DADDY SERIES: Teacher, Father, Neighbor, Lover
dyosaagua · 3 chapters · 1,783 words
DISCLAIMER
Ang kuwentong ito ay likhang-isip lamang. Ang mga tauhan, lugar, at pangyayari ay bunga ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakahawig sa totoong tao, buhay man o patay, o sa aktwal na mga lugar at kaganapan ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.
Ang kwentong ito ay naglalaman ng mga maseselang tema katulad ng male to male sexual relationship at erotica na may layuning magbigay libangan (entertainment) lamang na hindi angkop sa mga mambabasang na may mga edad 18 pataas.
Pinapayuhan ang mambabasa na magpatuloy lamang kung sila ay komportable sa ganitong uri ng nilalaman. Magbasa nang may sapat na pag-unawa at pag-iingat.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkopya, pagre-reproduce, o pamamahagi ng anumang bahagi ng akdang ito nang walang pahintulot ng may-akda.
© 2026 dyosaagua. All rights reserved.
CHAPTER 1
Rodolfo’s POV
Ilang taon ang lumipas, ngunit may mga alaala talagang hindi marunong kumupas. At ngayong gabi, bumalik ang isa sa kanila—kumatok sa isang pintuang matagal nang isinara. Hindi nagparamdam ng anim na taon. Tapos ngayon ay biglang susulpot sa pintuan ko na parang kabute?
Kahit sa sandaling nakasama ko siya pagkalipas ng maraming taon ay hindi ko siya nakalimutan. Kaya noong umalis ako ng hindi ko siya nakikita ay nalungkot ako dahil hindi ko alam na iyon na pala huling makikita ko siya.
Kasalukuyang nasa kusina ako ngayon. Nagsasalin ako ng maiinom sa baso at dadalhin ko sa kanya. Iniabot ko sa kanya ang orange juice. Ngumiti siya sa akin at nagpasalamat. Ininom niya ang kalahati ng basong iyon at saka tumingin sa akin.
Hinihintay ko ang kanyang sasabihin. Pero nakatingin lang siya sa akin.
“So? Ano na?”, sabi ko sa kanya. “Kamusta ka na?”, tanong ko.
“Mabuti naman. Ikaw?”, sabi niya sa akin.
“Ito. Maayos rin”, sabi ko.
“Anong ginagawa mo dito?”, tanong ko.
“Dito na ako magtratrabaho”, sabi niya sa akin. “Dito ako naatasan na magturo”, dagdag pa niya.
“Buti naman at nakakapagturo ka na. Mabuti iyan para magamit mo rin ang pinag-aralan mo”, ngiti ko sa kanya.
I guess he really did move on with his life. Marami siyang ikinuwento sa akin. Mga masasayang alaala na nangyari sa kanya. At masaya ako dahil naging masaya siya.
Ayon sa kanya ay nag-abroad siya sa Spain. Doon niya ginamit ang kanyang propesyon. Nagturo siya sa isang private international school sa Spain. Ikinuwento niya rin ang mga pag travel niya sa Europe. May mga ipinakita pa siyang mga litrato niya kasama ang mga iba’t ibang kaibigan na kanyang nakilala.
“You seem very happy. Bakit ka umuwi para magturo dito?”, sabi ko sa kanya.
“Syempre. Minsan. Hinahanap hanap rin natin ang amoy ng Pilipinas”, sabi niya.
Though may pakiramdam ako na hindi iyon ang tunay niyang dahilan.
“Ikaw. Ano na ang nangyari sa iyo”, sabi niya sa akin.
Natameme ako sa tanong niya. How can I possibly tell him na mag-isa lang ako sa aking buhay. Na walang akong ginawa kundi atupagin ang mga groceries ko at mga paupahan kong bahay.
“Good”, ngiti ko sa kanya. “Actually, iniisip ko na mag travel pero alam mo naman ang trabaho, hindi ko ito maiwan-iwan”, sabi ko sa kanya.
“Talaga? Saan mo naman binabalak na magtravel?”, sabi niya sa akin.
“Siguro somewhere in Asia na lang muna. Siguro Japan or Korea”, sabi ko.
“Bakit hindi mo gawin?”, sabi niya sa akin. “Para ma experience mo naman ang mag travel. I know you will enjoy it. Though napaka lungkot kapag wala kang kasama”, sabi niya sa akin.
Tumaas ang kilay ko. Is that supposed to be a dab at me? Ano ang ibig niyang sabihin. Is it that obvious na wala akong kasama? Or in-assume niya lang na wala akong kasama.
“May kasama naman ako”, sabi ko sa kanya. “Syempre hindi naman ako mag tra-travel na mag-isa lang no”, ngiti ko sa kanya.
“Oh. Sorry. I didn’t mean it that way”, sabi niya sa akin.
“No. I’m sure you did. In-assume mo na wala akong kasama sa buhay ko ngayon. That is why you gave me that remark”, sabi ko.
“That’s not what I meant. Sorry kung na insulto kita”, sabi niya. “So where is he?”, tanong niya.
Natigilan ako. Hindi umabot sa ganito ang plano ko.
“My neighbor. Yes. Uhmmm, actually I am dating my neighbor”, sabi ko sa kanya.
“Really? You’re dating your neighbor”, sabi niya sa akin. “How long?”, sabi niya.
“2 years”, apgsisinungaling ko.
“I’m intrigued. Gusto ko siyang makilala”, ngiti niya.
“What for?”, naka kunot noong sabi ko sa kanya.
“Well, gusto ko lang naman siyang makilala. Just like I said. I am intrigued”, sabi niya sa akin.
“Actually, kumpare ko siya. Ninong siya ng mga anak ko”, sabi ko.
“And?”, tanong niya.
Parang may gusto pa siyang malaman. Kaya naman hindi ko napigilan ang sarili ko. Nagsinungaling ako sa kanya.
“May asawa na siya pero nagkahiwalay na rin sila. We fell in love. Sabi nga nila, sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat. He was my best friend at ngayon ay boyfriend ko na siya”, sabi niya sa akin.
“Sabi mo kapitbahay mo. Saan siya nakatira?”, sabi niya sa akin.
“Diyan lang. Katabi lang ng bahay ko”, turo ko doon sa bahay nila Pareng Raul dati. Hindi niya naman alam kung sino siya. At oo, kahit hindi ko boyfriend ang kumpare ko ay may nangyari naman sa aming dalawa ah. Ganoon na rin yun.
Mukha namang nakuntento siya sa sinabi ko kaya hindi na siya nagtanong pa.
“Masaya ako sa iyo at nakahanap ka rin ng makakasama mo”, sabi niya.
“Of course. Salamat. Sana ikaw din”, taas noo kong sinabi sa kanya.
“Gumaganti ka ba?”, sabi niya sa akin.
“Bakit?”, ano ba ang sinabi ko.
“You’ve just assumed na wala akong girlfriend”, sabi niya.
“Wala naman akong sinasabi na ganyan”, sabi ko.
“Pero iyon rin ang ibig mong sabihin”, sabi niya sa akin.
“Pero may girlfriend ka?”, tanong ko sa kanya.
“Wala”, sabi niya.
“Edi wala nga”, ngiti ko sa kanya.
Habang tumatagal ang usapan namin ay naalis ang tensyon namin sa isa’t isa. Mas gumagaan ang aming pakiramdam. Pinagpatuloy lang namin ang aming kwentuhan pagkatapos noon ay nagpaalam na siya.
“See you tomorrow”, sabi niya sa akin.
“Bakit, nakakasiguro ka ba na magkikita tayo ulit bukas?”, ngiti ko.
“Malakas ang pakiramdam ko na magkikita ulit tayo bukas”, ngiti niya sa akin.
Pagkatapos noon ay naiwan akong mag-isa doon sa bahay. Napangiti ako. Isinara ko na ang pintuan at saka nag-ayos na doon sa sala. Oras na para matulog ulit.
Apat na lalaki lang ang minahal ko ng lubusan sa tanang buhay ako. Pagmamahal na nararamdaman ng isang babae sa isang lalaki. Punong puno nang atraksyon, pasyon, pagnanasa, at pagmamahal para sa mga taong iyon.
Ang isa doon ay kay hirap abutin sapagkat may masasaktan kapag pinagpatuloy ko ang nararamdaman kong ito. Ang dalawa naman sa kanila ay napakalapit sa aking puso na kahit kailan man ay hindi mangyayari sapagkat ito ay bawal. At ang panghuling lalaki na iyon ay ngayon naman ay nagbabalik.
Pumasok ako sa kuwarto ko at nahiga.
Pero ano ba ang iniisip ko? Bakit ako nag sinungaling ng ganoon sa kanya. Ano ang ibig kong palabasin. Kahit anong sabihin ko, malungkot parin ako. At mas lalo kapag nalaman niya ang totoo. Baka isipin niya na sinungaling ako at desperado.
Napabuntong hininga ako. Ano nalang kaya ang iisipin niya sa akin kapag nalaman niya na nag sinungaling ako? Sa kaiisip ko sa bisita ko kanina ay nakatulog na ako.
Pagmulat ko ng aking mga mata ay umaga na. Sa katunayan ay mataas na ang sikat ng araw. Gumising na ako at nag-inat inat. Naligo na ako at kumain. Paglabas ko ng aming gate ay nakita ko ang isang sasakyan na nakaparada sa labas ng bahay.
Naisip ko na baka meron na ang may-ari ng bahay. Inilabas ko ang sasakyan ko sa aming garahe at saka na ako nag drive papunta sa mga boarding houses na pinapaupahan ko. Araw na kasi ng pagbabayad ng renta.
Pagkatapos kong maningil ay sumaglit muna ako sa mga groceries ko at umalis na rin kaagad. Pagkauwi ko sa bahay ay nakita ko na naman ang sasakyan na naka parada sa harapan ng bahay ni pareng Raul. Hindi maayos ang pagkaka parada nito. In the first place, bawal rin iyon sa village namin kasi may ordinansa about road clearing at lahat dapat ng sasakyan ay dapat naka parada sa designated na lugar o di kaya naman sa loob ng garahe.
Nakasanayan ko nang maghatid ng pagkain kapag may bagong lipat na kapitbahay dito sa amin. Magandang dahilan ito para kausapin at makilala ang bagong kapitbahay mo.
Pumasok ako sa loob at kumuha ng mga pagkain sa pantry. Mga palaman, tinapay, at mga fruit wine ang binigay ko. Naglagay rin ako ng mga scented candles kasi baka mag-asawa ang bago kong kapitbahay.
Paglabas ko ay agad naman akong nag doorbell. Pero walang lumabas. Nag doorbell ulit ako ng walang sumasagot. Nag doorbell ulit ako. Nakita ko na may pumihit sa knob ng pinto. Ngumiti ako ng malaki.
Paglabas ng may-ari ng bahay ay napalis ang malalawak kong ngiti.
“Ikaw?”, gulat na sabi ko sa kanya.
“Rodlfo? Ano ang dahilan mo at napadalawa ka?”, sabi niya.
“Anong ginagawa mo dito?”, sabi ko.
“Dito ako nakatira”, ngiti niya sa akin.
Ano raw? Pakiulit nga ang sinabi niya.
“Anong ibig mong sabihin na dito ka nakatira?”, sabi ko.
May namuong pawis sa aking noo.
“Ang ibig kong sabihin ay bahay ko ito”, sabi niya sa akin. “Hi there, boyfriend”, ngisi niya sa akin.
Nanlumo ako sa aking kinakatayuan. Hindi ko alam na siya pala ang nakabili pala ng bahay na ito. At heto ako ngayon, ang taas ng noo ko na nagsinungaling sa kanya kagabi. Bukong buko na ako.
Gusto kong lamunin na sana ako ng lupa o di kaya naman tamaan ng kidlat. Hiyang hiya ako at wala nang maihaharap pa sa kanya.
Tinignan ko siya. Nakakaloko ang kanyang ngisi. Parang nanalo siya sa lotto dahil sa saya. Napahiya ako. Namumula at nag-iinit ang mukha ko. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko para sapitin ko ito.
to be continued…..
AUTHOR’S NOTE
Sino kaya ang dumating sa bahay ni Rodolfo? Abangan niyo nalang.
Anyways luvs. Kamusta na kayong lahat. Siya nga pala ang kwento na ito ay Pay-to-Read (PTR). Ito na ang pinakahuling kwento ni Rodolfo kung saan nakahanap siya ng taong mamahalin niya at mamahalin siya ng totoo.
Related ito sa kwento kong DADDY SERIES: Ang Pagnanasa ng Isang Ama (Book 1,2 & 3). Mas magandang basahin niyo muna ito bago niyo ito simulan para maintindihan niyo.
Maraming salamat nga pala sa walang sawang suporta niyo. Mabuhay kayong mga tagasubaybay ko.
Message niyo lang ako sa mga details ng mga kwento ko sa aking telegram. Nasa bio ko rin. Thank you.
Ciao….

