CRY AGAIN (BXB 2020)
ThePageWriter · 37 chapters · 53,177 words
PAUNA
DEDICATION
Iniaalay ko ang istoryang ito sa mga taong iniwan, sinaktan at patuloy na umaasa sa kabila ng lahat ng sakit.
Disclaimer
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Genre: Romance
Date Started: September 29, 2020
Date Ended: March 20, 2021
Part 1
CRY AGAIN SEASON 1: PART ONE
KEILO
“Sigurado ka bang makikipag-break ka na kay Alandel?” tanong sa akin ni Jadrick habang sabay kaming kumakain ng pancit sa labas ng campus. Kakatapos lang din kasi naming mag-practice ng doxology para sa event sa Friday.
“Nagsasawa na ako, Jade (palayaw niya). Ilang beses na niya akong niloloko. Ilang beses ko na siyang nahuling may ka-text at katawagang iba. Nauumay na ako. Gusto ko muna ng time para sa sarili ko.” Sagot ko.
“Pero apat na taon din kayo, Keilo. Baka naman naguguluhan ka lang?” tanong pa niya.
Ilang beses ko na bang sinubukang patawarin si Alandel? Ilang beses ko na bang tiniis lahat ng kalokohan at kagaguhan niya sa buhay? Nagsasawa na talaga ako. This time, ayoko na talaga.
“Sigurado na ako, Jade. Wala na akong pakialam pa sa kanya after nito,” sabi ko bago ko inisang lagok ang hawak kong inumin.
“Sabagay, kung wala na talaga, huwag mo na nga namang pilitin pa,” aniya pa.
“Sige, Jade, mauna na ako. Marami pa akong labahin sa dorm eh,” pagpapaalam ko sa kanya at tinanaw ko siya bago siya bumalik sa loob ng campus.
Nang makarating ako sa dormitory ay agad akong nag-ayos ng sarili at nilabas ko ang pang-isang linggo kong labahin at nasa ganoon akto ako nang bigla kong naisipang tawagan si Alandel at ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan dahil agad niya iyong sinagot pero wala namang nagsasalita hanggang sa narinig ko ang pag-uusap sa kabilang linya.
“Hihiwalayan ka na raw ni Keilo, Alandel. Anong plano mo?” iyon ang una kong narinig sa kabilang linya at pamilyar na pamilyar sa akin ang boses na ’yon.
“Huwag kang mag-alala. Konting lambing ko lang naman do’n okay na uli kami. Parang hindi mo naman kilala ’yong kaibigan mo. Sobrang dali no’ng utuin. Tatlong taon na nga tayong may relasyon, hindi niya alam eh,” natatawang sagot ni Alandel kaya halos mapaupo na lang ako sa gilid ng washing machine at mas nasaktan ako sa sunod kong mga narinig.
“Oo nga pala. Tanga naman ’yon si Alandel. Hindi niya alam na ako na lagi niyang kasama ang aahas sa kanya,” natatawa pang sagot naman ni Jadrick na itinuring kong kaibigan ko pero gagaguhin lang din pala ako.
All these years pala ay may relasyon sila at para akong tangang nangangapa sa dilim kung sino ’yong kalandian niya, tapos si Jadrick lang pala na kaibigan ko simula no’ng high school pa lang kami ’yon.
Para akong sinakasak sa dibdib ng paulit-ulit kaya pinatay ko na lang ang cellphone ko at napayuko na lang ako sa aking sariling mga tuhod at para akong batang inagawan ng laruan. Kung pwede ko lang pigilan ang pagluha ay nagawa ko na. Pero hindi ako ganoon kagaling magtago ng nararamdaman ko eh. Buong magdamag ko sigurong iiiyak ’to.
Gaya nga ng inaasahan ko ay hindi ako nakatulog at para akong tangang iyak ng iyak sa sulok ng aking kama. Hindi ko pa rin talaga matanggap na si Jadrick ang nanggagago ng relasyon namin ni Alandel. Si Jadrick na itinuring ko na na parang kapatid ko.
Habang nasa ganoong estado ako ng pag-iisip ay napatingin ako sa salamin. Hindi naman ako pangit. Hindi rin ako nahuhuli sa academic. May kaya ang pamilya namin at higit sa lahat ay hindi ako nanloloko ng tao.
Ayoko ng mag-isip pa dahil baka bumigay na ang utak ko sa kakaisip kung ano bang kulang sa’kin. Tama na nga siguro ang desisyon kong makipaghiwalay na lang kay Alandel dahil ayoko ng maloko pa. At tungkol naman kay Jadrick at binlock ko na siya sa lahat ng social media accounts ko at pati sa thesis namin ay nag-solo na lang din ako kaya bahala na siya sa buhay niya. Ekis na siya.
Paglabas na paglabas ko ng kwarto ay natanaw ko sa labas ng gate si Alandel at nakasakay siya sa kaniyang motosiklo at parang wala siyang ginawang kagaguhan sa’kin. Ilang taon akong naiputan sa ulo ng dalawang mahalagang tao sa buhay ko. Nakakatuwa naman.
“Sakay na,” nakangiting bungad sa akin ni Alandel at nginitian ko lang siya bago ako pumara ng tricycle at tinext ko siya.
“Break na tayo. Ayoko ng makita ang muka mong lalapit pa sa’kin.”
Binasa ko pa ang message ko na iyon at tuluyan kong in-off ang aking cellphone dahil ayoko ng abala.
Pagpasok ko naman sa campus ay normal akong nakipagbatian sa mga kakilala ko at malalaking ngiti ang ibinigay ko sa kanila hanggang sa makita ko si Jadrick na papalapit sa akin at may dala pa siyang mga papel kaya naman agad akong pumasok sa aming classroom at umupo ako malayo sa kanya at isinalpak ko ang earphones ko at itinodo ko ang volume ng cellphone kong kakabukas ko lang din para hindi ko marinig ang ingay sa paligid.
Ganoon lang ang ginawa ko hanggang sa dumating ang professor namin sa research.
“Okay guys, last question for everyone, sino pa rito ang magso-solo sa thesis writing para sa next na sem?” Tanong ni Ma’am Saludo kaya naman walang pakundangan kong itinaas ang aking kamay at halos napatingin sa akin lahat.
“Okay, Mister Chavon. How about your partner sa research na si Mister Tanesa?” Tanong pa niya na hindi ko na sinagot dahil hindi ko naman na iyon problema.
At ganoon na nga ang nangyari. Nag-solo ako at masakit man sa damdamin ay dapat na siguro akong matutong makihalubilo sa iba lalo na’t huling dalawang semester na lang naman ang natitira bago kami magtapos lahat.
Hindi ako sumabay kumain kay Jadrick at lahat ng pag-iwas na ginawa ko ay ginawa ko na hanggang sa bigla siyang nakisingit habang nag-uusap kami ng mga kasabay kong kumain.
“Keilo, mag-usap naman tayo,” aniya at nagbingi-bingihan ako.
“Oh pano, Aldrin at Alex, pasa niyo na lang sa’kin ’yong report niyo para mai-summarize ko ’yong report natin,” iyon ang sabi ko.
“Noted, Keilo!” Sabay pa nilang sabi bago silang umalis na dalawa dahil busy sila sa organization nila dahil bukas na ang foundation day kaya tiyak na hanggang Wednesday ay puro ganap sa campus.
“Keilo, wuy!” tapik sa akin ni Jaderick at tumingin lang ako sa kanya ng mata sa mata at sakto ring nakita kong papalapit si Alandel sa posiyon namin kaya naman minabuti kong maglakad na papunta sa mga nagpa-practice ng sayaw pero pinigilan ako ni Alandel.
“Ayusin natin ’to, Keil. Mahal na mahal kita,” pagmamakaaw niya na kung hindi ko pa alam ang lahat ay baka na-convince na ako dahil may dala pa siyang chocolate.
“Ayoko na, Alandel. Wala na tayong dapat ayusin,” may diin ngunit malumanay kong tugon.
“Keilo, babe, naman,” aniya kaya natawa ako. Buti na lang talaga at malayo kami sa mga tao dahil nakakahiya siya lalo na’t nasa gilid lang din si Jaderick.
“Sige na. Kayo na lang dalawa ang mag-usap ni Jaderick. Baka nakakaabala na ako sa inyo,” sabi ko at ngumiti ako bago ko sila iniwang dalawa na gulat na gulat. Siguro naman ay may ideya na sila na nabuko ko na sila. Pero bakit gano’n? Nasasaktan ako.
Ang hirap pala talagang maloko lalo na ng kaibigan mo pa.
Kung kaya ko lang sanang pigilan lahat ng luha ko, nagawa ko na dahil sobrang traydor nila at ayoko na ng gano’n.
Itutuloy….
Part 2
CRY AGAIN SEASON 1: PART TWO
KEILO
Hindi naging madali ang ang mag-adjust na wala si Jaderick at Alandel sa buhay ko kaya naman sumasama na lang ako sa iba kong mga kakilala at gaya ngayon na kakatapos lang naming magsayaw ng doxology kaya naman napakamot ako sa aking ulo nang makababa kami sa stage. Nandoon si Alandel kaya naman walang emosyon ko siyang nilampasan.
Paglampas na paglampas ko sa kaniya ay nakita kong lumapit siya kay Jaderick at hinalikan pa siya nito sa labi na animo’y hindi ko nakikita. Magpapanggap ako kung hindi ko sasabihing nasasaktan ako sa nakikita ko. Ni wala pang isang Linggo na nag-break kami, may pa-public display na agad sila. Sabagay, hindi ko ’yon nagawa masyado dahil hindi ko ugaling magpakita sa ibang tao na sweet kami.
“Keilo!” Narinig kong tawag sa akin ng Aldrin na may hawak na inumin at sandwich kasama ni Alex na may hawak namang malaking oishi fish cracker. Hinintay ko sila sa hallway at saktong magsasalita na kami nang biglang tumugtog ang Lupang Hinirang kaya no choice kami kundi tumingala sa pinakamalapit na national flag at umawit kasabay ng mga estudyanteng nagsitigil din sa paglalakad.
Matapos iyon ay lumapit sila sa aking dalawa at inabutan nila ako ng pagkain.
“Pinapabigay sa’yo ni Sir ’yan kanina. Umalis ka kasi agad. Nga pala, balak naming hindi na um-attend ng program today. Boring naman kasi. Sa Wednesday na lang tayo um-attend,” sabi ni Aldrin at umakbay pa siya sa’kin.
“Hmm. Balak ko rin na hindi na um-attend eh. Tambay lang siguro ako sa dorm hanggang Tueday.” Sagot ko naman.
“Hmm. Kami rin naman. Tara! Tambay na lang tayo sa dorm mo!” masayang suhestiyon ni Alex. “Oo nga! Tara! May dala ako sa bag ko,” natatawang sagot naman ni Aldrin kaya napaisip ako kung ano iyong dala niya.
“Tara na!” Sabi ni Alex habang nakahawak sa balikat ko. “Tara na nga! Doon na rin tayo magpalit ng damit.” Sagot ko at sabay-sabay kaming dumaan sa locker namin at nagmadali kaming lumakad palabas ng campus.
Hindi ganoon kalayo mula sa campus ang dormitory kung saan ako nag-i-stay dahil isang sakay lang namin ng tricycle ay nandoon na kami. Buti na lang talaga at hindi mahigpit dito lalo na’t nasa labas naman ito ng campus. “Ayos dito sa loob ng kwarto mo ah! Maaliwalas tsaka malamig,” kumento ni Aldrin na nakaupo sa sofa habang si Alex naman ay nakadungaw sa maliit na terrace at parang tangang kumakain ng tsitsirya.
“Oo nga. Hindi ako bagot dito,” sagot ko at naglabas ako ng pagkain para sa kanila. Hindi kami ganoon ka-close pero magkakakilala na talaga kami noon pa pero ngayon ko lang naramdamang masarap ang may kasama. “Ah, Aldrin, labas mo na ’yong laman ng bag mo,” sabi ni Alex na nakasando na lang. “Ano bang dala mo diyan?” Sabi ko at sabay silang natawa. “Soft drinks!” Sabay nilang sagot kaya napakamot ako sa ulo. “Ano bang iniisip ko?” Natatawa kong sagot at tanong sa sarili ko. “Nga pala, Keilo, nood tayo ng movie sa Netflix.” Suggestion ni Alex.
“Sige. Sa laptop na lang tayo manood.” Sagot ko at sabay silang dumapa sa kama ko.
“Ah, Keilo, sabi pala ni Jaderick, break na raw kayo ng partner mo kaya ka nag-iisa palagi. Okay ka lang ba?” Out of nowhere na tanong ni Aldrin.
“Ah, eh..” hindi maituloy ang gusto kong sabihin dahil bigla kong naalala ’yong tagpo sa likod ng stage kanina sa campus.
“Huwag kang mag-alala, Keilo. Kilala ka naman namin tsaka lagi ka kayang sinusundo no’n sa campus tsaka buhay mo naman ’yan. Hindi masamang sundin ang gusto pero nagtataka lang kami dahil si Jaderick na ’yong lagging kasama no’ng ex mo. Sila na ba?” Walang prenong kumento at tanong ni Aldrin.
“Naiisip mo ba ang naiisip ko, Aldrin?” Sabi ni Alex.
“Oo! Inahas ni Jaderick ang ex ni Keilo!” Sabay pa sila kaya napaupo na lang ako sa gilid ng kama at uminom ng tubig na nasa side table.
“Yeah. Ganoon na nga ang nangyari. 4 years kami no’ng ex ko tapos 3 years na silang may relasyon ni Jaderick. Ang saya, ’no?” Nakangiti kong pagsasalaysay.
“Ang gago!” Sabay na naman sila.
At iyon na nga ang nangyari hanggang sa magkayayaan na na uminom ng alak matapos naming kumain ng tanghalian. Alfonso ang napagdiskitahan naming inumin. Buti na lang daw at walang pasok bukas dahil event lang naman sa campus iyon.
Marami na kaming napagkwentuhan at nalaman kong parehas din silang naloko noon at halos lahat ng nangyari sa’min ni Alandel ay nakwento ko na rin sa kanila hanggang sa nag-iiyakan na kami.
“Siguro kaya ako niloko kasi hindi ko deserve maging masaya,” sabi ko bago ako tumagay.
“Gago, niloko ka kasi niloko ka at hindi dahil sa hindi mo deserve maging masaya!” naiinis na sagot ni Aldrin.
“Oo nga. Kung magloloko, magloloko. Tsaka sabi mo, ilang beses ka ng niloko noong Alandel na ’yon kaya move-on na. Marami pa diyang lalaki. Pwede ring ipahinga mo muna ’yang puso mo. Basta kaibigan mo na kami ni Aldrin. Sasamahan ka naming para maging okay ka,” sabi ni Alex kaya napaiyak na lang ako at napapunas ng luhang lumalandas sa pisngi ko.
“Sorry, naiyak ako sa harap niyo,” sabi ko.
“Huwag kang mag-sorry. Normal lang naman na umiyak. Nasasaktan ka eh. Hindi naman naming kayang pigilan ’yan,” ani Aldrin kaya lalo akong naiyak at itinagay lang naming lahat hanggang sa pareparehas kaming bagsak na higaan. Sa sahig na napahiga si Aldrin at si Alex naman ay nakahiga sa tabi ko.
“Keilo, tahan na,” iyon ang huli niyang sinabi bago ko ipikit ang mga mata ko.
Kinagabihan ay nagising ako dahil sa katok na nagmumula sa labas ng kwarto ko at binuksan ko iyon. Si Alandel ang bumungad sa akin.
“Keilo, usap naman tayo..” sabi niya at tiningnan ko lang siya dahil masakit ang ulo ko pero nag-isip pa rin ako ng maayos na sagot.
“Wala naman na tayong dapat pang pag-usapan. Tapos na tayo. Gabi na. Nakakaabala ka na.” May diin kong tugon at hinawakan niya ang kamay ko.
“Keilo naman! Kausapin mo naman ako ng ayos. Sorry sa nagawa ko,” aniya kaya natawa ako.
“Wow ha! Ang ganda ng sorry mo! Parang ang gaan ng kasalanan mo para patawarin kita. Okay na akong wala ka sa buhay ko kaya lubayan mo na ako,” sabi ko na may diin.
“Keilo naman!” pasigaw niyang sambit at nasasaktan na ako sa hawak niya.
“Baby, sino ’yang kausap mo sa labas?” Narinig kong sambit ni Alex at nakita ko ang mata ni Alandel na nanlaki dahil nakita niya pa si Alex na naka-boxer shorts lang at hindi nakasuot ng pang-itaas at papalapit pa siya sa amin.
“Wala, baby, kakilala ko lang,” sabi ko at kinindatan ako ni Alex.
“Siya ba?” Tanong ni Alandel.
“Anong siya?” Tanong ko.
“Ang dahilan kung bakit ayaw mo na sa’kin.” Sagot ni Alandel.
“Hindi kita ma-gets, boy. Matagal na kami ni Keilo kaya huwag kang manggulo rito,” sabi ni Alex at lumapit siya sa akin para hilahin ako payakap sa kanya at hinalikan niya pa ang ulo ko kaya naman napangiti ako nang naramdaman ko ang pag-alis ni Alandel.
Matapos iyon ay napabuntong-hininga ako ng malalim. “Oh, huwag kang iiyak, ha? Hindi iniiyakan ang mga manloloko!” aniya at itinayo niya ako.
“Salamat, Alex!” sabi ko at parehas kaming tumawa.
Tulog pa rin si Aldrin kaya naman nagluto na rin kami ni Alex ng gabihan.
“Dito na rin kayo matulog. Umuwi na lang kayo bukas,” sabi ko kay Alex habang naghahalo siya ng adobo.
“Sige. Baka kasi mamaya ay maglaslas ka o ano pa pag-alis naming,” pang-aasar niya.
“Hindi pa naman ako baliw para gawin iyon,” sagot ko at winisikan ko siya ng tubig galling sa pinaghugasan ko ng bigas. Pinandidilig ko kasi iyon sa mga halaman na alaga ko.
Gumanti naman siya sa pagwisik hanggang sa mabasa na rin ang muka ko. Sa huli ay para kaming mga basang sisiw na nagluluto sa maliit kong kusina.
“Oh ’yan, ngiti lang, Keilo. Huwag na uling iiyak,” aniya at napatango naman ako bilang tugon sa kanya.
Mas masarap pala iyong ganito, may kasama kang iba dahil pansamantala mong nakakalimutan ’yong sakit.
Itutuloy…
Part 3
Thitipoom Techaapaikhun as Keilo
CRY AGAIN SEASON 1: PART THREE
KEILO
Kinabukasan ay maagang umalis si Alex at Aldrin at nangako kami na maglalaro kami ng ML mamayang gabi at bukas naman ay gagala kami dahil Linggo naman daw. Buti na lang talaga at nandito si Alex at Aldrin kung hindi ay baka lugmok na lugmok na naman ako gaya ng ginagawa ko dati kapag may tampuhan o away kami ni Alandel.
Minsan talaga ay nakakatawa ang buhay. Kapag nagmahal ka ng sobra-sobra, nakakasakal ka, kapag nagkulang ka, iiwan ka. Kapag naman binigay mo lahat, sasaktan ka pa rin. Kahit nga isinuko mo na ’yong puso mo sa kanya, sa dulo ay lolokohin at iiwan ka rin niya. Nakakatawa.
Ang dami kong pangarap na binuo sa isip ko na kasama siya tapos heto ako, nakatingin na lang sa kisame at iniisip ko kung bakit tayo nagmamahal ng maling tao.
Napakarami kong iniisip ngayong araw kaya naman minabuti kong matulog at nagising na lamang ako dahil sa sunud-sunod na pagkatakot na nagmumula sa labas ng aking pintuan. Wala akong inaksayang minuto kaya naman nagkusot ako ng aking dalawang mga mata at pinunasan ko rin ng kumot ang aking mukha. Matapos iyon ay binuksan ko na agad ang pintuan at nagulat ako nang makita ko si Jaderick at malungkot ang muka niyang nakatingin sa akin.
“Keilo, sorry,” iyon ang una niyang sinabi na nagpainit sa ulo ko.
“Keilo, hindi ko sinasadya. Nagmahal lang din ako,” iyon ang sabi niya kaya nasampal ko siya ng isa sa kanan niyang pisngi.
“Hindi mo sinasadya? Tatlong taon, hindi mo sinasadya, Jade?!” asik ko sa kanya dahil nagpapatawa ata siya.
“Three years, Jade. Tatlong tao mo akong iniputan sa ulo, gago ka! Lahat sinasabi ko sa’yo! Ikaw ang una kong sinasabihan kung gaano ko kamahal si Alandel tapos grabe, ikaw pala ’yong gagago sa’kin ng ganito!” at tuluyan nang pumiyok ang boses ko kasabay ng sunud-sunod na pagtulo ng luha na nagmumula sa mga mata ko.
“Keilo, sorry. Mahal na mahal ko lang talaga si Alandel,” aniya kaya naitulak ko siya na naging dahilan ng pagkaupo niya.
“Jade, mapapatawad kita pero hindi ko malilimutan ang ginaw mo. Ginago mo’ko. Pinaglaruan mo’ko. Simula ngayon, hindi na kita kilala at hindi na rin kita kaibigan. Kaya kung wala ka ng sasabihin ay pwede ka ng umalis dahil naabala na ako,” sabi ko sabay sara ng pinto at tulad sa mga drama na napapanood ko ay napaupo na lang ako sa likod ng pintuan at tinakpan ko ang aking bibig dahil ayokong marinig ng mundo ang ingay ng pag-iyak ko.
Araw ng Linggo, bukas pa rin ang campus sa lahat at nagkaroon pa ng misa kaya naisipan naming tatlo nina Alex at Aldrin na doon muna kami sa campus.
“Alex, Keilo, may kukunin lang ako sa locker ko, Diyan muna kayo, ha?” ang pagpapalam ni Aldrin na kanina pa kating-kati kunin ang power bank niya sa locker niya.
“Sige. Daan ka na rin sa cafeteria. Libre mo kami ng energy drink.” Iyon ang sabi ni Alex at tumango na lang si Aldrin na mabilis na naglalakad papunta sa college naming na medyo malayo rito sa field kung saan maraming mga booth ang nagkalat.
“Keilo, okay ka na?” biglang tanong ni Alex sa akin kaya napatingin ako sa kanya at tumango ako bilang tugon. Mayamaya lang din ay lumapit siya sa akin at inakbayan ako at inginuso niya sa akin ang direksyon ni Alandel at Jaderick na magkahawak-kamay na naglalakad papunta sa marriage booth .
“Hawakan mo ang ilong ko,” utos niya dahil nakatingin din sa direksyon naming si Jaderick na sumimangot bigla nang makita kami ni Alex na parang naglalandian.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at inilabas ko ang panyo ko at pinunasan ko ang ilong ni Alex na medyo pawisan dahil sa paglalakad namin kanina papunta rito sa bleachers.
“Hawakin mo ang pisngi ko,” mahinang sabi ni Alex at ginawa ko naman iyon kaya naman napatingin ako sa mata niya habang hawak ko ang malambot niyang pisngi.
Hindi ko inasahan ang sumunod na ginawa niya dahil bigla na lang niya akong niyakap at sakto namang nakita ko si Alandel at Jaderick na nakatingin sa amin. Masama ang tingin ni Alandel sa amin ni Alex kaya ngumiti ako ng Malaki at yumakap din ako kay Alex at nang makaalis sa paningin ko si Alandel at Alex ay bumitaw ako sa pagkakayakap dahil humahawa sa damit ko ang amoy ng panlalaki niyang pabango na masarap sa ilong.
Pagkabitaw na pagkabitaw ko ay narinig ko ang malakas na halakhak ni Alex kaya nakitawa na lang ako sa kanya at nahiya tuloy ako bigla sa mga nakatingin sa aming dalawa.
“Alam mo, nakakatuwa ka, Keilo,” sabi bigla ni Alex sa’kin.
“Why? Muka ba akong clown?” Natatawang tanong ko.
“Hindi sa ganoon. Nakakatuwa ka kasi hindi ka gaya no’ng ibang bakla na halatang-halata. Kumbaga sa’yo, hindi mo mahahalata na ganyan ka unless sabihin mo mismo. Basta, iba ang dating mo. Light lang,” aniya at nginitian ko siya.
“Wala eh. Ganito talaga ako. Tsaka hindi naman lahat ng bakla dapat ay malambot at hindi lahat ng malambot ay bakla,” pagsasalaysay ko.
“Wala naman akong issue sa pagiging gay o kung ano pa ng isang tao. Basta okay ka sa’kin makisama, okay din ako sa’yo,” aniya at sakto namang dating ni Aldrin at may kasama siyang babae.
“Guys, si Aliah, girlfriend ko,” panimula ni Aldrin kaya ngumiti kami ni Alex.
“Aliah, si Alex at Keilo, mga kaibigan ko,” sabi pa ni Aldrin at tumango ako at ngumiti na ginawa rin ni Alex.
“Locker nga,” sabi ni Alex habang nakatingin sa akin na natatawa.
“Locker nga,” pag-uulit ko kaya natawa kaming tatlo.
“Ah, guys, hindi na ako makakasama sa inyo sa paggagala today. May lakad kami ni Aliah eh. Babawi ako next time,” pagpapaalam ni Aldrin na nauunawaan naman naming kaysa iwan niya kami rito ng walang paala.
“Sige. Basta ingatan mo ’yang si gf mo. Ingat kayo,” sabi ni Alex.
“Ingat kayo, Aldrin, Aliah!” nakangiti kong pagpapaalam at ngumiti silang dalawa habang naglalakad papalayo sa amin.
“Papaano ba ’yan, Keilo, mukang tayo ang magde-date ngayon,” aniya at sabay kaming natawa dahil medyo nakakatawa ang tono niyang iyon.
“McDo? Jollibee? Libre ko,” sabi niya napaisip ako bago sumagot.
“Kahit saan,” sagot ko at tumingin siya sa akin bago siya tumayo.
“Sa bahay na lang tayo. Papakilala kita sa kapatid ko,” sabi niya at mabilis na mabilis niya akong pinatayo at dumiretso kami sa car park ng campus kung saan naka-park ang big bike niya na sobrang astig.
In-start niya muna iyon at inabutan niya ako ng helmet at wala siya pinalampas na oras para hindi i-star ang engine ng motor niya.
“Kapit ng mahigpit,” aniya at kumapit ako sa balikat niya.
Hindi ganoon kabilis magpatakbo ng motor si Alex at smooth lang ang byahe naming dahil Sunday ngayon. Dumaan din kami sa isang bakery dahil favorite raw ng kapatid niya ang donut sa bakery na ’yon. Matapos niyang um-order at nagpatuloy kami sa aming byahe at nagulat ako ng pumasok kami sa isang magandang subdivision kung saan kilala siya ng naka-duty na guard.
Ilang minuto pa ang lumipas at huminto kami sa isang two-storey house na may magandang gate.
“Nandito na tayo! Pasensya ka na sa bahay namin, ha? Medyo maliit lang,” aniya kaya napaisip ako na parang hindi naman maliit ang bahay nila dahil mas malaki ito kumpara sa bahay namin sa province.
“Anong maliit? Ang ganda na kaya ng bahay niyo!” sabi ko at umupo ako sa duyan at inilapag ko ang messenger bag ko sa isang mesa.
“Ayaw mo bang pumasok sa loob?” Tanong niya.
“Dito muna ako. Ang sarap sa mata ng pool niyo eh.” Iyon naman ang aking sagot.
“Mas masarap ako diyan!” aniya at narinig kong may tumama sa kanyang bola ng volleyball na naging dahilan para mataw ako.
“Anong masarap?” Iyon ang sabi ng isang lalaking lumabas sa pintuan nila na kahawig ni Alex. Kuya niya siguro.
“Kuya, ang sakit no’n!” aniya at napatingin ito sa akin at ewan ko ba kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Siguro ay dahil kuya siya ni Alex.
“Huwag kang maniwala rito kay Alex, supot pa’to!” Pang-aasar pa nito kay Alex kaya napatawa ako.
“Kuya, pinapahiya mo naman ako eh,” kamot-ulong sabi ni Alex at tiningnan ko silang dalawa habang nakangiti.
“Hindi mo ba ipapakilala sa’kin ang kasama mo?” tanong nito sa kanya.
“Ah, Keilo, si kuya Nico. Kuya, si Keilo, kaibigan ko,” pagpapakilala ni Alex sa amin.
“Good day po!” Iyon ang nasabi ko na lang.
“Wuy, mas matanda lang ako ng isang taon kay Alex, huwag ka ng mang-opo.” Natatawa niyang sabi kaya natawa ako.
“Sige.” Sabi ko at hindi ko maitago ang ngiti ko dahil natutuwa ako sa ka-cute-an ni Nico.
“Doon na tayo sa loob, ang init dito,” sabi ni Alex at iyon na nga ang ginawa namin.
Wala ang parents nila sa bahay kahit Linggo kaya masaya raw silang nandito ko. Sa katunayan ay ang daming naikwento sa’kin si Nico at puro tawa lang ako habang si Alex naman ay nakikisakay pa.
“Kuya, akyat nga muna ako sa kwarto ko. Charge ko lang phone ko,” ani Alex kaya naiwan kami sa salas ni Nico na nanonood ng anime sa Netflix.
“Nga pala, ilang taon ka na ba?” Tanong niya bigla sa akin.
“Twenty-one,” sagot ko.
“Okay. Mas matanda nga ako ng isang taon,” aniya kaya napalunok ako dahil nakaka-intimidate ang kagwapuhan niya.
“Welcome ka rito sa bahay, ha? I like you,” aniya kaya napatingin ako sa kanya.
“I mean, your personality. I like it!” aniya kaya napatawa ako ng alinlangan.
“I like you too,” sabi ko at binitin ko pa ang sasabihin ko.
“What did you mean?” Nag-aalinlangan niya ring tanong.
“I like your personality!” sabi ko at sinalpakan niya ako ng donut sa bibig kaya sabay kaming natawa.
Itutuloy…
Part 4
CRY AGAIN SEASON 1: PART 4
KEILO
Medyo malakas ang tawanan namin nina Alex at ng kuya Nico niya dito sa kubo malapit sa swimming pool ng kanilang bahay. Enjoy na enjoy kami sa kwento ni Alex about sa pagkabata nila ni Nico. Mayroong natae sa shorts, sa swimming pool at mayroon din sa kotse ng daddy nila.
“Kuya, kala mo naman hindi nagsawsaw ng kikiam sa pinagbababaran ng sandok noong high school,” natatawang banat ni Alex kaya natawa rin ako.
“Normal lang naman ’yon, loko. ’Yong pagtatae mo no’ng grade school ang hindi,” banat pa ni Nico kaya naman halos mag-init ang muka ko sa kakatawa dahil para silang batang dalawa.
“Oh, cheers!” sabi ni Alex at itinaas namin ang bote ng beer na hawak namin at sabay-sabay kaming uminom.
Matapos ang mahabang kwentuhan at chill na inuman ay tulog na si Alex sa gilid ng kubo at nakasubsob pa sa mesa ang muka niya kaya naman nang magkatitigan kami ni Nico ay parehas kaming natawa.
“Bagsak na ang bata,” sabi ni Nico at bigla siyang tumayo para alalayan ang kapatid niya papasok sa loob ng bahay kaya naman tumulong ako dahil wala pa naman akong tama.
“Dito na muna sa sofa,” sabi ni Nico at maayos naman naming naihiga si Alex na parang sanggol kung matulog.
“Hmm, Keilo, tubig?” alok niya sa’kin at kinuha ko naman agad ang hawak niyang baso at inisang-lagok ko iyon.
“Salamat, Nico. Magpapalit lang ako ng damit tapos uuwi na ako,” pagpapaalam ko at hindi naman siya umimik.
Matapos kong maglinis ng katawan at magpalit ng damit ay naabutan ko siya sa salas at nakapagpalit na rin siya ng damit at may hawak siyang cellphone at susi.
“Ihahatid na kita sa dorm mo. Gabi na at mahirap ng sumakay mula rito,” sabi niya bigla.
“Nakakahiya, kaya ko namang mag-commute,” pagdadahilan ko.
“Huwag ka nang tumanggi. Maingat akong driver,” sabi niya kaya hindi na ako nakipagtalo.
“Pero hindi ka ba nahihilo? Okay ka ba?” Sabi ko at hinawakan ko ang noo niya dahil baka masama ang pakiramdam niya. Maganda na rin ang nag-iingat. Natawa siya bigla. “Okay lang ako. Kaya ko pang mag-drive . Remember, nakaisang bote lang ako,” aniya at hindi na ako umimik bagkus ay lumabas na ako dala ang bag ko at ang mga basa kong damit na pinahiram sa’kin ni Alex.
Magkasunod lang kaming lumabas ni Nico at ako na ang nagbukas ng gate dahil gaya ng sabi nila kanina sa inuman na day-off ang kasamabahay nila ngayong Linggo.
Pagkalabas niya ng sasakyan ay isinara ko uli ang gate at akmang bubuksan ko na ang pinto sa passenger seat nang bigla niyang buksan ang pintuan sa unahan at nagsalita pa siya. “Dito ka na sa unahan. Korni eh,” aniya kaya sinunod ko siya kahit nahihiya ako.
Agad ko ring isinuot ang seat belt at tumingin sa unahan dahil pakiramdam ko ay nakatingin siya sa akin.
“Nga pala, alam ko kung saan ’yong dorm mo kaya pwede kang matulog muna para hindi sumakit ang ulo mo,” aniya.
“Sige,” iyon lang ang nasabi ko dahil kahit nakainom ako ay nai-intimidate pa rin ako sa appearance niya.
Ilang minuto na ang lumipas at hindi ko magawang makaidlip o makaramdam ng antok sa hindi ko mawaring kadahilanan. Tumatalon din ang isip ko sa maraming senaryo at bigla ko na lang naramdaman ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata. Ipinaling ko sa kanan ang aking mga katawan at tumingin ako sa kahabaan ng kalsada pero lalo akong naiyak.
“Okay ka lang, Keilo?” ang tanong niya bigla at inihinto niya rin ang sasakyan.
“Okay lang ako.” Sabi ko.
“Sige. Hindi na kita tatanungin kung okay ka ba or hindi kasi kita ko namang hindi. Basta kung ano man ’yang thoughts na gumugulo sa isip mo, makakaya mo ’yan,” aniya at nagsimula na siyang mag-drive muli. Bahagya ring tumigil ang pagtulo ng luha ng aking mga mata lalo na nang mag-drive thru kami.
“Coke float tsaka fries. Pampakalma ko ’yan,” aniya sabay ngiti kaya nakita ko na naman ang maputing mga ngipin niya.
“Halata nga,” sagot ko at nilantakan ko ang binili niya sa akin habang siya naman ay patuloy lang sa pagda-drive kaya naman nilagyan ko ng ketchup ang hawak ko fries at sinenyasan ko siya na ngumanga na ginawa naman niya.
“Konti-konti lang,” aniya habang ngumunguya kaya napangiti na lang ako hanggang sa nakita kong nakatingin siya sa akin.
“May dumi ba ako sa muka?” tanong ko. “Wala naman pero nandito na tayo,” aniya kaya napatingin ako sa paligid. Nasa tapat na kami ng dormitory.
“Sabi ko nga. Gusto mo bang pumasok muna or uminom ng tubig?” tanong ko habang nagtatanggal ng seatbelt. Hindi siya sumagot at bumaba na lang din siya ng kotse.
“Nico, salamat sa paghahatid mo sa’kin, ha?” sabi ko.
“Wala ’yon. Sige na at mag-aalas nuebe na. Baka may curfew na kayo,” aniya.
“Wala naman kaming curfew kasi men’s dorm ’to. Maluwag ’yong may ari sa’min,” sabi ko.
“Oh siya, makikiinom muna ako. Nauhaw ako bigla eh. May malamig na tubig ka ba?” aniya at tumango naman ako at inayos niya naman ang pagkakaparada ng kotse niya.
“Ayos pala rito sa dorm mo. Mag-isa ka lang dito?” aniya.
“Oo. Mas comfortable akong mag-isa lalo na noong lower year ko,” natatawa kong panimula.
“Pero ngayon hindi na,” dagdag ko.
“Sssshhh!” aniya at kinuha niya ang basong hawak ko at umupo siya sa sofa at tumingin siya sa akin.
“Can I have your number, Keilo?” biglang niyang tanong kaya napalunok ako at kinuha ko ang cellphone niya at itinipa ko ang numero ko ro’n at inabot ko agad iyon sa kanya.
“Ah, Keilo, pwede ba akong umidlip muna rito kahit fifteen minutes?” tanong niya.
“Oo naman.” Iyon lang ang nasabi ko at pinanood ko siya ng palihim kung paano siya matulog at nang gawin ko iyon ay nahuli ko siyang nakatingin din sa akin kaya naman para akong kinabahan na ewan.
“Can’t sleep,” natatawa niyang tinuran habang nakatawa at ewan ko ba kung anong mayroon sa akin at hindi ko siya magawang hindi hangaan dahil sa ugali niya at sa features niya. Nakasimpleng white shirt at pants lang siya pero ang lakas ng dating niya.
“Wuy, Keilo?! Okay ka lang ba?” aniya at doon ko lang napagtanto na nakatingin na ako sa kanya ng ilang segundo.
“Ah, oo! Okay lang ako,” palusot ko kaya napainom tuloy ako ng tubig.
“Ah, Keilo, uuna na ako, ha? Mag-ingat ka rito. Text-text lang,” sabi niya at sinundan ko siya pababa dahil para siyang nagmamadali nang mabasa siyang message sa cellphone niya.
“Keilo!” tawag sa akin ni Nico at walang kaarte-arte niya akong niyakap at ginulo niya pa ang buhok ko.
“Good night!” aniya at para akong naestatwa sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa niya.
Itutuloy…
Part 5
Tay Tawan (Tawan Vihokratana) as Alex
CRY AGAIN SEASON 1: PART 5
KEILO
Wednesday. Last day na ng foundation day at medyo busy ang aming block section sa pagbebenta ng kung anu-ano dahil part iyon ng aming Financial Management na course kung saan kailangan pa namin ng financial statement after naming magbenta.
“Nakailang benta na tayo, Keilo?” Tanong ni Aldrin sa akin habang si Alex naman ay busy sa paglalako ng mangga sa kung saan-saan. Kaming tatlo ang magkakagrupo at okay naman ang sales namin.
“Nasa kalahati na. Makakaubos din tayo. Tiwala lang,” sagot ko habang inaayos ang egg sandwich na kaming tatlo ang gumawa. Nagdala rin kami ng initan para ayos. Naka-set up lang kasi kami sa isang booth at sama-sama na kaming mga Business Administration students dito. May nagtitinda ng pagkain, damit, inumin at marami pang iba kaya mataas ang competition ng org naming.
“Buti naman. Kailangan nating makaubos para makauno tayo sa finals,” determinadong sagot ni Aldrin na kahapon pa sinasabing gusto niyang makauno.
“Excited na ako,” natatawa kong sabi at mayamaya lang ay natanaw na naming si Alex na pawis na pawis at wala ng laman ang dalawa niyang container na dala.
“Naubos na ’yong fifty na pirasong mangga?” Bulalas ni Aldrin kaya napatingin sa’min ’yong iba naming mga ka-block at halata sa muka nila ang inggit pero normal lang naman iyon kaya natawa ako napa-apir ako kay Alex dahil sa galling ng marketing strategy niya.
“Two-thousand, Five-hundred pesos,” ani Alex habang inaabot sa akin ang kinita niya sa paglalako ng carabao mango.
“Ito na lang uubusin natin, tapos na tayo. Pwede na tayong magwalwal,” natatawang suhestiyon ni Aldrin.
“Puro ka inom!” ani Alex sabay kutos kay Aldrin na napahawak sa kaniyang ulo na hindi naman talaga nasaktan dahil pabiro lang naman ang ginawa ni Alex.
“Baby, bili ka na, dali,” narinig naming Singhal ni Jaderick sa nobyo niyang si Alandel kaya naman napatingin si Alex at Aldrin kayna Jaderick pabalik sa akin.
“Kow, hindi pinagpapapansin ang mga pangit,” natatawang bulong ni Aldrin sa amin ni Alex kaya naman natawa na lang kaming tatlo at ipinagpatuloy lang naming ang pagkekwentuhan at pagbebenta sa parehas na oras.
“Ngiti, Aldrin, Alex, Keilo!” sabi sa amin bigla ni Leroy,“ senior naming na responsible sa documentation ng buong CBA or College of Business Administration. May hawak siyang camera kaya ngumiti kaming tatlo.
Kinahapunan ay naubos na rin namin ang paninda namin at nanonood lang kami ng konting pakulo ng Student Council at hindi na namin tinapos ang panonood dahil nagyaya na si Aldrin na magwalwal dahil naiinip na raw siya sa campus.
“Daan muna tayo sa dorm mo, Keilo. Liligo lang ako,” sabi ni Aldrin at iyon na nga ang ginawa namin. Isinakay namin sa compartment ng kotse ni Alex ang mga ginamit namin kanina sa pagtitinda at pare-parehas na kaming sumakay sa kotse. Sa passenger seat na ako sumakay at nagkatitigan kami sa salamin ni Alex at ako na ang umiwas dahil naiilang ako sa pagtingin niya.
Ilang minuto lang ang naging byahe namin papunta sa dormitory ko at medyo madilim na rin dahil mag-aalas sais na rin ng gabi.
“Sinong gutom na?” Tanong ko sa kanilang dalawa.
“Ako!” sabay pa silang dalawa kaya agad akong nagsaing sa rice cooker at naglabas ako ng manok na pwedeng lutuin. Matapos ko iyong gawin ay inabala ko silang dalawa sa panonoo ng series sa Netflix at hinahisan ko sila ng tig-isang tuwalya.
“Maligo na kayo habang nagluluto ako ng ulam,” utos ko sa kanila at nauna nang tumayo si Alex.
“Alex, peram pala ng kotse mo saglit. Naiwan ko sa locker ko ’yong extra phone ko, doon daw tatawag si mommy,” aniya at wala namang nagawa si Alex kundi ihagis ang susi at dumiretso na siya sa banyo para maligo.
Habang naliligo si Alex ay nagpakulo na ako ng manok na medyo matigas pa kasi galing sa freezer. Mayamaya ay narinig ko na ang patak ng tubig at napalunok ako nang bigla niya akong tawagin.
“Keilo!” iyon ang tawag niya sa akin.
“Bakit?” Sabi ko.
“Shampoo,” aniya habang nakadungaw siya sa pinto na may sabon pa ang katawan kaya naman agad akong kumuha sa drawer ko ng shampoo at inihagis ko iyon sa kanya pero hindi niya nasalo kaya naman tumalikod ako para magkaroon siya ng chance na kunin iyon ay narinig ko ang yapak niya at pahina iyon ng pahina kaya naman napatingin ako patalikod at nakita ko siyang nakangiti sa akin at hawak niya ang shampoo. Kitang-kita ko tuloy ang kagandahan ng katawan niya at pati ang bukol sa underwear niya ay kapansin-pansin din kaya naman nabato ko siya ng breading mix na tumama sa kaniyang braso.
“Maligo ka na nga, loko ka!” Sabi ko at narinig ko ang tawa niyang pang-asar.
Narinig ko pa siyang nagsa-shower kaya naman nagsimula na akong mag-prito ng manok na pinakuluan ko kanina. Mas luto kasi ang manok pag pinakuluan.
“Mukang masarap!” Biglang singhal ni Alex sa tenga ko kaya naman nagulat ako at nakurot ko siya ng isa sa pisngi.
“Aray. Nagbibiro lang eh,” natatawa niyang singhal at napahawak siya sa pisngi niya.
“Bigla-bigla ka kasing nasulpot!” Sabi ko at ngumiti naman siya na parang bata at nagtuyo siya ng buhok kaya hindi ko na lang siya tiningnan dahil naka-topless siya.
Ilang minuto lang din ang lumipas ay tapos na akong magluto ng pritong manok at crab and corn soup. Habang naghahanda ng kakainin namin ay tumulong si Alex sa pag-aayos ng mesa at pinabili ko rin siya sa labas ng soft drinks at Mang Tomas na spicy na ginawa naman niya ng walang kaarte-arte.
“Kupal nandiyan ka na pala!” sabi ni Alex sa bagong dating na si Aldrin ay sabay-sabay kaming umupo para kumain.
“Gutom na gutom ako, shocks!” singhal ni Aldrin na isinabaw ang mang tomas sa kaniyang kanin.
“Hindi halata,” sarkastikong sagot ni Alex at nakailang sandok na kami ng kanin hanggang sa isa na lang na drum stick ang natira kaya nagkatitigan kaming tatlo at ako na ang unang nag-give up dahil busog na ako.
“Okay, bahala kayo diyang dalawa. Ang kakain niyan, maghuhugas ng pinggan,” paalala ko sa kanila at parang parehas silang determinadong maghugas ng pinagkainan namin kaya naman hinati ko na lang ang natitirang pritong manok at tatawa-tawa akong pinapanood silang mag-ayos ng pinagkainan namin.
Biruin niyo ’yon? Dalawang rick kid ang nagliligpit dito sa bahay ko.
“Ayusin niyo riyan, ha? Maglilinis lang ako ng katawan,” sabi ko at parehas naman silang tumango lang.
Ilang minuto lang ako naglinis ng katawan at paglabas na paglabas ko ng banyo ay nakita ko na silang nakaupo sa sofa habang nanonood ng series na naman sa netflix. Maayos naman ang paglilinis nila kaya napangiti ako habang nakatingin sa pwesto nila.
“Aldrin, ikaw naman ang maligo. Tapos na ako,” sabi ko kay Aldrin na kabukaka pa habang nanonood. Mga lalaki talaga.
“Towel?” aniya kaya hinagisan ko siya ng bagong towel at umupo ako sa tabi ni Alex pagpunta niya sa banyo.
“Alex, kita ko na ang singit mo,” natatawa kong pang-aasar sa nakabukakang si Alex.
“Okay lang,” nakangiti niyang sagot at nagpatuloy siya sa panonood kaya naman nagsuot na ako ng plain shirt at ipinailalim ko iyon sa aking jeans.
“Keilo, hinatid ka pala ni kuya Nico noong Linggo. Okay ka ba?” Tanong niya.
“Oo naman. Mabait naman ang kuya Nico mo kaya safe akong nakauwi,” sabi ko.
“Sorry kung nagpakalasing ako, ha? Kala ko isa lang nainom ko no’n, naka-anim pala ako,” sabi niya na ikinagulat ko.
“Akala ko rin,” sabi ko at tumawa siya.
“Nga pala, Keilo, iwasan mo si Kuya, ha? Ayokong masaktan ka uli. Player ’yon,” paalala niya kaya natawa ako.
“Hindi ko naman gusto ang kuya Nico mo,” tumawa ako. “Kaya huwag kang mag-alala. Safe ang puso ko,” sabi ko kahit may konting disappoinment akong naramdaman dahil alam ko sa sarili kong nagwapuhan at humanga ako sa kuya Nico niya. Pero okay na rin dahil pinaalalahanan niya ako ng maaga. Maiingatan ko ang puso ko mula sa kanya.
“Mabuti kung ganoon,” aniya at nag-focus na lang uli siya sa panonood.
Itutuloy….
Part 6
CRY AGAIN SEASON 1: PART 6
KEILO
Nine na ng gabi kami umalis sa bahay tatlo at pagdating namin sa bar ay may ilan kaming mga kaklase na nandoon na tinamad din sigurong manood ng event sa campus.
“Yow, Alex, Aldrin at Keilo!” si Mark iyon. Class representative namin.
“Sinong kasama mo?” Tanong ni Alex sa kanya.
“Si Dian sana kaso ayaw umalis sa campus kaya mag-isa akong pumunta rito,” aniya sabay tingin sa akin. Naalala ko tuloy dati kung paano ko siya binasted dati noong mga freshman pa lang kami.
“Oh siya, sama ka na sa’min,” sabi ni Aldrin at pare-parehas kaming naupo palibot sa isang lamesa. Medyo okay naman ako kay Mark pero naiilang lang ako sa mga tingin niya.
“Balita ko, single ka na raw Keilo. Totoo ba ’yon?” Tanong nila bigla nang mai-serve ang mga beer na order namin.
“Ah, oo.” Sagot ko.
“Ah..” iyon lang ang naisagot niya at parang masaya pa siya sa narinig niyang sagot ko.
“Huwag na nating pag-usapan ’yon. Nandito tayo para magsaya,” sabi ni Alex kaya naman itinaas namin ang aming mga baso at pinagtama namin iyon bago namin inumin ang laman.
“Para sa ating successful na booth!” sabi ni Aldrin.
“Cheers!” sabi naming apat.
“Nga pala, kayo lang ang nakaubos ng products sa block section natin kanina sa campus. Congrats sa inyong tatlo!” bati sa amin ni Mark.
“Ganoon talaga. Mga gwapo eh,” natatawang sagot ni Aldrin kaya natawa kami.
“Guys, si-cr lang ako,” pagpapaalam ko at hindi ko na narinig ang sagot nila dahil agad-agad akong naglakad dahil nagri-ring na ang cellphone ko.
“Hello?” tanong ko dahil unregistered number ang tumatawag.
“ Hi, Keilo!“ sagot ko at pamilyar ang boses niya sa akin.
“Nico?” Sagot ko at narinig ko siyang tumawa ng mahina.
“Buti naman at na-recognize mo ang boses ko ,” aniya.
“Bakit ka pala napatawag?” Tanong ko.
“Wala lang. Gusto ko lang marinig ang boses mo. Nandito kasi ako sa campus,” aniya na may epekto sana sa akin kung hindi ko nalaman kung anong klaseng lalaki siya. Ikaw ba naman ang ma-miss ng lalaking gwapo. Hindi ka ba maaapektuhan?
“Ah. Nasa bar kami nina Alex at Aldrin. Medyo maingay na rin dito. Nasa cr lang ako. Sige na, Nico. Ingat at enjoy ka riyan!” sabi ko at hindi ko na siya hinintay na magsalita dahil ihing-ihi na rin ako.
“Oh, Keilo, andiyan ka na pala?” Sabi ni Mark nang makaupo ako.
“Medyo maraming tao sa cr kaya medyo natagalan,” sabi ko sabay inom ng alak. Hindi ko lang ma-gets ang sarili ko kung bakit kailangan ko pang magpaliwanag sa kanya.
“Napagkwentuhan pala namin kung saan kami mag-oojt ngayong summer. May naisip ka na bang company?” tanong uli ni Mark.
“Oo nga, may napili ka na ba?” Tanong ni Aldrin.
“Wala pa eh,” sagot ko.
“Bakit hindi ka na lang sa company ng tito ko mag-ojt? Okay din do’n.” Mungkahi ni Mark.
“Pag-iisipan ko pa. Marami naman diyang pwedeng pag-ojt-han,” sagot ko sabay tingin kay Alex.
“May naisip na akong company, Keilo. Sama ka na lang sa’kin,” sabi naman ni Alex.
“Bakit si Keilo lang? Sama rin ako!” sabi naman ni Aldrin.
“Pag-iisipan ko,” pang-asar na sagot ni Alex kay Aldrin kaya nagkatawanan kami.
Mayamaya pa ay nagyayang makipagsayawan si Mark kaya wala kaming nagawa kundi ang makisama sa kanya. Medyo dim na rin ang ilan at up beat ang mga tugtugan kaya para kaming mga tangang nagtatatalon at nakikipagsayawan sa hindi naman namin kakilala.
Mayamaya lang ay napagod ako kaya umupo muna ako at nakita kong sumunod si Mark at sunud-sunod niyang nilagok ang alak na nasa mesa na animo ay uhaw na uhaw.
“Keilo, baka pwede na ako. Single ka na naman, ’di ba?” bigla niyang tanong sa akin.
“Lasing ka na, Mark,” sagot ko naman.
“Hindi pa ako lasing,” pasigaw niyang sagot.
“Okay,” kalmado kong sagot.
“Keilo, gusto pa rin kita,” aniya.
“Pero hindi kita gusto, Mark,” sagot ko naman.
“Pwede bang gustuhin mo naman ako?” Tanong niya uli.
“Imposible, Mark. Ayoko pang pumasok sa relasyon,” sagot ko at naiyak siya bigla.
“Dati, sabi ko maghihintay ako sa’yo kasi may partner ka pa tapos ngayon na single ka na, bakit hindi mo pa rin ako makita? Kaya naman kitang mahalin ng totoo higit pa sa ex mo. Bakit hindi mo ako subukan,” salaysay niya at nagulat ako nang bigla niya akong hilahin papalapit sa kanya at hinalikan niya ako.
Matapos iyon ay ayaw niya akong pakawalan kahit anong tulak ko sa kanya at nagulat nalang ako nang may humila sa akin.
“Tang ina mo, Mark! Kanina pa ako nagtitimpi sa’yo!” ani Alex na galit na galit kaya nasuntok niya sa muka si Mark na natumba sa sahig kaya naman naagaw niya ang atensiyon ng ibang malapit sa amin.
“Sa susunod na bastusin mo pa si Keilo, hindi lang suntok ang makukuha mo sa’kin!” sabi ni Alex at sakto namang datin ni Aldrin kaya wala kaming nagawa kundi ang mag-billout na lang dahil nakakahiya na rin ang nangyari.
“Gago ang Mark na ’yon ah!” naiinis na asik ni Aldrin na pinagmaneho ko.
“Hayaan niyo na,” sabi ko kaya parehas napatingin sa akin si Alex at Aldrin dahil sa sinabi ko.
“Keilo, hinalikan ka tapos hayaan na lang?” tanong ni Alex na nasa tabi ko.
“Wala na rin naman tayong magagawa dahil nangyari na iyon,” sabi ko kaya hindi na rin sila umimik pa. Palihim namang hinaplos ni Alex ang kamay ko at pinisil niya iyon ng malakas kaya napaaray ako.
“Arayyy!” sigaw ko dahil masakit talaga ang ginawang pagpisil ni Alex sa kamay ko.
“Dapat sinapak mo kanina si Mark o ’di kaya ay hinampas mo ng bote!” aniya at napakarami pa nilang ginawang pagsesermon sa akin matapos iyon.
Ilang saglit lang ang lumipas ay huminto kami sa 7/11 at bumaba kaming tatlo para bumili ng maiinom pero hindi na namin ginawa dahil nandoon si Alandel at Jaderick na parang mga linta. Hindi na nahiya sa PDA nila.
“Kami na lang ang bibili ni Aldrin, Keilo. Doon ka na muna sa loob ng sasakyan,” sabi ni Alex kaya sinunod ko na lang siya pero hindi ko maiwasang tingnan kung gaano ka-sweet si Jaderick at Alandel sa isa’t-isa. Bagay na hindi namin nagawa noon sa public dahil ayoko ng ganoon. Siguro nga ay para talaga sila sa isa’t-isa at deserve ko rin na iwan dahil masyado akong boring. Ni sa loob ng 4 years nga namin na relasyon ni Alandel at puro halikan at romansahan lang ang nangyari sa’min dahil ayokong makipag-sex sa kanya dahil naniniwala ako na hindi naman sa sex nasusukat ang lahat. Pero mali pala ako. Sex comes after a relationship at iyon ang nagpapainit ng samahan at iyon ang sabi sa nabasa kong blog sa internet.
Masyado akong boring pero naniniwala ako na hindi ko deserve ang maloko. Hindi ko tuloy magawang maging confident sa sarili ko at pakiwari ko ay nagkaroon ako agad ng trust issue regarding sa mga lalaki.
“Keilo, wuy! Bakit ka naiyak? Okay ka lang ba?” Tanong ni Aldrin na hindi ko napansin na nandiyan na pala sa unahan ko.
“Wala ’to. Napuwing lang ako,” sagot ko at inabutan niya ako ng tissue.
“Punasan mo ’yang luha mo. Huwag kang umiyak ng dahil sa sinaktan ka ng mga taong pinagkakatiwalaan mo, umiyak ka dahil nalaman mo ’yong totoo dahil deserve mo iyon. Please, sa susunod na umiyak ka, huwag na uli dahil doon sa bestfriend at ex mo,” pagsasalaysay ni Aldrin at sakto namang bukas ni Alex ng pinto ng kotse kaya napakamot na lang ako sa ulo.
“Sabi ko nga, hindi na mauulit,” iyon ang sagot ko at nang muli akong sumilip sa labas ng bintana ay nakita ko na tama lang na nakipag-break ako kay Alandel dahil hindi niya ako deserve.
Itutuloy….
Part 7
Jumpol Adulkittiporn as Aldrin
CRY AGAIN SEASON 1: PART 7
KEILO
Natapos ang foundation day at balik sa normal ang buhay naming mga estudyante. Nag-sorry na rin si Mark sa ginawa niya noong nakaraan at masasabi kong hindi na rin ata kami magiging okay dahil galit na galit sa kaniya si Aldrin at Alex na animo ay hinalikan din ni Mark. Naiintindihan ko naman sila at si Mark kaya klaro na sa utak ko ang dapat kong gawin.
Tungkol naman kay Alandel at Jaderick, tuluyan na akong nawalan ng pakialam sa kanila. Sa katunayan nga ay hindi na ako nagpapakita ng emosyon kapag nakakasalubong ko sila. Gaya ngayon, kakagaling lang namin ni Aldrin at Alex sa cafeteria malipit sa gymnasium at nakita namin ang dalawa na naglalandian na parang masayang-masaya sila kahit may sinaktan silang tao.
Siguro ay nasa nature na talaga na ng ibang mga tao ang manakit ng iba para lang maging masaya.
“Astig din talaga ’yang ex at kaibigan mo, ’no?” panimula ni Aldrin na rinig na rinig ng mga tao sa paligid. “Biruin mo, proud na proud silang dalawa na may niloko silang iba,” naiinis niya pang dagdag kaya napakibit-balikat na lang ako.
“Kow. Kapag mga manloloko, hindi na pinagpapapansin. Sayang ang oras,” sabat naman ni Alex na kumagat sa hotdog-on-stick na hawak ko. Nalagayan tuloy siya ng ketchup sa gilid ng labi niya.
“Huy, mas bitter pa kayo sa’king dalawa. Hayaan niyo na silang dalawa. Magbe-break din ’yan,” sabi ko sabay punas sa gilid ng labi ni Alex sabay lakad palayo sa pangit na view na mayroon. Napatawa tuloy ako habang naglalakad palayo.
“Lakas mo, Keilo!” natatawang sambit ni Aldrin nang maabutan nila ako at nagkatitigan kaming tatlo sabay tawa.
“So, okay ka na niloko ka?” tanong ni Alex.
“Oo naman. Wala na naman akong magagawa. Sila na eh. Nasaktan na rin naman ako kaya mas magandang mag-look forward ako sa mas magandang mangyayari sa’kin,” sagot ko at pumalakpak silang dalawa na parang timang.
“Parang mga baliw,” sabi ko pa.
“Wala. Nakakatuwa ka lang,” si Alex.
“Tama,” natatawang sagot ni Aldrin.
“Dahil diyan, inom tayo mamaya!” mungkahani ng mag-iinom na si Aldrin.
“Loko! Monday lang ngayon. Baka hindi tayo makapasok bukas!” sagot ko at kinonyatan naman siya ni Alex.
“Naging mag-iino ka ng loko ka! Susumbong na kita kay Tita,” pananakot pa ni Alex kay Aldrin.
“Sabi ko nga, Monday ngayon,” kamot-ulong sagot ni Aldrin at sabay-sabay kaming naglakad papunta sa locker namin para kunin ang libro na gagamitin namin sa susunod na course namin.
“Tinatamad akong pumasok,” biglang sabi ni Aldrin habang nagbubukas siya ng locker.
“Gago, second subject pa lang, tinatamad ka na?” sabi naman ni Alex habang ako naman ay tumitig lang kay Aldrin na natatawa dahil sa katamaran niya.
“Sabi ko nga papasok ako.” Iyon na lang ang nasabi ni Aldrin kaya binuksan ko na ang locker ko at pagkabukas na pagkabukas ko no’n ay may nakita akong maliit na sticky note.
“Ingat ka parati. I’m always watching you.” Iyon ang nakalagay sa note at binasa ko iyon ng mahina at agad kong inipit iyon sa libro ko nang mapatingin si Alex sa akin.
“Male-late na tayo. Bilisan mo, Keilo,” ani Alex kaya binilisan ko ang lakad ko at nang makalapit ako sa kanilang dalawa ay inakbayan nila ako at nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa next class namin.
Tabi-tabi kaming naupong tatlo sa pinakalikod ng klase at iniisip ko pa rin kung sino ang naglagay no’n sa locker ko kasi iyon ang unang beses.
“Keilo, nakatingin sa’yo si Ma’am,” bulong ni Alex kaya nag-focus ako sa unahan at kunwaring nakikinig ako sa itinuturo ni Ma’am. Pero talagang nababagabag ako nabasa ko. Nakaka-curious.
Dahil nga hindi ako naka-focus ng totoo ay natapos ang buong klase namin na wala ako sa sarili.
“Ang boring talaga ng Strategic Financial Management,” kumento ni Aldrin habang naglalakad kami papunta sa locker namin.
“Wala namang bago,” kumento naman ni Alex at nagkibit-balikat naman ako dahil inulit lang naman ni Ma’am ’yong topic niya last week.
“Guys, kilala niyo ba ’yong handwriting?” tanong ko sa kanilang dalawa at binasa nila ’yong note na hawak ko.
“Naks! Secret admirer! Wiwit!” pang-aasar ni Aldrin kaya napakamot na lang ako sa ulo.
“Ikaw, Alex, kilala mo ba ’yong handwriting?” baling ko kay Alex na nakatitig mabuti sa notes na nasa kamay na niya ngayon.
Umiling siya. “Hindi rin eh. Pero congrats!” pang-aasar niya kaya wala na rin akong nagawa kundi ang maglakad na lang uli.
Last subject namin at wala ang prof namin kaya dumiretso kaming tatlo sa gymnasium para mag-shooting at sakto namang nandoon din si Mark kaya napaiwas siya ng tingin at agad na lumabas ng gym. Siguro ay nahihiya pa rin siya sa ginawa niya kaya.
Pero hindi kaya si Mark ang naglagay ng note na yon sa locker ko?
“Guys, sandali lang, ha?” pagpapaalam ko sa kanila at agad kong sinundan si Mark at buti na lang talaga at naabutan ko pa siya.
“Mark!” tawag ko sa kanya at tumigil naman siya at unti-unti siyang humarap sa akin.
“Mark, ikaw ba ang naglagay nito sa locker ko?” tanong ko agad sa kanya sabay kuha sa bulsa ko ng sticky note na may mensahe.
“Ah, hindi. Hindi ako ganyan magsulat,” nahihiya at ilag niyang sagot.
“Ganoon ba? Sige, salamat!” Iyon na lamang ang nasabi ko at akmang tatalikod na ako nang bigla niya akong hinawakan sa braso.
“Keilo, sorry uli. Nadala lang ako ng alak. Hindi ko sinasadya,” aniya sa mababang tono.
“Wala rin naman akong magagawa kung magagalit ako sa’yo kaya huwag mo na lang kaisipin dahil baka ma-stress ka lang. Sige, Mark. Naghihintay ’yong iba nating ka-block doon sa loob. Kung gusto mo, sumunod ka rin,” sabi ko sabay takbo dahil magpapalit pa ako ng damit na panlaro.
Pagdating ko sa gym ay nagsu-shooting na agad sila at pare-parehas silang mga naka-shirt na lang kaya ganoon na lang din ang ginawa ko at nakisali ako sa kanila.
“Ayan na pala si Keilo. Four versus four na lang muna tayo,” sabi ni Henry. Isa sa mga ka-block ko.
“Game!” sabi ko kaya naman nagkampihan kami.
Si Aldrin, Alex, ako at ang isa ko pang kaklase na si Jules ang magkakakampi habang sa team naman ay binubuo nina Henry, Kit, Oliver at Yuki na halos pare-parehong matatangkad.
“Paunahan lang maka-twenty one, ha?” sabi ni Henry.
“Ge, anong bet?” sabi ni Aldrin.
“Food?” sabay-sabay naming sagot kaya naman nagsimula kaming maglaro at sa amin ang bola. Half court lang ang ginawa namin dahil oa na masyado kapag whole court pa.
“Aldrin, dito,“senyas ko kaya sa akin bumantay si Henry kaya nagkaroon ng chance na maipasa ni Aldrin ang bola kay Alex na nasa ilalim na ng ring at agad niyang ipinasok ang bolang iyon kaya naman kami ang unang nakapuntos. Sunod na naka-iskor si Alex na naka-steal ng bola kay Oliver na binabantayan ko na ngayon.
Mas matangkad si Oliver sa akin pero nababantayan ko naman siya at pinapahirapan ko siyang umopensa dahil ayokong matalo ang team namin. Ilang pagdi-dribble pa ang ginawa ni Oliver at naagaw ko agad ang bola at ipinasa ko agad iyon kay Jules na naka-ready na sa tres. Sala ang pag-asinta niya ng bola pero si Alex ang nakakuha ng rebound kaya naman wala siyang inaksayang oras at ipinasa niya iyon kay Aldrin na nag-lay up pa at nakapasok iyon sa ring kaya naman lamang na kami ng anim na puntos sa kalaban kaya naman naging madahas si Oliver at kinakalabaw na niya ang paglalaro kaya naman 10-8 na ang score at lamang na lang kami ng dalawa.
“Aldrin, pasa!” sabi ni Jules at nag-hesitate si Aldrin at sinubukan niyang i-shoot ang bola pero sumablay siya kaya nakuha iyon ng team ni Oliver at agad tinira ang bola kay all ten na ang laban. Pawisan na kaming lahat at nanonood din pala ang iba naming mga ka-block kabilang ang mga kababaihan at pinaingay nila ang gymnasium lalo na kada makaka-shoot si Alex.
All sixteen na at ako ang naglabas ng bola. Muli kong ipinasa ang bola kay Aldrin at ipinasa naman niya iyon kay Alex at ipinasa naman ni Alex ang bola kay Jules na ready na sa tres. Walang bantay si Jules kaya nang itira niya ang bola ay shoot na shoot iyon sa net kaya’t nagpalakpakan ang mga nandoon.
19-16 ang score at isang shoot na lang ang kailangan namin kaya naman mas ginalingan ko ang dipensa ko at ewan ko ba kung bakit gilas na gilas ako nang makita ko si Alandel at Jaderick na nanonood sa amin. Todo agaw ako ng bola sa kalaban hanggang sa maagaw ko na ito. Wala akong inaksayang oras at ipinasa ko agad iyon kay Alex na open pero nang ititira na niya ang bola ay natalapid ako ng paa ni Yuki kaya naman saktong pag-shoot ng bola ay ang pagbagsak ko na sahig at parang tumigil ang mundo naming lahat sa loob dahil masakit iyon sa pwet kaya bago pa sila magmukang mga zombie dahil sa katahikan nila habang nakatitig sa akin ay tumawa ako ng malakas na nagpabago ng mood ng lahat na nagsitawa na rin.
Inabot sa akin ni Yuki at Oliver ang kamay nila at itinayo nila ako at hinampas nila ako sa puwet.
“Nice game!” sabi ng team nina Oliver at pinagpagan naman ni Alex ang puwetan ko habang si Aldrin naman at parang ewan na tanong ng tanong kung okay lang ba ako.
At doon natapos ang laro kaya naman sabay-sabay kaming walo na dumiretso sa kainan sa labas at sabay-sabay kaming kumain ng pancit na pinaresan ng burger at softdrinks.
“Ayos ka palang magbantay talaga, Keilo. Bakit hindi ka sumali sa varsity?” Tanong ni Oliver.
“Nako, pang-free time ko lang ang paglalaro,” sabi ko sabay lagok ng malamig na softdrinks.
“Hmm. Ikaw, bakit natalo ka na naman namin?” mapang-asar na tanong ni Aldrin kaya nagtawanan kaming walong nandoon.
“May next time pa. Sa team ko naman si Keilo,” sagot naman ni Oliver at marami pa kaming napagkwentuhan at lahat kami ay bumalik sa loob ng campus nang matapos kaming kumain dahil nandoon pa ang mga gamit namin sa locker.
“Paano ba ’yan, see you tomorrow, guys!” sabi nina Oliver at kumaway ako sa kanila habang nakangiti.
“Happy eh,” sabi ni Alex.
“Wala lang. Ang saya lang mag-basketball uli. Parang na-refresh ang utak ko,” sagot ko.
“Crush mo si Oliver, ’no?” Diretsahan niyang tanong kaya napatingin din si Aldrin na nagpapalit ng damit.
“Hindi ah. Saan naman galing ’yong tanong mong ’yon?” sagot ko sa patanong na paraan.
“Kasi parang ang saya mo kanina lalo na noong nasa Carinderia tayo kanina. Parang kayo lang ang magkausap tapos titig na titig ka pa sa muka no’n ni Oliver,” aniya kaya siniko ko siya ng mahina sa tiyan at tumawa.
“Loko! Hindi ko crush ’yon si Oliver. Napakalabo!” Sabi ko sabay agaw sa hawak niyang bottled water.
“Okay.” sagot niya sabay sara ng locker niya.
Minsan magulo rin ’tong si Alex eh. Parang timang.
“Alex, Keilo, I need to go. May gala kami ni Aliah,” pagpapaalam ni Aldrin kaya naiwan kami ni Alex na nagpapalit na ng damit patalikod sa akin kaya nakita ko ang kaniyang maputing likod.
“Keilo, papunas naman ng likod ko,” aniya at inabot niya sa akin ang panyo niya na kinuha ko naman at agad kong pinunasan ang likod niya na pawisan. Habang pinupunasan ko siya ay hindi ko maiwasang maamoy siya. Hindi siya mabaho gaya ng ibang lalaki na kapag pinawisan ay mag-iiba ang amoy. Siya kasi ay kakaiba ang amoy at masarap iyon kaya minadali ko na ang pagpupunas dahil baka makahalata siyang gusto ko ang amoy niya.
“Ayan, tapos na!” sabi ko at ibinaba na niya ang kaniyang shirt at humarap siya sa akin.
“Salamat!” aniya at pinatalikod niya ako at itinaas niya ang damit ko at naramdaman ko na lang na pinupunasan niya ang likod ko at masarap iyon sa pakiramdam.
“Magpalit ka na,” utos niya at ganoon na nga ang ginawa ko at ngayon ay sabay kaming naglalakad papunta sa sasakyan niya.
“Patambay muna ako sa dorm mo, ha? Wala kasing tao sa bahay,” sabi niya at hindi na ako tumanggi dahil balak ko rin namang isauli ’yong hiniram kong damit noong pumunta kami sa kanila.
“Arat na!” aniya at isinandal ko na lang ang likod ko sa upuan at tumingin ako sa daanan at nakita namin si Aldrin kasama ang girlfriend niya na kumakain ng kung ano.
“Keilo, may tanong ako,” bigla niyang sabi.
“Ano ’yon?” sagot ko.
“Kapag ba may papasok uli sa buhay mo na seryoso, papapasukin mo ba?” tanong niya.
“Bakit mo naman naitanong?” tanong ko.
“Sagutin mo na lang ’yong tanong,” aniya kaya napatingin ako sa kanya.
“Siguro, depende,” sagot ko.
“Ang labo ng sagot mo,” aniya kaya natawa na lang ako.
“Basta dumating siya at huwag niya akong sasaktan,” sabi ko bigla at ewan ko ba kung totoong nakita ko siyang ngumiti. Ewan ko ba.
Itutuloy….
Part 8
Our cutiest Keilo
CRY AGAIN SEASON 1: PART 8
KEILO
Naging mabilis ang paglipas ng araw at tatlong beses na akong nakakakita sa locker ko ng sticky notes at iba ngayong araw dahil may nakalagay pang chocolates kaya curious na curious talaga ako kung sino siya.
“Ang cute mo kapag masaya ka. Sana magustuhan mo ’tong mga chocolates,” iyon ang nabasa ko this time at ewan ko ba kung bakit tumayo ang balahibo ko dahil doon at pakiramdam ko ay ang lapit niya sa akin at malay ko ba kung kilala ko siya. Hindi ko na alam.
“Sana all may pa-chocolate!” pang-aasar ni Aldrin sa akin habang si Alex naman ay hindi ko mabasa ang iniisip dahil nakatingin lang siya sa hawak kong mga chocolates.
“Dami mong alam,” sabi ko.
“College na eh!” pangangatwiran niya.
“Ge,” iyon lang nasabi ko sabay silid sa bag ko ng paper bag na kinalalagyan ng kung anu-anong chocolates.
“Hindi ka ba mamimigay?” Ang tanong ni Aldrin.
“Kaya nga. Hindi ka ba mamimigay?” gatong naman ni Alex.
“Hindi naman kayo mahilig sa chocolate, ’di ba?” tanong ko kaya natawa sila parehas at hindi na sumagot pa.
“Tinatanong pala ni mommy kung saan daw tayo mag-o-ojt, Alex,” panimula ni Aldrin.
“Sa company na lang siguro nina daddy ako, ikaw ba?” sagot naman ni Alex kay Aldrin.
“Doon na lang din siguro ako. Ikaw ba, Keilo?” sagot ni Aldrin kaya napaisip ako dahil wala pa rin naman akong nahahanap na company para pag-ojt-han.
“Call ako diyan!” masigla kong sagot.
“Good!” ani Aldrin at Alex.
“Guys, una na pala ako. May lakad pa kami ni Aliah eh,” ani Aldrin kaya wala na kaming nagawa dahil kating-kati na naman siyang umalis. As usual, naiwan na naman kami ni Alex na lagi na lang natutulog at nanggugulo ng dorm ko. Minsan tuloy ay natanong ako ng mga katabi kong unit or kwarto kung mag-jowa raw ba kami ni Alex na tinatawanan ko lang dahil hindi naman iyon totoo.
“Tatambay kaba sa dorm?” tanong ko kay Alex.
“Ayaw mo ba?” tanong niya.
“Okay lang naman,” sagot ko at inaasar ko pa siya sa tono ng pananalita ko.
“Ayaw mo ata, sige, uuwi na lang ako sa bahay kahit kasambahay lang ang tao ro’n.” At nangonsensya pa siya sa tono ng pananalita niya. Nakanguso pa siya kaya nabatukan ko siya ng isa.
“Oo na. Tara na! Pero bago tayo pumunta sa dorm, daan muna tayo ng grocery. Wala na akong stocks na food eh,” sabi ko at minadali niya ako sa paglabas sa classroom na kinaroroonan namin at lakad takbo kami habang nakahawak siya sa wrist ko. Napatingin tuloy ako ro’n sa kamay niya.
“Sakay na agad,” aniya kaya iyon ang ginawa ko.
Pagsakay na pagsakay ko sa kotse niya na madalas na niyang ginagamit ay nakita ko si Nico kasama ang mga kabarkada niya at sigurado akong hindi niya ako kita dahil malayo naman siya. Naalala ko tuloy ’yong sinabi ni Alex tungkol sa kuya niya. Crush na crush ko kasi talaga ang kuya niya pero ngayon ay parang wala na pero kapag nakikita ko siya sa malayuan dito sa campus ay hindi ko maiwasang humanga sa kanya dahil napakanatural ng hitsura niya at perfect din ang tone ng balat niya. Morenong-moreno.
“Sinong tinitingnan mo?” tanong ni Alex kaya umiling ako bago magsalita.
“Wala naman. Tara na nga,” sabi ko.
“Wala pero nakita kitang nakatingin kay kuya Nico. Crush mo pa rin si kuya, ’no?” aniya at bakas ko sa tono niya ang lungkot kahit normal naman niya iyong sinabi.
“Hindi na siguro,” sabi ko kaya kumunot ang noo niya.
“Hindi na siguro, eh ’di crush mo pa nga?” tanong niya sabay ngiti na hindi ko alam kung totoo o hindi dahil nangungusap ang kaniyang mga mata.
“Crush lang naman. Tsaka hanggang doon na lang naman ’yon,” sagot ko.
“Crush nga lang kaya natatakot ako kasi halos isang buwan ka palang nagpapagaling ng puso dahil sa ex mo. Huwag mo ng hayaang may manakit uli sa’yo,” aniya.
“Bakit ka naman natatakot na masaktan ako uli?” Makahulugang tanong ko.
“Kasi kaibigan kita. Tinatanong ba ’yon?” sagot niya at ewan ko ba kung bakit may part ko na sinasabing concern lang siya at mayroon ding side ng utak ko na umaasang baka may ibang meaning iyon concern niya kaya itatatak ko sa isip ko na bawal akong magkagusto kay Alex o kay Aldrin dahil kaibigan nila ako at tinanggap nila ako ng buong-buo kung ano ako. Sobrang babait nila sa akin at ayoko silang masaktan at biguin.
“Salamat!” Iyon na lamang ang nasabi ko at tahimik kaming nagtungo sa grocery store at nang makababa kami ay kumuha ako agad ng push cart habang siya naman ay naghihintay sa labas kung saan naka-park ang kotse niya.
Dumampot ako agad ng mga frozen products gaya ng hotdog, manok at isang tray ng medium sized na eggs at sinunod ko rin ang ilang canton na paborito ni Alex at Aldrin. Sa totoo lang ay halos lahat ng kinuha ko ay paborito nila kaya iyon ang kinuha ko. Kumuha rin ako ng ilang junk food at tinapay na pwedeng kainin habang nanonood ng series sa Netflix.
Medyo okay na ang nabili ko at nang makapila ako sa counter ay nakita ko na naman si Alandel at Jaderick at napatingin sila sa akin kaya napangiti ako ng mapakla. Nakita ko pang may ibinulong si Jaderick kay Alandel sabay tawa kaya naman naasar ako sa loob ng isip ko kaya pinilit ko pa ring maging kalma.
“Wala kang kasama? Nasaan ’yong mga kaibigan mo?” Pang-asar na tanong ni Jaderick at hindi ko siya sinagot bagkus ay nilaksan ko ang volume ng nakasaksak na earphones sa tenga ko at may sinabi pa silang hindi ko pinansin dahil hindi ko naman talaga iyon dinig na.
“Bastos kang kausap ah,” sabi ni Alandel na tinanggal ang kanan kong earphone.
“Problema mo? Hindi nga kita kilala,” sabi ko at sakto namang ako na ang sunod sa pila kaya inayos ko ang mga pinamili ko at ngumiti sa kakilala kong bagger. Si Yuki iyon. Classmate namin.
“Uy, Keilo!“aniya at nginitian ko siya. Hindi ko na rin pinansin si Alandel at Jaderick na toxic.
“Mag-isa ka lang?” tanong niya.
“Hindi. Nasa labas si Alex,” sagot ko kaya nagulat siya.
“Ginugulo ka ba nina Jaderick at noong jowa niya? Upakan ko ’yan,” sabi niya ng pabulong kaya natawa kami ng cashier niya.
“No need na. Hindi tayo dapat nakikipag-away sa public. Pambata na ’yon,” malakas kong sabi at napatingin si Alandel at Jaderick na nasa kabilang counter lang din.
One thousand six-hundred thirty-four,“ iyon ang sabi ng cashier kaya iyon din ang eksakto kong binayad. Ipinagbuhat pa ako ni Yuki ng kahon sa labas at nagpasalamat ako sa kanya. Nakita ko rin na papalabas na si Alandel at Jaderick kaya buhat ang kahon at isang supot ay naglakad na ako papalayo sa kanila dahil naghihintay na si Alex.
Habang naglalakad ako at napalingon ako sa likod ko at nakita kong nakabulagta si Alandel sa sahig habang sinusuntok siya ni Alex na galit na galit kaya napatakbo ako papunta sa kanya para umawat pero huli na ang lahat dahil naawat na sila ng guard.
“Tang ina mo, tigilan mo si Keilo! Babasagin ko pa ’yang muka mo!” sabi ni Alex na galit na galit.
“Sir Alex, tama na po,” awat ng guard at nagulat ako dahil kilala siya ng guard.
“Gago, sino ka ba?” Iyon ang sagot ni Alandel na hawak ni Jaderick sa balikat.
“Ikaw sino ka?” kampanteng tanong ng galit na si Alex kaya naman hinila ko na siya.
“Report that guy at i-ban ’yang dito at sa iba pang branch.” Utos niya sa lalaking pakiwari ko ay manager ng grocery store na ito.
“Yes, Sir Alex, masusunod po,” iyon ang sabi nito sa kanya at nagulat talaga ako sa mga nangyayari.
“Tara na, Keilo!” Naiinis na sabi ni Alex at sabay kaming naglakad papunta sa kotse niya dala ang mga pinamili ko.
“Ang init ng ulo mo, Alex. Kalma lang,” sabi ko sa kanya at tinap ko ang likod niya dahil para siyang ewan na nakayuko sa manobela.
“Sinong hindi maiinis do’n, babatuhin ka sana ng bote ng gago mong ex habang naglalakad ka tapos nag-text pa si Yuki na binabastos ka raw sa loob. Naiinis ako at ayoko ng ganitong pakiramdam!” aniya na bakas sa boses ang frustration dahil sa mga nangyayari kaya niyakap ko siya dahil naiiyak ako sa ginagawa niya para sa akin. Sandali pa lang akong nakayakap sa kaniya ay tumulo na agad ang luha ko.
“Sshhh. Tahan na. Nadala lang ako ng galit ko. Huwag ka ng umiyak,” aniya habang tinatapik ang likod ko.
“Hindi ko rin alam kung bakit ako umiiyak basta ang alam ko, masaya ako,” sabi ko.
“Ikaw lang yata ang nakita kong umiiyak na masaya. Weird,” aniya at bibitaw na sana ako sa pagkakayakap ko sa kanya pero hinila niya ako pabalik kaya napangiti ako.
“Pa-fall kang loko ka!” sabi ko nang magbitaw ang pagkakayap ko sa kanya.
“Ingay.” Iyon lang ang sagot niya sa sinabi ko kaya natawa na lang ako.
“Punasan mo ’yang muka mo. Pangit mong umiyak,” dagdag pa niya kaya iyon ang ginawa ko.
“Ako, pangit lang umiyak, ikaw pangit talaga!” Sabi ko kaya nakutusan niya ako ng isa.
“Ang dami mong alam!” aniya at sabay kaming tumawa.
Salamat, Alex. Sana hindi mo’ko iwan sa era.
Itutuloy….
Part 9
Our cutie boy, Keilo:
CRY AGAIN SEASON 1: PART 9
KEILO
“Bitin naman ng Demon Slayer! Ang tagal pa ng season 2!” Singhal ni Alex na nakapajama pa at kitang-kita ko sa muka niya ang inis niya dahil sa nabitin niyang panonood. Maganda naman kasi talaga ang Demon Slayer Season one kaya looking forward din ako sa season two.
“Alex, alas dos na. Matulog na tayo,” sabi ko sa kanya dahil tinapos namin ’yong Demon Slayer na last week pa namin sinimulan.
“Ayoko pang matulog. AOT naman tayo!” aniya kay napairap ako sa kanya bago ako dumiretso sa kusina para uminom ng tubig.
“May pasok pa bukas,” sabi ko nang makabalik ako dala ang pitsel ng tubig at baso.
“Absent na lang tayo bukas,” nakangiti niyang mungkahi.
“Galing mo!” sabi ko sabay kutos sa kanya ng isa.
“Sabi ko nga, papasok tayo bukas,” aniya habang hawak ang kaniyang ulo na kinaktukan ko ng isa. Ang dami niya kasing sasabihin, pag-absent pa talaga.
“Matulog na tayo!” Utos ko nang makainom ako ng tubig.
“Tabi tayo!” aniya na nakabukaka pa habang nakatingin sa akin.
“Ayoko. Doon ka sa sofa,” sabi ko pero hindi siya kumikilos kaya hinampas ko siya ng unan. Hindi pa rin siya natinag sa ginagawa kong panghahampas kaya sumuko na ako.
“Malaki naman ’tong kama tsaka wala akong gagawing masama sa’yo,” aniya at umipod siya ng konti kaya binuksan ko muna ang lampshade na malapit sa ulunan niya at pinatay ko naman ang ilaw. Okay din ang temperature ng kwarto kaya inagaw ko ang blanket mula sa kanya at tumagilid ako.
“Malamig, pa-share sa blanket,” bulong niya sa akin kaya ginawa ko rin iyon agad.
“Nga pala, Keilo, pansin ko, ikaw lang ang may aircon tsaka malaking kwarto rito sa Dormitory na’to. Magkanong rent mo rito per month?” tanong niya bigla kaya napalunok ako.
“Ah, si mama ang nagbabayad ng rent ko buwan buwan kaya hindi ko alam,” iyon ang sagot ko sa kanya.
“Okay,” iyon lang ang nasabi niya at napaayos naman ako ng higa at tumingin din ako sa kisame kaya napansin kong nakatingin siya sa akin. Nabato tuloy ako ng konti.
“Eh, ikaw, bakit lowkey mong tingnan eh may-ari pala ang mommy mo ng ilang grocery store tapos parang may company pa ang tatay mo ng something?”
“Kailangan ko bang sagutin ang tanong mo?” sagot naman niya sa patanong na paraan.
“Oo,” sagot ko habang nakatingin pa rin sa medyo madilim na kisame.
“Ganoon kami pinalaki eh,” sagot niya. “Si Daddy, sobrang simple lang no’n lalo na si mommy. Hindi nila kami tinuturuang magyabang dahil pantay-pantay lang naman tayong lahat,” aniya kaya napatingin ako sa kanya.
“Ayos pala ang parents mo eh!” Iyon na lang ang nasabi ko dahil hindi ko pa rin alam kung paano ko sasabihin sa magulang ko na ganito ako.
“Ikaw ba? Parang sinasabi mong hindi okay ang parents mo ah? May problema ka ba sa family mo?” sincere niyang tanong at amoy na amoy ko ang hininga niyang amoy menthol.
“Hindi ko pa kasi nasasabi sa papa ko na ganito ako, kay mama pa lang,” sabi ko.
“Bakit naman?” tanong pa uli niya.
“Istrikto si papa tsaka ayokong mapahiya siya dahil isa siyang government official sa lugar namin,” pag-amin ko.
“Government offical?” aniya na parang nagulat sa narinig.
“Vice Mayor,” sagot ko.
“Naks!” aniya kaya pinitik ko na lang siya sa ilong dahil antok na antok na ako. Buti na lang talaga at ten pa ng umaga ang una naming klase.
“Inaantok na ako, Alex. Matulog na tayo,” sabi ko at ipinikit ko na ang mga mata ko dahil ang bigat na talaga ng talukap ko.
“Good night!” mahina niyang bulon.
“Good night!” sagot ko at tuluyan na akong nakatulog talaga.
Masakit ang ulo ko nang imulat ko ang mga mata ko at ramdam na ramdam ko ang bigat na nakapatong sa tiyan ko at kitang-kita ko na hita iyon ni Alex. At ewan ko ba kung bakit hindi ko agad iyon inalis, siguro ay dahil nakayakap din ako sa kanya. Wala namang malisya sa akin ang lahat dahil wala naman akong gusto kay Alex dahil magkaibigan lang kami at alam kong hanggang doon lang iyon.
Muli ay ipinikit kong muli ang aking mga mata dahil inaantok pa ako at matapos ang ilang minutong pagpikit ay nakarinig ako ng malakas na katok at sunud-sunod iyon kaya napilitan akong tumayo.
“Sino ba ’yon?” sabi ni Alex na nagtaklob ng unan sa tenga dahil siguro inaantok pa siya.
“Keilo!” bungad ni Aldrin na nakauniporme pa.
“Akala ko kung sino!” sabi ko at nagdire-diretso na lang siyang pumasok.
“Wala kayo sa room kaya sinulat ko na lang kayo ni Alex sa attendance. Ayokong pumasok sa panghapong subject. Boring!” aniya kaya napatingin ako sa orasan.
11:21 na ng umaga at absent na nga kami ni Alex pero lucky kami dahil nakapag-attendance pa rin kami.
“Kumain ka na ba, Aldrin?” malakas na tanong ko habang naghihilamos ako ng muka.
“Hindi pa pero nagpa-deliver na ako ng food natin,” aniya kaya mabilis akong nagsipilyo, naghilamos at nagtuyo ng muka dahil papabangunin ko na sila. Masyado na nilang ino-okupa ang aking kama.
“Doon na kayo sa sofa. Liligpitin ko na ’yang higaan,” suway ko sa kanilang dalawa na nakadapa pang mahiga parehas.
“Tinatamad pa akong tumayo,” sabi ni Aldrin. “Kakarating ko lang pati tsaka si Alex nga dito natulog eh,” sagot pa ni Aldrin kaya naisip ko ’yong pagyakap ko kay Alex. Alam kaya niya iyon? Bahala na.
“Bangon na!” sabi ko kay Alex pero hindi siya tumugon.
“Pinuyat mo ata ’tong kupal na’to eh,” kumento ni Aldrin habang iwinawagayway ang kaniyang dalawang paa sa dulo ng kama.
“Tinapos namin ’yong Demon Slayer,” sagot ko.
“Naks!” Iyon lang ang sinabi niya kaya agad na akong dumiretso sa banyo at nang mahubad ko ang damit ko ay itinapat ko agad sa tapat ng shower and mukha ko ay hinayaan kong nakapikit ang aking mata dahil gusto kong maramdaman ang lamig ng tubig.
Medyo nabuhayan na ako ng dugo kaya naman minadali ko na ang paliligo at paglabas na paglabas ko ng banyo ay narinig ko ang pakikipag-usap ni Aldrin sa isang lalaki.
“Thank you, Sir!” iyon ang sabi nito at hindi ko na iyon pinansin dahil delivery iyon mula sa isang sikat na fast food restaurant.
“Alex,” sabi ko habang tinatapik ko siya ng mahina. Tulog na tulog pa rin kasi siya. “Tanghali na. Bangon ka na,” sabi ko pa at naupo siya bigla pero pikit pa rin ang kaniyang mga mata. Nakatungo rin ang kaniyang ulo kaya napangiti ako dahil ganoon pala siya kada gigising mula sa pagkakahimbing.
“Bat ka tumatawa?” tanong niya habang nakatingin sa akin.
“Hindi ako natawa ah,” sabi ko habang pilit itinatago ang aking pagngiti.
“Natawa ka eh,” aniya sabay tayo kaya napalunok ako at nalakad palikod.
“Oh, Aldrin, nandiyan ka na palang kupal ka. Anong in-order mo?” aniya nang makita sa salas si Aldrin na nag-aayos ng pagkain na kakainin namin ngayong tanghali.
“Oo. Kanina pa. Ang sarap ng tulog mo eh,” aniya kaya nakahinga ako dahil akala ko ay lalapit siya sa akin.
Nakahawak siya sa noo niya at tumingin siya sa akin habang nakangisi sabay diretso sa banyo kaya naman na-weird-uhan ako at ganoon din si Aldrin.
“Anong mayroon? Bakit may pagngiti?” Sunud-sunod ang naging tanong niya kaya napaisip din ako kung bakit ngumiti si Alex sa akin.
“Hindi ko rin. Korni ni Alex,” sabi ko.
“Hmmm????” humawak siya sa noo na parang nag-iisip. “Baka naman may nangyari sa inyo kagabi na hindi ko alam,” out of nowhere niyang pahabol.
“Wala ah! Nanood lang kami ng anime kagabi,” pagdedepensa ko sa sarili ko.
“Bakit defensive? Baka mayroon nga!” bulalas niya kaya napabuntong-hininga na lang ako.
“Bahala ka diyan,” sabi ko sabay kuha ng tubig sa refrigrator dahil bigla akong nauhaw.
“Guilty!” pang-aasar pa ni Aldrin sabay kagat sa fried chicken na hawak niya habang ako naman ako napalunok na lang dahil hindi ko ma-gets si Aldrin. Trip na trip ako.
“Guilty? Hindi talaga!” sabi ko sabay kuha ng isang fried chicken sa mesa at umupo ako malapit sa kanya.
“Okay,” aniya sabay tawa at sakto namang labas ni Alex na naka-topless. Medyo basa pa ang buhok niya at may nakasampay pang tuwalya sa balikat niya at habang nakatingin ako sa kanya ay napansin ko ang ganda ng katawan niya. Flat lang ang stomach niya at maganda rin ang hubog ng dibdib niya. Hindi naman ito ang unang beses na nakita ko ang ganda ng katawan niya pero talagang nakakahanga pa rin siya kung titingnan.
“Keilo, kain na tayo,” sabi ni Alex bigla kaya ibinaling ko sa iba ang tingin ko.
“G! Kainan na!” sabi ko at para kaming may gutom na tatlo na kumakain. Simpleng fried chicken at kanin lang ang nakahain pero enjoy na enjoy talaga kami. Siguro ay dahil na rin sa lemonade na bumagay sa init ng tanghali.
“Ano palang ganap sa campus, Aldrin?” tanong ni Alex kay Aldrin.
“Wala. Boring,” iyon lang ang sagot niya.
“Attendance?” tanong pa ni Alex.
“Ipinirma ko na kayong dalawa kaya no need to worry. Tree pa naman ng hapon klase natin pero wala na rin naman akong balak pumasok pa,” sabi pa ni Aldrin.
“Nga pala, anong nakain mo at nanlibre ka ng lunch?” malamang tanong ni Alex.
“Ah, ’yon ba? Ginastos ko na ’yong napanalunan natin sa best booth na tree-thousand,” aniya kaya natuktukan siya ni Alex ng isa.
“Awit sa’yo, Aldrin!” sabi pa ni Alex kaya nagtawanan na lang kami.
“May two-thousand pesos pa naman kaya ibili na lang natin ng pagkain mamaya. Overnight tayo!” ani Aldrin kaya napaisip ako.
“Sa Friday na lang. Ayokong um-absent bukas,” sagot ko.
“Oo nga. Sa Friday na lang,” gatong naman ni Alex.
“Daya. Si Alex pwede tapos kapag ako, bawal na!” nagtatampong sambit ni Aldrin.
“Arte mo! Hindi ka babae!” pang-aasar ni Alex.
“Sabi ko nga, sa Friday!” aniya sabay diretso sa banyo kaya naiwan kami ni Alex na tinutulungan ako sa pag-aayos ng pinagkainan namin.
“Alex, may nagawa ba akong masama habang natutulog tayo kagabi?” tanong ko kaya natawa siya.
“Wala naman,” natatawa niyang sagot.
“Eh bakit ka tumatawa?” tanong ko pabalik.
“Gawa nito,” aniya sabay pakita ng pictures ko sa cellphone niya. May naka-side view habang nasa ilong ko ang kamay niya, mayroong hawak niya ang mukha ko at marami pang iba. Napakaloko!
“Delete mo na ’yan,” pakiusap ko pero hindi in-off niya na lang ang cellphone niya at dumiretso siya sa lababo na parang hindi narinig ang mga sinabi ko.
“Alex, uy!” sabi ko pa at sakto namang labas ni Aldrin mula sa banyo kaya naman napatingin na naman siya sa amin ni Alex ng palitan.
“Anong mayroon?” tanong niya.
“Wala!” sagot naming dalawa.
“Ang dadaya!” sabi pa ni Aldrin sabay higa sa sofa kaya naman inayos ko na ang kama na hinigaan namin.
Puro pang-aasar lang ang ginawa ni Alex sa akin at sa katunayan nga ay isinend niya pa sa akin sa messenger ang pictures ko sabay tatawa na parang ewan kaya naku-curious si Aldrin sa amin.
“Ang gulo niyong dalawa,” ani Aldrin pero hindi namin siya pinansin ni Alex.
Delete mo na!
Chat ko iyon sa kanya.
Okay naman ah?
Iyon ang sagot niya kaya in-off ko nalang ang wifi ng phone ko at naglabas ako ng uniform dahil balak kong pumasok.
“Wala raw si ma’am kaya huwag ka ng mag-abalang pumasok. Masyado kang mabait,” sabi bigla ni Alex.
“Sure ka?” Paninigurado ko.
“Magbasa ka kasi ng gc,” gatong naman ni Aldrin kaya iyon ang ginawa ko. Wala nga kaming klase kaya no need na para magpalit pa ako. Tambay na naman siguro kaming tatlo rito pero mali na naman ako ro’n dahil nagpaalam si Aldrin na aalis na siya dahil tumawag sa kanya ang girlfriend niya at may lakad daw sila.
“Ingat!” iyon lang nasabi ko kay Aldrin at ilang sandali lang ang wala na agad siya. Kami na naman ni Alex ang nandito kaya time ko na para burahin ang pictures ko sa cellphone niya. Sakto naman na nakapatong iyon sa mesa kaya sinubukan kong hulaan ang password nito pero hindi ko nahulaan.
“Alex naman! Delete mo na ang mga pictures ko, please…” pagsusumamo ko pero tinatawanan niya lang ako kaya naman napalapit ako sa kanya at inabot ko ang cellphone niya.
“Delete mo na,” utos ko pero hindi niya iyon ginawa kaya pinilit kong kunin uli sa kanya ang cellphone niya pero inilalayo niya iyon sa akin kaya naman nang subukan kong agawin iyon sa kanya ay napasubsob ako sa tiyan niya at saktong nasa ganoong posisyon kami nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at kitang-kita ko si mama na nakatakip ng bibig kaya napaayos ako bigla ng aking sarili.
“Ma!” sabi ko at nagmadali akong tumayo para magmano sa kanya.
“Good afternoon po!” iyon naman ang sabi ni Alex at ewan ko ba kung ano ang iniisip ni mama.
“Good afternoon din, hijo! Boyfriend ka ba ni Keilo ko?” Diretsahang tanong ni mama.
“Ma!!” sabi ko pero ayaw niya talagang magpaawat.
“Hindi po,” iyon ang sagot ni Alex.
“Manliligaw?” tanong ni pa ni mama kaya umiling ako at si Alex.
“Hindi boyfriend, hindi manliligaw, eh ano mo siya?” tanong pa ni mama.
“Kaibigan po, tita,” magalang na sagot ni Alex kaya napatingin sa amin si mama ng sal-itan.
“Ang showbiz niyo namang sumagot, hindi naman ako kokontra,” nakangiting sagot ni mama.
“Pero magkaibigan lang po talaga kami, ma,” sagot ko.
“Oo nga po,” dagdag pa ni Alex.
“Okay. Kung ayaw niyong umamin,” parang ewan na sagot ni mama. Sa totoo lang ay natatawa ako sa mga sinasabi ni mama at may parte rin ng utak ko ang may gustong sabihin pero ko iyon mahinuha.
“Wala naman kasi kaming aaminin, ma. Nga po pala, bakit biglaan po yata ang pagdalawa mo?” tanong ko.
“Wala naman. May pupuntahan kami ng papa mo, dumaan lang ako rito dahil nami-miss ko na ang bunso ko,” ani mama.
“Ikaw talaga, ma. Sana nag-text ka or tumawag,” sabi ko.
“Aalis din ako agad. Inalam ko lang kung okay ka at muka namang okay ka kaya mauuna na ako at baka hinahanap na ako ng papa mo. Lagi kang mag-iingat dito, ha? Ikaw din, hijo na nakasuot ng boxer shorts ng Keilo ko,” ani mama kaya napatingin ako sa suot ni Alex na boxer shorts at akin nga iyon. Ano na naman tuloy sigurong nasa isip ni mama.
“Safe sex lagi, nak, ha? Suportado kita,” sabi ni mama sabay kindat kaya napangiwi ako at kitang-kita ko naman ang pamumula ng muka ni Alex na kakaupo lang sa sofa.
“Sige na, Keilo. Uuna na ako, huwag mo na akong ihatid dahil nakakamatanda,” sabi ni mama kaya iyon na nga ang gagawin ko.
“Sige po, ma. Ingat din kayo parati ni papa,” sabi ko at nagba-bye na si mama sa akin at kay Alex na pulang-pula ang tenga.
Makalipas ang ilang minuto ay napatingin ako kay Alex. Tahimik siya kaya natawa ako na hindi ko ipinahalata.
“Alex, sorry sa mama ko. Nambibigla,” sabi ko.
“Ang astig ng mama mo!” aniya kaya napakamot na lang ako sa ulo dahil akala ko ay magagalit siya o maiilang. Buti na lang talaga at hindi.
“Safe sex daw!” natatawa niya pang sabi kaya nabato ko siya ng unan na tumama sa ulo niya.
“Joke lang naman!” aniya at napabuntong-hininga ako. Hindi ko na alam tuloy bigla alam ang gagawin ko. Buti na lang at wala akong gusto kay Alex dahil kung mayroon ay para na akong timang ngayon sa kilig dahil sa pangungulit niya. Maswerte pa rin ako dahil wala akong nararamdaman sa kanya.
Itutuloy..
Part 10
Pirapat Watthanasetsiri as Nico

CRY AGAIN SEASON 1: PART 10
KEILO
Halos hindi makatayo si Alex sa katatawa dahil sa pang-aasar niya at naikwento ko tuloy sa kanya na alam lang ni mama kung ano ang sexuality ko pero hindi ang relasyon naming Alandel na nagsimula bago kami tumungtong ng senior year naming sa high school. At kung tatanungin niyo ako kung nagsisisi akong hindi ko pinakilala si Alandel kay mama ay masasabi kong hindi dahil sa loob nga ng apat na taon na relasyon namin ay niloko niya ako.
Okay na rin na hindi ko siya ipinakilala dahil maling tao pala siya sa buhay ko. Maling binigay ko ang tiwala ko sa kanya ng buo. Sana nga ay hindi ko na lang siya sinagot noong nanligaw siya noong Math camp naming dati noong high school kami.
Bakit ko ba siya naiisip?
Napatanong tuloy ako sa sarili ko at hindi ko namamalayang kanina pa pala ako nakaupo rito sa bench sa tapat ng gymnasium na maingay ngayon dahil may laro ang basketball team ng campus namin laban sa team ng kabilang campus na mahusay din dahil madalas na silang makapasok sa finals ng inter-campus. Pinili kong hindi manood dahil ayokong makita si Alandel at Jade na ipinapahalata sa lahat kung ano ang relasyon na mayroon sila, bagay na hindi naming nagawa noon ni Alandel dahil ayaw ko at hindi iyon ang style ng relasyon na gusto ko.
“KEILO!”
May tumatawag sa pangalan ko kaya naman hinanap ko ang taong tumatawag sa akin at hindi ko siya makita hanggang sa may malaking kamay ang humawak sa balikat ko at inakbayan pa niya ako.
“Keilo, kanina pa kitang nakikita ritong nakaupo, may iniisip ka ba?” Iyon ang tanong ni Nico na hindi ko inaasahang uupo rito sa tabi ko dahil alam kong busy ang mga engineering ngayon lalo na siya at graduating na.
“Maingay sa loob, ikaw? Bakit parang ang saya mo?” Tanong ko pabalik dahil iyon ang nakikita ko sa mukha niya. Laging maaliwalas at pinakapaba niya ako dahil masyado siyang malapit pero hindi ko dapat iyon ipahalata dahil ayokong mahalata niyang may gusto ako sa kanya.
“Ganoon ba? Tara kain tayo sa labas!” masigla niyang pag-aaya at nagpanggap akong nag-iisip pero gusto ko talagang sumama. Ayoko lang talagang isipin niyang easy to get ako.
“Huwag ka ng mag-isip. Libre ko!” aniya at itinayo niya ako mula sa kinauupuan namin kaya wala akong nagawa kundi ang magpatianod sa gusto niya. Libre raw eh. Sino bang ayaw sa libre?
“Libre nga lang ba ang reason? “ sabi ng isang bahagi ng isip ko.
Mabilis ang paglalakad naming papunta sa parking ng campus at nasilip ko ang muka ni Nico na nakangiti pa rin. Ewan ko ba kung bakit hook na hook ako sa appearance ng isang ’to habang halos lagi ko ng kasama ang kapatid niya na hindi ko man lang natipuhan. Siguro ay dahil tropa material siya. Ewan.
“Anong gusto mong kainin, Keilo?” tanong niya bigla sa akin kaya napaisip din naman ako.
“Ikaw,” sagot ko.
“Ako? Sure ka na ba?” tanong niya na pang-asar sabay kagat-labi na parang nang-aakit kaya naman napalunok ako ng malaki bago ko ikabit ang seatbelt.
“I mean, ikaw ang bahala, ikaw ang nagyaya eh,” simple kong sagot sa kanya.
“Sa McDo na lang tayo,” aniya sabay paandar ng kaka-start pa lang niyang kotse.
Kung titingnan mo ng mabuti si Alex at Nico, hindi mo iisiping sobrang yaman nila dahil sobrang down-to-earth nilang dalawa lalo na si Alex na kuripot minsan.
“Ah, Keilo, may partner ka na ba?” Bigla niyang naitanong out of nowhere na hindi ko alam kung bakit niya biglang naitanong.
“Wala. Wala pang balak,” sagot ko.
“Sa looks mong ’yan wala kang partner? Hindi nga?” pang-asar niyang tanong.
“Ikaw din naman, ’di ba? Wala ka rin namang jowa, ’di ba?” naiilang kong tugon dahil naisip ko bigla si Alex at ang paalala niyang iwasan ko ang kuya niya dahil gago ito at mapaglaro.
“Sabi ko nga!” sagot niya kaya natawa kaming dalawa at puro tawanan lang kami sa loob ng kotse hanggang sa makarating kami sa McDonalds na hindi ganoon karami ang tao dahil alas dos pa lang ng hapon.
“Ah, Keilo, anong gusto mo?” tanong na naman niya kaya agad akong sumagot.
“Ikaw.”
“Talaga?” parang timang niyang saad kaya naman napatingin sa aming dalawa ’yong babaeng cashier na kinikilig-kilig habang nakatingin sa aming dalawa ni Nico na nakapila. BL fan siguro siya at ship na kaming dalawa ni Nico.
“I mean, ikaw na ang bahala. Kung anong sa’yo, ganoon na rin ang akin,” mahinahong kong sagot at narinig ko ang simpleng iritan ng mga batang beki sa kabilang linya at ng babae sa counter. Ang gugulo.
“Sige. Doon tayo sa may sulok,” aniya sabay turo sa may malapit sa bintana. Nasa second floor kasi kami at maganda iyong spot na iyon para sa dalawang tao.
Agad naman akong nagtungo sa mesang iyon hinintay ko siya ng ilang minute at kitang-kita ko ang dami ng fries na nakalagay sa tray na bitbit niya.
“Ang dami!” kumento ko.
“Fave ko,” aniya kaya naman napatango na lamang ako.
“Hindi halata,” sabi ko sabay tawa. Kumuha rin ako ng burger at pinalamanan ko iyon ng fries at nilagyan ko rin iyon ng konting ketchup na ginaya naman niya.
“Weird taste, good people,” bigla niya na lang nasabi kaya napatingin ako sa kanya na kumakagat sa burger niya. Para tuloy biglang bumagal ang mundo ko dahil tumingin siya pabalik.
“Paano mo naman nasabi?” Iyon na lang nasabi ko dahil natutunaw ako sa titigan naming dalawa.
“Nasabi ko lang,” aniya sabay tawa kaya sinabayan ko na lang siya. Nasa ganoong posisyon kami nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko na malamang ay network ko lang kaya hindi ko na iyon pinansin at nakipagkulitan na lang ako kay Nico kaya naman kada kulitan naming ay agad eksena. Hindi ba normal na magkulitan sa ganitong lugar ang dalawang lalaki? Weird.
“Nabusog ako ro’n!” sabi niya nang matapos kami.
“Ako rin. Salamat, Nico!” sabi ko at ngiti na naman ang isinukli niya bago siya sumakay sa kotse na ginawa ko rin agad.
“Ako ang nagyaya kaya salamat din!” Iyon ang sagot niya.
Marami pa kaming masasayang napagkwentuhan kaya pakiramdam ko ay magagalit sa akin si Alex kapag sinabi ko sa kanyang nakasama ko ang kuya niya sa labas na kumain ng kami lang.
“Ah, Nico, pwede bang huwag mong sabihin kay Alex na kumain tayo sa labas, ha?” pakiusap ko sa kanya bigla nang makababa ako sa tapat ng men’s dormitory.
“Hmm. Bakit? Gusto mo ba si Alex?” sagot niya kaya natawa ako bigla.
“Hindi ah! Parang kapatid ko na ’yon, sila ni Aldrin,” sagot ko at ngumiti naman siya.
“Good! Bye! Salamat sa pagsama!” aniya sabay tapik sa balikat ko at pinanood ko siyang sumakay sa sasakyan niya hanggang sa makaandar iyon at unti-unting mawala sa aking paningin.
Dahil nga mag-aalas kwatro na ay minabuti kong umakyat na sa itaas at pagpasok ko sa dormitory ay nakita ko si Alex na nakahiga sa sofa habang si Aldrin naman ay sa sahig nakahiga. Parehas silang halatang pagod kaya hindi ko na sila inabal at sa dahan dahan na pagsasara ko ng pintuan ay siya namang pagkagising ni Aldrin.
“Alex, nandito na si Keilo. Kain na tayo. Gutom na ako eh!” aniya at ilang tapik pa ang ginawa niya kay Alex ay nagising na ito.
“Nandito na si Keilo kaya iinit mon a ’yong niluto mong carbonara,” utos ni Aldrin nang maalimpungatan na si Alex. Umaksyon naman agad si Alex at dumiresto siya sa banya para maghilamos siguro na ginawa nga niya sabay bukas ng stove. Ni re-heat niya ’yong carbonara kaya pinakiramdaman ko ang tiyan ko dahil kakakain lang naming ni Nico at busog na busog pa talaga ako.
“Gutom ka na ba? Wait ka lang diyan sa mesa, mabilis lang ’to,” utos ni Alex at si Aldrin naman ay nakaupo na sa mesa at parang bata na mapungay ang chinitong mata dahil sa pagtulog.
“Sino palang nanalo kanina sa laban?” tanong ko.
“Team ng campus natin,” sagot ni Alex.
“Wala namang bago ro’n,” dagdag ni Aldrin.
“Nga pala, bakit Nawala ka sa campus kanina? Saan ka galing?” tanong bigla ni Aldrin kaya mabilis akong nag-isip.
“Ah, nasa music room lang ako kanina,” sabi ko at nagulat ako nang makita ko si Aldrin na may hawak na cellphone at ipinakita niya sa akin ang larawan naming ni Nico na kumakain.
“Kasama mo pala si Nico. Gusto mo ba ’yon?” tanong uli ni Aldrin at biglang nalaglag ang takip ng lutuan kaya doon na-divert ang attention namin ni Aldrin.
“Hindi ah. Dumaan lang kami diyan bago umuwi pero hindi pa ako busog,” sabi ko dahil kita ko ang ekspresyon ni Alex. Nakakunot ang noo.
“Kain na tayo!” nakangiting sambit ni Alex pero ramdam ko na parang naiinis siya na ewan. Siguro ay naiinis siya sa akin dahil nagsinungaling ako.
Nagsalin kami plato ng bawat-isa at ramdam ko na tahimik pa rin si Alex. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko.
“Pero Keilo, gusto mo ba si Nico?” tanong ni Aldrin uli.
“H-hindi ah!” sagot ko at tumingin ako kay Alex na kakalunok lang ng pagkain.
“Ano ka ba, Aldrin? Hayaan mo si Keilo na pumili ng taong magugustuhan niya. Wala na tayong pakialam doon.” Malaman ang sinabing ’yon ni Alex kaya napalunok ako kahit busog na busog na talaga ako.
“Malabo ’yon,” sabi ko.
“Kaya pala hindi ka nasagot sa text at tawag namin ni Alex. Hindi mo nga gusto si Nico,” natatawang pang-asar ni Aldrin.
“Hindi talaga. Kumain ka na lang diyan,” sabi ko sabay tingin kay Alex na tahimik na kumakain.
May nagawa nga talaga akong kasalanan.
Itutuloy….
Part 11
CRY AGAIN SEASON 1: PART 11
KEILO
Alam kong nagsinungaling ako kay Aldrin at Alex kaya hindi ko sila masisisi kung magtampo sila sa akin. Bakit ba naman kasi hindi ko na lang sinabi ang totoo na kasama ko si Nico kanina?
Totoo nga talaga na tayo ang nagawa ng sarili nating mga problema.
“Alex, galit ka ba sa’kin?” Sabi ko nang umalis na si Aldrin dahil may date na naman siya kasama ang nobya niya.
“Bakit naman ako magagalit?” tanong niya pabalik at nakangiti pa siya.
“Wala lang. Nagsinungaling kasi ako,” guilty kong sagot.
“Ano ka ba, Keilo? Nauunawaan kita,” sagot naman niya sabay tingin sa cellphone niya. Hindi ako agad nakasagot pero ramdam ko na tampo talaga siya.
“Ah, Keilo, mauna na pala ako today. May family matter kasi sa bahay,” aniya bago pa man ako makapagsalita.
“Sige, ingat!” sabi ko at hindi na siya sumagot dahil nagmamadali siya. Wala tuloy akong nagawa kundi ang tanawin siya habang isinusuot niya ang pares ng kaniyang sapatos hanggang sa pagbaba niya sa hagdan at maging sa pagsakay niya sa kotse niya hanggang sa tuluyan niyang pagkawala sa paningin ko.
Hindi ko maipaliwanag ’yong pakiramdam ko dahil may parte sa akin na nalulungkot dahil alam kong galit siya sa akin, ayaw lang niyang sabihin.
“Keilo!” may tumawa na naman sa pangalan ko habang nakadungaw ako sa simpleng terrace dito sa kwarto ko.
“Keilo!” tawag niya uli at kitang-kita nang dalawang mata ko na si Alandel iyon kaya naging blangko ang ekspresyon ko.
“Mag-usap naman tayo, Keilo,” nagsusumamo niyang sambit kaya naman nahiya ako para sa sarili ko at sa mga nakakakinig sa ibang kwarto. Bakit ba kasi nandito na naman siya?
“Keilo, sorry,” sabi niya nang bumaba ako. Dinala ko rin siya sa medyo malayo sa dorm dahil ayokongmay makarinig sa usapan namin.
“Anong dapat kong sabihin, Alandel?” Sagot ko at madiin ang pagkakabigkas ko ng aking sagot sa kanya.
“Please, tayo na lang uli. Ang hirap kapag wala ka sa buhay ko,” nagsusumamo niyang sambit.
“Alam mo, Alandel, okay na ako eh. Nakaka-move na ako at masaya ako sa relasyon niyo ni Jade. Kaya ko kayong patawarin, lalo ka na pero hindi ko kayang pabalikin ka pa sa buhay ko uli,” matatag kong sagot. Siguro kung hindi nila ako ginago ni Jade ay baka kami na naman ngayon. Oo, nasasabi ko lagi sa kaniya na mag-break kami pero sinusuyo naman niya ako lagi pagkatapos no’n at iba na ngayon. Noong nalaman kong niloloko lang niya ako, talagang gumuho ang mundo ko. Hindi ko kasi inaasahan na gagawin niya iyon sa’kin kasi four years din kami. Magpa-five sana kung hindi siya nagloko.
“Wala na ba talaga akong pag-asa sa’yo? Promise, magbabago na ako. Hindi na kita lolokohin,” aniya kaya napangisi ako at hindi ko mapigilan maluha dahil sa inis. Ang kapal kasi ng muka niya.
“Wala na! Sinaid mo’ko, Alandel. Ginago mo ako ng sobra sobra kaya please, tigilan mo na ako! Magbago ka para sa inyo ni Jade, huwag para sa akin dahil ayoko na talaga,” sabi ko at iniwan ko siyang nakatulala ro’n na parang siya pa itong naargabyado sa’min. Kung alam lang niya ’yong sakit na inukit niya sa puso’t isip ko.
“Keilo, gising, wuy!” tawag ng kung sino at nang imulat ko ang aking mga mata ay nandito pa pala ako sa terrace at nakasubsob ang muka ko sa mesa. Nakatulog ako at napakasamang panaginip naman no’n.
“Aldrin, kanina ka pa?” tanong ko kay Aldrin na amoy alak.
“Mga five minutes na. Ang sarap ng tulog mo dito. Hindi ka ba nilamok?” sagot niya kaya naman pumasok na ako sa loob at napansin kong si Aldrin lang ang nandito.
“Bakit pala nandito ka?” tanong ko.
“Dito ako matutulog kasi mayayari ako sa bahay kapag umuwi ako ng lasing. Nga pala, may binibili lang si Alex, nandito na rin ’yon mamaya,” sabi niya kaya naman napatingin ako sa orasan at alas onse na pala ng gabi. Hindi pa ako kumakain at nanunuyot na ang lalamunan ko.\
“Si Alex?” tanong ko.
“Oo. Nakasuntukan no’n ex mo kanina. Masyadong bastos ang bunganga eh,” nakangisi niyang kwento habang nakasandal ang ulo niya sa sofa.
“Anong nangyari?” Pag-uusisa ko dahil gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa pagitan ni Alex at Alandel.
“Kasi narinig ni Alex na pinagkakalat ng ex mo na bakla ka tapos natira ka na raw niya ng maraming beses noong kayo pa. Ayo’n nag-init ang ulo ni Alex kaya nasuntok niya agad sa muka at nagkagulo na sa birthday ng ka-org namin,” aniya at nang marinig ko iyon ay hindi ko alam ang gagawin ko. Maging ang reaksyon ko ay hindi ko makontrol dahil gusto kong manuntok at gusto kong basagin ang muka ni Alandel. Napakagago niya kahit kailan.
“Huwag kang mag-alala kay Alex kasi kaya no’ng ipagtanggol ang sarili no’n. Kung narinig ko talaga ’yong sinabi noong Alandel, baka nasapak ko na rin ’yon. Swerte niya at nasa 7/11 ako,” aniya pa.
“Naiinis ako kay Alandel,” sabi ko.
“Anong gusto mong gawin natin?” Tanong niya kaya napaupo ako sa tabi niya bigla.
“Hindi rin alam pero nasaan na ba si Alex? Nag-aalala na ako sa isang ’yon,” sambit ko.
“Nandiyan na rin ’yon mamaya maya.” Iyon lang ang naging sagot ni Aldrin kaya dumiretso ako sa banyo para maghilamos at magmumog. Kumuha rin ako ng malamig na tubig at iniabot ko iyon kay Aldrin na nakapikit na. Napakalaklakero ng isang ’to pero mas nag-aalala talaga ako kay Alex.
“Salamat!” ani Aldrin.
“Alex!” sabi ko bigla nang magbukas ang pintuan at kita ko ang putok na nguso niya.
“Okay ka lang ba?” Natataranta na ako sa pagtatanong dahil parang hindi siya okay.
“Ah, Aldrin, Keilo,” biglang entrada ni Yuki na nasa likod pala ni Alex.
“Ako na nag-drive ng kotse ni Alex. Nahihilo na raw siya eh,” sabi ni Yuki.
“Salamat, Yuki! Pasok ka muna,” sagot ko at paanyaya pero tumanggi siya.
“May pasok pa bukas. Mauna na ako kasi kasunod ko lang naman sina Oliver, ihahatid nila ako,” aniya kaya wala na akong nagawa kundi ang ihatid siya sa labas matapos kong iupo si Alex sa tabi ni Aldrin.
“Ah, Yuki, ano talagang nangyari kanina? Bakit putok ang labi ni Alex?” bigla ko na lamang naitanong nang makababa kami sa hagdan.
“Hindi ko rin alam ang detalye basta lahat kami ay nainis kay Alandel kasi bastos ang bunganga kaya ayo’n, nasapak ni Alex ng isa tapos nakabawi si Alandel. Mahahampas pa ng ng bote kundi napigilan ng iba naming kasama sa org,” aniya.
“Salamat, Yuki! Ingat kayo nina Oliver,” paalam ko at kumaway sila sa akin nina Oliver na nasa kotse.
Nang makaalis sila sa paningin ko ay napabuntong-hininga ako kaya minadali kong makaakyat sa kwarto ko at kita kong nakapikit na rin si Alex katabi ni Aldrin kaya ginising ko muna sila dahil mga amoy alak silang dalawa.
“Maligo ka muna, Aldrin,” utos ko na ginawa naman niya agad. Pinahiram ko muna siya ng pajama dahil underwear at shirt lang ang mayroon siya rito.
“Alex, problema mo?” Tanong ko sa kanya habang nakatitig ako sa labi niya na may putok sa gilid.
“W-wala,” sagot niya at nakapikit pa rin siya. Tumabi ako sa kanya at kinurot ko siya sa tagiliran niya kaya nagulat siya.
“Ang sakit no’n, Keilo!” angal niya kaya kinurot ko pa siya ng isa.
“Maligo ka na!” sabi ko nang makalabas na sa banyo si Aldrin. Naglabas ako ng kumot para kay Aldrin dahil sa sofa na lang daw siya matutulog.
“Sigurado ka na diyan?” Napatanong tuloy ako.
“Oo naman tsaka para makapag-usap na rin kayo ni Alex. Tampo sa’yo ’yon kanina pa kaya nagyaya ’yong sumama sa inuman ng org namin,” pagsasalaysay niya kaya nakumpirma ko sa isip ko na tama akong hula na wala silang family matter sa bahay. Nagtatampo lang pala siya kaya na-guilty na naman ako.
“Salamat, Aldrin, papatayin ko na ang ilaw rito, ha?” sabi ko sa kanya at itinapat ko sa kanya ang electic fan bago ako nagtungo sa kama ko. Binuksan ko na rin ang aircon para medyo lumamig.
Ilang minuto lang akong naghintay kay Alex at kitang-kita ko ang pag-upo niya sa kama. Naka-pajama lang siya at sando at amoy ko na nagsipilyo siya dahil amoy menthol.
“Wala ka bang sasabihin sa’kin?” tanong ko sa kanya.
“Wala,” aniya sabay iwas sa akin ng tingin.
“Alex, sorry kanina dahil nagsinungaling ako sa inyo ni Aldrin. Alam ko kasing ayaw mong lalapit ako kay Nico kaya nagawa ko ’yon. Hayaan mo, hindi na ako sasama sa susunod,” sabi ko at kumapit ako sa braso niya. Buti na lang talaga at may blower na nakasabit sa banyo kaya tuyo na ang buhok niya. Ayoko kasing basa ang kama.
“Okay lang ’yon. Patayin mo na ’yong ilaw,” aniya kaya sinunod ko ang gusto niya at binuksan ko naman ang lamp at nahiga ako sa tabi niya.
Hindi ko alam ang gagawin dahil okay naman ang paghinga ko kanina, ngayon ay hindi na. Kinakabahan ba ako at kung oo ay bakit? Siguro ay dahil alam kong napatawad na ako ni Alex. Ganoon siguro.
Itutuloy…
Part 12
SPG alert!
CRY AGAIN SEASON 1: PART 12
KEILO
Mula sa mabilis na paghinga ay naging normal muli ang aking paghinga. Pinakalma ko rin ang sarili ko hanggang sa maramdaman ko na niyayakap na ako ni Alex kaya pinipigilan ko ang paghinga ko.
“Alex..” mahina kong puna sa kanya dahil humihigpit ang yakap niya.
“Hmm?” sagot niya at niyakap niya pa ako ng mas mahigpit kaya amoy na amoy ko siya. Magkalapit na magkalapit ang aming mga katawan at pinilit kong alisin ang braso niya na nakayakap sa akin pero kahit nakainom siya ay mas malakas siya sa akin kaya hindi ko siya napigilan.
“Alex,” sabi ko pa uli pero tinitigan niya lang ako sa mata kaya naman iniwas ko ang mga mata ko sa pakikipagtitigan dahil para akong matutunaw.
“Keilo,” aniya at parang nanindig ang balahibo dahil sa pagtawag niyang iyon. Kitang-kita ko rin sa mga mata niyang nangungusap na marami siyang gustong sabihin sa akin, hindi lang niya masabi gamit ang mga salita.
“Alex, lasing ka lang,” sabi ko pa sa kanya pero bigla niyang hinawakan ang dalawa kong pisngi at agad niyang inilapit ang muka niya sa akin kaya napapikit ako. Ilang segundo ang inintay ko at ramdam ko ang labi niya sa labi ko at para bang nanlambot ang tuhod ko sa ginawa niya. Hindi ko iyon inaasahan kaya nang gumalaw ang labi niya ay unti-unti kong naimulat ang aking mga mata kasabay ng pagtugon ng labi ko sa manamis-namis niyang labi. Lasa ko rin ang kaniyang dugo dahil sa pagsipsip ko at hindi ko mawari kung bakit gusto ko ang lasa no’n.
Mayamaya pa ay hinakawan niya ang balikat ko at agad-hinga kami nang magbitaw ang aming mga labi. Hindi ko alam kung tama pa ba itong ginagawa namin, basta ang alam ko ay gusto ko ang kaniyang ginagawa lalo na nang dumampi ang labi niya sa leeg ko.
“Ahhh,” iyon ang lumabas sa bibig ko nang bigla niyang sipsipin ang bahagi ng adam’s apple ko at napakapit tuloy ako sa dibdib niya habang nakaupo siya habang nakahiga ako.
Pinagpatuloy pa niya ang kaniyang ginagawa hanggang sa sinipsip niya ang kanang bahagi ng leeg ko at para akong mahihilo sa sarap ng paghigop niya. Hindi pa iyon nagagawa ng kahit sino at tiyak akong magmamarka iyon bukas pero ayoko siyang pigilan dahil nasasarapan ako.
Ilang pagsipsip ang ginawa niya kaya naman napahawak na ako ng mahigpit sa kaniyang balikat kaya nadako na naman sa labi ko ang labi niya at nakapatuon ang kamay niya sa kama habang nagpapalitan kami ng laway sa pamamagitan ng aming mga dila at matapos iyon ay nagkatitigan kami ng may pagnanasa. Mayamaya ay naramdaman ko na lang ang lamig dahil nahubad na niya ang damit ko at ganoon din siya. Kitang-kita ko ang hubog ng katawan niya at nahiya ako nang hawakan niya ang dibdib ko at lamasin. Masarap iyon sa pakiramdam kaya nang mahubad ko na ang pambaba niya ay para akong nahipnotismo at agad kong hinawakan ang medyo nakatayo na niyang alaga pero hindi ko muna iyon pinuntirya dahil para bang tinatawag ako ng kaniyang dalawang utong kaya naman para akong batang sumususo sa kaniya. Hindi ko na makontrol ang lahat lalo na nang marinig ko ang mahihina niyang ungol kasunod ng kaniyang malalalim na paghinga.
Palitan ang ginawa kong pagsuso sa alaga niya kaya naman halos mabaliw na siya sa sarap ng ginagawa ko at sunod kong narinig ay ang mga kataga niyang “isubo mo na” na nagpaulit-ulit sa utak ko at nang tingnan ko iyon ay napalunok ako ng malaki lalo na nang masapo ko iyon.
Maugat iyon at may kahabaan na sa palagay ko ay nasa pagitan ng anim hanggang pitong pulgada. Above average at para iyong nakikipagtititigan sa akin kaya nang hawakan ni Alex ay aking ulo ay isinubo ko muna ang ulo no’n at narinig ko ang pagsinghap niya nang maisubo ko na ang kalahati nito. Halos mabuwal naman ako nang subukan kong isagad at isubo lahat.
Siya ang pangalawang naisubo ko pero lamang na lamang siya sa size kaya nanggigil ako at ilang minuto lang ang lumipas ay nalasahan ko na ang katas niya na bumulwak sa bunganga ko mismo. Ang ilan ay nalunok ko at ang ilan naman ay iniluwa ko sa sando niya at nagkatitigan kaming muli. At paghigang-paghiga ko sa kama ay bumangon siya ay pumuwesto siya sa gitna ng aking hita at kitang-kita ko ang pagnanasa sa mga mata niya habang ibayong kaba naman ang naramdaman ko dahil alam ko ang iniisip niya at mukang hindi ko ata siya kakayanin dahil masyadong malaki ang alaga niya.
“Alex,” iyon lang ang nasabi ko nang itaas niya ang aking dalawang binti sa balikat niya.
“Shhh!” mahina lang iyon pero kinakabahan talaga ako lalo na nang pumasok ang basa niyang hinliliit sa butas ko. Habang ginagawa niya iyon ay napapanganga ako lalo na’t sinisipsip niya ng palitan ang aking dalawang dibdib ko na para bang ayaw niyang maagawan. Dagdag pa ang alam kong maiiwan na naman marka roon na hindi ko ikinababahala dahil nilalamon ako ng sarap na napapalitan din ng sakit lalo na nang hintuturo naman niya ang ipinasok niya sa butas ko. Masakit iyon kahit na may lotion siyang inilagay. Mayamaya lang din ay nasasanay na ako sa daliri niya pero nang dalawahin niya iyon ay ibayong sakit na naman pero hindi niya hinahayaang masaktan lang ako dahil ramdam na ramdam ko ang pag-iingat niya sa bawat aksyon na ginagawa niya. Pinapakagat niya rin sa akin ang braso niya dahil ayaw niyang magising namin si Aldrin na mahimbing na mahimbing na ang tulog.
Nang masanay na ang butas ko ay nilagyan niya ng lotion ang kaniyang alaga at napahinga naman ako ng malaki lalo na nang itutok na niya iyon sa butas ko na wala pang nakakapasok kundi siya pa lamang.
“Ahh,” iyon ang sabay naming nabanggit. Sakit sa akin at sa kanya naman ay sarap.
Ulo pa lamang ang naipapasok niya ay para na akong hinahati sa dalawa pero tiniis ko iyon dahil nandito na kami at ayokong bitinin si Alex dahil sarap na sarap siya lalo na nang maisagad niya ang alaga niya sa akin.
Muli ay in-adjust niya ang posisyon ko at nilagyan niya ako ng unan sa likod at hindi niya muna iginagalaw ang nakapasok niyang alaga sa akin at nang masanay na ako ay umayuda siya na talaga namang masakit kaya napapahawak ako sa kaniyang dibdib.
“Dadahan-dahanin ko lang,” aniya sa mababang boses kaya iyon ang aking ginawa. Nagtiwala lang ako sa kanya pero masakit pa rin talaga. Pero ang akala kong sakit lang ay napalitan ng ibayong sarap lalo na nang makuha namin ang tamang ritmo. Halos rinig na rinig ko ang mahina niyang ungol at paghinga at ganoon din ako. Pinipigilan namin ang paglikha ng ingay pero hindi iyon mapigilan kaya naman tumuwad ako paharap sa kama nang hindi niya hinuhugot at ramdam na ramdam ko ang bawat pag-ulos niya at rinig ko rin ang pagtatama ng aming mga balat kasabay ng pag-agos ng mga pawis namin sa katawan.
Ilang pagpapalit pa ng posisyon at bigat ng paghinete niya ang ginawa naming dalawa hanggang sa maramdaman ko ang katas na umaagos sa hita ko mula sa aking butas na unang beses ko pa lang naranasan. Masarap iyon pero masakit din sa parehong panahon kaya naman pinunasan ko ang butas ko at nagulat ako nang yayain niya ako sa banyo at sabay kaming nakatingin sa kahubaran ng isa’t-isa habang bukas ang shower. Nakapagsipilyo na ako kaya nahiya ako bigla nang halikan niya ako dahil siya ang unang nakaangkin sa akin ng buo. Kitang-kita ko rin sa salamin ang mga markang ginawa niya lalo na sa kanang bahagi ng leeg ko.
“Alex, ang laki nito,” reklamo ko sa kanya habang nakaturo sa leeg kong may kiss mark niya o chikinini. Tawa lang ang sinagot niya kaya kinurot ko siya ng isa at puro siya tawa kahit ang pungay na ng mga mata ko. Nagtuyo na rin kami ng buhok. Ako ang nagtuyo ng buhok niya at siya naman ang sa akin at sabay din kaming nahiga uli sa kanya at habang nakayakap at nakaunan ako sa braso niya ay napatingin ako sa kanya na papikit-pikit na.
“Alex, nagugutom ako,” sabi ko kahit gusto kong itanong sa kanya kung ano kami dahil may parte ng utak ko na nagtatanong kung gusto ba ako ni Alex kasi nag-sex na kami at parehas namin iyong ginusto.
“2 na, Keilo,” sagot niya.
“Pero nagugutom na ako talaga,” sabi ko kaya tumayo siya at ipinaghanda niya ako ng noodles at iyon muna ang kinain ko sa kama habang pinapanood niya akong kumain. Pakiwari ko tuloy ay ang pula pula na ng aking muka dahil sa ginagawa niyang pagtitig. Nahihiya ako.
Matapos kong kumain ay inabutan niya ako ng tubig at nang bigla akong mapaupo ay ramdam na ramdam ko ang sakit ng butas ko at uneasy iyon para sa akin.
“Alex, ang sakit ng pwet ko,” sabi ko at natawa siya ng mahina.
“Sorry, Keilo,” aniya at sabay kaming humiga at yumakap pa ako sa kanya.
Hindi ko alam kung anong lagay sa amin ni Alex matapos ito basta masasabi ko lang na hindi ako nagsisisi na ginawa namin iyon dahil ginusto ko rin naman iyon at hindi tumutol ang isip ko. Pakiramdam ko tuloy ay ako itong nakainom at hindi siya. Ah basta, bahala na!
Ayokong umasa kaya hahayaan ko na lang na tadhana ang magbigay ng kasagutan sa lahat.
“Good night, Alex!” mahina kong sambit hanggang sa marinig ko na ang paghilik niya.
“Alex, ginugulo mo ang utak ko,” sabi ko pa bago ko ipikit ang aking mga mata.
Itutuloy…
Part 13
CRY AGAIN SEASON 1: PART 13
KEILO
Alam ko ang lahat ng nangyari at alam kong parehas naming ginusto iyon ni Alex kaya naman nang magising ako ay inayos ko ang aking paglakad kahit na talagang masakit talaga ang aking butas dahil sa nangyari sa amin kagabi. Tulog pa rin sa kama si Alex kaya iniwan ko na muna siya.
“Keilo, okay ka lang ba?” Iyon ang bungad na tanong ni Aldrin nang makita niya akong nahihirapang lumakad papuntang banyo.
“Nangalay sa paghiga,” palusot ko kahit na ang totoo ay resulta ito ng kapusukan naming dalawa ni Alex.
“Nakow! Muka ngang nangalay kang matulog,” sabi niya kaya pinilit kong ayusin ang lakad ko. Nasampal ko pa ang sarili ko sa harap ng salamin nang makapasok ako sa loob at talagang hindi ko alam ang gagawin ko kapag nagising na si Alex.
Magpapaka-awkward ba ako? Aakto ng normal o iisipin kong wala lang ’yong nangyari sa amin dahil normal naman na iyon ngayon. Pero hindi eh. Hindi maproseso ng isip ko ang dapat kong gawin kaya naman nagmadali akong lagyan ng band-aid ang aking leeg na may kiss mark o hickie.
Bakit ko ba kasi ipinagpalit sa sandaling sarap ang pagkakaibigan namin? Paano kung layuan na niya ako? Hindi ko ata kakayanin kasi sobrang napalapit na ako sa kanya.
“Keilo, matagal ka pa ba? Ang sakit na ng tiyan ko,” sabi ni Aldrin nang sandaling makapagsuot ako ng shirt.
“Dumiretso ligo ka na rin,” sabi ko nang makalabas ako ng banyo.
“Oo na. Basta magbabawas muna ako. Ang tagal mong maligo,” aniya sabay sara ng pinto kaya naman inayos ko ang kaniyang higaan at nagsalang na rin ako ng bigas sa rice cooker. Naghanda na rin ako ng ulam namin na tinola kasi medyo maulan sa labas at hapon pa naman ang klase namin kaya naman busy ako sa paggagayat ng sibuyas at bawang nang biglang sumulpot si Alex na nagkukusot pa ng kaniyang mga mata.
“Gutom na ako,” panimula niya sabay hikab at lumapit pa siya sa akin kaya napalunok ako ng malaki at hindi ko namamalayang nahiwa ko na pala ang daliri ko.
“Aray!!” iyon ang reaksyon ko habang hinihinawan ko sa lababo ang aking hintuturong daliri at kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkataranta.
“Patingin nga,” aniya at hinawakan niya ang daliri ko at pinress niya iyon ng madiin para siguro magtigil ang pagdurugo.
“Ginagawa niyo?” Iyon naman ang bungad ni Aldrin nang sandaling makalabas na siya ng banyo.
“Ah, nahiwa ko lang ang daliri ko pero okay lang ako,” sabi ko.
“Hindi ka kasi nag-iingat,” iyon lang ang sabi ni Aldrin at natatawa pa siya sabay sipol kasi nakahawak pa sa daliri ko si Alex kaya agad ko iyong tinanggal dahil baka ano pang isipin niya sa amin.
Matapos ang tagpong iyon at binalutan ni Alex ng benda ang aking kaliwang hintuturong daliri at siya na ang naggayat ng sayote at ngayon naman ay taga tikim ko siya kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Natatanga na ako kasi sobrang lapit namin sa isa’t-isa.
“Konting asin pa, okay na okay na ang lasa!” masaya niyang sambit kaya napalunok na naman ako.
“Patikim!” sigaw ni Aldrin.
“Mamaya na. Kumalma ka diyan!” sagot naman pabalik ni Alex kaya tinikman ko rin ang tinola namin at okay na okay nga ang lasa at kitang-kita ko ang reaksyon niya nang masarapan ako sa lasa.
“Masarap na,” iyon lang sabi ko at nag-recharge ako ng cellphone.
“Let’s eat, guys!” masayang paanyaya ni Alex at nagtulong silang mag-ayos ni Aldrin ng lamesa sa may terrace at parang excited na nga silang kumain kaya umupo na ako at napangiwi ako sa sakit ng pang-upo ko at alam kong napansin iyon ni Alex kaya kumuha siya ng unan sa sofa at nilagyan niya ang upuan naming tatlo at nagsimula na kaming magsikain.
Ganang-gana silang kumain habang ang utak ko ay lumilipad. Masarap naman ang pagkain pero parang napapaitan ako sa mga desisyon ko sa buhay. Ang gulo.
“Kanin pa!” sabi ni Aldrin kaya sinandukan ko pa siya ng kanin na sinundan naman ni Alex. Sobrang gana talaga nilang kumain na dalawa kaya isinantabi ko muna ang aking iniisip at kumain na rin ako ng ayos.
Nang matapos kaming kumain ay napahawak kami sa tiyan namin at sabay-sabay kaming napadungaw sa langit na medyo madilim at walang buhay na sinabayan pa ng malakas na pagpatak ng ulan. Gusto ko sanang huwag munang pumasok kasi masakit pa ang butas ko sa pang-upo pero hindi ko kayang ma-miss ang lesson namin sa major subjects namin kasi halos isang Linggo na lang ay midterm na namin
“Ah, Alex, Keilo. Uuwi muna ako sa bahay,” pagpapaalam ni Aldrin.
“Sure ka? Medyo malakas pa ang ulan tsaka one ang start ng class natin,” paalala ko sa kanya.
“Wala akong dalawang extra uniform na dala eh,” aniya at totoo naman iyon kasi batch shirt lang ang mayroon siya sa damitan ko.
“Sige, ingat ka, Aldrin!” sabi ko at pinahiram ko siya ng payong kaya naiwan na naman kami ni Alex na dalawa dito.
“Ah, Keilo..” panimula niya nang tumabi siya sa akin sa pag-upo sa akin dito sa sofa.
“Ano ’yon?” Kalmado ang tanong kong iyon kahit kinakabahan na ako sa susunod niya pang sasabihin.
“Pahiram uli ako ng sando,” aniya kasi may extra uniform naman siya rito. Akala ko naman ay kung ano na.
“Sige lang. May iba ka pa bang sasabihin?” Matapang ang ginawa kong pagtatanong kaya naghintay ako ng sagot mula sa kanya. ’Yong magpapalubag ng loob ko.
“Hmmm? Wala naman,” sabi niya at nakangiti pa siya habang sinasabi niya iyon kaya ang daming tumakbo sa isip ko.
“Ahh, sige,” sabi ko sabay diretso sa kusina para uminom at dumiretso rin ako sa cr at ewan ko ba kung bakit kusang pumatak ang mga luha ko. Akala ko kasi may sasabihin na siya about sa nangyari sa’min kagabi. Wala lang pala sa kanya lahat ng ginawa namin. Pati iyong halik niya, itong mga nasa dibdib ko at maging itong nasa leeg ko na hickies. Siguro ay dala lang iyon ng impluwensya ng alak. Pero hindi eh, sobrang banayad ng mga halik niya.
Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito gayo’ng nagdesisyon ako agad-agad ng hindi nag-iisip.
Ang sakit lang talagang isipin na wala lang sa kanya lahat. Nakakatawa. Natalo na naman ako.
“Keilo, kaya mo ’yan. Act normal,” sabi ko sa sarili ko sa salamin habang pinupunasan ko ang mga luhang lumalandas sa pisngi ko.
Ilang minuto pa akong nanatili sa loob ng banyo at nang masigurado kong wala ng pumapatak na luha mula sa mga mata ko ay minabuti kong lumabas na at nakita ko siyang nagse-cellphone sa habang nakadapa sa sofa kaya naman dumiretso ako sa kama ko at naisip ko na umiwas muna kaniya ng ilang araw para maging okay uli ang utak ko kasi masyado na niyang ginugulo.
“Alex, nap muna ako, ha? Gisingin mo ako kapag mga 12:20 na,” paalam ko sa kanya at isinalpak ko na ang earphones ko sa tenga ko. Padapa akong nahiga dahil masakit ang bawat paghiga ko at isinubsob ko rin ang mukha ko sa unan dahil nilalamon ako ng pagsisisi.
Halos hindi rin ako nakatulog dahil nag-enjoy ako sa paggawa ng maraming senaryo sa utak ko at namalayan ko na lang na tinatapik na ako ni Alex.
“Twelve-twenty na,” aniya kaya agad akong naghilamos at naghubad ng damit para magpalit. Hindi ko gustong ipakita ’yong mga markang iniwan niya sa katawan ko pero alam kong nakita niya iyon habang nagsusuot ako ng sando na ginagawa niya rin ngayon. Akala ko ay may sasabihin siya pero wala akong narinig sa kanya kundi ang nakakabinging katahimikan. Nagka-amnesia na ata si Alex. Sana kasing bilis niya akong makalimot para hindi ako nasasaktan ng ganito.
“Tara na, Keilo. Bihis na rin ako,” aniya kaya naman pinatay ko na lahat ng appliances at in-lock ko rin ang pinto nang mailabas ko ang payong na gagamitin namin dahil umuulan pa rin.
Siya ang naghawak ng payong dahil mas matangkad siya at nang makapasok kami sa kotse niya ay agad niyang in-start ang engine at ako naman ay tumingin lang sa labas ng sasakyan at nagsuot din ako ng earphones dahil ayoko munang makipag-usap. Sinugurado ko ring magsuot ng seat belt para hindi na siya mag-abalang kausapin ako habang nasa byahe kami.
Iyon na nga ang nangyari at mabilis lang ang naging byahe namin pero malakas pa rin ang ulan kaya nagtatakbo kaming dalawa papunta sa college namin. Buti na lang talaga at malapit lang ang college namin at hindi naman nabaha dito sa campus kahit umuulan kaya presentable pa rin kaming nakapasok sa una naming klase kung saan naabutan namin si Aldrin na nagbabasa kasi may exam daw kami bigla sa Strategic Financial Management na subject namin. Nakapagbasa na naman ako sa byahe at sa bahay kaya hindi na ako nagbasa pa, bagkus ay tumingin ako sa relos ko at may sampung minuto pa bago ang una naming klase kaya isindal ko ang ulo ko kay Aldrin at ipinikit ko ang mga mata ko.
“Pakopya mamaya sa exam, ha?” aniya at hindi ako sumagot dahil inaantok talaga ako at ang sakit pa ng puwitan ko kaya uneasy din ako sa pag-upo pero kailangan kong hindi mag-inarte dahil ako rin naman ang may kasalanan ng lahat ng ito.
Ilang minuto ang lumipas ay dumating na ang terror naming prof at pinahinaan niya ang aircon kase nilalamig daw siya kaya pasimpleng nagtawanan ang mga kaklase kong demonyo.
“Mister Chavon, bakit nakangiti ka?” puna ni ma’am sa akin kahit hindi naman talaga kaya agad tingin tuloy ako sa mga kaklase ko. Buti na lang talaga at nasa 30 lang kami sa klase kaya kilala ko silang lahat kahit ’yong mga irregular at cross-enrollees.
“Ma’am?” Iyon lang ang naisagot ko pero hindi na niya ako pinansin at nagpalabas na siya ng ballpen dahil anytime soon ay magsisimula na ang exam namin na last minute niya lang sinabi.
“Get one and pass,” utos ni ma’am kaya naman nang makakuha ako ng test paper ay agad akong nagsagot dahil gusto ko na lang mahiga.
“Start answering now!” utos pa ni ma’am at hindi niya alam na nakaka isang kapat (1/4) na ako sa exam at hindi naman ito ganoon kahirap at ten minutes ay nangungulbit na si Aldrin kaya ibinuyangyang ko sa kanya ang first page at second page hanggang sa mga problems at nang matapos ako sa tumayo na ako para magpasa kasi gusto kong mapag-isa muna.
“Ma’am, pwede na ba akong lumabas?” tanong ko kay ma’am at tiningnan lang ako ng iba kong mga ka-block kabilang na si Alex at Aldrin.
“Since you are done, you are free to go,” aniya at tinangnan niya ang sagot ko pati sa dalawang problem na nasaba ko na kung saan.
“Thank you, ma’am!” Iyon lang ang nasabi ko bago ako dumiretso sa library at umupo ako sa isang sulok at minsan ay napapaaray na lang talaga ako lalo na kapag napapalikot o napapamali ako ng upo. Masakit pa rin kasi talaga.
“Mag-isa ka yata?” tanong ng pamilyar na boses at alam kong si Nico iyon. Ang lakas pa ng boses niya kaya napagalitan siya ng librarian.
“Sorry po, ma’am,” aniya at umupo siya sa tapat ko.
“So, bakit mag-isa ka? Nasaan si Alex at Aldrin?” aniya.
“Nag-e-exam pa. Nauna lang akong matapos,” mahina kong sagot sa mahina niyang pagtatanong.
“Naks, eh ’di tapos ka na?” tanong niya.
“Ganoon na nga,” sagot ko.
“Ah, Keilo, free ka ba ng Friday?” tanong niya.
“Bakit?” tanong ko pabalik.
“Aakyat sana ako bundok kaso wala akong kasama,” aniya.
“Pag-iiisipan ko,” sagot ko at nakita ko ang ngiti niya kaya ngumiti na lang din ako. Masyadong masaya ang aura niya para sirain ko at saktong pagtayo niya nang makita ko si Alex na papalapit sa amin.
“Oh siya, una na ako. May klase pa kami sa earthquake engineering,” aniya at kumaway ako sa kanya at isinalapak ko na uli ang earphones ko bago ako sumubsob sa lamesa. Ayokong makipag-usap ngayon.
Itutuloy…
Part 14
CRY AGAIN SEASON 1: PART 14
KEILO
Disappointed ako sa sarili ko at mahirap tanggapin iyon. Lagi kong iniingatan ang sarili ko pero sa huli ay lagi akong nagkakamali. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya mas maganda kung ako na lang uli ang iiwas.
“Keilo, wuy!” pabilong ngunit may diing pagtawag niya sa aking pangalan habang nakasubsob ako sa lamesa dito sa library pero hindi ko siya kinibo hanggang sa tingnan ko siya ng nakangiti.
“Inaantok ako, Alex,” sabi ko.
“Pwede namang sa dorm na mamaya eh, pero kung inaantok ka na talaga, babantayan na lang kita rito. Mahirap na,” aniya at iyon na lang ang ginawa ko. Sinalpak ko ang earphones ko sa tenga at naramdaman kong hinahaplos niya ang buhok ko at hindi ako komportableng ginagawa niya iyon sa akin dahil magkaibigan lang naman kami.
“Alex, nakikiliti ako sa ginagawa mo!” puna ko sa kanya pero mahina pa rin ang boses ko.
“Mag-nap ka lang diyan. Huwag mo akong pansinin,” aniya na parang nag-iisip kaya iyon na lang ang ginawa ko hanggang sa masanay ako na hinahaplos-haplos niya ang aking buhok. Pero may sariling isip ang kamay ko kaya tinanggal ko na ang kamay niya na nakapatong sa ulo ko at nagsimula na akong tumayo.
“Dadaan lang ako sa locker ko. Nandoon pa ’yong libro ko ni Paulo Coelho na noong isang araw ko pa hinahanap.
“Keilo, hintay!” aniya nang magsimula akong tumakbo. Tuyo naman kasi ang hallway papunta sa locker ng department namin kaya nagmamadali na ako pero talagang determinado siya dahil nahabol niya ako. Muli ko na naman tuloy naramdaman ang sakit ng butas ko kaya napasandal ako sa pader at napahawak ako sa likod ko. Ang sakit ng ganito. Nakakailang gumalaw.
“Okay ka lang, Keilo?” habol hingang tanong ni Alex nang maabutan niya ako kaya naman sumagot ako gamit ang hinalalaki kong daliri. Nag-thumbs up ako.
“Sure ka na ba diyan?” aniya at tumango naman ako bilang tugon at nagsimula na akong maglakad.
“Wala ka bang ibang pupuntahan, Alex? Kanina mo pa ako sinusundan,” sabi ko pero nakangiti lang siya.
“Kasi layo ka ng layo,” sagot niya.
“Hindi ah,” sagot ko at kino-corner niya talaga ako kaya itinulak ko siya na hindi ko dapat ginawa dahil baka anong isipin niya.
“Alex! Keilo!” tawag ni Aldrin kaya naman napatingin kami sa kaniya.
“Nag-aaway ba kayo?” tanong niya.
“Hindi ah!” sabay pa kaming sumagot.
“Ayusin niyo ’yan, Alex, Keilo. Hindi okay sa’kin na nagkakaganyan kayong dalawa,” aniya na parang ang dami niyang alam sa amin. Hindi ko pa nga alam kung gusto ko si Alex eh.
“Promise, hindi kami nag-aaway,” sabi ko pa.
“Sana nga pero nakita kitang itulak mo si Keilo. Ayaw mo ba kay Alex bilang kaibigan?” Madamdamin niyang tanong kaya umiling ako.
“Aldrin, ang drama mo!” natatawang singhal ni Alex kaya natawa na lang din ako at mayamaya ay hinawakan kami ni Aldrin sa leeg at naramadaman kong nahila niya ang band-aid sa leeg ko kaya lumaki ang mata ko huli na dahil nakita na rin iyon ni Aldrin.
“Shet, ano ’yan?” tanong ni Aldrin sa akin sabay turo sa leeg kong may hickie dahil sa kapusukan ko.
“Pantal,” sagot ko.
“Wuy, hindi na ako bata para maniwalang pantal lang ’to. Shet! Sinong may gawa niyan, Keilo?” Aniya at hindi tuloy ako nakaimik agad dahil alam kong may alam siya.
“Ako may gawa niyan, Aldrin,” nakakagulat na sagot ni Alex at kita ko ang panlalaki ng mata ni Aldrin.
“Kagabi lang ’yan, ’no?” pang-asar na tanong niya sabay tawa. “Ang ingay niyo kasi. Rinig ko mga ungol niyo,” sabi pa niya at parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sobrang nahihiya ako.
“Pero nagtataka lang ako kung bakit pa kayo nag-aaway ngayon eh, nakuha niyo na naman ang isa’t-isa. Ramdam kong gusto mo si Alex, Keilo, sinabi mo lang sa’kin na si Nico ang gusto mo pero iba ang ngiti mo kapag nandiyan si Alex. Kitang-kita ko. Ganoon din si Alex,” hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil bigla siyang nakutusan ni Alex ng isa.
“Tama na ang ingay. Hindi komportable si Keilo sa usapan,” sabi pa ni Alex na parang hindi siya naiilang man lang sa nangyayari at mga sinabi ni Aldrin sa amin.
“Masakit pa ba ang hiwa mo?” tanong bigla ni Alex at um-oo naman ako.
“Basta pag-usapan niyo ’yan, ha?” sabi pa ni Aldrin na pahabol bago niya kami samahan sa locker.
Matapos ang last subject namin ay napatingin akong muli sa paper bag na naman na may lamang chocolates at sticky note na smile lang ang nakalagay. Halos magdadalawang Linggo na ito at gusto kong siyang kausapin na itigil na niya ang kahibangan niya dahil magulo ang utak ko.
Hindi niya dapat ako hinahangaan dahil marupok ako at mahina ang ulo. Padalus-dalos at mahina.
“Keilo, okay ka lang?” tanong ni Aldrin na papasakay pa lang sa kotse niya.
“Okay lang,” sagot ko.
“Ah, Aldrin, sorry. Hindi ko sasabihing hindi ko ginusto ang nangyari sa amin ni Alex, pero nagsisisi ako dahil baka masira ang pagkakaibigan natin,” sabi ko.
“Do not overthink, Keilo. Lahat may kahinaan at boto naman ako sa inyo ni Alex,” nakangiti niyang sabi bago niya isara ang pinto ng sasakyan niya.
“Ingat, Aldrin!”
“Ingat, Keilo!” At tuluyan na siyang nawala sa paningin ko kaya balik na naman sa paper bag ang sistema ko. Saktong nasa ganoon punto ako nang makaramdam ako ng ibang presensya at nakita ko si Nico. Maaliwalas ang ngiti niya at nakatingin siya sa hawak ko.
“Kilala ko ang nagbibigay niyan,” aniya kaya na-curious ako.
“Talaga? Sino?” Tanong ko naman.
“Hmm, ako,” aniya kaya nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat.
“Bakit? Bakit moa ko binibigyan ng ganito?” naluluha kong sambit.
“Kasi gusto kong nakikita ’yang ngiti mo,” aniya at pinisil niya ang pisngi ko at sakto naman dating ni Alex kaya nagpaalam na si Nico kahit na napakarami ko pang gustong itanong sa kanya.
“Nico!” tawag ko pa sa kanya pero lumingon lang siya at ngumiti.
“Gustong-gusto mo talaga si kuya, ’no?” bigla na lang nasabi ni Alex gamit ang mababang tono.
“Paano mo naman nasabi eh sa’yo ko na nga binigay lahat, Alex? Kung pwede ko lang ibalik ang oras ibinuhos ko na lang sana lahat ng pagkagusto ko sa kuya mo, Alex kasi ang hirap mong mahalin!” at sa wakas ay nasabi ko na ang gusto kong sabihin. Oo, mabilis ang lahat pero siya kasi ang laging nandiyan. Siya ’yong go-to person ko at kapag nandiyan siya nagiging okay ang mood ko at kapag naiinis siya, sobrang kinikilig ako at kapag nagke-care siya sa akin na parang ewan ay halos tumalon ng sobra ng puso ko.
“Anong ibig mong sabihin, Keilo?” aniya at namalayan ko na lang na naluluha na naman ako.
“Nasabi ko na, Alex. Bahala ka ng umintindi,” sabi ko pa.
“Keilo, sa loob na tayo mag-usap,” sabi niya kaya sumakay na kami ng kotse niya at wala pa ring umiimik.
“Keilo..” pabitin niyang pagtawag.
“Hindi ko alam kung nagbibiro ka pero Keilo, baka nabibigla ka lang,” aniya at parang sinampal ako ng ilang beses.
“Alam kong may nangyari sa atin kaya hayaan mo akong panindigan kita,” aniya sabay halik sa akin at ewan ko kung anong magiging reaksyon ko lalo nang makarating kami ng bahay.
“Alex, ano tayo?” tanong ko sa kanya nang mai-lock ko na ang pinto at kapwa kami nakaunipormeng dalawa.
“Ano sa tingin mo?” sagot niya sabay sunggab sa labi ko.
“Ayoko munang mag-I-love-you pero hayaan mong iparamdam ko sa’yo kung gaano ako kasaya, Keilo,” sabi niya pa at kapwa kami nalunod sa labi ng isa’t-isa.
Itutuloy….
Part 15
CRY AGAIN SEASON 1:
PART 15
ALEX
If people were to ask me how I a really feel about Keilo, I would probably say that I like him. No, I love him since our sophomore year.
It happened a long time ago, but I can still remember how he helped me with my accounting problems.
Sophomore year.
“Kaya mo pa, Alex?” Tanong ni Aldrin sa’kin habang nakatingin sa balance sheet ko.
“Ang sakit sa ulo,” sabi ko habang nakatuon ang pansin ko sa paparating na prof namin. Babagsak ata ako this sem sa Financial Analysis and Reporting (FAR).
“Ma’am, ten more minutes,” request ng iba kong mga ka-block na nag-stuggle rin na magsagot. Damn this accounting! Suko na ako.
“Bro, can you help me?” Tanong ko kay Aldrin.
“Nangopya lang din ako, Alex. Hindi rin ako sure sa answer ng kinopyahan ko,” ani Aldrin kaya napabuntong hininga na lang ako at nasa akto na akong pupuntin ko na ang balance sheet ko nang bigla kong nakita ang isa sa mga classmate ko na pinagtatanungan halos ng lahat even Oliver na honor pa no’ng high school kami.
“Bro, ayo’n si Keilo, halimaw ’yan ng block natin, ask him na for help,” suhestiyon ni Aldrin kaya naman nilunok ko na ang pride ko at nagmadali akong lumapit sa kanya na malaki ang ngiti.
“Ah, Keilo, can you help me with this one?” mahinang usal ko at ngumiti siya.
“Saan ka ba nahihirapan?” He asked.
“Hmm, sa lahat,” sabi ko kaya napahawak siya sa ballpen niya at ako naman ako nakahawak na sa noo ko dahil man, nakakahiya.
“Hmm, ganito lang itong gagawin sa problem one. I-multiply mo lang sa 10 percent lahat ng part ng transaction ng June at i-less mo sa annual o yearly na total ammount lahat,”
panimula niya habang idine-demo niya ang tamang pagsulat ng entry sa balance sheet ko. Medyo mahusay nga talaga siya at masyadong kalmado ang boses niya kaya namo-motivate ako bigla.
After ng ilang minutong pagtuturo niya sa akin ay na-gets ko na ang dalawang problem at nagpasalamat naman ako sa kanya.
“Bro, salamat!” Sabi ko at ngumiti lang siya dahil tinawag siya ng prof namin para kolektahin na lahat ng papers. Hindi ako natapos pero alam kong makakasagot ako sa susunod naming actual exams.
Since that day, I started following him and Aldrin knows everything. After too many attempts of approaching him, hindi ko magawang makalapit kasi nahihiya ako.
Because of following him, I discovered na may boyfriend pala siya at nagulat ako nang malaman kong nagtsi-cheat ang partner niya. I even confronted that guy named Alandel together with his bestfriend pero they mocked me na hindi raw maniniwala si Keilo at ano raw ba ako sa buhay ni Keilo.
Those lines hits me hard kaya I stopped acting strange at nito nga lang ay nalaman kong nalaman niya na niloloko siya ng bestfriend niya at nang partner niya.
Doon ako nagkaroon ng chance na makipagkaibigan kay Keilo at sinabi ko na lahat kay Aldrin na gusto kong gumawa ng move kaya ginawa ko lahat para maramdaman niyang gusto ko siya af genuine lahat ng intensyon ko.
I even started sending chocolates and sticky notes sa locker ni Keilo sa tulong ni Yuki. Nagulat din siya noong una pero hindi niya ako hinusgahan dahil ‘love knows no gender’ naman daw.
One thing I like Keilo is his humble personality. He seemed to be unaware that he’s really charming and cute in many many ways.
“Alex,” Keilo called me while hugging me.
“Hmm?” Ayon lang ang naisagot ko.
“Bakit mo’ko ginaganito?” Tanong niya.
“Paanong ginugulo?” I answered.
“Anong intensyon mo sa’kin?” Sagot niya sa pamamagitan ng isang tanong na hindi ko alam kung paano ko sasambitin.
I am not good with words pero I know my actions is enough to justify my intentions.
“Hindi ko alam, Keilo,” ayon ang naisagot ko at natatanga ako sa sarili kong bibig.
Kitang-kita ko muka niya ang disappointment kaya nakaramdam ako ng guilt.
“Alex,” tawag niya uli sa pangalan ko.
“May kumakatok,” aniya kaya parehas kaming napabangon at nagsuot ng damit.
“Ma!” Iyon ang sabi ni Keilo nang buksan niya ang pinto habang ako naman ay nagpapanggap na kakalabas lang ng banyo.
“Nandiyan pala ’yong boyfriend mo, hindi mo pa ba siya ipapakilala sa’kin?” Biglang sabi ng mama niya na ikinatuwa ko naman sa loob-loob ko.
“Ma, hindi ko siya boyfriend!” Pagde-deny ni Keilo na medyo masakit sa akin. Hindi ba kapag nag-sex ang dalawang lalaki ay sila na?
“Eh bakit parang ang gulo ng buhok mo tapos pawis ka pa?” Pagtatanong pa nito sa kanya kaya nakiepal na ako.
“Good afternoon po, Tita!” and I walked close to her.
“Good morning, pogi!” Sagot nito sa akin sabay pisil sa pingsi ko.
“Basta balitaan mo ako kapag kayo na, ha?” Sabi pa nito sabay pisil uli sa kaliwang pisngi ko.
“Ma, nakakahiya!” Nahihiyang puna ni Keilo sa mama niya.
“Wala namang nakakahiya ro’n tsaka mas nakakahiya kapag pinaplastic mo ang sarili mo,” sabi ko pa.
“Ang gulo mo, ma,” ani Keilo.
“Mana sa’yo, nak!” Sabi pa nito sabay upo sa sofa at pinagmasdan niya kami ni Keilo na nakatayo sa gilid niya.
“Sinong top?” Natatawang tanong nito sa amin kaya halos mapalunok ako ng malaki dahil nabigla ako sa tanong na ’yon.
“Ma!!!!” Singhal ni Keilo sa mama niya.
“Joke lang, nak!” Natatawang sagot nito.
“Ba’t pala nandito ka na naman, ma?” Tanong ni Keilo.
“Pauwi na kami ng papa mo kaya dumaan muna ako rito at okay ka naman kaya maiwan ko na kayo,” anito sabay lapit sa akin at may ibinulong siya.
“Boto ako sa’yo,” aniya kaya parang sobrang saya ng dibdib ko.
Keilo asked me kung anong ibinulong ng mama niya, but I refused to answer. Napabuntong hininga tuloy siya kaya naman niyakap ko na lang siya mula sa kaniyang lukuran at inamoy ko ang kaniyang buhok. Hindi siya kumikibo at ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako.
“Alex, itigil na natin ’tong kalokohan nating ’to. Lalaki ka at ganito ako. Alam kong libog lang ’yang ginagawa mo sa’kin kaya let’s end this. Si Nico, ang kuya mo ang gusto ko kaya maling-mali na may nangyari sa’tin.” Aniya kaya nanlambot ang tuhod ko at hindi na ako nakaimik kahit sobrang dami kong gustong sabihin sa kanya.
“Sige.” Iyon lang ang nasabi ko bago ko inayos ang mga gamit ko. All these time pala, si kuya Nico ang tumatakbo sa isip niya and he thought na malaking mali lang ako sa buhay niya.
It hurts.
Itutuloy…
Part 16
CRY AGAIN SEASON 1: Part 16
KEILO
One week na ang nakakalipas simula nang may mangyari sa amin ni Alex. One week na rin kaming busy dahil nalalapit na ang midterm exam namin.
Medyo madalang ng tumambay si Aldrin at Alex sa bahay habang lagi ko namang kasama si Nico sa labas at masaya naman akong kasama siya lalo na nang sabihin niyang siya ang naglalagay ng chocolates at sticky notes sa locker ko.
“Aldrin, kilala ko na ’yong naglalagay ng chocolates at sticky note sa locker ko,” sabi ko habang nanonood kami ng football mula sa third fifth floor ng aming college.
“Talaga? Sino?” Masiglang sagot ni Aldrin.
“Si Nico!” Sagot ko at napatingin si Aldrin kay Alex.
“Ah, good for you,” aniya at nakita ko naman na nawala sa mood si Alex at nabitawan niya ang hawak niyang milkshake.
“Okay ka lang, Alex?” Tanong ko at um-oo naman siya.
Natapos na lang ang game at lumabas na rin kaming lahat sa klase pero si Alex ay parang lutang ay may ibang iniisip.
Hindi na nga niya namalayang nasa first floor na kami ng building.
“Aldrin, Keilo, una na ako, ha?” Nagmamadali niyang pagpapaalam at hindi niya man lang hinintay ang sagot namin ni Aldrin.
“Keilo, una na rin ako. Enjoy!” Ayon lang ang sinabi ni Aldrin at naiwan na akong mag-isa papunta sa cr ng college namin. Kanina pa kasi ako naiihi.
“Sure ka, pre?” Tanong ng kung sino nang makapasok ako sa cubicle.
“Oo, gago! Wala akong planong seryosohin ’yon si Keilo,” kilala ko ang boses na’yon at nang tumungtong ako sa inidoro at nasilip kong si Nico iyon at si Mark na kaklase ko.
“So, anong plano mo? Mukang gustung-gusto ka na ni Keilo eh,” ani Mark na gago pa rin pala hanggang ngayon.
“Playtime muna. Kapag hulog na hulog na, iiwan ko na sa ere,” aniya at para akong tinusok ng isang daang karayom sa puso dahil sa narinig ko.
Bakit ba lagi akong nasasaktan ng ganito?
“Gago ka talaga, Nico! Idol! Tama lang ’yon kay Keilo. Feeling masyado porke’t gwapo!” Ani Mark na gusto ko ng suntukin uli sa muka ng isa. Ang plastik niya. Pagkatapos ko siyang patawarin ay puro kagaguhan lang ang igaganti niya.
“Ano, Mark, walang bago sa’yo? Liit na nga ng titi mo, hilig mo pang manggago ng tao!” Rinig kong sabi ni Jade dahil tandang-tanda ko ang boses niya.
“Sige, Mark, una na ako,” at umalis na nga si Nico kaya naiwan na lang si Jade at si Mark.
“Ge, ingat. Ako na bahala sa baklang ’to,” sabi naman ni Mark at natawa si Mark.
“Huy, gago, bakla ka rin. Huwag kang maghugas kamay. Ganyan ka kadesperadong magago si Keilo? Porke’t binasted ka na no’ng tao, pinapagago mo na sa iba? Tang ina ka!” Sabi ni Jade na hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ’yon.
“Pero ginago mo rin naman si Keilo, ’di ba?” Sabi ni Mark na natatawa pa.
“Mas gago ka!” Sabi naman ni Jade pabalik at sinampal niya pa ito ng isa sa muka at sobrang lakas no’n. Nakakapagtaka lang dahil hindi gumaganti si Mark. Pero akala ko lang pala iyon dahil gumanti ito ng sapak.
“Mark, tandaan mo, ginagawa ko ’to para kay Keilo at hindi para kanino lang. Tama na panggagago sa’min dahil ilalabas ko scandal mo kapag nalaman ko pang ginagago niyo si Keilo! Mga putang ina niyo!” Sigaw niya at malakas iyon. Wala namang nagawa si Mark kundi ang hayaan si Jade na umalis at hinihintay ko rin siyang makaalis at in-off ko na rin ang cellphone ko bago ako napasabdal sa pader. Mixed emotions ang mararamdaman ko ngayon.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Masyadong magulo ang lahat.
Tama nga si Alex, gago ang kuya niya kaya makikipaggaguhan din ako.
Sa mga ganitong panahon ko naiisip na kahit hindi ko gaanong gusto si Nico ay mali pa rin na naniwala ako agad sa matatamis niyang mga salita.
Nakinig dapat ako kay Alex at hindi ko dapat siya pinagtabuyan dahil alam kong mahalaga ako sa kanya.
Hindi ko na rin maunawaan ang sarili ko ngayon, basta gusto kong umiyak.
Naalala ko tuloy ang mga sinabi ko kay Alex na tigilan na namin ang kalokohan namin. Inaamin ko, sobrang naa-attach na ako kay Alex kaya inagahan ko na ang pag-iwas dahil lalaki siya at alam kong wala akong kahit isang porsiyento na magustuhan niya ako.
Sana hindi na lang ako naging ganito.
“Keilo, okay ka lang?” Tanong bigla ni Yuki na nakatingin sa akin. Kanina pa pala akong naghuhugas ng kamay.
“Ah, oo. Okay lang ako,” sagot ko at umihi na siya sa may urinal.
“Nga pala, bakit parang hindi na kayo madalas gumigimik nina Aldrin at Alex?” Tanong niya.
“Busy lang. Exam week na next week eh,” sagot ko.
“Sabagay, pero sana hmm… bigyan mo ng atensyon si Alex. Para kasing lagi siyang wala sa sarili,” sabi pa niya at sabay na kaming lumabas ng cr. Hindi ko na rin nasagot ang mga sinabi niya dahil pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat. Magulo ang isip ko.
“Sige, Keilo, ingat ka! Huwag kang pakatiwala sa mga taong nasa paligid mo!” Aniya sabay takbo palayo nang makita niya si Nico na papalapit sa akin.
“Keilo!” Tawag ni Nico sa akin at ngumiti naman ako.
“Nico!” Sagot ko habang naka-wave ng kamay.
“How’s your day?” Tanong niya.
“Okay naman. Ikaw?” Sagot ko.
“Likewise. Medyo busy na kasi iba ang sched ng exam namin,” sagot niya at kitang-kita ko sa kanya na parang wala man lang siyang itinatago sa akin.
“Graduating ka na eh,” sabi ko.
“Kaya nga sinusulit ko ang free time ko kasama ka eh,” sagot niya.
“Naks naman!” Sagot ko.
“Bakit ba? Masaya akong kasama ka eh! Ikaw ba?” Sagot niya pa sabay tanong.
“Hmm. Oka naman,” sagot ko.
“Mas masaya nga lang kasama si Alex,” sagot ko sabay bawi. “Joke!” Sagot ko.
“Mapagbiro ka talaga, Keilo,” sabi niya.
“Ikaw din naman,” natatawa kong sagot at nagdirediretso kami papunta sa Parking ng school at hindi ako sumabay.
“Ingat ka, Nico! Tatambay muna ako sa Library,” pagpapaalam ko at halata sa mukha niya nga disappointment.
“Sige, chat na lang,” aniya pero hindi ko na balak pang gawin iyon dahil nawalan na ako ng gana sa kanya. Ang hirap magkagusto sa gago.
Itutuloy…
Part 17
CRY AGAIN SEASON 1: PART 17
KEILO
Malas na araw at malas na pagkakataon dahil matapos kong malaman na ginagago lang pala ako ni Nico ay itinanim ko na rin sa utak ko na hindi na ako dapat gumanti pa sa mga taong masama ang intensyon sa akin. Dapat una pa lang ay sinunod ko na si Alex at nag-focus na lang ako sa mas mga kapaki-pakinabang.
Hindi ako nagsisising nakipagkilala ako kay Nico. Nagsisisi ako kasi sa kabila ng lahat ng kabaitang ipinakita ko sa kanya ay may masama pala siyang intesyon sa akin.
May mga masasama nga talagang tao na dadating sa buhay mo at guguluhin ka kahit wala ka namang ginagawa. Nakakalungkot at nakakapanghinayang.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok dahil magku-quit na ako sa dance club na sinasalihan ko dahil hindi na rin naman ako active ilang buwan na simula noong nalaman ko na ginagago ako ni Jade at Alandel na sa wakas ay hindi na rin ako ginugulo maliban sa nalaman ko kahapon na ipinagtanggol ako ni Jade palihim. Hindi ko rin tuloy maiwasang mapaisip dahil ginagago niya ako tapos ayaw niya akong gaguhin ng iba.
Nakakatawa lang lalo na si Mark na pinatawad ko kahit ginago rin niya ako at hinalikan.
Deserve ko ba ang magkaroon ng magulong kwento?
Si Nico. Si Mark. Si Jade at Alandel at lalong-lalo na si Alex na hindi ko man lang nakausap kagabi dahil hindi niya sinasagot ang mga tawag, text messages at chat ko sa kanya. Kung alam lang niya na gusto kong ikwento lahat sa kanya. Pero hindi eh. May sarili nga palang buhay si Alex at Aldrin at hindi lang naman sa akin umiikot ang mundo nilang dalawa lalo na ni Alex dahil kaibigan lang ako. Kaibigan lang at sigurado ako na hanggang doon na lamang iyon.
“Magki-quit ka na?” tanong ni Coach Pascual or mas kilala sa tawag na Sir P kasi pogi naman talaga siya at habulin ng mga cheeks kaso lang ay lalaki rin ang trip ni Sir kaya maraming naghihinayang sa kanya pero sa akin naman ay wala namang nakakapanghinayang doon dahil buhay iyon ni Sir at masaya siya sa partner niya ngayon.
“Opo, Sir. Hindi ko na po kayang pagsabayin ang acads at ang pagsasayaw,” malumanay na sagot ko.
“Hala sige, if diyan ka sasaya,” huminga siya muna.
“Basta open lagi ang club para sa’yo,” aniya at mabilis niya akong tinapik sa balikat at dinala ko naman ang ilan sa mga gamit ko at paglabas na paglabas ko ng room ay nakita ko si Jade at nagkatitinginan kami pero wala akong balak makipag-usap sa kanya kaya itinrato ko na lamang siya na parang hangin kahit mukang may gusto siyang sabihin sa akin.
Mabilis ang ginawa kong paglalakad at dahil isang oras pa bago ang aming klase ay naisipan ko munang mag-almusal sa labas ng campus kung saan ko nakita si Yuki at Oliver na kumakain sa carinderia kaya sumabay na rin ako sa kanila. Um-order ako ng lugaw na may itlog at dalawang puto na may keso sa gitna.
“Madalas ka rin dito, Keilo?” tanong ng nakangiting si Oliver.
“Hindi masyado,” sagot ko. “Kayo?” pahabol kong tanong.
“Kami, medyo lalo na sa tanghali,” sagot ni Oliver.
Medyo marami kaming napagkwentuhan at sinabayan ko lang ang daloy ng aming usapan at sabay-sabay na rin kaming pumasok sa campus. Niyaya pa nga nila akong magyosi kaso ayayoko at natawa naman silang dahil sinusubukan lang daw nila kung may bisyo ako.
“Mga loko! Nag-iinom lang ako pero hindi ako nagyoyosi!” singhal ko at tawanan naman sila.
“Kami rin naman,” natatawang sagot ni Yuki at nagkahiwalay na kaming tatlo dahil may kanikanila pa silang dapat gawin lalo na si Yuki na sa direksyon ng Library papunta.
Naglakad lang ako ng nang naglakad hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko sa school parking at hinitay ko si Nico na dumating dahil gusto kong klaruhin sa kanya lahat at gusto ko ring kumpirmahin kung anong nararamdaman niya sa akin dahil ako, ewan.
Gustong maniwala ng isip ko na baka gusto niya ako talaga pero mas lamang ’yon hindi dahil mukang hindi naman talaga. Idagdag pa lahat ng mga narinig ko mula sa tagpo kahapon doon sa cr.
Ten minutes na akong naghihintay at wala pa rin siya at napasandal na lang ako sa isang motorsiklo na nakaparada at sakto namang dating ng sasakyan ni Alex at hindi ko mawarisa sarili ko kung bakit ako kinakabahan lalo na nang lumabas siya sa kotse niya.
“Alex!” tawag ko sa kanya at tumingin siya sa akin at kitang-kita ko ang pasa mula sa kaliwa niyang pisngi na ikinalambot ng tuhod ko. Hindi ko alam kung bakit ganito akopero hindi ko na talaga napigilang lapitan siya at alalang-alala ako sa kanya.
“Anong nangyari sa pisngi mo?” tanong ko pero hindi agad siya sumagot.
“Ah ito?” aniya sabay turo niya sa pisngi niya. “Nadapa lang ako sa pool area,” aniya sabay nakangiting kumamot siya ng kaniyang ulo pero hindi talaga ako convince.
“Eh? Alex, ano talagang nangyari?” tanong ko dahil gusto kong makasigurado.
“Nadapa lang talaga ako,” aniya sabay ngiti pero hindi talaga akong kumbinsido.Dahil ayaw sabihih ni Alex kung napaano ang kaniyang pasa sa kaniyang kaliwang pisngi ay bumili ako ng facemask sa Business Affair Office (BAO) at ipinasuot ko iyon sa kanya.Nagsuot din ako ng akin dahil ayokong ma-op siya sa room.
“Isuot mo ’yan para matakluban ang pasa mo,” utos ko sa kanya at walang-imik na sumunod naman siya at sabay kaming pumasok dalawa sa aming unang subject at minu-minuto ay napapasulyap ako sa kanya at napansin iyon ni Aldrin kaya bumulong ako sa kanya.
“Bakit may pasa si Alex sa pisngi?” tanong ko sa kanya pero umiling lang siya at nakinig na uli siya sa prof namin sa unahan na nakatingin na pala sa amin.
“Mister Asuncion, bakit dinadaldal mo si Keilo?” puna ng prof namin at siya pa talaga ang napagbintangan.
“Sorry po, Sir!” iyon lang ang sinabi ni Aldrin at natawa tuloy ako. Buti na lang talaga at naka-facemask ako kaya hindi kita ang pagngiti ko.
Matapos ang aming magkasunod na klase ay nagtungo kaming tatlo sa roof top at nagtanggal ako ng mask at parang walang gustong magsalita kaya ako na ang bumasag ng katahimikan.
“May problema ba, Alex?” tanong ko at tumingin siya sa akin.
“Guys, pag-usapan niyo ’yan. Maiwan ko muna kayong dalawa,” aniya at tinapik niya kaming dalawa sa likod at iniwan niya kaming dalawa na nakatingin sa oval.
“Wala ka bang gustong sabihin, Alex?” tanong ko at tumingin ako sa kanya.
“Wala naman,” aniya at ramdam ko ’yung bigat sa sagot niya.
“Parang iniiwasan mo’ko. May nagawa ba ako?” tanong ko sa kanya.
“Wala naman, Keilo. Bakit mo naman naitanong?” sagot niya.
“Bakit ang cold mo na?” tanong ko.
“Hindi naman ako cold. Busy ka lang kay kuya kaya akala mo cold ako,” sagot niya kaya hindi ako agad nakasagot.
“Nga pala, check mo na uli ang locker mo at baka may binigay uli siya sa’yong kung ano,” aniya at parang ang bigat sa pandinig ko no’n.
“Alex, sorry,” iyon na lamang ang katagang nasabi ko at niyakap ko siya ng mahigpit bago ako umiyak.
“Keilo, baka makita tayo ni kuya rito,” aniya kaya lalo akong naiyak.
“Ipinabibigay niya pala sa’yo,” aniya at bumitaw ako mula sa pagkakayakap ko sa kanya at kitang-kita ko ang isang balot ng chocolates na nasa maliit na paper bag at may sticknote sa loob na smile ang nakalagay.
“Alex, hindi ko ’yan kukunin. Pasabi sa kuya mo,” sabi ko at nagtatakbo ako palayo sa kanya dahil iyon din naman ang nararamdaman ko sa ginagawa niya ngayon.
Parang ayaw niya akong makausap at ipinaparamdam niya na itinataboy niya ako palayo sa kanya. Ni hindi ko pa nga nasasabi sa kanya lahat ng gusto kong sabihin.
“Keilo, bakit ka umiiyak?” tanong ni Aldrin nag-aantay lang pala sa may hagdanan.
“Wala, Aldrin. Okay lang ako,” sabi ko at nang akmang tatakbo na ako at pinigilan niya ako.
“Keilo, tatakbo ka na lang ba?” nagulat ako sa tanong niyang ’yon.
“Parang hindi ko na kayang nakikitang nahihirapan si Alex dahil lang sa pagkagusto niya sa’yo. Halos ikaw na lang ang bukambibig no’n tapos pati mga chocolates at sticky notes na akala mo galing kay Nico, siya lahat ang may bigay at pakana no’n. Keilo, gets mo na ba?” aniya at halos tumigil ang mundo ko dahil sa mga narinig ko.
“Anong ibig mong s-sabihin, Aldrin?” tanong ko.
“Gustong-gusto ka ni Alex noon pa,” aniya at nanlambot ang tuhod ko.Si Alex pala ang secret admirer ko. Kaya pala. Gusto ba talaga ako ni Alex? Kailan? Paano? Ang daming mga tanong sa isip ko na gusto kong masagot kaya binalikan ko si Alex at hinila ko siya papalapit sa akin na ikinagulat niya.
“Sinabi na ni Aldrin lahat sa’kin, Alex,” sabi ko.
“Hindi pa lahat,” aniya at ngumiti siya kahit namumula na ang kaniyang mga mata dahil umiiyak din siya.
“Mahal kita, Keilo!” aniya at hinatak niya ako at hinayaan ko lang siyang halikan ako.
Itutuloy….
Part 18
CRY AGAIN SEASON ONE: PART 18
KEILO
Hindi ko maipaliwanag ang lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko alam ang susunod kong gagawin dahil tila may buhay na kanila ang aking labi at mga kamay dahil kusa na itong gumagalaw at may ritmo ang bawat dampi ng labi ko sa kanya.
“Alex…” habol-hinga ang pagkakasambit ko noon at tila ba napapaso ako sa tingin niya sa akin gamit ang kaniyang malumanay at maamong mga mata.
“Keilo,” tinawag niyang muli ang aking pangalan at tila isang magandang penikula ang lahat dahil napakabilis ng tibok ng puso ko at hindi ko na yata maitatanggi itong pagtingin ko sa kanya dahil sa kada tanggi ko na gusto ko rin siya at siya namang bigat sa dibdib ko dahil may parte ng isip ko na gustung-gusto siya noon pa mang mga tagpong nasa dormitory kami.
Sino ba naman hindi mahuhulog sa mga sweet gestures niya at sa ugali niyang down to earth? Walang katulad si Alex at alam ko iyon dahil saksi ako sa mga mabubuti niyang gawa lalo na sa akin.
“Keilo, gustung-gusto kita!” aniya habang hinahawakan ang pisngi ko.
Dahil sa sinabi niyang iyon ay naging emosyonal ako dahil ramdam na ramdam ko ang sinseridad sa bawat niyang mga salita. Hindi ko na rin tuloy napigilang maluha dahil alam kong risky ang gagawin kong pagtaya dahil gusto ko talaga si Alex.
“Gusto rin kita, Alex pero natatakot ako,” sabi ko at napayuko ako dahil iyon naman talaga ang totoo.
“Hindi ba pwedeng gusto mo rin ako at huwag kang matakot dahil kayang-kaya kitang ipaglaban,” sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko.
“Sige, gustong-gusto rin kita, Alex!” singhal ko at nakita kong gumuhit ang malaking ngiti sa labi niya at hindi na niya napigilang yakapin ako.
“Aldrin!!!” sigaw niya at tinakpan ko bigla ang bibig niya gamit ang kamay ko.
“Ang ingay mo, uy!” sabi ko at mabilis pa sa alas dos na sumulpot ang nakangiting si Aldrin.
“Kayo na ba?” tanong ni Aldrin na sinagot naman ni Alex sa pamamagitan ng pagtaas ng magkahawak naming mga kamay kaya naman nag-init bigla ang aking dalawang pisngi lalo na nang asarin kami ni Aldrin.
“Naks naman!” aniya at inakbayan niya pa kaming dalawa.
“Ingatan niyo ang isa’t-isa lalo ka na Keilo. Iyakin ’tong si Alex,” dagdag pa ni Aldrin kaya naman ipinangako ko sa sarili kong hindi ko sasaktan si Alex.
“Nga pala, Keilo, boyfriend mo na ako ngayon,” ani Alex.
“Alam ko,” sagot ko.
“Sungit! Pinapaalala ko lang,” aniya at bigla tuloy siyang kinutusan ni Aldrin ng isa.
“Lalandi niyo!” aniya kaya natawa na lang kami ni Alex.
ALEX
“Anong problema mo, kuya?” I asked Nico after I punched his face.
“Chill!” aniya at bumwelo siya para suntukin ako at tumama iyon sa pisngi ko.
“What did you do to Keilo? Why did you tell him that you’re the one who gave him my presents?” I asked again because it pissed me since it’s really me who sent and put those gifts on Keilo’s locker in the first place.
“I’m just trying to protect you,” sagot niya while holding his left cheek.
“I am no longer a child, kuya! I learned my lessons and it’s best to let me decide on my own!” I answered.
“Hindi ka pa ba nadadala? You used to love a girl way back and you loved her so much and in return? Niloko ka niya at ipinagpalit ka niya sa mas matanda!” Singhal pa niya and I was about to punch him when mom arrived.
“What’s the matter here? Bakit kayo nag-aaway?” Iyon ang naitanong ni mommy kaya I told her everything including Keilo.
“I am not against, Alex. Just see to it na hindi ka sasakyan niyan ni Keilo or kung sino pa man siya. And you, Nico, what are you trying to accomplish?” Mom said and it reallt touches my heart.
“I am just trying to protect him,” kuya answered and I knew it’s true, but I can’t tolerate his manipulative attitude at all.
“You’re protecting who? Alam mo, Nico, let your brother enjoy his life. We are all born to enjoy this life and I am sure that your father will going to say the same thing once he heard everything.” Iyon pa ang sinabi ni mommy na halos magpaluha sa’kin dahil walang doubt at pag-aalinlangan niyang tinanggap si Keilo kahit hindi pa niya ito nakikita in-person.
After ng payo ni mommy sa amin ni kuya, we drink together and he said sorry for everything he has done against my will. Alam ko namang hindi niya ako gustong masaktan kaya niya iyon ginawa.
“Bro, I’m really sorry,” aniya.
“Wala ’yon,” I answered at parehas kaming tumalon sa swimming pool na may pasa ang mga pisngi.
After all the conversations we had, I decided not to talk to Keilo and I asked Aldrin for help and he told me to confess everything to Keilo as soon as possible.
“What if ayaw niya sa’kin?” I asked.
“Eh ’di talo at kapag gusto ka eh ’di panalo!” aniya at rinig kong ngumunguya siya sa kabilang linya.
“Pero what if nga, Aldrin?” Tanong ko pang muli dahil inaatake na ako ng doubt at anxiety ko.
“Gago! Just trust the process. Ramdam kong gusto ka rin ni Keilo. Hinihintay ka lang no’ng mauna. Basta, pabor ako sa inyong dalawa. Kailan ba kita hindi sinuportahan?” aniya kaya napangiti na lang ako at marami pa siyang sinabi basta natandaan ko lang ay maghanda ako bukas dahil may plano siya sa rooftop.
Thinking of how everything has started, I can’t help myself not to smile and cry at the same time and I can’t even think of anything except those things I want to do with Keilo.
“Wuy, anong iniisip mo?” Keilo asked while I was driving.
“Ikaw,” sagot ko at pinisil niya ang pisngi ko.
“Bolero!” aniya.
“Hindi ah,” I answered and I continue driving.
KEILO
Parang isang mahabang paniginip ang lahat at hindi ko pa rin ma-absorb lahat. Kami na ni Alex at parang timang ang isang ’yon na nagda-drive ng malaki ang ngiti sa mga labi.
Hindi ko alam kung bakit ako at hindi ko rin alam kung saan patungo ang relasyon namin ni Alex basta masasabi ko lang na masaya ako. Masaya ako na nandiyan si Alex sa tabi ko.
“Anong food ang gusto mong kainin?” tanong bigla nang makapasok na kami sa loob ng dorm ko.
“May pagkain naman ako sa ref, iyon na lang siguro,” sagot ko pero um-order pa rin siya ng pagkain online.
“Sayang ang pera,” sabi ko pero tumawa lang siya bago dumiretso sa banyo para maligo dahil kanina pa raw siya naiinitan sa campus. Ang sabi pa nga niya ay baka iwanan ko siya kasi raw ay mabaho siya. Ang daming alam kaya naman naghimalos na lang ako sa kusina at nagpalit ako ng damit dahil ayoko pang mag-shower.
Matapos ang ilang minuto ay dumiretso ako sa kama para mahiga at dahil antok na antok ako dahil hindi ako gaanon nakatulog kagabi ay ipinikit ko muna ang mga mata ko hanggang sa naramdaman ko ang bigat ng talukap ko, hudyat na makakatulog na ako.
Hindi ko alam kung anong oras na at ilang oras na akong natutulog basta nagising na lamang ako sa maliliit na halik ni Alex sa pisngi ko kaya nahiya ako sa kanya lalo na nang hahalikan niya ako labi. Hindi pa kasi ako sanay na ganoon kahit dalawang beses ng may nangyayari sa amin ni Alex noong hindi pa kami.
“Ang sarap ng tulog mo, hindi na kita ginising,” aniya at niyakap niya ako paharap sa kanya.
“Hmmm, ang sarap ng ganito!” aniya at hinalik-halikan niya ang labi ko hanggang sa makaramdam ako ng kiliti at naramdaman ko na lang na hinuhubad na niya ang saplot ko at isang pirason tela na lang ang natitira sa akin at ganoon din sa kanya nang biglang may kumatok sa pintuan kaya dali-dali kaming nagbihis at nagkapalit na nga kami ng shirt eh.
“Shit, panira!” aniya at sabay kaming tumayo at sabay naming nakita ang delivery man na may dala ng pagkaing in-order niya online.
“Sorry po sa abala,” anito nang makapagbayad na si Alex. Doon lang din namin napansin na baligtad ang shorts ni Alex at sobrang gulo ng buhok naming dalawa. May hickies na naman ako sa leeg at malaki iyon!
“Alex, ang laki ng chikinini ko leeg!” sabi ko nang maisara namin ang pinto at tatawa-tawa naman siyang yumakap sa akin at kinurot ko siya sa tagiliran niya para madala na siya sa paglalagay ng hickies sa leeg ko.
“Aray! Ang sakit no’n!” aniya at tinawanan ko lang siya bago ko siya yayain ng kumain dahil nagugutom na ako.
Itutuloy….
Part 19
CRY AGAIN SEASON ONE: PART 19
KEILO
Simpleng araw ang lumipas at sa susunod na araw daw ay ipapakilala na ako ni Alex sa mga magulang niya. Isang bagay na ikinakakaba ko. Hindi ko pa man iyon dumarating ay talagang tinatamaan na ako ng kaba. Hindi ako sanay na ipinapakilala sa magulang ng partner ko. Kami nga ni Alandel, almost four years kami pero ni isa sa mga magulang naman ay hindi nalaman na may relasyon kami. Parehas kasi naming ayaw at takot na takot pa kami noon lalo na’t kapwa mga politiko ang mga magulang namin.
“Keilo, parang ang saya mo today?” tanong ni Mark nang magkasabay kaming pumunta sa cafeteria. Nagke-crave raw kasi si Alex at Aldrin sa fresh milk kaya ako na ang bumili dahil busy sila sa pagre-revise ng project nilang dalawa sa student area o study center malapit sa library.
Hindi ko alam ang isasagot ko kay Mark kaya nginitian ko na lang siya at mabilis na binayaran ang binili ko para sa aming tatlo ni Aldrin at Alex.
Sa totoo lang ay gusto ko siyang suntukin ng isa sa muka pero ayoko namang magmukang masama sa harap ng maraming tao kaya irereserba ko na lamang ang inis ko sa kanya sa susunod na araw.
“Nandiyan na pala ang baby mo, boy!” pang-aasar ni Aldrin kay Alex kaya naman nag-init bigla ang mukha ko dahil hindi ako sanay sa PDA na’yan.
“Gago, ang ingay mo!” puna ng nakangiting si Alex kay Aldrin at pinaupo niya ako sa tabi niya.
“Huwag na kayong mahiya. Be proud!” sabi pa ni Aldrin na parang ang dali lang gawin ng sinabi niya.
“Huwag mo na lang pansinin ’yang kupal na ’yan,” sabi naman ni Alex kaya natawa ako at pinanood ko na lang silang dalawa sa pagta-type sa mga laptop nila. Kung hindi pa deadline bukas, hindi pa sila gagawa.
“Tulog muna ako,” sabi ko sa kanila at hindi ko na hinintay ang sagot nila. Agad kong isinubsob ang ulo ko sa ’mesa at mayamaya ay naramdaman ko ang paghawak ni Alex sa kamay ko sa ilalim ng lamesa kaya napatingin ako sa kanya at parang timang ang loko dahil sa ngiti niya. Sana ay lagi nalang masaya si Alex dahil masaya ako na masaya siya.
“Landi niyong dalawa!” bulyaw ni Aldrin na agaw atensyon kaya napabitiw ako sa kamay ni Alex na hindi naman bumitaw.
“Nakakahiya, Alex,” puna ko sa kanya dahil hawak pa rin niya ang kamay ko sa ilalim ng mesa.
“Huwag kang mahiya. Wala naman tayong ginagawang masama. Hawak ko lang naman ang kamay mo. Pampagana. Tsaka, boyfriend mo naman ako, ah?” aniya kaya hindi na ako nakaangal sa gusto niya. Hindi na rin ako kumibo at pinanood ko lang siya sa pagta-type gamit ang kanan niyang kamay.
Natapos ni Alex at Aldrin ang project nila sa minor subject namin at parang timang ang dalawa na ngayon ay kumakain na parang wala ng bukas dito sa carinderia. Parehas silang nakatatlong cup na ng kanin habang ako ay hindi pa nakakaubos man lang ng isang cup ng kanin dahil medyo busog pa ako dahil kay Alex na maya’t maya ako kinukulit na kumain ng snacks sa loob ng campus.
“Nga pala, Alex, nasabi mo na ba kay Keilo ’yong event sa bahay niyo next week?” biglang naitanong ni Aldrin kay Alex kaya napatigil ako sa pagkain at ganoon din si Alex.
“Hindi pa pero sasabihin ko na rin sana. Inunahan mo pa ako,” sagot naman ni Alex na naiinis pa kay Aldrin.
“Keilo-baby, next week, birthday ni mommy. Sana pumayag kang pumunta kasama ako. Chance na rin natin ’yon, ipapakilala kita sa kanila,” sabi ni Alex kaya napasubo ako ng kanin at napainom na rin ako ng tubig.
“Hindi ba nakakahiya, Alex?” tanong ko.
“Hindi. Nandoon naman ako. Nandoon din si Aldrin,” sagot naman ni Alex na parang excited na excited. Kung alam lang niya na sanay na akong itinatago mula sa pamilya ng iba.
“Hmm,” iyon lang ang nasabi ko.
“Keilo, sama ka na. Huwag kang mag-alala, nandoon ako. Mabait pati si Ninong at Ninang,” sabat naman ni Aldrin na iniingganyo ako na sumama.
“Sige.” Sagot ko.
“Paanong sige?” sabay nilang tanong.
“Pupunta ako sa birthday ng mommy mo, Alex,” sagot ko. Matapos kong sabihin iyon ay parang tanga si Alex na hinawakan ako sa dalawang pisngi at pinisil-pisil pa niya ang pisngi ko. Hindi niya iniisip ang sasabihin ng iba. Sana lahat gaya ni Alex. Bigla tuloy akong nahiya sa sarili ko.
“Alex, ang daming nakatingin,” puna ko.
“Ano naman?” aniya at pinisil pa niya lalo ang dalawa kong pisngi kaya nag-init ang dalawa kong pisngi.
“Sayang. Ang gagwapo pa naman kaso mga bakla,” puna ng isang lalaking nandoon sa isang mesa kaya parang napahiya.
“Ano hong sayang sa pagpapakatotoo?” sagot ni Aldrin sa lalaking iyon at nabwiset ata ’yong lalaki kaya tumayo ito at nilapitan si Aldrin at hinawakan ang balikat ni Aldrin.
“Problema mo, ’toy?” maangas na tanong nito kay Aldrin na noo’y umiinom ng tubig at kalmado pa rin. Hindi ko tuloy naiwasang tingnan ang lalaki sa likod niya na tanaat’ya ko ay nasa edad 30 o pataas. Hindi rin siya matanggkad at parang 5’4 o 5’5 lang siya.
“Kayo ho, anong problema niyo?” kalmadong tanong ni Aldrin at nagalit lalo ang lalaki.
“Pinag-aaral kayo para mag-aral! Mga walang modo! Ganyan na ba ang mga kabataan ngayon?” asik nito.
“Opo, ganito ho ang mga kabataan ngayon at hindi naman ho porke’t mas matanda kayo ay lagi na kayong tama. Ang toxic niyong tao,” sagot naman ni Alex kaya nang sasapakin na siya nito ay tumayo ako at hinarang ko ang likod ko kaya ako ang tinamaan na ikinainis ni Alex kaya nasuntok niya agad ng lalaki na tumaob agad dahil sa laki ni Alex.
“Gago ho kayo ah! Saktan niyo na hong lahat huwag lang si Keilo!” anito at inawat ko na siya dahil marami ng taong nakapaligid sa amin.
“Tama na, Alex, Aldrin.” Iyon ang nasabi ko at hinarangan ko silang dalwa dahil ayoko ng may nag-aaway sa harap ko.
“Pasensya na po,” sabi ko sa lalaki na ngayon ay hawak ng ng ibang nandoon na kasama niyang kumain.
“Keilo, bakit ka nahingi ng pasensya eh ikaw nga ang nasaktan niyang lokong ’yan!” Ani Alex kaya hinila ko na sila ni Aldrin palayo dahil mukang natauhan na ’yong lalaki na’yon lalo na nang makita niya gabalikat lang namin siya. Bago kami umalis ay humingi ako ng pasensya sa may-ari at nagbayad na rin kami.
“Okay ka lang ba” tanong ni Alex nang makapasok ako sa kotse niya.
“Okay lang ako. Huwag ka na uli makikipag-away, ha?” paalala ko sa kanya.
“Hindi ko maipapangako lalo na kapag ikaw o tayo na ang pinag-uusapan,” aniya kaya ngumiti ako.
“Nakukuha ko ang point mo, Alex. Ang sa’kin lang, hindi naman natin mababago ang iniisip at perception ng mga tao sa paligid natin kaya mas maganda pang manahimik na lang tayo kasi tayo rin naman ang maapektuhan sa huli,” sagot ko.
“Para sa’kin, mas maganda ng sabihin natin ’yon dapat kaysa manahimik tayo. Kasi kapag walang nagsalita, walang magbabago.” Aniya kaya pansamantalang tumahimik dahil may punto naman siya.
“Ikaw ang bahala, Alex. Basta ayoko lang mapahamak ka o tayo. Kita mo naman ang nangyari kanina, ’di ba? Napaaway pa tayo,” sabi ko pa.
“Sorry na po,” aniya at niyakap namin ang isa’t-isa at sobrang thankful ako na dumating siya sa buhay ko.
Okay ang unang isang linggo ng relasyon namin at medyo clingy lang talaga si Alex lalo na kapag kami lang at talagang pinapatunayan niya ang sarili niya. Natapos din ang midterm namin ng maayos at naipasa naman naming tatlo ang exam dahil sa pagre-review. At ngayon ay araw na ng Sabado, 55th birthday ng mommy ni Alex.
“Ready ka na?” tanong ni Aldrin na sumundo sa akin dito sa dorm dahil medyo busy si Alex doon sa kanila.
“Ready na,” sagot ko kahit kinakabahan na talaga ako.Ano kayang iisipin ng mga magulang niya sa akin. Magugustuhan kaya nila ako. Tatanggapin ba nila ang relasyon namin ni Alex? Ilan lamang iyon sa mga iniisip ko kaya naman natawa na lang ako sa sarili ko habang inaamoy ang panyo ko.
“Aldrin, okay lang ba ako?” tanong ko habang nasa biyahe kami.
“Oo naman!” sagot ni Aldrin.
“I mean, kung magugustuhan kaya ni Alex at ng mga magulang niya ang looks ko?” tanong ko.
“Actually, hindi.” Iyon ang sagot ni Aldrin na ikinakaba ko.
“Joke lang. Mabait ang family ni Alex. Sobra. Wala kang dapat ipag-alala. Isipin mo na lang lahat ng gagawin mo ay para kay Alex. Be positive lang lagi. Matatanggap kayo,” ani Aldrin na hindi ako binigong bigyan ng makabuluhang payo lagi lalo na kapag tungkol kay Alex na kahit busy sa pagre-review no’ng nakaraan ay hindi nakalimot na mag-send lagi ng “I love you, I miss you “ at marami pang iba kahit minsan ay sa dorm naman siya natutulog.
“Salamat, Aldrin!” sagot ko.
“Basic! Magkaibigan tayo kaya support ako lagi,” ani Aldrin sabay ngiti at nagpatuloy na siya sa pagda-drive at ilang minuto lang ang lumipas ay huminto kami sa club house ng exclusive subdivision na tinitirhan ni Alex. Doon na nagsimula ang kaba ko na napalitan ng kakaibang kirot nang makita ko si Alex na niyayakap ng kung sinong babae mula sa malayo pagbabang-pagbaba ko ng sasakyan.
Dito pa talaga sila sa parking nagyayakapan sabi ko at nagpanggap na lang akong walang nakita dahil kakababa lang din ni Aldrin ng sasakyan.
Itutuloy….
Part 20 (END OF SEASON 1)
CRY AGAIN SEASON 1: PART 20
KEILO
Isang malaking ngiti ang ginawa ko nang magkatitigan kami ni Aldrin habang kita ko rin na naglalakad papalayo si Alex kasama iyong babaeng kayakap niya kanina. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nagseselos pero mas pinairal ko pa rin ang tiwala ko kay Alex dahil alam kong hindi naman niya ako lolokohin. Pero kahit na. Nakaka-confuse pa rin sa part ko lalo na’t parang sobrang close nila sa isa’t-isa at silang dalawa lang talaga ang magkasama kanina.
“Tara na, Keilo!” paanyaya sa akin ni Aldrin na siya namang ginawa ko.
Matinding kaba ang naramdaman ko nang makita ko ang relatives ni Alex at ganoon din si Nico na naka-blocked sa akin sa lahat ng social media accounts na mayroon ako.
“Keilo!” tawag niya at hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-react dahil na-o-awkward-an ako na kausapin siya lalo na’t may ginawa siyang masama sa’min ni Alex.
“Keilo, galit ka ba sa’kin?” tanong niya habang gumagala ang mga mata ko dahil nawala sa paningin ko si Aldrin at si Alex naman ay hindi ko pa rin makita.
“Ah, hindi naman,” sagot ko.
“Hindi naman? Hmm, may galit ka pa nga,” hinawakan niya ako sa balikat.
“I am sorry, Keilo. Piniprotektahan ko lang ang kapatid ko,” aniya at kahit medyo maingay sa paligid ay ramdam ko naman sa boses niya ang sinseridad.
“Nico, sorry din. Akala ko talaga gusto kita,” sagot ko.
“No need to mention that. Alam ko naman na ’yon kasi bukam-bibig mo si Alex everytime na magkasama tayo. I knew na mali ang ginawa ko kaya I am looking forward sa relasyon niyo ni Alex. If may kailangan ka, just free to call or text me. Hindi pa rin naman ako nagpapalit ng number,” aniya sabay ngiti at natanaw ko na si Alex kasama si Aldrin kasama ang iba nilang kakilala na tawa ng tawa.
Medyo nahihiya ako sa mga tao sa paligid dahil pakiwari ko ay puro alta sila.
“Keilo!” tawag ni Alex at lumapit siya sa akin. Inakbayan niya ako at bumulong siya sa akin kaya naman nakita ko ang mga mata ng ilan sa mga naroon na tumingin sa amin.
“Kanina ka pa?” tanong niya ng pabulong kaya medyo nakiliti ang tenga ko at tumayo ang mga buhok ko sa katawan.
“Hindi naman masyado,” sagot ko at hinatak niya ako papunta sa kung saan.
Ilang segundo lang ang lumipas ay nasa gilid na kami ng swimming pool at umupo kaming dalawa.
“Gusto mo na bang makilala si mommy at daddy?” tanong niya kaya napalunok ako.
“Wala akong dalang gift, Alex,” bigla kong naalala.
“Hindi naman kailangan ni mommy ng gift eh,” aniya at tama naman siya. Kayang bumili ng mommy ng bagay na gusto nito.
“Sabagay,” sabi ko at nakita ko siyang tumingin sa langit kaya pinagmasdan ko lang siya at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip na boyfriend ko na siya ngayon.
“Alex, bakit pala tayo nandito?” tanong ko.
“Wala lang. Gusto lang kitang solohin,” sagot niya kaya napangiti na lang ako ng wala sa oras.
Pwede pala ’yon, ’no? ’Yong mapapangiti ka nalang dahil sa mababaw na dahilan dahil sa taong mahal mo.
“Bolero!” sabi ko at akmang tatapikin ko siya sa balikat nang bigla niya akong yakapin.
“Keilo, I am so happy. Sobrang saya ko na nandito ka,” sabi niya.
“Baduy mo, Alex. Lagi naman tayong magkasama ah?”
“Kj naman nito. Basta masaya ako,” sabi niya.
“Nga pala, tara na. Excited na akong makilala mo sina mommy at daddy,” aniya at inalalayan namin ang isa’t-isa na tumayo.
“Alex!” tawag noong babaeng kayakap niya kanina kaya napalunok ako lalo na nang lumapit ito sa amin.
“Tita’s looking for you. Bigla ka raw nawala,” sabi nito at tumingin ito sa akin.
“Oh, hi! I’m Patricia. Nice to meet you,” anito sa akin.
“Keilo,” sagot ko at hindi na niya ako pinansin dahil kay Alex na siya naka-focus.
“Ah, Patricia, maiwan ka na namin dito,” ani Alex at sinama niya ako sa karamihan ng tao na nagsasayaw at marami ring table na halatang pangmayaman.
“Keilo, ready ka na?” tanong ni Alex sa akin nang makarating kami malapit sa buffet kung saan tinawag si Alex ng mommy niya.
“Alex,” sopistikada itong magsalita.
“Mommy, he’s Keilo, my partner” ani Alex kaya napayuko ako.
“He’s cute,” kumento nito sa akin.
“Happy birthday po!” pangsingit ko at parang gusto ko na lamang lamunin ng lupa sa mga oras na ito.
“Thank you, Keilo!” sabi nito at nagkatinginan kami ni Alex sabay ngiti.
“Your dad is waiting for you. Gusto raw niyang makilala si Keilo,” sabi nito kaya lalo akong kibahan.
“Don’t worry, Keilo. Tanggap namin ang relasyon niyo. Don’t overthink,” natatawa nitong kumento sa naging reaksyon ko.
“Sige po, ma. Punta na kami sa table ni daddy,” sabi ni Alex at nagpaalam na rin ako at doon na nagsimula ang kalbaryo dahil sa table kung saan nandoon ang daddy ni Alex at nandoon din ang ibang mga kaedad din nito. Mukang mga kamag-anak din ni Alex.
“Dad, si Keilo po. ’Yong lagi kong kinukwento sa inyo. Hmm.. boyfriend ko po,” aniya at nanlaki ang mga ng mga nasa table na nandoon.
“Good evening po!” Magalang kong bati at ngumiti ang daddy ni Alex sa akin.
“Good evening din, Keilo! My son told us a lot about you. You look good. Hindi ka ba nagsisisi na pinatulan mo ang anak ko?” Iyon ang sagot sa akin ng daddy niya kaya naman nagtawanan na rin ang mga nandoon at naging sentro tuloy kami ng atensyon na dalawa.
“Dad!!” pangmamaktol ni Alex habang ako naman ay natatawa na lang din. “You’re right, Clarence. Baka naman lokohin lang ni Alex iyang si Keilo,” kumento naman ng isa pang lalaking sa tantiya ko ay nasa mid-50s na.
“Tito, Leo!” pagmamaktol uli ni Alex at sa limang na table at halos lahat sila ay kalog kabilang na ang daddy ni Aldrin.
Medyo cringey iyong mga tanong nila na sinasakyan naman ni Alex habang ako ay puro tungo at tawa lang ang ginagawa. Puro sila open-minded na sana ay naging katangian din ng maraming mga tao.
Marami pa kaming nasagot na mga tanong mula sa kanila hanggang sa makaramdam na ako ng gutom at ganoon na nga ang ginawa namin ni Alex na hindi pa rin pala kumakain dahil hinintay niya pala ako bago kumain.
“Paano ba ’yan, kilala ka na ng family ko. Sana next time, ako naman ang ipakilala mo kasi sobrang proud ako sa’yo bilang boyfriend mo,” aniya habang nakaupo kami kasama si Aldrin na may tinutunggang alak. Addict talaga si Aldrin sa alak.
“Cheesy niyong dalawa,” puna ni Aldrin kaya hindi ko na nasagot ang sinabi ki Alex.
“Palibhasa walang bebe,” pang-aasar ni Alex dahil iyon naman talaga ang totoo. Break na sila ng girlfriend niya kasi nagsasawa na raw ito kay Aldrin na sobrang sweet. Ang babaw ng dahilan.
“Okay. Maiba tayo, bakit mo kayakap si Patricia kanina sa parking kanina? Kita namin kayo ni Keilo,” ani Alex at ewan ko ba kung bakit niya iyon nasabi. Dahil ba sa alak? Hindi rin.
“Ah, wala. Nabigla lang siguro pero wala namang malisya sa akin ’yon,” aniya.
“Sa’yo wala, kay Patricia?” sagot ni Aldrin. “Ex mo pa naman iyon,” gatong ni Aldrin na nagpalaki ng mga mata ko. Bago pa ako makapagsalita ay may sumingit na sa usapan namin.
“Kayo pala ni Alex?” tanong nito sa akin. “Congrats!” anito at bigla na lang siyang tumawa at hindi naman ako nakasagot lalo na nang bumaling siya kay Alex.
“Ano ’yong sabi mo kanina na na-miss mo ako, Alex? What’s your intention?” mahina ngunit may diin nitong tugon.
“Matagal na tayong wala, Patricia. Sinabi ko na lahat sa’yo, ’di ba? Hindi na kita mahal. I feel nothing about you,” ani Alex.
“Ang cheap mo, Alex. Ipagpapalit mo na lang din naman ako sa lalaki pa. Eww!” anito at tinapunan niya ako ng masamang tingin bago siya umalis sa harapan namin.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-react at hindi ko rin magawang magsalita dahil natatanga ako sa mga nangyayari.
“Keilo, okay ka lang?” tanong ni Alex sa akin at um-oo naman ako. Ang daming nag-congratulate sa relasyon namin ni Alex pero hindi mawala sa isip ko lahat ng mga sinabi ni Patricia na ex ni Alex.
EX pala nila ang isa’t-isa at hindi ko alam kung bakit ako nai-insecure kay Patricia. Siguro ay dahil ex siya at may posibilidad na maagaw niya uli sa akin si Alex kung sakali man.
“Keilo, huwag mong isipin ’yong mga sinabi ni Patricia. Ikaw ang mahal ko at hindi na mababago ’yon,” ani Alex nang makasakay kami sa kotse niya. Nagpapahatid na kasi ako sa bahay dahil bigla akong nawalan ng gana bigla.
“Pagdating sa dorm mo, sasabihin ko sa’yo lahat,” aniya at iyon ang hinintay ko.
“Bakit hindi pa ngayon?” tanong ko dahil hindi na ako makapaghintay.
“Sige. Sabi mo eh,” aniya at tumahimik muna siya bago magsimulang magkwento.
“Two years kami ni Patricia. Around eighteen or seventeen kami na. We did crazy things gaya ng sex, pag-iinom at iba pa. Lahat ng plano ko sa buhay kasama siya. I even planned to marry her one day pero noong magka-collega na kami, she changed. Doon ko nalaman na pregnant pala siya at halos mapatay na ako ni daddy noon. Sinuportahan ko siya at pinanindigan kasi anak ko ’yon ang dinadala niya eh. Pero after she gave birth, patay na ’yong anak namin,” pumiyok siya at kita ko ang luha sa mga mata niya. “Parang nawala lahat ng pangarap ko sa buhay. I lost my purpose at halos hindi ako makakain lalo na noong nakipag-break sa akin si Patricia na lumipad pa-America two months lang ang nakakalipas. Sibukan ko lahat ng makakaya ko para maging kami uli. Sinundan ko siya sa America pero wala akong nakuhang sagot na matino kay Patricia at nalaman ko rin na may bago na siya. Sobra akong nasaktan no’n pero pinangako ko sa anak namin na aayusin ko ang buhay ko,” aniya at niyakap ko na siya dahil hindi ko alam na may ganoon pala siyang kabigat na kwentong dinadala mula sa nakaraan niya.
“Until I found you,” aniya at pinunasan ko ang luha niya.
“Sorry, Alex. Mahal na mahal kita!” sabi ko hinatak ko siya papalapit sa akin para halikan siya sa kaniyang labi.
End of season one Itutuloy..
SEASON 2: PART 21
NOTE: It’s been a month na pala since my last update. Nagpahinga muna ako sa pagsusulat and here I am. Bumabalik na naman.
CRY AGAIN SEASON 2: PART 21
KEILO
Kakatapos lang ng finals namin at handa na kami para sa on-the-job training (OJT) namin sa susunod na linggo.
Nandito ngayon sa dorm si Alex at pinagmamasdan ko siyang matulog dahil puyat ang loko dahil sa panonood ng Korean drama sa netflix.
Hindi ko siya sinabayan sa panoood dahil pagod ako sa pag-aayos ng papers namin kahapon kaya naman nang matapos ko siyang pagmasdan ay hinalikan ko siya sa pisngi dahil magluluto na’ko ng agahan namin.
Matapos ko siyang halikan sa pisngi ay nagulat ako nang hatakin niya ako pahiga sa kama.
“Hindi ka pa nagsisipilyo!” Iyon ang reklamo ko sa kanya nang hahalikan niya ako sa labi.
“Hmm?” Angal niya at ibinaliktad niya ang posisyon namin. Nasa ibabaw ko na siya ngayon at sinumulan niyang halik-halikan ako sa leeg kaya napapadiin ang kapit ko sa kamay niya.
“Ang aga pa, Alex,” pagmamaktol ko.
“Mabilis lang,” bulong niya sa’kin kaya nagpaubaya na rin ako dahil may tumatamang matigas na kung ano sa tiyan ko habang nasa ibabaw ko siya.
At doon ako na-scam dahil ang sinabi niyang mabilis ay inabot ng isa at kalahating oras at may pahabol pa sa shower kaya late na kami parehas nakakain dahil ginawa naming almusal ang isa’t-isa.
Walang masyadong nangyari sa maghapon namin ni Alex pero bawat minuto na magkasama kami ay itine-treasure ko dahil hindi natin alam kung hanggang kailan kami ganito lalo na at malapit na kaming mag-fourth year college.
“Good morning, guys! Today, alam naman natin na may interns tayong makakasama sa loob ng isang buwan kaya let’s be good to them,” panimula ng HR officer sa harap ng napakaraming empleyado ng kumpanya nina Alex. Katabi ko ngayon si Aldrin at Alex na parehas malaki ang ngiti dahil ito ang first day namin bilang interns.
“Hmm,” tiningnan kami uli ng babaeng nagsasalita kanina.
“Introduce yourself, guys,” utos sa amin kaya iyon ang ginawa namin. Nauna na si Aldrin.
“Hi! Good morning! I am Aldrin Santiago!” Iyon lamang ang sinabi ni Aldrin at ngumiti lang siya kaya ako naman ang sumunod.
“Good day po. I am Keilo Chavon, nice to meet you all po!” Nakangiti pa ako nang matapos iyon at kita ko ang lagkit ng mga mata ng ilan sa akin lalo na nang magsalita si Alex.
“Hi, I am Alex Fontanilla,” at hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil halata namang kilala na siya ng mga empleyado rito na ang lalaki ng ngiti.
As expected, magkakaiba kami ng department dahil sa Records ako napunta kaya nakilala ko roon ang head ng record head na si Miss Gina and ilan pang mga empleyado na mababait din naman. Medyo worried lang ako sa isang newly hired employee nila dahil bihira ito umimik at parang focus lang siya sa ginagawa niya.
Photocopying, printing, scanning at pag-e-entry ang bumungad sa akin sa unang umaga ko sa kompanya nina Alex kaya halos magka-paper cuts na ako sa kamay pero nagpapahinga rin naman ako kapag hindi na kaya ng mga daliri ko. Ganito pala kahirap dito kaya papasok ako lagi ng maaga para matapos ako kaagad.
Nang magtanghalian na ay sabay-sabay kaming kumain sa canteen at nagrereklamo agad si Aldrin dahil puro matatanda raw at may asawa na ang nasa Finance Department.
“Babae ba ang pinunta mo rito, kupal?” tanong ni Alex kay Aldrin.
“Pwede rin. Single naman ako,” sagot ni Aldrin kaya sabay-sabay kaming natawa.
“Daming alam!” Iyon naman ang naging kumento ko at matapos naming kumain ay pasimple kaming nagpaiwan sa restroom ni Alex nang matapos kaming magsipilyo at agad niyang in-lock ang pinto sa isang cubicle at nagulat ako nang sunggaban ako ni Alex sa labi.
“Kanina ko pa ’to gustong gawin,” aniya nang magbitaw ang mga labi namin mula sa pagkakasugpong.
“Baka may makakita sa’tin dito,” sabi ko sa kanya dahil napag-usapan na namin nitong mga nakaraang araw na dapat i-private namin sa mga tao rito ang relasyon namin na parehas naman naming sinang-ayunan dahil mahirap na. Okay naman sa’kin na ganoon kami basta raw kapag may nagtanong ay hindi namin iyon itatanggi lalo na raw ako dahil masasaktan daw si Alex ng sobra.
“Mabilis lang, please..” aniya habang iginagabay ang kamay ko sa bukol niya kaya naman napalunok ako dahil noong isang araw ko pa siyang binibitin.
“Grabe ka, Alex,” sabi ko at hinalikan niya pa ako sa labi at ramdam ko ang pagkasabik niya kaya naman para akong gutom na nakaluhod ngayon sa kaniyang harapan habang nakatingin sa kahabaan niya. Buti na lamang talaga at sarado ang pinto at walang masisilipan kaya nilunok ko ang aking kaba at ginawa ko ang gusto niya kaya naman dinig na dinig ko ang pigil niyang mga ungol at mabagal na pag-ulos sa bawat kong pagsagad ng alaga niya sa lalamunan ko.
Unang beses ko itong gagawin sa ganitong lugar kaya medyo kinakabahan din ako pero hindi ko na iyon inisip lalo na nang labasan siya sa bibig ko kasabay ng tunog mula sa pagkatok mula sa labas kaya naman parehas kaming napatingin sa isa’t-isa at pinunasan niya pa ang gilid ng labi ko na may semilya niya.
Ilang segundo lang ang lumipas ay lumabas ako hawak ang sipilyo ko at toothpaste at humarap ako sa salamin at binuksan ko ang pinaka-main door ng restroom at nakita kong pumasok si Jarius, ang kasama ko sa opisina na bihira umimik at seryoso sa ginagawa kaya naman yumuko ako bilang pagbati at ipinagpatuloy ko ang pagsisipilyo ko.
“Pwedeng humingi ng toothpaste?” aniya at iyon ang agad kong ginawa—ang bigyan siya ng toothpaste.
“Salamat,” mahina niyang sabi lumabas na ako dahil kailangan ko ng bumalik sa mesa ko dahil may tatapusin pa akong spreadsheets.
“I miss you!” binasa ko ang mensahe ni Alex sa akin ng mahina at bigla ko tuloy naalala ang tagpo namin sa banyo kanina. Buti na lang talaga at naka-white sleeves ako kaya hindi halata ang patak sa dibdib ko.
Smile lang ang in-reply ko sa kanya dahil nakatingin na sa akin si Jarius na ikinahiya ko naman. Nakakailang siyang tumitig, sa totoo lang dahil parang may malisya siyang tumingin. Napapaisip tuloy ako kung anong nais niyang sabihin sa akin.
Bahala na. Basta nandito ako para sa OJT certificate, experiences at wala ng iba.
Itutuloy….
SEASON 2: PART 22
Our beloved Keilo
CRY AGAIN SEASON 2: Part 22
KEILO
Nagtuloy-tuloy ang OJT naming tatlo sa kompanya nina Alex at nasa ika’tlong araw na namin ngayon kaya medyo naka-adjust na ako sa environment. Medyo maraming ginagawa at nakakapagod din minsan lalo na kahapon na tambak ng gawain.
Minsan ay inuutusan akong magdala ng documents sa ibang department at minsan naman ay inuutusan akong um-order ng meryenda na okay lang din naman sa akin.
“Guys, una na ako sa inyo,” paalam sa’min ni Miss Gina na nakasukbit na ang bag sa balikat niya. Hindi na niya kami hinintay magsalita at kusa na siyang lumabas ng opisina. Apat na lang kaming naiwan ni ma’am Claire, Sir Rafhael at si Jairus na nakatutok lang sa computer niya.
“Keilo,” tawag sa’kin ni Sir Rafhael bigla kaya lumapit ako.
“Yes po, Sir?”
“Tapos na ba ’yong pinapa-encode ko?” Nakangiti pa siya habang sinasabi iyon.
“Opo, sir!” Magilas ang naging sagot ko kaya napangiti siya.
“Good. Hmm, mauuna na rin ako kaya ikaw na rin ang tumapos nitong tina-type ko. Ilang pages lang naman ito. Magagawa mo ba? Kailangan na ’to bukas,” aniya kaya tumango ako.
“Ah, sige po,” iyon ang sagot ko kaya ngumiti siya bago kunin ang mga gamit niya.
“Oh, paano ba ’yan, mauna na ako. Patayin mo na lang ang pc pagtapos mo,” aniya at tinapik niya pa ako sa balikat bago siya nagmadaling umalis.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras at ginawa ko na iyong pinapagawa niya. Limang pages lamang naman iyon kaya naman tinapos ko na agad ’yon kahit na may pinapagawa pa sa’kin si ma’am Claire.
Pasado alas kwatro na nang matapos ko lahat ng ipinapagawa sa’kin pero nagulat ako nang may iutos na naman si Ma’am Claire sa akin. Medyo marami iyon at excel pa.
“Madali lang naman ’yan. Naka-formula na rin iyan,” aniya kahit sa loob-loob ko ay gusto ko namang magpahinga. Pag-ihi na lang talaga ang pahinga ko ngayong araw.
“Sige po, ma’am!” Iyon lang ang sinabi ko bago ko sinimulan ang pagta-type ng mga digits sa excel na hindi naman talaga naka-formula. Buti na lang talaga at may nakalagay na instructions sa papel na iniabot niya.
Alas singko na nang tumingin ako sa relos ko. Ako na lang at si Jairus ang nandito sa Records.
Gaya ng laging ginagawa ni Jairus ay nakatingin lang siya sa monitor niya at busy sa pagta-type gaya ko at habang nasa ganoong posisyon ako ng pagtingin sa kanya ay bigla niya akong nilingon kaya nagtama ang paningin namin at nginitian niya pa ako.
Creepy.
Uwing-uwi na ako. Kanina pa tumutunog ang cellphone ko pero kailangan na raw ito bukas kaya wala akong magawa kundi tapusin ang dapat kong tapusin.
“Ako na riyan,” sabi ni Jairus at nginitian niya ako.
“Hmm, ako na, Sir. Kokonti na lang naman ’to,” sagot ko kahit ang totoo ay nasa 70% pa lang naman ang nagagawa ko.
“Hmm,” ginaya niya ako. “Ikaw ang bahala,” aniya at bumalik na siya sa pagtipa sa keyboard niya.
5:30 na ng hapon at hindi pa rin ako tapos. Medyo pagod na ang mga mata at daliri ko sa pagtipa kaya napagtanto ko na ganito pala sa real world. Nakakapagod.
“Still checking on your phone?” Natatawang tanong ni Jairus kaya natawa na lang ako.
Pasado alas sais ako natapos sa ginagawa ko kaya agad akong nag-out. Nagpaalam na rin ako kay Sir Jairus na nag-aayos na rin ng kaniyang sarili.
Nasaan ka na?
Kanina pa ako rito.
Sunduin na ba kita?
Text ka lang kapag nag-out ka na
Sobrang daming missed calls at tawag na galing lahat kay Alex kaya nag-reply ako sa kanya na papunta na ako.
Medyo mabagal ang naging usad ng kotse na sinasakyan ko dahil sa bagal ng usad ng mga sasakyan kaya madilim na nang makarating ako sa tagpuan namin ni Alex. Kagabi pa niya kasi ako kinukulit na kain daw kami ng street food kaya naman um-oo ako pero nang makita ko siyang nakaupo sa gilid ng tindahan at mga stalls na sarado ay na-guilty ako bigla at nalungkot dahil wala na kaming naabutang kainan o bilihan ng nga street food.
“Kanina ka pa?” Tanong niya sa akin nang makita niya ako.
Hindi ako agad nakasagot.
“Sorry. Ang daming ginawa sa office,” sagot ko.
“Okay lang. Bawi na lang tayo sa Friday,” aniya at niyakap ko siya at niyakap niya naman ako pabalik.
Para hindi masayang ang oras namin ay naglakad-lakad kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa isang bukas na sari-sari store at agad akong bumili ng soft drinks at tubig at umupo kami sa gilid ng kalsada at kumain kami ng penoy.
“Masarap?” Nakataas pa ang kilay ko habang pinapanood kong kumain si Alex ng balut.
“Ano ’to?” Nasusuka niyang sagot sa patanong na paraan.
“Balut,” sagot ko.
“Iluwa mo na kung ayaw mo. Sabi na kasing huwag ipilit,” sabi ko pa pero nilunok niya pa rin.
“Magkano, kuya?” Tanong ko sa nagtitinda.
“80 lang lahat,” sagot nito kaya inabutan ko siya ng 100 at hindi ko na kinuha ang sukli.
“Nako, thank you, ’toy!” Masaya niyang pasasalamat.
“Kuya, penge na lang ng extra suka para sa chicharon,” sabi ko at iyon naman ang ginawa niya.
“Hatid na kita sa dorm mo,” aniya at sumakay na lang ako sa dala niyang motorsiklo na ipinarada niya kung saan.
“Hindi ka ba rito tutulog?” Tanong ko.
“Next time na. May aasikasuhin lang kami ni kuya sa bahay,” aniya nang makarating kami sa tapat ng dorm.
“Hmm, sige. Ingat ka sa pagmamaneho. Chat mo na lang ako kapag nakauwi ka na. Kumain ka rin pagdating mo,” sabi ko at um-oo naman siya.
Nakakapagod na maghapon. Noodles na lang ang nilantakan ko para madaling lutuin na sinabayan ko ng tasty bread. Inaabangan ko rin ang text ni Alex kasi halos isang oras na siyang nakakaalis hanggang sa matapos na lang akong kumain at maglinis ay hindi pa rin siya nagte-text. Pagod siguro. Sabagay. Baka marami rin siyang ginawa at importante talaga ang nilalakad nila ng kuya niya.
Tatlong oras na ang nakakalipas kaya nag-’ good night’ na ako kay Alex at mabilis akong nakatulog dahil sa sobrang pagod.
Kinabukasan ay on-time akong nakarating sa opisina at binati ko lahat ng nandoon at pinuri sila Sir Rafhael at Ma’am Claire ni Miss Gina sa accomplished reports nila na ako naman ang tumapos.
Malas .
Napapatawa tuloy si Jairus sa akin at napailing naman ako ng palihim.
Discredited .
“Normal lang ’yan dito.” Iyon ang email ni Jairus sa akin kaya natawa na lang ako.
’ Muka nga, Sir’. Iyon ang reply ko.
Tanghalian na at sabay-sabay kaming kakain nina Alex at Aldrin pero ang dami pang utos ni Ma’am Claire.
“One piece chicken sa’kin tsaka spaghetti at burger,” pahabol pa ni Sir Rafhael kaya wala akong nagawa kundi isulat lahat ng orders nila ni Ma’am Claire.
“Wala na po bang ihahabol?” Tanong ko pa.
“Hmm, milk tea, large na winter melon damay mo na rin. Malapit lang ’yon sa Jollibee,” sabi pa ni ma’am Claire sabay ngiti sa akin.
Pagdating ko sa Jollibee ay agad akong napailing dahil sa haba ng pila. Inabot ako ng 30 minutes sa pagpila at sobrang dami ko ng bitbit kaya struggle sa akin ang pagbibitbit papunta sa milk tea shop.
Una na kayong kumain
Iyon na lang ang naitipa ko at sinend ko iyon sa gc naming tatlo at in-like nilang dalawa iyon.
Kain ka na rin after ng ginagawa mo.
Iyon ang mensahe ni Alex kaya napangiti na lang ako ng pilit.
Kumukulo na ang tiyan ko at 12:40 na ng tanghali nang makabalik ako sa office.
“Thank you, Keilo!” Iyon lang ang narinig ko kay ma’am Claire at Sir Rafhael habang si Jairus naman ay sinundan ako nang makalabas ako ng office.
“Sabay na tayong kumain. Alam kong hindi ka pa nakain,” aniya at ngumiti lang ako at um-order ng isa’t kalahating cup ng kanin at isang order ng ampalaya.
“Ganoon ba talaga sila?” Tanong ko bigla.
“Oo. Matitigas ng mukha,” sagot niya.
“Actually, nakakapagod pumila, maglakad at magbitbit,” reklamo ko.
“Hayaan mo, sasamahan kita sa susunod. Ganoon talaga ’yong dalawang ’yon sa mga interns. Dati nga may nag-quit pa sa dami nilang pinapagawa lalo na kapag wala si Miss Gina,” sagot niya kaya wala akong nagawa kundi kumain ng mabilis at nagsipilyo rin ng mabilis dahil ala una pasado na.
“Okay lang ma-late ng konti. Hindi ka naman nag-out kanina,” natatawang sabi ni Jairus habang nakaharap kami sa salamin.
Hindi na ako sumagot at nagmumog na lang ako.
“Salamat, Sir!” Sabi ko at sabay kaming lumakad papabalik sa opisina.
Tapos ng kumain si Sir Rafhael at Ma’am Claire kaya inabala ko na agad ang sarili ko sa paggawa ng dapat kong gawin at kapag may iuutos sa’kin ay nagsasabi ako agad na iihi ako o ’di kaya ay marami pa akong in-e-encode na files kaya nakaiwas ako sa gawain at nang mag-alas singko naman ay nauna akong lumabas at balak ko sanang i-text si Alex na nasa labas na ako pero naabutan ko siyang kakasakay lang sa kotse niya at nag-text pa siya.
Una na ako. May aasikasuhin lang sa bahay.
Iyon ang text niya pero nang makita kong may nakasakay pang isa na nasa shotgun seat ng kotse ay naalarma ako dahil kilala ko ang babaeng sumakay at iyon ay si Patricia.
“Oh, Keilo, kanina ka pa?” bungad ni Aldrin na may kinakain na ice cream kaya inagaw ko iyon sa kanya dahil ayokong pumatak ang mga luha mula sa mga mata ko.
Itutuloy…
SEASON 2: PART 23
CRY AGAIN SEASON 2: PART 23
KEILO
ARAW ng Huwebes. Medyo kulang ang tulog ko dahil sa kakaisip kay Alex at kay Patricia. Alam kong may magandang dahilan si Alex kung bakit kasama niya si Patricia pero hindi ko pa rin maiwasang isipin na baka niloloko niya lang din ako gaya ng ginawa sa’kin ni Alandel.
“Wuy, lunch break na, sabay na tayo,” bungad ni Jairus sa’kin pero inisip ko na baka pwede na kaming magkasabay kumain ni Alex kaya naman napaisip din ako ng tamang isagot.
“Hmm, sige, una ka na, Sir Jairus,” sagot ko qt ngumiti siya bago nagsalita.
“S-sige,” sagot niya at kumaway siya habang naglalakad papalayo.
Matapos niyang mawala sa paningin ko ay agad akong nag-chat kay Alex.
“Tara, sabay tayong kumain.” Iyon ang chat ko kay Alex at binasa ko pa iyon ng mahina pero tila nalungkot lang ako sa sagot niya.
From: Alex Una ka na, tapos na ako kaninang kumain.
Para akong nabingi sa nabasa ko. Hindi ko maikibo ang mga daliri kong kanina lang ay ngalay na sa pagtipa ng mga entries ng mga accounts payable na itinatama ko sa excel.
To: Alex Sige. Kain na muna ako.
Iyon ang mensahe ko sa kanya at naisipan kong lumabas muna saglit dahil para akong nawawala sa sarili dahil hindi ko alam kung anong nangyayari.
“Keilo!” Iyon ang narinig kong tawag sa akin ni Jairus nang makarating ako sa labas ng building.
“Oh, sir?” Sabi ko na nakangiti.
“Are you okay?” Tanong niya at tumango naman ako.
“Kumain ka na, Sir?” Tanong ko na lang bigla.
“Hindi pa. Medyo napatambay sa Finance eh, ikaw ba?”
“Gutom na,” natatawa kong sagot at mabilis pa sa alas singko kaming pumunta sa katapat na kaininan at napag-trip-an naming kumain sa isang sikat na kainan.
“Hmm, Keilo, let’s eat!” Paanyaya niya nang dumating ang order naming mga pagkain kabilang ang manok, kanin at coke.
Tumango ako at nagsimulang kumain ng nakakamay.
“Parang hindi na kayo sabay kumakain ng mga kasama mo? Busy ba?” Bigla na lang niyang naitanong sa’kin at nasa ganoong posisyon ako nang makita ko si Alex at Aldrin na naglalakad sa labas at kasama pa nila si Patricia. Ang lalaki ng ngiti nila at parang tinutusok ng kung ano ang puso ko lalo na nang makita ko ang mga bitbit nilang mga supot ng pagkain.
Bakit kailangang magsinungaling ni Alex sa’kin?
“Keilo?” Tanong ni Jairus kaya napabalik ang tingin ko sa kinakain ko.
“May naalala lang, Sir,” natatawa kong sagot.
“Okay. Nga pala, I am just twenty-four kaya drop the formalities lalo na kapag nasa labas na tayo ng office. Pakiramdam ko natanda ako agad,” natatawa niyang tinuran.
“Noted!” Sagot ko at nagparamihan na kami ng kanin. Halos ibuhos ko lahat ng emosyon ko sa pagkain kaya naman naka-apat akong kanin habang si Jairus ay tatlo at kalahati. Sulit ang unli-rice.
“Sakit ng tiyan ko, Keilo!” Kumento ni Jairus nang matapos kaming kumain.
“Ako rin, next time ako naman ang manlilibre,” sagot ko.
“Sige ba. Payag ako. Libre eh,” sagot niya at ngayon ko lang napagtanto na kaya pala siya tumitingin sa akin noon ay dahil gusto niya akong kausapin dahil bored daw siya sa office. Gusto niya raw akong kaibiganin at ramdam ko ang sinseridad niya sa pagsasabi niya ng mga katagang ’yon.
“Arat na sa trabaho. Marami pa akong dapat i-edit na files,” aniya kaya iyon na nga ginawa namin. Sabay na rin kaming nagsipilyo at sabay na rin kaming pumasok sa office kung saan kami lang dalawa ang nandoon dahil nasa seminar si Sir Rafhael, ma’am Claire af ganoon din si Miss Gina.
Personal development seminar daw kaya sana ma-i-apply nila sa workplace iyong mga matutunan nila sa seminar na iyon.
“Todo mo na ’yong aircon,” kumento ni Jairus kaya sinunod ko siya at tila na isang oras lang ang lumipas at alas singko na naman.
Hindi na ako nag-expect na maihahatid ako ni Alex at hindi rin ako nag-atubiling mag-text dahil wala ako sa mood.
“Oh, see you tomorrow, Keilo!” Pagpapalam ni Jairus at kumaway naman ako habang pinapanood siyang lumakad papalayo.
Dahil ayoko pang umuwi ay dumaan muna ako sa mall at nilibang ko ang sarili ko at bumili rin ako ng makakain sa food court at umupo ako sa isang sulok at naisipan kong i-stalk si Aldrin at Alex hanggang sa makita ko ang account ni Patricia sa Instagram. May story siya at pagkakita ko no’n ay natameme ako dahil si Alex iyon habang nakangiti at may hawak pa siyang coke at sa larawang iyon ay may caption na “I am happy with this man”.
Ang sakit naman. Ano kayang ibig niyang sabihin, eh sa pagkakatanda ko ay kami pa ni Alex.
Ang dami pang stories ni Patricia at lahat ng iyon ay si Alex ang laman.
Siguro ay dapat hintayin ko siyang magpaliwanag dahil ayoko namang maging-OA. Pero habang tumatagal ay parang nawawalan na ako ng halaga kay Alex. Parang hindi na ako nag-e-exist sa buhay niya.
“Keilo?” Tawag ng kung sino sa akin ay nang makita kong si Jaderick iyon ay tumayo na ako dahil wala akong panahon sa kanya.
“Saglit lang,” aniya at hawak niya ako sa braso kaya tiningnan ko iyon na naging dahilan para bitawan niya ako.
“One minute. One minute lang,” aniya kaya tahimik lang ako.
“I am infected,” aniya pero hindi ako nagsalita.
“Si Alandel ang nanghawa. STI pa lang naman pero nag-aalala ako,” naiiyak niya pang sabi at biglang dumating si Alandel.
“Kasalanan niyo ng dalawa ’yan. Labas na ako riyan,” sabi ko na lang kahit may parte ng puso ko na nag-aalala sa kaniya.
“Sige, mauna na ako,” sabi ko sa kanila.
“Mag-ingat ka, Keilo!” Sabi pa ni Jaderick na nagpakaba sa’kin dahil hindi ko alam ang sinasabi niya.
Isang malakas na buntong hininga ang ginawa ko nang makarating ako sa bahay. Ibinagsak ko rin agad ang sarili ko sa kama at sakto namang nag-vibrate ang aking cellphone kaya tiningnan ko iyon.
Mensahe mula kay Alex.
“Tuloy ang date natin bukas,” binasa ko ng malakas ang mensahe niya at nag-type ako ng “sige” kahit na ang dami kong gustong sabihin sa kanya. Ayoko lang makaabala. Sayang ang oras niya sa’kin.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa office. Around 7 ay nandoon na ako at sinimulan ko na lahat ng gagawin ko dahil gusto kong maabala ang sarili ko.
Ayokong isipin na niloloko ako ni Alex. Mahal ko iyon eh at alam kong ganoon din siya.
“Sipag mo, break muna tayo,” ani Jairus bigla dahil hindi na ako kumain ng lunch. Hindi rin ako nag-almusal at puro tubig lang ako dahil tinatamad akong lumabas ng office.
“Ipinagpaalam na kita kay Miss Gina kaya tara na!” Aniya kaya sumama na ako sa kanya.
Sa rooftop kami ng building tumambay at nang maglabas siya ng yosi ay humingi ako ng isa at pati na rin ng menthol niyang candy at mukang nagulat siya.
“Problema?” Tanong niya.
“Wala naman,” sagot ko bago ako humithit ng isa sa sigarilyo. Medyo naubo pa ako pero nakasanayan ko rin dahil sa candy.
“Halatang hindi ka nagyoyosi. Problemado ka lang din gaya ko,” kumento niya.
“Pwede na rin,” sabi ko.
“Iniwan kaba ng partner mo gaya ng sa’kin? Okay pa kami noong nakaraan eh. Hanggang sa nalaman ko na lang na buntis siya at hindi ako ang ama. Shet lang. Walang nangyayari sa’min kasi nirerespeto ko siya tapos gano’n?” Aniya at halos madurog din ako sa sinabi niya.
“Kaya natin ’to,” sabi ko at tinapik ko siya sa balikat at parehas kaming napatingin sa langit.
“Tara na!” Sabi niya at iyon ang ginawa namin. Naghinawa muna kami ng kamay at nag-mouthwash at balik trabaho kami uli.
Mabilis ang oras at alas kwarto na naman. Isang oras na lang at magkikita na kami ni Alex.
“Keilo, tapos mo na ba ’yong pinapagawa ko?” Tanong ni Ma’am Claire.
“Matatapos na po, ma’am,” sagot ko at lumapit siya sa’kin.
“Pagtapos mo riyan, ito naman ang tapusin mo,” aniya at naglapag siya ng isang flash drive at isang makapal na mga papeles.
“Scan mo tapos save mo ’yong mga copies dito sa drive,” aniya.
“Sagot ko lunch mo sa Monday,” bulong niya pa sa’kin kaya no choice ako kundi simulan na ang dapat simulan.
Sa kanya na ’yong lunch niya.
5:30 na ng hapon nang matapos ako. Sa isang restaurant daw kami magkita ni Alex dahil monthsary namin.
Pagbaba ko ng angkas ay nakita ko agad ang receptionist at sinabi ko sa kanya ang reservation under sa pangalan ni Alex.
“Sir, sige po, dito po tayo sa way na’to,” sabi pa niya at nakarating ako sa naturang table kung saan nandoon si Patricia. Sobrang sweet nila ni Alex kaya hindi na ako tumuloy.
Inabangan ko na lang sila sa labas ng restaurant at around 7:30 sila nakalabas. Hindi ako nagpahalata sa kanila at sumakay ako agad sa taxi at pinasundan ko sila na tumigil sa tapat ng isang kilalang motel.
Nag-check-in din ako sa room na katabi nila at parang dinudurog ang puso ko habang naririnig ko ang mga ungol at tawag nila sa isa’t-isa. Hindi na ako nakatiis at pumunta na ako sa tapay ng pintuan nila na nakabukas at kitang-kita ko, ng dalawa kong mga mata kung gaano ako katanga dahil hinayaan kong mahulog ako kay Alex gayo’ng isang katok lang ng ex niya ay nadadala na siya.
Sobrang tanga ko dahil pinanood ko pa sila habang sobrang naninikip na ang dibdib ko.
Niloko ako ni Alex.
Itutuloy…
SEASON 2: PART 24
Iyak
tayo kasama ni New as Keilo
CRY AGAIN SEASON 2: PART 24
KEILO
NANLALAMBOT at parang gumuho ang mundo ko dahil sa nakita ko. Wala ng dahilan para ipagpatuloy pa namin kung ano ang mayroon kami ni Alex.
Siguro ay nasabik lang siya sa relasyon kaya niya ako pinatapos.
Bakit ba ang dali sa mga taong manloko? May reward bang isang milyon kapag nakapanakit ka ng damdamin ng iba na ang tanging gusto lang naman ay tapat na pagmamahal?
Nakakaasar lang sa part ko kasi harap-harapan akong niloko ni Alex.
Sobrang dami kong tanong. Sa sobrang dami ay pati sarili ko ay kinukwestiyon ko kung bakit ako parating naloloko.
Monthsary namin eh. Masaya dapat ako ngayon pero ito ako, umiiyak. Kanina pa ako umiiyak mula sa motel hanggang sa pagsakay ko ng jeep at ngayon, hanggang dito sa loob ng restaurant kung saan namin ise-celebrate ni Alex ang monthsary namin.
Oo na, sabihin niyo ng tanga ako pero gusto ko kasing malaman ang dahilan kung bakit ako nagawang lokohin ni Alex kaya ako naghihintay sa kanya dito.
’ Na’ndito na ako’
Iyon ang chat ko sa kanya at ilang minuto lang ay nag-reply na siya ng “ on my way na“.
Mga sampung minuto pa akong umiyak ng umiyak hanggang sa nakita ko sa ’di kalayuan ang pigura niya. Gusto kong pigilan ang mga luha ko pero ayaw talaga nitong tumigil sa pagpatak.
“Happy monthsary!” Aniya at inabot ko sa kanya ang regalo kong journal na puro pictures naming dalawa.
“Bakit ka umiiyak?” Aniya sa mababang tono bago naupo at uminom ng tubig.
“Masaya lang,” sagot ko at pinigil ko na talagang umiyak.
“May sasabihin ka ba, Alex?” Tanong ko sa kanya kaya naman napalunok siya ng laway.
“Nagkabalikan na kami ni Patricia,” aniya na walang paligoy-ligoy man lang.
“Hahahaha. Ang funny naman ng joke mo,” sabi ko habang pinipilit na tumawa.
“Hindi na ako nagbibiro,” sabi niya kaya naman tumahimik ang lahat sa’kin at naririnig ko lang ay sarili ko.
“B-bakit?” Pumiyok ako sa pagtatanong no’n.
“Mahal ko pa si Patricia,” aniya habang nakatingin sa akin. “Akala ko wala na akong nararamdaman sa kanya pero mayroon pa pala. Sorry, Keilo,” aniya at halos doon na pumatak ang luha na galing sa mga mata ko. Akala ko pagod na akong umiyak, hindi pa pala.
“I failed to fulfill my promise. Sorry,” aniya kaya naman nasapak ko siya ng dalawang sunod.
“Alex, wala akong ginawang masama sa’yo, alam mo ’yan. Hindi kita sinaktan, hindi kita pinabayaan, ikaw ang priority ko pero sobra-sobrang sakit ang ibinalik mo. Ganito ka ba magmahal?” Humahagulhol na ako habang nagsasalita at tahimik lang siya.
“Let’s end this, Keilo,” aniya at sasapakin ko pa sana siya pero pinigilan ko ang sarili ko.
“Alex, sobrang sakit mo namang magmahal, gago ka!” Sabi ko.
“Alex naman!” Pigil na sigaw ko.
“Sorry,” iyon lang ang nasabi niya.
“Sorry?” Tumawa ako. “Matatanggal ba ng sorry mo ’tong sakit na ipinaramdam mo sa’kin?” Pumiyok na naman ako dahil sa pag-iyak.
“Akala ko okay ka eh. Wala ka palang ipinagkaiba kay Alandel. Manloloko ka!” Sabi ko at tumayo na’ko dahil wala na kaming dapat pang pag-usapan pa. Tapos na kami.
Tapos na tapos na at sana sumabay na rin lahat ng sakit na nararamdaman ko dahi sa kanya.
“Keilo, sorry,” aniya pa at saktong pasok naman ni Patricia.
“Oh, andiyan na pala ’yong partner mo. Enjoy kayo. Masaya ako para inyo,” nakangiti kong sabi kahit gustung-gusto ko silang saktang dalawa at iparamdam sa kanila kung gaano kasakit ’yong ginawa nila sa’kin.
Magdamag akong umiyak. Magdamag kong tinanong ang sarili ko at mababaliw na ata ako sa kakaisip.
Sobrang sakit lang kasi talaga.
“Ma,” pumiyok ako sa unang salita ko pa lang na binitiwan. Si mama lang kasi ang unang taong pumasok sa isip ko na kausapin dahil wala akong mapaglabasan ng sakit na nararamdaman ko.
“Oh, anak? Bakit ka napatawag?” Bungad na tanong ni mama.
“Ma, ang sakit,” sabi ko at humagulhol na naman ako ng iyak at sobrang hapdi na ng mga mata ko.
“Anak, kalma lang, ha? Ano bang nangyari?”
“Ma, niloko po ako ni Alex,” sabi ko. “Ma, wala naman akong ginawang masama, ma. Nagmahal lang naman ako,” pagsasalaysay ko at ikinuwento ko lahat ng nangyari.
“Anak, sorry kung wala si mama riyan para damayan ka,” umiiyak na rin si mama.
“Kung alam ko lang na masasaktan ka ng ganiyan diyan sa Lungsod, dito ka na lang sana nag-aral sa’tin. Pero alam mo, anak, try to look at the bright side. Siguro, may nakalaang best para sa’yo. Lesson iyan sa’yo, nak. Huwag ka laging magpapadalos-dalos sa desisyon, ha? Mahirap itama ang mga manloloko dahil ang manloloko, manloloko na talaga at sa huli, sila ang hindi sasaya. Manalig ka lang sa karma. Magiging okay ka rin, anak. Not now pero I know, someday, magiging okay ka uli,” sobrang haba ng sinabi ni mama at ito na ata ang pinakamatino naming usapan dahil madalas na kwento ko sa kanya ay puro masasaya lang na nangyari sa’kin.
“Ma, sorry po sa abala,” sabi ko dahil pasado ala una na ng madaling araw.
“Nako, huwag kang mag-sorry dahil nanay mo ako, anak kita. Mahal na mahal kita, anak!” Aniya kaya ng matapos ang usapan namin ay medyo natauhan ako pero kada magpa-flash sa ulo ko lahat ng nangyari ay hindi ko maiwasang umiyak ng umiyak.
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa malakas na katok.
“Keilo?” Boses iyon ni Aldrin kaya pinagbuksan ko siya ng pintuan.
“Okay ka lang ba?” Tanong niya nang makita ako.
“Oo naman. Ikaw ba?” Tanong ko.
“Sorry, Keilo,” aniya at parang awang-awa siya sa’kin.
“Bakit ka nagso-sorry?” Tanong ko.
“Kasi, pinagpustahan ka ni Nico at Alex,” sabi pa niya at para akong tangang napaupo na lang sa sahig habang hawak ang puso ko.
“Wala na bang mas masakit?” Tanong ko sa kanya habang banayad na pumapatak ang mga luha na galing sa mga mata ko. Sobrang sakit na, sobra.
“Noon mo pa ba alam, Aldrin?” Tanong ko at hindi siya nakasagot agad. Marahil ay totoo.
“B-bakit, Aldrin?” Sabi ko habang nakahawak ako sa balikat niya.
“Saan ako nagkulang sa pakikisama? Pinagluluto, pinatutulog, pinapagsisilbihan kita rito na parang kapatid tapos ganito? Aldrin!!!” Napasigaa na ako.
“Sorry, Keilo,” aniya at sinubukang niya akong itayo.
“Kailan pa, Aldrin? Kailan mo pa nalamang pinagpupustahan ako ni Nico at ni Alex?” Tanong ko.
“Noong naging kayo,” sagot niya na talaga namang dumurog ng matindi sa puso ko.
“Wala kang pinagkaiba kay Alex,” sabi ko at tumayo ako para itulak siya palabas ng kwarto ko.
“Keilo, sana mapatawad mo pa ako,” aniya at naglakad na siya papalayo sa’kin habang ako naman ay walang lakas na napasandal sa likod ng pintuan.
Sobrang sakit naman. Akala ko mahal ako ni Alex. Palabas lang pala lahat.
Itutuloy.
SEASON 2: PART 25
Pirapat Watthanasetsiri as Nico
CRY AGAIN SEASON 2: PART 25
KEILO
LAST day na ng OJT ko at medyo napaaga nga raw ang tapos ko kasi pumasok din ako ng Sabado at Linggo. Mas maganda na ’yon kaysa sa magdrama ako sa bahay mag-isa.
Sa loob ng nakalipas na dalawang Linggo, ang dami kong natutunan. Naka-adjust na rin ako sa workplace namin at mas naging close pa nga kaming lahat.
Wala akong pinagkwentuhan sa mga kilala ko about sa ginawa ni Alex sa’kin maliban kay mama na binisita ako noong nakaraang araw. Hindi man siya nagtagal ay ramdam ko naman na may karamay ako.
“Ma’am Claire, Sir Rafhael, Jairus, Miss Gina, thank you po sa mga naituro niyo sa’kin. Sobrang honored po ako na nakasama ko po kayo,” sabi ko at medyo naluluha pa’ko kasi nakasanayan ko ng kasama sila kahit napakarami nilang ipinagagawa sa’kin.
“Thank you rin, Keilo! Balitaan mo kami kapag naka-graduate ka na. Malaki ang potential mo. Kapit lang,” ani ma’am Claire at inabutan nila ako ng regalo. Lahat sila ay may iniaabot at sabay-sabay kaming nagmeryenda na sagot nila.
“Congrats, Keilo!” Sabi ni Jairus at siya pa ang nagbitbit ng gamit ko habang papalabas kami ng office.
“Salamat!” Sabi ko at parehas kaming ngumiti sa isa’t-isa hanggang sa mapadaan kami sa office ng HR kung nasaan si Alex.
Kinuha ko lahat ng documents na kailangan ko at parang napako sa kinauupuan niya si Alex nang makitang kasama ako.
“Salamat po, Ma’am!” Sabi ko at lumabas na uli kami ni Jairus patungo sa pinaka-exit ng gusali.
“Balitaan na lang, Keilo. Mami-miss kitang workaholic ka,” aniya sabay pisil sa pisngi ko.
“Ikaw din, loner!” Pang-aasar ko kaya nagtawanan kaming dalawa bago ako sumakay sa taxi dala ang mga gamit ko at regalong bigay sa’kin sa office.
“Ingat!” Pabahol pa ni Jairus bago niya isara ang pintuan ng cab na sinasakyan ko.
Bitbit ang mga gamit ko ay pumasok ako sa loob ng kwarto ko at naghubad lang ako ng shirt at nagpalita ako ng pajama bago ako naupo sa minj terrace ng kwarto ko.
Nagsulat ako ng tula at nakinig ako ng kanta sa youtube.
“Bakit ikaw pa ang napili, ngayon ang puso ko ay sawi. Kay simple ng aking hiling, na madama mo rin ang pait at pighati,” pagkanta ko at nagsimula na namang mamuo ang mga luha sa mga mata ko.
Umiiyak na naman ako. Ang hirap lang kasi talagang makabangon.
Nasa ganoong posisyon ako nang may pumasok mula sa pintuan at nakita ko agad si Alex na malalim ang eye bugs, gulo ang buhok at mukang walang tulog.
“Ginagawa mo rito?” Kalmadong tanong ko.
“K-keilo,” pumiyok siya habang tinatawag ang pangalan ko pero ano bang pakialam ko?
“Kung wala kang sasabihin, pwedeng umalis ka na?! Huwag mo na akong guluhin!” Sigaw ko at lumapit siya sa akin pero pinagtulakan ko lang siya.
“Manloloko ka! Gago! Hayop! Demonyo!” Sigaw ko at alam kong rinig sa ibang palapag ang boses ko pero wala akong pakialam. Nasasaktan ako, pakialam ba nila?
“Alis!!!” Sigaw ko.
“Hayaan mo naman akong magpaliwanag, Keilo,” aniya.
“Tapos ano? Bibilugin mo naman ang utak ko tapos ano? Lolokohim mo uli ako at papaikutin sa palad mo?” Tumahik ako bago muling nagsalita.
“Sobrang mahal na mahal kita, Alex eh! Sa sobrang mahal, nakalimutan ko na ang sarili ko! You disappoint me, Alex! Ang dami kong pangarap kasama ka. Sobrang dami! Tang ina, ang sakit lang na nagawa mo’kong lokohin kahit sobrang mahal na mahal kita! Oo na, wala namang nagmahal uli na hindi nasaktan at umiyak pero, hindi ba sobra naman ’yong ginawa mo sa’kin? May kasalanan ba’ko sa’yo para durugin mo’ko ng ganito?” Umiiyak na ako dahil sa frustration.
“Kasalanan ko bang mahal na mahal kita, Alex? Wala akong ginawa kundi mahalin ka lang ng mahalin kahit ang sakit sakit na! Kinuwento ko lahat ng tungkol sa buhay ko. Wala akong itinago sa’yo. Ibinigay ko lahat ng kaya kong ibigay sa’yo kasi alam kong mahal natin ang isa’t-isa pero ako kang pala ’yong nagmahal. Tell me, Alex, alin sa mga actions mo ang totoo at hindi kasi parang ang hirap paniwalaang mahal mo’ko kasi sobra sobra ’yong sakit na ibinibigay mo,” sabi ko pa.
“Last chance, Keilo. Alam kong sobrang kapal ng muka kong humarap sa’yo pero hayaan mo naman akong ikwento lahat ng nangyari bago mo’ko husgahan na hindi kita mahal kasi sa totoo lang, hanggang ngayon, mahal na mahal na mahal pa kita!” Aniya at may pumatak na luha mula sa mga mata niya na ang hirap paniwalaan kung totoo ba iyon o hindi. Magaling kasi siyang magpanggap. Napaikot nga niya ako eh.
“Oh? Dapat ba akong maniwala, Alex? Tsaka, please lang… huwag mong sabihin ang salitang mahal kasi nagiging joke kapag galing sa’yo. Manloloko ka!” Sabi ko pa at pinagtulakan ko na siya palabas pero hindi ako nagtagumpay dahil niyakap niya ako ng sobrang higpit pero nagwala ako.
“Alis!” Sigaw ko at bumitaw na siya mula sa pagkakayakap sa akin.
“Huwag ka ng magpapakita o lalapit man lang sa’kin! Ayoko na ng Alex sa buhay ko. Doon kasa putang ina mong Patricia mo!” Sigaw ko at inilagapak ko ang pintuan.
Muli ay napansandal ako sa likod ng pinto at para akong tangang iyak ng iyak at sobrang sikip sa dibdib ng mga sinabi ko sa kanya.
Hindi ko alam na aabot kami rito dahil okay naman kami noong una. Sana hindi na lang kami nag-OJT para okay pa kami ngayon.
Kailan ba ako titigil sa pag-iyak? Tama pa ’to? Pwede bang maging manhid na lang ako para hindi ganito kabigat ang dibdib ko?
Gusto kong magsisigaw. Gusto kong magwala at saktan ang sarili ko pero hindi pa ako ganoon kabaliw para tapusin agad ang buhay ko.
Umaga na nang matagpuan ko ang sarili kong nakahiga sa sahig. Lagi na lang ganito. Lagi na lang akong nakakatulog dahil sa pag-iyak.
“Ma, uuwi po ako diyan ngayon. Mga tanghali po nandiyan na ako,” sabi ko kay mama na halatang kakagising lang din.
May isang buwan pa naman na bakasyon kaya doon muna ako sa’min.
“Sige, anak. Mag-ingat ka,” sabi ni mama at ibinaba na niya ang tawag dahil kakain na raw sila ng almusal.
Noodles at itlog ang inalmusal ko at matapos iyon ay nag-empake na ako ng gamit at minabuti ko na ring maligo dahil gusto ko ng umuwi sa’min sa probinsya.
Malay natin, baka doon ko mahanap uli ang sarili ko? Sinong nakakaalam.
“Keilo, magiging okay din ang lahat,” sabi ko habang papasakay ako sa pampasaherong bus na patungong probinsya namin sa Quezon.
Itutuloy….
SEASON 2: PART 26
Happy new year, everyone! Enjoy your family time!
CRY AGAIN SEASON 2: PART 26
KEILO
“Umuwi ka pa, Keilo?” Sabi ni Kuya Keo, na matagal ng nagtatampo sa’kin kasi noong Pasko ang ako umuwi sa bahay.
“Sorry na, Kuya,” sabi ko at agad akong yumakap sa kanya ng sobrang higpit at ganoon din ang ginawa niya. Tinapik-tapik pa niya ako sa balikat kasi bigla na lang ako napahagulhol ng iyak.
“Tahan na, uy,” aniya at pinunasan niya ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata ko.
“Sorry, Kuya,” sabi ko at inabutan naman ako ng tubig ni mama na noo’y alam ang lahat sa’kin.
“Kanina ka pa namin inaatay ni papa,” ani Kuya. “Punasan mo muna ’yang mata mo. Baka magtanong si papa kung bakit ka umiyak, ako pa mapagalitan no’n,” ani pa ni kuya at ayon ang ginawa ko.
“Hindi na nagtanong si kuya ng mga tungkol sa’kin at alam kong malungkot si kuya, hindi lang niya sinasabi.
“Pa!” Sigaw ko pagpunta ko sa kwarto niya at agad ko siyang niyakap dahil sobrang na-miss ko siya.
“I miss you, pa!” Sabi ko at hinalik-halikan ko siya sa ulo niya at natatawa naman siyang ginulo ang buhok ko.
“Kumusta ang anak ko sa lungsod? Okay ka lang ba? Kumakain ka ba ng tama? Si Jaderick, bakit hindi mo ata kasama?” Sunud-sunod na tanong niya sa akin na sinagot ko naman.
“Pa, okay lang po ako. Kakatapos lang po ng OJT ko,” sagot ko at naglambing pa ako kay papa hanggang sa makaramdam ako ng pagod dahil sa mahabang byahe.
“Pa, pahinga po muna ako. Kanina pa masakit ang ulo ko sa byahe,” sabi ko at nagtatakbo na ako papunta sa kwarto ko kung saan sunod na pumasok si kuya.
“Sabi ko naman sa’yo dati, dito ka na eh,” panimula niya.
“Kuya, graduating na ako,” sabi ko.
“I know. Pero look at yourself. Sobrang laki ng eye bugs mo tsaka halatang galing ka sa pag-iyak. Medyo hindi ko rin gusto ’yang tindigan mo,” aniya kaya naman napalunok na lang ako.
“Magkwento ka kapag ready ka ng magkwento, ha? Alam kong hindi mamayat ng ganyan kung wala kang problema,” aniya pa at feeling ko tuloy ay sobrang sama kong kapatid kasi hindi man lang ako nagkekwento kay kuya ng tungkol sa buhay ko. Nakakamusta ko lang siya kapag kailangan ko ng allowance.
“Kuya, I am gay,” sabi ko nang lalabas na siya ng kwarto.
“Alam ko. Alam naming lahat,” aniya at halos manlaki ang mga ko dahil sa sinabi niya.
“High school ka pa lang, alam na namin ni papa. Hinihintay ka lang naming magsabi,” aniya kaya naman napayakap nalang ako sa sarili kong tuhod.
“Hindi ba galit sa papa kasi… Vice Mayor siya ng bayan natin,” tanong ko.
“Mali ang iniiisp mo. Kailan ba nagalit at nakialam si papa sa gusto natin? Cheer up, Keilo. Hindi tayo pinalaking duwag ni papa at mama,” aniya at dahil doon ay nagsimula kong ikwento lahat ng tungkol sa amin ni Alex at galit na galit siya kay Alex.
“Gagong Alex na ’yon ah!” Aniya kuya at ewan ko ba kung bakit parang medyo gumaan ang loob ko kasi naikwento ko lahat.
“Babawi tayo,” sabi niya at hindi ko alam ang sinasabi niya basta kinabahan ako bigla.
Kinagabihan at sabay-sabay kaming kumain at panandalian kong nakalimutan lahat ng sakit na nasa dibdib ko. Masaya kaming nagkwentuhan at masasabi komg masaya talaga akong nandito na’ko sa bahay. Parang ayoko na tuloy umalis pa rito.
A L E X
“Congrats sa’tin,” sabi ni Aldrin habang nakatingin ako sa langit. Kakatapos lang ng ojt naming dalawa.
Iniisip ko kasi si Keilo. Sobrang nasaktan ko siya pero iyon lang ang nakikita kong option para protektahan siya.
“Keilo?” Tanong ni Aldrin.
“Anong gagawin ko?” Tanong ko kay Aldrin.
“Gago ka, bakit kasi hinayaan mong gamitin ni Nico ang laptop mo?” Tanong niya.
“Hindi ko rin alam,” sagot ko.
“Anong balak mong gawin do’n sa Jairus? Mukang nagkakamabutihan sila ni Keilo,” kumento pa niya.
“Nakausap ko na. Wala naman daw sila ni Keilo,” sagot ko at napasabunot ako sa sarili ko.
“Oh ano ng plano mo ngayon? Na-delete na ba ng kuya mo ’yong video?” Tanong niya.
“Oo. Pero hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Keilo lahat,” sabi ko.
“Astig din ng kuya mo, ’no? Tinatangging wala siyang gusto kay Keilo pero nagawa tayong i-blackmail ng walang kahirap-hirap. Kung alam ko lang na sobrang madudurog kayo ni Keilo, hindi ko na sana sinabing pinagpustahan niyo si Keilo kahit hindi naman talaga. Sorry, Alex. Parehas lang tayong biktima rito,” ani Aldrin dahil inutusan siya ni Nico na sabihin kay Keilo na pinagpustahan namin siya eh malabo naman namin iyong gawin.
“Hindi ko alam ang gagawin ko sa totoo lang. I saw kung gaano ka-devastated si Keilo. Lagi siyang umiiyak at para akong nadudurog kapag nakikita ko siyang nag-iisa sa office nila at halatang pinapatay niya ang sakit sa pag-o-over work.
“Hindi kita sisihin na nag-video ka noong nag-sex kayo noong first day natin sa banyo at sa dorm ni Keilo at in-upload mo pa ’yon sa laptop mo, pero don’t you think, hindi mo nirespeto si Keilo?” Aniya at tama naman siya.
“Deserve ko bang mabalikan ni Keilo?” Tanong ko.
“I don’t know. Sobrang laki ng emotional effect mo kay Keilo. Kung ako ’yon, baka in-end ko na ang life ko. Plus, the fact na sumira ka sa promise ko sa kanya na hindi mo siya sasaktan ay malaking suntok sa kanya. I am your buddy kaya gawin mo lahat ng magagawa mo para maging kayo uli ni Keilo. Ako na ang bahala sa’min ni Aliah. Nagkausap na rin kami ni Nico about sa video na hawak niya. Na-delete na niya sa harap ko mismo at alam kong ganoon din siya sa’yo,” aniya sabay abot ng isang maliit na papel.
“Ano ’to?” Tanong ko.
“Address nina Keilo,” sabi niya pa at napayakap ako sa kanya at nagmadali na akong umalis at umuw sa bahay para mag-empake.
Last chance ko na ’to. I need to make sure na babalik si Keilo sa’kin dahil kapag hindi, hindi ko alam kung ano ng mangyayari sa’kin.
Itutuloy…
SEASON 2: PART 27
Note: I am in pain dahil kay Alex at Keilo. Sobra kong sinsaktan ang mga readers ko pati sarili ko. Ngayon lang ata ako naging sobrang emosyonal habang nagsusulat. Haha. Bear with me, masayahin akong tao pero malulungkot lagi ang naisusulat ko. Mga 10-15 parts na lang tayo, tapos na at maglalabas uli ako ng story.
CRY AGAIN SEASON 2: Part 27
KEILO
Two days. Two days na akong nandito sa probinsya at masasabi kong masaya naman ako sa nakikita ng mga mata ko. Kasama ko rin ang buong pamilya ko kaya wala na akong hihilingin pa.
Totoo, may mga times na natutulala na lang ako bigla at may mga pagkakataon din na itinutulog ko na lang ’yong sakit na dinadala ko.
“Keilo, anak, nasa labas daw si Jaderick. Papapasukin ko na ba?” Tanong ni mama sa akin habang nakahiga ako sa sofa.
“Hayaan niyo ho siya sa labas, ma,” sabi ko at nagulat naman siya sa naging sagot ko.
“Bakit naman, anak? Hindi ba bestfriend kayo?” Tanong ni mama.
“Hindi na po ngayon, ma. 3 years po niya akong niloko tsaka ni Alandel,” sabi ko napatakip na lang si mama ng kaniyang bibig dahil sa narinig at niyakap niya ako.
“Nak, okay lang ’yan,” ani mama.
“Naka-move on na naman po ako, ma,” sabi ko ko at dahil sunud-sunod na ang door bell ay tumayo ako at nagtatakbo papunta sa labas at nang buksan ko ang gate ay namuo na naman ang galit sa dibdib ko dahil nakita ko si Jade at Alex na magkasama.
“Keilo, wala akong planong makipag-away. Hinatid ko lang si Alex dito. Kanina pa ’yan nangungulit,” sabi ni Jaderick at mabilis siyang umalis at sumakay sa motorsiklo.
“Ayokong makita ang muka mo. Umalis ka na!” Sabi ko naman kay Alex na may dalang malaking bag.
“Keilo, let me explain myself naman,” aniya na parang kasalan ko pa.
“Alex, tapos na tayo! Tapos na tapos na rin ako sa’yo,” sabi ko pero mapilit siya kaya naman itinulak ko siya pero hindi siya natinig at pilit pa rin siyang bumabalik eh siya itong nagtulak sa akin papalayo sa kanya.
“Alex, hindi ako laruang yoyo na kapag itinapon mo ay babalik sa’yo. At lalong hindi ako bato para hindi masaktan sa ginawa mo sa’kin at kahit ano pang idahilan mo ay putang ina mo ka! Gago ka sa lahat ng gago!” Naiiyak na sabi ko.
Pesteng mga luha ito, ayaw makisama.
“Keilo, sorry. Alam kong mali ako pe—-.” Hindi ko na siya pinatapos magsalita at isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya kasunod ng suntok na galing naman kay kuya at nasundan pa iyon ng isa.
“Kuya tama na!” Sabi ko at ihinarang ko na ang sarili ko dahil mukang papatay ng tao si kuya Keo.
“Tumabi ka diyan, Keilo. Papatayin ko ’yang hayop na ’yan!” Sabi ni kuya kaya lalo akong humarang pero nagsalita bigla si Keilo.
“Sige po, patayin niyo na lang ako tutal wala rin naman akong kwenta,” ani Alex at kitang-kita ko kung gaano kabilis ang pagpatak ng luha mula sa mga mata niya. Tang ina, Alex, bakit mo ako ginaganito? Bakit mo tino-torture ang puso at isip ko?
“Alex, umalis ka na!” Sigaw ko pero hindi siya nakinig.
“Alex, sabing umalis ka na!” Sigaw ko kaya naman nagkatinginan kami sandali bago siya naglakad at sumakay sa kotse niya.
Napaupo na lang ako nang makita kong umalis si Alex at hindi ko napigilan ang sarili kong umiyak.
Tama na! Ayoko ng umiyak!
“Keilo, tahan na,” sabi ni Kuya at lumabas naman si mama kaya napaiyak ako lalo.
“Keilo, sana ako na lang ’yong nasasaktan para hindi kita nakikitang nagkakaganiyan,” sabi ni mama na umiiyak na rin.
“Sorry po, m-ma,” sabi ko.
“No, don’t say sorry kasi normal lang masaktan,” sagot naman ni mama.
“Gagong lalaki ’yon, binasag ko na sana muka no’n eh!” Sabi ni kuya.
“Ingay mo Keo. Doon na tayo sa loob at baka abutan tayo ng papa niyo rito,” ani mama kaya iyon ang ginawa namin.
ALEX
2 days ako.
“Kuya, tama na naman, please. Sobra na ginagawa mo,” I said while holding my bag.
“Why? Nahihirapan ka na ba? I thought mahal mo si Keilo?” Sagot niya.
“Yes, I love him and I’ll always do!”
Tumingin uli sa akin si kuya at natawa.
“But you had sex with Patricia on the exact day of your monthsary,” he said with angst.
“Fuck you!” Sabi ko at sinuntok ko siya ng isa at tumama iyon sa pisngi niya.
“Nice punch!” Aniya at tumawa pa siya nang makatayo siya.
“Why are you doing this to me, kuya? Anong nagawa ko?” Tanong ko sa kanya.
“You took everyone I liked from me. Una si Patricia tapos si Keilo? Really, Alex? What made me less of a special?” Aniya.
“Kaya nilagyan mo ng weeds ang bag namin ni Aldrin?” Tanong ko.
“Where’s your evidence?” natatawa niyang sagot.
“Wala pero ikaw lang makakagawa no’n,” sagot ko.
“Kasalanan ko bang takot ka kay daddy kaya sumunod ka sa utos ko? Tapos na-blackmail ka rin ni Patricia dahil lang sa sex scandal niyo noong kayo pa? Weak! If I were you, I will tell it straight to Keilo’s face that I had sex video with my ex which was being used to blackmail me,” aniya at sinuntok niya ng isa sa muka at tumama iyon sa kaliwa kong kilay,
“Sobrang sakit ng ginawa mo, gago! Kung alam ko lang na sasaktan mo ng ganito si Keilo, inagaw ko na siya sa’yo noong una palang!” Aniya at nagpalitan na kami ng suntok at sapak.
“Gago ka! You made me do it!” Sigaw ko.
“Ginawa mo naman! Bobo!” Sagot niya at parehas kaming napahiga sa sahig ng basketball court na kinaroroonan namin.
“I’ll tell you all of these things once and for all, Alex. Kapag ginago mo pa si Keilo, aagawin ko na siya sa’yo for real,” panimula niya bago sa tumingin sa langit.
“My conscience hits me, and so I want to take an action. Yes, I put those weeds inside your bag na nakita ni Patricia. I also asked Aldrin to betray you which he didn’t do. Lastly, I used Patricia to play with me. And see, you’re all fucked up!” Aniya at hindi ako nagsalita kasi alam ko naman na ’yon.
“I will admit everything to mom and dad that I was the one who put those fucking weed inside your bag and I will tell them everything including my feelings for Keilo.” Tinaas niya ang kanang kamay niya.
“I am not going to protect you at all. Ako na bahala kay Patricia at sa videos niyo noon. Pursue Keilo at huwag kang babalik na hindi kayo uli,” aniya at naging klaro lahat.
Bukod kasi sa sex video namin na nakuha ni kuya ay may ganoon din kami ni Patricia noong high school kami na ise-send niya raw kay Keilo at iyon ang ginagamit niya para makipag-sex ako sa kanya at nakita niya rin ang weeds sa bag ko at ni Aldrin kaya natakot ako na isumbong niya ako kay mommy at daddy. Sobrang gulo ng utak ko noong mga panahon na ’yon kaya hindi ko agad naisip na magiging ganito kahirap lahat.
“Fuck you!” Singhal ko kay kuya bago niya ako itayo.
“Stop playing with people’s emotion, kuya. Someday, babalik lahat sa’yo ang karma,” sabi ko bago ako umalis sa kinaroroonan namin na basketball court.
Itutuloy….
SEASON 2: PART 28
CRY AGAIN SEASON 2: Part 28
KEILO
“Nasa labas na naman ‘yong manloloko mong ex,’” panimula ni kuya kinabukasan.
“Hayaan niyo siya,” sabi ko at iyon din naman ang bilin namin sa guard.
“Why don’t you try to talk to him para tapos na lahat?” Ani kuya.
“Kilala ko si Alex. Matigas ang muka no’n kaya wala na akong panahong makipag-usap pa sa kanya,” sabi ko.
“Sabagay,” sabi niya bago kami kumain.
Hindi na namin napag-usapan si Alex dahil ayoko rin siyang pag-usapan. Ayaw na ring magsalita ni mama at papa tungkol doon kaya naman nakakain kami ng payapa.
“ Nga pala, Keilo, next week sasama nanang kuya mo sa’yo para may kasama ka. Doon muna siya habang nagre-review siya para sa board exam,“ sabi ni mama bigla.
“Okay po,” sagot ko agad.
Kinahapunan ay sumilip ako sa bintana ng kwarto ko at nakita kong nandoon pa rin si Alex. Santing ang araw pero parang wala lang sa kanya.
Nagsisisi na ba talaga siya? Hindi ko alam.
Ilang minuto ko pa siyang pinakatitigan at nakita kong kumaway siya sa akin at ngumiti.
Kung hindi siguro ako niloko ni Alex baka sobrang saya ko ngayon na nandito siya sa amin para sa akin.
Gusto ko uling magpakatanga sa kanya pero hindi ko kaya kasi ang sakit ng ginawa niya.
Kinagabihan ay hindi na ako kumain at inabala ko na lang ang sarili ko sa pagwo-workout kasabay ni kuya.
Nang matapos kami ay nakita ko pa rin si Alex sa monitor ng cctv na nasa labas pa rin ng gate namin at nadudurog ang puso kong makita siya roon.
“Bwiset!” Sabi ko na lang at nang madaling araw ay nakonsensiya ako na nakatulog na siya sa tapat ng bahay namin. May kotse naman siya. Sana doon na siya natulog. At dahil sa awa ko sa kanya ay kumuha ako ng kumot at binalot ko iyon sa kanya.
Kahit naman galit ako sa kanya ay nandoon pa rin ang pagmanahal ko at mahirap tanggalin iyon agad-agad.
Matapos kong ibalot ang kumot sa kanya ay pumasok na ako sa bahay at natulog.
Kinabukasan ay tanghali na akong bumangon kaya nagugutom na ako.
“Tatag ng Alex na ’yon,” kumento ni kuya habang parehas kaming nakatingin sa monitor ng CCTV.
“Hayaan mo siya,” sabi ko at minabuti kong kumain na lang mag-isa.
“Nak, naulan sa labas. Kawawa naman si Alex. Ayaw mo ba siyang kausapin man lang?” Ani mama nang matapos akong kumain.
“Ma, ayoko pong magpadala sa arte niya. Alam niyo naman ang ginawa niya sa’kin,” sabi ko pero part of me ay sinasabing lumabas na ako dahil sobrang lakas ng ulan at pinapatay ako ng konsensiya ko lalo na noong nakita ko siyang kumakaway sa akin nang sumilip ako sa labas.
Hindi ako sigurado kung umiiyak siya dahil wala naman akong pakialam. Naiinis lang ako kasi ang tatag niya. Two days na siya sa labas ng bahay namin at nate-tempt akong kausapin na siya at patawarin.
“Umalis ka na, Alex!” Sigaw ko kahit alam kong hindi niya iyon naririnig.
Matatag si Alex dahil hanggang gabi ay nasa labas pa rin siya. Malakas pa rin ang ulan at nilalamon na ako ng konsensiya pero nilalamon din ako ng sakit.
“Alex naman!” Sabi ko sa bigla lalo na noong nakita ko siya kinabukasan na nasa labas pa rin ng bahay namin.
“Alex, nak,” ani mama habang nakatingin sila nina papa at kuya sa monitor ng cctv.
Hindi ko na sila pinagsalita pa dahil nakita kong natumba si Alex sa labas.
Dali dali akong nagtatakbo at nakita kong wala nga siyang malay at sobrang init niya. Tang ina. Natataranta ako.
“Kuya, help me. Buhatin natin ’to sa loob,” sabi ko kay kuya Noel na guard na nakaduty ngayon.
Agad naming siyang ipinasok sa bahay at gulat na gulat si mama noong inihiga ko siya sa guest room namin katabi ng kwarto ko.
“Yaya, help me. Dalan niyo po ako ng bimpo at malamig na tubig na nasa basin,” sabi ko at nagmadali naman siya.
Tiningnan ko ng maigi si Alex at napaiyak na lang ako habang hinuhubad ko ang damit niya.
“Ate Sabel, salamat at iwan niyo na po rito sa side table ’yan,” wika ko at isinara na niya ang pinto bago siya lumabas.
Hinubad ko lahat ng damit ni Alex at wala akong itinira at hindi na ako nagpakahipokrito dahil nakita ko na naman lahat sa kanya.
Pinunasan ko siya ng maigi habang umiiyak at bahagya pa siyang umuungol dahil siguro sa sama ng pakiramdam.
Wala akong itinirang parte ng katawan niya na hindi ko pinupunasan at isinuot ko sa kanya ang damit damit ko. Sinuotan ko rin siya ng boxer at pajama at sinabihan ko si Ate Sabel na magluto ng sopas at magdala ng paracetamol para ipainom kay Alex.
38 °C ang temperature niya kaya naman napasapo ako sa noo ko at nilagyan ko siya ng bimpo sa noo pagkatapos para medyo maibsan ang lagnat niya.
“Salamat po, ate Sabel!” Sabi ko at pinilit kong gisingin si Alex para pakainin ng sopas.
“Keilo,” aniya at basag ang boses niyang tumingin sa akin gamit ang malamlam niyang tingin.
“Mamaya ka na magsalita. Kumain ka muna,” sabi ko at inalalayan ko siyang maupo at isinandal ko ang likod niya sa headboard ng kama.
Nagsimula ko siyang pakainin at tahimik lang kaming dalawa at hindi ko mapigilang umiyak kasi hindi ko matiis si Alex. Tang inang puso ’to.
“Alex, galit na galit ako sa’yo,” sabi ko pero hindi siya umimik.
“Gusto kitang saktan,” sabi ko nang mapainom ko siya ng gamot. Konti lang ang nakain niya at isinuka niya pa ang iba.
“Magpagaling ka at umuwi ka na sa inyo,” sabi ko nang makatulog siya.
Paglabas ko ng pinto ay nandoon si mama at niyakap ko siya.
“Keilo, mukang mahal na mahal ka rin ni Alex,” sabi niya.
“Pero niloko niya ako, ma,” sagot ko.
“Alam ko pero look at him and look at yourself. Alam kong nasaktan ka niya pero hindi ka naman masaya na wala siya sa buhay mo,” sabi pa ni mama.
“Ma, ang sakit kasi,” sabi ko.
“Basta payo ko lang, nak, sundin mo ang gusto mo. Galit ako kay Alex pero ayoko namang nakikita kang ganyan. Give him another chance baka mag-work pa kayo,” ani mama at iniwan niya akong nakatingin sa kawalan habang umiiyak.
Sana ganoon lang kadaling magpatawad at makalimot para okay na ako agad.
Kaya ko namang magpatawad pero hindi ko alam kung kaya kong makalimot.
Matapos ang ilang orad ay ako mismo ang nagdala ng pagkain kay Alex at tulog pa rin siya. Tsin-eck ko rin ang temperature niya at medyo bumaba na iyon sa 37.5°C.
May sakit pa rin siya kaya kailangan ko siyang gisingin na ginawa ko naman.
“Alex, kain na,” sabi ko at nagkatinginan kami bago siya umupo. Hindi siya nagsalita dahil sinabi ko sa kanyang ayokong marinig ang boses niya.
“Kumain ka na. Ubusin mo ’yan lahat,” sabi ko at hinayaan ko siyang kumain ng dala kong kanin at ulam at nagdala rin ako ng saging.
“Isang oras pa bago ka uminom ng gamot,” sabi ko pa at tumango naman siya.
Madaling araw na nang magising ako at nakita ko si papa na kausap si Alex at seryoso ang uspan nila.
“Sorry po sa nagawa ko kay Keilo. Hindi ko po nasabi lahat sa kanya kasi pinaglalaruan po kami ng kuya ko,” sabi niya.
“Bakit hinayaan mong paglaruan kayo ng kuya mo? Wala ka bang guts na pigilan siya? Hindi mo ba alam na nasasaktan ako na nakikitang nasasaktan ang anak ko? Ilang araw na siya rito at gabi-gabi ko siyang naririnig na umiiyak dahil sa’yo,” sabi ni papa at natahimik si Alex.
“Sorry po. Last chance po. Isa pa pong pagkakataon po para maitama ko po lahat. Mahal na mahal ko po ang anak niyo,” aniya at basag ang boses niya.
“Paano kung sabihin kong ayaw ko? Hindi biro ang ginawa niyo sa anak ko. Trauma ang inabot niya sa’yo. Hindi gawain ng lalaki ’yon. Wala naman akong tutol sa inyong dalawa, ang ikinaiinis ko ay kung bakit nagpakontrol ka at umabot pa sa puntong sinaktan mo ang bunso ko. Ang anak ko,” ani papa kaya napaiyak na ako ng tuluyan.
Ayoko ng makinig pa kasi nasasaktan ako pero gusto kong makinig lahat kaya pinanood ko pa silang mag-usap mula sa maliit na awang ng pintuan.
“My son deserves to be happy. Hindi ko iyon naibigay sa kanya kasi lagi akong wala sa tabi niya habang lumalaki siya. Busy ako sa Bayan na’to bilang Vice Mayor kaya maari ba, Alex, huwag mo namang saktan uli ang anak ko. Last chance, Alex, kapag sinaktan mo pa ang anak ko, hindi mo na siya makikita,” sabi ni papa kaya umalis na ako at bumalik sa kwarto ko.
Isang oras ang nakakalipas ay pumasok ako sa kwarto kung nasaan si Alex dala ang gamot. Tulog na siya kaya pinilit ko siyang gisingin.
“Alex, uminom ka na ng gamot,” sabi ko at bumangon naman siya.
“Alex, pwede bang paggaling mo umalis ka na? Umalis ka na rin sa buhay ko kasi mas lamang ’yong nararamamdaman kong sakit kaysa pagmamahal ko sa’yo,” matatag kong sabi.
“Keilo naman,” aniya at hinila niya ako para yakapin at rinig na rinig ko ang paghagulhol niya.
“Keilo, hindi ko alam kung maniniwala ka pero mahal na mahal kita at ayokong mawala ka sa buhay ko. Kaya ko ’to ginagawa para sa’yo,” sabi niya.
“Pati ba ’yong pakikipag-sex mo kay Patricia parte ng pagmamahal mo? Kasi kung oo, napakagago mo!” sigaw ko.
“Inaamin ko lahat ng ginawa ko pero pakinggan mo naman ako,” aniya at tumahimik ako at pinaupo niya ako sa tabi niya kaya naman magkaharap na kami ngayon.
“Si kuya Nico, minamanipula niya ako. Kinopya niya ang video natin sa phone niya at ginagamit niya ’yong pang-blackmail at ganoon din si Patricia. Tinatakot niya akong ise-send niya sa’yo ’yong video namin noong kami pa. Isa pa ’yong weeds na nasa bag namin ni Aldrin. Nilagay ni kuya lahat iyon sa bag namin at tinakot niya ako na isusumbong niya kami ni Aldrin kay daddy kapag hindi ako nakipag-sex kay Patricia,” aniya at ang dami pa niyang sinabi kaya dalawang malakas na sampal ang ginawa ko sa kanya kahit putok ang kilay niya at may pasa siya sa kanang bahagi ng pisngi niya.
“Gago ka pala eh! Sana sinabi mo agad sa’kin kasi hindi ko alam ang dahilan kung bakit bigla mo na lang akong niloko. Hindi ako manghuhula, Alex. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip mo pero putang ina mo! Sobrang weak mo! Sana sinabi mo agad sa’kin lahat para hindi ganito kasakit! Para hindi ako nasasaktan ng sobra! Maiintindihan naman kita eh!” Sabi ko at pinaghahampas ko siya sa dibdib habang umiiyak.
“Keilo, sorry,” aniya.
“Sorry, sorry, sorry!” Sabi ko at magsasalita pa sana ako nang bigla niya akong halikan ng may pananabik at namalayan ko na lang tahimik ako at humahalik na rin ako pabalik at bago pa umabot sa ibang estado ang lahat ay itinulak ko siya at umalis sa kanyang harapan.
Itutuloy…
SEASON 2: PART 29
Chatchawit Techarukpong as KEO
I had a huge crush on him since Waterboy (Thai Series)
CRY AGAIN SEASON 2: PART 29
KEILO
KINABUKASAN ay maayos na ang lagay ni Alex at buo na ang loob kong huwag siyang balikan dahil kahit saang anggulo ay mali siya. Mali siya dahil imbes na sabihin niya sa’kin lahat ay naglihim siya at pinaabot niya pa sa puntong nakipag-sex siya kay Patricia na ex niya.
Matatanggap ko kung sinabi niya lahat sa’kin pero pinili niyang maglihim.
Para saan pa ang relasyon kung maglilihim kayo sa isa’t-isa? Hindi ko lang talaga makuha kung bakit ang dali sa iba na manloko at maglihim sa kapareha nila.
Galit ako kay Alex. Galit din ako kay Nico at Aldrin pero mas galit ako sa sarili ko dahil minadali ko kasi lahat. Minadali ko ang sarili kong mahulog kay Alex.
“Kuya, ikaw na bahalang magpalabas diyan kay Alex,” utos ko kay kuya Keo nang masahi ko sa kanya lahat ng gusto kong gawin. Gusto ko munang mag-focus sa pag-aaral ko at iwas na muna ako sa relasyon dahil hindi iyon para sa akin.
“Sige, Keilo,” utos niya at dumiretso ako sa kwarto ko para mag-ayos ng damit.
“Kuya, mag-ayos ka na rin ng gamit. Luwas na tayo sa lungsod aftet lunch,” sabi ko at nag-thumbs up naman siya.
Mabilis lang naman ang ginawa kong pag-aayos ng gamit. Isang bag lang iyon at ready to go na talaga ako after lunch kasama ni kuya.
Gusto ko pa sanang magtagal rito pero enrollment na next week at kailangan ko pang magpa-hard bound ng narrative report ko sa OJT na tinapos ko na agad noong unang araw ko rito.
Dala ng pagod ay umidlip muna ako at nang makaramdam ako ng gutom ay bumaba na’ko sa salas kung nasaan si mama. Wala kasi si papa ngayon dahil maaga siyang pumasok sa munisipyo.
“Kain na, nak,” nakangiting paanyaya ni mama at iyon naman ang ginawa ko.
Masaya kaming kumain dahil wala na sa wakas si Alex at dadaanan na lang kami sa munisipyo ni kuya bago kami lumuwas.
“Nak, sana hindi ka magsisi sa huli, ha? Masaya ako sa naging decision mo,” aniya at ngumiti ako.
Matapos naming kumain ay ikinarga na lahat ni kuya ang gamit niya sa sasakyan at parehas kaming humalik sa pisngi ni mama bago kami sumakay ng sasakyan.
“Mag-ingat kayo,” ani mama bago tumingin kay kuya na nasa driver’s seat. “Ingat sa pagmamaneho anak at alagaan mo ang kapatid mo ro’n sa lungsod habang nagre-review ka,” dagdag pa ni mama at tinanaw ko pa siya sa sire mirror bago ako pumikit.
Dumaan na rin kami sa munisipyo at puro papuri ang natanggap namin ni kuya dahil sa mga hitsura namin at hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi ng mga konsehal na nandoon o binobola lang kami.
Matinding pagbibilin ang ginawa ni papa sa amin at lalo na kay kuya pero hindi naman kami tumutol.
“Kuya, kapag nagutom ka, drive thru muna tayo,” sabi ko bago ako matulog. Ni hindi ko na siya hinintay pang makasagot dahil sinalpak ko na rin ang earphones sa tenga ko at pinakinggan ko ang kantang “Say Yes” ni Loco at Punch. Korean song iyon pero sobrang hooked ako.
Ilang oras ang naging byahe namin at nagising ako dahil sa pagkulbit ni kuya.
“Kain tayo,” aniya habang inaabutan ako ng milk tea at burger at may fries din.
“Baduy ng binili mo, kuya Keo,” pang-aasar ko sa kanya.
“Okay na ’to, nagugutom na ako eh,” sabi niya at hindi na rin ako nagreklamo dahil gutom na rin ako. Halos mag-agawan kami sa fries na binili niya. Iisang order lang kasi iyon at regular pa!
“Patay gutom!” Aniya at tinawanan ko na lang siya dahil alam ko naman hindi niya ako matitiis.
Halos apat na oras ang naging byahe namin dahil sa trapiko kaya naman tinulungan ko na si kuya na magbaba ng gamit niya nang makapag-parking siya ng ayos sa parking area ng dormitory.
“Korni ng dorm na’to parang condo ang style,’ sabi ni kuya nang nakapasok siya sa kwarto ko.
“Si mama ang sisihin mo,” sabi ko bago ko siya hagisan ng bottle.
“Sabagay, favorite ka ni mama kaya nga binili niya na’tong building na’to months ago,” sabi naman ni kuya na matagal ko ng alam.
Halos maubos ang ipon ni mama doon pero dedma lang siya kasi babalik naman daw ’yong pera by process.
“Sensya na, kuya, lahat kasi ng rooms ay occupied na. Hindi ka naman pwede sa first floor kasi puro babae ro’n at lalong hindi pwede sa 3rd floor kasi puro CAT officers ang nandoon,” sabi ko naman.
“Ewan ko sa’yo, Keilo. Ang laki laki ng kwarto na’to tsaka pwede naman tayong tabi sa kama mo. Ayokong matulog sa sofa. Hindi ako komportable,” anito sabay inom ng tubig.
Nakatulog na si kuya sa sofa habang nanonood ng action movie sa Netflix kaya naman naghanda na’ko ng pagkain namin dahil gabi na.
Lumabas muna ako para mag-grocery at palihim kong kinuha ang susi ng kotse ni Kuya.
Pagkaparada ko ng kotse ay dumiretso agad ako sa loob ng grocery store at dumampot ng gulay at prutas. Isinunod ko rin ang manok at ilang paboring pagkain ni kuya.
Pagdating sa counter ay nakita ko agad si Yuki na nakangiti ng malaki at kumaway siya sa akin.
“Hindi mo ata kasama si Alex?” Aniya habang ipina-punch ang mga pinamili ko.
“Nasaan cashier mo? Bakit ikaw ang nagpa-punch ng mga binili ko?” Tanong ko para maiba naman ang usapan.
“Naka-sick leave kaya no choice ako,” aniya.
“Ikaw, kumusa bakasyon mo?” Tanong niya.
“Okay naman. Doon ako sa probinsya nag-stay ng one week,” sagot ko.
“I received two-thousand pesos,” aniya at tinawanan ko pa siya kasi ang cute ng pananalita niya.
“Your change– one hunderd fifty pesos,” aniya at kinuha ko naman iyon.
Dalawang box ang pinamili ko at hindi na nagdalawang isip pa si Yuki na buhatin ang dala ko.
“Salamat, Yuki!” Sabi ko nang mailagay niya sa compartment ang dalawang box. Inabot ko rin ang sukli kanina sa kanya bilang tip at tatanggi pa sana siya pero nagpumilit ako.
I admire Yuki kasi sobrang sipag niya. He managed to be a dean’s lister kahit nagtatrabaho na siya.
Napagtanto ko rin na maswerte ako sa buhay kasi hindi akong lumaki sa hirap. Lahat ng kailangan ko ay nandiyan na kaya naman hindi ko ugaling mag-aksaya ng pera.
Hindi ako maluho at hindi ako mahilig sa mamahaling restaurant o ano pa mang materyal na bagay at masaya na ako na simple lang.
Nang makarating ako sa dorm ay napagalitan ako ni kuya Keo dahil hindi ako nagpaalam sa kanya na gagamitin ko ang kotse niya.
“Sorry na, kuya. Wala namang nangyaring masama sa’kin eh,” pagpapalusot ko.
“Kahit na! Mapapatay ako ni mama’t papa kapag napahanak ka,” aniya kaya nginitian ko na lang siya bago ako nagsalita.
“Kuya, nasa sasakyan pa ’yong mga pinamili ko,” paglalambing ko sa kanya.
“Tapos ako pa ang pagbubuhatin ng mga pinamili. Ayos!” Hindi siya makapaniwala pero wala rin naman siyang magagawa.
–
Paboritong sinigang na baboy ang niluto ko para sa gabihan namin ni kuya at naggawa rin ako ng lemonade para makabawi kay kuya at habang kumakain kami sa mini terrace ay may kumatok sa pintuan at si kuya ang masipag na tumayo para magbukas ng pinto.
Pagbukas niya ng pinto ay nakita ko si Yuki at tiningnan siya ni kuya ng ayos.
“Sino ka? May kailangan ka ba?” Bungad ni kuya Keo.
“Ah, si Keilo kasi naiwan ’yong phone sa sa basket kanina,” sabi niya kaya agad akong tumayo.
“Ah, salamat, Yuki!” Sabi ko at pinabalik ko na sa pagkain si kuya.
“Walang ano man. Anyway, may kasama ka na palang bago rito sa dorm mo,” aniya at tumingin pa siya kay kuya pabalik sa akin.
“Ah, oo eh,” sabi ko sabay kamot sa kilay.
“Oh siya, Keilo, mauna na’ko. Gagawa pa ako ng narrative report ko,” aniya at inihatid ko siya sa baba.
“Sino ’yong maputlang ’yon?” Tanong ni kuya.
“Kaklase ko,” sagot ko at bumalik na ako sa pagkain habang si kuya ay kinukulit pa ako tungkol kay Yuki. Baka raw manliligaw ko iyon. Malabo.
Kinabukasan ay sinamahan ako ni kuya sa isang local printing shop para magpa-hard bound at nakasabayan ko pa si Aldrin pero hindi ko siyang iniimikan. Sinusubukan niya pang i-approach ako pero hindi hinahayaan no kuya Keilo na may lumapit sa akin.
“Tara na, kuya. Sa isang araw ko raw balikan,” paanyaya ko.
“Mabuti naman. Ang init doon sa loob tsaka ang daming nakatingin sa’kin. Pogi ko, ’no?” Naka-pogi pose pa siya.
“Ewan. Parang hindi naman,” sabi ko kahit ang totoo ay pogi naman talaga si kuya na kamukang-kamukha ni papa noong kabataan nito habang ako naman ay kay mama nagmana.
“Gutom na ako,” reklamo ni kuya nang makarating kami sa loob ng mall at halatang gusto niyang magpalibre kasi nakatingin siya ro’n sa stall ng mga pagkain sa food court.
“Mamaya na, kuya,” pang-aasar ko.
“Aba naman, Keilo! Magtatanghali na! Kung saan-saan mo na ako dinala, hindi ka man lang manlilibre ng pagkain? Susumbong kia kay mama!” Ani kuya na parang bata.
“Magsumbong ka. Ikaw ang isumbong ko kay papa!” Sagot ko pero kumain na rin kami ng sangkaterbang pagkain sa food court.
Nang matapos kaming kumain at dumiretso kami sa comfort room ng mall dahil naiihi na’ko at ganoon din si kuya.
Pagpasok ni kuya sa cubicle ay naiwan ako sa urinal at may pamilyar na boses ang tumawag sa akin.
“Keilo,” si Nico.
Gusto ko sana siyang suntukin pero hindi ko iyon ginawa dahik may plano na ako. Ako naman ang maglalaro.
Hindi ako tumingin sa kanya at naghinaw na lang ako nang kamay at pinatuyo ko ito sa hand dryer at nang lumabas si kuya sa cubicle ay lumapit ako sa kanya at inayos ko ang zipper niya na ikinalki ng mata ni Nico.
Isipin na niya ang dapat niyang isipin.
“Sino ka? Bakit nakatingin ka sa’min?” Tanong ni kuya kay Nico na na parang nanlamig to sa nakita.
“Bingi ka ba?” Tanong pa ni kuya.
“Got to go. Sorry sa abala sa inyong dalawa,” biglang sabi ni Nico kaya nang makaalis ito ay napayakap ako kay kuya at parehas kaming tumawa.
“Ayon pala ’yong Nico,” sabi ni kuya at sabay kaming natawa ng malakas.
ALEX
Isa na namang maghapon ang lumipas at wala man lang akong nagawa para bumalik si Keilo sa’kin.
Ang tanga ko naman talaga kasi.
“What’s with you, Alex?” Biglang tanong ni kuya Nico at tumalon ito sa bahagi ng pool na kinaroroonan ko.
“Bakit?” Tanong pabalik.
“I saw Keilo kanina sa mall. He’s with his new boyfriend,” casual na pagbabalita niya na ikinagulat ko.
“Boyfriend?” Pag-uulit ko.
“Yep. Nandoon sila kanina sa rest room ng mall tapos I saw Keilo fixing the zipper of his partner kahit nandoon ako,” sagot nito.
Kaya ba ayaw na akong balikan ni Keilo ay dahil may bago na siya? Bakit parang ang bilis naman?
“Are you sure, kuya?” Tanong ko at sakto namang biglang nag-ring ang cellphone ko na nasa ground.
“Oh, bro?” Si Aldrin iyong tumatawag.
“I have bad news. Huwag kang magugulat,” aniya sa kabilang linya.
“Say it,” sabi ko.
“ Nagpapa-hard bound ako kanina tapos nakita ko si Keilo. Mukang may bago na, pre. Pogi. Mas pogi sa’yo,“ sabi niya.
“Talaga?” Pagkukumipirma ko at hindi nga nagsisinungaling si kuya.
“Oo, pre. Inaakbay-akbayan pa siya noong lalaki tapos sinundan ko sila sa mall. Ang sweet nila, sobra,” sabi pa ni Aldrin kaya nalungkot ako bigla.
Ganito pala ’yong naramdaman ni Keilo dahil sa’kin. It’s killing me.
“Tama ka nga, kuya,” sabi ko nang bumalik ako sa pool area and I throw a can of beer towards his direction na nasalo naman niya.
“So…what’s your plan na may bago na agad si Keilo?” Tanong ni kuya at umiling ako bago ko siya sabuyan ng tubig.
“Kasalan mo lahat ’to!” Nalulungkot kong singhal na tinawanan niya lang.
Nasa ganoong posisyon ako nang dumating si Patricia at kumaway siya sa amin habang naglalakad pababa ng sasakyan.
“Ginagawa niyo rito, boys?” Tanong nito.
“Obvious ba?” Pambabara ko. Naiinis ako sa presensya niya.
“Init ng ulo kala mo hindi nasarapan sa’kin,” natatawa nitong sagot naasiwa ako at umahon na.
“You’re just a bed warmer,” sabi ko at tumawa naman sila ni kuya.
“Anyway, wala talaga akong video scandal nating dalawa kasi na-delete ko na lahat noon pa pero you can still fuck me kung gusto mo,” diretsahang pag-amin niya.
“Fuck you!” Sigaw ko.
“Fuck me!” Sabi naman niya kaya iniwan ko na sila ni kuya roon sa swimming pool.
Ang tanga ko. Tang ina!
Itutuloy….
SEASON 2: PART 30
Here’s another long update for you. Kapag umabot ’to ng 10 votes, mag-a-update ako ng dalawa pa. Hihi. jk lang pero pwede naman. Sorry sa typos, inilaban ko lang mag-update kasi malapit na akong magka-work. Susme! Adulting!!!
CRY AGAIN SEASON 2: PART 30
KEILO
TULOY ang buhay, ika nga nila at iyon ang ginagawa ko. One week na lang at pasukan na naman at ganap na akong Senior sa kolehiyo.
“Problema mo, kuya?” Tanong ko kay kuya na busy sa pagse-self review. Wala raw kasi siyang tiwala sa mga review center.
“Huwag kang maingay. Pag ako hindi nakapasa sa board exam, kasalan mo,” aniya at tinawanan ko na lang siya bago ako nahiga sa sofa at nagkuting-ting ako ng phone at binasa ko ’yong mga conversation namin ni Alex bago maging kami at noong kami na. Hindi ko napigilang mapaluha na naman at unang singhot ko pa lang ay nandiyan na agad si kuya.
“Ba’t ka umiiyak? Problema?” Magkasunod niyang tanong bago tumabi sa akin.
“Wala. Nagbasa lang ako ng convo namin ni Alex date. Grabe, ang sweet namin dati,” anas ko.
“Dati ’yon. Hindi dapat kawalan kapag manloloko,” aniya at hindi naman ako umimik.
“Kuya, pagupit tayo,” sabi ko.
“Sige. Tinatamad na rin naman akong magbasa,” aniya at nagmadali kaming pumunta sa mall para magpagupit.
Pagpasok pa lang namin ay inasikaso na agad kami ng staff doon at panay ang tingin nila sa muka namin ni kuya na akala mo ah may dumi.
“Ate, single ’yang kapatid ko. I-taken mo na,” wika ko sa babaeng nagsa-shampoo ng buhok ni kuya.
“Talaga po, sir?” Sagot nito at bahagyan namula ang muka habang si kuya naman ay sumagot.
“Dami mong alam, Keilo. Single ring ’yang kapatid ko, ibinubugaw ko na para sa free haircut,” pambawi niya kaya naman tawanan kaming apat.
“Shut up na nga, kuya Keo!” Sabi ko dahil ang lagkit ng tingin sa akin noong babaeng nagsa-shampoo ng buhok ko.
Tawanan uli.
Nang matapos kaming i-shampo ay pinatuyo naman ang buhok namin gamit ang blower at nakatulog ako habang ginugupitan.
“Sinong mas pogi sa’min ng kapatid ko?” Narinig kong sabi ni kuya sa babaeng naggugupit sa kanya.
“Siya po, pero pogi rin naman po kayo, Sir,” anas naman ng babae.
“Alam ko pero dapat mas pogi ako kasi ako ’yong kuya,” aniya.
“Dami mong alam, kuya Keo!” Sabi ko na lang nang imulat ko ang mga mata ko.
“Oo naman. Nagre-review na nga para maging architect na eh,” aniya at alam kong nagpapapogi lang siya ro’n sa ibang costumer.
“Eh ’di wow na lang sa’yo, kuya!” Sabi ko.
“Ikaw magbabayad!” Pahabol ko.
“Ikaw na. Ikaw ang nagyaya eh,” sagot naman niya.
“Susumbong kita kay papa! Sasabihin ko binuburaot mo’ko!” Sabi ko at natawa ang dalawang hairstylist na na naggugupit sa amin.
Walang nagawa si kuya dahil takot na lang niyang maisumbong.
“Pa-footspa at pa-pedicure na rin tayo, kuya Keo,” sabi ko at hindi na rin siya tumanggi.
“Miss, ah, ahh hahahhaha!” Palahaw ni kuya habang minamaneobra ng babae ang paa niya. Nakalimutan kong malakas ang kiliti ni kuya.
“Kalma, sir,” sabi ng babaeng nag-scrub ng paa niya.
Puno ng katatawanan ang naging araw namin ni kuya at nasira lang iyon noong paglabas namin ng arcade dahil kay Aldrin.
“Keilo, usap naman tayo,” sabi niya.
“Ayoko munang makipag-usap sa’yo, Aldrin,” diretsahan kong sagot.
“Pero, Keilo kasi..” hindi na siya natapos magsalita dahil sinugod na siya ni kuya at sinuntok siya nito ng isa na naging dahilan para magtaob ito.
“Sabing ayaw makipag-usap ni Keilo eh!” Singhal pa ni kuya at agad dumalo ang guard ng arcade para awatin sila dahil nakaagaw atensiyon talaga kami.
“Aldrin, sorry,” sabi ko bago ako hilahin ni kuya papalayo kay Aldrin.
“Sino ba ’yong kupal na ’yon? Noong nakaraan pa ’yong lapit ng lapit sa’yo ah?” Tanong ni kuya.
“Kaibigan ni Alex.”
“Kaya pala ayoko sa pagmumuka no’ng kupal na ’yon,” sabi ni kuya at inagaw ko ang bottled water na hawak niya.
“Kuya, sa susunod, huwag kang mananakit, ng basta-basta, ha?” Paalala ko sa kanya dahil baka mamaya, mapaaway kami.
“Ako ang bahala. Walang makakalapit sa’yo,” sabi pa niya kaya naman inagaw ko ang susi ng kotse dahil gusto kong mag-drive.
“Kapag tayo nahuli,” sabi niya pero wala naman akong pakialam sa sinabi niya dahil ako ang masusunod sa amin. Ako ang bunso.
Smooth lang ang naging pagpapatakbo ko at napasigaw talaga ako nang malakas dahil muntik na akong makabangga ng aso na biglang tumawid.
“Kuya…” Natatakot na sambit ko ng pangalan niya.
“Ang kulit kasi,” aniya at sya na rin ang nag-drive dahil bigla akong nawala sa wisyong mag-drive.
Matapos ang isang Linggo ay balik eskwela na ako uli at hinatid ako ni kuya sa school. Pagdating sa tapat ng gate ay tinapik niya ang balikat ko bago nagsalita.
“Agahan mo labas mo. Mag-e-enroll tayo sa karake class,” aniya at nag-thumbs up ako sa kaniya bago ako pumasok sa campus.
4th year college. Iba na ang kulay ng uniporme ko at proud ako sa sarili kong nandito na ako sa last year ko bilang mag-aaral.
“Keilo!” Tawag sa akin ni Yuki na running for Laude rin gaya ko.
“Yuki!” Tawag ko sa kanya at sabay kaming pumunta sa locker room ng college namin dahil tiyak na madumi iyon dahil dalawang buwan ding natengga.
“Keilo, nasaan ’yong boyfriend mo?” Tanong ni Yuki.
“Break na kami,” diretsahan kong sagot at hindi naman na siya nagtanong pa.
“Kaya pala nagpaikli ka ng buhok,” aniya at sinapo ko na lang ang buhok ko.
Matapos naming linisin ang mga locker namin ay naalala ko kung paanong lagi akong nakakakita ng sticky notes na may kasamang chocolates at roses noon dito na galing kay Alex. Those were the days na akala ko pure ang intention niya sa akin at mahal na mahal niya ako.
Mahal ko pa rin naman siya pero nahihirapan akong tanggapin na niloko niya ako kung kaya’t hindi ko kayang makipag-ayos man lang sa kanya.
“Yuki! Keilo!” Tawag ni Oliver na kasama sina Jules, Henry at Kit. Mga kaklase kong madalang ko na ring makasama kasi kay Alex umikot ang mundo ko noong mga nakaraang buwan at sem
“Yow!” Sabi ni Yuki habang tahimik lang ako at nakikipagngitian sa kanila.
“Ba’t hindi mo ata kasama si Aldrin at Alex?” Tanong ni Jules sa akin.
“Break na sila ni Keilo,” sabi ni Yuki bigla at hindi ko alam ang dapat kong maging reaksyon.
“Eh? Kailan pa?” Tanong ni Oliver.
Akala ko hindi nila alam. Alam pala nila dahil sobrang obvious namin sa klase at lagi pa kaming magkasama.
“Isang buwan mahigit,” sabi ko.
“Tagal na rin pala. Shot na lang tayo mamaya sa rooftop,” sabi ni Kit.
“Sige, kapag walang klase,” sabi ko at um-oo rin si Yuki dahil day-off daw niya sa trabaho.
Sama-sama kami sa una naming klase at ang iingay namin dahil wala namang prof at ganoon din hanggang sa tanghali kaya umakyat na kami sa rooftop ng college namin dala ang mga alak na nasa bag namin. Puro canned beer iyon at tawa kami ng tawa pero kinabahan ako.
“Doon na lang tayo sa labas ng campus. Graduating tayo, mga gago!” Sabi bigla ng kabadong si Jules.
“Kj pero sige, basta bibili ka pa ng isang case kahit rh,” sagot naman ni Oliver at nagdumali kaming tumayo lahat noong um-oo siya.
Absent si Alex at Aldrin sa palagay ko pero hindi na iyon importante.
Dahil inom na inom na kami ay doon kami pumwesto sa tapat ng apartment ni Yuki. May maliit na kubo roon na inokupa naming anim.
Junk food lang pulutan namin kaya naman nakulangang ako.
“Patak patak para sa alak at pulutan,” mungkahi ni Henry at isa-isa kaming naglabas ng pera na.
200 sa’kin, kay Henry, Kit at Oliver at hindi na namin pinag-ambag si Yuki at unawa na namin iyon. Siya na lang papabilihin namin.
At bilang pangako ay naglabas ng isang libo si Jules para sa isang case. Mukang magdamag kaming iinom.
Inilabas na namin 10 na canned beer at bumili naman ng yelo at malamig na red horse si Yuki kasama ni Henry.
Mabilis silang dumating at may dala silang dalawang case ng red horse na may mga yelo at junk food uli na pulutan.
“Para sa mga graduating!” Singhal ni Oliver kaya itinaas namin ang tig-iisa naming beer na de lata at inisang lag-ukan namin iyon. Napapikit na lang ako sa pait pero na-miss ko itong ganito.
Maya maya ay nagsalita si Jules dahil puro nagse-cellphone na.
“Guys, game tayo. Game kayo?” Sabi ni Jules.
“Game!” Sabay-sabay naming sagot.
“Lagay niyo mga cp niyo rito sa bag ni Keilo,” at inilagay naman naming lahat. Mukang alam ko na ang gusto niyang mangyari.
“Ang unang dumampot sa cellphone nila ay bibili pa ng isang case ng rh,” aniya.
“Game!” Sabi naming lahat at nagsimula ng maging smooth ang inuman namin.
Nagkakantahan, kwentuhan, tawanan kami at masaya ako dahil doon. Medyo nalilimutan ko si Alex kahit saglit.
Ubos na lahat ng canned beers at nakakalahati na namin ang isang case.
“Game tayo, guys!” Mungkahi ni Henry.
“G!” Sagot naming lahat.
“Six tayo, basic lang ang laro. Maiba taya, inuman version. Ang maiba ay iinom ng isang basong rh. G?” Aniya at walang tumutol sa amin.
“Maiba, lasing!”’sabi namin at ako ang talo kaya tawanan kami habang bino-bottoms-up ko ’yong malamig na red horse na nasa baso.
“Maiba, lasing!” Saba-sabay naming sabi at si Yuki ang talo kaya ganoon ang ginawa hanggang sa maubos na namin ang isang case ng red horse.
Tanghali pa lang at hindi na kami lahat kumain dahil plano na naming i-celebrate ang freedom ko raw sabi ni Oliver.
“Hmm, Keilo, curious lang ako, bakit kayo naghiwalay ni Alex eh parang hindi kayo nag-aaway?” Tanong ni Jules kaya natuon ang atensiyon nilang lahat sa akin.
“He cheated,” sabi ko at napa-aww sila.
“I thought okay si Alex. Manloloko pala ang kupal,” sabi ni Kit.
“Para kay Keilo!” Sigaw ni Yuki na nagtaas ng plastic cup niya kaya nag-cheers kami.
“Para kay Keilo!” Sigaw uli nila.
Puro malalakas mag-inom ang mga kasama ko at hindi ako papahuli kaya nang kunin ni Oliver ang cellphone niya sa bag ko ay sumigaw ako bilang warming pero makulit siya.
“Isa pang case ng rh!” Natatawang sabi ko at napa-woah kaming lahat nang maglabas ng pambili si Oliver.
Smooth ang naging inuman namin at naikwento ko na lahat ng gusto nilang malaman at nakisimpatya naman silang lahat sa point of view ko.
“Maiba tayo, dare game uli!” Sabi ni Henry at hinawi niya ang mesa.
“Simple lang, truth or dare pero mas maganda kung puro dare,” natatawa niyang sabi at pinaikot na niya ang bote ng rh saesa at tumapat iyon kay Kit at si Oliver ang nasa tail.
“Hmm, dare ako!” Malakaa ang loob ni Kit.
“Okay, lagyan mo ng kiss mark si Keilo sa dibdib,” walang preno niyang sabi at ayokong maging kj kaya in-unbotton ko ang polo ko at lumabas ang dibdib ko at tahimik silang nanonood sa gagawin ni Kit.
“Tang ina!” Sabi niya at tumingin siya sa akin bago niya supsupin ang dibdib ko. Nabubuhay ang diwa ko sa ginawa niya kaya napapikit ako sa sarap.
“Basic!” Sabi ni Kit habang napahinga ako ng malalim habang tinitingnan nila ang chikinini sa kaliwa kong dibdib.
“Walang lalabas na video, ha?” Sabi ni Kit at um-oo naman silang lahat.
Sunod na ikot ng bote ay tumapat kay Henry ang head at tail kay Jules.
“Dare!” Matapang na sabi ni Henry.
“Bumili ka pa ng isang case ng rh!” Matalinong dare ni Henry na ikinatawa naming lahat na mga namunula na. Inabot na kami ng hapon sa kakainom.
“Sige. Basic!” Aniya at nagpabili siya kay Yuki ng alak.
Smooth lang uli ang tagayan namin at nakakadalawa’t kalahati na kaming case ng red horse
Hinintay muna naming dumating si Yuki at Oliver bago naming ipinagpatuloy ang laro.
Pagkaikot na pagka-ikot ng bote ay tumapat sa akin ang head at tail naman kay Kit ang tail.
“Dare!” Matapang kong sagot dahil ayokong magpakaka-kj. Nagkakasiyahan.
“Torrid kiss kayo ni Oliver!” Utos ni Kit at si Oliver pa mismo ang humila sa akin at nakaupo ako sa lap niya at hinihigop niya ang labi ko at gumanti naman ako ng halik at naghiyawan na sila.
“Shet! Ang sarap ng labi ni Keilo!” Sabi ni Oliver at pinatay naman ni Kit cp ni Oliver na hawak niya sa pag-video sa amin.
Natapos ang laro namim at nang ako na ang ang mag-dare ay dinare ko si Yuki na uminom ng isang bote ng rh.
Madalim na at pulang pula na kami at dinaig pa namin ang nag-inom sa fiesta-han dahil kahit susuray-suray na kami ay inom pa rin. May mga nagsuka na pero inom pa rin at ganoon din ako. Hindi ko na alam ang kapasidad kong mag-inom pero hindi gaya ng sinasabi ng pnp ay ito pa rin naman ako at ’di rapist ang mga kasama ko.
“Alak pa!” Singhal ni Kit na nakasansal na kay Jules.
Sa aming anim ay wala ng halos may lakas na magsalita pero umiinom pa rin kamo dahil sayang ang alak.
“Keilo,” bakit ka umiiyak?“ Sabi ni Henry sa akin at hindi ko rin alam na umiiyak na pala ako dahil naiisip ko si Alex at ang tagpong niloko niya ako.
“Wala lang. Ang sakit lang na maloko,” sabi ko at tinapik-tapik ni Jules ang likod ko at niyakap ko na lang kung sino katabi ko. Basta gusto kong umiyak.
“Sssh,” sabi ni Oliver na kahit natatalisod na sa paglalakad ay niyakap ako at tinapik ang likod ko.
Mayamaya ay umikot ang tiyan ko kaya agad akong tumayo at nasuka na ako sa banyo nina Yuki.
Nagmumog muna ako at sinundan ako ni Jules at Oliver.
“Okay ka lang?” Tanong ni Oliver at tumango naman ako matapos kong magmumog ma may mouthwash.
Pagbalik namin sa mesa ay tuloy pa rin ang inuman nang biglang dumating si Alex. Lumapit siya sa akin pero hindi siya hinayaan ng mga kasama ko na makalapit sa akin.
“Pre, hayaan mo si Keilo. Manloloko ka. Kadiri,” sabi ng lasing na si Kit at tinulak ko rin siya pero dahil lasing ako ay wala na yata akong lakas.
“Alex, ginago mo si Keilo!” Sigaw uli ni Kit pero desidido si Alex na lapitan ako. Papikit-pikit ako pero itinataboy ko siya.
“Layo!!” Sigaw ko at dahil lahat kami may tama na ay hindi nila napigilan si Alex nang buhatin niya ako. Nasa likod niya ang ulo ko at lalong umikot ang mundo ko kaya habang naglalakad siya ay nasuka ko.
“Alex, ingatan mo si Keilo!” May sumigaw pa na isa sa kanila at doon na ako nawalan ng malay tao kahit na nagsusuka ako sa likod ng taong kinamumuhian ko.
ALEX
Yuki texted me to pick Keilo because all of them are drunk already. All of them were our block mates and luckily, he’s still there.
Puro panlalait ang narinig ko kay Kit Henry, Jules, at Oliver at hindi na’ko nag-react because I knew to myself na deserve kong malait.
Binabakuran ko pa noon si Keilo sa mga kaklase namin pero ako pala ang mananakit kay Keilo. That thougt hurt me.
The moment I saw how wasted Keilo was, I immediately made an action perot itinataboy niya ako kaya naman binuhat ko na siya sa balikat ko. Nasa likod ko ang ulo niya at nasa unahang ang half ng lower body niya.
Suka siya ng suka pero I don’t care at all.
“Tang ina mo, Alex! G-gago ka!” Nakapikit na siya at alam kong lasing na siya pero galit pa rin siya sa’kin.
Bakit ba kami umabot sa ganito. Siguro noong nagpapaulan ng katangahan, isa ako sa malas na nakasalo.
Mahal na mahal ko si Keilo at nagsisisi ako na nasaktan ko siya.
I made a huge step papunta sa sasakyan ko at isinandal ko muna siya sa pinto ng kotse at hinubad ko ang damit ko dahil may bahid ito ng suka at umikot ako sa kabilang pinto para kumuha ng damit at tubig.
“A-lex,” ungot ni Keilo habang binibihisan ko siya ng damit. Pinainom ko rin siya ng tubig at hinalikan ko siya sa noo.
Naiyak ako kasi alam kong kasalan ko lahat. Kasalan ko kaya lumayo ang loob ni Keilo sa akin at kasalan ko rin kung bakit siya nagkakaganito. Kasalanan ko rin na nakahanap agad si Keilo ng bago.
“You need to go home, Keilo,” sabi ko at inihiga ko siya ng ayos sa back seat.
Dahil malapit lang dorm ni Keilo ay nakarating ako agad sa tapat ng dorm nila at ibinaba ko ng ayos si Keilo dala ang bag niya kasama ng uniporme niya.
“Saan mo dinala ang kapatid ko!?” Nanggagalaiting tanong ng kuya ni Keilo na nakausap ko sa probinsya nila.
“Tang ina? Saan mo dinala ang kapatid ko at lasing na lasing?” Anas pa nito habang inaalalayan niya akong buhatin si Keilo sa palapag na kinaroroonan ng kwarto ni Keilo.
Nang maihiga namin sa kama si Keilo ay isang malakas na suntok ang nakuha ko mula sa kuya niya at naiyak na lang ako habang nakaupo.
“Sorry. Tinext ako ng kaklase ko na lasing na raw si Keilo kaya sinundo ko,” sagot ko habang umiiyak kasi kalasanan ko naman talaga lahat.
“Kung hindi mo niloko ang kapatid ko, sana hindi siya nagkaakaganito! Sinira mo ang buhay ng kapatid ko!” Nanggagalaiti ito. He seemed really furious. “Kapag nalaman kong may ginawa kang masama sa kapatid ko, babasagin ko ’yang muka mo!” Nagbanta na ito.
“Tumayo ka na riyan at baka mabasag ko iyang muka mo! Kulang pa ’yan sa ginawa mo kay Keilo! Gago ka!”
Devasted, I stand and walk away from Keilo. Minsan hindi ko na rin ang gagawin ko. Sana hindi ko pinaiyak uli si Keilo.
Itutuloy..
SEASON 2: PART 31
Note: It’s been awhile. Sorry, mga kapatid. Medyo nag-a-adjust pa sa trabaho at talagang pagod lagi.
CRY AGAIN SEASON 2: PART 31
KEILO
MASAKIT ang aking ulo nang imulat ko ang aking mga mata. Sobrang sakit at gusto kong iumpog ’to sa pader. Sobrang dami naming nainom at hindi ko na nabilang kung ilan lahat ang beses na sumuka kami.
Natawa ako sa thought na ’yon.
“Gising na ang maglalasing na dilana ng ex niya rito kagabi,” salaysay ni kuya na busy sa pag-i-stretching.
“Si Alex ang naghatid sa’kin dito?” Paninigurado ko at pinitik niya ang noo ko.
“Exactly! Tsaka, napano ’yong nasa dibdib mo? Bakit may chikinini ka?” Aniya na naiinis na umupo sa tabi ko.
“Hindi ko alam, kuya,” maang-maangan kong tugon.
“Lie,” aniya at pinitik niya ako uli sa noo.
“Keilo, normal ma-broken pero hindi normal na abusin ang sarili. Graduating ka na. You are almost there. Huwag mong sayangin ang time mo,” sermon niya.
“If I were you, magpo-focus muna ako sa pag-aaral. Sobrang nilulunod mo ang sarili mo sa sakit na dapat nile-let go mo na. I am not trying to invalidate your feelings pero hindi na healthy ’yang estado mo. You’re messing up with yourself,” aniya at tahimik lang akong nakikinig.
“Tagal kong naghintay sa labas ng campus niyo tapos nakikipag-inuman ka lang pala. Sana nagsabi ka para hindi na ako naghintay. You wasted my time for nothing,” aniya at bakas sa boses niya ang ganap na pagtatampo kaya naisip kong mag-inarte para hindi na siya magalit sa’kin.
“Sorry, kuya Keo. Hindi na mauulit,” sabi ko habang nakahawak sa ulo at tiyan ko na nananakit.
Totoong masakit ang ulo at tiyan ko dahil sa pag-iinom. Hangover!
“Tsk!” Naiinis pa rin siya.
“Kuya, sobrang sakit ng ulo ko tsaka tiyan. Gusto kong kumain pero nahihilo talaga ako,” sabi ko.
“Inom pa! Grabe ka, Keilo! Pinag-alala mo ako! Magdamag akong hindi nakatulog kakaalaga sa’yo. Suka ka ng suka! Pati kumot natin sinukahan mo. Sinusuntok mo pa ako sa dibdib habang tulog ka!” Pagrereklamo niya kaya na-touch ako na may kuya akong gaya niya.
“Kuya,” kumapit ako sa hita niya. “Sobrang sakit ng tiyan ko,” naiiyak na daing ko.
“Kairita!” Aniya at padabog na pumunta siyang kusina at inabutan niya ako ng tubig at naamoy kong parang nag-iinit siya at tama ako dahil sabaw iyon ng nilaga.
“Higupin mo ’yan tapos huwag ka na munang pumasok. Susko ka, Keilo! Gusto kitang isumbong kay mama at papa!” Reklamo niya pero alam kong nag-aalala rin siya sa’kin.
“Kuya, thank you! Pero wala bang kanin?” Dagdag ko at tumayo siya para daldan ako ng kanin na nakalagay sa maliit na mangkok.
“Paggaling ko, lilibre kita ng food na gusto mo, kuya,” sabi ko nang matapos akong kumain.
“Dapat lang!” Aniya at tinabihan niya akong mahiga at nauna pa siyang makatulog sa’kin.
Kinabukasan ay inihatid ako ni kuya sa campus at nagbilin lang siya na huwag na huwag daw akong iinom uli dahil isusumbong na niya ako kay mama at papa.
“Keilo!” Tawag sa akin ni Oliver nang makapasok ako sa klase. Kumaway lang ako at ngumiti bago naupo sa tabi ni Yuki.
Ang iingay. Puro kwentuhan ang ginawa namin at luckily ay wala namang video na kumalat dahil cellphone ko ang ginamit sa pagbi-video.
Ilang minuto pa bago dumating ang prof namin nang dumating si Alex at Aldrin na hindi namin pinagtuunan ng pansin.
“Sana all cheater!” Pang-aasar ni Kit.
“Sana all cheater!” Pag-uulit ni Jules sabay tingin kay Alex.
Tawanan at natigil lang ang ingay nang dumating ang prof namin sa Undergraduate Thesis Writing.
“Okay, class. Good morning!” Ani Sir Agase. “Today, let’s focus on your undergrad thesis,” aniya pa.
“After I read your papers, I can say that some are actually good and some are not. And now, sit beside your partner,” at ginawa naman ng lahat iyon bukod sa akin na solo lang sa research ko.
“Sana all may partner!” Singhal ng isa Oliver kaya natawa kaming lahat pati prof namin.
“Now, last chance, sigurado na ba kayo na hindi niyo papalitan ang katabi niyo?” Natawa ako sa tanong niya.
“Sir, si Keilo, mukang ipinagpalit na!” Nang-asar pa si Oliver kaya natawa ang lahat pati na rin si Sir. Hindi ko sinasadyang mapatingin kay Alex na noo’y nakatingin lang sa akin.
Ayoko ng tumingin uli sa mga mata niya dahil noong huli ko ’yong ginawa ay halos bumitaw na’ko.
After ng discussion ay nag-settle na rin ako na umuwi dahil wala rin naman ako sa mood maglakwatsa ngayon.
Saktong paglabas kong gate ay hinila ako ni Alex at tiningnan ko siya ng masama pero sumama naman ako sa kanya.
“Kayo na ba ni Oliver?” Tanong niya.
“Sinasabi mo diyan?” Sagot ko.
“Naghalikan kayo,” sagot niya.
“Nag-sex din naman kayo ni Patricia, ’di ba? So..kayo rin?” Sarkastiko kong sagot.
“Keilo naman. Answer me, mahal mo pa ba ako?” Tanong niya at natahimik ako.
“Keilo, please,” at lumuhod siya kaya naalarma ako. Buti na lang nasa parking lot kami.
“Alex, tumayo ka riyan,” utos ko at letseng mga luha ’to, gusto na namang pumatak.
“Keilo, I am sorry. Pinagsisisihan ko lahat ng nagawa ko. Nasaktan kita. Pwede bang bigyan mo pa ako ng last chance. Keilo,” at pumiyok na siya.
“Alex, alam mong mahal na mahal kita at hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita kaya tumayo ka na,” sabi ko.
“Ayoko na,” sabi ko habang umiiyak.
“Keilo naman,” sabi pa niya.
“Alex,” sabi ko at niyakap niya ang tuhod ko pero pilit ko iyong tinanggal at iniwan ko siyang nakaupo sa semento.
Itutuloy…
SEASON 2: PART 32
CRY AGAIN SEASON 2: PART 32
KEILO
One week matapos ang tagpo sa amin na iyon ni Alex ay hindi na niya ako kinulit. Hindi ko na rin siya nakikita sa campus kaya nag-aalala ako sa kanya. I became heartless at some point at walang pero roon. Hindi ko man lang siya pinakinggan man lang. I closed my heart kahit alam kong mahal na mahal ko siya.
Siguro nga ay bata pa ako. Nasa proseso ng pagkatuto.
“Tama lang naman ang ginawa mo. Kung ako ’yon, sinapak ko pa ng isa ’yon,” sabi ni Jairus habang kumakain kami ng mangga sa bahay nila.
“Pero nagi-guilty ako,” pag-amin ko.
“Mahal mo pa?” Tanong niya at tumango ako.
“Oh, eh, bakit hindi mo bigyan ng chance?” Tanong niya sabay sawsaw ng pisngi ng mangga sa asin na may sili.
“Natatakot ako,” sagot ko.
“Kung lagi kang matatakot, walang mangyayari. Kung mahal mo eh, ’di g na! Masasaktan kung masasaktan. Doon ka na sa sasaya ka kahit sinaktan ka. Bukambibig mo rin naman,” aniya.
“Lastly, sundin mo ’yong gusto mo. H’wag kang mag-play safe. Sige ka, kapag nagsawa na ’yon, ikaw naman ang maghahahol,” aniya pa sabay tapik sa balikat ko ng mahina.
Araw ng Lunes ay nag-decide ako na kausapin na si Alex at hindi ko alam kung anong mangyayari basta napagtanto ko na tama si Jairus. Hindi ako dapat matakot.
“Aldrin,” pagtawag ko kay Aldrin nang makalabas siya sa restroom pero hindi niya ako pinansin.
“Aldrin!” Pasigaw kong tawag at nagulat ako nang yakapin niya ako.
“Keilo, sorry na!” Aniya at ewan ko ba kung bakit ako naiiyak kasi niyakap ako ni Aldrin gayong ako ’tong iwas ng iwas.
“Galit ka pa ba sa’kin?” Tanong niya at umiling ako nang bumitaw siya sa pagkakayakap.
“Ah, Aldrin, si Alex?” Diretsahan kong tanong kaya natahimik siya.
“Kasi Keilo,” hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang lumabas si Alex sa restroom.
Mabilis siyang naglakad at akmang tatawagin ko pa sana ang pangalan niya pero pinangunahan ako ng kaba.
“Alex,” sambit ko sa hangin dahil nawala na siya sa pangin ko.
“Keilo, kumain ka na ba? Anong gusto mong kainin. Libre ko!” Masayang sabi ni Aldrin.
“Nako, huwag na,” sagot ko pero mapilit si Aldrin at nasa personalidad niya iyon.
“Keilo, anong balita na sa’yo. Okay ka ba? Kumusta ang thesis mo?” Iyon ang sunud-sunod niyang mga tanong habang hawak ang milkshake niya.
“Ayon naman ako,” sabi ko habang tinatanaw si Alex na kausap ng medical student na nasa kabilang table na medyo malayo sa amin ni Aldrin.
“Ikli naman ng sagot mo pero sana hindi ka na talaga galit sa akin,” aniya at hindi ako sumagot agad dahil nakita kong hinawakan noong babae ang kamay ni Alex.
Napalunok ako.
“Dito pa talaga sa cafeteria naglalandian,” bulong ko sa hangin.
“Keilo, ano ’yon?” Tanong ni Aldrin.
“Ah, sabi ko nasa Chapter three na ako sa thesis,” sagot ko at napakarami pa naming napagkwentuhan ni Aldrin kahit naka-focus ang mga mata ko kay Alex at sa babae niyang bago.
“Ah Aldrin, gf ba ni Alex ’yong babaeng ’yon?” Dirersahan kong tanong.
“Hindi ko sure eh. Bakit pala?” sagot niya.
“Wala lang. Happy ako para sa kanila,” pagsisinungaling ko.
“Nga pala, una na ako. Nag-aantay na si kuya sa labas ng gate eh,” sagot ko at dala ang sarili ko ay iniwan ko na si Aldrin at sa huling pagkakataon ay nagkatitigan kami ni Alex at inirapan ko lang siya ng simple bago ako nagpatuloy sa paglalakad.
Mukang late na talaga ako kay Alex. Nakahanap na agad ng bago.
“Noo mo, nakakunot naman,” pagpuna ni kuya Keo sa’kin nang makarating kami sa bahay.
“Pagod lang, kuya,” sagot ko.
“Pagod oh may iniisip na iba?” Sagot niya pero hindi na lang ako sumagot dahil gusto kong matulog na lang.
“Magkweto ka. Makikinig ako,” ang bungad ni kuya nang mahiga siya sa tabi ko.
“Pass muna, kuya. Pagod lang talaga ako,”
Lumipas pa ang ilang araw at muka namang normal na ang lahat bukod sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam lalo na kapag nakikita ko si Alex na kasama ’yong medical student na bago niya (sa paningin ko).
“Keilo, arat, sabay ka na sa’ming kumain!” Paanyaya ni Yuki na kasama si Jules at Oliver.
“Hmm, pass muna ako. Medyo wala akong gana eh,” sabi ko pero hindi nagpatinag si Oliver at inakbayan niya na ako.
“Libre ko naman kaya bawal ang pass,” aniya at natawa na lang ako sa kakulitan niya.
Sa totoo lang, gusto kong magliwaliw ngayon kasi parang ang bigat ng dibdib ko lately. Buti na lang talaga at mas naging close kami ngayon ng ilang mga kaklase ko kaya nakakasabay ako sa saya nila.
“Oliver,” sabi ni Yuki.
“Oh?” Sagot ni Oliver habang nakaakbay sa’kin. Matapos iyon ay nakita kong inginuso ni Yuki si Alex na naglalakad papalapit sa amin kaya umakbay din ako kay Oliver ng ayos.
“Gagawin ko?” Tanong ni Oliver na inayos pa ang pagkakaakbay sa’kin.
“Sabi ko nga,” sabi ni Yuki at nagtawanan naman sila ni Jules na noo’y hindi ko mabasa ang iniisip.
Ilang segundo pa kaming naglakad at parang hangin lang na dumaan si Alex sa harapan namin. Ni hindi niya ako nilingon o binigyan man lang ng atensyon.
Nang makarating kami sa labas ng campus ay nandoon na rin si Kit na nakahawak sa cellphone niya at binati namin ang isa’t-isa nang makaupo ako sa tapat niya.
Um-order na rin kami ng mga pagkain at parang tanga kaming nag-aagawan sa ulam at kanin.
“Kain ka pa, Keilo, ang payat mo eh,” pang-aasar ni Oliver habang nilalagyan ng fried chicken ang plato ko.
“Sana all binibigyan ng leg part ng manok!” Pang-aasar ni Kit at ginatungan pa iyon ni Jules.
“Oo nga. Mapapa-sana all ka nalang talaga!”
“Loko!” Sabi ni Oliver.
“Gusto niyo ba? Oh, sige. Sa inyo na lang ’to,” sabi ko at pinigilan naman ako ni Oliver.
“Sa’yo lang ’yan,” sabi niya at tahimik na akong kumain hanggang sa mabusog kami.
Ilang kwentuhan pa ang ginawa namin hanggang sa naglakad na kami papabalik sa campus para sa huli naming klase.
As usual ay sabay-sabay na kaming naglakad at pinuntahan namin si Henry na nagre-render ng punishment niya sa Library dahil nahuli siya ng prof namin na kumakain at nagse-cellphone habang nagkakaklase.
“Kumusta ang napaglinis ng Library?” Pang-asar na tanong ni Kit kay Henry.
“Bored, bwiset!” Aniya kaya sabay-sabay kaming natawa.
“Parang hindi naman!” Sabi ni Yuki.
“Oo nga! May kanin ka pa nga sa baba mo eh,” pang-aasar naman ni Kit kaya na-curious si Henry at pinunasan niya ng panyo ang baba niya.
“Maiba tayo, kumusta pala kayo ni Alex, Keilo?” Biglang tanong ni Henry at napaisip ako ng isasagot.
“Wala namang kami kaya oks na ’yon,” sagot ko.
“Hmm. Ganoon ba? Kasi kanina nakita ko sila noong Med Tech na sabay kumain tapos sabay ding tumambay sa Library. Mukang sila na kasi sobrang sweet nila,” aniya at hindi ako nakasagot.
“Ano namang pakialam ni Keilo ro’n? Eh wala na naman sila, ’di ba? Masaya na si Keil kaya hayaan na natin ’yong dalawang ’yon,” ani Oliver at nagkatinginan si Yuki at Kit.
“Sabi ko nga,” sagot ni Henry at dumiretso na kami sa washroom para magsipilyo.
Matapos iyon ay lumipas ang oras kaya namalayan ko na lang na nasa classroom na kami.
“Keilo, uwian na. Tara na,” sabi ni Oliver nang imulat ko ang aking mga mata. Nakatulog na pala ako.
“Shocks, nakatulog ako?” Tanong ko at natawa siyang tumango.
“Tayo na lang ang nandito sa loob ng room. Two hours ka ng natutulog. Ayaw naman kitang gisingin kasi ang sarap ng tulog mo,” pagsasalaysay niya pa.
“Luh, sorry,” sabi ko at tumayo ako para mag-mouthwash na idinura ko na lang sa basurahan.
“Tulo ba laway ko?” Tanong ko sa nakaupong si Oliver.
“Hindi naman. Payapa ka matulog,” aniya na nakangiti.
“Ah, anong oras na?” Tanong ko sa kanya.
“Five,” sagot niya at napasapo ako sa noo ko.
ALEX
“Hindi mo ba pupuntahan si Keilo sa classroom?” Aldrin asked me while brushing his hair.
“Hindi ko rin alam. I am lost,” I answered. “I am sure na he don’t want to see me,” I added.
“Ikaw ang bahalang maunahan ni Oliver. Sabi pa naman ni Yuki gusto raw ni Oliver si Keilo,” Aldrin teased me again.
“What should I do?” Tanong ko.
“Puntahan mo na!” Pasigaw niyang sagot at tinapik ko siya sa likod at iniwan ko siya roon sa loob ng gymnasium.
After hearing that Oliver likes Keilo, it breaks my heart kahit wala pa namang sila.
Mukang hindi rin effective ang pagpapaselos namin sa kanya ng pinsan kong si Glem kaya hindi ko na alam ang gagawin ko.
I reached our building and the moment I entered our classroom, I felt bad for myself.
“Keilo, I like you,” sabi ni Oliver and he kissed Keilo kaya hindi na ako nakapagsalita.
Maybe this is the end for the two of us.
I didn’t wait for Keilo’s answer at all and I immediately leave them. It’s their business now. Ayoko ng makialam.
Itutuloy….
CRY AGAIN PART 33
CRY AGAIN SEASON 2: PART 33
KEILO
“Gusto mo’ko?” Tanong ko kay Oliver habang nakatingin pa rin sa kanya.
“Oo. Hindi ko alam, basta naadik lang ako sa’yo simula noong nag-inuman tayo,” aniya.
“Sorry, Oliver. Gusto rin naman kita pero… hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay,” sagot ko.
“Dahil ba kay Alex?” Tanong niya at tumango naman ako.
“Ang swerte sa’yo ni Alex kasi napakabait mo. Kaya kita nagustuhan eh,” aniya at ngumiti siya sa akin ng malaki.
Hindi ko talaga alam na gusto ako ni Oliver kaya hindi ko agad naiproseso ang mga katagang sinabi niya sa akin kanina. Hinalikan pa niya ako.
“Oh, paano? Tara na!” Aniya at inakbayan niya ako habang naglalakad kami pababa ng main building ng college namin.
Medyo guilty ako kasi may nasaktan ako pero mas nakaka-guilty kung papaasahin ko siya.
“Ah, Oliver,” parehas kaming napatigil sa paglalakad.
“Oh?” Malumay niyang sagot sa tonong patanong.
“Sorry,” sagot ko.
“Hmm, para saan?” Tanong niya.
“Kasi ni-reject kita,” sagot ko.
“Okay lang ako, loko pero noong sinabi mo biglang bumigat kaya parang kailangan ko ng yakap,” aniya at ginawa ko iyon agad. Niyakap ko siya ng mahigpit at nagtatakbo ako matapos kaya parang naghahabulan kaming dalawa sa hallway.
“Keilo!” Sigaw niya at natatawa naman akong tumakbo.
Nang mapagod kami sa pagtakbo ay kapwa kami tumambay sa labas ng campus at uminom kami ng energy drink na libre niya.
“Anong plano mo kay Alex?” Tanong niya bigla.
“Hindi ko rin alam,” sagot ko.
“Nako, mahirap ’yan,” sagot niya.
Hindi ako agad nakaimik.
“Alam mo, Keilo, alam kong may ginawang masama si Alex sa’yo pero nakita mo naman na nagbago na siya, ’di ba? He did his best para mapatawad mo siya. Alam mo ba noong nag-iinom tayo, tawag ’yon ng tawag sa amin. Hinahanap ka. Alam mo rin ba na nagkasakit ’yon kasi hindi kumakain at hindi na raw nakakatulog kakaisip sa’yo. Alex is a good catch,” salaysay niya.
“Bakit mo sinasabi sa’kin ang lahat ng ’yan, Oliver?” Tanong ko.
“Kasi gusto kong maging masaya ka.” Iyon ang sagot niya na ramdam na ramdam ko na totoo.
“Gusto ko ng magkaayos kami ni Alex pero kada naaalala ko ’yong ginawa niya sa’kin, pinangungunahan na ako agad ng kaba at takot. Masisisi mo ba ako?” Iyon lamang ang mga nasabi ko hanggang sa na-open ko sa kanya kung paano nagsimula ang lahat kay Jaderick at Alandel.
“Wala akong masabi. Pero ’di ba kinaya mo naman?” At tumango ako.
“Good. Kasi kung hindi ay baka hindi ka na umusad pa. Ito lang ang huling masasabi ko sa’yo, ha? Piliin mong maging masaya. Maikli lang ang buhay, Keilo. Leave it or take it. Kapag natakot ka, talo ka. Kapag naman sumubok ka, panalo pa rin ’yon kahit hindi kayo magkatuluyan. Tingnan mo ako, sinabi ko agad na gusto kita kasi ayokong magsisi ako na hindi ko sinabing gusto kita,” aniya at tumayo na siya.
“Oh paano? Una na ako,” aniya at nag-flying kiss pa siya sa akin bago siya tuluyang nawala sa paningin ko.
Buong gabi ako nag-isip ng sasabihin ko kay Alex. Buong gabi rin ako nagtanong sa sarili ko kung kaya ko na kaya naman sinimulan ko sa pag-unblock sa numero niya. Isinunod ko rin ang pag-unblock sa mga social media accounts na mayroon siya. Ako pa mismo ang nag-add at nag-follow pero hindi niya ako in-accept agad.
“Kuya Keo, hahatid mo ba ako?” Tanong ko kay kuya matapos naming mag-almusal at tumango naman siya.
“Nga pala, kuya. Makikipagbalikan na ako kay Alex,” sabi ko at natigilan siya.
“Hindi pa ba kayo uli?” Tanong niya at umiling ako.
“Ah, kala ko kasi kayo na. Basta support ako kung saan ka magiging masaya,” aniya at naging mabilis ang umagang iyon.
Marami pang ibinilin si kuya sa akin habang nasa sasakyan kami kaya naman tatapangan ko na. Sobra na ang pagka-miss ko kay Alex.
Mula sa pagpasok ko ng gate ay agad akong pumunta sa car park ng aming campus at hinintay ko roon ang pagdating ni Alex. Hindi naman ako nagtagal sa paghihintay at nang makababa siya ng sasakyan ay tinawag ko agad ang pangalan niya.
“Alex,” mahina kong tawag at nakita kong wala siyang ganang humarap sa akin.
“May kailangan ka ba?” Tanong niya na tila wala pa ring gana.
“Mag-usap tayo,” sabi ko.
“Nag-uusap na tayo,” aniya.
“Ang ibig kong sabihin, ayusin natin kung anong mayroon sa atin,” at pumiyok na ako dahil naiiyak ako at kasi feeling ko parang nag-fade off na ’yong feelings niya para sa akin.
“Akala ko ba ayaw mo na sa’kin?” At tuluyan ng tulumulo ang luha ko pababa sa aking mga pisngi. Hindi ako makapagsalita.
“Paano si Oliver?” Tanong niya.
“Ha? Walang kami ni Oliver, Alex! Ikaw ang mahal ko! Gago ka ba?!” At nainis na ako sa kanya kaya napahawak ako ng mahigpit sa uniporme niya.
“Paano ako makakasigurado?” Naiinis na talaga ako kay Alex ng sobra kaya hinawakan ko ang dalawa niyang pisngi at hinalikan ko siya pasandal sa kotse niya at doon ko nakumpirma na mahal na mahal ko pa rin talaga siya kahit ilang buwan na kaming wala dahil sa panloloko niya.
“Okay na ba?” Tanong ko at imbes na sagutin at hinila niya ako pabalik at hinalikan niya ako ng sobrang lalim na hindi ko sinukuan. Matapos iyon ay kusang nagbitaw ang mga labi namin nang may paparating na sasakyan kaya napapasok na lang kami parehas sa loob ng kotse niya.
Akala ko ay magsasalit na siya pero niyakap niya ako ng sobrang higpit at naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha niya.
“I miss you so much, Keilo. Mahal na mahal kita. Sorry sa lahat ng nagawa ko. Napakagago ko,” wika niya.
“Sssshh! Huwag ka ng umiyak. Nandito na ako. Sorry din sa lahat ng nagawa ko. Hindi kita inunawa kasi ang sakit, Alex eh. Hindi ko in-expect na sasaktan mo rin ako gaya ni Alandel. Sobrang nadurog ako sa ginawa ko pero hindi ko kayang hanggang tanaw na lang lagi sa’yo eh alam mo namang patay na patay ako sa’yo!” At sinuntok ko siya sa tagiliran ng mahina.
“Ako ang patay na patay sa’yo, Keilo. Mahal na mahal kita at alam mo bang pinagselos kita, nagpapansin ako sa’yo at lahat ng kaya kong gawin ay ginawa ko para bumalik ka,” aniya pa at marami pa siyang sinabi sa akin tungkol sa mga nangyari sa kanya hanggang sa natagpuan na lang namin ang isa’t-isang nagyayakapan at nakangiting lumabas ng kotse niya.
“Pinatawad mo na ba ako?” Tanong niya.
“Matagal na kitang pinatawad,” sagot ko.
“Mahal mo ba ako?” Tanong niya kaya pinisil ko siya sa pisngi.
“Aray!” Reklamo niya kaya natawa ako. “So tayo na po ba uli?” Tanong niya.
“Wuy, manligaw ka muna!” Sagot ko na parang isang babae.
“Noted po! Starting today, manliligaw mo na ako,” aniya at tumawa ako.
“Oh, bakit ka tumatawa?” Anxious niyang tanong.
“Joke lang. Huwag ka ng manligaw, tayo na uli. Basta ba gawin mo ang dapat at huwag mo na akong paiiyakin uli, ha?” Sabi ko at ako pa ang unang humalik sa kanya bago ko siya tinakbuhan.
“Keilo! Mahal! Babe! Baby!” Tawag niya. “Hintay!” At hinabol niya ako.
“I won’t let you CRY AGAIN, Keilo,” aniya at saktong naabutan niya akong nakaupo sa bleachers kung nasaan si Oliver, Yuki, Kit, Jules at Aldrin na sabay sabay na pumalakpak.
“Sana all binabalikan!” Sabay-sabay nilang sigaw kaya nakaagaw kami ng atensyon na tinawanan ko lamang dahil alam kong iiyak man akong muli ay hindi na dahil sa lungkot kundi dahil sa sayang dulot ng pag-ibig ni Alex.
Itutuloy….
CRY AGAIN: FINALE
Hi! Thank you at nandito ka na. Muli tayong magpapaalam sa ating mga bida ngunit hindi nagtatatapos dito ang lahat. Salamat sa mga patuloy na nagbababasa ng mga gawa ko. Mahal na mahal ko kayong lahat.
CRY AGAIN SEASON 2: FINALE SPG///
ALEX
“Dude, gago ka!” Oliver cursed at my face randomly.
“Oo na. I am gago na. Happy?” I said sarcastically.
“Plano mo kay Keilo?” And there he got me.
“How is that question related to you? Hindi ba kayo na ni Keilo? Are you trying to humiliate me? If yes, you’ve won!” I answered.
“Makinig ka nga muna, Alex,” there I pause.
“Mahal ka pa rin ni Keilo. Nagtapat na ako kanina at wala, pre, ikaw pa rin. Ang pogi mo!” Sarcastic ang pagkakasabi niya pero I felt the pain in his words pero parang vitamins sa akin ang sinabi niyang mahal pa rin ako ni Keilo kahit na gago ako.
“Wala ka bang sasabihin?” Nagtanong siyang muli.
“I don’t know,” I honestly said. Pwede naman ’yon, ’di ba? You can still love someone from afar kasi alam ko namang wala ng akong babalikan. Hindi lahat ng mahal ka ay babalik sa’yo.
“Tanga ka ba, Alex? Ayusin niyo na ni Keilo ’yang natitirang pagmamahal niyo sa isa’t-isa. At please, huwag mo ng saktan uli si Keilo kasi ako mismo ang babasag sa muka mo!” Go signal niya which somehow enlightened my head that maybe it’s not yet the end for me and for Keilo. Maybe we can still fix everything.
“I won’t promise anything, Oliver. Keilo’s my everything kaya kapag sinaktan ko siya, parang sinaktan ko na rin ang sarili ko. ’Yon lang ang alam ko,” sagot ko and he tapped my shoulder bago siya umalis sa harapan ko.
When you cry, pain kicks different, but when you smile just to hide that you are in pain, it’s like a torture.
“Aldrin, thank you!” Sabi ko kay Aldrin na nag-text sa akin na naghihintay daw si Keilo sa parking lot ng campus kaya nagmadali akong pumasok. I actually planned to dropout na at magpahinga for a year para makalimot kapag hindi kami naging okay ni Keilo and to my surprise, he was there. I tried to ignore him pero I can’t. I really cant.
Upon seeing his face, nakalimutan ko ng gago ako. Nakalimutan ko ng nasaktan ko siya.
We kissed and all these pain I have inside me left in an instance. Para akong bumalik sa dating ako dahil kay Keilo.
“Totoo ba ’to?” Tanong ko kay Keilo nang makapasok kami sa loob ng kwarto niya kung saan nandoon ang kuya niya. He smiled at me at ginawa ko rin iyon, genuinely.
“Kuya, okay na kami ni Alex. Kami na,” masayang-masayang sabi ni Keilo sa kuya niya na lumapit sa akin at bumulong.
“Good job! Labas ka muna, usap tayo,” at iyon ang ginawa ko. I followed him outside and he started laughing and it made me confused for a second.
“Why are laughing?” He asked after his moment of laughter which I really don’t know the reason behind.
“I am sorry, sir,” I sounded like a student.
“Stop the formalities and I hate being called by ‘sir’. This time, call me your kuya Keo since okay na kayo ni Keilo,” aniya na ikinasaya ko.
“Yes, kuya,” sagot ko.
“Much better. Nga pala, ayokong lolokohin mo uli ang kapatid ko, ha? Basag ’yan muka mo sa’kin tsaka ’yong kotse mo sa baba kapag ginawa mo iyon. Please, huwag na huwag mong sasaktan ang kapatid ko, ha? Ipangako mo sa’kin, lalaki sa lalaking usapan,” aniya pa.
“Oo naman, kuya. Hindi ko na ulit sasaktan si Keilo,” sagot ko.
“Okay lang mag-away minsan basta ayusin niyo agad. Walang perfect na relationship. Marami pang challenges na darating at maraming manghuhusga sa inyo. Basta gawin niyo lang sandalan ang isa’t-isa, gagaan ang lahat,” aniya pa bago siya nagpaalam na may susunduin siya.
“Anong sabi ni kuya?” Tanong ni Keilo nang makapasok ako sa loob ng kwarto niya.
“Basta,” sagot ko at ngumiti na lamang siya.
“Pwede ba kitang halikan?” Tanong ko.
“Oo naman!” Aniya at dinambahan niya ako at buhat buhat ko siya ngayon kaya naman magkatapat ang aming mga mukha at sinunggaban ko agad siya ng halik.
Makailang minuto ay ibinaba ko siya sa sofa at mula sa aking bulsa ay kinuha ko ang dalawang singsing na gustong-gusto kong ibigay sa kanya.
“Keilo,” I am on my knees.
“Alex,” tawag niya pabalik.
“Ang korni nito pero please, let’s promise to not let our emotions carry us away from each other. Gawin natin ’yong best natin para hindi na tayo magwakas uli na parang hindi magkakilala. I will accept all the judgments from othe people and I will refrain myself from talking sa mga taong makakasakit sa’yo. Mahal na mahal kita, Keilo,” umiiyak na ako.
“Please, marry me,” sabi ko inilahad ko ang singsing na kanina ko pa dalang umaga.
KEILO
“Alex, hindi mo naman kailangang gawin ito. Kahit walang singsing, o kung ano pa basta nandiyan ka, okay na ako roon. Nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin pero hindi ko magsasawang sabihin na mahal na mahal kita, Alex and yes, I will wholeheartedly marry you!” Sabi ko kaya naman pagsuot pagsuot niya ng singsing sa akin ay binuhat niya ako at ipinatong sa kama at sinimulan niyang hubarin ang damit niya at ganoon din ang ginawa ko.
Hinalikan niya ako sa labi at isinunod niya ang leeg ko na nagpatindi ng sensasyong nadarama ko.
“Alex..” ungol ko nang susuhin niya ng sal-itan ang aking dalawang utong.
“Ahhh, Alex,” sabi ko nang bigla niyang salsalin ang kahabaan ko.
Ganoon na rin ang ginawa ko, lumuhod ako sa harapan niya at kitang-kita ko ang kahabaan niyang nakatutok sa muka ko. Sinimulan ko iyong hawakan at dinilaan ko iyon agad sa ulo at sinipsip ko ang precum na nandoon at dinilaan ko rin ang katawan ng ari niya pababa sa kaniyang bayag.
“Ahhhh,” ungol niya na mas lumakas noong isubo ko ang higit anim na pulgada niyang ari. Sagad kung sagad na ikinabaliw niya at ilang ulos ang ginawa niya bago niya ako patayuin at naglagay ako maraming lotion sa ari niya at sa butas ko at itinaas niya ang dalawa kong paa sa balikat niya at doon siya nagsimulang umulos sa mabagal na papabilis na ritmo.
Halos mabaliw ako sa hapdi at sarap pero hinayaan ko lang na mabaliw ako hanggang sa puro sarap na lang ang nararamdaman ko lalo na noong hinuhugot baon niya.
Miss na miss namin ang isa’t-isa at nakailang posisyon kami at nakadalawang rounds na kami bago namin tinigilan ang isa’t-isa. Sabay na rin kami sanang liligo kaso paglabas namin sa kwarto ay nasa salas na pala si mama at kuya at nandoon din si Aldrin.
“Anak, baka mabuntis ka agad ang lakas pa ng ungol niyo,” pang-asar ni mama at kitang-kita ko ang muka ni Alex na namumula at alam kong ganoon din ako kaya sabay kaming napapasok sa banyo.
“Keilo!” Sigaw ni kuya habang rinig ko ang tawa ni Aldrin at Mama.
“Round two ata,” sagot ni Aldrin na rinig ko kaya naman hinalikan ko na lang si Alex at kinuskos namin ang katawan ng isa’t-isa at natawa na lang kaming dalawa.
Kinompronta kami ni mama at marami silang pinag-usapan at ewan ko ba kung anong mayroon basta natagpuan ko na lamang ang sarili kong umiiyak habang nakayakap kay Alex nang maggabi. Nasa kwarto niya kami at nakausap ko na rin si Nico at pinatawad ko na siya. Masaya siyang nagkabalikan na kami ni Alex at ganoon din ang mga magulang nila.
“You cried again,” aniya.
“Masaya lang ako,” sabi ko.
“Masaya rin ako, mahal ko. I won’t make you CRY AGAIN,” aniya at doon nagsimulang muli ang lahat.
WAKAS
CRY AGAIN: EXTRA CHAPTER
CRY AGAIN: Extra Chapter
KEILO
Naging okay ang lahat muli sa amin ni Alex at masayang-masaya ako dahil doon. Minsan nga ay iniisip ko kung nasa panaginip pa rin ba ako o totoong buhay na. Minsan, ang hirap malaman ng pagkakaiba dahil araw-araw ay ipinaparamdam sa akin ni Alex na nag-iba na siya at mahal niya talaga ako.
“Good morning, mahal ko!” Bungad niya sa akin nang magising ako sa tabi niya.
“Good morning din, mahal ko!” Sabi ko at hinalikan niya ako sa labi ng mabilis kahit na nagpupungas-pungas pa ang aking paningin.
“Ready na ’yong almusal, tayo na lang ang hinihintay,” ani Alex. Nasa camping kasi ang klase namin ngayon ay magkasama kami sa tent.
“Maghihilamos lang ako,” sagot ko ay iyon na nga ang ginawa ko. Nag-mouth wash na rin ako at pagkatapos na pagkatapos kong magmumog ay hinalikan ako agad ni Alex.
“Wuy, baka may makakita sa’tin,” sabi ko nang kumalas ako mula sa pagkakahalik niya.
“Okay lang sa’kin,” natatawa niyang sagot kaya ngumiti na lang din ako.
“Sana all!” Iyon ang narinig namin ni Alex nang halikan niya akong muli.
“Kanina pa kayo hinahanap ni Sir Katar. Naglalandian lang pala kayo rito,” natatawang bungad ni Oliver na kasama si Yuki. Parehas silang may hawak na mangkok.
“Tara na!” Sabi ko kay Alex at nagtawanan pa silang tatlo.
Mga sira.
Masarap na sopas ang naging almusal namin at tinadtad kami ng instructor namin ng mga survival activities pagkatapos.
At nang sumapit ang hapon ay nagbabad na kami ibaba ng talon. Malamig ang tubig at sakto lamang ang lalim para sa tatlumpung tao.
Public na ang relasyon namin ni Alex pero hindi iyong tipo na maglalandian kami sa harap ng madla. Medyo private pero kapag may nagtatanong ay hindi namin itinatanggi. Ganoon kami.
“Keilo,” nagulat ako nang lumapit sa akin si Jaderick, ang ahas kong kaibigan.
“Oh?” Kalmado kong sagot.
“Mamayang 10, dito sa talon, kita tayo. Sasabihin ko sa’yo lahat ng hindi ko pa sinasabi,” aniya at bigla akong kinabahan sa mga sinasabi niya.
Kinagabihan ay nagkwentuhan ang marami sa amin tungkol sa nakakatakot nilang experiences at matapos iyon ay naggitara si Alex at kumanta naman kaming magkakaklase. Medyo gumaan ang pakiramdam ko pero nang magsitulog na ang lahat ay tumingin ako sa relos ko.
9:56 na ng gabi. Inalis ko ang pagkakayakap ko kay Alex na masarap ang pagtulog.
Nag-isip muna ako kung lalabas ako at iyon ang ginawa ko. Dahan-dahan akong lumabas at hawak ang cellphone ko ay nakita ko si Jade na may hawak na beer. Paano kaya niya iyon naipuslit dito. Sabagay, ay may tindahan na medyo malayo sa kinaroroonan namin.
“Buti dumating ka,” aniya at hindi na ako nagpigil pa.
“Ano ’yong gusto mong sabihin?” Tanong ko at tiningnan niya ako bago tumawa ng mahina.
“Chill lang, Keilo. Upo ka muna,” kalmado niyang sagot at para magsalita na siya ay sinunod ko ang sinabi niya.
“First of all, sorry sa lahat ng nagawa ko,” sabi niya at tahimik lang ako.
“Mahirap patawarin ’yong ginawa ko kaya alam kong hindi mo ako mapapatawad. Sinira ko ang pagkakaibigan natin dahil lang kay Alandel. Ang tanga ko,” aniya at nakita ko ang luhang pumapatak mula sa mga mata niya at hinayaan ko lang siya na magsalita.
“Una, alam kong pinagpustahan ka ni Alex at Nico. Alam ko rin na mina-manipulate ni Nico si Alex at Aldrin at maging si Mark. Biktima lang si Alex. Naka-sex ko dati si Nico at sinabi niya sa akin na plano niyang paglaruan ang puso mo kaya inunahan ko na siya,” at natawa pa siya. “Noong time na umuwi ka at narinig mo ang pag-uusap namin no Alandel na niloloko ka namin, ako ang may pakana noon dahil akala ko titigilan ka na ni Nico,” aniya.
Hindi ko alam kung maniniwala ako sa mga sinasabi niya dahil nahihirapan akong iproseso ang lahat.
“Mahirap paniwalaan pero, inggit ako sa’yo dati pa. Ikaw kasi matalino, mahal ng magulang, lapitin ng tao at laging pinipili, habang ako, lagi akong nasa anino mo,” aniya.
“Kaya ba nagawa mo akong gaguhin kahit itintrato kitang parang kapatid ko na? Jade, hindi excuse ang mga nararamdaman mong inggit para hindi ka maging makatao. Jade, totoo ako sa’yo, alam mo ’yan. Ang tagal na nating magkaibigan. Lahat sinasabi ko sa’yo, hindi ako nagkulang sa’yo,” sabi ko at medyo bumigat ang timbang ng hangin.
“Sorry uli, Keilo. Ako ang may kasalanan ng lahat. Inuna ko ang inggit ko. Liligawan ka sana ni Nico noon pero tinakot ko siya na ilalabas ko ang video naming dalawa kaya nauwi sa panggagago lahat. Inutusan ko si Nico na paglaruan kayo ni Alex kasi ang saya saya niyong dalawa habang ako, hindi,” sabi niya pa.
“Pero nasa’yo na si Alandel,” sabi ko.
“Oo nga pero hindi ko lang tanggap na si Alex tapos sobrang saya mo pa,” sagot niya na hindi ko kayang iproseso.
Nagpaloko at nagpakontrol siya kay Nico tapos kinontrol niya rin si Nico para saktan kami ni Alex. Ang galing.
“Pero after ng lahat ng ginawa ko, Keilo, hindi na ako naging masaya. Akala ko masaya ako noong una pero hindi. Lagi akong dinadalaw ng mga alaala nating dalawa. Guilty ako at nagsisisi ako sa lahat ng ginawa ko,” aniya pa at umiyak na siya ng tuluyan.
“Last, ako ang may dahilan kung bakit ka hinalikan ni Mark. Sinabi ko sa kanyang crush mo siya kahit hindi,” sabi pa niya kaya napailing na lang ako.
“Nagsisisi ka ba talaga?” Tanong ko sa kanya at tumango naman siya.
“Sobra akong nagsisisi,” sabi niya pa.
“Kung nagsisisi ka talaga, tumalon ka mula sa itaas ng talon,” sabi ko at nagmadali siyang tumakbo paakyat at ilang minuto ang lumipas ay tumalon na siya kaya napatalon na rin ako sa tubig dahil kinabahan ako dahil ang tagal bago siya umahon.
“Keilo, sorry na. Patawarin mo na ako,” sabi niya at sinabuyan ko siya ng tubig sa muka.
“Umahon na tayo, Jade. Baka mahuli na tayo ni Sir. Mahirap na,” malumanay kong sagot.
“Keilo, okay na ba tayo?” Tanong niya ay inabot ko ang kamay ko sa kanya nang paahon na siya at nang akmang aabutin niya iyon ay binawi ko ang kamay ko kaya bagsak uli siya sa tubig at tawa ako ng tawa.
“Kumusta ang sakit mo?” Tanong ko sa kanya.
“Galing na kami ni Alandel,” sabi niya.
“Mabuti naman,” sagot ko at doon ko napagtanto na maaalis ang bigat sa dibdib ng isang tao kapag nagpatawad tayo.
-THEPAGEWRITER-
CRY AGAIN: EXTRA CHAPTER (2)
CRY AGAIN: EXTRA CHAPTER
KEILO
“Okay na kayo ni Jade?” Tanong ni Alex nang makauwi kami galing sa camping. Kanina pa niya ako kinukulit, nasa byahe pa lang kami.
“Hmm, hindi ko sure. Basta pinatawad ko na siya kasi ayokong may bigat pa sa dibdib ko. Pinatawad ko lang siya pero hindi na kami magiging magkaibigan uli kaya hindi ko sure kung okay na talaga kami,” pagpapaliwanag ko.
“Ikaw ang bahala. Basta alam ko, swerte ako sa’yo,” aniya at hinawakan niya ang kamay ko at hahalikan niya pa sana ako nang biglang dumating si kuya Keo at kasama niya si Yuki.
“Yuki?” Sabay pa naming tanong ni Alex.
“Nakalimutan ko kasi ’yong cellphone kong pinahabilin sa’yo, Keilo,” aniya at kumamot siya sa kaniyang ulo.
Bakit siya namumula?
“Ay, oo nga. Sige, kunin ko lang sa bag ko,” sabi ko at mabilis ang naging kilos ko at iniabot ko agad ang cellphone ni Yuki sa kanya.
“Hmm, mauna na ako, ha?” Sabi ni Yuki at parang ang stiff talaga ng galawan niya. Hindi naman siya ganoon.
“Ingat, Yuki. Gusto mo bang ipahatid na kita kay kuya?” Sabi ko.
“Nako! Huwag na. Kaya ko namang umuwing mag-isa,” aniya at nabubulol na siya at ang pula pula ng kaniyang mukha.
“Hatid mo na, kuya. Kahit diyan sa labas,” sabi ko pa.
“Malaki na ’yan. Nakarating nga rito eh. Kaya mo naman, ’di ba?” Sagot naman ni kuya at tumingin pa siya kay Yuki na tumingin saglit kay kuya at um-oo naman din agad.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil wala naman ako sa mood na magpa-late sa major subject namin. Pagbangon ko ay nakaupo na si Alex malapit sa hapag at ganoon din si kuya.
“Good morning, sleepyhead! Kain na tayo. Nagluto ako ng almusal,” bati niya na may pagyayabang kaya naman naengganyo akong maghimalos at magmumog agad bago umupo sa tabi niya.
Unang kagat ay napangiwi ako sa alat ng sinangag at nagkatinginan kami ni kuya pero hindi ko muna iyon ipinahalata at isinunod ko ang pritong manok na hilaw pa. Tinikman ko rin ang itlog na sobrang alat. Sunog din ang kabilang parte ng niluto niyang hotdog kaya naparami ang inom ko ng tubig.
“Masarap?” Tanong ni Keilo at hindi ako agad nakasagot.
“Oo pero sa susunod, ako na lang ang magluluto, ha?” Sagot ko na tinawanan ni kuya Keo.
“Alex, tama ng may hitsura ka, ha? Huwag ka na uli magluluto,” pang-aalaska ni kuya.
“Sige, kuya,” aniya at naawa ako sa hitsura niya. Nakangiti lang siya pero parang ang bigat ng ngiting iyon.
Tahimik lang si Alex habang nasa byahe kami. Hindi siya umiimik at mukang dinamdam niya ang naging kumento namin ni kuya sa luto niya. Nakaisip tuloy ako ng kalokohan.
“Alex?” Tawag ko sa kanya habang nakatingin lang siya sa unahan. Nagmamaneho kasi siya ng kotse.
Hindi niya ako pinansin. Tatawagin ko pa sana siyang muli nang maisip kong gawin na ang balak ko.
“Alex,” sabi ko habang nakahawak sa umbok niya. Napakagat siya bigla sa labi lalo na nang ipasok ko ang kamay ko sa loob ng suot niyang pants.
“Alex, sorry na,” at inilabas ko na ng tuluyan ang kaniyang alaga.
“Alex,” sabi ko at kita ko ang bilis ng paghinga niya lalo na ng isubo ko ang alaga niya.
“Ahhh,” aniya lalo na nang isubo ko lahat ang kahabaan niya.
“Hindi ko na kaya,” at tumigil kami sandali sa isang gilid at hinawakan niya ang mukha ko.
“Subo mo pa,” aniya at natawa ako.
“Bati na tayo?” Sabi ko.
“Oo,” aniya at sabik na sabik kong nilaro ang kaniyang alaga hanggang sa marating niya ang sukdulan.
“Ang sarap!” Aniya at muling bumalik ang saya niya dahil gumuhit iyon sa kaniyang mga labi. Iyon lang pala ang gusto eh.
Alam kong marami pa kaming magiging tampuhan pero nakakasigurado ako na maayos namin iyon lalo na’t kapa na namin ang ugali ng isa’t-isa.
-THEPAGEWRITER-

