Connected with a Psycho
akosimarl · 15 chapters · 53,043 words
Connected with a Psycho
ㅡㅡㅡㅡㅡ
Disclaimer:
This story is work of fiction. All names, characters, places and incidents are used factiously. Any resemblance to the names or characteristic of actual person or businesses or to events or locals, is entirely co-incidental and unintended.
สวัสดีครับผมชื่อมาร์ลและฉันอายุสิบแปดปี ฉันรักการตัดต่อวิดีโอกำกับภาพยนตร์และเขียนเรื่องราวด้วยฉันเป็นเกย์และฉันภูมิใจในมันเพราะไม่มีอะไรผิดที่เป็นเกย์และฉันมีความสุขกับมัน ทุกวันเป็นวันที่ดี
Ang nilalaman ng kuwentong ito ay umiikot sa pagmamahalan ng dalawang mag kaparehas na kasarian. 사랑이 싫어
Do you believe in Quarantine Love?
ㅡㅡㅡㅡㅡ
Chapter 1 - friend request
ㅡㅡㅡㅡㅡ
Nathaniel POV:
“Dahil sa online class mga bilihin ng murang computer dinagsa ng mga estudyante”
“Mahigit kumulang tatlong’pu na ang bilang ng mga positibo sa Covid Nineteen”
“Ginang, pumanaw matapos ang limang araw na paghihintay ng bus para makauwi sa kanyang pamilya”
“President Romano Dutertle Wang warns lockdown violators could be shot if they fight back”
“After ‘Sarap ng buhay!’ remark, Dela Posas required to Physically attend session next Monday”
“Mama! Saan nakalagay yung quarantine pass?!” hiyaw ko mula dito sa living room ng aming tahanan.
Nakaupo ako sa sofa habang naka-harap sa malaking flat screen tv kung saan doon ipinapalabas ang kaliwa’t kanang balita ukol sa kumakalat na virus.
Katatapos ko lang maligo at mag ayos ng aking sarili dahil ako ay lalabas ng aming pamamahay ngayong araw.
Ako ang chosen one ngayong Linggo.
Hindi!
Mali!
Ako ang chosen one ng buong quarantine period!
Wala namang iba pang mauutusan si Mama na lumabas bukod sa akin dahil alangan naman utusan niya ang bunso kong kapatid na si Princess, Princess nga diba so dapat siya ang pinagsisilbihan namin.
“Nakapatong sa taas ng ref Nathaniel! Bilis-bilisan mo nga ang kilos mo at baka maubusan tayo sa fresh na gulay at karne! Pati wag mong kakalimutan ang gatas ni Princess ha!? doon ka bumili sa supermarket tiyak na may promo doon! Malilintikan ka sakin kapag nakalimutan mo!” kita mo na?
Busy si Mama sa kakasigaw habang pinagsisilbihan ang prinsesa niyang anak sa loob ng kubeta, umagang-umaga ay nagyayaya si Princess na tumae sa cr.
Pasalamat nalang kami ni Mama na marunong ng umupo sa bowl ang apat na taon kong gulang na kapatid.
“Kilos na Nathaniel! Mamaya kana manood diyan! Madami ng tao sa palengke kaya kumilos kana!” dahil sa muling pag sigaw ni Mama ay tumayo na ako sa pag kakaupo sa sofa.
Naka suot ako ng puting t-shirt na may tatak ng bandang Ben and Ben habang black pants sa pang ibaba at puting converse shoes. Mayroon din akong suot na dilaw na beanie pang pa-kumpleto sa aking porma.
Pinatay ko muna ang telebisyon bago humakbang papalapit doon sa refrigerator para kuhanin ang nasabing quarantine pass.
“Ma yung listahan ng bibilhin nasaan?” wika ko habang papalapit doon sa ref.
Kita ko mula sa aking nilalakaran ang bukas na pintuan ng kubeta kung kaya’t kita ko si Mama Ruth na binabantayan si Princess sa pag-pupu.
Binalingan naman ako ni Mama ng tingin habang inaabot ko ang quarantine pass sa ibabaw ng ref.
“Ayan oh! Nasa lamesa” tila inis na tugon ni Mama sa akin kaya nginitian ko nalang ito.
Naabot ko na ang quarantine pass at doon ko ito ibinulsa.
Nakangiti lang akong pang inis kay Mama habang humahakbang papalapit doon sa lamesang may nakapatong na basket na punong-puno ng mga prutas.
Pagkalapit ko doon sa lamesa ay kinuha ko ang listahan ng aking bibilhin sa labas.
“Wag kanang bumili ng mga prutas dahil madami pa naman diyan, bumili kanalang ng dalawang kilong ubas sa palengke dahil ubos niyo na ni Princess” wika ni Mama sa akin habang nasa loob siya ng kubeta.
Tumango naman ako sa sinabi ni Mama habang pinapasadahan ng tingin ang listahan.
“Karne,gulay at ubas lang ang bibilhin mo sa palengke Nathaniel ha” habilin sa akin ni Mama.
“Opo” malambing tugon ko naman sa kanya at doon na ibinulsa ang listahan.
Nakangiti naman akong bumaling kay Mama at doon humakbang papalapit sa kubeta.
“Wag na kung saan pupunta pa Nathaniel ha, hindi pa tapos ang quarantine kaya hindi ka pa pwedeng mag lakwatsa tulad ng ginagawa mo dati” malambing na habilin sa akin ni Mama ng makalapit ako doon sa pwesto nila.
“Yes mother earth” nakangiti kong tugon sa kanya bago ko siya ginawaran ng halik sa pisngi.
“Bango ha! Baka naman mag boy-boys hunt ka naman sa palengke!? Nako Nathaniel! Malilintikan ka talaga sa Papa mo! Mapipilitan na naman yung umuwi ng Dubai kapag nalaman niyang nag lalandi ka uli! Nako tigilan ha! Tigilan” nakangiting pang-aasar sa akin ni Mama na ikinatawa ko lang.
“Ku-kuya Nat” nakangiti lang ako kay Mama ng marinig kong nagsalita si Princess.
Kaya naman pala mabaho dahil nandito ako sa loob ng kubeta.
Binalingan ko ng tingin si Princess na matamis ang pagkakangiti sa akin.
“Ang stinky Princess! Iwi ang baho!” nakangiti kong wika sa kanya at doon ginulo ang Dora style niyang buhok.
“Ku-kuya Nat yung milk ko po wag mong iwanan” nakangiti nitong habilin sa akin.
“Yes Princess” nakangiti kong tugon sa kanya bago ulit nagsalita si Mama.
“Siya bilisan mo na! Anong oras na oh?” pagmamadali sa akin ni Mama kaya lumabas na ako ng banyo.
“Teka lang naman Ma! Ang aga-aga pa oh!” itinuro ko pa sa kanya ang malaking orasan na nasa ibabaw ng ref.
“Basta bilis na! Wag nang madaming dada! Yung susi ng kotse nandoon sa ibabaw ng cabinet sa kwarto namin kunin mo na bilisan mo!” dahil sa pagmamadali ni Mama ay dali-dali na akong kumilos para kuhanin ang dapat kuhanin.
Dahil sa bilis ng aking pagkilos ay nakita ko nalang ang aking sarili na nasa loob ng aming kotse.
Nakasuot ako ng puting mask dahil baka hulihin ako sa check point mamaya doon sa barangay.
Napaka-higpit ng patakaran dito sa lugar namin dahil sa virus na kumakalat.
Covid nineteen! fuck you!
Mahigpit dahil consistent ang pagiging Covid free dito sa aming lugar, sa buong Rizal yata ay kaming mga taga Pililla ang walang naitalang cases sa loob ng dalawang buwan.
Isinaksak ko na ang susi ng kotse sa saksakan at doon ini-start ang makina.
Seryoso lang ang aking mukha ng buhayin ko ang stereo ng sasakayan at doon ikinonek sa aking cellphone para magpatugtog ng Ben and Ben songs.
Nang magsimulang tumugtog ang indak ng kanta ay doon ko na pinaandar ang aming sasakyan palabas sa garahe ng bahay.
Tulad ng sabi ko ay ako ang chosen one sa buong quarantine period, ako ang alay!
Sabagay kahit hindi naman quarantine period ay ako ang kadalasang namamalengke ng aming mga kinakain sa pang araw-araw.
Tatlo lang kami sa bahay dahil si Papa Lester ay isang engineer doon sa Dubai at siya ang nagpatayo ng aming tinutuluyan dito sa Pililla.
Gusto ni Papa na doon nalang kami manirahan sa Dubai pero malaki ang pagtanggi ni Mama doon.
Nagpapasalamat ako kila Mama at Papa dahil hindi sila nag-sasawang suportahan ako sa mga gustuhin ko.
Hindi sila nagsasawang suportahan kami ni Princess kahit na parehas kaming makukulit.
Hindi kami spoiled brat ng kapatid kong si Princess dahil may proper guide si Mama Ruth sa aming dalawa
“kung anong nakahanda yun ang kakainin”
’yang mga katagang iyan ang dala-dala ko sa loob ng labing isang taon kong pamumuhay dito sa mundo.
Ako si Nathaniel Guerero David at kaka-twenty one ko lang nung isang buwan.
Sa bahay kami nag daos ng mga kaibigan at kaklase ko ng aking debut dahil hindi naman kami mga Pulis para mag karoon ng mañanita o salo-salo ng sama-sama.
Hindi kami mga pasaway na Pulis.
Social distancing po tayo social distancing kaya through video call ako nag daos ng bente uno kong kaarawan.
Five’seven ang taas ko at mas matangkad pa ’ata ako kay Mama.
Sa Eulji University of the Philippines Quezon City campus ako nag aaral kaya bago palang mag karoon ng Enhance Community Quarantine noong March ay nag byahe na ako pauwi dito sa probinsya ng Rizal sa Pililla.
Mahirap na kung doon ako aabutin ng lockdown sa Quezon City, nag dodo-dorm lang kasi ako at hindi ko masyadong ka-close ang mga kasama ko doon.
Mahilig ako sa music lalo na sa mga banda tulad ng Ben and Ben and every concert at live shows nila dito sa Pilipinas ay pinupuntahan ko dahil para silang oxygen sa akin, hindi ko alam kung mabubuhay ako kung hindi ako nakakarinig ng kanta nila.
Para kasing may spell yung mga bawat linya ng kanta nila na nag papa-hypnotize sa akin, the best of the best sila!
Wala akong sports dahil ayaw na ayaw kong pagpapawisan, madalas ang kaharap ko ay mga libro at laptop.
Kung hahanapin mo naman ako sa university tiyak na sa library mo lang ako makikita.
I do tutor sa mga gustong magpaturo sakin and it’s all free!
Basta okay na sakin yung galaxy chocolate! okay na okay na sakin yun! pero kung wala ka namang budget ay masarap yung japanese cake doon sa labas ng university na three pesos isa.
At kung hindi niyo mamasamain ako nga pala ang Mister Education ng aming department sa taong ito.
Isa na din sa dahilan kung bakit madami akong tutor student na tinuturan, kadalasan mga senior high school.
Hashtag bagets!
Nakita ko nalang ang sarili ko sa parking lot ng palengke habang ipinaparada ang gray na kotse, pinatay ko na ang stereo dahil tapos na din naman ang tugtog.
ㅡㅡㅡ
Katatapos ko lang bilhin ang mga nasa listahan ni Mama at inabot ako ng mahigit dalawang oras sa pamimili, nauna muna ako sa palengke sumunod dito sa mall.
Nasa compartment na lahat ang mga pinamili ko para hindi ako mahirapang magbitbit.
Isa na din sa dahilan kung bakit masaya akong chosen one dahil bukas ang vinyl store dito sa mall.
Naglabas na din kasi ang Ben and Ben ng kanilang vinyl tape nationwide kaya isa ako sa mga mapapalad na bibili ng ganitong bagay.
Para akong tangang nakatingala sa malaking sign ng store…
“The Blue Market Records”
pagbasa ko doon sa sign.
Nakasuot sa akin ang itim na string bag na bigay sa akin ni Papa na naglalaman ng aking personal na wallet at isa pang wallet na naglalaman ng pera at dito ko din isisilid ang vinyl na bibilihin ko mamaya.
Hindi na ako nag aksaya ng oras at humakbang na ako papasok sa loob ng nasabing store at ng makatapak ako sa loob ay para akong nasa langit dahil sa sumalubong sa’king musika.
Bukod sa mga opm ay mahilig din ako sa mga old songs, ika nga ni Mama isa daw akong old souls.
Mahilig ako sa mga kanta nila McCartney, nila Elvis Presley, Frank Sinatra, Jack Bruce at iba pa, ngayon nga at paborito kong kanta ni Frank Sinata ang tumutugtog sa buong store ang My Way.
Hindi ko alam kung bakit may legend akong naririnig na kapag kinakanta mo ito sa mga videoke ay papatayin ka, narinig niyo na din ba yun?
Hays nevermind!
Walang masyadong tao dito sa loob ng store maliban doon sa isang lalaking nakatalikod mula sa akin na may kausap na isang empleyado.
Tila parehas pa kami ng suot dahil naka white shirt, black pants at may suot-suot din siyang black na string bag sa likuran.
Nakatingin lang ako doon ng mapa igtad ako sa nagsalita.
“Hi sir! Good afternoon what can I help you?” tila ako’y nasa fast food chain dahil sa lalaking tumawag sa aking pansin.
“Ahm…ah…eh” hindi ko alam kung bakit doon ako tumitingin sa lalaki na ngayon ay naka upo na sa gray na sofa doon sa waiting area, hindi ko makita ang mukha niya dahil naka sumbrelo ito at naka suot ng mask.
“Sir?” muli akong napaigtad dahil sa pagtawag na iyon.
“Mag ayos ka nga Nathaniel! Mag ayos ka! Wag lumandi! Papagalitan ka ni Papa!” pagkausap ko sa aking sarili bago balingan ng tingin yung matabang lalaki.
“What can I help you sir?” alam kong nakangiti ang lalaking ito kahit na naka suot siya ng mask.
“May vinyl na po kayo ng Ben and Ben?” nakangiti ko ding tugon sa kanya kahit na naka suot din ako ng mask.
“Yes sir! Swerte niyo po dahil iisa nalang ang stock namin, kahit quarantine po may mga dumadayo dito sa amin” paglalahad niya sa akin.
Matapos ang ilang discussion ay nag fill up lang ako ng isang papel para orderin yung vinyl ng Ben and Ben.
Ngayon nga ay naka upo na ako sa sofa dito waiting area para tawagin ang pangalan ko, hawak-hawak ko na din ang itim kong wallet na naglalaman ng pera.
Yung lalaki kanina ay nakatayo ulit doon sa istante ng store sa harapan ko dahil kinukuha niya din yata ang inorder niyang vinyl, iniwan niya yung bag niya dito sa sofa katabi ko.
Busog na busog ang mata ko sa buong paligid dahil sa mga vinyl na naka desenyo, masayang-masaya din ang aking tenga dahil sa tugtog na umaalingawngaw sa buong store.
Hindi ko mapigilang mapangiti dahil para akong nasa langit.
I feel like I’m home.
“Sir Nathaniel David?” muli na naman akong napaigtad sa pagtawag sa akin.
Kape pa.
Napabaling ako doon sa lalaki na kumakausap sa akin kanina at literal na naglakihan ang aking mata dahil sa hawak-hawak nito.
Ang vinyl ng Ben and Ben!
“Yes po?” hinubad ko ang pagkakasukbit ng string bag at doon iniwan sa sofa.
Dali-dali na akong humakbang papalapit doon sa istante para kuhanin ang vinyl, nakasalubong ko pa yung isang lalaki na sa hindi ko inaasahan ay nakita kong vinyl din ng Ben and Ben ang kapit-kapit niya.
Hindi ko na iyon pinansin at tinumbok ko na ng mabilis ang istante para doon bayaran ang aking binili.
“Vinyl player sir, baka po gusto niyong mag avail?” wika nito sa akin habang binubuksan ko ang aking wallet.
“Meron na po ako eh” tugon ko naman sa kanya.
“Okay sir” huling wika niya bago ko iabot ang pera sa kanya.
“I receive one thousand five hundred sir” muli niyang pagwika at tumango naman ako “Ito na po sir” aktong ilalahad niya ang vinyl sa akin ng biglang tumunog ang aking cellphone na nasa bulsa.
“Wait po” wika ko sa kanya bago ko kuhanin ang aking cellphone.
“Sure sir” tugon nito sa akin matapos kong makuha ang phone.
‘Mother earth is calling’ iyan ang naka-rehistro sa aking telepono.
“Wait lang po ha” pagbaling ko sa empleyado at kita ko naman itong tumango bilang tugon.
Tumalikod ako sa kanya bago ko sinagot ang tawag at itinapat sa aking kaliwang tenga.
“Hello? Nathaniel anak!? nasaan ka’na?” bungad ni Mama ngunit hindi ko iyon naintindihan dahil napabaling ang aking tingin doon sa lalaki kanina na ngayon ay papalabas na ng store.
‘Ano kayang name niya?’ pagtatanong ng maharot kong isipan.
“Nathaniel anak! Nasaan kana!?” napailing ako ng magtaas si Mama ng boses.
“Hello Ma” pagbaling ko na sa tawag.
“Nasaan kana Nathaniel!? nako jusko ha wag na wag kong malalaman na lumalandi ka! Quarantine ngayon jusko ka palipasin mo muna ang quarantine sinasabi ko sayo!” hindi ko maintindihan kung anong sinasabi ni Mama.
“Opo Ma, nandito ako sa vinyl store pauwi na din ako may binibili lang” tugon ko sa kanya.
“Siya sige-sige! Dumaan ka muna sa bakery shop at itong kapatid mo’y naglilihi na naman sa ube pandesal” wika sa akin ni Mama.
“Opo Ma, sige na pauwi na po ako” huli kong tugon bago ko pinatay ang tawag.
Dali-dali na akong humarap doon sa lalaki bago kuhanin ang vinyl na aking binili.
“Thank you sir” pasasalamat nito sa akin na tinanguan ko bilang tugon.
Dali-dali na akong humakbang papunta doon sa waiting area na kinauupuan ko kanina at ng makarating ako doon ay mabilis ko ng isinilid ang vinyl sa aking string bag bago ko lisanin ang ‘The Blue Market Record’.
ㅡㅡㅡ
Alas syete na ng gabi at mag isa lang ako dito sa loob ng aking kwarto, naka upo sa upuan habang nakaharap sa laptop na nakapatong sa study table at kumakain ng ube cheese pandesal.
Kung papasok ka sa loob ng kwarto ko ay hindi mo na gugustuhin pang lumabas dito dahil may sariling mini ref, comfort room, sariling tv at iba pa.
Bukod sa pagiging melophile isa din akong selenophile kaya may makikita ka dito sa aking kwarto na tatlong moon lamp na naka desenyo sa bawat gilid.
Pinapalibutan din ng mga strap light ang aking kisame na nakakadagdag sa ganda ng aking kwarto.
“Thank you tutor Nat!”
“Salamat po tutor Nat!”
“You’re welcome!” tugon ko sa kanila at muling kumagat ng ube cheese pandesal.
Nakaharap ako sa aking laptop dahil may mga babaeng senior high na katatapos lang mag pa tutor sa akin, nag post kasi ako sa facebook na kung sinong gustong mag patutor ay i-chat lang ako para ma schedule.
“Next Monday na ulit ang schedule niyo, thank you” nakangiti kong wika sa kanila bago ko patayin ang video conference namin.
Everyday may tatlo or dalawang estudyante akong tinuturuan gabi-gabi.
Hindi ako napapagod dahil passion at kagustuhan ko ito, hindi ka mapapagod sa isang bagay na gustong-gusto mong gawin.
Nang matapos ang video call na iyon ay nagbukas muna ako ng aking facebook dahil baka may mga bago akong estudyanteng tuturuan.
“Nathaniel! Kakain na!” rinig kong sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto.
“Opo! Saglit lang!” tugon ko sa kanya habang nag checheck na ako ng mga notifications.
Nasa isang daan ang notifications ko at puro comment iyon mula doon sa post ko nung isang linggo pa.
Pinindot ko iyong post na iyon at muling binasa ang aking pinost.
“Hi guys! Para sa mga bored at walang magawa sa bahay free ako para mag tutor ng ilang mga lessons specially sa English at Filipino - leave me a private message para maayos natin yung schedule niyo. Thank you in advance! “
Nag scroll ako pababa para muling basahin ang mga comment mula sa aking post.
“Teacher Nat pwede niyo po akong turuan sumayaw?”
“Nathaniel ilakad mo ako sa mga magaganda mong student?”
“Nat turuan mo akong kumain ng talong”
“Sana all teacher”
“Sana all magaling kumanta ang teacher”
Comments mula sa mga tarantado mga gago kong kaibigan at kaklase.
May ilang mga comments din mula sa mga senior high school na babae na tila kinikilig pa dahil puro hearts ang kanilang comment.
Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa mga nakakatuwang comment at suporta ang aking natatanggap.
Tuloy lang ako sa pagbabasa ng mapatigil ako sa isang komento.
Napataas ang aking kilay dahil sa kanyang comment na iniwan sa aking post.
Three minutes ago lang iyon pero nakatanggap na agad ng labing limang reaction mula sa mga taong hindi ko kilala.
Nakapublic kasi ang post kong iyon kaya nakikita din siya ng ibang tao dito sa facebook.
“Hi! Pwede mo ba akong turuan sa kama?”
pagbasa ko sa comment na iniwan niya.
“Sino ’to?” nag aalinlangan kong santinig at doon binasa ang mga reply sa kanyang comment.
“Gago ka Kokoy! Kung ano-anong sinasabi mo diyan!”
“Kokoy kilala mo si Nathaniel?”
“Tarantado ka pre! Umabot kana sa kabilang campus! Walang-wala na ba?”
“Napaka kengkoy mo talaga Kokoy! Gago ka!”
Iyan ang mga reply ng mga hindi ko kilalang nilalang mula doon sa kabastusan niyang comment.
“Parang tanga” inis kong turan bago ako nag react ng angry sa kanyang comment.
Hindi ko naman siya kilala para mag comment ng ganoong kabastusan!
Dahil sa hindi ko alam na kadahilang ay pinindot ko ang pangalan niya para doon bisitahin ang kanyang profile at timeline.
“Kokoy Buenaobra Broilette” pagbasa ko sa yayamanin niyang pangalan.
“Ganda ng name pang mayaman” santinig ko bago pindutin ang kanyang profile picture.
At sa muling hindi malamang kadahilanan ay napa lunok ako ng mga dalawang beses.
“Model?” wika ko habang tinitingnan pa ang iba niyang profile picture.
“Nathaniel! Kakain na! Bilisan mo na diyan!” rinig ko mula dito ang muling pagtawag sa akin ni Mama.
“Opo wait lang!” tugon ko sa kanya bago ko inexit ang kanyang profile picture para muling tingnan ang kanyang timeline.
“Kung gaano kaganda ang itsura ganoon naman kabastos” inis kong wika matapos kong makita ang mga larawan nito.
“Studied Architect at Eulji University of the Philippines - Manila, hmm? Sa kabilang campus pala siya nag aaral” tumatango-tango pa ako habang binabasa ang kanyang profile.
“Went to Sylvestre Academy” muli kong pagbasa dito.
“From Quezon City?” pagtatanong ko sa aking sarili ng mabasa ko kung saan siya nakatira.
Ilang minuto ko pang binabasa ang kanyang profile ng makita kong naka friend request pala siya sa akin at sa muling hindi malamang kadahilanan ay pinindot ko ang confirm.
“Kokoy Buenaobra Broilette request accepted” para akong tanga na binabasa pa ang mga salitang iyon.
“Nathaniel ano ba!? kakain ka ba o hindi!?” muli na namag pagtawag sa akin ni Mama.
Lumingin ako paharap sa pintuan at doon nag wika “Wait lang kasi Ma! May student pa po ako!” tugon ko kay Mama at muling bumaling sa aking laptop.
Tumunog kasi ito tanda ng may nag chat.
“Sino ’to?” wika ko sa aking sarili bago tiningnan ng mabuti kung sinong nag message sa akin.
Literal na nagtaasan ang aking balahibo dahil sa natanggap kong mensahe.
“Vidjakol?” nandidiri kong pagbasa mula sa mensahe ng gagong si Kokoy Buenaobra Broilette.
Hindi pa iyon natatapos dahil kita kong nag tatype pa siya tanda ng may sasabihin pa ito.
Nang matapos ang typing na iyon ay muli kong binasa ang message niya sa akin.
“Libre ka ba? Jakolan tayo gusto mo? No face okay lang, malaki ba ’yan?” nandidiri ko muling pagbasa sa mensahe niya akin.
Shete?
Sino ’to?
Naglalakihan ang aking mga mata dahil sa message na iyon.
Dahil sa inis at pandidiri ay papatayin ko na sana ang laptop ng muli siyang nag message sa akin.
“Sagutin mo call ko vidjakol tayo o kaya sop? Usto mo yon?” muli kong pagbasa sa kanyang mensahe.
Bastos putaragis!
Mabilis kong inilahad ang aking kamay sa keyboard at doon nag type ng aking reply sa kanya.
Pagkatapos kong mag type ay mabilis ko ding sinend sa kanya ang aking reply…
… “Hmp! Psycho! tarantado! gago!” iyan ang aking reply sa kabastusan niya.
ㅡㅡㅡㅡㅡ
Chapter 2 - truth or dare
ㅡㅡㅡㅡㅡ
Kokoy’s POV:
“Wala na! baka kung ano-ano ng iniisip nung tao sakin!” inis na inis kong wika sa harapan ng aking laptop.
Napapasabunot pa ako sa aking buhok dahil sa frustration na aking nararamdaman.
“Aba siyempre! dapat lang na mag isip siya ng kung ano-ano, sino ba namang matinong nilalang ang mag me-message ng ganung kabastusan?” pang aasar ni Brent sa akin at nagawa pa akong bigyan ng dirty finger.
Kung nasa tabi ko lang itong lalaking ito ay nakatikim na siya sakin ng sapak.
“Fuck!” pagmumura ko sa harapan nila “Eh sino ba naman kasing gago ang mag uutos ng ganoon ha?!” patukoy ko sa isa pang ulupong na naka flash sa screen ng aking laptop.
Nasa kanang bahagi ng screen si Brent samantalang nasa kaliwa naman ang isa, naka video conference kami.
“Wala akong alam diyan ha, hindi ako nag utos ng ganoon Kokoy trust me!” pag tanggi nito sa katotohanan habang busy siya sa panonood sa kanyang cellphone.
“Tatanggi ka pa! Eh ikaw nga ang promotor ng kagaguhan natin nung isang araw!” inis na inis kong wika sa kanya sa harapan ng screen.
“Alam mo Dick kasing baho talaga ng tite mo ’yang ugali mo!” dahil sa inis na nararamdaman ko ay kung ano-ano ng nasasabi ko sa kanya.
Kita kong itinigil niya ang panonood sa kanyang phone na alam kong isa yung porn dahil rinig namin ang pag ungol dito, itinigil niya muna ang panonood bago humarap sa kanyang camera.
“Hoy Kokoy! Oo ako nga ang promotor! Pero sino bang sumunod sa utos ha?! sino bang ginusto na i-message mo siya ganun?! sino bang sineryoso yung dare na binigay sa kanya ha!? tarantado to! Pati bago ka magsalita diyan amuyin mo muna ’yang sarili mong tite dahil baka mas mabaho pa ’yan sakin!” sunod-sunod na pagmumura at pagsigaw sa akin ni Dick bago siya muling bumalik sa panonood ng porn.
“Fuck you! Tangina mo talaga Dick! Mukha kang uten!” malaswang pagmumura ko sa kanya.
Walang ibang ginawa si Brent kundi ang tawanan kaming dalawa ni Dick sa aming diskusyon.
“Alam ko tangina ka! Pati wag ka ngang maingay iniistorbo mo sa pagbabasa si Samuel!” patukoy pa nito sa isa naming kasamahan na nasa gitnang bahagi ng screen.
Kaya napatingin ako sa pwesto ni Samuel na busy sa pag babasa libro.
“Samuel thank you nga pala doon sa address na binigay mo, sobrang laki ng tulong mo sa akin thank you sobra thank you!” nakangiti kong pasasalamat kay Samuel at binigyan pa siya ng limang flying kiss kahit na hindi naman ito nakatingin sa camera.
Hinihintay kong tumingin si Samuel sa camera para mapakinggan ang kanyang tugon.
Dahan-dahan siyang humarap sa kanyang camera at doon nagsalita ng walang kagana-gana.
“Sa pinsan ko ikaw mag pasalamat Koy, pasalamat ka dahil kaibigan niya yung tao” walang buhay nitong tugon na ikinangiti ko na lamang.
“Kaninong address Kokoy?” nakangiting pagtatanong ni Brent sa akin kaya binalingan ko ito ng tingin.
Nginitian ko naman siya ng may kahulugan “Alam mo na kung kanino Brent” tugon ko dito habang nagtataas baba ng kilay.
“Hmmm… I see, tama nga yang ginawa mo para makabawi ka doon sa tao” nakangiti nitong pag sang-ayon sa akin.
“Thank you Brent, Thank you Samuel” makahulugan kong pang-aasar sa isang ulupong.
Kita kong muli ang pagtigil nito sa panonood ng porn.
“Ako hindi mo ba pasasalamatan?” wika ni Dick na ikinatawa ni Brent.
“Bakit naman kita papasalamatan? Eh ikaw nga ang dahilan kung bakit bad shot at dalawang araw na akong hindi pinapansin nung tao! Tinawag pa nga akong psycho nung isang araw at ilang beses kong chinachat pero hindi naman ako pinapansin!” tuloy-tuloy kong wika sa kanya na ikinatawa lang nito.
“Gago ka pala Kokoy eh! Kung hindi tayo nag laro ng truth or dare nung isang araw edi walang first move na mangyayari! Tama ba ako Samuel?” humanap pa ito ng kakampi.
“Dick is right Kokoy” gulat naman ako ng sumabat si Samuel sa aming usapan.
“Hoy! Sam! Akala ko ba ako ang kakampi mo ha!?” inis kong pagbaling sa kanya at doon ko ito nakitang bumalik ng tingin sa kanyang pagbabasa.
“Tama si Dick Kokoy” gulat din akong bumaling kay Brent ng kampihan niya din ang nag sasalitang tite.
“Brent? Pati ba naman ikaw!?” inis kong turan sa kanya na tinawanan lang ako.
“Kokoy tama si Dick dahil kung hindi ka pa niya binigyan ng dare nung isang araw ay hindi ka magkukusang mag first move, diba matagal mo na din siyang hinahanap? Mag mula pa noong nag pu—”
“Ewan ko sa inyo! Pinag kakaisahan niyo ako! Mga gago kayo!” pagputol ko sa sinasabi ni Brent.
Naka flash sa screen ng aking laptop ang tatlo kong mga gagong kaibigan.
Si Brent Fernandez na walang ibang alam kundi ang pag a-adik sa basketball na siya din ang naging tulay kung bakit ako napasama sa kanilang team.
MVP ang gagong ito sa university namin kung kaya’t lapitin siya ng mga girls and gays, siya din ang tinatawag na chickboy sa aming samahan.
Si Dick Sorerra Junior na puro kalaswaan ang alam sa isipan na nag pa intindi sakin ng mga makamundong bagay tulad ng bdsm,bondage,fisting at iba pang mga erotic exercises.
Kabaliktaran ng pangalan niyang Dick Junior ay hindi mo aakalain na isa siyang loyal sa kanyang girlfriend. Kung titingnan mo ang asta ni Dick ay sasabihin mong isa siyang fuckboy na manloloko pero kabaliktaran iyon dahil siya pa yung niloloko ng mga naging girlfriends niya dati.
Kaya siya ang tinatawag na loyal na fuck boy sa aming grupo.
Si Samuel Tolentino naman ang pinaka matalino sa aming grupo, siya ang aming lakas pag dating sa mga homeworks at projects. Bibihira mo lang siyang makakausap dahil libro at laptop lang ang palagi niyang kaharap.
Pero wag mo siyang mamaliitin dahil maniwala ka sa salitang silent killer , girlfriend ni Samuel yung model sa Nursing Department na pinaglalawayan at pinag aagawan ng mga kalalakihan sa loob at labas ng university.
Kahit ako ay nagagandahan sa babaeng iyon, ngunit ng malaman kong pag mamay-ari na siya ni Samuel ay itinigil ko na.
Ako?
Ako naman si Kokoy Broilette sabi nila ako daw ang kolokoy at kengkoy sa aming grupo. Kung tatanungin mo yung mga nakakakilala sa amin kung sinong pinaka gwapo at angat sa grupo ay wala silang ibang babanggiting pangalan kundi si Kokoy.
Hindi ko nalang pinapansin ang mga papuring iyon dahil kung ako nga ay angat sa kanilang paningin ay kabaliktaran naman kung paano ako nila tratuhin.
Tinatrato nila akong tatlo na parang bata at may kapansanan, labis ang kanilang ginagawang pag aalala sa tuwing ako ay may kakaibang nararamdaman.
“Nag iingat lang kami”
“Baka pagalitan kami ni Tito”
“Habilin sa amin ito ni Tito, kaya wag kanang tumanggi”
Ang mga salitang iyan ang sinasabi nila sa akin tuwing may kakaiba akong ginagawa lalo na kapag sobra ang pawis sa aking katawan.
Madami akong gustong gawin sa buhay tulad ng manood ng iba’t-ibang movies mahilig ako mag netflix and chill, mahilig akong makinig ng mga music, I love hiking and star gazing lalo na sa bundok nila Lolo Densyo.
Madami akong alam na sports pero kadalasan swimming at basketball ang ginagawa ko, I’m a good cook too natuto ako dahil iyon kay Papi.
I love sweets tulad ng chocolate moist cake, red velvet at ube cheese cake kaya ganoon nalang din ako natutong mag bake ng mga pastry.
Adventurous daw ako sabi nila Papi, pero alam niyo ba?
Sa dami ng mga gusto kong gawin sa buhay ay ganoon din kadami ang mga hindi pwede, nagagawa ko naman sila pero may mga limitations at break time ang kailangan kong gawin.
Tulad nalang kapag mag lalalaro ako ng basketball dahil kadalasan butas banko ako sa grupo, hindi sa hindi ako magaling maglaro pero bawal sa akin ang magtagal sa loob ng court.
Palaging naka bantay si Samuel sakin kapag may kung ano akong nararamdaman kapag nasa laro kami.
“Bahala kayo diyan! Pinagkaka-isahan niyo akong tatlo!” inis kong baling sa screen ng aking laptop patukoy sa tatlong gago.
Pare-parehas na Architect ang aming kurso sa Eulji University of the Philippines Manila campus at nasa ikalawang taon na kami.
“Hindi ka namin pinagkaka-isahan, sinasabi lang namin yung katotohanan” gatong ni Dick sa akin.
Galit na galit ako sa titeng ito mag mula pa nung isang araw dahil sa ibinigay niyang dare na naging dahilan kung bakit ako na bad shot doon sa tao.
Sino ’ba naman kasing hindi susunod kung ang parusa ay ikakalat ang nude photos ng bawat isa sa internet, wag na kayong magtaka kung bakit may mga larawan kaming ganoon na kaming apat lang ang nakaka alam.
“Awit talaga sayo inyo pinagkakaisahan niyo ako” pagtatampo ko muling wika sa harapan nila.
Pagtawa lang ang itinutugon ni Brent at Dick sa akin samantalang si Samuel naman ay tila walang pakialam at tuloy parin sa pagbabasa.
“Oo na, awit na kung awit” pag awit ni Brent at binigyan ko nalang ito ng dirty finger.
“Bahala kayo! Hindi na kayo makakatikim ng luto ni Papi! Sige pag kaisahan niyo ako mga gago kayo!” pananakot ko sa kanila na tumalab naman dahil sabay-sabay silang tatlong sumigaw sa akin.
“Gago joke lang Koy!” si Brent.
“Oo na! Ako na ang mali Kokoy! Ako na ang mali! Pero wala namang gamitan ng tatay! Alam mo namang diyan lang kami nakakatikim ng masarap na lutong bahay!” si Dick.
“Kokoy sayo ako kampi ha, gago kasi ’tong si Dick eh mukhang tite!” si Samuel.
Close kasi itong tatlo kay Papi at ganoon din naman siya, lunod na lunod kasi si Papi sa mga papuri tuwing pinag luluto niya ng pagkain itong tatlo kapag pumupunta sila dati dito sa bahay.
Pinagluto pa sila ni Papi noon ng caldreta bago magkaroon ng lock down.
“Ge! Bahala kayo diyan! Isusumbong ko kayo!” tila bata akong tinatakot sila at ganoon nalang aking pagtawa.
Ganoon nalang ang ginawa nilang pag sigaw sa akin na wari’y pinipigilan nila ako sa gusto kong gawin.
“Koy! May suggestion ako!” napatigil kaming tatlo sa tawanan ng mag salita si Brent.
“Ano yun?” nakangiti ko namang tugon sa kanya.
“Diba tutor si Nathaniel?” pagtatanong nito sa akin na ikinatango ko naman.
“Oo, bakit?” tugon ko at doon hinintay ang kanyang sasabihin.
“Bakit hindi mo subukang mag pa tutor sa kanya” suhestiyon nito sa akin at doon nagsalita si Samuel.
“Oo nga Koy, everyday nights may tutor class siya sa mga senior high at sa ibang colleges” paglalahad ni Sam.
“I know, I know” tugon ko sa kanilang dalawa “Ano namang lesson ang ipapaturo ko sa kanya?” pagtatanong ko dito.
Kita kong ngumiti si Dick bago nagsalita “English! Mag paturo ka ng English!” suhestiyon niya.
“Anong akala mo sakin hindi marunong mag English?” pagmamayabang ko dito “Ikaw nalang kaya magpaturo ng English Dick since palagi kang lumalapit kay google translator” panunuya ko sa kanya na ikinatawa ng dalawa.
“Gago! Pero kung ayaw mo ng English edi ibang exercises!” muli na naman nitong suhestyon.
“Ano namang exercises?” turan ko kay Dick.
“Edi mga erotical exercises! Mag paturo ka sa kanya kung paano mag foreplay tapos pwede ding kung paano mag finger ta—”
“Eh kung ikaw kaya ang fingerin ko diyan!?” inis kong pagputol sa mga kabastusan niya na muling ikinatawa ng dalawa.
“Diyan na nga kayo! Wala kang magandang dulot Dick!” dahil sa inis ay sinarado ko na ang aking laptop.
“Hays!” tila frustrated kong wika at napasabunot pa ako sa aking buhok “Ang tanga-tanga mo Kokoy! Ang tanga-tanga mo!” napapikit pa ako dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko.
May mga bagay talaga tayong nagagawa na pinagsisisihan natin sa huli.
Tulad nalang ng pagsunod ko sa dare ni Dick, pinagsisisihan ko iyon dahil dalawang araw na niya akong hindi pinapansin.
Hindi pa nga ako nakakapag-pakilala ng maayos tapos ganoon nalang ang nangyari? Baka kung ano-anong isipin niya sakin!
“Baka isipin niya na rapist ako!”
“Baka isipin niya na manyak ako!”
“Baka isipin niya na ano, na…na ano basta! Ahh! Tangina mo Dick!” tila nababaliw kong pag kausap sa akin bago ako makarinig ng pagkatok sa aking pinto.
“Koy! Kokoy!” pagtawag mula sa labas habang patuloy na kumakatok.
Pinaikot ko ang swivel chair paharap sa pintuan “Kuya bakit?!” tugon ko habang nakatingin sa pinto.
“Si Papi tumatawag, bumaba ka muna!” wika ni Kuya Ernest ng marinig kong papalayo na ito.
“Sige Kuya sandali lang!” tugon ko bago tumayo sa upuan at tinumbok ang walking closet sa aking kwarto.
Puro pang lalaki ang makikita mo dito sa loob ng aking kwarto, puro figurines at collections ng laruan sa mga movies at series na aking napapanood tulad nalang ng Star Wars, Harry Potter,Marvels, Avengers at iba pa.
May dalawang gitara din ako dito sa kwarto na madalas kong gamitin tuwing kakantahan ko si Papi.
May isang parte din sa dingding ng aking kwarto na puro larawan na kuha ko mula sa iba’t-ibang tao. Mahilig ako sa photography lalo na kapag mga nature at stolen shots ang aking kukuhanan.
Mayroon akong isang shot na pinaka paborito sa lahat, pina-frame ko pa iyon dahil napaka espesyal sa akin ng larawang iyon.
Nag suot lang ako ng gray shirt bago tuluyang bumaba sa unang palapag ng aming bahay.
Doon ko nakita si Kuya Ernest na nanonood ng balita habang nakapatong sa binti niya ang laptop na naka flash sa screen ang mukha ni Papi.
Video call not vidjakol.
Mabilis akong tumabi kay Kuya Ernest at doon ko kinuha ang laptop sa kanyang binti.
“Hi Papi!” masigla kong pagbati sa aking Papi at doon pa kumaway sa kanya.
“Hello Baby Boy!” nakangiting pagbati ni Papi sa akin taliwas sa aking edad.
Baby boy parin ang tawag niya sakin sa loob ng sampung taon.
“Anong ginagawa mo Papi? Nasaan ka po? Si Daddy nasaan?” sunod-sunod kong pagtatanong sa kanya.
Bago ko marinig ang sagot ni Papi ay napatingin muna ako sa telebisyon dahil doon ipinapakita ang mga head lines sa tanghaling ito.
“Kanlaon Volcano alert level one up”
“Dalawang milyong bagong sanggol ang inaasahang ipapanganak sa susunod na taon”
“Caller na nakahiga lang, nakatanggap ng twenty thousand sa Tutok to Winit”
“Buti nalang hindi ko natapakan video ng isang batang babae, trending ngayon sa social media!”
“President Romano Dutertle Wang says, If there is anybody who wants to be out and enjoy and live life normally, it’s me. I don’t like this lockdown… I hate it”
“Over thirty two thousands confirmed cases. Expect Covid-Nineteen cases to continue to rise in the Philippines, with easing of restrictions and increase in testing capacity, the health department says”
Pagkatapos kong marinig yung mga headlines ng balita ay muli kong binalingan si Papi sa screen ng laptop.
Nakangiti lang ito bago sumagot sa tanong ko kanina “Nandito ako sa Doctors Room nag papahinga lang ako sandali ang sakit na kasi ng likod ko nangangalay na, si Daddy mo naman nandoon pa sa Immunology Department nag aasikaso pa ng mga covid patient” tugon ni Papi.
Hindi ko mapigilang malungkot dahil sa ibinalita ni Papi sa akin, pagod na pagod na silang dalawa ni Daddy sa trabaho.
“Don’t worry Baby Boy kaya naman namin ni Daddy mo, konting pahinga lang ayos na” batid siguro ni Papi na nalulungkot ako.
“I love you Papi always take care and rest ha, kayong dalawa ni Daddy ay matanda na kaya kailangan niyo ng sapat na pahinga” sweet at mula sa puso kong wika kay Papi.
Papi and Daddy is in mid forty’s na and they are so cool together dahil parehas silang matatag at malakas.
They are both gay and I love them so much, they are both professional Neurosurgeon Doctors sa sarili nilang ospital kaya ganoon nalang ang malaking suporta nila saming dalawa ni Kuya Ernest.
Hindi ko sila kadugo dahil inampon nila ako ten years ago at hinding-hindi ko pinagsisihan na sumama sa kanila.
“Do you have a new bruises sabi sakin ng Kuya mo” pag aalalang wika sa akin ni Papi at napatango naman ako.
“Nahulog kasi ako kagabi sa higaan, Papi” tugon ko naman bago ngumiti sa kanya.
“Nako Kokoy ha, anong sabi ko sayo? Remember?…”
“…always take care forever and ever”
“Always take care forever and ever” sabay naming wika ni Papi sa mga katagang palagi niya sa aking sinasabi.
“Good Boy” natatawang wika ni Papi at rinig ko namang tinatawanan din kami ni Kuya Ernest sa aking tabi na patuloy lang nanonood ng balita.
“Papi na receive niyo na ba yung pina-deliver kong cookies?” pagbabago ng usapin sa kanya.
“Yes Baby sabi sakin ni Kuya mo na maaga ka daw gumising ah para mag bake ng cookies, am I right?” nakangiti nitong tugon.
“Yes Papi”
“Sabi din sakin ng Kuya mo na madami ka daw ginawang cookies ah, kami lang ba talaga ang pinadalhan mo? Or may iba pa?” tila panunuya sakin ni Papi na ikinahiya ko naman.
Matalim akong bumaling ng tingin kay Kuya Ernest at doon ko ito pinagtaasan ng kilay “Kuya! Bakit kailangan sabihin mo pa kay Papi kung gaano kadami ang ginawa ko?” madiin at mahina kong wika sa kanya na sapat lang para marinig ni Kuya.
“I heard you Baby Boy, naririnig kita” napasapo nalang ako sa aking noo dahil sa pagtawag ni Papi sa akin.
Hiyang-hiya akong bumaling ng tingin kay Papi.
Ayaw na ayaw ko kasing aasarin ako nila Papi at Daddy patungkol sa aking love life.
“Baby Boy listen to me” natatawang pagtawag ni Papi sa akin at doon ko naman ito sinunod.
Kahit may hiya sa aking mukha ay doon ko pinakinggan ang sasabihin niya.
“Ano yung palagi kong sinasabi sayo patungkol sa Love? Remember?…”
“…love is love and love knows no gender”
“Love is love and love knows no gender” muli ko na namang pagsabay kay Papi.
Hiya parin akong nakatingin sa kanya kaya ganoon nalang ang pagbungisngis ni Kuya Ernest sa aking tabi.
“Baby Boy” muling pagtawag ni Papi sa akin.
“Yes Papi?” hiya kong tugon sa kanya at doon hinintay ang sunod niyang sasabihin.
“So tell me, sino pang binigyan mo ng cookies?”
ㅡㅡㅡㅡㅡ
Chapter 3 - sorry with cookies
ㅡㅡㅡㅡㅡ
Nathaniel POV:
“Ma nakita mo ba yung wallet ko?!” sigaw ko kay Mama Ruth mula dito sa loob ng aking kwarto habang patuloy na hinahalughog ang mga gamit ko dito.
Bukas ang pintuan ng aking kwarto at tanaw ko mula sa labas ang living room kung saan doon naka upo si Mama sa sofa habang ka-video call si Papa.
“Anong wallet?!” wika ni Mama habang kaharap niya parin ang phone.
“Yung personal wallet ko ma, yung lagayan ko ng mga I.D’s” tugon ko sa kanya habang paulit-ulit kong sinisilip ang itim kong string bag.
Kanina ko lang kasi naalala yung vinyl ng Ben and Ben na binili ko noong isang araw sa Blue Records Market at kanina pa din ako naghahanap ng aking personal na wallet.
Nawawala kasi.
Huling pinaglagyan ko nito ay yung itim kong string bag na ginamit ko noong lumabas nung isang araw.
Personal wallet ko iyon na naglalaman ng iba’t-ibang I.D’s.
Voters I.D, School I.D, Lisensya at iba pang I.D’s na ginagamit ko sa pamimili.
“Hays! nasaan na yun?” inis kong turan at kaliwa’t kanan ang ginagawa kong paghahanap dito sa loob ng kwarto.
“Wag mong hanapin! Lalabas din yun!” sigaw ni Mama na ikinakamot ko ng ulo.
“Paano lalabas Ma kung hindi hahanapin!” inis kong wika sa kanya at rinig kong ikinatawa niya ito.
“Nasaan kana ba?! nasaan kana?!” pag kausap ko sa nawawalang wallet ko.
Ilang minute pa akong inis sa paghahanap ng bagay na iyon ng marinig ko ang pagtawag ni Mama sa akin.
“Halika na muna dito Nathaniel! Gusto kang kausapin ng Papa mo!” rinig kong sigaw ni Mama na sinunod ko naman.
Humakbang ako papalabas ng kwarto at doon tinabihan si Mama sa sofa.
“Oh kausapin mo muna si Papa mo ako ang maghahanap ng wallet mo at kapag nakita ko yun makakatikim ka sakin ng pingot, bata ka” tila bata akong tinakot ni Mama bago ibigay sakin ang kanyang phone.
Tumayo si Mama sa sofa at doon niya tinumbok ang aking kwarto.
“Nat” rinig kong pagtawag ni Papa Lester bago ko siya balingan ng tingin sa screen.
“Hi Pa!” nakangiti kong tugon sa kanya at kinawayan pa ito.
“Kumusta?” nakangiti nitong wika sa akin.
“Ikaw ang dapat tanungin ko niyan Papa, ikaw? Ikaw ang kumusta Pa? Ilang positive cases na ba ng covid diyan sa UAE Pa?” nakangiti at may pag aalala kong wika sa kanya.
“Fourty six thousand plus na Anak” tugon naman nito na ikinabigla ko.
“Weh? Dito Papa thirty two thousands na, mag ingat ka Pa diyan ha wag na wag kang lalabas ng walang suot na mask palagi ka ding mag alcohol at disinfect” mula sa puso kong pag-papaalala sa kanya.
“Salamat Anak” nakangiti nitong tugon sa akin na ikinangiti ko ng malapad.
Mahal na mahal ko si Papa ng sobra dahil buong puso niya akong tinanggap, buong puso niya tinanggap ang pagkatao ko.
“Love you Pa” hirit ko sa kanya.
“Love you too Anak, mahal na mahal ko kayo ni Princess” patukoy niya sa kapatid kong natutulog ngayong tanghali sa nursery room.
Ilang minuto pa kami nag uusap ni Papa tungkol sa mga bagay-bagay, miss na niya daw yung pag vivideo-oke namin dito sa bahay ng mga makalumang kanta.
Kay Papa Lester ako nag-mana pagdating sa kagustuhan sa music lalo na sa mga old songs.
Palagi din kaming nag jajaming ni Papa at sinasadya pa naming pumunta sa mga jam studio para lang magpatugtog ng iba’t-ibang instrumento.
Nasabi ko ba sa inyong gitarista si Papa? At isa siyang miyembro ng isang sikat na banda dito sa Pilipinas?
Alam niyo ba noong ikinuwento sakin ni Papa ang love story nilang dalawa ni Mama nung mga binata at dalaga pa silang dalawa ay labis ang kilig at saya na aking nadama.
Ayaw na ayaw ng mga magulang ni Mama kay Papa Lester dati at dumating pa sa puntong sinugod nila Lolo at Lola yung mga magulang ni Papa Lester, kumbaga madaming tutol sa relasyon nila Papa at Mama.
Kung mapaglaro ang tadhana ay ganoon naman katibay at katatag ang pagsasama nila Papa at Mama.
They fight for each other, they fight for their love, they fight for the things that they need to have at pinatunayan nilang dalawa kila Lola at Lolo ang kanilang totoong pagmamahalan na naging dahilan para magkaroon sila ng happy ending.
“Eh ikaw nga kasi Anak, Kumusta ka?” muling pangangamusta saki ni Papa.
“Maayos ako Papa, safe naman ako kapag lumalabas ng bahay pati walang positive cases dito sa Pililla kaya wag kang mag alala” tugon ko sa kanya na ikina-iling nito.
“Hindi yun ang ibig kong malaman Nathaniel, ikaw kumusta ka? Yung puso mo kumusta? Okay na ba?” nakangiting wika ni Papa sakin na ikinatango ko naman.
Isa pa sa minamahal kong katangian nila Mama at Papa ay yung malaki ang kanilang suporta sa akin, nandiyan sila sakin kapag lumuluha ako, nandiyan sila kapag sobrang saya ko, nandiyan sila sa lahat ng mga achievements ko sa buhay.
“Maayos na ako Pa, naka move on na kahit na minsan dumadalaw parin siya sa panaginip ko para bigyan ng advice, sabi ko nga sa kanya na dalawin niya kayo minsan ni Mama eh” pagbibiro ko sa huling wika ko sa kanya na ikinatawa ni Papa.
“Wag naman Anak! Alam mo namang matatakutin si Papa eh!” natatawa nitong sagot bago muling sumeryoso ang kanyang mukha.
“Basta siguraduhin mo lang na okay ka ha? Wala ng iyak-iyak baka umuwi na naman ako diyan sa Pinas ng wala sa oras” kita mo na? handang lumipad ni Papa mula pa sa Dubai para lang patahanin ako.
Napatango naman akong nakangiti dahil sa sinabi sa akin ni Papa, mahal na mahal ko si Papa Lester.
“Tingin ka sa likod mo Anak” wala sa usapang wika ni Papa.
“Ha?” taka kong tugon sa kanya at doon dahan-dahan na lumingon sa aking likuran.
Nang tuluyan akong makalingon ay nakita ko si Mama doon at nagulat sa kanyang ginawa.
“Aray ma! Ah!” hiyaw ko ng mabilis niyang pingutin ang aking kaliwang tenga.
Rinig ko ang pagtawa ni Papa doon sa kabilang linya.
Pagkatapos ng ilang segundong pagpingot ni Mama ay doon niya binitawan ang aking kaliwang tenga.
“Aray ko naman Ma! Sakit kaya!” inis kong wika sa kanya habang hinihimas ang aking tenga.
“Anong sabi ko sayo? Makakatikim ka sakin ng pingot kapag nahanap ko yung wallet mo” taas kilay at tila proud na wika ni Mama sa akin.
Tila naglaho naman ang sakit sa aking tenga dahil sa sinabi ni Mama.
“Hala! Saan mo nakita ma?” napahigpit ang pagkapit ko sa cellphone dahil sa galak na aking nadama.
“Nandoon sa ibabaw ng vinyl player mo, naghanap ka ba talaga Nathaniel? ginamit mo ba ’yang mata mo? o bibig ang ginamit mo sa paghahanap?” panunuya nito sa akin na ikinatawa ko nalang naman.
Napahinga ako ng malalim ng malaman kong hindi pala iyon nawawala.
Nasa ganoong posisyon kami ni Mama ng sabay kaming makarinig ng sunod-sunod na pag doorbell sa aming gate.
Napatingin pa kaming dalawa ni Mama doon, mabilis akong tumalikod sa kanya at muling hinarap si Papa.
“Ikaw na ang pumunta doon Ma, kausap ko pa si Papa” wika ko sa kanya dahil tinatamad akong pumunta doon.
Hindi ko na narinig na nagsalita pa si Mama at kita ko sa peripheral vision ko na papalabas ng bahay si Mama.
“Nathaniel Anak” muli akong napabaling sa cellphone dahil sa pagtawag ni Papa Lester.
“Pa” tugon ko.
“Ano yung sinasabi sakin ng Mama mo? Totoo ba yun o baka OA lang mag kwento ang Mama mo?” tila curious na tanong sakin ni Papa.
Napataas ako ng kilay dahil sa pagtataka “Ano pa? Ano namang kinukwento sayo ni Mama?” taka kong wika sa kanya at napakamot pa ako ng ulo.
Napatango si Papa bago magsalita “Wala, wala Anak…baka OA lang talaga ang Mama mo” nakangiti na niyang wika.
Ganoon parin ang pagtataka ko kaya muli ko itong tinanong “Ano nga yun Pa? Sabihin mo sakin hindi kita isusumbong kay Mama” pangungumbinsi kong wika.
“Wala nga Anak” natatawang pagtanggi nito sa akin “Basta ingatan mo lang ang puso mo ha, hindi porket quarantine eh pwede ka ng magpapasok ng kung sino-sino diyan sa puso mo” segunda pa nito.
Muling napakunot ang aking noo dahil na gets ko kung anong ibig iparating ni Papa.
“Papa! Parang hindi mo naman ako kilala ah! Lahat ng mga lumalandi sakin sinasabi ko sa inyo! Ahm…yung iba, pero Pa! Hindi ako lumalandi ngayong quarantine ha! OA lang talaga mag kwento si Mama” inis at tuloy-tuloy kong pagtanggi dito na ikinatawa niya.
“Pa! wala akong ibang ginawa dito sa bahay kundi ang mag basa, kumain, makinig ng musics at mag tutor ng mga student!” segunda ko pa at doon bumaling sa labas ng bahay na ngayon ay kita ko si Mama na papasok na ulit.
“Wag kang maniniwala basta-basta kay Mama Pa!” hirit ko pa dito habang nakangitin kay Mama na may dala-dalang box.
“Nag padeliver ka ba Nathaniel?” bungad ni Mama ng makapasok siya ng bahay.
“Ha? Hindi ako nag pa deliver Ma? Pati ano namang ipapadeliver ko?” tugon ko sa kanya at doon siya humakbang papalapit dito sa sofa.
“Eh kanino ’to?” wika ni Mama ng maka-upo siya sa sofa, inilagay niya ang brown na box na may puting ribbon sa lamesita.
Napatingin ako doon sa may kalakihang box “Sino bang nag deliver Ma? Saan daw galing?” takang pagbaling ko sa kanya.
“Grab food eh, galing ng QC” tugon nito na mas lalo kong ikinataka.
“Grab food Ma? Dito sa Pililla may Grab Food? Galing pa ng Quezon City?” sunod-sunod kong pagtataka sa kanya.
“Ewan ko ba hindi naman sinabi sakin ng driver kung kanino galing, basta dito daw ide-deliver eh” wika ni Mama at doon ako muling bumaling sa kahon.
“Anong laman Nathaniel?” rinig kong pakiki-usyoso ni Papa sa kabilang linya.
Napatingin ako sa kanya at doon nag wika “Hindi ko alam Pa, teka buksan ko” ibinigay ko kay Mama yung phone at doon ako kumilos para kunin ang box.
Ipinatong ko ito sa aking hita.
“Baka bomba ’to Ma” biro kong pagbaling kay Mama na ikinatawa nilang dalawa ni Papa.
Hawak-hawak ni Mama Ruth ang phone papaharap sa akin para makita ang pag u-unbox ko ng misteryosong kahon.
“Baka naman galing sa secret admirer mo ’yan Nathaniel” rinig kong pang aasar sa akin ni Papa kaya binalingan ko ito ng tingin.
“Ewan ko sayo Pa, dumali ka na naman diyan!” natatawa kong tugon sa kanya bago tumingin sa kahon.
“Buksan na ’yan! Buksan na ’yan!” rinig ko pa ang pagpalakpak ni Papa doon sa cellphone.
Habang nakatingin ako sa brown na kahon na may puting ribbon ay hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba.
Sino bang hindi kakabahan kung may magpapadala sayo ng ganitong bagay na hindi mo alam kung kanino galing.
Malay mo ngang bomba ito? O kaya puro daga at ipis?
“Open it Nathaniel, open it” muling wika ni Papa at doon ako nagdesisyong buksan ang box.
Kaba akong tinatanggal ang puting laso sa misteryosong kahon.
Napahinga pa ako ng malalim ng matagumpay kong natanggal ang ribbon sa kahon.
Muli kong inilagay ang aking kamay sa takip ng kahon para ito naman ang buksan.
“Bilisan mo na Nathaniel!” dahil sa pagmamadali ni Papa ay doon ko mabilis na tinanggal ang takip ng kahon.
“Ahhh!” malakas kong sigaw ng tuluyan kong mabuksan ang box.
“Taragis ano ’yan! Ano ’yan ha!? anong laman ng box Nathaniel!?” kita ko ang pagkataranta ni Papa sa kabilang linya dahil sa aking pag sigaw.
“Joke lang Pa! It’s a prank!” sabay kaming malakas na nagtawanan ni Mama dahil sa aking inakto.
“Bwisit ka Nathaniel baka magising mo si Princess” natatawang pagsuway sakin ni Mama na ikinatawa kong muli.
“Nathaniel ha! Pinakaba mo ako doon!” tila pagod na wika ni Papa na ikinahingi ko ng pasensya.
“Sorry Pa” natatawa kong paghingi ng dispensa.
“Puro ka talaga kalokohan Nathaniel, akala ko kung ano na!” natatawa ding wika ni Papa na muling ikinatawa namin ni Mama “Pero ano talagang laman niyan?” pagtatanong ni Papa bago ako muling mapabaling sa kahon.
“May takip na parchment paper Pa, teka tanggalin ko” wika ko at doon tinanggal ang papel sa ibabaw ng laman ng box.
“Woah”
“Wow” sabay naming pagkamangha ni Mama ng matanggal ko ang taklob.
“Anong laman?! Anong laman?” tila excited na wika ni Papa sa kabilang linya.
Hinawakan ko ang box sa ilalim at doon hinarap sa camera ang laman ng kahon.
“Wow ang sarap naman niyan, saan galing?” pagkamangha ni Papa bago ko muling ibaling ang kahon sa aking hita.
Punong-puno ng cookies ang laman ng malaking kahon na ito.
“Galing daw sa QC Pa, hindi lang namin alam ni Mama kung sino ang nagbigay” pagbaling ko kay Papa bago nagsalita si Mama.
“Anak, may nakasingit na papel sa gilid oh tingnan mo” wika ni Mama at doon pa niya tinuturo ang kahon.
Napabaling akong muli sa kahon at doon kinuha ang nakasipit na papel sa mga cookies.
Isang puting papel ang naka tupi.
“Sino daw? Anong nakalagay?” muling pakiki-usyoso ni Papa.
Binuksan ko ang papel at doon ito binasa sa harapan nilang dalawa.
“Sorry Tutor Nat” dahan-dahan kong pagbasa sa nakasulat “Sorry Tutor Nat?” taka akong bumaling kila Mama at Papa.
Kita ko ang pagngiti nilang dalawa.
“Sabi ko na eh! Galing ’yan sa secret admirer mo!” panunukso sa akin ni Papa na ikinailing ko.
“Sayo pala ’yang cookies Anak eh, baka isa sa mga istudyante mo?” wika ni Mama at muli akong napabaling sa cookies.
“Sorry?” pagkausap ko sa aking sarili dahil iniisip ko kung sinong student ang magpapadala nito.
“Sorry with cookies, ano kayang ibig sabihin niyan Anak?” rinig kong wika ni Papa.
Nag desisyon akong tumayo sa pagkakaupo.
“Pasok lang po muna ako sa kwarto” huling wika ko sa kanila at doon humakbang papaalis sa sofa habang bitbit ang kahon na naglalaman ng cookies.
Hindi ko na pinakinggan pa ang kanilang sinabi at dali-dali ng pumasok sa aking kwarto.
Nang isasara ko ng ang pintuan ay narinig ko pa ang sinabi ni Mama “Sabi ko sayo Mahal eh, may secret admirer na ulit si Nathaniel”.
Tuluyan ko ng isinara ang pinto at doon humakbang papunta sa study table kung saan nakapatong ang laptop.
Ipinatong ko doon ang box ng cookies bago ako humakbang papunta sa walking closet ng aking kwarto.
Kinuha ko doon ang asul na towel at isinukbit sa aking leeg dahil maliligo ako pagkatapos kong itanong sa mga student ko kung sinong nagbigay ng cookies na iyon.
Mabilis lang ang aking kilos at natagpuan ko nalang ang aking sarili na naka upo sa swivel chair habang nakaharap na sa aking laptop.
Pumunta ako sa messenger ng aking facebook, pinindot ko ang group chat na aking ginawa para lang sa mga estudyante ko.
Inilihad ko ang aking kamay sa keyboard at doon tumipa ng mga letra, sinasabi ko pa sa hangin ang aking tinitipa.
“Guys sino sa inyo ang nagpadala ng cookies? Bakit may nakalagay na so….”
Hindi ko na naituloy ang aking pagtipa sa keyboard dahil sa rumehistrong pangalan sa aking messenger.
Hindi ko alam kung bakit napataas ang aking mga kilay.
Mabilis kong pinindot ang pangalan ng isang tao na dalawang araw na akong ginugulo, hindi ko siya kilala pero patuloy ang kanyang pangungulit.
Hindi ako stalker.
Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko parin siya ina-unfriend.
Nang mapindot ko ang kanyang pangalan ay doon ko binasa ang kanyang pinadalang mensahe.
“Hi, dumating na ba yung pina deliver ko?” mensahe niya na ikinataka ko.
Hindi ko siya nirereplayan dahil nag ta-type pa siya.
“Hello?” sunod nitong mensahe at doon siya muling nag type.
Taas kilay akong hinihintay ang kanyang message.
“Yung pina deliver kong cookies dumating na ba diyan?” napalaki ang aking mata dahil sa mensaheng iyon.
Mabilis akong nagtipa ng mga letra sa keyboard.
“Sayo galing yung mga cookies? Bakit ka nagpa….” muli akong napatigil dahil sa sunod niyang mensahe.
“Sagutin mo call ko” pagbasa ko at doon ako nagulat ng rumehistro ang kanyang pangalan sa screen.
‘Kokoy Buenaobra Broilette is calling’ iyan ang rumehistro sa aking laptop.
Hindi na ako nag alinlangan pa at doon ko pinindot ang answer button.
“Hi” sexy at baritong boses ang sumalubong sa pagsagot ko ng tawag.
“Hi Tutor Nat” tila naka plaster ang magandang pagkakangiti niya sa kanyang mukha.
Naka flash sa screen ng aking laptop ang lalaking dalawang araw na akong ginugulo.
Message siya sakin ng message tungkol sa paghingi niya ng despensa sa ginawa niyang kabastusan.
Sino ba namang matinong nilalang ang mag memessage ng ganoon?
“Vidjakol?”
“Libre ka ba? Jakolan tayo gusto mo? No face okay lang, malaki ba ’yan?”
“Sagutin mo call ko vidjakol tayo o kaya sop? Usto mo yon?”
Muling napataas ang aking kilay dahil naalala kong muli ang mga kabastusang iyon.
Hindi porket gwapo siya ay gagamitin niya na yung excuse para mangbastos ng kapwa tao, hindi porket maganda ang pangangatawan niya ay pwede na siyang manapak ng puri ng kapwa tao.
“Teka?! sinong may sabing gwapo siya?!” napabalik ako sa ulirat ng tawagin ako ng isang psycho.
“Uy! Natulala kana diyan, sabi na eh…gusto mo din ako” si Kokoy.
“Ha?” tanga kong tugon.
“Hatdog” nakangisi niyang wika na nagpabalik muli sa aking ulirat.
“Umayos ka Nathaniel! Umayos ka!” pag kausap ko sa aking sarili habang pinipilit kong hindi ngumiti.
“Oo na gwapo na ako, kaya hindi mo na kailangang matulala pa” muli niyang banat na ikinataas na ng kilay ko.
“Kapal mo ha!” una kong pagsusungit sa kanya na muli niyang ikinangisi.
“Makapal talaga ’to, gusto mo ipakita ko pa sayo?” manyak at bastos nitong tugon na i-kinainis ko.
“Hindi ka lang pala psycho! manyak ka din manyak!” pangalawa kong pagsusugit na muli niyang ikinangisi.
“At least sayo lang ako ganito” hirit niya na lalo kong i-kinainis.
Ano bang trip ng isang ’to?
“Alam mo kung wala kang matinong sasabihin papatayin ko nalang ’to” mabilis kong inilahad ang aking daliri sa cursor para patayin ang tawag.
“Uy joke lang! Binibiro lang kita! Wag mo namang seryosohin” sigaw niya na nagpatigil sa gagawin ko.
Walang gana ko siyang binalingan “Lahat sakin seryoso, ayoko ng nagbibiro” taliwas sa katotohanan kong wika sa kanya.
“So kapag umakyat ba ako ng ligaw, seseryosohin mo?” walang muwang niyang wika.
Tiningnan ko nalang siya ng mukhang nagsasabihing ‘hindi ka nakakatuwa’
“Ito naman masyadong galit na galit, hindi pa nga ako umaakyat ng ligaw ganyan ka na agad sakin” kita ko sa camera ang pag papa-kyut niya.
“May sasabihin ka ’ba? Papatayin ko na ’to” wika ko na lamang dahil pinipigilan ko ang aking sarili.
“Cute mo pala kapag nag susungit ka ano?” hindi na ako nakatiis at doon ko pinindot ang end call dahil sa kawalang hiyaan niya.
Napatitig ako sa screen.
Napahinga ako ng malalim at napahawak ako sa aking dibdib.
“Shet…sandali lang naman” wala sa ulirat kong pagkausap sa hangin at doon tila hinahabol ang aking paghinga.
Ilang segundo lang akong nakatitig doon sa screen ng aking laptop ng muling rumehistro ang kanyang pangalan.
‘Kokoy Buenaobre Broilette is calling’
Hindi ko alam sa aking sarili kung bakit mabiis kong sinagot ang tawag niya.
“Ano? Bakit? May sasabihin ka’ba? Bilisan mo kasi nakaka istorbo ka sakin” wala sa wisyo kong bungad sa kanya.
Iba na ang ekspresyon ng mukha niya na ipinapakita sa akin.
Kung kanina ay puro ngisi at pang aasar ang kanyang mukha.
Ngayon ay seryoso at tila may importeng sasabihin.
Nakatitig lang siya ng diretso sa camera.
“Wala kang sasabihin?” muli kong pag susungit “Sige papatayin ko na sa—”
“Yung nangyari nung isang araw ano…ahm hindi ko yun sinasadya kita mo naman na dinelete ko diba? Ano kasi yun…ahm ano dare kasi yun ng kaibigan ko na sinunod ko naman kaya gusto ko lang humingi ng sorry sayo kasi alam kong mali at hindi tama yung ginawa ko” tumigil siya at kita kong lumunok ng laway.
“Sorry kung minessage kita ng ganun alam ko na ikinagalit mo yun kaya humihingi ako sayo ng sorry, nagpadala din ako ng cookies para iparating na sincere ako sa sinasabi ko.” pagtatapos niya sa kanyang wika.
Napatango ako sa kanya dahil sa sinabi nito.
“Dare? Anong klaseng dare? mag message ng kabastusan sa stranger?” taas kilay kong paglilinaw sa kanya.
“Hindi lang kasi dare yun, dare with truth kasi yung napunta sakin kaya ganoon yung nangyari” tugon niya sakin.
“Dare with truth?” taka kong wika.
“Dare with truth, i-message ng kabastusan yung—”
“Bakit nga pala kita pinag eexplain? hindi mo na naman kailangan pa, hindi nga kita kilala eh but still thank you sa pinadala mong cookies magkano ba ’to? Babayaran ko” hindi ko alam na lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon.
“Pati saan mo nalaman yung address ng bahay namin?”
Kita ko ang pagkamot niya sa kanyang ulo kaya doon bumuyangyang ang kanyang kili-kili.
Napalunok ako sa aking nakita.
“You are not a stranger for me” kita ko sa mukha niya ang lungkot “You don’t need to pay me for that cookies ginawa ko ’yan hindi para ibenta, ginawa ko ’yan para sayo lang talaga” seryoso nitong wika sa akin.
Muli akong napalunok dahil sa sinabi niya.
“Pinapaliwanag ko yung side ko para malinis ang pangalan ko, baka kasi kung ano-anong iniisip mo patungkol sakin” seryoso niya muling wika.
Gusto ko sanang sumabat na “Bakit hindi ba talaga? Hindi ka ba talaga ganun?” pero pinili ko nalang hindi umiik dahil baka masira ko ang momentum niya.
‘Ang gwapo niya kapag seryoso’
“Maliban sa paglinis ng pangalan ko sayo, gusto ko din sanang magpakilala at magsimula ng bago”
“Eh?” tanging nasabi ko sa huli niyang wika.
“Mag papa-tutor ako sayo” seryoso niyang tugon sa akin.
“Tutor? Bakit? Anong tutor? Pati anong ituturo ko sayo?” sunod-sunod kong pagtatanong sa nagtatakang boses.
Ang seryoso niyang mukha ay unti-unting nagbago, kita ko ang mumunting pagngisi sa kanyang labi.
“Exercises” nakangisi niyang tugon.
Napalunok ako ng laway, ilang ekspresyon ng mukha ba ang kaya niyang gawin!?
“Ano namang…ano…ahm exercises? English exercises? Filipino Exercises? Media Lit—”
“Erotical Exercises” tugon niya na ikinalaki ng mata ko.
“Ano!?” wika ko kahit naintindihan ko ang kanyang sinabi.
Kita ko sa mukha niya na nagulat din siya sa kanyang binigkas.
“Ha? Ano…ano! Sabi ko ano! English! Oo! English exercises!” muli namang bumalik ang awra niya noong una siyang magpakita sakin.
“Iba yung narinig ko, bastos ka talaga!” natatawa kong tugon sa kanya at kita kong napatawa din ito.
“Ikaw ha, pwede din naman ganung exercises ang ituro mo sa—”
“Gusto mong sakalin kita?!” pagputol ko sa kawalang hiyaan niya.
“Yes Daddy! Choke me Daddy!” bastos niyang wika at doon pa umarteng sinasakal ang sarili.
Inisnaban ko nalang siya sa kanyang pustura, seryoso? Magpapaturo siya? Baka abutin ako ng siyam-siyam kung ganitong klase ng estudyante ang tuturuan ko!
Natapos siya sa kanyang kagaguhan bago muling bumaling sa akin “Pero seryoso mag papaturo talaga ako sayo, English or Filipino lessons okay na sakin, basta turuan mo lang ako” ngumiti siya bago hintayin ang sagot ko.
“Bakit ba kita tuturuan?” tanging tugon ko.
“Gusto ko lang, pati bakit ba? Gusto kong matuto eh pati kaya binigyan din kita ng cookies para paunang bayad sa session ko sayo” nagmamayabang niyang wika sa akin na ikinainis ko.
“Hindi ako nagpapabayad sa tutor ko” paglilinaw ko sa kanya.
“Nabasa mo ba yung pinost ko sa facebook? Sabi doon free! Libre! Nag comment ka nga din ng kabastusan doon eh, ano nga yung comment mo doon? ‘Hi! Pwede mo ba akong turuan sa kama?’ oo yun nga!” segunda ko.
Inaabangan ko kung anong sasabihin niya pero tanging pagtawa lang ang natanggap ko.
“Sabihin mong kasama din yun sa truth or dare na nilaro niyo? Dare na mag comment ng kabastusan sa isang educational purposes na po—”
“Hindi kasama yun sa dare, ako lang talaga ang nag comment” pagputol niya sakin at doon ko siya binigyan ng nandidiring mukha.
“Kita mo na? Puro kabastusan at kalaswaan ang laman ng utak mo, diyan ka na nga! Humanap ka ng ibang makakausap!” aktong papatayin ko ulit ang tawag ng sumigaw ito.
“Teka lang uy! Teka lang! Wag mo munang patayin!” natatawa nitong wika sa akin.
“Ano!? bilisan mo papatayin ko na ’to?” inis kong turan sa kanya.
“Hindi mo ba itatanong kung anong meaning ng nagpapadala ng cookies? May meaning yun” nakangiti nitong wika sa akin.
“Ano!?” inis ko muling turan na ikinangisi niya.
“Giving cookies to others means seeking for an attention or sexual things like sex” walang pakundangan nitong sabi sakin na mas lalo kong ikinainis.
“Bastos! Diyan kana nga!” inis kong sigaw sa kanya at doon ako muling pumindot sa cursor para patayin ang tawag.
“Turuan mo ako ha! Ayusin mo na schedule ko!” huli niyang hirit.
“Pag-iisipan ko!”
ㅡㅡㅡㅡㅡ
Chapter 4 - what is my nickname?
ㅡㅡㅡㅡㅡ
Kokoy POV:
Saturday morning and rain is falling.
Nakakatamad tumayo dahil sa lamig ng temperatura ng aking kwarto kaya nakahiga parin ako dito sa kama habang hawak-hawak ng aking kaliwang kamay si manoy, only boys know what morning wood is.
Sa kanang kamay ko naman ay hawak ang aking cellphone dahil doon ko ka video call sila Papi at Daddy na magkatabi sa higaan, kagigising lang din nila at doon sila sa Doctor’s Room natulog.
“So what’s your plan on your birthday Kokoy?” nakangiting wika ni Daddy sa akin.
“Makauwi lang po kayo dito sa bahay ni Papi okay na sakin yun” mula sa puso kong sagot sa kanila na ikinangiti ng mga ito.
“But you already know the answer with that Kokoy” tugon sa akin ni Daddy na ikinatango ko.
“I know Dad, mas kailangan kayo diyan ng mga pasyente” nakangiti kong sagot sa kanila.
“Besides nandiyan naman sila Dick and my other friends at kung mawala na yung covid dito sa Pilipinas next month na alam kong malabo invite ko sila dito sa bahay para mag party” salaysay ko sa mga ito.
“I see, that’s good” tugon ni Daddy at doon ako muling nagsalita.
“If ever lang na mawala yung covid Dad, invite ko sila Dick and i-invite ko din si ano…si Nathaniel” napangiti ako ng matamis sa huling pangalang aking sinabi.
Kita ko ang panunuyang mukha ni Papi sa screen ng phone.
“Hmmm, Nathaniel? Siya ba yung lalaki na naka portrait sa kwarto mo? Na ikinukwento sakin ni Dick?” tila panunukso sa akin ni Papi at doon ako napatango.
“Kinukwento ni Dick? May sinasabi sayo si Dick Papi?” taka kong turan kay Papi.
“Nagsusumbong sakin yung kaibigan mo last Wednesday na sabi mo daw na hindi ko na sila ipagluluto?” pagtatanong ni Papi na ikinasimangot ko.
“Yeah right, eh kasi Papi! Na bad shot ako doon sa Bibi ko!” pagsusumbong ko sa kanya na ikinatawa nilang dalawa.
“Dick is right Baby Boy, kung hindi ka pa nga daw nila binigyan ng dare then you will not hesitate to make a first move and you tell me diba na matagal mo na siyang hinahanap? And frankly speaking bestfriend pala siya ng pinsan ni Samuel tama ba?” sunod-sunod na wika ni Papi na muli kong ikinatango.
Ang kaliwang kamay ko na nakahawak sa aking manoy ay napunta sa aking ulo dahil doon ako napakamot.
“Tama Papi, pero kasi Papi ano…alam mo naman na mahiyain ako pagdating sa mga ganyan may pag ka torpe ako Papi at alam niyo ni Daddy yun” taliwas sa katotohanan kong wika sa kanya.
“Torpe-torpe” singhal ni Papi “Ilang beses ko nang na i-kwento sayo yung kwento ng Tito Ash mo diba?” dahil sa sinabi ni Papi ay napatingin sa kanya si Daddy.
“Ba’t naman nabanggit mo na naman ang pangalan ng gagong iyon, Babi?” tila batang pagseselos ni Daddy sa sinabi ni Papi.
Kita kong nakatikim si Daddy ng pag-pitik sa kanyang ilong.
“Aw” daing ni Daddy at doon ako napatawa sa kanilang kalandian.
“Nako Mike Broilette fourty six years old kana ganyan parin ang asta mo! kita mo nang may asawa yung tao eh! Ay nako ha nako! Ewan ko ba sayo! Doon ka matulog sa kabilang kwarto mamaya!” tila pasigaw na pagtatampo ni Papi at doon ko kita ang masugid na pagsusuyo ni Daddy sa kanya.
Nasaksihan ko sa screen ng aking cellphone ang pilit na paghalik ni Daddy sa leeg ni Papi.
“Tigilan mo ako Mike ha! Kausap ko pa ang anak natin!” natatawang pag pigil ni Papi “Aray ko Mike! Aray! Nakikiliti ako! Tigilan mo na!” si Papi.
“I love you Babi, I love you so much” panunuyo ni Daddy kay Papi.
Dahil sa pagmamahalang ipinapakita nilang dalawa ay doon ako nagdesisyong patayin nalang ang video call, inggit ako eh.
Ipinatong ko ang aking cellphone sa dibdib, ipinatong ko ang aking dalawang kamay sa aking ulo at doon pumikit.
Bukod sa malamig ang panahon at tinatamad akong bumangon kailangan ko ding mag isip-isip ngayong oras na ito.
I’m glad na tanggap nila Papi at Daddy ang sexual preference ko at wala naman silang magagawa dahil ganoon din naman sila katulad ko.
But the only thing that they always said to me na palagi akong maging handa sa mga sasabihin at criticism ng ibang tao, kasi sa panahon ngayon hindi mo na alam kung sino yung totoo sa hindi totoo.
Habang nasa ganoon akong pag iisip ay muling pumasok sa aking isipan yung sinabi ni Papi kanina ‘Ilang beses ko nang na i-kwento sayo yung kwento ng Tito Ash mo diba?’
Si Tito Ash na isa ding Doctor, si Tito Ash na rival dati ni Daddy kay Papi magmula pa noong college sila.
Kahit naman ngayon ay pinagseselosan parin ni Daddy si Tito Ash kahit na may happy ending na din yung tao.
Palaging kinukwento sakin ni Papi ang kwento ni Tito Ash dahil napakadami daw ng lessons ang mapupulot ko doon.
Mga lessons na magagamit ko lalo na kapag mag co-confess ako ng feelings sa isang tao.
Si Tito Ash kasi ay may gusto dati sa bestfriend niya and hindi niya magawang mag confess doon sa tao dahil sa hiya, takot at pagkatorpe, tinago nalang ni Tito yung nararamdaman niya towards doon sa bestfriend niya na dahilan para mas lalong lumago.
Fast forward nine years ago that time ay umattend si Tito ng kasal ng kanyang bestfriend and before daw ang ceremony ay nag-usap pa silang dalawa.
After daw ng pag-uusap nilang dalawa ni Tito Ash at ng bestfriend niya ay doon nagalit si Tito sa mundo, hindi dahil sa kasal kundi dahil sa ginawang pag confess ng kanyang besftriend.
Nagpasalamat yung bestfriend niya sa ten years nilang pagiging mag bestfriend and she said to my uncle na nag kagusto din siya sa kanya for five years pero takot at hiya din yung babae kay tito kaya ganoon nalang niya tinago ang feelings niya.
Mapaglaro ang mundo diba? Mapaglaro ang mundo at tadhana pagdating talaga sa pag-ibig.
Ang lesson na palaging sinasabi sakin ni Papi na napulot niya din sa kwento ni Tito Ash ay hanggat kaya at makakaya kong mag confess sa isang tao ay gawin ko ito.
‘So please, while you can express, express it! express your true feelings to that person so that in the end you won’t regret anything’
Who know’s diba? na may magandang future at lifetime pala ang naghihintay sa inyong dalawa.
Nasa ganoon akong pag-iisip ng maalala ko na naman ang sinabi ko kay Nathaniel noong nakaraang araw ‘Maliban sa paglinis ng pangalan ko sayo, gusto ko din sanang magpakilala at magsimula ng bago’
Tama! Ngayon ang tamang oras! Ngayon ang tamang araw na nakatakda para magpakilala at magsimula ng bago!
Dali-dali akong bumalikwas ng bangon sa higaan at doon ako nagpunta sa study table.
Tanging puting brief lang ang aking suot ng maka-upo ako sa itim na swivel chair.
“This is it pansit!” masigla kong wika habang binubuksan ko ang aking laptop.
Nasa ganoong pagbubukas ang aking laptop ng muli ko na namang maalala ang pinagsasabi ko sa kanya noong nakaraang araw.
“Giving cookies to others means seeking for an attention or sexual things like sex” well that is true dahil nabasa ko iyon sa isang adult magazine, pero wag kayong mag isip ng kung ano-ano dahil si Nathaniel palang ang ibang taong binigyan ko ng cookies.
“Turuan mo ako ha! Ayusin mo na schedule ko!” yeah right! Mag papa-tutor ako sa kanya hindi para matuto kundi para makilala at makausap ko siya.
Nasa ganoong pagpindot ako sa aking laptop ng tumbukin ng cursor ang aking messenger.
Nang mapindot ko ang messenger at mabasa ang ang ilang message ay doon ako napasigaw.
“What the hell!? yes! Shet! Shet! Shet! Yohoo!” walang mapagsidlian ang abot langit na tuwang aking nararamdaman dahil sa isang notification-message na aking nabasa.
“Wait! Wait! Is this for real!? Is this for real!? Yes! Yes yes!” doon ko pinapakalma ang aking sarili habang sinusuring mabuti ang screen ng aking laptop para tingnan kung totoo nga at hindi ito nagloloko.
“Totoo nga shete” bulong ko sa aking sarili at doon dahan-dahan na binasa ang nakalagay sa messenger.
“Nathaniel Guerero David added you to Tutor Nat Family”
nanginginig ang aking mga kamay habang doon binabasa ang mga message dito sa group chat na aking kinabibilangan.
“Good morning Tutor Nathaniel!”
“Hello Tutor Nat! Good morning!”
“Magandang umaga Tutor Nathaniel”
“Annyeong Tutor Nat!”
“Swadee krap P’Nat”
Nakangiti ako habang binabasa ang mga ilan pang mensahe dito sa group chat, natutuwa at kinikilig din ako sa mga reply ni Nathaniel sa kanila.
Ilang minuto pa akong nakiki-usyoso sa mga mensahe ng magpalit ang aking pagkakangiti, dahan-dahang napalitan ng pagtataka at pag kainis dahil sa mga nicknames na naka lagay sa ilang kasapi dito sa group chat.
‘Ako si Steph girlfriend ni Tutor Nat’
‘Tutor Nat’s girlfriend #2’
‘Asawa ni Nathaniel’
‘Tutor’s Nat Wife #3’
‘Tutor’s Nath Underwear’
“Tutor’s Nat Underwear?” taka kong wika ng mabasa ko ang isa sa mga nicknames “Mga baduy! Mga jejemon! Mga korni!” inis kong wika sa aking mga nababasa.
“Ano kayang magandang nickname?” pagtatanong ko sa aking sarili at doon tinumbok ang edit setting ng group chat para baguhin ng malupit ang aking nickname.
“Panis sakin ’yang mga babae na ’yan” proud na proud kong wika sa aking sarili.
ㅡㅡㅡㅡㅡ
Chapter 5 - it’s a yes for me
ㅡㅡㅡㅡㅡ
Nathaniel POV:
Umaga ng Sabado at kasalukyan akong naka upo sa sofa ng aming living room habang naka bukas ang telebisyon at doon ibinabalita ang kaliwa’t-kanang nangyayari dito sa Pilipinas.
“Philippines positive Covid cases now at 34,803”
“Misis, nagawang ipamigay ng asawa sa ibang lalaki dala ng kahirapan”
“Bagong panganak na misis, buking si kabit at mister dahil sa tiktok”
“Panoorin kung paano humantong sa pag-aresto ng 20 LGBTQ advocates ang mapayapang Pride March sa Mendiola”
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa mga napapanood ko dahil ang gusto ko lang na mangyari na palagi kong ipinagdadasal ay matapos na ang pandemyang ito.
Madaming mga trabahador at empleyado ang nawalan ng trabaho dahil sa Covid-Nineteen, full force power ang ilang mga kompanya sa kanilang mga trabahante na ikinababahala ng ilang mamayanan.
Hindi ko lang alam kung bakit imbis na pagtuunan ng pansin at gawing top priority ang pagpuksa sa virus na ito ay mayroong mga plataporma ang mga nag-uusbungan sa gitna ng pandemyang ito tulad nalamang ng pagpapalit ng pangalan ng NAIA, pag phase out ng mga traditional jeepneys, pagpapatupad ng batas na nagpapawalang bisa sa ating kalayaan at madami pang iba.
Napapailing nalang ako sa tuwing pumapasok ang mga senaryong iyon sa aking isipan.
Tama nga yung isang komento na nabasa ko sa social media na walang magaling na Presidente dito sa Pilipinas dahil kung mayroong ngang magaling ay hindi magbibigay ng mga kritisismo at hindi magagandang komento ang mga Pinoy sa nasabing gobyerno.
Makukuntento at makakahinga lang ang mga Pinoy kung may maayos na patakaran at magandang serbisyo ang inilulunsad ng gobyernong ito.
Nasa ganoon lang akong panonood ng muling mag ring ang aking cellphone tanda ng may tumatawag.
Kinuha ko ang phone sa gilid, hinarap ko sa aking mukha at doon mabilis na sinagot ang video call.
“Bakla sorry! Kainis kasi si Kuya Sam pinatay yung wifi!” pagsalubong ng aking Bestfriend sa camera.
“Eh bakit kasi nandiyan ka sa bahay ng pinsan mo? Ano bang ginagawa mo diyan?” tugon ko sa kanya.
“Wala akong kasama sa bahay Bakla, umalis sila mothertechikels” sagot sa akin ni Bebang.
Si Bebang ang bestie ko mula pa noong college palang naman, magkaklase kaming dalawa sa parehas na kursong Education.
Magandang babae si Bebang pero kung kami ay magkasama siya ang mapagkakamalan mong bakla sa aming dalawa dahil sa kanyang asta, babaeng bakla kumbaga.
Si Bebang ay nagtataglay ng napakadaming talento at hangang-hanga ako sa kanya dahil bukod sa kanyang talento sa pagkanta ay madami ding nakakakilala sa kanyang mambabasa sa mundo ng industriya ng mga manunulat.
Si Bebang ang madalas kong kapares sa tuwing may special number ako sa Eulji University.
Si Bebang ang nakakakilala sa akin ng buong-buo dahil sa mga sikretong nasabi ko na sa kanya, palagi din siya dito sa bahay na kulang nalang ay dito siya manirahan.
“Ang sabihin mo, ayaw mo lang talaga ako kausap bastos ka!” pagtatampo ko sa kanya na ikinatawa nito.
“Ay wow! Sino kayang totoong bastos sa ating dalawa?” panunuya niya sa akin at doon ako sumagot.
“Sino pa ba? Edi si Bebang Tolentino!” taas kilay kong tugon sa kanya na mas lalong ikinatawa nito.
“Hoy Bakla! Sino kaya sating dalawa ang sumusubo ng tite ha!? sinong mas nauna sa ating dalawa na sumubo ng tite ha?!” dahil sa sinabi niya ay doon napalaki ang aking mata.
Napaka straight forward talaga ng bruhang ito.
“Hoy! Parang hindi ka din sumusubo ah! Mas nauna lang ako sayo bruha ka!” huling panunuya ko at doon kami tumawa ng tumawa.
Kausap ko kasi ito kanina pero bigla nalang naputol dahil nga daw namatay ang kanilang wifi.
And guess what kung anong pinag uusapan naming dalawa?
Walang iba kundi yung psycho at manyak na lalaking ginugulo ako sa loob yata ng ilang araw.
Habang pinaguusapan naming dalawa iyon ni Bebang ay nagulat ako na naikwento niya na pala sa akin ang samahan na kinabibilangan ng pinsan niya.
“So tulad nga ng kwento ko sayo kanina ay miyembro ’yang si Kokoy ng Ace Four na kinabibilangan ni Kuya Samuel” muli niyang pagsasalaysay sa akin.
“Ace Four? So apat sila?”
“Natural Bakla! Hindi ka marunong magbilang?! hindi marunong magbilang?! hindi ka marunong umintindi?!” muli niyang pagsusungit sa akin na ikinatawa ko nalang.
Tama nga naman Ace Four, so apat sila.
“Na ikwento ko na sayo yung grupo nila Kuya Samuel dati pero alam mo ba kung anong sinabi mo? Ano yung reaksyon mo?” muli na naman niyang wika sa akin.
“Ano? Anong sinabi ko? Hindi ko na din kasi matandaan” katotohanang sagot ko sa kanya at doon siya napailing.
“Wala Bakla, wala kang reaction sabi mo pa na hindi ka interesado dahil nasa iba ang attention mo nasa ibang tao ang priority mo, nakay Ga—”
“Wag mo nang banggitin ang pangalan nung tao, wala na kami,tapos na kami” pagputol ko sa kanya at doon ito inisnaban.
“Ay taray fierce si Bakla, ganda ka? Ganda ka diyan!?” muli niyang panunuya sa akin at muli ko siyang inisnaban.
“Ewan ko sayo Bebang” tugon ko at doon niya muling itinuloy ang kwento.
“Back to topic, ayun na nga hindi ka interesado doon sa kwento ko sayo dati pero one time pinakita ko sayo yung picture ng Ace Four at doon ka natameme doon ka may nakitang gwapo” nakangisi nitong wika sa akin.
Ba’t hindi ko na matandaan?
“Alam mo ba kung sino yung tinuro mo? Alam mo ba kung sino yung sinabihan mo ng gwapo that time?” dahil sa sinabi nito ay doon ako kinutuban.
Napapapikit pa ako ng kaunti na wari’y inaalala kung sino yung pinili ko dati, bakit hindi ko na kasi matandaan yung kwento ni Bebang?
“Sino?” tugon ko sa kanya at doon niya sinabi kung sino nga ang pinili ko, kung sino yung sinabihan ko ng gwapo.
“Si Brent, si Brent Fernandez yung basketball player sa Ace Four yung tinatawag na chickboy sa grupo nila” dahil sa sinabi nito ay doon ako napahinga ng maluwag.
Buti nalang.
“Ahhh” tugon ko at doon ako tumango.
“Ba’t parang hindi ka natuwa?” wala sa katinuang wika ni Bebang.
“Ha?” taka kong wika.
“Sabi ko ba’t parang hindi ka natuwa, siguro nag eexpect ka ng iba ano? Nag eexpect ka na siya ang pinili mo ano?” kita ko sa mukha nito ang pang aasar.
“Anong pinagsasabi mo diyan? Naka inom kana ba ng gamot mo?” pagtanggi ko sa gusto niyang iparating.
“Nako Bakla! Wag kanang tumanggi! Kilala kita! Kilalang-kilala na kita mula diyan sa dumi ng talampakan mo hanggang sa pinakatuktok ng anit mo! Kilala ko! Miski amoy ng kulangot mo kilala ko!” tuluyan niyang pang-aasar sa akin.
“Ewan ko sayo Bebang! Kung ano-anong pinagsasabi mo diyan” muli ko na namang pagtanggi sa pinag-uusapan.
“Ewan ko din sayo Bakla ka, hindi ko ba malaman sayo kung nagpapakipot oh nag iinarte kalang diyan!” pagsasabi niya ng totoo.
“Hindi naman kasi!”
“Anong hindi naman kasi?! kitang-kita diyan sa mukha mo na nag eexpect kang si Kokoy ang pinili mo! Si Kokoy Broilette ang sinabihan mo dati ng gwapo! wag ako Bakla ha! Wag ako!” sunod-sunod niyang pagsigaw sa kabilang linya.
Hindi ako nakasagot.
Natameme ako.
“Ano? Natameme ka na diyan?! hindi ka makasagot kasi totoo?!” bukod sa kanyang talento ay may natatagong kakayahan si Bebang na magbasa ng iniisip ng ibang tao.
Hindi ko alam kung bakit ako napatango sa kanyang sinabi.
“Ini-stalk mo na ba siya? Gusto mong ikwento ko pa sayo kung sino si Kokoy? Gusto mo bang malaman kung ano pa yung ibang mga baho nila sa grupo?” hindi na ako nagtaka kung bakit alam ni Bebang ang mga bagay na iyon sa grupo ng Ace Four.
Remember? Pinsan siya ng isa sa mga member ng Ace Four.
“Ha? Ba’t ko naman siya i-istalk? Hindi ako stalker ano!” pagtanggi kong muli dito na ikinataas niya ng kilay.
“Ewan ko sayo Bakla! Yung lalaki na nga yung lumalapit sayo tinatanggihan mo pa” pagsasabi niya ng totoo.
“Eh hindi ko naman kasi siya kilala, malay ko ba na rapist pala yung tao kita mo na yung comment niya doon sa post ko? Tapos yung minessage niya sa akin na kabastusan?” pagsasalaysay kong muli.
“Dare nga lang daw kasi yun Bakla” kita mo na? Si Bebang ang pinagsasabihan ko ng mga nangyayari sa buhay ko.
“Alam kong dare lang yun pero bakit sa akin pa? Ano pating klaseng dare yung mangbastos ng kapwa!” inis kong turan sa kanya dahil naalala ko na naman yung comment at chat niya sa akin.
“Aba malay ko Bakla kung anong dare yun! Nagpaliwanag na nga sayo si Kokoy diba? Hindi mo ba pinakinggan kung anong dare yung binigay sa kanya?” tugon ni Bebang.
“Hindi ko na kailangan pang malaman, basta kabastusan yung laro na ginawa nila” dahil sa inis ay na-isnaban ko si Bebang.
“Oo nalang Bakla oo nalang” walang gana niyang tugon sa akin “Pero ano gusto mo ba siyang makilala? Kwento ko kung anong buhay meron sila” muli na namang sumilay ang matamis niyang ngiti.
“Bakit mo ba kasi pinipilit ang ayaw Bebang, ayaw ko nga” taliwas sa katotohanan kong wika sa kanya.
“Bakla! Manok na ang lumalapit sayo! Manok na ang lumalapit sa itlog!” hiyaw nito sa akin na ikinataas ng kilay ko.
“Gaga! Palay yun hindi itlog!” pagtatama ko sa kanya na ikinatawa niya.
“Ganun din yun basta si Kokoy na yung lumalapit sayo, ahm pero oo…malaki yung itlog niya kasi minsan noong pumunta sila dito sa bahay nila Kuya Sam—”
“Wag mo nang ituloy ang kwento mo Gaga ka!” pagputol ko sa kabastusan niyang kwento.
Napatawa siyang muli “So ano na kasi! Kwento ko na siya sayo! Pinadalhan ka pa nga ng cookies nung tao tapos wala kang balak na kilalanin siya?” pang-aalo niya sa akin.
“Eh Gaga ka kasi! Kung hindi mo binigay yung address ko edi walang cookies na mangyayari Gaga ka!” kanina kasi ay kinuwento niya sa akin na siya pala ang nagbigay ng address ng bahay namin doon sa psycho.
“Eh kasi nga diba! nagulat ako that time na tinanong ka sakin ni Kuya Samuel, nagulat ako nung pinakita niya sakin yung isang picture mo na nasa Ben and Ben concert tayo tinanong ko pa nga siya kung saan galing yung picture mo na ’yun eh pero sabi niya hindi na importante yun—”
“Kaya mo binigay yung address” pagputol ko sa muling pagkukwento niya.
“Oo Bakla, pati kilig na kilig kaya ako!” tugon niya at doon pa siya tila kinikilig.
“Ba’t ka naman kinilig? Binigay lang mo lang yung address kinilig kana” pagtataka ko sa katangahan ng babaeng ito.
“Eh para kasing nagiging real life yung sinusulat kong novel na kayong dalawa ni Kokoy ang bida!” muli niyang pag-wika.
“Tigil-tigilan mo nga Bebang yung pag gamit ko ng name diyan sa sinusulat mo! Hindi pa nga ako pumapayag diyan eh! Burahin mo ’yan!” inis kong turan sa kanya.
Sino ba naman kasing matutuwa na gamitin yung pangalan mo with no consent?
Okay lang sana kung first name lang yung gamitin niya eh! Pero hindi! Full name ko! Buong pangalan ko ang ginamit ni Bebang!
“Hindi ko yun buburahin Bakla ka! Dahil nasa hundred thousands na ang nagbabasa! Pati ang ganda-ganda kaya ng title ng story ko! ‘Connected with a Bad Boy’ isang bad boy na matagal ng hinahanap ang first love niya na parang kayo lang dalawa ni—”
“Wala akong pakiealam Bebang! Burahin mo pangalan ko diyan! Wag mo akong idamay diyan sa kasikatan mo! Pati hindi siya Bad Boy! Psycho yun! Connected with a Psycho! Burahin mo ang pangalan ko diyan ngayon na! Burahin mo!” sigaw kong pagputol sa kanya.
“Sabihin mo muna Bakla, salamat shopee” dahil sa kanyang katuan ay doon ako napasuko.
Kung malakas ang tama ko ay mas malakas ang tama ni Bebang, madalas niya akong pinapahiya sa public places dahil sa kanyang pag he-hestrical.
Sino ba namang matinong kunwaring sasapian in public?
Sino ba naman manghahawak nalang basta-basta ng kamay in public?
Tapos sasabihin niya sa mga nakakasaksi na “It’s a prank?”.
Kaya madalas na kinakahiya ko siya pag magkasama kaming dalawa.
“Sabihin mo na Bakla bilis!” pang-aasar niya sa akin pero hindi ako tumugon.
“Kita mo na? Wala ka talagang laban sakin Bakla, kaya kung ako sayo kilalanin mo na ’yang si Kokoy mabait ’yung tao Nathaniel kaya sana wag mo namang paasahin” seryoso niyang wika.
“Hindi ko pinapaasa yung tao, pati baka bored lang siya kaya ganun yung ikinikilos niya” seryoso ko namang tugon sa kanya ay doon kita ang kanyang pag-iling.
“Bakla listen to me! Bored ba yung tawag mo sa pag papadala ng cookies?” seryoso niyang tanong at doon ako tumugon.
“Oo, mayaman sila nakita ko yun sa facebook so kaya niyang gawin lahat ng gustuhin niya kasama na doon ang magpadala ng cookies” tugon ko.
“So ini-stalk mo siya?” saglit niyang panunuya at doon ko ito inirapan “Okay fine-fine! Back to my question, bored ba yung tawag mo sa pangungulit niya sayo ng ilang araw?” seryoso niyang wika.
“Ano ba naman tanong ’yan Bebang? Siyempre kaya niya ako kinukulit dahil bored na bored siya at wala siyang makausap!” tugon ko at muli siyang umiling.
“Kung bored siya bakit ikaw pa?” tanong nito na ikinatawa ko.
“Aba! Malay ko sa kanya!” natatawa kong wika at doon ko muling nakiya ang pagkaseryoso ng mukha ni Bebang.
“Last question, bored ba ang tawag mo doon sa pagtatanong ni Kuya Samuel sa akin kung saan ka nakatira? Yung pagpapakita ng picture ni Kuya Sam sa akin na hindi mo din alam kung saan nanggaling?” wika ni Bebang na ikinatahimik ko ng ilang segundo.
“Picture mo yun Nathaniel noong umattend tayo ng Ben and Ben concert” hindi ko alam na kung bakit tila nangungunsensya si Bebang.
Natahimik ako.
“Kwento ko sayo yung isang plot scene doon sa sinusulat ko Bakla” nakatingin lang ako ng diretso kay Bebang.
“Si Kokoy isa siyang bad boy doon sa kwento and one time may nakabunggo siya na isang lalaki doon sa mall na ang pangalan ay Nathaniel at ikaw yun, mga cliche na story alam mo na” una niyang pagkukwento.
“Fast forward, si Kokoy ilang araw, linggo at buwan siyang hindi makatulog ng maayos dahil na curious siya doon sa lalaking nakabangga niya at ikaw yun” pangalawa niyang pagkukwento.
“Fast forward ulit, one time nakita ni Kokoy sa library ng kanilang university ang taong hinahanap niya sa loob ng ilang buwan sobrang saya niya that time na nakita ka niya” ikatlo niyang pagsasalaysay habang tahimik lang ako sa kanyang nakikinig.
“Nag research si Kokoy patungkol sayo, hinanap niya kung anong pangalan mo, kung anong status mo sa school, kung anong mga ginagawa mo and nalaman niya doon na isa ka palang tutor ng ilang student so hindi na siya nag aksaya pa ng oras at doon siya gumawa ng paraan para maturuan mo siya” huli niyang pagkukwento bago ako nito tanungin.
“Eh ikaw Bakla, bakit mo sinali si Kokoy sa group chat ng mga student mo?” pagtatanong nito sa akin, kasama din kasi si Bebang sa group chat na iyon.
“Gusto niya daw mag pa-tutor eh so sino ba ako para humindi diba?” napatingin ako sa kaliwa ng sabihin ko sa kanya ang sagot ko.
“Yun lang ’ba ang dahilan mo?” muli kong siyang binalingan ng tingin.
“Oo” tanging tugon ko sa kanya at muli kong nasaksihan ang tila pagbabasa ni Bebang sa aking reaksyon.
Napalunok ako ng mga dalawang beses bago ko narinig ang tugon ni Bebang.
“Ay wait, may notification ako” doon ko kita ang pag ka-distract ng mukha ni Bebang dahil sa natanggap niyang notification.
May natanggap din naman akong notification pero hindi ko iyon pinansin.
“Omaygad Bakla!” kita ko ang tila kinikilig na turan ni Bebang sa kabilang linya.
“Bakit na naman ba?” tugon ko sa kanya at doon ko kita ang pag he-hesterical ni Bebang na madalas niyang gawin kapag magkasama kami.
“This is not real! This is not for real putangina! Bakit parang nagiging totoo yung sinusulat ko Mama! Hutangina! Chug-chugan na itey!” over reacting na turan ni Bebang sa akin.
“Ano ba kasing nangyayari sayo!? para kang baliw talaga jusko!” tanging tugon ko sa kanya at doon niya ako pinagsisigawan sa camera.
“Bakla ka talaga kahit kailan! Si Kokoy! Pumunta ka sa group chat ng mga student mo! Nag kaka-gulo na sila dahil sa kanya! Tingnan mo dali! Tingnan mo Bakla ka!” dahil sa sigaw ni Bebang ay mabilis akong pumunta sa group chat na ginawa ko para lang sa mga student ko.
Doon ko nga nakita ang ilang mga message na galing sa aking mga student.
“Isa kang taksil Tutor Nat!”
“May boyfriend kana pala Tutor Nathaniel!”
“Sinuway mo ang ika-anim na utos ng Diyos Tutor Nat! Ang sakit-sakit!”
“Si Kokoy ba yun? Yung member ng Ace Four?”
Pagbabasa ko sa mga mensahe ng aking mga student.
Hinanap ko ang dahilan kung bakit ganoon ang kanilang asta at doon ako nagulat sa aking nabasa.
“Ano ’to” wika ko at doon binasa ang kanilang pinagkakaguluhan.
“Kokoy Buenaobra Broilette changes his nickname to Tutor Nat’s Property” dahan-dahan kong pagbabasa at doon nagkasalubong ang aking dalawang kilay.
“Ano na namang katangahan ’to?” inis kong wika bago ako nagdesisyong tumayo sa sofa.
Mabilis kong pinatay ang tv at doon naglakad papasok sa aking kwarto.
Mabilis kong isinara ang pinto bago humakbang papalapit sa study table at umupo sa swivel chair.
Taas kilay kong binuksan ang aking laptop at doon tinumbok ang messenger.
Pinindot ko ang pangalang ng isang psycho na kasalukuyan na din palang nag ta-type.
“Ano na namang problema mo?” mabilis kong sinend sa kanya ang aking mensahe at ilang minuto lang ay nagsend din ito ng message.
“Nagustuhan mo ba ang nickname ko? Pinag-isipan ko ’yan kaya sana wag kang magalit” mensahe mula sa kanya at doon ako mabilis na tumipa sa keyboard.
“Para kang tanga, baguhin mo yun!” reply ko sa kanya.
“Okay po” mensahe mula dito at doon ako pumunta sa aming group chat.
Ilang segundo akong naghintay bago ko nakita ang pagpapalit niya ng nickname doon sa nasabing group chat.
Ngunit mas lalong tumaas ang aking kilay dahil sa ipinalit nito.
Pinindot kong muli ang pangalan ng lalaking iyon at doon nag type ng message.
“Pinag ti-tripan mo ba ako?!” message ko sa kanya at doon ito mabilis na nag reply.
“Hindi kita pinagtripan, seryoso ako sa pinalit kong nickname uwu” gago niyang reply sa akin.
‘Ako ang legal na kasintahan ni Tutor Nat’
Iyan ang ipinalit niya sa kanyang nickname.
“Ayusin mo yun! Kung ayaw mong i-kick out kita sa group!” pananakot ko sa kanya.
“Okay po” muli niyang reply at doon ako muling pumunta sa group chat namin para tingnan kung anong ipapalit niya.
Ilang segundo lang ulit ang lumipas bago ko nakita ang ipinalit niyang nickname.
“K love N? nang-gagago ba siya?” inis kong turan at doon ako pumunta sa edit setting ng grupo para tanggalin ang kanyang pangalan.
Ngunit bago ko palang magagawa ang bagay na iyon ay doon na rumehistro ang kanyang pangalan sa screen ng aking laptop.
‘Kokoy Buenaobra Broilette is calling’
ㅡㅡㅡ
Kokoy’s POV:
Kasalukuyan ko nang hinihintay ang pag sagot ni Baby, Honey, Mahal, Love, Bibi Nathaniel sa akin.
What do you prefer?
What is your choice?
Love nalang siguro ano?
Sige love nalang.
Kasalukuyan kong hinihintay ang pag sagot ni Love sa aking tawag dahil gusto kong makita ang reaction niya sa ginawa kong nickname.
K love N, stands for Kokoy love Nathaniel uwu.
I decided to clarify my true intention to him para hindi niya isipin na pinaglalaruan ko lang siya.
Tama yung lesson na natutunan ko kay Tito Ash na hanggat kaya kong aminin ang totoo kong hangarin ay aamin ko, para wala akong pagsisihan sa huli.
Hubad baro parin ako dahil tinatamad akong magbihis, naulan parin sa labas tanda na malamig ang temperatura ng aking kwarto.
Ilang segundo ang tinagal ng pag-ring na iyon bago ko nasilayan ang mukha ni Love sa screen ng aking laptop.
“Ano na na—”
“Hi Love” nakangiti kong pagbati sa kanya.
Nakasuot siya ngayon ng gray na sweater at may nakasabit sa kanyang leeg na blue towel.
“Nagustuhan mo ba yung nickname ko Love?” hindi ko alam kung bakit natutuwa ako kapag babangitin ko ang salitang Love.
Hinihintay ko ang sagot ni Nathaniel sa aking tanong.
“Love?” pagtawag ko dahil hindi siya nagsasalita.
“Love?” muli kong wika at doon tinitigan ang screen, nag baba-kasakaling mahina lang ang internet connection dahilan para hindi siya kumibo.
Pero hindi eh, hindi siya lag, gumalaw kasi yung mga mata niya.
“Love?” pagtawag ko ulit sa kanya.
Tiningnan ko kung saan naka-paling ang kanyang mga mata at doon ko ito nakitang nasa dibdib pala.
Binigyan ko siya ng ngiting nakakaloko at doon ito inasar.
“Yieh si Love tinititigan ang katawan ko, macho ko’no? Macho?” pang aasar ko sa kanya at doon ako nag flex ng muscles sa kamera.
Si Dick at Brent ang nag impluwensya sa aking mag gym na ikinagagalit nila Papi at Daddy, pero kapag sinasabi ko naman sa kanila na may limitations at hindi ganoon ka muscle wrecker ang mga binubuhat ko ay doon ko sila napapakalma kahit papaano.
Nag-iingat lang din sila, ganun din naman ako.
“Ha? Ano…hindi…Oo hindi! Kapal mo ha! Pangit! Oo pangit ’yang katawan mo! Puro taba! Pati hindi ako diyan nakatingin baliw ka!” kita ko ang pagkatarantang sagot ni Nathaniel.
“Weh talaga ba? Ayaw mo lang sabihin na nagagandahan ka eh, Love ha” hindi ko mapigilang kiligin sa mga salitang binibitawan ko sa kanya.
“Gago! Hindi nga ako nakatingin diyan! Parang sira! Pati bakit ba Love ka diyan ng Love Ha!?” taas kilay nitong wika sa akin kahit na kita kong nakatingin parin siya sa aking dibdib.
“Eh sa Love kita eh! Kaya kita tinatawag ng ganun” tanging nasagot ko sa kanya at kita ko ang pag-asim ng kanyang mukha.
Nakangiti lang ako sa kanya ng parang aso bago ito nagsalita ng seryoso “Pero ano seryoso, bakit ka nakahubad?” wika ni Love sa akin.
Ngumiti ako sa kanya bago sumagot “Wala lang kagigising ko lang kasi kaya nakahubad ako” tugon ko sa kanya sa seryoso nitong mukha.
“Ha? Eh ang lamig-lamig kaya, pati ano bakit ganyan ’yang dibdib mo? Bakit ano…ahm bakit puro ano ahm ano” nakatingin lang si Love habang doon siya utal-utal na nagsasalita.
“May sasabihin ka Love?”
“Bakit may malaking pasa ka sa dibdib?” doon sinabi ni Love ang kanina pa niyang tinititigan magmula noong sagutin niya ang tawag.
Expected ko nang mapapansin niya iyon dahil pinagalitan din ako kanina nila Papi at Daddy sa pagkakaroon ko ng bagong pasa sa katawan.
Ngumiti ako sa kanya bago sumagot “Nalaglag kasi ako kahapon sa higaan ko” tanging paliwanag ko dito at doon ko kita ang kanyang mukhang pagtataka.
“Masakit? Siyempre oo” tugon niya sa sariling tanong.
Muli akong ngumiti dito “Hindi siya masakit, tingnan mo pipisilin ko pa” aktong pipisilin ko ang malaking pasa sa aking dibdib ng marinig ko ang kanyang pagpigil.
“Ha? Wag! Kokoy! Baka mas lalong lumala ’yang pasa mo!” sigaw niya na ikinangiti ko.
Ngumiti ako sa kanya ng ubod ng tamis bago nagsalita “Yieh concern siya” tugon ko.
Inisnaban niya ako bago muling nagsalita “Gago! Hindi nakakatuwa, seryoso ako” tiningnan ako nito ng tingin na may pagbabanta.
Binigyan ko siya ng mukhang seryoso dahil totoo naman talaga ang sinasabi ko “Seryoso din ako, hindi naman kasi talaga masakit eh” pagsasabi ko sa kanya ng katotohanan.
“Oh edi ikaw na! Ikaw na ang hindi nilalamig tapos hindi pa nasasaktan sa pasa!” tila pagsuko nito sa akin na ikinatawa ko nalang.
“Ganda ba ng nickname ko?” nakangiti kong pagbabago sa kanya ng topic.
“Baguhin mo yun! K Love N?! ano bang trip mo ha!?” inis niyang turan sa akin at doon ako ulit napatawa.
“Assuming ka naman Love, akala mo ikaw yung letter N doon sa initials na ’yan?” patukoy ko sa nickname na binago ko.
“Eh sino pa bang letter N ang nagsisimula ang name doon sa group chat? Ako lang ang letter N doon gago ’to” tugon niya na ikinailing ko.
“Masyado kang assuming Love” nginisian ko siya.
“Tigil-tigilan mo nga yang pagtawag sakin ng Love!”
“Wag kanang basag trip pati hindi naman ikaw yung letter N doon sa nickname ko, dahil ibang tao yun” nakangisi kong wika sa kanya at doon ko kita ang pagbabago ng kanyang mukha.
“Ah ganon? Sige humanap ka ng ibang makakausap mo, humanap ka ng ibang ka—”
“Ako kasi yun! Ako yung letter N! masyado ka namang galit, wag ka naman mag selos bumibilis tuloy yung tibok ng puso ko” umakto pa ako sa kanyang bumibilis talaga ng sobra ang puso ko.
Pero seryoso bakit parang rinig ko dito sa aking kwarto ang tibok ng puso ko?
“Gago!? ako mag seselos?! bakit naman ako magseselos ha!? pati walang dahilan para magselos ako!? tell me bakit ako magseselos?” taranta nitong wika sa akin na mas lalong ikinabibilis ng tibok ng puso ko.
“Ba’t parang defensive ka? Nalaman mo lang na hindi ikaw yung letter N sa nickname ko nagagalit ka agad” nakangisi kong pagsasabi sa kanya ng totoo.
Hindi siya nakaimik kaya napangiti nalang ako.
“Ako kasi talaga yung letter N, pangalan ko yun” wika ko na ikinataka niya.
“Kokoy Buenaobra Broilette? Kokoy? Nasaan ang letter N doon aber? Oo sa Buenaobra meron pero bakit ano…bakit N?” taka niyang wika sa akin.
“Mga special na tao lang ang nakakaalam ng true name ko, stage name ko lang kasi yung Kokoy derive sa Kolokoy at Kengkoy” pagsasalaysay ko at kita ko ang kanyang pagtango.
“Mga special person lang ang nakaka alam ng true name ko at kamasa ka—”
“Wag mo nang sabihin dahil ayaw ko naman ding malama—”
“Noah” pagputol ko sa kanya.
“Huh?”
“Noah Buenaobra Broilette, iyan ang totoo kong name” wika ko sa kanya at doon ko ulit ito nakitang tumango.
“Ganda ng name ha, Noah? Masyadong biblical yung name mo pero ikaw hindi dahil napaka demonical mo! Bastos!” galit na galit niyang wika sa akin.
“Bakit ikaw din naman ah!” segunda ko sa kanya na lalo niyang ikinagalit.
“Anong ako din!? kailan kita binastos ha!? gago ka ah!” pagsusungit ni Love sa akin na ikinatawa ko.
Umiling ako dito bago nagsalita.
“I mean ikaw din masyadong biblical yung name mo…Nathaniel? Isa siya sa twelve disciples ni Jesus tama ba ako?” paglilinaw ko sa kanya na ikinamangha niya.
“Yeah you’re right, Maka-Dyos ka pala eh” tila mangha niyang wika sa akin.
“Hindi lang maka-dyos kundi maka-kalikasan, maka-tarungan, maka-bayan at maka—”
“Oo na! Oo na! Maka-Gago! Oo maka-gago ka!” natatawang pagputol nito sa akin.
Napatawa ako dahil sa sinabi niya “Gago! Ginawa mo naman akong vlogger!” natatawa kong wika sa kanya.
Doon kami tumawa ni Love ng mga five seconds.
“Pero pwede din naman tayong maging vlogger, anong maganda name ng channel natin?” pagtatanong ko sa kanya pero mura lang ang natanggap ko sa kanya.
“Gago! Para kang sira!”
“Ay maganda ’yang suggestion mo sa name ng channel natin, Gagoparakangsira YouTube Channel! Oo! Tama! Yun nga! Tapos yung intro natin ganito ‘Hi mga cookies! Welcome back to our channel!’ ganyan yung intro natin ha!” lumalabas ang pagka-isip bata ko dahil kay Love.
Doon ko nasilayan sa camera ang mga matatamis na pagngiti ni Nathaniel.
“Mas cute ka pala kapag naka smile?” kinikilig na naman ako sa sarili kong salita.
“Ewan ko sayo” tanging tugon niya habang doon pinipigilan ang kanyang tawa.
Sumeryoso ako ng mukha sa kanya “Love, alam mo ba yung kwento ni Noah? yung inutos sa kanya ni God? Yung God chose Noah to build a great ark that kept him, his family, and animals alive during the Great Flood, alam mo yung kwentong yun?” seryoso kong pagtatanong sa kanya.
“Tigilan mo yung pag tawag sakin ng Love, oo alam ko yung kwento ni Noah bakit?” taka niyang wika sa akin at doon ko sinabi ang dapat kong sabihin.
“I don’t know but I think God chose me, God chose Noah to build a great ark to save myself and to save my special someone named Nathaniel who is disciples of Jesus” seryoso kong sagot sa kanya na ikinatawa nito.
“Ginawa mo namang bakla yung dalawa” natatawang sagot niya pero kita ko ang mukha niyang nag aalinlangan.
Seryoso lang ang aking mukha “Sabi ng Uncle ko na umamin ako sa taong gusto ko sa lalong madaling panahon” wika ko kay Nathaniel na lalong ikina-ilang niya.
“Ahm, Kokoy Tuesday night yung first class mo sakin and just bring yellow pap—”
“Can is ask you something?” pagputol ko.
“Ha? Ano bang pinagsasabi mo diyan Ko—”
“Liligawan kita” muli ko ulit pagputol sa kanya.
“Alam mo kung wala kang matinong sasabihin humanap kana—”
“Yes or Yes?”
ㅡㅡㅡㅡㅡ
Chapter 6 - first class
ㅡㅡㅡㅡㅡ
Kokoy POV:
“Sige ano na namang excuses ang sasabihin mo Kokoy Broilette ha!?” sigaw ni Papi mula sa kabilang linya ng video call.
Napatungo nalang ako mula dito sa pagkaka-upo ko sa swivel chair ng aking kwarto.
“Tell me ano na namang excuse mo Kokoy?! Ilang beses ko na bang ipinapaalala sayo na mag ingat ka na mag doble ingat ka! Nakikinig ka ba sakin ha?!” muli na namang sigaw ni Papi.
Nakatungo lang ako habang pinapagalitan ni Papi dahil sa katangahang ginawa ko.
“Tumingin ka sakin Kokoy! Tumingin ka sakin!” dahil sa sigaw na iyon ay mabilis akong napatingin kay Papi “Are you listening to me ha!?” wika niya ng makatingin ako dito.
“Yes Papi” malungkot kong tugon at napatango pa ako.
Umiling si Papi “So tell me, ano na namang nangyari diyan sa mukha mo!? noong nakaraang araw sa dibdib tapos ngayon sa mukha na naman!? nag iingat ka ba talaga ha!?” patukoy nito sa bagong pasa sa aking mukha.
“Nabangga ko lang yung wall Papi” dahan-dahang tugon ko sa kanya at doon ko nakita ang mas galit na mukha ni Papi.
“Lintik na rason yan Noah!” kapag tinatawag na ako nila Papi at Daddy sa totoo kong name ay alam kong galit na galit na sila sa akin.
“Eh kasi Papi nag-aano kasi ako nag—”
“Nag aano ha!? nag aano!? jusko Noah naman matanda kana! Wag mo sabihing nag lalaro ka lang at nabangga mo yung pader?! mag bebente-uno kana sa isang-isang Linggo kaya umayos ka!” muli na naman nitong sermon sa akin.
Napatungo nalang ako dahil sa galit ni Papi.
Walang-wala kaming nagagawa nila Kuya Ernest at Daddy Mike kapag si Papi na ang galit sa amin.
Para kaming mga tutang pinapagalitan ng kanilang Ina kapag ganoon ang senaryo.
Sabagay si Papi naman talaga ang tumatayong Ina sa aming pamilya, siya ang nagluluto, siya ang nag aasikaso sa mga gawaing bahay at siya ang umaasikaso sa amin ni Kuya Ernest noong time na nag-aaral pa kami sa grade school.
Love na love ko si Papi dahil kahit may trabaho siya sa ospital ay napag sasabay-sabay niya yung mga dapat gawin.
“Binubwisit mo na naman ako Noah ha! Patanda tayo ha patanda hindi pabata kaya umakto ka sa edad mo! manang-mana ka talaga dito sa Daddy mo! Mga sakit sa ulo jusko!” nakatungo lang ako ng marinig ko ang boses ni Daddy sa kabilang linya.
“Bakit naman nadamay ang pangalan ko diyan Mahal?” tila gulat na pag tanggi na boses ni Daddy.
“Ewan ko sa inyo! Ito kausapin mo yang Anak mo! May bago na namang pasa sa mukha! Sinasabi ko nang mag ingat pero hindi naman nakikinig! kausapin mo ’yan! Nako!” rinig kong inabot ni Papi ang phone kay Daddy.
“Oh saan ka pupunta?” boses ni Daddy.
“Tapos na ang break time ko kaya tataas na ako doon sa mga pasyente ko, diyan kana kausapin mo yang si Noah!” tugon ni Papi.
Nakatungo lang ako ng marinig ko ang boses ni Daddy.
“Anak, Kokoy” mahinahong wika ni Daddy kaya napatingin akong muli sa kamera ng aking cellphone.
“Dad” nakangiti kong tugon sa kanya at kita kong gulat si Daddy sa mukhang nakita niya.
“Kaya naman pala galit na galit ang Papi mo eh, ano na namang nangyari diyan?” hindi tulad ni Papi ay mahinahon ang pagtatanong ni Daddy sa akin.
“Nabangga ko yung pader ng kwarto ko Dad” tugon ko na ikinatawa ni Dad.
“Ha?” tila pag pipigil ni Dad ng tawa “Ano-ano na namang ginawa mo at nabangga mo ’yang pader ng kwarto mo?”
Hindi ko alam kung bakit sumilay sa aking labi ang tila kinikilig na mukha “Ahm kasi Dad…ano…ahm kasi—”
“Wag mo nang sabihin, alam ko na Kokoy” pagputol ni Dad sa akin at napatawa itong muli.
Napangiti nalang ako sa aming pag-uusap ni Dad.
“Kapag kikiligin ka Anak wag mo namang babangain ang pader, suntukin mo nalang ang mga unan mo para hindi ka magka-pasa nako-nako” natatawang paalala sa akin ni Daddy.
Napangiti ako dahil doon.
Love na love ko si Daddy at Papi dahil kahit hindi nila ako totoong anak ay ganito ang trato nila sa akin.
Kailanman ay hindi ako nagtatanim ng galit sa kanila kapag pinapagalitan at pinagsasabihan nila ako sa mga maling gawain ko.
Hinding-hindi ako nag rereklamo sa kanila dahil alam kong para sa ikabubuti ko ang mga bagay na sinasabi nila sa akin.
Hinding-hindi din ako magagalit sa kanila dahil sila ang nag-pakain, nag-damit, nag-alaga sa akin sa loob ng mahigit sampung taon.
Mahal na mahal ko sila Papi at Daddy.
Hindi ko itatanggi at hindi ko din itatago sa inyo na isa akong pasaway lalo na kapag dumating ang oras ng night outs naming barkada at tuwing may kasiyahan na nangyayari sa amin ay nandoon parin ang limitations at mga bawal kong gawin.
“Bakit ganyan ang suot mo Anak? May lakad ka ba?” pagtatanong ni Daddy sa porma ko ngayong gabi.
“No Dad” nakangiti kong tugon sa kanya.
“Oh anong meron?”
“May tutor ako ngayon sa special someone ko Dad”
ㅡㅡㅡ
Nathaniel POV:
Gabi na at katatapos lang namin mag dinner nila Princess at Mama.
Kasalukuyan na kaming naka upo ni Mama sa sofa habang nakaharap sa tv, si Princess naman ay nag lalaro lang sa harapan namin ng kanyang mga barbie dolls.
“Presidential spokesperson Harry Potter Roqauel says the country has beaten the University of the Philippines’ prediction of 40,000 COVID-19 cases in the country by the end of June”
“Wala na po, panalo na tayo! We beat the UP prediction po. We beat it, so congratulations Philippines! Let’s do it again in July. -Harry Potter Roqauel June 30, 2020”
“Pililla Rizal, first positive case of Covid-19”
“Luneta Park now partially open to public for limited time”
“DepEd extends enrollment to July 15, 2020”
“Positive Covid cases in the Philippines now at 37,514”
“Tuwang-tuwa pa si Harry Roqauel na hindi umabot sa prediction ng UP yung positive cases?!” inis kong pag kausap sa aking sarili habang diretso ang aking mukha sa panonood “Parang gago” segunda ko na ikinatingin ni Princess.
“Kuya bad words” saway nito sa akin bago ko siya balingan ng tingin.
“Sorry Princess, my bad” nakangiti kong wika sa kanya bago niya ulit itinuloy ang paglalaro ng Barbie Dolls.
Muli akong bumaling ng tingin sa telebisyon suot ang seryosong mukha.
“Ayan sige labas pa, sige labas pa! tayo ang may kasalanan diba? Tayong mga mamayanan ang may kasalanan diba?” sarkastikong wika ko sa aking sarili.
“Kailangan nilang lumabas Anak para kumita ng pera” tugon sa akin ni Mama sa aking tabi.
Nakatingin lang ako sa telebisyon “Ma, hindi sila lalabas kung may sapat na relief goods at pabuya ang ibinibigay sa bawat pamilya” wika ko kay Mama at kita kong tumango ito.
“Lubog na tayo sa utang Ma, Nine Trillion na ang utang ng Pilipinas pero ano na? Nasaan na?” hindi na ako nag eexpect na may dadating na pabuya sa amin dahil mayroon naman kaming sapat na pera para mabuhay.
Madaming mas deserving na makatanggap ng pabuya kesa na ibagay ito sa amin.
“Alam mo Ma? Sa mundo ng punong-puno ng Harry Roqauel may Seven Million na empleyado ang nawalan ng trabaho, nasa mahigit isang daang libo ang mga ofw ang na stranded, nasa benteng parte ng LGBTQ Community ang inaresto ng walang makatarungan na nilabag na batas at nasa singkwenta katao yung mga dumalo sa putanginang Mañanita ni Chief Major General Deporn Sinas na hindi ’man lang na akasuhan sa nilabag nila” sa huling wika kong sinabi ay napatingin muli si Princess.
“Kuya you’re so bad, ang bad-bad ng mouth mo” napabaling ako ng tingin kay Princess.
“No baby, hindi ako yung bad dahil sila” nakangiti kong wika sa kapatid ko “Sila yung bad Princess dahil kina-kaawa nila tayo they are all corrupt” segunda ko sa kanya na ikinatango nito.
“They are so bad Kuya Nat” tugon nito sa akin na mas lalong ikinalapad ng ngiti ko.
Hindi ko ikinakahiyang ilabas o isigaw ang mga bagay na dapat ay nasa tama, mga bagay na dapat ay matuwid at mga bagay na maling-mali.
Alam niyo ba na pagkatapos ng pandemyang ito ay malalaman at matututo na tayo kung sinong karapat dapat na iluklok at iboto sa tamang pwesto.
“Ano ’bang oras ng klase mo Anak? Alas syete na oh” baling sa akin ni Mama kaya napatingin ako sa aking phone.
Napatayo ako sa aking pag kaka-upo “Sige Ma pasok na muna ako sa kwarto” tugon ko sa kanya at tumango ito bilang tugon nagpaalam din ako kay Princess bago dali-dali na akong humakbang papasok ng aking kwarto.
Pagkapasok ko ay tinumbok ko na ang aking study table at umupo sa swivel chair.
Naka bukas na ang aking laptop at nakahanda na din ang mga charts and modules sa tabi nito dahil hinihintay ko na nga lang na mag alas syete para sa aking klase.
Isang app para makapag video call conference ang ginagamit ko sa tuwing ako ay mag tuturo, binibigyan ko lang sila ng code na ilalagay nila doon para makapasok sila sa aming conference.
Tatlo or dalawang student ang tinuturuan ko gabi-gabi.
Tinumbok na ng cursor ang app para ito’y aking buksan at gulat ako ng makita kong may isang tao na doon na tila nagihihintay.
“Hi Love” pagbati nito sa akin ng makapasok ako sa conference, nasa kaliwang bahagi siya ng screen samantalang hinihintay pa namin ang isa.
“He-hello” alinlangan kong wika dahil sa aking nakita “Ba-bakit” wika ko habang nakatingin sa kaliwang bahagi ng mukha niya.
“Ha?” taka nitong wika.
Umayos ako ng upo at doon nagwika sa kanya “Bakit may pasa ka na naman?” seryosong lahad ko sa kanya.
Ngumiti ito ng parang tanga “Sinuntok ko sarili ko” tugon nito sa akin na ikinagulat ko.
“Ano?!” wika ko sa kanya habang malaki ang aking mata.
“Joke lang nabangga ako sa pader eh” tugon nito sa akin na ikinailing ko.
“Hindi ka ba marunong mag-ingat? Tanda-tanda mo na nababangga ka pa sa pader” panunuya ko sa kanya na ikinangisi nito.
“Bata lang ba nababangga sa pader? Pati kinikilig ako eh bakit ba” lahad nito sa akin habang nakangisi.
“Anong kinikilig? Baka kinilig” tugon ko sa kanya na lalong ikinangisi niya.
“Kinilig ako ng dahil sayo Love, cute mo kasi eh” walang kwenta niyang wika sa akin na ikinataas ng kilay ko.
“Gago” tanging tugon ko sa kanya na muling ikinatawa niya “Hindi ka naman siguro masyadong excited ano po? Mas nauna ka pa sakin dito sa conference eh” panunuya ko dito.
Umiling si Kokoy “Kailangan kong mauna, malay ko ba na meron ka palang iba” tila may iba siyang gustong ipahiwatig sa akin.
Napataas ang aking kilay “Anong akala mo sakin malandi?!” wika ko dito na ikinatawa niya.
“Wala po akong sinasabi” pagtanggi niya sakin at doon pa umiling-iling.
“Alam mo para kang—”
“Aray ko ah!” nagulat ako ng dumaing siya sa harapan ng camera.
Nakahawak ito sa kanyang kaliwang pisngi kung saan doon may malaking pasa, nakapikit pa siya tanda ng nasasaktan nga ito.
“Noah ayos ka lang ba!? Uy! Anong nangyayari sayo!?” hindi ko alam kung bakit tila may pag aalala sa aking looban.
Nakatingin lang ako dito at kitang-kita kong tila siya ay nasaksatan “Uy ayos ka lang ba?!” segunda ko pa dito habang tinitingnan siya.
Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan “Uy Kokoy sabi ko kung ayos kalang ba?!” ulit kong wika sa kanya.
Ilang segundo pa akong nakatingin kay Noah ng makita kong unti-unting sumisilay sa kanyang labi ang ngiti.
Pinagtitripan ba ako nito?
“It’s a prank!” masaya niyang wika at doon siya umayos ng pag kaka-upo.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa ginawa niya.
Para siyang gago sa totoo lang!
“Alam mo para kang tanga! Hindi nakakatuwa ’yang biro mo!” inis kong wika sa kanya.
Siya ba? Siya ba ang tuturuan ko? Baka mag uumpisa palang kami ay tanggalin ko na agad siya sa conference!
Kita kong nakangiti lang ito “Joke lang Love, it’s a prank nga diba” tugon nito sa akin.
“Gusto mong tanggalin na kita dito? Humanap ka ng ibang tutor mo kung ganyan lang ang iaasta mo!” inis kong wika at doon pa siya inisnaban.
Nakangiti parin siya “Joke lang nga po hindi na mauulit” paghingi nito ng dispensa na ikinailing ko.
“Ewan ko sayo” tugon ko bago inalis ang tingin sa camera at bumaling sa mga module and charts katabi lang ng aking laptop para ito ay ayusin.
Bakit kasi ang tagal ng isa ko pang tuturuan para makapag simula na kami!
May kasabay kasi itong gagong ito na babaeng senior high na tuturuan ko din ng English at ibang general information dito sa Pilipinas at ibang bansa.
Isang way or practice ang pag chu-tutor ko sa mga student para maging handa ako pagdating ng final internship ko.
Muli akong bumaling ng tingin sa screen at doon ko nakita ang tila isang asong ngiti ni Kokoy.
“Ano na naman? Para kang aso!” suway ko sa kanya na ikinangiti nito.
“I remember, you said yes” nakangiting wika niya sa kawalan.
“Ha?” taka kong tugon.
“I remember you said yes, last Saturday” muli niyang pag-uulit sa akin.
Anong sinabi ko?
“Ha? Anong yes?” taka kong ulit sa kanya habang nakangisi ang mukha nito.
Pinagsasabi nitong gagong ito?
“You said yes na liligawan kita, hindi mo na maalala? Love? “ tugon nito at doon pinag-diinan ang huling sinabi niya.
“Ha?” anong ha ? palagi nalang bang may ha sa sasabihin ko?
“Ano…sabi ko oo…yes oo sabi ko yes na tuturuan kita ngayong Tuesday night, oo yun nga ang sabi ko!” taranta kong tugon sa kanya na taliwas sa katotohanan.
Doon ko nakita ang panunuyang mukha niya na tila hindi pinaniniwalaan ang sinabi ko.
“Okay” sarkastikong wika niya na tila may iba siyang ipinapahiwatig.
Binigyan ko siya ng tingin na nagpapahiwatig na ‘Ano ba! Ang kulit-kulit mo! Para kang gago’
“May hawak-hawak ka na bang notebook? May ballpen kana din?” pag iiba ko sa kanya ng usapin.
Doon ko nakita ang mukha niya na tila gulat na gulat “Oh shit! Wala pa po! Wait-wait!” taranta niyang wika at doon ko nakitang tumayo siya para kumuha ng gamit.
Imbis na matuwa ako sa kanyang ginawa ay gulat ako ng makita ko ng buong-buo ang kanyang suot.
“Ano ba naman ’yan Kokoy! Bakit ganyan ang suot mo!” sigaw ko sa kanya at doon pa umarteng tinatakpan ang aking mata kahit na kita ko naman ito.
Kita kong napatingin si Kokoy sa kanyang sariling suot at doon siya tumakbo papalayo sa camera ng laptop niya para hindi ko makita ang itsura niya.
“Sorry Love! Sorry!” paghingi niya ng pasensya sa akin.
Ang ganda-ganda ng suot niya sa pang taas pero pagdating sa kanyang pang baba, sino matinong magsusuot lang ng brief kapag may conference?
Buti wala pa yung babaeng senior high.
Buti hindi pa nagsisimula ang klase.
“Mag suot ka naman Kokoy ng shorts ano kaba!” wika ko sa kanya ng makabalik ito sa pag kakaupo.
“Sorry” muli niyang paghingi ng despensa “Pwede na ba ito? Wala akong ballpen kaya lapis nalang” segunda ni Kokoy at doon pa pinakita sa akin ang hawak-hawak niyang berdeng lapis at yellow paper.
“Pwede ’yan” tugon ko dito at kita kong napangiti siya’t napakamot ng ulo.
“Sorry kung ang bastos ko” wala sa kawalan niyang wika at doon pa ngumisi.
“Wag kanang mag sorry dahil alam kong bastos ka naman talaga” pagsuko ko sa kanya na muli niyang ikinatawa.
Mula pa nung una bastos na talaga siya, so ano pa bang ini-expect ko?
“Baka naman mang-gulo at mang-gago ka lang mamaya? Sabihin mo na ng mas maaga para hindi na kita turuan, masasayang lang ang oras ko sayo” yung huli kong wika ay hindi seryoso.
“Ganyan ba ang tingin mo sakin?” seryoso niyang tugon sa akin.
Tumango ako “Yes? Siguro oo? who know’s diba” panunuya kong tugon sa kanya.
Kita ko ang mabilis na pag-iling ni Kokoy sa akin “Sige sabi mo eh, pero pwede ba?” tugon nito sa akin.
“Anong pwede ba?” taka kong wika sa kanya.
“Pwedeng mag pustahan tayo?” seryoso nitong tugon sa akin.
“Anong pustahan?”
“Kung mag kukulit ba ako sa klase mo or hindi” muli nitong tugon na ikinatango ko.
“Wala akong pera, ano bang ipupusta?” nagkamot pa ako ng ulo sa kanyang nabubuong ideya.
“Ikaw, ano bang gusto mong pusta?” balik niyang tanong sa akin at doon ko sinabi ang gusto kong mangyari.
Tumango-tango pa ako “Sige kapag nag kulit ka, titigilan mo na ako at hindi mo na ako kukulitin…ayoko sa mga bastos gago at manloloko” proud na proud kong lahad sa kanya.
Muli kong nasaksihan ang pag-iling ni Kokoy habang nagkakamot pa ng kanyang ulo “Kung ganyan ang tingin mo sakin….okay fine! hindi ko naman mababago yang pananaw mo and tama ka naman sa sinabi mong we’re just stranger” seryoso nitong wika sa akin at napalunok ako ng mga tatlong beses.
Ba’t ganyan siya mag salita?
“Sige kung gusto mong tigilan kita kapag nagkulit ako sa klase then go! pero kapag hindi ako nagkulit sa klase mo then susundin mo naman yung consequence na ibibigay ko” dito na ako mas kinabahan.
“Ano bang consequence? Anong kapalit?” kinakabahan kong wika sa kanya.
“Easy as fuck, mag de-date tayo at doon natin kikilalanin ang isa’t-isa” tugon niya bago ko nakitang may notification sa aming video conference “Wag kana magreklamo dahil nandito na ang isa mong student” huling salitang binigkas ni Kokoy bago nag flash sa screen ang mukha ng isang babaeng senior high.
“Hello tutor Nat!” salubong sa akin ng bago kong student.
“Hello” tugon ko sa kanya at doon ngumiti, kita ko sa mukha ng babae na gulat siya sa kanyang makakasama.
Tumingin ako kay Kokoy at doon ko kitang nakatingin lang siya ng seryoso sa camera.
Umayos ako ng upo bago magsalita sa kanilang dalawa.
“Okay before we start our class mag pakilala muna kayo sa isa’t-isa dahil tuwing Tuesday ay kayong dalawa ang mag ka partner sa ating tutor class” nakangiti kong salaysay sa kanila.
“Ikaw na ang una Miss” wika ko sa babae at doon siya nagpakilala.
“Hello po, my name is Daphne Samantha Cruz and I’m eighteen years old” pagpapakilala ng babae at doon ako ngumiti sa kanya.
“Thank you Daphne” nakangiti kong pasasalamat bago bumaling ng tingin sa isang lalaki “Ikaw naman Mister? Ano pong pangalan niyo?” wika ko sa seryosong mukha ni Kokoy.
Naghintay kami ng ilang segundo bago siya magsalita “Hello? Mister? Ano pong name niyo?” wika ko dito at doon ito nagsalita.
“Kokoy” tanging tugon nito sa amin ng babae.
Naghihintay pa ako kung may iba pa siyang sasabihin pero wala na ito.
Gago talaga.
“Okay mukhang kilala niyo na ang isa’t-isa so let’s proceed to our next agenda” nakangiti kong wika sa kanila at doon ko isinalaysay ang mga gagawin.
“Every Tuesday night seven o’clock ang klase natin and if ever na hindi kayo makaka-attend you need to inform me before our class start para mabigyan ko ng spot yung ibang student” una kong pagsasalaysay.
“Next one, english and general information ang ituturo ko sa inyo” ikalawa kong pagsasalaysay.
“Every second week ng ating klase ay mayroon kayong online quiz bee which is kayong dalawa lang din ang maglalaban and kapag nanalo ang isa ay makakatanggap siya ng prize then consolation prize naman sa matatalo” huling wika ko sa kanila at doon na ako nagsimula sa pagtuturo.
“Okat so let’s start”
Kaliwa’t-kanan ang pagtuturo ko sa kanila tungkol sa iba’t-ibang parts ng isang letter, sa general information naman ay binigyan ko sila ng mga history tungkol sa Pilipinas.
Inaabot ng isa hanggang dalawang oras ang pagtuturo ko sa bawat estudyante na nahahawakan ko.
Trenta minutos naman kapag nagmamadali ako at may ibang agendang dapat gawin, pero ngayong naka quarantine ay isa hanggang dalawang oras.
Para sa mga walang ginagawa sa bahay bukod sa kumain,matulog,kumain,maligo at matulog bakit hindi niyo subukang mag explore ng mga bagay-bagay sa inyong bahay.
Use your golden time in this quarantine and explore your talents your hidden talents para naman mag karoon ng sense ang buong quarantine period niyo, dahil tiyak na tatanungin kayo sa first day of school niyo.
“Anong ginawa mo sa buong quarantine period?” o sige nga anong isasagot mo?
Hindi ka’ba mahihiya kung ang isasagot mo ay matulog at kumain lang?
“Thank you Tutor Nat! Ang dami ko pong natutunan!” nakita ko nalang ang aking sarili na tapos na pala ako sa pagchu-tutor.
“Thank you din Daphne” nakangiti kong tugon sa kanya.
“I need to go na po Tutor Nat bago palang po kami kasi mag di-dinnner” nakangiting wika ng babae.
“Okay sure, bye Daphne see you on Tuesday!” huling wika ko bago ko nakitang nag out na ang babae sa video call conference.
Napahinga ako ng maluwag dahil nakatapos na ulit ako ng isang tutor.
Bumaling ako ng tingin sa mga modules at chart para doon ito ayusin.
Hinding-hindi ako napapagod sa pagtuturo ng mga estudyante, kaya nga education ang course ko dahil gusto kong maging isang guro.
Ikaw? Napagod kana ba sa mga bagay na masaya kang gawin?
Pagkatapos kong mag ayos ng mga modules and charts ay doon ako bumaling ng tingin sa aking laptop para patayin.
Nang bumaling ako sa screen ay doon ako nagulat na may isang estudyante pa pala ako.
“Nandiyan ka pa pala? Akala ko umalis kana din” panunuya ko sa kanya at doon ko kitang seryoso lang ang kanyang mukha.
Sa loob ng isang oras na pag-aaral ay wala man lang akong narinig na boses niya, kapag tinatanong ko ito ay hindi siya sumasagot.
Nakatanga lang siya at doon nakikinig sa discussion.
“Sige na Kokoy, see you next Tuesday” huling wika ko sa kanya at doon aktong papatayin ang laptop.
“Friday five pm, garden” huling wika nito at doon ako inunahang mag exit sa conference.
ㅡㅡㅡㅡㅡ
guys! watch Gameboys the series! support BL PH Series!
Chapter 7 - date of truth
ㅡㅡㅡㅡㅡ
Nathaniel POV:
Hinding-hindi ko maitatago sa aking sarili na nakakaramdam ako ng excitement.
Mula pa kaninang umaga pag gising ko ay hindi na ako mapakali dito sa aming bahay lalo na noong pag sapit kanina ng mga three pm.
“Bakit hindi mo subukan Nathaniel? Wala namang mawawala sayo Anak?” ’yan ang sabi sakin ni Papa Lester magmula noong sabihin ko sa kanya ang tungkol sa bagay na ito.
Nag aalinlangan pa ako mag mula kanina dahil iniisip ko kung handa na ba akong magpapasok ng bago sa puso ko?
Bakit hindi?
Pero hindi ko siya kilala!
Kaya nga kayo mag dedate diba? Ano ngang sabi niya? ‘Mag de-date tayo at doon natin kikilalanin ang isa’t-isa’
“Friday five pm, sa garden” hindi ako tinantanan ng boses ng gagong iyon sa loob ng tatlong araw.
Biyernes na ngayon at alas singko na ng hapon, mag mula pa kaninang alas tres ay luto na ang mga pagkaing kakainin ko ngayon.
Spaghetti at Carbonara ang isa sa mga specialty kong lutuin.
Hindi ko itatago sa inyo na pinaghandaan ko talaga ang araw na ito, naka suot ako ng puting shirt sa pang loob na pinatungan ng cream na jacket at pants ding cream sa pang baba.
Naglatag ako ng malaking puting carpet dito sa garden ng aming bahay, dito ako pumwesto sa may lavander na tanim ni Mama dahil mabango at presko ito sa pang amoy.
Naka upo ako sa carpet habang nakaharap sa laptop dahil hinihintay ko nalang ang tawag na mula sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit tila may kaba akong nararamdaman dahil sa loob ng dalawang taon ay ngayon nalang ulit ako makikipag-date at sakto pa talagang nasa quarantine period tayo.
I would say na hindi ako naniniwala sa qurantine love dahil tulad nga ng nabasa ko ay kokonti lang ang mga seryoso a totoong tao sa mundo ng internet.
Malay ko bang hindi totoo si Kokoy, malay ko bang niloloko niya lang ako at malay ko bang matulad ako doon sa isang transgender na niloko sa internet.
Quarantine fling okay pa dahil hindi mo naman itataya ang puso mo doon, yun nga lang talo ka kung bumigay ka at nahulog ka sa patibong ng maling taong kalandian mo.
Wala ka kasing assurance kapag nakikipaglandian ka sa social media hindi mo alam na baka isang araw na-ghost ka na pala.
May kilala akong isang writer na ikinuwento sakin ni Bebang na tambay daw sa app na omegle kung saan may makikilala kang strangers, may kalandiang taglay daw yung writer na yun at halos lahat ng sikat na university dito sa Pilipinas ay may naka fling niya pero lahat ng iyon ay na ghost siya.
Kaya kung ako sa inyo piliin niyo yung mga taong papapasukin niyo sa puso niyo.
“Ang tagal naman niya” buntong hininga ko sa kawalan dahil mahigit limang minutos na ang nakalipas sa oras na aming usapan.
Habang hinihintay ko ang tawag niya ay napatingin ako sa dalawang bagay na dumating dito sa amin.
Kinuha ko yung isa at doon inamoy-amoy, hindi ko maitatanggi na nakaramdam ako ng kilig noong matanggap ko ito.
Habang nasa ganoon akong senaryo ay doon ko narinig ang pagtunog ng aking laptop, inilapag ko nang muli ang bagay na iyon sa carpet at doon binalingan ng tingin ang screen ng laptop.
‘Kokoy Bueanaobra Broilette is calling’ tumatawag na si Kokoy at doon ko ito mabilis na sinagot.
“Alam mo kanina pa ako naghihintay dito! Ang tagal-tagal mo! Akala ko ba alas singko ang usapan? Pero tingnan mo kung anong oras na?! mahigit fifteen minutes na ang nakalipas! Late ka! Ano tuloy pa ba? Kung hindi papasok na ako sa loob!” sunod-sunod kong sigaw sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit kapag kausap ko itong gagong ito ay hindi mawawala ang pagsusungit ko.
“Ang sungit naman ng Love ko” tanging nasabi ng gago at doon ko siya pinagtaasan ng kilay.
“Gago!” tugon ko sa kanya at doon siya ngumiti.
“May inasikaso lang kasi ako Love, pati tumawag si Daddy sa akin kaya natagalan ako” pagpapaliwanag niya na mas ikinataas ng kilay ko.
“Kaya pinaghintay mo ako? Pwede mo namang akong i-chat or tawagan para ma inform ako na matatagalan ka sasabihin mo lang naman na ‘Nathaniel wait lang may gagawin lang ako’ para pumasok muna ako sa loob ng bahay at doon naghintay, nasayang lang ang oras ko” masungit kong wika sa kanya na doon ikinalungkot ng kanyang mukha.
Bakit ganito ako magsalita? Masyadong demanding?
“Sorry na Love hindi ko naman kasi inaasahang tumawag si Daddy may emergency kasi kaya nawala ako sa wisyo para ma inform ka tapos si Kuya Ernest naman may inutos pa saking bilhin sa labas kaya mas natagalan po ako at kung nagalit ka sa paghihintay ako na po ang humihingi ng sorry, hindi na mauulit” malungkot niyang pagsasalaysay sa akin at doon pa ito napatungo.
Bakit ganito?
Hindi naman ako ganito dati ah? Hindi naman ako masyadong masungit at demanding pagdating sa ganitong usapin.
Natameme ako dahil sa naiisip ko at pilit kong ikinukubli ang kongklusyon na nabubuo sa aking isipan, hindi pwede ’to.
“Love?”
Hindi ko alam kung tama ba ’tong naiisip ko, hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko ito dahil natatakot ako.
Saan ako natatakot?
Natatakot ako na baka hindi ito totoo, na baka niloloko niya lang ako.
“Love? Ayos ka lang ba?”
“Ha?” napaigtad ako sa pagtawag ni Kokoy sa akin “Anong sabi mo?” napailing pa ako para muling iayos ang aking sarili.
“Sabi ko sorry dahil pinaghintay kita” pag-uulit nito sa kanyang dispensa.
Napailing ako at doon nagwika “Ha? Okay lang ano kaba wala yun sakin! fifteen minutes lang naman eh” paglilinaw ko sa kanya na doon nito ikinataka.
“Eh? Ba’t parang galit na galit ka kanina?” takang wika nito sa akin at doon niya sinusuri ang aking mukha.
Binigyan ko siya ng tingin na nagpapahiwatig na ‘Gusto mo bang magalit ako?’
“Fine-fine pero sorry parin dahil pinaghintay kita ng matagal” muli nitong dispensa sa akin at doon ako tumango.
“Oo na okay lang” tugon ko sa kanya at doon ko nakita ang suot nitong damit “Halatang pinaghandaan mo ah” nakangiti kong panunuya sa kanya.
Naunahan kasi ako ng inis kaya hindi ko napansin ang itsura nito, hindi ko napansin kung gaano siya ka gwapo sa suot niyang dark blue na polo na bumabagay sa mga bulaklak nasa likuran niya.
“Isa na din sa dahilan kung bakit ako natagalan kasi hindi ko alam kung anong isusuot ko, siyempre date natin ’to kaya dapat gwapong-gwapo ako diba” nakangisi niyang wika sa huli.
“Ewan ko sayo” tugon ko sa kanya na ikinatawa nito.
Kita ko ang mga mata ni Kokoy na sinusuri ang aking kasuotan “Bakit ikaw? Mukhang ikaw pa ang mas naghanda sa ating dalawa ah, nakasuot ka pa ng jacket malamig ba diyan?” pang aasar nito sa akin na ikinataas ng kilay ko.
“Ganito talaga ako kapag lumalabas pati pakielam mo ba? Malamig dito dahil mag gagabi na” taas kilay kong wika sa kanya.
Tumango ito bago nag wika “Diba taga Pililla ka?” tanong niya.
Tumango din ako “Nakapag padala ka na nga ng cookies itatanong mo pa kung dito ako nakatira, engot ka din ano?” panunuya ko sa kanya.
May ganitong mind set talaga ang mga pinoy ano? Alam na nga yung kasagutan itatanong pa, masyadong sigurista.
“Oo nga ano? Tanga ko din eh” natatawang pagkausap niya sa sarili “Ah hindi, naalala ko lang din kasi na diyan pala nakatira yung mga Tito ko” paglilinaw nito sa akin.
“Mga tito mo? Wala namang mga Broilette dito sa barangay namin pero baka doon sa bayan meron” wika ko sa kanya at doon siya ngumiti.
“I mean hindi kadugo, Tito lang ang tawag ko kasi kaibigan sila ni Papi” paglilinaw niya sa akin at doon ako napatango.
“Ah, anong apelyido baka kakilala namin” wika ko sa kanya.
“Malvacini, may kilala kayong Malvacini?” tugon nito sa akin na ikinalaki ng mata ko.
“Oo meron!” gulat kong wika sa kanya.
“Weh? Meron kayong kilala?” tila gulat din nitong turan sa akin.
“Oo sila Kuya Elo at Kuya Lucas, Malvacini yung apilyido nila at kapitbahay lang namin” paglalahad ko sa e na lalong ikinalaki ng mata nito.
“Ay weh?! gago ang galing! Small world!” nakangiti nitong turan sa akin.
“Oo nga” tugon ko sa kanya at doon siya muling umayos ng upo sa sarili niyang carpet.
“Kung kilala mo sila edi kilala mo din yung anak nila?” pagtatanong nito sa akin at doon ako tumango.
“Oo si Giotto?” nakangiti kong wika sa kanya at doon ko ito nakitang tumango.
“Yeah” monotone nitong sagot sa akin.
Mas lalo akong napangiti “Kaibigan ko si Giotto dahil doon din siya nag aaral sa Eulji University, close din ba kayo nun?” panunuya ko sa kanya.
Seryoso ang mukha ni Kokoy “Medyo lang” tanging tugon niya sa akin.
“Minsan sa kanya ako sumasabay paluwas ng Quezon City, siya din yung Mister Engineer ng department nila ang gwapo ni Giotto at napaka—”
“Oo na oo na! Takot naman sakin yung gagong yun kaya wag mo nang ituloy ang ginagawa mong pagseselos sa akin” pagputol nito sa ikinukwento ko.
Eh?
“Eh bakit nagagalit ka?” segunda kong panunuya sa kanya.
Binigyan ako nito ng serysong tingin “Nagagalit ako kasi date natin ’to, date natin tapos may ibang lalaki kang pinupuri? May ibang lalaki kang sinasabihan ng gwapo sa harapan ko mismo? Hindi mo ’man lang ako masabihan ng gwapo sa suot ko? Pinagtawanan pa nga ako ni Kuya Ernest sa suot ko kasi ang pang—”
“Oo na gwapo kana okay?” pilit kong pagputol sa kanya para matahimik ito.
“Thanks” tanging tugon ng gagong ito “Pati gago yung si Giotto kaya wag kang mag papalinlang sa mga mabulaklak niyang bibig” segunda pa niya na ikinabuka ng aking bibig.
“Wow! Coming from you na isa ding gago at mabulaklak ang bibig” muli kong panunuya sa kanya na ikinatawa nalang nito.
Napatingin ako sa dalawang bagay na kalapit lang ng aking laptop.
“Kokoy” pagtawag ko sa kanya.
“Yes Love” hindi ko pinakinggan ang huling pagtawag nito sa akin.
Kinuha ko sa gilid ang dalawang bagay na iyon at doon itinapat sa camera.
“Thank you nga pala dito, nag abala ka pa talagang mag padala” pasasalamat ko sa kanya sa ipinadala nitong rainbow roses at isang puting dog na stuff toy.
Kita ko ang pagngiti ni Kokoy ng matamis “Para sayo Love, lahat ng gusto mo ibibigay ko” inilapag ko ang bagay na iyon sa gilid at doon siya hinarap.
“Pwede ba Kokoy tigilan mo ang pagtawag sakin ng Love” seryoso kong wika sa kanya at doon ko ito nakitang nagkamot ng ulo.
“Ba’t naman? Ayaw mo bang Love ang tawag ko sayo? May iba ka bang Love? Anong bang gusto mo Baby? Mahal? Bhie? Pangga? Babi? Ay wag na babi kasi––”
“Nathaniel, Nathaniel ang itawag mo sakin” pagputol ko sa kanya.
“Okay Love” tanga nitong pangungulit sa akin.
“Ewan ko sayo Noah” pagtawag ko sa kanya ng totoo niyang pangalan.
Napangiti na naman si Kokoy ng parang aso “So isa kana sa mga special na tao para sakin?” tugon nito sa akin ng maalala ko yung sinabi niya dati ‘Mga special na tao lang ang nakakaalam ng true name ko, stage name ko lang kasi yung Kokoy derive sa Kolokoy at Kengkoy’
Napakamot ako ng ulo “Ha? Ano hindi ah sa—”
“Wag kanang tumanggi, oo na kasama kana” tanging nasabi ng gago.
Muli ko siyang binigyan ng tingin na nagpapahiwatig na ’Ano itutuloy pa ba natin ito? Kung ganyan lang ang ikikilos mo mabuti pang itigil na natin ‘to’
“Fine-fine titigil na po ako” natatawang wika niya “Sa mga tingin mo pa lang alam ko na yung gusto mong sabihin” buti naman at marunong siyang makiramdam.
“Hindi ko alam kung pwede na ang social interaction pero dahil malayo tayo sa isa’t-isa at nasa community quarantine tayo then hanggang virtual date muna tayo, kung gusto mag virtual kiss din tayo eh tapos virtual se—”
“Isa pang pang-gagago mo iiwanan kita dito” inis kong pagputol sa kanyang sasabihin.
Napatawa itong muli “Sorry-sorry” tugon niya at doon muling umayos ng kanyang asta “Anong niluto mo Love?” pagtatanong nito sa aking mga niluto kanina pang alas tres.
“Carbonara at Spaghetti” lahad ko sa kanya at doon ito napatango.
“Wow sarap naman niyan, ako ito nag bake ako ng cake tapos tinulungan din ako ni Kuya Ernest na mag luto ng bake mac” doon niya ipinakita sa camera ang niluto niyang cake at bake mac.
“Mas masarap yang sayo” natatakam kong wika sa kanya at doon sumilay ang manyakis nitong ngiti.
“Masarap talaga ’to Love, gusto mong tikman? All free” manyak nitong tugon sa akin na ikinailing ko.
“Manyak ka talaga ano po?” panunuya ko sa kanya at doon ito tumango.
“Wait lang Love may kukuhanin lang ako” huling wika niya at doon ito umalis sa harapan ng camera.
Hindi na ako nakapagsalita ng umalis siya sa harapan ng screen, napatingin nalang ako sa mga pagkaing nasa harapan ko.
Dalawang plato na may carbonara at spaghetti, nagluto ako ng sakto lang para sa aming tatlo nila Mama at Princess na ngayon ay pinapanood ako mula doon sa bintana ng aming bahay.
Pinagtatawanan pa nila ako kanina dahil bakit kailangan sa garden pa kami kakain nitong si Kokoy, baka daw botanist ang gagong ito kaya gusto niya sa garden.
“Meron ka niyan?” pagtatanong ko kay Kokoy ng makabalik siya sa harapan ng camera.
May dala-dala itong casette tape player.
“Hindi ’to sakin, kay Kuya Ernest ito pero ako madalas ang humihiram kapag nagpapatugtog ako” lahad niya sa akin habang inaayos nito ang player.
“Ah” tanging tugon ko habang pinapanood ko siyang naglalagay ng tape doon sa casette.
“Anong papatugtugin mo?” wika ko sa kanya matapos niyang ilagay ang tape doon sa player.
“Mahilig ako sa mga R and B tsaka old songs, I like Ben and Ben band too” nakangiti niyang tugon sa akin taliwas sa aking tanong.
“Gusto ko din ang Ben and Ben” nakangiti kong segunda sa kanya.
“I know”
“Ha?” paglilinaw ko sa aking narinig.
“Oo, sabi ko mukha ngang gusto mo din yung Ben and Ben dahil nakita ko yun sa mga facebook photos mo” paglalahad niya sa akin.
“Stalker ka pala eh” panunuya ko dito.
“One way para makilala kita kaya ko tingingnan yung mga pictures mo” lahad nito sa akin na muli kong ikinatango.
“Okay” wika ko at doon ako muling bumaling sa casette tape player niya “Pero ano ngang papatugtugin mo?” pagtatanong ko dito at doon siya nagtanong sa akin.
“Kilala mo si Keiko?” tugon niya.
“Oo, Keiko Necesario?” paglilinaw ko sa kanya at doon ito tumango “Mahilig ka sa mga songs niya?” segunda ko dito.
“Yep siya lang yung babaeng singer na nagpaiyak sa akin sa pamamagitan ng songs” lahad nito sa akin na ikinabigla ko.
Isang gaya niya umiiyak sa kanta?
“I know what you’re thinking, ganito ako kakulit pero may puso din naman ako na kahit movies and songs iniiyakan ko” tama nga yung sinabi niya na dito namin kikilalanin ang isa’t-isa.
“I know, pero anong kanta ni Keiko ang papatugtugin mo?” muli kong tanong sa kanya.
“Connection” tugon niya sa akin.
“Connection? Anong meaning nung kanta?” taka kong wika sa kanya at doon niya pinindot ang play button ng casette tape.
Nang magsimulang tumugtog ang awitin ay doon ko pinakinggan ang mga lyrics habang inaabangan ang mga salitang bibigkasin ni Kokoy.
“Yung sarili kong interpretation dun sa kanta is all about those lovers na till death ay magkasama sila” doon ako nakinig sa kwento ni Kokoy.
Sumusubo ako ng pagkain sa harapan niya habang nakikinig sa kanyang kwento.
“May isang girl na mahal na mahal yung kasintahan niya at yung lalaking iyon ay may sakit na dahilan para mag karoon na ng taning yung buhay niya” napapikit ako dahil sa kanyang sinabi.
Muli akong dumilat para ituloy ang pakikinig.
Seryoso lang ang mukha ni Kokoy.
“Hindi naging barier yung pagkakaroon ng sakit ng lalaki para mawalan sila ng pag-asa sa kanilang relationship” wika pa niya “Naging strong sila sa isa’t-isa lalo na yung girl since may taning na yung buhay ng lalaki” segunda pa niya.
Tahimik lang akong nakikinig sa kwento ni Noah kahit na may sakit na nabubuo mula sa aking looban.
“Nag decide yung girl na gumawa ng bucket list yung lalaki ng mga gusto niyang gawin sa natitira niyang araw at alam mo ba kung anong nilagay nung lalaki sa bucket list?” pagtatanong nito sa huli niyang wika.
“Ano?” tugon ko at doon pinakinggan ang sagot niya.
“Isa lang yung bagay na nilagay nung lalaki pero napaka-laking bagay na iyon para sa kanila” unang wika ni Kokoy “Nilagay nung lalaki sa bucket list na araw-araw silang pupunta nung girl kung saan sila unang nagkita”
Napapikit ulit ako at doon umiling “Kokoy wag nalang ’yan ang pag usapan natin, ahm ano…may kasama ka ba diyan?” pilit kong iniiba ang usapan naming dalawa.
Baka hindi ko na kayanin.
Nararamdaman ko na kasi yung mga luhang mag babagsakan sa aking mga mata.
“Ha? Okay” taka nitong wika at doon pa siya napakamot sa ulo “Patayin ko na ’tong kanta?” pagtatanong niya sa akin at doona ko umiling.
“Hinaan mo nalang Kokoy” alinlangan ko paring wika sa kanya at doon niya hininaan ang volume ng casette tape player “Sinong kasama mo diyan?” pag-iiba ko ng usapin at doon ako ngumiti sa kanya.
Tila hindi naman napansin ni Kokoy ang pagbabago sa atmospera ng aming usapan dahil kita kong sumilay sa kanya ang ngiti.
“Si Kuya Ernest lang ang kasama ko dito kasi sila Papi at Daddy ay nasa hospital” nakangiti niyang wika sa akin.
“Papi at Daddy?” taka kong wika sa kanya dahil kanina ko pa narinig yung pagtawag na iyon.
“Yes si Papi Elie at Daddy Mike they are gay couples, gay husband whatever” napangiti nalang ako sa sinabi ni Kokoy.
“Ikaw sinong kasama mo diyan?” balik niyang tanong sa akin.
Ngumiti ako bago nagsalita “Si Mama Ruth at saka yung bunso kong kapatid na si Princess” sagot ko sa tanong niya.
Tumango si Kokoy habang ngumunguya ng kanyang nilutong Bake Mac.
“Ahm Kokoy may tanong ako” nag aalinlangan kong wika sa kanya dahil hindi ko alam kung tama bang itatanong ko sa kanya kung ampon lang ba siya.
“Yes ampon lang ako nila Papi at Daddy” paanong? Mind reader din siguro itong si Kokoy tulad ni Bebang “Inampon nila ako when I was ten years old at silang dalawa lang ang tumanggap sa akin mula sa ten years kong pamumuhay doon sa ampunan” nakangiting pagsasalaysay sa akin ni Kokoy.
Napatango ako bilang tugon.
“Kahit naman si Kuya Ernest ay ampon lang nila” segunda pa niya sa akin.
Ngumiti nalang ako dahil hindi ko na alam ang sunod kong sasabihin.
“Maliban sa pag tuturo mo ng student ano pang mga hobbies at favorites mo sa buhay?” nakangiti niyang pagbibigay ng topic sa akin.
Ngumiti ako “I love listening to old music kaya sabi ni Mama ay parehas daw kami ni Papa na may old souls” una kong paglalahad sa kanya.
“Favorite ko ang Ben and Ben kaya halos ng gigs and concert nila dito sa Pilipinas ay napuntahan ko” ikalawa kong paglalahad sa kanya at doon ko ito nakitang ngumiti “Mahilig kaming dalawa ni Princess sa grapes kaya madalas kaming pinapagalitan ni Mama kapag nauubos ang stock sa ref” natatawa kong paglalahad sa kanya.
“And last thing I really-really love beaches” doon pa ako pumikit na tila dinadama na nasa dalampasigan ako.
Gustong-gusto ko talaga sa dagat lalo na kapag malalakas ang alon, nakaka-relax kasi ang tunog ng alon sa dagat kaya tuwing mag yayate si Papa ay sumasama ako.
“Ikaw? Anong mga agenda mo sa buhay?” balik kong tanong sa nakangiting parang aso na si Kokoy.
“Parehas tayong old souls, parehas tayong favorite ang Ben and Ben” pang-gagaya nito sa akin na ikinataas ng aking kilay.
“Gaya-gaya ka naman ih” panunuya ko dito at doon ko nakitang itinaas niya ang kanyang kaliwang kamay.
“No! I swear! Parehas talaga tayo doon sa bagay na yun” tarantang wika nito sa akin na ikinangiti ko.
“Oo na, oo na” natatawang wika ko sa kanya “So ano pa? Bukod sa pagiging old souls mo at pag kagusto sa Ben and Ben” balik kong tanong muli sa kanya.
“Mahilig akong mag bake ng mga pastry tulad ng pinadala ko sayong cookies” nakangisi niyang wika at napailing ako “I love photography lalo na kapag stolen shots ng mga tao at ng mga magaganda views” huling wika.
May gusto sana akong itanong pero pinili ko nalang na itikom ang aking bibig, hindi ko kasi alam kung anong magiging reaction ko kapag sinagot niya ang bagay na iyon.
“I really love beach too” nakangiti niyang tugon sa akin “Mahilig kaming mag outing ng Ace Four kapag may magandang nangyayari sa buhay namin, beach date tayo after quarantine?” napalunok ako sa huli nitong tanong.
“Ha?” tanging tugon ko sa kanya at napapunta ang aking tingin sa kanyang dibdib.
“Sabi ko beach date tayong dalawa after quarantine, pag nag meet tayo punta tayo sa beach ang alam ko kasi ay may malapit diyang resort sa inyo” paglilinaw nito sa akin na tanging pagtango nalang ang naisagot ko.
Hindi ako nagsalita dahil may nakita na naman kasi ako sa katawan niya na ikinakukutob ko sa aking looban.
Noong pangalawa ko itong makita na may pasa ay hindi na mawala-wala sa aking looban ang nabubuong kongklusyon.
“Kokoy” baling ko sa kanya habang nakatingin ako sa aking nakita.
Magandang tanungin ko na siya ng mas maaga.
“Yes?” nakangiti nitong tugon sa akin.
“Anong meron sa dibdib mo? Tanggalin mo nga yang butones” baling ko sa kanya at doon ako mas lalong kinakabahan.
Kita kong nag aalinlangan pa siya kung susundin ang aking sinabi “Hindi naman masakit Love kaya wag mo nang ting—”
“Pag hindi mo pinakita papatayin ko na ’tong call” pananakot ko sa kanya at doon niya sinunod ang aking utos.
Hindi magkandamayaw ang aking nasa looban na tumibok ng mabilis.
Kita ko ang dahan-dahan niyang pagtanggal sa unang butones ng kanyang suot na dark blue polo, ng matanggal niya iyon ay doon nanlaki ang aking mata.
“Bakit may pasa ka na naman?” pagbaling ko sa kanya at doon ko kita ang pag-aalala ng sa kanyang mukha.
“Na…nalaglag kasi ako sa higaan” tugon nito sa akin na ikinataka ko.
“Nag sisinungaling ka” seryoso kong wika sa kanya.
Nalaglag sa higaan tapos ganyan kalaki ang pasa?
Kita ko ang mas lalong pag-aalala sa kanyang mukha “May dapat ba akong malaman Kokoy? May dapat ka bang sabihin sa akin? May itinatago ka ba? May sakit ka ba Kokoy?” sunod-sunod kong wika sa kanya.
Hindi maipinta ang mukha ni Kokoy sa kanyang pwesto na tila nag aalinlangan kung sasabihin niya ba sakin ang dapat niyang sabihin.
“May dapat ba akong malaman Kokoy!?” hindi ko alam kung bakit tila may galit at sakit sa aking looban.
Hindi ko alam, hindi ko alam.
“I’m a CIPA patient”
ㅡㅡㅡ
Kokoy POV:
“I’m a CIPA patient” hindi ko alam kung tama bang sabihin ko sa kanya ang bagay na ito.
Pero anong sabi ko sa kanya noong Tuesday? ‘Mag de-date tayo at doon natin kikilalanin ang isa’t-isa’ at ito na nga dumating na ang oras na magtatanong siya sa totoong ako.
Dadating talaga ang punto na malalaman at malalaman nila kung anong sakit ang mayroon ako, sana hindi siya katulad ng iba.
“CIPA patient ako I have congenital insensitivity to pain with anhidrosis ibig sabihin wala akong nararamdaman na sakit sa katawan, I am insensitive to pain or temperature” paglalahad ko sa kanya.
Hindi ko alam kung totoo ba yung nakikita ko sa screen ng aking laptop.
Si Nathaniel, tila galit siya at lumuluha sa harapan ko.
Ito na nga ba ang kinatatakot ko.
“Sasabihin ko naman talaga sayo Love kapag nagkita tayo pero hindi ko alam na mapapansin mo na pala” wika ko sa kanya habang titig na titig sa akin.
“Kaya walang umaampon sa akin sa loob ng ten years sa ampunan dahil sa sakit ko” paglalahad ko sa kanya “Hanggang dumating si Doctor Elie at Doc Mike na hulog ng langit para sakin dahil sila ang buong pusong tumanggap at inalagaan ako sa loob ng sampung taon” ngumiti ako sa huli kong wika.
“Kaya doble din ang ingat na ibinibigay sakin ng Ace Four dahil bawal akong pagpawisan ng sobra kasi nga hindi ko ramdam ang init at pagod sa katawan ko, kaya din ako may mga limitations and breaktime na kailangan gawin sa mga bagay na ginagawa ko tulad ng workout at basketbal” salaysay ko pa sa kanya ng katotohanan.
“Kapag nagkakapasa ako hindi ko nararamdaman dahil tuwing bumabangga ako sa pader o kung saan man ay hindi ko namamalayan” isa ko pang pagsasalaysay habang nakangitin lang siya sa akin.
“Tanggap ako ng mga kabigan at ng pamilya ko pero sa tuwing manliligaw ako at kumikilala ng babae ay walang nagtatagal sa akin dahil sa kapansanan ko” binigyan ko siya ng malungkot na ekspresyon.
“Palagi nilang sinasabi na baka daw mahawa sila sa sa sakit ko o kaya dagdag problema lang daw yun sa relasyon namin kaya iniiwan nila akong luhaan” napatungo ako dahil sa katotohanang ibinubunyag ko sa kanya.
“Sabi ng espesyalista na hindi ko daw mararamdamang pumutok na pala ang apendix ko, tapos sabi pa ng iba na ang sakit ko daw ay parang tickling bomb na baka daw isang araw ay pumutok ang aking mga ugat ng hindi ko mararamdaman kaya baka mawalan ka na ng Love” pagbibiro ko pa sa huli bago ngumiti sa kanya.
Seryoso parin ang tingin niya sa akin.
“Kaya noong nakilala kita sinabi ko sa sarili ko na baka ikaw na, na baka iba ka sa kanila, hindi mo ako iiwan tulad ng ginawa nila sa akin” kita kong pumapatak ang mga luha sa mata ni Nathaniel.
Nasasaktan ako sa nakikita ko.
“Sinasabi ko sayo ’to Love para malaman mo kung ano talagang sakit ang meron ako” wika ko sa kanya at doon ko kita ang pagka-iritado ng mukha nito.
“Love sana samahan mo ako sa kung anong meron ako, Love sana tanggapin mo din ang kapansanan ko, Love natatakot akong mag birthday kasi baka totoo yung sinasabi nilang pag dating ko ng twenty one ay mamatay na ako, Love sana tulungan mo akong magpaniwala na mahaba pa ang buhay ko at Love sana hindi ka katulad ng iba “
Ang huli kong wikang sinabi ay hindi na niya narinig dahil namatay na pala ang tawag.
Pinatay na ni Nathaniel ang tawag namin sa isa’t-isa.
Nawala na yung connection na ginagawa naming dalawa.
Ito na nga ba ang kinakatakot ko na sa tuwing sinasabi ko ang katotohanan sa mga babaeng nakikilala ko ay iniiiwan din nila ako.
Hindi ko maisip na isa pala si Nathaniel sa kanila, isa pala si Nathaniel sa mga taong iniiwan ako dahil sa aking kapansanan.
Hindi ko masisi ang aking sarili dahil sa pagkakaroon ko ng ganito dahil mag mula pa noong nasa bahay ampunan ako ay ganito na ang sitwasyon ko, wala akong kabigan dahil natatakot silang mahawa sa akin kahit na hindi naman nakakahawa ang sakit ko.
Sila Papi at Daddy ang nagpaniwala sa akin na may pag asa ako na mabubuhay ako ng matagal dito sa mundo.
Pero sa tuwing sumasapit ang aking kaarawan ay hindi mawala-wala sa aking isipan ang takot na baka isang araw ay mawala na ako dito sa mundo.
Mas lalo pa akong natatakot dahil papalapit na ang ika-twenty one kong birthday, sabi sa amin ng isang espesyalista ay pagtungtong ko daw sa kaarawan na iyon ay baka ito na ang huling kaarawan na ipagdidiwang ko.
Pero palagi namang ipinapaala sakin nila Papi, Daddy at ng Ace Four na wag akong maniwala sa sinasabi nila dahil naniniwala silang hahaba pa ang buhay ko.
Kaya ko din hinanap si Nathaniel dahil alam kong isa siya sa mga taong magpapaniwala sa akin ng bagay na iyon.
Pero hindi eh, hindi pala siya yung taong yun.
Mas lalo na akong natatakot sa pagdating ng aking birthday, ayaw ko ng magising bukas at sa isang araw.
Ayaw ko nang dumating sa mismong araw ng aking kaarawan.
ㅡㅡㅡ
Nakita ko nalang ang aking sarili na nakahiga sa aking kama habang nakikinig ng kanta ni Keiko na Connection.
Nakapatay ang ilaw ng aking kwarto at tanging cellphone ko lang ang nagsisilbing ilaw dito sa loob.
Nasa instagram ako ni Nathaniel at doon tinitingnan ang kanyang mga pictures, hindi ko maiwasang mapangit ngunit napapawi iyon sa tuwing naalala kong iniwan niya din pala ako.
“Sino ’to?” pagkausap ko sa aking sarili dahil sa aking nakita.
Pinindot ko iyon at doon tiningnan ang pictures.
“Sino ’to?” muli ko ulit tanong habang tinititigang mabuti ang mga larawan.
Isang nakangiting lalaki na naka suot ng pulang longsleeve, isa pang larawan na nakahubad at may hawak-hawak na mga bawang, picture nilang dalawa ni Nathaniel na naka suot ng pang football na damit at isa pang picture habang naka unan si Nathaniel sa braso ng lalaki.

“Boyfriend niya?” tanong ko sa aking sarili at doon binasa ang mahabang caption na nakalagay.
Nakikinig lang ako sa kanta ni Keiko habang binabasa ang nasabing caption.
“Hi Love! It’s been two years but still hinding-hindi ko parin makakalimutan yung mga bondings,surprises and love makings natin sa isa’t-isa. Remember? Nung pinilit mo akong sumali sa football team niyo? Nag mukha lang akong tanga Love! Kasi ikaw pinilit mo pa akong isali at Ikaw pa talaga ang nagbayad ng football jersey ko!”
“Love remember nung una kang umiyak sakin nung pumunta tayo sa resort island niyo? Nasa seaside tayo nakatapak at dinadama ang mumunting alon and that time I feel like I am special because you are crying habang nakaluhod ka sa harapan ko at sinasabi mo yung mga gusto mong mangyari sa atin in the near future, sobrang saya ko Love dahil nakilala kita, nakilala ko yung taong nagpaniwala sa akin ng salitang forever”
“Kahit na may iniinda kang sakit I really don’t care to those things na masamang mangyayari sayo cuz I believe na kaya mo yan! Malakas ka diba? Sabi mo nga na ikaw si Superman at kayang-kaya mong gawin lahat ng mga bagay na gustuhin mo”
Napatigil ako sa aking pagbabasa.
“Nag kasakit ang boyfriend niya?” tanong ko sa aking sarili at doon muling binasa ang caption.
“I really care for you Love, na kahit pagtulog mo ay pinapanood ko lalo na sa mga cctv records mo sa kwarto and I feel sad tuwing nagkakaroon ka ng mga pasa sa katawan. Sabi ko nga diba sayo na kung pwede ko lang sanang makuha yung kalahati ng sakit na nararamdaman mo ay tatanggapin ko dahil ganoon kita ka mahal”
“No more dramas Love, I just want to tell you na you’re the best of the best boyfriend ever! You are my love! You are my sunshine! You are my life! You are my breath! You are my oxygen! You are my eudaimonia! You are my everything! And still you are my boy bawang, my bow bawang lover! Love I really really really love you, I miss you Gabriel I wish you are happy above there”
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pagtakapos kong basahin ang caption na iyon.
Madaming questions sa aking isipan ang nabubuo at gustong malaman.
Pero iisa lang ang gusto kong sabihin sa oras na ito na…
“…This is the real connection, this is the real connection of love”
ㅡㅡㅡㅡㅡ
Chapter 8 - apology and the foe
ㅡㅡㅡㅡㅡ
Nathaniel POV:
Alas dos na ng madaling araw at hindi parin ako dinadatnan ng antok kahit na bawal na bawal sa akin ang pagpupuyat dahil hindi na ako nakakatulog ng maayos lalo na kapag sumasapit ang alas dose ng madaling araw.
Hindi ako mapakali sa aking higaan at paulit-ulit lang akong gumulong dito habang hawak-hawak ang aking cellphone at ang dog stuff toy.
“Galit ka ba sakin Kookie? Galit ka ba sakin dahil iniwan kita kanina?” tila isa akong baliw dahil kinakausap ko itong asong stuff toy paharap sa akin.
Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong stuff toy at galing pa talaga sa kanya, hindi kasi ako mahilig sa mga ganito at tanging si Princess lang ang may hilig nito.
Pinangalanan ko siyang Kookie katunog ng pangalan niya, Kokey sana dahil kamukha naman ni Kokoy yun pero mas pinili ko nalang yung Kookie since magaling naman siyang mag bake ng cookies.
“Kookie tatawagan ko ba siya? Tatawagan ko ba siya?” pagtatanong ko pa dito bago ilapag ang laruan sa aking ulunan.
Napapikit ako ng iharap ko sa itaas ang aking cellphone.
“Nathaniel magso-sorry ka lang, yun lang ang gagawin mo mahirap ’ba yun?” pagkausap ko sa aking sarili.
Ito ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog ng maayos, dinadalaw kasi ako ng konsensya sa nagawa ko kanina.
Hindi ko naman kasi talaga ginustong patayin yung tawag niya kanina, sadyang traydor lang itong nararamdaman ko dahil dinadalaw na naman ako ng mga alaala ng aking namayapang kasintahan na si Gabriel.
Ayoko na siya pag-usapan.
Baka isipin ni Kokoy na iniwanan ko siya kanina dahil sa kanyang sakit, mag mula pa noong pangalawang beses ko itong nakitang may pasa ay kinutuban na ako sa kanya.
Gulat na gulat ako ng malaman kong isa pala siyang CIPA patient, gulat na gulat ako.
“Argh! Bahala na!” inis kong wika at doon ko pinindot ang pangalan ni Kokoy sa messenger para ito ay tawagan “Magso-sorry lang ako yun lang” segunda ko pa habang nag ri-ring ang tawag.
May kaba akong nararamdaman habang rinig na rinig ko ang pag ring sa kabilang linya.
“Bat ayaw sagutin?” wika ko ng mag flash sa screen na busy ang taong ito “Isa pa” segunda ko at doon muling pinindot ang call button.
“Sagutin mo, sagutin mo” bulong ko sa aking sarili habang doon nagri-ring ang aking telepono.
Gumilid ako pakanan ng higa para mas komportable ako ng tayo, madilim ang loob ng aking kwarto na tanging ilaw lang mula sa tatlong moon lamp ang nagbibigay liwanag dito.
Naka pajama akong pantulog at puting loose shirt na sakto lang para komportable ang aking tulog.
Niyapos ko ang dog stuff toy habang hawak-hawak ng aking dalawang kamay ang nagri-ring na telepono.
“Kokoy sumagot ka, sumago—” napatigil ako ng nag flash sa screen ang mukha ng taong kanina pa binubulabog ang aking konsensya.
“Kokoy?” mahina kong wika ng masilayan ko siya sa screen.
Nakahubad ito at gulo-gulo ang buhok, nakapikit siya na tila natutulog habang may yapos-yapos na stuff toy.
Napatingin ako sa yakap kong si Kookie dahil sa aking nakitang yakap ni Kokoy.
Parehas kami ng stuff toy?
Kulay puti ang akin samantalang itim naman ang sa kanya.
Anyways kailangan ko ng humingi ng sorry sa kanya dahil baka kung ano-anong iniisip niya.
“Koykoy gising ka’ba?” mahinang pagkausap ko sa kanya habang nakatingin sa kanyang mukha.
Madalim din ang kanyang kwarto na tanging mga white led lights lang ang nagsisilbing liwanag sa kanya.
Sa pwesto naming dalawa ni Kokoy ngayon ay tila magkaharapan lang kami sa higaan dahil nakaharap sa akin ang cellphone kung saan doon nakapikit si Kokoy.
“Kokoy uy gising ka’ba?” mahina ko ulit wika sa kanya ngunit hindi ito sumasagot.
Napabuntong hininga ako dahil sa kanyang inaakto, hindi ko naman kasi talaga sinasadyang patayin yung tawag niya sadyang ano lang kasi talaga basta oo alam niyo na!
“I know that you’re just faking your sleep but Kokoy please listen to me” unang wika ko at doon ako napahigpit ng yakap kay Kookie.
Alam kong gising siya dahil sino bang matinong sasagutin ang tawag habang natutulog? Sadyang gago lang talaga ang isang ito at gustong mag pabebe.
Huminga muna ako ng malalim bago doon nagsalita ng malumanay “Gusto ko lang mag sorry sa ginawa ko kanina, I know it’s rude na pinagbabaan kita ng tawag habang sinasabi mo yung tungkol sa sakit mo it’s just happen na may naalala lang ulit ako kaya ko nagawa yun” tila mapuputulan ako ng hininga sa aking ginagawang paghingi ng dispensa.
“Gusto ko sanang i-explain sayo kung bakit kita pinagbabaan kanina pero ayoko nang alalahanin yun since it’s all in the past at baka maka-apekto lang sakin yun” paglalahad ko sa kanya habang nakapikit parin ito.
“Alam ko na iniisip mong pinagbabaan kita dahil ayoko sayo, dahil ayoko sa sakit mo at dahil hindi kita gusto I just want to clarify na hindi ganoon ang gusto kong ipahiwatig sayo” pagpapaliwanag ko pa dito.
“Koykoy please forgive me I know na galit ka sakin dahil doon” tila isa akong babaeng sumusuyo sa kanyang kasintahan.
“Uy Kokoy” pagtawag ko pa dito pero tanging paghilik niya lang ang isinasagot sa akin.
“Alam kong gising ka Kokoy kaya please speak up, gusto kong marinig na pinapatawad mo ako” pagpupumilit ko sa kanya ngunit wala akong nakuhang sagot.
Napahinga nalang ako ulit ng malalim at doon nalang siya pinanood na natutulog.
Tinumbok ng aking mga mata ang dibdib na bahagi ng katawan ni Kokoy, kahit natatakluban ng yakap-yakap niyang dog stuff toy ang kanyang dibdib ay kita ko parin dito ang pasa na mayroon siya.
Napapikit akong muli ng pumasok sa aking isipan ang isang senaryo, isang senaryo na nag-iwan sa akin ng sakit at pasakit sa aking buhay.
Napailing at mabilis akong napamulat dahil pinipigilan kong magpalukob muli sa nakaraan.
Nang magmulat ako ay doon ko nakitang nakatingin na pala sa akin si Kokoy.
“Kokoy” mahinang wika ko ng makita ko siya na nakatingin sa akin.
Seryoso lang ang tinatapon niyang ekspresyon sa akin, hindi ko maitatanggi na kahit gulong-gulo ang buhok nito ay hindi parin matatago sa kanyang mukha ang ka-gwapuhan.
Napalunok ako ng isang beses bago muli magsalita “Alam kong narinig mo yung sinabi ko sayo kanina dahil alam kong gising ka din, again I just want to say sorry sa ginawa ko kanina” muli kong paghingi ng dispensa.
Wala akong nakuhang sagot kay Kokoy dahil tanging pagtitig lang sa akin ang ginawa niya, tila binabasa niya ang aking mga mata kung sincere ba ako sa aking sinasabi.
“Kokoy please speak up hindi kasi ako makakatulog hanggat hindi mo ako napapatawad” nasabi ko din ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog.
Wala ulit akong nakuhang sagot sa kanya.
“Fine, bukas nalang kita kakausapin kapag malamig na ang ulo mo” aktong papatayin ko na ang tawag ng magsalita ito.
“You ruined our date” wika niya na ikinataka ko, ako pa talaga ang may kasalanan?
“Hindi ako ang may gawa Kokoy dahil kung hindi mo sina—”
“I’m sorry” pagputol niya sa inis kong wika habang seryoso parin ang kanyang mukha.
“Ha?” taka ko nalang na tugon.
Seryoso lang ang mukha ni Kokoy ng sumagot ito sa akin “I’m sorry for being insensitive kanina sa date natin, hindi ko alam na nakakasakit na pala ako” pagsasalaysay niya at doon ako natameme.
Nakangitin lang ako kay Kokoy ng diretso at doon pinakinggan ang kanyang sasabihin.
“Alam kong hindi mo pa ako pinagkakatiwalaan ng buong-buo at iniisip mong niloloko lang kita, kaya I just want to say sorry dahil sa nasabi ko kanina knowing na nasasaktan kana pala” alam ko yung gusto niyang ipahiwatig sa akin.
Sa mga salita palang ni Kokoy ay alam ko na ang gusto niyang iparating.
Sasabihin ko sa kanya kung bakit ako nasaktan kanina, sasabihin ko na sa kanya kung bakit ko siya pinatayan ng tawag at sasabihin ko na sa kanya ang pasakit sa aking nakaraan.
“It’s alright kung hindi mo sabihin sa akin yung dahilan kung bakit mo ako pinata—”
“Si Gabriel ang first boyfriend ko” pagputol ko sa kanya na ikinatikom nito ng bibig.
Huminga muna ako ng malalim bago ko ikwento sa kanya yung gusto kong sabihin.
“Katulad mo din siya Kokoy, katulad mo din si Gabriel na CIPA patient” katotohanang wika ko at doon siya napatango.
‘Kaya ko to’
“Naalala mo yung kinuwento mo sakin kanina? Yung interpration mo sa kanta ni Keiko yung connection” pag-papaalala ko sa kanya at doon ko muling naalala ang sinabi ni Kokoy kanina.
“May isang girl na mahal na mahal yung kasintahan niya at yung lalaking iyon ay may sakit na dahilan para mag karoon na ng taning yung buhay niya”
“Hindi naging barier yung pagkakaroon ng sakit ng lalaki para mawalan sila ng pag-asa sa kanilang relationship, naging strong sila sa isa’t-isa lalo na yung girl since may taning na yung buhay ng lalaki”
“Nag decide yung girl na gumawa ng bucket list yung lalaki ng mga gusto niyang gawin sa natitira niyang araw at alam mo ba kung anong nilagay nung lalaki sa bucket list?”
“Isa lang yung bagay na nilagay nung lalaki pero napaka-laking bagay na iyon para sa kanila, nilagay nung lalaki sa bucket list na araw-araw silang pupunta nung girl kung saan sila unang nagkita”
“Parehas na parehas Kokoy, parehas na parehas yung interpretation mo sa kwento ng pagmamahalan namin ni Gabriel” paglalahad ko sa kanya ng katotohanan.
Tahimik at seryoso lang siyang nakikinig sa akin.
“Hindi lang CIPA ang mayroon si Gabriel dahil mayroon din siyang cancer, isa siyang sarcoma cancer patient kung saan yung mga cells sa katawan niya ang namamatay na naging dahilan para magkaroon ng taning ang buhay niya” napapikit akong muli dahil pinipigilan kong maluha sa aking kwento.
Tulad nga ng sabi ko sa inyo na it’s all in the past at kailangan ko ng kalimutan iyon dahil baka masaktan akong muli.
Tahimik lang na nakikinig si Kokoy sa akin.
“Overlooking sa Antipolo, doon kami unang nagkita ni Gabriel at doon ko din siyang huling nasilayang buhay” paglalahad ko sa kanya at doon ito napakagat ng labi.
“Bucket list? Iisa lang ang gusto ni Gabriel that time, makasama niya yung mga mahal niya sa buhay sa huli niyang hininga” pagsasalysay ko pa dito.
Traydor ang aking mga mata dahil may kung ano nang luha ang nagsisimulang bumagsak dito.
“Kokoy” mahina kong wika sa kanya na tila nagpapahiwatig na baka hindi ko na kaya.
“Just stop it Nathaniel kung hindi mo ka—”
“Kaya ko ’to, gusto kong sabihin sayo ’to” pagputol ko sa kanyang pang-aalo.
Pinunasan ko ang aking mga luha bago ko muling yakapin ng mahigpit si Kookie.
Huminga muna ako ng malamin bago ituloy ang aking kwento.
“Gabi nung oras na nawala si Gabriel nakapatong yung ulo niya sa balikat ko habang kinakantahan ko siya ng paborito niyang kanta, sa susunod na habang buhay ng Ben and Ben ang kinakanta ko sa kanya that time” paglalahad ko sa kanya at doon ito tumango.
“Nasa likod namin yung pamilya ko at pamilya ni Gabriel noong oras ng huling pagtulog niya sa balikat ko at yung oras na yun ay hindi ko akalain na huling pagkikita na pala namin” huling wika ko sa kanya at doon umayos ng higa.
Alam niyo na kung anong kwento ko sa nakaraan, alam niyo na kung bakit ganoon ang nangyari kanina.
Sobrang sakit na malawan ng mahal sa buhay, sobrang sakit na mawalan ng kasintahan na nagpapasaya sayo araw-araw.
Grabe ang sakit at pasakit na naramdaman ko noong oras na wala si Gabriel sa tabi ko, dahilan para mawala ako sa sarili at magtangkang magpakamatay na rason para umuwi si Papa galing ng Dubai.
Hinding-hindi ko matanggap na wala na si Gabriel sa tabi ko.
Pero ang tanging sinasabi at paulit-ulit na ipinapaala sa akin ng aking pamilya at mga kaibigan ko ay mag move on.
Mag move on at wag magpakain sa sakit ng nakaraan.
Palayain ang sarili sa sakit ng kahapon.
Isa na din dahilan kung bakit takot at gulat ako noong oras namalan kong CIPA patient si Kokoy, natakot akong baka maulit muli ang nangyari sa akin.
“That’s why ayaw mong tinatawag kitang Love?” napailing ako ng marinig kong nagsalita si Kokoy.
“Ha?” taka kong wika sa kanya dahil nagsalita na naman siya out of the context.
“Sabi ko kaya ayaw mong tinatawag kitang Love kasi may love ka palang iba” kita ko sa mukha ni Kokoy ang tila panunuya.
Nagtaas ang aking kilay “Alam mo seryosong-seryoso yung pinag-uusapan natin tapos ganyan ka? Magbibiro ka at sasabi—”
“Ayokong makitang nalulungkot ka” seryosong pagputol niya sa sinasabi ko.
Hindi ako nakapagsalita.
“Alam kong natatakot ka na maulit muli yung nangyari kay Gabriel” lahad niya na may ibang ibig siyang sabihin.
Hindi parin ako napakapagsalita.
“Ibahin mo ako sa kanya, alam kong mahal na mahal mo yung namayapa mong ex boyfriend pero sana wag mo akong itulad sa kanya” makahulagan na naman nitong wika.
“Anong gusto mong sabihin?” taka kong wika sa kanya.
“Kung iniwan ka niya, ako hindi” unang tugon “Hindi kita iiwan Baby” huling tugon nito sa aking tanong.
Napailing nalang ako dahil sa kanyang sinabi.
“Ewan ko sayo para kang tanga, ipagdadasal kong dalawin ka ni Gabriel para maalog yang utak mo” tila taliwas ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya.
“Hindi kita iiwan Nathaniel” seryosong pag uulit nito sa sinabi niya kanina.
Binigyan ko siya ng seryosong mukha “Wag kang magsalita ng hindi tapos Kokoy, wag mong sabihing hindi mo ako iiwan dahil baka bukas ay hindi na kita masilayan” tugon ko sa gusto niyang iparating.
“Ikaw na nga ang may sabi diba na hindi pa kita pinagkakatiwalaan ng buong-buo kaya sana wag mong sabihin ang mga salitang ’yan” segunda ko pa sa kanya na ikinailing nito.
“Fine” pagsuko niya at doon siya ngumisi “Pero kung Love ang tawag mo doon sa ex mo, ano namang itatawag ko sayo?” pagbibiro ni Kokoy sa akin.
Alam kong gusto niya lang pagaanin ang atmospera sa aming dalawa.
“Bahala ka sa buhay mo! Matutulog nalang ako! Para kang gago” sigaw ko sa kanya at aktong muli kong papatayin ang tawag ay nagsalita ito para mapatigil ako.
“Wag muna
Baby“
Mabilis akong napatingin sa mukhang aso na si Kokoy “Anong Baby?!” inis kong wika sa kanya.
“Edi Baby! Hindi mo alam yung Baby?” pang-iinis niya sa akin.
“Alam mo hindi ko ’ba alam kung bakit nakikipag-usap pa ako sayo! Hindi ko alam kung bakit ako nakikipag usap sa isang gago, psycho, tarantado, corny basta oo! Hindi ko alam para kang tang—”
“Kasi nga gwapo ako” pagputol nito sa akin “Crush mo ako dahil isa akong gwapong gago, gwapong psycho, gwapong tarantado, gwapong corny at gwapong nilalang dito sa mundo” proud na proud na wika nito sa akin.
Binigyan ko siya ng nandidiring mukha “Yak ikaw gwapo?! No way! Kung kamukha mo pa si Tony Labrusca okay pa sakin” taliwas sa katotohanang wika ko sa kanya.
“I don’t care basta tiwala ako sa sarili ko na magugustuhan mo din ako, tatawagin mo din akong baby someday…am I right Baby Nathaniel?” akala ko ay si Bebang lang ang kilala kong malakas ang tama sa ulo.
“Alam mo bagay na bagay kayo magsama ng kaibigan ko parehas kayong malalakas ang tama sa ulo” wika ko sa kanya at doon niya ako binigyan ng asong ulol na mukha.
“Si Bebang? Yung pinsan ni Samuel?” pagtatanong niya.
“Oo gago” tugon ko sa kanya at doon siya ngumisi.
“I’m actually reading her story entitled Connected with a Bad Boy and you know what Baby I’m actually surprised when I saw na tayong dalawa pala ang bida sa story” maarte nitong wika sa akin.
“Alam mo ang landi mo magsalita, lalaki ka ba talaga?” pagpuna ko sa paraan ng pagsasalaysay niya sa akin.
“Joke lang pero seryoso nagulat ako na tayong dalawa pala ang bida doon, alam mo ba yung story ng kabigan mo?” balik niyang tanong sa akin.
“Oo” tangi kong tugon at doon ko nasilayan ang pagngisi niya sa akin.
“I see so pumayag ka palang pangalan mo ang naka—”
“Hindi ako pumayag for your information!” paglilinaw ko sa kanya at doon siya napatawa.
“Okay-okay fine! Fine! Kaya pala hindi ka nabiglang Baby ang tawag ko sayo dahil binabasa mo din pala yung story ng kaibigan mo” tila panunuya nito sa akin.
“Hindi ko binasa!” pagsisinungaling ko sa kanya.
Kanina kasing mga ten thirty ay pinapabasa sa akin ni Bebang yung story niya na pangalan ko ang kasama.
Habang binabasa ko ang story na yun ay gulat na gulat akong ’Baby ’ ang tawagan nung dalawang bida sa kwento.
Hindi ako nag-aksaya ng oras at tinawagan ko si Bebang “Feeling ka Bakla? Hindi ikaw yung bida kaya wag kang epal okay?!” ’yan ang tanging sagot niya sa pagrereklamo ko.
“So binasa mo nga?” pag-uulit niyang panunuya sa akin.
Doon ako napanginga ng malalim “Fine oo binasa ko, pero wag kang mag assume na papayag akong tawagin mo akong Baby dahil hindi tayo yung mga bida sa kwento ni Bebang!” paglilinaw ko sa kanya at doon nalang ito napantango.
Ang sakit niya sa ulo.
“Baby” pagtawag nito sa akin at doon ko ito muling tiningnan.
“Isa pang Baby mo sasapakin kita sa bunganga” pananakot kong muli sa kanya.
“Pero seryoso natatakot ako” doon ko nakita sa mukha ni Kokoy ang pagkakot.
“Bakit naman?” seryoso kong wika sa kanya at doon ako napalunok ng mga dalawang beses.
“I don’t know kung totoo yung mga nangyayari, pero para kasing nagiging in real life yung mga scenario na sinusulat ng kaibigan mo tulad nito” napatango ako sa sinabi ni Kokoy.
Tama siya, tama si Kokoy na parang nagiging totoo nga yung sinusulat ni Bebang na scenario sa aming dalawa.
May ilang mga problems at pag-uusap lang ang nababago pero yung mga scenario ay parang nagiging totoo.
Tulad nitong pag-uusap namin ni Kokoy ng alas dos ng madaling araw, meron ding ganoon sa kwento ni Bebang.
I don’t know kung nagiging totoo ba or accidentally lang, hindi pa kasi tapos yung kwento kaya hindi ako mag conclude ng maayos.
“I’m scared” takot na namang wika ni Kokoy sa akin.
“Bakit nga kasi?” paguulit ko sa kanya at doon ko kita ang takot sa mukha niya.
“May foe na dumating, may kaaway na dumating doon sa kwento nila Nathaniel at Kokoy” wika ni Kokoy sa akin.
Tama siya, may dumating na ngang antagonist doon sa kwentong isinusulat ni Bebang.
“Alam kong hindi totoo yung kwento pero still natatakot parin ako Baby, natatakot akong mawala ka sakin, natatakot akong maagaw ka sakin ng iba at natatakot akong mawalan ng Baby” salaysay ni Kokot na ikinakukutob ko.
“Bakit kasi ako Kokoy? Hindi ba pwedeng humanap ka nalang ng iba?” hindi ko na naman alam kung bakit ko nasabi ang mga salitang iyan.
“Bakit pa ako maghahanap ng iba kung nandiyan kana? Pati matagal na kitang hinahanap” tugon ni Kokoy sa akin.
Hindi ko nalang inintindi yung huling salitang sinabi niya “Ewan ko ba sayo Kokoy, matulog na lang tayo dahil inaantok na ako” wika ko sa kanya at doon pa niya ako pinigilan.
“Last thing Baby please listen to me” kita ko ang pag ka paranoid ni Kokoy sa kanyang mukha.
“Ano yun?” tugon ko sa kanya habang nakataas ang aking mga kilay.
“Kung sino mang dumating at magpakilala sayo wag mo siyang paniniwalaan, ako ang paniwalaan mo Nathaniel, sakin ka maniwala Baby dahil ako ang nagsasabi ng totoo” hindi ko alam kung bakit tila may kaba akong nararamdaman.
“Ano bang pinagsasabi-sabi mo? Matulog kanalang Kokoy kung ano-ano nang lumalabas sa bibig mo, Bye” mabilis ko ng pinatay ang tawag dahil may kakaiba na akong nararamdaman.
Ano bang sinasabi niya?
Bakit ganoon siya?
Imbis na i-stressin ko ang aking sarili ay ipinatong ko na ang aking cellphone sa ulunan at doon mahigpit na niyakap si Kookie.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili bago doon ako nagsimulang kumuha ng antok at pagtulog.
Habang ginagawa ko ang bagay na magpapa-antok sa akin ay may isang tanong na umiikot sa aking isipan.
“Totoo ka’ba Kokoy?”
ㅡㅡㅡ
Alas sais imedya ng Martes at nag aayos na ako ng mga charts and modules na gagamitin ko para sa tutor ko ngayong gabi.
Si Kokoy at Daphne ngayon ang tuturuan ko since Tuesday at schedule nila iyon sa aking klase.
Pero nagmensahe sa akin si Daphne kahapon na hindi muna siya makakasama dahil sa personal reasons niya, kaya ibang estudyante muna ang isasama ko.
Habang nag-aayos ako ng aking mga gamit ay hindi ko maiwasang mapangiti ng may halong kilig.
Bakit ako kinikilig?
Kinaumagahan kasi noong Sabado ay nagyaya na naman si Kokoy ng virtual date, gusto niya daw ulit na kumain kami ng sabay dahil nasira ko daw yung date naming dalawa noong Friday.
Hindi ko maitatago sa inyo na napakabulaklak ng bibig ni Kokoy dahilan para matunaw ang aking puso.
Pero wag kayong ano diyan dahil hindi pa, hindi pa ako nahuhulog sa patibong niya.
Siya na nga mismo ang nagsabi na hindi ko pa siya pinagkakatiwalaan ng buong-buo, kaya kinikilala pa namin ang isa’t-isa.
Noong dumating naman ang araw ng Linggo ay maghapon kaming mag ka-video call ni Kokoy, sinamahan ko siya sa kanyang pag wo-work out, doon ko siya binibilangan at pinapaalalahanan na hindi siya dapat mag over use ng kanyang katawan dahil hindi siya nakakaramdam ng pagod.
Sinama niya din ako sa pag be-bake ng kanyang cookies at pinagalitan ko siya dahil sino bang matinong tao ang hahawakan ang bake pan na mainit? Porket hindi niya lang ramdam yung init ng pan ay gagawin niya na iyon dahilan para siya ay magkapaltos.
Kulang nalang na isama niya ako hanggang sa pagligo noong araw na iyon.
“Baby sino pa bang hinihintay natin?” nakalimutan kong sabihin sa inyo na kaharap ko ang aking laptop at doon naka flash sa screen ang mukha ni Kokoy.
Naka conference meeting na kaming dalawa mag mula pa noong alas-tres, so ibig sabihin mag tatatlong oras na siyang nangungulit sa akin.
Binalingan ko ng tingin si Kokoy “Kung naiinip kana ay umalis kana, sino bang may kasalan na maagang pumunta sa video conference ha?” pagsesermon ko sa kanya.
“Baby naman eh!” tila pagtatampo nito sa akin.
Oo na, pumayag na akong tawagin niya ako ng Baby dahil hindi ako nakatiis at napakakulit niya.
“Ewan ko sayo Noah!” tanging wika ko sa kanya at doon ko muling itinuloy ang pag-aayos ng mga modules ang charts.
“Baby sama ka pala samin bukas ng Ace Four” napabaling akong muli kay Kokoy.
“Bakit anong meron?” tugon ko sa kanya at doon siya ngumiti ng malapad.
“May boys night out kami tomorrow, virtual nights out” nakangiti niyang pagiimbita sa akin.
“Kayo nalang” tugon ko sa kanya at doon siya napailing.
“Ang KJ mo naman Baby eh! Sige na oh pumayag kana oh! Pati masaya yun for sure! Isama mo din si Bebang para hindi ka ma out of place pati nandoon naman ako kaya don’t worry” pagpupursigi nito sa akin.
“Boys night out tapos gusto mong isama ko si Bebang? Boys night out nga diba so ibi—”
“Sige na naman Baby wag kanang KJ! Bakit ba ang hina-hina ko pagdating sayo Baby? Kapag ikaw naman ang nag rereque—”
“Oo na! Oo na! Pag-iisipan ko!” pagputol ko sa kanya dahil magsisimula na naman siyang mag-inarte, parang bata.
“Yes!” tila masaya nitong turan bago ko siya irapan at ituloy ang aking ginagawa.
Ilang minuto pa akong nag-aayos ng muling magsalita si Kokoy.
“Sino pa bang hinihintay natin Baby? Akala ko ba wala yung kapartner ko? Anong pangalan nun? Daphe? Oo yun nga Baby, akala ko wala siya? Sino bang makakasama ko?” binalingan ko siya ng tingin dahil sa sunod-sunod nitong pagtatanong.
“Maghintay ka nga diyan, lalaki ang makakapartner mo bago lang siya mag papatutor sakin” wika ko sa kanya at doon ko nasilayan ang tila panunuri niyang mukha sa akin.
May isang lalaking out of nowhere na nag chat sa akin nung sabado ng umaga, sabi niya na magpapatutor siya sakin since kailangan niya daw iyon.
“Baby wag kanalang kayang mag tutor, ako nalang ang turuan mo” selfish na pagsasalita ni Kokoy.
Isa sa mga katangian ni Kokoy na nakilala ko sa kanya.
“Yan naman po tayo, nagiging selfish ka na naman” vocal kong pagsasalita sa kanya, sinabi ko kasi sa kanya na kinaiinisan ko ang pagiging selfish ng isang tao.
“Sorry Baby” paghingi niya ng tawad sa akin at doon ako napatango.
Nakatingin lang ako sa kanya ng may nag notify na sa aking screen “Oh ayan na ang hinihintay mo, tigilan mo na ang pangungulit ha makinig ka lang sakin” pagpapa-alala ko sa kanya.
“Okay po Baby” huling wika ni Kokoy bago namin nasilayan ang lalaki na pumasok sa conference.
Nakangiti ng malawak ang lalaki at doon pa ako kinawayan.
Umayos ako ng upo at doon sila binalingang dalawa “Okay before we start magpakilala muna kayong dala—”
“Dyren?!” napabaling ako ng tingin kay Kokoy na kanina pang diretso nakatingin sa lalaking dumating.
“Kilala mo siya Ko—”
“Long time no see Noah”
ㅡㅡㅡㅡㅡ
guys please stay fucking safe!
maging mapagmatyag at mapanuri tayo sa paligid
#junkterrorbillnow #vetoterrorbillnow
#FreeCabuyao11
Chapter 9 - sympathy of lies
ㅡㅡㅡㅡㅡ
Nathaniel POV:
Tuesday night at nakaupo ako ngayon sa aking swivel chair habang nakaharap sa laptop, tutor class ngayon ni Kokoy at Daphne.
Wala si Daphne ngayong araw kaya binigyan ko ng slot yung bagong mag papatutor sa akin, isang lalaki na nagchat sa akin nung Sabado at sinasabing gusto niya daw mag paturo.
“Sorry Baby” paghingi ng tawad ng isang gago na kanina pa nangungulit, mula alas tres ay nasa conference video na siya halatang hindi excited.
Nakabaling lamang ang tingin ko sa kanya ng may nakita akong notification sa screen ng laptop “Oh ayan na ang hinihintay mo, tigilan mo na ang pangungulit ha makinig ka lang sakin” pagpapa-alala ko sa kanya.
“Okay po Baby” huling wika ni Kokoy bago namin nasilayan ang lalaki na pumasok sa conference.
Malawak ang pagkakangiti ng lalaki at doon pa ako kinawayan tanda ng pagbati.
Kinawayan ko din naman ang lalaki bilang tugon.
Umayos ako ng upo at doon sila binalingang dalawa, kita kong tila gulat na gulat si Kokoy sa kanyang nakikita kaya nagsalita na ko “Okay before we start magpakilala muna kayong dala—” naputol ang aking pagsasalita ng sumabat si Kokoy.
“Dyren?!” gulat akong napabaling ng tingin kay Kokoy na kanina pa diretsong nakatingin sa lalaki.
“Kilala mo siya Ko—”
“Long time no see Noah” pagputol naman sa akin ng lalaki kaya doon ako napabaling pabalik-balik sa kanilang dalawa.
Tila nakangising demonyo ang itsura ng lalaki.
Magkakilala sila?
Hindi ko alam kung anong ipapakita ko sa kanilang reaksyon pero sa looban ko ay gulat ako.
Nakatingin lang ako sa kanila ng mas magulat akong umalis si Kokoy sa conference.
Napakamot ako ng ulo sa aking pagtataka “Anong nangyari dun?” wika ko na sapat lang para marinig ng lalaki.
“Nabahag ang buntot baka natakot” dahil sa kanyang sinabi ay mas nagtaka pa ako.
“Again?” pag-uulit ko sa lalaki na tanging pagngiti lang ang itinugon sa akin.
Nakatingin lang ako sa kanya ng magsalita ito “Nice too meet you Tutor Nat, again my name is Dyren Padohinog” nakangiting wika nito sa akin.
“Na…nice too meet you too, ma-magkakilala kayo ni Kokoy?” taka kong pagtatanong sa kanya.
Nginisian ako nito bago sumagot “Bakit hindi siya ang tanungin mo since you are dating am I right?” tila may pang-aasar ang kanyang boses.
“Ha?” nakataas at taka kong tugon sa kanya.
“Well nakita ko lang naman yung tweet post niya sa twitter which is picture mo that’s why I conclude na you’re dating with him” ang boses nito ay tulad ng kanina, tila may iba siyang gustong iparating.
“So kilala mo nga siya? Magkakilala kayo?” paguulit ko sa kanya at doon siya umiling.
Ngumisi ito sa akin bago muling magsalita “Ikaw nalang ang magtanong sa kanya if we know each other, then itanong mo din sa kanya kung ano yung totong status ng relationship namin” wika niya at doon tila may ibang gustong iparating.
“Ha?” tanging nasabi ko nalang sa kanya at doon ako nagulat ng patayin niya agad-agad ang tawag.
Napakamot akong muli sa aking ulo “Ano ding nangyari dun?” pagkausap ko sa aking sarili dahil ako ay lubos na naguguluhan.
“Totoong relationship nila, mag kaano-ano ba sila?” muli kong pagsasalita at doon ko pinindot sa aking laptop ang facebook.
Pagdating ko doon sa application ay doon ko pinindot ang search bar “Dyren Padohinog” dahan-dahan kong wika habang tinitipa sa laptop ang pangalan ng lalaki.
Madaming lumabas na pangalan pero iisa lang doon ang aking pinindot.
Pagkapindot ko ng pangalan ng lalaki ay doon sa akin sumalubong ang kanyang bio.
“Living in this world full of lies” pagbabasa ko sa bio ng lalaki “Ano daw?” taka kong wika at doon ko naman tinumbok ang photo album niya.
“Modelo din siya?” wikaw ko ng doon ko pinagtitingnan ang mga larawan nito.
Puro mga nakahubad at doon may dala-dalang produkto.
“Ganda ng katawan niya” wika ng malandi kong side at doon ko pa ipinagpatuloy ang pagtingin sa mga larawan.
“Ace Four?” taka kong wika ng makita ko ang mga larawan ng Ace Four kung saan kasama siya dito.
“Wait si Kokoy to ah?” pagsasalita ko ng makita ko ang isang larawan na parehas silang magkahubad.
Nakasuot si Kokoy ng blue calvin klein short at rubber shoes samantalang black short naman ang suot ng nasabing lalaki, nasa initan silang dalawa na tila katatapos lang mag work out.
Pero hindi iyo ang tumawag ng aking pansin kundi ang malaking pasa ni Kokoy sa kanang tagiliran.
“So magkakilala nga sila” wika ko sa aking sarili bago ako nag exit sa facebook at doon pumunta sa messenger.
Pinindot ko doon ang pangalan ni Kokoy at kita kong fifteen minutes ago na siyang offline.
Tumipa ako ng mga letra sa keyboard “Anong na nangyari sayo?” pagtipa ko ngunit doon ko ito binura.
“Bakit ka umalis sa conference?” pagtipa ko ngunit doon ko ulit ito binura “Kilala mo ba yung si Dyren?” muli kong pagtipa sa keyboard pero doon ko ito binura.
“Ano yung status ng relationship niyo? Mag boyfriend ba kayo?” pagtipa ko ulit sa keyboard, napailing ako dahil sa aking nabubuong kongklusyon sa isipan.
Hindi ko sinend ang huli kong tinype, nag exit nalang ako sa messenger at doon pumunta sa twitter para magbasa ng mga hinaing ng mamayanan.
“Ang dami na namang trending ah” wika ko at doon binasa ang mga trending hashtag sa Pilipinas.
“Hashtag Buknoy? Hashtag Junk Terror Bill now, Hashtag vote yes for ABS-CBN, Hashtag Basura?” pagbabasa ko sa mga viral sa twitter.
Nasa ganoon lang akong pagbabasa pa sa iba ng may isang hashtag na pumukaw sa aking atensyon.
“Hashtag Zoom Jakol?” pagbasa ko dito at doon rumehistro ang pagtataka sa aking mukha.
“Bakit naman viral ’to?” taka kong wika dahil may naalala na naman ako.
“Libre ka ba? Jakolan tayo gusto mo? No face okay lang, malaki ba ’yan?”
“Sagutin mo call ko vidjakol tayo o kaya sop? Usto mo yon?”
Napailing ako ng maalala ko ang mensahe na natanggap ko sa isang gago.
Itinuloy ko nalang ang aking pagbabasa ng mga viral post sa twitter napapataas ang aking kilay dahil sa aking mga nababasa, may isa kasing nag ngangalang Buknoy na nagsasabing hindi marangal ang trabaho ng isang tricycle driver.
“Totoo ba ’to?” pagtataka ko pa dahil sinong matinong nilalang ang mag sasabing hindi marangal ang trabaho ng isang tricycle driver?
Ang Papa ni Bebang na si Mang Andoy ay isang tricycle driver pero tingnan mo kung saan siya nag-aaral? Yung kuya ni Bebang na si Kuya Manoy ay nakapagtapos din ng pag-aaral at ngayon ay isa nang Piloto.
So paano niya nasasabi na ang pagiging tricycle driver ay hindi marangal na trabaho?
“Kapag talaga nagiging sikat ay hindi maiiwasan na lumaki ang ulo, mga taong nagpapakain sa pagiging sikat, mga taong nagpapakain sa dami ng followers, mga taong nagpapakain sa bilang ng mga subscribers at mga taong nagpapakain sa mga maling gawain” para akong tanga na nagsasalita habang binabasa ang mga kritisismo at reaction patungkol sa isang vlogger na si Buknoy.
May mga tao talagang nagiging sikat sa una pero nalalaos din naman sa huli, pero itong nakikita ko ngayon na sikat na sikat sa buong mundo bakit parang ang tagal malaos nalalaos, bakit parang hindi parin tumitigil.
“Fourty four thousand two hundred fifty four confirmed positive cases in the Philippines” mabagal at madiin kong pagbabasa sa kulay pulang mga numero na akong nakita.
“Ano? Road to fifty-k na ba?” sarkastikong wika ko sa aking sarili.
Araw-araw padami ng padami ang nadagdag na bagong kaso, two thousand four hundred thirty four ang bagong cases ngayong araw.
Hindi ka ba nababahala?
Maging mapagmasid tayo at mapanuri sa paligid, protektahan mo ang sarili mo hindi lang sa virus kundi sa mga corrupt at mga bobong napapanood mo sa telebisyon.
Magising kana sana please lang.
Napatayo ako sa aking swivel chair at doon ako humakbang papalapit sa higaan.
Ibinagsak ko ang aking sarili doon dahil sa pagod na aking nararamdaman.
Napapapikit ako at doon nagwika “Sino ba yung Dyren na yun?” hulong wika na lumabas sa aking bibig.
ㅡㅡㅡ
“Good morning Baby, how’s your sleep?” nakangiting bungad ng isang lalaki sa akin.
Seven thirty ng umaga at kagigising ko lang sa hindi maganda kong pagtulog, ang daming bumabagabag na tanong ang gusto kong masagot sa araw na ito.
Sino ba talaga siya?
Ano ba siya sa buhay ni Kokoy?
“Ano ’yan?” tugon ko sa kanya ng makita kong tila nag aayos siya ng mga gamit.
Nakatalukbong sa aking katawan ang asul na kumot habang nakaupo ako sa kama, tumatama na din ang sikat ng araw na nanggagaling sa bintana.
“Inaayos ko ’tong mga books and albums ko dito sa kwarto, ang kalat ko kasi Baby eh” nakangiting tugon niya sa akin.
Malayo sa kanya ang telepono at kita kong naka upo siya sa tila paletang higaan ni Kokoy.
“Halata nga” tugon ko sa kanya dahil tila ang dumi-dumi ng kanyang kwarto, puro larawan ang nakadikit sa ulunang bahagi ng kwarto niya hindi ko iyon makita ng maayos dahil malayo ito sa camera.
Napatawa nalang si Kokoy bago siya muling nagsalita “Oo nga pala Baby, baka sa Sunday pumunta kami ni Kuya Ernest diyan sa Pililla” wika nito sa akin at doon nalang ako tumango.
“Pupuntahan kasi namin si Tito Elo dahil may ipinapadala siya kila Papi at Daddy” nakangiti niyang wika sa akin.
“Ah” tanging tugon ko nalang sa kanya habang tinitingnan ito.
“Magkikita na tayo Baby! Yieh! Excited ka’ba?” galak na galak niyang wika at doon pa pumapalakpak.
“Okay” monotone kong tugon sa kanya.
“Hindi ka ba exited Baby?” wika niya sa akin at doon ako umiling.
Hindi kasi talaga naging maganda ang pagtulog ko kaya ganito ang tinuturan ko.
Walang buhay, walang gana.
Idagdag mo pa na paulit-ulit kong naalala yung sinasabi nung Dyren kagabi ‘Ikaw nalang ang magtanong sa kanya if we know each other, then itanong mo din sa kanya kung ano yung totong status ng relationship namin’
Tama itatanong ko sa kanya kung sino nga siya.
“Okay ka lang ba Baby? May masakit ba sayo?” pag-aalala ni Kokoy sa akin at doon ako nagdesisyong itanong sa kanya ang dapat kong itanong.
“Ahm Kokoy” nakangiti ko nang wika sa kanya.
“Yes Baby” nakangiti din siya na tila abot hanggang langit.
“Yung ano, yung nangyari kagabi…ahm bakit ka nga pala umalis agad? Mag kakila—”
“Baby pwede bang wag nalang natin yan pagusapan?” nakangiti niyang pagputol sa akin na ipinagtaka ko.
“Bakit naman? Hindi ba’t kakilala mo yung lala—”
“Wala akong kilala Baby hindi ko siya kilala.Pati ano bang nangyari kagabi Baby? Diba nag turo ka lang sakin kagabi tapos natapos tayo ng maayos, yun lang diba?” kita ko sa mukha ni Kokoy na ayaw niyang pag-usapan yung gusto kong malaman.
Kahit nakataas ang aking kilay ay doon nalang ako napatango sa kanyang sinabi.
May nabubuo ng kongklusyon sa aking isipan, may pag-aalinlangan na akong nararamdaman.
Kita kong nakangiti si Kokoy sa screen ng aking telepono “Baby mabuti pang samahan mo nalang akong mag ayos nitong mga albums at books ko” wika nito sa akin at doon ako tumango.
“Okay” tanging tugon ko sa kanya bago ko ito nakitang kumilos siya para ayusin ang mga libro at albums na nakakalat sa kanyang kwarto.
Sa ilang minutong pag bi-video call namin ni Kokoy ay tanging pagmamasid lang ang ginagawa ko sa kanya, nakamasid ako habang unti-unti ng nabubuo ang kongklusyon sa aking isipan.
“Baby look oh” pagbaling sa akin ni Kokoy at doon ako napatingin.
Itinaas niya ang kanyang suot na puting sando hanggang dibdib at doon ko nakita ang ipinapakita niya.
“Nalaglag na naman ako kagabi sa higaan” nakangiting wika sa akin ni Kokoy habang ipinapakita nito ang pasa sa kanyang kaliwang tagiliran.
“Hindi ka kasi nag iingat” walang gana kong turan sa kanya at doon ko ito nakitang nag pout na tila nag papa-kyut.
“Kaya sayo ako Baby eh, wag mo akong iiwan ha kasi baka bukas hindi mo na ako makita” wika ni Kokoy na aking ipinagtaka.
Ano bang nangyayari sa kanya?
Bakit ganyan yung mga salitang binibigkas ng bibig niya?
Hindi ko alam pero ang kongklusyon na nabubo sa aking isipan ay mas lalong lumalaki, mas lalaong lumalala, wag naman sana.
“Ahm Kokoy sige na mag aalmusal na kami” pagpapaalam ko sa kanya at doon pa siya humabol ng paalala.
“Baby mamayang gabi ha, wag mong kalimutan yung nights out natin ng Ace Four inivited ka doon” huling wika ni Kokoy bago ko siya pagpatayan ng tawag.
ㅡㅡㅡ
Alas otso imedya na ng gabi at hindi parin ako mapakali, tapos na akong mag tutor at katatapos lang din naming kumain ng gabihan nila Mama at Princess.
Maghapon akong hindi mapakali, maghapong hindi mapakali ang aking isipan.
Hindi parin kasi nasasagot ang tanong na gusto kong malaman, maghapon kaming mag ka video call ni Kokoy pero ilang beses niya akong tinatanggihan sa itanatanong ko sa kanya.
Hindi ko tuloy maiwasang itanong sa kanya kung bakit ayaw niyang sabihin ang bagay na iyon at alam mo ba kung ano lang ang isinasagot niya sa akin “Hindi ko siya kilala, wala akong kilalang ganyan” dahilan para hindi ako mapakali.
Hindi ko naman magawang itanong doon sa lalaki na kung ano ba talaga sila ni Kokoy dahil ang pangit namang tingnan ng ganun.
Kaya wala akong ibang choice kundi ang magtanong sa bruha kong kaibigan na si Bebang.
Naka upo ako sa swivel chair habang nakaharap sa aking laptop at doon naka flash sa screen ang naka facial mask na si Bebang.
“Hindi ko pwedeng sabihin sayo kung anong mangyayari sa kwento dahil hello!? Special ka Bakla? Special ka?!” panunuya sa akin ni Bebang.
Oo na, tama na kayo ng iniisip.
Gusto kong malaman kung anong mangyayari sa kwento dahil malay mo naman diba na may mapupulot akong information.
“Eh bakit naman kasi hindi pwede? Kaibigan mo ako Bebang kaya please sabihin mo na?” pagpupumilit ko pa sa kanya at doon ito tila mas naasar.
“Bakla ang kulit mo! Sinabing hindi pwede diba!? Pati bakit ba interesado kana sa story ko?! di’ba galit na galit ka nga dahil pangalan mo ang ginamit ko?” pagtataka nito sa akin na ikinatahimik ko.
Oo nga naman, galit na galit ako diba? Pero bakit ganito ako ngayon.
“Bakla wag mo sabihing” tila kinikilig na unang wika niya at doon ako umalma sa sasabihin niya.
“Wala akong sinasa—”
“Wag mo sabihing gusto mong malaman kung happy ending ba ang mangyayari sa inyong dalawa ni Daddy Kokoy?!” tila gulat at kinikilig na wika ni Bebang.
Binigyan ko siya ng tingin na nagsasabing ‘Sige ipahiya mo pa ako! Ipahiya mo pa ako sige!’
“Okay fine ikaw na ang maysabi niyan Bakla ha, basta wag ko lang malalaman na nahuhulog kana sa kanya kasi kung hindi—”
“Kung hindi ano!? kung hindi ano!?” inis kong wika sa kanya.
“Kung hindi, maghahanda na ako para sa kasal niyong dalawa! Anong magandang isuot Bakla ha!? pwede bang mag swim suit sa kasal mo? Anong theme ng kasal niyo? Sponge bob? Or Harry Po—”
“Walang kasal na magaganap, pati hindi ako mahuhulog sa kanya ano! Malay ko bang niloloko niya lang ako!” taliwas sa katotohanang wika ko sa kanya.
“Wag kang magsalita ng hindi tapos Bakla!” tugon nito sa akin na ikinatahimik ko “Ikaw palagi ang nagpapaalala sakin na wag akong magsalita ng ganyan, tapos ikaw magsasalita ka ng ganyan?” segunda pa nito na lalo kong ikinatahimik.
“Bakla naalala mo yung sinabi mong hindi ka iinom ng alak? Pero ikaw ’tong mahilig matulog sa basurahan dahil sa pagiging lasing! Kaya Bakla wag mong gawin yung mga sinasabi mo!” pagpapaalala nito sa akin.
May point siya ngayon infairness.
“Ewan ko sayo!” pagsuko ko sa kanya na ikinatawa nito.
“Ewan ko din sayo Bakla ang arte-arte mo! Akala mo naman maganda ka!” panunuya nito sa akin na ikinatawa nalang naming dalawa.
“Ano bang ginagawa mo? Bakit ka naka ganyan?” patukoy ko sa suot niyang facial mask.
“Hello? Inivited din kaya ako sa boys night out ng Ace Four kaya ako nakaganito dahil baka magmukha akong tanga sa screen, pati nandoon si Brent baka sakaling mainlab sa kagandahan ko” wala sa pag-iisip na tugon sa akin ni Bebang.
Sabay kasi kaming naghihintay ni Bebang na makatanggap ng tawag para makasama sa Boys Night Out ng Ace Four.
Magahapon din akong kinulit ni Kokoy na sumama ako sa kanila dahil tiyak na masaya daw ang gagawin namin.
“Pero bago ang lahat may na discover ako Bakla!” muling pagsasalita ni Bebang.
“Ano naman yun?” tugon ko sa kanya.
“Well I’m just browsing the internet then I found a link na mag tetest kung ilang percentage ang love na meron kayong dalawa” unang wika ni Bebang.
“Ano na namang ka-utuan ’yan Bebang” mahilig kasi si Bebang pagdating sa mga ganitong keme-keme.
Mahilig siyang mag flames camel hope ng iba’t-ibang gusto niyang i-ship, kasama na ako doon.
Minsan nga siya ang sinisisi ko sa pagkamatay ni Gabriel dahil noong minsan niyang i-calculate ang mga pangalan namin ni Gab ang lumabas ay Death at ngayon nga ay dedo na si Gabriel.
Kita ko si Bebang sa screen na tila doon may ginagawa “Ano ngang date ng birthday mo” walang kwenta niyang wika sa akin.
“Birthday ko hindi mo alam? Kaibigan ba talaga kita!? March twenty-two gaga ’to” tugon ko sa kanya na ikinatawa nito.
Pinapanood ko lang siya sa kanyang ginagawa.
“Okay-okay si Daddy Kokoy naman, ano ngang birthday nun? Ay oo! Alam ko! July eleven ninety-ninety nine” napabuka naman ang aking bibig dahil sa kanyang sinabi.
“Talagang mas alam mo pa yung birthday ng ibang tao kaysa sa akin ano po?” tila panunuya ko sa kanya.
Tumawa nalang ito bilang tugon sa akin “Manahimik ka nalang diyan Bakla! Hayaan mo akong i-calculate kung ilang percentage ang meron kayo ni Daddy Kokoy!” nakangiti niyang wika na tila hindi niya pansin na nagugulo na ang suot niyang facial mask.
Nakatingin lang ako kay Bebang ng doon niya pindutin at ipakita sa akin ang screen kung saan doon ko kita ang Love Calculator na site.
“Okay let’s calculate your love bitches!” galak na galak na wika ni Bebang at doon niyang pinindot ang start button para gumana ang love calculator.
Napalunok naman ako habang hinihintay ang pagbibigay ng porsyento kung ilang ang love compatibility namin ni Kokoy.
“Omaygad” ilang segundo lang kaming naghintay ni Bebang bago namin nakita kung ilan ang percentage “Bakit one percent lang?” tila malungkot na wika ni Bebang at doon din ako nakaramdam ng kaunting lungkot.
“Wait basahin ko yung nasa baba” wika niya at doon ko din binasa kung ano yung nakasulat sa ibaba.
“Dr. Love thinks a relationship might work out between Nathaniel Guerero David and Kokoy Buenaobra Broilette, but the chance is very small”
Sabay naming binabasa ni Bebang ang nakasulat.
“Bakla very smalliret lang daw ang chance! Juts beks! Juts!” tila natatawa at may pag-aalala sa wika ni Bebang.
“Nabasa ko hindi ako bulag” tugon ko sa kanya at doon namin itinuloy ang pagbabasa.
“A successful relationship is possible, but you both have to work on it”
“Oh alam mo na Bakla! Wag nang magpabebe! Tulungan mo si Kokoy na palaguin ’yang qurantine fling na ginagawa niyo!” wika ni Bebang at hindi nalang ako sumagot.
“Do not sit back and think that it will all work out fine, because it might not be working out the way you wanted it to. Spend as much time with each other as possible”
“Mag usap daw kayong dalawa twenty four hours para maging maganda yung kakalabasan niyo” wika ni Bebang.
“Again, the chance of relationship working out is very small, so even when you do work hard on it, it still might not work out”
“Aw” huling wika ni Bebang bago ako nagsalita.
“Oh diba? Wala talaga! Hindi kami compatible!” tanging nasabi ko nalang dito.
“Ba’t parang hindi ka masaya?” panunuya nito sa akin na ikinataas ng aking kilay.
“Hindi talaga ako masaya Bebang” monotone kong sagot sa kanya at doon nalang ito tumango-tango.
“Kaya pala gustong-gusto mong malaman kung sino yung antagonist na dadating sa buhay nila Nathaniel at Kokoy sa kwento ko” kanina ko pa din kasi ito pinipilit na sabihin sa akin kung sino yung kaaway na isusulat ni Bebang.
May feeling kasi sa loob ko na baka may alam si Bebang sa gusto kong malaman.
Hindi nalang ako nagsalita sa sinabi niya, napatungo nalang ako.
“Fine hindi kita matiis Bakla, dahil special ka naman sakin at alam kong love na love mo ako ay sasabihin ko sayo kung sino yung magiging antagonist sa kwento niyo” dahil sa kanyang sinabi ay doon sumilay ang ngiti sa aking labi.
Mabilis ko siyang binalingan ng tingin “Sige! Sino-sino! Tila sabik na sabik kong wika sa kanya.
“Excited lang? Walang bukas? Mauubusan?” sunod-sunod niyang panunuya sa akin at inisnaban ko nalang ito “Char!” tugon naman nito.
“Ano na sabihin mo na kasi” pamimilit ko pa dito at doon niya sinabi ang pangalan ng antagonist sa kwentong isinusulat ni Bebang.
“Lalaki siya” unang wika ni Bebang at doon ako napatango “He has connection with Ace Four and specially Kokoy” dahil sa sinabi ni Bebang ay doon na ako kinabahan.
“His name is Dyren” dito na ako mas sinukuban ng kaba.
Ayokong maniwala na ang sinusulat ni Bebang ay nagiging in real life, pero bakit pati ang antagonist na walang ka-ide-deya si Bebang ay tila nagiging totoo.
“Da-Dyren?” na-uutal kong paglilinaw sa kanya.
“Yes!” nakangiting wika ni Bebang “Kababata ni Kokoy si Dyren doon sa ampunan” unang paglalahad ni Bebang na aking ikinabibigla.
“Ka-Kababata sa ampunan?” utal ko paring paglilinaw sa kanya.
Sasagot na sana si Bebang ng mapatigil ito dahil nakatanggap na kaming dalawa ng notification para sa nights out ng Ace Four.
“Bakla mamaya ko na itutuloy sayo yung kwento after nitong Nights Out nila!” wika ni Bebang at doon siya tumayo sa kanyang pwesto habang bitbit ang laptop.
“Saan ka pupunta?” taka kong tanong sa kanya at doon siya sumagot.
“Punta ako sa kwarto ni Kuya Samuel, nandito ako sa bahay nila eh” tugon niya sa akin at doon ako napatango “Sige na bakla i-accept mo na yung request nila bilisan mo!” pagmamadali sa akin ni Bebang kaya doon ko inaccept ang invitation.
ㅡㅡㅡ
“Magandang gabi sa inyong lahat mga kababayan!” sigaw ng lalaki sa screen at doon ako nagulat na nagsigawan din ang mga taong nandito kasama na si Bebang.
Limang boxes ang makikita ko sa video confenrence na kinabibilangan ko.
Dalawang boxes ang nasa itaas, dalawang boxes ang nasa gitna at isang box ang nasa ilalim.
“Handa na ba kayo!?” muling wika ng isang lalaki na nagsisilbing emcee sa kanilang nights out, nasa ilalim na bahagi ng screen ang lalaking iyon.
“Aba siyempre po!” para silang mga engot na sabay-sabay ulit na sumagot.
Dahil sa pagkahiya at pressure ay napasabay na din ako na parang tanga.
Kita ko namang pinagtawanan ako ng isang tao sa screen dahil sa aking inakto.
Inirapan ko ito kaya napatawa nalang siya.
“Bago ang lahat nais ko munang magpakilala sa inyo! Ako nga pala si Dick Junior Sorerra ako ay bente dos na taong gulang na nakatira sa Quezon City! Ako ang magsisilbing host para sa gabing ito!” doon ako napatango sa sinabi ng nagpakilalang Dick.
Hindi ko maitatanggi na ang lahat ng mga lalaking nandito hindi ako kasama ay may mga itsura lalo na yung lalaking nasa itaas ko, yung mukhang basketball player dahil naka jersey pa ito.
Hindi ko tuloy maiwasang tumingin sa kanya, parang nakita ko na siya.
“At bago ulit ang lahat nais ko munang ipakilala sa inyo ang dalawang kagalang-galang na mga bisita” tila nasa isa akong formal na conference meeting dahil sa pagsasalita ng nagngangalang Dick.
Napangiti naman kaming dalawa ni Bebang na nasa itaas na bahagi ng screen.
“Unahin muna natin ang nag-iisang babae, ay! hindi pala dahil may isa pa palang babae tayong kasama” napatingin naman ako doon kay Dick ng tila ako’y paringgan nito.
Binigyan ko nalang siya ng ngiting nakamamatay “Napakaganda ng binagay mong ngiti sakin binibini, kaya pala nagmumukhang aso na ang iyong katabi” doon ako napatingin sa kabilang box kung saan doon ko nga kita ang gago na wagas kung makangiti.
“Bago pa ma-ulol si Kokoy, maari bang malaman kung anong buong pangalan ng isang babae na kasama ngayon ng supernerd na si Samuel” patukoy niya kay Bebang at kita ko ngang nasa likod nito ang kanyang pinsan na nakahiga sa higaan at patuloy lang na nagbabasa, parang walang siyang pakielam.
“Hi! My name is Maria Cecila Bebang Tolentino, twenty years of age from Cubao Quezon City! Thank you!” tila model na pagpapakilala ni Bebang sa kanila at doon kami nagpalakpakan.
“Napakagandang pangalan Maria, Ave Maria pagpurihin ka” tila pagbibiro nung nagngangalang Dick at hindi ko magawang pigilan ang aking pagngiti “Isunod naman natin ang isang tila babaeng lalaki na napakaganda ng pagkakangiti niya ngayon” doon ako napatingin sa kanya ng paringgan na naman ako nito.
“Ano ang iyong pangalan?” magalang na pagtatanong sa akin ni Dick.
Umayos muna ako ng upo bago nagsalita sa kanila, hindi ko maiwasang padaanan ng tingin ang lahat ng mga nakatingin sa akin lalo na doon sa nakasuot ng jersey uniform.
“Ahm hello guys” malumanay kong pagsisimula “My name is Nathaniel Guerero David and I’m twenty one years old from Bugarin Pililla Rizal” nakangiti kong pagpapakilala sa kanila at doon din sila nagpalakpakan.
Hindi ko mapigilang mapangiti dahil kumaway pa sa akin yung lalaking nakasuot ng jersey na malapad din ang pagkakangiti, ginantihan ko din ng kaway yung lalaki dahilan para magsalitang muli si Dick.
“Mukhang ang asong ulol ay totoo na ngang nauulol, dahil nakaka-amoy ako ng selos” pagpaparinig ni Dick sa lalaking aking katabi sa screen.
Napangiti nalang ako dahil sa kanilang turan, kita ko sa screen ang matalim na tingin ni Kokoy samantalang tawa nalang ng tawa yung lalaki.
“Siyempre hindi pwedeng matapos ang gabing ito ng hindi nagpapakilala ang tatlong lalaki, wag na nating isama yung isa diyan dahil busy siya sa kanyang ginagawa” pagpaparingi muli ni Dick doon sa pinsan ni Bebang.
“Dahil kilala na kami ni Bebang, kay Nathaniel nalang magpapakilala ang dalawang natirang lalaki…maari kanang magsimula Fernandez” pagbibigay oras ni Dick sa lalaking nasa aking itaas.
“Hi Nathaniel” hindi ko mapigilang mag-impit ng kilig dahil sa kanyang pagbati sa akin.
“Hello” oo na! Ako na ang pabebe!
“Ako nga pala si Brent, Brent Fernandez I’m twenty one years old and a basketball player” sabi ko na eh siya yung sinabihan ko ng gwapo dati noong ipinakita sa akin ni Bebang yung larawan nilang Ace Four.
Natapos magpakilala si Brent ng hindi napuputol ang matalim na titig ni Kokoy sa kanya.
“Next one Koy! Magpakilala kana! Bilisan mo para masimulan na natin!” kung kanina ay maayos ang pagsasalita ni Dick ay tila bastos naman ito ng si Kokoy na ang magsasalita.
Doon ko nakitang umayos ng upo si Kokoy na gwapong-gwapo din sa suot niyang pulang jersey, doon ko kitang sa akin tumingin si Kokoy.
“Hi Baby, my name is Noah your one and only” corny na pagpapakilala ni Kokoy sa akin at doon ko nakita ang pandidiring reaction ng kanyang mga kaibigan na kahit si Samuel na pinsan ni Bebang ay tila doon umarteng nasusuka.
Napatawa nalang ako dahil sa kanilang inaasta.
“Okay let’s start! Ang agenda natin for tonight ay ang pag-pa-plano para sa darating na birthday ni Kokoy sa Friday at maglalaro tayo again ng truth or dare! So ano pang hinihintay natin! Let’s get it! Skrt!”
ㅡㅡㅡ
Hindi magkandamay ang pagtawa naming bawat isa sa loob ng conference video.
Ngalay na ngalay na din ang aking panga sa kakatawa, napakasaya sobra!
Walang oras, segundo, minuto ang nasasayang sa pag-sasaya naming lahat ngayong gabi, tawang-tawa din ako kay Dick dahil napakagaling niyang magpatawa sa amin.
Hindi ko mapigilang mainis kay Kokoy dahil magmula pa kanina ay ang landi-landi na niya, ilang beses niya akong pinapakilig at nilalandi sa harapan ng kanyang mga kaibigan dahilan para mainis ako.
Kasalukuyan kaming naglalaro ngayon ng truth or dare, dahilan para malaman ko sa kanila kung ano yung dare na ibinigay nila kay Kokoy noong time na nakatanggap ako ng mensahe sa kanila.
“I dare you na i-chat mo ng may pag-galang ang taong nagugustuhan mo” iyan ang sabi sa akin ni Brent na ibinigay daw ni Dick kay Kokoy dahilan para mas lalo akong mainis kay Kokoy.
Ibig sabihin siya lang talaga ang may gustong i-chat ako ng ganoong kabastusan? Ibig sabihin nagsinungaling siya sa akin na bigay daw ng mga kaibigan niya ang dare na iyon?
Manyak talaga! Nako-nako!
“Bakla truth or dare!” napaigtad ako ng marinig ko ang pagtawag ni Bebang, ako na pala ang taya.
“Ahm…truth?” nag-aalinlangan ko pang sagot sa kanya.
Kita ko ang pagngisi ni Bebang tanda na hindi ko magugustuahan ang sasabihin niya.
Lumunok ako ng dalawang beses bago pakinggan ang kanyang katanungan.
“Ilang tite na ang nasubo mo?” walang pasintabing pagtatanong ni Bebang sa akin sa mismong harapan ng mga lalaki.
Napangiti nalang ako kahit na sa loob-looban ko ay minumura ko na ng paulit-ulit si Bebang ‘Tangina mo kang babae ka! Napaka walang hiya mo talaga gaga ka!’ ’yan ang gusto kong sabihin sa kanya.
“Isa lang” diretso ko namang sagot sa kanila at doon ko narinig ang mumunting paghanga nila sa aking isinagot.
Doon ko narinig na nagsalita si Dick “Kokoy anong masasabi mo na hindi ka pala ang first boyfriend ni Baby Nathaniel mo?” pagtatanong ni Dick kay Kokoy.
Ngumiti ng matamis ang gago bago sumagot “Hindi ’man ako ang first susubukan kong ako ang magiging last” sagot ni Kokoy na taliwas sa inaasahang isasagot niya.
Akala ko kasi ay sasabihin niyang ’Hindi ‘man ako ang first ako naman ang last’ kasi kung yun ang sasabihin niya ay doon ako mayayabangan dito.
Napangiti nalang ako dahil sa aking narinig.
“Nice one answer Kokoy!” pangpupuri ni Dick sa kanya “So it’s your turn na Baby Nathaniel” cute na cute na baling sa akin ni Dick.
Muli akong umayos ng pag-kakaupo bago pumili at sabihin sa kanya kung ano yung ibibigay ko.
Wala na akong ibang pinili kundi sino pa ba?
“Kokoy” pagtawag ko ng pansin sa lalaki.
“Yes Baby” tugon niya sa akin at doon ko ko siya pinapili.
“Truth or Dare?” pagpapapili ko sa kanya at doon siya ngumiti ng ubod ng tamis.
“Truth” nakangiti niyang sagot.
Lumunok muna ako ng isang beses bago ko sabihin sa kanya ang gusto kong itanong.
Nag-aanlinlangan pa ako kung itatanong ko ba sa kanya o hindi, pero baka ito na ang tamang pagkaktaon na sabihin niya sakin kung sino ba talaga siya.
Kung sino ba talaga siya sa buhay niya.
“Sino si Dyren Padohinog sa buhay mo?” nakangiti kong paglalahad ng aking truth dahilan para marinig ko ang pagkagulat ng mga lalaki.
Ang aking pagkakangiti ay napalitan ng pagkaseryoso ng makita kong hindi sumasagot si Kokoy.
Natahimik ang screen habang gulat parin ang mga mukha ng lalaki sa aking sinabi, isama mo na si Bebang na tila na vertigo sa aking sinabi.
“Kokoy?” seryoso kong wika sa kanya at doon ko kitang hindi mapakali ang kanyang mga mata.
Naghintay pa kami ng ilang minuto kung may salita bang sasabihin si Kokoy ngunit ang natanggap ko sa kanya ay ang pagpatay niya sa kanyang screen.
Umalis si Kokoy ng walang paalam sa aming video call conference.
Hindi ko mapigilan mag conclude ng tama sa kongklusyon na nabubuo sa aking isipan.
May itinatago sa akin si Kokoy.
“I have to go na din, thank you for this night bye” hindi ko na hinintay ang sasabihin nila at doon ko mabilis na isinara ang aking laptop.
Mabilis akong tumayo sa pagkakaupo sa swivel chair at doon humakbang papunta sa aking higaan.
Ibinagsak ko ang aking sarili doon dahil nakakaramdaman na ako ng pagod sa aking katawan.
Napapapikit ako ng maalalang dalawang gabi na akong matutulog ng may bumabagabag sa aking isipan “Sino ba yung Dyren na yun?” muli kong pagtatanong sa aking sarili.
“Bakit ba ayaw sabihin sa akin ni Kokoy kung sino yung lalaking yun?” huling pagtatanong ko sa aking sarili.
Sana bukas masagot na ang lahat.
ㅡㅡㅡ
“Ang manloloko ay mananatiling manloloko habang ang mga sinungaling ay mananatiling sinungaling” dahan-dahan kong pagbabasa sa post ng lalaki.
Alas singko na ng hapon at kasalukuyan akong nakaupo sa aking trono habang nakaharap sa laptop.
“Anak anong gusto mong ulam?!” rinig kong sigaw ni Mama Ruth mula sa labas ng aking kwarto habang patuloy lang ako sa ginagawa kong paghahanap ng kasagutan.
“Kahit ano po Ma!” tugon ko sa kanya at doon ko na muling itinuloy ang ginagawa ko.
Nasa timeline ako ng facebook ng lalaking nag ngangalang Dyren.
Kung ayaw sabihin ni Kokoy kung sino yung lalaking iyon, ako ang maghahanap ng kasagutan.
Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ang bagay na ito.
Hindi ko alam.
Hindi kasi ako mapakali?
Maghapon ko ding hindi pinapansin ang tawag ni Kokoy sa akin kahit na maka-ilang beses siyang humihingi ng patawad sa nagawa niya kagabi.
Wala naman si Bebang ngayon para itanong ko na sa kanya ng buong-buo kung sino ba talaga yung lalaking iyon.
Nasa ganoon lang akong pagtingin ng mga post ng magulat akong nag flash sa screen ang pangalan ng lalaking nagpapabulabog sa isipan ko.
‘Dyren Padohinog is calling’
Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at mabilis ko na itong sinagot.
Napaigtad ako ng makita ko sa screen na hubad baro ang lalaking ito.
“Hi” nakangiti niyang salubong sa akin.
“Ano ’yon?” walang gana kong wika sa kanya na ikinailing nito.
“I’m sorry for being rude last-last night I didn’t mean to do that” patukoy niya doon sa pagpatay ng tawag sa akin noong nakaraang araw.
Ayoko nang mag aksaya pa ng oras sa bagay na ito, gusto ko ng matapos ang mga bagabag na tumatakbo sa isipan ko.
“I’m getting straight to the point na Dyren since ayoko ng makisawsaw pa dito” tila pagsuko kong wika sa kanya.
“Sure may sasabihin ka ba?” nakangiting tugon niya sa akin.
“Could you please tell me kung anong meron sa inyo ni Kokoy? Ilang beses ko na siyang kinukulit pero wala siyang sinasabi sakin pana’y excuses siya na hindi ka niya kilala, na ayaw ka niyang pag-usapan basta ganon! Ayaw niyang sabihin kung sino ka sabuhay niya” kabaliktaran sa sinabi kong ayoko ng makisawsaw pa.
Kita ko ang pagngisi sa mukha ni Dyren “So hindi na niya ako kilala ngayon? For almost a years naming pagkakakilala tapos sasabihin niyang hindi na niya ako kilala? Sabagay” unang paglalahad niya sa akin.
“Years?” taka kong tugon dito, ilang taon?
“Fifteen years I guess? And like what you said I’m getting straight to the point here” muli niyang pagsisimula sa akin at doon ko nakita ang mukha niyang may ibang gustong iparating “Kokoy and I are came from Kismet Orphanage Foundation” dahil sa sinabi nito ay doon ako nagulat.
Naisip ko bigla ang sinabi sa akin ni Bebang kahapon “Kababata ni Kokoy si Dyren doon sa ampunan” hindi ako makapaniwala na tumutugma ang isinusulat ni Bebang sa mga nangyayari.
Hindi pwedeng hindi sinasadya lang ang mga nangyayari sa kwento sa totoong buhay.
“Should I continue? Nasa iba na ang atensyon mo eh” tila panunuyang boses ni Dyren sa akin kaya binalingan ko ito ng tingin.
“Sige ituloy mo na” tanging tugon ko sa kanya at doon niya ipinagpatuloy ang kanyang kwento.
Kung ito ang paraan para malaman ko kung sino ba talaga siya ay ito ang pipiliin ko dahil sa bibig na niya mismo nanggagaling ang mga salita.
“Kababata ko ’yang si Noah noong nasa orphanage kami and you know what? Ako lang ang kaibigan niya don kasi walang gustong makipagkaibigan sa kanya” seryosong lahad niya sa akin.
“Oo sinabi niya nga sakin yun na walang gustong makipagkaibigan sa kanya dahil sa sakit niya na baka daw mahawa sila sa kung ano mang meron si Kokoy kahit na hindi naman iyon nakakahawa” segunda ko naman sa sinabi niya at doon ito umiling na tila may iba siyang gustong iparating.
“That’s what he said? Ginamit na naman niyang excuse yung sakit niya para may maniwala sa kanya?” gulat at tila inis na wika nito sa akin na ipinagtataka ko.
“Ha? Ginamit? Excuse? Yung sakit niya para may maniwala?” sunod-sunod kong pagtatanong sakanya at doon ito tumango.
“Don’t tell me na naniwala kang walang gustong makipagkaibigan sa kanya dahil sa sakit niya?” tanong nito sa akin at doon ako tumango “The hell?! kaya walang gustong makipagkaibigan sa kanya dahil sa pag-uugali niya!” lahad na pagpapaliwanag niya na ikinabigla ko.
“Ano?” taka kong wika dito at doon ko nakitang ngumisi siya sa akin.
“He’s a gangster sa orphanage for god sake! Ako lang ang nagtitiis na kaibigan niya since naawa ako sa kanya! Yung sakit niya? Yung wala siyang maramdaman? Ginagamit niya lang naman yun para makuha yung sympathy nina Sisters eh!” galit na galit na wika ni Dyren sa akin at doon pa ito natatawa.
Hindi ko alam kung bakit tila may pag kainsulto at galit na din akong nararamdaman.
“Sympathy? Anong pinagsasasabi mo?” seryoso kong wika sa kanya.
“You want me to be straight to the point right? Fine!” tila mayabang na niyang pagsasalita sa akin.
“Ginagamit lang ni Noah yung pagkakaroon niya ng sakit kila Sisters para sa kanya sila maniwala tuwing siya yung nagiging kaawa! Sinasaktan niya lang yung sarili niya, he even punched his head anything na dahilan para magkapasa siya! Kaya hindi na ako nagtataka na yun yung sinabi niya sayo” hindi ko alam kung anong reaction ang ipapakita ko sa kanya.
“Hindi ko nga alam kung bakit may umampon sa kanya eh, sabagay mabulaklak kasi ang bibig ni Noah kaya siguro nakuha niya ang atensyon nung dalawang bading na doktor”
Seryoso at tahimik lang akong nakikinig sa mga salaysay ni Dyren kahit na may mga notifications na akong nakikita galing sa isang gago.
“I ask you to ask him kung anong status ng relationship namin, fine ako na ang sasagot” una niyang wika “Were enemies, you ask me why” segunda pa niya at doon ako nag wika.
“Bakit?” tugon ko.
“I got expelled from Eulji University dahil sa kanya” gulat ako ng sabihin niya iyon.
“Ano?” taka kong tugon sa kanya at doon ko kita ang mga galit sa kanyang mata.
“Hindi ako nagalit sa kanya dahil na expelled ako sa univ, nagalit ako sa kanya dahil ako pa ang pinalabas niyang masama and you know what? Ginamit na naman niya excuse yung sakit niya to gain sympathy para siya yung paniwalaan na nagsasabi ng totoo!” galit na galit niyang wika sa akin.
Kaya ba ayaw sabihin sa akin ni Kokoy ang tungkol kay Dyren?
Kaya ba ayaw niyang sabihin sakin ang totoo dahil malalaman kong isa siyang manloloko?
“Hindi ko na i-eexplain sayo kung ano yung dahilan ng pagiging expelled ko sa university, I just want you to know the only thing na sobrang tangina sa ugali ni Noah and I want to warned you” dito ako napalunok sa sinabi niya.
“Ano yun?” seryoso kong wika dito.
“Ginagamit niya lang yun sakit niya to chase a girls that he wants” dahil sa sinabi niya ay doon ko naalala ang sinabi ni Kokoy sa akin noong nag virtual date kaming dalawa.
“Sa tuwing manliligaw ako at kumikilala ng babae ay walang nagtatagal sa akin dahil sa kapansanan ko,palagi nilang sinasabi na baka daw mahawa sila sa sa sakit ko o kaya dagdag problema lang daw yun sa relasyon namin kaya iniiwan nila akong luhaan”
Wag mo sabihing niloloko lang ako ni Kokoy?
“And you know what he’s to selfish sa mga babae niya, alam mo kung bakit?” wika pa niya at hindi na ako nakapagsalita dahil sa galit na aking nararamdaman.
“Palagi niyang tinatakot ang mga babaeng nililigawan niya na mamatay siya kapag iniwan siya ng mga ito, he’s so selfish!” hindi ko na kinaya pa ang huling sinabi ni Dyren kaya lakas loob akong nagpaalam sa kanya.
“Sige na, I need to go” pagpapaalam ko dito at doon ko pinatay ang tawag.
Pagkatapos kong gawin iyon ay napapikit ako at napahawak sa aking sintido.
Galit.
Galit ang aking nararamdaman sa oras na ito.
Hindi ko alam kung anong sunod na gagawin ko.
Matalino ako.
Nasa ganoong pagpapakalma ako sa aking sarili ng marinig kong tumunog ang aking laptop tanda ng may tumatawag.
Dahan-dahan akong napatingin doon at tiningnan ang naka flash sa screen.
‘Kokoy Buenaobra Broilette is calling’
Ano na namang panloloko ang sasabihin ng gagong ito?
Umayos ako ng upo kahit na may mabigat akong dala-dala sa aking loob, tama nga yung kongklusyon na nabubuo sa aking isipan.
Manloloko siya.
Mabilis kong sinagot ang tawag na mula sa kanya habang suot-suot ko ang seryoso at walag buhay na mukha.
“Hi Baby!” nakangiti niyang salubong sa akin.
Hindi ko ba alam kung bakit nagpadala ako sa mga ngiti ng gagong ito eh.
“Baby kanina pa ako tumatawag sayo pero hindi mo naman ako sinasagot, tampo na ako Baby” doon siya umaktong tila nagpapakyut sa akin.
Isa pa ’yan, isa pa ’yang pagbibiro niya ng ganyan! Hindi ko din alam kung bakit ako nagpadala sa mga paganyan niya.
“Oo nga pala Baby tuloy na tuloy na kami sa Friday ni Kuya Ernest diyan sa Pililla, excited na akong makita ka Baby! Anong gusto mong dalhin ko? Gusto mo ipagbake kita ng cookies? Or cakes? Gusto mo ba ng cake Baby?” tila hindi siya marunong makiramdam.
Tanga ba siya?
Seryosong tingin lang ang ibinabaling ko sa kanya na dahilan para mapansin na niya ito.
“Ayos ka lang ba Baby? May masakit ba sayo? Wag kanang mag tutor mamaya Baby baka mas lalo lang sumakit ang ulo mo, mag pahinga kana” hindi na ako maniniwala sa mga paganyan niya.
Hindi ako umiimik dahil baka makapag salita ako ng hindi maganda.
“Baby magsalita ka naman miss na kita eh” mabulaklak na mga bibig? Nakakadiri.
“Baby oo nga pala yung mga gus—”
“Ano bang gusto mo?” una kong pagsasalita sa kanya, doon rumehistro and pagtatakang mukha ni Kokoy habang nakangiti parin ito.
“Ha? Anong gusto ko Baby?” takang wika niya at doon ito ngumiti ng tila abot langit “Ikaw Baby ikaw ang gusto ko, yung mapasakin ka at yung matatawag kong akin ka yun yung gusto ko” nakangiting wika niya sa akin.
Manloloko.
“Sige kunwari sayo na ako, kunwari tayo na, kunwari magkasintahan na tayo ano nang gagawin mo? ano nang mangyayari satin?” seryoso kong pagsasalita sa kanya.
Doon ko nakitang mas lumiwanag ang mukha ni Kokoy “Ikaw sakin na? Pag tayo na? Aba siyempre! Matutuwa ako! Ipagmamalaki kita! Ipagsisigawan kita sa buong mundo na tayo ng dalawa! Ipapakilala kila Papi at Dadi pupunta tayo sa bundok nila Lolo Densyo tapos ano mag be-beach tayo like wha—”
“Alam mo may mga taong sumisikat pero nalalaos din sa huli, may mga taong magagaling lang sa una pero natatalo din sa huli, may mga masisipag sa una pero nagiging tamad din sa huli at alam mo bang may mga kunwari totoong tao pero sa manloloko pala huli” sunod-sunod kong wika sa kanya na doon ko gustong ipahiwatig sa kanya ang gusto kong sabihin.
“Be-Baby ano bang nangyayari?” tila pagtatakang wika ni Kokoy sa akin.
“Bakit ba ako Kokoy?” seryosong pagtatanong ko sa kanya at doon niya ako diretsahang sinagot.
“Bakit ba ikaw? Diba Baby sabi ko na sayo na matagal na kitang hinahanap” pagpapaliwanag niya na ipinagtataka ko.
“Hindi kita maintindihan, hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo Kokoy” tila pagsuko ko sa kanya at doon ko nakita ang lungkot sa kanyang mga mata.
“Baby ano bang gusto mong sabihin? May nagawa ba akong mali? Dahil ba ’to sa pagiging rude ko kagabi? Dahil ba hindi ko nasagot yung tanong mo kaga—”
“Hindi ko na alam Kokoy hindi ko na alam kung ano yung ginagawa natin eh, naguguluhan ako? Hindi ko din alam…hindi ko alam dahil baka naka quarantine tayo kaya nag eexplore? Kaya kung ano-ano na yung pinag-gagagawa natin? Sa halos apat na buwang pagkakakulong sa bahay kaya kung ano-ano na yung naiisip natin? Hindi ko alam Kokoy, hindi ko alam na aabot tayo sa ganito hindi ko na alam” ulit kong pagsuko sa kanya at hindi ko maiwasang makaramdam ng sakit.
“Matalino ako Kokoy pero bakit pagdating sayo ang bobo-bobo ko” segundo ko dito.
“Ang sakit mo naman magsalita, ayaw mo na ba sakin Baby?” tila naluluhang wika ni Kokoy sa akin.
“Buti nalang talaga hindi pa ako nahuhulog sayo” hindi ko sinagot ang tanong niya sa akin.
Hindi ko na alam kung anong ginagawa ko.
Dahil sa sinabi ko ay doon ko nakita ang mas pagkalungkot ng mukha ni Kokoy.
“Baby naman alam kong hindi mo pa ako talaga pinagkakatiwalaan, pero sana maniwala ka sa mga sinasabi ko, sana paniwalaan mo na totoo yung nararamdaman ko sayo, yung feelings ko? Yung effort ko? Yung love and care na binibigay ko sayo? Lahat yun totoo Baby, sayo ko pa lang ipinaranas ang lahat ng iyon” tila naluluhang pagpapaliwanag sa akin ni Kokoy.
“Eh yung tungkol sa sakit mo?” dito ko na sasabihin sa kanya kung ano yung gusto kong sabihin.
“Alin? Yung pagkakaroon ko ng CIPA? Anong meron doon Baby?” takang wika niya sa akin.
“Yung pagkakaroon mo ng sakit ginamit mo lang ba’yan para makuha yung loob ko? Yung sinasabi mong matagal mo na akong hinahanap? Plinano mo ba lahat ng ito Kokoy? Yung mga pasang ipinapakita mo sakin? Totoo ba ang lahat ng iyon Kokoy?” galit na galit kong paglalahad sa kanya.
Umiwas ako ng tigngin kay Kokoy dahil doon ko na kitang pumapatak ang mga luha sa kanyang mga mata.
“Paano mo naman nasasabi ang lahat ng ’yan Nathaniel? Alam ko namang hindi mo pa talaga ako pinagkakatiwalaan, pero para sabihing ginagamit ko lang yung sakit ko para makuha yung loob mo? Yung mga pasang ipinapakita ko sayo para maniwala ka sa mga sinasabi ko? At paano mo nasasabing plinano ko ang lahat ng ito Nathaniel?” hindi ko parin ito tinitingnan dahil alam kong lumuluha na siya.
“Ilang beses ko nang sinabi sayo na gusto ko lang naman may tumanggap sakin, gusto ko lang naman maramdaman na may nag aalaga sa akin, gusto ko lang naman maranasan na may magtatanong sakin kung ayos lang ba ako, kung okay pa ako…yun lang naman Nathaniel” sa huling sinabi niya ay doon ako napatingin dito.
“Alam mo namang inggit na inggit ako kila Brent, Dick at Samuel tuwing nakikita kong may sumusuporta sa kanila sa mga achievement nila, tuwing may nag pupunas ng mga pawis nila kapag nasa laro kami, tuwing kailangan nila ng pagmamahal may yayakapin sila tapos ako? Wala?” kita ko ang sakit sa mga salitang binibigkas ni Kokoy.
“Ilang beses na akong iniwan dahil sa sakit ko Nathaniel kaya please wag ka namang ganyan, wag kanamang selfish oh” hindi ko maisip na ang isang katulad niya ay iiyak sa harapan ko.
Doon pinupunasan ni Kokoy ang mga luha sa kanyang mata.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Hindi ko alam kung anong gagawi ko.
Natameme ako.
Hindi ako makapagsalita.
“Ano bang gusto mong mangyari Nathaniel? Ayaw mo na ba sakin? Gusto mo bang tigilan na kita? Sabihin mo lang para tigilan na kita para hindi na masayang yung oras mo sakin” seryoso na niyang wika sa akin at doon ako sinukuban ng kaba.
Hindi ako makapagsalita.
Nakatingin lang ako sa kanya.
“Fine! You don’t need to say anything dahil kung ’yan ang gusto mo titigil na ako, I’ll stop courting you, I’ll stop liking you and I’ll stop loving you…goodbye” huling wika at doon namatay ang tawag.
May mga bagay tayong nagagawa na pinagsisisihan natin sa huli, mga bagay na mahirap ng ibalik sa dati…tulad nalang ng tiwala.
Ang tiwala ay hindi lang basta-basta salita, ang tiwala ay binubuo ng mga pangako at salitang hindi dapat masira.
Sabi ba nga sa ingles na “Trusting you is better than saying I love you”
ㅡㅡㅡㅡㅡ
this story is actually inspired by Gameboys the series! kung hindi niyo pa iyon napapanood ano pang hinihintay niyo?
Chapter 10 - fight for the kiss
ㅡㅡㅡㅡㅡㅡ
Nathaniel POV:
“Tomorrow Night: Virtual Concert of Ben and Ben for exclusive fans only! Registered now and save a slot! Godbless and Stay Safe!” pagbasa ko sa sa isang announcement na pinasa sakin ni Bebang.
“Oh ayan na Bakla, baka iyan na ang chance para magkabati kayong dalawa ni Kokoy” tila pang-aalo nito sa akin.
Alas nuebe na ng gabi at naka higa na ako sa aking higaan, nakatagilid at nakaharap sa aking cellphone kung saan doon ko ka video call si Bebang.
“Anong gagawin ko? Yayayain ko siyang manood? Eh galit nga sakin yung tao, paano ko kakausapin?” segunda ko sa kanyang suhestyon.
Dalawang araw na, dalawang araw na akong hindi pinapansin ni Kokoy.
Hindi ko magawang mag mensahe sa kanya sa loob ng dalawang araw para humingi ng dispensa dahil natatakot akong hindi niya iyon pansinin.
Sa mga salitang sinabi ko sa kanya? Sino bang hindi magagalit.
“Kung ayaw mong yayain edi gumawa kanalang ng ibang paraan para makahingi ka ng sorry sa kanya, nakasakit ka diba? So dapat ikaw ang mag sorry hindi siya” suhestyon na naman nito sa akin.
“Ano namang gagawin ko? Natatakot nga akong i-message siya dahil baka hindi niya yun pansinin” turan ko sa kanya at doon pa ito inisnaban.
Patay na ang ilaw ng kwarto at tanging mga moon lamps lang ang nagsisilbing liwanag dito, naka suot na din ako ng pajama at loose white shirt tanda ng handa ng matulog.
“Kung ayaw mong i-message edi sayawan mo!” nakangiti niyang suggestion sa akin.
“Nagpapatawa ka’ba? Hindi ako marunong sumayaw!” inis kong turan sa kanya at doon niya ako tinarayan.
“Kung ang pagsasayaw mo ang magiging dahilan para mapatawad ka niya nako Nathaniel! Bahala ka! Ikaw na nga ’tong binibigyan ko ng suggestion eh tapos ikaw itong panay arte, Bakla ka talaga” turan nito sa akin at doon ako napa-iling.
“Eh ano naman kasing sayaw ang gagawin ko?” pagsuko ko sa kanya at doon ko nakita ang tila pang-aasar nito sa akin.
“Kanta ng Red Velvet yung Psycho since psycho naman yung tawag mo sa kanya diba?” tila natatawa niyang wika sa akin.
“Ewan ko sayo Bebang” tanging nasabi ko nalang sa kanya at doon ito napatawa.
“Gawin mo na Bakla! Yun yung ginawa ni Nathaniel kay Kokoy para humingi ng sorry doon sa kwento” lahad niya patukoy sa sinusulat nito kaya muling nagtaas ang aking kilay.
“Alam mo Bebang hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi mo ginamit ang pangalan ko diyan sa story mo, unang-una palang ayoko na diyan sa ideya mong gamitin ang pangalan ko” inis kong lahad sa kanya.
“Unang-una palang ayaw mo na, pero sa huli gustong-gusto mo na” makahulugang wika ko sa kanya dahilan para makatanggap ito sakin ng mura.
“Gaga” tanging tugon ko at doon ito muling nagsalita.
“Alam mo Bakla kung alam ko lang na magiging in-real life yung sinusulat ko edi sana hindi ko na sinama yung Dyren na yun, na kwento lang kasi sakin ni Kuya Samuel si Dyren kaya nasama ko siya sa kwento” you heard it right, alam ko na yung totoo.
Hindi ko alam kung bakit ako naniwala sa mga sinabi ng gagong yun.
“Ang sabihin mo, sana hindi mo na ginamit yung pangalan ko sa story mo para hindi ko na nakilala yang si Koko—”
“Gagawin ko pa naman sanang tragedy yung story, mababangga kayo ng truck ni Tita Ruth dahil papunta kayo sa hospital para puntahan ang nag-hihingalong si Kokoy na mamatay na din” pagputol niya na ikinalaki ng mata ko.
“Bebang naman! Ano bang mga pinagsasabi mo diyan!” takot at gulat kong wika sa kanya at doon rumehistro sa mukha niya ang pag-kagulat.
“Kaya nga hindi ko na isusulat dahil baka mangyari nga sa inyo yun, ayokong mawalan ng Bestfriend Bakla!” gulat na wika nito sa akin “Pero ang galing diba? Ang galing ng mga coincidence na nagyayari sa inyo” dagdag pa niya at doon nalang ako napatungo.
Pagod din ang aking katawan dahil ilang araw na akong hindi makatulog ng maayos simula noong makilala ko yung Dyren na yun.
Hindi ako makatulog ng maayos dahil dinadalaw ako ng konsensya sa mga nasabi kong salita laban kay Kokoy, alam kong nasaktan ko siya.
Hindi ako makahingi ng sorry dahil takot ako sa rejection, baka hindi niya ako pansinin.
“Nathaniel kahit hindi mo sakin sabihin ramdam at alam ko ’yang nararamdaman mo” nagsisimula na namang maging manghuhula si Bebang.
Napatingin ako sa kanya at doon seryoso ang kanyang mukha.
“Nagkakaganyan ka Bakla dahil talo kana” makahulugan niyang wika “Talo kana kasi nahulog kana sa patibong niya” paglilinaw nito sa akin at doon ako kusang napatango.
“Bakit kasi hindi niya pinaliwanag sakin ng maaga Bebang? Ilang beses ko siyang kinulit na sabihin yung totoo para sana hindi na kami umabot sa ganitong punto” seryoso ko ng wika sa kanya.
“Naiintindihan kita Nathaniel pero sana maintindihan mo din yung side ni Kokoy, baka kasi may dahilan kaya hindi niya sinabi sayo yung totoo” payo niya sa tanong na gusto kong masagot.
“Hindi ko na alam Bebang” pagsuko ko sa kanya at doon muli ako tumungo kahit na ako ay nakahiga.
Ganyang-ganyan din ang nasabi ko kila Mama Ruth at Papa Lester ng ikwento ko sa kanila ang nangyari sa pagitan namin ni Kokoy.
Hindi ko talaga alam na aabot sa ganitong scenario ang bastos na chat ng isang psycho.
Hindi ko alam na sa bawat pag-sikat ng araw ay unti-unti na akong lumulubog sa mga patibong na binubuo niya.
“Akala ko ba matalino ka Nathaniel?” seryosong wika ni Bebang sa akin kaya binalingan ko ito ng tingin.
“Oo Bebang matalino akong tao pero hindi ko alam pagdating sa kanya na tatanga ako” tugon ko sa kanya at doon ko nakita ang kanyang pag-ngiti na tila ako ay iinisin.
“Taray ng lines ha The How’s of Us ka ghourl? Si George ka Bakla? Sino si Primo? Si Kokoy? Taray ha” natatawang panunuya niya patukoy sa isang sikat na movie ng dalawang love team na si Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Napangiti nalang din ako sa sinabi ko sa kanya.
“Anong gagawin mo?” baling ulit ni Bebang sa akin at doon ako umiling bilang tugon.
“Gawin mo nalang kasi yung sinabi ko, sumayaw ka ng Psycho magpalit ka ng damit para naman mag mukha kang maganda para sabihin ni Kokoy na sincere ka sa pag-sosorry” muli na naman niyang suhestyon sa akin.
Hindi ako nakapagsalita.
“Nakagawa na ng paraan si Kokoy para patigil si Dyren sa pang-gugulo niya sayo” lahad nito na ikinagulat ko.
“Ha? Saan mo nalaman?” turan ko sa kanya at doon ito napatawa.
“Sa story ko ’yan Bakla, nakagawa na ng paraan si Kokoy para patigilin si Dyren” paglilinaw niya sakin at doon nalang ako napatango.
ㅡㅡㅡㅡㅡ
Kokoy POV:
Tila may kakaiba akong nararamdaman sa aking katawan, hindi ako makahinga ng maayos na hindi normal sa pang araw-araw na pamumuhay ko.
Dalawang araw na akong ganito, dalawang araw nang hindi maganda ang pangangatawan ko.
Hindi ako makakain ng maayos dahilan para walang lumabas na dumi sa katawan ko.
“Sige magbabad ka pa sa pagbubuhat ng dumbells isusumbong talaga kita kila Papi at Daddy” pananakot sa akin ni Kuya habang tinitingnan ang aking katawan.
Nakahubad ako at nakaupo sa swivel chair, nakaharap sa laptop habang doon ako pinapanood ng tatlong bugok na sila Brent, Samuel at Dick.
Si Kuya Ernest naman ay nakatayo sa gilid ko habang patuloy ang ginagawang pag-check up sa katawan ko.
Doon naka-tumbok ang stethoscope sa aking likuran na tila pinapakinggan ni Kuya ang nasa loob.
Nakalimutan kong sabihin sa inyo na isa palang Doctor si Kuya parehas sa Department nila Daddy at Papi na Neurology.
“Wag mo na akong isumbong kila Papi at Daddy Kuya, dadagdag lang ako sa alalahanin nila” may lungkot ang aking boses habang nakantingin ako sa kanya.
Doon siya umiling sa aking tugon “Eh sakin? Hindi mo naiisip na baka nag aalala din ako? Aba Koy! Natatakot ako na baka isang umaga hindi na kita makitang buhay!” pananakot nito sa akin na may halong biro kaya napa-iling nalang ako.
Bumaling nalang akong muli sa harapan para doon panoodin ang nakakatawang mukha ng tatlong bugok, kitang-kita kasi sa mga mukha nila ang pag-aalala.
Isa sa mga minamahal kong katangian nila ay kahit na palagi nila akong binibiro ay nandoon parin ang pagmamahal at pag-aalala nila sakin lalo na si Dick.
“Akala ko ba may tagabilang ka kapag nag e-exersice? Ayan tuloy hindi mo naramdaman na napunit na pala ang mga muscle tissues mo” patukoy nito sa aking mga braso.
Hirap akong igalaw ang aking braso, pero wala akong sakit na nararamdaman.
“Iniwan na naman kasi ’yan Kuya Ernest” pagsabat ni Dick mula sa screen ng aking laptop kaya hindi ako naka-imik.
Kita ko sa aking peripheral vision na may kung ano nang itinuturok sa akin si Kuya Ernest sa kaliwa kong braso, wala akong nararamdaman.
“Paanong hindi iiwan? Kung puro kabastusan, kalaswaan, kababuyan, kagaguhan lang ang mga pinagsasabi nitong si Kokoy” tila pang-iinis sakin ni Kuya Ernest kaya binalingan ko ito ng tingin.
“Hiyang-hiya naman ako sayo Kuya!” inis kong turan sa kanya at doon ko siya sinimulang galitin din “Kapag pumupunta kayo dito ni Kuya Ian tapos kapag nagkukulong kayo sa kwarto anong ginagawa niyo ha?” patukoy sa kanyang Bestfriend na si Kuya Ian.
“Malamang manonood, netflix and chill” tugon sa akin ni Kuya habang patuloy parin siya sa ginagawa niyang pagtuturok sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay “Netflix and chill? Baka Netflix and Chill na may kasamang landian” pang-gagalit ko sa kanya at doon ko narinig ang sigawan ng Ace Four sa kabilang linya.
“Aray!”
“Shet!”
“Fuck!”
Daing nila sa ginawa sa akin ni Kuya Ernest, mabilis niya kasing itinurok sa akin ang isa pang injection.
Sila ang dumadaing sakin kapag may mararamdaman akong sakit na hindi ko nararamdaman.
“Gago bestfriend ko lang yun si Ian gago ’to issue ka! Isusumbong kita doon kapag natapos itong quarantine” mas pinili kasi ni Kuya Ernest na bantayan ako dito sa bahay kesa doon siya mamalagi sa ospital.
“Bestfriend? Bestfriend wih Benefits? Pati bakit mo ako isusumbong kay Kuya Ian? Ikaw dapat ang isumbong ko kay Ate Glaysa dahil napakalandi mo!” sapat ng pang-aasar ko sa kanya para ito ay mainis.
“Gago” tanging tugon niya sa akin matapos siyang mag turok sa aking katawan “Ikaw ang malandi tingnan mo ’yang cellphone mo sagutin mo ang tawag ng Baby My Love so Sweet mo, nakakadiri ka ang corny mo mag lagay ng contact name” huling wika ni Kuya Ernest bago niya lisanin ang aking kwarto.
Napatingin nalang ako sa sinabi niya at doon ko nga nakitang tumatawag si Baby My Love so Sweet.
“Tumatawag si Nathaniel?” baling sa akin ni Brent kaya napatingin ako sa kanya.
Tumango ako “Oo” tipid kong tugon at doon ko narinig na nagsalita si Samuel.
“Sagutin mo na Kokoy” wika niya sa akin at doon nalang ako napailing.
“Hayaan mo na, tinatamad ako” taliwas sa katotohanan kong wika sa kanya at doon ko pinatay ang tawag mula sa aking cellphone.
“Ewan ko sayo” tugon ni Samuel at doon nalang niya itinuloy ang naudlot nitong pagbabasa.
Doon ko sila hinarap para makipag-usap.
Alas nuebe imedya na din ng gabi at katatapos ko lang makatanggap ng mga sermon sa Ace Four at kay Kuya Ernest.
Dalawang araw na kasi akong nagbabad sa gym ng aming bahay, ilang pasa na din ang natatanggap ko sa aking mga ginagawa.
Ubeng-ube na ang kulay ng aking mga pasa sa tagiliran at sa aking dibdib.
Malikot at maharot kasi ako kaya kung ano-anong nagagawa ko.
“Ano nang plano mo niyan Kokoy?” pagsasalita ni Dick sa akin.
Umiling ako sa kanya “Ewan” tipig kong tugon dito at doon ko nakitang napailing siya.
“Birthday mo na sa Sabado Kokoy anong plano?” wika naman ni Brent sa akin at doon ako tumango.
“Pass nalang muna siguro saka nalang tayo mag celebrate pagkatapos ng quarantine” lahad ko sa kanya at doon din siya umiling.
“Diba pupunta kayong Pililla sa Linggo ni Kuya Ernest? Makikita mo na si Natha—”
“Hindi na ako sasama si Kuya nalang ang kukuha nung pinapadala nila Tito Elo at Tito Lucas” katotohanang sagot ko kay Dick at doon ulit siya umiling.
Ayoko na.
Ayoko na?
“May pinareserve akong slot para sa virtual concert ng Ben and Ben bukas Kokoy” doon ako napabaling ng tingin kay Samuel na patuloy na nagbabasa.
“Para saan naman Sam?” taka kong tanong sa kanya habang patuloy siya sa kanyang ginagawa.
“Yayain mo si Nathaniel” tugon niya sa akin at doon ako napailing.
“Galit nga diba? Pati wag nang pilitin yung ayaw nasasayang lang ang oras ko” taliwas sa katotohanang wika ko sa kanya.
Doon ko nakita ang sabay-sabay na pag-iling nilang tatlo sa akin.
Napalunok nalang ako ng tatlong beses.
Binalingan ko ng tingin si Dick na masama ang tingin sa akin “Ano pang silbi nung pananakot mo kanina kay Dyren kung ganyan lang din naman pala ang sasabihin mo” inis na wika sa akin ni Dick.
Alam na alam ko ng si Dyren ang may gawa kung bakit ganoon ang inasta sa akin ni Nathaniel noong nakaraang araw.
Hindi ako umiimik dahil nag-iisip ako kung paano ko siya papatahimikin ng maayos at saktong siya na mismo ang tumawag sa akin kanina.
Inilahad niya sa akin na siya nga ang may gawa kung bakit ganoon ang nangyari sa aming dalawa ni Nathaniel at anong rason kung bakit niya ginagawa sakin ’to
Gusto niyang gumanti sa mga walang katotohanang ginawa ko sa kanya, iniiisip niyang inagaw ko sa kanya si Melissa at ako ang dahilan para kumalat ang sex video nilang dalawa.
Na expelled si Dyren sa university dahil sa katarantaduhan na pinag-gagagawa niya.
Hindi na ako umaasang magbabago siya dahil simula noong lumaki kami sa ampunan ay ganoon na ang asta niya, siga siya sa ampunan at ako palagi ang kanyang puntirya.
Palagi akong nakakatanggap sa kanya noon ng mga suntok dahilan para ako ay magkapasa.
Napapailing nalang ako sa tuwing naaalala ko yung mga bagay na iyon.
Naging magkaibigan naman kami noong pagtungtong ng senior high at college nagulat pa nga ako na siya pala si Dyren na kababata ko mula sa ampunan, limang taon din kasi kaming nagkahiwalay noon at gulat ako ng muli kaming itinadhana.
Ace Five ang tawag samin dati dahil kaming lima nga ang magkakaibigan sa university ngunit naging Ace Four na lang simula noong mawala siya sa grupo.
Maniwala kayo sa kasibahang ang manloloko ay mananataling manloloko at ang mga sinungaling ay mananatiling sinungaling tulad ni Dyren.
Noong sinabi sa akin ni Dyren ang dahilan kung bakit niya kami sinisira ni Nathaniel ay doon ako hindi nagpasindak, binalaan ko siya na kung hindi siya titigil ay dadating kami sa korte para magdemandahan.
Tinanong niya sa akin kung anong magiging ebidensya ko?
Simple, ni-record ko ang buong usapan naming dalawa sapat na para makasuhan siya ng threats.
“Hindi kana naka-imik diyan Kokoy” napaigtad ako ng muling magsalita si Dick.
“Ha?” taka kong tugon sa kanya at doon nalang siya napailing.
“Sabi ko ano pang sense ng pananakot mo kay Dyren kung ganyan lang din naman pala ang i-aasta mo” pag-uulit ni Dick sa sinabi niya kanina.
Doon ako umiling “Tao lang naman ako Dick nasasaktan din, alam kong hindi pa niya ako pinagkakatiwalaan pero para sabihin niyang ginagamit ko lang yung sak—”
“So suko ka na?” pagputol ni Brent sa akin at doon ako umiling.
“Siyempre hindi, malayo na narating ko tapos susuko pa ako?” taas noo kong sagot sa kanila at doon sila napatango.
“Bakit kasi hindi mo pinaliwanag agad-agad kay Nathaniel para hindi na kayo umabot sa ganyan” baling naman ni Dick.
“Past na kasi yun Dick pag past, past na” tugon ko naman sa kanya at doon naman ito napatango.
Narinig ko namang nagsalita si Samuel kaya binalingan ko ito ng tingin “Mali ka Kokoy, mali ka” wika nito.
“Ano namang mali sa sinabi ko Samuel?” taka kong tugon sa kanya at doon ko kitang itinigil nito ang pagbabasa.
Seryosong bumaling sa akin si Samuel “Wag kang maniwala Kokoy sa kasabihang kalimutan ang nakaraan para maging maganda ang kinabukasan dahil maniwala ka na ang iyong kinabukasan ay hindi mabubuo kung wala kang nakaraan” makahulugang wika ni Samuel na nag-patameme sa akin.
Hindi ako nakapagsalita kaya muli siyang nag wika “The past is where you learned the lesson, the future is where you apply the lesson” segunda pa niya sa akin.
Tama nga si Samuel.
Hindi ako nakaimik at tahimik lang kaming nakikinig tatlo sa sinasabi ni Samuel.
“Kokoy hindi magtatanong si Nathaniel sayo kung wala siyang pakialam” muli niyang pagsasalita “Ginugulo kayo Kokoy, sinisira ni Dyren yung connection niyo kaya magtataka at magtatanong sayo si Nathaniel kung sino yung lalaking yun” segunda pa niya.
“Nagtatanong siya kasi may pakialam siya sayo, nagtatanong siya kasi nagugulo yung connection niyo pati kung pinaliwanag mo na sa kanya ng mas maaga edi sana hindi kayo dadating sa puntong ganyan” huling wika nito bago siya muling bumaling sa pagbabasa ng libro.
Doon napapalakpak sila Brent at Samuel habang ako ay tila namangha at natauhan sa mga binigkas na salita ni Samuel.
Magsasalita na sana ako ng marinig kong tumunog ang aking cellphone sa gilid tanda ng may tumatawag.
“Baka si Nathaniel na ’yan sagutin mo na!” sigaw ni Dick kaya doon ko kinuha ang aking cellphone.
Isang chat mula messenger galing sa kanya.
“Sige na aalis na kami, ayusin niyo yan ha” huling wika ni Brent bago sila sabay-sabay na umalis sa video call conference.
Hindi ko na iyon pinansin dahil nasa mensahe na niya ang aking atensyon.
Pinindot ko iyon at doon ko kitang may iniwan siyang mensahe.
“Hindi ko alam kung paano ako hihingi sayo ng tawad, pero sana pagkatapos mong panoodin ang video ay malaman mo ang gusto kong sabihin sayo” pagbasa ko sa mensahe niya bago ko nakitang nag send pa ito ng isang video.
“Ano ’to” taka kong wika at doon ko pinindot ang nasabing video.
Kasabay ng pagtugtog ng hindi pamilyar na kanta ay ko doon ko nasilayan ang isang lalaki na tila siya lang ang pinakamagandang nilalang na nakita ko sa mundo.
Nakasuot siya ng damit na tila a-attend ng isang debut, kulay gray ito na may istrayp.
Napahawak ako sa aking panga dahil hindi mapigilang lumabas ng aking kilig at kiliti sa aking nasasaksihan ng magsimula itong gumalaw.
Si Baby, sumasayaw.
Si Baby, gumigiling.
Nakaka-dejavu, nakaka-vertigo.
Seryoso lang ang mukha ng aking Baby habang ito ay sumasayaw sa salin ng isang hindi pamilyar na kanta.
Kpop song ’ata ang kantang ito.
“Shet” hindi ko mapigilang mapamura dahil sa tila seksing step na kanyang ipinapakita sa akin.
Doon niya itinataas ang kanyang kamay pababa sa kanyang katawan, tila mga step ng mga sexbomb dancer.
Doon pa siya gumigiling na tila isang babae sa dancefloor suot lang ang fierce na mukha.
Hindi malaswa kundi nakakatuwa.
Hindi ko napapansin na habang sumasayaw ang aking Baby ay may mga larawang nag pa-flash sa screen, mga nakaw na larawan naming dalawa habang kami ay mag ka video call.
Mga larawan namin noong una kaming nag video call.
Larawan noong pangalawa naming video call kung saan doon kami nagpakilala sa isa’t-isa.
Larawan kung saan doon kasama ang isang babae, unang tutor class ko sa kanya.
Mga larawan ng first date namin dalawa ni Nathaniel.
Larawan naming dalawa tuwing nag pupuyat kami, larawan kung saan doon niya ako binibilangan sa pag eensayo ko.
Pinanonood ko lang si Baby na sumasayaw ng magulat akong nag iba ang salin ng tugtog.
Nawala din si Baby sa kanyang pagsasayaw dahil doon napalitan ng paborito kong kanta ang tumutugtog.
Connection ni Keiko Necesario
Nang magsimulang tumunog ang salin ng kanta ay doon nag flash sa screen ang mga video call records naming dalawa ni Nathaniel.
Hindi ko mapigilang mapangiti ng abot hanggang langit dahil sa kilig na nararamdaman ko ngayon.
Unang lumabas na video records sa screen ay noong unang video call naming dalawa.
“So kapag umakyat ba ako ng ligaw, seseryosohin mo?” wika ko sa kanya.
“Ito naman masyadong galit na galit, hindi pa nga ako umaakyat ng ligaw ganyan ka na agad sakin” segunda ko dahil nakita ko sa mukha niya na hindi ito natutuwa.
“May sasabihin ka ’ba? Papatayin ko na ’to” masungit na pagsasalita ng Baby ko.
“Cute mo pala kapag nag susungit ka ano?” cute talaga ng Baby ko kapag nagsusungit.
Napangiti ako dahil sa kilig na aking nararamdaman, ngayon lang ako nakakaranas ng ganito.
Sunod na rumehistro sa screen and video record naming dalawa ni Nathaniel kung saan doon ko siya tinawag na Love.
“Yieh si Love tinititigan ang katawan ko, macho ko’no? Macho?” pang aasar ko sa kanya noon dahil nakita kong nakatitig siya sa akin.
“Ha? Ano…hindi…Oo hindi! Kapal mo ha! Pangit! Oo pangit ’yang katawan mo! Puro taba! Pati hindi ako diyan nakatingin baliw ka!” natatarantang tugon sa akin ni Baby.
“Weh talaga ba? Ayaw mo lang sabihin na nagagandahan ka eh, Love ha” hindi ko mapigilang kiligin sa mga salitang binitawan ko sa kanya noon.
“Gago! Hindi nga ako nakatingin diyan! Parang sira! Pati bakit ba Love ka diyan ng Love Ha!?” dito niya unang napansin ang pasa sa dibdib ko.
“Eh sa Love kita eh! Kaya kita tinatawag ng ganun” tugon ko sa kanya noon.
Sumunod na nagflash ay noong nagdesisyon na akong ligawan siya, nagdesisyon na akong ligawan ang isang Nathaniel.
“I don’t know but I think God chose me, God chose Noah to build a great ark to save myself and to save my special someone named Nathaniel who is disciples of Jesus” seryosong paglalahad ko kay Nathaniel noon, I meant that so much.
I really meant it.
Tahimik lang akong nanonood sa nangyayari, nang sumunod na nag flash sa screen ang mga cut videos ko kung saan doon ko siya tinatawaga at kinukulit.
“Hi Love”
“Good Morning Love”
“Hello po Love”
“Kain kana Love”
“Hi Baby”
“Good morning Baby”
“Ayos ka lang Baby?”
“Baby hello po”
Hindi ko maisip na ganyan na pala ako kakulit, hindi ko maisip na ganyan na pala ako ka-occupied para masabi ang mga salitang iyan.
Namatay ang tugtog tanda ng tapos na ang video na iyon.
Hindi ako makapag-react.
Inilapag ko ang aking cellphone katabi ng aking laptop at doon ako napatitig sa isang portrait picture ng aking Baby sa harapan.
Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil madaming tanong sa isip ang gusto kong malaman.
Bakit may mga ganoon si Baby?
Bakit may mga screen shot siya ng video calls namin?
Bakit may mga records siya ng mga video calls namin?
I owe him, I love him.
Hindi ko mapigilang kiligin sa oras na ito.
Ayoko na, mababaliw ako.
Nag desisyon akong tumayo sa pagkakaupo sa swivel chair, humakbang ako papalapit sa higaan ngunit ibabagsak ko palang ang aking katawan doon ng hindi ko namalayan na tumumba na pala ako.
Napapikit ako dahil nakakaramdam ako ng hilo na hindi naman normal sa sakit ko.
“Kuya! Kuya Ernest!” hindi ko mapigilang mapatawag kay Kuya habang nakalupagi ako sa sahig.
ㅡㅡㅡㅡㅡ
Chapter 11 - PAGTINGIN
ㅡㅡㅡㅡㅡㅡ
Nathaniel POV:
“Hindi mo sinabi sakin na magaling ka palang sumayaw eh” wika ni Kokoy na tila nang-aasar sa akin.
“Ewan ko sayo!” tugon ko at doon siya napatawa.
Alas dyis imedya na ng gabi at mag ka video call pa kaming dalawa ni Kokoy gamit ang cellphone.
Nakapagpalit na ako ng damit na pantulog ko kanina at naka-upo na ako ngayon sa kama.
“Bakit ka nagpalit? Ang ganda-ganda mo pa naman sa suot mo kanina” pang-aasar ni Kokoy habang yapos-yapos niya ang kanyang mga stuff toy.
Nakahubad si Kokoy na tila hindi alintana ang lamig ng gabing ito sabagay hindi niya nga pala ramdam ang lamig, naka beanie siyang black at gray na shorts.
“Sige mang asar ka pa! Papatayin ko talaga ’tong tawag” pananakot ko sa kanya dahil nagsisimula na naman siyang mang asar.
Inirapan ko siya at doon bumaling ng tingin sa ibang pwesto.
“Kita mo ’to, may ganyan bang nag so-sorry?” tila pangongonsensya niya sa pag susungit ko kaya mabilis akong napatingin sa kanya.
“Sorry” seryosong wika ko sa kanya at doon ako tumingin ng diretso sa kanyang mga mata “I’m sorry kung napagsalitaan kita ng ganun, hindi ko nga alam kung bakit naniwala ako sa taong akala ko totoo eh” patukoy sa gagong si Dyren.
Hindi siya umiimik at tahimik lang itong nakikinig.
“I’m sorry kung nag doubt ako sayo, I’m sorry kung hindi ako naniwala sa nararamdaman mo and I’m sorry kung naging insensitive ako sayo napaka immature ko ang bobo ko pagdating sayo” totoo at sincere kong paghingi ng dispensa sa nagawa ko sa kanya.
Nakatingin lang ako sa kanya at doon ito tumango.
“Alam mo namang wala akong nararamdamang sakit physically, pero emotionally? Ang sakit Nathaniel” malungkot na lahad ni Kokoy sa akin “Akala ko maiiwan na naman akong luhaan, akala ko wala na namang tatanggap sakin” segunda pa niya at doon ko siya sinagot.
“Tanggap kita” wika ko dito at doon ko nasilayan ang kanyang ngiti.
“I know, sa ginawa mo palang kanina? Effort? Being sincere? Ugh! mas lalo kitang nagustuhan mas lalo kitang minahal” corny niyang pagsasalita kaya nakatanggap ito sa akin ng pagmumura.
“Gago ka talaga” natatawang tugon ko dito at doon siya napangiti “Ikaw, akala ko iiwan mo na ako eh” hindi ko na naman alam kung bakit ko nasabi iyan.
“Ikaw iiwan ko? That’s out of question! Hindi kita matitiis siyempre! Baby kita eh” panunuyo niya sa akin at doon ako nakaramdam ng kung ano sa aking loob.
“Kaya pala hindi mo ako pinansin sa loob ng dalawang araw” wika ko sa kanya na kahit ako naman talaga ang may gawa ng gulong ito.
“Nasaktan lang kasi talaga ako, pati hindi maganda ang pakiramdam ko” nakaramdam ako ng pag-aalala sa huli niyang nilahad.
“Bakit? Anong nangyari sayo?” pag-aalala kong wika sa kanya.
“I don’t know ang weird lang na nakakaramdam ako ng hilo na hindi ko naman dapat maramdaman then hindi ko din magalaw ng maayos yung mga kamay ko, napunit daw yung mga muscle tissue ko sabi ni Kuya” lahad nito dahilan para mas lalong akong makaramdam ng kaba.
Hindi ako nakapagsalita at tinitingnan ko lang siya.
“Don’t worry Babe nandito naman si Kuya, he’s a Doctor” pagpapakalma niya sa akin dahilan para mapahinga ako ng maluwag.
Tumango-tango ako sa kanya bilang tugon dito.
“Baby” muli na namang sumeryoso ang kanyang mukha.
“Yes” pagsagot ko sa pagtawag niya sakin, na miss ko yung boses niya kapag tumatawag ng ganyan.
“Can I kiss you?” walang pasintabing lahad ni Kokoy sa akin.
Anong sasabihin ko?
“Ha? Ah…eh…paano?” hindi ko alam kung bakit iyan ang lumabas sa bibig ko.
Nakita ko ang pilyong pag ngiti ni Kokoy sa akin “Just put your cellphone screen on your left cheek” lahad ni Kokoy na ipinagtaka ko.
“Ha?” tugon ko na naman sa kanya at doon ko nakita sa screen na umayos siya ng pwesto.
Inilapag niya muna sa higaan ang mga stuff toy bago niya ilapit sa kanyang mukha ang phone.
“Sundin mo nalang ako Baby, I just want to kiss you right now” tila paos na boses ni Kokoy sa huli niyang sinabi.
“Ah…eh” tanging nabulalas ng aking bibig.
“Ilapat mo lang sa cheek mo yung phone Baby and let me do my thing” huling wika ni Kokoy bago ko sinunod ang kanyang utos.
Inilapat ko ang aking phone sa kaliwa kong pisngi habang ang speaker ay nasa tengang bahagi kaya rinig ko ang paghinga nito.
“I’ll kiss you now baby” pagpapaalam pa niya at doon ko narinig ang paglapat ng kanyang bibig sa sarili niyang phone.
Pumikit ako na tila dinadama ang totoong halik ng isang lalaki.
I am defeated, but happy.
Nakapikit lang ako habang pinapakinggan ang paghinga ni Kokoy tanda ng nasa screen pa ang kanyang bibig at doon ako binibigyan ng isang halik.
Nakapikit lang ako ng bigla kong maramdaman na nagtayuan ang aking mga balahibo dahil sa aking narinig na salita.
“I Love you” salitang ngayon ko nalang muli narinig makalipas ang dalawang taon.
ㅡㅡㅡ
Kinabukasan ay muling bumalik sa dati ang normal na connection naming dalawa, mga bagay na ginagawa at pinag-uusapan namin araw-araw kaibahan lang na maghapon siyang nasa kwarto nito.
Mula umaga hanggang dumating ang gabi ay mag kausap kaming dalawa ni Kokoy, kung ano-anong mga topic ang pinag-uusapan namin.
Na ikwento niya sakin yung pusa ng Papi at Daddy niya na si Calix na namatay, iyak daw ng iyak si Papi niya dahil sa pusang iyon.
Na ikwento niya din sakin yung bestfriend ng Kuya Ernest niya na si Kuya Ian, pinaghihinalaan niya daw na taksil si Kuya niya sa girlfriend nito dahil nilalandi daw ng kuya niya si Kuya Ian.
Sinabi ko naman sa kanya na baka mag kaibigan lang naman talaga, kung ano-ano lang yung naiisip niya dahil isa siyang manyak.
Sagot naman nito sakin “Fine! Basta gawin din natin yung Netflix and Chill kapag nagsama na tayo” tugon niya sa akin na tila may ibang gustong ipahiwatig.
Nainis lang ako sa kanya kanina dahil isinama pa niya ako sa kanyang paliligo at anong sabi niya? “Panoodin mo ako Baby kung paano maligo, then aralin mo kung paano mo ako kukuskusin sa likod tulad ng ginagawa nila Papi at Dadi” wika niya sa akin na ikinainis ko kaya pinatayan ko ng tawag.
Panay din ang hiling niya sa na mag virtual kiss daw kaming dalawa at ako naman itong si Bakla na marupok kaya sinusunod ko siya.
Kung alam lang ni Bebang kung anong ginagawa namin ay masasabihan niya kaming mga ‘malalandi’ pero that’s normal.
Normal?
Ewan ko.
“Okay ka lang ba Kokoy? Maayos ka lang?” may pag-aalala sa boses ko.
“I’m fine Baby” walang ganang tugon niya sa akin.
Gabi ngayon ng Biyernes at ngayong ang virtual concert ng Ben and Ben, nagulat pa ako sa kanya kanina na siya ang nagyaya sa akin.
Yayain ko din kasi siya that time pero naunahan na niya ako.
Dalawang screen ang nakaharap sa akin ngayon, ang aking cellphone na nakadikit sa tripod at doon naka flash si Kokoy samantalang ang laptop ko naman ang magsisilbing panooran sa virtual concert ng Ben and Ben.
Naka upo ako sa swivel chair paharap sa study table, samantalang si Kokoy naman ay nakahiga sa kanyang higaan habang nakapatong ang kanyang laptop sa gilid.
Sa tv daw siya ng kanyang kwarto manonood kaya hindi na niya kailangang tumayo.
“Sigurado ka ba Kokoy? Okay lang naman na ako mag isa ang manood, magpahinga kanalang diyan” pag-aalala ko pa sa kanya.
Kita ko kasi sa mukha nito na hindi siya okay, balot na balot din ng kumot ang kanyang katawan na tila doon siya nilalamig.
“Baby I’m fine don’t worry, na check up na din ako ni Kuya Ernest kanina kaya wag kana pong mag alala” tugon niya sa akin at doon pa siya pilit na ngumiti.
“Are you sure?” panunuri ko dito at doon siya tumango sa akin bilang tugon.
Ayokong mag isip ng masama pero hindi ko mapigilan lalo na kapag nakikita ko siyang ganyan.
“Kokoy ako nalang ang manonood magpahinga kanalng kasi muna diyan baka kung ano pang mang—”
“Baby, baby listen to me” pagputol ni Kokoy sa pagiging paranoid ko “I’m okay, ayos lang ako kaya wag kanang mag-alala pati this is our night so we must enjoy it” tila pagsuko ni Kokoy sa akin.
Tama siya, gabi nga namin ang gabing ito.
Kaarawan ni Kokoy bukas at kanina ko pa siya pinapaalalahanan na walang mangyayari sa kanya.
Sinasabi kasi nito na hindi niya mapigilang makaramdam ng takot dahil paparating na ang kanyang kaarawan.
Naikwento niya din sa akin ang bagay na ito noong unang virtual date namin, sinasabi ng mga espesiyalista na pagtungtong ni Kokoy sa edad na bente uno ay mawawala na siya.
Hindi ko din maiwasang mag alala dahil noong namatay si Gabriel ay nasa edad twenty one siya, mas matanda kasi ito sa akin ng dalawang taon.
At sa hindi ko inaasahang natuklasan ay bukas din ang kamatayan ni Gabriel kung saan kaarawan ni Kokoy.
“Hindi ko lang mapigilang mag alala” tugon ko sa kanya at doon ko nakita ang kanyang pagngiti.
“Thank you Love” pasasalamat nito sa akin bago kami makarinig ng notification kung saan magsisimula na pala ang virtual concert ng Ben and Ben.
“Baby start na” baling ni Kokoy sa akin at doon ako kumilos para i-set up ang speaker ng aking laptop.
“Let’s go” tugon ko sa kanya at doon ko pinindot ang link para mapunta sa concert ng Ben and Ben.
“Baby” napabaling ako kay Kokoy dahil nag lo-loading pa ang site na pinindot ko.
“Yes po” nakangiti kong tugon sa kanya at doon siya ngumiti.
“Don’t be bother with me okay? Let’s watch it together” huling wika ni Kokoy bago namin narinig ang pagsasalita sa aming sariling screen.
“ Magandang gabi sa inyong lahat?!“ tila sigaw na bungad ng isang bokalista na si Paolo.
Hindi ako sumagot pero sa looban ko ay sumisigaw na ako ng “Maayos na maayos pota!”
Napatingin ako sa set up ng kanilang magarang virtual concert, nasa kani-kanilang tahanan sila kung saan doon din ito naka zoom.
Nasa siyam na boxes ang naka flash sa screen kung saan binubuo ng mga miyembro ng bandang Ben and Ben.
“Kumusta ang inyong quarantine days?! bored na bored na ’ba?” pag sigaw naman ng isa pang bokalista na si Benjamin.
Napabaling ako ng tingin kay Kokoy na ngayon ay nanonood na din sa sarili niyang tv.
“This virtual concert is for a cause to help our frontliners, jeepney drivers at ang iba pang kinakailangang tulungan mag pa-flash sa screen ang mga bank accounts and number ng lgu’s na pwede niyong tulungan or simply watching our virtual concert is a big help” hindi na ako nagaksaya ng oras at doon ko kinuha ang aking spare na cellphone na nakapatong sa study table.
Pumunta ako sa isang bank application sa aking phone at doon ako nagtipa ng ilang segundo para magpadala sa mga taong nangangailangan.
Pagkatapos kong magpadala ng tulong ay doon ako napabaling ng tingin kay Kokoy na ngayon ay may kung ano-ano na ding tinitipa sa kanyang phone.
“We will not waste your time at hayaan niyo na ang virtual concert na ito ang mag silbing connection para sa mga lovers na na-ipit ngayon sa quarantine period” pagbaling ko kay Paolo at doon ako napangiti.
“Aside from that we will dedicate this concert to our dear frontliners and to those person na nakatuklas ng kanilang bagong connection” makahulugang wika naman ni Benjamin kaya napabaling ako ng tingin kay Kokoy na ngiting-ngiti sa kanyang pinanonood.
Napangiti naman ako dahil doon bago muling tumingin sa aking laptop.
“For our first song which is dedicated to Doctor Ronald Cruz who is survivor of Covid-Nineteen, salute kami sa katapangan at katatagan ninyo at ng iba pang Doctor kaya itong kantang ito ang inaalay namin sa inyo” pagsasalita ni Benjamin at doon sumilay sa aking labi ang ngiti ng magsimula nilang tugtugin ang kantang ‘War’.
Saya at galak ang aking nararamdaman habang pinapanood ko ang bandang bumubuo sa buhay ko idagdag pa ng isang tao na kasama ko.
Napaka special.
Napaka rare.
Iba’t-ibang mga kanta ang kanilang inaawit kung saan naka dedikado sa iba’t-ibang frontliners specially sa mga Doctor na ginagawa ang lahat para mapuksa ang virus na ito.
Ilang minuto pa ang tinagal ng Virtual Concert na ito dahilan para mangalay ako sa panonood, hindi ko maiwasang mapatingin kay Kokoy dahil kita ko sa mukha niya na may kung ano na siyang nararamdaman “Don’t mind me” ’yan ang palagi niyang sinasabi.
“Baby are you okay?” pag aalalang tanong sa akin ni Kokoy.
“Yeah” tugon ko sa kanya at doon pinunasana ng aking luha.
Hindi ko naiwasang mapaluha sa katatapos lang ng kanta “Sa Susunod na Habang Buhay” ang kantang paborito ni Gabriel.
Mas naiyak pa ako dahil ang kantang iyon ay naka dedikado sa isang Covid Patient na nahihirapan na, sinabi nila Benjamin na yung taong ito daw ay humihiling ng kantang dadalhin ng pasyente sa kabilang buhay dahilan para maging emosyonal ang kanilang pag awit.
“Hindi kita iiwan Baby, magiging matatag ako” may ibang kahulugan na wika ni Kokoy sa akin at doon nalang ako napatango.
“Thank you” tugon ko sa kanya at muli akong bumaling sa laptop dahil huling kanta na pala ang susunod.
“Okay for our last song” tila iba ang aking nararamdaman “This is dedicated to our number one fan” tila may kaba akong nararamdaman.
“This song is dedicated to Nathaniel Guerero David who is watching right now with his special someone, wait si Kokoy ’to ah?” napaawang ang aking bibig dahil sa binigkas ni Paolo.
Nakabukas ang aking bibig at malaki ang buka ng aking mga mata, hindi makapaniwala.
Dahan-dahan akong bumaling ng tingin kay Kokoy “Surprise Baby” nakangiting wika ni Kokoy sa akin.
Puta?
Is this for real?
“So this dedication came from Kokoy our dear friend” mas nagulat ako ng sabihin iyon ni Paolo nakatingin lang ako kay Kokoy na tila natatawa sa aking reaction.
Nakatingin lang ako kay Kokoy ng muling magsalita si Paolo.
“May message si Kokoy kay Nathaniel short message lang namam so let’s read it” diretso lang ang tingin ko kay Kokoy ng marinig ko ang pagbasa ni Paolo sa mensahe ni Kokoy.
“Hi Baby I just want to say that after all this time you’re still on my mind I feel the connection and don’t ask me anymore question, see you soon” tila na dejavu at vertigo ako habang nakatingin kay Kokoy.
Doon ko pa binasa sa bibig niya ang sinabi nito “I love you” wika ng kanyang bibig.
Hindi parin ako makapaniwala, hindi mag sink in sa isip ko kung anong nangyayari.
“This song is entitled ‘Pagtingin’ and Kokoy wants to tell Nathaniel na ang kantang ito ang narinig niya kung saan doon ka niya unang nakita” wika naman ni Benjamin na lalong nagpabigla sa akin.
“Kokoy?” gulat kong turan kay Kokoy na tinawanan lang ako.
Doon nagsimulang tumugtog ang kanta.
“Ano ’to Kokoy?” pagtatanong ko sa kanya habang saksi ng aking mga mata ang kanyang tuwa.
Kahit na nahihirapan siyang magsalita ay doon ito sumagot.
“I want to tell you everything pero wag nalang muna, pag nag meet tayo saka ko sabihin” tanging tugon nito sa akin na ipinagtataka ko.
“Ano?” taka kong wika sa kanya habang patuloy naming pinapakinggan ang kanta.
Tumango si Kokoy sa akin “This is not my first time to see you Baby” wika naman niya sa akin na nagpadagdag sa tanong na gusto kong masagot.
Unang tanong, paano nagawa ni Kokoy na bigyan ako ng dedication ng Ben and Ben?
Ikalawang tanong, kilala si Kokoy ng Ben and Ben?
Ikatlong tanong, ‘Pagtingin’ ang kantang narinig ni Kokoy noong una niya akong nakita?
Ikaapat na tanong, nakita na ako ni Kokoy dati?
Huling tanong, sino ba si Kokoy Buenaobra Broilette sa buhay ko?
“Baby may ipapakita ako sayo” nabaling ako kay Kokoy suot parin ang ang gulat na reaction.
“Ano ’yon?” taka kong wika sa kanya at doon ko nakitang tatayo siya sa pagkakahiga.
“Kokoy wag kanang tumayo, ipakita mo nalang sakin kahit malayo” pag aalala ko sa kanya dahil kita sa mukha nito and paglatay ng sakit.
“It’s fine, kaya ko naman” wala akong nagawa ng tuluyan ng makatayo si Kokoy sa kanyang pagkakahiga habang dala-dala ang laptop paharap sa kanya.
“Ang kulit mo!” tanging nasabi ko nalang na tinawanan nito.
Doon ko nakitang humahakbang siya papalapit kung saan “Nasaan na?” wika ko sa kanya.
“Here” tumigil si Kokoy sa paglalakad at doon ko nakita ang pag lipat ng camera ng kanyang laptop papaharap sa gusto niyang ipakita sa akin.
“A…ako ’yan ah” utal kong wika ng makita ang gusto niyang ipakita.
“Iyan ang unang beses kitang nakita habang tinutugtog nila ang Pagtingin” paglalahad sa akin ni Kokoy patukoy sa larawang ipinapakita niya sa akin.
Larawan ko kung saan nakataas ang aking kanang kamay sa ere habang nakalatay ang aking matamis na ngiti.
Natatamaan ng spotlight ang aking mukha kung saan nakakadagdag sa ganda ng nakaw na larawan sa akin.
“I can’t help it, ninakawan kita ng picture dahil sa mga ngiti mo” sunod na paglalahad ni Kokoy sa akin bago niya iharap ang camera sa kanyang mukha dahilan para mas lalo akong magulat.
“What can you say Baby?” nakangiti niyang tugon at doon ako sumigaw sa aking nakikita.
“Kokoy! Dumudugo ang ilong mo! Kokoy! Dumudugo!” taranta, nanginginig ako sa aking nakikita.
“Kokoy dumudugo! Kokoy!” muli kong sigaw habang nakatingin parin sa maganda niyang pagkakangiti na tila hindi alintana ang nangyayari sa kanya.
Hindi napigilan ng aking emosyon na lumabas ang luha sa aking mga mata dahil sa aking nasasaksihan, hindi ko alam pero napatingin ako sa oras.
Alas dose na ng madaling araw kung saan kaarawan na ni Kokoy, araw na ng kamatayan ni Gabriel.
“Kokoy! Anong nangyayari sayo!?” nakangiti parin si Kokoy habang ang dugo sa kanyang ilong ay umaagos ng tuluyan pababa sa kanyang bibig.
“I love you Nathaniel” huling wika ni Kokoy bago nito pinatay ang tawag, iniwan ako ni Kokoy ng may pag-aalala.
ㅡㅡㅡㅡㅡ
last chapter, what will happen next? let me hear it from you
Chapter 12 - we are connected
ㅡㅡㅡㅡㅡ
Nathaniel POV:
Kaba at pangamba ang namumutawi sa aking kaloob-looban, takot ang aking nararamdaman sa oras na ito.
Hindi magkandamayaw ang bilis ng tibok ng puso ko na tila gustong-gustong makawala.
Nababaliw at na u-ulol na’ko dahil gustong-gusto ko ng tumakbo.
Alam niyo ba yung feeling na sobrang gusto mo ng makawala? Yung gusto mo ng gawin yung isang bagay? Yung gusto mo ng manuntok at manakit dahil sa tila galak at kaba na iyong nararamdaman.
Pagkatapos tumigil ng aming sasakayan sa parking lot ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras.
“Hintayin mo ako Nathaniel!” habol sa akin ni Mama ng mabilis kong binuksan ang pintuan ng sasakyan.
Hindi ko na pinansin si Mama at dali-dali na akong tumakbo papunta sa entrance door ng hospital.
Nakasuot ako ng face mask bilang proteksyon sa traydor na virus na ito.
Suot ko ang paborito kong puting shirt na may tatak ng Ben and Ben, naka beanie na kulay dilaw at black pants sa pang-baba.
Hindi ko alintana ang mga nakakasalubong ko dahil iisa lang ang pinunta ko dito.
Quarter to six ng umaga noong umalis kami sa bahay namin sa Pililla, iniwan muna namin si Princess kila Tita Bernadette dahil bawal ang mga bata dito.
Eight thirty na ng makadating kami dito sa TOP Medical Center.
Nang tumigil ako sa entrance door ng Hospital ay doon ako napakapit sa aking mga tuhod at doon hinabol ang aking paghinga, hindi pa ako pumapasok sa loob.
Napapikit pa ako dahil sa ginawa kong pagtakbo, habol-habol ko ang aking paghinga.
Muli akong umayos ng tayo kahit na malalalim ang ginagawa kong paghinga dito.
Nadesisyon akong humakbang papalapit doon sa pintuan kung saan may guard na may hawak-hawak na thermal thermometer.
Hinubad ko muna ang suot-suot kong dilaw na beanie para doon itutok sa akin ng guard ang thermal thermometer sa noo.
Pagkatapos akong icheck nito ay doon pa ako inispreyan ng alcohol sa kamay.
Humakbang na ako papasok sa loob pagkatapos ng disinfectant na iyon.
Napatigil ako at doon tumingin sa paligid na tila doon inoobserbahan ang magarang ospital na ito, napaka ganda ng pagkakagawa ng hospital na tila hindi magpapatalo sa mga ibang hospital sa ibang bansa.
“Shet saan ko siya hahanapin?” pagod na pagod kong wika habang tumitingin sa paligid.
Hindi ko alam kung saan ko siya pupuntahan kaya doon ko inaalala ang mga kwentong sinabi niya sa akin.
Nasa ganoon lang akong pwesto ng maramdaman kong may tumabi sa akin “Sabi ko sayo hintayin mo ako eh” si Mama pala.
Bumaling ako ng tingin kay Mama “Sorry Ma” paghingi ko ng dispensa.
Naka suot din si Mama ng pang proteksyon sa virus kaya wala silang dahilan para hulihin kami.
Nakakahiya naman kasi doon sa isang tao diyan na nag pa mañanita pero hindi humarap sa batas hindi tulad nang isang journalist na nagbaba lang ng face mask sa mukha para uminom ng tubig ay hinuli na.
Meron pa nga diyan na nag ocean park ba’yun? Yung pumunta sa beach? Oo yun nga! Anyare sa kanya? Alam mo ba yung sabi pa niya? Na sayawan daw natin yung Covid na ito para mawala.
“Ewan ko sayo, dahil sa pagmamadali mo nalaglag mo yang bracelet mo” nakatigin lang ako kay Mama ng tila mainis siya sa akin.
Doon niya inabot sa akin ang bracelet ko na bigay ng hindi ko kilalang tao, nakita ko nalang siya sa bag ko na ginamit ko noong bumili ako ng vinyl ng Ben and Ben.
Itim siyang leather bracelet na may dark blue pick guitar ng Ben and Ben.
Kinuha ko kay Mama ang bracelet na iyon at doon ko isinuot sa kaliwang bahagi ng aking kamay.
Nasa ganoong pagsusuot ako ng bracelet ng maaalal ko na kung saan kami dapat pumunta ni Mama.
Binalingan ko ng tingin si Mama at doon gulat na gulat na nagwika “Alam ko na Ma! Tara na!” dali-dali na akong tumalikod sa kanya at doon humakbang papalapit sa kung saan.
Alam ni Mama kung sinong sadya ko dito, alam na ni Papa ang tungkol sa bagay na ito “Kailangan ko na bang umuwi diyan sa Pilipinas?” iyan ang sabi ni Papa Lester noong sinabi kong CIPA patient din si Kokoy.
“Magtanong tayo anak doon sa Doctor” mabilis din ang ginagawang paglalakad ni Mama para ako ay masabayan.
Tumango ako kay Mama sa kanyang suhestiyon, tinumbok namin ang daan papunta doon sa isang Doctor na nakatayo malapit sa elevator umiinom ito ng Milk Tea.
Tumigil kami ni Mama sa paglalakad ng makalapit kami sa harapan ng Doctor na ito, napatingin naman siya sa amin na tila may pagtataka.
Napatingin ako sa suot niyang puting Doctor Gown at doon tinumbok ng aking mata ang nakasabit na identification card doon sa bulsa bandang dibdib.
‘Ian Montealegre, Fellow General Surgeon Doctor’ pagbasa ng aking isip doon sa identification card.
“How can I help you po?” magalang na pagbati sa amin ni Mama ng may itsurang Doctor.
Nakangiti ito sa amin base sa kanyang mga mata, naka face mask din kasi ito kaya hindi namin kita ang bibig niya kaya ganoon ko nalang din ang ginawa kong pag-ganti ng ngiti kahit na hindi niya iyon kita.
“Ahm Doc saan pong floor yung Neurosurgeon Department? Yung sa wards and ICU po?” magalang kong pagtatanong sa kanya kahit na hapo-hapo parin ang ang aking paghinga.
Tumango ito sa amin at doon sinagot ang aking tanong “Third floor galing basement” tugon nito sa amin at doon kami tumango ni Mama.
“Thank you Doc” pasasalamat ni Mama sa tabi ko bago namin muling narinig ang kanyang pagsasalita.
“Actually papunta po ako doon ngayon, tara po guide ko po kayo” huling wika ng Doctor bago namin nakita ang pagbukas ng elevator sa harapan namin.
‘Door’s Opening’
Nauna kaming pumasok ni Mama sa loob at doo nagpahuli ang Doctor, nasa likod kaming bahagi habang si Doc ay nasa unahan na ngayon ay pinipindot ang mga numero sa elevator tanda ng ito ay magsasara.
‘Door’s Closing’
Nang magsara ang pintuan ay doon ako kinulbit ni Mama, hindi kasi ako makapagsalita dahil titig lang ako sa Doctor.
Para kasing pamilyar sa akin yung pangalan niyang Ian, parang may na kwento na sakin si Kokoy na ang pangalan ay Ian.
“Anak uy” pagbasag ni Mama sa aking pagkakatulala kaya doon ko siya binalingan ng tingin.
“Sorry Ma, bakit po?” tugon ko dito at doon ko nakita ang kanyang pag-iling.
“Sigurado ka bang sa Neurosurgeon Department siya? Diba sa Anesthesiologist si Gabriel dati?” patukoy ni Mama kung saan naka confine si Kokoy.
“Hindi ko alam Ma, pero try natin” tanging tugon ko sa kanya at doon siya tumango.
Muli akong bumaling ng tingin sa Doctor na nasa harapan namin ni Mama at doon ko inisip kung tama nga ba ang hinala ko sa Doctor na ito.
Ilang segundo lang ang tinagal ng pagsakay namin sa elevator ng tumigil ito tanda ng nandito na kami.
‘Door’s Opening’
Kasabay ng pagsasalita ng elevator ay doon muli akong kinain ng kaba at pangamba.
Nagsisimula na namang bumilis ang tibok ng puso ko na tila gustong-gusto talagang makawala.
Relax lang Nathaniel, relax lang.
Doon ko pinatikom ang aking mga kamao tanda ng pagpapakalma sa aking sarili bago kami lumabas ni Mama at ng Doctor sa elevator.
Nang makalabas kami ay doon tila gulat na nagsalita ang Doctor “Hala! I forgot something!” turan niya at doon ito buamaling sa amin ni Mama.
“Sorry po pero hindi ko na kayo masasamahan , pero diretso nalang po kayo doon at nandoon na po yung mga wards and ICU ng Neurosurgeon Department” paghingi ng tawad ng Doctor at doon siya tumuro sa kaliwang bahagi ng aming tinatayuan.
“Okay lang po Doc, thank you po” wika ni Mama sa aking tabi, hindi parin ako makapagsalita.
Kinakain na kasi ako ng kaba at takot, idagdag mo pa na nakakapagpakaba ang tila pinaghalong gamot at kemikal na amoy ng ospital.
Hindi ko namalayan na naglalakad na pala kami ni Mama at wala na yung Doctor na nagngangalang Ian.
“Anak wag kabahan walang nangyaring masama kay Kokoy” tila pang aalo sa akin ni Mama, kinuwneto ko kasi sa kanya kung anong nangyari kagabi.
Hindi ako magsisinungalin sa inyo na hindi pa ako natutulog mula pa kagabi, hindi ako makatulog, hindi mawala sa akin ang kaba.
Hindi mawala sa isipan ko na baka iniwan na niya din ako kaya doon ako nagdesisyong tawagan si Bebang at nagbabakasakaling alam niya kung saan naroroon si Kokoy.
Isinalaysay ni Bebang sa akin kung anong nangyari kay Kokoy doon sa kwento na isinusulat niya, sinabi pa sakin ni Bebang na ngayon nga ay nasa ospital ng mga magulang niya si Kokoy dahil sa sakit na nararamdaman niya.
Hindi na ako nagdalawang isip pa noong oras na iyon dahil baka nga nandito sa ospital ng mga magulang ni Kokoy siya.
Na ikwento din niya kasi sakin na itong TOP Medical Center ay pag mamay-ari ng kanyang mga magulang.
“Sigurado kabang dito iyon Anak?” hindi ko namalayan na nakatigil na pala kami sa harapan ng Intensive Care Unit ng Neurosurgeon Department, iyon kasi ang nakalagay sa bandang tass na bahagi nito.
Napatingin ako sa harapan kung saan may malaking salamin na pintuan na tila awtomatik.
“Anak sigurado ka bang nandito si Kokoy?” napabaling ako ng tingin kay Mama at doon siya sinagot.
Tumango muna ako “Neurosurgeon yung mga magulang niya Ma, baka nandito siya itanong din natin sa mga nurse” huling wika ko kay Mama na punong-puno ng kaba.
Tumango ito sa akin bago kami nagdesisyong humakbang papalapit sa awtomatiko na pintuan.
Kasabay ng pagbukas ng salaming pintuan ito ay doon ako muling kinain ng kaba.
Alam niyo kung gaano ako hindi mapakali ngayon, alam niyo kung anong nararamdaman ko ngayon dahil kung kayo ang nasa pwesto ko ay ganito din ang mararamdaman niyo.
Kabang-kaba ako sobra, daig ko pa ang mag pe-present at discuss sa terror naming professor ng aming thesis paper.
Nakakaramdam din ako ng tawag ng kalikasan at nagtatayuan na ang aking mga balahibo dahil sa lamig na aking nararamdaman.
“Kung makikita lang ni Kokoy ang mukha mo ngayon, matu-turn off na sayo yun nako” pagbasag ni Mama sa kabang nararamdmaan ko.
Binalingan ko siya ng tingin “Hindi ko lang maiwasan mag alala Ma” tugon ko sa kanya at doon ako muling bumaling sa sa aming nilalakaran.
Walang masyadong mga pasyente at doktor kaming nakakasalubong dahil na din siguro sa ilang mga regulationg and protocols ng hospital.
Muli naming ipinagpatuloy ni Mama ang paglalakad ng matanaw na namin ang nurse station nitong ICU.
Hindi ko alam kung bakit mabilis kong tinakbo ang istasyong iyon kung saan may lalaking Nurse na nakatayo.
Naka suot ito ng mint green na damit at puting pants sa ibaba, naka mask din ang Nurse na ito.
Nang makalapit at tumigil ako doon sa nurse station ay doon ako mabilis na nagtanong sa lalaking Nurse.
“Good day po, ahm may pasyente po ba kayong Kokoy Buenaobra Broilette?” doon ko nasilayan ang pagkunot ng noo ng Nurse ng sabihin ko ang pangalan ni Kokoy.
Nakatingin lang ako sa kanya ng makita kong doon siya may kung anong pinipindot sa laptop na nasa harapan niya “Do you mean Noah Buenaobra Broilette?” pagbaling niya sa akin at doon ak mabilis na tumango.
Shet.
“Yes po siya nga po!” tugon ko sa kanya at doon ito napatango.
Shete.
“Relatives po ba kayo ng pasyente? Hindi po kasi nagpapasok at tumatanggap ng bisita kapag hindi po relatives ng patient” natahimik naman ako ng sabihin iyon ng Nurse “Ano pong relationship niyo sa pasyente?” mas lalo akong natameme sa sinabi niya.
Relationship?
Relationship ko kay Kokoy?
“Ahm ano po” nag aalinlangang kong wika bago ko maramdamang lumapit sa akin si Mama.
“Nako sabi kong hintayin mo ako eh, ano nandito ba si Kokoy Anak?” mabilis akong bumaling sa kanya at doon sumagot.
“Opo Ma, nandito nga siya” tugon ko sa kanya at doon naman bumaling si Mama sa Nurse kaya napatingin nalang din ako doon.
“Ano pong room number ng pasyente?” natural na pagtatanong ni Mama sa Nurse.
Doon umiling ang Nurse sa amin “Hindi po namin pwedeng sabihin hanggat hindi niyo po nasasabi kung anong relationship niyo sa pasyente, bawal po kasing magpapasok kung hindi po kamag-anak o kabigan” normal na pagsasalita ng Nurse.
Tumango naman ako sa sinabi niya at doon sumagot kung anong relationship namin ni Kokoy.
Ngunit bago palang ako magsasalita ng doon may boses sa likod na nagpaigtad sa akin.
“Nurse Harry boyfriend po siya ni Kokoy”
Mabilis kaming napalingon ni Mama sa likod at doon ko nakita ang isang lalaki na naka facemask na itim.
Doon rumehistro sa aking mga mata ang pagsusuri sa lalaki na tila inaalam kung sino siya.
Nang doon ko ito mamukhaan ay tinawag ko siya sa kanyang pangalan.
“Dick!” pagtawag ko sa kanya at doon ko narinig ang kanyang pagtawa.
“You’re one and only” tugon naman nito bago nagsalita si Mama.
“Kilala mo siya Anak?” bumaling ako kay Mama at doon siya sinagot.
“Kaibigan po siya ni Kokoy Ma” tugon ko naman sa kanya at doon ito tumango.
“Hello po Tita, ako po si Dick” napabaling naman ako kay Dick kung saan doon pa siya tumungo sa harapan namin tanda ng pag galang.
No contact and touching muna tayo ngayon.
Matuwid kong hinarap si Dick at doon ko siya tinanong ng diretso “Dick si Kokoy?” wika ko sa kanya.
Hinintay ko ang sagot nito pero ilang segunda pa ay hindi siya nagsalita, nakatingin lang siya sa akin dahilan para ako ay kabahan.
Imbis na ako ay sagutin niya ay doon ito bumaling sa Nurse na kausap namin kanina.
“Nurse Harry ako na po ang bahala sa kanila” serysong wika ni Dick bago siya bumaling sa amin ni Mama.
“Tara na po puntahan na natin si Kokoy dahil ikaw nalang ang hinihintay niya Nathaniel” dahil sa sinabi ni Dick ay doon ako mas lalong kinain ng takot.
Bakit ganyan siya magsalita?
Anong nangyari kay Kokoy?
May nangyari na bang hindi maganda?
Magsasalita na sana ako ng tumalikod na si Dick at doon siya naglakad papunta sa aming pupuntahan.
Muli akong sumilay doon sa Nurse na kausap namin kanina pero ito ay nakatungo na ngayon.
Anong nangyayari?
Napatungo ako at doon sinimulang sumunod sa paglalakad ni Dick.
“Maayos ang lahat Anak walang nangyari masama sa kanya magtiwala tayo, magtiwala kalang at lakasan mo ang loob mo” doon ko naramdaman ang paghagod ng mga kamay ni Mama para ako ay pakalmahin.
Nagpunas ako ng luha na unting-unti na palang bumabagsak sa aking mga mata, hindi ko na kasi napigilang ilabas ang aking emosyon dahil sa mga kongklusyon na nabubuo sa isipan ko.
Malalalim ang ginagawa kong paghinga habang patuloy kaming nakasunod kay Dick.
“Pinagdaanan mo na ’to Anak, kaya dapat mas matapang kana ngayon” hindi ko maiwasang matuwa kila Mama at Papa dahil sobra-sobra ang suportang ibinibigay nila sa akin.
Akalain mong sinabi ko lang sa kanya kung anong nangyari kay Kokoy ay siya pa ang nagkusang yayain ako kung saan ospital naroroon si Kokoy.
“Kaya mo ’yan Anak, kung ano mang mangyari sa kanya nandito lang kami ng Papa mo” tila may ibang kahulugan ang nais iparating ni Mama sa akin kaya doon ako napailing.
“Walang nangyari masama sa kanya Ma, wala nangyaring masama kay Kokoy” mabigat sa looban kong tugon sa kanya habang ako’y nakabaling na dito.
Tumango-tango sa akin si Mama.
Muli kong pinunasan ang aking luha sa magkabila kong mata at doon ko pinipigilang ilabas ang bugso ng aking emosyon.
Huminga muna ako ng malalim bago ako humarap sa aming nilalakaran kung saan nakasunod lang kami kay Dick.
Hindi ko maiwasang mag-isip ng hindi maganda noong sinabi niya ang huli nitong winika, may lungkot at takot kasi sa kanyang boses dahilan para ako ay mag-alala.
Nakatingin lang kaming dalawa ni Mama sa harapan ng doon namin makitang tumigil si Dick sa isang pintuan.
Nakatingin lang ng diretso si Dick doon sa pinto na tila hinihintay kaming makalapit doon.
Binilisan namin ni Mama ang paglalakad para mabilis kaming makapunta doon.
Napalunok ako ng dalawang beses dahil nagsisimula na naman akong kainin ng takot at pangamba, muli kong itinikom ang aking mga kamao bilang pagpapakalma.
Malalalim din ang ginagawa kong paghinga.
“Shet” hindi mapigilang ilabas ng aking bibig dahil nakatigil na kaming dalawa ni Mama sa harapan ng pintuan.
Kulay cream ang kahoy na pintuang iyon at doon may dalawang handle sa harapan para mabuksan ang pinto.
Nakaharap lang kami ni Mama doon ng makita kong inilahad ni Dick ang kanyang mga kamay sa handle para doon buksan ang pintuan na may numerong two zero seven.
Tila naging slow motion ang pagbubukas ni Dick ng pintuan na iyon dahilan para marinig ko ang tila kabang-kabang pagitibok ng aking puso.
Sumisigaw na din ang aking kaluluwa dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon.
Nang tuluyan nang mabuksan ni Dick ang pinto ay doon sumalubong sa amin ang kulay puting sofa kung saan may dalawang lalaking naka-upo dito.
Napatayo ang dalawang lalaking iyon ng magtagpo ang aming mga mata, alam kong sila Samuel at Brent iyon dahil namukhaan ko ang kanilang mga mukha.
Wala silang suot na facemask kaya kitang-kita ko ang pagka gulat nang kanilang mga reaction nang makita nila ako.
Maliwanag ang kwarto dahil sa salaming dingding kung saan doon tumatagos ang sikat ng araw.
Nasa kaliwang bahagi siguro ang higaan na aming titingnan kaya kinakailangan naming pumasok sa loob para makita ang dapat kong makita.
Rinig ko lang ang tibok ng aking puso ng magsimulang humakbang si Dick papasok sa loob.
Ito na, ito na ang oras na hinihintay ko.
Ito na ang oras na sasagot sa mga tanong ko.
Okay lang ba siya?
May nangyaring hindi masama sa kanya?
Nang tumungtong ang aking mga paa sa loob ng kwarto na iyon ay doon ko narinig ang tila pag iyak ng isang lalaki.
Nakatingin lang ako sa likod ni Dick habang naririnig ko ang mga boses na nanggagaling sa kaliwang bahagi ng kwarto.
Natatakpan kasi ng pader ang aming dapat makita at kinakailangan pa naming pumasok sa mismong loob para makita namin iyon.
“Ayan sinabi ko na mag ingat ka! Ilang beses na kitang sinasabihan pero hindi ka naman nakikinig! Tangina!”
“Ano bang gusto mong mangyari ha!?”
“Tigilan mo na ’yan Mahal, wag ka nang magalit!”
“Hindi eh! Sumosobra na Mike! Sumusobra na!”
“Kung ayaw mong kumain, uminom ka kahit tubig!”
Sigaw na sumalubong sa amin ni Mama habang humahakbang kami papasok sa loob, may isang iyak pa ng lalaki ang aming naririnig.
Kapag humakbang pa ako ng mga dalawang beses ay doon ko na masisilayan ang dapat kong masilayan.
Napatigil kami ni Mama ng tumigil si Dick paharap sa kaliwa doon sa gitnang bahagi ng kwarto, napatingin sa dalawang lalaki na gulat na gulat parin ang kanilang reaskyon.
Hindi sila nakangiti kundi gulat na gulat, binigyan ko nalang sila ng pagngiti kahit na ako ay naka mask.
Muli akong napabaling kay Dick ng magsalita ito kung saan siya nakaharap.
“May bisita ka” wika na ikinagulat ko dahilan para muling bumalik ang kaba na kanina ko pa nararamdaman.
Kita kong hinubad ni Dick ang suot-suot niyang mask kung saan doon ko nakitang nakangiti siya.
Anong ibig sabihin nito?
Humarap sa amin si Dick at doon tila ako’y sinensyasan na lumapit sa kanya.
Bumaling ako ng tingin kay Mama at doon ito tumango sa akin.
Handa na ba ako?
Handa na ba kayo?
Dahan-dahan akong humakbang papalapit sa pwesto ni Dick kung saan nandoon siya sa paanang bahagi ng higaan.
Literal akong nakatingin sa kaliwa ng magsimula akong naglakad.
Tila muling naging slow motion ang aking paglalakad papunta sa pwesto ni Dick.
Nasilayan ng aking mga mata ang tatlong mga Doctor na nakatayo sa magkabilang gilid ng higaan.
Natatakpan nila ang dapat kong makita, natatakpan nila ang lalaking nakahiga sa kama.
Dalawang doctor ang nasa kaliwang bahagi ng kama, tiyak na sila ang mga magulang ni Kokoy dahil may bitbit ang isa na tray ng pagkain.
Ang isa namang doctor ay nasa kanang bahagi na tiyak iyon ang kuya niya.
Pagkatapos kong suriin ang tatlong Doktor ay doon na bumaling ang aking tingin sa lalaking nakahiga na akin ng makikita.
Sa hindi ko malamang dahilan ay bumaling ako ng tingin sa mukha ni Dick ng makalapit ako sa pwesto niya.
Muling bumalik ang bilis ng oras ng tumigil ako sa harapan ni Dick, hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon.
Para suspense?
Para surprise?
Bumaling ang aking tingin kila Samuel at Brent na ngayon ay nakangiti na sa kanilang nasasaksihan.
Hindi ko malaman sa aking sarili kung bakit nagsisimula na namang magbagsakan ang mga luha sa aking mata.
Tuwa?
Muli akong bumaling ng tingin kay Dick na ngayon ay malawak din ang pagkakangiti.
“Tingnan mo na siya” huling wika ni Dick sa akin bago ako nagdesisyong humarap sa dapat kong harapin.
Dahan-dahan.
Tila dinadama ko ang mga oras na tumatakbo ngayon, mga oras na dapat kong harapin.
Nang tuluyan na akong makahap sa bahaging iyon ay doon sumilay sa aking mga mata ang gwapong gulat na gulat na lalaking nakahiga sa kama.
Buhay siya.
Walang nangyari masama sa kanya.
Kita kong may bumabagsak na mga luha sa mga mata ng lalaki habang gulat na gulat siya sa kanyang nasasaksihan.
Tila parehas naming hindi inaasahan na magkikita kaming dalawa dahil lang sa masamang nangyari sa kanya kagabi.
Mata sa mata ang pagtititigan naming dalawa bago ako napaigtad dahil sa isang Doctor na lumapit sa akin.
“Nathaniel ikaw na ang bahala sa kanya, pakainin mo siya dahil kagabi pa ’yan hindi kumakain” gulat akong napatingin sa Doctor na lumapit sa akin.
“Po?” tanging nabulalas ng aking bibig at doon ko nasilayan ang pagngiti ng Doctor na ito.
“Sige na aalis na muna kami, sa inyo na ang oras na ito” gulat ako ng tumalikod ang Doctor na ito sa aking pwesto.
At mas nagulat ako ng makitang nagsisilabasan na ang mga taong nasa loob ng kwarto, kasama na doon si Mama Ruth na ngayon ay kumaway pa sa akin.
Napaigtad ako ng maramdaman kong may tumapik sa aking likod kaya binalingan ko ito ng tingin.
“Kaya mo ’yan, kaya niyo ’yan” si Brent na gwapong-gwapo sa suot niyang jersey.
Kumaway pa sa akin si Samuel bago sila sabay-sabay nila Dick na lumabas ng kwarto.
Nakatingin lang ako sa mga taong nakalabas na ng kwartong ito dahilan para kaming dalawa nalang ang matira sa loob.
Napapikit ako at dahan-dahang bumaling ng tingin sa gulat na gulat paring lalaki.
Nakasuot siya ng puting patient gown at doon ko kita sa mukha nito ang malaking pasa sa kanyang kaliwang pisngi.
Titig na titig parin si Kokoy sa akin dahil hindi siya makapaniwalang nasa harapan na niya ako, dahil kahit ako ay hindi makapaniwalang nasa harapan ko na siya.
Naging traydor na naman ang aking emosyon dahil nagsisimula na namang magbagsakan ang aking mga luha.
Pinilit kong ngumiti sa kanya habang may luhang bumabagsak sa aking mata.
Anong sasabihin ko?
Paano ko siya kakausapin?
Hindi ko na kayang pigilan, kahit bawal gagawin ko.
Hindi siya nagsasalita sa akin dahil titig na titig parin siya.
Hindi ko na kayang pigilan.
Mabilis akong humakbang papalapit sa kanya at doon ito niyapos ng napakahigpit, doon ko isiniksik ang aking ulo sa kanyang leeg na tila hindi alintana ang kanyang sakit.
Doon ko pinaramdam sa kanya ang yakap ng isang pangungulila.
Sa oras na ito ay punong-puno ng emosyon ang namumutawi sa aming dalawa ni Kokoy.
Ramdam ko din ang pangungulilang pagkayap ni Kokoy sa akin na tila hinihila niya ako papahiga sa kanyang higaan.
Doo niya isinisiksik ang kanyang ulo sa aking leeg.
“Baby sorry” ang salitang unang binigkas ni Kokoy ang naging dahilan para mas bumuhos ang emosyon na nararamdaman ko ngayon.
Lungkot.
Pagod.
Pangamba.
Takot at Pag-aalala.
Na lulungkot ako dahil sa kung anong meron si Kokoy ngayon, pagod ako dahil hindi ako nakatulog ng dahil sa nangyari sa kanya, napagod ako dahil sa pag-aalala ko kay Kokoy, natatakot ako dahil baka mawalan na naman ako ng nagmamahal sa akin at nangangamba dahil baka mangyari sa kanya yung nangyari kay Gabriel.
“Baby sorry kung pinag-alala kita” ramdam na ramdam ko sa aking leeg ang mga luhang bumabagsak sa mata ni Kokoy “So-sorry Baby kung pinag-alala kita, sorry kung nag-alala ka sakin” muli niyang pag-uulit sa akin dahilan para mas maging emosyonal ako.
“Hindi mo alam Kokoy kung gaano ako natakot ng makita ng mga mata ko kung paano ka nahirapan, hindi mo alam Kokoy kung gaano kasakit sa akin na yung taong nag paramdam sa akin kung gaano ako ka espesyal ay magiging ganito” emosyonal kong wika sa kanya at doon ko naramdaman ang mas mahigpit na yakap ni Kokoy sa akin.
“Sorry Baby sorry hindi ko alam na ganito na pala ang mararamdaman mo, I’m sorry for being insensitive and selfish again, I’m sorry kung pinag-alala kita” muli na naman niyang paghingi sa akin ng dispensa habang patuloy lang ang mga emosyong bumubuhos sa aming dalawa.
“Takot na takot ako Kokoy, takot na takot ako Noah” tanging nabubulalas ng aking bibig, doon ako nanginginig sa takot na nararamdmaan ko.
Patuloy lang ang pag-agos ng aking mga luha sa mata.
“Hush Baby, I’m already here…buhay ako Baby buhay na buhay” naluluhang wika ni Kokoy sa aking leeg kaya doon ko mas lalong hinigpitan ang pangungulila kong pag-kayap.
Ang tanging nasagot ko sa sinabi niya ay ang dahan-dahang pagtango at pagtahan.
ㅡㅡㅡ
“Paano kita papakainin ng maayos kung ayaw mong bitawan ang mga kamay ko?” wika ko sa naka-upo na ngayong si Kokoy.
“Baby time now, food later” tanging sagot niya sa wika ko.
Mag mula noong matapos ang pagbuhos ng emosyon naming dalawa ni Kokoy ay hindi na niya binitawan ang aking mga kamay.
Naka-upo ako sa bilog na kahoy na upuan habang ang aking mga kamay ay hindi mabitaw-bitawan ni Kokoy kung saan nakapatong sa gitnang bahagi ng kanyang katawan.
Nakatalukbong sa kanya ang puting comforter hanggang bewang.
“Bitaw na po kasi” wika ko sa kanya at doon siya parang bata na umiling.
“Ayaw ko po kasi” tugon niya muli sa akin kaya doon nalang ako napailing.
Kung mas makulit siya sa mga video calls namin, ano pa kaya ngayong magkaharap na kami?
Sabagay ngayon lang naman kami nagharap ng ganito kaya pagbigyan na natin siya.
“Anong ngini-ngiti-ngiti mo diyan!?” inis ko ng wika sa kanya dahil binibigyan ako nito ng tila manyak na tingnin.
Umiling si Kokoy suot ang kanyang engot na pagtingin “Cute mo pala talaga kapag malapitan” wika niya sa akin kaya napalunok ako ng isang beses.
Gusto ko sanang sabihin sa kanya na ang gwapo mo sa malapitan.
Oo na! Ako na! Ako na ang marupok okay?
Sino ba naman kasing hindi mahuhulog sa isang taong magpaparamdam sayo na espesyal ka, diba?
“Ako ba Baby? gwapo ba ako sa personal?” hirit niya sa akin at doon ako mabilis na umiling.
“Hindi, mukha ka ngang butiki eh” taliwas sa katotohanang tugon ko sa kanya at doon siya umiling.
“Kaya pala umiyak ka sakin kanina, ano nga yung sabi mo? Hindi mo alam Kokoy kung gaano ako natakot ng makita ng mga mata ko kung paano ka nahirapan, hindi mo alam Kokoy kung gaano kasaki —” marahas kong inalis ang aking mga kamay sa kanyang pagkakakapit dahil ginagaya niya ang boses ko.
Mabilis kong inilahad ang aking kaliwang kamay sa kanyang tagiliran para doon ito kurutin.
“Aray-aray ah! Ah! Ang sakit!” tila pang-aasar pa niya sakin dahil ang totoo niyan ay wala talaga siyang nararamdaman.
“CIPA patient ka gago! Ewan ko sayo! Dapat pala hindi na ako pumunta dito!” aktong tatayo at aalis ako sa aking pwesto ng mabilis niya akong hinila.
Doon ko nalang nakita ang aking sarili na nakasampa sa kanyang hinihigaan.
“Kokoy ano ba!” daing ko dahil sa ginawa niyang paghila sa akin papatong sa kanyang katawan na tila hindi ko alintana kung anong tumutusok sa aking pang-upo.
Marahas niyang hinawakan ang aking mga kamay dahilan para hindi ako makakawala sa kanya, nakaupo ako sa katawan ni Kokoy habang ang aking mga kamay ay nakataas na hawak-hawak niya.
Nakatingin lang ako sa seryosong mukha ni Kokoy habang pinipilit kong makakawala sa kanya.
“Kokoy ano ba” mahinahon ko ng wika sa kanya pero hindi ako nito sinasagot, nakatitig lang siya sakin na tila doon niya ako kinakain sa loob.
“Ano?” hindi ko alam pero nahihiya na ako sa kanyang ginagawang pagtitig, may kung ano na din kasi akong nararamdaman sa aking pang upo.
“Ano ’yon” tila may pagkamalandi ko ng wika sa kanya dahilan para siya ay mapailing.
“Tabihan mo ako, may ipapakita ako sayo” hindi na ako nag protesta pa at doon ako ginayak ni Kokoy papahiga sa kanyang hinihigaan.
Pinapakiramdaman ko lang ang kanyang gagawin dahil inayos niya ang comforter papataklob sa aming katawan, hanggang dibdib.
Anong ipapakita niya?
“Ready kana?” tila may ibang gusto siyang ipahiwatig sa kanyang boses kaya napalunok ako.
Bakit parang ang bilis ng pangyayari? Parang kanina lang ang lungkot-lungkot namin.
Parang kagabi lang na hindi ako mapakali? Tapos ngayon? May ipapakita siya sa akin?
Ano naman yun?
“Anong ipapakita mo Kokoy?” baling ko sa kanya at doon niya ako nginitian.
“Baby wait a minute” tila nangaakit ang kanyang boses habang titig lang siyang nakatingin sa akin.
Kita ko sa peripheral vision ko na may kung anong kinakapa si Kokoy sa ilaim ng kumot niya.
Shet? Handa na ba ako?
“Baby” malamig at baritong boses ni Kokoy sa akin.
“Ano?” ganti kong wika sa aming pagtititigan at doon ako nginitian ni Kokoy.
Nasa ganoon kaming senaryo ng magulat akong dumilim ang paligid, ang mga dingding na salamin kung saan doon nanggagaling ang sikat ng araw ay biglang dumilim.
Ang ilaw din sa loob ng kwarto ay namatay dahilan para hindi ko makita ang mukha ni Kokoy sa aking tabi, tanging ilaw lang mula sa life monitor ang meroon dito.
“Ano na bang ginagawa mo Kokoy?” tila may inis at gulat sa aking wika dahil sa mabilis na pagdilim ng paligid.
“Baby hayaan mong sa oras na ito mamutawi ang connection nating dalawa sa isa’t-isa” makahulugang wika sa akin ni Kokoy bago ko nakitang may telebisyon pala sa kanang parte ng kwartong ito.
May flat screen tv ang nakaka-kabit sa kanang parte ng dingding sa aming harapan.
“Ano ’yan?” pagtatanong ko kay Kokoy ng magsimulang mag play ang isang video doon sa tv.
Naramdaman kong iginayak ako ni Kokoy pahiga sa kanyang kanang braso “Just watch it” wika sa akin ni Kokoy kahit na may pagtataka parin sa aking looban.
Ano ’to?
Doon ako tumitig sa tv at gulat ko ng mag flash sa screen ang naka-upong si Kokoy na tila pamilyar sa aking ang lugar na iyon.
Nasa kwarto si Kokoy habang nakaupo siya sa swivel chair at may litrato akong nakikita sa background niya kung saan iyon ang litratong ipinalkita niya sa akin kagabi.
Yun yung picture ko noong nasa concert ako ng Ben ang Ben na hindi ko akalaing may magnanakaw ng larawan ko.
Doon ko pinanood kung anong nangyayari sa video dahil may hawak-hawak si Kokoy na gitara.
“Okay na ’ba Samuel? Nag rerecord na? Game na?” naka-suot si Kokoy ng unipormeng pangpasok na tila kagagaling lang niya sa University.
Doon ko kitang nakatingin si Kokoy sa taong kinakausap niya.
“Oo kanina pa nag rerecord” boses iyon ni Samuel sa likod ng camera.
Nakatingin lang ako kay Kokoy ng makita kong tila siya ay naiinis sa kanyang nakikita.
“Tangina naman kasi Dick eh! Wag ka kasing magpatawa! Isusumbong kita kay Papi” tila batang inis na wika ni Kokoy at doon pa niya binigyan ng dirty finger ang lalaking kinaiinisan niya.
May pagtataka sa aking isipan pero pinili ko nalang na ituloy ang panonood sa kung anong nangyayari.
“Brent magugustuhan niya kaya ’to? Ano kayang sasabihin niya?” pagkausap naman nito kay Brent.
So ibig sabihin kumpleto silang Ace Four? Nasa likod yung tatlo habang nasa harapan si Kokoy at may hawak-hawak na gitara?
Anong gagawin niya?
“Hindi lang magugustuhan! Matutuwa yun pag pinakita mo ’yan sa kanya!” boses naman iyon ni Brent at doon ko nakitang tumango si Kokoy.
Bagong gupit lang ata siya dahil nag mumukha siyang totoy.
Kita kong muling inayos ni Kokoy ang camerang nakaharap sa kanya at doon siya nagsalita na ikinagulat ko.
“Ha-hi ako nga pala si Kokoy-Kokoy ano…ahm Kokoy Broilette ahm ano” utal-utal na wika ni Kokoy at doon ko narinig ang sigaw ni Dick sa likuran.
“Gago ayusin mo para kang tanga niyan” kita ko ang tila pag kailang ni Kokoy sa camera dahilan para makaramdam ako ng itla paru-parong gumagalaw sa aking looban.
Umayos si Kokoy ng upo at doon niya muling hinawakan ng maayos ang gitara.
“Hi ako nga pala si Kokoy Buenaobra Broilette and I saw you last night sa Ben and Ben concert I’m a photographer that time kaya makikita mo sa likod ko yung picture mo na ninakaw ko sayo hehe” unang wika ni Kokoy at doon pa niya tinuro ang larawan ko na malapad ang pagkakangiti.
Para sa akin ba itong gagawin ni Kokoy?
Kakantahan niya ba ako?
“I feel nostalgic that time habang nag peplay yung kanta ng Ben and Ben na Pagtingin, and your smile? I can’t help myself to play this song for yo and I just want to say that ahm ano I like you” doon ko naramdaman ang pagyakap sa akin ni Kokoy na tila doon siya nahihiya sa kanyang video na nagpeplay.
Hindi ko maitago ang aking ngiti ng magsimulang tumipa ng gitara si Kokoy.
Doon niya tinutugtog ang kantang Pagtingin habang doon pa siya umaawit.
“Dami pang gustong sabihin, ngunit wag nalang muna” hindi ko alam na may itinatago pala siyang galing sa pag awit.
“Hintayin nalang ang hanging, tangayin ang salita” pangalawang sentence sa kanta.
“Wag mo akong sisihin, mahirap ang tumaya”
“Dagat ay sisisirin, kahit walang mapala” Iba ang version ng kantang inaawit ni Kokoy ngayon at hindi ko maitatago na ito ang pinakamagandang version na narinig ko.
“Pag nilahad ang damdamin, sana ’di magbago ang pagtingin” mabagal at tila damang-dama ko ang pag-awit ni Kokoy sa akin ng kantang ito.
Hindi ko mapigilang mapangiti ng ubod ng galak sa aking nasasaksihan.
“Aminin ang mga lihim, sana ’di magbago ang pagtingin” huling salita ng kantang kanyang inaawit habang si Kokoy ay tila hiyang-hiya parin sa video na nagpe-play.
Wala kasi siyang ibang ginawa kundi ang titigan ako sa buong video.
“Baby” pagtawag niya sa akin at doon ko siya dahan-dahang binalingan ng tingin, sa tulong ng liwanag ng telebisyon ay kita ko ang mukha ni Kokoy na titig na titig sa akin.
“Oh?” tanging nabulalas ng aking bibig pagkatapos kong panoorin ang kantang inalay niya sa akin.
“Alam mo bang sa tulong nila Papi at Dadi palagi akong isinasama ng Ben and Ben sa concert nila para maging photographer and you know what? Palagi kitang hinahanap tuwing tutugtugin nila yung Pagtingin nilang song but sad to say I didn’t found you” tila naging malungkot pa si Kokoy sa huling wika niya sa akin.
Tumango-tango ako sa kanya dahil sa inilalahad nito.
“Yun yung kwento na hindi ko naituloy kagabi dahil nga po sa nangyari sa akin” seryosong wika ni Kokoy sa akin kaya doon ako napabaling sa pasang meron siya.
Dahan-dahan kong inilahad ang aking kanang kamay sa kanyang mukha para doon hawakan ang kanyang pasa.
“Alam mo bang na love at first sight ako sayo Baby? Ang cute mo kasi eh” wika naman niya sa akin habang hinahawakan ko lang ang kanyang pasa sa katawan.
Amoy na amoy ko ang hininga ni Kokoy.
Rinig na rinig ko ang kanyang paghinga.
“Baby wala ka bang na a-alala?” pagtatanong ni Kokoy sa akin na ipinagtaka ko.
“Ano namang aalalahanin ko?” taka kong wika sa kanya at doon ako nito sinagot.
“Pencil boy?” tugon niya sa akin na ipinagtaka ko.
“Ha?” taka kong wika at doon niya sa akin ikinuwento ang dapat niyang ikwento tungkol sa hindi ko nalalaman.
ㅡㅡㅡ
Kokoy POV:
January 2020
- INTER CAMPUS OF EULJI MANILA UNIVERSITY AND EULJI QUEZON CITY UNIVERSITY
“Tangina Dick! Tangina Samuel! Tangina Brent! Tangina niyong lahat!” galak at tuwa ang nararamdaman ko sa oras na ito habang tumatalon-talon pa sa harapan nila.
Wala akong pakialam sa mga estudyanteng tumitingin sa aming pwesto.
Nasa harapan ko ang tatlong ugok habang nakaupo sila sa bench ng court, katatapos lang ng basketball game ng dalawang campus na naglaban.
Sino pa bang mananalo kundi ang team namin kahit na hindi ako naglaro.
Nakasuot si Dick at Brent ng basketball attire samantalang parehas kami ni Samuel na nakasuot ng uniform.
“Ano bang nangyayari sayo? Para kang bulateng inaasinan!”
“Oo nga para kang tanga diyan”
“Anyare?”
Sabay-sabay na reaction sa akin ng tatlo sa ginagawa kong pagtalon sa harapan nila.
Walang makakapigil sa sayang nararamdaman ko ngayon “Tangina kasi! Tangina!” paulit-ulit kong pagmumura sa harapan nila.
Si Dick at Brent ay nakatingin sa akin na tila inis na inis, samantalang si Samuel ay patuloy paring nagbabasa.
“Nakita ko na siya! Nakita ko na siya!” unang paglalahad ko sa kanila na lalo nilang ikinainis.
“Sabihin mo na ng diretso bago pa kita suntukin sa mukha” taliwas sa katotohanang lahad ni Dick dahil hindi naman niya talaga iyon kayang gawin sa akin.
“Yung taong gusto ko nakita ko na! Dito pala siya nag aaral!” ikalawang lahad ko sa kanila at doon na ako tumigil sa pagtalon pero ang saya at tuwa na nararamdaman ko ay hindi parin tumitigil.
Napatingin si Samuel sa aking nilahad dahil gulat na gulat sila sa sinabi ko “Ano?!” iyan ang reaction nilang tatlo.
“Oo siya nga! Dito siya nag aaral! Dito nag aaral yung taong gusto ko! Nakita ko siya sa library!” tila malayo ang aking kausap dahil sa aking ginagawang pagsigaw.
“Anong ginawa mo?!” sabay-sabay parin nilang tatlo at don ko inilahad ang ginagawa ko kanina.
“Binigyan ko ng lapis, tatlong monggol two na lapis” lahad ko dahilan para muling bumalik si Samuel sa kanyang pagbabasa.
“Tanga ka ba?! bakit lapis ang binigay mo!? bakit hindi mo tinanong kung anong pangalan niya!” inis na lahad sa akin ni Dick at doon pa siya napapasapo sa kanyang noo.
“Kaya nga Kokoy, dapat tinanong mo kung anong pangalan niya” tila dissapointed na wika ni Brent sa akin.
Kanina kasi noong nanonood ako ng basketball ay nakaramdam ako ng boredom so ang ginawa ko ay nag gala nalang ako dito sa campus ng Quezon City.
Intercampus kasi ngayon kung saan dumayo kami dito sa campus nila para makipaglaban.
Hindi ako pinalaro ni coach at ng Ace Four dahil baka kung ano daw mangyari sa akin kaya wala akong sports na sinalihan.
Nag-gala nalang ako sa buong campus dahilan para hindi maiwasan na may magpa-picture sa akin at karamihan ay mga babaeng senior high.
Dahil sa bagot at pagod na nararamdaman ko that time ay naisipan kong pumunta sa library nila para magpahinga.
Akala ko ay pahinga lang ang gagawin ko pero hindi ko inaasahang makakatulog pala ako ang sarap pa nga ng tulog ko that time eh kaso nabulabog dahil sa ingay ng mga students sa akin likod.
Pinili ko ang pwestong alam kong hindi masyadong mapapansin pero hindi ko alam kung bakit may nag-iingay sa likuran ko.
Inis akong bumaling doon sa pwestong iyon at doon binalingan ng masamang tingin yung lalaking nagsasalita.
Ngunit sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay napaigtad ako dahil sa aking nakita.
Ang taong nagpapagulo sa akin magmula pa noong Disyembre.
Mabilis kong inalis ang tingin sa kanya at doon ako napahawak sa aking dibdib dahil nararamdaman ko ang pagtibok ng aking puso.
Hindi ko alam kung anong ginawa ko pero tumayo ako sa pagkakaupo ko noon at doon pumunta sa librarian para magtanong kung nagtitida sila ng lapis.
May nabili akong tatlong monggol pencil na hindi ko alam kung bakit ko binili iyon, hindi ako nag aksaya ng oras that time at doon ako lumapit sa kanya para ibiga ang lapis na iyon.
“Sayo ’ata tong pencils na ito nalalag mo, oo sayo ’yan ahm ano sige alis na ako tago mo ’yan” yun yung sinabi ko sa kanya that time at umalis ako doon sa library ng hindi inaalam ang kanyang pangalan.
“Dapat inalam mo talaga ang pangalan niya! Sinong matinong magbibigay ng pencil?” muling inis na wika ni Dick sa harapan ko.
Oo nga ano? Dapat pala tinanong ko ang pangalan niya.
“Nathaniel David ang name niya” napabaling ako kay Samuel ng magsalita ito.
“Ha?” taka kong wika sa sinabi niyang pangalan ganoon din sila Dick at Brent.
“Sabi ko Nathaniel David ang pangalan ng taong gusto mo siya yung Mister Education dito at bestfriend niya si Bebang yung pinsan ko” dahil sa gulat ko sa inilahad ni Samuel ay doon ko siya nasapak sa pisngi.
“Gago sorry Samuel!” paghingi ko ng tawad sa kanya.
ㅡㅡㅡ
May 2020
SA BAHAY NILA SAMUEL KUNG SAAN NANDOON SI BEBANG
“Anong gusto mong title ang ilagay ko Kokoy?” pagtatanong sa akin ni Bebang ang pinsan ni Samuel na bestfriend ni Baby Nathaniel.
“Since parang may connection kaming dalawa hmm why don’t you try ‘Connnected with a Bad Boy’ ? gawin mo akong bad boy sa kwento which is matagal ko ng hinahanap ang loved one ko” nakangiti kong wika sa kanya patukoy sa Baby Nathaniel ko.
“Masyado ka palang maharot Kokoy ano? Manang-mana ka kay Kuya Dick” natatawang wika sa akin ni Bebang na ikinailing ko.
“Pero wag mo munang sabihin sa kanya na gagawa ka ng ganyan, next month mo nalang sabihin” pagpapa-alala ko sa kanya at doon ito tumango.
Tumango-tango si Bebang sa akin at doon niya binalingan ang tatlo kong bugok na kabigan sa likuran kung saan hawak-hawak ang aking cellphone.
“Kuya Sam anong ginagawa niyo diyan ha?” baling ni Bebang sa kanila at doon siya sinagot ni Dick.
“Nag iisip kami kung anong magandang sabihin kay Baby Nathaniel” nalaki ang aking mata dahil sa sinabi ni Dick “Mag si-six month ng hinahanap ni Kokoy yang kaibigan mo pero hindi ’man lang mag add friend sa facebook! Hindi ’man lang gumawa ng first move!” dahil pa sa kanyang sinabi ay doon ako mabilis na tumayo sa pag-kakaupo.
Tinakbo ko ang pwesto nila at marahas na inagaw ang aking phone sa kamay ni Samuel.
“Akin na nga yan! Mga gago kayo!” inis kong lahad sa kanila at doon ako tumalikod dito para basahin kung anong message ang kanilang ginagawa.
Binasa ko ang message na hindi pa na sesend “Hi Lhuvs! Ay layk you beri-beri mach! I want tu tayst yor butty becoz ay layk booty layk yours” dahil sa kanilang katarantaduhan ay mabilis ko silang pina-ulanan ng suntok at sipa.
ㅡㅡㅡ
Nathaniel POV:
“The connection between us is not a coincidence because the connection that we have right now is the real connection that we must have” wika ni Kokoy sa akin pagkatapos niyang ilahad ang mga bagay na iyon.
Hindi ako nakapagsalita sa mga sinabi niya dahil ang tangi kong ginagawa sa pagkukwento niya ay hawakan ang kanyang mga mukha dahil nagbabakasakali akong hindi ito totoo.
“Madami pa kaming ginagawang kalokohan ng Ace Four para lang makita ka, minsan kaming pumupunta sa campus niyo kahit na bawal” paglalahad pa niya sa akin habang nakatitig lang ako sa mga mata niya.
“Minsan naman ako lang ang pumupunta sa campus niyo tapos tatambay ako sa library para panoodin kitang nag tuturo sa mga estudyante, na ikwento kasi sa akin ni Bebang ang ilan sa buhay mo eh” hindi ako makapaniwala na sa likod pala ng mga bibig ni Bebang ay may alam na siya tungkol sa lalaking ito.
Napatango nalang ako sa sinabi nito habang titig na titig parin sa kanya.
“And now suot-suot mo ang bracelet ko” nakangiting wika ni Kokoy na ipinagtaka ko.
“Ha?” pagwika ko na sa kanya.
“I said you’re wearing my bracelet” pag-uulit niya sa sinabi nito kaya napatingin ako sa bracelet kong suot-suot.
And bracelet na hindi ko alam kung saan galing, ang bracelet na nakita ko nalang sa string bag ko.
“Sa-sayo ’to?” taka kong wika sa kanya at doon ito tumango “Paano? Binigay mo sakin ’to?” wika ko pa sa kanya at don ito tumango.
“Naalala mo noong bumili ka ng vinyl ng Ben and Ben?” paglalahad niya sa akin na ikinagulat ko.
“Pa-paanong? Bakit mo alam? Nasa quarantine tayo ah? Wag mo sabihing?” sunod-sunod kong pagtatanong sa kanya at doon siya tumango-tango.
“You’re right Baby nandoon ako that time na bumibili ka ng vinyl and im that guy na tinitingnan mo, im that guy na kaparehas ng oufit mo noong oras na yon and im that guy na bumili din ng vinyl” paglalahad niya na ikinalaki ng aking mata.
“Bakit hindi mo ako kinausap? Pati bakit ka nasa Pililla? Paano napunta sa akin itong bracelet mo?” sunod-sunod kong ulit na pagtatanong sa kanya na ikinwatawa nito.
“Sobrang hiyang-hiya kasi ako noon Baby hindi ko kayang magsalita alam mo ’yan then nasa Pililla ako kasi inutusan kami ni Papi Elie ni Kuya Ernest na pumunta kila Tito Elo para kuhanin yung mga ppe’s na idodonate nila Tito” paglalahad niya sa tanong ko at doon ako napailing.
“Eh yung bracelet? Bakit nasa bag ko?” huli kong tanong sa kanya at doon siya tumawa.
“I put it in your bag kasi iniwan mo siya sa sofa while you are talking to that seller and Baby you know what? I even opened your wallet that time dahil sa curiosity ko, may condom ka sa wallet Baby” wala akong ibang ginawang reaction sa sinabi ni Kokoy kundi ang hampasin siya sa brasong nakapulupot sa akin.
“Bakit ka ganyan” nakangiting wika ko dahil sa mga ibinunyag niya sa akin.
After all this time ganyan na pala ang pagtingin sa akin ni Kokoy?
After all this time gusto na niya pala ako?
After all this time nasa isipan na pala niya ako?
Sobra akong guilty sa ginawa kong pag dududa sa kanya, sobra ang guilty ko sa ginawa kong pananakit sa kanya.
Pero kung kayo ang nasa pwesto ko gagawin niyo din ba yung ginawa ko sa kanya? Not knowing na matagal na pala niya akong gusto?
“Baby can I ask you a question?” muling pagbaling sa akin ni Kokoy habang magkaharapan parin ang aming mga mukha.
“Ano ’yon?”
“Do you trust me now? You don’t have any doubts with my love now? Tanggap mo na ba ako? Tatanggapin mo na ba ako? Sakin ka na ba? Tayo na ba?” sunod-sunod na pagtatanong ni Kokoy sa akin.
Pagtango ang nasagot ko sa kanya para doon ko masilayan ang matamis niyang pagkakangiti.
“Baby listen to me” hinanda kong muli ang aking puso dahil alam kong babanat na naman siya.
“Yes Baby?” lakas loob kong pagtawag sa paraan ng pagtawag niya sa akin.
“You know what I loved you since then, I’ll loved you since yesterday, I’ll loved you today, I’ll love you tommorow and then I love you for the rest” dahan-dahan niyang sinabi ang mga salitang iyan sa aking mukha.
Wala akong ibang ginawang sagot kundi ilapat ang aking bibig sa kanyang namumulang mga labi.
Sabay kaming napapapikit ni Noah sa ginawa naming paghalik sa isa’t-isa.
Alam kong ang connection na ito ay hindi natatapos.
Alam kong ang connection na mayroon kami ni Noah ay hindi parin tapos.
Connection is a bundle of subjective feelings that come together to create a bond between two people, connected means feeling in touch with someone who cares about us.
But you know what? The only thing that I know about connection is the connection that Noah and I have right now.
I am connected with Kokoy.
I am connected with Noah.
I am connected with him,
and I am connected with a psycho .
ㅡㅡㅡㅡㅡ
Connected with a Psycho
ㅡㅡㅡㅡㅡ
ㅡㅡㅡㅡㅡ
You Look Good Tonight
ㅡㅡㅡㅡㅡ

Paano kapag ang nagkahiwalay na magkasintahan ay muling pag tagpuin? Paano nila tatanggapin ang mali ng isa’t-isa? Paano nila maa-apuhap ang sakit na iniwan ng kahapon?
Mabubuo kaya nilang dalawa ang nasirang tiwala sa isa’t-isa? Itutuloy ba nila ang mga pangakong iniwan mula sa kuha ng kamera?
Ian Montealegre
“Wala akong ginawang masama dahil pinili ko lang yung alam kong ikabubuti ko, sinunod ko lang yung pangarap sa akin ni Mamang na makapag tapos ako ng pag-aaral sa ibang bansa”
Omar Feliciano
“Iniwan niya ako at pinagpalit sa iba alam kong may nagawa akong mali pero hindi iyon sapat na rason para piliin niyang maging mapag-isa ako, oo nag loko ako pero pinagsisihan ko na”
ㅡㅡㅡㅡㅡ

