Countryside Romance [BXB]
IThinkJaimenlove · 14 chapters · 16,248 words
STORY DESCRIPTION
Countryside Romance [
BXB
]
Written by IthinkJaimenlove
Status: SOON
Date Started: 00 | 00 | 0000 Date Finish: 00 | 00 | 0000
DESCRIPTION
In the quiet town of Isla Esperanza, Clarence and Noah grew up side by side, but their relationship was far from friendly. They weren’t childhood friends; instead, they were more like childhood enemies. Noah couldn’t stand Clarence, and the feeling was mutual.
However, life has a way of surprising us. Despite their animosity, circumstances bring them together in unexpected ways. As they navigate the complexities of their small community, they might just discover that sometimes, love has a peculiar way of blossoming, even in the unlikeliest of places.
In “Countryside Romance,” the tale unfolds against the backdrop of Isla Esperanza, exploring the possibility that the person you least expect might end up being the one who helps you find love.
All Right Reserved © IthinkJaimenlove
DISCLAIMER
DISCLAIMER
THIS IS A WORK OF FICTION . Names, characters, businesses, places, events and incidents are all products of the author’s imagination. Kung may pagkakatulad man ito sa totoong tao, patay man o buhay, businesses, lugar, pangyayari at insidente ay nagkataon lamang.
WARNING!
NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS AND SENSITIVE MINDS. This book may contains strong and potentially offensive languages, highly explicit and excessive sexual activity which may disturbing to some readers.
It’s also contains grammatically incorrect and typographical errors. If you’re perfectionist and you wanted to read stories without mistakes, this book is not for you. Leave it alone!
READ AT YOUR OWN RISK!
CREDITS TO THE RIGHT OWNER OF THE ILLUSTRATION I USED AS BOOK COVER . If you wished to removed the book cover then send me a message. Thank you!
AUTHORʼS
NOTE!
MATUTONG
MAGHINTAY
NG UPDATES. Hindi po ako robot na isang pindot lang, gagalaw agad. Every chapters, inaabot ng halos isa hanggang tatlong oras, minsan maghapon pa iyan kung matapos. May personal life ang mga writer, ’di lang pagsusulat. Kaya sana unawain ninyo iyon bago kayo mag-demand ng updates at sabihing ang kupad-kupad namin. Salamat!
©
IthinkJaimenlove
SIMULA
Countryside Romance
SIMULA
N O A H
“PAKYO kang hayop ka!” sigaw kong abot na yata sa syudad habang masamang nakatingin sa tumatakbo palayong bulto ng taong ayaw na ayaw kong nakikitang humihinga. Nginitian lang niya ako sabay dilat, habang ikinakaway sa ere ang mga damit ko.
Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha habang nakayakap sa sarili. Nilalamig ako dahil katatapos ko lang maligo sa ilog at heto, kinuha ng bwesit na Clarence na iyon ang mga hinubad kong damit. Bakit ko ba kasi naisipang maligo rito? Hindi ko rin alam!
Bumuntonghininga ako. Bakit ko ba sasayangin ang boses at panahon ko sa lalaking iyon? Simula’t sapul ay mainit na ang dugo niya sa akin at ganoon din ako. Ayaw niya sa akin? Mas lalong ayaw ko sa kaniya. Ayaw ko sa pagmumukha niya. Nakakainis siya. Ikinuyom ko ang mga kamao ko sa inis habang tinitingnan ng masama ang daan kung saan tumakbo si Clarence. Sana madapa siya at mauna iyong mukha niya, iyong tipong mabura iyong pagmumukha niya.
Mabibigat ang mga paa kong naglakad. Mabuti na lang at nakasuot pa ako ng boxer shorts dahil kapag nagkataon ay hubo’t hubad akong uuwi ng bahay. Malamang sa malamang ay pagtatawanan ako ng mga kapitbahay namin, lalong-lalo na ang grupo ng bwesit na lalaking iyon. Pero ‘wag siyang mag-aalala, dahil mabilis ng gumanti ang karma at ako mismo ang gagawa niyon.
“Uyy, sexy!” Napatingin ako rito. Ang grupo ni Clarence, grupo ng mga ulupong dito sa baryo namin. Nakangisi silang nakatingin sa akin habang may umaapoy sa kanilang harapin. Ang mga gago, sinunog ang mga damit ko.
Hindi ko na lang sila pinansin. Wala akong oras. Isa pa, hindi ko sila kayang labanan sa ngayon. Apat silang magkakaibigan at lahat sila’y walang pinagkaiba dahil ang papangit nila, mga pangit pa ang ugali. Inubos yata nila ang kamalasan dito sa buong mundo.
“Baks, anyare sa ‘yo?” natatawang tanong ni Theresa, ang kaisa-isang kaibigan ko. “Pinapauso mo na ba ngayon dito sa atin ang maglakad ng walang tsinelas at tanging boxer shorts lang ang suot?”
“Huwag mo muna akong kausapin. Baka mas lalong mag-init ang ulo ko’t maisama kita sa impyerno,” sagot ko at pumasok sa loob ng kanilang bakuran. “Pahiram na muna ako ng damit. Ayaw kong umuwi ng nakaganito,” dagdag ko pa.
“Naku, ‘te. Wala akong damit panglalaki. Gusto mo palda?” Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya.
“Iyong damit na lang ni Clarence. Bilis!” sabi ko pero hindi siya gumalaw. Mas lalo siyang napangisi na tila ba may iniisip siyang kakaiba. “Wala akong gusto sa kapatid mo at kahit gawin siyang handa sa birthday party, hindi ko siya kakainin.” Umirap ako.
“Hmmm! Napaghahalataan ka. Sandali, kukuha lang ako.”
“Bilisan mo! Iyong paborito niyang damit ang kunin mo!” sigaw ko.
Tumingin ako sa paligid at walang tao. Ilang sandali lang ay dumating si Theresa. Bitbit niya ang mga damit na hihiramin ko. Isang basketball shorts at ang jersey ni Clarence, kung saan nakasulat sa likuran ang apelyedo at numero nito. Napangisi ako. Kinuha ko iyon kay Theresa at mabilis na pumasok sa kanilang banyo at doon nagpalit.
“Ano ba kasing nangyari bakit wala kang damit?” tanong ni Theresa, nasa labas siya ng banyo.
Inamoy ko na muna iyong damit. Naniniguro lang na baka mabaho ang ibinigay ng babaeng ito. Pero hindi naman. Sa katunayan nga niyan ay mabango ito.
“Tanungin mo iyong magaling mong kapatid!” inis kong sagot. Sa tuwing iniisip ko iyon ay mas lalo akong nagngangalaiti sa galit.
At oo, kapatid ni Theresa si Clarence. Si Clarence na tanging may ayaw sa akin dito sa Baranggay namin dito sa Isla Esperanza. Ayaw ko rin naman sa kaniya. Kwits lang kami. Walang lugi. Mga bata pa lang kami ay kaaway ko na siya. Ilang beses na ba kaming nagsuntukan noon? Hindi ko na mabilang. Gumawa pa nga siya ng grupo at lahat iyon ay ni-recruit niya para kamuhian ako. Nakakatawa. Hindi ko alam bakit ayaw na ayaw sa akin ng lalaking iyon. Ayaw ko rin naman sa kaniya, kaya ayos lang.
Lumabas ako ng banyo. Tiningnan ako ni Theresa, mula ulo hanggang paa at ngumisi na naman siya. “Puwede ka ng maging basketball player, ‘te. Sumali ka kaya sa liga minsan.”
“Puwede naman, basta ikaw ang gagawin kong bola,” sagot ko sabay irap sa kaniya. Naglakad na ako palabas ng kanilang bahay. “Osiya, aalis na ako. Baka maabutan pa ako ng pangit—”
“BAKIT MO SUOT ‘YAN?!” Natigilan ako dahil sa sigaw na iyon at sabay kaming napatingin ni Theresa sa labas ng kanilang bahay kung saan masamang nakatingin si Clarence sa akin. “HUBARIN MO ‘YAN O BUBUGBUGIN KITA?!”
Ang lakas ng kaniyang sigaw. Mabuti na lang at sanay na iyong mga tao rito sa amin na sadyang kung magsalita siya ay palaging pasigaw. Hindi ako natakot. Naglakad ako papalapit sa kaniya. Masama na rin akong tumingin dito.
“Bakit ko huhubarin, akin na ito,” sagot ko. Mabilis ako nitong hinawakan ang leeg ng suot kong damit at aambahan na sana ng suntok ngunit hindi niya rin maituloy.
“Ano’ng ginagawa ninyo?” Mabilis akong binitawan ni Clarence at saka siya lumingon dito. Nakakunot ang noo ng kaniyang Amang nakatingin sa amin.
Ngumiti ako. Tamang-tama itong pagkakataon na ito. Nandito ang Ama ni Clarence at makakapagsumbong ako. “Ninong, k-kasi—”
“Inaayos ko lang po iyong suot niya, ‘Tay. Medyo malaki po kasi sa kaniya,” mabilis na sagot ni Clarence. Tumingin ako rito at saktong lumingon siya sa akin. Sabay pagpag kunwari ng dibdib ko na animo’y may alikabok dito.
“Totoo ba, Noah?”
“Oo naman, ‘tay! Inanod kasi ng ilog iyong damit ni Noah kaya pinahiram ko na muna. ‘Di ba?” ani Clarence sabay akbay sa akin pero sobrang higpit. Hindi ako makasagot dahil may pagbabanta ang kaniyang akbay.
“A-ah. Opo, Ninong.” Lang ang sagot ko.
“Mabuti naman. Sabihin mo sa akin ‘pag inaaway ka nitong si Clarence at ako’ng bahala sa kaniya,” aniya bago ito nagpaalam na papasok na sa loob.
Nang mawala ito ay mabilis kong itinulak si Clarence at sinamaan siya ng tingin. “Ang pangit mo!” sabi ko at saka tumingin sa puwesto ni Theresa pero ang gaga ay wala na pala roon.
“Mas pangit ka, bakla!” aba’y sumasagot pa.
“At least, ‘di ako maitim ‘tulad mo. Tingnan mo nga ‘yang mukha mo. Kulang na lang ay buntot. Mukha kang unggoy.”
“Gago ka ba?!” Natawa ako.
“Mas gago ka.” Umirap ako. “Makaalis na nga. Nasisira mo lalo iyong araw ko. Salamat nga pala sa damit,” sabi ko at mabilis na siyang iniwan. Baka suntukin niya ako. ‘Di ko na kayang lumaban dahil hindi na kami mga bata.
Ang laki na nang ipinagbago naming dalawa pero magkaaway pa rin naman kami. Tangin bunganga lang ang kaya ko pero kung pisikalan na, atras na. Matikas na si Clarence at teka nga, hindi ko na siya dapat isipin pa. Nakaganti na ako. Sinunog niya damit ko? Susunugin ko rin itong Jersey niya.
CR - KABATAAN 1
COUNTRYSIDE ROMANCE
KABANATA 1
N O A H
“Salamat po! Balik po kayo sa susunod!” Abot-langit ang ngiti ko habang iniaabot ang dalawang supot ng mga pasalubong binili sa akin nitong mga costumer. Umalis din sila kaagad nang mabayaran na nila ang mga pinamili.
Ang saya talaga ng buhay kapag ka bumubuhos ang blessings. Paano ba naman kasi, naubos ang mga paninda kong souvenirs at mga kakanin. Kaya naman oras na para magligpit ng mga gamit. Wala pa naman kaming pasok kaya tinutulungan ko na muna si Inay sa pagtitinda ng mga souvenirs at mga kakanin dito sa isang pasyalan sa amin. Marami ang mga dumadayo rito. ‘Yong iba’y galing pa ng ibang bansa. Kaya nga madalas, napapa-english ako ng wala sa oras kapag nakikipag-usap sa mga Afam.
“Hoy bakla!” Tumaas ang kilay ko sa kararating lang na malas.
“My gaad! Mabuti na lang at naubos na ang mga paninda ko bago pa man dumating ang malas ng mundo!” sabi ko at saka siya tiningnan. “Oo, ikaw ang tinutukoy ko,” dagdag ko.
“Gusto mong upakan kita?” Inambahan niya ako ng suntok pero ‘di naman ako natatakot sa kaniya. Subukan lang niya akong saktan, Tatay niya makakalaban niya.
“Ay sus! Takot ka lang sa Tatay mo. Ano ba’ng ginagawa mo rito? State your business because I don’t have time to talk to you,” sabi ko saka siya inirapan.
“Tangina, nag-english pa ang pangit. ‘Di mo bagay,” aniya pero hindi ko na lang siya pinansin. Kasasabi ko lang na wala akong oras para makipaglokohan sa kaniya. Isa pa, pagod ako.
Isinukbit ko sa aking balikat ang bag ko nang matapos kong ilagay ang lahat ng aking gamit. At saka ko muling hinarap si Clarence na hindi pa pala umaalis. Tiningnan ko lang siya’t muling inirapan at lalampasan n asana siya nang hawakan ako nito sa braso.
“RAPIST! HE-!” Mabilis nitong tinakpan ang bibig ko at masama akong tiningnan.
“TANGINA MO! Tumahimik ka nga. Papansin ka, e.”
Mabilis ko siyang itinulak gamit ang buo kong lakas. “At ako pa ngayon ang papansin, hah! Gago ka pala! Ikaw ‘tong nandito’t manggugulo,” inis kong sabi.
Minsan, may sa topakin din itong taong ‘to. Walang araw na hindi niya sinisira ang buhay ko. Ewan ko ba’t pinanganak pa siya ng Nanay niya. Ang tanda-tanda na niya.
“Ibalik mo na kasi ‘yong damit ko. Mag-ba-basketball kami, wala akong maisuot,” aniya, masama pa ring nakatingin sa akin.
Tumaas ang kilay ko. “Wow hah! Sana hindi mo sinunog ‘yong mga damit kong branded noong isang araw. I tolded—I mean, sabi ko naman sa ‘yong mabilis talagang gumanti ang karma, Clarence. Kaya walang sa ‘yo, hoy! Akin na ang mga damit mo,” sagot ko sa kaniya at mabilis siyang iniwan doon.
Ano’ng akala niya, ibabalik ko sa kaniya ‘yong mga damit niya? No way! Apelyedo lang niya ang nakalagay roon pero akin na ‘yon. Ipangtatrapo ko sa salamin sa aking kuwarto kasi roon ‘yon nababagay.
Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa aming baryo. Pagdating ko sa tapat kung saan aakyat pa ako para makarating sa aming bahay, naabutan kong pababa si Theresa, kapatid ni Clarence.
“Baks! Nandiyan ka na pala. Balak ko sanang pumunta sa puwesto ninyo,” aniya pagkalapit sa akin.
“Bakit?” tanong ko sa kaniya.
“Eh boring sa bahay, palagi na lang si Kuya ‘yong nakikita ko. Tapos ikaw, busy ka pa. Hindi tuloy tayo nakakapagtsismisan,” sagot niya.
“Sinabi ko naman sa ‘yong itali mo ‘yang kuya mo sa kulungan, e hindi mo pa rin ginagawa. At saka Theresa, ‘wag mo ‘kong idamay sa mga tsismis na ‘yan,” sabi ko at nagsimulang humakbang paakyat. Sumunod naman siya sa akin.
“Gaga! hindi naman manok siya Kuya para itali,” aniya.
“Hindi nga, pero unggoy, oo,” sagot ko.
“Bakit ba kasi galit nag alit kayo sa isa’t isa? E samantalang noon, halos hindi na kayo mapaghiwa—“
Pinutol ko ang kaniyang sasabihin. “Noon ‘yon. Magkaiba na ngayon, Te. Saka puwede ba, ‘wag na nating pag-usapan ang kapatid mo. Maganda ang hapon ko ngayon dahil naubos iyong mga paninda ko, kaya ililibre kita ng isaw.”
“Talaga?! True ‘yan?”
“Oo basta tulungan mo akong magdahilan kay Mader Earth para makakupit tayo pang-extra,” sabi ko at pinalo lang niya ako sa balikat. “Eme lang.”
–
Pagdating namin sa bahay ay si Mader Earth ang naabutan ko sa aming bakuran. Abala siyang nagsisibak ng kahoy na kaniyang gagamitin upang makapagluto ng mga kakanin.
“Mader, nandito na po ako,” tawag ko sa kaniyang pansin.
“At bakit nandito ka na, Constantine? Sino’ng tao sa puwesto?” Masama siyang tumingin sa akin.
“Wala po. At saka Mader, puwede po bang tawagin niyo na lang akong Noah. Mas maganda pa pong pakinggan.”
“Ay for me, Ninang, mas maganda po ang Constantine. Lakas maka-gamot!” natatawang sabat ni Theresa. Tiningnan ko siya nang masama.
“Bakit ba napaaga ang uwi mo?” tanong ng aking Mader Earth, kaya lumingon ako.
“Naubos nap o ‘yong paninda. May pumakyaw po,” sagot ko sabay abot sa kaniya ng wallet kung saan nakalagay lahat ng kinita ko ngayong araw. “Nabawas ko na po ang talent fee ko riyan at saka tip,” dagdag ko.
“Gusto mong pabayarin kita sa mga kinakain mo rito sa bahay?”
“Ito namang Mader kong maganda pero byuda, ‘di na mabiro. Wala po akong ibinawas diyan, pero manghihingi po sana akong pang meryenda namin.” Ngumiti ako.
Hindi siya tumawa bagkus ay dumukot lang siya ng isang daan at iniabot iyon sa akin. Mabilis ko iyong kinuha. At saglit na pumasok sa loob ng bahay upang maipasok na muna ang aking bag. Paglabas ko’y naabutan ko sina Theresa at Mader na nag-uusap pero kaagad silang tumahimik nang mapansin ako.
“’Nang, alis na po kami,” paalam ng aking kaibigan.
“Ano ‘yong pinag-uusapan ninyo?” tanong ko sa kaniya nang makababa kami. Hindi na rin kami sasakay ng tricycle dahil malapit lang naman ang nagtitinda ng isaw rito sa aming baryo.
“Ah wala ‘yon, te. Binigyan lang niya ako ng pera,” aniya at ipinakita ang isang daan ding ibinigay ni Mader.
“Ang bait naman ng Nanay ko sa ‘yo. What if palit na lang tayo ng magulang?”
“Edi makakasama mo si Kuya—“
“Nevermind, Theresa! Iyong-iyo na iyong kapatid mong pinaglihi sa unggoy.”
“Speaking of unggoy. Baks, look!” Tinapik niya ang balikat ko at gamit ang kaniyang naka-lip gloss na labi ay itinuro niya sa di kalayuan ang papalapit na grupo ng mga pangit sa amin. Makakasalubong namin sila.
Animoy parang F4 kung maglakad. Taas noo. Nakalagay sa bulsa nila ang mga kamaya. Pinagtitinginan sila ng mga kabaryo naming mga babae. Umikot ng hanggang 360 degree ang mga mata ko. Napatingin ako kay Clarence. Sakto ring nakatingin siya sa akin at bigla akong kinabahan.
“No-ah, kapag malaki na tayo, ’yong malaking-malaki, gusto kong magpakasal tayong dalawa.”
Napabalik ako sa reyalidad nang muli akong tapikin ni Theresa sa balikat. Hindi ko namalayang na sa harapan na pala namin ang grupo nila Clarence.
“Guwapo ba ako?” tanong nito. Tumaas ang kilay ko.
“Te, naramdaman mo ba ’yong malakas na hangin?”
“Hindi, e. Bakit?”
Napabuntonghininga akong lumingon sa kaibigan ko. Ang hirap niyang maging kaibigan, ayaw makisama. Lumingon ako sa grupo ni Clarence. Apat silang magkakaibigan; Sebastian, Rupert, Marcus, at si Clarence. Si Clarence ang pinakamatangkad sa kanilang apat, at si Marcus naman ang maputi. Iyong dalawa’y okay lang naman, may mga mukha pa rin naman.
“Kukunin ko na iyong damit ko, may laro kami ngayon,” ani Clarence. Seryoso siyang nakatingin sa akin.
Inirapan ko siya. “Palitan mo na muna iyong sinunog mong mga damit ko bago ko iyon ibabalik.”
“Magkano ba iyon?”
Napatingin ako rito. “Himala. May pera ka? Eh nanghihingi ka lang naman kay Ninang,” sagot ko.
Umasim ang kaniyang mukha at masama akong tiningnan. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Kaagad ding nawala iyong masama niyang tingin dahil mabilis ako nitong nilampasan. Sumunod naman iyong tatlo niyang buntot kaya naiwan akong tulala. Tumingin ako kay Theresa, ang gaga, wala na naman sa tabi ko’t nandoon na kay Esang na abalang nagpapaypay ng mga panindan niyang Barbeque.
Umiling na lang ako. Ipinagsawalang bahala ko na lang iyong reaksiyon ni Clarence kanina.
CR - KABANATA 2
COUNTRYSIDE ROMANCE
KABANATA
2
N O A H
Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa aking isipan iyong naging reaksiyon kanina ni Clarence. Ewan ko ba, mas lalo kasi siyang nagmukhang unggoy na inagawan ng pagkain. Gusto ko tuloy siyang kunan ng litrato pero ’di ko na lang inilabas iyong cellphone ko dahil mas malabo pa sa future ko ang camera nito.
Pero seriously, bakit kaya naging ganoon ang reaksiyon niya?
“Ay bakit?!” Nagulat ako nang tapikin ako ni Theresa sa balikat. Masama ko siyang nilingon pero ang babaita, nakakunot ang noong nakatingin sa akin habang may hawak siya isaw sa kanang kamay na paubos na at lemonade sa kabila.
“Kanina ka pa tulala. Lumalamig na iyong lemonade, teh,” aniya.
“Malamig naman talaga ’yan,” inirapan ko siya at tumingin na lang kay Esang. “Beh, nakakailang subo na si Theresa samantalang ’yong akin hindi pa luto, anong petsa na?!” inis kong tanong.
Nakakainis naman kasi talaga lahat ng mga tao ngayon. Walang ibang ginawa kundi sirain ang araw ko. Sarap nilang pag-untugin. Isama mo na itong si Esang na kay bagal-bagal magpaypay ng Barbeque.
“Kanina pa kaya luto iyong sa ’yo, e kaso tulala ka riyan kaya si There na lang kumain,” sagot nito. Kinuha naman niya ang bagong lutong hotdog at iniabot sa akin. “Oh ayan kainin mo na, baka iba na naman kumain niyang hotdog mo.”
“Ako pass sa hotdog ni bakla,” narinig kong sagot ni Theresa sa tabi ko.
“Me too,” segunda naman ni Esang.
Hindi ko na lang sila pinansin dahil kahit pagbali-baliktarin man ang mundo, lagi akong talo sa dalawang ito. Ewan ko ba sa kanila, pagdating sa pang-aasar sa akin, palagi silang nagkakasundo pero nagpaplastikan lang naman.
–
Kinabukasan, hindi pa man nagpapasikat ang araw ay nagmadali na akong maligo. Sa labas ako ng bahay madalas naliligo kasi feeling ko ako si Marimar, isang sexing dalagita na nakatira sa probinsiya, ganoon na ganoon. Kaya tuwing naliligo ako, ginagaya ko iyong eksena ni Marima habang binabasa ang sarili ng tubig.
“Hoy, bading!” Nilingon ko ito. “Tangina! Wala kang boobs,” aniya habang tumatawa.
“Umagang-umaga ikaw agad sumusulpot!”
“Edi lumipat kayo ng bahay kung ayaw mo akong nakikita,” sagot niya. Nakangisi siya. Kumpara sa kahapong reaksiyon niya, ibang-iba siya ngayon. Ano kayang nakain ng taong ito’t kay aga-aga gusto agad sirain ang araw ko.
At oo nga pala, ilang kabahayan lang ang layo ng bahay naming dalawa.
“’Wag na, baka hanap-hanapin mo pa ako. Kapag lumipat kami, edi wala nang kokompleto sa araw mo,” sabi kong ’di ko pinag-iisapan. Kaya kaagad na nagbago ang reaksiyon ni Clarence, mula sa kaninang nakangisi ngayo’y hindi na naman maipinta.
“Bakit naman kita hahanap-hanapin? Ang pangit mo kaya.”
Sumalop ako ng tubig gamit ang tabo at iyon itinapon sa kaniya pero ’di umabot dahil mabilis siyang nakaatras. Tinawaan lang niya ako at saka siya umalis. Inirapan ko na lang siya. Ayaw kong masira ang simula ng araw ko baka malasin ako mamaya buong maghapon.
At saka, ano ba’ng ginagawa ng lalaking iyon dito?
Pagkatapos kong maligo, sakto namang nagising na si Mader Earth. Nakapagpainit na siya ng tubig nang makapasok ako sa loob.
“Magbihis ka na’t bumili ka roon ng pandesal sa ibaba,” sabi niya.
Tumango lang ako. Pumasok ako sa aking kuwarto. Maliit lang naman ang bahay namin. Dalawang kuwarto, may kusina, sala, at maliit na bakuran. Na sa labas ang banyo namin. Dalawa lang kami ni Mader Earth dito. Matagal ng byuda ang Inay, bata pa lang ako.
Namatay si Papa dahil nahulog siya mula sa puno ng niyog. Trabaho kasi nitong umakyat ng niyog upang manguha ng bunga at ibenta. Sa kamalas-malasan, nahulog ito’t binawian ng buhay. Kaya heto’t dalawa na lang kami ni Made rang magkasangga sa buhay.
Kapag wala akong pasok, ’tulad nito na bakasyon namin, ako ang nagbebenta ng mga kakaning niluluto niya sa isang pasyalan dito. Minsan naman, dinadala koi yon sa eskwelahan para doon naman magbenta. Si Mader ang gumagawa kaya nakasisigurong right med ang aming kakanin.
Nang makapagbihis na ako’y kaagad akong lumabas. Nakalugay lang ang medyo may kahabaan kong buhok. Hindi lingid kay Mader Earth ang pagiging ganito ko, Disney princess. Kaya mahal na mahal ko siya kahit madalas mas mahal pa niya ang kaniyang mga inaanak kaysa sa akin.
Nang makuha ko ang perang ipambibili ng pandesal ay sakto namang may kumatok. Dali-dali ko itong binuksan ngunit sana’y hindi ko na lang iyon ginawa. May hawak siyang puting supot na kaniyang iniaabot sa akin.
“Pinabibigay ni Mama,” sabi niya.
“At bakit?” taas kilay kong tanong. “Afford namin ng pandesal,” dagdag ko. Hindi ko pa rin kinukuha ang supot sa kaniyang kamay.
“Gusto mo sabihin ko ’yan kay Mama?”
“Charut! ’To naman, ’di ka na mabiro. Pakisabi, salamat!” sabi ko at mabilis pa sa alas-kuwatrong kinuha ang kaniyang ibinibigay. “Walang lason ito, a?” paniniguro ko.
“Ewan ko sa ’yo, ang daldal mo,” aniya at mabilis akong tinalikuran.
“Oh sino ’yon, Constantine?” Lumabas si Mader galing kusina. Saktong nakaalis na si Clarence.
“Ah, wala, ’Nay. Si kalasan na naghatid lang ng blessing,” sagot ko.
–
Alas-sais nang makarating ako sa Park’s Garden, pangalan nitong pasyalan kung saan ako nagtitinda ng mga kakanin. Inayos ko na ang mga kakaning dala sa isang mesa na may malaking payong. Wala pang mga pumapasyal dito dahil maaga pa lang.
Isa itong garden. Malawak na garden kung saan punong-puno ng mga iba’t ibang bulaklak. May native flowers at mayroon ding imported. Pero ang marami dito ay sunflower na pati sa maliliit na bundok na pagmamay-ari ng may-ari nitong garden ay may tanim.
Pinapayagan kaming magbenta rito dahil mabait ang may-ari nito. Governor ng Isla Esperanza, si sir Timothy Park. Ayon nga sa source ko, may asawa si sir Timothy pero ’di babae kundi isang bakla. Minsan ko na siyang nakita tuwing fiesta rito sa Isla. At totoo rin ang balitang isang bakla ang pinakasalan ni sir Timothy.
May mga bumabatikos ngunit wala itong pakialam sa sasabihin ng iba. Ang mahalaga’y mahal siya ng taong mahal niya.
Sana all, ’di ba?
Napapabuntonghininga na lang ako sa inggit. Ako kaya, kailan ko kaya mararanasan iyong ganoon?
“Pangit na nga, bakla pa, double kill!” Lumingon ako rito.
Juskolord! Ano na naman ang ginagawa ng lalaking ito rito?
“Kung nandito ka para sirain ang araw ko, mamaya na. Kasisimula pa lang, oh.” Umirap ako at tumingin sa mga naririto rin upang magtinda ng kanilang produkto. May nag-aayos na ng kanilang puwesto, mayroong kanina pa nakarating ’tulad ko.
Tumawa siya. “Bakit ko naman sisirain araw, e mukha mo pa lang sirang-sira na,” sabi nito.
Tumingin ako rito. Seryoso ko siyang tinitigan. Aaminin ko, ’di naman talaga pangit si Clarence. Kayumanggi, matangos iyong ilong, may makapal na kilay, hindi siya payat at hindi rin siya mataba, sakto lang. Ugali lang talaga ang pangit sa kaniya.
“Bakit ba palagi na lang ako ang ginugulo mo? Wala ka bang trabaho?”
“Mayroon,” sagot niya.
“Oh tapos nandito ka’t sisirain ang araw ko? Puwede ba, Clarence, pagod na akong makipagbangayan sa ’yo. Walang araw na hindi tayo nagsasagutan. Hindi ka ba napapagod?”
Hindi naman kami ganito noon. Si Clarence ang pinaka-close ko sa lahat ng mga kababata namin. Pero isang umaga, bigla na lang nagbago ang lahat. Ni hindi ko matukoy kung ano’ng nagawa kong mali’t lagi ako nitong inaaway noon. Hanggang sa hindi ako nakatiis, gumanti na ako.
Pero nakakapagod din pala. Nauubusan lang ako nang sasabihin. Nauubos iyong energy ko na dapat sa ibang bagay ko itinutuon.
“Eh nakakatuwa ka kasing pagtripan. Mas lalo kang pumapangit kapag napipikon,” sagot niya.
Napakawalang kwenta!
“Umalis ka na lang bago pa ako mapuno’t pagbabatuhin kita nitong mga kakanin,” sabi ko at sinamaan siya ng tingin. Kinuha ko rin ang isang suman para sana’y ibato iyon sa kaniya pero ang unggoy mabilis lang na nawala sa paningin ko.
Nakahinga ako nang maluwag. Makakapagbenta ako ng matiwasay kahit papaano. Thank you,
mga
bathala
ng
mga
bakla
!
CR - KABANATA 3
COUNTRYSIDE ROMANCE
KABANATA 3
N O A H
Tinatamad na akong magbantay ng mga paninda. Araw-araw na lang, ako ‘yong nandoon. Gusto ko na lang maglaho na parang bula. Ayoko na! Bakit ba ako pinapahirapan ni Mader Earth ng ganito. Hindi ko naman siya evil stepmother.
Ayoko na talaga! Pagod na pagod na pagod na ako!
“Hoy! Ginagawa mo?” Tumingin ako rito. Nakakunot ang noo ni Theresa. Kapareho ng kulot niyang buhok ang kulubot sa kaniyang mukha. “Para kang tanga riyan. Sino na naman ‘yang pinagnanasahan mo?”
“Gaga! Wala akong pinagnanasahan, ‘no!” mabilis kong sagot. Wala naman talaga akong pinagnanasahan dahil wala namang guwapo rito sa lugar namin. Kung mayroon man, bakit ko sila pagnanasahan? Ako dapat ang pinagnanasahan.
“Eh ano ba kasing pumapasok diyan sa isip mo? Lagi ka na lang lutang, sa totoo lang,” aniya.
“’Wag mo nang isipin. Sa dami ng problema ko ngayon baka madamay pa kita,” sagot ko sa kaniya.
Tumingin ako sa malawak na bukirin. Day off ko nga pala ngayon, kaya naisipan namin ni Theresa tumambay rito sa palagi naming tinatambayan. Na sa tuktok kami ngayon ng bundok kung saan sa ibaba’y ang malawak na palayana ang nakikita mo. Katulad nito iyong sikat na sikat na Banaue Rice Terraces pero maliit lang ito kumpara doon.
Patag itong tinatambayan namin. May puno ritong malaki na nagsisilbing payong namin. Naglatag din kami ng banig kaya nagmistulang nag-pi-picnic kaming dalawa.
“Nga pala, narinig mo na ba ‘yong tsismis?” ani Theresa. Ako naman ngayon ang kumunot ang noo.
Tsismis? Hindi naman ako tsismosa ‘tulad niya at ni Esang. Pagdating sa mga ganiya, wala akong oras. Marami akong ginagawa. Nagsusumikap akong mag-aral, magbenta, at kung ano-ano pa para matupad ko iyong mga pangarap ako at ni Mader Earth.
“Ano’ng tsismis? Bakit hindi ko ‘to alam! Dali sabihin mo sa akin,” sabi ko. Pakiramdam ko’y importante ang kaniyang sasabihin. Malay mo, isa pala itong oportunidad para makaahon sa kahirapan.
“Narinig ko lang kahapon na uuwi raw si Cassandra,” sagot niya.
“Cassandra? Sino ‘yon?” tanong ko. Wala akong naaalalang Cassandra.
Tinapik niya nang mahina ang braso ko. matagal ko na talagang napapansing mapanakit si Theresa. Iniipon ko lang lahat ng pananakit niya sa akin para isang bagsakan lang kapag gagantihan ko siya.
“Gaga! ‘Yong best friend mong nangibang bansa.”
Napanguso ako. Sinubukan kong balikan ang mga pangyayari sa aking nakaraan. Eme! Masyadong malalim. Pero iyon nga ang ginawa ko at bumalik sa aking alaala, ang mga panahong wala pang world war.
“No-ah, kapag malaki na tayo, ‘yong malaking-malaki, gusto kong magpakasal tayong dalawa.”
“Eh pareho kaya kayong lalaki ni Noah. Hindi kayo puwede! Dapat, tayo ang magpakasal, Rency.”
“Ano, natatandaan mo na?” tanong ni Theresa na siyang nagpabalik sa akin sa ulirat.
“Hmmm,” sagot ko na lang. Ibinaling ko na lang ang paningin ko sa kapaligiran pero ’di mawala sa isipan ko ang sinabing tsismis ni Theresa.
Bakit kaya siya uuwi rito? Naghiwalay na kaya iyong nanay niya at ang stepfather niyang kano? Ewan, bahala siya sa buhay niya. Umuwi siya kung gusto niya. Probinsiya niya ito. Wala akong karapatan para pigilan siyang umuwi.
–
Kinabukasan, ako naman ang nagbantay sa puwesto namin ni mader earth. Katatapos ko lang ding kumain ng pananghalian.
“Constantine?” Nilingon ko ang tumawag sa second name kong si mader earth lang ang tanging tumatawag sa akin. “Is it really you?”
Nakasuot siya ng maiksing maong at masikit na tshirt habang may hawak-hawak siyang payong. Maputi. Makinis. Maganda ang hugis ng kaniyang katawan. Maganda rin ang kaniyang mukha. Mukha siyang artista.
“Cassy,” mahina kong sabi at ngumiti ng pilit.
“OMG! Ikaw nga!” Binitiwan nito ang payong at mabilis siyang lumapit sa akin at dinambahan ako ng yakap. Muntik pa kaming matumba. “I’m sorry. I just couldn’t help myself but to hug you. Miss na miss kasi kita,” aniya at saka tumawa.
“Okay lang. Ako rin, miss din kita,” sagot ko rito.
“Aww.”
Kailan pa siya naging aso? Eme!
“Mukhang nagkita na kayo,” sabi ng isang unggoy na kararating lang. Nakasuot siya ng short na puti at saka polo shirt na dilaw tapos sumbrerong dilaw rin. May suot na nameplate. Mas lalo siyang umitim sa uniporme niya. May hawak siyang bottled water.
Dito rin pala nagtatrabaho ang unggoy na ito. Isa siyang tour guide. Pero kung ako lang turista, ’di ako magpapa-tour sa kaniya. Baka iligaw lang niya ako sa kung saan.
“Yeah. We should hangout together!” sagot ni Cassandra.
“Pass,” sabay naming sagot ng unggoy. Nagpalipat-lipat naman ng tingin si Cassandra. “A-ah, kasi busy ako. Hehe! Tama. Saka na, next time,” dagdag ko.
“Aww.” Ayan na naman siya sa pagiging aso niya. “But you shouldn’t decline me next time. Okay? Pupuntahan kita sa bahay ninyo,” dagdag niya.
Tumango lang ako. “Oo naman kapag hindi na ako busy. Sige. Mamasyal na muna kayo,” sagot ko. Gusto ko na talaga silang palayasing dalawa. Lalong-lalo na ang unggoy na kaniyang kasama.
Nagpaalam naman si Cassandra. Ngumiti lang ako pero nang mapatingin ako kay Clarence, inirapan ko siya. Pinulot nito ang payong na binitiwan ni Cassandra kanina at ito na ang nagpayong sa isa habang sila’y naglalakad.
Napairap akong muli sa kawalan. Bagay silang dalawa. Pareho silang plastik.
Buong maghapong iyon, konte ang naging benta ko. Isa pa, umaaligid ang unggoy na ’yon dito sa puwesto ko. Kasama nito si Cassandra. Bakit ba sila rito namamasyal? Eh puro mga paninda dito. Dapat doon sila sa bundok o hindi kaya’y sa ibang lugar.
Iniligpit ko na ang mga gamit at mga natirang kakanin ko nang sumapit ang hapon. Kinuha ko ang basket na pinaglalagyan nito at saka umalis doon. Pumara ako ng tricycle at mabilis na nakarating sa aming baryo.
Aakyat na sana ako sa aming bahay nang may tumawag sa akin. Pero ’di ko na lang sana siya nilingon nang makitang si Marcus ito.
“Bakit? Kung aasarin mo ako, sa ibang araw na lang. Wala ako sa mood,” aniko rito.
Tumawa lang siya. Tinuro nito ang hawak kong basket. “May laman pa? Bibili sana ako, pang pulutan namin mamaya.”
“Wala na,” mabilis kong sagot at tinalikuran siya.
“Sandali lang, Noah,” mabilis niyang sabi. Napatigil ako at muling lumingon sa kaniya. “Bakit ba ang sungit mo sa akin? Costumer kaya ako,” sabi niya.
“Itanong mo ’yan sa barkada mong nakawala sa zoo,” sagot ko at saka hindi na siya pinansin. Mabibilis ang hakbang ko hanggang sa makarating ako sa bahay. Walang tao sa labas kaya pumasok na ako sa loob na sana’y hindi ko na ginawa kung alam ko lang na sina mader earth, Clarence at Cassandra ang maabutan ko rito.
CR - KABANATA 4
COUNTRYSIDE ROMANCE
KABANATA
4
N O A H
Madalas tinatanong ko ang mga bathala ng sangkabaklaan kung bakit ako nagkakaganito. Bakit niya ako binigyan ng labis-labis na kagandahan na pati ang araw ay nahihiyang magpakita sa akin ngayon.
Ayoko sanang magtinda dahil nagbabadya ang ulan pero ayon kay Mother Earth, hindi raw uulan kaya heto’t nandito na ako sa puwesto. Minsan napapaisip ako, nakikita kaya ng nanay ko ang future. Itanong ko nga sa kaniya minsan kung sino’ng makakabuntis sa akin nang maiwasan ko.
Inaayos ko lang ang mga paninda kong kakanin nang bigla-biglang sumulpot ang pinakapangit na taong nabubuhay rito sa mundo. Tumingin ako rito, tinaasan ko siya ng kilay na abot hanggang bumbunan ko at saka ko siya inirapan.
“Kay aga-aga, malas agad ang lumalapit!” pagpaparinig ko.
“Hoy bakla, pinariringgan mo ba ako?”
Tumingin ako kay Clarence. “Obvious naman, ‘di ba? Duh! Minsan kasi gamitin mo ang common sense mo, ‘yon na nga lang natitira sa ‘yo, nawawalan pa ng kwenta,” sabi ko. Wala akong pakialam kung masaktan siya sa sinasabi ko, mabuti na ‘yon nang makaganti ako sa lahat ng mga katarantaduhan niya.
“Eh kung sapakin ko kaya ‘yang mukha mo? Nang mas lalo kang pumangit,” sagot nito. Aba! At ang tapang-tapang pa niyang sumagot.
“Umalis ka na lang bago pa ako maubusan nang pasensiya sa ‘yo,” sagot ko at saka siya inirapan.
“Okay, akin na lang itong ipinadala ni Ninang para sa ‘yo,” sabi nito kaya napatingin ako roon. Hawak-hawak niya ang kulay asul na may print ng mukha ng mga dating governor dito sa probinsiya namin. Mabilis ko siya nilapitan at aagawin na sana ‘yon sa kaniya ngunit bigla naman niyang itinaas ang kaniyang kamay.
Matangkad ako ngunit mas matangkas sa akin si Clarence. Kaya hindi ko ‘yon abot dahil inilalayo lang niya sa tuwing sinusubukan kong abutin.
“ISA!” Sinamaan ko siya ng tingin. “Kapag hindi mo ibinigay ‘yan, sasabihin ko kay Cassy na may gusto ka sa kaniya!”
“What did you say? S-si C-Clarence, m-may gusto sa akin?”
Pareho kaming napatingin ni Clarence, sa kararating lang na babae. Makikita ang gulat sa kaniyang mukha. Hindi yata makapaniwala sa sinabi ko. Nakuha ko naman ang pagkakataong iyon dahil ibinaba na ni Clarence ang lunch box ko na mabilis kong inagaw sa kaniyang kamay.
“A-Ah, C-Cassy—” Tumingin nang masama sabi Clarence sa akin pero tinaasan ko lang siya ng kilay. Ibinalik ang tingin niya sa babae. “M-Mali ka nang pagkakarinig, ang sabi ni bak—este, Noah ay may gusto akong ipakita sa ‘yo. Oo tama! May ipapakita pala ako sa ‘yo. T-tara na,” anito at mabilis na niyaya si Cassy paalis sa aking harapan.
Bakit ganoon? Pagkakataon na ni Clarence ‘yon! Napakabobo talaga ng lalaking iyon kahit kailan. Pagkakataon na niyang masabi kay Cassy iyong nararamdaman ngunit bakit niya itinanggi? At ano ba’ng pake ko sa kanilang dalawa?
Inabala ko na lang ang sarili sa pagtitinda kaysa isipin pa ang dalawang ’yon.
–
Tama nga si Mother Earth, hindi umulan ngunit hindi rin naman umaraw. Mabuti na ʼyon dahil naubusan pa naman ako ng sunscreen.
Inayos ko na mga paninda ko dahil uuwi na ako. Bitbit ang basket ay umalis ako sa aking puwesto. Sakto namang pagdating ko sa sakayan ay mayroong naghihintay na tricycle. Mabilis akong sumakay sa loob.
“Tara na po, Manong,” sabi ko nang makaupo ako nang maayos. Pero si Manong, ’di yata ako narinig dahil hindi pa rin niya pinapaandar ang tricycle. Kaya kinalabit ko ’to. “Manong Edgar, kailan ka po nabingi?”
Tumingin siya sa akin. “Saglit lang, Dong. Maghintay muna tayo ng isa pang pasahero.”
Hindi ko na lang siya sinagot at inabala ang sarili sa kawalan. Kanina pang umaga hindi mawala sa isipan ko iyong naging reaksiyon ni Clarence. Ewan ko ba, kahit wala naman akong pake ay bakit nagkakaganito ako.
Siguro, labis-labis na ang ganda ko kaya kahit mga walang kwentang bagay ay napapansin ko.
Bakit ba kasi niya itinanggi? Samantalang noong mga bata kami, kapag inaasar ko silang dalawa ay gustong-gusto naman niya. Palagi nga namin iyong pinag-aawayan.
Arte niya. Ang ganda kaya ni Cassy tapos aarte pa siya? E ang pangit-pangit naman niya.
“Hoy bakla umusog ka nga roon!” Napabalik ako sa reyalidad nang may tumulak sa akin nang mahina.
“Hoy ka rin! Huwag ka nga rito sumakay,” sabi ko nang makita si Clarence na naupo sa tabi ko.
“Bakit sa ’yo ba itong tricycle?” Pinandilatan niya ako ng mga mata.
“Kapag sinabi kong oo, bababa ka ba?” Tinaasan ko naman siya ng kilay.
“Ulol! Nagbabayad ako ng tama,” sagot niya.
“Mas ulol ka!” sagot ko’t sabay irap sa kaniya. Hindi na siya sumagot. Mabuti na lang at pinaandar na ni Manong Edgar ang makina ng kaniyang motor dahil uwing-uwi na ako.
Tahimik lang kaming dalawa ni Clarence sa loob ng tricycle. Mabuti na ’yon. Wala naman kaming dapat na pag-usapan. Hanggang sa makarating kami sa aming baryo’y sakto namang bumagsak ang malakas na ulan.
“Shuta! Wala akong dalang payong,” nasabi ko na lang pagkatapos kong magbayad. Sinulyapan ko si Clarence at wala rin siyang dalang payong.
“May payong ako riyan, kaso iisa lang.” Tumingin ako kay Manong Edgar. May kinuha siya sa likod ng kaniyang tricycle. “Mag-share na lang kayo, tutal ay magkalapit naman kayo ng bahay. Ibalik mo na lang sa akin ito bukas, Noah.”
“Sige po, Manong. Maraming salamat po,” sagot ko at saka kinuha ang payong sa kaniya.
Naunang bumaba si Clarence at sumunod naman ako. Siya ang may hawak ng payong dahil may bitbit akong basket, na iilang pirasong kakanin na lang ang laman.
“Lapit ka rito, mababasa ka,” ani Clarence.
Tatanggi sana ako pero pagod na ako. Lumapit na lang ako sa kaniya at magkadikit kaming dalawa. Nagsimula kaming maglakad, marahan lang dahil madulas ang daan.
Malapit na sana kami sa hagdanan paakyat nang nagkamali ang mga paa ko nang naapakan. Naipikit ko ang mga mata at hinintay na lang ang pagbagsak ko sa lupa ngunit hindi ’yon nangyari. Pagmulat ko’y yakap na ako ni Clarence gamit ang isa niyang kamay habang ang isa’y hawak ang payong upang hindi mabasa ang mga ulo naming dalawa.
Hawak ko pa rin sa isa kanan kong kamay ang basket habang ang isa’y nakahawak na pala sa braso ni Clarence na nakayakap sa akin upang hindi ako matumba nang tuluyan.
Sa hindi ko matukoy na dahilan, nang tumingin ako sa kaniyang mga mata’y bigla na lang kumabog nang malakas ang dibdib ko.
“Napapatagal na ang pagtitig mo sa akin, Bakla. Umayos ka na dahil ang bigat-bigat mo,” anito na siyang nagpabalik sa akin sa reyalidad.
Napalunok ako’t mabilis na umiwas ng tingin. Umayos ako ng tayo. “S-Salamat,” sagot ko’t mabilis siyang iniwan. Sakto ring hindi na ganoon kalakas ang ulan kaya binilisan ko ang hakbang ko hanggang sa makarating ako sa aming bahay.
KABANATA 5
COUNTRYSIDE ROMANCE
KABANATA
5
N O A H
“Te, alam mo kanina ko pa napapansing malalim ang iniisip mo.” Kumunot ang noo kong napalingon kay Theresa. Nakakunot din ang kaniyang noo.
“Pakialam mo ba?” sagot ko dahil wala akong maisip na sasabihin sa kaniya. Isa pa, ayokong pag-usapan ang mga nakatatawang bagay na nangyayari sa akin ngayon. Hindi ko alam at ayokong alamin yon. Masyado pa po akong bata para sa bagay na ’yon.
Mataas din ang pangarap ko. Gusto ko iyong Afam, hindi ’yong katulad—teka, ano ba ’tong pinagsasasabi ko?! Umiling-iling ako. Wala ’to. Masamang espirito lang ang sumasanib sa akin ngayon. Kailangan ko ’tong labanan dahil hindi ito puwede.
“Oh ’di ba, para kang tanga ngayon na umiiling-iling. Alam mo, Noah, um-attend ka kaya ng mga seminar tungkol sa mental health baka makatulong sa ’yo ’yon,” ani Theresa na nagpabalik sa akin sa reyalidad ng buhay.
Tumingin ako sa kaniya nang masama. “As if naman may natutuhan ka sa mga ’yan. For sure, ang pakay mo lang doon ay libreng pagkain,” sabi ko sabay irap sa kaniya.
“Well at least um-attend,” aniya. Hindi ko na lang siya pinansin. Siguro, kailangan kong intindihin ngayon kung ano ang bumabagbag sa aking damdamin ngayon. “Pero seryoso nga baks, ano ba talaga ’yang iniisip mo?”
Napapikit na lang ako’t napabuntonghininga dahil sa kakulitan ni Theresa. Kaya hinarap ko siyang muli.
“May tanong ako, teh,” panimula ko pero tinitigan lang niya ako. Kaya nagpatuloy na lang ako. “What if, ’yung nabura mo ng feelings dahil napalitan ng galit tapos ngayon biglang bumalik? Ano gagawin mo?”
Kumunot ang kaniyang noo. Napatingin siya sa itaas at saka hinawakan ang kaniyang baba na tila ba malalim ang kaniyang iniisip. Kinakabahan ako dahil baka kung ano’ng sabihin niya pero nasabi ko na, bahala na siya kung ano’ng iisipin niya.
“Nagkajowa ka ba dati?” tanong niya nang muli siyang tumingin sa akin. Umiling lang ako. “Eh wala naman pala, dami mong arte,” aniya.
“Ewan ko sa ’yo. Palibhasa kasi sa ’yo, tiyan mo lang pinapagana mo ’di yang utak na mayroon ka. Naku Theresa, sisipagin ko talagang maging doctor para ako na mag-oopera sa ulo mo at ipapalit ko utak ng kambing!” inis kong sabi at saka ko siya inirapan.
Ang seryoso ko sa tanong ko tapos siya napakawalang kwenta kung sumagot. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit sa dinami-rami ng tao rito sa mundo, si Theresa pa ang naging kaibigan ko.
“Tse! Gusto ko lang i-confirm. Kasi kung nagkajowa ka na at ex mo ’yang iniisp mo, naku ’teh malamang may feelings ka pa rin sa kaniya. Pero kung hindi mo naman pala naging jowa, ba’t ka namumukmok diyan? Umamin ka na don!”
Napapailing na lang ako dahil mas lalo siyang nawalan ng sense kausap. Muli akong bumuntonghininga. Tumayo ako mula sa pagkakaupo dahil masakit na ang aking puwetan. Nakaupo kasi kami rito sa upuang gawa sa kawayan sa lilim ng isang malaking puno malapit sa aming bahay. Day off ko ngayon at saka, sumama rin kasi pakiramdam ko kanina dahil kahapon nga’y naulanan ako gawa ng tumakbo ako habang mahinang umuulan.
“Alam mo, para mawala ’yang iniisip mo, manood na lang tayo ng basketball,” ani Theresa. Tumingin ako rito, may kinakain na siyang mangga na hindi ko alam kung saan niya nakuha. “Nahulog,” dagdag niya sabay ngatngat sa manggang hilaw.
“Ayoko, tinatamad ako,” sagot ko.
“Sila Marcus ang maglalaro, ’di ba siya crush mo?” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kaniyang sinabi.
“Crush?! Saan mo naman nalaman ’yan?!” ang hindi ko makapaniwalang sabi. “At kailan pa?” dagdag ko.
Nakibit lang siya ng balikat. “Wala. Hula ko lang. Hindi naman kasi puwedeng si Kuya Clarence kasi aso’t pusa kayo non, lalong-lalo na iyong dalawa kasi hindi papatol sa ’yo iyon. Kaya si Marcus lang alam ko dahil nakita ko kayo noong isang araw, nagtitigan,” kuwento nito.
“For your information, w-wala sa kanila,” mabilis kong sagot.
“Edi tara na, para naman malibang tayo. Burying-buryo na rin kasi akong kasama ka,” sabi nito.
“Siya sige! Hintayin mo ko rito at magpapalit lang ako,” sabi ko dahil suot-suot ko iyong jersey shirt ng kapatid niyang kinuha ko sa kanila.
Ngunit mabilis akong pinigilan ni Theresa. “’Wag na, ’te! Matagal ka pa namang magpalit at baka matapos na ’yong game nila,” sabi nito at hinila-hila ako.
–
Malayo pa lang kami’y rinig na ang sigawan ng mga tao sa may basketball court dito sa aming baryo. Programa ito ng Sangguniang Kabataan ng aming barangay. At marami ang nakikilahok. Pumuwesto kami ni Theresa malapit sa stage ng gym kung saan nakapuwesto ang kampo ng kaniyang kapatid.
“Uy There! Ganda mo ngayon, a,” bati sa kaniya ng isang lalaking hindi ko naman kilala. Ngayon ko lang din ito nakita sa amin.
“Araw-araw akong maganda, Nadjie!” sagot ni Theresa at saka umirap.
Tumawa lang si Nadjie at ’yong mga kasama nitong nakarinig. Tumingin naman ito sa akin. Tiningnan ang kabuuan ko.
“Sino ’tong kasama mo, There? Kakampi ba namin?” Sinamaan ko ito ng tingin. Ano’ng pinagsasabi niyang kakampi ko sila? Mukha ba’ng batak ’tong mukha ko?
“Pft!” Narinig kong nagpipigil ng tawa si Theresa. “Ah-eh, hindi, kaibigan ko,” sagot nito at saka mahinang tumawa. Mamaya ka sa akin, te!
Hindi ko na lang sila pinansin at ibinaling na lang ang tingin sa laro. Hindi ko alam pero ng lapastangan kong mga mata’y hinanap ang bulto ng lalaking pinakaayaw ko. Nakasuot ng pulang jearsey, ’tulad ng suot ko ngayon, ang grupo nina Marcus. Habang asul naman ang sa kabila. Tiningnan ko ang score board, lamang ang kabilang grupo.
“Mukhang tambak ’yung grupo ninyo, a,” sabi ni Theresa.
“Ah, oo, e. si Clarence kasi hindi nakapaglaro,” sagot ng isa.
“Huh? E nakita kong umalis ’yon nang maaga kanina?”
“’Yun na nga kaso nang dumating dito, wala naman siyang jearsey kaya hindi siya pinapalaro ni coach,” sagot ni Nadjie.
Bigla akong napatingin kay Theresa. Saktong tumingin ito sa akin. Pareho kaming napatingin sa suot-suot ko sabay lipat ng tingin sa mga kagrupo ni Clarence. Pareho kami ng mga suot, malamang! Dahil kay Clarence mismo ang suot-suot ko.
“Ah, natatae ako. Babalik ako,” sabi ko kay Theresa at hindi na siya hinintay pang makasagot dahil mabilis akong umalis doon. Kumaripas ako ng takbo hanggang sa makarating ako sa bahay nina Clarence.
“Oh, Noah, naparito ka? Saglit, bakit ka ba tumatakbo?” nagtatakhang tanong ni Ninong nang makasalubong ko siya sa kanilang bakuran.
“S-Si Clarence po?” tanong ko, habol-habol ang hininga.
“Si Clarence ba? Hindi ko alam, kanina pa siya wala rito,” sagot nito.
“Ganoon ba? Sige po, Ninong. Alis na po ako,” sagot ko’t mabilis ding umalis doon. Habang palinga-linga sa paligid ay nag-iisip ako ng puwedeng lugar na puntahan ni Clarence.
Pero isa lang ang pumasok sa isipan ko ngunit nagdadalawang isip ako kung pupunta ako roon. Matagal na kasi akong nakakapunta roon, malamang ay hindi rin ito nagagawi sa lugar na ’yon. Umiling ako. Bahala na, magbabakasakali na lang ako at sana’y makita ko siya roon.
Mabilis akong tumakbo habang sumisinghot-singhot dahil sa sipon ko. Kagagaling ko lang sa trangkaso pero bahala na, bahala na talaga.
Thank you for reading!
Sana
sipagin
ako para
matapos
ko na ’to.
CR - KABANATA 6
COUNTRYSIDE ROMANCE
KABANAT 6
N O A H
HABOL-HABOL ko ang hininga ko nang makarating ako rito sa may paanan ng bundok. Malayo ito sa mismong mga kabahayan sa amin. Ilang kilometro din ang tinakbo ko makarating lang ako rito nang mabilis. Pakiramdam ko nga’y ako na si The Flash sa bilis nang pagtakbo ko.
Inilibot ko ang paningin ko. ’Tulad pa rin ito ng dati noong mga bata pa lang kami. Ilang taon na ba kasi akong ’di nagagawi rito? Hindi ko na natatandaan. Ngunit tandang-tanda ko pa rin ang itsura nito. Na sa paanan ako ngayon ng bundok kung saan kagubataan na rin ito. May maliit na sapa at talon na nangagaling sa may bundok. Matataas ang mga punong naririto na siyang nagsisilbing pananggalang upang hindi suminag ang araw.
May mga malalaking bato rin sa gilid ng sapa na tila ba sinadya itong ilagay roon upang kapag malakas ang agos ng tubig ay hindi umapaw ang tubig na naroroon.
Inikot ko na ang buong paningin ngunit wala akong unggoy na nakita.
“Rence!!” sigaw ko, malakas na um-echo pa sa buong lugar. “Hoy Clarence!” ulit ko, mas malakas sa nauna ngunit ’tulad ng nauna’y wala akong narinig na sumagot o nagpakitang Clarence.
Bagsak ang balikat kong tumilikod. Kasalanan ko ’to, e. Mali! Kasalanan din naman niya ’to, ’di ba? Kung bakit sinunog niya ang damit ko noon? Pero bakit ako nakakaramdam ng konsensiya. Hindi dapat ako makaramdam ng konsensiya dahil sa dami ng kasalanan niya sa akin, kulang pa ’tong nangyayari sa kaniya ngayon.
Dapat nga’y matuwa ako. Deserve niyang hindi makalaro. Mayabang kasi siya at buong pagkatao niya’y pangit. Pangit ang ugali niya at pangit din ang mukha niya.
Pero kahit ano’ng pagkumbinse sa sariling siya ang may kasalanan nito, hindi ko magawa. Sa dami ng mga nagawa niyang kalokohan sa akin, ’di ko magawang magalit ng tuluyan sa kaniya. Madalas ay sinasagot-sagot ko siya’t ginagantihan ngunit kalauna’y binabalot ako ng konsensiya.
Marahil tanga ako. Marahil hanggang ngayo’y umaasa pa rin ako. Ang tagal na nun! Mga bata pa lang kami. Walang kamuwang-muwang sa kung ano ang daloy ng totoong mundo. Ang daming puwedeng magbago sa loob ng halos sampong taon pero heto ako, umaasa na sana’y ang mga salitang binitiwan niya noon ay paninindigan niya.
Bumuntonghininga ako. Aalis na sana ako roon dahil ano pa’ng saysay nang pagpunta ko rito kung wala naman siya rito, ngunit natigilan ako nang marinig ko ang boses niya.
“Ba’t ka nandito?” Mabilis akong lumingon sa kaniyang direksiyon ngunit mabilis din akong umiwas.
“BWESIT KA! MAGSUOT KA NGA NG DAMIT!!” sigaw ko. Tinakpan ko ang paningin ko gamit ang mga palad ko upang hindi ko makita ang hubo’t hubad niyang katawan.
“Bakit pareho naman tayong lalaki, a?” tanong nito.
“At talagang naitanong mo pa iyan kahit na alam mong hindi?!”
“Sagutin mo na lang ang tanong ko. Nandito ka ba para pagtawanan ako? Para ipamukha sa aking sa wakas, natalo mo ako?”
“Pinagsasabi mo?!” tanong ko sabay baba sa aking mga kamay. Nakahinga ako nang maluwag dahil nakasuot na siya ng shorts pero hawak-hawak lang niya ang damit. Napaiwas ako ng tingin nang mapatingin ako roon.
“Nagmamaang-maangan ka pa, Noah. At suot-suot mo pa talaga ’yang jersey ko sa harap ko mismo.”
Napalunok ako. Pakiramdam ko’y nawalan ako ng boses dahil hindi ko alam kung ano’ng sasabihin ko sa kaniya. Muli akong tumingin sa kaniya, diretso sa kaniyang mga matang nakatingin din sa akin.
“Sa tingin mo ba’y itutulad mo ako sa ugali mong ’yan, Clarence? Sa dami ng kalokohang ginawa mo sa akin? May puso ako. Mabuti akong tao. ’Di ko nga alam bakit ang laki-laki ng galit mo sa akin. Pero alam mo, kahit na anong gawin ko’y ’di ko magawang magalit sa ’yo pabalik. Magkaibigan tayo, e o baka, ako lang ang nag-iisip na magkaibigan tayo.”
Huminto ako at humugot nang malalim na buntonghininga.
“At kaya ako nandito dahil gusto kong humingi sa ’yo ng tawad. Ngayon ko lang din nalaman ang patakaran nila sa laro. Isasauli ko na itong jersey mo…” Hinubad ko ang jersey na suot-suot ko at saka ’yon itinapon sa kaniya, na sinalo naman niya. Hindi na ako nahiyang ipakita sa kaniya ang katawan ko. “At saka, sana’y matapos na rin ng hidwaang mayroon tayo,” dagdag ko.
Marahil ay pagod na ako. Pagod na ako sa paulit-ulit naming away na wala namang katuturan. Ito na siguro ang pagkakataon para tapusin namin ’yon. Hinihiling ko lang na sana’y pumayag siya.
“Papaano kung ayaw ko?” sagot nito, na siyang ikinadismaya ko.
“Bakit, Clarence? Hindi ka pa ba napapagod? Kasi ako pagod na akong makipagbangayan sa ’yo araw-araw,” sagot ko rito.
Hindi siya sumagot. Bagkos ay tumalikod ito, hawak-hawak pa rin sa kamay ang hinubad kong jearsey kanina. Naramdaman ko tuloy ang lamig nang umihip ang hangin. Tumingin ako kay Clarence at ’di ko maintindihan bakit bigla akong kinabahan nang makita ang kaniyang matipunong likuran pababa sa kaniyang pang-upo. Nakausot siya ng shorts na maikli at hapit na hapit iyon sa kaniya.
May kinuha siya malapit sa isang malaking bato at muling humarap sa akin, kaya mabilis akong umiwas ng tingin. Bigla ko na lang naramdaman ang itinapon nito sa mukha ko. Nang tingnan ko iyon, ang jearsey niya ’yon.
“Sa ’yo na ’yan, hindi ko naman na ’yan kailangan,” aniya at saka isinuot ang isang t-shirt na siyang kinuha niya malapit sa malaking bato. Nakatingin lang ako sa kaniya hanggang sa matapos niyang maisuot ang kaniyang damit. “Ano pa tinitingin-tingin mo? Suot mo na ’yan at baka may makakita pa sa atin, akalain pa nilang nag-sex tayo!”
Kitams! Kung puwede ko lang sapukin ang lalaking ’to, ginawa ko na, e. Pero nangako ako sa sarili kong hindi ko na lang siya papansinin. Bahala siya sa buhay niya.
Umirap na lang ako. Para sa kaalaman niya, kahit ihanda pa siya sa birthday party, hindi ko siya kakainin! Isa pa, wala namang pumupunta rito dahil liblib na ito ng gubat. Knowing ang mga tao sa amin, napaka-OA. Iisipin nilang may engkantong naninirahan dito.
Isinuot ko na lang ang damit dahil kagagaling ko lang sa lagnat at baka lamigin pa ako lalo.
“H-Hindi ka na ba maglalaro?” bigla kong tanong nang maisuot ko ang damit. Nakatayo pa rin siya sa harapan ko’t nakatingin sa akin. Kumabog na naman ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan.
“Pakialam mo?” anito sabay talikod. “Mabuti pa, samahan mo na lang ako rito. Tutal kasalanan mo rin naman kung bakit hindi ako nakapaglaro.”
Hindi na lang ako sumagot. Kay tagal na rin kasi noong huli akong pumunta rito. Hindi ko na maalala pa. Basta ang alam ko lang, isang araw, nagbago ang lahat. Hindi ko alam bakit. Gusto kong alalahanin kung may nagawa ba akong mali pero wala akong naaalala.
Bumuntonghininga ako. Kung puwede ko lang ibalik ang nakaraan ay matagal ko na sanang ginawa. Kung may nagawa man ako, babaguhin ko ’yon.
Naglakad ako malapit sa sapa at pinagmasdan ang buong paligid. Ipinikit ko ang mga mata upang damhin ang simoy ng malamig at preskong hangin na nagbibigay ginhawa sa akin. Naramdaman ko ang pagtabi ni Clarence sa akin.
“Sana puwede nating ibalik ang nakaraan, iyong tipong mga bata pa lang tayo. Walang ibang iniisip kundi kung papaano makakatakas sa bahay para lang makapaglaro sa kung saan. Tapos, uuwing basa dahil naligo sa sapat. Iyong sabay tayong pagagalitan ng mga magulang natin dahil hindi na tayo umuuwi tuwing tanghalian,” bigla niyang sabi.
Hindi ako nakasagot. Nagulat dahil unang beses ko siyang marinig na magseryoso. Ano kayang pumapasok sa isipan niya ngayon?
Bumuntonghininga ako at ngumiti. “Hindi na natin puwedeng ibalik ang nakaraan, pero puwede naman nating ulitin ang mga bagay na iyon kahit na dalaga’t binata na tayo.”
Tumingin siya sa akin. “Puwede ba ’yon?”
Tumango ako habang nakatingin ng diretso sa kaniyang mga mata. “Puwedeng-puwede. Tara ligo tayo?”
CR - KABANATA 7
COUNTRYSIDE ROMANCE
KABANATA
7
N O A H
Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang paligid. Napapapikit pa ako habang nilalanghap ang malamig at preskong simoy ng hangin. Ganito rito tuwing sasapit ang hapon; masarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin.
“Mukhang ang saya-saya ng aking kaibigan. Ano’ng mayroon?” Napalingon ako rito, si Theresa. May hawak siyang Banana Cue sa kabilang kamay at palamig naman sa kabila habang papalapit sa akin. Umalis ito kanina para bilhin iyon dahil aniya’y nagugutom daw siya.
“Secret,” sagot ko sa kaniya.
Ewan ko ba, bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan iyong naging tagpo namin ni Clarence noong isang araw. Masaya ako dahil sa loob nang mahabang panahon ay nagkabati na kami ng tuluyan. Sana lang ay magtuloy-tuloy na talaga iyon.
“Akala ko ba, walang lihiman ha!? Hindi mo pa nga naikukuwento sa akin iyong nangyari sa inyo ni Kuya,” ani Theresa. Kanina pa niya ako kinukulit tungkol sa nangyari.
Kinuha ko ang isang stick ng Banana Cue at palamig sa kaniya. “Wala namang importanteng nangyari, te. Ayon lang, nagkabati na kami ng Kuya mo?” sabi ko, patanong iyon dahil hindi pa naman ako tuluyang sigurado.
Malay ko pakitang tao lang pala si Clarence at maya-maya’y magpaplano na naman iyon papaano makagaganti sa akin. Malay ko, malay natin, Malaysia!
“E bakit nakangiti ka, aber?” tanong niyang nakataas ang kilay sabay kagat sa Banana Cue’ng hawak.
“Bawal ba? Ikaw, lahat na lang big deal sa ’yo. Masarap lang ang simoy ng hangin, ’yon lang!” sagot ko.
Mabuti na lang at hindi na siya umusisa pa hanggang sa pareho naming naubos iyong binili niyang meryenda.
“Nga pala, te, may pa-party mamaya sa bahay nung ex-friend mo,” ani Theressa nang maubos niya ang palamig at tinapon lang sa kung saan. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa ginawa niya pero ang gaga hindi man lang natinag. “Pupunta ka ba?” tanong niya.
Napaisip ako. Wala naman akong maalala na may nang-invite sa akin sa party na ’yon. Kaya bakit ko naman iisiping pumunta? Edi na pahiya ako. Kasi una pa lang, hindi ako invited. At ano’ng pinagsasabi nitong ex-friend?
“At ano na naman ang gagawin ko roon, aber? Hindi naman ako invited,” sagot ko.
“Actually, balak ka niyang puntahan kanina. Ngayon ko lang naalala. Nung bumili ako ng pagkain,” ani Theressa. “Pumunta ka na para may kasama ako,” dagdag niya pa.
“Pag-iisipan ko. Anong oras daw ba magsisimula?”
“Alas-siyete raw. Tapos may theme pa, white raw. Ewan ko ba’t maypaganoon e nasa bukid tayo a!”
Napapairap na lang ako sa kaartehan ng babaeng ’yon. Mabuli na lang at may plain white t-shirt ako diyan noong first year college kasi ROTC ang kinuha ko.
–
Tumingin ako sa orasan naming minsan late ng ilang minuto pero madalas, nauuna ng tatlong minuto. Malapit nang mag-alas sais. Nakabihis na ako ng simpleng polo shirt na puti na pinaresan ko ng itim na slacks.
Oo na! Mukha akong waiter sa suot ko ngayon. Kulang na lang ay bow tie para talagang waiter na ako sa mga mamahaling restaurant. Wala naman kasi akong ibang choice, e. Bukod kasi sa puro itim ang karamihan sa mga damit ko, wala ng iba. Itong white na ito’y napilitan lang akong bilhin ito noon sa ukay-ukay dahil kailangan puti rin ang suot sa sinalihan kong dance troupe sa eskwelahan.
Wala naman akong planong pumunta pero kasi itong si Theressa, daig pa ang bumbay sa kulit kung maningil. Kaya heto ako, hinihintay ang babaita. Ang usapan namin ay 6:20 dapat nandito na siya para sunduin ako. Ilang kabahayan lang din naman ang layo ng bahay nina Cassandra dito sa amin.
“Tao po!” Kumunot ang noo ko dahil imbes boses ni Theressa ang narinig ay boses iyon ni Clarence.
Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo at mabilis na nilapitan ang aming pinto. Binuksan iyon na saktong nakatayo na ito sa harapan ng pinto; suot ang isa ring polo shirt na puti ngunit may iilang desenyo iyong sa kaniya na pinaresan niya ng khaki na shorts tapos sapatos naman sa ibaba.
“Bakit ikaw ang nandito?” nagtatakha kong tanong sabay tingin sa kaniyang likuran ngunit wala namang tao roon. “Si Theresa?” dagdag ko. Ibinalik ko ang tingin sa kaniya.
Gusto kong sampalin ngayon ang sarili ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang may naghahabulan sa aking dibdib at hindi ko alam kung bakit, bakit ngayon pa.
“Hindi siya pinayagan,” sagot ni Clarence na nakatingin din sa akin.
“A-Ano?!” tangina naman! Napamura ako sa isipan ko.
“Walang kasama si Mama, si Papa na sa syudad,” aniya.
“Ganoon ba? Oh edi enjoy. Hindi na rin ako pupunta,” sagot ko at akmang isasara ang pintuan namin nang harangan niya ito gamit ang kamay.
“Pupunta ka,” mariin niyang sabi.
Tinaasan ko siya ng kilay. “Hindi ikaw ang magdedesisyon sa akin. Wala ring kasama si Mudra,” sagot ko.
“Pupunta ka o hahalikan kita?”
Ano raw?! Para iyong sirang plakang paulit-ulit kong naririnig sa aking isipan. Ang kaninang kabog sa aking dibdib, mas lalong bumilis. Kung kanina’y naghahabulan lang, ngayon ay tila may karera nang nagaganap at pati ang mga nanonood ay nagsisigawan.
Tumingin ako sa kaniyang mga matang nakatingin din sa akin. Hindi ko mabasa kung totoo ba ang kaniyang sinabi o ito’y biro lamang dahil nga sa kamiʼy magkaibigan na ulit.
“S-Sige,” mahina at halos pabulong ko nang sagot.
“Sige? Ano’ng sige? Hahalikan ba?”
“H-Ha?! Lol! Sabi ko, sige pupunta na ako,” taranta kong sagot at mabilis siyang itinulak para makadaan ako. Narinig ko siyang tumawa pero hindi ko na pinansin at nagmamadaling maglakad palabas.
Mabuti na lang at hindi ako maputi dahil ’pag nagkataon, baka mahalata niyang namumula ang buo kong mukha.
Nakakainis naman kasi! Bakit niya ba iyon sinabi?
–
Nakaupo lang ako habang nakatingin sa mga bisita ni Cassandra. Welcome party niya pala ito. In fairness naman, bongga iyong party niya. Nagpa-catering ang nanay niya tapos may mini stage pa kung saan may inarkila silang banda.
Marami ang bisita. Sana pala, hindi na lang ako nagsuot ng puti kasi naman, iyong iba hindi naman sinunod ang theme. Sabagay, ganito naman talaga rito sa probinsiya namin.
Inilibot ko ang paligid. Hindi na kami magkasama ni Clarence dahil kaagad itong hinila ni Cassandra sa loob ng kanilang bahay pagkarating pa lang namin.
Nakita ko iyong mga iilang kababata naming may kaniya-kaniya na ring kaibigan. Pati si Esang ay imbitado rin pero ang role niya na ay nagpapaypay ng bbq malapit sa mga pagkain.
Napapabuntonghininga na lang ako. Bakit pa ba ako pumayag na sumama rito? Na-out of place lang ako.
“Hi?” Napalingon ako rito. “Would you mind if I sit here?” tanong niya.
Hindi ako makasagot kasi hindi ko alam ano isasagot ko. Para siyang anghel, kulang na lang ay pakpak sa sobrang guwapo. Light blue ang kulay ng kaniyang mga mata, matangos ang ilong, mapuputing balat, may makapal na kilay, medyo magulo ang kaniyang buhok na bumagay naman sa kaniya, at iyong katawan niya, parang modelo ng isang sikat na clothing line rito sa bansa.
“Hey,” anito. Iwinagayway pa ang kamay sa harapan ko.
Napabalik ako sa reyalidad at mabilis na tiniklop ang bibig. Pasimple akong umiwas ng tingin at siniguradong walang laway na tumulo sa aking bibig.
“Puwede ba akong umupo rito?” muli nitong tanong. Tumingin ako rito. Tinutukoy nito ang upuan na sa tabi ko. Wala kasing nakaupo rito dahil medyo na sa gilid ito, bandang likod kung saan nakaharap sa mini stage na may kasalukuyang kumakanta.
“A-Ah oo. P-puwede,” sagot ko na lang.
Shit ka, Noah! Nakakahiya ka!
“Thanks. I’m Rendon by the way. Rendon James Park. But you can call me Ren,” pakilala niya. Iniabot ang kamay.
Park? Kaano-ano niya kaya sina Sir Timothy at Steven?
“N-Noah,” sagot ko. Sabay abot din sa kaniyang kamay pero mabilis ko ring binawi ang kamay ko dahil ang lambot kasi ng kaniya tapos iyong akin, magaspang at alam kong basa iyon dahil sa pawis.
“Noah?” taas kilay niyang tanong.
“Noah Constantine Diaz,” sagot ko sabay iwas ng tingin. Kahirap naman kasing makipagtitigan sa lalaking ’to.
“I like your name, Noah Constantine.”
“S-Salamat,” sagot ko. Hindi ko talaga alam kung ano sasabihin ko rito, e.
“Kanina ko pa napapansing mag-isa ka lang.”
Napataas ang kilay ko. “Kailangan mo talagang ipamukha sa akin iyan?” sabi ko, ewan ko pero nawalan ako bigla ng hiya.
Tumawa siya. “Sorry. Kapansin-pansin ka kasi. Kaano-ano mo iyong nag-celebrate?”
“Kaibigan,” sagot ko. “Ikaw?”
“Kaibigan? But it seems you’re not,” aniya. “Anyway, I’m just here because my dad told me to. Kailangan ko raw kasing makipag-socialize sa mga tao rito.”
“Bakit? Tatakbo ka bang Governor?” tanong ko na siyang ikinatawa niya.
“You’re funny!” Napataas ang gilid ng labi ko. Nagtatanong lang naman ako, e. “But yeah, my Dad wants me to. Besides, I also wanted to serve the people here.”
“Ah. Good luck! Tingin ko mananalo ka naman, e. Pero teka… Tatay mo si Governor Timothy?” tanong ko.
“He’s my grandfather. My dad is Nathaniel Park,” sagot niya.
Oh. Kaya pala.
Pero teka, naguguluhan ako, e. Hindi na lang ako nang-usisa pa. Hindi naman ako tsismosa.
Tuloy ang kaniyang pagkukuwento. Sa mga planong gusto niyang gawin sa aming probinsiya. Sana lang talaga manalo siya. Pero malabo namang ’di mangyari iyon, halos buong probinsiya ng Isla Esperanza ay boto sa mga Park.
“Uuwi na tayo.” Natigilan si Ren sa pagsasalita ng may malalim na boses kaming narinig. Napatingin ako rito. Si Clarence na nakakunot ang noo.
“Mauna ka–” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla ako nitong hawakan sa braso at hinila patayo.
CR - KABANATA 8
COUNTRYSIDE ROMANCE
KABANATA 8
N O A H
“ANO ba, Clarence!” Mabilis kong hinila ang braso kong hawak-hawak niya. Sinamaan ko siya ng tingin. “Bakit ka ba nanghihila? Napakabastos mo rin, e!”
“Sabi ko, uuwi na tayo.”
“E ayaw ko pa nga, ’di ba? Umuwi kang mag-isa kung gusto mo, ’wag mo akong idamay!” naiinis kong sagot, masama pa rin ang tingin sa kaniya pero tila hindi ito natinag dahil seryosong magkasalubong lang ang kilay niyang nakatingin sa akin.
“Uuwi tayo sa ayaw at sa gusto mo!” mariin niyang sagot. Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad.
Napatingin ako sa paligid. Hindi naman madilim dito dahil may mga solar lights sa daan tapos bilog na bilog pa ang buwan na mas lalong nagbibigay ng liwanag sa paligid. Muli kong tiningnan si Clarence, malayo na siya sa akin. Biglang umihip ang hangin kaya wala akong nagawa kundi ang sundan siya.
Hindi naman ako natatakot. Kaya kong lakarin ang lugar naming nang mag-isa buong magdamag dahil alam kong ligtas ako rito dahil mababait ang mga tao. Wala ring mga hayop na pagala-gala sa paligid. Pero kasi, malayo na kami sa party. Tinatamad na rin akong bumalik. Isa pa, kanina ko pa nga rin gusting umalis doon kung hindi lang ako nilapitan ni Ren. Ang pinanghihinayangan ko lang ay hindi man lang ako nakapagpaalam nang maayos dahil bigla na lang akong hinila ni Clarence.
Mabilis ko naman siyang naabutan. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng aming bahay ay tahimik lang kaming naglalakad. Huminto siya kaya humarap ako sa kaniyang direksiyon. Seryoso pa rin ang kaniyang emosiyon.
“Salamat,” mahina kong sabi at tatalikod n asana ngunit bigla ako nitong tinawag. “Bakit?”
“May gagawin ka ba bukas?” tanong niya, hindi makatingin sa akin ng diretso. Kaya kumunot ang noo ko. Inisip ko rin kung may gagawin ba ako bukas.
“Bukod sa ako ang magbabantay sa puwesto bukas, wala naman. Bakit?”
“Yayayain sana kitang mamasyal.”
Tila ba tumigil saglit ang mundo sa pag-ikot. Yayayain mamasyal? Nang kami lang dalawa?
“T-Tayo? Mamasyal tayong dalawa?”
“Kasama ang tropa, siyempre. Hindi na kasi natin iyon nagagawa,” aniya.
Ahh. Kasama pala ang tropa. E ano ba’ng masama kung kasama nga sila? Ano ba ’tong nararamdaman ko? Parang tanga naman, o!
“Ah pag-iisipan ko muna,” sagot ko.
“Minsan lang naman. Sige na. Akon ang bahala sa ’yo,” aniya.
“Kasama si Theresa?” Tumango siya kaya napanatag ang loob ko. “Sige, sasama ako.”
“Deal ’yan, a. Wala nang bawian, ang babawi ay hindi kaibigan.”
Natawa ako nang mahina nang may munting alaalang lumandas saglit sa aking isipan.
“Wala nang bawian, ang babawi ay hindi kaibigan.”
“Peksman. Walang baiwan hanggang dulo.”
“Peksman. Walang bawian hanggang dulo,” sagot ko at sabay naming itinaas ang pinky finger naming upang ipa-cross ito sa ere. Natawa ako nang mahina nang magkatitigan kaming dalawa. Nakangiti na rin si Clarence.
Pakiramdam ko’y bumalik kami sa pagkabata. Sa tuwing may ipinapangako sa isa’t isa’y ganitong-ganito kaming dalawa. Noon, wala naming ibig sabihin sa akin ang lahat. Marami siyang mga pangako noon na napako na lang at tinangay ng hangin, at hindi ko alam kung naalala pa niya ang mga ’yon.
Hindi ako galit o nagtatampo sa tuwing napapako ang mga ’yon. Dahil para sa akin, sa batang ako, na hindi lahat ng pangako’y natutupad. Pero noong mamulat ako, na ganito ako, at iba na ang tumatakbo sa puso’t isipan ko, may mga pagkakataon na umaasa ako. Umaasa ako na sana’y naalala niya ’yong mga pangako niya sa akin noon at tuparin iyon kahit na huli na ang lahat.
Ngunit isang araw, biglang nagbago na ang lahat. Bumalik sa dati ngunit hindi ko alam kung ’tulad pa rin ba ito ng dati.
–
Hindi ko namalayan sa kaiisip sa mga nangyari ay nakatulog ako. Umaga ko na napagtantong ang suot-suot ko pa rin kagabi ang siyang suot-suot ko. Hinubad ko na lang ang slacks dahil may shorts naman ako sa loob at saka ako lumabas ng aking kuwarto.
“Pak! Sino ka riyan? Ivana Alawi is that you?” Kunot noo akong tumingin dito habang siya’y prenteng nakaupo sa harapan ng mesa’t nakataas pa ang isang paa sa isang upuan habang nagkakape.
“Bakit ka aber nandito nang sobrang aga?” taas kilay kong tanong imbes na sagutin siya. Umupo ako kaharap si Theresa at saka inagaw ang iniinom niyang kape na paubos na.
“Anong maaga ka riyan! Mag-a-alas-nuebe na kaya, te. Kanina pa kita ginigising. Umalis na si Ninang kanina pa. Siya na lang daw magbabantay sa puwesto niya…” Inagaw niyang muli ang tasa ng kape sa akin. “Magtimpla ka nga ng sa ’yo,” dagdag niya.
Inirapan ko na lang siya’t tumayo. “At ano’ng ginagawa mo rito?” pagtataray ko. Ano’ng akala niya sa akin, nakalimutan ko na agad ang kasalanan niya?
“Eh sabi ni Kuya sunduin kita. Alas-diyes daw ang alis natin ngayon,” aniya. “At saka, pasensiya na rin at hindi kita nasamahan kagabi pero sinabihan ko naman si Kuya na samahan ka.”
Pagkatapos kong magtimpla ng kape’y bumalik ako sa aking puwesto. May pandesal sa harapan namin ni Theresa na agad kong kinuha dahil baka ’pag hindi ko pa iyon ginawa’y mauubos lang nitong kasama ko.
“Kumusta naman ang party kagabi? Nag-enjoy ka? Sayang lang at hindi ako pinasama ni Kuya,” nakasimangot niyang sabi.
Nagkibit lang ako ng balikat. Hindi ko naman kasi masasabing masaya bai yon o boring. Ni hindi ko nga naranasang sumayaw o makipagkwentuhan sa ibang naroroon. Mabuti na lang at nandoon si Ren na agad ding natapos dahil kay Clarence.
Pero kumunot ang noo ko nang maalala ko ang dahilan ni Clarence kagabi kung bakit hindi nakasama itong si Theresa. Tumingin ako rito.
“Ano’ng sabi mo?” tanong ko. “Na hindi ka pinasama ng Kuya mo? Akala ko ba si Ninang ang hindi pumayag na sumama ka dahil wala raw itong kasama,” dagdag ko.
Umayos siya ng upo. Ibinaba na nito ang mga pang nakapatong sa isang upuan. “Aba malay ko, te! Okay lang naman si Mama kahit na wala siyang kasama. Ang sabi ni Kuya ay ’wag na raw akong pumunta at siya na lang daw ang sasama sa ’yo.”
Kumunot lalo ang noo ko pero hindi ako nang-usisa pa. Inubos ko na lamang ang kape’t pandesal habang nag-uusap kaming dalawa. Pagkatapos ay kaagad akong nagpaalam na maliligo’t magpapalit lang muna dahil aniya’y aalis nga raw kami ng alas-diyes ng umaga.
Isinuot ko lang ang cargo pants ko saka oversized na damit at isang itim na sumbrero. Kinuha ko rin ang shoulder bag kong itim na pinaglagyan ko ng pabango at sunscreen. Nang matapos ako’y kaagad kong pinuntahan si Theresa na nasal abas na ng aming bahay. Isinara ko lang muna ang pinto at saka kami sabay na umalis.
Ilang minuto lang ang nilakad naming ay nakarating kami sa tagpuan. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang isang puting Van sa ibaba na nakaparada. Kita ko rin sina Clarence at ang mga kaibigan niya, maging si Cassy at dalawa pang babaeng hindi ko kilala’y kasama rin.
“What took you guys so long? It’s so hot here,” ani Cassy nang makalapit kami.
Napairap na lang ako. Naiinitan pa siya sa lagay niyang iyan? Nakasuot siya ng fitted na damit na hulmang-hulma ang kaniyang magandang hugis ng katawan at maiksing sexy shorts. Lumitaw lalo ang maganda niyang balat.
“Sana hindi niyo na lang kami hinintay,” sagot ko. Ayaw kong makipag-plastikan.
Umirap lang siya at nilapitan si Clarence. “Let’s go. Baka gabihin tayo,” ani Cassy at nauna nang pumasok sa loob ng Van. Sumunod naman ang dalawang babaeng sa tingin ko’y mga kaibigan ni Cassy. Hanggang sa nakaupo na kaming lahat. Sa likod kaming dalawa ni Theresa pumuwesto katabi namin si Marcus.
Magkatabi naman sina Cassy at Clarence sa unang row ng mga upuan kasama nila ang isang babae at sumunod naman ay sina Sebastian at iyong isang babae sa harapan namin habang si Rupert ay na sa tabi ng driver’s seat. Kaagad din naman kaming umalis nang makapuwesto kaming lahat.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nandito na rin naman ako at mabuti na lang din dahil nandito si Theresa dahil hindi ako mabuburyo. Kaagad din naman kaming umalis nang makapuwesto kaming lahat.
“Bakit ka ng apala umuwi kaagad kagabi?” tanong ng katabi kong si Marcus.
“Ah. Wala, inaantok ako,” pagdadahilan ko kahit na ang totoo’y hindi naman talaga.
“Edi sana naglasing ka para magising ka,” aniya at tumawa pa. Kumunot lang ang noo kong tumingin sa kaniya.
“Joke mo na ’yon?”
“Bakit? Korny ba?”
Natawa ako nang mahina at saka tumango. Sa kanilang apat, si Marcus ang may matinong pag-iisip. Ganon siguro sa mga magkakaibigan, may isang matino, the rest, ewan ko na lang. Pero ’tulad pa rin ng mga bata pa lang kami, wala sa hulog ang mga jokes niya.
“Puwede ka ng maging mais sa sobrang kakornihan mo,” sabi ko.
Tumawa lang siya.
“Alam niyo bagay kayo,” ani Theresa.
“Talaga?” tanong ni Marcus. “Bagay raw tayo, Noh.” Nakangisi siyang nakatingin sa akin pero ako, hindi ako makasagot dahil ewan ko ba’t bigla na lang akong kinabahan nang hindi ko malamang dahilan.
Wala naming pakialam sa amin ang mga nasa harapan pero pakiramdam ko, may mga masasamang tingin akong natatanggap.
“T-Tao tayo, kailan pa tayo naging bagay? ’Wag mo na pansinin si Theresa, ganiyan talaga ’pag absent sa Filipino.”
CR - KABANATA 9
COUNTRYSIDE ROMANCE
KABANATA 9
N O A H
MALAYO pa lang ay tanaw ko na sa bintana ang pangalan ng resorts kung saan kami pupunta. Oo, kanina lang din nila sinabi na rito pala kami pupunta. Ni wala akong dalang extrang damit. At sabi pa nitong katabi ko, mag-o-overnight daw kami rito. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil ilang taon na rin nang huli akong makaligo, 'yung sa dagat mismo. May mga sapa naman sa Baranggay naming, mas maganda roon, malamig ang tubig at malinis din. Ngunit iba pa rin ang pakiramdam nang naliligo sa dagat.
Huling punta ko rito siguro mag-ta-tatlong taon na. Sumama lang ako sa mga kaklase kong hindi ko naman masyado close pero dahil gusto kong maligo sa dagat, at kasama rin si Clarence noon, sumama ako. High School pa kami noon. Noong mga panahong iba na rin ang nararamdaman ko – teka ba’t itong usapan dito. Ang usapan ay kung bakit hindi nila ako sinabihan! Wala akong damit panligo, pamalit, at pantulog.
“May problema ka ba?” mahinahong tanong ni Marcus. Na sa loob pa rin kami ng Van pero tumigil na ito at si Cassy ang bumaba upang pumunta sa front desk dahil kailangan muna naming magbayad bago makapasok sa loob.
“Puwedeng umuwi na lang ako?” tanong ko. Napatingin si Theresa sa akin.
“Gaga! Bakit naman?” aniya.
Tinaasan ko siya ng kilay. Isa pa ’tong babaitang ’to! Ni hindi man lang ako ininform na maliligo pala kami ng dagat. Ang sarap-sarap niyang sabunutan, ’yung tipong mawawala lahat ng buhok niya sa ulo.
“Wala akong dalang damit,” sagot ko.
“May extra ako riyan. Puwede mong hiramin.” Napatingin kaming pareho Theresa nang magsalita si Marcus.
“Oh e ’di solve ka na, baks! Dami mong arte, may Prince Charming ka na,” ani ng kaibigan kong kay sarap kalbuhin.
“A-Ah huwag na, nakakahiya. Hindi na lang ako maliligo,” sagot ko at binalingan nang tingin si Theresa ngunit nasagi ng paningin ko ang isang nanlilisik na mga tingin na kaagad kong iwinaksi. “Di ba, hindi naman tayo maliligo?” tanong ko sa aking kaibigan.
Sinamaan ko siya ng tingin. Umaasang sana’y sumang-ayon siya sa akin dahil kung hindi, kalimutan na niyang magkaibigan kami. Ako mismo ang magtatapon sa bangkay niya sa karagatan. Pero sa kasamaang palad, inirapan ako ng babaita.
“Ikaw lang, ’no! Matagal ko nang gustong maligo ng dagat. Magdusa kang mag-isa,” aniya.
Napabuntonghininga na lang ako’t tumingin kay Marcus. “Salamat na lang pero hindi naman ako maliligo talaga,” ani ko.
Ngumiti siya at tumango. “Ikaw bahala pero kung gusto mo pa ring maligo, sabihan mo lang ako. Ipapahiram ko pa rin sa ’yo.”
“Salamat,” sagot ko’t ngumiti.
Ibinaling ko na lang ang tingin sa mga kasama ko. Kaniya-kaniya silang baba ng kanilang mga gamit. Napataas ang kilay ko nang makita si Clarence bitbit ang gamit ni Cassy. Wow gentleman! Nilapitan ko na lang si Theresa at tinulungan sa mga dala niyang damit.
“Bakit ang dami mong dala? E nung umalis tayo, wala?’ tanong ko rito.
“Ah, hindi sa akin ’to lahat. Kay Kuya,” sagot niya. Kumunot ang noo ko. Isang malaking travel bag tapos isa pang backpack at tote bag. May dala rin siyang tent.
Nagkibit na lang ako ng balikat. Baka rito silang dalawa ni Cassy matutulog tapos iyong travel bag ay naglalaman ng malaking kumot. Malay ko ba! Hindi ko naman alam ang mga plano nila. Sumama ako ritong clueless, ni hindi ko alam kung invited ba talaga ako rito o hindi. Kung puwede lang na umuwi, kanina ko pa sinimulang maglakad. Kaso ang layo-layo nito sa bahay. Baka nga maabutan pa nila ako sa daan pag pauwi na sila.
Sinubukan kong ikalma ang sarili ko kahit na kanina ko pa gustong sumabog sa inis. Bakit ba niya ako inimbitahan dito? Para inisin? Para ipamukha sa aking siya ang panalo?
“Kanina ka pa nakabusangot, te!” Imbes na sagutin siya’y umirap na lang ako. Kinuha ko ang kutsilyo at saka biniyak ang pakwan habang magkasalubong ang mga kilay ko. “Bakla ka, magdahan-dahan ka naman. Tingnan mo hindi na pantay pagkakahiwa mo,” sabi niya.
“What if ikaw ang hiwain mo?” tanong ko, sabay lingon sa kaniya. “Gusto mo, Theresa?” Nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa gulat at takot.
“Umayos ka, Noah. Isusumbong kita kay Kuya,” aniya at umatras nang marahan papalapit sa bukana nitong open cottage na kinuha nila.
“Tawagin mo nang pati siya’y masaksak ko!” sabi ko. Naglakad ako papalapit sa kaniya bitbit ang kutsilyo sa aking kanang kamay habang slice naman ng pakwan sa kabila.
“Te, kaibigan mo ’ko. Hindi magandang biro ’yan.”
Napangisi ako dahil kita ko ang takot sa kaniyang mga mata.
“Ano’ng ginagawa ninyo?” Sabay kaming napatingin ni Theresa sa nagsalita ngunit mabilis din akong umiwas ng tingin dahil wala siyang suot na pang-itaas at tanging maiksing shorts na lang din ang sa ibaba.
Kinagatan ko ang pakwang hawak ko at mabilis na inilapag sa mesa ang kutsiyong isasaksak ko sana sa bilbil ni Theresa.
“Mabuti’t dumating ka Kuya. Ito kasing si bakla, balak pa yata akong patayin!” ani Theresa.
“Talaga! Isasama ko pa ’yang kapatid mong gungong,” mahina kong sabi na alam ko namang narinig nilang pareho iyon. Maliit lang naman kasi itong cottage na pinaglagyan lang ng mga pagkaing dala nila.
“Kita mo! Parang hindi kaibigan!”
Pinaikot ko ang mga mata at saka sila tiningnan. “Wala akong kaibigang traydor,” sagot ko at saka sila iniwan doon. Baka pag nanatili pa ako’y pag-uuntugin ko lang ang mga bumbunan nila.
Naglakad ako nang naglakad hanggang sa mapadpad ako sa isang duyan malapit sa dagat. Papalubog pa lang ang araw na siyang nagpapaganda lalo sa karagatan. Napapapikit ako habang sinisimot ang simoy ng hangin, na siyang nagpakalma sa kumukulo kong dugo.
Ngunit nagulat ako nang may magtapon ng kung anong bagay sa aking mukha. Mabilis akong dumilat at tiningnan iyon. Isang shorts at damit panligo. Tiningna ko kung sino ang nagtapon nito. Nakatayo siya sa aking harapan habang nakapamewang.
“Bakit mo ginawa iyon kay Theresa?” tanong niya.
“Pakialam mo? At saka ano ’to?”
“Nabulag ka na ba, Noah? Damit ’yan,” aniya.
“Alam kong damit ’to, Clarence. Ang baba kasi ng comprehension mo. Ang ibig kong sabihin, para saan ’to?”
“Tss. Malamang para isuot.”
Napatayo ako at marahas iyong itinapon sa kaniya pabalik. “Alam kong para isuot ’yan! Bwesit,” sagot ko. Tinalikuran siya’t maglalakad na sana pabalik sa cottage ngunit mabilis ako nitong nahawak sa braso.
“Sa ’yo ’to. Kinuha ko sa bahay ninyo kaninang umaga. May mga damit ka rin doon pamalit. Mabuti na lang at dinalhan kita, hindi iyong nakikihiram ka pa kani-kanino. Paano pag may Buni iyon, e di nahawaan ka.”
Binawi ko ang braso ko’t hinarap siya. Masama akong tumingin sa kaniya.
“Pinakialaman mo ang mga damit ko?”
“K-Kalma, hindi! Si Ninang ang pinakuha ko.” Nakahinga ako nang maluwag pero hindi pa rin nawawala ang inis ko. “Heto na, magpalit ka na ro’n. Para kang tanga sa suot mo. Beach ’to, hindi mall.”
“Oh talaga ba?! P-Para kang ano—” Napatingin ako sa kaniyang kabuuan. Moreno si Clarence na may magandang hubog. Mabilis kong inagaw ang mga damit sa kaniya. “Para kang Japanese Pornstar!” sabi ko at mabilis siyang iniwan doon.
PAKINGGAN NINYO ANG HUGO’S SECRET SA SPOTIFY! ANG HAWT NG BOSES NI HUGO MGA BAKSS
CR - KABANATA 10
COUNTRYSIDE ROMANCE
KABANATA 10
N O A H
NAISIPAN nilang gumawa ng bonfire sa tabing dagat kung saan nagbungkal sila sa buhangin nang pabilog. May mga alak na nakalagay sa harapan naming, isa-isa, maliban kay Theresa dahil ayaw siyang painumin ni Clarence. Hindi ko pa nababawasan ang akin dahil hindi naman talaga ako umiinom. Pinalibutan naming ang bonfire. Sa magkabilang gilid ko si Theresa at Marcus. Katabi naman ni Marcus sina Clarence at Cassy. Magkakasunod naman ang apat hanggang kay Theresa.
“Kailan nga pala ang balik ninyo sa ibang bansa, Cassy?” tanong ng isa sa mga babaeng kasama naming. Nakalimutan ko ang kaniyang pangalan. Ni hindi ko nga alam kung taga-roon ba siya sa aming barangay o sa ibang barangay sila galing ng kasama niya.
Maputi siya. May medyo kulot na buhok. Mukha siyang anak ng isang mayamang pamilya pero sa ikinikilos niya, na kanina ko pa napapansin ang pagiging clingy nito kay Rupert, ay parang hindi. May relasyon ba silang dalawa?
“Oo nga, sis. Para makapag-sending off ceremony kami sa ‘yo,” ani naman ng isa, katabi ni Sebastian. May straight siyang buhok na hanggang siko. Morena. Maganda. Mga katangiang pisikal na magugustuhan ng isang lalaki sa babae ay na sa kaniya.
“I don’t know when, maybe next week? I’ll ask Mom first,” sagot ni Cassy. Maarte pero may class. Tuwid din ang kaniyang buhok na bagay na bagay sa kaniya. Maputi, makinis ang balat, at matangkad din siya. Isa pa, mayaman na sila. Yumaman dahil nga nakapag-asawa ng Amerikano ang kaniyang magulang. Tila ba na sa kaniya na ang mga katangian ng babaeng magugustuhan ni Clarence.
“Iiwan mo na si Clarence? Kawawa naman ang kaibigan ko na ‘yan,” natatawang bigkas ni Rupert.
“Kababalik lang, tol. LDR na kaagad kayo?” segunda naman ni Sebastian.
Tinawanan nila ‘yong sinabi ni Sebastian. Pati si Theresa ay nakikitawa rin habang ngumunguya ng chichirya. Akala siguro niya’y napatawad ko na siya sa pagiging taksil niyang kaibigan.
“Rence and I are just friends, guys,” ani Cassy sa maarteng tinig.
“Friends? E halos ikaw bukambibig nitong si Clarence. ‘Di mo nililigawan, tol? Baka maunahan ka!” ang walang prenong sabi ni Rupert. Sa kanilang apat, siya ang may matalas na dila. Kung ano’ng tumatakbo sa isipan niya’y sasabihin niya kaagad nang walang pag-aalinlangan, kahit may masaktan siyang ibang tao.
“Oo nga. Sa ganda ni Cassy, for sure, marami ang magtatangkang manligaw sa kaniya,” na siyang sinegundahan naman ni Sebastian, isa rin sa mahirap pigilan ang bibig kung magsalita.
“Sagutin mo nga kami, tol. May gusto ka ba kay Cassy?” si Marcus, seryoso ang kaniyang tinig.
Natahimik kaming lahat. Tila ba naghihintay sa magiging sagot ni Clarence. Tumingin ako rito, saktong nagtama ang mga mata naming dalawa. Umiwas ako. Ayokong bigyan ng ibang kahulugan ang mga titig niya sa akin dahil para saan? Walang ibang ibig sabihin ‘yon, Noah. Ikaw lang ‘tong nag-iisip na makakasakit lang sa ‘yo.
“Magtatapos muna kami nang pag-aaral,” sagot ni Clarence. Lumakas ang kantyawan nilang magkakaibigan, maging ang dalawang babaeng kasama naming ay biniro din si Cassy.
Napatingin ako sa beer na nasa aking harapan at mabilis iyong dinampot at ininom. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Umiinom naman ako ngunit paminsan-minsan lang dahil mahina ang tolerance ko sa alak. Hindi naman ‘to hard drinks pero nakalalasing pa rin. Halos makalahati ko ang bote ng alak.
“Baks, magdahan-dahan ka naman sa pag-inom. Marami pa riyan. ‘Wag mong ipahalata na uhaw na uhaw ka,” bulong ni Theresa. Napansin niya siguro ang ginawa kong pag-inom. “At saka, ba’t ka umiinom ngayon?”
Nilingon ko siya. “Wala kang pakialam,” sagot ko. Ito ang ayaw ko sa alak. Mabilis lang akong malasing. Kahit ilang porsiyento lang ng alcohol ‘yan, mabilis ‘tong tumama sa akin. Inagaw ko ang chichiryang kabubukas lang niya’t kinain iyon. Wala na siyang nagawa pa.
Muli kong iniinom ang natitirang alak sa bote, nang maubos iyon ay tiningnan ko ang mga kasama ko. Abala pa rin sila sa pakikipag-usap sa isa’t isa.
“Ang boring naman!” bigla kong sabi. Napatingin silang lahat sa akin at alam kong nagulat sila. “Maglaro na lang kaya tayo,” suhestiyon ko.
“What game are we playing?” tanong ni Cassy.
“Spin the bottle. Truth or dare,” sagot ko.
“Game! Ako na magpapaikot,” ani Marcus at kinuha ang walang lamang bote na nasa aking harapan.
Dahil wala ng alak sa aking harapan. Tumayo ako at nilapitan ang box kung saan namin inilagay ang mga alak upang lumamig ito. Kumuha ako ng dalawa’t binuksan iyon. Muli akong bumalik sa aking puwesto, saktong nakaturo ang nguso ng bote sa kasama ni Cassy na babae.
“Ugh! Ano ba ‘yan, ako talaga?” anito.
“Truth or Dare, Miranda?” tanong ni Marcus, siya ang magtatanong.
“Ahmmm. D-Dare?”
“Halikan mo ang parte ng katawan ni Sebastian na gusto mo,” ani Marcus, na may ngisi sa kaniyang labi.
“Gago ka, tol!”
“’Yon lang ba? Easy,” ani Miranda at mabilis na hinahawakan sa mukha si Sebastian. Akala ko’y sa labi niya ito hahalikan ngunit sa tuktok lang ng ilong nito siya humalik. “Done.”
Muling pinaikot ni Marcus ang bote. Tumapat naman ‘yon kay Theresa.
“Truth or dar-“
“Hindi siya kasali,” mabilis na sabi ni Clarence.
“Kuya naman, e! Hindi na kaya ako bata.”
“Oo nga, ‘tol. Minsan lang naman ‘to.”
“Tapos ano? Pahahalikin mo sa kung sino-sino?” aniya.
“E magtu-truth na lan-“
“Hindi pa rin puwede,” matigas na sabi ni Clarence.
“Eh ‘di sana hindi mo na lang pinasama kung ayaw mo namang pasalihin dito. Siraulo ka pa lang kapatid!” sabi ko.
“Paano pag napahamak ‘yan, ikaw ang sasagot?”
Natawa ako. “Para mo na ring sinabi na wala kang tiwala sa mga kasama mo ngayon. Naglalaro lang naman tayo, Clarence. Walang mananakit kay Theresa rito. Napaka-KJ mo namang kapatid.”
Masama siyang nakatingin sa akin pero hindi ako nagpatinag. Lalo pa’t nagsisimula na ring umikot ang paningin ko dahil sa alak na iniinom ko.
“Yeah, Noah’s right, Rence. Hindi na bata si Theresa. Besides, this is just a game. Nothing’s serious,” ani Cassy.
Lumingon siya kay Cassy. Lumambot ang paningin at marahang tumango. Hindi iyon nakatakas sa akin na naging sanhi nang mabilis na pagkirot ng aking puso.
Dahil doon ay muling nagpatuloy ang laro. Muling pinaikot ni Marcus ang bote. Sa pagkakataong ito ay tumapat ‘yon sa akin.
“Truth or Dare?” tanong ng babaeng katabi ni Rupert.
“Dare,” walang pag-aalinlangan kong sagot.
“Kunin mo iyong name ng guy na…” Inikot niya ang paningin, sinundan ko naman ‘yon. “Iyon. Iyong naka-sando na white at blue na shorts,” aniya.
Tiningnan ko ang lalaking tinutukoy. Nakatalikod ito sa aming puwesto. Nakasuot ng white na sando at shorts. May kasama itong dalawang matatandang lalaki ngunit iyong lalaking tinutukoy niya’y sa tingin ko’y kasing edad lang naming.
Ibinalik ko ang paningin sa kaniya. “’Yon lang ba?”
“Its up to you if you want to get his number,” si Cassy ang sumagot.
Tumayo ako. Muntik pa akong matumba dahil hilong-hilo na ako. Naglakad ako papalapit sa lalaki. ‘Di naman ito kalayuan sa amin kaya kaagad akong nakalapit dito.
“Yes, Pops. Will surely do that,” ani ng lalaking nakasando nang makalapit ako.
“H-Hi po.”
Sabay-sabay silang napatingin sa akin at laking gulat ko nang makitang si Ren ito.
“Constantine? You’re here,” aniya. Mabilis siyang lumapit sa akin at inakbayan ako. Agad na bumalot sa aking ilong ang amoy nito. Mabango. Mabangong-mabango, ‘yung tipong hinding-hindi mo pagsasawaang amuyin. “Pops, this is Constantine, my friend. I met him from last night’s party.”
“I see. I’m Timothy Park and this is my life, Steven. It’s nice to meet you, Constantine.”
Tila ba nawala iyong hilo ko. kinamayan ako ni sir Timothy, ang kasalukuyang Governor dito sa aming probinsiya. Kasama niya ang kaniyang asawang si Steven. Kahit na may katandaan na sila’y hindi pa rin nawawala iyong maganda nilang lahi ng sila’y mga bata pa.
“I-Ikinagagalak ko po na makilala kayo,” nahihiya kong sagot. “T-The best po kayong Governor,” dagdag ko na siyang ikinatawa lang nilang tatlo.
“Ikaw lang ba mag-isa? Buti, nakilala mo ‘ko,” ani Ren. Nakatingin siya sa akin pero hindi pa rin niya tinatanggal ang pagkaka-akbay sa akin.
“A-Ah e, ang totoo niyan—”
“Kasama ko siya.” Napatingin kami rito. Si Clarence na may nakamamatay na titig, na hindi ko alam kung bakit. “Mawalang galang na po. Pagpasensiyahan niyo na po itong kasama ko’t lasing na po siya.”
“You’re?” tanong ni sir Timothy.
“Clarence po. Trabahador po sa Garden.”
“Ayos lang, pre. Constantine and I are friends. Mabuti na lang at kami ang nilapitan niya, baka mapahamak pa siya kapag ibang tao iyon. They might mistaken him as woman and take advantage,” ani Ren.
Nagulat ako ng hilain ako ni Clarence. “Salamat. Aalis na po kami,” anito. Naramdaman ko ang mahigpit niyang pagkakahawak sa braso ko.
“Wait. Just take easy on him.” Pero hindi iyon pinakinggan ni Clarence dahil mabilis ako nitong hinila sa kung saan.
Akala ko’y babalik kami sa mga kasama naming ngunit nagulat ako nang nandito na kami sa tent na kanina’y pinatayo niya. Tumigil siya’t hinarap ako.
“Ano ‘yon? Bakit may paakbay pa sa ‘yo ang lalaking ‘yon?”
Ano raw? Tuluyang Nawala iyong hilo ko’t tiningnan siya. “Ano bang pakialam mo?”
“P-Papaano pag masamang tao rin iyon?”
“Ha? Hindi mo ba Nakita na sina Gov ‘yon? Paano mo nasabing masama silang tao?”
“Matulog ka na, lasing ka na,” aniya, imbes na sagutin ang mga tanong ko. Tumalikod siya sa akin at maglalakad na sana papalayo ngunit hindi ko alam kung ano’ng pumasok sa isipan ko’t tinawag ang kaniyang pangalan.
“Hindi ako lasing. Pero sana lasing na lang ako nang sa ganoon e mawala ‘tong pananakit ng dibdib ko.”
Lumingon siya sa akin. “Ano’ng ibig mong sabihin? May masakit ba sa ‘yo?”
Natawa akong tumingin sa kaniya. “Ang tanga mo. Tanga’t manhid ka! Bakit kasi sa dinami-rami ng tao sa mundo, ikaw pa? kahit balik-baliktarin ang mundo, wala! Malabong mangyari.”
Natahimik siya. Hindi ko alam kung ano’ng tumatakbo sa isipan niya sa mga oras na ‘to. Wala na akong balak pang alamin iyon dahil ayaw kong masaktan pa lalo. Tumingin ako sa tent, sa loob nito’y may bedsheet na nakalatag. Dalawa lang ang kasya rito. May unan. Naroron na rin ang mga gamit ko na dinala ni Clarence, at ang kaniyang gamit. Teka, magtatabi kaming matutulog?
“A-Ano ba’ng pinagsasasabi mo?”
Bumuntonghininga ako. “Wala. Bumalik ka na kay Cassy,” sagot ko’t pumasok na sa tent. Wala na akong pakialam kung katabi ko siyang matulog o hindi.
KABANATA 11
COUNTRYSIDE ROMANCE
KABANATA
11
N O A H
Hindi ako makatulog. Kahit ano’ng gawin ko’y ayaw tumigil nang isipan ko kakaisip. Gulong-gulo na ako.
Bakit ba kasi sumama-sama pa ako rito?
Sa susunod, mas mabuti na lang talagang manatili na lang ako sa bahay ng sa gano’n ay hindi ako nasasaktan. Nakakainis naman kasing hinayupak na puso ‘to! Sa dinami-rami ng puwede niyang magustuhan, do’n pa sa malabong magkagusto sa ‘yo pabalik.
Kung puwede ko lang talagang hugutin ang puso ko sa mga oras na ‘to at bigyan ng magkakambal na sampal, matagal ko nang ginawa. Noon ko pa sana ginawa. Tuturuan ko talaga ‘to ng leksiyon. Magiging si Miss Minchin ako kung saka-sakali man.
Marami namang tao diyan o kahit hindi na lang. Tutal, bakla naman ako. Malabo ring may magkagusto sa akin. Maganda ako, siyempre, pero hindi ako ‘tulad ng mga babae riyan. Lalong-lalo na ng ‘tulad ni Cassy. Malayo ang agwat naming dalawa at kahit bilisan ko pa ang pagtakbo, malayong maabutan ko ang katulad niya.
Imbes na ipikit ang mga mata’y bumangon na lang ako’t lumabas sa Tent. Tiningnan ko ang puwesto ng mga kasama ko’y wala na sila roon. Maging si Theresa’y hindi ko na rin alam kung saan nagtungo pero alam kong na sa paligid lang ‘yon at lumalamon.
Hindi pa malalim ang gabi. Marami-rami pa ang mga tao sa tabing dagat, abala sa kani-kanilang mga gawain. May nagkakasiyahan, sana all! Sana all masaya!
Bakit ba kasi ako nandito? Puwede bang umuwi na lang? puwede bang pakibilisan ang oras para makauwi na kami?
Naglakad-lakad ako hanggang sa marating ko ang dulo nitong resort kung saan iilan na lang ang mga taong nandito. Hindi naman gaanong madilim sa parting ‘to dahil may mga solars na nakatayo sa may bundok na bahagi nitong resorts.
Umupo ako sa isang malaking bato habang nakatingin sa alon. Napayakap sa sarili nang umihip ang malamig na hangin. Sino ba kasing tangang pupunta rito nang walang dalang jacket o kahit na sweater man lang?
Oo na! ako na ‘yon! Tanga nan gang magmahal, tanga pa sa ibang bagay.
Bumuntong hininga ako. ‘Di ko naman kasalanan iyon kung wala akong dalang jacket. Bwesit kasing Clarence ‘yan! Hindi niya ipinaalam kung saan kami pupunta. Ni panligo nga’y hindi ako nakapagdala.
“Lamig!” naibulalas ko nang muli na namang umihip ang malamig na hangin. Pero nanatili pa rin doon. Tinitiis ang malamig na hangin. Kesa naman sa ang tiisin kong makita ‘yong lalaking ‘yon habang magkatabi silang nakaupo malapit sa dalampasigan at ang lapit-lapit nila sa isa’t isa.
“Malamig talaga. You’re not wearing your jacket.” Nanlaki ang mga mata kong napatingin dito.
“R-Ren?”
“Hi.” Nakangiti siyang lumapit sa akin at nagulat ako nang isampay niya sa magkabilang balikat ko ang puting kumot na kaniyang dala-dala. “Nakita kitang naglalakad papunta rito. You seem sad? I don’t know, but I guess my instincts right.”
Bumuntonghininga ako. “Nagmahal ka na ba?” bigla kong tanong.
Naupo siya sa tabi ko. Malaki naman kasi itong baton a medyo flat ang ibabaw at may kakinisan din. Feeling ko nga sinadya ‘tong ilagay rito para sa mga ‘tulad kong gusting magmumok.
“Why do you ask?” tanong niya, nakakunot ang noo.
Tumingin ako sa karagatan. Patuloy pa rin ang pag-ihip ng malamig na hangin ngunit hindi na ako nilalamig dahil sa dalang kumot niton si Ren na mukhang galing pa sa loob ng mga villas na kanilang tinutuluyan.
“Wala lang. Dahil tsismosa ako?” Tumawa siya. Maging ako’y natawa rin sa nagging sagot. Lasing na yata ako, e. nalalasing sa sakit ng damdamin.
“Well, I once fall in love.” Natahimik ako’t tumingin sa kaniya, na ngayo’y nakangitin naman sa karagatan. “I felt the butterflies in my stomach sa tuwing nakikita ko siya. Sobrang saya magmahal pero iba rin ang dulot nito kapag tayo’y nasaktan. We lose ourselves. Tila ba may isang parte sa ating puso at kaluluwa ang nawala. Ang iba nga, nagpapakamatay dahil lang sa pagmamahal. But still, love is beautiful. Masaktan kaman nang paulit-ulit, ‘wag kang titigil magmahal because I believe that one day, someone will love you unconditionally. Just like my grandparents.”
“Ang haba, a. sumali ka na lang kaya sa Miss Universe Philippines sa susunod na taon,” sabi ko na lang dahil hindi ko alam kung papaano ko siya sasagutan.
Malaman ang mga sinabi ni Ren. Totoo nga namang masayang magmahal pero sa kabila nito’y masakit ding magmahal. Sobrang sakit, ‘tulad ngayon. Ako lang ang siyang nagmamahal.
“But it’s the truth.” Tumango na lang dahil hindi ko alam kung papaano ko siya kakausapin.
Masyado kasi kaming feeling close sa isa’t isa e kagabi lang naman kami nagkakilala.
Nag-usap pa kami ni Ren tungkol sa mga bagay-bagay pero madalas, siya lang ang nagkukuwento at nagtatanong lang ako. Masaya rin naman siyang kausap dahil ang dami niyang baong kuwento at tawa rin ako nang tawa dahil sa mga kalokohan niya.
Hindi ko alam kung ano’ng oras nan ang bumalik ako sa tent pero malayo pa lang ako’y tanaw ko na ang isang lalaki roon na nakatayo habang nakapamewang. Tila ba may hinahanap at nang dumapo ang kaniyang paningin sa akin ay mabilis niya akong nilapitan.
“Saan ka galing?”
“Pake mo ba?” tanong ko, sabay irap sa kaniya. Nilampasan ko
“Saan mo kinuha ‘yang kumot? Kumot yan nung villa, a. ninakaw mo ba ‘yan?”
Hinarap ko siya’t sinamaan ng tingin. “Wow! Sa rami ng puwede mong sabihin, ‘yong pagbintangan pa talaga ako ang napili mo?”
“E bakit nga mayroon ka niyan?”
“Pakialam mo ba, Clarence? Pinahiram sa akin ‘to ni Ren,” sagot ko.
“May kumot naman akong dala. Sana nagtanong ka,” aniya.
Kung itatanong ko ba sa ‘yong ‘puwede bang ako na lang?’ masasagot mo kaya?
Gusto ko sanang sabihin iyon pero mas pinili kong manahimik na lang. Muli akong tumalikod at hindi na siya sinagot pa. Pagod na ako. Antok na antok na rin ako. Pagod na akong makipagtalo sa kaniya dahil pareho lang naman kaming ayaw magpatalo.
Umayos ako ng higa. Binigyan ko pa ng space sa tabi ko dahil tent ni Clarence ‘to at dito siya matutulog. Tumagilid ako, patalikod sa magiging puwesto ni Clarence at saka pumikit.
–
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Tumingin ako sa tabi ko. Walang tao, malinis. Nakasara ang bukana nitong tent na kung maalala ko’y hindi ko ito isinarado dahil akala ko’y rito siya matutulog kagabi.
Bumangon na lang ako. Kaysa isipin ko pa ang taong ‘yan, mas mabuti na lang na hanapin ang mga kasama ko. paglabas ko ng tent, saktong palapit si Theresa sa akin.
“Baks!”
“Sa’n ka natulog kagabi?”
“Sa room na kinuha ni Cassy para sa amin nung dalawa niyang kaibigan. Nakipag-plastikan na muna ako kesa naman magtiis dito,” aniya.
Tumango lang ako. “Ano’ng oras tayo uuwi?”
“Maya pang alas-dose. Bakit?”
“Ah. Wala. Kumain ka na?”
“Kaya nga ako nandito para sunduin ka. Tara na, nando’n sila sa villa. Kumakain na.”
Tumango lang ako. Villa? Kumuha pala sila ng villa tapos ako nandito? Dito sa area kung saan puwedeng magtayo ng tent.
“Sige una ka na. ibabalik ko muna itong kumot na hiniram ko kay Ren,” sagot ko kay Theresa.
“Wow, a. Mukhang may na-booking ka kagabi.”
Sinamaan ko siya ng tingin. “Gaga! Apo iyon ni Gov. Kaibigan ko. umalis ka nan ga bago pa ako maimbyerna sa ‘yo,” sabi ko.
“O siya ikwento mo na lang sa akin ‘yan sa sunod. Gutom na rin ako.” Tumango lang ako at mabilis na rin naman siyang umalis.
Niyupi ko nang maayos ang kumot at saka naglakad patungo sa villa nina Ren, pero sana’y hindi ko na lang ginawa dahil na sa labas sina Gov, sir Steve at si Ren kung saan kasalukuyan silang kumakain. Saktong nakita nila ako at nilapitan ako ni Ren
“Hey, come join us,” pagyaya ni Ren.
“N-Naku h-hindi na po. Ibabalik ko lang po itong kumot.”
“No. I insist. Pops, puwede bang makisabay sa atin si Tine kumain?”
“N-Nakakahiya,” mahina kong sabi.
“Yeah, sure. ‘Wag kang mahihiya.”
“NOAH!”
![Cover of Countryside Romance [BXB]](/story-covers/countryside-romance-bxb_226180151.webp)
