Daddy Issue: Sebastian Family #boyxboy #tagalog
HowToKissThisGuy · 4 chapters · 4,606 words
Panimula
Kamakailan lang, madalas kong napapansin na umaalis siya ng bahay tuwing kalaliman ng gabi. Hindi ko rin matukoy kung saan siya pumupunta o sino ang kinakatagpo niya.
At sa tuwing uuwi siya ng umaga, kinakamusta ako na para bang walang nangyari.
Lumaki lalo ang kuryosidad ko. Gusto ko siyang usisain, gusto kong malaman kung ano ang ginagawa niya. Hindi ko tinangkang gawin ito dahil natatakot akong magkasira kami.
Hindi ko akalaing ang tinatago niyang sikreto sa akin ang babago sa relasyon naming mag-ama.
Ako si Hugo, at ito ang kuwento ng pamilyang Sebastian.
Author’s POV
Good day, Readers!
Salamat sa pag-aabang sa kwentong ito. Hindi ko akalaing mag-iisip ako ulit ng sulat. Ilang beses na rin akong nagtangkang bumalik para magsulat, ngunit wala talaga akong naging inspirasyon. Pero heto ako ngayon, magsisimula ng bagong kwento.
Kung may tanong kayo, comment lang, at agad ko itong sasagutin. Sobrang ma-appreciate ko ang feedback ninyo, basta keep it healthy and constructive ang mga comments at criticisms. Maraming salamat!
howtokissthisguy
Kabanata 1
HUGO’S POV
“Fuckk… damn it…” sambit ko matapos ko tunggain ‘yung bote ng JD, ramdam ko pa ‘yung init bumababa sa dibdib ko.
Napasubsob ako sa manibela, nanginginig ang kamay, humihingal sa bigat. Madilim ang gabi, basang-basa ng ilaw ng poste ‘yung windshield—at ako, tatlong oras nang nakaparada sa gilid ng kalsada, humahagulgol parang wala nang bukas.
Hindi ko na maalala paano ako napunta rito.
Hindi ko alam kung paano ko pa ibabalik ‘yung sarili ko sa pagmamaneho. Para akong lantang gulay, walang lakas ang braso ko, wala ring direksyon ang utak ko.
Paulit-ulit pumapasok sa isip ko lahat ng nangyari sa amin ng girlfriend ko ng tatlong taon.
Wala akong makuhang dahilan. Wala man lang paliwanag. Wala.
Sinubukan ko siyang tawagan ulit, desperado na kahit konting sagot lang… pero out of coverage pa rin. Parang ako iniiwan sa ere. Ilang saglit pa, nag-vibrate ang phone ko.
Napabalikwas ako, akala ko si Candice. Pero hindi—number ni Dad ang tumatawag. Napahinga ako nang malalim. Pinunasan ko ‘yung basa ng mata ko, pilit na inaayos ang boses ko kahit basag na basag na.
“S-Son. Pauwi ka na ba? Let’s eat with your Uncle Jorge,” sabi ni Dad, magaan ang tono niya, parang wala siyang ideya na gumuho na ‘yung mundo ko.
“Dad…” pagkasabi ko nun, bumigay ako. Tuloy-tuloy na ‘yung luha ko. “Dad…”
“Hugo, what happened to you? Your voice—may problema ba? Kasama mo ba si Candice?”
Pagbanggit niya ng pangalan niya, parang tinamaan ako sa sikmura. “We… we broke up. Candice… is not with me anymore.” Tumahimik si Dad sandali, pero ramdam ko ‘yung pag-aalala niya kahit sa hinga niya.
“I got your location. I’m on my way. Stay there. Don’t drive, do you hear me?”
“Yes, Dad…” bulong ko, halos pabulong, halos wala ng boses.
Pagbaba niya ng tawag, napaupo ako nang diretso, nakatingin sa kawalan.
Lumiko ang puting SUV ni Dad sa tapat ng kotse ko, at bago pa ako makagalaw, bumaba agad si Uncle Jorge. Hindi na siya nagsalita ng marami—binuksan lang niya ang pinto ko at marahang hinila ang braso ko pataas.
“Hijo, ako na magmamaneho ng sasakyan mo, okay?” malumanay pero firm niyang sabi.
Tumango lang ako, wala na akong boses para sumagot.
Hinawakan niya ang susi ko, kinuha mula sa aking nanginginig na kamay, at sumakay sa driver’s seat ng kotse ko. Pero bago niya isara ang pinto, nilingon niya ako at sinabing, “Your dad’s waiting for you. Go.”
Paglingon ko, si Dad nakatayo sa likod ng SUV niya, naka-jacket, hawak ang pinto ng passenger seat. Hindi siya nagsasalita, pero ‘yung tingin—damn—parang hinahatak na niya lahat ng sakit sa dibdib ko.
Lumapit ako, mabigat ang hakbang. Paglapit ko sa kanya, hinawakan niya ang likod ng leeg ko—hindi masakit, hindi rin sobra, sakto lang para maramdaman kong hindi ako nag-iisa.
“Son… get in,” bulong niya, mababa ang tono, parang sinadyang gawing mabagal para hindi ako tuluyang mabasag.
Pumasok ako. Isinara niya ang pinto, umikot, tapos sumakay sa driver’s side. Wala pa rin siyang sinasabi. Pero ramdam ko ‘yung bigat ng bawat hinga niya.
Umandar kami.
Tahimik ang loob ng kotse, maliban sa mahinang makina at basag kong paghinga. Ilang minuto na walang salita, hanggang siya na ang bumasag ng katahimikan.
“Hugo…” bulong niya, hindi tumitingin sa akin, nakatutok ang tingin sa kalsadang madilim. “Three years… then suddenly she’s gone?”
Napakagat ako sa labi, pinipigil ‘yung luha pero wala ring kwenta—tumuloy pa rin. “Dad… I don’t know why. She just… left.”
Hinampas ni Dad ng mahina ang manibela gamit ang hinlalaki niya. Hindi galit—frustrasyon. Yung tipong gusto niya akong protektahan pero late na.
“And you were out here alone. Drinking. Crying. Driving.” Mas bumaba pa ang boses niya. “You scared me, son.”
Napapikit ako. Hindi ko mapigilang humikbi ulit. “I’m sorry…”
“Hugo.” Malalim. Mabigat. Ramdam ko yung pagod niya, pero mas ramdam ko yung pagmamahal. “You don’t apologize for breaking.”
Napahawak ako sa mukha ko, hindi ko na kayang itago. “Dad… it hurts.”
Suminghot siya, mabilis, parang may tinatago rin siya pero ayaw niyang ipakita. “I know, son. That’s why… tonight, you’re not going home.”
Napatingin ako sa kanya. Seryoso ang mukha niya, pero may lambing sa mata.
“I’m taking you somewhere you can breathe. Somewhere you won’t drown alone.”
Lumihis siya sa daan pauwi. Kumanan papunta sa city lights.
At doon ko nakita ang direksyon ng kotse, neon signs, ang pulso ng musika kahit sarado ang pinto.
Isang bar .
Not just any bar—‘yung alam mong safe para masira sandali, para huminga, para masabi mo lahat nang walang humuhusga.
“Dad…” bulong ko.
“Son…” sagot niya, naka-smirk nang konti, bittersweet. “Let me take the weight tonight.”
At huminto kami sa harap ng bar—kami lang dalawa, magkaharap sa gitna ng gabi na parang parehong basag pero magkasama.
Pagbukas pa lang ng pinto, muntik na akong mapahawak kay Dad—ang dilim sa loob, pero may mga warm amber lights na parang kandilang gumagalaw sa hangin. Intimate. Tahimik. Hindi maingay. Hindi lasingan.
Parang… ibang mundo.
“Dad… ngayon ko lang ‘to nakita,” bulong ko, hilo pa rin, ramdam ko ‘yung JD na naglalakad sa dugo ko.
“I know,” mahinang sagot niya, tinapik ang likod ko para i-guide papunta sa high stools sa bar. “Hindi ito para sa lahat.”
Umupo kami. Nang umangat ako para umayos, saka lumapit ‘yung bartender.
Malaki katawan. Naka-black fitted shirt. Forearms na parang pang-bodyguard. Pero ang pinaka-wild—may suot siyang sleek na half-mask, kulay itim, tinatakpan ang kalahati ng mukha niya. Voice modulated pa.
“Good evening, gentlemen,” sabi niya, mababa, halos pabulong.
Inabot niya sa amin ang menu.
Pagtingin ko—
Your Desire
- Cocktail Dreams
- Blxwjob Heaven
- S3x in the City
- Cxmshot
- Dirty Secret
- Morning After
- Now or Never
Napakunot noo ako. “Dad… anong lugar ‘to?” sabay tawa nang mahina, awkward pero amused.
Si Dad ngumiti lang. Tipong ngiting alam na alam niya ang lugar.
“Son,” sabi niya, umangat ang kilay niya, “just pick one.” Napatingin ako sa bartender.
Nakangiti rin—kahit masked, kita mo sa mata. “Ano po ang order?” tanong niya.
Si Dad ang unang nagsalita, “Gxngbang Tequila.”
Napalingon ako. “Dad??”
Umikot lang ‘yung baso sa daliri niya. “What? It’s just a drink.”
Napailing ako, natawa kahit wasak. “Sige… ako—Blxwjob.”
“Good choice,” bulong ng bartender, parang nang-aasar pero seductive.
Mga ilang segundo lang, dumating ‘yung drinks—si Dad may hawak na tall shot glass na layered sa tatlong kulay, at ako naman may creamy drink na may whipped top, may cherry pa sa ibabaw.
“Cheers, son,” sabi ni Dad, tinaas ang baso.
“Cheers, Dad…” sagot ko, sabay tagay. Paglagok ko— Matamis. Mainit. May kick.
Pero pinakamahalaga— parang binura muna lahat ng sakit kahit sandali.
Napapikit ako, bumuntong-hininga.
Si Dad, tumingin sa akin habang umiinom, tahimik, pero ramdam mo ‘yung I got you. ‘Yung kahit malamog ka ngayong gabi, hindi ka nag-iisa.
Umikot pa ‘yung isang round. Tapos another. Hanggang sa pareho kaming nakasandal sa high stools, konting ngiti, konting hingang malalim, walang iniisip na problema.
Doon ko lang naramdaman, sa unang pagkakataon ngayong gabi nakakapagpahinga ako.
Pagkatapos ng ilang shot, mas lumambot na ang hangin sa pagitan namin ni Dad. Hindi na maingay sa loob ng bar— low music lang, parang heartbeat na steady. Yung ilaw warm, at yung bartender tahimik lang sa di-kalayuan.
Si Dad ang unang nagsalita, mababa ang boses, may bigat pero may lambing.
“Hugo… tell me what really happened.”
Huminga ako nang malalim, pinaglalaruan ang baso ko. “Dad… hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Wala naman kaming away. Wala siyang sinabi na may problema. One day she’s fine… the next, she’s gone.”
Tumango si Dad, nakatingin lang sa akin. “Did she talk to you before it happened?”
“Not really,” sagot ko, mahina. “Parang… lumayo siya. Pero akala ko stress lang. Akala ko kaya namin. Tatlong taon, Dad. Ang dami naming pinagdaanan. Hindi ko inisip na aalis siya nang hindi man lang nagpapaalam nang maayos.”
Ilang segundo siyang nanahimik, tapos sumandal, napatingin sa baso niya.
“Son…” bulong niya, “sometimes people leave long before they say it out loud. Hindi natin agad napapansin.”
Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. “Pero bakit hindi niya sinabi? Bakit hindi niya ako pinaglaban man lang?”
Tumingin siya sa’kin, diretso, totoo. “Because not everyone knows how to stay. And not everyone knows how to love the way you do.”
Parang tumama yun sa dibdib ko, babe. Ramdam na ramdam ko.
Napalunok ako, nag-iwas ng tingin. “I thought she was my person, Dad.”
Hinawakan niya ang braso ko, marahan pero matatag. “And you believed that because you loved her. Walang mali doon. Loving someone deeply isn’t a weakness… it’s courage.”
Napatingin ako sa kanya uli, at ngayon ko lang ulit nakita yung mata niyang puno ng pag-aalala—pero may pride din. Parang proud siyang nagmahal ako nang totoo.
“Dad… masakit,” bulong ko, halos manginig ang boses.
“I know, son,” sagot niya, halos pabulong din, parang gusto niyang saluhin lahat ng bigat ko. “Pero pain… it means your heart was real.”
Huminga siya nang mabagal, tapos tumingin sa bar namin. “Tonight, you let it out. Hindi mo kailangan maging matibay sa harap ko.”
Napayuko ako, pinahid ang gilid ng mata ko. “Thank you… for coming to get me.”
“Natutunan ko yan sa ama ko,” ngiti niya. “Ang isang tatay… pupuntahan ang anak niya kahit saan. Lalo na kapag nasasaktan.”
Umikot ulit yung bartender, nagtanong kung gusto namin pa ng isa.
Tumango si Dad, tapos tumingin sa’kin. “Last for the night, okay?”
“Oo, Dad.”
Pagbalik ng drinks, sabay kaming nag-toast.
“For healing,” sabi ni Dad.
“For letting go… kahit mahirap,” sagot ko.
Sabay kaming uminom.
Tahimik. Pero hindi mabigat. Hindi malungkot.
For the first time since nag-break kami…
Nakahinga ako.
Patapos na kami sa huling tagay nang biglang napabuntong-hininga si Dad at tumayo mula sa high stool.
“Son, I’ll go to the restroom for a bit. Stay here,” sabi niya, tapik ang balikat ko bago siya lumakad papunta sa hallway ng bar.
Habang papalayo siya, napatingin ako sa likuran niya—matangkad, composed, sanay sa bigat ng buhay.
That’s Dad.
That’s Ralph Sebastian .
Kilala siya sa mundo ng negosyo. Thirty-four pa lang, pero para siyang laging ten steps ahead. Siya ang nagtatag ng Sebastian IronWorks , ‘yung chain ng gym equipment stores at fitness centers na kalat sa Metro Manila—BGC, Makati, Ortigas, Pasay, Quezon City… Halos lahat meron. Kilala siya ng mga coach, fitness influencers, halos lahat ng nagwo-workout sa South at North.
At ako?
Si Hugo Sebastian , nineteen.
Ilang taon pa lang ako pero tinuruan niya akong magtrabaho, mag-manage, and be responsible—kahit minsan pasaway ako.
Fifteen years lang ang agwat namin. Nagkaanak siya nang bata pa, pero kahit ganun… never niya ako pinabayaan.
Siya ‘yung ama na puwedeng maging kuya, adviser, at minsan barkada. Kaya siguro ramdam na ramdam niya itong breakup ko.
Kilala rin niya si Candice—kilala niya nang mabuti. Minsan pa nga, sinasabihan niya ako dati;
“Looks like She’s a good girl, Hugo. Marespeto. May pangarap. Alagaan mo. Pwede na kayo mag-asawa hehe.” biro nya at inalagaan ko naman.
Kaya ngayon, habang iniikot ko ang baso sa harapan ko, tumatak sa isip ko ang isang bagay—
Kung ganito kasakit para sa’kin… ano pa kaya para sa isang tatay na naniwala rin sa relasyon namin?
Napatingin ako sa hallway kung saan nawala si Dad.
Alam kong kahit hindi niya sabihin. Nasasaktan din siya para sa akin.
Medyo mabigat pa ang talukap ko nung bumalik ang ulirat ko. Nanginginig yung daliri ko habang hinahanap ko yung bar counter—pero wala na dun si Dad.
Ang tagal na niya sa banyo.
‘Di ko alam kung dahil lasing ako o dahil kinakabahan na, pero parang lumalamig yung likod ko.
Tumayo ako. Pumikit sandali para hindi umikot yung mundo. Saka ako naglakad papunta sa restroom.
Pagkatapos kong umihi, naaninag ko yung shelf sa gilid—may isang maskara na nakahain doon. Same exact mask nung bartender. Black. Sleek. Parang may bigat na hindi ko maipaliwanag.
May maliit na sign:
[WEAR BEFORE ENTERING INNER HALLWAY]
Inner hallway?
Hindi ko alam kung kalokohan lang—pero dahil hilo ako at nag-aalala, parang automatic kong kinuha yung mask.
Nang isinuot ko, sakto agad yung fit. Parang alam ng bar kung sino darating. Huminga ako nang malalim.
Naglakas loob ako. I stepped inside the darker hallway.
Makitid.
Madilim.
Yung ilaw malabo, parang pinipilit na hindi makita ng malinaw ang paligid.
“Dad?” tawag ko, medyo paos. Walang sumagot.
Lumakad ako, mabagal. Para akong sinusundan ng sarili kong echo.
Pagdating ko sa dulo, may narinig ako—
Mga boses ng mga lalaki, mahihinang bulong. Hindi ko maintindihan kung nag-uusap ba sila o may pinagtatalunan. Pero may timpla ng tensyon sa bawat salita.
Nilapitan ko. Humigpit ang hawak ko sa pader habang sumisilip sa open space sa dulo ng hallway.
At doon…
Doon ako natigilan.
Parang may sumiklab na lamig sa dibdib ko. Hindi ako agad makahinga.
Kita ko sila— mga lalaki, naka-maskara tulad ng suot ko, nakapalibot sa isang figure sa gitna.
At nung unti-unti kong na-focus ang mata ko. Nanlamig yung kamay ko. Nanigas yung tuhod ko. Kasi kahit anong pilit kong kumbinsihin sarili ko na hindi ako sigurado…
kilalang-kilala ko yung porma, yung tindig, yung balikat na ‘yun.
Si Dad.
Nakasandal siya sa pader, nakatingin sa mga lalaki sa harap niya— at hindi ko alam kung anong nangyayari. Hindi ko alam kung bakit siya nandito. Hindi ko alam kung bakit ganito ang lugar.
Pero ang sigurado ko—
Hindi ko inaasahan ang tanawing ito. Ni minsan hindi ko inisip na makikita ko siyang ganito.
Tumibok ang puso ko nang sobrang lakas. Halos mawala yung hilo ko sa adrenaline.
“Dad…?” pabulong kong sambit—para bang baka mawala siya kapag malakas ang boses ko.
At nang tumingin siya sa direksyon ko, kahit naka-maskara siya. Ramdam ko na alam niyang nandoon ako.
Itutuloy….
Kabanata 2
HUGO’S POV
Nagising ako sa kwarto, naka-boxers lang, at ramdam ko pa rin sa balat ko ang init ng gabi at yung adrenaline na parang hindi pa rin umalis.
“Argghh!” Napahawak ako sa sentido ko sa sakit ng ulo ko.
Ang katawan ko medyo naninigas pa rin, at sa bawat hininga ko, paulit-ulit sa isip ko yung bar kagabi—the dim lights, yung masked hallway, yung tension sa paligid, at higit sa lahat… si Dad.
Habang nagbibihis ako, ramdam ko yung bawat eksena na parang nakaukit sa utak ko.
Hindi ko maalis sa isip ko yung pakiramdam nung hallway—yung lamig, yung suspense, yung mga lalaki na naka-mask, at yung pagkaka-focus ni Dad sa gitna ng room. Hindi ko alam kung bakit ganoon siya, o ano talaga ang nangyari, pero bawat detalye—halos nabubuhay sa isip ko.
“Fuck…”
Lumabas ako ng kwarto, medyo nanginginig pa rin ang tuhod ko sa halo ng kaba at excitement. Hinanap ko agad si Dad para klaruhin lahat, at nakita ko siya sa kusina,
Nakatshirt at short, simple lang—nagluluto, may 90s song sa background. Nilingon niya ako at saka ngumiti sa akin.
“Morning, Son.” bati niya, malumanay. May init sa boses niya, walang pressure. “Hangover?”
Tumango ako, inabot niya sa akin ang kape.
“Thanks, Dad,” bulong ko, hinawakan ang mainit na baso, ramdam ang init sa kamay ko.
Huminga ako ng malalim, sinubukang i-relax ang sarili. Pero hindi ko maiwasang mapaisip— yung alaala ng kagabi, yung tension, hindi ko pa rin maalis sa isip ko.
“Dad… about last night…” panimula ko, medyo mahina.
Tumingin siya sa akin, nakangiti ng konti, “Yeah?”
“Kasi… after tayo uminom sa bar… umuwi na ba tayo agad?” tinanong ko, sinusubukang tunton ang eksena sa isip ko.
Napatingin siya sa akin, medyo nagulat sa tanong. “Yeah… Uncle Jorge drove us home. Everything was normal. Why do you ask?”
Napakunot ang noo ko, medyo nadismaya. “Ah… kasi… I remember… yung hallway… yung bar… yung… you.”
Ngumiti siya, nakaupo sa tabi ko sa kusina, tinitingnan ang coffee niya. “Hallway? What hallway, Hugo?”
“Yung… black room sa bar… masked… the guys…” sinubukan kong ipaliwanag, pero napansin ko na parang hindi niya maalala. Walang hint ng recognition sa mukha niya. Parang ordinaryo lang sa kanya ang eksena.
Tumayo siya, nilingon ako at medyo nagtaas ng kilay. “I don’t think we went to any black room, son. We went to the bar, had a couple of drinks… then Uncle Jorge drove us home. That’s it.”
Napahinga ako nang malalim, medyo naguguluhan at medyo disappointed. Parang may puzzle sa isip ko—baka nagkamali lang ako, o baka may nangyari na hindi ko naaalala nang tama.
“Really…? Nothing else happened?” bulong ko, halos hindi makapaniwala.
Tumango siya, soft smile. “Nothing unusual, Hugo. You’re remembering too much, maybe too vividly. Happens when you drink too much and overthink, you know?”
Napatingin ako sa kanya, puzzled. Pero kahit medyo disappointed at confused, ramdam ko pa rin yung warmth niya—yung care niya, gentle, soft. Wala siyang pinipilit, pero supportive. Parang sinasabi niya, “It’s okay… You went thru hard. Take you time to recovrr first. We will talk later about Candice.”
“Yeah”
Habang iniinom ko ang coffee, paulit-ulit kong iniisip—baka illusion lang yung alaala ko. Pero sa ilalim ng confusion at slight disappointment, ramdam ko ’yung excitement.
Hindi pa rin nawawala.
Pagkatapos naming mag-breakfast ni Dad, nagpaalam na ako.
Lumabas ako sa at nagdrive pumunta sa gym. Kailangan ko talagang ilabas yung tension sa katawan—yung halo ng adrenaline at confusion na hindi ko maalis sa alaala kagabi.
Nag-threadmill muna ako, mabilis ang tibok ng puso ko, habang iniikot sa isip ko yung black room. ’Yung masked, hallway… si Dad…
Kailangan ko ng physical outlet para makalimot. Marahil dahil sa break up kagabi kaya kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko.
Pagkatapos ko magtreadmill, nagbuhat ako ng barbell. Ramdam ko yung init ng katawan ko habang tumitibok ang muscles, bumababa sa suot kong shorts. Parang sa bawat rep
Habang humihinga ako, narinig ko yung pamilyar na boses sa likuran ko. “Hugo!”
Tumingin ako at nakita si Shiro, isa sa mga Gym Staff na pinagkakatiwalaan ko dito sa branch na hawak namin, naka-smile at medyo concerned. “Hey man, heard about Candice…”
Nakaabot na sa kanya ang balita.
Tumango ako, medyo maayos ang loob, pero ramdam ang lungkot sa mata, “Yeah… she broke up with me yesterday.”
Shiro lumapit at pinalapit ako sa bench press. “Ah… damn, bro?” pang-aasar pa nya. Hindi ako kumibo, akala nya nagbibiro lang ako. “Seryoso? Halos hindi kayo mapaghiwalay noon. Akala ko prank lang yon.”
“Yeah, akala ko din.” mahina ang sagot ko, habang nag-aayos ng weights. “Hindi ko rin alam kung nasaan siya ngayon, or ano ang plano niya.”
Shiro napansin yung confusion sa akin. “Wait… Pinsan ko siya, pero wala rin akong alam kung nasaan siya. Weird. I guess… time for you to focus on yourself, bro.”
Tumango ako, pinilit ngumiti kahit may halong disappointment. “Yeah, maybe kailangan ko nga. Para makalimot… at para ma-process lahat.”
Habang nagbubuhat at nag-e-exercise, ramdam ko yung release ng tension sa katawan—yung physical exertion parang nagbibigay daan para makapag-isip.
“Arrgghhh…” napamura ako nang mahina, hindi ko alam kung dahil sa bigat ng binubuhat o sa bigat ng iniisip ko.
Shiro tumawa, yung tawang mayabang pero friendly. “Makaka-move on ka din, haha,” sabay tapik sa balikat ko na parang nag-aapprove sa progress ko, kahit halatang wala ako sa mood.
Paatras na sana siya, mukhang may pupuntahan pa, nang bigla siyang huminto. “Ah! Before I forgot,” sabay taas ng daliri niya na parang biglang naalala ang jackpot idea, “Wanna join a party?”
Napatingin ako sa kanya, nag-a-adjust pa ako ng hininga. “Party?”
Ngumisi si Shiro—yung ngiting mayabang na parang may alam siyang hindi ko alam. “Yep. My friend’s opening a bar nearby. Soft opening, pero big deal. Sabi niya, i bring anyone. Free drinks, free shots, free everything. Para kang VIP kahit hindi ka naman sikat.”
Napakunot ako ng konti ang noo. Another bar. Another night out. At sa likod ng ulo ko, parang lumalakas yung echo ng kagabi—yung hallway, yung mga nakamaskara, yung presensya ni Dad na parang ibang-iba.
“Come on,” dagdag pa ni Shiro, naglalakad pabalik sa harap ko. “Bagong place, bagong crowd, bagong environment. Who knows? Baka masaya. Baka maka-bounce ka agad. Or… baka may ma-discover ka.”
Medyo napangiwi ako sa huling linya niya. “Shiro, dude… ayan na naman mga tungin mo. Don’t make me fun out of me.”
Tumawa siya, proud sa sarili. “Bro, I’m not. I’m giving you opportunities. Trust me, the expert.” Huminga ako ng malalim. Cringe, pero… hindi ko ma-deny na may konting hila yung idea.
Ako, tahimik sa loob, nag-iisip.
Another bar… another night… Baka sakaling doon ko makita yung sagot kung bakit ang vivid ng alaala ko kagabi. Baka maka-connect ko yung puzzle, at baka… makatulong sa break-up haze ko kay Candice.
Tumingin ako kay Shiro, huminga nang malalim. “When?”
Nag-smirk siya, parang sinasabing “I really know you, alam kong sasama ka.” binato niya ang hawak niyang towel, “Tonight. I’ll text you the address.”
At sa dibdib ko, parang may kumaluskos—halo ng curiosity, excitement, at konting takot. Hindi ko pa alam kung susunod ako… pero alam kong hindi ako tatantanan ng isip ko kung hindi ko i-check.
“Let’s see,” sagot ko, pero ramdam ko sa tingin ni Shiro na para bang alam niyang 99% na yes na ako.
“Good,” sagot niya, naglakad papalayo. “Text me later kapag nakarating ka na. Don’t chicken out.”
Iniwan niya ako roon, pawis pa rin, pero mas mabilis ang tibok ng puso. Hindi ko alam kung dahil sa workout—o dahil isang bagong gabi na naman ang haharapin ko.
At baka… mas weird pa kaysa sa kagabi.
Pagkatapos ng workout, nag-shower ako, nagbihis nang simple—black shirt, loose jacket, at dark jeans. Hindi ko alam kung bakit nanginginig pa rin ang dibdib ko. Excited? Kabado? Curious? Hindi ko masabi.
Sumakay ako ng Grab. Pagbaba ko, natapat ako ng malaking sa bar, agad ko naramdaman yung lakas ng bass na parang tumatama sa dibdib ko. Same feeling noong pumunta kami kahapon ni Dad sa bar na iyon.
Nang makapasok ako, hindi ko akalain na malawak ang location—warehouse type, high ceiling, pulsing lights, at halo-halong crowd na mukhang walang balak umuwi. Ang daming tao, puro tawa, sayaw, free shots, may photobooth pa sa kanto.
“Really like a opening ng isang bar.”
Pumasok ako nang dahan-dahan, parang observer. Hindi ako sanay pumunta mag-isa, lalo na ngayon na ang daming iniisip. Pero nandito na ako, so bahala na.
Dumiretso ako sa bar counter at umupo sa stall.
“Iced Tea,” sabi ko sa bartender.
Napatingin siya, pero tumango rin. “Got it.”
Tumingin ako sa paligid habang hinihintay yung order—ibang mundo yung bar na ‘to. Parang lahat ng tao may sariling story na nangyayari sabay-sabay. Ako? Naghihintay. Tahimik. Tinext ko si Shiro, wala pang reply.
Medyo lost.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-ikot ng straw sa baso ko nang may umupo sa tabi ko.
“First time here?”
Napalingon ako. May lalaki—mid to late 20s siguro, naka-black button-down, medyo rugged pero malinis, confident pero hindi mayabang. Yung aura niya… composed.
Medyo ngumiti ako. “Yeah.”
“Hmm,” sabi niya habang tinitingnan ang bar. “Enjoying the party so far?”
Nag-shrug ako, half-smile. “Trying. I’m waiting someone, a friend who invite me here.”
“Ah,” tumawa siya nang soft. “Kaya juice lang order mo…”
Napairap ako ng konti, pero natatawa. “Yep, hindi ako masyado umiinom kapag wala pa yung kasama ko.”
“You don’t need alcohol to enjoy a night,” sagot niya, leaning slightly para marinig ko siya sa lakas ng music. “Sometimes just watching the crowd is enough.”
May weird warmth sa tono niya—parang may meaning kahit casual lang ang sinasabi.
Bumunot siya ng card sa bulsa. “By the way… I’m one of the owners. Soft opening lang ngayon, hopefully makaattend sa other branch opening namin.”
Inabot niya sa akin.
Elio Navarro — Co-Owner Arcana Bar & Spirits
Nilingon ko siya ulit, medyo nagulat. “Oh. To be honest, It’s a nice place.”
Ngumiti siya nang mas malalim ngayon. “Glad you think so.”
May lumapit na staff sa kanya para may sinabi, pero bago siya umalis, yumuko siya ng konti pabalik sa akin, voice softer. “You… look like you’re not here for the usual party. Interesting energy.”
Hindi ko napigilang kumunot ang noo, slight cringe sa sobreng direct niya. “Uh… thanks? I guess?”
Tumawa siya, maliit pero genuine. “I’ll be around. If you need anything… Hugo, right?”
Natigilan ako.
“Name mo sa reservation list ng friend mo,” sagot niya bago ko pa maitanong.
At napaisip lang ako ng isang bagay: Okay… this night might get interesting.
Tumayo si Elio, parang may tatawagin na staff, napansin ko na may hinugot siyang maliit na item mula sa bulsa ng coat niya. Hindi ko agad nakita kung ano—until inabot niya sa akin.
Isang mask, black, sleek, minimalist. Pamilyar ang disenyo.
Pero the moment I held it, parang kumalabit yung likod ng utak ko.
Tinignan ko siya, nagtataka. “Uh… para saan ’to?” Ngumiti siya—yung tipong alam niyang sasabog ang tanong ko pero wala siyang balak sagutin nang diretsahan.
“You can wear the mask.” sabi niya, leaning closer. “We’re about to start the main event.” he smiled.
Napakapit ako sa mask, clueless. “Main event?”
Tumango siya, mabagal, deliberate.
“You’ll see. Don’t worry—nothing weird, nothing dangerous.” Napailing siya nang konti, parang reassurance pero may halong tease. “It’s just… a tradition. For members. For guests we find interesting.”
Para akong napatigil sa hininga. “Wait—why are you giving this to me?” tanong ko, medyo defensive pero curious.
He smirked, that soft, knowing, medyo nakakainis na confident look. “Because you’re not like the others who came to party.”
Medyo nag-cringe ako—halatang cheesy, halatang scripted, pero hindi ko ma-deny na may something sa tono niya.
“You’re… observant,” dagdag niya. “At hindi ka takot tumingin sa paligid kahit hindi ka sigurado kung ano hinahanap mo.”
Nagbukas-bigla yung crowd sa likuran namin dahil may sumigaw na DJ, may lights shift, may taong tumatawag kay Elio mula sa VIP section.
He stepped back. Nag-adjust ng coat. Pero hindi pa umaalis yung tingin niya sa akin.
“Keep the mask, Hugo.” Mas mababa ang boses niya ngayon. “Kapag nagsimula ang cue, malalaman mong para saan ’yan.”
Napakalamig ng hangin na dumaan sa batok ko—hindi ko alam kung galing sa aircon o sa sinabi niya.
“Cue?” tanong ko ulit, pero napangiti lang siya.
“You’ll know.”
Then, bago siya lumakad pabalik sa VIP area, lumapit siya nang konti, halos maramdaman ko yung hinga niya sa gilid ng tenga ko dahil sa lakas ng music.
“Enjoy the night, Hugo.” At umalis siya. Parang wala lang.
Parang hindi niya ako binigyan ng isang mask na may presence na lampas sa dapat.
Ako naman… napaupo ulit, tahimik, hawak ang juice sa isang kamay, mask sa kabila.
At sa gitna ng ingay at ilaw, parang biglang umikli yung mundo ko—
Ako. Ang mask. At ang fact na may “main event” daw na paparating.
Fuck , lalong lumakas kabog mg dibdib ko.
Itutuloy….

