loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Crimson Blade Assassination

Crimson Blade Assassination

xxriegozzxx · 42 chapters · 76,457 words

Disclaimer

This is a work of fiction. Names, Characters, business, places, events and incidents, are either the products of the Author’s imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental.

No parts of this story may be reproduced or transmitted in any form or by means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without written permission from the Author.

This story contains incorrect typos/spelling/ grammar. I’m not professional writer so please bear with me. Thank you!

Facebook: Cruz Wp

Fb page: Azazzin_Nation

Copyright ©️ 2023 by XXRIEGOZZXX

All rights reserved.

Author’s Note

Hi, Azzinatics!

Bago niyo ipagpatuloy na basahin ang story na ito dapat mabasa niyo ang authors note ko.

Ang story na ito ay magsisimula sa paglaya ng labing limang kabataan sa kamay ni Rodjan. Kung mababasa niyo ang kay Nuroi nabanggit do’n ang tatlong taong nakalipas. Kaya ang tatlong taon na yun ay nandito sa story na ’to. Kung paano nila binuo ang grupo at mga mission nila.

Kaya asahan niyo na iikot lang ang story na ’to kay Nuroi, Isaac, Ruwi, Salem, Lucifier, Raizen, Caiden, Atticus, Andrei, Caleb, Theo, Aizen, Levi, Eros at Kier. Asahan niyo din puro bardugalan nilang labing lima at labanan ang nandito sa story na ’to. Kaya kung hindi kayo mahilig sa action story ay wag niyo ng ituloy ang pagbabasa. Baka kasi may mabasa na naman akong comment na ang tagal ng pagkikita ng fl at ml at kung ano-ano pa. Inuulit ko ha! Ang story na ’to ay iikot lang sa labing lima na character n’ong sila ay nagsisimula palamang na bumuo ng grupo.

Kaya asahan ang fighting scene sa story na ’to. Yung iba pa namang mga readers ay alam ko ang hinahabol ay spg18 scene (hindi lahat ha baka may mag react) Pero ang iba nakikita ko sa mga comment na kesyo matagal ganun.

Kaya kailangan basahin niyo ang authors note ko para hindi tayo paulit-ulit.

Maglalagay din ako ng pov bawat isa sakanila.

Yun lang! Thank you sa pagbabasa ng authors note ko.❤️

-XXRIEGOZZXX-

Prologue

NANG makatakas at napatay namin si Rodjan ay nalaman naming nasa bansang Russia pala kami. Hindi namin alam ang gagawin, hindi namin alam kung uuwi ba kami ng Pilipinas.

Iniisip ko n’ong una kung uuwi ba kami ngunit wala naman kaming passport. Gusto kong humingi ng tulong ngunit may gumugulo sa isip ko. At yun ay ipagpatuloy ang na simulan naming magkakaibigan.

Hindi biro ang pinagdaanan namin sa kamay ni Rodjan. Sa bawat pagpapahirap niya samin ay naka ukit sa isip ko na parang masasayang lang ang lahat. Lahat ng natutunan namin mula sa paghawak ng baril, espada at pakikipaglaban. Sa isip ko ay nasasayangan ako kapag naiisip ko na babalik kami ng Pilipinas at kalimutan ang lahat na parang walang nangyari.

Ang akala ko ay ako lang ang nasasayangan sa natutunan namin. Ngunit nagkamali ako. Dahil maging ang mga kaibigan ko ay nasasayangan din pala sa natutunan namin.

At dahil do’n ay napagpasyahan namin bumuo ng grupo. Sa kasamaang palad pa ay ako ang napili nilang gawing leader. Hindi ako makapalag lalo na’t nag-iisa lang naman akong babae nila. Pinagtulungan na naman ako ng mga unggoy kong kaibigan.

Nandito kami ngayon sa isang hotel para magpahinga. Matapos naming patayin lahat ng tauhan ni Rodjan ay si Salem lang yata ang hindi napagod samin. Kaya bilang ganti, siya ang inuutusan namin kapag may gusto kaming ipabiling pagkain sa labas kaya todo reklamo ang gago.

Nakahiga ako sa kama, katabi ko si Lucifier at Raizen na nagpapahinga din. Ang iba kong mga kaibigan ay nakaupo sa kama habang nakaharap samin.

“Anong plano natin, Boss Ruwi?” Dinig kong tanong ni Caleb. Agad nalukot ang mukha ko ng marinig ko ang tawag niya sa akin.

“Pwede bang wag mo akong tawaging boss?” Inis kong sabi s akanya ngunit mabilis siyang umiling.

“Ayaw ko nga! Ikaw ang leader namin ’di ba? Kaya dapat lang boss ang itawag namin sa’yo.” Saad niya sa seryosong boses.

Hindi nalang ako sumagot dahil alam kong hindi ako mananalo sa labing apat na ’to.

“Nagtanong-tanong kami ni Salem kanina. Nagpatulong ako sa isang staff dito sa hotel kung may alam ba silang nagbebenta ng lupa,”  saad ko sa mga kaibigan ko.

“Tayo ang bibili? Baka magtaka, Ruwi. Wala pa naman tayong identification dito sa bansang ’to.” Sabat ni Caiden.

“I know. Kaya nga ang babaeng yun ang gagamitin natin. Siya ang pabibilhin natin ng lupa.” Sagot ko kay Caiden sabay nilingon siya.

“And?” Tanong naman ni Lucifier na nasa tabi ko.

“Ako nang bahala do’n. Hindi ko na sasabihin ang plano ko sa babaeng yun. Kailangan nating gumamit nang maduming paraan para mabuhay dito sa Russia. Kahit gumamit pa tayo nang  madugong paraan, gagawin ko para sa pinaplano natin.” Sagot ko habang nakapikit ang aking mga mata.

“Ohh.. mukhang alam ko na ang gagawin mo. Siraulo ka talaga!” Saad ni Salem sa akin na halatang punong-puno ng pagkain ang bibig.

“Kailangan nating gawin yun.” Walang buhay kong sagot.

“So, sinong papatay?” Tanong ni Caiden.

“Gusto mo ba ikaw na?” Balik tanong ko kay Caiden saka ako tumingin sa kanya muli. Nakita ko naman sa mukha niya ang pagka aliw.

“Sure. Napaka easy lang no’n para sa akin.” Sagot niya habang pinapatunog ang mga daliri niya sa kamay.

Ngumiti nalang ako saka ipinikit ang mga mata ko. Gusto kong magpahinga. Napagod ako sa pag chop-chop sa katawan ni Rodjan. Tangina! Medyo matigas kasi. Kinulang ang talas ng espada sa kunat ng leeg ng matandang yun.

Bukas na bukas din ay sisimulan na namin ang plano. Kailangan lang talaga umayon ang swerte samin hangga’t hindi pa kami nahuhuli ng mga awtoridad dito sa Russia.

Wala kaming aasahan kundi ang mga sarili namin. Sa tatlong taon na kami ang magkakasama ay alam kong matatag ang pagkakaibigan naming labing lima. Kahit pa nga nabuo ang pagkakaibigan namin dahil sa nadukot kami. Nakahanap naman ako ng mga totoong kaibigan kahit ako lang ang nag-iisang babae nila.

Kaya pinangako ko sa aking sarili na kahit anong mangyari ay hindi ko sila iiwan at sama-sama kaming lalabas sa underground ni Rodjan. Kahit pa nga may pagkakataon na akong tumakas n’ong binigyan ako ng unang mission ni Rodjan. Hindi ko ginawa dahil ayaw kong iwanan ang mga kaibigan ko. Mahalaga sila sa akin dahil para ko narin silang kapatid. Kaya pahahalagahan ko sila kahit anong mangyari sa gagawin naming plano.

“Grabe.. hindi ko makalimutan ang ginawa natin kanina,” biglang saad ni Elrod.

“Me too,” sagot naman ni Eros. “Ang saya pala pumatay.” Dagdag pa niyang sabi na halatang nakangiti habang sinasabi yun.

“Dapat lang sakanila yun. Kulang pa nga yun sa pagpapahirap nila satin,” sabat naman ni Levi.

“Tama ka dyan!” Sagot naman ni Eros.

“Hindi ako maka relate, mga buddy,” sabat ni Salem kaya natawa ako ng mahina habang nakapikit pa rin ang mga mata ko.

“Hindi ka talaga makaka relate na gago ka dahil hindi ka naman tumulong.” Sabat ni Lucifier na nasa tabi ko.

“Tumulong ako no! Ako kaya ang taga sigaw na nasa likod niyo ang kalaban. Mga gagong ’to! Tapos inabutan pa kita ng baril kanina. Kung hindi ko ginawa yun baka nagkita na kayo ng kakambal mo do’n sa impyerno.” Depensa ni Salem at halatang hindi pa rin tapos sa pagkain.

“Nabaril ka sanang hayop ka!” Dinig kong sabi ni Raizen sa seryosong boses.

“Ulol! Eh ’di nagluluksa sana kayo ngayon kung nabaril man ako. Alam niyo namang ako ang pinaka gwapo sating magtotropa.” Mahangin na sabi ni Salem.

“Tuluyan niyo na nga ang gagong yan!” Utos ko sa mga kasama ko habang nakapikit. Naririndi na kasi ako sa boses ng animal.

Narinig ko nalang ang sigaw ni Salem na halatang binubugbog ng mga kaibigan ko. “Tangina kayo! Wag niyong susuntukin ang makinis kong mukha. Kahit isang tigyawat walang tumubo dyan.. sinasabi ko sainyo!” Sigaw ni Salem kaya mahina akong natawa.

Sanay na ako sa kaingayan ng gago. Lagi nalang akong nililipad sa hangin kapag nag uusap kami. Panay kwento kasi sa akin na lahat daw ng kapitbahay nila ay na cu-cute-tan sa kanya pero duda ko hindi naman talaga. Nagyayabang lang talaga siya.

Kaya laging nag babangayan si Raizen, Lucifier at si Salem. Ako naman ang taga pigil ng away nila kaya sanay na sanay na ako sa t’wing nagmumurahan sila. Sakanila nga ako natuto magmura.

Nakapikit parin ang mga mata ko at hinayaan ang mga kaibigan ko na nagbabangayan na naman. Bukas na bukas ay sisimulan na namin ang binabalak namin. Kaya kailangan kong mag-isip ng magandang plano. Pero bago yun ay magpapahinga na muna ako para may maayos akong maisip na idea kundi lagot kaming lahat kapag pumalpak ako.

Chapter 1

Atticus Pov

~

NAKATAYO AKO sa madilim na kalsada habang hinihintay ang mga taong minamatyagan ko ng tatlong araw. Nakasuot ako ng punit-punit na t-shirt at maduming pantalon. Sinadya ko din sugatan ang sarili ko kaya nagkalat ang dugo sa damit ko. 

Tumingin ako sa kabilang kalsada at nakita ang gago kong kaibigan na si Salem na nagtatago. Siya ang kasama ko sa mission na binigay sa akin ni Ruwi. Kailangan kong magpanggap sa mag asawang nakatira dito sa Russia. Magkukunwari akong na aksidente at walang maalala.

Ako ang inatasan ni Ruwi para mabigyan ako ng identification sa pamamagitan ng mag-asawang Koslov. Kailangan ko lang gawing makatotohanan na wala akong maalala para ampunin ako ng mag-asawang Koslov.

Wala kasi kaming identification documents kaya hindi kami makakilos. Ito ang naisip ni Ruwi para kahit isa samin ay makakuha. Madami kasi kaming bibilhin. Yung lupang pinapabili ni Ruwi sa babae ay ayaw pumayag, bigla ’tong nag back out. Sa inis ni Ruwi ay pinatay niya ang babae. Akala naman kasi namin ay mapapasunod namin agad. Hindi namin pwedeng hindi patayin ang babae lalo na’t binabalak niya na tumawag ng awtoridad para ipadakip kami. Kaya ginawa ni Ruwi ang makakabuti sa grupo.

Tumingin ako sa suot kong relo at agad nag angat ng tingin. Nakita kong sumenyas si Salem na humiga ako sa kalsada kaya agad akong sumunod. Naglakad ako sa gitna ng kalsada saka ako humiga. Kampante akong walang dadaan dito na sasakyan lalo na’t masyadong liblib ang lugar na ’to.

Ipinikit ko ang aking mga mata habang hinihintay ang sasakyan ng mag-asawang Koslov. Sila ang mag-asawang walang anak, matanda narin at namumuhay malapit lang dito. Kaya sila ang napili ni Ruwi na gamitin. Wala kaming ibang habol kundi ang magkaroon ako ng identification.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang tunog ng sasakyan. Alam kong sasakyan yun ng mag-asawa kaya napangiti ako.

Nanatili akong nakapikit habang hinihintay ang papalapit na sasakyan. Palapit ng palapit ang tunog nang sasakyan hanggang sa huminto ’to.

Pinapakinggan ko lang ang pagbukas ng pintuan ng kotse nila at ang boses ng babae. Hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi nila dahil nagsisimula palang akong mag-aral ng lenggwahe na ginagamit nila.

Hindi ako gumalaw at hinintay na lumapit sa akin ang mag-asawa.

“Bozhe moy! Chto s nim sluchilos.” Saad ng matandang babae. ( Oh my God! What happened to him.)

Hindi ko iminulat ang aking mga mata at nagkunwaring walang malay. Naramdaman kong hinawakan ako ng mag-asawa na para bang sinusuri ang sugat ko kaya hinayaan ko lang para sa mission na binigay ni Ruwi sa akin. Kailangan kong magawa ito ng maayos.

Salem’s Pov~

PINAPANOOD ko lang ang gago kong kaibigan kung maganda ba ang acting skill niya. Nasa tagong bahagi ako habang pinagmamasdan ang mag asawang Koslov na punong-puno ng pag-alala para kay Atticus.

Kahit matanda na ang mga ’to ay pinagtulungan nilang buhatin ang nagkukunwaring walang malay na si Atticus.

Hindi na muna ako umalis hangga’t hindi ko nasisiguro ang plano namin.

Nahihirapan ang dalawang matanda na ipasok ang katawan ni Atticus sa likod ng sasakyan. Napabuga ako ng hangin dahil kanina pa panay ang sigaw ng babaeng matanda sa kanyang asawa.

“Hayy.. kung ako lang ang masusunod, kanina ko pa tinulak ang katawan ni Atticus sa loob ng sasakyan.” Saad ko habang pinapanood ang mag-asawa.

Gusto ko na nga sanang lumabas at magkunwari na dumadaan sa kalsada para matulungan sila. Gago naman kasi ’tong si Atticus.  Alam niyang matatanda ang bubuhat sa kanya kumain pa ng madami kanina. Tangina!

Ilang sandali lang ay matagumpay na naipasok ng mag-asawang Koslov si Atticus. Nakita ko pang natataranta ang matandang lalaki na naglalakad papunta sa driver seat. Agad na pumasok ’to sa kotse saka pinaharurot ang sasakyan.

“Step one, done.” Sabi ko habang nakangiti.

Nakapamulsa akong naglakad sa masikip na eskinita habang sumisipol. Babalik na ako sa hotel kung saan kami lumipat. Pansamantala lang muna yun hangga’t hindi pa kami nakakabili ng lupa. Balak kasi ni Ruwi na magtayo ng bahay namin dito. Ngunit hindi kami makakabili kung wala naman kaming identification sa bansang ’to. Kaya yun ang gagawin ni Atticus sa pamamagitan ng mag-asawang Koslov.

Naglalakad ako sa tahimik ng kalye hanggang sa makarating ako sa dulo. Bumungad sa akin ang highway kaya agad akong pumara ng taxi ng may makita ako. Huminto sa harap ko ang sasakyan kaya agad kong binuksan ang pintuan ng backseat at pumasok.

“Kuda mne vas otvezti, ser?” Tanong sa akin ng lalaki.

“Hotel Al Trade.” Sagot ko nalamang kahit pa nga hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Alam ko namang tinatanong niya ako kung saan ako pupunta.

Tumango naman ang lalaki at agad pinausad ang sasakyan. Tama nga ang hinala ko. Hays.. hindi lang talaga ako gwapo, matalino pa. Napakaswerte ng mapapangasawa ko kung sakali.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang pinag-aaralan ang mga nadadaanan ng sinasakyan ko. Kailangan kong kabisaduhin lalo na’t hindi pa nagsisimula ang utos ni Ruwi.

Nang makarating ako sa hotel ay agad kong inabot sa driver ang pamasahe. Bumaba agad ako ng taxi at naglakad papuntang entrance ng hotel.

Nakita ko ang magandang babae na receptionist ng hotel na tumingin sa akin. Kinindatan ko siya kaya agad namula ang pisngi niya. Maganda siya pero hindi ko siya type.

Dumeritso ako sa elevator at agad pumasok. Pinindot ko ang 4th floor dahil nandoon ang hotel room namin.

Ilang sandali lang ay nakarating ako sa 4th floor. Bumukas ang pintuan ng elevator kaya agad akong lumabas. Tinungo ko ang room namin saka ako kumatok ng apat na beses.

Pinagbuksan ako ni Kier kaya agad akong pumasok.

“Balita?” Tanong agad sa akin ni Ruwi. Nakaupo siya sa pang isahang upuan habang ang mga kasama ko ay may kanya-kanyang ginagawa.

“Umaayon ang plano satin.” Sagot ko kay Ruwi.

Naglakad ako papunta kay Ruwi saka ako umupo sa bakanteng upuan na katapat niya. Tumingin si Ruwi sa mga kaibigan namin saka ibinalik ang tingin sa akin. “Gusto nilang mag-aral, Salem. Ikaw ba?” Tanong ni Ruwi sa akin.

“Oo. Pero may mahalaga pa tayong gagawin ’di ba? Pwede naman akong mag aral sa susunod. Sa ngayon, tutulong na muna ako.” Sagot ko kay Ruwi.

Umiling naman si Ruwi. “Mag-aral ka na. Hintayin mo lang, Three months from now magiging maayos din tayo. Kaya maghanda ka, mag-aaral ka.” Saad ni Ruwi kaya napakurap-kurap ako.

“Sigurado ka? Paano ka?” Tanong ko sa kanya.

“Mag-aaral din pero baka mahuli na muna. Uunahin ko muna kapakanan ninyo. At saka, ’diba gusto mo maging doctor? Panahon na para tuparin mo yun.” Sagot niya sa akin.

“Paano ang mission? Paano kung kulangin tayo ng pera?” Sunod-sunod kong tanong kay Ruwi.

“Ako na bahala do’n. Sa mission naman pwede naman tayong magtrabaho kahit nag-aaral kayo. Ganun parin, walang magbabago sa takbo ng plano natin. Madadagdagan nga lang dahil mag-aaral kayo.” Sagot niya saka isinandal ang likod sa upuan.

“Kailangan magawa ni Atticus ang plano natin. Kailangan makakuha siya ng identification sa tulong ng dalawang matandang yun. Para pagkatapos no’n si Atticus na bahala sa lahat para gawan tayo ng identification.” Saad ni Ruwi habang hinihilot ang sintido niya.

“Papalitan ba natin mga pangalan natin?” Tanong ko.

“Hindi na. Si Atticus lang. Magkukunwari siyang walang maalala pati na ang pangalan niya. Kaya ang mag-asawang yun ang magbibigay ng bagong pangalan ni Atticus.” Sagot ni Ruwi sa bored na boses.

Bigla naman may pumasok sa isipan ko. “Sana.. Bartholome ang maisip na ipangalan kay Atticus. Bagay sa gagong yun eh.” Saad ko saka tumawa.

“Siraulo!” Saad ni Ruwi sa akin habang napapailing. Sana nga ay magtagumpay ang gagong yun kundi ibibitay ko siya ng patiwarik kapag pumalpak siya.

Lumipas ang apat na araw, nakatanggap kami ng text mula kay Atticus. Sumasang-ayon samin ang tadhana. Tulad ng plano, binigyan ng bagong katauhan si Atticus ng mag-asawang Koslov. Mukhang ginalingan niya ang pag acting at nadala ang mag-asawa sa drama niya.

Nalaman namin na binigyan siya ng bagong pangalan. Gabriel Koslov ang ipinangalan kay Atticus. Binigyan ng idetinfication ID si Atticus gamit ang bago niyang pangalan.

Tulad ng napag-usapan ng grupo, agad bumili si Atticus ng lupa. Ang gusto ni Ruwi ay malayo at walang masyadong kabahayan sa lugar.

Wala kaming sinayang na panahon. Habang si Atticus naman ay nagsisimula naring mag-aral. Tuloy parin ang pagkukunwari niyang walang maalala sa mag-asawang Koslov.

Nakakausap lang namin si Atticus sa text. Natutuwa naman si Ruwi nang malaman niyang pinag-aaral si Atticus ng mga kumupkop sa kanya.

Walang sinayang na araw si Ruwi at agad sinabihan si Atticus na maghanap ng mga taong gagawa sa ipapatayong bahay namin.

Mabilisan at talagang ibinuhos ni Ruwi ang kalahating pera na nakuha namin sa grupo nila Rodjan. Kailangan kasi maitayo ang bahay na yun kahit kulangin daw ng kwarto sabi ni Ruwi. Ang mahalaga ay makalipat lang muna kami.

Lumipas ang dalawang linggo ay unti-unting nabubuo ang pinapagawang bahay ni Ruwi. Si Atticus naman ay pumupunta paminsan-minsan sa site para silipin ang ginagawang bahay. Si Atticus narin ang nagdesisyon sa bahay dahil may idadagdag daw siya kapag nag simula na kaming kumita ng pera.

Nakahiga ako ngayon sa kama, kasama ko si Levi at Theo na nagbabasa ng libro. Kanina pa silang dalawa dyan. Ako yung nasasaktan sa leeg nila kakayuko.

Wala ang ibang mga kaibigan namin dito sa hotel room. Si Ruwi, lumabas, makikipagkita kasi siya kay Gabriel slash Atticus. Si Lucifier at Raizen naman ay inutusan ni Ruwi mag grocery. Yung iba hindi ko alam kung saang planeta sila pumunta.

“Balita ko malapit ng matapos ang bahay na pinapagawa.” Biglang saad ni Theo.

Tumingin naman ako sa gawi nilang dalawa ni Levi. “Sabi.. baka ilang araw na lang lilipat na tayo. Sabi kasi ni Ruwi kahit hindi pa tapos ay lilipat na,” sagot ko.

“Tama lang yun. Ang mahal ng room natin dito. Dalawang room pa, at least do’n bahay talaga natin. Kahit sa sahig pa tayo matulog ay ayos lang.” Sabat ni Levi.

“Baka maubos ang pera kapag hindi pa tayo nakalipat.” Saad ni Theo sa nag-aalalang boses.

“Yun nga sinasabi ko ’di ba? Pagkatapos no’n ay agad maghahanap si Atticus ng client. Si Ruwi muna daw ang kikilos, mabilisan para maka ipon tayo ng pera agad.” Sagot ko saka bumangon mula sa pagkakahiga.

“Sana umayon ang lahat.” Bulong na sabi ni Levi.

“Oo naman. Magtiwala ka lang, basta wag ka lang aasa.” Sagot ko naman kay Levi.

“Gago! Mag review ka nga! Binilhan tayo ni Ruwi ng libro hindi ka naman nagbabasa.” Sabi ni Levi sa akin sa pagalit na boses.

“Henyo ako, buddy. Stock knowledge ko palang, taob na kayo.” Sabi ko sa kanilang dalawa. Pinakita lang nila ang gitnang daliri nila sa akin kaya napa-iling ako. Mga gago talaga.

Napadako ang tingin ko sa pintuan ng makita kong bumukas ’to. Nakita kong pumasok si Ruwi kaya agad kong pinulot ang libro at kunwaring nagbabasa.

“Kunwari ka pang gago ka! Alam kong hindi ka nagbabasa.” Dinig kong sabi ni Ruwi kaya tumingin ako sa kanya na nakakunot ang noo.

“Wag ka nga magulo, Ruwi. Kita mong nagbabasa ang tao eh.” Saad ko saka ibinalik ang tingin sa libro.

Naramdaman ko ang paglapit ni Ruwi sa akin kaya nag angat ako ng tingin. Hinawakan niya ang libro ko saka niya ito binaliktad. “Baliktad, tanga!” Sabi niya sa akin. Doon ko lang napansin na nakabaliktad pala talaga ang librong hawak ko.

Narinig ko naman ang tawanan ng dalawa kong kaibigan kaya nalukot ang mukha ko. “Ang sakit sa mata eh. Kanina pa kaya ako nagbabasa.” Depensa ko sa sarili ko.

Masama namang naka tingin si Ruwi sa akin kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko. “Sabi ko nga. Tatahimik na ako.” Nakanguso kong sabi.

“Maghanda na kayo. Sa susunod na araw, lilipat na tayo.” Sabi ni Ruwi.

“Talaga? Lilipat na tayo?” Tanong ni Levi.

“Yeah,” tipid na sagot ni Ruwi saka may kinuha sa bulsa ng leather jacket niya. “Ginawan na din tayo ni Atticus ng identification. Kaya malaya na tayong makakagalaw. Bukas na bukas din aasikasuhin ko ang pag-aaral niyo.” Dagdag niyang sabi.

“Paano ka? Hindi ka ba mag-aaral?” Tanong ni Theo.

“Mag-aaral. Pero, baka sa susunod pa na taon. Mauna na muna kayo. Kailangan isa satin mag sakripisyo muna. Kailangan kong makahanap ng cliente para magkapera tayo.” Sagot ni Ruwi.

Tumango naman kaming tatlo saka ko tinitigan ang inabot ni Ruwi na ID sa akin. Ang bwisit na Atticus! Hindi ako gwapo sa ID! Tangina talaga siya! Ipapalunok ko talaga sa kanya ’tong ID. Sino bang matutuwa kong pikot yung isa kong mata sa ID picture. Punyeta!

A/N: Hi, Azzintics!

On hold ko muna ang Assassin Series 11 dahil may lalabas na mga character dito na lalabas din sa series 11-15 (hindi ko pa masasabi lahat)

Chapter 2

Ruwi’s Pov ~

NGAYONG araw kami lumipat sa bago naming bahay. Hindi pa tapos ngunit mas ginusto ko na makalipat na kami. Bahala na kung may kulang.

Halata sa mukha ng mga kaibigan ko ang excitment habang tinitignan ang kabuuan ng bahay. Tatlo palang ang nagawang kwarto dahil baka kulangin na kami sa pera. Inuna ko lang ang computer’s room ni Atticus at dalawa pang kwarto.

“Buti naman at nandito ka Gabriel.” Pang-aasar na naman ni Salem kay Atticus. Binigyan kasi ng bagong pangalan ng mag asawang Koslov si Atticus.

“Wag mo kong simulan,” sagot naman ni Atticus kay Salem na agad naman tumawa.

“Dapat talaga Bartholome pangalan mo eh,” naiiling na sabi ni Salem.

Napailing nalang ako dahil halata sa mukha ni Atticus na malapit na siyang mapikon.

“Tama na yan! Mag-aayos pa tayo ng mga gamit natin.” Saway ko sa dalawa na agad naman nilang ikinatango.

Nakita ko si Kier na may dalang puting pintura. Halata sa mukha niya ang saya habang nakatingin sa pader. “Mag pipintura ka na ba?” Tanong ko kay Kier.

“Opo, ate Ruwi. Ako ng bahala po dito.” Magalang niyang sagot sa akin.

“Sige. Kapag napagod ka, tawagin mo lang sila kuya Caleb mo para matulungan ka.” Saad ko saka naglakad para kunin ang bag na inilapag ko sa sahig.

“Kaya ko na ’to, ate Ruwi. Ako pa ba!” Dinig kong sabi ni Kier.

Kinuha ko ang bag na nasa sahig saka ko ’to ipinatong sa nag-iisang upuan namin sa bahay. Malaki ang bahay na pinagawa namin pero kahit isa wala pa kaming gamit. Inuna ko muna talaga ang mahalagang gamit na kakailanganin namin. Si Atticus naman ay nagsisimula ng maghanap ng cliente namin.

Noong isang araw ay bumili ako ng tatlong klaseng sniper gun. Bumili narin ako ng earpiece, swords, at isang sasakyan na gagamitin namin. Iniisip ko nalang na dadagdagan ko nalang ang mga gamit namin kapag kumita na kami ng pera. Sa ngayon ito na muna ang gagamitin namin pansamantala.

Binuksan ko ang bag at bumungad sa akin ang mga binili ko noong isang araw. Kumuha ako ng isang baril saka ko ’to sinipat-sipat.

Ibinalik ko din naman agad ang baril sa bag ng makita ko ang mga kaibigan ko na busy nagtatanim ng halaman sa  gilid ng field. May malaki kasi kaming field para do’n mag-ensayo.

Nagustuhan ko ang disenyo ni Atticus sa bahay, maging ang ginawa niya kapag papasok kami sa loob ng bahay. May maliit na elevator sa labas at tanging kami lang ang pwedeng pumasok dahil sa finger print namin.   Sinadya yun ni Atticus para kapag may sumalakay dito sa bahay namin ay maaalarma kami.

Kaya talagang malaking pera ang nilabas namin para lang sa elevator na inilagay.

Pinoproblema ko pa dahil mag-aaral na ang mga kaibigan ko. Kaya talagang kailangan ko ng makahanap ng cliente.

Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng bahay saka bumuntong hininga. “Malalim yun ahh..” biglang sumulpot ni Raizen habang may buhat-buhat na malaking box.

“Natatawa ako sa bahay natin na may halong lungkot.” Sagot ko saka umupo sa sahig.

Inilapag naman ni Raizen ang dala niyang box saka umupo sa sahig. “Lahat naman nagsisimula sa wala, boss. Kaya hindi dapat malungkot.” Saad niya kaya napanguso ako.

“Alam ko naman yun,” sagot ko saka tumingin sa labas at pinagmamasdan ang iba naming mga kaibigan na pawis na pawis nagtatanim. Hindi ko nga alam kung saan nila nakuha ang pinagtatanim nila eh. Si Salem na naman ang may pakana nito sigurado. Hindi ko lang alam kung saan niya nakuha ang mga halaman.

“Nag eenjoy ang mga gago,” saad ni Raizen kaya napangiti ako.

“Alam mo ba kung saan nakuha ni Salem ang mga halaman?” Tanong ko.

“Oo. Kinuha niya sa nadaanan naming bahay kanina. Pinagbubunot niya ang mga halaman sa harap ng bahay.” Sagot ni Raizen.

“Abnormal talaga siya,” sagot ko habang napapailing nalang.

“Ngayon mo lang na halata? Matagal na siyang abnormal.” Sagot ni Raizen sa seryosong boses.

“Teka, ano bang laman ng box na ’to?” Pag-iiba ko sa usapan. Binuksan naman ni Raizen ang box saka ipinakita ang mga noodles at can goods. Napansin ko na walang mga pangalan ang mga de lata. Para bang sinadyang tanggalin ang mga pangalan. “Bakit tinanggalan ’to?” Tanong ko kay Raizen habang nakakunot ang noo.

“Si Lucifier ang sisihin mo. Tinanggalan niya para kapag nagbukas daw tayo ng delata surprise daw.”  Sagot niya habang nakangisi.

Napasapo nalang ako sa noo ko habang tinitignan lahat ng mga delata. Wala talagang magawa sa buhay ’tong mga kasama ko.

Buong araw kami nag ayos ng bahay namin. Si Atticus naman ay inayos ang kwarto kung saan ilalagay ang mga gadgets.

“Lucifier..” tawag ni Caiden sa kaibigan namin.

“Bakit?” Tanong naman ni Lucifier na may hawak pang martilyo.

“Magluto ka na ng pagkain.” Utos ni Caiden.

“Anong gusto niyo? Sardinas na may itlog o ginisang sardinas lang?” Tanong ni Lucifier kaya mahina akong natawa.

Nalukot naman ang mukha ni Caiden. “Wala bang ibang option, buddy? Sardinas lang ba talaga?” Tanong pa ni Caiden.

“Wala eh. Kung gusto niyo itlog nalang. Magpiprito nalang ako.” Sagot ni Lucifier saka inabot ang martilyo kay Andrei.

“Ikaw na bahala. Wala namang magagawa yang mga yan kapag nakaluto ka na.” Sabat ko sa usapan nila.

Agad naman tumalima si Lucifier at tinungo ang kusina namin. Kami naman ay tinapos ang ginagawa namin para bukas ay konti nalang ang lilinisin.

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil may usapan kami ni Atticus na maghahanap ng cliente.

Umupo ako sa higaan na nakalatag sa sahig. Magkatabi-tabi lang kasi kami magkakaibigan natutulog. Sa sala na kami naglatag ng higaan. Kaya mukha tuloy kaming sardinas dahil tabi-tabi kami.

Mabilis kong tinulak ang binti ni Eros dahil nakadagan ’to sa mga paa ko. Tumayo ako sa higaan at tinignan ang mga itsura ng mga kaibigan ko. Muntik ako mabilaukan sa sarili kong laway ng makita ko ang mukha ni Salem habang natutulog. Kung sino man ang nag-drawing sa mukha niya ay mananagot talaga. Napag-tripan na naman siguro ’to ni Lucifier. Ginawa ba namang pusa.

Dahan-dahan akong naglakad saka tinungo ang kusina. Nagtimpla agad ako ng kape saka ko kinuha ang cellphone na nasa sala.

Nang makuha ko ang phone ko ay bumalik ako sa kusina. Umupo ako sa sahig habang nagtitipa ng message para kay Atticus. Sa bahay muna siya ng pamilyang Koslov nakatira.

Agad naman nag reply si Atticus kaya inilapag ko ang cellphone ko sa sahig pagkatapos kong mabasa ang reply niya saka humigop ulit ng kape. Nakatulala lang ako hanggang sa maramdaman kong may papunta sa kusina. Nakita ko si Aizen na pupunas-punas pa ng mata habang naglalakad papunta sa akin.

“Yow! Morning..” bati niya sa akin saka umupo sa tabi ko.

Hihigop na sana ako ng kape ng mabilis inagaw ni Aizen ang hawak kong mug saka uminom. Pinaningkitan ko siya ng mata ko dahil gawain talaga nilang agawan ako ng kape. “Magtimpla ka kaya.” Saad ko habang masamang nakatingin sa kanya.

“Ayaw ko! Masarap ka magtimpla ng kape eh,” sagot niya saka humigop ulit ng kape.

Napakamot nalang ako sa isang kilay ko saka isinandal ang likod ko sa pader. “Pupunta ba si Atticus dito?” Tanong sa akin ni Aizen.

“Oo. Papunta na siya. Gisingin mo na si Lucifier para magluto ng agahan natin,” utos ko kay Aizen.

“Yes, boss!” Sagot niya saka inabot sa akin ang mug na wala ng laman. “Pahugas boss ha!” Dagdag niyang sabi saka tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig.

“Ipalo ko sa ulo mo ’to eh,” sagot ko saka tumayo na rin.

Ngumisi lang si Aizen saka naglakad papunta sa sala. Ako naman ay naglakad papunta sa sink para hugasan ang baso.

Ilang sandali lang ay pumasok si Lucifier sa kusina habang nagpupunas ng mukha niya. Lumapit siya sa akin saka tinignan ang mga delata nanakapatong sa may lababo. “Tangina! Dapat pala hindi ko tinanggalan ’to ng mga label.” Bulong niyang sabi.

“Ayan! Ginusto mo yan eh,” sagot ko naman.

Nagkamot naman siya sa ulo saka nagsimulang magluto.

Hinayaan ko muna si Lucifier sa ginagawa niya. Lumabas ako ng kusina saka pumunta ng sala. Lumapit ako sa nakahiga parin na si Salem saka ko tinadyakan ang paa niya. Mabilis naman siyang tumayo na parang na alimpungatan. “Tangina naman eh, akala ko may kalaban.” Sabi niya sa akin saka hinilamos ang dalawang kamay niya sa mukha niya.

“Gisingin mo na mga kaibigan natin. Tanghali na!” Saad ko habang naka pameywang sa harap niya.

“Oo na. Dati ka bang alarm clock?” Tanong pa niya sa akin kaya inirapan ko siya.

Dumating si Atticus sa bahay at sakto namang nakaluto na si Lucifier. Sabay-sabay kaming kumain habang nakaupo sa sahig. Wala pa kasi kaming lamesa at upuan kaya magtitiis na muna kami sa ganito.

Hindi talaga mawawala ang kaingayan ni Salem habang kumakain. Wala ng ginawa kundi dumada, pinaglihi yata ’to sa pwet ng manok.

Natapos kumain si Atticus kaya agad siyang tumayo. Pumunta siya sa kwarto kung saan nakalagay ang isang computer at mga laptop na nakuha namin kay Rodjan. Natapos narin ako kumain kaya tumayo na ako.

“Si Caleb maghuhugas ng plato ngayon ha!” Biglang sabi ni Salem.

“Ba’t ako? Si Aizen nalang,” sagot ni Caleb. Ayan na naman sila, nagiging paniki sa t’wing maghuhugas ng plato.

Hindi ko nalang sila pinansin at baka maubos pa ang dugo ko sa katawan. Sinundan ko si Atticus sa kwarto para pag usapan ang sinabi niya sa akin kanina.

Agad kong pinihit ang siradura ng pinto saka ko binuksan. Nakita ko si Atticus na nakaharap sa computer habang nagtitipa.

May inilagay akong batas para sa grupo namin for safety narin namin. Pumayag naman ang mga kaibigan ko. Inilagay ko din si Raizen na taga parusa kapag may lumabag kahit isa man samin.

“May nahanap ka na ba?” Tanong ko kay Atticus.

Inutusan ko kasi siyang mang hack ng mga private emails sa mga organization. Alam kong kaya ni Atticus yun dahil tinuruan siya ni Rodjan.

“May nahanap na ako, Ruwi. Ngunit nag dadalawang isip siya kung maaasahan ba daw tayo. Lalo na’t baguhan lang daw tayo.”  Sagot niya sa akin dahilan para mapangiti ako.

“Sabihin mo ibabalik natin ang pera kung hindi natin magagawa ng maayos ang ipapagawa niya satin.” Sagot ko kaya agad nagtipa si Atticus.

“Sinong kukuha ng mission, Ruwi?” Tanong niya sa akin.

“Ako!” Sagot ko agad.

“Sigurado ka ba?” Nag aalalang tanong niya.

“Yup. Kailangan natin ngbpera. Ibibili natin ng mga gamit natin,” sagot ko.

Tumingin ulit si Atticus sa screen ng computer niya. Ilang sandali pa ay lumingon siya sa akin na may ngiti sa labi. “Pumayag siya, Ruwi. Wag daw natin siyang bubiguin.” Saad ni Atticus.

Tinapik ko ang balikat ni Atticus saka tumingin sa screen ng computer niya. Binasa ko ang instruction at kung sino ang target.

Nagpaalam na ako kay Atticus para magbihis na muna ako para magawa na ang mission.

Atticu

s’s

Pov ~

LUMABAS ako ng kwarto para hanapin si Ruwi. Nakasalubong ko siya sa sala habang bihis na bihis. Handang-handa na siyang gawin ang mission.

May hawak siyang itim na maskara na pinagawa niya. Samin naman ay kulay puti.

Lumapit ako kay Ruwi saka ko inabot sa kanya ang earpiece. “I’ll guide you when you get there.‘’ Saad ko. Kinuha naman ni Ruwi ang earpiece saka inilagay sa left ear niya. Pinakita ko sa kanya ang blue print ng hotel kung saan siya papasok mamaya at kung saan pupunta ang target niya.

“Mag-iingat ka, Ruwi.” Pagpapaalala ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin at tumango saka naglakad palabas ng bahay.

Agad akong bumalik sa kwarto para tulungan si Ruwi.

Pinanood ko lang siya sa computer ko na pinapaharurot ang kotse niya ng mabilis. Medyo malayo ang hotel na pupuntahan niya kaya kailangan niyang umalis ng maaga. Kailangan saktong 10PM makapuwesto na siya sa sinasabi kong hotel.

Isinuot ko ang earpiece sa teynga ko saka ako tumikhim. “I can hear you.” Sagot ni Ruwi sa kabilang linya.

“Are you sure about this, Ruwi?” Tanong ko sak anya.

“Yes. Basta gabayan mo lang ako dyan! Ako ng bahala sa labas.” Sagot niya sa akin.

“Noted!” Sagot ko saka nagtipa sa keyboard para tignan ang hotel kung saan pupunta si Ruwi.

“Bukas papasok na sa school ang mga estudyante mo,” saad ko habang pinapanood si Ruwi.

“Yeah. Tangina! Kailangan kong mabigyan sila ng baon bukas.” Sagot niya kaya mahina akong natawa.

Kinakausap ko lang si Ruwi mula sa earpiece. Kinakabahan ako para sa kanya pero malaki ang tiwala ko na magagawa niya ng maayos ang mission.

Nakarating si Ruwi sa hotel kung saan siya pupuwesto. Pinapanood ko lang siya na bumaba ng kotse at agad naglakad papasok ng hotel.

Nakisabay pa talaga siya sa magbabarkada na sumakay ng elevator. Dinig na dinig ko tuloy ang pinag-uusapan ng mga nakasama ni Ruwi sa elevator.

Bumukas ang pintuan ng elevator sa floor kung saang room pupunta si Ruwi. Agad ako naging alerto ng makita ko siyang lumabas sa elevator at tinungo ang room.

Walang oras na sinayang si Ruwi na agad nilabas ang cutting glass drill. Ako naman ay hinahack ang mga CCTV ng hotel. Pinalitan ko ng image yun para hindi mahalata si Ruwi. Pinalitan ko din ang kuha ng CCTV sa mukha ni Ruwi na pumasok sa loob ng kwarto.

Ibinalik ko ang attensyon ko kay Ruwi na inaayos na ang dala niyang  Dragunov SVU sniper gun.

Agad kong hinack ang CCTV ng katapat na hotel kung nasaan si Ruwi. Nakita ko ang pagpasok ni Mr. Gallego sa kwarto kung saan nakatapat ang kwarto ni Ruwi. “The target is in position.” Saad ko kay Ruwi.

Hindi sumagot si Ruwi sa kabilang linya. Nakahanda na siya at kumukuha ng tyempo para barilin si Mr. Gallego.

Hindi ako kumurap kahit isang segundo man lang. Nakita kong mabilis na kinalabit ni Ruwi ang gatilyo ng baril. Lumipat ang tingin ko sa isang footage kung saan kuha do’n si Mr. Gallego. Kitang-kita ko kung paano tumama sa noo ni Mr. Gallego ang pinakawalang bala ni Ruwi. Kumalat ang dugo ng target sa pader maging sa kama. Nagsisigawan din ang mga kasamang babae ni Mr. Gallego. Ang mga bodyguard naman nito ay naging alerto at bumunot ng baril para hanapin ang suspect.

“Headshot.” Saad ko habang nakangisi.

“Atticus, delete some footages.” Biglang saad ni Ruwi sa kabilang linya.

“Copy, boss.” Sagot ko saka mabilis na nagtipa sa keyboard.

“Get out of the room immediately, Ruwi.” Utos ko sa kaibigan ko.

Agad na lumabas si Ruwi sa kwarto at naghanap ng trash vent. Habang naglalakad ang kaibigan ko ay hinuhubad niya ang suot niyang leather jacket. Ang tanging natira nalang ay ang suot niyang fitted white sando. Kalmado lang siyang naglalakad papunta sa elevator saka siya sumakay do’n. Habang ako naman ay pinapalitan ang kuha ng CCTV saka ko binubura ang totoong kuha nito.

“Papunta ang mga body guard sa hotel, Ruwi. Kailangan mong makalabas agad.” Sabi ko sa earpiece niya.

Nakita kong ngumiti si Ruwi habang hinihintay na bumukas ang elevator. Nang bumukas ’to ay agad na lumabas si Ruwi at mabilis ang ginagawang hakbang para makalabas ng hotel. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong sumakay si Ruwi sa kotse niya at agad niyang pinausad.

Biglang may nag notif sa cellphone ko kaya agad ko ’tong tinignan. Napangiti ako ng makita kong pumasok na sa account ang bayad ng cliente namin na 50 million.

Chapter 3

Raizen’s Pov ~

PABAGSAK akong umupo sa sahig nang makarating ako sa bahay. Kagagaling ko lang sa school, kasabay kong umuwi si Theo at Levi. Nagsimula na kaming mag-aral ayon narin sa kagustuhan ni Ruwi.

Gulat na gulat kami ng tanggapin sa school ang mga papeles na pinakita namin. Ang sabi ni Ruwi ay binayaran daw niya ang school kung saan kami nag-aaral. Business ang kinuha kong kurso habang si Lucifier naman ay Culinary arts. Si Andrei at Atticus ay Electrical Engineer. Si Kier naman ay Mechanical habang si Nuroi, Isaac at Theo ay business din ang kinuha kaya mag ka-klase kami. Si Salem naman ay tinuloy ang pangarap niyang maging doctor. Si Aizen naman ay Bachelor of Aviation. Si Ruwi naman ay nag ho-home school lang. Pero dahil bawal ang kahit na sino man dito sa bahay kaya naging online class nalang ang ginawa niya.

“May assignment tayo, buddy. Baka pwedeng pa kopya nalang ng sagot.”  Saad sa akin ni Theo.

“Punitin ko yang notebook mo makita mo,” sagot ko saka ipinikit ang aking mga mata.

“Mukhang wala si Ruwi ahh..” saad naman ni Levi.

Agad kong iminulat ang mga mata ko saka tumingin sa kabuuan ng bahay. Tahimik ang bahay, mamaya magiging maingay na naman kapag nandito na si Salem.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko saka ko tinungo ang kusina. Agad akong lumapit sa ref ng makita ko ang nakadikit na note do’n.  Kinuha ko yun at nakitang sulat kamay yun ni Ruwi. Mukhang may mission na naman siya.

Napakamot ako sa isang kilay ko habang nakatitig sa note. Gustong-gusto kong tumanggap ng mission ngunit ayaw pang pumayag ni Ruwi lalo na’t kasisimula palang namin sa pag-aaral.

Lumabas ako ng kusina at bumalik sa sala. Naabutan ko pa si Levi na naka dapa sa sahig.

Umupo ako sa sahig saka ipinakita kay Levi at Theo ang note na iniwan ni Ruwi. “Mukhang nasa mission siya.” Saad ni Levi.

“Kailan kaya yung tayo naman ang gagawa ng mission. Gusto ko ng magtrabaho eh,” bored na sabi ni Theo.

“Later.” Biglang sulpot ni Ruwi kaya agad kaming napalingon nang bumukas ang pintuan. Kasama niya si Atticus na naka suot din ng leather jacket.

Agad na bumangon si Levi mula sa pagkakadapa sa sahig saka umupo. “Talaga? May mission kami?” Tanong ni Levi.

Umupo naman si Ruwi sa sahig saka isinandal ang likod sa pader. “Yeah. Tatlo ang kailangan ko. Sinong may gusto?” Tanong niya. Halata sa itsura ni Ruwi ang pagod. May konting sugat din siya sa kanang kamay.

“Ako,” sagot ko agad.

“Sama ako dyan! Gustong-gusto ko ng kumita ng pera eh,” sabat naman ni Theo na pinapatunog pa talaga ang mga daliri sa kamay.

“Count me in.” Saad ni Levi.

Tumango naman si Ruwi samin.

“Mamayang 11PM sa La Grande Dela Fuenta kayo pupunta. Nandoon ang target niyo.” Saad ni Atticus saka may inabot samin na picture. Tinitigan ko ng mabuti ang nasa picture. Isang lalaki na nasa tyansa ko ay nasa 45 years old ang edad.

“Each of you has a mission. Raizen and Theo will kill the target. Levi will take the important documents inside the target’s room.”  Pagbibigay ni Ruwi ng instruction samin.

“Mukhang madali lang pala ’to.” Naka ngiting sabi ni Levi.

“Don’t underestimate your opponent, Levi. Don’t be too complacent.” Seryosong sabi ni Ruwi kay Levi.

“Sorry.” Hinging tawad ni Levi.

“Be ready. Magiging madugo ang mission ninyo. Kailangan niyo rin patayin ang mga tauhan at wala kayong ititirang buhay.” Saad ni Ruwi saka ipinikit ang mga mata.

“Ako ang mata ninyo.” Saad ni Atticus saka ipinakita ang hawak niyang laptop.

Tumayo ako sa pagkakaupo para maghanda na sa mission.

Theo’s Pov ~

SUMAPIT ang gabi, nakahanda na kaming tatlo ni Raizen at Levi para sa gagawin naming mission.

Isinuot ko ang hoodie jacket at puting maskara. I also have a small katana with me. I don’t like guns, it’s too noisy so I prefer to use a sword or small knife.

Sumakay ako sa passenger seat habang si Raizen naman ang nagmamaneho. Levi was in the backseat. 

Each of us was wearing an earpiece in the ear where Atticus was talking to us.

Nang makarating kami sa Dela Fuenta ay agad inihinto ni Raizen ang sasakyan sa medyo kalayuan. Bumaba ako ng sasakyan, maging si Raizen at Levi ay bumaba na din.

“Be careful, motherfuckers!” Saad ni Atticus sa earpiece namin.

“Ihanda mo ang beer pag uwi namin.” Sagot ko.

Sabay kaming tatlo naglalakad sa madilim at tahimik na kalsada. Nakarating kami sa isang malaking bahay na akala mo’y hotel sa sobrang laki. Halatang mayaman ang nakatira.

Tanaw na tanaw namin ang mga tauhan na nakapalibot sa malaki at magarbong bahay. May mga naka sukbit pa na malalaking baril sa katawan ng mga ’to.

Tumingin ako kay Raizen ng makita kong sumenyas siya sa akin. Tumango ako at mabilis na tumakbo sa gilid para dumaan sa likod. Nang makarating ako sa likod ay agad akong sumilip kung may mga bantay ba.

May nakita akong isang bantay ngunit naka talikod siya sa gawi ko. Mabilis kong inakyat ang pader at walang ingay na nilapitan ang lalaking nakatalikod sa akin.

Wala akong sinayang na oras at mabilis kong ibinaon ang hawak kong maliit na kusilyo sa batok ng lalaki. Bumagsak ’to sa damuhan kaya agad kong hinila ang paa niya para itago.

Nag angat ako ng tingin at nakitang may CCTV sa paligid. Kampante ako dahil alam kong na hack na ni Atticus ang system nila. Kaya malaya kaming makaka-kilos.

“An enemy is coming your way, Theo.”  Atticus said into my earpiece.

Agad akong naging alerto at hinihintay na dumating ang kalaban ko. Nagtago ako sa haligi habang nakahanda ang kutsilyo kong hawak. Nang may marinig akong yapak ay napangiti ako. Hinintay ko lang na makalapit siya sa pwesto ko saka ako aatake.

When he got close to the pillar, I quickly came out and stabbed him in the mouth then I cut him to the cheek. Buhay pa ang lalaki kaya ibinaon ko ang kutsilyong hawak ko sa ulo niya na ikinamatay niya ng tuluyan.

Bumagsak sa lupa ang kalaban ko kaya agad akong naglakad para hanapin si Raizen. Nakita ko naman ang dalawa na inaatake ang mga kalaban. May hawak na espada si Raizen at halos putulin ang mga katawan ng mga kalaban.

Lumapit ako sa dalawa saka ko tinapik ang balikat ni Levi. Mabuti nalang at mabilis kong nasalag ang katana niya dahil muntik na niya akong atakIhin dahil siguro sa gulat.

“Ako lang ’to, buddy.” Saad ko habang nakangiti sa likod ng maskara.

“Manggulat ka pa para mahiwa kita.” Saad lang niya sa sarkastikong boses.

“Time to kill the target.” Saad ni Atticus sa earpiece namin.

“Copy!” Sabay-sabay naming sagot.

Mabilis kaming naglakad papuntang entrance. Agad na sinipa ni Raizen ang pinto kaya bumukas ’to.

Sabay-sabay kaming pumasok.  Si Levi ay agad tumakbo sa kwartong sinasabi ni Atticus. Kami naman ni Raizen ay hinanap ang target namin.

Tumatakbo kami ni Raizen habang naka alerto sa paligid.

Tinungo namin ang hagdan nang sabihin ni Atticus na nasa 4th floor ang target namin. Habang tumatakbo kami ni Raizen ay nakahanda ang hawak naming katana.

Nang makarating kami ay bumungad samin ang isang pinto. “30 opponents.” Saad ni Atticus sa kabilang linya kaya napahinto kami ni Raizen.

“What’s the plan?” Tanong ni Raizen kay Atticus.

“Be ready. Umakyat ka sa kisame, Raizen. Pagmumukain nating si Theo lang ang sumugod mag-isa,” saad ni Atticus.

Naguguluhan naman kami ni Raizen. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang kisame na pwedeng akyatin ni Raizen. Kayang-kayang kumapit do’n dahil sa uri ng pagkakagawa ng kisame.

“Kilos mga tangina kayo!” Sigaw ni Atticus sa kabilang linya kaya agad na tumakbo si Raizen papunta sa pader para makatalon siya. Matagumpay naman siyang nakaakyat gamit ang hawak niyang katana upang hindi siya mahulog. Inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa gilid ng kisame para hindi siya mahulog habang ang mga paa niya ay iginilid din niya.

Ako naman ay nakatayo lang at gumilid habang nakasandal sa pader.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan kaya hinanda ko ang hawak kong kutsilyo.

Nang makita ko ang unang lalaking lumabas sa kwarto ay agad ko ’tong sinaksak sa dibdib. Mabilis ang galaw ko at agad na hinugot ang kutsilyo para saksakin ang mga lumabas pa sa kwarto.

Walang tigil ang kamay ko kakasaksak sa mga kalaban. Narinig ko ang sigaw ng mga kalaban na handa ng umatake sa akin.

Nakikita ko sa mukha nila na parang tinatawanan ako dahil siguro mag-isa lang ako. Niyayabangan pa ako ng isang lalaki na may hawak na palakol.

Sabay-sabay silang umatake sa akin ngunit biglang tumalon si Raizen mula sa kisame habang hawak parin ang katana. Mabilis akong umupo sa sahig kaya mabilis na iginalaw ni Raizen ang kamay niya at pinagpuputol ang ulo ng mga kalaban. Nahulog pa ang mga ulo nito sa sahig na nakabukas ang mga mata.

Sinipa ako ni Raizen sa likod kaya napakamot ako sa ulo ko. “Bakit kasi maliit na kutsilyo dala mong gago ka?” Tanong niya sa akin habang umaatake parin.

“Ang bigat ng espada eh,” sagot ko saka umatake narin sa kalaban.

Puro leeg ko pinapatamaan ang mga kalaban ko. Habang si Raizen naman ay pinuputulan ng ulo ang mga kalaban namin.

“Theo, binabalak tumakas ng target.” Saad ni Atticus sa kabilang linya.

“Where to?” Tanong ko.

“He will go through the left side using the room connected to the kitchen.” Sagot ni Atticus.

Agad akong tumakbo para tumungo sa hagdan. Kayang-kaya naman na siguro yun ni Raizen.

Mabilis ang ginagawa kong takbo para makarating sa kusina.

Sa sobrang laki ng bahay ay halos hingalin ako kakatakbo. Nang marating ko sa kusina ay meron akong nakitang maliit na pinto.

Tumayo ako do’n at inabangan ang target. “Malapit na siya,” saad ni Atticus.

Hinanda ko ang kutsilyong hawak ko habang nakatitig sa pinto. Biglang bumukas ’to at lumabas ang lalaking target namin. Kitang-kita sa mukha niya ang pagkagulat ng makita niya ako.

Inangat niya ang kanyang kamay na may hawak na baril at akmang babarilin sana ako. Ngunit mabilis kong sinaksak ang braso niya kaya napasigaw siya. Nabitawan niya ang hawak niyang baril sa sahig habang ang braso niya ay tumutulo ang dugo.

Wala akong sinayang na oras at mabilis na sinaksak siya sa leeg ng ilang beses. Tinigilan ko lang ng makita kong hindi na siya humihinga.

Binitawan ko ang katawan niya sa sahig habang hinihingal. Nagkalat ang dugo sa sahig pati narin sa pintuan. Ang kulay puti na pader ay nabahiran na ngayon ng kulay pula dahil sa dugo ng lalaki.

“Good job. Hintayin mo sila Raizen at Levi. Pababa na sila.” Saad ni Atticus sa kabilang linya.

Umuklo ako sa naka handusay na lalaki saka ko pinahid ang dugo na nasa kutsilyo sa suot niyang mamahaling suit. Tumayo ako saka ako naglakad kung saan makikita ko ang pagbaba ng mga kasamahan ko.

Una kong nakita si Levi na may dalang brown envelop. Sumunod naman na bumaba si Raizen na naliligo ng dugo galing sa mga pinatay niya.

“Lumabas na kayo dyan!” Utos ni Atticus.

“Kalaban?” Tanong ni Levi kay Atticus.

“Cleared.” Sagot ni Atticus.

Lumabas kami sa malaking mansion. Lakad takbo ang ginagawa namin at tinungo kung saan naka park ang kotse namin. Nang makarating kami ay agad akong pumasok sa passenger seat. Si Raizen parin ang nasa driver seat habang si Levi ay nasa back seat.

Binuhay ni Raizen ang makina ng sasakyan at mabilis na pinausad. Tinanggal ko naman ang suot kong maskara saka huminga ng malalim.

“Ang init putangina!” Maktol ko habang pinapahid ang pawis ko sa noo.

Tinanggal din ni Raizen ang suot niyang maskara at parang nakahinga din ng maluwag.

“The payment is already in our bank account.” Saad ni Atticus kaya napangiti ako.

Ginaganahan ako matrabaho lalo na’t natutuwa ako kapag nakikita ko ang gulat sa mga mukha ng mga pinapatay ko.

Chapter 4

Lucifier’s Pov

(Japan)

Nandito kami ngayon ni Salem habang nag mamasid sa isang grupo ng sindikato. Kami ang naka toka para patayin ang leader at maging ang mga tauhan niya.

Mabuti nalang at kami ang napili ni Ruwi para gumawa ng mission. Nagtampo kasi ako sakanya dahil binigyan niya ng mission si Raizen, Theo at Levi. Samantalang kami ni Salem ay puro pag-aaral lang ang inaatupag. Pakiramdam ko nga malapit ng makuha ni Salem ang most panctual. Ang aga lagi pumupunta sa school eh.

Nagmamasid ako sa paligid habang ang kasama ko ay panay ang basa sa hawak niyang libro.

“Tama na nga yan, Salem. Kanina pa kita naririnig na parang bubuyog ang bibig.” I said while not looking at him.

“Ganito talaga kapag matalino na gwapo pa. Hindi ka maka relate dahil hindi ka naman kasi gwapo.” He answered.

I didn’t answer because I was too lazy to argue with him. Hahayaan ko nalang muna ang kahanginan niya.

Bigla kaming natigilan ni Salem ng may lumapit samin na babae. Kinalabit pa talaga niya sa balikat si Salem. May sinabi ang matandang babae ngunit hindi namin maintindihan. Nagsisimula pa kasi kaming mag-aral ng mga lenggwahe.

Naka harap ang matandang babae kay Salem habang may sinasabi ’to. Hindi ko mapigilang hindi matawa sa hitsura ng kaibigan ko na naka nga-nga.

Biglang tumikhim si Salem saka itinaas ang isang braso niya na parang may tinuturo. “Pong choyla, chichidi kongkoyla butsekik, ek-ek, e-ek. Bobo chichang.” Saad ng kaibigan ko sa matanda. Natawa ako sa hitsura ng matanda na halatang naguguluhan kay Salem.

Mabilis kong inakbayan si Salem saka kami naglakad. “Ano na namang katarantaduhan yan?” Tanong ko habang naglalakad kami.

“Tinatanong niya ako, hindi ko siya maintindihan eh. Akala niya siguro hindi ako marunong. Eh ’di siya ngayon yung nga-nga.” Sagot ni Salem na parang proud pa sa ginagawa niya.

“Isusumbong kita kay Ruwi. Sabi mo madami ka ng natutunan na lenggwahe. Sinungaling!” Saad ko sabay tanggal ng braso ko sa balikat niya.

“Sumbongero! Subukan mo mag sumbong. Magkakaroon ka talaga ng gripo sa tagiliran.” Banta niya sa ’kin.

“Ulol! Naririnig tayo ni Atticus kaya malamang siya yung magsusumbong.” Naka ngisi kong sabi.

“Hoy, Atticus! Alam kong gwapo ako tapos ikaw hindi, wag na wag mo akong isusumbong kay Ruwi. Ang sakit na ng utak ko kakabasa sa mga binigay niyang libro.” Reklamo ni Salem.

Hindi naman sumagot si Atticus sa earpiece namin. Tanging narinig ko lang ang pag higop niya ng kape.

Mamayang gabi kami aatake ni Salem. Pagkatapos ng mission namin dito ay agad kaming babalik ng Russia. Hindi kasi kami pwedeng umabsent sa school, lalo na exam day na naman.

Ruwi’s Pov (Russia)

Pinapaayos ko ang bahay namin at bumili narin ako ng mga gamit. Kasama ko si Aizen, Caleb, Caiden at Eros.

Wala si Salem at Lucifier dahil  nasa Japan sila ngayon. Binigyan ko na ng mission ang dalawa dahil kinukulit nila ako.

Si Raizen at Isaac naman ay nasa California para gawin ang isang mission. Si Atticus ang mag gu-guide kina Salem at Lucifier, habang si Andrei naman ay kina Raizen at Isaac.

Naiwan sa bahay si Nuroi, Kier, Levi at Theo.

Dadaan na din kami sa grocery para may laman naman ang pantry namin. Ang lalakas kasi kumain ng mga kasama ko. N’ong isang linggo nag grocery na naman ako, apat na araw lang naubos agad.

Tatlong push cart ang tulak-tulak namin. Ako naman ang taga pulot ng mga bibilhin.

“Don’t forget the chocolate, Ruwi.” Saad ni Eros sa ’kin.

“Oo na,” sagot ko nalang habang tinitignan ang mga de latang hawak ko. Nang makapili ako ay inilagay ko sa push cart ang delatang napili ko.

“Meat section?” Tanong ni Caleb sa ’kin. Tumango naman ako saka naunang naglakad sakanila. Nakasunod naman sakin ang tatlo habang tulak-tulak ang mga push cart.

“Wag mong kalimutan bumili ng rice cooker, Ruwi. Nasira yung ginagamit natin.” Biglang sabi ni Aizen.

“Nasira? Kakabili ko lang no’n ahh.. sinong nakasira?” Takang tanong ko.

“Si Nuroi n’ong isang araw. Yung lagayan ng rice cooker hinugasan niya pati narin yung saksakan.” Sagot ni Caiden sa tanong ko.

Napakamot nalang ako sa likod ng ulo ko. Mamumuti talaga buhok ko sakanila.

Wala na akong nagawa kaya bumili nalang din ako ng rice cooker. Sasusunod na masira pa ’to tatadtarin ko na talaga ang makakasira ng gamit.

Bumili pa kami ng mga gamit katulad ng mga unan. Bumili narin kami ng mga kurtina sa kwarto namin. Tag isa-isa na kasi kami ng kwarto ngayon. Huling inaayos nalang sa bahay namin ang isang kwarto na paglalagyan ko ng mga baril, espada at kung ano-ano pang mga kailangan na gamit namin.

“Bagay kaya ’to sa kwarto ko?” Tanong ni Caiden samin. Pinapakita niya ang kulay green na kurtina. Simple lang at walang design. “Ayos yan, katulad ng kulay ng mata mo.” Sagot ni Caleb saka kumuha ng ubas na naka lagay sa push cart na tulak-tulak niya.

“Bilhan niyo na din ang mga kaibigan natin. Para maiayos na nila ang kwarto nila,” saad ko habang pinagpipilian ang dalawang picture frame na hawak ko.

“Pink na bibilhin ko kay Kier.” Saad ni Aizen kaya lumingon ako sakanya.

“Sige, para itali niya sa leeg mo yan pagka uwi natin.” Sagot ko kaya natawa siya.

Nilagay ko na sa push cart ang napili kong picture frame. Pumili pa ako ng ibang design dahil ilalagay ko ang mga picture namin magkakaibigan.

Nang matapos kami ay sinunod naming bilhin ang mga alak.

“Ayos na ba mga pinamili natin?” Tanong ko sa mga kasama ko.

“Ayos na,” sagot ni Caiden.

“Magluluto pa ba tayo pag uwi natin sa bahay?” Naka ngusong tanong ni Aizen sa ’kin.

“Malamang hindi pa nakakaluto ang mga naiwan sa bahay,” sabat ni Eros. “Wala pa naman si Lucifier.” Dagdag niyang sabi.

“Mag take out nalang tayo pagkatapos natin dito.” Saad ko saka naunang maglakad ulit. Tinungo namin ang counter para makapag bayad na kami.

Silang apat na pinapila ko. Ako naman ay nakatayo sa likuran nila habang pinagmamasdan ang paligid. Kanina ko pa kasi napapansin na parang may nakatingin samin. Hindi ko lang sinasabi sa mga kaibigan ko.

Kinalabit ko si Eros saka ko inabot sakanya ang hawak kong wallet. Tinanggap naman niya kaya tumingin ulit ako sa paligid.

Biglang nag vibrate ang cellphone na  nasa pantalon ko kaya kinuha ko ’to. Nakita ko ang pangalan ni Atticus kaya agad kong binuksan ang message niya.

Nararamdaman mo ba?

Message niya sa ’kin. Alam ko na kung anong tinutukoy niya.

Agad akong nagtipa ng reply kay Atticus. Sinend ko yun at hinihintay lang ang reply niya. Mabilis naman siyang nag reply kaya napangiti ako habang binabasa ang instruction niya.

Napa angat ako ng tingin ng maramdaman kong may tumapik sa balikat ko. “Sino ka text mo?” Tanong ni Caleb habang naka kunot ang nuo.

“Si Atticus.” Sagot ko saka ibinalik ang cellphone sa pantalon ko. “Tapos na ba?” Tanong ko kay Caleb.

“Malapit na,” sagot niya.

Ilang sandali lang ay natapos na din kami magbayad. Kanya kanyang buhat ang mga kaibigan ko sa mga pinamili namin. Naglakad kami palabas ng mall at tinungo ang parking lot.

Nang makita namin ang kotseng dala namin ay inilagay nila sa likod ng sasakyan ang pinag grocery namin.

Nakatayo lang ako sa gilid habang pinapanood silang apat na inaayos ang pagkakalagay ng mga pinamili namin sa likod ng sasakyan. Nang matapos na ay isinara ni Eros ang pinto ng sasakyan.

“Kayo na umorder ng pagkain. Kayo na bahala pumili.” Utos ko sakanilang apat.

“Hindi ka sasama?” Tanong sa ’kin ni Caleb.

’’Hindi na, tinatamad ako eh. Pero gusto ko may cheese ha!“ Saad ko kaya tumango silang apat.

“Hintayin mo nalang kami dito.” Sabi ni Caiden saka sila nagsimulang maglakad palayo sa ’kin.

Nakatanaw lang ako sa apat kong kaibigan na papalayo na sa ’kin.

Agad akong naging alerto ng maramdaman kong may nakatingin na naman sa ’kin. Hindi ko pinapahalata na alam ko na nagtatago siya.

Naglakad lakad ako at tinungo ang medyo madilim na bahagi ng parking lot. May nadaanan akong malapad na pader kaya tinungo ko yun. Huminto ako at hinihintay ang taong sumusunod sa ’kin. Hindi naman ako nabigo dahil lumabas ang lalaki habang nag mamadaling naglalakad. Napahinto pa siya sa paghakbang ng makita niya akong nakatayo habang nakasandal sa pader.

“Why are you following me?” Walang emosyon kong tanong sa lalaki.

Halata sa mukha niya ang gulat sa ’kin. Tumingin ako sa uniporme niya, isang police officer. Agad siyang bumunot ng baril sa likod niya kaya mabilis kong sinipa ang mukha niya dahilan para mapa atras ’to.

“You’re just proving to me that you’re the one I’m looking for.” Saad niya.

“Looking?” Kunot nuo kong tanong.

“Yes. I’m looking for you for almost one week.” Saad niya.

Nakatitig lang ako sakanya, hindi ko maintindihan kung bakit niya ako hinahanap.

Bigla siyang umatake sa ’kin ng sipa ngunit mabilis ko namang nasalag. Nagulat siya sa ginawa ko. Mabilis kong itinaas ang isang kamay ko saka malakas na siniko ang binti niya kaya napasigaw ’to ng malakas. Binitawan ko ang binti niya saka mabilis akong umikot at sinipa siya sa mukha na ikinabagsak niya sa sahig.

Inayos ko muna ang buhok ko saka ako lumapit sa lalaking wala ng malay. Tinignan ko kung may id ba ang lalaking ’to. Nang may mahanap ako ay binasa ko ’to. Alam kung nakikita ni Atticus ang id dahil itinapat ko yun sa suot kong kwentas na ginagawa niya.

“Sino ’tong police na ’to?” Tanong ko. Narinig ko naman ang pagtipa ni Atticus sa keyboard niya saka tumikhim. “Lieutenant Vladimir Fyodor. Isa siya sa mga police na nag iimbistiga sa mga patayang nangyayari sa Russia, Ruwi. Mukhang pinaghihinalaan ka niya.” Saad ni Atticus sa kabilang linya.

“Should I kill him?” Tanong ko.

“Yes please, bago pa magising yan at makapag sumbong sa mga kasamahan niyang pulis.” Sagot ni Atticus.

Agad kong itinaas ang boots ko at mabilis na ibinaon sa batok ng lalaki. Matalas ang heels ko dahil may nakatagong kutsilyo dito. Hindi pa ako nakuntento ay hiniwa ko pa ang leeg niya.

Nang matapos ako ay saktong may nakita akong malaking trash bin. Kahit mabigat ang lalaki ay binuhat ko parin ’to. Agad ko siyang ipinasok sa trash bin.

Nilabas ko ang kutsilyong naka tago sa sapatos ko at sinaksak ulit ang lalaki. Nang matapos ako ay isinara ko ang trashbin.

Naglakad ako na parang walang nangyari pabalik ng kotse ko. Sakto naman na nakita ko ang mga kaibigan ko na palapit din sa kotse.

“Bakit may dugo damit mo?” Kunot nuo na tanong ni Caiden sa ’kin.

“Ketchup lang ’to.” Sagot ko saka binuksan ang pintuan ng driver seat at pumasok.

Pumasok narin ang mga kaibigan ko habang bitbit ang mga pagkain na binili nila.

Binuhay ko ang makina ng sasakyan saka ko ’to pinausad. “May binila ba kayong pagkain na may cheese?” Tanong ko sakanila.

“Meron. Yung paborito mong burger na maraming cheese.” Sagot ni Eros na nasa passenger seat.

“Nagugutom ka na ba?” Tanong ni Caleb sa ’kin. Tumango ako kaya agad na inabot ni Caleb ang burger sa ’kin.

Binuksan pa talaga yun ni Eros dahil nag mamaneho ako. Agad akong kumagat sa burger habang nakatuon ang mga mata ko sa daan.

Ilang sandali lang ay nakarating kami sa tagong bahay namin. Automatic na bumukas ang gate no’n kaya agad ko pinausad ang kotse ko papasok ng gate.

Nang makapasok ay agad ko pinatay ang makina ng sasakyan. Bumaba ako pati narin ang mga kaibigan ko na agad pumunta sa likod ng kotse para kunin ang mga pinamili namin.

Nauna nalang akong pumasok ng bahay. Lumapit ako sa elevator at akmang itatapat ko na sana ang isang daliri ko ng biglang bumukas ang pintuan. Lumabas mula do’n ang dalawang lalaking nag tra-trabaho sa bahay namin, kasama nila si Nuroi na agad ngumiti sa ’kin.

“Tapos na trabaho nila. Hinahatid ko lang.” Saad ni Nuroi na parang nabasa ang nasa isip ko. Tumango lang ako saka ngumiti sa dalawang lalaki na yumukod pa sa ’kin saka nag patuloy maglakad palabas ng bahay. Hindi naman na sumama si Nuroi palabas ng bahay.

Pumasok ako sa elevator kaya pumasok din si Nuroi saka sumara ang pinto ng elevator.

“Sirain mo ulit ang rice cooker ha!” Saad ko sa inis na boses.

Napakamot naman siya sa likod ng ulo niya. “Kasalanan nila Ruwi eh, sabi kasi nila hinuhugasan din daw yung lalagyan ng rice cooker pati na yung saksakan. Malay ko bang hindi na.” Depensa niya.

“Ewan ko sa’yo. Kawawa ang magiging asawa mo pagnagkataon. Sigurado akong babatuhin ka niya ng plato kapag ginawa mo yan.” Sagot ko kaya napanguso siya.

Bumukas ang pintuan ng elevator kaya nauna akong lumabas. Bumungad sa ’kin ang sala at nakita ang mga kaibigan ko na seryosong nagbabasa ng libro.

Sinabi ko kasi na dapat matuto sila ng iba’t-ibang lenggwahe. Mabuti nalang at sumusunod sila sa ’kin kundi pagbabarilin ko talaga sila.

Lumabas naman si Atticus sa haven niya. Tumango siya sa ’kin saka lumapit at nakipag fist bump sa ’kin.

“Malinis na.” Saad niya na tinutukoy ang ginawa ko kanina. Tumango lang ako saka lumapit sa pang isahang upuan at umupo.

A/N: Hello!

Chapter 5

Isaac’s Pov (California)

Nandito kami sa California ni Raizen para gawin ang isang mission. May kukunin lang kaming importanteng bagay na inutos ng cliente namin. Ang  sabi samin ay hindi namin kailangan pumatay pero kapag may humarang sa dinaraanan namin ay dadanak talaga ang dugo.

Sinadya namin ni Raizen na madaling araw kami aatake para medyo lutang ang mga bantay. Kinakausap naman kami ni Andrei sa earpiece namin at sinasabi kong saan kami dadaan.

“Pumasok kayo sa kwartong ’yan.” Utos ni Andrei samin.

Tumalima naman kami ni Raizen na siyang nauna sa ’kin. Dahan-dahan niyang pinihit ang siradura ng pinto saka niya ’to binuksan. Pumasok si Raizen kaya sumunod ako sakanya.

“Is this the drug?” I asked Andrei on the other line. Hindi kasi ako makapaniwala na ’tong maliit na lalagyan ay drugs ang pinapakuha samin. Kasing liit lang siya ng hinliliit ko sa paa.

“Take care of that. That drugs are too important for our client. That drug is deadly.” Sagot ni Andrei.

Agad kinuha ni Raizen ang maliit na drugs at inilagay sa dala niyang backpack. Nakahinga ako ng maluwag dahil sawakas matatapos na ang mission namin.

“May paparating.” Saad ni Andrei sa earpiece namin.

“Ilan?” Tanong ni Raizen.

“Isa lang. Patayin niyo nalang.” Walang buhay na sabi ni Andrei.

“Ikaw na pumatay, Raizen.” Saad ko kaya tumango siya sa ’kin. Naglakad si Raizen papunta sa gilid ng pinto at pumwesto do’n habang may hawak na katana.

Umupo lang ako sa mesa at hinintay na bumukas ang pinto. Ilang sandali lang ay bumukas ang pintuan at pumasok ang isang lalaki na may dalang baril. Nagulat pa ’to ng makita niya ako na na nakaupo sa mesa.

Itinaas niya ang hawak niyang baril ngunit hindi niya nakalabit ang gatilyo dahil nangisay na siya sa sahig. Nilaslasan lang naman siya ni Raizen sa leeg kaya bumagsak ’to sa sahig.

“Ano yan, manok?” Tanong ko kay Raizen dahil mukha lang siyang nag iihaw ng manok.

Hindi naman siya sumagot sa ’kin saka sumenyas na aalis na kami. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko saka naglakad, sumunod ako sa kaibigan ko na nauna ng lumabas sa ’kin.

Kalmado kaming naglalakad sa hallway ng bahay na ’to dahil alam namin hindi kami makikita sa cctv. Kontrolado kasi ’to ni Andrei.

Maingat ang mga kilos namin ng makalapit na kami sa isang kwarto. Alam kasi namin na nandoon ang ibang mga tauhan at naglalaro ng braha.

Payapa ang bahay habang naglalakad kami ni Raizen. Nakarating kami sa main door at agad kaming lumabas. Wala ang mga bantay dito dahil pinatay namin kanina nang akyatin namin ang pader. Siguro ay wala pang nakakahalata na patay na ang mga tauhan na nasa labas.

Lumabas kami ng gate at agad tumakbo para tumungo sa kotse na nakaparada sa di kalayuan.

When we arrived, I immediately got into the passenger seat. Si Raizen naman ay pumasok sa driver seat.  Agad niyang binuhay ang makina ng sasakyan at pinausad.

Tinanggal ko ang suot kong maskara habang hinahabol ang hininga ko. Maging si Raizen ay tinanggal din ang suot niyang maskara.

“Bumili daw kayo ng pasalubong sabi ni Ruwi pag uwi niyo.” Saad ni Andrei sa earpiece namin.

“Sabihin mo, bibilhan namin siya ng panty na bulaklakin.” Sagot ko kaya natawa si Andrei sa kabilang linya.

Nakarating kami sa hotel kung saan kami naka stay. Pumasok kami ni Raizen sa hotel at sumakay ng elevator. Pinindot ko kung saang floor ang room namin.

Hinihintay lang namin na bumukas ang pinto ng elevator. Nang bumukas ang pintuan ay naunang lumabas si Raizen. Sumunod naman ako sakanya habang hinihilot ko ang batok ko.

Binuksan ni Raizen ang pintuan ng room namin gamit ang key card. Nauna siyang pumasok kaya sumunod ako.

Mabilis ang kilos namin ni Raizen at inayos ang mga gamit namin. We have to leave California immediately.

Natapos akong ayusin ang bag ko kaya agad ko ’tong binitbit. Lumabas kami ni Raizen ng room at agad sumakay ng elevator.

Nang makarating kami sa lobby ay agad kaming lumabas ng hotel. Sumakay kami sa kotse at walang sinayang na oras. Baka kasi biglang malaman ng drug lord ang ginawa namin pagpasok sa kuta niya. Kaya dapat naming bilisan ni Raizen.

Mabuti nalang at may sarili na kaming private airplane. Bago lang namin ’to nabili, inuna talaga namin ’to para hindi na kami sumakay sa pampublikong sakayan.

May kinuha si Ruwi na piloto kaya wala ng problema. Hindi naman alam ng pilotong ’to ang mga gawain namin. Ang alam lang niya ay may mga negosyo kami sa iba’t-ibang bansa kaya kami pumupunta.

Mas lalo naming kailangan sumakay sa private plane lalo na’t may dala kaming drugs.

Nakarating kami kung saan kami hinihintay ng piloto namin. Wala kaming sinayang na oras at agad kaming pumasok sa loob ng airplane. Nakahanda naman na dahil nag message si Raizen sa piloto namin na ihanda ang aiplane.

Umupo agad ako at ipinikit ang mga mata. Kahapon pa kami hindi natutulog ni Raizen dahil minaman-manan namin ang kilos ng mga tauhan ng drug lord.

Uuwi na kami ng Russia at ibibigay namin kay Ruwi ang drugs para siya na ang mag abot no’n sa cliente namin. Makakapag pahinga narin ako at makakatulog ng maayos.

Salem’s Pov (Japan)

Nakahanda na kami ni Lucifier para akyatin ang gate ng target namin.

Akyat bahay ang porma ni Lucifier habang ako akyat pogi. Syempre, gwapo ako eh.

Dahan-daha akong bumaba ng gate habang si Lucifier naman ay masamang nakatingin sa ’kin.

“Ang bagal mong gago ka! Kung may kalaban lang dito.. kanina ka pa sana nabaril.” Saad niya sa inis na boses.

“Nag iingat lang ako, pre. Baka kasi magkamali ako ng tapak at mapasubosub ako. Eh ’di nasira ang gwapo kong mukha.” Depensa ko sakanya.

“Ulol! Matagal na sira mukha mo!” Pangbabara niya sa ’kin. Halata talaga na iingit ’to sa kagwapuhan ko eh. Hay.. kung pwede ko lang sana ishare ang bigay sa ’kin ng diyos, ginawa ko na sana. Pati nga ako ay hirap na hirap na sa kagwapuhan ko.

“Bilisan mo na nga dyan!” Inis na sabi sa ’kin ni Lucifier saka naunang naglakad sa ’kin.

Sumunod ako sakanya habang dahan-dahang naglalakad. Naka alerto ako habang palinga-linga sa paligid at baka may sumulpot na kalaban.

Lumapit kami sa main door ng pinto saka dahan-dahan na pinihit ni Lucifier ang siradura. Ngunit, kumunot ang nuo ko ng hindi mabuksan ni Lucifier ang pinto.

Agad ko diniinan ang earpiece ko na nasa kaliwang teynga. “Naka lock ang pinto, gago!” Saad ko kay Andrei na siyang mata namin sa mission.

“Sino ba kasing may sabi sainyong dumaan kayo sa entance? Mga hunghang!!! Sa likod kayo dumaan dahil ang daming bantay dyan sa loob naglalaro ng braha.” Sagot ni Andrei sa kabilang linya.

“Si Lucifier lang ang hunghang, gago!” Sagot ko saka tinapik ang balikat ni Lucifier.

Akmang aalis na sana kami nang biglang bumukas ang pintuan. Natulos kami ni Lucifier at hindi kami gumalaw na dalawa.

“Anatahadaredesu ka?” Biglang sabi ng lalaki samin.

Tumingin ako kay Lucifier. “Mukha ka daw suka,” saad ko sa kaibigan ko kaya pinandilatan niya ako ng mga mata niya.

“Mag seryoso ka ngang hayop ka!” Dinig kong sabi ni Andrei na halatang stress na sa ’kin.

Biglang bumunot ng baril ang lalaking nasa harap namin. Mabilis na kumilos si Lucifier at agad pinilipit ang kamay nito. Ako naman ay sinuntok ang mukha ng lalaki para hindi makasigaw.

Nawalan ng malay ang lalaki kaya binitawan ni Lucifier ang katawan nito na bumagsak sa sahig.

“Nandyan narin naman kayo, wag na kayo umikot.” Saad ni Andrei sa earpiece.

Sumilip ako sa naka awang na pintuan at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang mga lalaking nakatayo habang may hawak na samurai. Mukhang hinihintay nila kaming pumasok. “May pa welcome sila satin, pre.” Saad ko habang naka ngisi sa likod ng suot kong maskara.

“Ihanda mo na yang pangit mong mukha. Kasalanan mo ’to eh.” Sagot sa ’kin ni Lucifier.

Kipit balikat akong naunang pumasok. Nakasunod naman sa ’kin si Lucifier.

Nakatitig lang samin ang mga lalaking may samurai habang mahigpit na naka hawak sa espada nila.

Itinaas ng lalaki ang samurai na parang handa ng sumugod samin ni Lucifier. Walang pag aalinlangan kong nilabas ang dalawa kong baril na nasa likod ko saka ko sila pinaulanan ng bala. Papagurin pa nila ako makipaglaban kung pwede ko naman silang barilin. Tangina kayo ha! Tikman niyo ang hagupit ng gwapong si Salem Herreros.

Inubos ko lahat ng mga kalaban habang si Lucifier ay nakatayo lang sa tabi ko.

“Minsan talaga ang talino mo,” saad ni Lucifier kaya ngumisi ako. “Pero minsanan lang yun, hindi gumana ang katalinuhan mo ngayon. Kung di ka ba naman kalahating tanga.. baril ginamit mo eh ’di alam na ng mga kalaban na pinasok sila.” Saad ni Lucifier na halatang stress sa ginawa ko.

“Nakakatamad kasing makipaglaban. Isa pa, baka masugatan ang mukha ko.” Depensa ko kaya nanlulumong tumalikod si Lucifier sa ’kin.

“Tangina ka! Ayan na ang mga kalaban. Tatadtarin talaga kita mamaya.” Banta sa ’kin ni Lucifier saka tumakbo papunta sa mga parating na kalaban para sumugod.

Napabuga nalang ako ng hangin saka lumapit sa mga lalaking wala ng buhay. Pumulot ako ng isang katana saka ko ’to pinaikot sa kamay ko.

Tumakbo ako papunta kay Lucifier na nakikipaglaban na. Mabilis akong kumilos saka iwinasiwas ang hawak kong katana.

Sugod lang kami ng sugod ni Lucifier, walang tumitigil samin hangga’t hindi namin nauubos ang mga kalaban.

“Tumatakas si Mr. Yamada. Go to the rooftop, Salem.” Utos sa ’kin ni Andrei.

“Copy!” Sagot ko saka ibinaon ang katana sa huling kalaban ko.

Binitawan ko ang katana saka ako tumakbo patungo sa hagdan. Nakakapagod umakyat ng hagdan pero dahil alam kong gwapo parin ako kahit mukha akong pagod ay hindi na ako nagreklamo.

Naiinis pa ako kay Andrei na pinapabilis ang takbo ko at baka hindi ko daw maabutan si Mr. Yamada.

Hinihingal ako ng makarating ako sa pinto ng rooftop. Malakas kong sinipa ang pinto dahilan para bumakas ’to.

Agad akong naglakad at nakita si Mr. Yamada na naka akyat na ng helicopter. Inilabas ko ang baril ko at pinaulanan ng bala ang helicopter.

Papaalis na ang helicopter kaya nainis ako. Hindi pwedeng makawala ang target namin.

Naubos ang bala ng baril ko kaya mas lalo akong nainis. Ngunit, biglang sumulpot si Lucifier at nakita kong may hawak siyang dalawang grenade.

Napangisi ako nang ibato ni Lucifier ang dalawang grenade sa naka bukas na pinto ng helicopter na papaalis na sana. Narinig kong nag sigawan ang mga nakasakay no’n kaya mas lalo akong natawa.

Dumapa kami ni Lucifier ng marinig namin ang malakas na pag sabog.

“Nice!” Saad ko saka ako nag angat ng tingin.

“Bobo mo kasi. Nagsayang ka lang ng bala.” Sabi niya sa ’kin kaya tumawa ako.

“Bobo pero gwapo parin naman. Kahit balik-baliktarin, pogi parin ako.” Pagbubuhat ko sa sarili kong bangko.

“Oo na. Pogi ka na, kapag walang katabi.” Pagsang ayon ni Lucifier saka naunang naglakad sa ’kin. Sumunod naman ako sakanya dahil titignan namin ang bumagsak na helicopter kong nandoon ba ang bangkay ni Mr. Yamada.

Bumaba kami ni Lucifier ng hagdan. Nakatingin ako sa mga naka handusay sa sahig habang putol-putol ang katawan.

“Bakit mo naman pinutol?” Tanong ko kay Lucifier na tahimik na naglalakad.

“Trip ko lang,” walang buhay niyang sagot.

Agad kaming lumabas ni Lucifier sa bahay ni Mr. Yamada. Nakita namin ang mga taong nagkukumpulan dahil sa bumagsak na helicopter.

“Ikaw na bahala sa cctv,” saad ko kay Andrei.

“Nalinis ko na. Ako ng bahalang umalam sa kondisyon ni Mr. Yamada. Umalis na kayo dyan!” Sabi ni Andrei.

Agad naming tinungo ni Lucifier ang likod ng mansion ni Mr. Yamada.

Gustong-gusto ko ng umuwi dahil pagod na ako. Baka mabawasan ang kagwapuhan ko sa kakapuyat ko at baka tubuan ng pimples ang mukha ko. Ang mahal pa naman ng skin care ko.

A/N: Good night!❤️✨

Chapter 6

Kier’s Pov

I focused on my assignment and answered it. May pasok ako bukas at tambak ang mga project. Gusto ko sanang umabsent bukas pero pinagalitan ako ni kuya Eros.

I want to go back to my experiment room, ang dami ko pa kasing gagawin do’n. Kinuha ko ang mug na nasa gilid ng study table ko saka ko ’to inangat. Napabuga ako ng hangin dahil ubos na pala ang kape ko. 

Tumayo ako sa kinauupuan ko saka ako naglakad papunta sa pinto para lumabas ng kwarto. I headed to the kitchen and smelled the delicious aroma. 

I quickly ran to the kitchen and saw kuya Lucifier cooking. “Kuya..” tawag ko sa attensyon niya. 

Lumingon naman siya sa ’kin. “Hey!” Bati niya saka tinikman ang niluluto niya. 

“Buti naman at nakabalik na kayo ni kuya Salem sa bahay. Purgang-purga na ako sa order na pagkain.” Reklamo ko saka ako naglakad papunta sa sink at inilagay ang baso.

“Walang nagluluto?” Kuya Lucifier asked.

“Wala. Puro palpak ang luto nila. Si kuya Nuroi naman sinira ang rice cooker kaya bumili ng bago si ate Ruwi.” Sumbong ko sa nangyari.

“Bakit niyo kasi pinagsaing ang gagong yun eh hindi naman marunong yun. Nasaan ba ate Ruwi mo?‘’ He asked again.

“Umalis yun kanina. Kasama niya si kuya Caiden.” Sagot ko saka umupo sa upuan.

“Luto na ba yan kuya Luc? I’m starving.” Saad ko sabay haplos sa tyan ko.

“Hindi pa, bunso. Kunti nalang.” Sagot niya saka kumuha ng plato at inilapag yun sa harap ko. 

“Kailan kayo dumating ni kuya Salem?” I asked as I stood up to get spoon and fork.

“Awhile ago.” Tipid niyang sagot.

“Where’s kuya Salem anyway?” I asked him.

“Nasa brief niya.” He answered sarcastically. 

“Whatever. Luto na ba kuya?” Pag-iiba ko sa usapan.

“Luto na. Umupo ka nalang dyan.” Utos sa ’kin ni kuya Lucifier.

Habang hinihintay ang ulam ay bigla namang pumasok si kuya Salem sa kusina. “Hi, bunso!” Bati niya sa ’kin saka umupo sa katapat kong upuan. “Sarili ko lang ang pasalubong ko sa’yo. Alam ko naman na mukha ko palang, sapat na.” Pagbubuhat niya sa sariling upuan.

“Maghugas ka ng pinggan mamaya. Dami mong satsat.” Sabat ni Lucifier saka inilapag ang niluto niyang ulam sa mesa.

“Tangina! Hindi pa nga ako kumakain, pinapahugas na ako ng pinggan agad.” Reklamong sabi ni kuya Salem.

Kumuha pa ng plato si kuya Lucifier saka niya inilapag yun sa harap ni kuya Salem. Umupo narin si kuya Lucifier kaya sabay na kaming tatlo kumain.

“Kamusta mission niyo?” Tanong ko sakanilang dalawa.

“Ayos naman. Sobrang dali lang naman.” Sagot ni kuya Salem saka sumubo ng pagkain.

“Mas gusto ko pang gumawa ng mission kaysa mag-aral.” Kuya Lucifier said while chewing his food.

“Tinatamad akong gumawa ng mission, mga kuya. Nakakapagod kaya makipag laban.” I said.

“Ganyan nga. Mag focus ka nalang sa pag-aaral mo saka sa pag gawa ng mga bomba. Do’n palang malaking bagay na yun sa grupo.” Saad ni kuya Salem.

I nodded and continue eating my food. Tahimik lang kami kumakain hanggang sa matapos kaming kumain tatlo. 

Tumayo ako sa kinauupuan ko saka tumulong sa paglilinis. Si kuya Salem ang naghuhugas ng pinggan habang ako naman ay nagpupunas ng mesa. Si kuya Lucifier naman ay nakaupo lang sa upuan habang hawak ang kanyang cellphone.

Nang matapos ko gawin ang duty ko sa kusina ay nag paalam na ako sa dalawa na babalik na ako sa kwarto ko. Naalala ko pa kasi na ang dami kong gagawin. Ang hirap maging estudyante. Kung pwede lang maging hotdog sa ref, baka ginawa ko na. 

Andrei’s Pov

Tahimik akong nagmamaneho ng kotse pauwi ng bahay. Galing ako sa isang computer shop dahil may inutos si Atticus sa ’kin. 

Dumaan narin ako sa sikat na cake shop dito sa Russia at umorder ng tatlong box ng cake. Kung isa lang ang bibilhin ko ay malamang kulang lang sa mga kaibigan ko. 

Palapit ako ng palapit sa bahay namin ng may mapansin akong lalaking nakatayo sa tabi ng malaking puno. Hindi ko makita ang mukha niya dahil para ’tong nag tatago. Nakasuot ’to ng jacket at palinga-linga sa paligid. 

Ibinalik ko ang tingin sa harap saka pinaharurot ang kotse. Iikot na muna ako at hindi muna dederitso ng uwi sa bahay. May masama akong kutob sa taong yun. Masyadong tahimik ang lugar namin at walang masyadong kabahayan kundi puro puno kaya nakakapagtaka ang taong yun.

Parang meron siyang minamanmanan.

Agad kong kinuha ang earpiece ko saka ko pinindot ang relo na bagong gawa ni Atticus. Tumawag ako sa telephone ng bahay dahil baka lumabas si Atticus. 

Ilang beses nag ring ang telephone bago tuluyang may sumagot sa kabilang linya. “Sino ’to?” Sigang tanong ni Lucifier. Alam kong siya ang sumagot dahil sa boses ng gago.

“This is Andrei. Can you check the cctv footage outside.” I said. Hindi siya sumagot da kabilang linya pero naririnig ko ang ginagawa niya.

“What is it? May nakita ka bang kakaiba?” Tanong ni Lucifier sa ’kin. 

I focus my eyes on the road while listening to Lucifier. “Wala naman akong nakitang kahinahinala, ay wait.. sino ’tong gagong ’to.” Biglang sabi ni Lucifier. 

“Did you see it?” I asked him.

“Yeah. Should I kill him or what?” Tanong niya sa ’kin.

“Sino ba kasama mo sa bahay?” Tanong ko.

“Kier and si bagyo,” sagot niya agad.

“Tawagin mo si Salem. Sabihin mo dumaan siya sa likod. May pwede siyang daanan do’n kung saan naka pwesto ang taong yan. Hulihin niyo muna at wag niyong sasaktan hangga’t hindi natin alam kung anong motibo niya.” Utos ko saka ko pinatay ang tawag.

I turned the steering wheel to go back. Nilagpasan ko muna kasi kanina ang bahay namin para matawagan ko si muna ang taong nandoon sa bahay namin.

Mas lalong kong binilisan ang pagpapatakbo ng kotse. Natatanaw ko na ang bahay namin at nakita si Lucifier at Salem na hawak na ang taong nakita ko kanina. Kinakaladkad pa talaga ’to ni Lucifier na walang kahirap-hirap hindi alintan ang bigat ng taong nahuli nila.

Itinigil ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada saka ko pinatay ang makina ng sasakyan. Bumaba ako ng kotse kaya napatigil si Salem at Lucifier.

“Confirm, buddy. Spy nga.” Saad ni Salem nang makalapit ako sakanila.

“Pano mo nalaman?” Kunot nuo kong tanong saka tumingin sa lalaking wala mg malay at puno ng dugo ang mukha dahil siguro sa suntok ni Lucifier.

“Hula ko lang,” walang buhay na sagot ni Salem.

“Siraulo ka! Ano ka si madam Auring?” Inis kong sabi. Sabi ko alamin muna nila kung spy bago nila bugbugin. Mga tarantado talaga!

“Tatakas eh, tsaka hindi naman ako ang bumugbog dyan! Si Lucifier sisihin mo.” Depensa niya sa sarili niya habang tinuturo si Lucifier.

“Tulungan niyo na nga akong buhatin ang taong ’to. Hindi ko naman tinuluyan, humihinga pa yan nawalan lang ng malay.” Saad ni Lucifier kaya agad akong lumapit sa lalaking hawak ni Lucifier. Tinulungan ko si Lucifier na buhatin ang lalaki.

Hinagis ko naman kay Salem ang susi ng kotse ko. “Ipasok mo kotse ko sa loob ng gate. Hindi na ako lalabas.” Utos ko sakanya kaya tumango siya.

Naglakad kami ni Lucifier habang hila-hila ang taong walang malay. Dumaan kami sa sikretong daanan namin, hindi kami dumaan sa entrance at baka nagkukunwari lang walang malay ang taong ’to. Mabuti ng mag-ingat. Baka sinadya niyang magpahuli para makakuha ng impormasyon samin.

Pumasok kami ni Lucifier sa dungeon habang hila-hila parin ang bihag. Pinagawa ’to ni Ruwi para dito kami parurusahan kong sakaling may lumabag sa batas na ginawa niya na sinang ayunan naman naming lahat. May maliit din kaming kulungan at talagang hindi mo gu-gustuhing makulong do’n dahil sobrang dilim, walang liwanag dahil walang bintana do’n. 

Sa ngayon ay wala pa naman samin ang nakukulong do’n. Kaya kahit anong mangyari, hindi ako lalabag sa batas na ginawa ni Ruwi. Patunay yun na ginagalang ko ang nag-iisa naming babae. 

Pabagsak naming binitawan ang lalaki sa sahig. Inikot ko pa ang balikat ko dahil sa bigat ng lalaki. Napasunod ang tingin ko kay Lucifier ng makita ko siyang lumapit sa kadena na naka sabit sa mga bakal. Hinila niya ang kadena saka itinali sa mga paa ng lalaki. Ang kamay naman nito at itinali din sa kadena para hindi makawala. 

Caiden’s Pov

I just followed Ruwi while walking slowly. We’re spying on a big syndicaye here in Russia. 

Wala kaming balak sumugod dahil inaalam pa namin ang pasikot-sikot ng mga tauhan na nakabantay sa loob. Kailangan lang namin mailagay ni Ruwi ang maliit na cctv na inabot ni Atticus samin kanina bago kami umalis. 

“Pwede na siguro natin dito ilagay yung device.” Biglang sabi ni Ruwi sa ’kin.

I nodded. Binuksan ko ang dala kong bag saka ko kinuha ang device na inilagay ko sa panyo para hindi mahulog. Masyado kasing maliit ’to at baka masakal pa ako ni Ruwi kong pumalpak ako. 

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pader at iniiwasan ang umiikot na cctv para hindi ako mahagip. Mabilis ang kilos ko na idinikit ang maliit na device sa pader saka ako tumakbo pabalik kung nasaan si Ruwi.

“Kailangan na nating umalis dito,” saad ni Ruwi kaya tumango ako. 

Naunang naglakad si Ruwi kaya sumunod ako sakanya. Ingat na ingat kami dahil teretoryo ’to ng kalaban. Hindi namin alam at baka may mga patibong pala sa paligid at aksidente naming matapakan ni Ruwi. Tagong lugar din kasi ’to at puro puno ang nakapaligid. Katulad ’to sa bahay namin pero ang pinagkaibahan lang ay may mga kapitbahay parin naman kami pero malalayo ang pagitan.

Hindi katulad dito na sakanila talaga ang lupa kaya kailangan mag-ingat. 

Tinahak namin ang makipot na daan para makalabas. Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas na kami ni Ruwi ng tuluyan. 

Mabilis ang ginawa naming hakbang para makarating kami sa kotse kung saan namin iniwan. Pumasok si Ruwi sa passenger seat kaya tinungo ko ang driver seat. 

Tinanggal ko ang suot kong maskara pati narin si Ruwi. Binuhay ko agad ang makina ng kotse saka pinausad ’to. 

“Sino ang susugod do’n kung sakali?” Tanong ko kay Ruwi habang nakatuon ang mga mata ko sa daan.

“Masyadong malaki ang syndicate na yun. Kailangan marami, hindi lang dalawa ang gagawa ng mission.” Sagot ni Ruwi kaya tumango ako. “By the way, mauna ka ng umuwi sa bahay. May dadaanan lang muna ako.” Saad niya. 

“Saan ka pupunta? Pwede naman kitang samahan.” Kunot nuo kong sabi habang palipat-lipat ng tingin kay Ruwi at sa daan.

“Basta. Idaan mo nalang ako sa Nizhny.” Sabi niya saka kumuha ng bottled water at binuksan yun.

“Susunduin ba kita mamaya?” Tanong ko.

“Wag na! Mag ta-taxi nalang ako pauwi.” Sagot niya pagkatapos uminom ng tubig.

“Saan ka ba kasi pupunta? Baka naman may makakilala sa’yo. Alam mo namang maraming tumutugis ngayon satin.” Seryoso kong sabi. Napanood kasi namin ang isang news kagabi. May isang tauhan sa pinasok namin n’ong nakaraang may mission ang grupo. Initerview siya ng mga pulis at sinabi ang mga hitsura ng sumugod sakanila. Sinabi lang naman nito na naka suot ng maskara na puti habang naka suot ng hoodie jacket. Kaya ingat na ingat kami ngayon.

“May bibilhin lang ako. Hahanapin ko pa kasi kaya baka matagalan ako. Uuwi din ako agad kaya wag ka mag-alala sa ’kin.” Saad ni Ruwi saka tinapik ang balikat ko. 

Hindi ako sumagot at mas lalong binilisan ang pagpapatakbo ng kotse. Ilang sandali lang ay nakarating kami sa Nizhny. 

Iginilid ko ang kotse saka huminto. Binuksan naman ni Ruwi ang pintuan ng kotse. Ginulo niya buhok ko saka tuluyang bumaba ng sasakyan. 

Nakasunod lang ang tingin ko kay Ruwi na naglalakad palayo. Bumuga ako ng hangin saka ko pinausad muli ang sasakyan. 

Tatawagan ko nalang si Atticus para sabihing hindi kami magkasama ni Ruwi. Mas mabuti ng may nakabantay kay Ruwi at baka mapahamak pa ang nag-iisa naming babae.

Chapter 7

R

uwi’s Pov

Naglalakad ako papunta sa shop na pinagawan ko ng maskara. Pinauwi ko na si Caiden sa bahay dahil baka matagalan pa ako. 

Balak ko kasing palitan ang maskara ng mga kaibigan  ko. Gusto kong palagyan ng manipis na tela sa may bandang mata para hindi talaga kami makilala. 

Habang naglalakad ako sa tahimik na lugar ay palinga-linga ako sa paligid. Nagpatuloy lang ako sa paghakbang dahil medyo tago ang shop na ’to. Marami ding puno at merong makitid na hagdan paakyat dahil nasa tuktok ng kunti nakatayo ang shop nila. 

Nakarating ako sa dulo ng hagdan at bumungad sa ’kin ang palaruan na wala man lang ka tao-tao. Napapalibutan kasi ang lugar na ’to ng mga kahoy at malalabong na mga damo. Nag patuloy ako sa paglalakad ng may mapansin akong sumusunod sa ’kin. Pinakiramdaman ko lang ang galaw ng taong nakasunod sa likuran ko.

I was just waiting for that person to attack me. 

Hindi ako nabigo at narinig ko ang yapak niya na tumatakbo palapit sa ’kin. Agad akong humarap at nakita ang naka angat niyang binti at handa ng sipa-in ako. Nahuli ko ang paa niya at hinawakan ko ’to ng mabuti saka ko sinipa ang tagiliran niya. 

Binitawan ko ang paa niya saka ulit ako sumipa na tumama sa dibdib ng lalaki. The man was wearing a black leather jacket. His tall and obviously had a muscular body. Halatang banyaga ang lalaki dahil narin sa kulay abo niyang mga mata.

Napa atras siya habang sapo ang tinamaan kong dibdib niya. Nakahanda ang kamao ko habang hinihintay na umatake siya sa ’kin. 

“Who are you? Why are you attacking me?” I asked him. 

He just grinned at me. “I know who you are. Finally, we met, leader of Crimson Blade.” Nakangisi niyang sabi. “Ready to die?” Tanong niya sa ’kin.

Ngumisi ako. “Try, if you can.” Panghahamon ko sakanya.

Tumakbo siya palapit sa ’kin at malalakas na sipa at suntok ang pinapakawalan niya. Mabuti nalang at nasasalag ko lahat ng atake niya. Mabilis din ang lalaking ’to at nasasabayan ang atake ko. Ibinalik ko sakanya lahat ng atake niya sa ’kin at malakas na sinuntok ang lalamonan niya kaya napa-atras ’to at napa-ubo.

Nakatitig lang ako sakanya habang sapo-sapo niya ang kanyang leeg na sinuntok ko. Tangina! Kung sino man ang hinayupak na ’to ay kailangan niyang mawala sa landas namin. Hindi naman siguro niya ako aatakehin kung hindi niya ako kilala. 

Mukhang naka bawi na siya sa suntok ko kaya umatake na naman siya sa ’kin. Napapa-atras din ako dahil ang lakas niyang sumipa. Naiirita na ako sa lalaking ’to at gusto ko na siyang gilitan sa leeg. 

Walang tigil kaming dalawa sa pag atake sa isa’t-isa. Walang gustong magpatalo samin dalawa. Pumasok sa isipan ko ang kutsilyo na nakatago sa suot kong boots. Mabilis ang ginawa kong kilos at kinapa ang kutsilyo sa boots ko saka ako umatake ulit. Tinamaan ko siya sa braso kaya napa-atras siya. 

Akmang aatake na sana ako sa lalaki ng biglang may nag paputok ng baril sa gawi namin. Sabay kaming dalawa lumingon at nakita ang mga pulis na papalapit samin. May nakatayong isang pulis sa di kalayuan at akmang pauulanan na naman kami ng bala. Mabilis kong ibinato ang hawak kong kutsilyo sa pulis at saktong tumarak ’to sa mukha niya kaya bumagsak siya sa lupa. 

“Nice shot!” Saad ng lalaking na kalaban ko kanina. 

“Don’t talk to me, motherfucker!” Sagot ko saka nagmamadaling umalis dahil malapit na ang iba pang mga pulis. Wala akong palanong makipag patayan sakanila lalo na’t wala akong suot na maskara. 

Pumasok sa isipan ko kung bakit nandito ang mga pulis. Napamura ako sa isipan ko ng mapagtanto ko na baka tumawag ng parak ang shop na pinagawan ko lalo na’t may nakapag sabi sa mga pulis na may suot na maskara ang mga taong pumapatay. Kaya siguro sila pumunta dito para i-corner ako. Dumagdag pa ang lalaking umatake din sa ’kin. 

Tumatakbo ako sa ibang deriksyon para makatakas. Medyo masukal ang dinadaanan ko ngunit wala na akong pakialam. 

“Hey!” Tawag sa ’kin kaya lumingon ako at nakita ang lalaking nakalaban ko. Tumatakbo din siya kaya naguguluhan ako. Nagtataka ako kung sino ba talaga ang hinahabol saming dalawa. 

Tumakbo ulit ako at hinayaan ang lalaki. Mag kanya-kanya kaming dalawa dahil hindi ko naman siya kilala. Tinungo ko ang kaliwang bahagi ng gubat at halos mapamura ng makita kong may parating din na mga pulis. Humarap ako para sana puntahan ang kanang bahagi ng gubat ng may biglang humawak sa kamay ko. 

“This way!” Sabi ng lalaking nakalaban ko kanina.

Nandidiri akong hinila ang kamay ko dahil hawak niya ’to. “Don’t touch me.” Inis kong sabi sa lalaki saka tumakbo. Kasabay ko siyang tumatakbo at hindi ko parin alam kung sino ba talaga ang hinahabol samin dalawa.

Napatigil kaming dalawa ng lalaki ng makita namin na may palapit din na mga pulis sa dadaanan sana namin. “Fuck!’ Dinig kong sabi ng lalaki. 

“Ang lakas ng loob atakehin ako eh mukha ka din namang kriminal.” Sabi ko sa mahinang boses. Malakas ang loob ko magsalita dahil alam kong hindi niya ako naiintindihan.

“Kriminal ka din naman,” sagot niya sa sinabi ko kaya nanlaki ang mga mata kong tumingin sa lalaki. “Gulat ka no? Hindi lang ikaw ang nagtatagalog.” Naka ngisi niyang sabi.

“Gago! Ngumisi ka lang dyan.” Saad ko saka tumakbo at iniwan siya. 

“Sandali lang..” pigil na naman niya sa ’kin.

Tumingin ako sa mga pulis na parang may hinahanap. 

“Ano bang sasabihin mong gago ka! Sabihin mo na agad at ang daming kalaban.” Inis kong sabi sa lalaki.

“Wala tayong malulusutan. Napapalibutan nila ang gubat.” Sagot niya sa seryosong boses.

“And?” Naka taas kong kilay na tanong.

Hinila ako ng lalaki kaya napayuko kaming dalawa. Panay ang silip niya sa pinagtataguan naming malaking kahoy.

“Looks like we need to work together.” Sabi niya sa ’kin.

“Fuck you! Matapos mo akong atakehin kanina sasabihin mo yan.” Inis kong sabi.

“Malaki naman talaga ang kasalanan ng grupo mo sa grupo ko. Tinutugis ka ng lahat ng myembro ng Dark Dagger para sa kaalaman mo.” Seryoso niyang sabi.

“Ahh.. myembro ka ng Dark Dagger, isang asassination na mahihina. Kaya naman pala malamya ang suntok mo.” Pangbabara ko sakanya kaya masama niya akong tinignan.

“Kapag nakatakas tayo dito, isasama kita sa teritoryo ng grupo namin para makabawi kami sa’yo.” Banta niya sa ’kin.

“Talaga lang ha! Para sa kaalaman mong myembro ng Dark Dagger, kaya kong tumakas dito. Hindi ko kailangan ng tulong mo.” Saad ko saka ako tumayo. Ngunit agad akong napayuko ulit ng mag paputok ng baril ang mga pulis.

“Kaya pala ha!” Naka ngisi niyang sabi sa ’kin. “Look, pareho lang tayong kriminal. Kaya malamang tayong dalawa ang tinutugis nila. Kung magtulungan tayo makakalabas tayo sa gubat na ’to.” Sabi niya. “Ano? deal?” Tanong niya ulit sa ’kin.

Napabuga ako ng hangin dahil mukhang wala akong choice. “Fine. But only for now.” Sagot ko.

Tumango siya saka inilahad ang kanyang kamay sa harap ko. “Thaddeus Montellion.” Pagpapakilala niya.

Hindi ko tinanggap ang kamay niya na nasa harap ko. “I don’t do shake hands. Ruwi.” Sabi ko kaya tumawa siya ng mahina. 

May kinuha siya sa loob ng leather jacket niya at inilabas ang dalawang maliit na kutsilyo. “Here, umatake tayo habang nagtatago sa mga damuhan at patay na mga dahon.” Sabi niya kaya agad kong tinnanggap ang isang kutsilyo. 

“Matalas ba naman ’to?” Tanong ko sakanya.

“Try mo isaksak sa sarili mo para malaman mong matalas.” Pangbabara niya sa ’kin. 

Inirapan ko siya. “Eh kung ikaw kaya saksakin ko.” Banta ko sakanya.

“Saka mo na ako saksakin kapag naka labas tayo. Padamihan nalang muna tayo ng papatayin.” Naka ngisi niyang sabi. 

Tumango ako saka ako gumapang sa damuhan na maraming mga patay na dahon. Naghiwalay kami ni Thaddeus ngunit natatanaw ko parin siya. 

Kailangan lang talaga may maagaw akong baril para mabilis kong mapatumba ang mga pulis.

Nagtatago ako sa mga dahon at hindi alintana na madumihan ako. Hinintay ko lang na may lumapit dito kung saan ako nakahiga habang nagtatago sa mga dahon. Nag effort pa talaga akong ikalat ang dahon sa katawan ko. 

Ilang sandali lang ay sumenyas si Thaddeus sa ’kin na nagtatago din sa mga sanga na nag kalat sa lupa. 

Naging alerto ako ng may  marinig akong yapak na papunta sa ’kin. Nakita ko ang sapatos ng isang pulis hanggang sa tumapat ’to sa braso ko. Pinagmasdan ko ang pulis na palinga-linga sa paligid habang ang hawak niyang baril ay nakatutok. Mabilis kong isinaksak sa sapatos niya ang hawak kong kutsilyo saka ko ’to hinugot at hiniwa ang binti niya kaya bumagsak siya sa lupa. Bumangon ako mula sa pagkakahiga saka ko nilaslas ang leeg niya para hindi siya maka gawa ng ingay. 

Kinuha ko agad ang baril na nabitawan niya sa lupa saka ako tumakbo papunta sa malaking puno. Sumilip ako saka ako nag paputok ng baril sa mga pulis. Wala akong sinayang na bala at lahat ng yun ay sinisigurado ko na ta-tama sa kalaban. 

Nakita ko si Thaddeus na nakikipag laban na din at nang aagaw ng baril. Nakita kong may pulis na handa ng barilin si Thaddeus kaya agad kong inasinta ang nuo ng pulis saka ako nag pakawala ng bala na ikinabagsak ng pulis. 

Lumingin si Thaddeus sa pulis na bumagsak sa lupa saka siya tumingin sa ’kin sabay kindat. Pasalamat talaga ang gagong ’to at niligtas ko pa siya.

Madami-dami pa kaming kailangan bagsakin. Gusto ko lang naman sana kunin ang maskarang pinagawa ko pero ’to lang pala ang mangyayari. Humanda sa ’kin ang shop na yun. 

Atticus’s Pov

Mag gagabi na pero hindi parin nakaka uwi si Ruwi. Sa kasamaang palad pa ay iniwan ni Ruwi ang kwentas na ginawa ko sa kotse ni Caiden. Napagalitan ko si Caiden dahil hindi man lang niya napansin na walang suot si Ruwi na kwentas.

Nandito ako sa haven ko at sinusubukang hanapin si Ruwi kung saan siya ibinaba ni Caiden kanina. 

Na bwesit ako sa mga cctv sa kalsada dahil puro sira. Nahampas ko tuloy ang keyboard ko dahil sa inis ko.

“Hindi ko parin ma-contact ang cellphone niya. “ Saad ni Lucifier na kasama ko sa haven ko.

“Keep trying. Don’t stop until Ruwi answered your fucking call.” I said seriously. Kanina pa talaga ako nag-aalala sakanya. 

Umalis din sila Nuroi, Caiden at Isaac para hanapin si Ruwi. Si Andrei naman ang mata ng tatlo at baka may biglang kalaban.

Nagti-tipa ulit ako sa keyboard ng biglang bumukas ang pintuan ng haven ko. 

“The hell, Ruwi! Gusto mo ba kaming mabaliw kakahanap sa’yo.” Dinig kong sabi ni Lucifier kaya napalingon ako at nakita si Ruwi na madumi ang damit at gulo-gulo ang buhok. 

“Where the hell have you been, Ruwi?” Tanong ko habang nagtitimpi ng galit dahil sa ginawa niya.

“I’m sorry kung pinag-alala ko kayo. May naka encounter lang ako kanina na mga parak kaya natagalan akong makauwi.” Sagot niya kaya pilit kong pinapakalma ang sarili ko. 

“Tatawagan ko lang sila Caiden.” Saad ni Lucifier saka naglakad palabas ng haven ko. 

Naiwan kami ni Ruwi sa loob. Napabuga ako ng hangin ulit habang nakatitig sa hitsura ni Ruwi. Madungis din ang mukha nito na parang nang galing sa lupa. “Hindi ba’t sabi ko sa’yo na wag mong tatanggalin ang kwentas mo. Para madali ka naming mahanap.” Saad ko.

“Sorry. Hindi ko na uulitin.” Panghihingi niya ng tawad pero halatang labas sa ilong. 

“Maligo ka na. Ang baho mo.” Pag-iiba ko sa usapan kaya napakamot siya sa ulo niya saka siya tumalikod sa ’kin at nagsimulang naglakad palabas ng haven ko.

Pumasok sa isipan ko na gagawan ko pa ng tracking device si Ruwi in case na mahulog o maiwan niya ang kanyang kwentas. Naisip ko na gawan ko siya ng white card at do’n ko ilalagay ang maliit na device. I just want to make sure na walang mangyaring masama sakanya kaya ko ’to gagawin.

Chapter 8

Aizen’s Pov

Wala kaming mission ngayong araw kaya nasa school kami. Lunch time na kaya sabay-sabay kaming kumain ni Lucifier, Salem, Levi at Isaac. Ang iba naming kaibigan ay hindi pa dumarating kaya nauna na kaming kumain.

“Mamatay yata ako sa pag aaral mga pre. Tangina! Gusto ko nalang maging artista total gwapo naman ako.” Sabi ni Salem habang punong-puno ang bibig ng pagkain.

Hindi ko nalang pinansin ang kahanginan niya dahil mauubos lang lakas ko sa kanya. Sunod-sunod ang subo ko dahil may quiz kami mamaya. Hirap na hirap kami pero pinagpupuyatan namin ang mga lesson na binibigay sa’min. Hindi din  kami tumitigil sa pag-aaral ng iba’t-ibang lenggwahe. 

Tahimik kaming kumakain ng mapansin namin ang babaeng naglalakad papunta sa table namin. Si Salem lang yata ang tuloy-tuloy ang subo at walang pakialam sa babaeng palapit sa’min.

“Maganda ahh..” sabi ni Lucifier na wala ng ginawa kundi maghanap ng magaganda sa school.

Nag angat naman ng tingin si Salem at agad nalukot ang mukha. “Sa’n naman banda ang maganda dyan?” Tanong ni Salem na halatang hindi nagustuhan ang nakita.

“Yung babae. Maganda naman ahh.” Sagot ni Lucifier.

“Maganda nga pero nakakasawa ang mukha kapag matagal titigan.” sabat ko sa usapan. 

“Ang kulit ng babaeng yan.” Nakasimangot na sabi ni Salem.

“Bakit?” Tanong naman ni Levi. 

“Nagpapansin sa ’kin palagi. Lagi pa akong tinatabihan sa classroom. Nakakairita!” Sabi niya na halatang naiinis.

Mahina akong natawa dahil first time ko siyang makita na ganun ang itsura niya. Lagi kasi siyang nakangiti at pinagmamayabang ang kagwapuhan niya. 

“Eh ’diba gustong-gusto mong pinapansin ang kagwapuhan mo? Eh bakit naiinis ka ngayon sa babae?” Tanong ni Isaac saka kinuha ang natitira kong ulam kaya masama ko siyang tinignan.

“Paanong hindi maiinis, eh nililigawan ako ng babae.” Sabi niya kaya sabay-sabay kaming napangiwi ng mga kaibigan ko. 

“Totoo ang sinasabi ko. Hindi ako nagyayabang this time. Kaya inis na inis ako sa babae. Sinabihan ko naman siya na wala akong plano makipag relasyon sa kahit na sino pero kinukulit parin niya ako.” Sabi niya sa’min ng makita ni Salem ang mga reaction namin. “Yang sandwich na kinakain mo,” sabi niya kay Lucifier habang tinuturo ang sandwich na nilalantakan nito. “Sa kanya galing yan kaya ko nga binigay sa’yo eh. Baka mamaya may nilagay siyang gayuma dyan at magkagusto ako. Wag na uy!” Sabi niya kaya napa-iling ako.

Napatigil kami sa pag-uusap ng makalapit ang babae sa table namin. Matamis siyang ngumiti sa’min saka niya ibinaling ang tingin kay Salem. “Hi! I’m Scarlett Galvantez.” Pagpapakilala niya sa’min.

Walang nagsalita sa’min dahil wala naman din akong pakialam sa babaeng ’to. Si Lucifier naman ay tawang-tawa sa itsura ni Salem. Si Isaac naman ay kumakain lang habang si Levi ay kinuha ang cellphone niya habang kunwaring may ka text. Mga gago talaga!

Tumikhim ang babae siguro ay napahiya siya sa ginawa namin. “Ahm.. pwede ba akong maki join sa lunch niyo? I’m a Pilipina kasi, nalaman ko na pilipino si Salem kaya inaasahan ko na mga pilipino din kayo.” Sabi ni Scarlett s’amin. Nagkatinginan tuloy kami nila Lucifier at Levi.

“Sure. Umupo ka.” Saad ni Salem na ngumiti pa kay Scarlett, pero halatang peke ang ngiti niya. 

Agad naman nag ningning ang mukha ni Scarlett at agad umupo sa bakanteng upuan na katabi ni Salem. “Thank you.” Sabi pa ng babae. 

Tumingin si Salem sa’min kaya napakamot nalang ako sa ulo ko. Gago talaga ’to. Sinenyasan niya kasi kami na tumayo na at aalis na daw kami. 

Tumayo si Salem sa kinauupuan niya kaya tumayo narin ako at ang iba ko pang kaibigan. “Enjoy eating your lunch, Ms. Galvantez.” Sabi ni Salem sa babae at naunang naglakad. Nakita kong nawala ang ngiti ng babae dahil sa sinabi ni Salem.

Sumunod nalang ako sa mga kaibigan ko. Habang naglalakad kami ay tinutukso namin si Salem kaya inis na inis siya samin. 

“Ano ba! Wag niyo nga akong tuksuhin. Hindi ko naman type ang babaeng yun.” Galit niyang sabi sa’min. Asar talo ang gago. Ipagyayabang na naman niya na mahirap maging pogi.

KIER’s Pov

Wala akong klase ngayon kaya nandito lang ako sa bahay. Kasama ko si ate Ruwi at kuya Raizen. Yung iba kong mga kuya ay nasa school pa. 

Nanonood lang ako ng movie sa sala ng lumabas si ate Ruwi sa kwarto niya. Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya na nakasuot lang ng bra at jogger pants. Napailing nalang ako dahil sanay na sanay talaga siyang hindi nag dadamit ng pang itaas.

Lumapit sa ’kin si ate Ruwi saka umupo sa tabi ko. “Wala kang pasok?” Tanong niya saka ginulo ang buhok ko.

“Wala po, ate.” Sagot ko saka ibinalik ang tingin sa pinapanood ko. 

“Baka naman tinamad kang pumasok.” Sabi niya kaya tumingin ako sa kanya.

“Hindi po ahh.. hindi ko sasayangin ang binibigay mo sa ’kin na baon, ate.” Sagot ko kaya ginulo na naman niya ang buhok ko.

“Kagigising ko lang eh. Sino kasama natin sa bahay?” Tanong niya.

“Si kuya Raizen po. Nasa dungeon po siya.” Sagot ko kaya kumunot ang noo niya.

“Anong ginagawa niya do’n?” Tanong niya na halatang nagtataka.

“May na huling bihag si kuya Salem at kuya Lucifier po ate kahapon. Dinala nila sa dungeon.” Sagot ko kaya agad na tumayo si ate Ruwi sa kinauupuan niya. 

Tumayo narin ako saka ko pinatay ang pinapanood ko. Sumunod ako kay ate Ruwi pero dumaan muna ako sa kwarto niya. Siya naman ay deri-deritsong naglakad. Pumasok muna ako sa kwarto ni ate Ruwi saka kumuha ng damit niya. Baka kasi makita ng bihag namin ang katawan niya. Hindi naman kami papayag no’n. 

Lumabas agad ako ng kwarto ng makakuha ko ng damit niya. Sumunod ako sa dungeon at nakita si ate Ruwi na papasok na sana. 

Tumakbo ako para maabutan ko siya. “Ate Ruwi!” Tawag ko sa kanya kaya napahinto siya. Lumapit ako sa kanya at inabot ko ang dala kong damit. 

“Oh, thank you!” Sabi niya saka kinuha sa ’kin ang damit at sinuot. 

Binuksan ko ang pintuan ng dungeon saka pinauna si ate Ruwi. Pumasok siya kaya sumunod ako. 

Naabutan namin si kuya Raizen na nakatayo habang nakatingin sa bihag na naka kadena. 

Lumingon si kuya Raizen sa’min habang naglalakad kami papasok. “Ayaw mag salita ng bihag, Ruwi.” Sabi ni kuya Raizen.

Napadako ang tingin ko sa bihag at nakitang wala ’tong malay. Puro dugo din ang mukha niya pati narin ang sahig kung saan siya nakahiga. Mukhang ginulpi na naman yata ni kuya Raizen.

Hindi nagsalita si ate Ruwi at nilapitan ang bihag na nakahandusay sa sahig. Nakatitig lang siya mukha ng lalaki saka siya tumingin kay kuya Raizen.

“Wag niyo masyadong bugbugin,” sabi niya lang saka naglakad at nilagpasan kami ni kuya Raizen. Nagkatinginan pa kami ni kuya dahil sa sinabi ni ate Ruwi. 

“Tama ba ang narinig ko, bunso?” Tanong ni kuya Raizen sa ’kin.

Tumango ako. “Opo, kuya. Sabi ni ate Ruwi wag mo daw masyadong bugbugin.” Sagot ko habang natataka.

“Exactly. Hindi ba dapat ang sabihin niya ay patayin na ang taong ’to. Pero bakit ayaw niyang ipabugbog.” Nagtatakang sabi ni kuya Raizen.

Hindi ako sumagot dahil hindi ko naman alam ang sagot sa tanong niya. 

Lumabas na lang kami ni kuya Raizen sa dungeon. Tinungo namin ang sala dahil akala namin ay nando’n si ate Ruwi. Ngunit wala siya do’n, siguro ay nasa kwarto niya kaya hinayaan nalang namin ni kuya Raizen. 

Ruwi’s Pov

Pumasok ako sa kwarto ko pagkagaling ko sa dungeon. Naabutan ko pa ang cellphone ko na nag iingay sa bedside table  kaya agad akong lumapit at kinuha yun.

Napa-iling ako ng makita ko ang pangalan na delivery boy. Sinagot ko ang tawag niya at agad na itinapat ang cellphone sa kaliwa kong teynga. 

“Hello, Mr. delivery boy!” Bati ko sa kanya. 

“Tangina! Kailan pa ako naging delivery boy!” Inis niyang sagot sa ’kin. “Yung kasamahan ko, Ruwi. Binahag niyo! Pakawalan mo siya.” Sabi niya sa seryosong boses.

“Lampa talaga grupo mong tangina ka! Ayon bugbog sirado sa mga kasamahan ko. Kung ’di ba naman kasi tanga at pumunta punta dito sa teritoryo namin.” Sagot ko sa bored na boses. Mahina akong natawa ng murahin niya ako sa kabilang linya.  Hindi ko alam sa lalaking ’to pero gustong-gusto ko kapag minumura niya ako. 

“Tangina! Pakawalan mo. Ako ng bahalang lumumpo dyan sa gagong yan.” Sabi niya kaya natawa ako.

“Hindi ’to libre, Thaddeus. May bayad ’to.” Sabi ko sa kanya.

“Tangina ka! Pag may nakuha isa sa mga myembro mo tutulungan din kita.” Sabi niya kaya napatango tango ako at nakapag isip-isip.

“Deal. Pakakawalan ko siya kapag wala na dito ang mga kasamahan ko. Pero sa ngayon, dito muna siya mamalagi.” Sagot ko agad.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya. “Wag na pala! Patayin mo nalang siya.” Pagbabago ng isip niya.

“Bakit naman nagbago ang isip mong tangina ka?!” Kunot noo kong tanong.

“Baka ikanta niya ang kuta mo at ang mga itsura ninyo. Kaya baka mapahamak lang ang grupo mo. Mas mabuti siguro kung patayin nalang siya. Hindi ko din naman kaibigan yan.” Sagot niya kaya napangisi ako.

“Hindi mo rin naman ako kaibigan,” saad ko.

“Hindi nga! Number one kitang kalaban kaya wag na wag kang magpapakita sa ’kin ulit dahil tutuluyan na talaga kita.” Banta niya sa ’kin. Akala naman niya ay natatakot ako.

“Nakakatakot naman pala ang isang Thaddeus Montellion.” Natatawa kong sabi. Pinatay niya ang tawag ng hindi man lang nagpapaalam ang gago kaya ibinaba ko ang phone ko saka ako umupo sa kama. 

Hapon na kaya maingay na naman ang bahay. Dumating na kasi ang mga kaibigan ko galing sa school. Lumabas nalang ako ng kwarto ko para kamustahin ang araw nila. 

Nakita ko si Salem na lumapit sa ’kin at nagsusumbong na inaasar daw siya nila Lucifier. 

Umupo nalang ako sa pang isahang upuan at pinapakinggan ang kaingayan ng bahay. 

“Anong gusto niyong ulam?” Tanong ni Lucifier na siyang chief cook namin sa bahay. 

Wala naman kaming mga mission ngayon. May mission ako bukas pero nasa Russia lang.

“Sa labas na tayo kumain,” saad ko.

“Yun ohh..” sabi ni Salem saka tumayo agad sa kinauupuan niya.

“Magbihis na muna kayo.” Saad ko kaya nagsitakbuhan ang mga gago sa kanya-kanya nilang kwarto.

Hinihintay ko lang ang mga kaibigan ko na lumabas sa mga kwarto nila. Naunang lumabas si Raizen habang may dala-dalang susi ng kotse. Umupo siya sa tabi ko saka niya inabot ang isang susi. 

“Dalawang sasakyan dadalhin natin,” sabi niya kaya tumango ako. 

Lumabas ang mga kaibigan ko kaya tumayo narin kami ni Raizen. Sabay-sabay na kaming lumabas ng bahay at tinungo ang garahe. 

Kasama ko sa sasakyan sina Salem, Lucifier, Levi, at Theo. Nasa kabilang kotse naman ang iba kasama ni Raizen. 

Ako na ang nag maneho ng kotse. Nakasunod naman ang kotse ni Raizen sa likuran namin. 

Pinili ko ang kainan na hindi masyadong sikat pero masarap. Ilang sandali lang ay nakarating kami sa isang restaurant. 

Dinig na dinig namin mula dito sa parking lot ang ingay at tawanan ng mga lalaking nag iinuman. 

Bumaba ako ng kotse pati narin ang mga kaibigan ko. Bumaba na din sila Raizen sa kotse nila. Sabay-sabay kaming naglakad patungo sa restaurant na napili ko. 

Agad kong nakita ang mga lalaking nag iinuman sa gilid ng restaurant. Pwede din kasi mag inuman dito kaya ko din napiling kumain dito para pagkatapos namin kumain ay mag iinom kami.

Inassist naman kami ng babaeng waitress at hinanapan kami ng table na magkakasya kaming labing lima. Pinagdugtong-dugtong nalang namin ang tatlong table para magkasya kami. 

Umupo ako saka tumingin sa paligid. Nakita kong nakatingin sa pwesto namin ang mga lalaking nag iinuman. Hindi ko nalang pinansin at itinuon ang mga mata ko kay Lucifier na siyang pumipili ng pagkain namin.

“Teka.. sino magbabayad nito?” Tanong pa ni Aizen sa’min.

Sabay sabay nila akong tinuro kaya napairap ako. Tatanong-tanong pa eh ako naman ang nagbibigay ng baon sa kanila. Mga hayop! Ang lalaki ng mga baon na hinihingi sa ’kin. Mas lalo na ’to si Salem na gusto palaging 10k ang baon. Muntik ko na siyang paulanan ng bala n’ong isang araw sa inis ko dahil uumuwi sa bahay na zero ang test. Napalunok ko tuloy sa kanya ang test paper niya sa inis ko. 

Kung sa patalinuhan lang naman sa pag aaral ay nangunguna si Kier sumunod si Elrod, Theo, Levi panghuli si Salem kaya ang sarap ibitay patiwarik.

Dumating ang inorder namin kaya nagsimula na kaming kumain. 

“Masarap din naman pala,” sabi ni Lucifier na siyang maarte pagdating sa pagkain. Pati mga luto sa restaurant ay binibigyan niya ng rate kong masarap ba o hindi.

“Kumain ka nalang dyan!” Saway ni Atticus sa kanya.

“Oo tatahimik na Bartholome.” Pang aasar ni Lucifier kay Atticus kaya binatukan niya sa ulo. 

“May dessert ba?” Tanong ni Salem na punong-puno ng pagkain ang bibig. Napabuga nalang ako ng hininga dahil sa kaingayan nila. 

“Hoy gago! Pritong isda ko yan! Matinik ka sana.” Inis na sabi ni Levi kay Salem dahil nang agaw na naman ng ulam ang gago.

“Kanina pa ako naiirita sa mga gagong yan,” biglang sabi ni Raizen sa seryosong boses.

Tumingin naman ako sa kanya at nakita siyang nakatitig sa anim na lalaking nag iinuman na katapat namin. 

“Hayaan mo na. Mga lasing lang yan.”  saway ko sa kanya saka ko nilagyan ng ulam ang plato niya.

“Kanina ka pa kasi nila tinitignan sabay tatawa.” Sabi ni Raizen kaya sabay-sabay na lumingon si Lucifier at Salem sa gawi ng mga lalaki. “Ano? Pinagtitinginan nila si Ruwi?” Galit na sabi ni Lucifier. 

“Mukhang gusto yata nilang umuwi na walang ulo,” seryosong sabi ni Salem. 

“Kalma! Hayaan niyo nalang sila at mga lasing lang yang mga yan.”  sabi ko sa kanila kaya humarap sa ’kin si Lucifier at Salem.

“Subukan lang nilang bastusin ka at makikita talaga nila si satanas.” Galit na sabi ni Lucifier kaya napa-iling nalang ako. 

Kumain nalang ulit ako at hinayaan ang mga kaibigan ko na halatang nagtitimpi ng galit. 

Natapos akong kumain habang sila ay hindi pa. Umorder nalang din ako ng dessert dahil bigla akong natakam ng matamis.

Bigla akong nakaramdam na naiihi ako kaya tumayo ako para pumunta ng banyo. “Saan ka pupunta?” Tanong sa ’kin ni Caiden kaya napatigil ako.

“Naiihi ako. Hanap lang ako ng banyo,” sagot ko.

“Gusto mo samahan na kita? Baka bastusin ka lang ng mga lasing.” Sabi ni Theo sa ’kin.

“Wag na! Kumain nalang muna kayo dyan!” Sagot ko saka ako naglakad.

Nagtanong na muna ako sa waitress kung saan ang banyo. Sakasamaang palad pa ay malapit do’n sa mga lalaking nag iinuman ang banyo kaya kailangan kong dumaan sa table nila. Palapit ako ng palapit sa table ng mga lalaki ng biglang tumayo ang dalawang lalaki at hinarang ako. 

“Skol’ko stoyat vashi uslugi, miss?” (How much is your service, miss?“)

Tinaasan ko siya ng kilay dahil mukhang nakuha ko na kung bakit sila panay tawa kanina. Siguro ay akala nila ay bayaran akong babae. 

“Skol’ko za odnu noch’?” ( How much for one night) Tanong niya. Akmang hahawakan ako ng lalaki sa braso, ngunit hindi natuloy ng marinig namin ang malakas na tunog na nanggaling sa table ng mga kaibigan ko. Lumingon ako at nakitang tumayo ang mga kaibigan ko at sabay-sabay na naglakad patungo sa ’kin.

Humarap ako sa mga lalaking lasing ng maramdaman kong nasa likod na ang mga kaibigan ko na naka back up sa ’kin.

Ngumisi lang sa ’kin ang mga lalaking lasing na parang nang iinsulto. 

“Kanina pa ako naiirita sa mga yan.” Seryosong sabi ni Salem na hinawakan ako saka hinila at itinago sa likod niya. Humarang na din si Theo at Levi sa unahan ko na para bang pinoprotektahan nila ako.

“Can we borrow the woman. I think you have already paid her for her service in bed.” Sabi ng isang lalaki na tumayo sa kinauupuan niya.

“Ahh akala pala nila bayarang babae ’tong prinsesa natin eh,” naka ngising sabi ni Salem na lumingon pa talaga sa’min.

“Ganun ba. Anong ginagawa sa mga lalaking manyakis, pre?” Tanong ni Atticus habang pinapatunog ang kamao sa daliri.

Salem grinned. “Pinapatulog. Katulad nalang nito..” Sagot niya saka humarap sa mga lasing at malakas na sinuntok ang lalaking nasa harap niya. Bumagsak ang lalaki sa table dahilan para mawasak ang table sa lakas ng suntok ni Salem.

Nagsigawan ang mga taong kumakain maging ang may-ari ng restaurant ay sumisigaw na halatang natatakot. Napahilot ako sa sintido ko ng makita kong pinagbubogbog ng mga kaibigan ko ang anim na lalaki. 

Yung mga bote ng alak ay pinagbabasag ni Lucifier saka sinaksak sa kalaban niya. “Tangina kayo ha! Walang makakatakas sa’min kapag binastos niyo ang nag iisang babae namin.” Galit na sabi ni Lucifier saka sinaksak ulit ang lalaki.

Maging si Atticus ay nakisali na sa rambulan na siyang dapat umayos at mag asikaso sa cctv. Napabuga nalang ako ng hangin habang pinapanood ang mga lalaking lasing na nakahandusay na sa sahig at naghihingalo. Mukhang ang laki ng babayaran ko nito sa damage na ginawa ng mga kaibigan ko. Sinabi ng kumalma eh.

A/N: Good Morning!❤️✨

Chapter 9

Salem’s Pov

Kanina pa ako naiirita sa babaeng panay ang sunod sa ’kin. Ayaw niya akong tigilan.

Naglalakad ako ng mabilis habang ang babaeng nakasunod sa ’kin ay mabilis din naglakad. Ayaw ko sanang makasakit ng damdamin ng babae pero talagang sinusubukan ako ng babaeng ’to.

Ang sakit pa naman ng mga tuhod ko dahil pinaluhod kami ni Ruwi sa buhangin. Matapos kaming nakipag rambulan sa resto na kinainan namin ay agad binayaran ni Ruwi ang mga nasira namin.

Nagmamadali din kaming umuwi sa bahay no’n at baka dumating ang mga pulis. Nilinis din ni Atticus ang kuha ng mga cctv at binayaran ni Ruwi ang mga taong nakakita sa pangyayari at tinakot narin namin. Hindi naman  kasi namin aakalain na makakahanap kami ng gulo nang gabing yun.

Kaya pagdating sa bahay ay pinaluhod kami ni Ruwi. Halos dalawang oras din yun kaya nagkasugat-sugat mga tuhod namin. Maging si Atticus ay pinaluhod din. Tangina talaga!

Napabuga ako ng hangin dahil hindi parin ako tinitigilan ni Scarlett. Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto din ang babae.

Lumingon ako sakanya kaya ngumiti siya sa ’kin. “Hi, Salem! Pwede ba tayong sabay umuwi?” Tanong niya.

“No! Hindi ba sinabi ko na sa’yo na tigilan mo na ako.” seryoso kong sabi.

Nawala ang ngiti niya sa kanyang labi. “Gusto ko lang naman na magustuhan mo ko.” malungkot niyang sabi.

“I already told you, wala akong gusto sa’yo kahit katiting man lang.” Deritso kong sabi at wala ng pakialam kahit masaktan ko ang damdamin niya.

“Wag naman ganun, hayaan mo kasing mag usap tayong dalawa. Mag date tayo. I’m sure, magugustuhan mo rin ako at magkakaroon ka din ng pagtingin sa ’kin.” Sabi niya sa desperdang boses. Ang tigas ng mukha ng babaeng ’to. Ngayon ko lang hiniling sa buong buhay ko na pumangit ako para hindi na niya ako habulin. Nakakairita na kasi.

“May pagtingin naman ako sayo eh..” saad ko kaya agad lumiwanag ang mukha niya.

“Talaga?” Nakangiti niyang sabi.

“Oo. Nandidilim nga lang. Kaya tigilan mo na ako!” Asik ko saka ako tumalikod sa kanya at naglakad na ulit.

Kinuha ko sa bulsa ng pants ko ang earpiece saka ko ’to inilagay sa kaliwa kong teynga. “Ang pogi mo talaga.” Biglang sabi ni Atticus sa kabilang linya.

“Matagal ko ng alam yun. Nasa labas ka na ba ng gate?” Pag-iiba ko sa usapan.

“Yes. Bilisan mo hakbang mo at baka iwanan kita,” sagot niya kaya nagmadali akong naglakad palabas ng gate.

Agad kong nakita ang kotse na Atticus na nakaparada sa gilid ng kalsada. Naglakad ako papunta do’n at agad binuksan ang passenger seat saka ako pumasok.

Nag fist bump kaming dalawa saka niya pinausad ang sasakyan.

“Salamat naman at friday na,” sabi ko habang pinapausad ni Atticus ang sasakyan.

“Ano naman kung friday ngayon?” Tanong niya habang nakatuon ang atensyon sa daan.

“Walang pasok. Kaya tanghali na ako gigising bukas.” Sabi ko habang hinihilot ang sintido ko.

Lumingon si Atticus sa ’kin saglit saka ibinalik ang tingin sa daan. “Pangit ka na nga dati mas lalo ka pang pumangit ngayon.” Pang aasar niya.

“Ulol! Inggit ka lang sa ’kin. Pag inggit, pikit.” Sabi ko kaya pumikit si Atticus habang nagmamaneho dahilan para gumeywang ang sasakyan namin.

“Hoy gago! Wag ka ngang pumikit! Tangina ka! Madidisgrasya tayo sa ginagawa mo.” Inis kong sabi sa kanya habang natataranta.

“Sabi mo pikit eh,” sagot ng gago saka idinilat ang mga mata niya.

Hindi nalang ako sumagot sa sinabi niya at baka mapektusan ko pa siya bunbunan. Biglang nag vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ng pants ko kaya nag vibrate ang itlog ko. Wengya!

Kinuha ko yun saka tinignan ang tumawag. Nakita ko ang pangalan ni Ruwi kaya agad ko ’tong sinagot. “Sino kang lapastangan na nagpavibrate sa itlog ko?!” Bungad ko sa kabilang linya kahit alam ko namang si Ruwi ang tumatawag.

“Tigilan mo ko at baka basagin ko itlog mo.” Sagot ni Ruwi sa seryosong boses.

“Sunny-side up ba or scrambled egg?” Tanong ko dahil babasagin daw niya itlog ko.

“Wag na! Bugok naman itlog mo.” Sagot niya kaya natawa si Atticus.

“Ulol!” Natatawa kong sabi kay Ruwi. “Napatawag ka?” Tanong ko.

“May ipapabili ako,” sabi niya kaya bigla akong kinabahan. Letche pa naman ’to.

“Ano?” Kunot noo kong tanong.

“Bilhan mo nga ako ng napkin. Tatlong balot ha!” Utos niya kaya napangiwi ako.

“Ruwi naman eh! Kita mong gwapo ako tapos pabibilhin mo ako ng napkin. Dapat si Raizen na, pangit naman yun eh..” reklamo kong sabi habang nakabusangot ang mukha ko.

“Bilisan mo na! Ipapahid ko talaga sa mukha mo ang dugo ko kapag wala kang nabiling napkin pag uwi mo.” Banta niya sa ’kin saka pinatay ang tawag.

“Putangina naman oh!” Reklamo ko habang si Atticus ay tinatawanan ako.

“Bumili ka na. Malamang may tagos na naman yun sa kama. Kaya baka si Lucifier naglalaba ng bedsheet niya.” Sabi ni Atticus. Mabuti nalang talaga at hindi ako ang naka toka ngayon maglaba ng mga damit. Baka ako pa ang maka-laba sa tagos ni Ruwi. Hindi kasi namin pinapakilos yun kapag unang regla niya dahil sumasakit yung puson niya.

Kaya lagi kaming may chocolate at ice cream para kapag sumakit puson niya ay may maibigay kaming matamis sa kanya.

“Hanap ka ng grocery store at baka mapahid pa sa mukha ko ang dugo ni Ruwi.” Utos ko kay Atticus.

Nakahanap naman si Atticus ng maliit na grocery kaya agad akong bumaba ng kotse. Nagkakamot pa talaga ako sa likod ng ulo ko habang naglalakad papasok ng store.

Hinanap ko agad ang letcheng napkin na utos ni Ruwi. Kumuha na ako ng apat na balot para hindi maubos agad. Pumunta agad ako sa counter para bayaran ang kinuha ko. Inabot naman sa ’kin ng babaeng cashier ang binili ko kaya inabot ko ang bayad saka ako lumabas ng store.

Lumapit ako sa kotse ni Atticus at binuksan ang passenger seat saka pumasok. Pinausad naman agad ni Atticus ang sasakyan.

Makalipas ang kalahating oras ay nakarating kami sa bahay. Ipinasok ni Atticus ang kotse sa gate saka ako bumaba ng kotse dala-dala ang napkin ni Ruwi.

Nauna akong pumasok sa bahay at itinapat ang hintuturo ko sa finger scanner para bumukas ang pintuan ng elevator. Nakasunod naman agad sa ’kin si Atticus kaya sabay na kaming sumakay sa elevator.

“Ano kayang ulam?” Tanong ko kay Atticus.

“Tuyo,” sagot naman niya.

“Ohh.. mukhang madami akong makakain pala ngayong gabi.” Nakangiti kong sabi. Bumukas ang pintuan ng elevator kaya na unang lumabas si Atticus at agad naman akong sumunod.

Naabutan namin si Ruwi at Kier na kumakain ng ice cream sa sala habang nanonood ng movie.

“Ito na napkin mo.” Sabi ko kay Ruwi saka ako umupo sa tabi niya.

“Hindi ba sumasakit ang puson mo at naka suot ka lang ng bra?” Tanong ko sa kanya.

“Tinatamad akong kumuha ng damit.” Bored niyang sagot saka sumubo ulit ng ice cream. Nandito na ang mga kaibigan ko sa bahay. Hindi kasi kami pare-pareho ng oras ng uwian. Palagi akong huli umuuwi sa bahay kaya sinusundo ako ni Atticus.

“Nga pala..” sabi ko kay Ruwi kaya tumingin siya sa ’kin.

“Ano?” Tanong niya habang naka taas ang isang kilay.

“Ilipat mo ko ng school.” Nakanguso kong sabi.

“Bakit naman? May nang bu-bully ba sa’yo?” Tanong ni Ruwi sa ’kin. Sasagot na sana ako ngunit hindi ko naituloy dahil binatukan ako ni Raizen sa ulo. Sumulpot lang bigla ang gago.

“Yan.. binu-bully? Maniwala ako dyan!” Sabat niya saka umupo sa pang isahang upuan.

Masama ko siyang tinignan habang hinihimas ang ulo ko na binatukan niya. May hawak pa siyang mik-mik saka humigop at bigla nalang umubo dahil nabilaukan.

“Tubig..” sabi ni Raizen habang nahihirapan.

“Wag na tubig, morgue na agad. Gago ka eh..” sabi ko kaya masama niya akong tinignan.

“Wag mong hintaying mamatay ka sa kakahigop ng mik-mik, Raizen.” Sabi naman ni Ruwi.

“Walang problema yan, Ruwi. Malawak naman ang bakuran natin para sa libingan ni Raizen.” Natatawa kong sabi habang tuwang-tuwa na pinagmamasdan si Raizen na umiinom ng tubig dahil inabutan ni Kier.

“Ang sama mo, kuya Salem. Pwede naman sa simenteryo nalang ilibing para naman may kasama siya sa puntod niya.” Sagot naman ni Kier kaya pati siya ay masamang tinignan ni Raizen.

“Bakit gusto mong lumipat ng skwelahan?” Tanong sa ’kin ni Ruwi.

“Paano kasi may babaeng baliw sa kanya,” biglang sabat ni Aizen sa usapan namin at pabagsak na umupo sa tabi ni Kier.

“Talaga? May nabaliw na babae sa mukha ni Salem?” Gulat na tanong ni Ruwi.

“Parang ayaw mo na yatang huminga, Ruwi. Parang sa sinasabi mong yan ay hindi ka naniniwala na may nagkakagusto sa ’kin.” Sabi ko sa kanya habang nakanguso.

“Siguro malabo mata no’n kaya ka nagustuhan.” Sagot ni Ruwi saka kumain ulit ng ice cream.

“Oo nga, bilhan ko kaya yun ng eyeglass.” Biglang sabat ni Elrod sa usapan namin. Lumabas din di Andrei na may dalang laptop. Nandito rin si Nuroi na binabalatan ang hawak niyang lolipop.

“Nasan si Lucifier?” Tanong ko dahil siya lang ang wala dito.

“Nando’n sa laundry. Nilalabahan ang bedsheet ni Ruwi,” natatawang sagot ni Eros kaya napangiwi ako.

Lucifier’s Pov

Natapos akong maglaba sa bedsheet kaya agad kong tinungo ang sala dahil naririnig ko ang mga tawa ng mga kaibigan ko.

Nakita kong may hawak na baso si Levi kaya agad ko ’tong inagaw at nilagyan ng ice cream.

“Tapos ka na, buddy?” Tanong ni Eros sa ’kin.

Napangiwi ako at hindi nalang sumagot. Tumingin ako kay Ruwi kaya agad siyang nag puppy eyes sa harap ko. Nilabhan ko lang naman ang bedsheet niyang may tagos.

Umupo ako sa sahig saka ako sumubo ng ice cream. “Nag saing na ba kayo?” Tanong ko sakanila kaya tinuro nila si Nuroi.

“Siya pinag-saing namin..” sabi nila kaya bigla akong kinabahan. Pagdating talaga sa gawaing bahay ay hindi ko inaasahan si Nuroi dahil malamang sa malamang sirang gamit ang mangyayari.

Dali-dali akong tumayo mula sa pagkakasalampak ko sa sahig at tinungo ang kusina. Nakita kong nakasaksak ang  rice cooker dahil may ilaw akong nakita.

Binuksan ko ang takip at nakitang walang tubig ang bigas pero basa ’to. Tangina talaga ’to si Nuroi utusan. Mapapatay ko na talaga siya.

“Nuroi!!!” Sigaw ko kaya may narinig anong yapak na papunta sa kusina.

“Bakit?” Inosente niyang tanong.

“Anong ginawa mo sa sinaing?” Inis kong tanong. Sumulpot din si Levi sa kusina at agad sinilip ang rice cooker at natawa.

“Tanginang yan!” Sabi ni Levi habang napapa-iling.

“Sabi mo hugasan, hinugasan ko naman ahh.. saka ko sinaksak yung saksakan ng rice cooker.” Depensa pa niya.

“Oo nga, hinugusan mo. Pero sinalang mo naman na walang tubig. Tangina ka! Paano maluluto ang sinaing?! Hayp ka talaga!” Inis na sabi ko. Puputi yata bulbol ko nito kay Nuroi.

Sumulpot din si Ruwi sa kusina at maging siya ay tumawa. Nakita ko pang nagkakamot sa likod ng ulo si Nuroi habang nakanguso. Ang sarap batuhin ng kutsilyo ang gago. Nag saing na walang tubig ang bigas. Paano kaya maluluto yun.

Ako nalang ang nag saing at baka dugo pa ni Nuroi ang isabaw ko dito sa bigas. Nagluto narin ako ng ulam namin. Tinulungan naman ako ni Theo maghiwa ng sibuyas at bawang.

Si Levi naman ay inaayos ang mga plato sa mesa, habang si Kier ay naglalagay ng mga kutsara at tinidor.

May mission ako mamayang gabi kaya kailangan kong kumain ng marami. Sana lang ay magawa ko ng maayos ang trabaho ko. Ayaw kong pumalpak sa mga mission namin.

Lumipas ang isang oras ay naluto narin sa wakas ang sinigang na baboy. Nagsandok na si Salem ng kanin habang ako naman ay nag sandok ng ulam.

Nakaupo naman sa pwesto ang mga kaibigan ko at ako nalang ang hinihintay nila. Umupo ako sa pwesto ko kaya agad nagdasal si Kier. Ayaw na ayaw kasi ni Kier na hindi kami nagdarasal bago kumain. Nakasanayan na namin dahil habang nando’n kami sa poder ni Rodjan ay si Kier ang laging nagdarasal sa’min. Lagi niyang pinagdarasal na makalabas kami at may sumagip samin, pero hindi naman pinapakinggan ang dasal niya kaya kumilos na si Ruwi. Si Kier lang talaga ang mabait samin, kaya hindi siya binibigyan ng mission ni Ruwi.

Chapter 10

Raizen’s Pov

Magkasama kami ni Lucifier at Kier para gawin ang isang mission. Himalang sumama ang pinaka bunso namin dahil bored daw siya sa bahay. Pinayagan naman siya ni Ruwi dahil kami naman ni Lucifier ang kasama.

Isang building ang inakyat namin para gawin ang pagpatay sa target namin. Kalaban yata ’to ng cliente namin na gustong mawala na sa mundo. Na check na ni Andrei ang information ng target namin at masasabi kong dapat lang talaga siyang mawala sa mundo.

Negosyo lang naman ng putanginang ’to ay mag benta ng mga batang babae sa mga parokyano. 

Nagpanggap kami ni Lucifier at Kier na bibili ng mga batang babae kaya kami nakapasok sa loob ng building.

Hindi mahahalata ang ginagawa nilang kababoyan lalo na’t para lang ’tong restaurant sa baba. Pagkarating sa second floor ay ktv bar at mga sport games. Hanggang seventh floor ay maayos pa ang gawain ng may-ari pero kapag nakarating na sa tenth floor ay do’n naka display ang mga batang babae na pinipili ng mga parokyano para pagsamantalahan. 

Umiinom ako ng alak habang naka masid sa paligid. Nasa third floor ako habang si Kier at Lucifier ay nasa tenth floor at nagkukunwaring bibili ng babae para mag paligaya ng gabi nila.

Napatigil ako sa pag inom ng may humawak sa balikat ko na babae. Nakangiti siya sa ’kin at halatang inaakit ako. Bigla akong nandiri sa suot niya na halos kita na ang kaluluwa. 

“Hi! Alone?” Tanong ng babae habang hinahaplos ang balikat ko papunta sa braso.

“Yes,” tipid kong sagot saka uminom ulit ng alak.

“Can I sit here? If you don’t mind.” Sabi niya saka umupo sa bakanteng upuan na katabi ko. Hindi pa nga ako sumasagot sa tanong niya.

Narinig ko ang pagtikhim ni Atticus sa kabilang linya. “Naka bingwit ka kaagad habang ang dalawa do’n gumastos ng tag 1 million dahil fresh daw.” Saad ni Atticus sa earpiece ko.

“Hindi fresh ang lumapit sa ’kin, Atticus.” Sagot ko saka uminom ulit ng alak sa basong hawak ko.

“Halata naman,” sagot ng gago. “Umalis ka na dyan at nagsisimula na ang dalawa.” Dagdag niyang sabi kaya agad kong kinuha ang wallet ko na nasa likod ng bulsa at binayaran ang ininom ko. Tumayo ako sa matangkad na stool saka ko tumingin sa babaeng tumabi sa ’kin. “Go home and change your job.” Saad ko. Naglapag ako ng pera sa harap ng babae kaya halatang nagulat siya. Sa katawan pa lang ng babae ay alam kung may anak na ’to. Siguro ay ginagawa lang niya ang trabaho dahil sa wala siyang mapasukan na ibang trabaho. Kapit patalim para sa mga anak niya. “You don’t deserve this job, woman.” Dagdag kong sabi kaya yumuko siya. 

Kanina ko pa napapansin na may mga babaeng pakalat-kalat dito sa bar. Halatang naghahanap sila ng mga mayayamang lalaki na pwede nilang itable. Kanina ko pa din napapansin ang babaeng ’to na halatang naghahanap ng lalaki.

Naglakad ako palabas ng bar at agad hinanap ang hagdan. Kailangan kong pumunta ng tenth floor para matulungan ang dalawa kong kaibigan.

“Nagsimula na si Lucifier, Raizen.” Saad ni Atticus sa earpiece ko. 

“The target?” I asked him.

“Dead. Pero nakaabang ang mga tauhan kay Lucifier at Kier.” Sagot ni Atticus kaya dali-dali akong naglakad upang makarating tenth floor.

Lucifier’s Pov

Matapos kong mapatay ang may-ari ng bar na ’to ay agad akong lumabas sa private room. I killed the target using my small katana. Nilaslas ko ang leeg niya upang hindi na siya mabuhay pang muli.

Naglakad ako palabas ng private room at agad hinanap si Kier. Nakita ko naman agad siya kaya lumapit ako sakanya.

Lumingon sa ’kin si Kier at nakitang may mantsa ang dugo ko. Kailangan namin makalabas dito na parang walang nangyari. 

Mabuti na nga lang at walang masyadong tao dito sa tenth floor dahil private area ang floor na ’to. Kailangan magbayad ng million bago kami makapasok dito. Nagbayad ako kanina kaya nakapasok kami ni Kier. Mababawi ko din naman ang pera dahil alam kong papatayin ni Raizen ang lalaking naka abang sa tenth floor.

“We have to get out of here.” Saad ko kay Kier. 

Tumango siya saka kami tumingin sa paligid dahil sobrang tahimik. 

“May pinatumaba ka ba, Kier?” Tanong ko dahil alam kong may mga bantay dito kanina.

“Opo, kuya.” Natatawa niyang sabi saka tinuro ang kisame. Laking gulat ko ng makita ang lalaking naka black uniform kanina nakarato ay naka sabit na sa kisame at wala ng buhay. Tumutulo pa talaga ang dugo ng dalawa kaya tumutulo yun sa sahig. Nakatusok sa mga dibdib nila ang bote ng alak habang paikot-ikot ang katawan nila sa kisame dahil sa pagkaka sabit.

“Sira ulo ka, Kier. Ginawa mo naman silang dekorasyon.” Saad ko sa bunso namin.

Matamis siyang ngumiti sa ’kin. “Parang ang sarap kasi nilang isabit.” Sagot niya kaya natawa ako. Hindi ko aakalain ang maamong mukha ni Kier ay magagawa yun. 

“Tara na! Baka hinahanap na tayo ni kuya Raizen mo,” saad ko saka inakbayan siya. Ngunit napatigil kami ni Kier ng may sumulpot na mga lalaki sa harap namin. 

“Mukhang mapapalaban tayo, kuya Lucifier.” Saad ni Kier kaya napamura ako sa isipan ko. Hindi kami pwedeng bumaba sa floor na ’to hangga’t hindi namin sila napapatumba.

“Let’s start, Kier.” Saad ko saka tinapik ang balikat niya. 

Sabay kaming sumugod ni Kier sa mga lalaki. Agad kong sinuntok sa sikmura ang kalaban ko saka inilabas ang maliit na katana saka ko siya sinaksak sa mata. 

Umatake ulit ako sa mga kalaban ko maging si Kier ay nakikipaglaban na din. Tamad si Kier pagdating sa labanan pero halimaw siya kapag siya na ang kumilos.

Walang kahirap-hirap niyang pinatumba ang pitong lalaki na kalaban niya. At lahat ng yun ay puro sa mukha ang saksak. 

Ang akala ko ay wala ng darating na mga kalaban ngunit nagkamali pala ako. Mas lalong dumami ang mga kalaban kaya nagkahiwalay kami ni Kier. 

Walang tigil ang mga kalaban ko na inaatake ako. Agad ko silang sinasaksak para mas mabilis. Dalawa nalang ang kalaban ko kaya agad ko silang sinugod. Sinipa ko ang isang lalaki sa dibdib saka ako umikot at mabilis na sinaksak ang isa niyang kasama. 

Sinuntok ko ang natitirang kalaban ko sa bibig kaya dumugo yun sa lakas ng suntok ko. Tumingin muna ako sa paligid at nakita si Kier na inaatake ng limang lalaki habang nasa gilid. 

Susuntukin sana ko ng kalaban ko ng masalag ko ang kamao niya saka mabilis na ibinaon ang hawak kong kutsilyo sa leeg niya na ikinamatay niya. Hinugot ko ang kutsilyo at agad na tumakbo papunta kay Kier para tulungan siya. 

Nakita kong sinaksak ng lalaki si Kier sa tagiliran at sinugatan siya sa braso. Dumilim ang paningin ko dahil sa ginawa nila sa bunso namin.

Laking gulat ko ng itulak nila si Kier kaya na out of balance siya at nahulog.  “Kier!” Sigaw ko ng makita ko siyang nahulog sa building. 

Agad kong inatake ang mga lalaking nakalaban ni Kier. Tumingin pa ako sa gilid ng mapansin ko ang kamay ni Kier na nakakapit. 

“Kuya Lucifier..” tawag niya sa ’kin.

“Hold on, Kier. Tatapusin ko lang ang mga gagong ’to.” Sagot ko saka mabilis na inatake ang mga na kalaban ni Kier.

Nang mapatumba ko ang mga gago ay agad akong lumapit sa gilid at tinignan si Kier. Kapag hindi ko siya mahila pataas ay sa first floor ang bagsak niya. Agad kong hinawakan ang kamay ni Kier na may bahid pa ng dugo.

“C’mon Kier, I will pull you up.” Saad ko at gamit ang lakas ko ay tinutulungan si Kier.

“Fuck! Kuya may sugat ako. Mahihirapan tayo. Baka pati ikaw malaglag. Bitawan mo nalang ako.” Saad niya. Humigpit ang hawak ko sa bakal na railings para tulungan si Kier. 

“Magkasama tayong pumunta dito, Kier. Kaya magkasama din tayong uuwi sa bahay kaya tulungan mo ang sarili mo at tutulungan kita.” Saad ko at hindi pinapahalata na nabibigatan ako sakanya.

“Where is Raizen?” Tanong ko sa earpiece para makahingi ng tulong. 

“Nasa floor na siya. May kalaban din siya pero malapit na niyang mapatumba.” Sagot ni Atticus sa tanong ko. Kailangan dalawa kaming hihila kay Kier pataas para matulungan siya. Hindi ko bibitawan ang kamay ni Kier kahit nabibigatam na ako sakanga. 

Sinubukan ni Kier gumalaw para iangat ang katawan niya kay sinubukan ko siyang hilain pa taas ngunit hindi ko siya mahila-hila dahil kasing laki ko din naman si Kier. Napatingin ako sa paligid ng may narinig akong yapak na tumatakbo palapit sa pwesto ko.

Ang akala ko ay si Raizen yun ngunit nagkamali ako. May hawak siyang kutsilyo habang nakangisi sa ’kin.

Agad siyang lumapit kaya napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Kier at hinanda ang sarili ko.

Itinaas ng lalaki ang hawak niyang kutsilyo at handa ng umatake sa ’kin. Nasalag ko pa yun gamit ang isa kong kamay ngunit hindi kaya lalo na’t nakahawak ako sa kamay ni Kier upang hindi siya mahulog sa first floor. 

“Kuya Lucifier.. bitawan mo na ako at makipag laban ka,” saad sa ’kin ni Kier.

Hindi ako sumagot at hindi sinunod ang sinabi niya. Kailangan ko lang mag tiis hanggang sa makarating si Raizen dito. Umatake ulit ang lalaki ngunit hindi ko na ’to nasalag kay nasaksak ako sa tagiliran.

Daing lang ang ginawa ko upang hindi mag alala sa ’kin si Kier. Hinding-hindi ko siya bibitawan. Hindi ako papayag na mabawasan ang mga kapatid ko na tinuturing ko. Uuwi kaming kasama siya at buhay. 

Hinugot ng lalaki ang kutsilyo sa tagiliran ko at sinaksak ulit ako ng tatlong beses. Narinig yata ni Kier ang daing ko kaya gumalaw siya at pilit na tinatanggal ang kamay ko sa kamay niya. “Bitaw, kuya Lucifier! Tangina! Mamatay ka sa ginagawa mo.” Sigaw ni Kier na halatang nag-aalala sa ’kin.

“Shut up, Kier! Humawak ka ng mabuti sa kamay ko dahil uuwi tayo sa bahay ng buhay.” Sabi ko sakanya habang sapo ang saksak na natamo ko sa lalaking nasa harap ko. Ngumisi pa siya sa ’kin kaya napamura ako dahil sasak-sakin niya  ulit ako.

Inangat niya ang hawak niyang kutsilyo kaya hinintay ko na ang kamatayan ko. Ayos lang na mamatay ako basta’t masiguro ko lang na makakaligtas si Kier.

Pinagpapawisan ako ng malapot at hinanda ang sarili ko. Nanginginig na ang kamay ko na hawak si Kier kaya mas lalo akong nag-alala para sa bunso namin. Sasak-sakin na sana ako ng lalaki ng bigla ’tong nanigas sa kinatatayuan niya at nangisay saglit saka bumagsak sa sahig dahil tinamaan ng kutsilyo sa noo.

Nanghihina akong lumingon sa taong bumato ng kutsilyo at nakita si Raizen. Nakahinga ako ng maluwag dahil matutulungan na niya akong i-angat si Kier. 

Lumapit siya agad sa ’kin saka sumilip kay Kier. “Come on, Kier.” Saad ni Raizen saka namin hinila si Kier pataas. 

Naka ilang subok pa kami hanggang sa matagumpay namin siyang na angat. Nang maangat namin si Kier ay agad akong bumagsak sa sahig dahil sa na tamo kong saksak sa tagiliran.

“Kuya Lucifier..” nag-aalalang boses ni Kier ang narinig ko at tinatapik ang pisngi ko.

“Inaantok ako, Kier.” Saad ko saka ako umubo at may lumabas sa bibig ko.

Kier’s Pov

Ipinikit ni kuya Lucifier ang mga mata niya kaya agad kong sinalat ang leeg niya kung humihinga pa ba si kuya.

“Buhay pa yang kuya Lucifer mo Kier. Masamang damo yan kaya wag ka mag-alala.” Saad ni kuya Raizen.

Bigla akong nakonsensya dahil sa nangyari kay kuya Lucifier. Hinayaan niya ang kalaban niya kanina na saksakin siya wag lang niya akong bitawan.

Mas pinili niyang masaksak kaysa bitawan ako para makipaglaban. 

“Parating na sila Salem at Theo dyan.” Saad ni kuya Atticus sa earpiece.

May sugat din ako pero hindi ko na ininda yun. Inangat ko ang leather jacket ni kuya Lucifier at nakitang punong-puno ng dugo ang damit niya.

“Pakibilisan kuya Atticus. Malalim ang saksak ni kuya Lucifier. Baka maubusan siya ng dugo.” Nag aalala kong sabi.

“3 mins.” Sagot ni kuya Atticus. Sasagot pa sana ako ng bigla kong nakita si kuya Salem at kuya Theo na tumatakbo papunta samin.

Agad nilang nilapitan ang walang malay na si kuya Lucifier saka binuhat. “Bakit ngayon lang kayo?” Tanong ni kuya Raizen.

“Sorry, buddy. May binili pa kasi ako.” Sagot ni kuya Salem habang buhat-buhat nila si kuya Lucifier. 

Ako naman ay kinuha ang baril na galing sa mga kalaban namin kanina para magbantay sa paligilid, si kuya Theo din ay nakabantay sa kabilang side.

“Paano tayo makakalabas ng hindi mapapansin ng mga tao?” Tanong kuya ni Raizen.

“Dadaan tayo sa likod. Naka abang na do’n si Caiden.” Sagot agad ni kuya Salem habang naglalakad kami. “Ang bigat ng tarantadong ’to.” Reklamo ni kuya Salem sa bigat ni kuya Lucifier. “Patay na yata ’to eh, iwanan na kaya natin.” Dagdag niyang sabi kaya masama kong tinignan si kuya Salem. Tarantado kasi siya.

Habang naglalakad kami ay alerto parin kami ni kuya Theo. Nagsasalita din si kuya Atticus sa earpiece at sinasabi kong saan kami lulusot.

Nakikita ko na ang labas kaya nakahinga ako ng maluwag dahil makakalabas na kami ng building. Nakatayo na din si kuya Caiden at inaabangan kami.

Pinagtulungan nilang buhatin si kuya Lucifier habang ako naman ay binuksan ang pintuan ng kotse para maipasok si kuya Lucifier. 

Matagumpay nilang naipasos si kuya, pinauna namin si kuya Salem para mabigyan niya ng paunang lunas si kuya Lucifier. 

Pumasok narin ako sa kotse saka sumunod si kuya Raizen. Si kuya Theo naman ay nasa passenger seat at su kuya Caiden ang nagmamaneho.

Pinapanood ko lang si kuya Salem na ginagamot si kuya Lucifier. “Gagamutin din kita, Kier. May saksak ka din.” Saad ni kuya Salem.

“Kaya ko pa naman, kuya. Unahin mo po muna si kuya Lucifier.” Saad ko habang nakatitig sa mukha ni kuya Lucifier na walang malay. 

Isinandal ko ang likod ko dahil sa pagod ng ginawa namin ngayong gabi.

Chapter 11

Caiden’s Pov (2:00AM)

Pabalik-balik ako sa labas ng kwarto ni Lucifier dahil sa pag-aalala. Nasaksak kasi ang gago ng tatlong beses. Mas ginusto kasi niyang masaksak kaysa bitawan ang bunso namin na si Kier.

Lahat kami ay nag-aalala sakanya. Si Salem ang gumagamot sakanya kaya mas lalo kaming nag-alala. Hindi kami sigurado kung marunong naman siya. Baka imbes na mabuhay si Lucifier ay baka matuluyan.

“Tangina! Hindi pa pala tayo naghahapunan.” Saad ni Aizen.

Madaling araw na kasi at kahit isa samin ay walang kumain hangga’t hindi namin nalalaman ang kondisyon ni Lucifier. 

“Kayo nalang muna kumain mga kuya. Wala po akong gana.” Malungkot na sabi ni Kier.

Alam kong nag-aalala siya kay Lucifier, kanina pa niya sinisisi ang sarili niya at sinunsuntok ang ulo niya. Kaya pinipigilan siya ni Levi.

Nasa loob din ng kwarto si Ruwi at sinasamahan si Salem. Hindi kami pwedeng pumunta ng hospital at baka matunugan pa kami ng mga kalaban namin. 

Tumingin ako kay Nuroi at nakita siyang nakasandal sa likod ng pader. Nakatayo siya habang nakayuko. “Nuroi!!” Tawag ko sakanya kaya agad siyang nag angat ng ulo.

“Ano yun?” Tanong niya.

“Mag saing ka. Ayusin mo at baka pag gising ni Lucifier ay ikaw na talaga ang isaing niya.” Utos ko kaya napangiwi siya.

“Oo nga. Lagi pa naman stress sa’yo yun kaya sana naman hindi pumalpak ang saing mo,” sabat ni Theo sa usapan namin.

“Kung maka sabi kayong palpak ahh.. hindi din naman kayo marunong.” Sabi niya habang masamang nakatingin samin.

“Oo, hindi kami marunong. Pero hindi kami kasing engot mo na pati saksakan ng rice cooker ay huhugasan.” Sagot ni Raizen kaya napakamot sa likod ng ulo si Nuroi.

“Lagyan ko kaya ng bitsin yung kanin,” sabi niya saka nagsimulang naglakad papunta sa kusina.

“Subukan mo lang, ikaw ang una naming pakakainin ng sinaing mo.” Sagot ni Raizen kaya natawa ako.

Sinusubukan ko lang mawala ang nararamdaman naming pag-aalala para kay Lucifier. Walang balak matulog ang mga kasama ko kaya hindi narin ako matutulog.

Nakatitig lang ako sa nakasarang pinto at hinihintay lumabas si Salem o si Ruwi.

Salem’s Pov (3:00AM)

Pawis na pawis ako habang ginagamot ang kaibigan kong si Lucifier. Tangina talaga! Mabuti nalang at natuto na akong gumamot. Pero hindi ko sure kung tama yung ginagawa ko. Wala eh, pogi lang talaga ako eh.

Nanonood pa talaga ako sa youtube kung tama ba yung ginagawa ko. Kaya halos murahin ako ni Ruwi sa inis niya sa ’kin. Halatang walang bilib sa ’kin. Nakalimutan niya yata na ako ang taga gamot ng mga sugat niya kapah napaparusahan siya ni Rodjan. Tinahi ko pa yung saksak niya sa tagiliran tapos ngayon binabatukan lang ako. Butusan ko kaya tagiliran niya ng magtanda siya.

“Kapag talaga lumalala ang kondisyon ni Lucifier, humanda ka talaga sa ’kin.” Banta niya sa ’kin.

Tumingin ako sakanya habang hawak ang karayom na pang tahi ng damit. “Punyeta ka! Anong akala mo kay Lucifier, damit?” Galit na sabi ni Ruwi ng makita niya ang hawak kong karayom.

Napakamot ako sa likod ng ulo ko dahil puro siya reklamo. Na s-stress ang gwapo kong mukha sakanya.

“Ito nalang muna. Kapag hindi nabuhay, ilibing nalang natin.” Saad ko kaya pinukol ako ng masamang tingin ni Ruwi.

Sasagot na sana si Ruwi ng biglang gumalaw ang kamay ni Lucifier. Pinasukan na yata ng demonyo kaya gumalaw ang kamay. Tanginang yan!

Agad na lumapit si Ruwi kay Lucifier at talagang tinulak ako kaya naiturok ko ang karayom na hawak ko sa isa kong kamay. Tumayo tuloy balahibo ko sa katawan dahil sa letcheng karayom. 

Hinugot ko ang karayom saka masamang tinignan si Ruwi. Lumapit narin ako para tuluyan si Lucifier este gamutin pala. “Alis ka dyan, Ruwi. Tatahiin ko lang yang tagiliran niya,” pagpapaalis ko kay Ruwi. Nalinisan ko naman na ang sugat ni Lucifier, mabuti na nga lang at hindi masyadong malalim ang saksak niya. Ewan ko ba kung bakit nawalan ’to ng malay. Bigyan ko nga ng alak mamaya, baka kulang lang ’to sa matador brandy eh.

Umalis naman si Ruwi saka binatukan na naman ako sa ulo. “Mag seryoso ka nga, Salem. Please lang! Kahit ngayon lang.” Sabi niya saka pinandilatan ako ng mga mata niya.

“Kaya nga ako nagbibiro dahil kinakabahan ako. Kaya dapat chill lang ako at hindi pinapahalata na kinakabahan. Bawas pogi yun, Ruwi.” Sagot ko saka sinimulang tahiin ang nasaksak na tagiliran ni Lucifier. 

“Wala talaga akong tiwala sa’yong gago ka eh.” Bulong na sabi ni Ruwi pero narinig ko naman. Pagkatapos ko talaga dito bibig naman ni Ruwi ang tatahiin ko gamit ang sinulid na pula.

Naka focus lang ako sa ginagawa ko. Pinagpapawisan ako pero gwapo parin naman ako kaya ayos lang kahit hindi pahiran ni Ruwi ang pawis ko sa noo. 

Balak ko sanang gawing smiley yung tahi ko sa tagiliran ni Lucifier pero baka masakal niya ako pag gising niya kaya wag nalang. Isang oras mahigit din akong naka focus kay Lucifier. 

Nang matapos ako ay umupo ako pang isahang upuan para magpahinga. Si Ruwi naman ay pinupunasan ang katawan ni Lucifier dahil sa nagkalat na dugo nito.

“Bihisan mo siya mamaya, Salem. Kahit yung pantalon lang.” Utos niya sa ’kin kaya tumango ako.

Napabuga ako ng hangin dahil 3AM na. Wala pa akong tulog. Humanda talaga sa ’kin si Lucifier, magpapabili talaga ako sakanya ng skin care ko. 

Ipinikit ko ang aking mga mata saglit dahil sa pagod ko. Pinapakiramdaman ko lang ang galaw ni Ruwi.

Lucifier’s Pov (8:00AM)

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at agad ipinalibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Nakita ko si Ruwi na nakaupo sa gilid ng kama na para bang binabantayan ako.

Lumingon siya sa ’kin kaya agad siyang ngumiti sa ’kin sabay haplos sa pisngi ko. “Tangina ka! Pinag-alala mo ko.” Sabi niya kaya umangat ang sulok ng labi ko habang nakangiti.

“Masamang damo ako Ruwi. Hindi ako basta-basta namamatay.” Saad ko sabay napangiwi dahil biglang kumirot ang sugat ko.

“Hindi ka nga mamatay sa saksak, mamatay ka naman sa tetanus.” Sabi niya kaya kumunot ang noo ko. Tinuro niya ang natutulog na si Salem habang nakaupo sa couch. Naka awang pa ang labi nito habang nag hihilik. “Yung ginamit niyang karayom pantahi sa’yo.. may kalawang.” Saad ni Ruwi kaya masama kong tinignan si Salem. 

“Hindi nga?” Tanong ko naman.

Natawa naman siya saka inalalayan akong bumangon sa kama at isinandal ang likod ko sa headboard. “Ngayon pa lang natulog yan. Binabantayan ka.” Saad ni Ruwi sabay turo kay Salem. 

“Eh ikaw.. natulog ka din ba?” Tanong ko sakanya.

Umiling siya. “Hindi naman ako inaantok,” sagot niya. “Kamusta pakiramdam mo? Nagugutom ka na ba?” Sunod-sunod na tanong ni Ruwi sa ’kin.

“Yeah. Nagugutom na ako,” sagot ko.

“Tamang-tama, nakapagluto na si Nuroi ng kanin.” Saad niya. “May bad news nga lang,” nakangiwing sabi ni Ruwi.

“Ano? Wag mong sabihin na hindi na naman niya nilagyan ng tubig?” Tanong ko sa seryosong boses.

“Nilagyan naman niya, kaso naging lugaw dahil sa dami ng tubig. Kaya yun na lang kainin mo.” Sabi ni Ruwi kaya napahilot ako sa sintido ko. Kagagaling ko nga lang sa saksak, ito na naman ang aabutan ko.

“Tama lang yun. Isipin mo nalang na may sakit ka.” Natatawang sabi ni Ruwi kaya masama ko siyang tinignan.

Tumayo siya sa pagkakaupo sa gilid ng kama sala lumapit kay Salem. Ginising niya si Salem na agad naman nagising. Tumingin sa ’kin si Salem habang kinukusot ang isa niyang mata. 

“You’re alive, motherfucker!” Tuwang-tuwa na sabi ni Salem saka lumapit sa ’kin.

Si Ruwi naman ay lumapit sa pinto saka pinihit ang siradura ng pinto saka lumabas. 

“Akala ko di ka na magigising eh,” sabi sa ’kin ni Salem sabay tapik sa balikat ko. Naalala ko ang sinabi ni Ruwi kanina na may tetanu kaya hinawakan ko ang kamay niya saka pinilipit. 

“Aray! Putangina ka!” Daing ni Salem habang pinipilipit ko ang kamay niya.

Tinignan ko ang sugat ko sa tagiliran at nakita ang tahi ko. Parang pinag practisan yata ang tagiliran ko ng gagong ’to. 

“Bakit ganito tahi ng sugat ko?” Tanong ko habang seryosong nakatingin kay Salem.

Ngumisi lang siya sa ’kin. “Sorry, buddy. Yan lang na kayanan ko eh. Dapat ng kurting smiley ang tahi mo eh,” sagot ng gago. Ginawa pang embroidery yung tahi ko. Ang sarap niyang kutusan. 

Binitawan ko nalang ang kamay niya at nagdidilim ang paningin ko kay Salem at baka maburdahan ko din ang tagiliran niya.

Napadako ang tingin ko sa pintuan ng biglang bumukas yun. Pumasok si Kier na may dalang tray. 

“Kuya Lucifier..” tawag niya sa ’kin habanng naglalakad palapit sa kama. 

Pumasok din si Elrod at Theo na walang damit pang itaas habang pawis na pawis.

May mga dala pang pala ang mga gago habang ang mga kamay nila ang madumi.

“Anong pinaggagawa niyo?” Kunot noo kong tanong.

“Tanong mo sa isa dyan!” Sagot ni Elrod sabay turo kay Salem.

Napangiwi naman si Salem saka lumayo ng kunti sa ’kin. 

Umupo naman si Kier sa kama kaya tinapik ko lang ang balikat niya para sabihing ayos lang ako. Alam kong nag-aalala siya sa ’kin.

“Inutusan ni kuya Salem sila Kuya Isaac at Kuya Theo mag hukay ng lupa sa likod bahay natin kuya.” Pagsusumbong ni Kier sa ’kin. “Para daw ilibing ka na agad pag hindi ka daw na gising ngayon,” dagdag na sabi ni Kier kaya pinulot ko ang unan na nasa tabi ko at binato ko kay Salem na nasalo naman niya. 

“Tarantado ka talaga!” Inis kong sabi sakanya.

“Malay ko ba kung mabubuhay ka! Mabuti na yung handa,” depensa ni Salem. Kanina ko pa siya gustong sakalin. Nabwe-bwesit ako sa ginawa niya, yung tahi pa lang niya nakakairita na. 

Pumasok naman sa kwarto ko si Caleb kasama si Theo. Seryoso ang mga mukha ng dalawa kaya natigil kami ni Salem.

“Anyare sainyo?” Tanong ni Salem sa dalawa.

Napabuga ng hangin si Theo habang nakatitig samin. “Yung bihag na nasa basement. Nakatakas.” Saad ni Theo.

“Ano?” Gulat kong sabi. 

“Yeah. Pinautos ni Ruwi kay Raizen na patayin ang lalaki, ngunit nakatakas ’to. Hindi namin alam kung paano. Oh anong ginawa ni Raizen.” Sagot ni Caleb.

“Si Ruwi? Nasaan?” Tanong ko.

“Umalis para hanapin ang nakatakas na lalaki. Kasama niya si Raizen, Caiden, Nuroi habang si Atticus ang mata nila.” Sagot ni Theo.

“Bakit hindi kayo sumama?” Tanong ko ulit.

“Binilin ni Ruwi na maging alerto tayo. Baka may biglang sumalakay dito dahil isang assassin ang lalaking yun na kumukuha ng impormasyon satin.” Sagot ni Caleb. 

“Kung ganun.. maghanda kayo, kailangan natin protektahan ang bahay natin,” seryosong sabi ni Salem. Tumingin siya sa ’kin habang seryoso parin ang mukha. “Dito ka lang. Wag ka munang kumilos,” saad niya saka naglakad papuntang pintuan.

Sumunod naman ang iba kong mga kasama habang si Kier ay naiwan sa kwarto ko. “Magpalakas ka kaagad, kuya Lucifier. Salamat sa pagliligtas mo sa ’kin kagabi.” Sabi niya habang nakatitig  sa ’kin.

“Wala yun, bunso. Ayaw kong magkulang tayo kahit isa. Ayaw kong may mawala kaya kung kinakailangan magpasaksak ako ay gagawin ko, kahit sino man sainyo ang mapahamak, Kier. Importante kayo sa ’kin. Kayo ang pamilya ko.” Saad ko saka ko ginulo ang buhok niya.

Napangiti naman siya saka kinuha ang kutsara sa dala niyang pagkain upang pakainin ako. Gusto ko sanang tumulong sa mga kasamahan ko pero dahil sa ginawang tahi ni Salem ay malabo akong makakagalaw at baka bumuka ang tahi ko.

Alam ko namang kaya nila yun, may tiwala ako sa mga kaibigan ko.

A/N: Good night!❤️

Chapter 12

Nuroi’s Pov

HINAHABOL namin ang lalaking nakatakas sa basement. Kasama ko si Raizen at Caiden sa loob ng sasakyan. Si Ruwi naman ay gumamit ng ibang kotse habang si Atticus ay nasa bahay at tinitignan kung nasaan na ang location ng lalaki.

Kailangan namin siya mahanap at mapatay at baka masabi niya sa ibang myembro ng grupo niya ang location namin.

Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan habang si Raizen ay tahimik na nakaupo sa shotgun seat.

“Putanginang lalaking yun! Babalian ko siya ng leeg kapag nahuli natin siya.” Galit na sabi ni Raizen. May sugat siya sa kanyang braso ngunit hindi man lang niya iniinda yun.

“Hayaan mo na. Mahahanap din natin ang gagong yun.” Pagpapakalma ni Caiden kay Raizen. 

“Hindi ko makuhang kumalma lalo na’t dahil sa ’kin ay nakatakas ang gagong yun.” Galit na sagot ni Raizen. Hindi na lamang ako sumagot at baka bugahan pa niya ako ng apoy. 

“Tumungo kayo sa Yekateri Street.” Saad ni Atticus sa earpiece ko. 

Agad kong kinabig ang manibela at dumaan sa isang kalsada na papunta sa Yekateri.  

“Si Ruwi? Alam mo kung nasaan?” Tanong ni Caiden kay Atticus sa kabilang linya.

“Nawawala na naman siya. Mukhang hinubad na naman niya ang necklace niya,” sagot ni Atticus.

“Ang kulit talaga ni Ruwi.” Inis na sabi ni Caiden na may halong pag-aalala.

“Matigas talaga ulo no’n.” Sagot naman ni Atticus.

“Kailan ba lumambot ulo no’n.” Sabat ko na sa usapan.

“N’ong baby lang siya,” walang buhay na sabi ni Raizen. 

Unti-unti ay nakarating kami sa Yekateri. Sinabi ni Atticus ang iksaktong lugar ng lalaki kaya agad namin hinanap yun. Inihinto ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

Bumaba ako ng kotse maging si Caiden at Raizen habang suot namin ang mga maskara. 

Nakahanda ang baril ko at agad namin tinungo ang mga kabahayan para halughugin. 

“Maghiwalay tayo mga gago,” saad ni Caiden. Tumango lang kami ni Raizen. 

Ngahiwalay kaming tatlo, mag-isa kong tinatahak ang tahimik na eskinita habang hawak ang baril. 

Ngunit wala man lang akong makitang tao. Ni wala akong makitang dumadaan dito, masyadong tahimik ang lugar.

“Wala dito, Atticus.” Saad ko.

“Bumalik ka muna sa kotse. Sila Caiden at Raizen ang maghahalughog. Abangan mo baka may dumaan na kahinahinala.” Utos sa ’kin ni Atticus.

Sinunod ko naman ang utos niya at bumalik sa nakaparadang kotse namin. Binuksan ko ang pintuan ng driver seat saka ako pumasok para naman hindi matakot sa ’kin ang mga taong dadaan at makita akong nakasuot ng maskara.

Nakamasid lang ako sa labas ng bintana at hinhintay bumalik ang dalawa kong kaibigan. Lumipas ang ilang minuto ay bumalik si Caiden. 

Tinungo niya ang kotse saka niya binuksan ang pintuan ng back seat at pumasok. Tinanggal niya ang suot niyang maskara saka bumuga ng hangin. “Wala akong nakita sa pinuntahan ko.” Saad ni Caiden.

“Si Raizen, Atticus?” Tanong ko kay Atticus dahil hindi pa siya nakabalik.

“Sandali, hindi ko makita si Raizen.” Sagot niya kaya kumunot ang noo ko.

“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko.

“Bigla siyang nawala. Sundan niyo si Raizen.” Utos ni Atticus kaya mabilis kaming lumabas ng sasakyan habang sinusuot ang maskara. 

Tinungo namin ang pinuntahan ni Raizen habang naka alerto. Nasa unahan ko si Caiden na biglang huminto sa paglalakad habang nakatingin sa na apakan niya.

Yumuko siya at may pinulot sa lupa. “Kwentas ni Raizen.” Saad ni Caiden.

“Tangina!” Mura ko saka ipinalibot ang tingin.

“Fuck!” Mura ni Atticus habang naririnig namin ang mabilis na  pagtipa ng daliri niya sa keyboard ng laptop niya. “Damn it! Naka pasok sila sa system ko.” Saad ni Atticus. “Kailangan kong higpitan ang security ko.” Saad ni Atticus. 

“Kailangan malaman ’to ni Ruwi.” Saad ko saka ko kinuha ang cellphone na nasa bulsa ko. Tinawagan ko si Ruwi ngunit may ibang katawag ito at baka si Andrei ang kausap niya kaya pinatay ko nalang ang tawag at nag send ng message sakanya para ipaalam ang nangyari.

Hinalughog ulit namin ang lugar at nag babakasakaling nalaglag lang ni Raizen ang kwentas. Hindi na kami naghiwalay ni Caiden ng landas para kung sakaling may umatake samin ay dalawa kaming makikipaglaban.

Naiikot na namin ang lugar at wala kaming nakitang Raizen.  Mukhang tama ang kutob namin, nakuha nila ang kaibigan namin at ginawang bihag.

Nagsasalita si Atticus sa earpiece namin at sinasabing maayos na ang system namin. Inutusan narin namin sila Theo at Isaac na lumabas ng bahay para tulungan kaming hanapin si Raizen.

Raizen’s Pov

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko kahit masakit ang ulo ko. Bumungad sa paningin ko ang medyo madilim na kwarto. 

Ipinalibot ko ang tingin hanggang sa napadako yun sa isang mesa na may naka patong na mga kutsilyo, latigo at baril. 

Nakatali din ang magkabilaang braso ko habang nakadipa. Maging ang dalawa kong paa ay naka kadena. Wala narin akong suot na maskara.

Kanina habang hinahanap namin ang nakatakas na lalaki sa basement ay may malakas na humampas sa likod ng ulo ko. Bumagsak ako sa lupa, nakita ko ang apat na lalaki na hinampas ulit ang ulo hanggang sa nawalan ako ng malay. 

Alam kong mangyayari ’to kaya ihahanda ko na ang sarili ko kung sakaling pahirapan nila ako.

Bumukas ang pintuan at may pumasok do’n na tatlong lalaki. Unang kita ko palang ay alam kong mga pilipino ’to. Hindi na ako magtataka dahil uso talaga dati ang mga taong kumukuha ng mga bata at gagawing tauhan nga mga sindikato, katulad nalang sa nangyari sa ’kin pati narin sa mga kaibigan ko. 

“Dapat naka bitay ng patiwarik yan. Bakit pinatayo niyo lang.” Saad ng lalaking may blondeng buhok na halatang kinulayan lang.

Pinapakinggan ko lang sila at hindi nagsasalita. Hindi din ako nag pumiglas dahil ayaw kong maubusan ng lakas lalo na’t alam kong hindi ako makakatakas sa pagkakatali dito sa bwesit ba bakal na ’to.

“Should we kill him?” Biglang may sumulpot na isang lalaki sa pintuan at pumasok siya sa loob ng kwarto.

Masama kong tinignan ang lalaking yun. Siya lang naman ang nakatakas sa basement namin. 

“Pahirapan na muna natin bago natin ibigay sa pinakamataas natin.” Nakangising sabi ng lalaking may blonde.

“Sige. Para naman makabawi ako sa gagong ya, bagi natin ibigay kay master.” Saad ng lalaking nakatakas sa basement namin. Tama nga ako, may mataas pa sakanila. Sila lang ang pinapakilos pagdating sa labanan. Parang katulad din kay Rodjan pero hindi natuloy dahil nag rest in peace na siya.

Hinanda ko ang aking sarili sa gagawin nila dahil wala akong magagawa kundi tanggapin yun. Alam kong mahahanap ako ni Ruwi at ang mga kasama namin. Alam ko din na hindi nila ako tutuluyan dahil dadalhin pa nila ako sa master nila. 

Lumapit ang dalawang lalaki sa ’kin saka dinuruan ako sa mukha. Masama kong tinignan ang lalaking gumawa no’n at nang gigigil siyang patayin.

Ngumis lang sa ’kin ang lalaki sabay sampal sa mukha ko. Ibinalik ko ang tingin ko sakanya at tinitigan ang mukha niyang mabuti. Babawian ko siya kapag nakawala ako dito.

Biglang bumwelo ang lalaking may blonde ang buhok saka malakas na sinuntok ang sikmura ko. Napaubo ako sa ginawa niya habang nakakuyom ang aking kamao.

Nag angat ako ng tingin at nakita ang lalaking bihag namin na kumuha ng kutsilyo sa mesa. Naglakad siya papunta sa ’kin saka inilapit ang dulo ng patalim sa leeg ko. 

“Gusto sana kitang patayin na eh, pero kailangan ka namin dalhin kay master kaya pipigilan ko muna. Kapag nakuha na niya ang sagot sa’yo ay ako na mismo ang papatay sa’yo.” Nakangisi niyang sabi saka ibinaon ang dulo ng kutsilyo sa balat ng leeg ko.

Hinugot niya yun at mabilis akong sinaksak sa tagiliran. Napadaing ako habang tumatawa ang tatlong lalaki na nasa harap ko.

Wala akong ginawa kundi huminga ng malalim habang nilalasap ang sakit na kumakalat sa katawan ko. Sanay na ako dito kaya hindi nila ako mapapatumba ng basta-basta lang.

Suntok at sipa ang tinanggap ko sakanila at lahat ng yun ay puro daing ang ginagawa ko. Hinding-hindi ako makikiusap sakanila na tumigil na.

Sinuntok ako ng lalaking may dilaw na buhok sa labi kaya nalasahan ko ang dugo do’n. 

Napasunod ako ng tingin sa lalaking may hawak ang kutsilyo. Hinanda ko na ang sarili ko dahil sasaksakin na naman niya ako.

“Wag na wag mong itutuloy yan, Carbon.” 

Sabay-sabay kaming napatingin sa lalaking nakasandal ang likod sa nakabukag pintuan. “Wag ka ngang makialam dito, Thaddeus!” Galit na sabi ng lalaking bihag namin sa basement n’ong nakaraan. Carbon pala ang pangalan ng gago. Humanda talaga siya sa ’kin gigilitan ko talaga siya ng leeg.

“Kung ako sainyo wag niyo ng ituloy ang binabalak niyo.” Walang buhay na sabi ng lalaking nag ngangalan na Thaddeus.

“Wag kang mangialam dito at gawin mo ang sarili mong trabaho. Hindi yung pinipigilan mo kami sa gusto namin.” Sigaw ng lalaking dilaw ang buhok.

“Gusto niyo bang kayo ang pilayan ni master kapag napatay niyo ang bihag.” Saad ni Thaddeus.

Natigilan naman ang tatlo at sabay-sabay na tumingin sa ’kin ng masama. Tinapon ni Carbon ang hawak niyang kutsilyo sa paanan ko saka siya tumalikod sa ’kin.

Sumunod naman ang dalawa niyang kasama saka tuluyang lumabas ng silid. Binangga pa ni Carbon ang balikat ni Thaddeus dahil siguro sa pangingialam nito.

Yumuko ako habang iniinda ang mga sugat ko. Alam kong hindi pa umaalis ang lalaking may pangalan na Thaddeus.

Narinig ko lang na may tumunog na cellphone. 

“Fuck you!” Dinig kong sabi ng lalaki kaya nag angat ako ng mukha dahil baka ako ang sinasabihan niya.

Nakita ko siyang may kausap sa cellphone kaya malamang hindi ako ang sinasabihan niyang fuck you. 

“Oo na. Tangina ka talaga!” Dinig kong sabi ni Thaddeus at ang sumunod no’n ay ang pagsara ng pinto.

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko para ipahinga ang katawan kong nabugbog sa mga gagong yun.

Chapter 13

Ruwi’s Pov

Natanggap ko ang message ni Nuroi at sinabing nawawala daw si Raizen.

Napamura ako habang ibinalik ang tingin sa daan. 

Dinial ko ang number ni Thaddeus dahil alam kong mga kasamaha niya ang kumuha kay Raizen. Nakatakas kasi ang bihag namin kanina na dapat sana ay papatayin yun ni Raizen. 

Inihinto ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada habang itinapat ko sa kaliwang tenga ko ang cellphone. Hinihintay ko lang sagutin ni Thaddeus ang tawag ko.

“Hello, Police station! What can I help you?” Bungad niya sa ’kin sa kabilang linya.

“Ulol!” Inis kong sabi kaya tumawa siya sa kabilang linya.

“Bakit mo na naman ako ginugulong killer ka?” Tanong niya sa ’kin.

“Ang kaibigan ko. Hawak ng mga kutong lupa mong mga kasama.” Galit kong sabi.

“Apaka gago din naman kasi ng kasama mo eh, hindi niyo ba alam na teritoryo ng Dark dagger ang Yekateri.” Saad niya.

“Wala akong pakialam kung teritoryo niyo yun kahit pa sa impyerno yan. Kapag may nangyari sa kaibigan ko Thaddeus sinasabi ko sa’yo.. uubusin ko kayong lahat. Hindi ako nagbibiro.” Banta ko sakanya.

 “Damn you! Bakit pati ako?” Tanong niya.

“Kung ayaw mong madamay, siguraduhin mong ligtas ang kaibigan ko. Kapag may nakita akong galos kay Raizen, sasaksakin talaga kita.” Saad ko.

“Packk you! Pack you ka, Ruwi. Letter P yun para alam mo.” Sagot niya saka biglang nawala sa kabilang linya.

Tatawagan ko na sana ulit ang gagong Thaddeus ng biglang tumawag si Salem. Sinagot ko ’to agad saka itinapat sa isa kong tenga ang phone.

“Ruwi, nasan ka?” Bungad sa ’kin ni Salem. 

“Nasa panty ko,” sagot ko saka ko pinusad ang kotse.

“Alam kong may suot kang panty, kulay pink pa nga eh.” Pagsakay naman niya sa sinabi ko. Tarantado talaga ’to.

“Nasaan ka ba?” Seryoso niyang tanong.

“Ililigtas si Raizen.” Sagot ko agad.

“Mag-isa? Nahihibang ka ba? Nasaan ka? Sabihin mo sa ’kin ang location at ang asahan mo ang gwapong katulad ko ay darating agad. Sa ngiti ko palang ay taob na agad ang mga kalaban.” Pagyayabang na naman niya.

“Wag na! Hayaan niyo nalang ako. Basta uuwi ako dyan mamaya kasama si Raizen.” Sagot ko saka ko pinatay ang tawag.

Tinawagan ko ulit si Thaddeus na agad naman niyang sinagot. “Fuck you!” Inis niyang bungad sa ’kin.

“Wag na wag mong pababayaan ang kaibigan ko, Thaddeus.” Saad ko sakanya.

“Oo na,” sagot niya kaya pinatay ko tawag.

Ilang minuto lang ay may pumasok na message. Palipat lipat ang tingin ko sa daan at sa screen ng phone ko at binasa ang text ni Thaddeus. Nakalagay do’n kung saang address ako pupunta.

Agad kong tinungo ang lugar na sinasabi ni Thaddeus kung saan nila dinala si Raizen.  

Agad kong narating yun saka ko inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Kinuha ko ang itim kong maskara saka ko ’to isinuot.

Inilagay ko ang earpiece ko na nakakonekta kay Thaddeus. Kinuha ko din ang paborito kong maliit na katana. Tinawagan ko si Thaddeus at ikinonekta ko yun sa suot kong earpiece.

Naka ilang ring lang ako at agad na sinagot ni Thaddeus yun. “Nasa labas na ako,” bungad ko sa kanya.

“Nasa gate ako at pinagbubuksan ka. Kaya bumaba ka na dyan, pakyu ka!” Sabi niya kaya natawa ako.

Bumaba ako ng kotse habang hawak-hawak ang katana ko. Isasak-sak ko ’to kay Thaddeus kapag nakapasok ako.

Nang makarating ako sa gate ay agad bumukas yun at sumilip ang lalaking may kulay abo ang mga mata. “Bakit ka naka maskara?” Tanong niya sa ’kin.

Hindi ko nalang siya sinagot saka tinulak ang ulo niya papasok ng gate. Pumasok narin ako at ipinalibot ang tingin sa abandunadong maliit na building.

“Nasa left side ang kwarto kung saan nakatali ang kaibigan mo.” Saad niya  sa ’kin kaya tumango ako.

Narinig ko siyang bumuntong hininga saka masama akong tinignan. “Hindi ko alam kung bakit kita tinutulungan. Mas pinili kong traydurin ang grupo ko at tulungan ka.” Saad niya kaya napangisi ako sa suot kong maskara.

Hindi na ako sumagot at tinungo ang kaliwang bahagi.

“Mag-iingat ka, Ruwi.” Biglang sabi ni Thaddeus sa suot kong earpiece. “Wag na wag mong mamaliitin ang mga kasamahan ko, magaling din sila makipaglaban.” Pagpapaaala niya sa ’kin.

“I know.” Tipid kong sagot.

“Alam mo pero hindi ka nagsama ng myembro mo para  sumugod dito. Sira ulo ka!” Sagot niya. Hindi naman ako sumagot habang pinapakiramdaman ang paligid. 

“Ilan kayo dito?” Tanong ko kay Thaddeus.

“I think 30, not sure.” Sagot niya agad.

Hindi na ako sumagot pa at agad pumasok sa nakabukas na pintuan. Palinga-linga ako sa paligid saka ako naglakad ng deritso at walang pakialam kung may makakita man sa ’kin.

Tinungo ko ang kwarto na sinasabi ni Thaddeus at agad na binuksan ’to.  Napamura ako dahil ibang kwarto ang nabuksan ko. Nakatayo lang ako sa nakabukanh pintuan habang ang mga lalaking naglalaro ng baraha ay napatigil at halatang nagulat din sa ’kin.

“Shit! May nakapasok!” Sigaw ng lalaki na agad tumayo sa kinauupuan niya at bumunot ng baril. Agad kong isinara ang pinto kaya hindi ako natamaan ng balang pinakawalan ng lalaki. 

Agad akong tumakbo paalis sa kwarto at hinanap ang sinasabing kwarto ni Thaddeus. Napaka putangina kasi, sinabi niya kwarto lang eh ang daming kwartong nakalihira dito. 

“Anong nangyari, Ruwi?” Biglang tanong ni Thaddeues sa earpiece ko.

“Gago! Hindi mo sinabi na madaming kwarto ang nasa left side.” Inis kong sabi habang tumatakbo.

“Ahh.. wait. Nalilito ako kung saan ang left side at right side.” Sagot niya kaya napabuga ako ng hangin.

“Wag kang magpapakita sa ‘kin at baka lagyan kita ng gripo sa left at right mong tagiliran para matuto kang animal ka!’ Galit kong sabi sakanya na ikinatawa niya.

“Isang kwarto lang yun, Ruwi. Right side yata.” Sabi niya na parang hindi sigurado. Puta! Mamatay ako ng maaga kung siya ang kasama ko sa labanan. 

Ngunit napahinto ako sa pagtakbo at agad nag tago sa poste ng paulanan ako ng bala ng mga kalaban. Puro putok ng baril ang naririnig ko at wala akong magawa kundi ang magtago at maghintay na makalapit sila sa ’kin. 

Napakagat ako sa ibabang labi ko habang palinga-linga sa paligid para maghanap ng matatakbuhan. Pero imbes na matataguan ang nahanap ko ay si Thaddeus ang nakita ko na pinapaulanan ng bala ang mga kasamahan niya. 

Napangisi ako dahil loyal dog naman pala ang gagong ’to. 

Lumingon siya sa ’kin sabay hagis ng baril na agad ko namang nasalo. Binaril ko agad ang lalaking palapit sa ’kin at sinentro ko sa sintido. Naglakad papunta sa ’kin si Thaddeus habang nakikipag palitan parin ng bala sa mga kasamahan niya. 

“Sa right pala yun, Ruwi.” Sabi niya ng makalapit siya sa ’kin.

“Sira ulo ka!” Sagot ko habang tinutulungan siya.

“Ako ng bahala dito, iligtas mo na ang kaibigan mo habang wala pa si Carbon.” Sabi niya sa ’kin.

“Carbon Dioxide?” Tanong ko pero hindi siya sumagot sa ’kin sabay turo ng kwarto.

“Yun ang kwarto kung nasaan ang kaibigan mo. Kumilos ka na!” Saba niya sa ’kin sabay may inabot na susi kaya nagmamadali akong naglakad papunta do’n.

Nang makarating ako sa harap ng pinto ay agad akong sinipa ’to para mabuksan. Bumukas ang pintuan at nakita ko si Raizen na punon-puno ng dugo ang damit niya. Nakatayo din ’to habang nakadipa ang magkabilaang braso niya at nakatali. Ang dalawang paa din niya ay nakakadena din. 

Agad ko siyang nilapitan saka tinapik ang mukha. “Raizen! Raizen!” Tawag ko sakanya upang magising.

Dahan-dahan gumalaw ang ulo niya at unti-unti siyang nagkakamalay. “R-Ruwi..” tawag niya sa namamaos na boses.

Ginamit ko ang susi na binigay sa ’kin ni Thaddeus at agad binuksan ang mga kadena na nakakabit sa mga paa ni Raizen. Nabuksan ko yun saka ko sinunod ang mga braso niya. 

“Sinong kasama mo?” Tanong sa ’kin ni Raizen habang tinatanggal ko ang tali sa kaliwa niyang kamay. 

“Ako lang,” sagot ko agad.

“Ang tigas talaga ng ulo mo, Ruwi. Mapapahamak ka sa ginagawa mo.” Galit niyang sabi sa ’kin.

“May ulo bang malambot?” Tanong ko kaya pinandilatan niya ako ng mga mata niya.

“Kailangan natin makaalis dito, Ruwi.” Sabi niya na ikina iling ako.

“Hindi pwede. Hindi tayo aalis hangga’t hindi natin sila nauubos.” Saad ko saka tuluyang napakawalan ang kanan niyang braso. “Nakita nila itsura mo kaya dapat walang makaligtas kahit isa.” Seryoso kong sabi sabay abot sakanya ng kutsilyo.

Tinanggap naman niya ’to at pinaikot-ikot sa kamay niya. “Akin ang tatlong nag pahirap sa ’kin.” Seryoso niyang sabi. Halata sa mukha niya ang galit. Mukhang ang tatlong tinutukoy niya ang nambugbog sakanya. Sa hitsura kasi ni Raizen ay halatang binugbog at sinaksak siya.

Raizen’s Pov

Lumabas kami ni Ruwi sa kwarto habang hawak ko ang maliit na kutsilyo. 

“Wag mong papatayin ang lalaking may suot na navy blue na hoodie.” Sabi ni Ruwi kaya kumunot ang noo ko.

“Bakit?” Tanong ko.

“Basta. Sundin mo nalang,” sagot niya habang nakatingin sa paligid. 

Sapo-sapo ko ang nasaksak kong tagiliran kanina habang naglalakad kami ni Ruwi. Biglang sumenyas si Ruwi na may paparating kaya agad kaming naghiwalay dalawa at nagtago sa mga lumang poste.

Hinihintay ko lang na makarating ang papunta sa gawi namin. Nang marinig kong malapit na ang mga yapak nila ay hinanda ko na ang sarili ko. 

Nakita ko ang tatlong lalaki na bumugbog sa ’kin kanina. Napahigpit ang hawak ko sa kutsilyo dahil naalala ko kung paano ako dinuruan ng isang lalaki kanina.

Tumingin ako kay Ruwi at sumenyas na wag siyang makialam. 

Lumabas ako sa pinagtataguan ko at agad sinugod ang tatlong lalaki na nakatalikod sa gawi ko. 

Itinaas ko ang kamay ko na may hawak na kutsilyo at ibinaon yun sa batok ng lalaking dinuruan ako. Nagulat ang dalawang lalaki na agad bumunot ng baril. 

Sinipa ko ang kamay ng dalawang lalaki saka ko binunot ang kutsilyong ibinaon ko sa batok ng lalaking dumura sa ’kin. 

“Paano ka nakatakas?” Sigaw na tanong ni Carbon. 

Hindi ako sumagot at agad na sinaksak ang kutsilyo sa mata niya. Humiyaw ’to sa sakit kaya hinugot ko ulit ang kutsilyo saka ko sinaksan sa leeg niya kaya tuluyan ’tong nangisay at bumagsak sa sahig.

Tatakas sana ang lalaking may dilaw na buhok ng lumabas si Ruwi sa pinagtataguan niya saka sinipa ang lalaki na ikinabagsak nito sa sahig.

Lumapit ako sa lalaki saka hinawakan ang dilaw niyang buhok. Wala akong sinayang na oras at agad na sinaksak sa pisngi ang lalako saka ko hiniwa pataas hanggang sa mata niya kaya tumalsik ang dugo niya sa mukha ko. 

Binitiwan ko ang lalaki sa sahig saka ko sinipa ang nahati niyang mukha. Hindi pa ako nakuntento at sinaksak ko pa ’to ng ilang beses hanggang sa maubusan ako ng lakas. 

“Halika na! Kailangan na natin umalis dito,” sabi ni Ruwi sa ’kin at naunang naglakad sa ’kin.

Sumunod ako sakanya habang naka alerto parin sa paligid at baka may lumabas pa na kalaban. 

Hanggang sa nakalabas kami ay wala ng sumalubong samin kundi mga bangkay na nagkalat sa sahig. Hindi ko alam kung si Ruwi ang may gawa ng lahat ng ’to. Akala ko pa naman ay kasama niya si Theo o si Salem. 

Siguro ay tinakasan na naman niya si Atticus dahil napansin kong wala siyang suot na kwentas. Napaka tigas talaga ng ulo niya kahit kailan.

Nakalabas kami ng building at agad na tinungo ang sasakyan ni Ruwi na nakaparada sa unahan. Binuksan ko ang passenger seat saka ako pumasok at naka hinga ng maluwag.

Akmang isasara ko na sana ang pintuan ng kotse ng makita ko si Ruwi na hindi gumagalaw habang may tinitignan. Nagtaka naman ako dahil nakatayo parin siya sa kalsada habang nakatingin sa building kung saan ako binihag. Tumingin na din ako at sinundan kung saan siya nakatingin. 

Kahit malayo ay may nakita akong tao do’n na nakatayo sa 4th floor. Nakasuot siya ng hoodie jacket habang naka tingin din sa gawi ni Ruwi.

“Sinong tinitignan mo?” Tanong ko sa kaibigan kong nakatayo parin sa kalsada.

“Wala. May hinahanap lang,” sagot niya saka naglakad papunta sa driver seat. 

Isinara ko nalang ang pinto at hinintay si Ruwi na makapasok ng kotse. Nang makapasok siya ay tinanggal niya ang suot niyang maskara at agad na binuhay ang makina at pinausad.

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko para ipahinga ang nabugbog kong katawan.

Chapter 14

Atticus Pov

KASAMA ko si Andrei sa haven ko at pinapanood ang babaeng tracker ng isang grupo. Sinusundan namin ang mga kilos niya sa pamamagitan ng mga cctv na nakapaligid sakanya. 

“Satingin mo makakuha tayo ng impormasyon sa babaeng yan?” Tanong ni Andrei sa ’kin. 

“Bakit naman hindi? Eh may ipapagawa ako sa’yo.” Sagot ko habang nakatuon ang mga mata ko sa screen ng computer. 

“Anong ipapagawa mo sa ’kin?” Tanong niya habang nakatitig pa talaga siya sa ’kin.

“Kaibiganin mo.  Kaya mo naman siguro lapitan si Verena.” Saad ko saka ko siya nilingon.

“Malamang hindi niya kaya yan.” Bigla akong napalingon ng biglang sumulpot si Lucifier sa haven ko.

Napangiwi si Andrei saka tumingin sa screen ng computer. “Kung kakaibiganin lang naman, kaya ko. Pero kung paiibigin.. wag na, hindi ko kaya yun.” Saad ni Andrei sa seryosong boses.

“Bakit naman hindi mo kaya? Ayaw mo no’n titikim ka.” Nakangiting sabi ni Lucifier kaya masama ko siyang tinignan. Demonyo talaga ’to kahit kailan. 

“Ayaw ko! Mamamatay akong virgin, guys! Kahit kailan hindi ako titikim ng amoy bagoong.” Nakangiwing sabi ni Andrei kaya mahina akong natawa.

“Masarap yun, gago!” Pamimilit na naman ni Lucifier kay Andrei.

“Tumigil ka ngang hayop ka! Wag mong demunyuhin si Andrei!” Biglang sulpot ni Ruwi sa kwarto namin at binatukan si Lucifier gamit ang martilyo niyang hawak kaya nag tawanan kami ni Andrei dahil nag mukang pako ang ulo ni Lucifier sa ginawa ni Ruwi.

“Siya na ba yung babaeng yun?” Tanong naman ni Ruwi sa ’kin.

“Yes. Si Verena Saxon, 18 years old and tracker ng grupo ng Dagger.” Saad ko saka ako lumingon kay Ruwi. “Bakit mo nga pala ’to pinapagawa sa ’kin?” Tanong ko.

“May kailangan ako sa grupo ng Dagger. By the way, nagawa mo na ba ang bracelet na pinapagawa ko?” Tanong niya sa ’kin kaya binuksan ko ang drawer at kinuha ang bracelet na may lamang tracking device. Dalawa yun, isa kay Ruwi at ang isa ay hindi ko alam kung para kanino. Pinagawa lang niya yun sa ’kin bigla.

Inabot ko yun kay Ruwi na agad naman tinanggap. “Thanks,” saad niya kaya tumango ako.

Nakita kong tinapik ni Ruwi ang balikat ni Andrei. “Ipagpatuloy mo yang pagiging virgin mo, wag kang gumaya sa hayop na ’to.” Sabi ni Ruwi na tinuro pa talaga si Lucifier.

“Tikim-tikim lang naman yung sa ’kin eh,” hirit pa ni Lucifier.

“Bigwasan kita eh. Pano nalang kung may babae kang anak sa future ha! Paano kung ang karma ay mapunta sa anak mo. Isipin mo nga.. matutuwa ka ba kung ang anak mong babae ay paglaruan din ng lalaki. Anong mararamdaman mo?” Tanong ni Ruwi. 

Bigla naman naging seryoso ang mukha ni Lucifier. “Magdasal nalang sila sa kahit saang santo dahil papatayin ko sila kapag may nanakit sa anak kong babae sa future kung magka anak ko.” Sagot ni Lucifier.

“Kitam.. nagalit ka din, kaya tigilan mo na yang tikim-tikim na yan at baka kamao ko ang lumapat sa mukha mo.” Inis na sabi ni Ruwi. 

“Nga pala, may mission ako ngayon kaya baka bukas pa ako makakauwi.” Saad ni Ruwi kaya tumango ako. 

“I’ll guide you, boss.” Seryoso kong sabi kaya tumango si Ruwi saka tinapik ang balikat ko at naglakad palabas ng kwarto. Sumunod naman si Lucifier sakanya na nilalambing na naman ang nag iisa naming babae.

Tinapik ko ang balikat ni Andrei kaya lumingon siya sa ’kin. “Kaibiganin mo lang siya, kahit kunting impormasyon lang ang makuha mo ay ayos na yun.” Sabi ko kay Andrei kaya tumango siya.

“Okay, gagawin ko. Bukas na bukas din,” sagot niya.

“Anong bukas.. ngayon mo na gawin.” Saad ko saka ako tumayo sa kinauupuan ko. Narinig ko siyang bumuntong hininga na halatang hindi gusto ang inutos ko sakanya. Allergic kasi si Andrei sa mga babae pwera nalang kay Ruwi na hindi ko malaman kung babae ba o hindi dahil siga kong maglakad.

Isaac’s Pov

PINAPANOOD ko lang si Nuroi na nagluluto ng pananghalian namin. Katabi ko si Eros na halatang nag aalala sa lulutuin ni Nuroi.

“Sure ba talaga ang gagong yan na siya magluluto?” Mahinang tanong ni Eros sa ’kin.

“Ewan ko. Hayaan mo siyang masaksak ni Lucifier. Malamang pangit lasa ng luto niya,” sagot ko sa mahinang boses.

“Lakasan niyo pa kaya ng kunti yang mga pinagsasabi niyo! Nakakasakit kayo ng damdamin eh.” Saad ni Nuroi sa nagtatampong boses.

“Nag alala kami sa karne,” saad ko kaya tumango si Eros.

“Oo nga, alam naman namin na wala kang talent na gago ka bukod sa paghuhugas ng saksakan ng rice cooker.” Sabi ni Eros kaya mahina akong natawa.

“Mga gago! Pag talaga natuto akong magluto.. who you sa ’kin. Mga tangina kayo!” Galit niyang sabi.

“Hayaan mo na lang yang gagong yan. Siya naman masasaksak mamaya eh. Nandyan naman si Salem para gamutin siya.” Sabi ko saka ako lumingon sa likuran ko ng marinig ko ang pangit na boses ni Salem na kumakanta pa.

Wait for me, aking mahal

’Yan ang lagi kong dinarasal

That you wait for me, aking mahal

Konting tiis na lang at ’di na magtatagal Ako’y babalik na, so, please wait for me.

Kanta ni Salem na pumipiyok pa talaga. 

Tinapik ni Eros ang balikat ko kaya napaligon ako sakanya. “Pakainin mo na ang alaga mong aso, nauulol na eh.” Saad ni Eros. 

Pumasok si Salem sa kusina na nakasuot pala ng headset kaya naman feel na feel niyang kumanta. 

“Bakit niyo na naman pinagluto ang hayop na yan. Sasakit tiyan niyo kapag si Nuroi ang nagluto.” Saad ni Salem na tumingin pa talaga samin.

“Kanina pa namin pinipigilan ang hayop na yan, ayaw lang talaga paawat.” Sagot ko.

“Nasan ba si Lucifier?” Tanong ni Salem samin.

“Nasa haven ni Atticus.” Sagot ni Eros saka kumuha ng apple na nasa harapan namin saka kumagat.

“Mga buddy!!” Bigla kaming natigilan ng biglang sumulpot si Aizen at Caiden sa kusina. May hawak pa si Aizen na parang tali na mahaba, na iba’t ibang kulay.

“Chinese garter tayo mga gago!” Saad niya kaya napabuga ako ng hangin.

“Game ako dyan, mga buddy.” Saad naman ni Salem.

“Count me in mga gago. Dapat may spaghetti pababa din tayo. Pagalingan nalang ohh.” Saad pa ni Eros na tumayo pa talaga saka gumiling na parang sa sex bomb dancer. Hindi ko alam kung seryoso ba ’tong mga ’to.

Hinila pa ako ni Eros kaya napatayo ako. “Tigilan niyo nga ako! Hindi ako sasali sa laro niyo! Mag spaghetti pababa, paitaas kayo. Wag niyo akong idamay.” Galit kong sabi habang kinakaladkad ako ni Eros. Tumulong pa si Salem kaya hindi ako nakapalag.

“Wag kang kj, Elrod. Sumali ka na sa pa galingan mag spaghetti pababa, paitaas.” Sabi pa ni Salem. Mga tarantado talaga. 

Kasalanan talaga ’to ni Aizen eh. N’ong isang araw nag dala ng jackstone kaya nag laro naman kami. Ang sakit ng tenga ko no’n dahil kapag nagkamali ay pipitikin ang tenga. 

“Tawagin mo ang iba, Caiden. Wag mong isali si Ruwi, pikon yun eh kapag natalo. Baka barilin tayo.” Natatawang sabi ni Salem. 

Sumali kasi si Ruwi sa laro namin sa jackstone, siya na ang naglalaro ng aksidenteng nasagi ni Salem ang kamay niya kaya muntik malunok ni Salem ang isang jack sa inis ni Ruwi ng matalo siya.

Umalis naman si Caiden, kami naman ay nakarating sa greenfield. Binitiwan lang ako ng dalawa kaya lumapit ako kay Aizen at inagaw ang hawak niyang chinese garter at sinakal sa leeg niya. Kasalanan talaga ’to niya lahat, mapapakembot pa ako ng wala sa oras.

Nagsidatingan ang mga gago naming kaibigan na halatang excited din. Dumating din si Ruwi na may dalang video cam.

“O mag group na tayo. Pagalingan tayo mag spaghetti pababa ha!” Saad pa ni Salem.

“Seryoso ba talaga kayo?” Galit kong sabi sa mga kaibigan ko na nagtatawanan. 

Natawa nalang din ako dahil sumali si Raizen at seryosong sumayaw ng spaghetti pababa at pataas na parang na asinan. Napakamot nalang ako sa likod ng ulo ko sa mga pinaggagawa namin.

Si Ruwi naman ay panay tawa habang kinukuhaan kami ng video.

Nang matapos kami ay nag chinese garter naman kami. 

Aksidenteng napigtas ang garter ng si Lucifier ang tumalon na hanggang sa may ulo ang sukat ng garter. Tumama sa mukha ni Eros ang garter kaya nag tawanan kaming lahat.

“Bwesit ka, Lucifier!” Galit na sabi ni Eros. 

Pawis na pawis kaming lahat sa kalokohan namin pero panay parin ang tawa namin. Naglalaro lang kami dahil bukas ay sasabak na naman kami sa iba’t ibang mission namin.

Pagkatapos namin maglaro ay nahiga kami sa damuhan habang pawis na pawis. “Sumakit tagiliran ko sa spaghetti pababa kanina.” Reklamo ni Raizen na parang tanga na sumayaw kanina. 

“Kung di ka ba naman kasi kalahating pangit at kalahating tanga.. sumali-sali ka eh alam mong kagagaling lang ng saksak mo sa tagiliran.” Pangbabara ni Salem kay Raizen.

Nakidnap kasi siya n’ong nakaraan na niligtas naman ni Ruwi. Hindi namin alam kung paano yun ginawa ni Ruwi na iligtas ng mag-isa si Raizen na hindi hinihingi ang tulong ni Atticus. Pakiramdam ko ay may tumulong sakanya dahil kahit anong pilit ni Atticus hanapin ang mga kuha ng cctv nang araw na yun ay wala siyang makita.

Lumapit si Ruwi samin saka umupo sa damuhan habang hawak parin ang video cam. “Hindi ko alam kung magiging proud ba ako sainyo o ikakahiya ko kayo sa ginawa niyo.” Saad pa ni Ruwi na nakatuon parin ang mga mata sa video.

Natawa nalang ako dahil maging ako ay kinakahiya ko ang sarili ko sa ginagawa ko kanina. Humanda talaga sa ’kin si Aizen kapag nagdala na naman siya ng laruan dito. 

A/N:, Good evening!❤️✨

Chapter 15

Ruwi’s Pov

NAGLALAKAD AKO papunta sa kotse na nakaparada sa gilid ng kalsada. May gagawin akong mission ngayong gabi. 

Binuksan ko ang pintuan ng driver seat saka ako pumasok sa loob at isinara ang pinto. Binuhay ko ang makina ng kotse at agad na pinausad. 

Nakatuon lang ang atensyon ko sa daan habang ngumunguya ng bubble gum. Nakarating ako sa ma traffic na lugar kaya bumagal ang usad ko. Kinuha ko nalang muna ang cellphone ko sa loob ng leather jacket. Baka kasi nag text si Atticus sa ’kin dahil hindi ko sinuot ang kwentas na may tracking device.

Biglang umusad ang mga sasakyan na nasa harapan ko kaya agad kong pinatakbo ang sasakyan. 

Hindi na masyadong traffic sa lugar na dinadaanan ko kaya deri-deritso na ang takbo ko. 

Tinungo ko ang lugar kung saan ko papatayin ang target ko. Tumingin muna ako sa relong pambisig ko at nakitang masyado pang maaga para gawin ang mission ko kay naisipan kong magkape muna at magpalipas ng isang oras. 

Naghanap ako ng coffee shop at agad na pinark ang kotse ko. Bumaba ako ng sasakyan at agad na pumasok sa coffee shop. Umorder na muna ako ng kape saka ako naghanap ng pwesto. 

Umupo ako at inilabas ang cellphone ko ng maramdaman kong nag vibrate ’to sa loob ng leather jacket ko. Binuksan ko ang phone ko ng makita kong si Salem ang nag text. Nalukot ang mukha ko ng mabasa kong nanghihingi siya ng baon. Ibabaon ko na talaga siya sa lupa pag nakauwi ako sa bahay.

Hindi ko nalang nireplayan ang gago at ibinalik ang cellphone ko sa loob ng leather jacket. Humigop ulit ako ng kape habang nakatingin sa mga taong tumatawid sa pedestrian lane. Nagpapalipas lang ako ng oras hanggang sa naisipan kong tumayo na para lumabas ng coffee shop.

Nang makalabas ako ay tinungo ko ang kotse ko na nakaparada sa gilid ng kalsada. Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng driver seat ng may tumamang bala sa likod ng kotse ko.

Kung sino man ang nagpaputok no’n ay malamang duling.

Nagsigawan ang mga tao na nasa paligid ko ng marinig nila ang putok ng baril. Bubuksan ko na sana ulit ang pinto ng kotse ng paulanan ulit ng bala ang kotse ko. Napamura ako ng ilang beses at walang choice kundi tumakbo kasabay ng mga taong tumatakbo din para magkapag tago.

Tumatakbo ako ng mabilis at hindi lumilingon sa likuran ko. Nakahanap ako ng eskinita kaya aga kong tinungo yun. 

Mas lalo pa akong napamura ng may marinig akong tunog ng kotse na nakasunod sa ’kin. “Fuck!” Saad ko habang napahinto sa pagtakbo ng makita kong may kotse na papasalubong din sa ’kin. 

Tumakbo ako sa kaliwang bahagi kung saan may makitid na daan. Ginawa ko ang lahat para makalusot ako.

Nang makalabas ako ay bumungad sa ’kin ang tahimik na lugar kung saan may malawak na basketball court. Walang ka tao-tao kaya napakatahimik. 

Tumakbo ulit ako ngunit napahinto ng makita kong may malaking sasakyan akong nakita at nasa itaas nito ay may lalaking may dalang baril. “Putangina!” Mura ko saka ako tumakbo ulit. Sa tatak ng sasakayan nila ay alam kong grupo ng Dagger ang humahabol sa ’kin. 

Problema ko pa ngayon ay hindi ko suot ang earpiece ko na naka connect kay Atticus. Maging ang tracking device na necklace ko ay hinubad ko kanina. 

Tumatakbo lang ko sa daad habang nag angat ng tinging ng makita ang nagtataasan na building. Walang ibang tutulong sa ’kin ngayon kundi ang sarili ko. 

Mas lalo pa akong napamura ng magsidatingan ang dalawang sasakyan na humahabol sa ’kin kanina. Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo ko ng magsimula silang paulan ako ng bala. Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko upang hindi ako matamaan. 

Habang tumatakbo ako ay napa angat ang tingin ko ng makita kong may balang papunta sa gawi ko. Tangina may sniper pa talaga sila para tugusin lang ako. 

Agad akong yumuko para hindi ako matamaan ng bala na papunta sa ’kin na hindi ko alam kung saan nanggaling. 

Napsunod ang tingin ko ng sunod-sunod na bala ang pinakawalan ng sniper at lahat yun ay dumaan lang sa itaas ko at tumama sa lalaking nasa malaking sasakyan na may hawak na baril. Tumama ang bala sa noo niya kaya natigil ang lalaki sa kakaputok ng bala sa ’kin. 

Napalingon ako sa mataas na building kung saan nang galing ang sniper shot. Nakita ko agad ang isang taong naka suot ng sombrero habang naka jacket at nakatutuok ang sniper gun niya sa gawi ko.

Biglang nag vibrate ang cellphone sa leather jacket ko kaya kinuha ko ’to sa pag aakala na si Atticus. Hindi ko na tinignan ang caller at mabilis na sinagot ang tawag.  Nakita ko pang nagpakawala ng bala ang sniper at muli ay tumama sa mga taong humahabol sa ’kin. 

“Hello!” Bati ko sa kabilang linya habang hindi parin tumatayo.

“Tangina ka! Ano pang ginagawa mo dyan! Tumatae ka ba?” Bungad niya sa ’kin sa kabilang linya. 

“Thaddeus..” sambit ko sa pangalan niya.

“Run. I’ll protect you from here.” Saad niya kaya mabilis akong tumayo at tumakbo ulit. Nakita kong nag paulan ng bala si Thaddeus sa mga taong humahabol sa ’kin kaya napangiti ako. Maasahan talaga ang gagong ’to kahit medyo may pagka shunga dahil dumaplis sa braso ko ang isang bala na pinakawalan niya. Humanda siya sa ’kin mamaya.

Nakahanap ako ng malulusutan at agad na bumalik sa coffee shop kung saan ko iniwan ang kotse ko. Nang makabalik ako ay agad kong binuksan ang pintuan ng kotse para puntahan ang location ni Thaddeus.

Pinaharurot ko ang kotse habang hindi iniinda ang tama ng baril sa braso ko. Hindi parin pinapatay ni Thaddeus ang tawag kaya naririnig ko parin ang putok ng baril na ginagawa niya.

“Bumaba ka ng hayop ka!” Saad ko.

“Pakyu ka!” Sagot naman niya. Narinig ko ang kaluskos sa kabilang linya na parang meron siyang inaayos. 

Mas lalo kong binilasan ang pagpapatakbo ko ng kotse hanggang sa marating ko ang mataas na building kung nasaan si Thaddeus. Inihinto ko ang kotse at nakita ko siyang tumatakbo palabas ng building. 

Binuksan ko ang pintuan ng passenger seat kaya agad siyang pumasok sa loob. Pinaharurot ko agad ang sasakyan saka mabilis akong nag preno kay napasubsob si Thaddeus. “Tangina ka!” Mura niya sa ’kin. 

Mahina akong natawa saka ko inayos ang pagmamaneho ko. “Ganti ko yan sa’yo dahil binaril mo ko kanina. Duling ka ba?” Tanong ko sakanya.

Tumingin siya sa ’kin at napatingin sa braso ko na tumutulo ang dugo. “Ang tanga naman kasi ng braso mo.” Sagot niya kaya malakas ko ulit pinreno ang kotse kaya napasubsob ulit ang mukha niya.

“Tangina ka talaga! Isusumbong kita sa traffic enforcer.” Reklamo niya habang hinihimas ang matangos niyang ilong na tumama sa harapan ng sasakyan.

Napatingin ako sa rear view mirror ng mapansin kong may sumusunod samin. Mas lalo kong binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan at nilulusutan ang mga nakakasabayan kong sasakyan sa daan.

“Isuot mo ang maskara.” Utos ko sakanya.

“Bakit naman?” Tanong pa sa ’kin ng gago.

“Ang pangit mo eh,” naka ngiwi kong sabi kaya masama niya akong tinignan at ipinakita ang gitnang daliri niya. 

“Isuot mo dahil hinahabol tayo ng ka grupo mo. Hindi ka nila pwedeng makita.” Sagot ko kaya agad niyang kinuha ang itim na maskara ko at isinuot.

“Puta! Kalahati lang ng mukha ko ang natatakpan. Bakit kasi ang liit ng mukha mo.” Reklamo pa niya ngunit hindi ko na siya sinagot ng mabilis kong iniliko ang sasakyan kaya tumama ang ulo ni Thaddeus sa bintana ng kotse.

“Hayp ka! Mamatay ako sa untog!” Reklamo niya habang hinihimas ang ulo niya. 

“Titigas ng ulo ng mga ka grupo mo.” Pag iiba ko sa usapan.

“Inutos ng boss namin na huliin ka. Buhay man o patay.” Seryosong sabi ni Thaddeus. “Sa pangatlong pagkakataon.. tinulungan ulit kitang hayop ka kahit alam kong ito ang magiging kamatayan ko pagdating ng panahon dahil sa pagtulong ko sa’yo.” Dagdag niyang sabi saka bumuntong hininga.

“Bakit mo naman kasi ako tinulungan?” Tanong ko habang palipat-lipat ng tingin sa daan at sakanya.

“Hindi ko din alam.” Sagot niya saka lumingon sa ’kin. “Basta ang alam ko ay handa kitang tulungan na tangina ka! I’m your shadow, Ruwi.” Saad niya sa seryosong boses.

Kahit masakit ang braso ko ay kinuha ko ang bracelet na pinagawa ko kay Atticus sa loob ng leather jacket ko. Inabot ko yun kay Thaddeus kaya tinanggal niya ang suot niyang maskara. 

“Para saan ’to?” Kunot noo niyang tanong.

“Bracelet.” Sagot ko kaya masama nya akong tinignan. Malay ko ba kung hindi niya alam.

“Alam kong bracelet yan. Pero bakit binibigay mo sa ’kin?” Tanong niya.

“May tracking device yan. Isuot mo para alam ko kung nasa panganib ka. Mararamdaman ko din ang emosyon mo kaya kapag nangailangan ka ng tulong.. asahan mong darating ako agad para isalba ka. Pangako ko yan sa’yo na tangina ka din. Kanina mo pa ako minumura.” Galit kong sabi.

Ngumiti siya saka kinuha ang bracelet at isinuot yun sa kaliwa niyang kamay. 

Tuloy-tuloy lang ang pagpapatakbo ko hanggang sa makalayo kami sa humahabol samin. 

“May mission ka?” Tanong sa ’kin ni Thaddeus.

“Meron,” tipid kong sagot habang binabagalan ang takbo ng sasakyan saka ako naghanap ng pwedeng hintuan ng kotse ko. 

“Nice. Sama ako.” Nakangiti niyang sabi ngunit hindi ako sumagot.

Nang makakita ako ay iginilid ko ang kotse para gamutin ang braso ko. Hinubad ko ang suot kong leather jacket kaya nak suot na lang akong ng white top na naging red na dahil sa dugo ko.

Napangiwi si Thaddeus ng makita ang sugat ko kaya masama ko siyang tinignan. Tinulungan nga ako pero binaril din naman. May galit talaga siya sa ’kin.

A/N: Good afternoon!❤️✨

Chapter 16

Lucifier’s Pov

NASA SCHOOL ako habang nakikinig sa teacher namin na nag di-discuss. Kaklase ko ngayon si Raizen na parang tanga na humihigop. Akala  mo’y nag dru-drugs ngunit humihigop lang pala ng mik-mik.

Hindi ko nalang siya sinaway sa trip niya sa buhay. Basta kapag nabilaukan siya ng mik-mik ay hindi ko siya tutulungan. Malapit na ang uwian namin at ito na ang huling subject naming dalawa ni Raizen. Yung iba naming kaibigan ay hinihintay kami sa cafeteria dahil kanina pa natapos ang klase nila.

Wala ngayon si Andrei dahil nasa Pilipinas siya para sundan si Verena. Akala namin hindi niya tatanggapin ang hamon ni Atticus sakanya ngunit nagulat kami ng malaman namin na close na sila ni Verena. Matinik naman pala ang kaibigan naming takot sa tahong at naging kaibigan niya ang tracker ng isa sa mga kalaban namin.

Ilang sandali pa ay natapos na ang klase namin kaya agad kaming lumabas ni Raizen at tinungo ang cafeteria.

Hindi parin siya tapos sakaka higop niya sa mik-mik hanggang sa makarating kami sa cafeteria. Nakita ko agad ang mga kaibigan ko na busy kumakain. Lalo na si Salem na naka dekwat na naman yata kay Ruwi ng baon. 

Naglakad ako papunta sakanila at agad na tinapik ang balikat ni Atticus. “Tapos na kayo?” Tanong niya. 

I nodded and took some fries from Salem’s food. Masama akong tinignan ni Salem saka niya itinago ang mga pagkain niya. 

“Let’s go. Uwing uwi na ako,” saad ni Eros na tumayo sa kinauupuan niya at nag inat ng kanyang katawan.

Tumayo narin ang iba ko pang kaibigan, si Kier naman ay busy sa pagtitig sa test paper niya. Katatapos lang kasi namin kahapon ng exam. 

Sumilip ako sa test paper ni Kier at nakitang dalawa lang ang mali niya sa hanggang 100. Tinapik ko ang balikta niya kaya lumingon siya sa ’kin.

“Bakit titig na titig ka sa test paper mo?” Kunot noo kong tanong sakanya. 

Ngumuso siya. “May mali akong dalawa, kuya Lucifier. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali,” sabi niya kaya napangiwi ako. 

“Buti nga sa’yo dalawa lang wrong mo, pano naman si Salem na 25 lang ang tama.” Nakangisi kong sabi sabay turo kay Salem.

“Kaya mamaya.. tatamaan yan ni Ruwi ng 25 points.” Natatawa na sabi ni Levi kaya nagtawanan kaming lahat.

“Mga gago! Naubusan lang ako ng stock knowledge.” Depensa pa ng gago habang ngumunguya. 

“Magdasal ka nalang mamaya na wag kang paulanan ng bala ni Ruwi. Ang laki-laki pa naman ng baon mo,” sabat naman ni Theo. 

Nalukot ang mukha ni Salem at hindi na sumagot sa pang aasar namin sakanya. Malaki naman talaga baon ng gago dahil panay ang kain. Paborito siya ni Ruwi pero hindi kami naiingit dahil kulang naman talaga siya sa aruga. 

Sabay-sabay kaming naglakad papunta sa parking lot ng school. Dala ni Atticus ang sasakyan na nakuha namin dati kay Rodjan. 

Agad akong lumapit sa sasakyan at binuksan ang pintuan saka ako pumasok. Sumunod naman pumasok si Salem at tumabi ng upo sa ’kin. Siniko ko siya sa dibdib habang umiinom ng tubig kaya napaubo siya saka masamang tumingin sa ’kin. 

“Sorry, hindi ko sinasadya.” Sabi ko kahit sinadya ko naman talaga. 

“Nag sorry ka pero labas sa ilong,” pagalit na sabi ni Salem sa ’kin. 

Pumasok ang iba pa naming kaibigan at pinakahuling pumasok ay si Raizen saka niya isara ang pinto. Si Atticus ang nasa driver seat habang nasa shotgun seat si Eros.

Agad na binuhay ni Atticus ang makina ng kotse saka niya pinausad. 

“Nasa bahay na ba si Nuroi?” Tanong ko sa mga kaibigan ko.

“Kanina pa, kunti lang subject no’n ngayon eh,” sagot ni Elrod.

“Chat mo nga. Sabihin mo mag saing siya para pagdating natin ulam nalang lulutuin.” Utos ko kay Elrod. Lowbat kasi ang cellphone ko, nakalimutan kong icharge kanina. 

Tumingin nalang ako sa labas ng bintana at nadaanan namin ang babaeng naka one night stand ko. May kasama pa talaga siyang lalaki kaya natawa ako. Wala naman akong paki sa babae dahil siya naman may gusto na may mangyari samin. Hindi din naman ako nakikipagtalik na walang protection. Ayaw kong magkaroon ng sabit.

“Yung ginawa mong stand pre, may kasamang iba.” Sabi ni Eros sa ’kin. Malamang alam nila, si Ruwi lang hindi dahil panay ang alis niya sa bahay. Lagot na naman ako kapag nalaman niya ‘to kaya nakipag deal ako kay Atticus na wag sabihin kay Ruwi.

Tahimik lang kami sa loob ng kotse hanggang sa napansin ko si Atticus na panay ang sulyap sa rear view mirror. Pabilis din ng pabilis ang takbo ng sasakyan namin. 

“May problema ba, Atticus?” Tanong ko sakanya.

“Someone is following us.” Sagot niya kaya napalingon ako sa likod.

“Baka nagkataon lang,” sagot ko naman.

“No. Napansin ko na ang sasakyan na sumunod satin ng makalabas tayo sa gate.” Sagot ni Atticus. 

“Alerto kayo, kumuha nalang kayo ng baril kung sakaling may nakasunod satin,” saad naman ni Salem na kumuha ng baril sa ilalim ng upuan.

Kumuha nalang din ako ng baril. Si Atticus naman ay iniba ang routa namin. Sumunod naman ang sasakyan na nakasunod samin kaya napamura na kaming lahat. Akala ko pa naman makakauwi kami ng maayos ngayon.

“Bakit kasi ‘to ang sasakyan na dinala. Hindi ba’t wanted ang sasakyan na ’to.” Saad ni Raizen.

“Yeah. But I forgot.” Sagot ni Atticus sa walang buhay na boses. 

“Tangina ka!” Mura ni Eros kay Atticus. 

Tumawa pa ang gago na halatang tuwang-tuwa na may humahabol samin. Bored siguro ang gago kaya naghahanap ng kalaro. 

“I think mga pulis ang humahabol satin,” natatawang sabi ni Atticus.

“Malamang. Alam nila ang sasakyan na ’to. Kung di ka ba naman hunghang.” Inis na sabi ni Salem.

Niliko ulit ni Atticus ang sasakyan at nagulat kami na may biglang sumulpot pa na isang sasakyan. “Putangina!” Mura ni Atticus na mabilis kinabig ang manibela upang hindi mabangga ang sasakyan na sumulpot sa harapan namin.

“Tawagan niyo si Nuroi. Ipagamit niyo sakanya ang satellite para mahanap tayo,” utos ni Atticus kaya agad na tinawagan ni Salem si Nuroi na nasa bahay. 

“Ang tanong.. marunong ba ang gagong yun?” Tanong ni Salem kaya napakamot din ako sa ulo. Maghugas at magluto nga ng rice cooker hindi alam no’n ang satellite pa kaya. 

Mura ng mura si Atticus ng makita namin apat na sasakyan ang humahabol samin. Nalulusutan naman niya ang mga sasakyan na humaharang samin, ngunit sinusundan parin kami.

“Tangina! Hindi daw alam ni Nuroi gumamit,” saad ni Salem sa tabi ko habang kausap sa kabilang linya si Nuroi.

“Sabihin mo ipapakain ko sakanya ang computer kapag nakalusot tayo dito.” Saad ni Atticus sa inis na boses.

Bwesit na Nuroi, siya na nga lang ang nasa bahay hindi pa maasahan. 

“Mga kuya.. nasa likod na sila,” sabi naman ni Kier kaya sabay-sabay kaming napalingon sa likuran. 

“Si Ruwi.. tawagan niyo si Ruwi.” Utos ni Atticus. 

Tinawagan naman agad ni Salem si Ruwi habang si Levi at Aizen ay kinasa na ang mga hawak nilang baril. 

“Ruwi..” sambit ni Salem sa kabilang linya

 Ni loud speaker naman niya ang tawag kaya naririnig namin ang kabilang linya na may putok na baril. 

“I’m on a mission. What is it?” Tanong ni Ruwi sa kabilang linya.

“Fuck!” Saad naman ni Salem.

“Ayaw ko sa’yo. Hindi kita type. Fuck-Fuckin ko yang mukha mo mamaya dahil bagsak ka sa exam.” Sagot ni Ruwi sa kabilang linya habang nakikipag palitan ng putok ng baril.

“Raulo ka! May humahabol samin na mga parak. Na corner nila kami. Ang putanginang Nuroi hindi marunong gumamit ng satellite para sana hanapan kami ng malulusutan.” Saad ni Salem. Mas lalo lang yata binilisan ni Atticus ang pag maneho niya ng banggain ang likod ng sasakyan namin.

“Fuck nga!” Sagot naman ni Ruwi. “Where’s Atticus?” Tanong ulit ni Ruwi.

“Siya ang nagmamaneho. Kagagaling lang namin sa school,” sagot ni Salem.

Napamura kaming lahat ng paulan ng bala ang sasakyan namin ng makarating kami sa kalsada na walang masyadong dumadaan. Si Atticus naman ay walang ginawa kundi magmura. Hindi din kasi niya dala ang laptop niya. Wala namang may alam na mangyayari ‘to dahil payapa ang buhay namin ng ilang linggo. Malaya kaming nakakalabas kahit pa nga may mga mission kami sa gabi. 

“Damn it!” Saad ni Ruwi sa kabilang linya. 

Naririnig lang namin ang putok ng baril sa kabilang linya at putok ng baril sa likuran namin. 

“I’ll try,” saad ni Ruwi saka tumahimik sa kabilang linya.

“Putangina ‘tong mga ‘to. Ihinto mo na kaya ang kotse at makipag patayan nalang tayo,” sabi ni Raizen na nagpadalos-dalos na naman sa plano.

“Kung gusto mo ibaba ka namin para makatakas kami. Pangit ka naman eh,” pang aasar ni Salem kaya sinuntok siya ni Raizen. 

“Just go straight, may makikita kayong eskinita sa unahan. It’s 300 miles away.” Saad ni Ruwi na pinagsasabay ang pag tra-track samin at pakikipag palitan ng putok ng baril. 

Agad naman sinunod ni Atticus ang utos ni Ruwi. 

“Hit the car in front of you, Atticus.” Utos ni Ruwi dahil may humarang na kotse sa dinadaanan namin. 

Binangga naman ni Atticus ang kotse kaya nalagpasan namin yun. Mas lalo pang binilisan ni Atticus at nakahanda sa sasabihin ni Ruwi kong kailangan na niyang lumiko. 

Nakikipag laban parin si Ruwi dahil naririnig namin ang mga daing ng lalaki na pinagbabalian niya ng buto. Dinig na dinig kasi ang tunog ng buto at nakakangilo yun. Sadista talaga ‘to si Ruwi. 

“Malapit na ang eskinita, Atticus. Maghanda ka na,” utos ni Ruwi.

“I’m ready, boss.” Sagot naman ni Atticus.

“Kain nalang tayo, Lucifier. Makakaligtas na tayo eh,” saad ni Salem sa ’kin sabay abot ng burger. 

“Buy 1 take 1?” Tanong ko saka tinanggap ang inabot niya.

“Oo. Hindi ko bibigyan yang mga pangit na yan, lalo na yan si Raizen. Pinaka pangit.” Natatawang sabi ni Salem saka kumagat sa burger niya ngunit naudlot ang pagnguya niya dahil sinakal siya ni Raizen.

“G-Gago.. m-mamatay ako..” daing ni Salem habang pilit na tinatanggal ang kamay ni Raizen sa leeg niya.

Kinuha naman ni Aizen ang burger na hawak ni Salem saka niya kinagatan ito. 

“Tuluyan mo na yan, hindi tayo dinamayan sa buy one take one na burger.” Sabi pa ni Aizen na inabot din ang burger kay Levi saka kumagat din. 

“Tangina kayo! Nakuha niyo pang kumain ng burger dyan! Kita niyo ng hinahabol tayo.” Galit na sabi ni Atticus samin. 

Kumagat ako sa burger saka ko sinilip si Atticus sa driver seat at inilapit ang burger na kinagatan ko. “Inggit ka lang eh, oh ito.. kagat ka na,” sabi ko pa kaya kumagat din ang gago. 

Napamura pa ako ng biglang iniliko ni Atticus ang kotse dahil nasa alley na pala kami. Muntik ko pang mabitawan ang burger na hawak ko. 

“Mukhang hindi nila inaasahan yun ahh..” saad ni Caleb na kanina pa tahimik at kalmado sa nangyayari. Si Isaac naman ay tahimik din habang ngumunguya ng burger na binigay ni Aizen. 

Lahat sila kalmado dahil alam nila na malulusutan namin ang mga kalaban. Si Kier nga nakatitig parin sa test paper niya.

May sinabi pa si Ruwi at inutos niya na lumiko kami sa isang eskinita ulit. Sinusunod lang ni Atticus lahat ng sinasabi ni Ruwi hanggang sa hindi na nakahabol pa ang mga pulis.

Dali-dali naming tinungo ang kalsada na medyo maraming tao at maghanap ng mapa-parkingan ng sasakyan dahil aabandunahin na namin ang sasakyan na ‘to. Iiwan namin sa mataong lugar saka kami sasakay ng taxi para hindi kami masundan at mahanap ang bahay namin.

Chapter 17

Andrei’s Pov (Philippines)

MAGKASAMA kami ni Verena habang naglalakad palabas ng hotel. Sinadya ko siyang banggain sa airport kahapon nang makarating kami sa Pilipinas. Pareho din kami ng hotel na pinag bookan kaya natuwa siya ng malaman niya yun.

Niyaya niya ako kumain sa isang restaurant na agad ko naman ikinapayag. I need to do this to gather information about their group. Kahit hindi ako sanay makipag usap sa babae ay ginawa ko parin. Si Ruwi lang naman ang nakaka usap kong babae, hindi pa sure yun kung babae ba talaga siya. Mas siga pa kasi siya maglakad  kaysa samin. 

“I’m really happy, Andrei. I’m glad we bumped into each other yesterday, now I have someone to be with while I’m here in the Philippines.” She said with a smile.

Pilit akong ngmiti at hindi pinahalata na napipilitan lang ako na kasama siya. “So, what are you doing here? Are you on vacation?” I asked her.

She nodded. “Yes, I have a two weeks vacation here.” Sagot niya agad. Kaya naman pala siya umalis. Akala ko pa naman may mission ang babaeng ’to. 

Malinaw ang utos sa ’kin ni pareng Atticus, kunin ang microchip na nasa laptop ng babae. Nag iisip ako ng plano kung paano ako makakapasok sa loob ng hotel niya. Ang gago na Lucifier, lasingin ko daw saka ko daw gapangin at kunin ang microchip. Hindi naman ako tanga na makikinig sa demonyong yun. Kaya mag iisip nalang ako ng ibang paraan. 

Dumating ang mga order na pagkain ni Verena kaya natahimik kaming dalawa. Pambawi daw niya sa ‘kin dahil na bangga daw niya ako kahit ako naman talaga ang bumangga at sinadya ko pang ihulog ang cell[phone ko para mapilitan siyang humingi ng sorry sa ’kin.

Panay ang sunod ko sakanya n’ong nasa Russia kami. Hindi ko sigurado kung namukaan ba niya ako kaya nagkunwari ako na nakatira ako malapit sa apartment niya do’n sa Russia kaya natuwa siya. 

Kumain kaming dalawa ni Verena at kung ano-ano ang pinag usapan namin dalawa. Nalaman ko na isang pilipina ang mama niya kaya marunong daw siya kunti mag tagalog. Mabuti nalang at hindi ako nagsalita ng tagalog kanina at baka malaman niya na may pakay ako sakanya.

Pagkatapos namin kumain ay lumabas kami ni Verena at niyaya ko siyang maglibot-libot muna at maglakad-lakad. Pumayag naman siya at pinipilit niya akong sumama sakanya sa hotel room niya. Para akong nandidiri na iniimbitahan niya ako sa room niya. Panay din kasi ang haplos niya sa balikat ko kaya niirita ako. Kung wala lang sana akong mission ay baka kanina ko pa siya binalibag.

Walang babaeng dapat makahawak sa katawan ko except kay Ruwi dahil tinatapik niya ang balikat ko. Pero yung haplos sa balikat at hawak sa dibdib ko ay ibang usapan na yun. Mananatili akong virgin sa mundong ’to. Walang babaeng makakatikim sa ’kin kahit pa magunaw pa ang mundo. 

Nuroi’s Pov (Russia)

MASAMANG nakatingin si Atticus sa ’kin ng makarating sila sa bahay. Hindi ko alam kung anong kasalanan ko, pinag saing ko na nga sila eh, hindi ko nga lang sila na tulungan kanina. Hindi naman talaga ako marunong gumamit ng satellite.

“May kanin na ba?” Tanong ni Lucifier kaya tumango ako.

“Oo, nakapag saing na ako,” sagot ko habang nakaupo sa pang isahang upuan.

“Mabuti naman. Sana hindi basa ang saing mo,” sabi ulit ni Nuroi.

“Hindi talaga. Ako pa ba! Magaling na ako mag saing, pre.” Nakangisi kong sabi.

Umalis si Lucifier sa harapan ko at dumeritso sa kusina. Kampante naman ako na maayos yung pagkaka saing ko. Sinigurado ko talaga na ibaba yung pindutan ng rice cooker para hindi na maulit ang nangyari n’ong nakaraan na kakain na kami lahat, tapos yung sinaing ko tubig parin dahil hindi ko pala na pindot. Kaya ayon, minura nila ako lahat. Ang sama nila magalit lalo na kapag gutom.

“Nuroi!!!!” Tawag sa ’kin ni Lucifier. Bibigyan yata niya ako ng award dahil ang ganda ng pagkaka saing ko. Ako pa ba!

Pumunta ako ng kusina at naabutan si Lucifier na naka pameywang sa harap ng rice cooker.

“Bakit, pre?” Tanong ko sa kaibigan ko.

“Ano ba ‘tong sinaing mo? Lugaw yata ’to eh, naluto nga yung kanin pero ang daming sabaw.” Saad niya kaya nalukot ang mukha ko habang inalala kung nadamihan ko ng tubig.

“Isahog na kaya kitang letchugas ka!” Galit na sabi ni Lucifier. Napakamot nalang ako sa likod ng ulo ko dahil hindi ko talaga makuha-kuha ang tamang pag saing. Kasalanan naman niya eh, alam naman niyang wala akong talent sa pagluluto pero pinagluluto parin niya ako. Kung di ba naman siya hunghang.

“Balatan talaga kita ng buhay kapag hindi ka pa natuto mag saing.” Banta niya sa ’kin kaya masama ko siyang tinignan.

“Dapat talaga binabalatan yan ng buhay eh dahil hindi marunong magluto.” Biglang sabat ni Salem sa usapan namin ni Lucifier.

“Balatan ka din sana ni Ruwi.” Sagot ko sakanya. Ako na naman ang aasarin nila dahil sa nangyari sa sinaing.

Umalis nalang ako sa kusina para hindi ako masaksak ni Lucifier, medyo malapit pa naman sa kinatatayuan niya ang kutsilyo. Baka biglang dumampot at ibato niya sa ’kin, pangit pa naman siya ka bonding.

Tinungo ko nalang ang kwarto ko para maghanda na sa gagawin kong mission mamayang gabi. Kasama ko si Levi mamaya at sa Moscow kami pupunta. Madali lang naman ang mission namin kaya hindi ako kinakabahan.

Salem’s Pov

NATATAWA AKO sa itsura ni Lucifier na ginagawan ng paraan ang niluto ni Nuroi na kanin. Hindi ko siya aasarin ngayon dahil alam kong galit siya. Bako ako pa masahog niya.

Umupo ako sa stool chair habang pinapanood si Lucifier na panay ang mura. Kapag ganyan siya ka galit ay wag ng lalapitan, lumalabas kasi sungay at buntot niya. Mahirap na, baka masira pa ang makinis kong mukha kapag natamaan ng kutsilyo niyang hawak.

Problema ko ngayon ang score ko sa exam, nag hihingalo. Tangina naman kasi, akala ko madadala ko sa kindat ang teacher ko dahil dalaga. Nagulat ako ng iabot sa ’kin ang test paper ko at hindi ko matanggap na 25/100 ang score ko. Putangina talaga! Lagot ako kay Ruwi nito. Wengya!

Kanina ko pa pinagdarsal na sana mamayang gabi pa dumating si Ruwi para tulog na ako, ngunit hindi yata ako malakas kay Lord ngayong araw dahil biglang may pumingot sa tenga ko.

“Aray! Aray! Aray!” Daing ko dahil ang sakit puminot ni Ruwi ng tenga. Nakita ko pa talaga na may dugo ang kamay niya na naka hawak sa tenga ko kaya nag alala ako.

“Anong nangyari sa kamay mo? May sugat ka ba?” Nag aalala kong tanong sakanya.

“Meron pero wag mong ibahin ang usapan, Salem. Simula ngayon babawasan ko na yang baon mo ha!” Sabi niya kaya nalukot ang mukha ko.

“Wag naman ganun, alam mo naman lagi akong gutom eh,” naka nguso kong sabi.

“Mag baon ka ng kanin. Lintik ka! Akala mo palulusutin kita ngyaon ha!” Inis niyang sabi at mas lalong piningot ang tenga ko kaya napadaing na naman ako.

“Lucifier, help!!” Tawag ko sa kaibigan ko na tinatawanan lang ako.

“Dapat lang sa’yo yan! Ikaw lang ang bagsak satin. Kaya dapat magtanda ka!” Sabi ni Lucifier saka lumapit kay Ruwi at biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at napalitan ng pag aalala.

“Anong nangyari sa’yo, Ruwi? Bakit ang daming dugo sa braso mo?” Tanong ni Lucifier kaya dali-dali kong tinanggal ang kamay ni Ruwi na nasa tenga ko at tumingin sakanya. Nakikita ko sa mukha ni Ruwi na namumutla siya ngunit matapang parin ang mukha niya.

“Tinamaan ako ng bala kanina habang tina-track ko kayo para malusutan niyo ang mga pulis. Pero don’t worry, daplis lang naman ang dalawang bala na tumama sa ’kin.” Sagot niya.

“Bakit hindi mo sinabi samin na nabaril ka kanina?” Nag aalalang tanong ni Lucifier.

“Mag aalala lang kayo sa ’kin kapag sinabi ko. Mas uunahin ko kayo na makaligtas kaysa sa buhay ko.” Sagot niya at bigla nalang pumikit ang mga mata niya at biglang natumba. Ngunit hindi siya bumagsak sa  sahig dahil mabilis siyang nasalo ni Lucifier na nasa likuran niya na naka pwesto.

Binuhat siya ni Lucifier at dinala namin si Ruwi sa kwarto niya. Sumunod agad ako dahil meron sa kwarto ni Ruwi mga gamit na pwedeng panglinis ng sugat.

Nang makapasok kami sa kwarto ni Ruwi ay inihiga siya ni Lucifier ng dahan-dahan. Kaming dalawa ni Lucifier ang nag tanggal sa suot ni Ruwi na leather jacket ata nakitang may daplis siya sa braso. May saksak din siya sa tiyan kaya tinignan ko kung malalim ang pagkakasaksak.

“Hindi man lang natin siya narinig na dumaing kanina habang tina-track niya tayo,” saad ni Lucifier na halatang nag aalala kay Ruwi.

Kinuha ko ang first aid kit na nasa itaas ng aparador na nasa kwarto ni Ruwi. Lagayan ang aparador na yun sa mga iba’t-ibang paborito ni Ruwi na kutsilyo. 

“Nakuha pa talaga niyang pingutin ang tenga ko kaysa magpagamot sa ’kin.” Nailing kong sabi saka ako lumapit ulit sa kama para tignan ang mga sugat ni Ruwi.

“Ikuha mo ako ng tubig at malinis na towel. Lilinisin ko lang muna ang mga nagkalat na dugo ni Ruwi sa braso.” Utos ko kay Lucifier na agad naman tumalima.

Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi masyadong malalami ang sugat ni Ruwi. Makakaya pa siguro ‘to dikitan ng mighty bond para idikit ko nalang mamaya kaysa sa tahiin.

Bumalik naman si Lucifier na may dalang planggana na may lamang tubig. Kasama niya si Raizen at Atticus na nag-aalala din kay Ruwi.

“Malalim ba mga sugat niya?” Tanong ni Raizen saka lumapit sa kama ni Ruwi.

“Wag kayong mag-alala, eight lives ang buhay ni Ruwi. Meron pa siyang eight and a half lives dahil daplis lang.” Pagbibiro ko pero hindi sila natawa kaya tumahimik nalang ako at nag focus sa ginagawa ko. 

Hindi na namin binihasan si Ruwi at baka sarili naman namin ang gamutin namin kapag pinaulanan kami ng bala, wengya!

Chapter 18

Levi’s Pov

NANDITO ako sa kwarto ngayon ni Ruwi habang binabantayan siya na hanggang ngayon ay hindi parin nagigising matapos gamutin ni Salem. Habang nakaupo ako sa pang isahang couch ay nagbabasa ako ng libro. 

Wala sila Nuroi at Salem ngayon dahil inutusan sila ni Lucifier na pumunta ng grocery dahil paubos na ang stock namin sa bahay.

Hinihintay ko magising si Ruwi dahil kahapon pa siya walang malay. Alam kong nag aalala si Salem kay Ruwi dahil naka ilang ulit na siyang pabalik-balik sa banyo dahil nata-tae daw siya. Wala din kaming tulog dahil binabantayan namin ang nag-iisang babae namin na magising at baka gutom na.

Natigil lang ako sa pagbabasa ng libro ng biglang gumalaw si Ruwi sa kama. Agad akong napatayo mula sa pagkakaupo at lumapit ako sa kama ni Ruwi. Nakita kong dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya.

“Ruwi..” sambit ko sa pangalan niya saka ako umupo sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay niya.

“A-Anong nangyari?” Tanong niya sa namamaos na boses.

“Nawalan ka ng malay kahapon. Natahi na din yung mga sugat mo,” sagot ko sa tanong niya. “Nagugutom ka na ba?” Tanong ko sakanya.

Tumango siya saka tumingin sa kabuuan ng kwarto. “Si Salem? Nasa’n? Hindi pa ako tapos pingutin ang tenga ng hinayupak na yun.” Sabi niya sa galit na boses kaya napangiwi ako. Yari talaga si Salem. Pano ba naman kasi, nangako siya na malaki daw grades niya kaya nag yabang samin na hindi na daw niya kailangan mag review. Tarantado kasi.

“Umalis kasama si Nuroi. Pumunta sila ng grocery store.” Sagot ko saka ko inalalayan si Ruwi na makaupo sa kama dahil gusto niyang umupo.

“Can you get my phone?” Utos niya sa ’kin kaya tumango ako.

Kinuha ko ang cellphone niya na nasa bedside table at agad na inabot sakanya. Agad naman niyang tinanggap yun saka niya binuksan ang phone niya. Umupo nalang ulit ako sa gilid ng kama at pinagmamasdan ang ginagawa niya. Seryoso kasi ang mukha niya habang naka kunot ang noo.

Nag angat siya ng tingin sa ‘kin saka ngumiti ng pilit na halatang may iniindang sakit. “Pwede mo ba akong ikuha ng damit sa closet?” Tanong niya sa ’kin kaya tumango ako at agad na tumayo sa kinauupuan ko.

Napatigil pa ako sa paghakbang ng makita ko siyang tumayo kaya inlalayan ko siya. “Wag ka muna masyadong kumilos, Ruwi.” Saad ko kaya tumango siya.

“Pwede mo ba akong ihatid sa banyo?” Tanong niya ulit kaya tumango ako at inalalayan siya maglakad papunta sa banyo.

Pinihit ko ang siradura ng pinto saka ko ito binuksan. Inalalayan ko si Ruwi na makapasok sa banyo hanggang sa makarating kami sa sink. “Sige na, kaya ko na, Levi. Pahanda ako ng damit ko. Pantalon, tshirt at isang malaking hoodie jacket..” Utos niya sa ’kin kaya kumunot ang noo ko.

“Bakit? May pupuntahan ka ba?” Tanong ko sakanya.

“Oo. Wag kang mag alala, hindi ako gagawa ng mission. May pupuntahan lang ako.” Sagot niya sa nanghihinang boses.

“Sigurado ka? Gusto mo samahan na kita?” Tanong ko sakanya dahil baka ako ang masaksak ni Salem kapag nalaman niya na umalis si Ruwi at wala akong ginawa para pigilan siya.

“Wag na! Saglit lang talaga ako kaya wag mo na ako samahan.” Sagot niya saka niya hinawakan ang pintuan ng banyo para isara kaya umatras ako. 

Sinunod ko ang utos niya at agad akong naglakad papunta sa walk in closet niya at kinuha ang mga inutos niya sa ’kin. Hindi na ako kumuha ng underwear niya dahil alam kong may lagayan siya na cabinet kung saan nakalagay ang mga underwear niya. 

Nang makuha ko ang mga inutos niya ay agad akong kumatok sa pinto ng banyo.Hinihinyay ko lang na pagbuksan ako ni Ruwi para maibot ko na ang damit niya. 

Ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan kaya inabot ko sakanya ang damit saka niya isinara ang pinto. Umalis ako sa harap ng pinto at kinuha ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko at agad na tinawagan si Salem. Ngunit nakapatay ang cellphone ng gago kaya siya nalang ang papatayin ko mamaya.

Natigilan ako ng biglang bumukas ang pintuan ng banyo at lumabas do’n si Ruwi na naka bihis na. Mukhang naligo pa yata dahil basa ang buhok niya. Ang tigas talaga ng ulo niya kahit kailan.

“Alis na muna ako. Kapag hinanap ako si Salem, sabihin mo babalik ako agad.” Pagpapaalam niya sa ‘kin.

“Pero, Ruwi.. baka maihaw nila ako. Sama nalang kaya ako.” Saad ko pa habang hinahabol siya na binubuksan na ang pintuan. 

“Sabihin mo lang yun. Hindi ka sasaktan ng mga yun.” Sabi pa niya sa ’kin kaya napangiwi ako hanggang sa nakalabas si Ruwi ng kwarto.

Sumunod din ako para habulin siya at pipigilan ko sana, ngunit ang bilis ng lakad niya. Nag teleport pa yata dahil hindi ko na siya matanaw. Lagot talaga ako mamaya sa mga kaibigan namin.

Ruwi’s Pov

NANG makalabas ako ng bahay ay agad akong naglakad sa gilid ng kalsada. Medyo masakit ang mga sugat ko ngunit kaya ko namang tiisin ang sakit. 

Nilakad ko papaunta sa highway habang nag se-send ako ng message kay Thaddeus na sa highway kami magkita. Ang gagong yun, nagpapasama sa ’kin sa hindi ko alam kung saan siya pupunta.

Nakarating ako sa highway at nakita ko ang kotse ni Thaddeus kaya agad akong lumapit dahil baka madaanan pa ako nila Salem at Nuroi.

Agad kong binuksan ang pintuan ng passenger seat saka ako pumasok sa kotse. Nag fist kami ni Thaddeus saka niya pinausad ang kotse.

“Kamusta pakiramdam mo?” Tanong niya sa ’kin kaya napa ngiwi ako. Muntik na kasi akong matodas sa huli kong mission dahil sa pag track ko sa mga kaibigan ko. Nasaksk at nabaril ako ngunit hindi ko ininda yun habang kausap ko ang mga kaibigan ko. 

Mabuti nalang at biglang sumulpot si Thaddeus na naging anino ko na ang animal. Siya ang tumulong sa ‘kin at naghatid sa ’kin pauwi sa bahay namin. Gusto sana niya akong dalhin sa hospital ngunit hindi na ako pumayag at baka mapahamak pa siya sa ginagawa niya.

“Kagigising ko lang hayop ka! Tapos nagpapasama ka sa ’kin.” Inis kong sabi kaya mahina siyang natawa habang nakatingin parin ang mga mata niya sa daan.

“Gago ka kasi. Sino bang tanga na sinalo ang mga saksak ma track lang ang mga kaibigan ha! Muntik ng mamatay, Ruwi sa kabaliwan mo.” Sabi niya na parang pinapangaralan ako. 

“Pero hindi namatay. Kita mo naman, buhay ako para bwisitin ka.” Sagot ko kaya tumingin siya sa ’kin at pinukol ako ng masamang tingin. “Nga pala, saan ba tayo pupunta? Baka naman ihahatid mo na ako sa boss mo.” Pag iiba ko sa usapan saka ko isinandal ang likod ko sa likuran ng upuan.

“May bibisatahin lang tayo,” saad niya kaya tumango ako.

“Paanong bisita ba? Papatayin?” Tanong ko na kina iling niya.

“Hindi. Matulog ka muna para makapag pahinga ka muna. Gigisingin nalang kita kapag nando’n na tayo.” Saad niya kaya tumango ako.

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko para makatulog muna ako dahil kumikirot parin ang mga sugat ko.

Ngunit hindi ako makatulog kahit anong gawin ko. Tumingin ako kay Thaddeus para asarin ang gago. “Siguro kapag tulog ako saka mo ako ihahatid sa boss mo no?!” Pang aasar ko dahil alam kong maiinis siya. Pikon siya eh, sabi kasi niya ay magiging loyal shadow daw siya sa ’kin.

Napangiwi naman siya sa sinabi ko kaya mahina akong natawa. Wala naman akong nararamdaman kay Thaddeus ng kung ano. Komportable lang talaga ako na kasama siya na hindi ko malaman kung bakit. 

“Ako ng ay tapatin mo, Thaddeus. May gusto ka ba sa ’kin?” Pang aasar ko sakanya.

Mas lalo lang yata na lukot ang mukha niya sa tanong ko. “Pakyu ka,  Ruwi! Tigilan mo ko at baka itulak kita palabas ng kotse.” Banta niya sa ’kin kaya malakas akong natawa. Ewan ko din ba, hindi ako naiinis kapag minumura niya ako dahil mas malakas naman ako magmura kaysa sakanya.

“Saan ba kasi tayo pupunta na tangina ka?!” Natatawa kong tanong sakanya.

Sumeryoso ang mukha niya.. “Sa Ufa,” tipid niyang sagot kaya kumunot ang noo ko.

“Anong gagawin natin do’n?” Tanong ko ulit sakanya.

“May bibisitahin tayong importanteng tao sa buhay ko.” Sagot niya at mas lalong binilisan ang papagtakbo ng kotse. Tumango nalang ako at natahimik nalamang. 

Umabot kami ng limang oras sa biyahe bago namin narating ang Ufa. Ang sakit tuloy ng pang upo ko. Lintik na Thaddeus na ’to. Butusan ko tagiliran niya eh.

Nakaratinng kami sa tahimik na lugar na may mga apartment. Inihinto naman ni Thaddeus ang kotse sa gilid ng kalsada kaya tinanggal ko ang seatbelt. Akala ko kasi ay lalabas kami ng kotse, ngunit hindi naman bumaba si Thaddeus kaya nagtaka ako.

“Bakit hindi pa tayo bumababa? Hindi ba tayo lalabas?” Tanong ko sakanya. 

“No. Titignan ko lang kasi siya sa malayuan.” Sagot niya sa tanong ko habang nakatanaw sa labas ng bintana ng kotse.

“Ginagago mo ba ako? Bakit hindi tayo lalabas? Ang sakit na ng pang upo ko eh,” reklamo ko sakanya. Hindi naman siya sumagot bagkos ay umayos siya ng upo habang nakatingin sa harapan ng kotse. Sinundan ko naman ang tingin niya at nakita ko ang isang babae na lumabas sa apartment at may dalang black bag at nagtatapon yata ng basura.

“Miss ko na ang babaeng mahal ko.” Biglang sabi ni Thaddeus habang nakatitig sa babae.

“Girlfriend mo?” Tanong ko naman habang nakatitig sa mukha ng babae. “Maganda ha! Buti nauto mo.” Saad ko pa.

“Kingina ka! Akala mo sa ’kin pangit.” Saad naman niya kaya tumango ako. Pangit naman talaga siya.

“Bakit ayaw mo magpakita sakanya kung miss mo na?” Tanong ko sakanya.

“Ayaw ko siyang mapahamak lalo na’t buntis siya sa unang baby namin.” Sagot niya kaya nagulat ako.

“Hindi ka baog?” Gulat na gulat kong tanong.

“Gago ka talaga, Ruwi. Ninang ka ha! Dapat malaki bigay mo sa anak ko.” Saad niya kaya pinakita ko ang gitnang daliri ko sakanya.

“Pakyu ka! Mag ninang ako pero maliit lang ang ibibigay ko. Unggoy ka!” Saad ko saka ibinalik ang tingin sa babaeng nagtatapon ng basura.

“Pwede ba akong makiusap sa’yo, Ruwi?” Tanong niya sa ’kin sa seryosong boses.

“Ano yun?” Tanong ko pabalik sakanya.

“Pwede bang.. Wag mong pabayaan ang mag-ina ko kung sakali man na may masamang mangyari sa ’kin.” Saad niya kaya natigilan ako dahil para siyang namamaalam.

“Gago ka ba? Bakit parang namamaalam kang tangin ka! May problema ka ba? Pinag iinitan ka ba ng grupo mo? Tangina, lumipat ka na kasi sa grupo ko, Thaddeus.” Galit kong sabi habang nakakuyom ang kamao ko.

Mahina naman siyang natawa habang umiiling sa ’kin. “Kung sakali lang na may mangyari  sa ’kin. Wag kang mag-alala, masamang damo ako, Ruwi. Gusto ko lang ihabilin sa’yo ang mag-ina ko kung sakali man na mahuli ako ng boss ko na ako ang traydor. At least, mamatay akong alam ko na nasa mabuting kalagayan ang mag-ina ko. Wag mo sana akong bibiguin.” Nakangiti niyang sabi sa ’kin.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Nag aalala ako dahil baka may hindi siya sinasabi sa ’kin na problema para sana matulungan ko siya. Pero hindi naman ako papayag na mapahamak siya kahit anong mangyari. Gusto kong makita siya na kasama ang babaeng mahal niya kasama ang baby nila kaya sisiguraduhin kong hjindi siya mapapahamak.

Chapter 19

Salem’s Pov

NAPAGALITAN ko kanina si Ruwi dahil sa pag alis niya kanina na alam naman niyang presko pa ang mga sugat niya. Na back to you pa ako kanina dahil binaligktad niya at ako ang pinagalitan dahil bagsak ako sa exam. 

Na hambulos pa tuloy ako ng baril kanina. Mukhang magaling na siya dahil nahampas niya ako ng malakas. Kaya nandito ako ngayon sa kusina at dinadampian ko ng ice bag ang makinis kong pisngi. Loko talaga yung Ruwi na yun, nilagyan ako ng pasa. Pasalamat nalang talaga ako at hindi ako nilagyan ng black eye sa mata.

“Ano? Mag yabang ka pa sa susunod.” Biglang sulpot ni Lucifier sa likod ko.

Mahina akong natawa dahil may black eye din siya sa pisngi. Nahuli kasi siya ni Ruwi na may ka sex kaya ayan, binigyan din siya ng award ni Ruwi.

“Pangit mong gago ka,” saad ko habang na iiling pa.

“Humanda talaga sa ’kin si Eros sa panlalaglag niya sa ’kin kay Ruwi.” Galit na sabi  ni Lucifier habang inaagaw ang hawak kong ice bag.

“Ruwi oh.. May binabalak na masama si Lucifier kay Eros.” Sigaw ko dahil nasa sala lang naman si Ruwi.

“Manahimik kayong dalawa dyan!” Sigaw na sagot ni Ruwi kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko.

“Maghanda na tayo sa gagawin nating mission, gago.” Saad ko kay Lucifier.

“Geh. Ayusin mo yang mukha mo. Pangit mo eh,” pang aasar niya sa ’kin saka nagalakad palabas ng kusina.

“Pangit daw. Eh ako nga ang pinagpala sa lahat, wengya!” Saad ko saka sumunod kay Lucifier na lumabas ng kusina.

Nakita ko pa si Ruwi na nakaupo sa pang isahang upuan habang masamang nakatingin sa ’kin. Wengya! Ang gwapo ko talaga, laging center of attraction ang mukha ko. Kaya hindi ko talaga masisisi na maraming humahanga sa ’kin sa school eh. Lakad ko palang nahimatay na sila sa kagwapuhan ko.

Dumeritso nalang ako sa kwarto ko at baka mabato ako ni Ruwi ng kutsilyo niyang hawak. Wala pa naman siya kaluluwa. Masamang elemento talaga ang kaibigan ko. 

Pumasok ako sa kwarto at agad na nagbihis. Nag suot na din ako ng hoodie jacket at kinuha ko ang puting maskara. Lumabas naman ako ng kwarto at baka hinihintay nila ang katulad kong gwapo.

Kasama ko kasi sa mission ay si Lucifier, Raizen at si Nuroi. Ako lang talaga ang pinaka gwapo samin. Kaya mamaya sila lang uutusan kong umatake. Mahirap na, baka masugatan ang gwapo kong mukha. Balak ko pa naman mag audition bilang artista dito sa Russia. Ngunit sabi sa ’kin ni Raizen ay baka sa gate palang daw ay hindi na daw ako papasukin. Mukha daw kasi akong kriminal. Inggit talaga ang gagong yun sa ’kin eh. Palibhasa kasi lamang ako ng tatlong paligo sakanya.

Nang makalabas ako ng kwarto ay nakita ko ang tatlo kong mga kasama sa mission. Nando’n parin si Ruwi na nakaupo parin sa pang isahang upuan.

“Bantayan niyo yan si Lucifier ha! Dapat sabay kayong apat umuwi at walag liliko, lalo ka na Lucifier.” Saad ni Ruwi sa galit na boses.

“Ako, Ruwi.. hindi mo din ba ako pagsasabihan ng ganyan? Alam mo naman, gwapo din ako. Baka may kumindat sa ’kin, mahirap na.” Sabat ko sa usapan.

“Kung may kikindat man sa’yo ay yung kirat lang. Kaya wag ka ng mahangin dyan at baka masapak na naman kita.” Banta niya sa ’kin kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko.

Tinapik lang ni Lucifier ang dibdib ko kaya lumingon ako sakanya. “Halika na, pangit.” Aya niya sa ’kin kaya masama ko siyang tinignan.

Lumabas kami ng bahay at tahimik na tinungo ang garahe. Nang makarating kami sa harap ng kotse ay binuksan ko ang pintuan ng back seat saka ako pumasok. Sumunod din naman sa ‘kin si Nuroi, habang si Raizen ang driver dahil mukha naman siyang driver. Si Lucifier naman ay nasa passenger seat at inaayos ang hawak niyang mga baril at inabot niya sa ’kin ang isa.

Pinausad ni Raizen ang sasakyan para mapuntahan na namin at magawa na namin ang mission. 

“Nga pala, sa entrance na tayo dumaan mamaya ha! Tinatamad akong umakyat at magtago.” Saad ko habang pinupunasan ang baril na hawak ko.

“Sino ba may sabi sayong magtatago tayo?” Tanong naman ni Lucifier.

“Wala. Akala ko kasi magtatago na naman tayo. Pero si Raizen pwede niyong pagtaguin, pangit naman yan eh.” Saad ko at agad na pangiwi ng masuntok ako ng gago. Nagawa pa rin niya akong masuntok kahit nag mamaneho siya ng kotse. 

Tumahimik nalang ulit ako, ngunit wala pang nakalipas na sampung minuto ay madaldal na naman ako. Hindi ko talaga mapigilan, hindi ko mapigilan ang kagwapuhan ko.Wengya!

Siniko na ako ni Nuroi dahil na ingayan na sa ’kin. Si Lucifier naman ay masama na akong tinignan. Eh kung sana binilhan nila ako ng pagkain, eh ’di sana tahimik ang buhay nila.

Magdidilim na at sakto din na nakarating kami sa lugar. Hindi na muna kami bumaba sa kotse dahil nag mamanman muna kami sa labas ng building.

Kinakausap din kami ni Atticus sa kabilang linya at sinasabing may mga empleyado pa daw na hindi pa nakakauwi na nasa loob parin ng kompanya. Hindi na muna kami pinababa ni Atticus sa kotse at pina alis na muna kami sa harap ng building upang hindi kami ma detect ng mga cctv na nasa labas.

Pinausad na muna ni Raizen ang kotse at tinungo ang isang coffee shop para magpalipas ng oras. Kailangan kasi walang madamay sa mission na pinapagawa samin. Ang taret lang namin ay ang may-ari kaya siya lang ang papatayin namin.

Nagkape na muna kami habang panay ang tingin ko sa salamin na naka display sa pader ng coffee shop. Ang gwapo ko kasi kahit saang anggulo tignan.

“Tama na yan! Baka mabasag ang salamin,” saad ni Nuroi na hinaplos pa talaga ang mukha ko paibaba.

Tumingin ako sa labas saka ako tumayo dahil kating-kati na ang kamay ko para pumatay ng tao. Tumayo din ang mga kasamahan ko at agad na sumunod sa ’kin.

Nang makalabas kami ay tinungo namin ang sasakyan at agad na sumakay. Ganun parin ang pwesto namin at tinungo ulit ang building.

“Tamang-tama, wala ng mga empleyado sa building.” Saad ni Atticus sa earpiece namin. “May mga bodyguards nga lang. At sasabihin ko na sa inyong apat na marami sila kaya mag enjoy kayo.” Dagdag pa niyang sabi.

“Mag enjoy ka din sa pag higop ng kape, pareng Atticus. Mabilaukan ka sana.” Sagot ko naman. 

Nakarating kami sa harap ng building kaya inihinto ni Raizen ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Isinuot ko naman ang maskara at maging ang mga kaibigan ko ay isinuot din nila ang kanilang mga maskara.

Binuksan ko ang pintuan ng back seat saka ako lumabas ng kotse. Isinara ko ang pintuan ngunit narinig ko ang mura ni Nuroi dahil tumama sa ulo niya ang pintuan. Wengya! Malay ko bang lalabas din pala siya, akala ko kasi lalabas siya sa kabilang side. Hindi pa nga kami sumasabak sa laban may bukol na agad si Nuroi.

Masama akong tinignan ng kaibigan ko kaya lumapit ako kay Lucifier para magtago. Hindi ko naman sinasadya eh.

“Puro kayo kalokohan dalawa,” inis na sabi ni Raizen samin ni Nuroi. Pangit talaga ’to si Raizen eh.

Naglakad si Raizen at Lucifier palapit sa gate kaya sumunod kami ni Nuroi sakanila. Deri-deritso ang lakad namin hanggang sa makarating kami sa entrance ng building. Nakita namin ang dalawang guard do’n na akmang bubunot ng baril ngunit mabilis na binato ni Raizen at Lucifier ang kutsilyo nilang dala na tumama naman sa dibdib ng dalawang guard. 

“Wag nalang ba tayo maghihiwalay-hiwalay? Isa lang naman ang target natin eh,” saad ko pa habang nakahanda ang baril kong hawak.

“Kaming tatlo lang ang magkasama, ikaw yung humiwalay samin.” Seryosong sabi ni Raizen   sa ’kin. Hindi ko alam kung seryoso ba talaga siya o niloloko na naman ako ng hunghang na ’to.

Hindi ko nalang siya pinakinggan dahil wala naman akong balak makipag laban. Bahala sila lumaban. 

Habang naglalakad kami papunta sa elevator ay napamura kaming apat ng may magpaulan ng bala sa kinatatayuan namin. Natawa nalang ako dahil kahit isa samin walang natamaan. Muntanga yung bumaril. 

“Duling ba yung bumaril?” Tanong pa ni Lucifier.

“Oo nga, dapat talaga natamaan si Raizen eh,” pagbibiro ko pero ang gagong Raizen ay pinaputukan ang kinatatayuan ko. Mabuti nalang talaga ay naka ilag ako. Sumbong ko talaga siya kay Ruwi.

Pinaputukan din namin ang mga kalaban at agad kaming pumasok sa elevator nang bumukas ‘to. Nang makapasok kami ay napasandal nalang ako dahil naiinitan ako sa suot ko. 

Ilang sandali lang ay huminto ang elevator at agad namin nakita ang mga anino sa sahig kaya hinanda na namin ang mga baril naming hawak.

“7 guards,” saad ni Atticus sa kabilang linya.

Bumukas ang pintuan ng elevator kaya agad kaming nagpaulan ng bala sa pitong lalaki na naka abang samin. Bumulagta ang mga gago kaya lumabas kaming apat sa elevator.

“Maghiwalay tayong apat. Patayin niyo lahat ng makakasalubong niyo.” Saad ni Raizen kaya tumango ako.

Naghiwalay kaming apat, tinungo ko ang hallway habang nakahanda ang baril na hawak ko. Bahala na ang tatlo maghanap sa target namin. Alam ko naman na kaya nilang patayin yun.

Habang naglalakad ako ay nakita ko ang dalawang lalaki na may hawak ng baril. Wala akong planong magtago sana pero dahil dalawa sila ay magtatago na muna ako. Para gugulatin ko nalang sila pag malapit na sila sa ’kin.

Inihanda ko na ang hawak kong baril habang naka abang sa dalawang lalaki. Narinig ko na ang mga yapak nila na masyadong malapit na sa ’kin kaya itinutok ko na ang hawak kong baril. Nakita ko na ang dalawang lalaki na sabay pa naglakad kaya kinalabit ko ang gatilyo at tumama yun sa unang lalaki na malapit sa ’kin at lumusot ang bala sa pangalawang lalaki. Sabay silang bumagsak at kumalat ang dugo nila sa sahig.

Lumabas ako sa pinagtataguan ko at  napamura ako ng may limang lalaki na papalapit pala sa ’kin. Wala namang mga hawak na baril kaya mas lamang parin ako. Pero pogi lang ako ngayong gabi at wala akong swerte dahil ubos na pala ang bala ko. Putangina!

Wala akong choice kundi makipag laban ng hand to hand combat. Sumugod sila sa ’kin at sinisiguro ko na hindi matatamaan ang mukha ko. Matamaan na ang lahat wag lang ang mukha ko, lalo na din ang mga kamay ko. Kaya ang gingawa ko ay siko at tuhod ang ginagawa kong atake.

Hindi ko tinigilan ang limang lalaki at pinagbabali ko ang mga balikat nila. Nahuli ko ang kamay ng isang lalaki na susuntok sana sa ’kin kaya agad kong binali ang braso niya at siniko ng malakas ang dibdib.

Isa nalang ang natira at ang iba ay nakahandusay na sa sahig habang iniinda ang kanilang mga nabaling  parte ng kanilang katawan. Umatake sa ’kin ang isang lalaki ngunit nasalag ko ang kamao niya. Tinamad na akong makipaglaban kaya papatayin ko nalang siya sa kiliti. 

Kiniliti ko ang lalaki sa kilikili kaya panay ang ilag niya at tawa. Mukha tuloy kaming tanga na dalawa dahil natatawa na din ako habang kinikiliti siya.

“Hoy, gago! Anong ginagawa mo?” Biglang sulpot ni Lucifier.

“Pinapatay siya sa tawa,” sagot ko saka ko kiniliti ulit ang lalaki. Ngunit nagulat ako ng nanigas ang katawan ng lalaking kinikiliti ko at narinig ang putok ng baril. Ang gagong Lucifier ay binaril sa sintido ang lalaki kaya natigok tuloy. 

Binitawan ko nalang ang lalaki at lumapit ako kay Lucifier. Bagay talaga sakanya ang pangalan niya.

“Kailangan na natin lumabas dito. Napatay na ni Raizen ang target, tapos ikaw nakikipag kilitian ka pa sa kalaban. Tarantado ka!” Galit na sabi ni Lucifier sa ’kin kaya napangiwi ako.

Mabuti naman at tapos na mission namin ngayong gabi. Gusto ko ng umuwi sa bahay para makapag pahinga. Ayaw kong magkaroon ng tigyawat kaya dapat matulog ng maaga para pogi parin bukas.

Chapter 20

Atticu’s Pov

NAKAUPO ako sa swivel chair habang nag ka-kape. Nakatingin ako kay Andrei na kararating lang dito sa bahay galing sa Pilipinas. May inabot siya sa ’kin na microchip na nakuha niya kay Verena. Halata sa mukha ni Andrei na masama ang loob niya sa utos ko. 

“Anong dala mo?” Tanong ko sakanya dahil may dala siyang travelling bag at isang paper bag.

“Brief ko. Gusto mo makita?” Tanong naman niya kaya pinakita ko lang ang gitnang daliri ko sakanya.

“Labas!” Pagpapaalis ko sakanya.

“Si Ruwi?” Tanong naman niya sa ’kin.

“Nasa loob ng panty niya.” Sagot ko habang tinitignan ang microchip na binigay niya sa ‘kin.

“Seryoso ako, gago! May dala kasi akong paborito niya. Bagong gawa ’to ng lumipad ako papunta dito sa Russia.” Seryoso niyang sabi.

“Ngayon ko lang nalaman na may pakpak ka pala.” Saad ko naman kaya masama niya akong tinignan at binato ng ballpen.

Natatawa naman akong umilag saka itinaas ang dalawa kong kamay na parang sumusuko sakanya. “Nasa kwarto niya. Kararating lang din no’n pero, baka umalis din yun at pupunta ng Pilipinas para gumawa ng mission.” Saad ko kaya tumango si Andrei at walang paalam na lumabas ng computer room ko. Hindi man lang niya sinabi sa ’kin kung anong pasalubong niya kay Ruwi.

Tumayo ako sa upuan at lumabas din ng computer room para makikain sa dala ni Andrei. Tinungo ko ang kusina dahil naririnig ko ang mga boses ng mga kaibigan ko.

Nang makarating ako sa kusina ay naabutan ko ang mga unggoy kong kaibigan na kumakain. Ang laki pa talaga ng subo ni Salem na akala mo’y hindi pinakain ng dalawang linggo. Kumakain din kasi siya ng kanin. Mukhang kinulit na naman niya si Lucifier na magluto ng ulam.

Umupo ako sa pwesto ko katabi ni Lucifier na kumakain ng moron. Paborito kasi ’to ni Ruwi, kaya namin nalaman ang moron na pagkain hanggang sa nagustuhan na din namin. Masarap naman kasi talaga siya.

“Wow.. moron.” Biglang sulpot ni Ruwi sa kusina. Lumapit pa siya kay Andrei saka niya ginulo ang buhok ng kaibigan namin at umupo sa pwesto niya. Kung sa ibang pamilya ay kapag kumakain ay ang ama ang nasa gitna nakaupo sa may unahan, samin naman ay si Ruwi ang nasa gitna. Siya kasi ang haligi at ilaw ng tahanan namin. Kaya dapat lang na siya ang nakaupo do’n. 

“Buti naalala mo akong bilhan,” saad ni Ruwi kay Andrei habang nilalantakan ang moron.

“Syempre naman. Pinagawa ko pa talaga yan para sa’yo. Hindi sila kasali pero sila ang na unang kumain.” Sagot ni Andrei na tinuro pa talaga kami.

“Tumigil ka nga dyan, virgin boy.” Sabat naman ni Salem.

“Bakit ako lang ba ang virgin dito?” Depensa naman ni Andrei kaya tumikhim ako dahil virgin din naman ako.

“Hindi ka ba talaga magpapasama sa mission mo sa Pilipinas, Ruwi?” Pag-iiba ni Lucifier ng topic dahil baka magkagulo na naman. 

“Hindi na. Kaya ko na yun. Madali lang naman.” Sagot naman ni Ruwi. Hindi ako nagsasalita at tahimik lang na nakikinig sakanila. Ilang sandali pa ay nag aaway na si Salem at Eros dahil nag aagawan ng pagkain. Natigil lang silang dalawa ng maglabas si Ruwi ng kutsilyo at inilapag yun sa lamesa. Gusto na naman yata nila makatikim  ng dugo. Pagsisisihan talaga nila kapag si Ruwi ang nagalit.

Naalala ko tuloy  n’ong isang araw nagkapikunan si Raizen at Salem at umabot sa suntukan ang mga gago. Naabutan ni Ruwi na nagsusuntukan ang dalawa kaya kumuha ng baso si Ruwi at kutsilyo saka sinugatan si Raizen at Salem sa mga palad nila. Pinatulo ni Ruwi ang dugo ng dalawa sa baso saka yun pinainom ni Ruwi sa dalawa para daw maging close ang mga gago dahil lagi nalang nag babangayan. 

Sa takot ni Salem at Raizen ay nagbati ang dalawa sa harap ni Ruwi basta wag lang ipainom ang dugo. Takot talaga ang mga gagong yan kay Ruwi dahil sa kakaibang pag di-disiplina niya samin. Kapag may nag aaway ay hindi niya pinagbabati, bagkos ay kukuha yan ng kutsilyo para magsaksakan nalang daw. Matira matibay. 

“Sayo nalang ’tong moron, gago. Ayaw kong maka inom ng dugo mong pangit ka!” Saad ni Eros kay Salem.

“Ulol! Special ang dugo ko. Nakaka pogi yun.” Saad pa ni Salem na nagyayabang na naman. Nakakarindi na pakinggan ang sinasabi niyang gwapo daw siya kahit hindi naman.

Natapos kaming kumain pero si Ruwi ay hindi pa tapos. Mas marami kasi ang moron na sakanya, syempre nag iisa namin siyang babae eh. Ngunit nagtaka ako dahil may itinabi siyang moron. Tumingin ako sa mga kaibigan ko at do’n ko napagtanto na wala si Aizen. Siguro ay tulog pa ang gago.

“Bumalik ka kaagad sa mission mo Ruwi. Baka naman kailangan mo ng back up. Isama mo nalang kaya ako.” Saad na naman ni Lucifier na gustong sumama sa Pilipinas.

“Hindi na nga. Kaya ko na yun. Habang wala ako dito ay mag-aral kayo ng mabuti, lalo ka na Salem.” Saad ni Ruwi na tinuro pa talaga si Salem.

“Nag-aaral na naman ako ahh..” depensa ni Salem sa sarili niya.

“Siguraduhin mo lang. Tatapyasan ko talaga yang tenga mo kapag bumagsak ka na naman sa next exam mo.” Pananakot ni Ruwi kaya napangiwi si Salem.

Tumayo naman si Ruwi at nagpaalam na samin na aalis na siya. Nakasunod lang ang tingin ko sakanya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Ibinalik ko ang tingin sa basong nasa harapan ko at inaalala si Ruwi. Ang akala kasi niya ay hindi ko alam na may iba pa siyang kaibigan bukod samin. Alam ko din na siya ang tumutulong kay Ruwi sa mga mission niya kaya hindi ako nag aalala kapag nasa mission siya. Dahil nakita ko kung paano mag sanib pwersa si Ruwi at ang lalaking may pangalan na Thaddeus. Napanood ko sila kung paano makipaglaban at magtulungan at ang masasabi ko lang ay nakakakilabot silang dalawa.

Aizen’s Pov

WALA kaming mission kaya nandito lang kami sa bahay buong maghapon. Kagigising ko lang at ang mga hayop kong kaibigan ay naabutan kong kumakain ng moron. Hindi yata ako tinirahan ng mga gago kaya pinagdasal ko na mag tae sila. 

’‘Tulog-tulog ka kasi,’’ saad pa ni Eros sa ’kin.

Hindi nalang ako sumagot habang naka simangot sa mga kaibigan ko. Ngunit natigilan ako ng mag vibrate ang cellphone na nasa bulsa ko kaya kinuha ko yun at nakita ang pangalan ni Ruwi. 

Binuksan ko ang text ni Ruwi at napangiti ako agad ng mabasa ko ang text niya. Dali-dali akong tumayo sa kinauupuan ko at tumakbo papunta sa sala kung saan niya nilagay ang tinira daw niyang moron para sa ’kin. Sabi na eh, matitiis ako ng mga kaibigan ko na hindi ako makatikim ng pagkain pero si Ruwi ay hindi. 

Sinunod ko ang utos ni Ruwi kung saan niya nilagay ang moron at nakita ko naman agad. Bumalik ako sa kusina habang ka text si Ruwi at nagpasalamat dahil tinabihan niya ako ng moron. 

Nakita ako ng mga kaibigan ko at balak pa akong hingian nila Salem ng moron ngunit hindi ko sila binigyan. 

“Mabuti naman at wala tayong mission ngayon.” Saad ni Theo na parang nakahinga ng maluwag na wala kaming laban na gagawin.

“Laro tayo, gusto niyo?” Tanong ko sakanila habang kumakain.

Napangiwi naman si Isaac sa sinabi ko at masama akong tinignan. “Tumigil kang gago ka! Kung ano-ano na naman ang ipapalaro mo samin.” Saad pa niya. Hindi ko pa makalimutan na sinakal niya ako ng chinese garter sa inis niya sa ‘kin.

“Anong bang meron kang laruan ngayon?” Tanong naman ni Levi. Ako kasi ang taga dala ng mga laruan dito sa bahay. Mga engot din naman sila dahil nakikipaglaro naman tapos kapag natalo ako ang sisisihin. 

“Patintero tayo mga gago.” Saad ni Lucifier.

“Wag! Hikain yan si Isaac eh,” pang aasar ko sa kaibigan ko kay binato niya ako ng kutsara na pinanghalo niya sa kanyang kape. Mabuti nalang talaga at nasalo ko at baka tumama pa sa mukha ko. 

“Pagalingan nalang tayo sa larong bending.” Saad naman ni Nuoi kaya mahina akong natawa.

“Baka naman tumunog buto mo sa likod,” saad ko pa. Mga abnormal talaga kami. Ganito talaga kami kapag bored kami sa bahay. Hindi naman kasi namin naranasan yun dati nong mga bata pa kami dahil nga sa na kidnap kami. Kaya kung ano-ano ang pinag gagawa namin kapag wala si Ruwi sa bahay. 

“Geh. Game ako dyan sa bending-bending na yan.” Excited na sabi ni Salem. Tumayo pa talaga siya sa kinauupuan niya at bigla siyang nag bending kaya tumunog ang buto niya sa likod at bigla siyang bumagsak  sa sahig. Tumawa kaming lahat maliban nalang kay Salem na dumadaing habang nakahiga sa sahig.

“Guys.. itayo niyo ako! Mga gago!” Saad niya kaya tumayo si Lucifier at tinulungan siyang tumayo. 

Natawa ako sa itsura ng kaibigan ko habang nakangiwi. Kung di ba naman kasi tanga bigla nalang nag bending.

Natapos akong kumain at ako ang naghugas sa mga ginamit naming baso. Naisahan na naman kasi nila ako. 

Nang matapos akong maghugas ng plato ay lumabas na din ako ng kusina at sumunod sa mga kaibigan ko na nasa field. Seryoso talaga sila sa bending na sinasabi nila. Ayaw kong mangyari sa ’kin ang nangyari kay Salem kaya manonood nalang ako sakanila. Nakita ko pa si Salem na nagpapahilot ng balakang niya kay Kier. Gago kasi. 

Nagsimula na silang maglaro at natawa ako ng malakas dahil sa itsura ni Isaac na inis na inis na samin. Nagsisisi na yata ang gago na kami ang naging kaibigan niya. 

Napagod na ang mga kaibigan ko sa kalokohan nila kaya nahiga sila sa damuhan. Ako naman ay ipinalibot ang tingin sa kabuuan ng field. Nag angat ako ng tingin sa kalangitan saka ako humiga din sa damuhan.

Chapter 21

Ruwi’s Pov

NAKARATING ako ng Pilipinas at naglalakad ako palabas ng airport habang bitbit ang isang maliit na travelling bag. Wala akong balak na magtagal dito sa bansang ‘to kung saan ako isinilang. Kailangan ko lang magawa ang mission ko agad upang makauwi ako agad sa Russia.

Habang mag isa akong naglalakad ay biglang may tumabi sa ’kin na alam na alam ko kung sino. Alam ko naman na sinusundan ako ng gago pero hinayaan ko lang siya at nagkukunwaring hindi alam.

“Sagot mo ba nag hotel kung saan ako mag s-stay, mare?” Biglang tanong niya kaya napahinto ako ng hakbang at nilingon ang hayop na si Thaddeus. Hindi pa nga nanganganak ang girlfriend niya ay mare na ang tawag niya sa ’kin. 

“Bakit? Sinabi ko bang sumama ka sa ’kin?” Mataray kong tanong sakanya.

“Hindi. Pero I’m your shadow, remember? Kaya kung nasaan ka ay susunod ako sa’yo.” Sagot niya sabay ayos sa suot niyang sunglass.

Napabuga nalang ako ng hangin at nagsimula ulit maglakad palabas ng airport. Nakasunod parin sa ‘kin si Thaddeus sa likuran ko. 

Nang makalabas ako ng airport ay napansin ko na may kakaiba sa mga naka park na sasakyan sa harap. Pareho kami ni Thaddeus na nakasuot ng itim na sombrero at naka leather jacket. Ewan ko ba sa gagong ‘to at bakit ginagaya ang outfit ko.

“Bakit ka tumigil, mare?” Tanong niya sa ’kin kaya tumingin ako sa kanya at masama siyang tinignan. 

“Tumigil ka na nga sa kakatawag sa ’kin na mare! Sisikuhin ko na esophagus mong animal ka.” Banta ko sakanya habang inangat ko ang aking braso.

“Ang harsh mo sa ’kin. Kita mo oh.. may mga pulis na nakaabang sa pagdating mo. Kulang yata ng red carpet ang salubong nila sa’yo.” Natatawang sabi ni Thaddeus.

Nailing nalang ako at humakbang sa unang baitang ng hagdan. Hindi naman nila alam ang mukha ko kung ako man talaga ang inaabangan nila. 

Agad akong lumapit sa taxi na nakaparada sa harap ng airport saka ko binuksan ang backseat. Pumasok ako sa loob at balak sana iwanan si Thaddeus ngunit mabilis na nakapasok sa loob ng taxi ang gago. 

“Sa Legazpi Hotel po, manong.” Saad ko dahil naka book na ako ng hotel kung saan ako mag s-stay ng one week. Ang walangyang Thaddeus ay malamang ay ako na naman ang mag babayad ng hotel room niya.

Nagkasalubong ang tingin namin ng driver sa rear view mirror. Mukhang hindi pa siya matanda, tyansa ko sa edad ng lalaki ay magkasing edad lang sila ni Thaddeus na 26 years old. Mas matanda kasi sa ’kin si Thaddeus ng  five years. Mukha lang siyang bata dahil isip bata naman talaga ang gago. Pero ang edad lang niya ang tumatanda ang isip niya hindi.

Agad na pinausad ng taxi driver ang sasakyan habang palipat-lipat ang tingin niya sa rear view mirror at sa ’kin. Sumusulyap din siya kay Thaddeus ngunit hindi naman niya makilala ang mukha namin dahil naka suot kami ng sunglass at naka suot ng sombrero. 

Pinapakiramdaman ko lang ang taxi driver dahil may kakaiba sa kinikilos niya. Siniko ako ni Thaddeus kaya lumingon ako sakanya. “Ty zametil?” (Did you notice?) Tanong sa ’kin ng gago na mukhang nahalata din yata ang taxi driver.

“Da. V taksiste yest’ chto-to drugoye.” ( Yes. There is something different about the taxi driver.) Sagot ko kaya tumango si Thaddeus. 

Wala kaming dalang baril ni Thaddeus. Kaya lalabanan nalang namin siya ng suntok kung totoo man ang hinala ko sa taxi driver.

Na kompirma ko na totoo ang hinala ko nang iliko ng taxi driver ang sasakyan. Hindi na ’to ang daan papunta sa hotel na sinabi ko. Kalmado pa din ako habang si Thaddeus ay sumisipol habang nakatingin sa labas ng bintana.

“Kuyang taxi driver. Mali yata ang routa mo.” Saad ko sa malamig na boses.

“Naku, pasensya na po, Ma’am. Naghanap lang po ako ng madadaanan na hindi traffic.” Sagot ng taxi driver habang palipat-lipat ng tingin sa rear view mirror at sa daan.

“Ganun ba?” Saad ko kaya tumingin ako kay Thaddeus. Lumingon kasi siya sa likod ng sasakyan at napamura ng salitang Russia. Lumingon din ako sa likuran at nakitang may tatlong sasakyan na nakasunod samin. Kitang-kita ko ang nakasakay do’n at ang iba ay naka uniporme ng pulis. 

Kinuha ko ang kutsilyo na nakatago sa loob ng sapatos ko. Agad kong inilapit yun sa leeg ng taxi driver. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko. Nakita ko agad ang isang maliit na device sa suot niyang damit kaya kinuha ko yun at sinira. 

“Just drive, manong pulis.” Pang aasar ko sakanya kaya napa ayos siya ng upo. Halata sa mukha niya ang takot at mukhang bago lang yata siya sa trabaho niya dahil halatang bata pa ang lalaki sa itsura niya. Gwapo din ang lalaking ’to. Kung itatabi ko siya kay Salem ay masasabi ko na mas gwapo siya kaysa sa kaibigan kong mahangin. 

“Wag mo akong sasaktan parang awa mo na. Bago lang ako sa serbisyo ko.” Saad sa ’kin ng lalaki na nag papanggap na taxi driver.

“Hindi kita papatayin kapag nagmaneho ka lang ng mabilis.” Utos ko sakanya. 

“Opo,” sagot niya sa takot na boses.

“Mga tropa mo ba ang nakasunod satin?” Sabat na tanong ni Thaddeus sa galit na boses.

Tumango ang lalaki at agad na iniliko ang sasakyan sa ibang deriksyon. Hindi ko alam kung bakit may naka abang samin. Mukhang may nag utos nito na galing sa Russia. Mamaya ko na tatawagan si Atticus kapag nalusutan na namin ang mga parak. Kapag talaga kasama ko si Thaddeus ay lagi nalang ako hinahabol ng mga parak. May balat yata ang gago sa pwet kaya minamalas ako.

Biglang lumipat si Thaddeus sa passenger seat at agad naglabas din ng kutsilyo at itinutok yun sa lalaking pulis. “Magpalit tayo ng pwesto kung ayaw mong butusan ko ang tagiliran mo.” Banta ni Thaddeus sa lalaki. 

Agad naman lumipat ang lalaki at nagpalitan sila ng pwesto ni Thaddeus. Ang lalaki na ngayon ay ang nasa passenger seat nakaupo habang si Thaddeus na ang nagmamaneho at ang bilis niyang pinatakbo ang sasakyan.

Nakatutok parin ang kutsilyo kong hawak sa lalaki habang nakatingin siya sa ’kin. Hindi naman niya kita ang mga mata ko dahil narin sa nakasuot ako ng itim na sunglass.

“What’s your name?” Tanong ko sa lalaki na halatang natatakot. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi ko makuhang saktan ang lalaking ’to. Dapat ay kanina pa siya bumulagta sa pwesto niya.

“Hale Laximburg,” sagot niya habang nakatitig parin sa ’kin.

Umiwas ako ng tingin sakanya at tinapik ko ang balikat ni Thaddeus. “Vysadite yego v otdalennom meste.” Utos ko kay Thaddeus na agad naman tumango. 

Lumingon ako sa likuran ng sasakyan at hindi ko nakikita ang mga nakasunod samin na sasakyan. Ang bilis kasi mag patakbo ni Thaddeus na akala mo’y biyaheng langit.

Umabot kami ng isang oras na nasa sasakyan hanggang sa makarating kami sa tahimik na lugar at walang masyadong ka tao-tao. 

Inihinto ni Thaddeus ang sasakyan sabay bukas ng pintuan ng passenger seat at sinipa si Hale palabas ng sasakyan. Sa lakas ng sipa ng gago ay natumba si Hale sa lupa. 

Agad na pinaharurot ni Thaddeus ang sasakyan at akmang tatanggalin sana niya ang suot niyang sombrero ng pigilan ko ang kamay niya. ’’Wag mo munang tanggalin. Baka may hidden camera ang sasakyan.“ Saad ko kay Thaddeus na agad naman sinunod ang utos ko.

Sumandal ako sa likod ng upuan at hinilot ang batok ko. Walang nagsasalita samin ni Thaddeus at baka magkamali pa ang gago at may masabi. 

Kinuha ko na din ang cellphone ko at naghanap ng ibang hotel kung saan kami pwedeng mag stay ni Thaddeus. 

“Dalhin mo ang sasakyan na ’to sa ibang lugar saka natin ‘to iiwan.’’ Utos ko kay Thaddeus.

Tumango lang siya at agad naman ginawa ang utos ko. Naghanap ng lugar si Thaddeus saka kami bumaba ng kotse. Iniwan namin sa gilid ng kalsada ang sasakyan saka kami sumakay ng ibang taxi at nagpahatid sa nahanap kong paupahan. Hindi na hotel ang kinuha ko at malamang sa malamang ay iisahin lang nila ang mga hotel dito sa Manila. 

Kanina pa din humihingi ng sorry si Thaddeus sa ’kin dahil daw yun sa tattoo niya sa gilid ng kamay niya kaya siguro siya nakilala. Sabi ko na nga ba at hindi talaga ako ang habol ng mga pulis kundi ang grupo nila Thaddeus. Wala naman din akong magagawa dahil kasama ko nag gago. Hindi ko naman pwedeng pabayaan dahil kaibigan ang turing ko sakanya. Kaya tutulungan ko siya kahit anong mangyari. Kahit pa nga mapahamak ako sa pagtulong ko sakanya.

Chapter 22

Ruwi’s Pov

NAGAWA ko na ang misyon ko sa Pilipinas at plano kong bumalik na ng Russia. Ngunit ang gagong kasama ko ay niyaya akong kumain sa restaurant. Hindi ko lang alam kung sino ang magbabayad samin dalawa.

Kumakain ako habang panay ang tingin ko sa paligid ng restaurant. Hindi naman ako nagagandahan pero na we-weirduhan lang ako sa design. Habang ang isa kong kasama ay aliw na aliw at walang pakialam. Naka focus siya sa pagkain kaya napa irap ako at pinagdarasal na sana ay mabilaukan siya. 

Napangiti ako ng makita ko si Thaddeus na umubo dahil sa sunod-sunod niyang subo. Binelatan ko siya at inilayo ang baso na may lamang tubig. Masama naman na nakatingin  sa ’kin si Thaddeus. Ngiting aso lang ang ginawa ko saka ako sumubo ulit ng pagkain.

Natapos kaming kumain at agad kong binayaran ang kinainan namin. Si Thaddeus naman ngayon ang ngiting aso dahil nakasimangot ako sa laki ng bill namin. Ako kasi ang nagbayad dahil nahulog daw ang wallet niya. Sana nga mawala na talaga ang wallet niya para makarma siya.

Nauna akong lumabas ng restaurant habang nakasunod naman sa ‘kin si Thaddeus na naririnig ko na busog na busog daw siya. 

Deri-deritso akong naglakad papunta sa parking lot ng restaurant at tinungo ang kotse. Hinagis ko pa kay Thaddeus ang susi para siya magmaneho. 

Binuksan ko ang pintuan ng passenger seat saka ako pumasok sa loob ng kotse. Hinintay ko lang na makapasok si Thaddeus para makaalis na kami. Papunta kasi kami sa airport, ngayon ang alis namin.

Pumasok sa kotse si Thaddeus habang sumisipol. Agad niyang binuhay ang makina ng sasakyan at pinausad. Tahimik lang akong nakaupo habang nakatingin sa bintana ng kotse. Tahimik din ang kasama ko hanggang sa narinig ko siyang dumaing kaya nilingon ko ang gago.

“Anong nangyari sa’yo?” Kunot noo kong tanong. 

“Natatae ako, mareng Ruwi.” Sabi niya sa ’kin na hindi man lang nahiya. Ang kapal talaga ng mukha ng hayop na ’to. 

“Ang takaw mo kasi. Ang dami mong inorder.” Saad ko habang nakatingin sa harap.

“Hindi ako kumain kagabi, mare. Fasting ako diba!” Sagot niya kaya inirapan ko. Nag fa-fasting nga siya pero pag oras naman ng kain niya ay parang two weeks na hindi pinakain. 

“Hahanap lang muna ako ng public toilet. Hindi ko na kaya eh, hindi na ako aabot sa airport para do’n tumae.” Sabi pa niya na halatang na ta-tae na. Gusto ko na tuloy siyang tuluyan pero naisip ko ang mag-ina niya kaya nag bago na ang isip ko.

Naghanap na muna ng banyo si Thaddeus habang namimilipit sa sakit ng tiyan. May napag tanungan siya at itinuro sakanya kung saan pwede siyang maglabas ng sama ng loob. 

Tinungo namin yun hanggang sa mapadpad kami sa tahimik na lugar. Nakita naman ni Thaddeus ang sinasabing public toilet na pinag tanungan niya kaya dali-dali niyang iginilid ang sasakyan at pinatay ang makina.

Ngunit hindi pa kami nakalabas ng kotse ng may marinig kaming tunog ng kotse. Maingay yun na para bang may hinahabol. Kumunot agad ang noo ko at inaabangan ang kotse na maingay. Tumingin ako sa rear view mirror at nakita ang isang lalaki na tumatakbo sa gitna ng kalsada. Malayo siya mula dito sa pwesto namin ni Thaddeus pero nakilala ko agad ang lalaki. Siya yung lalaki na nagkunwaring taxi driver samin ni Thad. 

Nakita ko na may sumusunod sakanya na sasakyan at nakita na may lalaking naka labas ang katawan. Nakahawak din ’yon ng baril at parang tinatarget niya si Hale na tumatakbo palayo sakanila. 

Ang akala ko ay patungo si Hale sa pwesto namin ngunit lumiko ang lalaki sa ibang way kaya sumunod sakanya ang kotse. Naririnig ko din ang putok ng baril na malamang ay si Hale ang pinapaputukan.

Nagkatinginan kami ni Thaddeus na para bang pareho kami ng iniisip. Agad niyang binuhay ang makina ng sasakyan at mabilis na pinatakbo. Ako naman ay inilabas ang baril na nasa ilalim ng upuan ko saka ko ’to ikinasa.

Sobrang bilis ng ginagawang pagpapatakbo ni Thaddeus sa sasakyan at umikot siya sa ibang daanan para maabutan ang lalaking tumatakbo. 

Narinig ko pa ang mura ni Thaddeus habang  iniikot ang manibela dahil nagkamali siya ng liko. Tumingin ako sa unahan at nakita ko si Hale na tumatakbo habang sapo ang tagiliran. Natamaan sigusro siya ng bala sa kotseng humahabol sakanya.

“Umikot ka, Thadd.” Utos ko sakanya para maabangan namin si Hale. Hindi ko alam kung bakit ko ‘to ginagawa. Ngunit may nagtutulak sa ‘kin na tulungan ang lalaki. 

Niliko agad ni Thaddeus ang sasakyan at tamang-tama na nakita ko si Hale na tumatakbo palapit sa gawi namin. Mukhang nagulat pa ang lalaki dahil napahinto siya sa pagtakbo. Siguro ay akala niya kalaban kami na humahabol sakanya.

Agad akong lumuhod sa upuan ko at inabot ang pintuan ng backseat para makapasok siya. Nang magawa ko yun ay agad kong binuksan ang pintuan ng passenger seat para makausap ko siya.

Nakita ako ni Hale habang may hawak na baril. Nakita ko din ang kotse na lumiko din at papunta din yun sa gawi ni Hale. KInuha ko ang aking itim na maskara at mabilis na isinuot. Inangat ko ang isa kong kamay kung saan ay hawak ko ang baril at agad na pinapaputukan ang humahabol kay Hale. Nagulat pa si Hale sa ginawa ko at halatang hindi siya makapaniwala na tinutulungan ko siya. 

“Get in.” Saad ko kay Hale na nakatulala parin sa ’kin.  Sinigawan ko ulit ang lalaki dahil hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Natauhan lang siya ng marinig niya ulit ang putok ng baril at tumakbo papunta sa kotse namin. 

Nagdadalawang isip pa siyang pumasok sa loob ng sasakyan kaya huminto ’to sa harapan ng backseat. “Tangina! Pumasok ka na at natatae na ako.” Sigaw ni Thaddeus kay Hale. Mahina akong natawa dahil halata sa boses niya na taeng-tae na talaga siya pero inuna lang niya na iligtas si Hale.

Napangiwi si Hale sa sinabi ni Thaddeus at agad na pumasok sa loob ng kotse. Isinara ko ang pinto ng passenger seat ng mabilis na pinatakbo ni Thaddeus ang sasakyan.

Hinahabol kami ng sasakyan at pinapaputukan ang likod ng sasakyan namin. Pero hindi ako natatakot dahil alam kong magaling at mabilis magmaneho si Thaddeus. Kayang-kaya niyang takasan ang mga sumusunod samin.

Tumingin ako kay Hale at nakita ang kumalat na dugo sa damit niya. Sapo-sapo niya ang kanyang tagiliran kaya napabuga ako ng hangin. Malamang hindi kami makakabalik ni Thaddeus ng Russia ngayon.

Lucifier’s Pov

WALA kaming ginagawa ngayon kaya napagpasyahan namin na mag inuman sa labas. Naghanap lang kami ng maiinoman na medyo tago. Nakahanap naman si Atticus kaya tinungo namin yun para magliwaliw.

Kompleto kaming lahat maliban nalang kay Ruwi na nasa Pilipinas. Hanggang ngayon kasi ay hindi parin bumabalik ang babaeng yun. Nasabi naman samin ni Atticus na nagawa na daw ni Ruwi ang mission pero hindi lang niya alam kung bakit hindi pa siya bumabalik.

Umorder ng alak si Salem at nagsimula na kaming mag inuman. Napaka simple ng pinuntahan namin at kami lang talaga ang customer. 

“Sino magbabayad nito mga gago?” Tanong ni Eros na siyang tanggero namin.

“Chip in mga, gago. Baka patayin ko kayo pag uwi natin sa bahay.” Saad naman ni Levi.

“Si Aizen dapat hindi niyo sinama yan. Tirador ng pulutan yan eh,” sabat naman ni Salem. Pinakita lang ni Aizen ang gitnang daliri niya saka tumigil sa pagsubo ng pulutan namin.

Nagsimula kaming uminom ng alak habang kung ano-ano ang pinag uusapan. Ang walangyang Salem ay pati ang dalawang aso na nakita daw niya sa kalsada ay kinekwento niya. Kung di ba naman gago pati nag se-sex na aso ikwe-kwento. Binatukan tuloy siya ni Raizen sa mga pinagsasabi niya.

Lumipas ang dalawang oras ay padami ng padami ang inorder naming inumin. Siguro ay natatamaan na ng alak ang mgakasamahan ko dahil panay na ang ngiti ni Atticus habang namumula ang mukha niya. Si Aizen naman ay panay ang english at parang kakandidato. Si Salem naman ay kahit hindi lasing ay mayabang na, kaya nang maalasing ay mas lalong naging mayabang. Gusto ko na nga paluin ang ulo niya ng bote ng alak para mawalan na ng malay.

Si Kier lang talaga ang matino samin at halatang nasusuka na dahil tinatakpan niya ang kanyang bibig gamit ang kanyang palad. Ako naman ay pinapanood lang ang mga kasamahan ko na may kanya-kanyang trip sa buhay. 

Nakita ko naman si Salem na nakaharap sa electricfan at panay ang hawak niya sa ulo. Panay ang ikot niya ngunit bumabalik naman yun sa ibang direksyon. Mahina pa akong natawa habang kinakausap ni Salem ang stand fan.

Siniko ko ang gago dahil nagmumukha na siyang tanga sa ginagawa niya. “Anong ginagawa mong hayop ka?” Tanong ko kay Salem.

“Tignan mo ’tong hayop na electric fan na ’to. Sabi ko paganun pero paganun din siya.” Saad ni Salem habang dine-demo ang ginagawa ng electric fan. “Bwisit! Sinabi ng paganito ka eh..” sigaw niya pa sa fan kaya binatukan ko na siya sa ulo. Natatawa nalang ako sa kalasingan ng gago. 

Bahala na nga siya makipag away sa electric fan, mas mabuti na yun kaysa sa sabihin na naman niya na gwapo siya kahit ako naman talaga ang gwapo sa aming lahat.

Nang matapos kaming mag inuman ay kanya-kanya kaming labas ng pera. Wala ang taga bayad namin ng alak na si Ruwi kaya kami na muna ang magbabayad.

Lumabas naman na kami habang ako ay inaalalayan si Salem na hanggang ngayon ay hindi parin maka move on sa electric fan. 

Habang naglalakad kami sa eskinita ay may nakita kaming mga grupo na nakatambay sa gilid. N’ong una ay hinayaan lang namin dahil dayo kami at teritoryo nila yun. Hindi naman kami naghahanap ng away kaya hindi namin pinansin ang mga lalaking nakatambay.

Ngunit ang gagong si Salem ay niyabangan ang mga nakatambay at sinabihan na mga pangit daw. Sabay kaming napasapo sa mga noo namin dahil sa pinagsasabi ni Salem. Pinipigilan pa siya ni Kier ngunit ayaw paawat ng gago. Dapat talaga pinalo ko na siya ng bote ng alak.

Napakamot ako sa likod ng ulo ko ng makita kong lumapit samin ang mga lalaking nakatambay. Mukhang mapapalaban pa kami ng wala sa oras nito dahil kay Salem.

“Galit sila sa ’kin eh totoo naman ang sinasabi ko na pangit sila. Diba, pre?” Tanong pa sa ’kin ni Salem sabay akbay sa balikat ko.

“Ewan ko sayong tangina ka! Labanan mo silang mag-isa. Ikaw lang naman ang nanglait sakanila.” Saad ko sa inis na boses.

“Walang problema. Sisiw lang yan sa ’kin. Ako pa ba..” mayabang niyang sabi habang pinapatunog ang mga daliri niya.

Wala kaming balak na tumulong sakanya kaya tumabi kami para panoorin siya na labanan ang sampung lalaki. Kayang-kaya naman niya yata sila. At isa pa, yung mukha naman niya ang papangit kapag natamaan siya ng baseball bat na hawak ng mga lalaki. 

“Nice ’to. Dapat may alak habang pinapanood si Salem na bugbugin ng mga lalaki.” Tuwang-tuwa na sabi ni Raizen habang umupo sa lupa. Umupo din ang mga kaibigan namin at pinapanood si Salem na nagsisimula ng makipaglaban. Sana talaga matamaan ang mukha niya kahit dalawang beses lang. Yung gusto ko yung magkaroon talaga ng black eye ang mukha niya para mas lalo siyang pumangit. Masyadong epal eh. 

Wala talaga kaming balak na tulungan siya at taga cheer lang kami sa mga kalaban niya. Panay tuloy ang mura ni Salem samin at sinasabihan kami kung sino ba talaga ang kaibigan namin.

Chapter 23

Aizen’s Pov

WALA kaming magawa ngayong araw kaya naisipan namin maglinis nalang ng bahay. Pabalik na din kasi si Ruwi dito at baka mapagalitan pa kami na makalat ang bahay. Kung sa iba ay armalite ang bibig kapag galit pwes si Ruwi hindi, baril talaga ang gagamitin samin kapag naglit siya. 

Kasama ko si Kier at tinutulungan niya ako magwalis. Kanya-kanya kami ng ginagawa pwera nalang kay Salem na siyang taga utos samin. Napilayan kasi ang gago dahil sa panghahamon niya sa grupo nong nag inuman kami. 

Hindi nga niya alam ang nangyari kinabukasan at ang naalala lang daw niya ay sinabihan lang daw niya na mga pangit ang mga tambay. Nagtampo pa samin ang loko dahil hindi man lang daw namin siya tinulungan. 

“Kuya Aizen… mali naman yang walis mo eh,” reklamo sa ’kin ni Kier.

“Eh sa’n ba kasi dapat? Ako papunta sa left side, ikaw naman papunta sa right side.” Sagot ko naman sa bunso namin.

Masama naman niya akong tinignan dahil hindi namin alam kung saan ba talaga papunta ang winawalis namin. 

“Dilaan niyo nalang yang winawalis niyo mga pangit!” Sigaw ni Salem samin ni Kier.

“Ikaw yung pangit!” Sigaw ko kay Salem na nakaupo sa rattan chair.  Sumenyas nalang ako kay Kier na sa left side na at para do’n na damputin.

Nagkasundo kaming dalawa at tuluyan namin natapos ang pagwawalis. Naririnig ko naman si Lucifier mula sa kusina na panay ang sigaw dahil pinapagalitan na naman niya si Nuroi. Nagluluto kasi sila ng pagkain para pagdating ni Ruwi ay may nakahanda na, pero yung kasama ni Lucifier na magluluto ay paniguradong highblood ang aabutin ni Lucifier.

Si Isaac, Raizen at Caleb ay nasa gilid ng field at inaayos ang kalat namin do’n kagabi. Habang si Theo naman ang nakatoka ngayon para maglaba ng mga kurtina sa buong bahay. Si Levi naman ang naglinis ng kwarto ni Ruwi at si Caiden at Andrei ay pumunta ng grocery dahil paubos na ang stock namin. 

Tumutulong kanina si Atticus pero hindi na namin pinayagan para tutukan niya ang pagdating ni Ruwi. Habang si Eros naman ay nasa garahe naglilinis. 

Ganito kami kapag parating si Ruwi sa bahay at galing siya sa mission. Hindi na muna kasi tumanggap ng client si Atticus habang wala pa si Ruwi.

Natapos kami ni Kier at agad akong lumapit kay Salem na parang tanga habang upo. Upo nalang ako sa sahig habang nakatanaw sa mga halaman na kami din ang nagtanim. Naalala ko pa nong bago kami lumipat dito sa bahay. Yung mga tanim namin ngayon ay halos nakaw lahat ng gagong si Salem. Mabuti nga at hindi namatay eh. 

“Ikuha mo nga ako ng tubig, julalay.” Saad ni Salem na inangat pa ang kamay at para akong binubugaw na hayop.

“Lunurin kita sa tubig, gusto mo?” Tanong ko sakanya.

“Sige na, kuhaan mo na ako. Masakit katawan ko eh. Hindi talaga kayo totoong mga kaibigan dahil pinabayaan niyo talaga ako makipaglaban.” Tampo na naman niyang sabi. 

Tumayo nalang ako mula sa pagkakaupo ko sa sahig dahil naalala ko pa kung paano ako nag cheer sa mga kalaban ni Salem. Hindi lang naman ako dahil pati si Raizen ay do’n sa kabila panig at binigyan pa talaga niya ng kutsilyo ang isa sa kalaban ni Salem.

Hindi na nga lang namin sinabi dahil sigurado akong magtatampo ang pangit na ’to. Ikukuha ko na sana ng tubig si Salem ng biglang sumulpot si Lucifier at may dalang isang basong tubig.

“Oh gago..” saad pa niya kay Salem.

“Thanks, buddy.” Nakangiting sabi ni Salem. “Ang sarap pala maging baldado, marami akong utusan.” Sabi pa ng gago.

“Kapag hindi pa gumaling mga pilay mo ay tutuluyan na kitang gago ka. Wala na agad explain-explain, libing na agad.” Sagot ni Lucifier.

Umupo nalang ulit ako sa sahig at nakita din na papunta sa gawi namin si Kier. Nang makarating siya ay umupo din siya sa sahig. 

“Luto na po ba foods, kuya Luc?” Tanong ni Kier kay Lucifier.

“Hindi pa. Pinapakuluan ko pa ng maayos ang karne. Pinababantayan ko muna kay Nuroi.” Sagot naman ni Lucifier.

“Bakit mo na naman pinapagalitan ang gagong yun?” Tanong naman ni Salem.

“Paanong hindi ko papagalitan eh hindi tinitignan ang ginagawa niya. Sabi ko lagyan niya ng paminta ang pinapakuluan kong karne tapos ang nilagyan niya ang kumukulong kanin sa rice cooker. Sige nga, paanong hindi ako magagalit sa abnormal na yun.” Sagot ni Lucifier. Natawa naman kaming tatlo dahil halatang stress na siya kay Nuroi. Malapit na yata namin malibing ang gago kapag ginalit pa niya si Lucifier.

Napatigil kaming lahat ng marinig namin ang boses ni Ruwi. Agad akong tumayo at maging si Kier ay dali-dali din tumayo mula sa pagsasalampak sa sahig.

Kasama ni Ruwi pumasok ng bahay si Eros na pawis na pawis dahil siguro sa paglilinis ng garahe. Nakita naman kami ni Ruwi kaya agad siyang lumapit samin. Kumunot pa ang noo niya habang nakatitig kay Salem. Siguro ay nagtataka siya kung bakit may band aid ang mukha ng gago. Dapat talaga malaking band aid ang ginamit ni Salem ay para lahat ng mukha niya ay matakpan.

“Anong nangyari sa’yo?” Tanong ni Ruwi kaya napangiwi kami ni Lucifier dahil mananagot talaga kami kapag sinumbong kami ni Salem.

“Nabugbog ako,” sagot ni Salem agad.

“Nabugbog? Wala naman kayong mission ahh.. so, bakit ka nabugbog?” Tanong ni Ruwi sa seryosong boses.

Tumingin pa si Salem samin bago ibinalik ang tingin kay Ruwi. “Hindi nila ako inawat, Ruwi. Pinatumba ko ang mga kalaban ko na mag-isa lang. Syempre hindi lang naman ako gwapo eh, kundi magaling din makipaglaban.” Sagot ni Salem kaya mahina akong natawa.

“Anong pinatumba? Baka ikaw ang pinatumba.” Sabat ko naman kaya lumingon sa ’kin si Ruwi. Yumuko agad ako at baka mabasa ni Ruwi ang tumatakbo sa isip ko. 

“Kier..” tawag ni Ruwi sa bunso namin.

“Po?” Saad naman ni Kier na lumapit pa kay Ruwi.

“Sumunod ka sa ’kin sa kwarto.” Sabi ni Ruwi saka siya tumalikod samin.

Sumunod naman agad si Kier kaya nagkatinginan kami ni Salem at Lucifier. Lagot kami dahil sigurado akong tatanungin ni Ruwi si Kier sa nangyari. Hindi pa naman marunong magsinungaling ang lokong yun dahil ayon sakanya ay sa impyerno daw ang bagsak ng mga sinungaling.

Ilang sandali lang ay pinatawag kaming lahat ni Ruwi at pinapunta sa field. Pati si Salem na papipilay-pilay maglakad ay damay. 

Habang naglalakad ako ay nasa isip ko na naparusahan kaming lahat. Sakto din dumating si Caiden at Andrie na galing sa pag gro-grocery. Pati sila ay pinapunta ni Ruwi sa field.

Pinalihira kaming lahat habang si Ruwi ay nasa harapan namin. Maging si Atticus ay kasali din kaya hindi ako malulungkot dahil kaming lahat naman.

“Bakit kayo nag inuman at pagkatapos ay naghahamon ng away?” Panimula ni Ruwi.

“Hindi kaya kami, Ru. Si Salem kaya naghamon sa mga tambay.” Depensa pa ni Lucifier.

“Pero pinabayaan niyo ang abnormal na yan at hindi niyo pinigilan.” Seryosong sabi ni Ruwi samin kaya napayuko ako habang nagpipigil ng tawa. Abnormal naman talaga si Salem.

“Hala, squat! Five hours kayo diyan.” Sabi ni Ruwi kaya matic na nag squat kaming labing apat. 

“Kasalanan mo talaga ’to Salem eh,” inis na sabi ni Raizen na masamang nilingon si Salem.

“Ruwi ohh.. sinisisi na naman ako ng pangit.” Sumbong na naman ni Salem.

“Sige, dagdagan niyo pa ka ingayan niyo diyan para dagdagan ko ang oras niyo. Ang titigas talaga ng ulo niya ha! Kapag wala talaga ako sa bahay ay kung ano-ano nalang pinaggagawa ninyo. Hindi talaga kayo nakikinig sa ’kin. Isa ka pa Raizen. Ikaw ang taga parusa pero nanguna ka pa!” Inis na sabi ni Ruwi sa harapan namin. 

Putangina talaga! Kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat. Humanda talaga samin si Salem mamaya. Sasakalin talaga namin siya ng mamatay na. 

Lumipas ang limang oras ay nanginginig na ang mga tuhod ko sigurado din ako na pati ang mga kasamahan ko ay ganun din ang nararamdaman. Pinatigil na kami ni Ruwi kaya pabagsak akong napaupo sa damuhan habang pawis na pawis. 

“Nagugutom na ako. Kumain na tayo!” Saad pa ni Ruwi saka tumalikod sa gawi namin. 

“Matapos mo kaming parusahan tapos sasabihin mong nagugutom ka.” Saad naman ni Lucifier na katulad ko ay pawis na pawis din.

“May angal ka?” Masungit na tanong ni Ruwi.

“Wala naman. Sabi ko nga eh, nakaluto na ako ng pagkain at ipaghahanda na kita ng pagkain mo.” Sagot ni Lucifier na dali-daling tumayo habang paika-ika na naglakad dahil siguro sa nanginginig ang mga binti niya. 

Narinig ko nalang ang buntong hininga ng mga kaibigan ko kaya hindi ko mapigilang matawa sa mga itsura namin. Kay Ruwi lang talaga kami tiklop at manginginig ang tuhod kapag nagalit. 

Tumayo na din kami at sumunod na din kay Lucifier dahil kakain na daw. Kailangan sabay-sabay kaming kumain kapag nasa bahay lang kami. Yan ang palaging utos ni Ruwi samin kapag nandito lang kami sa bahay pwera nalang kung nasa mission kami. 

A/N: Magandang hapon po!❤️

Chapter 24

Salem’s Pov

NANDITO kami ni Raizen at Lucifier sa isang mall at pinasali kami ni Atticus sa isang bazaar. Nagmamatyag kami sa isa sa mga target namin. Pagmamay-ari nila ang mall kung saan kami sumali ng bazaar kaya dito namin naisipan pumwesto.

Ang mga binebenta namin ay mga walang kwentang kwintas na hindi ko alam kung saan nakuha ni Lucifier. May maliit kami na table at do’n nakalagay ang mga paninda namin. 

May mga kasama din naman kaming nag ba-bazaar, nakalihira kaming lahat at yung iba ay katapat namin. Kanina pa ako naiirita dahil kanina pa kami nandito ngunit kahit isa ay walang bumibili. Lahat ng mga dumadaan ay halatang iniiwasan ang booth namin at sa ibang mga booth sila nagpupuntahan. 

Apat na oras na kaming tatlo dito.  Ang dalawa kong kasama ay nakasimangot habang nakatayo sa tabi ko. Napabuga ako ng hangin ng marealize ko kung bakit hindi kami nilalapitan ng mga customer. 

Masama kong tinignan ang dalawa at pinagbabato sila ng kwintas. “Kaya tayo walang benta dahil diyan sa mga mukha niyo eh..” inis kong sabi sa dalawa. Susuntukin sana ako ni Raizen sa sinabi ko ngunit hindi natuloy yun ng may lumapit na customer sa booth namin. Akala ko ay bibili ngunit agad na umatras ang babae at dali-daling pumunta sa ibang booth.

“Tangina kasi yang mukha mo Raizen eh, wala ka pang ginagawa pero kriminal na agad ang iniisip ng mga tao sa’yo. Si Lucifier naman mukhang nagbebenta ng droga. Paano tayo makakabenta ng kwintas kung ganyan mga itsura ninyo! Tangina! Ngumiti nga kayo!” Sigaw ko sa dalawa kong kaibigan na walang ginawa kundi sumimangot. 

“Kung makasisi ka samin parang kasalanan namin lahat ahh.. Hindi mo ba naisip na baka mahal yang presyo na nilagay mo sa kalidad ng mga binebenta natin. Baka nakakalimutan mo na ikaw ang naglagay ng presyo.” Galit naman na sagot ni Lucifier sa ’kin saka ako binatukan sa ulo.

Kung alam ko lang na hindi naman pala kami makakabenta dito eh ’di sana tinanggap ko nalang yung nag offer sa ’kin kanina na maging mascot na hotdog. May libre pa sana akong pagkain. Putangina talaga ’tong mga kasama ko, ang papangit.

Hanggang sa dumating ang tanghali ay wala talaga kaming benta kahit isa. Suko na talaga ako at iniwan ang dalawa sa booth dahil gutom na gutom na ako. 

Kakain nalang ako ng masarap kaysa mamatay ako kakahintay na may bibili ng paninda namin. Kahit ako ay hindi din bibili kung ganun ang itsura. 

Habang naglalakad ako ay panay ang tingin ko sa paligid para maghanap ng restaurant. Nang makahanap ako ay pumasok ako agad at naghanap ng bakanteng table. 

Umupo ako at agad naman lumapit ang waiter kahit ko pa tinatawag. Nakita niya siguro na gwapo ako kaya dapat lang na pagsilbihan agad. 

Umorder ako ng pagkain at akmang aalis na sana ang waiter ng may umakbay sa balikat niya. Nakita ko ang dalawa kong kaibigan na masamang nakatingin sa ’kin. 

’’Orderan mo din kami kung hindi.. hindi ka makakalabas ng restaurant na ‘to.’’ Banta sa ’kin ni Lucifier. 

“Ako pa talaga tinakot mong gago ka ha!” Sagot ko naman sa kaibigan ko. 

Binitawan naman ni Lucifier ang balikat ng waiter habang si Raizen naman at inagaw ang menu na hawak ng kawawang waiter at agad umorder. 

Si Lucifier naman ay umupo sa katapat kong upuan kahit hindi ko naman inimbitahan. 

Panay ang order ni Raizen hanggang sa pinaalis na niya ang waiter. Umupo naman siya sa tabi ko saka ako siniko. Hayop talaga ’to eh. 

“Yung mga paninda?” Tanong ko sa dalawa. 

“Ayon iniwan namin. Wala namang bumibili eh,” walang buhay na sagot ni Lucifier. 

“Gago ka kasi! Dapat medyas nalang benenta natin eh. Kung ano-ano kasi pinagkukuha mo.” Nakasimangot kong sabi. 

“Malay mo.. pagbalik natin ninakaw na mga paninda natin,” sabat naman ni Raizen sa tabi ko. 

“Kapag nangyari yun.. ibig sabihin lang no’n ay natatakot lang ang mga tao mag tanong ng presyo sainyong dalawa.” Sagot ko naman dahil lagi silang nakasimangot. Akala mo’y may mga kalaban. 

“Kami sinisi mo eh baka naman napapangitan sila sa mukha mo.” Sabat naman ni Lucifier. 

’’Hoy! Hindi mo ba napapansin na yung mga dumadaan sa both natin ay napapalingon sa ’kin. Kung naging alahas lang ako ay baka nabili na agad ako. Pero sorry sila, tao lang ako na may angking kagwapuhan. Wengya!“ Saad ko. Totoo naman talaga na napapalingon ang mga tao sa ’kin. Nakaupo kaya ako sa harapan ng mga paninda namin. Pang akit ng customer. 

“Kaya pala tayo minamalas sa kahanginan mo eh,” bulong ni Raizen na palaging kontra sa sinasabi ko. Hindi niya kasi matanggap na mas gwapo ako sakanya. Dapat talaga pumikit siya dahil na iingit siya sa pagka fresh ko wengya!

Dumating ang mga inorder ko at dumating din ang mga inorder ni Raizen. Punong-puno ang table namin ng masasarap na pagkain kaya agad akong nagsimulang kumain.

“Sino magbabayad ng inorder mo, Raizen?” Tanong ko ng pumasok sa isipan ko yun. Baka kasi magulat ako mamaya. 

“Ikaw malamang.” Sagot niya sabay subo ng pagkain. 

“Wengya! Iluwa mo yang pagkain na demonyo ka!” Inis kong sabi habang pilit na hinahawakan ang bibig ng gago. Ang kapal ng mukha umorder tapos ako ang pagbabayarin. “Iluwa mo yan! Wag kang kumain!!” Sigaw ko pa habang naglalaban ang kamay naming dalawa. Sinasalag kasi niya ang kamay ko. 

Tawa naman ng tawa si Lucifier habang sunod-sunod ang subo ng gago. “Isa ka din! Iluwa mo yan! Ako nalang kakain lahat kung hindi din pala kayo magbabayad. Tangina niyo! Ang mahal pa naman ng mga pagkain dito!!” Sigaw ko ulit sa dalawa. 

Halos pagtinginan kami ng tao dahil nag rarambulan kaming tatlo. Natapon tuloy ang soup sa kalikutan naming tatlo. 

Napagod ako sa kakapalan ng mukha ng dalawa at pinagdasal nalang na magtae sana silang dalawa. 

Kumain nalang ako ulit at hindi pinansin ang dalawa kong kaibigan. Nang matapos kaming kumain ay napamura ako sa total ng kinain namin. Yung dalawa naman ay panay ang tawa sa ’kin. 

Binayaran ko nalang kaysa naman maghugas ako ng pinggan. Sa gwapo kong ’to. 

Manghihingi nalang ako kay Ruwi ng 10 million pang budget ko. Ayos lang kung saksakin niya ako sa tagiliran, tatahiin ko nalang pagkatapos. Wengya!

Lumabas kami ng restaurant na busog na busog. Samantalang ang wallet ko ay gutom na gutom, gutom sa pera. Hayop ba yan! Kapag talaga si Lucifier at Raizen ang kasama ko kumain sa labas ay sureball ako na mauubos talaga ang pera. 

Nagalakad kami pabalik sa booth namin dahil may mission pa naman kaming tatlo. 

“Kapag ninakaw ang paninda natin ay ayos lang sa ’kin. Basta ba yung nagnakaw ay ibebenta din niya para magkapera siya.” Saad pa ni Lucifier habang naglalakad kaming tatlo. 

“Ayos na din kunt manakaw para maubos na yung paninda natin.” Sagot naman ni Raizen. 

Hindi ako nagsalita dahil hindi parin ako maka move on sa ginastos ko. 

Nakarating kami sa booth namin at pareho kaming tatlo na nanlaki ang mga mata ng makita namin ang table. 

Nagkatinginan kaming tatlo at agad na humalagakhak ng tawa dahil kahit isa ay wala man lang bawas ang paninda namin. Putangina! Kahit magnanakaw walang  interest sa mga kwintas na paninda namin. 

Para ba kaming mga baliw na tumatawa kaya napapalingon samin ang mga tao na dumadaan. Wala parin kaming tigil sa kakatawa dahil nag expect kami na ninakawan na kami ng paninda yun naman pala walang gumalaw kahit isa. 

“Putangina! Ang sakit ng tiyan ko.” Saad pa ni Lucifier na hawak-hawak ang tiyan niya. 

“Sabi ko sa inyo nag mascot nalang tayo eh, ayaw niyo kasing pumayag.” Saad ko pa ng makabawi ako sa pagtawa.

“Iwanan na natin ‘tong mga kwintas na ’to. Nakakahiya sa kabilang booth oh.. isang oras tayo mahigit na nawala pero kahit isa wala man lang nagulo sa paninda natin. Kung paano namin iniwan ni Lucifier ang ayos ng mga display ay ganun na ganun parin ang ayos.” Sagot naman ni Raizen kaya napahilot ako sa sintido ko. 

Ngayon lang ako nahiya sa tanang buhay ko. Nahiya ako na wala kaming benta at walang lumalapit na customer sa booth namin. 

Napagdesisyonan nalang namin na umalis na sa booth at pumwesto na kung saan kami inassign ni Atticus. Malapit na din kasi ang oras na lalabas ang target namin. Hindi lang naman isa ang papatayin namin kundi dalawa. Kasali kasi ang anak niyang lalaki. 

Ako ang nakatokang mag abang sa labas ng entrance habang ang dalawa kong kaibigan ay naka abang sa parking lot para do’n patayin ang dalawang target. 

Hindi kami mahihirapan lalo na’t magkasama lang ang dalawa. 

Nakatayo ako sa may gilid habang kunwaring may hinihintay. Nakasuot din ako ng earphone habang nakikinig sa mga kaibigan ko na nagsasalita. 

Kaya din ako naka pwesto dito para susunod agad ako sa likuran nila lalo na’t alam namin na may nakapalibot na mga guards sa target. 

Ilang sandali lang ay bumukas ang pintuan ng entrance at lumabas do’n  ang isang guard sunod ang dalawang lalaki na inaabangan namin kanina pa. May lumabas din na apat na lalaki na nakasuot ng black uniform at may mga baril na nasa tagiliran. 

“Position, the targets are on their way.” Saad ko sa mahinang boses. 

Pasimple akong sumunod sakanila at lakad pogi lang ang ginagawa ko. Sinusundan ko lang sila hanggang sa makarating sila sa parking lot.

Alam kong nagtatago lang ang dalawa kong kaibigan sa mga kotse. 

Hinihintay nila ang go signal ko para atakehin ang target.

Dali-dali ko namang sinuot ang mask para hindi nila ako makilala kung may mabuhay man isa sa mga guards. Mabuti na yung nag iingat kahit alam ko naman na hindi ko sila bubuhayin. 

Itinaas ko ang isa kong paa at malakas kong sinipa ang isa sa mga naka itim na uniform. 

Kinuha ko ang kutsilyo na nasa gilid ng sapatos ko at agad na sinaksak sa leeg ang sinipa kong lalaki. Narinig ko ang sigawan ng target na halatang natataranta.

Lumabas naman si Lucifier at Raizen at inatake ang target habang ako naman ang nakikipag laban sa apat na nakaitim na naka unipormeng lalaki. 

Lahat ay sinasaksak ko sa leeg saka ko nilalaslasan. Hindi ko sila binibigyan ng pagakakataon na makaporma sa ’kin. 

Bumagsak ang mga kalaban ko habang ang dugo nila ay kumalat sa lupa. Nakikita ko din ang laman ng nilaslas kong leeg nila dahil sa nasobrahan ko. 

Tumingin ako sa mga kaibigan ko at tapos na din nilang patayin ang target. 

Narinig ko naman ang mabilis na pagtipa ni Atticus sa keyboard ng computer niya. Siguro ay binubura niya ang mga kuha sa cctv. 

Nang matapos kaming tatlo ay tinungo na namin ang kotse namin at dali-daling sumakay. 

Nasa backseat ako habang si Raizen naman ang nagmamaneho dahil mukha naman siyang manyakis na driver. Si Lucifier naman ay nasa passenger seat. 

Napasandal ang likod ko sa upuan dahil sa pagod ko. Hindi naman ako napagod sa mission pero napagod ako sa bisyo namin kanina na sumali ng bazaar tapos wala man lang benta kahit isa.

Chapter 25

Ruwi’s Pov

TAPOS na ang mission ko ngayong gabi ngunit wala akong balak na umuwi sa bahay namin ng mga kaibigan ko. Kahit pagod ay mas pinili kong pumunta ng grocery store. Ipinark ko na muna ang kotse sa harapan ng maliit na grocery store saka ko pinatay ang makina ng sasakyan.

Bago ako bumaba ng kotse ay kumuha muna ako ng wipes upang punasan ang kamay ko na may dugo mula sa mga pinatay ko. Nang matapos ako ay agad kong binuksan ang pintuan ng driver seat at lumabas. 

Tahimik na ang kalsada at wala ng masyadong naglalakad, may mga sasakyan naman na dumadaan ngunit pa ilan-ilan nalamang. 

Tinungo ko ang maliit na grocery store para bilhin ang mga kailangan ko. Nang makapasok ako ay kumuha ako ng basket para ilagay ang mga pinamili ko. Kinuha ko lang ang mga importante hanggang sa mapuno ko ang basket. Nang makontento na ako sa mga pinamili ko ay tinungo ko na ang counter para magbayad. 

Konti lang naman kaming namimili kaya walang pila. Agad kong binayaran ang presyo ng mga pinamili ko at agad na lumabas ng grocery store. Ingat na ingat pa ako sa dala kong paper bag at baka mabasag ang mga binili kong alak.

Tinungo ko ang kotse at agad na binuksan ang backseat at inilagay ko muna ang mga pinamili ko. Isinara ko ang pinto at agad nakita ang lalaking nakatayo sa di kalayuan. Hindi ko nalang siya pinansin dahil nagsisigarilyo ang lalaki. 

Umikot ako papunta sa driver seat at akmang bubuksan na sana ang pinto ng mapansin kong itinapon ng lalaki ang hawak niyang sigarilyo sa lupa at naglakad papunta sa pwesto ko. BInuksan ko ng tuluyan ang pintuan ng kotse ngunit hindi ko parin inaalis ang tingin sa lalaki. 

Masama ang kutob ko sa lalaki kaya kailangan kong ihanda ang sarili ko. Kahit masama ang kutob ko ay napangisi ako ng makita ko ang lalaki na naglabas ng baril at itinutok yun sa ’kin.

Nakita kong kinalabit niya ang gatilyo kaya agad akong pumasok sa loob ng kotse at walang sinayang na oras na binuhay ang makina. Napangisi ako lalo ng makita ko ang lalaki na naglalakad papunta sa kotse ko at pinapulanan niya ng bala ang sasakyan ko. 

Sumeryoso ang mukha ko at agad na pinausad ang sasakyan kahit pa nga pinapaputukan niya ang kotse ko. Wala akong pakialam kahit may cctv pang makakita sa gagawin ko. Agad kong binangga ang lalaki kaya napatigil siya sa pagpapaputok ng baril at tumalsik ang lalaki sa lupa. Nakita kong buhay pa at gumagalaw kaya tinungo ko ulit ang lalaki kung saan siya nakahiga at agad na sinagasaan. 

Gusto ko pa sanang ulitin ngunit may nagpaputok ng baril sa likod ng kotse ko kaya pinaharurot ko ang sasakyan habang may ngiti sa labi. Tumingin ako sa rear view mirror at napansin na may kotseng nakasunod sa ’kin. Mas lalo kong binilisan ang pagmamaneho at iniligaw muna ang mga kalaban. 

Natutuwa talaga ako kapag hinahabol nila ang sasakyan ko. Mas lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo hanggang sa makarating kami sa isang bridge. May nakita akong ibang daanan kay imbes na tunguhin ang bridge na yun ay mabilis kong iniliko ang sasakyan sa ibang kalsada. 

Napansin ko na maraming sasakyan ang dumadaan kaya pinindot ko ang button na nasa gilid ng manibela. Alam kong ma-iiba ang kulay ng kotse na sinasakyan ko tulad nalang ng sabi ni Atticus. 

Agad akong nakipagsabayan sa mga kotse upang hindi ako mahanap agad ng mga humahabol sa ’kin. Hindi lang sa assassin ang kalaban namin kundi maging mga parak dito sa Russia ay kalaban namin kaya hindi na ako magtataka kung may humahabol man sa ’kin. Sanay na ako kahit isang libo pa silang humabol sa ’kin.

Bigla kong naramdaman ang pag vibrate ng phone sa suot kong leather jacket kaya kinuha ko yun para makita kung sino ang tumatawag. 

Nakita ko ang pangalan ni Thaddeus sa screen ng phone kaya sinagot ko ’yon at niloud speaker. “Where are you? Akala ko ba pupunta ka dito?” Bungad niyang tanong sa ’kin.

“Papunta ako diyan. May humahabol lang. Ililigaw ko lang saglit.” Saad ko habang naka focus parin ang mga mata sa daan.

“Need help?” Tanong pa niya kaya umiling ako.

“No.Hintayin niyo nalang ako diyan.” Sagot ko at mabilis na iniliko ang sasakyan.

“Bagal. Luto na ang puputan natin oh. Si Hale ang gumawa.” Sabi niya habnag naririnig ko ang tunog ng babasaging baso.

“Wag niyong sabihing nag iinuman na kayong dalawa na wala ako?” Tanong ko kay Thaddeus.

“Bingo. Tagal mo eh, habol ka nalang ng tagay. Tangina mo!” Saad niya kaya napa iling nalang ako at mas lalong binilisan ang pagmamaneho.

Tumingin ako sa rear view mirror at napansin na wala na ang humahabol sa ‘kin. Nag iba na ako ng routa at papunta na yun sa hideout kung saan ko dinala si Hale. Sinama namin siya ni Thaddeus sa Russia nang iligtas namin siya sa humahabol sakanya. Pumayag naman ang lalaki lalo na’t hindi niya alam kung sino ang kalaban niya.

Kahit ayaw ko siyang iligtas dahil isa siyang pulis, ngunit katulad ni Thaddeus na dapat ay kalaban ko din ay nakita ko nalang ang sarili ko na tinutulungan siya. 

Tinungo ko ang hideout hanggang sa makarating ako. Ipinark ko muna ang sasakyan at pinatay ang makina ng kotse saka ako bumaba. Kinuha ko muna sa backseat ang mga pinamili ko na para kay Hale at agad na tinungo ang hideout naming tatlo.

Bubuksan ko pa sana ang pinto ng maunahan ako. Bumungad sa ’kin ang mukha ni Thaddeus kaya inirapan ko siya at inabot ang mga pinamili ko saka ako pumasok sa loob. 

Nakita ko si Hale na kumakain at may pakanin pang nalalaman. ’’Pangit ka inuman, Ruwi. Tirador ng pulutan ang gago.“ Saad pa ni Thaddeus saka isinara ang pinto.

“Nagugutom ako eh, at isa pa, hinihintay ko na dumating si Ruwi.” Depensa naman ni Hale na ngumiti sa ’kin. Ginulo ko naman ang buhok niya saka ko hinubad ang suot kong leather jacket. Tanging naiwan nalang ay ang white strap sando ko. 

Umupo ako sa katapat na upuan ni Hale at kinuha ang tinidor para tikman ang ginawa niyang pulutan. Napatango pa ako dahil masarap ang gawa niya. Si Thaddeus naman ay inaayos ang mga pinamili ko pati na din ang alak na binili ko at inilagay yun sa harap namin ni Hale.

“Kamusta mga sugat mo?” Tanong ko kay Hale. Alam kong panatag na siya na kami ang kasama niya ni Thaddeus. Two weeks na din kasi simula ng tumira siya dito sa hideout namin at lagi namin siyang dinadalaw ni Thaddeus upang hindi siya malungkot. Alam din niya ang buhay ko, wala akong pakialam kung traydurin man niya ako o si Thaddeus. Basta ang mahalaga ay itinuring ko siyang kaibigan kahit hindi naman talaga pwede, dahil sa magkaiba naming layunin.

Nagsimula kaming mag inuman tatlo at kung ano-ano lang ang pinag-uusapan namin. Gusto ko sana na makilala sila ng mga kaibigan ko. Alam ko na magkakasundo sila lalo na si Thaddeus at Salem na parehong maluluwang ang turnilyo sa utak.

“Galing ka ba sa mission?” Tanong ni Thaddeus sa ’kin.

“Yeah. Nakakapagod nga eh, isang pamilya ang pinatay ko. Mabuti nalang dahil walang bata sa pamilya nila.” Sagot ko saka uminom ng alak.

“Hanggang ngayon ay hindi ko parin lubos maisip na magkakaroon ako ng mga kaibigan na kriminal.‘’ Saad pa ni Hale kaya natawa si Thaddeus. 

“Kriminal ako pero mabait, hindi lang mabait kundi gwapo pa.” Saad pa ni Thaddeus kaya napa iling nalang ako. 

“Mas gwapo pa ako sa’yo, Thad. Wala ka sa kalingkingan ng daliri ko.” Pangontra ni Hale kay Thad. Napakamot nalang ako sa likod ng ulo ko ng maisip ko si Salem. Walang tatalo sa kahanginan no’n sa katawan eh. Baka biglang matahimik ang dalawang ’to kapag nakilala nila si Salem na ayaw pumayag na malamangan ang kapogian niya kahit wala naman talaga.

Padami ng padami ang iniinom naming tatlo hanggang sa may marinig kaming sasakyan na huminto sa labas. 

Nagkatinginan kaming tatlo at agad na kumunot ang noo. Paanong hindi kukunot ang noo namin dahil nag-iisa lang ang bahay na ‘to sa lugar na ‘to. Nasa unahan pa ang mga kabahayan kaya bakit may hihinto na kotse sa labas.

Tumayo si Thaddeus at dahan-dahan na lumapit sa bintana para sumilip sa labas. Lumingon samin si Thad at napangiwi. “May unwanted guests tayo. Apat na kotse ang nasa labas at marami sila na may hawak na baril.‘’ Pagbabalita ni Thad.

Biglang pumasok sa isipan ko ang lalaki kanina na sinagasaan ko. Mukhang sinadya niyang magpasagasa sa ’kin para malagyan ng tracking device ang ilalim ng sasakyan ko. 

’Fuck!“ Inis kong sabi saka ako tumayo at tinungo ang kama ni Hale at kinuha ang nilagay kong mga baril do’n n’ong isang araw. Kumuha ako ng isang baril at hinagis ko yun papunta kay Hale. Agad naman niya yun nasalo at kinasa. Kumuha pa ako ng baril at inihagis din yun kay Thad na agad din kinasa. 

Kumuha din ako ng baril at ilang magazine. Sumenyas lang ako sa dalawang kaibigan ko na magtago muna sila at ako ang maiiwan. 

Agad na sumunod ang dalawa at inakyat at kisame kung saan sila pwedeng dumaan. May maliit na butas do’n sa kisame kung saan pwede silang dumaan para makalabas ng bahay. 

Unang umakyat si Hale at sumunod naman si Thaddeus. Nakatingin lang ako sa dalawa hanggang sa maglaho na sila sa paningin ko. Umupo ako sa upuan habang hawak ko ang baril sa isa kong kamay. Kinuha ko pa ang bote ng vodka at tinungga yun habang hinihintay na pumasok ang mga sumunod lalaking sumunod sa ’kin. 

Malakas na sinipa ang pintuan dahilan para bumukas ’yon. Nakita ko ang mga lalaki na pumasok sa bahay at nakatutok ang baril nila sa ’kin. Agad kong sinipa ang mesa upang matumba ’yon at do’n ako nagtago. 

Nagpaulan agad sila ng bala sa ‘kin kaya nagtago ako ng mabuti sa mesa. Makapal ang mesa kaya alam kong hindi tatagos ang bala nila sa pinagtataguan ko. 

Gumapang ako at agad na sumilip sa gilid at binaril ang paa ng lalaki kaya dumaing ‘to. Sinunod ko ang paa ng kasama niya kaya pareho na silang dumadaing. Umaayos ako ng upo at agad na lumuhod sa sahig at humarap sa mga kalaban ko at pinaulanan sila ng bala. 

Alam kong lalabas sila Thad at Hale sa labas upang harapin pa ang mga lalaki na parating pa. 

Wala akong ginawa kundi paulanan ng bala ang mga lalaking nagtatangkang pumasok sa loob ng bahay. Nagkalat na din ang basag na mga bote sa sahig dahil sa palitan namin ng putok ng baril. 

Bumalik ulit ako sa pagtatago sa mesa ng maubusan ako ng bala. Papalitan ko na sana ng magazine ang baril na hawak ko ng may sumilip sa pinagtataguan ko. Agad kong inangat ang isa kong paa para sipain ang lalaki at tumama yun sa mata niya ang sipa ko. 

Tumayo ako at hinawakan ang buhok ng lalaki at gamit ang magazine na hawak ko ay sinaksak ko ang mata niya. Nagpaputok ulit ng baril ang papasok na kalaban kaya hinarang ko ang katawan ng lalaki upang hindi ako matamaan ng bala. 

Naririnig ko din ang putok ng baril sa labas kaya alam ko na nasa labas si Thaddeus at Hale. Wala ng nakapasok na kalaban dahil sa labas palang ay ubos na sila ng dalawa. 

Nakita kong may paparating pa na kotse kaya dali-dali akong lumabas ng bahay saka kinuha ang baril na nabitawan ng pinatay ko.

Hinintay ko lang na lumabas ang mga lalaki sa kotse. Lumapit ako kay Hale saka ko pinaulanan ng bala ang lalaki palabas sana ng kotse. 

Si Hale naman ay nakikipaglaban din habang si Thaddeus ay nilalaslas ang leeg ng kalaban niya. Hindi ko parin tinigilan ang huling kotse na dumating at inubos ang bala sa kotse nila. Wasak na ang mga bintana ng kotse at sigurado akong walang makakaligtas sa ginawa ko. 

Wala ng dumating na kalaban kaya nagkatinginan kaming tatlo na parehong naliligo ng dugo mula sa mga kalaban namin. Mukhang kailangan kung hanapan ng matitirahan si Hale habang nandito siya sa Russia.

Chapter 26

Raizen’s Pov

TAHMIK kaming nakamasid sa mga lalaking pumapasok sa loob ng malaking building. Kasama ko si Ruwi na tahimik na umiinom ng kape sa dalang tumbler ni Lucifier. Kasama din kasi namin ang gago pati na si Salem na kanina pa panay ayos sa buhok niya. Nakatingin pa ang gago sa camera ng cellphone niya. 

“Aray, putangina!” Saad ni Ruwi na tinawanan naman ni Lucifier. 

“Sinabi ng mainit ang kape eh,” sabi pa ni Lucifier kay Ruwi. 

“May kape bang malamig. Abnoy ka din eh. Sabi mo kanina ilalagay mo sa tumbler para hindi mawala agad ang init.” Saad naman ni Ruwi saka binatukan sa ulo si Salem na kanina pa nakatingin sa camera ng cellphone niya. 

“Aray naman, Ruwi! Wag mo nga akong batukan sa ulo at nakaka bobo yun.” Nakasimangot na sabi ni Salem.

“Siguraduhin mo lang na mataas ang makukuha mong score sa exam next week. Kundi mananagot ka sa ’kin.” Banta ni Ruwi kaya nalukot ang mukha ni Salem.

“Bobo na talaga ako nito. Binatukan mo ako eh,” palusot pa ni Salem kaya inambahan ng suntok ni Ruwi. 

“Saglit..” saad pa ni Lucifier habang may tinitignan. Sinundan naman namin ng tingin ang tinitignan niya at nakita namin ang target na si Leo. Siya lang naman ang leader ng sindikato kung saan na nangunguha sila ng mga batang babae sa iba’t-ibang bansa at binebenta sa mga parokyano. Nalaman namin ang gawin niya ng magpanggap si Lucifier na cliente na naghahanap ng babae. Ang gago pa niya dahil talagang kinama niya ang napili niyang babae kaya pag uwi ay sinakal siya ni Ruwi. Mabuti na nga lang at naawat namin dahil kung hindi ay baka pinaglalamayan na namin ang gago. 

“Tamang-tama, dumating na siya.” Saad pa ni Ruwi na nakangiti. Halata sa mukha niya na tuwang-tuwa sa pagdating ni Leo. 

“Mamayang gabi pa ba tayo susugod?” Tanong ni Salem.

“Kahit ngayon na tayo sumugod. May pupuntahan pa ako mamaya.” Sagot naman ni Ruwi kaya kumunot ang noo ko. Napapansin ko kasi na palagi siyang umaalis sa bahay kahit wala naman siyang mission. 

“Saan ka ba pupunta?” Tanong ko kay Ruwi. 

“May bibisitahin lang ako.” Sagot niya saka tumungga ng kape sa tumbler. 

“Wag mong kakalimutan na birthday ni Caiden ngayong araw. Baka makalimutan mo at ikaw lang yung wala.” Saad ni Salem. 

“Oo na. Hindi ko naman nakakalimutan yun. Uuwi din naman ako agad.” Saad ni Ruwi saka tumayo sa pinagtataguan namin. 

“Bakit ka tumayo? Baka makita ka sa cctv diyan!” Saad pa ni Lucifier na hinawakan pa ang kamay ni Ruwi at agad na hinila pababa. Ngunit matigas si Ruwi at sinipa ang binti ni Lucifier. 

“Ayaw ko ng magtago. Tara na! Gusto ko na makipaglaro.” Saad ni Ruwi na naunang naglakad samin. 

Narinig ko ang pagtikhim ni Atticus na sa suot kong earpiece. “Goodluck mga gago!” Saad niya sa kabilang linya. Alam ko naman na naririnig din yun nila Lucifier at Salem dahil napakamot sila sa likod ng kanilang ulo. 

Sino ba namang hindi kakabahan eh wala kaming dalang armas na kahit ano. Siraulo talaga ’to si Ruwi eh. Tanging dala lang namin ay ang maskara namin. 

“Tara na! Sumunod na tayo sa leader natin.” Saad pa ni Lucifier na sumunod kay Ruwi. Sumunod din kami ni Salem at mas lalo kaming naging alerto sa paligid. 

Nakasunod lang kami kay Ruwi hanggang sa makaratng kami sa labas ng building. Deri-deritso lang ang lakad ni Ruwi hanggang sa makita kami ng anim na lalaki na nakabantay sa labas. Akmang huhugot sana sila ng baril ng mabilis na tinakbo ni Salem at Lucifier ang mga lalaki at sinipa at pinagsusuntok. Kami naman ni Ruwi ay deri-deritso lang ang lakad namin dalawa papasok ng entrance. 

Inagaw ko nag baril na nahulog ng lalaki na binubugbog ni Salem at agad kong inabot yun kay Ruwi na nasa unahan ko. Tinanggap naman yun ni Ruwi at agad na itinutok ang baril habang naglalakad kaming dalawa. 

Nagpakawala ng bala si Ruwi ng makita niya ang mga kalaban. Nasa likod lang niya ako at naghihintay na may sumugod papunta samin. Pumasok din si Salem at Lucifier na may mga dala na ding baril. Hinagisan pa ako ni Salem ng baril kaya agad kong sinalo yun at lumabas sa likuran ni Ruwi at tumulong na din sa mga kaibigan ko. 

Puro putok nalang ng baril ang maririnig sa loob at maging ang daing ng mga kalaban namin. Nagulat kami ng may naghagis samin ng granada kaya agad kaming tumakbo ng mga kaibigan ko at nagtago sa pader. Sumabog ang granada at nakahinga ako ng maluwag ng hindi kami abutan. 

Narinig na naman namin ang lalaki na nagsisigaw at parang hahagisan na naman kami ng granada sa pinagtataguan namin. Pinahawak sa ’kin ni Ruwi ang baril niya at agad siyang lumabas sa pinagtataguan namin. Pinandilatan ko siya ng mga mata ko at baka matamaan siya ng granada. 

Sumilip ako sa lalaki na sumisigaw at nanlaki ang mga mata ko ng hinila niya ang safety pin at agad na hinagis ang granada papunta kay Ruwi. 

“Ruwi!!” Sigaw ko dahil hindi talaga siya umalis at nagtago. Nakita ko nalang ang granada na papunta na sa kaibigan ko ngunit agad na bumwelo si Ruwi at sinipa ang granada na papunta sakanya at ibinalik yun papunta sa naghagis na lalaki at do’n sumabog. Tanging sigaw ng lalaki  at pagsabog ng granada ang narinig ko. 

Nagtago ulit si Ruwi at inabot ko sakanya ang baril na pinahawakan niya sa ’kin. 

“Dati ka bang player ng sepak takraw?” Natatawa pang tanong ni Salem. Pano ba naman kasi ginawa niyang sepak takraw ang granada. 

“Sa susunod maglaro tayo no’n. Pero hindi bola gagamitin natin kundi granada.” Sabi pa ni Ruwi kaya natawa ako. Una ko talagang patatamaan si Salem para mas lalo siyang pumanget.

“Dumaan kayo sa kaliwa, mga pre. Kailangan niyong dumaan do’n lalo na’t papunta ang maraming tauhan ni Leo.” Saad ni Atticus sa earpiece.

Sumunod naman kami sa instruction niya lalo na’t pinapanood kami ng gago. “Maghiwalay tayo, kayo ang magkasama ni Lucifier. Hanapin niyo si Leo at patayin.” Utos ni Ruwi samin  ni Lucifier. Tumango ako habang si Lucifier naman ay sumaludo saka kami tumakbo papunta sa tinuro ni Ruwi na direksyon.

Mabuti nalang at si Lucifier ang kasama ko kundi masasakal ko si Salem kung siya ang kasama ko. 

Salem’s Pov

TINUNGO namin ni Ruwi ang kabilang deriksyon at naka alertong pogi ako at baka may bumulaga samin na kalaban. Dapat ay si Theo ang kasama nila ngunit inutusan kasi ni Ruwi na mag ayos ng party mamaya para sa birthday ni Caiden. Kasama niya si Levi habang si Eros at Isaac ang bahalang mag order ng pagkain namin para mamaya. Si Nuroi at Aizen ay may ginagawa din mission at si Andrei ang mata nila ngayon. 

Nagtago na muna ako sa pader at baka may sumulpot na kalaban at paulanan kami ng bal ni Ruwi. Ayos lang na mabaril si Ruwi dahil siyam naman buhay niya. Nabawasan nga lang ng isa n’ong naghihingalo siya last month.

Tangina talaga! Dapat nasa kwarto ako ngayon eh at nag re-relax. Ako pa tuloy ang hinila ni Ruwi na isama. Hindi ko din naman siya masisisi dahil lucky charm niya ako, ayaw lang talaga niya umamin. Tiklop sa ’kin ang pusa na nilalagay ng mga negosyante na kumakaway kapag ako ang ngumiti. Wengya! 

“Ruwi my friend.. Ikaw na kaya sumugod do’n. Mahirap na baka magasgasan ang mukha ko. Alam mo naman, asset ko ang gwapo kong mukha.” Sabi ko kay Ruwi. Pinukol lang niya ako ng masamang tingin at pinakita ang gitnang daliri niya. Wengya! 

“Lumabas ka na nga diyan! Halika na!” Tawag sa ’kin ni Ruwi. 

Napasimangot ako dahil wala talaga ako sa mood makipaglaban. “Dapat kasi si Theo na ang sinama mo dito eh. Dapat talaga nakahiga na ako ngayon sa kama at nagpapahinga.” Saad ko habang nakabusangot ang mukha ko. 

“Gusto mo magpahinga ka na forever? Sabihin mo lang at babarilin kita sa sintido agad.” Sabi kaya umiling ako. 

“Biro lang. Ito naman, penge 10 million sa monday ha!” Saad ko saka ako lumabas sa pinagtataguan ko. Sabay kami na naglakad ni Ruwi at naka alerto na nakataas ang kamay namin dalawa habang may hawak na baril. 

“Anong 10 million pinagsasabi mo?” Tanong ni Ruwi na halatang naiinis sa sinabi ko. 

“Baon ko yun. At isa pa may school project kami. Ambagan yun” Sagot ko kaya nakita kong nalukot ang mukha ni Ruwi.

“Project? Eh bakit ang laki? Pinagloloko mo ba ako, Salem?” Tanong ni Ruwi na humarap pa talaga sa ’kin. 

Sasagot na sana ako ng may sumulpot na lalaki at akmang babarilin na sana kami ni Ruwi. Ngunit naunahan yun ni Ruwi at nagpaputok ng baril ang kaibigan ko at sa noo niya tinarget ang kalaban. Isang bala lang talaga ang ginagawa ni Ruwi at hindi siya nagsasayang ng bala kaya palaging sa noo niya pinapatamaan ang kalaban.

“Anong sabi mo kanina?” Tanong sa ’kin ni Ruwi na hindi maka move on sa hinihingi kong baon. 

“Baon ko yun eh. One week ko na yun.” Sagot ko pa saka ko itinaas ang kamay ko na may hawak na baril at pinaputukan ang dalawang lalaki na pupunta samin.

“Tangina! Ang laki naman ng school project niyo! Kakausapin ko nga yang teacher niyo bukas.” Sabi niya kaya napangiwi ako. 

“Wag na kasi. Kailangan ko lang naman ng baon eh. Naubos kasi pera ko kay Lucifier at Raizen n’ong huli naming mission.” Nakanguso kong sabi. Hindi naman agad sumagot si Ruwi hanggang sa narinig ko ang buntong hininga niya.  

“Fine. Lalagyan natin ng pera ang atm mo.” Sabi niya kaya ngumiti ako. Sabi ko na eh, hindi talaga niya kayang humindi sa kagwapuhan ko eh. 

“Lalagyan natin ng 5k.” Saad niya kaya nawala ang ngiti ko. 

’’Ruwi naman eh, kalahating araw lang sa ’kin yan. Alam mo naman na mabilis kao magutom eh.“ Saad ko pa. Nagsimula namang maglakad si Ruwi kaya sumunod naman ako sakanya. Kinukulit ko parin siya kahit pa nga nagsusulputan ang mga kalaban namin. 

“Wag naman 5k, Ruwi. 10 million mo na kasi.” Saad ko pa habang pinapaulanan ng bala ang mga kalaban. 

“Patayin mo muna si Leo bago kita bigyan ng 10 million.” Sabi ni Ruwi kay nagkaroon ako ng energy bigla. 

Agad akong tumakbo at iniwan si Ruwi mag-isa. Kaya naman niyang harapin ang mga kalaban ng mag-isa. 

Tumatakbo ako habang kinakausap ko si Atticus sa kabilang linya. “Paakyat siya sa 6th floor, gago.” Sabi sa ‘kin ni Atticus kaya dali-dali akong lumapit sa elevator. Kailangan kong mapatay si Leo dahil nakasalalay sakanya ang baon ko for one week.

Bumukas ang pintuan ng elevator kaya pumasok ako agad at pinindot at button na 6th floor. Naghintay lang ako hanggang sa bumukas ang pintuan ng elevator kaya dali-dali akong lumabas. 

Ngunit naglaho ang 10 million ko ng makita ko si Raizen at Lucifier na kinakatay na si Leo. Hiwa na ang mukha ng lalaki at wala na ‘tong mga daliri. 

“Putangina niyo naman eh. Bakit niyo naman pinatay?!” Galit kong sabi sa mga kaibigan ko na nagulat na nasa likuran nila ako. 

“Bagal mo eh,” sagot ni Lucifier.

“Goodbye, 10 million. Hello 5k.” Dinig kong sabi ni Atticus sa earpiece kaya natawa si Lucifier at  Raizen. 

Mga gago talaga. Inunahan pa kasi ako kahit papunta naman na sana ako eh. Wala na tuloy si Leo, ginawang baboy na iniihaw ng dalawa kong kaibigan. Agad akong umiwas ng tingin ng makita ko pa ang laman loob ni Leo. 

A/N: Magandang hapon!

Chapter 27

Kier’s Pov

TODAY is our exam day. Easy lang naman kaya nasagutan ko agad. Hindi ko lang sure kung tama ang sagot ko. Kasalanan kasi ni kuya Salem kung bakit ako hindi nakapag review. Sabi kasi niya ay matalino naman na daw ako kaya hindi ko na daw kailangan mag review. Hindi ko alam kung inuuto lang niya ako para makasama siyang bumagsak. Yari talaga ako kay ate Ruwi pag bumagsak ang grades ko. 

Tapos na ang exam ngayong araw kaya naglalakad na ako palabas ng classroom. Taas noo akong naglalakad sa hallway at walang pakialam sa paligid. 

Nakarating ako sa tambayan naming magkakaibigan at agad nakita ang mga kuya ko na parang pinagsakluban ng langit at lupa. Naglakad ako palapit sakanila at agad kong tinapik ang balikat ni kuya Eros na nakatalikod sa gawi ko. 

“Kamusta exam niyo mga kuya?” Tanong ko sakanila. 

Tumingin sa ’kin si kuya Salem na para bang nalugi sa sabong. Nagtawanan naman sila kuya Lucifier at kuya Raizen habang nakatingin sa itsura ng kuya Salem. 

“Wag nga kayong tumawa mga gago!” Galit na sabi ni kuya Salem sa dalawa.

Sasabat na sana ako ng biglang nag vibrate ang cellphone na nasa bulsa ng pants ko. Kinuha ko yun at baka si ate Ruwi yun at kinakamusta ang exam namin. Binuksan ko agad ang phone ko at nakita ang message ni kuya Eros. Kumunot ang noo ko habang binabasa ang chat niya. 

Ipasa mo ‘to sa 16 ka tao kung hindi ay habang buhay kang mamalasin . Basa ko sa chat ni kuya Eros kasama ang mukha ni kuya Salem na nakasimangot habang nakanguso. Natawa nalang ako saka nireplayan ang kumag na nakaupo lang sa katapat na upuan ni kuya Salem. Kaya siguro niya na picturan ang naka busangot na mukha ni kuya Salem.

“Atticus..” tawag ni kuya Salem.

“Ano?” Tanong naman ni kuya Atticus.

“Pwede mo ba akong hanapan ng apartment?” Tanong ni kuya Salem. Tahimik lang kami na nakikinig sa dalawa.

Kumunot naman ang noo ni kuya Atticus. “Bakit mo naman kailangan ng apartment?” Tanong ni kuya Atticus.

“Baka mapatay na ako ni Ruwi kapag nakita niya ang score ko sa exam. Kasalanan ’to ng classmate ko eh. Hindi sinabi sa ’kin na may essay pa sa likod ng test paper. Hindi ko tuloy nasagutan.” Nakasimangot na sabi ni kuya Salem. Natawa ako ng mahina dahil nag yabang na naman siguro ‘to kaya hindi niya tinignan kung may mga question pa sa likod ng test paper. 

Natawa na naman si kuya Lucifier at maging ang iba pa naming kaibigan. “Ipagdarasal nalang namin ang kaluluwa mo, buddy.” Saad pa ni kuya Andrei.

Akmang sasagot sana si kuya Salem sa sinabi ni kuya Andrei ng biglang tumunog ang cellphone ni kuya Atticus. 

“Nandyan na si Ruwi sa labas ng gate.” Sabi niya kaya nag inat ako ng katawan saka ako nagsimulang maglakad. Inakbayan pa ako ni kuya Nuroi at sabay na kaming naglakad. 

“Wengya! Sabi pa naman ni Ruwi sa ’kin na magkalimutan na daw kami kapag bumagsak ako. Ano kaya itatawag ko sakanya.. Pwede na kaya ang aling Ruwi?” Tanong pa niya samin. 

“Try mong tawagin si ate Ruwi ng ganyan para paglamayan ka namin.” Sagot ko naman.

“Ako na bahala sa biscuit mga buddy. Dalhan niyo nalang yan ng otot-otot na flower.” Sabat naman ni kuya Lucifier sa usapan namin. Sabay-sabay kaming naglalakad palabas ng gate hanggang sa tuluyan kaming nakalabas ng gate. 

Nakita ko ang sasakyan ni ate Ruwi. Dala niya ang sasakyan na kasya kaming labing lima. Nauna kami ni kuya Nuroi na naglakad papunta sa kotse na nakaparada sa kabilang kalsada. 

Nakalapit kami sa sasakyan kaya binuksan ko ang pintuan ng kotse. “Hi, ate Ruwi!” Bati ko sakanya.

“Kamusta ang exam?” Tanong naman niya sa ’kin.

’’Sisiw lang po, ate Ruwi.“ Sagot ko saka ako pumasok sa loob ng sasakyan. Sunod naman na pumasok ay si kuya Nuroi na tinanong din ni ate Ruwi kung kamusta ang exam.

“Bobo lang ako mag saing, Ruwi. Pero sigurado ako na tama ang mga sagot ko sa exam.” Sagot ni kuya Nurio saka pumasok din sa sasakyan. Umupo siya sa tabi ko saka ako binigyan ng candy na agad ko naman tinanggap at binuksan. 

Isa-isang tinanong ni ate Ruwi kung kamusta ang exam ng mga kaibigan namin bago sila papasok sa loob ng sasakyan. Pinaka huling taong tinanong ni ate Ruwi ay si kuya Salem na halatang kinakabahan. 

“Hello, aling Ruwi!” Bati ni kuya Salem kay ate. Natawa kaming nasa likod dahil sabon na naman ang mangyayari sakanya. 

“Gusto mong pektusan ko yang eyeball mo?” Tanong naman ni ate Ruwi kay kuya Salem. 

“Hindi pa naman sigurado kung bagsak ako ahh..” depensa naman ni kuya Salem.

“Eh bakit mo ako tinatawag na aling?” Galit na tanong ni ate Ruwi. 

“Kasi naman eh.. Hindi ko nasagutan yung ibang question sa likod ng test paper. Akala ko kasi wala ng question do’n.” Nakangiwi niyang sagot. 

“Pumasok ka na nga kung ayaw mong sagasaan kita diyan!” Banta ni ate Ruwi kaya dali-daling pumasok si kuya Salem sa sasakyan at siya na mismo ang nagsara ng pinto ng kotse.

Pinausad naman ni ate Ruwi ang sasakyan habang ang iba kong mga kuya ay binu-bully si kuya Salem.

Atticus Pov

NAKARATING kami sa bahay namin. Hindi parin tapos si Lucifier at Eros sa pagkanchaw kay Salem. Kung di ba naman kasi tanga, hindi niya tinitignan ang test paper. 

Unang bumaba si Salem sa kotse saka ako lumabas. Nauna na akong pumasok sa bahay lalo na’t tinatapos ko muna ang gagawin kong elevator ng bahay namin. Malapit ko ng matapos yun at makakapag pahinga na din ako sa wakas. 

Habang naglalakad ako papasok ay naririnig ko ang boses ng mga kaibigan ko. Ilang sandali lang ay may narinig akong putok ng baril na ikinalaki ng mga mata ko. 

Dali-dali akong tumakbo pabalik sa mga kaibigan ko na nasa garahe palang at nakayuko para protektahan ang sarili nila. 

Nakita ko pa na gumapang si Ruwi sa sahig at agad na tinungo ang kotse para kumuha ng baril. Ako naman ay tumakbo papasok ng bahay para kumuha ng baril. Damn it!

Nang makapasok ako ay tinungo ko agad ang room kung saan nakalagay ang mga baril namin. Kumuha ako ng  apat at agad na lumabas ng kwarto. Tumatakbo ako habang nag-aalala sa mga kaibigan ko sa labas. 

Naririnig ko parin ang putok ng baril kaya mas lalo kong binilisan ang kilos ko hanggang sa makalabas ako ng bahay. Nakita ko si Ruwi na nakikipag palitan na ng putok ng baril kasama si Raizen. 

Tinawag ko si Lucifier na agad naman lumingon sa ’kin kaya hinagis ko sakanya ang baril na nakuha ko. Maging si Kier ay hinagisan ko din at si Eros. 

Bumalik agad ako sa loob ng bahay para kumuha pa ng baril at bomba. Mabilis ang kilos na ginagawa ko para makatulong ako sa mga kaibigan ko. 

Nakalabas ako ulit at agad akong lumapit kay Ruwi. Napamura ako na may dugo sa tagiliran niya ngunit nakatayo parin siya at gigil na gigil na nakikipag palitan ng putok ng baril. Tinanggal ko ang safety pin sa bombang hawak ko at hinagis ko yun sa labas ng gate namin. 

Agad na sumabog yun kaya napayuko kaming lahat. 

“Pumasok na kayo sa loob.” Utos ni Ruwi samin saka siya tumingin sa ’kin. “Sige na, Atticus. Kami na bahala dito ni Salem at Lucifier.” Saad niya sa ’kin kaya tumango ako. 

Agad akong pumasok sa loob ng bahay at tinungo ang haven ko. Nang makapasok ako ay agad kong binuksan ang mga computer para makita ko ang mga putangina na umatake sa bahay namin. 

Bigla naman pumasok si Raizen sa kwarto at pinanood ang mga kalaban. “May ibang umikot sa likod ng bahay natin, bud.” Saad ko ng mapansin ko ang iba pang mga kalaban na tinungo ang likod bahay namin. 

Agad na kinasa ni Raizen ang hawak niyang baril. ’’Pwes.. salubungin nila ang bala.“ Saad niya saka siya tumalikod sa ’kin at lumabas ng kwarto. 

Narinig ko pa tinawag ni Raizen si Nuroi, Isaac at Aizen para sila ang magbantay sa likod ng bahay. 

Nakita ko din sa monitor si Kier na kumukuha ng mga bomba sa pinagkuhaan ko din kanina. Kasama niya si Andrei na kumuha din ng bomba at dinala papunta do’n kina Raizen. 

Wala akong ibang marinig kundi putok ng baril. Maging si Caiden ay tumulong na din para patayin ang mga taong sumugod sa bahay namin. 

Nakatutok lang ang tingin ko sa mga monitor hanggang sa matagumpay na naubos ng mga kaibigan ko ang mga kalaban. Nakita ko pa sa isang monitor na may hila-hila si Levi na kalaban. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko ng makita kong dinala nila sa basement ang bihag. 

Kinuha ko din ang laptop na nakapatong sa table saka ako tuluyang lumabas ng kwarto. Nakita ko si Theo at Caleb na may dalang baseball bat at tumango lang sa ’kin. Mukhang pahihirapan nila ang bihag. 

Papunta na sana ako sa basement ng marinig kong bumukas nag pintuan ng main door at pumasok do’n si Ruwi, Salem at Lucifier. 

“Kailangan maligpit ang mga katawan sa labas.” Saad ni Ruwi.

“Putangina naman oh.. Tayo na nga ang sinugod, tayo pa maglilinis sa bangkay nila”  Reklamo ni Salem

“Alangan naman bumangon yung patay na katawan nila saka pumunta sa kagubatan. Siraulo ka din eh,” pangbabara ni Lucifier.

“Ako na bahalang utusan sila Andrei at Eros, Ruwi.” Saad ko at hindi na pinansin ang dalawa. 

Tumango lang si Ruwi saka bumuntong hininga. ’’Nasa’n yung iba?“ Tanong ni Ruwi. 

“Nasa basement. May dinalang bihag si Levi do’n.” Sagot ko. Agad na naglakad si Ruwi patungo sa basement kaya sumunod kaming tatlo sakanya. 

Hindi pa kami nakakarating sa basement ay naririnig na namin ang sigaw ng lalaki na bihag. Mukhang pinapahirapan na ng mga kaibigan namin ang gago. 

Pumasok si Ruwi sa kwarto na medyo madilim. Sumunod kami at nakita namin na hinahampas ni Raizen at Caleb ang ulo ng lalaki na nakatali ang katawan sa upuan. 

“Balak niyo bang gawing sisig ang utak nayan?” Nakangiwing tanong ni Salem. Napahinto naman ang dalawa at lumingon sa gawi namin. 

“Walang kabuluhan para bihagin ang taong yan. Alam ko naman kung sino sila kaya dapat niyo ng patayin yan.” Saad ni Ruwi sa seryosong boses. 

Ngumisi lang si Raizen saka malakas na pinalo ulit ang hawak niyang baseball bat sa ulo ng bihag. 

Mukhang kailangan ko ng higpitan ang security system ng bahay upang hindi kami mapasok ng mga kalaban. Mabuti nalang at ligtas kaming lahat, maliban kay Ruwi na may daplis sa tagiliran.

Chapter 28

Andrei’s Pov

NAKAPILA ako malapit sa counter at naghihintay na matapos ang nasa unahan ko.  Inutusan kasi ako ni Lucifier na bumili ng mga kulang sa bahay. Wala naman akong ginagawa kaya pumayag na ako. 

Hindi naman masyadong marami ang pinamili ko kaya ayos lang na mag-isa akong pumunta. Busy ang mga kasamahan ko sa mga mission nila at kami lang ni Atticus, Lucifier, Kier ang nasa bahay. Ang iba naming mga kasamahan ay nasa iba’t-ibang bansa at ginagawa ang mga mission nila. 

Ilang sandali pa ay umusad ang pila hanggang sa ako na ang nasa harap ng counter. Binayaran ko lang ang mga pinamili ko at agad na lumabas ng grocery. 

Tinungo ko ang parking lot para puntahan ang kotse ko. Ilang sandali lang ay natapos nakarating ako sa harapan ng kotse ko. Inilagay ko muna sa likod ng kotse ang pinamili ko. 

Nang matapos ako ay naglakad ako papunta sa driver seat. Naramdaman ko na parang may tao sa likod ko. Napatunayan ko agad yun ng may dumikit na matigas sa likod ko. 

“Don’t move,” saad niya kaya natigilan ako. Mukhang may baril siyang hawak at yun ang nakatutok sa likod ko. “Or else I will kill you.” Dagdag niyang sabi. 

Nabobosesan ko siya at alam ko na si Verena yun. “Verena..” sambit ko sa pangalan ng babae. 

“Miss me?” Tanong niya sa malanding boses. 

“Yes,“sagot ko at mabilis na umikot paharap sakanya at inagaw ang hawak niyang baril. Naagaw ko nga ang baril dahil nagulat siya sa ginawa ko. Ngunit mabilis naman siya nakabawi at mabilis niya akong sinipa sa tagiliran. 

“I will kill you, Andrei. Ginamit mo lang ako. This is all your fault!!” Galit na galit niyang sabi sabay umatake sa ’kin. Mukhang alam na niya ang ninakaw kong microchip na ibinigay ko kay Atticus n’ong nasa Pilipinas kaming dalawa. 

“Sa tingin mo talaga lalapit ako sa’yo na walang kailangan. Akala mo talaga may gusto ako sa’yo?” Pang-aasar ko sa babae. 

“You!! How dare you!!” Nanlilisik niyang sabi sabay atake ulit sa ’kin. Lahat ng atake niya ay nasasalag ko. “Pagsisisihan mo ’to, Andrei. I swear.” Saad niya sabay suntok ng malakas sa dibdib ko. 

Napa atras ako sa ginawa ng babae at naramdaman na humapdi ang dibdib ko na sinuntok niya. Tumingin ako sa dibdib ko at napansin na may pulang mantsa sa suot kong tshirt. 

Tumingin ako kay Verena at ipinakita niya ang maliit na matulis na bagay. May bahid pa na dugo ang dulo no’n na galing sa ’kin. 

“Uukitan ko ang katawan mo bago kita papatayin.” Saad niya saka ngumisi na parang demonyo. 

Ngumisi din ako at mabilis na itinutok ang baril sakanya. Hindi ako nagdalawang isip na kinalabit ang gatilyo na agad tumama sa braso niya ang bala. 

Napa igik ang babae habang sapo ang kanyang kanan na braso. Ang lakas ng loob atakehin ako pero kapag nabaril iiyak pala. 

“Ikaw ang papatayin ko.” Saad ko habang walang emosyon ko siyang tinitigan. 

“You can’t do that. May sniper na handa kang patayin, Andrei. Isusunod namin ang mga kaibigan mo.” Saad niya kaya agad akong nag angat ng tingin ng may makita akong red dot sa suot kong damit. Agad akong umuklo para makaiwas at binaril si Verena. 

Tumama yun sa tiyan niya at wala na akong pakialam sa mga daing niya. Mabilis akong pumasok ng kotse ng marinig ko ang sunod-sunod na pinakawalang bala ng sniper. Lahat ng yun ay tumama sa kotse ko. 

Mabilis kong binuhay ang sasakyan at agad na pinausad. Nakita ko pa si Verena na nakahandusay sa lupa habang sapo ang dalawang tama niya sa katawan. 

Mabilis ko lang pinaharurot ang sasakyan at palipat-lipat ako ng tingin sa rear view mirror ng mapansin kong may nakasunod na kotse sa ‘kin. 

Kinuha ko agad ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko at tinawagan si Atticus. Naka isang ring pa lang ako ng sagutin yun ng kaibigan ko. 

“Bilisan mo ang pagpatakbo ng sasakyan mo. Nakapwesto na si Lucifier ar Kier para pasabugin ang dalawang kotse na nakasunod sa’yo.” Saad ni Atticus na inunahan akong magsalita. 

“We need to kill Verena.” Saad ko habang naka focus ang tingin sa harapan.

“Ako ng bahala do’n.” Tipid niyang sagot. Agad ko naman sinunod ang sinabi niya na lumiko ako sa isang eskinita. Mabilis ang ginagawa kong pagpapatakbo ng sasakyan hanggang sa hindi ko na makita ang mga sumusunod sa ’kin. 

Napatigil ako ng may makita akong big bike at may nakasakay do’n na nakasuot ng itim na leather jacket. Nagkasalubong kami at sumaludo siya sa ’kin kaya napangiti ako dahil si Lucifier yun. 

Tumingin ako sa mataas na building at may napansin akong tao na nasa pinaka itaas at malamang ay si Kier yun. Hindi ko mapigilang iliko ang kotse dahil baka mangailangan ng back up si Lucifier. 

Pinaharurot ko ang kotse hanggang sa natatanaw ko na ang motor na minamaneho ni Lucifier. Napasipol nalang ako ng magsimula mag paputok ng baril ang kaibigan ko. Tinamaan agad ang isang lalaki na naglabas ng kamay sa bintana ng kotse. 

Nataranta ako ng magsimula din mag paulan ng bala ang mga kalaban namin kay Lucifier. Nag-alala ako sa kaibigan ko at baka matamaan siya ng bala. Dali-dali kong pinaharurot ang sasakyan hanggang sa naabutan ko si Lucifier at mabilis kong iniliko ang kotse upang harangan siya. 

Lahat ng bala na pinapakawalan ng mga kalaban samin at tumatama yun sa kotse ko. Habang si Lucifier ay nagtago sa kotse ko at nakikipag palitan din ng putok ng baril. 

Lalabas na sana ako para tulungan ang kaibigan ko ng magulat nalang ako ng sumabog ang kotse ng kalaban namin ni Lucifier. Agad akong tumingin sa mataas na building at mukhang ang ginamit ni Kier ang bago niyang pinagawa na bazooka. 

Ibinaba ko ang bintana ng kotse para kausapin si Lucifier. “Kaya na ni bunso yan.” Saad ko pa. 

Napamura pa ako ng magpakawala pa si Kier kaya sumabog na naman ang isang kotse ng kalaban namin. 

Itinaas ko na ang kotse at pinatakbo ko na muli habang si Lucifier ay nakasunod din sa ’kin. 

Tumunog ang cellphone ko at nakita ko na si Atticus ang tumatawag na siyang tumapos kay Verena. 

Sinagot ko ang tawag habang naka focus ang tingin sa kalsada. “I killed Verena. May nakuha pa ako sakanya na microchip kaya wala ka ng magiging problema.” Saad ni Atticus sa ’kin. 

“Thanks, buddy. Pauwi na kami.” Sabi ko para alam niya kung nasa’n kami. 

“Gamutin mo sugat mo dahil yari ka kay Ruwi mamaya dahil inilabas ni Kier ang bazooka para mailigatas ka.” Sabi ni Atticus na tumawa pa saka pinatay ang tawag. 

Mga walanghiya! Pinagbawal muna kasi ipagamit yun ni Ruwi samin. Niligtas nga nila ako sa mga kalaban, pero pinahamak naman nila ako sa mas kinakatakutan ko. 

Ruwi’s Pov

KASAMA ko si Thaddeus at Hale na nagpumilit na sumama sa ’kin para gawin ang mission. Ayaw ko sana silang payagan pero ang mga gago nauna pa sila sa ’kin sa pupuntahan ko. 

“Mabuti nalang pala at sinama mo kami, Ruwi. Tignan mo nga.. ang dami mong kalaban na haharapin kapag nahuli ka na pinatay mo ang boss nila.” Saad pa ni Hale sa ’kin.

“Hindi mo pa kilala ang hayop na yan, Hale. Kaya niyang pumatay siguro nasa mga isang libo na tao na siya lang mag-isa.” Saad naman ni Thaddeus. Napabuga ako ng hangin dahil sa ka ingayan nilang dalawa. Paanong hindi kami mahuhuli eh ang ingay nila.

“Talaga? Hindi ako naniniwala.” Sagot naman ni Hale.

“Pustahan tayo? Hindi natin siya tutulungan ngayon. Sakto madaming mga tauhan ang nandito.” Nakangisi na sabi ni Thaddeus. 

“Pwede bang manahimik kayong dalawa!” Saad ko pa ngunit hindi ako pinapakinggan ng mga gago. Lalo na ‘to si Thaddeus na sobrang daldal. 

“Sige. Pustahan tayo,” pagpayag naman ni Hale. Pumayag silang dalawa pero ako hindi. Tama bang pinagpustahan nila ang kakayahan ko.

“Sige. Labas ka na, Ruwi. Makipaglaban ka na do’n.” Utos sa ’kin ni Thad.

Pinakita ko lang sakanya ang gitnang daliri ko dahil hindi ako maka irap. Suot ko kasi ang itim na maskara simula pa kanina. Tumawa lang ng mahina si Thad kaya ibinalik ko ang tingin sa pagmamasid ng paligid. Marami ngang mga tauhan ang  nasa loob dahil hindi naman basta-basta ang taong papatayin ko. 

Ngunit, nagulat ako ng tadyakan ako ni Thad na nasa likuran ko. Sa sobrang lakas ng tadyak niya ay nakalabas ako sa pinagtataguan namin. Agad na lumingon sa ’kin ang dalawang lalaki na nakabantay ng makita nila ako. 

Samurai ang mga hawak nila kaya hindi ako mahihirapan. Agad na umatake ang dalawang bantay at tinawag pa ang mga kasamahan nila. Piste talaga ’to si Thaddeus. Mamaya talaga siya sa ’kin, siya na naman ang gigilitan ko ng leeg. 

Umatake sa ’kin ang lalaki na agad kong iniwasan ang hawak niyang espada. Hinawakan ko ang kamay niya at pinilipit ’yon dahilan upang mabitawan niya ang hawak niyang espada. Sinalo ko ang espada at mabilis na pinaikot-ikot sa kamay ko at agad na sinaksak sa leeg ng kalaban ko. Narinig ko pang sumipol si Thad na halatang natutuwa sa ginagawa ko. 

Binitawan ko ang lalaking pinatay ko saka ako tumakbo papunta sa anim na lalaki na may hawak din na samurai. Nasalag pa nila ang atake ko at pinalibutan ako ng anim na lalaki. Sumigaw pa ang isang lalaki na halatang gigil na gigil siyang patayin ako. Ngunit mabilis kong tinapakan ang isang paa niya at malakas na tinulak ang ulo niya kaya natumaba siya at nabali ang kanyang paa. Wala akong sinayang na oras at agad kong sinaksak ang lalaki na sumisigaw dahil sa pagkabali ng paa niya. Ibinaon ko ang espada kong hawak sa leeg niya kaya natigil ’to sa kakasigaw. Nakita ko pa sa limang kalaban ko ang pagkagulat sa ginawa ko sa kasamahan nila. Wala na akong sinayang na oras pa dahil papatayin ko pa ang boss nila. 

Agad akong lumapit sakanila at iniwasan ang mga atake nila. Nang ako na ang umatake ay ulo agad nila ang tinamaan ko para tapos agad ang laban. Gumulong nalang sa lupa ang mga ulo nila at isa-isang bumagsak ang katawan. 

Naglakad ako papasok habang punong-puno ng mantsa ang suot kong hoodie jacket. Maging ang hawak kong espada ay punong-puno ng dugo na ng galing sa mga pinatay ko. 

Nang makapasok ako ay napabuga ako ng hangin dahil maraming energy ang mauubos ko ngayong gabi sa dami ng kalaban na naka abang na sa  ‘kin. Kasalanan talaga ’to ni Thaddeus na siyang tumulak sa ’kin dito.

Inihanda ko na ang espada kong hawak habang humihinga ng malalim. Sumigaw ang mga lalaki at handa ng umatake din sa ’kin. Tumakbo sila papunta sa ’kin ngunit napahinto din sila kaya nagtaka ako. 

Lumingon ako sa likod ko at nakita si Thaddeus at Hale na nakasuot na din ng maskara na katulad sa ’kin. May mga hawak na din na espada ang dalawa kaya napangisi ako sa loob ng maskara ko. Hindi talaga nila ako natiis. Mga gago talaga!

“Gago ka talaga! Susugod ka talaga ng mag-isa?”  Tanong pa ni Thad.

“Puputulin ko talaga mga daliri mo, Thaddeus. Animal ka!” Galit kong sabi. 

“Wag naman. Wala na akong pang finger sa girlfriend ko,” sagot ng tukmol kaya napangiwi ako habang si Hale naman ay natawa. 

“May dila ka pa naman, buddy. Yun nalang gamitin mo.” Sagot naman ni Hale kaya nandidiri akong tumingin sakanya. 

“Seriously? Talagang yan ang topic niyong dalawa? Babae ako mga tangina kayo!” Inis kong sabi kaya natawa silang dalawa. 

Mabuti nalang at tutulungan ako ng dalawang ’to. Akala ko mauubos ang lakas ko ngayong gabi para makipaglaban.

A/N: Hays.. nakapag ud din dito. Hindi ko alam kung may naghihintay pa ba ng ud ko sa Crimson Blade❤️✨

Chapter 29

Ruwi’s Pov

INIHANDA ko ang hawak kong espada habang nasa tabi ko ang dalawa kong kaibigan na si Hale at Thaddeus. Tumakbo ang mga kalaban papunta samin kaya naghiwalay kaming tatlo at sabay-sabay na umatake. 

Sinasalag ko lang ang mga atake nila gamit ang espadang hawak ko. Panay din ang tingin ko kay Hale dahil hindi ako sigurado kung marunong ba siya humawak ng espada. Ayaw ko siyang mapahamak kaya naka antabay ako sakaya. 

Mabilis kong sinaksak ang lalaking may hawak kadena at balak yata akong sakalin gamit no’n. Hinugot ko ang espadang ibinaon ko sa mata ng lalaki saka ako tumakbo papunta kay Hale ng makita kong pinagtutulungan na siya ng mga kalaban. Hinila ko ang damit ng lalaking nasa likod ni Hale at mabilis ko siyang sinaksak sa likod. 

Lumingon pa sa ’kin si Hale at nakita kong ngumiti ang kanyang labi. “Wag kang lalayo sa ’kin, Hale.” Saad ko saka ako pumwesto sa likod niya. Sumandal sa likod ko si Hale habang nakahanda ang espada naming dalawa. 

“Wala ka yatang tiwala sa ’kin, Ruwi.” Sabi niya sa mahinang boses na tanging ako lang ang makakarinig. 

“Wala talaga,” sagot ko naman agad kaya natawa siya. 

’’So honest. C’mon, lady boss, let’s fucking kill them all.“ Saad niya saka kami umatake sa mga kalaban. Pinapaikot ko lang ang hawak kong espada sa harapan ko upang hindi sila makalapit sa ’kin. Panay ang tingin ko sa paligid dahil hinahanap ko si Thaddeus. 

Nang hindi ko mahanap ay agad kong pinagpuputol ang kamay ng mga umaatake sa ’kin kaya nagtalsikan ang mga kamay nila sa sahig. Punong-puno na ng dugo ang suot kong jacket at maging ang suot kong maskara ay natatalsikan na ng dugo. Nalasahan ko pa ang dugo ng kalaban ko na agad kong niluwa ng tumulo yun galing sa suot kong maskara. 

Humarap ako kay Hale at agad na sinaksak ang mga umaatake sakanya. “Si Thad?” Tanong niya sa ’kin.

“Ewan ko ba sa abnormal na yun.” Sagot ko habang panay ang atake ko sa mga kalaban hanggang sa naubos namin yun ni Hale. 

“Let’s find Thad.” Saad ko kaya tumango si Hale. 

Hinila ko pa ang isang espada na nakabaon sa kalaban ko saka kami naglakad ni Hale. Nasa likod ko siya upang maging bantay. Mabilis akong naglakad ngunit walang ingay. Maging si Hale ay hindi din gumagawa ng ingay. 

Nakarating kami sa isang hallway at may narinig kaming sigaw. Tinungo agad namin yun ni Hale sa pag-aakala na si Thaddeus yun. 

Ngunit napahinto kami ni Hale ng makita namin si Thaddeus na nakatayo habang may hawak na lalaki at tinatanggalan niya ng mata. Kaya naman pala may sumisigaw. Bumaba ang tingin ko sa sahig at may mga kalaban na do’n na nakabulagta at lahat ng yun ay walang mga mata. 

Lumingon si Thaddeus sa gawi namin at napahinto sa ginagawa niya. “Marunong ka ba dumukot ng mata, Ruwi?” Tanong niya sa ’kin habang hawak parin ang lalaki na isa nalang ang mata at nagmamakaawa kay Thad. 

Umiling ako. “Nagawa ko na dati pero hindi ko pa perfect.” Sagot ko sakanya. 

“Halika! Turuan kita sa isa ko pang specialty.” Tawag niya sa ’kin kaya hindi ako nag atubiling lumapit sakanya. 

“Ready your two fingers,” utos niya kaya hinanda ko ang hintuturo at gitnang daliri ko. Pinaharap naman niya sa ’kin ang lalaking isa nalang ang mata na para bang gusto niyang pag practisan ko. 

“Ngayon idiin mo ang gitnang daliri mo sa gilid ng mata niya.”  Sabi niya kaya sinunod ko naman yun. Nagawa ko na ng dalawang beses ‘to ngunit biglaan lahat yun. Hindi pa sanay ang daliri ko. Nang maidiin ko ang hinlalaki kong daliri sa gilid ng mata ng lalaki ay napasigaw na siya ng malakas. “Ituloy mo lang saka mo iangat ang eyeball.” Utos ulit sa ‘kin ni Thaddeus kaya ginawa ko naman at narinig ko ang kakaibang tunog sa mata ng lalaki hanggang sa lumuwa ang mata nito at nahulog sa sahig. 

Tumawa naman si Thaddeus saka tinapakan ang nahulog na eyeball ng laki. “Gusto mo pa subukan?” Tanong niya sa ’kin kaya tumango ako. 

Umalis siya sa harapan ko at naglakad siya sa lalaki na putol na ang kamay ngunit buhay parin ’to. Hinawakan ni Thad ang damit nito at hinila patayo. Nagsisigaw pa ang lalaki na pakawalan siya ngunit sinuntok lang yun ni Thad sa tiyan.

“Ulitin mo ulit. Gusto ko maging magaling ka sa pagdukot ng mata, mare.” Sabi pa niya kaya napabuga ako ng hangin dahil tinuturuan talaga niya ako. 

Salem’s Pov

PABALIK na kami ni Raizen at Elrod sa Russia at pagod na pagod akong umupo sa sinasakyan naming kotse. May tama ako ng baril sa tagiliran dahil sa ginawa naming mission kanina. Ngunit hindi naman nakakaapekto yun sa kagwapuhan ko ang sugat. Kahit pa siguro duguan ang mukha ko ay gwapo parin ako. Wengya!

Si Isaac na ang nag maneho habang si Raizen ay nasa passenger seat. Dapat talaga ay hindi ako tinamaan kanina ng bala eh. Pero tao lang naman ako nagkakamali din. Sympre, mukha ko lang ang perpekto kahit saang anggulo. 

“Buhay ka pa ba diyan, buddy?” Tanong ni Isaac sa ’kin habang nakatingin sa rear view mirror.

’’Kung di ba naman kasi tanga, sinabi ng umilag siya pa kaliwa pero kumanan.“ Sabat naman ni Raizen. Papansin talaga ’tong gagong ’to eh. Inggit na naman siguro dahil tinamaan na ako lahat-lahat, gwapo parin ako. 

“Pwede ba!! Kung inggit ka sa mukha ko, pumikit ka!” Inis kong sabi.

“Dapat talaga natuluyan ka eh,” saad na naman ni Raizen. 

“Hindi mangyayari yun no! Mag-aasawa pa ako at magpapakalat ng lahi ko.” Sagot ko sabay tapik sa dibdib ko. 

“Ang malas ng babae kung ikaw ang mapangasawa niya. Kung ako naging kapatid ng babaeng mapapangasawa mo.. baka tadtarin pa kita ng pinong-pino.” Seryosong sabi ni Raizen. 

Natawa naman ako. “Wala ka namang kapatid na babae kaya hindi mo ko matatadtad.” Saad ko kaya lumingon si Raizen sa ’kin. 

“Anong wala.. meron. May bunso akong kapatid na babae.” Sagot niya kaya nanlaki ang mata ko. 

’’Di nga? Anong pangalan?“ Tanong ko pa habang nakangiti. Pinaningkitan naman niya ako ng mata kaya natawa ako. Wengya!

“Hindi ko sasabihin. Hindi ko sasabihin na Mariss ang  pangalan ng kapatid ko.” Seryoso niyang sabi.

Palipat-lipat naman ng tingin si Elrod sa daad at kay Raizen. “Parang binanggit mo ang pangalan ng kapatid mo. Akala ko ba hindi mo sasabihin.” Sabi ni Elrod kaya natawa ako. 

“Nasabi ko ba?” Tanong naman ng ungas na si Raizen. 

“Oo. Gago ka ba?” Tanong ni Elrod saka binatukan sa ulo si Raizen. 

Napa ayos nalang ng upo si Raizen kaya naka isip na naman na ako ng kalokohan. 

“Bayaw!!” Tawag ko sakanya kaya lumingon siya sa ’kin. 

“Ako ba tinatawag mong bayaw?” Tanong niya na tinuro pa talaga ang kanyang sarili. 

“Oo, malay mo.. makilaka ko ang kapatid mo. Tapos maging kami.” Nakangisi kong sabi. 

“Hindi mangyayari yun dahil sasakalin na kita para mawala ka sa mundo. Hindi ako papayag na mapunta ang kapatid ko sa taong katulad mo no!” Galit niyang sigaw eh.. binibiro lang naman.

“Ang sakit mo magsalita. Gwapo naman ako kahit saang anggulo ah.. hindi din ako babaero. Bad yun.” Sabi ko pa kaya binato niya ako ng baril. Wengya! Mabuti nalang at binato lang niya ako kaysa naman barilin ako.

“Hindi ka bagay sa kapatid ko. At isa pa, ayaw kita maging brother in law sa future no!” Sabi niya na parang diring-diri sa ’kin.

“Grabe ka na talaga sa ’kin. Parang hindi mo ko kaibigan ha! Saksakin kita diyan eh,” banta ko sakanya. 

“Gusto niyo bigyan ko kayo ng tig iisang dagger?” Tanong naman ni Elrod. 

“Wag na! Hindi ako pumapatol sa pangit eh,” sagot ko naman. 

“Ulol!” Sagot ni Raizen kaya natawa ako. 

Natahimik na ako dahil biglang kumirot ang sugat ko sa tagiliran. Gusto ko ng makarating sa bahay namin para magamot ko na ang sugat ko. Hindi nga ako mamatay sa daplis ng bala, pero baka maubusan naman ako ng dugo. 

Hindi ako pwedeng mawala sa mundong ‘to na hindi nagsasaboy ng angking kagwapuhan. Wengya!

Lumipas ang isang oras ay nakarating na kami sa bahay. Agad akong lumabas ng kotse para gamutin na ang sugat ko. 

Pumasok ako sa elevator na pinalagay ni Atticus. Naghintay lang ako na bumukas ang elevator habang sapo ang sugat ko. 

Ilang sandali lang ay bumukas yun at agad akong lumabas ng elevator. Pumunta ako ng sala at nakita si Andrei na nakaupo sa pang isahang upuan. Seryoso ang mukha ng gago kaya lumapit ako sakanya. 

Nag angat naman siya ng tingin sa ’kin at nakitang sugatan ako. Dali-dali siyang tumayo para siguro kunin ang emergency kit. 

Umupo nalang ako saka tinanggal ang suot kong leather jacket. Bwisit talaga! Minsan inaamin kong tanga ako, pero gwapo parin naman kaya ayos na maging tanga.

Chapter 30

Atticus Pov

NANDITO kami sa sala at sama-samang nagkakape. Nandito din si Ruwi na bahay at wala daw siyang balak umalis ngayong araw. Kompleto kaming lahat kaya naisipan namin maglinis ng bahay. 

I sipped my coffee while listening to Salem’s gossip. Taga dala talaga siya ng tsismis dito sa bahay. Kahit hindi namin kilala ang pinagsasabi niya ay nakikinig parin kami sakanya. With action kasi siya kapag nag kwe-kwento kaya para siyang tanga sa harapan namin. 

“Nagsaing na ba kayo?” Tanong bigla ni Lucifier.

“Si bunso tanungin mo. Yung paborito mong utusan kasi ay kagagaling lang sa pag pla-plantsya. Baka daw mamatay siya kapag humawak ng tubig.” Sagot ni Levi saka kumagat sa hawak niyang tinapay. 

“Problema ba yun.. eh ’di ililibing natin siya. Marami pa namang bakante sa simenteryo ahh..” sabat naman ni Salem. 

“Baka ikaw ang ilibing ko, kayo ni Lucifier. Akala niyo hindi ko alam yang mga ginagawa niyong pangbabae ha! Ubos na pasensya ko sa inyong dalawa!” Inis na sabi ni Ruwi na nahuli na naman ang dalawa na mya kinama. Mabuti pa ako good boy. Hindi talaga ako tutulad kay Salem at Lucifier na panay hanap ng babae. 

“Parang alam ko na kung sino na naman ang nagsumbong samin.” Sabi ni Lucifier na tumingin pa sa ’kin. Pinakita ko lang ang gitnang daliri ko dahil pinagbibintangan na naman ako ng gago. 

“Hindi ako! Si Andrei ang tanungin niyo.” Depensa ko sa sarili ko.

“Kahit sino pa ang nagsumbong sakanila ay malalaman ko pa din naman. Kapag hindi pa kayo tumigil na dalawa ako mismo maglilibing sainyo!” Banta ni Ruwi kay Salem at Lucifier na napangiwi pa talaga.

“Anong una nating lilinisin?” Tanong ni Raizen.

“Yung mukha mo,” pang-aasar na naman ni Salem kay Raizen. Sanay na kami sa dalawang ‘to na walang ginawa kundi mag-away. 

“Buburahin ko talaga yang mukha mo Salem. Tangina ka!” Galit na sigaw ni Raizen kaya tumayo si Ruwi sa kinauupuan niya at naglakad papunta sa iang cabinet namin na may mga dagger. Bumalik siya at may dala ng dalawang dagger at inabot niya Raizen at Salem. 

“Magpatayan na kayong dalawa. Manonood kami.” Sabi ni Ruwi saka umupo ulit at kumagat sa tinapay niyang hawak.  Hindi naman kumibo ang dalawa kaya napailing nalang ako. Titigil lang naman kasi sila kapag kinuhaan ni Ruwi ng kutsilyo o baril ang dalawa.

Natapos kaming magkape kaya tumayo na kami sa kinauupuan namin. Si Caiden ang naka tokang maghugas ng pinagkapehan namin at si Theo naman ang bahala sa pagpupunas ng mesa at magwawalis. 

Lumabas na ako ng kusina at tinungo ang maliit na garden na naka konekta sa  field. Magtatanim kasi kami ngayon ng halaman. Kasama ko si Kier, Isaac at Aizen. 

“Saan na naman kaya ninakaw ‘to ni Salem.” Saad pa ni Aizen ng makita niya ang mga halaman na halatang ninakaw na naman ng hayop naming kaibigan. 

“Isipin niyo nalang na hiningi ‘to ni Salem.” Saad naman ni Isaac na pinulot ang mga halaman na nakahiga sa lupa. Yumuko ako para kunin sana ang isang halaman ng biglang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ko. A red alarm and it means danger. 

Agad akong tumakbo papasok ng bahay at nakita ko pa si Ruwi na nakatitig sa suot niyang bracelet na pinagawa niya sa ’kin.

Tumingin sa ’kin si Ruwi at para bang nakikipag usap siya sa ’kin sa pamamagitan ng mga mata namin. Agad akong tumakbo papunta sa computer room para tignan ang nangyayari. Binuksan ko agad ang dalawang computer maging ang laptop na palagi kong ginagamit. 

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng room ngunit hindi ako lumingon dahil naaamoy ko  ang pabango na gamit ni Ruwi.

“Anong nangyayari, Atticus? Bakit bigla nalang umilaw ang bracelet na ginawa mo?” Tanong  sa ’kin ni Ruwi. 

Natigilan ako ng malaman ko na kung saan nanggagaling ang warning. Humarap ako kay Ruwi at hindi ko alam kung sasabihin ko ba sakanya o hindi. Pero naalala ko na turin ni Ruwi sa dalawang taong yun ay kaibigan. 

“Nasa panganib ang dalawa mong kaibigan, Ruwi. Kailangan mong bilisan.” Saad ko na agad naman na tumakbo si Ruwi palabas ng kwarto. Nakatulala lang ako dahil alam kung guguho ang mundo ni Ruwi kapag nawala ang dalawa pa niyang kaibigan. Sana ay maabutan niya ng buhay si Thaddeus at Hale. 

Ruwi’s Pov

TUMATAKBO ako palabas ng bahay at hindi na pinansin si Lucifier na tinatawag ang pangalan ko. Agad akong sumakay sa kotse na nakaparada lang sa labas ng bahay namin at binuhay ang makina at pinaharurot. 

Nawala na sa isip ko ang maskara na dapat sana ay gagamitin ko dahil sa pagmamadali ko. Inilagay ko ang earpiece sa kanan kong tenga upang humingi ng tulong kay Atticus.

“Atticus..” tawag ko sa pangalan ng kaibigan ko. 

“Yes, Ruwi?” Sagot niya na halatang hinihintay ang tawag ko. 

“Guide me,” saad ko at mas lalong pinatakbo ng mabilis ang sasakyan.

“Always. Mag-iingat ka.” Saad niya kaya tumango ako. 

“Isara mo ang pinto ng kwarto mo. Wag mong papasukin ang mag kaibigan natin kahit ni isa sakanila.” Utos ko kay Atticus. 

Hindi naman na sumagot si Atticus kaya hinayaan ko nalang. Ang iniisip ko ay si Thad at Hale. 

Humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela at mas lalo ko pang pinatakbo ng mabilis ang sasakyan. Kailangan kong maabutan ang dalawa kong kaibigan. 

Lumipas ang isang oras ay narating ko ang bagong apartment na kinuha ko para kay Hale. Dito na din nakatira si Thaddeus para mabilis ko silang mabisita kung sakali man na pumunta ako.

“Anong kondisyon nila, Atticus?” Tanong ko kay Atticus sa kabilang linya. 

“Hindi ko na sila mahanap, Ruwi. Nawala na ang connection ko sakanila.” Sagot ni Atticus kaya dali-dali akong bumaba ng kotse habang hawak ang baril. Wala na akong pakialam kung wala man akong suot na maskara. Ang tanging nasa isip ko lang ang dalawa ko pang kaibigan na nasa panganib ngayon. Sana lang ay hindi ako huli.

Tumakbo ako papasok sa maliit na eskinita at agad napahinto ng makita ang apartment na kinuha ko para kay Hale at Thaddeus. Nakatulala ako habang pinagmamasdan ang mga pader na halatang pinaulanan ng bala.

Ayaw kong mag-isip ng masama at iniisip ko na baka nasa loob lang ang mga kaibigan ko. Pero nagtataka ako dahil sobrang tahimik ng paligid. Lumingon ako sa paligid at baka nasa paligid lang ang mga kalaban. Ngunit sobrang tahimik ng paligid kaya inihanda ko na ang baril at baka may sumulpot na kalaban.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa main door ng apartment nila Thaddeus at Hale. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko na hindi ko maintindihan kung bakit. Hinawakan ko ang siradura ng pinto at napagtanto na hindi siya naka lock. Napansin ko na parang basa ang doorknob kaya tinignan ko ang kamay ko. Mas lalo lang akong kinabahan ng mapagtanto ko na dugo yun. Agad kong binuksan ang pintuan at bumungad sa ’kin ang magulong sala ng dalawa kong kaibigan. 

Buong paligid ay magulo at nagkalat ang mga basag na salamin. Punong-puno din ng dugo ang sahig kaya mas lalo akong nanghina.

“T-Thaddeus!! Hale!!” Tawag ko sa dalawa kong mga kaibigan. Ngunit kahit isa ay walang sumagot sakanila. Hindi naman sila ganito. Tuwing tinatawag ko ang pangalan nila kapag binibisita ko ay agad silang lumalabas mula sa kwarto nila. 

Naglakad ako papunta sa kusina at baka pinagtri-tripan na naman ako ng mga gago. Habang naglalakad ako ay mas lalo lang dumami ang nagkalat na bubog sa sahig maging ang dugo ay mas lalong dumami habang palapit ako ng palapit sa kusina. 

Nang makarating ako ay agad kong nakita ang nakahandusay na katawan ni Hale. Napaluhod ako sa sahig habang nakatitig sa katawan ni Hale na naliligo ng dugo. 

“H-Hale.. Hale..” tawag ko sa pangalan niya saka ako gumapang papunta sakanya. Nakadilat ang mga mata niya habang may hawak siyang baril. Tadtad din ng saksak ang katawan niya kay bumuhos ang luha ko. 

“Hale..” sambit ko sa pangalan niya at niyakap ang walang buhay niyang katawan. Halos hindi ako makahinga sa bigat na nararamdaman ko. Si Hale palang ang nakikita ko pero halos gumuho na ang mundo ko. Mahalaga sila sa buhay ko kaya hindi ko lubos maisip na mangyayari ’to sakanila.

Halatang pinahirapan si Hale dahil sa mag natamo niyang saksak at halos matanggal ang braso niya. Nanginginig ang kamay ko na hinaplos ang mata niya upang tuluyang sumara. Idinikit ko ang noo ko sa noo ni Hale at wala akong ginawa kundi humingi ng tawad sakanya dahil hindi ako dumating agad.

Tumayo ako para hanapin pa ang isa kong kaibigan na si Thaddeus. Umaasa ako na buhay siya dahil masamang damo ang gagong yun. 

Iniwan ko muna ang walang buhay na katawan ni Hale at inihanda ang baril para hanapin si Thaddeus. Walang tigil ang luha na umaagos sa mga mata ko habang nanginginig ang mga binti ko sa galit. 

Pumunta ako ng kwarto ni Thaddeus ng makita kong nagkalat ang dugo sa nakasarang pinto. Inihanda ko na ang aking sarili saka ko binuksan ang pintuan. Tumulo ulit ang luha ko at napaluhod habang pinagmamasdan si Thaddeus na nakasabit sa kisame habang biyak ang tiyan. Halos hindi na makita ang mukha niya dahil punong-puno ito ng dugo. 

“Aghhhh!!! Putangina kayo!!! Magbabayad kayo sa ’kin!!!” Galit na galit kong sigaw habang nagpapaulan ng bala sa kisame. 

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pinatay nila ang dalawa kong kaibigan sa brutal na paraan kaya uubusin ko din sila sa brutal na paraan. Hindi ako titigil hangga’t hindi ko sila nauubos. 

Wala akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak para sa dalawa kong kaibigan na pinatay ng walang kalaban-laban. 

Tumayo ako at binaril ko ang lubid na nakatali sa leeg ni Thaddeus upang mahulog ang katawan niya. Nahulog ang katawan niya at sa kama ito bumagsak. 

Nakatitig lang ako kay Thaddeus at kinuha ang puting kumot na nasa kama at dahan-dahan na itinakip sa kanyang katawan. Nanginginig ang kamay ko hanggang sa matakpan ko ang mukha niya. “Putangina, Thad.. akala ko ba masamang damo ka? Bakit hindi ka tumawag agad sa ’kin. Bakit mo naman ako iniwan sa ganitong paraan. Tangina ka talaga!” Umiiyak kong sabi saka niyakap ang walang buhay niyang katawan. 

“Magpahinga na kayo ni Hale. Ako ng bahala sa lahat. Ako ng bahala gumanti sa gumawa sa inyo nito. Ako ng bahala sa mag-ina mo. Tutuparin ko ang hiling mo na magiging ninang ako ng anak mo. Hindi ko lang alam kung anong sasabihin ko sa babaeng mahal mo. Paano ko sasabihin sakanya na wala ka na. Tangina, Thad.. hindi ko lubos maisip na dito matatapos ang lahat.” Umiiyak kong sabi habang yakap ang walang buhay niyang katawan. “Thank you dahil naging kaibigan kita kahit mukha kang abnormal. Asahan mo na hindi ako titigil hangga’t hindi ko sila nauubos. Pangako ko sa’yo yan.” Bulong kong sabi sa tenga niya at umiyak ng umiyak. 

Kumuha pa ako ng isang kumot at wala sa sarili na lumabas ng kwarto ni Thaddeus. Naglakad ako pabalik sa kusina at lumapit ako sa walang buhay na katawan ni Hale at tinakpan ng kumot at niyakap ulit habang nagsisisi na hindi ako dumating agad.

Nabigo ako! Nabigo akong tulungan ang dalawa kong kaibigan.

Chapter 31

Atticus Pov

BAWAT iyak na naririnig ko kay Ruwi ay tumatayo ang balahibo ko. Ito ang unang beses na umiyak siya ng ganito. Nakakakilabot ang iyak niya. Habang pinapakinggan ko ang iyak niya ay nadudurog ang puso ko dahil alam kung nasasaktan siya. Bawat sigaw niya habang yakap-yakap ang walang buhay na katawan ni Thaddeus at Hale ay alam kong maghihiganti si Ruwi. 

Pinapanood ko lang siya mula sa monitor habang hinhila niya ang kwintas ni Hale. Pinapanood ko siya habang hinihila ang malamig na bangkay ni Thaddeus at pinagtabi niya ang dalawang bangkay. 

Nakatitig lang ako sa mukha ni Ruwi at nakikita ko kung gaano siya nasasaktan. Gusto ko sana siyang yakapin ngayon ngunit wala siya sa harap ko. Kailangan kong sundin ang utos niya na tanging ako lang ang makakaalam na may dalawa pa siyang kaibigan sa labas ng grupo namin. Patunay na ginagalang ko ang leader namin. 

Nakita kong niyakap ulit ni Ruwi ang dalawang bangkay ng kaibigan niya saka niya ’to pinatakan ng halik noo ni Thad at Hale. 

Agad akong naging alerto ng makita kong ibinalik ni Ruwi ang earpiece sa kaliwa niyang tenga. Alam kung tatawagan niya ako para makuha ang information ng mga pumatay kay Thaddeus at Hale. Nagawa ko pang ire-retrieve ang cctv na inilagay ni Ruwi sa apartment nila Hale at Thad. Ayaw kong ibigay kay Ruwi dahil maririnig niya kung paano kinatay si Thad at alam kong magiging halimaw si Ruwi kapag napanood niya yun. Ayaw kong mangyari yun. Ayaw kong kainin ng galit si Ruwi at hindi na marunong maawa. 

“Atticus..” sambit ni Ruwi sa kabilang linya. Humugot ako ng malalim na hininga upang ihanda ang sarili ko. Sa boses pa lang ni Ruwi ay nakakatakot na.

“Yes, boss Ruwi?” Magalang kong sagot sakanya.

“Kailangan kong makita ang footage, Atticus. Ipadala mo sa ’kin ngayon din.” Utos niya sa maatoridad na boses.

Napalunok ako ng ilang beses. “A-Ayaw ko! Ayaw kong magbago ka.” Pagsasabi ko ng totoo.

“Wag mo akong pipigilan, Atticus. Kailangan kong maubos ang gumawa nito sakanila. Kaya ipadala mo na sa ’kin at ihanda ang katana ko.” Utos niya saka siya naglakad palabas ng apartment. 

Huminga ako ng malalim at agad akong tumayo sa kainuupuan ko habang sinesend ko kay Ruwi ang video. Wala na akong magagawa kundi ang samahan siya.

Lumabas ako ng computer room at agad na tinungo ang kwarto ni Ruwi. Nakasalubong ko pa ang si Aizen at Theo na tumatawa. Ngunit mas pinili kong tumahimik dahil ako lang ang pwedeng dumamay kay Ruwi ngayon. Walang kaalam-alam ang mga kaibigan ko kung sino si Thaddeus at Hale. 

Pumasok ako sa kwarto ni Ruwi at naglakad sa naka display na katana ni Ruwi. Paborito niya ’tong gamitin at alam ko na ‘to ang gusto niyang gamitin sa paghihiganti niya. Kinuha ko yun at agad akong lumabas ng kwarto ni Ruwi. 

Bumalik ako sa kwarto ko para kunin ang hoodie jacket at isuot. Tumingin muna ako sa cellphone ko at pinanood ko si Ruwi na umiiyak habang pinapanood ang footage na sinend ko sakanya. Hindi ko kayang marinig ang iyak niya kaya tinanggal ko ang earpiece sa tenga ko. Napalunok ako ng ilang beses saka ako lumabas ng kwarto. 

Dire-deritso lang akong naglakad palabas ng bahay at hindi pinapansin ang tawag si Salem sa ’kin. Lumapit ako sa kotse at agad na binuksan ang pintuan ng driver seat at pumasok. 

Binuhay ko agad ang makina at pinausad agad ang sasakyan. Kailangan kong bilisan at baka may gawin si Ruwi na hindi maganda. 

Ruwi’s Pov

IPINIKIT ko ang mg mata ko ng matapos kong panoorin ang sinend sa ’kin ni Atticus.  Mga putangina sila! Hindi mawala sa isip ko ang sigaw ni Thaddeus habang hinihiwa nila ang tyan nito. Tumatawa lang ang mga lalaking gumawa no’n habang sinasaksak din ng iba pang lalaki si Hale na hindi na makalaban. Kaya ko siya natagpuan sa kusina dahil sinubukan pa niyang tumakas. Ngunit nabigo siya at hinabol ng mga putanginang mga lalaki. 

Hinihintay kong dumating si Atticus dahil kailangan ko ng katana. Gusto kong gamitin ang katana na paborito ko. Paliliguan ko ng dugo yun mula sa mga pumatay sa dalawa kong kaibigan. Pasensyahan nalang kami dahil idadamay ko din ang buong pamilya nila. Mata sa mata, pangil sa pangil.

Ilang sandali pa ay nakikita ko na ang sasakyan ni Atticus. Huminto ang sasakyan niya at agad na bumukas ang pintuan ng driver seat. Bumaba siya ng kotse habang dala-dala ang katana na inutos ko sakanya. 

“Ruwi..” sambit niya sa pangalan ko at halatang nag-aalala.

“Salamat at sinunod mo ang utos ko.” Saad ko saka ako lumapit sakanya at kinuha ang hawak niyang katana. “Bumalik ka na sa bahay. Siguraduhin mong mahigpit ang siguridad ng paligid.” Bilin ko sakanya saka huminga ng malalim. “Pakiusap, Atticus.. Ayaw ko ng mawalan ng kaibigan. Kaya habang wala ako ay ikaw na muna ang bahala sa mga kaibigan natin.” Utos ko sakanya kaya tumango siya. 

“Kailan ka uuwi sa bahay?” Tanong niya.

“Hindi ko pa alam. Hindi ako uuwi sa bahay hangga’t hindi ko sila nauubos. Guide me again, Atticus.” Saad ko saka mapait na ngumiti sakanya. Agad siyang yumukod na para bang ginagalang ako. 

Naglakad ako at nilagpasan si Atticus. Pumunta ako sa kotse ko at binuksan ang pintuan ng driver seat at pumasok. Binuhay ko ang makina ng sasakyan at sumenyas ako kay Atticus kaya tumango siya sa ’kin. 

  Pinaharurot ko ang sasakyan habang iniisip kung sino ang uunahin ko. Lahat ng mukha ng lalaking pumasok sa apartment nila Hale ay tinandaan ko. Ipinikit ko saglit ang mata ko at inalala ang lalaking unang sumaksak kay Hale. Agad kong binilisan ang pagmamaneho habang naghihintay ako sa ibibigay ni Atticus na impormasyon. 

“Ruwi..” tawag sa ’kin ni Atticus mula sa earpiece ko. 

“Street of Novgorod. May dalawang lalaki na nakatira do’n na pumatay sa dalawa mong kaibigan. I’ll send the exact address.”  Saad niya kaya agad na umilaw ang cellphone ko. Tinignan ko yun at binasa ang sinend ni Atticus. 

Mabilis kong tinungo ang address na sinend ni Atticus. Humigpit ang hawak ko sa manibela habang nag-aapoy sa galit. Kung pwede ko lang paliparin ang sasakyan ko na minamaneho ay ginawa ko na sana. 

Ilang sandali lang ay nakarating ako sa Novgorod Street. Hindi na ako nagsuot ng maskara at wala ng pakialam kung mapahamak man ako. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang maiganti ang dalawa kong kaibigan. 

Bumaba ako ng kotse at panay ang salita ni Atticus sa kabilang linya at sinasabi kung saan ako pupunta. Hawak ang paborito kong katana ay naglakad ako papunta sa bahay ng unang lalaki na babawian ko ng buhay. Tahimik ang lugar at agad akong lumapit sa harap ng pinto at walang sabi-sabing sinipa ang pinto dahilan upang bumukas ’yon.

Bumungad sa ’kin ang isang babae na nagsisigarilyo pa at halatang nagulat sa ginawa ko.  “Kto ty?” (Who are you?) Tanong sa ’kin ng babae. 

Pinaikot ko ang espada na hawak ko at walang sabi-sabing sinaksak ko siya tulad ng ginawa ng lalaki kay Hale. Nakita ko pa ang pag ngiwi ng babae at dahan-dahan na nilagutan ng hininga. Walang emosyon ko siyang pinagmasdan hanggang sa bumagsak ang katawan ng babae sa sahig. Ipinalibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng bahay at wala do’n ang lalaking target ko. 

Hinila ko ang buhok ng babae na walang buhay at agad naghanap ng lubid para isabit siya sa kisame habang hinihintay ang lalaki. Nakahanap naman ako ng lubid at agad na itinali sa leeg ng babae. Ginawa ko ang lahat para maitali ko ang lubid sa kisame saka ko hinila ’to at tuluyang nasabit ang katawan ng babaeng pinatay ko. 

Nang magawa ko yun ay agad akong pumunta sa harapan at naisipang hiwain ang tiyan niya tulad nalang sa ginawa nila kay Thaddeus. Kumalat ang dugo at maging ang lamang loob ng babae ay nakikita ko na. Ngumisi ako ng marinig ko ang yapak na palapit sa main door. Hinihintay ko lang na pumasok siya sa loob ng bahay. Inihanda ko na ang katana kong hawak hanggang sa bumukas ang pintuan. Bumungad sa ’kin ang gulat na gulat na mukha ng lalaking isa sa mga inalala kong mukha. Ito ang unang sumaksak kay Hale. 

Walang emosyon ko siyang pinagmasdan at bakas parin ang gulat sa mukha habang nakatingin sa babaeng isinabit ko sa kisame. Huhugot sana siya ng baril ng maunahan ko siya at mabilis na sinaksak ang dulo ng katana ko sa kanyang dibdib. 

“Kto ty?” Tanong niya habang magkatitigan kaming dalawa. 

Hindi ako sumagot at hinugot ang espada ko at sinipa ang lalaki. Natumba siya sa sahig kaya nilapitan ko siya at mabilis na sumampa sa lalaki at pinagsasaksak ang leeg niya hanggang sa makita ko ng ang laman. Naliligo ako sa dugo ng lalaki na agad nawalan ng hininga. 

Hinihingal ako sa ginagawa ko at agad na pinunit ang suot niyang damit. Inukitan ko ang katawan niya gamit ang dulo ng aking katana. Inukit ko ang salitang ya ub’yu vas vsekh. 

Nang matapos ako ay pinuntahan ko pa ang isang bahay ng lalaking pumatay kay Hale. Wala akong pakialam kung may madamay na inosente. Buhay ang kinuha nila kaya buhay din ang kukunin ko. 

Nang makarating ako sa isa pang bahay ay kumatok ako sa pinto. Hinintay ko lang na pagbuksan ako habang hinahanda ang hawak kong katana. Ilang sandali lang ay bumukas ang pintuan at bumungad sa ’kin ang nakangiting mukha ng lalaki na tandang-tanda ko pa kung paano siya tumawa habang hinihiwa ang braso ni Hale. 

Agad kong pinutol ang kamay niya kaya tumalsik sa sahig ang kamay niya at sumirit ang dugo sa mukha ko. Nagsisigaw siya sa sakit habang hawak ang braso niyang pinutulan ko. Walang emosyon ko siyang sinipa papasok ng bahay niya upang tadtarin ng pino-pino. 

Nagsisigawan ang tao na nasa loob ng bahay at halatang takot na takot ng makita nila ako. “P-Please.. don’t kill my wife and my daughter. I’m begging you.” Pakiusap ng lalaki na nakahandusay parin sa sahig. 

“Cute.” Saad ko saka ibinato ang katana na hawak ko sa asawa niya.  Gusto kong unahin ang mahal niya sa buhay para dadalhin niya sa kamatayan ang konsensya kung bakit namatay ang mag-ina niya. Bumagsak ang babae sa sahig kaya agad kong nilapitan at hinugot ang katana na ibinato ko. Isusunod ko na sana ang batang babae ng marinig ko ang sigaw ni Atticus sa kabilang linya. 

“Stop it, Ruwi. Wag mong idamay ang bata.” Saad ng kaibigan ko. Binasag ko ang bintana kaya nagkalat ang bubog sa sahig. Pumulot ako ng bubog saka ibinato sa batang babae. Tumama yun sa dalawa niyang mata kaya agad na sumigaw ang batang babae sa sakit. Bubuhayin ko siya pero kukunin ko ang paningin niya. 

Nilapitan ko ang lalaki na nasa sahig at pilit na gumagapang.  Tinapakan ko ang leeg niya at mabilis na isinaksak ang espada sa kanyang ulo. Nang mamatay ang lalaki ay inukitan ko ulit ang tiyan nito tulad ng ginawa ko kanina sa una kong pinatay. Nilagyan ko din ’to ng number two upang bilangin ang mga taong bibisitahin ko at ihahatid ko sa impyerno. 

Nang matapos ako ay tumingin ako sa batang babae na hanggang ngayon ay sumisigaw parin sa ginawa ko. Hindi ko nalang pinansin ang batang babae at agad akong naglakad palabas ng bahay. 

“Next location?” Tanong ko kay Atticus. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya na para bang labag sa kalooban niya ang ginawa kong pagpatay. 

“Nasa isang tambayan sila na parang bodega, Ruwi. Marami sila kaya mag-iingat ka.” Sagot niya. Naglakad ako pabalik sa kotse at agad na pumasok sa loob para puntahan ang mga putangina. 

Punong-puno ng dugo ang mukha ko pati na din ang suot kong damit. Pero wala akong pakialam do’n. 

Pinausad ko agad ang sasakyan at tinungo ang address na binigay sa ’kin ni Atticus. Mas lalo ko lang pinabilisan yun hanggang sa makarating ako sa sinasabi ni Atticus. 

Bumaba agad ako ng kotse dala ang katana na punong-puno ng dugo. Naglakad ako papunta sa maliit na itim na gate at kumatok. Hinintay ko lang na pagbuksan nila ako at nakahanda na ang katana ko. 

Ilang sandali pa ay bumukas ang maliit na gate at bumungad sa ’kin ang lalaking nakangiti. Agad kong dinukot ang kaliwa niyang eyeball at itinapon yun sa lupa. Itinaas ko ang katana ko at hinati ang kanyang katawan. 

Narinig kong sumigaw ang nasa loob ng makita nilang naging dalawa ang katawan ng kasamahan nila. Agad akong pumasok at walang sinayang na oras para atakehin ang mga taong pumasok sa apartment ni Hale at Thaddeus. 

Wala akong ginawa kundi putulin ang mga ulo nila saka ko binibiyak ang tiyan nila tulad ng ginawa nila sa tiyan ni Thaddeus. 

Hingal na hingal ako habang pinagmamasdan ang sahig na punong-puno ng dugo at lamang loob ng mga biktima ko. May nakita akong sigarilyo sa mesa kaya kinuha ko yun at sinindihan. Bumuga ako ng usok habang pinagmamasdan ang mga pinatay ko. 

Napasin kong may cctv sa taas kaya lumapit ako do’n at humarap. Dinilaan ko ang dulo ng katana na may dugo saka ngumisi sa harapan ng cctv. Alam kung may nanonood sa ’kin kaya mas lalo akong ginaganahan na patayin sila.

Chapter 32

Ruwi’s Pov

BUMALIK ako sa apartment ng dalawa kong kaibigan matapos kung patayin ang mga taong pumasok sa loob ng apartment. Hindi ko pa nililibing ang dalawa kong kaibigan dahil ayaw ko silang bitawan. Gusto ko pa silang mayakap ng matagal kaya hindi ko pa tinawag si Atticus para ipaasekaso sakanya ang nararapat na libing ni Hale at Thaddeus. 

Pumasok ako sa apartment at dumeritso ako sa kusina kung saan ko iniwan ang walang buhay na katawan ni Hale at Thad. Nababalot parin ‘to ng kumot na kanina lang ay puti ang kulay pero ngayon ay kulay pula na dahil sa dugo ng dalawa kong kaibigan. 

Dumeritso ako sa harapan ng ref at binuksan yun. Nakita ko pa ang alak na binili ko dahil mag-iinuman sana kaming tatlo. Hindi parin na bubuksan yun. 

Mapait akong ngumiti at kinuha ang alak na yun saka ko binuksan at tinungga. Akala ko ay kaming tatlo ang iinom nito habang nagkwekwentuhan ng mga walang kwentang bagay. Napaupo ako sa sahig habang nakaharap sa wala ng buhay na katawan ng mga kaibigan ko. Tumungga ulit ako ng alak at inalala silang dalawa. Hinahanap ko ang mga mura ni Thad sa ’kin. 

Para akong batang naliligaw dahil iniwan ako ni Thad at Hale. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko para itext si Atticus. Gusto ko ng asekasuhin na niya ang libing ni Thad at Hale para matahimik na ang dalawa kong kaibigan. Hindi ako pwedeng maglibing sakanila dahil may gagawin pa ako. 

Tinitigan ko ang dalawang bangkay ng kaibigan ko at ngumiti sakanila. “Dadalhin ko sa puntod  ang ulo ng mastermind sa pagpatay sa inyo. Pinapangako ko yan.” Walang emosyon kong sabi saka tumungga ulit ng alak.

Isinandal ko ang likod ko sa pader habang nakatulala lang ng ilang oras. Hinihintay ko lang na dumating si Atticus. 

Ilang sandali lang ay narinig kong may sasakyan na huminto. Alam kong si Atticus yun dahil umilaw ang cellphone ko at sinabi na nasa labas siya.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at pumasok si Atticus. ’’Dinalhan kita ng damit na pamalit mo. Punong-puno na ng dugo ang damit mo kasi..“ saad niya at naglakad palapit sa ’kin. 

“Salamat,” sagot ko saka tinanggap ang paper bag na inabot niya sa ‘kin. 

“Ipapalibing mo na si Thad at Hale?” Tanong niya kay tumango ako. 

“Ikaw na muna ang bahala sa bangkay nila. Gusto ko maayos ang libingan nila pagbalik ko.” Utos ko kay Atticus. Tumango naman siya at may inabot sa ‘kin na maliit na gadget. Tinanggap ko naman yun at tinignan ang picture at ang nakasulat.

“Siya ang kumuha kay Thaddeus sa Pilipinas. Siya din ang nagpasok sa grupo ng Dark Dagger. Siya din ang nakadiskubre na si Thaddeus ang traydor ng grupo. Siya din ang nagpapatay kay Thad at Hale. Isa siyang purong pinoy, Ruwi, kanang kamay ng leader ng dagger.” Saad ni Atticus kaya tinitigan ko ng mabuti ang mukha ng lalaki na nakangiti sa picture. 

“Nalaman din nila na si Thaddeus ang tumutulong sa’yo nong panahon na tinutugis ka ng grupo. Lahat ng ginawa ng kaibigan mo ay nalaman nila.” Dagdag pa niyang sabi. Tumungga ulit ako ng alak at inubos ang laman. 

“Nasa’n ang lalaking ’to?” Tanong ko kay Atticus. 

“Sa ngayon ay nasa Moscow siya. Nasa isang hotel na pagmamay-ari ng leader ng Dagger at nagsasaya sila ngayon do’n.” Sagot ni Atticus. 

“Nagsasaya sila dahil napatay nila si Thaddeus.” Saad ko habang mahigpit na napahawak sa bote ng alak. Nanggigigil ako sa galit kaya nabasag ang bote na hawak ko. 

“Bibistahin mo ba sila ngayon?” Tanong ni Atticus. 

“Yes. Hindi ako uuwi ng bahay hangga’t hindi ko sila nauubos.” Sagot ko saka ako tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig.

Naglakad ako papunta sa kwarto ni Thaddeus at agad nag bihis ng damit. Tumitig pa ako sa kama niya na punong-puno ng dugo. Natulala ako dahil pumasok sa isipan ko na hindi ko na talaga siya makikita habang buhay. Hindi ko na maririnig ang mura niya sa ’kin. Hindi ko na din maririnig ang tawag niya sa ’kin na mare. 

Hindi ko mapigilang mapaluha ng maalala ko ang bardagulan namin palagi ng gagong yun. Kinurap-kurap ko ang mata ko at agad akong lumabas ng kwarto ni Thaddeus. 

Nakita ko si Atticus na pinagmamasdan ang katawan ng dalawa kong kaibigan. 

“Alis na ako. Ikaw na muna bahala sakanila.” Pagpapaalam ko kay Atticus. 

“Ruwi..” tawag niya sa ’kin. 

“Bakit?” Tanong ko. 

“Wag ka sanang kainin ng galit. Nakita ko kung paano ka pumatay. Masyadong marahas, Ruwi. Hindi na ikaw yan. Sana bumalik ka sa dati.” Saad niya na parang nakikiusap. 

“Sila ang gumawa nito sa ’kin, Atticus. Handa akong pumatay mabigyan ko lang ng hustisya si Thad at Hale. Wala akong pakialam kung mapunta man ako sa impyerno dahil sa mga kasalanan ko. Ang mahalaga ay maiganti ko ang dalawa kong kaibigan. Handa din akong maging halimaw wag lang kayong mapahamak katulad nila Thad at Hale. Kaya hayaan mo na ako.” Seryoso kong sabi habang nakatitig sakanya.  “Pagkatapos ng utos ko.. umuwi ka kaagad sa bahay ng ligtas.” Saad ko saka ako tumalikod kay Atticus. 

Lumabas ako ng apartment at agad na tinungo ang sasakyan. Agad akong pumasok sa loob at binuhay ang makina at pinausad. 

Sinulyapan ko ang katana na nasa passenger seat na punong-puno parin ng dugo mula sa kalaban ko kanina. Pagod ang katawan ko pero hindi ako pwedeng tumigil. Hindi pwedeng sikatan ng araw ang mga pumatay kay Hale at Thaddeus. Hindi sila karapatdapat mabuhay sa mundong ’to. 

Pinatakbo ko ang sasakyan ng sobrang bilis upang makarating ako sa hotel na sinasabi ni Atticus. Halos banggagin ko na ang mga sasakyan na kasabayan ko sa kalsada at wala akong pakialam kung sigawan nila ako. 

Dalawang oras ang nakalipas ng makarating ako sa Moscow at agad na hinanap ang hotel na sinasabi ni Atticus. Nang makarating ako ay agad kong ipinark ang sasakyan saka ko pinatay ang makina ng kotse. Lahat ng haharang sa ’kin ay papatayin ko. 

Lumabas ako ng kotse dala ang katana. Naglakad ako papunta sa entrance ng bar at agad na humarang ang dalawang lalaki na naka suot ng black suit. Hindi ko na hinintay na tanungin ako dahil agad kong winasiwas ang hawak kong katana at pinutol ang ulo ng dalawa. Nangisay pa ang mga katawan nila na walang ulo bago tuluyang natumba sa sahig. Kumalat agad ang dugo sa sahig kaya pumasok ako sa loob ng hotel. 

Nakita ko ang dalawang babaeng receptionist na halatang nagulat sa nakita. Ngunit nabaling ang atensyon ko ng may lumapit sa ’kin na lalaki at may hawak na baril. Hindi ko na siya binigayn ng pagkakataon dahil sinaksak ko agad ang leeg niya saka ko hiniwa yun hanggang sa makalabas ang katana ko sa leeg niya. Inagaw ko ang baril ng lalaki ng mapansin ko na magtatawag ang dalawang babae ng mga tauhan. Pinaulanan ko agad ng bala ang dalawang babae at lahat ng yun ay sa ulo ko pinatamaan. Hinugot ko ang katana sa leeg ng lalaki saka ko binaril ang lalaking papunta na naman sa ’kin. 

Naglakad ako papunta sa front desk at binaril ang cctv na nakatapat sa ’kin. Inilibot ko ang tingin at hinanap pa ang mga cctv saka ko pinaputukan ng bala.

Nang matapos ako ay naglakad ako papunta sa elevator at pumasok. Napansin ko na may cctv kaya winasak ko yun gamit ang katana kong hawak. Sumara ang pinto ng elevator ng pindutin ko ang 8th floor. Hinihintay ko lang na bumukas ang elevator ng maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko sa aking bulsa. Kinuha ko yun at nakitang si Atticus ang nag message. Sinend niya sa ‘kin ang isang litrato ng lalaking hinahunting ko. May kasama siya sa picture na babae at alam kong asawa niya ‘to kaya napangiti ako. Ibinalik ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko at sakto namang bumukas ang pintuan ng elevator. 

Naglakad ako palabas ng elevator at agad napangiti ng makita ko ang anim na lalaki na halatang mga tauhan ng Dagger. Sinugod ko ang anim na lalaki habang pinapaikot ang hawakan ng espada sa kanan kong kamay. Pinagpuputol ko ang ulo ng dalawang lalaki at hindi pa nakuntento at pinutol ang bewang. 

Nagulat ang mga kasamahan nila pero mukhang naka inom ang mga gago kaya hindi alam ang gagawin. Wala na akong sinayang pa na oras pa at pinagpuputol ko ang ulo ng mga lalaki. Sabay-sabay na natumba ang katawan nila sa sahig habang ang putol nilang katawan ay tumatalsik pa ang dugo. 

Naglakad ako sa isang room ng may marinig akong tunog do’n na parang may tumatawa. Hinawakan ko ang door knob at napansin na nakalock kaya malakas kong sinipa dahilan para bumukas yun. Bumungad sa ’kin ang gulat na gulat na mukha ng babae habang may kausap yata sa cellphone. Bumaba ang tingin niya sa katana kong hawak at agad na umatras habang binababa ang cellphone.

Nakatitig lang ako sa mukha ng babae dahil ito ang sinend sa ’kin ni Atticus na litrato. Ngumiti ako sakanya ngunit hindi niya ako nginitian pabalik. 

“Where is your husband?” Tanong ko sakanya. Napalunok naman siya ng ilang beses habang umaatras ng dahan-dahan sa ’kin. “Scared?” Tanong ko pa dahil halata sa mukha niya ang takot. 

“Who are you? Why are you here?” Tanong pa niya sa ’kin hanggang sa makarating siya sa bedside table. Napangisi ako dahil alam kong kumukuha siya ng baril.

Ibinato ko agad ang hawak kong katana sa babae at tumama yun sa tiyan niya. Alam kong hindi pa siya mamatay sa ginawa ko. Sinadya ko yun dahil hihintayin ko muna ang asawa niya. Ipapakita ko sa lalaking yun kung paano ko gugutayin ang katawan ng mahal niyang asawa. 

Kumuha ako ng maliit na towel at nilapitan ang babaeng natumba sa sahig. Akmang kakalmutin sana niya ako ng mabilis kong idiniin ang katana sa tiyan niya. Napasigaw siya sa sakit kaya agad kong ipinasok ang towel na hawak ko sa loob ng bibig niya. Kinuha ko din ang kumot at itinali sa braso dalawa niyang kamay upang hindi makapag laban. 

Nang magawa ko yun ay hinila ko siya patayo at tinulak sa kama na nakatali. Hinugot ko din ang katana na nasa tiyan niya at hinintay na dumating ang lalaking hinahanap ko. Lumapit ako sa bedside table dahil nakita ko ang baril do’n na kukunin sana ng babae. Kinuha ko yun at agad na kinasa at itinutok sa pinto ng may marinig akong yapak na palapit sa hotel room. 

Bumukas ang pintuan at nakayuko na pumasok ang lalaki kaya hindi ko na muna kinalabit ang gatilyo. Hinintay ko na munang isara niya ang pinto na ginawa naman ng gago saka siya nag-angat ng mukha. Nanlaki ang mata niya ng makita niya ako kaya agad kong kinalabit ang gatilyo at pinatamaan ang tiyan niya. 

Dumaing ang lalaking hinahanap ko habang sapo ang kanyang tiyan. “Ikaw..” sabi pa niya  sa ’kin.

“Hindi mo inaasahan ang pagsalakay ko. Tama ba ako?” Nakangisi kong tanong sa lalaki. 

“Ikaw ang babaeng leader na tinutulungan ni Thaddeus. Ikaw ang dahilan kung bakit mas pinili niyang maging traydor sa grupo namin. Hanggang sa kahulihulian niyang hininga ay hindi niya sinabi kung saan ka matatagpuan. Talagang pinoprotektahan ka niya kahit sa huli niyang hininga.” Saad ng lalaki kaya napahigpit ang hawak ko sa hawakan ng espada. “Ano bang meron ka at bakit yun nagawa ni Thaddeus samin? Kami ang tumulong sakanya pero nagawa parin niya kaming traydurin. Ngayon alam ko na.. alam ko na kung bakit.” Saad pa niya saka tumawa na parang baliw.

Pinaikot ko ang espadang hawak ko at agad na lumapit sa kama. Sinaksak ako ang babaeng nakahiga do’n kaya napasigaw ang lalaki. “Balita ko buntis ang asawa mo?” Nakangisi kong tanong ng makita ko ang galit niya sakanyang mukha.

“Demonyo ka!” Sigaw ng lalaki sa ’kin.

“I know.” Sagot ko naman saka ko hinugot ang espada sa tiyan ng babae. Hindi siya makasigaw dahil sa towel na nasa bibig niya pero nakikita kong umiiyak siya. 

“Nasa’n ang leader ng Dagger?” Tanong ko sakanya.

“Hindi mo malalaman. Hindi mo kayang pabagsakin ang grupo namin. Hindi mo kami kaya!” Sigaw niya saka ngumisi. Sinaksak ko ulit ang babaeng nasa kama pero ngayon ay sa binti na at agad kong pinutol yun. 

“Hayop ka!!” Sigaw ng lalaki at akmang lalapitan sana ako ng barilin ko ang dalawa niyang binti kaya napaluhod siya sa sahig.

“Wag ka ng manlaban pa. Tanggapin mo na mawawala ka na sa mundong ’to.” Saad ko sakanya saka ko isiniksik ang baril sa likod ko.

“Sa tingin mo ba ay makakalabas ka dito  ng buhay. Teritoryo ’to ni boss kaya asahan mong maraming kalaban ang haharapin mo.” Sabi niya kaya lumingon ako sakanya saka itinaas ang hawak kong katana.

“Tingin mo may pakialam ako sa sinasabi mo?” Tanong ko sakanya kaya minura niya ako. Walang emosyon ko siyang tinignan at naglakad papunta sakanya. 

Hinawakan ko ang buhok niya at pilit niyang tinatanggal ang kamay ko ngunit ibinaon ko ang dulo ng espada ko sa paa niya kaya napahiyaw siya sa sakit. Ngumisi ako saka binitawan ang lalaki at sinipa ng malakas. Napasandal siya sa pinto habang duguan. 

“Ipapadala ko sa boss mo ang mga putol-putol mong katawan. Gusto mo yun?” Nakangisi kong tanong. 

“Demonyo kang babae ka! Pati asawa ko dinamay mo. Ako ang may atraso sayo pero dinamay mo siya pati na ang nasa sinapupunan ng asawa ko.” Galit niyang sigaw sa ’kin kaya lumingon ako sa babaeng naghihingalo sa kama. Kinuha ko ang baril na nasa likod ko at pinaulanan ng bala ang asawa niya.  Inubos ko ang bala ng baril saka ko itinapon yun sa sahig.

Napasigaw nalang ang lalaki kaya ngumisi ako. “Masakit ba? Masakit bang mawalan ng minamahal?” Tanong ko sakanya. “Patas na tayo. Pero wag kang mag-alala.. susunod ka din naman sakanya.” Dagdag kong sabi saka pinutol ang mga daliri niya sa kaliwa niyang kamay. Napuno ng sigaw ang buong kwarto. 

Ngumisi lang ako dahil plano kong tadtarin ang katawan ng lalaki saka ko ipapadala sa boss niya. Magandang panregalo yun sa pinaka leader ng Dark Dagger. 

Pinutol ko muna ang braso niya upang marinig ko ang sigaw ng lalaki. Pahihirapan ko muna siya hanggang sa magmakaawa siya na tapusin ang buhay niya.

Hindi pa ’to sapat. Mabigat parin ang loob ko at pakiramdam ko ay hindi na ako magiging masaya dahil sa pagkawala ng dalawa kong kaibigan. Habang buhay kong dadalhin ang kabiguan ko hanggang sa tuluyan akong mawala dito sa mundo. 

A/N: Good evening po!❤️✨

Chapter 33

Ruwi’s Pov

KINUHA ko ang ulo ng lalaki at inilagay sa malaking kumot. Maging ang putol-putol na katawan niya ay inilagay ko din saka ako lumabas ng hotel room. Naliligo ako ng dugo mula sa lalaking tinadtad ko at halos hindi na makilala ang mukha ko dahil natatakluban na ng dugo. 

Tinungo ko ang elevator habang dala-dala ang kumot na tumutulo pa ang dugo dahil sa katawan ng tinadtad ko. Hawak ko din ang katana dahil alam kung may naghihintay sa ’kin sa ground floor tulad ng sabi ni Atticus. Inihanda ko na ang sarili ko dahil alam kung napapalibutan nila ako ngayon. Tanggap ko na kung mamatay man ako ngayong gabi. Ang mahalaga ay napatay ko ang lalaking pumatay kay Thaddeus at Hale. 

Pumasok ako sa elevator at agad na sumara ang pinto no’n. Huminga ako ng malalim dahil pagod na ang katawan ko. Hindi lang katawan ko ang pagod at parang gusto ng bumigay dahil kanina pa ako pumapatay ng tao. 

Bumukas ang pintuan ng elevator kaya agad akong naglakad palabas. Bumungad agad sa ‘kin ang mga lalaking nakasout ng black suit at may mga hawak na espada. Mukhang tama nga ang sabi ni Atticus  kanina sa ’kin, maraming naka abang sa ground floor.

Mabuti nalang at mahilig sila sa katana. Mag e-enjoy ako ngayong gabi sa pakikipag laban. Binitiwan ko ang hawak kong kumot sa sahig kaya bumaba ang tingin nila do’n. Ngumiti ako saka ko sinipa ang kumot kaya nagsitalsikan ang iba’t ibang parte ng lalaking pinatay ko kanina. Tumalsik yun sa mga kalaban ko na nagsi ilagan. Agad akong tumakbo papunta sakanila habang hawak ko ang katana na kanina pa naliligo ng dugo. Agad kong pinutol ang ulo ng lalaki nasa harapan at agad  na sinunod ang mga lalaki na nasa paligid. Sabay-sabay silang umaatake sa ’kin ngunit hindi ko sila inilagan. 

Sinubukan ko pang dukutin ang mata ng lalaking gigil na gigil akong patayin. Matagumpay ko naman na nagawa yun at agad na inilapit ang hawak kong eyeball sa isa pang lalaki na umaatake sa ’kin. Naisubo ko sa bibig niya ang mata kaya napaatras siya saka iniluwa ang nasa bibig niya. Wala akong sinayang na oras at agad siyang pinatamaan sa tiyan kaya natumba ito sa sahig. Ang lalaki naman na dinukutan ko ng mata ay nagsisigaw habang sapo ang kanyang mata. Tumakbo ako palapit sakanya at sinaksak siya sa ulo. Agad ko din hinugot ang katana ko ng sabay-sabay na sumugod sa ’kin ulit ang mga kalaban. 

Wala akong ginawa kundi salagin ang mga atake nila at minsan ay natatamaan na din ako pero hindi ako dumaing. Hindi din ako tumigil sa pag atake sakanila. Magkamatayan na!

Habang nakikipagsabayan ako sakanila ay may nakita akong dalawang lalaki na nakatayo sa harapan ko at para bang pinapanood ako. Natigil ako sa pag atake at hinayaan lang ang mga kalaban ko na tinatamaan ako ng mga sandata nila. 

“Thaddeus.. Hale..” tawag sa dalawang lalaki na nasa harapan ko na pinapanood ako. Nakita ko na ngumiti si Thad at Hale kaya napaluha ako at hindi kumurap dahil baka mawala sila sa paningin ko. “Hale.. Thadd..” tawag ko ulit sakanila at wala ng pakialam sa sugat na natatamo ko mula sa mga kalaban ko. 

Humakbang ako para sana lapitan ang dalawa kong kaibigan at halos itaas ko ang isa kong kamay na para bang inaabot sila. Ngunit napatigil ako sa paghakbang at napangiwi sa sakit ng saksakin ako ng lalaki sa tagiliran. Kasabay no’n ay naglaho si Thad at Hale sa kinatatayuan nila kanina na para bang hangin. 

“T-Thad.. H-Hale..” sambit ko ulit sa pangalan ng dalawa kong kaibigan. Mas lalo lang diniinan ng lalaki ang pagkakasaksak sa tagiliran ko kaya pinilit kong tumingin sakanya kahit nahihirapan na ako. Itinaas ko ang kamay ko at mabilis na dinukot ang mata niya kaya nabitawan niya ang espada na nasa tagiliran ko. Pagod na pagod na ang katawan ko at handa na akong bumagsak sa sahig ng may marinig akong malakas na daing ng mga lalaki at ang biglang pagsalo sa katawan ko.

Nakita ko agad ang mukha ni Salem at agad akong sinalo na dapat sana sa sahig ang bagsak ko. Nakita ko din si Lucifier, Raizen at Theo na pinalibutan ako. Sinubukan ko pang umalis sa mga bisig ni Salem dahil gusto kong habulin si Thad at Hale. Gusto ko pa silang makita sa huling pagkakataon. Ayaw kong kumurap dahil baka mawala sila sa paningin ko.

Salem’s Pov

SINALO ko si Ruwi na dapat sana ay babagsak sa sahig. Napamura ako dahil natagalan kaming dumating. Pinilit pa kasi namin ang hayop na Atticus na yun para lang sabihin samin kung nasaan ang nag-iisang babae namin. Kaya kami natagalan dumating. Putangina! Halos kinilabutan ako ng makita ko si Ruwi na halos hindi na makita ang mukha dahil natatakluban na ‘to ng maraming dugo. 

Pinilit na umalis ni Ruwi sa bisig ko kaya natumba siya sa sahig. Hinila pa niya ang espada na nasa tagiliran niya saka itinapon yun sa sahig. Gumapang siya na para bang may hinahanap ito sa paligid. “Thaddeus!! Hale!!” Sigaw niya habang umiiyak. Kaya dali-dali ko siyang nilapitan at niyakap. Nag ha-hallucinate siya sa dalawa niyang kaibigan na namatay. Nalaman namin ang nangyari dahil narin kay Atticus. 

“Tama na, Ruwi!!” Saad ko habang yakap siya mula sa likuran habang ang iba ko pang mga kaibigan ay nakikipaglaban sa mga tauhan ng Dark Dagger. 

“Bitawan mo ko, Salem..” saad niya habang nagpupumiglas sa ’kin at para siyang may inaabot sa harapan niya. “Nakikita ko sila Thad at Hale.” Saad niya habang pilit na kumakawal sa        sa ’kin. Nadudurog ang puso ko habang nakikita siyang ganito. 

“W-Wala na sila, Ruwi. Wala sila sa harapan mo.” Sabi ko habang naawa sa kaibigan ko. 

“Hindi!! Nasa harapan ko sila, Salem. Nakangiti sa ’kin si Thad. Kaya pakawalan mo ko!” Sigaw ulit ni Ruwi at kahit nasaksak na ay malakas parin dahil muntik ko na siyang mabitawan. Tinakpan ko ang mga mata niya gamit ang palad ko habang yakap ko parin siya mula sa likuran. 

“Wala na sila, Ruwi. Tanggapin mo na ang nangyari. Nag ha-hallucinate ka lang kaya mo sila nakikita.” Saad ko kaya tumigil siya sa pagpupumiglas mula sa ’kin. 

“Nababaliw na ba ako, Salem? Nakikita ko talaga sila.” Umiiyak niyang sabi kaya hindi ko mapigilan na mapaluha. “Baliw na nga yata ako, Salem. Sana nga baliw nalang ako para makita ko parin sila na nakangiti sa ’kin.” Saad pa niya kaya mas lalo akong nalungkot para sakanya. “Salem..” tawag niya sa ’kin. 

“Yes, boss?” Tanong ko sakanya. 

“May dala ka bang pampawala ng malay? Pwede mo bang iturok sa ’kin ng maibsan man lang ang sakit na nararamdaman ko.” Saad niya sa mahinang boses. May dala talaga ako dahil balak namin siyang turukan upang mawalan muna ng malay. Hindi kasi namin siya maawat sa gagawin niya dahil alam namin na galit siya. Si Ruwi ang tipo ng babae na hindi umaatras sa laban at hindi titigil hangga’t hindi nauubos ang kalaban. Pero hindi ko lang inaasahan na hihilingin niya na tarakan siya ng pampawala ng malay. 

“M-May dala ako,” sagot ko sakanya saka ko kinuha ang syringe na nasa loob ng leather jacket ko. Hindi gumalaw si Ruwi kaya alam ko na gusto niya talagang mawalan siya ng malay. Hinanda ko na ang syringe at agad na isinaksak yun sa balikat ni Ruwi. Ilang sandali lang ay kumakalma na siya at hindi na nagsasalita. Itinapon ko ang hawak kong syringe ng makita kong unti-unting nawawalan na ng malay si Ruwi. Sinalo ko siya at agad na binuhat. 

Nakahinga ako ng maluwag ng mawalan na siya ng malay. Tinignan ko din ang sugat niya sa tagiliran upang malaman ko kung malalim ba. 

Lumapit si Lucifier sa gawi ko ng mapansin niya na may lumapit na kalaban samin. Hindi ako makalaban lalo na’t buhat-buhat ko ang nag-iisang prinsesa namin. Tanging tadyak lang ang magagawa ko at killer smile. Syempre pogi ako eh. Wengya!

“Kamusta ang lagay ni Ruwi?” Tanong ni Theo na nakalapit din samin at nakikipaglaban din sa mga animal na mga kalaban. 

“Hindi maganda ang kondisyon niya.” Seryoso kong sagot kay Theo. Napamura pa ako dahil mas lalong dumami ang mga kalaban. Ano pa nga ba inaasahan namin lalo na’t teritoryo nila ’to. 

Nasa gitna ako habang buhat-buhat ang walang malay na si Ruwi habang ang mga kaibigan ko ay pinapalibutan kami na para bang pinoprotektahan nila si Ruwi mula sa mga kalaban.  Sa mukha palang ni Raizen ay masasabi ko na ang nasa isip niya. Dadaan muna sila sa bangkay ng mga kaibigan ko bago nila mapatay si Ruwi. 

“Protect, Ruwi!” Sigaw ko sa mga kaibigan ko na nakahanda na makipaglaban. Kailangan namin makalabas ng buhay dito dahil maraming  babaeng magluluksa kapag nawala ako. 

Agad na umatake ang mga kalaban at nakikipaglaban na ang mga kaibigan ko. Nasa harapan ko si Lucifier at Nuroi habang nasa kaliwang bahagi ay si Raizen at Theo. Sa kanan naman ay si Isaac at Aizen. Si Kier, Caleb at Caiden naman ang nasa likuran ko at lahat ng goal namin ay hindi makalapit ang mga kalaban kay Ruwi. 

Nasa labas din si Andrei, Eros at Levi na nakikipaglaban. Si Atticus ang nag gu-guide samin at balak namin na bugbugin mamaya kapag nakauwi kami ng buhay. 

Wala akong marinig kundi tunog ng espada at daing mula sa mga kalaban. Hindi sila makalusot at makalapit samin ni Ruwi dahil mahigpit ang pagbabantay ng mga kaibigan ko. 

Tumingin ako kay Ruwi ng may mapansin ko na luha sa gilid ng mata niya. Talagang nahihirapan siyang tanggapin ang pagkawala ng dalawang lalaki na naging kaibigan niya na hindi namin nalalaman. Sayang, hindi ko nakilala si Thaddeus at Hale. Mukhang mas pogi pa naman yata ako sakanila. Wengya!

Tumingin ako sa mga kalaban at napamura na naman dahil ang dami na namang kalaban. Mga putangina talaga ’tong mga ’to. 

Napaatras ako ng may nakalusot na kalaban at handa na sanang umatake sa ’kin at si Ruwi ang gustong saksakin. Agad akong tumalikod para protektahan si Ruwi kaya tumama sa likod ko ang espada at napadaing nalamang ng kumalat sa buo kong katawan ang hapdi. Pero ayos lang naman sa ’kin yun, ang mahalaga ay hindi nasaktan si Ruwi. 

Binawian naman ako ni Lucifier na agad na pinutol ang ulo ng sumaksak sa ’kin. Si Lucifier na din ang humugot ng espada na tumarak sa likod ko. Putangina ang sakit pero hindi ako pwedeng maging pogi ngayong gabi lalo na’t pinoprotektahan namin si Ruwi. Kaya kahit mahapdi ay titiisin ko. Sanay naman na din ako sa ganito dahil sa ginawa ng grupo ni Rodjan samin.

Tumingin ako sa sahig at nagkalat na ang mga kalaban na  napatay ng mga kaibigan ko. May napansin din akong ulo ng lalaki na medyo malapit sa kumot. Mukhang yun yata ang nakita ko kanina sa footage na pinanood samin ni Atticus. Kailangan kong makuha yun at baka hanapin ni Ruwi ang ulo ng lalaking yun dahil yun ang taong pumatay sa dalawa niyang kaibigan. 

Alam kung makakalabas kami ng buhay dito. Naniniwala ako sa mga kaibigan ko na halimaw  pumatay. Basta’t si Ruwi na ang pinag-uusapan ay nagiging halimaw ang mga ’yan. Ako lang talaga ang pogi sakanila, hindi lang pogi kundi cute pa. Wengya! 

Nag-aalala ako para kay Ruwi. Sana talaga ay matanggap na niya na wala na si Thaddeus at Hale.

Chapter 34

Raizen’s Pov

MATAGUMPAY kaming naka labas ng hotel kung saan namin sinagip si Ruwi. Dala din ni Eros ang ulo na tinadtad ni Ruwi kanina. Alam namin na hahanapin niya yun kapag nagising siya mamaya. 

Si Lucifier naman ngayon ang karga-karga si Ruwi dahil ang gagong si Salem ay masakit daw ang likod. Pero wala namang ginawa kundi ang pomorma ng hayop. Ewan ko ba kung bakit sumama pa ang loko eh walang ginawa kundi patawanin ang mga kalaban. Kaya habang nakikipaglaban kami kanina ay nilipat niya kay Lucifier si Ruwi.

“Baka nabibigatan ka na kay Ruwi, bud? May sugat pa naman ang braso mo.” Sabi ni Caleb kay Lucifier. 

“Hindi pa naman. Basta para kay Ruwi.” Sagot naman ni Lucifier saka pinauna namin siyang pinapasok sa loob ng sasakyan. Buhat-buhat parin niya ang walang malay na si Ruwi dahil sa tinarak ni Salem sakanya. Mas mabuti na yun para hindi na siya umiyak pa. Nasasaktan ako sa iyak niya at alam kong pati ang mga kaibigan ko ay nasasaktan din. 

Nakasakay na kami lahat habang si Caiden na ang nagmaneho ng sasakyan. Lahat kami ay sugatan ngunit tiniis namin para mailigtas si Ruwi. Ipinikit ko ang aking mga mata sa pagod na nararamdaman ko. Muntik na kaming mahuli ng dating. Muntik ng mawala ang nag-iisa naming babae. 

Iminulat ko ang mga mata ko at nilingon si Ruwi na mahimbing na natutulog. Inayos ko ang earpiece ko para tawagan si Atticus at baka may mga kalaban na naka abang samin. 

Tinawagan ko ang kaibigan ko na agad naman sumagot. “May mga kalaban ba na nakaharang?” Tanong ko para makahanda kaming lahat. 

“Safe lahat. Bilisan niyo lang. Dumating na ang leader ng Dark Dagger sa bansa. Nalaman na niya ang pagpatay ni Ruwi sa kanang kamay niya.” Sagot ng kaibigan ko. 

“Subukan lang niyang lumapit kay Ruwi. Dadaan muna siya sa bangkay namin bago niya masaktan si Ruwi.” Sagot ko habang nakahawak ng mahigpit sa hawakan ng espada. Agad kong pinatay ang tawag at naging alerto sa paligid. 

Ngunit hanggang sa nakarating kami malapit sa bahay ay walang humarang. Nakahinga ako ng maluwag dahil safe kaming nakauwi sa bahay. 

Ipinasok na muna ni Caiden ang sasakyan sa loob ng gate. Sakto din na lumabas si Atticus sa bahay at agad na lumapit sa sasakyan namin. Umikot pa siya papunta sa kaliwang pinto ng sasakyan saka niya binuksan ang pintuan. Agad niyang kinuha si Ruwi mula kay Lucifier at binuhat si Ruwi papasok ng bahay. Sumunod naman aagd kami lalo na si Salem na siyang gagamot kay Ruwi.

Nang makapasok kami sa bahay ay nakita namin si Atticus na pumasok ng kwarto ni Ruwi. 

“Kumuha ka ng tubig at malinis na towel, Aizen.” Utos ni Salem kay Aizen. 

Agad naman tumalima ang kaibigan namin at pumunta ng kusina. Sumunod din ako kay Salem sa kwarto ni Ruwi. Maging si Lucifier at iba ko pang kaibigan ay pumasok din. Alam kung lahat kami ay nag-aalala sakanya. 

Nang makapasok kami sa kwarto ay nasa kama na si Ruwi. Lumapit agad si Salem at pinunit ang suot ni Ruwi na pang itaas. Sanay na kami na makita si Ruwi na naka bra dahil minsan ay lumalabas siya ng kwarto niya na naka bra. Maging nong nasa poder kami ni Rodjan ay talagang nakikita na namin siyang nakasuot lang ng bra. 

Umupo si Salem sa gilid ng kama at sakto din na dumating si Aizen dala ang utos ni Salem. Mukhang malalim ang pagkakasaksak kay Ruwi kaya napaka seryoso ni Salem. Tahimik lang kami na pinapanood si Salem. Walang nagsasalita samin. 

“Anong gagawin natin? Sigurado ako pag nagising si Ruwi ay magluluksa na naman siya.” Saad ko saka ako lumingon sa mga kaibigan ko.

“Kailangan lagi siyang samaahan. Baka may gawin siya sa sarili niya.” Sagot ni Caiden na umupo sa sahig at bumuga ng hangin.

“Si Salem at Lucifier ang laging magbabantay sakanya. Kung maari ay tabihan o samahan niyo sa kwarto niya para mabantayan niyo siya.” Saad naman ni Atticus. 

“Hindi natin pwedeng iwanan si Ruwi ng mag-isa. Baka hindi lang yun ang gawin niya sa kanyang sarili. Buhay parin ang boss ng Dark Dagger kaya malamang babalikan yun ni Ruwi.” Saad naman ni Elrod.

“Kami na bahalang magbantay kay Ruwi. Kung kinakailangan ay sundan namin siya dito sa loob ng bahay ay gagawin namin.” Seryosong sagot ni Lucifier. Kailangan namin gawin ‘to upang hindi niya maisipan gumawa ulit ng hakbang.

Lucifier’s Pov

NATAPOS ng gamutin ni Salem si Ruwi. Lumabas na din ang iba naming kaibigan at kami nalang naiwan ni Raizen at Salem. 

Naglakad ako papunta sa walk in closet ni Ruwi at kumuha ng damit niyang pang itaas upang bihisan. Nang makakuha ako ay agad akong lumapit ulit sa kama at binihisan si Ruwi. Tinulungan pa ako ni Salem upang iangat ang ulo ni Ruwi. 

“Magbibihis na muna ako ng damit.” pagpapaalam ni Raizen.

“Kayo ang bahala sa labas. Higpitan ang system. Baka sa susunod na araw ay sugurin tayo dito.” Seryosong sabi ni Salem. Hindi pilyo ang mukha niya ngayon, alam kung nag-aalala siya kay Ruwi kaya siya ganyan ka seryoso ngayon. 

Lumabas na din muna ako ng kwarto ni Ruwi para kumuha ng damit ko. Lumabas din ako agad at bumalik sa kwarto ni Ruwi. Naabutan ko si Salem na kagagaling lang din sa banyo ni Ruwi at nakabihis na. 

“Gamutin mo ang saksak ko, buddy.” Sabi niya sa ’kin. 

“Ayaw ko! Hindi ka pa naman siguro mamatay. Hindi tumatanggap ng pangit ang langit.” Sagot ko saka ko siya nilagpasan at pumasok ng banyo. Narinig ko pa ang sinabi niya na gwapo siya ngunit sanay naman na ako sa kahanginan ng gago.

Naligo agad ako para makapagpahinga na din. May sugat din ako pero hindi ko iniinda. Nang matapos akong maligo ay agad akong lumabas ng banyo habang nakatapis ng t’walya. Nakita ko naman ang gagong kaibigan ko na sinusubakang gamutin ang sarili niya ngunit hindi niya maabot dahil nasa likod niya.

Lumapit ako at inagaw ang hawak ng gago. “Sayang naman.. Hindi malalim ang pagkakasaksak.” Saad ko habang ginagamot ang sugat ng gago. 

“Fuck you ka! Baka umiyak si Ruwi kapag nawala ako. Alam mo naman na love na love ako niyan. Cute na cute pa naman ako sa paningin niya.” Sabi niya kaya binatukan ko sa ulo. 

“Manahimik ka nga! Baka magising pa si Ruwi.” Saway ko sa gago habang ginagamot ang likod niya. Nang matapos ko siyang gamutin ay lumapit ako sa mahabang sofa na nasa kwarto ni Ruwi at nahiga. Ipinikit ko na muna ang mga mata ko at hinayaan si Salem na magbantay muna kay Ruwi. 

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. May tumama sa mukha ko kaya ako nagising at nakita kong unan yun. Agad akong bumangon dahil alam kung si Salem ang bumato no’n     sa ’kin. Ngunit lumambot ang mukha ko ng makita kong gising na si Ruwi at nakaupo sa kama. Katabi niya si Salem na nakatingin sa ’kin. Mukhang  humihingi ng tulong sa ’kin ang gago. 

Agad akong tumayo at lumapit kay Ruwi. Nakita kong umiiyak siya kaya agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Pilit ko siyang pinapatahan habang hinahaplos ang kanyang likod. “Nandito pa kaming mga kaibigan mo, Ruwi. Tahan na..” saad ko habang yakap-yakap ko parin siya. Nakatitig lang si Salem samin at walang bakas na kapilyuhan ang mukha niya. Pinatakan ko ng halik ang ulo ni Ruwi habang sinasamahan siya sa pinagdadaanan niya. Walang nagsasalita samin tatlo at ang maririnig lang ay ang hikbi ni Ruwi. Kahit ang pinakamalakas samin ay napaghihinaan din ng loob at kailangan din ng taong dadamay sakanya. Kaya hindi kami pwedeng umaalis ni Salem dito sa kwarto niya upang hindi niya maisip na nag-iisa siya. 

Kumawala sa yakap ko si Ruwi kaya umupo ako sa kama. “Pasensya na kayo kung napasugod kayo sa hotel.” Panghihingi niya ng tawad.

“Bakit ka naman mag so-sorry.. Hindi ka namin pwedeng pabayaan, Ruwi. Kaya namin makipag patayan mailigtas ka lang.” Sagot ko saka hinawakan ang kamay niya na puro sugat. “Tanggapin mo na ang nangyari. Kapag hindi mo ginawa yun ay mahihirapan si Thaddeus at Hale na tumawid sa kabilang buhay. Mahihirapan sila dahil alam nilang nagluluksa ka. Hindi sila magiging masaya na nakikita kang ganito. Kaya kailangan mong bitawan, Ruwi. Nandito kami para samahan ka.” Saad ko habang hinahaplos ang kamay niya. 

“Oo nga,” sabat ni Salem saka sinapo ang magkabilang pisngi ni Ruwi at iniharap sakanya. “Titigan mo lang ang mukha ko, Ruwi.” Sabi niya kaya lihim akong natawa. Dinadaan na naman niya sa kalokohan para tumawa si Ruwi. 

Tinitigan naman ni Ruwi ang mukha ni Salem habang naka kunot ang noo. “Wala namang nagbago sa mukha mo.” Sabi pa ni Ruwi kaya nanlaki ang mata ni Salem.

“Wala ba? Hindi mo napansin ang kagwapuhan ko? Tiyak ako hindi ka na malulungkot. Tignan mo ha!” Sabi niya sabay kindat kay Ruwi habang naka awang ang labi. Parang timang talaga ang gagong ‘to. 

“Mahipan sana yang mukha mo para hindi na bumalik sa dating ayos.” Sabi pa ni Ruwi kaya natawa na ako. 

“Ang sama mo. Hindi ka man lang tinablan sa killer eye ko.” Nakangusong sabi ni Salem.

“Ilayo mo nga sa ’kin ‘to, Lucifier.” Stress na sabi ni Ruwi. Napa iling nalang ako at hinayaan silang dalawa. Pinisil pa ni Ruwi ang matangos na ilong ni Salem ngunit hindi niya agad binitiwan. 

“Nagugutom ka na ba? Gusto mo ba ipagluto kita ng pagkain?” Tanong ko kay Ruwi.

“Wala akong gana. Samahan niyo nalang ako.” Sabi niya kaya kumunot ang noo ko.

“Wag mong sabihin na lalabas ka ng bahay? Kagigising mo pa lang, Ruwi.” Seryoso kong sabi.

“May dadalawin lang ako. Wag kayong mag-aalala.. hindi tayo makikipaglaban.” Sagot niya kaya nagkatinginan kami ni Salem. No choice kami ng pangit kong kaibigan kundi sundin at samahan si Ruwi. 

Inalalayan ko pa siyang makabangon ng kama habang si Salem naman ay kumuha ng bagong damit ni Ruwi. Maliligo daw kasi siya at balak namin siyang samahan at baka takasan kami. May lahing unggoy pa naman ‘to si Ruwi at magaling lumambitin. Mahirap na baka matakasan pa kami. 

“Ano ba! Wag nga kayong pumasok sa banyo!” Inis na  sabi ni Ruwi.

“Baka tumakas ka kaya kailangan ka namin samahan maligo. Wag kang mag-alala dahil hindi naman kami maninilip no!” Saad ko pa saka pinipilit na pumasok sa banyo. 

“Oo nga. Ako nakita ko na katawan mo maliban sa ano dahil ako ang doctor mo kaya papasukin mo ako.” Hirit din ni Salem na nagpupumilit  din pumasok sa banyo. 

“Tangina kayong dalawa! Pauulanan ko kayong dalawa ng bala.” Galit na sabi ni Ruwi at hinarang pa talaga ang paa niya sa naka awang na pintuan para hindi kami makapasok. Para kaming tangang tatlo na naghihilaan sa pintuan. 

Pero sa huli ay nanalo parin kami ni Salem kay no choice si Ruwi kundi maligo sa shower room habang kami ni Salem ay nakatalikod sa gawi niya. Bumuntong hininga ako at iniisip kung saan na naman kaya siya pupunta mamaya. Wala na talaga siyang kapaguran sa pakikipaglaban. 

Nang matapos si Ruwi ay si Salem ang umalalay sakanya palabas ng banyo. Ako naman nag naglinis at nagligpit ng damit ni Ruwi na may dugo pa. Mamaya ay uutusan ko si Kier na palitan ang bedsheet ng kama ni Ruwi dahil may dugo niya. 

Nagbihis na si Ruwi at talagang tinulungan pa siya ni Salem. Sanay talaga si Salem kay Ruwi dahil siya ang tata gamot kay Ruwi kapag may sugat. Walang malisya samin sa tagal na ba namin magkakasama. Ginagalang namin ang nag-iisa naming babae. Siya lang ang babaeng ginagalang ko. Hindi ko pa naman nakikita ang babaeng para sa ’kin kaya si Ruwi na muna. 

Nang makabihis si Ruwi ay kinuha ko ang hoodie jacket niya at ako na mismo ang nag suot sakanya saka kami lumabas ng kwarto. Pinakuha ko muna si Salem ng  mga baril at katana. Baka kasi may kalaban na nag-aabang kaya dapat laging handa.

Chapter 35

Ruwi’s Pov

NANDITO ako sa harap ng apartment ng minamahal ni Thaddeus. Kasama ko si Salem at Lucifier na ayaw akong tantanan sakaka sunod sa ’kin. Siguro ay ayaw nila akong iwanan dahil sa ginawa ko kahapon. Kaya kahit pagligo ko ay binabantayan nila ako.

Nasa passenger seat ako nakaupo habang si Lucifier ang nasa driver seat at si Salem ay nasa back seat. 

“Ano bang ginagawa natin dito, Ruwi?” Tanong ni Salem sa ’kin.

“Gusto ko sanang kausapin ang babaeng mahal ni Thaddeus. Pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya. Baka mag tanong siya kung nasa’n si Thad. Anong isasagot ko?” Tanong ko sa dalawa kong kaibigan.

Narinig ko naman na bumuntong hininga si Lucifier saka hinaplos ang buhok ko. “Bakit mo ba nakilala ang lalaking yun? Bakit hindi namin alam.” Tanong sa ’kin ni Lucifier.

“Naging magkalaban kami. Hindi ko din alam kung bakit naging close ko ang gagong yun. Nakita ko nalang ang sarili ko na nakikipag tulungan sakanya.” Sagot ko dahil hindi ko din alam kung bakit ba kami naging magkaibigan ni Thad. Basta ang alam ko lang ay nasanay ako na kasama ko siya sa lahat ng mission na ginagawa ko. Nagiging anino ko siya sa lahat ng ginagawa ko. Kaya masakit para sa ’kin  na mawala si Thaddeus pati na din si Hale. Nasanay ako na kasama ko sila at binibisita kapag hindi ako busy. Sanay din ako makipag inuman sakanila kaya kinakain ako ng lungkot. 

“Anong bang pwedeng sabihin mo? Dapat sabihin mo na sakanya ng totoo na wala na si Thaddeus. Mas lalo lang siyang masasaktan kapag tinago mo pa sakanya ang totoong nangyari sa lalaking mahal niya.”  Saad ni Salem. 

Hindi ako nakasagot dahil tama si Salem. Kailangan ko talagang sabihin ang totoo para hindi na siya umasa na babalik pa si Thad. Bumuntong hininga ako at napatingin sa harap ng may makita akong kotse na huminto sa harap ng apartment. Wala namang kakaiba dahil nag park naman sa gilid ang sasakyan. May lumabas din na babae at lalaki na sa hula ko ay mag-asawa. 

Nakasunod lang ang tingin ko sa mag-asawa hanggang sa nakapasok na sa apartment. Naramdaman ko naman na kinalabit ako ni Salem sa balikat kaya lumingon ako sakanya. “Anong plano mo?” Tanong sa ’kin ni Salem.

“Hindi ko pa alam. Balak kong suportahan ang panganganak ng babae at pati na din ang pag-aaral ng bata kapag lumaki.” Saad ko saka hinilot ang sintido ko. “Pwede ba kitang utusan, Lucifier?” Tanong ko sa aking kaibigan.

“Oo naman. Ano yun?” Tanong niya sa ’kin saka kumuha ng sigarilyo na nasa leather jacket niya. 

“Pwede ka bang mag grocery para sa babae. Sabihin mo nalang na nanalo siya ng promo sa isang grocery store.” Sabi ko kaya natawa siya. 

“So, tutulungan mo siya na hindi nalalaman ng babae?” Tanong sa ’kin ni Lucifier.

“Parang ganun na nga. Baka hindi ko muna sabihin sakanya ang nangyari kay Thad. Baka ma stress siya kapag nalaman niyang patay na ang boyfriend niya. Ayaw kong mapahamak silang mag-ina kaya mas mabuti na siguro ang ganito muna.” Sagot ko kay Lucifier. 

“Sige. Masusunod ang gusto mo. Ano pang iuutos mo?” Tanong ulit ni Lucifier.

“Yun na muna. Uutusan ko si Kier para siya ang magbantay sa babaeng mahal ni Thad.” Sabi ko kaya tumango siya.

“Magandang idea yan. Ang tanong..  papayag ba si Kier? Alam niyo naman yun walang ka interest-interest sa mission ang taong yun. Mas gusto pang mag experiment.” Sabat ni Salem sa usapan namin. 

“Kakausapin ko siya mamaya,” saad ko na lamang. Binuhay naman ni Lucifier ang makina ng sasakyan at agad na pinausad. 

Umayos ako ng upo saka bumuga ng hangin. Bigla ding kumirot ang sugat ko kaya hinaplos ko yun. “Kumikirot ba sugat mo?” Tanong ni Lucifier habang palipat-lipat ng tingin sa ‘kin at sa daan.

“Medyo. Pero kaya ko naman tiisin. Pumunta muna tayo ng cemetery.” Utos ko kay Lucifier kaya tumango siya at pinatakbo ng mabilis ang sasakyan.

“Mabuti naman at naisipan mo ng pumunta ng sementeryo. Namamaho na ang ulo na tinadtad mo. Malapit na bumaliktad sikmura ko.” Saad ni Salem dahil dala namin ang ulo ng kanang kamay ng leader ng Dark Dagger.

Hindi na kao sumagot pa at ipinikit ang mga mata ko. Ngunit pumasok sa isipan ko ang nakangiting mukha ni Hale at Thad kaya idinilat ko ang mga mata ko. Tumingin nalang ako sa kalangitan at iniisip na nakatingin sila sa ’kin. 

Ilang sandali pa ay nakarating kami sa cemetery. Sinabi sa ‘kin ni Atticus kanina kung saan niya inilibing ang dalawa kong kaibigan. Bumaba agad ako ng kotse ng maigilid ni Lucifier ang sasakyan. 

Bumaba din si Salem at Lucifier. Si Salem na din ang kumuha ng pugo’t na ulo na nasa likod ng sasakyan. 

Nauna akong naglakad sa dalawa kong kaibigan habang nakasunod sila sa ’kin. Tahimik lang kaming tatlo habang ako ay nakatingin sa mga lapida na nadadaanan ko. Ilang sandali lang ay nahanap ko ang magkatabing lapida ni Thaddeus at Hale. 

Iniwan na muna ako ni Lucifier at Salem at hinayaan ako na mag-isa. Inabot din sa ’kin ni Salem ang lagayan ng pugo’t na ulo ng mastermind sa pagpatay sa dalawa kong kaibigan. 

Tumingin ako sa lapida ni Thad at Hale saka ako mapait na ngumiti. “Wala akong dalang bulaklak sa inyong dalawa. Pero, dala ko na ang taong pumatay sa inyo.” Saad ko saka ko inilabas ang ulo ng pinatay ko. 

“Napatay ko din sila maging ang ibang tauhan ng Dark Dagger. Hindi ko pa napapatay ang leader kaya asahan niyong hindi ako titigil para sa inyo.” Malungkot kong sabi saka ako umupo sa damuhan. 

Nakatitig lang ako sa lapida saka hinaplos ang pangalan ni Thaddeus at Hale. “Ang daya niyong dalawa, iniwan niyo ako agad.” Saad ko sa mahinang boses saka pinahid ang luha na nasa gilid ng mata ko. “Ang hirap tanggapin. Nahihirapan ako, Thad, Hale. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Nasanay ako dahil kasali kayo sa daily routine ko. Wala na akong dadalawin kapag natapos ako sa mission ko. Wala na akong kasama kapag mahirap ang mission ko. Lagi niyo akong sinasamahan kahit ayaw ko. Nauuna pa kayo sa ’kin kaya ang hirap tanggapin na sa isang iglap lang ay nagbago ang lahat.” Mahaba kong sabi saka tumingin sa kalangitan. “Sigurado ako.. araw-araw akong pupunta dito tulad ng ginagawa ko dati nong nabubuhay pa kayo.” Dagdag kong sabi habang nakatingin sa kalangitan. 

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magluluksa. Hindi ko din alam kung makaka move on ba ako sa nangyari. Pero isa lang ang alam ko, hindi na ako papayag na mawalan pa ng kaibigan. Ayaw ko ng maranasan ang sakit na naramdaman ko sa pagkawala ni Thad at Hale. 

Nanatili akong nakaupo sa damuhan at hindi ko alam kung ilang oras akong nakaupo. Lumapit lang sa ’kin si Salem dahil kailangan na daw niya ng pogi rest dahil stress na daw ang gwapo niyang mukha. 

Tumayo nalang din ako dahil pangit naman talaga siya. Naawa naman ako at baka pumangit pa siya lalo. 

Nagpaalam lang ako kay Thad at Hale saka ako tuluyang tumalikod. Iniwan ko lang ang pugo’t na ulo sa harap ng puntod nila. 

Naglakad ako papunta kay Lucifier at Salem na kanina pa nakatayo sa gilid ng kotse. Binuksan pa talaga ni Lucifier ang pintuan ng passenger seat kaya pumasok ako sa loob. 

Tahimik lang ako habang hinihintay na pumasok ang dalawa para makaalis na kami. Nakatingin lang din ako sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang isang babae at dalawang lalaki na parang may dadalawin din na kamag-anak. 

Nang makapasok si Lucifier at Salem sa sasakyan ay nagpalit na naman ang dalawa. Si Salem na ngayon ang nagmamaneho ng sasakyan. 

“Anong gusto mong lutuin kong pagkain mamaya?” Tanong ni Lucifier sa ’kin na talagang idinikit pa ang mukha niya sa braso ko. 

Inabot ko ang buhok niya at hinaplos ko ’to na parang bata. “Ikaw na bahala. Yung gusto din ng mga kaibigan natin.” Sagot ko kaya tumango siya. 

“Paano nalang kung kami ang nawala, Ruwi. Anong gagawin mo?” Biglang tanong ni Salem hahang naka focus sa kalsada. “Yung kami lahat. Biglang minassacare. Anong gagawin mo?” Tanong niya ulit.

“Tutugusin ko muna ang mga pumatay sainyo. Saka ako susunod sa kabilang buhay para makasama ko kayo.” Saad ko saka ginulo ang buhok ni Salem. Napangiti naman siya sa ginawa ko. 

Umayos na ako ng upo habang si Lucifier naglalambing na naman sa ’kin. Nilalambing ko din dahil ayaw ko ng magsayang pa ng oras. Mahalaga na sa ’kin ang bawat segundo na kasama ko ang mga kaibigan ko. Lalo na’t ganito ang sitwasyon namin. Walang kasiguraduhan kung kailan ang kamatayan namin sa dami naming kalaban.

Lumipas ang dalawang oras na biyahe ay nakarating din kami sa bahay. Bumaba agad ako ng makita ko si Aizen na may dalang moron. Hindi ko alam kung saan siya kumuha no’n pero nagutom ako dahil hindi pa pala ako kumakain simula ng mamatay sila Thad at Hale. 

“Marami pa yan sa loob, Ruwi. Kainin mo lahat ha!” Nakangiting sabi ni Aizen kaya ginulo ko ang buhok niya. Siya pa talaga ng nagbukas no’n saka niya inabot sa ’kin. 

Pumasok kami sa elevator habang kumakain ako ng moron. Hinintay ko lang na makarating kami sa sala. Nang bumukas ang pintuan ng elevator ay sabay kaming lumabas ni Aizen.

Nakita ko ang mga kaibigan ko na may kanya-kanyang dala. May mga pulutan sila at may mga alak. 

“Tara, inuman tayo!” Aya pa sa ’kin ni Caiden. 

Narinig kong bumukas ang pintuan ng elevator ngunit hindi ako lumingon dahil alam kong si Lucifier at Salem yun. ’’Ayos ’to ahh.. inuman session.“ Saad ni Lucifier saka lumapit sa ’kin at inakbayan ako. 

Napa iling nalang ako sa mga kaibigan ko na pinipilit nilang gawin ang lahat para samahan ako sa pagdadalamhati ko. 

Hinila ako ni Lucifier kaya nagpatianod nalang ako. Pinukol ko pa ng masamang tingin si Eros na sinawsaw ang moron sa alak. Siraulo!

Umupo na din ako kahit may bago akong saksak ay nakipag inuman ako sa mga kaibigan ko na gusto akong samahan. Habang nag iinuman kami at kung ano-ano lang ang pinag-uusapan ay may narinig kaming malakas na putok sa labas ng bahay. 

“Ano yun?” Gulat na tanong ni Levi na may hawak pang bote ng alak. Si Atticus naman ay agad na tinignan ang laptop niya.

“911, guys!.” Saad ni Atticus kaya tumakbo si Raizen at Lucifier papunta sa kwarto kung saan nakalagay ang mga baril at espada namin. 

Agad naman lumapit si Kier sa ‘kin at si Caleb na para bang pinapalibutan nila ako. Bumalik si Lucifier at Raizen na may dala ng mga baril at binigyan kami. Kinuha ko din ang bote ng alak saka ko tinungga yun. 

Nang matapos kong inumin yun ay kinasa ko ang hawak kong baril. “Patayin ang lahat ng magtatangkang pumasok sa bahay natin.” Utos ko sa mga kaibigan ko kaya agad na sumaludo sila sa ’kin. 

Naghiwalay-hiwalay kaming lahat at agad akong tumakbo papunta sa kusina. Si Atticus ang nasa sala upang maging mata namin sa labas ng bahay. 

Kasama ko si Lucifier at Salem na may dala ding baril. Pero ang hayop na Salem ay nakuha pang manalamin para gwapo daw siya habang nakikipagbarilan. Binatukan naman siya ni Lucifier dahil mukhang timang na nilalawayan ang kamay niya saka niya ipapahid sa dulo ng buhok niya. Parang mas gusto ko pang barilin si Salem kaysa sa mga kalaban namin ngayon. Mukhang inaatake na naman kami ng Dark Dagger lalo na’t nandito na ang leader nila. Sigurado ako na babawian ako ng hayop na yun. Hindi ako makakapayag na malagasan ulit ako ng mahal sa buhay.

Chapter 36

Salem’s Pov

WALA na akong marinig kundi ang putok ng baril. Mga putangina talaga! Inaatake ang bahay namin ng mga Dark Dagger. Ngunit hindi sila basta-basta makakapasok dahil sa higpit ng seguridad ni Atticus sa buong bahay. 

Kaya heto ako, pa chill-chill lang habang inaayos ko ang buhok ko. Ginulo kasi ni Lucifier na inggit na naman sa kapogian ko. Mukha kasi siyang demonyo tapos ako mukhang angel na ibinaba sa langit para mag saboy ng kapogian. Wengya!

Nakita ko si Ruwi at Lucifier na umikot papunta sa likod bahay kaya sinundan ko sila. Takbong pogi ginagawa ko para naman pogi ako sa paningin ng mga kalaban namin. Wengya!

Nang makalapit ako sa dalawa kong kaibigan ay agad nilang pinaulanan ng bala ang mga kalaban na walang kaalam-alam na bubulaga kami. Nadedo tuloy! 

Mahina akong natawa habang pinagmamsdan ang mga kalaban namin na nakahandusay sa kalsada. “Bakit tumatawa kang tangina ka?” Tanong sa ’kin si Lucifier habang nagkakarga ng bala sa magazine ng baril niya. 

“Natawa lang ako sa mga namatay, buddy. Ang papangit kasi.” Sagot ko kaya binatukan ako ni Ruwi sa ulo. 

“Mag seryoso ka nga! Kita mo  na ngang inaatake na tayo.” Inis na sabi ni Ruwi sa ’kin. 

“Wag kang matakot, baby Ruwi. Tumitig ka lang sa pogi kong mukha para mawala ang takot mo.” Sagot ko naman saka hinaplos ang baba ko.

“Pigilan mo ko, Ruwi.. baka mapatay ko na ang hayop na yan.” Galit na sabi ni Lucifier sa ’kin. Halatang inggit na naman sa kagwapuhan ko. Ang hirap talaga maging pogi dahil ang daming ma iingit. Hays.. bakit kasi pinanganak akong pogi ng nanay ko. 

“Ilibing mo na agad para mawala na sa paningin ko.” Sagot  naman ni Ruwi. Isa pa ‘to eh.. hindi marunong  mag appreciate ng kapogian ko. Natigil lang kaming tatlo ng may marinig kaming putok ng baril. Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko si Aizen na pinaulanan ng bala ang kalaban namin. Babarilin pala dapat kaming tatlo pero naunahan ni Aizen.

“Ano bang ginagawa ninyong tatlo?” Tanong ni Aizen samin kaya kinindatan ko siya saka nag killer smile. “Ako talaga tantanan mo sa kahanginan mong hayop ka at baka mabutasan ko ng bala yang mukha mo.” Banta sa ’kin ni Aizen kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko. 

Ganyan talaga sila sa ’kin. Palibhasa kasi ang papangit nila at ako lang ang pinagpala sa lahat. Kaya hindi ko sila masisisi kung naiinis sila sa ’kin. 

Nagulat ako ng bigla akong hinila ni Ruwi payuko. Napamura ako habnag pinapaulanan kami ng bala. Nakayuko lang kaming apat habang ang kalaban namin ay ginagamitan kami ng armalite. “Kumuha ka din ng armalite, Aizen.” Utos ni Ruwi kaya agad na gumapang si Aizen papasok ng bahay. 

Kailangan may magbantay sa likod ng bahay dahil pwede silang makadaan dito. Inaayos pa kasi ni Atticus ang security ng bahay namin kaya hindi pa talaga kompleto ang lahat. 

Bumalik si Aizen at inabutan ako ng gago ng m16 armalite pati na din si Luciifier. Samantalang kay Ruwi ay machine gun ang inabot niya. Tinanggap naman ni Ruwi yun at agad na tumayo at walang takot na pinaulanan ng bala ang mga kalaban. Tumayo na din ako dahil kung si Ruwi nga ay hindi takot mamatay, ako pa kaya. Tangina! Sasama na lang din ako sa kamatayan ng mga kaibigan ko. Iisipin ko nalang na kailangan  na ng langit ang isang katulad ko na pogi. Wengya!

Naglakad kami at walang pakialam kong paulanan kami ng bala ng mga kalaban. Ngunit hindi sila makaporma dahil inuunahan na ni Ruwi at Lucifier. 

Nasa unahan si Ruwi at Lucifier habang  kami ni Aizen ay naka supporta sa dalawa. Mas lalo pang dumami ang mga kalaban kaya na stress ang kagwapuhan ko sa mga gago. 

Nagulat ako ng biglang sumulpot si Atticus sa likod namin at may hawak ’tong cellphone. “Ruwi..” tawag niya sa kaibigan namin kaya pinalitan ko si Ruwi sa harapan saka siya lumapit kay Atticus. 

Nakikinig lang ako sa dalawa habang naghihintay na may sumulpot na kalaban. Maging si Lucifier ay naka alerto din sa mga kalaban. 

Lumingon ako kay Ruwi at sumenyas ako kay Aizen na siya sa unahan. Makiki tsismis lang ako kung sino ang tumawag. 

Tinanggap naman ni Ruwi ang cellphone saka itinapat yun sa kaliwa niyang tenga. “Who the hell are you?” Bungad agad ni Ruwi dahil sabi ni Atticus ay siya daw ang hinahanap. 

Nakita ko ang pag-iiba ng ekspresyon ng mukha ni Ruwi kaya naka alerto ako. Ang mukha niya ay nagsasabi ng gulo ang hatid ng tumawag. 

“Fuck you!” Galit na sabi ni Ruwi habang nakakuyom ang kamo saka pinatay ang tawag. 

“Sino yun?” Tanong ko dahil nanggigigil si Ruwi sa galit. 

“Kailangan kong pumunta sa apartment ng girlfriend ni Thaddeus bago pa mahuli ang lahat.” Seryosong sabi ni Ruwi. 

Napamura ako dahil dinamay yata ng dark dagger ang babaeng buntis. Putangina talaga sila!

“Ihahatid kita, Ruwi.” Biglang sabi ni Lucifier. 

“Motor na gamitin niyo. Sayang walang tricycle.. sasama sana ako.” Saad ko at agad napangiwi ng sipain ako ni Atticus. 

Umalis agad si Atticus parang may kinakalikot sa isang pinto kung saan nakatago ang iba’t ibang uri ng motor na ginagamit namin. Si Aizen at ako ay nakahanda ang baril at baka may sumulpot na kalaban. 

Pumasok si Atticus sa room at sumunod si Ruwi at Lucifier. “Nasa itaas si Nuroi para alalayan kayo habang paalis kayo dito sa bahay.” Sabi ni Atticus ng makapasok ako sa kwarto. Nakita ko nalang si Ruwi at Lucifier na nag su-suot ng helmet. Si Lucifier ang unang umangkas sa big bike saka umangkas si Ruwi. 

“Salem.. tulungan mo mga kaibigan mo. Saka ka na manalamin. Hayop ka! Kailangan pagbalik namin ni Lucifier ay ligtas kayong lahat.” Saad ni Ruwi saka ibinaba ang salamin ng helmet niya. Sumaludo naman ako sakanya saka inabutan siya ng baril na alam kong magagamit niya lalo na’t lalabas sila sa gate. 

Inabutan din siya ni Aizen ng isa pang baril na kakapasok lang din sa kwarto. Tinanggap ni Ruwi yun saka pinatakbo ni Lucifier ang motor ng binuksan ni Atticus ang pintuan na papunta sa gate. 

Sumunod kaagad kami upang protektahan ang dalawa naming kaibigan na palabas ng gate. Maging si Atticus ay nakikipagpalitan na ng putok ng baril. Nasa taas naman si Nuroi na siyang sniper namin. 

Nakikita ko din na nakikipagpalitan ng putok ng baril si Ruwi hanggang sa tuluyan silang makalabas ng gate. 

Lucifier’s Pov

PINATAKBO ko ng mabilis ang big bike habang angkas ko si Ruwi. Alam kong nag-aalala siya sa girlfriend ng kaibigan niya. Ayaw kong may mangyaring masama sa babae lalo na’t buntis pa naman. 

Mas lalo ko lang binilisan ng marinig ko ang sinabi ni Ruwi na may nakasunod samin. Nagulat pa ako ng biglang gumalaw si Ruwi at bumaliktad ng upo patalikod sa ’kin habang nakikipag palitan ng putukan ng baril. May tiwala ako sakanya na mapapatay niya ang mga nakasunod samin. Naka focus lang ako sa daan upang makarating kami agad. Sana lang ay hindi pa huli ang lahat. 

Inaalala ko si Ruwi. Sigurado ako magiging malaking kabiguan niya kapag may mangyaring masama sa babaeng mahal ni Thaddeus. 

Nakahinga ako ng maluwag ng wala na akong marinig na putok ng baril. 

“Are you okay, Ruwi?” Tanong ko at baka natamaan na siya ng bala kanina. 

“Yes,” tipid niyang sagot. 

Pinatakbo ko ng mabilis ang motor at halos lusutan ang mga nakakasabayan namin sa highway. Ilang sandali lang ay nakarating kami ni Ruwi sa harap ng apartment. 

Dali-daling bumaba si Ruwi sa motor at tumakbo papasok ng apartment. Ako naman ay iginilid lang ang motor saka ako tumakbo para sundan ang kaibigan ko.

Nakita ko pa si Ruwi na paakyat ng hagdan kaya sumunod ako sakanya. Hinagisan ko pa ng pera ang babaeng gustong humarang kay Ruwi dahil siguro sa protocol nila. 

Pero wala akong pakialam dahil kailangan kong sundan si Ruwi. Ilang sandali lang ay tumakbo ako papunta sa hagdan at hinahabol si Ruwi. 

Nakita ko siyang nakatayo sa nakabukas na pintuan habang titig na titig. Nakikita ko sa mukha niya ang galit habang nakaangat ang mukha niya. 

Agad ko siyang nilapitan at sinundan ang tinitignan niya. Halos bumaliktad ang sikmura ko ng makita ko ang babaeng nakasabit sa kisame at tadtad ng saksak ang katawan pati na ang kanyang tiyan. 

“Nabigo na naman ako, Lucifier.” Saad ni Ruwi at bumagsak nalang sa sahig habang nakaluhod. Agad kong inalalayan si Ruwi dahil alam kong galit siya sa dark dagger. 

Pinatay nila ang babaeng mahal ni Thaddeus kaya alam kong hindi yun palalagpasin ni Ruwi. Hindi ko siya pwedeng pabayaan at kailangan ko siyang suportahan sa gagawin niya. Putangina talaga ang leader ng dark dagger. Talagang ayaw magpatalo. 

Napansin ko ang nakakuyom na kamao ni Ruwi habang galit na galit siyang nakatingin sa nakasabit na babae sa kisame. May nakasabit pa do’n na papel at ang nakasulat ay pagbabanta kay Ruwi at sa grupo namin. 

Agad kaming napalingon ni Ruwi ng may marinig kaming ingay sa labas ng apartment. Agad na lumingon si Ruwi sa ’kin saka inabot at isa pang baril sa ’kin. Sa mukha palang niya ay sinasabi na niya na maghanda ako dahil napapalibutan kami ng mga kalaban. Ang inaalala ko ay ang mga inosenteng tao na nasa apartment na ’to. Tangina! Madadamay sila kapag nakipaglaban kami dito ni Ruwi.

Chapter 37

Lucifier’s Pov

NAPAPALIBUTAN kami ng mga kalaban kaya galit na galit si Ruwi. Nakasunod lang ako kay Ruwi habang nakatayo siya sa gilid ng bintana at nakatingin sa labas. 

“Marami ba sila?” Tanong ko kay Ruwi. 

“Yes. Punyeta! Papatayin ko talaga sila lahat.” Nanggigil na sabi ni Ruwi sabay kasa sa baril na hawak niya at walang sabi-sabing pinaputukan ang mga kalaban sa labas. Kahit ako ay nagulat din sa ginawa niya. Wala talaga siyang sinasanto kahit napapalibutan na kami. 

Ginaya ko ang ginagawa ni Ruwi at nakipagpalitan na din ng putok ng baril. Wala akong sinasayang na bala at lahat ng pinapakawalan ko ay sa kalaban talaga tumatama. Ilang sandali kaming nakikipagpalitan ng putok ng baril ay biglang umilaw ang suot kong relo na gawa ni Atticus. Dali-dali kong kinuha sa aking bulsa ang earpiece at inilagay yun sa kaliwa kong tenga. Si Ruwi naman ay busy sa pakikipagpalitan ng baril sa mga kalaban.

“Atticus..” bungad ko sa aking kaibigan sa kabilang linya. 

“Nasa’n kayo ni Ruwi?” Tanong sa ’kin ni Atticus. 

“Nasa apartment. Napapalibutan ng mga kalaban.” Sagot ko saka ko tinulungan si Ruwi. Ngunit naubos agad ang bala ko kaya napamura ako ng ilang beses. Putangina naman kasi, ngayon pa talaga ako naubusan ng bala.

“Si Ruwi?” Tanong ni Atticus kaya naiirita na ako dahil alam naman niya na nakikipaglaban kami. Gusto ko na siyang murahin dahil sa mga tanong niya sa ’kin. “Sana wag mabibigla si Ruwi..” sabi pa niya kaya kumunot ang noo ko. 

“Bakit?” Tanong ko at agad na lumayo ng konti kay Ruwi at baka masamang balita ang sasabihin ni Atticus. Ayaw ko ng dagdagan ang pasakit niya sa buhay. 

“Si Salem. Nakuha ng mga tauhan ng Dagger. Ang hayop kasi nag slow motion habang tumatakbo. Hinahabol na nila Raizen, Eros at Caiden ang sasakyan para masagip ang gago.” Saad ni Atticus kaya napamura na naman ako. Lintik talaga ‘to si Salem kahit kailan. Wala ng ginawa kundi magpa pogi sa mga kalaban. Nag-aalala ako sa hayop pero minsan napapaisip ako na deserve niyang makuha ng mga kalaban. Ngunit naisip ko si Ruwi. Sigurado ako na hindi siya papayag na may mangyaring masama sa kaibigan namin na yun. 

Nagdadalawang isip ako na sabihin kay Ruwi ang nangyari dahil sigurado ako na magwawala na naman siya. 

Nakita kong naubusan ng bala si Ruwi kaya lumapit na ako sakanya. “Ru, kailangan na nating umatras.” Saad ko sakanya dahil wala na kaming bala. Baka matusta lang kami kapag nakipaglaban pa kami. 

“Hindi ako pinangalanang Ruwi Cruz para umatras, Lucifier. Patay kong patay. Harapin natin sila.” Matapang niyang sabi saka lumabas ng kwarto kaya napabuga ako ng hangin. Hindi ko alam kung anong plano niya pero kailangan ko siyang pigilan at baka ikapahamak pa niya o namin. Hindi pa ako handang harapin ang kapangalan ko kaya ayaw ko munang mamaalam. 

Sinundan ko si Ruwi na pababa na ng hagdan. Isa nalang ang naisip ko. Yun ay ang sabihin na nakuha si  Salem ng grupo ng Dark Dagger. “Kailangan natin iligtas si Salem, Ruwi. Hawak siya ngayon ng Dark Dagger.” Saad ko kaya napatigil sa paghakbang si Ruwi at lumingon sa ’kin. Nakikita ko sa mga mata niya ang galit at handa ng pumatay na naman. Alam kong ililigtas niya ang pangit naming kaibigan at hindi na makipaglaban pa sa mga kalaban na nasa labas. 

Salem’s Pov

HAWAK ako ng mga miyembro ng Dark Dagger habang nakatutok sa tagiliran ko ang mga baril nila. Napapagitnaan ako ng dalawang lalaki habang may dalawa pang lalaki na nasa likuran ko. Inaatake parin ang bahay namin ngunit isinakay na ako ng mga kalaban para siguro dalhin sa boss nila. 

Ang hirap talagang maging gwapo eh, agaw pansin kasi kaya ako ang napiling bihagin. Hindi ko naman sila masisisi dahil napopogian siguro sila sa ’kin. Tangina! Baby face kasi ako kaya talagang ako ang kukunin nila. Wengya!

Ngumiti lang ako sa dalawang lalaki na katabi ko. “Ampapanget niyo! Naligo ba kayo?” Tanong ko sa dalawa at alam kong nakakaintindi sila dahil malamang sa malamang ay pinag-aralan nila ang iba’t-ibang lengwahe. Kahit kami nga ay inaral yun kaya halos dumugo ang utak ko. Butin nalang pogi parin ako. 

“Shut up!” Sabi ng lalaking nasa kaliwa ko. 

“Kailan huling toothbrush mo buddy? Tangina! Ang baho ng hininga mo eh,” saad ko habang tinatakpan ang ilong gamit ang palad ko. 

“Aba’t gagong ’to ahh..” sabi niya na halatang nainis sa sinabi ko. Wengya! Totoo naman talaga na mabaho ang hininga niya. 

“Mabaho naman talaga. Tangina! Hindi ako mamamatay sa baril kundi sa hininga mo.” Saad ko pa kaya sinuntok ako ng gago. Pikon amputa! 

“Patayin na kaya natin ang pangit na ’to.” Sabi ng lalaki sa mga kasamahan niya. Pumitik yata ang ugat ko sa noo dahil sa sinabi niyang pangit ako. Tangina! Tanging mga kaibigan ko lang ang pwedeng magsabi sa ’kin na pangit ako kahit hindi naman talaga totoo.

“Tangina ka ha! Sinong pangit ang sinasabi mo ha! Wow! Hiyang-hiya naman ako sa mukha mong hindi ko alam kung gusto ka bang ipalaglag ng nanay mo pero malakas ang kapit mo kaya naging ganyan ang mukha mong gago ka!” Galit kong sabi kaya inambahan niya ako ng suntok sana sa mukha ngunit naunahan ko kaya nagkagulo ang mga kasamahan niya. Gago eh.. pinainit ang ulo ko. Sabihan ba naman akong pangit. 

“Kahit saang anggulo pogi ako mga tsong. Baka nga pag dinala niyo ako sa boss niyo ay ma cutetan sa ’kin yun. Ganito ka lakas ang karisma ko sa katawan. Kita niyo ’to..” sabi ko habang pinipilit na ngumiti at pinapakita ang dimples ko. “Dimples ko palang taob na kayo. Artistahin ang mukha ko mga gago!” Dagdag kong sabi kaya natigilan ang lahat ng miyembro ng Dark Dagger. Siguro ay tinanggap na nila na gwapo talaga ako at malakas ang sex appeal. Wengya!

Buti pa sila.. tanggap agad ang kapogian ko pero ang mga kaibigan ko tatanungin pa nila kung saan banda daw. 

“Dalhin niyo ako sa boss niyo. Sigurado ako na mapopogian yun sa ’kin.” Sabi ko habang inaayos ang buhok ko. Alam ko naman na hindi ako pababayaan ng mga kaibigan ko lalo na’t suot ko ang relo na may tracking device. Malamang ay nakasunod na sila sa ’kin. Syempre, ililigtas nila ako dahil ako na ’to eh.. Hindi na nila makikita ang kagwapuhan ko kapag hindi nila ako niligtas. Plus pampaswerte pa nila ako kaya sigurado akong ililigtas nila ako. 

“Isa pang sabi na pogi ka… bubutasan ko talaga tagiliran mo.” Banta sa ’kin ng lalaki na sinuntok ko kanina. 

“Inggitero amputa! Palibhasa kasi pangit mo. Wala ka pa sa kalingkingan ng kapogian ko.” Saad ko habang naka smirk sakanya.

Ilang sandali lang ay biglang huminto ang van na sinasakyan namin kaya kumunot ang noo ko dahil wala namang nakaharang sa harapan namin.

“Ibaba niyo na nga ang hayop na yan. Bakit kasi yan ang dinukot niyo? Naririndi na ako sakaka sabi niya na pogi siya. Ibaba niyo na ang hayop na yan!” Sabi ng driver kaya agad na binuksan ang pintuan ng van. 

“Oy, teka naman. Wala namang ganyanan mga pre.. Ihatid niyo ako sa bahay namin. Kita niyong mainit tapos palalakarin niyo ako. Ang layo oh… baka masira ang kagwapuhan ko.” Saad ko pa kaya bumaba ang lalaking nasa may pintuan at hinila ako palabas ng van. Pangit nila ka bonding. Ako lang yata ang dinukot na ibinababa din agad. Siguro hindi nila matanggap na gwapo ako. Wengya! 

Akala ko ay nagbibiro lang ang mga hayop pero hindi pala. Ibinaba talaga nila ako at tinulak sa gilid ng kalsada saka sumakay ang lalaki ulit at umandar ang van. 

“Putangina naman ohh..” inis kong sabi dahil wala pa naman akong dalang pera at walang dumadaan na sasakyan. Kikidnap-kidnap sila tapos ibababa lang pala nila ako. Mga hayop!

Caiden’s Pov

NAGMAMADALI kaming tatlo ni Raizen at Eros para iligtas ang kaibigan naming tinangay ng Dark Dagger. Tag iisa kaming tatlo ng big bike at halos paliparin namin para lang mahabol ang van kung saan isinakay si Salem. 

Nakikinig lang din ako kay Atticus na nagsasalita sa earpiece at sinabi ang nangyayari sa bahay at kay Ruwi at Lucifier. Sinabi din ni Atticus na papunta din si Ruwi at Lucifier para sagipin ang gago naming kaibigan.

Hindi naman sana siya makukuha kung hindi siya nag slow motion habang naglalakad. Akala mo’y model sa rexona ang gago na pakaway-kaway pa sa mga kalaban kaya ayon na dakip. Nakaka stress talaga ’to si Salem pero hindi naman pwedeng hindi namin iligtas ang gago. Kanina pa nga siya minumura ni Raizen dahil sa inis niya. Pero heto kami.. nililigtas parin namin ang mahangin na yun.

Hindi kami papayag na may mangyaring masama sakanya at mas lalong hindi kami papayag na may mawala kahit isa man lang samin. 

Tumingin ako  sa dalawa kong kaibigan na mabilis din pinapatakbo ang mga big bike nila at tinungo ang sinasabi ni Atticus kung saan dumaan ang van kung saan nakasakay si Salem. 

Sumenyas sa ’kin si Raizen na mauna ako kaya pinatakbo ko ang motor at nauna sakanila. Nasa kalagitnaan na kami ng tahimik na kalsada at walang katao-tao ay naging alerto ako at baka may naka abang na kalaban at ma ambush pa kami. 

Ngunit kumunot ang noo ko ng may makita akong lalaki na nakaupo sa gilid ng kalsada. Nakaupo siya sa damuhan at para bang may hinihintay. Nang medyo malapit na ako ay nakita kong si Salem yun. 

  Nagtataka man kung bakit siya nasa gilid ng kalsada ay nakahinga parin ako ng maluwag dahil ligtas ang gago. Iginilid ko ang motor at nakitang tumayo si Salem habang nakangiti pa sa ’kin. 

Tinanggal ko ang suot kong helmet at nakitang paparating din si Raizen at Eros. Sigurado ako na nagtataka din ang mga gago kung bakit nandito si Salem. 

“Mabuti naman at nandito na kayo,” sabi ni Salem habang nakanguso. 

Tinanggal naman ni Raizen at Eros ang helmet nila at nakakunot ang mga noo. “Anong ginawa mo ditong hayop ka?! Diba isinakay ka sa van?” Naguguluhang tanong ni Eros.

Mas lalo lang ngumuso si Salem samin at parang nagdadalawang isip magkwento. “Binaba nila ako eh,” sagot niya sa mahinang boses.

“Sayang naman. Akala ko pa naman maabutan ka na naming wasak ang mukha.” Sabat naman ni Raizen kaya mahina akong natawa. 

“Gago! Binaba nila ako. Hindi ko alam kung bakit. Sabi ng lalaki kanina naiinis na daw siya sa kakasabi kong pogi ako.” Nakangiwi niyang sagot kaya nagtinginan kami ni Raizen at Eros saka humagalpak ng tawa.  Mukhang pati ang mga dumukot ay hindi kinaya ang kahanginan ng gago kaya no choice sila kundi ibaba si Salem sa gilid ng kalsada.

“Sige. Tumawa lang kayo.” Tampong sabi ni Salem samin ngunit tawa parin kami ng tawa. Kung ano-ano pa naman ang tumatakbo sa isipan ko kanina habang hinahabol namin ang van. Akala ko pa naman ay sinalvage na siya o pinahirapan ng mga dumukot. Yun naman pala ibinaba siya dahil sa kahanginan. 

Malamang nagsisisi yung mga yun kung bakit si Salem ang nakuha nila. Natatawa parin kaming tatlo habang si Salem ay masamang nakatingin samin. Sino ba namang hindi matatawa kung pati ang mga kalaban ay sumuko sa kahanginan niya. 

A/N: Na stress ako sa mga magnanakaw ma binebenta ang story ko dito sa wattpad kahit free na nga hays..🤦

Chapter 38

Aizen’s Pov

NANDITO na kaming lahat sa bahay habang pinapalibutan ni Lucifier, Ruwi at Atticus ang kaibigan naming nakidnap. Hindi ko nga alam kung nakidnap ba talaga siya o hindi. 

Nakanguso si Salem habang nakayuko sa harap namin dahil kanina pa siya tinatanong ni Ruwi kung bakit siya binaba ng mga dumukot sakanya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi dahil sa tanong ni Ruwi. 

“Bakit ka ba kasi talaga pinababa?” Tanong ni Ruwi na naman na halatang stress na sa nangyayari. Nalaman namin mula kay Lucifier na namatay ang babaeng mahal ng kaibigan ni Ruwi. Mukhang tinatago lang ni Ruwi ang sakit na nararamdaman niya. Alam kong masakit para sakanya ang nangyari lalo na’t nangako siya na siya na ang bahala sa babaeng mahal ni Thaddeus. 

“Bakit kasi ganyan ang tanong mo, Ruwi? Di mo na ba ako love? Ako to oh.. ang gwapo mong kaibigan.” Sabi niya sa nagtatampong boses. 

“Nagtataka lang kasi ako kung bakit ka nila pinababa” Sabi ni Ruwi na nakakunot pa ang noo. “Ikaw lang ang kinidnap na pinababa sa gilid ng kalsada. Hindi ka man lang pinatay o sinaktan. “ Sabi pa ni Ruwi. 

Ngumiwi naman si Salem. “Nakakasakit ka na ng damdamin, Ruwi ha!” Tampong sabi ni Salem. 

“Eh bakit ka ba talaga pinababa?” Tanong ni Lucifier. 

“Bakit pakiramdam ko ay malungkot kayo na nakaligtas ako? Kung hindi nila ako binaba baka wala na kayong pogi na cute pa na kaibigan. Kaibigan ko ba talaga kayo?” Tanong ni Salem na halos pasigaw na ang pagkakasabi.

“Sayang naman kasi. Dapat dinala ka sa kuta nila para mapuntahan natin. Sila naman ang surprisahin natin.” Sabat ni Caiden sa usapan. 

“Hoy! Hindi lang ako gwapo, pareng Caiden. Matalino din ako. Anong akala niyo sa ’kin.. hindi gagawa ng paraan para malaman kung nasa’n sila. Syempre, hinulog ko ang suot kong relo sa loob ng sasakyan nila.” Saad ni Salem na halatang proud pa. 

“Tangina ka! Bakit hindi mo sinabi agad.” Sabi pa ni Atticus na dali-daling binuksan ang laptop. 

“Wala kasi kayong bilib sa ’kin eh. Hindi na kayo makakahanap ng ganitong kaibigan mga tsong! Gwapo na matalino pa.” Saad pa ni Salem na tinapik pa ang kanyang dibdib. 

“Manahimik ka nga diyan! Hindi mo naman agad sinabi.” Inis na sabi ni Andrei. 

“Hindi naman kasi kayo nagtanong eh,” depensa ni Salem saka tumayo sa kinauupuan niya. 

“Nahanap ko na. Anong gagawin natin, Ruwi?” Tanong ni Atticus sa nag-iisang babae namin. 

“Sugurin na natin yan ngayon. Wag na natin ipagbukas.” Utos ni Ruwi kaya agad kaming na alerto. 

“Tara na mga tsong! Para naman matapos na ang Dark Dagger na yan.” Saad ni Salem na pinapatunog pa talaga ang mga buto sa daliri. 

Agad naman tumayo si Kier, Caleb at Elrod at naglakad papunta sa kwarto kung saan nakalagay ang mga baril at espada. 

Tumayo na din ako para magbihis ng damit. Sigurado ako na magiging mahaba ang gabi namin mamaya. 

Caleb’s Pov

AGAD akong kumuha ng baril habang si Kier naman ay mga katana. Tumulong na din si Elrod saka kami lumabas ng kwarto. 

Inabot namin agad yun sa mga kaibigan namin saka ako pumunta sa kwarto para magbihis. Nang matapos ako ay lumabas agad ako ng kwarto at nakita ang mga kaibigan ko na nakahanda na para sumugod.

Nakasuot si Ruwi ng black leather jacket pati na din ang pants niya. Nakatirintas din ang buhok niya hanggang dulo. May hawak din siyang baril at isang katana. Yun ay ang paborito niyang katana. 

Lumabas na kami ng bahay at agad na tinungo ang sasakyan na kaysa kaming labing lima. Mas gusto ni Atticus at Andrei na sa loob sila ng sasakyan habang nakikipaglaban kami sa Dark Dagger kaya sumama sila. Para kapag may nangyaring masama ay pwede daw silang sumunod. 

Pinayagan naman ni Ruwi at hindi na tumutol pa. Pumasok ako sa loob ng sasakyan habang si Atticus ang nasa driver seat. Nasa passenger seat naman si Raizen. 

Sunod-sunod na pumasok ang mga kaibigan ko at ang pinakahuling pumasok ay si Salem. Ganun daw talaga ang bida.. lagi daw huli pumasok.

Nang makapasok kami ay agad na isinara ni Salem ang pinto ng kotse. Pinausad naman ni Atticus ang sasakyan. 

Tahimik kaming lahat at walang gustong magsalita. Hanggang sa basagin ni Salem ang katahimikan. Binatukan siya ni Lucifier sa ulo gamit ang hawakan ng katana. Umutot ba naman ang gago. Buti nalang walang amoy. Baka ibaba din namin siya sa sasakyan katulad ng ginawa ng grupo ng dark dagger. Ang kinaibahan lang ay baka mabugbog namin ang gago. 

“Aray naman!” Reklamo pa ni Salem habang hinihimas ang ulo. 

“Bakit ka umutot?” Galit na tanong ni Lucifier kay Salem. 

“Masama bang umutot? Kinabag ako eh,” depensa naman niya kaya mahina akong natawa. 

“Pasalamat ka at hindi mabaho kung hindi kanina ka pa tinadtad namin.” Inis na sabi ni Lucifier. 

“Para kang hindi umuutot ahh.. kanina niyo pa ako kinakawawa ha!” Sabi ni Salem sa nagtatampong boses. 

“Dapat iniwan niyo ’to eh. Halatang maiihi sa takot.” Pang-aasar ni Lucifier saka lumingon samin.

“Anong maiihi? Hoy! Walang kinakatakutan ang isang Salem Herreros. Yung teacher ko nga takot sa ’kin eh,” mayabang niyang sabi. 

“Anong connect?” Tanong naman ni Nuroi. 

“Eh connect mo! Ako nga hindi nag tanong sa’yo kung bakit mo hinugasan ang saksakan ng rice cooker eh,” nakangiwing sabi ni Salem. Nag-aasaran na naman sila. Hihintayin ko lang na si Ruwi ang sumita sakanila. Sigurado ako na tatahimik ang mga yan kapag ang nag iisang babae na ang sumita. 

“Ang ingay niyo! Dapat nag-iisip na kayo kung paano tayo makakapasok sa loob ng kuta ng Dark Dagger.” Sabi ni Levi habang nakasandal ang likod. 

“Bakit pa pag-iisipan, buddy.. pwede naman tayong pumasok sa entrance ahh.. pahihirapan pa natin ang mga sarili natin eh,” sagot ni Salem saka may inilabas sa bulsa ng hoodie jacket niya. 

Naglabas siya ng bubble gum at pati ang mga kaibigan ko ay humingi. Mabuti nalang at binigyan kami ng gago at hindi nagdamot ngayon samin. 

Si Ruwi naman ay tahimik lang sa gilid at pinapanood lang kami. Alam kong pagod na siya sa dami ba naman ng problemang pinagdaanan niya. Alam kong nagluluksa siya sa pagkawala ng babaeng mahal ng kaibigan niya kaya siguro hindi siya nagsasalita. 

Isang oras ang biyahe namin kaya kailangan ko na maghanda para mamaya. Alam kong magiging madugo ang labanan mamaya. Hiling ko lang ay hindi kami mabawasan kahit isa. Sana ay kompleto kaming uuwi mamaya sa bahay. 

Salem’s Pov

LUMIPAS ang isang oras ay nakarating kami sa lungga ng mga kalaban namin. Kanina pa ako kinakabahan kaya dinadaan ko sa biro. Gusto ko lang mabawasan ang tensyon na nararamdaman ko pati na din ang aking mga kaibigan.

Iginilid lang ni Atticus sa unahan ang sasakyan upang hindi sila mahuli ng mga kalaban. Maiiwan kasi sila ni Andrei sa loob ng sasakyan habang kami ay aatake sa loob. 

Ako ang unang bumaba ng sasakyan. Syempre ako ang pogi eh. Kaso sa kasamaang palad ay mali ang ginawang pag park ni Atticus. Hindi ko tuloy nakita na may putek pala kaya naputekan ang sapatos ko. Wengya!

Tumawa pa ang hayop na Lucifier ng makita ako. Masusob sana ang mukha niya sa putek para makaganti ako. 

Lumabas na ang mga kaibigan ko at kahit isa man lang sakanila ay hindi naputekan ang sapatos. Wengya! Dapat pala hindi ako ang unang bumaba. 

Nagsimula na kaming maglakad at nakahanda na ang mga katana namin. Nilakad na muna namin ang kuta ng kalaban dahil nasa unahan nag park si Atticus. 

Naririnig ko si Atticus mula sa suot kong earpiece at sinasabi niya kung ilan ang tao na nasa gate nagbabantay. 

Ilang sandali lang ay nakarating kami sa harap ng gate. Alam kong na hack na ni Atticus ang mga cctv nila kaya malaya kaming makakakilos. Gumilid kaming lahat dahil sumenyas si Ruwi. Syempre kailangan namin sumunod sakanya. Baka makarate niya kami.

Si Ruwi ang kumatok sa gate habang nakatago kami. Ilang sandali lang ay narinig ko ang pagbukas ng gate at sumilip ang lalaking naninigarilyo. Mabilis na dinukot ni Ruwi ang isang mata ng lalaki kaya agad akong nag-iwas ng tingin at baka bumaliktad sikmura ko. 

Nang makuha niya ang mata ay itinapon lang niya ‘to sa sahig saka niya sinaksak gamit ang katana. Lumapit na din ako at sinipa ang gate para mabuksan ng maayos. 

Agad pumasok ang mga kaibigan ko saka kami ni Ruwi pumasok. Puro sigaw at daing ang naririnig ko dahil sa ginagawa ng mga kaibigan ko. 

Ipinaikot ko ang tingin sa kabuuan ng lugar at naisipan na mag-isang umatake. Agad akong naglakad sa gilid para sana pumasok sa loob. Nakahanda din ang katana kong hawak at baka may bumulaga sa ’kin. Hindi na ako nagsayang pa ng oras para lumingon sa mga kaibigan ko dahil alam kong kaya naman nila makipaglaban. 

Habang naglalakad ako ng dahan-dahan para sa umikot ay nagulat ako ng may makasalubong ako. Maging siya ay nagulat din ng makita ako. “Teka.. ikaw yung mahangin na dinukot namin ahh.. anong ginagawa mo dito?” Tanong niya na halatang nagulat. 

“Hoy! FYI hindi ako mahangin. Pogi talaga ako!” Sagot ko. “Nga pala, inaatake na namin kayo. Nag toothbrush ka naman ba? Baka hanggang sa kabilang buhay mabaho hininga mo.” Saad ko pa sa lalaki kaya masama niya akong tinignan at agad na umatake. 

Akala niya siguro hindi ako marunong makipaglaban. Ayon, nangisay na sa sahig habang nakadilat ang mata. Pahihirapan ko pa ang sarili ko makipaglaban kung pwede ko naman saksakin agad. Ayos na din yun para mabawasan ang pangit sa mundo.

Naglakad ulit ako hanggang sa mapahinto ako dahil ang daming mga kalaban. Putangina! Baka matodas nila ang kagwapuhan ko. Kailangan ko ng bumalik sa mga kaibigan ko. 

Aatras na sana ko ngunit sumulpot ang mga kalaban ko sa harap kaya napabuga ako ng hangin dahil wala na akong choice kundi ang makipaglaban. Plano ko pa naman sana ay magtago lang sa likod at mag relax habang ang mga kaibigan ko ay nakikipaglaban. Pero mukhang hindi sumasang ayon ang plano ko kaya bahala na. Basta ang mahalaga ay gwapo ako. 

Nakipag laban ako at mabilis na kumilos. Puro sipa ang ginagawa ko saka ko sinasaksak ang mga kalaban. Mukhang may kanya-kanya kaming gagawin magkakaibigan ngayong gabi at bawal kaming magpahinga hangga’t hindi nauubos ang grupo ng Dark Dagger.

Epilogue

Ruwi’s Pov

TINUNGO ko ang pinakamataas na bahagi ng building na ’to at hinayaan ang mga kaibigan ko na patayin ang mga miyembro ng Dark dagger.  Ako lang mag-isa ang umakyat para hanapin ang leader nila. 

Nang makarating ako sa pinakadulong palapag at nakita ang lalaking nakatalikod sa gawi ko. Puro puti ang buhok niya pero matikas parin ang katawan.

Alam kong siya ang leader ng Dark dagger. Siya ang taong hinahanap ko para matapos na ang isa sa mga kalaban naming grupo. Sila lang talaga ang balakit sa buhay namin. 

Nakita ko ang usok na halatang nagsisigarilyo ang matandang lalaki. Dahan-dahan siyang humarap sa ’kin habang ang isa niyang kamay ay hawak ang isang katana. 

Ngumisi siya sa ’kin habang bumubuga ng usok. “Sa wakas… nagkaharap na din tayo leader ng Crimson.” Saad ng matandang lalaki habang nakangisi sa “kin. 

Humigpit ang hawak ko sa aking espada habang nakatitig sakanya. “Handa ka na bang mamatay?” Tanong ko sakanya. 

Mas lalo lang siyang tumawa ng malakas. “Masyado ka namang nagmamadali, bata. Nagustuhan mo ba ang ginawa ko sa mag-ina ng traydor na isang miyembro ng Dagger?” Tanong niya na tinutukoy ang girlfriend ni Thaddeus. 

“Hayop ka! Dapat sainyo ay tinatapos para mawala na kayong lahat.” Saad ko sa walang emosyong boses. 

“Mukhang hindi mo alam na ginahasa ng mga tauhan ko ang babae bago nila pinatay at ibinitay sa kisame.” Saad pa niya kaya mas lalong uminit ang ulo ko. Kaya naman pala may dugo din ang mga binti ng girlfriend ni Thaddeus. 

“Sabay-sabay na ipinasok ng mga tauhan ko ang sandata nila sa pagkababae ng babae. Ahm.. ang sarap pakinggan ng iyak habang nagmamakaawa ang babae.” Pagkwekwento niya at para bang inaalala ang ginawa nila sa girlfriend ni Thaddeus. 

“Sana magawa namin sa’yo. Mukhang fresh ka.” Sabi niya saka itinapon ang sigarilyo sa sahig. 

Pinaikot-ikot ko sa aking kamay ang hawak kong katana upang umatake. “Hindi niyo magagawa yun sa ’kin. Dahil papatayin na kita upang mawala na kayo sa mundo!” Sigaw ko saka ako tumakbo habang hawak ang espada. Nasalag niya ang espada gamit ang espada na hawak niya.

Umatake lang ako ng umatake at masasabi ko lang ay mahusay din siya pagdating sa labanan. Hindi siya magiging leader ng Dagger kung hindi siya magaling. 

Pero, mas magaling ako sakanya kaya natatamaan ko siya ng espada. Dumaplis ang atake ko sa mukha niya kaya napangiti ako ng tumulo ang dugo niya sa pisngi. 

“Magaling. Totoo pala talaga ang sinasabi nila na mahusay ka sa labanan. Sayang, magkalaban tayo.” Saad ng matanda habang hinahaplos ang dugo sa pisngi niya saka niya dinilaan ang kamay niya na may dugo. 

“Balang araw ay magiging kasapi ka din ng grupo namin. Hindi man ako ang leader no’n pero mangyayari yun sa tamang panahon.” Makahulugan niyang sabi. 

“Hindi mangyayari yun!” Sigaw ko at umatake ulit sakanya. “Isusunod kita sa kanang kamay mo.” Saad ko habang umaatake ulit sakanya. 

Tumawa lang siya na para bang hindi takot mamatay. Sa inid ko ay umikot ako at mabilis na kumilos saka pinutol ang braso ng matandang lalaki. Napasigaw siya sa sakit ngunit saglit lang yun na para bang handa na siya sa katapusan niya. 

Nagkalat ang dugo sa sahig habang ang brasong pinutol ko ay nasa sahig. “Mapapatay mo ko. Mapapatay ng mga kaibigan mo ang grupo ko. Ngunit, tandaan mo na mabubuhay ulit ang grupo namin dahil ang anak ko ang bubuo no’n. Ikaw ang unang magiging target nila.” Saad ng matanda na tumatawa pa. Mukhang inihabilin na niya lahat at alam na niya na mamatay siya sa kamay ko. 

Hindi na ako nagdalawang isip pa na tapusin ang buhay niya tumakbo ako papunta sa kanya at sinaksak ang kanyang tiyan. Nagawa pa niya akong saksakin sa braso gamit ang isa pa niyang kamay na may hawak na katana. Tiniis ko ang ginawa niya at ibinaon ko pa ang espada ko sa tiyan niya. Nanggigil akong hiwain ang tiyan niya pataas kaya napasigaw siya sa sakit hanggang sa mabitawan niya ang espada na itinarak niya sa braso ko. 

Tumulo ang dugo sa gilid ng labi niya habang nakatitig sa ’kin. ’’M-Mamatay ka din sa kamay ng Dagger, Ruwi Cruz.“ Saad niya na para bang sinusumpa niya ako saka siya tuluyang nilagutan ng hininga. Mas lalo ko pang itinaas ang espada ko na nakabaon pa sa katawan niya hanggang sa mahiwa ko papunta sa leeg niya. 

Nakikita ko na ang laman loob ng matandang lalaki kaya tinigilan ko na at sinipa ang wala ng buhay niyang katawan dahilan upang bumagsak yun sa sahig. Kumalat agad ang dugo sa sahig habang warak ang tiyan hanggang sa leeg ng matandang lalaki. Nakabukas din ang mga mata niya ng malagutan siya ng hininga. 

Nakatarak parin sa braso ko ang espada kaya hinugot ko yun saka ko ibinato sa sahig. Naka ilang beses pa akong huminga ng malalim dahil sa ginawa ko.

Nakatitig lang ako sa matandang lalaki. “Hihintayin ko ang pagdating ng anak mo para isusunod ko din siya.” Saad ko saka dinuruan ang matandang lalaki. 

Naisipan ko ng bumalik sa mga kaibigan ko upang tulungan sila. Ngunit hindi na kailangan dahil nadatnan ko nalang sila na ubos na ang mga miyembro ng Dagger. 

Nakita ako ni Salem kaya kinindatan ako ng gago. Hula ko ay babanat na naman siya ng kahanginan niya. Masaksak ko na talaga siya. 

“Tapos mo na ang leader?” Tanong ni Caiden sa ’kin. 

“Tapos na. Sunugin na natin ang building na ‘to.” Saad ko na agad naman tumalima ang mga kasamahan ko. 

Lumapit sa ‘kin si Salem at kumunot ang noo habang nakatitig sa duguan kong braso. “Bakit ka naman nagpasaksak, Ruwi?” Tanong pa niya. Hindi na ako sumagot dahil alam kong babanat na naman siya. Baka mabanatan ko pa siya ng wala sa oras. 

Lumabas kami ng mga kaibigan ko sa building habang si Theo at Levi ay busy sa pagkalat ng gas sa buong paligid. Tinulungan na din sila ni Aizen at Kier para mas mapabilis. 

Nang matapos yun ay sinindihan na ni Lucifier ang lighter na hawak niya at ibinato sa ikinalat na gas ng mga kaibigan namin. 

Habang pinapanood ko ang apoy ay naisip ko sila Thaddeus at Hale. Sigurado akong masaya na sila dahil naibigay ko ang dapat na hustisya para sakanila. 

Ilang sandali lang ay kumalat na ang apoy sa buong building kaya naisipan na namin bumalik sa kotse. 

Sumakay kami sa sasakyan at agad akong ginamot ni Salem. Baka daw maubusan ako ng dugo kung hahayaan ko lang daw. 

Hindi naman ako pumalag at tahimik lang ako habang nakatanaw sa labas ng bintana ng sasakyan. 

“Minsan talaga tanga ka,  Ruwi eh. Sinabi ng wag kang magpapasugat. Tigan mo tuloy ngayon.. ang lalim ng sugat mo. Tahiin ko ‘to ng sinulid eh, yung kulay pink para naman girl ka na,” sabi niya na ginawang damit ang balat ko. Binatukan naman siya ni Raizen kaya mahina akong natawa. 

Tumingin ulit ako sa bintana at nadaanan ang isang flower shop. “Pwede mo bang ihinto, Atticus.” Saad ko sa aking kaibigan na siyang nagmamaneho.

Mabilis naman siyang tumalima sa sinabi ko at iginilid niya ang sasakyan. 

“Bilhan mo ko ng bulaklak, Salem. Dalawa ang bilhin mo.” Utos ko sakanya dahil siya ang malapit sa pinto ng sasakyan. 

Sumunod naman siya sa utos ko at agad na bumaba ng sasakyan. Hinintay lang namin si Salem na makabalik sa sasakyan hanggang sa makabili na nga siya. 

Sumakay ulit siya sa kotse kaya pinausad na ni Atticus ang sasakyan. 

“Sa simenteryo tayo, Atticus.” Utos ko sakanya kaya tumango siya. Gusto ko munang dalawin ang puntod ni Thaddeus at Hale. 

Umabot ng isang oras ang biyahe namin hanggang sa makarating kami sa simenteryo. 

Kasama ko si Salem at Lucifie na bumaba ng sasakyan at ang iba ay naiwan sa loob. Tinungo namin ang puntod ni Thad at Hale habang dala-dala ko ang pinabili kong bulaklak kay Salem. 

Nang mahanap ko na ay ako lang ang lumapit sa puntod nila at si Lucifier at Salem ay nakatayo sa gilid at medyo malayo sa ’kin. Para bang nagbabantay sila sa paligid. Hindi lang naman Dark dagger ang kalaban namin. Ngunit sila ang kumitil sa buhay ng dalawa ko pang kaibigan kaya hindi ako papayag na hindi sila maubos. 

Lumuhod ako sa harap ng puntod ni Thad at Hale na magkatabi lamang. Inilapag ko ang bulaklak sa harap ng lapida nila saka ko hinaplos ang pangalan nilang dalawa. “Nabigo ulit ako, Thad. Pasensya ka na kung hindi ko natupad ang pangako ko sa’yo. Dinala ko sa’yo ang babaeng mahal mo, Thad. Pati na din ang nasa sinapupunan niyong anak.” Malungkot kong sabi dahil sa nangyari sa girlfriend niya. 

Nag angat ako ng tingin sa kalangitan at napansin na malungkot ang kalangitan na para bang dinadamayan ako. Hinding-hindi na talaga ako papayag na mawalan ako. Kung dumating man ang panahon na magmahal ang mga kaibigan ko ay gagawin ko ang lahat matulungan din sila upang hindi na maulit ang nangyari sa girlfriend ni Thaddeus. 

Nagtagal pa ako sa harap ng puntod ng dalawa kong kaibigan at inaalala ang pagkakaibigan namin. Talagang hanggang dito nalang at magiging magandang alaala nalang si Thaddeus at Hale sa ’kin. 

“Magkikita tayong muli, Thad.. Hale.. pero hindi baka sa impyerno tayong tatlo mag re-reunion.” Saad ko pa saka mapait na ngumiti. 

Alam kong marami pang pagdadaanan ang grupo namin. Marami pa kaming mga kalaban kaya aasahan ko na magsisilabasan na naman sila kapag nabalitaan nila na pinabagsak namin ang grupo ng Dagger. Pero asahan din nila na papatayin ko sila kapag may isa man sa mga kaibigan ko ang saktan nila. Magkakamatayan talaga kami. Pinapangako ko yan. 

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa damuhan at nagpaalam na sa puntod ng dalawa kong kaibigan. Hindi ko parin tanggap na wala na talaga sila pero nangyari na ang lahat. Kaya dadalhin ko hanggang sa aking kamatayan ang masakit na alaala nila Thaddeus at Hale. 

A/N: Hi, Azzinatics! Ito na ang magiging last chapter ng Crimson. Sa mga bagong maliligaw dito at bagong mga readers ay sunod po nito ay kay Nuroi na nasa Dreame po mababasa. (Need ng coins)

Si Nuroi ang assassin series 1. Soon pa ang Series 13-15. Sana lang talaga ay tumigil na ang mga magnanakaw dahil gustong-gusto ko talaga na

makompleto

sana ang 15 Assassin Series dito sa wattpad pero naiinis talaga ako sa mga ginagawa ng nga magna na sila pa ang galit kapag sinaway.

Diyosko

!

Update: Assassin Series 11: Andrei Montero ay nasa VIP po ang special chapter (May fee po yun. Pm niyo lang ako sa facebook Cruz Wp para malaman kung magkano.)

So, yun lang. Thank you sa palaging paghihintay ng ud ko kahit mabagal.

Next natin si Levi pero magpapahinga lang ako saglit. ❤️

End: March 8, 2024

-XXRIEGOZZXX-


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.