loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Crimson Void

Crimson Void

mcljdnsntcrz · 4 chapters · 1,434 words

Warning

This story is Rated SPG. It depicts explicit language not suitable for young readers. It also depicts mature scenes such as m2m sex, unprotected sex, incest, and others.

The photos used are for illustrative purposes only and do not represent or reflect the actual identity, characteristics, or actions of any individual depicted.

Disclaimer

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents ere either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

CV - Prologue

My Way to Damnation


“Ilang beses na natin ’tong pinag-usapan Dylan, bakit ba ang kulit mo? My decision is final.”

Napabuntong-hininga ako ng malalim dahil sa frustration nang marinig ko ang tila naiiritang sagot ng aking ina sa pangungulit ko.

Kasalukuyan kaming nasa hapag-kainan ngayon, katatapos lang naming mag-dinner.

“Ma, please? Payagan mo na ako… 2 months lang naman ako do’n, eh!” Paki-usap ko pa lalo. I tried to conceal the growing annoyance and irritation in my voice, baka mas lalo ako nitong hindi payagan.

“At ano namang gagawin mo do’n ng gano’n katagal ha, Dylan? Talaga bang nagrerebelde ka na sa akin?” Kunot ang noong pagsita sa akin ni Mama.

Nakuyom ko ang aking kamao dahil sa pagiging unreasonable ng aking ina. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw ako nitong payagan sa gusto ko. As if naman na mapapahamak ako do’n.

I braced myself to throw a fit at my mother, but the man seated at the head of the table—who had been quietly listening to our discussion—spoke before I could. Nakita siguro nito marahil ang pagbabago sa facial expression ko.

“Payagan mo na kasi ’yang anak mo, Jenna.” Sabay kaming napalingon ni Mama sa step-father ko. “Wala namang masama kung gusto niyang makasama ang tatay niya sa bakasyon.” Mahinahong dagdag nito pagkatapos sabay ngiti sa aming dalawa.

“Sige… kampihan mo siya, Gonzalo.” Palatak ng aking ina sa asawa nito. “Kaya lumalaking matigas ang ulo ng batang ’yan dahil kinukunsinti mo.” Dagdag panenermon ni Mama.

“Wala akong kinakampihan, okay?” Natatawang itinaas ng aking step-father ang kamay nito na para bang sumusuko. “Ang akin lang naman, honey-…”

“Ah… bahala kayong dalawa.”

Hindi pa man natatapos ni Tito Gonzalo ang gagawin nitong pagpapaliwanag sana ay padabog nang tumayo si Mama sa kinauupuan nito’t nag-walk out papunta sa living room.

“Pagpasensiyahan mo na ang Mama mo…” Bumaling ng tingin sa akin ang step-father ko bago tumayo. “Ako nang bahala sa kanya, kakausapin ko.” Dagdag nito bago sundan ang aking ina.

Napabuntong-hininga na lang ako habang inaayos ang mga pinagkainan naming tatlo. Kahit nang naghuhugas na ako ay hindi ko maiwasang hindi mapasimangot. Aargh! Nakaka-inis ka talaga, ’ma!“

Ako nga pala si Dylan Gabriel Reyes, 16 years old at incoming Grade 11 student sa pasukan.

They say I was born with intelligence and an innate gift for leadership. Well, hindi naman sa pagmamayabang o pagbubuhat ng sariling bangko pero sa tingin ko naman ay totoo ang mga ito.

Consistent na matataas ang grades ko. Sa katunayan, nagtapos akong class valedictorian sa elementary at high-school. Lagi din akong nananalo sa mga sinasalihan kong academic competitions katulad ng quizz bee, public speaking, declamation at iba pa. Noong graduation ay nakuha ko din ang Leadership Award dahil sa pagiging presidente ko ng Student Council.

Hindi man ako athletic katulad ng iba, name-maintain ko naman ang lean kong pangangatawan salamat sa pinaghalong genes ng aking mga magulang. Matangkad ako sa height na 5’10“, namana ko raw ito sa aking ama.

Lumaki akong hindi magkasama ang mga parents ko sa iisang bubong. Bata si Mama noong ipinagbuntis niya ako, 20 years old ito samantalang 32 naman noon ang Papa ko. Unfortunately, noong nalaman ng aking ina na buntis ito ay nawala na parang bula ang aking ama.

Kaya nagagalit ngayon sa’kin si Mama dahil gusto kong magbakasyon sa lugar nina Papa. Unang beses pa lang akong nagpaalam, ’di na ito pumayag.

Naiintindihan ko naman ito dahil nagkaroon lang kami ng communication ng aking ama noong 15 years old ako. Never ko pang nakita sa personal si Papa—though may picture naman ito na pinakita si Mama—kaya laking pasasalamat ko at sa dinami-rami ng Magnus Guerrero sa Facebook ay nahanap ko ito. Kinilala naman ako nito agad kaya nga gusto kong magbakasyon sa kanina para sana mas makilala namin ang isa’t isa at para magkaroon ng connection.

Don’t get me wrong, ’di naman ako lumaking walang father-figure dahil nakapag-asawa naman si Mama at itinuring ako nitong parang tunay na anak.

Sa tutuusin, masuwerte ako kina Mama at Tito Gonzalo dahil ramdam ko ang pagmamahal nila sa akin. Lumaki akong naibibigay nila ang mga panganagailangan at gusto ko. Nagtatrabaho ngayon bilang high school teacher ang aking ina, samantalang ang step-father ko ay Finance Senior Manager ng isang modern farming company.

Dahil pinuno nila ako ng pagmamahal, naging madali para sa akin ang pag-amin sa aking sexual preference na agad naman nilang natanggap.

Yes, I’m gay. Galaw at bihis lalaki pa rin naman ako. Ang sabi nga ng mga kaibigan ko, kung hindi lang daw nila ako kilala ay hindi nila aakalaing sa kapwa ko lalaki rin ako nagkakagusto.

Kinabukasan ay maaga akong ginising ni Mama, akala ko ay galit pa rin ito sa akin kaya naman hindi ko na napigilang umiyak nang sabihin nitong pinapayagan na ako nito sa gusto ko.

Buti na lang talaga ay laging nandiyan si Tito Gonzalo, bukod sa spoiled ako sa kanya, lagi ko pa itong kakampi pagdating sa aking ina.

“Pa… good news, pumayag na po si Mama.”

Masaya at excited kong pagbabalita sa aking ama na nasa kabilang linya. Pagkalabas na pagkalabas ni Mama kanina ay ito agad ang una kong tinawagan.

“Talaga ba, ’nak?” Ramdam ko din ang saya at excitement sa boses ni Papa. “Mabuti naman. So anong plano mo? Kailan ka luluwas?” Sunod-sunod na tanong nito sa akin pagkatapos.

“Sa Monday po, ’pa.” Napapahagikgik kong sagot. “Isi-send ko po sayo mamaya ’yong details ng flight ko pagkatapos ko pong magpa-book.” Dagdag ko. “Excited na akong pumunta ng Manila, ’pa!” Parang batang bulalas ko.

Napahagalpak ito ng tawa sa kabilang linya.

“Ako din, anak. Siguradong matutuwa ang mga kapatid mo ’pag nalaman nilang tuloy ka dito.” Masayang sagot naman ng aking ama. “Sige na’t ihahatid ko pa ang Kuya CJ mo, ngayon ang interview niya sa trabaho.” Pagkuway paalam nito.

“Sige po, ’pa!”

Ngiting-ngiti ako nang matapos ang tawag, hindi ko maitago ang saya ko. Bukod kasi kay Papa, excited din akong makilala ang apat kong kapatid.

Isa din ito sa mga kinakagalit ni Mama kay Papa hanggang ngayon. May mga anak na pala ito noong magkakilala sila pero hindi nito ito sinabi. Tatlo ang anak nito sa nauna nitong kasintahan, isa sa pangalawa, at ako ang pinakabunso.

Dahil sa sobrang excitement ay kinuha ko na ang mga maleta ko’t hinanda ko na ang mga damit at gamit na dadalhin ko sa dalawang buwan kong bakasyon kasama ng aking ama at mga kapatid.

3 days pa naman ang flight ko, hayaan niyo na!

Habang nag-aayos at nagpe-prepare ako ay hindi ko maiwasang mapatanong sa sarili ko. ’ Ano kayang exciting na mangyayari sa akin kasama nila?’ Hindi ko rin maiwasang hindi mag-imagine. ’ Aaaah basta, sure ako na mae-enjoy ko ang stay ko sa Manila. Thank you talaga Mama at Tito Gonzalo sa pagpayag niyo.’

Punong-puno ako ng positivity na hindi ko na naisip na puwedeng ibang-iba pala sa ine-expect ko ang dadatnan ko sa Manila, na mangyayari pala sa akin ang isang bagay na hindi ko man lang na-isip o na-imagine na puweng mangyari.

Na ang kagustuhan kong makapasok sa buhay nila Papa ay may naghihintay palang malaking kapalit. Na sa pagdating ko, may bakanteng papel na dapat punan—at ako ang itinakdang pumuno.

This is my story.

A story of a choice…

A choice that led me to what I shouldn’t do,

but what my soul aches for, what pulls me

beyond reason.

Yet it’s what I crave.

What I long for.

What I am destined to embrace.

Come with me as I walk this edge.

See how I willingly paid the price.

See how I let myself dissolve…

Until I fill the… Crimson Void.

PTR Announcement

🔓 Crimson Void: Prologue is free to read, while the succeeding chapters are pay-to-read (PTR).

Note: The story will be available on the end of March.

📩 For inquiries on how to access the PTR chapters, feel free to ping @mcljdnsntcrz (on Telegram)

To read the teasers per chapter (for other stories also), please join my channel https://t.me/mcljdn30updates

Stay tuned and thanks for the support!


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.