Hindi ko rin alam kung kailan ko huling nahawakan ang phone ko. Noong hinanap namin si Lilac, ang alam ko, hindi ko na hawak ang phone ko no’n.

Tatawagan ko sana si Larissa. I just wanted to call her. Gusto ko lang marinig ang boses ng kapatid ko. This thing between Hunter and Gray made me miss my little sister. Gusto ko lang din malaman kung may iba pa s’yang sasabihin tungkol kay Mama.

I sighed. Inabala ko na lang ang sarili ko sa trabaho ko. I tried to be productive that day. Nilabanan ko ang sakit ng ulo ko at ang antok. Until it was time to get off to work.

Dumiretso ako sa coffee shop kung saan kami magkikita ni Hunter. Nandoon na sila ng kasama n’ya pagdating ko. They both stood up when they saw me.

“Good evening,” bati ko sa kanilang dalawa at umupo na.

“Good evening,” Hunter greeted back. “We should order first.”

Ganoon nga ang ginawa namin. When our orders came, Hunter cleared his throat.

“I apologize if I forgot to introduce myself earlier.” He offered me his hand. “I’m Hunter Chase Sanford. Gray’s brother.”

Napakunot ang noo ko nang tanggapin ang kamay n’ya. He released my hand. Hindi pa rin nawawala ang titig ko sa kanya.

“Sanford?” kunot-noo kong tanong. “But Gray’s…” I trailed off. Pinigilan ko na ang sarili ko bago pa ko may masabing maka-offend sa kanya.

Pero kasi… Galanos ang sinabi sa ’kin ni Gray na apelyido n’ya at hindi Sanford. Are they step-brothers? Pero magkamukha sila so maybe… half-brothers?

“It was my mother’s maiden surname,” he said. Parang nabasa ang iniisip ko. “I found out that Gray has been using our mother’s maiden name, but he’s a Sanford.”

Napatango-tango ako. And Gray even introduce himself as James to everyone here in Negros. Pero sa palagay ko, Gray ang pangalang ginagamit n’ya talga.

He’s hiding…

“Creed Cervantes,” pakilala sa akin ng kasama n’ya na inilahad pa sa akin ang kamay. Tinanggap ko ’yon.

“Reyziel Denava,” I introduced myself.

“Bago ang lahat,” sabi ni Creed nang bitiwan na ang kamay ko. “Gusto ko lang linawin… Girlfriend ka ba ni Gray?”

Pansin ko ang biglang paglingon ni Hunter kay Creed na parang nagulat pa. Ilang sandali n’yang tinitigan si Creed bago tumingin sa akin na nakakunot ang noo pero may pagtataka sa mukha.

Binasa ko ang labi ko. Bigla yata akong kinabahan. Ganito ba talaga? Normal bang kabahan kapag ipapakilala mo ang sarili mo bilang girlfriend sa kapatid ng boyfriend mo?

Dahan-dahan akong humugot ng malalim na paghinga. Hindi ko pinapahalata sa kanila ang kaba ko.

I nodded. “Oo.”

“Yes!” Creed even snapped his fingers like he just discovered where the Atlantic City is. Napansin n’ya ang tingin namin ni Hunter sa kanya kaya tumikhim lang s’ya at umayos ng upo.

“You’re Gray’s girlfriend?” Hunter asked.

Tumango ako, hindi na pinapansin ang kaba sa dibdib ko.

“Yes…”

Tinitigan ako ni Hunter. Naramdaman ko ang biglang pamamasa ng mga kamay ko. It was obvious that Hunter was trying to read me. I decided to ignore my nervousness and stared back at him.

Napataas ang isang kilay n’ya sa pagtitig ko pabalik sa kanya. He poked the inside of his cheek with his tongue before he smirked. He looked amused for some reason. Maya-maya ay tumango at napasandal sa upuan.

“That’s good…” he said and let out a sigh of relief. “That’s good.”

Ibig bang sabihin… okay sa kanya ’yung relasyon namin ni Gray? Okay lang sa kanya na girlfriend ako ng kapatid n’ya?

We heard a messenger notification and Hunter fished the phone in the pocket of his pants. Mukhang sa kanyang phone yata ang tumunog. He tapped on it and checked for the message. Napakunot ang noo n’ya sa kung anong abasa n’ya sa phone n’ya. Pagkatapos ay nakasimangot na bumaling kay Creed.

“You fucking told them?” he asked, mukhang galit. Napatingin tuloy ako kay Creed na hawak rin pala ang phone.

“Hindi pa. Sasabihin ko pa lang.” Creed laughed. “Ang bibilis ngang mag-reply ng mga loko, eh!”

“Daldal mong tarantado ka.” Hunter tsked. Mukhang hindi naman nainis si na tumawa pa nga.

Inilapag ni Hunter ang phone n’ya sa lamesa. He looked at me and the seriousness was back in his eyes again.

“Gray was hiding from me,” he said. “Kaya ibang pangalan ang sinabi n’ya. He used his second name and our mom’s maiden name here in Negros. Kaya hindi ko s’ya mahanap.” He took a deep breath. “He knew I would never think that he’ll use a name with a connection to us.”

“But you know him as Gray,” Creed said. Nakatingin na sa akin pero hawak pa rin ang phone n’ya. “Sa itsura mo kanina, mukhang nagulat ka lang sa totoong apelyido n’ya.”

Tumango ako “Nagpakilala s’ya sa ’kin bilang Grayson James Galanos.”

Creed whistled. He bit his lower lip. Parang pinipigilan ang ngiti pero hindi nakayanan. Pinakawalan ng ngipin n’ya ang pang-ibabang labi n’ya at ngumisi sa ’kin.

“James lang ang pangalan na ginagamit n’ya dito sa Negros,” he said. “Guess, you’re really special to him, huh?”

“I had a hard time finding him,” Hunter said. “Until he used his skills last night. I recognized his…” he trailed off. Umiling s’ya pagkatapos ay bumuntong-hininga. “Anyway, I found him. Pero nahirapan ako. Mukhang ayaw n’ya talagang magpahanap.”

Hunter looked miserable with the fact that he said himself. Ang dami kong gustong itanong. Gusto kong malinawan. Gray looked miserable as well that he’s hiding from his brother. Mukhang ayaw n’ya pero ginagawa n’ya. At hindi ko alam kung anong dahilan.

The looked in Gray’s eyes that I saw earlier when he saw his brother was mixed of anger, surprise, and… longing. Sigurado akong nakita ko iyon sa mga mata n’ya. Pero natatabunan ng galit. 

“Is he… Is he doing okay?” Nakita ko ang pag-aalangan sa mukha ni Hunter. “My brother.”

My heart clenched. I saw longing in Hunter’s eyes. He’s hopeful as he looked at me. Na para bang ako na lang talaga ang paraan para malaman n’ya kung anong nangyayari sa kapatid na. Like he will be contented by just hearing it from me.

I smiled and nodded. “He’s okay… Minsan pasaway talaga ang kapatid mo pero sumusunod din naman lalo na ’pag nagagalit ako.”

Hunter chuckled. He looked happy with what he heard.

“Pasaway nga ’yon. Ang dami no’ng ginawa na salungat sa mga sinabi ko,” he said with a smile on his face.

“Nakukwento ka nga n’ya sa ’kin.”

He looked surprised. “Really?”

Nakangiting tumango ako. “Nabanggit pa nga n’ya sa ’kin na pareho kayong hindi marunong magluto.”

He chuckled again. His eyes twinkled for a moment. Nakita ko ang kasiyahan sa mukha n’ya. I remember that Gray looked like this too when he mentioned his brother before.

It seemed like they really care for each other but… what happened?

“How did you two…” Hunter gestured his forefinger sideways. Kahit hindi n’ya tinuloy ang sasabihin n’ya, naintindihan ko naman ’yon.

“Magkapit-bahay kami then one time, nu’ng wala pa akong isang linggo dito sa Negros, pinaalaga n’ya sa ’kin ’yung pusa n’ya.”

“Pusa?” he asked. Nakangiti pa rin pero nakakunot na ang noo.

I nodded. “Si Lilac. Naging alaga n’ya dito sa Negros.”

By the mention of the cat, bigla akong nalungkot. Naalala kong mamayang pag-uwi ko, wala nang sasalubong sa ’king pusa. Wala nang pusang mangungulit kapag nagugutom na s’ya. Wala na ring pusang magrereklamo sa ’kin skapag inagawan s’ya ng higaan.

I cleared my throat. Wala sa plano kong sabihin ang tungkol doon. I was only planning to tell Hunter good things about his brother.

Pero napansin ko ang pagkakatigil ni Hunter. Kahit na rin si Creed. Nagkatinginan pa silang dalawa.

“Lilac?” Hunter asked. Parang naniniguro n’yang tanong at sinulyapan pa si Creed.

I nodded. “Lilac.” Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. “Bakit?”

Nagtinginan ulit sina Hunter at Creed. They both have serious expression on their face. Nangunot tuloy ang noo ko.

Why? May problema ba do’n?

But before I could think any further, Hunter looked at me again. He made a small smile and shook his head.

“Nothing… Anyway, you were saying?”

Napakurap-kurap ako. Nakalimutan ko na tuloy ’yung sinabi ko.

“Ah… ’Ayun. Naging malapit kami ni Gray,” I continued. “He said he couldn’t sleep alone in his apartment so I let him sleep in mine. Sabay rin kaming kumakain kaya alam kong hindi s’ya nalilipasan ng gutom.”

I heard Creed’s whistled again pero hindi namin s’ya pinansin ni Hunter.

Hunter smiled. “You cook for him?”

I nodded. “I cook for myself. Sinasabay ko na rin si Gray.”

Hunter’s smile turned into longing. And then there was sadness in those gray eyes.

“Thank you… I’m glad to know that he has someone’s who’s taking care of him. That reassured me.” His smile faded. “I should be the one doing that…”

His gaze fell. Napatitig na lang ako kay Hunter. He looked more miserable now. Nakatulala lang s’ya pero halatang may inaalala at nagpapakita ang emosyon sa mukha n’ya. And somehow… my heart ache for him.

Napansin kong kahit si Creed ay nakatingin na rin kay Hunter. Kung kanina mukhang ang buong atensyon n’ya ay nasa phone n’ya lang, ngayon ay na kay Hunter na. He looked even serious, the most since I’ve seen him today.

Creed glanced at me. Ilang sandali s’yang tumitig sa akin bago ngumiti. Mas lumawak pa ’yon nang ibinalik n’ya ang tingin kay Hunter.

“Fucker, pahiram ng phone mo,” he said. Nakakunot-noo naman s’yang binalingan ni Hunter.

“Aanhin mo?”

“Ia-add ko lang pabalik sarili ko sa group chat. Na-kick ako ni Kylo.”

“Gago mo kasi,” sabi ni Hunter pero binigay naman ang phone kay Creed.

Creed chuckled and took his phone. Napatungo na lang ako, tinatago ang ngiti.

What a nice friendship…

I guess… I wouldn’t have to worry about Hunter. He has a nice friend around him.

But Gray… he’s alone.

Thinking about Gray, bigla akong nag-alala. He was supposed to go to work today. But I don’t think he’s in condition to work. May palagay akong hindi na naman s’ya nagpahinga ngayon.

Baka pumayag naman si Travis na hindi na pumasok ngayon si Gray. He has an idea with what happened last night.

Mabilis kong inayos ang gamit ko. Kailangan kong mahabol si Gray at pigilan s’ya sa pagpasok ngayon.

“I’m sorry but I have to go,” I said. “Hindi pa rin kasi ako nakakapagpahinga.”

Napatayo ang dalawa nang tumayo ako. Ibinalik na ni Creed ang phone kay Hunter at panay ang tunog noon. Hindi naman pinansin ni hunter ang phone n’ya at ibinulsa na lang.

“Thank you for your time, Reyziel,” he said. Iniabot n’ya sa akin ang isang calling card. “If anything happens, please… call me.”

Tinanggap ko ang calling card na binigay n’ya at tumango.

“I will.”

Nagmadali ako sa pag-uwi. I don’t know. I suddenly felt anxious. Naiisip ko kasi na baka wala na naman si Gray sa apartment n’ya. Na baka kung saan na naman s’ya nagpunta.

What if… pinuntahan n’ya ulit ’yung dalawang lalaking gumawa noon kay Lilac?

Mabilis kong ipinilig ang ulo ko. No, Gray will be there at his apartment. I need to think positive.

Bumukas ang elevator sa floor kung nasaan ang apartment namin ni Gray at lumabas agad ako. But my steps halted when I saw someone standing in front of my apartment.

No… Anong ginagawa n’ya dito?

“Ace?” Halos walang lumabas na boses sa bibig ko.

But it seemed like he heard it. He looked at me. He was wearing his usual button-down shirt tucked in his black pants. He looked so clean but the look in his eyes tells me that he was angry.

“Finally,” he said.

No… no… Bakit nandito si Ace? Paano n’ya ako nahanap? Sinabi ba ni Doc Evelyn? Ni Larissa?

Shit… ’Yung phone ko. Baka tinawagan ako ni Larissa.

“Anong… anong ginagawa mo dito?” Hindi ko magawang ihakbang ang paa ko palapit sa kanya.

Ace tilted his head to the side. I know this expression. I know this stance. Naiinip s’ya at gusto n’yang lumapit ako sa kanya.

No…

My knees were shaking when I took a step towards him. Himalang hindi man lang ako nabuwal sa pagtayo habang humahakbang palapit sa kanya. Pero ang dibdib ko ay sobrang lakas ng kabog. I was nervous. I was scared. Scared that my free days were over.

“Won’t you invite me in?” tanong n’ya nang makalapit ako sa kanya.

Napakurap-kurap ako. Yes… We need to talk inside. Huwag dito sa labas. Baka lumabas pa si Gray sa apartment n’ya. Baka makita pa kami ni Gray.

And if Ace will see Gray…

Mabilis kong pinapasok si Ace nang mabuksan ko na ang apartment. I took a deep breath when I closed the door. I should calm down. I need to calm down and be in control of this situation.

Hinarap ko si Ace. Naabutan ko s’yang pinapasadahan ng tingin ang buong apartment ko.

“Anong ginagawa mo dito, Ace?” I asked.

He looked at me. Hindi ako nagbawi ng tingin. I looked him straight in the eye.

“I should be the one asking you that, Rey,” he said. His jaw was clenching. “What are you doing here in Negros?”

“Nagtatrabaho ako, Ace.”

“But you already have work back in Manila!”

“You don’t understand. Ginagawa ko ’to para kay Mama.”

He scoffed. Nakakunot ang noo n’ya nang tignan ako.

“You’re right. I don’t understand,” he said. He put a hand on his hip. “You’re doing this for your mom? Then why are you here when your family is in Manila?”

“Ace—”

“Let’s go back,” pigil n’ya sa sasabihin ko. “C’mon. Pack your things.”

Napabuntong-hininga ako. He’s at it again. He’s being controlling again. Gusto n’yang s’ya na naman ang masusunod.

I was about to say something, to explain that I can’t go, to explain everything to him when the doorbell rang. Napatingin sa pinto si Ace bago ibinalik ang tingin sa akin. I heaved a deep sigh and walked towards the door to open it.

My mind was occupied with Ace kaya hindi ko naisip kung sinong pwedeng mag-doorbell sa mga oras na ’to. But when I opened the door, I stilled.

It was Gray.

Shit.

His gray hair was in a brush-up style again and he was wearing a black long sleeve polo tucked in his black slacks. Nakatupi ang sleeves noon hanggang siko at nakabukas hanggang sa pangatlong butones ang plo n’ya. I could see his broad chest and he was wearing a silver chain necklace.

He has a dark expression when I opened the door. But when he saw me, he raised an eyebrow. There was that mysterious glint in his eyes again. And the shade of his eyes seemed darker now.

Hindi ko alam kung saan ako kinabahan, kung ano ang talagang dahilan ng pananayo ng balahibo ko sa katawan. If it’s because of Gray and the cold gaze he’s giving me or the fact that Ace was just behind me and Gray could see him anytime.

Pero huli na. Nakita kong napatingin si Gray sa likod ko. His eyes landed on Ace with that same cold expression before he looked back at me.

And then he smirked. The smirk that made me quiver.

“What this? You’re cheating?” he asked with a cruel smirk on his lips.

Chapter 31

Napatitig na lang ako kay Gray. I was trying to figure out if he’s kidding or he’s actually serious with what he just asked me. But with the cruel smirk plastered on his face and that wicked glint that I saw in his eyes, it seemed like he was enjoying this instead.

He’s enjoying that he caught me in this situation. He’s enjoying the look on my face right now.

Napaawang ang mga labi ko. This reaction of his was so new to me. Para bang natutuwa s’ya sa nakikitang kaba at pagkataranta sa mukha ko.

Gray tilted his head to the side as he stared at me. He bit his lower lip, still smirking and his shoulders even shook a little like he actually chuckled. Sinulyapan n’ya ulit si Ace na nasa likuran ko bago ibinalik ang tingin sa ’kin.

“What? Am I right? Are you really cheating?” he asked. Pero hindi nakaligtas sa akin ang narinig kong pagkatuwa sa boses n’ya.

Nagtiim-bagang ako. Itinago ko ang inis na unti-unti kong nararamdaman. I shove it down inside me and took a deep breath instead before I looked at him straight in the eye.

“No… Nag-uusap lang kami ni Ace,” I said.

He scoffed.

“Ace, huh?” he said with a chuckle. “Then, why aren’t you inviting me in?”

Naghahamon s’ya. It was a challenge and I know I shouldn’t fall for it. Ace is here. Ang dami kong dapat itanong sa kanya. Ang dami kong dapat sabihin sa kanya. Ang dami kong gustong linawin sa kanya pero hindi ko s’ya makakausap nang maayos ngayong nandito si Gray.

Something’s telling me that the most reasonable thing to do is to fix everything with Ace first then explain everything to Gray later. But looking at Gray now, I don’t think he’ll understand if I won’t let him in.

He’ll think that I am really cheating.

Isa pa, may parte rin sa akin ang nagsasabing hindi ko dapat hayaang umalis na naman si Gray.

I took a deep breath. Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto at gumilid para makadaan s’ya. His smirk widened with what I did before he went in. Isinarado ko ang pinto nang makapasok na s’ya.

Ace’s eyes narrowed at Gray. Magkasalubong ang dalawang kilay n’ya. Parang inaalam kung sino ang bagong dating na pumutol sa pag-uusap namin.

I looked at Gray and his expression was so different from Ace’s. He tilted his head, looking at Ace, like he was looking down on him. He had his hands inside the pocket of his pants. His eyes were serious as he eyed Ace from head to toe. May ngisi ulit sa mga labi n’ya nang bumalik ang tingin n’ya sa mukha ni Ace bago ako nilingon.

“Ito ba ang ipapalit mo sa ’kin?” Gray asked. The look on his face tells me that he’s disappointed.

“Rey!” tawag sa ’kin ni Ace bago ko pa masagot ang tanong ni Gray. Napatingin ako sa kanya. He cocked his head at Gray’s direction. “Who the hell is that man?”

Gray looked surprised when he looked at me. Pero mukha namang natutuwa. He even had this wide grin on his face.

“Rey—” hindi na n’ya natuloy ang sasabihin n’ya at malakas na tumawa.

He was laughing with full of mockery. He even clutched his stomach na para bang sumasakit iyon sa sobrang pagtawa n’ya. He doubled over, leaning on the wall while laughing.

I just stared at him as he laughed. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. My mind was refusing that this man is Gray. It was like he’s a different person.

He tried hard to stop laughing. Tumayo s’ya nang deretso pero nakasandal pa rin sa dingding na para bang naubos ang lakas n’ya dahil sa pagtawa. Pinunasan n’ya pa ang gilid ng mata n’ya.

Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang pagtawan’ya . Inaalala ko pa kung may sinabi ba si Ace o ako man para pagtawanan n’ya. But ever since I opened the door to him, hindi na nawala ang emosyon na ’yon sa mukha n’ya. Like everything that’s happening right now was so interesting to him.

Gray chuckled slightly before he took a deep breath. Lumingon s’ya sa akin na may malaking ngisi sa labi n’ya.

“He didn’t want us to call you by that nickname,” he said and pointed at Ace. “but this nobody is calling you that?”

“Who the fuck are you calling nobody?” galit na tanong ni Ace at kinabahan ako sa kung anong gagawin n’ya kay Gray. “Sino ka ba, ha?”

Gray waved his hand, like dismissing the thought. Naglakad pa s’ya papunta sa sofa at umupo doon. He sat comfortably for someone who just accused his girlfriend of cheating. Nakadipa ang isang braso n’ya sa backrest ng sofa at naka-de-kwatro pa ang paa n’ya. 

“Oh, don’t mind me,” he said casually. “I’m just here to make sure that my girlfriend isn’t really cheating on me. Go on. Talk.”

Napahugot ako nang malalim na buntong-hininga. Mas lalong sumasakit lang ang ulo ko sa nangyayari. I just want to take a rest, to sleep. But it seemed like I won’t get it anytime soon.

Napatingin sa akin si Ace. Kunot na kunot ang noo n’ya. May nakikita akong galit sa mga mata n’ya pero sa sobrang pagod na nararamdam ko, parang hindi na ako naaapektuhan doon.

“What the hell is he saying, Rey?” Ace almost spit the words. “Sino ba ’tong lalaking ’to?”

“Oh, you lack of comprehension. I see…” sabi ni Gray bago pa ako makasagot.

“Gray, stop,” pagod ko nang sabi. Nakita ko kasi na mas dumodoble lang ang galit sa mga mata ni Ace kapag nagsasalita s’ya.

“What?” Napatingin pa sa ’kin si Gray na natatawa. “It’s not my fault if he can’t understand. Common sense na lang. Sinabi ko nang girlfriend kita, itatanong pa kung sino ako?”

“Ace,” tawag ko kay Ace. He was already glaring at Gray who was just looking at him with a smirk on his lips. I was so sure he was about to punch him. “Ace…”

He looked at me. His chest was heaving up and down. Alam kong pinipigilan n’ya na lang ang galit n’ya.

“Saka na lang tayo mag-usap,” sabi ko at nakita ko na agad ang pagtutol sa mukha n’ya. “Marami akong gustong sabihin sa ’yo… Pero hindi muna ngayon.”

“Are you telling me to leave?” halos hindi makapaniwala n’yang tanong.

I heard Gray whistled. “So you can comprehend,” he mumbled. Narinig ’yon ni Ace kaya nagsalita agad ako.

“I’ll call you,” I said. Ace looked back at me. “But for now… please, leave.”

Ace just stared at me. Wala s’yang sinabing kahit ano pagkatapos noon at nanatili lang na nakatitig sa akin. Halata sa kanya na ayaw n’yang umalis. Gusto n’yang gawin ko ang sinabi n’ya kanina. Na mag-impake ako dahil magkasama kaming babalik sa Manila.

Binubuo ko na sa isip ko kung anong sasabihin sa kanya sakaling magpumilit s’ya. I knew him. Kabisado ko na ang ilang ekspresyon na pinapakita n’ya at sa nakikita ko ngayon, alam kong tatanggi s’ya sa sinabi ko. Lalo pa kung iiwanan n’ya ako sa isang lalaki. Someone he knew that is my boyfriend. Ayaw na ayaw n’ya pa naman na may lumalapit o may kinakausap akong ibang lalaki, lalo na kapag hindi n’ya kilala.

Ace glanced at Gray. Gray looked back at him, parang inaabangan kung anong susunod n’yang gagawin. I was so sure that Ace would tell him to leave, na si Gray na lang ang umalis kaysa sa kanya. That is how he always is. He wants things to go the way he wanted.

Kaya naman nagulat ako nang bumuntong-hininga s’ya bago tumingin ulit sa akin. His shoulders easing a bit but the tension was still there. Pero hindi na ganoong kagrabe katulad kanina nu’ng halata pa ang galit sa kanya.

“Okay…” sabi n’yang mas ikinagulat ko pa. “I’ll leave… for now. But I won’t go back to Manila. Mag-uusap pa tayo.”

Nakahinga ako nang maluwag. Ang akala ko ay mahihirapan pa ako sa pagpapaalis sa kanya. Which is unfair to him dahil kami naman ang nag-uusap bago dumating si Gray. But we wouldn’t be able to talk properly now that Gray is here. He knew it. And he also knew that Gray just won’t leave.

Tumango ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na pumayag s’yang umalis ngayon.

“Tatawagan na lang kita,” I said.

Ilang sandaling tumitig lang sa ’kin si Ace bago sinulyapan si Gray. Gray just raised an eyebrow at him. He was smirking, parang nang-aasar. But I was glad when Ace didn’t pay him any attention and looked at me instead.

“I’ll wait for your call.”

Tumango ako at naglakad papunta sa pinto para sana ihatid s’ya hanggang pintuan lang. Mabuti na lang at hindi na n’ya ipinilit ang gusto n’ya. Kanina pa kasi nananakit ang ulo ko at nararamdaman ko na ang pagod. At least, hindi ko muna kailangan problemahin si Ace sa ngayon.

I was about to reach the doorknob so I could open the door. Ramdam ko ring nasa likuran ko lang si Ace. Nakikita ko ang anino n’ya sa pintuan. But before I could turn the doorknob, Gray spoke again.

“See? You’re just a nobody even for her. No one needs you here.”

I caught a flash of anger in Ace’s eyes when I turned around. Pero nahuli ako dahil tumalikod din agad si Ace at malalaki ang mga hakbang na nilapitan si Gray. Ace grabbed him by the collar and pulled him up. Napatayo si Gray pero hindi naman lumaban at nginisian lang si Ace.

“Ace!” sigaw ko bago lumapit sa kanilang dalawa at sinubukan silang paghiwalayin.

Bad decision. Para ko lang sinusubukang itulak ang dalawang matitibay na pader. Hindi man lang sila gumalaw. Sinubukan ko pang sumingit sa gitna nila pero wala talaga.

Shit! Ayos na sana, eh! Ace was willing to leave kahit na sobrang unusual noon sa kilala kong Ace but Gray had to say something kaya naging ganito ang sitwasyon.

“Kanina pa ko nagtitimpi sa ’yong hayop ka,” Ace said, gritting his teeth.

But Gray just chuckled. When I looked at him, I saw that dangerous glint in his eyes again.

“Go on. Give me all you’ve got. Let’s see who’ll end up dead tonight.”

I sucked a breath when a memory flashed on my mind. Iyong eksena na nakita ko kagabi lang, hindi pa yata lumilipas ang bente kwatro oras kaya sobrang linaw pa sa alaala ko.

Gray’s face with a splash of blood. His hands were full of blood. Two unconscious men on his feet and Gray stepping on one of them. The sticky feeling of blood when I held his hand.

Bigla akong nanginig. I was worried that Ace might do something to Gray. Pero maling tao pala ang inaalala ko.

Gray might do something to Ace.

Fighting the fear in my chest, niyakap ko sa bewang si Gray kahit na sobrang hirap na sumiksik sa pagitan nilang dalawa. I pulled him away from Ace with all my might, not stopping until I managed to put distance between them. Nanginginig ang mga kamay kong nakayakap sa bewang n’ya.

“Stop, Gray… Stop,” I said. Rinig ko rin ang panginginig sa boses ko.

“Fucking son of a bitch!” rinig kong mura ni Ace pero tinawanan lang s’ya ni Gray.

“Hey! That’s my mom you’re calling a bitch!”

“Gray!” saway ko at bahagyang lumayo sa kanya para makita ang mukha n’ya. It looked like he was actually enjoying what’s happening kaya alam kong hindi s’ya papaawat. Tumingin na lang ako kay Ace. “Ace, sige na… Please, umalis ka na.”

Halatang pinipigilan ni Ace ang galit n’ya nang sulyapan n’ya ako. All those years I’ve known him, hindi ko pa s’ya nakikitang ganitong kagalit. Hindi ko pa rin s’ya nakikitang nakipag-away kaya may kaunting pag-asa pa sa dibdib ko na mapipigilan n’ya ang galit.

Ace was just looking at me as he tried to catch his breath, calming himself. Taas-baba ang dibdib n’ya sa sobrang lalim ng hinuhugot n’yang paghinga. Nakikita ko na nahihirapan s’yang kontrolin ang galit n’ya. Nararamdaman ko rin na nag-iinit na ang dalawang mata ko at alam kong nakikita iyon ni Ace. And for some reason, he managed to control his anger.

“I will leave for you, Rey. Hindi dahil sa gagong ’yan.” Itinuro n’ya pa si Gray at naramdaman ko ang pag-alog ng katawan ni Gray nang mahina s’yang tumawa. “I’ll wait for your call.”

He glared at Gray one last time before he stormed out of the room. Hindi ko na s’ya naihatid sa pintuan dahil nakayakap pa rin ako sa bewang ni Gray sa pag-aalala na baka may sabihin na naman s’ya. Saka ko lang s’ya pinakawalan nang tuluyan nang makalabas si Ace.

I glared at him.

“Gray, ano ba?!” Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. “Bakit kailangan mong gawin ’yon, ha?”

“What? I didn’t do anything.” Umakto pa s’yang parang inosente talaga and that frustrated me even more. Parang bigla yatang bumuhos na lang ang pagod, pag-aalala, inis, at ang kanina ko pang nararamdaman na sakit ng ulo.

“Akala mo hindi ko alam? Halatang inaasar mo s’ya, Gray! Halatang nag-e-enjoy ka kapag nakikita mong naaapektuhan si Ace sa sinasabi mo!”

He shrugged. “Well, he’s stupidly funny.”

“Gray naman!” I combed my hair using my fingers with so much frustration. “I know you are childish sometimes pero ilugar mo naman! Hindi ganyan ang Gray na kilala ko!”

He tsked. Nawala na ang nakita kong pagkatuwa sa mga mata n’ya kanina. Napalitan na iyon ng inis.

Bumuntong-hininga ako. Naiinis na s’ya at ayokong magtalo kami. Kaya sinubukan ko na lang na pigilan ang inis ko.

“What is your problem?” tanong ko. “Dumating lang ang kuya mo, nagkaganyan ka na.”

“Shut up,” he hissed.

“I talked to him, Gray. Kanina. Bago ako umuwi.”

He glared at me. Masamang-masama ang tingin n’ya sa akin. There was a look of betrayal in his eyes. Pero hindi ako nag-iwas ng tingin sa kanya at tumitig pa pabalik.

“Gusto n’ya lang malaman kung okay ka,” mahinahon kong sabi pero nadadagdagan lang ang galit sa mga mata n’ya. “He wanted to know ’cause he’s your brother.”

“You don’t have the fucking right to do that.”

It stings. Isa ito sa dahilan kung bakit ayokong mangialam. Takot akong marinig mula sa kanya na wala akong karapatan sa parteng ’yon ng buhay n’ya. Takot akong marinig ang mga sasabihin n’ya.

I swallowed the lump in my throat. Huminga ako nang malalim at hindi na lang pinansin ang sakit.

“Girlfriend mo ko, Gray,” I said, controlling my voice. “And your brother almost begged me. Hindi ko kayang tanggihan ang kapatid mo.”

“Shut up,” he said with gritted teeth.“

“Sinabi ko lang na ayos ka, Gray. Wala nang—”

“I said shut up,” may kalakasan nang sabi n’ya.

“Gray—”

“Gray! Gray! Gray! Gray!” He shouted and glared at me. His jaw was clenching. “Naiirita na ko sa katatawag mo sa ’kin sa pangalang ’yan!”

I frowned. Hindi maintindihan na iyon pala ang kinagagalit n’ya.

“What? Gray—”

I yelped when he suddenly grabbed my wrist and pushed me until I was sitting on the sofa. Nanlaki ang mga mata ko sa bilis ng nangyari. Namalayan ko na lang na nakaupo na ako sa sofa at nakatingala sa kanya. He was towering over me. His right knee was on the sofa on my left side habang ang kaliwa n’yang paa at nakatapak pa sa sahig. My legs were in between his thighs. It was like his caging my body while I was sitting on the sofa and he was leaning over me. Hawak pa rin n’ya ang kaliwang pulsuhan ko habang ang isang kamay n’ya ay nakatukod sa headrest ng sofa.

He was looking down at me. Ang ilang hibla ay nahulog sa pagkakaayos ng buhok n’ya. I saw that dangerous glint in his eyes again as he stared at me. Hindi ko magawang alisin ang paningin ko sa kanya. It was like I was being sucked in and I have no chance to escape the rage in his eyes. Hindi ko rin naman magagawang makawala sa kanya dahil sa posisyon namin ngayon.

“Stop. Calling. Me. Gray,” he said, hissing with every word. “That’s not my name.”

My eyes widened. Nahigit ko pa ang paghinga ko. Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawang mga mata n’ya at may parte sa akin ang naiintindihan kung anong sinasabi n’ya.

The look in his eyes was nothing like Gray’s. Simula pa nang pagbuksan ko s’ya nang pinto kanina.

He smirked when he saw my reaction. Binitiwan n’ya ang pulsuhan ko and my hand just helplessly fell down my side. Hindi ako makagalaw at nakatitig lang sa kanya.

His right hand cupped my face. His hold was in between of harsh and gentle. Ang mga daliri n’ya ay bahagyang bumabaon sa gilid ng leeg ko while his thumb was caressing my left cheek.

“Yes, love… Gray is not my name,” he said.

Napaawang ang mga labi ko sa kumpirmasyong ’yon. I saw his gray eyes traveled down my lips. Mas napangisi pa s’ya and I felt his thumb now caressing my lower lip. My breathing hitched and my lips quivered with his touch. Napahawak pa ako sa mga braso n’ya dahil pakiramdam ko ay nawawalan ako ng lakas.

“Look at me,” he ordered.

Ginawa ko ang gusto n’ya. He let out a low chuckle with my obedience. Hindi ko na magawang makapagsalita dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Nagtatayuan na rin ang balahibo ko sa katawan.

He stared hard back at me.

“You’re right. I’m not the Gray that you know ’cause I’m not him,” he said. “ So, I don’t want you calling me by that name when you’re around me, hm?“

He sounded so dominant. Na para bang may mangyayari sa ’king masama kapag hindi ko sinunod ang gusto n’ya. And the look in his eyes tells me that I shouldn’t piss him off.

Marahan akong tumango. Pero hindi yata s’ya kuntento doon. He looked at me with so much seriousness in his eyes.

“C’mon… say it. I want to hear it,” he demanded.

I tried to say something but I just choke on my words. He looked like he was enjoying my struggles. Hindi pa ako makapag-concentrate dahil patuloy n’ya pa ring hinahaplos ang labi ko.

“Put these sexy lips in a good use,” he said. “Say that you won’t call me by that name again.”

“Y-yes…” mahina kong sabi.

“Yes what?”

“I won’t call you by that name again.”

His lips broke into a smirk again. He seemed satisfied with my answer. Ganoon rin ang nakikita ko sa mga mata n’ya.

I thought that he’s finally going to release me pero nagulat ako nang unti-unti s’yang lumapit pa sa ’kin. I sucked in my breath. Pumuno ang amoy ng pabango n’ya sa ilong ko. And even his scent was so different from the scent I usually smell from Gray.

This one smells danger. Mas matapang ang amoy, like I was inhaling something and it burns in my chest and stayed there.

Gray’s scent reminds me of a forest after a rainfall while this one… this one reminds me of the smell of a burning forest and I was in the middle of it with no chance of going out alive.

His lips found my ear. Narinig ko pa ang pagngisi n’ya bago bumulong.

“Good girl.” He even left a kiss on my temple before he stood up.

Kahit nang tumayo s’ya ay nakatitig pa rin s’ya sa akin. Inayos n’ya ang shirt n’yang nagulo sa paghablot ni Ace kanila. He brushed his hair upward using his fingers. Bumalik sa pagkakaayos ang buhok n’ya.

He chuckled when he saw me not moving an inch and was just staring at him.

“I’ll hold on to that promise, Reyziel,” he said before he started walking towards the door and left.

Nakaalis na s’ya pero hindi pa rin ako makagalaw. Sa tingin ko ay hindi pa naa-absorb ng utak ko ang mga nangyari. I just laid there, replaying all that happened in my mind. Then all of my emotions finally kicked in.

Exhaustion, anger, worry, and fear…

I closed my eyes and I felt hot tears streaming down my face.

Chapter 32

Nakatulugan ko ang pag-iyak. Nalito pa ako sa paggising ko na ang sala ang nabungaran ko. Nakatulog pala ako sa sofa. I remember lying down here last night, feeling exhausted. I must’ve fallen asleep after that.

Bumangon ako at umupo para alisin ang antok sa diwa ko. I looked at the wall clock. It was already eight in the morning. Kapag hindi pa ako kumilos ay male-late ako sa shift ko.

Sighing, I stood up to start getting for work. Nagdalawang-isip pa ako kung kakain pa ba ako o hindi. I’m not hungry and don’t have the energy to cook or prepare breakfast.

Pagod na pagod ako kagabi kaya rin siguro nakatulog na ako sa sofa. Pero hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang pagod. But not as exhausted as yestesday. Kahit papaano, bumalik ang lakas ko nang makatulog ako.

And more importantly, my headache is gone. Ayoko pa naman talaga kapag sumasakit ang ulo ko. Nahihirapan akong kumilos.

I took a bath. Habang nagbibihis ako ay narinig ko ang pagtunog ng phone ko para sa isang tawag. Saka ko lang naalala na buong araw ko nga palang hindi hawak ang phone ko kahapon. Hinanap ko iyon at nakita na nasa ibabaw lang ng kama. I took it and checked who the caller was.

It was Larissa. Sasagutin ko na sana ang tawag pero biglang tumigil sa pagtunog ang phone ko. Saka ko lang nakita kung nakakailang tawag na ang kapatid ko. Twenty-seven missed calls. Tatawagan ko na sana s’ya pabalik pero biglang namatay ang phone.

Dead batt.

I checked the clock. Wala na akong oras para mag-charge pa ng phone kaya hinanap ko na lang ang charger at napagdesisyunan na sa clinic na lang ako magcha-charge. I put it in my bag and decided to go to work.

Napatigil pa ako sa harap ng apartment ni Gray nang mai-lock ko na ang pinto. I stared at it. Hindi ko alam kung nasa loob ba s’ya. Pero pakiramdam ko… wala

It feels like it has been so long since we have our last meal together. It’s been so long since he last slept in my apartment. The warmth he left on my sofa was long gone now. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, pakiramdam ko, hindi talaga nangyari ang magagandang bagay na ’yon.

I sighed. Dumaan muna ako sa pinaglibingan kay Lilac. Kahit iyon ay hindi ko rin mapaniwalaan. Kung hindi lang sa lupang mukhang hinukay at sa maliit na kahoy na krus na nakatayo roon na ginawa pa ni Mang Gener, iisipin ko ring hindi talaga namatay si Lilac.

My first ever pet was gone.

There was a hollow in my chest when I got to work but I still tried to smile with the hospital staffs. Pero nang makapasok na ako sa clinic ay nawala ang ngiting iyon sa labi ko. Hindi ko rin alam kung nakailang beses na akong napabuntong-hininga. I was hoping it will help me take out of whatever I was feeling.

Tinawagan ko agad si Larissa nang magkaroon na ng sapat na battery charge ang phone ko. I wanted to talk to her. Baka sakali ring gumaan kahit papaano ang nararamdaman ko.

“Ate!” bungad agad ni Larissa pagkasagot sa tawag ko. Medyo pasigaw pa nga kaya nailayo ko muna ang phone sa tenga ko. “Mabuti naman at tumawag ka na! Nakailang tawag ako sa ’yo kahapon tapos patay na ang phone mo kanina!”

“Sorry, na-dead batt ako kanina,” I said. Hindi ko na ipinaliwanag kung bakit hindi ko nasagot ang tawag n’ya kahapon. “Bakit nga pala tawag ka nang tawag?”

“Si Sir Ace, ate! Alam na n’yang nasa Negros ka! Papunta na nga d’yan!”

I sighed. Of course, she would tell me about this. Larissa never voiced out her dislike with Ace when I was still in Manila. Nagsimula lang noong nag-offer sa akin si Doc Evelyn na magtrabaho dito sa Negros. Kaya naman alam kong mag-aalala s’ya na alam na ni Ace na nandito ako.

So this is why she’s been calling me. Kinabahan pa naman ako kanina. Naisip ko na may nangyari kay Mama o hindi kaya ay sa kanya kaya ganoon na lang karami ang missed calls n’ya.

“Nagkita na kami kagabi, Larissa,” I said.

Ilang sandali s’yang natahimik sa kabilang linya. Hinayaan ko lang s’ya. Alam ko kasing nagulat s’ya. She called to warn me that Ace would be here, looking for me. Hindi n’ya siguro inaasahan na ganoon akong kabilis mahahanap ni Ace.

Hindi na rin naman ako nagulat. He could just go here in the hospital and asked for my papers. Ibibigay naman ’yon sa kanya. They knew that he is the son of the Callistos and the heir of the hospital.

“Okay ka lang ba, ate?” Rinig ko ang pag-aalala sa boses n’ya.

“Oo naman. Umalis naman s’ya kaagad. Pero plano ko s’yang kausapin mamaya.”

“Hindi ka pinauwi dito?”

“Pinauwi. Pero susubukan kong ipaliwanag sa kanya lahat,” I said. “Don’t worry about me.”

“Hindi ko lang maiwasan, ate. Sinusunod mo kasi lahat ng sinasabi ni Sir Ace. Alam ko naman kung bakit hindi ka makatanggi pero, ate… Hindi mo naman kailangang sundin lahat.”

“I know…” tahimik kong sabi. “Don’t worry. Kakausapin ko s’ya mamaya.”

Ilang sandali pa kaming nagkausap bago namin tinapos ang tawag. Talking with my sister helped me a lot. Maayos kong nagawa ang trabaho ko nang walang ibang iniisip kundi ang pakikipag-usap ko sa kanya.

I never let my mind drift. Alam ko kasi kung saan lang mapupunta ang isip ko. I don’t want to think about it for now. Ang gusto ko, maayos muna ang tungkol kay Ace. Kailangan ko s’yang mapabalik sa Manila.

Kanina ko pa t-in-ext si Ace na pwede na kaming mag-usap pagkatapos ng shift ko. Ang una n’yang plano ay mag-usap kami sa isang coffee shop, iyong walang masyadong tao. Pero tumanggi ako. The place was still too public for me. I want somewhere where we could talk more privately in case Ace might get too… controlling. Baka makakuha pa kami ng atensyon.

I want this to be done today. Plano kong kumbinsihin si Ace na bumalik sa Manila and the last thing I want was for us to grab attention while I was convincing him.

I suggested we should just talk in my apartment. I don’t think Gray was in his apartment. Nang makauwi nga ako at sinubukang kumatok sa apartment n’ya, walang Gray na sumagot. And when I went in just to check on him, I didn’t find him inside.

Where is he this time?

Half an hour since I got home when Ace arrived. He looked around the moment he went in. I was so sure that he might comment something about Gray not being here but he looked at me and raised an eyebrow instead.

“Nakapag-impake ka na ba?”

Hindi ko s’ya sinagot at tinitigan lang s’ya. I was trying to weigh his mood. But just before, kapag ganito ang ekspresyon n’ya, alam kong inaasahan n’yang susundin ko ang sasabihin n’ya.

But I already told myself I won’t go back with him. Mom is getting better. Nagkakaroon na s’ya ng improvement at ayokong matigil iyon. Ayokong baliin ang usapan namin ni Doc Evelyn.

Isa pa, I don’t want to leave Gray… I love him and I want to help him. I want him to be happy.

Ayokong s’yang pabayaan. I don’t want him to feel alone again. Ayokong isipin n’yang mag-isa na naman n’yang haharapin ang lahat. He was suffering, alone. Mas pinili n’ya ang lumayo kaysa sa idamay ang mga tao sa paligid n’ya. I think that’s also why he’s been hiding. He doesn’t want to burden his brother. He’s guilty to whatever he did to him.

“Hindi ako nag-impake, Ace,” I said. “I’m not going back.”

Nangunot ang noo n’ya.

“What? Hindi ka na babalik sa Manila?”

“Babalik pa… Pero hindi pa ngayon, Ace. Not anytime soon. So you have to go back to Manila alone.”

Hindi makapaniwalang napatingin s’ya sa akin. He didn’t say anything. Nakatitig lang s’ya sa akin na para bang pilit n’yang iniintindi ang pagtanggi ko. He wasn’t used of this. Lahat ng mga sinabi n’ya ay sinunod ko kaya naman nakakagulat ito para sa kanya.

“Doc Evelyn and I have a deal, Ace. We made a deal. Magtatrabaho ako sa branch ng hospital n’yo dito sa Negros kapalit ng ililipat n’ya si Mama sa mas magandang institution. Doon, mas matututukan s’ya. And my mom has made a great improvement ever since, Ace. Ayokong maputol ’yon.”

“Then I’ll just talk to mom. You don’t have to work here just for that.”

“I have to. It was part of the deal we made.”

Napatitig lang ulit sa akin si Ace. There was this stubbornness in his eyes. Alam kong ipipilit n’ya pa rin ang gusto n’ya. Hindi ko rin naman inaasahan na magiging madali ang pag-uusap namin.

“Where’s your room?” he asked. Nang hindi ako sumagot ay naglakad s’ya papaunta sa kwarto ko. “I’ll pack your things. We’re going home.”

“Ace!” tawag ko sa kanya at napatayo na sa sofa.

I walked towards him and held his arm. Pinigilan ko s’ya sa paglapit sa kwarto ko. He was only a few steps away but I pulled him back like my life was depended on it.

“Ace, no! Ano ba?!”

Tumigil s’ya at lumingon sa akin. Nakita ko ang inis sa mga mata n’ya. Pero nagsisimula na rin akong mainis at hindi ko alam kung magiging maayos pa ba ang pag-uusap namin.

“We are going back, Rey! Babalik tayo sa Manila,” mariin ang pagkakasabi n’ya.

“No! You have to stop! Hindi ito ang gusto ko!”

Napatigil s’ya. Magkasalubong ang mga kilay n’ya na para bang mas lalo pang naguluhan sa sinabi ko.

“You don’t want to go back? What about your family? Don’t you want to see them?”

Nanghihina akong napabuntong-hininga. Ang kamay kong nakahawak sa braso n’ya ay bumagsak sa gilid ko. 

“Of course, I want to see them. But that’s not the point, Ace…”

“What do you mean ‘that’s not the point?’ We could just go back, Rey!”

“May deal kami ni Doc Evelyn—”

“Then, I’ll just talk to her!”

“No, Ace!” Nakasigaw na ako. “You don’t understand!”

“Ikaw ang hindi nakakaintindi, Rey—”

“I want you to stop telling me what to do!”

Hinihingal ako pagkatapos sabihin iyon. Ang lakas din ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Siguro ay dahil sa wakas, nailabas ko rin ang matagal ko nang gustong sabihin sa kanya noon.

Si Ace naman ay napatitig lang sa akin, nakatulala. Bahagya pang nakaawang ang mga labi n’ya. He looked surprised with my sudden outburst.

“You are too controlling, Ace… Too controlling na nakakasakal na.” Pilit kong kinokontrol ang boses ko. “You’re always telling me what to do, always telling me what to wear, always telling me whom I should talk to… Nakakapagod nang maging robot mo, Ace…”

Mas mukha s’yang nagulat ngayon. Ilang beses bumuka ang bibig n’ya pero isinasara n’ya rin. Mukhang hindi n’ya alam kung anong sasabihin.

“I’m not… I don’t…”

Hinintay kong tapusin n’ya ang sasabihin n’ya pero wala na s’yang idinugtong. Halatang litong-lito s’ya. I never saw him this speechless before.

“It’s okay…” I said. “I understand, Ace. Growing up, your parents gave you everything you want. Pambawi nila sa ’yo dahil pinag-aral ka nila sa ibang bansa and you grew up there alone. Nasanay kang binibigay at nakukuha mo ang lahat ng gusto mo.”

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nanginginig din ang mga kamay ko. I felt my throat constricted, alam kong kaunti na lang ay maiiyak na ako. I should calm down. Kailangan kong masabi kay Ace ang lahat. Ngayong may lakas pa ako ng loob.

“That’s why I understand why you’re being like that, Ace. I totally understand. They gave you everything and you were used to getting everything you want.”

Nararamdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. Gusto yata talagang lumabas ng mga luha ko kahit ano pang pagpipigil ko.

“But, Ace… I’m not a thing. I’m a human. A human with her own decision.” May tumulong luha sa mga mata ko at mabilis ko iyong pinunasan. “You can’t just tell me what to do. You can’t just expect me to do the things you want.”

“Rey…” halos hindi ko na  narinig na bulong n’ya sa pangalan ko.

“Hindi ko gustong magsuot ng mga dress para lang bumagay ako sa circle of friends mo. Para lang maging katulad ako ng mga sopistikadang girlfriend ng mga kaibigan mo.”

I was already sobbing pero wala na akong pakialam. I want to let everything out. Baka sakaling gumaan naman ang pakiramdam ko.

“What I wanted to wear is a pair of jeans and a simple blouse. I wanted to wear comfortable clothes. I wanted to have my own circle of friends where I would feel comfortable by just being me. Iyong hindi ako matatakot kumilos bilang ako… kasi baka makagawa ako ng nakakahiyang bagay at mag-reflect pa ’yon sa ’yo. At ikaw pa ang mapapahiya.”

“It won’t…” sabi ni Ace pero nagpatuloy lang ako sa pagsasalita.

“I wanted to have male friends. I wanted to talk to anyone whom I wanted to talk. ’Yung hindi ako matatakot na baka magalit ka. I wanted to accept patients on my own. Gusto kong gawin ang lahat ng ’yon nang hindi na kailangan pang hingin ang permiso mo, Ace. I wanted to be free… Free from you.”

His jaw clenched. Hindi ko alam kung dahil ba nagagalit s’ya sa akin. But when I saw his struggle to swallow, I knew he’s taking everything I’m saying.

“I’ll be honest with you, Ace…” I looked at him straight in the eye kaya nakita ko ang paghihirap sa mga mata n’ya. “I was actually… grateful that Doc Evelyn offered me to work here in Negros. ’Cause that means that I could finally get away from you. Isa ’yon sa naging rason kung bakit tinanggap ko agad ang deal namin ng Mommy mo. I wanted to get away from you.”

My chest was heaving up and down. Tuloy-tuloy na sa pagbuhos ang mga luha ko. But I’m not sad. Instead, I felt… relief. Gumaan ang pakiramdam ko kahit pa humihikbi na ako at masakit na rin ang dibdib ko.

This has been inside my chest for so many years. Ang akala ko, ayos lang sa akin na sundin ang mga gusto ni Ace. ’Cause he’s the son of the Callistos, ang pamilyang tumulong sa amin ng kapatid ko noong walang-wala kami. Gusto kong bumawi. Kaya lahat ng gusto ni Ace ay sinunod ko.

Whenever he told me to change into a dress when I was wearing pants or jeans, I would just nod and will go back to my room to change. Whenever he gave a hint that he wanted us to get married someday, I would just smile and will not say anything.

Naipon lahat ng mga iyon sa dibdib ko, at ngayon… gumaan na ang pakiramdam ko.

Tinitigan ko si Ace. Nakita ko ang naging epekto sa kanya ng mga huling sinabi ko. He looked hurt but I didn’t let myself feel guilty. For once, I wanted him to know what I really feel.

I was expecting him to get mad at me. Kapag kasama ko s’ya, I was always weighing my words. I didn’t want to upset him. Pero ngayon, hindi ko pinili ang mga sinabi ko.

“This is the second time,” he said after a while.

“What?”

“That you told me what you wanted… The first time was yesterday… when you wanted me to leave.”

I didn’t know that he was aware of that.

“I never had an idea that you felt that way…” mahinang sabi n’ya. “You must’ve felt horrible when you were with me.”

I blinked. Ibang Ace ang nakikita ko ngayon. His shoulders were slumped. Mahina rin ang bawat salitang sinasabi n’ya. Ibang-iba sa kung paano talaga s’ya magsalita.

He was always so sure of what he’s saying, always confident. And that was one of the things I admire about him.

Pero ngayon…

“No, Ace…” I said. “Naiintindihan kita—”

“Stop,” putol n’ya sa sasabihin ko sana. “Don’t try to make me feel any better than this. ’Cause, it won’t work.”

“No. Listen to me,” mariin ang pagkakasabi ko. “I’m not trying to make you feel better. Sinasabi ko lang na naiintindihan kita. Hindi mo rin kailangang isisi sa ’yo ang lahat dahil may kasalanan din naman ako, Ace. Hindi ko rin kasi sinabi sa ’yo ang lahat ng ’to.”

“But I shouldn’t have controlled you, Rey… I should’ve been aware of what you feel.”

“Nasanay kang sinusunod ang mga gusto mo, Ace. That’s why you became… controlling. I should’ve told you what I really feel. That’s on me.”

Mapait s’yang ngumiti sa akin.

“I assume you did what I wanted ‘cause I’m my parents’ son? Hindi ka makatanggi kasi gusto mong makabawi sa mga itinulong nila. And all this time, ang tingin mo lang sa akin ay anak ng mga amo mo.”

“Ace…”

“Did you even treat me as your friend?” kitang-kita ko ang sakit sa mukha n’ya ng itinanong n’ya iyon.

“Of course… Of course, Ace.”

“Do you hate me?”

Mabilis akong umiling.

“No. I don’t hate you. You’re a good man, Ace.”

He’s a good man. Kahit kailan, hindi ako nagalit kay Ace. He was controlling but he’s always there for me. Naalala ko noong tinulungan n’ya ako sa pag-aaral ko. Kahit noong bago pa lang akong nagtatrabaho sa hospital, he helped me adjust with my new life.

“That’s good,” he said and he let out a shaky breath. “That’s good.”

“Please, don’t hate your mom, Ace. She just wanted what’s the best for you. Ginusto ko rin naman ’to.”

Hindi s’ya sumagot at tumango lang. He was just looking at me the whole time and I saw a raw emotion in his eyes. He was hurting, hurting that he knew he was losing something.

“I am thankful to your mom that she gave me this offer. She’s a good person. At maswerte kang s’ya ang ina mo, Ace… Maswerte ka na meron kang mga magulang na handang ibigay ang lahat sa ’yo. Please, don’t take them for granted.”

He nodded. Nginitian ko s’ya.

“And maybe… try to do something for them. They’ll appreciate that.”

“I will, Rey…”

Mas lumawak ang pagkakangiti ko sa kanya. He smiled back pero hindi umabot iyon sa mga mata n’ya.

“I’m sorry, Rey…” he softly said. There was regret in his eyes.

“It’s okay…”

“No, it’ not.” Umangat ang kamay n’ya, parang hahawakan ako pero hindi itinuloy at ibinaba na lang. “I’m sorry for making you feel that way. I’m sorry that you wanted to get away because of me.”

May sasabihin sana ako pero umiling s’ya, pinipigilan akong magsalita. Itinikom ko na lang ang bibig ko at hinayaan s’ya.

“I feel like a jerk,” he said. “Can I even make it up to you?”

“You don’t have to, Ace. Sinabi ko namang naiintindihan kita.”

He gave me a sad smile.

“This is one of the reasons why I like you, Rey… You’re too kind.”

“Nasaktan kita.”

“But I’ve been hurting you. Nang hindi ko alam.” He sighed. “I want to make it up to you, Rey… This time, ’yung gusto mo naman ang susundin ko.”

“Ace—”

“Let me… This will be the last time that I’ll bother you. So tell me what you want.”

I stared at him. His eyes were begging. Parang nagmamakaawang sabihin ko sa kanya ang gusto ko. ’Cause he needs it.

He was hurting. Itinatago n’ya pero alam kong sobra s’yang nasasaktan. He was hurting that he hurt me.

Hindi ko naman s’ya ginustong saktan. I just wanted him to understand everything. But I guess, we couldn’t just avoid it.

“Then…” I pursed my lips. “It might not be good since hindi pa ako nagtatagal na magtrabaho dito but… Can I ask for a one-week leave? I just… I have something to do.”

Gray… I want to help him.

Mabilis na tumango si Ace.

“Of course… Sa tingin ko papayag din naman si mommy. You never used your leave even before, Rey… So for that, I’ll give you a month’s leave with pay.”

Nagulat ako doon at mabilis na umiling.

“What? Isang linggo lang, Ace!”

“A month, Rey… Just let me do this. I promise that this will be the last time. And you need a good rest.”

Aangal pa sana ko pero naisip ko rin, hindi sapat ang isang linggo. I might need a long time for this, even longer that a month. Isa pa, sa tingin ko ay determinado rin si Ace na isang buwan ang ibigay sa akin.

Okay… This will be the last time I’ll let him.

I took a deep breath and nodded.

“Okay. Last time, Ace.”

Mukha namang nakahinga nang maluwag si Ace. He gave me a small smile.

“That man… is he letting you wear comfortable clothes?”

Nagulat ako sa tanong n’ya. Pero maya-maya ay tumango rin ako at napangiti.

“He’s letting me do everything I want. And I’m comfortable with him…”

Napatango-tango s’ya. Then he chuckled softly.

“So I guess, no more free sessions for me, huh?”

“Ace… You can still tell me your problems. We’re friends.”

Napangiti s’ya.

“Thank you… Again, I’m sorry for everything.” He chuckled. “I have to go back. Don’t worry about your mother and your sister. I’ll look out for them.”

Tumango ako. “Take care, Ace.”

“Take care, Rey…”

Isang oras nang makaalis si Ace ay nakaupo pa rin ako sa sofa. I was glad that everything turned out fine. Hindi man naging maganda noong una, but still… naging maayos ang resulta ng pag-uusap namin ni Ace.

He really is a good man. Alam ko naman iyon. Nasanay lang talaga s’yang kontrolado n’ya ang lahat. He just needed someone to tell him that his controlling behavior was too much.

Now, I know he will do something about it.

Kinuha ko ang phone ko at ang calling card na nasa wallet ko pa. I don’t have time to waste. Tinawagan ko kaagad ang numerong nakalagay doon. Nakailang ring lang nang may sumagot sa tawag ko.

“Hello?” Babae ang sumagot.

“Uhm… May I speak with Mr. Hunter Sanford?”

“Who is this?”

“I’m Reyziel. Gray’s—”

“Oh, yes, it’s you!” she squealed. Nagtunog excited ang boses n’ya na kanina lang ay nahimigan ko ng katarayan. “Hunter told me about you! Oh, silly me, where are my manners? I’m Artemis. His wife!”

“Oh…” Napangiti ako. “Hello, Mrs. Sanford. May I speak to your husband?”

“Of course! Oh my gosh. Wait, wait. He’s downstairs, eh. I’ll just—”

Nakarinig ako ng mga kaluskos mula sa kabilang linya. Naghintay lang ako. narinig ko pa ang excited na boses ni Artemis nang sabihin n’ya sa asawa n’ya kung sino ang tumawag. Sunod ko nang narinig ay ang boses ni Hunter.

“Hello? Reyziel?”

“Yes. Uhm…”

“May problema ba? May nangyari ba kay Gray?”

“No,” mabilis kong sabi. Narinig ko kasing ang kaunting panic sa boses n’ya. “Can we… talk in person again? May mga gusto lang akong sabihin… at itanong.”

“Of course. When? Just set a time and date.”

“On Sunday? After lunch. Same place.”

“Alright. See you.”

“See you, Mr. Sanford.”

“Just call me by name, Reyziel. You’re my brother’s girlfriend.”

Napangiti ako doon.

“See you, Hunter.”

Chapter 33

I went to work the next day with a heavy feeling. Hindi kasi umuwi si Gray. Kung pumasok man s’ya sa club, maaabutan n’ya ako bago pa ako pumasok para sa shift ko. Sabay pa nga kaming nakakapag-almusal kahit na kung minsan ay nag-o-overtime pa s’ya.

But I think he didn’t go home. Kahit kahapon. Pumasok ulit kasi ako sa apartment n’ya pero parang walang nagalaw doon. O hindi kaya ay hindi s’ya nagtagal doon.

Where is he now?

Mabuti na lang at nabawasan ang inaalala ko dahil sa naging maayos na pag-uusap namin ni Ace. Sobrang stress at pagod ang naramdaman ko noong nagsabay-sabay halos lahat ng poproblemahin ko.

But for now, I need to worry about Gray.

“Miss Rey?”

Napatingin ako sa tatlong nurse na nandoon sa station. Mukha pa silang nagulat nang makita ako.

“Yes?” I asked. Napatangin ako sa wrist watch ko. I’m fifteen minutes early.

“Ang sabi ni Janina, naka-leave ka raw,” si Brent ang sumagot.

Napakurap-kurap ako, nalilito sa sinabi n’ya. Napatingin din ako kina Mandy at Lana pero mukha rin silang nalilito na nandito ako sa hospital ngayon.

“Miss Rey!” Napalingon ako at nakita si Janina na naglalakad palapit sa akin. “Anong ginagawa mo dito? ’Di ba naka-leave ka?”

“Huh?” Iyon nalang ang nasabi ko sa sobrang kalituhan.

“Naka-leave ka for one month. Effective ngayon,” she said. “Nagulat pa nga ako na biglaan pero ang sabi kasi, si Doc Callisto raw mismo ang nag-approve.”

Oh… Now, I get it. It was Ace. Alam ko naman na pinilit n’ya akong mag-leave for a month kahit isang linggo lang naman ang hinihiling ko. Pero nakakagulat na kagabi lang kami nag-usap at effective na agad ngayon.

Sabagay… Hindi rin naman namin napag-usap kung kailan magsisimula ang leave ko. Mas okay na rin naman sa akin ’to. And Janina is here to take care of things for me.

“Ah… May ibibilin lang sana ako sa ’yo, Janina. Hindi na ako nakapagbilin dahil nga… biglaan ang leave,” ang sabi ko na lang kaysa magpaliwanag pa sa kanila.

“Ano ’yon, Miss Rey?” she asked.

“About sa mga pasyente ko—”

“No worries, Miss Rey!” putol ni Janina sa sasabihin ko sana. “Na-inform ko na sila. Na-move ko na rin ang sessions nila next month.”

“Oh… thank you.”

“Maaasahan si Janina sa trabaho kahit wala sa itsura n’ya, Miss Rey,” biro ni Brent kaya hinampas ni Janina ang braso n’ya. “Uwi ka na, mamsh. Enjoy mo leave mo, dali.”

“Bebe time muna kayo ni James, Miss Rey!” kinikilig na sabi ni Janina.

Natawa ako at ilang sandaling nakipag-usap muna sa kanila bago bumalik na lang sa apartment ko. I checked if Gray was back pero nang pumasok ulit ako sa unit n’ya ay walang pinagbago iyon sa kung paano ko iyon iniwan kanina.

I sighed. I opened the door to my apartment and was even hoping to see Gray inside. Alam n’ya ang passcode sa apartment ko. Pero nang makapasok ako ay walang Gray na naghihintay sa akin.

I’m getting worried. Nakapagpahinga na kaya s’ya? Nakatulog? Kumakain ba s’ya sa tamang oras?

The apartment was so quiet. It feels so empty. Hindi katulad noong nandito pa si Gray… at si Lilac.

I miss those days…

Nagdesisyon na lang akong magluto para sa tanghalian ko. Hindi nga pala ako kumain ng almusal kanina.

I ate alone. Sobrang naninibago ako sa tahimik na paligid. Hindi na ako sanay na walang kasabay kumain lalo na kapag nandito ako sa apartment. Sanay ako na kasabay si Gray while he was sitting on the chair across mine. Then we will talk about random things. Kung saan-saan napupunta ang topic namin hanggang sa hindi ko namamalayan na tapos na pala kaming kumain.

But now… ramdam na ramdam ko ang bagal ng oras. Wala rin akong gana pero pinilit ko ang sarili ko na ubusin ang pagkain na nasa plato. If I want to help Gray, hindi ko rin dapat pabayaan ang sarili ko.

I was done with the chores when my phone rang. Napakunot ang noo ko nang makita na si Larissa ang tumatawag. Umupo muna ako sa sofa bago sagutin ang tawag n’ya.

“Ate, nasa’n ka?” bungad n’ya agad bago pa ako makapagsalita.

Napakunot ang noo ko.

“Nasa apartment ko.”

“Sa Negros?”

Mas lalo akong nalito.

“Saan pa ba?”

“Wow… Hindi ka sinama ni Sir Ace?”

“Huh?”

“Kasi, ate… Nandito na si Sir Ace! Sure pa ko na kapag bumalik s’ya, kasama ka na. Pero nasa Negros ka pa rin!”

“Oh…” Hindi ko alam kung dapat ba akong mainsulto o hindi sa sinabi n’ya. “Nagkausap na kami, Larissa.”

“Iyon nga ang sabi mo, ate. Pero nakakagulat pa rin na nadaan mo s’ya sa mahinahong pag-uusap!”

“Well… Nu’ng una medyo nagkasagutan kami…”

Ikinuwento ko kay Larissa kung anong nangyari sa naging pag-uusap namin ni Ace. Alam ko kasi na hindi n’ya ako titigilan sa mga tanong n’ya kaya minabuti ko na lang na ikuwento sa kanya ng buo. Leaving only those parts na alam kong unnecessary na.

Tahimik lang si Larissa habang nagkukwento ako. Pero kung minsan ay naririnig ko ang mahihinang pagsinghap n’ya lalo na doon sa parteng sinabi ko kay Ace ang lahat ng saloobin ko. Sa tingin ko ay wala talaga sa isip ni Larissa na gagawin ko ’yon. Kaya nga rin siguro nagulat s’ya na mag-isa lang bumalik si Ace sa Manila.

“Hindi nagalit si Sir Ace sa ’yo, ate?” tanong n’ya nang matapos ako.

“Hindi naman nagagalit sa ’kin si Ace.”

“Eh, kasi palagi mo namang sinusunod ang mga gusto n’ya.”

I pouted. Ayoko sanang sumama ang loob ko dahil totoo naman ang sinabi n’ya pero hindi ko lang mapigilan. Parang hindi ko s’ya kapatid, ah?

But then again, Larissa is always blunt.

“Alam ko naman… Kasalanan ko ’yon,” pag-amin ko. “Pero sa tingin ko, hindi naman magagalit sa akin si Ace nang gaya ng iniisip mo.”

“Sabagay…”

Napangiti ako. Alam ko naman na nakikita rin iyon ni Larissa. Mabait si Ace lalo na sa mga kasambahay. Naging malapit s’ya sa amin kahit na noong una ay ilag pa ang ilan sa kanya noong kauuwi pa lang n’ya galing sa ibang bansa. But later on, they saw that Ace is a good man.

“Ano nga pa lang nangyari pagdating ni Ace?” I asked.

“Wala,” sabi ni Larissa na may halong gulat pa. “Ang akala ko pa nga aawayin na naman n’ya si Doc Evelyn dahil pinapunta ka d’yan sa Negros. Pero ’ayun, nag-usap silang dalawa. Tapos normal na ang lahat.”

“Mabait naman kasi talaga si Ace,” sabi kong nangingiti. “Nasanay lang talaga s’yang palagi n’yang nakukuha ang gusto n’ya.”

“Ini-spoil kasi nina Doc Evelyn,” Larissa mumbled.

Natawa ako.

“Well, in their defense, pambawi nila ’yon kay Ace. Dahil nga sa ibang bansa nag-aaral, most of the time, they weren’t there to guide him. Walang nagpapangaral kay Ace kung anong pwede at hindi n’ya pwedeng makuha dahil lahat ng bagay, binibigay sa kanya ng mga magulang n’ya. He grew up thinking that he could get whatever he wanted…” Napabuntong-hininga ako. “I don’t think he even wanted to control me… Or to hurt me by controlling me.”

Hindi ko pa rin makalimutan ang itsura ni Ace nang sabihin ko sa kanya ang lahat ng saloobin ko. He looked surprised, like he didn’t really have any idea that he was controlling me. And he looked really hurt. Sa buong panahong nakasama ko s’ya, noon ko lang nakita ang ganoong emosyon sa mukha n’ya.

“Kawawa naman pala si Sir Ace, ate…” sabi ni Larissa matapos matahimik ng ilang segundo. “Mabait nga s’ya talaga. Palagi ka pa nga n’yang tinutulungan. Kaya nga nagka-crush ka rin sa kanya, eh.”

I smiled.

“No… I just admired him.”

“Pareho na rin ’yon,” giit n’ya. “Okay naman ako kay Sir Ace, ate. Ang ayoko lang ’yung pagiging controlling n’ya sa ’yo. Nakikita ko kasi na hindi maganda ang epekto no’n sa ’yo.”

I smiled softly.

“Don’t worry… I told him what I felt already.”

“Iyon lang pala ang kailangan ni Sir Ace, ate ’no? Kasi ’yung parents n’ya, hindi ’yon sinasabi sa kanya.”

Napatango ako. “Hm.”

Natapos ang tawag namin ni Larissa at natulala na lang ako. I know I wanted to help Gray but I don’t have a plan. I should make a move but I don’t know where to start. Nangangapa lang ako at hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko.

I really should talk to Hunter again. May pakiramdam ako na marami akong malalaman kapag nakipag-usap ako sa kanya. If I wanted to help Gray, I should be open to Hunter. Hindi katulad noon na halos wala akong sinabi sa kanya dahil natatakot pa akong baka magalit sa akin si Gray.

It may look like I am meddling but… Gray isn’t just anybody. He’s the man I love.

Kinakabahan ako. Baka magkamali ako sa mga gagawin ko. Baka imbes na makatulong ay mas lalo lang mapasama si Gray. Baka mas lalo lang lumala ang lahat.

Napasabunot tuloy ako sa buhok ko. I don’t know what to do… Shit. I’m a psychologist but I have no idea what to do!

Natigilan ako. Lumuwag ang pagkakasabunot ko sa buhok ko. Bigla akong may na-realize.

Maybe… Maybe I shouldn’t make a move thinking that I am a psychologist. ’Cause it will just be hard to make sense of everything. Maybe… maybe I should do this as someone who loves Gray. As his girlfriend. As someone who is trying to help and understand him.

Isa pa, I am not his therapist. Walang magiging mali o restriction, at hindi magiging unethical sa pagiging psychologist ko ang pagtulong ko sa kanya.

Naghintay ako hanggang sumapit na ang gabi kung uuwi ba si Gray. Maghapon tuloy akong nakatitig lang sa pintuan ng apartment ko, inaabangan kung magbubukas ba iyon. Alam ko kasi na may pasok s’ya sa club ngayon. Pero hanggang sa gumabi na nga ay nanatili lang nakasarado ang pinto.

Hindi na ko nakatiis at pumunta ulit sa apartment n’ya. But just like earlier, the apartment was empty.

Bumaba ako at saktong nakita ko si Mang Gener na mukhang nagre-ready nang umuwi dahil tapos na ang shift n’ya. Nandoon na rin ang gwardyang papalit sa kanya.

“Mang Gener!” I called him.

Napatigil naman si Mang Gener at napatingin pa sa akin.

“Oh, Ma’am Rey… Good evening ho.”

“Good evening din po,” I greeted. “May itatanong lang po sana ako. Nakita n’yo ba kung umuwi o umalis si Gray?”

Napatingin si Mang Gener sa isa pang gwardya bago umiling sa akin.

“Hindi ko nakita ngayong araw si Sir James, ma’am. Pero kahapon ho, mga bandang gabi, nakita ko s’yang umalis. Hindi ko pa ho nakikitang bumalik,” sabi n’ya at tumingin ulit gwardya.

“Hindi ko rin nakitang bumalik si Sir James,” the other guard said.

I let out a deep sigh. Hindi ko alam kung saan s’ya hahanapin. I tried calling him pero nakapatay naman ang phone n’ya simula pa kagabi.

“Hindi umuwi si Sir James, ma’am?” tanong sa akin ni Mang Gener.

Malungkot akong umiling.

“Hindi ho, eh… May alam po ba kayo kung saan pwedeng magpunta si Gray?”

Napakunot ang noo ni Mang Gener. Parang nag-iisip.

“’Pag mga ganito, ma’am, ang alam ko nandoon lang s’ya sa club kung saan s’ya nagtatrabaho.”

It was my turn to frown. Ang dami kong pwedeng pansinin sa sinabi n’ya pero mas pinansin ko iyong una.

“Anong ibig n’yo pong sabihin sa ‘pag mga ganito?’” I asked.

Napakamot si Mang Gener sa likod ng ulo n’ya.

“Iyong kapag ano, ma’am.” He scratched the back of his head again. “Kapag parang wala sa sarili si Sir James… Hindi ko ma-explain, ma’am.”

“Pa’no pong wala sa sarili?” Nagsisimula na akong kabahan.

“Si Sir James kasi, ma’am… Palagi ’yang nakangiti. Tapos ang bait-bait pa. S’ya pa nga ang unang bumabati sa ’min. Pero minsan, ma’am… hindi n’ya kami pinapansin. Kapag binabati namin, tumatango lang o kaya hindi talaga kami papansinin.”

Napatingin ako sa isa pang gwardya na tumango. Sa palagay ko ay ganoon din ang nararanasan n’ya.

“Ilang beses na hong nangyari ’yon, Mang Gener?”

“Hindi naman madalas, ma’am. Minsan dalawang beses sa isang buwan pero minsan, dalawang buwan bago maulit .”

Napatango-tango ako. So it’s happening even before his brother came here.

Nagpasalamat ako sa kanila at nagdesisyon na pumunta sa Cold Spot. I need to find Gray. Gusto ko s’yang makausap. Kailangan ko s’yang makausap.

Habang nasa byahe ay pinapakalma ko ang sarili ko. Ilang beses akong humugot nang malalalim na paghinga. I was feeling scared pero pinipigilan kong lumala pa ang nararamdaman kong takot.

Sumasagi sa isip ko ang nangyari noong isang araw, noong hindi natuloy ang pag-uusap namin ni Ace. At kapag naaalala ko ’yon, nagsisimulang manginig ang mga kamay ko.

I shut my eyes tight and willed myself to calm down.

Kailangan kong maging malakas… Kung gusto ko talagang matulungan si Gray.

Maingay sa loob ng club at marami na ring tao ang nandoon. It was twenty minutes after midnight. The night was at its peak. Pero pilit ko nang sinisiksik ang sarili ko para makadaan sa dagat ng mga taong ’yon.

I first approached the bar counter. Pero wala si Gray doon. Ibang bartender ang nagse-serve ng mga inumin sa mga customers. Lumapit ako roon at ilang sandaling naghintay. Baka sakaling dumating si Gray.

Ang sabi ni Mang Gener, baka nandito s’ya sa club. If it’s true, Gray should be working now.

“Reyziel?”

That voice was muffled against the loud music and the cheers from the people. Pero narinig ko pa rin ang pagtawag ng kung sino sa pangalan ko. Nilingon ko iyon at nakita si Travis malapit sa akin.

“Travis!” bati kong halos nakasigaw na.

“What are you doing here?” malakas na tanong ni Travis bago luminga sa paligid. Parang may hinahanap.

“Hinahanap ko si Gray— si James. Nakita mo ba s’ya?”

Ilang sandali akong tinitigan ni Travis. Nakikita ko sa kanyang nag-aalangan s’yang sagutin ang tanong ko. Bumalik tuloy ulit ang kaba ko. Ewan ko ba pero may palagay akong hindi ko magugustuhan ang sasabihin n’ya.

“Nandito ba s’ya?” tanong ko ulit kay Travis nang ilang segundo na s’yang hindi sumasagot.

He, then, sighed and nodded.

“Simula pa kagabi.”

“Nasaan s’ya?”

“I’ll bring him home,” he said instead.

“No. Ako na. Nasaan ba s’ya?”

Nakita ko ang paghihirap sa mukha ni Travis.

“Reyziel… I don’t—”

“Nasaan s’ya, Travis?” mariin at malakas nang sabi ko.

Mukhang nakuha ni Travis na hindi na maganda ang mood ko sa hindi n’ya agad pagsagot sa tanong ko. He sighed. May nilingon s’ya sa isang bahagi ng club, doon sa mga tao na nasa iisang couch kaya napatingin rin ako roon.

I saw Gray there. May apat na babae ang kasama n’ya sa couch na iyon. Dalawa ang katabi n’ya sa magkabilang gilid n’ya at ang dalawa naman ay kaharap n’ya.

I felt a pang on my chest. Hindi lang kasi katabi ni Gray ang dalawang babae sa gilid n’ya. Nakaakbay pa s’ya sa mga iyon. They were talking about something and I saw how the girls giggled at whatever he said.

“Kanina ko pa s’ya pinapauwi, but he’s…” Hindi na naituloy ni Travis ang sasabihin n’ya.

I took a deep breath. Sinusubukan kong alisin ang sakit sa dibdib ko. But… it’s hard. Lalo na at kitang-kita ko ang ginagawa ni Gray.

“Ako nang bahala sa kanya,” sabi ko na lang kay Travis. I tried to hide the hurt I was feeling and smiled at him. “Thank you, Travis.”

He just nodded and I looked to where Gray was again. Nag-aalangan akong lumapit. Pakiramdam ko pa nga, napako ang mga paa ko sa sahig.

Hindi rin naman kalayuan ang pwesto ni Gray sa kung nasaan ako. May ilang mga taong dumadaan ang minsang humaharang sa paningin ko pero hindi naalis ang tingin ko kay Gray. I saw clearly how he caressed the women’s shoulders with his fingers. Tumatawa ang mga babae na nakikiliti sa ginagawa n’ya.

I gritted my teeth and balled my fist. May sakit at galit ang namumuo sa dibdib ko. And that anger helped me to finally take a step toward them.

Si Gray ang unang nakapansin sa akin. Ilang hakbang pa nang lumingon s’ya sa akin. Pero imbes na magulat ay ngumisi lang s’ya. Hindi n’ya man lang inalis ang mga braso n’yang nakaakbay sa mga babae at naghintay lang sa paglapit ko.

I stopped in front of them. Ang mga babae ay napatingala sa akin. Mukhang nagtataka kung bakit nandoon ako. I was only wearing my usual clothes. A pair of jeans and a simple blouse. I was feeling so out of place but that was the least of my concern now.

“Ah, here comes my girlfriend,” Gray said, smirking at me. Napatingin sa kanya ang mga babae.

“Your what?” gulat na tanong ng isa sa kanila.

Gray’s chuckle was clear against the loud music. He jerked his head on my way before he bit his lower lip.

“My girlfriend,” he said. “Reyziel.”

“Umuwi na tayo,” I said firmly. Nagpasalamat ako na hindi nanginig ang boses ko kahit na nasa dibdib ko pa rin ang sakit at ang galit na nararamdaman ko.

His smirk widened. Tinitigan n’ya ako. He was looking up at me while I was looking down at him. But it felt like it was the other way around. Pinasadahan n’ya ng tingin ang kabuuan ko bago muling tumitig sa akin.

Ilang beses dumaan ang laser light sa mukha n’ya. But I didn’t look away from him.

It was those eyes again. Those mysterious yet dangerous eyes.

Then, he chuckled. Inalis n’ya ang pagkakaakbay sa dalawang babae bago tumayo at tumabi sa ’kin. Inayos n’ya ang longsleeve polo n’yang nakabukas ang unang dalawang butones. His silver chain necklace was sparkling as the light hit it.

“My girlfriend is here. I have to go,” he said and looked at the girls. “I enjoyed the company.”

“Next time ulit?” tanong ng isa sa kanila bago ako sinamaan ng tingin.

Gray chuckled before he looked at me.

“We’ll see.”

I just threw him a firm look before I turned around and walked towards the exit. Ilang beses akong may nakabangga pero hindi ako tumigil sa paglalakad. Hindi ko alam kung nakasunod ba si Gray sa akin dahil hindi na ako lumingon sa likod ko pero malakas ang pakiramdam kong oo.

Nadaanan namin ang bar counter at nakita ko si Travis doon. He looked at me then his eyes drifted from someone behind me. He looked worried when he looked at me again. Doon ko lang nakumpirma na nakasunod nga sa akin si Gray.

Sa bawat paghakbang ko ay mas lumalala lang ang galit ko. Nararamdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko pero pinigilan ko ang mapaiyak. Ayokong makita ng mga tao ang pag-iyak ko.

Nakalabas na kami pero tuloy-tuloy pa rin ako sa paglalakad. Doon ako sa gilid ng club pumunta, kung saan walang masyadong tao para magpakalma. At para makausap si Gray.

I turned around. Ilang hakbang lang ang layo sa akin ni Gray nang tumigil din s’ya sa paglalakad. He had his hands inside the pocket of his pants. Ang akala ko ay itim na polo ang suot n’ya kanina pero ngayong hindi na masyadong madilim ay nakita kong navy blue pala iyon. The fabric was silk and it has a band collar kaya mas lalo lang bumubuka ang polo n’ya sa bawat paggalaw n’ya at mas nakikita ang dibdib n’ya. His hair was in a brush up style again.

Hindi ito ang suot n’ya kahapon…

Gray tilted his head to the side as he looked at me. He looked like he was waiting for me to do or say something that might fascinate him.

He was enjoying this.

“Ano ’yon?” I asked.

He raised an eyebrow at me.

“The what now?”

“’Yung mga babae kanina. Sino ang mga ’yon?” pigil ang galit sa boses ko.

“Oh! Right.” He chuckled. “I’m sorry if I didn’t introduce them. I kind of forgot.”

“Gray!”

Nawala ang pagkaaliw sa mga mata n’ya. His smirk also fades. He looked dangerously serious now.

“What did I say about not calling me by that name, huh?”

He took a step forward. Nagsimula akong kabahan kaya wala sa sariling napahakbang ako paatras. But he kept on advancing. Patuloy rin ako sa pag-atras hanggang sa maramdaman ko na ang pader sa likod ko.

Gray didn’t stop until he was only a few meters away from me. I could already feel the warmth of his body as his clothes brushed from mine. His frame blocked the street light. Shadow fell on his face and that added to the fear I was already feeling.

“You promised me, right?” he said quietly. “Don’t tell me you already forgot about it.”

Hindi ako nakasagot. My voice drowned, especially when I felt his thumb caressing my lips.

“I told you to make a good use of these fucking lips,” he hissed.

I took a deep shaky breath. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Pakiramdam ko pa nga ay naririnig na n’ya ’yon.

From my lips, his eyes traveled up to my eyes and I think I saw a wicked glint in those orbs that made me tremble.

He smirked when he saw my reaction.

“Then I guess we’ll just have to find another way to make good use of your lips,” he said before he closed our distance.

Chapter 34

Bago pa maglapat ang mga labi namin ay sinubukan ko na agad s’yang itulak. I put my hands on his chest and tried to push him away but he didn’t even bulge. Napatigil lang s’ya sa paglapit sa ’kin at napatingin sa mga kamay kong nakalapat sa dibdib n’ya. Then his gaze went back to my face as his lips curled into a smirk.

Hindi ko alam kung nararamdaman n’ya ang panginginig ng mga kamay ko. But I didn’t look away and even stared back at him. Ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko na kahit ako ay nabibingi na. I was scared but I don’t want him to know that I’m scared. Sa tingin ko kasi ay mas natutuwa lang s’ya roon.

Hindi pa nakatulong ang amoy ng pabango n’ya dahil sa sobrang lapit namin. It was the only thing I could smell. My entire body was so aware of him. Parang pinapaalala sa akin kung sino ba talaga ang kaharap ko ngayon.

“How could I not call you Gray when you didn’t even tell me your name?” tanong ko at dinig na dinig sa boses ko ang panginginig. Pero hindi ko pa rin inalis ang tingin ko sa kanya. “Who are you then?”

He stared hard at me. His eyes squinted a little. Bahagya ring nagsalubong ang mga kilay n’ya. Napansin ko tuloy ang dalawang magkatabing hiwa sa kaliwang kilay n’ya. I always wonder if it was just a style or it was actually scars. Para kasing hindi na tinutubuan ng buhok ang mga hiwang iyon.

He tilted his head to the side and I saw a glimpse of confusion in his eyes. Like he’s confused at something or he was trying to figure me out. Pero nawala rin agad iyon at pinag-isipan ko pa kung nakita ko ba talaga iyon sa mga mata n’ya.

“You believe that I’m not him?” he asked. Nakataas na rin ang isang kilay n’ya.

I looked him straight in the eye.

“I trust Gray.”

He didn’t say anything. He just stared at me. His eyes roamed around my face. Sinusundan ko pa ang paggalaw ng abo n’yang mga mata habang tinitignan n’ya ang bawat parte ng mukha ko na para bang may hinahanap doon at nahihirapan s’yang makita iyon.

Pigil ang hininga ko habang nakatingin lang ako sa kanya, inaabangan ang kung anong susunod n’yang gagawin. I was on guard. Ang mga kamay ko ay nakalapat pa rin sa dibdib n’ya at nararamdaman ko pa ang pagtibok ng puso n’ya sa mga palad ko.

His heart was beating calmly against my palm. Hindi katulad sa akin na para bang katatapos ko lang sa pagtakbo. The wind blew and it ruffled his hair. Ang ilang mga hibla ay kumawala sa pagkakaayos ng buhok n’ya.

When his eyes settled on mine again, he stared at me for a while. He tsked before he finally put a space between us.

Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang humakbang s’ya paatras. Napahawak pa ako sa dibdib ko at nadama ang sobrang bilis at lakas ng tibok ng puso ko. Ilang beses akong kumuha nang malalalim na paghinga para ibalik sa normal na tibok ang puso ko.

I looked at him as he turned around. His back was now facing me. His hand rested on his hips while his other hand brushed his hair. Mas maraming mga hibla tuloy ang kumawala roon.

Looking at his broad back, I know that the body belongs to Gray. But the stance was so different from him. Gray always feels so comfortable… like home. The one I would always hug without any second thought and my mind and body would feel relaxed.

While this one… this one seemed so brutal. Everything about him looked harsh. As if all you would feel when you’re around him is fear.

I saw him fish something inside the pocket of his pants. Dahil nakatalikod s’ya ay hindi ko nakita kung ano iyon. Then I heard a click. Ibinalik n’ya sa bulsa ang kung ano mang iyon.

Then I smelled it again. The scent that was so not Gray but very familiar to me dahil madalas ko iyong naaamoy kay Papa noong bata pa ako at hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan.

Humithit s’ya ulit dahil nakita ko ang usok na ibinuga n’yang dinala ng hangin. I gritted my teeth. May mga alaalang pumasok sa isip ko na nagpasakit sa dibdib ko.

Mabilis akong lumapit kay Gray at hinarap s’ya. Naabutan ko s’yang humihithit ulit ng usok at hindi man lang tumigil kahit nasa harapan na n’ya ako. He was holding the cigarette between his forefinger and his middle finger.

“Itigil mo ’yan,” I said firmly. Nawalan ng silbi ang pagpapakalma ko sa sarili kanina dahil bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.

Sa galit, sa sakit o sa kaba… hindi ko alam.

But he didn’t stop. He puffed a smoke again and my nose was filled with the scent of the cigarette. Nang muli s’yang hihithit ng usok ay pinigilan ko na ang kamay n’yang may hawak ng sigarilyo.

“Stop!” pigil ko sa kanya.

“What? You prefer me vaping?”

Dadalhin na n’ya sana ulit ang sigarilyo sa bibig n’ya pero pinigilan ko ang kamay n’ya. Nagtaas s’ya ng isang kilay sa akin. It was like he’s challenging me if I could really stop him or not.

Kapag nakakakita ako ng sigarilyo o nakakaamoy ng usok ng sigarilyo, palagi kong naaalala si Papa. Isa ang paninigarilyo sa naging bisyo n’ya bukod pa sa alak at droga. Naaalala ko iyong mga panahon na pumupuno ang amoy ng usok ng sigarilyo sa buong bahay namin. At si Mama naman, papalabasin n’ya muna kami hanggang sa maubos ni Papa ang sigarilyo n’ya at mawala ang amoy noon sa bahay.

I hate seeing Gray… smoking. I don’t want him to smoke.

Sinubukan n’ya ulit dalhin iyon sa bibig n’ya pero mariin ang pagkakahawak ko sa pulsuhan n’ya. Mukha s’yang nainis sa pagpigil ko. He looked at me, coldly, before he tried to take his hand back but when I didn’t let him, he made a drastic move.

Nagulat na lang ako na nakasandal na pala ulit ako sa dingding. He was pinning me. His right thigh was in between my legs, preventing me from moving. Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya habang seryoso at malamig ang mga mata n’yang nakatingin sa akin.

“I’ll tell you my name… but on one condition,” he said quietly. Ang amoy ng sigarilyo ay humahalo sa pabango n’ya.

I feel suffocated. Hindi ako makahinga. Hindi ako makagalaw. Ang lapit-lapit n’ya at ang katawan n’ya ay halos lumapat na sa akin. Everytime I try to move, he will just tighten his hold. His lips turned into a smirk when he saw the fear in my eyes.

“Part your lips and I’ll tell you my name,” he said.

“What?” I asked breathlessly.

“Part your lips and I’ll tell you my name,” ulit n’ya bago muling kumuha ng usok sa sigarilyo.

I just watched him puff a cloud of smoke from his cigarette. Then his head dipped, his face inching closer and closer hanggang sa halos gahibla na lang ang distansya ng labi n’ya sa akin. His mouth was hovering over mine, waiting for me to part my lips.

He waited. Halos hindi na ako humihinga habang s’ya ay naghihintay lang. I pursed my lips, not having any plan to do what he said, before I looked away from him. Itinagilid ko ang ulo ko at naramdaman ko pa ang pagdaplis ng mga labi n’ya sa pisngi ko. I almost shivered with the sensation.

I heard him let out a low chuckle. May ilang usok na lumabas mula sa bibig n’ya dahil doon. Then he looked to the side, opposite to where I was looking before I heard him puff out the smoke. Kahit dinala ng hangin ang usok palayo ay naamoy ko pa rin iyon.

“You bore me,” I heard him whisper to my ears before he stepped away.

I gritted my teeth. Tumayo ako ng deretso at tumingin sa kanya. Pinipigilan ko ang pagbaha ng emosyon sa dibdib ko kahit na kaninang-kanina pa gustong may kumawala roon. Hirap na hirap akong gawin iyon pero kailangan kaya hindi ako nagpatalo.

It’s okay… Everything will be alright. I just have to endure this for now.

Ganoon naman, ’di ba? Most of the time, you have to work hard. You have to endure the pain while on the journey of reaching what you wanted the most. Naniniwala ako roon. Kaya nga hindi ko sinukuan si Mama. And now… I could see the light at the end of that dark tunnel.

Kaya hindi ko rin susukuan si Gray.

“Umuwi na tayo,” sabi ko sa kontroladong boses.

He didn’t say anything. He had his hands inside the side pockets of his pants, casually looking at me. Pero sa itsura n’ya ay parang naghahamon kung ano bang gagawin ko para lang gawin n’ya ang gusto ko. Hindi ako nagbawi ng tingin sa kanya.

“Hindi ako titigil hangga’t hindi ka sumasama sa ’kin pauwi,” I said. “Susundan kita sa loob ng club kung sakaling bumalik ka. And if you try to flirt with some girls again, I swear, kakaladkarin kita palabas. Magpapatulong ako kay Travis kung kinakailangan.”

I noticed his lips twitched. I saw a glimpse of amusement in his eyes pero nawala iyon nang tumalikod s’ya. Nagsimula s’yang maglakad palayo. Hahabol na sana ako nang muli s’yang lumingon sa akin.

“I thought you wanted us to go home?”

Nagulat ako. Hindi ko akalain na ganoong kadali ko lang s’yang mapapapayag na umuwi. Ang akala ko ay kailangan ko pa talaga s’yang hilahin na alam kong hindi naman ako mananalo sa kanya pero susubukan ko pa rin.

Napangiti ako. He exhaled harshly before he tsked. Nang maglakad ulit s’ya ay humabol na ako sa kanya.

“’Ayun! May taxi!” Tinuro ko pa sa kanya ang taxi na nakaparada lang sa labas ng Cold Spot.

“I brought my car,” he said.

Hindi na ako nagsalita. Sinundan ko lang s’ya papunta sa basement parking. Bigla akong pinagpawisan habang naglalakad kami. I tried to stop my hands from trembling when I remember what happened here before.

It’s okay… It’s okay. He will not hurt me.

Naaalala ko nang makita ko si Gray sa kalagayan na ’yon. He was so confused to where he got the blood in him. Nakita ko rin ang takot sa mukha n’ya nang akalain n’yang nasaktan n’ya ako.

Yes… He won’t hurt me.

Nakarating kami sa kotse n’ya at saka lang ako nakahinga nang maluwag. He unlocked the car and opened the door for me. Nang mapatingin ako sa kanya, he looked like he’s in a bad mood.

Pinanood ko s’yang umikot habang kinakabit ko ang seatbelt ko. He tsked when he went inside the car.

“Fucking shitty car,” I heard him muttered as he turned the engine on. “He has a lot of money yet he’s not buying a good car!”

Hindi ako nagsalita. Wala nang nagsalita sa amin hanggang sa makalabas ang sasakyan sa basement parking. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Ibang-iba ang pakiramdam ko ngayon kaysa dati kapag nasa loob ako ng sasakyan ni Gray at nagmamaneho s’ya.

I was so comfortable back then. Nakakatulog pa nga ako noon. Pero ngayon, all my senses were heightened up. I couldn’t relax even for a second.

Napatingin ako sa katabi ko nang buksan n’ya ang bintana sa banda n’ya. He was holding a cigarette in his left hand. Inilabas n’ya sa bintana ang kamay n’yang may hawak ng sigarilyo matapos humithit ng usok.

“Stop smoking,” hindi na nakatiis na sabi ko.

He glanced at me. Ibinalik n’ya ang tingin sa kalsada bago inilabas ang usok sa bibig n’ya.

“Don’t order me around.”

“Pero sumama ka naman sa ’kin pauwi ngayon.

He chuckled before he puffed on his cigarette again. He smirked when he looked at me.

“Just one at a time, lady.” He let out the smoke in his mouth. “Besides, I’m the one who’s behind the wheels. Ikaw ang sumama sa akin.”

I frowned at him which turned into a glare when he tried to smoke again. Hindi naman s’ya natinag at sa mga kilos n’ya ay para pa ngang wala s’yang kasama sa sasakyan. Napabuntong-hininga na lang ako at hinayaan s’ya. I rolled down the window to my side so I could breathe fresh air.

Nang makarating kami sa apartment building ay siniguro kong nakasunod s’ya sa akin. Pinapauna ko pa nga s’ya sa paglalakad. Baka kasi paglingon ko sa likod, bigla s’yang mawala at tumakas na pala.

“Kumain ka na ba?” tanong ko nang makarating sa floor namin ang elevator at lumabas kami doon.

Nauna s’yang naglakad palabas at nakasunod lang ako sa kanya. Hinintay ko s’yang sagutin ang tanong ko. Saka lang s’ya humarap sa ’kin nang nasa tapat na s’ya ng unit n’ya.

“You should eat on time,” sabi ko dahil tinitigan n’ya lang ako.

He tsked. He looked like he was at his limit with me tonight.

“Hanggang dito ba naman maririnig ko ’yan?” Halata ang inis sa boses n’ya. “Don’t worry. He’s making sure that we’re eating on time.”

I don’t know who’s he’s talking about but I’m thankful for him.

Napatango ako. “You should rest.”

He scoffed. “I told you. Do not order me around.”

Tumalikod na s’ya at pinanood ko lang s’yang buksan ang pinto hanggang sa makapasok s’ya sa loob. He shut the door at me. Ilang sandali akong nakatingin lang sa nakasaradong pintuan ng unit n’ya bago ako nagdesisyon na pumasok na rin sa sariling apartment ko.

Napasandal ako sa pintuan nang maisarado ko na iyon. It was dark but I didn’t turn on the lights. Nakakabingi ang katahimikan kaya rinig na rinig ko ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko.

I took a deep breath and sighed, hoping that it would calm me. Pero trinaydor ako ng sarili kong katawan. Bigla ang pagbaha ng mga emosyon na pinipigilan kong maramdaman lang kanina.

Napahawak ako sa dibdib ko nang sumakit iyon. Muli akong humugot nang malalim na paghinga pero mas lalo lang yatang sumakit ang puso ko sa ginawa ko. My throat constricted. Naramdaman ko na rin ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko.

No… no. Huwag muna.

Pero kahit anong pagpipigil ko ay nag-uunahang sa pagtulo ang mga luha ko. Hindi ko na kinaya at napahikbi ako. Nagtunog malakas iyon dahil sa sobrang tahimik ng paligid. Kaya tinakpan ko ang buong mukha ko gamit ang mga palad ko. Nagbabaka-sakaling mapigilan noon ang tunog ng paghikbi ko.

Shit… I suddenly felt so tired. Parang biglang bumagsak sa akin ang lahat ng mga pinipigilan ko kanina. Nawala ang lakas ko, ang tapang ko habang kaharap ko si Gray kanina at sinusubukang labanan ang kung anumang ipinapakita at pinaparamdam n’ya sa akin.

I cried silently. Pwede naman muna sigurong maging mahina ngayong mag-isa lang ako. Pwede naman sigurong ilabas ko muna ngayon ang mga nararamdaman ko. Wala namang nakakakita.

I will let myself be weak for now. Ngayon lang naman. Then, after this, I will get back on my feet again. Magiging malakas ulit ako para sa mga taong mahal ko.

Ngayon lang muna…

I went to sleep with a heavy feeling. Nang magising ako kinabukasan ay naramdaman ko ang kaunting pagluwag sa dibdib ko. It was good that I let out my feelings. Alam kong hindi rin maganda kung iipunin ko ang lahat ng iyon sa dibdib ko.

I am alone here in Negros. Kailangan kong maging malakas.

It was Sunday, the day I would talk to Hunter again. After lunch ang usapan namin pero maaga pa lang ay nag-ayos na ako. I checked on Gray in his unit before I left pero wala na naman s’ya doon.

Thinking that he’s at the club again with some girls made my heart ache. Pero isinantabi ko muna iyon. I need to focus on this. Ito muna. Pagkatapos… saka ko s’ya hahanapin ulit.

Nandoon na sina Hunter at Creed nang makarating ako sa coffee shop. Agad silang napatayo nang makita akong palapit sa kanila.

Creed was wearing a hoodie jacket again. It was navy blue and there was an image of a sniper scope printed in the middle. Ibang-iba sa porma ni Hunter na naka-maroon button-down long sleeve polo and black slacks.

“Sorry. Kanina pa ba kayo?” I asked as I sat down across from them.

“No. Kararating lang din namin,” it was Hunter who answered.

I doubt he’s telling the truth. Nakita ko kasi ang isang cup sa harapan ni Creed at wala na iyong laman. Mukhang kanina pa sila rito kahit na maaga pa naman ako ng sampung minuto. I just figured that Hunter was probably feeling anxious to drink anything even if I assured him on the call that he had nothing to worry about.

But I just asked him to talk again in person. Doon pa lang, halatang importante na ang pag-uusapan namin. If not, sana sa tawag ko na lang sinabi sa kanya at hindi na namin ulit kailangan pang magkita.

“Order ka muna, Miss,” Creed said. He pointed at Hunter using his thumb. “Libre naman nitong si Hunter.”

Hunter frowned at him.

“You own a fucking law firm yet you couldn’t pay for your own coffee?”

“Kasama ko dapat ang asawa’t anak ko ngayon pero hinatid at sinamahan pa kita rito.”

Hunter tsked and frowned but he didn’t say anything. Mahina akong napatawa dahil naalala ko bigla si Gray doon.

Magkapatid nga sila.

I ordered tea instead of coffee para hindi makadagdag sa kaba ko. Uminom agad ako nang maibigay ng crew ang order ko.

“So…” Hunter tried to catch my attention. “What is it we need to talk about that we even had to meet in person?”

Ibinaba ko ang tasa ng tsaa ko.

“Nothing really concerning,” sabi ko pero kahit ako mismo ay hindi naniniwala roon. “Gray is… okay.”

“Then…?” Hunter was waiting for me to say more.

“May gusto lang akong sabihin… pero mas marami ang gusto kong itanong. But first…”

Nakatingin lang silang dalawa sa akin. Naghihintay sa sasabihin ko. Mas nararamdaman ko lang tuloy ang kaba ko dahil ramdam na ramdam ko ang bigat ng intesidad sa mga titig nila.

Especially in Hunter’s eyes. 

Nanginginig ang mga kamay kong nakahawak sa tasa nang sinubukan ko ulit uminom doon. I took a deep breath to calm myself and looked at the two men in front of me.

“How much do you know about the mental health condition called DID?” I asked. “Dissociative identity disorder.”

They both frowned. Nagkatinginan pa sila at nakita ko ang pagkalito sa mga mukha nila.

So, I pursed my lips before I elaborated my question.

“It is formerly known as multiple personality disorder.”

Chapter 35

Nakatingin lang silang dalawa sa akin. Nakikita ko ang kalituhan sa mga mukha nila. Siguro ay nagtataka kung bakit bigla kong nabuksan ang topic tungkol doon. O hindi kaya ay nagtataka kung bakit hiniling kong sa personal pa kami mag-usap ni Hunter para lang itanong ang tungkol sa bagay na ’yon.

They were still processing what I just asked while looking at me. Like they were looking for the relevance of that question with this meeting. Hinintay ko lang na mapag-isipan nila ang lahat habang ako ay pinapakalma rin ang sarili ko.

I wasn’t sure if it’s right to open that topic to them. Hindi pa ako sigurado sa lahat. Hindi pa kumpirmado ang lahat. Alam kong marami rin silang itatanong at hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang mga iyon gayong kahit ako ay marami ring mga tanong pa.

But it was really a big possibility. And Hunter is Gray’s brother.

I know I should talk to Gray soon. Pero mukhang malabo ko s’yang makausap ngayon.

I noticed something changed in Hunter eyes. Like he just came with a realization but he didn’t know how to make sense of it. May pakiramdam na ako sa kung anong iniisip n’ya kaya naman naghintay lang ako sa ibabato n’yang tanong sa akin.

But he didn’t say anything as I waited. He was just looking at me, confusion was in his eyes. It was like he was trying to find the answer with the look I was giving him.

Instead, it was Creed who asked me.

“Iyon ba ’yung may iba’t-ibang personality ’yung isang tao?”

I looked at him. Nag-isip muna ako ng ilang segundo bago tumango.

“That’s the gist of it,” I said.

Madami pa sana akong gustong idugtong at ipaliwanag sa sinabi ni Creed. I wanted to be thorough so they can fully understand what I’m on about. But… We can get more into it later.

Sa ngayon, ayos na munang may ideya sila tungkol doon.

“What about it?” Hunter asked. Napatingin ulit ako sa kanya at nakita kong parang naghihintay s’yang kumpirmahin ko ang kung anumang iniisip n’ya.

I took a deep breath. Napatingin ako sa tasa ng tsaa na hanggang ngayon ay hawak ko pa rin. My hands enveloped the cup. I was trying to warm my hands, hoping that it would ease the anxiousness I was feeling inside.

Sa huli, napagdesisyunan kong humigop sa tsaa ko. I put the cup down on the table as I felt the warm liquid on my throat when I gulped it down. Tinignan ko ulit ang dalawang lalaki sa harapan ko at nakita kong nakatitig lang sila sa akin at naghihintay sa sasabihin ko.

I pursed my lips and looked seriously at them.

“Is there any instances na napapansin n’yong parang biglang nagbabago si Gray?”

Magkaiba ang naging reaksyon nila sa tanong kong ’yon. Creed looked surprised and I saw something in his eyes like he just remembered something.

While Hunter frowned. He looked even more confused now.

Hindi ko alam kung sino ang titignan ko sa kanilang dalawa. I wanted to stare more at Creed. Sa tingin ko kasi ay parang may sagot s’ya sa tanong kong ’yon. Like he noticed something in Gray. And I want to know what it is.

Habang si Hunter naman ay nakatitig sa akin. I was the one who asked something but he looked at me like he was demanding an answer. At hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kanya.

Bukod pa doon, may iba pa akong nakikita sa mga mata n’ya kaya mas lalong hindi ko maiiwas ang tingin ko sa kanya.

He was trying to hide the pain in his eyes. At hindi ko kayang balewalain iyon.

“Are you saying that Gray has DID?” he asked. His voice was in between soft and loud. Parang pinipigilan n’ya ang pagtaas ng boses n’ya.

“No,” mabilis pero mahinahon kong sabi. “Hindi ko sinasabing may DID s’ya. I can’t tell or make that diagnosis recklessly.”

Kaya nga kahit ilang mga symptoms na ang nakita ko kay Gray, pilit ko pa ring inaalis sa isip ko ang posibilidad na ’yon. Gray isn’t saying anything afterall. Isa pa, he’s not my patient. Hindi lang dapat dahil sa nakikita o napapansin ko ay iyon na agad ang iisipin ko. I can’t make such a diagnosis so recklessly.

“Diagnosis?” Creed asked. Magkasalubong ang mga kilay n’ya.

I nodded. “I’m a psychologist.”

“So you’re observing Gray?” tanong ni Hunter at narinig ko ang pinipigilan n’yang inis sa boses n’ya.

“No,” I said firmly. “I’m not. He is not my patient.”

“Then why are you saying that he has a DID?”

“Hunter, hindi n’ya kinumpirmang may DID si Gray,” it was Creed who answered for me.

“Then why did she ask something like that, huh?” Tumingin si Hunter kay Creed at doon ko lang nakita ang galit sa mga mata n’ya.

I pursed my lips. Binasa ko ang mga labi ko dahil naramdaman ko ang panunuyo noon. I looked around. Mabuti na lang at kaunti na lang din ang tao sa coffee shop na ’to. Wala kaming katabi malapit sa amin. But Hunter was trying to control his voice kaya hindi rin kami nakakakuha ng atensyon ng iba.

I took a deep breath. Tinitigan ko si Hunter. Naramdaman n’ya siguro iyon kaya lumingon s’ya sa akin. Wala na ang galit sa mga mata n’yang nakita ko kanina habang nakatingin s’ya kay Creed. Para bang pinipigilan n’yang magalit sa akin. Pinipigilan n’yang makita ko iyon.

He’s being considerate. Pareho sila ni Gray na inuuna pa ang nararamdaman ng ibang tao kaysa sa kanila.

“Hunter…” I called his name softly. “I don’t know what’s happening to Gray… Pero kung may napapansin ako sa kanya, alam kong mas napansin mo ’yon dahil kapatid ka n’ya. I want to help him. But I don’t know how. Kaya nga gusto ko kayong makausap. Gray… He won’t tell me anything.”

I saw Hunter relaxed a bit. But he was still on guard. Hindi ko rin naman s’ya masisisi kung ganoon ang reaksyon n’ya. Ilang beses ko nang nakita ang mga ganitong reaksyon, madalas sa mga magulang ng mga minor kong pasyente. Those patients who let me tell their parents about their condition.

They are in denial. Ayaw nilang paniwalaan na may mali sa mga anak nila, sa mga mahal nila sa buhay, especially inside their mind. At kung minsan, mas nahihirapan pa nga akong ipaliwanag ang lahat sa kanila kaysa sa pasyente ko.

Hunter was being like that too. He’s in denial. But I know… He’s hurting too.

Pareho lang kaming nakatingin ni Creed sa kanya. We were waiting for him to speak. Kitang-kita ko tuloy ang paghihirap sa mga mata n’ya.

He took a deep breath. Pinanood ko kung paano bumagsak ang mga balikat n’ya.

“I don’t know…” mahinang sabi n’ya. Parang biglang nawalan ng lakas. Pagkatapos ay mapait na ngumiti. “Most of the time, I was away… Mas marami pa yata ang mga oras na hindi ko kasama ang kapatid ko kaysa sa kasama ko s’ya.”

Dinig na dinig ko ang pait sa boses n’ya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang maramdaman ko ang paninikip ng lalamunan ko. His tone was full of regret. hindi na n’ya kinayang itago sa akin iyon.

Kaya pala mukhang sanay na sanay na si Gray na mag-isa lang s’ya.

“Creed?” I called his attention. “Nakita ko ’yung naging reaksyon mo kanina nu’ng tinanong ko kung may napapansin ka kay Gray.”

He looked surprised pero agad ding nawala iyon. Napatingin s’ya kay Hunter na nakatingin na rin sa kanya, hinihintay ang sagot n’ya.

He sighed.

“King Lancer,” he said.

Napakunot ang noo ko.

“What?”

“’Yung napansin ko na parang nagbago si Gray. It was at that time when he was King Lancer.”

Napaawang ang mga labi ko. They know his name?

“That’s Gray,” sabi ni Hunter na kunot na kunot ang noo habang nakatingin kay Creed.

Nilingon s’ya ni Creed.

“That was not Gray.”

“That’s him!”

“Sa tingin mo talaga magagawa kang saktan ng kapatid mo?”

“He hurt him?” gulat na gulat kong tanong. Napatingin si Creed sa akin. He has a grim expression on his face.

“He shot Hunter,” he said, gritting his teeth. “And one of our friends. He also tortured Hunter.”

Napasinghap ako. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hunter was glaring at Creed. I noticed that his jaw was clenching. Si Creed naman ay nakatitig lang kay Hunter. But the look that he’s giving was like he’s challenging him to deny what he just said.

He’s telling the truth.

Hindi ako makapaniwala… The way how Gray talks fondly whenever he’s telling me stories about his brother, I could tell that he loves him dearly. Hindi ako makapaniwala na magagawa n’ya ang gano’n sa kapatid n’ya.

So that was what he meant when he told me that he had hurt his brother!

Hindi ko akalain na ganito ang ibig n’yang sabihin doon. I thought that he meant it emotionally. Hindi ganitong… ganitong sakit. At base sa nakikita ko sa mukha ni Creed, it looked like it was not that simple. Like Gray really intended to hurt his brother.

That’s not—

I stilled. Naalala ko ang pangyayaring iyon sa basement parking ng Cold Spot. Gray’s hands were full of blood. Those men, unconscious on his feet.

It wasn’t Gray who did it…

Oh, my God…

I took a deep and shaky breath. Hindi pa ganoong katagal ang pagsasama namin ni Gray pero sigurado akong hindi n’ya kayang saktan ang kapatid n’ya. He loves him. I can see it in his eyes whenever he talks about his brother. I can hear it in his voice whenever he mentions him.

And those photos taped on his wall, those articles. It was like he was still trying to find news about him kahit na s’ya na mismo ang lumayo. Kahit na s’ya mismo ang pumiling hindi makita ang kapatid n’ya. He wanted to know how his brother was doing. He wanted to know if he’s okay.

But someone is mad at his brother. Maybe that’s why he was trying to cross out Hunter’s name and face.

“That’s Gray…” Hunter said. Mahina na ang boses ngayon. “He’s mad at me.”

“Kahit galit sa ’yo ang kapatid mo, hindi n’ya magagawang saktan ka! Hindi n’ya magagawang barilin si L!”

“It was because of the drugs! Eresh brainwashed him!”

Creed groaned. Napahilamos pa ng mukha gamit ang isang kamay na para bang napu-frustrate na kay Hunter.

Napakunot naman ang noo ko. Hindi na makuha kung anong pinag-uusapan nila.

“Kaya nga! Dahil sa drugs kaya hindi na ’yon si Gray!” Creed insisted.

“Wait…” putol ko sa kanila. Pareho silang napatingin sa akin. “Anong drugs? Nagawa ni Gray ’yon dahil sa drugs?”

Nalilito na ako. Hindi ko na alam kung anong dapat isipin. Lalo pa at may pumasok na namang alaala sa isip ko.

Nagawang saktan ni Papa si Mama dahil lango s’ya sa droga noon. It’s possible but… Gray doesn’t look like he’s taking drugs.

Isa pa, iyong mga pagkakataon na nagsasalita si Gray na parang ibang tao s’ya. Plus, those moments when he couldn’t remember what he did.

“Eresh injected drug in Gray and brainwashed him,” Hunter answered. “Kaya n’ya ako nagawang saktan.”

I frowned. “How? Paano n’ya nagawa ’yon?”

Creed shrugged his shoulders.

“Hindi namin alam. Kung gusto mo, pwedeng s’ya ang kausapin mo. Mas madalas n’yang nakasama noon si King Lancer kaysa sa ’min.”

“He’s Gray. Not King Lancer.”

Hindi pinansin ni Creed si Hunter.

“Mas masasagot n’ya mga tanong mo,” Creed said.

“Sa personal sana kung pwede?” I asked. Pero bago pa makasagot si Creed, nakita ko ang mariin ni pag-iling ni Hunter.

“No. She’s in Manila. We can’t bother her.”

Creed glared at him.

“Anong ‘we can’t’?” may inis sa tonong tanong n’ya. “Sigurado akong makikipag-usap ’yon lalo na kung tungkol naman kay Gray!”

“She has a family now!”

“At ako wala? Ikaw ba wala?” Natahimik si Hunter doon. “Hunter, tapos na ang laro. Mga pamilyadong tao na tayo pero hanggang ngayon, nandito pa rin ’yung epekto sa ’tin. At hanggang ngayon, hindi ka pa rin marunong humingi ng tulong! Sinasarili mo pa rin lahat ng problema mo!”

I didn’t say anything. I just stared at them. Mukhang bukod kay Gray, may iba pa silang malaking problema.

Hunter didn’t say anything either. Nahalata nang seryoso si Creed. Mukha ring tumagos sa kanya ang mga sinabi ng kaibigan kanina.

Creed has this impression that he’s an easy-going guy. But I know that he’s a loyal and supportive friend. Nakita ko noong una pa lang kung paano n’ya suportahan si Hunter. And he’s also that kind of friend who will tell you that you’re wrong instead of pacifying you with lies.

Creed sighed. Nang makita na mukhang hindi na tatanggi si Hunter, tumingin na s’ya sa akin.

“Nasa Manila si Eresh. We can take you to her if you like. Para makausap mo s’ya.”

Nabigla ako roon. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hinihintay nila ang magiging sagot ko.

Masyadong biglaan… Hindi pumasok sa isip ko na kailangan kong bumalik sa Manila. Hindi nga pala talaga taga-Negros si Gray.

“Kung iniisip mo ang matutuluyan mo,” Creed said when he saw the hesitation in my eyes, “ililibre ka na ni Lucius. May-ari ’yon ng hotel. Kaibigan ko.”

Hunter looked at him, frowning.

“Akala ko naman ikaw na ang gagastos sa accomodation n’ya,” he said.

Creed looked at him funny.

“Bakit pa? Eh, pwede namang ilibre na lang ni Lucius.”

“Kung makapag-alok ka parang sa ’yo ’yung hotel, ah?”

Creed chuckled. Nagtalo pa silang dalawa sa harapan ko. But it was a friendly bickering this time.

“Pag-iisipan ko muna…” I said. “Pero kung sakali… ako na lang ang maghahanap ng matutuluyan ko.”

Hahanap na lang siguro ako ng murang hotel. Hindi ako pwedeng bumalik sa mansyon ng mga Callisto. Hindi nila alam na babalik ako sa Manila sa leave ko. Lalo na si Doc Evelyn. I just can’t bother them.

“No. We’ll take care of it,” Hunter said firmly. “You’re doing this for my brother. Consider it as a small repayment.”

“Hindi naman ako humihingi ng kapalit.”

Hunter smiled softly at me. Pinamulahan ako ng mukha. Napayuko tuloy ako at narinig ko ang mahinang pagtawa ni Creed.

“Tawagan mo na lang ulit si Hunter kapag nakapagdesisyon ka na.”

Nang makabalik ako sa apartment ay saka ko lang na-realize na wala na rin namang dapat pag-isipan pa. Gray’s family and friends were in Manila. If I wanted to know more about him and talk to them, of course, I need to go to Manila. Hindi naman pwedeng sila pa ang pupunta rito sa Negros para makausap ko.

Isa pa, nasa Manila sina Mama at Larissa. kapag bumalik ako… pwede ko silang puntahan.

I guess… I’m just worried about Gray. Maiiwan s’ya rito sa Negros.

Sigurado ako na hindi s’ya sasama pabalik. He went here to Negros to get away to everything he left in Manila. Hindi s’ya babalik nang gano’n-gano’n lang.

That’s why I want to help him. So he won’t be afraid anymore. So he won’t be guilty anymore.

He wasn’t in his apartment again when I came back. Nang tanunging ko ulit si Mang Gener, sinabi n’yang hindi n’ya pa ulit nakikitang umuwi si Gray. So simula nang umalis ako kanina hanggang sa pag-uwi ko, hindi pa s’ya bumabalik.

I bet he’s at the club again.

Kaya naman nagdesisyon ulit akong pumunta doon. It was ten in the evening when I went to the Cold Spot again. The night was still young for this kind of establishment. Kaya nang makarating ako roon ay wala pang masyadong tao at hindi pa rin ganoong kalakas ang music.

But I found Gray, sitting at the bar counter. He was holding a glass of whiskey as his elbows were leaning on the counter. He was wearing a simple black V-neck shirt this time and black pants. That silver chain necklace on his neck was glistening against the disco lights that caught my eyes. He had his hair in brushed up style again.

Si Travis ang nasa likod ng bar counter at ang nagse-serve sa kanya.

His boss was serving him. Wow…

“Reyziel,” tawag sa akin ni Travis nang makita akong papalapit sa kanila. Kahit si Gray ay napatingin din sa akin. He smirked when he saw me.

“Don’t worry. I’m not planning to have girls tonight,” he said.

Hindi ko s’ya pinansin at umupo sa bar stool sa tabi n’ya. I know that he was watching me as I settled on my seat. Travis put some kind of drink in front of me.

“It’s on the house,” he said. “No alcohol content.”

I smiled at him. “Thanks.”

Travis just nodded at me. Inasikaso na n’ya ang ibang customer.

I looked at Gray. He was still staring at me. Sa tingin ko pa nga ay hindi n’ya na inalis ang tingin sa akin mula pa kanina.

“So…” he trailed. “What’s my girlfriend doing here?”

Hindi muna ako sumagot at uminom sa drinks na binigay sa akin ni Travis. It was sweet but there was a sour aftertaste.

Tumingin ako kay Gray. Nakatagilid na s’ya ng upo ngayon. Ang buong katawan ay nakaharap na sa akin habang ang isang siko ay nakatukod sa bar counter.

“Babalik ako sa Manila,” I said.

He raised an eyebrow at first. Mukhang nagulat pa. Then, his lips curled in a smirk.

“Finally,” mabagal na sabi n’ya habang mabagal ding pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ko. I was just looking at him so when his gaze returned to my face, I saw something glints in his eyes.

“Mukhang ayaw mong nandito ako,” I said.

He just chuckled. Uminom s’ya sa inumin n’ya nang hindi inaalis ang tingin sa akin.

“Maybe…” he said.

“Hindi ko alam kung hanggang kailan ako doon pero babalik din ako agad.”

He frowned. “You’ll come back here?”

I smiled and nodded at him.

“Yes. Kaya ’wag kang gagawa ng kalokohan. Ibibilin kita kay Travis.”

“What the fuck?” He looked insulted.

Napatingin ako kay Travis. Nakita kong napangiti s’ya habang nagsasalin ng inumin. Naririnig n’ya ang pinag-uusapan namin.

“What the fuck, Reyziel? I don’t need someone to look after me!” sabi pa ni Gray na magkasalubong ang dalawang kilay.

Hindi ko pinansin ang pagrereklamo n’ya.

“Uuwi na ko. Mag-iimpake pa ko.”

“You’re a fucking unbelievable woman!”

Hindi ko ulit s’ya pinansin at tumingin kay Travis.

“Travis!”

He looked at me. “Yeah?”

“Ikaw na ang bahala sa isang ’to!” Tinuro ko pa si Gray na masamang-masama na ang tingin sa akin.

I heard Travis chuckle.

“Alright.”

Gray glared at him. Travis threw his hands in the air and shrugged his shoulders before he went back to work.

“Uuwi na ko,” I said.

Gray looked at me. “You already said that earlier but you’re still here. Get lost already.”

I felt a pang on my chest but I ignored it. I looked him straight in the eye.

“When I come back, I want you to tell me your name.”

Napatitig s’ya sa akin. Then he exhaled harshly before he tsked. Uminom s’ya ulit sa inumin n’ya at hindi na ako pinansin.

I smiled and walked towards the exit. Nang makalabas ako ay nawala ang ngiti sa mga labi ko. Saka ko lang pinakawalan ang kabang nararamdaman ko kanina.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng pantalon. I dialed Hunter’s number. Nakatatlong ring bago n’ya sinagot.

“Hello? Reyziel?”

“Hunter… I’m in.”

Chapter 36

Isinara ko ang zipper ng travelling bag kung saan ko inilagay ang mga damit at gamit na dadalhin ko pabalik sa Manila. Inilibot ko pa ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto, iniisip kung ano pa ang kailangan kong dalhin na baka hindi ko pa naipapasok sa bag. I finally stood up from the bed when I was convinced that I’m all set.

Sinubukan kong buhatin ang bag na nasa kama. It was kinda heavy but bearable. Binuhat ko ’yon palabas ng kwarto at pinasadahan ng tingin ang buong apartment, sinisiguro na wala nang nakasaksak na kahit anong appliances.

It was time to go back to Manila today. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ganitong kabilis akong makakabalik sa Manila. Ang akala ko ay taon pa ang aabutin kahit ang pagbisita ko lang sana roon dahil mahal ang pamasahe. Ayoko sanang gastusin ang ipon ko dahil plano kong bumili ng bahay para kapag gumaling na si Mama at maayos ang lahat ay makakabukod na kami sa mga Callisto.

But the heaviness I felt on my right arm as I carried the bag told me that this was real. The excitement in my chest grew stronger.

Ang sabi ni Hunter, sila na rin ang bahala sa pagbyahe namin. Nag-offer pa nga ako na babayaran ko ang kalahati ng pamasahe namin sa eroplano dahil sagot na rin nila ang matutuluyan ko sa Manila.

But Hunter said we wouldn’t be riding in an airplane. So, I figured that we would travel by land or water.

Nang masiguro na ayos na ang apartment ay isinukbit ko na sa balikat ang shoulder bag ko habang sa kabilang kamay naman ay buhat ko ang travelling bag. I opened the door to my apartment and went outside. I locked the door with the secure lock before I turned and walked towards the elevator.

Nakakailang hakbang pa lang ako nang tumunog ang elavator, tanda na may nakasakay doon. Narinig ko pa ang pagbukas ng pinto ng elevator kaya napatigil ako sa paglalakad. I saw Gray stepped out of the lift. Napatigil din s’ya nang makita ako.

“Gra— Hey…” bati kong napigilan ang pagbanggit sa pangalan n’ya. One look at him and I could see the difference from the usual him.

He’s wearing a black V-neck long sleeve shirt tucked in his black pants. His hair was slick back in style. Napataas ang kaliwang kilay n’ya, iyong may dalawang magkatabing hiwa, nang mapatingin s’ya sa bag na dala ko bago s’ya napatingin sa mukha ko.

“You’re finally leaving,” he said. His harsh voice cut through the morning air. “Hope you won’t come back.”

I made a small smile. Sumeryoso ang mukha n’ya nang makita ang maliit na ngiti ko. Inilipat ko sa kabilang kamay ang travelling bag na bitbit ko.

“Babalik ako…” I said.

He didn’t say anything and just stared at me. Hinintay kong magsalita s’ya pero nang ilang segundo na ang lumilipas ay tahimik pa rin s’ya, napakunot na ang noo ko.

“Bakit?” I asked.

He looked at my bag then back at me again.

“It feels good seeing you suffering carrying that bag.”

Napatingin ako sa bag na bitbit ko.

“Ah, hindi… Magaan lang naman ’to.”

Medyo totoo naman ang sinabi ko. Hindi masyadong mabigat ang bag pero kapag matagal nang bitbit ay nararamdaman ko na ang bigat noon kaya inililipat ko na lang sa kabilang kamay ko para makapagpahinga ang isa.

He exhaled harshly and rolled his eyes at me. Napanguso ako. Tumalikod s’ya at naglakad pabalik sa elevator na ngayon ay nakasara na. Pinanood ko lang s’ya hanggang sa tumigil s’ya sa tapat noon. He pressed the button then looked at me.

“If you’re leaving, then leave already.”

I purse my lips. Mukha s’yang inis kaya naglakad na ako papunta sa elevator. He held the doors open for me and waited until I was finally inside the lift. Nagulat pa ako nang pumasok din s’ya sa loob at s’ya na ang pumindot ng close button.

“Hindi mo na ko kailangang ihatid,” I said.

He looked at me. Magkasalubong ang dalawang mga kilay n’ya.

“Who the fuck says I’m seeing you off?” he hissed. Para bang isang malaking kasalanan ang sinabi ko. “I’m just making sure you’re really leaving.”

Napatango na lang ako at tumingin sa harap.

“Okay… Sabi mo, eh,” I mumbled the last words. Inilipat ko sa kabilang kamay ang bag nang mapagod ang braso ko. “Pero babalik nga ako.”

I heard him exhale harshly.

“Give me that!”

Hindi na ako nakapalag nang bigla n’ya na lang hablutin ang travelling bag na bitbit ko. Medyo nasaktan pa nga ang braso ko dahil biglaan at mabilis ang pagkakahila n’ya kaya huli na bago ko pa nabitiwan ang bag. Hinilot ko ang braso kong nasaktan habang nakatingin sa kanya. But he wasn’t looking at me. He was looking at the elevator doors in front of us.

“Kaya ko naman,” I said.

“It’s annoying seeing you moving around. Fuck it,” he cursed softly.

Hindi na lang ako nagsalita. Tumingin na lang ako sa number indicator para makita kung nasaang floor na kami. Dahil tatlo lang naman ang palapag dito ay ilang saglit lang ay bumukas din ang pinto ng elevator.

Naunang lumabas si Gray, dala-dala ang travelling bag ko. Nakasunod lang ako sa kanya. Nakita ko si Mang Gener na napatingin sa amin nang lumabas na kami ng building. He looked at the bag that Gray was holding before he glanced at me.

“Oh! Mukhang may lakad ulit kayo, ah?” pansin sa amin ni mang Gener.

“Ako lang ho, Mang Gener,” I said. “Uuwi lang ho ako saglit sa Manila.”

“Mag-iingat ka do’n, Ma’am!” he said before he glanced at Gray who’s not saying anything. “Aba’y maiiwan pa lang mag-isa rito si Sir James.”

Hindi nagsalita si Gray kaya ngumiti na lang ako sa gwardya.

“Kaya nga ho, eh… Pakibantayan naman ho s’ya para sa ’kin, Mang Gener. Baka kasi gumawa ng kalokohan habang wala ako.”

Napansin ko kaagad ang paglingon sa akin ni Gray bago ko pa matapos ang sinabi ko. I glanced at him through the corner of my eyes and saw him glaring at me. Halatang hindi n’ya nagustuhan ang sinabi ko. Ibinalik ko na lang ang tingin ko kay Mang Gener na ngayon ay nakangiti sa aming dalawa.

“Naku, Ma’am! Wala naman kayong dapat ipag-alala. Mabait naman si Sir James.”

Sumulyap ulit ako kay Gray, naghintay kung may sasabihin s’ya. Sanay kasi akong palagi s’yang may sasabihin kapag ganitong pinupuri s’ya ni Mang Gener. Pero naabutan kong masama pa rin ang tingin n’ya sa akin. Sigurado pa nga akong may kung ano na namang lalabas na insulto mula sa bibig n’ya para sa akin.

I was about to say something to Mang Gener. Para hindi n’ya mahalatang iba ang kinikilos ni Gray. But I was surprised when Gray looked at the guard with a wide grin on his lips.

“Kaya sa inyo ako, Mang Gener, eh!”

Natawa si Mang Gener. Habang ako naman ay hindi pa rin makapaniwalang nakatitig kay Gray. I knew that he was faking it. He was good but I studied human behavior kaya nahalata kong pinepeke n’ya iyon. Nakikita ko sa mga mata n’ya. Plus, the grin on his lips was tight, parang pinilit lang ipakita. Pero alam kong hindi iyon mahahalata ni Mang Gener.

Nawala rin ang pekeng ngisi na ’yon nang tumalikod si Gray. Sinundan ko s’ya ng tingin at nakita kong pumara s’ya ng taxi. Nang tumigil ang taxi sa harapan n’ya ay saka lang n’ya ako nilingon.

“C’mon!” he said—more like he ordered me to.

Nagpaalam na ako kay Mang Gener bago nilapitan si Gray. He opened the car door on the back seat and motioned for me to go in. Bago ako pumasok sa loob ng kotse ay napansin ko ang kamay n’yang nakaalalay sa bubong ng kotse, as if he’s using it as a shield in case I bumped my head so I won’t get hurt. Nakangiti tuloy ako ng tingalain ko s’ya.

But he was scowling at me. Mas lumalim pa ang pagkakakunot ng noo n’ya nang makita ang ngiti ko. It was as if he’s disgusted by the sight of it.

He handed me my bag—more like, he threw it on my lap. Napapitlag ako dahil sa naging pwersa noon.

“Get lost. Don’t ever come back,” he said.

Napatingin ulit ako sa kanya. I smiled when I saw him still scowling at me.

“See you soon din,” I said, flashing him my bright smile.

He tsked. Walang bababalang basta n’ya na lang isinara ang pinto sa side ko. Parang nainis na yata. Medyo may kalakasan pa nga iyon kaya napatingin ako sa driver. I met his eyes on the rearview mirror.

“Saan po tayo, ma’am?” the driver asked.

“Oh, uhm… D’yan lang po sa mall.”

Hunter told me that he’ll meet me at the entrance. Hindi ko alam kung bakit sa mall kami magkikita, eh, sa pagkakaalam ko, wala naman terminal doon na pwedeng masakyan pabalik ng Maynila. I just assumed that he needed to buy something before we head off.

He was already there when I arrived. Lumapit s’ya agad sa akin at s’ya na rin ang nagbuhat ng travelling bag ko kahit na sinabi kong kaya ko naman. He told me he could carry it too. Binigay ko na lang dahil sa tingin ko ay hindi s’ya papayag na ako ang magbuhat noon.

I smiled inwardly. Parang kanina lang ay si Gray din ang nagbuhat ng bag ko.

Sinundan ko lang si Hunter hanggang sa makapasok kami sa mall. Wala talaga akong ideya kung anong gagawin namin dito. Hunter looked like he was not planning to buy anything. He looked like he didn’t bring a bag with him either. Ang bag ko lang talaga ang bitbit n’ya.

He walked towards the elevator. He pushed the button and when the doors opened, he went inside. Alanganin akong pumasok at tumabi sa kanya.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko na nang hindi ko na matiis ang kuryosidad ko.

“Hmm?” He threw me a sideway glance before his eyes settled on the number inidcator after he pushed the top floor button. “We’re going to Manila.”

“Huh?”

Hindi na ako sinagot ni Hunter. Nang bumukas ulit ang elevator nang makarating na sa top floor, lumabas s’ya. Tahimik lang akong nakasunod sa kanya. His strides were sure, like he really knows where he’s going. Kaya nga hindi na ako nagsalita at sinundan na lang s’ya.

Nagulat na lang ako nang may hagdan pa kaming inakyatan. Emergency exit yata ng mall. Hunter opened the door at the top and I was welcomed with a loud noise and a harsh gush of the wind when I stepped out. Nasa rooftop na kami ng mall at may isang helicopter ang nandoon.

I tried to fix my hair as the wind created from the chopper blade blew the strands to my face. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako kay Hunter.

“D’yan tayo—” hindi ko na natapos ang tanong ko dahil sumabog ulit ang buhok ko papunta sa mukha ko. But I caught sight of Hunter nodding at me.

Woah… This was such a revelation. Kaya pala ang sabi n’ya ay s’ya na ang bahala sa magiging byahe namin pabalik sa Manila. Ito pala ang sasakyan namin! Did he rent the chopper just for this? Ibig sabihin… mayaman s’ya?

Saka lang ako naliwanagan doon sa isang cut out article na nakita kong nakadikit sa dingding ng kwarto ni Gray noon. Naaalala kong may nabasa akong dalawang company na nag-merge. At sa loob ng article na ’yon ay may tinakpang mga salita gamit ang ballpen. It was Hunter’s name!

Kay Hunter ang isa sa company na ’yon!

Inalalayan ako ni Hunter sa pagsakay. Tumabi s’ya sa akin pagkatapos. Mas namangha pa ako nang makapasok na sa loob. It was a corporate helicopter! Kaya hindi na namin kailangang magsuot ng noise cancelling headsets.

“Okay ka lang d’yan, Miss?”

Napatingin ako sa harap nang may magsalita. It was the pilot. But despite him wearing an aviator and a headset, namukhaan ko pa rin s’tya.

“Creed?” namamangha kong tanong. “Ikaw ang piloto?”

“Yes, Ma’am,” nakangisi ng’yang sabi.

I chuckled. “Rey na lang. Pero…” Napasulyap ako kay Hunter na nakatingin din sa akin. “Magkano bayad?”

Pareho silang natawa. Naramdaman ko tuloy ang pag-akyatan ng dugo sa mukha ko.

Malay ko ba! Unang beses kong nakasakay sa helicopter!

“Dati nagpapabayad ako pero para sa bunso namin, hindi na,” Creed said.

Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako doon o hindi.

“Magkano ang bayad dati?” I asked.

“’Yang katabi mo, nagbayad ng twelve million para lang maihatid-sundo ko ’yung asawa no’n.”

I gasped. Sobrang lakas ng naging pagsinghap ko at nanlalaki ang mga matang napatingin pa kay Hunter. Nakakunot ang noong napatingin s’ya sa akin. Parang nagtataka kung bakit ako nagkakaganito.

“You’re a millionaire?” wala sa sariling tanong ko habang nakatingin pa rin kay Hunter.

Creed snorted. “Billionaire kamo! ’Yung boyfriend mo rin!”

“Whaaaat?” walang boses kong tanong. Halos lumuwa na yata ang mga mata ko sa mga nalaman ko ngayon.

“You didn’t know?” Hunter asked. His eyebrows knitted together. Parang takang-taka na hindi ko alam ang tungkol sa bagay na ’yon.

Umiling ako.

“Nagtatrabaho s’ya as bartender…” sabi ko na para bang mas iyon pa ang paniniwalaan ko.

“He owns a bar in Manila,” gatong pa ni Creed at hindi ko na alam kung makakayanan pa ba ng utak ko.

What the… Mayaman si Gray? ’Yung nagpaalaga, nakitulog sa apartment ko at nakikain… mayaman ’yung lalaking gumawa ng mga bagay na ’yon?

Shit… Hindi yata ako makahinga.

And yet… Oh, my gosh… Bigla akong nahiya sa mga ulam na pinapakain ko sa kanya. At sa luto ko! Sigurado akong mga mahal at luto ng mga mahuhusay na chef ang mga pagkain na kinakain n’ya noon!

Saglit… Saglit… Kailangan kong kumalma.

“You didn’t know and yet… you still wanna help him?” Hunter asked quietly beside me.

Napatingin ako sa kanya. He was studying me. Alam kong nakikita n’ya ang lahat ng emosyon sa mukha ko ngayon kahit hindi ko alam kung anong uunahin kong maramdaman.

I nodded at him.

“Of course…”

“Why?”

I looked him in the eye.

“Mahal ko s’ya.”

Hunter stared at me. Hindi ko inihiwalay ang titig ko sa kanya. Nakita ko kasi na parang may hinahanap s’ya sa mukha ko, o sa mga mata ko. When he found it, I saw gratefulness in his eyes.

“Thank you…” he said.

“I like her.”

Pareho kaming napalingon ni Hunter kay Creed nang magsalita s’ya.

“Una pa lang naman,” he continued, “magaan na loob ko sa kanya.”

“Me, too,” Hunter said as he smiled warmly at me. “Gray found a great woman.”

Naramdaman ko ang pag-iinit ng buong mukha ko kaya wala akong nagawa kundi ang yumuko na lang. They both chuckled with my reaction. Mas lalo lang namula ang mukha ko dahil doon.

Hindi ko lang nakayanan. Hindi naman araw-araw na nakakatanggap ako ng papuri mula sa ganitong mga lalaki. These fine men were complimenting me. And one of them is the brother of the man I love.

Hindi ko alam kung gaano katagal ang naging byahe namin. Nakatingin lang kasi ako sa labas ng bintana, ine-enjoy ang tanawin. Namalayan ko na lang na nasa Manila na kami dahil kinailangan na naming bumaba.

Halos tatlong oras yata ang naging byahe namin sa ere. Pagkatapos ay sumakay naman kami sa kotse. Si Hunter na ang nagmamaneho ngayon habang si Creed naman ay nasa passenger seat. Mag-isa lang akong nakaupo sa backseat.

I was looking outside the window for the whole ride. Nasa Manila na nga ako. That thought excites me. Magkakadikit ang mga establisyimento at accessible ang halos lahat. Hindi katulad sa Negros na magkakahiwalay kahit ang mga bahay.

Plano kong dalawin sina Mama at Larissa sa susunod na mga araw. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ako pumayag na bumalik dito sa Manila kahit alangan pa akong iwan si Gray nang mag-isa sa Negros. Ayoko sanang iwan s’yang mag-isa doon.

But this is for him. I’m doing this for him. I just need to talk to this Eresh first bago ko dalawin sina Mama at Larissa.

Hindi na dapat ako magulat dahil sa mga nalaman ko kanina pero nagulat pa rin ako nang ipinarada ni Hunter ang sasakyan sa harap ng isang hotel. It was huge and definitely a five-star hotel. Bumaba kami ng sasakyan at pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng hotel.

Nakakalula.

Hunter gave the keys to the valet before he joined us walked towards the entrance. May isang lalaki akong napansin na nakatayo malapit doon. He was wearing a plain black shirt over a leather jacket, and a black ripped pants. His hair was dark and unruly. Nililipad pa ng hangin ang ilang mga hibla. Napansin ko rin ang tatlong lalaking nakatayo sa likuran n’ya na naka-three piece suit like they were some kind of a business man.

“That’s Lucius,” sabi ni Hunter nang mapansin kung sino ang tinitignan ko.

I glanced at him before I looked back at Lucius. Nakangiti s’ya habang hinihintay ang paglapit namin.

I was feeling overwhelmed with everything. ’Yung may-ari ng hotel, hinihintay kami. Kaya pala ’yung mga empleyado na nandito sa labas, nakatingin sa kanya. Kahit iyong mga babaeng pumapasok na dito yata tumutuloy sa hotel. They were looking at Hunter and Creed as well.

Hindi ko naman sila masisisi. These men looked like they’re models. Kahit din naman si Gray. Ako lang ’yung naligaw na nakakasama nila.

“Lucius!” bati ni Creed nang makalapit kami. Tinapik pa n’ya sa balikat si Lucius bago ako itinuro. “Girlfriend ni Gray.”

Mabilis akong naglahad ng kamay kay Lucius at nagpakilala.

“Reyziel Denava.”

“Girlfriend s’ya ni Gray,” sabi ulit ni Creed.

Lucius glanced at him. Mukhang may gustong sabihin pero hindi na lang itinuloy at tinanggap na lang ang pakikipagkamay ko.

“I’m Lucius D’Angelo.”

“Fucker, girlfriend ’yan ni—”

“Oh, for fuck’s sake, stop already!” inis na sabi ni Lucius matapos bitiwan ang kamay ko. “Sa tingin mo hindi ko pa alam? You sent me fifty texts about this!”

Creed chuckled. “Ang akala ko kasi hindi mo nabasa.”

“You even flooded the group chat. It was hard to miss.”

Napatawa si Hunter. “Ramdam ko ’yung gigil ni Kylo hanggang dito.”

Natawa ulit si Creed “Buti nga hindi ulit ako tinanggal sa gc.”

Napabuntong-hininga na lang si Lucius at napailing. Binalingan na n’ya ulit ako. He was smiling this time.

“I prepared a suite where you can stay,” he said. “It isn’t the biggest but I still hoped you’d like it.”

Wait… Ano raw? Suite? Hindi room?

“Shall we?” Lucius asked and motioned at the entrance.

“Ah, sige…” I said, dumbly. Still feeling overwhelmed.

Naunang pumasok si Lucius sa loob ng hotel. Wala na akong nagawa kundi ang sundan s’ya.

Chapter 37

Nakasunod lang ako kay Lucius habang naglalakad. He already dismissed those three men I saw with him earlier kaya sila nina Hunter at Creed na lang ang kasama ko ngayon. Hunter was walking beside me while Creed was behind us. Si Lucius ang nauuna sa paglalakad at sinusundan lang namin s’ya.

I was fully aware that we’re kinda receiving some attention from customers and the employees. Ang una nilang tinitignan ay si Lucius na namumukhaan ata nila bilang may-ari ng hotel na ’to. Then their eyes would drift at the two men walking beside me and behind me. And finally, their gaze will settle on me. Curiosity was in their eyes, they were probably thinking who I was and why three hot men were walking with me like they were my bodyguards.

I groaned inwardly. Sinubukan ko na lang pansinin ang mga dinaraanan namin kaysa sa tingin ng mga tao. Pero mas lalo lang yata akong na-frustrate nang lumiko kami sa isang pasilyo at nabasa ko ang sign sa taas ng hallway na ’yon.

VIP Suites.

Gosh… Mas nararamdaman ko na ngayon ang kahihiyan.

Hindi ko talaga alam na mayaman pala si Gray at ang mga kaibigan n’ya!

Lucius finally stopped walking. Tumigil s’ya sa tapat ng isang pinto at sa double door pa lang, alam ko nang malaki ang suite na ’yon. Magrereklamo na sana ko but Lucius already tapped the key card and opened the door.

Nilingon ako ni Lucius. He jerked his head inside the suite.

“Come in,” he said.

Nakatingin silang tatlo sa ’kin, hinihintay na pumasok ako kaya wala na akong nagawa at pumasok na sa loob. The room was enormous. Sobrang lawak ng buong room at kumpleto ang mga gamit sa loob na halatang mamahalin kaya hindi na nagtagal ang paningin ko roon. The wall was made of glass and we’re like on the top floor kaya sa hula ko ay maganda ang view sa baba kapag tumingin ako roon.

And the thing that really got me was the chandelier.

There was a freaking chandelier!

“May tanong ako,” sabi ko kay Lucius nang tinignan ko s’ya.

“Yes?” he asked. He looked eager to answer all my questions.

“Anong definition mo ng malaki? Hindi pa ba malaki para sa ’yo ang suite na ’to?”

Ang sabi n’ya kanina, hindi pa raw ito ang biggest suite nila. Gaano pa kaya kalaki ’yon? Ayoko na lang isipin.

Lucius let out a chuckle. He raked his hand on his hair before he took a step forward and handed me the key card.

“Here.”

Hindi ko ’yon tinanggap.

“Lucius, hindi naman kailangan na dito ako mag-stay. Kahit ’yung normal room n’yo na lang. Basta may matulugan lang ako.”

I heard Creed chuckle kaya napatingin ako sa kanya.

“Hindi papayag si Gray n’yan.”

I pursed my lips. Gusto ko sanang sabihin na si Gray pa nga ang nakikitulog sa apartment ko, doon sa sofa, kahit may sarili naman s’yang apartment. But I decided not to say anything.

“We’ll take care of you while you’re here,” Lucius said.

I gave him a reluctant smile.

“Okay lang naman ako rito.”

“Here, take it,” sabi ni Lucius nang iabot ulit ang key card sa akin. “Just call the front desk if you need anything. Libre ang lahat.”

Mas lalo akong nahiya dahil doon.

“Nakakahiya naman—”

“Don’t be,” putol ni Hunter sa sasabihin ko. Napatingin ako sa kanya. He was smiling gently at me. “You’re my brother’s girlfriend.”

“Babawi naman kami sa kanya ngayon,” sabi ni Creed na inakbayan pa si Hunter.

Napatingin ako sa kanilang tatlo. They were all looking at me, waiting for what I would do. Their eyes were kind as they stared at me. Hindi namimilit pero nandoon ang kagustuhang matulungan ako, ang kagustuhan na ibigay ang lahat ng hihingin ko para lang maging komportable ako rito.

And these gentle and kind eyes were looking forward to my help as well. Hoping that I could do something to help their friend back, to help his brother back.

Napatingin ulit ako sa key card na inaabot sa akin ni Lucius. Napabuntong-hininga na lang ako at sa huli ay tinanggap na iyon. They all smiled at me when I did so.

“You should rest for now. I’ll call you tomorrow,” Hunter said.

“We’ll go now.”

Napatingin ako kay Lucius pagkatapos ay kina Hunter at Creed. I flashed them a warm smile and nodded at them.

“Thank you…”

Naiwan akong mag-isa nang umalis na silang tatlo. Inilibot ko ulit ang paningin ko sa buong suite. Napakalawak talaga. Hindi ako sanay na ako lang mag-isa sa ganitong kalawak na kwarto. Doon sa mansyon ng mga Callisto, marami akong kasama. Hindi katulad ngayon na kahit anong lawak ng kwarto, ako pa rin mag-isa ang nandito.

I sighed. Binuhat ko ang travelling bag at pinuntahan ang kwarto na may double door din. Isang pinto lang ang nakabukas kaya hindi ko makita ang kabuuan habang nasa sala kami kanina pero nang makapasok ako ay napabuntong-hininga na lang ako.

The bed was so big. Tatlong tao yata ang pwedeng magkasya roon. O apat. I just stopped measuring the bed and took out some clothes from my bag. Isinabit ko ang ilan sa wardrobe na nandoon. Hindi ko nilabas ang lahat ng mga gamit ko dahil alam kong hindi rin naman ako magtatagal rito.

I was glad I got to meet some of Gray’s friends. Alam ko namang palakaibigan s’ya. Sa Negros pa nga lang, parang kahit saan ako magpunta, may nakakakilala sa kanya. And they would all say the same thing. Na mabait si Gray at matulungin.

I’m excited to meet his other friends. And to talk to them. Sa palagay ko, sila talaga ’yung nakakakilala ng lubos kay Gray.

Napangiti ako nang maalala kung paano tinawag ni Creed si Gray kanina. He called him their bunso. Ibig sabihin, they were not only treating each other as friends but also as family. Kaya ganoon na lang ang kagustuhan nilang matulungan rin si Gray.

I know that there were kind people. Katulad ni Creed, sa una pa lang ay magaan na rin ang pakiramdam ko sa kanila. At habang kausap ko sila, napatunayan ko iyon.

Gray must’ve been living well here in Manila. He has friends who were caring for him, he owned a business, a bar, and he also has his brother who loves him dearly. But because of his guilt when he hurt his brother and friends, he chose to move away.

Or maybe… it wasn’t just the guilt that’s keeping him away. Meron pang iba.

I know Gray misses being here. His friends, especially his brother, miss him being here.

I was in the middle of unpacking when I heard the doorbell rang. Napatingin ako sa pinto, iniisip na sina Hunter iyon at may naiwan lang. I walked towards the door and opened it pero isang hotel staff na may dalang cart ang sumalubong sa akin.

He smiled at me.

“Here’s your lunch, Ma’am,” he said.

Napakurap-kurap ako. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa cart at sa lalaki.

“Pero… hindi po ako um-order ng lunch ko,” I said.

At wala sa plano kong um-order ng lunch dito sa hotel. Baka maubos lang ang ipon ko sa mga pagkain dito.

“Special instruction po ni Mr. D’Angelo, Ma’am,” the hotel staff said. “Sagot na po ng hotel ang breakfast, lunch, and dinner n’yo. Pati snacks n’yo po.”

“What…”

I sighed. Wala na akong nagawa kundi ang tanggapin ang mga pagkain na binigay sa akin. I should’ve probably expected this lalo pa sa mga sinabi nila kanina na sila na ang bahala sa akin habang nandito ako.

Ayoko rin naman sanang abusuhin. Just because I knew that they were rich, hindi ibig sabihin na tatanggapin ko na ang lahat ng binibigay nila.

Magpapasalamat na sana ako kay Lucius pero nakalimutan kong wala nga pala akong number n’ya. Naisip ko na bukas na lang. I assumed that they would be there tomorrow too when I talked to Eresh.

Hindi ako lumabas ng hotel at nagpahinga na lang. Pinag-isipan ko pa kung sasabihin ko kay Larissa na nandito ako sa Manila pero naisip ko na sorpresahin na lang s’ya kapag may oras na ako para puntahan s’ya.

I received a call from Hunter the next morning. After lunch n’ya raw ako susunduin kaya nang dumating ang lunch ko—courtesy of the hotel— nakaayos na ako. Minutes later, tumunog ang doorbell kaya inaasahan ko nang si Hunter ’yon.

Pero pagbukas ko ng pinto ay babae ang nabungaran ko. She squealed as soon as she saw me.

“Oh my gosh, you’re real!” She shrieked.

“What?” litong-lito kong tanong.

But the woman looked too excited to even noticed my confusion. Mas nagulat pa ako nang bigla n’ya na lang akong yakapin. Parang bigla rin yatang nag-short circuit ang utak ko at hindi alam kung yayakapin s’ya pabalik o itutulak s’ya.

Wala akong ginawa sa mga pinagpilian ko. I just stay there, rooted in my place as the woman hugged me.

“I’m so glad to finally meet you!” sabi ng babae nang humiwalay sa akin. “I’m Artemis Sanford. Hunter’s wife. Nagkausap na tayo sa phone.”

Saka ko lang napansin si Hunter na nakatayo sa gilid. He had his hand inside the pocket of his white trousers. His top was a navy blue long-sleeve polo. Nakatingin s’ya sa amin ni Artemis na may maliit na ngiti sa mga labi.

Saka naman ako napatingin sa asawa n’ya. Artemis looked gorgeous as hell. She looked like a goddess. She was wearing a pair of jeans and an off-shoulder top. Napakaraming bagay ang pwede kong purihin sa kanya but what really got me was her blue eyes. It was so blue I couldn’t help staring at her.

“Nice to meet you too…” sabi kong nakatitig pa rin sa kanya. “I’m Reyziel.”

“I was so dying to meet you the moment Hunter told me that Gray has a girlfriend na,” sabi n’yang ngiting-ngiti pa rin sa akin. “You know, Gray ranted to me before na hindi raw s’ya magka-girlfriend because of his kuyas. Si Gray kasi ang ginawa nilang babysitter sa mga girlfriend nila noon.”

I frowned. Hindi makuha ang pinupunto n’ya.

“Babysitter?”

Artemis giggled. Napangiti na rin tuloy ako.

“I have so many kwento about Gray. We should talk to it over lunch some time, don’t you think?”

“Artemis.”

Pareho kaming napalingon kay Hunter na kanina pa tahimik at pinapanood lang kami. Pero bago pa s’ya makapagsalita ay itinaas na ni Artemis ang isang kamay n’ya na parang pinipigilan s’ya.

“Wait,” she said to her husband before she looked at me. “I really want to meet you yesterday pa pero sabi ni Hunter you need to rest ’cause you have to talk with Eresh. Are you okay with us having lunch? Gusto talaga kitang makakwentuhan. Or… will it be uncomfortable for you?”

Napangiwi s’ya sa naging huling tanong n’ya. She looked a little bit pouty, parang gusto talagang makasama ako sa lunch at malulungkot kapag tumanggi ako. But she looked really nice so I smiled and nodded at her.

“Sure. Okay lang naman sa ’kin.”

She beamed at me. She even clasped her hands together na para talagang tuwang-tuwang pumayag ako.

“Great! Lunch it is!” Tumingin s’ya kay Hunter. “Let’s go na.”

Napatingin ako kay Hunter. Napakamot s’ya sa gilid ng kaliwamg kilay n’ya. He saw me looking at him and smiled apologetically. Probably because of Artemis’ being excited to meet me. Napangiti ako at umiling sa kanya.

He didn’t need to be sorry about it. I think Artemis was the kind of person who was sweet with anyone she liked. Naalala ko kasi ’yung katarayan sa boses n’ya noong tinawagan ko si Hunter. Sa tingin ko, mataray s’ya but… she’s sweet and natural. Hindi pilit ang ipinakita n’yang reaksyon sa akin kanina.

Sumabay si Artemis sa paglalakad sa akin palabas ng hotel. She leaned in like she was about to tell me a big secret.

“It was really nice meeting you,” she said. “You’re so pretty I can tell why Gray fell in love with you.”

Pinamulahan ako sa sinabi n’ya. Nakakahiya. Ang ganda-ganda ni Artemis tapos sasabihan n’ya ako ng ganoon.

She chuckled when she saw my reaction. She reached for my hand and squeezed it bago s’ya sumabay sa paglalakad sa asawa n’ya. Hunter immediately wrapped an arm around Artemis’ waist like it was the most natural thing to do.

“Creed and Lucius are already there,” sabi ni Hunter nang makasakay kami sa kotse n’ya. “I hope that’s okay.”

Napatango ako.

“Okay lang. I might need to talk to them too.”

Kailangan kong makausap ang malalapit na tao sa buhay ni Gray.

Hunter drove us somewhere. Ang sabi n’ya ay sa bahay na raw nina Eresh at ng asawa n’ya kami mag-uusap. Wala namang problema sa akin. Mas okay pa nga sa akin ang ganito kaysa sa public place at may chance na marinig ng ibang tao ang pag-uusapan namin.

Creed and Lucius were already there when we arrived. Nasa labas sila ng bahay at ang mga kotse nila ay nakaparada sa labas ng gate. Lucius approached us.

“Hinintay na namin kayo bago kami pumasok,” he said and nodded at me, regarding my presence.

Si Creed naman ay nasa may pinto na binuksan n’ya nang makalapit kami.

“Pasok, mga alipin,” he said and Artemis rolled her eyes at him.

“That’s getting old na, Creed. Wala na bang bago?”

Creed just chuckled. Sinabayan n’ya ako sa paglalakad.

“Sasabihin ko sanang ’wag kang mag-alala dahil mabait naman si Eresh, pero hindi nga pala mabait si Eresh.”

“What?” tanong kong bigalng kinabahan.

Artemis looked at Creed.

“Shh! Eresh is kind!” she said.

“Right. She’s kind,” sabi ni Creed na tumango naman. “Sobrang taray nga lang.”

Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan doon o ano. Pumasok na kami sa loob ng bahay at hindi na ako nagtaka nang makitang malawak rin ang loob. Sa labas pa nga lang, malaki na ang bahay kaya inaasahan ko nang ganito ang loob. Pero nagulat pa rin ako na lahat yata ng kaibigan ni Gray ay mayayaman.

Of course! Mayaman din kasi si Gray!

I wonder what would Eresh and her husband would be this time. May ari ng bangko? Mall?

Anyway, I should be ready. Pakiramdam ko ay magugulat pa rin ako kahit na alam kong mayaman rin itong si Eresh.

“’Yo, Fourth!”

Napatingin ako kay Creed nang may batiin s’ya at nilingon ako sa tinitignan n’ya. A man holding a baby in his arms was descending the stairs. Sa tabi n’ya ay isang babae na nakakapit sa braso n’ya habang bumababa sila.

Holy… Hindi ko alam pero bigla ko na lang naalala iyong isang palabas na napanood ko noon. Iyong isang hari at isang reyna na bumababa sa hagdan. They looked like them. Their stance, the way how they descend the stairs, and their aura.

Nang makarating sa pinakababa ay may lumapit na katulong sa kanila. Ibinigay ng lalaki ang baby na karga n’ya doon sa katulong at umalis na rin naman agad ang katulong na ’yon. The man and the woman approached us.

I stared at the man. His aura and his stance were screaming of authority. He looked at us one by one and when his sea-green eyes finally settled on me, my breathing hitched.

Lahat din ba ng mga kaibigan ni Gray, mga gwapo?!

“This is Reyziel,” pagpapakilala sa akin ni Hunter nang makitang tinitignan ako ng lalaki.

The man smiled at me and offered me his hand.

“I’m Loki Von Amstel.”

Wala sa sariling naipunas ko ang mga palad sa pantalon ko bago ko tinanggap ang pakikipagkamay n’ya. He shook my hand firmly before he let it go and turned to the woman beside him.

“This is Eresh, my wife.”

Napalingon ako sa babaeng katabi n’ya at biglang pumasok sa isip ko ang salitang sinasabi ni Larissa kapag nakakakita s’ya ng babaeng maganda. Those words. Girl crush.

Sobrang ganda ni Eresh. Her blonde wavy hair fell down to her shoulders. Isang checkered red fitted dress ang suot n’ya na may spaghetti strap at mas lalong lumitaw ang kaputian n’ya. She has amber eyes. Hindi halata sa una pero kapag tititigan ang mga mata n’ya, makikita ang totoong kulay ng mga ’yon.

She raised an eyebrow at me. Napakurap ako at mabilis na inilahad ang kamay sa kanya.

“I’m Reyziel Denava.”

She accepted my hand and shook it once.

“They’re the Duke and Duchess of Wessex,” sabi sa akin ni Creed nang bitiwan na ni Eresh ang kamay ko. “Part sila ng British Royal Family.”

“Creed,” I heard the warning in Lucius’ voice.

Napatitig ako kay Creed. “Seryoso?”

He grinned at me.

“Seryoso. Ayaw lang nilang biglain ka,” he said. “But I wanted to see the look on your face.” Tumawa s’ya. “Solid!”

“Gago, tumigil ka nga!” inis na saway ni Hunter kay Creed.

Ako naman ay napatulala. Parang hindi kayang iproseso yata ng utak ko ’yon. I looked at Eresh and Loki, waiting for them to deny it but it didn’t come.

Oh, my gosh… Did I just really meet some people in the British Royal Family?

What the hell, Gray? Bakit mga ganitong tao ang mga kaibigan mo?!

My gosh… I am surrounded by big people! Tapos ako, ’eto lang! Dumagdag lang sa populasyon ng Pilipinas!

Hindi ko kinakaya ang mga nalalaman ko kay Gray. Sa mga kaibigan n’ya pa nga lang, ganito na ang gulat ko. Hindi pa nga nagsisimula na malaman ko ang lahat tungkol kay Gray!

Una, si Creed na kayang magpalipad ng helicopter. The chopper was also his. Tapos naalala ko na nabanggit ni Hunter noon na may-ari ng law firm si Creed!

Pagkatapos si Lucius na may-ari ng hotel na ang tingin sa suite kung saan ako tumuloy ay hindi raw gaanong malaki.

Then there’s Hunter who owned a company. Wala pa akong alam tungkol kay Artemis pero sa palagay ko, hindi lang s’ya isang housewife.

And Loki and Eresh who were part of British Royal Family, the Duke and Duchess of Wessex.

And finally, there’s Gray who’s a billionaire and owned a bar.

Ano pa kaya ang malalaman ko na mas mabibigla pa ako?

I heard Loki chuckle. Napatingin tuloy ako sa kanya. He smiled at me.

“Don’t worry about it. Just treat us like a normal person,” he said.

Paano?

“Okay lang ’yan, Rey,” sabi ni Creed matapos akong pagtawanan. “Wala sa kanila ’yan kahit murahin mo pa sila.”

“You’re here to talk to me about Gray, right?” Eresh said.

Napatingin kaming lahat sa kanya. Nawala na rin ang ngiti sa mga labi ni Creed. Parang biglang sumeryoso ang paligid.

“Oo,” sagot kong pilit na binabawi ang sarili ko sa mga nalaman ko na naman ngayon. “Kung okay lang.”

She nodded and turned to Loki.

“Loki, let’s all talk in your office.”

Loki nodded at her before he looked at us.

“Follow me.”

Chapter 38

Sinundan namin sina Eresh at Loki na umakyat ng hagdan. We walked in the hallway and stopped at the second to the last door. Sa hula ko ay ang master’s bedroom ang pinto na nasa pinakadulo ng hallway na ’yon.

Loki opened the door. Pinauna n’ya si Eresh sa pagpasok bago s’ya sumunod sa loob. He stood by the door, waiting for all of us to go into his office before he finally closed it.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong kwarto. It was like the usual office I always see. May dalawang bookshelves sa magkabilang gilid ng kwarto. May desk sa bandang dulo at swivel chair sa likod noon. May coffee table sa gitna at dalawang mahabang sofa sa magkabilang gilid ng cofee table. At isang one seater chair sa pinakapuno.

Napatingin ako kay Creed na lumapit sa bookshelf na nasa kaliwa. He took out a book pero bago n’ya pa tuluyang maialis sa shelf ang libro, Loki was already beside him and pushed back the book to its place.

“Do you even know how to read?” Loki asked him.

Mabilis na napalingon si Creed kay Loki na nanlalaki ang mga mata. Parang hindi makapaniwala sa itinanong sa kanya. I even heard him make a small gasp, clearly offended.

While Loki was just casually looking at him like he just asked him out of curiosity as if he really didn’t know if Creed could read or not. I almost believed it if not for the mischievous glint I saw in his sea-green eyes.

“How rude!” Creed exclaimed. “Sa trabaho ko, buong araw akong nagbabasa ng mga case files!”

Loki chuckled.

“Kidding.” Tinapik pa n’ya ng dalawang beses sa balikat si Creed.

Napaderetso ako ng tayo nang biglang lumingon si Loki sa gawi ko. Naramdaman yata na may nanonood sa kanilang dalawa kanina pa. I immediately felt uneasy. There’s something in those eyes that I was afraid to meet his gaze.

But Loki gave me a warm smile. Nahalata siguro ang pagkailang ko. Then he offered me the sofa.

“Please, have a seat,” he said.

Naunang maupo si Creed sa akin kaya plano ko sanang tumabi sa kanya. Magaan talaga ang pakiramdam ko sa kanya. I have this feeling that things will get heavy today. Hindi ko alam kung anong mga malalaman ko kaya gusto ko sanang tumabi kay Creed dahil pakiramdam ko, kaya n’yang pagaanin ang sitwasyon.

“Reyziel, seat there,” sabi ni Eresh na nakaupo na sa pang-isahang sofa. She pointed at the sofa on her left.

Napatigil ako sa pag-upo ko sana. Napalingon pa ako kay Creed na tinawanan lang ako dahil sa itsura kong hindi natuloy ang pag-upo sa tabi n’ya. Nilingon ko si Hunter and he gave me an encouraging nod.

Napansin kong nakatingin na pala silang lahat sa akin at hinihintay akong lumipat ng upuan kaya iyon na lang ang ginawa ko. I sat on Eresh’s left. Si Hunter naman ang tumabi kay Creed while Artemis sat beside her husband.

It was Lucius who sat beside me. I uttered a silent thanks, thankful for his calm demeanor. He looked like he’s always calm and collected in every situation. Kaya kung sakali mang hindi ko mapaghandaan ang mga malalaman ko mamaya, sana, mahawa ako sa pagiging kalmante ni Lucius.

Loki stood on his wife’s right side. Napatingin tuloy ako sa kanya, inaabangan na umupo s’ya. But he looked at me and smiled. Na-realize ko na iyon ang paraan ni Loki para suportahan ang asawa n’ya. As if in that way, he could give her comfort.

When Creed told me that Loki and Eresh were the Duke and Duchess of the British Royal family, ang akala ko talaga, nagbibiro lang s’ya. Ang akala ko, gusto n’ya lang talagang makita ang reaksyon ko.

But when Loki spoke and I heard his British accent, his accent was so thick it was hard to miss, and the way how Eresh carries herself, I was convinced that Creed was indeed telling the truth.

Wow… Hindi ko talaga akalain na mangyayari ’to sa buhay ko.

“So, what do you want to know?”

I looked at Eresh. She was sitting with her back straight. Her legs were crossed. Nakapatong ang isa n’yang kamay sa armrest ng sofa while the other one was just resting on her lap. Her presence screamed so much elegance.

Tinitigan ko s’ya. She was on her defense.

“Tell me everything you can,” I said.

She raised an eyebrow at me. Nakuha ko naman agad. She wanted me to elaborate.

“Tell me everything you can about Gray,” I corrected.

I braced myself. Inihanda ko ang sarili ko sa kung anumang sasabihin n’ya. I figured Eresh has something she knows more than what Hunter already knew. Kaya kinailangan ko pang magpunta rito sa Manila para lang makausap s’ya.

“I drugged him.”

She said it so suddenly. So suddenly na kahit inihanda ko na ang sarili ko, hindi ko pa rin inaasahan ’yon. My mind took too long to process what she said. Ang dami-daming senaryo ang pumasok na agad sa isip ko sa tatlong salitang iyon. But I still tried to stay calm.

Tinitigan ko lang si Eresh.

“What do you mean?” I asked.

“I drugged him,” she repeated in her most casual and obvious tone. Tinignan n’ya pa ako na para bang mahirap akong makaintindi at kailangan pang ulitin ang lahat ng sasabihin n’ya bago ko tuluyang maintindihan iyon.

But I still heard something, like her voice was on the edge.

“I injected drugs in him.”

Napakunot ang noo ko. Ang daming tanong ang biglang bumuhos sa isip ko at hindi ko alam kung paano iyon iisa-isahin.

“Why… did you do it?” marahan kong tanong.

Eresh raised her chin when she looked at me, trying to intimidate me and she’s succeeding.

“I wanted to win the game,” she said.

Mas lalo lang akong naguluhan doon. Gusto ko sanang itanong kung ano ’yung game na tinutukoy n’ya. Pero may palagay akong mawawala kay Gray ang usapan namin.

I’ll just get back to it later. Sa ngayon… si Gray muna.

“And by drugging him, you thought that you could win that game?” I asked.

Tumango si Eresh. “Yes.”

I frowned. “How?”

“I brainwashed him. Using that drug.”

Hindi ako nakapagsalita at tumitig lang sa kanya kaya nagpatuloy si Eresh.

“I brainwashed him into thinking that he hates—” She shook her head. “No… That he loathes his brother.”

Mabilis akong napatingin kay Hunter. Hindi ko alam kung bakit. Para siguro kumpirmahan kung totoo ba ang mga naririnig ko ngayon.

But when I saw the grim expression on his face, it was enough to tell me that everything that Eresh was saying was true.

Hunter caught me looking at him. He gave me an encouraging nod. I pursed my lips before I looked back at Eresh again.

“Wala akong maintindihan,” I admitted. “Gusto kong itanong kung bakit gusto mong isipin ni Gray na galit s’ya sa kapatid n’ya pero may pakiramdam akong babalik lang tayo sa sinabi mong gusto mong manalo sa isang… laro?” I sighed. “Then we will just go in circles.”

“We’ll tell you about the game first,” Lucuis said. Napatingin ako sa kanya. His dark eyes stared at me. “I’ll explain what game it was para maintindihan mo kung bakit nangyari at nagawa ni Eresh ’yon.”

Ang plano ko sana ay huling itanong ang tungkol sa laro at unahin ang lahat kay Gray. But if they think that I wouldn’t understand everything if I didn’t know about this game first, hahayaan ko muna silang sabihin sa akin ang tungkol doon.

I nodded at Lucius. “Okay…”

He smiled at me before he took a deep breath.

“Do you know the game of chess?” he asked so I nodded. “Good. That game but the chess pieces were humans. And those pieces were us.”

Napakunot nang sobra ang noo ko.

“What?”

“There were two teams in the game. Creed, Hunter, Loki, me, and… Gray. We were on the same team, the EL Ordre,” Lucius said. “Eresh was on the other team called the Red Faction. She was their Queen.”

Napatingin ako kay Eresh. She was looking back at me. When she saw me looking at her, she smiled at me, full of mockery.

“Surprise, surprise,” she said in a singsong.

Mas lalo yata akong naguluhan doon kaya ibinalik ko ang tingin kay Lucius. Ang daming mga tanong ang gusto kong ibato sa kanya pero hinayaan ko muna s’yang ipaliwanag sa akin ang lahat. He looked like he was willing to wait for me to grasp whatever he was saying anyway. Mukhang handa rin s’yang ipaliwanag ang lahat sa mabagal na paraan para makuha ko agad iyon.

“To win the game, one must kill their opponent’s King,” Lucius said.

“Kill?” kinakabahan kong tanong. “Hindi ba dapat checkmate lang?”

“It was the human chess game, Reyziel.”

My breathing hitched. Bigla yata akong nahirapang huminga.

“Eresh’s team didn’t have a King from the start. So, she planned to take Gray and she made him their King. Alam n’yang hindi namin kayang saktan ang bunso ng EL Ordre so she used him against us.”

That was a great strategy. Napatingin ako kay Eresh. Noong una, nakitaan ko pa ng guilt ang mukha n’ya na mabilis n’yang itinago nang makitang nakatingin ako. She raised an eyebrow at me and smirked.

“You’re thinking that it was a nice move.”

“Yes,” I admitted.

I saw a hint of amusement in her eyes as the side of her lips twitched, parang gustong ngumiti pero pinipigilan lang.

“Pero sandali,” sabi ko bago ibinalik ang tingin kay Lucius. “Anong kill? May patayan sa laro?”

“Yes,” Lucius answered.

“Bakit naman ganitong chess ang nilaro n’yo?”

“We were working under the government before.”

“So, ano ’yon? Sinabi ng gobyerno na magpatayan kayo, gano’n?”

Natawa si Lucius. Narinig ko rin ang mahinang pagtawa ni Creed pero hindi ko inalis ang tingin sa lalaking katabi ko dahil naguguluhan pa rin ako.

“The EL Ordre was working under the government while the Red Faction’s was stopping us ’cause they were against them.”

“Anong nangyari sa laro?” I asked.

“It was over now. We stopped the gamemaster. The one who started the game.”

Hindi ko na itinanong kung paano nila napigilan ang kung sino mang gamemaster na ’yon dahil pakiramdam ko ay hindi na kinakaya ng utak ko ang mga nalaman ko ngayon. I suddenly felt suffocated. Nahihirapan akong huminga. I caressed my chest to soothe myself.

Okay… Okay… Dahan-dahan. Isa-isa ko munang iisipin ang lahat.

Alam ko naman na may kakaiba talaga kay Gray noong una ko pa lang s’yang makita. I already saw that mysterious look in his eyes that he was trying to hide. Pero hindi ko inaasahan ang mga nalaman ko ngayon.

The game… The killings… and who Gray really is.

“Don’t worry, Reyziel. We were only killing the bad guys,” Lucius assured me.

But it was still killing.

Napapikit ako nang mariin. May naalala na naman ako. Iyong gabing ’yon. Si Mama na may hawak na kutsilyo. Si Papa na nasa sahig at naliligo sa sarili n’yang dugo.

I noticed my hand started trembling pero itinago ko agad iyon.

Napatayo ako. Alam kong nakatingin silang lahat sa akin pero hindi ako mapakali habang nakaupo ako. I needed to think clearly. Naglakad ako papunta sa likod ng sofa at doon nagpalakad-lakad pabalik habang nag-iisip at sinusubukang intindihin ang lahat.

It’s okay… It’s okay… They’re good people. Mabait si Gray. Pati ng mga kaibigan n’ya.

Circumstances were not just… good for them.

Okay… Kailangan kong isipin ang lahat.

So Eresh took Gray from the EL Ordre to use him against his brother and friends. And then she brainwashed him into thinking that he loathed his brother…

Napakunot ang noo ko. Everything was not connecting perfectly.

“Eresh,” I called her.

She raised an eyebrow at me. “Hmm?”

“Nagalit ba si Gray kay Hunter pagkatapos ng ginawa mo?”

She nodded. “That’s right. I brainwashed him,” ulit n’ya.

May palagay ako na kaya n’ya inulit ’yon ay dahil inakala n’yang naintindihan ko ang lahat. May palagay din ako na ang tingin na sa akin ni Eresh ngayon ay hindi mabilis makaintindi.

But… I just really don’t get it.

“Paano mo ginawa ’yon?” I asked.

“I told him things,” she said. “I told him that Hunter abandoned him. That he left him alone. Na walang pakialam ang kuya n’ya sa kanya. Na lumayo ang kuya n’ya at iniwan s’yang mag-isa para maprotektahan si Artemis. That Hunter didn’t find him important dahil ang importante lang para sa kanya ay ang mahanap ang pumatay sa mga magulang nila at si Artemis.”

Eresh’s voice croaked the more she spoke. Kaya tumigil s’ya at tumikhim. She was looking at me. She was trying to hide the emotions that were showing on her face. But she’s failing. Dahil nakikita ko naman iyon sa mga mata n’ya.

Loki’s hand slid under her short hair to caress the back of her neck. She looked at her husband and for a moment, I saw vulnerability in her eyes na bigla ring nawala nang muli s’yang humarap sa amin.

I looked at Hunter. Artemis was holding his hand while the other was caressing his arm. I saw Hunter’s jaw was clenching. Nakita ko kung anong naging epekto sa kanya ng mga sinabi ni Eresh.

They were still hurting… Mas nadagdagan lang tuloy ang kagustuhan kong matulungan si Gray.

It might help them too.

“And you think it worked,” mahina kong sabi pero narinig ni Eresh.

“It worked,” she insisted. “Gray loathes his brother that he even hurt him and his friends. And that’s why he went away ’cause he was so guilty of hurting them when in fact… it was all my fault.”

She said the last words so softly but we all heard it. We all heard her voice croak. We all heard the guilt and hurt in her tone.

Napabuntong-hininga ako. Bumalik ako sa inuupuan ko kanina at tinignan si Eresh.

“Gaano mo katagal ginawa ang pangbe-brainwashed kay Gray?” I asked.

“A year,” Hunter said pero umiling si Eresh.

“No. Gray fell into a coma for three months.”

“What?” hindi makapaniwalang tanong ni Hunter. “Na-coma si Gray?”

“Yes.” I noticed Eresh gulped down. “It was not the plan. The plan was to bring Gray safe in the Red Faction’s hideout. Kaya nagulat ako nang hinayaan s’ya ni Yucca na magkagano’n. But then, it was all my fault. Kung hindi dahil sa plano ko, hindi mangyayari ’yon kay Gray.”

“Eresh…” I heard Loki trying to soothe her.

Eresh looked up at him.

“It’s true.” She looked at me. “But it wasn’t all me who did the brainwashing. Yucca as well. But to answer your question, it was about… eight or seven months.”

“May napansin ka bang kakaiba sa kanya?” I asked. “Like he suddenly turned into a different person?”

“Yes,” mabilis na sagot ni Eresh. “When he became King Lancer. He turned into a completely different person.”

That name again…

“It was so easy to brainwash him,” Eresh continued. “When he woke up from a coma and I started manipulating his thoughts, it was really easy for me ’cause he didn’t remember some things that happened when he was a child. He was really dependent on me before he finally turned into King Lancer.”

Memory lapses…

“Kailan nangyari lahat ng to?”

“Almost two years ago,” Eresh answered.

I let out a soft laugh while I slowly exhaled. Napatingin silang lahat sa akin. Nakita ko ang pagtataka sa mga mukha nila. I looked at Eresh and saw her raising an eyebrow at me.

“Oh… Seryoso ka,” nakatulala kong sabi sa kanya.

“Of course!” She looked insulted. “What makes you think that I’m not?”

Okay… Mataray nga s’ya.

“No, I mean… That’s not how all of this works,” I said. “Kanina pa ko naguguluhan. Sinusubukan kong pagkonektahin ang lahat. Ang sabi ni Hunter, kausapin kita dahil marami kang alam. And while talking to you, I think you’re believing the wrong thing.”

“Are you saying that I’m stupid?” mataray n’yang tanong. Mukhang na-offend ko na talaga s’ya.

“No…” marahan kong sabi. “Sinasabi ko lang na mali ang pagkakaintindi mo sa lahat. You didn’t brainwash Gray, Eresh.”

She looked surprised. Ilang segundo s’yang gulat na nakatingin lang sa akin bago nakabawi.

“What?”

“Maniniwala na rin sana ako na gumana ang ginawa mo sa kanya but I still have my doubts dahil iba ang nakikita ko,” I said. “Then you said that Gray doesn’t remember parts of his childhood.”

“Maybe it was because he got shot so many times?”

Napatango ako.

“Maybe… But then you said that he turned into a completely different person when he became King Lancer.” I shook my head. “That’s not how brainwashing works, Eresh…”

She gaped at me. Parang hindi mapaniwalaan ang mga sinasabi ko. I understand. Iba ang pinaniwalaan n’ya at nakatatak na ’yon sa isip n’ya kaya naiintindihan ko kung bakit parang gulat na gulat s’ya ngayon.

Then her face crumpled in anger. But her eyes told me a different story.

“Who the fuck are you to tell me all of this, huh?”

I looked at her straight in the eye.

“I’m a psychologist. I have enough knowledge regarding these things.”

For a moment, nakita ko ang takot sa mga mata n’ya. She looked scared that I might have seen something in her kaya mabilis s’yang nag-iwas ng tingin. When she looked at me again, I offered her a smile.

So, Hunter didn’t tell them about me. Ang alam lang yata nila ay girlfriend ako ni Gray—courtesy of Creed.

Napaangat ang tingin ko kay Loki. Naabutan ko s’yang parang malalim na nag-iisip. Then his eyes glint as if he realized something. Kaya nang tignan n’ya ako ay alam kong may ideya na s’ya kahit hindi ko pa man nasasabi ang lahat.

“Then, what is it?” Eresh asked. “What happened to Gray?”

I pursed my lips.

“Hindi ako pwedeng magbigay ng assumption basta-basta without the proper steps and without the patient’s consent,” I said. “But Gray is not my patient.”

“So?” Eresh asked impatiently.

I looked at her.

“Are you aware of the mental health condition called DID?” I asked. “Dissociative identity disorder.”

I heard a gasp. Napalingon ako at nakita kong nakatingin sa akin si Artemis. She had her hands covering her mouth and her eyes wide as she looked at me.

“Oh, no…” I heard her mumble against her palms. Napatingin s’ya kay Hunter na mariing nakapikit ang mga mata ngayon.

“Are you saying that Gray developed DID because of what I did?” Eresh choked on her own words.

Umiling ako.

“No. DID doesn’t just develop at any age. It developed at a young age. Kaya nga ang akala ko nagbibiro ka lang nang sabihin mong halos dalawang taon lang nangyari ang lahat. Gray’s already an adult and his brain is fully developed.”

“Dahil sa trauma kaya nagkaka-DID ang isang bata, right?” Creed asked and I nodded at him.

“Yes… Usually long term, recurrent trauma in childhood. Madalas ang cause ay abuse. Dahil hindi pa fully developed ang utak ng bata pati ang personality nila. Nahihirapan silang intindihin at i-managed ang emotions nila, ’yung sakit at trauma na nararamdaman nila,” I explained. “At dahil hindi pa fully development ang brain ng isang bata, pieces are still scattered and yet to be connected. Pero dahil sa trauma, na-i-interrupt ’yung development ng brain. Through the extreme dissociation, many pieces stay separate. The brain would now create walls and barriers, ’cause the mind deemed that it’s safer that way, kaya ’yung mga pieces, nahihirapan nang mabuo. And those pieces will now create their own self-awareness, emotions and personality.”

Walang nagsalita matapos kong magpaliwanag. Tahimik lang sila. They were all looking at Hunter whose head was hung so low and his elbows were resting on his slighlty parted knees. Artemis was caressing her husband’s arm, hoping it would soothe him.

“Fuck,” I heard him muttered. I took a deep and agonizing breath. “Fuck!”

Iniwas ko ang tingin sa kanya. Isa rin ito sa mga parteng inaayawan ko sa propesyon ko. Kapag sinasabi ko sa pamilya o sa mga mahal sa buhay ng mga pasyente ang kondisyon nila. Their reactions, the look in their eyes, the hurt I’m seeing in them, the guilt as if it was their fault, the regret… All those and I have to avoid showing sympathy.

“How—” Napalingon ako kay Eresh na saktong tumikhim. “How can we cure him?”

Napatitig ako kay Eresh. Gone the feisty and mocking strong woman I saw earlier.

No… This is Eresh. Sadyang pilit n’ya lang itinatago kanina pa ang nararamdaman n’ya.

She looked hopeful. She looked like she was willing to do anything just to cure Gray from his condition.

I pursed my lips. Hindi ko kinaya ang sakit na naramdaman ko kaya napatingin ako kay Loki. He clearly understood the look on my face as he caressed Eresh’s nape again.

“Eresh,” he called quietly and she looked up at him. “There’s no cure for DID.”

I saw the hope in Eres’s eyes shattered with that truth. Her eyes went blank that I had to look away ’cause it was so agonizing to watch someone’s hope shattered like that. Napatungo ako at napatitig na lang sa mga kamay kong nakapatong sa mga hita ko.

It wasn’t Gray who’s only hurting, it was all of them. I felt how the air fell when Loki declared that truth. Hindi ko kayang makita ang mga mukha nila dahil baka hindi ko na kayanin pa ang emosyon ko.

They all have their traumas because of what happened. Hindi ko alam. Wala akong alam na ganito palang kalalim ang lahat. And Gray was just always smiling at me whenever he saw me, na para bang wala s’yang iniindang ganitong nakaraan.

How can he smile so brightly with all of this?

God… I wanna help him. Let me help him.

Naramdaman ko ang mahihinang pagtapik sa likod ko, halos hindi na nga iyon lumapat but the warmth and comfort were there from Lucius’ hand. Nanginig ang mga labi ko kaya nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.

No… ’Wag ngayon.

Naramdaman ko ang pagkakatigil ng kamay ni Lucius sa pagtapik sa likod ko nang biglang bumukas ang pinto. Lahat kami ay napatigil at napatingin doon. A man wearing a black longsleeve polo tucked in his gray trousers went in. He scanned the room and I saw the light hit his eyes. They were so amber in color na palagay ko nga ay nakitaan ko pa nga ang pagkapula iyon.

“Kylo!” I heard Creed exclaim. Tumayo pa s’ya at lumapit sa lalaki na nakasimangot s’yang tinignan bago muling pinasadahan ng tingin ang buong kwarto.

He looked at me for a while before he looked at Loki.

“I brought her,” he said.

Napatingin si Loki kay Lucius bago tumango sa bagong dating. The man looked at the door and I saw a woman came in.

I heard Eresh tsked. Nang tignan ko s’ya ay masama ang tingin n’ya sa babaeng dumating.

“Ishtar,” she muttered. “Bitch.”

Chapter 39

Napatingin kaagad ako kay Eresh, nagulat sa pagmumura n’ya. She also seemed annoyed for some reason. Bahagyang magkasalubong ang mga kilay at naabutan ko pa ang pag-irap ng mga mata n’ya. When she looked at the woman, she rolled her eyes again. Doon ko nakumpirma na dahil sa bagong dating kung bakit parang biglang nagbago ang mood n’ya.

The air around us seemed to drop as well. Walang nagsasalita kaya inobserbahan ko na lang din sila. The awkwardness was so obvious. Hindi ko na tuloy napigilan na suriin ang babaeng dumating.

She has brown wavy hair na hanggang bewang ang haba. Maamo ang mukha pero mukha pa ring elegante. She’s wearing a tight dress just like Eresh.

“My apologies, Lucius,” I heard Loki say. “I assumed you wouldn’t be coming today so I took the liberty of inviting her.”

“It’s okay…” Lucius said. Napatingin ako sa kanya. I saw him clenching his jaw but when he looked at Loki, he tried to relax his face. “Hindi ko rin naman nasabing sasama ako ngayon.”

“I should’ve known. This is about Gray.” Halata sa mukha ni Loki na tinitimbang n’ya ang reaksyon ni Lucius. “But I figured we could also hear from Ishtar as well.”

Tumango si Lucius. “She was with Gray when they were double-crossing the gamemaster.”

“Yes… Aside from Violet, si Ishtar ang nakasama ni Gray after Eresh…” Loki trailed off.

After Eresh drugged Gray.

“I understand, Loki,” Lucius said with finality.

Loki must’ve noticed that Lucius didn’t want to say anything further. He just stared at Lucius who just stared back at him with a stern expression. Pagkatapos ay tumango na lang s’ya at wala nang kahit ano pang sinabi.

I looked at Lucius. Inalis n’ya na ang tingin kay Loki at tumingin na lang sa baba. Napansin ko na simula nang dumating ang babae ay hindi na lumingon pa sa gawing iyon si Lucius. When he was talking at Loki earlier, his dark eyes were just fixated on him. Na para bang kapag sa ibang direksyon s’ya tumingin ay may makikita s’yang ayaw n’ya.

While the woman was just looking at him all this time. Simula pa nang pumasok s’ya kanina. Saglit lang n’yang inilibot ang paningin n’ya at ilang sandaling tumingin pa sa kanya. Nang makita kung sino ang katabi ko, hindi na naalis kay Lucius ang tingin n’ya.

And I saw something on her face. Longing and… regret. Halatang gustong kausapin si Lucius pero parang may pumipigil sa kanya. It also seemed like she was waiting for him to look her way.

Naputol lang ang tingin na ’yon nang humakbang ang lalaking bagong dating. He took a step forward. Naharangan n’ya ang babae kaya napatingin ako sa kanya. He was already looking at me when he offered me a handshake.

“I’m Attorney Kylo Villaraza,” he introduced himself.

Mabilis akong napatayo kasabay nang pag-akbay sa kanya ni Creed. Mas lalo tuloy naharangan ’yong babae.

“Partner kami nito!” Creed said when he grinned at me.

Napatigil sa ere ang kamay kong tatanggapin na sana ang pakikipagkamay ni Kylo na nakasimangot na naman. Napatingin ako kay Creed na malaki ang ngisi sa sa ’kin.

I frowned. They’re partners? Pero nabanggit noon ni Creed na may asawa’t anak na s’ya, ah?

I’m so confused. Tama ba ang iniisip ko kung anong ibig sabihin n’ya? But based on the look on Kylo’s face, it doesn’t seem like they were partners… romantically. Mukha pa ngang inis na inis s’ya na inakbayan s’ya ni Creed.

Actually, kaninang pagpasok n’ya pa lang. Mukhang inis na talaga s’ya pagkakita pa lang kay Creed.

Then, Creed burst into laughter.

“Sa firm, Rey!” he corrected as he laughed. “Co-owner ko s’ya sa law firm namin!”

“Oh…” Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Tinanggap ko na lang ang pakikipag-kamay ni Kylo. “Reyziel Denava. Rey na lang.”

Kylo shook my hand firmly before he released it.

“’Wag mong pansinin ’tong gagong ’to,” he said before he looked at Creed who’s still laughing. “Tangina, abogado ka pero hindi mo nilinaw sinabi mo!”

“Ang solid kasi ng mga reaksyon n’ya!” Tumawa ulit si Creed.

Pareho pa kaming napailing ni Kylo bago ako bumalik sa pagkakaupo. Bigla ulit natahimik at napatingin kaming lahat sa babaeng kasamang dumating ni Kylo.

Creed smiled at her.

“Upo ka na du’n, Ishtar,” sabi n’ya at itinura pa ang espasyo sa sofa na binakante n’ya.

“Huh? Uhm…”

Napatingin si Ishtar sa espasyo sa tabi ni Lucius. Doon sa kaliwa n’ya na kabilang dulo. Parang gustong doon umupo. Pero mabilis na iniharang ni Creed ang katawan n’ya sa tinitignan ni Ishtar.

I also noticed Kylo took a glance at the woman before his body shifted. Parang tinakpan si Lucius sa line-of-sight ni Ishtar.

“Okay…“malungkot sabi ni Ishtar na naglakad sa uupuan n’ya, doon sa kanang bahagi ni Eresh who just rolled her eyes again.

Umayos na rin naman ng tayo sina Creed at Kylo nang makaupo na si Ishtar. May napapansin ako sa mga nangyayari pero sinarili ko na lang.

I looked at Ishtar and she was already looking at me. She smiled when our gaze met.

“Hi! I’m Ishtar Levitsky,” she introduced and I heard Eresh scoff.

Tinanggap ko ang pakikipagkamay n’ya at pinakilala na rin ang sarili ko. Umayos ako ng upo at napalingon pa kay Lucius na nakatulala na lang ngayon.

He’s not… okay.

“Reyziel,” tawag sa akin ni Loki kaya naputol ang pagtitig ko kay Lucius. “Ishtar was with Gray after he became King Lancer.”

Napatango ako. Nakuha agad ang pinupunto n’ya.

Tumingin ako kay Ishtar na nahuli kong nakatingin sa lalaking katabi ko. She looked like she was on the verge of crying pero pinipigilan lang.

“Ishtar…” I called her attention. “May napansin ka bang kakaiba kay Gray?”

She took one last glance at Lucius before her eyes finally settled on mine. She blinked. Ilang saglit s’yang napatitig sa akin. Parang pinoproseso pa ang tinanong ko dahil may sariling iniisip kanina. She shifted in her seat and nodded.

“Gray wasn’t who I thought he was,” she said. Napansin kong mabilis na napalingon sa kanya si Hunter na katabi n’ya.

“What do you mean?” he asked.

Ishtar shrugged her shoulders.

“Well… When you were all talking about Gray, you all seemed to really adore him. Saying he was like an innocent kid, especially na s’ya ang pinakabata sa EL Ordre. You said that he was gentle despite what you were doing with the mission but… he was nothing like that when I was with him.”

“Elaborate,” Eresh said as she crossed her arms over her chest. Nakita kong umirap sa kanya si Ishtar bago tumingin sa kanya.

I shifted in my seat. Iniiwasan ko na lang bigyan pansin ang mga nakikita ko para makapag-focus kay Gray. Ang dami ko kasing napapansin!

They all have issues!

“It was Violet and Gray who planned everything. Naghihintay lang ako kung anong ipapagawa nila sa ’kin—”

“As expected,” I heard Eresh say with a giggle.

Napatigil si Ishtar sa pagsasalita. She glared at Eresh.

“Shut up!” inis n’yang sabi.

Eresh just smiled sweetly at her. Clearly, she was mocking Ishtar. Si Ishtar naman ay mukhang naghihintay sa kung anong sasabihin ni Eresh. Pakiramdam ko, kapag ganito ay walang nagpapatalo sa kanila kaya inaasahan na ni Ishtar na may ibabatong salita sa kanya si Eresh. So when it didn’t come, she looked confused. Nakakunot pa ang noo n’ya. Nang mapagtantong hindi na talaga dadating ang inaasahan n’ya ay tumingin na ulit s’ya sa akin.

“Anyway,” she continued, “Gray’s ways and plans were always the violent ones. They were harsh… and cruel.”

“That time he shot Vander,” Kylo said.

Ishtar nodded at him. “Yes… That was Gray’s plan.”

“He shot him in the leg,” Loki said. “I’m thinking he wanted the gamemaster to think that they were doing it for him.”

“Yes, we’re also thinking about the gamemaster while making the plan but…” Ishtar pursed her lips. “You know… ‘Yung mga plano ni Gray… Palaging may nasasaktan.’

Natahimik ako. Naalala ko ulit ang gabing iyon sa basement parking ng Cold Spot.

I closed my eyes. May nabuong ideya sa utak ko. An idea that seemed to connect some things that started to make sense. Pero agad ko ring binalewala iyon.

No. I can’t just jump to a conclusion dahil lang sa ganito. Dahil lang narinig ko sa ibang tao. I might be wrong with this. I shouldn’t entertain this idea para hindi tumatak sa isip ko. Para hindi ito ang maging basis ko.

“Oh, there’s more,” sabi ni Ishtar na mukhang may naalala. “There were moments when he looked lost. He’ll ask me if Eresh was mad at him ’cause he hurt her. Kapag ganito, palagi n’yang hinahanap si Eresh.”

“What?” litong tanong ni Hunter.

“I think he likes her…” Ishtar said cautiously and looked at me. Mukhang naninimbang.

I looked at Eresh. She was looking at me too. Mukhang nakatingin nga ang lahat sa akin. Halatang nag-aabang sa magiging reaksyon ko.

I took a deep breath and flashed them a casual smile, letting them know that it was okay. Although, I feel awkward. Mukha kasing mas inaasahan pa nilang magagalit ako.

Narinig ko pa nga ang mahinang pagsipol ni Creed. Halatang nagulat sa kaswal na pagngiti ko.

It was really okay, though. Hindi naman iyon ang problema namin. I just really want to help Gray.

“And… he smokes. A lot,” Ishtar continued.

“Gray does not smoke,” sabi ni Hunter na kunot na kunot na ang noo. Hindi pinapaniwalaan ang sinabi ni Ishtar. Halata rin ang gulat sa mga mata n’ya.

“King Lancer smokes,” Eresh said.

Napailing-iling si Hunter. Hindi pa rin mapaniwalaan ang nalaman.

“No… That’s not—”

Hindi na naituloy ni Hunter ang sasabihin n’ya. He just clenched his jaw. Nakitaan ko rin ng sakit ang mga mata n’ya at galit. Galit na alam kong para sa sarili n’ya dahil hindi n’ya alam ang tungkol sa bagay na ’yon.

“There were times that he was looking for you, though,” sabi ni Ishtar na napansin rin ang naging reaksyon ni Hunter. “Tinatanong n’ya kung nasaan ka na ba raw, kung nakauwi ka na. Then, one moment later, mukha s’yang galit, especially when I suggested that you could help us with our plan.”

“That’s King Lancer,” Eresh said. “He’s mad at his brother.”

“I was confused, actually,” Ishtar said. “Pabago-bago kasi ang ugaling pinapakita ni Gray. And I think Violet also noticed it too. She was tiptoeing around him one time then the next moment, she looked comfortable with him.”

Natigilan ako. Switching?

“It’s possible that you met with two of his alters,” I said.

Nanlaki ang mga mata ni Ishtar.

“Alters?” she almost exclaimed. “Gray has DID system?”

“I can’t and won’t confirm,” I said. “Wala ako sa posisyon para kumpirmahin ’yan.” I looked at Hunter. “May traumatic experience ba si Gray noong bata s’ya?”

Napapikit nang mariin si Hunter. He took a deep breath. Para bang hirap na hirap s’yang sagutin ang tanong ko. Nang dumilat s’ya at nagtama ang paningin namin ay nakitaan ko pa ng sakit ang mga mata n’ya.

“Yes,” parang nahihirapan pa s’yang sabihin ’yon. “Fuck, I thought he was fucking okay. Why the fuck didn’t I notice anything?”

He looked at me, hoping… expecting. The look in his eyes was so agonizing. Inaasahan n’yang kaya kong ipaliwanag sa kanya. Na kaya kong pagaanin ang loob n’ya. Na kaya kong bigyan ng rason kung bakit mas napansin pa ng ibang tao ang kakaiba kay Gray kaysa sa kanya na mismong kapatid.

Hindi ko maiwasan ang hindi masaktan para sa kanya. I understand and know what he’s feeling right now. Ilang beses ko nang nakita ang ganitong reaksyon na halos hindi ko na mabilang. Naging parte na ito ng propesyon ko.

But this is where I got affected the most.

“Hunter…” I called his name softly. “It is common for the alters to pretend to be the host. It is their way to protect the body—the system. Lalo na kapag alam nilang mas makakabuti ’yon para sa host. Kaya nga ang madalas na nakakahalata na may DID ang isang tao ay ’yung mga taong malalapit sa buhay nila.”

“Yeah… Like I’m his brother but didn’t fucking notice anything,” Hunter hissed. “Mas nakahalata pa ni Ishtar.”

“For the record, I don’t think they’re trying to act like the Gray you knew though,” Ishtar said.

“Maybe that was the effect of the drugs,” I said. “I think it made the alters act like themselves.” I shook my head. “Hindi ko alam. Ayoko talagang magbigay ng assumptions lang. I still need to talk to Gray.”

“I think Violet knew though,” sabi pa ni Ishtar.

Natigilan ako. Kanina ko pa naririnig ang pangalang iyon. They were expecting some reaction from me earlier when Ishtar said that Gray likes Eresh. Pero mas nakaramdam ako ng kakaiba sa pangalang ’yon. It was making me feel some kind of negative feeling.

May bigla kasi akong naisip sa pangalan na ’yon. Pero ang layo naman. And I think it was only a coincidence. Or I was just overthinking it.

Gusto ko sanang itanong sa kanila kung sino si Violet. Mukha ring may pinagsamahan sila ni Gray. Mukhang may alam din. Gusto ko rin itanong kung bakit wala s’ya rito kung mas nakasama pa ni Violet si Gray kaysa kay Ishtar na nandito ngayon.

Pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Sila ang mas nakakaalam kung sino ang dapat kong kausapin para mas marami akong malaman tungkol kay Gray. Loki even called Ishtar here. Kung sa tingin nilang dapat kong kausapin din si Violet, alam kong sasabihin naman nila sa akin.

“Is there really no way to cure my brother?” Hunter asked with a pained voice. Kinailangan ko pang kumuha ng malalim na paghinga para maalis ang sakit na naramdaman ko nang marinig ang sakit sa boses n’ya.

Of course… He wanted his brother to be okay.

“He can receive treatment,” I said. “Psychotherapy is actually the primary treatment for DID. Or hypnosis. The goal of this is to help the person cope with the disorder and to understand the cause of it. Also, to help reduce the symptoms and help the person manage or control his behavior.”

“How about integration?” Ishtar asked.

Saglit pa akong napatitig sa kanya. Mukhang may alam s’ya. Kanina rin, isang banggit ko lang sa salitang ‘alter’, alam na n’ya agad kung anong tinutukoy ko. And the term integration. It wasn’t a common term and usually a medical jargon para sa DID.

“This is actually hard to achieve,” I admitted. “Kailangan magkasundo ng lahat ng alters bago masagawa ang treatment na ’to. And in Gray’s case, I’m not really sure. Ni ayaw n’yang pag-usapan ang tungkol sa nangyayari sa kanya. Plus, integration is not for every system.”

“What’s integration?” Hunter asked.

“Two or more alters will merge or fuse by breaking down the amnesiac walls. Pero gaya nga ng sabi ko, this isn’t for anyone who has DID system. And alters must have really good communication for this.”

“So, psychotherapy is the best for him?” Eresh asked and I nodded. “You’ll do it?”

I shook my head.

“I can’t. As registered clinical psychologists, we need to follow the ethical standards of our profession. According to our ethical code, concurrent multiple relationship between a therapist and a client should be avoided. Our relationship should only be a professional therapeutic relationship. There is a risk na maging biased or self-influenced ’yung approach ko since boyfriend ko si Gray. Baka may maging conflict. Isa pa, I don’t have enough experience to treat DID patients,” I said. “But I know someone who could. I could endorse him.”

“Just tell me if you need anything. I’ll give it to you,” Hunter said desperately. “Just help my brother.”

“Of course, Hunter…” I assured him.

“Doctor din ako, Rey,” Ishtar said. “Kung may maitutulong ako, sabihin mo lang.”

Oh… So that’s why. Kaya pala mas madali n’yang naiintindihan ang mga sinasabi ko.

“Ang totoo n’yan, Rey, kahit sino sa ’min pwede mong tawagan kung may kailangan ka,” Creed said, grinning at me. “Ia-add kita sa group chat ng EL Ordre para madali mo kaming ma-contact.”

Parang automatic na lumingon si Kylo sa kanya at sinamaan s’ya ng tingin.

“Tingin mong gugustuhin n’yang makasali sa gc, eh, kahit doon ang ingay-ingay mong putangina ka?”

Nasamid ako sa lutong ng pagmumura ni Kylo pero mukhang wala lang kay Creed at tumawa pa nga. Para pa ngang sanay na sanay s’yang nakakatanggap ng mura kaya balewala na lang sa kanya.

“I’ll give you all of our contact numbers,” Hunter said.

Gusto ko sanang tumanggi dahil kahit isa lang naman sa kanila ay ayos nang may contact ako. Pero sa palagay ko ay hindi rin naman sila papayag. They all went here today ’cause they were all worried about Gray.

Kaya tumango na lang ako at tipid na nginitian si Hunter.

We all talked for a while. Marami pa silang tinanong sa akin tungkol sa DID na sinagot ko namang lahat. But I kept on reminding them that it was not confirmed yet. Na kailangan ko pang makausap si Gray at para malaman kung ano talaga ang nangyayari sa kanya, he needs to seek professional help. By then, he will get diagnosed.

Hindi man ako ang titingin kay Gray, alam kong matutulungan ko s’ya. I have knowledge. I have my profession. Gaya nang sinabi kong kapag gumaling na si Mama, nandito ako para tulungan pa rin s’ya. Ganoon rin ang gagawin ko kay Gray.

“Reyziel.”

Napatigil ako sa pagtayo sa sofa para sana sumunod nang lumabas sa kanila nang tawagin ako ni Eresh. I looked at her. She was still sitting kaya umupo ulit ako. Loki glanced at me before he walked towards the door. Isinara n’ya ang pinto sa paglabas n’ya. Naiwan na lang kaming dalawa ni Eresh sa kwarto.

“I have a favor to ask,” sabi n’ya nang kaming dalawa na lang.

“Ano ’yon?”

She pursed her lips. Parang ayaw magsalita. Nakikita kong mukhang hindi s’ya sanay sa ganito.

Mukhang hindi naman sa pakikipag-usap dahil nakikita ko sa mga mata n’ya ang tapang. Plus, she radiates with confidence.

So, I’m thinking she’s not used to asking favors.

She took a deep breath and raised her chin but the awkwardness was still in her eyes. Pinigilan ko ang ngiti ko. She’s still trying to intimidate me kahit s’ya na ang manghihingi ng pabor.

She wore her fierceness like armor. Ayaw n’yang ipakita kung anong nasa likod noon.

“Can you also update me about Gray? Not every detail but… I want to know if he’s okay.”

I stared at her.

“Hindi mo s’ya na-brainwash, Eresh…”

“Yes, you clarified that but…” She licked her lips. She looked so guilty now. Nahalata ko ring mukhang hindi na n’ya kayang ituloy ang sasabihin n’ya kaya ngumiti na ako sa kanya.

“Okay…”

She relaxed with that. “Thanks… for being there for Gray.”

Mas lumawak ang ngiti ko nang makitang nag-iwas s’ya ng tingin matapos sabihin iyon.

“You’re welcome,” I said and she rolled her eyes.

Natawa ako bago nagpaalam sa kanya. Wala na s’yang sinabi pagkatapos noon. Nagulat pa ako nang paglabas ko ay naghihintay si Artemis sa akin sa labas ng kwarto.

“Do you still have time, Rey?”

I nodded. Maaga pa naman. Isa pa, bukas ko pa naman sana planong bumisita kina Mama at Larissa.

“Bakit?” I asked.

Tumingin s’ya sa paligid. Like she was checking if someone was listening. Nang masiguro na wala ay pabulong n’ya akong kinausap.

“Look, I didn’t want Hunter to hear this but… when Eresh said Gray doesn’t remember part of his childhood… Naalala ko kasi ’yung article na na-read ko about DID. That they don’t remember their traumatic past. It is the alter, the trauma holder, who remembers them?” I nodded. “I think I met that one.”

“Naaalala n’ya ’yung nangyari?” I asked.

“Yes!” Artemis eagerly nodded. “He even told me na hindi n’ya raw makalimutan ’yung nangyari that night.”

Napatulala ako. Hindi ko na naman alam kung anong mararamdaman ko. Hindi muna ako nagsalita at sinubukan na iproseso ng utak ko ang sinabi ni Artemis.

Eresh said Gray doesn’t remember part of his childhood. I was so sure that this was his trauma. Now, Artemis is telling me that Gray remembers it.

“Hindi ’to alam ni Hunter?” tanong ko.

Artemis shook her head with a grim expression on her face.

“It will wreck him,” she said, devastated. “You saw naman earlier, ’di ba? When Ishtar noticed something in Gray and he did not. Masasaktan din s’yang mas may napansin pa ako kaysa sa kanya, Rey… He’s already blaming himself.”

I took a deep breath. Hinawakan ko ang dalawang kamay n’ya.

“Okay, Artemis. Hindi pa naman kumpirmado.”

“Iyon na nga…” she whined. “I want you to talk with my twin brother. He is Gray’s best friend. Baka may napansin din s’ya.”

“Kasali rin s’ya sa game?”

She shook her head.

“No. Plus, that time when Gray said he remembers what happened? That was way before Eresh drugged him. So, it’s possible that my brother might notice something too.”

Pumayag akong kausapin ang kakambal n’ya. Kinabahan pa nga kami ni Artemis dahil si Hunter pa ang naghatid sa amin papunta sa bahay ng kakambal n’ya. Hindi pumayag si Hunter na mag-taxi kami samantalang dala n’ya naman daw ang sasakyan. Mabuti na lang at pumayag s’yang iwan kami sa bahay ng kakambal ni Artemis at susunduin na lang rin mamaya. Artemis just told him she wanted me to meet her best friend who, apparently, was her twin brother’s wife, so she needed girl’s only time.

“’Yo, lil sis!” bati sa amin ng isang lalaki na sigurado akong kakambal ni Artemis.

“Eew… Until now?” Artemis said with disgust on her face.

Her twin brother chuckled before his piercing blue eyes stared at me. Hindi ko kaagad naiiwas ang tingin ko sa mga mata n’ya. Nakakamangha kasi ang sobrang pagka-blue noon na pareho ng kay Artemis.

“This is Reyziel, Gray’s girlfriend,” Artemis introduced us. “This is Apollo, my twin brother.”

“Rey na lang,” sabi ko bago inilahad ang kamay ko.

Apollo shook it with a grin on his face.

“Galing pumili ng loko, ah?” He chuckled.

They also introduced me to Daphne, Apollo’s wife. Saktong siesta time raw ng mga anak nila kaya maayos ko silang makakausap. Kapag gising daw kasi sina Eros at Cupid, their five-year old son and three-year old daughter, magmumukha raw dinaanan ng bagyo ang bahay dahil sa gulo at ingay ng dalawa—according to Apollo.

“You wanted to talk about Gray?” tanong ni Apollo na umupo sa tabi ng asawa n’ya. Magkatapat na sofa ang inuupuan namin at katabi ko naman si Artemis.

I nodded. “Kahit anong napansin mo.”

“Loyal ’yan si Gray,” he said. “Matagal na n’yang gustong magka-girlfriend. Hindi lang matuloy-tuloy dahil madalas taga-bantay ’yan ng girlfriend ng iba.”

Napangiti ako. Hindi ko alam kung pinapabango lang ba ni Apollo si Gray dahil kaibigan n’ya o totoo ang sinabi n’ya.

But I know Gray is kind though.

“Hindi ’yon…” I said. “Kung may napansin ka bang kakaiba kay Gray? ’Yung parang… hindi s’ya?”

Apollo looked confused. Magpapaliwanag pa sana ako kaya lang nakita kong mukhang nag-iisip na s’ya. He even tilted his head to the side as his forehead creased.

“Wala naman…” he said but then his face lit up. “Oh.”

“What is it?” Artemis asked.

“Hindi ako sigurado dito, ha?”

“It’s okay.”

“I was drunk. May pinoproblema rin ako no’n.”

“Just say it, jerk!” si Artemis na mukhang nawalan na ng pasenysa.

Apollo scowled at her.

“Brat.”

Then he looked at me. Mukhang nagdadalawang-isip kung sasabihin ba sa akin kaya tinitigan na muna ako. Then he sighed when he must’ve seen I was looking at him with a serious expression on my face.

Tumingin ulit s’ya kay Artemis.

“Naalala mo nu’ng nasunog ’yung club?” he asked.

Nakita kong parehong tumango sina Artemis at Daphne.

“Naaalala ko rin,” Daphne said.

Apollo wet his lips. Mukhang nahihirapan sa pagkukwento.

“Look, hindi talaga ako sigurado ’cause I was pretty wasted that night,” he said when he looked at me. “Gray owns a club but before that, he was just a bartender in that club. Binili n’ya lang at itinayo ulit matapos masunog.”

“Yeah… It’s Club Inferno,” Artemis said.

Oh! ’Yung sa picture na nakita ko na nakadikit sa dingding ng kwarto ni Gray! Club Inferno ang nasa likod nila noon ni Hunter!

“Nandon kami ni Artemis nu’ng gabing nasunog ’yung club. Gray was also working that night.” Apollo frowned. “But all of a sudden, the fire alarm went off.”

“Yeah! I remember! Pinauna mo pa nga ako sa paglabas and you went back inside! Are you trying to be a hero?!”

Umiling lang si Apollo sa sinabi ni Artemis. Mukhang inaalala ang lahat ng nangyari ng gabing ’yon.

“No… I was actually trying to find Gray. Imbes kasi na lumabas s’ya, mas pumasok pa s’ya sa loob,” he said. “I got worried so I followed him. Nahirapan pa nga ako sa nagtutulakan na mga taong gustong makalabas. But as I went further inside, I didn’t notice any fire or smoke.”

“What?” nalilitong tanong ni Daphne.

“Then I found him, breaking alcohol bottles on the wall,” Apollo continued. “In every corner. In every wall. Doon sa wala nang mga tao.”

Nagsimula akong kabahan. Nanlamig ang mga kamay ko. Kahit si Artemis ay natigilan rin. Maging si Daphne. Nakatingin kaming lahat kay Apollo na inaabangang ituloy ang kwento n’ya.

“I saw him lit up his lighter. Tinawag ko s’ya. Lalapitan na sana pero umiling s’ya. He told me to get out… Then he threw the lighter on the alcohol soaked walls.”

“Oh, my gosh…” I heard Artemis mutter.

“Mabilis na kumalat ’yung apoy. I looked away for a second. Humapdi kasi ’yung mata ko sa usok pero nang tignan ko si Gray, wala na s’ya. I tried to find him but the whole club was already burning. Lumabas na rin agad ako pagkatapos.”

Naitakip ko ang mga kamay sa bibig ko.  Ramdam na ramdam ko kung gaano kalamig ang bawat daliri ko. I could also feel my hand trembling as my mind tried to process Apollo’s story.

No… No…

“Jerk! Why didn’t you tell me about this?!” Artemis exclaimed. Nakita ko rin ang takot sa mga mata n’ta.

“I told you I was wasted that night! Nakalimutan ko rin dahil sa nangyari sa ’min ni Daphne.”

“Oh, my gosh…” rinig ko ulit na bulong ni Artemis.

Hindi naman ako makapagsalita. Gulat na gulat ako. Kumalat na ang lamig sa buong katawan ko. Hindi ako makagalaw. Naririnig kong nag-uusap pa sina Daphne, Apollo at Artemis pero hindi pa rin ako makapagsalita.

“Pero binili ni Gray ang bar, ‘di ba? Bakit n’ya sinunog kung bibilhin n’ya rin naman?’ rinig kong tanong ni Daphne.

Hindi ako nagsalita. Nanatili lang akong tahimik kahit na may namumuong sagot sa isip ko para sa tanong n’ya. My whole body seemed not to be working.

It was possible… It was possible…

Gray bought the bar ’cause he felt guilty.

He felt guilty for what his alter did.

His persecutory alter.

Chapter 40

Naalala ko noong nag-aaral pa lang ako at naging lesson namin sa Abnormal Psychology ang mental health conditon na Dissociative Identity Disorder o DID. I was very interested in that topic. Ever since I was a child, I always wonder how human minds work. Mas naging grabe nang mapag-aralan ko ang tungkol sa condition na ’to.

In DID, the brain created different personalities to help the person cope with their trauma and to protect them. Those personalities were called alters. And in that subject, I’ve learned that there are different kinds of alters. One of them is the persecutory alter.

They are uniformly described as aggressive, abusive, and violent in a DID system that often mistreats, controls, and oppresses the system to create, manipulate, and coerced the desired behavior. They use aggression and hostility to protect the system.

People with DID systems often hate and view them as bad alters. But these alters usually begin as helpers or protectors. However, the trauma that the host experienced turns them into a persecutor. They carry all defense and coping mechanisms which they thought would be useful during the traumatic experience. Naaalala rin nila ang mga traumatic experiences at ang paraan nila oara maprotektahan ang system is through aggression and violence. They carry anger-related emotions.

Sa mga narinig ko mula kay Apollo, I was sure that what he saw was the persecutor. Something must’ve happened that night that triggered its aggressive behavior. Hindi ko lang alam kung ano ’yon.

Sinusubukan pa rin ng utak ko na iproseso ang lahat. Nahihirapan ako dahil sa dami ng mga iniisip at naaalala ko noong pinag-aaralan ko pa lang ang tungkol sa DID. Isama pa ang lahat ng mga nalaman ko ngayong araw at nu’ng mga nakaraang araw pa. Parang hindi na yata kakayanin ng isip ko.

Ang dami kong nalaman tungkol kay Gray… pero ito ang pinakamalala sa lahat.

I buried my face on my palms. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko. Halo-halo ang mga nararamdaman ko, ang mga iniisip ko at hindi ko alam kung ano ba ang dapat na unahin

I couldn’t calm down. Nanlalamig ang buong katawan ko. Gusto kong umiyak pero dahil sa sobrang gulat ay hindi ko magawa. Hindi ko rin mapigilan ang sakit sa dibdib ko habang pilit na iniintindi ang mga nalaman ko.

This was too much… This was too much.

May parte sa akin ang pinipilit na baka nga hindi si Gray ’yon. Na baka nga mali lang ang nakita ni Apollo dahil sa kalasingan. Pero mas malaki ang naniniwalang si Gray nga talaga iyon.

It was him. It was his alter who burned the club. Alam ni Gray ang ginawa ng alter n’ya kaya binili n’ya ang club due to his guilt. It wouldn’t make sense kung ang alter pa rin na ’yon ang bumili ng club. So, it was Gray.

Gray knew all of it… And he was just hiding the truth.

Shit, no…

Namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko. Gray was suffering in silence. Walang nakakaalam kung ano talagang pinagdadaanan n’ya.

And he chose to stay away because of this. It was his condition, that’s why he left and chose to be alone.

“So, it was Gray who burned the club?” rinig kong halos bulong nang tanong ni Artemis sa tabi ko.

“Hindi talaga ako sigurado,” I heard Apollo answer. “Akala ko pa nga nagha-hallucinate ako sa sobrang kalasingan.”

“Hindi ka naman lasing nu’ng nakausap kita,” Daphne said.

“Lasing ako no’n!” Apollo insisted. Medyo tumaas pa ang boses kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. “Pinaraya kita kay Loki kaya lasing ako no’n!”

I frowned. Si Loki? ’Yung asawa ni Eresh?

I saw Apollo shudder.

“Fuck, ’di ko na uulitin ’yon. Hindi na ako mag-iinom,” he said.

“You’re such an idiot. Talagang hindi na mauulit ’cause wife mo na si Daphne.”

“Pero kung totoo man ang nakita mo… bakit binili pa rin ni Gray ’yung club kung sinunog n’ya naman?” tanong ni Daphne kaya natigil ang usapan nina Apollo at Artemis.

Napahugot ako nang buntong-hininga. Hindi ko na napigilan na suklayin ang buhok ko gamit ang mga daliri dahil sa halo-halong emosyon. Bumalik ang ilang mga hibla sa gilid ng mukha ko.

“He felt guilty for what he did,” I answered Daphne. “Nagtrabaho s’ya sa club na ’yon as a bartender. Ganoon din ang trabaho n’ya sa Negros kaya alam kong marami rin sigurong naging kaibigan si Gray sa club na ’yon. Alam n’yang iyon ang hangout place ng iba. So, he bought it and built the place again.”

“Pero bakit n’ya sinunog ’yung club in the first place?” Artemis asked. Napatingin pa s’ya kay Apollo na para bang may isasagot doon ang kakambal n’ya.

Apollo let out a frustrated sigh.

“Hindi ko alam. Lasing nga ako no’n. Brokenhearted pa kay Daphne,” halata ang inis sa tono n’ya. “Paulit-ulit na ko, ah?”

“I’m just trying to clarify and understand what happened!”

I saw Artemis looking at me. Sa akin naman ngayon nanghihingi ng sagot ang mga mata n’ya. Pero hindi ako nagsalita. I just stayed quiet. Sinulyapan ko ng tingin sina Daphne at Apollo bago ibinalik ang tingin kay Artemis. Mukha namang naintindihan n’ya iyon.

I admired Artemis for not telling them about Gray’s condition. Parang hinihintay n’ya rin na ako ang magsabi sa dalawa. Pero hindi pa ngayon. Lalo pa at hindi pa naman kumpirmado ang lahat. Baka mali rin pala ako. Kailangan ko pa ring makausap muna si Gray.

I just hope that Gray will open up to me sooner.

“Wala ka na bang iba pang napansin?” I asked instead.

Kumunot ang noo ni Apollo. Mukhang nag-iisip. Nahalata kong mukhang may naisip pa s’ya pero nagdalawang-isip kung sasabihin sa akin. Then, he sighed and stared at me.

“Minsan parang natutulala s’ya,” he said. “Tapos… parang hindi n’ya alam ang mga nangyayari?” He frowned, parang nahihirapan ipaliwanag. Then he waved his hand, dismissing the thought. “Wala. Hindi pala ’yon. ’Wag mo nang pansinin ang sinabi ko.”

He thought it was nothing… But maybe, Gray was dissociating in those moments.

Nagpaalam na rin kami kina Apollo at Daphne pagkatapos. I thanked them, especially Apollo, for telling me what happened. Mukha pa nga s’yang nalilito at inulit pang sabihin na hindi s’ya sigurado roon. But I still thanked him, anyway.

Kung hindi s’ya sigurado, si Gray lang ang makakapagkumpirma kung totoo ngang nangyari ang mga nakita n’ya nang gabing iyon.

I was grateful that Artemis suggested that I should talk with his twin brother. Hindi ko malalaman ang lahat ng mga iyon kung hindi. Mas marami pa akong na-realize dahil sa mga nalaman ko mula kay Apollo.

Pero… hindi ko maiwasan ang malungkot para kay Gray. He’s been hiding all of this. Hindi ko maisip kung anong nararamdaman n’ya habang itinatago n’ya ang lahat. He must’ve felt so alone… So alone…

I won’t leave him. I promise I won’t leave. Kahit anong mangyari… hindi ko na hahayaang sarilinin n’ya ang lahat. Hindi ko na hahayaang maramdaman n’yang nag-iisa s’ya.

I’ll help you, Gray…

Nagulat pa ako nang yayain ako ni Artemis sa isang coffee shop at sinabing doon na lang namin hintayin si Hunter. Nabubwisit daw kasi s’ya kay Apollo na matapos naming pag-usapan ang tungkol kay Gray ay inasar-asar na si Artemis.

But when we got our orders and I saw her fingers playing with the cup of her latte, I figured that that wasn’t the reason why she suggested we should wait here.

Alam kong marami rin s’yang tanong, lalo na sa mga sinabi ni Apollo kanina. Hinintay ko lang s’yang magsalita habang umiinom sa Iced Americano na in-order ko.

“Do you think it was King Lancer?” tanong n’ya maya-maya.

Ibinaba ko ang cup na hawak ko. Tinitigan ko s’ya. Her blue eyes were filled with curiosity.

Umiling ako.

“Hindi ko alam,” I admitted. “Pero base sa mga narinig ko kina Eresh at Hunter, malaki ang possibility na si King Lancer nga ang nakita ni Apollo.”

“I knew that it was his alter. Gray could never do something like that. To put those people in danger…”

Inalala ko ang sinabi ni Apollo. May napansin kasi ako. Ngayong medyo kumalma na ako sa lahat ng mga nalaman ko, mas nagiging malinaw sa akin ang mga sinabi nila.

“Sa tingin ko… hindi rin intensyon ng alter n’ya ang manakit,” I said. “I think he just really wanted to burn the club.”

“What?” Artemis asked, frowning.

I wet my lips using my tongue while thinking of a way so Artemis could understand my assumption.

“Sinabi ni Apollo na tumunog ’yung fire alarm kaya naglabasan ang mga tao. Pero ang sabi rin n’ya, na-trigger ’yung fire alarm kahit wala s’yang nakitang apoy o usok. And when he saw Gray, sabi n’ya, doon binabasag ni Gray ’yung mga bote ng alcohol kung saan walang mga tao. And Gray even warned him to get out before throwing the lighter.”

Napakurap-kurap si Artemis. Hinintay ko lang s’yang maintindihan ang punto ko pero nakita kong nangunot ang noo n’ya.

“I thought the alter just knew that Apollo is Gray’s best friend and he knew that Gray would get hurt if something happened to Apollo because of him… Or because of his alter.”

Napatango ako. “Pwede rin. But what about that fact he triggered the fire alarm first before he burned the club?”

Mukhang doon lang naintindihan ni Artemis ang punto ko. Her face lit up. Her lips parted a bit and she looked at me like I’d just discovered something that would put my name in the Guinness Book of Record.

“So, he just wanted to burn the club?” she asked and I shrugged.

“I think…”

“Wow… You’re smart.”

Nahihiyang napangiti ako sa kanya.

“Malawak lang talaga ang knowledge ko tungkol dito dahil sa profession ko.”

Artemis shook her head.

“Even so… you noticed those things that the others failed to notice. And believe me when I say that you’re smart because of that ’cause, you know… Gray’s friends, they’re not… ordinary people.” Mukhang naghanap pa s’ya ng magandang salita para roon. “Mas naintindihan namin ang sitwasyon ni Gray because of you.”

I flashed her another shy smile. Nahihiya talaga ako. Hindi pa naman ako sanay makatanggap ng compliments. Tapos nanggaling pa kay Artemis.

“We all thought that it was because of what Eresh did that’s why Gray became like that…” Artemis continued. “We blamed her, you know. But then… I guess we are all at fault ’cause we failed to notice anything. Natulungan sana namin si Gray…”

“Gray chose to hide it,” I said.

“Still…” She shrugged her shoulders. “That’s why I think that Eresh is really grateful to you. Although I know na it won’t lessen her guilt, kasi gano’n s’ya… You still clarified to us what was really happening.”

“It’s my…” Hindi ako makahagilap ng sasabihin ko. “Gusto ko lang matulungan si Gray.”

Artemis flashed me a warm smile. She was relieved but I saw worry in her eyes. Napansin n’yang nakatitig ako sa kanya at mukhang nakahalata kung anong nakikita ko sa mga mata n’ya. Nawala ang ngiti n’ya at napabuntong-hininga.

“I know that Hunter asked you to tell him everything but…” May lalong dumoble ang pag-aalala sa mga mata n’ya. “Can you please not mention this to him? ’Yung ginawa ni Gray sa club.”

Hindi ako nagsalita. Naiintindihan ko naman kung bakit ayaw n’yang sabihin ko kay Hunter ang tungkol dito. But she might’ve taken my silence differently dahil nagpaliwanag pa s’ya.

“Kung totoo ang nakita ni Apollo nang gabing ’yon, then it means that Gray knew about it—about his conditon. And he was just hiding it from Hunter. I don’t know for how long but still… He hid it from his brother. Sisisihin na naman n’ya ang sarili n’yang hindi nalaman agad kung anong pinagdadaanan ng kapatid n’ya.”

I smiled to assure her before I nodded. Nabawasan ang pag-aalala n’ya dahil doon. She smiled back at me before she sipped on her latte.

Hindi lang si Gray ang nahihirapan ngayon dahil sa kalagayan n’ya. His brother was still suffering too. At hindi man nila ipahalata, alam kong nag-aalala rin ang mga kaibigan n’ya. They were all worried about him. Lahat sila ay naaapektuhan pa rin hanggang ngayon.

At hangga’t hindi pa nagiging maayos ang kalagayan ni Gray—hangga’t patuloy pa rin s’yang nahihirapan… may palagay akong lahat sila ay ganoon din. They will have a hard time moving on.

I really wish for Gray’s happiness to come soon.

Dumating si Hunter na nagtaka rin kung bakit pa raw kami pumunta sa coffee shop. He even asked kung paano kami nakapunta rito and when Artemis said that we took a cab, I saw the protest in his eyes. Mukhang hindi n’ya nagustuhan na nag-taxi kami kung pwede naman s’yang tawagan.

But when he saw that Artemis was looking at him, waiting for him to say his objection, he just sighed and said that she could just call him next time.

Napangiti ako. It was a small gesture and an emotion in his eyes but I could already tell that he really loves his wife.

I wish for their complete happiness too.

I don’t want to ruin the look in Hunter’s eyes. Kaya nagdesisyon na rin akong itago sa kanya ang mga nalaman namin mula kay Apollo. Sa tingin ko rin naman, hindi dapat ako ang magsabi sa kanya tungkol doon. It should be Gray.

Inihatid nila ulit ako pabalik sa hotel. Tahimik lang akong nakasakay sa backseat at nakatingin sa labas ng bintana pero ang isip ko ay nandoon pa rin sa naging pag-uusap namin ni Apollo.

“Rey,” Hunter called me. nagsalubong ang tingin namin sa rearview mirror. “May nag-alaga kay Gray noong bata pa s’ya nu’ng mga panahong wala ako sa tabi n’ya. Si Nanay Flor… but she’s in Palawan. Do you also want to talk to her?”

Agad ang pag-iling ko.

“Hindi na…” I said. “Sa tingin ko rin naman, sapat na ang mga nalaman ko. Kailangan ko na lang makausap si Gray kaya gusto ko sanang makabalik na rin agad sa Negros.”

“We’ll take you back tomorrow,” he said. Medyo nagulat pa ako na ihahatid din pala nila ako pabalik.

Umiling ako. “Sa susunod na araw na lang sana. Plano ko kasing bisitahin na rin bukas si Mama at ’yung kapatid ko.”

“They lived here?” gulat na tanong ni Artemis. Tumango ako. “And you’re living alone in Negros?”

Kinonsidera ko na sabihin sa kanya kung paano naging ganito ang sitwasyon ko pero nang maisip na baka humaba ang kwento ay napabuntong-hininga na lang ako. Malapit na rin kasi kaming makarating sa hotel na tinutuluyan ko.

“It’s a long story,” sabi ko na lang.

Ramdam ko ang pagod nang makabalik na sa suite. Pagkatapos kumain at maghugas ng katawan ay nakatulog agad ako paghiga ko pa lang sa kama. Siguro ay napagod talaga ang utak ko sa pag-iisip kaya nang makapag-relax ang katawan ko, nakatulog agad ako at hindi na nagkaroon pa ng oras para mag-isip sa mga nangyari ngayong araw.

It’s okay… My mind and body need to rest. Lalo pa at bibisitahin ko si Mama bukas. Hindi n’ya dapat mahalata ang mga inaalala ko. Ayoko nang lumala pa ulit ang sakit n’ya kung sakaling makita n’yang nag-aalala ako.

Umaga na nang magising ako. Hindi ko na tinawagan si Larissa at naghintay na lang sa labas ng university n’ya. Mabuti na lang at alam ko ang schedule n’ya.

I smiled wide when I saw her eyes widened as soon as she saw me waiting outside the gate.

“Ate?!” gulat na sigaw n’ya kahit may ilang hakbang pa ang pagitan namin.

Patakbo s’yang lumapit sa akin. Ngiting-ngiti ako nang makita ang gulat sa mukha n’ya. I succeeded in surprising her.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong n’yang nanlalaki pa rin ang mga mata. Mukhang hindi pa nga makapaniwala na nasa harapan n’ya ako.

“’Di ba binigyan ako ni Ace ng one month leave? Naisip kong bumisita na rin sa inyo ni Mama.”

Her jaw dropped. Titig na titig pa rin sa akin. Pagkatapos ay nakita ko ang unti-unting pagngiti n’ya.

“Na-miss kita, ate!” she exclaimed.

Natawa ako. She’s still my little sister…

Niyaya ko si Larissa na kumain na muna bago namin magkasamang bisitahin si Mama. She looked excited. Tuwang-tuwa s’ya na dadalawin namin si Mama ngayon. Naging maganda na raw kasi ang kalagayan ni Mama at nakakakilala na. Palagi pa nga raw akong tinatanong sa kanya.

I’m so glad… I’ll finally hear her call me by my name again…

“Hanggang kailan ka rito, ate?” tanong ni Larissa kahit may laman pa ang bibig. Napangiti na lang ako.

“Babalik na rin ako sa Negros bukas,” I said.

Nakita ko agad ang lungkot sa mga mata n’ya. Napatigil pa nga sa pagkain.

“Akala ko ba isang buwan?” she whined.

“Oo nga pero kasi… may humingi lang sa ’kin ng pabor. Sila na rin ang naghatid sa ’kin dito sa Manila. Humingi lang ako ng isang araw sa kanila para madalaw kayo ni Mama. Bukas, ihahatid nila ulit ako pabalik sa Negros.”

Si Gray ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng pagkakataon na mabisita sina Mama at Larissa. Kaya kailangan ko rin bumalik agad sa Negros para kay Gray.

“Libre?” she asked. Natawa ako. Mukhang nag-aalala rin pala s’ya sa pamasahe ko.

I nodded. “Kung hindi dahil sa kanila, baka hindi rin ako makadalaw dito. Mahal ang pamasahe.”

Napatango-tango si Larissa. Mukhang naiintindihan na ako.

“Sabagay… Nag-iipon ka nga pala para makabukod na tayo sa mga Callisto.”

I just nodded. Tinapos na rin namin ang pagkain at nag-take out para kay Mama.

Nagpunta kami sa institution kung nasaan si Mama. Nag-alala pa nga ako sa visiting hours pero sabi ni Larissa na isa raw sa privilege namin na ni-refer ni Doc Evelyn ay pwede raw namin bisitahin si Mama kahit ngayon. Basta raw ay magsasabi agad kami.

Kinakabahan pa ako habang hinihintay namin si Mama. Si Larissa ay mukhang relax lang at gumagamit ng phone n’ya. Hindi ko alam kung may ka-chat o naglalaro lang para malibang.

And then I saw my mother, accompanied by a nurse. Natuwa ako nang makitang nagkalaman na s’ya kumpara noong huling dalaw ko sa kanya. Maaliwalas na rin ang mukha n’ya.

Una n’yang nakita si Larissa na nagpangiti agad sa kanya bago lumipat ang tingin n’ya sa akin. Nang mawala ang ngiti n’ya, mas dumoble ang kaba ko. Nahaluan na rin ng pag-aalala.

Hindi pa rin n’ya ba ako naaalala? Itatanong n’ya ba ulit kung sino ako?

Ilang beses nang itinanong sa akin ni Mama iyon sa tuwing dumadalaw kami sa kanya noon. Pero sa lahat ng pagkakataon, hindi ko mapigilan ang masaktan. Sa palagay ko ay hindi ako masasanay nang ganoon.

I should’ve expected this. Pero masakit talaga kung hindi ka nakikilala ng sarili mong ina.

Dahan-dahan ang paglapit ni Mama sa akin. Hindi n’ya inalis ang tingin sa akin habang lumalapit. She scanned my whole face. Parang kinikilala pa nga ako. Nang tuluyan na s’yang makalapit ay ilang sandali pa s’yang tumitig sa akin.

And when I saw that she was about to say something, hinanda ko na ang sarili ko sa sakit.

It’s okay… It’s okay, Rey. Mamaya ka na lang umiyak.

“Reyziel, anak? Ikaw na ba ’yan?”

Kulang ang sabihin na nagulat ako sa mga salitang lumabas sa bibig n’ya. Hindi iyon ang inaasahan ko pero sapat na para mamuo agad ang luha sa gilid ng mga mata ko. Lalo na nang lumapat ang mga palad n’ya sa pisngi ko, kinukulong ang mukha ko at tinitigan pa akong mabuti.

“Tama… Ikaw si Reyziel, ’yung panganay ko…” Her eyes watered. “Dalaga na ang anak ko. Ang ganda-ganda pa.”

Napahikbi ako kasabay nang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Yumakap agad ako kay Mama, sabik na maramdaman ulit ang yakap ng isang ina.

Hindi naman ako nabigo dahil saglit lang ay niyakap n’ya ako pabalik. I tightened my hug on her and cried silently on her shoulders.

“Ang anak ko…” paulit-ulit na sabi ni Mama habang hinahaplos ang buhok ko.

She finally recognized me…

Ilang sandali pa muna ang lumipas bago ako tuluyang humiwalay sa yakap n’ya. Sobra kong na-miss ang pakiramdam na ’yon. ’Yung init ng yakap n’ya. ’Yung boses n’ya sa tuwing sinusuyo ako lalo na kapag nagkakasugat ako nang malalim noong bata ako at umiiyak sa sakit. Naaalala ko noong sinasabi n’ya sa aking ngayon lang ang sakit na ’yon at lilipas rin.

And I would always believe her.

Inayos ni Mama ang ilang hibla ng buhok na napunta sa mukha ko. Pinunasan n’ya rin ang luha sa pisngi ko.

“Ang ganda-ganda naman ng panganay ko,” she said. Napangiti ako. Alam kong pinapangiti lang ako ni Mama.

“Ako, ’ma? Hindi?” tanong ni Larissa na napanguso pa.

She smiled at her. Marahan n’yang hinila si Larissa at ikinulong kami sa yakap n’ya.

“Magaganda ang mga anak ko. Mahal na mahal ko pa,” she said. Tumulo tuloy ulit ang luha sa mga mata ko.

Nang bitiwan n’ya kami ay nakita kong namumula na rin ang mga mata ni Larissa pero pinipigilan lang ang maiyak. Natutunan n’ya iyon nang dahil sa akin. Alam kong ayaw n’yang makita ko s’yang umiiyak o nahihirapan. She didn’t want to burden me more. Iyon ang paraan na alam n’ya para makatulong sa akin.

Umupo na kami at hinanda ang pagkain na binili namin para kay Mama. Saka ko lang naisip na sana pala ay hindi muna kami kumain ni Larissa para sabay-sabay kami. Pero hindi rin naman pumayag si Mama na hindi kami kumain at hinatian pa kami sa pagkain n’ya. I already anticipated it. Kaya sobra rin naman ang pagkain na binili ko.

“Kumusta ka sa Negros, anak?” tanong sa akin ni Mama maya-maya. “Hindi ka ba nahihirapang mag-isa ka lang doon?”

Nakangiti akong umiling sa kanya.

“Mababait po mga katrabaho ko sa hospital, ’ma. Tapos ’yung guard sa apartment building na tinutuluyan ko, mabait din. Lagi po akong pinapaalalahan na mag-ingat kapag bumabyahe ako.”

She made a sad smile. Napabuntong-hininga pa.

“Kung hindi sana ako nagkasakit, naaalagaan ko sana kayo.”

Nagkatinginan kami ni Larissa. Iniiwasan kasi namin na ma-stress o malungkot si Mama kaya puro masasayang kwento lang ang baon namin kapag dumadalaw kami sa kanya. At kahit na sobra akong nasasaktan noon kapag hindi n’ya ako makilala, tinatago ko lang ang sakit noon. Pinipilit ko lang ngumiti.

“Malalaki na kami, ’ma,” I said. “Alam kong hindi mo maiiwasan ang pag-aalala pero kaya naming alagaan ang sarili namin. Ang gusto po namin, mag-focus ka sa pagpapagaling mo. Kapag nakalabas ka naman dito, ’ma, magsasama-sama rin tayo, eh.”

Nakita kong mas lumungkot lang ang mukha n’ya.

“Pero hindi pa naman naaayos ’yung kaso ko,” she said.

Hinawakan ko ang kamay n’ya.

“One at a time, ’ma. Haharapin nating lahat ’yan. Pero sa ngayon, ang mahalaga, gumaling ka. Iyon muna, ’ma…”

She squeezed my hand and I squeezed hers back to give comfort. Saka lang s’ya napangiti.

I decided to change the subject para mawala ang pag-aalala n’ya.

“May boyfriend na pala ako, ’ma.”

Ramdam ko ang gulat nilang dalawa. Lalo na si Larissa na nanlalaki ang mga mata at nakabuka pa ang bibig nang tumingin sa akin. Parang naririnig ko pa nga kung anong iniisip n’ya. Kung bakit hindi ko agad sinabi sa kanya.

“Matagal na?” she asked and I nodded. “Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?!”

Natawa ako. Sabi na, eh. Sa kanya ko kasi palaging sinasabi ang lahat so she felt betrayed when I just told her this now.

“Hindi natin napag-uusapan,” I said.

“Kahit na! Sinabi mo pa rin dapat sa ’kin!”

Natawa na rin si Mama nang makita ang mukha ni Larissa na parang batang nawalan ng kaibigan dahil mas naging kasundo ang kaaway n’ya.

“Mabait ba ’yang lalaking ’yan, Reyziel?” tanong ni Mama kaya napatingin ako sa kanya.

I smiled when I remembered that time when Gray toured me in Negros.

“Sobra, ’ma! Inaalagaan n’ya rin ako.”

She flashed me a warm smile.

“Mukhang masaya ka sa lalaking ’to, ah?” she said. “Gusto ko tuloy s’yang makilala.”

I smiled at her. Tuwang-tuwa sa pagiging interasado n’yang makilala si Gray.

“Hayaan mo, ’ma… Ipapakilala ko rin s’ya sa ’yo.”

Hindi lang muna sa ngayon. My mom and Gray… gusto kong siguraduhing maayos na muna sila bago ko ipakilala si Gray kay Mama.

Nalungkot pa ako nang oras na para umuwi. Pero hindi kagaya noon na mabigat ang dibdib ko sa tuwing dinadalaw ko si Mama. This time, she recognized me. Tinawag n’ya akong ‘anak.’ Tinawag n’ya ako sa pangalan ko.

Alam kong malapit nang maging okay si Mama. Malapit na s’yang gumaling.

Pareho kaming napatigil sa paglalakad ni Larissa nang makita ang isang pamilyar na kotse na nag-aabang sa labas ng institution. Bumukas ang pinto mula sa driver’s seat at bumaba si Ace. Nakakunot ang noo n’ya nang makita ako.

“Rey?” Lumapit pa s’ya sa amin ni Larissa. Mukhang sinisiguro kung ako nga ba ang nakikita n’ya. “I already assumed that it was you when they told me that Larissa left with a woman. Pero nakakagulat pa rin.”

Nakalimutan ko na ang tungkol sa kanya. Ang akala ko pa ay hindi ko s’ya makikita ngayong nandito ako sa Manila. ’Cause what are the odds?

Hindi ko alam kung paano s’ya pakikitunguhan matapos nang naging pag-uusap namin. Inaasahan ko na galit s’ya kahit naging maayos naman ang pagtatapos ng usapan namin noon. But looking at his stance and the genuine happiness on his face when he saw me, mukhang hindi naman s’ya galit.

I smiled at him. “Kumusta ka na, Ace?”

He smiled back at me.

“I’m good. Looks like you’re better than me, though,” he said. “I didn’t know that you have plans on visiting here.”

“May inasikaso lang,” I said. Pagkatapos ay napakunot ang noo. “Ano palang ginagawa mo rito?”

He sighed. Sumulyap pa kay Larissa na tahimik lang sa tabi ko.

“I was supposed to fetch Larissa at her university. But her classmates told me that she left with a woman. I assumed it was you so I went here.”

“Sinusundo mo si Larissa kapag uwian n’ya?” gulat kong tanong.

Ace nodded. “I told you I’ll look after them. Kapag hindi lang naman ako busy sa hospital.”

Napatingin ako kay Larissa nang makita ang paggalaw n’ya. Naabutan kong umiirap s’ya kay Ace.

“Hindi naman kailangan,” halata ang inis sa boses n’ya. “Nabuhay akong hindi mo ako hinahatid o sinusundo kaya bakit pa kailangang mag-iba ngayon?”

Nanlaki ang mga mata ko at pinandilatan si Larissa. Nagulat ako sa pagsagot n’ya kay Ace!

“Larissa!” saway ko pa sa kanya pero sumimangot lang s’ya.

“Hindi ko naman s’ya amo, ate, kaya pwede akong magsalita ng ganito sa kanya.”

Napasinghap ako. Napatingin pa ako kay Ace na kunot-noong nakatingin sa kapatid ko.

“I’m still older than you.”

Larissa gave her a mocking smile.

“Ganoon po ba? Ano po bang dapat kong itawag sa inyo? Manong Ace or Lolo Ace? Pasensya na po, ha?”

Halos malaglag na yata sa lupa ang panga ko. Nakita ko pang umirap si Larissa na parang hindi pa nakuntento sa mga sinabi n’ya kay Ace!

I noticed Ace looking at me. Nang makita ko ang mukha n’ya, hindi ko alam kung matatawa ba ako o mag-aalala. He looked at me that I was at fault that Larissa was treating him this way. Nag-iwas na lang ako ng tingin.

Alam kong may pagka-forward si Larissa pero hindi ko alam na grabe pala! Magkaibang-magkaiba kami!

Napilit ko rin naman si Larissa na sumakay sa kotse ni Ace at magpahatid na kami sa kanya. Nasa passenger seat ako at si Larissa naman ay nasa likod at nakatingin lang sa labas ng bintana. I noticed Ace stealing a glance at her from time to time. Pagkatapos ay iiling before I heard him tsked. Parang frustrated o stressed dahil kay Larissa.

“You’re staying here?” gulat na sabi ni Ace nang makarating kami sa hotel. “How?”

I know he didn’t mean any harm to that question. Sa labas pa lang ay halata nang mamahalin ang hotel. Ace knew that I was saving up money for the future. Alam n’ya kung gaano ako katipid.

Binigyan ko lang s’ya ng isang tipid na ngiti.

“Long story.”

Bumaba si Ace para pagbuksan ako. Si Larissa ay nasa tabi ko agad para yakapin ako.

“Gusto ko rin makilala ’yang boyfriend mo, ate,” she said, eyes squinting to intimidate me.

Natawa na lang ako.

“Ipapakilala ko rin naman s’ya sa inyo.”

Naghabilin pa ako kay Larissa bago s’ya pinakawalan. Pero hindi kaagad ako umalis lalo na nang marinig ko si Ace na sa passenger seat na pinapasakay si Larissa.

“Ayoko d’yan,” nakairap pang sabi ng kapatid ko.

“I’m not your driver,” Ace said with gritted teeth.

“Ay, hindi ba? Ikaw kasi ang nagpumilit na sunduin ako kaya sasakay ako kung saan ko gusto.” Then she proceeded to open the backseat door and slid inside the car.

Ace let out a frustrated groan. I pursed my lips. Pinipigilan ko ang mapangiti. Ngayon ko lang nakitang nawalan ng composure si Ace. At dahil pa ’yon sa kapatid ko.

I saw him took a deep breath to calm himself. Naglakad na rin s’ya papunta sa driver’s side. He opened the car’s door before he looked at me.

He waved at me. Kumaway ako pabalik sa kanya bago s’ya tuluyang pumasok sa loob ng kotse. I watched his car drove away before I turned around to enter the hotel.

Napangiti ako. Bukas… babalik na ako sa Negros.

Babalik na ako kay Gray.

Chapter 41

Hinatid ulit ako nina Hunter at Creed kinabukasan pabalik sa Negros. Sakay pa rin ng chopper, nakarating kami sa rooftop ng mall mag-a-alas diyes ng umaga. Pareho pa silang nag-offer na ihatid ako sa apartment building pero tumanggi na ako. I thought that Hunter would insist so he could see his brother but he didn’t.

Sa palagay ko… alam n’yang hindi makakabuti para kay Gray kung magpapakita s’ya. Dahil na rin sa nangyari noong nakaraan.

It was sad. I know how much he wanted to see and to finally be with his brother. Pero hindi n’ya magawa. He was tiptoeing around him. Lalo na ngayong may hinala na s’ya sa kung anong nangyayari kay Gray.

Alam kong gusto n’yang makabawi sa kapatid n’ya. Pero hangga’t hindi pa maayos si Gray, he knew that he should step back for now.

“Don’t hesitate to call us if you need anything, Rey,” sabi sa akin ni Hunter nang sumakay na ako sa backseat ng taxi. He was holding the door, still not closing it para magbilin sa akin. He was slightly crouching down para mag-level ang paningin namin.

Kahit na ilang beses kong sinabi sa kanila na hindi na naman nila kailangan bumaba pa para ihatid ako sa sakayan ng taxi, they both insisted. Sa huli ay pumayag na lang din ako. I was feeling bad for Hunter, I guess. Hanggang dito n’ya lang ako pwedeng ihatid kahit na alam kong gustong-gusto n’yang makita ang kapatid n’ya.

“O kahit naman wala kang kailangan,” Creed said. Inakbayan pa si Hunter at medyo yumuko rin para mas makita ako. “Kunwari gusto mo lang ng kakwentuhan… Pwede mo rin kaming tawagan.”

I smiled. Hindi ko pa man sila ganoong katagal nakikilala, I’ve only been with them for a few days but… I felt comfortable around them. Ramdam kong mabubuti silang mga tao. Kahit na ano pa man ang nalaman ko tungkol sa kanila.

“Salamat sa lahat… Pasensya na rin sa istorbo,” I said.

“You’re not a bother. I’m actually grateful that you’re doing all of this for Gray…” Hunter gave me a warm smile. “Thank you…”

Creed smiled at me as well. Nginitian ko sila at nagbilin pa ang dalawa sa driver na mag-ingat sa pagmamaneho bago nila tuluyang isinara ang pinto ng taxi.

I sighed when the taxi finally moved. I tried to relax on my seat and stared at the scenery outside the window. Naaalala ko tuloy noong unang beses na makarating ako rito sa Negros galing rin sa Manila.

Those days felt so long ago. Wala akong idea sa kung anong magiging buhay ko rito sa Negros. I was anxious, I was scared. Ngayon lang ako napalayo ng ganito kina Mama at Larissa.

Then, I met Gray… He made my days bearable. With his smile every time he saw me. And the way he cares for me.

He made things easier for me with him being by my side, supporting me, cheering me up. Gusto kong makabawi sa kanya.

Ang dami kong nalaman tungkol sa kanya lalo na nang magpunta ako sa Manila at makausap ko ang mga kaibigan n’ya.

With all those smiles he’s giving me, he was hiding something painful.

“Ma’am Rey!” rinig kong bati agad sa akin ni Mang Gener nang makita n’yang bumaba ako ng taxi. I smiled. Naglakad ako palapit sa guwardiya.

“Good afternoon po, Mang Gener,” bati ko sa matanda habang kinukuha mula sa bag ko ang binili kong pasalubong para sa kanya. Iniabot ko iyon kay Mang Gener. “Para ho sa inyo.”

“Naku, Ma’am! Nag-abala pa kayo.” Nakita kong parang nahihiya pa s’ya. Hindi pa rin kinukuha ang binibigay ko.

“Nagbilin din po sa ’kin si Mama na bigyan ko nga raw po kayo ng pasalubong. Nabanggit ko ho kasi na inaalagaan n’yo kaming mga tenant dito,” I said. “Sige na ho. Para po sa inyo talaga ’yan.”

“Trabaho ko naman ’yon, Ma’am,” sabi ni Mang Gener na napakamot na ng ulo. Nag-aalangan pa ring tanggapin ang pasalubong.

Sa huli ay napilit ko rin naman s’ya kahit alam kong nahihiya s’yang tanggapin ang binibigay ko. I smiled at the guard.

“Kumusta na ho pala si Gray?” I asked. “Wala ho bang ginawang kalokohan habang wala ako?”

Agad ang pag-iling ni Mang Gener. Nagduda tuloy ako na baka pinagtatakpan n’ya lang si Gray.

“Naku, Ma’am! Wala ho. Behave si Sir James. Hindi ko pa nga ho nakikitang lumalabas simula pa kahapon.”

I frowned. Hindi s’ya pumasok sa club kagabi? Paano ang pagkain n’ya? Duda pa naman ako na magluluto ’yon. Hindi rin s’ya mahilig mag-stock ng pagkain.

“Sige ho, Mang Gener. Aakyat na ko,” I said. I need to check on Gray asap.

“Ay, sige, Ma’am. Para makapagpahinga na rin kayo.” Bahagya n’yang itinaas ang binigay ko. “Maraming salamat dito.”

I gave him one last smile before I finally went inside the building. Nasa baba na ang elevator kaya pagpindot ko pa lang sa up button ay kaagad na bumukas ang pinto. Pumasok ako sa loob at napahugot nang malalim na buntong-hininga nang magsara na ang pinto.

I suddenly feel nervous. I miss Gray and I really want to see him. Pero ang daming pag-aalinlangan ang pumasok sa isip ko habang paakyat nang paakyat ang elevator.

What if… hindi si Gray ang makita ko? What if hindi s’ya ang humarap sa ’kin? What if it’s not him right now?

Or what if… they both meant what he said when I left Negros? Na ’wag na akong bumalik? Paano kung iyon rin pala ang gusto ni Gray.

There’s no turning back. Wala na rin akong panahon para pakalmahin ang sarili ko dahil bumukas na ang pinto ng elevator nang makarating na sa third floor. Hindi muna ako lumabas. Pero nang magsasara na ulit ang pinto, pinigilan ko iyon. I took a deep breath before I finally took a step outside the lift.

Nakakaisang hakbang pa lang ako sa paglabas ng elabtor nang mapatigil ako. Sa likod ko ay narinig ko ang pagsasara ng pinto ng elevator.

I tried to drink in the scene in front of me. A man was sitting just outside my unit. Nakaupo s’ya sa sahig. His knees were up and his arms were resting on it. Nakasubsob ang mukha n’ya doon. Parang natutulog.

Looking at him, he resembled a child na naghihintay papasukin ng magulang sa loob ng bahay. May ginawang kasalanan kaya hindi pinapapasok bilang parusa.

My heart ached seeing him like this. Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kanya.

Is he… waiting for me?

“Gray?”

I noticed his body stiffened when I called his name. Hindi s’ya natutulog. Sadyang nasa ganoon lang talagang pwesto habang nakaupo sa labas ng apartment unit ko.

Nag-angat s’ya ng ulo. I saw him blinking before he looked around. Mukhang hinahanap kung saan nanggaling ang tumawag sa kanya.

Then his eyes met mine. And at that very moment, I instantly knew that it was Gray.

Tumigil ako ilang hakbang mula sa kanya. He was looking up at me. He looked dazed, confused even. Hinayaan ko lang s’yang iproseso muna ang lahat.

Nakita kong napatingin s’ya sa travelling bag na bitbit ko sa kanang kamay ko bago n’ya ibinalik ang tingin sa akin. Pagkatapos ay dahan-dahan s’yang tumayo nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. Na para bang maglalaho ako kung sakali mang iiwas n’ya ang mga mata n’ya.

“Rey…” he mumbled.

It was really him.

I pursed my lips. Nasa harapan ko na s’ya pero mas lalo pa yatang lumala ang pagka-miss ko sa kanya.

Pinasadahan ko s’ya ng tingin. He looked like a mess. Magulo ang palaging nakaayos n’yang buhok. Ang ilang hibla ay tumatama na sa mga mata n’ya. His hair was sticking all over the place. Kahit ang white long sleeve button down polo n’ya ay gusot na rin. Mas lalo pang nakita iyon dahil nawala na iyon sa pagkaka-tuck in sa black slacks n’ya.

He has dark circles under his eyes. He looked really tired. I also noticed a day of stubbles under his jaw and chin.

I let out a worried sigh. Humakbang s’ya palapit sa akin kaya bumalik ang tingin ko sa mga mata n’ya. His eyes looked expressive right now kaya kitang-kita ko ang lungkot at pagkatakot doon.

Why is he scared? What is he afraid of?

Tumigil s’ya sa mismong harapan ko. Titig na titig s’ya sa akin pero hindi naman ako gumawa ng paraan para alisin ang tingin sa kanya.

I wanted to see him. All of him.

Then I noticed his expression changed. His eyes watered. His lips quivered. Bahagyang nalukot ang mukha n’ya habang nakatitig pa rin sa akin. Parang hindi na nagawa pang kontrolin ang emosyon n’ya.

Mas lalong sumakit ang dibdib ko ngayong nakita kong parang maiiyak na s’ya. He was on the verge of crying. He must’ve seen the pain in my eyes and realized that I was seeing all of his emotions right now kaya s’ya napayuko.

Then I heard his silent sobs.

“Gray?” nababahala kong tanong.

Hindi s’ya nag-angat ng tingin. Instead, his arm reached out and held my wrist. Marahan n’ya akong hinila palapit sa kanya. He then wrapped his arms tightly around me and buried his face on my shoulder. Nabitiwan ko pa ang travelling bag ko. It created a loud thud when it fell on the floor.

Mahigpit na mahigpit ang pagkakayakap n’ya, parang ayaw na akong pakawalan. Naririnig ko ang mahihinang paghikbi n’ya habang nakasubsob ang mukha n’ya sa balikat ko.

He was crying. Hindi ko alam kung bakit. Pero isipin ko pa lang na nasasaktan s’ya ngayon, nasasaktan na rin ako.

I hugged him back. I wanted to ease his pain away. Lahat gagawin ko para lang hindi na s’ya masakta.

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko but I held it in. I caressed Gray’s back, trying to soothe him. Naramdaman kong napahugot s’ya nang malalim na paghinga. Then I noticed his body relaxing a bit.

“I t-thought… I thought—” he tried to say between his sobs. “I thought y-you left me.”

I heard pain in his voice. Kinailangan kong kagatin ang ibabang labi ko para pigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

“Ang akala ko… hindi ka na babalik.” He sobbed.

Napaluha na ako lalo pa nang mas humigpit ang yakap n’ya sa akin. Hindi na ako nagreklamo kahit halos hindi na ako makahinga. I could feel the fear with his hug. Bahagya pa ngang nanginginig ang katawan n’ya. He was really scared with the thought that I left him.

Oh, Gray…

Sana pala, bago ako umalis, nasiguro kong alam ni Gray na babalik ako. Sana hindi ako umalis nang hindi s’ya ang nakakausap ko. Para hindi s’ya natakot nang ganito.

So, he really was waiting for me. Kaya s’ya nakaupo sa labas ng unit ko.

I wonder… kung anong iniisip n’ya sa mga panahong hinihintay ako? Sa mga oras na lumilipas na hindi pa rin ako bumabalik?

I couldn’t help my sob. Hinigpitan ko na rin ang yakap ko sa kanya.

My poor Gray…

“Sinabi kong babalik ako…” I said. Sinusuklay ko na ngayon ang buhok n’ya habang magkayakap pa rin kami.

“He didn’t tell me,” I heard Gray mumble. Masyadong mahina ang pagkakasabi n’ya pero dahil nakasubsob ang mukha n’ya sa balikat ko at malapit sa tenga ko, narinig ko iyon. Para pa ngang nagsusumbong s’ya sa akin.

I sighed. Hindi nga si Gray ang nakausap ko bago ako umalis. Ilang beses ko rin kasing sinabing babalik ako sa kanya kahit pinagpilitan n’yang huwag na akong bumalik.

So, he wasn’t aware of that moment.

“Hindi naman kita iiwan nang gano’n lang, Gray,” sabi ko habang marahan na sinusuklay ang buhok n’ya. “I won’t ever leave you…”

Ramdam ko ang sa wakas na pagkakatigil ng panginginig ng katawan n’ya. He finally relaxed completely. Ilang sandali kong hinayaan kaming magkayakp bago ko s’ya inilayo sa akin.

I looked at his face. His eyes were brimming with tears. I pursed my lips, stopping them from trembling when I saw hope in his eyes. He looked like a kid, a hopeful kid with an innocent look. Na para bang talagang inaasahan at naniniwala s’ya sa sinasabi ko.

I tried to wipe his tears on his face using my thumb, trying to stop myself from crying as well.

He went away from his family and friends but he didn’t want to be alone. Kaya ganoon na lang ang nakikita kong pag-asa sa mga mata n’ya nang mangako akong hindi s’ya iiwan.

“Hindi kita iiwan, Gray,” I said, full of honesty. I poured all my emotions into my promise. “ I promise I’ll always stay by your side.“

I noticed the side of his lips slightly rose with a smile. Saka lang nabawasan ang sakit sa dibdib ko nang makita ko iyon.

He held my hand that was trying to wipe the tears on his face. Natigilan ako. He was staring at me as he placed a gentle kiss on my palm. I shivered with the sensation as spark travelled down my whole body.

I gave him a small smile.

“Kaya ba nandito ka labas ng apartment ko? Hinihintay mo ako?” I asked. “Hindi ba sinabi sa ’yo ni Mang Gener na babalik rin naman ako?”

“He told me,” he mumbled against my palm. Ramdam na ramdam ko ang paggalaw ng mga labi n’ya sa palad ko. My heart started to beat so fast.

“Iyon naman pala,” I casually said, ignoring the fast beating of my heart. “Sana sa loob ka na lang naghintay. Alam mo naman ang passcode ko, ’di ba?”

Ibinalik n’ya sa pagkakalapat sa pisngi n’ya ang palad ko. Then he leaned his cheek against my palm.

“Natakot ako na baka makita kong wala nang laman ang apartment mo,” he admitted. Bumalik ang pagkatakot sa mga mata n’ya. “Baka mali lang pala ang akala ni Mang Gener. Baka hindi totoo ang sinabi mo sa kanya…”

Gray stared at me. His gray eyes were full of fear and pain… and worry. Para bang kahit nasa harapan na n’ya ako ay hindi pa rin n’ya maiwasan ang matakot.

“Na baka… nagsinungaling ka lang kay Mang Gener kasi ayaw mong sabihin sa kanya na natakot ka sa akin kaya hindi ka na babalik…”

My face crumpled in pain. Kung kanina ay gusto ko pang malaman kung anong iniisip n’ya habang naghihintay sa akin, nagsisi na ako ngayon sa pagiging kuryoso ko. Hearing those words from him was too much to break my heart.

Iyon ba talaga ang iniisip n’ya? Na natakot ako nang mapansin sa kanya ang lahat ng ’yon kaya ako umalis? And he thought that I was not coming back.

I bet he didn’t call me when I was in Manila dahil natatakot din s’ya na baka hindi ko sagutin iyon. O baka sabihin ko sa kanya ang kinatatakot n’ya.

No, Gray…

Lumapat na rin ang isa ko pang kamay sa pisngi n’ya. I cupped his face, trying to make him feel that he thought wrong. Na hindi mangyayari ang iniisip n’ya. Na hindi totoo ang akala n’yang natatakot ako sa kanya.

But it wasn’t enough. Hindi ako nakuntento roon lalo na nang hindi nabawasan ang sakit at takot sa mga mata n’ya.

I want to let him know that I’ll keep my promise to him. Na hinding-hindi ko s’ya iiwan pa.

So, I closed our distance. Mas matangkad s’ya kaysa sa akin kaya kinailangan ko pang tumingkayad para maabot s’ya. But he helped me by leaning down and wrapping his arm around my waist to support me.

I kissed him. 

When our lips finally met, he sighed in contentment. Na para bang ito lang ang hinihintay n’yang assurance sa lahat. Like my kiss was more than enough to drive all his fears and worries away.

The kiss was so gentle. Walang pagmamadali. Like we have all the time in the world. I almost melted inside his arms. Naramdaman yata iyon ni Gray kaya mas humigpit pa ang pagkakayakap n’ya sa bewang ko at mas hinigit pa ako palapit sa kanya. There was no space left between us and I could feel his heartbeat against mine.

I missed this. Pakiramdam ko, sobrang tagal na nang mahalikan ko s’ya. I felt at home, I felt comfortable. It was like inside his arms was the best place for me.

Ilang sandali bago namin pinutol ang halik. Ang mga braso ko ay nakapulupot na sa balikat n’ya para kumuha ng suporta. He stared at me and I stared back. Sabay pa kaming napangiti sa isa’t-isa.

Finally… his real smile.

“Kailan ka pa naghihintay dito sa labas ng unit ko?” Sinubukan kong ayusin ang buhok n’ya, inaalis ang ilang mga hiblang tumatama sa mga mata n’ya.

“Kahapon pa.”

Natigilan ako at napatitig sa kanya.

“So, hindi ka pa kumakain?”

He shook his head.

“Baka kasi magkasalisi tayo…”

Bigla ang pagbangon ng inis sa dibdib ko. Bumitiw ako kay Gray at sinubukang lumayo pero mas hinigpitan n’ya pa ang mga braso n’ya sa bewang ko.

I glared at him. Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata pero nang makita siguro na naiinis na talaga ako, saka n’ya lang ako pinakawalan.

Sabi na, eh! Sabi na at hindi kumain ’tong isang ’to! Kaya naman pala hindi pa s’ya nakikita ni Mang Gener na lumalabas mula pa raw kahapon dahil nandito at maghapon at magdamag na naghintay! Mabuti na lang at naisipan kong maagang umalis kanina sa Manila! Nahihiya pa nga ako na baka masyadong maaga para kina Creed at Hunter pero ayos lang naman daw.

Kung sakali pala, hindi talaga kakain ’tong si Gray hangga’t hindi ako bumabalik!

“Dapat kumain ka, Gray!” inis na sabi ko. “Huwag ka na ngang magpapalipas ng gutom!”

“Baka kasi dumating ka na tapos…” Hindi na n’ya naituloy ang sinasabi n’ya nang samaan ko ulit s’ya ng tingin. Naitikom n’ya na lang ang bibig n’ya.

I took a deep breath and tried to calm myself. Hindi ko na talaga iiwan ’tong isang ’to! Napakapabaya sa sarili! Nakakainis!

“Pasok na tayo sa loob,” I said. “Magluluto ako. Hindi pa rin ako kumakain.”

Kinuha ko na ulit ang travelling bag ko at naglakad papunta sa unit ko pero napatigil din nang mapansin na hindi sumusunod si Gray. Nandoon pa rin s’ya. Nakatayo at nakatitig lang sa akin.

I stared at him. Now that he finally relaxed, I could clearly see the tiredness in his eyes. Sa tingin ko at hindi pa rin s’ya natutulog sa kahihintay sa akin.

I sighed.

“Magpapahinga tayo at matutulog pagkatapos kumain,” I said.

Nakita ko agad ang pagrereklamo sa mga mata n’ya. Parang ayaw na ayaw ang ideya na matutulog s’ya. Like all he wanted to do is to spend time with me while he’s awake.

Kahit noon pa naman, kailangan ko pa s’yang pilitin para lang matulog s’ya. He didn’t like to sleep.

Noon, nagtataka pa ako kung bakit parang ayaw na ayaw n’yang matulog. Pero ngayon… alam ko na. He was afraid that he’ll not be him when he wakes up.

I sighed, trying to let out the pain I was starting to feel again.

“Magkatabi tayong matutulog sa kama. We’ll cuddle.” I smiled at him. “Na-miss kasi kita nang sobra, Gray…”

Mukhang nagulat s’ya sa sinabi ko. Then instantly, his eyes twinkled with happiness.

Nagulat ako nang mabilis s’yang naglakad at nilagpasan ako. He punched in the passcode on the lock. S’ya na rin ang nagbukas ng pinto ng apartment ko bago lumingon sa akin.

“Ano pang hinihintay mo? Akala ko ba magluluto ka para makakain na tayo?”

I blinked when he went inside my apartment first. Hindi pa ako nakaka-recover sa pagkabigla sa bilis ng pagkilos n’ya nang lumabas ulit s’ya at naglakad palapit sa akin. Kinuha n’ya mula sa kamay ko ang travelling bag bago pumasok na ulit sa apartment ko.

“Ano na, Rey?” rinig kong tawag n’ya mula sa loob nang hindi pa rin ako sumusunod sa kanya.

I laughed. Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagtawa.

“’Eto na!” I said before I finally went inside my apartment, closing the door behind me.

Chapter 42

Natigilan ako pagpasok sa apartment nang makita na nakatayo lang si Gray. Nakatalikod s’ya sa akin pero alam kong sa sofa s’ya nakatingin. May ideya na agad ako kung bakit lang s’ya nakatayo roon at nakatitig lang sa sofa.

He was probably remembering Lilac. Ako man ay ganoon din. Sa tuwing napapatingin ako sa sofa, naaalala ko palagi si Lilac. Naalala ko ang pag-aagawan nila ni Gray sa pwestong iyon.

Nakaramdam ako ng lungkot nang maalala na naman ang alaga namin. Si Lilac ang dahilan kung bakit naging malapit kami ni Gray. He played a big part in our relationship.

Ngayon… wala na s’ya. But Lilac would always be a part of me and Gray.

I took a deep breath. Nilapitan ko si Gray at hinaplos ang braso n’ya, trying to soothe him. I was giving him silent comfort, hoping that he would at least feel slightly better to know that I’m here. Na may kasama s’yang malungkot. Na hindi s’ya nag-iisa ngayon.

Gray looked at me. He flashed me a sad smile before he took a deep breath. Inilapag n’ya ang travelling bag ko sa sofa na ’yon bago umupo.

Nang masiguro na okay na s’ya ay dumiretso ako sa kusina at binuksan ang ref. I checked my stocks. Nag-isip ako sa kung anong pwede kong lutuin sa natitira ko pang stocks bago napatingin kay Gray.

I sighed. He really needed to eat. kahapon pa s’ya hindi kumakain.

“Wala na pala akong stocks, Gray. Maggo-grocery muna ako,” I said.

Napatayo s’ya at nilingon ako.

“Sama ako,” he said.

Napangiti ako. I sometimes like it when he’s like this. Clingy and dependable. He was alone and always on his own before. Lumayo pa nga para hindi na masaktan ang kapatid o ang mga kaibigan n’ya. Kaya gustong-gusto ko talaga kapag ganito s’ya. Kapag ganitong gusto n’ya akong kasama.

Isinama ko si Gray sa paggo-grocery. S’ya ang nagtutulak ng cart habang ako naman ang naglalagay ng mga laman doon mula sa grocery list na naka-save na sa notes sa phone ko. Ito lang naman kasi ang palagi kong binibili.

Ibinalik ko sa shelf ang noodles na nilagay ni Gray sa cart. Hindi ko nagustuhan ang naiisip ko na iyon ang kakainin n’ya kapag nagugutom s’ya dahil mabilis iyong lutuin. Kailangan n’yang kumain nang maayos. He really needed it with his condition.

I exhaled harshly when Gray put another noodle but with a different brand this time in the cart. Hinawakan ko ang gilid ng cart para tumigil iyon bago nilingon si Gray at binigyan s’ya ng masamang tingin. Napatigil s’ya sa paglalakad at napakurap nang makita ang tinging binigay ko sa kanya.

“Minsan nagugutom ako kapag madaling-araw,” he said defensively.

“’Wag puro noodles, Gray. Hindi healthy.”

“Minsan lang naman… Kapag madaling-araw.”

“Nandito naman ako,” I said. “Ipagluluto na lang kita.”

He pressed his lips together. Halatang pinipigilan ang mapangiti. Napayuko pa s’ya para itago sa akin iyon. Pero nang muling tumingin sa akin ay may malawak ng ngiti sa mga labi n’ya.

“Oo nga pala…” He bit his lower lip before he widened his smile. “Hindi mo nga pala ako iiwan.”

I bit my lower lip to stop myself from smiling. Pero hindi ko rin naman napigilan nang makita ang malawak n’yang ngiti. He looked genuinely happy with it.

Ang cute talaga ng lalaking ’to.

“Off ko pala for one month,” sabi kong tinalikuran na s’ya para ipagpatuloy na ang pamimili. “Gusto mong magbakasyon tayo?”

Hinawakan ko ulit ang gilid ng cart para i-guide si Gray sa meat section. Pero naramdaman kong hindi n’ya iyon tinutulak kaya napatingin ako sa kanya. He was just looking at me while still standing on the same spot, blinking like he didn’t get what I’ve just said.

“Ano?” tanong n’ya nang makitang nakatingin na rin ako sa kanya.

“Wala akong pasok for one month. Bakasyon tayo kung gusto mo?”

His eyes widened. Pero maya-maya ay agad ding napangiti at sunod-sunod pang tumango.

“Oo ba!” he exclaimed. Napalingon pa tuloy ako kung may napatingin sa amin dahil medyo napalakas ang boses n’ya. Buti na lang at kami lang dalawa ang nandoon sa aisle na ’yon.

“Pa’no ’yung trabaho mo sa club?” I asked.

He pushed the cart again. Sumabay ako sa paglalakad n’ya. Kanina kasi ay nauuna ako.

“Okay lang ’yon kay Travis. Malakas ako do’n.”

“Hmm.” Napatango na lang ako.

Parang ngayon ko lang naramdaman ang hiya kay Travis. Ilang beses ko na rin yata s’yang naistorbo? Una ay ’yong gabing may nangyari sa basement parking lot ng Cold Spot. Sumunod ay ’yong nakita kong may mga babaeng katabi si Gray sa couch. At nitong huli nga na nagpasuyo pa akong bantayan n’ya si Gray para sa akin.

But Gray looked confident though. Siguro nga ay malakas s’ya kay Travis. I think they’re good friends too.

We went to the meat section. Hindi ganoon karami ang mga klase ng meat na pwedeng pagpilian doon. Luckily, I know how to choose a good meat. Ang mga kasamahan kong naninilbihan sa mansyon ng mga Callisto ay tinuruan ako tungkol doon.

I looked at Gray who was checking all the meat on the display chiller with his eyes. Nakita ko ang pagiging kuryoso sa mga mata n’ya. Halata na hindi alam kung anong pipiliin doon.

“Anong gusto mong kainin?” I asked.

Hindi kasi ako makapili. Hindi ko rin alam kung anong lulutuin ko kaya wala akong ideya kung anong bibilhin para sa ulam namin.

I decided to ask him since I wanna cook whatever he wants this time. Hindi pa rin kasi s’ya humihiling ng lulutuin ko kahit noon pa. Kinakain n’ya kung anong niluluto ko.

“Ikaw?” Hindi man lang ako tinignan ni Gray. Nasa mga karne pa rin ang tingin n’ya.

Natigilan ako at napatitig sa kanya. I blinked. Gray asked that absentmindedly while still looking at the meat so it sounded like… not a question. Kailangan ko pa tuloy pag-isipan kung nagtatanong ba talaga s’ya o hindi.

But… it was a question, right? It wouldn’t make sense if it wasn’t.

Pero mukhang hindi lang ako ang nakaisip noon dahil napatigil din ang babaeng nakasalubong namin at napatingin din kay Gray na mukhang narinig ang tanong ko at ang isinagot n’ya. The woman looked at me. Nahalata ko ang kaunting pamumula ng mga pisngi n’ya.

I noticed Gray stiffened. Napatingin s’ya sa akin nang mahalatang natigilan ako, pagkatapos ay sa babaeng palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. Then he looked at me again, horror struck on his face. Nanlalaki pa ang mga mata n’ya.

“I mean, ikaw?” Napangiwi s’ya. He was panicking a bit. “I mean, anong gusto mong kainin? Tinatanong rin kita!”

Napansin ko ang pamumula ng tenga n’ya. Napahilot din s’ya sa batok n’ya. He looked frustrated.

Napatikhim ako. Napatingin sa babae na nangingiti bago n’ya itinulak ang cart at nagpatuloy na sa pamimili.

This is… awkward.

“Ikaw nga ang tinatanong ko,” I said casually, hoping that the awkwardness would go away.

“Sabi ko naman sa ’yo, Rey… Kahit anong lutuin mo, ayos lang sa akin.”

My wish came true. Nawala kaagad ang awkwardness na nararamdaman ko kani-kanina lang dahil sa sinabi n’yang ’yon. Napalitan ng kung anong emosyon. Sakit? My heart suddenly ached for him.

I suddenly realized something. Gray, he’s… too selfless. It was like he sees himself as someone who’s not important. Mas inuuna rin n’ya ang iba kaysa sa kanya. Ang nararamdaman ng iba kaysa sa sarili n’yang nararamdaman.

Sa tingin ko ay kuntento na rin s’ya sa kung anong natatanggap n’ya. Nasanay siguro s’ya na ganoon. Na sapat na ang kung anong tatanggap n’ya at hindi na humihingi ng kung ano pa. He was so used to it. That he was not a priority.

Because for him, at least he was receiving something.

Naaalala ko tuloy ang sinabi ni Hunter. Na wala s’ya noon palagi sa tabi ng kapatid n’ya kaya wala s’yang napansin na kakaiba kay Gray.

Did Gray also get used to the little time that his brother spares him? Nasanay na ba s’ya sa maliit na atensyong ibinigay sa kanya ni Hunter kaya s’ya ganito?

I bit my lower lip. Naramdaman ko ang kagustuhan na maiyak pero pinigilan ko. This was not a perfect place for it. Ayoko rin naman na magulat si Gray dahil sa biglang pag-iyak ko.

I’ll give him anything. I want to make him feel that he’s important. That he was loved.

I tried to smile at him. Itinago ko ang sakit na nararamdaman ko para sa kanya.

“Gusto ko ring malaman kung anong favorite mong ulam,” I said. “Iluluto ko ’yon ngayon.”

“Sinigang na baboy,” mabilis n’yang sagot. Mukhang hindi sinasadya pero nang sabihin ko na gusto kong malaman, saka n’ya lang sinabi.

Someday, I want him to say it first because it is what he likes, not because I wanted to know what he likes.

Mas napangiti pa ako.

“Then sinigang na baboy it is.”

Bumalik na kami sa apartment matapos naming mamili. Tinutulungan ako ni Gray sa pag-aayos ng mga pinamili namin nang mapasulyap ako sa kanya. Napansin ko ulit ang magulo n’yang buhok at ang gusot n’yang polo.

“Maligo ka kaya muna habang nagluluto ako, Gray?” I suggested.

Napansin kong natigilan si Gray bago tumingin sa akin. May pag-aalala sa mga mata n’ya.

“Mabaho na ba ako?”

Natawa ako nang amuyin pa n’ya ang sarili n’ya. I shook my head before I smiled at him.

“’Yung totoo? You look like a mess,” I admitted. “’Tsaka para makapagpalit ka na rin ng damit.”

Tinitigan n’ya ako. Parang nag-iisip pa. Napakunot tuloy ang noo ko. Hindi ko alam kung ano pa bang dapat n’yang pag-isipan sa pagligo lang.

“I’ll take a bath here,” he said after a while.

“Bahala ka,” I said with a shrug.

“Pupunta lang ako saglit sa unit ko. I need to get clothes.”

Tumango lang ako sa kanya at pinagpatuloy na ang pag-aayos. Okay lang naman sa akin kahit dito pa s’ya maligo. He did it before. Hindi pa nga kami noon pero nakiligo na s’ya. Plus, I want him to be comfortable around me.

“Don’t go anywhere, Rey!” he exclaimed so suddenly. Hindi pa rin pala gumagalaw sa kinatatayuan n’ya para kumuha ng damit na sinsabi n’ya.

Nakasimangot akong tumingin sa kanya.

“Saan naman ako pupunta, eh, magluluto nga ako ng tanghalian natin?”

Mariin s’yang tumitig sa akin. He even squinted his eyes. Pakiramdam ko tuloy, inoobserbahan n’ya ako kung nagsisinungaling ba ako o hindi.

“Saglit lang ako,” he even said.

I exhaled harshly. Napipikon na.

“Alam mo, Gray, kung kanina ka pa umalis baka nakabalik ka na.”

He chuckled. Inaasar n’ya lang yata ako. Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang pag-aayos sa pinamili namin.

I heard his footsteps as he walked towards the door. Pero bago n’ya buksan ang pinto ay may hinabilin na naman sa akin.

“’Wag kang aalis, Rey, ha?”

I glared at him.

“Oo na nga!”

He has a wide grin on his face as he finally opened the door and left my unit. Naiwan akong napapairap na lang sa kanya.

Ang kulit!

He did what I’ve told him. Naligo s’ya habang nagluluto ako ng sinigang. Dinamihan ko ang gabi para maging malapot ang sabaw at nilagyan ko rin ng sampaloc. I suddenly crave for the food too. Hindi pa ako nakakapagluto ng sinigang simula nang magpunta ako rito sa Negros.

Mapapadami kasi, eh, mag-isa lang naman ako. Mabuti na ngayong may kasalo ako. Makakatikim na rin ako ng sinigang na baboy na mismong luto ko kaysa sa bumili pa ako sa canteen sa ibaba.

Malapit nang maluto ang sinigang nang matapos si Gray sa pagligo. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo bago kumalat ang amoy ng shampoo at body wash ko. He used them again.

“Ginamit mo na naman ’yung shampoo at body wash ko,” sabi kong hindi lumilingon sa kanya. Nakaharap ako sa kalan, binabantayan ang nilulutong sinigang.

Narinig ko ang mahinang pagtawa n’ya bago ang mga yabag n’ya palapit sa akin. My back straightened when his arms wrapped around my waist. He gathered my hair and put it on my left shoulder before he hugged me from behind. Muntik ko pa ngang mabitiwan ang sandok sa sobrang pagkabigla. He buried his face on the hollow part between my neck and right shoulder. His damp hair tickled my cheek and I felt him took a deep breath.

I felt my heart leap outside my chest. His hug was so comfortable. Parang gusto ko na lang matunaw sa loob ng mga yakap n’ya. His warmth was enveloping me and I’ve never felt so at peace in my life.

He was naked on the top. Kaya naman ramdam na ramdam ko ang init ng katawan n’ya.

“Ang bango…” His voice was muffled against my skin.

Nakiliti ako nang maramdaman ang paggalaw ng mga labi n’ya dahil sa pagsasalita n’yang iyon. I didn’t say anything. Hindi ko rin naman alam kung anong tinutukoy n’ya. Kung ’yung sinigang ba o ako.

’Yung sinigang siguro.

The scent of my shampoo and body wash mixed with his natural scent invaded my nose. Nagbigay iyon sa akin ng kakaibang pakiramdam lalo na nang maisip ko na nanggagaling iyon kay Gray.

Hindi ko alam kung bakit. Naaamoy ko naman iyon palagi kapag ginagamit ko sa pagligo. There was nothing sexy about it pero kapag kay Gray ko talaga naaamoy iyon, ewan…

It smelled… sexy and erotic?

Nanindig ang balahibo ko nang dampian n’ya ng magaang halik ang parte ring iyon ng leeg ko. His hand started caressing the sides of my waist. My stomach constricted with the emotions and pleasure that he’s making me feel.

He trailed light kisses on his way up to the spot until his lips settled on the part just below my ear. Bumaba rin ang halik n’ya hanggang sa balikat ko. He even kissed the clothed part of my shoulder bago muling bumalik ang halik n’ya sa gilid ng leeg ko.

“Gray…” I breathe his name. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko nang halos hindi ko na makilala ang boses ko.

Hindi na yata kasi ako makahinga. My heart was thumping crazily against my chest. He was making me feel something for the very first time.

His hands were now caressing my arms. I know he could feel my goosebumps and with his caress, it was like he was calming me down.

I felt his grin against my skin before he lightly bit that part of my neck. I yelped. Mabilis akong lumayo sa kanya sa sobrang pagkabigla sa ginawa n’ya at nanlalaki ang mga matang napatingin sa kanya.

“Gray!” I exclaimed. My hand covered that part where he bit me. Hindi makapaniwala ang tingin na binigay ko sa kanya.

Nagulat ako! Ano ’yon? Bakit bigla s’yang nangagangat? At ’yung paraan pa ng pagkagat n’ya para bang… bigla na lang s’yang nanggigil sa akin at hindi na nakayanan kaya nangagat na!

Tumawa s’ya at nang subukang hulihin ang braso ko ay lumayo ako sa kanya. He chuckled again and when he reached for me for the second time, I just let him. Hinigit n’ya ako palapit sa kanya.

“I missed you… So much,” sabi n’ya at muli akong niyakap. Hinayaan ko na lang at niyakap s’ya pabalik.

 I missed him so much too…

“Magbihis ka na. Kakainin na tayo,” sabi ko maya-maya.

Sabay kaming kumain at natuwa ako nang magustuhan ni Gray ang luto ko. Magana s’yang kumain. Hindi namin naubos ang ulam kaya ang natira ay inilagay ko na lang sa ref.

Si Gray ang naghugas ng pinagkainan namin at nagdesisyon akong maligo na rin at mag-toothbrush habang naghuhugas s’ya. Isang white shorts na hanggang ibabaw ng tuhod ang isinuot ko at maluwag na tshirt. Lumabas ako ng banyo at nakitang wala na si Gray sa kusina. Tapos na sigurong maghugas pero hindi ko rin s’ya makita sa sala.

Where is he? May kinuha ba s’ya sa unit n’ya?

Nasagot ang tanong ko nang pagpasok ko sa kwarto ay nandoon s’ya at nakaupo sa kama. He was grinning as soon as I closed the door behind me. He tapped the space on the bed beside him.

“Come here, Rey. Let’s sleep,” he said. Pero base sa ngisi n’ya, mukhang wala sa plano n’ya ang matulog. He was being playful again.

I also missed this part of him.

Sinimangutan ko s’ya.

“Matutulog tayo, Gray. Pagod ako sa byahe tapos ikaw, wala ka pang matinong tulog mula nang umalis ako dito at magpunta sa Manila!”

Nawala ang ngisi n’ya nang makita na seryoso ako. His shoulders slumped. Nag-iwas rin ng tingin sa akin. Mukhang nagtatampo dahil hindi napagbigyan.

Anong ibibigay ko, eh, malinaw naman na sinabi kong magpapahinga kami pagkatapos kumain?

Pinigilan ko ang mapangiti. Nakakainis. Bakit ba kasi ang cute ng lalaking ’to. Ang hirap manatiling inis sa kanya.

Sumampa na ako sa kama at humiga sa kaliwang parte noon. I left a room for Gray pero hindi pa rin s’ya humihiga at nagtatampo pa rin. Napatawa na ako.

“Gray, halika na…” I stretched out my arms for him. Inviting him to accept my hug.

He glanced at me pero iniiwas din ang tingin. Halata pa rin ang pagtatampo sa mukha. But he did a double take. Napangisi nang sa wakas ay mapagtanto ang gusto kong mangyari.

He laid down beside me. Iniangat ko ang katawan ko nang tangkain n’yang ilagay ang isang braso n’ya sa ilalim ng katawan ko. He wrapped his other arm around my waist as he laid his head on my chest. My arms wrapped around his shoulders and head.

Alam kong naririnig n’ya ang mabilis na tibok ng puso ko. His head was resting right at that part pero hindi ko na alintana ’yon. I wouldn’t even care if he’ll know how much he’s affecting me. How much I was happy right at this very moment.

Sinilip ko s’ya. His eyes were closed, a smile tugging at his lips.

“This is nice…” he mumbled as he tightened his hug.

Napangiti ako. Marahan kong sinuklay ang buhok n’ya gamit ang mga daliri ko. I wish time would freeze. I wish that Gray could at least forget all his worries just for a while. I wish that we could forget all our problems for a while and cherish this moment.

We stayed like that for a while. Ako pa naman ang nagsabing matutulog kami pero ayokong matulog. I want to stay awake with him. I want to treasure this moment with him.

“Gray…” I called him. Alam kong hindi pa rin s’ya tulog. Nararamdaman ko kasi ang paminsan-minsan n’yang paghaplos sa likod at sa bewang ko.

“Hmm?” I heard that short hum in his throat.

“Gusto ka palang makilala nina Mama at Larissa.”

Halos matawa ko nang maramdaman ko ang pagkakatigil n’ya. His body stiffened and I could already feel the tension enveloping his body. Kahit hindi n’ya sabihin ay alam kong bigla s’yang kinabahan.

“Mabait naman si Mama… pero si Larissa, may pagka-straightforward s’ya,” sabi ko pa. “Ngayon pa lang, magso-sorry na ko kung may masabi s’yang hindi mo magustuhan.”

Pinigilan ko ang ngiti nang mag-angat s’ya ng ulo. He looked at me. His gray eyes filled with worry and nervousness.

I smiled at him. Hinaplos ko ang kanang pisngi n’ya.

’You’ll be okay…“ I assured him. “Gusto ka lang nilang makilala, lalo na si Mama. Ang sabi n’ya, mukha raw kasi akong masaya sa ’yo.”

“Are you?” he asked. Napalitan ng kaseryosohan ang pag-aalala at kaba na nakita ko sa mga mata n’ya kanina.

“Hmm?” Sinuklay ko ulit ng daliri ko ang buhok n’ya.

“Happy with me?”

Itinigil ko ang ginagawa ko at tinitigan s’ya.

“Of course, Gray…”

Nakita ko ang pag-aalangan sa mukha n’ya sa susunod n’yang tanong. Hinintay ko lang s’yang maging handa.

“Even if I’m… like this?” halata ang pag-aalangan sa tanong n’ya.

I continued combing his hair with my fingers. Gusto kong alisin ang pag-aalinlangan at pag-aalala sa mga mata n’ya habang hinihintay ang sagot ko. Ayokong makakaramdam s’ya ng ganoon pagdating sa akin.

Alam ko naman kung anong tinutukoy n’ya. It was his condition. Mukhang hindi n’ya pa rin handang sabihin ng deretso sa akin pero mukhang alam n’ya na rin na may ideya ako.

It’s okay… I’m always willing to wait for him until he’s ready.

“Si Hunter nga pala ang naghatid sa akin papunta sa Manila at pabalik dito sa Negros,” I said instead. “Sumakay kami sa chopper ni Creed.”

Nakita ko ang maliit na ngiti sa mga labi n’ya bago umunan ulit sa dibdib ko.

“Nagpabayad ba si Kuya Creed?” rinig ko pa rin ang ngiti n’ya sa tanong n’yang ’yon.

I shook my head, smiling.

“Libre na raw. Para sa ’yo naman daw ’yon.”

Hinintay kong may sabihin s’ya pero nanatili lang s’yang tahimik. Hinintay kong magtanong s’ya kung anong ibig sabihin ng sinabi ni Creed. Kung ano ang para sa kanya. Pero lumipas ang ilang sandali na tahimik pa rin s’ya.

“I met Artemis,” I continued. “Nakilala ko rin sina Lucius, Ishtar, Kylo at Loki…”

Pinakiramdaman ko s’ya. I waited for his reaction. I mentioned Loki kaya alam kong alam n’yang si Eresh na ang kasunod.

But he still didn’t say anything.

“I also met Eresh,” I finally said.

Gray didn’t give any indication if he heard anything that I said. Inakala ko pa ngang baka nakatulog na s’ya pero naramdaman ko na naman ang paghaplos ng mga kamay n’ya sa likod at sa bewang ko. Ang isang kamay n’yang humahaplos sa bewang ko ay pumasok na sa loob ng shirt ko. His hand was now caressing my skin and I could feel the warmth of his palm.

I mentioned all his friends. Kahit nga ang kuya n’ya. He must’ve realized now the reason why I came back to Manila. He must’ve realized that we’ve talked about him. Alam n’ya na ngayong may alam ako sa kung anong nangyari sa kanya.

But still… Gray didn’t give me any reaction. Kinakabahan pa nga ako na baka iba na naman ang makaharap ko pero patuloy lang ang mga kamay n’ya sa paghaplos sa akin. It was so gentle and familiar that I knew he was still Gray.

“Marami akong nalaman,” pag-amin ko na. “Pero alam kong hindi pa iyon ang lahat.”

Gray took a deep breath, finally giving me a reaction.

“I want to clear something,” he said.

“Ano ’yon?” tanong ko agad. Inihanda ko ang sarili sa anumang sasabihin n’ya.

Nag-angat s’ya ng tingin. He shifted his body so his whole frame was now above me and I was beneath him. Halos nakadapa na s’ya sa ibabaw ko pero sinusuportahan pa rin n’ya ang bigat n’ya.

He looked down at me and frowned.

“You’re calling them by just their names? Wala man lang ‘kuya’?”

I blinked. “Ha?”

Mas lumala lang ang pagkakakunot ng noo n’ya.

“Kuya ang tawag ko sa kanila pero ikaw sa pangalan mo lang sila tinatawag? Mas matanda pa nga ako sa ’yo!”

“So gusto mong tawagin rin kitang kuya?”

“Hindi ako, Rey!” he whined. “Sila! Lalo na si kuya! Kuya ko ’yon, eh!”

I looked at him, confused. He looked betrayed. Napakurap na lang ako.

“Hindi ko alam na kailangan pala?” patanong kong sagot.

Napasimangot s’ya. He was clearly unimpressed with my answer.

Hindi rin naman dumaan sa isip ko na kailangan ko silang tawagin nang ganoon. Siguro ay nasanay na rin ako sa trabaho ko, addressing people in a professional way.

“Bakit parang galit ka?” I asked. “Mukhang okay lang din naman sa kanila kahit hindi ko sila tawaging kuya.”

“I’m not okay with it,” he sulked.

Napangiti na ako. Bigla akong nagkaroon ng ideya kung bakit s’ya nagkakaganito.

“Nagseselos ka ba?” tanong ko na. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko kaya mas napasimangot lang s’ya.

Natawa na ako. He was so adorable! S’ya ’yung tipo ng lalaki na kayang pagsabayin ang pagiging cute at pagiging gwapo!

But my laughter died when I saw his wicked grin. Mukhang may binabalak na kung ano kaya naging alerto ako. Hindi ko mahulaan kung anong iniisip n’ya kaya nagulat na lang ako nang kilitiin n’ya ako sa bewang.

“Gray!” I warned him. Malakas pa naman ang kiliti ko roon!

Pero mas lalo lang s’yang ngumisi at kiniliti ulit ako! Ang isang kamay n’ya ay nasa likod ko pa rin kaya ang katawan ko ay nakakulong pa rin sa braso n’ya habang ang isang kamay n’ya ay kinikiliti ang bewang ko.

I laughed so hard even if I don’t want to. Malakas talaga ang kiliti ko sa bewang! I tried to free from his grasp but he wouldn’t let me.

“Gray, kasi!” I said between my laughs. “Ah! Ayoko na!”

I heard him laughed as well. I twisted my body, trying to free from his grip at nagawa ko naman. Mabilis akong bumaba sa kama at tumakbo papunta sa pinto bago n’ya pa ako mahuli. I opened the door. Lumabas ako ng kwarto para makalayo sa kanya.

“Gray, kasi. Tama na,” sabi ko pero natatawa naman. Nakasunod lang pala s’ya sa akin.

“Tawagin mo muna silang kuya.”

Hindi ko alam pero mas natawa lang ako roon. Dahil lang doon kaya n’ya ginagawa ’to!

Gray laughed before he tried to catch me. Tumakbo ako palayo sa kanya at pumunta sa likod ng sofa. Nagpatintero kami habang nasa pagitan namin ang sofa. Ginagamit ko iyon pangharang sa kanya para hindi n’ya ako mahuli.

Pero mukhang iba ang plano n’ya.

Nanlaki ang mga mata ko nang walang kahirap-hirap na sumampa s’ya sa sofa na para bang wala iyon sa pagitan namin. Mabilis akong tumakbo ulit pero nahuli n’ya rin ako. We fell on the floor and he moved on top of me bago pa ako makatakas. Malakas akong napatili nang kilitiin n’ya ulit ako.

“Ayoko na!” sabi kong natatawa naman dahil sa pagkiliti n’ya.

“Call them kuya first!” he insisted.

“Ayoko na kasi!” hirap na hirap kong sabi sa gitna ng pagtawa. “Gray!”

Tumigil din naman s’ya hindi dahil sa sinabi ko pero dahil nakarinig kami ng pagkatok sa pinto. Nagkatinginan kami. He got off me first before he helped me up. Pareho kaming hinihingal nang buksan namin ang pinto.

It was the tenant whose unit was directly below mine. Alanganin ang ngiti n’ya nang makita n’ya ang itsura namin ni Gray.

“Mrs. Rosanes!” bati ni Gray sa babae. “Kayo po pala.”

“Hi, James… Rey,” she greeted. “May mga bata ba kayong kasama?”

Nagkatinginan ulit kami ni Gray. Parehong nagtataka sa tanong n’ya.

“Bakit ho?” it was Gray who asked.

“Rinig kasi ’yung mga yabag nila sa baba habang nagtatakbuhan. Natutulog ’yung baby ko. Baka kasi magising…”

It took me a while before it finally dawned on me. Narinig ko ang pagtawa ni Gray pero pasimple kong hinampas ang braso n’ya. Itinago n’ya ang pagtawa sa pag-ubo.

“Sige ho, Mrs. Rosanes. Pagsasabihan na lang namin,” I said at the woman, smiling. Hinding-hindi ko aaminin na sa aming mga yabag ang narinig n’ya.

Nakakahiya.

“Salamat, ha? Pasensya na. Natutulog lang kasi ’yung baby ko.”

“Okay lang ho,” sabi kong ngiting-ngiti.

Kami pa nga ang dapat humingi ng pasensya.

Umalis naman si Mrs. Rosanes pagkatapos. Nang maisara ko ang pinto ay binigyan ko ng masamang tingin si Gray,.

“Tama na, Gray, ha?” I warned. Tinalikuran ko s’ya at bumalik sa sala.

“Rey…”

I turned around. Nagulat pa ako nang makita na nakatayo pa rin doon si Gray.

I looked at him. There was something in his eyes… His gray eyes were so serious it was like what happened earlier felt so long ago.

Hindi ako nakapagsalita. Bigla akong kinabahan sa pagiging seryso n’ya.

He stared at me. And even at the distance, I could feel the tension on his body.

“I have DID.”

Chapter 43

Nakatingin lang ako kay Gray. Hindi agad rumehistro sa akin kung anong sinabi n’ya. I was too slow, too slow to process everything. Nainis pa ako sa sarili ko nang parang naestatwa pa ako at napatitig na lang sa kanya.

But it made the situation even worse for me as I stared at Gray. Kitang-kita ko kasi ang lahat ng mga emosyon sa mukha n’ya. He was being transparent about his emotions right now. I was not sure if he was aware of it or he wanted me to see it. But if he was trying to hide it, then he was not doing a good job.

Halo-halong mga emosyon ang nakikita ko sa kanya. Sa dami ay hindi ko alam kung kaya ko pa bang pangalanan ang lahat ng iyon.

Pero sa lahat ng iyon, isang emosyon ang nangingibabaw sa kanya.

He was scared.

He looked really scared as he stared at me and was trying hard not to cry. His shoulders squared as if he was feeling a lot of tension while waiting for my reaction. His gray eyes were just fixated on me. Natatakot s’ya sa kung anumang ang magiging reaksyon ko.

Pero hindi ko naman makitaan ng pagsisisi ang mukha n’ya. He didn’t regret telling me the truth. He looked even determined to tell me this. To tell me that he has DID.

It was so sudden. Kahit matagal ko nang gustong marinig ang lahat mula sa kanya, hindi ko pa rin naiwasan ang mabigla. For a second, I didn’t know what to do. So I just keep on staring at him until I noticed na sa bawat segundong hindi ako nagsasalita, mas dumodoble lang takot na nakikita ko sa kanya.

Kaya naman humakbang ako palapit sa kanya. I wanted to assure him. Gusto kong ipaalam na nabigla lang ako. Gusto kong malaman n’ya na wala s’yang dapat na ipag-alala dahil ayos lang sa akin ang lahat. Dahil tanggap ko s’ya kahit ano pang kondisyon ang meron s’ya.

Pero nakakaisang hakbang pa lang ako nang pigilan ako ni Gray. He held out his hand, showing his palm, to stop me from taking any more step toward him. It hurt me that he seemed like he didn’t want me near him pero ginawa ko ang gusto n’ya. Hindi na ako lumapit pa at tumigil na sa paghakbang.

Gray looked like he was holding himself back again. Natakot akong bumalik s’ya sa dati, iyong nagtatago. Kaya bago pa muling magsara ang pintong unti-unti n’yang binubuksan para sa akin, tumigil na ako sa paglapit sa kanya. I stopped and just stared at him.

I’ll let him tell me everything the way how he wanted them to tell me. Kahit na ang gustong-gusto kong gawin ngayon ay ang yakapin s’ya. To comfort him. To let him know that I’m here. Pero pinigilan ko ang sarili ko at hinayaan lang s’ya.

If this is how he wanted to open himself up to me, then I will let him.

“Rey…” I could even hear fear in his voice. “Just… stay there… please.”

His voice was pleading. Narinig ko pa ang kaunting panginginig doon, tanda ng pagkatakot n’ya. Kinailangan ko pang huminga nang malalim para mapigilan ang sakit na unti-unti kong nararamdaman sa dibdib ko.

I nodded at him, assuring him that I wouldn’t take any step from where I was standing.

“Okay… Dito lang ako,” sabi ko pa. “I won’t take any step closer, Gray… I promise.”

He relaxed a bit with that. Pero hindi man lang nabawasan ang takot sa mukha n’ya. He raked a hand on his hair. Ilang sandaling nanatili ang kamay sa buhok n’ya. Ang mga hibla ng buhok ay nasa pagitan ng bawat daliri n’ya bago tuluyang sinuklay iyon gamit ang kamay n’ya.

He looked at me. I could see the tension growing in his eyes.

“You know about it, right?” he asked. Wala man s’yang binanggit kung ano iyon pero alam ko na agad kung anong tinutukoy n’ya.

I nodded slowly. Hindi ko inaalis ang tingin sa kanya.

“May hinala ako,” I admitted. “Hinihintay ko lang na kumpirmahin mo.”

It was Gray who nodded this time. Mas naging miserable ang itsura n’ya ngayon. Magulo ang buhok at hindi nagtatagal ang tingin sa akin.

“I already anticipated it,” Gray softly said. “When you told me that you’re a psychologist, alam kong makakahalata ka.”

Gray took a wobbly step back. Para s’yang nanghina at nawalan na ng lakas kaya inakala kong matutumba s’ya. I almost took a step forward, gusto sanang alalayan s’ya pero biglang napatingin sa akin si Gray kaya napatigil ako. Halata sa kanya na ayaw n’ya pa rin akong lumapit.

Hindi ko na itinuloy ang tangkang paglapit sa kanya. Nang masiguro ni Gray na hindi na ako lalapit, napabuntong-hininga s’ya. Sumandal s’ya sa likod ng nakasaradong pinto.

“I was really glad at first,” he said. “Natuwa ako nu’ng lumipat ka, may kapitbahay na ako. Sa ganitong probinsya kasi, hindi madalas ang mga nangungupahan. I was the last one to rent an apartment unit here.”

He took a deep breath and looked at me. Nakita ko ang lungkot at takot sa mukha n’ya. Gustong-gusto ko na talagang lumapit para yakapin n’ya. Dahil habang nakatingin ako sa kanya, na-realize kong hindi ko talaga kaya ang makitang malungkot o nasasaktan s’ya.

I want to protect him. Pero mukhang sa akin naman s’ya natatakot ngayon. Kaya kahit na gaano ko pa kagustong lapitan s’ya, hindi ko magawa.

I’ll wait… Maghihintay ako hanggang sa tuluyan s’yang maging komportable sa akin. Iyong hindi na s’ya mag-aalangan o matatakot na sabihin sa akin ang lahat.

“I haven’t had a neighbor for more than a year, since I came here in Negros,” he continued. “It was okay. It felt okay. Afterall, I left Manila to be alone. That was what I wanted… Until you came.”

The way he looked at me told me that he was trying hard not to cry again. Kahit na nakita ko ang pamumula ng mga mata n’ya. Para s’yang nahihirapan na magpatuloy pero nandoon pa rin ang determinasyon na sabihin sa akin ang lahat.

“Then you cooked for me. And it felt… home.”

He looked at me, eyes were wistful. Halos maiyak ako sa paraan ng tingin n’yang iyon.

“Everything about you feels like home, Rey.”

“Gray…” My lips trembled.

“I really like how it feels when you’re with me. Kaya mas ginusto ko pang mapalapit sa ’yo. Then you told me about your profession. And I was… torn.”

It was really hard not to go near him. Lalo na ngayong nakikita kong mas nahihirapan pa s’ya. Na para bang naaalala n’ya kung anong naramdaman n’ya noong panahon na ’yon. Noon, nang sabihin ko sa kanya kung ano ang propesyon ko.

It was at that time when we were at the bar and he made a drink for me. Natatandaan ko ang gulat sa kanya nang malaman n’yang isa akong psychologist.

“I was torn at what I should feel. Relief or fear,” he said, voice trembling. “Relief that finally there is someone that might understand me. That you’ll be able to understand what I’m going through. That I finally have someone to talk to. Someone whom I could tell everything.”

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko pero mabilis ko rin iyong pinunasan.

God… hindi ko ma-imagine kung gaano s’ya nahirapan na itago sa lahat ang kondisyon n’ya. But even so, he still wanted someone to talk to, to understand him. He must’ve waited for so long for that someone.

I’m here now… I’ll be that someone. Hindi na n’ya kailangang maghintay pa.

“And fear…” I heard him say. He looked at me and I saw fear back in his eyes again. “Natakot akong baka hindi mo ako maintindihan. Na baka matakot ka sa ’kin. Na baka katulad ng sinabi n’ya, matatakot lang kayong lahat sa ’kin ’pag nalaman n’yo ang tungkol sa sakit ko. Na iisipin n’yong baliw ako.”

Natigilan ako. May nagsabi ng ganoon sa kanya? May ibang nakakaalam na may DID si Gray? At sinabing matatakot lang kay Gray ang lahat ng makakaalam ng kondisyon s’ya?

Who in the hell would say something like that to him?

Bigla ang pag-ahon ng galit sa dibdib ko para sa kung sinumang tinutukoy ni Gray. I had to take a deep breath just to calm myself. Hindi ko dapat sabayan ng galit ang nararamdaman n’ya ngayon.

This is about him. Hindi ito tungkol sa kung sinumang masamang taong ’yon na magsasabi ng ganoon kay Gray. Saka ko na lang aalamin ang tungkol sa taong ’yon kahit na mas nadadagdagan lang ang galit ko.

“Gray…” I said slowly. “Hinding-hindi ko iisipin ang ganoon tungkol sa ’yo,” mariin kong sabi sa kanya.

“I didn’t know what to do at that time, Rey…” tuloy-tuloy na sabi n’yang parang hindi man lang narinig ang sinabi ko. “I thought of getting away from you, to be on my own again… But I couldn’t do it. There’s something in you that made it hard for me to stay away. At mukhang nakita rin ’yon ni Lilac.”

My lips trembled. Pakiramdam ko ay hindi ko na kaya pang pigilan ang luha ko kaya humakbang ako palapit sa kanya. Halo-halo ang nararamdaman ko at hindi ko alam kung anong uunahin. All I know is that I really want to hug him. To feel his warmth.

Pero umiling si Gray. He didn’t want me to go near him yet. Nakikita ko sa kanyang parang gusto n’ya munang sabihin sa akin ang lahat.

“’Wag muna, Rey…” he said, indicating me taking a step toward him. “’Wag muna.”

I stopped and nodded. It’s okay. Just a little more… a little more.

“Okay,” I said.

“I didn’t want to lose you, Rey…” sabi n’yang dinig na dinig ko ang sakit sa boses n’ya. “So I tried my best to hide my condition from you.”

“But I still noticed.”

He nodded.

“No matter how I tried to hide it… lumalabas pa rin sila.”

He looked at me, his eyes were red with unshed tears. His lips trembling for trying not to cry. He took a deep breath at nang pinakawalan n’ya, isang hikbi rin ang kumawala sa bibig n’ya.

“Natakot akong baka masaktan kita, Rey… O ’di kaya, nasasaktan na pala kita pero hindi ko man lang alam.”

He looked down, his shoulders were shaking. And when he spoke again, his voice croaked.

“But still… I couldn’t let you go. I don’t ever want to.” He sobbed. “I’m sorry, Rey… I’m so sorry.”

Hindi na ako nakapagpigil pa. Lumapit na ako sa kanya. It only took a few steps until I finally reached him. Nang makalapit ako sa kanya, hindi na ako nagdalawang-isip na yakapin s’ya.

Nag-alala pa ako na baka hindi pa s’ya handang lumapit ako. But Gray accepted my hug and wrapped his arms around me. He buried his face on my neck as he cried silently.

“I’m sorry,” rinig kong sabi n’ya sa gitna nang mahinang paghikbi.

“Shh…” Hinaplos ko ang likod n’ya. Hoping that it would comfort and soothe him.

My heart ache for this man. Sa bawat mahihinang paghikbi ang naririnig ko mula sa kanya, pakiramdam ko ay pinipiga rin ang puso ko. Alam kong pinipigilan ni Gray ang sarili n’yang hindi makagawa ng ingay para hindi ko marinig pero sa sobrang sakit na nararamdaman ay hindi na siguro nakayanan.

My eyes watered. I could tell at how tight his hug on me that he’s hurting right now, or ever since. Pero walang mapagsabihan dahil natatakot na layuan s’ya.

That’s why he chose to stay away. S’ya na ang kusang lumayo para hindi na s’ya mas masaktan kung sakaling lalayuan s’ya ng mga taong makakaalam sa kondisyon s’ya. Kahit na alam ko na ngayong ayaw n’yang mapag-isa.

He was afraid. Ever since… Gray was afraid of his condition. Natatakot s’yang makasakit o hindi kaya ay matakot ang mga tao sa kanya dahil sa kondisyon n’ya. And when he left, he was alone. There was no one by his side.

Oh, my gosh… Hindi ko alam kung anong mga pinagdaanan n’ya, hindi ko pa alam ang lahat ng mga naging paghihirap n’ya pero sobra na akong nasasaktan. Baka hindi ko na kayanin kung marinig ko pa ang lahat.

If I could at least take his pain away… kahit kaunti lang kung hindi pwede ang lahat, gagawin ko. Huwag lang s’yang masaktan pa.

“Nandito na ko, Gray… Nandito na ko,” sabi ko habang hinahaplos ang likod n’ya. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap n’ya sa akin.

“I’m sorry. I said I would take care of you but-” Hindi na n’ya naituloty ang sasabihin n’ya dahil napahikbi uli s’ya.

“Shh…” I brushed his hair with my other hand habang ang isa ay humahaplos pa rin sa likod n’ya. “It’s okay…”

Pasimple kong pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata ko. Tahimik lang akong umiyak. Hindi ko alam kung may ideya si Gray na umiiyak rin ako ngayon pero hindi ko rin naman iyon sinubukang itago. I want him to know that I’m here, that I’m crying with him. That there’s someone who’s crying for him. Kaya hindi na s’ya nag-iisa pa.

I’ll let him know, in every way I can, that I’m always here with him.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na magkayakap hanggang sa kumalma na si Gray. Alanganin s’yang lumayo sa akin, halos hindi makatingin. I smiled when I saw his ears were red.

I cupped his cheeks. Pinaharap ko s’ya sa akin kasabay ng pagpunas ko sa mga bakas ng luha sa pisngi n’ya. I also fixed his messy hair. Sa wakas ay tumingin na rin s’ya sa akin habang ginagawa ko iyon.

“Anong gusto mong gawin, Gray?” I asked. Sa palagay ko kasi ay hanggang doon lang muna ang kaya n’yang sabihin sa akin sa ngayon.

It’s okay… I’ll wait.

Gray stared at me. He closed his eyes and slightly leaned his face on my palm. Nang dumilat s’ya ay nakita ko ang pagbabago ng emosyon sa mata n’ya. Nawala na ang lungkot.

“Is your offer still open?” he asked.

“Hmm?” My forehead slightly frowned. Iniisip ko kung anong tinutukoy n’ya.

His hands cupped my face. His thumb caressed my cheeks and I realized there must’ve some trace of tears on my face as well and he just wiped it. Napangiti ako nang gawin n’ya ’yon.

“Cuddling,” he said.

Mas lumawak ang ngiti ko.

“Walang expiration date ’yon.”

I was glad when I finally saw his smile. Bigla ang paggaan ng pakiramdam ko. His smile was so innocent.

Pero nabawasan ang ngiti n’ya. Nahaluan ng pag-aalangan.

“Pero… kailangan ko pang sabihin sa ’yo ang lahat.”

I took a deep breath. “If you want to cuddle now, then we’ll cuddle.”

“Eh, ’di ba gusto mong-”

“We’ll do what you want this time, Gray…” putol ko sa sasabihin n’ya sana. “’Yung gusto mong gawin, ha? Hindi ’yung ginusto mo lang gawin dahil iyon ang gusto ko.”

His smile showed again. There was also that gentle look in his gray eyes as he stared at me.

“Ang swerte ko talaga sa ’yo…” he softly said.

Napangiti rin ako. Hinawakan ko ang kamay n’yang nakahawak pa rin sa mukha ko. Ibinaba ko iyon pero hindi ko na binitiwan ang mga kamay n’ya.

“So? Anong gusto mong gawin?”

He grinned at me playfully.

“Cuddle.”

Natawa ako.

“Edi tara na sa kwarto.”

I heard his chuckle when I tugged him towards the bedroom. Kagaya ng pwesto namin kanina, ganoon ulit kami humiga sa kama. Gray’s arms were wrapped around my waist. His face was buried on my neck. Habang ako naman ay yakap ang balikat n’ya. Ang isang kamay ko ay sumusuklay sa malambot n’yang kulay abong buhok.

I buried my face on his hair, catching the scent of my shampoo as I inhale. Napapikit ako at mas niyakap s’ya.

“Maswerte rin ako sa ’yo, Gray…” I mumbled. Nakakaramdam na ako ng antok at pagod.

His body finally relaxed before his hug on my waist tightened. Naramdaman ko ang pagdampi ng mga labi n’ya sa leeg ko.

And after a while, we both fell asleep.

Chapter 44

Nagising ako na parang hindi ako mapakali. Inaantok pa ako pero nandoon na ang pakiramdaam na parang may nakatitig sa akin. I opened my eyes. Noong una ay nasilaw pa ako kaya ipinikit ko na muna ulit ng ilang sandali ang mga mata ko.

Kasabay sa muling pagdilat ko ay ang pakiramdam na parang may kung anong mabigat sa tyan ko na bigla ring namang nawala. The next thing I felt was the soft brush of something on my left cheek. It was so soft, like it was caressing my cheek, and it was good to feel I almost fell asleep again. Pero nagtaka na ko dahil hindi ganito ang normal na senaryo sa paggising ko.

There was someone lying down beside me on the bed. Nag-angat ako ng tingin at nabungaran ang mukha ni Gray. He was lying on his side while using his hand to support his head as he peered over me. Napangiti s’ya nang magsalubong ang paningin namin.

“So beautiful…” he said with a soft smile on his lips. Naramdaman ko ulit ang paghaplos n’ya sa pisngi ko.

Is this a dream? Ang gandang panaginip naman nito.

Hindi agad ako kumilos. I liked the feeling. The warmth of his body next to mine, as if it was the most reasonable thing that I’m waking up and he’s here beside me. And the soft brush of his thumb as he caressed my cheeks.

Wait a minute— Warmth? Caressed?

Napakurap ako. Sinubukan kong alisin ang antok sa katawan ko na nagawa ko naman. Saka lang rumehistro sa akin ang pangyayari ngayon.

Gray was lying down beside me, staring at my face. His gray eyes were dancing in amusement. Hindi ko alam kung gaano na s’ya katagal nakatitig sa akin bago pa ako magising at wala na rin akong plano pang alamin.

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na gumulong sa kabilang bahagi ng kama para lang makalayo sa kanya. I got up. Nahilo pa ako sa biglang pagkilos ko kaya tumayo lang ako doon ng ilang saglit bago tingnan si Gray.

He, too, looked shocked by my sudden movements. Napaupo s’ya sa kama at nagtatakang napatingin sa akin. Ilang beses pang kumurap ang mga mata at napatitig na lang.

Shit… So ano ’yon? Kanina pa ba s’ya nakatitig sa akin? Anong oras ba s’ya nagising? Simula ba paggising n’ya… tinitigan na n’ya ako?

No… Based on his damp gray hair and he looked so fresh so early in the morning, mukhang nakaligo na muna s’ya bago humiga ulit sa tabi ko. He was topless and was only wearing khaki shorts. Hindi ko na napigilan ang mga mata ko na magpalipat-lipat sa katawan n’ya at sa mga mata n’ya.

He looked really good, so handsome. Mukhang ang bango-bango rin n’ya at ang gusto ko na lang gawin ay mahiga at yakapin s’ya. To inhale his scent and fall asleep beside him again.

But noooo … I probably looked really bad right now. Tapos s’ya, mukhang fresh, gwapo at mabango na!

Gosh, tinitigan n’ya ng ganito ang itsura ko! Kailangan kong maligo!

Mabilis akong kumilos at pumunta sa drawer kung nasaan ang mga damit ko. Basta na lang akong kumuha doon at dumiretso na sa banyo nang hindi man lang hinihintay na  makapagsalita si Gray. Not with how I looked!

Sobrang nakaka-conscious pala. Nakakainis. Alam ko pa namang hindi ako maganda lalo na sa umaga!

Mabilis ko rin namang tinapos ang pagligo ko. I put on my clothes and brushed my teeth as well. Nang masigurong kahit papaano ay presentable na ako, lumabas na ako ng banyo.

I heard a noise that was coming from my room. Napakunot ang noo ko, iniisip kung anong ginagawa ni Gray sa loob. I went inside my room and saw him sitting in front of the vanity while drying his hair with a hair dryer. He was already wearing a plain white shirt.

Hindi pa tuluyang natutuyo ang buhok n’ya. Some strands of his gray hair were on his face and forehead. They looked so soft. Parang nagkaroon ako bigla ng kagustuhan na suklayin ang buhok n’ya gamit ang mga daliri ko. I bet the strands would feel so soft between my fingers.

He looked at me when he noticed me entering the room. He smiled before he turned off the hair dryer.

“Rey, halika dito, dali.”

Automatic na napangiti ako at naglakad palapit sa kanya. He looked excited about something.

“Bakit?” tanong ko nang makalapit sa kanya.

Gray held my wrist as he adjusted his seat. Nakatagilid na s’ya sa vanity at mas nakaharap na sa akin.

“Let me dry your hair.”

Natawa ako pero ginawa na rin naman ang gusto n’ya. I sat on the floor and Gray settled himself behind me. I was sitting in the space between his legs while he was still on the chair. He finally turned the hair dryer on again and began drying my hair.

Napapikit ako habang nakangiti. It feels so good as he touched my hair. Magaan lang ang kamay n’ya, parang natatakot na masaktan ako.

“Hindi ko alam na magaling ka rin palang gumamit ng hair dryer,” sabi kong nakapikit pa rin.

I heard Gray chuckle. Nagpatuloy lang s’ya sa pagpapatuyo ng buhok ko.

“Is your offer still open?” he asked after a while. Nalulunod ang boses n’ya sa ingay ng hair dryer pero naririnig ko pa rin naman s’ya

Napakunot ang noo ko.

“Hmm? Anong offer?”

“’Yung magbakasyon tayo.”

Bumalik ang ngiti sa mga labi ko.

“Hindi ko naman babawiin ’yon. Kahit rin naman ’yung cuddle.”

Hindi na muna nagsalita si Gray at pinagpatuloy lang ang pagpapatuyo sa buhok ko. I waited for him to say something but he remained silent.

I don’t why but it bothered me that he had to confirm I wouldn’t take back my words. Iyong tungkol sa cuddle at sa bakasyon. I suggested it to him, offered it to him na buong-buo ang desisyon ko dahil iyon din naman ang gusto kong gawin. But Gray must’ve thought that I would take back my offer.

Natigilan ako nang may ma-realize.

Tumingala ako sa kanya. My head was now resting on his lap and he was looking down at me. His Gray eyes looked reluctant for some reason.

“Natatakot ka bang bawiin ko ’yon ngayong sinabi mo na sa akin ang tungkol sa kondisyon mo?”

Hindi s’ya nagsalita. Ni hindi rin makatingin sa akin. He was just looking down but his eyes wouldn’t meet my gaze. Ang ingay ng hair dryer ang naririnig na lang sa buong kwartong ’yon. But after a while, Gray turned it off and put it on the vanity.

He finally looked at me. Nakita ko kaagad ang kalungkutan at pag-aalangan sa abo n’yang mga mata. Parang ayaw talaga akong tignan pero natatakot din na hindi makita ang mga mata ko. Like he wouldn’t want fear to stop him from looking at me.

“Are you really sure you’re okay with… someone like me?”

Mahina ang pagkakatanong n’ya at ang boses n’ya ay punong-puno ng pag-aalangan. As if he thought that he was not okay to be someone like him kaya natatakot ngayon na iyon din ang nararamdaman ko.

I took a deep breath. Nandoon na naman kasi ang sakit sa tuwing ganito s’ya. Sa tuwing iniisip n’ya na hindi s’ya mahalaga. Na wala s’yang karapatang makasama ang mga taong gusto n’yang makasama dahil sa kondisyon n’ya.

I reached for his face. Ang mga daliri ko ay nasa gilid ng leeg n’ya at ang mga palad ko ay nasa pisngi n’ya. My thumbs caressing his jaw. It tickled because of his day stubble.

“I’m really sure, Gray…” I said softly. “Infinity percent sure.”

Hindi na ako nagdalawang-isip pa. I pulled his head towards me and planted a kiss on his soft lips. It was an upside-down kiss. I was not sure at first if this kind of kiss would work but as soon as I felt the warmth of his lips, all my worries flew out of the window.

I was planning for the kiss to be short but Gray locked his lips on mine. Hindi na ako nagreklamo. I actually like the feeling. The proof was the fast beating of my heart as I combed Gray’s hair with my fingers.

Naramdaaman ko ang pagngiti ni Gray sa mga labi ko bago s’ya humiwalay sa akin. When he pulled back, his carefree smile welcomed me. Pareho kaming natawa pagkatapos bago ako umayos na ng upo at bumalik si Gray sa pagpapatuyo ng buhok ko.

“You can ask me anything about it,” he said through the noise.

Napasimangot agad ako. There he goes again.

Gray turned off the hair dryer. Naramdaman yata ang pagbabago sa mood ko. Humarap ako sa kanya nang nakasimangot pa rin.

“Pwede bang magkaroon tayo ng deal na gagawin mo ang isang bagay dahil gusto mong gawin, hindi dahil gusto kong gawin mo?”

Gray pushed his lips inside as he blinked. Mukhang nag-aalangan pa sa sasabihin.

“Pero pa’no kung ayaw mo namang gawin ko—”

I cut him off.

“No, Gray…” I sighed. “I think you’re being hard on yourself.  Mas iniisip mo kasi ang ibang tao kaysa sa sarili mo. Mas gusto mong gawin kung anong gusto nila kaysa sa kung anong gusto mo. You don’t demand anything.”

“I did,” he insisted. “’Yung kiss.”

Pinigilan ko ang mapangiti. Bumuntong-hininga ulit ako.

“Alam mo kung anong ibig kong sabihin, Gray.”

He tried to think of something that might prove me wrong. Nakita ko sa mga mata n’ya na na-iisip s’ya ng pwedeng sabihin sa akin. Then his face fell. Mukhang na-realize nang tama ako.

I flashed him a soft smile.

“Halika ka nga dito.”

Mabilis na sumunod si Gray sa gusto ko. Bumaba s’ya sa upuan at tumabi sa ’kin sa pag-upo sa sahig nang walang pag-aalinlangan.

I sighed. This man… Ang bilis n’yang sundin ang gusto nang iba pero sa sarili n’yang gusto, nag-aalangan pa.

I stared at him.

“You’re the most selfless person I’ve ever met,” I said softly.

May pag-aalangan sa mga mata n’ya nang tumingin sa akin.

“Is that a bad thing?”

Tumango ako at nakitang mas lumungkot pa ang mga mata n’ya.

“Yes. Lalo na kapag sumobra na,” I said. “Alam mo dapat kung kailan magde-demand para sa sarili mo. Para sa gusto mo. Hindi ’yung gusto lang ng ibang tao ang iniisip mo.”

I reached for his hair and brushed it with my finges. Ang lambot-lambot ng buhok n’ya. Sa tuwing bumibitiw ang mga daliri ko sa mga hibla ng buhok n’ya, kaagad iyong bumabagsak sa noo n’ya at ang mga mahahabang hibla ay umaabot pa sa pisngi n’ya.

“Promise mo sa ’kin na simula ngayon, gano’n na ang gagawin mo, okay?”

He smiled softly at me before he nodded.

“Okay…”

I smiled back at him.

“Good.” Nagtaas ako ng isang kilay sa kanya. “So? Anong gusto mong gawin ngayon?”

He grinned at me playfully.

“I want to kiss you,” deretso n’yang sabi. Hindi man lang nag-alangan.

Hindi na dapat ako nagulat. Knowing how playful he was, dapat inasahan ko na ’to pero nagulat pa rin ako.

“Well…” I tried to clear my throat. Awkwardness is filling me.

Bakit ba kasi gano’n agad ang sinabi n’ya?!

“Akala ko ba gusto mong magbaksayon?” I asked instead, hoping that I could get rid of the awkwardness I was feeling. Mukhang ako lang rin naman ang nakakaramdam noon dahil nakangisi pa rin sa akin si Gray.

“Oo nga. But I want to kiss you first.”

“I already kissed you earlier.”

“Eh… Gusto ko ulit.” He looked like a child demanding a candy when he already had one.

Natawa ako. I love how he was demanding when it comes to kissing.

I guess this is a good start then.

I smiled. Kusa na akong lumapit sa kanya at mas lumawak ang ngisi sa mga labi ni Gray nang gawin ko iyon. Natawa ako nang mukhang hindi na s’ya nakatiis at hinapit ako sa bewang palapit sa knya. I was already kneeling on the floor. Itinukod ko ang mga kamay ko sa dibdib n’ya para pigilan ang pagbagsak ng buong katawan ko sa kanya.

He tucked some strands of my still damped hair behind my ears. Ang kamay n’ya ay nanatiling nakahawak sa leeg ko habang ang isang braso n’ya ay nakapulupot pa rin sa bewang ko. He closed our distance and I closed my eyes when our lips met again for the second time that morning.

Nakangiti pa rin ako nang magsalubong ang mga labi namin. It wasn’t like the kiss we just had earlier as Gray moved his lips against mine. Nawala ang ngiti ko at sinalubong na ang halik n’ya. Ang mga kamay ko na nakalapat lang kanina sa dibdib n’ya ay umangat papunta sa balikat n’ya. I wrapped my arms around his shoulders and hugged him, closing the distance between our bodies.

He bit my lower lip and I couldn’t help the moan that escaped from my lips. I felt his grin against my lip before he did it again. I suddenly jolted with the shock I felt before he deepened the kiss.

I was always in control with my emotions pero hindi ko yata makontrol ang sarili ko ngayon. I wanted more. More of his kiss. More of his touch. Ngayon ko lang naintindihan kung bakit palaging nanghihingi si Gray ng halik sa akin. It was really a nice feeling. And I couldn’t get enough of this.

Suddenly, Gray stopped. Napaungol pa ako sa pagrereklamo nang humiwalay ang mga labi n’ya sa akin. He chuckled and when I opened my eyes, I saw him looking at me with so much amusement and happiness. Saka lang ako nakaramdam ng pagkapahiya.

Nakakainis! Baka isipin ni Gray na uhaw na uhaw ako sa halik n’ya!

“May passport ka?” he suddenly asked. Hindi pa ako nakaka-recover sa halik namin kaya napakurap lang ang mga mata ako sa kanya.

“Huh?”

“For our vacation.”

Ah… Oo nga pala. Magbabakasyon kami…

Pero bakit kailangan pa ng passport?

Napasimangot kaagad ako kay Gray nang maintindihaan kung saan papunta ang sinasabi n’ya.

“Gray…” I warned.

Napasimangot rin s’ya.

“What?” He even looked like he was sulking already. “Akala ko ba gagawin natin ang gusto ko?”

“Wala akong pera, Gray,” I admitted.

“Sagot ko naman lahat.”

Humiwalay na ako sa kanya.

“Right. Mayaman ka nga pala. Billionaire ang kuya mo and you’re a billionaire too. May-ari ka nga rin pala ng bar sa Manila.” I smiled sarcastically. “How could I forget?”

Gray flashed me his grin. Mukha pa s’yang proud kaya napairap na ako.

“I was being sarcastic, Gray!”

“Oh…” Mukhang nagulat pa si Gray. Parang wala talagang idea sa pagiging sarcastic ko. “I don’t mind if I’ll pay for everything.”

“But I do. Ayokong abusuhin ka.”

He frowned.

“Huh? Pero hindi mo naman ako inaabuso.”

“Ayokong abusuhin ka kasi mayaman ka.”

“But this is what I want, Rey. I want to go on a vacation with you. To somewhere I want.”

I felt bad na natuwa pa ako sa sinabi n’ya. Bukod sa halik, ito yata ang unang beses na nagsabi talaga sa akin si Gray kung anong gusto n’ya.

Nag-alangan tuloy akong tumanggi. Baka kasi isipin ni Gray na bakit pa sasabihin n’ya kung anong gusto n’yan kung hindi rin lang naman ibibigay sa kanya.

Pero ililibre n’ya kasi ako! Ayoko namang samantalahin kung anong meron s’ya dahil mayaman s’ya!

“Okay, let’s do it this way,” sabi ni Gray nang mahalata na siguro ang pag-aalangan ko. “You’ll pay me back. Sa lahat ng gagastusin ko sa parte mo, babayaran mo ’yon.”

I gave it a thought. Okay… Pwede sigurong hulugan?

“You’ll pay me back by cooking my every meal every day.”

I frowned.

“Pero ganoon na rin naman ang ginagawa natin ngayon,” I said. “Bayad ko ’yon sa paghahatid-sundo mo sa ’kin sa hospital.”

“We weren’t together back then. But now that I’m your boyfriend, it is my duty to take care of you. Masanay ka nang ihahatid-sundo kita kahit saan mo pa gustong pumunta nang walang kapalit.”

I bit my lower lip. Hindi ko alam kung tama bang ngumiti ako sa sinabi n’ya pero hindi ko lang kasi mapigilan. Gray smiled when he saw my struggle to keep myself from smiling.

“So? What do you think?” he asked.

I guess… It’s okay. Isa pa, gusto ko rin talagang magbakasyon muna nang kasama s’ya. Just for a while… We’ll leave our problems just for a while and enjoy ourselves together.

I smiled and nodded at him.

“Okay,” I said. “Saan tayo pupunta?”

Gray chuckled. He gave me a quick peck on the lips.

“It’s a surprise.”

Mukhang unti-unti nang natututunan ni Gray na sabihin ang gusto n’ya dahil ginusto n’ya ring umalis para sa araw na ’yon. I mean it’s good that he’s getting used to say what he wanted pero pakiramdam ko, parang mabibigla ako sa lahat ng mga iyon.

Aalis daw agad kami? That very same day?!

Wala na akong nagawa kundi ang mag-empake. Hindi sinabi sa akin ni Gray kung saan kami pupunta. Hindi ko rin alam kung paano kaagad s’ya nakahanap ng plane tickets na available rin para sa araw na ’yon. Basta s’ya na raw ang bahala sa lahat at alalahanin ko na lang ang mga gamit na dadallhin ko at mag-ayos na lang daw ako. He was on his phone for the whole time I was packing.

Gray looked excited when we finally left the apartment. Kahit nang makababa na kami ay hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga laabi n’ya. Nang batiin n’ya si Mang Gener ay mukha s’yang tuwang-tuwa na napansin naman ng guwardya.

“Mukhang may lakad ulit kayo, ah?” bati sa amin ni Mang Gener nang makita ang traveling bag na bitbit namin.

“Magbabakasyon po kami, Mang Gener! Isang buwan,” sabi ni Gray na ngiting-ngiti.

Natawa si Mang Gener.

“Kaya pala mukhang tuwang-tuwa ka, Sir James. Masosolo mo pala si Ma’am Rey.”

Nagtawanan silang dalawa. Samantalang ako ay pinamulahan ng mukha.

“Ayaw nga hong sabihin sa ’kin kung saan kami pupunta, eh,” reklamo ko kay Mang Gener.

“Surprise kasi! ’Di na surprise kung sasabihin ko sa ’yo,” Gray insisted.

“Kahit naman sabihin mo sa ’kin, masu-surprise pa rin ako.”

“Eh, basta.” Binalingan ni Gray ang guwardya. “Mauna na ho kami, Mang Gener.”

The guard nodded. “O, s’ya sige. Mag-iingat kayo du’n, ha?”

Gray and I both nodded.

“Salamat po, Mang Gener!”

Gray drove us to the airport. Nasagot ang tanong ko tungkol sa plane ticket nang makarating kami doon. Hindi kami dumaan sa kung saan dumadaan ang mga pasahero. An airport personnel assisted us until I was already face-to-face with Gray’s own private plane.

Oh… right. Mayaman nga s’ya.

I was trying to calm myself down with the fact that Gray is freakingly rich kahit nang makasakay na kami sa loob ng private plane n’ya. Alam ko namang nasabi na sa akin ni Creed— Kuya Creed dahil iyon ang gusto ni Gray na itawag ko— na mayaman nga si Gray pero ngayon yata ako nasampal ng katotohanan na ’yon. He has his own pilot and there was a flight attendant assisting us on our ride.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na tahimik lang sa sobrang pagkabigla. Mukhang naramdaman naman ni Gray na kailangan ko ng ilang oras daahil simula nang makita ko ang private plane n’ya ay hindi na talaga ako nakapagsalita.

Mayaman si Gray! ’Yung bartender na nakikitulog minsan sa apartment ko, mayaman talaga! Tapos boyfriend ko na?

Mayaman ang boyfriend ko?

“Rey, are you okay?”

Mula sa bintana ay nilingon ko si Gray na nasa tabi ko. He looked worried pero mukhang natutuwa rin naman.

Tumango ako.

“Okay naman. Sinusubukan ko pa rin ipasok sa isip ko na mayaman ka nga talaga.”

He chuckled. He took the wine glass on the table in front of us and sipped on his drink like he was used to it. Napabuntong-hininga na lang ako.

Yeah… Unti-unti nang nagpapakita sa kilos n’ya na mayaman nga s’ya.

“Ikaw pa ba ’yung nakikain at nakitulog sa apartment ko noon?” I asked.

Narinig ko ulit ang tawa n’ya. He shifted on his seat. Ang buong katawan ay nakaharap na sa akin.

“That was me, Rey… At ako rin ang kasama mo ngayon.”

I gasped. I didn’t mean any harm to the question. Sobra lang kasi talaga akong nagulat na mayaman pala si Gray tapos doon sa Negros, para s’yang walang pera.

But Gray looked like he didn’t mind my question. If anything, he even looked amused.

“You already met some of them, though.”

I frowned. “Sino?”

“Some of my… alters.”

Natahimik ako dahil nagulat ako sa biglang pag-o-open up n’ya tungkol sa kondisyon n’ya. Nagulat ako na ganoon n’ya kadaling aminin na may mga alter s’ya. Nakikitaan ko pa rin ng pag-aalinlangan ang mga mata n’ya pero mas lamang ang kagustuhan doon na sabihin sa akin ang tungkol dito.

“You met three of them,” he said. Mas lalo pa akong nagulat dahil doon.

“Three?!”

Napangisi s’ya.

“I was not the one you met for the first time.”

Natigilan ako at napaisip.

First time? Kailan ba ’yon?

“’Yung pingpong balls?”

Natawa si Gray pero tumango para kumpirmahin iyon. Inalaala ko kung anong nangyari sa pagkikita naming iyon at agad na napasinghap. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya.

“Kaya pala nu’ng kumatok ka para kumpirmahin na may kapitbahay ka na, mukha ka pang gulat na gulat! Eh, nagkita naman na tayo sa hagdan na nasa third floor!”

Gray chuckled. Mukha s’yang natutuwa habang ako naman ay namamangha pa. Hindi ko alam na alter pala ni Gray ang una kong nakita at hindi s’ya!

“Hindi n’ya pa rin naman alam no’n na kapitbahay ka na namin,” he said. “Kaya nu’ng nakita kitang pumasok sa katapat na unit ko, I was really surprised then.”

“Woah…” hindi ko na napigilan sa sobrang pagkamangha. “Nagpatulong pa nga s’ya sa ’king magpulot ng pingpong balls no’n!”

He grinned at me.

“Nakwento n’ya nga,” he said. “He’s good. He’s the one who’s taking care of us. Parang s’ya ’yung kuya namin.”

I looked at him softly.

“That’s good to hear.”

“He’s always reminding us to eat.”

“Na hindi mo naman sinusunod.”

Natawa si Gray sa sinabi ko.

“Sakit daw kami sa ulo. Lalo na ako.”

Napatango-tango ako.

“Mukhang magkakasundo kami.”

Gray frowned playfully at me. He looked like he was offended pero may nagtatago namang ngisi sa mga labi n’ya. Natawa ako aat sinubukan ring uminom sa wine na nasa harap ko.

Gray shifted the topic after that. Hindi na namin napag-usapan ang tungkol sa alter n’yang iyon at hinayaan ko lang naman s’ya kahit na ang dami kong gustong itanong. I wanted to know the name of that alter.

Pero maghihintay pa rin ako. Naniniwala akong darating ang oras na kakayanin ni Gray na sabihin sa akin ang lahat. This was an example. He openly told me about that alter of him.

Pakiramdam ko ay sobrang pagod na pagod ako nang makalapag na ang eroplano. Kung hindi tulog ay nagkukwentuhan kasi kami ni Gray sa byahe. Pero hindi naman ako matagal na nakakatulog dahil alam yata ng katawan ko na nasa ere kami at hindi ako payapang makatulog.

There was someone who took care of everything for us. Kinailangan na lang namin dumaan sa identity verification doon sa loob pagkatapos ay pwede na kaming umalis.

It was already nighttime in Japan. Kahit gabi na ay na-appreciate ko pa rin ang paligid. The street was so lively. Pero mas inantok lang ako sa mga ilaw ng establishments na nadadaanan namin.

Kaya naman nang makarating kami sa hotel, I just took a bath and went to bed. Gray insisted that we should eat first kahit na ako ang dapat na nagpapaalala no’n sa kanya pero hindi ko lang nakayanan ang sobrang antok at pagod.

When I woke up, it was already morning. I already noticed that there was something different that day. Kung dahil ba nasa ibang bansa ako o may iba pang dahilan, hindi ako sigurado.

Tinignan ko ang espasyo ng kama sa tabi ko. Gray booked one VIP suite for us at wala namang problema sa akin kung magkatabi kami sa pagtulog. But the space beside me was empty. The wrinkle on the sheets told me that Gray slept here. Mukhang nauna lang magising.

Naligo na lang ako bago lumabas ng kwarto. I heard a noise coming from the kitchen kaya doon ako nagpunta. Napatigil ako nang maabutan kung anong nandoon.

There was food on the table. Umuusok pa kaya alam kong niluto ang mga iyon. It was a simple breakfast meal for two pero gulat na gulat pa rin ako sa nakita ko.

Nakatalikod sa akin si Gray at may kung anong niluluto pa. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, tumigil lang ng mga ilang hakbang pa ang layo mula sa kanya. I saw that he was cooking fried rice.

“Gray?” nag-aalangan kong tawag sa kanya.

He turned his head to look at me. And the moment our eyes met, I instantly knew what was different for that day.

“Oh… you’re awake,” he said and turned off the stove. Nilagyan n’ya ng fried rice ang mga platong nasa table.

Ilang sandali lang akong napatitig sa kanya at pinanood s’ya sa ginagawa bago ko nahanap ang boses ko.

“You’re not… Gray.”

Napatigil s’ya. Ilang sandaling hindi s’ya gumalaw bago binitiwan ang pan na hawak at tumingin sa akin.

“How can you tell?” he asked.

I looked at him in the eye. Sinubukan kong hanapin sa mga mata n’ya ang mga nakikita ko sa tuwing kaharap ko si Gray pero wala. His eyes looked so estranged to me.

“First of all, nagluluto ka,” I said.

He nodded once. “Fair point.”

“Then… iba ’yung mga mata mo.”

He didn’t say anything and just stared at me. Kapag nagtanong s’ya kung anong ibig kong sabhin, baka hindi ko iyon maipaliwanag nang maayos.

But he just smiled and took a step towards me. nang mahalata n’ya siguro na hanggang doon lang ang espasyo na kaya kong ibigay sa kanya ay tumigil s’ya. He stopped a few steps before he could invade my comfort space for some stranger.

He gave me a warm smile and held out his hand for a handshake.

“Nice to formally meet you, Reyziel. My name’s Gadriel, one of Gray’s alters.”

Chapter 45

Noong bata ako, hindi ko pinaniniwalaan ang kondisyon sa pag-iisip ng isang tao kung saan magkakaroon sila nang iba’t-ibang katauhan. Para kasi isa lang iyong kwento mula sa libro o hindi kaya ay isa sa mga  fantasy serye na pinapanood ko mula pa sa bintana ng kapitbahay namin dahil wala kaming TV noon.

Pero kahit noong bata pa ako, naisip ko na rin ang posibilidad na… paano nga kaya kung totoo ang ganoong kondisyon? And it just added to my curiosity about how human minds work.

Sa pagtungtong ko sa high school, kaunting mental health disorders pa lang ang alam ko. Pero tungkol sa  kondisyon ni Mama, halos inalam ko na ang lahat. It was only until I took up psychology as my major in college that I became aware of all the mental health conditions.

Nang pag-aralan namin ang tungkol sa Dissociative Identity Disorder, parang doon na lang din ako tuluyang naniwala na mayroon nga talagang ganoong kondisyon. Lalo na nang mag-internship ako sa isang mental health institution at narinig ko mismo mula sa trainer ko ang kwento tungkol sa isang pasyente na mayroong DID.

It is real. A lot of people aren’t aware of this condition but… DID is real.

And now… it’s happening in front of me… with the man I love the most.

Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Gray already confirmed to me that he has DID. Ilang beses ko na ring nakasalamuha ang isang alter n’ya at alam kong hindi si Gray iyon. Pero wala naman akong naging problema sa pakikitungo sa kanya.

But this was so different. Back then, it was only my hunch, my observation. I juct acted like there was still a slight possibility that I was wrong kaya rin siguro medyo naging normal ang kilos ko noon.

Pero ngayon, pakiramdam ko ay hindi na gumagana ang utak ko. Hindi ko alam kung anong iisipin at gagawin ko.

I was looking at Gray. It was his face and his body. His hair wasn’t brushed upwards, nakababa at ang mga hibla ay nasa noo at ang iba pa ay tumatama na sa pisngi n’ya. It was Gray’s usual hairstyle.

But his eyes, the smile on his lips, the way he talks, the way he acts, and his aura were so different from Gray.

This was not Gray… This was…

Kahit nabigla at halos hindi ko malaman ang gagawin ko ay unti-unti kong inangat ang kanang kamay ko para tanggapin ang pakikipagkamay n’ya. I was expecting that I would still feel that familiar warmth I always feel with Gray as it was still his hand, but I felt nothing.

It was so different… It felt like I was shaking hands with a stranger.

Nang bitiwan ni Gadriel ang kamay ko ay napatitig pa muna ako sa palad ko ng ilang sandali bago tuluyang tumingin sa kanya. He looked like he was just waiting for me to assess everything. I cleared my throat and tried to compose myself.

“Pasensya na. Masyado lang… I mean, this is all just—” I struggled to find the right words to say. Nabigla talaga ako na ganito pala ang bubungad sa akin ngayong umaga.

But Gadriel smiled at me with so much understanding. As if he was assuring me that he understands why I was acting this way.

“It’s alright… Maybe it’s better if we’ll take a seat first,” he suggested.

Tumango ako dahil wala akong tiwala sa sariling mga tuhod ko. Ngayon pa na halos hindi ko mapaniwalaan ang nangyayari.

“Mabuti pa nga.”

We both took a seat. Magkaharap kami sa hapag kaya hindi ko magawang iangat ang paningin ko. I looked at the food on the table instead. Masyadong marami ang inihanda n’ya para sa dalawang taong magbe-breakfast lang.

“Nagluto ka?” I asked the most obvious question. Maybe he’s probably thinking now that Gray has a dumb girlfriend.

Hindi ko lang kasi alam kung paano magsisimulang kausapin s’ya! Hindi dapat ako mag-panic at kailangan kalmado lang ako. I should treat him like a normal person. Pero nakakagulat kasi na makakaharap ko pala agad ang isa sa mga alter ni Gray ngayong umaga!

I know… Kailangang masanay na ako. Switching in DID can happen at any time depending on the trigger. Since I also think that Gray still didn’t have any control with his switching.

Gadriel smiled at me and nodded.

“Gusto kasi ni Gray na may nakahanda nang breakfast sa paggising mo,” he said.

Napakunot ang noo ko.

“Pwede naman s’yang magpa-room service na lang.

“Of course, he could do that… but he got really worried, you know. You slept without eating anything last night.” He flashed me a warm smile. “I believed you and I taught him the importance of having a meal at the right time. Mas nakikinig nga lang s’ya sa ’yo.”

I felt like he was being sarcastic. Hindi ko na naman tuloy alam kung anong magiging reaksyon ko do’n. Sa palagay ko kasi ay ilang beses na n’yang pinagsabihan si Gray na kumain sa tamang oras pero sa akin pa mas nakinig si Gray na kailan lang naman dumating sa buhay n’ya.

Alanganin tuloy akong napangiti kay Gadriel na tinawanan n’ya naman. Nahalata siguro sa ngiti kong sigurado akong nagmukhang ngiwi, ang pagkailang ko dahil sa sinabi n’ya.

“I’m saying it as a good thing,” he assured me. “Ilang beses ko nang pinagsabihan ang batang ’yon kaya lang ang tigas talaga ng ulo. Pero ikaw, isang beses mo lang pinagsabihan, sinusnod na.”

Sandali… Bata? Kaya rin ba sinabi ni Gray na parang kuya na nila si Gadriel dahil mas matanda si Gadriel sa kanila?

I mean, napag-aralan namin na minsan ang mga alter ay may sariling pangalan, edad at alaala. Buong-buo talaga ang katauhan nila sa DID system.

I smiled at Gadriel. This was the first time that we formally met. With my profession, I know that most of them wouldn’t be too open to me so I should be careful. I didn’t want to ruin this.

“Sabi ko nga kay Gray na magkakasundo tayo,” I said with a smile on my face. “Hindi naman ako nagkaproblema kay Gray tungkol sa pagkain. Mas nag-aalala ako sa hindi n’ya pagpapahinga lalo na noon na ilang araw s’yang walang tulog. Pero alam ko na ngayon ang dahilan no’n.”

Gadriel flashed me a soft smile.

“You’re really kind, Reyziel,” he said so suddenly. “You know, you didn’t have to be so reserved around me. Nakahanda naman akong sagutin ang lahat ng tanong mo. As long as I wouldn’t step on my boundaries.”

Sa maikling pakikipag-usap ko kay Gadriel, nakita ko kaagad ang pagkakaiba at kahit ang pagkakapareho nila ni Gray. Gadriel has this something around him telling me that it is okay for me to say anything even if it might offend him as long as I could be myself. Dahil maiintindihan n’ya. He will try to understand but will still take time to correct me. Nandoon din ang pakiramdam na kapag nagkamali ako, pagsasabihan n’ya ako.

Like a big brother.

Hindi ko na napigilan ang totoong mapangiti.

“Tama nga ang sabi ni Gray… Mabait ka.”

Gadriel looked surprised but pleased with what I’ve said.

“Really? Sinabi ni Gray ’yon?”

I nodded.

“Ang sabi n’ya, ikaw daw ang kuya nila. ’Cause you always look after them.”

Gadriel chuckled. Maya-maya ay napangiti rin. He looked like he was really pleased that Gray looked at him in that way. Parang natutuwa na kuya ang tingin ni Gray sa kanya.

“I am… Gray’s representation of an older brother.”

Gadriel looked down on the plate in front of him. Pareho kaming hindi pa nakakapagsimulang kumain. Pakiramdam ko rin naman ay hindi ko magagawang kumain ngayon. Hindi pa rin yata ako nakaka-recover sa pagkagulat.

“You know about Hunter, right? Gray’s older brother,” he asked so I nodded. “Palaging wala ang kuya n’ya sa tabi n’ya. Because of that, Gray grew up alone. But he still looked up and admired his brother despite his absence in his life. That’s why Gray created me inside his head as a version of an older brother that he wanted.”

“Wait.” Itinaas ko pa ang isang kamay ko para pigilan na s’ya sa pagsasalita.

Gadriel is not Gray. He was so different to Gray. He was open to me despite the fact that this was the first time we formally met. He also assured me that it was okay to ask him anything.

Okay… Marami pa naman akong gustong malaman. I’ll tell him my observation too.

“Kanina ko pa napansin nu’ng nagpakilala ka sa ’kin… You acknowledge yourself as Gray’s alter,” I said. “Like… you’re not real.”

“’Cause that’s the truth,” sobrang kaswal lang na sabi n’ya.

“But you have a name. ’Di ba nga nagpakilala ka pa sa ’kin? Alam mo rin kung paano magluto. Sigurado ako na may kwento ka rin kung paano at kailan ka nagsimulang magluto.”

“That’s about, right,” he said. “But those aren’t real. All those memories were just created because I am in Gray’s mind.”

I took a deep breath. Nakatitig lang ako sa kanya habang sinasabi n’ya ’yon, habang nagsasalita s’ya. Kaya kitang-kita ko kung anong nararamdaman n’ya habang sinasabi n’ya ang mga salitang iyon. He was trying to hide it but… I could see right throuigh him.

He told me those words with sadness in his eyes. Na para bang nalulungkot s’ya dahil iyon ang katotohanan na pinaniniwalaan n’ya.

“You are real, Gadriel… That’s why I’m talking to you right now.” I smiled at him. “At sa tingin ko, alam din ’yon ni Gray. Kaya nga gusto n’yang makilala kita. Kasi kung hindi, nagpa-room service na lang sana s’ya at hindi mo na kailangang magluto para sa akin.”

He looked taken aback. Isa pa pala ang napansin ko sa kanya, he looked calm and collected. Like how a big brother would act kahit na anong sitwasyon ang harapin n’ya para lang sa nakababatang kapatid.

But now… he looked surprised. Hindi makapagsalita at nakatitig lang s’ya sa akin.

Mas lalo lang akong napangiti.

“You’re as real as your memories, Gadriel…”

His lips parted. Hindi na n’ya nagawa pang itago ang gulat n’ya. Mukhang hindi n’ya inaasahang marinig iyon. I could see in his eyes that he was trying to find words to say. Pero dahil sa pagkabigla ay hindi nagawa.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng sakit sa kaalamang iyon. Pakiramdam ko kasi ay iyon ang unang beses na marinig n’ya ang mga salitang iyon. He was even looking at me like he couldn’t believe I was right in front of him.

Then slowly, the sides of his lips rose. He let out a short chuckle and I could even hear amusement from it.

“Oh, man… This is bad,” I heard him mutter.

Ipinatong n’ya ang kanang siko n’ya sa lamesa. He covered his face with right his hand while still chuckling. Nakatitig lang ako sa kanya, nagtataka na naging ganoon ang reaksyon n’ya.

Then his hand went down and covered his mouth this time. Pero bago iyon, nakita ko muna ang ngiti n’ya na natakpan na ng kamay n’ya.

“Bakit?” tanong ko nang hindi na makatiis. He looked like he was really amazed with something at hindi n’ya mapigilan ang matawa dahil sa sobrang pagkahanga roon.

Ibinaba n’ya ang kamay n’ya. He flashed me a helpless smile.

“It’s bad… This is the first time that I admire a woman so much. Patay ako kay Gray nito,” ibinulong n’ya na lang ang huling sinabi n’ya pero narinig ko pa rin naman.

Naramdaman ko ang pag-akyatan ng dugo sa mukha ko. Sigurado akong pulang-pula ang mukha ko kaya tinakpan ko iyon ng mga palad ko. Hindi ko kasi kinaya ang mga sinabi n’ya at ang paraan ng tingin n’ya sa akin. He looked like I was the most amazing woman he had ever met.

Narinig ko pa ang pagtawa ni Gadriel. I was sure my ears were turning pink too.

“Alam ko na kung bakit ayaw noon ni Gray na makilala ka namin,” I heard Gadriel say.

“So tama ako? Gusto ni Gray na makilala kita ngayon?” tanong kong iniiba ang usapan at binaba na ang mga kamay. Nahihiya ako!

Gadriel chuckled. Maya-maya ay tumango rin. Nagpasalamat ako na sinakyan n’ya ang kagustuhan kong ibahin na ang usapan namin.

“He got worried. Gusto n’yang ipagluto kita dahil hindi ka nga raw kumain kagabi.”

“Mahilig ka talagang magluto?”

He protruded his lower lip before he nodded.

“Both my parents died when I was a teen. Maaga akong natutong alagaan ang sarili ko. But later on, I realized I love cooking.”

Oh… He’s… so similar to Gray.

Gadriel flashed me a soft smile. Parang nahuhulaan kung anong iniisip ko.

“Gray… he’s always waiting for his brother. Always,” he said. “He really wants to be with him. But because of what happened to their parents, Hunter had to be away.”

Napakunot ang noo ko.

“Alam mo kung anong nangyari sa mga magulang nila?”

He nodded. “I became one of the trauma holders of the system.”

Napasinghap ako. Trauma holders… they hold the memories of the traumatic incident that happened with the system. Ibig sabihin… alam ni Gadriel ang nangyari kung bakit nagka-trauma si Gray?

Hindi ako nakapagsalita. Napatitig na lang ako kay Gadriel. I wanted to ask him about it but… I don’t think it was right. May parang pumipigil sa akin at hindi ko naman alam kung ano iyon.

It felt like he wasn’t the right person to ask.

“I just happen to see those memories,” Gadriel said. “I’m actually the gatekeeper.”

Then it dawned on me.

“Ikaw ’yung pumipigil na magkaroon ng sudden switch ang mga alter so the system could live a normal life,” I said it as a fact but Gadriel nodded. “You’re also the one who’s blocking traumatic memories or memories that might endanger the system from others.”

“Yes,” Gadriel confirmed.

“That’s why you also knew about those traumatic memories of Gray.”

Mas nanlaki pa ang mga mata ko nang may mapagtanto. Hindi ko alam kung ano na ang mararamdaman. I was amazed. I was happy. At sa tingin ko ay nagpapakita iyon sa mukha ko dahil nakangiti sa akin si Gadriel.

“You’re the first alter…”

Gadriel’s smile widened as he nodded at me.

“And the internal self-helper.”

Mas lalo akong nagulat.

“Paano mo nalaman ang tungkol sa term na ’yon?” nagtataka kong tanong. “Pati ’yung tungkol sa trauma holder?”

Gadriel took a deep breath. Nawala na ang ngiti n’ya ngayon.

“When Gray suspected that there was something happening inside his mind, he tried to seek help. Nakailang session kami sa psychiatrist bago nalaman kung ano talagang nangyayari sa amin,” he sighed. “Then it stopped ’cause the other one didn’t want us to talk with the therapist. So he cancelled all our session without us knowing. He threatened that he would hurt the system if we ever did it again.”

Lahat na lang ng nalalaman ko kay Gray, nagugulat ako. Ever since I’ve met him, puro nakakagulat ang katotohanan na nalalaman ko tungkol sa kanya. Para bang wala nang katapusan ang lahat ng ’yon.

And now this…

Gray… he sought help before. Nagpatingin s’ya nang hindi na n’ya siguro makaya ang nangyayari sa kanya. He must’ve been so scared when he noticed that there was something happening in him.

But nobody knows about it. Nobody noticed. Nobody was there to support him when he saw a psychiatrist.

In my profession, ilang beses kong nakita ang takot sa mukha ng mga pasyente habang kausap ko sila. They were afraid of talking to me. Hindi lang sa una. It took so many sessions before they were finally able to trust me. It helped that they have someone to support them. Their family, their friends, or their love ones.

Pero si Gray… mag-isa lang s’ya no’n. Mag-isa lang n’yang hinarap ang lahat ng ’yon.

I wonder… how hurt he was, how scared he was when he finally knew what was happening to him?

I bit my lower lip. Pinigilan ko ang maiyak. I don’t want to cry in front of Gadriel. Like him, I wanted him to see me as someone who would be able to support Gray.

“Sino ’yung ayaw na magpatingin kayo?” I asked instead.

“You’ve already met him, Reyziel…”

Napatitig ako sa kanya.

“King Lancer?” I asked. Hindi rin naman ako sigurado na ang alter sa kwento nina Eresh at Apollo ay ang alter na nakilala ko na.

Gadriel smiled.

“I am not—” He stopped. He looked dazed for a second before he looked at me and smiled. “Gusto nang bumalik ni Gray.”

“Ha?” Napakurap pa ako.

Natawa si Gadriel. Then he leaned in like he was telling me a secret.

“Do you want to see Gray blushing and flustered?”

“Ha?” was all I could say. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang ganoon ang sinabi n’ya. That was so random.

He smiled at me.

“Try to wear one of his shirts after taking a bath. Make sure he will see you coming out of the bathroom.”

“What?” tanong kong gulong-gulo na.

He winked at me.

“I’m sure this won’t be the last time we will talk. Till next time, Reyziel.”

Gadriel leaned on the chair. He was staring at me before he looked down so slowly. Mukha s’yang wala sa sarili ng mga ilang segundo. His eyes looked sleepy before he blinked.

He looked up. Ilang beses na kumurap ang mga mata n’ya bago ko nakita ang pagkunot ng noo n’ya. He looked like a lost puppy as he looked around before his eyes finally settled on me. And I finally felt that familiar warmth and feeling as I stared back at his eyes.

“Rey…?”

This is Gray.

Mukha pa s’yang nalilito sa mga nangyayari. Kahit nang tignan n’ya ang mga pagkaing nasa harapan n’ya ay nakitaan ko ng pagtataka ang mukha n’ya. He looked back at me again and there was so much confusion in his eyes.

But I smiled at him, assuring him that everything was okay. Letting him know that as long as we’re together, everything will be okay.

“Good morning, Gray…”

Chapter 46

Iniiwasan ako ni Gray.

Noong una ay hindi pa ako sigurado. Okay naman kami. Pagkatapos kong makausap si Gadriel at bumalik s’ya, he looked fine. Napagkasunduan pa nga namin noong araw na ’yon na magpahinga na lang muna dahil pagod kami sa byahe at kailangan pang mag-adjust ng katawan namin sa oras.

Hanggang sa dumating ang kinabukasan. Naabutan kong wala na akong katabi. May pagkaing nakahanda sa lamesa nang umagang iyon na sigurado akong pina-room service ni Gray. Hinintay ko s’yang dumating. Ang akala ko pa nga ay s’ya ang kumatok noong lunch time at sabay kaming kakain pero room service na naman pala. Ganoon din ang nangyari sa gabi.

Ganoon ang nangyari sa sumunod pang tatlong araw. Magigising akong wala na si Gray. May nakahandang almusal sa lamesa at room service ang kinakain ko para sa lunch at dinner na sigurado akong special instructions ni Gray sa hotel. Sinubukan kong hintayin s’ya sa gabi pero dahil naninibago pa ang katawan ko sa oras, hindi ko nakakayanan ang antok at nakakatulog din.

Hindi ko tuloy maiwasan ang magtampo. Ang akala ko, sa bakasayon naming ’to, magkakasama kami palagi ni Gray. Nang buong oras. Pero lagi naman s’yang wala. Hindi ko alam kung anong ginagawa n’ya.

Pero kahit na nagtatampo, sinusubukan ko pa ring intindihin s’ya. Maybe there was something he needed to do about his work. Hindi ko alam. Siguro may problema sa club na pagmamay-ari n’ya sa Manila. O hindi kaya ay may kailangan s’yang katagpuin na investors dito sa Japan para mapalago pa ang negosyo n’ya.

Pero nakakapagtampo pa rin talaga. Kaya nga kami nagbakasyon para kaming dalawa lang muna ang iintindihin namin tapos palagi naman s’yang wala.

That’s it. I’ve had enough today. This was our fourth day in Japan. Hindi ko hahayaan na magiging ganito ulit ang araw namin sa mga susunod pa.

I was really looking forward for our tour in Japan since this was also my first time to have an out-of-the-country vacation. But more than anything, I was really looking forward to spending time with Gray. Tapos ganito lang pala ang mangyayari. Iiwasan n’ya ako.

He won’t get away with me now.

I was sitting on the couch in the living room, waiting for Gray while drinking coffee. It was almost three in the morning. Inaantok na rin ako dahil maaga akong nagising sa pag-aakalang maabutan ko si Gray pero sobrang aga n’ya sigurong umaalis dahil kahit anong aga ang gawin kong gising mo, wala na s’ya kapag nagigising ako.

But still, there’s no way I would sleep. Hindi ako matutulog hangga’t hindi ko s’ya nakakausap.

It was past three when the door finally opened. I was sure it was Gray. Halos mapatayo ako mula sa pagkakaupo at mapasigaw na ng “Thank You, Lord!” while doing the victory pose sa sobrang tuwa kong naabutan ko na si Gray.

But I still remained calm. I need Gray to see how serious I was.

Gray went in. He seemed oblivious that I was here, waiting for him. He probably thought that I was already sleeping ’cause that’s what happened for the last three days. Hindi rin naman ako gumawa ng ingay para ipaalam sa kanyang nandoon ako. Pinanood ko lang s’ya sa pagpasok at pagsara ng pinto.

There was one thing I noticed though. It was so quiet. Wala s’yang kahit anong tunog na nagawa sa pagpasok n’ya. Tahimik na tahimik. Kaya rin siguro hindi ako nagigising sa tuwing dumadating s’ya dahil sobrang tahimik ng pagkilos n’ya.

Ganito ba talaga s’ya kumilos? O sinasadya n’ya lang dahil ayaw n’yang magising ako sa pagtulog. But… he looked like he was so used to moving silently like this.

I was not sure. But that’s not the issue now.

I noticed him frowning as his body tensed. Parang nakaramdam na may nakatitig sa kanya. He scanned the room and his eyes immediately found mine. Kitang-kita ko pa ang panlalaki ng mga mata n’ya sa sobrang gulat nang makita ako. Halatang hindi talaga inaasahan ang presensya ko ngayon.

And now he looked lost. Mukhang hindi na n’ya alam ang gagawin. I noticed he shifted on his foot back and forth. Parang nag-iisip pa kung sa kwarto ba dederetso o lalabas na lang ulit.

He chose the latter.

I tsked. Hindi ko na napigilan ang mainis. I just took a sip of my coffee to calm myself. Ibinaba ko iyon sa coffee table sa harap ko bago pa maabot ni Gray ang doorknob.

“Stop.”

One word was all that it took for him to stop. He probably heard the coldness in my voice. Natigil sa ere ang kamay n’ya sa tangkang pag-abot ng doorknob.

“Where do you think you’re going?”

Dahan-dahan s’yang lumingon sa akin. nakitaan ko pa ng takot ang mga mata n’ya.

“R-rey…”

I raised an eyebrow at him.

“Ano? Babalik ka sa babae mo? Kulang pa ba ’yung oras n’yo? Are you cheating on me?”

“W-what? What the— Rey! I’m not—”

Marahas akong tumayo. Agad na napatigil sa tangkang pagpapaliwanag si Gray na pautal-utal naman at hindi na n’ya natuloy. He almost jumped with my sudden movement. He looked scared when I started to walk towards him. Ang takot sa mukha n’ya ay mas nadadagdagan lang sa bawat paghakbang ko palapit sa kanya.

“R-rey…” he muttered when I’m almost near him.

“And… lock!”

I threw my arms around him. Mahigpit ko s’yang niyakap at siniguro kong hindi s’ya makakagalaw. Nahirapan pa nga ako dahil halos hindi magtagpo ang mga kamay ko sa likuran n’ya. He has a strong and muscular body, alright…

But I still tried my best to not let him go. I won’t ever let him go.

“Huh? Wha… what?” Mukhang naguguluhan pa si Gray pero mas hinigpitan ko lang ang pagkakayakap sa kanya.

“I’m locking you with me. Para hindi ka na makatakas. This is your punishment.”

He was quiet. Hindi ako nakatingin sa kanya pero alam kong nakatitig s’ya sa akin. Nakalapat lang ang tenga ko sa dibdib n’ya. I could hear clearly the fast beating of his heart.

“But…” His voice vibrated in my ears. “This is nice.”

I looked up at him and squinted my eyes. He looked alarmed pero napatango-tango rin. It looked like he was convincing himself.

“Right. This is a… scary punishment.”

I moved. Pinagpalit ko ang pwesto namin. I tried to guide him towards the sofa but he wouldn’t budge.

Bakit ba naisip kong kaya ko s’ya?

“W-where—”

“Upo doon,” I said.

Naging madali ang paglalakad namin sa sofa dahil tumutulong na si Gray. He was walking backwards and he sat down on the sofa. Pero dahil nga nakayakap ako sa kanya, nadala ako. Wala kasi talaga sa plano kong bumitiw sa kanya.

My full weight fell on him. Pero hindi pa rin ako bumitiw. Gray tried to help me up pero sinamaan ko lang s’ya ng tingin. He stayed still as I sat on his lap, straddling him.

“Rey… I don’t think this punishment would work,” Gray said. His eyes unfocused. He looked everywhere but not at me.

Hindi ko pinansin ang sinabi n’ya.

“Saan ka galing? Sinong kasama mo? Bakit ngayon ka lang? At bakit iniiwasan mo ’ko nitong mga nakaraang araw?” sunod-sunod kong tanong sa kanya.

He protruded his lower lip.

“Isa-isa lang, Rey… My heart can’t take it when it comes to you.”

Iniwasan ko munang makaramdam ng kilig doon. Instead, I frowned at him. I don’t want him to know that I’m getting swayed with his flowery words.

“Saan ka nagpunta?” I asked. Kahit ang tono ng boses ko ay may talim din.

“Naglakad-lakad lang…”

“Maghapon?”

Gray nodded.

“Sinong kasama mo?” I asked again.

“Ako lang.”

I squinted my eyes at him. Hindi ako nagsalita agad kaya napatingin si Gray sa akin. Nang makita n’ya ang reaksyon kong hindi naniniwala sa kanya ay mabilis at sunod-sunod s’yang tumango.

“Oo nga, ako lang…” he said, still trying to convince me.

“Eh, bakit ngayon ka lang?”

His face fell. I saw sadness in his eyes. Parang ayaw pa ngang sagutin ang tanong ko pero nang makita na naghihintay ako sa sagot n’ya, napabuntong-hininga s’ya.

“I was just making sure that when I get back, you’re already asleep.”

“So iniiwasan mo nga ako?” Kahit may hinala na ako na iyon nga ang ginagawa n’ya ay nagulat pa rin ako. Hindi ko kasi alam na gagawin n’ya talaga iyon.

Gray looked down before he nodded. Hindi s’ya nagsalita pagkatapos noon.

“Bakit?”

He still didn’t say anything.

“Bakit, Gray?” I probed.

“I was ashamed.”

I frowned. “Saan?”

“You saw me… switching.”

Nawalan ako ng sasabihin. I didn’t know. Hindi ko alam na dahil doon kaya n’ya ako iniiwasan. Kahit ngayon nga ay hindi s’ya makatingin sa akin kahit na magkalapit na magkalapit kami.

Ang akala ko ay walang problema tungkol doon. He was okay right after he switched back to himself again. We talked, we bonded, and we slept on the same bed. At kinabukasan na nga ng araw na ’yon nagsimula ang pag-iwas n’ya sa akin.

Why…? Bakit hindi ko man lang napansin? Bakit hindi ko maalala ang sinabi sa akin ng trainer ko na isang psychiatrist na ganito nga ang mararamdaman ng mga taong may DID sa tuwing may ibang makakakita ng pag-“switch” nila? Why did I assume that everything was fine?

I stared at Gray who was still looking down. Nanatili kaming tahimik ng ilang sandali pero mukhang hindi na kinaya ni Gray ang katahimikan dahil nag-angat s’ya ng tingin. But when our eyes met, he looked away. Parang mas hindi n’ya kinaya ang pagsasalubong ng mga paningin namin.

I took a deep breath. Naramdaman ko ang unti-unting pag-usbong ng sakit sa dibdib ko pero hindi ko na lang muna iyon pinansin. Right now, Gray needs me.

I cupped his face. I guided him to look at me but his eyes wouldn’t meet mine.

“Gray… May tanong ako.”

Hindi pa rin s’ya tumitingin sa akin.

“Ayaw mo ba akong kasama?”

Doon lang n’ya ako tuluyang tinignan.

“Gusto!” I almost smiled with his enthusiasm.

“Do you want to be with me?”

“Yes,” sagot n’yang tumatango pa.

“Gusto mo bang palagi tayong magkasama?”

“More than anything, Rey…”

I smiled softly at him.

“Then… If that’s the case, you have to know and you have to accept the fact that if we’re going to stay together… there will be times that I will witness you switching with them.”

I caressed his face, trying to soothe him. Nakita ko kasi ang sakit sa mga mata n’yang sinubukan n’ya pang itago. I don’t want to see the hurt in his eyes but I also don’t want him to hide what he’s feeling to me.

“I know that it might be embarrassing and frustrating for you—”

“So much, Rey…” his voice trembled as he cut me off. His eyes started to water. “Nakakahiya… I didn’t want you to see it. Ayokong isipin mong nababaliw ako. Ayokong matakot ka sa ’kin. I want to be the cool boyfriend in your eyes.”

“Uh-huh.” Tumango pa ako. I wanted to assure him. I wanted him to know that I understood him.

Mabilis kong pinunasan ang luhang tumulo mula sa mga mata n’ya. I tried to wipe my own tears too. Hindi ko alam na umiiyak na rin ako.

“I want to be the boyfriend that you could be proud of. Not a terrible one.” His lips quivered. Mas naglaglagan pa ang mga luha sa mga mata n’ya. “Fuck, why do I have to be like this? Bakit ba naging ganito ako? Ayoko ng ganito ako, Rey… I fucking hate this.”

He leaned his head back on the headrest of the sofa. Tinakpan ng isang braso n’ya ang mga mata n’ya para maitago ang pag-iyak sa akin. He probably thought that crying in front of me would make him look uncool too.

I cried silently. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi n’ya marinig ang paghikbi ko. My heart just hurts so bad. It was aching for him and I couldn’t even do anything.

I tried to remove his arm from his face. Hindi naman ako nahirapan. Hindi ko alam kung wala lang bang lakas si Gray at pagod na sa lahat o hinahayaan n’ya lang gawin ko ang gusto ko.

I cupped his face. Pinagtama ko ang mga paningin namin.

“Sinong nagsabing hindi ka cool, huh? Sinong nagsabing hindi ako proud sa ’yo? Aawayin ko.”

He let out a soft chuckle despite the tears running down his face. Napangiti ako.

“Gray… I’m proud of you. You’re the super-duper coolest boyfriend in this universe. Alam mo kung bakit?”

I combed his hair with my fingers. Titig na titig sa akin si Gray. Hinihintay n’ya ang bawat salitang sasabihin ko. Like my words would be able to save him and make him feel better.

I looked at him in the eye.

“’Cause you’re strong. You’re brave. Despite everything, you still tried to face all of this alone and you still tried your best to continue with your life normally. Hindi mo sinabi sa iba ang kondisyon mo dahil ayaw mong mag-alala sila sa ’yo. You cared for them so much that you’re willing to sacrifice your happiness to live with them.”

My voice broke so I cleared my throat. Pero hindi ko na napigilan ang tuloy-tuloy na pagtulo ng mga luha ko. Gray tried to wipe my tears for me as I continued talking.

“You’re considerate. You tried to pretend that you’re happy ’cause you don’t want to worry anyone around you. You tried to take care of everyone important to you even though you’re the one who needed it the most.”

Napahagulgol na ako at napahikbi. My heart will always hurt for this man. Kung pwede lang sanang maging maayos na ang lahat para kay Gray… Kung pwede lang sanang sumaya na s’ya… Kung pwede lang sanang hindi na s’ya masaktan…

Patuloy pa rin sa pagpunas si Gray sa mga luha ko. I tried to laugh and helped him wipe my tears too. It was him who’s feeling worst earlier pero ako pa ang humahagulgol ngayon.

“Tapos ’eto pa,” sabi ko nang makayanan ko na ang magsalita. Napatigil sa pagpupunas si Gray sa mga luha ko at tinitigan na lang ako. “You’re a great bartender. Sa tingin ko rin, magaling ka sa computer. Ako kasi, hindi magaling doon. Kaunti lang ang alam ko. Not to mention that you’re insanely handsome. May-ari rin ng club sa Manila. Billionaire pa. Kahit mga kaibigan mo, billionaire rin.

Napatigil ako sa pagsasalita at napangiwi. I could see the ghost smile hiding on Gray’s lips.

“I sounded like a gold-digger on the last one,” sabi kong nakangiwi.

Gray finally let out a chuckle. He looked better now.

“No,” he said as he shook his head. “You didn’t. You sound lovely.”

“Good… See? All of those and how could I not be proud of my boyfriend? How could anyone think that you’re not cool?” I smiled. “Kung hindi rin lang ikaw ang boyfriend ko, ayoko na lang magka-boyfriend.”

“Para namang papayagan kitang magka-boyfriend nang hindi ako.”

Natawa ako. And when I finally saw his smile, I felt instantly better.“

“Okay ka na?” I asked.

He shook his head but his hand held my left cheek. The warmth of his palm was enough to soothe me.

“No… But I’m trying. ’Cause you’re here with me,” sabi n’yang titig na titig sa akin.

I smiled and leaned my face on his palm.

“I will always be here with you, Gray…”

He smiled warmly and nodded.

“But that won’t be the last time, Rey… That you’ll witness me switch.”

“I know…”

He looked suddenly worried.

“I just don’t want you to be weirded out. ’Cause that’s not normal. I’m not normal.”

I sighed. “Don’t worry about me, Gray…”

“I want to, Rey. You’re so important to me. I don’t wanna lose you.”

I cupped his face. Gusto kong mawala ang nakikita kong pag-aalala sa mga mata n’ya

“I know… but still, don’t worry about me. Aaminin ko, nagulat ako. For a moment, hindi ko alam kung anong gagawin ko nang makaharap si Gadriel. Pero kahit kailan, hindi ko naisip na iwan ka dahil doon, Gray…”

Pinagdikit ko ang mga noo namin. I caressed his cheeks.

“I’ll be fine. ’Cause like you, as long as you’re with me, as long as we’re together… I’ll be able to get through it. I’ll be able to get through with everything.”

The words barely left my lips when Gray kissed me. Automatic na napapikit ako nang maramdaman ang init at lambot ng mga labi n’ya. Gray was kissing me with his everything. Parang pinaparamdam doon ang mga salitang hindi n’ya magawang sabihin dahil hindi sapat na sabihin lang.

I kissed him back with gentleness mixed with the intensity of my love for him. If this was the way to assure him, then I would be glad to give him my everything. Para hindi na s’ya masaktan. Para hindi na s’ya mag-alala na iiwan ko s’ya isang araw dahil sa kondisyon na meron s’ya.

Gray’s hands caressed my back. He pulled me into him and I gasped with force. He sucked my lower lip as I whimpered against his body. He gave it a light tug before he ended the kiss. Pinagdikit n’ya ulit ang mga noo namin.

“Don’t do it again,” I said, frowning.

“’Yung halik?” he asked. Seeing that he could make a joke now, I guess he’s finally okay.

I’m glad…

“Yung iwasan ako, Gray… ’Wag mo na ulit gagawin ’yon.”

He smiled as he rubbed the tips of our nose.

“Yes, ma’am.”

“Kapag may problema, gusto kong pag-usapan natin, okay? Ayokong mag-iiwasan tayo. Baka lalong lumala lang.”

“Okay…”

Napangiti na ako.

“Good. Now… let’s sleep. Inaantok na ’ko. Maaga rin kasi akong naggising kanina. Akala ko maabutan kita.”

He bit his lower lip. “Sorry.”

I smiled and gave him a quick kiss bago tuluyang lumayo sa kanya.

“Let’s cuddle. What do you think?”

Gray smiled back at me.

“I think I like that.”

Chapter 47

Napatingin ako sa pinto ng kwarto nang marinig ang pagbukas noon. I saw Gray step out of the room. He was only wearing maong pants without any belt so it was almost clinging desperately to his waist and I could see the waistband of his boxer shorts. There was a towel draped across his shoulders as he tried to dry his damp hair. Habang sa isang kamay ay dala n’ya ang puting tshirt n’ya.

Napatigil ako sa pag-aayos ng hapag nang makita s’ya. He was topless. I could see every skin of his upper body. Those biceps, his chest, his abs down his v-line…

He has scars—bullet scars and I could see them now. But he’s still perfect in my eyes. Hindi ko akalain ganito ang magiging boyfriend ko.

Gray smiled when he saw me. Parang bigla akong nagising mula sa pagkakatitig sa kanya at napatikhim. Pinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos ng pagkain sa lamesa habang naglalakad s’ya palapit sa akin.

He hugged me from the side. His scent attacked my nose. Napangiti agad ako at itinigil ang ginagawa. Ramdam na ramdam ko ang init ng balat n’ya dahil wala s’yang damit pang-itaas.

“Morning kiss,” he demanded.

Natawa ako bago s’ya nilingon. He was smiling brightly at me and that smile was enough to brighten up my day. Pareho kaming nakangiti nang maglapat ang mga labi namin.

“Good morning,” bati ko pagkatapos. He just smiled and planted another quick kiss on my lips before he finally let me go.

Gray took a seat across from mine on the dining table. Isinuot na n’ya ang tshirt na hawak n’ya. Tinapos ko na ang paghahanda ng breakfast namin para makakain na kami. I sat down and looked at Gray.

S’ya na ang kumukuha ng mga pagkain at nilalagyan na rin ang plato ko. I was just looking at him, observing him. He looked fine as he put hotdog and bacon on my plate. Mukha pa ngang natutuwa sa ginagawa n’ya. Napangiti tuloy ako.

Gray looked at me, finally noticing my stares. Nagtatanong ang mga mata n’ya nang makitang nakangiti ako sa kanya.

“How are you feeling today?” I asked.

Agad din akong napangiwi nang ma-realize kung anong naging tunog noon. That was my usual question to my clients at the start of every session. I got worried that Gray might be uncomfortable and might think that I was treating him as one of my clients.

Gusto ko lang namang malaman kung anong nararamdaman n’ya ngayon. If he’s really okay or was just smiling ’cause he didn’t want me to worry about him.

“Sorry, Gray. Nakasanayan lang. Walang ibang meaning ’yung tanong ko. Gusto ko lang talagang malaman kung okay ka ngayon.”

Gray raised his eyebrows at me. Saglit pang kumunot ang noo n’ya na parang hindi alam kung anong sinasabi ko. Maya-maya ay napatawa na.

“It’s okay, Rey,” he said as he chuckled. “I’m okay. They’re quiet… Surprisingly.”

He was talking about his alters…

“Madalas silang maingay?” kuryoso kong tanong.

“Hmm,” he just said ’cause his mouth was full with food.

“Anong mga sinasabi?”

Nagsimula na rin akong kumain. I wanted to give him my full attention pero ayoko namang mailang s’ya. Isa pa, nagugutom na rin naman ako.

“It was mostly, Gadriel.” He gulped down the food in his mouth. “He’s the one who’s always near the front, telling me things I should and shouldn’t do.”

“Gaya ng kung kailan ka dapat kumain.”

Gray chuckled. “Yeah…”

“Nabanggit n’ya nga sa akin na s’ya raw ang gatekeeper. So, I’m thinking he’s always the one who’s looking after all of you.”

Tumango si Gray. “Keeping an eye on everyone, yes…”

Napatingin ako sa plato ko. Ang dami-dami kong gustong itanong sa kanya. Hindi ko alam kung paano iisa-isahin iyon. Ni hindi ko alam kung anong dapat kong unahin sa mga tanong na nasa isip ko.

I glanced at Gray. I was trying to figure out if he was feeling uncomfortable with me asking questions about his condition. But he looked carefree today. Hindi katulad noon na isang tingin ko pa lang sa kanya, parang may malaking pader na nakaharang sa kanya.

But today, that wall was gone.

“Ano sa tingin mo ang iba ngayon?” I asked. “Bakit sila tahimik? Bakit tahimik si Gadriel?”

Napatigil sa pagkain si Gray. Hindi ko na rin tuloy naipagpatuloy ang pagkain ko. Bigla akong nag-alala na baka na-offend ko na talaga s’ya sa tanong ko.

Sana pala nagtanong na lang ako pagkatapos namin kumain.

But Gray didn’t look like he was offended though. Mukha pa nga s’yang nag-iisip ng isasagot sa akin. Parang iniisip din kung bakit nga ba bigla na lang nanahimik si Gadriel ngayon.

Then he stared at me. Seryosong-seryoso ang tingin n’ya. Kinabahan tuloy ako sa naisip n’yang sagot.

“’Cause you’re here now, Rey… Gadriel saw that you’re good for me.” He shrugged his shoulders. “Not that I need his permission to stay with you. Hindi ako lalayo sa ’yo kahit ayaw pa nila.”

Kusa akong napangiti sa sagot n’ya. Gray’s an honest person and I really like that about him. Although there was still that problem about him not being honest about what he wanted.

At least ngayon, natututunan n’ya nang sabihin ang mga gusto n’ya. Still not enought but it’s still progress.

Maingay akong napabuntong-hininga nang may mapagtanto. Napatitig tuloy sa akin si Gray, nagtataka sa naging kilos ko. I looked at him with worry and regret. I realized that the flow of my questions was the same as how I ask my patients.

Natawa si Gray. Mukhang alam na kung bakit ako nagkakaganito kahit hindi ko pa sabihin sa kanya. He gave me an assuring smile.

“It’s really okay, Rey…” he said but I just felt worse about that.

“Ayoko lang na isipin mong tinatrato kita bilang pasyente ko.”

Marahas na napailing si Gray.

“Of course not! Alam ko namang hindi ka ganito makipag-usap sa kanila.” He drew what it looked like a little heart with his finger in the air. “’Tsaka nakikita ko rin mga puso sa mga mata mo kapag kinakausap mo ’ko.”

Napakurap ako. Maang na napatingin kay Gray.

Ano raw?

“May gano’n sa mga mata ko?”

Natawa si Gray bago tumayo. Sinundan ko lang s’ya ng tingin hanggang sa lumipat s’ya sa tabi ko. I was so sure I was looking at him with surprise and curiosity in my eyes. Natawa kasi ulit s’ya nang tumingin s’ya sa akin pag-upo n’ya.

“I know that you don’t want to offend me in any way so that I’ll be comfortable around you… But, Rey… you have to be comfortable around me too. Don’t be too reserved. Ayoko ng gano’n.”

Napatitig ako kay Gray. Nakita ko ang katotohanan sa mga mata n’ya. He looked sad that I was acting this way. Nainis tuloy ako sa sarili ko.

What the hell was I doing? Parang hindi ako psychologist kung umasta. The last thing people like Gray would want is to treat them differently. Iyong magpapaalalang may iba sa kanila. Kaya madalas ay sinasarili nila ang problema dahil ang gusto nila ay tratuhin silang normal.

Shit… Ang tagal kong hinintay na maging komportable sa akin si Gray. Ngayong nangyayari na, ako naman ang gumagawa ng dahilan para masira ulit iyon.

I sighed. My shoulders slumped as I gave him an apologetic look.

“Sorry, Gray…” I said, guilty with how I just acted. “But you have to promise na sasabihin mo sa ’kin kapag hindi ka na nagiging komportable sa mga tanong ko. I’ll be asking you a lot of questions in the future, for sure. Pero hindi mo kailangang sagutin lahat ’yon.”

Gray smiled at me softly. He nodded and took my hand. Nagulat ako nang dampian n’ya ng halik ang likod ng palad ko.

“Yes, my love…” he said as he let go of my hand.

Napatitig ako kay Gray. Nagulat sa ginawa at sa itinawag n’ya sa akin. Pati yata ang puso ko ay napatigil sa pagtibok at hindi kinaya ang mga nangyari.

“My… love?” dahan-dahan ko pang tanong sa kanya. baka kasi namali lang ako ng dinig.

Gray scratched the back of his head. Napaiwas ng tingin sa akin at kinuha na lang ang plato n’yang nasa kabilang bahagi pa rin ng lamesa at iyon na ang tinignan.

“You’re my girlfriend. Pero wala pa rin tayong tawagan,” he said. Hindi pa rin makatingin sa akin ngayon.

Kailangan ba talaga ’yon? Required ba na kapag may karelasyon, dapat may tawagan kayo sa isa’t isa?

“Akala ko ba gusto mo ’yung nickname ko kasi sabi mo parang kinuha sa pangalan mo?” I asked.

Isa rin ’yon sa dahilan kaya ang akala ko ay ayos lang kay Gray na wala kaming tawagan. I heard that relationships will be more romantic and intimate if couples have pet names for each other. I was about to suggest before that we should have pet names pero naalala ko ngang sinabi n’ya na gusto n’ya ako tawagin sa palayaw ko. Hindi ko naman alam na gusto pala ni Gray na may tawagan din kami.

Ang hirap nang walang alam sa pakikipagrelasyon.

Gray grinned at me. Mukhang nawala na ang hiyang nararamdaman. Napakunot-noo tuloy ako. Iniisip na may binabalak s’ya.

“Magkatunog ’yung nickname natin pero alam mo ba kung anong mas nakakakilig pa do’n?” he asked.

My frown deepened.

“Ano?”

“Kapag tinawag na kitang ‘love.’” His grin widened.

I tried to keep a straight face as I look at him. But deep inside, I really want to laugh or smile so wide. Lalo na nang mawala ang ngiti sa mga labi ni Gray. Mukhang may inaasahan s’yang magiging reaksyon ko pero hindi ko iyon naibigay sa kanya.

His face fell. He looked worried now.

“Kinilig ka naman nu’ng tinawag kitang ‘my love’ kanina, ’di ba?” nag-aalangan n’yang tanong.

Hindi ko s’ya sinagot para lang asarin s’ya. Alam ko naman sinusubukan n’ya rin akong asarin kanina.

Tumingin na lang ako sa plato ko at nagpatuloy sa pagkain. Pakiramdam ko kasi ay hindi ko na mapipigilan ang ngiti ko kapag hindi ko pa inalis ang tingin kay Gray.

He nudged me with his shoulders.

“Huy, Rey…”

Hindi ko s’ya pinansin. Itinago ko na lang ang ngiti ko sa pag-inom ng tubig kahit na gustong-gusto ko na talagang tumawa.

“Ang daya naman, eh…” rinig ko pang reklamo n’ya.

I cleared my throat. Seryoso ko s’yang tinignan.

“Kailan mo pala nahalata ang tungkol sa kondisyon mo?” I asked instead.

Gray looked betrayed. He was even pouting a bit. Nakasimangot s’yang tumingin sa akin pero agad ding nag-iwas ng tingin na parang nagtatampo. Ang akala ko pa nga ay hindi n’ya rin papansinin ang tanong ko pero maya-amaya ay nagsalita s’ya.

“I was twelve,” he said. Tumingin na s’ya sa akin ngayon. “Nu’ng una, hindi ko pa pinapansin. Pero nu’ng dumalas at lumala na… saka ko lang napansing may iba na sa ’kin.”

“Twelve years old… That was young.”

He nodded.

“I remember that one time… I was so sure it was Friday when I slept that night. Kapag estudyante ka, nakabantay ka talaga sa mga araw at nag-aabang ng weekends. Wala kasing pasok kinabukasan. Pero nagulat ako nu’ng ginising ako ni Nanay Flor nu’ng umaga na. Mali-late na raw ako ’pag ’di pa ko bumangon.”

“Nanay Flor… ’Yong nag-alaga sa ’yo?” I asked. Natatandaan ko kasing nabanggit ni Hunter na may nag-alaga kay Gray noong mga panahong wala s’ya.

“Yes…” he answered with a nod. “Ang sabi ko pa no’n, Sabado nu’ng araw na ’yon kaya wala akong pasok. But Nanay Flor said that it was Monday. Pinagpilitan ko talagang Sabado kaya pinalo na n’ya ’ko. Sinabihan pa ’kong tamad na estudyante at ayaw lang pumasok. I even cried that time.”

Nag-iwas na s’ya ng tingin sa akin ngayon at napatingin na lang sa plato n’ya. There was a small smile on his lips. He looked like he was reminiscing about a good but painful memory.

“I checked my phone and it was really Monday. Pati ’yung morning news sa TV, it was for weekday mornings,” he continued without looking at me. “Pumasok ako no’n. Nu’ng nasa school na ’ko, saka ko naalala mga homework ko. Marami pa namang magbigay ng homeworks ang mga teacher ’pag dadaan ang weekends. I was about to do it habang wala pa sanang teacher. But I saw that it was already done by someone. ‘Someone’ ’cause I was so sure I didn’t do it. Even the penmanship was different from mine.”

My hand automatically reached out for him. Hinawakan ko ang kamay n’ya at pinisil iyon. I wanted to comfort him. I wanted him to know that I’m here. I wanted him to feel my support.

My heart ached for him. Pero nilakasan ko ang loob ko dahil iyon ang kailangan n’ya.

Gray looked at me and gave me a soft smile. He squeezed my hand back before he looked away. Tinitigan n’ya ulit ang plato n’ya.

“Then I noticed those things I had that I didn’t even buy,” he continued. “Nakitaan ako ni Nanay Flor ng box ng condoms. Pinagalitan n’ya ulit ako no’n.”

He chuckled but I could clearly hear the pain in his voice. He didn’t want to look at me right now ’cause he knew that I would see the pain in his eyes. Pero hindi naman n’ya magawang itago iyon sa boses n’ya.

Mahigpit kong hinawakan ang kamay n’ya. Hoping that my warmth and presence could at least comfort him with the pain of these memories.

“You must’ve been so confused and scared,” I said softly.

Tumingin sa akin si Gray. May pait sa mga mata n’ya nang tumango.

“Did you know that I actually talked to a priest? Ang akala ko kasi talaga… sinasapian na ’ko. The priest told me that I should pray and have faith to the Lord. Pero, Rey… kahit anong simba at dasal ang ginawa ko… hindi naman nawala.”

I bit my lower lip. Tumango ako dahil pakiramdam ko ay maiiyak ako sa mga ikinukwento n’ya.

“Then people I didn’t even know started approaching me. They knew me as someone with a different name. Told me I did things that were so out of character of me. Takot na takot ako no’n, Rey… Hindi ko alam kung anong nangyayari sa ’kin… Wala akong mapagsabihan.”

I couldn’t imagine how Gray felt at that time. How he struggles as he try to find out what’s happening to him. Not telling a soul as he’s afraid of what people would think of him.

Dissociative Identity Disorder is one of the hidden and silent disorders. Marami ang hindi naniniwala na totoo ang ganitong kondisyon. Even some of the therapists don’t believe that this is real and would argue that it was still debatable if DID is indeed real.

Those people were ignorant. They didn’t know a thing about how people with DID suffer to keep their condition a secret because there are people like them. Their struggles are real. They are suffering with a real condition but they are still trying their best to live a normal life.

Pinigilan ko ang mapaluha nang maalala ang araw na mag-open up sa akin si Gray tungkol sa kondisyon n’ya. That day when he told me he has DID.

Gosh… takot na takot siguro s’ya no’n sa kung anong iisipin ko.

Dalawang kamay ko na ang nakahawak sa kamay n’ya. Gray smiled with my gesture.

“I decided to seek help from a therapist when I figured that the problem is with my brain. I was seventeen then. Nagpunta ako sa therapist nang walang kahit anong idea sa nangyayari sa ’kin.”

“It probably took a long time before the therapist finally came up with the idea of DID,” mahina kong sabi habang pinaglalaruan ang kamay n’ya.

Gray nodded.

“She made me take the MID assessment,” he said. He gave me a look like he’s asking me if I have an idea about it.

It was my turn to nod.

“MID is an assessment that diagnoses PTSD, FNSD, and Dissociative Disorders,” I said.

“Right. You’re a psychologist.” Natawa pa s’ya. “Nu’ng sabihin ko sa kanya mga nararanasan ko, she first ruled out psychopathy and sociopathy. Then she began to take her notes and narrowed down possibilities over months while asking me questions without me knowing the endgame. After three months and with my MID assessment, she introduced me to the idea of having parts and alters.”

“Hindi n’ya sinabi nang diretso sa ’yo na DID ang nararansan mo?” I asked.

Umiling si Gray.

“I think she was hesitant to bring it up at first ’cause I have a covert system. Kaya alam n’ya na wala akong ideya sa DID.”

“That actually the best move too, I think,” I said. “She avoided upsetting the others.”

He smiled and nodded.

“Then after doing my own research about my condition, they—my alters— began to surface when triggered. They began expressing their thoughts and interests. Mas napadalas ang memory lapses and switching.”

I could tell that Gray was trying his best to tell me everything like it wasn’t a big deal to him. Like because it was already in the past, it was not affecting him anymore.

But I could see right through him. Nakikita ko ang sakit sa kanya na parang kahapon n’ya lang naranasan ang lahat ng ’yon.

“Mag-isa mo lang hinarap ang lahat ng ’yon?” I cleared my throat when I heard the slight croak in my voice.

Gray looked at me.

“Psychologically speaking, I wasn’t alone. They’re here… inside.” He tapped his temple with his finger.

“Oh, Gray…”

Hindi ko na napigilan ang yakapin s’ya. Napatayo pa ako para maayos s’yang mayakap. His arms immediately wrapped around my waist as he buried his face on my chest. Like he was desperately looking for warmth and comfort and now that I’m offering it to him, hindi na n’ya naitago ang totoong nararamdaman na para bang kanina pa n’ya gustong gawin ang ganito.

Nagsisi tuloy ako na paghawak lang sa kamay n’ya ang nagawa ko kanina. I should’ve hug him like this as he told me his story. Para mas maramdaman n’yang hindi na s’ya nag-iisa ngayon.

“I’m here now, Gray… Hindi mo na kailangang harapin nang mag-isa ang lahat,” marahan kong sabi habang hinahaplos ang buhok n’ya gamit ang mga daliri ko.

His hug tightened around my waist. Hinayaan ko lang s’ya. I’m willing to give him anything he wants and needs anyway.

Ilang sandali kaming nanatili sa gano’ng posisyon. Mahigpit lang s’yang nakayakap sa akin habang ako naman ay sinusuklay ang buhok n’ya. Saka lang ako napatingin sa pagkain n’yang kaunti pa lang ang nababawas.

“Gray…” I called him.

“Hmm?” He snuggled closer to me.

“’Yung pagkain mo… hindi pa ubos.”

Hindi s’ya sumagot.

“Ayaw mo ba ng niluto ko?” I asked.

Mabilis na bumitiw sa akin si Gray. Napangiti ako. Inaasahan na gano’n ang magiging reaksyon n’ya.

Bumalik ako sa pag-upo at magsisimula na sanang kumain nang makita na nakatitig sa akin si Gray.

“Bakit?” I asked.

“I’m curious about something too.”

“Ano ’yon?”

“May creepy experience ka ba sa pagiging psychologist mo?”

“What’s that now?” Maang akong napatingin sa kanya.

“You know, like… creepy things said by your patients.”

Napakamot ako sa batok. Nagtataka sa biglang pagiging kuryoso n’ya tungkol doon pero sinagot ko pa rin naman.

“Meron.”

“Talaga? Ano-ano?” Gray looked excited. Halos matawa ako.

“As much as I don’t want to disappear that look on your face, I can’t tell you… It’s unethical, Gray.”

Napanguso si Gray. He looked disappointed as he looked on his plate pero hindi naman ipinilit ang gusto n’ya.

“But there’s this story my instructor told us when we were still students,” I said. Agad na napabalik ang tingin n’ya sa ’kin. “Sa tingin ko pwede ko namang ikwento sa ’yo ’to since she openly told everyone about this.”

Sunod-sunod s’yang tumango.

“Okay.”

“Hindi ko lang maalala kung sa kanya mismo nangyari ’to… But there was this one patient. During his assesment, sinabihan n’ya raw ’yung therapist n’ya na may nakatayong pugot ang ulo sa likod n’ya.”

“What the fuck?” Gray exclaimed. Halatang nagulat. “Nakakakita s’ya ng multo?”

“He was hallucinating,” paliwanag ko. “It is common in certain disorders. It’s common in DID too.”

Nagtigilan si Gray. Parang may naalala. But he smiled and shook his head.

“Natakot ka?” he asked. Ibinabalik ang usapan sa kwento ko.

I nodded.

“May ibang natawa nang ikinuwento sa ’min ’yon… Pero natakot ako.”

Gray stared at me like he was observing me. Maya-maya ay nakita kong lumagpas sa akin ang tingin n’ya. Parang may tinitignan na ngayon sa likod ko.

“Gray,” I warned. “Stop. It’s a serious symptom. Don’t make fun of it.”

Ibinalik na ngayon ni Gray ang tingin n’ya sa akin at mabilis na umiling.

“I’m not. Sinusubukan ko lang na takutin ka. Marami pa naman daw multo dito sa Japan.”

Natawa na ako.

“Well, I’m not scared.”

Napakunot ang noo n’ya.

“Akala ko ba natakot ka nu’ng kinuwento sa inyo ’yon?”

“Oo nga. Pero hindi na ’ko natatakot ngayon.”

“Ang daya talaga,” reklamo n’ya.

“Hindi mo ba itatanong kung bakit?” nangingiti kong tanong.

Gray squinted his eyes at me. Natawa ako sa nakitang pagdududa sa mga mata n’ya.

“Bakit?” he asked. Kahit sa boses n’ya ay rinig ko ang pagdududa.

I cupped his cheeks and smiled at him.

“’Cause you’re here now.” Ibinalik ko sa kanya ang sinabi n’ya kanina. Sinusubukang pakiligin s’ya.

Pero mukhang hindi gumana. He looked like he was sulking. Nagulat pa nga ako roon. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang reaksyon n’ya. Mabilis pa namang pakiligin ang isang ’to.

“Ang daya mo talaga,” sabi pa n’ya na mas ikinagulat ko.

“Bakit na naman?”

“Ang galing mong magpakilig! Samantalang nu’ng pinapakilig kita kanina, wala kang reaksyon!”

Ang lakas ng naging tawa ko. He really looked like I did betray him! Inis na inis pa ang tingin n’ya sa akin.

Napangiti na lang ako at ibinalik na ang tingin sa plato ko. I started eating as I felt Gray’s iriitated stare at me. Nang magsimula na rin s’yang kumain ay saka lang ako nagsalita.

“Kinilig din naman ako kanina,” I said, not looking at him.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na napatingin s’ya sa akin.

“Bakit hindi mo sinabi kanina nu’ng nagtanong ako?”

I swallowed the food in my mouth first before I looked at him.

“Alam ko kasing aasarin mo ’ko.”

Ilang segundong nakatitig lang sa akin si Gray bago ko nakita ang unti-unting pagngisi n’ya. Napairap tuloy ako sa kanya.

“See? Kaya ayokong aminin kanina,” sabi ko pa bago bumalik sa pagkain.

But Gray wouldn’t let it go. Sinilip n’ya pa ang mukha ko.

“Anong gusto mo? Tawagin kitang ‘Rey’ o ‘love?’” he even asked.

Wala sana akong planong sagutin ang tanong n’ya dahil nang-aasar na naman s’ya. But I couldn’t resist that genuine smile on his face.

I sighed in defeat.

“Kahit ano naman… Pareho pa rin ang epekto sa ’kin.”

I heard Gray chuckle. Napairap ako sa kawalan at nagpatuloy na lang sa pagkain.

We both finally finished our breakfast kahit na sa hindi matapos-tapos na asaran namin ni Gray. Natigil lang nang hugasan n’ya ang pinagkainan namin habang ako ay dumiretso sa kwarto at nagbihis para sa pamamasyal namin sa araw na ’yon. It was spring season in Japan right now. Nagsuot na lang ako ng jeans at black longsleeve blouse na chiffon ang tela para maging komportable ako.

Nang matapos si Gray sa paghuhugas ay s’ya naman ang nagbihis. Pinatungan n’ya lang ng black denim jacket ang white shirt na suot n’ya kanina pero bumagay pa rin iyon sa kanya. Parang kahit ano naman ay babagay talaga sa kanya.

“Saan mo gustong pumunta?” he asked.

Inilabas ko ang listahan na ginawa ko at binigay iyon sa kanya. He looked surprised that I made a list.

“Nilista ko ’yung mga gusto kong gawin at puntahan nu’ng tatlong araw mo ’kong iniwasan. Wala kasi akong magawa rito.”

Napangiwi si Gray. But he chuckled as he tilted his head to the side while looking at me.

“Sorry na, love…”

Nag-somersault yata ’yung puso ko sa loob ng dibdib ko nang marinig ang itinawag n’ya sa akin. Pero hindi ko iyon ipinahalata sa kanya. Alam ko namang pinapakilig n’ya lang ako para makalimutan ko ang ginawang pag-iwas n’ya sa akin. Itinago ko na lang ang nararamdaman ko sa pag-irap sa kanya.

“Kainis,” I mumbled but I knew Gray heard it. Sadya ko namang ipinarinig talaga sa kanya.

I started walking towards the door. Saka ko lang inilabas ang ngiti ko nang masigurong hindi na makikita ni Gray.

Narinig ko pa ang mahinang pagtawa n’ya bago sumunod sa akin sa palabas ng hotel room namin.

Chapter 48

As soon as I stepped foot outside the hotel, nasabi ko agad na nasa ibang bansa na nga ako. The atmosphere was so different. Hindi masakit sa balat ang sinag ng araw. Hindi masyadong mainit. And the air was… I don’t know how to explain but… it smells good.

Hindi ko napansin ang kaibahan ng lugar noong makarating kami rito ni Gray. Pagod na pagod ako dahil sa byahe at inaantok pa noon. I guess my brain was also too tired to appreciate the surroundings at that time.

But now… I could see clearly that I am in Japan. Makakapamasyal na rin kami sa wakas.

“Love, teka lang.”

Napatigil agad ako sa paglalakad. Hindi dahil sinabi ni Gray kundi dahil sa itinawag n’ya sa akin.

Hindi yata ako masasanay na ganoon ang tawag sa akin ni Gray. It felt… intimate. Parang mas lalo ko yatang naramdaman na boyfriend ko nga s’ya. My heart was always beating fast whenever he called me that.

Now I know why people in a relationship are using endearment for each other. Ganito pala ang feeling. Sa tuwing tinatawag ako nang ganoon ni Gray, pakiramdam ko… sa akin nga talaga s’ya.

Tumingin ako kay Gray. Mukhang kabaligtaran naman ang nararamdaman ko sa kanya. He looked fine as he approached me. Parang wala lang sa kanya na tinawag ako sa ganoon. Parang sanay na sanay. Samantalang ako, ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko ngayon.

He was looking at the list I gave him earlier, completely unaware of the disturbance he had just given me. Nang tignan pa nga ako ay may inosenteng pagtatanong sa mga mata n’ya.

“I noticed you just listed the things you wanted to do,” he said when he stopped in front of me. “How about those places where you wanted to go?”

I frowned. Napasulyap ako sa papel na hawak n’ya bago muling tumingin sa kanya.

“Meron, ah. Sa Harajuku,” I said.

He looked at me. Mukhang nalilito at hindi makapaniwala.

“’Yun lang talaga gusto mong puntahan?”

“Iyon lang alam kong lugar dito bukod sa Tokyo na alam kong capital ng Japan,” pag-amin ko. “Bukambibig kasi ’yon ni Larissa. Parang fashion district yata ’yon?”

Hindi ko naman akalain na isang araw ay makakapunta ako rito sa Japan. Wala sa isip ko ang magbakasyon lalo at hindi pa magaling si Mama. I was busy with my duties as her daughter and as an older sister for Larissa. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na mangarap na makapagbakasyon sa ibang bansa.

“Ah, yes. Maraming fashion stores doon. Depende sa style na gusto mo,” Gray said.

“Iyon nga… Larissa’s into… Gothic ba ’yon?”

Napangiti si Gray bago tumango sa akin.

“Isama natin s’ya next time,” sabi n’ya na parang nagyayaya lang sa kabilang kanto.

Isa pa ’to sa hindi ko makakasanayan kay Gray. Kailangan kong paulit-ulit na ipaalala sa sarili ko na mayaman s’ya. Bilyonaryo pa nga raw. Kailangan kong intindihin na hindi problema sa kanya ang pera kaya kapag usapang may gastos ay parang wala lang sa kanya.

Hindi naman s’ya ganito noon. His car was… not a luxury car. Sa tingin ko ay komportable na s’yang kumilos ng ganito sa akin dahil alam ko nang mayaman talaga s’ya.

Okay… Kailangan ko na ring sanayin ang sarili ko na ’wag nang mabibigla kapag ganito s’ya.

“Iyon lang ang alam kong puntahan, Gray… Ikaw rin naman nagdala sa ’kin dito. Ikaw na bahala kung saan tayo mamamasyal.”

He suddenly looked troubled. Napakamot pa s’ya sa batok n’ya na parang hindi alam ang gagawin.

Napatitig lang ako sa kanya. Sinusubukang intindihin kung bakit naging ganoon ang kilos n’ya. Nang may ideyang pumasok sa isip ko, maang akong napatingin sa kanya.

“’Wag mong sabihing dinala mo ko rito nang wala ring plano kung saan tayo mamamasyal?”

“Hindi ko sasabihin,” he said with a forced smile on his lips.

“Gray!”

“Marami naman daw pwedeng gawin dito sa Japan,” depensa n’ya.

“Iyon nga! Maraming pwedeng gawin. Pero saan ’yung maraming pwedeng gawin na ’yon?!” Bigla yata akong na-stress.

He didn’t say anything. Ngumiti lang s’ya sa ’kin na naging ngiwi dahil guilty s’yang dinala n’ya ako rito nang walang plano.

“Unbelievable!” I exclaimed.

Hindi talaga ako makapaniwala! Hindi n’ya nga sa ’kin sinabing sa Japan pala kami pupunta sa bakasyong ’to tapos wala pala s’yang plano kung anong gagawin namin dito? Kung saan kami pupunta? Pa’no pa pala kung hindi ako gumawa ng listahan?

Ganito ba talaga ang mga mayayaman? Mas ramdam ko tuloy ang pagkakalayo ng buhay namin ni Gray!

Kahit naman kay Ace, ramdam ko nang ibang-iba ang mga mayayaman sa mga mahihirap. Sa hobbies at sa mga madalas nilang kainan, ibang-iba talaga. Kahit ang paraan ng pag-uusap nila. Kaya kapag kasama ni Ace ang mga kaibigan n’ya at nandoon ako, hindi ako maka-relate sa kanila. I always felt so out of place.

Pero kay Gray… Grabe. Ibang klase…. Parang nagtatapon na lang s’ya ng pera dahil sobrang bored n’ya.

“Nag-date rin kasi sina kuya rito…” sabi ni Gray na mukhang natatakot na sa frustration ko. “Sabi n’ya pa nga na baka dito raw sa Japan na-in love sa kanya si Artemis.”

Napakunot ang noo ko. Naguguluhan kung bakit bigla n’yang nabanggit iyon.

“Ano?”

Bigla ang pamumula ng mukha ni Gray na mas lalo kong ipinagtaka. Nag-iwas s’ya ng tingin at napatingin ako sa tenga n’yang namumula rin. Napaawang ang mga labi ko nang ma-realize kung bakit bigla s’yang nagkagano’n.

Hindi ko na napigilan ang ngiti ko.

“Dinala mo ba ko rito para ma-in love sa ’yo? Dahil gano’n ang nangyari kay Artemis nang dalhin s’ya rito ng kuya mo?”

Sumulyap sa akin si Gray pero agad ding nag-iwas ng tingin bago yumuko. Halatang nahihiya nang tignan ako. Tumango s’ya nang nakatungo pa rin ang ulo n’ya.

Natawa na ako. This man was really adorable! It was really hard to stay mad at him!

“Gray… I am already in love with you. Hindi mo na kailangang gawin ’to.”

Nag-angat ng tingin si Gray pero nakayuko pa rin. He suddenly looked like he was sulking.

“Gusto ko pa ring dalhin ka rito…” he said. “Kuya said that they had a great time here ’cause the place was really amazing. I wanted to be sure you’ll have a great time too if I bring you somewhere.”

Ah… Now, I get it. Sinabi ng kuya n’ya na maganda ang Japan at nag-enjoy sila ni Artemis noon kaya dito ako dinala ni Gray. He believed what Hunter said so he must’ve thought that I’ll enjoy my time here too kahit hindi s’ya nagplano ng gagawin namin at kahit na may ibang lugar naman s’yang alam puntahan na siguradong nag-enjoy s’ya. Places that he would recommend too if I want to have a great time.

He trusts his brother more than he trusts himself.

I took a deep breath and gave him a soft smile. Hinawakan ko ang mga kamay n’ya at sinilip ang mukha n’ya.

“Hindi kaya nag-enjoy sila kasi… magkasama sila?”

Natigilan si Gray. Mukhang nag-iisip. Pero maya-maya ay umiling din.

“Hindi. Maganda raw talaga dito.”

I chuckled.

“Okay… Then why don’t you try to ask your brother where they went here? Puntahan rin natin.”

Napatitig sa akin si Gray.

“You’re saying I should call him?” he asked and I couldn’t see any emotion in his eyes.

I gave him another soft smile. I put a hand over his chest to try to calm him down and to make him feel me in case he started to dissociate.

Alam kong naaapektuhan s’ya sa tuwing maiisip n’yang makipag-usap sa kuya n’ya. I realized he didn’t want to talk to him. Kaya noong nagkita sila, tinaboy n’ya si Hunter. He was avoiding having a conversation with him.

“Hindi mo naman kailangang gawin kung ayaw mo,” marahan kong sabi. “I just suggested it since we came here without any plan or destination at all. I think it will be good kung makakakuha tayo ng ideya sa kuya mo since sabi mo nga, nag-enjoy sila rito.”

Hindi nagsalita si Gray. Nakatitig lang s’ya sa akin. Wala pa ring emosyon sa mga mata n’ya.

I was cautious with my words. I know he said that I should be comfortable around him but I need to be careful with my words too. Especially if it’s about his condition. I need to be careful so I won’t give him any triggers.

But now that he was just staring at me, I’m starting to get worried. Baka may nasabi akong hindi n’ya nagustuhan. Baka masyado pang maaga para sa isipin na mag-usap sila ng kapatid n’ya.

Or maybe… he’s dissociating now?

“You think I should do that? You think I should talk to him?” Gray asked.

Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay makakita ako ng emosyon sa mga mata n’ya. He was curious. He was at a loss on what he should do.

Marahan akong umiling sa kanya.

“Kung ayaw mo, Gray, hindi mo kailangang gawin. Kung hindi ka pa handa, hindi mo kailangang madaliin ang sarili mo.”

“Do you think he’s mad because of what happened last time? ’Yung… tinaboy ko s’ya?” He looked worried now.

I gave him a gentle smile before I shook my head.

“He’s not mad. Hinihintay ka lang n’ya, Gray…”

Gray looked like he was hesitating this time. But I’m glad… I’m glad that he was now considering talking with his brother. Noon kasi, pag-usapan lang ang tungkol sa kuya n’ya, ayaw n’ya. Kapag napapalalim ang usapan tungkol sa kuya n’ya, iniiba n’ya agad ang topic.

And I know he’s lying when he told Hunter he didn’t want to see him anymore.

Binigyan ko s’ya nang magaang ngiti.

“Pero sabi ko nga… hindi mo kailangang madaliin ang sarili mo kung hindi ka pa handa.”

“Paano kung mainip na si kuya?” may pag-aalala sa mga mata n’yang tanong. I held both of his hands again to comfort him.

“Hmm… I don’t think so. He loves you so much, Gray. At sa tingin ko… mas gugustuhin ni Hunter kung magiging ayos ka muna. Kung uunahin mo muna ang sarili mo. He will not be happy if you meet him because you’re worried that he’ll get impatient or tired of waiting. Instead of you meeting him ’cause you wanted to.”

Hindi na siguro mawawala kay Gray na mas uunahin n’yang isipin ang iba kaysa sa sarili n’ya. I guess I just have to accept that fact. It was what makes him Gray. It was already in him. And it was a part of him that I loved.

Napangiti ako. Hindi ko talaga iiwan ’tong lalaking ’to.

“I think it’s better that you’re finally ready when you decided to meet your brother, Gray…”

Gray’s face softened. There was admiration in his eyes as he looked at me.

“I don’t know what I would do anymore without you, Rey…”

I giggled. Humakbang pa ako palapit sa kanya hanggang sa halos magdikit na ang katawan namin. I was smiling widely when I looked up at him.

“Kiss,” I demanded.

Natawa si Gray pero mabilis din namang ibinigay ang gusto ko. He gave me a lip-locked kiss. Parehong malaki ang ngiti sa mga labi namin nang maghiwalay kami.

“We still don’t have a plan where to go,” he said.

“I think everything will be okay if we’re together.” Binigyan ko s’ya ng seryosong tingin. “Like literally, Gray. ’Wag kang lalayo sa ’kin. ’Wag mo kong iiwan. Maliligaw ako.”

He chuckled.

“Why don’t we go to Harajuku first?” he suggested.

Tumango ako.

“Good point. Iyon lang din naman ang lugar sa listahan ko.”

“Great! We now have a starting point.” He intertwined our hands. “Let’s go?”

Malaki ang ngiting tumango ako sa kanya.

“Let’s go.”

We took a cab kahit maganda sanang mag-commute para makapag-sightseeing din kami sa lugar pero dahil wala nga kaming plano ay mas mabuti kung deretso na lang ang byahe namin doon.

Nang makarating kami sa Harajuku, hindi ko akalain na kahit ang mga tao roon ay mapapasama sa sightseeing experience ko. Their fashion was so unusual and different! May mga grupo na makukulay ang suot, kahit ang mga buhok nila ay makukulay din! Girls have ribbon lace on their hair. Ang mga lalaki naman ay iba’t ibang kulay sa buhok ang highlights.

I also saw a group wearing black clothes. Literal na itim lang ang kulay ng mga damit na suot nila kahit patong-patong pa ang mga iyon. And the style of their hair was so wild! They were wearing heavy makeup too!

“Anong okasyon?” tanong ko kay Gray.

Gray was smiling when he looked at me. Parang nag-e-enjoy ding tignan ang bawat grupo ng mga taong iba’t iba ang fashion style. We were walking hand in hand.

“Wala. Normal ’to dito sa Harajuku,” he said. “Kung sa Pilipinas ’to, pagtitinginan sila. Some will secretly make fun of them. ’Yung buhok ko nga pinagtitinginan na, eh!”

“Part na rin kasi ng culture ’to ng Japan. Magkaiba ang culture nila sa atin kaya kapag magbihis sila ng ganito sa Pilipinas, pagtitinginan sila ’cause for us, it is different. But it’s not good if people will make fun of other cultures though.”

“Right… I mean, look at them. They’re geniuses. This kind of art is hard to pull off.”

“Binagay mo ba ’yung kulay ng buhok mo sa pangalan mo?” I asked, curious.

He shook his head and looked at me.

“Hindi ako ’yung gustong magpakulay ng buhok.”

I almost stopped walking when I realized what he meant by that. It was one of his alters who dyed his hair.

“I kept on dyeing it back to black. But he keeps on dyeing it gray.” Napahawak si Gray sa dulo ng buhok n’ya bago alanganing tumingin sa akin. “Ayaw mo ba ng ganitong kulay ang buhok ko?”

Napatitig ako kay Gray. I already saw him with black hair. Doon sa picture na nakadikit sa dingding ng kwarto n’ya. His hair was still black back then.

I smiled at him. Ayokong makadagdag pa sa alalahanin ni Gray. I figured he probably had an argument with his alter regarding his hair color. Mukhang hinayaan n’ya na lang ang gusto ng alter na ’yon.

“Gwapo ka pa rin naman kahit anong kulay ng buhok mo, Gray,” I said, which was the truth.

Napatigil s’ya sa paglalakad kaya tumigil din ako. He stared hard at me.

“You’re not being honest.”

I frowned.

“Ano? Sa tingin mo hindi ka gwapo sa paningin ko?”

“No.” Nakatitig pa rin s’ya sa akin. Lalo na sa mga mata ko. “It looks like you—” He frowned. “Have you seen me with black hair?”

Gray could read me as much as I could read him. He came up with that conclusion by just staring at me. There’s no use lying to him.

“Nakita ko ’yung picture na nakadikit sa dingding ng kwarto mo,” I said.

He didn’t say anything at first. Hindi ko rin nakita ang pagkagulat sa mga mata n’ya sa pag-amin ko. Nakatitig lang s’ya sa akin. Parang may hinahanap na kung ano sa mukha ko.

“It was part of our deal,” he said after a while. “’Yung kulay ng buhok ko.

“Deal?” kunot-noo kong tanong.

He nodded.

“Hahayaan kong ganito ang kulay ng buhok ko kapalit ng pagsasabi n’ya ng lahat ng nangyayari sa kanya when it is him who’s fronting. So, there won’t be any memory lapses that could mess us up.”

Napatango-tango ako. Isang bagay lang ’yon, isang pangyayari sa buhay n’ya but it screamed how much he struggles with his condition.

Gray smiled. Nagyaya na s’yang magpatuloy kami sa paglalakad kaya hindi ko na itinanong ang gusto ko sanang itanong. It was his way of saying that the conversation was done. Isa pa, wala kami sa tamang lugar para pag-usapan ang tungkol doon.

I tried to enjoy our walk in Harajuku. Nang tignan ko si Gray ay mukhang nag-e-enjoy din naman s’ya. There was a smile on his face and that was the only thing I wanted with this vacation. For Gray to enjoy and smile.

“Do you know that Japan is famous for their maid cafes too?” sabi ni Gray maya-maya.

Napasulyap ako sa kanya habang naglalakad kami.

“Maid cafes?”

“Yeah. The servers are dressed as maids. They will greet their customers as they enter. Okairi nasai, goshujin-sama. “

“Huh?” Nagtatakang napatingin ako sa kanya.

“’Welcome home, master,” he translated. “Most of their customers are men.”

“Ah…” So babae ang mga server.

“Look.”

Tumigil kami sa paglalakad at inilabas ni Gray ang phone n’ya. He tapped on it and finally showed me a video.

It was a video of what’s happening inside a maid cafe that he was talking about. Tama ako, the servers were all female. They were wearing maid costumes and cat ears and tails. The way they serve their customers, especially men, was so… flirty. Nagdo-drawing pa nga ng kung ano, depende raw sa request ng customer ayon kay Gray, sa omelette rice nila.

“Hmm… So, you place like that,” sabi ko kay Gray nang matapos ang video.

“Hindi naman,” he said. Ibinalik na n’ya ang phone sa bulsa n’ya.

I gave him a sweet smile.

“Gusto mong pumunta?”

Kitang-kita ko ang pagkakatigil n’ya. Dahan-dahan rin n’yang ibinalik ang tingin sa akin, parang nananantya. He blinked when he saw me smiling at him.

“You have a weird smile on your face,” he pointed out.

“Oh, do I?” I asked and widened my smile. “So, ano nga? Gusto mong pumunta sa maid cafe na ’yon?”

“No.” He quickly shook his head.

“You’re not being honest,” balik ko sa sinabi n’ya kanina.

“Rey… I don’t really want to go to a maid cafe.” He looked scared now.

“Eh, bakit mo binanggit?”

“What?” lito n’yang tanong.

“Bakit mo binanggit ang tungkol sa maid cafe at pinakita pa sa ’kin ’yung video kung ayaw mo palang pumunta?”

“W-wala! I just… Nabanggit ko lang!” Mukhang hindi n’ya alam ang isasagot n’ya. He was panicking too.

“It’s psychology, Gray! And in case you’ve forgotten, I’m a psychologist. Hindi mo babanggitin ’yang maid cafe na ’yan kung hindi mo talaga naiisip na pumunta!”

Hindi ko alam na tumaas na pala ang boses ko kaya may mga taong napatingin sa amin. Bigla akong nahiya pero hindi ko ipinahalata kay Gray. Mas lalo lang akong mahihiya kung malalaman n’ya ang nararamdaman ko ngayon!

But Gray could really read me. Natawa s’ya. Siguro rin kasi ay namumula ang mukha ko ngayon sa kahihiyan.

“You’re jealous,” he said with a wide smile on his lips.

Mas dumoble ang inis ko nang sabihin n’ya pa iyon. Ewan ko! Nainis kasi ako kanina nang malaman ko kung ano pala ’yang maid cafe na ’yan. At sa isipin na pupunta doon si Gray at pagsisilbihan s’ya nang gano’n ng mga server do’n! Pinakita n’ya pa kasi sa ’kin talaga ’yung video!

I took a deep breath to calm myself. Ayokong ibunton ang inis ko kay Gray. Wala pa nga s’yang ginagawa. Wala s’yang ginawang masama. Masyado lang akong imaginative.

Dahan-dahan kong pinakawalan ang hangin sa baga ko.

“Yeah, I’m jealous,” I admitted. Napangiwi ako. “And I’ve just discovered I become really different when I get jealous.”

Malakas ang naging tawa ni Gray sa pag-amin ko. Mas lalo tuloy namula ang mukha ko. Mabuti na lang at hinigit ako ni Gray para yakapin. Probably to comfort me.

“It’s nice seeing you lose control for once. Rey. I told you, you don’t have to be so reserved around me,” natatawang sabi ni Gray. “But there’s no need for you to get jealous. Nabanggit ko lang talaga ’yon. Hinding-hindi ko rin naman ipagpapalit sa kahit ano ang luto mo.”

Niyakap ko s’ya pabalik.

“’Yung luto ko lang?” medyo nagtatampo kong tanong.

Humiwalay sa akin si Gray pero hindi tuluyan. His arms were still wrapped around me as he stared me in the eye.

“You’re mine, Rey… All rights are reserved for me whether you like it or not.”

Kahit parang naging biglang lakad ang nangyari sa amin dahil sa kawalan ng plano kung saan pupunta at anong gagawin, we still enjoyed the rest of the day. Sa labas na rin kami nag-dinner at nang makabalik kami sa hotel, pareho kaming pagod at nakatulog agad. Pero napagdesisyunan pa rin naming mamasyal kinabukasan.

Worth it naman ang pagod kung mag-e-enjoy si Gray at makikita ko ang mga ngiti n’ya. I really like seeing him smile. Matapos ng mga nangyari ng mga nakaraang araw, kailangan n’ya ’to. Alam ko kung gaano kahirap sa kanya ang mga nangyari lalo pa sa kondisyon n’ya.

Isang white longsleeve shirt na pinatungan ko ng denim jacket ang sinuot ko para sa pamamasyal namin sa sumunod na araw. I tucked my top in a long beige pleated skirt na ang haba ay umabot sa kalahati ng binti ko. Nakatayo ako malapit sa pintuan at hinihintay na lang si Gray na matapos sa pagbibihis.

I heard it was cherry blossom season in Japan too. Sikat pa naman ang Japan sa cherry blossom festival nila. Should I suggest we do flower sightseeing for today? Mag-e-enjoy kaya si Gray?

“Saan tayo pupunta ngayon?” tanong kong medyo nilakasan ang boses para marinig ni Gray na nasa kwarto pa.

“Maid cafe,” rinig kong sagot n’ya kasabay ng pagbukas ng pinto sa kwarto kaya malinaw kong narinig iyon.

Gray stepped out of the room and I still rooted in my place when I saw him.

May kakaiba sa kanya. Mas lalong nahalata ang pagkakaiba na ’yon nang tinitigan ko s’ya.

The silver cross earring on his right ear shone when the light hit it. Nakasuot s’ya ng white sando na pinatungan n’ya ng denim jacket. He was wearing denim pants too. Magulo ang buhok n’ya pero sa tingin ko ay sinadya n’ya ang pagkakayos na ’yon. He was wearing a ray ban sunglass so I couldn’t see his eyes but I could feel him staring at me.

“Or…”

Sinundan ko s’ya ng tingin hanggang sa maupo s’ya sa sofa. Bahagyang nakabuka ang mga hita n’ya. His one arm was leaning on the armrest while the other one was leaning on the headrest of the sofa. Dahil sa ginawa ay humapit sa dibdib n’ya ang sandong suot.

“We’ll stay here. And you will do anything to entertain me.”

“Who are you?” It was obvious that this was not Gray.

He gave me a flirty smile.

“Take a wild guess, babe.”

Chapter 49

I was surprised. This was the second time that Gray switched since we came here in Japan. Hindi ko inaasahan na mangyayari ulit ang ganito kaya masyado akong nagulat ngayon.

I think the first time happened ’cause Gray wanted me to meet Gadriel. It was obvious that he somehow liked Gadriel based on how he told me stories about him. Kampante s’yang walang mangyayari sa akin kapag nakilala ko si Gadriel.

But now… I don’t think that was also the case this time. Looking at him, who was obviously not Gray, felt like he was nothing but trouble. Especially the way he smiled at me in a flirty way.

Hindi ko alam kung bakit nangyari ulit ’to. Maybe because Gray was being… too cautious? Or too comfortable? It was only either of the two.

I was also being really careful not to give him any trigger ’cause I know it will be difficult if he switched so suddenly. Ang gusto ko sana ay ma-enjoy namin nang husto ang bakasyon namin.

But I guess… I was failing.

Or am I? Am I really failing?

I don’t know… There was also this part of me that wanted to meet all of Gray’s alters. It was probably just wishful thinking. Alam ko rin namang hindi pa handa si Gray na tuluyang mag-open up sa akin ng lahat tungkol sa kanya. He was taking one step at a time, testing the waters with his every step.

Kaya kahit gaano ko pa kagusto iyon, hindi ko pipilitin si Gray. I will always be ready to wait for him.

But for now… hindi ko alam kung anong nakapag-trigger sa switch n’ya ngayon.

“Anong nangyari? Bakit biglang—” I couldn’t stop my worries. “Did I trigger something in Gray?”

He actually laughed despite my worries. Alam kong nakikita n’ya ang pag-aalala sa mukha ko ngayon. Hindi ko rin naman sinubukang itago iyon. But he still laughed at me.

I saw his forefinger tapping on the armrest as he stared at me. He looked like he was studying me.

He chuckled.

“No, babe. Sometimes, we, headmates, just switch for no reason at all.”

Napakunot ang noo ko.

“Headmates?” I asked.

“That’s what we call ourselves. Headmates. Not alters. ’Cause we share the same…” he trailed off. He tapped his temple twice. Naalala ko si Gray sa kilos na ’yon. “But yeah… You’re right. There was a trigger. That maid cafe. I wanna try it.”

Napakurap lang ako sa kanya at napatitig pagkatapos. I was confused and slightly amused at the same time.

Those flirty servers… triggered him?

Mas lalo lang lumala ang pag-aalala ko. Paano ko maiiwasan ang ganoon sa susunod? Does that mean that any woman who would flirt with Gray might triggered him to come out? To switch out? So mga babae ang trigger ng isang ’to?

I mean… This one looked like a flirt. A playboy.

Wait…

Natigilan ako nang biglang may maalala. I looked at him who was just staring at me with that flirty smile still plastered on his lips.

“I think I’ve already met you,” dahan-dahan kong sabi dahil hindi rin ako sigurado. Tama nga kaya? Isa s’ya sa sinabi ni Gray na mga alter n’yang nakita ko na? “At the grocery store. May kausap kang babae. I was sure you saw me too.”

Nangyari iyon noong mga unang araw ko pa lang sa Negros. I saw him at the grocery store talking with a woman. I even heard their conversations and it was kinda flirty. Naramdaman n’yang may nakatitig sa kanya pero bago pa magtama ang paningin namin ay umiwas na ako ng tingin at nagpatuloy sa pamimili.

It was one of those moments that I really thought that Gray was some playboy.

He looked surprised. Hindi makapaniwala ang itsura n’ya habang nakatingin sa akin. Ilang sandali lang s’yang ganoon bago ko nakita ang unti-unting pagngisi n’ya. He even chuckled like he was amused by something.

“What the hell? I can’t believe you’ll know that it was me!” He laughed. Umaalog ang mga balikat n’ya sa pagtawa n’ya. “Guess Gadriel’s right. You really are interesting.”

Nagulat pa ako nang tumayo s’ya pagkatapos. He started walking towards me. Hindi ko naman malaman ang gagawin ko. Hindi ko alam kung tatakbo ba ako o mananatili lang na nakatayo roon hanggang sa makalapit s’ya. I suddenly felt uncomfortable.

It felt like a stranger was approaching me. Ramdam kong hindi na si Gray ang kasama ko ngayon. The way he walked, the way he moved, the way he talked and smiled was nothing like Gray.

And we were alone in a hotel room. In Japan. Anything could happen.

Pero pinilit ko pa ring pakalmahin ang sarili ko. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na ayos lang. This was okay. Nothing would happen to me. I know that Gray will protect me.

I wanted to know more about this alter too. So, I should calm down.

Tumigil din naman s’ya sa paglalakad nang ilang hakbang mula sa akin. Sapat lang ang distansya para maging komportable ako. Like he knew that if he took another step, I would start to freak out.

He tilted his head to the side trying to see my face more clearly dahil mas matangkad s’ya sa akin. Naalala kong ganito rin s’ya makipag-usap sa babaeng kasama n’ya sa grocery store noon kung saan ko sila nakita. One of a gesture of a man who’s flirting with a woman.

I was right ’cause he gave me a smirk. It was a flirty smirk.

“Since you got it right, I’m gonna introduce myself.”

He held out his hand, offering a handshake.

“I’m James. One of Gray’s alters.”

That surprised me. Wala sa sarili ko tuloy na tinanggap ang pakikipagkamay n’ya dahil sa gulat. He held my hand firmly.

“James? Like Gray’s second name?” I asked.

“Yup!” he said, popping the p. Hindi pa rin n’ya binibitiwan ang kamay ko. “What? You thought that Gray introduced himself by his second name ’cause he’s hiding?”

Tama. Iyon nga ang akala ko. Pinagtakhan ko na noon kung bakit iba ang pagpapakilala ni Gray ng sarili n’ya sa akin kaysa sa naririnig kong pangalan n’ya sa mga nakakakilala sa kanya sa Negros. Nawala lang iyon nang malaman ko ang tungkol sa kapatid n’ya.

He was hiding from his brother so I assumed that he used his second name para hindi s’ya mabilis na mahanap ng kapatid n’ya. Ganoon din naman ang akala ni Hunter. Lalo pa at ginamit din n’ya ang middle name n’ya as his surname.

So… that wasn’t intentional? But then…

Napakurap ako nang may mapagtanto.

“Hindi si Gray ang nagpakilala bilang James sa mga tao sa Negros. It was you,” I said. That was my realization after thinking about everything.

James laughed with amusement. His gray eyes were actually twinkling with so much fascination as he looked at me.

“You’ve got it right again!” he exclaimed.

He shifted his weight on his other foot and put his hand inside the side pockets of his pants. Ang isa ay nakahawak pa rin sa kamay ko. Kuminang ang cross earring n’ya nang tamaan ng liwanag at bahagya pa akong nasilaw doon.

“Hinayaan na rin ni Gray,” he continued. “He even used his middle name. Maybe he’s really trying to hide.”

I nodded. “Nagtatago nga s’ya…”

It was obvious. Lalo na sa narinig kong usapan nila ni Hunter at base na rin sa mga kwento n’ya. Gray also somewhat admitted it.

“Then it means I did him a favor,” James said.

No… Sa tingin ko ay hindi rin magpapakilala si Gray sa totoo n’yang pangalan nang magpunta s’ya sa Negros. He was hiding. He wouldn’t give his location that easily by giving his real name kung nagtatago nga s’ya. He knew that Hunter would find him. Kahit nga ngayon ay nahanap pa rin s’ya ng kuya n’ya.

It was just that that day when he first went in Negros and introduced himself, it was James who was conscious that time. At sa tingin ko, dahil nasa ibang lugar naman at walang nakakakilala sa kanila, pinakilala rin ni James ang sarili n’ya sa pangalan n’ya. And Gray didn’t correct it to avoid confusion and used it as an opportunity to hide from his brother.

But still… It must be hard for Gray. When it was his alter who introduced themselves to someone and when Gray switches back, that someone would call him by a different name. It must be so confusing and hard for him.

Napatingin ako sa kamay kong hawak pa rin pala ni James nang bahagyang humigpit ang hawak n’ya. I got lost in my thoughts. Ginawa n’ya siguro iyon para kunin ulit ang atensyon ko.

“Uhm… Pwede bang pakibitiwan ng kamay ko?” I asked politely.

“Hmm?” Tiningnan lang ni James ang mga kamay namin pero hindi binitiwan. He raised an eyebrow at me when he looked at me again.

I tried to pull my hand away from his grip pero hindi ako nagtagumpay. Mas humigpit lang ang pagkakahawak n’ya sa kamay ko. Mukhang wala talagang planong bitiwan iyon.

“You still haven’t told me your name,” he said.

“I’m pretty sure you already know it.”

He smirked sarcastically.

“Hmm? Is this how you introduced yourself?”

This guy is such a playboy.

I took a deep breath. Gagawin ko na lang para matapos na.

“I’m Reyziel. Gray’s girlfriend.”

He smirked. Sa ngisi n’ya pa lang na ’yon ay nakaramdam na ako na hindi ko magugustuhan ang susunod na gagawin n’ya.

“Nice to finally meet you, babe.”

Dinala n’ya sa bibig n’ya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. My eyes widened with what he did. Kaagad kong binawi ang kamay ko mula sa kanya at sa pagkakataong ’to ay nagawa ko naman.

I glared at him. Hindi n’ya kailangang gawin iyon. I just introduced myself as Gray’s girlfriend! Kung idadahilan n’ya na ganoon ang greetings sa ibang bansa, I would definitely not believe it. He was clearly trying to flirt with me.

Hindi ko itinago ang inis ko sa kanya. He could see it as I glared at him. Pero mukhang hindi man lang s’ya naapektuhan at tumawa pa nga.

“Chill, babe,” he even said. “I don’t want you hating me now.”

“Can you stop flirting with me?” inis ko nang sabi.

But James just smirked even more. Mukhang nag-e-enjoy pa nga s’ya sa inis na nakikita sa akin.

“What? Want me to flirt with other girls instead? How about those maids at the maid cafe?”

Pigil na pigil na talaga ang inis ko. Alam ko rin namang sadya n’ya akong inaasar at ayokong ibigay sa kanya ang gusto n’yang reaksyon.

Ibang klase ’tong isang ’to. Gadriel was kind and gentle but this one… This one was really testing my patience.

“I don’t know. Did Gray agree on that?” I asked. 

Hindi ko alam. Pakiramdam ko, kahit gaano pa s’ya kasakit sa ulo, hindi s’ya gagawa ng bagay na alam n’yang hindi magugustuhan ni Gray.

James chuckled. He rubbed his forehead like he was reflecting on pero nakangisi pa rin naman.

“Look, I just want to have some fun. It’s been so long since I fronted.”

Hindi ako nagsalita at tinitigan lang s’ya. Mukha naman s’yang nagsasabi ng totoo na ngayon lang ulit s’ya lumabas. I Since that day on the grocery story, I didn’t meet him again. After that, Gray was always with me. ’Yung isa pang alter n’ya ang nakita ko ulit na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang pangalan.

James stared at me. Pailalim n’ya akong tinignan. Mukhang nananantya sa reaksyon ko.

“How about you accompany me for today?”

Pumayag ako sa gusto n’ya. Sa palagay ko ay ayos na rin ang ganito kaysa naman sa hayaan ko s’yang lumabas mag-isa. Para mabantayan ko na rin s’ya. Baka kung ano pang gawin n’ya. Tingin ko rin naman ay hindi s’ya papayag na manatili lang sa loob ng hotel room now that he’s in the front.

I have no idea what this one would do if I left him alone. He was so flirty. Parang lagi pa ngang nakakahanap ng pagkakataon na makipag-flirt sa mga babae.

Bakasyon namin ’to ni Gray. Hindi ko hahayaang masira ’to kahit pa ilang beses mag-switch si Gray sa mga alter n’ya.

I was the one who chose the restaurant for our lunch. Kahit wala akong masyadong alam sa kung anong magandang restaurants dito sa Japan, siniguro ko na lang na hindi babae ang mga server dahil sigurado akong hindi palalagpasin iyon ni James.

But there’s no stopping him.

As soon as we sat down, he started flirting with the girls from the other table. He was winking and giving them a flirty smile. Mukha namang nag-e-enjoy ang mga babae dahil naririnig ko ang mga hagikgik nila sa tuwing kinikindatan sila ni James. Ilang beses na rin akong huminga nang malalim para lang mapigilan ang inis ko.

“Do you want to know what actually triggered the switch this time?”

Nagulat ako sa biglaang tanong na iyon ni James. Tinignan ko s’ya pero hindi s’ya nakatingin sa akin. He waved a hand to the girls from the other table before he finally looked at me.

Hindi ko na lang pinansin iyon at mas nag-focus sa tanong n’ya.

“Akala ko ba dahil sa maid cafe?” I asked.

James chuckled.

“May kinalaman din ’yung maid cafe,” he said, considering the thought. “But mostly, it was because of you.”

“Me?” Nagulat ako roon.

Was I the trigger? Pero paano? Iwas na iwas nga akong makapagbigay ng kahit na anong pwedeng makapagpa-trigger kay Gray sa kondisyon n’ya. I was being very careful with everything. Nahalata na nga ni Gray ang pagiging ingat ko sa kanya. But I was only doing it to avoid giving him any trigges.

All of those yet James telling me that I was the trigger?

I heard James let out a chuckle. Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang makita ko s’yang kampanteng nakaupo sa kabilang side ng couch. His one arm was actually resting on the headrest habang naka-de kwatro s’ya. I was worrying here while he looked so relaxed.

“Oh, I’m sorry,” he said. Hindi pa ako sigurado kung seryoso s’ya do’n. “It’s just that… I could tell that you’re overthinking right now.”

“Hindi ba dapat? You just said that I was the one who triggered Gray this time.”

James waved a hand, dismissing the thought.

“No. Not you… It was your jealousy.”

I frowned.

“What?”

“You got jealous over that maid cafe and Gray got worried about you meeting me. Again.”

Napatitig lang ako sa kanya. I saw him take a deep breath. His hand raked his hair at mas gumulo lang ang pagkakaayos ng buhok n’ya

“You saw me twice with a girl and you asked Gray about it, right?”

Twice? Kailan ’yung…

Saka ko naalala ang isa pang pagkakataon na nakita ko si Gray na may kasamang babae. It was that time when I saw him entered a restaurant with a woman. Tinanong ko si Gray tungkol doon… kahit iyong sa grocery store. Both times, Gray answered me with uncertainty. Na para bang hindi s’ya siguro sa nangyari sa araw na ’yon kaya hindi rin s’ya sigurado sa sagot n’ya.

It was also James that I saw that time.

“He got worried that you’ll see me again flirting with a woman and might get the wrong idea,” sabi ni James nang mahalatang naiintindihan ko kung anong tinutukoy n’ya.

“And that’s how you came out this time… Because Gray’s worried.”

He actually smirked. Ang inaasahan ko ay hindi n’ya magugustuhan na pinag-alala ko si Gray. I mean, the main reason that alters were created inside a human’s mind with DID was because it was their defense mechanism. They were there to protect the system.

Pero si James… mukhang natutuwa pa s’ya ngayon.

“Mukhang gustong-gusto mo ang nangyari,” I pointed out.

“Of course!” Hindi man lang n’ya d-in-eny. “I am fronting again!”

He chuckled and I just stared at him. May iba pa kasi akong nakikita sa kanya at hindi ko naman sigurado kung ano iyon.

“Hindi lang ’yan ang rason mo, sa tingin ko,” I said.

Nawala ang ngisi sa mukha ni James dahil sa sinabi ko. He looked at me. Ilang sandali n’ya iyong ginawa na nagsimula na akong mailang.

Then, he flashed me a warm smile. A real one. A genuine smile.

“’Cause I think that it was the first time that Gray acknowledged my existence on his own… And treated me as a person. He even talked to me.”

Nanibago ako sa paraan ng pakikipag-usap n’ya. He was talking gently. There was also a gentle look in his eyes.

“Hindi s’ya… nakikipag-usap sa inyo?” I asked.

He shook his head.

“He hates it. Gray hates us.”

Maingay ang paligid. Rinig ko pa rin ang hagikgikan ng mga babae mula sa kabilang table na nag-aabang ulit na maambunan ng atensyon ni James. Kaya hindi ako sigurado sa lungkot na narinig ko sa boses n’ya.

James shrugged his shoulders. Tumingin ulit s’ya sa kabilang table at kinawayan ang mga babae roon. Mas lumakas ang mga hagikgik na narinig ko. They were talking in Japanese but the excitement in their voices was so obvious.

“You know whenever he switched with any of us, Gray will think of it as he’s just being crazy. Na wala lang s’ya sa katinuan,” he said.

Hindi s’ya nakatingin sa akin at nasa kabilang table pa rin ang tingin. He was smiling at the girls but there was a hint of sadness in his smile.

“What’s happening to us is nothing like that. Hindi kami mga baliw, Reyziel…”

“I know…” marahan kong sabi.

I think I am now starting to see who he really is. Hindi ko pa iyon nakikita kanina dahil itinatago n’ya lang. He was flirty the moment he switched out. Kahit ngayon pa rin naman but I was starting to see more of him now.

“Even if he was already diagnosed, he’s still refusing to acknowledge our existence,” he continued. “That’s why I tried so hard so he would notice us. That he’s not alone even when his brother left him.”

So maybe that’s why he started flirting with girls. In that way, when those girls would see Gray, magtataka si Gray kung paano s’ya nakilala ng mga iyon. Kung bakit s’ya kinakausap ng mga babaeng hindi n’ya naman kilala.

I don’t think Gadriel would do that. Gadriel’s a helper. He was there to help and not give him any more confusion that might affect how they live normally.

Napansin nga ni Gray ang mga pagkakataon na ’yon. He told me about it. Those moments when he started noticing that something’s happening to him.

Then… Kung si James nga iyon…

I gasped.

“The condom… It was you who bought it!” I exclaimed. “’Yung nakita raw ni Nanay Flor sa drawer!”

James actually chuckled about that.

“Yup! And I succeeded!” He looked even proud.

Natigilan ako. May gusto akong itanong pero sa tingin ko ay hindi ko rin naman magagawa kaya nanatili na lang akong tahimik. I also think that it was inappropriate to ask something like that. Isa pa, nahihiya rin naman akong itanong iyon.

Pero kagaya ni Gray, mukhang malakas din ang pakiramdam nitong si James dahil nakita ko ang pagngisi n’ya na parang nagsasabing may nalaman s’ya. He even leaned his elbows on the table. Nagpangalumbaba pa s’ya habang naaaliw na nakatingin sa akin. There was naughtiness in his eyes.

“You’re curious if Gray actually used it. Or if I used it.”

Hindi ko ipinahalata na nagulat ako kung paano n’ya nalaman ang iniisip ko. Siguro ay nagpakita iyon sa mukha ko lalo pa ngayon na ramdam ko ang pag-akyatan ng dugo sa mukha ko kaya alam kong namumula ako.

Hindi naman problema ang ganoon sa akin. Being a psychologist, I am open-minded to a lot of things.

But still… I was curious. And worried because of Gray’s condition.

“Don’t worry. He didn’t,” sabi ni James nang may ilang sandali na akong hindi nagsasalita. “Ever since he noticed his condition, Gray somehow… avoided interacting with people.”

Si Gray? Hindi ko alam ang tungkol dito. Hindi ko rin maisip na minsan n’yang nilayuan ang mga tao.

Simula nang mapunta ako sa Negros, I saw how friendly Gray was with the people. Halos lahat nga ng napupuntahan ko ay may nakakakilala sa kanya. He was always smiling, greeting everyone. It was also him who approached me at first.

“He wanted to avoid more confusion,” James continued. “Pero pagdating sa kapatid n’ya, hindi n’ya mapigilan. He wanted to have more connection with his brother.”

“That’s why he tried to be friendly with his friend…”

Nakaramdaman ako ng sakit dahil doon. Gray’s love for his brother was immeasurable. He befriended all of his brother’s friends para mas mapalapit sa s’ya.

But it was so different now…

“Yes,” James said. “But when it comes with a relationship with a woman, he avoided it.”

Napakurap ako.

“Then, he’s—”

“Oh! There was one exception though,” putol n’ya sa sasabihin ko.

I frowned.

“Sino?”

He smiled knowingly at me.

“I think you already have an idea, babe.”

Umiling ako. Hindi ko alam kung para ba iyon sa sinabi n’ya o para sa akin dahil ayokong makumpirma ang pangalan na pumasok sa isip ko.

“Eresh?” I asked.

No. Hindi s’ya. Hindi iyon ang pangalan na iniisip ko.

James shook his head. Bago pa s’ya magsalita ay alam ko na ang pangalang babanggitin n’ya.

“No… It was Violet.”

Chapter 50

It was that name again. I’ve already heard it before pero hindi ko na magawang kalimutan ang pangalan na ’yon na para bang kahit sa unang beses ko pa lang narinig ay tumatak na iyon sa isip ko.

Nandito na naman ang pakiramdam na naramdaman ko rin noong una kong marinig ang pangalang ’yon. It wasn’t a nice feeling. Hindi maganda sa pakiramdaman. I couldn’t even explain the exact feeling I was feeling right now.

Jealousy? I don’t think so.

Inamin kong nagselos ako noong binanggit sa akin ni Gray ang tungkol sa maid cafe. Just imagining him with those servers annoyed me and I knew that I was feeling jealous that time.

But this… It was so different. This was more… intense. More intense that I started to overthink things.

I began to feel anxious. It had been so long since I last felt like this. Pinag-aralan ko kung paano kontrolin ang emosyon ko, kung paano maging kalmado sa lahat ng bagay lalo pa at kailangan iyon sa trabaho ko. Kailangan iyon ni Mama at ng kapatid ko.

But now… Just the mere mention of that name made me feel anxious again.

Natatakot ako…

Napansin kong nakatitig sa akin si James. Hindi ko alam kung gaano na n’ya katagal ginagawa iyon pero nasisiguro kong nakita n’ya ang emosyon na rumehistro sa mukha ko.

“You know her?” he asked.

I tried to calm myself. Hindi ko hinayaang kontrolin ako ng emosyon ko lalo pa at ibang tao ang kaharap ko. One of Gray’s alters. I shouldn’t give him any idea that he has the power over me. Baka maulit lang at hindi makabuti para kay Gray.

Nang masiguro kong kaya ko na ay saka lang ako umiling sa tanong n’ya.

“Narinig ko lang ’yung pangalan n’ya… Nu’ng makausap ko ang mga kaibigan ni Gray,” I said.

James tilted his head to the side. He was clearly observing me. Sinubukan kong gawing blangko sa mga emosyon ang mukha ko.

“But surely you have an idea who she was… by just her name.”

Shit. Wala na… Nakita n’ya talaga ang naging reaksyon ko kanina.

He was right. I actually have a lot of ideas about who Violet is. Pero hindi ako nagsalita. Ayokong magsalita. Sa palagay ko ay mas masasaktan lang ako kapag nagsalita lang ako.

“Lilac.”

Nahigit ko ang paghinga ko sa narinig mula kay James. Kaagad na lumukob ang sakit sa dibdib ko. I gritted my teeth to try to stop the pain but it didn’t do anything. Sinubukan ko ring kontrolin ang paghinga dahil sa bawat paghinga ay mas lumalala lang ang sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin kapag mas lumala pa dito ang sakit.

Kaya pala… Naaalala ko nang mabanggit ko rin kina Hunter at Creed ang pangalan ni Lilac. Kaya pala ganoon ang naging reaksyon nila. They had a strange look on their face as they exchanged glances. Na para bang may alam sila at ayaw ipaalam sa akin. Binalewala ko ang iyon dahil iyon din ang unang pagkikita namin at wala pa akong alam sa lahat.

Pero ngayon… naiintindihan ko na. Malinaw na sa ’kin ang naging reaksyon nila simula nang marinig ko ang pangalan ni Violet. At that time… I already have an idea who she is. Pero ngayon lang nakumpirma ang ideya kong ’yon.

Gray named Lilac after Violet.

Whoever Violet is must be so important to him that he named the pet, the only company he had when he left everything, after her.

“Based on the look on your face, it seems like you do have an idea,” James said. Mukhang pinag-aaralan talaga ang mga pinapakita kong reaksyon.

I looked at him. Nag-alangan pa ako sa itatanong ko. Mukhang nahalata naman iyon ni James dahil hindi s’ya nagsalita at parang hinihintay lang akong sabihin iyon.

“Were they… together? Gray loves her?” mahina kong tanong na hindi ko sigurado kung narinig n’ya.

I got hurt by my own question. Pinigilan ko ang mapahawak sa dibdib ko sa sobrang sakit. Mahahalata ni James. Ayokong may makaalam na kung sino sa nararamdaman ko ngayon.

“Hmm…” Magkasalubong ang dalawang kilay ni James. Mukhang nag-iisip. “I don’t know the exact answer but… I think he really did love Violet.”

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.

“Then… what happened?”

Tinitigan ako ni James. Parang pinag-iisipan pa yata kung sasagutin ang tanong ko o hindi.

Could he also see that I’m feeling reluctant to hear the answer?

I was torn. Hindi ko alam kung gusto ko bang marinig ang sagot o hindi. I was scared… scared of what I was feeling. I was scared that if I heard the answer, it would change everything between Gray and me.

“Violet died.”

Natigilan ako. I was surprised. I thought of every scenario about what happened but not this one. I was so shocked that I just remained staring at James. My mind was still trying to process it, connecting every dot.

Kaya hindi ko nakaharap si Violet noon. Nang pumunta ako sa Manila para kausapin ang mga kaibigan ni Gray, Hunter wanted me to talk to anyone that he thought might help me with Gray. Siniguro n’yang makakausap ko ang lahat ng konektado kay Gray. Kahit rin si Artemis nang ipakausap n’ya ako kay Apollo.

Mukhang si Violet ang naging pinakamalapit kay Gray base sa narinig kong pag-uusap nila noon. There was no way that Hunter would not let me talk to her, especialy that it would help his brother.

So that was the reason why… And that’s why James had been talking in past tense to about Violet.

“Malaki ang naging epekto kay Gray ng pagkamatay ni Violet,” sabi ni James nang hindi ako makapagsalita sa sobrang gulat. “Her death was his last straw that he left everything and went to Negros to hide from everyone. Wala na s’yang planong magpakita sa lahat. He planned to abandon the life he had.”

Hindi ako makapagsalita. Kahit gustuhin ko man ay wala rin akong masasabi. Unti-unti na ring nilulukob ng sakit ang buong pagkatao ko.

I wanted to be alone.

Hindi pa nakakatulong ang ingay dito sa loob ng restaurant. I could still hear the giggles of the girls from the next table. Parang nasa loob na iyon ng utak ko. Palakas nang palakas at kahit takpan ko pa ang mga tenga ko ay maririnig ko pa rin iyon.

I’m scared…

No… No… I shouldn’t be like this. Not now.

I closed my eyes and tried to calm myself. I took a deep and several long breaths. I tried to concentrate on my breathing. Ilang beses akong kumuha nang malalalim na paghinga, dahan-dahan habang nagbibilang sa utak ko.

It took a while before I was finally calm. Nang idinilat ko ang mga mata ko ay nakita kong nakatitig na naman si James sa akin. Wala nang saysay na itago ko pa sa kanya ang nararamdaman ko dahil alam kong kitang-kita n’ya ang naging reaksyon ko.

“I think I’m already crossing the line,” he said. “Gray should be the one to tell you this.”

I shook my head.

“No, it’s okay… I was just… surprised.”

“Mukhang hindi pa ganoong karami ang alam mo, Reyziel. Gusto kong bigyan ka lang ng ideya kung anong klaseng sitwasyon nilalagay mo ang sarili mo.”

“I am fully aware of what I’m getting myself into, James… Thank you for your concern.”

Alam ko namang marami pang hindi sinasabi sa akin si Gray. Wala pa nga yata sa kalahati ang mga dapat kong malaman sa kanya. And to fully help him, I wanted to know everything.

Alam ko rin na maraming pang sakit ang mararamdaman ko. And it might even hurt me more.

“I’ll stop from here. Baka magalit pa sa akin si Gray. Akalain pang sinasaktan kita.” James raked his hair with his finger. “For now, I’ll just entertain those pretty ladies who’ve been waiting for me.”

Napailing ako habang napapangiti.

“Ito ’yung paraan mo para mapansin ka, ’no?” I said.

He raised an eyebrow at me.

“Hmm?”

“This is how you tell people about your existence. Like that box of condoms. Nag-iiwan ka ng proof ng existence mo by flirting with girls.”

“I don’t know what you’re talking about.”

“It’s okay… I understand you.”

Ilang sandaling napatitig sa akin si James. Tumitig ako pabalik sa kanya, hinihintay ang magiging reaksyon n’ya. Ibinalik ko lang ang ginawa n’ya sa akin kanina.

I smiled inwardly. Ang sabi pa naman sa akin ni Larissa, naiinis s’ya kapag tumititig ako sa kanya. Para raw kasing binabasa ko na ang buong pagkatao n’ya at malalaman ko ang lahat ng mga kasalanan at mga sikreto n’ya kaya kapag tinititigan ko s’ya ay pinapatigil n’ya ako.

Kaya naman hindi na ako nagulat nang makita kong napasimangot si James.

“You’re boring,” he even said na ikinatawa ko. Naalala ko ang isa ring nagsabi sa akin noon.

Iyon kaya ’yung pangatlong alter na sinasabi ni Gray na nakilala ko na? I don’t think that was James.

“Boring na pala para sa ’yo ang taong naiintindihan ka?” I asked.

James looked annoyed now.

“D’yan ka na nga.”

Natawa na lang ulit ako. Tumayo s’ya at naglakad palapit sa table ng mga babaeng kanina pa nagpapapansin sa kanya. Pinapansin n’ya rin naman kasi. The girls even looked excited as he approached them.

“Hey, ladies…” rinig ko pang bati n’ya. Umusog ang isang babae para makaupo doon si James.

Nawala ang ngiti ko nang makita na ipinatong ni James ang isang braso n’ya sa headrest ng couch. Sa anggulo ko, mukha s’yang nakaakbay doon sa babaeng katabi n’ya. Hindi ko napigilan ang sakit sa dibdib ko habang nakatingin ako sa kabilang table.

No… I need to remind myself that it wasn’t Gray. It was James. Gray and James were different. Gray would never do that. Hindi s’ya gagawa ng isang bagay na alam n’ya makakasakit sa akin. He was even considerate with my feelings. And with his nature, mas gusto n’ya pa ngang sundin ang mga gusto ko kaysa sa kung anong nagugustuhan n’ya.

But it was so hard when all I could see from James was Gray’s face and body.

Nag-iwas ako ng tingin at napabuntong-hininga. Naitakip ko ang dalawang mga palad sa mukha ko.

I really need to control my emotions. I shouldn’t be too emotional. Hindi makakatulong kay Gray kapag ganito ako. He has DID. Pangatlong beses pa lang ang ganito kung saan ang mga alter ni Gray ay umaakto bilang sarili nila. Pero sa lahat ng mga pagkakataon na ’yon ay hindi maganda ang nararamdaman ko.

God… I don’t know what to do. I really want to help Gray. Pero hindi ko magagawa iyon kung ganito ako.

Napaayos ako ng upo nang dumating na ang order namin. I thanked the server who said something in Japanese pero hindi ko naintindihan. He’s probably telling me to enjoy the food.

Napatingin ako kay James na abala pa rin sa pakikipag-usap sa mga babae sa kabilang table. I sighed and decided to eat alone. Pero ilang sandali pa lang akong kumakain nang bumalik na si James at umupo ulit sa harap ko.

“Hindi mo ’ko tinawag,” reklamo n’ya.

I shrugged.

“Busy ka sa mga babaeng ’yon.”

He gave me a flirty smile. Muntik na akong mapairap.

“What’s this? Are you jealous?”

I looked him straight in the eye.

“Yes. Pero pinapaalala ko na lang sa sarili ko na si James ka at hindi ikaw si Gray.”

Mas lalong lumawak ang ngiti sa mga labi n’ya. He even let out a chuckle.

“So this is how it feels when my girl gets jealous, huh?”

Napasimangot ako.

“I’m not your girl.”

He groaned.

“Ugh, you ruined my moment.”

“Kumain ka na nga lang d’yan,” sabi kong napapailing.

I heard him chuckle.

“Don’t worry. I’ll stop flirting with girls but… Let me enjoy this day with you. Gusto ko ring mamasyal.”

“Kaya nga tayo nasa labas pareho, ’di ba?”

He smiled at me.

“Now, that’s my girl…”

Napairap na talaga ako at kumain na lang. Hindi na s’ya pinansin. But james was really talkative during our lunch. Hindi nagtagumpay ang plano kong hindi s’ya pansinin.

After our lunch, we decided to take a walk. We didn’t have any certain destination and were just looking around. Kung si Gray ay walang plano kung saan-saan ang mga pupuntahan namin at basta na lang ako dinala rito sa Japan, si James naman ay wala talagang alam na pupuntahan. He was just like me na bigla na lang napunta sa Japan kaya hindi alam ang gagawin at kung saan pupunta.

But it wasn’t really a problem for James. For both of us. Mukha rin naman s’yang nag-e-enjoy sa pagtingin-tingin sa paligid… Lalo na sa mga babae.

“Man… Japanese girls are so cute,” sabi n’yang sinundan pa ng tingin ang babaeng nakasalubong n’ya.

“Stop staring at them,” saway ko. “You might creep them out.”

“With my face like this?” Tinuro n’ya pa ang sariling mukha. “I don’t think so.”

Nairolyo ko na lang ang mga mata ko.

“Just… Stop. Hindi free pass ang pagiging gwapo sa pagka-creepy mo.”

Naglakad-lakad kami kahit walang destinasyon. We’re here at a place that was not familiar to us and walking around without any direction. Pero hindi naman ako natatakot na baka maligaw kami. James presence was a comfort to me. Lalo na sa kaalaman na may kasama naman akong maliligaw kung sakali.

“I’ve attended one of Gray’s classes before, pretending to be him when he was still a student,” James said. “I remembered the lesson from his language professor about… well, language.”

Napasulyap ako kay James na saktong sumulyap din naman sa akin. Nagtama ang mga paningin namin.

“He said that the hardest language to learn is the Japanese language,” he continued.

“Talaga?” I asked, curious about our conversation.

“Yes,” sagot n’ya at tumingin sa dinadaan namin. “He explained that Japanese is the only language which origin or its genetic affliation is still unknown. Kaya mahirap s’yang aralin. Kasi parang magsisimula kang mag-aral sa pinakauna nang walang kahit anong ideya sa pag-aaralan mo.”

Nakatingin lang ako kay James habang nagpapaliwanag s’ya kaya hindi ko nakita ang makakasalubong ko. He held my arm gently. Pinalipat n’ya ako sa kabila n’ya kung saan wala nang masyadong mga tao ang makakasalubong. Natigilan na lang ako sa ginawa n’ya.

“Best example ay ang Filipino language,” he continued. Mukhang inakala na ang pagkakatigil ko ay dahil hindi ko pa masyadong naiintindihan ang sinabi n’ya kanina. “Filipino adopted some of Spanish vocabulary kaya madali lang matutunan kung aaralin nila ang Spanish language. Same with Austronesian languages since doon nag-originate ang Filipino language.”

“How about Chinese language? Mandarin?” I asked. “Ang akala ko iyon talaga ang pinakamahirap aralin.”

“Not for Koreans since some of their vocabularies originated from Middle Chinese. Hindi sila gaanong mahihirapan kung aaralin nila ang Mandarin,” he explained. “But that’s not the case for the Japanese language, Nihongo, since its origin is still not known.”

Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa kanya. He stopped walking too and looked back at me.

Hindi ko alam kung paano napunta sa mga lenggwahe ang usapan namin. Siguro dahil sa paglalakad namin ay naririnig ni James na nag-uusap-usap ang mga nakakasalubong namin and they were talking in their language. Kaya siguro naalala n’ya ang isang lesson na napakinggan n’ya noon.

Pero hindi ko mapigilan ang humanga. Simula pa kanina, naiinis ako sa pagiging playboy n’ya kaya nagulat ako sa mga sinabi n’ya sa akin ngayon.

“I’m impressed,” pag-amin ko.

James grinned at me. Pero nagtaka ako nang mawala ang ngisi n’ya at seryosong tumingin sa akin.

“Don’t fall in love with me. Ayokong magalit sa ’kin si Gray.”

Napairap ako.

“Halika na nga!”

“Hey, why don’t we go to Shibuya crossing?” he suggested.

Gulat akong napatingin sa kanya.

“May alam ka palang lugar dito!” Ako kasi ay wala talaga. Kay Larissa ko nga lang nalaman ’yung Harajuku district.

“Yeah… Maganda raw do’n. Maraming tao.”

I squinted my eyes at him. Nagdududang napatingin sa kanya.

“You mean maraming tao kaya marami ring magagandang babae.”

James chuckled as he held out his hand. nagtatakang napatingin na lang ako sa kamay n’yang nakalahad sa akin. Hindi alam kung anong gagawin doon.

“Let’s hold hands,” he said when he saw my confusion.

Napaangat ako ng tingin sa kanya. Mas dumoble ang pagdududa sa mga mata ko. Nang makita iyon ni James ay nanlaki nang bahagya ang mga mata n’ya sa tingin na ibinigay ko sa kanya at agad na nagpaliwanag.

“So we won’t both get lost! It’ll be bad if we get separated. Pareho nating hindi alam ang lugar.” Hindi makapaniwala s’yang napatawa at sinuklay ang buhok n’ya gamit ang daliri n’ya. “Geez, babe. Stop putting too much thought with my gentleman gesture.”

Napabuntong-hininga ako.

“James, ikaw ang opposite ng pagiging gentleman.”

No. That wasn’t true. What he did earlier, iyong pinalipat n’ya ako sa kabila n’ya para hindi maraming tao ang makakasalubong ko at malaki ang tyansang mabangga ako. Pinagpalit n’ya ang pwesto namin at doon na s’ya sa side na maraming taong makakasalubong n’ya. That was so gentleman of him. Pero hindi ko iyon ipapaalam sa kanya dahil alam kong ipagyayabang n’ya lang iyon.

“Anong gagawin natin sa Shibuya crossing?” I asked. Wala kasi talaga akong ideya kung anong nandoon.

“Wala. Tatawid lang,” parang tanga n’yang sabi.

Dahil wala rin naman akong alam na pupuntahan ay pumayag na ako. It was already nighttime when we arrived at Shibuya. Tama nga ang sinabi n’ya. Marami ngang tao roon lalo na nang makapunta kami sa intersection kung saan gustong tumawid ni James. He was even laughing when we crossed so many times on that intersection.

Wala! Tumatawid lang talaga kami!

Nang magsawa naman si James sa pagtawid ay doon kami nagpunta sa statue ni Hachiko. Nagulat pa nga ako na nandoon pala iyon sa Shibuya. Kilala ko ang aso. Napanood at umiyak pa nga ako sa movie na ’yon. Hindi ko lang alam na nandito pala ang statue n’ya.

Hindi na ako nahiya kay James at inutusan s’yang kuhanan ako ng picture with Hachiko. Minsan ko lang din kasi maranasan ang ganito. I was so glad when James agreed and took several pictures of me with the statue of the dog.

But after that, he asked me to take a picture of him as well.

He stood beside the statue and I took a picture of him with my phone. Napansin ko na pinagtitinginan s’ya ng ilan, lalo na ng mga babae at ang iba pa nga ay pasimple rin s’yang kinukuhanan ng picture. Dalawang picture lang tuloy ang nakuha ko sa kanya para lang matigil na ang mga babaeng iyon.

I checked the photos as James went back to my side. Natawa ako nang makita ang pangalawa sa kinuha kong litrato. He had his eyes crossed while biting his lower lip. Hindi ko napansin na ginawa n’ya pala iyon dahil mas na-conscious ako sa mga babae sa paligid namin.

“James, mukha kang ewan dito,” sabi kong pinapakita rin sa kanya ang picture.

I heard him stifle a laugh. Nag-angat ako ng tingin pero nagulat ako dahil hindi pa naman n’ya tinitignan ang picture at sa akin pa nga nakatingin.

“Bakit?” kunot-noo kong tanong.

He chuckled but he was still looking at me, not at the picture that I wanted him to see. Ibig sabihin ay ako ang pinagtatawanan n’ya.

But… His laugh was different this time. It was genuine. His eyes were even smiling. hindi rin naman ako nainsulto sa paraan ng pagtawa n’ya.

“Wala,” sabi n’yang umiiling pero nakangiti naman. “Dinner na tayo. Nagugutom na ko.”

Ganoon nga ang ginawa namin. Naghanap na lang kami ng makakainan sa Shibuya at doon na rin kumain. Nang makabalik kami sa hotel ay pareho kaming pagod sa maghapon na paglalakad.

Naunang maligo si James at ako ang sumunod. Nandoon s’ya sa sala nang matapos ako at kumuha ako ng unan at kumot mula sa kwarto. Bumalik ako sa sala at ibinigay iyon sa kanya.

“Obviously, hindi tayo magkatabing matutulog dahil hindi ikaw si Gray,” I said.

Natawa s’ya at inilagay sa couch ang unan at kumot na ibinigay ko.

“Can’t argue with that,” he said.

I smiled at him.

“Goodnight, James.”

Tinalikuran ko na s’ya at naglakad pabalik sa kwarto para sana magpahinga na pero napatigil ako nang tawagin n’ya ang pangalan ko.

“Reyziel.”

I turned around and looked at him. He was still standing on the same spot as he stared at me.

“Bakit?” I asked.

“I lied.”

Napakurap ako. I frowned and stared at him with confusion.

“Saan?”

“The reason of what triggered the switch this time,” he said. “It was because I was worried. For Gray.”

Napatitig na lang ako sa kanya. So hindi talaga dahil sa maid cafe?

“We were all worried na baka maulit sa kanya ang nangyari nang mawala si Violet. He is at his lowest when she died. Was at his lowest.”

“That’s why you switched out to check on me. For Gray.”

Tumango s’ya doon.

“Yes. We were all worried that you might not be good for Gray… Like Violet. But Gadriel assured us not to worry. But of course, I wanted to check it out on my own.”

Ilang sandali akong natahimik. For James to come out like this just because he was worried… Ganoon nga siguro kalaki ang naging epekto ni Violet para kay Gray.

“And?” I asked, staring at James. I wanted to know what he thinks about me. For Gray.

He smiled.

“I think you’re the best for him. You acknowledge that Gray and I were different. That’s all we wanted.”

Napangiti na rin ako.

“Thank you, James.”

Pero nawala ang ngiti sa mga labi n’ya. Instead, I saw worries in his eyes.

“But, Reyziel… I am worried about you as well,” sabi n’yang ikinawala rin ng ngiti ko. “You’re hurting. And you might get hurt even more if you stay with Gray. Especially with our condition.”

“I know… Alam ko naman ’yon. Pero gusto ko pa ring manatili sa tabi ni Gray.”

“But you’re hurting…”

I smiled at him. It might not convince him but I want him to know that it was fine by me.

“I can take care of myself.”

Ilang sandaling napatitig sa akin si James. Nang makita n’ya siguro ang kasiguraduhan sa mga mata ko ay napabuntong-hininga na lang s’ya.

“Well… I guess I can help you both by lessening one of your worries.”

“Huh?”

He chuckled.

“I won’t get in the way. Hindi rin ako gagawa ng bagay na makakasira sa inyo. Lalo na kay Gray.”

“You’ll stop flirting with girls?”

He grinned at me.

“Looks like it really bothered you, huh?” Napapangiting napailing s’ya bago tumingin sa akin. “Of course, Reyziel… If that’s what will help you both. All we really want to do is to protect Gray.”

I smiled at him.

“I know… Thank you for that.”

“Thank you for being here with Gray.” He gave me a warm smile. “It is nice meeting you, babe. But I’m sure this won’t be the last time we will meet.”

I nodded, still with a smile on my face.

“I know.”

“Goodnight, Reyziel… Enjoy your day with Gray tomorrow.”

Chapter 51

I was so excited to wake up for this day. Siguro dahil doon kaya rin ako maagang nagising. I was expecting to wake up with Gray beside me since James told me to enjoy this day with Gray so I assumed that he’ll front this time. Pero bakante ang bahagi ng kama sa tabi ko nang magising ako.

Ayos lang. Baka natutulog pa rin s’ya sa couch.

Naligo na ako at pagkatapos magbihis at mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto. Naamoy ko agad ang pagkain at napakunot ang noo ko. Inaasahan ko kasing tulog pa si Gray pero wala na ring nakahiga sa couch.

Nag-order ba s’ya ng breakfast namin?

I walked further hanggang sa matanaw ko na ang dining table. Nakahanda na ang mga pagkain sa lamesa na umuusok pa. Nakita ko si Gray na nakatayo sa gilid ng dining table at nakatukod ang dalawang mga kamay sa lamesa. His head was hung low kaya hindi ko tuloy makita ang mukha n’ya. Parang may malalim na iniisip.

I automatically smiled as soon as I saw him. Babatiin ko na sana s’ya pero dumako ang paningin ko sa likuran n’ya kung nasaan ang lababo. There, I saw the still damp pan, neatly stored on the side. Parang pinapatuyo dahil hinugasan pagkatapos gamitin.

Muli akong napatingin sa pagkain at napatitig pa doon. Sinisiguro na usok nga ang nakikita ko. It just means that it was freshly cooked… here.

I looked at Gray again and I noticed that there was something off about him.

“… Gadriel?” nag-aalangan pa ako sa pagtawag sa kanya dahil hindi ako sigurado kung s’ya nga ang nasa harapan ko.

He looked up and immediately saw me. The eyes that met mine didn’t make me feel the same feeling that was always there whenever I am looking at Gray. The eyes that met mine looked so different even though it was still gray.

It wasn’t Gray’s eyes.

He stared at me for a second. Mukhang hindi n’ya inaasahan na nandoon ako kaya nagulat at hindi agad nakabawi. Then I saw his lips break into sa smile.

“Reyziel, good morning,” he greeted with all smiles. “I’m amazed you could tell who I am.”

Huh… Hindi nga s’ya si Gray…

I tried to return his smile. Sana lang ay hindi nahalata ni Gadriel ang disappointment ko. James hinted that Gray would be with me today kaya hindi ko maiwasan ang ma-disappoint ako dahil umasa ako na si Gray nga ang makakasama ko ngayon.

“Deduction lang,” sabi ko at naglakad palapit sa kanya. “Basa ’yung pan sa likuran mo. Ibig sabihin, ginamit ngayon lang. Tapos mainit pa ’yung mga pagkain sa lamesa. I could still see the steam kaya naisip ko na dito niluto ’yung pagkain.”

Napansin ko ang pagkakakunot ng noo n’ya.

“Dahil lang do’n nasabi mo nang ako ’to?” I could see the slight amusement in his eyes.

Nagkibit-balikat ako. Umupo na ako at naupo na rin si Gadriel sa tapat ko.

“Hula lang na may kaunting deduction,” I said. “I don’t think James can cook. And you prepare food for two na para bang alam mo nang may kasama ka ngayon. Isa pa, sa tingin ko rin ikaw lang ang marunong magluto sa kanila.”

Kahit na hindi ko pa nakikilala ang iba pang mga alter ni Gray, may pakiramdam akong si Gadriel lang ang marunong magluto sa kanila. Gray told me before that it was Gadriel who’s looking after them. Naaalala kong ganoon rin ang sinabi ng isang alter noon. That there was someone who’s telling them to eat like he was taking care of them.

Plus, Gadriel told me himself that he’s the internal self-helper of the system.

Sumandal si Gadriel sa upuan. Napansin ko ang ngiti sa mga labi n’ya habang nakatitig sa akin.

“You’re really the best one for Gray.”

Ramdam ko ang pag-akyatan ng dugo sa mukha ko. Alam kong pulang-pula na ako ngayon. Kahit nga ang mga tenga ko ay nararamdaman ko ring mainit.

Nakakakilig palang masabihan ng gano’n.

Kinuha ko ang baso ng kape na alam kong tinimpla rin sa akin ni Gadriel. I hid my blushing face by sipping on the coffee. Pero wala na yatang silbi ’yon dahil nakita na rin naman ni Gadriel. Kaya nga ngiting-ngiti s’ya ngayon.

Ang kilig na nararamdaman ko ay may halo ring hiya. Hindi kasi ganoon ang naiisip ko. It was a compliment but… I don’t think I deserve it.

I was still trying— learning how I could handle Gray’s condition. How I should react and what I should do. May mga pagkakataon pa rin kasing hindi ko makontrol ang emosyon ko. There were those times when I became really selfish. Kagaya na lang kanina nang malaman ko na hindi si Gray ang nasa harap ko.

I don’t think that I’m the best for him with this ill-feeling. I should be more… understanding. Lalo na sa kondisyon n’ya.

“What happened?” I asked instead. “Where’s Gray? Bakit ikaw ang—”

Itinikom ko agad ang bibig ko. See? Kahit ang mga sasabihin ko ay hindi ko rin napag-iisipang mabuti. I really want to help Gray but… I’m not the best person for it.

But Gadriel just chuckled. Mukhang hindi naman na-offend na parang ang dating ng tanong ko ay hindi ko s’ya gustong makaharap ngayon.

“I just want to clear something,” he said. “I believe James might’ve overreacted a bit.”

Napakunot ang noo ko.

“Saan naman?”

“About Violet.”

Natahimik ako. Hanggang sa hindi ko pa nalalamaan ang lahat at hanggang hindi pa nalilinaw sa akin ni Gray ang lahat, sa palagay ko ay palagi na lang magiging ganito ang reaksyon ko sa tuwing maririnig ko ang pangalang iyon. Patuloy pa rin akong maapektuhan kahit anong pigil ko.

But… I don’t think I have the courage to ask Gray about Violet. At kung meron man, hindi ko alam kung may lakas ako ng loob na marinig ang magiging sagot n’ya. Kahit ano pa man iyon.

Violet was already dead but it seems like Gray still couldn’t let her go. He even named Lilac after her. Doon pa lang, may ideya na ako kung gaano kalaki ang naging bahagi ni Violet sa buhay n’ya.

I used to see things positively. Pero hindi ko mapigilan ang negatibong emosyon na nararamdaman ko ngayon. Lalo na kapag naiisip ko ang tungkol kay Violet.

Anxiousness was slowly eating me. 

“Reyziel… Are you okay?”

Napatingin ako kay Gadriel. He looked worried. Hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon pero hindi siguro maganda dahil sobra ang pag-aalalang nakikita ko sa kanya ngayon.

Napabuntong-hininga na lang ako at tumango.

“Anong meron kay… Violet?” Even saying her name was making me more anxious.

Tinitigan muna ako ni Gadriel. Parang pinag-iisipan pa kung makabubuti bang sabihin sa akin ang kung anumang sasabihin n’ya.

Bakit? Gano’n ba kalala? Sobra ba akong masasaktan?

“James told you that Gray’s in love with Violet, right? He shouldn’t have said that,” he said. “Hindi talaga namin alam kung anong eksaktong nararamdaman ni Gray para kay Violet. Their relationship was… complicated.”

I stared at him.

“Pwede mo bang ipaliwanag pa sa akin ng mas malinaw?”

“Violet knew about our condition. That we’re a DID system. But I don’t think Gray told her. Ayaw ni Gray na may makaalam ng kondisyon n’ya. Nahalata lang siguro ni Violet. And for someone who’s been hiding it all his life, Gray was actually relieved that she found out about it and she still chose to stay with him. I think that’s why Gray clung to her.”

“Gray… clung to her?”

He nodded.

“Dahil alam na ni Violet, Gray didn’t have to pretend anymore. We didn’t have to pretend anymore that we were him. Gray felt free but… that’s not the case for us alters.”

“Why?” naguguluhan kong tanong.

Hindi ko maisip kung anong dahilan. James and Gadriel looked like they’re always having fun when they’re with me. Lalo na si James kahapon. He didn’t even hesitate to flirt with girls even when he already knew that I’m Gray’s girlfriend. kahit nang sabihin n’yang ititigil n’ya ’yon, he looked genuine with it.

Kahit si Gadriel ngayon, he looked worried but his stance was at ease as he talked to me. Nakaharap ang buong katawan n’ya sa akin. His shoulders were relaxed. Nakatingin s’ya nang deretso sa mga mata ko sa buong panahong kinakausap n’ya ako.

They’re being themselves when they’re with me, not pretending to be Gray ’cause I already knew about their condition. Violet knew about it too.

So why?

“Violet only wanted Gray,” Gadriel answered. “Whenever I was in the front, she never really talked to me unless needed. Gano’n din s’ya sa iba. And the way she looked at us was…”

Hindi na tinapos ni Gadriel ang sasabihin n’ya at umiling na lang. Mukhang hindi na gustong ituloy. And I think it was not a good sign.

“How?” I asked. “Paano n’ya kayo tignan, Gadriel?”

He looked worried. Halatang hindi na gustong sagutin ang tanong ko. Umiling pa ulit s’ya. Siguro ay nakita ang galit na unti-unti kong nararamdaman.

Shit… I really want to know pero ayoko namang pilitin si Gadriel. Hindi ko lang kasi nagugustuhan ang naiisip ko.

They all suffered from their condition. Hindi lang si Gray. They didn’t deserve to be treated badly just because they were Gray’s alters.

They are real. They have different personalities, emotions… May sarili silang pag-iisip. At nasasaktan din sila.

“I think that Violet was not good for Gray,” sabi ni Gadriel na hindi na talaga sinagot ang tanong ko.

I frowned.

“Bakit?”

“She kinda…” Nagsalubong ang mga kilay n’ya. Parang pinag-iisipan kung paano ipagpapatuloy ang sasabihin. “She put more distance between Gray and us, alters. We were all trying to reach out to Gray, for him to acknowledge us, to talk to him. But somehow… Gray grew more and more distant to us whenever she’s with Violet.”

I could see the sadness in Gadriel’s eyes. Para bang matagal nang itinatago iyon at hindi alam kung anong gagawin. Now that he had someone to confide in, he couldn’t help but tell it all to me.

“I could feel Gray’s distress, anger, and frustration. Mas lumalala kapag kasama n’ya si Violet. Parang may hindi magandang sinasabi sa kanya si Violet kaya gano’n ang nararamdaman n’ya. It wasn’t a good feeling, Reyziel.”

“Anong sinasabi n’ya?” pigil ang galit kong tanong.

No… Damn it. Hindi dapat ako maging ganito. I should control my feelings, gaya kapag nakikipag-usap ako sa mga pasyente ko. But it was so hard ’cause this was about Gray, the man that I love.

Anong posibleng sinasabi ni Violet kay Gray noon at gano’n ang nangyayari at nararamdaman n’ya? I know that what Gadriel felt was what also Gray felt that time. They were connected.

Natigilan ako. Naalala ko bigla ang minsang nabanggit sa akin ni Gray. That someone told him he’s crazy.

Was that… Violet?

“Hindi ko alam kung anong sinasabi n’ya,” Gadriel said. “Gray was always blocking us. But everytime he’s with her, the amnesiac wall just grew thicker and thicker. We couldn’t get through him. Ramdam kong ayaw n’yang maging bahagi kami ng buhay n’ya.”

“And that happens when he’s Violet?”

Gadriel hesitated pero maya-maya ay tumango rin.

“Ayoko s’yang sisihin pero… hindi lang din naman ako ang nakapansin. That’s why James came out to check on you. He was worried that you were like Violet to Gray. Ayaw na naming mangyari ’yon, Reyziel. Not now that we’re beginning to connect.”

Ah… Kaya rin nasabi ni James that Violet was not good for Gray. Ang akala ko ay dahil sa pagkamatay ni Violet na lumayo s’ya sa lahat at hindi nakabuti sa kondisyon n’ya. Ang akala ko ay dahil din hanggang ngayon ay hindi pa mabitiwan ni Gray si Violet.

“So, please… What James said about Gray being in love with Violet, don’t let it get into you. Si Gray lang ang totoong nakakaalam ng nararamdaman n’ya para kay Violet.”

“But… he still couldn’t let her go.” Hindi ko na napigilang sabihin sa kanya ang inaalala ko. After all, he took his time to clear and explain this to me. 

Gadriel took a deep breath.

“Gray took his condition like a curse. He treated us like we’re a curse. And to find someone who accepted him regardless of that, hindi madali para kay Gray na bitiwan ang taong ’yon. That’s why Violet’s death affected him greatly. Sa pagkamatay ni Violet, nilayuan ni Gray ang lahat dahil sa isip n’ya, wala nang tatanggap sa kanya.” He flashed me a sad smile. “Because of his curse.”

Naluha ako nang makita ang lungkot at sakit sa mga mata n’ya. Sinubukang itago iyon ni Gadriel. He tried to laugh it off but even his chuckle sounded so painful to me.

“Gadriel, no… That’s not a curse. You’re not a curse.”

“I know… Kahit kailan din naman, hindi ako nagalit kay Gray. I just want to protect him. Iyon lang.”

Ramdam ko ang pangingilid ng mga luha ko. He was hurting. He was also hurting. All of them. They were all suffering.

Gadriel still flashed me his gentle smile.

“But you’re here now, Reyziel. Gray’s finally opening himself. He’s finally beginning to acknowledge us. Hinayaan n’ya nga akong makipag-usap sa ’yo ngayon.”

Umiling ako.

“It’s not enough..”

“What you’re doing is more than enough, Reyziel… We’re finally making positive progress.”

No… It wasn’t enough. Pakiramdam ko ay may dapat pa akong gawin, may kaya pa akong gawin. I feel like there’s something more I can do.

“One day… he might let me be co-conscious with him,” he said.

Napatitig ako sa kanya.

“Hindi pa nangyayari ’yon? That you’re both aware at the same time?” tanong ko at umiling s’ya.

“I told you, Gray’s always blocking us. He doesn’t want to acknowledge our existence.” Napakurap s’ya. Parang may naisip. “But there’s an exemption. There is one alter who let him be co-con with him.”

“Really?”

He nodded and smiled at me.

“It is Shielder.”

“Shielder?”

“He doesn’t really have a name but we decided to call him that since he was the one who’s fronting whenever Gray had a mission with EL Ordre. That was his codename within the organization.”

“Iyon ba ’yung sa chess na laro? Human chess game?” Naalala kong ipinaliwanag sa akin nang bahagya nina Eresh ang tungkol dito.

Gadriel nodded.

“It’s either Shielder is co-con with Gray or he’s blocking Gray to avoid the trigger of his trauma.”

“Can I ask what it is? Gray’s trauma?”

“Gustuhin ko man pero ayokong pangunahan si Gray. Ask him first if he wants me to tell you even if he doesn’t remember it himself. Kapag pumayag s’ya, I’ll gladly tell you.”

“Uhm… Will I be able to meet him? Shielder?” na-e-excite kong tanong.

May nakilala na naman akong isang alter ni Gray!

Umiling si Gadriel.

“I don’t think so, Reyziel… Lumalabas lang si Shielder para maiwasang ma-trigger ang trauma ni Gray. That’s the only time he’s fronting. Pero simula nang matapos ang laro, hindi na s’ya ulit lumabas.”

Oh… I think he’s the protector. Gusto ko sanang makilala s’ya pero… kailangan ko rin tanggapin na may posibilidad na hindi ko sila makilalang lahat.

“But don’t you think that’s a good thing?” Gadriel asked. Napatingin ako sa kanya. “That you won’t meet him? You know what that means, right?”

Noong una ay nakatitig lang ako kay Gadriel. He was trying to tell me something at sinusubukan kong intindihin kung ano ’yon. When the realization hit me, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

“Gadriel…”

He gave me a gentle smile.

“It might actually happen, Reyziel. We’re just here to protect Gray. Kapag sigurado na kaming ayos na s’ya, posibleng mangyari ’yon.” He looked me in the eye. “And you’re here now.”

Napaderetso ako ng upo. Nanlalaki ang mga mata kong napatitig din sa kanya.

“Gadriel! Huwag mong sabihing—”

He chuckled before I could finish my sentence. Umiling s’ya.

“This won’t be our last meeting. ’Di ba nga sasabihin ko pa sa ’yo ang trauma ni Gray kung sakaling pumayag s’ya? Pero alam ko namang papayag s’ya.” He smiled at me gently. “But when the day of our last meeting comes, I promise… I’ll say goodbye to you properly.”

I should be happy thinking about it. The possibility of Gray integrating with his alters. Pero kung dumating ang araw na huli kong makakausap si Gadriel, o kahit si James man, sa palagay ko… malulungkot ako.

Without knowing it, I feel like they have already become my friends.

“Iyon lang naman ang gusto kong sabihin, Reyziel. I’m sorry if I took this time for you to be with Gray,” he said. “Kung may gusto ka pang malaman tungkol kay Violet, I figured that Gray should be the one to tell you. Naisip ko lang na baka hindi maganda ang naiisip at nararamdaman mo dahil sa sinabi sa ’yo ni James kahapon.”

Napangiti ako. Right… Gadriel has this aura of a big brother. He’s so thoughtful.

“Aaminin ko, I felt anxious. Hindi rin naging maganda ang mga iniisip ko. But I’m okay now. Thank you, Gadriel.”

He nodded and smiled at me.

“You are very much welcome, Reyziel.”

He looked down. Nakatitig s’ya sa plato ng pagkain na nasa harapan n’ya. I just watched him staring at the food. Ilang segundo s’yang hindi gumagalaw. Then I saw his eyebrows twitch. He slowly blinked before he looked at me again and he seemed spaced out. Pagkatapos ay napakurap-kurap s’ya, like he was coming back of consciousness.

“Rey…?” Sigurado akong si Gray na ang nakatingin sa akin ngayon. He looked like he was reading me. “Why do you look… sad?”

I blinked. Hindi pa rin kasi nawawala sa isip ko ang mga huling sinabi ni Gadriel. Ngumiti ako para mawala na ang pag-aalala ni Gray.

“Nothing… Kain na tayo?”

“Dahil ba sa mga sinabi ni Gadriel?” he asked. Mukhang walang planong balewalain ang lungkot ko kahit na anong iwas ang gawin ko.

I sighed. I decided to do more to help Gray. Hindi pa sapat ang mga naitutulong ko sa kanya. I know I said that I would wait for him till he was ready to tell me everything but… Is it okay for me to ask him?

“Gray… I’m going to ask you something. Kung ayaw mong sagutin, okay lang. Sabihin mo lang na ayaw mong sagutin. Huwag pilitin ang sarili mo dahil lang tinanong ko, okay?”

He looked so lost but he nodded. Nakikita ko sa mga mata n’yang wala s’yang ideya sa itatanong ko pero nakahanda namang sagutin iyon.

I balled my fist. Napatingin doon si Gray dahil nakapatong lang ang mga kamay ko sa lamesa. His eyes sharpened. When he looked at me again, he looked like he was bracing himself.

Nag-aalangan man ay deretso akong tumingin sa kanya.

“Can you tell me everything about Violet?”

Nakatitig lang ako sa kanya pero hindi ko nakitaan ng pagbabago ang emosyon n’ya. He was just looking at me like he was bracing himself. Na para bang inaaway ko s’ya dahil sa naging tanong ko.

Maybe there was something in my eyes too kaya ganoon ang naging reaksyon n’ya. I was also bracing myself for what his answer would be.

Kahit na ipinaliwang na sa akin ni Gadriel, iba pa rin ang mismong maririnig ko mula kay Gray.

He took a deep breath. Nag-iwas s’ya ng tingin sa akin at yumuko.

“Can we eat first?”

Nagulat ako sa lamig ng tono ng boses n’ya. Does it mean that he’ll answer my question? Pero bakit mukhang ayaw n’yang sagutin ang tanong ko? Bakit parang hindi n’ya nagustuhan ang tanong ko?

Bago pa man ako makatango ay nagsimula na rin s’yang kumain. That was the most silent meal we had together. Kapag ganito, madalas ay nagkukwento s’ya ng kahit ano. Palagi s’yang may topic kapag magksama kami.

But now… It was quiet. He was quiet. Kumakain lang s’ya at hindi man lang ako tinignan.

The anxiety I felt came crashing back. Mas malala ngayon. Pakiramdam ko ay masusuka na ako pero nagpatuloy pa rin ako sa pagkain.

Why? Ang sabi ko naman, kung ayaw n’yang sagutin, ’wag n’yang pilitin ang sarili n’ya.

Kahit nang matapos kami ay tahimik lang si Gray. Ako na sana ang magpepresintang maghugas ng plato dahil si Gadriel na naman ang nagluto but Gray took my plate. Hindi na ako nakaimik dahil alam kong hindi n’ya rin naman tatanggapin ang protesta ko.

Nagdalawang-isip pa ako kung papasok na lang sa kwarto at kalimutan na ang tanong ko o maghihintay sa couch dahil hindi n’ya naman sinabing hindi n’ya sasagutin ang tanong ko. He just wanted to eat first before he would answer my question.

Sa huli ay naupo na lang ako sa couch at naghintay hanggang sa matapos s’ya sa ginagawa n’ya.

Ilang sandali lang rin ay tumabi na s’ya sa akin. I was looking at him but he didn’t even glanced at me. Unti-unti akong nanlalamig. Mali nga sigurong nagtanong pa ako. Maybe… He’s not ready yet.

I heard him heaving a deep sigh.

“What do you know about Violet?” he asked.

“You named Lilac after her,” I said. “You were close with her. Alam n’ya ang tungkol sa kondisyon mo.”

“She found out about it. Nahalata n’ya.”

I pursed my lips.

“You were… in love with her.”

No… Why did I… Sinabi na naman ni Gadriel na hindi ganoon. That Gray and Violet’s relationship was complicated.

Pero hindi ko lang naman mapigilan. It hurts me so much. Naiinis rin naman ako sa sarili ko. She’s already dead but I’m still feeling this way.

“She’s important to me,” Gray said. “She protected me. She died protecting me.”

I was surprised at him pero nang ruhistro sa akin ang sinabi n’ya at agad ang sakit na naramdaman ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Pinigilan ko ang maiyak.

Parang sampal sa akin ang mga sinabi n’ya. Lalo na ang sakit na narinig ko sa boses n’ya.

Hindi ko alam ’yon. Walang nagsabi sa akin tungkol doon. I was not prepared for this.

It was obvious that Gray was still holding into it. Dere-deretso n’yang sinabi ang mga iyon na para bang siguradong-sigurado s’ya. There was so much regret in his eyes when he told me that.

Shit… Ang sakit ng dibdib ko.

“S’ya lang ang nando’n nu’ng mga panahong nagdudusa ako nang dahil sa kondisyon ko, Rey… Hindi n’ya ako iniwan. She didn’t even feel disgusted or scared of me.”

“What? You’re not disgusting, Gray!”

“I am!” He looked at me. Nakita ko ang galit at sakit sa mga mata n’ya. “I am disgusting! May iba’t-ibang katauhan ako, Rey! Ano ’yon?! Sinong hindi mandidiri sa gano’n? Sinong hindi matatakot sa gano’n? Sinong hindi mag-iisip na baliw ako? But despite all that, hindi ako iniwan ni Lyrae!”

Nanlaki ang mga mata ko.

“Lyrae—” My breathing hitched. “Ly…”

Shit… Shit… No. Hindi ’yon. Hindi ko dapat isipin ’yon.

I gritted my teeth.

“S’ya ba ang nagsabi no’n sa ’yo? That you’re disgusting? That you’re just crazy? Si Violet ba ang nagsabi ng mga ’yon sa ’yo?” Nanginginig ang boses ko sa pagpipigil ng galit. “Hindi totoo ’yon, Gray! You have a disorder!”

Shit… Why did it turn out this way?

“She didn’t leave me despite all of that,” he said, ignoring what I said. “She died protecting me. Nawala ang kaisa-isang taong kayang tumanggap sa akin.”

I gaped at him. Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya.

“At ano ako, Gray? Sa tingin mo nagsisinungaling lang ako nang sabihin kong tanggap kita?”

He just looked at me. Nasaktan ako nang hindi agad s’ya sumagot pero naghintay pa rin ako. Sa bawat segundong naghihintay lang ako sa sagot n’ya ay doble-doble ang sakit na dumadagdag sa akin.

And when he just looked away without answering, I almost lost it.

“What the hell…” hindi makapaniwala kong bulong. Nakatingin pa rin ako sa kanya. Hinihintay na baka-sakaling sagutin n’ya pa rin ang tanong ko.

He didn’t believe me? Hindi n’ya pinaniwalaan ang lahat ng mga sinabi ko? Kahit isa man lang doon?

Napahikbi ako. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. I heard him cursed as he raked his hair. Tumayo s’ya at napatingala na lang ako sa kanya.

“I’ll… I’ll just cool my head off,” he just said and without another word, he went out and left me.

Napatitig pa ako sa pintong nilabasan n’ya. I just couldn’t believe he did that. Hindi ko mapaniwalaang iniwan n’ya ako ngayon.

I bit my lower lip hard. Tuloy-tuloy sa pag-agos ang mga luha ko na parang nabuksang gripo. The pain in my chest just grew stronger that I wasn’t able to breathe properly. I grasped that part of my chest where my heart was, hoping that it would lessen the pain.

Napahagulgol na ako. Sa nangyari ngayon, naging malinaw sa akin ang lahat.

Lahat ng mga sinabi ko sa kanya, lahat ng ’yon, hindi n’ya pinaniwalaan. It was all for nothing.

He still chose to believe whatever Violet said.

I cried hard. I could hear my ugly cry. Inilabas ko ang lahat. Lahat-lahat. Kahit iyong mga panahong pinigilan ko ang umiyak dahil kay Mama. Dahil ayokong makita ni Larissa.

I cried everything.

I knew it. I was not the best for Gray.

Chapter 52

Hindi maawat sa pagtulo ang mga luha ko habang nakatingin sa pinto kung saan lumabas si Gray. Nakatitig lang ako roon, hinihintay na muling magbukas iyon. Nagbabakasakaling bumalik na rin agad si Gray.

Part of me was wishing that he would really come back. That he would say he didn’t mean anything that he said. That he would comfort me as I cried and as I ranted about how much I was hurt by what he just said. And that he would tell me he wouldn’t leave me crying and hurting alone again.

Pero nanatiling nakasara ang pinto kahit gaano pa kalakas ang buhos ng mga luha ko. At may palagay akong magtatagal pa bago bumalik si Gray.

I was left alone in the room. He left me alone in this room. Ngayon lang ako nakadama ng sobrang kalungkutan at pag-iisa sa buong buhay ko.

Naalala ko iyong mga panahon na mag-isa akong umiiyak dahil sa nangyari sa pamilya namin. I cried alone. Hindi ko gustong may makakita, lalo na si Larissa. I want her to think that she could rely on me. Na kaya kong maging malakas para sa aming dalawa.

But right now… I don’t think I could do it. Hindi ko kayang maging malakas ngayon. I was still crying, still hurting. At wala akong magawa kundi ang ilabas na lang ang lahat ng iyon.

Where did I go wrong? Saan ba ako nagkulang? Alam ko namang hindi ganoong kalaki ang tulong na maibibigay ko kay Gray. Pero alam ko rin namang ginawa ko ang kung anong sa tingin ko ay maitutulong ko sa kanya.

I did my best on it. I tried to make him feel that despite his disorder, he could still be happy. That he still deserves to be loved. 

I really wanted to help him. I really wished for his happiness. Pero lahat ng mga nagawa ko, mukhang kulang pa. Hindi pa sapat.

No… All I did, all I’ve said was for nothing. Parang wala man lang narinig si Gray sa lahat ng iyon. I couldn’t even get through to him.

Mas pinaniwalaan pa rin n’ya ang mga sinabi ng taong ’yon. Ng isang taong wala na. She’s already dead but Gray still chose to believe her.

How can I even compete with that?

I chuckled painfully. Halos maawa ako sa sarili ko nang marinig ang sakit sa mahinang pagtawa ko.

“Ang tanga mo, Rey… Bakit ka naman makikipagkompetensya sa taong patay na?” I said in between my sobs.

Bakit ko nga ba naisip pa ’yon? Ngayon pa lang, halatang talo na ko. Gray must’ve loved her so much to still believe her kahit wala na s’ya.

Pero ako? What about me? Did he even love me?

Ah, right… Did Gray ever tell me that he loves me?

No… Wala akong maalala. Wala akong natatandaang sinabi n’ya sa akin ang mga salitang ’yon. Ako lang ang nagsasabi noon sa kanya pero hindi n’ya kailanman sinabi sa akin pabalik.

Ako lang ba ang nagmamahal sa aming dalawa?

Kung ganoon nga… mas paniniwalaan nga ni Gray ang babaeng ’yon.

And her name… The other name that he called her…

Shit… Ayoko ng mga naiisip ko.

I wonder if I was only forcing myself on him. If it seemed like I was only forcing my love on him when he didn’t even love me. And he just couldn’t tell me off ’cause Gray was like that. Kind and considerate.

I wonder if I made him feel uncomfortable for everything that I’ve done. When I told him I wanted to help him but the truth was… I wasn’t even helping him at all.

Napahawak ako sa dibdib ko. Mas lalo pa iyong sumasakit. It was hurting so much at mas lumakas pa ang pag-iyak ko kasabay ng paghikbi. Para bang sa paraan na iyon ay mababawasan ang sakit na nararamdaman ko.

Please… It hurts so much. I just wished that it would stop. I just wished that I could numb my feelings para hindi ko na maramdaman ang sakit.

I was sobbing so hard. May tunog na ang pag-iyak ko at hindi ko na makayanan ang tahimik na umiyak. Mabuti na lang at mag-isa ako. Mabuti na lang at walang nakakakita ng pag-iyak ko ngayon.

I know I look so weak right now. That I look helpless. Pero ayos lang. Wala namang nakakakita.

Just this time… Let me cry like this. Ngayon lang.

The pain in my chest was so much but then… I guess I love Gray so much to feel this kind of pain. Thinking like this somewhat calmed me a little. Hindi ko akalaing kaya kong magmahal ng ganito bukod pa sa pamilya ko.

Love is painful, huh?

I took a deep breath to calm myself even more. I was still sobbing kaya nahirapan pa akong kumuha nang malalim na paghinga. It was a shaky breath but it was helping me feel calm kaya pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko. Itinigil ko ang pag-iyak at sinubukang pakalmahin ang sarili sa malalalim at mababagal na paghinga. It also helped me lessen the pain in my chest.

I was overthinking things earlier. I must stop. I shouldn’t overthink things. I shouldn’t conclude anything. Our situation was already complicated at ayoko nang mas palalain pa ’yon. I should talk to Gray first. Let him clear everything.

Gray…

I gasped when I realized something. Ngayong kalmado na ako ay malinaw ko nang naisip na umalis si Gray at ang mga kung anong pwedeng mangyari sa kanya.

Gray just left while his emotions weren’t stable. His emotions were in chaos and I bet his mind as well. Umalis s’ya nang ganoon ang nararamdaman n’ya.

Shit… What if it triggered a switch? Paano kung dahil sa naging pag-uusap namin ay lumabas ang isang alter n’ya? Iyon alter na hindi alam kung nasaan sila ngayon?

Gadriel told me that Gray was blocking them. Ibig sabihin ay ang iba sa kanila ay hindi alam ang nangyayari when Gray was the one in the front. What if it triggered a switch and an alter who doesn’t have any idea what happened these past few days came out?

Everything would confuse them.

I tried to call him but he wasn’t answering his phone. Maybe he still didn’t want to talk to me or he was just not aware that I’m calling him. Hindi ko alam kung ano sa dalawa but I still kept on calling him. Nang sa ikapitong tawag ko ay hindi pa rin n’ya sinasagot, I decided to text him.

I told him in the text that he should come back. And that if he ever still needed space to cool his head off, ako na lang ang aalis muna.

I decided to cook our lunch while waiting for him. Baka bumalik si Gray. He needed to eat so he could have strength and it might help him to calm down. Hinintay ko na lang s’ya dahil hindi rin naman ako makakakain nang maayos.

But when it was already four in the afternoon and he still hadn’t come back, I tried calling him again. Nang hindi n’ya pa rin sinasagot ang tawag ay nagdesisyon na akong hanapin s’ya. I texted him that I would look for him and to let me know if he ever came back to the hotel room.

Hindi pa rin ako pamilyar sa lugar kaya tinandaan ko na lang ang pangalan ng hotel kung saan kami tumutuloy kung sakali mang maligaw ako at makalimutan ko ang daan pabalik habang naghahanap kay Gray.

I tried looking at him at the places where we went before. Kahit iyong mga napuntahan na namin ni James kung sakali mang aware si Gray sa mga oras na ’yon. But I didn’t find him at those places.

How would I be able to find him when I didn’t even know the place?

But I just couldn’t sit still waiting for him in the hotel room. What if Gray wasn’t the one who’s in the front? What if an alter already switched out? What if it was someone that didn’t know where to go? Or what’s happening? Hindi na sila makakabalik ng hotel.

The sun had already set and it was already nighttime in Japan and I still couldn’t find Gray. I was hungry. I was tired. Pero hindi pa rin ako sumuko at nagpatuloy lang sa paghahanap sa kanya.

I checked my phone to see if he texted me but there were no messages. Sinubukan ko ring tawagan s’ya pero hindi kumokonekta ang tawag ko. It was either he was in the place where there was no signal or his phone battery died.

Lumabas ako sa isang restaurant kung saan nagbakasakali lang akong makita si Gray, thinking that he was there, eating his dinner. Dahil katulad ko, gutom na rin s’ya dahil hindi nakapag-lunch.

Pero hindi mga pamilyar ang mga mukha na nakita ko roon. Ang iba pa nga ay napapatingin sa akin, nahalata sigurong may hinahanap ako but they just continued minding their own businesses.

I went out, feeling dejected. Gabi na at hindi ko na alam kung saan pa hahanapin si Gray. Sa tingin ko rin ay malayo na ako sa hotel na tinutuluyan namin.

Tinignan ko ulit ang phone ko pero walang kahit anuman akong natanggap na text o tawag. I tried calling him again pero operator pa rin ang sumasagot.

Napatingin ako sa mga taong naglalakad at ilang sandaling pinanood lang sila. They all looked like they had a certain destination in their minds. Ang iba pa nga ay mukhang galing sa trabaho at papauwi na. 

While me, I was just there, standing. Hindi ko na alam kung saan pa ako maghahanap, kung magpapatuloy pa ba sa paghahanap kay Gray o hihintayin na lang s’yang bumalik sa hotel. Pero sa tuwing naiisip ko na magulo ang isip at emosyon n’ya ngayon dahil sa nangyari kanina, mas lumalakas ang kagustuhan kong hanapin na lang s’ya.

Napaupo ako kung saan mismo ako nakatayo kasabay ng pagbuga nang malalim na paghinga. I crouched down. Bigla kong naramdaman ang pagod at gutom sa maghapon na paghahap kay Gray. Ganoon din ang mga negatibong emosyon na ayoko na sanang maramdaman.

I felt so helpless. Wala akong magawa na pwedeng makatulong kay Gray. I even thought that I was actually doing something. I did try but it didn’t even make any difference. Ang akala ko ay may magagawa ako para matulungan si Gray.

But my words, my feelings didn’t even reach him.

I’m so tired…

May karapatan man lang ba akong makaramdaman ng pagod gayong sa lahat ng mga ginawa ko ay wala man lang nangyari? May karapatan ba kong gustuhin na magpahinga muna kahit saglit lang?

Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko. Hindi ko na alam kung ano pa bang dapat kong maramdaman.

I’m so lost…

Nakakita ako ng isang pares ng itim na sapatos na tumigil sa harapan ko. Someone was standing in front of me. I looked up, thinking that it was just something who took pity on me. O hindi kaya ay magpapaalis sa akin dahil hindi maganda sa business kung nakaupo ako rito sa harap ng restaurant.

But when I looked up, I saw gray eyes staring down at me. His gaze was cold and emotionless but I felt warmth to see such a familiar face in a place I didn’t know. It felt so comfortable seeing those eyes in a place full of strangers.

I felt those even if right now, I know that he wasn’t Gray. The first thing I even thought when I saw him was, “Ah, finally… May kasama na ako.”

Dahil kahit na maraming tao sa paligid, kahit na maingay at maganda ang mga pang-gabing ilaw, I still felt alone and helpless.

But not anymore…

“You’re such a fucking pain in the ass,” he said.

His voice was harsh like seeing me right now disgusted him. Pero hindi ko napigilan ang mapangiti. I smiled out of relief kasabay ng pamumuo ng mga luha sa mga mata ko. Nagsimula na ring manlabo ang paningin ko habang nakatingala ako sa kanya.

“Kanina pa kita hinahanap,” sabi ko sa nanginginig na boses.

His cold eyes were just staring down at me. He looked like a god looking down at his subject as he tried to decide whether he’ll spare or destroy me.

Tinitigan ko lang s’ya pabalik. I didn’t want to look away. Ayokong mawala s’ya sa paningin ko. Natatakot ako na baka umalis ulit s’ya at maiwan na naman akong nag-iisa sa lugar na maraming tao pero wala naman akong kilala.

My heart was breaking as I stared at him. Namalayan ko na lang na tumulo na pala ang mga luha ko. I saw his eyes follow the tears down my face before he looked back at my eyes again. I noticed his jaw tighten before he let out a harsh exhale.

“Get up,” he commanded. There wasn’t any hint of gentleness in his voice.

Pero hindi agad ako nakakilos at napatitig lang talaga ako sa kanya.

He tsked.

“Get the fuck up. We’re already catching attention, stupid woman.”

Saka lang ako napatingin sa paligid. May iilan na ngang napapatingin sa amin. Halata ang kuryoso sa mga mata nila pero nagpapatuloy na lang din naman sa paglalakad. Hanggang tingin lang sila at mukhang walang kahit anong balak na mangialam.

I heard him tsked again ang when I looked at him, he looked impatient now. Inabot na ang isang kamay n’ya sa braso ko at hinila ako patayo. Dahil sa pwersa ay napasunod na lang ang katawan ko pero hindi agad ako nakakuha ng balanse.

I staggered, trying to stand still but I failed. Napasubsob ako sa dibdib n’ya pero agad din naman akong lumayo.

“Sorry,” I said.

“Fucking stupid,” I heard him mutter under his breath.

Nagsimula s’yang maglakad at agad akong humabol sa kanya.

“Wait,” I tried calling him.

Pero hindi s’ya tumigil. Nagpatuloy s’ya sa paglalakad at sinubukan ko s’yang sabayan. I tried to match his pace but his strides were long and fast. Nahuhuli ako sa kanya.

“What’s your name? Hindi ikaw si Gray, ’di ba?”

Doon lang s’ya napatigil. Kamuntik pa ulit akong mapasubsob sa likod n’ya sa biglaang tigil n’ya. Napaatras ako para magbigay ng sapat na distansya sa amin.

“We’ve met, right?” I asked. “Ang sabi mo, ’wag kitang tatawaging ‘Gray.’”

It was him. The alter I’ve met before. Ang sabi ni Gray, tatlo na ang nakita kong alters n’ya. Gadriel, James, and this was the third one. He had the same fashion and look as the one I’ve met before.

He was wearing a black inner turtleneck shirt under a long black trench coat that reached his knees. He was also wearing black slacks and black shoes.

His gray hair was in a brush up style. Ang ilang mga hibla ay kumawala at nahulog sa gilid ng noo n’ya.

I remember… It was him.

“Then… Tell me your name. I want to know it,” I said.

I waited for his answer pero hindi s’ya nagsalita. Nakatitig lang s’ya sa akin.

“I want to know who you are,” sabi ko pa.

He still wasn’t saying anything and just kept on staring at me. I stared back, waiting for his answer but I doubted if he ever wanted to tell me his name.

Kahit noon din, tinanong ko kung anong pangalan n’ya pero hindi n’ya ibinigay. Instead, he asked for something in exchange for his answer.

I shivered when I remembered what he did back then.

Pero gusto ko pa ring malaman ang pangalan n’ya.

“Are you King Lancer?” I asked.

Base kasi sa naging kwento nina Eresh noon, it seemed like he had the same personality as King Lancer. Base na rin sa mga ikinilos n’ya sa akin noon.

But I saw him frown. He even looked annoyed.

“I’m not a fucking wimp,” he said, almost spitting those words.

“Ha?” maang kong tanong. Hindi alam kung anong tinutukoy n’ya.

“It’s Zeno,” he said before he turned around.

Napakunoot ang noo ko.

“Ang alin?”

I could tell that he was about to walk again. Pero dahil sa naging tanong ko ay napatigil agad. Nilingon n’ya ako. Mas dumoble pa ang inis na nakita ko sa mukha n’ya.

“Gaano ka ba katanga? You asked for my name and I just gave it to you, stupid woman!”

My eyes widened. Nabigla ako at hindi agad nakapagsalita. Hindi ko kasi akalain na sasagutin n’ya ang tanong ko. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya sa gulat.

He tsked. Mukhang inis na inis na talaga s’ya sa akin.

“My name,” he said. “It’s Zeno.”

Chapter 53

Tahimik lang ako habang nasa loob kami ng cab na maghahatid sa amin pabalik sa hotel. Hindi ko nga akalain na sasama sa akin si Zeno. He just went in the cab silently at tinabihan ko pa s’ya sa backseat. Naghanda pa nga ako na kung sakaling bababa s’ya ng kotse mula sa kabila ay hihigitin ko s’ya pabalik. But it didn’t happen.

Ang akala ko kasi ay matutulad ’yung nangyari nu’ng nakaraan bago s’ya sumama sa akin. That he would ask for something so inappropriate first in exchange that he would go home with me.

Sabagay… Hindi ko rin namang inakala na sasabihin n’ya sa ang pangalan n’ya. I even thought that he would never ever tell me his name. 

I glanced at him sideways. Zeno was quiet as well. He was looking at his phone ever since we rode in the cab. Habang tinititigan ko s’ya ay napakunot ang noo ko.

“The phone’s working?” hindi makapaniwala kong tanong.

Gumagana naman pala? I’ve been calling him all day! Sa lahat ng mga naging tawag or text ko ay wala man lang s’yang sinagot doon kahit isa! Nakapatay pa nga so I assumed na baka na-dead batt lang dahil na rin panay ang tawag ko.

I almost searched the whole town. Sinubukan ko s’yang hanapin sa isang lugar na hindi ako pamilyar at may tyansang maligaw rin ako. I searched for him the whole day. Napagod at nagutom na ako bago ko pa s’ya makita.

Tapos malalaman kong gumagana pala ang phone? He’s been using it since we got into the cab!

If only he answered at least one of my calls, or even my texts, hindi na sana ako naghanap maghapon. I was exhausted. I was hungry. Both of my legs were even sore from walking all day.

I saw Zeno throw me a glance before he continued using his phone again.

“Can’t you see or you’re just really stupid as I thought and you failed to analyze things?” sabi n’yang sa phone pa rin nakatingin.

“Nag-send ako ng mga text. Tinawagan ko pa nang ilang beses pero hindi kumokonekta ang tawag. Ang akala ko na-dead batt lang ’yung phone.” Sinusubukan kong kontrolin ang boses ko habang nagsasalita.

Ayoko kasing magtunog na sinusumbatan ko s’ya. He didn’t owe me anything. He didn’t have any responsibility for me. I was trying to understand that he has every right not to answer my call.

Pero nahihirapan ako. I was so tired. Masakit pa ang mga paa ko. My mind was clouded with exhaustion.

No… This is Zeno. Not Gray.

Zeno let out a harsh exhale. Para bang nawawalan na ng pasensya. He fished something in the pocket of his trench coat and gave it to me. Napatitig ako roon.

It was a phone.

Nanatili lang ang titig ko sa bagay na inaabot n’ya sa akin. Hindi nakabukas ang ilaw sa loob ng sasakyan pero may naaaninag naman ako dahil pumapasok sa loob ang mga ilaw mula sa labas. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawang phone na hawak na ni Zeno ngayon. Now that I had time to really look at it, saka ko napansin ang pagkakaiba ng dalawa.

The phones have different models and colors. Hindi ako sigurado kung ano ang eksatong kulay ng phone na iniaabot sa akin ni Zeno, probably midnight blue. And the one he was holding with his other hand was black.

So… ito ’yung phone ni Gray at kanya ’yung isang hawak n’ya? May sariling phone si Zeno?

Biglang bumigat ang pakiramdam ko at hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay may nakatitig sa akin. Napatingin ako kay Zeno and he really was looking at me. He had an annoyed look on his face and was practically glaring at me.

Mabilis kong kinuha ang phone na iniaabot n’ya. Naintindihan ko bigla kung bakit masama ang tingin n’ya sa akin. Kanina n’ya pa kasi talaga iniaabot ang phone pero tinitigan ko lang iyon. Nainis na siguro sa sobrang tagal kong kunin ang phone.

I looked at the phone I was holding and pushed the power button but it didn’t light up. Inulit ko iyon at mas tinagalan pero hindi na talaga nabuhay ang phone.

“It was dead and useless so I bought a new one,” rinig kong sabi ni Zeno habang sinusubukan ko pa ring buksan ang phone.

Napatingin ako sa kanya. He wasn’t looking at me anymore and was using his phone again. Mukhang wala na ngang planong kausapin ulit ako.

Napatingin ako sa phone na ginagamit n’ya. So, that was a new phone.

Although I was amazed at how rich Gray was, Zeno bought a new phone just because Gray’s phone was dead. Ganoon s’ya kayaman.

But then… hindi na talaga bumubukas ang phone ni Gray sa sobrang lowbat na rin siguro. Kaya pala hindi kumokonekta talaga ang tawag kanina.

“I’m sorry,” hinging paumanhin ko.

I felt guilty of somehow accusing him. Kahit na pinipigilan ko ay nainis talaga ako kanina sa kanya. Hindi ko man lang inalam muna ang buong kwento.

Ah… This is why it is not good to just jump to a conclusion without knowing the whole story.

Hindi na nagsalita si Zeno at naging tahimik na ang buong byahe namin hanggang sa makarating na kami sa hotel. Kahit sa pagkasakay namin ng elevator at pag-akyat papunta sa floor kung nasaan ang room namin ay wala pa ring nagsasalita sa amin.

Zeno was walking behind me, following me. Pinapakiramdaman ko lang s’ya. Hinihintay ko s’yang magsalita at sabihing aalis s’ya at hindi na tutuloy sa hotel room. Ilang beses ko pa lang s’yang nakakausap pero hindi ako sanay na ganitong tahimik s’ya.

As we walked further, I realized that he didn’t know the room number. Kahit nga ang pangalan ng hotel kung saan kami nag-i-stay ay hindi n’ya rin alam. Kaninang nasa cab kami, hinayaan n’ya akong sabihin sa driver kung saan kami dapat ihatid. Now I know why.

Napaisip tuloy ako. Nu’ng kaninang nag-switch out s’ya, was he confused? I bet he was. Nasa isang lugar s’ya bigla at hindi alam kung bakit nandoon. Ako ngang kahit na alam kung paano ako napunta s’ya Japan ay natatakot na, paano pa kaya s’ya kanina?

Did he try to get back to where Gray was staying pero hindi lang magawa dahil hindi n’ya alam kung saan?

So, Gray was really blocking his alters, huh? It’s not good. Those amnesiac walls should be torn down instead of putting it up more between them. He should let him communicate with them.

Pero hindi ganoon ang ginagawa ni Gray. He was trying to separate himself from his alters.

If that’s the case, mas lalo lang silang magkakagulo. Although there was Gadriel who’s looking after the others kaya medyo nagkakasundo pa ang iba.

Gray should learn to accept them.

I opened the hotel room using the key card. I went in and Zeno followed. Nilagpasan n’ya ako as he walked further in the room. Pinanood ko s’yang nililibot ng tingin ang kabuuan ng sala.

There was something that was bothering me since earlier. Hindi ko lang maitanong sa kanya kanina dahil nasa labas pa kami. I didn’t want to talk about his condition outside where a lot of people might hear it. Lalo pa at itinatago ni Gray ang tungkol sa kondisyon n’ya.

But now, this is my chance to ask him.

“Hindi ikaw si King Lancer?” I asked.

Napatigil sa paglalakad si Zeno at agad na napatingin sa akin. He didn’t say anything but it was so clear that he was irritated. There was an annoyed look on his face and he was actually glaring at me. Para bang wala na akong ibang ginawang tama kung makatingin s’ya.

Kahit ano nga yatang gawin ko ay kaiinisan n’ya lang.

He took a step towards me. Pinanood ko lang s’yang lumapit sa akin hanggang sa hindi na ako naging komportable sa distansya namin. He already invaded my personal space. Humakbang ako palayo sa kanya but he just kept on advancing. Patuloy ako sa pag-atras palayo hanggang sa maramdaman ko na ang couch sa likod ng mga binti ko.

But Zeno still didn’t stop. I tried to distance myself away from him until I lost my balance. Napaupo sa couch hanggang sa lumapat na ang likod ko sa backrest dahil patuloy pa rin sa pag-abante si Zeno.

He leaned in. Itinukod pa n’ya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko. I have nowhere to go.

“W-what?” I stammered as I felt really uncomfortable with our distance. He was caging me on the couch.

He was so near. He finally stopped closing me in but he was very near. I could already smell his cologne and his fresh breath as he stared at me. Even his scent was so different from Gray’s.

Hindi s’ya sumagot at nanatili lang na nakatitig sa akin. He was looking down at me and I had to look up. My head was almost leaning on the headrest.

Nagtagal ang titig sa akin ni Zeno at hindi ko na talaga makayanan ang pagkailang ko. Those gray eyes were piercing their gaze at me and I couldn’t help but look away. I heard Zeno chuckle and his breath fanned my ears. He was so near that it felt like he chuckled directly into my ear.

“I was just wondering…” he trailed off. His voice was unusually soft and quiet compared to how he talks to me. It was like he was almost whispering.

I waited for him to continue talking pero ilang sandali pa ang lumipas at nanatili lang s’yang tahimik. I tried to look at him to see what he was doing. He was looking at me with a menacing look in his eyes and a smirk on his lips. Parang inaabangan talagang tumingin ako sa kanya bago s’ya magpatuloy sa sasabihin n’ya.

“Wondering why Gray could like such a stupid woman,” he said. “Is that his kink?”

Napasimangot ako sa kanya. He chuckled before he finally distanced himself. Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang makalayo s’ya sa akin. He stood in front of me, looking down and I had to look up to see his face.

“Does Gray still have to explain everything to you even if the answer is already obvious?”

Bumuntong-hininga ako.

“No. Pero ayokong manghula. I don’t want to assume anything when it comes to him.”

Mas lumawak ang ngisi sa mga labi n’ya.

“Like how you assumed that he’s in love with you?”

Kinailangan kong ipunin ang buong lakas ko para pigilan ang sarili kong magpakita ng reaksyon sa sinabi n’ya. Masyado akong nagulat na bigla n’yang sinabi iyon. Panandalian kong nakalimutan ang tungkol doon, tungkol sa iniisip ko bago ako lumabas ng hotel room kanina at hanapin s’ya. But now that he mentioned it, bumalik ang lahat ng sakit.

This is Zeno. Gray’s alter. Kahit na sabihing bina-block sila ni Gray, may alam pa rin s’ya sa mga nangyayari. May alam pa rin s’ya sa nararamdaman ni Gray. They were all connected.

What does he mean by that? Ibig sabihin… nag-a-assume nga lang akong mahal ako ni Gray?

No… This is not Gray. I had the feeling that Zeno was the persecutor alter. And if he is, then he’s the misguided protector. Gagawin n’ya kung ano sa tingin n’yang dapat gawin para maprotektahan ang system. Even hurting the system themselves.

I took a deep breath. Ramdam ko ang sakit sa dibdib ko sa paghingang iyon. But I shouldn’t get affected. Not now.

“Ikaw ba si King Lancer?” I asked again.

He let out a harsh sigh. He crossed his arms over his chest and stared down at me.

“Do you think I’m King Lancer?”

“Nakausap ko sina Eresh noon. Pati ang iba sa mga kaibigan ni Gray.” I noticed how his eyebrow shot up when I noticed Eresh’s name. “Napansin daw nila ang pagbabago kay Gray ever since he woke up from a coma. They described the changes they noticed in him. At nakikita ko ang mga pagbabagong ’yon sa ’yo.”

The way he dressed. The way he spoke. That cruel image they gave me as they talk about King Lancer, it all suited him.

“So… Was it you? Their King Lancer?”

He smirked at me.

“King Lancer is a wimp.”

I frowned.

“Wimp? What do you mean?”

“Exactly what it is. He is a wimp.”

Napatitig na lang ako kay Zeno nang nakakunot ang noo. I tried to analyze what he was trying to say. Naiinis pa naman ’to kapag nagtatanong ako sa kanya. He was answering me now. Ayokong mabwisit s’ya at baka bigla na lang umalis. I needed to make him stay here.

Naalala kong parang ganoon din ang sinabi n’ya sa akin kanina nang tinanong ko kung King Lancer ba ang pangalan n’ya. He said that King Lancer is a wimp. Like he was talking about a different person.

So… They’re different?

“Ibang alter si King Lancer?”  hindi makapaniwala kong tanong.

He scoffed at me.

“Took you too long to realize. Stupid.”

Gray has another alter named King Lancer?

Napatayo ako. I wanted to talk to Zeno on the same eye level.

“But…” I looked at him from head-to-toe. “Your style. Your attitude. Katulad na katulad sa sinasabi nilang King Lancer.”

“Because that was me.”

Naguguluhan akong napatingin sa kanya.

“Hindi ko maintindihan.”

He gave me a mocking look.

“What do I expect? You’re stupid.”

“Ikaw kaya ’tong magulo!” hindi ko na napigilang sabihin. “Ang sabi mo ibang alter si King Lancer pero ngayon sasabihin mong ikaw rin ’yung King Lancer na sinasabi nina Eresh?”

He sighed. Pabagsak s’yang umupo sa sofa at sinundan ko lang s’ya ng tingin. Nagkabaliktad na ang pwesto namin ngayon. Ako naman ang nakatayo sa harap n’ya at s’ya naman ang nakaupo sa couch. The only difference was he looked relaxed. Nakapatong ang mga siko n’ya sa headrest ng couch habang nakasandal.

“King Lancer is a new alter.” He smirked when he saw the surprised look on my face. “I know… We were pretty surprised as well when he suddenly… appeared. He appeared right after Gray woke up from a coma. He didn’t really have a name but since Eresh was keep on calling him King Lancer when she tried to brainwash Gray, who was actually King Lancer at that time, he believed that that was really his name.”

Hindi ako nakapagsalita. Nakanganga nga lang yata ako habang nakatingin kay Zeno dahil sa mga sinabi n’ya. I already knew that with DID, a new alter might suddenly appear anytime. Hindi ko alam na ganoon pala ang kaso kay King Lancer.

“King Lancer got attached to Eresh because of that. But that was all. He is a wimp who would do anything that his Queen would want him to do.”

“But you and King Lancer are different.”

“Yes… Let’s just say… I am the opposite of Gray. While King Lancer is the opposite of Shielder.”

“Pero bakit mo sinabing ikaw din si King Lancer? ’Yung dine-describe ni Eresh?” I asked.

“’Cause that’s me.” He shrugged. “I was able to front lot of time when Gray woke up. The walls Gray built between us got somehow broken because of what happened, I think.”

“So, you pretended to be King Lancer.”

He chuckled.

“Yes. It was fun.”

“And hurt Gray’s friends… Especially his brother.”

The look in his eyes changed. There was still a smirk plastered on his face but… It looked cruel now. There was also a ruthless look in his eyes.

“Oh, him? I fucking hate him.”

“He is Gray’s brother.”

He gave me a mocking laugh. Ang paraan ng pagtawa n’ya ay nakakainsulto pero hindi ako nagpakita ng anumang reaksyon.

“Gray? He hates his brother too!” He exclaimed. “That fucking hypocrite pretending to love his brother and doesn’t wanna hurt him but actually loathes him! He threw all those feelings at me and I had to fucking deal with it!”

“Zeno—”

“Tapos ako ’yung lumalabas na masama?” He looked so mad. “Those anger I’ve felt came from him! It was him who wanted to fucking hurt his brother!”

Napatayo s’ya. Nabila ako sa pagkilos n’ya kaya napaatras ako. Zeno noticed it. Ilang sandali s’yang nakatitig sa mga paa kong napaatras nang walang emosyon sa mukha n’ya. And when he looked at me, I shivered with the gaze he gave me.

“He’s the bad one, Reyziel…” He took a step towards me. Napaatras ako. Napangisi s’ya dahil doon. “He’s manipulating everyone around him into thinking that he’s good. ’Cause he knew that there was someone who would do bad things for him. Which is me.”

Napatigil ako sa pag-atras. Zeno still keep on advancing but I helt my ground. I know that he just wanted to intimidate me.

I saw the amusement in his eyes with what I did. Hindi ako umatras kahit na lumapalapit pa rin s’ya sa akin.

“But you’re doing it ’cause you want to protect him, right?” I said, looking straight in his eyes.

He stopped a few steps away from me. Pero masyado pa rin s’yang malapit.

“Of course. I would do everything to protect the system.” He tilted his head to the side. “Gray wants to protect you, though. That’s why he’s been trying not to let me meet you.”

Nabuhayan ako ng loob doon. Nabawasan ang sakit na nararamdaman ko kanina.

“He wanted to protect me?” I asked.

“’Cause he wanted to look good to everyone.” Napangisi s’ya. “But hey… It was him hurt you, right? Not me.”

I gritted my teeth. Sinubukan kong hindi magpakita ng reaksyon pero mukhang nabigo ako. Mas lalong lumawak ang ngisi sa mga labi ni Zeno.

“He was trying to keep me away from you in fear that I would hurt you. But it was him who actually hurt you.” He chuckled. “Oh, this is fun.”

“Nalilito lang s’ya,” sabi ko sa kontroladong boses.

“Alright… Let’s say that it really is because of that.” Tumango-tango pa s’ya. “But do you want to know something about Gray?”

Hindi na n’ya ako hinintay pang sumagot at humakbang ulit palapit sa akin. Hindi ako makagalaw. Kung sa sakit man o sa iba pa ay hindi ako sigurado.

Siguro… Gusto ko ring malaman kung anong sasabihin ni Zeno.

I didn’t move until he was only a step away from me. There was a cruel smirk on his lips as he leaned it. Tumigil lang s’ya nang tumapat na ang bibig n’ya sa tenga ko. He did that to whisper something.

“Gray doesn’t love you, Reyziel. He is just using you…”

Chapter 54

Happiest birthday sa nag-iisang baby ni Gray, Ate Reyziel Denava! Nasaktuhan na medyo masakit ang ud, ate, but always remember na love kita. Love ka rin ni Gray and his alters.

More birthdays to come. Enjoy your day!


Zeno leaned away from me after he whispered those words. He had a cruel smirk plastered on his lips. Mukha s’yang nasiyahan sa naging resulta ng mga sinabi n’ya. Kung ano man ang nakikita ni Zeno sa mukha ko ngayon ay paniguradong iyon ang inaasahan n’yang magiging reaksyon ko. Or it was probably more than what he was expecting.

He was staring at me, watching my expression while wearing a smirk so cruel that I almost trembled under his cold gray eyes. Sinubukan kong patayin ang anumang emosyon na maaring magpakita sa mukha ko para hindi s’ya mabigyan ng kasiyahan. But it was like trying to pierce my heart with a nail. It hurts every time I tried. Na para bang habang sinusubukan ko ring balewalain ang sakit na nararamdaman ko ay binabalewala ko na rin ang taong dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon.

I couldn’t just ignore what Zeno said. It was so hard not to get affected by it.

Ganoon naman talaga ang mga tao. They will tell themselves that whatever they hear, if they knew that it isn’t the truth, then they shouldn’t get affected by it. They shouldn’t believe whatever others were saying.

But it was almost impossible not to get affected. May pagkakataong maapektuhan ka talaga gaano mo man sabihin sa sarili mong it’s not even worth to think about those lies. After all, it was about you. So it was hard to ignore.

Kagaya ngayon, hindi ko kayang ignorahin ang mga sinabi ni Zeno. I was trying to tell myself that it wasn’t true.

’Cause I felt it… right? Naramdaman ko naman. Naramdaman kong mahal ako ni Gray kahit na isang beses ay hindi ko narinig na lumabas ang mga salitang ’yon mula sa mga labi n’ya.

Ah, shit… I shouldn’t have thought about that.

But… was that enough? Are actions alone enough?

Maybe yes. Maybe not. Depending on the situation.

But right now, I didn’t know what to believe. This is his alter. He knew Gray more than I knew him. He’s been with Gray more than I’ve been with him. He’s connected to Gray more than I am connected with him.

Maybe… He’s lying. Maybe… He just didn’t want me to be with Gray. Maybe… This was his way of protecting the system.

“You wanted me to go away,” I said, trying to control my voice from trembling. “Kahit noon pa, tinataboy mo na ako. You don’t want me to be with Gray. And you’re doing this because you want me gone.”

Zeno scoffed. Like I just told him a good joke.

“Maybe…” he said with a shrug.

“You’re lying. Nagsisinungaling ka lang para iwanan ko si Gray.” Hindi ko alam kung sino ang gusto kong paniwalain sa sinabi kong ’yon.

Zeno bit his lower lip, trying to stop his smirk so he would look serious.

“Reyziel, I might be a horrible person for you but a liar is not what I am. I didn’t even have to lie to hurt you.”

“Inamin mo ring sinusubukan mo kong saktan emotionally para layuan si Gray.”

He chuckled. The way he did it was so insulting.

“I told you. I am not the one who’s hurting you.”

Umiling ako. I refused to believe it. I won’t believe what he’s saying no matter what kung hindi naman si Gray ang nagsabi noon. Zeno just wanted to hurt me so I would leave Gray like what he wanted me to do since before.

But I have no plans of leaving Gray. I promise I won’t leave him. I promised I would help him even if I got hurt along the way.

“I won’t believe you, Zeno,” I said. Humakbang pa ako palayo sa kanya. I looked at him straight in the eye. “Kung hindi si Gray ang magsasabi sa ’kin, hindi ko paniniwalaan ang mga sinasabi mo.”

“But I am part of him,” he said.

“But you’re not Gray.”

He raised an eyebrow at me. The corner of his lips rose for a smirk. He looked amused.

“Maybe… But Gray already proved I’m telling the truth, right?”

Napakunot ang noo ko at lito s’yang tinignan.

Zeno has his way with words. He likes confusing people with his words. People like him like making others feel like they have the upper hand in every situation.

And that was what he’s doing right now. Nakikita n’yang hindi ako naaapektuhan sa mga sinasabi n’ya so he was trying to confuse me instead. Confused me until I would finally believe him.

“What?” I asked.

“He already proved he doesn’t love you,” he said. He lifted his chin like he was looking down at me. “He’s not really vocal, is he? It’s because he can’t say it if he doesn’t mean it.”

“Pinaramdam n’ya sa ’king mahal n’ya ako through actions, Zeno.”

He chuckled. Kahit hindi n’ya sabihin, alam ko kung anong iniisip n’ya sa pagtawa n’yang iyon. He was laughing at my stupidity. Iyon naman ang tingin n’ya sa akin. That I’m stupid.

“Then how about this… You said you’ve already talked to Eresh and Gray’s friends. I’m sure you’ve already heard about Violet, then?”

Nawala ang tapang na kanina ko pa pilit na pinaghahawakan. That tiny string of hope and strength I wouldn’t want to let go ’cause that was the only thing that was keeping me together. My grip on the string loosened just by hearing that name.

Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung paano. Pero sa tuwing naririnig ko ang pangalang ’yon, natatakot ako. Nawawala ang lahat ng mga pinaniniwalaan ko. Ang lahat ng mga pinanghahawakan ko.

Violet… Lilac.

Was it just really a coincidence?

Zeno smirked. He looked satisfied with whatever he saw on my face.

“Oh… Seems like you already figured it out.”

I looked at him. Hindi ko na naitago ang takot na nararamdaman ko habang nakatingin sa mga labi n’yang nakangisi. It was cruel, so ruthless. Like he was planning to tell me everything he knew and it was going to hurt me.

But he won’t show me any mercy. He will tell me everything even if I tell him I don’t even want to hear it.

I have a little information about who Violet was with what the others have told me. James said that Gray was in love with her. Gadriel didn’t confirm but he said that Gray clung to her. I tried to ask Gray directly but… We almost got into a fight. And in the end, he switched out to Zeno.

She’s… She’s a trigger. Violet. She affected him so much.

Kaya ba lumabas bigla si Zeno?

“Violet and Lilac… You can already see the connection, right?” Zeno said without any mercy. “Different names but almost the same color.”

“Gray named Lilac after Violet,” I said even if it felt like my heart was breaking into millions of pieces.

Zeno snapped his fingers.

“Bingo. But that doesn’t where the connection ends.”

“What?” Natigilan ako at napatitig kay Zeno.

Meron pa? I thought that was only it. He missed Violet so he named the pet after her, the only one who was with him after he left everything.

May iba pa silang koneksyon? Hindi lang dahil sa pangalan? Hindi pa iyon ang lahat?

No… Natatakot ako. I don’t want to hear it. Ayoko na.

“Gray found Lilac the same way he found Violet before. The first night they saw each other.” Zeno tilted his head to the side. “Alone in the dark one stormy night. Shivering against the cold while taking shelter against the rain on the side of the road.”

I remember… I remember Mang Gener’s story on how Gray found Lilac. Ganoong-ganoon sa sinabi ni Zeno.

Suddenly, I felt an excruciating pain in my chest that I couldn’t properly breathe. The pain was so intense that I staggered on my feet. Parang bigla akong nawalan ng lakas.

Shit… No. I shouldn’t get affected. It was all in the past. Nakaraan na ’yon. Patay na si Violet. Hindi na dapat ako masaktan ng ganito.

Pero hindi ko alam… Bigla ay gusto ko na lang umiyak. My eyes watered. Nanginig ang ibabang labi ko at sinubukan kong pigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

Shit naman. ’Wag ngayon. I’ve endured everything. Bakit dito pa ako bibigay?

“As soon as Gray saw Lilac, he was reminded of Violet. So, he took the cat in.” Zeno chuckled. “But hey, hindi lang si Lilac ang nakakapagpaalala sa kanya kay Violet. You also reminded him of Violet.”

“Stop, Zeno.”

“Your name… Your nickname sounded so alike to her real name.”

Zeno took a step toward me. He knew I was getting affected right now and he wanted to do so much damage to me para mangyari ang gusto n’ya.

Umiling ako. I put a hand, gesturing him to stop dahil hindi ko yata makakayanan kung lumapit pa s’ya. I already felt suffocated. Nahihirapan na akong huminga sa sakit na nararamdaman ko.

Pero hindi pa rin nagpapigil si Zeno at patuloy pa rin sa paglapit sa akin. He seemed like he was having fun with my reactions.

“Reyziel. Rey…” He smirked. “Lyrae…”

“Okay, stop!”

I looked at him in the eye, almost glaring at him pero alam kong hindi iyon ang nakikita n’ya sa mga mata ko. I was so sure he could see the pain in my eyes. Hindi ko na kaya pang pagtakpan ang sakit na nararamdaman ko.

“Panalo ka na, Zeno. Nangyari na ang gusto mo. I am so hurt right now.” I sobbed but still looked at him with determination in my eyes. “Pero wala pa rin akong planong iwan si Gray.”

He looked at me, confused, but I could tell that he was mocking me with his expressions.

“Even if he doesn’t love you? Even if he’s just using you?”

“Maniniwala lang akong hindi n’ya nga ako mahal at ginagamit n’ya lang ako kapag s’ya na mismo ang nagsabi sa ’kin,” I said.

Napatigil sa paglapit sa ’kin si Zeno. He let out an exasperated sigh. Mukha s’yang naiinis na.

“He won’t tell you, Reyziel,” he said with a sigh. “I told you, he wanted to look like a goody-two-shoes to everyone. But he’s just manipulating everyone around him.”

“Gray is kind. Hindi s’ya manggagamit ng ibang tao on his personal gain.”

“Anong tawag mo sa ’min? All those negative feelings he has, he made us deal with all of it!” Halos sigawan na n’ya ako. “He made Shielder front when he had missions before! Para ano? Para kapag pumalpak, alam n’ya sa sarili n’yang hindi n’ya talaga kasalanan! He made King Lancer deal with Eresh’s brainwashing. He even made Eresh look like the fucking villain by making everyone believed that she brainwashed him!”

“Hindi n’ya naman pwedeng sabihin sa lahat ang tungkol sa kondisyon n’yo.”

“Yes, ’cause he’s fucking treating us like the crazy side of him! Na nababaliw lang s’ya at wala s’ya sa katinuan! Fuck, we’re not crazy! How could he make us feel like we’re not fucking normal any more than this? Tapos s’ya normal?” He was livid. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata n’ya. Pati na rin ang sakit na pilit n’yang tinatago. “Tell that to the little one he’s still keeping in the dark, making him deal with all that happened that night even until now!”

Natigilan ako. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong intindihin sa mga sinabi n’ya. He told me two big things. Mga bagay na hindi ko inaasahang s’ya mismo ang magsasabi.

“You’re a trauma holder, too?” mahina kong sabi at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya.

Mahina s’yang natawa.

“Yes, stupid.”

“And… And there’s a child alter too?”

Zeno looked me straight in the eye.

“Yes… That part of him who was still inside that dark storage room, waiting for his brother to save him.”

“Oh, my God…”

There were… six alters? And Gray kept all of these? About his condition? He dealt with all of these alone?

“See how cruel he is now? With every passing day that child is still waiting, Gray’s anger for his brother is growing stronger. And I’m the one who’s dealing with that anger.” He scoffed. “Then he’s calling us crazy? Fuck him.”

Zeno… He’s angry at Gray but… I could tell that he still cares for him. So much.

“Zeno… Gadriel told me something. I don’t think that’s how Gray sees all of you. Ganoon lang ang pinaniwalaan n’ya dahil ganoon ang sinabi sa kanya ni Violet.”

He chuckled.

“I know. Good thing she fucking died.”

“Zeno, that’s not nice,” saway ko. “It is never a good thing to wish death to anyone. No matter how angry you are.”

Tinitigan n’ya ako. His gray eyes seemed colder.

“Aren’t you angry at her as well? Gray used you because you reminded him of Violet. That fucking bitch who tried to manipulate all of us.”

I took a deep breath. I was trying to ignore it. Ayoko kasing paniwalaan. Kung sakali hindi iyon totoo, nasaktan lang ako para sa wala.

Pero masakit pa ring marinig iyon.

“I don’t know and I have no idea what she told you…” sabi ko sa mahinahong boses, pilit na tinatago ang sakit sa dibdib ko. “But not all people are like her. Hindi mo kailangang itaboy ang lahat ng mga taong napapalapit kay Gray. Hindi n’yo kailangang lumayo, Zeno.”

“Still won’t deny the fact that Gray doesn’t really love you.”

I pursed my lips. Tumango ako kahit na parang pinapatay na ako sa sakit.

“Okay… Alam kong ginagawa mo lang ’to dahil ayaw mo nang maulit ang nangyari dahil kay Violet. You are just trying to protect everyone in the system. Pero, Zeno… sana maintindihan mo ring may mga taong handa kayong tanggapin. Na hindi lahat ng tao ay sasaktan lang kayo.”

Napatitig sa akin si Zeno. Sa paraan ng tingin n’ya ay mukhang hindi n’ya alam kung anong gagawin sa akin. Then, I saw the corner of his lips rise. He let out a sigh before he chuckled like he already lost all his patience.

“Wow… You are so fucking stupid, aren’t you?” naiinis pero nakangising sabi n’ya. Then he looked me in the eye. “I’m not lying. He doesn’t love you.”

I gritted my teeth. I should try to calm down no matter how hurt I was.

“I told you, hindi ako maniniwala hangga’t hindi si Gray ang nagsasabi sa ’kin?”

“You’re a fucking masochist.” He chuckled. “All I’ve said about Violet and it still wasn’t enough for you? Gray only kept you by his side because you reminded him of Violet. It was all about Violet, stupid woman.”

I pursed my lips. Pakiramdam ko kasi ay manginginig ang mga labi ko. Sinusubukan ko na ngang kalimutan ang mga sinabi n’ya tungkol kay Violet. Kahit na ako mismo ay nakikita ko nga ang pinupunto n’ya.

Gray… that’s not true, is it?

I saw Zeno winced. He looked like he was in pain as his hand held the side of his head. Mag-aalala na sana ako pero nakita ko ang ngisi sa mga labi n’ya at ang pagtawa n’ya.

“Wow! This is fucking new! Gray wants to co-con with me!”

He laughed. Nakita ko ulit ang pagngiwi n’ya na parang nasasaktan at napapikit pa. He staggered but he was still laughing. Napaatras s’ya hanggang sa mapasandal s’ya sa pader.

“No. Fucking tell her yourself,” he said, grinning.

Dumilat s’ya. Nagsalubong ang mga mata namin. There was an evil look in his eyes.

“I was enjoying talking with you, seeing how you are hurting because of Gray.” He chuckled. “But I think it will be more fun if I let him talk to you now.”

He winced again. Nilapitan ko s’ya at inalalayan. I know he’s switching. He shut his eyes so tight and when he opened them again, I saw the fear in his eyes.

“Gray…” kusang lumabas na lang iyon sa mga labi ko.

“I’m late… He told you. Zeno told you.”

Umiling ako. Sa tingin pa lang n’ya sa akin ay nandoon na naman ang kagustuhan kong maiyak. The pain in my chest doubled.

His eyes were telling me so many things. The fear I saw in his eyes was already enough. Na para bang nakagawa s’ya ng kasalanan sa akin at nalaman ko iyon.

“It’s okay, Gray… Hindi naman ako naniniwala.” Nanginig ang boses ko.

I pursed my lips. My eyes watered as I looked at him. I tried so hard not to believe whatever Zeno was saying earlier. But one look in Gray’s eyes almost took all my strength away.

“Totoo ’yon? ’Yung mga sinabi ni Zeno?”

“Rey…” He looked so guilty.

“He told me you didn’t love me. That you just kept me by your side because I reminded you of Violet,” I said, in case he understood it wrong.

He wasn’t co-conscious with Zeno earlier. Hindi n’ya alam ang lahat ng mga sinabi ni Zeno sa ’kin. Baka mali lang s’ya ng iniisip.

But when I saw the pain in his eyes, hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko.

“Hindi mo talaga ako minahal?” halos bulong ko na lang na tanong sa kanya.

“I tried. I tried, Rey. I tried.”

Napahagulgol ako. Naitakip ako ang mga kamay ko sa bibig ko para pigilan ang tunog. It muffled the sounds but it didn’t stop the pain in my chest. Mas lalo lang iyong lumala.

“I tried but… I just… couldn’t do it.”

“Tama na, Gray…” humihikbing sabi ko. Ayoko nang makarinig ng anumang sasabihin pa n’ya.

He looked at me. The sadness in his eyes almost killed me.

“I’m sorry… I’m so sorry, Rey.”

Chapter 55

Nanatili lang ang tingin ko kay Gray. He said those words. ’Yung mga salitang mahirap sabihin para sa isang taong gustong humingi ng tawad, pero mas masakit pala para sa taong makakarinig at makakatanggap noon.

Right after he said those words, he looked away. Hindi na n’ya ako muling tinignan kahit na alam kong alam n’ya namang nakatitig pa rin ako sa kanya. Para bang takot na s’yang tingnan ulit ako.

Exactly how a guilty person would act.

While I remained staring at him. Hindi ko na inalis ang tingin ko sa kanya kahit nanlalabo ang paningin ko dahil sa luhang patuloy pa ring bumubuhos mula sa mga mata ko. Basang-basa na ang mukha ko but I didn’t bother to wipe my tears away. Ayoko kasing mawala ang tingin ko sa kanya kahit saglit lang. I was hoping that I would see some sign that would give me a hint that he was just lying. That all of this was just some kind of a joke.

Pero hindi na talaga ulit ako muling tinignan ni Gray. I don’t think he would look at me again.

Napahawak ako sa dibdib ko nang makaramdam ng paninikip at sakit doon. I clutched my chest as the pain increased. I couldn’t properly breathe anymore. Everytime I inhaled, mas tumitindi ang paninikip ng dibdib ko. And it would increase more as I exhaled that I was already wheezing.

Mas lalo lang nadagdagan ang sakit habang nakatingin ako kay Gray. Before, looking at him gave me so much joy. He was my happines.. It calmed me everytime I looked at him. Especially his smile. ’Yung magaganda n’yang mga ngiti na umaabot sa mga mata n’ya.

But now, just looking at him caused me so much pain.

How did everything change so fast?

“Lahat ng—” dinig ko ang pagkabasag ng boses ko at mas lalo lang akong naiyak. “Lahat ng mga ginawa mo sa ’kin… Ano ’yon? Wala lang ba lahat ng ’yon, Gray?”

I was holding onto that. To the things he did to me. ’Cause I’ve felt it. I’ve felt it with his every touch, with every kiss that he gave me. I’ve felt what he feels for me with everything he did.

And his eyes. Also with his gray eyes. He had mysterious eyes that by just seeing them, I knew he was hiding so many secrets. Yet whenever he looked at me, they always seemed so expressive they looked really beautiful. His eyes already told me so many things.

Kaya nga hindi ko agad pinaniwalaan ang mga sinabi ni Zeno. I believed that eyes never lie. Sa propesyon na meron ako, napatunayan kong totoo ’yon. So, it was really important for me to look my patients in their eyes. ’Cause their eyes never failed me.

Not until now.

Mali ba talaga ang lahat ng mga nakita ko sa mga mata n’ya? Mali talaga ang mga naramdaman ko sa bawat haplos, halik at mga titig n’ya?

“You told me I was your home… Nagsinungaling ka lang din ba nang sabihin mo sa ’kin ’yon?”

I waited for his answer but Gray still didn’t say anything. He was still not looking at me. He was just looking to the side with his head down so I was also seeing his side profile. I couldn’t clearly tell the expression he was making right now.

Naghihintay pa rin akong may sabihin s’ya kahit isang salita lang. At habang tumatagal na hindi n’ya ako tinitignan, mas lalo lang tumitindi ang sakit sa dibdib ko.

I sobbed. Naitakip ko ang isang kamay sa bibig ko para pigilan ang pagkawala ng mga hikbi ko. I didn’t want to hear my own sobs as I was already feeling sorry for myself.

Ayoko kasing kaawaan ang sarili ko. Gusto ko sanang maging malakas na harapin ’tong nangyayari sa ’min but… I couldn’t do it. The pain I was feeling was too much and I couldn’t stop my tears. I couldn’t stop sobbing. Hindi ko na rin napigilan ang pagkaawa sa sarili ko.

“Totoo talaga ’yung mga sinabi ni Zeno?” my voice trembled as I spoke.

Nang hindi pa rin sumagot si Gray ay hindi ko na kinaya. I broke down right there. Malakas akong napahagulgol. Sa bawat paghikbi ay may sumisikip lang ang dibdib ko kaya mas nahihirapan akong makahinga.

I was sobbing so hard I had to clutch my chest tightly, hoping that it would help me breathe. Maiingay ang naging pagkuha ko ng hangin para sa baga ko. Napahawak ako sa pader para kumuha ng suporta dahil nanghihina ang mga tuhod ko.

Gray wasn’t confirming anything but his silence told me otherwise. Kung hindi naman totoo ’yon, itatanggi n’ya naman, ’di ba? He wouldn’t let me think that he didn’t really love me. That he was just using me. Na ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa.

I looked at Gray with tears falling from my eyes. I noticed his jaw moved as he clenched his teeth. Pero hindi pa rin n’ya makuhang tumingin sa akin.

“Ang sabi ko naman sa ’yo… ikaw ang first boyfriend ko,” hirap na hirap kong sabi sa gitna ng paghikbi. I was stuttering as I tried to breathe with every word. “Hindi ako sanay ng ganito, Gray. Wala akong alam sa ganito. Pero bakit ganitong sakit naman agad ang pinaranas mo sa ’kin?”

I remembered all the things we did together. It played in my mind like a flashback. Our happy times. Our sweet moments. Those little things he did that made my heart flutter. Pati na rin ang mga masasakit na pinagdaanan naming dalawa at kaming dalawa lang ang magkaramay.

But now… We were both hurt for different reasons. I was hurting because he didn’t love me after all of that. While he was hurting because he made me fall in love with him but couldn’t love me back.

He was in front of me pero pakiramdam ko ay sobrang magkalayo naming dalawa. Or was I ever near him in the first place?

“Gray… Magsalita ka naman,” halos magmakaawa ko nang sabi dahil hindi ko na kinakaya ang pagiging tahimik n’ya.

But Gray was really cruel dahil kahit halos maagmakaawa na ako ay hindi talaga s’ya tumingin sa akin. I never knew that he could be this cruel.

“Ginamit mo lang ba talaga ako dahil naaalala mo sa ’kin si Violet?” tanong ko pa kahit na alam kong ang magiging sagot n’ya ay baka ikasira ko nang tuluyan.

It seemed like her name was the magic word. It worked. Unti-unting lumingin sa akin si Gray. His eyes slowly searched for mine. When they did, I saw the pain in his eyes. Pain that just added to the pain I was already feeling.

Kung kanina ay hinihiling ko pang tumingin s’ya sa akin, ngayon ay hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Kailangan ko pa ba talagang sabihin ang pangalan ni Violet bago s’ya tumingin sa ’kin? Hindi pa ba sapat na umiiyak ako at nagmamakaawang tignan n’ya

Ganu’n n’ya talaga kamahal si Violet? Hanggang ngayon?

I waited for him to say something but he just remained staring at me. Titig na titig s’ya sa akin na para bang bumabawi sa mga minutong hindi n’ya ako tiningnan kanina.

And for a moment, I saw it. I saw the look that he used to give me that made me think we really did feel the same way. Pero agad din ’yong nawala na inakala ko pang mali ako ng nakita. He looked away from me again na para bang ayaw n’ya talaga akong tignan.

I sobbed.

“You’re just so unfair, Gray… Ang daya-daya mo.”

My knees gave up. Bigla akong nawalan ng lakas sa pag-upo. Mabuti na lang at maagap si Gray at inalalayan ako. He held me by my arms. But I was too weak to stand for even a second. Unti-unti akong napaupo sa sahig at nakaalalay pa rin si Gray sa akin.

Mas naiyak pa ako sa inis sa sarili dahil nang maramdaman ko ang init ng mga palad n’ya sa mga braso ko ay bumilis pa rin ang tibok ng puso ko. Kasabay ng kakaibang sakit na sumalakay sa akin.

“Rey—”

“No!” I sobbed. “’Wag mo na ulit akong tatawagin ng ganyan.”

I pumped my fist on his shoulders. Paulit-ulit kong sinuntok ang balikat n’ya habang humihikbi. But I knew it wouldn’t even hurt him. Wala na akong lakas pero patuloy pa rin ako sa mahihinang pagsuntok sa kanya. He wasn’t even stopping me. His hands that were holding me fell to the side.

“And daya-daya mo. Sobrang unfair mo, Gray…”

Bakit naman gano’n? Why did he make me believe that he actually loves me kung hindi naman pala? Umasa ako. I was happy. But I didn’t know that I was just happy on my own.

I suddenly lost all my strength. Ipinatong ko ang noo ko sa balikat n’yang kanina lang ay sinusuntok ko pa. I cried hard on his shoulders.

What hurt me more was that before, Gray used to hold me whenever I cried, to comfort me. But he wasn’t holding me now. Para bang takot na takot s’yang hawakan ako.

I cried on his shoulders for a while, trying to calm myself. My emotions were a mess. I was a mess. I need to clear my mind so I can think clearly. Pero ang hirap dahil hindi man lang nabawasan ang sakit sa dibdib ko. Palala lang iyon nang palala.

Hinayaan lang ako ni Gray umiyak sa balikat n’ya. Nang bahagya na akong kumalma ay lumayo na ako sa kanya. I looked at him. Tears were still falling from my eyes pero kontrolado ko na ang emosyon ko.

He looked… miserable.

“I love you, Gray…” I said. “I loved how you could make me laugh easily. I loved how you could make me happy. Kapag nakikita kita, lalo na ’yung mga ngiti mo, it was enough for me to face the day. Nakakalimutan kong mag-isa nga lang pala ako… sa Negros. Na hindi ko nga pala kasama ang pamilya ko. Kasi, Gray…” I sobbed. “Ikaw ’yung nagpapalakas sa ’kin.”

I wiped my tears but it was useless. Hinayaan ko na lang din sa pagtulo ang mga luha ko. I needed to tell this to him.

“You were supposed to be my source of strength. Ikaw kasi ’yung nagbibigay ng lakas sa ’kin kapag napapagod ako. Pero ngayon… pakiramdam ko… ikaw na ang umuubos ng lakas ko.”

Muli akong napahikbi. I noticed his Adam’s apple moved when he gulped hard. I knew that he was listening to me even if he wasn’t looking at me. He always listens to everything I say.

He was hurting. But I still need to say this to him.

“Napapagod na ako. Sa ’yo…” I said and I noticed Gray flinched. Like what I said hurt him greatly. “At natatakot ako na baka dumating ’yung araw na maubos na ang lahat ng lakas ko sa ’yo. At mapagod na rin ako sa sarili ko.”

I cupped both of his cheeks and made him look at me. His gray eyes had a reluctant look when he stared at me. Pero mabilis din n’yang isinara ang mga mata n’ya. But before he did, I saw the pain in his eyes. Like looking at me pained him too.

I was feeling the same. Sobra ang sakit na nararamdaman ko ngayong tinitignan ko lang s’ya. Pero nanatili pa rin ang tingin ko sa kanya kahit nakapikit na s’ya.

I love this man so much. Mahal na mahal ko talaga si Gray. I was happy with him. Pero mukhang ako lang naman ang nakakaramdam ng ganoon.

“I wanted to help you, Gray. I really did. But I don’t want to lose myself while helping you. Hindi ako pwedeng mapagod. Hindi ako pwedeng maubos. Kailangan pa ako ng pamilya ko.”

He gulped. His eyebrows creased and I noticed the corner of his eyes watered, damping his eyelashes. He was holding back his tears. My lips trembled when I saw his unshed tears.

I took a deep and shaky breath. I stared at him as if this would be the last time I would see him.

“Let’s stop this, Gray. Itigil na natin ’to. Pareho lang tayong nasasaktan.”

I almost couldn’t say those words. It was so hard for me to say it. Ayoko kasing sabihin ang mga salitang ’yon. Gusto ko pang makasama s’ya. I love him so much I still want to stay with him.

But, this… This wasn’t just for us.

“Let’s break up, Gray…”

Slowly, he opened his eyes. Agad na nagsalubong ang mga paningin namin. And the moment I saw his eyes, I almost took the words back. The grief and the agony I saw in his eyes were too much for me.

Gray’s sorrow was too much for me.

But… it wasn’t me who he needed. No matter how much I wanted to help him, if I was not the one he needed, then all I would do would be pointless.

I was only holding him back. If he really was just using me because I reminded him of Violet, then my presence was not helping him to move on.

Maybe… This is the best for us.

When Gray nodded his head so lightly, I almost wouldn’t notice it if only I wasn’t holding him, a tear escaped from his eye. It fell to my right hand. The feeling of his warm tear against my palm made my heart ache so much. Like a thousand knives stabbing it into pieces.

He wasn’t saying anything but the look in his eyes was more than enough and it confused me. I could see in his eyes those words I wanted to hear from him. His eyes told me that he didn’t want us to break up. That I was wrong.

But he nodded again. And the look vanished from his eyes.

“Okay…” he said softly.

I wanted to hear more than that but that was all he gave me. My hands fell to the side. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

“Iuwi mo na ko, Gray…” mahina kong sabi dahil wala na akong lakas.

“Okay…” he said in a whisper this time. “The plane will be ready in an hour.”

Sa kabila ng lahat ay halos matawa ako roon. Para bang nasa kabilang kanto lang kami kung sabihin n’ya ’yon at makakauwi kami kaagad.

But… this is good. I wanted to go home already.

Marahan akong tumango sa kanya. I took a deep breath and stood up. Naglakad ako papuntang kwarto para makapag-impake na.

I felt so tired but I kept on moving. Hindi ako pwedeng mapagod. Hindi ako pwedeng mawalan ng lakas.

So, before that happened, I had to get away.

I texted Larissa to ask if she could pick me up at the airport. Alam kong alanganing oras na roon at hindi ko na inaasahan na magre-reply s’ya pero nagulat ako nang makatanggap ng sagot mula sa kanya. Alam kong marami s’yang gustong itanong pero ang tinanong n’ya lang ay kung anong oras n’ya ako susunduin.

Wala pang isang oras nang matapos akong makapag-impake. I was carrying my travelling bag when I went outside the room. I saw Gray sitting on the couch with his head hung so low. Nakapatong ang mga siko n’ya sa mga tuhod n’yang bahagyang nakabuka.

Napalingon s’ya sa akin nang marinig ang pagbukas ko ng pinto. But his eyes just remained on the travelling bag I was holding.

“Nasa baba na ’yung maghahatid sa ’yo papuntang airport,” he said. “You can trust him.”

What?

“Hindi ka sasama?” I asked.

He shook his head lightly.

“I’ll stay here…”

Ilang sandali ko s’yang tinitigan kahit hindi pa rin s’ya nakatingin sa akin. Hindi ko alam na magpapaiwan pala s’ya rito sa Japan.

Well, that’s… understandable.

“Someone will pick you up when you land in Manila. Ihahatid ka n’ya papuntang Negros.”

Mabilis akong umiling.

“No need, Gray… Sa Manila muna ako tutuloy.”

Pansin ko ang bahagyang pagkakatigil n’ya bago tumango. Hindi s’ya nagsalita pagkatapos. I figured it was time for me to go now.

I pursed my lips when I felt that familiar pain in my chest. I didn’t want to leave him. I didn’t want to leave him here alone like this. Parang may nagsasabi rin sa ’king ’wag ko s’yang iwan ngayon.

But… I needed this. We needed this.

“Aalis na ko, Gray,” sabi kong bahagya pang nanginig ang boses dahil namumuo na naman ang luha sa mga mata ko.

Tumango s’ya ng isang beses.

“Okay…” sobrang hina ng boses n’ya at hindi ko pa sana maririnig kung hindi lang tahimik sa buong kwarto.

Napahigpit ang hawak ko sa strap ng travelling bag ko. Mabibigat ang bawat hakbang ko nang maglakad papuntang pinto. Before I opened the door, I looked at Gray, one last time. Nakayuko lang s’ya at hindi pa rin makatingin sa akin.

His shoulders were slumped. His profile looked so lonely I almost cried again.

I bit my lower lip. I cleared my throat pero nanginig pa rin ang boses ko nang magsalita.

“Goodbye, Gray.”

I held back my tears as I left the room. I held back my tears when I got to the airport. I figured Gray pulled some connections again so I could pass easily at the security. Nang makasakay na ako sa private plane ni Gray at lumipad na ang eroplano, saka lang bumuhos ang mga luha ko.

Pakiramdam ko, naiwan ang puso ko doon sa hotel room kung saan ko iniwan si Gray. Nang magpunta kami sa Japan, ang akala ko ay magiging masaya ako. Hindi ko akalain na sa ganito matatapos ang bakasyon namin. Na uuwi akong mag-isa at umiiyak.

Mas lalong lumakas ang iyak ko nang maalala ang pangako ko kay Gray. I told him I wouldn’t leave him. I promised him I wouldn’t leave him. But I was here now, alone on the plane.

I left him. We broke up.

Pero anong magagawa ko? He still loved Violet. Hindi naman pwedeng manatili ako sa tabi n’ya dahil naaalala n’ya sa ’kin si Violet. It wouldn’t be good for him. It wouldn’t be good for either of us. Pareho kaming magkakasiraan kung ipagpapatuloy lang namin ang relasyon namin.

But I love him so much. Ayoko talagang iwan s’ya pero wala na talaga akong magagawa.

Papasikat na ang araw nang makalapag ang eroplano. Paglabas ko ng terminal ay nakita ko na agad si Larissa na nakatalikod sa gawi ko. Kausap n’ya si Ace. Si Ace ang unang nakakita sa akin dahil nakaharap s’ya sa gawi ng gate. He pointed me to Larissa and my sister turned around.

When Larissa saw me, she smiled. I tried to return her smile but the sight of my sister felt melancholic. Still, I tried to smile at her as I walked toward them.

But I think my expression gave away. Larissa’s smile faded and her expression turned worried. Naglakad na rin s’ya palapit sa akin na sobra ang pag-alala ang meron sa mukha n’ya.

Ace took the bag from me. I thanked him as Larissa approached me.

“Ate…” the sound of her voice was like she didn’t know how to approach me.

I smiled at her pero habang nakatitig ako sa mukha ng kapatid ko at nakikita ang pag-aalala sa mga mata n’ya, nanlabo agad ang paningin ko. My eyes watered as my lips trembled. Hindi ko na kinaya at niyakap ko ang kapatid ko.

And for the first time, I let her see my weak side. I cried hard on my sister’s shoulders.

Chapter 56

Nakatulala lang ako sa labas ng bintana ng kotseng minamaneho ni Ace. Pero wala naman sa mga nakikita ko sa labas ang isip ko. Patuloy pa rin sa pagbuhos ang luha sa mga mata ko na hindi na natigil simula nang umiyak ako sa mga balikat ni Larissa hanggang sa pagsakay namin sa kotse.

Tinabihan ako ni Larissa sa backseat. Hindi s’ya nagsasalita pero ramdam ko ang nag-aalalang tingin n’ya sa akin. Ramdam ko rin ang palitan nila ng sulyap ni Ace mula sa rearview mirror pero nanatili pa rin ang tingin ko sa labas. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako para pigilan pa ang luha ko sa pagtulo.

My heart was still breaking. Ramdam na ramdam ko pa rin ang pagkabasag noon at hinahayaan ko lang ang sarili kong maramdaman iyon. It was how I punish myself. Sa paraang iyon, makabawi man lang ako sa hindi ko pagtupad ng pangako ko kay Gray na palagi akong mananatili sa tabi n’ya at hindi ko s’ya iiwan.

I left him. He was now alone again.

Pero hindi ko rin naman kayang manatili sa tabi n’ya sa isiping hindi naman n’ya talaga ako minahal. Na ibang tao talaga ang mahal n’ya. Pakiramdam ko, pinagpipilitan ko lang ang sarili ko sa kanya.

Sana kasi, hindi n’ya na lang pinaramdam na parang mahal n’ya ako.

’Yung mga ginawa n’ya sa akin, ’yung paraan ng tingin n’ya sa akin noon, ano ’yon? Hindi pala totoo ang lahat ng ’yon? Ang galing n’ya naman dahil napaniwala n’ya akong mahal n’ya talaga ako dahil sa mga ’yon.

But… I’m not mad at him. Hindi ko magawang magalit sa kanya kahit ganitong sakit ang binigay n’ya sa akin. Sa tuwing naiisip ko ang itsura n’ya kaninang iniwan ko na s’ya, mas nasasaktan pa ako nang dahil doon.

A part of me still understands him. A part of me still wanted to understand him.

I let out a deep sigh. Siguro, dahil na rin iyon sa pagiging psychologist ko. Isa pa, mahal ko pa rin naman si Gray. Kung ang mga nagiging pasyente ko ay gusto kong maintindihan, mas lalo na si Gray.

Narinig ko ang pagtikhim ni Ace mula sa driver’s seat pero nanatili pa rin akong nakatingin sa labas.

“Saan kita ihahatid, Rey?” he asked.

Doon lang ako napatingin sa kanya. Oo nga pala. Wala akong tutuluyan dito sa Manila. I don’t think I could stay at the Callisto mansion again. Noong nakaraang pumunta naman ako rito, Lucius provided my accomodation kaya hindi ko naging problema ang tutuluyan ko.

Nawala ’to sa isip ko. Ang gusto ko lang kasi kanina, makabalik sa Manila kung saan mabilis kong mapupuntahan sina Mama at Larissa.

I wiped my tears off my face before answering him.

“Mag—” I cleared my throat when my voice came out hoarse. “Magbu-book na lang ako sa murang hotel.”

Nakita kong napakunot ang noo si Ace.

“How about at the hotel where you stayed last time? D’Angelo Hotel?”

“’Wag!” Napalakas ang boses ko kaya nakita ko ang pagkagulat nila ni Larissa. Muli akong tumikhim. “’Wag do’n. Du’n lang sa mura.”

Napansin ko na muli silang nagkatinginan ni Larissa through rearview mirror. Napabuntong-hininga na lang ako at muling tumingin sa labas ng bintana.

Wala akong naging plano nang gustuhin kong bumalik dito sa Manila. Which is unusual for me dahil bago ako gumawa ng hakbang, nagpaplano na muna ako. Sa ngayon, ang gusto ko lang talaga ay makasama ang pamilya ko. ’Yung madali ko silang makikita.

I wanted to be with them when I’m like this. Pakiramdam ko, hindi ko kakayanin ang sakit kung malayo pa ako sa kanila. I need them, kasi kahit na sila ang dahilan kung bakit ako napapagod, sila rin naman ang may kakayahang palakasin ako. Sa kanila rin ako kumukuha ng lakas.

Gray… He was like that to me before. Kakayanin ko naman ’yung pagod, eh. ’Yung epekto sa akin— sa relasyon namin dahil sa disorder n’ya. Kasi napapalakas n’ya ako. Knowing that he was there to love was enough comfort for me.

Pero ngayon, mas matindi na ’yung sakit na nararamdaman ko kaysa sa pagmamahal ko sa kanya. Sakit na alam kong unti-unting uubos sa akin. At hindi pwedeng mangyari ’yon. Hindi ako pwedeng maubos ngayon. Hindi pa pwede dahil kailangan pa ako ng pamilya ko. Lalong-lalo na ni Mama.

That’s why, no matter how much I love him, I had no choice but to leave him. And knowing that he was alone again was breaking my heart even more.

Nagulat na lang ako nang ipinarada ni Ace sa tapat ng isang five-star hotel ang sasakyan. Alam kong five-star iyon dahil sa labas pa lang ay halata na. Lalo pa nang makababa kami at may lumapit na valet kay Ace para iyon na mismo ang mag-park ng sasakyan n’ya.

“Ace, sabi ko sa mura lang,” sabi ko bago pa kami makapasok sa loob. “Wala akong pambayad dito.”

Napatigil s’ya at tumingin sa akin. Sa tabi ko ay si Larissa na tahimik lang at parang pinakikiramdaman lang ako.

“I’ll pay for it,” he said.

“No, Ace,” mariin kong tanggi. “Hindi ko naman hahayaang gumastos ka para sa ’kin.”

Ace took a deep breath and sighed. He shifted his weight on his other foot. Nakita ko ang pagsulyap n’ya kay Larissa bago seryosong tumingin sa akin.

“Rey, you think I’ll let two women stay alone in a hotel room without tight security?” He looked at Larissa. “I know you’ll stay with your sister, right?”

Napatingin ako kay Larissa. I saw her purse her lips. Binigyan n’ya ng maliit na ngiti si Ace bago tumango.

“Kailangan ako ni ate,” she said.

“Okay lang ako, Larissa,” I said pero alam kong hindi s’ya naniwala dahil sinimangutan n’ya ako.

“Ate, anong tingin mo sa ’kin? Tanga?” Nanlaki ang mga mata ko at narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Ace. “Kailangan mo ako at ramdam ko ’yon dahil kapatid kita. Kahit ngayon lang, dumepende ka rin naman sa ’kin.”

Pakiramdam ko ay maiiyak na naman ako dahil sa sinabi ni Larissa. Nanlabo na nga ang paningin ko pero pinigilan ko ang maiyak.

When did Larissa grow up so fast? Parang hindi ko na yata napansin na ganito na s’yang kalaki. Masyado akong naging busy para sa pamilya namin na nakalimutan kong hindi na nga pala bata ang kapatid ko. Na kaya n’ya na ring tumayo sa sarili n’yang mga paa. Na may makakatulong na rin ako.

I let out a harsh exhale before I nodded and smiled at Larissa.

“Okay…”

“So…” Rinig namin ang pagtikhim ni Ace kaya napatingin kami sa kanya. “Let me book you two a room here. At least, I’ll know that you’ll both be fine here dahil mahigpit ang security nila rito.”

Pareho kaming tumango ni Larissa pero napansin ko ang pagkabahala sa mukha ni Ace habang nakatingin sa ’kin.

“I’m not being controlling or anything and forcing you to do what I want. It’s just… I’ll feel at ease if you’re going to stay here where the security is—”

“Ace,” pigil ko na sa iba pang sasabihin n’ya. He’s blabbering so much.

Napakurap s’ya.

“Hmm?”

“It’s okay.” Napangiti ako. “Naiintindihan naman namin ni Larissa. And I’m thankful that you’re worried about us.”

Ace let out a deep sigh of relief.

“Thank fuck,” I heard him mumble. Pareho kaming natawa ni Larissa roon.

Okay… Sa tingin ko ay naisip n’ya ’yon dahil sa mga nasabi ko rin sa kanya dati. I told him that he was controlling. Nag-aalala siguro s’ya na baka ganoon ulit ang iniisip ko dahil pinipilit n’yang dito sa mamahaling hotel na ’to ako tumuloy.

Kung kasama ko si Larissa, mas gugustuhin ko rin naman na mag-stay sa hotel kung saan sigurado ang seguridad namin.

Nagbigay lang ako ng kondisyon kay Ace na normal na hotel room lang ang i-book n’ya. Nalula kasi ako nu’ng nakaraan kay Lucius na sa VIP suite pa talaga ako pinag-stay.

Ace booked a twin room for me and Larissa. May dalawang kama ang nandoon. Since it was a five-star hotel, the room still looked luxurious. May bathtub pa nga sa loob  ng banyo. Malawak din ang kwarto. Mas malawak pa sa kwarto ko roon sa apartment na tinutuluyan ko sa Negros.

“You can stay here for how long you want,” sabi ni Ace na nakatingin sa akin matapos n’yang ilapag sa sofang nandoon ang travelling bag ko.

“Hindi rin naman ako magtatagal. Kailangan ko ring bumalik ng trabaho. Matatapos na ang leave ko.”

Kumunot ang noo ni Ace.

“Leave?” he asked.

Ako naman ngayon ang napakunot ng noo. Para kasing hindi n’ya alam ang sinasabi ko. Eh, s’ya pa nga ang nagbigay ng one month leave sa akin, ’di ba?

“Ay, ate, sasama muna ako kay Ace pabalik para kumuha ng mga damit ko. Pero babalik din ako agad dito,” sabi ni Larissa at tumango ako sa kanya.

Hmm? Ace?

“Okay.”

Nakita ko ang nag-aalangang tingin sa akin ni Larissa.

“Okay lang iwan muna kitang mag-isa rito?”

Bahagya akong natawa sa pag-aalala n’ya. Mukhang ayaw n’ya kasing iwan akong mag-isa. Nakita ko pa ngang tinignan n’ya si Ace at iniisip pa yatang si Ace na lang ang kumuha ng mga damit n’ya pero napansin ko agad ang bahagya n’yang pag-iling.

Hmm… May napapansin lang ako sa kanilang dalawa.

“Okay lang, Larissa,” I said. “Matutulog na lang din muna ako. Napagod ako sa byahe.”

Larissa nodded.

“Okay. Babalik din ako agad, ate. Sa ’kin na muna ’tong key card. Lock mo ’yung pinto.” Tinanguan n’ya si Ace. Sinasabing umalis na sila.

“If you need anything, Rey, you can call for room service,” Ace said. Ngumiti ako sa kanya.

“Thanks, Ace. Mag-iingat kayo.”

Nang makaalis sila ay agad na nawala ang ngiti sa mga labi ko. Pagod kong ibinagsak ang katawan ko sa kama. Wala pa akong tulog. Hindi rin ako nakatulog sa byahe kanina.

Pero ngayon, nararamdaman ko na ang pagod na unti-unting lumulukob sa katawan ko. Mukhang naubos yata ang lahat ng lakas ko sa pag-iyak kanina. Pati na rin sa sakit na nararamdaman ko.

The pain in my chest was still there. Hindi na yata mawawala ito. The pain was numbing me. Sa tuwing maaalala ko si Gray, mas lumalala ang sakit na nararamdaman ko.

Nararamdaman kong maiiyak na naman ako. Ipinikit ko ang mga mata ko at ilang beses kumuha nang malalalim na paghinga.

Hindi ko na alam kung anong susunod na gagawin ko. Parang biglang may importanteng bagay ang nawala sa buhay ko. Bagay na nagbibigay sa akin ng lakas at nagiging dahilan ng pagkilos ko. Pero ngayong nawala na iyon, hindi ko na rin alam kung anong susunod na magiging kilos ko.

Gray made such a huge impact on my life. He made me feel things. He made me realize a lot of things. Ang dami n’yang ibinigay at ipinaranas sa akin kahit na…

Kahit na hindi n’ya pala ako mahal.

I wonder if I got to help him even a little. Kahit na hindi ko nagawang tulungan s’ya sa paraang gusto ko.

I remember how many people entrusted me to help him. I failed them. Hindi ko nagawang tulungan si Gray. Sa huli, iniwan ko lang din s’ya.

Alam ko na ang susunod na gagawin ko. I need to talk to Hunter and tell him I wouldn’t be able to help Gray anymore. I need to talk to him soon.

Of all people, si Hunter ang may pinakagustong makitang maayos na ang kapatid n’ya. Alam kong masasaktan s’ya kapag sinabi kong hindi ko na magagawang tulungan pa si Gray. Umaasa s’yang matutulungan ko si Gray.

That’s why I needed to talk to him soon. Para hindi na s’ya umasa pa nang matagal.

But for now, I need to sleep. Gusto kong magbawi ng lakas. Marami pa akong kailangang gawin.

Nakabalik na si Larissa nang magising ako. Naabutan ko s’yang inaayos ang mga damit namin at inilalagay iyon sa cabinet. Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung anong oras na. Nagulat ako nang makitang gabi na pala.

Twelve hours akong nakatulog?

I texted Hunter kung kailan s’ya libre para sana makapag-usap na kami. Sinabi kong nasa Manila ako kaya anytime ay pwede kaming mag-usap.

Dahil kay Hunter ay naalala ko tuloy ulit si Gray. Agad naman ang pagsakit ng dibdib ko.

How is he? Nakatulog na kaya s’ya? Pareho kaming walang tulog.

Is he… okay?

“May pagkain na d’yan, ate,” sabi ni Larissa na bahagya lang akong nilingon at nagpatuloy ulit sa pag-aayos ng mga damit namin. “Naghapunan na ako. Ang akala ko kasi mamaya ka pa magigising. Tulog na tulog ka, eh.”

Napatingin ako sa coffee table na nandoon at nakita ang mga pagkaing sinasabi n’ya.

“Nagpa-room service ka? Babayaran mo ba?” Bumangon na ako.

“Si Ace naman ang magbabayad, ate,” sabi n’yang parang maliit na bagay lang.

“Abusado ka, ah,” natatawa kong sabi.

“Okay lang ’yon sa kanya. Panay pa nga ang pilit sa ’kin kanina na ’wag daw tayong mahihiyang magpa-room service.”

“At ginawa mo naman.”

Lumapit ako sa kanya para kumuha ng mga damit ko. Nanlalagkit kasi ako kaya nagdesisyon akong maligo na.

“Eh, sabi n’ya naman, eh. Hayaan mo s’ya. Mayaman naman ’yun.”

Napapailing na lang akong napapatawa dahil sa mga rason ni Larissa. Kung minsan, may mga pagkakataong feeling ko ay matured na s’ya. Pero kapag ganito, nakakalimutan kong turning twenty pa nga lang pala s’ya.

Pumasok na ako sa banyo at naligo na. Nang matapos ay nagbihis na ako. Tinutuyo ko ng twalya ang buhok ko nang lumabas ako sa banyo. Kinuha ko ang phone ko at nakitang may reply na agad si Hunter sa akin.

He was free tomorrow lunch. Nagulat pa nga akong ganoon s’yang kabilis makapaglaan ng oras para makapag-usap kami. I mean, people like him are always busy. Alam ko ’yon dahil ilang taon din akong nakitira sa mga Callisto noon. ’Yung mga mayayamang katulad nila na may sariling business, palaging maraming ginagawa.

Umupo ako sa kama habang tinutuyo pa rin ang buhok ko. Nang mapagod ang kamay ko ay tinigilan ko na rin naman. Napatingin ako sa mga pagkaing nasa coffee table pero parang wala yata akong ganang kumain.

“Kumain ka na, ate,” rinig kong sabi ni Larissa na parang nakaramdam yata sa akin. Nakahiga s’ya at may kung anong ginagawa sa phone n’ya.

I looked at her. Alam kong nakikiramdam s’ya sa akin. Alam kong marami s’yang gustong itanong.

“Hindi ka ba magtatanong kung anong nangyari?” I asked.

Napansin kong napatigil ang daliri n’ya sa kung anong ginagawa n’ya sa phone n’ya. Ibinaba n’ya iyon at tumingin sa akin.

“Ayaw naman kitang pilitin kung ayaw mong pag-usapan, ate,” she said.

I smiled at her. Natutunan n’ya yata sa ’kin ’yon. Sa pagiging psychologist ko.

Bumuntong-hininga s’ya at bumangon mula sa pagkakahiga. Umupo s’ya sa dulo ng kama.

“Gustong-gusto kong malaman kung anong nangyari, ate. Pero ayokong pilitin kang magkwento. Alam ko kasing masakit para sa ’yo at ayokong maalala mo ulit ang bawat detalye kung paano ka nasaktan dahil lang ikukwento mo sa ’kin. Ngayon ka lang kasi umiyak nang ganoon sa akin, ate.”

Nanlabo ang paningin ko. Ang mga labi kong pilit na nakangiti ay nagsimulang manginig. Especially when Larissa gave me a kind smile.

“Pero alam mo, ate? Masaya ako,” she said. Nakita kong parang maiiyak na rin s’ya. “Kasi unang beses mong dumepende sa ’kin. Unang beses mong pinakita sa ’kin na hindi ka nagpapanggap na malakas. Na nahihirapan ka rin.”

Napatungo ako nang bumagsak ang mga luha ko. I know that Larissa could see me crying again pero ayoko na munang magpanggap na malakas.

“Sorry,” I said. “Mahina talaga ang ate mo, Larissa. Hindi talaga s’ya malakas.” Patuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha ko.

“Ano ka?!” Larissa exclaimed pero nahalata ko ang pagkabasag sa boses n’ya. “Idol kaya kita! Kung alam mo lang, ate, kung gaano ako ka-proud sa ’yo. Kahit sobrang hirap kasi ng sitwasyon natin, hindi ka pa rin sumusuko. Hindi mo talaga pinabayaan ang pamilya natin. Sobrang taas ng paghanga ko sa ’yo, ate.”

Nagkatunog ang pag-iyak ko. Nagsimula na rin akong humikbi kaya kahit gusto kong magsalita ay hindi ko magawa. I felt happy and sad at the same time from what Larissa was telling me.

“Pero kapag napapagod ka na, ate, pwede ka namang magpahinga muna. Hindi dahil ikaw ’yung panganay, ikaw na ang kailangang sumalo ng lahat ng mga problema natin. Na ikaw lang ’yung gagawa ng paraan. Na ikaw lang ang kailangang maging malakas.” Naramdaman ko ang paglubog ng kama nang umupo s’ya sa tabi ko. “Nandito rin ako, ate. Kaya kapag napapagod ka na o nakakaramdam ng panghihina, dumepende ka muna sa ’kin. Ako muna ang magiging malakas para sa pamilya natin.”

I cried hard. Naramdaman kong niyakap ako ni Larissa at mas lumakas ang paghikbi ko nang yumakap ako pabalik sa kanya. Muli akong umiyak sa mga balikat n’ya.

“Magkapatid tayo, ate. Huwag mo sanang kalilimutang nandito rin ako.”

I felt her tap my back. Paulit-ulit iyon. Naaalala ko tuloy noong bata pa s’ya. Ginagawa ko rin iyon kapag pinapatulog ko s’ya. O kaya ay pinapatahan ko rin s’ya sa pag-iyak.

She’s giving it back to me. She’s doing it back to me.

Of all people, I know Larissa was the one who wanted to see me happy the most too.

Kinabukasan ay naghanda na ako sa pag-uusap namin ni Hunter. Gusto pa ngang sumama ni Larissa. Alam kong nag-aalala pa rin s’ya para sa akin. Pero nang sabihin kong hindi rin naman ako magtatagal, pumayag na rin s’ya.

Nandoon na si Hunter sa restaurant kung saan n’ya sinabing mag-uusap kami. He gave me a small smile when he saw me. Tumayo pa nang papalapit pa lang ako sa table namin.

“It is nice to see you again, Reyziel,” he said.

“Same here, Hunter.”

Umupo na kami.

“Shall we order first or…”

Umiling ako.

“Mag-isa lang ’yung kapatid ko sa hotel room na tinutuluyan namin. Kailangan ko ring bumalik agad. I’ll get straight to the point din.”

Tumango-tango s’ya. “Alright.”

I took a deep breath. Na-realize ko dahil kay Larissa kung gaano masasaktan si Hunter sa mga sasabihin ko. I know how much he wanted to help Gray but he couldn’t do anything because Gray didn’t want to depend on him. Gray didn’t want his help.

The only person he thought could help Gray, me, couldn’t help him either. I might crush his hope.

“Gray and I broke up.”

Nakita ko ang pagkabigla ni Hunter sa sinabi kong ’yon. Nagpalipat-lipat pa ang tingin n’ya sa mga mata ko na parang sinisigurong nagsasabi ako ng totoo.

Damn it… Hindi ko inaasahan na parang babalik pala ang sakit sa akin habang nakatingin ako kay Hunter. He looked so much like his brother. Lalong-lalo na ’yung mga mata nila. Mas doble ang nagiging sakit sa akin ngayon dahil habang sinasabi ko sa kanya ang nangyari sa pagitan namin ni Gray, pakiramdaman ko ay kaharap ko na rin s’ya.

“I’m sorry. I thought I could help him but…”

Hindi ko na magawang ituloy ang sasabihin ko. Looking at Hunter’s gray eyes reminded me so much of Gray. Bumalik sa isip ko ang itsura n’ya nang sabihin ko sa kanyang maghiwalay na kami. ’Yung mga mata n’yang nagsasabing ayaw n’yang maghiwalay kami pero tumango pa rin s’ya noon. ’Yung mga mata n’yang nagsasabing ayaw n’yang iwan ko s’ya at muling mapag-isa pero pinayagan n’ya pa rin akong umalis.

Oh, God… Kaya ba… nakapikit s’ya habang kausap ko s’ya noon? Habang nagsasalita ako? Kaya ba hindi n’ya ako tinignan kahit no’ng magpaalam na ako sa kanya at lumabas na ng hotel room na ’yon? Dahil alam n’yang makikita ko ang totoo sa mga mata n’ya?

He knew that I’m a psychologist. That I know and I have the experience on how to read human behavior. He knew that I could see the truth in people’s eyes.

And he was… some kind of secret agent. Naikwento sa akin nina Hunter noon. Na grupo sila. Like some spy who could conceal their emotions well.

’Yung… ’yung ilang emosyon na saglit kong nakita sa mga mata n’ya pero bigla ring nawala agad, iyon ba ang totoo n’yang nararamdaman?

Shit… Shit… Was I wrong that I left him alone in Japan? Was I wrong that I didn’t even let him say anything?

But when I asked if he loves me… he said that he tried. He tried but he couldn’t. Iyon lang ang sinabi n’ya.

He tried loving me but he couldn’t.

But… was he really referring to loving me? Or… maybe it was about something else?

He tried to do something else but he couldn’t do it.

Shit… Pakiramdam ko ay sumakit yata ang ulo ko. I haven’t thought about this before dahil sobra akong nasasaktan noon. I was so focused on the pain that he was giving me.

This is the reason why a psychologist should never have a relationship with their patients. ’Cause, there will be prejudices. Our mind will be clouded by our own feelings that we won’t be able to give proper treatment to them.

But… Gray was not my patient.

“It’s okay, Reyziel. You don’t have to apologize,” Hunter said. Nakalimutan kong kausap ko pa nga pala s’ya. “I kinda expected this to happen.”

Napakunot-noo ako roon.

“Ine-expect mong magbe-break kami ni Gray?”

“No, no,” mabilis n’yang sabi. “That you won’t be able to help him.”

Nasaktan ako sa sinabi n’ya. Alam ko naman iyon. Hindi ko nagawang tulungan si Gray. Lalo pa at hindi naman ako ang kailangan n’ya.

Hunter sighed. Napatingin ako sa kanya. Mukhang nahalata n’ya ang naging epekto sa akin ng sinabi n’ya.

“Nobody did, Reyziel,” he tried to make me understand what he said. “Nobody was able to help him. Gray is like a closed book with so many locks. Kapag akala mong nabubuksan mo na, hindi pa pala.”

That’s true. He was staring opening himself up to me but… Pakiramdam ko ay nagsara ulit s’ya nang banggitin ko ang tungkol kay Violet.

“Even Violet?”

Natigilan si Hunter. Ilang sandali s’yang napatitig sa akin. Then I saw some recognition in his eyes. Like he already knew something.

His gray eyes turned serious when he spoke again.

“Reyziel… Gray’s relationship with Violet was complicated.” Even his voice was serious. “But it was nothing like what you think of. I know ’cause I’m his brother.”

“But he still couldn’t let go of her,” I said bitterly.

Hunter nodded.

“If you know the whole story, then you can understand why,” sabi ni Hunter. Pero alam kong kahit sinabi n’ya iyon, he won’t tell it to me. ’Cause, it wasn’t his place to tell.

He wanted Gray to tell himself.

“Pero ayaw naman sabihin sa akin ni Gray ang buong kwento,” I said.

Nakakaunawang tumango sa akin si Hunter.

“That’s why I said he is a closed book with many locks. He’s the one who suffered so much, Reyziel. I thought he was already okay, pero nawala naman s’yang parang bula ulit. He thought that by running away and by pushing me away, he would get to keep me from hurting because of him. He doesn’t want to bother anyone. Mas pipiliin n’yang pagdusahan ang lahat nang mag-isa.”

Natigilan ako roon. May naisip na naman pero narinig ko ang mapait na pagtawa ni Hunter.

“But I just couldn’t leave him. He’s my brother. And he’s so fucking selfless I’m starting to get mad by that trait of him.”

Marahan akong tumango roon. Right… Isa nga rin ’yon sa inirereklamo ko. That he’s selfeless.

He wasn’t selfish. He had never been selfish. Always selfless. Always putting others before him…

“Thank you for trying to help my brother, Reyziel…” sabi ni Hunter at bahagya akong nginitian. But I could see the hurt behind his smile. “Sorry if it ever became a bother to you.”

Mabilis akong umiling.

“No, no. Hindi naging… abala sa ’kin ’yon,” mahina kong sabi.

Hunter gave me a kind smile before he stood up.

“I wish you luck, Reyziel.”

Chapter 57

Larissa still had to attend her class kaya nang maiwan akong mag-isa sa hotel room kinabukasan ay nagdesisyon na lang akong dalawin si Mama. Pero nang makarating ako sa institution, hindi ko rin naman s’ya nakita. Hanggang gate nga lang ako at hindi na pinapasok ng guard. He said that it wasn’t visiting day yet.

Hindi kasi nabanggit sa akin ni Larissa kung anong mga araw pwedeng dumalaw. Nakalimutan ko rin namang itanong sa kanya. Gusto ko sanang makausap si Mama, makapagpahinga man lang ako sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw.

A mother’s presence is always able to calm their child. Kahit malaki na ako at nasa hustong gulang na, hinahanap-hanap ko pa rin ang presensya ni Mama. Pakiramdam ko kasi, kapag nand’yan s’ya, kahit ano pa ’yan, magiging okay ang lahat.

Napabuntong-hininga na lang ako. Sa susunod na lang. Isasama ko na rin si Larissa para dalawa kaming makadalaw kay Mama.

Hindi ko na rin naman gustong bumalik pa sa hotel room dahil mag-isa lang ako roon. Ayoko sana munang maalala ang mga nangyari kaya nililibang ko ang sarili ko para sandaling makalimutan ko ang sakit. Kapag bumalik ako sa hotel at mapag-isa, sigurado akong maaalala ko lang ang lahat.

Napagdesisyunan ko na lang na bisitahin ang mga dati kong katrabaho sa Callisto Medical Center dito sa Manila. Nang makarating ako roon ay dumiretso agad ako sa floor kung nasaan ang dati kong office. Pero sa paglalakad pa lang papunta roon ay may tumawag na sa akin.

“Rey?”

Lumingon ako at nakita si Ace na naka-lab coat pa. Halatang napatigil sa paglalakad nang makita ako. He had his hands inside the pockets of his lab coat. Tinanggal n’ya ’yon na parang nagulat pa at nagtatakang nakatingin sa akin pero may ngiti naman sa mga labi.

Automatic akong napangiti pero nagtataka ring tumingin sa kanya.

“Anong ginagawa mo sa floor na ’to?” I asked. This floor was for the Neurology Department. Noong nagtatrabaho pa ako rito ay minsan lang s’yang nalalagi sa floor na ’to. Kaya naman nagulat akong makita s’yang nandito ngayon. Sakto pa talaga sa araw na bumisita ako.

“May kinailangan lang akong i-check,” he said as he walked towards me. Tumigil s’ya sa harap ko. Titig na titig s’ya sa mukha ko habang may ngiti sa mga labi.

“Mukhang hindi ka yata busy, ah?” puna ko.

He chuckled. Napakamot sa gilid ng kilay at napangiwi.

“Uhh, you jinxed it already.” He glanced at his wristwatch. “I actually have an appointment in ten minutes.”

“Hala, sorry.” Bakit ko ba ’yon tinanong? The jinx! Baka maging sobrang busy ng araw n’ya ngayon!

Muli s’yang natawa at napailing.

“It’s okay. Ikaw ang anong ginagawa rito sa CMC?”

I smiled at him. 

“Gusto ko lang bumisita. Sinusulit ko lang ’yung mga natitira pang araw sa leave ko.”

Ace frowned. Mukha s’yang nalilito nang tignan ako.

“Leave? What are you talking about?” he asked.

Huh? Hindi n’ya ba talaga natatandaan? Nu’ng isang araw din ay parang naging ganito ang reaksyon n’ya nang mabanggit ko ang tungkol sa lave ko.

“’Yung isang buwang leave na binigay mo sa ’kin, Ace. Nakalimutan mo na ba?”

Nagsimula akong kabahan. Ang sabi pa ni Ace noon ay s’ya na nga ang bahala pati raw sa pagpa-file noon kaya hinayaan ko na lang s’ya. S’ya rin naman ang nagpumilit sa akin na isang buwan ang kunin kong leave.

Nakalimutan n’ya ba talaga? Ano ’yon? Baka hindi n’ya na-file! Tapos absent without notice na pala ang ginagawa ko!

“No, of course, I remember that,” he said. Pero sa paraan ng tingin n’ya ay mas lalo pa akong kinabahan. “Wait… Don’t tell me you didn’t know?”

I frowned. “ Ang ano?“

Ace stared at me. Nagpalipat-lipat sa dalawang mga mata ko ang tingin n’ya. Pagkatapos ay napabuntong-hininga s’ya at napasapo ng noo na parang problemado pa.

“What is it?” tanong kong hindi na nakatiis sa katahimikan n’ya.

He looked at me.

“Rey… You’re not an employee of CMC anymore.”

Halos mapanganga ako sa gulat dahil sa sinabi n’ya.

“What? Bakit? Anong nangyari? Bakit ako tinanggal?”

Hindi ko alam kung anong unang iisipin ko. I started to panic.

Wala na akong trabaho? Hindi pwede… Hindi pa magaling si Mama. May naipon na naman ako pero… hindi sasapat ’yon.

Sa totoo lang, hindi fair ang naging deal namin ni Doc Evelyn. Noong una pa lang. ’Yung pagtatrabaho ko pa lang sa kanila kapalit ng pagpapatira nila sa amin ng kapatid ko sa mansyon nila, pati na rin ang pagpapaaral nila sa amin.

’Yung pagtatrabaho ko sa hospital kapalit ng paglipat n’ya kay mama sa institution nang magsimulang magpakita si mama ng sintomas na hindi maayos ang kalagayn n’ya. Kahit na iyong pinalayo n’ya ako at pinapuntang Negros kapalit ng paglilipat kay mama sa mas magandang institution at mas natutukan s’ya roon. Mas bumibilis ang paggaling n’ya.

Kaya nga kahit mahirap ang malayo ako sa pamilya ko, tinanggap ko na rin ang offer n’ya na lumipat ako sa Negros dahil gusto n’yang mapalayo ako kay Ace. Sobrang laki ng utang na loob ko sa kanila at sa tingin ko pa nga ay hindi ko mababayaran iyon kahit magtrabaho pa ako nang matagal sa hospital nila.

Nakaipon ako dahil sa kanila. Nakapag-aral kami ng kapatid ko. Natupad ko ang gusto kong propesyon sa tulong nila.

Hindi pwedeng mawalan ako ng trabaho…

“No. Hindi ka nila tinanggal, Rey.” He tsked. “The hell? You don’t really know?”

“Ang alin ba?” naguguluhan ko na lang na tanong.

“Your deal with my mom is already off,” sabi n’yang mas lalo pang nagpagulo sa akin.

“Pero hindi pa magaling si mama. Ang usapan namin, babayaran ko ’yung pagpapagamot nila kay mama kapalit ng pagtatrabaho ko sa hospital n’yo.”

“Yes, and that deal is off. It had been paid already.”

“What?” hindi yata gumagawa ang pagiging malawak ang pang-unawa ko ngayon.

Ace heaved a deep sigh. Napatingin ulit s’ya sa relo n’ya.

“Look. A lawyer came and talked with my mom about your situation. They said na sila na ang magbabayad sa pagpapagamot sa nanay mo, sa pagpapaaral kay Larissa. And they were even willing to pay for everything na nagastos ni mom sa inyo ng kapatid mo. They even asked her to name a price!”

Napatitig lang ako kay Ace. Hindi ko kasi mapaniwalaan ang mga naririnig sa kanya.

“That lawyer dug everything and they even found out about you working for our family even when you were still a minor. They said something about child labor. Kaya pumayag na rin si mom. She signed the agreement that you no longer have to work for CMC.”

This… was a lot for me to take in. Nanatili lang ang titig ko kay Ace. Sinisigurong hindi s’ya nagbibiro at seryoso s’ya. Hinintay ko pa ngang sabihin n’yang biro lang ang lahat.

But I knew him. I’ve been with him for such a long time to know that he’s being serious right now. Hindi s’ya magbibiro ng ganito.

Pero… Hindi ko maintindihan. Bakit…? Bakit may gagawa ng ganito?

“Kailan pa ’to?” I asked.

“When I came back from Negros and told my mom about the one month leave I gave you,” he said. “Ang akala ko pa nga nu’ng bumalik ka rito noon, kukunin mo na si Larissa.”

What? Matagal na pero ngayon ko lang nalaman?

“Alam ni Larissa?”

Ace shook his head. “Hinihintay ko lang din na ikaw ang magsabi.”

Naisuklay ko ang mga daliri sa buhok ko sa sobrang frustration at pag-iisip.

“Sino ’yung lawyer, Ace?” I asked. Sino ang gagawin ng ganito para sa ’kin.

“Attorney Kylo Villaraza,” he said.

What? Si Attorney Villaraza? ’Yung kaibigan ni Gray?

May… kinalaman ba si Gray dito? Bakit n’ya naman gagawin ’to? Pambawi ba sa sakit na binigay n’ya sa ’kin?

Pero mas naunang nangyari ’to kaysa sa mag-break kami. Pambawi n’ya ba dahil pinaniwala n’ya akong mahal n’ya ako kahit hindi naman pala?

Nakita kong napasulyap ulit si Ace sa relo n’ya. May pagmamadali sa mukha n’ya nang tignan ako.

“Rey, I need to go. May appointment pa ako,” he said. “Oh, you can say hi to Mrs. Esteban. ’Yung pumalit sa ’yo. Nand’yan s’ya.”

I nodded at him. I didn’t want to keep him up pero may bumabagabag talaga sa akin.

“Ace… Galit ba si Doc Evelyn?” alanganin kong tanong.

I didn’t know why Attorney Villaraza had to do that. Pero may pakiramdam akong hindi nagustuhan ni Doc Evelyn ang nangyari. She didn’t need money. Mayaman na sila. At ang alukin na babayaran s’ya sa mga nagastos n’ya sa amin ng kapatid ko, pati na rin ng kay mama, pakiramdam ko, tingin n’ya ay naging sampal iyon sa kanya.

Hindi ko naman s’ya masisisi kung ganoon nga ang naramdaman n’ya. I knew that her help was genuine.

Ace smiled softly at me.

“My mom is a woman full of pride, Rey. But don’t worry about her. She’ll get over it.”

“Gusto ko sana s’yang makausap.”

He shook his head.

“’Wag muna ngayon, Rey. But in the future, yes, you can talk to her.”

I took a deep breath and sighed.

“I’m sorry, Ace…”

He chuckled before he shook his head.

“I kinda like what happened to be honest.” He reached for the top of my head and ruffled my hair. “Don’t worry about it, okay?”

Napangiti ako at tumango sa kanya.

“Okay.”

“I have to go. Duty calls,” he said.

“Good luck, Doc Ace.”

Nang makaalis si Ace ay napatulala na lang ako. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapaniwalaan ang mga narinig ko sa kanya. Parang hindi totoo. Parang isang… panaginip.

May magbabayad na sa pagpapagamot ni mama nang hindi ko na kinakailangang magtrabaho para sa mga Callisto? Ibig sabihin, hindi ko na kailangang bumalik sa Negros? Pwede na akong manatili rito sa Manila at makasama si Larissa at pwede ko nang madalaw palagi si Mama?

Hindi pa rin malinaw ang mga nangyayari sa ’kin pero… sa tuwing maiisip ko ang mga ’yon, hindi ko mapigilan ang maging masaya.

But… if it was really Gray who did this at paraan n’ya ’to para makabawi, I don’t think I would be able to accept it.

I sighed. Kaya nga ako pumunta rito para malibang sana at makalimutan ang sakit na ibinigay n’ya sa akin pero maaalala ko pa rin pala.

I’ll have to talk with Attorney Villaraza. Kailangan kong malinawan sa ginawa n’ya.

Sinunod ko na lang muna ang sinabi ni Ace at pumunta sa dati kong office. I planned to say hi to Mrs. Esteban. S’ya rin ang clinical psychologist na pinalitan ko roon sa Negros.

I knocked on the door. Nang magbigay ng permiso sa aking pumasok na, binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob ng dati kong office.

Ang una kong napansin ay ang halos walang pinagbago ang kwarto kaysa sa babaeng nakaupo sa swivel chair na medyo may katandaan na. Nagulat kasi ako. Hindi ko inaasahan na walang masyadong pinagbago ang dati kong office. Samantalang noong mapunta ako sa Negros, ang unang-una kong ginawa ay ang i-redecorate ang bago kong office roon.

“Yes?” kuha-pansin ng babae sa atensyon ko.

Nilingon ko s’ya. The woman was looking at me through her spectacles. Naghahalo ang kulay gray at itim n’yang buhok. She’s in her early fifties, I think. She has kind eyes but I could feel that she was trying to read me.

Naalala ko tuloy ang sinabi nina Janina at Brent noon. Na kung makatingin daw si Mrs. Esteban ay parang palagi kang ija-judge.

“I’m Reyziel Denava.” Bahagya akong lumapit sa kinauupuan n’ya. “Ako po ’yung… dating clinical psychologist.”

“Oh, yes. I’ve heard a lot about you.” Tinanggal n’ya ang salamin sa mga mata n’ya at itinuro ang sofang nandoon. “Have a seat.”

Napatingin muna ako sa sofa bago umupo roon. Ito kasi ’yung sofang madalas inuupuan ng mga client ko kapag kinakausap ko sila. It was weird to be the one sitting on this spot though.

Tumayo si Mrs. Esteban sa swivel chair at umupo sa sofang nasa harap ko. Bigla akong kinabahan. Her smile was welcoming but… I just couldn’t help feeling nervous. Ganito siguro ang nararamdaman ng mga client ko kapag nakaupo rin sila rito.

“Parang wala po kayong masyadong binago rito sa office,” sabi ko at inilibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Kaunti lang ang napansin kong pagbabago roon.

“Ah.” She let out a short laugh. “Naisip kong huwag na ring baguhin masyado. You’re a lot yonger than me at madalas sa mga nagiging pasyente ko, mas bata rin sa akin. I figured they would feel more relaxed in an environment na pasok sa generation nila.”

I nodded. “Ang dami ko po kasing binago sa dati n’yo ring office sa Negros.”

“Oh, it’s okay. As you’ve said, dati ko na ’yong office. Ikaw na ang gagamit no’n ngayon.”

Nabawasan ang ngiti sa mga labi ko. Naalala ko kasing hindi ko na magagamit ang office ko na ’yon. Hindi na ulit ako magtatrabaho sa branch ng CMC sa Negros.

I started to worry about my patients there. The first few sessions were the hardest part of the therapy. The one where we would break down their walls so they would start opening themselves up. The one where we have to build trust between us. Iyon pa naman ’yung mahirap. ’Yung magtiwala sa ibang tao.

Si Mrs. Cristobal ay madali lang na nakapag-open up sa akin. But the teenager with MDD, I was still not able to fully break down the walls she built around her. She might feel overwhelmed kung magpapalit na naman ang doctor n’ya.

“Is everything okay?” tanong ni Mrs. Esteban na mukhang nahalata ang pag-aalala sa mukha ko.

I sighed. Nakalimutan kong psychologist din pala ang taong kaharap ko.

“I’ve just found out na hindi na po ako empleyado ng CMC. Hindi ko na kailangang bumalik sa Negros para magtrabaho.”

“Hmm?” Mrs. Esteban raised an eyebrow at me. “Isn’t that a good thing? I heard na nandito sa Manila ang pamilya mo, right?”

I nodded but let out a heavy sigh after.

“Yes… Pero nag-aalala ho ako sa mga pasyenteng naiwan ko sa Negros.”

“Sina Mrs. Cristobal ba and the teenager with MDD?” she asked. Tumango ulit ako. “You know, Reyziel, things like this happen all the time. People come and go. We cannot control circumstances. Kaya nga propesyonal ang palaging approach natin sa mga pasyente natin para maiwasan din ang attachment nila sa atin. Para kapag may mga nangyaring ganito dahil hindi naman talaga maiiwasan ang mga unexpected circumstances, hindi magiging ganoong kalaki ang epekto kapag nag-let go na sila. Na nangyayari rin kapag gumaling din naman sila.”

I tried to take her words in. I know. Alam ko ang punto n’ya. Kapag gumagaling nga ang mga pasyente namin, we often say that we hope we will never see each other again. Na ang ibig sabihin ay hindi na sana muli kaming magkita as a therapist and a patient. Na hindi na sana nila kailanganin ulit ng professional help at maging maayos na ang buhay nila.

And I get that we’re avoiding attachments. Na mahirap gawin lalo pa kapag nalaman ang paghihirap nila, ang dahilan kung bakit nila kinailangan ang tulong namin. Ang hirap na hindi maapektuhan pero sa tuwing kaharap namin sila, kailangan ay propesyonal pa rin ang approach namin.

I couldn’t help but think about Gray. I’ve got so attached to him. Minahal ko pa nga. Kaya hirap na hirap tuloy ako nu’ng pinakawalan ko s’ya. Ngayong hindi ko s’ya kasama.

Did he find it hard letting go of me too?

“Mukhang hindi lang ang tungkol doon ang inaalala mo,” sabi ni Mrs. Esteban. Mukhang kanina pa nakatingin sa akin.

Nag-alangan pa ako kung sasabihin ko ba sa kanya. Pero… matagal na s’ya sa trabahong ’to.

“Mrs. Esteban, nagkaroon na po ba kayo ng pasyenteng may DID?”

Mukhang hindi n’ya inaasahan ang tanong ko. Pero pinanatili n’ya ang pagiging kalmado ng mukha n’ya.

“I’m a trauma specialist, Reyziel. We both know that DID develop because of trauma. So, yes.”

I pursed my lips.

“I met someone with DID,” I admitted. “Hindi ko po s’ya pasyente pero hirap na hirap po talaga ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nahihirapan po akong intindihin s’ya.”

I cleared my throat as my voice broke on the last word. Naramdaman ko rin ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko kaya huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko.

“You know, Reyziel… Iilang reaksyon lang ang nakukuha ng mga taong may DID sa ibang tao. May ibang naawa sa kanila. May ibang natatakot dahil… iba sila. And some even treat them as a joke. Minsan lang ’yung mga taong totoong iintindihin sila. Kaya kung sinubukan mo s’yang intindihin, alam kong sobra-sobra iyon para sa kakilala mo.”

“But I failed. Nabigo po akong intindihin s’ya. We… hurt each other.”

“But you still tried, right?” Magaan ang ngiting ibinigay n’ya sa akin. “Mahirap talagang maunawaan sila lalo pa kung hindi nila hinahayaang maintindihan mo sila. These people often isolate themselves dahil na rin sa mga reaksyong natatanggap nila sa mga tao. Nand’yan ang mga taong hindi sila paniniwalaan kapag inamin nila ang tungkol sa disorder nila. Some therapists are still not open with this disorder too kaya paano pa kaya ang ibang mga tao? Nand’yan rin ang mga taong pagtatawanan sila dahil sa pagiging iba nila. And there are those people who’s afraid of them ’cause they couldn’t understand them.”

I nodded. Napayuko ako dahil naramdaman kong nanlalabo ang paningin ko.

“But just because you couldn’t understand them doesn’t mean that they’re dangerous. Just because they are different from your normal, from what you think is normal, katatakutan mo na agad sila,” Mrs. Esteban explained. “That is their normal, Reyziel. Their DID is their normal. Hindi kailangang ibukod sila sa mga tingin mong normal dahil lang naiiba sila sa paningin mo, kung para sa kanila naman, iyon ang normal nila. People shouldn’t discriminate them, or be an ableist, because of their disorder when they are trying so hard to live in this harsh world, to live despite the judging stares of others. To live through their disorder.”

Naisip ko si Gray. Naisip ko ang mga pinagdaanan n’ya. Ang mga bagay na hinarap n’yang mag-isa dahil ayaw n’yang ipaalam sa iba ang kondisyon n’ya.

Mrs. Esteban was right when she said that they often isolate themselves. Kasi gano’n si Gray. Yet he still trusted me and told me about his condition.

“The world is harsh for people suffering with mental disorders,” Nakita kong napatango si Mrs. Esteban sa sinabi ko. “May mga taong pinatatawanan pa ang mga araw-araw na struggle nila sa buhay.”

“Like with DID,” she said. “Ito kasi ’yung madalas na nasasabi nilang problema sa ’kin. Kapag nagsi-switch sila ng alters o kapag nalaman ng ibang may ibang taong nakatira sa isip nila at nakakausap nila ’yon, madalas silang nasasabihan na baliw. Pagtatawanan pa sila. Imagine living through that every day yet some people would find that funny and would take that as a joke. Sobrang sakit no’n para sa mga taong may ganoong disorder.”

I nodded pero kasabay noon ay ang pagtulo ng mga luha ko. Not only for Gray, pero ramdam ko ’yon sa mga naging pasyente ko. That the world is harsh to live for people with mental disorders. Imbes kasi na intindihin sila, may mga taong mas pinipili pang pagtawanan sila. Ang iba pa ay hindi paniniwalaan ang nararanasan nila.

“That’s why some of them are afraid to let people know about their condition. Kasi may mga tao pa ring hindi sila naiintindihan. May mga taong sarado pa rin ang utak at isip nila pra sa mga ganito dahil… hindi nila nakikita ang condition nila.” She smiled at me. “Kaya maswerte tayo, Reyziel, dahil nagtitiwala ang mga pasyente natin sa ’tin. Na nagtitiwala silang matutulungan natin sila. This… This isn’t just a profession to me. I love my job. I love that I could help people like them.”

Pinunasan ko ang mga luha ko. Tumingin ako ng deretso sa mga mata n’ya at tipid s’yang nginitian.

“Mahal ko rin po ang trabaho ko,” I said.

Mas lumaki ang ngiti sa mga labi n’ya nang tumango sa akin.

“I know,” she said and took a deep breath. Naging pormal ang mukha n’ya. “You see, Reyziel… Sa mga nakikita ko sa mga pasyente kong may DID, kailangan nila ’yung mga taong totoong makakaintindi sa kanila. ’Yung hindi sila susukuan. ’Yung taong sa kabila nang kalagayan nila, hindi sila iiwan. Alam mo kasi para sa kanila, dahil sa kondisyon nila, walang taong tatanggap at mananatili sa tabi nila. Na kapag nalaman ng iba ang tungkol sa kondisyon nila, iiwan din sila. Akala nila na dahil din sa kondisyon nila, mahihirapan lang ang mga tao sa paligid nila. Kaya mas gusto nilang mapag-isa at kung minsan pa, ipagtutulukan palayo ang mga taong gusto silang tulungan.”

I stilled. Napatitig ako kay Mrs. esteban.

“Like how the first few sessions with our patients,” mahina kong sabi pero narinig pa rin n’ya ’yon.

She nodded.

“Pero dahil hindi natin sila sinusukuan at nakikita nila ang kagustuhan nating tulungan sila, unti-unti rin nilang binubuksan ang sarili nila sa ’tin.”

“Paano po kung nagsisimula na nilang buksan ’yung sarili nila, nagsisimula na silang mag-open up pero nagiging sarado ulit sila?” I asked.

She gave me a kind smile.

“Madalas naman talagang ganoon ang nangyayari, ’di ba? Pero hindi pa rin tayo sumusuko. Hindi pa rin natin sila dapat sukuan. They’ve suffered so much kaya sobra nilang pinoprotektahan ang sarili nila kaya ganoon sila. It is because of their traumas that they were like that.”

Shit…

“Paano kung…” I cleared my throat. “Paano po kung pakiramdam natin na hindi tayo ’yung makakatulong sa kanila?”

“Reyziel,” she said my name softly. “Hindi naman talaga mawawala ang ganoong pag-iisip sa ’tin, ’di ba? Paano kung mali ang ginagawa natin? Paano kung hindi pala dapat gano’n? Paano kung hindi pa rin pala natin sila matulungan kahit ilang sessions pa ’yan? Pero hindi pa rin naman tayo sumusuko at tutulungan pa rin natin sila, ’di ba? Nandoon kasi ang kagustuhan nating matulungan sila kahit nandoon din ang takot na baka hindi pala tayo ang makatutulong sa kanila.”

Mrs. Esteban smiled at me. The way she smiled told me that she trusted I was doing the same too. Pero hindi ako makagalaw at nanatili ang tingin sa kanya.

I was starting to realize something. And the longer I sat here, the colder I felt.

“Kaya nga kailangan nila ’yung mga taong hindi sila mabilis na susukuan,” she said. “It’s a good thing that that someone you know with DID has already started opening up to you. Ibig sabihin, tinatanggap na n’yang matutulungan mo s’ya. Ibig ding sabihin, nagtitiwala s’ya sa ’yo. Mas mahirap pa nga iyong unang saradong-sarado talaga sila, ’di ba?”

Shit… I made a mistake.

I remember what Gray said before. Na natakot s’yang mapalapit sa akin noon lalo na nang malaman n’yang isa akong psychologist. Alam n’ya raw kasing mahahalata ko ang tungkol sa kondisyon n’ya. Pero hindi n’ya pinansin ang takot na ’yon at mas piniling mapalapit sa ’kin. Dahil baka raw maintindihan ko rin s’ya dahil sa propesyong meron ako.

He wanted someone to understand him. He was looking for someone to understand him ever since.

Then, Gray started opening himself. Nagtiwala s’ya sa ’kin na mahirap pa naman para sa mga taong kagaya n’ya. Sa mga taong may trauma. Mahirap silang magtiwala ulit pero nagtiwala pa rin si Gray sa ’kin.

I remember how many times he told me not to leave him. How happy he was when I promised I wouldn’t leave him. That he wouldn’t know what to do if I’ll ever leave him.

Shit… Shit… Sana inalam ko muna ang lahat. Sana hindi agad ako sumuko when Gray started to close himself up again. Sana sinubukan ko pa ring intindihin s’ya. Intindihin ang lahat.

Gray was not selfish. Hindi s’ya makasarili para manggamit ng tao para lang sa sariling kapakanan n’ya.

He was always selfless. Mas inuuna pa ang iba kaysa sa sarili n’ya.

Mas inuuna pa ako kaysa sa sarili n’ya…

“Reyziel, are you okay?”

Napatingin ako kay Mrs. Esteban. Hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon pero nag-aalala ang tinging ibinigay n’ya sa ’kin.

“Paano po kung… paano po kung tayo na mismo ang sumuko sa kanila? Paano po kung nagsimula na silang buksan ang sarili nila pero nang maging sarado ulit, sinukuan natin sila?”

Mrs. Esteban had this look on her face that I just asked her a ridiculous question. Pero nang makitang seryoso ako ay sinubukang sagutin ang tanong.

“Mahihirapan na silang magtiwala ulit,” she said. “Maiisip nilang pagkatapos nilang magtiwala, susukuan pa rin sila. Mapapatunayang dahil nga sa kondisyon nila, hindi pa rin sila matatanggap ng iba. And worse…”

Nakita ko ang pag-aalangan sa mukha ni Mrs. Esteban na ituloy ang sasabihin n’ya. She looked at me but when she saw I was waiting for her to continue her words, she looked at me with her eyes serious.

“And worse, baka ma-trigger ang trauma nila,” she said.

Mabilis akong napatayo. Mukhang nagulat pa si Mrs. Esteban sa ’kin dahil sa biglaang kilos ko.

“Kailangan ko na pong umalis.” I looked at her. “Marami pong salamat, Mrs. Esteban.”

“O-okay.”

Mabilis akong lumabas ng kwartong ’yon. Ang dami kong naiisip at hindi ko alam kung anong uunahin ko. Pero mas lamang ang nararamdaman kong pagsisisi.

I made a mistake. I know I made a mistake. Iniwan ko kaagad si Gray at hindi na sinubukang intindihin anong ibig sabihin ng lahat.

I just assumed it, right? I just assumed that he was talking about loving me when he said that he tried but failed. Hindi ko alam kung bakit humingi s’ya ng tawad sa akin kaya mas lalo kong naisip na iyon nga ang tinutukoy n’ya. But I should’ve still asked him.

Yet when I’m talking with my patients, I don’t assume easily. Sinisiguro kong tama ang naiisip ko sa kanila bago ako magbigay ng conclusion.

Shit.

I have to talk with Attorney Villaraza. Ngayon na. May palagay akong may kinalaman si Gray sa ginawa n’ya at gusto kong malaman kung bakit!

Nag-taxi ako at nagpahatid sa law firm nila na hindi ko inaasahang isang malaki at mataas na building. Nalula pa nga ako. Grabe rin talaga ang mga kaibigan ni Gray, at si Gray din mismo, na hanggang ngayon ay nagugulat pa rin akong malaman na mayayaman pala.

Mas naramdaman ko kung gaano sila kaimportanteng tao nang lumapit ako sa receptionist at sinabing gusto kong makausap si Attorney Villaraza. Hindi agad-agad makakaakyat at kailangan ng visitor pass muna.

“May appointment po ba kayo kay Attorney Villaraza?” the receptionist asked.

“Huh? Wala po, eh.”

“Hindi po pwedeng makaakyat kapag walang appointment.”

“Ah, gano’n ba…”

Nalungkot naman ako roon. Nanghinayang na rin. Nasa itaas lang si Attorney Villaraza pero hindi ko s’ya makakausap.

The receptionist tried to give me a kind smile when she saw my sad look.

“May asawa na po si Attorney Villaraza, ma’am. Kaya mahigpit po talaga kami lalo na kapag may babaeng naghahanap sa kanya pero walang appointment.”

Huh? Ano bang sinasabi nito?

Tinanguan ko na lang s’ya at nag-isip ng iba pang paraan kung paano makakausap si Attorney Villaraza. Naalala kong nagbigay nga pala ng calling card si Creed sa akin. Ang sabi n’ya ay partner sila ni Attorney Villaraza sa firm kaya baka nandito rin s’ya.

Tinawagan ko ang number na nakalagay sa calling card n’ya. Ilang ring lang ay sinagot na n’ya iyon.

“Rey?” I heard the confusion in his voice. “Hindi ko inaasahan ’tong tawag mo, ah? May problema ba?”

Umiling pa ako na para bang nasa harap ko s’ya.

“Nasa firm ka ba?” I asked.

“Oo, bakit?”

“Nasa baba kasi ako. Gusto ko sanang makausap si Attorney Villaraza pero hindi ako makaakyat kasi wala akong appointment. Wala rin kasi akong number n’ya.”

“Oh, okay, wait.”

Nakarinig ako ng kaluskos mula sa kabilang linya. I heard him talk to someone at ilang saglit pa ay narinig kong tumunog ang telepono sa tabi ng receptionist. Sinagot iyon ng babae.

“Yes? Oh, okay.” She glanced at me. “Okay.” Ibinaba n’ya ang tawag at ngumiti sa akin. Nakita ko pa ang nahihiya n’yang tingin. “Seventh floor po ang office ni Attorney Villaraza, ma’am.”

She handed me the visitor pass and I smiled at her.

“Thank you.”

“Okay na?” rinig kong taanong ni Attorney Cervantes na nasa kabilang linya pa rin.

“Yes.” Sumakay na akong elevator. “Paakyat na ’ko. Thank you, Creed.”

“No worries. See you.”

I ended the call. Inabangan ko ang pagpapalit ng number sa floor indicator na nasa gilid ng elevator hanggang sa maging number seven iyon. Bumukas ang elevator at may double glass door pa akong pinasukan na kusang nagbukas nang dumaan ako.

“Rey!” Creed greeted me. Napatingin ako sa babaeng receptionist na ngumiti sa akin bago ko nilapitan si Creed.

“Thank you, Creed. Kailangan ko lang talagang makausap si Attorney Villaraza.”

“Tungkol kay Gray ba?” nakangiti n’yang tanong.

I nodded. Nahalata n’ya siguro ang seryosong ekspresyon ko dahil nabawasan ang ngiti n’ya.

“Halika. Nand’yan si Kylo.”

Sinundan ko s’ya at pumasok kami sa unang pintong nasa kanan. Hindi man lang s’ya kumatok. Pero may isa pang pinto sa loob at kahit doon, hindi rin kumatok si Creed at dire-diretso pang pumasok. Tumayo lang ako sa may pintuan.

“Yo, Kylo! May bisita ka!”

“Tangina, hindi ka ba talaga marunong kumatok?” rinig ko ang inis na boses ni Attorney Villaraza sa loob. Hindi ko s’ya nakikita sa pwesto ko.

Creed chuckled.

“Okay lang. Wala ka na namang tinatago rito sa loob na hindi ko pwedeng makita…. O baka meron pala?”

“Putangina mo talaga, ’no?”

Natawa lang ulit si Creed at nilingon ako. He nodded and motioned me to go in which I did.

“Good afternoon, Attorney Villaraza,” bati ko sa kanya nang makapasok ako sa loob.

Attorney Villaraza frowned when he saw me. Nakaupo s’ya sa swivel chair sa likod ng desk n’ya. He was wearing a white longsleeve button-down polo shirt at ang sleeves ay nakatupi hanggang siko n’ya. Halos pareho sila ng porma ni Creed pero sa kanya ay walang necktie while Creed was wearing a blue one.

“Miss Denava? I was about to call you,” he said. “I needed to talk to you about something.”

Ako naman ang napakunot-noo roon. Napasulyap pa ako kay Creed na nakatingin lang sa aming dalawa. Naglakad pa ako palapit sa desk ni Attorney Villaraza.

“Tungkol ba roon sa pagiging hindi ko na empleyado ng Callisto Medical Center?” I asked.

Ilang sandaling napatitig sa akin si Attorney Villaraza, mukhang inaalala pa ang sinabi ko. Then I saw recognition in his eyes.

“Oh, and also about that,” he said. “But mostly, I wanted to talk to you about your mother’s case.”

Natigilan ako roon at nagsimulang kabahan.

“Anong tungkol sa kaso ni mama?”

Attorney Villaraza looked up at me. His forehead frowning a little, looking confused.

“You didn’t know?” he asked. Naalala kong ganito rin ang tanong sa akin ni Ace kanina.

“Ang alin?”

Nang makita ni Attorney Villaraza ang pagkalito ko ay napabuntong-hininga s’ya. He opened a drawer and took out a brown envelope inside.

“I waited for the trial date first bago sana kita kakausapin,” he said.

He gave the brown envelope to me. Kinuha ko iyon mula sa kanya.

“Miss Denava, Gray asked me to handle your mother’s case.”

Chapter 58

Pakiramdam ko ay hindi na yata kinakaya ng utak ko ang lahat ng nalalaman ko ngayon. Kinailangan ko pa ng mga ilang minuto para lang maproseso ng utak ko ang sinabi ni Attorney Villaraza. Nanatili lang ang titig ko sa kanya at sinusubukang intindihin ang sinabi n’ya.

Tama naman ako ng pagkakaintindi, ’di ba? Kinausap s’ya ni Gray to take my mother’s case. S’ya na ngayon ang lawyer na humahawak ng kaso ni mama.

And he said that he was waiting for the trial date before he’ll tell it to me at kaninang pagkakita n’ya sa akin, ang sabi n’ya ay he was about to call me regarding my mother’s case. Ibig sabihin… may schedule na ang trial ni mama?

“Bakit…” Hindi ko alam kung anong unang iisipin ko. “Bakit naman ’yon gagawin ni Gray?”

Napakunot-noo si Attorney Villaraza sa tanong ko.

“What kind of question is that?” sabi n’ya sa seryosong boses. “Of course, he wanted to help you.”

“Pambawi n’ya ba sa pananakit sa ’kin?”

Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Attorney Villaraza. Halos magsalubong na nga ang dalawang kilay n’ya. He looked as if he was at lost sa kung anong sinasabi ko. Kitang-kita ko rin ang kalituhan sa mukha n’ya.

“What are you talking about?” he asked.

Humugot ako ng malalim na paghinga dahil naalala ko na naman ang nangyari sa amin ni Gray kaya naramdaman ko ang pananakit sa dibdib ko.

“We broke up,” I said, trying to control the pain in my voice. Hindi ko alam kung nahalata ng dalawang abogado sa harap ko. “Nalaman kong hindi talaga ako ang mahal ni Gray.”

Attorney Villaraza and Creed exchanged looks. Parehong may seryosong ekspresyon sa mga mukha nila nang tumingin sila sa ’kin that I started to feel intimidated. Pakiramdam ko ay nasa witness stand ako and they would start throwing questions at me anytime to know what I was hiding.

Pero wala naman akong itinatago sa kanila. Tinignan ko sila pabalik sa kalmadong tingin.

“Kung ginagawa ’to ni Gray para makabawi, please, tell him to stop,” sabi ko pa na deretsong nakatingin kay Attorney Villaraza.

Ilang sandaling nakatitig lang sa akin si Attorney Villaraza bago s’ya bumuntong-hininga. He leaned his left elbow on the desk and used his knuckles to lean his chin on it. Nagpangalumbaba s’ya at mukhang malalim na nag-isip.

Napatingin na ako kay Creed nang may ilang sandaling hindi pa rin nagsasalita si Attorney Villaraza at nag-iisip lang. Nagkibit-balikat lang s’ya sa akin pero magaan ang mga tingin n’ya. Like he was trying to comfort me with that look.

“When was this?” tanong ni Attorney Villaraza kaya tumingin ulit ako sa kanya.

“Ang alin?”

Tinanggal n’ya muna ang salamin sa mga mata at ipinatong iyon sa ibabaw ng table bago tumingin sa akin.

“Your breakup?”

“Two days ago,” I said. Mukhang wala pa talagang pinagsasabihan si Gray sa paghihiwalay namin.

“Miss Denava—”

“Kahit ‘Rey’ na lang ang itawag n’yo sa ’kin, Attorney.”

Mukhang pinag-isipan n’ya pa ’yon ng mga ilang sandali bago tumango.

“Okay. Rey. Matagal nang hininging pabor ’to sa ’kin ni Gray. Even before you went back to Manila to talk with us for the first time.”

Nagulat ako roon. “What?” Hindi ko alam na gano’ng katagal na.

“Yes.” Attorney Villaraza stood up. Naglakad s’ya paharap sa desk at isinandal ang mga balakang doon. Sa tingin ko ay ginawa n’ya iyon para mag-level ang mga paningin namin. “So, before I even got to meet you, I already had an idea who you are.”

Ako naman ngayon ang napakunot ang noo. Mabagal bago naproseso iyon ng utak ko dahil sobrang nabigla ako sa sinabi n’ya. Hindi ko inaasahan iyon. Hindi ko inaasahan ang anumang nalaman ko ngayong araw.

“I assume you have an idea how a case takes a long time to process,” Attorney Villaraza continued when I didn’t speak for a while. “Kaya ngayon lang sana kita tatawagan para makausap tungkol sa kaso ng nanay mo. But you beat me to it and now you’re here.”

“Paano ’yung… ’yung sa trabaho ko sa hospital? Matagal na ring sinabi ni Gray ’yon sa ’yo?”

He nodded as he crossed his arms over his chest.

“Yes.”

Hindi ko alam kung anong uunahin kong isipin. Hindi maayos na gumagana ang utak ko ngayon. Hindi kayang iproseso ng utak ko nang sabay-sabay ang lahat ng mga nalaman ko.

Mali ako. Mali pala ako ng akalang ginawa ni Gray ang lahat ng ’to para pambawi sa pananakit n’ya sa akin. Hindi ko rin naman tatanggapin ang lahat ng ’to kung iyon nga ang dahilan kaya ginagawa n’ya ’to dahil pakiramdaman ko ay kinakaawaan n’ya lang ako. The last thing I wanted from him is his pity.

Shit… Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Litong-lito na ako.

Bigla yata akong nawalan ng lakas sa sobrang daming iniisip ko ngayon. Napatingin ako sa mga sofang nasa likod ko bago tinignan si Attorney Villaraza at itinuro iyon.

“Pwedeng maupo muna?” Kahit ang boses ko ay tunog nanghihina na rin.

Attorney Villaraza nodded and gestured to the seats with his palm opened.

“Feel free.”

Naglakad ako at umupo sa isa sa mahabang sofa kung saan makikita ko pa rin sina Attorney Villaraza at Creed. Hindi naman sila gumalaw sa mga pwesto nila.

Kailangan ko siguro ng mga ilang oras bago maintindihan ang lahat. Pero… maiintindihan ko ba ang lahat? Pakiramdam ko, kahit abutin ako ng buong araw sa pag-iisip, hindi pa rin ako makakakuha ng sagot sa mga tanong ko.

“Bakit sa ’yo lang nanghingi ng tulong si Gray?” rinig kong tanong ni Creed kaya napatingin ako sa kanya. He was looking at Attorney Villaraza. “Magaling din naman akong lawyer.”

I don’t think Creed was bragging about it. Alam n’ya sa sarili n’yang magaling talaga s’yang abogado kaya hindi ko rin nakitaan ng pagkontra si Attorney Villaraza nang tignan n’ya rin si Creed.

He was curious. Kung iisipin ko pa nga, sa tingin ko ay nahimigan ko ng kaunting pagtatampo ang boses n’ya.

“Gray knew you’d tell Hunter about it,” Attorney Villaraza said.

“At ikaw, hindi?”

“Did I tell him?”

Creed considered that. Napatango-tango pa.

“Pambawi mo ba ’to dahil hindi rin sinabi sa ’yo ni Hunter noon na may anak ka na?”

Attorney Villaraza looked offended by it.

“I’m not that fucking petty,” he said. Mukhang nagpipigil lang na masapak ang kaibigan. “Hunter must’ve somehow understood that Jean had a reason back then. Just like how I understand Gray.”

Creed let out a chuckle.

“Well… Si Gray ’yon, eh. The most reasonable person I know.”

Mas lalo akong napaisip sa sinabing iyon ni Creed. They both believe in Gray. That he’s reasonable. He always has a reason.

I know that. I know that too. Sa panahong kasama ko s’ya, he was never an impulsive person. Parang lahat ng bagay, pinag-iisipan n’ya muna bago gawin. He might seem like a carefree guy but… he’s more than that. Marami s’yang tinatago. So, everything he does seems like it was calculated.

Hindi ko alam kung kailan ang eksaktong araw na nanghingi s’ya ng tulong kay Attorney Villaraza pero… pakiramdam ko ay ginawa n’ya iyon noong maging kami. Noong naikuwento ko sa kanya ang tungkol kay mama. Ang nangyari sa pamilya namin.

Kung ganoong kaaga s’yang nanghingi ng tulong para sa ’kin, ibig sabihin, hindi n’ya talaga ginawa iyon pambawi sa pananakit sa akin. Ibig sabihin, gusto n’ya lang akong matulungan.

Yes… ’Cause he always thought of me first before himself.

“Rey,” tawag sa akin ni Attorney Villaraza kaya napatingin ako sa kanya. “I’m not sure what you mean when you said that Gray didn’t love you, but I think it’s complete bullshit.”

“What?” Nagulat pa ako sa pagmumura n’ya.

“Gray took the risk and contacted me despite the fact that Hunter might have found out about it. Pero mukhang mas malakas ang kagustuhan ni Gray na matulungan ka kaysa sa pagtatago sa kapatid n’ya.”

Tumango si Creed. Halatang sumasang-ayon sa sinabi ni Attorney Villaraza.

“Matagal na kasing nagtatago si Gray kay Hunter,” Creed even said. “Ayaw n’ya talagang magpahanap kaya wala rin s’yang kinakausap sa ’ming mga kaibigan n’ya. He might’ve thought that we’ll tell him to his brother or Hunter might somehow track him.”

“But I guess hindi na n’ya naisip ang mga ’yon para lang tulungan ka,” Attorney Villaraza continued. “That’s how I had an idea of what you are to him. He didn’t think about those years he managed to stay away from his brother just to help you.”

Gusto kong patigilin sila sa pagsasalita. Habang naririnig ko kasi ang mga sinasabi nila, mas nanlalamig lang ako. Bigla kong naalala ang itsura ni Gray noong iniwan ko s’yang mag-isa sa hotel room. That lonely form of his, looking down as I closed the door, na para bang ayaw n’yang makita ang pag-alis ko.

He didn’t want to see me go. He never wants me to go.

“Sinabi talaga ni Gray sa ’yo na hindi na hindi ka n’ya mahal?” tanong ni Creed na mukhang naguguluhan.

I hesitated on what answer I should give him. Kasi ngayon… hindi ko na rin alam sa sarili ko. Kumbinsido ako nang sabihin sa akin ni Gray na sinubukan n’ya pero hindi n’ya kaya, na ang tinutukoy n’ya roon ay ang mahalin ako.

Mukhang mali ako ng akala. I shouldn’t have just assume anything. Like how I thought I just assumed that Gray did love me.

“Not directly but…” Napalunok ako. “Mukhang ’yung Violet ang mahal n’ya talaga.”

“Wait, Violet? Gray said he loves Violet?” hindi makapaniwalang tanong ni Attorney Villaraza. He looked like he just heard something ridiculous. Napatingin pa s’ya kay Creed para kumpirmahin ’yon pero nagkibit-balikat lang ulit si Creed.

“’Yan ’yung hindi ko talaga alam,” Creed said.

“I knew they were close but I never thought that there was something between them.”

“Si Violet halata kong may gusto kay Gray.”

“Yeah, I noticed that too, but Gray? I don’t think so…”

Pareho silang napatingin sa akin. Ang mga mata nila ay nagtatanong kung saan ko ba nakuha ang sinabi ko. Dahil sila na mismong kaibigan at mga nakasama sina Violet at Gray ay hindi naniniwala roon yet I’m saying otherwise.

Hindi ako nakasagot. Kailan nga ba sinabi ni Gray sa akin na mahal n’ya si Violet? Na mahal n’ya pa si Violet kung sakali ngang totoo iyon? Iyong si Gray mismo ang nagsabi. Not Zeno. Or any of his alters.

Wala… ’di ba? Gray never told me anything. Those were the only words he said. He tried but he couldn’t. And that he was sorry. Pagkatapos noon ay wala na. Wala na s’yang iba pang sinabi. Kahit anong tanong ang ibinato ko sa kanya, hindi n’ya sinagot ang alinman sa mga ’yon.

“I’m sorry I haven’t offered you anything,” sabi ni Attorney Villaraza kaya napatingin ako sa kanya. “Do you want any refreshment? Juice? Coffee?”

Mabilis akong umiling sa alok n’ya. Tumango si Attorney Villaraza bago naglakad at umupo sa pang-isahang sofa sa kanan ko. Si Creed naman ay umupo sa mahabang sofa na katapat ng inuupuan ko.

“Did Gray really tell you he doesn’t love you?”

Umiling ako sa tanong na ’yon ni Attorney Villaraza. Alam kong gusto n’ya ng deretsong sagot. Lawyers are like that. Isang tanong isang sagot lang. Hindi na kailangan ng paligoy-ligoy pa.

Iyon rin naman talaga ang totoo. Walang sinabing ganoon sa akin si Gray. Hindi n’ya derestong sinabi sa akin iyon.

“Pero hindi n’ya rin sinabing mahal n’ya ako,” I said. “I never heard him say those three words to me.”

“I… could actually relate with that, Rey.” I looked at Attorney Villaraza. Seryoso ang mga mata n’ya pero nakitaan ko ng kaunting panghihinayang sa tingin n’ya. “I got hurt thinking that Jean, my wife, didn’t love me. ’Cause she too, never said she loves me back then.”

Nagulat ako sa biglaang pagkukwento ni Attorney Villaraza kaya napatitig lang ako sa kanya. Para sa ’kin, s’ya kasi ’yung tao na hindi mo mabilis mapapakuwento o mapapaamin agad. Given that he is a lawyer too.

Pero naalala ko rin ang sinabi noon ni Larissa. Na ’yung presensya ko raw, sobrang comforting. Parang gugustuhin na lang ng lahat na magkuwento sa akin ng mga problema nila. I guess that’s also why I am very good at doing my job too.

“Pinaniwala n’ya kong iba ang mahal n’ya. That she just used me. Kaya sa sobrang galit ko, I pushed her away. Na sobra kong pinagsisisihan hanggang ngayon.”

Napaawang ang mga labi ko habang nakikinig sa kuwento ni Attorney Villaraza. Halos pareho ang pinagdaanan namin sa bagay na ’yon. Ang kaibahan lang, ako ang kusang lumayo kay Gray. He didn’t push me away.

“I became so fucking miserable with those years that she was gone. I was a wreck without her. I didn’t want to live anymore and wasted my life.” The pain in his voice was so clear. Naramdaman ko rin ang paninikip sa dibdib ko. Kahit si Creed ay nakatitig lang sa coffee table sa gitna namin at may seryoso ring expression. “Then I’ve found out that she just let me believe those fucking lies for my sake. That she really loves me and was even willing to sacrifice everything for me.”

Nanikip ang dibdib ko. Umakyat iyon papunta sa lalamunan ko at naramdaman ko rin ang pag-iinit ng mga mata ko. Hindi na ako makapagsalita dahil pakiramdam ko ay matutuloy ang pag-iyak ko.

“I just don’t want you to make the same mistake that I did, Rey. ’Yung pinaniwalaan ko agad na hindi n’ya nga ako mahal without knowing everything. Without understanding everything.” He gave me a kind look. “’Cause we’ve felt it anyway, right? Their love for us even if they didn’t tell us. Indeed, sometimes actions are not enough but… We knew them. We knew that they were not someone who would only use us. And that we fell in love with them because they’re amazing people, right?”

Napatango ako sa sinabi n’ya habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi ko sa pagpipigil na maiyak.

Bakit ba hindi ganoon ang ginawa ko? Bakit ba mas pinaniwalaan ko pa ang iba, ang mga sinabi ni Zeno, kaysa sa mga pinagsamahan namin ni Gray?

I got scared. Ang tingin ko kasi, mas kilala ni Zeno si Gray. Mas alam n’ya ang iniisip at nararamdaman n’ya. Pero hindi ko man lang naisip iyong mga… pinaramdam sa akin ni Gray noong magkasama kami. How fast I fell in love with him ’cause despite the fact that he was such a mystery to me, he was still the most honest person I’ve ever met. 

Ramdam ko ’yon. Ramdam ko ang pagiging totoo n’ya. Na hindi s’ya nagpapanggap. I was good at judging people. Hindi ko naman mamahalin ng ganito si Gray kung masama s’yang tao.

“Rey, hindi naman sa kinakampihan ko si Gray,” sabi ni Creed kaya napatingin ako sa kanya. “Sa totoo lang, galit ako sa kanya dahil sinaktan ka n’ya. Sa saglit na panahong nakasama kita, I already knew that you’re a great person. Pero… si Gray kasi ’yung taong pinagtutulakan n’ya ang mga taong mahalaga sa kanya dahil takot s’yang masaktan sila. Iyon ang ginawa n’ya kay Hunter… Sa aming mga kaibigan n’ya. I thought it was only about the game pero ngayon, alam kong may mas mabigat na dahilan pa pala.”

“Do you know what Gray’s favorite quote is?”

Umiling ako sa tanong na iyon ni Attorney Villaraza. “Hindi.”

I saw both him and Creed smile.

“There are three sides to every story. Yours, theirs, and the truth.”

Napatitig lang ako sa kanila. Hindi agad nakapagsalita. I heard Attorney Villaraza chuckle as he took a deep breath.

“As a lawyer, I stand by that quote,” he said. “We present the two sides of the story to the Judge before they decide the verdict. The Judge will base their verdict on the truth despite already hearing both sides of the story. ’Cause you know, Rey, knowing both sides should not mean ignoring the truth and justifying the wrong deed. May mga nasaktan pa rin. May mga nagkamali pa rin. At may mga naapektuhan pa rin ng dahil doon.”

“Iyon kasi ang pagkakamali ng iba, Rey,” Creed said. “Kapag narinig nila ’yung kwento ng nagkamali, ipagtatanggol na nila ang maling nagawa dahil lang naiintindihan nila and side ng story na ’yon. Whereas it should only be understanding their story but never ignoring the truth and the consequences of the actions. That’s the true meaning behind that quote.”

“Meron din kasing mga tanginang taong baliktad ang mga utak na pinagtatanggol pa ’yung mali. Some would even attack those who stand by the truth. They would pretend that they really understand the meaning behind the quote just to justify the mistake. Pero hindi nila inisip ’yung mga consequences.”

“Gaya na lang na galit ako sa ginawa ni Gray dahil nasaktan ka n’ya,” Creed said. He smiled softly at me. “Pero sana, handa ka pa ring pakinggan kung anumang rason n’ya.”

“Hear his reason. Hear his entire story. So, there would be no more what ifs and no more regrets in the future.” Seryoso ang mga tingin na ibinigay sa akin ni Attorney Villaraza. “If it doesn’t turn out like the way you wanted, then at least, you’ll have your closure. Wala nang maiiwang tanong sa sarili mo. You will be able to completely let him go. You will be able to completely move on.”

Hindi ako nakapagsalita. Bumabalik ang lahat sa akin. ’Yung mga pinagsamahan namin ni Gray. ’Yung panahong masaya kami, kasama si Lilac. ’Yung mga pinagdaanan namin. ’Yung pag-amin sa ’kin ni Gray tungkol sa kondisyon n’ya at kung paano nakaapekto iyon sa relasyon namin. ’Yung breakup namin. ’Yung pag-iwan ko sa kanya sa Japan. ’Yung mga nalaman kong ginawa n’ya para sa ’kin at hindi man lang n’ya sinabi sa ’kin. ’Yung mga sinabi ni Mrs. Esteban. Ang mga sinabi ni Kylo at Creed.

I… just left Gray there. Alone. Without hearing anything from him. Na hindi ko man lang hinayaang linawin n’ya sa akin ang lahat. I assumed everything he just did. At ngayon ay hindi ko na alam ang paniniwalaan ko.

Shit. What have I done? Samantalang sa mga pasyente ko, hinihintay ko pa silang maipaliwanag sa akin ang lahat. Ang kwento nila. Pero kay Gray, iniwan ko lang s’ya agad.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko nang ma-realize ang maling nagawa ko. Nakita ko ang naaalarmang mga tingin nina Creed at Attorney Villaraza nang makita ang pag-iyak.

“Rey?” rinig ko ang pagpa-panic sa boses ni Creed. Parang hindi yata sanay na makakita ng babaeng umiiyak. “Bakit? Anong problema?”

“I made a mistake. Oh, my God, I made a mistake,” sabi ko at tinignan sila sa lumuluhang mga mata. “Iniwan ko s’ya nang hindi man lang pinakinggan ang paliwanag n’ya. I left him alone. Paano kung may mangyaring—”

“Rey,” Attorney Villaraza’s voice was firm when he called my name. “Gray wanted that. For you to stay away from him. Hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo dahil ginawa mo naman ang gusto n’yang mangyari. I think he knows you’ll be like this, that’s why he didn’t tell you anything.”

“Kailangan ko s’yang balikan,” I said. Hindi ko nagugustuhan ang panlalamig na nararamdaman ko. “I need to check if he’s— if he’s okay.”

Shit… Paulit-ulit na nagpe-play sa isip ko ang mga sinabi ni Mrs. Esteban. Iyong baka… baka ma-trigger ang trauma ni Gray. Hindi pa naman mawala sa isip ko ang itsura n’ya nang lumabas ako ng hotel roon.

I wiped my tears and looked at Creed with determination in my eyes.

“Pwede mo ba akong ihatid sa Japan? Babayaran kita kung gusto mo.”

“What?!” Ilang beses na nagbukas-sara ang bibig n’ya na parang hindi alam kung anong sasabihin. “There are so many mistakes in everything you’ve said, Rey!”

I heard Attorney Villaraza’s soft chuckle pero nanatili ang tingin ko kay Creed.

“Hindi mo kaya?” I asked.

“Hindi kaya ng chopper sa Japan!” He looked like I said something ridiculous. “Isa pa, hinding-hindi kita sisingilin. Takot ko na lang kay Gray!”

“Hunter can help you,” Attorney Villaraza said. Napatingin ako sa kanya. “His wife is a pilot and her twin brother owns GE Airlines.”

Agad kong inilabas ang phone ko para sana tawagan si Hunter. Pero pinigilan ako ni Creed.

“Teka, Rey. Sigurado ka bang nasa Japan pa rin si Gray?” Creed asked. “Baka wala na s’ya ro’n. Hunter can track him. Or L.”

Ilang sandali kong pinag-isipan ang tanong n’ya. Nang maalala ko ulit ang huling itsura ni Gray sa hotel room, mariin ang pagtango ko sa kanya.

“Sigurado ako. Nando’n pa s’ya.”

Creed nodded when he saw the seriousness in my eyes.

“Okay. Ihahatid na kita.”

“Good luck, Rey,” Attorney Villaraza said as we both stood up. “We can talk about your mother’s case once you come back.”

I smiled and nodded at him.

“Thank you, Attorney.”

Mas ngayon ko naramdaman ang pagkakaroon ng koneksyon. Pagtawag ko kay Hunter at ipinaliwanag sa kanya ang lahat, agad s’yang kumilos. Dahil biglaan ay hindi makakasama ang asawa n’ya dahil walang magbabantay sa mga anak nila. But Apollo assigned another pilot that would take us to Japan using their private plane.

Sa daan ay tinawagan ko na rin ang kapatid ko. I think she heard the urgency in my voice kaya hindi na rin s’ya nagtanong ng marami pa sa akin at sabihin na lang daw kung kailan ang balik ko.

“Hindi na ako sasama,” sabi ni Creed nang makarating kami sa private hangar ng airport kung saan naghihintay sa akin si Hunter. He looked at Hunter and gave him a two-finger salute.

Tinanguan lang s’ya ni Hunter na nakatayo na sa tabi ng private plane. When I looked at Creed, he was looking at me with a kind smile on his lips.

“Best of luck, Rey.”

I smiled at him.

“Thank you, Creed.”

Hindi kami magkatabi ni Hunter sa plane. Nasa kabilang gilid s’ya. I could feel the anxiousness he felt even in my seat. He had a serious look on his face as he looked outside, waiting for the plane to land.

Mas lalong nadagdagan ang kaba ko habang nakaupo. Ilang beses akong nagdasal na sana… sana ayos lang si Gray. That I was wrong. Mas gugutuhin ko pang mali ako ngayon kaysa sa isiping may nangyaring masama na sa kanya nang iwan ko s’ya.

I know that Gray managed to live alone and stay away from everyone because of his condition. Pero natatakot ako na dahil nagtiwala ulit s’ya sa ’kin, may magiging malaking epekto kapag bumalik s’ya sa pagiging mag-isa ulit.

Shit… He looked so happy back then whenever I promised him that I wouldn’t leave him. But I still did.

Gray…

Papalubog na ang araw nang makarating kami sa Japan. At nang magpahatid kami papuntang airport ay tuluyan nang kumalat ang dilim. I asked the receptionist if Gray was still staying at the room at dahil namukhaan naman ako ng receptionist dahil sa ilang beses paglalabas-pasok ko sa hotel noon, she gave me an answer.

Hunter talked with the receptionist and said something in Japanese. Ilang beses silang nagpalitan ng pag-uusap bago may tinawag iyong receptionist. Manager yata ng hotel. Hunter talked to her too at napanganga na lang ako dahil hindi ko alam na marunog pala s’yang mag-Japanese.

“Do you have an ID with you?” he asked. Tumango ako at ibinigay sa kanya ’yon.

Nakipag-usap ulit si Hunter at ilang saglit pa, nagulat ako nang magbigay ng key card ang manager sa kanya. 

“Let’s go,” he said. Sinundan ko na lang s’ya papuntang elevator.

“Key card ng room ni Gray?” I asked as we went inside the elevator.

Hunter nodded.

“Good thing that Gray put your name as one of the occupants.”

The elevator dinged nang nasa tamang floor na kami. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang kumatok muna si Hunter sa pinto pero walang sumasagot.

“Gray.” Hunter knocked on the door again. He even leaned in towards the door and listened inside. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata n’ya nang wala sigurong marinig mula sa loob.

Mabilis na binuksan ni Hunter ang pinto gamit ang card key. Sinalubong kami ng katahimikan at mas lumala ang panlalamig ng buong katawan ko. Halos walang pinagbago ang loob ng room mula ng umalis ako.

Nasaan si Gray?

Napatingin ako sa pinto ng kwarto at mabilis na naglakad roon. Halos pabalibag kong binuksan ang pinto ng kwarto dahil na rin sa kabang nararamdaman ko. At sa pag-aalala na baka kung ano nang nangyari kay Gray.

Ramdam ko ang pagsunod sa akin ni Hunter nang pumasok ako. I frantically looked around the room, hoping to find Gray but he was nowhere to be found. Mabilis akong naglakad papuntang banyo pero kahit doon ay wala rin s’ya.

“Wala si Gray sa banyo…” sabi ko nang makalabas ng banyo pero napatigil nang makita si Hunter na nakatayo sa harap ng wardrobe cabinet na nandoon sa loob ng kwarto.

I looked at him. There was this… emotion in his eyes as he stared at the wardrobe. He was looking at it like it was really a frightening thing. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata n’ya habang nakatitig sa nakasaradong pinto ng wardrobe.

Then his hand slowly reached for the handle. Nahalata ko pa ang panginginig ng kamay n’ya. Pansin ko rin na halos hindi na yata s’ya humihinga sa buong panahong ’yon.

His hand gripped the handle. Dahil sa nakikita ko sa kanya ay mas lumala pa ang kabang nararamdaman ko sa dibdib ko. I felt like whatever we were about to see once he opened the door, would hurt us greatly. It would probably break us.

Hunter took a deep breath before his grip tightened and pulled the door open. And what we see scarred us for life.

Gray was inside, sitting, with both of his knees up so he would fit in. Nakaipit ang mga braso n’ya sa pagitan ng dibdib at ng mga tuhod n’ya. He was holding a stuff toy, a teddy bear, so tight. Sobrang higpit na lumabas na ang mga bulak sa loob. His whole body was trembling.

Nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha ko nang makita ako s’ya. Naitakip ko pa ang mga palad ko sa dibdib ko dahil nagkatunog ang pag-iyak ko. My heart felt like someone was squeezing it tight with their hand. Hindi ko kinayang makita nang ganito si Gray.

“Gray…” I heard Hunter call his brother. Sa itsura n’ya ay mukhang hindi s’ya makapaniwala sa nakikita n’ya at wala sa sariling binanggit ang pangalan ng kapatid.

Gray looked up. Napatingin s’ya sa kuya n’yang nakatayo sa harapan n’ya. Nakita kong basang-basa ng mga luha ang buong mukha n’ya. Mas lalo pang nagtuluan ang luha sa mga mata n’ya nang makita ang kapatid n’ya.

“K-Kuya?” he asked. It was as if he was making sure that it was his brother standing in front of him.

Hunter took a deep and agonizing breath. He wheezed as he inhaled his breath. His lips parted. Mukhang nahihirapan s’yang pakawalan ang hanging iyon.

Nang magawa ay mabilis ulit s’yang kumuha nang hangin. Parang nahihirapang huminga. Ilang beses n’yang ginawa ’yon at kitang-kita ko ang paghihirap sa kanyang huminga.

Tears started to pool in his eyes. Hindi rin nagtagal ay tumulo ang mga iyon pababa sa pisngi n’ya.

Hunter broke down. Napaluhod s’ya na para bang nawalan ng lakas ang mga tuhod n’ya. He was crying so hard while looking at his brother. Gray was looking at him with confusion in his eyes despite the tears still running down his face. Mukhang nagtataka kung bakit umiiyak nang ganoon ang kuya n’ya.

Hindi makapagsalita si Hunter sa sobrang pag-iyak at paghihirap na huminga. Inabot n’ya ang kapatid at niyakap. He buried his face on his brother’s shoulders and started to weep so hard. His shoulders were shaking as he cried. Nagkatunog ang pag-iyak n’ya at hindi ko kinaya iyon. I couldn’t take the agonizing scream he let out as he cried.

Mas lalong bumuhos ang mga luha ko. It was my first time seeing a grown-up man cried like this. Ramdam ko at kitang-kita ko ang hirap at sakit na pinapakawalan ni Hunter.

“Fuck!” Hunter screamed as his hug on his brother tightened. Kitang-kita ko ang panginginig ng buong katawan n’ya. “Fuck!”

Hindi ko kayang marinig ang sakit at pagdurusa sa bawat sigaw at hikbi ni Hunter. Para bang nang makita n’ya ang ayos ni Gray ay sobrang laki ng epekto noon sa kanya. It was a trigger for him, that’s why he broke down like this.

“I’m sorry. I’m so sorry, Gray. Fuck, I’m so sorry I wasn’t there,” he cried. Grabe ang panginginig ng katawan n’ya habang umiiyak.

Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa habang nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha sa mga mata ko. Gray looked confused. His eyes were unfocused but there were tears running down his face too.

May nahalata akong kakaiba sa mga mata n’ya at ilang sandali ko pa iyong tinitigan. After a while, it finally hit me what it was.

Hindi ko na rin kinaya at nawalan ng lakas ang mga tuhod ko. Napaluhod ako habang nakatitig sa magkapatid. Gray glanced at me. He looked confused pero mabilis ding inalis ang paningin sa akin dahil mas nalilito sa kapatid na umiiyak habang nakayakap sa kanya.

Kaya ganito na lang ang pagkawasak ni Hunter ngayon nang makita ang ayos ni Gray.

Shit… No…

I remember when Zeno told me something. About that alter. I remember the exact words he said.

“That part of him who was still inside that dark storage room, waiting for his brother to save him.”

It was him. This is him. The little one.

The sixth alter.

Chapter 59

Ilang sandali pa bago kumalma si Hunter pero hindi n’ya pa rin pinapakawalan ang kapatid. He was still hugging him. Nakita ko pa ngang humigpit ang yakap n’ya at ramdam ko roon ang pagsisisi at pangungulila n’ya para sa nakababatang kapatid. Like he was regretting those moments that he wasn’t there for Gray.

I know how much Hunter loves his brother. Nakikita ko ’yon sa mga mata n’ya sa tuwing binabanggit n’ya ang tungkol kay Gray kapag magkausap kami. Wala rin naman kaming iba pang pinag-uusapan kundi ang tungkol lang kay Gray kaya sa buong panahong kausap ko s’ya, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal n’ya para sa kapatid.

Kahit kanina, when he broke down and let everything out. I saw and heard his pain na hindi ko akalaing itinatago n’ya lang.

On the outside, Hunter looked like a calm and collected man. May pagkakataong sumisilip ang sakit at paghihirap n’ya sa tuwing pinag-uusapan namin si Gray pero nandoon pa rin ang pakiramdam na parang alam n’ya kung anong susunod n’yang gagawin. Kung ano ang dapat n’yang gawin.

But I didn’t see that man earlier. All I saw was a grieving, broken man who was helpless to save his younger brother.

Gray began to look uncomfortable with the hug. Siguro ay dahil matagal na sandali na ang lumipas pero hindi pa rin s’ya binibitiwan ni Hunter. Sinubukan n’yang kumawala pero nakita ko pa ang paghigpit ng yakap ni Hunter sa kanya.

“You’re not going anywhere again, Gray,” Hunter said. “Hindi na kita hahayaang umalis ulit.”

Napangiwi si Gray.

“Eh, ang init,” he said. Halata sa boses ang pagrereklamo. “Bitiw na.”

Bahagya lang s’yang inilayo ni Hunter. Nakahawak pa rin s’ya sa mga balikat ng kapatid na para bang tatakbo na lang palabas bigla si Gray.

“Hindi ka na ulit aalis, Gray,” he said.

Gray frowned at that. “Ikaw kaya ’yung palaging naalis.”

Napansin ko ang bahagyang pagkakatigil ni Hunter. Kahit nakatalikod s’ya sa gawi ko, pansin ko ang pagkakaroon ng tensyon sa mga balikat n’ya. But he took a deep breath and sighed.

“Hindi na rin ako aalis. I’ll stay with you from now on.”

“Talaga?” paniniguro ni Gray. He was looking at his brother with suspicion in his eyes.

“Talaga.”

“Hindi mo na ko iiwan ulit?”

Muling humugot ng malalim na hininga si Hunter at ramdam ko ang paghihirap n’ya roon. He reached for his brother’s hair and caressed it with full of affection. Ramdam ko ang muling panunubig ng mga mata ko habang nakatingin sa kanila.

“Talaga,” I heard Hunter’s voice break when he said that so he cleared his throat. “Hindi ka na ulit iiwan ni kuya. I promise.”

Gray’s face lit up and I saw the child in him.

“We can play again? Every day?”

I saw Hunter nod.

“Kahit anong oras mo pa gusto. Hindi na ulit ako mawawala sa tabi mo,” he said and I know that he was crying again.

But Gray broke into a wide smile. Halos maiyak na naman ako sa nakita ko. His smile looked so innocent. Na para bang iyon lang talaga ang gusto n’ya. Ang palaging makalaro ang kuya n’ya. Ang palaging makasama ang kapatid n’ya. 

Tumayo ako at nagdesisyon na lumabas para bigyan sila ng privacy na magkapatid. Tahimik akong lumabas ng kwarto habang nagsisimulang magkuwento si Gray ng kung ano. Just anything like a little kid would tell. Sa tingin ko pa nga ay napakarami n’yang baong kwento para sa kapatid n’ya.

Naalala ko tuloy noong nagpunta si Hunter sa Negros at muli silang nagkita ni Gray. Gray looked angry that his brother found him and visited him. Para pa ngang ayaw na ayaw n’yang makita ang kapatid n’ya. Halata ko noon ang galit n’ya para sa kapatid.

But this alter… This little one longed for his older brother. So much. And I know that’s probably what Gray wanted too. Natatabunan lang ng galit n’ya at ng lahat ng mga nangyari ang kagustuhang iyon.

I hope… I really hope that this will help him.

Nagdesisyon akong maghilamos dahil alam kong may mga bakas ng mga luha ang mukha ko. Umupo na lang ako sa couch na nandoon sa living room pagkatapos.

Napatingin ako sa nakasaradong pinto ng hotel. Kitang-kita pala iyon mula sa pwesto ko. This was where Gray was sitting when I left him. Alone. Kahit na malinaw n’yang makikita ang pintuan ay hindi s’ya lumingon doon.

I… I think I now understand why that little alter switched out. It was because I left him. His memory of how Hunter left him before triggered him kaya lumabas ang batang Gray. The one who was scared of being left alone. Of being left alone by the people he loved and trusted that would be always there for him.

Naramdaman ko ang muling panunubig ng mga mata ko. Alam ko na. Naiintindihan ko na.

Mahal ako ni Gray. Mahal n’ya ako. Naniniwala na akong mahal n’ya talaga ako.

Kaya sobra s’yang naapektuhan sa pag-alis ko kaya lumabas ang batang alter na ’yon. May pakiramdam akong hindi madalas lumabas ang alter na ’yon dahil sa sinabi ni Zeno. Na hanggang ngayon ay nagtatago pa rin ang batang Gray at naghihintay lang sa kapatid n’ya. Pero dahil sa ginawa ko, that little alter came out.

Hindi ko alam kung sa pag-iwan ko ba sa kanya ay lumabas agad ang batang alter. Hindi ko alam kung gaano na s’ya katagal na nagtatago sa loob ng wardrobe na ’yon.

I made a mistake. I failed to understand him. I couldn’t help him. Instead, I… just put him in danger.

I’m not the right one for him.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto nang magbukas iyon makalipas ang halos isang oras. Lumabas si Hunter at sinara n’ya ang pinto sa likod n’ya. Then he took a step towards where I was and sat at the other end of the couch. Rinig kong nagpakawala s’ya ng malalim na buntong-hininga nang makaupo s’ya.

He sat on the couch with his legs apart. Ipinatong n’ya ang mga siko sa mga hita n’ya at mukhang may malalim na iniisip.

“Si Gray?” tanong ko dahil parang wala akong naririnig na ingay sa loob ng kwarto.

“He fell asleep,” Hunter said.

Napatango na lang ako. Pareho kaming natahimik ni Hunter at wala nang nagsalita sa amin. Hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin ko sa kanya. And it looked like he was still trying to grasp everything that happened earlier so I decided to give him time to think.

“That’s… how I found Gray the night our parents died. Nagtatago at takot na takot,” Hunter said after a while had passed. “When I saw him earlier, pakiramdam ko bumalik ako sa gabing ’yon.”

“That’s why you quickly figured out that he was an alter… The little Gray.”

He nodded once. Nakita kong parang nahirapan pa nga s’ya sa pagtango. I could only see his side profile pero kitang-kita ko pa rin ang paghihirap n’ya.

“I’ll be honest with you, Rey… I didn’t believe you when you said that my brother has DID.” He looked at me and the pain in his eyes was so clear. “Hindi kita pinaniwalaan.”

Tumango ako at binigyan s’ya ng tipid na ngiti.

“Okay lang, Hunter… Mahirap naman talagang paniwalaan ang bagay na ’yon.  May mga taong hindi naniniwala sa kondisyong ’yon.”

“No.” Mariin s’yang umiling. “It’s more like… I refused to believe it. Hindi ko kasi matanggap sa sarili ko, na ako mismong kapatid n’ya ay wala man lang napansin sa kondisyon n’ya. I refused to believe that I, his brother and his only family left, didn’t even notice anything. At hindi ako naging mabuting kapatid sa kanya.”

He looked away from me pero bago ’yon ay nahalata ko muna ang pamumula ng mga mata n’ya. Narinig ko rin ang pagkabasag ng boses n’ya sa mga huling salitang sinabi n’ya. He gulped hard and took another deep breath.

“But when I saw how he looked earlier… Naging malinaw sa ’kin ang lahat.” He looked back at me and I saw suffering in his eyes. “Hindi nga talaga ako naging mabuting kapatid sa kanya. Ang dami-dami kong naging pagkukulang sa kanya.”

“Hunter…”

I couldn’t say anything. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko para mapagaan ang pakiramdam n’ya. The look on his face tells me that he was blaming himself. He was taking this all on himself.

But maybe… It’s best if I don’t say anything. Sometimes, the best help you can give someone is to listen to them and be there for them even if you can’t do anything about their situation.

“Now that I think about it, I sucked at being Gray’s older brother,” Hunter admitted with a mocking laugh. “Sinisi ko sa ibang tao ang lahat ng mga naging pagkukulang ko sa kanya. I blamed Eresh for his changes. Pero sa nakita ko kanina, naintindihan kong ako ang dahilan ng lahat ng nangyayari kay Gray. I now understand that he wouldn’t even get mad at me no matter what Eresh would tell him kung wala naman talaga akong naging kasalanan at pagkukulang sa kanya.”

Pinigilan ko ang kagustuhan kong ipaliwanag sa kanya ang lahat. He was opening up and I shouldn’t interfere. Sa tingin ko ay matagal n’ya na ring kinikimkim ang lahat at ngayong nalinawan na s’ya sa nangyayari kay Gray, he couldn’t keep everything to himself anymore.

“That night when our parents died, I left him alone. He probably still felt scared and shocked after I found him… but I still left him that night. Siguro, masyado kasi akong naging komportable na makita s’yang ligtas. I didn’t even think that what happened would have been traumatic to him. Hindi ko inintindi ang kapatid ko.”

He leaned back on the couch. He looked frustrated. He looked in pain. He looked like he was regretting everything.

“I was never there for him,” he said with gritted teeth. Punong-puno ng pagsisisi ang mukha n’ya. “Napabayaan ko s’ya sa kagustuhan kong maghanap ng hustisya para sa mga magulang namin. Hindi ko kasi matanggap ang nangyari na wala man lang akong nagawa para sa kanila. But then… I forgot. Hindi lang ako ang nawalan ng mga magulang. Gray also lost his parents. And he probably felt that that night, he lost his older brother too.”

Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko. Nag-iwas ako ng tingin kay Hunter ng ilang sandali dahil pakiramdam ko ay tuluyang tutulo ang mga luha ko kapag nanatili pa akong nakatingin sa kanya. He looked so broken and I couldn’t take it.

I was hurting for the brothers. Naintindihan ko ang ibig sabihin ni Hunter sa huling sinabi n’ya. Hindi lang ang mga magulang ni Gray ang nawala sa kanya pagkatapos ng gabing iyon. Pati na rin ang kuya n’ya sa kagustuhan na makakuha ng hustisya para sa nangyari sa mga magulang nila. Hunter was probably always away to seek justice for their parents leaving Gray alone.

Kaya ganoon na lang ang galit ni Zeno para kay Hunter. That’s why Gray’s mind created Gadriel as his representation for an older brother who was always there for him. That’s why that little alter was still there, hiding and waiting for his brother to save him, dahil pakiramdam ni Gray ay hindi naman s’ya naligtas noong gabing iyon. Mag-isa pa rin s’ya.

“I should’ve stayed with him. I’m his brother, his only family left. And yet—” Hindi na naituloy ni Hunter ang sasabihin n’ya. His voice broke.

“Hunter—”

“This is the aftermath of the game for him.” He stopped and shook his head. “No— not only for Gray. But for both of us. This is the aftermath of the game for both of us.”

Muli n’yang itinukod ang mga siko sa tuhod n’ya. He buried his face on his palms and while looking at him, I could feel all his agony.

Hindi na s’ya nagsalita pagkatapos noon. Pakiramdam ko ay hindi na n’ya kayang magsalita pa. He was breathing hard, tanda na sobra s’yang nahihirapan sa mga nangyayari.

I leaned back on the couch and didn’t say anything to give Hunter time to sort everything out. To calm himself down. Alam kong hindi magiging madali para sa kanya ang lahat.

“Hunter…” I called his name softly after a while. Napansin ko rin ang pagiging kalmado na ng paghinga n’ya. “These might not be the words that could help you right now but… wala tayong magagawa sa mga bagay na nangyari na. Hindi na natin maibabalik ang oras kahit gaano pa natin gustuhin para maitama ang mga maling bagay na nagawa natin.”

Napansin ko ang pagtango n’ya. His hands went up to his hair. Naisuklay n’ya ang mga daliri sa buhok at itinukod naman ngayon ang ulo sa mga palad n’ya.

I took a deep breath.

“I know that you have so many regrets, Hunter. Siguro, sinasadya mo ring isipin ang lahat ng mga bagay na pinagsisishan mo ngayon as a way to punish yourself. And I know that you feel guilty too. But… Don’t let yourself suffer for too long because of it. Don’t let yourself drown in your suffering. You can punish yourself but do it only for a while. After that, remember that you are here now.”

Nakita ko ang unti-unting paglingon sa akin ni Hunter. There was still so much agony in his eyes but I gave him a warm and kind smile.

“You are here now, Hunter. You have now and the future. Use your regret and guilt to move on and decide what’s the right thing to do this time. Use this chance para makabawi ka sa lahat. Sa kapatid mo. You have a lot of time with him now. Focus on that.”

I saw how the tension released on his shoulders. Nabawasan ang paghihirap sa mga mata n’ya pero nandoon pa rin ang sakit.

But it’s okay. At least I know, my words got right through him.

“Focus on how you can both heal this time.”

Ilang sandaling nakatitig lang sa akin si Hunter. Then after a while, he gave me a small smile.

“Thank you, Rey.”

I smiled back at him. We both fell silent after that. But this time, the atmosphere felt light.

I… should probably take my own advice too.

But before that, kailangang maayos na ang kaso ni mama. Sa pagbalik namin sa Manila, kakausapin ko si Attorney Villaraza. I know that he’s a great lawyer, halata naman sa kanya. Maybe… maybe he’s the right lawyer for my mother that we’ve been waiting for. Iyong magpapanalo sa kaso n’ya.

“Isasama mo na si Gray pabalik sa Manila?” tanong ko kay Hunter makalipas ang ilang sandaling katahimikan. Alam ko rin naman kung anong sagot n’ya roon. Gusto ko lang… malaman kung anong susunod n’yang gagawin.

He nodded. He looked away from me for a moment and heaved a deep sigh. Nang muli s’yang tumingin sa akin ay grabe ang nakita kong kaseryosohan sa mga mata n’ya na nagpakaba sa akin.

“I’m going to find the best doctor for him,” he said. “Someone that could help him.”

Tumango ako. Naiintindihan ang gusto n’yang mangyari. At sa totoo lang… masaya akong marinig iyon mula sa kanyaa.

Gray really needs help. A professional help.

“Kailangan n’ya ’yon,” I said.

“I’m willing to check everywhere to find the right doctor that could help him get better. Everywhere, Rey.”

I pursed my lips and nodded. Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko at pag-iinit ng mga mata ko. Lumunok ako at nahirapan pa dahil sa paninikip ng lalamunan ko.

“Okay,” sabi kong napatikhim dahil narinig ko ang pagkabasag ng boses ko.

Hunter stared at me, studying my expression. Hindi ko na naitago sa kanya ang sakit at lungkot na naramdaman ko. Alam kong mula roon ay nakikita n’yang naiintindihan ko kung anong gusto n’yang iparating.

They’ll leave. They will… move away. There might be a chance I won’t see Gray again.

Pinigilan ko ang sarili kong maiyak. Masakit ang isiping baka hindi ko na nga s’ya makita. Pero… kung alam ko namang nasa mabuti s’yang kalagayan, kasama na ang kapatid n’ya sa wakas, para sa ’kin, mas gugustuhin ko ’yon.

Hindi rin naman ako bumalik dito sa Japan para makipagbalikan sa kanya. I just wanted to check if he was okay after I left him. Na sa tingin ko ay ang pinakatamang desisyong ginawa ko mula nang makasama ko s’ya.

I already left him. It would confuse him if I tried to get back to him. Dahil isa na ako sa mga nanakit sa kanya.

“I will do my part now as his brother,” Hunter said at mabilis akong tumango habang pinipigilan pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. “Hindi ko na ulit pababayaan ang kapatid ko.”

Sa kabila ng panlalabo ng mga mata ko ay ngumiti ako sa kanya.

“That will be the best for Gray.”

“Thank you for everything that you did for my brother, Rey,” he said.

May kumawalang luha sa mga mata ko at mabilis ko iyong pinunasan.

“Gano’n naman talaga,” I said. “Nakahanda kang gawin ang lahat para sa taong mahal mo.”

Hunter nodded. May nakikita akong lungkot sa mga mata n’ya habang nakatingin sa akin.

“Yeah…”

I smiled at him.

“Ipagdarasal ko ang pagbuti ng kalagayan ni Gray.”

He smiled softly at me.

“I wish you the best, Rey. Always.”

Ako naman ngayon ang sinubukang pakalamahin ang sarili. Pinipigilan ko ang umiyak kaya sumasakit tuloy ang ulo ko.

Nahihirapan akong isiping hindi ko na ulit makikita si Gray. I love him so much. Mahal na mahal ko s’ya. Pero sinasabi ko na lang sa sarili kong makakasama na n’ya ang kuya n’ya. He’ll be there for him and help him get better. He won’t be alone anymore as he finally gets professional help. Hindi katulad noon na mag-isa s’yang naghanap ng doctor para sa sarili n’ya.

His brother will now be with him.

Hunter decided to cook something for Gray. I stood up and decided to check on Gray pero bago ko pa mabuksan ang pinto ng kwarto ay napatigil ako nang may maalala. I looked at Hunter who was checking the cupboard for something to cook.

“’Di ba hindi ka marunong magluto?”

Napangiwi pa ako nang matapos kong itanong ’yon kay Hunter. Hindi ko lang talaga mapigilan dahil naalala kong pareho sila ni Gray na hindi marunong magluto kaya nagtaka ako nang magpresinta pa mismo si Hunter na magluluto ngayon para sa kapatid.

“Oh.” Napakamot si Hunter sa gilid ng kilay n’ya. Mukha pang nahihiya na alam ko ang tungkol sa bagay na ’yon. “Gray told me earlier that he wanted me to cook for him.”

“Pero hindi ka marunong?”

He chuckled.

“Yeah… Ang sabi n’ya nga mukhang hindi naman raw mangyayari ’yon but I still wanna try. I think I could at least… boil water for this.”

Ipinakita n’ya sa akin ang instant noodles na nahanap n’ya. Natawa ako at napailing na lang.

“Good luck, Hunter.”

Muling natawa si Hunter at nagsimula nang kumilos. Itinuloy ko na lang ang plano ko kanina. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto sa pag-aakalang tulog pa si Gray. Pero nagulat pa ako nang makitang nakaupo s’ya sa kama, hawak ang teddy bear at nakatitig lang doon.

I quietly went inside. Nakailang hakbang pa ako palapit sa kanya bago napalingon na sa akin si Gray. I smiled at him as I sat carefully on the side of his bed. Tinatantya ang magiging reaksyon n’ya pero hindi n’ya naman ako pinigilan hanggang sa makaupo ako.

“Hi,” bati kong nakangiti sa kanya. “How’s your sleep?”

He looked like he was wondering who I was. Pero hindi naman ako pinaalis at tumango pa sa akin.

“Good,” he said. “Where’s kuya?”

“Hmm… Nagluluto ng pagkain mo.”

He frowned. Mukha pang hindi s’ya naniniwala sa sinabi ko.

“Hindi ’yon marunong magluto si kuya, eh!”

Hindi ko na napigilan ang matawa. Ang itsura n’ya kasi ay parang may sinabi ako sa kanyang hindi kapani-paniwalang bagay.

“Instant noodles lang. Kaya na siguro ng kuya mo ’yon,” I said. “Pwede rin naman tayong magpa-room service na lang pero sa tingin ko… mas gusto mo ’yung iluluto ng kuya mo kahit instant noodles lang ’yon.”

Napatungo si Gray. Saglit na nilaro ang teddy bear na hawak bago tumango nang nakayuko pa rin.

“Hm,” he just said. Nahihiyang amining totoo ang sinabi ko.

I chuckled. Magkapatid nga talaga sila.

“Then let’s hope na maayos maluto ng kuya mo ang instant noddles.”

He looked at me and giggled. His eyes twinkled with happiness.

I missed that look in his eyes. Pakiramdam ko ay sobrang tagal na nang makita kong ganitong kasaya ang mga mata n’ya na parang wala s’yang pinagdaraanan.

“Ikaw ba ’yung nagkulay ng buhok ko?” tanong n’ya at napahawak sa buhok. He was trying to take a peek on his gray hair at hinihila iyon papunta sa mga mata n’ya pero minsan ay nabibitiwan dahil maikli ang mga hibla.

“Huh? Hindi, ah. Ayaw mo ba ng kulay?”

Nakasimangot s’yang umiling.

“Ayoko. I look like an old man.”

I pursed my lips, trying to hide my smile. It was probably Zeno that dyed their hair.

I noticed the curious look Gray was giving me now. Ngumiti ako sa kanya nang mahalatang parang may gusto s’yang itanong.

“Ano ’yon?”

“Are you my babysitter?” he asked.

Medyo nagulat pa nga ako sa tanong n’ya pero agad din akong nakabawi. Pinag-isipan ko ang isasagot ko.

I smiled when I remembered those times na si Gray ay nakikitulog at nakikikain pa sa apartment ko. Iyong mga panahong pinagluluto ko s’ya kapalit ng paghahatid-sundo n’ya sa akin sa hospital.

Tumikhim ako nang maramdaman ang paninikip ng dibdib ko. I forced a smile at Gray who was waiting for my answer.

“Hmm… Yes? Pero sandali lang.”

Napasimangot s’ya.

“You’re too pretty to be a babysitter.”

This time, totoong ngiti na ang ipinakita ko sa kanya.

“Thank you…” I said. “Pero kapag bumalik tayo sa Pilipinas, matatapos na ang pagiging babysitter ko sa ’yo.”

He shrugged.

“That’s okay. My kuya will take care of me now. Kaya excited akong bumalik na!”

I smiled.

“That’ll be great, Gray…”

Hunter took care of everything. Gabi na nang mag-check out kami sa hotel na ’yon at sumakay na sa private plane pabalik sa Manila. Gray looked too happy as we boarded the plane. Excited umuwi sa Pilipinas dahil kasama na ang kuya n’ya.

Pero habang palapit nang palapit ang distansya namin sa Pilipinas, pakiramdam ko naman ay mas nadudurog ang puso ko. Pinipilit ko ang sarili kong maging masaya habang nakatingin kay Gray na halata ang saya sa mukha. Pero hindi ko maalis sa isip ko kung anong mangyayari sa oras na lumapag ang eroplano at makarating kami sa Pilipinas.

So, I just settled myself at watching Gray the whole time. Mukhang nakahalata si Hunter at pinatabi pa ako sa kapatid n’ya na hindi ko tinanggihan. Hanggang sa ina-announce na ng pilotong nakarating na kami sa Manila.

Sa bawat paghakabang ko pababa ng eroplano ay ang mas pagkadurog pa ng puso ko. Kung pwede lang ay hindi na sana kami bumaba. Kung pwede lang na makasama ko pa sana si Gray.

But I couldn’t be selfish. I wasn’t the one that Gray needed.

It was his brother.

“Ihahatid na kita, Rey,” Hunter said as we got out of the gate. Pareho sila ni Gray na nakatingin sa akin.

Umiling ako.

“Susunduin ako ng kapatid ko,” I said.

Hunter studied my face for a while. Binabasa siguro kung nagsisinungaling ako. But when he saw I was telling the truth, he nodded.

“Okay.” He gave me a small smile. “Take care, Rey.”

I smiled at him.

“You too, Hunter.”

Tumalikod s’ya at naglakad pero napatigil din agad nang makitang hindi nakasunod sa kanya si Gray. We both looked at Gray who was just staring at me. Maya-maya ay naglakad na palapit sa akin.

“Where will you go now?” Gray asked. His face was full of curiosity.

Nagpanggap ako na nag-iisip.

“Uuwi na muna siguro ako.”

Tumango s’ya. Ang abong mga mata ay nanatiling nakatitig sa akin.

“Your name’s Rey?” he asked. Narinig n’ya siguro ang itinawag sa akin ni Hunter.

Nakangiti akong tumango sa kanya kahit ang sakit-sakit na ng dibdib ko.

“Reyziel. Nickname ko ’yung Rey.”

Malawak s’yang napangiti sa akin. His face even lit up.

“We’re the same!” he exclaimed. “Grayson James is my name and Gray is my nickname! Magkatunog ang mga nickname natin!”

I almost burst into tears with that pero pinigilan ko ang maiyak. Naalala ko ang panahong sinabi n’ya ’yon. Tuwang-tuwa s’yang malamang magkatunog ang mga palayaw namin.

And that he likes calling me Rey. Dahil para raw kinuha iyon sa pangalan n’ya.

It was genuine. He was telling the truth without any meaning behind it. It was really my name that he likes. This little one proved that.

“It is as if my nickname is part of your name?” nakangiti ko pang tanong at rinig ko ang pagkabasag ng boses ko.

Natawa s’ya at tumango. Pagkatapos ay may ngiti sa mga labing tinignan ako.

“I’ll go with kuya now,” he said and waved his hand a little. “Bye, Rey.”

I nodded and waved back at him. Tumalikod na s’ya at naglakad palapit sa kuya n’ya. Hunter nodded at me one last time.

I watched their backs as they walked away. I stood their and watched Gray walk away. My heart hurt with his every step as our distance grew wider and wider.

This might be the last time I will see him.

“Bye, Gray.”

Chapter 60

This is the final chapter of Chess Pieces Aftermath: Gray Sanford. Thank you so much for supporting Gray and Reyziel’s story!

CPAGS epilogue is in a different book entitled

SHIELDER

and will be written in Gray’s POV.

Thank you so much kay Ate Reyziel Denava for letting me use your name! It’s an honor.

P.S.

Sorry na agad, Ate Rey.


Sa pagbalik ko ay agad na inasikaso ni Attorney Villaraza ang kaso ni mama. He talked with us about it at kapansin-pansin ang pagiging sigurado ng bawat salita n’ya. His stance also changed. He looked so formal na pakiramdam ko pa nga ay hindi s’ya ang ipinakilala sa aking kaibigan ni Gray noon.

But one thing is for sure, he was so good at his job. Habang kausap namin s’ya, nandoon ang kasiguraduhan na alam na alam n’ya ang ginagawa n’ya. With his every word and advice, there was that feeling of assurance that this time, we could win this.

“Saan mo ba nakuha ang abogadong ’yon, Reyziel?” tanong sa akin ni mama nang magpaalam si Attorney Villaraza na mauuna na. We visited my mother to talk with her about her next trial and it was Attorney Villaraza who was talking all the time. Kaya rin siguro nauna na s’ya para bigyan pa kami ng oras ni Larissa na makausap si mama.

Siguro ay nahalata na rin ni mama kung gaano kagaling si Attorney Villaraza. We saw it the last time when he was defending her at her court trial. Kahit ako man ay napahanga sa husay n’ya.

I glanced at Larissa. Nang araw na bumalik ako mula sa Japan ay ikinuwento ko sa kanya ang mga nangyari. Minus some details, especially about Gray’s condition.

“Ipinakilala lang din po s’ya sa ’kin, ’ma.”

“May pambayad ba tayo do’n? Mukhang hindi libre ang serbisyo ng abogadong ’yon!”

Napabuntong-hininga ako bago hinawakan ang kamay n’yang n’yang nakapatong sa mesang nakapagitan sa amin.

“’Ma, ’wag n’yo na pong alalahanin ’yon. Ang mahalaga po, manalo tayo sa kaso n’yo,” I said. Nakita kong napangiti si Larissa at hinawakan rin ang mga kamay namin ni mama.

“’Pag nanalo po tayo, magkakasama-sama na rin tayo sa wakas.”

Ang totoo, wala na rin kaming kailangang problemahin kundi ang pagpapanalo na lang sa kaso ni mama. I asked Attorney Villaraza about his fee and he said na inasikaso na ni Gray ang lahat. Kahit pa nga raw tumanggi s’ya, hindi pumayag si Gray na hindi bayaran ang serbisyo n’ya dahil alam n’yang propesyon iyon ni Atrtorney Villaraza. He didn’t want him to do his job for free kahit pa magkaibigan silang dalawa.

Gray has always been so considerate. Alam ’yon ng lahat, lalong-lalo na ng mga kaibigan n’ya. He always thinks about what is best for others.

Naramdaman ko ang pagbabara ng lalamunan ko nang maalala ko na naman s’ya. Palagi na sigurong nandito sa dibdib ko ang sakit sa tuwing maiisip ko s’ya. Dahil kasabay no’n ang mga masasayang alaalang pinagsaluhan namin.

I wonder how’s he? It’s been a month now since I last saw him. Naging abala man ako sa pag-aasikaso sa kaso ni mama pero hindi ko pa rin s’ya nakakalimutan. May mga pagkakataong basta na lang s’yang sumasagi sa isip ko. At kapag nangyayari ’yon, nandoon palagi ang kagustuhan kong umiyak.

I really wanted to know how he is doing. I wanted to know if Hunter already found a doctor that could help him and if Gray already started getting therapy. And if all of his alters are okay about it.

I miss him. I miss him so much. I wanted to see him. I badly wanted to see him again.

“Miss Denava.”

Napatingin ako kay Attorney Villaraza. He set a meeting with us again para sa susunod na trial ulit ni mama kaya magkakausap na naman kami ngayon. I looked at him and his face was serious and formal.

“Yes, Attorney?”

“You will take the witness stand on the next trial. I’m going to ask you questions and you just have to answer them truthfully regarding what you remembered that night. Kung hindi mo maalala at kung hindi ka sigurado, just say you can’t remember.”

I looked at him. I was in awe at how he took my mother’s case so seriously. Walang kahit anumang pagdududa sa mga mata n’ya. Ang nandoon lang ay ang kasiguraduhan. At ang determinasyon n’yang maipanalo ang kaso.

With that, nawala ang anumang pangamba at takot ko. Kahit wala pa man, pakiramdam ko, maipapanalo n’ya ang kasong ’to. Magkakasama-sama na rin kami nina mama at Larissa.

Gray… even if you’re not here, you made sure that I would feel this assurance, huh? You made sure that I wouldn’t feel scared and gave me hope that everything would finally be alright soon.

“Twelve years have already passed, Attorney, pero tandang-tanda ko pa rin ang lahat ng nangyari ng gabing ’yon.”

My mother reached for my hand and squeezed it. Ngumiti ako sa kanya para ipaalam na ayos lang ang lahat. Those memories haunted me for years, hanggang ngayon. Pero simula nang magpunta ako sa Negros at makasama ko si Gray, I was able to forget about that horrible night whenever I’m with him.

Akala ko ay hindi ko kakayaning malayo sa pamilya ko. But Gray was there and gave me strength.

“That’s good,” sabi ni Attorney Villaraza na tumango-tango. “Just don’t get intimidated by the prosecutor during the cross-examination. Just answer his questions directly. You’re a psychologist, Miss Denava. I know it’ll be easy for you.”

I nodded at Attorney Villaraza and smiled at him.

“Thank you, Attorney.”

It took a while before the Judge gave his final verdict. Hindi ko alam kung sadyang magaling lang ba talaga si Attorney Villaraza, but the Judge gave a not guilty verdict for my mom. Halos hindi ko iyon mapaniwalaan. That twelve years after that night, we were finally free.

Hindi lang si mama ang nakalaya. Maging ako man. Kami ni Larissa.

Tapos na ang padurusa namin nang dahil sa gabing iyon.

“Maraming salamat, Attorney. Maraming salamat talaga,” hindi maawat si mama sa pagpapasalamat kay Attorney Villaraza habang hawak ang kamay ng abogado. Maging si Larissa man na hindi ko kailanman nakitang umiyak matapos ng mga nangyari sa gabing iyon ay hindi maawat sa pagtulo ang mga luha.

“Thank you po, Attorney,” sabi ng kapatid kong napahikbi ba.

Attorney Villaraza just flashed a formal smile at them.

“It’s my job, Mrs. Denava.”

“Maraming salamat talaga.”

Napatingin sa akin si Attorney Villaraza. Napansin yata ang pagiging tulala ko. He raised an eybrow at me and his lips curled into a smirk as if he found my expression funny.

Hindi ko lang kasi talaga mapaniwalaan. After twelve years, tapos na ang lahat? After twelve years na hindi namin nakasama si mama, makakalaya na talaga s’ya? Magkakasama-sama na kami?

“Tapos na?” hindi makapaniwala ko pang tanong kay Attorney Villaraza nang lumapit s’ya sa akin nang sa wakas ay pakawalan na rin s’ya nina mama at Larissa.

His nod was firm.

“Yes.”

“Makakalaya na si mama?”

“She’s technically free now.”

Doon na bumuhos ang mga luha ko. Nangyayari ba talaga ’to? Parang… ang bilis? Hindi sa nagrereklamo ako pero hindi lang talaga ako makapaniwala na ganitong kabilis natapos ni Attorney Villaraza ang lahat. Na para bang ikinumpas n’ya lang ang kamay n’ya at natapos na ang problema namin.

Kahit na nakita at napanood ko kung gaano s’ya kagaling habang ipinagtatanggol si mama, kahit na ilang buwan din ang inabot at nakailang trial pa, hindi pa rin ako makapaniwala. Para bang nasa isang maganda akong panaginip at magigising ako maya-maya rin.

But this is real. Everything that’s happening is real. Malaya na si mama. Nagawa s’yang ipagtanggol ni Attorney Villaraza.

“She still needs to sign some papers and of course, get the approval of her doctor. But I don’t think that would be a problem since pinayagan na naman s’yang ituloy ang kaso.” Tumango si Attorney Villaraza sa akin. “Yeah. Pwede na s’yang umuwi rin ngayon.”

Mas lalong bumuhos ang luha sa mga mata ko. Hindi ko napigilan. I took one of his hand and clasped it with both of my hands to show him my gratitude.

“Thank you… Maraming maraming salamat, Attorney,” humihikbi kong sabi. Nakita kong muling napaiyak sina mama at Larissa.

Attorney Villaraza let out a chuckle.

“I just did my job, Rey. We both knew that I’m not the one you should be thankful for.”

Napatitig ako sa kanya at natigilan. Nakuha ko kaagad kung anong ibig sabihin n’ya. He probably wouldn’t take my mother’s case if Gray didn’t ask him.

It was Gray who I should be thankful for. Gray who did all of this for me. Gray who helped me become finally free.

Malaya na ako ngayon. Sa mga Callisto, pati na rin sa masakit na nangyari sa pamilya ko. All because of Gray.

Attorney Villaraza nodded firmly at me for formality.

“I’ll go now. See you next time, Rey.”

Kahit na nang makauwi kami sa bahay na binili ko para sa amin ay hindi pa rin ako makapaniwalang kasama na namin si mama. Na simula sa araw na ’to ay magkakasama-sama na kami. Na paggising ko ay kasama pa rin namin si mama. Pati na sa mga susunod pang mga araw.

Hindi naman ganoong kalaking bahay ang binili ko mula sa perang inipon ko. Sapat na para sa tatlong taong maninirahan doon. Dalawang palapag ang bahay. Ang sala, kusina at ang banyo ay nasa ibaba. Sa second floor naman ay nandoon ang tatlong kwarto at mayroon ding banyo doon.

Kahit na pwede naman kaming magkakahiwalay ng kwarto sa pagtulog ngayon, pinili naming tabihan ni Larissa si mama sa kwartong nakalaan para sa kanya. Hindi rin naman nagreklamo si mama na kahit pa malalaki na kami ni Larissa ay gusto pa rin naming tumabi sa kanya. Nagsisiksikan tuloy kami sa iisang kama.

“Mamimili ako bukas ng mga gamit at iba pang appliances,” sabi ko habang nakayakap kay mama. Nakaunan kaming pareho ni Larissa sa mga braso n’ya. Nasa kanan ako ni mama at ang kapatid ko naman ay nasa kaliwang nakayakap din.

“Ate, bili mo ako ng desk lamp para sa study table ko,” ungot ni Larissa.

Tiningala ko si Mama na parehong hinahaplos ang mga buhok namin ng kapatid ko.

“Ikaw, ’ma? Baka may gusto kang appliances na ipabili? Microwave?”

“Hmm…” Umakto s’yang nag-iisip. Pagkatapos ay hinigpitan ang yakap sa akin. “Sa totoo lang ay hindi ko pa naiisip ang ibang bagay, anak. Ang iniisip ko lang ngayon ay masaya akong sa wakas nayayakap ko kayo ng ganito.”

Agad na nanlabo ang paningin ko. Hinigpitan ko ang yakap kay mama at naramdaman kong ganoon din ang ginawa ni Larissa.

“Hindi pa rin ako makapaniwala na katabi kitang matutulog ngayon, ’ma,” Larissa said with all smiles but I heard her voice break a little with emotions.

I chuckled. Dinig ko rin ang bahagyang pagkabasag ng boses ko.

“Kahit ako rin. Parang panaginip lang ’tong nangyayari.”

“Shh. Totoo ’to,” saway sa akin ni mama. “Magkakasama na tayo ngayon. Hindi na tayo magkakahiwalay ulit. Mula ngayon, ako na ang mag-aalaga sa inyo. Babawi ako sa inyo. Sa lahat ng mga naging hirap n’yo para sa ’kin.”

“Kahit naman hindi na, ’ma. Gusto lang naming makasama ka.” Halata ang pagpipigil ng iyak ni Larissa.

“Ako ang nanay n’yo kaya dapat lang bumawi ako. Ako na ang mag-aalaga sa inyo. Pwede na kayong dumepende sa akin ngayon.”

Hindi ko na napigilan ang paghikbi ko. Ibinaon ko ang mukha ko sa katawan ni mama. I heard muffle cries from Larissa as she buried her face on our mother’s body too.

“Ang mga anak ko,” si mama na halatang umiiyak na rin. “Pasensya na kayo sa lahat, huh? Hindi ko gustong ganito ang mangyari sa pamilya natin.” I felt her kiss the top of our heads. “Mahal na mahal ko kayo.”

“Mahal na mahal ka rin po namin, ’ma,” magkasabay naming sabi ni Larissa habang umiiyak.

That night, with my mom hugging and with me and my sister hugging her back, I was able to sleep soundly.

Maaga akong nagpunta sa mall kinabukasan para mamili ng mga kakailanganin naming mga gamit para sa bago naming bahay. Kulang-kulang pa kasi ang mga nabili kong gamit dahil hindi ko talaga inaasahan ang mabilis na pagkakapanalo ng kaso ni mama.

Sina mama at Larissa ang naiwan sa bahay para magkatulong nilang ayusin iyon. I smiled to myself just thinking they were at home, magkatulong sa pag-aayos at sa pag-uwi ko ay dadatnan ko sila.

Naramdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko. I was feeling so happy. Kumpleto na rin kami sa wakas.

Bawing-bawi ang lahat ng mga paghihirap ko para makaahon kami ni Larissa ngayong magkakasama na kami. Hindi ko na alintana ang mga pinagdaanan ko noon. Ayos na ’yon. Kaya ko nang kalimutan ang lahat dahil sa sobrang saya ko ngayon.

Nabawasan ang ngiti ko pagkatapos. I was happy. I know I am happy. Pero pakiramdam ko… may kulang.

Napatigil ako sa paglalakad nang makilala ko ang babaeng makakasalubong ko habang naglalakad ako papunta sa furniture store. Sa kamay ko ay bitbit ko ang paperbag na naglalaman ng microwave na binili ko. Hindi ko na alintana ang bigat habang nakakatitig sa babaeng naglalakad papunta sa direksyon ko at mukhang hindi pa ako nakikita.

Then, she finally noticed me. Naging marahan ang paglalakad n’ya hanggang sa tumigil s’ya sa harapan ko. Ilang sandali pa muna akong napatitig sa kanya bago nakapagsalita.

“Doc Evelyn…”

“Reyziel.” Halata rin sa kanyang hindi n’ya inaasahang makikita ako ngayon. “It’s been a while.”

“Kumusta na ho kayo?”

“I’m good.” Napatingin s’ya sa paperbag na hawak ko. “What are you doing here?”

“Namimili ho ng gamit para sa bahay.”

“That’s good to hear.”

I hesitated. Ilang beses ko nang pinag-isipan kung kailan ko dapat kakausapin si Doc Evelyn. I needed to talk to her. Nawala lang sa isip ko dahil naging busy sa pag-aasikaso kay mama pero mukhang pinapaalala na sa ’kin ang tadhana iyon.

I guess… This is the right time.

“Have you already had your lunch, Doc?” I asked.

Nakita ko ang pagtaas ng isang kilay n’ya bago bahagyang umiling.

“Not yet. I was actually on my way to have my lunch.”

I took a deep breath. “Okay lang ho bang saluhan ko kayo? May gusto lang din po sana akong sabihin sa inyo.”

Ilang sandali muna akong tinitigan ni Doc Evelyn. Pinag-iisipan siguro kung gusto n’ya pa akong makausap o hindi dahil sa nangyari. Sa totoo lang ay nahihiya ako ngayon habang kaharap ko s’ya.

But that’s why I needed to talk to her. Hindi ko gustong magkaroon s’ya ng sama ng loob gayong ang pamilya nila ang tumulong sa aming magkapatid noong walang-wala na kami.

Napabuntong-hininga si Doc Evelyn.

“Alright,” sabi n’yang ikinagaan ng loob ko. “But let’s make it quick since I have an appointment.”

I made a small smile as I nodded at her.

“Okay, doc.”

Sa isang restaurant na malapit sa mall napagdesisyunan naming kumain. Ayaw kasi ni Doc Evelyn sa restaurant sa loob ng mall dahil marami raw tao. Nang makatapos kaming mag-order ay ramdam ko ang titig sa akin ni Doc Evelyn at hindi ko maiwasan ang kabahan.

“I heard about your mother’s case from Larissa,” sabi ni Doc Evelyn na istrikto ang mga matang nakatingin sa akin. “Congratulations.”

Sa kabila ng kabang nararamdaman ay napangiti ako.

“Thank you po, doc.”

“Nagpaalam na sa ’kin si Larissa noong isang araw when she took her things at the house. May nabili ka raw bahay para sa inyo?”

I nodded.

“Hindi naman po kalakihan. Sapat po para sa naipon ko sa pagtatrabaho sa hospital.”

Hindi na nagsalita si Doc Evelyn nang mabanggit ko ang pagtatrabaho ko sa hospital. Mukhang alam na n’ya kung anong sasabihin ko sa kanya ngayon.

I took a deep breath. Nang makalma ako at makahanap ng lakas ng loob ay tumingin ako sa mga mata n’ya.

“Napakalaki ho ng utang na loob namin sa inyong mga Callisto, doc. Nu’ng hindi ko na po alam ang gagawin ko, nu’ng inakala ko hong sa kalsada na kami pupulutin ng kapatid ko dahil walang-wala na kami, dahil pareho pa kaming mga bata, dumating kayo. Para po kayong mga anghel na sinagip kaming magkapatid sa maaring hindi magandang mangyari sa ’min.”

Hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Doc Evelyn. She still looked strict while listening to me. Pero kahit na ganoon ay ngumiti pa rin ako sa kanya. I showed her how sincere I was with everything I’m going to say.

“Napakabait n’yo ho.” Nararamdaman kong nagsisimulang magbara ang lalamunan ko. “Hindi n’yo naman kami kaano-ano. Hindi n’yo kami kilala ng kapatid ko, si mama lang po talaga ang kilala n’yo, pero kinukop n’yo pa rin po kami. Binigyan ng matutuluyan. Pinag-aral at pinakain. Binigyan n’yo pa po ako ng trabaho sa hospital n’yo.”

“You know those weren’t free, Reyziel. Pinagtrabahuhan n’yo ang lahat ng natanggap n’yo.”

Umiling ako.

“Hindi naman ho naging mahirap ang trabaho namin sa mansyon. Kahit ang pagiging  clinical psychologist ko ho. Kaya pakiramdam ko, parang nakuha namin ng libre ang lahat. Pakiramdam ko pa nga, inabuso namin ang kabaitan n’yo.”

Mariin na umiling si Doc Evelyn.

“No. You deserve those. Mali ako sa pagpapatrabaho ko sa inyo habang mga menor de edad pa kayo. Pero lahat naman ng mga ibinigay namin ay napagbayaran n’yo rin naman.”

I bit my lower lip. I knew it. Dinamdam n’ya ang pananakot sa kanya ni Attorney Villaraza para pirmahan ang aggreement na ’yon.

“I also wanted to personally apologize to you, doc. Iyon po talaga ang rason kung bakit gusto ko kayong makausap. I didn’t know that Attorney Villaraza did those things. Wala po akong kaalam-alam. Kung hindi pa nga sinabi ni Ace na hindi na pala ako empleyado ng CMC, patuloy pa rin akong magtatrabaho sa hospital.” I sighed. “It wasn’t right that he offered you money in exchange for all that you did for my family. Dahil wala hong katumbas na anumang halaga ang tulong na ibinigay n’yo sa amin. Pasensya na ho, doc. Pasensya na ho talaga.”

Napabuntong-hininga si Doc Evelyn. Bahagyang nabawasan ang tensyon sa mga balikat n’ya at nabawasan din ang pagiging istrikta ng mukha.

“I admit I didn’t like what that lawyer did, Rey. He sounded so arrogant. Anong tingin n’ya sa ’kin? Mukhang pera?”

Napangiwi ako. Napansin ko rin naman iyon noong una. But it was actually his confidence. Attorney Villaraza is a man full of confidence that one would mistake it was his arrogance if a person didn’t really know him. 

“But then, he was right on the part na pinagtrabaho ko naman talaga kayo when you and Larissa were just kids. Nagtalo pa kami ni Stanley tungkol do’n. Pero pinagtrabaho pa rin namin kayo.”

“But that helped me and Larissa, doc. Kung hindi po dahil sa inyo, hindi ko talaga alam kung anong mangyayari sa ’min ng kapatid ko.”

I saw a small smile carved on Doc Evelyn’s lips. There was a gentle look on her face when she looked at me.

“Because as a mother, Reyziel… hindi ko kayo kayang pabayaan na lang. Naalala ko ang anak kong si Ace sa inyo. He was alone in the States. Kaya nang makita ko kayo, hindi ko kinayang hindi kayo tulungan. It was the maternal part of me that made me want to help you.” Her smile turned gentle. “And maybe, doon pa lang din, nakita ko na kung gaano ka kadeterminadong maisalba ang pamilya n’yo. Imagine? A child with that age was willing to do everything for her family.”

Napangiti ako kasabay ng panunubig ng mga mata ko. Doc Evelyn actually became our second mother. Hindi man iyon ang tingin ng iba pero may bahagi sa amin ni Larissa na alam kong magkakasundo kami sa isiping iyon.

“I really like you, Reyziel,” she said. “I saw how hardworking and determined you are with your life. How passionate you are. You are kind. You are so loveable kaya naman kahit na nainis ako, may parte rin sa akin na naintindihan ang ginawa ng abogadong ’yon. Marami ang nagmamahal sa ’yo kaya marami rin ang gustong magprotekta sa ’yo. Even my son fell in love with you.”

Natawa ako kasabay ng pagtulo ng isang butil ng luha mula sa mata ko. Mabilis ko iyong pinunasan.

Doc Evelyn reached for my hand and squeezed it.

“I’m sorry if I tried to push you away from your family. It wasn’t really my intention to hurt you.”

Marahan akong umiling.

“Kapalit naman po no’n ay ang paglipat kay mama sa mas maganda institution. Mas natutukan po s’ya kaya naging mabilis ang paggaling n’ya.” Tuluyan na akong napaiyak. “Kung hindi po dahil sa inyo, hindi gagaling si mama.”

“Aww.” Nakita ko ang pamamasa ng mga mata ni Doc Evelyn. “Come here.”

Lumipat ako sa upuan sa tabi n’ya. Pinunasan n’ya muna ang mga luha ko pero wala ring silbi dahil patuloy lang sa pagbuhos iyon. In the end, Doc Evelyn hugged me and that made me cry more.

“I’m so glad that you’re together with your mother now, Rey…” Rinig ko ang pagkabasag ng boses ni Doc Evelyn. “Be happy with your family, okay?”

Tumango ako at yumakap pabalik sa kanya.

“Maraming maraming salamat po talaga sa inyo, doc… Hindi ko alam kung paano makakabawi sa kabutihan n’yo.”

“Shh…” alo n’ya sa akin at hinagod ang likod ko. “Just be happy, Rey… You deserve it after all you’ve been through.”

Binitiwan ako ni Doc Evelyn at tinitigan ang mukha ko. I cried more when I saw the maternal love in her eyes as she looked at me. Muli n’yang pinunasan ang mga luha ko.

“Napakabait na bata,” she said as she tried to wipe my tears. “Fix yourself.  Let’s be presentable in front of the food.”

Natawa ako at tumango. Pinupunasan ko ang luha sa mga mata ko nang bumalik ako sa upuan. I saw Doc Evelyn wiping her tears as well at nagkatawanan na lang kami.

I experienced so many hardships that there were times in my life I often question why did it happened to me. Bakit sa dinami-rami ng mga tao ay ako pa ang binigyan ng ganitong problema. There were times in my life when I often wanted to give up. Sa sobrang hirap at pagod ay parang gusto ko na lang magpahinga.

I’m glad I didn’t. I’m glad I decided to still push through. Na labanan ang lahat ng kahinaang naramdaman ko. Na kahit napapagod na ako at nahihirapan ay hindi pa rin ako sumuko. Kung hindi ay hindi kami magkakasama-sama ng pamilya ko ngayon. Hindi ako magiging ganitong kasaya.

God is still kind to me. Despite everything, He gave me strength and inspiration to move forward. Na parang sinasabi N’yang malalagpasin ko rin ang mga pagsubok na ’yon. He gave me people who were so kind to me. He gave me people who helped me get through with everything. Sinigurado N’yang kakayanin mo ang mga pagsubok para mas maging malakas ako.

I remember when I often wonder about people. About how they think. Kung bakit nila nagagawa ang isang bagay. Kung bakit ganoon ang nagiging mga kilos nila.

And as a psychologist, my answer would be, it depends on the person. Sa pakikinig ko ng istorya ng bawat pasyente ko, nalalaman ko ang bawat rason nila. Ang mga pinaghuhugutan nila. I learned that I shouldn’t judge someone with their simple actions, ’cause every one of us is going through something. Wala namang tao ang walang problema.

If only everyone would take time to understand one another, maybe… the pain will lessen. Hindi na siguro gaanoong karami ang mga taong nasasaktan.

Nagulat ako isang araw nang makatanggap ako ng text mula sa isang taong hindi ko inaasahan. It’s been six months and I haven’t heard anything from him. Kaya naman nang araw ding iyon ay ilang ulit kong binasa ang text na ipinadala n’ya sa akin.

Gray:

Do you have time? Can we talk?

Mula sa pagkakaupo sa sofa ay napatayo ako. Nasa sala kaming tatlo nina Larissa at mama, nanonood ng isang movie nang matanggap ko ang text na iyon. Pareho pa silang napatingin sa akin dahil sa biglaan kong pagtayo.

“Anong nangyari?” tanong ni mama na kinabahan pa yata sa ’kin.

“I…” Nakatitig lang ako sa phone ko. Natatakot na baka biglang maglaho ang text na ’yon. “Lalabas lang po muna ako.”

Hindi na sila nakaimik nang lumabas na ako kaagad. Gray texted me the location where we could meet. It was at the park just near my house kaya ilang sandali lang ay nandoon na rin ako. I have a feeling that Gray knew where I lived.

Naupo ako sa isang bench at nag-text sa kanyang nandoon na ako. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Anim na buwan akong nawalan ng balita sa kanya. Gustong-gusto kong tawagan ang kahit sinuman sa mga kaibigan n’ya para sana itanong ang tungkol sa kanya pero pinipigilan ko ang sarili ko. Naiisip kong hindi makabubuti para sa kanya.

Gustong-gusto ko s’yang makita. And now, I finally have the chance to see him again.

Ilang sandali lang ay nakita kong papalapit sa akin si Gray. Napatayo pa ako. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinapanood ang paglapit n’ya sa akin.

He was wearing a black shirt over a checkered flannel and a maong pants. He looked so boyish, so handsome. Pero ang napansin ko ang ang pag-iiba ng kulay ng kanyang buhok. His hair was now black.

Napangiti ako. Nagkasundo na siguro sila ni Zeno.

Gray was smiling at me. Pero habang papalapit s’ya ay unti-unti kong napapansin ang iba sa kanya. There was something different with his smile and the look in his eyes. Familiar yet different.

Nakalapit na sa akin si Gray. Napansin ko ang isang button pin na naka-pin sa itim na shirt n’ya. Doon sa may bandang dibdib. Sa pinakataas ay nakasulat ang mga katagang “We have DID.” On the center is a white conversation bubble na pwedeng pagsulatan. Below is the text read as “is fronting.”

Binasa ko ang pangalang nakasulat sa white bubble na ’yon. Kaya pala nahalata ko ang pagiging iba ng ngiti n’ya.

“Gadriel.”

He smiled at me.

“Hello, Reyziel.”

Binigyan ko s’ya ng isang pormal na ngiti.

“Ikaw ’yung nag-text?”

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkadismaya. I thought it was Gray who texted me. Ang akala ko ay s’ya ang may gustong makipagkita sa akin ngayon.

Gadriel chuckled. Nahiya ako dahil alam kong napansin n’ya ang pagkadismaya ko.

“Alam din ni Gray ’to. You’ll be able to talk to him later. But first, I have something I wanted to tell you.”

Kinabahan ako. Hindi pa sana ako gagalaw sa pagkakatayo kung hindi pa itinuro ni Gadriel ang bench. He wanted us to sit. Mabuti na rin iyon dahil ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko.

“Is everything okay?” tanong ko nang makaupo kami.

Gadriel smiled. Nabawasan ang kaba ko nang makita ang mga ngiti n’ya.

“Everything is going well, Reyziel,” he said. “We started getting therapy.”

Napasinghap ako. Maya-maya ay malawak na napangiti.

“That’s good to hear, Gadriel! Nagkasundo-sundo kayo?”

He chuckled as he nodded.

“Noong una ayaw talaga ni Zeno. But we, all of us, even Gray, talked. Here.” He tapped his temple. “Nakatulong ng malaki na nakikipag-usap na sa ’min si Gray. I think that’s the only thing Zeno wanted. For Gray to recognize our existence in him.”

Hindi ko mapigilan ang panunubig ng mga mata ko. Sobrang saya ko marinig ang lahat ng ’yon.

“I’m so glad to hear that, Gadriel…”

He grinned at me. Isa pa palang napansin ko sa ngiti n’ya. His smile looked carefree. Para bang… malaya.

Gadriel stared at me. Ilang sandali s’yang tumitig sa akin kaya nagsimula akong mailang. Natawa s’ya nang mahina nang mapansin iyon.

He gave me a soft smile.

“Remember when I promised that when our last meeting comes, I’ll say goodbye to you?” he said. “This is the day, Reyziel… I wanted to bid my goodbye.”

Napaawang ang mga labi ko sa gulat. Hindi ko inaasahan ’yon. Hindi ko naisip na ito ang rason n’ya kung bakit gusto n’yang makipagkita sa akin ngayon.

“Gadriel…” Hindi ko alam ang sasabihin ko sa sobrang gulat.

“I also wanted to thank you. Napakarami kong gustong sabihin but now that you’re in front of me,  nakalimutan ko naman.” He chuckled. Napakamot s’ya sa gilid ng kilay n’ya. “Dapat pala sinulat ko.”

“I… I d-don’t—” Nautal pa ako sa gulat. “Nakakabigla.”

“For you probably. But the moment Hunter promised that he won’t leave his brother from now on, I knew that it was time for me to go.” He smiled. “You know that I am Gray’s representation of an older brother, right? Ngayong nasa tabi na n’ya ang kuya n’ya, Gray didn’t need me anymore.”

“But you helped him!”

“’Cause, that’s who I am. I am here to help him. To act like his brother. But his real brother is here now. Iyon lang din naman ang hinihintay ko.”

I bit my lower lip. Maiiyak na naman yata ako. Pero pinipigilan ko dahil sa nakikita kong kapayapaan sa mukha ni Gadriel ngayon. Na para bang gusto n’ya ang nangyayari.

“And Hunter saved the little one too. So, I’m taking him with me.”

“Gadriel!” Naiiyak nang sabi ko.

He chuckled. Wala akong mahagilap na kalungkutan sa mga mata n’ya. Mukha pa ngang naaliw s’ya sa reaksyon ko ngayon.

“I am the older brother and that little one is the younger brother,” he said. “Now that Gray and Hunter have finally reunited, it is time for us to go too.”

Pinipigilan ko ang sarili kong umiyak. I shouldn’t cry. Hindi ko naman makitaan ng lungkot ang anyo ni Gadriel kaya hindi dapat ako umiyak.

“Don’t be sad…” sabi ni Gadriel na nahalata ang lungkot ko. “This is the proof that Gray is starting to get better.”

“You know there’s no need for you to go.”

“But we chose to go. This is what we want. That little one too. Also, King Lancer, Shielder, and James. Gusto rin nila pero mauuna lang kami. Si Zeno… hindi ko sigurado.”

“Gadriel…”

“Hindi mo na sila makakausap, but they also wanted you to know that they’re thankful to you as well. We are so glad that we were able to meet an amazing woman like you.”

He reached my cheeks and held it against his palm. Ramdam ko ang init ng palad n’yang nakalapat sa pisngi ko.

“My time’s up now, Reyziel. I have to go.”

I pursed my lips. Napalunok ako bago tumango sa kanya.

“I’m glad I met you as well, Gadriel. Thank you for taking care of Gray. For being a brother to him.”

He smiled. I noticed how he started to dissociate. Nang hindi kinaya ay isinandal n’ya ang noo sa balikat ko.

“Take care, Reyziel.”

Bumagsak ang kamay n’yang nakahawak sa pisngi ko. But then, I knew that he was gone. Hindi ko pa rin maiwasan ang malungkot kahit na alam kong tama s’ya sa sinabi n’yang bumubuti na ang kalagayan ni Gray.

Hindi ko akalain na tutuparin n’ya ang pangako n’ya sa akin.

Hinintay kong magising si Gray dahil nasanay ako sa mabilis n’yang pagsi-switch. But I guess not this time. Hindi naman palaging ganoon.

Lumipas ang limang minuto ay hindi pa rin nagigising si Gray. I decided to let him lay down. Ipinatong ko ang ulo n’ya sa mga hita ko habang hinihintay s’yang magising.

Nagsisimula nang lumubog ang araw. The sky was now starting to turn orange as the sun set down. It was illuminated on Gray’s face and I couldn’t help but admire him.

Ang gwapo n’ya. I let my fingers trail on his forehead, down to his eyebrows. Nakapa ko ang dalawang magkatabing hiwa sa dulo ng kaliwang kilay n’ya. I always admire those eyebrow slits. May binabagayan kasi ’yon. I thought it was just his style pero ngayon, napansin ko ang pagkakaroon n’ya ng peklat doon.

My fingers trailed down his nose. Ang tangos ng ilong n’ya. Ang sarap hawakan. Bumaba pa ang kamay ko sa malambot n’yang mga labi. Those lips I used to kiss.

God, I missed this man so much. At sa pagdaan ng mga buwan, na-realize kong hindi man lang nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya. Mas lalo pa ngang nadagdagan sa mga araw na hindi ko s’ya kasama.

Nagulat pa ako sa biglaang pagdilat ni Gray. Mukhang nagulat din s’ya nang makitang nakatunghay ako sa kanya. He sat up so fast that his head bumped into my forehead. Agad akong napahawak sa noo kong nasaktan at dumaing.

“Aray…”

Napatingin ako kay Gray. He looked so lost. Napatingin pa s’ya sa paligid bago ako nakita sa tabi n’ya at mukhang nagulat pa. Napaayos s’ya ng upo at nag-aalalang tumingin sa akin.

“Rey?” I heard the worry in his voice. “What happened? Sinaktan ka ba ni Gadriel?”

Napahawak s’ya sa parte ng ulo n’yang tumama sa noo ko. He looked confused for a second bago ako muling tinignan at nag-abang sa sagot ko.

“Nagkauntugan tayo nu’ng pagbangon mo,” I explained. Mukhang hindi pa yata s’ya masyadong gising nang magdilat s’ya kanina.

Recognition dawned on his face. Muli s’yang napahawak sa ulo n’ya.

“Kaya pala masakit ’tong ulo ko.” Napakamot pa s’ya sa parteng ’yon.

He fished something inside his pocket and it was a pen. Tinanggal n’ya sandali ang pin sa damit n’ya  at binura ang pangalan ni Gadriel doon. Pinalitan ng pangalan n’ya bago muling isinabi sa dibdib n’ya.

“That’s cute,” sabi kong mahinang natawa.

He looked really cute. I missed him being like this.

Napatitig si Gray nang makita akong tumawa. He smiled but I noticed the melancholic look in his gray eyes.

“How are you, Rey?”

I smiled at him.

“I’m good, Gray. Nakalaya na si mama. Kasama na namin s’ya ng kapatid ko.”

He nodded.

“Nakwento nga sa ’kin ni Kuya Kylo.”

“Thank you… sa mga ginawa mong ’to, Gray. Hindi mo naman kailangang gawin ’yon.”

“I wanted to help you. I wanted to make you happy.”

Nanginig ang ibabang labi ko habang nakatitig sa kanya. I saw longing in his eyes. As if he wanted to hold me pero meron nang nakaharang sa pagitan naming dalawa. Pumipigil sa ’ming pareho sa mga bagay na gusto naming gawin na madali lang naman naming nagagawa noon.

“What happened to us, Gray? What really happened?” my voice broke. “Hanggang ngayon hindi ko pa rin kasi maintindihan.”

Ilang sandaling tumitig sa akin si Gray bago bumuntong-hininga. Tumingin s’ya sa harap, sa papalubog na araw at mas lalo kong nahalata ang kalungkutan sa abo n’yang mga mata.

“Palagi kong tinatanong kung bakit ba hindi ako naging normal. Whenever I see people, I always envy how normal they look. Then, a lot of what ifs would flood my mind. What if I was normal? What I didn’t have this condition? What if I could normally be with people?” He looked at me again at kitang-kita ko ang paghihirap sa mga mata n’ya. “Maybe I could be with you then. Siguro, hindi ka sana masasaktan habang kasama ako.”

“Gray… You are normal. Magkaiba tayo pero hindi ibig sabihin no’n na hindi ka normal.”

He smiled at me. He looked grateful for what I’ve said pero nandoon pa rin ang kalungkutan sa mga mata n’ya.

“I really wanted to be with you, Rey. So much.” The hurt in his eyes made my heart ache. “Pero sa bawat araw na nakikita kong nahihirapan at nasasaktan ka ng dahil sa ’kin, mas ginusto ko na lang na lumayo. Kahit na masakit. Kahit na ang gusto ko lang ay makasama ka.”

“Is that the real reason why you pushed me away, then? Hindi talaga dahil minahal mo si Violet?”

He shook his head firmly. Nandoon ang kasiguraduhan sa mga mata n’ya.

“I never loved Violet. I never loved any woman other than you. Ikaw lang ang minahal ko ng ganito, Rey.”

My throat tightened. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko kasabay ng panlalabo ng paningin ko.

“You said you tried. That you were sorry. I thought that you were saying sorry because you failed to try to love me.”

Sunod-sunod ang pag-iling n’ya. Nakita ko ang pamamasa ng mga mata n’ya.

“You became my trigger, Rey… Sa bawat pagkakataong nakikita kong nasasaktan ka, Zeno would switch out. He is my hatred. Hurt is always associated with anger. Kaya sa tuwing nasasaktan ako kapag nasasaktan ka, he would be in charge then. ’Cause I am hurting. And Zeno is there to protect me from being hurt.”

Natigilan ako. Napatitig sa kanya. Unti-unting lumilinaw sa akin ang lahat. Napagtatagpi-tagpi ko ang mga nangyari noon.

Oh, my God… The very first time Zeno switched out was after Lilac died. When we saw what happened to our cat, I cried. Gray was there. He saw me crying. He saw our cat in that state. And that was the first time I noticed the changes in him.

He switched out to Zeno that time. He looked for those people who did that to Lilac and punished him. For me ’cause I was hurting. For Gray ’cause he was hurting as well.

“I tried to stop Zeno from switching out. Para hindi ka n’ya masaktan. ’Cause he thought that you were the one who’s hurting me.” I saw tears fall from his eyes. “I tried to protect you, Rey. I tried. But I failed. He always switches out and I couldn’t do anything.”

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. I understand now. Alam ko na. Alam ko na ang ibig n’yang sabihin sa mga sinabi n’ya. Alam ko na ang dahilan kung bakit n’ya ginawa iyon.

And the reason why he was so afraid to look at me back then. Takot s’yang makitang nasasaktan ako. ’Cause he was also afraid that Zeno will come out and would hurt me.

Shit… It was all for me. Everything he did was all for me.

“You didn’t have to push me away.”

“I needed to,” sabi ni Gray na pinunasan ang mga luha sa pisngi ko kahit pa s’ya mismo ay lumuluha rin. “Patuloy ka lang masasaktan kapag kasama mo ako, Rey. You shouldn’t be with me. Kung hindi ko ginawa ’yon, kahit nasasaktan ka na, pipiliin mo pa ring samahan ako, hindi ba? You told me I am selfless, but you’re selfless too, Rey. You always put others before you.”

“Gray, no…”

“Magulo ako, Rey,” he said. “I am not well. I have a condition. I have DID. Ayokong mahirapan ka nang dahil sa kondisyon ko. Ayokong maubos ka nang dahil sa ’kin. All I want is for you to be happy.”

I cried. Humihikbi na ako habang nakatingin sa kanya. I saw that he was hurting too. But he still tried to smile at me despite the tears falling from his eyes.

“I am thankful that you came into my life,” he said. “You made me feel alive. You made me feel things I didn’t feel before. ’Yung buhay na kinaayawan ko, tinuruan mo ako kung paano magustuhan ’yon. I looked forward to every day ’cause I know that you were there. For me. To love me. To smile at me.”

Naitakip ko ang dalawang mga kamay ko para pigilan ang paghikbi. Hindi ko na s’ya makita nang maayos dahil sa panlalabo ng paningin ko sa mga luha.

“Before you came, I was afraid to fall asleep. Natatakot kasi akong hindi na ako ang may kontrol sa katawan ko kapag nagising ako. But when you’re around, I just wanted to relax. You gave me comfort. You gave me warmth. You always felt like home.” He smiled at me. “Sa lahat ng mga binigay mo, sa lahat ng mga pinaramdam mo sa ’kin, ayokong puro sakit at hirap lang ang ibigay kong kapalit sa mga ’yon. So, I chose to let you go, Rey. I have to let you go.”

“I love you, Gray…”

Muli s’yang napangiti. Pero kitang-kita ko ang sakit at ang pait sa mga ngiting ibinigay n’ya sa akin.

“I love you with every part of me, Rey…”

I cried hard. Wala na akong pakialam kung may makarinig man ng paghagulgol ko. Hindi ko lang kinaya ang sakit sa dibdib ko nang marinig ang mga ’yon mula sa kanya.

“You are my strength. You are my everything. Don’t you know you’re the reason why I started to seek help again? ’Cause I wanted to be better. You gave me the courage to do this. To accept myself. To face my condition.”

I felt it. Kanina pa. The reason why he’s talking to me. Ang rason ng pakikipag-usap n’ya sa ’kin ngayon.

He was saying goodbye.

“I am choosing myself, Rey… Just like what you wanted. So, I want you to choose yourself too.”

I bit my lower lip and nodded. It was so painful to look at him kaya napatungo ako. But he cupped my face and made me look at him.

I saw the everlasting love he has for me in his gray eyes. Those gray eyes that I adored so much.

Tama. Hindi n’ya kailangan ng mga salita para sabihin sa ’kin ang nararandaman n’ya. ’Cause I could already see it in his eyes.

“I should let you go.”

“I know…” I almost whispered.

Pinagdikit n’ya ang mga noo namin.

“I’m thankful I was given the chance to love you, Rey.”

“I’m thankful that you came into my life, Gray…”

Napapikit ako nang maramdaman ko ang paghalik n’ya sa noo ko. Niyakap n’ya ako pagkatapos.

“And if there comes a time when fate will finally take pity on us and allow our paths to ever cross again, I hope that everything will be right for us.”

Nanatili akong nakapikit at muling napaluha sa mga sinabi n’ya. I felt him kissed both my eyes and the warmth of his lips made me cry even more.

“I want you to keep your eyes close and count one to ten after I left, Rey.”

Mas lalo lang akong napaiyak pero tumango ako. Even at the last moment, he was so considerate of me. He knew it would hurt me watching him walk away.

I felt the warmth of his lips as he kissed my lips. For the last time.

“Goodbye… love.”

Ramdam ko ang pagtayo n’ya at pagkawala ng presensya n’ya sa tabi ko. Sinubukan kong pigilan ang pag-iyak pero bigo ako. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa dibdib ko at nahihirapan na akong huminga.

“One… two…” I started counting with my eyes closed. Pero habang nakapikit ako ay bumubuhos naman ang mga alaala na pinagsamahan naming dalawa.

“Whoa, may kapit-bahay na ’ko.”

“Uhm… May kailangan ka?”

“Ha? Ah, wala, wala.”

“Three… Four…”

“Good morning to my beautiful neighbor! Pwedeng paalaga muna dito sa baby ko?”

“Hindi naman kita kilala.”

Mas lalong lumala ang pag-iyak ko. I tried to breathe for air pero mas lalo lang akong napahikbi.

“Five…Six—” I choke back a sob.

“Rey ang nickname mo, ’di ba?”

“Pa’no mo nalaman?”

“Kagabi. Nu’ng tinawag ka ni Janina. Gray at Rey… Magkatunog ang mga nickname natin!”

Muli akong napahagulgol. Hindi ko alam na masasaktan pa pala ako ng ganito. Na kahit hindi ko makita s’yang naglalakad papalayo, masakit pa rin pala.

“Seven… Eight…”

“’Wag kang aalis, Rey, ha?”

“Oo na nga!”

“Nine…” halos bulong ko na lang na sabi. “Ten.”

“I love you with every part of me, Rey.”

Sa pagdilat ng mga mata ko ay tuluyan nang kumalat ang dilim. Kasabay nang paglubog ng araw ay ang pagkawala rin ng lalaking alam kong huli kong mamahalin.

“I love you too, Gray… Goodbye.”

Isinara ko ang travelling nang mailagay ko na ang lahat ng mga gamit ko roon. I looked around the apartment one last time at napangiti na lang sa mga alaalang iiwan ko roon.

“Thank you for the memories.”

Hanggang sa pagsakay ko ng elevator ay ang pagbaha pa rin sa akin ng mga alaala. Pinigilan ko ang sarili ko dahil baka mapaiyak pa ako nang wala sa oras.

“Mami-miss kita, Ma’am Rey,” sabi ni Mang Gener nang makalabas ako ng apartment building. Napangiti ako sa security guard na naging mabait sa akin sa pananatili ko sa Negros.

“Si Mang Gener naman! Nagpapaiyak pa, oh!” biro ko.

“Kayo kasi, ma’am. Naging kasundo ko na kayo ni Sir James. Nakakalungkot na magkasunod pa talaga kayong umalis.”

Pinanatili ko ang ngiti sa mga labi ko at binalewala ang sakit na nasa dibdib ko.

Soon. I’ll be happy with just his memories.

“D’yan na muna kayo, Mang Gener. Magpapaalam lang din ako sa baby ko.”

Pumunta na ako sa likod ng apartment building na ’yon at tumigil sa harap ng isang parte ng lupa roon. Napangiti ako nang makakita ng mga tuyong bulaklak. Kinuha ko ’yon at pinalitan ng bago.

“Lilac… Babalik na si Mommy sa Manila.”

I smiled. Hindi ako mahilig sa pusa pero natutunan kong mahalin ang alaga naming ’to.

“Thank you sa lahat, baby… Bibisitahin kita kapag may pagkakataon.”

Lumuhod ako at hinaplos ang parteng iyon ng lupa. Umusal lang ako ng kaunting panalangin bago tuluyang umalis. Nakita kong may naghihintay ng taxi para sa akin na alam kong pinara ni Mang Gener.

“Ingat kayo, ma’am,” sabi ni Mang Gener na pinagbuksan ako ng pinto ng kotse.

Sumakay muna ako at tinangala ang matandang gwardya.

“Kayo rin po, Mang Gener. Salamat po sa lahat.”

Nang umandar ang sasakyan ay sakto naman ang pagtunog ng phone ko para sa isang tawag. Nang makitang si Larissa iyon ay sinagot ko kaagad.

“Ate! Nasaan ka na?” bungad n’ya kaagad.

Natawa na lang ako.

“Pabalik na sa airport. Nahihilo na ko, ah!”

“Pinili mo ’yan, eh.” Napasimagot na lang ako sa sinabi n’ya. “Sige, ate. Susunduin ka ulit namin ni Ace sa airport mamaya.”

“Okay. Thank you.”

“Ingat ka, ate.”

Pinatay ko na ang tawag at napatingin sa labas ng bintana ng kotse. Tinanaw ko ang tanawin na nadadaanan namin.

Parang kailan lang noong kararating ko lang dito sa Negros.

I smiled. I silently bid goodbye to the place that I didn’t know I would learn to love. To the place where it held my most precious memories. Kasabay noon ay ang pag-iwan ko na rin sa mga alaalang ’yon.

I will choose myself now. I hope that you’ll be able to love yourself too, Gray…

God created the world. He created animals, plants, mountains, and waters. He created humans.

Humans are incredibly complex, yet if one tried to comprehend them, they would realize that not everything we see or hear is the complete picture. Truths can occasionally be found buried deep inside. Humans desired to appear strong to everyone, therefore one that wished to conceal themselves would appear to be weak.

People would also act in ways that could harm others while pretending to be strong. Thus, it always complicates things.

However, one should not make rash judgments. Because, as the saying goes, every story has three sides. Theirs, yours, and the truth.

It is not wrong to be selfless, but you should know when is the right time to choose yourself. It is not wrong to be selfish. But be kind as you do so. For everyone has their own battles.

As I closed my eyes, a smile crept from my lips. I couldn’t wait to be with my family again.

I know this is the right time to choose myself.

About the Epilogue

This update is for those who didn’t read my author’s note on the last chapter that they still keep asking about the Epilogue or an update. And for those who were confused with it.

As mentioned on the last chapter, the Epilogue for this story will be on a separate book/story, with the title SHIELDER (CPAGS EPILOGUE). SHIELDER will only be in Gray’s POV and is divided into twenty parts. It is already posted on my profile. You can find it on my Chess Pieces Aftermath reading list and you can add it now to your library.

— Comms


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.