CHINITO (Bimale Love Story)
ZefPenya · 28 chapters · 57,198 words
Cast of Characters
Main Characters
Jerome Ponce as Jeffrey “Jeff” A. Dy
Arjo Atayde as Riley Kristoffer Dechavez / Nathan P. Rodgers
JC Santos as Marc Alvin D. Francisco
Irma Adlawan as Joyce Alba-Dy
Dante Ponce as William Dy
Kazel Kinouchi as Jeanette “Jean” R. Dy
Maricar Reyes as Natalie Reyes-Dy
Elisse Joson as Jacqui N. Villaruz
Prince Stefan as Alfred “Fred” Rodriguez
Supporting Characters
Edgar Allan Guzman as Joshua A. Dy
Steven Silva as Jeremy A. Dy
Laureen Uy as Jenny Vieve A. Dy
Cherrie Pie Picache as Lorena Dechavez
Celia Rodriguez as Guang Fen Tan-Dy
Yam Concepcion as Cindy S. Perez
Guest Characters
Rio Locsin as Cynthia Alajar-Balcoba
Joel Torre as Rudy Balcoba
Tart Carlos as Lilibeth “Manang Beth” Cruz
Marina Benipayo as Ming Dy
Mercedes Cabral as Joy Dimasalang
Diether Ocampo as Rafael D. Dy
Alora Sasam as Cloe Mae Azarcon
Bianca Manalo as Ella Burgos
Martin del Rosario as Carlo Pineda
Pen Medina as Mang Tony
Dominic Ochoa as Atty. Norman Villanueva
TJ Trinidad as Atty. Vincent Dimaguiba
zS����<
CHINITO: Prologue
Purong Intsik ang tatay ni Jeff, maputi, gwapo at isang negosyante na may-ari ng grocery strore. Maganda naman ang takbo ng negosyo ni William dahil marami ang pumapasok at bumibili ng kanyang mga paninda. Dito niya rin nakilala si Joyce, isang magandang babae na nagtratrabaho sa kanyang store. Nahulog kaagad ang loob niya sa babae at nilagawan ito. Nagpakasal silang dalawa pagkatapos ng dalawang taon at nagkaroon ng mga anak.
Pagkalipas ng ilang araw ay tumawag ang mga magulang ni William at pinapauwi siya sa China kasi may problema daw at kailangan siya doon. Nagpaalam si William sa kanyang iiwan na pamilya at nangako na uuwi kaagad. Walang magawa si Joyce sa pag-alis ng kanyang asawa dahil pamilya niya ang tumawag sa kanya.
Naghintay at naghintay si Joyce ng ilang buwan pero walang William na pumasok sa pintuan ng bahay.
Ngunit isang araw, may isang lalake ang nakatayo sa labas ng gate na merong kasama na buntis na babae.
"Nay, parang may tao sa labas" sabi ni Jenny na nakasilip sa bintana at nakatingin sa labas "Si tatay 'ata at meron siyang kasama"
"Talaga anak?.. sige pagbuksan mo ang tatay mo at para sabay na lang tayo kakain" habang inihanda ni Joyce ang kanilang tanghalian
Nang umakyat na si William at ang babaeng kasama niya, agad na sinalubungan ni Joyce ang kanyang asawa ng yakap at halik.
"Mahal, miss na miss talaga kita. Hindi ako nakakatulog nung mga gabi na wala ka sa tabi ko." at napatingin siya sa babae. Muntik niya nang makalimutan na may kasama pala ang asawa niya sa pagpasok ng bahay. "Sino siya Mahal?..Kapatid mo?.."
Biglang natahimik si William, hindi niya alam kung saan magsisimula at parang nanginginig ang buong katawan.
"Buntis ka??" nagulat si William dahil malaki ang tiyan ng kanyang asawa.
"Oo Mahal. Ito yung bunga ng pagmamahal natin nung araw na umalis ka papuntang China" sabay himas ni Joyce sa kanyang malaking tiyan. Pero walang imik si William sa sinabi ng asawa "Mahal? Galit ka ba sa akin?"
"Hindi... bakit naman ako magagalit sa'yo?" at hinawakan niya ang kamay ng asawa "Joyce?..Mahal ko?... meron akong sasabihin sa'yo" sabay hawak ni William sa kamay ng asawa.
"Ano yon Mahal?" sagot naman ni Joyce na tila kinakabahan sa sasabihin ng kanyang asawa.
Tumingin si William sa kanyang mga anak ng matagal at bumalik muli ang tingin niya sa asawa “Mahal, pwede mo ba silang papasukin sa kanilang mga silid?” pabor niya sa asawa.
"Bakit ba Mahal?? Ano ba ang sasabihin mo?" takang tanong ni Joyce "Pinakakaba mo ako Mahal ah"
"Please. Sundin mo lang ako Mahal. Para hindi nila marinig ang sasabihin ko" pagmamakaawa ulit ni William na parang humina ang tono ng boses.
“Sige. Mga anak, pumasok muna kayo sa kwarto ninyo” at hinintay nila na pumasok ang mga bata.
Humarap muli si Joyce sa kanyang asawa na kumakabog ang kanyang dibdib. “Ano ang sasabihin mo sa akin, Mahal?”
Tinawag niya ang kanyang kasamang babae na lumapit.
"Siya si Ming, ang bago kong asawa galing China" bigla siyang sinampal ni Joyce ng malakas.
"Ano 'to, William?? Ang kapal din ng mukha mo na ipakilala mo sa akin ang kabet mo!!"
“Mahal… gusto ko sanang ipaalam sa’yo ito pero pinipigilan ako ng mga magulang ko. Hindi sila kasi boto sa pinay na asawa kasi gusto nila ng Intsik din ang magiging asawa ko. Sana mapatawad mo ako Mahal”
"Ilang buwan ka naming hinintay ng mga anak mo dito sa Pilipinas at ilang buwan din ako nagtiis na wala ka sa tabi ko lalo na kung gabi pero may kinakatabi ka na pala na ibang babae sa Tsina?! Dumating ka nga pero may kasama ka pang buntis na malanding babae!! Ang kapal ng mukha mo!!" patuloy ang pambubugbog ni Joyce sa asawa hanggang mapagod pero patuloy pa rin ang pag-iyak. Napa-upo siya sa sahig at niyakap siya ng asawa.
"Joyce, Mahal...patawarin mo na ako sa nagawa ko. Alam ko na masakit pero intindihin mo naman sana. Hindi ko naman sinasadya" pagmamakaawa ni William
"Intindihin..?? Hindi sinasadya?... ako pa ngayon ang mag-iintindi sa ginawa mo? Ako na nga ang nasaktan... William naman!!" at sumulyap siya sa Tsinang babae. Nakita niya na malaki din ang tiyan nito "...at talagang nabuntis mo din siya William ha.?!"
"Mahal, sorry na... please." Pagmamakaawa pa niya sa asawa. "Oo. Kasalanan ko. Kasalanan ko na hindi kita pinaglaban... bawal kasi tumanggi sa Chinese"
Tumayo at pumasok si Joyce sa kanyang silid kasi hindi niya pa mapapatawad si William sa ginawa. Doon siya sa loob umiyak ng todo samantala si William naman ay nakaupo pa din sa sahig at nakatingin sa pintuan ng silid ni Joyce. Naka-upo naman sa sofa si Ming, naghihintay sa desisyon ng unang asawa ni William.
Pagkalipas ng ilang oras ay lumabas na si Joyce at tinawag si William na nakaupo na din sa sofa na katabi si Ming.
"Bakit Mahal? Ok ka na ba?" tanong ni William
"Hindi ako agad magiging ok na ganun lang kadali" sabi ni Joyce na nanlilisik ang kanyang mga mata kay William "Pero pinapatawad na kita..." nabuhayan uli si William sa sinabi ng kanyang asawa at niyakap itong muli. "Sandali..... hindi pa ako tapos. Pinapatawad na kita...alang-alang sa mga anak natin pero hanggang lang doon. Tapos na ang namamagitan sa atin."
"Sige Mahal...kung ganyan ang gusto mo, okay na sa akin 'to. Ang importante magkasama na ulit tayo na bilang pamilya. Pero sana mapatawad mo ako sa ginawa ko at mabigyan mo ng isa pang pagkakataon ang relasyon natin"
Tinanggap lang siya ni Joyce sa kabila ng ginawa nilang dalawa. At alang-alang lang sa mga anak, gusto niya na maging kompleto ang pamilya at para meron silang tatay na matatawag at gumabay sa kanilang paglaki. Nakitira din si Ming sa kanila kasi wala siyang matirhan at walang kakilala sa Pilipinas.
Pagkalipas ng ilang buwan ay bumalik na si William sa China para umutang sa mga magulang niya upang maidagdag sa negosyo nilang pamilya. Sakto din sa kanyang pag-alis ay nanganak ng sabay sina Joyce at Ming.
Inggit na inggit si Ming kay Joyce dahil lalake ang kanyang anak, hindi lang basta isa, kundi dalawa at kambal na lalake, samantala sa kanya naman ay isang babae. Sa kulturang Tsina, mas pinapaboran nila ang mga lalake dahil sila ang may kakayahan na mapatakbo ng negosyo at magbuhay sa kanilang pamilya samantala ang mga babae naman ay sa bahay lang at naghihintay sa kanilang asawa galing trabaho.
Nang dahil sa inggit ni Ming ay may naisip siyang plano. Nanakawin niya ang isang sanggol na lalake ni Joyce sabay sa pagtakas niya sa ospital.
Hinintay niya na makatulog si Joyce at kaagad niyang kinuha ang isa sa mga kambal na sanggol palabas ng ospital.
Nahihirapan si Ming sa pagkarga ng dalawang sanggol, isa dun ang kanyang anak na babae at ang kinuha niya mula kay Joyce. Nagmamadali siyang lumayo sa ospital at naghintay na masasakyan na jeep.
Bumaba siya sa hindi pamilyar na lugar, gusto niya sanang umalis sa lugar na iyon pero hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin at saan pupunta dahil ngayon lang siya nakaapak sa ganong lugar at hindi niya alam ang wika ng mga tao.
Ilang hakbang ang kanyang nagawa ay may bigla siyang nakita na isang tiyangge. Kaagad siyang nagtungo doon at nakita ang hindi masyadong katandaan na babae. Pilit niyang kinakausap ito, pero hindi naiintindihan ng babae ang sinasabi ni Ming sa kanya.
Nagulat na lamang ang babae na inabot ni Ming ang isang sanggol sa kanya at kaagad nang tumakbo ng mabilis.
Lumabas ang babae at hahabulin niya sana ang umalis na ina pero hindi niya naabutan.
"O kay sinong anak ang sanggol na yan" sambit ng asawa ng babae na kakauwi lang ng bahay.
"Sa babaeng Intsik. Binigay na lang sa akin at kaagad tumakbo ng mabilis eh" kuwento niya sa asawa "May sinasabi siya, pero hindi ko naman naiintindihan"
"Ha? Kailan lang?"
"Ngayon lang."
"Talaga?" at lumapit ang lalake na pangalan ay Rudy. Tingnan niya ang sanggol ng matagal "Mukang may lahing Intsik din tong bata na to ah. Parang sweswertihin tayo sa kanya, Cynthia"
"Oo nga eh. Ang cute ng batang 'to"
"E ano ang ipapangalan natin sa kanya?"
"Hmmm. Joaquin. Siya na ngayon si Joaquin Balcoba"
CHINITO: Chapter 1 (Si William)
Magsisimula ang ating kuwento sa ating chinito na bida na si Jeff. Isang second yeat Marketing student sa isang sikat na Unibersidad sa Iloilo, 18 na taong gulang at 5’7“ ang kanyang tangkad at sa kaalaman ng marami, isa siyang bisexual.
Madami din naman ang kanyang naging syota at experience sa babae kung sex lang ang naman ang pag-uusapan. Naging pilyo si Jeff nung high school siya kasi kung saan-saan lang siya nagsesex katulad sa likod ng gym ng school, sa football field tuwing gabi na walang tao, sa bahay nila o kahit sa lodging house. Pero kahit marami na siyang karanasan sa babae, hindi pa rin siya masaya dito. Parang hindi pa rin kumpleto ang kanyang pagkatao dahil alam niya sa sarili at sa kaibuturan ng kanyang puso na meron siyang pagtingin sa kapwa niya lalake.
Alam na din ng nanay niya at ng tatlong nakakatandang kapatid ang kanyang kasarian at ang tungkol kay Riley. Wala namang kumontra (maliban sa panganay) sa kanilang relasyon basta’t nagmamahalan lang sila dahil mahal na mahal nila ang kanilang bunso.
Singkit ang kanilang mga mata, mapuputi at ang kikinis ng kanilang balat na parang anak mayaman ang apat na magkakapatid dahil may lahi silang intsik. Chinese ang kanilang tatay at purong Pinay naman ang kanilang nanay. Pero sa paglaki ni Jeff, hindi niya nakita o nakilala ang tatay dahil namatay na ito dahil kasama ang kanyang tatay sa nag crash na eroplano noong sanggol pa lamang siya.
Ang panganay sa kanilang magkakapatid ay si Joshua, 28 na taong gulang, may asawa at dalawang anak na babae. Nagtratrabaho bilang Professor sa College na kung saan din nag-aaral si Jeff. Ang pangalawa naman ay isa ding lalake, siya si Jeremy, 25 na taong gulang at isang Registered Nurse sa isang sikat at mamahalin na ospital. At si Jenny ang pangatlo at ang nag-iisang babae, 24 na taong gulang at nagtratrabaho bilang Food and Beverage Supervisor sa isang hotel sa Iloilo.
"Happy Birthday babe...!!" sigaw ni Jeff kay Riley habang papasok ito bahay nila. Sinorpresa niya kasi ito dahil kaarawan ni Riley at gusto niyang maging espesyal ang araw ng kanyang mahal. Nagpatulong si Jeff sa kanyang nanay Joyce at kay Kuya Jeremy niya na maghanda. Linapitan niya kaagad ito at niyakap ng mahigpit "Nasorpresa ba kita, babe? Hehe"
Si Riley naman ay 23 na taong gulang, 5’6“ ang tangkad, katamtaman ang pangangatawan, at cute na kamukha ni Arjo Atayde na isang sikat na actor at meron dimple na lumalabas kapag ngumingiti ito, at nagtatrabaho siya bilang call center agent. Nagkakilala silang dalawa sa isang gay-dating site. Si Riley ang kauna-unahang partner ni Jeff na lalake at bilang first-time, ginagawa niya ang lahat para maging espesyal at mas lalu pang sweet ang kanilang relasyon
“Oo. Oo naman, babe. Maraming Salamat” ganti na yakap ni Riley sa kanya “Akala ko nakalimutan mo na eh”
"Makakalimutan? Hinding-hindi mangyayari yon, babe. Dahil mahal na mahal kita"
"Ikaw ha. Napaniwala mo ako kanina na may emergency dito kaya pinapapunta mo ako dito"
"Hehe. Ngayon ko lang naman nagawa na magsinunggaling sa'yo, babe eh" ngiti ni Jeff "Para naman sa'yo nun eh. Sorry na, babe"
"It's okay, babe. I love you babe"
"I love you too, babe"
Mahigpit ang yakapan ng dalawa sa isa’t-isa. Talagang mahal na mahal nila ang isa’t-isa. Naputol na lamang ang yakapan nang may biglang nagsalita.
"O tama na ang lambingan ninyong dalawa, nak" sabat ni Joyce sa kanila "Sige na, kumain na kayo dito"
Sinunod naman kaagad nila si Joyce at pumunta sa mesa upang kumain na. “Nay, nasaan po si Ate Jenny at Kuya Joshua?”
"Nasa trabaho pa ang ate mo" sagot naman ni Joyce
"E si Kuya po?"
"Andun sa kanyang silid"
"Bakit hindi siya sumali sa atin, nay?"
"Alam mo naman ang rason diba Jeff?" dugtong naman ng Kuya Jeremy niya "Na hindi ka niya tanggap kung ano ang kasarian mo" biglang napayuko si Jeff at napatitig na lamang sa kanyang pinggan. Nakita naman ito ng kanyang kuya at hinimas ang kanyang likod ng paulit-ulit "Ayos lang yan, bunso. Nandito naman kami ni nanay eh"
Sumulyap naman ito sa kanyang kapatid at ngmuti ng kaunti. “Salamat kuya” sambit nito
"Naku. Nagdrama pa oh. Sige na, kumain na tayo dahil iinom pa tayo mamaya" sambit ni Jeremy.
Pagkatapos nila kumain ay kaagad nagtungo sina Jeremy at Riley sa may sala upang uminom ng alak. Samantala naman ay niligpit ni Joyce ang kanilang pinagkainan na kasama si Jeff.
“Brad, ’wag mo tong saktan at lokohin ang bunso naming ha” sabi ni Kuya Jeremy na may halong biro ang tono ng boses “pag nalaman namin na pina-iyak mo si bunso, malilintikan ka talaga sa amin.”
Natahimik lang si Riley sa sinabi ng kuya sa kanya at bigla naman dumating si Jeff at umupo sa tabi niya. “Hay kuya,’wag mo naman takutin si Riley. Mabait po iyan, hindi lang halata sa mukha. Hehehe.”
"Palabiro ka talaga babe, hehehe. Pero walang halong biro kuya ha. Hindi ko papaiyakin si babe ko. Mahal na mahal ko 'to eh. Swerte talaga ako sa kanya dahil napaka-sweet eh" sabay kiss at yakap kay Jeff at tumingin sa kuya at napangiti lang si Jeremy sa kanilang dalawa.
"Sana nga brad, sana nga" sagot ni Jeremy habang naglalambingan pa ang dalawa. "tigilan niyo nga yan.... Naiingit ako eh"
Tumayo na si Jeremy at nagpaalam ito na matutulog na. Natira na lang silang dalawa sa sala, ngunit pagkalipas ng ilang minuto ay nagpaalam na rin si Riley na umuwi.
"Uwi na ako babe" paalam niya "by the way, anong oras ka ba uuwi bukas?"
"mga 5pm. Bakit babe?" sagot ni Jeff
"Ahh...susunduin kita bukas ng hapon sa school niyo , ok?" paalam ni Riley
"Sige babe, hintayin mo na lang ako sa bench"
"Ok babe" sabi ni Riley "Uwi na ako. I love you.. kita tayo bukas ha" at hinalikan niya si Jeff sa lips.
"Ingat ka... I love you too" ganti naman niya. Isanara niya agad ang gate nang pagkaalis ni Riley, pumasok na sa kanyang kwarto at natulog.
Kinabukasan
Mga 5:10 nang matapos ang huling period ni Jeff sa pang-hapon na klase at sakto din na naghihintay si Riley sa kanya sa bench. Pinuntahan niya naman kaagad si Riley at agad silang umalis at pumunta ng mall para kumain. Pagkalipas ng tatlo at kalahating oras ay hinatid na ni Riley si Jeff sa kanilang bahay at nagpaalam dahil papasok pa siya sa kanyang trabaho.
"Oh... bakit ang seryoso ng mga mukha ninyo? May lamay ba?hehe" biro ni Jeff sa kanyang pamilya dahil nandoon silang lahat sa sala na nakatingin sa kanyang pagpasok at tila seryoso. "may kasalanan ba akong nagawa?" muling tanong niya at seryoso na ang kanyang tono.
Napatingin siya sa kanyang kanan at doon niya nalaman na may bisita pala sila na naka-upo. Isang lalake at kasing edad ng kanilang nanay na 53. Sa kabilang upuan naman si Joshua na nakaharap sa lalake na pumapagitna sa kanilang dalawa ang center table. Nakatayo sa tabi niya si Jeremy at sa sofa ang nanay nila na malapit sa tabi ng lalake samantala si Jenny naman ay nagluluto ng kanilang hapunan.
Tumayo ang lalake sa kanyang inuupuan at tinignan si Jeff at bigla niya itong niyakap ng mahigpit. Napatulala na lang siya na tila hindi maisara ang kanyang bibig at matigas na parang bato ang kanyang katawan dahil sa sobrang kalituhan.
"Anak?...Ikaw na ba yan?... ang laki at ang gwapo mo na ah." wika ng lalake "Miss na miss na kita anak...sorry sa lahat..... sorry kung iniwan ka ni tatay ha"
"Po?" tanging sabi ni Jeff. Hindi siya makapagsalita sa kanyang narinig at nalaman. Buhay pa pala ang kanyang tatay? Pero sabi ng nanay niya, namatay sa isang aksidente. Kasama sa bumagsak na eroplano pauwi ng Iloilo. Bakit ganito? Nagsinunggaling ang kanyang nanay at mga kapatid sa kanya?... Hindi niya talaga naiitindihan ang mga nangyayari.
"Oo anak.. tatay mo siya" iyak ng kanyang nanay.
"Pero sabi niyo po, namatay si tatay sa isang aksidente" sabi ni Jeff habang niyayakap pa din ng kanyang tatay.
"Oo.. nasabi ko lang sa'yo iyon kasi ayoko na magtanim ka ng galit sa tatay mo" paliwanag ng nanay na tumutulo ang luha.
"Bakit? Ano ba ang nagawa niya sa atin nanay?" tanong ni Jeff
"Iniwan niya tayo kasi may bago nang pamilya ang tatay mo" muling paliwanag niya sa kanyang anak "Pasensiya na anak kung inilihim ko ang tungkol sa tatay mo"
Tumingin si Jeff sa kanyang nanay at doon na bumagsak ang kanyang luha. Tinanggal niya ang mga braso ng kanyang tatay na yumayakap sa kanya. Lumabas siya ng gate at doon humagolhol ng iyak sa semento. Sinundan siya ng tatay at umupo sa tabi niya.
"Bakit mo kami iniwan?" ang tanging tanong ni Jeff na may halong galit at sakit ang tono ng kanyang boses at sabay punas ng luha malapit sa ilong. "Sana katanggap-tanggap ang mga dahilan mo para mabawasan lang ng konti ang sakit ng ginawa mo sa amin"
"Kailangan ko 'yon gawin anak. Hindi ko naman ginusto na iwan kayo" sagot ng tatay at kwinento niya kay Jeff ang mga nangyari.
Kwinento nga ni William kay Jeff ang totoong nangyari sa kanila ng kanyang nanay. Lalung-lalo na ang pagpakasal niya kay Ming na pinilit ng mga magulang niya na pakasalan ito sa kabila na may asawa siyang naiwan sa Pilipinas.
“So, Ming pala ang pangalan ng kabet at bago mong asawa ngayon” sabi ni Jeff
"Hindi anak...patay na siya...namatay siya nung nasa China pa ako" sabi ni William sa anak habang umiiyak sa naalala. "Hindi ko alam kung bakit siya namatay pero sinisi ko ang nanay mo sa pagkamatay ni Ming at ganun din ang dahilan kung bakit ko siya iniwan at naghanap ng bago." Tinignan niya ang kanyang anak na matapos itong sabihin. Nakita niya na nanggigigil at tumutulo ang luha ng Jeff. Handa na siya sa anumang sasabihin ng galit na anak.
"At ganun lang kadali sa'yo na maghanap ng iba? Ang gwapo din ng tingin mo sa sarili noh? Parang tuta kami na kaya mong iwan at babalikan lang kung kailan mo gusto..." galit na galit na si Jeff sa ginawa ng kanyang tatay na tila nawalan na siya ng respeto. "Alam mo... noong elementary ako, naiingit ako sa mga kaklase ko kasi kasama nila palagi ang kanilang ama. Inahatid...nayayakap kung kailan nila gusto... at hinahalikan ng kanilang ama. Pero ako?" patuloy pa sin ang pag-iyak ni Jeff "Wala... nasaan ka nung may mga problema ako sa mga nagiging girlfriends ko na para magbigay ng payo?...Diba WALA??... at nasaan ka nung kailangan ko ng yakap ng isang ama?.......... Si nanay lang LAHAT ang gumuwa nun."
"Jeff....anak...." yayakapin sana ni William ang kanyang anak ngunit tumayo ito para makaiwas.
"Wag na wag akong tatawagin uli na anak... kahit minsan hindi ka nagpaka-ama sa amin" Pumasok agad si Jeff ng bahay habang umuwi na lang si William sa kanila, kasama ang bago niyang pamilya.
Walang nagawa si William sa galit na galit niyang anak. Nagdesisyon na lamang siya na umuwi na lang sa kanilang bahay ng bago niyang pamilya. Hinayaan niya lang muna ang anak na si Jeff ng panahon para maintindihan at mapagtanto ang totoong nangyari ng kanyang nanay.
Natalie ang pangalan ng kanyang bagong asawa, mas bata sa kanya ng sampung taon, maganda at sexy manamit. May isang anak sila na babae na si Jean, 15 ang edad at nagmana siya sa kanyang ina na maganda at sexy na parang artista.
"Hello honey....." bati ni Natalie at hinalikan niya ang asawa na kakaupo lang sa sofa at kakauwi lang mula sa biyahe "Kamusta pala ang pagbisita mo sa kanila? Pinatawad ka na ba nila pagkatapos ng ilang taon?"
"Oo...pinatawad naman ako pero maliban sa isa" sagot ni William na may kalungkutan sa mukha.
"Sino?" balik na tanong ni Natalie
"Si Jeff... ang bunso kong anak... ngayon lang niya kasi nalaman na buhay ako at ang dahilan kung bakit ko sila iniwan."
"Naiintindihan ko si Jeff kung ganyan ang kanyang reaksyon hon, pero tatay ka pa rin niya. Darating ang panahon na mapapatawad ka din ng anak mo" sabay punas sa luha ni William "Huwag kang mawalan ng pag-asa, hon... mahal na mahal kita"
"Mahal na mahal din kita hon" sagot niya sa asawa "Salamat sa pag-intindi mo sa akin ha. Pati kayo nadamay sa katarantaduhan ko" ngumiti lang si Natalie at hinalikan si William sa labi.
Itutuloy…
CHINITO: Chapter 2 (Sandalan)
Kinabukasan. Araw ng Sabado.
Nakabantay at kumakatok sina Joyce at ang kanyang anak na si Jeremy sa labas ng kuwarto ng kanilang bunso na si Jeff. Alas onse na kasi ng umaga at hindi pa lumalabas ito.
"Oh nay. Kamusta na? Wala ba talagang kibo si Jeff?" tanong ni Jeremy sa ina na kumakatok pa din sa pintuan ng anak.
"Wala pa din eh" sabay katok pa sa pintuan "Jeff? Anak? Anong oras na. Lumabas ka na diyan at kumain ka na"
Pero wala pa din natanggap na sagot si Joyce mula sa loob ng silid. “Ako na nga, ’nay” boluntaryo ni Jeremy “Susubukan ko na ako ang kakausap sa kanya” sabay katok muli sa pintuan ng bunso “Bunso…?? Hindi ba kayo magkikita ni Riley ngayon? Sige na… lumabas ka na diyan at magbihis na. Anong oras na”
"Naku... tigilan niyo na nga yan" dugtong naman ng isa pang kapatid ni Jeff na si Joshua na kakalabas lang mula sa banyo at katatapos lang maligo "Nag-iinarte lang yang bakla na yan eh. Siguro nagpapansin kaya ayaw lumabas"
"Pwede ba kuya, tumahimik ka" sabat naman ni Jeremy sa kanya "Siyempre, nasaktan ang bunso natin dahil ang buong akala niya na patay na si tatay dahil hindi natin sinabi ang totoo" pagtanggol niya sa kanyang kapatid "Hindi natin masisisi si Jeff kung nagkaganyan siya dahil may kasalanan din tayo"
"Huh!" tanging sambit ni Joshua "Bakit nagkaganyan siya? Ang arte naman. E magpasalamat pa nga siya na hindi natin sinabi ang buong katotohanan sa kanya eh"
"Bakit naman?"
"Kasi hindi siya maglaladlad ng ganyan ngayon kung nalaman niya na buhay pala ang tatay natin. Siguro nagpapanggap pa rin siya na tunay na lalake kung alam niya na buhay ang tatay natin"
"Ang sakit mo naman magsalita kuya. Parang hindi mo kapatid ang iniinsulto mo ah"
"Wala akong kapatid na bakla, Jeremy. Ang Jeffrey na kapatid ko noon, ay patay na"
Uminit ang tenga ni Jeremy sa kanyang narinig at sinugod si Joshua. Sasapakin na sana niya ito pero pinigilan sila ng kanilang ina “Ano ba ang ginagawa niyong dalawa?! Bakit parati kayong nag-aaway ha?!”
"E eto kasi ang magaling mong anak nay eh" turo ni Joshua sa kapatid "Pinagtatanggol niya ang bakla niyang kapatid!!"
"Kumpara naman sa'yo na sinusumpa mo si Jeff nang dahil sa kasarian niya!"
"Ang ingay niyo..! Pwede ba Joshua, magbihis ka at pumasok ka na trabaho" utos ni Joyce sa panganay na anak "Diba may gagawin ka pa sa opisina mo? Ano pa ang hinihintay mo?"
“Oo na. Ito na. Bibihis na po…” sagot naman ni Josuha at kaagad namang pumasok sa kanyang kuwarto.
Tumingin naman si Joyce sa isa pa niyang anak na si Jeremy. “…at ikaw…”
"Oh bakit? Ano na naman ba ang kasalanan ko nay?"
"Bakit mo pa pinatulan ang kuya mo? E ganyan talaga siya"
"Sumusubra na kasi si kuya eh. Naaawa na ako sa bunso ko tapos iniinsulto niya pa" sambit naman ni Jeremy "Nasasaktan na nga sa nalaman niya tapos ginaganyan pa ni kuya"
"Hay naku, Jeremy. Mawawala din ang sama ng loob ng kapatid mo" paninigurado ni Joyce sa anak "Bigyan muna natin siya ng oras para makapag-isip-isip"
"Sige po, 'nay. Alis na ako. Magduduty na po ako"
"Hindi ka ba kakain, 'nak?"
"Hindi na po. Doon na lang po ako sa dining ng ospital kakain"
"Sige anak. Ingat ka"
Samantala sa loob ng silid ay walang pakialam si Jeff sa mga sigawan nila sa labas dahil tila wala siya sa kanyang sarili. Nakahiga lamang siya sa kanyang kama, tulalang nakatingin sa kisame habang tumutulo ang luha. Hindi pa rin niya kasi akalain na buhay pa pala ang tatay at nagsinunggaling sa kanya ang pamilya na pinagkakatiwalaan niya sa loob ng labing-walong taon.
Labing-walong taon. Mga taon sa buhay niya na walang tatay na gumagabay at nagmamahal sa kanya.
Mag a-ala sais na nga gabi nang lumabas si Jeff sa kwarto na namamaga ang mga mata. Pumunta siya sa kusina para hanapin ang nanay pero walang tao doon. Nag desisyon na lang na magluto ng ulam para kainin dahil gutom na gutom na din ito. Kumuha siya ng kanin sa kaldero, umupo at kumain sa hapagkainan.
Uminom siya ng maraming tubig kasi nabulunan ito sa sobrang dami niyang kinain. Nang pagkababa ng baso na halos ubos na ang laman nitong tubig, nakita niya na merong pumasok sa kanilang bahay. Tumayo si Jeff at nagtungo ito sa living room para tignan kung sino ang taong pumasok. Sa pagdating niya, isang pamilyar na tao ang kanyang nakita. Ang tao na kailangan niya sa mga panahon na nanghihina at kailangan ng karamay. Ito ay walang iba kundi si Riley.
Kakatayo lang din ni Riley sa kanyang inu-upuan dahil nakita niya na paparating si Jeff sa kanya. Nakatingin siya sa kay Jeff, na namamaga ang mga mata. Nakangiti ito at naka-unat ang dalawang braso na para mag-alok ng mainit na yakap. Kaagad din tinanggap ni Jeff ang alok at niyakap niya ito ng mahigpit at muling umiyak ng malakas.
"ssshhhhh...tama na ang iyak babe... pati ako naiiyak na eh" habang magkayakapan pa din sila. Hinawakan ni Riley ang magkabilang pisngi ni Jeff at tinignan ito sa mata. "Nandito lang ako para sa'yo ha, I don't know what to say and what to do para maging okay ka... basta tandaan mo lang palagi na mahaaal na mahal na mahal na mahal kita..." at hinalikan niya sa noo at niyakap niya uli si Jeff ng mahigpit.
Naghanda si Joyce ng hapunan pagka-uwi nila mula sa grocery kasama ang anak niyang babae na si Jenny. Habang nagluluto si Joyce sa kusina, lumapit sa kanya ang nobyo ng anak.
"Tita?..." sabi niya
"oh...bakit anak?"
"Magpapaalam sana po ako sa inyo na lalabas kami bukas ni Jeff" paalam niya sa nanay ni Jeff "Tutal, Linggo naman po bukas, gusto ko po sana siyang ipasyal para mabawasan at malimutan niya ng konti ang nangyari kagabi" napangiti lang si Joyce na tila maiiyak sa pag-paalam niya. Hinawakan ng nanay ng dalawang kamay niya ang mga kamay ni Riley.
"Sige anak...walang problema" habang pinipisil ni Joyce ang mga kamay ni Riley at tumingin silang dalawa kay Jeff na nanonood ng TV "Alam mo... maswerte si Jeff sa'yo, kasi nandiyan ka sa tabi niya sa oras ng pangangailangan niya... na kailangan niya ng isang pagmamahal...at pag-intindi.." pinunasan niya ang kanyang luha gamit ang damit niya. "Hindi talaga nagkamali ang anak ko sa pagpili sa'yo..."
"Mahal na mahal ko po ang anak niyo, tita" sagot ni Riley "nangako ako sa kanya na hindi ko siya iiwan...lalung-lalo na ngayon na kailangan niya ako"
"Alam ko..." at hinalikan ni Joyce sa kanyang noo "Oo nga pala, nanay na lang ang itawag mo sa akin... wag na tita ha" tugon ni Joyce
"Sige tita...ayy!..nanay pala.." sabi nya at tumawa na lang sila para mabawasan lang ang drama sa bahay habang nanonood pa din si Jeff sa sala.
Araw ng Linggo.
"Uy Babe" kibo niya kay Jeff at napatingin ito sa kanya na mukhang blanko "Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko??... kanina pa ako nagsasalita dito eh"
"Sorry babe.. may iniisip lang"
"Ang tatay mo naman ba ang iniisip mo?" panghuhula ni Riley "diba sabi ko sa'yo na tama na yan?... pinasyal nga kita dito sa mall para makalimutan mo 'yan kahit konti lang"
"Sorry ulit babe, hindi na mauulit"
"Wag kang humingi ng sorry sa akin, wala kang kasalanan... naiintindihan ko.." Tumahimik si Jeff at ngumiti lang ito sa kanya.
"Ano ba nga ulit yong kwinekwento mo sa akin kanina?" paalala ni Jeff
"Yun nga... I'm planning kasi na mag-a-out-of-town sana tayo sa 4th monthsary natin" kuwento ni Riley "Siguro sa Guimaras. Mag-a-island-hopping tayo. Gusto mo ba yun, babe?"
"Ha? Bakit?"
"Hmm. Para maiba naman. Nakakasawa kasi parati na lang tayo sa mall nagdedate eh"
"Nakakasawa...? So, ibig sabihin. Nasasawa ka na sa akin? Ganun ba yun?"
"Uy... hindi naman sa ganun, babe" sabay hawak niya sa kamay ni Jeff na naiinis na "Gusto ko lang kasi ng new adventures na kasama ka"
"New adventure ba 'kamo??" balik ni Jeff "Bakit di mo subukan tumalon sa bangin para ma-experience mo ang adventure na sinasabi mo"
"Babe naman... Hinihingi ko lang naman ang opinyon mo eh. Bakit ang sungit mo?"
"Well. Ayoko... Okay??"
"Hmmp. Sungit naman ng babe ko oh"
"Sino ba naman ang hindi magagalit sa mga walang kakwentang bagay na sinasabi mo..."
"Aray... ang sakit naman"
Biglang napaisip si Jeff sa kanyang mga sinabi. Ilang minuto din ang pagtahimik ni Jeff. Napagtanto niya kasi na mali ang pang-aaway niya kay Riley dahil siya lang naman ang tanging tao na nakakaintidi sa kanyang pinagdadaanan. “Babe, sorry”
"Sorry saan, babe?"
"Sa sinabi at sa inasal ko sa'yo bago lang"
"No babe. It's okay. Naiintindihan kita. Alam ko naman na may problema ka ngayon eh" sagot ni Riley sa kanya "Siguro wrong timing lang ako"
"Basta babe. Sorry talaga"
"Ang sabi ko, huwag kang mag-sorry. Wala kang kasalanan, okay?" at tumango naman si Jeff bilang sagot "Sige na, ubusin mo na ang kinakain mo at para mahatid na kita sa inyo"
Pagkatapos nila kumain ay umuwi agad sila. Habang sumasakay sila ng jeep ay napaisip si Jeff sa nangyari nung Biyernes ng gabi. At napagtanto niya na walang kasalanan ang kanyang nanay at ang mga kapatid dahil naiintindihan niya na din ang ginawa nila.
Naka-uwi sila ng bahay ng bandang alas-siyete na ng gabi. Sa pagpasok nila, nakita niya ang nanay na nanonood ng TV. Tumabi naman si Jeff sa ina pero wala itong imik sa kanyang pag-upo.
"Kamusta ka na, anak?" bati ni Joyce sa anak. "Okay ka na ba?" tumango naman ito bilang sagot sa tanong. Inunat naman ni Joyce ang kanyang kanang braso at ipanatong ito sa likuran ng anak. "Alam ko na hindi ka pa okay, Jeff. Pero bigyan mo ng pagkakataon ang ama mo na makabawi sa'yo, anak. Kasalanan ko din eh"
Tumingin naman si Jeff sa ina na parang nag-alala sa kanyang sinabi “Wala kang kasalanan, ’nay. Kasalanan ng taong yon, dahil hindi ka niya ipinaglaban sa kanyang pamilya. Nay naman, huwag ka naman ganyan. Ang martir mo, nay”
"Mas mabuti na lang na maging martir ako, kung para naman sa inyo" sambit ni Joyce
"My God, nay! Nasa 21st century na tayo oh" biglang pagtaas ng boses ni Jeff " Maging matapang ka at dapat ipaglaban mo ang sa inyo, hindi na uso yan."
"Anong gusto mong gawin ko, Jeff? Lumaban ako?" sagot niya sa anak "Kahit anong gawin ko, tapos na yon. Wala na akong magagawa kundi tanggapin na lang lahat ng ginawa ng tatay mo"
Yumuko na lamang si Jeff sa sinabi ng nanay “Gusto ko lang naman na ipakita mo sa kanya na kaya natin ang buhay natin ngayon na kahit wala siya nanay”
Hinimas ni Joyce ang likuran ni Jeff ng paulit-ulit. “Naiintindihan kita, anak. Pero kailangan mo din ng ama na gagabay sa’yo”
"Pero ayaw ko nga, nanay. Hindi ko siya kailangan"
"Kailangan mo siya... Maniwala ka" sambit ni Joyce "Kaya patawarin mo na ang tatay mo"
"Ikaw ba, nay? Pinatawad mo na ba siya?"
"Oo. Pinatawad ko na siya sa kabila ng ginawa niya noon sa akin. Masakit sa una pero okay na ako ngayon, anak" sambit ni Joyce sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ni Jeff at pinisil ito "Kaya ikaw din, Jeff. Patawarin mo na ang tatay mo"
Natahimik lang si Jeff sa sinabi ng nanay subalit napaisip siya na tama ang nanay, tatay niya pa din ang tao na kinaiinisan niya “Sige nanay, susubukan ko na patawarin siya”
"May tiwala ako sa'yo na gagawin mo 'yon, Jeff..." hinalikan ni Joyce ang anak sa pisngi "I love you anak"
"I love you din, 'nay"
Pagkatapos ng kanilang usapan na mag-ina ay kaagad nagbihis si Jeff at naghanda na silang matulog ni Riley sa kama. Magkatabi ang dalawa sa pagtulog. Hindi muna pumasok si Riley sa trabaho kasi babantayan niya si Jeff.
Nagising si Jeff mula sa pagtulog, natagpuan niya ang kanyang sarili na nakayakap at habang nakatungtong ang kanyang ulo sa dibdib ni Riley. Kinusot niya ang kanyang mata at tumingin kaagad sa kayakap.
"Good morning, babe" bati ni Riley sa kanya.
"Good morning din babe" ganti ni Jeff "Kanina ka pa ba gising?"
"Hindi naman. Kagigising ko lang din. Bumangon na tayo. May pasok ka pa eh"
"Mamaya na lang muna babe" sambit ni Jeff "Niyayakap pa nga kita eh" sabay paghigpit ng kanyang yakap kay Riley.
"Oh sige" ganti na yakap ni Riley sa kanya "Alam ko naman na naglalambing ka eh"
"Oo naman. Minsan lang kaya tayo magkatabi matulog noh"
"Ayaw mo bang gawin natin parati 'to?"
"What do you mean?"
"Ang ibig kong sabihin, ayaw mo bang magpakasal tayo at titira sa iisang bahay?" tanong niya kay Jeff "Na magkasama tayo hanggang sa pagtanda natin. Tapos kasama natin ang mga anak natin."
"Wow. Kung makasabi ka nang 'anak', parang may matres ako babe ah" biro ni Jeff sa kanya.
"E bakit hindi? Subukan kaya natin ng paulit-ulit. Baka makabuo. Hehe"
"Ikaw talaga babe. Palabiro ka din eh"
"Pero seryoso ako, babe. Ayaw mo ba?"
"Hmmm. Gusto naman, siyempre. Pero..."
"Pero ano...?"
"Diba hindi pa dito legal ang same-sex marriage sa atin?"
"Hmmmm. Hindi"
"E paano tayo magpapakasal?"
"Sino ba may sabi sa'yo na dito tayo magpapakasal sa Pilipinas?"
"Ha? So it means, sa ibang bansa tayo magpapakasal?"
"Yup. Tumpak" pagkumpirma ni Riley "...at yung magiging baby natin, gagawin natin din yan sa ibang bansa, gamit ang technology nila doon"
"Ganon? Ang mahal kaya niyan, babe"
"Hmmm. Oo. Mahal. Pero diba, kung may pangarap ka, walang imposible? Ikaw ang pangarap ko, babe... at ang magiging pamilya natin" sabay hawak ni Riley ng kamay ni Jeff at hinalikan ito "Mag-iipon ako para sa'yo"
Ngumiti na lang si Jeff sa mga sinabi ni Riley sa kanya. Talagang sigurado na sila sa isa’t-isa na sila na habambuhay.
Itutuloy…
CHINITO: Chapter 3 (Ex Lover)
Ilang minuto ang nakaraan ay natapos si Jeff sa pagligo at kaagad namang ito nagbihis para papasok sa kanyang klase. Nang paglabas nila ni Riley sa silid ay nandoon pala ang kanyang tatay na nakaupo sa sofa samantala ang kanyang nanay naman ay nasa kusina.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Jeff na matigas ang tono ng boses.
"Ahmmm. Binisita ko lang kayo, anak. Miss ko na kayo eh"
"Bisita...?? Walang patay dito sa bahay namin para bisitahin mo"
"Jeffrey..." saway ni Joyce sa anak.
Pero ngumiti lamang si William na parang wala siyang narinig. “Anak..papasok ka na sa klase mo? Gusto mo hatid kita?”
"Huwag na. Matanda na ako. Sanay naman ako na mag-isa na papunta at pauwi sa paaralan"
"Ganun ba? Kahit ngayon lang, nak. Okay lang ba?"
Napatingin si Jeff sa kanyang ina na tila may ibig sabihin ang mukha nito “Hmmm. Sige, kung iyan ang gusto mo”
"Hello po, tito. Good morning" dugtong ni Riley sa kanilang usapan "Ako po si Riley"
"Magandang umaga din. Ka-anu-ano ka ng anak ko?"
"Ahmmm..." napatagal sumagot si Riley na napasulyap siya kay Jeff "Mmmm. Kaibigan niya po"
"Ah. Ganun ba? Glad to meet you, Riley. May nakilala din ako sa wakas na kaibigan ng anak ko"
Natahimik ang lahat pagkatapos sinabi yon ni William. Nagtinginan silang tatlo dahil hindi pa nga alam ng kanyang tatay ang totoo niyang pagkatao. Nabasag lamang ito nung nagsalita si Jeff.
"Hindi pa ba tayo aalis?"
"Ay sorry. Sige alis na tayo" sambit naman ni William "Riley... kung gusto mo. Sumabay ka na din sa amin" paanyaya niya kay Riley.
Sumakay sila sa sasakyan, si Jeff ay sa harapan umupo dahil doon siya pinaupo ni Riley para makapag-kuwentuhan sila ng ama, samantala siya naman ay sa bahaging likuran na lamang ng sasakyan umupo.
Ilang sandali ay sumunod naman si William. Pina andar niya ito at umalis agad.
"Anak.. kamusta ka na?" tanong niya sa anak
"Ok lang naman....." tipid na sagot ni Jeff
"Ganun ba...may nobya ka ba ngayon?" tanong uli sa anak "ang guwapo mo kasi e... siguro marami ka nang pinaiyak na babae"
"Sapat lang..."
"Hehe.. hindi ako naniniwala sa'yo...'yong totoo anak, meron na ba?" biglang natahimik si Jeff sa tanong ng tatay. Paano niya ito sasagutin? Baka hindi siya tanggapin ng tatay kung sasabihin niya ang totoong pagkatao.
"Matagal na akong hindi nagka-girlfriend...pahinga muna ako diyan at isa pa, magastos yon kasi kung magdedate kami. Akin lahat ng gastos..."
Natawa ng malakas si William sa sagot ng anak
"Hahaha.. ikaw talaga Jeff. Mana ka talaga sa tatay mong kuripot" nakahinga siya kasi nakalusot siya sa tanong ng tatay. Hindi niya muna aaminin ang totoo niyang kasarian sa tatay kasi baka hindi niya ito tanggapin at hindi pa siya handa dito.
"Anak.. may sasabihin ako sa'yo"
"Ano po 'yon?" matagal si William bago sumagot sa anak na tanging tunog lang ng sasakyan ang kanilang naririnig.
"Gusto ko sanang ipakilala kayo sa kanila... sa bago kong pamilya... ipinaalam ko na ito sa nanay mo at okay lang sa kanya. Sabi niya din na itanong ko daw sa'yo kung papayag ka."
“For what?” tanging tanong niya
"Gusto kasi nila na makilala kayo, anak" sagot ng tatay
"Makilala?? Ayoko nga" pagmamatigas ni Jeff "Ayaw ko silang makilala. Hindi ako interesado"
"Anak naman. Utang na loob. Gusto kasi nila eh. Bigyan mo din naman ng pagkakataon para makilala mo sila"
"Tama ang tatay mo, Jeff" dugtong naman ni Riley sa likuran "At isa pa, wala ka namang magagawa eh. Kahit na iiwas ka, andiyan na yan. Hindi na sila mawawala sa buhay ninyo. Tanggapin mo na lang ang katotohanan."
Natahimik si Jeff sa sinabi sa kanya ni Riley. Hindi niya alam kung saan siya magagalit sa oras na iyon, kung sa kanyang tatay na ipakilala niya na kaagad ang kanyang bagong pamilya o kay Riley, dahil tinawag siya sa kanyang pangalan.
Pero naisip niya na tama si Riley dahil wala nga naman siyang magagawa dahil andiyan na at hindi niya na mabubura ang ginawa ng ama. “Sige. Pag-iisipan ko” tanging sagot nito.
Huminto ang sasakyan ni William sa tapat ng University na kung saan nag-aaral si Jeff. Bumaba naman silang dalawa at kaagad umalis si William.
"Babe. Sunduin kita mamaya ha. Uwi muna ako, magbibihis lang" paalam ni Riley sa kanya.
"Bahala ka"
"Uy teka. Galit ka ba, babe?"
"Ay hindi. Masaya ako oh" sabay ngiti na mapait.
"Galit ka eh. Bakit ka na naman ba nagagalit? Ano na naman ba ang problema?"
"Anong problema? Tinatanong mo ako kung ano ang problema ko?"
"Oo. Tinatanong kita. Ano ba yun?"
"Bakit mo pinagtatanggol ang taong yon sa akin ha?"
"Ang tatay mo...??" panghuhula ni Riley "Tama naman diba? Wala ka namang magagawa eh. Please babe, patawarin mo na siya."
"Hmmm. Ewan ko. Kahit anong pilit ko na patawarin siya, naalala ko pa din ang ginawa niya, lalu akong naiinis."
"Hay naku, babe. Isipin mo na lang na mas maswerte ka kesa sa akin dahil may tatay ka pa. Kumpara naman sa akin, hindi ko alam kung sino at kung saan ang tatay ko"
"Hmmm. Kung sa bagay. Tama ka, babe"
"Diba...??? Smile ka na diyan, huwag ka nang magalit ha"
"Hmmmp. E bakit pangalan ko ang tawag mo sa akin kanina?"
"Hahaha. Tanga ka ba? Kung babe ang tawag ko sa'yo kanina, e mabibisto tayo ng tatay mo. Babe naman oh. Matampuhin eh"
"Hehehe. Alam ko po. Nagbibiro lang."
"Biro ka diyan. Sige na, pumasok ka na, babe. Late ka na sa klase mo"
"Ay shit. Oo nga pala. Sorry babe. Sige na, pasok na ako" sambit ni Jeff sabay pasok ng gate.
"Okay babe. Ingat ka. Sundo kita mamaya ha"
"Okay babe"
Nang matapos ang klase ni Jeff ay sinundo nga siya ni Riley katulad sa pinangako niya. Kaagad sila sumakay ng taxi papuntang mall para doon magdinner.
"So, kamusta ang araw mo sa school, babe?" tanong ni Riley.
"Hmmm. Okay lang naman. Stressful"
"Bakit ka na-stress, babe? Ano ba ang ginawa niyo kanina?"
"May mga projects na kaming gagawin eh. Patapos na kasi ang semester"
"Ah. Ganun ba? Gusto mo, tulungan kita?"
"Hmmm. Sure ka? Baka naman mahirapan ka kasi hindi mo pinagdaanan 'to"
"Oo naman. Kayang-kaya ko yan noh" sabay kuha ng libro sa bag ni Jeff "Ito ba?"
"Naku babe. Huwag na" sabi ni Jeff "Ibalik mo na sa bag ang librong yan"
"Riley....???" sulpot ng isang lalake sa kanilang harapan. Nagulat naman si Jeff sa kanya dahil hindi niya napansin ang taong yon.
"Fred?? ikaw na ba yan?" balik ni Riley "Wow. Ang laki na ng pinagbago mo ah. Look at you"
"Well. I'm a marketing manager here sa mall"
"Wow. That's a great news" sagot naman ni Riley "Oo nga pala, I want you to meet my partner, Jeffrey. Babe, si Fred. Kasama ko before sa work sa call center"
"Hehe. Well, hindi basta-basta co-worker, Riley" sabay tawa at tumingin kay Jeff "Naka- M.U. pa kami before eh"
"Ahh. Ganun ba...?" tanging sagot ni Jeff na tila nagseselos na.
"Oo noh. Tapos, nahuli pa nga kami ng Team Leader namin na naghahalikan sa C.R." tawa ni Fred "Oh my god. That was hot"
"Loko ka. Matagal na yun noh.." dugtong ni Riley.
"Oo nga. Six months ago pa lang yun noh"
"Ahheemmmm" sambit ni Jeff "Baka nakakalimutan niyo na andito ako sa tabi niyo"
"Ay sorry, Jeff. Namiss ko lang kasi tong si Riley eh. Hehe" ngiti naman ni Fred "So, I'll better get going na ha. Punta na ako sa office ko"
"Sige, Fred. Ingat" sabi naman ni Riley at ngumiti ito. Napansin naman ito ni Jeff.
"Bakit nakangiti ka?"
"Wala, babe. Matagal na kasi kami hindi nagkita eh"
"So, namiss mo siya? Ganun ba yun?"
"Hindi naman, babe"
"Hindi ka diyan. Alam mo, Riley. Kitang-kita ko ngayon sa mga mata mo ang ningning nung nagkita kayo ni Fred na yan" sambit ni Jeff "Ano ba talaga ang ginawa niyo noon ha??"
"Wala babe. Tapos na yon"
"Hay naku. Ewan ko sa'yo"
"Galit ka na naman eh"
"Hindi. Hindi ako galit. At bakit ako magagalit? Hindi mo nga kwinento sakin ang tungkol kay Fred na yan eh"
"E wala namang dapat ikuwento babe. Okay? Hindi naging kami. At walang nangyari sa amin. Naghalikan lang, ganun. Pero hindi naging kami"
"Weh?"
"Oo naman. Maniwala ka naman, babe." pagmamakaawa ni Riley sa kanya "Ganyan lang talaga si Fred eh. Palabiro. Binibiro ka lang niya"
"Binibiro o ini-inis?"
"Ayan ka na naman eh. Tama na nga yan, babe. Huwag ka nang magselos"
"Hindi ako nagseselos, naiinis lang ako sa kanya dahil ang kapal ng mukha niya"
"Oo. Kapal nga talaga yan, kaya huwag mo nang patulan. Okay?"
"What do you mean?"
"Hinahabol niya ako. May gusto daw siya sa akin pero pinipilit niya pa din na maging kami dahit ayaw ko sa kanya"
"Hanggang ngayon?"
"Siguro. Hindi ko alam, babe"
"Ganun? Subukan niya lang na agawin ka niya sa akin"
"Bakit? Anong gagawin mo?" ngiti ni Riley.
"Naku. Huwag na, baka hindi mo magustuhan ang susunod kong sasabihin"
"Hehe. Talaga lang ha?"
"Talagang-talaga."
"Kain na nga tayo, babe. Baka gutom lang yan" biro pa ni Riley kay Jeff.
Nang matapos silang maghapunan ay kaagad naman hinatid niya si Jeff sa kanilang bahay. Nagpaalam siya na papasok na sa kanyang trabaho.
Nang pagpasok niya sa bahay ay nadatnan niya na may bisita pala sila na naghahapunan sa kanilang mesa.
"Jeff...andito ka na pala" sabi ng kanyang nanay na abala sa pag-aasikaso sa mga bisita.
Lumapit naman siya sa kanyang ina para magmano. “Sino po sila, nay?”
“Oo nga pala ’nak, si Natalie at ang kapatid mo na si Jean.” Pakilala niya sa dalawang bisita nila.
“Sila…?” tanging tanong ni Jeff sa ina.
“Oo anak. Alam ko na nagpaalam ang tatay mo sa’yo pero hindi ka pa pumayag” paliwanag ni Joyce sa kanya “Pero sabi ko sa tatay mo na pumunta na lang sila ngayon para makilala mo naman sila” hindi nakapagsalita si Jeff ng ilang minuto “Anak? Galit ka ba?”
“Hindi po, nay. Hindi ako galit” sabay tingin sa kumakain na mga bisita “Good evening po sa inyo”
“Good evening din, Jeff” tumayo si Natalie at bineso si Jeff. “I believe, ikaw ang bunsong anak ng asawa ko kay Joyce. Am I right?”
“Opo. Ako nga po, tita”
"No. Don't call me, tita" pagtatama ni Natalie "Its 'Mommy'."
"Ahmmm. Sige po, Mommy..."
"Very good. Oo nga pala, this is Jean. Your sister" pakilala niya sa nakaupong dalagang babae.
"Hello, Jean" bati ni Jeff sa kanya. Pero hindi siya pinansin ni Jean na kasalukuyan nang naglalaro ng kanyang telepono.
"Jean..." sambit ng kanyang mommy. Tumingin din naman siya kaagad kay Natalie "Binati ka ng kapatid mo. Hello daw"
"Sorry Mom. Busy ako ngayon sa kakalaro ng
Pokémon Go “ habang hawak ang kanyang telepono “Oh my. Ang dami pala dito sa bahay nila, Mommy oh. Madaming hayop”
"Pwede ba, Jean. Mamaya na yan"
Napikon si Jean at pumuti ang kanyang mga mata. Pinatay ang kanyang telepono at pinasok ito sa maliit na bag. “Bakit ba? Ang istorbo naman”
"Jean, show some respect"
"Respect? Mom naman, ang hirap ng hinihingi mo sa akin" buntong-hininga ni Jean "Pumayag na nga ako na sumama na lang dito kasi pinipilit mo ako, tapos humihingi ka pa ng respeto ko sa kanila? Wow ha. Just wow"
"Stop it, Jean." saway pa ni Natalie sa kanya. "Huwag kang bastos"
"And why not?"
"Kasi hindi kita pinalaki ng ganyan, Jean. Marunong kang rumespeto" at tumingin siya kay Joyce "Naku Joyce, pagpasensiyahan mo na 'to ang anak ko ha... Jeff?? Sorry din ha. Meron siya kasi ngayon eh" paliwanag niya sa kanilang dalawa "Alam mo na, mainitin ang ulo kapag dinadatnan"
"Ayos lang yan, Natalie. Naiintindihan ko rin yan. Babae din ako eh" ngiti ni Joyce.
"So pano? Alis na kami ha" paalam ni Natalie "May gagawin pa kasi si Jean sa bahay eh"
"Teka, hindi ba kayo susunduin ni William?"
"Hindi na siguro. Alam mo naman yun. Busy parati sa mga businesses niya"
"Ah. Sige. Mag-ingat kayo, Natalie"
Inihatid ni Joyce ang mga bisita sa labas para samahan magbantay ng taxi. Nang pagpasok niya ng bahay ay sinalubong siya ng anak.
"Nay...anyare?" tanong ni Jeff na parang naghahanap ng tamang kasagutan sa ginawa ng nanay "ano yon?"
"Ang ano anak?" balik na tanong ni Joyce sa anak
"Nay naman. Huwag ka ngang ganyan. Bakit mo pa pinagtatanggol ang malditang anak niya?"
"Wala yon, anak. Ganun talaga kaming mga babae kapag dinadatnan na, nagiging iritable"
"Iritable? May mga kaibigan din akong mga babae, nay ha. Baka nakakalimut ka, hindi sila ganyang magreact"
"Iba-iba din ang mga sakit ng mga babae kapag dinadtnan sila, nak. Huwag mo nang pansinin" sambit ni Joyce "Maliit na bagay eh"
"Ganon? Bakit mo parati sila pinagtatanggol, nay?"
"Hindi ko sila pinagtatanggol, Jeff. Sinasabi ko lang naman ang totoo"
Huminga ng malalim si Jeff at umupo sa sofa “Kahit na. Hmmm. Alam mo nay, parang hindi ko gusto ang mga kinikilos kanina ng Jean na yan eh. Parang galit sa atin”
"Ikaw talagang bata ka. Ang OA mong mag-isip" sagot naman niya kay Jeff
"OA na kung OA, nay. Basta, iba pa din ang nararamdaman ko diyan sa babae na yan. Hindi ko siya feel eh."
"Kumain ka na nga dito, Jeff. Gutom lang yan"
"Kumain na po ako sa labas, nay. Kasama si Riley" sabay tayo sa sofa "Matutulog na lang po ako" pumunta siya sa kanyang ina at hinalikan nito sa pisngi "Goodnight nay. Oo nga pala, saan na po sina ate at ang mga kuya ko?"
"Pauwi din siguro mga yun, nak. Don't worry, ako na ang magbabantay sa kanila"
"Sige po. Goodnight ulit nanay"
Itutuloy….
CHINITO: Chapter 4 (Lihim na Gusto)
Kinabukasan ng tanghali. Nakaupo at kumakain ang mga magkaibigan sa dining hall ng kanilang paaralan.
"Oww. Emm." tanging reaksyon ng kaibigan na babae ni Jeff, si Jacqui. "So it means, kapatid mo siya sa ama?"
"Unfortunely. Yes" sagot ni Jeff sabay tango ng ulo "Isang malditang-spoiled brat na kapatid"
"Hindi naman siguro, bes. Baka naman tama ang nanay mo na sinusumpong lang siya"
"Naku. Hindi ako naniniwala. Sigurado ako na may galit ang Jean na yan sa amin"
"Pano mo naman nalaman?? Nabasa mo ang isipan niya? Ganun?"
"Hindi. Feeling ko lang"
"Hay naku, girl. Yan ka na naman sa mga kutob mo"
"Hindi kaya ako nagkakamali sa mga kutob ko" sagot naman niya "Remember mo nun na naging cold na ang boyfriend mo nun sa'yo? Kinutuban ako nun, kaya binantayan ko siya at nakita ko nga na may iba siyang babae"
"Hindi kutob yon. Siniraan mo lang siya sa akin. Alam ko naman na bet na bet mo din ang ex ko na yun eh" sabat ni Jacqui "Kaya gumawa ka ng kuwento para magkahiwalay kami."
"Uy grabe ka. Hindi ako ganun kasama noh?!" at umiba ang timpla ng mukha ni Jeff.
"Hahaha. Biro lang, 'to naman. Sensitve?" sabay himas ng kamay ng kaibigan "Hindi na kita bibiruin kasi alam ko na marami na kayong pera at may panglilibre ka na sa amin" ngiti pa ni Jacqui.
"Ayon. Libre. Galing mo din, bes"
"Hindi ba totoo? Diba anak ka pala ng isang successful na negosyante dito sa Iloilo?" paalala ni Jacqui sa kanya "Kaya pala magkapareho kayo ng apelyido, kala namin coincidence lang lahat pero totoo nga na ama mo siya. Ang ganda noh? Kahit anong ihingi mo sa Daddy mo, bibigay niya sa'yo. Ang swerte mo, girl"
"Hhmmm. Siguro tama ka, pero hindi ko naman kailangan ng karangyaan niya para makuha ko ang gusto ko. Tinuruan kami ni nanay na magsikap para makuha ang gusto namin"
"Kung sa bagay, tama ka girl" dugtong ng kaibigan "Pero let's face it. Magiging madali na sa'yo na makuha ang gusto mo dahil may tutulong sa'yo"
"Ewan ko"
“Bakit naman? Galit ka ba sa Daddy mo?” panghuhula ni Jacqui.
“Hmmm. Medyo.” sambit ni Jeff “Pinipilit ko naman na patawarin siya pero sa tuwing nakikita ko ang mukha niya, naiinis ako eh”
"Sige lang. Balang araw, mapapatawad mo din ang Daddy mo"
"Sana nga, bes" sambit ni Jeff.
"Kaya mo yan, you go girl!" sigaw ni Jacqui at napatingin sa kanila ang ibang estudyante na nakaupo malapit sa kanila.
"Pang ilang beses mo na nasabi ang 'girl'? ang sagwang pakinggan"
"Hahaha... bakit? Ayaw mo?" pabirong tanong ni Jacqui sa kanya
"Ewan ko sa'yo. Tapusin mo na yung kinakain mo. Ang hinhin mo naman kumain. Ikaw na lang kaya ang hinihintay namin oh"
"Okay boss... heto na" sabi ni Jacqui "by the way friend, kamusta na kayo ni Riley?"
"hmmm.. ok lang naman..mag fo-four months na kami this February 3" sagot ni Jeff
"Wow ha... tagal naman pala" sambit niya "haaayy..buti ka pa, may boyfriend samantala ako.... NGANGA... bigyan mo naman ako friend"
"Hay naku. I-enjoy mo kaya ang pagiging single" payo ni Jeff sa kanya "Parang hindi ka kasi mabubuhay ng walang lalake eh"
"Ay grabe siya. Hindi naman sa ganun" tanggol ni Jacqui sa sarili "Alam mo naman na lumaki ako na walang ama diba? Kaya naghahanap ako ng lalakeng magmamahal sa akin. Pero virgin pa ako ha. Kahit tignan mo pa 'to"
"Titignan ko?? Yuck. Sorry, bes. Hindi ko na yan type" tawang tawa silang dalawa sa kanilang kulitan pero meron siyang napansin sa isa nilang kasama. "Hoy Alvin, kanina ka pa ba diyan? Kamusta ka na? hehe" tuloy ang pangungulit ni Jeff "Ok ka lang?...ang tahimik mo ngayon.."
"Ok lang ako. Sama lang 'to ng pakiramdam" nanghihinang sagot ni Alvin
"Maayos ka pa naman kanina sa pagpasok natin dito ah...baka sa pagkain" sabi ni Jeff
"Hindi Jeff...kanina pa 'to sa paggising ko sa bahay" sambit niya sa kaibigan "Pero kaya ko pa naman"
"Sure ka?" tanong ni Jeff na may halong pagdududa pero tumango lang si Alvin.
"Baka nagseselos dahil topic natin ang lover mo" sabat ni Jacqui sa usapan at sinulyapan siya ni Alvin na nangungusap ang mga mata na tila pinahihinto ang sinasabi ni Jacqui.
"Ha? Bakit nagseselos?" tanong ni Jeff
"A..e..wala...sumasabat lang ako sa nababasa kong article dito sa FB" palusot naman ni Jacqui.
"Ahh..kala ko dito sa usapan namin" sambit ni Jeff sabay tingin kay Alvin "Vin, kumain ka ng mabuti ha" tumango naman ang kanyang kinakausap "by the way guys, anong oras na ba?"
"1:43pm na..bakit?" sagot ni Jacqui
"Oh shit! Late na ako" nagmamadaling tumayo si Jeff
"OA mo. 2pm pa magsastart klase mo" paalala ng babaeng kaibigan sa kanya.
"Kahit na...late na ako at malayo pa ang room ko..alis na ako guys...kita na lang tayo mamaya after class sa bench" at kaagad umalis si Jeff
Matagal na silang magkaibigan na tatlo simula pa nung highschool pa lamang sila at hanggang ngayon, sa pagtapak nila sa kolehiyo ay magkasama pa rin sila sa iisang University pero magkaiba na ang kani-kanilang mga kurso; Si Jacqui ay kumukuha ng Nursing, si Alvin naman ay kumukuha ng Criminology at si Jeff ay isang Marketing student.
Masaya ang kanilang pagkakaibigan, ika nga, #Frienship Goals. Lahat ng mga sikreto nila na hindi alam ng ibang tao ay alam nila. Pero hindi naman lahat….
“Ikaw talaga Jack…muntik na tayo dun ah” sabi ni Alvin
"Ok lang yan, nailusot ko naman eh..hehe" kinindatan niya si Alvin at nakita niya na parang nag-aalala at kabado "Alvin, kung ako sa'yo...sabihin mo na kay Jeff ang totoo. Hindi naman siya magagalit. Naninibaguhan kasi ako ngayon sa'yo...ang tahimik mo"
"Nahihiya kasi ako na sasabihin sa kanya ang nararamdaman ko, Jack. Baka ma-ilang siya sa akin...at tsaka, meron na siyang lover. Wala na akong pag-asa sa kanya" napayuko lang si Alvin matapos niya itong sabihin.
"Ano ka ba?! hindi pa katapusan ng mundo noh" sabi niya kay Alvin "hindi pa sila kasal at may pag-asa ka pa kay Jeff. At kung iniisip mo na ma-iilang siya kapag nalaman niya ang nararamdaman mo...so what? Atleast nasabi mo sa kanya ang totoo at wala kang pinagsisihan doon...ok?.." Napangiti lang si Alvin sa mga payo sa kanya ng kaibigan at muling bumalik ang kanyang pag-asa kay Jeff.
Natapos ang huling klase ni Jeff pero wala pa rin si Riley na parating naghihintay sa bench. Nagtaka siya dahil tuwing pagkatapos ng huli niyang klase ay naaninag niya si Riley na naghihintay ito sa kanya.
Kinuha niya ang kanyang telepono at dinial ang numero ni Riley. Nag-ring ito ng ilang sandali at may sumagot sa kabilang linya.
Riley: Hello babe?
Jeffrey: San ka na?
R: Dito sa mall. Bakit?
J: Kanina pa kaya kita hinihintay dito. Katatapos lang huling klase ko eh.
R: Ha?? Magkikita ba tayo? Hindi mo naman sinabi babe eh
J: Hmmm. Diba parati mo tong ginagawa? Bakit hindi mo alam?
R: Sorry babe. Nagtext kasi si Fred na magkita kami ngayon dito eh.
J: Ganun? So, magkasama kayo ngayon?
R: Oo babe. Meron siya kasing problema eh. Pinakausapan niya ako na magkita kami para mailabas niya sa akin ang sama ng loob niya.
J: Ah Okay.
R: Babe. Galit ka?
J: Hindi. Hindi ako galit.
R: Weh? Iba na ang tono ng boses mo eh
J: Sige na. Baka naiistorbo na ako diyan sa date ninyo
R: Date? Hindi ’to date noh. Yan ka na naman eh.Nagtatampo na naman oh.
J: Sige na. Bye na. Uwi na ako.
R: Babe please. Sunduin na kita diyan ngayon. Wait mo na lang ako diyan
Sinundo nga ni Riley si Jeff sa kanyang paaralan gamit ang sasakyan. Sumakay si Jeff dito at nagulat ito sa kanyang nakita.
"Hello" bati ni Fred sa kanya.
"Oo nga pala, babe. Sasakyan 'to ni Fred. Nagpahatid lang ako sa kanya dito" paliwanag ni Riley.
"Hindi mo naman sinabi na kasama mo si Fred sa pagsundo sa akin" sagot naman ni Jeff na tila nagbubulong sa kausap. "So ano? Personal driver mo na siya ngayon?"
"Babe naman. Nagboluntaryo siya na sumakay na lang ako sa kanya. E mabuti na yon na makalibre sa pamasahe diba?"
"Saan ba kayo magdedate, bes?" dugtong ni Fred sa usapan.
"Ahhmm. Balik lang tayo sa mall, bes"
Napatingin si Jeff sa kanya dahil nagulat ito tawagan nilang dalawa. “Bes…??” ulit ni Jeff. Pero hindi sumagot si Riley at ngumiti lamang ito.
Nang pagkadating nila sa mall ay nagpaalam si Fred na papasok na muli sa kanyang trabaho habang silang dalawa naman ay maglilibot.
"Babe. Ang tahimik mo. Galit ka ba?"
"Hindi. Hindi ako galit"
"Talaga??" tanong ni Riley na lumalambing ang boses. "E bakit lumalabas yan sa ilong mo ang pagkakasabi mo"
"Alangan naman sa pwet ko lalabasin? Mapagkamalan pang utot yan"
"Hmmp. Pilosopo naman ng babe ko eh. Halika ka nga dito" sabay hila kay Jeff at inakbay ito ng mahigpit.
"Aray. Dahan-dahan naman" sambit ni Jeff "Oo nga pala, ano ba ang problema ng 'bes' mo?"
"Lovelife, siyempre" sagot ni Riley at nagsimula na siyang magkuwento "Iniwan na siya kasi ng lover niya, pinagpalit sa bago."
"Matagal na ba sila?"
"Mga three months" dugtong ni Jeff "Pero on and off ang relasyon nila eh"
"Ha?Bakit?"
"Kasi si Fred. Parati niyang binebreak itong partner niya. Konting away, break. Hanggang sa nagsawa na ang isa at itinigil na lang nila ang kanilang relasyon"
"Immature, ganun?"
"Hmmm. Parang ganun na nga, babe."
"E ano ang pinayo mo sa kanya?"
"Sabi ko, ganyan talaga ang buhay. Akala mo na kayo na, pero hindi pala. Kaya move-on na lang."
"Wow. Lalim ng hugot ah"
"Hehe. Hindi naman, babe. Payong kaibigan lang"
"Magkaibigan lang?"
"Oo naman. Teka, nagdududa ka na naman ba?"
"Ha? Wala akong sinabi"
"Babe... alam ko nagseselos ka na naman." Sabay hawak ng kamay ni Jeff "Wala kang dapat pagselosan, okay? Ikaw ang mahal ko"
"What if kung mahal ka niya?"
"Ano bang klaseng tanong yan"
"Sagutin mo na lang. Please"
"Edi sasabihin ko sa kanya na may partner na ako. At alam niya naman na hindi na ako pwede" sagot ni Riley "At isa pa, hindi ko siya mahal noh. Ikaw ang mahal ko"
"Talaga lang ha?"
"Oo nga. Babe naman, nagdududa ka na naman"
"Hindi ako nagdududa, naninigurado lang ako."
"Hmmmm. Gusto mo lang ng lambing eh" sabay yakap ni Riley sa kanya . Ngumiti naman si Jeff sa ginawa sa kanya "Kita mo, nakangiti ka na. Sorry na, babe ha"
"Bakit ka nagsosorry? Wala ka namang kasalanan"
"E kasi ikaw eh..." sagot niya kay Jeff at natapatingin naman ito sa kanya "Basta... hehe. Kumain na lang tayo. Baka magalit ka na naman eh"
Umupo at tumambay sila sa parking lot pagkatapos nilang kumain. Gusto nila kasi na lumanghap ng preskong hangin.
Pagkalipas ng ilang sandali ay nagdesisyon din si Jeff na umuwi.Sinundo naman siya kaagad ni Riley at pumasok sa kanyang trabaho bilang call center agent.
Nang pagkadating ni Jeff sa kanilang bahay ay nakita niya sa kanyang pagpasok ang mga malalaking bagahe. Nakita niya din na nakaupo ang kanyang ama sa sala at tila may hinihintay.
"Anong nangyayari dito kuya?" tanong niya sa kanyang Kuya Jeremy na kakalabas lang sa kanyang kuwarto.
"Lilipat daw muna kayo ni nanay sa bahay nila"
"Kaninong bahay?"
"Bahay ni tatay at sa bago niyang asawa"
"Ha?.. Bakit?" tanong niya ulit
"Ewan ko din eh..kakarating ko lang. Tanong mo kaya kay nanay" nagulat si Jeff sa balitang nalaman mula sa kuya at agad niyang pinuntahan ang nanay.
"Saan ba siya?"
"Sa kuwarto niya, nag-iimpake pa rin"
Kaagad naman ito pinuntahan ni Jeff ang nanay sa silid. Nakita niya nga na nag-iimpake nga siya ng kanyang mga gamit.
"Nay, ano 'to?"
"Lilipat muna tayo sa kanilang bahay, anak" sagot naman ni Joyce.
"E bakit?? Kanino namang plano na 'to? Kay William na naman ba?"
"Jeffrey..!" sambit ni Joyce "marunong kang rumespeto sa kanya dahil ama mo siya"
"Bakit nga tayo lilipat dun...??"
“Pansamantala lang naman, anak” paliwanag niya “aalis kasi ang tatay mo at si Natalie at walang magbabantay sa kapatid mo. Hiniling ng tatay mo na tayo na lang ang magbabantay kay Jean”
"At pumayag ka naman agad?" dugtong na tanong ng anak.
"Para naman magbonding kayo at mawala na ang galit mo kay Jean" sambit ni Joyce "pumayag ka na,anak..."
Tumingin na lamang siya sa mga natirang gamit na pinapasok ng ina sa huling bagahe. “Wala na naman ako magagawa, nay. Dahil nakahanda na ang mga gamit ko”
Tumayo si Joyce at hinawakan ang kamay ng anak “Salamat anak. Dahil pumayag ka. Ginagawa ko ito para makilala mo pa ang kapatid mo na si Jean. Isa ito sa mga hakbang para magiging maayos na kayo ng ama mo at ang pamilya natin”
"Hay naku, nay. Bakit pa ba? Hindi na natin sila kailangan"
"Kailangan mo, Jeff. Kailangan mo dahil ama mo siya" mas lalo pang hinigpitan ni Joyce ang paghawak niya sa kamay ng anak "Mahirap kung wala kang kinalalakhan na ama sa paglaki mo. Walang gumagabay sa'yo"
"Nandiyan ka naman nanay diba? Ikaw nga ang tumayo na ama at ina sa aming magkakapatid. Hindi na namin siya kailangan"
Napahinga na lamang ng malalim si Joyce sa sinabi ng anak “Hindi mo pa naiintindihan sa ngayon, anak. Pero balang araw, maiintindihan mo din ’to. Magtiwala ka lang sa nanay”
Itutuloy…
CHINITO: Chapter 5 (Si Jean)
Pumayag na lang si Jeff sa pakiusap ng kanyang nanay na doon na lamang sila pansamatalang titira sa bahay ng bagong pamilya ng kanyang tatay.
Sumakay sila sa sasakyan ni William na Sportivo at sinimulan niya na itong paandarin. Bago niya ito pinatakbo ay lumingon muna siya sa anak na nasa likuran na nakaupo.
"Anak, salamat ha" sabi ni William sa kanya "Salamat kasi pumayag ka na doon muna kayo matulog ng ilang araw sa amin" pero ngumiti lang si Jeff na may pait ang kanyang mukha "sigurado ako na magugustuhan mo ang bahay namin at magkakasundo kayo ni Jean. Nagkita na kayo diba... nung bumisita sila sa bahay?"
"Yup" tanging sagot niya. Kinuha niya ang kanyang telepono sa bulsa ng bag at nagdesisyon ipaalam kay Riley ang tungkol sa kanilang paglipat.
Nang pagkapasok nila sa bahay ay napanganga si Jeff sa tatlong palapag na bahay nina Natalie dahil ang gagara at mamahalin ng mga gamit na sa loob ng bahay. May malaking swimming pool sa bandang likuran, may entertainment room na kung saan pwedeng manood ng paborito mong pelikula at higit sa lahat, mas malaki ng tatlo o apat na beses ang living room nila kesa kay Joyce na sala. Namangha talaga si Jeff sa kanyang nakita na tila sa panaginip o sa TV niya lang ito makikita.
"Good Evening Joyce. Welcome sa bahay namin." bati ni Natalie na palapit sa kanilang dalawa "Good Evening din Jeff"
"Good Evening din" bati din ni Jeff.
"Joyce, sorry pala kung wala sa plano ang pagtira ninyo dito ha" sambit ni Natalie "Wala naman kasi kami na mapaghing-an ng tulong kundi kayo lang eh"
"Naiintindihan namin, Natalie. Huwag kang mag-alala. Ayos lang sa amin ni Jeff na dito muna titira" sabay siko ni Joyce sa anak sa tiyan "Diba anak?"
"Po?" dugtong ni Jeff
"Ang sabi ko... okay lang sa atin na dito muna tayo titira pansamantala" ulit ni Joyce
"Ahh. Opo, tita. Okay lang sa amin" tingin niya kay Natalie.
"Tita..?? Diba sabi ko sa'yo na 'Mommy' ang itawag mo sa akin?"
"Sorry po. Hindi kasi ako sanay eh."
Ngumiti si Natalie sa sagot ni Jeff “Sige, kung ano ang kumportable sa’yo. Ikaw ang bahala”
"Salamat po, tita"
"Oo nga pala, kumain na ba kayo?" tanong ni Natalie kay Joyce
"Wala pa, Natalie. Pero busog pa kami"
"Busog?? Hindi kayo kumain diba? Bakit kayo mabubusog?" habang hinahatid ni Natalie silang dalawa sa lamesa. "Kumain na tayo. Gutom na din ako eh. Ahhmmm. Manang?" tawag niya sa katulong.
Ilang saglit ang lumipas ay may pumasok na hindi masyadong katandaan na babae. Siya si Manang Beth. “Yes Ma’am?”
"Pakitawag nga si Jean sa kuwarto niya" utos ni Natalie "Sabihin mo na kakain na"
"Okay po, Ma'am Natalie"
Bumaba kaagad ang anak ni Natalie na si Jean mula sa kanyang silid. Pero nagulat siya sa kanyang nakita na may kasama ang ina niya sa hapagkainan at muli na lang ito bumalik sa kuwarto.
Pagkatapos ng hapunan ay pumasok si Natalie sa kuwarto ng anak at natagpuan niya si Jean na nakaupo sa gilid ng kama na naglalaro ng kanyang telepono.
"Kanina pa kita tinatawag na kakain na, pero hindi ka bumaba...may problema ba?" tanong niya habang hinimas-himas ang likod ng anak
"You know what's my problem, mom" sagot ni Jean na hinampas niya ang cellphone sa kanyang tabi "Sila....!! si Joyce at ang kanyang anak! Bakit sila nandito?"
Nagpabuntong-hininga si Natalie at umupo sa tabi ng anak “Jean… We’re going to Manila tomorrow kasi, for a business trip” paliwanag ni Natalie “Sila muna ang makakasama mo dito habang wala kami.”
"Without asking my permission??" dugtong ni Jean "Mom...! Alam mo naman kung gaano ako naiinis sa kanila. Bakit sila pa??"
"Desisyon ng Daddy mo 'to, Jean. At isa pa, mabuti na din yan para magkakilala kayo ng Tita Joyce mo at ang kanyang anak"
"No!!" pagmamatigas ni Jean "Ayaw ko silang makilala. Ayaw ko sa kanila!"
"Jean, diba napag-usapan na natin 'to?" paalala ni Natalie sa kanya "Just face the reality na may ibang pamilya ang Daddy mo. Sila ang legal na pamilya. Be cooperative na lang dahil pati ako, nahihirapan din"
“Sama na lang ako sa inyo mommy,please? I promise that I’ll be a goodgirl sa lakad ninyo pero huwag niyo lang ako iwan sa kanila” pakiusap ni Jean sa kanyang mommy.
"Hindi pwede, may pasok ka at business trip 'yon, hindi vacation trip" sambit ni Natalie
"Hhmmp!! E bakit sila pa nga...???! Pwede naman na kami lang ni Manang Beth dito sa bahay" sabi ni Jean at nagsisimula na naman ang kanyang sumpong.
"At lalong hindi pwede dahil walang magbabantay sa'yo na kadugo mo bilang guardian mo" paliwanag niya sa anak "What if kung may PTA Meeting ang school niyo?? Walang aatend sa'yo."
"Kadugo?..Mom, are you joking?.. hindi ko sila kadugo" sabi ni Jean na gumagalaw na ang kanyang mga mata "wala akong kadugo na mukhang pera..."
"Jean, ikaw ha..tama na yan" suway ni Natalie "hindi kita pinalaki na bastos..."
"Totoo naman eh... if I know, tumatalon na sila ngayon sa kaligayahan dahil dito na sila titira" sambit ni Jean "at lalo na ang anak ni Joyce na 'yan..."
"I said....Stop it...Jean"
"Ooowwwwkaaaay...." Sabi ni Jean "Oo nga pala mommy, ilang araw kayo mag-sa-stay sa Manila?"
"Fourteen days" sagot ni Natalie na binukas ang pintuan at lumabas
"What??! Two weeks??...ang tagal naman...two weeks din ako na magtitiis sa mga walang pinag-aralan at walang kwentang tao...Haay!!... makatulog na nga.... BWISIT!!" sabi nito sa sarili.
Nakaupo sina Riley at Jeff sa bench kinabukasan pagkatapos ng kanyang klase.
"So, how's your stay sa bahay ng tatay mo, babe?" tanong ni Riley.
"Hmmm. Okay lang"
"Okay lang?? Napaka vague naman ng sagot mo, babe" sagot niya kay Jeff "i-elaborate mo kaya. Put it in to details" biglang napangisi si Jeff sa sinabi ni Riley sa kanya "Oh? Bakit ka tumatawa? What's wrong?"
"Wala po. Hehe. Pinapagana mo na naman kasi ang pagka call-center agent mo eh. Panay ang Ingles"
Napakunot nang noo si Riley sa dahilan ni Jeff sa kanya “So…?? Anong masama dun? “
"Soplado naman. Binibiro lang eh"
"E ikaw kasi babe. Wala sa lugar yung biro mo"
"Ganun?? Ang sakit naman"
"Ayan.. ikaw na naman ang galit"
"E sino ba ang hindi magagalit? Napakasoplado mo kaya ngayon"
"Hay naku. Sige na nga. Sorry na po" at napakunot din ng noo si Jeff "Oh bakit na naman??"
"Ang init ng ulo mo ngayon. May problema ka ba?"
"Hmmmm. Meron"
"Kaya pala" sambit ni Jeff "Ano yun?"
"Sa work."
"Bakit? Tinanggal ka na?"
"Hindi babe"
"E ano?"
"May kaaway lang ako kagabi. Nagsagutan kami at muntikan kami magsuntokan"
"Ha?? Ano ba ang dahilan ng away ninyo?"
"Remember mo kahapon yung tungkol sa ex ni Fred?" napatango si Jeff ng mabagal bilang sagot sa tanong "Siya yun ang umaway sa akin kagabi"
"So, it means na kasama mo sa trabaho ang ex ni Fred?"
"Yup. At kagabi ko lang nalaman"
"E bakit ka niya inaway, babe?"
"Akala niya kasi na ako ang pinalit ni Fred sa kanya. Siguro nagselos din"
"Ahh okay" tanging sagot ni Jeff "I feel him"
"Bakit babe?"
"E kasi nagseselos din ako. Pero hindi ko na lang pinapahalata"
"Hmmm. Babe naman eh. Diba ang sabi ko sa'yo na wala kang dapat na pagselosan?"
"Oo. Pero hindi mo maalis sa akin na magselos babe eh" sagot naman ni Jeff "Yung parang na-iinis ako sa kanya tuwing magkasama kayo"
Hinawakan muli ni Riley ang kanyang kamay “Magtiwala ka lang sa akin, okay? Mahal kita”
Umalis sina Natalie at William kinabukasan ng alas otso ng umaga papuntang Manila para dalawin at i-tsek kung ano na ang nanyayari sa kanilang mga negosyo na naka-base doon.
Hapon na nang magising si Jean at pumunta siya sa kusina upang maghanap ng pagkain. Natagpuan niya doon ang kanilang katulong na si Manang Beth na naghahanda ng hapunan para sa kanila.
"Manang..?" tawag niya dito habang naghahanap ng pagkain sa ref
"Yes po, Ma'am Jean?"
"Ano yan?" sabay turo sa niluluto ni Manang Beth
"Piniritong Isda po, Ma'am"
Pumuti muli ang mata ni Jean sa inis “Alam ko na isda yan. Ang tanong ko, kung bakit ganyan ang niluluto mo? Alam mo naman na hindi ako mahilig sa ganyang ulam”
"Ito po kasi ang order ng mommy niyo, Ma'am eh"
"What?!" biglang pagtaas ng tono ng boses niya. "Si Mommy talaga...."
"E masarap naman po ito, Ma'am. Hindi niyo lang po kasi tinitikman."
"Ay teka po. Hindi ko kailangan ng opinyon mo kaya tumahimik ka"
"Sorry po" sabay yuko ni Manang Beth.
“Ahhmm. Manang. Kelan po ba ang huling bakasyon mo sa inyo?”
Napahinto at napaisip ang babae kung kailan ba ang huli niyang uwi sa kanila dahil matagal na pala iyon. “Ewan ko nga ma’am..siguro mga limang taon na” sagot ng katulong.
"Ang tagal na pala Manang noh?..hmmmm..hindi mo ba sila namimiss?"
"Namimiss po Ma'am..." sagot niya kay Jean "Sobra po talaga...gusto ko nga na silang yakapin ng mahigpit" at napatulo ang luha niya dahil naalala ang asawa at ang mga anak sa probinsya.
"Talaga? Gusto mo ba silang puntahan ngayon?" nabuhayan ang katulong sa tanong sa kanya ni Jean.
"Gusto ko sana Ma'am, pero walang mag-aalaga sa'yo kung aalis ako at baka mapagalitan ako ni Mommy at ni Daddy mo"
"Haaay Manang" lumakad papunta si Jean sa direksyon ng katulong "No worries... Matanda naman ako at alam ko kung ano ang gagawin ko dito. At tsaka, meron din naman akong kasama" paniniguro ni Jean sa kanya.
"Pero sabi ng Mommy mo – "
"Na umuwi ka daw at magbakasyon muna" dugtong ni Jean " 'yon ang pasabi niya sa akin tungkol sa'yo"
"Sigurado ka Ma'am?"
"Syempre...mukha ba akong nagsisinunggaling?" sagot niya na nakataas na naman ang isang kilay "at ito ang pera...bumalik ka daw after 12 days" habang inaabot ang sobre na may lamang pera.
"Ma'am, ano 'to?" tanong ng babae habang binibilang ang isang bigkis na pera.
"Pera nga... hindi ka ba nakahawak ng ganyang kalaking halaga na pera?" tanong niya "Kung sa bagay, pulubi pala kayo"
"Alam ko po Ma'am, pero bakit ninyo ako bingyan ng ganitong kalaking pera..? pinapalayas niyo na ba ako..?"
"Wag ka ngang tanga..! Gagamitin mo yan para pambili sa mga pasalubong sa mga anak mo"
"Ahh.. sige po Ma'am..Maraming Salamat talaga" hinawakan niya ang kamay ni Jean at pumiglas siya sa pagkahawak ng katulong na tila nandidiri ito.
"Don't Touch Me!!" galit na sabi ni Jean "Magbihis ka na at umalis agad basta 12 days, andito ka na."
"Pero gabi na Ma'am at wala nang bus na bumabyahe sa mga oras na ito" pangangatwiran ng katulong.
"Oh sige...ipabukas mo na lang ang pag-uwi mo" pagsang-ayon ni Jean "Pero ngayon na magsisimula ang bakasyon mo..."
"Ano ang ibig mong sabihin Ma'am?"
"Haayy. Ang tanga mo talaga. Ang sabi ko, pwede ka nang magpahinga at iwan mo na diyan ang mga gawain mo na hindi natapos." sabi niya sa katulong
"Pero Ma'am—"
"—huwag ka nang kumontra, okay? Pumasok ka na sa kuwarto mo at magpahinga na" utos niya sa katulong.
Sinunod na lamang ni Manang Beth ang utos sa kanya ng amo na magpahinga na sa kabila sa mga nakatambak na mga gawain sa kusina. Umakyat muli si Jean sa kanyang silid para doon magpalipas ng oras.
Pagkalipas ng ilang oras ay bumaba uli siya at pumunta sa living room para manood ng palabas sa telebisyon.
"Manang!!..Manaang!!" biglang sigaw si Jean na tila galit na galit ito "Ano ba?! Ang tagal!!"
Lumabas agad si Joyce sa kanyang silid nang marinig ang tawag ni Jean “Oh, Jean..Bakit? Tulog ang Manang Beth mo. May kailangan ka ba sa kanya?”
"Oo" sambit ni Jean
"Sige, gigisingin ko muna siya Jean" sagot ni Joyce "Hindi niya pa nga natapos ang gawain dito sa kusina eh"
"Huwag na. Huwag mo na siyang gisingin"
"E bakit?"
"Kasi ikaw ang gagawa ng mga gawain niya"
"Bakit ako...??"
“ Sino pa ba ang mukhang katulong dito, maliban kay Manang?“ pang-iinsulto ni Jean sa kanya “Diba ikaw lang?”
Tumahimik na lang si Joyce sa sinabi ni Jean sa kanya at ngumiti lang ito. “Sige, Jean. Kung yan ang gusto mo. Ako na ang tatapos”
"Good. And by the way, its Ma'am Jean. Iyon ang itawag mo sa akin simula ngayon"
"Opo... Ma'am Jean" sagot niya "Pupunta na po ako sa kusina, Ma'am"
"Okay. Oo nga pala, Joyce."
"Yes Ma'am?"
"Itapon mo na lang ang niluto na pritong isda ni Manang Beth. Hindi ko gusto yan"
"Pero Ma'am. Sayang lang kung itatapon lang natin"
"Bakit? Pera mo ba ang ginagamit namin para ipambili ng mga ulam namin dito?"
"Hindi po" sagot ni Joyce na mahina ang boses
"Oh ganun naman pala eh. Huwag kang magreklamo!" sigaw niya sa ina ni Jeff "Sundin mo ang utos ko!"
Dakong alas-siyete na ng gabi nang makauwi si Jeff sa bago nilang tinitirhan na bahay. Napansin niya na nasa kusina ang ina at kaagad naman ito dumerecho doon.
"Magandang gabi, nay" mano ni Jeff sa kamay ng ina "Hay naku nay. Ang hirap pala dito sa subdivision, minsan lang pala makapasok ang mga tricycle dito. Buti pa dun sa atin, madali lang makasakay"
"Masasanay ka din, anak" sagot ni Joyce habang nagluluto sa ulam ni Jean "Kamusta pala ang araw mo, nak?"
"Okay lang po, nay" at tinignan ang kawali dahil gutom na gutom na din ito "Bakit ang liit lang ng niluluto mo nay? Akin lang ba yan?"
"Hindi, nak. Kay Jean lang ito"
"Ha? Bakit sa kanya lang? at nasaan si Manang Beth?"
"Inutusan kasi niya ako na ipagluluto ko siya ng ulam niya"
"Ganun? E saan yung atin??"
“Edi delatang sardinas lang.” biglang sumabat si Jean sa usapan ng mag-ina na kakapasok lang sa kusina “yan lang ang uulamin ninyo..”
Itutuloy…
CHINITO: Chapter 6 (Love at First Sight)
Nagulat si Jeff sa biglang pagsulpot ni Jean. Masaya ang mukha na parang ini-enjoy niya ang mga nangyayari sa mag-ina “Bakit sardinas lang??” dugtong ni Jeff sa kanya.
"Oh..? Ayaw mo? Magpasalamat ka pa nga na may kakainin kayo eh" sabay lapit ni Jean kay Jeff "Kaya huwag na kayong magreklamo dahil hindi niyo naman pera ang pinambili sa mga pagkain na 'to"
"Aba teka lang..." lapit din ni Jeff sa kanya "Ayusin mo nga ang mga pinanalita mo sa amin. Una sa lahat, hindi ako nagrereklamo dahil sanay kami sa mga ganitong ulam. At pangalawa, at kung ubusin mo pa lahat ng mga pagkain dito. Wala akong pakialam."
"Sanay?? Kaya pala nandito kayo sa amin" dugtong pa ni Jean "Pinipilit niyo ang mga sarili ninyo dito sa amin dahil wala na kayong makain sa inyo"
Sasagot na sana si Jeff pero pinigilan siya ng nanay. “Anak, utang na loob. Huwag ka nang sumabat”
"Tama ang nanay mo Jeff. Huwag ka nang sumabat dahil kahit anong paliwanag mo. Iyon pa rin ang rason ninyo kung bakit kayo nandito" sabay tingin kay Joyce "Tapos na ba ang pagkain ko...??"
"Malapit na po"
"Pakitawag mo na lang ako mamaya kung luto na ang pagkain, okay?" utos niya "Babalik muna ako sa kuwarto ko"
Tumalikod at kaagad umakyat sa kanyang silid. Samantala naman ay nakatayo pa din si Jeff at nagulat sa nangyari. Ilang sandali lang ay linapitan siya ng ina.
"Sige na, anak. Magbihis ka na sa silid natin para makakain na tayo" utos ni Joyce sa anak.
Napatingin ng matagal si Jeff sa ina “Nay, bakit mo’ko pinigilan kanina?”
"Wag mo nang patulan anak dahil nakikitira lang tayo sa bahay nila." sagot ng nanay
"Nakikitira??.. sila nga ang humihingi ng pabor na tumira tayo diba?"
"Tama na anak..tumahimik ka na lang"
Gusto niya na sa patulan si Jean pero hindi niya ito magawa kasi humiling ang kanyang nanay na huwag itong patulan. Pumasok na lang si Jeff sa kanilang silid at nagbihis.
Nang pagpasok niya sa kanilang silid ng ina ay kaagad siyang umupo sa kama. Tinanggal ang sapatos at medyas at humiga ito. Pagod na pagod kasi siya sa buong araw niya sa paaralan, dagdagan pa ng malditang kapatid sa ama.
Kinuha niya ang kanyang telepono mula sa kanyang bag at dinial ang numero ni Riley para tawagan ito.
Riley: Hello. This is Riley Kristoffer Dechavez speaking. How may I help you, sir?
Jeffrey: Babe naman eh. Nagbibiro pa.
R: Hehe. Sorry babe. On the way na kasi ako sa work eh. Kumain ka na ba?
J: Hindi pa… Babe.?
R: Po?
J: Miss na kita babe ko
R: Miss you din baby ko. Kahit kanina lang tayo huling nagkita. Hehe
Biglang natahimik si Jeff dahil hindi niya alam kung paano sasabihin kay Riley ang kanyang problema tungkol sa kapatid.
R: Babe? Okay ka lang?
J: Okay lang naman babe. May maliit na problema lang but I can handle it naman.
R: Are you sure?
J: Opo. Sure ako. Namiss lang kita. Gusto ko lang marinig ang boses mo babe
R: Wow. Ang sweet naman ng babe ko. O babe, so pano? Kita na lang tayo ulit bukas ha? Dito na ako sa office eh. Work muna para sa future natin.
J: Sige babe. Ingat ka.
R: Okay po. I love you.
J: I love you too.
Pinatay ni Jeff ang kanyang telepono at nilagay niya ito sa ilalim ng unan. Sakto din na kumatok si Joyce at pumasok sa silid.
"Nak, kain na" tawag niya sa anak "Hindi ka pa pala nakabihis?"
"Opo. Wait lang po. Mauna ka lang nay, susunod lang ako"
"Sige. Bilisan mo ha"
Sa pagkalabas niya ay kumakain na si Jean sa kabisera ng dining table. Uupo na sana si Jeff sa bandang kanan ng lamesa para kumain na din pero sinita siya ng isa.
"Hoy!! Ano ang ginagawa mo?" tanong ni Jean na matigas ang tono ng boses.
"Malamang kakain" pang-iinis na sagot ni Jeff sa kanya "Ano ba sa tingin mo?... Matutulog?"
"Pwede ba Jeff, ayusin mo ang pagsagot sa akin?.. wag kang pilosopo" utos niya
“Maayos naman ang pagsagot ko sa’yo ah”
"What ever....." sabat ni Jean at muling bumalik siya sa kanyang tanong "Oo nga pala, bakit ka dito nakaupo? Doon ka sa may lamesa ng katulong kumain kasama ng nanay mo. Doon kayo bagay."
Hindi na lang ito pinansin ang pang-iinsulto ni Jean sa kanya at huminga na lang ng malalim at ngumiti paalis ng lamesa.
Sa pagdating ni Jeff sa may dirty kitchen na kung saan doon kumakain ang ina na si Joyce. Isang delatang sardinas nga ang kanilang ulam. Hindi niya pinansin ang ulam at kaagad nang umupo para kumain na din.
"Sa wakas, dumating ka na anak. Kanina pa kita hinintay" sambit nito "Nauna na akong kumain dahil gutom na gutom na ako eh" napansin ni Joyce na nakakunot ang noo ang anak at parang naiinis ito "Bakit nakakunot ang noo mo? May problema na naman ba?"
"Alam mo nay. Naiinis na talaga ako sa Jean na yan eh" sambit ni Jeff habang bumibilis ang paghinga dahil naiinis na ito. "Isa pa na gawin sa atin 'to. Papatulan ko na talaga siya"
"Ano ba ang ginawa niya sa'yo?"
"Pinaalis ako dun sa lamesa at sabi niya na dito niya tayo sa labas kakain. Yun ang kinaiinisan ko, nay" sagot niya sa ina "Matapang lang yang babaeng yan dahil wala dito ang mga magulang niya eh"
"Jeff. Kumalma ka, okay?" payo ni Joyce "Sa kanila ang bahay na 'to at nakikitira lang tayo. I-respeto na lang tayo sa mga desisyon nila sa atin. Huwag ka nang magalit"
"Respeto? Nay... sila dapat ang marunong rumespeto dahil sila ang humingi ng pabor sa atin na titira dito sa bahay nila. Tapos gaganituhin lang pala tayo ng malditang anak nila? Hindi naman makatarungan yun."
Hinimas ni Joyce ang likuran ni Jeff para mapatahan ito sa kanyang galit “Kumain ka na, anak. Ikaw na lang umitindi sa kapatid mo dahil una sa lahat, ikaw ang mas nakakatanda sa kanya at ikaw ang mas nakakaintindi sa mga nangyayari” buntong-hininga ni Joyce “Maaasahan pa ba kita, Jeffrey?”
Tumango na lamang si Jeff bilang sagot sa ina at nagsimula na lamang ito kumain. Wala siyang magagawa dahil iyon ang pakiusap ng ina. Kakainin niya na lamang ang kanyang pride para lamang sa gusto ng ina na mabuo ang kanilang pamilya.
Kinabukasan, araw ng Biyernes. Nakatambay ang tatlong magkakaibigan sa isang bench ng kanilang paaralan. Nag-uusap sila tungkol pa din sa kapatid ni Jeff na si Jean.
"Parang nahihiwagaan ako diyan kay Jean, Jeff eh" sambit ni Alvin.
"Bakit naman?"
"E ano ang rason niya bakit siya nagkaganyan sa inyo?"
"Ewan ko din eh. Ang init ng ulo niya sa amin"
"Baka naiinsecure..." sabat ni Jacqui sa usapan "...kasi akala niya na siya lang ang one-and-only-child sa pamilya. Hindi niya pala alam na may mga kapatid pala siya"
"Talaga? Sigurado ka?" paniniguro naman ni Alvin
"Hindi naman. Theory ko lang naman yon. Baka nga diba?"
"Hmmm. Ewan ko sa kanya. Hindi naman ako interesado sa drama ng buhay niya"
"Maiba ako, bes. Kamusta pala ang bahay nila? Malaki ba talaga?"
"Super... Parang mansyon"
"Talaga? Punta naman tayo dun, bes" paanyaya ni Jacqui "Hindi pa ako nakakakita ng mansyon sa personal eh"
"Ha? Okay ka lang? Hindi nga kami okay ng babaeng yon, tapos papupuntahin ko pa ang mga bisita ko?"
"E ano naman ang masama dun? E anak ka naman ng may-ari ng bahay dun noh" paalala niya sa kaibigan.
"Hay naku. Kahit na. Baka gamitin naman yan sa akin yan. Baka isumbong niya ako sa Daddy niya"
"'to naman. Ang K.J. mo. Sige na, bes. Please?"
"Hindi nga pwede. Ang kulet eh"
"Ganun? Kaya mo bang matiis ang super ganda mong friend? Minsan lang naman ako humihingi ng pabor eh, tapos ayaw mo? Sige, kung iyan ang gusto mo. Hindi na kita pipilitin" sagot ni Jacqui na tila pinapakonsensiya si Jeff "Sige lang. Sa susunod na hihinga ka ng tulong, hindi na kita tutulungan"
"Hay..! Ano ba yan... Oo na. Oo na. Tayo na!"
"Yehey!! Salamat bestie! Love na love talaga kita!"
"Tumahimik ka na nga. Ang ingay mo. Tayo na nga. Pinapahamak mo'ko eh"
Sumakay silang tatlo ng taxi para makauwi sa bagong tinutuluyan ni Jeff. Sa kanilang pagpasok ng bahay ay pareho din ang kanilang reaksyon na manghang-mangha sa nakita.
"Wooow!! This house is so beg" sabi ni Jacqui na may kaartehan ang boses
"Oo nga Jeff..ang laki ng bahay..hindi ko akalain na ganito kayaman ang daddy mo" sabi ni Alvin "Pwede pa ba akong magpa ampon?hehe"
"Sus..ang sabihin mo, gusto mo lang siya makasama sa iisang bahay para maging masaya ang bawat umaga sa tuwing gumigising ka" dugtong ni Jacqui pero tinignan ni Alvin si Jeff kung narinig niya ang sinabi ng isa pero wala naman itong reaksyon o senyales na may narinig. Humingi na lang ng sorry si Jacqui kay Alvin sa kanyang kadaldalan. "Uy friend" sabay kalabit ni Jacqui sa tagiliran ni Jeff "Where is your wicked half-sister?"
"Ewan ko sa kanya...nasa itaas siguro at nakakulong sa kwarto niya"
"Mabuti naman kung wala siya dito sa baba" sambit ni Jacqui "kapag andito lang siya...matitikman niya talaga ang pagiging maldita ko...nakuuuu" nangangalit ang kanyang mga ngipin habang nagsasalita.
"Talaga lang ha? Baka manigas ka lang kapag andiyan na siya" dugtong naman ni Alvin.
"Hindi kaya. Kung gusto mo, sasabunutan ko pa siya eh"
"Shhh...tumahimik nga kayo" suway ni Jeff "Baka marinig kayo. Alam mo naman ang tenga nun, kahit na malayo, naririnig niya. May lahing aswang kasi"
"Teka lang Jeff..matanong ko lang.." sabat ni Alvin "Hindi ba siya lumalabas sa kanyang kwarto?"
"Lumalabas din naman... kapag kakain na at bumabalik din kaagad sa kanyang lungga kung tapos na siyang kumain" sagot niya
"Aba! Buhay prinsesa pala ang hayop!" pasigaw na sabi ni Jacqui
"Ako ba ang pinag-uusapan ninyo?" merong pamilyar na boses na narinig si Jeff sa kanilang likuran. Si Jean. Nasa pintuan at kakauwi niya lang galing paaralan. Naging kabado ang mga kaibigan ni Jeff, lalo na si Jacqui nang makita niya ang kapatid sa ama ng kaibigan.
"Hindi. Hindi ka namin pinag-uusapan" sagot ni Jeff
"Talaga?" sabay tingin sa mga kasama ng kapatid "O bakit namumutla ang isang yan?" turo ni Jean kay Jacqui. "Parang kabado"
"E ano naman kung namumutla? Hindi ba pwedeng, masama muna ang pakiramdam?"
"Ewan ko..." buntong-hininga ni Jean sabay lakad papuntang hagdanan.
Hindi na pinansin ni Jeff ang pagtataray ng kapatid. Ngumiti lang ito para ipakilala niya ang mga kaibigan kay Jean. “Jean, gusto ko na ipakilala ko sa’yo sina Jacqui at Alvin. Ang mga kaibiga—”
"—I really don't care kung sino ang mga yan" sabat ni Jean sa kapatid "Gusto ko lang sabihin sa inyong dalawa na bawal na bawal ang magnakaw ng anumang gamit dito sa bahay namin. At kung may kinuha na kayo, pakibalik na lang"
Nabigla ang dalawang kaibigan ni Jeff sa sinabi ni Jean sa kanila. Pero pilit na pinakalma ni Jeff ang kanyang sarili para hindi ito mainis.
"Wala naman silang kinuha, Jean. Actually, kakarating din namin"
"Hindi kita kinakausap, Jeff. So please, tumahimik ka" tingin niya sa kanyang kapatid na nakataas na ang kanyang kilay "At kung tapos na kayo sa pagtu-tour sa bahay namin, pwede na kayong umalis, okay? Gusto ko nang magpahinga"
Nainis si Jeff sa ginawa ni Jean pero pinipigilan niya pa ang kanyang inis dahil sinusunod niya ang kanyang ina na huwag itong patulan. Tumingin na lamang siya sa mga kaibigan “Mabuti pa na umuwi na lang kayo. Sige na, mauna na kayo sa labas, susunod ako”
Pumayag naman silang dalawa at kaagad itong nagtungo sa pintuan habang si Jean naman ay nasa hagdanan at nakatingin pa din sa kanila. Nagmamadali silang lumabas ng pintuan pero hinarang sila ng papasok na tao
Lumilitaw ang kanyang maputing pisngi sa sikat ng araw at kitang-kita ang kanyang malalim na dimple habang papasok ng bahay na nakangiti.
Tila na ‘love-at-first-sight’ at nawala ang galit ni Jean sa taong pumasok at humaharang sa paglabas nina Jacqui at Alvin. Parang bumagal ang paggalaw ng kanyang mundo nang makita niya na pumasok at binati siya ng lalake.
"Good Afternoon po" bati ni Riley sa kanya "Andiyan po ba si Jeff?"
"Good Afternoon din, andito siya sa likuran ko..." sagot niya na hindi pa rin umaalis ang pagkatitig niya kay Riley "May I know your name?"
"Sorry..my manners..hehe.. I'm Riley...Riley Kristoffer Dechavez...." sagot niya habang pinunasan muna ang kanang kamay sa kanyang damit at inabot ito kay Jean para makamay ito at tinanggap din agad ni Jean ang alok ng lalake na makipagkamay. "What's yours?"
"I'm...in...Heaven..." tulalang sagot niya
"I'm sorry?"
"Siya si Jean, kilala mo siya. Diba?" sulpot ni Jeff sa kanilang usapan na nasa bandang likuran ni Jean at tumabi siya kay Riley.
"Ahh. Yes... Ikaw pala si Jean" sabi ni Riley habang nakangiti "So ikaw pala ang half-sister ni Jeff. Am I right?"
"Hmmm. Oo eh" sagot ni Jean sabay sa pag-ipit ng kanyang buhok sa tenga "Naikwento niya pala ako sa'yo?..ahhmm.. dahil alam mo ang pangalan ko weh?" tanong niya na may kalandian ang boses.
"Yup"
"Talaga..? Ganyan na ba ako ka-interesting at kagandang tao para pag-usapan ninyo?"
Pinipigilan lang tumawa ni Jeff sa sinabi ni Jean. ‘Feeler talaga’ sabi niya sa kanyang sarili
"Oo.. sabi niya kasi sa akin na maganda ka daw, sexy at napakabait na kapatid..." nangungutong pahiwatig ni Riley "at hindi pala nagsisinunggaling si Jeff.. tama lahat ang mga sinabi niya tungkol sa'yo"
Siniko ni Jeff si Riley dahil sumusobra na ito sa mga papuri niya sa malditang kapatid. “Tama na yan, baka lalo pang lumaki ang ulo ng bruhang yan” bulong ni Jeff sa kanya at tila hindi gumagalaw ang bibig para hindi halata na nagsasalita siya.
"Ayos lang yan, babe. Sumakay ka na lang" bulong din niya kay Jeff.
Itutuloy…
’).Lj
paki vote na lang po ang please leave a comment sa baba..salamat^^
CHINITO: Chapter 7 (Ang Selos ni Riley)
Namula at napangisi si Jean sa mga nasabi sa kanya ni Riley. Parang kinilig ito dahil namula ang kanyang mukha
“Hehehe.. Really? Sus. ’to naman. Hindi naman masyado..maliit na bagay eh” sabi ni Jean “By the way, why don’t you guys take a seat?” paanyaya niya kay Riley at sa dalawa pang kaibigan ni Jeff na kanina pa nakatayo sa may bandang pintuan.
Dinala ni Jeff ang tatlo niyang bisita sa sofa upang umupo habang si Jean naman ay nakatayo pa din at nakatitig kay Riley na kinikilig.
"Parang nahulog na ata ang bruha kay Riley mo ah" bulong ni Jacqui "may karibal ka na, bes"
"Oo nga eh.." bulong din ni Jeff "meron din palang nakatagong kalandian ang babaeng 'to"
Hindi nila napansin na umakyat na pala si Jean sa kanyang silid dahil nagkwekwentuhan at nagkukulitan silang apat.
"Eto din eh..." turo ni Jeff kay Riley
"Oh bakit?"
"Alam mo na nilalandi ka niya, pero parang wala lang sa'yo" sambit ni Jeff
"Siyempre, babe. Para naman makagawa ako ng 'image' sa kanya. Ika nga, 'first impression lasts'." At tumingin siya kina Jacqui at Alvin "Hindi katulad ng dalawang 'to, pinagkamalan pang magnanakaw" tawa ni Riley.
"Teka. Narinig mo?" dugtong ni Jacqui
"Yup..kanina pa ako sa labas..pinakikinggan ko ang bawat usapan ninyo..hehe"
"at hindi ka niya nakita?" tanong ni Jeff "at hindi ka man lang pumasok agad..?"
"Hindi..nauna siya dumating kesa sa akin..at naghintay lang kasi ako ng tamang timing para pumasok at alam ko na kasi na may mangyayari na hindi mabuti eh" ngiti ni Riley.
"Ang sama ng nobyo mo, bes" dugtong ni Jacqui "Pero na-offend talaga kami ni Alvin kanina sa sinabi ni Jean ha. Grabe talaga siya"
"Hay naku, sinabi mo pa. Warm-up pa lang niya yon"
"Ganun? Ibig sabihin mas malala pa siya dun kung naka-beastmode na siya?"
"Yiz" sagot ni Jeff. "Teka babe..." sulyap niya kay Riley.
"Bakit babe?"
"Paano mo natuntun 'tong bahay?"
"Sinundan ko nga kayo dito" paliwanag niya "Nakita ko kasi kayo na palabas ng school ninyo. Magmemeet sana tayo diba? Tinitext kaya kita, kaso hindi ka nagrereply"
"Ay shit. Sorry babe. Nakalimutan ko" sambit ni Jeff "Sila kasi eh, pinipilit nila na pumunta dito. Nakalimutan ko tuloy"
"Okay lang babe. Atleast, nakita ko na ang bahay ng Daddy mo" niyakap ni Riley si Jeff ng mahigpit "Tama na nga 'yan.. nawawala na naman ang mga mata mo oh..hehe"
"Ano ba 'yan... nilalanggam na tayo dito oh" sabi ni Jacqui
Sakto din na tumunog ang doorbell. Binuksan agad ni Jeff ang pintuan at nakita niya ang nanay na kakauwi lang galing grocery. Binuksan niya ang pintuan ng gate at kinuha agad ang dala ng nanay at nagmano ito.
Habang papasok ng bahay ay pinakilala ni Jeff ang kanyang mga bisita.
"Oo nga pala 'nay, sina Jacqui at Alvin" pakilala niya sa nanay "mga matalik kong kaibigan"
"Ahh...kayo pala ang kwinekwento ng anak ko na mga baliw niyang kaibigan" biro ni Joyce
"hehehe.. hindi naman po masyado, tita.hehe" sabi ni Jacqui na tumatawa "islayt lang..hehe"
"hehehe.. bueno, diyan muna kayo kasi bibihis pa ako at magluluto ng hapunan ha" paalam ni Joyce sa mga kaibigan ng anak.
"Sige po, tita" sabi nina Jacqui at Alvin samantala, hinabol ni Jeff ang kanyang nanay papasok sa kanilang kwarto.
"Nay. Ano po na ang lulutuin ninyo?"
"Hindi ko alam ang pangalan, nak eh" sagot ni Joyce "Pinabili lang sa akin to ni Jean eh"
"Ganun?? So sa kanya lang pala yan??"
"Oo anak eh"
Nagpabuntong-hininga na lamang si Jeff at tumalikod sa kanyang ina “Sige nay. Sa labas na lang kami kakain”
Inabutan ni Jeff ang mga kaibigan niya at si Riley na tila masaya sa kanilang kuwentuhan.
"Ano ba ang pinag-uusapan ninyo? Parang masaya ha" sabat ni Jeff at umupo sa tabi ni Riley "Sali ako..." "Naku huwag na bes. Huwag ka nang sumali"
"E bakit?"
"Basta lang..."
"Ganun? Ugali mo talaga" sambit ni Jeff na tila natatampo "Oo nga pala, kumain na lang tayo sa labas, guys"
"Bakit babe?" tanong naman ni Riley.
"Kasi walang pagkain dito" paliwanag ni Jeff "Inutusan kasi ni Jean ang nanay na ibili at ipagluto siya ng ulam. So it means, sa kanya lang ang ulam na yon"
"Ganun?" sambit ni Jacqui.
"Huwag ka nang umangal. Kumain na lang tayo sa labas"
Lumabas nga silang apat sa pinakamalapit na fastfood chain para doon kumain. Umorder sila ng isang bucket ng fried chicken, anim na tasang kanin at apat na basong softdrinks.
Masaya ang kanilang usapan lalung-lalo na sina Jeff at Alvin. Nagkukulitan at parang nasisiyahan sila sa kanilang paksa ng kuwentuhan.
"Jeff... naalala mo nung high school pa lang tayo??" paalala ni Alvin sa kanya.
"Ang alin dun?"
"Yung nadulas ka... sa may kubo ng park ng school" ngisi ni Alvin
"Ahh. Oo. Nakadalawa ako nun eh. Nakakahiya."
"Hahaha. Oo nga eh. Buti na lang ako lang ang nakakita sa'yo nun"
"Teka.. san ba ako nun?" dugtong naman ni Jacqui.
"Nag cr ka nun. Ihing-ihi ka na kasi nun eh" sagot ni Alvin.
"Ahh. Okay. Naalala ko na, bes. Kaya pala naluluha ang mga mata mo nun nasa classroom na tayo"
"Oo kaya..." sagot naman ni Jeff "pinagtawanan lang ako nun ni Alvin. Hindi lang naman niya ako tinulungan. Ang sama eh"
"Hahaha. Siyempre. Sino ba naman ang hindi tatawa na nakadalawa kang madulas" malakas na tawa ni Alvin.
"Ayon. Masaya na siya oh"
"Nagtampo na ang baby oh.." dugtong ni Alvin sabay palibot ng mraso niya sa leeg ni Jeff.
Walang imik si Riley sa ginagawa ng dalawa at tila nanginginig na ito. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin dahil nagseselos na ito sa kanila.
Natapos ang kanilang kainan at nagdesisyon na umuwi sina Alvin at Jacqui. Samantala, hinahatid ni Riley si Jeff sa malaking bahay na kung saan pansamantala siyang nakatira.
"Salamat naman. Busog na din" sambit ni Jeff. Binuksan niya kaagad ang gate ng bahay at pumasok "Oh babe? Hindi ka ba papasok?"
"Hindi na"
Napansin naman ito kaagad ni Jeff na parang may iba kay Riley “Babe? Okay ka lang?”
"Halata ba?" balik na tanong ni Riley "halata ba na naiinis ako sa taong nilandi mo kanina?"
"Nilandi? Sino?"
"Si Alvin..Siyempre!"
"Bakit siya? Ano ba ang ginawa namin kanina?" tanong niya ulit
"Naglalandian siyempre. Ano pa ba"
"Ha? Nagkukuwentuhan lang kami kanina. Landian na kaagad?"
"Jeffrey naman...wag ka nga mag-maang-maangan" sambit ni Riley "Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin"
"Sorry...hindi ko talaga alam kung ano 'yon" tanggol ni Jeff sa sarili
"Hindi mo talaga alam? So ipapaalam ko sa'yo..." huminga muna ng malalim si Riley "Ang yakap niya sa'yo. Parang sweet na sweet kayo eh, lalung-lalo na ang malalagkit na mga tingin niya sa'yo"
"Yun lang ba yon...??" sagot niya kay Riley "Riley naman. Magkaibigan lang kami ni Alvin noon pa. Wala kang dapat pagselosan, okay?"
"Oo..magkaibigan nga kayo... so pano kung may lihim siyang pagtingin sa'yo?"
"Wala. I assure you. Wala... Pwede ba? Itigil mo na ang pagka-praning mo"
"Haayy!! Hindi mo ba nakikita ang mga mata niyang nakatitig sa'yo na parang may malisya?.. mga galaw niya na nilalandi ka niya? Hindi mo ba nakikita o nararamdaman man lang?... o alam mo na pero hindi mo pa rin iniiwasan dahil gusto mo din!" pasigaw ni Riley sa kanya. Hindi makasagot si Jeff sa mga nasabi niya sa kanya dahil nainsulto talaga ito "Oh ano?! Bakit hindi ka makasagot? Tama ako diba..?!"
"Ang sakit mo naman magsalita tungkol sa akin, Riley"
"Masakit dahil totoo... dahil malandi kang tao... BITCH!"
"How dare you na tawagin mo ako ng ganyan... at ito lang ang masasabi ko sa'yo, hindi ako katulad na tao na iniisip mo at higit sa lahat, 'wag kang magbigay sa amin ng malisya ni Alvin. Magkaibigan lang kami at alam mo 'yon" isinara na lang ni Jeff ang gate habang nasa labas si Riley at nanlilisik pa din ang mga mata niya sa galit. "Umalis ka na. Late ka na sa trabaho mo. At baka naghihintay na dun si Fred mo"
"Ano?! Bakit nasali si Fred sa usapan natin?" sigaw pa ni Riley "Sa tingin mo, may nangyayari sa amin ng taong yon??!"
"Bakit? Meron ba...?" sagot ni Jeff
"Bahala ka nga sa buhay mo...Sige..Alis na ako!"
Tumalikod si Riley na mainit ang ulo at lumakad ng mabilis palayo sa bahay. Sakto din na may lumabas mula sa loob ng bahay. Si Jean.
"Narinig ko 'yon...lahat ng usapan at away ninyo" sabi ni Jean "So, kayo pala ni Riley? Haaaayyy! Kawawa ka naman... mga BAKLANG salot sa lipunan."
Humarap kaagad si Jeff at pumunta sa direksyon ni Jean “Talaga? Narinig mo lahat? Edi CONGRATS… hindi ka bingi” sabi ni Jeff sa kanya at pumasok kaagad ng bahay.
Dumerecho kaagad si Jeff sa kanyang kama at humiga dito. Sakto din na pumasok ang ina na si Joyce sa silid.
"Anak, nandiyan ka na pala" sabay upo niya sa tabi ng anak. Hinimas ni Joyce ang buhok ng anak "Okay ka lang ba, nak?"
"Okay lang po ako, nay"
"Sigurado ka?"
"Oo nay..."
"Alam ko hindi ka okay" paniniguro ni Joyce "Narinig ko ang sigawan ninyo sa labas"
"Ha? Pati ikaw nay? Narinig mo? Pareho pala kayo ng bruhildang kapatid ko" biro ni Jeff sa ina "Siguro ikaw ang totoo niyang nanay"
"Jeff... hindi ako nagbibiro. Ano yun?"
Natahimik na lamang siya at bumangon sa kanyang pagkahiga “Si Riley kasi nay. Nagseselos kay Alvin”
"Ha? Bakit naman siya nagseselos?"
"Ewan ko nga nay eh. Alam niya naman na magkaibigan lang kami simula pa nung highschool pa lang"
"Baka naman may dapat na pagselosan..."
"What do you mean po nay?"
"Alam mo nak. Hindi naman siya magrereact ng ganun kung wala siyang nahahalata sa inyong dalawa eh"
"Haay. Wala nga nay. Kaibigan ko lang nga si Alvin"
"E tinanong mo ba si Alvin kung ano ka para sa kanya?"
"Hmmmm. Hindi" buntong-hininga ni Jeff "Pero alam ko po na kaibigan lang ang tingin ni Alvin sa akin"
"Paano ka naman nakakasiguro?"
"Ahmmm.. Basta po nay. Alam ko lang"
Napangiti na lang si Joyce sa pilit na pagdedeny ng anak. “Sige. Ikaw ang bahala, Jeff. Basta huwag mo lang baliwalain ang mga selos ni Riley ha?”
"Okay po nay..." sambit lamang ni Jeff at napaisip sa sinabi ng nanay sa kanya tungkol kay Alvin.
"O sige na... matulog ka na"
Araw ng Lunes.
Tumambay ang magkakaibigan sa Internet Shop pagkatapos ng kanilang mga klase. Habang nag-iinternet sila, ikwinento ni Jeff ang nangyari sa kanila ni Riley nung Biyernes nang naka-uwi na sila.
"Wow..grabe siya ha. Tinawag ka niyang 'bitch' straight on your face" sabi ni Jacqui "sakit naman nun"
"Oo nga eh. Nagulat talaga ko nung sinabi niya sa akin nun"
"E bakit naman siya magseselos kay Alvin? Wala siyang dapat na pagselosan noh" sabay tingin sa direksyon ni Alvin na busy sa harap ng computer "Diba Vin?"
"Ha??" sagot niya "Ahh. Oo. Wala talaga"
"Yun nga ang sabi ko sa kanya pero hindi pa rin daw siya naniniwala"
"Ganun? Grabe talaga siya" sambit ni Jacqui.
"Alam mo, bes. Kapag ako ang nagseselos, wala siyang naririnig na masasakit na salita. Pero iba talaga siya kapag siya. Masakit eh"
"Baka nabigla lang siya, bes"
“Nagulat? Grabe naman paggulat niya.” dugtong ni Alvin “Hindi ko nga maibanggit sa’yo yon kahit magkaibigan tayo… siya pa na ka relasyon mo?”
Matagal ang pagsagot ni Jeff sa pahayag ni Alvin. Ang tao na pinagseselosan ni Riley. “Vin…?” tawag niya sa kaibigan at tumingin agad si Alvin sa kanya “Totoo ba ang paniwala ni Riley tungkol sa’yo na may pagtingin ka sa akin?”
Hindi makasagot si Alvin kaagad dahil nabigla siya sa tanong ni Jeff. Hindi niya alam kung paano ito malulusutan dahil hindi pa siya handa na isabi ang katotohanan sa kaibigan.
"Hindi... mali ang duda ni Riley sa akin...Bakit?"
"Wala..naitanong ko lang sa'yo kung totoo.." sagot ni Jeff "so, mali siya talaga sa kanyang duda sa atin?"
"Oo..mali siya...maling-mali"
"So, what's your plan kay Riley?" tanong ni Jacqui para mapalitan lang ang kanilang pinag-uusapan.
"Ewan. Maliit lang na away ito. Sigurado ako na magiging okay din kami"
“Paano kapag hindi?”
“Ang nega mo. Magiging maayos din nga kami dahil mahal ko siya”
Napabuntong-hininga na lang si Jacqui sa sagot ni Jeff na parang hindi boto sa desisyon ng kaibigan. “Well…kung ano man ang magiging desisyon mo bes, andito lang kami para sa’yo” paalala ni Jacqui sa kabigan
Tumingin si Jacqui kay Alvin na parang nagpapahiwatig na sinabi niya na lang sana ang totoo kay Jeff pero sumagot lang ng ngiti si Alvin sa kanya.
Itutuloy…
CHINITO: Chapter 8 (Ang Pagkaka-ayos)
Walang senyales ng tao sa loob ng bahay nang pumasok si Jeff na kakarating lang galing paaralan. Hinanap niya ang kanyang nanay sa kanilang kwarto at sa kusina pero wala ito. Nakita niya lang ito sa likuran ng bahay na naglalaba at agad niyang pinuntahan.
"Nay, andito na po ako" bati ni Jeff at nagmano sa nanay
"Oh...kumain ka na ba? baka gutom ka ha..." sabi ni Joyce "may pagkain sa lamesa, kumain ka na lang diyan"
"Sige po...mamaya na lang ako kakain, busog pa po ako" pahayag ni Jeff na walang sigla ang pananalita.
"Anak?"
"Po?"
"Kamusta na kayo ni Riley?"
"Ewan ko po. Tatlong araw na kami hindi nag-uusap nay eh. Simula nung Biyernes ng gabi"
“Ah..ganun ba? sige.. Bigyan mo muna ng panahon si Riley. Magkakabati din kayo” paniniguro ng ina “Mahal ka niya eh”
“Sana nga po…” sambit naman ni Jeff na parang wala siyang lakas.
“Hay anak. Ano ka ba. Nagdududa ka ba sa pagmamahal niya sa’yo?”
“Hindi naman po. Pero kasi—”
"—huwag ka nang sumabat. Ang importante ay mahal niyo ang isa't-isa" ngumiti na lamang si Jeff bilang sagot sa sinabi ng kanyang ina "Sige na, nak. Magbihis ka na sa kuwarto at magpahinga na"
"Opo"
Pumasok uli si Jeff sa bahay at pina-andar ang TV, umupo sa sofa para manood doon ng programa at mag-relax ng kaunti habang wala si Jean. Maganda ang programa na kanyang pinapanood at tila naka-relate siya sa nangyayari, dahil ito ay tungkol sa mag-asawa na nag-aaway dahil may kabet ang lalake. Naiinis si Jeff sa kabet dahil mas matapang pa siya sa legal na asawa.
Nakaupo si Riley sa labas ng kanilang bahay na may kasama at parang malalim ang kanilang pinaguusapan.
"Bakit hindi mo siya tawagan?" payo ni Fred sa kanya "Humingi ka kaya ng sorry sa kanya. Masakit yun ha"
"E siya kasi eh. Walang pinipili kung sino ang nilalandi"
"Huuy... itigil mo na nga yan. Sumusobra ka na ha"
"Totoo naman eh"
"Paano ka naman nakakasiguro na totoo yun?"
"Nararamdaman ko lang. Nakikita ko sa mga mata ng Alvin na yon na may pagnanasa siya kay Jeff" paniniguro ni Riley "...at siya naman, enjoy na enjoy din sa mga pagyakap sa kanya ni Alvin"
"Diba sabi niya na magkaibigan lang sila?? Hindi ka ba naniniwala dun?"
"Hindi"
"Hindi?" ulit ni Fred "So, wala kang tiwala sa kanya."
"Ha? Bakit mo naman nasabi yon?"
"Diba ikaw na ang nagsabi na hindi ka naniniwala sa mga paliwanag ni Jeff sa'yo? Edi wala kang tiwala sa kanya" salaysay ni Fred
"Mahal ko siya, okay?"
“Alam mo, Riley. Para mag-work ang isang relasyon. Hindi puro pagmamahal lang, dapat may tiwala, pag-uunawa at respeto sa isa’t-isa. Pero wala ka kahit na isa sa tatlong yun”
“Ang sakit naman”
“Yan ang totoo. Be more sensitive, Riley. Nasasaktan ako para sa kanya. Huwag mo itulad siya sa ginawa mo sa akin” payo ni Fred sabay yuko at punas sa mga mata “Sorry, naalala ko lang kasi kung paano mo ako pinaasa nun eh”
“Fred……”
“Yeah. I know. I know. Kaibigan lang ang tingin mo sa akin. Sorry ulit” tumayo si Fred sa kanyang inuupuan at parang aalis na.
“Saan ka pupunta?”
“Uuwi na ako. Matutulog. Baka sakali mawala ang sakit sa puso ko”
“Fred naman. Maganda pa kanina ang usapan natin eh. Huwag mo naman akong iwan ngayon”
“Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Riley” sambit ni Fred habang lumalakad palapit sa gate “Talk to him. Pag-usapan ninyo ng mahinahon ang problema ninyo. Walang patutunguhan ito kung pareho kayong mataas ang pride” tumalikod kaagad si Fred. Lumabas ng gate at tuluyan na nga umalis.
Samantala, nawili si Jeff sa pinanood niyang programa sa TV at hindi niya namalayan na nakatulog pala siya. Sa kahimbingan ng pagkatulog sa sofa ay may biglang sumipa ng malakas sa kanyang paa
"Gumising ka!! Ano ang ginaawa mo dito sa sofa namin at bakit naka-on ang TV?" si Jean pala ang taong iyon "sarap ng buhay 'noh? Buhay prinsipe lang?..ALIS!" hindi makasagot si Jeff dahil nagulat talaga at naalimpungatan sa pagsipa ni Jean sa kanya "Oh..bakit ka hindi makasagot?"
"Bakit? Kailangan ko bang sumagot?" sabay alis sa sala at pumasok sa kanilang silid. "Hindi mo ako ininform"
"Bastos ka ah! Umalis ka nga dito sa sala namin!"
Nagbihis at humiga si Jeff sa kanilang kama ng nanay niya at biglang nag-ring ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito at tinignan nang mabuti kung sino ang tumatawag. Si Riley.
Gusto niya sana itong sagutin pero naalala niya uli ang ginawa ni Riley sa kanya at pinatay agad ang cellphone at inilagay sa ilalim ng kanyang unan, natulog at hindi na lang kumain ng hapunan.
Kinabukasan ng umaga sa hapag-kainan.
"Manang?" tawag niya kay Joyce at sumulyap siya sa direksyon ni Jeff na naghahanda ng kanilang kakainin. Tinulangan niya kasi ang nanay na maghanda ng agahan para malimutan man lang ng kaunti ang naging alitan nila ni Riley.
"Bakit po?"
"Hmmm..may ideya ka ba sa tunay na kasarian ng anak mo...? At kung ano talaga sila ni Kuya Riley?" napahinto si Jeff sa kanyang ginagawa at tumingin siya kay Jean na ngumingisi na parang demonyo.
"Opo...alam ko ang lahat...ang kanyang kasarian at ang relasyon nila ni Riley" sagot ni Joyce
"As I expected... pero alam na ba ito ni Daddy ?"
"Hindi pa..hindi ko pa nasasabi sa Daddy mo ang tungkol kay Jeff"
"Talaga..? hindi niya pa pala alam na BAKLA ang anak niyang lalake?" walang imik si Jeff sa mga sinasabi ni Jean tungkol sa kanya at pinapatuloy pa din ang kanyang ginagawa. Iniisip niya pa rin kasi ang nangyari sa kanila nung Biyernes. "Ano kaya ang magiging reaksyon ni Daddy kung malaman niya na diyosa pala ito? Malalaman natin yan kapag isinumbong ko na" pagbabanta sa kanya ni Jean "Exciting"
"Do whatever you want...I really don't care, Jean" sagot ni Jeff
"Talaga. Sisiguraduhin ko na mapapagalitan ka ni Daddy at itatakwil ka niyang bilang anak. Masisiguro ko din sa'yo na wala kang makukuha...should I say... 'MANANAKAW' na mana mula kay Daddy"
Ngumiti lang si Jeff sa kanyang banta. “Gawin mo ang gusto mo. Gusto mo, samahan pa kita eh”
Pagsapit ng tanghali ay nakatambay muli ang mga magkakaibigan sa Internet Shop para gumawa ng kanilang takdang-aralin. Napansin naman ni Jacqui na hindi sinasagot ni Jeff ang tawag sa kanyang telepono.
"Bes, tumatawag si Riley oh" kibo ni Jacqui kay Jeff "sagutin mo kaya"
"Hayaan mo na 'yan..titigil din yan"
"Hindi pa ba kayo bati?"
"Hindi pa eh"
"E ano pa hinihintay mo?? Diba sabi mo, mahal mo siya?"
"Oo.."
"Oh! Yun naman pala eh. Sagutin mo na. Hindi kayo magiging okay kung hindi kayo mag-uusap"
"Hindi pa rin kasi ako handa na kausapin siya eh" sagot ni Jeff "at wala naman akong sinabi na pinatawad ko na siya... ang sabi ko, mahal ko pa din"
"Precisely, my point...kung mahal mo siya...kaya mo siyang patawarin kung ano man ang ginawa niya sa'yo diba?" pahayag ni Alvin "like for example, sa nanay at sa tatay mo. Pinatawad pa din ni Tita Joyce ang tatay mo sa kabila ng ginawa nito sa kanya...yan ang totoong pagmamahal"
"Teka. Bakit napasok sa usapan natin ang lalakeng yan? Hindi naman siya ang topic natin diba?" sabi ni Jeff na parang naiinis. Nagtinginan na lang sina Jacqui at Alvin sa isa't-isa.
"Haay..oo nga. pero binigyan lang kita ng example" paliwanag ni Jacqui "No big deal.. Okay?" hindi pa rin tumitigil ang pagtawag ni Riley sa kanya. Nakita naman ulit ito ng kaibigan "Hindi pa rin tumitigil si Riley oh...sagutin mo na, bes" utos ni Jacqui at sinagot niya nga ang tawag.
Riley: Hello babe?… Babe?!…Naririnig mo ba ako?.. sorry kung nasabihan kita ng hindi mabuti ha…sorry na please. Nagsisisi talaga ako sa nasabi ko sa’yo.
Jeff: ok
R: Sorry ha…nabigla lang kasi ako…galit ka pa ba?
J: Ikaw…pag sinabihan kita ng malandi at bitch…okay lang sa’yo?
R: Siyempre hindi babe…sorry na, please?
J: Ok
R: Gusto kita makausap ng personal…pwede ka ba ngayon?
J: Sige…Saan?
R: Diyan na lang sa bahay ninyo…papunta na nga ako ngayon…Okay lang?
J: Hindi okay.
R: Bakit na naman babe?
J: Wala ako sa bahay ngayon,. Nandito ako sa school.
R: Sino kasama mo? Si Alvin?
J: Oo… at si Jacqui. Bakit? Nagseselos ka na naman?
R: Hindi po babe…hmmm…hihintayin na lang kita sa bahay ninyo…Okay?
J: Sige
Dako alas-sais na nang gabi na dumating si Jeff sa bahay ng kanyang tatay. Nadatnan niya si Riley na mahimbing na natutulog sa kanilang kwarto.
"Hi anak" bati ng nanay kay Jeff na pumasok din sa kwarto.
"Bakit dito natulog si Riley 'nay?" tanong ni Jeff
"Inaantok kasi kanina habang hinihintay ka. Hindi ko naman mabayaan sa sala kasi baka anong gawin ni Jean sa kanya" paliwanag ni Joyce "kanina pa siya mga alas-tres ng hapon naghihintay sa'yo eh"
"Ha? Talaga? Sabi niya sa akin kanina na papunta pa lang siya dito...mga alas-singko na ata iyon"
"Ewan ko sa kanya anak. Basta kanina pa siya naghihintay sa'yo"
"Sige po...hmmm..pwede po ba kaming iwan ni Riley... kahit sandali lang?" pakiusap niya sa nanay "Don't worry 'nay, hindi kami gagawa ng masama.hehe"
"Sure ka?hehe"
"Sure nga nay...mag-uusap lang kami"
"hehe..sige anak, alis na ako"
Ngumiti lang si Jeff na hindi lumalabas ang kanyang mga ngipin. Ginising niya agad ang natutulog na si Riley at bumangon naman ito.
"Oh babe...andito ka na pala.." sabi ni Riley habang pinupunasan ang kanyang mga mata.
"Oo...kanina pa ako, at kanina ka pa pala naghihintay sa akin" sagot ni Jeff "Bakit hindi mo sinabi sa akin nung nag-uusap tayo sa telepono?"
"Ayaw ko kasi na nag-aalala ka sa akin babe eh"
"Ano ba sa tingin mo ngayon? Hindi ako nag-aalala sa'yo?" tanong niya na parang naaawa kay Riley "yan ang hirap sa'yo eh, pinangungunahan mo parati ang mga galaw ko eh..."
"Sorry na oh. Huwag ka nang magalit" ngiti ni Riley sa kanya
Napahinga na lamang si Jeff ng malalim “Oo na. Pinapatawad na kita. Alam mo naman na isang ngiti mo lang, nawawala na ang galit ko”
"Hehe. Yey. Thanks babe. I love you"
"I love you din babe"
"Basta sorry kung pinagsabihan kita ng hindi maganda ha?"
"Oo na nga. Kulet eh" sambit ni Jeff "Basta huwag mo nang uulitin"
"Promise. Hindi na" at niyakap niya ng mahigpit si Jeff "Miss na miss kita eh"
"Miss din kaya kita"
"Talaga?? mwah! Bakit hindi mo sinasagot yung tawag ko?" tanong ni Riley habang nagyayakapan pa din sila.
"Sinagot ko kaya"
"Oo. Sinagot mo naman. Pero pinahintay mo pa ako" sambit ni Riley na nakangiti ang mukha.
"Mag-aaway naman ba tayo? Sige, kung yan ang gusto mo"
"Ayan na naman siya oh...galit na naman ang babe ko oh...halika nga dito" at niyakap niya muli ng mahigpit pa si Jeff "wag kang masyado mag-sosoplado babe, hindi mabuti yan.. okay?"
"Sige"
"Ayan na naman...tipid naman kung kinakausap.."
"Ikaw kasi eh...binabalik mo kahit tapos na..."
"Binibiro lang kaya kita.hehe. tama na yan, nawawala na ang mata mo oh"
"hmmmp..."
"Hehe..mwah..mwah..mwaah..mwaaah!...sarap mo halikan.. Ang bango. Parang baby"
"Babe, tama na...may kumakatok sa pintuan oh.." sambit ni Jeff "Pasook!" bumukas ang pintuan ng kanilang kwarto at si Joyce lang pala ang pumasok.
"Nak, kain na kayo..." paanyaya ni Joyce sa kanila "tama na ang lambingan ninyo"
"Nay naman...haaisst... Opo, andiyan na kami.."
Nanatili si Riley sa bahay nila para maghapunan at kasama nila sa dining table si Jean at si Joyce, ang nanay ni Jeff. Masama ang tingin ng malditang batang babae sa mag-lover dahil sweet sila sa isa’t-isa.
"How's the food......Kuya Riley?" biglang tanong ni Jean habang kumakain
"hmmm...yummy. Paborito ko ang adobo eh" sagot niya na tila sarap na sarap sa kanyang kinakain.
"Talaga?...masarap talaga ang kain kapag paborito ang ulam diba?" dugtong ni Jean "ginaganahan ka..."
"Oo naman..." sagot muli nito
"Pero nakakasawa din minsan kung palagi mo 'yan kinakain...masarap maghanap ng IBA..." sabay tingin kay Jeff.
"Excuse me??" sabat ni Riley
"Ibang putahe, I mean" habang nakangiti at muling sumubo ng kanyang kutsara na may kanin at ulam. Pero tahimik lang si Jeff at patuloy ang pagkain. "By the way Jeff, tumawag sina Mommy kanina, next Thursday na sila daw uuwi" pero wala pa ding imik ang isa at patuloy pa din ang kanyang pagkain. "haaay... I am so excited. Especially sa magiging reaksyon ni Daddy kapag nalaman niya ang tungkol sa'yo. At kung ako sa'yo, magbalot-balot ka na ng mga damit mo dahil uuwi ka na sa lugar kung saan ka talaga galing"
"And why should I?" sagot naman ni Jeff.
"Kasi isusumbong talaga kita kay Daddy at para itakwil ka niyang bilang anak"
"Haay naku! Puro dada" sigaw ni Jeff pero hindi siya tumitingin kay Jean
"Ano? Anong sabi mo?"
"Bakit? May sinabi ba ako? Wala naman diba?"
Itutuloy…
CHINITO: Chapter 9 (Si Lorena)
Natapos ang kanilang hapunan at pumasok muli sila sa silid para doon magpahinga ng saglit. Naka-upo doon si Riley sa kama habang nakaunan ang ulo ni Jeff sa kanyang paa.
Napansin ni Riley na nakatingin lamang ang kanyang mahal sa kisame na tila malalim ang iniisip.
"Babe?" sambit lang ni Riley.
"Bakit babe?"
"Ano ba ang iniisip mo? Parang malalim ah"
"Naisip ko lang kasi ang sinabi sa akin kanina ni Jean, babe" buntong-hininga ni Jeff. "Paano kung hindi niya ako matanggap?"
"Nino?"
"Ni William. Yung tatay ko" sagot ni Jeff "Paano kung itakwil niya ako?"
"Why are you still worried? Diba wala ka naman pakialam sa tatay mo? Galit ka sa kanya diba?"
"E kasi naman eh. Nag-aalala lang kasi ako. Siyempre, tatay ko pa din siya kahit papaano" sabi ni Jeff sabay hinga ng malalim "Ayaw ko lang kasi na husgahan ako at papagalitan sa mga nagawa kong 'to. Alam mo naman ang ibang tao babe. Hindi pa sila open sa ganitong lifestyle."
"E what if kung tinanggap ka niya?"
"Edi mabuti" napansin lang ni Jeff na nakangisi si Riley sa kanya "O bakit? Ano ang nakakatawa? Babe naman eh"
"Hehehe. Wala lang babe. Ang cute mo lang kapag naiistress"
Bumangon si Jeff sa kanyang pagkahiga at tumingin kay Riley “Babe naman. Seryoso ako”
Ngumingisi pa din ito at biglang hinila ang braso ni Jeff at kaagad niyang niyakap ng mahigpit “Sorry babe. Huwag mo nang isipin ang sinabi ni Jean kanina, okay? Sinabi niya lang yun para mag-alala ka”
"Sige babe. I'll try"
"Anong try?? Gawin mo nga" sabay alis ng kamay ni Riley sa pagkayakap sa kanya. Tumayo agad ito at hinila muli ang kamay ni Jeff para tumayo "Halika. Lumabas muna tayo"
"Bakit? Saan tayo pupunta?"
"Basta. May sorpresa ako sa'yo"
"Anong sorpresa?"
"Basta"
Pinaalam ni Riley sa nanay ni Jeff na lalabas muna sila ng ilang oras. Pumayag naman kaagad si Joyce sa paalam niya.
Sumakay silang dalawa sa taxi at pumunta sa lugar na kung saan doon ang sorpresa ni Riley para sa kanya. Bumaba sila sa may eskinita at lumakad patungo sa isang hindi masyadong kalaking bahay.
"Babe? Kaninong bahay 'to?"
"Bahay namin babe."
"Ha? Bakit tayo nandito babe?"
"Bakit?" sabay hawak ni Riley ng dalawang kamay niya "Ipakilala na kita sa Mama ko"
Napahinto lamang si Jeff sa sinabi ni Riley sa kanya. Hindi siya makapaniwala sa oras na iyon dahil pangarap niya na makilala ang nanay ni Riley “Babe.. hindi ako alam kung ano ang magiging reaksyon ko… Parang kinakabahan ako”
Ngumiti si Riley at tinaas ang kanang kamay niya habang kawak ang kamay ni Jeff. Hinalikan niya ito ng madiin. “Then don’t. Ako ang bahala sa’yo mamaya sa pagpasok natin. Huwag kang kabahan, okay?”
Kumatok si Riley ng tatlong beses sa pintuan at kaagad naman ito bumukas. Isang chubby na babae, morena at may katandaan na ang mukha ang kanilang naaninag.
Nakatayo siya sa paanan ng pintuan at umatras kaagad ito para magbigay ng espasyo sa kanilang dalawa upang makapasok sa loob ng bahay.
Hindi pa rin maalis ang pagkatitig ng babae kay Jeff at ningitian niya ito. Gumanti din ng ngiti si Jeff sa babae.
"Oo nga pala, Ma...ito si Jeff" pakilala niya sa kanyang ina "ang pinakamamahal kong tao na kwinekwento ko sa'yo"
"Good Evening po, tita and nice meeting you po" bati ni Jeff
"Good Evening din, Jeff" sagot ng babae "Marami ang kwinento ng anak ko tungkol sa'yo...sabi niya daw, na mabait at mapagmahal kang anak sa mga magulang mo..."
"Hindi naman po masyado. Pero salamat sa papuri, tita"
"Walang anuman, Jeff"
"Oo pala, babe" sabat ni Riley "ito pala ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Ang aking Mama Lorena"
"Sus...nambola ka pa sa akin 'Rai-Rai'" sambit ng nanay
"Ma naman...wag mo naman akong ipahiya sa harap ng mahal ko..haiisst! Naman eh!"
"Anong masama dun Rai-rai? E yan naman talaga ang tawag ko sa'yo diba?"
"Nakakahiya nga sa mahal ko oh"
"'Rai-Rai' talaga ang palayaw mo?...ang cute ha" dugtong naman ni Jeff habang nakangisi.
"Oo Jeff... Pasensiya na kung bine-baby ko si Riley ha? Nag-iisang anak ko 'to eh"
"Okay lang po, tita. Cute naman po eh"
“Teka…. Kumain na ba kayo?”
"Opo, tita. Tapos na po" sagot ni Jeff "Kumain kami kanina sa bahay namin bago pumunta dito"
"Ah..ganun ba?...gusto niyo ba magmeryenda? Ipagtitimpla ko kayo ng juice" paanyaya niya
"Hindi na po. Salamat na lang, pero busog pa po kasi kami" pagtanggi ni Jeff
"Hmmm...sige. Hindi ko kayo pipillitin" ngumiti uli ang babae kay Jeff at gumanti din siya "Umupo ka muna, Jeff. Pasensya ka na kung hindi malambot ang upuan namin ha. Kawayan lang kasi..."
"Okay lang po...salamat. Pero sanay din kami umupo at humiga sa hindi malambot eh" pahiwatig ni Jeff
"Ahh. Mabuti kung ganon" sabi niya "Oh Riley. Pagsilbihan mo naman ang bisita mo dito...nasaan ka na bang bata ka!"
"Opo Ma! Sandali lang!" sigaw ni Riley mula sa banyo. Hindi nila pala namalayan na umalis pala si Riley sa kanilang tabi.
"Hay naku...ikaw na bata ka..." sambit niya sa kanyang anak "Pagpasensyahan mo na lang ang anak ko ha. Ganyan talaga iyan..." biro niya kay Jeff. Napatingin ng matagal si Lorena sa nobyo ng anak. "Jeff?"
"Po?"
"Salamat ha?"
"Salamat saan, tita?"
"Sa pagmamahal mo sa anak ko" binalikan ng nanay ni Riley ang mga nangyari na hindi maganda sa anak at biglang tumulo ang kanyang mga luha. "Alam mo...nung hindi pa kayo nagkakakilala, marami siyang dinadala dito sa bahay. Mga iba't-ibang lalake na hindi niya naman pinapakilala sa akin at derecho agad sila sa kanyang silid"
"Talaga po?..Wow"
"Oo...pero hindi ko lang siya tinatanong kung sino ang mga pinapapasok niya sa kanyang kwarto"
"Bakit hindi mo tinatanong tita?"
"Para mabigyan ko din naman ang anak ko ng privacy...at gets ko na din iyon kapag dumerecho sila sa kwarto, diba?"
"Kung sa bagay..." tipid na sagot ni Jeff
"Pero noon iyon ha...nung hindi pa kayo nagkakilala..." paalala niya
"Alam ko naman po 'yon" sambit ni Jeff "naikwento din ni Riley sa akin ang mga pinagdaanan niya noon..at naiintindihan ko naman po."
"Alam mo rin ba, na ikaw pa lang ang taong pinakilala niya sa akin?" ngumiti lang ang babae habang tumutulo pa din ang mga luha at hinawakan ang dalawang kamay ng bata "IKAW lang ang nakapag-bago sa ugali ng anak ko, Jeff. Naging responsable at naging mature na siyang mag-isip ngayon. At diyan ako nagpapasalamat ng malaki sa'yo. Hindi ko alam kung ano ang pinakain sa'yo ng mga magulang mo kung bakit napakabait mong tao. Pero maswerte talaga sila sa'yo dahil may anak silang katulad mo"
"Salamat po, tita" tanging sagot ni Jeff na hindi alam kung ano ang kanyang sasabihin.
"Hindi Jeff...SALAMAT sa'yo" balik niya sa bata "pwede ba kitang mayakap?"
"Sige po..pwede po" Nagyakapan ng mahigpit ang nanay ni Riley at si Jeff habang tuloy-tuloy pa din ang pag-agos ng luha ng babae.
"Tigilan na nga natin ang kadramahang ito" sabi ni Lorena habang pinupunasan ang basa niyang pisngi dahil sa luha. "Oo nga pala, Jeff...matanong ko lang..."
"Ano po iyon, tita?"
"Purong pinoy ka ba?"
"Ahhmm...hindi po" sagot ni Jeff "Bakit mo po natanong?"
"ang singkit kasi ng mga mata mo eh...so ano ang halo mo, Jeff? Chinese?"
"Opo...pure Chinese kasi ang tatay ko"
"Ahh..kaya pala"
"Bakit po, tita?"
"hmmm...wala Jeff...may naalala lang ako at hindi ko alam kung sasabihin ko ito sa'yo na kahit ang anak ko,hindi alam ang tungkol dito"
"Sige na tita...sabihin mo na.." halong biro ni Jeff "I can keep a secret naman eh"
"Sige" sambit ng babae "naalala ko lang kasi ang lalake na minahal ko noon."
"Ang tatay ni Riley?" hula ni Jeff
"Minahal ko siya pero hindi naging kami..." patuloy ang kanyang pag-kwento pero hindi niya sinagot ang tanong ng bata "at binuntis niya ako at nang nalaman niya iyon...nawala lang siya na parang bula"
"Ang sakit naman po iyon, tita" sambit ng kanyang kinakausap
"Oo...masakit talaga subalit mahal ko pa din siya hanggang ngayon na kahit ginawa niya sa akin iyon"
"E saan na po siya ngayon, tita?"
"Hmmm...ang balita ko, may asawa na daw siya, mga anak at bumalik siya sa kanilang lugar."
"Saan po?"
"Hindi ko alam kasi hindi ko naman natanong sa kanya kung taga-saan siya...ang importante lang sa akin noon ay ang kanyang pagmamahal"
"Ganun din ang tatay ko, tita eh"
"Bakit naman??"
"Kasi iniwan niya din si nanay at humanap ng mas bata at mas seksing babae para pakasalan." sagot ni Jeff na tila galit pa din sa kanyang ama "may anak na sila po pala ngayon"
"Talaga?...ganon talaga siguro ang mga lalake, trinatrato kaming babae na parang hayop...ina-anakan at ini-iwan.."
"Hindi naman po siguro, tita" sabi ni Jeff "sigurado ako na may mga lalake din na mababait at loyal sa kanilang asawa...malas lang siguro kayo ni nanay kasi napunta kayo sa mga babaero at walang kwentang mga lalake.."
"hmmm...kung sa bagay. May point ka, Jeff" pagsang-ayon niya sa bata. "matanong ko lang uli sa'yo...galit ka pa ba sa tatay mo?"
"Hindi ko po alam, tita"
"Naiintindihan kita dahil alam ko kung ano ang nararamdaman mo ngayon pero mas maganda sana na marunong kang magpatawad dahil tatay mo pa rin siya"
"Oo nga po...ganyan din ang sabi ng nanay ko at ng mga kaibigan ko sa akin" sabi niya sa babae "pero sinusubukan ko naman po tita eh"
"Mabuti na yan kesa sa wala."
"Oo nga tita. Tama ka"
Inunat ni Lorena ang kanyang kamay at hinimas sa pisngi ni Jeff “Masaya ako dahil nakilala kita, Jeff. Oo nga pala, ano ang buo mong pangalan?”
"Jeffrey Alba-Dy po, tita"
Nanlaki ang mata ng babae sa sagot ni Jeff “E ang pangalan ng tatay mo?”
"William po. William Dy"
Biglang napatayo si Lorena at tila umiba ang timpla ng mukha niya. “Excuse me. Magluluto muna ako ng hapunan”
Ilang sandali ang nakalipas ay bumalik si Riley sa sala. Nadatnan niya na tahimik na nakaupo doon si Jeff.
"Sorry babe ha" sambit ni Riley. "Nagbihis kasi ako para sa trabaho ko mamaya"
"Okay lang yun babe."
"So kamusta ang kuwentuhan ninyo ni Mama?"
"Ayos lang naman babe"
Nagulat silang dalawa dahil may biglang nagsalita sa kanilang likuran “Mabuti naman na andiyan ka na, Riley”
"Opo Ma. Katatapos ko lang kasi magbihis"
"Mabuti" sagot nito sa anak "Ihatid mo na siya sa labas. Gabi na"
"Pero Ma, mamaya pa siya kas—"
“—ang sabi ko, ihatid mo na siya” at tumingin siya sa direksyon ni Jeff “salamat na lang sa pagpunta dito, Jeff. Pero hindi kita matatanggap na maging nobyo ng anak ko. Sorry and Goodnight.” Isinara niya ng malakas ang pintuan ng kanyang kwarto.
Napa-nganga na lang si Jeff at si Riley sa pag-iba ng mood ng nanay. “Ano ba ang nagawa ko sa kanya, babe?” tanong ni Jeff kay Riley “Maganda naman kanina ang usapan namin.”
"Ewan ko din, babe...Baka may naalala lang na problema kaya intindihin mo na lang siya." sagot niya
"Okay babe. Sana hindi galit ang mama mo sa akin"
"Ano ka ba. Hindi nga siya galit sa'yo noh. Mahal ka niya dahil alam niya na nagmamahalan tayo" sabay akbay niya kay Jeff pero ngumiti na lamang siya na parang pilit. "Tara. Hatid na kita sa inyo, babe. Gabi na talaga. May pasok pa ako eh"
Inihatid na kaagad ni Riley si Jeff sa bahay ng tatay niya. Habang papasok si Jeff ng bahay ay nakatayo si Jean malapit sa pintuan, na naka-krus ang dalawang braso at naka-taas ang isang kilay niya.
"So...san ka galing? At nasaan na si Kuya Riley?"
"Sa kanilang bahay...Bakit?" sagot naman ni Jeff
"Sa ganitong dis-oras ng gabi" sambit ni Jean na parang tumataas ang tono ng boses "talagang pinapayagan ka pa ng nanay mo na umalis at pumunta sa bahay nila para mag-harot lang?" patuloy pa din ang kanyang putak pero tahimik lang si Jeff "Kinokonsente niya talaga ang KABAKLAAN mo noh?...VERY GOOD MOTHER" *clap clap* "mag-ingat ka lang ha...baka ma-rape ka ng mga adik sa labas"
"Thank you sa concern, Jean...pero kaya ko na ang sarili ko.. at 9 pm pa lang. huwag kang OA"
"HAHA..at talagang sineryoso mo? OW.EM...Feel mo talaga na babae ka noh" subalit napangiti lang si Jeff sa kanya.
Hindi na lamang pinansin ni Jeff ang kanyang kapatid at pumasok na lang nang bahay at dumerecho sa kanilang silid sa itaas.
Itutuloy…
CHINITO: Chapter 10 (Ang Sikreto)
“Ma!… MA!!” malakas na pagkatok niya sa pintuan sa kwarto ng ina.
“Ano ba ang problema mo ha?! Bakit ang ingay mo…natutulog na ako” sambit ni Lorena na nagmamadaling lumabas ng silid “Nakakahiya sa mga kapitbahay na sumusigaw ka nang ganitong oras.”
“Wala akong pakialam kung ano ang sasabihin nila!” sigaw ni Riley “Ang gusto ko lang malaman na kung ano ang problema mo kay Jeff kanina??!”
“Oh! Yun lang ba? Siya lang ba ang dahilan kung bakit mo ako sinisigawan at pinapagalitan ngayon?” sabi ng ina “binabastos mo ang Mama mo nang dahil lang sa kanya? Tama lang nga na hindi ko siya tanggapin dahil masama ang impluwensiya niya sa’yo!”
“Anong masamang impluwensiya ang pinagsasabi mo, Ma? Mahal niya ako…”
“Mahal?? Oo pero hindi mo nakita kanina ang ginawa niya…Paano kasi, nasa kuwarto ka!” sigaw ni Lorena sa anak at umupo siya sa plastic na upuan.
“Nagbibihis nga ako kanina” pangangatwiran ni Riley
“Pwes! Hindi mo tuloy nakita ang pambabastos niya sa akin”
“E ang saya naman daw ng usapan ninyo kanina ah…”
“Yun ba ang sinabi niya sa’yo??” sambit ni Lorena na nanlilisik ang mga mata sa anak “Pwes. Nagsisinungaling siya. Binastos niya ako at sinasagot-sagot”
“Hindi ako naniniwala sa’yo. Ma” sagot ni Riley na nanginginig ang kamay sa galit at nakatitig siya sa sahig “Sinasabi mo lang yan dahil ayaw mo sa kanya. Sabihin mo nga sa akin kung ano ang dahilan mo”
“Sinabi ko na sa’yo ang dahilan, Riley. Binastos niya ako. Binastos niya ang Mama mo”
“Ang totoong dahilan, Ma.”
“Bakit hindi ka naniniwala sa akin?? Ano ba ang pinakain niya sa’yo na siya lang parati ang kinakampihan mo” buntong-hininga ni Lorena “Nasasaktan ako ngayon, Riley. Masakit dahil mas pinagtatanggol mo pa ang taong yan kesa sa Mama mo. Hindi mo na ako mahal”
“Mahal kita, Ma. Pero mahal ko din si Jeff” sabay pagtulo ng luha niya “Pero huwag mo nang tanungin kung sino ang pipiliin ko sa inyong dalawa. Masasaktan ka lang” tumalikod na lamang si Riley at kaagad nang umalis ng bahay.
Nadatnan ni Jeff na nakaupo ang kaibigan na si Jacqui na parang mabigat ang mukha at may problema. Kaagad naman siya umupo sa tabi ng kaibigan.
“Uy Bes. Kamusta ka?” bati ni Jeff sa kanya.
“Okay lang” tanging sagot ni Jacqui.
“E si Alvin? Nasaan?”
“May klase pa”
“Sorry nga pala kung ngayong hapon lang ako nakapasok ha? May problema lang kasi ako eh”
“Okay lang…”
“Bes..?? Okay ka lang? Parang wala ka ata sa mood ngayon”
“Sorry bes. May problema din kasi ako”
“Ano yun? Baka makatutulong ako”
“Huwag na. Meron ka ding iniisip eh. Baka makaistorbo pa ako sa’yo”
“Sige na. Ikuwento mo na, bes. Okay lang sa akin”
“Talaga?”
“Yup. Ano nga yun?”
“Iiiiiihh. Nakakahiya eh”
“Ang arte naman. Sabihin mo na nga”
“Basta hindi ka tatawa?”
“Sige. Susubukan ko”
“Promise?”
“Promise.”
Huminga muna ng malalim si Jacqui at pumikit ng matagal bago niya kwinento ang kanyang problema. “Bes?? Naalala mo ba si Althea? Yung Criminology student na classmate ni Alvin??”
“Ahh. Yung pinakilala sa atin ni Alvin?? Yung parang lalakeng manamit at gumalaw?”
“Oo. Yun”
“E ano naman ang pakialam niya sa problema mo?”
“Kasi nagtetext siya sa akin recently eh. Nanliligaw siya” walang imik si Jeff sa kwinento ni Jacqui sa kanya kundi ang paglaki lang ng kanyang mga mata. “Uy bes. Ano na? Okay lang ba?”
“Hmmmm. Okay lang naman sa akin pero kasi… parang nagulat lang ako eh”
“Bakit ka naman nagulat?”
“Kasi sa kinarami-rami ng mga babaeng liligawan niya, ikaw pa. Alam mo naman na hindi ko gusto yun. Sobrang angas kasi eh”
“Intindihin mo na lang siya, bes. Ganyan lang talaga siya”
“Kinakampihan?”
“Hindi naman sa ganon. Ang bait niya kaya. Bigyan mo lang siya ng chance” napahinto muli si Jeff at tinignan ang kaibigan ng matagal “Ano? May problema ba sa mukha ko?”
“Magsabi ka nga ng totoo babae ka” sambit ni Jeff na tila alam na ang tinutukoy ng kaibigan.
“Ano yun, bes?”
“Sinagot mo na ba siya?” walang pagdadalawang-isip ay tumango agad si Jacqui “Kita mo na…”
“Pero okay lang sa’yo diba? Bigyan mo lang siya ng chance, bes. Please?”
“Haay naku. Oo na. wala naman ako magagawa. Basta happy ako para sa’yo dahil natagpuan mo na ang taong para sa’yo na magmamahal at mamahalin mo”
“Salamat bes. Pero wala naman pala pagkakaiba ang pagmamahal ng straight na lalake at tomboy” dugtong naman ni Jacqui kay Jeff “Siya ang una kong karelasyon na babae eh”
“Naku. Wala talaga noh. Love is equal”
“Kung sa bagay. Tama ka”
Dakong alas-diyes na ng umaga na naka-uwi si Riley mula sa kanyang trabaho bilang call-center agent. Nadatnan niya ang kanyang ina na naka-upo sa sofa na kawayan at parang hinihintay siya sa kanyang pagdating, pero hindi niya ito pinansin at dumerecho sa kanyang silid.
“Riley…kailangan nating mag-usap” utos ng kanyang ina
“Wala na tayong dapat pag-usapan, Ma” sambit ni Riley habang lumalakad patungo sa kanyang silid “Nakapag-desisyon na ako”
“Ano ang desisyon mo?…na ituloy mo pa rin ang pakipagrelasyon mo sa kanya? Katangahan lang yan, Riley”
“Oo. Tama ka, dahil mahal ko siya…Tanga na kung tanga” at pumasok siya sa kanyang silid at isinara ng malakas ang pinto.
“Riley! Bumalik ka dito!” sigaw ng ina “Kinakausap pa kita at huwag mo akong talikuran at pagsarhan ng pinto. Ito ba ang tinuturo sa iyo ni Jeff? Na bastosin mo ang Mama mo?! Lumabas ka diyan!”
Walang nagawa si Lorena sa kanyang anak at naghintay na lang na bumukas ang pintuan ng silid ni Riley. Pagkalipas ng anim na oras ay lumabas na din ito pero nakabihis at parang may pupuntahan na naman.
“Saan ka pupunta?” tanong sa kanyang anak
“Saan pa nga ba? e di kay Jeff…”
“Wag mo itong gawin sa akin, anak. Hindi mo na ba ako mahal? Mas pipiliin mo pa ang TAONG iyon kesa sa Mama mo?” iyak ni Lorena
“Ang TAO na sinasabi mo ay ang Tao din na tumanggap at nagmahal sa akin ng buong-buo at walang pagdududa… kung pipigilan mo lang ako na mahalin siya, mas mabuti pa na patayin mo na lang ako” tumalikod si Riley sa kanyang kinakausap at nagtangkang lumakad pero pinipigilan siya ng yakap ng nanay sa kanyang likuran.
“Parang awa mo na Rai-Rai…huwag mo akong iwan. Huwag ka namang maging katulad sa mga lalake na nang-iwan sa akin noon. Ikaw na lang ang natira sa akin…” patuloy ang kanyang pag-iyak
“Ma…” sambit ni Riley at humarap uli sa kanyang ina “alam mo naman kung gaano kita kamahal diba? pero…mahal ko din si Jeff, dahil siya lang ang tao na tumanggap sa akin na kung ano pa ang nagawa ko noon” pinunasan ni Riley ang kanyang mga luha sa pisngi “Minahal niya ako, Ma!!…yon-yon eh…pero gusto mo na iwan ko siya nang dahil sa maliit lang na dahilan…hindi talaga pwede, Ma…patawad pero hindi pwede…”
Hindi nakapagsalita si Lorena sa mga sinabi ng anak at tila tumagos ito sa puso niya. Tama naman si Riley. Si Jeff lang ang tumanggap at nagmahal sa kanya ng ganon kalalim na kahit ano pa ang nakaraan sa buhay niya. Isang napaka-pangit na nakaraan na kahit siya mismo ay hindi niya mapapatawad ang kanyang nagawa sa sarili.
Nagsimula noon sa girlfriend niya, na kanyang sineryoso, minahal at pangarap na papakasalan subalit umalis ang babae papuntang Dubai upang doon maghanap ng trabaho. Naghintay si Riley ng ilang taon sa kanyang mahal, umasa na bumalik at umuwi sa kanyang piling. Pero isang araw, nabalitaan niya na lamang na nagpakasal na pala ang babae sa isang pinoy na naka-destino din sa Dubai.
Hindi niya ito natanggap at nakaya. Nagpakalasing siya gabi-gabi at tuluyan nang nasira ang kanyang buhay.
Naging mas madilim ang naging buhay ni Riley noong 23 ang kanyang edad dahil doon na nagsimula ang pagtikim niya ng pinagbabawal na gamot at tuluyan ding na-adik dito sa bago niyang bisyo. Naging adik din siya sa sex at kahit sino na lang ang kanyang kinakama, mapa-lalake o mapa-babae at kahit ang karelasyon ng kanyang ina, hindi niya inaatrasan.
“At kung wala ka nang masabi, alis na ako” umalis na siya kaagad at pinuntahan niya si Jeff sa paaralan.
‘Kung alam mo lang, Riley. Kung alam mo lang ang totoo kong dahilan. Maiintidihan mo ako’ sabi ni Lorena sa sarili.
Umupo agad sa bench nang pagkadating niya sa paaralan na kung saan nag-aaral si Jeff. Tsi-nek niya ang oras sa kanyang cellphone. Mga 4:45 na nang hapon, bente minutos pa ang kanyang hihintayin sa huling klase ni Jeff.
Pagkalipas ng ilang minuto ay tila hindi na siya makapag-hintay at tinext niya na lang ito.
‘Babe…matagal kpa ba? andi2 na aq xa bench’
‘Malapit na babe, w8 lang’ reply ni Jeff sa kanyang text
‘Ang tgal mo ksi eh. Puntahan n lng kta jan. Ano ba rum mo?’
’d2 xa NV210 babe“
‘ok.coming’
Pinuntahan nga ni Riley si Jeff sa silid-aralan na kung saan nandoon ang huling klase niya. Sakto din na kakatapos lang ng kanilang klase ni Jeff at nakita niya si Riley na kakarating lang at parang haggard ang itsura.
“Hello babe” bati ni Jeff kay Riley habang nakasunod sina Jacqui at Alvin sa kanyang likuran. Natigilan si Riley ng makita niya si Alvin at nahantong ito sa matagal na titigan sa isa’t-isa. Nahinto lang ito nang kinibo siya ulit ni Jeff “Uyy babe…okay ka lang ba?”
“Oo babe…I’m fine”
“Sure ka ha? Parang nanlilisik ang tingin mo eh”
“I said… I am fine…OKAY?” naiiritang sagot niya
“OKAY…ang soplado mo naman…”
“Ang kulet mo kasi eh…haaisst”
“Okay…” tanging sagot ni Jeff sa kanya at bigla itong lumabas ng silid kasama ang kanyang mga kaibigan.
“Babe!!” tawag ni Riley at hinabol niya sina Jeff
“Oh bakit?”
“Saan ka pupunta?”
“Uuwi na siguro. Bakit?”
“Akala ko lalabas tayo. Ayaw mo ba?”
“Gusto. Pero kasi…”
“E tayo na…” paanyaya ni Riley sa kanya. “Namiss kita eh”
Nagpaalam na lamang si Jeff sa kanyang mga kaibigan na lalabas muna silang dalawa ni Riley. Pumayag naman silang dalawa at kaagad nang umalis patungong mall upang manood ng pelikula.
Magkatabing nanonood ng pelikula sina Jeff at Riley, naka-akbay ang kaliwang braso ni Riley sa balikat ni Jeff na parang niyayakap niya ito ng mahigpit.
“Babe?” tawag ni Jeff kay Riley na may kahinaan ang boses.
“Op..Bakit babe?”
“What’s wrong?” tanong niya na parang nag-aalala kay Riley “kanina pa kasi mainit ang ulo mo. Si Alvin naman ba?”
“No…it’s not Alvin”
“Eh sino? Ang Mama mo naman ba at ang nangyari kagabi?”
“Oo”
“Ano nga ba talaga ang problema ng Mama mo at kung bakit nag-iba bigla ang pakikitungo niya sa akin, babe?” hindi niya muna sinagot ang tanong ni Jeff at tinignan niya lang ito sa mata at hinawakan ang kamay ng mahal.
“Gusto kong maging honest sa’yo. Babe, kahit anong mangyari, mahal na mahal pa din kita at kahit ayaw ni Mama sa’yo, ipaglalaban kita hanggang sa kamatayan”
Natahimik si Jeff na tila hindi niya magalaw ang kanyang bibig. Huminga lang siya ng malalim at binasa niya ng laway ang mga nanunuyong labi. “So, hindi ako tanggap ng Mama mo?” tanong ni Jeff sa kanya at tumango ang kanyang ulo bilang sagot. “Bakit? E ang lalim na ng pinag-uusapan namin kagabi ah. At sinabi niya sa akin na boto siya sa akin na bilang partner mo tapos, bigla na lang nag-iba?. Hindi ko talaga ma-gets ang Mama mo”
“Sabi niya daw. Binastos mo daw siya. Totoo ba yun babe?”
“Binastos?? Hindi kaya. Maganda nga ang kuwentuhan namin kagabi eh” sagot ni Jeff at parang naguguluhan sa ina ni Riley “Teka, nag-usap ba kayo?”
“Oo babe, nag-usap kami… pero don’t worry babe. Kakausapin ko ulit si Mama mamaya. Malay mo. Baka mabago ko pa ang kanyang isip mamaya”
“Salamat babe. Salamat talaga” at hinalikan ni Jeff sa labi ni Riley.
“Anything for you, babe. Mahal na mahal kita”
“I love you too”
Pagkatapos ng pinanood nilang pelikula ay agad silang umuw. Inihatid niya na din si Jeff sa bahay ng tatay niya at tumungo agad sa trabaho.
Kinabukasan
Maagang umuwi si Riley sa kanilang bahay. Nadatnan niya ang kanyang nanay na nagluluto ng kanilang pananghalian at kaagad siya pumunta sa kanyang ina.
“Ma…ano ba talaga ang problema mo kay Jeff?”
“Ganon mo lang ba batiin ang Mama mo na maghapon na nag-alala sa’yo dahil iniwanan mo at ngayon ka lang bumalik?”
“Huwag ka nang magpaligoy-ligoy pa, Ma. Sagutin mo na ang tanong ko” utos ni Riley
Itinapon ni Lorena ang sandok na ginagamit sa kanyang pagluluto, nahulog at nabagsak sa sahig. Tumingin siya sa kanyang anak. “Gusto mo ba talagang malaman ang katotohanan, Riley?”
“OO..!!” subalit natigilan si Lorena at pinulot ulit ang sandok, hinugasan at bumalik sa pagluluto “Ano na? Kanina pa ako naghihintay…”
“Basta…hindi pwede… ayaw kong masaktan ka”
“Ano nga yon, Ma? Pakiusap naman oh”
“Hindi nga pwede. Magbihis ka na doon at matulog na…” utos ng ina sa anak “gigisingin lang kita mamaya kapag luto na ito”
“PUCHA NAMAN OH!!”
“Wag mo akong pagsasalitaan ng ganyan!…nanay mo ako!”
“Hindi mo kasi sinasabi ang totoo eh. Parang binibitin mo ako. Sabihin mo na para hindi tayo magkagulo!”
“Hindi pwede dahil KAPATID mo siya!!” sabay pagbagsak ng luha ni Riley.
Itutuloy…
CHINITO: Chapter 11 (Monthsary Gift)
Hindi makagalaw si Riley sa kanyang kinatatayuan. Nakatulala at hindi ito makapaniwala sa nalaman. Kapatid niya si Jeff? Ang taong tumanggap sa kanyang pagkatao ng buong-buo at nagmahal sa kanya ng ganito kalalim at kaseryoso. “Imposible…” sambit nito na nanghihina ang tono ng boses.
Lumuhod si Lorena sa harap ng kanyang anak na hindi makagalaw na parang istatwa sa kanyang pagkakatayo na habang umiiyak siya at nakayakap sa binti ni Riley.
"Anak, patawarin mo ako. Hindi ako agad nasabi ito sa iyo" iyak ni Lorena
"Hindi. Nagbibiro ka lang, Ma. Sinasabi mo lang yan para mapahiwalay mo kami"
"Totoo ang sinabi ko sa'yo. Maniwala ka naman, Rai-Rai"
"Napaka-unfair mo, Ma. Ayaw mo lang na maging masaya ako kaya gumagawa ka ng kuwento"
"Patawarin mo ako, anak. Pero hindi ako gumagawa ng kuwento" pagmamakaawa niya sa anak "Ngayon ko lang din naman nalaman na magkapatid kayo nung nagkausap kami ni Jeff"
Patuloy pa din ang pagbagsak ng luha ni Riley at nanginginig ito. “Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, Ma” sabat ni Riley “yung pakiramdam na gusto kong umiyak na gusto kong tumakbo ng napaka-bilis, sumigaw at sumabog dahil sa nararamdaman ko? Ang sakit, Ma. Ang sakit-sakit dahil mahal ko si Jeffrey. Imposible ang sinasabi mo”
"Alam ko iyon na mahal mo talaga siya, anak. Pasensiya na talaga pero kailangan niyo na 'to tigilan...ang pagmamahalan ninyo dahil mali" pagmamakaawa ni Lorena sa anak "...at kailangan na malaman na din ito ni Jeff"
"Hindi..." sabi niya na umiiling ang ulo na parang bata na inagawan ng kendi "Hindi pwede. Hindi niya ito dapat malaman"
"Pero Riley..."
"Hindi nga pwede, Ma! Nagmamahalan kami ni Jeff at walang makapipigil sa amin"
"Diyos ko naman! Magkapatid kayo ni Jeff. Mali ang ginagawa ninyo! Napaka-IMORAL!"
"Bakit? Hindi ba imoral ang ginagawa mo noon?" balik niya sa kanyang ina "Nagbebenta ka ng aliw sa mga iba't-ibang lalake..?!" tumayo si Lorena at sinampal ng malakas ang anak.
"Hindi ako ang isyu dito, Riley. Ikaw at ang kapatid mo sa ama na si Jeff!" sigaw ng galit na ina "kung mahal mo nga talaga si Jeff, sabihin mo sa kanya ang buong katotohanan para hindi na siya masaktan"
"Ayoko... at sa tingin mo, Ma. Hindi ba siya masasaktan kapag malaman niya na magkapatid kami sa ama?" pagmamatigas ni Riley sa ina
"Pero– "
“Pwede ba Ma! Ayaw ko ngang sabihin sa kanya. TAPOS!” sigaw niya at pumasok sa kanyang silid.
Araw ng Lunes
Nakatambay silang magkaibigan sa bench ng paaralan.
"Bes..." kibo ni Jacqui kay Jeff
"Bakit Jack?"
"When nga pala ang monthsary ninyo ni Riley?"
"Bukas na..." sagot niya
"Really? So, ano ang gagawin ninyong dalawa?"
"Ewan ko nga eh"
"Ha? Bakit ewan mo? Wala ba kayong plano?"
"Hindi ko alam eh. Depende sa kanya, siya naman parati ang nagpaplano at gumagastos eh"
"Wow. Ganun? Magshare ka kaya ng gastos. Ang unfair kaya sa part niya"
"Yun din nga ang sabi ko sa kanya pero ayaw niya. Gusto niya kasi na siya parati ang gumagastos"
"Ganon? Hmmm. Why not ikaw na lang kaya ang magbigay ng regalo sa kanya?" suhestiyon ni Jacqui "Siguro ito na yung time na ikaw na naman ang gumastos, diba"
"Pwede... pero tulad nang ano?"
"Ewan ko sa'yo. Ikaw ang mag-isip kung ano ang ibibigay mo sa kanya. Hindi ko naman boyfriend yan"
"Ay grabe siya.." sambit ni Jeff "Nagsa-suggest ka nga, pero palaisipan pa"
"Pangit kasi kapag ako ang mag-isip, bes. Mas maganda at mas sweet kapag galing mismo sa'yo, diba?"
"Hmp! Sige. Pag-iisipan ko"
Nagpasama nga si Jeff sa kanilang dalawa sa mall nang pagkatapos ng kanilang mga klase, upang tulungan siyang pumili ng ireregalo para sa kanyang mahal.
Lumibot sila sa mall na halos isang oras subalit wala pa siyang napili.
"Oh. Kanina pa tayo nag-iikot ah" pansin ni Jacqui "Wala ka pa bang may napili?"
"Wala pa eh. Hindi ko kasi alam kung ano ang gusto niya" paliwanag ni Jeff "pero meron akong nakitang wallet at bag kanina pero hindi ko alam kung okay sa kanya yon"
"Pano mo naman nasabi?"
"Kakabili niya lang kasi ng wallet at hindi siya mahilig magdala ng bag"
"Ah. Ganon ba? So ano?" tanong ng kaibigan sa kanya.
"Hindi ko rin alam, Jack. Siguro hindi na lang ako bibili"
"Hay naku. Ano pa ang rason mo kung bakit mo kami isinama?"
"Ano nga ba?"
"Edi tumulong sa'yo. At ikaw kaya ang nagpasama sa amin dito" paalala sa kanya
"Ahh. Sorry. Nakalimutan ko eh"
"Ikaw talaga. oh. Ito ang isipin mo ha" sabi ni Jacqui sa kanya "Ano ba ang hindi niya ini-expect na galing sa'yo?" napaisip ito ng matagal pero wala talagang pumapasok sa utak niya.
"Ano nga ba? hhmmm. Ewan ko"
"Ano ka ba? mag-cooperate ka nga. Pag-isipan mo ng maigi" utos ni Jacqui
"Wala talaga eh. Sorry. Blangko talaga ang utak ko ngayon"
"Wow. Ganon? Teka, pahinga muna tayo. Napagod din ako sa paglalakad eh"
Umupo silang tatlo sa may bakanteng upuan sa foodcourt at doon sila naghintay kay Jeff habang nag-iisip sa ibibigay kay Riley.
"Oh... magpahinga muna tayo dito" sambit ni Jacqui "...at ikaw, mag-isip ka na diyan ng mabuti habang nagpapahinga ka"
"Grabe ka naman. Pagod din ako eh"
"Hindi tayo aalis dito hangga't wala ka pang naiisip na ireregalo mo sa kanya" pahiwatig ni Jacqui
"Wow. Ang strikto mo naman" reklamo naman ni Jeff "sakit na nga ng ulo ko oh"
"Sige na. huwag nang magreklamo. KAYA MO YAN"
Tumahimik na lang si Jeff at nagsimula nang umisip ng malalim. ‘hmmm. Ano kaya ang magandang iregalo ko kay Riley?’ tanong nito sa sarili.
Binalikan niya ang kanilang unang pagkikita noong October 03, 2008, araw ng Biyernes na kung saan naging opisyal na sila.
Naka-lavender na t-shirt at naka-jeans noon si Riley, na nakatingin sa kanya habang nakangiti at patungo sa kanyang direksyon na litaw na litaw ang lalim ng kanyang dimple.
Hindi makagalaw si Jeff at tila bumagal ang kanyang paligid habang palapit ng palapit sa kanya ang lalake.
"Hi..." bati ni Riley "Ikaw ba si Jeff?"
"Yup. Ako nga. Nice to meet you. Riley? Right?"
"Yup" sagot ni Riley "Kumain ka na ba?"
"Wala pa nga eh, pero busog pa ako"
"Ganon ba? Ahmm. Gusto mo ba muna mag-ikot-ikot dito sa mall?"
"Sure.."
"Are you? Baka mapagod ka ha"
"I'm fine. Don't worry" ngiti ni Jeff na tila kinikilig ito.
"Sige tayo na" paanyaya ni Riley habang nakalapat ang kanyang kamay sa likod ni Jeff "Ang cute mo pala sa personal, Jeff"
"Salamat. Ikaw din kaya. Para ka ngang artista" pambobola ni Jeff
"Ganon? Hindi naman masyado" sagot ni Riley
"Uyy...parang gusto niya din na pinupuri siya oh"
"Hindi naman. Siguro humble lang ako"
“Wehh??” sambit niya habang nakatitig sa kanya si Riley habang nakatawa siya
“Ang cute mo pala tumawa, nawawala ang singkit mong mata”
"Cute ka diyan. Ikaw kaya ang cute"
"Oh sige. Pareho na tayong cute. I love you"
"I love you too" sagot naman niya kay Riley habang nalalakad sila sa loob ng mall.
"So, tayo na talaga?"
"Ha? Kala ko tayo na nung kahapon pa?"
"Oo. Pero mas maganda kapag naging tayo kapag nagkita tayo sa personal diba?" pahayag ni Riley "Tulad nito..."
"Bakit naman?"
"Para mas maging memorable ang unang araw natin na naging tayo"
"Hmmm. Kung sa bagay" at inabot ni Riley ang kamay ni Jeff para hawakan ito.
"I love you, babe" sabi ulit niya kay Jeff.
"I love you more babe"
Pagkatapos ng mahabang paglalakad sa mall ay nagdesisyon na ang dalawa na kumain na lang. Luminya sila sa isang sikat na fast-food chain para bumili ng kanilang pananghalian.
"Babe, ako na dito" sabi ni Riley "maghanap ka na lang doon sa loob ng bakanteng upuan. Ano ba gusto mo?"
"Hmm. Yung fried chicken na lang babe. Yung maanghang ha"
"Sige" ngiti ulit ni Riley na parang nagpapakyut sa kanya
Gumanti naman ng ngiti si Jeff sa kanya “Bayaran lang kita mamaya kapag tapos na tayo kumain” pahawatig ni Jeff sa kanyang kasama.
"Anong bayad? Libre ko 'to sa iyo noh."
"Pero..."
"Haist. Huwag na magreklamo. Okay? Maghanap ka na doon ng bakanteng upuan" utos sa kanya ni Riley
"Hmp. Sige. Ikaw ang bahala"
"I love you" sabi ng mahinang boses ni Riley at gumanti din si Jeff ng 'I Love You Too' na bibig niya lang ang gumagalaw.
Naghanap ng bakanteng upuan si Jeff at umupo at hinintay doon si Riley. Pagkalipas ng ilang saglit ay dumating na siya na may dala-dalang tray ng pagkain: Spaghetti at softdrinks para kay Riley at ang order ni Jeff na friend chicken na maanghang at softdrinks.
"Let's eat na babe" paanyaya niya kay Jeff "gutom na ako eh"
"Sige. Gutom na din ako eh"
"Pero sabi mo kanina na busog ka pa?"
"Kanina pa yon. Napagod kasi ako sa kakalakad eh"
"Ah okay." Sabi niya habang tinitignan niya ang detalye ng mukha ni Jeff habang kumakain at napansin naman ito ng isa.
"Bakit? Panget ba ako kumain?"
"Hindi" sagot niya "Tintignan lang kita kasi ang cute mo talaga"
"Ganon? Hindi kaya. Ang pangit ko noh. At ako ang pinaka-pangit sa aming magkakapatid"
"Hindi naman siguro. Oo nga pala, ilan ba kayong magkakapatid?"
"Apat kami. Ako ang bunso"
"Ilan ang lalake at babae?"
"One girl and three boys" sagot ni Jeff
"Mga chinito at chinita din ba sila katulad mo?"
"Yup. May dugo kaming Intsik eh"
"Talaga? kaya pala..."
"Bakit naman?"
"Wala" sagot ni Riley "Mga ilang percent ang dugo niyong Intsik?"
"Percent talaga? hmmm. Mga 50%. Tatay ko kasi ang Chinese eh. Pero patay na siya"
"Sorry"
"Bakit ka nagsosorry? Wala ka namang kasalanan" sambit ni Jeff "Kasama siya sa namatay sa plain crash na papunta dito sa Iloilo, 18 years ago"
"Diba 18 ka na? so ibig sabihin na hindi mo naabutan ang tatay mo?"
"Nope"
"Sad naman 'yon" sabi ni Riley na tila nalungkot sa kwento ni Jeff "Alam mo, babe. Parang pareho pala tayo noh? Hindi ko rin nakilala ang tatay ko eh. Siguro patay na din siya"
"Talaga? ang lungkot talaga kapag wala ka nang ama noh? Walang gagabay sa'yo. Naiingit nga ako sa mga classmates ko na may mga ama."
"Don't be sad, babe. Naiintindihan talaga kita, pero mag-move-on na tayo sa life. Wala na naman tayo magagawa diba?" payo niya kay Jeff "Magpasalamat na lang tayo na binuhay na lang tayo. Iyon ang importante"
"Kung sa bagay..."
"Tama na nga yan babe. Tapusin na kaya natin itong pagkain"
"Sige" sagot ni Riley at pagkatapos nilang kumain ay nagdesisyon muna sila na huwag muna umalis agad sa kanilang inu-upuan.
Pagkalipas ng ilang sandali ay tumayo at umikot sila uli sa loob ng mall. Sa kanilang pag-iikot ay napansin ni Jeff ang na hindi maalis ang mata ni Riley sa kumiskislap na singsing.
“Babe? Ang ganda oh” turo ni Riley kay Jeff “Balang araw. Ibibili ko yan para sa atin”
"Alam ko na." dugtong ni Jeff sa usapan nina Alvin at Jacqui.
"Hay. Sa wakas. May naisip ka na din" buntong-hininga ni Jacqui "Oh ano na?"
"Singsing"
"Ha?" tanong ulit niya na tila hindi niya narinig ang unang sabi ni Jeff.
"Singsing..." ulit niya "bibili ako ng couple ring. Yun kasi ang pinaka-una na gusto niyang bilhin eh" kuwento ni Jeff "Sabi niya na balang araw, bibili siya ng ring para sa amin pero hanggang ngayon, wala pa din eh. So, ako na lang bibili para sa amin"
"Wow. Sweet naman. Mabuti kung naisip mo yan, bes. Sgurado ako na matutuwa si Riley sa regalo mo sa kanya"
"Oo naman."
Kaagad silang nagtungo sa bilihan ng singsing upang bumili ng couple ring. Pinalagyan din ito ni Jeff ng kanilang pangalan nilang dalawa ni Riley sa bandang loob ng singsing.
"Wow. Bumili ka agad ha" sambit ni Jacqui "Yaman talaga oh"
"Yaman? Hindi kaya"
"Sus. Magdedeny ka pa ba??" sabat ni Alvin "Ano ba nga naman kung ang Daddy mo ang pinakamayaman na negosyante"
“Huy. Hindi noh. Hindi ko ’to hiningi sa kanya. Sariling pera ko ’to” pagtatama ni Jeff sa kanila “Pwede ba, huwag niyong isali ang taong yan sa usapan natin”
“Sorry na, Jeff. Nagbibiro lang eh” sabay himas ni Alvin sa likod ng kaibigan
“Oo na. Okay na. Hindi na ako galit”
“Oo pala Jeff, sure ka ba sa sukat ng daliri ni Riley?”
"Oo Vin. Pina-check na namin ito nung unang pagkita namin" sagot niya
"Wow. Handa pala kayong dalawa ha" sambit ni Jacqui
Itutuloy…
CHINITO: Chapter 12 (4th Monthsary)
Dakong alas-siyete ng gabi na nakauwi na ng bahay si Jeff. Nakaupo siya sa kanyang kama habang hawak-hawak ang binili niyang singsing habang tinititigan niya ito ng mabutii. Abot-tenga ang ngiti niya dahil may ibibigay na siya sa kanyang minamahal.
Nilalaro niya ang dalawang singsing gamit ng mga daliri at hinalikan niya ito at nagsabi na ‘I love you, babe’. Sakto din na bumukas ang pintuan ng kwaeto. Nakatayo ang nanay niya na nakatingin sa kanya.
"Anak, ano iyan?" tanong ni Joyce
"Singsing po nay" at biglang pumasok ng kwarto ang nanay, isinara ang pintuan at lumapit sa anak.
"Ibibigay mo ba yan kay Riley?"
"Opo. Ito lang po kasi ang maibibigay ko sa kanya sa lahat ng nagawa niya sa akin"
"Mahal mo talaga si Riley noh?" tanging ngiti lang ang sagot ni Jeff sa sinabi ng kanyang nanay. "sana tumagal kayo anak"
"Sana nga po 'nay. Siya lang po kasi ang nagmahal sa akin ng ganito kahit na lalake din siya"
"Wala namang pinipili na kasarian ang pagmamahal anak diba? Basta ang importante, nagmamahalan kayo" pahayag ng nanay. Napansin niya na hindi mapakali ang anak dahil panay ang tingin niya sa telepono nito.
"May hinihintay ka ba na tawag, 'nak?"
"Si Riley po kasi nanay eh. Hindi niya sinasagot ang tawag o text ko" sagot ni Jeff "Ipapaalam ko sa kanya na 4th monthsary na namin bukas"
"Anong oras na ba?"
"Alas-diyes na po nay"
"O.. baka nasa trabaho niya na, nak. Huwag mo na siyang istorbohin. Alam mo naman na nagtatrabaho siya diba? Alam niya naman siguro na mag-aapat na buwan na kayo bukas" hindi nakasagot si Jeff at inilagay na lamang ang telepono sa ilalim ng unan "Matulog ka na anak. Maaga ka pa bukas"
Samatala ay nakaupo naman si Riley sa may sofa, nakatitig sa kanyang telepono. Kanina pa kasi tumatawag at nagtetext si Jeff sa kanya pero hindi niya ito sinasagot. Hindi niya kasi kung ano ang gagawin nang nalaman niya na kapatid niya sa ama si Jeff.
"Bakit hindi ka pumasok sa trabaho?" sambit ng taong pumasok ng kanilang bahay.
Tumingin din siya sa taong iyon para malaman kung sino at bumalik muli siya kaagad sa pagkatitig sa telepono “Tinatamad ako” sagot nito
"Bakit??" lapit ni Fred at umupo sa kanyang tabi "May problema ka na naman ba?"
"No. I'm okay"
"Alam ko hindi ka okay" paniniguro niya kay Riley "Tumawag si tita sa akin. Sinabi niya sa akin ang lahat. Ang tungkol sa inyong dalawa na magkapatid kayo"
"So, alam mo naman pala. Bakit ka pa nagtatanong?" sabay pagkunot ng noo.
"Gusto ko kasi na manggaling sa'yo ang problema mo. Andito ako para sa'yo"
Tumayo si Riley na naiinis sa pangungulet ni Fred “Hindi kita kailangan, okay? So, please. Leave me alone”
"Matapos sa heartbreak mong yan? Iiwan kita? Ayoko."
"Ano ba ang gusto mo, Fred? Bakit ka andito?!"
"Nandito lang ako para sa'yo. Gusto kita maging okay. Masakit sa akin na nasasaktan ka"
"Well. Salamat sa concern pero makakaalis ka na. I don't need you"
"Maniwala ka, Riley. Kailangan mo ako. Andito ako para mawala ang problema mo ngayon" sambit ni Fred habang nilalapit niya ang muka kay Riley na tila nilalandi ito "Para maging masaya kang muli. Handa ako na ialay sa'yo ang sarili ko, Riley"
"Sorry. But I'm taken"
"Taken?? Kapatid mo siya diba? Wala naman siguro masama kung may mangyayari sa atin diba?"
Parang nahulog ito sa pang-aakit sa kanya ni Fred dahil nakadama siya ng init sa kanyang katawan habang lumalapit ang labi nito sa kanya. ‘Hindi naman siguro masama kung papatulan ko si Fred. Sa katunayan, tama siya dahil wala naman ako pananagutan kay Jeff dahil magkapatid kami’ sabi ni Riley sa kanyang sarili. Sinunggaban kaagad ni Riley na mainit na halik si Fred at nagtungo sila kaagad sa kanyang kuwarto.
Pagkalipas ng isang oras ay natagpuan nila ang kanilang sarili na nakahiga sa kama at pagod na pagod sa kanilang ginawa.
"Tama ba 'to?" tanong ni Riley kay Fred.
"Oo naman. Wala ka namang ginawang masama dahil magkapatid kayo."
"Pero mahal ko si Jeff eh. Mahal na mahal. Ayokong lokohin siya"
"Hindi pa ba panloloko ang ginagawa mo ngayon?"
Napabangon si Riley sa sinabi sa kanya. “Ano?? Ikaw ang umakit sa akin diba??”
"Hindi yan ang ibig kong sabihin" pagtatama naman ni Fred "...kundi yung hindi pa pagsabi ng katotohanan sa kanya"
"Ayoko. Hindi ko sasabihin sa kanya na magkapatid kami, Fred" paninigas ni Riley "Ayaw kong mawala siya sa akin. Natatakot ako kapag nalaman niya, mawawala ang pagmamahal niya sa akin. Ayokong mangyari yon, Fred"
"So, ano ang plano mo?"
Kinabukasan sa kanilang 4th Monthsary
Mag-aalas-sais na nang gabi pero hindi pa nadidismiss ang huling klase ni Jeff sa araw na iyon. Samantala ay naghihintay si Riley sa bench at parang naiinip na sa kahihintay sa kanya.
Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na din ang klase. Sabik na sabik si Jeff na lumabas sa kanilang silid-aralan at agad niyang pinuntahan si Riley.
"Hello babe. Kamusta ka na?" bati niya kay Riley na walang imik "Okay ka lang babe?"
"Yeah. I'm okay"
"Happy Fourth Monthsary" bati ni Jeff sa kanya at inabot niya ang maliit na pulang kahon at agad naman itong kinuha at binuksan. Bumungad kay Riley ang dalawang umiinggat na singsing na binili ni Jeff kahapon sa mall.
"Ano 'to?"
"Singsing babe. Bakit? Ayaw mo ba?" sagot ni Jeff "Bumili ako ng singsing kasi iyan ang magiging simbolo natin ng ating Forever. Hehe. Corny lang..."
Hindi makasagot si Riley sa sinabi sa kanya ni Jeff. Naantig ang kanyang puso sa regalo sa kanya ni Jeff “Oo. Alam ko na singsing ito. Diba mahal ito? JEFF NAMAN! Nag-aksaya ka nang pera dahil lang sa walang kwentang bagay?” patuloy pa din ang galit ni Riley at tila sinisigawan niya na si Jeff “Akala ko ba matalino ka sa paghawak ng pera?”
Natahimik lang si Jeff sa mga galit sa kanya. Mali pala ang paniwala niya na magugustuhan ito ni Riley.
"Bumili lang kasi ako para sa Monthsary natin ngayon kasi sabi ni Jacqui– "
"AYON! 'sabi ni Jacqui'" ulit niya "Siya ba ang nagdesisyon sa atin? Siya ba ang gumagastos? At kung siya nga, edi kayo na lang! MAGSAMA KAYO!!"
"Bakit ang init ng ulo mo ha? Nung Biyernes ka pa ha. May problema ka ba?"
"Wala akong problema Jeff" sagot ni Riley "Ikaw ang may problema kasi gumagastos ka sa walang kwentang bagay"
"May kwenta naman 'to ah. Bumili lang naman ako kasi naalala ko noon na gusto mong bilhin sa atin"
"Ganon?! Hindi ka makapaghintay?!" sigaw ni Riley at nakatingin ang mga tao sa kanila "So, pinangungunahan mo ako? Ano na naman ang ibig mong sabihin nito? Na wala akong pera na ipambili ng ganitong kamahal na gamit?" dugtong niya kay Jeff "Ang problema sa'yo...MATAPOBRE KA!!"
Nagulat si Jeff sa sinabi sa kanya ni Riley. Hindi niya ito napghandaan at napa-nganga na lang ito “Ang sakit naman nun. Ano ba ang nagawa ko? Bumili lang naman ako nito para iregalo ko sa’yo…para sa atin. Tapos ako pa ang lumalabas na mali? Ang unfair mo, Riley” kinuha niya ang maliit na kahon na hawak-hawak ni Riley na may lamang singsing “Kung ayaw mo, hindi kita pipilitin. Salamat na lang sa paghintay. Uwi na ako”
Naunang umalis si Jeff at naiwan si Riley na nakatayo pa din na mukhang malayo ang tingin. Umiiyak na pala siya at tila naiinis sa kanyang ginawa at sinabi sa kanyang mahal.
'Sorry babe, kailangan ko 'tong gawin. Hindi ako ang tao na para sa'yo. Mas gugustuhin ko pa na ako na lang ang makakaalam ng katotohanan at hindi ikaw. At mas gugustuhin ko pa na mainis ka sa akin kesa sa mawala ang pagmamahal mo dahil nalaman mo na magkapatid tayo.' Sabi nito sa sarili. Umupo ulit si Riley sa bench at doon na lang humagolhol sa pag-iyak.
Nasaktan talaga si Jeff dahil hindi nakita ni Riley ang ginawa niyang effort. Nakauwi siya sa bahay ng kanyang tatay mga dakong 6:40 na ng gabi.
Nang pagpasok niya sa loob ng bahay ay nadatnan niya si Jean na nakatayo. Nakakrus ang dalawang braso sa dibdib at natingin sa kanya.
"Oh. Bakit ngayon ka lang??" pagtataray niya kay Jeff "...at saan ka galing?" napansin niya ang namumulang ilong ni Jeff na parang galing sa pag-iyak "Teka, umiyak ka ba?"
"Wala. May sipon lang" sagot ni Jeff
"Talaga? Pero hindi mo ako maloloko. Alam ko na umiyak ka" paniniguro ni Jean "Nag-away naman ba kayo ng babe mo?"
"Wala ka na dun. Okay? Problema na namin yun. Wala kang pakialam"
"Of course. May pakialam ako. Dito kayo nakatira sa pamamahay namin" balik ni Jean "... at kung may mangyari man sa inyo. Pananagutan namin dahil dito kayo ng nanay mo. Kasalanan ko pa kung ano ang mangyari sa'yo dahil sa sakit mo sa puso ngayon. Hindi kita kilala, baka kunin mo ang mga gamit dito sa bahay, ibenta at ibigay ang pera sa lalake mo" patuloy pa din ang pagtatalak niya pero hindi naman ito pinapansin ni Jeff dahil wala siyang gana at masama pa ang kanyang loob sa ginawa sa kanya ni Riley "Alam ko ang galawan ninyong mga bakla. Desperedo kayo sa mga lalake. Hindi mo ba alam na pinapatulan ka lang niya dahil pera lang ang habol niya sa'yo"
Ngumiti na lamang si Jeff sa kabila ng kanyang nararamdaman. “Sorry. Iba si Riley. Hindi siya katulad ng mga naging nobyo mo na pera ang habol sa’yo” At dumerecho kaagad si Jeff sa kanilang silid ng nanay.
Pagpasok ni Jeff sa kuwarto ay nakita niya si Joyce na nagtutupi ng kanilang damit.
"Good evening po, nay" bati ni Jeff sa nanay at sabay nagmano.
"Good evening din, anak" ganti ni Joyce "Kumain ka na ba?"
"Busog pa ako nay. Matutulog na siguro ako"
"Sigurado ka ba na busog ka?"
"Opo nay. Sigurado po"
"Okay ka lang ba anak?" tanong muli ni Joyce sa kanyang anak. Napansin ng ina na mabigat ang mukha ni Jeff at tila umiyak.
"Okay naman po ako nanay. Bakit mo po naitanong?"
"Namumula kasi ang ilong mo Jeff" pansin ni Joyce "Umiyak ka ba kanina?"
"Wala po 'to" patuloy ang kanyang pagsisinungaling sa nanay "
"Jeffrey... magsabi ka nang totoo. Ano ang problema?"
"Wala nga po, nay. Ayos lang ako"
"Huwag mo akong lokohin. Nanay mo ako. Kilala kita" paalala ni Joyce sa anak "Alam ko ang mukhang yan. Si Riley na naman ba?"
Hindi napigilin ni Jeff at niyakap niya ang ina “Inaway niya po ako nanay eh. Hindi ko siya maiintindihan”
"Bakit? Ano ba ang sinabi niya?"
"Gumagastos daw ako ng walang kwnetang bagay at pinangungunahan ko daw siya"
"Ganuin ba? May point naman siya eh. Tama din naman na gumagastos ka sa hindi tama. Sana pinag-usapan ninyo yan"
"E gusto ko nga siyang sorpresahin nanay. Hindi niya ba na appreciate yun?"
"Na appreciate niya naman siguro pero intindihin mo na lang si Riley, nak. Tama din naman ang point niya"
"Haaaay. Sige nanay. Sa sususnod, hindi ko na gagawin yun. Tatanungin ko muna siya" sambit ni Jeff "Salamat sa payo mo. Napagaan mo ang loob ko" ngiti ni Jeff "Da best ka talaga nanay"
Araw ng Huwebes
Tinetext at tinatawagan ni Jeff si Riley nung pagkatapos ng huling klase niya pero hindi pa ito sumasagot ‘Babe naman. Sagutin mo naman ang tawag at text ko oh. Naiistress na ako eh’ sambit niya sa kanyang sarili.
Sa pagkalipas ng isang oras ay nagdesisyon na lamang si Jeff na umuwi na lamang dahil gumagabi na. Sa kanyang pag-uwi ay naalala niya na Huwebes na pala. Ang araw na kung saan uuwi sina Natalie at William galing Manila mula sa mga negosyo nila na nakadestino doon.
Biglang nakabahan si Jeff habang nakasakay pauwi ng bahay dahil baka hindi siya tatanggapin ni William sa isusumbong sa kanya ni Jean.
Habang palapit na siya sa pintuan ay tila nadagdagan ang kanyang kaba sa kanyang dibdib. Inihanda niya ang sarili sa anumang sasabihin ng kanyang ama patungkol sa kanyang kasarian.
Kung hindi man siya tatanggapin ng ama at kung itatakwil siya nito ay okay lang sa kanya dahil sanay naman siya sa mga tao na nakapalibot na makikitid ang mga utak at hindi na rin siya magugulat kung isa ang kanyang ama sa kanila na sikat sa pambabae. Pero kung tatanggapin naman siya ng ama, at kung mangyayari yan, ay pinapangako niya sa kanyang sarili na papatawarin niya ang tatay sa mga kasalanan na nagawa nito sa kanilang pamilya, lalong-lalo na sa kanyang nanay.
Sa kanyang pagpihit ng kawakan ng pintuan, lalo pang nadagdagan ang kaba sa dibdib ni Jeff. Pumasok siya sa loob at nakita niya na nandoon nga ang tatay na si William at si Natalie na kanyang bagong asawa. Naka-upo silang dalawa sa sofa na nakatingin sa kanyang pagpasok. Habang si Jean naman ay nakaupo sa hagdanan na ngumingisi na parang demonyo sa kanya. Pumunta si Jeff patungo kina Natalie at William at nagmano ito.
Itutuloy…
CHINITO: Chapter 13 (Galit ni Jeff)
Nanginginig ang buong katawan ni Jeff habang patungo kay William.
“Bakit ngayon ka lang?” tanong ni William sa anak na habang nakatingin sa orasan “Gabi na ah”
“May pinuntahan lang po ako” paliwanag niya sa kanyang tatay na kinakabahan.
“Saan? At sino ang kasama mo?”
“Ako lang po” sagot naman niya na parang namumutla na ito “Tumambay lang po ako sa Internet Shop”
“Ah. Ganon ba?” huminga ng malalim ang tatay “umupo ka” utos nito kay Jeff at mas lalo itong kinabahan at namumutla na sa takot.
“Bakit po?” sabi ni Jeff na nangangatog ang mga tuhod habang naka-upo sa tabi ng kanyang ama.
“Jeff. May isinumbong sa akin si Jean kanina” sambit ni William at napa lunok si Jeff. Ito na ang kanyang kinatatakutan. Ano kaya ang magiging reaksyon ng tatay niya? Sumulyap siya sa may hagdanan at nakita niya na nalilisik pa din ang mga mata ng kapatid at tila nagugustuhan nito ang nangyayari sa kanya. “Sabi niya na may ka-relasyon ka daw na lalake. Totoo ba ang sinasabi niya, Jeff?”
‘Jeff lang ang tawag niya sa akin? Walang anak? O ano mang lambing sa kanyang pananalita? Baka galit talaga siya sa akin at sa kasarian ko.’ wika niya sa kanyang sarili.
“Oh… bakit hindi ka makasagot diyan?”
“Op-po” pautal-utal na sagot ni Jeff sa kanyang tatay. Pero ngumiti lang si William sa anak na walang halong galit sa mukha.
“Sino siya?…Gusto ko sana siyang makilala” sambit ni William at nagulat ang anak sa kanyang sinabi. Bakit gusto niyang makilala at makita si Riley?
“Po?” tanging sagot ni Jeff
“Hindi mo ba narinig? Ang sabi ko– “
“Opo. Narinig ko, pero bakit gusto mo siyang makilala?”
“Gusto ko lang…Masama ba?” sabi niya na ngumingiti na tila interesado talaga sa ka-relasyon ng anak. “Gusto ko lang makilala ang maswerteng lalake na minamahal ngayon ng anak ko. At sasabihin ko sa kanya na iingatan ka niya at mamahalin ng totoo dahil ayaw na ayaw kitang nakikita na nasasaktan”
Lumiwanag ang mukha ni Jeff sa naging reaksyon ng ama sa kanya. Niyakap na lamang niya ito ng mahigpit at doon na bumagsak ang mga luha. “Salamat po…” tanging sagot ni Jeff dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa kanyang tatay.
“Hindi ako galit o kontra sa kasarian mo, Jeff” sambit ni William “ang gusto ko lang naman ay maging masaya ka. Sa tingin ko naman ay wala kang inaapakan na tao. Mahal kita anak…”
“Thank you uli, tatay” sabi ni Jeff habang umiiyak at niyakap ang tatay ng mahigpit.
Ginantihan din ng mainit na yakap ni William ang anak na matagal niyang hindi nakita at may galit sa kanya “Ganito pala ang pakiramdam ng yakap ng isang anak na nawalay ng ilang taon at lalo na ang masabihan na ‘tatay’ “ napaiyak din sa kaligayahan sa mga sandaling iyon “Okay na sa akin ito anak. Kahit na hindi mo pa napapatawad ang tatay basta naranasan ko na ang init ng yakap mo, anak”
“Salamat sa pagtanggap sa akin, tatay” iyak ni Jeff
“Wala iyon anak. Tanggap kita kasi mahal kita… dahil anak kita” ngumiti si Jeff na tumutulo ang kanyang luha. Sa wakas. Nakahinga na siya ng maluwag na parang nabunutan ng malaking tinik sa kanyang dibdib
“Dad! What’s this?” sigaw ni Jean pababa sa hagdanan
“Anong ‘what’s this’, Jean?”
“ITO. Sa pagtanggap mo sa anak mong BAKLA” pang-iinsulto niya sa kapatid “Diba hindi pwede sa lahi natin ang nasa THIRD SEX?”
“Wala naman akong narinig na bawal ang isang bisexual sa pamilya natin ah” tanggol ni Jeff sa sarili at sumang-ayon naman ang tatay sa sinabi ng anak.
“Shut up!! Hindi ikaw ang kinakausap ko!!” sigaw ni Jean kay Jeff
“Jean! Wag kang bastos. Magbigay ka naman nang respeto sa kuya mo” suway ni Natalie sa malditang anak.
“Mom?? Pati ikaw?? Kinakampihan niyo pa yan?!” panduduro niya sa kapatid “Kuya?? O baka naman ATE. At hinding-hindi ako magbibigay ng respeto sa isang abnormal na tao tulad niya!!” insulto niya uli sa kapatid pero tumahimik lang si Jeff na pinipigilan lang ang galit dahil nandoon ang tatay niya.
“That’s it! Go to your room! At hindi ka lalabas hanggang sa hindi ko sinasabi!” utos ni William sa babaeng anak.
“But Dad…”
“I said go to your room!!”
“Fine! Gusto niyo ’to?? Pagsisihan ninyo ito na tinanggap niyo siya sa pamilyang ito” pagbabanta ni Jean sa kanyang mga magulang “Tignan lang natin kung ano ang masasabi at magiging reaksyon ni Ama at ni Angkong sa pagtanggap ninyo sa taong yan!” Umalis si Jean na nanlilisik ang mga mata kay Jeff pero ngumiti lang siya sa malditang kapatid “you won this round, Jeff. But I’ll be in the next”
Nagpabuntong-hininga na lamang si William sa anak na babae. Hindi niya akalain na ganun na lamang ang naging reaksyon niya sa nakakatandang kapatid.
“Kausapin mo nga yang anak mo…” utos ni William sa asawa. “Lumalaking bastos na eh”
“Sige. Kakausapin ko mamaya” sagot naman ni Natalie. Humarap siya kay Jeff at napangiti “Oo nga pala, Jeff. Nasaan na siya?”
“Si Riley po?” balik na tanong ni Jeff sa kanya “ewan ko po. Hindi kami nag-uusap na kahit sa text o tawag lang man”
“Oh bakit? Nag-away kayo?”
“Siguro” muling bumalik ang lungkot sa mukha ni Jeff.
“Hay. Okay lang yan anak” dugtong ni William sa usapan “Parte lang yan ng relasyon ang away-bati. Kami nga nung nanay mo noon, ganun din eh”
“Talaga po??”
“Oo anak. Bigyan mo lamang siya ng panahon para lumamig ang ulo. Intindihin mo lang siya”
“Okay po, tay. Salamat po sa payo ninyo”
“Hay. Sayang. Gusto ko na sana siyang makita at makilala”
“Don’t worry, tay. Makikilala mo din si Riley sa lalong madaling panahon” paniniguro niya sa tatay na gumanti naman ng pag-ngiti sa anak.
“Hmmm. Anak? Pwede bang humingi ng pabor?”
“Ano yon tay?”
“Pwede bang manatili pa kayo dito ng nanay mo ng mga ilang araw?” pagmamakaawa ni William sa anak “Gusto ko lang kasi na makasama kita anak eh. Okay lang ba?”
“Sige po… pwede din naman” ngiti ni Jeff sa ama.
“Salamat ulit anak” yakap muli ni William
“Salamat din tatay”
Araw na ng Sabado pero hindi pa din sumasagot si Riley sa text at tawag ni Jeff sa kanya. Nag-aalala na talaga siya kung ano na ang nangyari kay Riley bakit hindi siya nagpaparamdam.
Natagpuan ni Joyce ang anak na nakaupo lamang sa gilid ng kanyang kama na nakatulala at nakatitig sa pader.
“Anak…” kibo ni Joyce sa kanya. Tumingin naman si Jeff sa ina pero malungkot pa din ito “Bakit ang lungkot mo?? Ikaw lang yata ang nakilala kong tao na hindi masaya kahit tinanggap na siya ng tatay niya”
“Si Riley po kasi nay. Hindi pa din nagpaparamdam”
“Baka naman busy sa trabaho… o baka may sakit”
“Ewan ko po. Baka naman nagalit siya sa akin”
“Bakit naman siya magagalit sa’yo?”
“Hindi ko po alam eh”
Hindi talaga maalis ang lungkot sa mukha ng kanyang anak. Bigla niya itong hinila patayo at parang may naisip na magandang paraan para maalis ang lungkot ni Jeff.
“Tumayo ka at magbihis. Lalabas tayo”
“Saan nay?”
“Sa mall siyempre. Ipagsha-shopping kita”
“Shopping? May pera ka ba nay?”
“Oo naman. Binigyan ako ng tatay mo ng pera” sabay pakita ng isang bigkis na tig-iisang libong pera “P100,000 ito. Sabi niya kasi ipagsha-shopping daw kita ngayon dahil alam niya na nalulungkot ka daw”
“Ang daming pera nanay. Isauli mo yan. May pera naman ako dito. Hindi ko kailangan yan” pagtanggi ni Jeff sa pera “Baka makita naman yan ng bruhilda kong kapatid. Ano pa ang sasabihin niya”
“Yun nga ang sabi ko, pero nagpumilit ang tatay mo na kunin natin ’to. Kulang pa daw ’to sa mga marami niyang pagkukulang sa’yo”
Ngumiti na lang si Jeff at pumayag na umalis silang dalawa. Umalis sila ng bahay dakong alas-onse ng umaga. Umalis din sina Natalie at William patungo sa trabaho habang si Jean naman ay nandoon sa kanyang silid.
Marami ang kanilang pinamili sa mall katulad ng mga grocery items, mga damit, mga sapatos, gadgets at marami pang iba.
Nakauwi sila ng bahay ng mga bandang alas-siyete na ng gabi. Sa pagpasok nila ng bahay ay nakita nila na naka-upo sa sofa si Jean, nanonood ng palabas sa TV. Bigla siyang tumayo at lumakad patungo sa mag-ina.
“Well. Andito na pala ang LEGAL daw na pamilya at ume-epal kay Daddy” sambit ni Jean sa dalawa. “Saan ba kayong naggaling?”
“Nag mall lang po kami…may binili lang” sagot ni Joyce sa malditang bata
“Talaga? Ang dami ha” pagtitig niya sa mga bag na dala-dala nila “Binili niyo yan?”
“Oo naman” sagot ni Jeff
“Kaninong pera?? For sure wala kayong ganong kalaking pera na bilhin ang buong laman ng mall diba?” pagtataray ni Jean sa kanila “So, anong ginawa niyo diyan? Ninakaw n’yo?”
“What’s your point ba, Jean?”
“Wala. Nagtataka lang ako” patuloy pa din ang pagtataray niya kay Jeff “So, sabihin mo nga, saan nanggaling ang perang pinangbili ng mga luho ninyo? Kay Daddy?”
“Oo. Sa kanya galing ang pera na pambili ng mga gamit ko. May angal?” sabat ni Jeff
Tumalikod si Jeff sa kanyang kinakausap at dumerecho ang mag-ina sa silid. Pero hindi pa din tapos si Jean “Ang kakapal din ng mga ninyo! Ngayon lang kayo sumulpot sa bahay at sa buhay namin pero ninakaw niyo agad ang pera ni Daddy!!” pagwawala ni Jean.
Uminit ang tenga ni Jeff sa kanyang mga narinig at pinapasok niya kaagad ang kanyang nanay sa kanilang kwarto at hinarap si Jean. Ito na ang kanyang pinaka-hihintay na pagkakataon na patulan ang kapatid. “Ninakaw?? Kung tutuusin, ikaw ang nagnakaw sa tatay ko. Kayo ng nanay mo. So pwede ba Jean, don’t act as if ikaw ang biktima sa pangyayaring ’to”
“How dare you to insult my mother” sabat ni Jean “PERA namin ang ginamit ninyo at ni katiting na kayamanan ni Daddy, wala kayong karapatan na gamitin”
“Pera ninyo? Wow. at sino naman ang nagsabi?”
“Ako. Kami. Dahil kami ang totoong pamilya ni Daddy..” patuloy pa rin ang kanyang pagsigaw “mga SAMPID lang kayo!!”
Natawa lang si Jeff sa mga pahayag ni Jean. “Oo nga. Tama ka. Kayo nga ang pamilya niya ngayon na kinakasama at inuuwian. At dala din ninyo ang apelyedo ng Tatay pero ito ang tandaan mo, Jean. Kami pa din ang LEGAL na pamilya, ang legal na pamilyang DY, at ni katiting na pera ni Tatay, wala kayong karapatan na galawin o gamitin man lang” tinignan niya si Jean mula ulo hanggang paa “mula sa mga gadgets na ginagamit mo, sa mga damit na sinusuot ninyo, at hanggang sa bahay na ito. Lahat ng nakikita mo dito. AMIN lang. KAYO ang sampid sa pamamahay at sa pamilyang ito. ISAKSAK MO YAN SA UTAK MONG MAKITID!!” sigaw ni Jeff habang dinuduro niya sa ulo si Jean.
Bigla siyang sinampal ng malakas ni Jean at sa sobrang lakas nito ay napatumba si Jeff sa sahig. Tumayo siya agad at ngumiti lang na parang nag-iinis at pumasok na siya sa kanyang silid ng ina.
“Ano?! Matapang ka na dahil tinanggap ka ni Daddy kahit na bakla ka??! Tandaan mo yan, walang matatanggap sa’yo dahil walang lugar ang mga katulad mo dito!!” sigaw nito kay Jeff na nasa loob na ng kanyang kwarto at itinapon niya ang vase sa pintuan ng silid. Tila namumula na siya. May halong galit at takot ang kanyang pakiramdam. Gusto niya nang palayasin sa kanilang pamamahay ang mag-ina.
Bumukas muli ang pintuan at lumabas si Jeff na parang pinipigilan siya ng kanyang nanay na huwag na lang itong patulan pero sinuway niya ito at tuluyan nang lumabas. Papatulan niya na talaga si Jean.
“Anong sabi mo?” tanong ni Jeff na parang hindi niya narinig ang sinigaw ni Jean sa kanya “Paki-ulit nga?”
“Bingi ka lang ba o bobo ka lang talaga? Ang sabi ko…BAKLA KA kasi pumapatol ka sa babae” sigaw niya ulit kay Jeff.
“Bakla pala ha. Ito ang bakla” sabi nito at bigla niyang sinampal si Jean ng malakas. Bumakat ng husto ang kamay niya sa kanan na pisngi ng malditang kapatid “makinig kang mabuti, babae ka” habang pinipisa ni Jeff ng kanyang hinlalaki at hintuturo sa magkabilang pisngi ni Jean na mukhang takot na takot sa mga ginagawa sa kanya ni Jeff “may mga babae na nirerespeto ng mga lalake. Minamahal at pinapakasalan…at meron ding babae na dapat patulan dahil sa kademonyohan ng pag-uugali at sa katabilan ng dila…at ikaw yon!” sambit ni Jeff at patuloy pa din ang pampipisa niya sa pisngi sa kapatid “Matagal na akong nagtitimpi sa kamalditahan mo Jean pero punong-puno na ako sa iyo!”
Hindi makapag-salita si Jean sa nagawa sa kanya at umakyat na lang sa silid na habang umiiyak na parang bata. Samantala si Jeff naman ay pinaupo sa sofa at pinakalma ng kanyang nanay.
Itutuloy…
CHINITO: Chapter 14 (Pasakit)
Nakipagkita sa wakas si Riley kay Jeff kinabukasan sa mall. Pero sa kanilang pagkikita ay tila umiba na ang pakikitungo niya kay Jeff.
Masinsinan ang kanilang usapan habang nakaupo sa isang upuan sa foodcourt.
"Babe? What's wrong?" tanong ni Jeff sa kanya na naghahanap ng paliwanag bakit nag-iba na si Riley sa kanya. "May problema ba tayo?" pero walang imik ang isa at nakatitig lamang sa malayo "Babe, kausapin mo naman ako oh. Bakit?? Ano ba ang nagawa ko? Bakit ka nagkakaganyan??"
"Wala" sagot nito "Wala kang problema. Kundi ako. Ako ang may problema"
"Ano nga?? Sabihin mo" sabay abot ni Jeff ng kamay niya sa mesa "Pag-usapan natin 'to, babe"
"Para ano pa?? Para ipamukha mo sa akin kung gaano akong kawalang kakuwentang tao?? Huwag na..."
"Tungkol ba 'to sa singsing na binili ko??" panghuhula ni Jeff "Kung yan lang ang problema mo, edi sorry. Hindi na mauulit babe"
"Hindi mauulit?? Nabili mo na, Jeff. Sayang lang ng pera at paghihirap mo"
"Sorry na kasi babe. Hindi ko naman alam na magagalit ka eh"
"Hindi ka kasi nagtatanong. Yan ang problema mo" balik ni Riley sa kanya at kaagad siyang tumayo "Alam mo, itigil na natin 'to. Ayoko na"
"Babe... huwag naman oh. Mahal kita eh" hila ni Jeff sa kamay ni Riley pabalik sa upuan "Nakipagbreak ka na ba sa akin?"
"Masakit man pero oo. Gusto ko nang makipaghiwalay sa'yo. Sorry pero hanggang dito na lang tayo"
Tumayo si Riley pero pinigilan siyang muli ni Jeff “Riley…” sigaw nito. Lumingon naman siya kay Jeff na may kinuha sa kanyang bag. “Kung yan ang desisyon mo, hindi na kita pipilitin. Tatanggapin ko kahit na masakit. Pero tanggapin mo ang singsing na ’to bilang sagisag ng pagmamahal ko sa’yo. Kahit huwag mo nang isuot. Paalala lang yan na naging parte ako ng buhay mo”
Kinuha naman kaagad ni Riley ang pulang kahon na may lamang dalawang singsing. Tumalikod at tuluyan nang lumayo kay Jeff.
Napaiyak na lang si Jeff sa sakit dahil natapos na ang relasyon nilang dalawa na parang mababaw lamang ang rason.
Pagkadating niya sa bahay ay pumunta siya agad sa dining table para maghanap ng kakainin para sa kanyang hapunan. Tinignan niya ang orasan kung anong oras na. Alas-nwebe na pala ng gabi.
Walang senyales na tao sa sala o sa kainan ng bahay sa mga oras na iyon. Malamang siguro ay natutulog na silang lahat, maliban sa kanya na kararating lang.
Nakita niya ang ulam na may takip na pinggan. Menudo ang kanilang ulam kanina na niluto ng kanyang nanay. Umupo si Jeff at nagsimula nang sumubo pero hindi niya manguya ang pagkain sa kanyang bibig dahil naging tulala siya. Hindi niya na alam kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon dahil naalala niya na naman ang paghihiwalay nila ni Riley.
Maya-maya ay merong sumulpot na tao pababa ng hagdan. Si Jean pala at naka-ngiti ito na parang alam ang nangyari kay Riley at Jeff.
"What's wrong, Jeff?" sambit ni Jean "Nag-away naman ba kayo ng 'babe' mo? ...Ang bilis talaga ng karma noh? At dapat lang sa'yo yan kasi BAKLA KA at MAPAGMANTALA sa mga kayamanan namin."
"Hindi mo talaga ako tatantanan kahit ngayon lang noh?"
"Why oh why my brother? Wala ka ba ngayon sa mood para magbangayan ulit with your BELOVED and SWEET little sister?" patuloy pa rin ang pang-iinis niya kay Jeff.
"Wala. So please. Wag ngayon" sabat ni Jeff
"Ayoko" sigaw niya "matapos mo akong saktan kagabi at tinuring na parang basahan, ngayon ka pa aayaw?! Mabuti nga kung mainit ngayon ang ulo mo para marinig nila Daddy at ni Mommy ang pang-aapi mo sa akin!!" patuloy ang kanyang pag-sigaw at tila sinasadya niya ito para marinig ng mga magulang niya ang bangayan nilang dalawa "Ikaw ang nag-umpisa nito Jeff kaya tatapusin ko 'to!!"
Tila nairita at uminit muli ang tenga ni Jeff sa sigaw ni Jean pero pinipigilan niya ang kanyang sarili na patulan ang nagwawalang kapatid. Tumayo siya sa inuupuan at humarap kay Jean. “Boo!” biglang pagsigaw ni Jeff sa kanya. Tumakbo ng matulin si Jean na tila natakot at umakyat sa kanyang silid.
'Akalain mo nga naman. Sa simpleng pananakot lang, natakot kaagad ang bruha' sambit ni Jeff sa sarili 'Effective pala ang pananakot na 'to.'
Araw ng Lunes. Masinsinan ang usapan nina Jacqui at Jeff habang nananghalian sa may dining hall ng kanilang eskwelahan. Tungkol ito sa nangyari kahapon na hiwalayan nilang dalawa ni Riley.
"Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na kami, bes eh" sambit ni Jeff na walang lakas ang tono ng pananalita
"Baka hindi naman ganun ang ibig niyang sabihin. Baka may problema lang siya. Intindihin mo na lang"
"Paano ko siya intindihin?? Nakipaghiwalay na nga siya sa akin eh"
"Suyuin mo kaya. Gusto niya lang siguro ng lambing mula sa'yo. Nagpapalambing, ganun"
"E anong gagawin ko?"
"Diba alam mo kung saan ang bahay nila?"
"Oo. Bakit naman?"
"Dalhan mo siya ng pagkain o sweets. Sigurado ako na magiging okay kayo at magkakabalikan kayo." payo ni Jacqui na tila kinikilig "Ganyan ang ginawa niya kahapon sa akin eh. Binigyan niya ako chocolates dahil nag-away kami"
"Sino?? Ni Althea?"
"Oo kaya. May iba ba akong tinutukoy?"
"Wala naman..." dugtong ni Jeff na nagaalala "Paano kung hindi siya matutuwa? Baka tuluyan na kaming maghihiwalay"
"Napaka-nega mo talaga. Tumango ka nga. Ngayon din, puntahan na natin ang Riley mo"
Sa mga oras ding yon ay nakaupo naman si Riley sa may terrace ng kanilang bahay. Nakatingin sa mga dumadaan na tao sa labas ng kanilang gate.
"Break na kayo. So, anong plano mo ngayon?" sambit naman ng kanyang katabi
"Hindi ko alam. Pahinga muna ako siguro"
"Bakit? Nandito naman ako eh. Nagmamahal sa'yo" abot ni Fred ng kamay ni Riley.
"Salamat. Salamat sa lahat dahil nawawala pansamantala ang problema ko dahil andiyan ka" sagot naman ni Riley sa alok nito "Pero Fred, hindi pa ako handa eh. Mahal ko pa si Jeff. Ayaw ko naman na maging panakip-butas ka lang"
"Okay lang naman na maging panakip-butas lang ako. Basta mahalin mo lang ako, Riley"
"Hindi ko alam, Fred. Hindi pa ako handa" baling ng kanyang ulo sa kanyang kinakausap.
Umangat ang ulo ni Fred mula sa pagkasandal sa upuan at dahan-dahang linapit ang labi niya sa labi ni Riley. Kaagad naman ginantihan ni Riley ng maiinit na halik ng isa.
Tumayo si Fred at sinakyan ito at pinatuloy pa nila ang mainit na mga halik. Sa kalagitnaan ng kanilang ginagawang halikan ay may napansin si Riley sa labas ng gate. Inalis niya ang ulo ni Fred sa kanyang paningin at nakita niya na ang umiiyak na si Jeff, na nakatingin sa kanilang ginagawa.
Tumayo si Riley sa kanyang pagkaupo at gusto niyang habulin sana si Jeff pero hinarangan siya ng isa “Ako na ang kakausap sa kanya” boluntaryo ni Fred. Tumango naman siya bilang kumpirma sa alok ng isa.
Habang nagmamadaling lumakad papalayo si Jeff sa bahay ni Riley, may biglang tumawag sa kanya. Napahinto lamang ito para tignan at sa kanyang paglingon, si Fred pala ang taong tumatawag sa kanya.
"Buti na lang nahabol pa kita, Jeff" sambit ni Fred na parang hinahabol ang kanyang hinga.
"Bakit?"
"About sa nakita mo kanina..."
"... No. wala na kayong dapat ipagpaliwanag pa" pagputol ni Jeff sa sasabihin ni Fred sa kanya. Bigla niya muling naalala ang nakita niya kanina at bumuhos muli ang mga luha "Kaya pala nanlalamig na si Riley sa akin. Kaya pala..."
"Yes. Tama ka. He's falling in love with me again" pagkumpirma niya kay Jeff "Biglaan lang kasi eh. Nagsimula sa halikan tapos may nangyari sa amin. Tapos naging kami na. Napag-isip-isip namin na ituloy muli ang naudlot naming pagmamahalan noon"
Sa gitna ng matinding iyak niya ay nakuha pa ni Jeff na ngumiti “ Happy ako para sa inyong dalawa. Happy ako dahil nakita na ni Riley ang forever niya“
"Oo nga eh. Ako din eh. Nakita ko din ang forever ko sa pagkatao niya. Maswerte talaga kami sa isa't-isa"
"Sana maging kayo na nga habambuhay" sabay punas niya ng kanyang mga luha at inabot niya ang kanyang dalang pagkain, na kakainin sana nilang dalawa "Pakibigay na lang 'to sa kanya o pwede din na kainin niyo na lang"
"Salamat"
"Fred?? Please take good care of Riley ha. Kapag mainit ang ulo niya, tumahimik ka na lang at bigyan mo siya ng oras para lumamig" patuloy pa din ang kanyang pag-iyak "Kapag sa tingin mo okay na siya. Iyan na ang panahon na yakapin mo siya ng mahigpit. Gustong-gusto niya kasi yon. Ang mainit na yakap"
"Thank you, Jeff. Salamat talaga dahil naiintindihan mo na nagmamahalan kaming dalawa ni Riley" hawak niya sa kamay ni Jeff "Don't worry, susundin ko ang mga payo mo"
"Salamat. So pano, alis na ako"
"Sige. Mag-iingat ka. Baka maaksidente ka"
Sumakay si Jeff ng jeep habang tinatakpan niya ng panyo ang kanyang mukha dahil sa pag-iyak.
Bumalik naman si Fred sa bahay at pumasok dito. Nakita niya na nasa terrace pa din si Riley at parang wala sa kanyang sarili at nababalisa.
"Oh. Kamusta na?" tanong niya kay Fred "Anong sabi niya?"
"Wala. Pinamimigay niya pala" sabay abot ni Fred ang supot ng pagkain kay Riley.
"Anong wala naman?"
"Wala. Wala siyang sinabi dahil wala siyang pakialam sa'yo"
"Hindi totoo yan, Fred. Alam ko na nagsisinungaling ka lang"
"Hay naku... bahala ka nga"
Papasok na sana si Fred sa loob ng bahay ng biglang hinawakan ni Riley ng dalawang kamay niya ang damit nito at itinulak si Fred sa may frame ng pintuan. Nanlilisik ang mga mata ni Riley sa kanya na tila kakainin niya ito ng buhay “Magsabi ka ng totoo kundi papasabugin ko yang mukha mo…!!”
"Chill ka lang. Chill lang, okay? Wait lang" napahinga ng malalim si Fred sa takot at sasabihin niya na lang ang totoo kay Riley "Sabi ko sa kanya na tayo na dahil nagmamahalan tayo. Pero tinanggap naman niya yon at umalis na"
"Ano?! Sinabi mo yon??"
"Oo. Diba totoo naman na mahal natin ang isa't-isa?"
"Nahihibang ka na ba?? Hindi kita mahal. Mahal ko si Jeff. Siya ang mahal ko!!"
"Mahal mo?? Kapatid mo siya, Riley. Kahit anong gawin mo, kahit na patayin mo ako ngayon ng dahil sa pagmamahal mo sa kanya" pahiwatig ni Fred "Hindi pa rin mabubura na magkapatid kayo"
Natahimik na lamang si Riley at binitawan niya ang damit ni Fred. “Plinano mo’to?? Ang mga paglalandi mo sa akin. Ang muling pagbabalik mo sa buhay ko. Ang halik mo sa akin kanina dahil alam mo na andiyan si Jeff?? Ang samantalahin ang kahinaan ko…? Ha?! Sumagot ka!!”
"Oo!! Inaamin ko na sinamantala ko ang kahinaan mo dahil alam ko na wala na kayo ni Jeff. Pero hindi ko plinano na maging kapatid kayo. Siguro... destiny na ang gumagawa ng paraan para kayo magkatuluyan"
"Napakasama mo..." pangangalit ni Riley "Ang sama-sama mo. Lumayas ka. Ayaw na kitang makita pa..."
"Talagang aalis ako. Nagbago na ang isip ko sa'yo" habang palapit sa gate ng bahay. "Ang pinaka ayaw ko sa lahat ang mapanakit na tao. Tama lang din siguro na iniwan ka ng tuluyan ni Jeff dahil sa pag-uugali mo..!"
Itinapon ni Riley ang upuan sa kanyang tabi sa direksyon ni Fred pero hindi ito naabutan dahil umalis na kaagad siya at tuluyan na ding hindi magpapakita.
Samantala…
Bumalik si Jeff sa eskwelahan. Nakita ni Jacqui ang kaibigan na naglalakad patungo sa kanya na namamaga ang mata.
Tumayo si Jacqui sa bench at sinalubong ang kaibigan na mainit na yakap. “Sssshhh… Stop crying, bes”
"Gusto ko nang mamatay" iyak ni Jeff "Ayoko nang mabuhay. Gusto ko nang mawala ang sakit na 'to"
"Ano ba ang pinagsasabi mo diyan, bes. Ano ba ang nangyari kanina?"
"Kaya pala... Kaya pala nanlalamig na siya sa akin" iyak pa din ni Jeff.
"Ano nga?? Sabihin mo nga"
"May iba na siya, Jack. Si Fred ang mahal niya" patuloy pa din ang iyak niya habang nakayakap sa kaibigan "Kaya pala, iba ang nararamdaman ko kay Fred nung una pa lang kami nagkita"
Walang imik si Jacqui at hinimas na lang ng hinimas ang likuran ni Jeff para patahanin ito sa pag-iyak.
Ilang minuto din matapos nahimasmasan si Jeff sa kakaiyak. Umupo muli sila sa bench at kwinento niya lahat ang nangyari kanina kay Jacqui.
"Masakit, bes. Pero kailangan mong tanggapin na may iba na siyang mahal" payo niya sa kaibigan na parang naiinis din sa ginawa ni Riley "Mga lalake talaga... mapa straight o mapa beki. Sarap putulan eh"
"Mahirap tanggapin, Jack. Mahal ko siya eh"
"Mahal mo pero iba ang mahal niya. Hindi ikaw" balik ni Jacqui "Alam mo, maghanap ka ng taong magmamahal sa'yo at mamahalin mo din"
"Saan naman?"
"Hindi ko alam. Basta maghintay ka na lang, bes. I'm sure na may tao diyan na para sa'yo"
Itutuloy…
CHINITO: Chapter 15 (Si Joy)
Dakong alas-nwebe na nang gabi nakauwi si Jeff sa kanilang bahay. Nadatnan niya sa kanyang pagpasok ang kanyang tatay at si Natalie na nanonood ng pelikula sa living room. Napansin ni William ang pagpasok ng anak sa bahay at tinawag niya ito.
"Oh anak...kamusta ka? Bakit ginabi ka?"
"Okay lang po" sagot nito habang nagmamano sa kanilang dalawa "may ginawa lang po sa school"
"Ah ganon ba? Kumain ka na ba? Nagluluto pa si nanay mo doon sa kusina"
"Tapos na po. Sige tay, pasok na po ako sa kwarto namin" paalam niya kina William at Natalie
"Hindi ka ba manonood ng pelikula? Samahan mo kami ni Tita Natalie mo" alok ni William
"Hindi na po 'tay, salamat na lang. Pagod na kasi ako. Magpapahinga na ako"
"Sige anak..."
Pagkalipas ng ilang minuto ay pumasok si Joyce sa kanilang silid upang gisingin ang anak para maghapunan.
"Jeffrey...anak, gising na. Kakain na tayo" sabi ng nanay sa anak pero walang imik si Jeff kasi ayaw niyang ipakita ang nagmamagang mata sa nanay.
"Busog pa ako 'nay. Mamaya na lang ako kakain"
"Ano ba ang kinain mo kanina, nak?"
"Nakalimutan ko na po, basta kumain kami kanina ni Jacqui" napansin ni Joyce na may problema ang anak at tila iba ang tunog ng boses nito na parang umiiyak.
"May problema ba anak?" bumangon si Jeff mula sa pagkahiga at tumingin sa kanyang ina na nagmamaga ang mata. "Oh? Bakit magang-maga ang mata mo?"
"Hiwalay na po kami ni Riley nanay. Niloko niya ako. May iba na pala siyang mahal" muling bumagsak ang luha ni Jeff mula sa kanyang mga mata. "Kaya pala nanlalamig na siya sa akin. Ginamit niya pang dahilan ang singsing para mag-away kami. Pero may iba na pala ang gago. Niloloko niya lang ako"
Walang sinabi si Joyce at niyakap niya lamang ang anak na umiiyak “Ssshh… tahan na baby ko. Huwag ka nang umiyak Andito na si nanay” sambit niya sa anak “Alam ko na mahirap dahil na-experience ko na din yan noon. Na niloko at pinagpalit sa ibang babae. Pero ito lang ang mapapayo ko sa’yo, maging matatag ka lang anak. Makakaya mo din ’to”
Hindi pala nila alam na naiwang nakabukas ang kanilang pintuan. Nakatayo si William doon at narinig lahat ang usapan ng mag-ina
'Patawarin mo ako, Joyce. Hindi ko naman sinadya na saktan kita noon. Hayaan mo na makabawi ako sa anak mo. Nasaktan din siya dahil nagmahal siya sa kagaya kong tao' sabi niya sa kanyang sarili habang tinititigan silang dalawang nagyayakapan.
Kinabukasan sa Internet Shop
"Magne-net ba kayo?" tanong ng babae na nagbabantay doon sa kanilang tatlo.
"Yup" sagot ni Jeff
"Ilan?"
"Malamang tatlo. Meron ka bang nakikita na hindi namin nakikita na kasama namin ngayon?" sarkastikong sagot ni Jeff.
"Uy Jeff. Bad yan" saway ni Alvin sa kanya
"E 'to kasi eh" turo niya sa babae "alam niya na tatlo tayo, magtatanong pa kung ilan"
"Kahit na. tumahimik ka na nga" saway niya ulit kay Jeff "Sorry po manang ha. May pinagdadaanan lang kasi ang kaibigan namin eh" paliwanag niya sa babae
"Okay lang po yon. Sanay naman po ako kay Sir Jeffrey eh"
"Sir...? Bakit may Sir?" tanong naman ni Jacqui
"Opo. Siya po kasi ang may ari ng Internet Shop na 'to"
Nagulat at nagtinginan ang dalawang kaibigan ni Jeff nang marinig ang sinagot ng babae. Ngayon lang nila ito nalaman, na may-ari si Jeff ng Internet Shop na kung saan parati nilang pinupuntahan at tinatambayan.
Tumingin si Jacqui kay Jeff habang naka-ngiti ito sa kanilang dalawa “Ikaw ha…Bakit hindi mo ito sinabi sa amin? Tagal na taong magkaibigan ah” sumbat niya
"Oo nga Jeff. Inilihim mo 'to sa amin. Eh, araw-araw tayo dito magkasama at tumatambay" sabat naman ni Alvin.
"Ang OA ninyo pareho. Last year pa 'to nung nasa First Year College ako" paliwanag ni Jeff "binigyan kasi ako ni Kuya Jeremy at ni Ate Jenny at ni nanay ng pampuhunan para magsimula ako ng maliit na negosyo kahit bata pa ako. At ito ang naisip ko, Internet Shop"
"Hmmp. Kahit na. Hindi mo pa rin sinabi sa amin ang katotohanan" sambit ni Jacqui
"Eh wala naman dapat sabihin" pangagatwiran pa ni Jeff "Haaay. Big deal talaga 'to?"
"Ewan ko sa'yo. HMP"
"Hehe. Uyy. Nagtatampo na ang bata. Atleast nalaman na ninyo diba?"
"Oo nga Jack. Tama na yan" pagsang-ayon ni Alvin kay Jeff at tila kinakampihan niya na ito "hindi ka ba proud sa kaibigan natin na may negosyo siya?"
"Proud" sagot niya "e kasi naman e...nakakainis"
"Sorry na. Aawayin mo pa ba ako, bes??" pangongonsensyiya niya pa kay Jacqui "Alam mo naman na heart-broken ako ngayon eh"
"Ewan ko sa'yo... pinapatawad na kita pero sa isang kondisyon"
"May kondisyon pa??"
"Oo naman. Ayaw mo?"
"O sige na. Ano yon?"
"Libre ang pang-iinternet namin ni Alvin dito... I mean, forever"
"Ganon??? Teka, malulugi ang negosyo ko nito"
"So, ayaw mo??" pagtaas ng kilay ni Jacqui sa kanya "Alis na tayo, Vin. Hindi naman tayo welcome dito eh"
"Teka teka. Wala naman akong sinabi na hindi ah" pagpigil ni Jeff sa kanilang dalawa na umalis. Pero kita pa din sa mukha niya na nag-aalala sa negosyo "O sige na nga. Libre na ang pag-iinternet n'yo"
"Yey! Let's go na Vin. Net na tayo" nagmamadaling pumunta sina Jacqui at Alvin sa computer upang magsimula na mag-internet. Sumunod naman si Jeff sa kanilang dalawa na nagkakamot ng kanyang ulo.
Sa kanyang pag-upo sa tabi ni Jacqui, binuksan ni Jeff ang kanyang Facebook account, binuksan ang page ni Riley. Nakita niyang muli ang cute na mukha ng kanyang ex na mahal niya pa pero niloko siya nito dahil may iba na pala.
Muling tumulo ang luha ni Jeff mula sa kanyang mga mata. Nasasaktan pa din kasi siya sa ginawa ng kanyang mahal.
Hindi namalayan ni Jeff na nakatingin pala si Jacqui sa kanya, sa bawat punas niya ng kanyang luha na lumalabas sa mga mata. Naawa siya sa kaibigan pero pinabayaan niya lang muna ito na umiyak para mabawasan lang ng kaunti ang sakit.
Pagkalipas ng ilang saglit ay pinatay na ni Jeff ang computer na kanyang ginagamit at binaling na lang ang tingin sa katabing computer na ginagamit ni Jacqui.
“Oh. Bakit ka tumigil sa kaka-net?” tanong ni Jacqui.
“Masakit lang kasi…”
“Ang alin?”
“…ang mata ko sa pagkatitig ng napakatagal sa monitor.” palusot naman ni Jeff “hindi kasi ako sanay eh”
“Talaga lang ha??”
"Oo nga. Teka, anong oras na ba?" tanong niya habang tsinitsek ang kanyang telepono kung anong oras na "Shit. Late na ako, bes. Mauna na ako sa inyo ha" paalam niya sa dalawang kaibigan "Enjoy niyo muna yan"
Hindi nakalusot si Jacqui sa pagmamadali ng kaibigan habang paalos. Tinignan niya lamang ito habang palabas ng Internet Shop at papasok na sa klase.
Naalala niyang muli ang kaibigan na malungkot dahil sa heart-break niya sa ex na si Riley. Pero hindi niya alam kung papaano tutulungan ang kaibigan at bumaling ang kanyang tingin kay Alvin.
"Vin...?"
"Hmmmm?" sagot nito habang busy sa pag-iinternet
"Itigil mo nga muna yan. May pag-uusapan tayo"
Sinunod naman ito ni Alvin ang utos niya at tumingin siya sa kaibigan “Bakit Jack?”
"Nag-aalala lang kasi ako sa kaibigan natin eh. Parang wala sa sarili" panimula ni Jacqui sa kanilang usapan "Tulungan mo nga akong mag-isip kung ano ang gagawin natin kay Jeff. Wrong timing pa kasi eh, sa Sabado na ang Valentine's Day eh. Madagdagan pa lalo ang lungkot niya"
"Siyempre, broken-hearted. Ganun talaga yon" sabay laro ng mouse ng computer "Pabayaan mo na lang kaya"
"Huuy. Ano ka ba?? Naghihingi nga ako ng tulong kung ano ang gagawin natin para makalimutan lang naman niya pansamantala yung sakit"
"E ano?? Hindi ko alam. Kahit nga ako, hindi ko nga alam kung paano mag-move-on eh"
"Hugot teh???"
"Hindi naman" sabay ngiti ni Alvin
"Huuy. Tinatanong nga kita. Mag-isip ka nga." utos ni Jacqui kay Alvin "Alam mo, kung hindi lang kita kilala. Mapaisip ako na hindi mo siyang totoong kaibigan"
"Bakit naman?"
"E ang saya-saya mo ngayon eh. Parang wala kang pakialam sa kanya. Hmmmmm??"
"O bakit ka ganyang makatingin?"
"Siguro naisip mo na may pag-asa ka na ngayon kay Jeff noh?? Ikaw ha"
"Ganun?? Ang dumi ng isip mo. Sige na, mag-isip na tayo"
February 14, 2009 (Araw ng mga Puso). Sabado iyon ng gabi, dinala nina Jacqui at Alvin ang kanilang kaibigan sa isang club upang sa kanilang plano.
Napansin ni Jeff sa kanilang pagpasok ng club, ay may mga litrato ng mga seksing babae na naka-bikini lamang ang suot.
“Jack…!” tawag ni Jeff sa kaibigan na naunang pumasok ng bar.
“Yes bes?”
“Bakit dito tayo pumunta? May mga babaeng sumasayaw na naka-hubad oh” turo niya mula sa labas ang babae na nagsasayaw sa stage “sana sa gay bar ninyo na lang ako dinala, mas gusto ko pa doon kesa sa dito.”
“Para maiba naman, friend” sagot ni Jacqui “C.O.E. kumbaga”
“COE?…ano yon??”
“Change Of Environment”
“Ang arte naman. Pa uso ka talaga” sambit sa kanya ni Jeff “ May pa ‘Change Of Environment’ ka pa diyan…ayoko nga eh“
“You said diba, na naka-experience ka na sa girl? At isa pa, Valentine’s day ngayon.”
“Oo. Nung high-school pa ako pero ayaw ko na nga” diin niya kay Jacqui. “E ano naman ngayon kung Valentine’s Day? Walang Valentines Day sa mga sawi noh”
“Ang bitter mo bes ha… Mag-enjoy ka lang kaya. Ang saya-saya nila oh”
“Anong masaya sa nakahubad na babae?? Palibhasa lesbiyana ka eh. Ikaw lang ang nag-eenjoy”
“Ay grabe siya… ang KJ mo na. Para sa ekonomiya bes. Mag-enjoy ka lang”
Umupo silang tatlo sa bandang kanan ng stage na kung saan may nagpo-pole dance na seksing babae. Umorder sila ng pagkain at inumin.
Hindi masyado umiinom si Jeff ng alak pero pinipilit siya ng dalawa, lalong-lalo na si Alvin.
“Sige na Jeff. Uminom ka na” pilit ni Alvin sa kanya habang nilalagyan niya ng alak ang baso ng kaibigan. “Kahit konti lang”
“Okay. Sabi mo eh” sabi ni Jeff at inubos niya agad ang laman ng baso.
“Woooaahh!!…Dahan-dahan lang, bes” gulat na reaksyon ni Jacqui dahil sa pag-ubos agad ni Jeff ang basong may alak.
Humingi pa si Jeff ng isa pang baso. Hindi nila namalayan na lasing na pala si Jeff at nagsimula na namang magdrama.
“Bakit ganito? Bakit niya ginawa sa akin ’to?” iyak ni Jeff habang umiinom. Muling bumalik ang pagdadrama dahil lasing na ito “Ano ba ang nagawa ko sa kanya?”
“Simple lang friend” sagot ni Jacqui “Nagsawa na siya sa’yo at hindi ka na niya mahal”
“Araaayyy!! Ang sakit naman…” sabat niya
“Yup. That’s the main reason why he left you, Jeff “ sabi ni Jacqui na tila seryoso ang mukha “He’s not worth it at madami pa diyan na lalake na mas worthy at deserving sa pagmamahal mo”
“But I still LOVE him!!” sigaw ni Jeff. Napatingin ang mga katabing tao sa kanilang direksyon na malapit sa kanilang inuupuan.
Tumingin si Jacqui sa mga taong nakatingin at ngumiti lamang at bumalik siya uli sa naputol na usapan “Oo. Mahal mo siya. Pero ang tanong…mahal ka pa rin ba niya?”
“I really don’t know” iyak ni Jeff
“NO! alam mo ang sagot pero dinedeny mo pa din ang katotohanan” pahayag sa kanya ni Jacqui na tila pinapagalitan ang kausap “…ang katotohanan na hindi ka na niya mahal. At kung mahal ka niya, bakit ginawa niya sa’yo yon in the first place? Bakit naghanap siya ng bago? It’s simple. Nagsawa na siya sa’yo… at tanggapin mo yan” hindi makapagsalita si Jeff at patuloy pa din ang pag-iyak. Hinawakan ni Jacqui ang kamay niya “Please…mag move-on ka na. Andito lang kami ni Alvin na tulungan ka. And stop crying, baka nasisiyahan na siya dahil alam niya na mahina ka kasi iniwan ka niya. Please friend. Stop it.” Tumango lang si Jeff bilang kumpirmasyon sa narinig mula kay Jacqui “Be strong. Let’s enjoy this night. Okay?”
“Okay Jack” tanging sagot ni Jeff.
Tuluyan nang nalasing si Jeff dahil sa dalawang bote ng alak. Hindi niyang magawang makatayo nang dahil dito at nagdesisyon na lamang sina Jacqui at Alvin na umuwi na at pinasakay na lang nila si Jeff sa taxi.
Pagkalipas ng ilang oras ay nagising si Jeff dahil may humahalik sa kanyang dibdib. Nasarapan siya sa ginagawa sa kanya at alam niya na si Riley lang ang makagawa ng ganyang sensasyon sa kanyang katawan. Napakagat siya ng labi at umulong ng malakas.
“Oooohh…yeah babe. Sige pa. ang sarap” sambit nito pero walang imik ang tao na gumagawa sa kanya. Nilalaro niya gamit ng kanyang dila ang nipples ni Jeff at napaliyad ito dahil sa sobrang sarap. “aahh..shhiit. Saraap yan babe. Lick it hard…” patuloy pa din ang pagdila at pagsipsip na pinaniniwalaan niya na si Riley. At siguradong-sigurado siya na si Riley talaga ito. Bakit nasasarapan pa din siya sa ginagawa ni Riley kahit niloko siya nito?
Unti-unting binubuksan niya ang pantalon ni Jeff. Hinugot at hinimas ang ari niya. Napanganga lamang si Jeff sa dinadamang sarap.
“Shit. Laki talaga ng batuta mo sir…” landing sabi ng babae. Nagulat si Jeff at dinalat niya ang kanyang mga mata sa kanyang narinig. Hindi pala si Riley ang gumagawa sa kanya kundi ang isa sa mga dancer na babae sa club na pinasukan nila kagabi.
“Oh SHIT!!” tumayo kaagad si Jeff habang tinatakpan ang kanyang dibdib gamit ang kanang braso “What are you doing at sino ka?”
“Ahhmm. Ako pala si Joy, ang magpapaLIGAYA ng gabi mo…” sagot ng hubad na babae.
Itutuloy…
CHINITO: Chapter 16 (Masamang Plano)
Tumayo ang mga balahibo ni Jeff nang makita niya ang babae, na akala niya si Riley ang kasama sa kama.
"What's wrong, sir?? Ayaw mo ba sa akin?"
"Sorry. Pero hindi kita type" habang hinahanap niya ang kanyang damit
“Okay lang yan sir” landing pagkakasabi ng babae “gagawin ko ang lahat para maging type mo ako. Hindi na ako siguro mahihirapan kasi nasarapan ka na sa ginawa ko eh. Napa-ungol ka pa nga ng malakas” napakunot ng kanyang noo si Jeff habang nilalaro ng babae ang kanyang dibdib na tila inaakit siya nito.
“Wag kang assuming girl. Akala ko lang kasi na ikaw ang tao na dapat gumawa sa akin yon” tanggol ni Jeff sa sarili. “Pwede ba? Huwag mo akong tignan ng ganyan?? Inaakit mo ako eh. Nandidiri ako”
“Yan nga gusto ko eh. Na maakit kita”
“Ganon? Teka, paano tayo nakapasok dito? At anong oras na ba?”
“Alas-Tres na nang madaling-araw” sagot ni Joy “at sa tanong mo kung paano tayo nakapunta; Pinasakay tayo ng dalawa mong kaibigan at ang sabi nila sa akin ay paliligayahin kita” lalong lumalapit ang babae sa kanya “ang gwapo mo talaga. Kahit walang bayad. Patikim ng saging mo” sambit ni Joy habang sinusubo ang dalawang daliri niya.
“Saging pa ka’mo?” ulit ni Jeff “doon ka sa tindahan bumili…madaming saging dun”
Tumawa lang ang babae habang lumalapit kay Jeff. Bigla niya hinuli at hinimas ang nasa baba “Ito ang saging na gusto ko…”
“Oooowwww….” sabi niya na parang nanginginig ang boses na tila sinabuyan ng malamig na tubig ang boung katawan.
“Bakit? Masarap ba tuwing hinihimas ko ’to?” landing tanong ni Joy habang binibilisan niya pa sa paghimas.
“Hindi!” tinanggal ni Jeff ang kamay ng babae sa kanyang ari at itinulak ito na ang sanhi ay napatumba ang babae. Pumasok si Jeff sa banyo ng kwarto dala ang kanyang gamit na nakapatong sa maliit na mesa at doon na siya nagbihis.
Sa kanyang pagkalabas ng banyo, nakatambad sa kanyang harap ang nakahigang babae na nakabukaka. Bumangon ito at pumunta sa kanya.
“Sige…lumapit ka…” habang winawasiwas ni Jeff ang kanyang kaliwang kamay upang hindi makalapit sa kanya si Joy. “Sige…para malaman mo ang tunay na sarap.” Patuloy pa din ito sa kanyang ginagawa habang lumalapit sa kanya ang babae na tila hindi natatakot sa pagbabanta ni Jeff.
“Alam mo, gusto ko yan…” sambit ni Joy “…ang pinahihirapan muna ako bago ko makuha ang gusto ko…Gusto kita…” at napakagat siya ng kanyang labi.
“Ganon? Sorry pero hindi kita type…” sagot ni Jeff at binuksan niya ang pintuan at lumabas agad ng silid.
Sa kanyang pagkalabas ng kwarto ay nalaman niya na nasa pension house pala siya dinala ng babae. Lumakad siya palabas ng building at nakita niya na madilim pa pala ang kalangitan. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinignan kung ano oras na.
4:30 pa lang ng madaling araw. Nagdesisyon na lang si Jeff na pumasok muli sa pension house at nag check-in kahit ilang oras lang, para magpalipas na lang doon ng gabi.
Naka-idlip siya ng tatlong oras mahigit na parang sarap na sarap sa kanyang pagtulog. Nagising lang si Jeff ng dahil sa tumunog na telepono niya. Tinignan niya ito kung sino ang tumatawag, at ito pala ang kanyang nanay.
Jeff: Hello po ’nay…Good morning po.
Joyce: Good morning din anak. Kamusta ang lakad ninyo kagabi? Nag-enjoy ka ba?
Jeff: Okay lang naman po. Pauwi na po ako ngayon
Joyce: Oh sige… Mag-iingat ka ha…
Jeff: Okay po ’nay
Pinatay kaagad ni Jeff ang telepono at naligo na ito sa banyo. Pagkatapos nito ay nagbihis na siya kaagad at umuwi sa bahay ng kanyang tatay.
Naabutan ni Jeff si Jacqui na nakaupo na sa kanilang pwesto sa silid-aralan habang naghihintay ng kanilang Professor sa Marketing12 na subject nung araw ng Lunes.
Linapitan niya si Jacqui at kinurot sa magkabilang pisngi. “Aawwww!!”
"Sama talaga ng ugali ninyo ni Alvin. Akala ko pa naman kaibigan ko kayo"
"Wag ka nang magalit sa amin, bes. Para din sa'yo yan eh"
"Anong para sa akin? E muntik na ako ma-rape ng babae na yon..."
"Atleast babae diba? Hehe" dugtong ng kaibigan "so, kamusta nga pala? May nangyari ba?"
"Wala nga...umalis kaagad ako nung pagkagising ko. And please, tama na. napaka-sagwang isipin eh..."
"Haha. Ganon?"
"Oo. Ang sama n'yo talaga. Muntik pa ako mapahamak"
"Sorry na nga, bes" habang nilalaro ni Jacqui ng kanyang daliri ang tenga ni Jeff
"Ano ba yan? Nakikiliti ako eh."
"Sorry na nga bes"
"Oo na. Pinapatawad na kita, basta tigilan mo lang yan"
"Mwah! Thank you. hehe" at hinalikan niya si Jeff sa pisngi. "Oh?! Akala ko ba, hindi ka na galit sa akin? Bakit nakakunot pa din ang noo mo?"
"Wala 'to. Mawawala din 'to ang inis ko"
"Sus. Nagtatampo pa eh. Sorry na nga. Atleast masaya ka na diba?"
"Masaya?? Oo. Masayang-masaya talaga ako sa babaeng yon" sambit ni Jeff na naiinis pa din
Nang pagkauwi ni Jeff sa bahay ng kanyang tatay galing sa paaralan ay nagulat siya sa kanyang nakita.
Napatunganga lang siya sa nasaksihan na pagpalo ng kanyang tatay sa maldita niyang kapatid sa ama. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya, kung matutuwa siya o maaawa sa pagpalo sa kapatid. Ngayon niya lang kasi nakita na nagagalit ng husto ang tatay. Nanlilisik ang mga mata at namumula ang mukha sa ginawa ni Jean.
Ano na naman kaya ang ginawa ng malditang kapatid at ganito lang ang galit ng tatay?
"Bakit mo iyon ginawa ha?! Ganyan ka ba namin pinalaki ng Mommy mo?!" sigaw ni William at patuloy pa din ang kanyang pagpalo sa bandang tagiliran ni Jean "You're a dissapointment to this family!!"
"Bakit?!! Ano ba ang pinamamalaki ng pamilyang 'to ha?!" sigaw ni Jean habang umiiyak ito "...ang maraming asawa at anak? Mas mabuti pa ang ginawa kong ito kesa sa ginawa mong IMORAL!!"
Sinampal ni William ng napakalakas ang kanyang anak na babae. Nagalit na ito ng husto dahil sa narinig niyang pambabastos ng anak sa kanya.
"Tay! Tama na po!!" utos ni Jeff sa tatay. Napahinto si William at napatingin siya kay Jeff. Lumayo si William sa natumbang anak at nagmamadaling lumabas ng bahay para magpahangin.
Naawa si Jeff sa kanyang kapatid at nilapitan niya kaagad si Jean na nakaupo pa din sa sahig na hawak-hawak ang nasampal niyang pisngi. Nag-alok si Jeff na tulungan siyang tumayo pero hindi ito pinansin ni Jean at siya na mismo tumayong mag-isa.
"Don't touch me!!" sigaw niya sa kapatid "This is all your fault!!... Oh ano?! Masaya ka na?"
"Ha? Bakit ako? E kakarating ko lang kaya..." pangangatwiran ni Jeff.
Ngumiti si Jean na tila naiinis. “Pwede ba? Hindi bagay sa’yo ang umarte. Magsabi ka na lang ng totoo na ginawa mo yon para makaganti ka sa akin…”
"Hindi ko talaga alam ang mga pinagsasabi mo. Sorry"
"Sinunggaling...!"
"Hindi ko nga alam. Ano nga yon?"
"Isinumbong mo'ko kay Daddy na pinauwi ko si Manang Beth at inaapi ko kayo ng nanay mo"
"Ha? Okay ka lang? Hindi ako ganong tao, dear. At hindi ko ugali ang magsumbong sa mga kagagahan na ginawa mo sa amin" tanggol ni Jeff sa kanyang sarili "at kung sino man ang nagsumbong sa Daddy mo. He deserves to know it"
"Talaga? So paano nalaman ni Daddy? Sino nagsumbong?...Ang hangin?"
"Aba ewan ko! And please, huwang mo akong idamay sa kasalanan na ikaw mismo ang gumawa"
"Yeah right. Ikaw lang naman at ang nanay mo ang rason kung bakit ko ginawa yon" sumbat ni Jean kay Jeff "O baka naman ang nanay mo talaga ang nagsumbong kay Daddy? Ano 'to? PUMAPAPEL LANG?"
"Bahala ka nga sa buhay mo. Isipin mo ang gusto mong isipin" iniwan niya si Jean sa sala at pumasok sa kanilang kwarto ng nanay.
Nadatnan ni Jeff ang kanyang Nanay Joyce na nakaupo sa kama at nagtutupi ng kanilang damit.
"Good Evening 'nay" bati ni Jeff sa nanay habang nagmamano ito.
"Magandang gabi din, anak" sagot nito "Nakakunot na naman ang noo mo...may problema naman ba?"
"E si Jean po kasi nay. Sinisisi niya ako, na ako daw ang nagsumbong kay tatay na pinauwi niya si Manang Beth"
"Ba't ka ba niya sinisisi?"
"Ewan ko nga po. Nadatnan ko lang sila ni tatay sa sala na pinapagalitan at pinapalo siya nito. Hindi mo ba narinig kanina 'nay?"
"Oo. Narinig ko lahat. At alam ko kung paano nalaman ng tatay mo..." pahayag ni Joyce
"Paano nay? Isinumbong mo?"
"Ha? Hindi. Si Beth mismo ang nagsumbong kanina"
"So, andito pala siya kanina?" muling tanong ng anak na may halong pagtataka.
"Oo. Bumalik siya kanina pero pinalayas din kaagad ni William kasi sinunod niya si Jean"
"Alam ba din 'to ni Jean?"
"Oo naman..."
"E bakit ako ang sinisisi niya?"
"Ewan ko anak. Alam mo naman ang ugali ng kapatid mo diba?" paalala ni Joyce sa anak. "Huwag mo na siyang pansinin, 'nak. Ikaw ang mas nakakatanda. Ikaw ang umitindi sa kanya. Okay?"
"Okay po nay"
"Sige na. Magbihis ka na para makakain na tayo ng hapunan"
Oras na ng hapunan, lumabas ng kwarto si Jeff habang nag-aayos ng lamesa ang kanyang nanay.
"Anak, pakitawag naman sina Tita Natalie mo at si Jean na kakain na"
"Opo nay. Teka po, Saan po ba si tatay?"
"Umalis siya Jeff. Dala ang kanyang sasakyan..."
"Saan siya pumunta?"
"Ewan ko pero ang sabi niya kanina sa akin na magpapalamig lang siya daw ng kanyang ulo"
Nagtungo kaagad si Jeff sa second floor ng bahay upang ipaalam kay Natalie at Jean na kakain na. Unang pinuntahan niya si Natalie sa kwarto ng kanyang tatay at bumalik agad sa baba. At hindi niya tinawag si Jean.
Sa kanyang tangkang pababa ng hagdanan ay may narinig siyang boses mula sa silid ni Jean na tila may kinakausap sa telepono. Bumalik siya at inilapat niya ang kaliwang tenga sa pintuan ng silid para marinig niya ng maayos ang pag-uusap ni Jean at nasa kabilang linya.
"Ama? Kelan ba kayo babalik dito sa Pilipinas kasama ni Angkong?" iyak niya sa kausap sa telepono. "...wala na kasi akong kakampi dito. Kasi mas kinakampihan pa nila ang anak niyang BAKLA kesa sa akin. Hindi na nila ako mahal, Ama. Kayo na lang ni Angkong ang tanging nagmamahal sa akin...please...umuwi na kayo dito..."
Patuloy pa din ang pag-iyak ni Jean sa kanyang kinakausap. Napa-isip si Jeff kung sino na naman ba ang hinihingian niya ng tulong at kakampi. Pumasok sa kanyang isipan ang Lola at Lolo niya pala, na Mama at Papa ng kanyang tatay na nakatira sa China.
Biglang lumiwanag ang kanyang mukha na tila may narinig siyang magandang balita “Yey!! Thank you, Ama. Thank You, Thank You talaga. See you nextweek…” at binaba agad ni Jean ang telepono at nagmamadaling lumabas ng silid.
Bago pa lumayo si Jeff sa pintuan ay bumukas ito mula sa loob. Nakita ni Jean si Jeff na nasa harapan ng pintuan na tila nakikinig sa usapan ng kanyang lola sa telepono.
"What are you doing here? Nakikinig ka ba sa usapan namin? Napaka-chismoso mo din pala noh? Usapan ng may usapan, pinakikinggan mo? Kung sa bagay. Hindi naman ako nabigla dahil alam ko ganyan ka sa inyo. Diba? Galing kayo sa swater?? Mga Chismoso at mga sumbongero" insulto ni Jean sa kanya. Pero walang sagot si Jeff at tinititigan niya lamang ito "Oh?? Ang tahimik mo ata?? Haaay naku, Jeff. May I remind you pala na babalik na dito sa Pilipinas ang Lola at Lolo ko" wika ni Jean habang palapit sa kanya "You're going to lose, my dear half-brother. At sisiguraduhin ko na talaga na mawala na kayo ng tuluyan kasama ng mukhang pera mong pamilya"
Biglang tumawa ng malakas si Jeff sa mga pagbabanta sa kanya ng kapatid. “BLAH. BLAH. BLAH… Sa totoo lang, Jean? Nababagot na ako. Paki-text mo lang ako kapag ready ka na talaga. Okay?” sabay alis niya at bumaba papunta sa lamesa para kumain. Sakto din na lumabas si Natalie sa kanilang silid ng kanyang asawa at binati si Jean na nakatayo sa labas ng kanyang silid.
"O Jean? What's wrong?" tanong niya sa anak
"Nothing Mom."
"Ahh. Okay. Bumaba na tayo at kakain na"
"By the way, Mom. Tumawag sina Ama sa akin na magbabakasyon daw sila dito. Mga nextweek daw"
"Talaga? Bakit agad-agad? Wala namang special event ha"
"Meron Mom." sabay ngiti ni Jean na parang demonyo "There will be a very special event. And for sure, everyone will be happy including me"
"Wow. Ano yan, Jean? Sounds exciting"
"Malalam mo din yan Mom kapag andito na sila"
Itutuloy…
CHINITO: Chapter 17 (Ang Pagmamalupit)
Nagtungo si Jeff sa kanyang Internet Shop kinabukasan upang doon magpalipas ng oras habang hinihintay ang susunod niyang klase. Maraming estudyante ang pumapasok at naglalaro ng computer games at nag-iinternet dito dahil malapit lang ito sa paaralan. Sa paaralan na kung saan din si Jeff nag-aaral.
Naisipan kasi ng kanyang nanay at ng dawalang kapatid na sina Jeremy at Jenny na bigyan ito ng puhunan para makapagtayo ng sariling negosyo, para maging independent sa paghahanap ng pera kahit bata pa. Dahil dito, hindi na siya humihingi ng pera sa nanay at sa mga kuya at ate niya para sa allowance o sa pambayad ng tuition.
Sampu ang bilang ng mga tauhan ni Jeff na nagtratrabaho sa Intenet Shop niya; Tatlong babae na naghalinhinan sa pagbabantay ng counter ng shop, at Pitong lalake na halos sa kanila ay I.T. expert. Naghalinhinan din sila sa pagdu-duty.
Pero merong isang lalake na may nakatagong pagtingin sa kanyang amo na si Jeff. Simula pa noong unang araw niya sa trabaho ay nahulog na kaagad ang loob niya kay Jeff at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagbabago.
Siya si Carlo. Dalawamput-apat na taong gulang, maputi ang balat, 5’6“ ang tangkad, medium built at may kagwapuhan naman ang pagmumukha.
"Sigurado ka ba na single na si Sir Jeffrey?" tanong ni Carlo sa kasama niyang babae sa counter. Siya si Ella.
"Oo nga." tila siguradong-sigurado ito sa kanyang nalaman "kasi...sabi ng kaibigan na lalake ni Sir na habang andito sila kahapon, may pinagdadaanan daw si Sir Jeffrey"
"Ganon lang? Nag-assume ka na agad na break na sila?" pangdududa ni Carlo "E pano naman kapag iba ang rason ni Sir?"
"Oo naman...Basta! Alam ko..."
"Masama mag-assume ha. Baka sila pa at marami ang ibig sabihin ng 'may pinagdadaanan'." at sakto din ang pagpasok ni Jeff sa Shop na posturang-postura sa kanyang puting uniporme. Hindi maalis ang pagkatitig ni Carlo sa kanyang boss at parang nadagdagan ang paghanga nito sa kanya.
"Yes??" sambit ni Jeff sa nakatulala na tauhan.
"Ah... Wala p-po, S-sir" utal na sagot ni Carlo.
"Okay" sagot naman ni Jeff at bumaling siya patungo sa direksyon ni Ella "Ella? How's our sales this morning?"
"Ahhmmm. Wait lang po, sir" sabi ni Ella habang tsine-tsek sa kompyuter kung ilan ang nakapasok na pera "...as of this morn–"
"–nevermind. I'll check it later"
"Sir, okay ka lang?"
"Yes, I am. Meron lang family problem but I'll be fine, eventually"
"E love problem? Hehe" pambibiro sa kanya ni Ella.
"Well...It's complicated"
"Wow ha!! Pa 'it's complicated' pa si Sir Jeffrey oh! Hehe" ngumiti lang si Jeff sa biro ni Ella. Huminga ng malalim at nagsabi na...
"Ella?..."
"Bakit po, Sir?"
"Alam mo ba ang ibig sabihin ng ... 'Be professional'?"
Natigilan si Ella sa kanyang pag-ngiti at napalitan ito ng hiya. Kitang-kita ito sa kanyang mukha at yumuko na lamang siya.
"Yes Sir. Sorry po..."
"Are you...?" pang-insultong tanong ni Jeff sa nangbastos na tauhan "How many times I told you na andito tayo sa loob ng business establishment ko. I'm the boss and you are my employees, so we must know our limitations. Okay?"
"Alam ko po, Sir. Sorry po ulit..."
"It's okay. Kaibigan kita kaya sinsabihan kita kung ano ang tama sa mali. Sana ito na ang huli na mapapagalitan kita nang dahil dito." umalis si Jeff sa counter at dumerecho kaagad sa bakanteng kompyuter at para doon mag-internet.
Samantala sa counter. Nagbubulungan sina Ella at Carlo tungkol sa kanilang boss na parang mainit ang ulo.
"O diba? Tama ako. Mainit ang ulo ni sir dahil wala na sila ng kanyang nobyo"
"Ewan ko sa'yo. Gumagawa ka lang ng kwento eh" tanggol ni Carlo sa amo.
"Bahala ka nga kung ayaw mo maniwala. Basta sure ako na tama ang duda ko"
Sinundan niya muli ng tingin ang kanyang amo habang papunta sa kompyuter “…at kung totoo naman ang lahat ng mga pinagsasabi mo, kawawa naman siya. Siguro kung magiging kami, hinding-hindi ko siya sasaktan. Pangako yan, Sir.”
"Hay naku Carlo" bunting-hininga ni Ella "...napaka-taas talaga ng pangarap mo noh? Pinapaalala ko lang PO sa inyo na boss natin yan. Pwede ba? Sa iba mo na lang ibaling ang pagtingin mo"
"Hindi ba pwede mangarap kahit konti lang?"
"Hindi syempre kasi ang layo ninyo sa isa't-isa. Langit siya samantala naman ay lupa ka"
"Grabe ka naman..."
"O sige na. Bumalik ka na sa pwesto mo" suway ni Ella sa kanya " baka makita ka pa niya, baka ikaw ang mabulyawan ng galit niya"
Pagkatapos ni Jeff gumamit ng kompyuter ay nagmamadali niyang pinatay ito at lumabas ng Internet Shop ng walang pasabi. Late na kasi siya sa klase na kung saan ang kanyang guro ay ang sarili niyang kuya na si Joshua.
Nagmamadali siya sa paglakad papasok sa paaralan na parang tumatakbo na ito. Hingal na hingal siya sa pagpasok ng silid-aralan at napatingin sa kanya ang mga kaklase, lalung-lalo na ang kanyang dalawang kabigan.
Ngumiti lamang si Jeff at binati ang guro “Good Morning, Sir” pero hindi siya pinansin ng kuya at patuloy ang kanyang pagtuturo.
Lumakad patungo si Jeff sa kanyang upuan at may biglang humarang na paa sa daan at muntikan na lang siya madapa. Mabuti na lang ay nakahawak siya sa upuan sa kanyang gilid. Tumayo, inayos ang sarili at lumingon siya sa likuran kung kay sino ang may nagmamag-ari ng paang nakaharang.
Isang babae ang nakita ni Jeff na nakangisi sa kanya na tila natutuwa sa muntikang pagdapa niya. Siya si Cloe. Maitim, maliit at bilog na bilog ang mata na parang lalabas na ito. Isang babae na bwisti na bwisit sa kanya dahil parati itong inuungusan sa mga exams. Pinaniniwalaan niya na luto parati ang resulta ng mga exams dahil kapatid niya ang kanilang guro.
Umupo si Jeff na hindi pa rin umaalis ang pagkatitig niya kay Cloe na nakataas na ang isang kilay sa kanya.
"Friend, ba't ngayon ka lang?" tanong ng isang kaklaseng babae na si Karen.
"May ginawa lang kasi ako sa Internet Shop" sagot nito at humarap habang at nakikinig na sa lecture ng guro.
"Talaga? Ano ba yon?"
"Nag-Facebook"
"Ha? Na-late ka nang dahil sa kaka-Facebook mo?" ulit ni Karen at tumango lang si Jeff bilang sagot "Ikaw ha. Hindi ka naman ganyan noon. Tigilan mo na ang bisyo mo, friend"
"Anong bisyo ang pinagsasabi mo diyan? Ang O.A. mo ha" tanggol ni Jeff sa sarili "Inaaliw ko lang naman ang sarili ko."
"Pero na-late ka pa rin eh"
"Hindi na ako ma-lelate ulit. Ngayon lang naman eh"
"Oo. What if kung maadik ka diyan?? Masasacrifice pa ang grades mo"
Nagpabuntong-hininga si Jeff sabay ng pagtirik ng mata “Sorry na pooo”
Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na din ang kanilang klase. Lumabas kaagad ang mga estudyante maliban sa kanilang tatlo. Hindi muna pinalabas ni Joshua ang kapatid dahil gusto niya daw kausapin at kamustahin ito.
Nagtungo si Jeff sa Teacher’s Table habang doon nagliligpit ng gamit ang kanyang kuya.
"Hello kuya" panimulang bati ni Jeff
"O Jeff. Kamusta ka na?"
"Okay lang naman po ako, kuya"
"Good to know that... nga pala, kamusta kayo doon ni nanay sa bahay nina tatay?"
"Okay lang naman po, kuya. Masaya naman kahit papano"
"Ganon ba? Sige. Salamat. Makakaalis na kayo"
"Sige po, kuya" at tumalikod si Jeff sa kuya at nagsimula nang lumakad patungo sa kanyang kaibigan na biglang...
"Ahh. Jeff??" tawag ulit ni Joshua sa kapatid na tila may nakalimutang ito na sasabihin.
"Yes po?"
"Congratulations"
"Saan po kuya?"
"Wala naman. Proud lang ako sa na-achieve mo, hindi lang sa academics but sa pamamalakad ng negosyo na binigay sa'yo"
Napa-ngiti lang si Jeff sa kanyang kuya “Thank you kuya. Salamat sa pag-appreciate ng mga nagawa ko” tumalikod uli si Jeff at tuluyan nang lumabas ng silid-aralan.
Nagmamadaling lumabas ng silid-aralan si Jeff dahil nakita niya na naghihintay sina Jacqui at Alvin sa labas. Sa kanyang paglabas ay hinarang siya ng pamilyar na babae. Ito ay walang iba, kundi si Cloe.
"Mahilig ka talaga humarang kung saan ako dadaan anoh?" sambit ni Jeff sa kanya "Hobby mo ba yan?"
"Bakit? Bawal ba? May babala ka ba dito na inilagay na kung saan hindi ako pwedeng humarang? Ay. Tama nga. Kapatid ka nga pala ni Sir Dy. Ginigawa ang lahat para mapasa'yo ang pabor. Sorry po..."
"Still being sarcastic and bitter of what just happened?"
"No. Gusto ko lang naman i-tama dahil ako dapat ang Number 1 sa class, at hindi ikaw"
"Cloe... pwede ba? Huwag mo akong idamay sa ka-shungahan mo? At kung naniniwala ka na luto ang exams, why not ipaulit natin? Para malaman talaga natin kung sino ang walang utak sa atin."
"Talaga... at hindi kita uurungan diyan. At kung mapatunayan na may ginagawa ang kuya mo para mag-top ka lang sa klase, mapalayas ang kuya mo dito sa University dahil sa kasalanan na nagawa niya nang dahil sa'yo...kawawa naman siya"
"Mas kaawa-awa siya kapag nalaman ng buong University kung ano ang tinatago mo" balik naman ni Jeff
"What do you mean?"
"You know exactly what I mean, Cloe. Subukan mo lang akong kalabanin at malalaman ng buong student body ang ginagawa mong imoral"
Napanganga at nagulat si Cloe sa narinig kay Jeff na nalaman niya ang kanyang sikreto. “ Wala kang ebidensya, Jeff.“
"Sigurado ka...?" linapitan ni Jeff ang kanyang bibig at may ibinulong sa tenga ni Cloe "...kamusta naman ang pagpasok n'yo ni kuya sa lodging house two days ago?"
Lumayo siya kay at nagtungo sa direksyon na naghihintay na kaibigan. Samantala si Cloe naman ay tulala at parang natatakot ang mukha.
"Bes, ano ba ang pinagsasabi mo na imoral kay Cloe?" tanong ni Jacqui
"Basta... Napuno lang kasi sa kanya dahil ako ang sinisisi niya sa hindi niya pag-top sa klase"
"Oo nga eh. Mahilig mag-buntong ng sisi. Dapat lang sa kanya na pagsalitaan siya ng ganyan." Pagsang-ayon ni Jacqui.
Oras na ng uwian at umuwi kaagad si Jeff sa bahay ng tatay para makapag-pahinga na. Pero sa kanyang pagpasok ay nagtaka siya dahil may dalawang maletang nakatayo malapit sa pintuan ng kanilang kwarto. Kaagad siyang pumasok sa silid at nadatnan niya ang nanay na umiiyak ito habang nililigpit ang huling batch ng mga damit nila.
Nilapitan niya ang nanay at umupo ito sa kanyang tabi. At doon niya nakita ang maraming pasa at kalmot sa mukha at braso ng nanay.
"Nay, sino ang gumawa sa'yo nito?"
"Wala 'nak. Utang na loob, Jeff. Bumalik na tayo sa bahay natin" pagmamakaawa ni Joyce "Mabuti pa doon. Malaya tayo sa mga galaw natin. Ayaw ko na dito"
Tila nagtaka talaga si Jeff sa iyak ng nanay at sa mga pasa at kalmot niya sa katawan. Ano ba talaga ang nangyari kanina habang nasa paaralan siya?
Ngayon niya lang nakita ang nanay na nag-iiyak ng ganito na parang bata na nagmamakaawa na umuwi na sa kanilang bahay.
"Bakit nay? Si tatay ba at ang kanyang asawa niyang si Natalie ang gumawa sa'yo nito?"
"Hindi... hindi sila anak"
"E sino nga nay? Sino ang gumawa sa'yo nito?" tanong ulit ni Jeff na tumataas na ang kanyang boses.
"Kailangan na nating umuwi dahil pinapalayas na tayo nila dito. Dumating na sila, nak"
"Sino nga...? Nay naman... pwede ba? Pakisagot naman yung tanong ko..." tila natataranta na si Jeff.
"Ang lola mo ang gumawa nito..!!" sigaw ni Joyce habang umiiyak.
Nanlaki ang mata ni Jeff sa sinagot ng nanay. “Ang akala ko ba na sa susunod pa sila na linggo uuwi dito? Bakit napaaga?”
"Tinawagan daw sila ni Jean na naghihingi ng tulong sa kanila dahil inaapi daw natin siya"
"So...ginawa nila sa'yo 'to para makaganti sa hindi naman nating ginawa..? na ang apo nila mismo ang nag-umpisa?" pahayag ni Jeff na tila nagagalit na sa mga taong gumawa sa kanyang nanay na pambubugbog "grabe sila nay...salabahe talaga ng bruhang Jean na yan. Pareho siya talaga sa kanyang hayop na lola"
"Tama na, nak. Umalis na tayo dito bago pa nila tayo maabutan" pagmamakaawa muli ni Joyce sa anak.
Tumigil si Jeff sa kanyang pagsasalita at tinulungan niya na lamang ang nanay sa pagliligpit ng kanilang mga gamit.
Matapos ang ilang sandali ay lumabas na sila ng bahay upang umalis na doon para hindi sila maabutan.
"Anak, sandali lang. Isara muna natin ang gate"
"Huwag na nay. Hayaan mong bukas yan. Para may makapasok na magnanakaw"
Itutuloy…
CHINITO: Chapter 18 (Maling Akala)
Sumakay silang mag-ina sa taxi pauwi sa kanilang bahay nung gabing yon. Halos mga sampung minuto din ang kanilang biniyahe pauwi sa kanila. Sa pagdating nila ay may nakita si Jeff na pamilyar na babae na lumabas sa bahay. Nakasunod ang kanyang Kuya Joshua sa babae na parang hinahabol ito pero hindi niya na ito naabutan.
Nakita naman kaagad ni Joshua na may taxi na tumigil at lumabas ang kanyang nanay at kapatid mula dito. Takang-taka si Joshua sa kanilang pagbabalik.
"O nay. Ba't kayo umuwi sa ganitong oras ng gabi?" at napansin din niya na may pasa at sugat ito "Anong nangyari sa'yo 'nay? At sino ang gumawa sa'yo nito?"
"Huminahon ka, anak. Pumasok muna tayo ng bahay" agad na kinuha ni Joshua ang mga maletang bitbit ng dalawa. Samantala si Jeff naman ay inalalayan ang nanghihinang nanay sa pag-akyat ng hagdanan.
Kaagad na umupo si Joyce sa sofa na parang hingal na hingal ito, umupo si Jeff sa kanyang tabi at si Joshua namay ay umupo sa center table na nakaharap sa nanay. Kwinento ulit ni Joyce ang nangyari sa panganay niyang anak.
Nanlaki ng husto ang mga mata ni Joshua sa narinig na balita mula sa nanay. Hindi niya ito matatanggap sa pang-api nila sa nanay na parang hayop ang pagtrato nila.
Tinignan ni Joyce ang nangangalit na mata ng anak at hinawakan niya ang nanginginig na kamao nito “Anak…Joshua. Utang na loob. Kumalma ka” pagmamakaawa ng nanay sa anak habang hinihimas nito ang kamao ni Joshua.
"Hindi nila dapat ginawa sa'yo ito, nay"
"Pero nangyari na, anak... nangyari na" iyak ni Joyce "pero pakiusap ko lang sa'yo na wag kang gumawa ng mga hakbang na pagsisihan mo sa huli"
Bumuklat ang kamao ni Joshua at niyakap ang kanyang nanay at umiyak ito. “Alam ko yon, nay. Sorry po kasi nabigla ako. Galit na galit talaga ako sa ginawa nila” umalis siya sa pagkayakap sa nanay at tinignan ang kanyang kapatid na umiiyak din sa tabi ng nanay. “Kasalanan mo’to eh!!!” at tumayo siya sa kanyang inuupuan.
"O?! bakit ako na naman?" tumayo din si Jeff
"Dahil kung hindi sa kabaklaan at sa kalandian mo, hindi mangyayari 'to!!!" panduduro ni Joshua sa bunso "Malas talaga ang tulad mo dito sa lipunan!!"
"Teka lang naman. Kelan ba naging kasalanan ang kasarian ko sa nangyari kay nanay? Ginawa ko naman ang lahat para ipagtanggol siya sa pang-aapi nila ah. Kung makapagsalita, akala mo ang galing mo na" tanggol ni Jeff sa sarili "E ikaw...? Nasaan ka? Diba nandoon ka sa lodging house kasama ang kabet mong si Cloe habang walang alam ang asawa mo sa ginagawa mo"
"Pano mo nalaman...?" tanong niya kay Jeff na mahinahon ang tono ng boses.
"Pano? Nakita ko kayo na nakasakay sa taxi dalawang araw na ang nakakaraan. Pumasok kayo sa lodging house"
"Nagkakamali ka, Jeff. Hindi totoo yan" tanggi ni Joshua
"Hindi? Bakit namumutla ka?"
"Gumagawa ka lang ng kuwento. Hindi totoo yan. Alam n'yo na mahal na mahal ko ang asawa ko." Lalapitan niya na sana si Jeff para suntokin pero may narinig silang kalabog na parang may nahulog. Tumingin si Jeff sa kanyang paanan at nakita niya na wala nang malay ang kanilang nanay na nakabulagta sa sahig.
Isinugod agad si Joyce ng oras na iyon sa pinakamalapit na ospital kasama ng kanyang dalawang anak. Pinasok ng mga nurse kasama ng doktor ang kanilang nanay sa Emergency Room para doon i-revive.
Nanatili sa labas ng Emergency Room sina Joshua at Jeff na parang nababalisa sa nagyari sa ina. Hindi nila alam kung ano ang nangyari sa kanya at doktor lamang ang makasagot kung ano ang estado ng kanilang nanay.
Dumating si Jeremy pagkalipas ng ilang saglit na tila nataranta din dahil binalita ng mga kapatid.
"Jeff, kamusta si nanay?" tanong niya sa kapatid "Buti na lang na n'yo siya dinala sa ospital na kung saan ako nagduduty"
"Hindi pa namin alam, kuya. Hinihintay pa kasi namin ang sasabihin ng doktor tungkol kay nanay"
"Bakit? Ano ba ang nangyari?"
"Pwede ba, Jeremy. Wag ka nang magtanong kung ano ang nangyari?" sabat ni Joshua sa usapan ng dalawa "nasa loob si nanay sa E.R. oh. Nire-revive pa...mamaya muna yan. PWEDE?"
"Nagtatanong lang naman ako, JOSHUA"
"E di itanong mo diyan sa bakla mong kapatid"
Sakto din na lumabas ang doktor mula sa E.R. at tumayo kaagad ang tatlo.
"Sino ba sa inyo ang pamilya ni Mrs. Joyce Dy?" tanong ng babaeng doktor sa kanilang tatlo.
"Kami po lahat, dok" sagot ni Jeremy "mga anak niya po kami. Kamusta na po sai nanay?"
"Ikaw pala Nurse Jeremy. Your mother is fine" simpleng sagot ng doktor. Napahinga ng maluwag ang tatlo sa kanilang narinig. "mabuti nga lang na dinala ninyo kaagad ang nanay ninyo at kung matagalan pa, siguro may nangyari na sa kanya na masama."
"Salamat po dok, pero ano nga pala nangyari sa kanya?"
"Hindi niya na kinaya ang stress dulot sa mga pasa at sugat sa kanyang katawan"
"...and emotional stress..." dugtong ni Jeff at sumang-ayon sa kanya ang doktor.
"Yes. Possibly. Siguro wag niyo na lang bigyan ngayon ng kahit anong stress ang nanay ninyo, okay?"
"Okay dok. Salamat ulit" ulit ni Jeremy.
"Your Welcome... Sige, alis na ako" sagot ng doktor "by the way, Nurse Jeremy"
“Yes dok?”
“Kailangan ng nanay n’yo ng complete bed rest. And I suggest na i-admit n’yo lang siya muna dito”
“Sige dok. Salamat ulit”
Umalis kaagad ang doktor sa kanila at bumaling ng tingin si Jeremy sa kanyang dalawang kapatid na hindi pa rin nila sinasabi ang totoong nangyari.
"Sugat at pasa...? Binugbog ninyo ang nanay?" tanong ni Jeremy dahil nagtaka ito sa narinig sa doktor na may sugat at pasa ang kanilang nanay.
"Hindi kami kuya"
"E sino?"
"Ang mama ni tatay" sagot naman ni Joshua
"Ha?? Bakit niya naman gagawin yon kay nanay?"
"Bakit hindi mo tanungin ang magaling mong baklang kapatid??" sumbat ulit ni Joshua kay Jeff. Bumaling ang tingin niya dito at nagsimula ulit magalit "Tignan mo Jeff. Tignan mo ang ginawa mo kay nanay. Masaya ka na?"
"Bakit ako na lang parati ang sinisisi mo kuya?? Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan sa nagyayari ngayon kay nanay??"
"Ewan ko sa'yo. Ikaw ang gumawa nito. Ayusin mo"
Sasabat pa sana si Jeff sa kuya pero nilapitan siya ng isa niya pang kuya na si Jeremy upang huwag na lang ito sumabat “Tama na, Jeff. Huwag ka nang sumagot. Wala kang kasalanan”
Inilipat si Joyce kinabukasan sa isang private room ng ospital para doon na lang magpahinga ng ilang araw.
Katulad ng dalawa niyang kapatid, hindi makapaniwala si Jeremy sa ginawa ng pamilya ng tatay sa kanyang nanay. Lumapit siya sa nanay habang natutulog, at niyakap niya ito ng mahigpit. “Nay… Sorry po kasi wala akong nagawa para ipagtanggol kita sa kanila…”
Samantala naman ay nakatayo si Jeff sa paanan ng kama ng nanay na nakatingin sa nanay at blanko ang mukha.
'Sorry po nanay. Sorry dahil nangyari sa'yo ito. Hindi naman ito mangyayari kung hindi sa kagagawan ko eh' sambit ni Jeff sa sarili 'Siguro tama si Kuya Joshua. Ako ang may kasalanan kung bakit ka nagkaganyan. Ako ang dapat sisihin. Huwag kang mag-aalala nanay. Ipaghihiganti kita'
Hindi namalayan ni Jeremy na umalis na pala si Jeff sa silid at dumerecho sa bahay ng kanyang Tatay William.
Dakong alas-otso ng umaga nakarating ng bahay si Riley. Nanggaling siya sa kanyang trabaho na pagod na pagod at kita ang antok sa kanyang mga mata habang papasok ng bahay.
Sa kanyang pagpasok ay may nakita siyang may kayakap na naman na isang lalake ang ina. Malamang isa sa mga nobyo ulit ng ina ang kayakapan niya.
Nangako na kasi noon si Lorena sa kanya na hinding-hindi na siya magkakaroon ng nobyo dahil magiging magulo lamang ang kanilang pamilya dahil sinasaktan at niloloko lang siya nito.
Uminit muli ang ulo ni Riley sa kanyang nakita at nagtungo sa dalawang nagkayakapan. Hinila niya ang lalake at sinuntok sa mukha nang napakalakas. Napatumba ang lalake sa sahig pero gusto pa din ni Riley ng isa pang suntok pero pinigilan na siya ng ina.
"Sino ka?!" sigaw ni Riley sa lalake "Sino kang hayop ka na may ganang landiin ang nanay ko!! Isa ka naman ba na sa kanila na lolokohin at peperahan ang nanay ko na kung saan pera ko din ang ginagamit niya sa'yo??!!"
Ngumiti lang ang lalake na tila natuwa pa sa sigaw sa kanya ni Riley. Kaagad siyang tumayo habang hinahawakan ang parte ng pisngi na kung saan nasuntok.
"Ikaw pala si Riley..." sambit nito
"Oo. Ako nga. Ako ang anak ng babaeng lolokohin mo"
"Lolokohin?? Hindi ko lolokohin ang sarili kong ina"
Natigilan at hindi makahinga si Riley sa narinig niya na lalake “Ano?? Ina mo siya?”
"Yup. So, ikaw ang kapatid ko"
Nanlaki pa lalo ang kanyang mga mata sa pagkumpirma ulit ng lalake at kaagad siyang tumingin sa ina “Ma? Totoo ba ang sinasabi ng taong ’to?”
Hindi makasagot si Lorena at iyak lamang ang ganti sa anak. “Anak, patawarin mo ako. Hindi ko sinabi sa’yo ang totoo na may kapatid ka pang iba” habang yakap niya na ang anak.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin, Ma? Karapatan kong malaman dahil kapatid ko siya" sambit naman ni Riley
"Naiintindihan kita, anak. Hindi ko lang sinabi sa'yo dahil akala ko hindi na siya magbabalik dito sa atin"
Parang nainis na sa puntong iyon si Riley dahil marami pa pala siyang hindi nalalaman sa ina “Ano ba naman, Ma. Ano pa ba ang tinatago mo? May mga kapatid pa ba akong iba?”
"Wala na, anak. Wala na. Kayong dalawa lang ni Rafael"
"E si Jeff? Diba kapatid ko din siya?" hindi na naman makasagot si Lorena sa tanong sa kanya ng anak at puro iyak na lamang ang lumalabas sa kanya "Ma...? Ano na?"
"Patawarin mo ako, anak. Patawad dahil nagsinunggaling ako sa'yo"
"Ano ang ibig mong sabihin, Ma?"
"Hindi kayo magkapatid ni Jeff, anak. Si Rafael ang totoo mong kapatid sa ama ni Jeff" iyak ni Lorena "Patawarin mo ako, Riley."
Natigilan siyang muli sa narinig na balita. Ito na siguro ang pinakamasakit na balita ng kanyang narinig sa araw na iyon.
Hindi alam ni Riley kung ano ang kanyang mararamdaman; kung maging masaya dahil hindi pala sila magkapatid ng kanyang pinakamamahal o magalit sa ina dahil niloko at nagsinunggaling siya.
"Bakit mo yon ginawa, Ma?" tanong ni Riley na naiinis sa ginawa ng ina "Bakit ka nagsinunggaling sa akin??!!"
Hinawakan ni Lorena ang kamay ng anak habang umiiyak ito “Pinalabas ko na magkapatid kayo ni Jeff para maiwasan mo na ang pamilya nila, anak. Ayaw ko na kasing masangkot muli ang pamilya natin sa kanilang pamilya dahil masakit ang ginawa noon ng ina ni William sa akin”
"Ganon lang yon? Niloko mo ang sarili mong anak nang dahil lang dun??" sabat niya sa ina "Napaka-selfish mo, Ma! Ang unfair mo!! Hindi mo naman inisip ang kaligayahan ko...?"
"Anak..." patuloy pa din ang paghimas ni Lorena sa kamay ng anak "Sana maiintindihan mo ang Mama mo. Alam ko na nasaktan kita pero intindihin mo naman ako"
"Hindi..!" sigaw ni Riley "Kahit kailan, hindi kita mapapatawad sa ginawa mong panloloko sa akin"
Umalis kaagad si Riley sa harapan ng kanyang ina at kapatid na si Rafael. Lumabas ng bahay at umalis na naman.
Binalikan nga ni Jeff ang bahay ng kanyang tatay pagkatapos ng panghapon niyang klase sa araw na iyon.
Ilang ulit din ang kanyang pagdo-doorbell pero wala pa rin may lumabas. Pero pagkalipas ng ilang sandali ay may lumabas na katulong “Sino po sila?” tanong nito kay Jeff habang palapit sa gate.
"Ahmmm. I'm Riley and I'm looking for Jean. Andiyan ba siya?" pagpanggap ni Jeff. Alam niya kasi na ayaw siyang papasukin kung magpapakilala siya na siya si Jeff, at ito ang naisip niyang paraan para makapasok, na magpanggap na si Riley dahil alam niya na may pagtingin si Jean sa kanyang ex.
Kaagad din naman binuksan ng katulong ang gate at pinapasok si Jeff. “Sige po, Sir. Pasok po kayo” paanyaya ng katulong kay Jeff. “Sandali lang po, Sir. Tatawagin ko muna si Ma’am Jean. Umupo ka po muna”
"Hindi. Okay lang ako. Pakitawag na lang siya. At pakisabi na lang sa kanya na may sorpresa ako..." bilin niya sa katulong "isang napakalaking sorpresa"
"Okay sir. Hihi" sagot ng katulong na parang kinikilig "Ang gwapo n'yo po, Sir. Girlfriend n'yo po si Ma'am?"
"Nope" sagot ni Jeff at napatingin ang katulong sa kanya "I mean, malapit na"
Umakyat ang katulong papunta sa silid ni Jean upang ipaalam ito na may bisita siyang naghihintaysa baba. Samantala sa sala, nag-iikot sa Jeff na parang nag-oobserba. Lumakad siya patungo sa napakalaking vase na malapit sa TV. Mukhang antigo at halatang galing sa China dahil sa kanyang disenyo na gintong dragon.
Tangkang hahawakan na sana ni Jeff ito pero napatigil at nagulat siya dahil may biglang nagsalita sa kanyang bandang likuran.
"Sino ka...???" tanong ng matandang Intsik na babae kay Jeff.
Itutuloy…
CHINITO: Chapter 19 (Buwelta ni Jeff)
Nang lumamig ang ulo ni Riley sa galit sa kanyang ina ay umuwi uli siya para makapag-usap dito. Gusto niya na kasi malaman ang buong katotohanan sa kanilang pamilya na matagal tinago at nilihim ni Lorena.
Nadatnan niya ang kanyang ina na nakaupo lamang sa kanilang kahoy na sofa. Nakatulala at malalim ang iniisip.
"Ma. Mag-usap tayo" panimula ni Riley. Nagtungo siya doon sa ina at umupo sa tabi nito "Handa na akong malaman ang lahat-lahat. Pero sana lang, Ma. Sabihin mo ang lahat sa akin ang buong katotohanan" pagmamakaawa niya sa ina
Mabilis na pagtango ng ulo ni Lorena bilang pagkumpirma niya sa pabor ng anak “Sige. Sasabihin ko sa’yo lahat-lahat. Panahon na din siguro na malaman mo ang totoong pagkatao mo”
"Totoong pagkatao?? Bakit? Ano ba talaga ako?"
"Sasabihin ko na sa'yo kung sino ang totoo mong ama" paliwanag ni Lorena habang hawak ang dokyumento at inabot niya ito sa anak "Ito ang totoong birth certificate mo. Nakalagay diyan ang pangalan ng ama mo at ang totoong pangalan mo"
Pagtataka ang nasa mukha ni Riley habang inaabot ng ina ang isang pirasong papel na naglalaman ng totoong pagkatao niya. Kinuha niya ito at muling sumulyap sa ina. Binasa niya ang nakalagay na pangalan sa birth certificate.
Nathan Dechavez-Rodgers
Imbes na magalit ay napangiti siya sa totoo niyang pangalan. “Totoo ba ’to? Nathan Rodgers ang pangalan ko??” tanong niya kay Lorena.
"Oo anak. Ikaw talaga si Nathan. Ang anak namin ni Frank. Isang Amerikanong turista na nakilala ko noon sa bar" kuwento ni Lorena "Nakita niya akong sumasayaw sa stage, nagustuhan niya ako. Hanggang sa may nangyari sa amin at nabuntis ako"
"So, nasaan na siya?"
"Ang huling balita ko ay nandoon na siya sa Amerika. Nasa kanyang pamilya"
"Pero alam niya na buntis ka nun at siya ang ama?"
"Hindi. Hindi ko pinaalam sa kanya dahil ayaw ko makasira ng pamilya"
"Ayaw niyong makasira??" ulit ni Riley "Pero may bunga na nga ang ginawa niyong kasalanan. AKO."
"Oo. Alam ko, anak. Pero ayaw ko lang na ipaalam sa ama mo dahil magugulo lang ang kanilang pamilya. Tignan mo" sabay tingin ni Lorena ang buong pagkatao ni Riley "Napalaki naman kita ng maayos ah. Hindi ko siya kailangan para mapalaki kita bilang mabuting tao"
"Pero kailangan ko siya, Ma. Kailangan ko ng ama para magbigay sa akin ng direksyon sa buhay. Alam mo naman kung gaano ka-miserable ang buhay ko noon diba" at biglang bumuhos ang mga luha ni Riley. Naalala niya na naman ang nangyari sa kanyang buhay noon nung hindi pa sila nagkakilala ni Jeff "Ma naman, bakit ganito? Bakit napakasaklap ng buhay ko?"
"Anak. Patawarin mo ako. Ako ang dapat sisihin kung bakit nagkaganyan ka noon" sabay himas ni Lorena sa likod ng anak
"Buti alam mo" at napatingin si Riley sa ina "Ikaw nga talaga ang dapat sisihin kung bakit nagkanito ako! Tignan mo, si Kuya Rafael. Ipanamimigay mo lang siya sa kanila. Wala kang kwentang ina"
"Hindi totoo yan. Hindi mo alam ang totoong nangyari sa kuya mo at sa akin" pagtanggol ni Lorena sa sarili "Kinuha sa akin ang kuya mo ng ina ni William. Ang sabi niya, wala daw ako karapatan sa anak ko dahil maruming babae ako. Baka madungisan pa ang pangalan ng kanilang pamilya" nagsimula muling magkuwento si Lorena sa tunay na nangyari sa kapatid ni Riley "Dinala nila sa China ang kuya mo para isanay"
"Isanay para saan?"
"Para siya ang magiging tagapagmana ng mga yaman at mga negosyo ng mga Dy. Pero..."
"Pero ano...??"
"Nung habang tumatanda at humihinog ang kanyang pag-iisip, napagtanto niya na hindi siya masaya sa ginagawa niya. Kaagad niyang kinausap ang lola niya at nagpaalam na umuwi na lang dito sa atin. Kaya sumama siya sa kanila pauwi dito"
"Kahit na maswerte siya, tinanggihan niya pa din ang alok ng lola niya?"
"Oo anak. Kasi alam niya hindi siya magiging masaya sa buhay niya kung walang pamilya na nagmamahal sa kanya... at tayo yun, anak"
"Mabuti pa siya. Hindi tanga na katulad mo"
"Riley......"
"Bakit? Totoo naman eh. Mabuti pa siya dahil pinaglaban niya tayo... ang kanyang pamilya" panunumbat niya sa ina "E ikaw?? Hindi mo siya pinaglaban. Hindi mo kami pinaglaban na anak mo"
"Hindi mo ako naiintindihan"
"Bakit hindi?? Ano pa ba ang gusto mong intindihin ko??"
"Na mahirap magmahal ng mga lalake. Masasaktan ka lang" iyak ni Lorena "Tignan mo ang ama ng kuya mo... hindi niya ako pinaglaban at pinagutan kahit na buntis ako sa kanyang anak. Kasi nakatago pa din siya sa saya ng kanyang ina. At ang ama mo, may sarili nang pamilya bago niya ako mabuntis..."
"Bakit Ma?? Kasalanan ba namin yun?" sagot naman ni Riley "Sige, sabihin na natin na may kasalanan sila. Pero sana naman, sinabi mo na lang sa akin ang totoo nung bata pa ako dahil nagmumukha na akong tanga dito"
"Hindi ko sinasadya, anak. Patawarin mo ako"
"Hindi sinasadya?? Ang sabihin mo, makasarili ka. Sarili mo lang ang iniisip mo. Hindi ang mga anak mo na totoong nagmamahal sa'yo!!"
Malakas ang pagkasigaw ni Riley sa ina at napatayo na lang ito at umalis na naman ng dahil sa kanyang galit. Samantala ay umiiyak at nakaupo pa din si Lorena sa sofa na tila nagsisisi sa hindi niya pagsabi ng katotohanan sa anak noon.
Nagulat si Jeff sa matandang babae na biglang sumulpot galing sa kusina. Siya na siguro ang Mama ng tatay na nambugbog sa kanyang Nanay Joyce.
"Thelma!!" tawag nito sa katulong "Sino 'to ang pinapasok mo na tao?! Diba ang sabi ko sa'yo na walang dapat na makakapasok???!!"
Nagmamadaling bumaba ang katulong galing sa silid ni Jean sa itaas. “Ay Ma’am. Sorry po. Siya po si Riley, ang bisita ni Jean”
"Wala akong pakialam kung bisita pa siya ng pinakamamahal kong apo" sabay tingin niya kay Jeff at tumaas ang isang kilay niya "... dapat sinunod mo ang bilin ko...!" sabay hila ng tenga ng katulong "Alam mo naman na may kriminal na gumagala sa labas! Baka makapasok. Ang tanga mo talaga"
"Araaay po... ang sakit po Ma'am" tanging sambit ng katulong.
"...Masakit ba? Wala akong pakialam!! Hala...lumayas ka na sa paningin ko bago pa kita masaktan muli"
Tinitignan lang siya ni Jeff habang ginagawa niya iyon sa katulong. Bumalik sa kanya ang ginawa niya sa kanyang nanay, na maraming pasa at sugat na natamo.
"So, kayo pala ang lola ni Jean..?" tanong niya sa matandang babae.
"Oo... at bakit?"
"Wala naman. Naisip ko lang na mahilig pala kayo manakit ng ibang tao"
"Excuse me..???"
"Wala po. Sorry po kung na-offend ka sa sinabi ko"
"Well, hindi naman masyado. Nanakit lang naman ako kung kinakailangan lang" sagot niya sa sinabi ni Jeff "Siguro ganyan lang tayo lahat ng tao. It's our humanly instinct. "
"Kung sa bagay. Ako kasi, nanakit lang ako ng tao kapag inu-unahan nila ako." dugtong din kaagad ni Jeff sa kanya na parang pinapatamaan niya talaga ito. "Katulad ng pagsakit sa pamilya ko...... gumaganti talaga ako kapag pamilya ko na ang pinag-uusapan"
Tila napahinto ang matandang babae sa sinabi ni Jeff sa kanya, na may parang laman ang bawat salitang binibigkas ng kanyang kinakausap.
"Well... ganon din naman ako kapag pamilya ko na ang pinag-uusapan. Lalung-lalo na kapag inaapi ng mga hampas-lupa na mga tao."
"Pareho pala talaga tayo. Ma'am??"
"Guang Fen" sabay abot ng matanda ng kanyang kamay para kamayan si Jeff. Kaagad naman kinuha niya ang alok ng matanda "Yes. Parehong-pareho. Ikaw? Anong pangalan mo?"
"Riley po"
“Hmmmm. Nice name. By the way, Riley. Nanliligaw ka ba sa apo ko?”
"Ahmm. Opo"
"Talaga?... THELMA!!" tinawag niya ulit ang katulong at nagtataranta namang lumapit ito sa kanya.
"Bakit po?"
"Anong bakit? Nasaan na si Jean? Diba tinawag mo siya kanina sa taas?"
"Opo Ma'am. Pero wala pala si Ma'am Jean..."
"Ha? Saan ba siya pumunta?"
"Nasa school pa po, Ma'am. Pero pauwi na po siya"
"E bakit ngayon mo lang sinabi...?!" sabay hila ng buhok ng katulong.
"Araaayy po...Masakit" iyak ng katulong sa matandang babae "...hindi ko nasabi kanina sa'yo kasi pinaalis ninyo agad ako eh..."
"Aba... sumasagot ka pa ha..." patuloy pa din ang paghila niya ng buhok ng katulong. Umiiyak na ito habang tumitingin kay Jeff na parang humihingi ng tulong sa ginagawa sa kanya ng bruhang babae.
Pinipigilan lang ni Jeff ang kanyang sarili na magalit sa matanda at naghahanap lang ng tamang panahon para makasagot ng pabalang sa kanya.
"You don't need to do that" tanging sambit ni Jeff na nakangiti. Napatigil ang bruha at itinulak ang katulong sa sahig. Tumayo kaagad ang katulong at lumayo sa babae.
" At bakit...? Pamamahay ko'to at may karapatan akong manakit sa mga taong palamunin dito." huminga ng malalim ang bruhang babae at nagsimula nang inikutan si Jeff. "You know what, Riley. Gusto kita maging boyfriend ng apo ko. Napaka-gaan ng loob ko sa'yo kas–"
"–kasi may dugo akong Chinese?"
"Yes. Bakit? Meron ba?"
"Oo naman. Half of my blood came from my father na isang Chinese..."
"Mabuti naman kung ganon. Kaya pala singkit ng mata mo." napangiti ito at parang nagugustuhan niya na talaga si Jeff "Well. I'm starting to like you kasi bagay na bagay kayo ng apo ko. Ipagpatuloy mo pa ang panliligaw mo sa kanya ha"
"Thank you for the compliment but... I'm not here for your SPOILED LITTLE BRAT GRANDDAUGHTER..." at itinulak niya ang malaking vase na nasa kanan niya.
Nabasag ito mismo sa paanan ng matandang babae. Nagulat talaga siya sa ginawa at sa sinabi ng batang lalake.
"Walang hiya ka...!" sigaw niya kay Jeff "Anong karapatan mo na basagin ang vase ko na galing China!! At ano ang karapatan mo na insultuhin ang apo ko...?! Ganyan ba ang paraan mo ng panliligaw sa apo ko? PWES! Hindi ka na maaring manligaw sa kanya... Lumayas ka!!!"
"Nanliligaw..??? hahaha. Nagpapatawa ka ba?" tawa ni Jeff sa sinabi ng bruhang babae "wala akong plano na ligawan ang ganyang klaseng babae"
"E ano ang pakay mo dito sa pamamahay ko? ?"
"Andito ako para ipaalala ko sa'yo ang ginawa mo sa nanay ko"
"Ano? Hindi ko alam ang pinagsasabi mo"
"Well... Ako lang naman ang anak ng binugbog mo kahapon dito sa bahay mo"
Natigilan ang bruhang babae dahil sa kanyang nalaman. Siya ba si Jeff? Ang tanong niya sa kanyang sarili.
"Ikaw ba ang anak ni Joyce na si Jeffrey?"
"Oo. Wala na ngang iba"
"Hmmm. So, tama nga ang sinumbong ni Jean sa akin tungkol sa'yo na pumapatol ka sa babae. Lalung-lalo na sa matanda. Bakla na nga, bastos pa."
"Lola?" ulit niya sa matanda "Sa tingin mo ba, tatratuhin kita na lola at igagalang bilang babae sa kabila ng ginawa mo sa nanay ko?" nagsimula ang pagtulo ng luha ni Jeff sa kanyang mga mata "...sinaktan mo siya at nasa ospital siya ngayon dahil sa ginawa mong pambubugbog sa kanya. At kung ano man ang mangyari sa nanay ko, humanda kayong lahat. Lalung-lalo ka na...!" panduduro niya sa matandang babae.
Hinawakan niya ang daliri ni Jeff at piniga ng napaka-higpit. May naramdaman si Jeff na sakit pero pinipigilan niya ito.
Nagsimula na din uminit ang ulo ng babae sa kanya at parang namumula na ang buong mukha “Hindi ako natatakot sa pagbabanta mo. BAKLA KA LANG… Kung nakaya mo si Jean sa pang-aapi mo sa kanya. Pwes. Ibahin mo ako dahil kahit anong gawin ninyo ng nanay mo, hindi ko kayo matatanggap sa pamilyang ’to!!”
"Wala akong pakialam kung hindi mo ako matatanggap o ang pamilya ko. Masaya kami kahit wala kayo sa buhay namin..."
"Talaga? E bakit dito kayo tumira ng hampas-lupa mong nanay?"
"Bakit hindi mo itanong sa anak mo..." hinila ni Jeff ang kanyang hintuturo sa kamay ng bruhang babae at tuluyan nang umalis ng bahay.
Dakong alas-diyes na ng gabi, dumerecho si Riley sa isang club imbes na pumasok sa kanyang trabaho. Natatamad siya kasi pumasok at parang hindi pa siya handa sa kanyang mga nalaman sa ina.
Nakaupo lamang siya sa may cocktail bar habang pinapanood ang bartender sa ginagawa niyang flaring at umiinom ng isang boteng tequilla.
"Hello" bati ng maganda at seksing babae sa kanya. Sumulyap lamang si Riley sa kanya at ngumiti ito ng kaunti "Ang soplado mo naman. By the way, who's with you?"
"Nothing"
"So pwede bang samahan kita??" hindi sumagot si Riley pero umupo pa rin ang babae sa tabi niya "Oo nga pala, I'm Cindy. Ikaw?"
"Nathan" sagot nito.
"Hmmm. Nice name. Bakit nga pala na mag-isa ka lang?"
"It's none of your business. Okay?"
"Soplado mo talaga. But I like that"
"What do you want ba?"
"Wala naman. Gusto lang kita samahan dahil mag-isa ka"
"Well, I don't need your company. Umalis ka na lang, Miss"
"Ganon? Wala din akong kasama eh. Magsama na lang muna tayo ngayon"
"Bakit mag-isa ka lang?"
"Wala naman. Sanay na siguro ako na mag-isa. Kasi nung bata pa ako, nagkahiwalay na ang mga magulang ko eh. Ang tiyahin ko na lang ang nag-aalaga sa akin nun. Unfortunately, namatay na siya. So, ako na lang talaga nag-aalaga ng sarili ko ngayon"
Itutuloy…
o�(�L7#�
CHINITO: Chapter 20 (Cindy Perez)
Parang nagiging interesado na si Riley sa babaeng lumapit sa kanya dahil parang pareho sila ng pinagdadaaanan sa buhay.
"Ang kawawa mo naman kung ganon" dugtong ni Riley sa kuwento ng babae sa kanya.
"Kawawa?? Hindi noh" tanggi naman ng kanyang kausap "Ang sarap kaya kapag mag-isa ka lang. Malaya ka kung ano ang gawin mo sa buhay mo. Walang nagbabawal, pero in a right way ha" dugtong pa niya "Hindi naman ako katulad ng ibang babae diyan"
Tumango naman si Riley bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Cindy. “Kung sa bagay, tama ka. Ako, may nanay ako, pero parang wala naman siya sa paligid eh”
"Bakit naman?"
"Kasi hindi naman kami nagkakausap parati ng masinsinan. May mga sariling mundo kami sa bahay" kuwento din niya "Ayon, parang mag-isa din lang ako nabubuhay"
"Atleast may kasama ka. Kasama mo ang nanay mo. Mas maswerte ka pa nga kesa sa akin eh"
"Hmmm. Parang hindi naman. Kasi nabuhay ako sa kasinunggalingan" lumapit ang ulo ni Cindy sa kanya para makinig sa pagkukuwento ni Riley . Napatingin naman siya sa babae na parang gusto niya ang ginagawa nito "Ngayon ko lang kasi nalaman na iba pala ang ama ko. Sinabi niya sa akin kasi na magkapatid kami sa ama ng pinakamamahal ko, pero hindi pala. Sinabi niya lang pala yon para maiwasan ko ang mga taong kumuha ng totoong anak niya sa lalakeng yon"
"E saan na pala ang totoong ama mo?"
"Sa Amerika. Sa kanyang totoong pamilya" at napalaki ang mga mata ni Cindy sa narinig . Nakita naman ito ni Riley "Yeah. Tama ang narinig mo. Anak ako sa pagkakasala ng aking ina"
"Wow Nathan. Parang teleserye ang kuwento ng buhay mo ha. Nangyayari pala talaga yan sa totoong buhay? Interesting"
"Siguro. Pero hindi ako interesado sa buhay ko" buntong-hininga niya
"So, umiinom ka ngayon para mawala ang mga nalaman mo sa ina mo?" tumango naman si Riley bilang sagot "By the way, saan na yung mahal mo na inakala mong kapatid mo?"
"Si Jeff?? Doon sa kanila. Baka nasaktan sa ginawa ko sa kanya"
"Lalake??!"
"Yup. Bakit? Masama ba?"
"Hindi naman. Nagulat lang ako dahil sa gwapo mong yan, pumatol ka sa kanya"
"Iniisulto mo ba si Jeff?" sabay panlisik ng mga mata niya kay Cindy.
"No. I didn't mean to insult him. Sorry. Ang gusto ko lang naman sabihin ay magmove-on ka na" payo ni Cindy sa kanya "What if kung maghanap ka ng girlfriend? Para maiba naman"
"Girlfriend?? Hindi pa ako handa ngayon na magrelasyon."
"Bakit? Ayaw mo bang magkapamilya?"
"Hmmm. Gusto naman. Pero hindi pa ako handa ngayon" sagot ni Riley "Iyon naman ang pangarap ko eh"
Nanahimik silang dalawa ng ilang minuto dahil wala na silang may maisip na sasabihin nang biglang tumayo si Riley. “Saan ka pupunta?”
"Magsi- C.R. lang. Babalik ako"
"Sige."
Binantayan ni Cindy na mawala si Riley sa kanyang paningin at sinugarado na nakapasok na ito sa banyo. Kaagad niya naman kinuha ang isang gamot sa kanyang bag at inilagay ito sa baso na may alak ni Riley.
Habang papasok ng silid ng ospital na kung saan naka-admit si Joyce. Nadatnan ni Jeff na gising na pala ang ina at nakahiga lamang ito habang kinakausap ang kanyang Kuya Jeremy. Napatayo lamang ito malapit sa pintuan at tinititigan ang ina.
"Oo nga pala, anak. Wala ka bang duty?" tanong ni Joyce sa nurse na anak.
"Meron pa po. Mamaya pa off ko nay"
"Ha?? Edi bumalik ka na sa trabaho, anak. Baka mapagalitan ka pa dun sa baba"
"Sige na kuya. Ako na ang bahala kay nanay dito" boluntaryo ni Jeff
Napatingin naman si Jeremy sa may pintuan dahil nagulat ito sa may biglang nagsalita “Haay. Sige na nga. Pero babalik ako mamaya kapag off ko na ha” sabay halik sa noo ng ina “Bunso, bantayan mo si nanay ha” bilin niya sa kapatid at kaagad nang lumabas ng silid.
Napatingin si Joyce sa nakatayong anak na nanlulumo ang mga mata. “Halika bunso. Lumapit ka kay nanay”
Hindi naman napigilan ni Jeff na humagolhol sa iyak at tumakbo sa ina. Niyakap niya ito ng napakahigpit. “Sorry nanay. Sorry po talaga”
"Huwag ka nang umiyak bunso ko" sabay haplos ng ulo ng anak "Wala kang kasalanan"
"Hindi po kasi kita napagtanggol sa kanila nanay eh"
"Hindi na kailangan anak. Kaya ko naman na ipagtanggol ang sarili ko" sambit ni Joyce sa kanya "Mas masakit sa akin na kayo ang mabugbog at masaktan Handa akong tumanggap ng mga bugbog at kalmot para lang protektahan kayo. Mahal ko kayo mga anak ko"
"Kahit na nay. Sarap nilang saktan din eh"
"Iyon ang huwag na huwag mong gagawin anak. Huwag na huwag kang maghiganti sa kanila. Masama iyon" pero wala nang imik si Jeff s "Nga pala, bakit ginabi ka na? Diba alas-kwatro ang dismissal ng huli mong klase ngayong araw?" hindi makasagot si Jeff sa nanay "Jeff? Saan ka ba pumunta?"
"Doon lang po sa labas, nay"
"Ang totoo, Jeff" paniniguro ng kanyang nanay na tila alam niya na nagsisinunggaling ang bata.
"Doon nga sa labas 'nay" ulit ni Jeff
Inalis ni Joyce ang mga braso niya sa pagkayakap sa anak para tignan ang mga mata nito “Alam ko hindi ka nagsasabi ng totoo dahil hindi ka makatingin ng derecho sa akin”
"Totoo nga nay. Doon lang sa labas ng ospital" hindi nga makatingin ng derecho si Jeff sa mata ng ina subalit tinititigan niya lang ang pulseras ng ina na nanggaling sa ospital
"Saan sa labas? Jeffrey... Magsabi ka nang totoo" lumunok muna si Jeff bago sumagot sa nanay.
"Sa b-bahay n-nila, nay" utal na pagsagot ni Jeff
"Sinasabi ko na nga ba" sambit ni Joyce "Bakit ka pa ba bumalik sa kanila?"
"Gusto ko lang kasi na gumanti sa mga ginawa ng bruhang matanda sa'yo"
"Kahit anong ganti mo Jeff, hindi ka pa rin matatagumpay dahil makapangyarihan sila. Kaya ka nilang ipakulong sa ginawa mo. Kaya nilang gawin ang lahat para hindi marumihan ang kanilang pangalan" pahayag ni Joyce sa anak "...hindi mo ba naisip yan? Lalo mo pa akong pinapahirapan sa ginawa mo"
"Nay naman. Wag ka ngang ganyan..." at hinawakan ni Jeff ang kamay ng nanay
"Kung gusto mo pa na maging mahaba pa ang buhay at pagsasama natin, susundin mo'ko"
"Sige po nay. Hindi na po mauulit. Patawad po"
Nagising si Riley sa kama kinabukasan at parang mabigat pa din ang kanyang ulo sa pag-inom kagabi. Nang pagdilat ng kanyang mga mata ay natagpuan niya ang kanyang sarili na walang damit na suot at kumot lang ang nagsilbing takip sa buong katawan.
Dahan-dahan siyang bumangon at nagbihis at nakita niya na may tao pala sa banyo at kaagad siyang nagtungo para tignan kung sino iyon. Nang pagpasok niya sa banyo ay natagpuan niya na umiiyak si Cindy sa may inodoro.
"Cindy andiyan ka pala" bati ni Riley sa kanya pero walang imik si Cindy at puro iyak lamang ang lumalabas sa kanyang bibig.
Linapitan niya ito at hinawakan sa braso. “Don’t touch me!!” sigaw nito at parang galit na galit ito kay Riley.
"Bakit ka galit ? Ano ba ang problema??"
"Bakit?? Nagtatanong ka pa?? Ang kapal naman talaga ng muka mo, Nathan!!"
"Ano ba ang ginawa ko??" tanong muli ni Riley na hindi talaga alam ang sinasabi ni Cindy.
"Bakit hindi mo tanungin sa alagang mong yan kung ano ang problema ko...??!" turo ni Cindy sa baba niya.
"Ha?? What do you mean? May nangyari sa atin?"
"OO!! Dinala mo ako dito sa kuwartong 'to. Linasing... at para ano?? Ginahasa mo ako, hayup ka"
"What??!! Are you mad??! Hindi ko nga naalala ang buong nangyari sa atin kagabi eh. Paano ako makakasigurado na may nangyari sa atin??"
"Napakasinunggaling mo talagang lalake ka!! Ano pa gusto mong pruweba??!!" sabay tayo ni Cindy at sinusuntok siya ng paulit-ulit. "Panagutan mo ako... hayop ka. Hindi pa ako handang magbuntis."
Kaagad naman hinawakan ni Riley ang mga kamay ng babae.Tinignan niya sa mga mata si Cindy habang umiiyak ito “Okay. Okay. I’m sorry. Don’t worry. Kung magbunga man ang nangyari sa atin kagabi, pananagutan kita” sabay yakap ni Riley ng mahigpit sa babae na kagabi niya lang nakilala. “I’m sorry”
Habang yakap siya ni Riley, nakagiti ito na parang nagtagumpay sa kanyang plano. ‘Sorry Nathan. Pero kailangan kita dahil mahal kita. Gusto na kitang maging asawa dahil nakikita ko na ikaw ang aking hinahanap na lalake para matupad ang pangarap kong masayang pamilya’ sambit nito sa kanyang sarili.
Sa mga oras ding yon ay dumerecho muna si Jeff sa kanyang Internet Shop bago pumasok sa kanyang klase. Nang pagpasok niya ay nadatnan niya si Carlo sa front desk ng shop habang tinitignan niya ang picture ng boss sa kompyuter.
Hindi niya napansin na nakarating na pala ang kanyang amo at patuloy pa din sa pagkakatitig niya dito sa larawan.
"Ahheem" sambit ni Jeff.
Nagulat si Carlo at kaagad ito sinara ang litrato sa kompyuter. “Sir, andiyan na po pala kayo”
"Bakit hindi? Shop ko'to diba?"
"Wala naman po, Sir. Nagulat lang ako"
Walang imik si Jeff at pumasok na lang sa counter . Umupo siya sa tabi ni Carlo at pinikit ang kanyang mga mata para magpahinga ng ilang saglit. “Carlo…??” tawag ni Jeff sa kanyang tabi habang nakapikit pa din ito.
"Yes Sir?"
"May tanong ako"
"Ano po yun?"
"Bakit mo tinititigan kanina ang mga larawan ko?"
Napalunok na lamang si Carlo dahil nakita nga ni Jeff na tinitignan niya ang kanyang mga larawan. “Wala naman po, Sir. Curious lang naman ako sa family ninyo” palusot nito.
"Curious saan...?"
"Sir, huwag po kayong magalit ha" paalam niya kay Jeff "Kasi po, may mga tsismis na kumakalat na pinalayas kayo sa bahay ng tatay n'yo. Tapos binugbog pa ang nanay ninyo"
“Naniwala ka naman?” sabay pagdilat ng mga mata niya.
“Hmmm. Hindi po, Sir. Naawa lang ako sa inyo dahil kung anu-ano na ang tsismis mila sa’yo”
"Don't worry, Carlo. Hindi naman ako galit sa mga tao, ang hobby ay pinag-uusapan ako. Ayaw ko na silang patulan"
"Mabuti po yan, Sir. Huwag mo na silang patulan. Nag-aaksaya ka lang oras at effort mo sa ganyang klaseng tao eh"
Napatingin si Jeff kay Carlo. Tila nagustuhan niya ang lalakeng kausap “Alam mo, Carlo. Sarap mo palang kausap. May mga tao pa rin pala na kagaya mo”
Bigla siyang namula sa sinabi sa kanya ng amo “Hindi naman po, Sir. Ganyan lang po talaga ako. Hindi ako tsismoso at hindi ako gumagawa ng kuwento sa kapwa ko”
"Good for you. Ipagpatuloy mo yan" puri ni Jeff sa kanya sabay tayo sa kanyang inuupuan "Pasok muna ako, Carlo ha. Ikaw muna ang bahala dito sa counter"
"Sige po, Sir" habang sinusunod ng kanyang mata ang boss na palabas ng shop.
Pagkatapos ng kanyang huling klase ay bumalik siya kaagad sa ospital na kung saan doon naka-admit ang kanyang ina. Nagpaalam siya kina Jacqui at Alvin na hindi muna siya makipagkita sa kanila dahil kailangan pa siya ng kanyang ina. Naiintindihan naman ito ng dalawa.
Nang pagpasok niya sa silid ay may dalawang lalake na naka-uniporme na pulis. Nagtatanong sa babaeng kapatid na si Jenny.
"Jeff, andiyan ka na pala. May naghahanap sa'yo" sigaw ni Jenny sa papasok na kapatid.
Tumingin ang mga lalake sa kanya habang palapit ito sa kanila.
"Ikaw ba si Jeffrey Dy?" tanong ng isang pulis na may katandaan ang pagmumukha.
"Opo. Ano po ang kailangan nila?" tanong niya sa pulis.
“May Warrant of Arrest kami laban sa’yo mula kay Mrs. Guang Fen Dy dahil pinasok mo ang bahay nila ng walang pahintulot at binantaan ang mga buhay nila. You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law.” pinusasan si Jeff ng dalawang pulis
“Teka. Kakausapin ko pa ang abogado namin, Sir. Hindi pwede ’to” dugtong naman ni Jenny na parang natataranta. Samantala si Joyce naman ay natataranta din at walang magawa dahil nakahiga ito at may nakakabit sa kanyang kamay.
Hinila si Jeff ng isang pulis palabas ng ospital at sinakay sa kanilang kotse. Hindi makapaniwala si Jeff sa nangyayari ngayon sa kanya. Para siyang nasa isang napakapangit na bangungut.
Nakaupo lang siya ng walang imik sa sasakyan na nakatitig sa kanyang mga kamay na naka-posas. Sumakay na din ang dalawang pulis sa kotse at nagsimula nang pina-andar ang sasakyan.
Natataranta pa din si Jenny dahil nanginginig na ang mga kamay sa pagkakahawak ng telepono. Tinatawagan niya kasi ang kanilang abugado tungkol sa pagkukulong ni Guang Fen sa kanyang apo na si Jeff.
"Nay. Hindi pa rin sumasagot si Atty. Dimaguiba eh"
"Mamaya na lang muna yan, Jenny. Tawagin mo na lang ang Kuya Jeremy mo sa baba. Sabihin mo sa kanya na lalabas na ako dito ngayon din" utos niya sa anak at kaagad naman ito lumabas ng silid.
'Ano ba ang ginawa mo sa kanila, Jeff. Hindi mo alam kung paano lumaban ang ina ng tatay mo. Mahirap kalabanin si Guang Fen' sambit ni Joyce sa sarili.
Itutuloy…
CHINITO: Chapter 21 (Ang Pagpili)
Dinala si Jeff sa presinto at ikinulong doon ng mga pulis. Umupo siya sa sahig ng selda at umiyak ng todo dahil sa nangyari sa kanya. Pero sa kabila nito, hindi niya pinagsisihan ang pagsugod sa bahay ng matandang bruhang lola ni Jean.
"Ang ingay naman..." sambit ng isang preso. Kaagad siyang tumayo at nagtungo kay Jeff "Hoy!! Ano ang iniiyak mo diyan?! Hindi mo ba nakikita na may natutulog dito"
"Sorry po" sambit ni Jeff habang pinupunas ang kanyang luha gamit ang kanyang kamay.
Nagpabuntong-hininga na lamang ang lalake sa sobrang inis “Gawa-gawa ng krimen at kung makukulong. Iiyak” habang umupo sa tabi ni Jeff “Teka, ano ba kaso mo?”
"Hindi ko po alam eh" sagot ni Jeff habang nakatingin lamang sa sahig.
"Ha?? Bakit hindi mo alam?? May nakukulong ba na hindi alam ang kaso niya??" dugtong ng lalake "Huwag mo akong pinagloloko, bata..."
"Hindi ko naman kayo pinagloloko eh" tanggol ni Jeff sa sarili "Bigla lang naman ako kinuha ng mga pulis dahil daw pinasok ko ang bahay ng tatay ko ng walang paalam at sabi daw nila, binantaan ko pa daw ang buhay nila"
"Sarili mong ama ang nagpakulong sa'yo?"
"Hindi po. Yung ina niya. Bawal daw kasi na pumasok kami sa kanilang bahay"
"Naku... huhulaan ko. Hindi ka tanggap ng lola mo noh?" panghuhula niya sa nangyari kay Jeff "... o pwede din, hindi tanggap ng lola mo ang nanay mo na msging asawa ang tatay mo dahil hindi siya kasing yaman nila"
"Paano mo naman nasabi??"
"Alam ko yan, kasi kontrabida palagi ang mga biyenang babae. Ayaw nila parati sa asawa ng kanilang anak. Lahat gagawin para maghiwalay sila"
"Pero apo niya ako. Kadugo pa rin"
"Oo nga. Pero anak ka pa rin ng babaeng ayaw niya" pagdidiin niya pa "Alam mo, naalala ko ang sarili ko sa nanay mo eh"
"Bakit naman?"
"Kasi ayaw niya sa akin. Kaya gumawa ng paraan ang nanay ng asawa ko na maghiwalay kami. Pinaalis at pinagtrabaho niya sa labas ng Pilipinas ang anak niya" patuloy pa din ang pagkukuwento niya kay Jeff "Hanggang sa makahanap ang asawa ko ng foreigner at nagpakasal silang dalawa ng lalake. Umuwi sila dito sa Pilipinas pagkatapos ng ilang taon para ipaalam sa kanyang ina"
"Sakit naman yon. E ano po ang ginawa n'yo?"
"Siyempre, sinugod ko sila. Sa sobrang galit, napatay ko silang dalawa" hindi makapagsalita si Jeff sa sinagot ng lalake "Biglang nagdilim ang paningin ko eh. Pero tapos na yon. Hindi ko na maiibabalik ang ginawa ko sa kanila dahil bukas na bukas din ay lilipat na ako sa B.J.M.P."
"Sorry po..." sambit lamang ni Jeff
"Magpasalamat ka pa nga na iyan lang ang kaso mo, bata. Teka, ano ang pangalan mo?"
"Jeff po, ikaw po? Ano ang pangalan n'yo?"
"Antonio. Pero Tony na lang ang itawag mo sa akin"
"Okay po Mang Tony" ngiti naman ni Jeff.
"Ito lang ang mapapayo ko sa'yo, Jeff. Huwag na huwag mo akong gayahin. Huwag mong ilagay ang batas sa mga kamay mo dahil mas lalo pang masisira"
Pagkatapos ng kanilang masinsinang usapan ay nagdesisyon sila na matulog na dahil inaantok na silang dalawa.
Mahigit sa sampu ang bilang ng mga taong nakakulong sa selda kabilang na dito si Jeff. Maala sardinas silang lahat sa loob at mainit dahil walang bentilasyon ng hangin. Pero walang magawa si Jeff at nakaupo na lamang habang natutulog.
Kinabukasan
Nagising si Jeff sa mga kalampag at ingay ng mga kasamahan niyang preso. May nagkagulo kasi doon sa loob at may parang nagsusuntukan ang mga ito.
"Hoy!!" sigaw ng pulis habang palapit sa selda "Ano yan?! Tigilan niyo na nga yan. Ang aga-aga ehh" dugtong niya pa habang nakatingin sa loob "Sino ba dito si Jeffrey Dy??"
"Ako po" sabay tayo ni Jeff habang nakataas ang kanyang kaliwang kamay para makita siya ng pulis . Binuksan ng pulis ang rehas at tinignan si Jeff. "Laya na ba ako, Sir?"
Napangiti ang pulis na parang natawa sa tanong niya “Wish mo lang. May bisita ka, bata. Ayan na sila oh” sabay turo sa babaeng papasok.
"Nay..." sigaw ni Jeff at kaagad itong nagtungo ng mabilis sa ina at niyakap ng matindi.
"Kamusta ka dito, anak? Sinasaktan ka ba nila dito?"
"Teka lang po, Ma'am" sabat ng isang preso sa loob ng selda na si Mang Tony "Hindi naman po kami ng inaakala niyo"
Napatingin silang dalawa kay Mang Tony at napangiti si Jeff sa sinabi nito “Huwag ka pong magaalala, nay. Mabait sila dito lalung-lalo na si Mang Tony”
"Sigurado ka ba, anak?"
"Opo nay. Mukhang maangas lang yan pero mabait po yan"
"Sige, may tiwala ako sa'yo anak" habang inaayos ng nanay ang kanyang buhok at habang naiiyak ito.
"Bakit nay?"
"Naaawa lang ako sa'yo anak. Pinakulong ka ni Guang Fen" iyak ng ina "Pero hindi naman kita masisisi sa ginawa mo anak eh. Naaawa lang talaga ako sa'yo ngayon"
"Nay naman. Huwag ka ngang umiyak. Okay ako dito. At ang babait naman ng mga kasama ko dito" paniniguro ni Jeff sa ina. Pero sa kaibuturan ng kanyang puso ay natatakot, naaawa at kinakabahan sa kanyang sarili dahil baka ano pang masama ang mangyayari sa kanya doon. "Huwag ka pong mag-aalala nanay"
Umupo sila sa may bakanteng upuan na kung saan rinereserba sa mga bisita ng mga nakakulong. Kinuha ni Joyce ang dala-dalang kanin na nakalagay sa plastic container at ulam na adobong atay sa isa ding container. Nang may biglang pumasok na pamilyar na mga tao.
Isang pares ng lalake at babae na may kasamang dalawang babae; isang bata at isa naman ay matanda. Sila nga… ang pamilyang Dy.
Nanlaki ang mata ni Jeff sa pagpasok nila sa presinto. Napainom siya ng tubig para maalis ang laman ng kanyang bibig. Unang lumapit si Jean sa kanilang dalawa.
"How are you my sweet half-brother?" bati sa kanya ng malditang babae "Long time, no see"
"Anong ginagawa ninyo dito?"
"Ouch... ang sakit naman. Ganun lang ba ang bati mo sa FAMILY mo?" sagot ni Jean "Well, bumisita lang naman kami para isiguro na komportable ka sa bagong bahay mo." pang-iinsulto niya kay Jeff "So tell me, Jeff. Ano ba ang feeling na nakakulong? Masaya ba?" pero hindi sumsagot si Jeff sa kanya "Well, curious lang ako dahil binili talaga namin 'to para sa'yo. Kasi dito ka bagay. Kasama ng mga kriminal na yan"
"Gusto mo bang subukan? Actually, masyadong malaki ang lugar na 'to para sa amin eh. Marami pang lugar sa loob, pwede ka pang sumali, kasama ang mga bago kong kaibigan"
Sumulyap si Jean sa selda at nakita niyang malalagkit na mga tingin ng mga preso sa kanya lalung-lalo na si Mang Tony.
"Tama na yan, Jean. Ako na lang ang kakausap sa kanya" sambit ng matandang babae. Lumapit sa kanya ang bruha na habang nakataas ang isang kilay na parang manunuklaw na ahas.
"Kita mo na, Jeff. Ito ang kabayaran mo nung pinagtangkaan mo ang buhay namin ng pamilya ko"
"Pamilya mo?? E pamilya mo naman ako ah" sabat ni Jeff na nasasaktan na sa sinasabi ng lola "Bakit ba ganyan ka sa akin?? Sa amin nina nanay?? Ano ba ang ginawa namin sa'yo?"
"Wala naman. Ang natatanging kasalanan ng nanay mo ay minahal niya ang natatanging anak ko"
"So, hindi mo talaga matatanggap na may mga anak sila? Na sariling kadugo mo rin??"
"SShhh. Jeffrey" suway ng kanyang nanay. "Tama na yan. Baka lumala pa yan"
" You should listen to your mother bago pa kitang ipabulok dito sa kulungan."
"Sige subukan mo. Hindi ako natatakot" lumapit si Joyce sa kanilang dalawa at pinigilan si Jeff sa mga salita niya laban sa matandang babae.
"Jeffrey... ang sabi ko, tama na..." at tumingin siya sa matanda "...pasensiya na po. Pasensiya na rin sa pagsugod ng anak ko sa pamamahay ninyo"
"Mabuti naman kung inaamin ninyo ang mga kasalanan na nagawa ninyo sa amin"
At hinawakan ni Joyce ang kamay ng matanda. “Bigyan niyo lang po kami ng isa pang pagkakataon. Parang awa niyo nap o, palayain n’yo na po ang anak ko. Nangangako ako na hindi na kami gagawa ng anumang makapahamak sa inyo”
"Sa tingin mo ba Joyce. Ganun lang kadali iyon??"
"Parang awa niyo na po. Gagawin namin ang lahat para mapatawad mo lang kami"
"Lahat...???"
"Opo. Lahat" sabay ang pagtulo ng luha ni Joyce sa sinabi niya.
"Sige pagbibigyan kita... pero sa isang kondisyon"
"Ano po iyon?"
"Layuan mo na ang anak kong si William"
Napatingin naman si Joyce kay William pero hindi ito makatingin ng derecho sa kanyang asawa. Nasaktan ito dahil hindi niya naman napagtanggol at napaglaban muli ang kanilang relasyon sa kanyang ina.
"Huwag kayong mag-aalala. Pagkatapos nito, lalayuan ko na ang anak mo"
"Very good" sagot naman ni Guang Fen "Pero may isa pa akong kondisyon para palayain ang anak mo"
"Sige po. Kahit ano"
“Lumuhod ka” napatingin naman si Joyce sa kanya na parang nagulat ito “Bakit?? Ayaw mo??”
"Nay huwag" sambit ni Jeff sa kanyang likuran.
Lumingon at ngumiti lamang si Joyce sa kanyang anak “Diba ang sabi ko sa’yo, gagawin ko lahat para hindi ka lang masaktan?”
Lumuhod si Joyce sa paanan ng matandang babae. “Mabuti. Marunong ka pala sumunod sa utos” sambit niti sa taong sa kanyang paanan.
"Ma. Tama na po." suway ni William na biglang sumulpot. Napatingin ang matandang babae sa direksiyon ng kanyang anak.
"Bakit mo ako pinipigilan, William? May pagtingin ka pa rin ba sa babaeng ito??" sabay turo kay Joyce "Diba ang sabi ko sayo noon na wag na wag mong patulan ang babaeng 'to? Pero ano ang ginawa mo? Pinakasalan mo pa din at inanakan...!!"
"Ma. Please. Tama na. Palayain mo na si Jeff at hayaan mo na silang umalis" pakiusap ni William sa kanyang ina.
"Ano ako? Tanga? Ayoko...!! Matapos niyang pinasok ang pamamahay ko at pagbantaan ang buhay ko...??!! Palalayain ko lang ng ganitong kadali?? Ayoko...Gusto ko munang pahirapan sila...!!!" tumalikod sa kanila ang matandang babae at dumerecho sa desk ng pulis para i-urong ang kaso. Bago siya lumabas ng presinto ay tumingin siyang muli kina Joyce "Ayan. Binawi ko na ang kaso ng anak mo. Sana naman sumunod kayo sa kasunduan natin"
Hinintay ni William na makalabas ang kanyang ina at kaagad nilapitan si Joyce na nakaluhod pa din sa sahig.
"Sorry Joyce..." sambit ni William sa asawa na tangkang tutulungan ito na tumayo pero pinigilan siya ni Jeff.
"Wag mong hawakan ang nanay ko... kaya na namin ang mga sarili namin." sambit nito sa kanyang tatay.
"Anak. Sorry tungkol kanina. Hindi ko kasi kaya na suwayin ang lola mo eh"
"Kahit sarili mo pang anak at asawa ang inaapi niya? Tay naman" buntong-hininga ni Jeff "Huwag ka namang mama's boy"
"Pasensiya na anak."
"Sige po tay. Baka hinihintay na kayo ng ina mo sa labas. Isama mo na rin yan ang malditang apo niya" turo niya kay Jean
Umalis na lamang si William sa harapan ng mag-ina at lumabas na ng presinto kasama ang anak niyang si Jean. Pero nanatili pa din si Natalie at linapaitan si Joyce at niyakap ng mahigpit
"Joyce. Humihingi ako ng tawad sa ginawa ng anak ko at kay Mama. Lalung-lalo na sa asawa natin na si William"
"Huwag kang mag-alala, Natalie. Pinatawad ko na silang lahat" paniniguro niya kay Natalie "Sige na, lumabas ka na baka bumalik pa dito ang matanda at ikaw na naman ang masaktan niya"
Nakauwi sila sa kanilang bahay mga dakong ala-una na ng hapon. Sa kanilang pagpasok ay kinomprontahan kaagad ni Jeff ang kanyang nanay.
"Nanay naman. Bakit mo tinanggap ang alok nila na huwag nang magpakita o magparamdam sa anak niya, kapalit ng paglaya ko?" iyak ni Jeff "Sana pinabayaan mo na lang ako dun. Kaya ko naman magbayad ng piyansa eh"
"Kahit na. Ginawa ko iyon para sa katahimikan ng lahat "
"Katahimikan saan?"
"Katahimikan sa ating pamilya. Gusto ko nang bumalik ang dating sigla ng pamilya natin nung hindi pa bumalik ang tatay mo ulit sa ating buhay"
"Diba ikaw pa ang nagpapumilit sa akin nun na tanggapin at patawarin ko ang aking ama? Tapos ngayon, sumusuko ka na?" paalala ni Jeff sa ina "Parang wala ka ding katulad kay tatay, nay. Mabilis sumuko"
"Akala ko kasi na nag-iba na ang tatay mo. Pero katulad pa rin siya ng dati" sagot ng kanyang nanay sa kanya "Oo. Tama ka. Baka nga suko na ako sa relasyon namin dahil hanggang ngayon ay nagtatago pa rin siya sa saya ng kanyang ina"
"Nay naman. Kung tutuusin, ikaw ang legal na asawa eh. Ikaw ang mas may karapatan. Ina lang siya ng asawa mo. Lumaban ka"
"Pasensiya na talaga Jeff. Pero wala na akong nakikitang dahilan na dapat ipaglaban pa. Nakapili na siya"
"Nanay naman" iyak ni Jeff na parang nanghihinayang sa pagmamahalan ng kanyang magulang.
"Tama na Jeff. Nangako na ako sa kanyang ina na hindi na tayo magpakitapa sa kanya. Kailangan mong tanggapin iyon"
Itutuloy…
CHINITO: Chapter 22 (Move-on)
Pumasok na ulit si Jeff pagdating ng araw na Martes dahil kailangan niyang ipagpatuloy ang kanyang buhay sa kabila sa trauma na nangyari sa kanya kahapon na pagpasok sa kulungan.
. “Bes, kamusta ka?” tanong ni Jacqui na habang tinatapik ang likuran nito.
"Hindi okay, pero pinipilit ko na maging maayos"
"Sige lang Jeff. Kaya mo yan. Andito kami ni Jacqui para sa'yo, lalung-lalo na ako" paniniguro ni Alvin sa kanya.
"Salamat guys. Pano niyo pala nalaman ang nangyari sa akin...??"
"Tinawagan kami ng nanay mo nang gabing iyon at ang sabi namin sa kanya na ipagpabukas na lang ang pagbisita namin dahil na gabi na talaga. Pero kinabukasan sa pagdating namin, nandoon na ang tatay mo at ang pamilya niya." Paliwanag ni Alvin "Nahihiya naman kasi kami na pumasok eh. Sory ha?"
"Hindi. Huwag kayong humingi ng sorry. Naiintindihan ko..." at ngumiti si Jeff na tila mapait ang mukha.
Hinimas ng dalawang kaibigan niya ang kanyang likuran para mabawasan lang naman ang kanyang nararamdaman nang may biglang nagsalita…
"Oh My God. For real? Nakalaya na pala siya?" sambit ni Cloe sa kanyang kasama habang naglalakad sa harapan ng magkakaibigan. "Yuck ha. May ex-convict pala dito sa school natin. Nakakatakot na pala dito" Nagbingibingihan na lamang si Jeff sa mga parinig ni Cloe sa kanya habang palayo siya kay Jeff.
Umuwi kaagad si Jeff pagkatapos ng huling klase niya at dumerecho kaagad sa kanyang silid upang magpahinga at mabilis itong nakatulog.
"Ma. Bakit mo yon ginawa sa mag-ina ko?? Wala silang kalaban-laban" sambit ni William sa ina na parang nagtatalo silang dalawa sa loob ng silid ni Guang Fen.
"Ano gusto mong gawin ko, William?? Kalimutan ko na lang ang ginawa nila sa apo ko??!" sagot niya sa anak "Hindi naman maaari yon. Mahal ko ang apo ko"
"E apo mo naman si Jeff Ma eh. Bakit hanggang ngayon, hindi mo pa sila matanggap?!"
"Kasi ayaw ko kay Joyce. Kasi wala siyang dugong Instik na kagaya ni Ming at Natalie" paliwanag niya kay William "Alam mo naman kung ano ang patakaran ng pangagasawa sa lahi natin diba?"
"E bakit mo kinuha si Rafael? Hindi naman Intsik ang nanay niya ah"
"Meron. Nag-imbestiga ako sa buhay ng kanyang ina na si Lorena" sagot niya sa anak "Kaya kinuha ko si Rafael bilang tagapagmana sana pero mas pinili niya pa na bumalik sa kanyang ina. Hindi ko naman mapilit si Rafael eh. Sana... wala na akong problema sa mga yaman natin kung naging cooperative lang siya eh"
"Yan... Mana. Yaman" dugtong ni William "Yan lang parati ang pinoproblema mo, Ma. Mga kayamanan ninyo ni Papa. Pero hindi niyo naisip ang kaligayahan ng anak ninyo"
Linapitan ni Guang Fen si William at hinawakan ang mga kamay nito “Anak… nagkakamali ka. Ikaw ang rason kung bakit ko ginawa yon. Para ’to sa pamilya natin. Para sa’yo, para sa apo ko na si Jean. Para mapabuti ang hinaharap ninyo”
"Hindi Ma. Sarili lang ninyo ang iniisip ninyo at ang kayamanan ninyo" sagot ni William "Pasensiya na Ma. Pero hindi na ako makikinig sa mga utos niyo sa akin. Pipiliin ko na ang pamilyang iniwanan ko sa loob ng labing-walong taon"
Inalis niya ang kamay ng ina na nakahawak sa kanyang kamay at kaagad lumabas ng silid. Pero sa kanyang tangkang paglabas ay nakita niya na unti-unting sumasadsad sa sahig ang ina habang hinahawakan ang kanyang dibdib.
Kaagad naman tumakbo si William sa ina “Ma.. anong nangyari sa’yo?? Dadalhin na lang kita sa ospital Ma. Kapit ka lang” binuhat niya si Guang Fen pababa ng hagdanan at sinakay sa kanyang kotse at dinala siya sa isang pinakamahal na ospital.
Dakong alas-otso ng gabi ay nadatnan ni Jeremy ang bunsong kapatid na si Jeff sa may bintana at parang nakatingin ito sa malayo. Pinuntahan niya naman ito para kausapin ang ka[atid.
"Bunso, saan si nanay?" panimula ni Jeremy.
"Doon po sa kanyang kuwarto, kuya. Nagpapahinga"
"Ahh. E ikaw? Kamusta ka na?"
Tumingin naman pabalik si Jeff sa kanyang kuya “Okay lang po ako, kuya.”
"Pagod?"
"Hindi naman po. May iniisip lang ako"
"Pwede bang malaman kung ano ang iniisip ng bunso ko?" sabay tapik sa balikat ng kapatid.
"Wala lang po 'to, kuya"
"Sige na. Ikuwento mo na kuya"
“Inisip ko lang kasi ang mga pinagdaanan ko sa loob ng halos isang buwan kuya” buntong-hininga ni Jeff “Parang marami na din, lalung-lalo na si Tatay. Akala ko pipiliin niya tayo pero hindi pa pala”
"Galit ka pa rin ba kay Tatay?"
"Hindi na. Pero sa totoo lang, kuya. Hindi naman ako galit sa kanya eh" paliwanag ni Jeff "Nagtatampo lang ako sa kanya noon dahil hindi ko siya kasama nung maliit at habang nagbibinata ako" sabay sa pagtulo ng mga luha niya "Akala ko na kasi makukumpleto na ulit tayong pamilya nung nakilala ko si Tatay eh. Pero hindi pa rin siya nagbabago. Hindi niya pa rin naipaglaban si Nanay"
"Bunso. Ganyan talaga. Dapat mong tanggapin na may mga bagay na hindi naaayon sa gusto natin" sagot naman ni Jeremy sa iyak ng kapatid "Masasanay ka rin na wala kang ama sa paligid mo. Diba?? Nabuhay ka rin na si Nanay lang at kami ng mga kapatid mo ang kasama mo??" tango ni Jeff ng kanyang ulo "So, huwag ka nang malugkot diyan. Isipin mo na lang na nagising ka sa isang napakasamang bangungot"
"Salamat po kuya"
"Walang anuman, bunso" sagot ni Jeremy "sige na, pasok muna ako sa kwarto ko. Magbibihis lang" pero hindi sumagot si Jeff at nakatingin pa din sa kanya ang kanyang kuya. Muli siyang binalikan ni Jeremy "Bunso...??"
"Po?"
"Ang sabi ko, papasok muna ako sa kwarto ko"
"Sige po"
Lumapit muli si Jeremy at tinignan ang mukha ng bunso na parang blangko pa din ang mukha “Meron ka pa rin bang problema, bunso?”
"Wala na po, kuya"
"Sigurado ka?" at tumango muli si Jeff bilang sagot "Oo nga pala, kamusta kayo ni Riley? Matagal ko na siyang hindi nakikita ah"
Malalim ang kanyang buntong-hininga bago niya sinagot ang kuya “Wala na po kami, kuya. Hiwalay na kami”
"Ha?? E bakit??"
"Ayaw niya na po eh. May nahanap na siyang bago" sagot naman ni Jeff na tila meron pang bakas ng sakit ang mukha nito "Pero don't worry, kuya. Okay na ako. Nakapagmove-on na ako"
"Are you sure? Para kasing iba ang lumalabas diyan sa mukha mo, bunso"
"What do you mean po, kuya?"
"Mahal mo pa rin ba siya?"
Ilang segundo din ang pagtahimik ni Jeff sa tanong ng kuya “Hindi naman siguro basta-basta mawawala ang pagmamahal ko sa kanya kuya”
"Naiintindihan kita, bunso. Pero nahihirapan ka na eh. Parang ibang tao na ang kaharap ko ngayon" dugtong ni Jeremy "Kalimutan mo na siya, bunso. Kasi kinalimutan ka rin niya. May iba na siya diba?"
"E paano ko siya malilimutan? Sa bawat galaw ko, siya parati ang iniisip ko"
"Maghanap ka kaya ng bago" payo niya sa malungkot na kapatid "Yung taong hindi ka lolokohin at iiwanan sa ere"
"E sino...??"
"Ewan ko. Maghanap ka nga. Baka andiyan lang sa paligid mo, hindi mo lang nakikita"
Naputol ang kanilang usapan na may biglang nag-buzzer sa labas. Sinilip ni Jeff sa bintana kung sino ang kanilang bisita. Laking gulat niya na si Alvin pala iyon.
Kaagad siyang bumaba ng kanilang bahay at binuksan ang gate.
"Alvin, ikaw pala." bati ni Jeff sa kaibigan. Sabay tingin niya sa bandang likuran niya kung nasaan ang isa niya pang kaibigan "Saan si Jacqui?"
"Si Jacqui?? Ahhmmm. Ahh. Ehh. Kwan kasi... Hindi ko na ako nagpaalam sa kanya eh. Ako na lang ang mag-isa pumunta dito. Oo tama. Mag-isa lang ako" sagot ni Alvin na tila namumutla ito "Baka busy din siya eh. Alam mo naman"
"Kung sa bagay, tama ka. Busy siya sa kanyang lover" sagot naman ni Jeff "Sige Vin. Pasok ka"
"Pano 'to, Nathan?? Buntis ako" sambit ni Cindy habang nakatitig sa dalawang pulang guhit sa Pregnancy Test Kit.
"Nagkakamali yan. Buti pa bumili ulit tayo ng kit na yan" sagot naman ni Riley na parang nababalisa at hindi alam kung ano ang kanyang gagawin.
"Nathan. Maraming kit na ang ginamit ko. Kaninang umaga pa. Positive."
"O edi magpatingin tayo sa doktor. Mas sigurado ang resulta kapag doktor ang magsusuri sa'yo kung totoo ngang buntis ka"
"Ayaw mo talagang maniwala?? Diba sabi mo pananagutan mo ang ginawa mo sa akin??"
"Oo naman. Kaya nga naninigurado lang ako..."
"... na ikaw talaga ang ama ng dinadala ko?" panghuhula ni Cindy sa susunod na sasabihin ni Riley.
"Hindi naman sa ganon. Naninigurado lang ako na buntis ka" paliwanag niya kay Cindy "Kasi ayaw ko naman pumasok sa kasalan kung hindi pa pala sigurado na buntis ka"
"So hindi mo ako mahal?"
"Hindi"
"Aray. Ang sakit naman" sabat naman ni Cindy.
"Alam mo naman na may iba akong mahal diba?"
"Oo. Alam ko. Pasensiya na"
"Huwag kang humingi ng tawad, kasalanan ko. Pero pangako ko sa'yo na pananagutan ko talaga ang baby na yan. Magpapakasal tayo" sabay yakap ni Riley sa kanya "Pero magpatingin muna tayo sa doktor. Okay?"
Hinigpitan din ni Cindy ang pagyakap niya sa lalake “Nathan? Pwede bang humingi ng favor?”
"Ano yun??"
"Kapag napatunayan natin sa doktor na buntis talaga ako at pagkatapos mo akong pakasalan... pwede mo ba na kalimutan na si Jeff at ako na lang ang mamahalin mo at ang anak natin?"
"Sige. Kung iyan ang gusto mo. Masusunod" pagsang-ayon ni Riley. Pero hindi niya ito mapapangako sa kanyang sarili dahil mahal pa niya si Jeff.
Tahimik ang sala ng kanilang bahay nina Jeff. Tanging tunog lang ng hininga nilang dalawa ni Alvin ang naririnig nila at parang wala siyang planong magsalita dahil kinakabahan at nahihiya ito kay Jeff.
"Bakit ang tahimik mo, Vin?" panimula ni Jeff sa kanilang usapan.
"Wala naman. Ganito lang ako diba? Hindi ako maingay katulad ni Jacqui"
"Oo nga eh" sagot naman ni Jeff at biglang naalala na naman ang kanilang kaibigan "Nakakamiss talaga ang babaeng yon"
"Pero may jowa na kasi siya eh"
"Masaya ba sila, Vin?"
"Hmmm. Base sa nakikita ko, masaya naman. Bakit mo naman naitanong?"
"Wala naman. Naisip lang kita"
"Ha? Bakit ako?"
"E hindi ko kasi nababalita na may nililigawan kang babae eh" obserba ni Jeff sa kaibigan "Napakamisteryoso mo talagang tao noh? Ang tahimik mo, tapos hindi ka nagsheshare ng mga personal information mo. Like love life"
"Personal nga diba? It means private"
"Kahit na, kaibigan mo kami noh. Dapat mo ikuwento ang mga personal things na nangyayari sa buhay mo"
"Wow. Ganyan talaga?"
"Oo naman."
Biglang napatingin si Alvin sa mga mata ni Jeff ng napakatagal “Actually, sa’yo ko lang sasabihin ngayon ang tungkol sa taong importante sa buhay ko”
"Talaga? Sige nga. Sabihin mo nga"
"Matagal na akong may lihim na pagtingin sa kanya. Kahit nung First year pa lang kami"
"Ha? Matagal na pala, Vin. Bakit hindi mo siya niligawan?"
"Gustong-gusto ko siyang ligawan pero may problema eh"
"Ano yun?"
"Torpe kasi ako. Parang tuwing kaharap ko siya at sa tuwing tinititigan ko ang kanyang mga mata... para akong natutunaw sa hiya"
"Ayon lang" dugtong naman ni Jeff "Teka, kilala ko ba 'to, Vin?"
"Oo. Kilalang-kilala"
"Really?? Exciting naman" ngiti ni Jeff "Sige, magkuwento ka pa"
"Pero nung may lakas ng loob na akong ligawan siya, iyon naman ang panahon na may karelasyon na siya"
"Aray naman"
"Everytime na sinasambit niya ang pangalan ng kanyang mahal. Nagseselos ako. Gusto kong isigaw sa kanyang harapan na ako na lang, dahil mahal na mahal ko siya" patuloy pa din ang pagkuwento ni Alvin kay Jeff "Pero hindi pwede eh. Kasi nirerespeto ko pa rin naman ang kanilang pagmamahalan"
"Tapos??"
"Sabi ko sa sarili ko na hihintayin kita. Iyon nga, naghintay ako hanggang sa magkahiwalay sila. Alam mo, Jeff, hindi sa pagiging kontrabida ha? Iyon ang pinakamasayang araw sa buhay ko dahil binigyan muli ako ng pagkakataon para sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal"
"Wow. Grabe ka talaga, Vin. Ganun mo ba talagang kamahal ang taong yon?"
"Oo naman. Mahal na mahal ko talaga siya"
"Ang swerte niya talaga noh?" sambit ni Jeff na parang kinikilig
"Hindi naman. Swerte ako sa kanya dahil nakakita na ako ng taong pinapangarap ko makasama habambuhay"
"Parang kinikilig na ako Vin" abot tenga ang ngiti ni Jeff sa mga kuwento nga ngayon lang kwinento ng kaibigan "Sino ba 'to, Vin?"
"Ikaw" tanging sagot ni Alvin at napalaki naman ang mga mata ni Jeff.
Itutuloy…
CHINITO: Chapter 23 (Bagong Kasal)
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Jeff nung sinabi ni Alvin yon. Baka naman nagkakamali lang siya sa kanyang sinabi.
"Ako?" ulit ni Jeff.
"Oo Jeff. Ikaw"
"Bakit ako?"
"Bakit ikaw?? Katulad nga nang sinabi ko, first year pa lang tayo. Gusto na kita noon at hanggang sa ngayon"
Biglang napatayo na lang si Jeff dahil naguguluhan na ito sa kanyang nalaman “Teka, kailangan ko muna ng hangin” sabay hinga niya ng malalim “Diba tinanong kita noon na kung tama ang mga duda sa’yo ni Riley?”
"Oo. Naalala ko yon"
"Pero ang sabi mo, mali siya. Hindi totoo ang sinabi niya. Bakit ka nagsinunggaling??"
"Inaamin ko na nagsinunggaling ako sa'yo nun" pag-amin niya sa kanyang kasalanan "Ginawa ko lang naman yon dahil ayaw kong maging dahilan ng hiwalayan ninyo eh"
"At sa tingin mo ba, maniniwala kaagad ako sa mga sinasabi mo sa akin ngayon?"
"Hindi naman. Pero iyon ang totoo. Iyon ang totoo kong nararamdaman sa'yo. Kahit itanong mo pa kay Jacqui"
"So, alam ni Jacqui 'to?"
"Oo" sagot ni Alvin "Pero huwag ka naman magalit kay Jacqui, Jeff. Ako ang nagsabi sa kanya na huwag isabi sa'yo"
"Hindi naman ako nagagalit kay Jacqui eh. Ikaw ang kinaiinisan ko" dugtong ni Jeff "Hindi mo sinabi sa akin ang totoo nung tinanong kita"
"Sinagot ko na diba? Para naman sa'yo yun. Para hindi kayo mag-away ni Riley"
Natahimik muli si Jeff at napaisip sa pag-amin ni Alvin sa kanya. “Oh sige na nga. Wala naman tayo magagawa eh. Tapos na yon”
"So, hindi ka na galit?"
"Hindi na. Pasalamat ka dahil kaibigan kita"
"Talaga?" ngiti ni Alvin "So, tatanungin kita, Jeff. May pag-asa ba ako? O stuck lang ako sa pagkakaibigan natin...? And please be honest sa sagot mo..."
"Alam mo, Vin. Maswerte ang tao na magmamahal sayo kasi napakabait mong tao at alam ko hindi mo siya sasaktan. Pero..."
"Pero...?" sabat ni Alvin na parang naghihintay ng dugtong mula kay Jeff.
"Pero hindi pa kasi ako handa ngayon eh" sambit ni Jeff "Magulo pa ang utak ko ngayon sa mga nangyari recently. Hindi ko muna masasagot yan. Sorry"
"Naiintindihan ko... kasi nabigla kita sa pag-amin ko sa'yo pero wag lang sana mag-iba ang pakikitungo mo sa akin, Jeff"
"Hindi. Hinding-hindi mangyayari yon dahil kaibigan kita" paniniguro ni Jeff sa kaibigan sabay ngiti nito "Mas mabuti pa nga na umamin ka na sa akin eh. Wala ka nang tinatago"
"Pero magkaibigan pa rin tayo ha??"
"Oo nga. Kaibigan pa rin kita"
Ngumiti si Alvin sa sagot sa kanya “Sige. Salamat, Jeff. So pano, uwi na ako ha? Maaga pa kasi ang klase ko bukas eh”
"Sige, Vin. Ako din eh" sabat naman ni Jeff "Oo nga pala, what time ba ang unang klase mo?"
"Hmmm. Alas-otso ng umaga. Bakit?"
"Ako din eh. Mapasundo kasi ako sa'yo dito bukas sa bahay, para sabay tayo punta ng school. Okay lang ba?"
"Ha??? Hmmm. Sige. Bukas. Sunduin kita dito"
"Thank you, Vin."
Nakumpirma nga ni Riley na buntis ang babae na si Cindy at siya ang ama ng dinadala nito. Wala naman siyang magagawa kundi pakasalan ang babae sa huwes dahil sa kanyang pinangako noon.
Nang nakauwi sila sa kanilang bahay…
"Thank you, Mahal" sambit ni Cindy kay Riley habang yakap-yakap niya ito.
"Thank you saan?"
"Sa pangako mo sa akin. Na pakakasalan mo ako"
Hindi na sumagot si Riley sa sinabi ng babae dahil wala na siyang may iduduktong dahil parang napilitan lamang siya. Sakto din na nakasunod sa kanila si Lorena sa kanilang likuran.
"Tama na nga ang lambingan ninyo. Mamayang gabi na yan" dugtong ni Lorena "Diba may pasok ka pa sa trabaho, Nathan? Anong oras na?"
"Ay... oo nga po, Ma. Sige, bihis muna ako"
Nang pagpasok ni Riley sa kanyang silid upang magbihis. Tinignan naman ni Lorena si Cindy na parang sinusuri ito.
"Saan pala kayo nagkakilala ng anak ko?"
"Hmmmm. Sa isang club po, Ma"
"Sa club??" ulit ni Lorena sabay naman ang pagtango ng ulo ng kanyang kinakausap "Ano ka dun??"
"Wala po. Isa po ako sa mga nakatambay doon. Tapos nakita ko si Nathan..."
"...tapos linapitan mo siya at may nangyari sa inyo?" hula ni Lorena "Tapos nabuntis ka niya?"
"Opo" yuko ng ulo ni Cindy.
"Hindi ko alam kung ano ang pinakain mo sa anak ko kung bakit naniwala siya na anak niya talaga ang dinadala mo"
"Maniwala po kayo, Ma. Si Nathan po talaga ang ama nito"
"Paano ako makakasiguro?? E diba nagkita kayo sa club?"
"Opo. Pero hindi naman ibig sabihin na kung sinu-sinong lalake na lang ang kinakasama ko, Ma. Desente po akong babae"
"Desente?? Kaya pala nabuntis ka ng lalake na hindi mo kilala"
"Ang sakit naman po yan, Ma" sabay pagtulo ng luha ni Cindy.
Sakto din na lumabas na si Riley mula sa kanyang silid at nakabihis na papunta sa kanyang trabaho.
"Oh Ma. Bakit umiiyak si Cindy?" paglapit ni Riley sa kanilang dalawa.
"Wala naman" sagot ni Lorena "Maligaya lang siya dahil kasal na kayo. Wala ka nang kawala" sabay tingin niya kay Cindy.
"Ako naman po Ma eh. Masaya din ako. So pano, pasok na ako sa trabaho ha"
"Sige Mahal. Ingat ka"
"Okay Mahal. Salamat. Tama na ang iyak na yan."
Sinundan nilang dalawa ng kanilang mga mata si Riley palabas ng bahay at hinintay na maisara nito ang pintuan.
"Magbihis ka na" sambit ni Lorena sa kanya "Marami pang gawain dito sa bahay"
Sinundo nga kinabukasan ni Alvin si Jeff sa kanilang bahay upang sabay na lang sila pumasok sa kanilang klase.
"Kanina ka pa?" tanong ni Jeff sa kanya na nakatayo at naghihintay sa labas ng bahay.
"Hmmm. Hindi naman. Kakarating ko lang naman"
"Ahh Sige. So tara?"
"Sige, tayo na"
Habang naglalakad sila ay napatingin si Alvin sa kanyang kasama. Napansin naman kaagad nito ni Jeff “Bakit??”
"Okay ka lang ba? Parang ang bigat ng mukha mo"
"Hmmm. Okay lang naman, marami lang iniisip"
"Tungkol ba 'to sa tatay mo?"
"Oo"
"... at kay Riley?"
"Oo" sagot niya "Hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa niya yon eh" buntong-hininga ni Jeff "Yung feeling na parang kayo na talaga habambuhay tapos magugulat ka lang na may iba siya?? Parang bangungut lang eh"
"Ganun talaga, Jeff. Siguro mas mabuti na yan na malaman mo ngayon kesa magtagal pa kayo at dun mo nang malalaman. Mas lalong masakit yon" sabi ni Alvin sa kanya "Mas hindi mo pa kakayanin ang sakit kapag nagtagal pa. Kaya cheer-up. Kaya mo yan"
Ngumiti na lang si Jeff sa kanya “Salamat ha. Salamat kasi andiyan ka”
"Oo naman. Kaibigan mo ako diba? Nandito lang ako para sa'yo, Jeff"
Hindi sumagot si Jeff sa kanyang sinabi at sakto din na may huminto na dyip sa kanilang harapan at kaagad silang sumakay.
Nang pagkababa nila sa harap ng kanilang paaralan ay may nakita si Jeff na pamilyar na mukha. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil hindi niya inaaasahan na makita ito.
"Shit" sambit lamang ni Jeff.
"Oh bakit?" dugtong naman ni Alvin.
"Diba si Joy yan?" turo niya sa nakatayo na seksing babae
"Ha? Sinong Joy?"
"Duh! Nakalimutan mo na ba?? Siya yon" paaalala niya kay Alvin pero wala pa ding ideya kung ano ang ibig sabihin ni Jeff
"Ano nga?"
"Yung babaeng yan. Siya yung binayaran ninyo para maikama ko"
"Aaahhhh" biglang naalala ni Alvin "Oo, siya pala yan. Ang sexy noh?"
"Sexy?? Hindi noh" pagtanggi ni Jeff "Teka, san ka pupunta?"
"Kakamustahin ko lang siya, Jeff. Wait lang"
"Naku, bahala ka. Mauuna na ako. Late na ako" sambit ni Jeff habang papasok sa paaralan. Iniiwasan niya ang mga tingin ni Joy para hindi niya ito makita.
Oras ng uwian ay kaagad nang umuwi si Jeff dahil pagod na pagod ito sa mga gawain nila nung araw na yon.
Samantala si Alvin naman ay kakatapos lang din ng kanyang huling klase. Laking-gulat niya sa kanyang nakita na nakaupo sa bench. Linapitan niya agad ito.
"Riley??" sambit ni Alvin.
"Vin... ikaw lang ba??" sabat naman niya.
"Ahmm. Oo eh. Pero uuwi na din ako. Bakit naman?"
"Wala naman. Hinahanap ko lang si Jeff" sagot ni Riley "Saan ba siya?"
"Umuwi na din siguro. Kanina pa natapos ang klase niya eh"
"Ganon ba?? Alvin, pwede bang humingi ng favor?"
"Sure. Ano yon?"
"Pwede mo bang kausapin si Jeff tungkol sa akin?"
“Ha??”
“What I mean is, gusto ko sana siyang makausap ng personal. Pwede mo ba akong tulungan?”
“Ahh. Yun lang ba?? Sige. No problem”
“Sige Alvin. Maraming salamat talaga”
“You’re welcome” sabat ni Alvin “Pano, mauna na ako ha. May pupuntahan pa ako eh”
“Sige Vin, ingat ka”
Sinunod ng mata ni Riley ang palabas na ng campus na si Alvin. Gusto niya kasi kausapin si Jeff para ipaliwanag sa kanya ang totoong nangyari pero sa kasamaang-palad, hindi niya naabutan ito.
Nang pagpasok ni Riley sa bahay ay nadatnan niya ang kanyang asawa na si Cindy na umiiyak sa sofa.
"Mahal... anong nangyari dito?" tanong nito. Hindi pa rin sumasagot si Cindy at panay hagulhol niya lang ang naririnig ni Riley "Mahal... sumagot ka naman"
"Ang nanay mo...."
"Oh bakit?? Anong ginawa niya sa'yo?"
"Inaapi niya ako dito, Mahal. Parang ginagawa niya akong katulong dito. Alam niya naman na buntis ako diba?"
"Ha?? Bakit niya naman ginawa yan sa'yo?? Saan ba siya?"
“Sa kanyang kwarto”
Kaagad naman tumayo ito at pumunta sa pintuan ng silid ni Lorena. “Ma…!” makalas na katok ni Riley.
Ilang sandali lang ay bumukas ang pintuan “Bakit ba? Nagpapahinga ako dito. Ang ingay mo”
"Nagpapahinga?? Mabuti naman kung ganon. E yung asawa ko kasi, panay ang trabaho dito sa labas" sambit ni Riley sa ina "Alam mo naman na buntis ang asawa ko diba? Bakit mo pinagtatrabaho ng mabibigat?"
"Ano??!" sigaw ni Lorena "Yun ba ang sumbong niya sa'yo?? E siya nga ang walang ginagawa dito sa loob ng bahay eh. Panay kalikot niya sa kanyang telepono" paliwanag niya sa anak "Nagpapahinga ako ngayon dahil napagod ako sa kakatrabaho kanina"
"Hindi yan ang sinabi niya sa akin"
"Oh edi bahala ka sa buhay mo kung siya ang pakikinggan mo. Nathan, ako ang nanay mo. Sa akin ka maniwala"
"Hindi na Ma. Hindi na ako naniniwala sa inyo. Nung araw pa na niloko mo ako, na pinaniwala mo ako na magkapatid kami ni Jeff" pagbalik-tanaw ni Riley "Sa tingin mo ba Ma? Maibabalik pa ang tiwala ko sa'yo? Tama na. Masaya na ako sa asawa ko. Huwag ka nang maging kontrabida ulit sa buhay ko"
"Ang sakit naman nun, Nathan"
"Masakit dahil totoo. Totoo naman talaga na niloko mo ako eh" balik ni Riley "Oo nga pala. Riley. Riley Kristoffer Dechavez ang totoo kong pangalan, hindi Nathan Rodgers"
"Anak...." abot ni Lorena sa kamay ng anak
"Ito na ang huli kong pakiusap ko sa'yo, Ma. Tigilan mo na ang pangingialam sa buhay ko" sambit niya sa ina "...at kung may marinig pa akong sumbong na inaapi mo siya, magbalot-balot ka na lang at umalis"
Tumalikod si Riley sa ina at kaagad nagtungo sa kanyang silid. Habang nakatayo pa din si Lorena sa paanan ng pintuan ay linapitan siya ni Cindy.
"So, ano pa ang hinihintay mo?? Pack-up your things and leave. Kawawa ka naman pala noh? Hindi ka pinaniniwalaan ng sarili mong anak"
"Hindi ko alam kung ano talaga ang pakay mo sa anak ko... pero balang araw. Balang-araw, malalaman ko din"
"Malalaman mo nga, pero wala ka na dito" sabay pagtaas ng kilay ni Cindy "Haay.. It's almost past 6pm. Hindi ka pa ba magluluto??"
Dakong alas-syete na ng gabi nang makauwi si Jeff sa kanilang bahay. Dumerecho siya kasi muna sa mall at doon naglakad-lakad para maalis pansamantala ang kanyang nasa isipan; ang mga masasakit na nangyari sa kanyang buhay.
Nang pagpasok niya ng bahay ay nadatnan niya ang kanyang ina na si Joyce na nakaupo sa sofa habang umiiyak.
"Nay..??" sambit ni Jeff "Anong problema? Bakit ka umiiyak?"
"Ang tatay mo, Jeff"
"Ano naman ang tungkol sa lalakeng yon?"
"Patay na. Patay na ang tatay mo" iyak ni Joyce
"Ha??!" tanging sabi niya sa kanyang narinig. "Paano? At kailan lang?"
"Kahapon pa daw pero ngayon lang nakatawag si Natalie sa atin dahil pinagbabawalan daw nila na ipaalam sa atin"
"Ha?? Bakit naman? Tatay ko yon. Bakit bawal?"
"Ewan ko anak" sabay iyak ni Joyce "Kahit ano pa ang ginawa nun ng tatay mo sa akin. Mahal na mahal ko pa din siya, Jeff"
Itutuloy…
CHINITO: Chapter 24 (Dalamhati)
“Nay…” yakap ni Jeff sa ina “tahan na po”
"Hindi mo ako naiintindihan Jeff eh. Mahal ko pa rin ang tatay mo sa kabila ng ginawa niya sa akin noon. Hindi ko talaga matatanggap na patay na siya"
"Alam ko naman po yun, nay. Pero maging malakas ka. Andito pa kami ng mga anak mo" sabay din ang pagtulo ng luha ni Jeff "Mahal ko din si tatay, nay eh. Kahit hindi niya ulit tayo naipaglaban. Kahit na papaano, siya pa rin ang ama ko"
"Ang bilis lang talaga ng mga pangyayari, Jeff. Nung isang araw, kasama pa natin siya sa presinto. Ngayon, patay na siya"
"Naiintindihan ko po yan, nay. Ako din naman eh" dugtong ni Jeff "Hayaan mo nay. Pupunta tayo dun sa kanila. Bibisitahin natin si tatay"
Napatingin si Joyce sa anak sa kanyang sinabi at sa magiging desisyon ng anak “Huwag anak. Alam mo naman na pinagbabawal tayo dun diba?”
"Hindi" pagmamatigas ni Jeff "Tayo ang legal. Tayo ang may mas karapatan."
"Huwag na anak. Baka ano na naman ang mangyari sa'yo doon" pagmamakaawa niya sa anak "Diba kinulong ka niya?? Nang ina ng tatay mo??"
"Oo nay. Pero hindi na ako natatakot" pagmamatigas pa niya "Patay na si Tatay. Kahit katawan niya lang?? Ipagdadamot pa nila sa atin?? Hindi naman makatarungan yon"
"Sumunod na lang tayo, Jeff. Utang na loob. Baka ano na naman ang gawin niya sa'yo"
"Hindi nga nay. Ngayon din. Pupunta ako"
Tumayo si Jeff sa tabi ng ina na hindi pa siya nagbibihis. Kaagad siyang umalis at nagtungo sa lamay ng kanyang ama.
Magkalipas ang ilang sandali ay dumating si Jeff sa isang chapel na kung saan doon nakalagak ang katawan ni William.
Nakita niya nga na mula sa labas ang kabaong at may isang malaking litrato ng ama na sa tabi nito. Dahan-dahang siyang lumakad papasok ng chapel papunta sa nakahimlay na ama.
Nang pagdating niya sa kabaong ay nakita niya na si William nga iyon. Biglang napahagulhol siya sa iyak dahil nasayang lang ang mga sandali nilang magkasama.
"Tatay..." hagulhol ni Jeff "...sorry po. Sorry dahil nagalit ako sa'yo noon. Sana pinatawad kita agad tatay. Sorry po talaga. Mahal na mahal po kita" himas niya sa salamin ng kabaong "Huwag ka pong mag-aalala tay. Ako ang bahala kay nanay. Aalagaan ko siya"
"Anong ginagawa mo dito??!" sigaw ni Guang Fen na nakatayo sa bandang likuran.
Napalingon naman si Jeff sa kanya “Nandito ako para sa tatay ko” punas niya ng kanyang mga luha.
"Para ano pa?? Patay na ang anak ko. Wala na kayong mahuhuthutan na pera sa amin. Pwede ba, umalis ka na? Bago pa ako mag-iiskandalo dito"
"Sige. Gawin mo. Sumigaw ka. Tignan lang natin kung sino ang magiging kahiya-hiya sa gagawin mo" balik ni Jeff sa kanya "At ano ba ang masama kung binisita ko lang ang ama ko??Anak niya ako"
"Anak...?? Diba sinusumpa mo ang ama mo? Tama na ang pagkukunwari ninyo. Umalis ka na"
"Ayaw ko... at hinding-hindi ako aalis dito"
"Ayaw mo?? Sige" sambit ni Guang Fen "Guard!!"
Ilang saglit naman ay may lumapit na dalawang matikas na lalake sa matandang babae “Bakit po Ma’am?”
"Damputin niyo na ang taong yan at itapon sa labas" lumapit ang mga lalake at hinawakan ang magkabilang braso ni Jeff "...at huwag niyo nang papasukin ulit dito. Naiintindihan niyo ba ako??"
"Yes Ma'am. Masusunod."
Ikinaladkad ng dalawang matipunong guard si Jeff palabas ng chapel pero pilit pa din kumakawala ito. Ayaw niya talaga na umalis sa piling ng ama at ipinaglalaban niya ang kanyang karapatan.
Itinapon ng isang guard si Jeff sa sahig at kaagad naman siyang napahiga dito “Diyan ka na lang bata. Huwag nang matigas ang ulo mo. Hindi mo alam kung paano magalit ang boss namin” pagbabanta niya “Pasalamat ka pa nga na ito lang ang ginawa niya sa’yo. Umalis ka na bago pa magbago ang isip niya sa’yo”
Kinabukasan, nagising si Lorena sa kalampag ng pintuan ng kanyang kwarto. Pilit siyang tumayo dahil antok na antok pa siya. Gabi na kasi siya nakatulog dahil may pinagawa pa sa kanya si Cindy. Kaagad siyang nagtungo sa pinto at binuksan ito.
"Oh... Mabuti naman na nagising ka na" sambit ni Cindy "Nagugutom na ako. Magluto ka na ng agahan"
"Edi magluto ka diyan" sambit naman ni Lorena
"Ako magluluto?? Diba buntis ako?? Bawal sa akin ang mapagod, Ma" lumabas na lang si Lorena mula sa kanyang silid at tila may binulong sa kanyang sarili "Anong sabi mo??"
"Wala. Sige po, Ma'am. Umupo ka na diyan. Magluluto na ako"
"Teka... iniisulto mo ba ako??" lapit niya sa ina ni Riley
"Ha?? Hindi kita iniinsulto. Bakit? Nasaktan ka ba sa sinabi ko??"
"Hindi naman"
"Mabuti kung ganon. Sige na, umupo ka na diyan at pagsisilbihan ko ang prinsesa"
Natapos silang kumain at kaagad naghugas ng pinggan si Lorena. Samatala si Cindy naman ay nakaupo sa sofa at nanonood ng palabas sa TV.
Ilang saglit din ay natapos na siyang maghugas at nagdesisyon na itong maglaba ng kanilang mga maruruming damit.
Habang nakaupo siya at nagkukuskos ng mga damit, may narinig siyang tila may nabasag sa loob ng bahay. Kaagad siyang tumayo upang tignan kung ano ang nangyayari sa loob. Sa kanyang pagpasok, nadatnan niya ang mga basag na pinggan na nakakalat sa sahig.
Nakita niya doon si Cindy na nakatayo “Anong nangyari??” tanong ni Lorena
"Kanina pa kita tinatawag, hindi ka sumasagot. Edi tinapon ko na lang ang mga pinggan na to para pumasok ka kaagad"
"Ano??! Ano ba ang kailangan mo??"
"Nauuhaw ako. Ipagtimpla mo nga ako ng juice" utos nito sa ina ni Riley
"Yon lang??" dugtong ni Lorena "Binasag mo ang mga pinggan ko para sa isang juice lang??"
"Oo. Bakit?? Db buntis ako??"
Parang dumilim ang paningin ni Lorena at sinugod si Cindy “Hayup ka…” sabay sabunot niya sa buhok ng babae “Ang anak ko nga, hindi magawa yan sa akin. Pero ikaw… ang kampal ng mukha mo…!” walang masagot si Cindy at iyak lamang ang lumalabas sa kanyang bibig dahil saginagawa sa kanya ni Lorena “Sumusobra ka nang babae ka”
"MA!!" sigaw ni Riley sa pintuan. Kakarating niya lang mula sa kanyang trabaho. Napatingin silang dalawa kay Riley at kaagad tinanggal ni Lorena ang kanyang mga kamay sa buhok ng asawa ng anak. "Ano na naman ba 'to??" sabay lapit niya sa dalawa.
"E kasi hindi ko naman sinasadya na mabasag ko ang mga pinggan Mahal eh" iyak ni Cindy sa asawa "Mabibigat kasi. Tapos nabitawan ko. Nakita ni Mama. Nagalit at sinabunutan niya ako"
Napatingin si Riley sa ina at tila naiinis na ito “Diba sabi ko sa’yo… huwag na huwag mong pagtatrabaho-in ang asawa ko at huwag na huwag mo siyang sasaktan??” lapit niya sa ina “Pero anong ginawa mo Ma?? Hindi mo pa rin ako sinunod”
"Hindi anak. Nagkakamali ka."
"Hindi Ma. Alam na alam ko na ayaw mo si Cindy para sa akin kaya ginagawa mo 'to sa kanya" sabat ni Riley "Tama na Ma. Masaya na ako sa asawa ko. Sana maging masaya ka na din sa akin"
"Nagsisinungaling siya anak. Siya ang bumasag nito. Hindi ako"
"PWEDE BA??! Tama na!!" sigaw niya "Mas mabuti pa siguro na umalis ka muna sa pamamahay na 'to"
"Ano???"
"Narinig mo ako. Pwede ka nang umalis sa bahay na 'to"
Hindi makasambit ang kanyang ina at napatigin na lang kay Cindy na nakangiti. Nagtungo siya kaagad sa silid niya at nagsimula nang mag-impake ng kanyang mga damit.
Samantala.
Nagising si Jeff sa kanilang sofa. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya doon kagabi dahil sobrang napagod ito. Biglang naalala niya na sumugod pala siya kagabi sa lamay ng kanyang ama pero kaagad siya pinalayas ni Guang Fen.
Sakto din sa kanyang pagtayo ay pumasok si Alvin sa kanilang bahay “Jeff??” bati nito
"Vin..??" walang anu-ano ay kaagad pinuntahan niya ang kararating niya lang na kaibigan at niyakap ng mahigpit. Doon na bumagsak ang kanyang mga luha.
"Alam ko na ang nangyari, Jeff. Sinabi sa akin ni Tita Joyce sa baba. Condolence nga pala sa inyo" yakap din niya kay Jeff.
"Pero hindi ko pa rin matanggap ngayon eh. Mahirap tanggapin na patay na si tatay" iyak pa ni Jeff "Pero ang mas masakit, Vin. Bawal kami pumasok at dumalaw sa kanya. Ganyan na ba talaga kainit ang dugo nila sa amin. Ang unfair naman"
Hinimas ng dahan-dahan ng kamay ni Alvin ang likuran ni Jeff habang nagkayapan silang dalawa. “Huwag ka nang umiyak, Jeff. Andito ako para sa’yo. Huwag mo lang ipilit ang sarili mo dun, masasaktan ka lang.”
Inalis ni Jeff ang kanyang sarili sa pagkayakap ng kaibigan at parang may sumagi sa isip. “Hindi. Kailangan ko pumunta dun. Tatay ko ang nakaburol dun. Kahit ang ina niya pa ang pumigil sa akin. Wala akong pakialam” sambit ni Jeff habang palabas ng bahay.
Pero sa kanyang paglabas ay hinarang siya ng kanyang ina na si Joyce sa pintuan.
"Saan ka pupunta??" tanong ni Joyce.
"Dun sa kanila, nay. Babalik ako dun"
"Nababaliw ka na ba, Jeff?? Hindi nga tayo pwede dun!"
"Pero kailangan, nay. Kailangan tayo ni tatay" pagpupumilit ni Jeff.
"Bakit napakatigas ng ulo mo Jeff??" sambit ng ina "Saan ba banda ang hindi mo naiintindihan sa sinabi ko??"
"Wala" sabat ng anak "Hindi ako natatakot kay Guang Fen o kay Jean. Tatay ko din yun. Dumadaloy ang dugo niya sa mga ugat ko. May karapatan akong pumunta dun" paliwanag ni Jeff sa ina "Halos isang buwan lang nung nakilala ko si tatay. Isang buwan lang ang natatanging panahon na makilala ko siya bilang ama ko. Kahit naman dito sa burol, babawalan nila??"
"Nababaliw ka na ba, Jeffrey??!" sigaw niya "Wala ka talagang ideya kung paano lumaban ang lola mo??"
"Alam ko, nay. Pero hindi ako natatakot sa kanya"
"Jeff naman. Makinig ka sa nanay mo. Para naman din sa'yo to eh" dugtong naman ni Alvin sa usapan ng mag-ina.
"Pati ikaw??" sabat ni Jeff.
"Oo. Dahil nagaalala ako sa'yo. Baka ano na naman ang mangyari sa'yo kung pupunta ka dun"
Hinawakan naman ni Joyce ang kamay ng anak. “Parang awa mo na anak. Huwag nang matigas ang ulo mo. Naiintindihan kita. Naiintindihan ko ang mga hinagpis mo. Pero huwag muna sa ngayon. Mapupuntahan din natin ang tatay mo”
"Kelan...??" tanong ni Jeff na may halong inis at inip ang tono ng boses
"Hindi ko alam" yuko ng kanyang ina "Pero anak. Huwag mo nang gawin 'to. Huwag mo nang ipilit ang sarili mo doon" pagmamakaawa ulit ni Joyce "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung may mangyayari naman sa'yo. Mababaliw na siguro ako. Kahit para lang sa akin anak. Tama na"
Natigilan si Jeff at napaisip ito ng malalim. Tama nga ang kanyang ina na itigil na lang ito at baka hindi na kakayanin ng ina kung ano pa ang mangyayari sa kanya.
"Sige nay" sabi ni Jeff "Hindi na ako pupunta dun. Para sa inyo"
"Salamat anak" yakap ng ina "Maraming salamat"
Naputol ang kanilang yakapan na mag-ina dahil may tao sa labas ng kanilang gate.
"Sino yan, nay?" tanong ni Jeff.
"Si Atty. Dimaguba" sagot nito habang bumababa.
Binuksan ni Joyce ang gate para makapasok ang abugado. Nagtaka silang lahat kung bakit pumunta ang kanilang abugado.
Pinaupo silang dalawa sa sofa at nakatayo lamang si Alvin habang ang abugado ay umupo sa kabilang parte ng sala. May kinuha siya sa kanyang briefcase ng isang dalawang pahinang papel.
"Nasaan ang tatlo pang mga anak mo Mrs. Dy?"
"Nasa kani-kanilang trabaho po, attorney. Maaga pa silang umalis"
"Ganun ba? Pero nagmamadali ako at may kailangan pa akong tatapusin" sabay ayos ng kanyang longsleeve na kulay sky blue.
"Bakit nga po ba kayo napasadya dito, attorney?" tanong ni Joyce.
"Well. Alam naman ninyo ang tungkol sa pagkamatay ni William Dy na asawa ninyo diba?" sabay tango ni Joyce "Andito ako para ipaalam ko sa inyo na hindi kayo iniwanan ni William na wala"
"Ha?? What do you mean, attorney?" tanong ni Jef na tila hindi alam ang ibig sabihin ng abugado.
"May mamanahin ka mula sa ama mo" tingin niya kay Jeff.
"Ano??"
"Oo. Tama ang narinig mo. Nailabas na ng abugado ng tatay mo ang Last Will and Testament niya" paliwanag ni Atty. Dimaguiba "Pero hindi pa ito ang tamang oras para basahin ang nakasaad sa testamento."
"Kailan ba attorney?" tanong ulit ni Joyce.
"Hindi ko pa alam kung kailan, Mrs.Dy. Depende pa yan sa abugado ng asawa ninyo. Pero i-update ko kayo kung kailan babasahin ang testamento ng asawa ninyo..." paliwanag niya "... kasama ang isa niya pang pamilya"
Itutuloy…
CHINITO: Chapter 25 (Pagbabanta)
Kinagabihan.
“I know, right??” sambit ni Cindy sa kanyang kausap sa telepono “Mabilis lang talaga utoin si Nathan at kayang-kaya ko siyang laruin sa mga kamay ko” habang nakangisi ito “E hindi naman siya naniniwala sa kanyang ina. Kasi nga may trust issues siya kay Lorena. That’s why madali lang sa akin na gawin ang mga plano ko na palayasin ang Lorena na yan” tuloy pa rin ang hawak nya sa telepono habang nakangiti pa din ito “Ito na bes. Matutupad na ang mga pangarap ko. Isang masaya at matatag na pamilya kasama si Nathan at ang magiging anak namin”
"Talaga...??" laking gulat ni Cindy dahil andiyan pala sa kanyang likuran si Riley.
"Ha???" tanging sambit niya habang namumutla ito "Mahal? Bakit ka bumalik? Wala ka bang pasok?"
"Meron"
"Oh... E ano pa ang ginagawa mo dito, Mahal? Pumasok ka na, baka ma-late ka" lapit ni Cindy sa asawa at tangkang halikan. Pero nilayo ni Riley ang kanyang mukha sa labi ni Cindy at tinignan ito ng masakit "Mahal?? May problema ba?"
"Pwede ba Cindy?? Stop acting as if you're innocent" sambit ni Riley "Sino ba ang kausap mo sa telepono?"
"Kaibigan ko. Bakit?"
"Sino?"
"B-basta"
"Sumagot ka. Sino?"
"Si Heather. Bestfriend ko"
"Ano pinagkukuwentuhan ninyo?"
"Wala. Tungkol lang sa buhay-buhay"
"Sinunggaling" dugtong ni Riley "Narinig ko lahat ang pinag-uusapan ninyo. Totoo ba na plinano mo na palayasin ang ina ko??" hindi makasagot si Cindy at tila namumutla lamang ito "SAGOT!!"
"Oo... tama ka!" iyak ni Cindy "Ginawa ko lang naman yon para masolo kita"
"Napakasama mo... Masolo?? E nanay ko ang binastos mo" sabat niya sa asawa "Marunong ka naman rumespeto sa kanya"
"Sorry na Mahal. Please" pagmamakaawa niya kay Riley
"Ano ba talaga gusto mo, Cindy??"
"Ikaw. At ang baby natin"
"Binigay ko naman sa'yo ang sarili ko diba?? Kahit hindi kita mahal. Pinilit ko na pakasalan ka dahil iyon ang pangako ko sa'yo"
"Pangako... ginawa mo lang yon para sa pangako mo" ulit ni Cindy. "Hindi dahil mahal mo ako"
"Oo. Sinabi ko naman sa'yo noon pa diba??"
"Pero mahal kita, Nathan. Mahal na mahal kita" yakap at halik niya kay Riley "Parang awa mo na. Huwag mo nang mahalin ang baklang yon. Ako na lang"
"Maniwala ka. Pinilit din kitang mahalin pero hindi kita mapapatawad sa ginawa mo kay Mama" sabay kuha ni Riley ang mga kamay ni Cindy na nakapalibot sa kanyang katawan "Patawarin mo ako, Cindy. Maghiwalay na lang tayo"
"Ano?? Hindi maaari, Nathan. Mahal kita. Paano ang magiging anak natin?"
"Huwag kang mag-aalala. Pananagutan ko pa rin ang batang yan, pero kailangan na nating maghiwalay. Ayoko na" habang papasok sa kanyang silid. "Pwede ka na ding magbalut-balot at umalis"
Nakahiga si Jeff sa kanyang kama at tila malalim ang kanyang iniiisip. Hindi pa rin kasi maalis sa isipan niya na may iniwan pala na mana mula sa kanyang ama na si William. Hindi importante kung ano o magkano ang kanyang mamanahin, dahil ang mas importante ay napatunayan niya na mahal pa rin sila ng kanyang ama at hindi pa rin niya nalilimutan ang una niyang pamilya.
Ilang saglit ay may sa pinto ng kanyang silid “Anak…?”
"Bakit po nay?"
"Kain na tayo"
Kaagad naman tumayo ito at nagtungo sila hapagkainan upang kumain na ng kanilang hapunan. Nandoon ang dalawa niyang nakakantandang kapatid na lalaki na sina Joshua at Jeremy na kakarating lang mula sa kanilang mga trabaho.
Umupo siya sa kanyang pwesto at nagsimula na silang kumain.
"Bakit ang tahimik niyong lahat?" panimula ni Jeremy "May problema ba nay?"
"Wala anak" sagot naman ni Joyce sa kanya.
"Nanay naman. Huwag ka nga magsinunggaling. Alam ko kung bakit ganyan ang mga mukha ninyo" sambit ni Jeremy "Patay na si tatay diba?"
Parang nagulat ang mukha ni Joyce sa sinabi ng anak. Nalaman niya na pala na namatay na ang kanyang ama “Paano mo nalaman, Jeremy?”
"Sinabi ni Jeff. Actually tinawagan niya ako kahapon"
"Sorry anak" abot ni Joyce sa kamay ni Jeremy
"Wala ka namang dapat ipagpatawad, nay. Tanggap ko na po na wala na si tatay. Don't worry po"
"Pero hindi ko pa rin sinabi sa inyo, anak"
"Ayos lang po sa akin, nay" paniniguro ni Jeremy.
"Mabuti naman kung ayos lang sa'yo yon" sabat naman ni Joshua sa usapan "Kasi ako, hindi ayos sa akin"
"Anak naman" sambit ni Joyce
"O bakit nay?? Hindi talaga okay dahil pinaglihiman niyo kami" sabay tayo ni Joshua sa hapagkainan "Mabuti pa ang baklang yan eh. Sinabi mo sa kanya. E sa amin, wala kang sinabi"
"Ang babaw mo naman" sabat ulit ni Jeremy "E ano naman kung hindi ni nanay sinabi sa atin? Magtatampo ka kaagad?? My God, kuya! Sana ikaw nga ang una makakaintindi eh, dahil ikaw ang panganay. Tapos ikaw pa ang magtatampo???"
"E ano naman ang pakialam mo, Jeremy??!!" sigaw ni Joshua "May karapatan akong magalit dahil ako panganay"
"Panganay nga... pero ang isip, parang bunso"
"Ahh talaga ha..."
Tatangkain na sanang ibuhat ni Joshua ang kanyang kapatid sa upuan pero pinigilan sila nga kanilang ina “Ano ba?! Ang ingay ninyo. Nag-aaway pa kayo sa harap ng pagkain!” sigaw naman ni Joyce “Sige na! magsipasok na lang kayo sa mga kuwarto ninyo! Hindi niyo lang naman nirespeto ang grasya”
"Hindi pa tayo tapos... tandaan mo yan" panduduro ni Joshua sa kanyang kapatid
Habang umalis ang dalawa palayo sa lamesa at kaagad pumasok sa kani-kanilang kwarto, napatingin si Jeff sa kanyang ina “Sorry po, nay. Hindi ko kasi napigilan eh. Nasabi ko sa kanila”
"Hindi anak. Wala kang kasalanan. Mabuti na siguro na alam na nila"
"Pero ang tungkol sa Last Will ni tatay, nay?"
"Huwag na muna nating ipaalam sa kanila"
"Bakit po?"
"Basta. Huwag na muna ngayon."
Hindi pumasok si Riley sa kanyang trabaho dahil hinahanap niya ang kanyang ina na si Lorena. Nagdesisyon na lamang ito na dumerecho sa mansyon ng mga Dy, na nagbabasakali na andun ang ina.
"Good evening po" bati ni Jeff sa palabas na katulong mula sa mansyon
"Magandang gabi din" ganti ng katulong "Sino po si sila??"
"Ahmmm. Andiyan po ba si Rafael Dy?"
"Wala po siya eh. Sino ka ba?"
"Kapatid niya po. Riley po ang pangalan ko"
"Ikaw nga ba talaga si Riley??"
"Ha?? Oo. Ako nga. Bakit?" tila nagdududa pa ang mukha ng katulong.
"E kasi, may nagpunta din dito sa bahay noon eh. Ang sabi niya, siya daw si Riley" kuwento niya kay Riley
"E ano ang nangyari?"
"Ayon, pinapasok ko siya sa mansyon, tapos nag-away sila ni Ma'am Guang Fen"
"Siya ba yung matanda? Ang lola ni Kuya Rafael?"
"Oo. Siya yun" sagot ng katulong "Pero nalaman pala ni Ma'am na apo niya pala yung nakapasok. Galit na galit ang taong yon dahil binugbog daw ng matanda yung nanay niya. Naaawa nga ako sa kanya eh"
"Bakit naman?"
"E kasi pinagtanggol niya lang naman ang nanay niya sa pang-aapi ni Ma'am sa nanay niya. Tapos pinakulong pa niya yung lalaki" patuloy pa din ang pagkuwento ng katulong kay Riley "Hindi ko naman siya masisisi. Mabigat talaga ang mga kamay ng matandang yon. Kahit nga ako, sinasaktan din niya"
"Grabe naman" parang kilala niya na kung sino ang tinutukoy ng katulong. Si Jeff. Ang kanyang ex. Ang kanyang mahal.
"Opo sir. Mabuti nga ngayon, wala sila dito eh. Wala nang sumasakit sa akin"
"Bakit? Saan ba sila?"
"Doon sila sa burol"
"Ha?? Burol nino?"
"Burol ni Sir William"
"Yung ama ni Rafael?"
"Opo Sir"
Hindi makasagot si Riley dahil nagulat ito sa mga narinig mula sa katulong. ‘Patay na ang ama ni Jeff?’ sambit nito sa kanyang sarili. “Sige Miss. Salamat. Alis na ako” sabay alis ni Riley na tila nagmamadali ito “Pakisabi na lang kay kuya na dumaan ako dito”
Patuloy ang kanyang paglalakad at nagsimula nang tumulo ang kanyang mga luha
‘Awang-awa na ako sa’yo. Nasasaktan ako tuwing nakikita kitang nahihirapan. Simula nung naghiwalay tayo hanggang ngayon sa pagkamatay ng ama mo. Sorry Jeff. Sorry sa lahat. Sana mapatawad mo ako. Mahal na mahal pa rin kita’ sambit niya sa kanyang sarili.
Habang papasok siya sa kanyang bahay ay nadatnan niya na bukas ang pintuan. Nagtaka siya kung bakit bukas ito at hindi naka-lock. Nagmamadali siyang pumasok sa bahay at nadatnan niya ang isang matikas na lalaki at si Cindy, na kanyang asawa na nakatayo at parang hinihintay talaga siya.
"Ikaw ba si Nathan?" tanong niya kay Riley.
"Opo. Sino po sila?"
"Ako lang naman ang nakakantandang kapatid ng babae na kasama ko" pakilala niya sa sarili "Ang asawa mo"
Napatingin si Riley sa asawa niya na tila may halong lito at galit sa kanyang mukha. “Akala ko wala na siyang pamilya”
"Meron. Ako. Ang kanyang kapatid" dugtong niya "Tinawagan niya ako kasi nagsumbong siya sa ginawa mo sa kanya. Hindi mo inako ang taong binuntis mo"
"Ha? Nagkakamali ka, brad. Pinakasalan ko nga siya eh" tanggol ni Riley sa kanyang sarili "Nag-away lang kami kasi gumawa siya ng kuwento dahil gusto niyang palayasin ko dito ang nanay ko"
"Sinunggaling" sabay suntok ng lalake sa bibig ni Riley.
Pumutok ang kanyang labi at nagdulot ito ng pagdurugo. “Teka lang naman. Makinig ka naman sa akin, brad”
Binuhat ng lalaki si Riley sa leeg. Hindi ito makahinga dahil sa pagsakal sa kanya ng mga kamay ng lalaki. “Makinig kang mabuti… panagutan mo ang anak na dinadala ng kapatid ko. Kung hindi mo susundin, ang nanay mo na ang bahala para magbayad”
Nanlaki ang mga mata ni Riley sa narinig. Nasa kanila ang ina niya na si Lorena. Tila nakabahan siya dahil kung ano ang kanilang gagawin sa ina “Nasa inyo si Mama?”
"Oo. Hawak namin ang ina mo" sagot niya "Kung hindi mo susundin ang gusto ng kapatid ko. Alam mo na ang susunod na mangyari" sabay bitaw ng lalaki sa kanyang leeg.
Napahawak na lamang si Riley sa kanyang leeg habang ang lalaki naman ay tuluyan nang umalis. Napatingin na lang siya kay Cindy na parang awang-awa sa kanya.
"Masaya ka na?" sambit ni Riley "Masaya ka na dahil magkasama na tayo habambuhay kahit ayaw ko??"
"Nathan. Pasensiya ka na. Gusto ko lang kasi mabuo ang pamilya natin eh"
"Pamilya natin?? Pamilya na pilit mong binubuo kahit wala"
"Ang sakit naman" sabat ni Cindy "Kung hindi mo sana ako pinalayas, hindi ko nagawa 'to. Hindi ko sana pinatawag ang kuya ko para bantaan ka"
"Totoo ba na sa inyo ang nanay ko?"
"Si Lorena??" balik ni Cindy "Oo. Andun sa bahay nina kuya"
"Napakasama mo Cindy"
"Hindi ako masama, Nathan. Gusto ko lang naman ng kumpletong pamilya"
"Kaya ako ang ginamit mo?"
"Hindi naman kita ginamit. Mahal kita, Nathan. Gusto ko magsama tayo habambuhay"
Araw ng Linggo.
Pinatawag ang buong pamilyang Dy sa opisina ng abugado ni William. Kabilang sa dumalo ay sina; Natalie, ang kanyang anak na si Jean, ang ina ni William na si Guang Fen, ang kapatid ni Riley na si Rafael, si Jeff at ang kanyang tatlong kapatid at si Joyce.
Nakaupo si Joyce sa labas ng opisina at sakto din dumating si Guang Fen, kasama si Jean sa kanyang likuran.
"Well, andito pala kayo" sambit ni Guang Fen na nakataas ang isang kilay niya "Hindi ko alam na imbitado pala kayo sa pagbasa ng Last Will ng aking anak. Wala dito rasyon ng pagkain ha"
"Oo. Imbitado kami" sabat naman ni Joshua sa kanya.
"Sino ka??" balik ni Guang Fen "Isa ka ba sa anak ng babaeng 'to??"
"Oo. Ako si Joshua. Ang panganay na anak ni William Dy"
"Good to know. Pero wala akong pakialam" insulto niya kay Joshua "Bakit ba kayo nandito?? Umaasa ba kayo na may parte kayo sa yaman na iniwan ng anak ko?" at napatingin siya kay Jeff na nakayuko "Jeff... andiyan ka din pala. Kamusta ka na? Miss na miss ko na ang apo ko"
Ilang saglit lamang ay dumating na din ang abugado ni William na si Atty. Villanueva at ang kanilang abugado na si Atty. Dimaguiba. Pumasok silang lahat kasunod ang dalawang abugado. Umupo sila sa mga kompartebleng upuan, ang iba naman ay nakatayo na lang.
"Good morning" panimula ni Atty. Villanueva "I know Sunday ngayon at panahon sana ng pagsisimba at paumanhin ko dahil ginambala ko pa din ang araw ng pahinga ninyo" may hinugot ang abugado sa kanyang briefcase at nilabas ang dalawang pirasong papel mula dito "Pero hindi na ito makapaghintay dahil sa araw na ito, babasahin ko na ang Last Will and Testament ni William Tan-Dy"
Itutuloy…
bŬy
CHINITO: Chapter 26 (Maghihintay Ako)
Nanginginig at parang excited ang lahat lalung-lalo na si Guang Fen dahil babasahin na ang Last Will and Testament ng kanyang anak na si William. Sigurado siya na ibibigay lahat ng anak ang lahat ng kanyang mga negosyo sa bunsong anak na si Jean.
Nagsimula nang basahin ng abugado ang nakasulat sa dalawang pahinang Last Will ng kliyente:
I,
WILLIAM TAN DY
, Chinese-Filipino citizen, of legal age, married to
JOYCE ALBA DY
, born on the 11th of August, a resident of Jaro, Iloilo City, being of sound and disposing mind and memory, and not acting under undue influence or intimidation from anyone, do hereby declare and proclaim this instrument to be my Last Will and Testament, in English, the language which I am well conversant. And I hereby declare that:
I. I desire that should I die, it is my wish to be buried according to the rites of the Roman Catholic Church and interred at our family mausoleum in Iloilo;
II. To my beloved wife JOYCE ALBA DY , I give and bequeath the following property to wit:
The Mansion
, located at Savannah Iloilo.
III. To my esteemed children,
a.
JOSHUA ALBA DY
,
I give and bequeath the following company to wit:
As the President and Owner of National Philippine Petroleum Company
b.
JEREMY ALBA DY
, I give and bequeath the following company to wit:
As the President and Owner of Wei Li Dy Medical Center
c.
JENNY VIEVE ALBA DY
, I give and bequeath the following company to wit:
As the President and Owner of The Lotus Resort and Casino
d.
JEFFREY ALBA DY
, I give and bequeath the following companies to wit:
As the President, CEO and Owner of;
a. Transporation
i) Airlines – AirPhilippines , The Philippine Airways
ii) Shipping – Wei Li Shipping Lines
iii) Freight Forwarders – Express Freight Logistics Inc.
b. Entertainment
i) Artist – The Artist Center
ii) Music – Alpha Records
iii) Movies – W.D. Films Inc.
c. Hotels and Restaurants
i) Hotels
(1)
Iloilo Hotel
- Iloilo
(2)
The Comfort Hub Hotel
– Boracay, Manila, Iloilo , Cebu
(3)
The Iloilo Suites
- Iloilo
(4)
Maui Hotel
– Boracay , Manila, Iloilo, Cebu, Davao
(5)
The Fifth Season Hotel
– Boracay, Manila, Iloilo, Cebu, Davao, Baguio
(6)
Atlantic Suites Hotel
– Beijing, Guangdong, Hongkong, Singapore, Las Vegas, California, New York, Dubai, Paris, Tokyo, Manila, Davao, Cebu, Iloilo, Boracay.
ii) Restaurants
(1)
米和肉
(M
ǐ
H
é
R
ò
u)
–
Beijing, Manila, Boracay, Iloilo
(2)
Uling (A Filipino Grilled Restaurant)
– Beijing, Guangdong, Manila, Boracay, Iloilo, Cebu
(3)
Marzano Pizza Parlor
- China (5), Philippines (600)
(4)
Burger House
– China (3), Philippines (434)
d. Bakery – Sweet Tooth Bakeshop
e. Food and Beverages - WLD Corporation
f. Banking and Finance – The Philippine Bank
g. Tel Co. – Walid Telecom Incorporated
h. Media and Advertising - Walid Broadcasting Network (WBN)
i. BPO - International Communication Services (InterCom)
j. Malls - DT Supermalls (10)
k. Bookstore - DT Books and Supplies
l. Energy - National Energy Corporation
e.
and JEANNETTE REYES DY , I give and bequeath the following company to wit:
As the President and Owner of Dy Motor Works Inc
.
IV. I hereby designate ATTY. NORMAN VILLANUEVA the executor and administrator of this Last Will and Testament, and in his incapacity, I name and designate ATTY. VINCENT DIMAGUIBA as his substitute.
V. I hereby direct that the executor and administrator of this Last Will and Testament or his substitute need not present any bond;
VI. I hereby revoke, set aside and annul any and all of my other will or testamentary dispositions that I have made, executed, signed or published preceding this Last Will and Testament.
IN WITNESS WHEREOF, I have hereunto affixed my signature this 5th day of January, 2008, in Iloilo City, Philippines.
Napatayo at nagulat si Guang Fen sa binasa ng abugado. Hindi ito ang kanyang inaaasahan.
"Ano? Hindi pwede ito" habang papunta sa direksyon ng abugado at muling binasa ang Last Will. Biglang nilunok niya ang kanyang laway dahil totoo nga ang nakasulat "Bakit ganito, attorney? Bakit ito lang binigay ni William kay Jean?"
"Yan lang po ang nakasaad sa testamento ni Mr. Dy, Ma'am. We need to respect his decision"
"Hindi." sambit ni Guang Fen "Hindi totoo ito. Peke ang last Will na binasa mo. Mahal niya ang kanyang anak"
"Hindi po, Ma'am. Totoo ito" tanggol ng abugado "Binigay lahat ni Mr. Dy ang mga negosyo sa bunsong anak niya kay Joyce"
Sa inis, ay humarap siya sa direksyon nina Jeff at kaagad nagtungo dito “Plinano n’yo ang lahat ng ’to. Gumawa kayo ng sarili niyong Last Will para mapunta sa inyo ang buong negosyo ng anak ko”
Tumayo si Jeff at humarap sa kanyang lola na namumula na sa galit “Hindi namin plinano ’to. Sadya lang na mahal ako ng tatay ko kesa sa pinakamamahal mong apo na si Jean” sambit ni Jeff “Let’s face the reality. You’re going down. Hindi kayo mahal ni tatay” Napahinto si Jeff sa kanyang sinabi dahil sinampal siya ng malakas ni Guang Fen. Pero muling humarap si Jeff “Tapos ka na?? Kahit anong sampal mo. Hinding-hindi pa rin magbabago ang nakasulat”
"Hayup ka, Jeff. Marunong ka naman rumespeto kay Ama" dugtong naman ni Jean
"Sige. Hindi ko na siya babastusin kasi matanda na 'to" ngiti ni Jeff. Bumaling ang kanyang tingin sa dalawang abugado "So attorneys. Kailan ba magiging official yan?"
"Official na po ngayon, Mr. Dy. Pero kailangan pa natin ilipat sa mga pangalan ninyong lahat ang mga ari-arian at mga negosyo na iniwan sa inyo ni Mr. William Dy"
"Sige. Maghihintay ako"
Ilang buwan din ang nakalipas ay nailipat na nga sa kani-kanilang mga pangalan ang iniwan sa kanila ng kanilang ama.
Si Jeff na ngayon ang pinakabatang milyonaryo at pinakabatang negosyante sa kanilang henerasyon, pero hindi niya pa alam kung paano patatakbuhin ang lahat ng ito.
"Kailangan n'yo pong mag-training sa China, Mr. Dy" paliwanag ni Atty. Dimaguiba sa kanya
"Ha? Bakit doon pa sa China? Hindi ba pwedeng dito na lang sa Pilipinas?"
"Kasi doon po sa China ang Main Office ninyo, dahil doon nag-umpisa ang negosyo na iniwan ng lolo mo"
Napaisip ng ilang minuto si Jeff at pagkalipas nito ay may desisyon na siya “Sige. Kelan ba magsisimula ang training ko, Attorney?”
"Next month na"
"Ano?? E graduation na namin next month. Hindi ba pwedeng i.adjust yan?"
"I'm sorry, Mr. Dy. Pero kailangan nating sundin ang sinabi ng inyong ama" dugtong ni Atty. Dimaguiba "No more adjustments. At isa pa, business is business. Hindi makapaghintay ang negosyo"
Napabuntong-hininga na lamang si Jeff dahil wala na siyang magagawa dito. Naiintindihan niya naman ang sinabi ng abugado sa kanya. “Sige na nga. Maghahanda lang ako sa loob ng isang buwan bago ako umalis”
"Of course, Sir. Take your time"
Kaagad tumalikod ang abugado kay Jeff at lumakad palabas ng gate ng paaralan. “Attorney…” tawag ni Jeff ulit sa abugado.
"Yes sir?" sagot ng abugado at bumalik ulit kay Jeff.
"May sinabi ba si tatay tungkol sa akin?"
Ngumiti na lamang ang abugado at may kinuha sa kanyang bulsa. Isang sulat na galing sa kanyang ama. Kaagad niya namang kinuha sa abugado ito at binuksan:
Jeffrey. Anak. Kung nababasa mo na ’to. Siguro patay na ako. Nais ko lang sabihin sa’yo na mahal na mahal kita aking bunso. Pagpasensiyahan mo na lang ang tatay noon kung hindi kaagad ako nagpakita sa’yo noong bata ka pa kasi pinagbantaan ni Mama, ang lola Guang Fen mo, ang buhay ninyo kung babalik pa ako noon sa inyo. Kaya pinili ko na lang manahimik ng ilang taon dito ang nakilala ko ang iyong tita Natalie, nagpakasal at nagka-anak kami.
Isang araw, nakita kita na may karga na isang sakong bigas sa likuran. Linapitan kita noon pero laking gulat ko na hindi pala ikaw yun. Sinabi ko yon sa nanay mo na may nakita ako na kamukha mo. Nagulat din ako sa nalaman ko sa nanay mo, na kakambal mo siya. Akala niya ay patay na ang kapatid mo.
Kaya nagpakita kaagad ako nung araw na yun sa’yo. Ang una nating pagkikita. Ang una nating yakap bilang mag-ama dahil alam ko na kailangan mo ako
Anak? Mahal na mahal ka ng tatay. Ikaw lang ang bahala sa kapatid mo na si Joey ha? Hanapin mo at alagaan mo siya. Kailangan niya din ng tulong mo.
Hindi makapagsalita si Jeff sa mga bagong rebelasyon na kanyang nabasa sa kanyang ama. Tulala ito at parang ayaw huminga dahil nagulat talaga ito.
"Mr. Dy? Are you okay?" sambit ni Atty. Dimaguiba.
"Yes. I'm okay. Salamat sa sulat" sagot naman niya "Just inform me kung kailan talaga ako aalis"
"Okay, sir. Alis na ako"
"Sige"
Pagkatapos nilang magusap ng abugado ay kaagad niyang pinuntahan at pinaalam sa kanyang mga kaibigan ang nalalapit niyang pag-alis papuntang China.
"Bes... mamimiss ka namin ni Alvin" sambit ni Jacqui. "Tapos hindi ka pa makapag-march sa graduation natin. Napakalungkot yon"
"Ano ka ba.. okay lang yun. Babalik naman ako eh" paniniguro ni Jeff.
"E kelan?"
"Hindi ko pa alam bes eh. Baka two to three months. Hindi ako sure"
"Hmmm. Pero ipaalam mo kaagad sa amin kung nakabalik ka na ha?"
"Oo naman. Kayo pa" sambit ni Jeff "Ang lakas niyo sa akin eh" sabay yakap ni Jeff sa kanilang dalawa "Huwag na kayong malungkot"
"Ikaw kasi eh. Binigla mo kami"
"Nabigla din kaya ako. Kasasabi lang ng abugado sa akin"
"Basta ha?? Chat-chat pa rin tayo ha?" sabi ni Jacqui.
"Opo. Ang kulet"
Hindi nila namalayan ni Jeff na tumayo na pala si Alvin at kaagad lumakad palayo. Nakita naman ito ni Jacqui na lumalakad palabas ng gate ng paaralan.
"Alvin. Saan ka pupunta?" pero hindi ito sumagot at patuloy pa rin sa paglalakad. Tumingin naman si Jaqui kay Jeff.
"Oh bakit?" sagot nito.
"Habulin mo kaya. Baka nasasaktan yan dahil aalis ka"
Sinunod naman ito ni Jeff at hinabol si Alvin na nasa labas na ng paaralan. Mabilis ang paglalakad niya pero pilit pa din ito hinabol ni Jeff at hinawakan ito sa kamay. Napahinto sa paglalakad at tinignan kung sino ang humawak sa kanyang kamay.
"Vin. Saan ka pupunta?"
"Wala. Uuwi na"
"Bakit hindi ka nagpaalam?"
"Iiwan mo din kami diba? So, ano pa ang point dun?"
"Oo. Pero babalik naman din naman ako eh" hindi sumagot si Alvin at pilit na tumingin sa malayo "Galit ka ba?"
"Hindi ako galit. Naiinis lang ako sa sarili ko dahil aalis ka na pero hindi ko pa rin pinaparamdam sa'yo na kung gaano kita kamahal"
"Sapat na ang mga panahon na andiyan ka sa tabi ko at tinutulungan mo ako sa aking problema"
"Pero mahal kita Jeff eh. Mahal na mahal. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala ka sa buhay ko"
"Don't worry, babalik ako para sa'yo" sabay himas ni Jeff sa pisngi ni Alvin. "Basta huwag ka lang susuko"
"So it means may pag-asa tayo?"
"Oo" sambit ni Jeff "Basta hihintayin mo ako"
"Salamat Jeff" at niyakap ng mahigpit ni Alvin ang kanyang mahal. "Maghihintay ako"
WAKAS NG UNANG LIBRO

