Cigarettes, Beer, and Breakup
Cooper Cy · 12 chapters · 35,584 words
Author’s Note
A U T H O R’ S N O T E
New story, new journey, and new phase of my writing journey as an author. This is not your typical boy’s love and romance. This story will make you realize that night is more than sadness and loneliness. It will make you feel love and the sadness of night. You will realize how lonely nights can be.
S O C I A L S
Twitter: Sociousy Wattpad: TheGreatIsagani Telegram: cc76899
D I S C L A I M E R
This story includes a scene that shows mature contents and especially same-sex intimacy that are not appropriate for homophobics. Which is why you should leave now, if you’re homophobic.
This is work of fiction. Names, characters, business and events are product of author’s imagination. Any resemblance to actual movies or series and other stories is purely coincidental.
|
C O O P E R _ C Y |
01: | Cigarettes, Beer, and Stranger
Three month rule? Who cares? No one cares about rules when the ache still feels like yesterday.
Sinong nagsabi na enough ang tatlong buwan para makalimot? Sa One More Chance, tatlong buwan daw para makalimot. Bakit hanggang ngayon nandito pa rin yung sakit? Naalala ko pa rin yung araw na pinagpalit niya ako sa iba. Tanginang rule yan imbento.
Si Laida Magtalas nga sa It Takes a Man and a Woman, nagkaroon na nga ng bonggang glow up naging Laida Magtalas version 2.0 pero nandoon pa rin yung sakit. Si Cali nga ng My Ex and Whys, ngumiti lang, pero nandoon pa rin yung sakit.
‘Three month rule’ ba kamo? Gago walang ganon. Hindi yun ganon. Anong akala nila kapag nilibang ang sarili at magpakalasing-lasing over a bottle of beer makakalimutan mo na yung sakit? That’s a straight up lie.
Ilang bote na ba ang nainom kong craft beer sa Beer Coop sa Cubao Expo para makalimutan ko yung sakit. Lima. Sampo. Bente. Hindi ko na mabilang sa loob ng tatlong buwan na pabalik-balik ako sa paborito kong inuman.
Hindi ko namalayan na hindi na lang pala ako nag-internal monologue at rant sa buhay. Napindot ko na pala yung ‘post’ button at agad na palang na post sa subreddit group yung rant ko sa buhay.
With matching header pa na ‘ATM at Beer Coop at Cubao Expo’. Ilang minuto lang ang nakalipas biglang nag-soft ping ang cellphone ko. Isang message request galing sa Reddit user na si ‘TallDaks_Moveon_Na’.
Pinindot ko ang message request at nakita ko ang message niya.
TallDaks_Moveon_Na User:
“Sa Hintayan ng Langit nga, kahit patay na, hindi pa rin tapos magmahal. Wala naman expiration ang pighati at ang lungkot.”
Binasa ko ang message niya at bahagyang natawa. Hindi yung tawang masaya, yung tawang tipong may halong lungkot. Sinundan pa ito ng isa pang message galing sa same Reddit user.
TallDaks_Moveon_Na User:
“Up for a meetup? I’m around Cubao lang as of the moment. Okay lang bang makiupo?”
Agad ako nagtipa ng sasabihin sabay hit ng send.
SanaSiyaNaLang User:
“Up for a trauma dump? Warning, hindi ako masaya kasama.”
Ilang minuto akong nakatitig sa screen hindi ko alam kung matatawa ba ako sa ka-chat ko o kung maiinis ako.
Tumunog muli ang cellphone ko at sinundan ng isang soft ping na notification.
TallDaks_Moveon_Na User:
“Trauma dump? Kahit pa buong trauma mo makikinig ako. Kailangan ko ba ng sisig para sa pulutan?”
Hindi ko alam bakit bigla na lang akong bahagyang napangisi nang mabasa ko ang message niya. Na para bang ayun ang pinaka nakakatawang bagay nabasa ko ngayong gabi.
SanaSiyaNaLang User:
“Sure. Nasa harap lang ako ng Beer Coop.”
Tipid kong reply sa kanya ibinaba ko ang cellphone sa gilid at inabot ang iniinom kong in can beer. Gumuhit agad ang mapaklang lasa ng alak sa lalamunan ko at saglit kong ipinikit ang mga mata ko, parang umaasang may mabubura kahit konti.
Wala. Ganun pa rin. Mapait.
Parang lasa lang ng beer na iniinom ko.
Maingay pa rin ang paligid, ang bawat lamesa ay may nakaupo. May grupo, may mag-isa lang, parang ako. Kanya-kanya ang mga ginagawa nagtatawanan, nag-uusap, at higit sa lahat naglalandian.
Muli kong tiningnan ang cellphone ko. May bagong message galing sa kanya.
TallDaks_Moveon_Na User:
“10-15 minutes ang ETA ko. Wait for me.”
Muli kong pinatay at binaba ang cellphone ko. Hindi na nag-reply pa sa lalaki. Habang naghihintay sa lalaki, hindi ko maiwasan ang ilibot ang paningin sa loob ng bar.
Maliit lang ito at sapat lang para ang tatlo o apat na malilit na grupo. Ang amoy ng bar ay pinaghalong amoy ng air freshener na lavender, iba’t-ibang amoy ng crafted beer, may kaunting amoy din ng sigarilyo pero hindi ganun katapang. Bawal naman kasi ang sigarilyo sa loob.
Ang mga pader sa loob ng Beer Coop ay puno ng sticky notes na may mga artwork at doodle art. Meron din mga number at Facebook account ng mga tao, alam mong lasing sila nung sinulat nila yun. Samahan mo pa ng napaka-gandang modern-minimalist na ambiance ng bar.
Kaso sa tuwing tinitingnan ko ‘yung mga sticky note na hindi pantay-pantay parang may tendency ako na gusto kong ayusin isa-isa. Pero syempre wala naman ako sa apartment ko kaya ayokong pakialaman ang magulong pader nila nv sticky note.
Sakto rin ang lugar para sa mga taong mag-isa at gustong makalimot. Maya-maya lang ay tiningnan ko ang wristwatch ko. Twenty minutes na ang nakalipas pero wala pa rin siya.
“Tsk,” mahinang sambit ko at muling tiningnan ang wristwatch ko. Naiinis ako na tinitingnan ang suot kong relo. Twenty minutes na ang nakalipas pero wala pa rin siya. Hindi ako sanay sa mga taong walang sense of time. Ako nga, kahit lasing at brokenhearted, maaga pa rin akong dumating para makahanap ng magandang upuan.
Tiningnan ko ang cellphone ko pero wala siyang chat. “Tagal mo naman,” bulong ko sabay inom ng alak, imbes na mainis ako sa maliit na bagay.
Nang maubos ang alak ko ay muli akong tumayo at kumuha ng panibagong beer na maiinom. Same beer. Matapang. Yung gumuguhit sa lalamunan para dama ang sakit.
Saktong pagbalik ko at matapos magbayad umilaw ang cellphone ko may kasamang soft ping.
TallDaks_Moveon_Na User:
“Saan ka? Nandito na ako sa labas.”
Napatingin ako sa labas at tanging lalaki lang na nakatalikod at nakaitim na hoodie lang ang nasa labas.
SanaSiyaNaLang User:
“Nasa harap, naka-blue na polo, blue cap at maong pants.”
Napatingin ang lalaking naka-hoodie at naglakad papunta sa loob. Naka-itim na hoodie kahit hindi naman ganun kalamig. Medyo gusot yung buhok, parang hindi inayos pero bagay sa kanya. Hawak niya yung cellphone niya, naka-on yung screen, nakabukas yung chat namin.
Hindi rin nakatakas ang sobrang gusot niyang hoodie. Parang diretso siyang galing sa kama o kung saan man siya nagpuyat. Kahit magulo ang itsura niya, may confidence pa rin sa paglalakad niya na parang wala siyang pakialam sa mundo.
Hindi ko alam pero parang gusto kong umuwi sa bahay at kunin ang plantsa namin para lang hindi lukot-lukot ang hoodie niya.
“TallDaks_Moveon_Na,” sabi niya, bahagyang nakangiti.
“Hindi ka ba natatakot baka habulin ka ng plantsa,” tinitingnan ko pa rin ang lukot-lukot niyang hoodie.
Bahagya siyang tumingin sa hoodie niya at napailing. Tumingin siya sa akin at ngumisi nang nakakaloko. “Para saan pa ang plantsa kung malulukot din naman ulit ‘di ba?”
Umiling na lamang ako. Kahit magkasalungat kami ng pananaw ay wala naman akong magagawa kung ayun ang trip niya sa buhay.
Iginala ko na lang ang aking mga mata mula sa kanyang ulo hanggang sa paa at tumigil sa gitnang bahagi ng pantalon.
“Matangkad nga, pero daks nga ba?” hindi ko namalayan na nasabi ko na naman ang nasa isip ko. Tanging nagawa ko na lang ay ang takpan ang bibig ko.
“Gusto mo bang malaman kung daks nga?” nakangising sabi niya at nakapamulsa sa bulsa ng hoodie niya. “Pwede?” tanong niya, sabay turo sa upuan sa tapat ko.
Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis yung tibok ng puso ko.
Saglit akong natigilan bago tumango.
Umupo siya.
Parang humina ang ingay sa paligid. O ako lang ata ang tumahimik. Kapag nakita mo siya hindi ka mapapasabi ng wow. Hindi rin siya striking. Pero sapat na para tumahimik ang paligid at matulala sa kanya.
“Parang higit pa ata sa three months ang pinagdaanan mo sa itsura mo,” nakangiting sabi niya at tiningnan ang beer na hawak ko at bagong bukas ko. “Hindi ka nga mukhang nakakatawa.”
“Obviously, hindi nga ako funny,” panimula ko sabay inom ng beer at napatingin sa mga mata niya.
Kayumanggi, kalmado, at higit sa lahat may mga sakit talagang hindi maitatago gamit ang mga mata.
“Anong iniinom mo?” tanong niya at sinilip ang lata ng alak na iniinom ko.
Umiling ako at muling tiningnan ang lata. “Hindi ko rin alam. Basta dapat may tama,” pilit kong tawa.
“Kuha lang ako,” tumango ako sa kanya at tiningnan ko lang siyang tumayo at nagtungo sa refrigerator para kumuha ng beer. Diretso siya kung saan ang mga malalakas na beer. “Ikaw gusto mo pa?” alok niya sa akin sabay pakita ng isa pang lata.
Tumango lang ako at hindi na ako tumanggi pa. Nagbayad siya at bumalik sa upuan. “So, anong kwento mo?” diretsong tanong niya sabay bukas ng alak at sumirit pa ang espiritu ng alak.
Natulala ako sa tanong niya.
Biglang bumigat ang paligid, at kasabay nito ang pagsikip ng dibdib ko.
Akala ko ba madali lang sabihin ang kwento mo sa mga taong hindi mo kilala. Bakit parang nauubusan ako ng hininga? Naramdaman ko ang unti-unting panginginig ng mga kamay ko.
Napatingin siya sa kamay ko at itinulak niya ang bukas kong beer. Agad akong uminom at tinungga ang lahat ng laman para magkaroon ng lakas ng loob.
Hindi nakatulong nakakadagdag lang. Pero parang gusto ko ng magkwento ng bahagya. “Pinagpalit ako,” simpleng paliwanag ko at nakita kong napatango siya.
“Masakit yan,” hindi ko narinig ang salitang “okay lang yan” o kaya “lilipas lang yan”.
Ang salita niya ay hindi comforting. Hindi rin dramatic pero parang may kakaiba sa salita niya. Ayun na siguro ang salitang narinig ko sa tatlong buwan na pangungulila ko.
“Three months daw,” dagdag ko, napangisi ako para hindi halata ang pait pero hindi ko ata kayang itago. “Okay na raw ako.”
“Hindi ka si Popoy at Basha sa One More Chance,” sambit niya diretso lang ang tingin sa akin. “Wala dapat bilang ang paghihilom.”
“Walang cut, walang timeskip, at wala dapat taon kung gaano katagal ang sakit,” dagdag niya pa at para bang tumama ang lahat ng salita niya sa akin. “Kung masakit, edi masakit. Damdamin mo lang pero hindi ka dapat manatili diyan.”
“Corny mo,” tipid na sabi ko.
“Pero totoo,” nakangiti niyang sabi. “Wag kang magpokus sa pelikula dahil hindi pelikula ang buhay mo.”
Napataas ako ng kilay at naintriga sa sinabi niya.
Tumahimik muna siya, tiningnan ang beer na hawak ko at saka ang paligid ng bar. Parang sinusukat niya kung sapat na ba ang lakas ng loob ko o kung may gusto pa siyang alamin.
“Kagaya mo may sakit din akong dinadamdam,” pagsisimula niya wala man lang introduction diretso agad. “Ten years, ten years ang relasyon namin. Hindi perpekto. Pero masaya. Bigla na lang tumigil two months ago. Walang gulo, walang away, at may closure.”
Natulala ako at mas madali pa lang makinig kaysa magkwento. Walang bigat, tanging tenga mo lang at puso ang kailangan.
Pero ang kakaiba. Wala man lang nginig ang mga labi o kahit ang mga kamay. Kalmado ang mga mata diretso nakatingin sa akin. “Masayang natapos pero alam mo ang mahirap?” ngumiti siya at tumigil napabuntong-hininga. “Wala akong masisi, sarili ko lang. Hindi ko alam saan ako nagkulang.”
Pero sa likod ng pagiging kalmado niya halata mo ang sakit. Yung sakit na hindi mo mahahalata na meron siya unless ikwento niya.
“Kaya pala bagay tayong magsama ngayong gabi,” natawa kong sabi, hindi pilit, hindi mapagpanggap. Ngayon ko na lang ata naranasan ulit na tumawa ng totoo.
Tumawa rin siya, mahina, mababa, parang tunog na galing sa dibdib na matagal nang hindi nagamit. “Bagay na bagay. Dahil sa Reddit post at sa Cubao pa.”
“Buti kinaya mo yung ten years?” pagtatanong ko sabay tungga sa huling laman ng lata. “Six years, lang yung akin pero sobrang sakit. Kala ko nga ikamamatay ko.”
“Hindi ito pahabaan pero hayaan mong masaktan ang sarili mo hanggang sa hindi mo na nararamdaman ang sakit,” sambit niya sabay hawak sa kamay ko na nakapatong sa lamesa.
Bahagya akong natigilan. Naramdaman ko ang init ng palad niya na humihigpit sa kamay ko. Pero walang malisya purong pagpapahalaga lang at kadamay.
“Sir, magsasara na po kami,” pareho kaming napatingin sa nagbabantay at pareho kaming napakamot sa ulo. Napatingin kami sa oras at 11:15 PM na pala hindi namin namalayan na lumipas na pala ang oras.
Wala na rin palang tao kami na lang. Ganun ba talaga kasarap ang pag-uusap namin hindi na namin namalayan na kami na lang ang tao sa loob?
Napasarap ang aming kwentuhan. Tumango kaming pareho at sabay kaming tumayo. Kinuha ang walang laman na lata at pinipi namin ito.
Matapos linisin ang kalat namin sabay kaming lumabas. Madilim na sa labas pero hindi ganun kadilim dahil sa mga ilaw na nakasabit sa labas at sa mga ilaw na nanggaling sa loob ng establisyemento.
Maingay rin sa labas puno ng tawanan at mga taong nag-uusap. Pauwi na halos ang ibang tao at ang iba nasa loob pa rin ng mga tindahan.
“Saan tayo?” sambit niya habang tinitingnan ang oras ng cellphone niya at bumalik ang tingin sa akin. “Maaga pa para umuwi.”
Tumango ako at sinundan siya palabas. “Maaga pa nga. Hindi pa ako handa umuwi sa kwarto ko. Masyadong tahimik.”
Malamig na ang hangin sa labas ng Beer Coop, pero hindi yung tipo na nakakapanginig. Yung malamig na parang yakap ng gabi, malamig na may halong init mula sa mga ilaw na nakasabit sa mga puno at poste sa Cubao Expo.
Mga string lights pa rin ang nagbibigay-buhay sa lugar kahit malapit nang magsara ang karamihan ng stalls.
“Saan tayo pupunta?” tanong ko habang iniayos ko ang cap ko. Bahagya akong niyakap ng lamig ng hangin, o baka yung lamig na nasa loob ko pa rin.
“Walk muna tayo,” sagot niya, hands in his hoodie pockets. “Hanggang sa mapagod tayo o mapagod na tayong magkunwari na okay lang tayo.”
Ngumiti ako nang tipid. “Gusto mo bang maging tour guide ng lungkot ko?”
“Expert na ako diyan,” sabi niya sabay tingin sa akin. Yung ngiti niya hindi abot sa mata, pero sapat na para maramdaman kong hindi siya nag-iisa sa ganitong feeling. “Ten years, pare. Alam mo ba yung feeling na parang buong mundo mo yung tao na yun, tapos isang araw, wala na lang? Walang away, walang cheating, walang malaking eksena. Parang natapos lang. At ikaw yung naiwan na nagtatanong kung bakit hindi ka enough para ipaglaban.”
Hindi ako nakasagot agad. Naglakad kami nang magkatabi, sa kahabaan ng General Romulo Avenue. Wala ng masyadong bukas na stall, pasara ang ang iba, yung iba naman ay sarado na talaga.
“Sakit,” tipid na sabi ko habang sinasabayan lang ang paglalakad niya kahit hindi ko alam saan kami papunta. “Pero hindi masaya ang feeling na ‘to. Lalo na sa gabi. Puno ng lungkot.”
“Ganun naman talaga diba?” tumigil siya sandali at humarap sa akin. “Mas tahimik ang gabi, mas malungkot, at mas masakit. Walang distraction. Walang araw na nagpapanggap na buhay pa rin ang mundo. Dito, kita mong lahat, yung butas sa dibdib mo, yung mga tanong na walang sagot, yung parte ng sarili mo na ayaw mong harapin kapag maliwanag.”
Hindi ko siya masagot. Tama siya. Sa gabi, walang takas. Kahit anong lakad, kahit anong beer, kahit anong usapan, nandito pa rin yung sakit. Parang anino na sumusunod sayo kahit saan ka pumunta.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Papunta na kami sa may bandang Aurora Boulevard. May ilang jeep pa ring dumadaan, yung ilaw ng headlight nila saglit na sumisilay sa mukha namin bago nawawala ulit sa dilim. Sa isang maliit na open space malapit sa dating Puregold, may grupo ng mga tao na nag-iinuman pa rin sa bangketa. May tumutugtog na malakas na OPM sa maliit na speaker, yung klasikong “Kahit Kailan” ni South Border. Hindi ko alam kung sino may pakana, pero parang may gustong manakit lalo.
Hindi kami nagsalita agad.
Pero sa unang pagkakataon sa loob ng tatlong buwan, hindi na ako nag-iisa sa paglalakad sa gabi na puno ng tanong at butas sa dibdib.
Dalawang estranghero.
Dalawang taong nasaktan.
Dalawang pusong ayaw pang umuwi.
At sa ilalim ng mga ilaw ng Cubao, unti-unti, parang may maliit na bagay na nagsimulang uminit sa gitna ng lamig.
| C O O P E R _ C Y |
02: | Cigarettes, Beer, and Connection
Same place. Same time. Ang pinagkaiba lang ay isang linggo na ang nakalipas simula nang magkita kami ni TallDaks_Moveon_Na. Hindi ko man lang nahingi ang pangalan niya pagkatapos ng one on one talk namin over a can beer.
Isang linggo na rin simula nang may nakinig sa akin nang totoo. Yung walang bahid ng panghuhusga o walang pinipilit na opinyon. Dahil sa kanya napagtanto ko na hindi hindi mo naman talaga kailangan ang mga matatalinhagang salita sapat na ang taong may makikinig sayo.
There is still pain from the breakup, but I feel like there is someone ready to hear all my heartbreak stories. Pero hindi naman talaga ’yon mawawala pagkatapos ng isang gabi na kausap siya.
Alam ko ng may kadamay ako.
Bahagya akong nanginig nang maramdaman ko ang simoy ng hangin habang nasa designated smoking area ako ng Cubao Expo. Pero sapat lang ang lamig ng gabi ngayon para sa panibagong malungkot na gabi. Dahil sa hangin hindi maiwasan tangayin ang suot kong oversized plain white tee.
Hawak-hawak ko ang isang stick ng Marlboro red at sinindihan ko ito. Humithit ako dinama ang kakaibang amoy na dala ng Marlboro red, pero napaisip ako, bakit ba Marlboro red pa rin ang hinihithit ko kahit wala na kami? Blue naman talaga ang gusto ko, menthol para malamig at napapakalma ako.
Fuck him! Isang hithit pa lang ang nagagawa ko pero pinatay ko na ang apoy ng sigarilyo at tinapon ito. Anim na taon na magkasama kami ayaw niya ng menthol kasi naalala niya raw yung ex niyang cheater.
Pero cheater din pala siya.
Kahit nga yung air freshener ko sa kotse ay pinalitan ko dahil menthol din yun. Marami akong binago dahil sa kanya pero ang ending nanloko pa rin siya.
Bumili ako ng panibagong yosi, this time Marlboro blue na. Agad kong sinindihan at unang hithit palang ay naramdaman ko na ang kakaibang lasa nito na nagpapakalma sa akin.
Katulad ng alak hindi naman ito masarap pero may kakaibang pakiramdam. Yung pakiramdam na parang nawawala yung lungkot panandalian.
Para bang magic pero may kaunting daya. Pero parang alak nauubos din. Pagkatapos nito malungkot na naman ako. Balik na naman ako sa dati. Pero ngayon alam kong hindi ako nag-iisa.
Napangiti ako ng isipin na hindi ko naman pala kailangan damdamin mag-isa ang nararamdaman ko. Dahil lang sa isang hindi sinasadyang rant ko sa Reddit ay na meet ko ang lalaking handang makinig sa akin.
Para bang nabawasan yung mga dala-dala kong mabibigat na emosyon nung nasabi ko sa kanya yung nararamdaman ko.
Sa huling pagkakataon hinithit ko ang natitirang yosi at pinakawalan ang nararamdaman kong lungkot.
Pero ngayong gabi parang may kulang. Parang hindi katulad nung isang linggo. Dahil ba wala siya? O dahil mag-isa na naman ako.
Bago ako umalis tiningnan ko yung cellphone ko kung may bagong message sa Reddit ko.
Walang bago. Kaya agad kong ni-refresh ang Reddit app ko pero wala talaga. Walang message galing sa kanya. Napabuntong-hininga ako at pumunta sa Beer Coop.
Pagpunta ko doon hindi ko alam bakit ang una kong tiningnan ay yung pwesto namin nung isang linggo. Maraming tao pero wala siya, napabuntong-hininga na naman ako.
Bat ko ba kasi siya hinahanap? Hindi ko naman talaga siya kilala, hindi ko nga rin alam pangalan niya.
Akmang papasok na sana ako ng Beer Coop nang mapansin kong may nakatayong lalaki sa harap ko naka-black na hoodie parehong-pareho sa build niya. Pareho ng tayo, pareho ng tindig.
Tangina siya ba yun? Tiningnan kong muli ang lalaki baka nagkakamali ako pero mukhang siya nga.
Napangiti ako ng makitang nandito siya ulit. Nakatalikod sa akin ang lalaki pero wala akong pag-aalinlangan na tapikin siya sa balikat. “Pare, anong ginagawa mo rito?”
“Sorry?” unti-unting nawala ang ngiti ko nang humarap siya sa akin. Fuck. Hindi siya, pareho lang ng suot pero hindi siya. “Magkakilala ba tayo?” dagdag na tanong ng lalaki habang nakakunot ang noo na para bang naguguluhan kung sino ako.
“Ay sorry, pare kala ko kilala ko,” hingi ko ng paumanhin at ngumiti ng pilit. Ang tanga ko. Pero in reality, hindi ako madaling ma-excite sa bagong tao kasi hindi ako ganun ka passionate na makakilala ng bagong tao. Pumasok akong disappinted sa Beer Coop, una kong nalanghap ang parehong amoy ng lavender air freshener at ang pinaghalong amoy ng crafted beer.
Napangiti ako ng maamoy ko ito dahil amoy malinis ang paligid. Kumuha ako ng crafted beer, agad ko rin itong binayaran.
Parehong pwesto, parehong beer, at parehong oras. Pero ngayong gabi, ako lang ang mag-isa. Kinuha ko ang cellphone ko at muli akong nagpunta sa Reddit nagbabaka sakaling may chat siyang muli. Pero katulad ng feelings ko walang nagbago.
Bahagya akong natulala at parang hindi ko alam ang gagawin ko ngayong gabi. Pero bigla kong naisip na mag-post na lang sa Reddit.
Pero sa totoo lang hindi naman talaga ako mahilig mag-post online ng feelings ko kasi nga mahirap magpaliwanag ng nararamdaman.
“ATM at Beer Coop at Cubao up for conversation?” ang aking header, sinamahan ko pa ng maikling post. “Lonely night, someone near Cubao, right now? Gusto ko lang ng kausap at ka trauma dump,” matapos yun agad kong pinindot ang “post”.
Binaba ko ang cellphone ko at binuksan ang beer ko. Ininom ko ito at hindi ko maiwasan na mapatingin sa katabi kong mag-boyfriend. Masaya sila, nagtatawanan habang nag-uusap.
Bigla akong nainggit hindi ko kasi alam kung kailan yung huling beses na ngumiti ako at tumawa ng sobrang saya katulad nila.
Tangina nai-stuck lang ako sa six years na relasyon tapos nakalimutan ko na yung mga simple kong madalas gawin at yung mga paborito ko.
Napatingin ako sa cellphone ko ng umilaw ito at mag-soft ping. May message request ako galing kay AllForJuan_JuanForAll user.
AllForJuan_JuanForAll User:
“G, nasa Morato lang ako right now. Pero kaya ko naman mag-drive diyan within 15-20 minutes kung hindi traffic.”
Nag-reply agad ako sa kanya at napatingin sa oras. Maaga pa naman at mahaba pa oras nila para magkwentuhan.
SanaSiyaNaLang User:
“Sure, hintayin na lang kita rito. Tutal umiinom naman ako as of the moment.”
Binaba ko ang cellphone ko at uminom muli ng alak. Halos wala pang kalahating minuto ay nag-chat na ulit siya sa akin.
AllForJuan_JuanForAll User:
“Park lang ako and nandiyan na ako ng mga limang minuto.”
SanaSiyaNaLang User:
“Sure, nakasuot ako ng oversized white tee at maong pants.”
AllForJuan_JuanForAll User:
“Coincidence ba ito? Same tayo ng OOTD!”
Napailing ako at hindi ko alam kung anong i-rereply ko kaya hinintay ko na lamang siya. Kagaya nga ng sabi niya eksaktong limang minuto may pumasok na lalaking naka-oversized white tee at nakasuot ng maong pants.
Matangkad siya at kailangan ko pang tumingala para lang makita ko ang mukha niya. Kapansin-pansin ang pagiging moreno niya na bagay na bagay sa built ng katawan niya.
“Pare, SanaSiyaNaLang?” pagtatanong niya sa akin habang sinisigurado kung ako nga ba ang ka chat niya. Tumango naman ako at inabot ang aking kamay para makipag-shake hands.
“Nice meeting you,” ngumiti ako ng pilit bilang paggalang sa lalaki. Inabot naman niya ang kamay ko at ngumiti sa akin.
“Walang ka date?” pagtatanong niya at hinila ang upuan na nasa harapan ko. “Masyadong pang maaga para mag-isa.”
Umiling ako at ngumiti ng plit. “Single three months ago na,” simpleng paliwanag ko sabay inom ng beer.
“Niloko ka no?” nakangising sabi niya sabay kuha ng lata ng alak ko at sinilip kung ano yung iniinom ko. “Same, five months ago.”
Natigilan ako saglit hindi dahil sa sinabi niya. Dahi sa paraan kung paano niya sabihin ang mga salitang binitawan niya. Parang proud na iniwan siya.
Walang lungkot, walang panghihinayang, o iba lang talaga siya magluksa?
Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot sa unang tanong niya. “Six years relationship,” tipid ko na naman na sagot.
“Tangina, six years?” natatawang tanong niya sa akin para bang may nakakatawa sa sinabi ko. “Buti nga sayo six years lang. Paano pa kaya kung twelve years?”
Napataas ako ng kilay at hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Para bang kompetisyon ito ng kung sino ang dapat mas matagal at mas dapat masaktan.
“Ah, okay,” tipid kong sagot, para lang may magawa ako. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko sa kanya.
“Yung six years na yun maikli lang yun,” sambit niya sabay sandal sa upuan. “Pare, yung twelve years kalahati yun ng buhay ko. Pero tingnan mo naman ako naka-move on na ako.”
“Talaga?” sarkastiko kong tanong sa kanya. Hindi ko naman kasi alam kung paano ka makikipag-usap sa kanya.
“Pare, hindi ka dapat nagpapakalasing sa tapos ng relasyon,” sambit niya sabay tawa na parang proud na proud pa. “Kasi kapag niloko ka move on agad at humanap ka na ng iba.”
Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya at napabuntong hininga na lang ako. Madali na lang bang sabihin sa ibang tao na mag-move on? Para bang sa anim na taon na yun ay wala kaming pinagsamahan kahit papaano.
Hindi naman isang iglap lang ang relasyon namin. Six years yun! Buhay ko yun, memories yun na parati kong maalala. Hindi yun perpekto pero masaya ako.
“Hindi naman madali kalimutan yung six years,” paliwanag ko at inubos ang huling laman ng lata ng alak.
Natawa siyang muli sa sinabi ko at hindi ko alam kung maiinis ba ako o dapat ba akong magalit sa kanya. “Madali lang yan. Ayaw mo lang kasi siyang pakawalan.”
Napabuntong-hininga ako nang malalim at inisip ang sasabihin ko bago magsalita. “Madaling sabihin na mag-move on…” umpisa ko sabay tingin sa kanya ng diretso at isang buntong-hininga na naman. “Pero in reality, wala naman talagang madali kasi yung pinagsamahan namin totoo yun. Oo, nag-cheat siya pero yung six years na yun para akong nasa Disneyland magical.”
Hindi ko namalayan na habang nagpapaliwanag ako ay nakabukas na lang ang bibig niya na para bang nagulat sa sinabi ko. “Pare, ilang bote na ba ang nainom mo? Lasing ka na ba?” natatawa niyang sabi.
“Kaya mo naman yung ulitin sa iba,” paliwanag niya sa akin at natatawa pa rin. “Pare, kasi kung ako nga na twelve years na matagal din. Kung iisipin ko yun baka hindi ko na mahanap yung sarili ko at parati na lang ako nag-so-soul searching.”
Hindi ko tuloy maiwasan na kunin ang latang walang laman at pipiin ng isang kamay. “Fuck you! You are a piece of shit!” ayan yung mga salitang gusto kong sabihin sa kanya pero in reality? Hindi ko kayang sabihin kasi alam kong hindi ko na dapat siya pinag-aaksayahan ng panahon.
Nanggagalaiti ako sa sinabi niya at tiningnan ang walang laman na lata. Tumayo ako sa kinatatayuan ko at kunwaring tinitingnan ang oras. “Anong oras na pala uwi na ako,” paliwanag ko at hindi na siya pinag-aksayahan ng oras pa para kausapin.
Kala ko mararamdaman ko yung parehong emosyon, parehong comfort noong first time kong makatagpo ng estranghero. Iba pala, hindi lahat ng tao ay pareho at hindi pwedeng maulit yung naramdaman mong kakaiba sa ibang tao.
“Pare teka lang maaga pa,” pigil niya sa akin at nakatayo na pala siya at hinawakan ang balikat ko. “Hindi pa nga ako kumukuha ng beer.”
“Pasensya na. Kailangan ko na kasing umuwi. May pasok pa ako bukas,” paliwanag ko at hindi ko na siya tinapunan ng tingin at dumiretso palabas, papunta sa kotse kong nakaparada.
Napatingin ulit ako sa oras at wala pa ngang alas-dose. Pagsakay ko ng kotse hindi ko maiwasan na mapabuntong-hininga at hampasin ang manibela ng malakas.
“Gago!” sigaw ko ng malakas sa loob ng kotse sabay taas ng middle finger kahit naman walang makakakita. “Sino ba siya para sabihin madali lang mag-move on?”
Natigilan ako sa pagsigaw nang umilaw ang cellphone ko at sinundan ng soft ping. Nang tingnan ko kung ano ang notification. Reddit notification yun at lumabas ang pangalan ni TallDaks_Moveon_Na.
Natahimik ako bigla na para bang mas malakas pa ang paghinga ko kaysa sa ingay sa labas.
Tiningnan kong muli kung siya nga. Nang makita kong hindi nagbago ang notificatin agad kong binuksan at para bang nawala ang frustrations ko kahit username niya palang ang nakita ko.
TallDaks_Moveon_Na User:
“Up for tonight? Same spot ba?”
Hindi ko alam bakit parang bigla akong kinabahan at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Agad akong nag-type.
SanaSiyaNaLang User:
“Sure? Gusto mo ba ng mas senti at mas tahimik?”
Pindot agad ng send.
Isang minuto, dalawa hanggang sa naging lima minuto at hindi pa rin siya nag-reply. Nakatitig lang ako sa screen ko at inaasahan na mag-reply siya.
Nang mapagtanto kong baka hindi na siya mag-reply dahil baka busy biglang parang lumamig kahit hindi pa naman naka-start ang engine ng sasakyan.
Sinindihan ko ang sasakyan at akmang aalis na ako sa parking lot ay bigla na lang umilaw ang cellphone ko. Naunahan ko pa ang ping ng cellphone ko at nabuksan ko na ito bago pa mag-ping.
TallDaks_Moveon_Na User:
“Pwede naman may suggestion ka ba na around Cubao lang din?”
Bigla akong napaisip kung saan bang magandang gumala sa Cubao ng hating-gabi. Maraming lugar ang pwedeng mapupuntahan sa Cubao. Tanggal na sa option ang malls dahil madalas ang operating hours nila ay until 10:00 PM lang.
Pero naisip ko ang coffee shop na madalas i-recommend sa akin ng mga katrabaho ko after work.
SanaSiyaNaLang User:
“Are you a coffee shop guy? What if Tago Jazz Cafe ang puntahan natin? Tahimik, maganda ang vibes ng cafe, at higit sa lahat one hundred percent recommendable yung coffee nila.”
Pindot ng send.
Hindi ko napansin na nakangiti na pala ako ng hindi ko alam. Napansin ko na lang nang makita ko ang reflection ko sa salamin ng kotse ko.
Shit, am I smiling because of a stranger? May kakaiba ba sa kanya na hindi ko alam? Simula ng breakup ko ay bilang lang sa daliri ang oras na napangiti ako at wala doon ang mapangiti ako dahil hindi ko kilala.
Nag-reply agad siya at napangiti ako sa reply niya.
TallDaks_Moveon_Na User:
“I’m more of an alcoholic guy than a coffee lover. Pero flexible naman ako. I can drink matcha latte kahit lasang damo.”
SanaSiyaNaLang User:
“Hindi kaya siya lasang damo! Super calming kaya ng matcha latte. Baka nasanay ka lang sa alak kaya kala mo lasang damo. Bakit nakatikik ka na ba ng damo? Malapit ka lang ba sa Cubao as of the moment?”
TallDaks_Moveon_Na User:
“Vanilla is better than matcha tbh. Simple yet tasty. Thirty minutes drive pero dahil gabi naman baka twenty minutes lang.”
SanaSiyaNaLang User:
“Doon na lang tayo magkita. I will wait for you in the parking lot.”
TallDaks_Moveon_Na User:
“Sure, ingat ka.”
A simple Reddit conversation with a stranger makes me smile? The fuck! I don’t even know his name or anything about him except his ten year relationship.
Hindi na ako nagtagal sa Cubao Expo at diretso na ako sa Tago Jazz Cafe. Mabilis lang akong nakarating wala pang five minutes nakarating na ako.
Wala pa atang thirty minutes nag-message na agad si TallDaks_Moveon_Na.
TallDaks_Moveon_Na User:
“Nandito na ako. Naka-park na ako. Red Vios.”
Agad akong lumabas ng kotse ko. Bahagyang nanginig ang mga kamay ko habang nilalagay ang susi sa bulsa. Bakit ba ganito kasama ang kaba ko? Hindi naman ito date. Hindi ko nga siya kilala talaga.
Sa parking lot ng Tago Jazz Cafe, madilim na pero may mainit na ilaw na galing sa loob ng cafe. May ilang sasakyan pa rin na naka-park, pero hindi puno. Tahimik. Parang ang buong Cubao ay huminga nang malalim para sa hating-gabi.
Nakita ko agad ang red Vios. Naka-hoodie pa rin siya, nakatayo sa tabi ng sasakyan, hawak ang cellphone. Medyo gusot ang buhok, parang galing sa mahabang biyahe pero bagay pa rin sa kanya. Kapag nakita mo siya, hindi mo masasabing gwapo sa klasikong paraan. Pero sapat na yung presensya niya para mapansin mo siya sa gitna ng dilim.
Pangalawang beses ko na siyang makita, pero hindi ko alam kung may love-hate relationship ba siya sa kaayusan. Kung hindi gusot ang damit niya, gulo-gulo naman ang buhok niya.
Para bang gusto ko siyang bigyan ng suklay, kahit bagay naman sa kanya ang hairstyle niya, para lang matahimik ang kaluluwa ko.
“TallDaks_Moveon_Na?” tawag ko medyo nahihiya. Dahil na rin siguro sa tinawag ko siya sa username niya.
Natawa siya at kumaway sa akin. “Arthur, Art for short. Nakalimutan kong magpakilala sayo last time,” sabay abot niya ng kamay.
Nanginig akong inabot ang kamay ko sa kanya. “Nice to meet you, Art,” binabanggit ko palang ang pangalan niya ay para bang may kakaibang pakiramdam kapag lumabas siya sa dila. “Leonard, Leon for short,” pakilala ko sa kanya sabay ngiti.
“Imagine, second time nating magkita ngayon palang natin nakuha ang name ng isa’t-isa?” natatawa siya sabay lakad papasok ng Tago Jazz.
Pagpasok namin sa Tago Jazz Cafe ay hindi mukhang ordinaryong coffee shop ang ambiance. More of a cozy bar with a touch of industrial design. Ang mga dingding ay hindi fully painted, plain gray cement ang buong walls at may wood accents sa paligid. May band setup sa gitna na obviously tumutugtog ng Jazz music. May overseeing na second floor na pwede mong makita ang live band.
“Akala ko ay coffee shop ito?” bahagya siyang naguluhan nang makita ang loob ng Tago Jazz Cafe. “Feeling ko magugustuhan ko rito,” dagdag niya pa ng makita ang setup ng mga alak sa bar counter.
“Tbh, first time ko lang din dito. Recommendations lang siya ng friend ko,” paliwanag ko sa kanya, kahit ako nagtataka kung bakit Tago Jazz Cafe ang pangalan hindi naman siya coffee shop.
O baka naman bar siya sa gabi? Pero syempre dahil nandito na kami nagpunta na lang kami sa second floor. Tutal mukhang gusto naman niya rito.
Kahit nasira ang expectation ko sa Tago Jazz Cafe ay nagpatuloy pa rin ako. Syempre nandito na kami sayang naman kung lumipat pa kami.
“No worries, mukhang masaya rito,” nakangiti niyang sabi sabay tingin sa live band. The vibes screams 90’s with a modern take.
“Syempre, coming from a guy na ‘alcoholic guy’ daw,” sagot ko habang tinitingnan ang menu. Namangha ako sa pangalan ng menu nila dahil halos lahat siguro ay hango sa mga classic Jazz songs.
“Buti dito tayo nagpunta,” sambit ni Art na mukhang tapos na pumili ng order. Kapansin-pansin ang bahagyang pagsabay ng katawan niya sa kanta ng live band.
Napingiti ako. “Mahilig ka sa Jazz music?” tanong ko, pansin ko kasi na simula kasi nang pumasok kami rito sa loob ay nag-eenjoy na siya.
Tumango siya at abot tenga ang ngiti. “He introduced the Jazz music to me…” hindi ko na kailangan pang malaman kung sino ang tinutukoy niya dahil alam kong ex niya yun. “Kaya until now gusto ko pa rin yung genre niya. Jazz music also saves me from the pain I felt when we broke up.”
Napatingin ako sa kanya. Sa unang pagkakataon ngayong gabi, wala yung biro sa boses niya. Wala yung yabang na kanina ko lang narinig sa ibang lalaki. Tahimik. Totoo.
“Funny no?” dagdag niya, bahagyang napangiti pero may bigat. “Yung mga bagay na ipinakilala nila sa’yo… yun pa yung nagiging sandalan mo kapag wala na sila.”
Hindi ako agad nakasagot. Parang may kung anong kumurot sa dibdib ko. Kasi tama siya.
Hindi naman talaga ako mahilig magyosi at uminom six years ago. Sa kanya ko lang natutunan kahiligan pero ito yung bagay na naging sandalan ko after breakup.
“Same,” mahina kong sagot. “Yung mga simpleng bagay… doon mo sila mas naaalala.”
Saglit kaming natahimik habang tumutugtog ang banda. Isang mabagal na jazz piece, parang sinasadya na mas lalong palalimin yung gabi. Hindi awkward yung katahimikan. Hindi pilit. Para bang pareho lang kaming nagpapahinga mula sa mga iniisip namin.
Lumapit ang waiter at kinuha ang order namin. Si Art, walang pagdadalawang-isip.
“Bucket and Chow, Take Five na lang yung Chow,” sambit niya sa order niya. “May gusto ka pa bang idagdag?” tanong niya sa akin habang nakatingin.
“Gawin niyo na pong dalawa yung Take Five,” tumango naman yung waiter sa amin at inulit ang order namin tapos agad na umalis. Technically, parehong Take Five ang norder namin na mas kilala sa tawag nilang Take Five. Hindi rin mawawala ang bucket ng beer.
“Sayang walang matcha latte,” sambit ko kay Art.
“Damo kamo,” pang-uuyam niya na may kasama pang parang nasusuka. “Ano ka kambing?” dagdag niya pa.
Natawa naman ako sa kanya.
“Masarap kaya,” depensa ko kahit natatawa pa rin ako. “Hindi mo lang naa-appreciate kasi puro ka alak.”
“Hindi ah,” sabay turo niya sa sarili niya. “Refined drinker ako.”
“Refined?” tinaasan ko siya ng kilay. “Nag-order ka nga ng bucket eh.”
“Efficiency ‘yan,” mabilis niyang sagot. “Para hindi na pabalik-balik.”
Napailing na lang ako habang nakangiti. Hindi ko alam kung bakit ang dali niyang kausap. Ang dali niyang sabayan. Walang pilit. Walang kailangan patunayan.
Dumating yung order namin, isang bucket ng beer at dalawang Take Five. Inabot niya agad yung isang baso at sinalinan ako.
“Cheers?” tanong niya, bahagyang tinaas ang baso.
Tinitigan ko muna yung baso ko bago ko itinaas. “Cheers, para saan?”
Ngumiti siya, pero hindi yung tipong pabiro. Yung medyo seryoso.
“Para sa mga bagay na pinagluluksaan natin kahit hindi naman tayo namatayan.”
Saglit akong napatigil sa sinabi niya. Pero tinaas ko pa rin ang baso ko at marahang binangga sa baso niya.
“Cheers,” sabay kaming uminom.
Mainit yung alak sa lalamunan ko, pero hindi katulad ng dati, hindi na siya masakit. Parang may halo nang gaan.
“Alam kala ko end of the world na nung nag-end yung ten year relationship ko,” bigla niyang sabi habang nakatingin sa banda. “Siya kasi yung araw ako naman yung planetang umiikot sa kanya.”
Napatingin ako sa kanya at bigla naman siyang tumingin sa akin ng diretso. Ngayon, ibang Art yung nakita ko. Iba siya, hindi katulad nung nakaraang linggo. Facade niya lang yun at ito yung totoo. Halata sa mata para bang biglang lumungkot.
“Para bang nawala lahat ng sparks ko kahit may closure naman talaga,” tinungga niya ang laman ng baso at nagsalin pa siyang muli. “Para bang tumigil ang rotasyon ng buhay ko.”
Nakinig lang ako at hindi ako nagsalita.
“Kaya hanggang ngayon hinahanap ko pa rin yung ako na wala yung ten years relationship namin,” dagdag pa niya at biglang humina ang boses niya at sinubukan niyang tumingin muli sa banda. “Pero mahirap kasi sa ten years na yun siya na yung naging buhay ko.”
“Syempre, mahirap kalimutan yung pinagsamahan niyo ng ten years,” umpisa ko at sinusubukan ko na pagaanin ang sitwasyon. “Pero hindi ibig sabihin nun na hanggang doon ka na lang,” dugtong ko, dahan-dahan, parang tinatantsa kung paano tatama yung mga salita ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin. Hindi siya nagsalita agad. Nakikinig lang.
Huminga ako nang malalim bago ko itinuloy.
“Kasi kung siya yung naging mundo mo… hindi ba parang ang unfair naman na nung nawala siya, wala ka na ring mundo?” bahagya akong napangiti, pero ramdam ko yung bigat ng sinasabi ko. “Eh buhay mo ‘yon bago pa siya dumating.”
Tahimik lang siya. Pero this time, hindi na siya tumatawa o nagbibiro. Nakikinig talaga.
“Tingin ko…” dagdag ko, sabay hawak sa baso ko, “Hindi naman natin kailangang burahin yung mga taon na kasama sila. Hindi naman fake ‘yon. Totoo ‘yon. Masaya tayo doon eh.”
Tumango siya, dahan-dahan.
“Pero hindi rin ibig sabihin nun na doon na lang iikot lahat,” sabi ko. “Siguro… kailangan lang natin tanggapin na part sila ng buhay natin. Hindi buong buhay natin.”
Napangiti siya. Hindi malaki. Hindi exaggerated. Pero totoo.
“Pare…” mahina niyang sabi, “Ikaw dapat yung kinakausap ko nung first month ko eh.”
Napatawa ako. “Pare, three months pa lang ako. Wala pa akong karapatang magpayo.”
“Mas may sense ka pa nga kaysa sa iba,” sagot niya sabay inom ulit.
Natahimik ulit kami, pero hindi awkward. Yung tipong komportable na katahimikan. Yung hindi mo kailangan punan ng salita kasi sapat na yung presensya.
Sa baba, tuloy pa rin ang tugtog ng banda. Isang mas mabagal na jazz piece. Parang sinasabayan yung pagbagal ng mundo namin sa sandaling ‘yon.
“Leon,” tawag niya.
“Hmm?”
“Salamat ha.”
“Salamat din,” sagot ko, sabay ngiti. “Siguro kundi dahil sa Reddit post ko hindi tayo mag-me-meet.”
Napangiti rin siya at tinaas na naman ang baso niya. “Cheers! Sa dalawang brokenhearted!”
“Cheers!”
Hindi mo aakalain na ang dalawang brokenhearted ay magiging sandalan ang isa’t-isa kahit magkaiba ang pagkatao at personalidad.
| C O O P E R _ C Y |
03: | Cigarettes, Beer, and Pain
Sabi nila mabilis daw ang oras kapag masaya ka. Mukhang tama nga sila dahil hindi namin akalain na last song na ng live band. “Before the night ends we want you to hear our last song,” announce ng lead vocalist nila habang hawak-hawak ang mic.
Nagpalakpakan ang mga tao sa loob kasabay ng isang malakas na hiyawan. Napatingin ako kay Art at hawak-hawak niya ang baso na may lamang beer.
Nakadalawang bucket na kami ng beer. Hindi ko na nga mabilang kung pang-ilang baso ko na ba ito. Pero ang alam ko maluwag ang dibdib ko at hindi mahirap huminga. Dahil siguro ito sa epekto ng alak.
Napatingin ako kay Art, kapansin-pansin ang pamumula ng pisngi niya. Pero alam kong may tama na ang alak sa kanya. Hindi naman lasing pero sapat na para maging tapat na tao.
“Alam mo ngayon ko lang na realize alcohol can make a broken silent man speaks the loudest pain in his heart,” napansin ko kung paano biglang nagbago yung sparks sa mata niya.
“Ang lalim ng hugot, ah. Lasing ka na ba?” tanong ko at nakangisi habang hawak-hawak ang baso ng alak. “Baka mamaya lang umiyak ka na, ha?”
“Honestly speaking,” napabuntong-hininga siya at tiningnan ang basong hawak niya, umangat muli sa akin ang tingin, at bumalik sa baso. Marahang iniikot ang alam ng baso niya. “I have never shared my real pain to everyone. Ang alam lang nila yung Arthur na calm, composed, and never breaks.”
Bigla akong natigilan at binaba ko agad ang baso ko. Inayos ko ang upo ko at tumingin ng diretso sa kanya.
Hindi ko alam kung si Art ba ang nagsasalita o si Art na may sanib na ng alak. “But what they didn’t know is this is the real me,” nagulat ako hindi dahil sa sinabi niyang salita, kundi sa paraan ng pagkakasabi niya. May bigat, may diin, at may hugot.
“Ako kasi yung tipo ng tao na—” bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay bigla na lang nag-umpisang tumugtog ang banda. Nagsimula na ang upbeat tune ng kanta at napansin ko kung paano biglang napatigil si Art.
Hindi basta napatigil lang parang pati ang paghinga nakalimutan niya na. Nag-umpisang manginig ang kamay niya at ang pokus niya ngayon ay nasa banda na.
Ibang Art yung nasa harapan ko ngayon. Hindi yung Art na nakilala ko nung nakaraang linggo. Hindi masayahin, hindi rin compose, at lalong hindi energetic.
Mas lalong nagbago ang itsura niya ng pumasok ang unang linya ng kanta. “Fly me to the moon…” nakita ko kung paano siya napabuntong-hininga yung buntong-hininga na may hugot at galing sa pinakakailalimlaliman ng puso niya. Sinundan pa ng pagtungga sa laman ng baso kumuha pa siya ng panibagong bote at binuksan. Hindi na siya nag-abala pang magsalin sa baso, diretso agad sa pag-inom mismo sa bote.
“Let me play among the stars…” nagulat ako ng ubusin niya ang laman ng isang bote sa isang iglap. Wala man lang limang minuto ang tinagal ng alak sa kanya at magbubukas na naman siya.
Hinawakan ko siya para pigilan at tiningnan siya ng diretso. Nagulat na lang ako nang makita kung paano magtubig ang mga mata niya at kung paano mangilid ang luha niya. “Ayan yung paborito naming pakinggan…” yumuko siya at pinikit ang mga mata niya.
Naramdaman ko kung paano bumola ang kanyang kamao at parang may pilit na pinipigilan. Sinabayan niya pa ng malalim na paghinga pero hindi ata sapat. Hanggang sa tuluyan na siyang bumigay at umiyak.
Naistatwa ako sa kinauupuan ko dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko, kung anong gagawin ko para mapakalma siya, o hahayaan ko na lang ba siyang umiyak at ilabas ang hinanakit niya.
Hindi ko nga alam paano mag-move on o pakalmahin ang sarili ko. Paano pa kaya ang ibang tao?
“Let me see what spring is like on Jupiter and Mars…” kasabay ng pagtugtog ng banda ang paghikbi ni Art.
Hinayaan ko na lang siyang umiyak at hindi ako nagsalita. Bukod kasi sa hindi ko alam ang sasabihin ko mas makakatulong atang hayaan ko na lang siyang kusang ilabas ang hinanakit niya sa puso niya.
“In other words: hold my hands…” napatingin ako sa kamay niyang nakabilog pa rin habang hawak-hawak ko. Hindi ko nga alam anong pumasok sa utak ko at hinawakan ko ang kamay niya.
Ramdam ko pa rin yung pagkuyom ng mga kamao niya habang nanginginig. Hindi niya iniwas ang kamay niya habang nakayuko at nakapikit pa rin siya.
Hinawakan ko lang ng mahigpit ang nanginginig na kamay niya at hinayaan lang siyang umiiyak. Walang salitang lumabas sa bibig ko para pigilan siyang umiyak. Kung hanggang mamaya pa siya matatapos umiyak ay sasamahan ko siya kung ayun ang makakatulong sa kanya.
“In other words: baby, kiss me…” mas lalong lumakas ang pag-iyak niya. Hindi na lamang siya umiiyak humihikbi na rin siya.
Hindi ko matandaan kung ilang minuto kaming ganun ang posisyon pero hindi ako napagod hawakan siya o hintayin man siyang matapos.
Tahimik lang ako habang siya ay umiiyak. Pero kahit gaano kalakas ang pagkanta ng banda na sinabayan pa ng sing along ng mga manonood ay para bang tanging kami lang ang nandoon sa Tago Jazz Cafe.
“In other words, in other words: I love you…” hanggang sa natapos na ang huling lyrics ng kanta ay para bang mas namayani ang katahimikan sa aming dalawa.
Hindi ko siya minadaling matapos sa pag-iyak. Hanggang sa umangat ang ulo niya at tumigil na siyang umiyak. Pinunasan niya ang kanyang luha gamit ang likod ng kanyang kamay. “Sorry…” habang binabanggit niya ang salitang yun ay halata ang pagkabasag sa boses.
Umiling ako at ngumiti sa kanya habang mas hinigpitan pa ang hawak sa kanya. “Wag ka mag-sorry,” sagot ko halos pabulong pero sapat lang para marinig niya.
Muli siyang tumingin sa akin. Wala na sa mga mata niya yung pagiging kalmado. Wala na rin sa mga mata niya yung Art na nakilala ko. Ibang-ibang Art siya ngayon halata ang bubog, pagod, at sakit sa mga mata niya.
“Hindi ka dapat humingi ng tawad,” pag-uumpisa ko at binitawan ang kamay niya at inabot ang tissue na malapit sa akin. “Hindi mo dapat itago yan at lalong hindi kinikimkim yan.”
Hindi siya sumagot inabot niya lang ang tissue na binigay ko at sinubukang ayusin ang sarili.
“Maraming salamat sa pakikinig sa amin ngayong gabi,” napatingin ako sa banda habang ang mga tao ay nagpapalakpakan. “Sana ay naging masaya kayo ngayong gabi,” muli akong napatingin kay Art kabaliktaran siguro ang nangyari kay Art pero alam kong kailangan niya yun.
Emotions are needed for a person to feel that they’re alive but pent up emotions are… what? Poison? Extra weight for a person? Or something even worse.
Pent up emotions add an extra baggage to a person and they wait and they rot until the person can’t carry the heavy weight and starts breaking down.
It will make you suffer in a worse possible way. Sabi nga nila ay ang sobra nakamamatay. Hindi na siya emosyon lang para mabuhay sentensya na siya para sa tao.
Tahimik lang siya ngayon habang pinupunasan ang kanyang mga mata. Hindi na siya umiiyak pero alam mong basag pa rin siya at may natitira pa ring hinanakit sa kanya.
“Sorry talaga para ang hina ko,” pilit niyang tawa kahit alam ko naman na hindi yun totoo.
Umiling ako. “Art,” tawag ko sa kanya ng mahinahon. Isang mahabang katahimikan ang namayani bago ako makasagot. “Hindi basehan ang pag-iyak kung mahina ang isang tao. Lahat ng tao deserve umiyak kapag napagod na.”
Napatingin siya ng diretso sa akin. Tahimik lang halatang nag-iisip ng sasabihin sa akin. “Siguro habang lumalaki nasanay na lang akong wala akong masasandalan,” napabuntong-hininga siya bago sumagot. Ang mga mata niya ay naglakbay papunta sa sahig. “May kumpleto akong pamilya pero—”
Muli siyang napatingin sa akin at nakapaskil sa kanyang mukha ang pilit na ngiti. “Mukhang kailangan na natin umalis dahil magsasara na sila,” pag-iiba niya ng pag-uusapan.
Hindi ko siya pinilit magpaliwanag dahil wala naman siyang dapat ipaliwanag. Pwede niyang ikwento sa akin ang gusto niyang ikwento kung handa na siya.
Nagtaas siya ng kamay sa waiter. “Bill out na, sir,” sambit niya nang lumapit ang waiter sa amin. Sakto ay dala-dala niya na ang bill namin. Nilabas ko ang wallet ko at ako na ang nagbayad ng buong bill.
Napatingin siya sa akin habang ang wallet niya na mukhang balak din sagutin ang buong bill. “Ako na dapat ang nagbayad para sa pakikinig,” paliwanag niya habang pinipilit na maging ayos sa harap ko.
“Ako na,” ngiti ko sa kanya. “Walang bayad ang makinig pero may sukli.” napatango na lang siya at sabay kaming lumabas ng Tago Jazz Cafe.
Huminto kami sa pagitan ng kotse namin at nakatitig lang sa isa’t-isa na para bang hindi namin alam ang sasabihin.
Walang umimik sa aming dalawa. Nakatingin lang ng diretso hanggang sa hindi ko na kinaya at iniwas ang mga mata ko. Kahit anong gawin ko bumabalik pa rin yung pangyayari kanina. Yung itsura niya, yung kung paano siya umiyak at paano siya basag na basag deep inside.
Doon ko lang na realize na hindi lahat ng tao na kalmado ay buo. Lahat ng tao may trigger, may uka at hindi lang ito malaki para mapansin ng iba.
Hindi ko alam kung ilang minuto na ba kaming nandoon, nakatayo habang walang ginagawa at walang isa sa amin ang balak magsalita.
Hanggang sa isang mahinahon na tawag ni Art ang bumasag sa katahimikan na namamayani sa ami. “Leon,” pag-uumpisa niya at huminga ng malalim. Naghintay ako ng kasunod at matagal bago ito nasundan. “Gusto mo bang lumakad muna?”
Napatingin ako ng diretso sa kanyang mata at may kakaiba ngayon dito na hindi ko maipaliwanag. Tumango naman ako sa kanya at ngumiti. “Tara?” hindi man lang ako nagtanong kung saan pupunta kahit hindi ko naman alam saan kami tutungo. Basta alam ko lang ayaw ko pang umuwi, ganun din siguro siya.
Ako ang unang umalis sa pwesto at naglakad paalis sa parking lot. Walang direksyon at plano kung saan.
Madilim ang kahabaan ng Justice Lourdes Paredes San Diego Avenue pero sapat na ang mga ilaw ng poste para makita namin ang daan at ang isa’t-isa.
Madaling araw na at halos wala ng dumadaan na sasakyan. Hindi ko tuloy maiwasan manginig paminsan-minsan dahil sa lamig ng simoy ng hangin. Kapansin-pansin din ang kaparehong amoy ng sampaguita kung saan maamoy mo lang siya tuwing gabi. Ang mabangong bulaklak ay nakakadagdag sa katahimikan at kalungkutan ng gabi.
Tahimik ang buong lugar mas malakas pa nga ata ang ingay ng kuliglig sa hindi kalayuan at sa yabag naming dalawa sa sementadong daanan. Nakakabingi parang hindi ko ata kayang tumagal sa ganitong scenario. Pero kahit gusto ko man mawala ang nakakabinging katahimikan hindi ko naman alam kung saan mag-uumpisa at paano magsasalita.
Ang tangi ko lang naisip ay ang ikutin ang susi ng kotse ko sa daliri ko para gumawa ng ingay.
Ang ironic no? Minsan gusto natin pagaanin ang nararamdaman ng isang tao pero hindi naman natin alam saan at paano mag-uumpisa.
Pero nang iangat ko ang tingin ko sa kanya saka ko lang na pagtanto na sapat na pala ang katahimikan at presensya ng tao para gumaan nag sitwasyon. Diretso lang ang tingin niya sa daan habang ang dalawa niyang kamay ay nakapasok sa bulsa ng hoodie niya.
Nandoon pa rin yung bubog sa mata pero wala na yung bigat na nakita ko sa Tago Jazz. Hindi ko tuloy maiwasan na tingnan siya. Ngayon ko lang siya napagmasdan ng ganito kalapit at hindi ko maipaliwanag kung bakit mas mahirap umiwas ng tingin.
“Bakit?” tanong ni Art habang nakatigil at bahagyang nauuna na. Napakurap ako at ngayon ko lang napansin na tumigil na pala ako dahil sa pagtingin sa kanyang mukha.
Umangat ang tingin ko mula sa kanyang labi hanggang kanyang mga mata. “Uhm…” bahagya akong natigilan hindi ko alam ang sasabihin ko. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko at nawalan ng kapangyarihan magsalita. “Ang tapang mo…hindi lahat kayang umiyak at ipakita ang vulnerable side nila,” kinakabahan kong sabi kahit hindi naman yon ang gusto kong sabihin.
Sa sobrang kabado ko ay para akong batang nahuling may ginagawang kasalanan. Ang mga kamay ko ay nasa likod ang mga mata ay nasa sahig. Fuck! Bakit ko naman kasi siya tinitingnan ng matagal?
“Salamat ha…” ngiti niya hindi ito ngiting about tenga pero sapat para malaman kong gumaan na ang pakiramdam niya. “Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng wala ka.”
Napangiti ako at napailing ng bahagya. “Ang corny mo talaga,” biro ko kahit ramdam ko pa rin yung kabigatan ng mga sinabi niya kanina. “Okay lang yun ikaw naman kasi ang dumamay sa akin nung nakaraang linggo.”
Mahina siyang natawa. Hindi yung pilit, mas totoo na. Mas magaan.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Walang nagmamadali. Walang direksyon. Pero this time, hindi na nakakabingi yung katahimikan.
Hindi namin alam kung nasaan na kami pero tumigil kami sa ilalim ng poste kung saan naiilawan ang gilid ng bahagi ng kalsada. “Alam mo sa gabi mo lang mararamdaman na mas totoo ang mundo,” sambit ni Art habang nakatayo sa gilid ng bangketa. “Mas tahimik pero mas totoo.”
Hindi ako sumagot. Hindi dahil wala akong sasabihin, kundi dahil parang sapat na yung sinabi niya para sa aming dalawa.
Ilang segundo pa ang lumipas bago siya gumalaw ulit. Dahan-dahan niyang ipinasok ang kamay niya sa bulsa ng suot niyang hoodie. May kinuha siyang maliit na karton.
Tinaas niya ito at pinakita sa akin. Karton ng Marlboro blue hindi ko alam pero may biglang kung anong kumurot sa puso ko. Kusa akong napangiti sa karton ng yosi.
“Naninigarilyo ka?” tanong niya, diretso, walang paligoy-ligoy.
Tumango ako at hindi nagdalawang isip. “Marlboro blue rin.”
Hindi na siya nagsalita. Binuksan niya lang yung kaha at kinuha yung isang stick, saka iniabot sa akin.
Tinanggap ko.
Kumuha rin siya ng isa at naglabas ng sariling lighter, sinindihan ang yosi niya.
Dahan-dahan kong inilagay sa pagitan ng labi ko, at lumapit ako sa kanya para sindihan niya ang yosi ko. Napatingin siya saglit at hindi siya gumalaw. Tiningnan niya lang ako kaya naman ginalaw ko ang yosi gamit ang bibig ko para malaman niya ang gusto ko.
Tumango naman siya at lumapit sa gilid ko, sapat lang ang layo para masindihan ang yosi ko.
Pinindot niya ang lighter at inilapit ito para masindihan ang sigarilyo sa labi ko. Saglit na nagtagpo ang mga mata namin habang sinisindihan niya iyon.
Hindi ko alam ang nasa isip ko, pero hindi siya ganito kalayo magsindi. Sa katunayan, mas malapit pa siya kung magsindi, dahil gusto niya ang ideya na mabubugahan siya ng usok pagsindi niya ng yosi ko.
Kaya mas lumapit ako sa kanya at pagsindi palang niya ng yosi ko’y binuga ko ang unang usok sa kanya.
Hindi siya umiwas.
Nanatili lang siyang nakatingin sa akin habang dahan-dahang dumaan ang usok sa pagitan naming dalawa. Saglit siyang napapikit, parang hinayaan lang niya itong tumama sa mukha niya. Pagmulat niya, diretso pa rin ang tingin niya sa akin, mas tahimik, mas malalim.
Doon ko lang napagtanto.
Pero huli ko ng napansin na nagawa ko ng walang kamalay-malay ang ginagawa ko sa ex ko tuwing magsisigarilyo kami.
Napaatras ako ng kaunti, para bang doon lang bumalik ang ulirat ko.
“Sorry…” mahina kong sambit, hindi ko alam kung para saan, sa usok o sa kung anong naalala ko.
Hindi siya agad sumagot. Humithit lang siya ng yosi niya bago ibuga ang usok sa gilid, palayo sa akin.
“Okay lang,” sagot niya, pero hindi ko alam kung alin ang tinutukoy niya. “Kahit hindi natin sila gustong maalala, ipaalala sila satin ng mga bagay na minsan naging parte na buhay natin.”
Tumango ako at totoo naman talaga ang sinabi niya. Ito yung mga bagay na naging parte ng buhay mo kasama siya. Yung mga bagay na kahit maliit man ay mag-iiwan ng malalim na sugat sayo. May iba’t-ibang trigger ang tao at lahat ng yun mag-iiwan ng malaking galos sayo.
“Wala, eh, ganun talaga,” mahinang dugtong ko sabay hithit ng yosi. Ramdam ko yung hapdi sa lalamunan, pero mas ramdam ko yung bigat na unti-unting gumagaan.
Tahimik ulit pero hindi na yung katahimikan na awkward at mabigat sa pakiramdam. Parang mas masasabi ko pang pahinga.
Umangat ang tingin ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa harap, pero halata mong malayo yung iniisip niya. Hindi na siya kasing basag kanina pero hindi pa rin buo.
Siguro ganun talaga.
Hindi naman agad nabubuo ang isang taong kakabasag lang.
“Leon,” tawag niya ulit, mabagal, parang pinag-iisipan bawat salita.
“Hm?”
“Salamat sa pagsama sa akin ngayong gabi.”
Tumango naman ako kahit hindi siya nakatingin sa akin. “Salamat din sa pagsama sa akin ngayon gabi,” pag-uulit ko sa sinabi niya sa akin.
Napatingin siya sa akin at nakangiti siya sa akin. “Syempre, sino pa ba ang magdadamayan, kundi ang dalawang brokenhearted lang.”
Pareho kaming napangiti. Halos sabay lang natapos ang sigarilyo naming dalawa. Napatingin ako sa oras at late na late na pala.
“Uwi na?” tanong ko, kahit hindi ko sigurado kung gusto ko na. Pero dahil may pasok pa ako mamaya kailangan ko ng umuwi.
Saglit siyang hindi sumagot.
Parang may gustong sabihin… pero pinili na lang lunukin.
“Hatid kita,” sagot niya sa huli.
Natawa naman ako sa sinabi niya. “May kotse talaga ako, Art,” nakangisi kong sabi sabay tapik sa kanyang balikat.
“Ah, oo nga pala,” napangiti siya. “Lasing na siguro ako.”
Nagtawanan lang kaming dalawa pabalik sa parking lot ng Tago Jazz Cafe at sinusulit ang ilang minutong magkasama kami. At sa unang pagkakataon matapos ang lahat, hindi na lang sakit ang dala ng gabi. May konting ginhawa na rin.
| C O O P E R _ C Y |
04: | Cigarettes, Beer, and Coincidence
04: Cigarettes, Beer, and Coincidence
Pahikab-hikab ako ng tinitingnan ko ang working email ko sa screen ko. Nakakaantok ang pumasok ng 8:00 AM tapos uuwi ng 5:00 PM habang nagpapanggap na okay ka lang kahit hindi naman talaga.
Past 5:00 PM na pero trabaho pa rin ang ginagawa ko. Kung hindi lang dahil sa manager kong nakakabwisit hindi ko ito gagawin.
“As previously mentioned…”
Tiningnan ko ng maayos ang unang sentence na tinype ko bago nag-type muli. Sa corporate, ko nalaman na kahit na galit na galit ka sa tao at gusto mo na siyang sabihan ng “bobo ka ba?” kailangan mo pa rin maging professional tamang choice of words lang.
Bawal maging prangka pero hindi ibig sabihin hindi ko siya pwedeng sagutin in a best way possible.
Pagkatapos ko mag-send ng email sa manager ko ay pinatay ko na ang cellphone ko sabay bulsa sa suot kong itim na slacks. Pinatay ko na rin ang makina ng sasakyan ko at inaayos ang suot kong white long sleeves bago bumaba.
Nang makalabas ako ng kotse inunat ko muna ang mga braso ko bago ako tuluyang maglakad-lakad sa Cubao. Kailangan ko na talagang tumayo naman at maglakad kung eight hours kang nakaupo office chair.
Wala dapat akong plano pumunta sa Cubao ngayon dahil mas gusto kong magpahinga na lang muna pero dahil Friday naman ngayon sulitin ko na ang lumabas.
There’s no place like Cubao for me. Cubao is a safe haven for me after a long week of work and a place I can totally breathe.
Habang naglalakad ako intersection ng Gateway at Fiesta Carnival hindi ko maiwasan na makasalubong ng mga taong may dala-dala ng libro.
Ang iba halatang bago pa dahil halatang naka-sealed kahit nasa plastic na transparent. Ang iba naman ay halatang luma dahil sa tanning at foxing ng libro pero masaya pa rin silang nagbabasa habang nakatayo sa may gilid.
Napangiti ako at hindi ko maiwasan na mamiss ang pakiramdam ng may bagong biling libro bago man o second hand ito. Ang tagal ko na rin kasing hindi bumibili ng libro. Nakalimutan ko na nga kung kailan ako huling bumili.
Isa sa mga hindi maiintindihan ng hindi bookworm yung pakiramdam at amoy ng bagong libro matapos mo ito tanggalin sa balot sabay amoy sa bawat pahina.
Hindi dahil sa ayoko na o wala lang akong oras. Isa sa mga rason ay nawalan na ako ng gana magbasa ng libro.
Breakup hits hard, hindi nga ata breakup ang totoong salita, kundi cheating.
Sakto naman paghinto ko ay huminto ako sa pamilyar na stall. Booksale, stall kung saan takbuhan ng mga taong gusto magbasa pero walang pambili ng brand new.
Napangiti ako. It brings back a lot of memories after all. Parehong-pareho pa rin ang itsura at aesthetic ng stall ng Booksale kahit saan mang branch.
Unang sasalubong sayo ang malaking letra ng pangalan ng stall. Pinaghalong kulay ito, berde ang background ng mga letrang nasa tamang sukat ng kahon, at puti naman ang mga letrang nasa loob ng berdeng kahon.
Pagpasok ko, sumalubong sa akin ang pamilyar na amoy ng lumang papel na may halong tamis ng vanilla scent. Samahan mo pa ng amoy ng alikabok at lumang kahoy.
Abot-tenga ang ngiti ko nang makita ko ang hilera ng mga libro. Bawat genre ay may sari-sariling shelves. Nakahiwalay ang fiction at nonfiction; mayroon ding hilera para sa mga religious na libro. Hindi rin mawawala ang mga academic books, at syempre, nariyan din ang mga libro para sa bata. May section din kung saan nasa kanan ang mga hardbound at nasa kaliwa naman ang paperback.
Sa sobrang excited ko ay una kong pinuntahan ang fiction shelves kung nasaan ang mga fantasy books. Fantasy books will always have a space in my heart.
Fantasy lang yung genre na mararamdaman mo yung magic ng kwento habang kinikilig. Especially books that have romance in it. Minsan gusto mo na lamang maranasan sa totoong buhay yung magic na may kasamang kilig. Pero in reality walang ganun.
Sa una lang yung magic tapos susundan ng kilig moments at sa dulo may plot twist na hindi lahat ng love story happy ending.
That’s the truth. Kasi siya nga akala ko meron kaming happy ending pero cheater pala ang loko. Ayun yung time na mag-iiwan ng emotional gap yung storya sayo.
Libro pa ba ang iniisip ko o love life ko? Napailing-iling ako at kinuha ang isang libro na nakakuha ng atensyon ko. Hindi dahil sa alam ko ang kwento nito, kundi dahil sa magandang cover nito.
Kahit noon ay hilig ko ng bumili ng libro hindi dahil sa kwento o kung sino ang nagsulat. Dahil ito sa magandang cover ng libro. Maraming nagsasabi na weird daw ako pero in reality ayun yung hook ko para bilhin ang libro.
Habang tinitingnan ko yung librong hawak ko hindi ko maiwasan na makita ang librong hawak ng katabi ko.
Nanlambot ang tuhod ko. Eksaktong-eksato sa binigay niya.
Tangina naman, oh!
Hanggang dito ba naman talaga?
Hawak kasi ng babae yung kaparehong libro na binigay niya sa akin noong second anniversary namin.
“Hindi mo magugustuhan yan feeling ko,” bulong ko at may bahid pa ng bitterness ang boses ko. Hindi ko namalayan na narinig pala ng babae ang sinabi ko at tiningnan ako.
“We?” sagot niya sa akin, ramdam mo ang pagkadismaya nito sa boses niya. Tumingin siya sa akin saglit at binalik ang tingin sa librong hawak niya habang tinitingnan ang synopsis nito sa dust jacket.
“Pangit ang ending,” simpleng paliwanag ko kahit hindi ko naman talaga nabasa ang libro. Ayaw ko lang basahin niya yun dahil na rin sa ex ko.
“Sayang naman,” biglang balikat niya at halatang dismayado, binalik niya ang libro sabay alis sa stall.
Umiling ako at tumingin ng bagong libro. Nang makapili ako ng libro na may maganda cover hindi ko na tiningnan ang synopsis diretso ako sa counter.
Wala akong pake sa kwento basta ang alam ko gusto ko yung libro. Matapos magbayad dumiretso ako sa labas at kapansin-pansin ang dami ng tao ngayon.
Napatingin ako sa wrist watch ko at 6:30 PM na pala. Paglabas ko’y sinalubong ko ng dami ng tao na ang iba’y papasok ng mall, ang iba’y papunta sa terminal ng FX.
Muli akong naglakad at tumingin-tingin ng mga stall na pwede kong puntahan. Hanggang sa makarating ako sa Farmers Market.
Napahinto ako nang may nakita akong hilera ng mga stalls ng bulaklak. Maraming nagtitinda ng mga bulaklak kahit saan ka tumingin ay puno ng bulaklak. Hindi ko alam anong humila sa akin at para pumasok sa market para tumingin ng mga bulaklak.
Nilapitan ko yung unang-una kong nakitang stall ng bulaklak. Maraming iba’t-ibang bulaklak na pagpipilian na nakalatag sa lamesa. Meron din naman na mga nakalatag na bulaklak sa sahig na nakalagay sa mga basket.
Maraming pumipili ng bulaklak ang iba halata mong mag-boyfriend, ang iba naman ay alam mong para sa partner, at ang iba ay trip lang bumili para sa sarili nila.
Maraming pagpipilian na bulaklak mula sa bouquet hanggang sa mga bulaklak na per stem lang. Hindi ko nga maiwasan langhapin ang sariwang amoy ng bulaklak. Sumalubong sa akin ang matamis at mabangong amoy nito. Natural ang amoy nito hindi katulad sa amoy ng mga pabangong matapang.
“Anong hanap mo, hijo?” nakangiting sabi sa akin ng matandang babae na nagtitinda.
“Tumitingin pa po ako,” sambit ko sabay ngiti sa kanya. Ngumiti lang ang matanda sa akin at lumapit sa iba pang customer.
Hindi ko alam pero may kakaibang ginhawa ang binibigay sa akin ng bulaklak. Kahit pa naman noon ay mahilig na ako sa bulaklak.
Hindi kasi ito engrande, hindi rin mamahalin pero alam mong may meaning kapag binigyan ka ng bulaklak.
Nang tumitingin ako ng bulaklak hindi ko maiwasan na marinig ang pag-uusap ng katabing kong mag-partner. “Para sayo,” sambit ng isang baritonong boses hindi ko tuloy maiwasan na hindi tumingin sa dalawa.
Base sa hawak ng babae sa braso ng lalaki mukha silang mag-partner. Napahinto naman ako ng makita ko ano ang bulaklak na inabot ng lalaki sa babae.
Pink tulips.
Ang bulaklak na hindi niya nakakalimutan na ibigay tuwing anniversary namin. Bagay daw kasi ito as a congratulatory flower dahil sa meaning nito.
Shit naman, oh. Kailangan ba ay maalala ko siya sa halos lahat ng bagay? Three months na! Pero I still remember him like yesterday.
Bigla kong binawi ang ngiti ko at para bang bumalik ang alaala na parang kami ang dalawang mag-partner na nasa harapan ko.
Huminga ako ng malalim at huminto na sa pagtingin-tingin sa mga bulaklak. Muli akong naglakad sa pasikot-sikot ng Cubao.
Madilim na sa labas at unti-unti ng nababawasan ang mga tao pero kahit ganun marami pa rin ang namamasyal.
Maaga pa naman at wala naman akong gagawin sa apartment kundi ang matulog. Naglakad-lakad ulit ako at tumingin-tingin hanggang sa kahabaan ng Farmers Market.
Nasa kabilang side ako ng market kung saan maraming nagtitinda ng fresh na seafoods. Sakto naman ay hindi pa ako kumakain ng hapunan at meron din naman ditong lugar kung saan pwedeng magpaluto.
Maingay ang buong pamilihan at maamoy ang maalat at malansang amoy ng seafoods kahit saan ka magpunta.
Abala ang mga nagtitinda na tumawag ng kani-kanilang mga customer para bumili sa tindahan nila. Nag-ikot-ikot muna ako at tumingin mga fresh na seafoods. Hindi naman matagal bago ako nakapili ng tindahan na bibilhan ko.
“Ano sayo, sir?” tanong ng tindera habang nakangiti at may hawak ng pambugaw ng langaw. “Hipon, alimango, o sugpo, sir?”
Tiningnan ko ang mga presyo ng mga seafoods medyo mahal siya pero dahil sa paborito ko ito wala akong pake. “Fresh po ba ito?” tanong ko habang tinuturo ang buong tinda niya.
“Oo naman, sir! Mas fresh pa sa akin yan,” energetic na sabi niya at kumuha ng plastic para bang sure na siya na bibili ako.
Tumango ako at ngumiti. “Isang kilo sa sugpo, isa rin sa scallops, at alimango,” sambit ko at agad naman tumango ang tindera. Mabilis siyang nagbalot at tinimbang ang aking mga pinamili.
“Dalawang libo po lahat,” sambit niya sabay abot sa akin ng malaking supot na nakalagay ang pinamili ko. Nilabas ko ang wallet ko at inabot ang dalawang blue bills.
Nagpasalamat ako, agad umalis sa pamilihan at diretso sa Dampa para magpaluto ng binili ko. Pagpunta ko doon sumalubong sa akin ang nakakagutom at mabangong amoy ng Dampa.
Amoy na amoy ang butter pagpasok mo pa lang ng Dampa at samahan mo pa ng anghang ng sili na parang kumakapit sa ilong mo.
Nagutom tuloy ako sa amoy palang. Malawak ang kabuuan nito at marami kang pwedeng pagpilian na stalls kung saan ka pwedeng magpaluto at marami ring mauupuan.
Marami rin tao ang kumakain ngayong gabi. Ang iba’y kasama ang pamilya at ang iba may kasamang partner. Halatang masaya ang bawat isa dahil sa kanilang mga tawanan at chismisan.
“Sir, dito po!” tawag ng isang staff habang kumakaway sa akin.
Tumango ako at sumunod. Inilapag ko ang dala kong supot sa mesa at umupo. “Paano niyo po ipapaluto, sir?” tanong ng waiter sabay bigay ng laminated menu nila sa akin. May maliit naman siyang hawak na notepad habang hinihintay akong makapili ng luto.
Kumpleto ang menu nila pwede kang magpaluto ng kahit ano base sa mga seafoods na dala mo. Hindi ka na rin mahihirapan dahil may presyo na rin ito sa gilid ng gusto mong ipaluto.
“Yung sugpo buttered garlic, tapos yung scallops cheesy. Yung alimango chili garlic na lang.” tumango naman ang babae at nilista ang order ko. “Pwede bang take out na lang yung mga scallops at kalahati ng alimango?”
Tumango siya at agad na umalis dala ang supot ko kasama ang laminated menu nila. Habang naghihintay ng order hindi ko maiwasan na tingnan ang mga taong kumakain sa Dampa.
Kapansin-pansin na lahat sila may kasama, pamilya man, jowa, o maski nga siguro katrabaho, nandito, pero ako? Nag-iisa.
Sanay na naman na ako mag-isa. Sa katunayan three months na nga akong mag-isa palagi. Pero hindi ibig sabihin ayoko ng kasama. Hindi ko lang alam kung paano ulit magsimula.
Huminga ako nang malalim at sumandal sa upuan. Maingay ang paligid, tunog ng mga kawali na tinatamaan ng sandok, sigawan ng mga waiter, halakhakan ng mga pamilya. Lahat sabay-sabay. Pero kahit gano’n kaingay, parang may sariling mundo ang bawat mesa.
At ako? Parang extra lang sa eksena.
“Sir, tubig po,” sabi ng waiter sabay lapag ng baso sa harap ko.
“Salamat,” tipid kong sagot.
Tinungga ko agad kalahati ng tubig, parang sinusubukang patayin yung kung anong naiipon sa dibdib ko. Hindi naman siya gutom. Hindi rin uhaw. Ewan ko ba kung ano ‘to.
Napatingin ulit ako sa paligid.
Sa kaliwa ko, may mag-jowa. Nagtatawanan habang pinapakain ng lalaki yung babae ng sugpo. Sa kanan ko naman, isang pamilya. Yung tatay busy maghimay ng alimango habang yung nanay nagrereklamo na ang kalat na raw ng mesa.
Napabuntong-hininga ako at nilabas ko na lang ang cellphone ko para maglaro. Pero bago pa ako makapindot ng lalaruin ko ay biglang nag-notify sa akin ang Reddit.
Nakita ko ang pangalan ni Art na nag-notify.
TallDaks_Moveon_Na User:
“Leon, tulog ka na ba?”
SanaSiyaNaLang User:
“Hindi pa naman, why?”
Wala pang isang minuto ay nag-reply siya sa akin.
TallDaks_Moveon_Na User:
“Down for a Cubao trip? Kain tayo sa Dampa.”
Sandali akong natigilan habang nakatitig sa screen ng cellphone ko.
Dampa.
Napatingin ako sa paligid. Sa mga ilaw, sa mga mesa, sa mga taong kumakain. Para bang biglang lumiit yung mundo ko.
Nandito na ako.
Napangiti ako nang bahagya, hindi ko alam kung dahil sa coincidence o dahil sa kakaibang pakiramdam na parang may humila sa akin pabalik sa realidad.
SanaSiyaNaLang User:
“Funny. Nandito na ako.”
Ilang segundo lang ang lumipas bago siya nag-reply.
TallDaks_Moveon_Na User:
“Ha? As in Dampa ngayon?”
SanaSiyaNaLang User:
“Yep. Farmers. Kakaupo ko lang.”
Napakunot-noo ako. Tinitigan ko yung screen, parang naghihintay na may sumunod na message. Pero wala. Makalipas ang ilang segundo, nag-pop ulit ang notification.
TallDaks_Moveon_Na User:
“Wait.”
Isang salita lang.
Pero ewan ko ba kung bakit parang may kung anong kumabog sa dibdib ko.
Napatingin ulit ako sa paligid, this time mas maingat. Hindi ko alam kung anong hinahanap ko. Isang lalaki? Naka-hoodie? Tangina, ang daming naka-hoodie ngayon sa Dampa.
Sa hindi kalayuan, may nakita akong lalaki na naka-black hoodie, at ang mga kamay ay nasa loob ng bulsa, at nakamaong na pantalon. Pero hindi lang ako sigurado kung siya ba ’yon, dahil masyado siyang malayo sa puwesto ko.
“Leon!” napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses at sa hindi kalayuan naglalakad mula sa direksyon ko si Art may hawak na supot. Palagay ko’y seafoods din ang dala niya.
Nakasuot siya ng black tee at ngayon ko lang siyang nakitang nagsuot ng t-shirt. Napansin ko rin yung long-sleeve tattoo niya sa kanan. Isa itong snake tattoo na may tribal lines sa buong braso.
Hindi ko rin maiwasan mapansin yung katawan niya. Nakakamanghang isipin na gym fit si Art dahil sa build niya. Hindi naman sobrang bulky, pero sapat para mapansin mo, yung tipo ng katawan na hindi pilit pero halatang inaalagaan.
“Pare, sakto ah,” nakangiti niyang sabi habang papalapit. “Hindi ko in-expect na nandito ka na agad.”
Napailing ako at bahagyang natawa. “Hindi rin ako. Kakaupo ko lang tapos bigla kang nag-chat.”
Napangiti ako at napailing. Ang funny na lang na nag-ra-rant ako na mag-isa lang ako tapos biglang mamaya lang ay nag-chat siya na nag-aaya sa Dampa.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya sabay hila ng upuan sa tapat ko at ibinaba ang supot na dala niya sa lamesa.
Tinaas ko ang dala kong paper bag at pinakita sa kanya. “Bumili ako ng libro kanina, ayun nagutom kaya diretso rito,” natatawa kong paliwang sabay hawak sa tiyan ko at hinimas-himas. “Ikaw?”
“Seafoods ang cravings ko ngayon at sabi ng tropa ko masarap daw dito sa Farmers. Hindi ko in-expect na ikaw pa pala ang unang makikita ko,” natatawa si Art habang inaayos ang upuan niya. Inilabas niya ang mga laman ng supot niya, isa ring kilo ng sugpo, ilang alimango, at tahong. “Kaya nga bumili ako ng seafoods ngayon.”
Lumapit sa kanya ang waiter at kagaya ko ganun din ang paluto niya. Nang makaalis ang staff, tumingin si Art sa akin, yung ngiti niya medyo nakakaloko. “So, bookworm?”
“Oo, simula noong high school ako mahilig ako magbasa. Fantasy,” pakita ko ng libro sa kanya. “Maganda cover eh,” sagot ko, medyo nahihiya.
“Typical,” pang-uuyam niya sabay inom ng tubig na dala ng waiter. “Ikaw talaga, pare. Cover muna bago kwento.”
Tahimik kaming natawa pareho. Maingay pa rin ang paligid pero parang mas komportable na. Parang may buffer na ang ingay dahil nandito siya.
Habang hinihintay ang order, napatingin ulit ako sa braso niya. Yung snake tattoo na may tribal lines, mula balikat pababa sa pulso, maitim at matalas ang linya. Sa ilalim ng maliwanag na ilaw ng Dampa, mas kitang-kita ang detalye, parang buhay na gumagalaw kapag gumalaw ang muscles niya.
“Ang ganda niyan,” sabi ko, diretso, walang paligoy. “May meaning ba ‘yang snake tattoo mo?”
Tumingin si Art sa sariling braso, bahagyang itinaas para mas makita ko. Hindi siya agad sumagot. Parang pinag-iisipan muna kung sasabihin niya o hindi.
“Oo,” mahina niyang sagot. “May meaning,” pero mukhang ayaw niya ikwento dahil bigla siyang umiwas ng tingin. Kaya naman hinayaan ko na lamang baka mukhang malalim ang meaning nito sa kanya.
“Matapang ka rin palang magpa-tattoo ng ganyan kalaki,” sabi ko, nakangiti nang bahagya.
“Matapang?” natawa siya, mababa at mabagal. “First session pa lang parang ayaw ko ng ituloy. Pero tapos na, tapos na. Hindi na puwedeng umatras.”
Pareho kaming natawa.
“Pareho pala tayo, eh,” sambit ko sabay inabot ko na ang tatlong butones sa itaas ng white long sleeves ko. Dahan-dahan kong binuksan ang isa, pangalawa, pangatlo. Hindi ko hinubad nang buo, bukas lang hanggang sapat para makita ang tattoo sa buong kaliwang dibdib ko, malapit sa collarbone.
Isang mukha ng tigre na nakalabas ang pangil.
Tiningnan ni Art nang mabuti. Hindi siya nagsalita agad. Yung tingin niya mula sa tattoo, tapos sa mukha ko, tapos balik sa tattoo. Parang sinusukat niya kung gaano kahalaga ‘to sa akin.
“Tigre? May meaning?” tanong ni Art, yung kilay niya bahagyang nakaangat.
Natawa ako at umiling nang maalala ang kwento bakit ito ang pina-tattoo ko. “Wala talaga, pare. Ito kasi yung pinakamaangas sa binder nung tattoo artist. Nakita ko agad, sabi ko ‘yun na ‘to.’ Walang malalim na kwento. Gusto ko lang magmukhang matapang kahit papaano.”
Art chuckled, yung mababa at mabagal na tawa na parang galing sa dibdib. Tiningnan niya ulit ang tattoo ko, mas matagal ngayon. “Hindi kita pwedeng husgahan…” napailing-iling nasa niya sabay pakita niya ng isang kamay at pinakita ang maliit niyang tattoo ng asong nakahiga. “Ako nga nagpa-tattoo ng aso dahil cute.”
Napatawa ako nang makita ko ’yon. Maliit lang, halos kasya sa gilid ng pulso niya, isang simpleng line art ng aso na nakahiga, parang walang ka-effort-effort kumpara sa buo niyang snake sleeve.
“Ang layo ng contrast,” sabi ko habang nakangiti. “Isang full-on intimidating na ahas tapos may… aso na parang naghihintay lang ng belly rub.”
“Balance,” sagot niya agad, walang pag-aalinlangan. “Hindi pwedeng puro angas lang. Kailangan may soft side din.”
“Soft boy?” biro ko.
“Depende kung kanino,” sagot niya sabay tingin sa akin. Direkta. Walang halong biro sa mata.
Naputol yung tinginan namin nang dumating yung pagkain. Sunod-sunod na inilapag ng waiter ang mga putahe, yung buttered garlic na sugpo, kumukulong pa sa mantika; yung cheesy scallops na umaapaw sa puting sauce; at yung alimango na kulay pula, halatang bagong luto, amoy pa lang nakakagutom na. Binigay din ng waiter ang sinabi kong alimango na for take out.
“Grabe,” bulong ko, halos mapangiti. “Worth it.”
“Simulan na natin bago pa lumamig,” sabi ni Art sabay abot ng gloves.
Tahimik muna kaming kumain sa una. Yung tipo ng katahimikan na hindi awkward. Yung tipong busy lang kayo pareho sa pagkain pero may presence pa rin ng isa’t isa.
“Masarap?” tanong niya habang hinihimay ang sugpo.
“Solid,” sagot ko habang sinusubo yung scallops. “The best yung luto nila.”
Tumango siya at nagpatuloy sa pagbabalat. Napatingin ako sa kanya habang nilalantakan ang mga scallops. “Bakit mo pala ako niyaya kumain?”
Natigilan si Art sa pagbabalat ng sugpo. Tumingin siya sa akin ng diretso. Bahagyang nagbago ang itsura ng mukha niya, hindi na yung nakakalokong ngiti kanina. Mas seryoso, pero hindi mabigat.
“Lungkot, eh,” simple lang pero ramdam mo ang bigat. “Friday night, tapos sabi ko mukhang papayag ka. Malungkot ang mag-isa.”
Hindi ako agad nakasagot. Ininom ko muna ang tubig para makahinga. “Pareho tayo,” sabi ko pagkatapos. “Kala ko kakayanin ko mag-isa tonight. Tapos bigla kang nag-chat. Parang… timing.”
Ngumiti siya nang tipid, yung ngiti na hindi abot sa mata pero totoo. “Timing talaga. Parang sinadya ng universe na magkita tayo rito sa Dampa.”
“Universe o gutom lang?” biro ko sabay turo sa plato niya na halos maubos na.
Natawa siya, yung mababa at tunog na galing sa dibdib. “Siguro pareho. Gutom at lungkot, deadly combo.”
Nagpatuloy kaming kumain. Paminsan-minsan, magkakatinginan kami habang naghihimay ng alimango o sumusubo ng sugpo. Walang pressure. Walang kailangang punan ng salita. Yung ingay ng Dampa, tawanan, tunog ng kawali, sigawan ng waiter, parang background music na lang.
Nang maubos na namin halos lahat ng pagkain, tumawag siya ng waiter para sa bill. Naglabas na ako ng pera at nilapag ang bayad para kunin na lang ng waiter. Pero pinitik niya yung bayad ko at inabot niya ang pera niya sa waiter. “Ako na,” simple pero may diin ang pagkakasabi.
“Sabi mo, eh,” natatawang kuha ko ng pera ko at tinago.
Paglabas namin sa Dampa, malamig na ang hangin sa labas. Madilim na rin, pero buhay pa rin ang Cubao, may ilaw pa rin sa mga tindahan, may ilang grupo pa ring nagtatawanan sa labas.
Naglakad kami magkatabi, walang specific na pupuntahan. Hands in pockets niya ulit, yung snake tattoo medyo kita sa ilalim ng ilaw ng poste. Ako, bukas pa rin ang tatlong butones ng long sleeves, ramdam ko ang simoy ng hangin sa dibdib ko.
“Salamat ulit, pare,” sabi niya habang naglalakad. “Hindi ko in-expect na magiging ganito yung Friday ko.”
“Ako rin,” sagot ko. “Akala ko mag-isa lang ako sa Dampa, magra-rant sa utak ko tungkol sa ex. Tapos nandito ka.”
“Sino pa ba ang nagdadamayan pag-broken? Edi syempre, yung parehong broken,” natatawang sabi niya at nagpatuloy kami sa paglalakad.
Isang na namang gabing wala ang lungkot at isang kakaibang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Pero alam ko sobrang nag-eenjoy ako kahit hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko.
| C O O P E R _ C Y |
05: | Cigarettes, Beer, and Silence
Hindi ko maipaliwanag yung feeling ng maglakad sa kahabaan ng Cubao tapos may kasama kang taong hindi mo pa naman lubos na kilala pero komportable ka. Yung tipong walang direksyon, wala ring iniisip pero masaya. Isabay mo pa na chill lang ang vibes sa gitna ng chill nights.
“Ganda ng gabi no?” tanong ni Art habang nakatitig sa kabilugan ng buwan. Tumingala ako. Hindi naman bilog na bilog yung buwan pero sapat na para mailawan yung kinatatayuan namin. Syempre mas gumanda pa ito lalo dahil sa mga nagkikinangan na mga bituin.
“Kaya nga mas gusto ko sa gabi,” sambit ko sabay bunot ng cellphone ko sa bulsa ko para kuhanan ng litrato ang kalangitan. “Malamig, tahimik, at malayo sa ingay ng mundo.”
Hindi sumagot si Art at naglabas ng kaha ng sigarilyo. “Yosi, pare?” tanong niya habang kumukuha ng sigarilyo. “Isa na lang pala ito… gusto mo share na lang tayo?” tanong niya habang pinapakita ang huling laman ng kahon.
Napatingin ako sa stick na hawak niya at sumunod sa kahon na walang laman. Ilang segundo ang itinagal bago ako makasagot. Tumango ako at ngumiti sa kanya. “Okay lang naman sa akin.”
Ngumiti naman siya pabalik at sinindihan ang sigarilyong hawak niya. Siya ang unang humithit habang nakatingin lang ako sa malawak bakanteng parking lot. May ilang mga kotse pa rin naman na naka-park pero hindi masyadong crowded ang parking space.
Tahimik ang paligid. Mas malakas pa nga ata ang ingay ng mga kuliglig sa malayo at ang mga huni ng ibon na lumilipad kaysa sa aming dalawa. Tama lang din ang simoy ng hangin para tangayin ang mga buhok namin ng bahagya.
“Ganito ka rin ba lagi?” basag ni Art sa namumuong katahimikan sa aming dalawa kaya naman napatingin ako sa kanya at kumunot ang noo sa tanong niya. “Yung tipong lalabas kapag pagod.”
Kung bibilangin nga kung ilang beses na akong nakapunta sa Cubao baka hindi ko na mabilang sa kamay. Kung pwede nga lang magsalita ang Cubao baka sinabi niya na lahat ang mga nagawa ko sa lugar na ito. Para sa akin walang ibang lugar katulad ng Cubao.
“Oo, pero parati naman kasi akong nasa Cubao pagod man o hindi,” sagot ko sa kanya habang bumalik ang tingin ko sa malawak na parking space.
“Takbuhan mo to, no?” tanong niya sa akin sabay bigay sa akin ng sigarilyo na wala pa sa kalahati ang bawas. Pag-abot niya sa akin ng sigarilyo nagdikit ang mga daliri namin ng ilang segundo at napatingin ako dun saglit.
Para bang may bigla akong naramdaman at may kuryente na dumaan sa likod ng kamay ko. Hindi ko alam kung siya rin ba, pero hindi niya binawi agad ang kamay niya. Ilang segundo kaming ganun, daliri sa daliri, mainit ang balat niya kahit malamig ang hangin.
“Hindi ba obvious?” nakangiting biro ko sa kanya. Tinanggap ko ang sigarilyo at humithit. Mapait pa rin, pero mas matamis ngayon dahil sa shared stick. “Kapag puno na ang utak ko sa trabaho, sa manager, o… sa ex. Dito ako pumupunta. Parang reset button. Walang judgement, walang kailangang ipaliwanag.”
“Mukhang takbuhan ko na rin…” napatingin ako sa kanya ng diretso at nakatingin din pala siya sa akin. Pero ang kakaiba hindi ko na narinig yung ingay ng kuliglig. Tanging siya na lang at yung malakas na paghinga naming dalawa. “Cubao makes me feel human again.”
Seryosong sabi niya at sa huling hithit ko sa sigarilyo siya na ang kusang kumuha sa bibig ko. Bahagya pa nga akong napatingin sa kamay niya dahil sa hindi sinasadyang pagsabit ng daliri niya sa aking labi.
Saglit akong natigilan. Hindi ko alam kung dahil sa lamig ng gabi o sa init ng hawak niya, pero parang may kung anong kumabog sa dibdib ko, mabilis, bago, at ngayon ko lang naramdaman.
Napatigil din siya pero ilang sandali lang bago siya nagpatuloy sa pagkuha. Pagkakuha niya agad siyang lumayo at tumingin sa malayo.
Dahil sa isang eksena na yun naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi lang yun para bang may bigla akong naramdaman na kakaiba sa tiyan ko na hindi ko maipaliwanag. Lumakas din ang ingay ng kuliglig at naging mas nakakabingi ang katahimikan sa pagitan namin.
Sunod-sunod ang mga bagay na nararamdaman ko na hindi ko maipaliwanag. Hindi naman dapat to ganito ‘di ba?
Walang gustong magsalita. Wala ring eye contact na nangyari.
Sa gitna ng nakakabinging katahimikan ay bigla na lang nagsalita si Art. “Sorry…” mahinang sabi niya sa sobrang hina nga ay muntik ko ng hindi marinig. Napatingin ako sa kanya at nakatingala siya sa kalangitan habang binubuga ang usok ng sigarilyo.
“Para saan?” tanong ko kahit hindi ko naman talaga alam kung para saan siya humihingi ng tawad.
“Wala lang, gusto ko lang humingi ng tawad,” sabi niya at nakatingin pa rin sa kalangitan. Binigay niya sa akin ang natitirang sigarilyo ng hindi tumitingin sa direksyon ko.
Tinanggap ko lang ang sigarilyo at hinithit ang natitirang sigarilyo. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang huli niyang sinabi. “Uhm—” akmang may sasabihin sana ako pero hindi ko na lang tinuloy at tumingin na lang muli sa malawak na parking space.
Tangina naman! Wala na bang mas tatahimik dito? Sa mga ganitong mga sitwasyon mas gusto ko pang mag-isa kaysa nararamdaman ang nakakabinging paligid.
“Kung tungkol ‘to sa—”
“Tara lakad tayo…”
Sabay kaming nagkatinginan at nagkasabay din kaming sa pagsasalita. Muntik na nga namin na hindi marinig ang isa’t-isa. Bago pa ako makasagot ay naglalakad na si Art palayo sa akin.
Tiningnan ko lang muna siya at hindi ko alam kung susunod ba ako o hahayaan na lang siyang maglakad palayo. Pero sinundan ko pa rin siya matapos kong maubos ang sigarilyo. Pinitik ko ito sa lapag at inapakan ko para mapatay ang apoy nito.
Nang magkatabi na kami ay tumingin siya sa akin sandali at tumingin sa buwan. “Ang ganda ng buwan no?” tanong niya sa akin at ang mga mata ay nasa kalangitan.
Hindi ko alam matatawa ba ako o maiinis sa sitwasyon namin ngayon. Napailing na lamang ako na para bang hindi ko nakikita na maganda ang buwan ngayon.
Napapaisip ako kung ito ba yung paraan niya para mawala yung nakakabingin katahimikan sa pagitan namin.
“Uhm—oo…” sagot ko, kahit pareho naming alam na hindi naman talaga tungkol sa buwan ’yon. “Art…” mahinang tawag ko sa kanya at diretso lang ako nakatingin sa nilalakaran namin kasi hindi ko siya kayang tingnan ng diretso. “Morning o night person ka?”
Kahit na hindi naman talaga yung gusto kong itanong sa kanya.
Bwiset!
Para kaming mga batang hindi marunong magsabi nang totoo. Para bang kahit nahuli na kami ng mga magulang namin na nagsisinungaling ay nagpapalusot pa rin kami.
Hindi naman kasi ito tungkol sa kahit na ano. Tungkol ito sa bagay na iniwasan naming pag-usapan.
Tumigil muna siya sandali sa paglalakad kaya naman bahagyang bumagal ang aking paglakad kahit hindi ko siya tinitingnan.
Tahimik na naman.
“Night,” seryosong sagot niya. Walang paliwanag o wala mang kasunod at muli na naman siyang nagpatuloy sa paglalakad. “Alam mo this is very new to me…”
Napatigil ako ng muli siyang magsalita. Napatingin ako sa kanya at hinihintay ang kasunod na sasabihin niya.
Pero tumagal ng isang minuto at wala siyang sunod na sinabi. Para bang nag-aalangan pa siyang sabihin ang nasa isip niya. Bumuka ang bibig niya pero nagsara rin.
“Wala, forget it.”
Kumunot ang noo ko at bahagyang naguluhan sa sinabi niya. Gusto kong malaman kung anong ibig sabihin nun. At the same time I don’t want to push him to explain it to me.
“Hindi kita gets ngayon, ah,” sambit ko halata ang inis sa tono ko. Pero syempre hindi ko masyadong pinahalata na naiinis ako.
“Maybe next time?” tumingin siya sa akin at saglit na ngumiti, yung tipong pilit, parang may tinatago.
Hindi na ako sumubok magtanong. Mukhang hindi rin naman kasi niya sasagutin yung tanong ko.
“Bakit hindi tayo kumain?” dagdag niya agad sabay kamot sa batok. “May nakita akong malapit na kalye na nagtitinda ng street food kanina.”
Napahinga ako ng mabagal. Tapos tiningnan ko lang siya na magpatuloy sa paglalakad. Kahit ang totoo ay kakatapos lang namin kumain sa Dampa.
Ang bilis niyang umiwas sa usapan.
“Sige,” sagot ko, parang wala lang sa akin ang pag-iwas niya sa usapan.
Sinundan ko lamang siya kahit hindi ko naman talaga alam ang pupuntahan namin. Pero sa katunayan sa lahat naman ng lakad na ginawa namin kahit noong mga nakaraang araw ay wala naman talaga kaming plano. Hinahayaan lang namin ang mga paa namin kung saan kami dalhin nito.
Pero ni minsan hindi ako napagod, walang pamumulikat ang mga paa ko. Kahit konting sakit kinabukasan ay wala akong naramdaman.
Sa hindi kalayuan, natatanaw ko na ang kalyeng sinasabi niya, mailaw, mausok dahil sa usok ng ihawan, at puno ingay ng mga tao kahit dis-oras na ng gabi.
Nang magpula ang stoplight tumawid kami sa may pedestrian lane at diretso sa mga food stall ng mga tuhog-tuhog.
Maraming pagpipilian na mga pagkain ikaw na lang talaga ang magsasawang pumili. “Anong gusto mo?” nakatingin niyang tanong sa akin habang ang mga kamay ay nasa bulsa.
“Ano bang gusto mo?” balik kong tanong sa kanya at tumitingin sa mga stalls ng nagtitinda.
“Ikaw…” sagot niya, ang mga mata niya ay seryoso lang na nakatingin sa akin.
Bahagya akong napahinto. Napatingin ako sa kanya at parang kami lang ang tao doon dahil pareho kaming napahinto sa gitna ng kalye.
“Ikaw, ano ba ang gusto mo?” dagdag niya agad, parang binawi yung unang sinabi.
Hindi ako agad nakasagot. Sa oras na yun parang nakalimutan ko kung paano magsalita. Bumuka ang mga labi ko para magsalita pero nagsara muli dahil walang lumabas na kahit isang salita.
Una akong umiwas ng tingin at sinubukang tumingin sa mga paninda. Sa sandaling yun nagsimulang manginig ang mga kamay ko at ang mga labi ko.
Ilang minuto rin bago ko nahanap ang boses ko.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung anong gusto kong marinig mula sa kanya.
“Ha—”
Napailing ako. Mali.
“Uhm…”
Tangina, kahit ano.
“Halo-halo?”
Fuck! Gusto ko na lang mapa-facepalm sa isip ko. Bakit ba kinakabahan ako? Hindi naman dapat ako kinakabahan ng ganito. Sa lahat talaga ng isasagot halo-halo pa talaga.
“Sige,” sabi niya, pero hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin. Parang may hinihintay pa siya.
Pero ako… wala na akong maibigay.
Shit… bakit ba sa lahat ng sasabihin halo-halo pa? Tahimik lang ako at nagpatuloy ako sa paglalakad ganun din siya na para bang wala akong maling sinabi sa kanya.
“Uhm—” nagdadalawang isip kong pag-uumpisa at hindi alam paano ba magsasalita. “Wag na lang kaya yung halo-halo?” napakagat labi ako, napatingin siya sa akin at napataas ang kilay.
“Ayaw mo ba ng halo-halo?”
Hindi naman kasi ito tungkol sa halo-halo! Tangina kasing halo-halo ‘to pahamak sa buhay.
“May iba ka bang gusto?” nakatingin na siya sa mga nagtitinda ngayon at tinitingnan ang bawat tinda ng mga stalls. Lumapit siya sa pinakamalapit sa amin na stall. “Gusto mo ba ‘to?” turo niya sa paninda ng babae na nagtitinda ng kwek-kwek. Kumuha pa nga siya ng isang stick nito para lang ipakita sa akin.
Tumango ako sa kanya at lumapit na rin para kumuha na rin ng sa akin at sinamahan ko na rin ito ng limang kalamares. Pinainit ko ‘to sa babae at kumuha ng lalagyan ko para kumuha ng matamis na sawsawan. “Hindi ko alam na mahilig ka rin pala sa tusok-tusok,” pahayag ko at abala sa pagkuha ng sawsawan.
“Kahit naman nung kami pa,” biglang humina ang boses niya at ang mga mata niya ay biglang lumungkot. Hindi ko kailangan alamin para malaman ko kung sino ang sinasabi niya sa akin.
Tiningnan ko siya at kumakain na pala siya. Hindi niya na pala pinainit yung kanya. Kapansin-pansin na nasa gilid lang ng mangkok niya yung orange coating ng kwek-kwek. “Hindi ka mahilig doon sa balat?” nakataas ang kilay ko habang nakangiti sa kanya.
Tumingin siya sa akin at tinigil ang pagsubo sa itlog ng kwek-kwek. Napatingin siya sa kinakain na kwek-kwek at bahagyang natigilan para bang may mali siyang nagawa. Bumalik ang tingin niya sa akin. “Hindi siya mahilig sa balat…”
Napatingin ako sa kanya saglit bago ako umiwas ng tingin. Kinuha ko yung pinainit kong kwek-kwek at kalamares.
Sa puntong ‘yon hindi ko na kailangan malaman pa ang kasunod. Dahil alam ko na nakasanayan niya na lang ang pagkain ng kwek-kwek na tinatanggal ang balat kasi hindi kumakain ang ex niya ng balat.
Ilang buwan na ang lumipas pero alam kong hindi niya pa rin mabitawan. Hindi ko rin naman siya masisi kasi ten years yun.
“Masarap tong sawsawan nila na to,” tinuro ko yung matamis na sawsawan para lang maiba yung atmosphere naming dalawa. “Matamis siya.”
Napahinto ako saglit.
Napakagat ako ng labi at napailing ako.
Bwiset mali na naman.
Tangina naman ilang beses ba ako magkakamali ng sasabihin ngayong gabi?
Imbes na magsalita ako’y kumain na lamang ako at hindi na ulit ako nag-attempt na pagaanin ang sitwasyon.
Habang kumakain, may mga sandaling nagkakatinginan kami, pareho kaming may gustong sabihin, pero walang ni isa ang nagsasalita. May pagkakataon pa na bubuka ang bibig niya, parang magsisimula na, pero sa huli, magsasara rin na parang umatras sa sariling lakas ng loob.
Matapos kumain, siya na ang nagbayad. Nandito pa rin kami sa harapan ng kinainan namin at walang imikan, walang ideya kung ano ng sunod naming gagawin.
Matapos kumain, siya na ang nagbayad. Nanatili kami sa harap ng kinainan namin, parehong nakatayo, parehong tahimik, at parehong walang ideya kung ano ang susunod.
Halo-halo ang ingay ng kalye, mga sigaw ng tindero, tawag ng pasahero, ugong ng mga sasakyang dumaraan, pero sa pagitan naming dalawa, parang walang kahit anong tunog ang makapasok.
Napansin kong sinusundan ko ng tingin ang mga tricycle na dumadaan, kahit wala naman talaga akong hinihintay.
“Gusto mo na bang umuwi?”
Napatingin ako sa kanya. Nakatingin na rin pala siya sa akin.
Saglit akong natigilan.
“…Sige.”
At sa pagkakataong ‘yon, wala na rin akong sinubukang sabihin.
Sabay kaming naglakad, hindi na tulad kanina na walang direksyon, kundi pareho nang may pupuntahan.
Pero kahit magkatabi kami, pakiramdam ko… mas malayo na siya kaysa kanina.
|
C O O P E R _ C Y |
06: | Cigarettes, Beer, and Hesitation
“Sorry to message you this late, Leon. I know it’s already past working hours, but this is urgent and the report must be submitted to the higher-ups tomorrow morning. I hope you finish it before the deadline.”
Habang binabasa ko ang message sa akin ng manager ko hindi ko maiwasan ang sarili ko na higpitan pa ang hawak ko sa unan sa sofa na kinauupuan ko.
Sinubukan kong pumikit baka sakaling mawala ang inis na nararamdaman ko sa manager ko. Hindi naman ‘to nakatulong lalo lang nadagdagan yung nararamdaman kong inis sa kanya.
Inisip ko na lang na leeg niya ang hawak ko imbes na unan. Nang hindi pa ako nakuntento mas hinigpitan ko pa ang hawak ko para bang wala nang balak na pakawalan ang leeg niya.
Bago ko buksan ang mga mata ko’y huminga ako ng malalim. Baka sakaling mawala yung inis na nararamdaman ko ngayon sa manager ko.
Walang nagbago. Hindi pa rin sapat ang ginawa ko sa unan. Gusto ko pa rin siyang sakalin at murahin sa harap ko.
Tangina mong hayop ka!
Past six na ng gabi at may gana pa siyang mag-chat sa akin para ipagawa ang report na kailangang ipasa bukas ng umaga.
Kung pwede ko lang talagang i-block yung manager at boss ko sa trabaho ay nagawa ko na. Pero hindi ko pwedeng gawin yun dahil baka mawalan ako ng trabaho ng wala sa oras.
Nag-type ako ng sasabihin sa kanya habang ang bawat pagpindot sa cellphone ko’y may pwersa at diin.
“This is duly noted, Ma’am Garcia!” ang ibig sabihin lang nito ay “Sige po, gagawin ko pero tangina mong hinayupak ka.”
Kung kailan kasi late saka magbibigay ng gagawin na ang deadline ay bukas ng umaga. Tapos “salamat” lang ang ibabayad nila sayo kahit na ang totoo sa kanila talaga pinapagawa. Ginagamit lang talaga nila ang seniority nila para makaiwas sila ng trabaho.
Pagpindot ko ng send ay agad kong binaba ang cellphone ko. Kinuha ko ang laptop ko sa bag ko at binuksan. Sakto naman na dumating na ang inorder kong iced coffee macchiato.
“Here’s your order, sir,” nakangiting inabot sa akin ng waiter ang order ko at inilapag sa bilugang kahoy na lamesa ang kape ko. “Thank you for waiting.”
Ngumiti lang ako sa kanya at tumango kahit na hindi ako okay ngayon dahil sa boss ko. Pero kailangan kong ngumiti para magpanggap na kunwari ayos lang talaga ako.
Nasa coffee shop ako ngayon sa Cubao at ang pangalan ay Beans and Bones. Walang masyadong tao, tahimik, at maganda ang ambiance dito sa loob. Maamoy ang bagong giling na kape at matamis na pastries. Sobrang nakakalma ang loob dahil sa warm dim lighting ng coffee shop, sapat lang para makita mo ang usok ng mga kape. Sa sobrang tahimik, mas maririnig mo pa ang ugong ng machine at mahinang tunog ng keyboard.
Tama lang ang ambiance para bumaba ang inis na nararamdaman ko sa manager ko. Minsan akala mo tagapagmana ng kumpanya kung makapag-utos pero mas mataas lang naman ng konti ang sinasahod niya sa akin.
Huminga ako ng malalim at umupo ng maayos. Tinype ko ang password ng laptop ko. Pero bago ko pa matapos ang password ko umilaw ang cellphone ko at nag-soft ping.
Sinilip ko at may bagong message. Kinuha ko ang cellphone ko, tiningnan ko ng mabuti walang pangalan, number lang.
Natigilan ako at biglang sumikip ang dibdib ko. Kasabay nun ang panginginig ng mga kamay ko. Hindi ko pa man nababasa ng tuluyan ang message alam ko na agad kung kanino yun.
Paano ko makakalimutan ‘yun, eh parati kong pinapa-load-an yung number niya kapag nawalan siya ng load. Mas kabisado ko pa kung kailan siya mauubusan ng load kaysa sa sarili kong number.
Pinindot ko yung password ko.
Huminto ako at nagdalawang isip na buksan yung message niya. Huminga na naman ako ng malalim at kinuha yung kape ko at uminom. Nagbabakasakali na lumakas ang loob ko kung uminom ako ng kape.
Ibinaba ko yung kape ko at pinindot yung message para makita ko ng buo.
09XX-XXX-XXXX :
“Can we meet?”
Tatlong salita lang.
Hindi mahaba. Pero wala ring karugtong. Walang emoji. Pero sapat para gibain yung mataas na pader na binuo ko ng mahigit na apat na buwan.
Partida walang “I love you o miss na kita” pero sapat na para mas lalong kumabog yung dibdib ko sa mensahe niya.
Bakit ngayon pa?
Muli akong pumikit pinipigilan ko ang sarili kong mawala sa sistema. Inaalala ko yung mga bagay kung bakit naghiwalay kami.
Tangina na naman.
Tiningnan ko ulit yung number baka prank lang ‘yun. Pero hindi pa rin nagbago at parehong-pareho pa rin sa number na alam ko.
Sinubukan kong mag-type ng sasabihin.
“Sino ka ba? Wag mo akong i-prank.”
Pero bago ko pa pindutin yung send button, binura ko na agad yung message ko at nag-type ng panibago.
“Scam ba ‘to? Please, wag ako iba na lang. Hindi pa ako okay.”
Hindi ko pa rin sinend at binura ko lang. Nakatitig lang ako sa message niya, sinusubukan na isipin kung bakit siya nag-message sa akin.
Muli na naman akong uminom ng kape hindi para mas maging matapang baka sakaling mapakalma ako nito. Hindi naman nakatulong nakadagdag lang sa nararamdaman ko. Mas lalo lang bumilis yung tibok ng puso ko.
Wala pa rin akong maisagot sa kanya.
Nakatulala lang ako sa harap ng cellphone ko. Para bang exam paper ‘to at nakalimutan kong mag-review. Kaya hindi ako handa at wala akong maisagot ngayon. Daig pa nito surprise test. Nakakabulabog at nakakapanghina.
Wala man lang akong maisagot kahit nga makapag-composed ng sasabihin hindi ko magawa.
Ang una lang pumasok sa isip ko habang kinakabahan ako ay pumunta sa Reddit. Hinanap ang username ni Art, ang tanging kausap ko sa app na ‘to.
Nagdalawang isip muna ako bago pindutin yung pangalan niya. Tumingin muna ako sa pangalan niya bago ko ‘to pinindot..
Hindi ko pa rin kasi nakakalimutan yung nangyari noong nakaraang dalawang linggo. Kahit na nagdadalawang isip ako binuksan ko pa rin yung conversation namin at nag-type ng message.
SanaSiyaNaLang User:
“Art, libre ka ba ngayon?”
Walang pagdadalawang-isip. Agad-agad kong pinindot ang send button. Napaisip tuloy ako bakit siya ang unang taong chinat ko. Hindi ang mga kaibigan ko.
Kung tutuusin nga’y hindi naman kami nag-imikan ni Art buong gabing naglakad-lakad kami sa kahabaan ng Cubao nung nakaraang dalawang linggo.
Nag-soft ping ang cellphone ko at wala pang limang minuto nag-reply na si Art sa akin.
TallDaks_Moveon_Na User:
“Saan ka ngayon?”
SanaSiyaNaLang User:
“Beans and Bones Cafe.”
TallDaks_Moveon_Na User:
“OMW.”
Wala man lang tanong-tanong kung bakit. Hindi rin nga ata nagdalawang-isip bago mag-message.
Papunta na agad siya.
Samantalang ako, hindi ko alam kung bakit ko ba siya minessage. Hindi ko pa rin nga alam ang reply ko sa ex ko.
Napatingin ako sa laptop ko at naalala kong may gagawin pala ako ngayon. Pero paano ako gagawa kung bigla na lang siya magpaparamdam at wala man lang dahilan kung bakit.
Muli kong binuksan ang laptop ko para umpisahan ang report na kailangan kong gawin. Habang nakatitig ako sa Excel ko gumagana naman yung utak ko pero walang lumalabas kung paano umpisahan yung report.
Alam ko naman kung paano gagawin ko pero isang chat lang niya nakalimutan ko na rin paano gamitin yung Excel.
Sinubukan kong i-type yung report pero para lang ako nag-ta-type ng random numbers na hindi ako sigurado kung tama.
Dahil alam ko naman na wala akong magagawa ngayong gabi pinatay ko na lang yung laptop ko at nilagay sa bag. Sayang lang ang oras sa pagpapanggap na alam ko paano simulan kahit hindi naman talaga.
Hindi naman nagtagal at nakarating na si Art. Kapansin-pansin ang suot niyang white polo at may kasama pang ID na nakasabit sa leeg niya, para bang kakagaling lang din sa trabaho. Bahagya pa siyang hinihingal, halatang nagmadali.
Hinila niya ang upuan sa tapat ko at agad na umupo. Tumingin siya sa akin at biglang bumaba ang tingin niya sa kamay ko. Sa mga nanginginig kong kamay habang hawak-hawak nang mahigpit ang baso ng kape ko.
“Okay ka lang?” tanong niya, hindi tumitingin sa mukha ko, sa kamay ko.
Mabilis akong tumango at uminom ng kape para lang hindi niya mapansin ang nanginginig kong kamay.
“Anong meron?” seryosong tanong niya ngayon ay nakatingin na siya sa mukha ko. Hindi agad umalis ang tingin niya sa akin.
Nagkatinginan lang kami, tapos umiwas ako ng tingin sa kanya. Naguguluhan ako kung alin ang mas ayaw kong harapin, yung message niya o yung paraan ng pagtitig ni Art na parang may alam siya.
Ganun pa rin ang sitwasyon namin. Hindi nagbago two weeks ago.
Mas malakas pa ata yung ingay sa paligid namin kaysa sa aming dalawa. Sa mesa namin, parang may sariling mundo ng katahimikan.
“Gusto mo kape?” pag-uumpisa ko at sinusubukan kong ibahin ang usapan naming dalawa.
Umiling siya. “Nagkape na ako kasama ko mga katrabaho ko ngayon-ngayon lang,” sagot niya, bahagyang hinihingal pa rin.
Napatingin ako sa kanya at bahagyang nagtaka. “Ngayon? As in ngayon lang, bago ka pumunta rito?” pag-uulit ko.
Tumango siya, bahagyang napakamot sa batok. “Oo, kasama ko sila at nauna na ako nung nabasa ko chat mo.”
Napahinto ako sa kape ko at muling tumingin sa kanya. “So iniwan—” bago ko pa matapos ang sasabihin ko’y nagsalita na agad siya.
“Nagpaalam ako maayos bago ko sila iwanan,” sagot niya dumiretso ng upo at nakatingin pa rin siya sa akin at hindi inaalis ang tingin.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o makokonsesya.
“Hindi mo naman kailangan pumunta agad,” mahinang sabi ko habang nakatingin sa kape ko. “Pwede ka namang mag-reply na bukas na lang.”
Umiling siya.
“Ikaw ‘yung nag-message,” simpleng sagot niya. “May nangyari ba?” dagdag niya at hindi binibitawan ang tanong niya kanina.
Bumuka ang bibig ko para sumagot pero walang lumabas. Kahit isang salita, wala.
“Tara lakad,” putol niya, na parang alam na niyang hindi ko masasagot ‘yon dito. Tumango lang ako at nauna siyang tumayo para lumabas. Sumunod naman ako sa kanya at parehong pagkakataon wala na naman kaming direksyon.
Mabagal ang lakad ko ngayon at hindi ko alam saan ako titig habang naglalakad. Pero si Art nauuna siya ng konti sa akin at ilang mga hakbang ang layo niya sa akin.
“Kumusta ka?” tanong niya sa pagkakataon na ito napatigil ako at napatingin ako sa kanya. Napansin ko ang paglingon niya sa akin at ang pagtingin niya sa kamay ko pero nasa likod ito ng likod ko kaya hindi niya makita.
Napansin ko ang bigla niyang pagtigil habang ang mga kamay niya ay nasa bulsa ng pantalon niya.
“Ayos lang ako,” napaiwas ako ng tingin at tiningnan ang malawak na kalyeng dinadaanan namin.
“Kilala kita, Leon,” malumanay ang boses niya pero seryoso. Sa pagkakasabi niya ay para bang matagal na kaming magkakilala at kilala niya na ang buong pagkatao ko. “Hindi ka talaga okay.”
Napatingin ako sa kanya ngayon sa pagkakataon na ‘to napansin ko kung paano humigpit ang kanyang panga. Hindi siya halatang galit pero parang may gustong pang sabihin.
Sa pagkakataon na ‘yon nakita ko tumigil ng tuluyan ang mga paa ko, napako na lang ako kusa sa kinatatayuan ko.
Hindi ko kayang umiwas ng tingin sa kanya. Hindi rin ako makatingin sa kalsada.
Huminga ako, mabigat. Sa paghinga kong ‘yon nakita ko ang pagbabago ng mukha niya kusang lumuwag ang higpit sa kanyang panga.
“Nag-message siya,” tipid kong sabi, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib ko nang masabi ko ‘yun.
Tahimik at tanging mga huni lang ng ibon ang naririnig ko sa kalye at ang malakas na paghinga ko.
Mula sa kinatatayuan niya ay unti-unti siyang naglakad papunta sa akin. Hindi mabilis at hindi rin mabagal sakto lang habang ang mga mata niya ay nakatingin lang sa akin.
Ang bawat hakbang niya papunta sa direksyon ko naging dahilan lang ‘to para humigpit ang hawak ko strap ng backpack ko.
Nang makalapit siya sa akin, halos dalawang hakbang na lang ang lapit namin sa isa’t-isa. Pero kahit na kinakabahan hindi ‘to naging dahilan para umatras ako.
“Hindi mo naman siya kailangan na sagutin,” sambit niya, ang isa niyang kamay ay inabot ang balikat ko. Sa sitwasyon na ‘yun para bang nakalimutan kong huminga.
Tinapik niya ang balikat ko, at napatingin ako sa kamay niya. Naramdaman ko ang init ng kamay niya, at bigla na lang bumagal ang tibok ng puso ko.
Bumalik naman ang tingin ko sa kanya, at nakita ko na nakangiti na siya.
Hindi ‘to ngiting nagpapahiwatig na masaya siya. Ito yung ngiting parang sinusubukan niya akong bigyan ng lakas ng loob.
Sa sandaling ‘yon parang unti-unting umiinit ang dibdib ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Hindi na malakas at hindi na rin maingay. Tahimik na.
“Paano kung—” bago ko pa matuloy ang sasabihin ko’y naramdaman ko ang paghigpit ng kamay niya sa balikat ko. Hindi ‘to masakit pero sapat na ‘to para mawala yung pagdadalawang-isip ko.
“Leon…” pag-uumpisa niya at mas lumapit pa siya sa akin ng konti. Isang hakbang na lang ang lapit namin at ang init ng paghinga niya’y tumatama na sa akin. “Tuwing nagdadalawang-isip ka… isipin mo yung sakit na naramdaman mo.”
Kasabay ng kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko, kumabog na naman nang mabilis ang puso ko. Hindi na ’yung kabang may bigat at sumisikip, bagkus, ’to ’yung kabang magaan.
“Hindi ‘yun madali…” sa pagkakataon na ‘to hindi na lang nakakapit ang kamay niya sa balikat ko. Bahagya na siyang gumagalaw pahaplos sa balikat ko pababa ng bahagya sa braso ko. “Pero alalahanin mo kung bakit ka umalis.”
Nang sabihin niya ang mga salitang ‘yun para bang nawalan na ako ng salitang pwedeng sabihin. Sa eksaktong pagkakataon na ‘yon parang may kumurot sa puso ko. Napaiwas ako ng tingin.
Hindi ko mapagkakaila pero tama siya. Sa puntong ‘yon para bang alam ko na agad ‘yung sagot sa tanong ko.
“Salamat,” sagot ko, at bahagya akong kumalas sa kanya. Lumayo ako dahil pakiramdam ko’y parang hindi normal ang pagtibok ng puso ko.
Nang makalayo ako sa kanya naupo ako sa gutter at ang dalawang kamay ko’y nakatukod habang nakatingin sa madilim na kalangitan.
“Siguro tama ka…” pag-uumpisa ko habang tinitingnan ang hindi mabilang na bituin sa kalangitan. “Apat na buwan na ang nakalipas hindi ko pa rin makalimutan ‘yung sakit…”
Habang nakatingin pa rin sa kalangitan sakto ang pagbagsak ng isang bulalakaw. Pumikit ako para humiling. “Sana kung hindi siya may iba pa,” bulong ko at sapat lang ‘yon para ako lang ang makarinig.
Huminga ako ng malalim nilanghap ang malamig na sariwang hangin. “Ang ganda ng kalangitan no?” sambit ni Art malumanay ang tono niya at halata ang pagkamangha.
Dahan-dahan akong dumilat. Pagdilat ko, wala na sa harap ko si Art. Napatigil ako nang lumingon ako at nakita kong nakaupo na rin siya sa gutter. Ilang pulgada lang ang layo namin sa isa’t isa, at nakatingin din siya sa kalangitan.
Kasabay ng pagtitig ko, ang pagtitig niya sa akin. Ang katahimikan na nararamdaman ko’y mas tumahimik pa, at sa sandaling ’yon, ang tanging ingay na naririnig ko’y ’yung kabog ng puso ko.
Pero sa ilang segundo na nakatingin kami sa isa’t-isa’y bigla na lang akong umiwas at napatingin sa kalangitan.
“Ganda nga,” ang tanging nasabi ko. Para bang sa lahat ng pwedeng sabihin ayun lang ang kinaya kong sabihin.
Wala nang nagsalita sa amin at sapat na ang mga mata namin para makipag-usap sa isa’t-isa. Habang nakatingin pa rin tumunog ang cellphone ko mula sa bulsa ko.
Kinuha ko yung cellphone ko at nanginginig pa ‘yung kamay kong buksan ang cellphone ko. Para bang kahit hindi ko pa alam kung ano ‘yung notification may idea na ako kung ano ‘to.
Pagbukas ko’y tama nga ako. Napalunok ako ng sunod-sunod pakiramdam ko’y para bang may nakabara sa lalamunan ko.
Huminga ako ng malalim at napatingin kay Art na tahimik lang na pinagmamasdan ang langit. Ilang sandali lang ay napatingin siya sa akin. Ang mga mata niya’y naglakbay mula sa mukha ko papunta sa kamay kong hawak ang cellphone na nanginginig.
Napatigil ako ng hawakan niya ang nanginginig ang kamay ko. Sa sandaling ‘yon sa hindi maipaliwanag na bagay tumigil ang panginginig ng mga kamay ko. “Nandito lang ako. ‘Wag ka matakot.”
09XX-XXX-XXXX
“I just need to talk to you. I still miss you.”
Hinigpitan ko ang hawak sa cellphone ko. Para bang isang pindot lang, babalik na naman ako sa dati.
Napapikit ako.
Sa totoo lang ang hirap maging buo ulit sa apat na buwan pero isang “I still miss you” lang niya ay gumuho lang ulit yung binuo ko. Isang bulldozer lang tibag yung pader na pinilit kong tibayan ‘yung pundasyon pero tibag pa rin wala pang dalawang minuto.
Pagdilat ko napatingin ako kay Art. Hindi na siya sa screen nakatingin sa kalangitan na ulit. Tahimik lang siya pero sapat na ang paghigpit ng kamay niya para lang malaman kong karamay ko siya.
Sa pagkakataon na ‘yun buo na ang desisyon ko. Nag-hover ang daliri ko sa screen at hinanap ang block button. Walang pag-aalinlangan pinindot ko agad ang block button.
Nawala ang number niya. Nawala rin ang message. Hindi ko na kailangan pang magdalawang-isip para isipin kung anong dapat kong gawin.
Dahil tama si Art. Minsan na akong nasaktan kaya sapat na dapat na rason ‘yun para hindi ako mag-reply sa kanya.
Mahal ko pa rin siya pero this time mas mahal ko na ang sarili ko.
| C O O P E R _ C Y |
07: | Cigarettes, Beer, and Aftermath
Wala man lang warning na ibinigay na magpaparamdam siya ngayong gabi. Para naman alam ko kung ano ang magiging reaksyon ko sa oras na natanggap ko ‘yung text niya.
Sobrang tahimik ng gabi.
Tanging ingay lang ng mga sasakyan ang naririnig ko habang naglalakad ako ngayong gabi. Sabayan mo pa ng malamig na simoy ng hangin na dumadagdag sa nginig ng aking mga kamay.
Hindi ko alam kung ilang kanto na ba ang nalampasan ko. Hindi ko rin alam ilang oras na ba ang nilakad ko.
Hindi ko nga rin alam kung anong oras nagpaalam si Art kanina sa akin. Hindi rin ako sigurado kung nagpaalam nga ba siya sa akin. .
Basta ang alam ko… iba ang gabi ko ngayon. Bakit naman kasi kailangan pa niyang magparamdam kung kailan sinusubukan ko na siyang kalimutan?
I’ve been building myself for the past few months. Tapos magpaparamdam siya na para bang walang nangyari. Akala niya ba ganun lang kadali burahin ‘yung anim na taon?
Hindi ’to simpleng bagay, katulad ng pagkalimot niya ng birthday ko taon-taon. Magagalit ako, pero kaya ko siyang patawarin agad. Hindi rin ’to katulad ng pagkalimot niya parati na hindi ako kumakain ng isda, hindi dahil sa ayoko, kundi dahil takot akong matinik.
“Fuck you!” sigaw ko nang malakas sa kawalan. Wala akong pakialam kung sino man ang makarinig sa akin ngayong gabi. Kasabay nang sigaw ko ang pag-init ng mukha ko at ang pagtibok ng mga ugat ko sa leeg.
Gumaan ng konti ang dibdib ko matapos kong sabihin ‘yon. Sandali lang. Pero pagkatapos no’n ay mabigat na naman ang dibdib ko. Parang may kung anong martilyo na pumupukpok dito.
“Tang—”
Napatigil ako ng may kotseng bumusina ng malakas sa likuran ko. Biglang lumambot ang tuhod ko at gustong bumigay.
Napalingon ako sa busina at nakita ko ang isang pamilyar na sasakyan. Tanging dashboard light lang at ngiti ng pamilyar na lalaki ang kaya kong tingnan sa sobrang hiya. “Gabing-gabi sumisigaw ka,” nakangising sabi ni Art habang nakadungaw.
“Art…” mahinang tawag ko sapat lang para marinig niya. Hindi ako makatingin nang maayos. Para akong batang nahuling may ginagawang kalokohan. Sa puntong ‘yon gusto ko na lang magtakip ng mukha at kainin ng lupa.
“Maawa ka naman sa mga pamilyang natutulog ngayon,” sambit niya habang tinatapik ang manibela gamit ang daliri at ang isang siko ay nakapatong sa pinto ng kotse.
Napatingin ako sa paligid at wala naman akong nakitang bahay na malapit. Puro kalsada at saradong mga tindahan. “Sino naman ang magigising ko?”
“Ayun,” turo niya sa may ‘di kalayuan. Sinundan ko naman ng tingin ang turo niya at may nakita akong pamilya ng aso na natutulog sa bangketa habang magkakatabi.
Bumalik naman ang tingin ko sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin habang nakataas ang gitnang daliri ko. “Gago ka talaga.”
Nakangisi lang si Art halatang pinipigilan na matawa.
Napailing ako at ewan ko ba kung bakit, pero sa presensya niya, bahagyang gumaan ulit pakiramdam ko.
“Bat nandito ka pa akala ko—”
“Sakay,” bago ko pa matapos ang sasabihin ko’y binuksan niya na ang pinto ng passenger side.
“Saan naman tayo pupunta?” tanong ko habang papunta sa kabilang side ng pinto ng kotse. Ibinaba ko ang dala kong backpack sa likod ng kotse at dumiretso sa passenger seat.
Bumungad sa akin ang amoy ng sandalwood scent ng kotse. Samahan mo pa ng banayad na amoy ng sigarilyo.
Tumatama rin sa mukha ko ang ilaw na nanggagaling sa streetlight sa labas na nagsisilbing ilaw sa loob ng kotse.
Wala akong kaalam-alam kung saan kami pupunta pero sumama ako ng walang angal.
“Kahit saan,” natatawa niyang sabi at diretso lang ang tingin sa kalsada. “Mahaba pa ang gabi at isa pa maganda kapag walang plano.”
Napatango naman ako at nakatingin lang sa labas ng kotse tinitingnan ang magandang tanawin.
“Ilan ang gusto mo?” lumingon ako sa kanya at hindi ko namalayan na nakatigil pala kami sa harap ng 7/11.
“Tatlo samahan mo na rin ng isang kaha ng blue,” hindi ko na kailangan alamin kung anong tinutukoy niya dahil alam ko naman na alak ang bibilhin niya.
Tumango naman siya at bumaba sa kotse. Dumiretso siya sa loob ng 7/11 para bumili. Pagkababa niya, hindi ko maiwasang tingnan ang loob ng kotse niya.
Malinis ang loob, walang kalat, bukod sa mga candy at ilang baryang nasa cup holder. Mukhang alagang-alaga niya talaga ang kotse niya sa sobrang linis.
Wala pang sampung minuto, nakabalik na ulit si Art, hawak-hawak ang paper bag na naglalaman ng beer at kaha ng sigarilyo.
“May Butterball din akong binili, baka gusto mo,” sambit niya. Tiningnan ko naman ang loob ng paper bag, at nakita ko nga ang candy na sinasabi niya.
Una ko iyong kinuha at binuksan ang supot para kumuha ng isa. “Paborito mo rin ’yan?” nakangiting tanong niya habang kinuha sa akin ang supot ng Butterball.
Kahit noon pa man ay paborito ko ‘to. Nostalgic kasi ng lasa.
“Oo,” tango ko sabay binuksan ang kaha ng Marlboro Blue. “Samahan mo pa ng menthol na yosi, best combo,” inabutan ko siya ng isa at kumuha rin ako ng isa para sa akin.
Sinindihan ko ‘yung akin sabay abot ng lighter kay Art. Binuksan namin ang bintana para lumabas ang usok ng yosi.
“Syempre hindi dapat nating kalimutan ‘yung beer na magpapasarap sa combo na ‘yan,” kumuha siya ng in can beer, binuksan niya ito sabay abot sa akin ng isa. Nagbukas din siya ng isa para sa sarili niya. “Tapos isang pang malakasang sound trip,” dagdag niya pa sabay bukas ng radio. Mahina lang ang tugtog tamang-tama lang para sa background music.
Nagpatuloy ang road trip namin habang pareho kaming umiinom ng beer. Pero paminsan-minsan lang ang inom ni Art dahil siya ang nagmamaneho.
Habang ang malamig na simoy ng hangin ay malayang pumapasok sa loob ng kotse na tinatangay ang buhok ko nakatingin lang ako sa labas at ine-enjoy ang tanawin.
Samahan mo pang tumutugtog ang kanta ng LANY sa background na nagpaganda ng pagtingin ko sa labas.
“I tried to go out but everytime I leave the house something reminds me of what’s now behind me…”
Napatigil ako at sumulyap sa tumutunog na kanta ng LANY sa radio. Parang sinuntok ako sa dibdib dahilan para sumikip ang dibdib ko at mahirapan ako makahinga.
Kabisado ko ‘yung kantang ‘to. ‘To ‘yung paborito kong patugtugin noong unang buwan pagkatapos namin maghiwalay. Naka-on repeat pa at hindi ko na mabilang kung ilang beses na atang tumugtog ‘yan sa Spotify playlist ko.
Napansin ko ang pagsulyap ni Art sa akin at napansin niya ang direksyon ng mga mata ko. Sa puntong ‘yon alam kong naintindihan niya ang nararamdaman ko.
Binitawan niya ang kambyo at aabutin niya sana ang radio para patayin pero pinigilan ko at hinawakan ko ang kamay niya. Bahagya kong naramdaman ang mainit niyang kamay na kabaliktaran ng kamay ko ngayon.
Umiling lang ako at pilit na ngumiti. Kaya naman kinuha niya lang ang kamay niya at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Humigpit ang hawak ko sa lata ng beer dahilan upang gumawa ng maliit na ingay ang lata sa pagkayupi.
“In the end I’m gonna be alright. But it might take a hundred sleepless nights to make the memories of you disappear. But right now I can’t see nothing through these tears…”
Napabuntong-hininga ako at kumurap-kurap nang sunod-sunod. Biglang uminit ang mata ko habang nakatitig lang sa ilaw ng mga sasakyang dumadaan. Hindi ko alam kung dahil ba sa hangin o sa kanta, pero hirap akong huminga.
National anthem ba ‘to ng mga sawi at hindi pa rin maka-move on? Alam kong hindi lang ako ang may paborito nito pagkatapos ng breakup.
“Six years…” pagsisimula ko sapat lang para marinig ni Art habang nasa labas pa rin ang tingin ko. “Anim na taon… kabisado ko lahat sa kanya. Mula sa ayaw niya at sa mga gusto niya.”
Hinithit ko ang huling bahagi ng sigarilyo at itinapon ko ang upos ng sigarilyo sa labas. Binuga ko ang usok at lumingon para kumuha ng yosi. Sakto naman na nakita kong nakatingin sa direksyon ko si Art.
Tahimik lang siya. Parang wala siyang balak magsalita at tinatantya lang niya ang nararamdaman ko. Ang isang kamay ay nasa manibela habang ang isa’y nakapatong sa kambyo tinatapik nang paulit-ulit.
Muli akong kumuha ng isang sigarilyo at sinindihan. “Kahit nga ‘yung paborito niyang luto sa itlog pag may pancit canton…” pagpapaliwanag ko habang sinusubukan na hindi mabasag ang boses ko.
Muli akong humipak sa bago kong sinding sigarilyo na parang ‘to lang ‘yung sagot sa nararamdaman ko. “Ako ‘yung parati niyang pinagluluto kasi hindi niya kayang gawin yung runny yolks ng hindi nasisira ‘yung dilaw.”
Kasabay ng pagbuga ko ng usok ang isang mahabang buntong-hininga. Para bang pasan ko ang buong problema ng buong mundo sa buntong-hininga na ‘yon.
“Hindi ba gano’n naman talaga? Kung ano pa ’yung mga simpleng bagay, ’yon pa ’yung kabisado natin,” napalingon ako sa kanya. Ang mga mata niya ay nasa kalsada, at inabot niya ang beer na nasa cup holder para uminom.
Tumango ako at sumulyap sa pulang ilaw ng stoplight na para bang ayun ‘yung pinaka interesadong bagay sa gabing ‘yun.
Sa mga simpleng bagay din natin sila naalala. Kung ano pa ‘yung simple ayun pa ‘yung malakas ang epekto sa atin. “Katulad na lang ng ayaw niya ng asukal sa gatas kasi masyado na raw matamis.”
“Pero minsan…” napahinto siya at hinintay ko ang kasunod pero walang lumabas. Tumingin ako sa kanya at sa puntong ‘yon napansin ko na sinusubukan niyang pag-isipan kung sasabihin niya ba ang kasunod na salita.
Saglit siyang lumingon sa ‘kin at bumalik din ang tingin sa harap. “…naisip mo rin ba kung kabisado niya ‘yung mga simpleng bagay na gusto at ayaw mo?”
Nagbago na ang kulay ng stoplight oras na para umandar na ang mga sasakyan. Pero kabaliktaran naman ang nangyari sa akin bigla akong natigilan.
Biglang parang huminto ang lahat. Ang tugtog sa radyo, ang ugong ng makina, pati ang mga tunog ng umaandar na sasakyan sa labas.
Natulala lang ako sa kanya at unti-unting bumigat ang dibdib ko. Bumukas ang bibig ko pero walang lumabas na sagot.
Para bang may binuksang sugat na akala ko magaling na. Sa pagkakataong ‘to, ang tanong na binitawan niya ay parang isang alcohol, masakit pero alam kong kailangan kong marinig ‘yun.
“Hindi ko alam.”
Tahimik ulit.
Pero sa utak ko, paulit-ulit pa rin na umuugong ang tanong niya sa akin.
“The next song is ‘Patlang’ brought to you by Jan Roberts…”
Napatitig na lang ako sa radio at ang boses ng DJ ay sumabog sa loob ng sasakyan. Napapikit ako at mahigpit na hinawakan ang seatbelt. Para bang ang bawat salita na nanggagaling sa radio ay isang martilyo na pumupukpok sa ulo ko.
Idagdag mo pa ang mga matinis na tunog ng busina at ugong ng sasakyan na nanggagaling sa labas. Mas gusto ko na lang takpan ang tenga ko sa tuwing maririnig ko ang busina ng mga sasakyan.
Dahilan para mapadilat ako, itinapon ko ang hindi ko pa tapos na sigarilyo. Kasunod ay ang pagsara ko ng bintana ng kotse.
Hindi rin nakaligtas sa akin ang radyo, at pinatay ko ’to. Pinasadahan lang ako ng tingin ni Art saglit, at wala naman din ’tong sinabi. Bumalik lang ang tingin niya sa kalsada.
Bumalik na ulit ang katahimikan sa loob. Pero mas maingay pa rin ang mga alaalang mahirap ibaon sa limot.
“Alam mo mas mabuti pang lumabas tayo at tingnan ang kalangitan,” sambit ni Art saka ko lang nakita na tumigil na pala ang sasakyan niya.
Nasa gilid kami ng kalsada at kitang-kita ang matataas na damo sa gilid ng kalsada na tinatangay ng simoy ng hangin.
Nauna siyang bumaba dala-dala ang natitirang mga lata ng beer at ang kaha ng sigarilyo. Hindi kaagad ako bumaba at napahinga ako ng malalim.
Hindi pa rin sinasara ni Art ang pinto ng kotse. Dumungaw siya, tinitingnan ako, tahimik muna bago nagsalita. “Ano tara?”
Hindi ako sumagot bagkos ay tinanggal ko ang seatbelt ko bilang sagot at sumunod sa kanya. Pumunta siya sa hood ng kotse at ibinaba ang extra beer na dala.
Ibinaba niya ang mga hawak niya sa hood ng kotse niya. Kumuha siya ng isang lata ng beer para buksan tinignan ko lang siya habang binubuksan niya ‘yon.
Una’y kuko lang ng daliri ang pangbukas niya lata. Pero ilang segundo ang lumipas halata ang paghigpit ng hawak niya sa lata habang kagat-kagat ang labi. Halatang nahihirapan siyang buksan yung beer.
Kaya naman kinuha niya ang nakasabit na susi sa kanyang pantalon at ginamit ‘to pangbukas. Kaso sa kamalas-malasan nahulog ‘yung lata at sumabog sa aming dalawa. Dahilan para tumalsik ang laman sa suot namin.
“Fuck!” mura niya habang halata sa tono niya ang frustration sa nangyari.
Hindi ko naman maiwasan na hindi matawa sa nangyari at parang gumaan ang nararamdaman ko dahil sa nangyari.
Napailing ako at kumuha ng panibagong lata at walang kahirap-hirap na binuksan ‘yung beer. Inabot ko sa kanya ang lata, una’y nakatingin pa siya sa lata para bang kwinikwestyon niya pa kung paano ko na buksan.
“Salamat,” napailing siya at parang natatawa sa sariling katangahan. “Kala mo first timer magbukas ng beer.”
Sandali kaming natahimik matapos no’n. Tanging tunog lang ng simoy ng hangin at mga sasakyan na dumadaan paminsan-minsan ang pumalit sa tawanan namin.
Unti-unting nawala ‘yung ngiti ko at napalitan na naman ng lungkot, para bang panandalian lang saya at bumalik na naman sa dati.
“Hindi mo deserve masaktan,” kalmadong sabi ni Art sabay sindi ng sigarilyo. Napasulyap ako sa kanya at kitang-kita ko ang kalmado niyang mukha.
Napansin niya siguro ang biglang pagtahimik sa paligid namin at ang pagbabago ng mukha ko. Halatang-halata sa mga mata niya ang kalmadong ekspresyon.
Parang may kumurot sa puso ko sa pagkakasabi niya. Gusto kong paniwalaan ’yung sinabi niya. Gusto kong masabi sa sarili ko, kahit isang beses lang, na hindi ko deserve lahat ng naranasan ko. Pero ang totoo, may parte pa rin sa akin na nagsasabing baka ako ’yung mali. Baka ako ’yung may kasalanan.
Tumingala ako sa kalangitan at kitang-kitang ko ang mga maningning na bituin sa kalangitan samahan mo pa ng buwan na natatakpan ng mga ulap.
Hindi tahimik, may mga pailan-ilan na mga sasakyan na dumadaan paminsan-minsan. Pero hindi sapat para sirain ang magandang gabi.
“Sino bang deserve masaktan?” napabuntong-hininga ako bago uminom ng alak.
“Walang may deserve no’n. Pero sigurado akong hindi ikaw,” sagot niya nang walang pag-aalinlangan.
Sa puntong ’yon, bigla na lang nangilid ang luha ko. Nagbabadya ng kumawala pero pinipigilan kong tuluyan na malaglag. Alam kong hindi dapat ako umiyak dahil lalaki ako, pero puta, parang tama siya.
Hinithit ko ang sigarilyong hawak ko sabay buga. Biglang gumaan ang pakiramdam ko pero hindi sapat para mawala ang sakit na nararamdaman ko.
“Akala ko nga perfect siya…” pagsisimula ko at sumandal nang maayos sa hood ng kotse niya. “Hindi pala,” dugtong ko at nakita ko ang pag-iling niya para bang may gusto siyang sabihin.
“Walang perpektong tao,” sagot niya habang ang mga usok na pinakawalan niya ay hinahangin papunta sa akin. “Dahil kahit si Einstein na matalinong tao hindi perpekto,” dagdag niya pa ang mga mata ay nakatitig lang sa akin.
Iniikot-ikot ko lang ang lata ng beer na hawak ko habang ang mga mata ko’y nakatingin pa rin sa kalangitan.
“Alam ko… pero siya ‘yung eksaktong taong hiniling ko kay Lord,” sagot ko, habang pumasok na lang sa isip ko bigla kung paano ko siya unang nakilala. “Sa simbahan…” napahinto ako parang may nakabara sa lalamunan ko para hindi ako makapagsalita.
Uminom ulit ako baka sakaling makatulong. “Sa simbahan kami nagkakilala…” pag-uulit ko sabay inom ulit ng beer sundan pa ng isang hithit sa sigarilyo. “Pumunta ako para magdasal saglit habang siya palabas na dahil tapos na ang misa.”
Nilanghap ko ‘yung sariwang hangin at tumingin sa hawak kong beer. Sinubukan kong tumingin sa kanya pero ako ang unang nag-iwas ng tingin. “Nagkabanggaan kami,” mahina kong sabi. “Ayun ’yung ang una naming pagkikita.”
Humithit ako ng sigarilyo bago nagpatuloy. “Wala namang nangyari no’n. Nag-sorry lang kami sa isa’t isa.”
Saglit akong natahimik.
“Tapos nagkita ulit kami… sa simbahan ulit.”
Napangiti ako nang mapait. “Doon na namin hiningi pangalan ng isa’t isa.”
Ang ironic nga dahil sa simbahan ko siya nakilala at akala ko lahat ng nagkakakilala sa simbahan nagiging matatag ang relasyon. Ang plot twist hindi pala. Akala ko lahat ng makikilala mo sa simbahan loyal, may cheater pala.
Bigla akong napatigil nang may kumaluskos sa harapan namin. Dalawang aso. Ang isang aso’y sumampa mula sa likuran ng aso at nag-umpisang bumayo.
“Fuck!” ang una kong nasabi nang makita ko ano ang ginagawa nila. “Dito pa talaga?”
Sumulyap naman si Art kung saan ako nakatingin at biglang napahagalpak ng tawa sa napapanood. “Patnubay at gabay ng magulang ang kailangan…” habang ginagaya ang eksaktong tono ng MTRCB.
Parehong kaming humagalpak sa tawa at sa pagkakataon na ‘yun parang pakiramdam ko nakatulong ‘yun para gumaan ang mabigat na athmosphere sa pagitan namin.
Hindi tumigil ang dalawang aso sa kanilang ginagawa. Kaya naman tuloy-tuloy lang kami sa pagtawa at sa panonood sa dalawa.
Sa gabing ’yun alam kong hindi natapos ang sakit. Hindi rin nabura ang anim na taon sa ilang lata ng beer, sigarilyo, at tawanan sa gilid ng kalsada.
Pero sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon, hindi lang puro bigat ang naramdaman ko.
May kaunting ginhawa.
May kaunting katahimikan.
May isang taong hindi ako pinilit magsalita, hindi ako pinilit maging okay, at hindi ako iniwan sa gitna ng gabi.
| C O O P E R _ C Y |
08: | Cigarettes, Beer, and Tokens
Wala na sigurong mas nakakapagod pa sa trabaho kung ‘yung pinaghirapan mong gawin na report ng madaling araw hindi naman pala kailangan.
Napabuntong-hininga na lang ako sabay hawak ng mahigpit sa manibela ng kotse ko. “Fuck you!” sigaw ko at hinampas ang manibela dahilan para tumunog ang busina ng sasakyan.
Isang linggo na naman ang nakalipas simula noong gabing ‘yon. Pero syempre pinaghirapan ko ‘yon.
Huminga ako ng malalim at sinubukan kong pumikit para kumalma.
Pagdilat ko, sakto naman na umilaw at tumunog ang cellphone ko. Agad kong kinuha sa cellphone stand ‘yung phone ko, message galing sa nag-iisang tao ang notification.
Si Art.
TallDaks_Moveon_Na User:
“Libre ka ba ngayon?”
Bahagya akong napangiti. Hindi ko maipaliwanag ‘yung nararamdaman ko pero sa tuwing mag-cha-chat siya’y para akong si Flash.
SanaSiyaNaLang User:
“Oo, saan ba?”
Ang lakas ko mag-assume na nagyaya siya kahit hindi ko pa alam bakit ba siya nag-chat. Pero wala naman kasi siyang ibang pwedeng i-chat kundi yayain ako.
TallDaks_Moveon_Na User:
“Sa Fiesta Carnival.”
Napakunot ako habang binabasa ko ulit ang reply niya. Ang dami-dami pwedeng puntahan sa Cubao sa Fiesta Carnival pa talaga ang gusto niya. Wala naman masama sa lugar na ‘yon pero pambata lang ang lugar na ‘yong.
Sa lahat ng lugar, doon talaga?
SanaSiyaNaLang User:
“Bakit doon?”
Wala pang isang minuto tumunog na muli ang cellphone ko.
TallDaks_Moveon_Na User:
“Ayaw mo ba doon? Sige, sa iba na lang.”
Napahigpit ang kapit ko sa cellphone ko at napalunok ako.
Ha? Ganun talaga kabilis magbago isip niya?”
SanaSiyaNaLang User:
“Hindi naman. Sige doon na lang, papunta na ako.”
Hindi ko pa alam kung bakit ako pumayag. Kahit ayaw ko naman sa lugar kung saan ako niyaya ni Art, pumayag pa rin ako at hindi ko pinigilan ang sarili ko.
Kahit hindi ko alam ang gagawin namin doon agad kong pinatakbo ang sasakyan. Alas-sais pa lang naman ng gabi mahaba-haba pa ang oras.
“Sige, ingat. Drive safe!”
Sumulyap ako sa reply niya at halos tumalon na ang puso ko sa katawan ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Sino ba ang tanga na kakabahan para sa simpleng chat?
Umiling ako sabay tingin diretso sa kalsada. Saktong isang oras mula sa opisina ay nakarating na ako sa Fiesta Carnival.
Pagdating ko sa parking lot si Art agad ang una kong nakita, nakatayo habang nakasandal sa sasakyan niya. Ang dalawa niyang kamay ay nakapamulsa sa dark blue niyang hoodie.
Parang naka-auto lock ang mga mata ko. Ewan ko ba bakit siya ang una kong nakita.
Bago bumaba tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin at inayos ang nagulo kong buhok gamit ang mga daliri ko. Hinigpitan ko rin ang lumuwag kong necktie.
“Traffic?” tanong niya saktong pagbaba ko. Umayos siya ng tayo at nag-unat ng mga braso sabay lapit sa akin.
Tumango ako sabay kamot sa batok. “Kanina ka pa ba?” nahihiya kong tanong kahit obvious naman dahil sa pag-uunat na ginawa niya.
“Medyo, pero okay lang naman sa akin,” sagot niya sabay hugot ng butterball na candy mula sa bulsa ng hoodie niya. Inalok niya ako, hindi naman ako tumanggi.
“Wala ka bang pasok?” pag-iiba ko ng tanong at habang pinapasadahan ang suot niya. Simple lang ang suot niya dark blue hoodie habang may white shirt siya sa loob at naka maong pants.
“Wala, naka-leave kasi ako,” magaan ang pagkakasabi niya, pero hindi ko maiwasan tumaas ang kilay ko at mapatingin sa kanya.
“Naka-leave?” pag-uulit ko sa sagot niya sabay bukas ko sa butterball na inalok niya. “Para pumunta rito o may inasikasong iba?”
Ngumiti lang siya. ‘Yung tipong hindi mo alam kung seryoso ba o nang-aasar lang. Pinaningkitan ko siya ng tingin para subukan kung seryoso ba siya.
“Pwede pero depende,” sagot niya sabay kibit-balikat. “O, pwede ring napagod lang akong magtrabaho.”
Natawa lang ako sa sagot niya. “Medyo sinungaling ka no?” sambit ko habang nakataas pa rin ang isa kong kilay.
“Bakit naman?”
“Kasi kung napapagod ka dapat nasa bahay ka nakahiga. Hindi ka mag-aaya sa lugar na may carrousel,” pang-uuyam ko sa kanya sabay tapik sa braso niya nang mahina.
Natawa lang siya nang mahina habang umiiling. “Ang dami mong alam.”
Hindi ko napigilan ang sariling ngumiti rin. Ewan ko ba. Sa tuwing kasama ko siya, parang ang dali kong ngumiti kahit ayoko.
Naglakad kami papasok sa loob ng Fiesta Carnival. Bumungad agad sa akin ang nakakasilaw na iba’t-ibang kulay ng ilaw mula sa mga arcade machines, ingay ng mga batang tumatawa, tunog ng mga token na nahuhulog, at amoy ng popcorn na may halong bagong bukas na aircon.
Para akong nasa ibang dimensyon.
Malayo sa opisina, walang ipapasang report kinabukasan, at lalong-lalo na malayo sa bigat ng puso ko. Kakaiba sa parating iniisip ko.
“Sa lahat ng pwedeng lugar bakit dito?” tanong ko habang nakatingin sa mga batang naglalaro ng claw machines.
Huminto siya sa paglalakad at tumingin sa akin. “Para naman matutunan mo kung paano sumaya. Malayo sa sakit noong nakaraang linggo.”
Napahinto ako sa paglalakad sa puntong ‘yon parang may kumurot sa puso ko.
Tangina.
Bumukas ang aking bibig pero walang lumabas na salita. Ang tanging nagawa ko lang ay mapangiti ng kusa. Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero parang tumagos sa puso ko.
“Ewan ko sayo,” ang tanging naisagot ko sa kanya. Nauna akong maglakad at napapikit ako saglit sabay mura ng mahina.
Hindi ko na kailangan lumingon dahil naramdaman kong sumunod siya sa akin.
“Bakit hindi tayo mag-basketball?” naramdaman ko na lang ang pagtapik niya sa balikat ko kaya tumango ako. “Ang talo manlilibre ng dinner.”
“Ako pa talaga ang hinamon mo?” tumaas ang kilay ko at ngumisi ako sa kanya. “Hindi mo ba ‘to nakita?” nag-flex ako ng biceps at pinakita ko ‘yung muscles ko.
Napailing siya at halatang pinipigilang tumawa dahil sa pagkagat ng labi. “Ang tanong kaya mo ba ako? I mean basketball player lang naman ako nung college,” pagpaparinig niya at inunahan ako sa paglalakad papunta sa stall kung nasaan ang basketball.
Sinundan ko siya at bumili siya ng ticket para sa aming dalawa bago pa ako makarating. “Ang talo magbabayad ng dinner,” pag-uulit niya at nakangisi na ngayon.
“Good luck na lang sayo,” pang-uuyam ko sabay turo ng dalawa kong daliri sa kanya papunta sa akin.
Naghahanda pa lang ako’y nauna na siyang mag-shoot ng bola. Napanganga ako at halos sunod-sunod ang pagpasok ng bola, walang mintis.
Fuck.
Dahil ayokong matalo sa deal namin, kinuha ko na ang bola at nag-shoot. Unang shoot, hindi pumasok. Gano’n din ang kasunod, at halos sa sampung bolang shinoot ko, isa lang ang pumasok.
Napatingin na lang ako sa kanya, at wala pang isang minuto sa timer, singkwenta na agad ang nai-shoot niya nang walang kahirap-hirap.
“Anong sports mo nung high school, swimming ba?” pang-uuyam niya pa sabay atras nang konti at shinoot ang bola habang nakatingin sa akin. Tinira niya ’yung bola na para bang akala niya siya si Stephen Curry.
“Ulol!”
Hindi ako nagpatalo at umatras din ako ng mas malayo. “Tingnan mo ‘to,” pagmamayabang ko sabay pikit at tinira ang bola.
Pagdilat ko hindi pumasok ang bola. Hindi nga lumapit ‘yung bola sa ring. Hindi na nga nai-shoot ‘yung bola tinawanan pa ako ng nagbabantay na lalaki.
Sa sobrang bano ko sa basketball kailangan niya pa talagang tumigil para lang tawanan ako. “Hindi ko lang talaga kasi ginagalingan baka matalo ka kasi,” pagpapalusot ko at nagpatuloy sa pag-shoot.
Tinuloy ni Art ang pag-shoot bawat tira ay swabe at walang mintis. Nang muli siyang mag-shoot, umangat nang bahagya ang sleeve ng hoodie niya at sumilip ang wrist veins niya. Hindi ko maiwasan na mapansin ‘to.
“Ano sumuko ka na?” nakangisi siya habang nakapamewang ang isang kamay. Tapos na pala ang timer at hindi man lang ako kumalahati sa score niya. Ang malala pa parang hindi nga siya pinagpawisan sa laro namin. “Sagot mo dinner, ah.”
“Yabang mo,” inis na sagot ko sa kanya tulak ko nang mahina sa kanya dahilan para mapaatras siya ng konti.
“Talo ka lang, eh.”
“Hindi kaya.”
Ang weird lang noong isang linggo nagmumukmok ako sa text ng ex ko kasama si Art. Ngayon hindi ko akalain na nakikipag-asaran ako sa kanya sa basketball.
“Sabi mo, eh,” tinawanan lang ako at hinagis sa akin ang maliit na stuff toy na pinanalunan niya. “Sayo na lang para tuwing makikita mo ‘yan maalala mong talo ka sa akin.”
Talagang kailangan niya pang ipamukha sa akin na talunan ako sa basketball. “Bakit hindi tayo mag-bowling? Para naman magkasubukan ng totoong galing.”
“Game.”
Sabay kaming nagtungo sa bowling alley at siya na naman ang nagbayad sa laro namin. “Ang matatalo siya may sagot ng dessert,” hirit niya at nakapamulsa parang alam niyang mananalo siya sa akin.
“Maghanda ka na baka hindi ka manalo sa akin,” pagyayabang ko at naglakad ako sa pwesto namin at kumuha ng bowling ball. Kung sa basketball natalo niya ako sa bowling kahit nakapikit ay matatalo ko siya.
Syempre ayaw kong magbayad ng dessert namin dahil ako na ang may sagot ng dinner namin. Walang mas sasaya pa sa pagkain na libre.
Kumuha ako ng isang bowling ball at dahan-dahan kong pinagulong ang bola. Kahit hindi pa tumatama sa bowling pins ang bola ay tumalikod na ako at nginitian ko siya. “Nakita mo ‘yun, baka gusto mo mag-stretching?”
Paglapit ko sa kanya, sakto namang narinig ko ang pagtama ng bola sa bowling pin. Hindi ko na kailangang lumingon para malaman na natamaan ko lahat; sapat na ang tunog nang pagtama ng bola.
Tumayo siya, at umangat ang isang sulok ng labi niya habang tinatapik ako sa balikat. “‘Yon na ’yon?” halata ang pagiging kampante niya, at hindi man lang kinabahan sa ginawa ko.
Yabang talaga.
Kumurba ang mga labi ko at tinignan siya ng nakakaloko. “Bakit kaya mo ba ‘yung ginawa ko?” naupo ako sa tapat ng pwesto niya para mapanood ko ang pagtira niya.
Hindi na siya sumagot sa akin at kumuha na lang siya ng bowling ball. Tumingin muna sa akin at sumilay ang ngiti sa kanyang mukha bago tumira.
Tinira niya ang bola ng may pwersa sakto lang para tumama sa mga pin. Sa sandaling tumama ang bola sa mga pins lahat ‘to ay tumumba.
Hindi niya na kailangan magsalita sapat na ang nakakalokong ngiti sa mukha niya para asarin ako.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at tumayo. Padabog akong lumapit sa mga bowling ball at walang pag-aalinlangan na tumira ng mag-reset ang mga pin.
Pero ng tumama ang bola sa mga pin hindi tinamaan ang isa. Hindi pa ako nakakalingon sa kanya alam ko na ang itsura niya.
“Mukhang ikaw din ang may sagot ng dessert, ah,” paglingon ko ay sumilay ang tusong ngiti sa kanya at pinapatunog ang mga daliri sa kamay.
“Bakit nakatira ka na ba?”
“Hindi pa. Pero alam ko naman na panalo na ako,” kagaya nga ng sabi niya tumama nga sa lahat ng bowling pin ang bola. Wala man lang mintis.
Nagpatuloy kami sa salitan ng pagtira, at ni isang beses ay hindi siya pumalya, samantalang ako ay may isang mintis. “Mukhang masarap kumain mamaya, ah,” parinig niya, halatang mayabang pa lang sa paraan ng pag-upo niya.
Prenteng nakasandal si Art sa upuan, nakabuka ang mga braso sa sandalan, at kitang-kita ang kumpiyansa at pagyayabang niya.
“Saan ka ba hindi magaling ha?” tanong ko at halata ang inis sa tono ko habang ang kaliwang braso ko ay nasa sandalan.
Sumulyap siya sa akin at halatang nag-iisip. “Baka wala siguro,” tipid niyang sagot sabay labas ng butterball at naghagis ng isa sa akin na nasalo ko naman.
“Hambog ka pala no?”
“Hindi naman,” sagot niya sabay kibit-balikat. “Sakto lang.”
“Pareho lang ‘yon kapag ikaw ang nagsabi,” singhal ko sabay buksan ngipin ang butterball.
Mahina siyang natawa at tumayo para sa huli niyang tira. “Syempre kailangan kong magpakumbaba para naman kunwari kaya mo akong talunin kahit hindi.”
“Ulol.”
Sa daming beses naming magkasama tuwing gabi ngayon ko lang nakita ‘yung side niyang mayabang. Parang ibang-iba sa mga naipakita na niya sa akin.
“Alam mo nakakainis ka.”
“Pero pogi,” talagang nag-pose pa siya ng pogi pose sabay kindat sa akin.
Bahagya akong nanginig at parang gusto kong masuka sa ginawa niya. “Mas nakakainis,” sabay tapon sa kanya ang balat ng candy. “May nagsabi na ba sayong ang yabang mo?”
“Meron, marami. Pero pogi? Wala,” sabi niya sabay kindat ulit. Tapos talagang nag-flex pa siya ng biceps. Hindi gaanong halata ang definition dahil sa makapal na hoodie, pero kitang-kita pa rin kung gaano ka-solid ang braso niya, yumakap nang mahigpit ang sleeves sa matipunong laman, parang ayaw bumitaw. “Pogi, ‘di ba?”
“Sa sobrang hangin mo parang lumamig ng sobra,” sabay bahagyang lingon sa paligid ko at niyakap ko pa kunwari ang sarili ko para mukhang nilalamig. Syempre malayo talaga sa malamig ang loob ng Fiesta Carnival.
Humalakhak naman siya nang mahina at hindi maiwasan na mapailing.
“Mag-claw machine na lang tayo bago pa ako kabagin dito,” tumayo ako at kinuha ko ang balat na tinapon ko sa kanya.
“Asar-talo.”
“Fuck you.”
Nauna ako papunta sa claw machines. Pero bago pa ako makapagpalit ng token, nag-insert na si Art ng dalawang daan sa self-service machine.
“Ako na dapat, eh,” sambit ko sabay pakita sa kanya ng wallet kong nakahanda na.
Ngumiti lang siya at ibinigay sa akin ang tokens. “Next time na lang.”
Nagkibit-balikat ako at kinuha ko ang mga tokens na inabot niya. Kumuha lang ako ng ilan, at binigay ko na sa kanya ang iba ulit. Nagtungo ako sa pinakamalapit na claw machine kung saan may mga stuffed toy ni Stitch.
Hindi ko siya pinansin at nag-focus lang ako sa pagkuha ng stuffed toy ni Stitch. “Paborito mo si Stitch?” katabi ko lang siya, nilingon ko siya sandali habang ginagalaw ko ang controller ng claw machine.
“Hindi.”
“Bakit ‘yan?” napakunot ang noo niya at para bang naguguluhan bakit sa dami ng claw machine ‘to pinuntahan ko.
“Wala lang. Kulay blue kasi.”
Tumango siya. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya, parang hindi inasahan ang sagot. May kung anong sumilay sa mukha niya, isang ngiti na hindi niya mapigilang mapangiti, kasabay ng bahagyang pag-iling.
Nag-focus ako. Sa awa ng Diyos, nakakuha ako ng isa bago maubos ang tokens.
Nang lingunin ko siya, wala siyang nakuha. Kinagat ko ang labi para pigilan ang tawa, tapos itinaas ko ang nakuha kong Stitch sa harap mismo ng mukha niya.
“Aloha! My name, Stitch,” pang-uuyam ko habang ginagaya ang boses ni Stitch. “Sa claw machine lang pala kita matatalo.”
“Hindi mo ako natalo, pinagbigyan lang kita,” kalmadong sabi niya habang ang mga kamay niya ay nasa bulsa ng hoodie.
“Natalo talaga kita.”
“Hindi.”
“Talunan,” sabay tusok ko sa tagiliran niya bilang pang-aasar.
“Chamba,” tipid niyang sagot at habang bahagyang nakangiti
“So, inamin mo rin na natalo kita?” nakataas ang isang kilay ko habang hinihintay ang magiging sagot niya.
“Nagugutom na ako kumain na tayo,” sambit niya habang nilalaro ang isang token sa kamay at tumalikod sa akin.
“Asar talo,” panggagaya ko sa boses niya. Sinundan ko siya at inakbayan ko pa para asarin siya lalo. “Matatalo mo ako sa basketball at bowling pero sa claw machine umuwi ka na.”
Umiling siya at sumilay ang isang ngiti sa labi. Napahawak pa siya sa noo niya na para bang inaamin niyang talo siya kahit hindi nagsasalita.
Napangisi ako sa reaksyon niya at mas hinigpitan ko pa ang akbay ko sa balikat niya.
“Ano ka ngayon? Masakit tanggapin na may kahinaan ka rin?” pang-aasar ko habang sabay kaming naglalakad palabas ng arcade area.
“Oo, meron,” sagot niya nang kalmado.
Napatingin ako sa kanya. “We, ano?”
Huminto siya at tumingin sa akin. Hindi siya nag-salita ng ilang segundo at sumilay lang isang sulok ng labi niya.
Tangina.
“Corny mo,” mabilis akong kumalas sa kanya at tinulak ko siya. “Kumain na nga lang tayo,” sambit ko at pinilit ko maging casual. Sa pagkakataon na ‘yon naramdaman ko ang biglang pag-init ng aking tenga.
Binilisan ko maglakad at hindi siya nilingon.
“Hoy, ang bilis mo maglakad!” narinig kong sigaw niya at narinig ko ang pagsunod ng mga yabag niya. “Tandaan mo libre mo ‘yung dinner at dessert.”
“Scam ka,” tumigil ako at lumingon sa kanya.
“Bakit?” ang ngisi niya ay halos umabot na sa tenga niya.
“Ikaw ang nag-aya rito sa Fiesta Carnival. Tapos ngayon ako lahat magbabayad ng kakainin natin? Hindi ba scam ‘yun?” singhal ko sa kanya sabay turo sa mukha niya.
“Diskarte tawag dun.”
“Panloloko kamo.”
“Pero pogi.”
“Tangina,” napa-sign of the cross ako at nag-praying hands pa. “Kilabutan ka naman. Feeling ko gutom lang ’yan. Tara, kumain na lang tayo.”
“Yes, libre mo!” sabay talon na parang batang excited malibre.
“Ewan ko sayo.”
Dahil ayaw naman namin lumayo masyado para humanap ng makakainan nagpunta na lang kami sa restaurant na halos katabi lang ng Fiesta Carnival.
Nang makapili kami ng upuan agad kaming naupo. Umupo kami sa tapat ng isa’t-isa. Halos wala pang dalawang minuto inabutan kami agad ng menu ng waiter.
“Ano gusto mo?” tanong ko sabay sandaling sinulyapan siya na abala sa pagpili ng oorderin.
Tumingin siya sa akin at binigyan ako ng nakakalokong ngisi. “Syempre libre mo ‘to susulitin ko na ang pag-order.”
“Gago.”
Tinawag niya ang waiter at in-order lahat ng pwedeng order-in sa menu. Pati nga lahat ng flavor ng ice cream ay in-order niya.
Nang makaalis ang waiter, sumandal siya at inayos ang magulong buhok dahil sa hoodie. “Salamat sa libre, ha.”
“Nahiya ka pa dapat inorder mo na lahat ng nakita mo sa menu,” singhal ko sabay umirap ako sa upuan at pinagkrus ang mga braso ko.
Mahina siyang natawa. “‘Yun nga sana balak ko, pero naawa ako sa’yo.”
“Talaga lang ha?” napailing ako. “Buti may konsensya ka pa pala.”
“Konti lang,” sagot niya sabay ipinakita gamit ang daliri kung gaano kakonti.
Hindi ko napigilang mapangiti. Tangina, nakakainis.
Maya-maya dumating ang unang inorder, dalawang baso ng malamig na softdrinks at basket ng fries. Hindi pa man nailalapag nang maayos ng waiter, kumuha na agad si Art ng fries na parang isang linggong hindi kumain.
“Easy ka lang,” sambit ko. “Baka akalain nila pinapakain kita pagkatapos mong pulutin sa kalsada.”
“Okay lang,” walang pakialam niyang sagot habang ngumunguya. “At least pogi pa rin.”
“Putangina mo talaga.”
Tumawa siya nang malakas dahilan para mapalingon sandali ang katabing mesa. Yumuko ako at uminom ng softdrinks para itago ang ngiti ko.
Kasunod no’n dumating na ang pasta, burger, chicken, rice meals, at kung anu-ano pa. Saglit akong natulala sa dami ng pagkain sa mesa.
Napailing na lang ako. Sa pagkakataon na ‘to may isa akong naalala hindi man lang pumasok sa isip ko ang ex ko buong oras na magkasama kami ni Art.
| C O O P E R _ C Y |
09: | Cigarettes, Beer, and Desserts
“Feeling ko kaya mo lang talaga ako inaya para magpalibre ng pagkain,” sambit ko sabay tingin ko sa kanya nang makalabas kami sa restaurant.
Sumilay ang isang sulok ng kanyang labi habang hawak-hawak ang tiyan niya na halatang busog dahil sa bagal nitong maglakad. “Paano mo nalaman?”
Napabuntong-hininga ako at napailing. “Masiba,” ang tanging nasabi ko sa kanya. Ano bang isasagot ko sa kanya kung parati akong matatalo sa asaran? Hindi ata ako mananalo sa asaran kapag si Art ang kasagutan ko.
“Sabihin mo na lahat ang gusto mong sabihin, basta ikaw ang nagbayad sa dinner natin,” dagdag pa niya sabay inuunat ang dalawang braso na para bang siya pa ang nanalo sa lahat ng nangyari ngayong gabi.
“Ewan ko sayo,” sabay taas ng gitnang daliri ko sa kanya. Dahan-dahan kaming naglakad at wala na naman direksyon ang lakad naming dalawa.
Habang naglalakad inayos ko ang pagkakasabit ng mga stuffed toy na napanalunan ko na nasa pantalon ko.
Tumawa lang siya. “Alalahanin mo may dessert pa ako sayo, Leon,” pagpapaalala niya habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa na ng hoodie niya.
“Dessert?” napatingin ako sa kanya nang biglaan at pinanlakihan ko siya ng mata. Parang nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya, at hindi maiwasan itaas ang dalawang gitnang daliri ko sa kanya. “Tatlong iba’t-ibang flavor kaya ang in-order mo na ice cream, ikaw lang din ang nakaubos
Nilabas niya ang dila niya at lumukso habang naglalakad na parang bata. “Kasama kaya ‘yun sa dinner. Ibang dessert ang gusto ko.”
Hindi ko maiwasan na mapatigil sa paglalakad habang tinititigan siya. Napagtanto ko na sa tagal na naming nagkikita, ngayon ko lang siya nakitang ganito.
Malayo ‘to sa mga nakita ko. Hindi siya ‘yung seryoso at kalmadong nakilala ko nang makilala ko siya.
“Ano tawang-tawa?” hindi ko namalayan na pareho na pala kaming nakatigil at nakangiti na pala ako habang tinititigan ko siya. “Pogi ko no?”
Nang sabihin niya ‘yun bigla kong binawi ‘yung ngiti ko at nagpatuloy sa paglalakad. “Gago, hindi ka pogi.”
“Bakit sabi ng nanay ko pogi raw ako?” hirit niya, naramdaman ko na lang ang braso niyang umakbay sa akin.
Napakurap ako nang sunod-sunod habang nakatitig sa kanya. Bahagyang nakaawang ang bibig ko pero walang lumabas na salita. Ilang segundo akong natigilan bago dahan-dahang napailing, saka napatawa nang walang tunog.
“Seryoso ka ba?” sambit ko habang pinipisil ko ang tulay ng ilong ko. “Good for you kasi hindi mo ako nanay.”
Sa sobrang lapit namin sa isa’t-isa, hindi ko maiwasan na maamoy ang pamilyar na sandalwood scent na naamoy ko sa kotse niya.
“Ang bango—”
Napapikit ako at gusto ko na lang kainin ng lupa ng napagtanto kong nasabi ko ng malakas ang nasa isip ko.
“Alam ko.”
Bago ko pa matapos ang sasabihin ko’y pinutol niya agad ako. Mas lumapit pa siya sa akin hanggang balikat namin halos magdikit. Sa puntong ‘yon, naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.
Kumalas ako sa pag-akbay niya at tinulak ko siya palayo sa akin.
Fuck. Tangina. Shit.
Nauna akong maglakad at bahagya kong tinignan ‘yung orasan ko. Alas-onse pa lang ng gabi, maaga pa, pero parang gusto ko nang umuwi. “Una na ako,” sabay taas ko ng kamay nang hindi lumilingon.
“Hoy, takas ka!” narinig ko ang malakas niyang sigaw na nag-echo sa tahimik na lugar ng Cubao. “Hindi pa tayo nag-dessert,” narinig ko ang sunod-sunod na malalakas na yabag ng mga paa niya na sumusunod sa akin.
Kahit anong bilis ko maglakad, mabilis niya akong naabutan. “Aray ko!” napahawak ako sa tenga ko nang maramdaman ko ang daliri niyang pumitik sa akin, at sinamaan siya ng tingin.
“Matapos matalo, tatakas ka?” hinila niya nang bahagya ang damit ko, at pinigilan ako sa paglalakad ko ng mabilis.
“Inaantok na kasi ako,” kunwari akong humikab, at tinakpan ko pa ang aking bibig para magkunwaring humihikab talaga. Sinamahan ko pa ng sunod-sunod na pagpikit para kunwaring inaantok talaga.
Nakita ko kung paano niya kagatin ang ibabang labi niya para pigilan ang pagtawa. “Mahilig ka ba umarte? Hindi ka kasi magaling magpanggap.”
Hinila ko ang sarili ko palayo at tumayo nang diretso. “Sige na nga, ano bang gusto mo?”
“Ikaw…” tumingin siya sa akin nang diretso.
Napalunok ako, at naramdaman ko ang pag-init hindi lang ng pisngi at tenga ko pati na rin ang mga palad ko.
“Ako?” pag-uulit ko at sinubukan kong hindi umiwas ng tingin.
Ilang segundo bago muna siya ngumisi. Ang mga daliri ay nasa baba parang nag-iisip. “Oo, ikaw. Ano ba gusto mo?”
“Bakit ba ako?” napakurap ako nang sunod-sunod. “Eh, ikaw ang ililibre ko.”
Ngumisi siya na para bang hinihintay lang niya akong sabihin iyon. “Kaya nga ikaw ang tinatanong ko.”
Napakurap ako. “Ha? Ang gulo mo kausap, Art.”
“Ikaw kasi ang manlilibre kaya ikaw dapat ang masunod,” sabi niya sabay turo sa akin. “Sige ako na lang ang mamimili.”
Tumango ako.
Sandali siyang nag-isip. “Mango shake na lang.”
“G!” sambit ko sabay ngiti at hinila ko siya sa manggas ng hoodie niya bago pa magbago ang isip niya.
“Bilis, tara. Baka mamaya magbago pa isip mo at mamahalin pa ang ipabili mo sa akin.”
Tumawa siya at sumunod naman siya sa akin. “Grabe ka. Mango shake lang nakilala ko na tunay na kulay mo.”
“Hindi ako madamot,” sagot ko habang naglalakad kami sa gilid ng kalsada. “Naalala ko lang na may isang lalaki na umubos ng tatlong ice cream na hindi nagbibigay.”
“Taste test tawag dun,” seryosong sabi niya.
Lumingon ako sa kanya at binitawan ko na siya sa manggas. “Anong taste test?”
“Taste test kung ano ang pinakamasarap.”
“Anong nalaman mo?”
“Lahat sila masarap.”
“Ewan ko sayo.”
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Sa dulo ng street, may maliit na kiosk na bukas pa. Maliwanag ang ilaw, may maingay na blender, at amoy ng hinog na mangga ang sumalubong sa amin. Um-order ako ng dalawa.
“Bakit dalawa?” tanong niya.
Tumaas ang kilay ko, hindi ko malaman kung matatawa ako o mapapailing sa tanong niya. “Ano? Titigan lang kita habang umiinom ka?”
Itinaas niya ang kamay at nag-peace sign nang maalala niyang dalawa kami. “Pwede naman. O kaya share na lang tayo.”
“Gago, ang baboy mo.”
“May straw naman. Ano’ng akala mo, sa bibig ko ikaw iinom?”
“Kadiri ka,” gusto ko na lang talaga mailing dahil halos sa kababuyan na napupunta ang usapan namin.
Pero hindi ko maiwasang mamangha dahil ngayon ko lang nakita ang side niyang ’to. Sa lahat ng side na nakita ko sa kanya, ewan ko ba, pero parang lahat ng side niya, gusto ko.
“Bakit? Pareho naman tayong lalaki, ah?” mas lumalim ang boses niya habang lumalapit sa akin gamit ang lakad ni Johnny Bravo.
“Oo nga, pareho tayong lalaki, pero hindi ako—”
“Okay na po, sir!” tawag ng crew sa amin. Inabot ko ang plastic na may laman ng shake namin, at inabot ko ang bayad ko. “Salamat po, balik po kayo, sir!”
Ngumiti ako bilang sagot. Muli kaming naglakad ni Art pero nang makakita kami ng tahimik, at walang taong lugar pareho kaming naupo sa may bangketa.
Inabot ko kay Art ang shake matapos niyang maupo sa sahig. “Salamat sa libreng walang sumbat,” tinaas niya ang baso ng mango shake at tumaas ang isang sulok ng kanyang labi.
“Welcome,” ngiti ko kunwari masaya ako na nilibre ko siya kahit hindi talaga. “Para ‘yan sa pang-scam sa akin ngayong gabi.”
Tumawa siya nang mahina bago sumipsip ng mango shake. “Scam agad? Grabe ka naman magbintang.”
“Bakit, hindi ba?” sagot ko sabay sandig ng isang kamay sa likod ko habang hawak pa rin sa isang kamay ang shake. “Ikaw nag-aya ako ng libre.”
“Kasalanan ko bang natalo kita sa arcade?” nakangisi niyang tanong sa akin sabay sipsip sa shake na hawak.
Tumingala ako sa maulap na kalangitan habang ninanamnam ang sarap ng shake na binili ko. “Pero bakit ka nga ba nag-aya ngayong gabi?” nakatingala pa rin ako at hindi ako tumingin sa kanya.
Hinintay ko ang sagot niya pero tanging sunod-sunod na mga paghinga lang ang narinig ko sa kanya. Kaya napatingin ako sa kanya. Ibang-iba ang Art na nakita ko sa kanya ngayon.
Nawala ang kislap sa mga mata niyang kanina lang ay buhay na buhay. Pati ang abot-tenga niyang ngiti ay napalitan ng mabigat na lungkot. “Monthsary dapat namin ngayon…”
Fuck.
Napahigpit ang hawak ko sa baso ng mango shake dahilan para tumunog ang plastic na lagayan nito. Hindi ko na ata dapat tinanong pang muli kung anong rason ng leave niya ngayong araw.
Totoo nga talaga ’yung kasabihan na, “hindi mo malalaman ang pinagdadaanan ng isang tao base sa pinapakita niya.”
Hindi ko man lang nahalata na sa mga asaran at tawanan na ginawa namin ay malungkot pala siya.
Binaba ko sandali ang mango shake ko sa sahig. Sinandig ko ang dalawa kong kamay sa likod para tumingala. Sa pagkakataon na ‘to hindi ko alam paano pa ibabalik ‘yung masaya lang na paligid.
“Sarap ng mango—” naisipan kong paggaanin ang sitwasyon pero naisip ko na lang bawiin. Masyado ata akong insensitive para mag-joke sa sitwasyon namin ngayon.
Wala na ‘yung magaang paligid. Bigla na lang mas lumamig, at nagkaroon ng mga tunog ng kuliglig.
“Matagal na talagang nakaplano ‘yung leave ko…” halata sa tono niya ang lungkot at hindi ko maiwasan na sumulyap ng ilang segundo sa kanya. “Apat na buwan na ang nakalipas nang mag-file ako ng leave.”
Nanlaki ang mga mata ko at napaawang mga labi ko sa sinabi niya. “Tatlong buwan palang kayong—”
Bago ko pa matapos ang sasabihin ko’y pinutol niya na agad ako at tumingin siya sa akin. “Oo, nag-file ako ng leave nung kami pa.”
Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko kayang tingnan si Art. Pakiramdam ko ako ang may kasalanan kung bakit biglang bumigat ang paligid.
“Hindi ata mango shake ang sagot ngayong gabi,” nilabas ko ang kaha ng sigarilyo at lighter sa pantalon ko. Inalok ko sa kanya ang kaha at hindi naman niya ‘to tinanggihan. Sunod kong ibinigay ang lighter matapos akong magsindi.
Humigop siya nang isang beses sa yosi bago ibinalik sa akin ang lighter. Ilang segundo niyang tinitigan ang sindi sa dulo nito, saka marahang bumuga ng usok paitaas.
“Pampalubag loob ba ‘to?” tinaas niya ang sigarilyo para ipakita sa akin.
Napatingin ako sa kanya. “Pwede.”
“Pero Leon… salamat,” tinapunan ko ulit siya ng tingin at humithit sa sigarilyo na hawak. Binuga ko nang diretso ang usok.
“Saan naman?”
“Sa pagsama.”
Nagkatinginan kami. Ilang segundo ring walang nagsalita. Sa puntong ‘yon hindi ko maiwasang ngumiti sa kanya. “Wala lang ‘yon…”
“Simpleng bagay lang ‘yon para sa mga araw ikaw naman ang sumama sa akin nang malungkot ako,” dagdag ko pa at humigop ng mango shake.
Sa totoo lang hindi naman talaga madali ang maging malungkot. Mahirap din ang maging malungkot ng mag-isa. Pero hindi mahirap kung may kasama ka kapag malungkot ka.
Hindi mo kailangan ng taong papasayahin ka kapag malungkot ka. Sapat na ‘yung dadamayan ka kapag malungkot ka.
“Mas masaya pala ang Fiesta Carnival kaysa sa Sky Ranch,” mahina niyang sambit, na para bang bigla na lang siyang napadpad sa ibang alaala.
Napatingin ako sa kanya. “Ha? Saan nanggaling ‘yan?”
Ngumisi siya pero hindi na umabot sa mata niya. “Dun dapat kami pupunta ngayon,” sabay hithit niya ulit sa sigarilyo.”
“Good thing na natuloy ka sa Fiesta Carnival,” napangiti ako nang bahagya.
Tumango siya at sumipsip sa mango shake niya.
“Sobra mo siguro siyang mahal,” sambit ko, hindi ko rin alam bakit ‘yun ‘yung sinabi ko.
“Oo.”
Isang maikling salita lang ang sagot niya pero halata mo ang bigat nito.
Napayuko ako at humigop ng mango shake para lang may gawin. Bigla akong naging aware sa lahat, sa lamig ng hangin, sa usok ng sigarilyo, sa pagitan naming dalawa na kanina lang ang gaan.
“Pero tapos na,” dagdag niya. “Wala naman akong choice.”
“Anong nangyari?” maingat kong tanong.
Sandali siyang natahimik. Tinitigan niya ‘yung dulo ng sigarilyo niya hanggang sa maubos ‘yung sindi.
“Napagod siya,” simpleng sagot niya.
Hindi ko na inusisa pa ang relasyon nila, dahil baka mas lalo ko lang mapalala ang sitwasyon. Ayoko nang dagdagan pa ang bigat na nararamdaman ko sa paligid namin.
Napahigpit ang hawak ko sa baso. “At ikaw?”
“Hindi ako napagod. Pero alam ko ako ang dahilan,” sagot niya, sabay ngiti sa akin na alam kong pilit.
Napakunot-noo ako at gusto ko sanang malaman kung ano ang ibig sabihin ng sagot niya, pero ayokong pilitin siyang magsalita. Dahil alam kong mahirap ’tong ipaliwanag.
Alam kong ikukwento niya rin ang nangyari sa relasyon nila kapag handa na siya. Naniniwala kasi ako na hindi mo kailangan pilitin ang tao na magkwento ng hinanakit nila. Pero kapag handa na sila, siguraduhin mong nandyan ka para sa kanila.
Tumahimik ulit kami.
“Pero kung may isa akong salitang puwede kong sabihin sa kanya, hindi ’yun ‘sorry,’” sambit niya sabay tapon ng upos ng sigarilyo at inapakan ’to. “Kundi ‘salamat.’”
Hindi na sumunod agad ang salita ko.
Parang may naiwan sa hangin pagkatapos ng sinabi niya, mabigat, pero hindi masakit sa paraang sumisigaw. Tahimik lang. Nakaupo sa pagitan naming dalawa.
Tumingin ako sa kanya.
Hindi na siya nakatingin sa akin. Nakatitig lang siya sa kalsada, sa mga ilaw na dumadaan, sa mga sasakyang hindi naman kami pinapansin.
Pero kung titingnan mo ang mukha niya hindi sakit ang makikita mo. Ang mas tamang salita ata ay pagsisi.
“Ang lalim naman nun,” pilit kong biro, kahit halata sa boses ko na hindi ko rin alam kung paano dadalhin ‘yung usapan.
Ngumisi siya, pero mabilis ding nawala.
“Hindi naman,” sagot niya. “Siguro… utang ko na lang sa kanya na ayusin ‘yung sarili ko.”
Mabilis akong tumango. “Tama ka,” tinapik ko ang balikat niya. “May mga tao lang siguro na dumating para dumaan lang talaga.”
“Pero ‘yung mga taong ‘yun dapat natin silang pasalamatan kahit pa man sinaktan nila tayo,” dagdag ko sa kanya.
“Kahit pa ‘yung ex mo?”
Tumango ako. “Kahit pa ‘yung ex ko.”
Napagtanto ko sa apat na buwan na malungkot ako na hindi ko dapat isisi sa sarili ko ang panloloko niya, hindi dahil may kulang sa akin, kundi dahil hinanap niya ’yung bagay na wala ako.
Nang maubos ang sigarilyo ko tumayo ako para mag-unat. Sumunod din si Art para mag-unat ng katawan.
“Ang inumin mango shake pero ang usapan pang red horse,” hirit niya habang nag-uunat ng braso.
Umiling ako at ngumiti sa kanya.
“Nagpaparinig ka ba?” tanong ko sa kanya at kinuha ‘yung mango shake ko na nasa sahig.
Napangiti siya nang bahagya. Hindi malaki, pero totoo. “Bakit libre mo ba?”
“Hindi naman ata nasobrahan sa kapal ang mukha mo no?” natatawa kong sabi habang pinapagpagan ‘yung pwet ng pantalon ko.
“Hindi pa naman. Pero syempre dapat lubos-lubusin ko na ‘yung pagiging mabait mo,” tawa niya sa pagkakataon na ‘to hindi na pilit o mapagpanggap ang mga mga tawa niya. Makikita mo ang mga tawang abot-tenga.
“May hangganan din ang pagiging mabait ko,” ngumisi sa kanya sabay ubos ng shake ko.
“Hays, kala ko uubra.”
“Hindi uubra ang pagiging garapal mo sa akin.”
Napangiti siya nang malaki, at totoong-totoo na ’to. Sa puntong ’to, napansin ko ang biglang pagbabago ng gabi, hindi na malamig, at ang mga tunog ng kuliglig ay halos humina na. Wala na rin ang bigat ng paligid.
Napatingin ako sa orasan ko, at nanlaki ang mata ko nang makitang alas-dos na ng madaling araw. Tatlong oras na ang lumipas. Hindi ko man lang namalayan kung gaano na kami katagal magkasama. Pakiramdam ko nga, wala pa kaming halos dalawang oras na magkasama.
“Alas-dos na pala, at may pasok pa tayo mamaya,” sambit ko sabay lagay ng isang kamay sa bulsa, habang ang isa ay hawak ang baso ng mango shake ko.
“Ano, tara na?” nakatinging tanong niya sa akin.
Hindi ako agad sumagot pero kalaunan tumango rin ako. Hindi ‘yun isang klaseng tango na pumapayag ako, tango ‘yun na mas kailangan kong pumasok mamaya.
Dahan-dahan kaming naglakad papunta sa direksyon ng pinanggalingan namin. Pero sa loob-loob ko, ayaw ko pa sanang matapos ang gabing ‘to. Kung pwede nga lang hindi ako pumasok mamaya gagawin ko.
Tahimik na ulit. Pero hindi na nakakabingi ang katahimikan. Napatigil ako nang makakita ako ng basurahan at tinapon namin ang walang laman na basong hawak namin.
“Ang saya ng araw na ‘to,” narinig kong sabi niya ng maglakad kami ulit.
Tumango ako at sumilay ang ngiti ko sa labi. “Hindi pala corny ang magpunta sa Fiesta Carnival.”
“May kasama ka kasing pogi,” banat naman niya ng corny na joke niya.
Sa sobrang corny ng joke niya hindi mapigilang kumunot ng noo ko. Sinuntok ko rin siya ng mahina sa braso dahilan para maramdaman ko ang matigas na braso niya.
Hindi ko tuloy maiwasan na mapabuntong hininga sa narinig ko. “Alam mo okay na sana kung hindi ka lang talaga corny.”
“Bakit hindi ba?” sandali siyang huminto at tumingin sa akin nagawa niya pa ngang kumindat sa akin.
“Art, inaantok na ako kaya wag mo ng dagdagan ang iniisip ko,” singhal ko sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.
“Hindi naman mahirap aminin na pogi ako,” sigaw niya pa at sumunod sa akin.
“Mahirap lalo na kapag hindi mo deserve,” hindi ako lumingon sa kanya para sagutin siya sapat na ‘yung sigaw ko pabalik sa kanya.
Narinig ko ang malalakas niyang tawa. Kahit nang makarating kami sa parking lot ay tumatawa pa rin talaga siya..
Ewan. Saan niya ba kasi nakuha ang confidence niya para ipagmalaki na pogi siya. Pero kung titingnan kakaiba ang facial features niya. Hindi ko alam kung kailan ko napansin, pero kapag tumatawa siya, bahagyang sumasabay ‘yung kilay niya, na para bang may sariling kwento.
Nang makarating kami sa parking lot pareho kaming sumandal sa kanya-kanya namin kotse.
“Salamat, Leon.”
Salamat… Art.”
Sabay naming sabi. Hindi tuloy namin maiwasan na umiling na lang.
“Goodnight.”
“Goodnight.”
Sabay na naman naming sabi. Napangiti ako pero hindi katulad kanina.
“Nag-enjoy ako ngayong gabi,” sambit ko at umayos ng tayo. Bahagya akong lumapit sa kanya at tinaas ko ang kamao ko para makipag-fist bump.
Umayos din siya ng tayo at nakipag-fist bump. Sumilay ang pinakamalaking ngiti sa kanyang labi at tumango.
Nang kumalas kami sa fist bump, may kung anong naiwan sa kamay ko. Pero hindi ko pinansin.
Tinapik niya ako sa balikat. “Ingat.”
“Ingat din.”
Nauna akong sumakay ng sasakyan ko. Naupo ako sa driver seat at parang wala pa akong balak paandarin ang makina. Hindi ko namalayan na nakangiti pa rin ako ng makita ko ang repleksyon ng mukha ko sa salamin ng kotse ko.
Inayos ko any upo ko at hindi ko maiwasan na mapatingin sa dalawang stuffed toy na nakasabit sa pantalon ko.
Napangiti ako.
Tinanggal ko sa pagkakasabit sa pantalon ko. Sinabit ko sila sa kotse ko, kung saan kitang-kita ko kapag nagmamaneho ako.
| C O O P E R _ C Y |
10: | Cigarettes, Beer, and Number
Hindi mapigilan ng mga mata kong pumikit-pikit habang tinitingnan ang mga numero sa elevator na unti-unting nagbabago. Kasabay ng pagpikit ng mga mata ko ang paghikab ko na sinusubukan kong pigilan.
Ilang segundo pa, bumukas din ang pinto ng elevator.
Dahan-dahan akong naglakad palabas, bitbit ang sobrang bigat na pagod sa aking balikat. Para ‘tong backpack na mas mabigat pa sa normal na bag.
Tahimik ang parking lot, ibang-iba sa ingay ng opisina sa taas. Walang sigawan, walang tunog ng mga fax machine at printer, at lalong-lalo na, walang boss na sumisigaw.
Napahinto muna ako saglit. Hindi ko mapigilan na mag-stretching muna ng aking katawan ng ilang segundo bago tuluyang pumunta sa aking sasakyan.
Binunot ko ang susi sa bulsa ko at pinindot ang unlock. Tumunog ang sasakyan at umilaw ang headlights sandali, saka muling namatay.
Pagbukas ko ng pinto, agad kong hinagis ang sling bag ko sa passenger seat, na walang kapake-pake dahil wala naman akong dalang laptop. Mabilis akong naupo sa driver’s seat at isinara ito nang marahan. Pagsandal ko pa lang, naramdaman ko na ang likuran ko na naging komportable sa upuan.
Hindi ko agad pinaandar ang aking sasakyan. Napatingin lang ako sa kawalan. Ilang segundo rin nahimasmasan na ako. Napukaw ang tingin ko sa dalawang stuffed toys na nakasabit sa harap.
Naaninagan ng mga ilaw sa parking light. Habang dahan-dahan na gumagalaw dahil sa aking pagsakay sa kotse.
Tinitigan ko ang dalawang stuffed toys. Hindi ko mapigilan na mapangiti habang nakatingin lang sa nakasabit.
Pero teka lang—
Binawi ko agad ang aking ngiti. Ewan ko ba. Parang ang gaan-gaan tingnan ng mga stuffed toys na nakasabit sa harap. Nawala ata ‘yung walong oras na pagod ko maghapon habang kaharap ang isang computer.
Napabuga na lang ako ng hangin at inabot ang bigay na stuffed toy ni Art sa akin. Pinisil ko nang bahagya, saka binitawan ulit para bumalik sa pagkakasabit.
Sa puntong ‘yon, hindi ko alam ang nasa isip ko at kinuha ko ang cellphone ko. Nagpunta ako sa Reddit app ko at pinindot ang username ni Art para mag-message.
SanaSiyaNaLang User:
“Art, saan ka?”
Pinindot ako agad ang send. Huminga ako nang malalim at binaba ang cellphone ko sa phone holder sa aking sasakyan.
Dalawang linggo na rin ang nakalipas simula ng magkita kami. Wala naman kaming balita sa isa’t-isa dahil hindi naman kami madalas mag-chat sa isa’t-isa.
Wala rin naman siyang paramdam.
“Tsk,” mahina kong sambit.
Hindi rin nagtagal at pinaandar ko na ang makina.
Umilaw ang dashboard, kasabay ng mahinang tugtog mula sa radyo. Nang umandar ang kotse, nakalabas agad ako sa parking lot. Binaybay ko ang traffic na kalsada.
Habang binabaybay ko ang kalsada pauwi, biglang umilaw ang cellphone ko. Naagaw nito ang atensyon ko. Mas mabilis pa sa alas-kwatro akong napatingin, kasabay no’n ang pagngiti ko. Pagbukas ko ng phone ko, notification lang pala ng expiration ng load ko.
Napawi ang ngiti ko. Napailing ako. Ewan ko ba. Hindi naman dapat ako ngumingiti sa taong hindi ko pa naman matagal kilala. Pero meron kasing kakaiba sa kanya. Hindi ko maipaliwanag pero alam ko na magaan ang pakiramdam kapag kasama ko siya.
Nagpatuloy ako sa pagmamaneho. Ilang minuto rin akong tahimik, tanging tunog lang ng makina at mahihinang busina ng ibang sasakyan ang naririnig ko. Paminsan-minsan napapatingin pa rin ako sa phone holder, kahit wala namang bagong ilaw na sumisindi.
Wala pang isang oras ay nakarating na rin ako sa apartment ko. Bumaba muna ako para buksan ang gate at saka sumakay ulit para mag-park sa loob. Pinatay ko agad ang makina, at mabilis na kinuha ang cellphone ko at sling bag na dala para bumaba.
Pagpasok ko sa apartment, sinalubong ako ng dalawang bagay, kadiliman at katahimikan. Walang ilaw, wala rin kahit anong ingay bukod sa nakakabinging tunog ng kamay ng wall clock na umiikot. Kasabay no’n ang mahinang patak ng gripo sa lababo na nag-e-echo sa buong apartment.
Walang bago. Tahimik pa rin.
Inabot ko ang switch ng ilaw sa may gilid malapit sa pinto, at agad luminaw ang maliit na espasyo ng apartment ko. Diretso agad ako sa sofa, ibinaba ko ang dala kong sling bag sa gilid.
Umupo ako sa sofa walang pake kung magulo ko ang pagkakaayos ng mga unan. Pagsandal ko halos lumubog ang likod ko sa lambot ng sandalan ng upuan.
Napapikit ako at huminga nang maluwag habang dinadama ang lambot ng sofa. Pero agad din akong dumilat bago pa ako makatulog nang wala sa oras.
Hindi ko mapigilang mapahikab habang tumatayo mula sa upuan. Inayos ko muna ang mga nagulo kong unan sa sofa, pati ang gusot nito. Pagkatapos no’n, kinuha ko ang sling bag ko.
Dala-dala ang sling bag, diretso agad ako sa hagdan papunta sa kwarto ko. Pag-akyat ko, binuksan ko ang pinto ng kwarto, at bumungad sa akin ang amoy ng chamomile scent ng air freshener ko.
Napangiti ako nang maamoy ko ang mabangong amoy ng kwarto ko. Pinindot ko ang switch ng ilaw sa gilid, at nadatnan ko ang malinis at maayos kong kwarto.
Simple lang naman ang kwarto ko. White painted ang mga pader with accent ng blue para sa babang parte ng pader.
May mga ilang mga poster din na makikita malapit sa kama. May malaking malaking black-and-white poster ng Linkin Park na bahagyang nakaangat na ang isang sulok dahil sa lumang tape. Katabi no’n ang maliit na monochrome poster ng Cigarettes After Sex na halos matakpan na ng floor lamp.
Agad akong nagtungo sa cabinet para kumuha ng pamalit at makaligo. Pagbukas ko nito, maingat akong namili ng damit para hindi magulo ang maayos na pagkakatupi ng mga iyon. Nakaayos pa naman ang mga damit ko ayon sa kulay, at magkakahiwalay ang pang-alis at pambahay.
Kumuha lang ako ng puting sando at isang simpleng short. Pagkatapos kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa. Tiningnan ko ang cellphone ko. Wala pa ring reply. Ewan ko ba kung bakit parang may hinihintay akong tunog mula rito.
Napailing ako. Binaba ko ang cellphone ko sa working table ko. Dumiretso ako sa unang palapag para maligo na.
Mabilis lang akong naligo at hindi na nagtagal pa sa banyo. Bago ako lumabas, sinigurado kong nakasuot na ako ng shorts para sando na lang ang isusuot ko pag-akyat.
Pagbalik ko sa kuwarto, pinunasan ko muna gamit ang tuwalyang nasa ulo ko para siguraduhing wala nang tumutulong tubig. Pero may ilan pa ring butil ng tubig na dumadaloy mula sa buhok ko pababa sa leeg at balikat.
Ginulo ko ang buhok ko gamit ang tuwalyang nakapatong sa ulo ko habang dahan-dahan akong naglalakad papunta sa kama. Sa bawat kuskos ng tuwalya, mas lalong gumugulo ang buhok ko kaysa matuyo.
Ibinaba ko ang tuwalya saglit sa kama ko. Saka ko isinuot ang puting sando. Bahagya pa akong nahirapang isuot ang sando dahil sa malapad kong dibdib. Pagkababa ko ng sando, bumakat agad ito sa katawan ko.
Hindi naman ako gano’n kapayat pero hindi rin naman malaki ang muscles ko. Sakto lang para may bumakat sa damit ko.
Nang tuluyang makapagbihis kinuha ko ang tuwalya sa kama ko at kumuha ng hanger para isinabit ito sa banyo para matuyo.
Matapos kong gawin ’yon, dumiretso ako sa bedside table ng kwarto ko para kunin ang kaha ng yosi at lighter ko. Kinuha ko rin ang cellphone ko sa working table ko. Pagkatapos, nagtungo ako sa balkonahe. Bumungad sa akin ang malamig na simoy ng hangin na mas lalong nagdagdag sa lamig na nararamdaman ko.
Naupo ako sa metal na upuan na nasa labas na mayroon din na lamesa. Napangiwi pa ako nang maramdaman ko ang lamig no’n sa balat ko. Mabilis kong kinuha ang isang stick ng yosi mula sa kaha at isinilid sa pagitan ng labi ko.
Umilaw saglit ang apoy ng lighter bago ko sinindihan ang sigarilyo. Agad kong hinithit ang unang buga, saka dahan-dahang ibinuga paitaas.
Tahimik.
Masyadong tahimik.
Sanay naman ako dati sa katahimikan. Ewan ko ba kung anong nangyari.
Mula sa balkonahe ko, tanaw ko ang ilang ilaw ng mga bahay sa kabilang kalsada. May iilang sasakyan pa ring dumadaan kahit halos alas-nueve na ng gabi. Paminsan-minsan may maririnig na mahinang busina, tawanan ng mga lasing sa baba, at ugong ng mga motor na mabilis dumaan sa kalsada.
Pero sa kabila ng lahat hindi ko pa rin maiwasan na maramdaman na sobrang tahimik pa rin.
Habang humuhithit ng sigarilyo napahilig ako sa upuan. Sa kabilang kamay naman hawak ko ang cellphone ko.
Napatingin ako saglit. Wala pa ring notification.
Napabuntong hininga ako. Sa katunayan, dapat nagpapahinga na ako ngayon. Pero parang hindi pa rin napapagod ang katawan ko.
Bago ako magpatuloy sa paghithit ng sigarilyo tinaktak ko ang yosi ko sa ashtray. Pero bago pa ako makahithit umilaw ang cellphone ko at sinabayan ng mahinang tunog.
Mabilis kong binaba ang sigarilyo ko sa ashtray. Nanginginig pa nga ang kamay ko habang nilalagay ang sigarilyo doon.
Agad akong napatingin sa cellphone ko at una kong nakita ay ang Reddit notification. Bahagya akong napahinga at binuksan agad ang cellphone ko.
TallDaks_Moveon_Na User:
“Kumusta? Sorry busy lang.”
SanaSiyaNaLang User:
“Ayun mag-isa sa bahay.”
Wala pang isang minuto nakapag-reply na agad ako. Hindi alintana ang dalawang oras na pagitan ng message naming dalawa.
Hindi rin nagtagal tumunog na naman ang cellphone ko.
TallDaks_Moveon_Na User:
“Ano tara sa Cubao?”
Napakunot ako sa message niya.
SanaSiyaNaLang User:
“Kala ko ba busy ka?”
TallDaks_Moveon_Na User:
“Hindi na. Pero kung ayaw mo okay lang.”
Napailing ako at mabilis na nag-reply.
SanaSiyaNaLang User:
“Syempre tatanggi ba ako sa yaya mo? Bihis lang ako tapos alis na.”
Hindi ko na hinintay ang reply ni Art. Pinatay ko na ang sindi ng hindi ko pa ubos na sigarilyo. Pumasok agad ako sa kwarto ko habang dala-dala ang cellphone ko.
Nagtungo ako sa cabinet ko at kumuha ng jacket. Hindi na ako nag-abala pang magbihis nang magarbo. Maayos naman ang suot ko, at gabi naman, kaya wala namang problema rito.
Sinuot ko kaagad ang jacket ko. Bago bumaba ay tinignan ko muna ang cellphone ko.
TallDaks_Moveon_Na User:
“Dapat lang. Hindi dapat tinatanggihan ang pogi.”
Napailing ako at umangat ang sulok ng labi ko.
SanaSiyaNaLang User:
“Ang lamig-lamig ngayon. Baka mas lalong lumamig sa sobrang hangin mo.”
TallDaks_Moveon_Na User:
“Madali naman aminin na pogi ako.”
Tangina.
Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ‘yung kumpyansa niya sa sarili, bukod sa nanay niya.
SanaSiyaNaLang User:
“Mas mahirap magsinungaling sa mga bagay na hindi totoo.”
Bago ako bumaba kinuha ko ang susi ng kotse ko. Hindi ko rin nakalimutan patayin ang ilaw ng kwarto ko. Matapos ay agad akong bumaba.
Habang bumababa ako hindi ko mapigilan na hindi tumawa sa chat ni Art. Kahit kailan hambog talaga siya.
TallDaks_Moveon_Na User:
“Sabi mo, eh. May chance ka pang aminin mamaya. Ingat ka sa byahe.”
SanaSiyaNaLang User:
“Ingat ka rin.”
Bago ako lumabas ng bahay siniguro ko muna na wala nang nakasaksak na appliances bukod sa refrigerator ko.
Nang masigurong okay na ang lahat dumiretso ako sa gate at binuksan ‘to para makalabas ang kotse ko. Hindi ko rin nakalimutan na ilagay sa phone stand ang phone ko. Pinaandar ko agad ang makina ng sasakyan ko at nilabas ‘to.
Hindi ko rin nakalimutan na isara muli ang gate ng apartment ko. Bumalik agad ako sa sasakyan ko at nagmaneho papuntang Cubao.
Walang traffic ngayong gabi. Sobrang bilis lang ng biyahe kahit saan ka pa pumunta. Ayun ang pinagkaiba nito sa umaga. Pero kahit gabi na, buhay na buhay pa rin ang kalsadang binabaybay ko. May mga tindahang bukas pa rin at mga ilaw ng convenience store na maliwanag kahit halos wala nang tao.
Ilang minuto pa, nakarating na rin ako sa Cubao. Mabagal kong ipinarada ang sasakyan sa tabi ng isang saradong establisimyento na nakita ko. Gabi na rin kasi. Mas mahal ang parking fee sa mga mall kapag ganitong oras, lalo na kapag inabutan ka ng overnight parking fee.
Sakto naman nang mai-park ko ang kotse ko tumunog at umilaw ang phone ko na nasa phone stand. Notification galing kay Art.
TallDaks_Moveon_Na User:
“Saan ka na? Dito na ako sa Cubao.”
Kinuha ko ang phone ko sa stand at mabilis na nag-type ng sasabihin sa kanya.
SanaSiyaNaLang User:
“Dito na ako sa may 12th Avenue.”
Kasunod ng chat ko ay ang pin location ko. Hindi na nag-reply si Art sa message ko, at nakita ko na lang na palapit na ang pamilyar niyang kotse sa direksiyon ko.
Mabilis na nakapag-park si Art, kaya pagka-park niya, bumaba na rin ako.
Unang bungad niya sa akin pagbaba niya ang una kong nakita ay ang suot niya. As usual nakasuot na naman siya ng hoodie. Ang pambaba naman niya ay simpleng shorts lang. Kapansin-pansin din ang magulo niyang buhok na parang kakagising lang.
“Yung totoo, tamad ka ba magsuklay o wala ka lang suklay?” bungad na tanong ko sa kanya sabay fist bump paglapit ko.
Natigilan siya at tumingin sa side mirror ng kotse. “Para saan pa ang pagsusuklay kung magugulo rin naman ‘yung buhok ko? E ‘di ‘wag na magsuklay.”
Napakunot ako at gusto ko na lang mapa-facepalm sa sinabi niya. “Dati ka bang gago, Art?
“Gwapo lang,” mabilis niyang sagot sabay kindat sa akin.
“Fuck you, Art!” sabay taas ko ng dalawang gitnang daliri ko sa kanya. “Mas mabuti pa atang nag-stay ako sa apartment ko kaysa marinig ko ang kayabangan mo.”
“Bakit kasi hindi mo matanggap?” ang mga kamay ni Art ay nasa bulsa ng hoodie habang pangiti-ngiti lang.
“Ang alin?” naningkit ang mga mata ko. “Na gago ka? Matagal ko nang natanggap ‘yon.”
Walang ibang nagawa si Art kundi tumawa sa banat ko. Akala ko, ’yung parati niyang banat na pogi siya lang ang nakakainis, pati rin pala ang tawa niya.
Napailing na lang ako habang inuunahan ko na siyang maglakad sa sidewalk. Sumabay naman agad siya sa akin, parang asong sanay nang sumunod.
“Saan ba tayo?” tanong ko habang nakasuksok ang dalawang kamay ko sa bulsa ng jacket ko.
“Kakain. Gutom na ako, eh,” sambit niya habang hinihimas ng isang kamay ang tiyan niya, na para bang ipinapakitang gutom na gutom na siya.
Nang sabihin niya ‘yon, sakto naman na kumalam ang sikmura ko. Naalala kong hindi pa rin pala ako kumakain ngayong gabi.
“Saan mo ba gusto?” sumulyap ako sa kanya habang binabaybay ang kahabaan ng 12th Avenue.
“Lalayo pa ba tayo kung puwede namang maglugaw?” turo niya sa isang maliit na stall na nagtitinda ng lugaw.
Tumango ako at dumiretso kami sa stall ni manong na nagtitinda ng lugaw. Sakto namang walang ibang kumakain, kami pa lang.
Naupo kaming pareho sa unahan ng stall ni manong.
“Ano sa inyo?”
Tumingala ako sa maliit na menu ni manong na nakalagay sa taas ng stall niya. Maraming pagpipilian, may mga kakaibang laman tulad ng mata, utak, at kung ano-ano pa. Meron din namang mga tipikal na mao-order mo sa lugawan, katulad ng lumpiang toge, tokwa’t baboy, at itlog.
Sumulyap ako kay Art mukhang nakapili na ata siya ng oorderin niya.
“Lugaw sa akin na may itlog samahan mo na rin ng tokwa’t baboy.”
“Dalawa ngang tokwa’t baboy, Manong,” dagdag agad ni Art bago pa ako makapag-react. “Tapos dalawang lugaw, yung isa may laman na mata at dalawa rin na itlog.”
Tumango naman si manong at hindi niya na kailangan pang isulat ang order namin. Agad siyang kumilos kumuha ng mangkok at hinanda ang order namin.
Walang sinayang na segundo si manong at ang bilis ng kilos niya. Wala pang halos limang minuto inaabot niya na sa amin isa-isa ang mga order namin.
“Inumin mga hijo?”
Tumingin sa akin si Art. “Coke sa akin, Manong.”
“May beer, Manong?” tanong agad ni Art.
“Softdrinks lang meron, hijo.”
Bahagyang nangunot ang noo ko. Tiningnan ko siya, hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi. “Bobo ka ba, Art? Hindi ’to bar, lugawan ‘to.”
“Malay mo naman kasi meron,” sagot niya sa akin sabay tingin kay manong. “Sige, Manong dalawang coke sa amin.”
Hindi na sumagot si manong. Tumalikod siya at kumuha ng softdrinks sa refrigerator niya. Pagbalik dala-dala niya ang dalawang nagyeyelong bote ng coke.
“Thank you, Manong!” simple kong sabi sabay abot sa dalawang bote.
Nang maayos na ang lahat walang usap-usap nakatuon kami pareho sa lugaw namin. Bago ako magsimula kumain nagpiga muna ako ng kalamansi. Nilagyan ko rin ng paminta at kaunting patis.
“Shit!” nagulat ako sa kalansing ng kutsara na nalaglag sa sahig. Kaya naman napatingin ako sa kanya.
Abalang-abala ako sa pagtimpla ng aking lugaw nang makita ko si Art na nagmamadaling tumayo para kumuha ng tubig habang hawak ang baso.
Napaso ata ang tukmol Humalakhak ako sa nangyari. “Takaw mo kasi. Kita mo naman na umuusok,” tinuro ko ang lugaw niyang umuusok pa rin.
Kulang ang isang baso ng tubig para matanggal ang hapdi ng paso sa dila ni Art. Nakita ko uminom pa ng pangalawang baso ng tubig.
“Gutom na nga kasi ‘yung tao, oh,” pagbalik niya dalawa na ang baso ng tubig na hawak niya, at Ibinigay niya sa akin ang isa.
“Salamat.”
Walang kadala-dala si Art nilantakan muli ang kanyang lugaw kahit umuusok pa rin. Kabaliktaran naman ang ginawa ko. Hinipan ko muna ang lugaw ko bago sumubo.
Dahan-dahan lang kain ko habang ‘yung katabi ko paubos na ang lugaw niya. Hindi yata ngumunguya ang tukmol.
“Manong, isa pa po,” taas niya ng kamay sabay abot ng mangkok niya nang makarating si manong sa kanya.
“Bagal mo kumain,” nakatingin na sabi niya habang tinitingnan niya ang bawat pagsubo ko ng lugaw.
“Hindi kasi ako patay gutom tulad mo,” ngumisi lang ako at nagpatuloy sa pagkain ng lugaw.
“Kailangan ko bang ulitin na—”
Bago pa matapos ang sinasabi ni Art ay ibinigay na ni manong ang kanyang lugaw. “Hijo, lugaw mo.”
Nagsimula na siyang lantakan muli ang kanyang lugaw. Hindi na nga niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain ng lugaw.
Hindi na rin naman nagtagal at natapos na rin kami kumain. Pareho kaming hindi na um-order muli. Dahil siya naman daw ang nag-aya siya na raw ang magbabayad.
Hindi na ako pumalag pa. Sino naman kasi ang hindi gusto ng libre diba? Para naman makabawi ako sa panlalamang niya nung nakaraan sa akin.
“Salamat sa libre,” sambit ko habang iniinom ang natirang coke ko. Sabay kaming naglakad palabas ng 12th Avenue at hindi alam kung saan papunta.
“Ang bigat kasi ng wallet ko kailangan mabawasan ang pera ko,” iwinagayway niya sa tapat ng mukha ko ang makapal na leather wallet niya habang ang ngisi niya ay umaabot hanggang tenga.
Mahina kong pinukpok sa ulo niya ang wala ng laman na bote ng coke.
Sinubukan niya pang umiwas pero hindi siya nakatakas at nahampas ko pa rin siya ng bote. “Aray!” angal niya habang hinihimas ang ulong nahampas. Kahit hindi naman talaga malakas ‘yun. “Para saan ‘yun?”
“Arte,” muli ko na naman siyang hinampas at sa pagkakataon na ‘yun sa braso na lang niya ang pangalawang hampas. “Nagtatanong ka pa talaga?”
Hindi ko napigilang mapangiti habang naglalakad kami palayo sa 12th Avenue. Tahimik ang paligid kumpara kanina. May iilan pa ring sasakyang dumadaan sa kalsada, pero hindi na gano’n kaingay.
Habang palayo kami nang palayo sa 12th Avenue, unti-unti ring tumatahimik ang paligid namin ni Art. Ang tanging naririnig na lang namin ay ang mahinang simoy ng hangin, tunog ng mga kuliglig, at ang pailan-ilang sasakyang dumaraan.
Sa pagkakataon na ‘to, tuluyan nang tumahimik ang paligid. Malayo na kami sa ingay ng 12th Avenue.
Patuloy lang kami sa paglalakad habang hindi alam kung nasaan kami. Nakatingin lang ako diretso sa kalsada. Tinitingnan ang ilang mga aso na naglalakad sa gilid ng kalsada.
“Sigarilyo?” una kong nakita ang sigarilyong inilahad niya sa akin bago ako tumingin sa kanya. Tumango lang ako at kinuha ang sigarilyo. Sunod niyang inalok ang lighter ng makapagsindi siya.
Kasabay ng paglalakad ko ang paghithit ko sa sigarilyo ko. “Alam mo ang weird pala no?” pagsisimula ko pagkatapos kong ibuga ang usok.
“Ano?”
“Halos dalawang buwan na tayo nag-uusap pero sa Reddit pa rin tayo nag-uusap,” muli akong humipak sa sigarilyo ko. Hindi ko maiwasan na mapansin ang pag-angat ng sulok ng labi niya.
“Saan mo ba gusto, Linkedin?” banat niya sa akin habang sinusubukan itikom ang bibig para hindi matawa.
Napairap ako at marahang ibinuga ang usok ng sigarilyo ko paitaas. “Gago.”
Umiling siya at tumango kahit halata pa rin sa kanya na gusto niyang matawa. “Oo nga naman. Pero mas masaya sigurong sa Linkedin tayo mag-usap plus makakahanap pa tayo bagong trabaho.”
Napabuntong-hininga na lamang ako sa sagot niya. Hindi ko ata kaya kumausap ng gago araw-araw.
Mahina siyang natawa. Hindi ‘yung malakas niyang tawa kanina habang nasa lugawan kami. Mas mababa. Mas tahimik.
Hindi ko alam kung bakit pero parang mas gusto ko ‘tong katahimikan na ‘to kaysa sa katahimikan sa apartment ko.
Mas komportable.
Natural lang.
Humithit ulit ako ng sigarilyo bago sumulyap sa kanya. “Pero seryoso na. Weird lang na sa dalawang buwan na pag-uusap natin hindi ko pa rin alam ang pangalan mo.”
“Art,” simpleng sagot niya habang naglalakad.
“Tanga. Alam ko naman na Art ang pangalan mo,” natawa ako ng bahagya. “I mean buong pangalan mo.”
“Arthur,” mas malaki ngayon ang ngisi niya na para bang mapupunit ang mukha niya sa sobrang ngisi.
Napakamot na lamang ako sa batok ko sa naging sagot niya. Ewan ko kung bata ba ang kausap ko o pilosopo lang ‘tong si Art. Hindi alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa mga sagot niya. “Gago ka ba, Art? I mean full name.”
“Ahh,” napakamot siya sa batok bago huminga nang malalim na parang sobrang bigat ng tanong ko. “Hindi mo kasi linilinaw.”
Napapikit na lang ako at napahawak sa sintido ko.
“Arthur Gabriel Reyes,” sabi niya pagkatapos tumawa. “Ikaw?”
Bahagya akong natigilan.
Ewan ko ba.
Ang simple-simple lang naman no’n. Pangalan lang naman. Pero parang may kakaiba sa pakiramdam na marinig ‘yung totoong pangalan niya pagkatapos ng ilang buwang puro first name at username lang kami sa Reddit.
“Leonard Matthew Valencia.”
“Hmm.” Bahagya siyang tumango. “Bagay.”
Napakunot agad ang noo ko. “Ano’ng bagay?”
“Pangalan mo.”
“Paano naging bagay ang Leonard?”
“Hindi ko alam.” Umangat balikat niya habang nakatingin diretso sa daan. “Mukha ka lang talagang Leonard.”
“Nakakabobo kang mag-explain.”
“Pero tama.”
Napailing na lang ako habang pilit pinipigilan ang pagngiti.
Tangina. Kahit anong sabihin ng gagong ‘to parang may sariling logic sa utak niya. Nauna ata ang paa nung pinanganak kaya naiwan ang utak.
Tahimik ulit kaming naglakad. Pareho nang paubos ang sigarilyo namin. Nang makarating kami sa tapat ng isang saradong convenience store, sabay naming tinapon ang upos sa basurahan sa gilid.
“Ito pala ang Facebook ko,” biglang sambit ni Art habang nakapamulsa. Pinakita niya sa akin ang cellphone niya habang naka-flash sa screen ang account niya. “Pwede mo na akong i-stalk.”
Una kong napansin ang profile picture niy na nakaupo siya sa isang bench habang ang dalawang kamay ay casual na nakapatong sa sandalan. May suot na isang black half zip long sleeve, black jorts, at black shade.
Tumaas ang isang kilay ko. “Kapal talaga ng mukha mo no?” nilabas ko ang cellphone ko para i-search ang account niya.
Lumabas naman agad account niya at nag-send ako ng friend request na wala pang isang minuto agad niyang in-accept.
Kasunod naman ng pag-accept niya sa akin tumunog ang phone ko at nag-pop ang name niya sa messenger ko.
Arthur Reyes sent you a message.
Arthur Reyes:
09XX-XXX-XXX
Nang basahin ko ang message niya napatingin ako sa kanya.
“Save mo number ko para naman hindi na tayo mukhang tanga na sa Reddit lang nag-uusap,” dagdag niya habang nakatingin pa rin sa cellphone niya.
Hindi ko napigilang mapatawa nang mahina. “Ikaw lang mukhang tanga.”
“Pero nagre-reply ka pa rin.”
“Tsk.”
Hindi ko na siya sinagot. Tahimik ko na lang sine-save ang number niya sa contacts ko. Saglit akong natigilan sa ilalagay kong pangalan.
Arthur Gabriel Reyes.
Napailing ako. Ang haba.
Leonard Matthew Valencia: “Anong ilalagay kong pangalan mo? Hambog?”
“Pwede rin,” mabilis niyang sagot. “Pero mas bagay kung ‘Poging Arthur.’”
“Ulol.”
Sa huli, simpleng “Tukmol” lang ang nilagay ko bago ko sine-save ang contact niya.
Pagkatapos no’n, ibinulsa ko na ulit ang cellphone ko. Hindi ko namalayan na nakangiti pa rin pala ako hanggang sa mapansin ni Art.
“Oy.”
“Ano?” tanong ko habang nakatingin sa kanya.
“Ngumingiti ka. Anong inilagay mong pangalan?”
Agad nawala ang ngiti ko. Hindi ko ipinahalata ang kagaguhan na inilagay ko sa pangalan niya. “Secret.”
Umiling na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Muli kaming binalot ng katahimikan. Pero hindi siya awkward na katahimikan..Hindi rin ‘yung klase ng katahimikan na nakakabingi tulad sa apartment ko.
Ito ‘yung klase ng katahimikan na komportable lang. Parang kahit wala kayong pag-usapan okay lang.
Pero ngayong gabi alam kong may nagbago na. Sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon, hindi na nakakairita ang katahimikan.
| C O O P E R _ C Y |
11: | Cigarettes, Beer, and Changes
4:59 PM
Wala pang 5:00 PM pero nakaayos na ang mga gamit ko. ‘Yung tipong wala na akong ibang gagawin kundi tumayo at kunin ang bag ko.
Ito ‘yung pinaka exciting part kapag malapit na matapos ang shift. Pero ‘to rin ‘yung pinaka ayaw mong oras. Anytime kasi pwede kang utasan ng manager mo kahit pauwi ka na talaga.
Habang nakaupo sa office chair hindi ko maiwasan magkuyakoy at mapatingin sa aking wristwatch.
“Ano, Leon madaling-madali?” bigla akong napalingon nang makaramdam ako ng tapik sa aking balikat. Napatingin naman ako sa kanya at una kong nakita ang sling bag nakasukbit sa kanyang balikat.
“Sino kaya sa atin ang madaling-madali, Tony?” tanong ko sa kanya pabalik habang tinuturo ang sling bag niya.
“Preparations ang tawag dito,” paliwanag niya habang inaayos ang strap sa balikat.
58, 59, 60…
Saktong-sakto na pagtapat ng malaking kamay sa 60 ay agad akong tumayo. “Sus, makapagsabi ng madaling-madali ako ikaw rin naman,” kinuha ko ang bag ko at mabilis na umalis sa desk ko nang hindi nagpapaalam sa mga kasamahan.
Sanay na naman kasi sila. Walang talo-talo kapag uwian na. Alam na ng isa’t-isa na uwing-uwi na ang bawat isa sa amin.
Napailing lang si Tony habang kinukuha ang tumbler niya sa ibabaw ng mesa niya. “Malamang. Friday ngayon, tanga. Kahit sinong matinong empleyado gustong umuwi nang maaga.”
Lumaki ang mata ko. “Matinong empleyado?” tinaasan ko siya ng kilay habang isinusuot ang sling bag ko. “Ikaw?”
“Hindi kaya ako late araw-araw. Bihira rin akong um-absent,” nagpanggap pa ang mokong na pinupunasan ang balikat habang ang dalawang sulok ng labi ay nakataas.
“Kahit ma-late ang sahod sa susunod?” mahina akong natawa habang sabay kaming naglakad palabas ng cubicle area. Sa paligid namin unti-unti na ring nagsisitayuan ang ibang empleyado. Nag-uunahan pang lumabas ng pinto para mauna sa elevator.
Normal na eksena tuwing alas-singko.
“Syempre lahat ng sinabi ko hindi ako ‘yun,” walang kahihiyang dagdag niya habang tumatawa. “Pero at least self-aware ako.”
“Buti nga hindi ka pa napapadalhan ng memo ng HR,” sagot ko habang pinipindot ang elevator button.
Pagkabukas pa lang ng elevator parang may zombie outbreak. Halos sabay-sabay na agad kaming pumasok ng ibang empleyado. Siksikan na naman gaya ng dati. Mabuti na lang at sanay na ako sa amoy ng halo-halong pabango, kape, at pagod ng mga tao tuwing uwian.
Tahimik lang kaming nakatayo sa isang sulok. Hindi na rin namin sinubukang mag-usap ni Tony. Small courtesy nga kung tawagin, everyone in the elevator is tired, so it’s a small courtesy not to cause any noise inside.
Nang makababa kami sa ground floor, isa-isa nang naglabasan ang mga tao. Pero may ilan pa ring nanatili sa loob dahil, kagaya namin ni Tony, sa parking area rin ang baba nila.
Pagbukas na pagbukas ng elevator agad naglabasan ang natitirang mga tao. Lumabas na rin kami ni Tony.
“Sabay ako sayo ngayon ha,” akbay sa akin ni Tony at casual na casual ang pagkakasabi. Para bang may ambag sa gasolina ko kung makapagsabi na sasabay.
“Ay wow, ha! Kaya naman pala lumapit ka sa akin dahil makikisabay ka,” napaawang bibig ko sa sinabi niya at napailing na lang.
“Syempre,” walang kaabog-abog niyang sagot habang naglalakad kami papunta sa parking area. “Ano tingin mo sa akin? Hindi kaibigan?”
“Hindi. Linta.”
Napahawak siya sa dibdib na parang nasaktan sa sinabi ko. “Grabe ka naman, Leon. After all these years?”
Humalakhak lang si Tony habang naglalakad kami sa parking lot. Kahit saan mo talaga dalhin ‘tong gagong ‘to may energy pa rin. Hindi ko alam kung kape ba ang dugo nito o sadyang hindi lang tinatablan ng pagod.
Nang malapit na kami sa kotse ko, agad kong kinuha ang susi ko sa bulsa ko. Nang makuha ko agad ko ‘tong pinindot at umilaw agad ang headlights ng sasakyan ko.
Sabay kaming nagtungo sa sasakyan ko at dumiretso ako sa driver’s seat samantalang nagtungo si Tony sa passenger seat.
“Hindi ko alam na mahilig ka pala sa stuffed toys,” ang tono niya ay parang hindi makapaniwala habang nakatitig sa dalawang stuffed toys na nakasabit sa harap ng salamin ko. Para bang may nakita siyang multo sa loob ng sasakyan ko.
Napalingon agad ako sa dalawang stuffed toys nang makaupo ako sa driver’s seat. “Breaking news, Tony mahilig talaga ako sa stuffed toys.”
“Ay wow, defensive?!” agad niyang banat habang nakangisi pa rin sa akin.
“Hindi defensive ‘yan. Nililinaw ko lang,” sagot ko habang isinusuot ang seatbelt ko.
“Nililinaw ampota,” mahina siyang natawa bago muling tumingin sa stuffed toys. “Pero seryoso, hindi bagay sayo.”
“Tanga. Bakit ba parang ang laki ng issue mo sa stuffed toys?” pinaandar ko na ang makina ng sasakyan habang nakatingin sa rearview mirror.
“May naalala lang kasi ako,” umayos siya ng upo sa passenger seat, “Exactly two years ago, ayaw mo ng stuffed toy na bigay ni Zach kasi ayaw mo nung kulay. Then now, dalawa pa ‘yung nakasabit?”
Sandali akong natigilan.
Tangina naman, oh. Sa dami ng pwedeng maalala ng gagong ‘to, si Zach pa talaga. Memories pa talaga from two years ago ang naalala.
Walang warning sinuntok ko siya ng malakas sa braso. “Aray! Sinabi ko lang naman ang totoo anong masama do’n?” labas pa rin ang ngipin ng gago sa kakangisi.
Kung hindi ko lang talaga siya kilala matagal na baka napababa ko na siya kanina pa. “Ayaw ko ng kulay na bigay niya. Isa pa napanalunan ko si Stitch at ‘yung isa bigay lang din.”
“Woah!” humarap siya sa akin at nakaawang ang bibig habang ang isang kamay ay bahagyang tumatakip ng kaunti sa bibig niya. “Sino ‘yan? Tangina lalaki ‘yan no? Kasi kung babae ‘yan matagal mo ng sinabi ‘yan.”
“Ano bang pake mo kung gusto ko na ng stuffed toys ngayon?” sandali lang akong tumingin sa kanya ng makalabas kami ng parking lot.
“Bro, four years na kitang kilala at ngayon lang kita ulit nakitang ngumiti these past few days,” paliwanag niya habang nakikita ko sa peripheral vision kong nakatingin siya sa direksyon ko. “Masaya lang ako sayo, bro!”
“Masaya ka ba o nang-uusisa ka sa buhay ko?”
“Pareho,” kibit-balikat niya. “Pero seryoso, Leon, after the breakup never kitang nakitang excited umuwi, ngayon lang.”
Humigpit ang hawak ko sa manibela at napabuntong-hininga. Tangina, pagdating talaga kay Tony wala akong maitatago sa kupal na ‘to.
Apat na taon na rin kaming magkaibigan kaya siguro wala talaga akong maitago sa kupal na ‘to.
“Kung sino man ’yan, gusto kong sabihin sa kanya na, ‘thanks, ma men!’” hiyaw niya sa loob ng kotse nagawa pang magtaas ng isang kamay.
“I revoke my rights to speak…” mahina kong sambit habang napapailing.
“Ano?” napakunot ang noo niya.
“Ibig kong sabihin sana hindi na lang kita kinausap ulit four years ago.”
“Ulol,” malakas siyang natawa at sumandal sa upuan. “Pero seryoso, sino ba kasi ‘yan? Bakit parang high school student ka na ngayon kung ngumiti?”
“Tangina mo.” natawa na rin ako kahit pilit ko pang pinipigilan. “Si Boy Abunda ka ba para umusisa ng buhay ko?”
“Bro—” bago pa matuloy ni Tony ang sasabihin niya ay naputol nang tumunog ang cellphone ko sa busa ko. Kaya naman sandali ko ‘tong kinuha habang nakatigil sandali sa stoplight.
Unang notification pa lang ay agad nang lumitaw ang pangalan ni Art sa screen ng cellphone ko.
Arthur Reyes:
“Tired AF.”
Hindi ko namalayan na bahagya akong napangiti pagkabasa ko pa lang ng message niya.
“OH SHIT!” malakas na sambit ni Tony dahilan para mapalingon agad ako sa kanya. Nakadungaw na pala siya sa cellphone ko na para bang sumasagap ng isang sobrang juicy na balita. “So nasa stage na kayo ng ina-update ang isa’t-isa?”
Tangina, para bang mas chismosa pa siya sa mga babae at bading kung makapang-usisa ng buhay ko.
Imbes na makapag-reply kay Art ay binulsa ko agad ang cellphone ko bago pa niya mabasa ang iba pa namin conversation. “Tangina mo, Anthony!”
“Ladies and gentlemen nahuli na po siya!” hiyaw niya habang hindi mapakali sa loob ng sasakyan. Nagawa pa niyang ibaba ang bintana para lang humiyaw sa labas. “Bro, never mo akong tinawag na Anthony unless guilty ka!”
“Para lang clear sayo, friends lang kami ni Art,” may diin ang pagkakasabi ko ng “friends” lang kami ni Art. “Isa pa, we have the same scenario, broken siya, broken ako.”
Nang mag-green light ang stoplight agad kong pinaandar ang kotse ko.
“Bro, napaka defensive mo ngayon,” kupal talaga ang hayop mas lalo pang lumaki ang ngisi niya. “May sinabi ba akong more than friends kayo?”
“Bahala ka sa buhay mo, Tony,” tumahimik na lang ako at baka kung ano pa ang masabi ko kay Tony. Baka bigyan niya pa ng malisya ‘yung mga sasabihin ko.
Minsan hindi ko rin alam kung bakit mas kupal pa sa kupal ang hayop na ‘to. Siguro nung nagpaulan ng kakupalan si Lord sinalo niya yata lahat, eh.
“Parang ayaw ko pa yatang umuwi,” casual na sabi niya habang ang dalawang kamay ay nasa ilalim ng ulo at komportableng nakasandal sa sasakyan ko.
Nanlaki ang dalawang mata ko at napaawang ang mga labi ko sa sinabi niya. “Wow, ngayon gusto mo naman tumambay sa apartment ko?”
“Masama bang kumustahin ka?”
Napakurap ako sa tanong niya.
Hindi ko agad nasagot. Siguro dahil matagal ko ring hindi narinig kay Tony ‘yung ganong tono. Sanay kasi akong kupal siya. Maingay. Puro biro. Kaya kapag bigla siyang nagiging seryoso parang may mali sa mundo.
“May lagnat ka ba, ha?” inabot ko ang isa kong kamay sa leeg niya habang nakatingin pa rin sa kalsada. “Wala naman pero parang nahipan ka yata ng masamang hangin?”
“Concern na nga ‘yung tao napagkamalan pang nahipan ng masamang hangin,” hinawi niya ang kamay ko sa leeg niya at pumihit palayo sa direksyon ko.
Napailing na lang ako habang dahan-dahang lumiliko sa susunod na kanto. Friday rush hour kaya halos bumper-to-bumper ang mga sasakyan sa daan. Normal na Friday evening.
Pero weirdly enough, pakiramdam ko hindi normal ‘tong araw na ‘to.
“Sige na nga,” sagot ko rin kalaunan. Maya-maya lang ay humarap na muli si Tony sa akin at nakangisi na ulit. “Gago, hindi bagay sayo magtampo.”
Matatanggihan ko ba ‘tong kupal na ‘to? Sa halos lahat ba naman ng phase ko sa buhay nasaksihan niya. Kahit noong niloko ako ni Zach, karamay ko siya. Siya ‘yung kupal na may pake sayo ng sobra.
“Limang buwan na kaya ang lumipas simula nang makadalaw ako sa apartment mo,” sambit niya habang nakikita ko sa peripheral vision ko na bahagya siyang nakadungaw sa bintana ng kotse.
Natigilan ako. Ngayon lang din nag-sink in sa akin na limang buwan na pala simula nang maghiwalay kami ni Zach.
Huling punta ni Tony sa apartment ko ay bago pa kami maghiwalay. Hindi ko man lang namalayan na limang buwan na pala.
“Ano naman kasing gagawin mo do’n? Halos pareho lang naman ’yung apartment ko noong huli kang nagpunta at ngayon,” paliwanag ko sabay liko sa kanto kung saan malapit na ang bahay ko.
Hindi agad sumagot si Tony.
“Bakit,” mahina niyang sambit habang nakatingin sa labas ng bintana. “Pareho ba ’yung nakatira?”
Nang marinig ko ‘yun sakto naman tumigil kami sa harapan ng gate ng apartment ko. Natulala ako at hindi ko alam paano magre-react sa tanong niya.
Hindi ko kasi alam kung anong klaseng sagot ang dapat isagot ko sa tanong niya. Kasi tama siya.
“Tangina bro,” mahinang sambit ni Tony. “Hindi ako nandito para sa isang MMK episode. Ayoko ng ganito masyadong dramatic. Tissue kailangan mo?”
Napalingon ako. May tissue nga talagang inaabot sa akin si Tony. Kupal nga ang hayop. Kala ko seryoso na talaga. Free trial lang pala ‘yung kanina at may subscription fee na ang kasunod.
“Ewan ko sayo, Tony. Bumaba ka at buksan mo ‘yung gate para naman may ambag ka sa byahe.”
“Aye, aye, captain!” nagawa pang sumaludo. Bumaba siya agad at binuksan ang gate ng apartment kaya mabilis kong naipasok ang kotse ko.
Sabay kaming pumasok sa apartment ko at talagang feel at home talaga siya. Hindi man lang nagtanggal ng sapatos at diretso pasok talaga siya.
Walang hiya talaga. Hindi na nga nagtanggal ng sapatos bago pumasok diretso salampak pa sa sofa ko. “Bahay mo?” hinagis ko ang sling bag sa direksyon niya at nakailag gamit ang unan.
“Bawal bang mamiss ang bahay mo?” nagawa pang humiga at ang mga kamay ay nasa ilalim ng ulo habang ang mga paa ay nakataas sa dulo ng sofa.
Tinaasan ko siya ng kilay at tinitigan ng masama. Wala pa halos limang minuto ang tinatagal niya sa bahay ko at nagawa niya ang trigger button ko sa katawan.
“Ibaba mo nga ang sapatos mo!” hinawi ko ang paa niyang nakataas dahilan para muntik na siyang mahulog sa sofa.
“Parang hindi tayo nagkakilala ng apat na taon—”
“Hindi talaga!” sigaw ko sa kanya sabay bato ng isang unan. Nakailag na naman siya at umayos ng upo.
“Four years ‘to, oh. Four years na ‘yung friendship natin,” tinuro niya ako at ang sarili niya. Nagawa pang hawakan ang kaliwang dibdib at takpan ang kalahati ng mukha gamit ang kaliwang braso para lang magpanggap na umiiyak.
“Wala akong pake!”
Umupo ako sa tabi niya at sumandal ng bahagya. Sandaling tumahimik ang apartment pero iba ang katahimikan na dala nito. Hindi nakakabingi. Hindi rin nakakalungkot ang katahimikan na dala nito.
“Pero seryoso,” dumiretso siya ng upo at tumingin sa akin. “Kala ko ba walang nagbago bakit nawala ‘yung picture frame ni Zach na nasa center table?”
Kahit kailan talaga walang palya si Tony na hindi ako inisin bawat minuto. Parang talent niya na yata ‘yung mang bwiset ng effortlessly. Nanlisik ang mga mata ko sa kanya at wala sa oras na sinuntok ko siya sa braso. “Dati ka bang bobo, Tony?”
Mabilis na umusog sa dulo ng sofa si Tony pero naabot ko pa rin siya ng kamao ko. Hindi lang isa kundi dalawang malakas na suntok ang iniwan ko sa braso niya.
Tinatanong niya pa talaga ang mga bagay na obvious naman ang sagot. Ewan ko ba. Nasa talampakan yata ang utak niya.
“Nagtatanong lang naman kasi,” nakangising sagot habang hawak-hawak ang braso.
Bago ko pa mabugbog nang tuluyan si Tony tumayo na ako at nagtungo sa kusina. “Anong gusto mong kainin?” sigaw ko dahilan para mag-echo ang boses ko sa apat na sulok ng apartment ko.
“Kahit ano. Ikaw na bahala.”
Hindi ko na kailangan pang mag-isip ng ihahanda ko sa kanya. Pancit canton at hard boiled egg lang kasi ay sapat na sa kanya.
“Alam mo hindi ka pa rin talaga nagbabago no?” ang boses ay nanggagaling sa sala at mukhang inuusisa ang mga gamit ko sa bahay. “Organize ka pa rin talaga.”
Lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakatayo habang tinitingnan ang mga picture frames na naka-display sa sala.
“Palibhasa kasi ang alam mo lang manggulo ng mga nakaayos na gamit ko,” mahinang sigaw ko habang binubuksan ang pakete ng pancit canton.
Mahina siyang natawa mula sa sala. “Kasi naman nakakainggit ‘yung ayos ng apartment mo. Minsan nga bisita ka sa apartment ko para naman maayos mo ‘yung akin.”
Napailing ako. Palibhasa kasi kasing gulo niya ‘yung apartment niya. “Hindi ako ang kailangan ng apartment mo,” sagot ko habang sinasalang ang tubig. “Baka deep cleaner na ang kailangan.”
“Hoy, magulo lang ang bahay ko, hindi mukhang basurahan,” rinig kong sagot niya kasabay ng mahihinang yabag niya sa sahig.
“Wala naman akong sinabing mukhang basurahan ang apartment mo.”
Sinunod kong buksan ang seasoning ng pancit canton para ilagay sa plato. Nilagay ko na rin ang dalawang itlog bago pa kumulo ang tubig.
“Maayos na kahit papaano ‘yung apartment ko no.”
“Talaga?” may halong duda sa boses ko habang hinahalo ang seasoning sa plato. “Last time na pumunta ako sa apartment mo may nakita akong medyas sa likod ng refrigerator mo.”
“Tactical placement ‘yon,” depensa niya agad. “Malay mo pinapatuyo ko.”
“Sa likod ng refrigerator?”
“Mainit kasi do’n.”
Napailing ako at hindi ko na pinatulan pa ang kabobohan niya. Tangina talaga minsan hindi mo alam kung seryoso ba siya o sadyang may diperensya lang talaga sa utak.
Narinig ko ang tunog ng isang picture frame na bahagyang gumalaw kaya mabilis akong napalingon sa sala. “Tony,” agad kong tawag habang nakakunot ang noo. “Huwag mo galawin ’yung mga naka-display.”
“Hindi ko naman ginagalaw,” sagot niya kahit kitang-kita kong inaayos niya ulit ang frame na bahagya niyang natabig. “Tinitingnan ko lang.”
“Pareho lang ’yon.”
Nang kumulo na ang tubig, nilagay ko na ang pancit canton. Habang nilalagay ko ito, biglang tumunog ang cellphone ko sa bulsa ko.
Pinabayaan ko muna na lumambot noodles saka ko tiningnan ang cellphone ko. Syempre wala naman ibang magcha-chat kundi si Art.
Arthur Reyes:
“Busy? Yayain pa naman kita mag-side quest tonight.”
Napatitig ako sa message niya nang mas matagal kaysa dapat. Nakalimutan ko na pa lang mag-reply sa chat niya kanina.
Bwiset na side quest ‘yan. Sino ba kasing tao ang gumagamit ng “side quest” bilang yaya? Hindi ko alam kung bakit pero natawa ako nang mahina. Siguro dahil kay Art normal lang na parang casual lahat kahit ang random ng mga sinasabi niya.
“Baliw ka ba, bro?” agad kong napalingon kay Tony na ngayon ay nakasandal na sa pinto ng refrigerator habang nakapamulsa. “Ngumingiti ka na lang mag-isa.”
Napatingin muna ako sa niluluto ko at kay Tony bago bumalik ang tingin ko sa cellphone. Hindi ko pinansin ang pang-aasar niya sa akin.
Leon Valencia:
“Kasama ko ‘yung friend ko rn, pero aalis na rin naman ‘to. Ano, g?”
Muli kong binalik ang phone ko sa bulsa ko at nakita kong ngiting aso ang kupal na nakatingin sa akin. “Iba ang epekto sayo ni Art, ha?”
“Pagkatapos mong kumain umalis ka na.”
Nang mukhang okay na ang itlog at ang noodles ng pancit canton hinango ko na pareho. Nilagay ko sa running water ‘yung hard boiled egg para lumamig. Tinanggalan ko naman ng tubig ang pancit canton saka nilagay sa plato.
“Ay wow?” agad na sambit ni Tony habang nakatingin sa akin na para bang nakahuli ng kriminal sa akto. Nakataas pa nga ang kilay habang nakahalukipkip. “Pinapaalis mo na agad ako dahil may ka-date ka?”
“Wala akong ka-date,” sagot ko habang binabalatan ang itlog. “At isa pa, hindi porket may yayaan may date na agad.”
“So, hindi date ‘yung lalabas kayo tapos kayong dalawa lang, tapos gabi pa?” tanong niya pa habang parang imbestigador kung mang-usisa ng buhay.
“Malisyoso ka rin no? Friends lang kami ni Art,” sambit ko habang muling tinuon ang ko ang sarili ko sa ginagawa kong pancit canton.
“Okay,” pagsuko ni Tony.
Binalatan ko na rin ang itlog at hinalo ang pancit canton matapos balatan ang itlog. Nang okay na ang lahat sinama ko na ang itlog.
“Ganyan ka dapat mag-isip.”
“Sa ngayon, friends lang.”
“Tony.”
“Okay, okay.” Humalakhak siya bago muling kumain. “Pero seryoso, kung sino man ‘yan maganda siya para sayo.”
Umiling ako at kinuha ko na ang pancit canton. Sabay kaming nagtungo sa sala at dahil alam ko naman na mas prefer niya sa sala kumain. “Tigilan mo ang pang-iintriga sa akin, Tony.”
“Hindi ‘yun pang-iintriga. Facts ‘yun,” ngising aso pa rin siya sa akin at hindi talaga siya tumitigil sa pangungulit.
Pagkaupo na pagkaupo kinuha niya agad ang plato sa akin at nilantakan ang pagkain.
Napahawak na lang ako sa sentido ko at bahagyang minadahe ‘to. Ilang oras palang kaming magkasama pero parang isang araw na ang lumipas.
Arthur Reyes:
“Nice. Same place, Cubao after an hour?”
Maya-maya pa ay tumunog ulit ang cellphone ko. Isang bagong message mula kay Art.
Hindi ko namalayan na bahagyang napangiti ako habang binabasa ang message. Napansin agad ‘yon ni Tony.
“Tangina, Leon,” sabi niya habang nakangisi pa rin na parang nahuli ako sa akto. “Kung ganito ka na kapag may message lang galing sa kanya, paano pa kapag magkaharap na kayo?”
Umiling na lang ako at hindi na sumagot. Sa halip, nag-type ako ng reply kay Art.
Leon Valencia:
“G, after an hour.”
Tinignan ko si Tony na ngayon ay nakahiga na kahit hindi pa rin siya tapos sa pagkain. Sobrang komportable pa siyang nakahiga na parang bahay niya. “Uy, bilisan mo naman kumain. Tara na, ihahatid na kita.”
“Grabe, pinapaalis mo na talaga ako,” reklamo niya pero tumatawa pa rin. “Sige na nga. Huwag mo lang kalimutan sabihin sa’kin kapag may developments na kayo ni Art.”
Dahil sa pagmamadali ko sa kanya mabilis niyang naubos ang pagkain na hinanda ko. Walang tubig-tubig diretso agad kami sa labas matapos kong hugasan ang plato.
Inayos ko rin ‘yung mga nagulo niyang gamit bago ako lumabas. Napangiti ako at nakakapanibago na ibang-iba ang apartment ko ngayon.
Malayo sa nakakabingin katahimikan.
| C O O P E R _ C Y |

