Dancing With Cinderella (Cordova Empire Series 3)
CengCrdva · 24 chapters · 56,500 words
Dancing With Cinderella
This novel can be read as stand alone, but I suggest that you start with Her First And Lust followed by Cordova Empire Series 1, 2, as this book contains a lot of spoilers for those stories,
but whatever.
You do you.
–
Cordova Empire Series 1 : The Ruthless Beat
Cordova Empire Series 2 : Rules And Rhythm
Cordova Empire Series 3 : Dancing With Cinderella
Cordova Empire Series 4 : One Fat Melody
Cordova Empire Series 5 : Coming soon!
FULL VERSION OF THIS STORY WILL ONLY BE AVAILABLE ON PATREON AND VIP GROUP.
NO SOFT COPIES!
All rights reserved. No part of this book may be reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author.
This book is a work of fiction. All names, characters, locations and incidents are products of the author’s imaginations. Any resemblance to actual persons, things, living or dead, locales or events is entirely coincidental.
It also contains strong language, sexual scenes and references from the outset and throughout.
(R-18)
Read at your own risk!
Follow all my social media accounts for more updates!
Facebook Page:
Ceng Crdva
Facebook Group:
CengCrdva Wp
Instagram:
CengCrdva / Cengseries
Twitter:
CengCrdva
Cordova Empire Series 3
👑
2021 ©
CengCrdva
All rights reserved
SYNOPSIS
Synopsis
A girl who was so sure of her future—got accidentally pregnant by the man she hated the most, making all her plans incredibly mangled with routines of heartbreak and uncertainties.
—
Roshlin Zabryna Catalina Almanzerano hated the idea of a broken family because she experienced it first hand.
Her parents separated when she was still young and growing up without a father has been really hard for her. It didn’t just affected her mentality, but also her perspective in life.
That being said, she promised herself that she will never love someone until she was successful and ready to settle down.
She dreamed of marrying a faithful and successful man and her prayers was all about that—until one day she found herself lying in bed with the number one playboy her witless heart dared to dance with.
Nicolaus Aegon Funtabella Cordova, a notorious womanizer who charmed the entire Buenavista with his alluring appearance, talent and splendid charisma. The man who doesn’t have any plans on taking love seriously—until that one steamy night that gave him reasons to.
Will they be able to sort everything out just for the life they both created? Or will their baby experienced the same faith like Roshlin?
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below.
🙂
—
Follow all my social media accounts if you want to be updated.
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
CengCrdva/Cengseries
Twitter :
CengCrdva
# DEDICATION
Para sa lahat ng magigiting na ina,
Para sa inyo ang kwentong ito
;
# PROLOGUE
Prologue
It's normal to go through loss and pain when we love someone. It's okay to break our own heart over and over again because not experiencing love was still far worst than any other sufferings.
I am brave enough to love him. Siguro nga makapal lang talaga ang mukha ko at matigas ang loob kong makipagmaiba-taya sa kanya para lang simulan ang pakikipag-patintero sa laro ng pag-ibig even though I knew I was going to lose anyway. Simula pa lang ay alam kong dehado na ako sa larong iyon pero nagawa kong magpatuloy. Kahit nga hindi naman kami tuluyang naging opisyal at mabilis iyong natapos, alam kong mayroon pa.
I knew in my heart there was still a big space reserved for him. I knew I will cherish it and will carry it in me even though we won't have a connection in the future, but that was too impossible now that I found out I was pregnant with his baby.
Sa kabila nang panginginig ng mga tuhod ko ay nagawa kong maglakad palapit sa lalaking nasa poste at tahimik na hinihipat ang yosi na kanyang hawak.
I was so scared of being near him. Matagal niya akong sinuyo. Matagal niya akong hinabol, pero matagal ko rin siyang pilit na ipinagtulakan palayo and now, the tables have turned. I am the one who needed to chase him. Ako naman ang dapat maghabol...
"Nico..." I knew he heard me, but he kept himself busy with his cigarette.
Tingin ko ay lasing na naman siya. EDM are celebrating tonight after our dance competition. Hindi ako sumama dahil sa curfew ko, pero kailangan na niyang malaman.
"Nicolaus..." Ulit ko sabay lapit pa sa kanya.
Tamad niyang hininto ang paghipat sa yosi pagkatapos ay pumihit paharap sa akin. His hair wasn't tied up. Ibinuga niya ang usok upang mawala ang takas ng hanggang pangang buhok sa kanyang mukha at matitigan ako.
My heart got punched when his cold dark eyes bore into mine. Ang mga matang noon ay ako lang ang gustong makita, ngayon ay tila ayaw na akong masilayan.
"We need to talk—"
"I'm tired and drunk Zab and I told you I don't want to talk to you."
"I'm pregnant..." I said weakly, kahit ang sarili ko ay halos hindi iyon marinig.
Nangunot ang kanyang noo at nag-isang linya ang kanyang makakapal na kilay, hindi ko alam kung narinig ba ako o nababaliwan na ngayon dahil sa aking sinabi.
Pinilit kong lumapit pa. Unti-unti kong nakita sa mga mata niya ang pagkalito and that made me scared so I shouted the same words.
"I'm pregnant, Nicolaus!" Halos maputol ang ilang ugat sa leeg ko sa lakas no'n. That made him stop puffing his cigarette.
His dark eyes turned colder. His face went pale and for a moment, I watched his chest almost stopped moving.
"W-what?" nabibingi't nalilitong tanong niya, hindi makapaniwala sa mga sinabi ko.
I held back my tears. There was no point of showing him my weakness. Ikinuyom ko ang aking mga kamay at buong tapang na nagpatuloy bago pa ako mabigo sa mga sasabihin niya.
"Binuntis mo ako, Nicolaus! You are the only one who fucked me so there's no way this baby isn't yours! Sa 'yo ang dinadala ko! I'm pregnant with your baby!"
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. 🙂
P.S
Don’t be shy to interact with your fellow readers, but please do respect each other’s opinion. Let’s create a healthy space. Happy reading! Love you all!
—
Follow all my social media accounts if you want to be updated.
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
CengCrdva/Cengseries
Twitter :
CengCrdva
CHAPTER 1
Chapter One
Roshlin Zabryna Catalina Almanzerano
If you only have five minutes to live and you could sit down and talk to one person before you die, who would it be?
Ilan beses umulit sa utak ko ang tanong na ’yon. Sa bawat puno, posteng may magugulong kable at mga bahay na nadaraanan ng bus na sinasakyan ko sa hindi pamilyar na lugar ay mas lalong wala akong naisagot. The question continued to run inside my head like a broken record.
Pinagdiin ko ang aking mga labi nang maalala si Mommy. Maybe she was the one I’d pick to have a conversation with. I’ll tell her how lucky I am to be her daughter. I’ll thank her for everything she’d done for me. Simula nang alagaan niya ako sa kanyang sinapupunan hanggang ngayon. I’ll tell her that she was the best thing that ever happened to me and I will always be grateful to her.
I heave a sigh and thought of my best friends Annajel and Denka. I could choose one of them, but then it would just be a waste of five good minutes because we’d just roast each other. For sure wala kaming gagawin kung hindi ang tawanan at laitin lang ang isa’t isa kaya huwag na lang. Pwede rin sanang si Babi, but he was just a dog and he’ll just bark at me so that would still be a waste.
Muli akong napabuntong-hininga nang maalala ang aking ama. I felt my heart clenched when I try to remember his face.
I was so young when my parents broke up. Nakuha ni Mommy ang custody ko at simula no’n ay wala na akong naging balita sa aking ama. He never reaches out. Basta ang alam ko lang ay minsan akong nagkaroon ng Daddy at umaasa akong buhay pa siya.
I was a curious kid, but I never asked my mom about him. Maybe because I knew how much she suffered after their break up and I also wanted to respect her so I kept my mouth shut. Hinintay kong siya mismo ang magsabi no’n pero hanggang ngayon ay wala akong nakuhang sagot.
She talked about him once though, but she just told me that we are better off without him. Habang lumalaki ay iyon na ang nakatatak sa utak ko. She said that we don’t need him at nakita ko naman kung paano ako alagaan ni Mommy at punan ng pagmamahal kaya hindi na rin ako naghanap ng kalinga ng isang ama. My mother was my hero.
“Buenavista! Buenavista! Mga Buenavista diyan dito na tayo!” hiyaw ng kundoktor na nagpagising sa pagmumuni-muni ko.
Nagkukumahog akong tumayo upang bumaba na.
“Kuya may bagahe po ako.” I told him as I go down the bus.
May pagmamadali siyang tumalima upang kunin ang aking maleta. Habang ginagawa niya ’yon ay nag-inat-inat ako. It was a long journey. Kahit na hindi ako masyadong nakatulog sa buong durasyon ng biyahe ay hindi naman ako inaantok. Maybe because I was scared and unsure if I will find him in this place. Baka mabigo ako and that will probably screw everything up.
“Salamat po!” kinuha ko na ang aking gamit at nagmamadaling tumabi sa waiting shed at hayaang umalis ang bus.
Luminga-linga ako sa paligid. May mga pasaherong kasabay kong bumaba pero lahat sila ay alam na ang sunod na pupuntahan kaya agad rin akong naiwan ng mag-isa roon, hindi alam kung anong sunod na gagawin at saan magsisimula.
I’ve never heard of this place. Ito rin ang unang beses kong makarating sa lugar na ito. I’m here to find my father… ang lalaking hindi ko alam kung kilala pa ako. I may have had his genes and he would surely feel the lukso ng dugo, but was it enough for him to accept me? Paano kung ipagtabuyan niya ako bigla?
Mabilis kong ipinilig ang aking ulo at pagkatapos at iniling-iling pa ’yon na parang sa ginagawa ay mawawala ang mga negatibong naiisip. Nang makabawi at bahagyang makaramdam ng hilo ay minabuti ko nang parahin ang parating na tricycle.
Bukod kasi sa waiting shed at sa maliit na grocery store sa tawid ng kalsada ay wala ng establisyimento roon. It was a small town kaya siguro naman ay hindi ako maliligaw.
“Saan ka, nene?”
“Ah, sandali ho,” dinukot ko sa aking bulsa ang isang sulat na isa sa inaasahan kong magiging susi sa paghahanap ko sa aking ama. “Malapit lang ho ba rito ang Milagros Subdivision?”
Kunot noo niyang sinulyapan ang address na nasa likod ng isang sulat.
“May labing walong minuto lang simula rito. Paroon ka ba?”
I should’ve said yes and go on with the journey, but then I felt my stomach clenching again at the thought of seeing my father for the first time after a long time. All the ‘what if’s’ had been killing me! Shit!
“Hindi ho. May malapit ho bang kainan rito? Doon na lang po muna siguro.”
“Sa bayan marami. Mayroon ding mall, doon na lang ba?”
Agad akong tumango at hindi na nagsalita dahil muli na naman akong nakaramdam ng kaba.
Sampung minuto lang ay nakarating na kami sa mall. The driver told me how to get to Milagros before he left me there. Tricycle lang rin ay makakarating na ako roon kaya tingin ko ay hindi na ako mahihirapan.
I got inside the mall. Iniwan ko ang bagahe ko sa supermarket at saka nagpasyang kumain sa Shakey’s.
Kumpara sa mga akala kong boring na probinsiya, ang isang ito ay mukhang mayaman dahil ayon kay mareng google, ito ang sentro ng mga karatig probinsiya kaya halos narito rin ang lahat ng tao lalo na iyong mga gustong kumita ng pera.
I continued eating my carbonara and sipping on my rootbeer float while I plan my next move. Ilang beses na umulit sa utak ko ang mga ni-rehearsed kong pagbati sakaling magkita na kami ni Daddy. I actually have a list or dialogues. Buong biyahe ko iyong itinipa sa aking telepono at inulit-ulit basahin para kung sakaling magkaharap na kami ay ready na ako.
Habang kumakain ay wala akong ginawa kundi ang kumbinsihin ang sarili kong kaya ko at hindi ako dapat maduwag sa gagawin. But then I found myself stalling. Imbes na kunin na kasi ang mga gamit na iniwan sa supermarket ay nakita ko na lang ang sarili kong naglalakad-lakad sa mall hanggang sa makalabas ako at matanaw ang isang parke sa hindi kalayuan.
Hinayaan ko ang mga paa kong dalhin ako roon dahil sa tuwing sumasagi ang pakay ko ay parang sasabog na lang bigla ang puso ko sa matinding kaba.
Awtomatiko akong napangiti nang may makita akong mga batang nagtatakbuhan. Pababa na ang araw at masarap na ang dampi sa balat ng sikat nito kaya marami ng namamasyal. The cold breeze of salty air from the near ocean calmed my heart. Kahit paano ay nawala ang kaba ko habang nagpapatuloy sa pagsipat at panunuod sa mga taong aking nadaraanan.
The giggles from the children at the park made my heart jumped from happiness, but I was more happy to see the dogs running freely through the green field. God, I missed Babi so much…
Nang may makasalubong nga akong chocolate Labrador ay hindi ko na napigilan ang sarili kong hawakan ito. The owner let me pet the dog.
“Lola really loves attention.” the guys said.
Tiningala ko siya at nginitian. I rubbed Lola’s belly and head before finally letting both of them go. Gusto ko pa sanang laruin ang aso pero dahil mukhang nag-dya-jogging ang mga ito ay hindi na ako nang-istorbo.
So far ay mukhang maayos naman ang lugar. It has a decent park. Magagalang at mababait ang mga tao at mukhang napakarami pang magagandang lugar na mai-o-offer ang probinsiya kaya napapanatag ang puso ko.
Lumihis ako at sa buhangin nagpasyang magpatuloy sa paglalakad hanggang sa mapunta sa skatepark kung saan kalikaliwa ang mga kabataang nakatambay.
I was overwhelmed with the crowd. May mga nag-i-skateboard pero ang mas nakapukaw ng atensiyon ko ay ang malakas na tunog ng speaker sa kung saan mayroong kumpulan.
My right brow shot up when I heard them cheered for something, as if they were all in awe of what was happening. Mas lalo akong na-curious.
I found myself walking towards the crowd. Habang palapit ay mas lumala ang curiosity ko kaya lang sa sobrang dami nila ay nahirapan akong sumingit. Mas lumakas ang dating ng mabilis at malikot na beat sa aking tainga at nang tuluyan nang mapunta sa harapan ay kusang umarko ang mga labi ko sa nakita.
Sa gitna nang nakapaligid na mga tao ay naroon ang dalawang grupo ng mga dancers. They were probably having some dance showdown. Sa pagkilatis ko kasi ay mukha naman silang hindi magkakagrupo dahil ang sa kabila ay iisang tatak ng t-shirt ang suot samantalang ang sa kabila naman ay mga nakakaswal lang, like they were just here to chill and have fun.
My heart jumped in excitement when I see five girls dancing their hearts out in front of the other group. Hindi naubos ang mga iilang hiyaw ng paghanga sa paligid dahil sa galing nila. Halos napapatalon na rin ako sa tuwa kasabay ng hindi mapigilang paggalaw ng ulo dahil sa beat ng kantang buttons na kanilang sinasayaw.
Unlike the other group that was performing, all of them were girls. Ang sa kabila naman ay may mga lalaki.
Awtomatikong nahinto ang mga paa ko nang mapunta ako sa gilid kasama ng mga babaeng may iisang tatak sa likuran ng mga damit. Napailing na lang ako dahil gaya nila ay purple shirt rin ang aking suot.
I watched them finish their piece. Nanalangin akong hindi pa tapos ang laban kaya naman nang pumasok ang isang lalaking halos wala nang buto sa katawan dahil sa lambot kasabay ng apat na babae upang labanan ang mga ito ay hindi ko na napigilan ang mas paglawak ng ngiti ko.
My jaw dropped when the man in front lowered himself on the floor and pick himself up with so much poise. Mas malambot pa ang katawan niya sa mga babae ngunit nang umabante ang isang nakasuot ng itim na crop top sweatshirt, at tanging siyang may itim na sombrero ay doon na napirmi ang aking mga mata. She was popping and swirling her body to the beat of the song toxic by Britney Spears.
Halos malaglag ang panga ko nang mapunta sa chorus ang kanilang sayaw at mas tumindi’t bumilis ang bawat pag-ikot, paggiling at pagwagayway ng kanyang mahaba’t blonde na buhok sa ere.
The people cheered when they all deliberately manage to split on the floor! Their moves were just sharp and mind blowing! Hindi ko na napigilang mapapalakpak kasabay ng mga nanunuod lalo na’t bilib na bilib rin ako sa lalaking nakapag-split!
The crowd got wilder when the beat went faster. Halos malunod ang puso ko sa sobrang tuwa sa sabay-sabay na pagsunod ng kanilang mga katawan sa mabilis na kanta. Unlike the girls that performed before them, ang bawat galaw ng mga ito ay mas pino, malinis at mas maangas, halatang mga propesyunal at alam ang kanilang mga ginagawa. Kitang-kita ang pagiging proud ng mga lalaking nasa likuran nila habang natutusta naman ang mga babaeng katabi ko.
Hindi na nila napigilang magbulungan. “Bakit ba kasi nakipag-showdown pa ’tong si Kisha eh putang ina alam niyang EDM ’yang mga ’yan! Gaga talaga!”
“Malandi kasi ang tangina! Crush na crush mga members gusto magpa-impressed absent naman palagi sa practice! Ang Boba!” gigil na sagot ng babaeng katabi ko sa kausap.
Napapangiwi lang akong nakinig. Naging hati ang atensiyon ko sa usapan nila at sa mga nagsasayaw na miyembro nang tinawag niyang EDM.
“Feeling niya kasi matutuwa sa kanya mga crush niya! Nadamay pa tuloy tayo sa kahihiyan tignan mo nga! Kay Chaz pa lang lamon na lamon na siya! Ugh! Ayaw kong sumali diyan! Bahala kayo!” anito sabay gigil akong hinawi para makapag-walk out kaya mas napunta ako sa harapan.
I understand her frustrations. Kung ako rin ay magtatago na lang siguro ako dahil sa galing ng kalaban, but Kisha and the girls continued the dance battle maski na halata naman kung sino ang panalo.
Sa pangalawang pagsabak nila ay ang mga lalaki namang nananahimik ang kanilang nilapitan upang udyukang labanan sila. Ang mga babae ng EDM ay nagpaubaya.
Mas lalong uminit ang mga sunod na eksena at umingay ang aming gawi. Kumapal rin lalo ang dagat ng mga taong nanunuod kaya mas nagliyab ang tensiyon.
Naiiling na lang ang mga kasama noong Kisha nang pumasok na ang mga lalaking taga EDM.
“Hindi pa ’yan ang mga Cordova pero tignan mo’t taob na taob na! Ayaw tumigil ng mga hindot!”
“Hayaan mo na. Basta huwag na lang nating sabihin kay Jade dahil malalagot tayong lahat do’n!”
Hindi ko na napigilang sumingit sa usapan dahil bukod sa na-di-distract ako ay nawi-weirduhan rin ako sa kanila.
“You’re a team right?” agad na napalingon sa gawi ko ang dalawang babaeng nag-uusap.
They looked at me from head to toe, but I just smiled at them.
“I mean, you should support your girls. They are not that bad. Kung gano’n ang tingin niyo, you should’ve at least applaud their courage because they continued fighting kahit na mukhang alam naman na nilang dehado sila, no offense.”
Parehas silang hindi nakapagsalita sa sinabi ko. They probably thought I was crazy for meddling with their conversation. Imbes na hintayin ay nanahimik na lang ako. I am not here to make enemies, but I just couldn’t stand them roast their friends instead of giving them their full support. They are a team for a reason. If they don’t know what that means then they all should stop the hypocrisy.
Ibinalik ko ang titig sa kasiyahan na saktong natapos na ngunit nang makita ang paghawi ng mga tao sa kabilang banda dahil sa pagdating ng mga kung sino ay doon natigil ang mga mata ko.
The gasps and silent screams coming out of the girls mouth became louder in my ears as four new guys entered the crowd.
Hindi ko napigilang mapalunok nang tuluyan nang bumalandra sa paningin ko ang apat na lalaking hindi ko alam kung saang parte ng langit galing!
Goodness gracious! I’m not really into good-looking guys, but I wasn’t blind. They were all gorgeous and so damn fine! Nadama ko ang pagtutumalon ng puso ko dahil sa nakikita.
Hindi na nakapagtataka kung bakit gano’n na lang ang mga pagsinghap lalo na ng mga babae sa aking gawi nang tuluyang tumapat ang mga bagong dating sa aming harapan.
My eyes never left them. Agad nilang binati ang mga kasama habang ang mga lalaki ay patuloy na nagsasayaw sa gitna. Nawala na roon ang mga mata ko gaya ng lahat dahil nakatuon ang mga ito sa mga bagong dating–especially to the guy who continued puffing his vape without minding the people around him.
Sa lahat ay parang siya ang walang amor. Parang kasalukuyang may galit sa mundo. Kahit na mukhang masungit iyong may malaking tattoo sa braso ay nakangiti ito habang kausap ang lalaking may kulay abong buhok at ang may salamin.
Ang paghanga ko ay agad napunta sa pagkairita lalo na’t nagpatuloy ang kanyang paghithit-buga’t hindi na inisip ang mga napeperwisyong baga sa paligid niya.
Ikinurap-kurap ko ang aking mga mata. I tried shifting my focus back to the dancers, but the guy with long hair immediately locked eyes with mine when he turned to my direction.
I flinched when my gaze made him stopped puffing his vape. Ang kanyang walang amor na mukha kanina sa pagpasok ay mabilis ring napalitan ng ligaya habang nananatiling nakatutok ang titig sa akin.
I cursed myself silently when he started paying attention to what was happening, but he did not let my eyes escaped his sight.
Gusto kong punitin ang titig sa kanya, but there was something in his dark and curious eyes that made me stay still. Pasimple akong napalunok ng mabagal nang maglaro ang kanyang dila sa pang-ibabang labi matapos umayos ng tindig.
He tilted his head lightly to the side when the guy with gray colored hair whispered something to him, that exposed his double upper helix piercing and a lobe piercing with hoop earrings. Nagkaroon ako ng pagkakataong sipatin ang kanyang kabuuan nang matanggal ang titig niya sa akin.
He was wearing a plain white shirt and a black ripped jeans. His skin was brown just like the rest of the guys he was with. Magkakasing-tangkad rin at halos parehas ang bulto ng mga katawan. Ang kanyang itim na buhok ay abot sa kanyang panga and I must admit that it suits him well.
Agad kong itinigil ang pagsipat bago pa niya mabalikan ang mga mata ko.
“Omg! Sobrang hot talaga! Nakakahiya pero parang keri na rin dahil kung hindi kay Kisha ay hindi natin makikita sila Seidon! Ang ha-hot talaga nakaka-wet!” Nanggigigil na bulong ng babaeng kanina lang ay tinutusta ang Kisha na ’yon.
Hypocrites.
Pinilit kong panatilihin ang mga mata sa mga nagsasayaw kahit pa naramdaman ko ulit ang pagtitig sa akin ng lalaking iyon. Hindi ko na sinubukang ibalik ang tingin sa kanya dahil parang nadidiskaril ang pintig ng puso kong akala mo’y ngayon lang nakakita ng gwapo!
Sumabay ako sa pagpalakpak nang matapos ang kanilang mga kagrupo. The girls applaud them while accepting their defeat.
Nagkamayan ang mga ito. Napairap na ako nang mauna pang magkumahog ang mga babaeng pintasera sa paglapit sa mga lalaking miyembro ng EDM samantalang kung ibaon nila sa lupa ang mga kamiyembro ay gano’n-gano’n na lang.
Unti-unting nagsialisan ang mga tao habang nagkakasundo ang dalawang grupo. I was about to leave matapos silang maghiwahiwalay pero hindi ko nagawa sa pag-alingawngaw ng bagong tugtog sa parke.
The people who just left immediately went back especially when the long haired guy went in the middle of the crowd.
Wala na akong nagawa kung hindi ang mapanganga nang sa paglagapak ng unang stanza ng kantang Señorita ay sumabay ang kanyang katawan sa ritmo nito.
He was free styling and I couldn’t help myself, but to smile again.
Kung may isa mang kahinaan ang puso ko ay iyon ang pagsasayaw. My mom was a dancer. Dahil sa kanya ay natuto akong hasain ang galing ko sa bagay na iyon kaya masyadong malapit ang puso ko rito.
The crowd payed attention again when the man began dancing with angst and sexiness combined.
Watching him made me bit my lip. Ang katawan niya ay parang inaalon ng mabagal sa ere sa bawat kibot at giling ng kanyang balakang and that was all it took for me to convinced that he was good, they all are. Talaga ngang mga propesyunal at bihasa na sa ginagawa.
Sa pag-ikot niya ay halos umungol ang mga babaeng katabi ko. Lumawak lalo ang ngiti sa labi ko, pero agad rin iyong napawi nang makita ang agarang pag-ikot niya palapit sa aking harapan.
“I love it when you call me señorita I wish I could pretend I didn’t need ya…” My jaw dropped when he grind his hips right in front of me while following the second chorus and biting his lower lip playfully.
Agad akong napalunok nang mapangisi siya matapos magtagumpay na makuha ang atensiyon ko.
He began taunting me to dance with him. Ang mga mata ay puno ng ligaya habang nananatiling nakangisi. Pakiramdam ko’y nanuyo kaagad ang lalamunan ko dahil sa kanyang pagkindat matapos ilahad ang kamay sa aking harapan!
Iginalaw ko ang aking mga kamay upang tumanggi sa gusto niyang mangyari, but the crowd booed me!
My face heated at that! I was never booed all my life! Kaya ko namang palagpasin pero ang hindi ko nakayang balewalain ay ang ngiting tagumpay ng lalaki kaya bago pa ako tuluyang mapahiya ay minabuti ko nang pagbigyan ang gusto niya.
Humugot ako ng sapat na lakas bago siya marahang itulak. Mas lalo siyang nangisi dahil doon. I smirked back and let my body spin as I joined him in the middle of the crowd.
Lumawak and ngisi ko nang sa huli kong pag-ikot at pagsabay sa tugtog ay saktong naabot kong muli ang kanyang katawan at agad na nahawakan.
He did not expect that. Nawala ang kapilyuhan sa kanyang mga labi. Sa pagbagal niya’t bahagyang pagkatuliro ay kinuha ko ang pagkakataon upang mailampaso siya sa harapan ng lahat.
I closed my eyes and just feel the music. My swift and clean moves came out naturally. I let my body do its thing. Everyone payed more attention than ever. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong humilera ang mga taga EDM habang nakatutok sa akin at sa kanilang miyembro na nasimento na lang yata sa tabi.
I smirked when I pranced back towards him, still in awe of my moves. Nang makalapit ay doon lang siya nakabawi. Parang gusto kong magsisi nang mapaghandaan niya ang ginawa ko’t agad na nahawakan ang aking bewang upang isayaw na parang na-rehearsed namin ang bawat steps!
He followed my moves and he did not fucking disappoint!
I grind and danced with his sultry moves behind me. Nagpatuloy ang pagkamangha ng lahat sa sabay na ritmo ng aming mga katawan sa kanta. I just enjoyed the song and gave them the best show.
Kinagat ko ang aking labi nang iikot niya ako paharap sa kanya. Inilagay ko kaagad ang aking mga kamay sa kanyang mahabang buhok habang ang binti ay inangat sa kanyang gilid. Habang umaangat ang kanyang kamay sa aking hita ay bumababa naman ang aking kamay patungo sa kanyang leeg. Bago pa niya maabot ang aking bewang ay umikot ulit ako. I bit my lip harder when the last stanza came and felt his heat behind me.
Hindi nakaligtas sa tainga ko ang marahas niyang pagbuntong-hininga kasabay nang pag-igting ng panga sa aking leeg na tila gusto na lang akong panggigilan ng malala.
I pushed my back on his body and grind on his heat until my hips almost dropped to the floor just in time for the song to end.
Hinihingal ako nang tumahimik ang paligid matapos ang kanta. I could hear him panting as well, but all of that were drowned when everyone cheered for us.
Tiningala ko siya. Sabay kaming nangiti at pagkatapos ay inalalayan akong umahon.
“Damn… Who are you?” He asked with amazement burning on his eyes.
Hindi niya binitiwan ang kamay ko nang akma kong babawiin ngunit tila napaso ako ng muli niyang basain ang mapupulang labi gamit ang mapaglarong dila, still waiting for my answer.
I felt the time stopped for a bit when my eyes roamed around his face. He has a feature of a God. May nunal siya sa ibaba ng labi at isa rin sa bandang kilay, but the most intriguing part of his face was his chiseled jawline. He has deep set of eyes, too, and the lashes surrounding it were longer than mine, gusto kong mainggit.
Sa pagtikhim niya ay hinugot pabalik sa kasalukuyan ang kaluluwa ko. Ngumiti ako agad para itago ang kahihiyan.
“RZ,” I answered. “And you?”
Umawang ang kanyang bibig upang sumagot pero dahil sa mabilis na paglapit ng mga tao sa paligid namin ay agad kaming naghiwalay—kahit pa naramdaman ko ang paghigpit lalo ng kapit niya sa akin.
I was overwhelmed with all the praises especially coming from the members of his dance crew.
Moments later, I was being bombarded by strangers! Mabilis ang mga pangyayari at nakalimutan ko na ang lalaking kasayaw.
Kisha, ang babaeng pina-plastic ng kanyang mga kagrupo ang humila sa akin palayo upang isama sa kanila, pero bago pa kami tuluyang makaalis sa parke ay sabay-sabay na kaming natigil sa paghabol sa amin ng kung sino.
Naramdaman kong muli ang paghuhuramentado ng puso ko nang makita ang parehong lalaking humamon sa akin.
“You dropped this.” He said and then handed me something.
Lutang kong kinuha ang isang papel at isinilid sa likurang bulsa ng aking pantalon. “Thanks.”
Lumawak ang ngisi niya. “Nicolaus.”
“H-Huh?”
“That’s my name and you’re welcome, RZ. It’s nice to meet you. You’ve blown me away.” Swabe niyang sagot habang nananatili ang matamis na ngiti sa labi.
Ngumiti rin ako at tumango pero hindi na nakapagsalita pa dahil sa paghila sa akin ng mga babae.
Ilang beses pa akong napalingon at sa bawat lingon ko ay hindi siya umalis sa pwesto. Ni hindi rin natanggal ang titig niya sa akin hanggang sa tuluyan na kaming makalabas sa parke.
Isinama ako ng mga babae at nilibre ng meryenda kahit na ilang beses kong sinabing busog pa ako.
Maswerte rin naman akong napasama ako lalo na kay Kisha dahil kung saan ako papunta kanina ay saktong doon rin siya nakatira kaya sabay na kami sa tricycle.
Sa sobrang tuwa nito sa akin ay hindi niya ako hinayaang magbayad ng pamasahe. Hindi na ako nakipagtalo dahil bumalik na ulit ang kaba ko nang matapat sa isang malaking bahay kung saan ang address ng lalaking pakay ko.
Hinila ko ang aking maleta at pagkatapos ay pilit na kinalma ang sarili. Pakiramdam ko ay mahihimatay na ako sa kaba kaya hindi ko kaagad napindot ang door bell, ni hindi ko alam kung mapipindot ko ba.
Ibinalik ko sa aking bulsa ang aking wallet pero dahil sa kung anong nakaharang ay hindi ko maiayos ng lagay doon.
Lito kong dinukot ang nakaharang. Ang kaba ko ay bahagyang nabawasan nang makita ang papel na inabot sa akin ng Nicolaus na ’yon.
Kunot noo kong binuklat ang papel dahil wala akong natatandaan na sa akin iyon. How come I dropped something that didn’t even belong to me?
My lips curved a smile when I saw a cell phone number below a message.
“Roses are red, violets are blue, please call my number so I don’t have to stalk you.”
That made me chuckle. “It depends, Nicolaus… If you are worthy of my last five minutes, then maybe… Just maybe.”
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below.
🙂
P.S
Don't be shy to interact with your fellow readers, but please do respect each other's opinion. Let's create a healthy space. Happy reading! Love you all!
# CHAPTER 2
Chapter Two
Buenavista
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko habang nakatitig sa door bell ng bahay na iyon.
Nagpatuloy sa pagkalampag nang mabilis ang puso ko. I was nervous as hell. My eyes shifted on the house. It wasn't the biggest house in the area, but it was one of the nicest. The walls were painted gray and white at sa tantiya ko ay may limang kwarto o higit ang mayroon ito.
Inilayo ko ang kamay sa door bell at huminga muna sandali bago muling titigan ang litratong hawak ko.
It was still the house behind the gate, wala masyadong nagbago bukod sa kulay. The old trees were still there, mas mayabong at kulay luntian pa nga kaysa sa litrato.
Muli akong napabuga ng malalim na paghinga habang nakatitig doon at pabalik ulit sa nasa harapan ko.
Umayos ako ng tayo at muling hinila ang hawak kong maleta, nagpaskil ng ngiti at pilit na pinipilit ang sariling ayos lang ako. Magiging maayos lang ako.
Nagmamadali ko nang itinago ang litratong laman ang lalaking pakay ko. My dad, ang lalaking una kong minahal... At una ring bumasag sa puso ko.
Pababa na ang araw kaya nananayo na ang balahibo ko sa lamig ng simoy ng hanging ibang-iba sa pinaggalingan ko.
I heave another sigh before finally pushing the door bell. Isang beses, dalawang beses hanggang sa pang lima kung saan doon lang lumabas ang nakaunipormeng babae para madaluhan ako.
"Magandang hapon po!" masigla kong bati kahit na mukhang hindi siya matutuwa kapag nasabi ko na ang sadya ko.
Kunot noo siyang lumapit sa gate. Umatras ako nang bahagya at binati siya ulit.
"Magandang hapon po! Gusto ko lang pong itanong kung dito pa rin po ba nakatira si Mr. Almanzerano? Rucio Almanzerano po?"
Her jaw almost fell right after she heard what I said. Napatulala siya sa akin at tuluyan nang nahinto habang nakatitig sa mukha ko, as if she was looking at a ghost. Ngumiti ako ng malawak kahit na gulat pa rin siya.
"O-Oo," may pag-aalinlangang sagot ng may katandang kasambahay. "Anong pakay nila?"
I felt a sudden bile on my throat. I don't know if I should be happy or more nervous at that. Gayunpaman, nagawa ko pa ring tumindig nang maayos para sagutin siya.
"Ako po ang unang anak ni Rucio sa unang asawa niyang si Heaven, pwede ko po ba siyang makausap?"
Kung kanina ay mukhang nagulat siya nang makita ako, ngayon naman ay parang tuluyan na siyang mahihimatay sa mga sinabi ko.
I get it. Alam kong hindi niya ako kilala o maski siguro ang Mama ko at tingin niya ngayon sa akin ay nagsisinungaling, pero iyon ang totoo. I am Rucio's daughter at ang Mommy ang unang asawa niya.
"Manang?"
Napapitlag siya't binalikan ng katinuan sa pagpukaw ko. Lutang niyang nilingon ang bahay na kanyang pinanggalingan at pabalik ulit sa akin.
"P-Pero–"
"Alam ko pong may sarili ng pamilya ang Papa ko pero kailangan ko po siyang makausap. Please, kahit sandali lang po." may pagmamakaawa ko nang sabi.
Hindi dahil gusto kong kaawaan niya ako ngunit dahil iyon ang totoo kong nararamdaman bukod sa kaba at lungkot—awa para sa aking sarili.
"S-Sandali at sasabihin ko. Ano nga pala ang pangalan mo, Hija?"
Sinubukan kong ngumiti ulit para kunin ang loob niya.
"Roshlin... Roshlin Zabryna Catalina Almanzerano po."
Sa haba ng pangalan ko ay isang tango na lang ang naisagot niya.
May pagmamadali siyang bumalik sa bahay. Nang mawala siya ay saka lang ako nakahinga ulit ng maluwag, pero hindi rin iyon nagtagal dahil bago pa ko pa maayos ulit ang sarili ay nakita ko na ang lalaking matagal na panahon nang wala sa buhay ko.
I wished I held the railings before we our eyes met. Ngayon kasi habang palapit siya at magkatitIgan ang aming mga mata ay parang kandilang nauupos naman ang lakas ko. Mas lalong kumapal ang mga bara sa lalamunan ko habang palapit siya ng palapit sa 'kin.
Sa bilis ng pangyayari ay naestatwa na lang ako at sunod na lang na naramdaman ang pagpulupot ng kanyang mainit na bisig sa akin upang ikulong ako sa isang mahigpit na yakap! Awtomatiko akong napapikit nang tumulo ang mga luha ko.
His hug wasn't that comforting because he was a stranger to me, but his warmth was so familiar... Like picking up some of the lost pieces of me. Iyong mga parteng hindi ko akalaing kailangan ko pero ngayon ay pilit na binubuo ang ilang parte ng aking pagkatao.
"Oh, Roshlin..." he murmured with so much longing. "Roshlin, anak ko..." doon na nagpatuloy ang mga luha ko.
I moved my hands to hug him back while I let all the emotions rushed through me.
"P-Papa..." hindi ko nasundan ang mga salitang iyon dahil sa paggaralgal ng aking boses at paghigpit pa ng yakap niya. Iyong yakap na parang gustong pawiin ang mga taong hindi naming pagkikita.
Ilang minuto niya pa akong hindi binitiwan at gano'n rin ako. Sa pagdilat ko ay nakita ko iyong kasambahay kanina na tulala at emosyonal rin sa naging tagpo naming dalawa. Nakatakip ang mga kamay niya sa kanyang bibig at hindi maputol ang titig sa akin.
Nang bitiwan ako ni Papa at ipihit paharap sa kanya ay agad na lumukso ang puso ko dahil sa pagluha niya't maagap na pagpunas nang sa akin.
"Roshlin, anak... Ikaw nga! Ikaw nga!" aniya sabay yakap ulit.
My Papa gave me the longest hug I've ever had my entire life. Wala siyang ginawa kung hindi ang yakapin ako kahit nang nakapasok na kami sa kanyang bahay.
Mas malaki iyon sa inakala ko. Dalawang palapag lang ang bahay pero malawak ang lupaing sakop. Simula sa sala ay tanaw ko ang malawak na swimming pool na nililinis ng ilang tauhan. Iginala ko ang aking mga mata sa paligid.
Maraming mga mamahaling halaman sa bawat sulok ng bahay. The grand staircase were painted black, kapares ng malalaki ring paintings na may black canvass sa dingding. Sa itaas ko ay mayroong grandihiyosong chandelier, sa ibaba ng TV na nasa tapat ko ay ang fireplace.
Natatawa ako't nailing nang mapatitig sa sahig. Their carpet was so white I could see Jesus if I stare too much at it.
Nawala ang atensiyon ko doon nang makarinig ako ng yapak palapit sa akin. Nagmamadali kong ibinalik ang basong may lamang tubig sa babasaging coffee table na nasa aking harapan.
Hindi ko alam kung anong trabaho ni Papa at bakit napakayaman niya dahil hindi ko naman maalala kung nabuhay ba ako ng marangya noon kasama siya, pero tiyak na hindi ganito ang lahat. My father looked so loaded, the bank could rob him.
Ipinilig ko ang aking ulo at umayos nang upo nang makita ang pagbalik ni Papa. Umurong ako sa gilid ng mahabang couch upang bigyan siya ng espasyo.
May multo ng ngiti sa mga labi niya. Now that he was in front of me, napagtanto ko kung bakit siguro nagulat iyong kasambahay nila kanina nang makita ako.
Looking at my father was like staring at my own reflection. Well maliban sa balbas at bigote, kuhang kuha ko ang tangos ng kanyang ilong, bilugang mata, makakapal na pilik at kilay maging ang mapupulang labi.
I never thought that my Tita was right when she told me that I looked exactly just like my father. Sa litrato kasing dala ko ay bata pa si Papa at malabo na rin kaya ngayong nasa harapan ko na siya ay ako na mismo ang nagpapatunay no'n.
Nang kumibot ang labi niya tanda nang pagsasalita ay inunahan ko siya.
"Alam kong may sarili na po kayong pamilya ngayon at hindi ko po gustong maging dahilan ng gulo, pero kailangan ko pong lumayo muna kay Mama ngayong bakasyon. We had a fight that's why I'm giving her space now." kinuha ko sa aking bulsa ang sulat laman ang address niya. I handed it to him.
"I found your old address and I was thinking if I could spend the rest of the summer with you."
He looked surprised to hear that. Napapitlag ako nang hawakan niya ang aking kamay matapos tumango sa sinabi ko.
"Roshlin, I'm sorry..." he said.
Mukhang marami pa siyang gustong sabihin pero muli ko siyang pinutol.
"Can I stay here, Papa? Dalawang buwan... Kahit dalawang buwan lang pagkatapos ng bakasyon."
"Is that what you want? Anak marami akong pagkukulang sa 'yo–"
"That's what I want," I cut him off again, trying to get rid of the subject before it gets into my head again.
Meeting him for the first time after a long time was enough for me. Sa ngayon ay tama na muna iyon.
"Kung okay lang po sa inyo?"
Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang ngumiti siya at tumango. Kahit na hindi pa rin makapaniwalang nasa harapan niya ako ay nagawa naming maging pormal sa isa't isa sa mga sumunod na minuto.
"How's your mother?"
Nag-iwas ako ng tingin at kahit na busog ay kumuha ako ng cookies bago siya sagutin.
"She's doing okay. She's busy working as usual. Alam n'yo namang sobrang sipag no'n kaya nga minsan ay hindi na rin kami nakakapag-usap, but I still turned out fine, I guess. She never left Macau, Papa. Wala na siyang balak umuwi rito."
Guilt spread his eyes like a venom while I tell him something about me, my mom and our life without him. Kahit naman may lungkot ako at kaunting galit sa kanya, alam ko naman ang salitang respeto kaya hindi ko iyon ipamumukha sa kanya lalo na ngayong humihingi ako ng pabor.
"Pero okay lang po ba talaga? Paano ang pamilya ninyo? Ang asawa n'yo?" tanong ko kasabay na rin sa pagkuha ng impormasyon sa buhay niya, pero bago pa siya makasagot ay naputol na kami sa pagbukas ng pintuan kasabay nang pagbaha ng tawanan ng mga babae at pagkukumahog muli ng panibagong kasambahay upang asikasuhin ang mga ito.
"Sir Rucio, nandito na po sila Ma'am Myrcelle!" aniyang halos pasigaw kaya pati ako ay nakaramdam muli ng kaba.
Papa held my hand. Sa pagdating ng mga bagong mukha ay nabitiwan ko ang kamay niya. Sabay kaming napatayo.
Napalunok ako nang makita ang tatlong babae. Isang halos kasing tanda ni Papa na siyang tiyak na asawa nito ngayon at dalawang babaeng parehas ang suot na kulay pink dress na tingin ko'y kaedad ko naman.
Wait, mga kapatid ko sila? I have sisters now?
"Myrcelle..." si Papa dahilan nang agad na pagkawala ng ngiti sa mga labi nito.
The lady he called Myrcelle laid her sharp eyes on me. Tuluyan nang nabahiran ng pait ang kanyang titig habang bumababa ang matalas niyang mga matang sumusuri sa aking kabuuan.
"Who are you?" matabang at may pagkadisgusto niyang tanong. Giving me no choice but to close my mouth.
She was damn scary. Bukod sa mukha niyang natural yatang mataas ang kilay, mukhang kasing itim rin ng budhi niya ang winged eye liner niya.
Mas lalo ko pang naidiin ang aking mga labi nang sabay na maghalukipkip ang dalawang babaeng nasa gilid nito. Parehas ni Myrcelle, tinitigan rin ako ng sabay pataas-pababa gaya ng kanilang ina.
Yep, there was no doubt it was her daughters pero seryoso? May kapatid nga talaga ako?
"Roshlin, this is Myrcelle," hinawakan ni Papa ang siko ko bago magpatuloy. "My wife and this is Fyrcelle and Essa, my step-daughters."
Hindi ko alam kung bakit ikinatuwa kong step-daughters lang sila ng Papa ko. Okay lang naman pero iba ang aura nila kaya ngayon pa lang ay parang ayaw ko na.
"Hello, I'm Roshlin. Rucio Almanzerano's daughter."
"Daugh-fucking-what?!" napapitlag ako't agad na napaatras sa agarang paghiyaw ni Myrcelle dahil sa kabiglaan!
Papa let go of my elbow to held Myrcelle's hand. "Let's talk without the kids."
"No, Rucio! What the hell is happening?! Dalawang oras lang kaming nawala ng mga anak mo ay may bago ka ng anak?!"
"Myrcelle..." sinubukan niyang ilayo ang babae sa akin matapos akong sulyapan gamit ang nagpapaumanhing mga mata. "Mag-usap tayo ng pribado. Roshlin, dito ka muna." aniya habang iginigiya ang babaeng gusto na yatang magsisisigaw sa rebelasyong narinig!
But what the hell?! Bakit hindi niya alam na may anak ang Papa ko sa unang asawa nito? Hindi ba 'yon sinabi ni Papa? And wait, did she just said
mga anak
nila ni Papa? Hindi ba sabi ni Papa step-daughters niya lang ang mga ito?
Speaking of the devils...
Muli pang umatras ang paa ko kahit na wala na si Papa at ang asawa nito dahil sa pagsundot sa balikat ko ng babaeng tinawag ni Papa kaninang Essa.
"Are you really our father's daughter?" gaya ng nanay niya, gano'n rin ang kanyang tono. Mas matinis nga lang bagay sa pink niyang damit na ang manggas na ruffles ay iniluluwa ang bakuna sa kanyang brasong mukhang pinagdiskitahan ng lasing na pedia noong vaccination day niya.
Bukod sa tango ay wala nang lumabas sa bibig ko. The other girl in pink—Fyrcelle, pushed me using her pointing fingers, too.
"Anak ka ni Daddy Rucio?"
"O-oo? Kayo ba?" tanong pabalik sa kanila.
Nagkatinginan ang dalawa na parang naka-program na sa utak nila ang gagawin sa ganitong pagkakataon.
"Anong ginagawa mo rito? Bakit may maleta ka? Dito ka na titira?" si Essa ulit.
"M-Magbabakasyon lang. Kayo? Dito kayo nakatira?"
Mas lalong tumalim ang titig nilang dalawa sa akin.
"This is our house and this is where we live, you stupid! Ugh, Fyrcelle ! Dito siya titira!" baling niya sa kapatid sa nagmamaktol na tono na akala mo'y hindi ko naririnig.
"Magbabakasyon lang daw!" sigaw pabalik nito sabay baling ulit sa akin.
Dahil wala na akong naatrasan ay napabalik ako sa pagkakaupo sa couch.
"Nagpa-DNA ka na ba? Are you sure anak ka ng Daddy namin? Paano kung gusto mo lang ng pera, ha?!"
"Hindi ko gusto ng pera. Totoong Papa ko si Rucio—"
"No way!"
"Uh! Yes way highway! He was married to my mother almost three decades ago! Kahit kuhaan niyo pa ng cenomar ang Daddy niyo, nagsasabi ako ng totoo!"
"Well, you can't be here! This is not your house!"
"Essa, she's just here for vacation. She'll never stay here for good! This isn't her house!"
"I can't share a room with her! Mas matanda ka kaya alam kong ako na naman ang pakikiusapan ni Daddy at hindi ako papayag! She can sleep with the maids alright, but she can never step foot inside my room!"
"She will not!"
Pinanuod ko silang magtalo sa harapan ko. Imbes na mainis ay na-entertain ako sa ginagawa nila. Noong bata pa ako ay pinangarap ko ring maging invisible, hindi ko naman inasahang ngayon lang pala iyon matutupad!
They continued arguing because of me, as if I wasn't in front of them. Ipinagpatuloy ko ang pagkain ng cookies habang nanunuod ng bardagulan ng mga Karen's.
Ang totoo, kung anong tanggi ni Essa na ayaw niya ako sa kwarto niya, ilang libong doble naman ang tutol kong maki-share sa kanya. Kung wala na ngang bakanteng kwarto para sa akin at sa kanya ako patutulugin ay mas gugustuhin ko pang sa mga maids na lang. Mukhang okay naman iyong dalawang nakilala ko kanina kaysa sa dalawang magulo sa mapang ito.
I checked my nails, my phone, and I even replied to some of my messages on social media while they continue arguing. Natigil lang ako nang mahinto sila dahil sa pagbalik ni Papa at Myrcelle.
Hindi ko alam kung dapat kong ikabahala ang galit sa mukha ng asawa ni Papa o ikatuwa dahil alam kong magandang balita ang hatid no'n. Muli akong tumayo para pantayan silang lahat at hintayin ang sasabihin nito.
"Essa, Fyrcelle, your mother and I decided to let Roshlin spend her vacation here–"
"No, Daddy! She can't sleep in my room! I will not let you do that to me! No way!"
"No, I'm not asking you that."
"She'll stay with the maids then?" si Fyrcelle na kahit nasa gilid ko ay nasipat ko ang pag-arko ng labi matapos ang sinabi.
"No. Roshlin will stay in one of the guest room. Nag-usap na kami at maayos na ang lahat," napatuwid ako ng tayo nang bumalik sa akin ang buong atensiyon ni Papa.
"Welcome home, anak." aniya at muli akong nilapitan upang yakapin.
I heard my step-sisters sighed dramatically at that, but I didn't care anymore. Sapat na ang pagpayag ni Papa at desisyong patuluyin ako para magawa ko ang mga plano ko. Hindi na bale kung paano pero bahala na. Sa ngayon ay makukuntento na muna ako rito. Sa ngayon ay sapat na ito.
Welcome home, Roshlin... Welcome to
Buenavista!
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. 🙂
P.S
Don’t be shy to interact with your fellow readers, but please do respect each other’s opinion. Let’s create a healthy space. Happy reading! Love you all!
—
Follow all my social media accounts to be updated.
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
CengCrdva/Cengseries
Twitter :
CengCrdva
CHAPTER 3
Chapter Three
Money Can’t Buy Everything
Malawak ang ngisi ko nang makapasok sa guest room na aking tutuluyan. Nasa baba iyon at malapit sa maids quarter. Ang tatlo raw kasi ay hindi ko pwedeng tuluyan dahil may mga bisitang darating ang asawa ni Papa sa isang araw, pero ayos na iyon sa akin.
Kumawala ang buntonghininga sa labi ko pero hindi na iyon sa bigat kundi dahil totoong gumaan na ang pakiramdam ko.
The room was plain white, but it was bigger than my room and it has everything so there was no reason to complain.
“Naku hija, pasensiya ka na talaga at hindi man lang napalitan ng ibang kulay ang kwartong ito. Hindi namin napaghandaan ang pagdating mo.” nagkukumahog na pumunta sa kama ang dalawang kasambahay kasama ang isang may katandaan na nag-utos sa kanilang palitan ang lahat ng kulay pink.
“Okay lang po Manang Canciana,” sabi ko sabay pigil sa dalawang kasama nito.
Nagkatinginan silang tatlo pero imbes na sundin ako ay hinila lang ako ni Manang Canciana palayo sa mga ito para makapagpatuloy sila sa ginagawa.
“Ano bang paborito mong kulay at nang iyon ang maipalit namin? Papapalitan ko na rin ang mga kurtina at sabihin mo kung ano pa ang kailangan mo–”
“Okay na ho ito sa akin. Okay na po ito.”
Muli ay nagkatinginan sila lalo na ang dalawa pero mas lalo silang nabaliwan nang balingan ko sila at malawak na ngitian. Nahihiyang ngumiti ang mga ito pabalik at napatabi nang walang sabi akong lumapit muli sa kama at pabagsak na nahiga. Natulala silang tatlo sa akin.
“Ang laki ho pala ng bahay ni Papa. Ngayon lang ako nakapunta rito. Ilang kwarto ho ba mayroon ang bahay na ’to?” nakangisi kong tanong habang nakatulala sa ceiling.
“Siyam,” si Manang Canciana nang makabawi. “Lima ang sa taas at apat naman ang guest rooms rito sa ibaba.”
Mas lalo akong namangha. Umahon ako sa kama, napaatras palayo ang dalawa na tila hindi alam kung ano ang iaakto sa harapan ko. Muli ko silang nginitian sabay lahad ng kamay.
“My name is Roshlin Zabryna, pero pwede n’yo akong tawaging Rosh or Zab depende sa gusto n’yo.”
May pag-aatubiling tinanggap ng isa ang kamay ko. “Natividad, Nati na lang ang itawag mo sa akin. Ito naman si Floriana o Flor at Cancia na lang rin ang itawag mo kay Tiya.”
Nakangiti ko silang kinamayang lahat kahit na halata pa rin ang gulat sa kanilang mga mukha.
Kahit na ayaw ko ay wala akong nagawa dahil mapilit si Manang Cancia sa pagpapalit at ayos ng magiging kwarto ko. Aniya ay matagal akong mananatili rito at iyon rin daw ang utos ni Papa para naman maging at home ako.
Hindi ako umalis sa silid at ilang beses pa silang tinulungan kahit na parang gusto na lang akong ikadena ni Manang Cancia sa upuan para lang mapirmi.
Sa huli, wala pa rin silang nagawa. I am taller than all of them kaya ako ang nanguna sa pagpapalit ng mga kurtina.
“What are you doing?!” sabay-sabay kaming napalingon nang marahas nang marinig ang matinis na boses galing sa pintuan ng aking silid.
Bumungad doon ang nakahalukipkip na si Essa. Hindi pa ako nakakasagot ay marahas na niyang tinapunan nang tingin sina Nati at Flor na agad namang namutla sa kaba.
“Why are you letting her do your stupid job?! Trabaho n’yo ’yan ’di ba?!”
“Essa, ako ang nagpresinta–”
“I am not talking to you!” she cut me off.
Pumasok siya sa loob kaya napasiksik ang dalawa tabi ni Manang Cancia na halata rin ang pagkabahala sa mukha.
“Madam Ersylle–”
“You’re all slacking off! Hindi ba’t sinabihan na kayo ni Mommy na gawin n’yo ng maayos ang mga trabaho n’yo?!” Nanlaki ang mga mata ko nang ambahan niya ng sampal si Manang Canciana kaya wala sa sarili akong napatalon sa ibabaw ng upuan para lang maitulak siya!
“Essa!”
Her eyes widened at that! Gulat siyang napaatras! Hindi niya inasahan ang pagtulak ko! I was not here to make enemies, but I couldn’t let her do that!
“How dare you!”
“How dare you, too!” I rebutted louder! “Ako ang may gustong tumulong sa kanila at hindi sila nagpapakatamad! They are doing their job and I was just helping them! Hindi mo kailangang manakit!”
“Shut up!” Inayos ko ang tindig nang akmang susugurin niya ako. When she saw that I was ready and not backing out, natigil siya. “Isusumbong kita kay Mommy! Kayong lahat! Mga walang kwenta!” histerikal na sigaw niya pagkatapos ay nagdadabog na nag walk out!
Hindi ako nakasagot sa bilis ng mga pangyayari. Pumipintig ang tainga ko at kung itinuloy niya lang ang pananakit sa akin ay baka napatulan ko talaga siya!
Kung hindi pa nanghihinang napaupo si Manang Cancia ay hindi pa mawawala ang titig ko sa nilabasan ng bruhang hindi naman maganda. Unang araw ko pa lang ay mukhang mapapasabak na ako.
Oh Lord, give me strength
!
“Tiya…”
“Manang, ayos lang ho ba kayo?” nag-aalala kong baling rito. Nagkukumahog namang kumuha ng tubig si Flor.
“Ayos lang ako,” namumutlang sagot niya sabay hawak sa kamay ko. “Roshlin, Hija, huwag mo sanang sabihin ito kay Myrcelle.”
“P-Po?”
“May sakit sa puso si Tiya, Rosh…” si Nati sabay alalay na rin sa matanda. Mukhang kahit na hindi iyon dapat sabihin sa akin ay hindi na napigilan dahil sa nangyayari sa kanyang Tiya.
“Pero Manang–”
Humigpit ang kapit niya sa aking kamay. “Marami pa akong pinaaaral. Hindi pa ako pwedeng magretiro at kapag nalaman ni Myrcelle o kahit sino sa mga anak niya ang kalagayan ko ay tiyak na sisisantehin ako. Hindi pa pwede Roshlin kaya sana ay huwag nang makarating.”
“Tiya…” lumayo ako para bigyang daan si Flor.
Pinanuod ko silang siguraduhing maayos ang kalagayan ng matanda. Natulala na lang ako hanggang sa kumalma si Manang Cancia.
“Pasensiya ka na, Roshlin.”
“No, wala kayong kasalanan. We’re all doing fine until that girl barged in. It wasn’t our fault. Ako na ang magpapaliwanag–”
“Roshlin, hindi pwede. Hindi mo naiintindihan. Maraming patakaran sa bahay na ito at kapag hindi mo iyon sinunod ay baka madamay ka pa sa mga parusa.”
Hindi ko napigilang matawa sa narinig. “Parusa? What the hell was that supposed to mean?”
Nagpalipat-lipat ang titig ko sa kanila pero pare-pareho silang atubiling sumagot. Tumayo si Nanay Cancia nang makabawi saka lumapit sa akin at hinawakan ang balikat ko.
“Malalaman mo rin ang lahat. Sa ngayon ay hayaan mo na munang gawin namin ang trabaho namin. Magpahinga ka na muna. Maghanda ka na rin dahil ilang minuto na lang ay kakain na kayo ng hapunan. Kailangan mong sumama at ibinilin rin iyon ni Senyor Rucio.”
Wala na akong nagawa kung hindi ang hayaan sila at huwag nang pakialaman para hindi na mapagbuntunan ng galit.
Hinanda ko na lang ang sarili ko sa pagkikita namin mamaya ng pamilyang iyon. Oo nga’t bago lang ako sa pamamahay na ito at wala akong karapatang makialam sa mga patakaran, pero hindi naman ako bobo para malaman kung ano ang tama at mali. I don’t think I could keep mum about what was wrong. Bahala na kung saan aabutin ang tapang ko.
The two girls were staring at me when I got into the dining area. Bukod sa mga kasambahay na nag-aasikaso ng pagkain ay ang magkapatid na Fyrcelle at Ersylle pa lang ang naroon.
Nang makaupo na ako sa harapan nila ay nagbulungan sila. Mas lalong tumiim ang bagang ni Fyrcelle habang nakatitig sa akin dahil sa sinabi ni Essa. Imbes na mabahala ay malawak ko siyang nginitian.
“Hi!” Nilawakan ko pa ang ngisi ko nang irapan niya ako.
I suppressed a laugh. Masyado yata akong mai-entertain dahil mukhang pikunin ang dalawang pangit na ’to.
Good thing my father came before I died out of the tension between me and his step daughters. Iyon nga lang, ang paghinga ko nang maluwag ay agad ring napawi nang makita ang asawa nitong ang winged eye liner ay nananakal sa talas!
Matalim ang titig na itinapon niya sa akin, mukhang alam na ang nangyari dahil sa sumbungera niyang anak. Kumalma pa rin ako. I greeted both of them. Lumiwanag ang mukha ni Papa nang makita ako at hindi napigilang yakapin ako.
“Hi, Pa…”
“It’s really good to see you here Roshlin, anak,” emosyonal niyang sabi nang maghiwalay kami.
Parang hinaplos ang puso ko’t ang mga mata ay gusto na namang manubig. Bago pa kami mag-iyakan ay inalalayan na ako ni Papa na maupo.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang sabay na pag-ikot ng mga eyeballs ni Essa at Fyrcelle. Binalewala ko na lang.
“How’s your room? Okay ka lang ba doon? Hayaan mo’t pagkatapos ng mga bisita ng Tita Myrcelle mo ay ipalilipat kita sa pinakamalaking kwarto—”
“Okay na ako roon, Pa. Hindi na kailangan.”
Kahit na may pagtutol ay naintindihan niya ako. “Kung may kailangan ka ay huwag kang mahiyang magsabi sa akin o sa kahit na sino sa helpers, okay?”
“Opo, Pa.”
“Papa, alam mo na ba ang ginawa ni Roshlin kanina?” mabilis na singit ni Essa.
Bumagal ang pag-nguya ni Papa dahil sa sinabi nito. Kumunot ang noo niya.
“Ano iyon? Anong nangyari?”
“The maids were slacking off. I caught Roshlin changing her own curtains.”
My jaw dropped at that! Is she serious?!
“Totoo ba iyon?” malumanay na tanong ni Papa na agad kong inilingan. Ang asawa niya ay nakikinig lang, mukhang nagpipigil pa.
“I volunteered to change my own curtains, Papa. Tumulong lang ako at wala silang kasalanan. Hindi slacking off ang tawag do’n. I was bored and I was doing nothing so I decided to help.”
“But that is not your job, Hija,” Myrcelle cut me off. Malawak siyang ngumiti, pero mas kinabahan ako doon imbes na mabunutan ng tinik sa dibdib. “You are our guest. Kaya nga may mga katulong ay para gumawa ng lahat ng mga trabaho rito. Sayang ang ibinabayad sa mga iyan kung hindi naman nila ginagawa ng maayos ang trabaho nila. Besides, you needs to rest. Alam kong malayo ang pinanggalingan mo so let them do their job.” She continued in gritted teeth.
“I’m sorry if helping the helpers offended all of you, but they’ve done nothing wrong,” binalingan ko si Papa at agad na hinawakan ang kamay niya. “Pa, wala silang kasalanan. Please don’t fire them.”
My father chuckled and then held my hand. “Why would I do that? Gawin mo ang gusto mo sa pamamahay na ito. Enjoy your stay here, Anak. This is your home Roshlin, too and no, I will not fire anyone.”
Lumawak ang ngiti ko at hindi na inintindi ang mga babaeng kasama namin sa hapag kahit na dumidiin ang mga galaw ng kubyertos nila sa plato.
“You like to do household chores, huh?”
I proudly nodded at that. “May isang katulong si Mama noon sa paglilinis ng bahay namin pero hindi naman siya stay in. My mother taught me how to do everything in the house, too. My mom said, a girl should know every household chores as it provides life skills that I will carry into adulthood. Kahit anong estado sa buhay ay kailangan pa ring may alam sa gawaing bahay.”
“So your mother treated you as a maid?” nakataas ang kilay ni singit ni Fyrcelle, may pangungutya sa labi.
Imbes na ma-offend ay nakipagtitigan ako sa kanya bago sumagot. “No. My mother just wanted me to learn so I could have the will to live independently someday. Hindi ba dapat lang na ituro iyon?”
“Sa mga mahihirap lang ’yan.” singit naman ni Essa.
“Point taken, but what if one day biglang mawala lahat ng yaman n’yo? Will you survive kung ni pagbukas ng de lata ay hindi mo alam gawin?”
“What if hindi?” She rebutted.
“Roshlin has a point,” Papa interjects. Nabaling sa kanya ang atensiyon namin. The two didn’t like what he said. Pumalakpak naman ang tainga ko. “Masaya akong malaman iyan. Mabuti ang may alam sa buhay.”
“That is not applicable to everyone Rucio, don’t be ridiculous!” si Myrcelle na hindi na nakatiis sa pagtatanggol sa akin ni Papa, pero imbes na intindihin pa ay bumuntonghininga lang ito at saka binago ang topic sa hapag.
The tension became thicker and thicker each time. Mabuti na lang at wala namang nagliparang mga plato hanggang sa matapos kaming kumain.
Papa asked me to join him on the patio after our not so friendly dinner. Habang nakaupo at magkatabi ay hindi nawala sa mga mata niya ang kasiyahan. Alam kong marami siyang tanong pero hindi lubos makapagsalita dahil sa nag-uumapaw na emosyon sa muli naming pagkikita. Natutulala na lang siya sa akin.
“How’s your mother, Roshlin? Is she doing great? Is she happy?”
Huminga ako ng malalim, pinagdiin ang mga labi bago siya sinagot. “She’s doing fine, Papa. She’s happier than ever.”
“Did she… had someone… A father figure…” hindi niya maituloy na sabihin ang lahat pero naintindihan ko.
“Walang naging lalaki sa buhay ni Mommy maliban sa ’yo, Papa. She never dated anyone. Wala iyong ginawa kung hindi ang magtrabaho lang para sa akin. She said she doesn’t need a man to give me a normal family. Pinanindigan niya ang pagiging ina at ama sa akin and I turned out well. Alam ko…”
“Oh, Roshlin…” napalunok ako nang hawakan niya ang aking kamay. “Patawarin mo ako kung hindi ko alam ang mga dapat sabihin sa ’yo ngayon. Your mother and I had a bad break up–”
“I know… Alam ko po ang lahat kaya ni minsan ay hindi rin ako nagtanong tungkol sa inyo. I just silently prayed to see you one day, and here I am, Papa…”
“Masayang masaya akong makita ka… Your mother–”
“We don’t have to talk about her,” putol ko. “Let’s put the past behind us. Ang mahalaga ay ang ngayon. Masaya po akong tinanggap n’yo ako at hinayaang manatili rito. Thank you, Papa.”
“Walang problema, anak… I was praying for this day to come, too…” His voice trembled at that. Masyado siyang emosyonal kumpara sa akin na nakakaya pang pigilan ang lahat. “Wala akong hiniling kung hindi ang makita ka ulit. Simula nang maghiwalay kami ng Mommy mo ay wala na akong naging balita sa inyo. I was so mad when I walked away that day, but I didn’t think that that would be the last time I’d saw you… It was too late when I realized I still wanted to fix our family–”
“We don’t need to talk about this, Papa,” putol ko ulit dahil naapektuhan ako bigla sa mga sinasabi niya.
Bumaha sa utak ko ang mga what if’s na kinalakihan ko na. Lahat nang mga katanungan ko. Lahat nang hinanakit sa pagkakaroon nang hindi buong pamilya, and that still hurts me… Kahit na sabihin kong kalimutan na lang namin ay nasasaktan pa rin ako.
“I’m sorry…” sisinghap-singhap niyang sabi sabay yakap sa akin. “Patawarin mo ako sa lahat at sana ay hayaan mo akong bumawi sa ’yo ngayon. Roshlin anak, sabihin mo ang lahat ng gusto mo kay Papa. Handa akong makinig sa lahat maging sa mga sama ng loob mo sa akin. Gusto kong bumawi… Kung nabibili lang ang oras ay gagawin ko para ibalik ang panahong may tiyansa pang mabuo tayo. Kung mabibili lang…” mahaba niyang litanya kasabay nang panginginig ng kanyang mga balikat tanda ng luha dahilan para tumulo na rin ang sa akin.
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below.
🙂
P.S
Don't be shy to interact with your fellow readers, but please do respect each other's opinion. Let's create a healthy space. Happy reading! Love you all!
—
Follow all my social media accounts to be updated.
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
CengCrdva/Cengseries
Twitter :
CengCrdva
# CHAPTER 4
Chapter Four
Books
I know my father had a lot of questions in mind. Sobrang dami pa naming dapat pag-usapan. Marami pa kaming dapat linawin sa isa't isa pero parehas kaming hindi pa handa doon.
It has been a long time since I've got a good sleep. Malawak na ngiti kaagad ang kumawala sa mga labi ko kasabay ng aking pagdilat.
I stared at the ceiling for a moment. Sa muli kong pagpikit ay nag-krus ako at nagdasal. It has been my routine. Bago ako gigising ay magpapasalamat muna ako sa Diyos sa panibagong pag-asa at biyaya ng buhay na bigay niya sa akin, but this day was different. I mummed the longest prayer because I was so grateful to be finally here. Mas gumaan ang pakiramdam ko matapos kong magdasal.
I fixed my bed. I took a bath, brushed my teeth and put a nice dress on. Saktong natapos ako nang katukin ako ni Ate Nati. Umaliwalas ang ngiti niya nang masipat ang kabuuan ko.
"Ang ganda-ganda mo, Roshlin!" bungad niyang mas lalong nagpaganda ng umaga ko.
Isinukbit ko ang aking kamay sa kanyang braso. Kahit na nagulat siya ay hindi naman iyon tinanggal.
"Sana hindi masira ang ganda ko, Ate Nati. Nasa dining na ba silang lahat?"
"Oo. Tama lang ang pagkatok ko sa 'yo."
"Mabuti naman," bago kami makaibis patungo roon ay hinila ko siya't pinahinto. "May nangyari po ba kagabi? Si Manang Cancia? Okay na siya?"
Malawak siyang ngumiti at tumango pagkatapos ay hinawakan rin ang kamay ko at pinisil. "Si Senyor Rucio ang kumausap sa aming lahat, Roshlin. Tingin ko ay dahil iyon sa sinabi mo habang nasa hapag kayo kagabi. Gusto kong magpasalamat."
"Ate, wala 'yon! Wala naman talaga tayong ginawang masama."
"Kahit pa," giit niya. "Hindi mo pa nakikita ang tunay na kulay ni Madam Myrcelle. Ayaw kong manira ng tao pero hindi talaga maganda kaya mag-iingat ka. Huwag mong painitin ang ulo dahil masama iyang magalit."
I almost laughed at that. Umiling na lang ako at tumango bago tuluyang daluhan ang pamilya ko sa hapag.
I kissed my father as usual. Hindi ako sanay pero dama ko ang kagustuhan sa ginawa. Bago maupo ay nababaliwan akong lumapit kay Myrcelle at walang sabi rin itong niyakap at binati. Hindi para matuwa siya sa akin kung hindi para sirain ang araw niya maging ng kanyang mga anak na agad nalaglag ang panga sa ginawa ko.
"Good morning, Tita Myrcelle."
She was speechless. Parang natakasan ng kulay ang mukha niya dahil sa gulat. Nakaupo na ako ay hindi pa rin siya nakabawi. Nginitian ko rin ang mga step sisters ko and my father was so pleased with what I did.
Tahimik kaming kumain. Kung hindi pa nagtanong si Papa ay hindi mapuputol ang katahimikan at tension sa hapag.
"May gusto ka bang gawin ngayong araw, hija? Gusto mo bang maglibot sa lugar?"
Tumango ako kaagad. "Opo, Papa."
"Essa, Celle, hindi ba't mangangabayo kayo ngayon sa rancho? Bakit hindi n'yo isama si Roshlin?"
Nakita ko ang pasimpleng pagsisikuhan nilang dalawa. Si Fyrcelle ang sumagot kay Papa.
"Dad, we're with our friends. We can't just bring someone to our circle. Besides, Roshlin will be out of place."
"Why? Sino ba ang mga kasama n'yo? Sina Isaac ba? Bakit hindi n'yo ipakilala si Roshlin? She'll be here the entire vacation. Mas mabuting magkaroon siya ng maraming kaibigan ngayon pa lang."
Essa's eyes almost rolled at my father. Sinulyapan siya ni Fyrcelle, pero bago pa ito sumagot ay sumingit na ako.
"Papa, I'm okay. I'll just go to the mall. May kailangan rin akong bilhin roon and Fyrcelle is right. Baka ma-out of place lang ako kaya huwag na lang muna."
Papa heave a sigh. "Fine, if that's what you want, hija." he said before turning to his wife. "Myrcelle, we should throw a party for Roshlin. I want everyone to know my child. Will you help me organize it?"
Kung kanina ay gulat na gulat si Tita Myrcelle sa pagbati ko, ngayon ay parang aatakihin na siya sa puso dahil sa mga pinagsasasabi ni Papa!
Marahas siyang napatitig sa akin pero agad rin iyong ibinalik kay Papa na naghihintay ng sagot.
"O-Of course," aniyang labas sa ilong. "I'll call our closest friends to join us."
"No, I want you to call everyone we knew. Gusto kong lahat ay makapunta sa party upang maipakilala ko sa kanila si Roshlin."
Kahit na gusto kong magbunyi dahil sa reaksiyon ng mga babae sa hapag ay parang bigla rin akong kinabahan sa gustong mangyari ni Papa!
"Pa, hindi naman po siguro kailangan ng party–"
"She's right, Rucio. Baka mabigla si Roshlin sa dami ng bisita."
Papa held my hand, hindi inintindi ang sinabi ng asawa. "Roshlin, I want everyone to know you. You don't have any idea how long I've been waiting for this moment. Ngayong narito ka ay gusto kong makilala ka rin ng lahat bilang anak ko. I owe that to you... You are my daughter and everyone deserves to know that. They deserve to know my Roshlin..."
Nakagat ko ang aking pang ibabang labi. Damang-dama ko ang pangungulila ni Papa sa akin at kahit na hindi pa namin lubos na kilala ang isa't isa, ramdam kong ngayon pa lang ay proud na proud na siya sa akin. I felt like crying for a moment, but my emotions were interrupted by one of the girls.
"But Daddy my birthday is coming soon! How about my own party?!" si Essa, nagmamaktol na naman.
"Oh," Papa scratched his eyebrow. Mukhang nakalimutan ang tungkol doon.
"Mommy is right, Dad," si Fyrcelle naman. "Baka magsawa ang mga kaibigan ng pamilya natin sa paulit-ulit na mga party."
"Rucio, can we talk about this in private?"
"There's no need for that, Myrcelle," binalingan ni Papa ang nakabusangot na si Essa at ang kapatid nito. "Alright, you invite all your friends. I'll throw you the biggest birthday party you want. Walang magbabago sa planong gusto n'yong gawin sa birthday mo,"
Agad nangiti ang dalawa nang malawak pero agad ring napawi sa mga idinagdag ni Papa.
"But let me throw the party that I want for Roshlin, too," Dagdag niya sabay baling sa akin. "I've never thrown her any party. Now that I have a chance to do it, iyon ang masusunod. Iimbitahan ko ang lahat ng kilala ko sa lugar na ito para ibahagi sa kanila ang kasiyahan kong makita ulit ang anak ko. Please anak let Papa do it, please?"
Kahit na labag sa loob ko ay tinanguan ko na lang siya. Hindi lang para pagbigyan siya kundi para na rin mabigyan rin ng sama ng loob ang magkapatid lalo na si Essa dahil sa ginawa niya kahapon sa amin ng mga helpers.
Gaya kagabi, naging mabigat pa rin ang daloy ng usapan sa hapag. Mabuti na lang at naroon si Papa kaya kahit paano ay nababalanse ang mga emosyon ko.
Pagkatapos kumain ay inutusan ni Papa ang isa sa kanyang mga driver na samahan ako at bantayan saan man ako magpunta. Ang totoo, mas gugustohin ko rin talagang sa mall na lang magpalipas ng buong araw kaysa makisama sa magkapatid at sa mga kaibigan nito. Though I am not scared of anyone, mas gusto ko pa rin ng peace of mind sa ngayon. I badly needed that.
"Mang Diego, kahit hintayin n'yo na lang po ako rito o kaya umuwi na lang po muna kayo. I'll be here all day. Tatawagan ko na lang kayo kapag uuwi na po ako."
"Naku, Roshlin hindi pwede iyan. Mapapagalitan ako ni Senyor."
"Hindi n'yo po ako makakayang sundan buong araw at hindi n'yo rin naman po iyon trabaho. Take a break. Do what you want for the day tapos tatawagan ko na lang po kayo kapag gusto ko nang umuwi. I'll be safe, I promise. Okay lang ba?"
Kahit na may pag-aalinlangan ay hindi naman ito nakatutol sa mga sinabi ko. May katandaan na si Mang Diego at totoong hindi niya ako masusundan sa paglalagalag ko buong araw. I am better off alone. Gusto ko ring makapag-isip at makahinga. Everything that happened still overwhelmed me. Hindi pa lubusang nagsi-sink in sa utak kong kasama ko na si Papa at mayroon akong mga dapat ituring na kapatid.
I've been alone my whole life. Wala akong nakasama kundi si Mommy at ang nag-iisang kapatid niya. Walang ring asawa at anak si Tita kaya nasa akin ang buong atensiyon nila. Dalawang araw pa lang ako sa lugar na ito ay parang sasabog na ang utak ko sa mga nangyayari. I need to be alone right now.
Dumiretso ako sa sinehan at nanuod ng dalawang movie. Papa gave me money for today. Kahit na ayaw kong tanggapin dahil nahihiya ako ay wala na rin akong nagawa dahil baka kapag tumanggi ako ay ipasama niya na lang ako sa mga anak niya.
Pagkatapos manuod ay naghanap ako ng makakainan. I ended up in Shakey's again, my most favorite restaurant. I ordered the same menu. Tahimik akong kumaing mag-isa.
Nang matapos ay naglibot naman ako sa mall kahit na wala naman akong balak bilhin. Bumagal ang lakad ko nang may makita akong dalawang babaeng nagtatawanan at harutan.
I suddenly remember my best friends. Kung siguro ay kasama ko sila ngayon, baka mas maingay pa kami sa mga ito. Wala sa sariling nginitian ko sila nang mapabaling sila sa akin bago dumiretso sa national bookstore.
Pababa na ang araw sa labas. The orange sky painted the whole store. Dumiretso ako sa mga fictional books. Unang lapit ko pa lang sa isang stall ay may napagpasyahan na kaagad akong bilhin, pero hindi ko muna kinuha dahil gusto ko pang maghanap ng iba pang magandang babasahin.
I started reading some of the books and that felt like being isolated with the chaos of the world. Wala akong napansin. Ang ingay sa paligid ko ay tila nawala at ang mga tao ay hindi ko na nakikita. My world became quite and peaceful in an instant.
Sinimulan kong pagtabihin ang mga librong nagustuhan ko. My mom loves to read. Her favorite authors were Danielle Steel, Stephen King and Nora Roberts. Doon ko nakuha ang hilig ko sa pagbabasa ng libro. My favorite books were from Colleen Hoover, Nicholas Sparks and J.K Rowling. Marami na akong nabasang librong galing sa mga sikat na authors pero ngayon ay gusto ko namang bigyan ng pagkakataon ang mga hindi kilalang manunulat. And so far, nakakalimang libro na ako.
"Can I buy you a book?" wala sa sariling napapitlag ako nang marinig ang boses na iyon galing sa aking likuran.
I was the only one on the aisle so I knew he was talking to me, but I was more shocked to see the familiar man.
Awtomatiko kong natiklop ang librong hawak nang masipat ang nakangising mukha ni Nicolaus habang nakatitig sa akin, mukhang kanina pa ako pinapanuod sa ginagawa!
Lutang kong nasipat ang paligid, tuluyan nang bumalik sa kasalukuyan. Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang mga kaibigan niyang kasama kahapon sa parkour. The two guys were on the writing materials. Ang isang may salamin at ang babae naman ay nasa mga law books at si Nicolaus lang ang nasa gawi ko.
Sa kanyang pagtikhim ay marahas na bumalik ang titig ko sa kanya. Bahagya akong umatras nang mailang sa kanyang lapit. His perfume smells light, cool and masculine. Masarap sa ilong pero masyado akong nabibigla sa kanyang presensiya!
"You like to read huh?"
Again, lutang pa rin akong tumango.
Mas lumawak ang ngisi niya. "So can I buy you something? May hinahanap ka bang libro? You need help?"
"No."
"No, ayaw mong bilhan kita ng libro o ayaw mong tulungan kitang maghanap?"
Napalunok ako nang tabihan niya ako, pero hindi pa nakababawi ay nanlaki na ang mga mata ko nang kunin niya sa shelves ang mga librong itinabi ko.
"You don't have to do that. I have my own money."
"I know," he said lifting up five books. Nalaglag na ang panga ko nang kunin niya pa ang nasa aking kamay. "But I still want to buy you these. Ito lang ba?"
"Nicolaus–"
"You remember..." Pakiramdam ko ay biglang nawalan ng aircon nang pilyo niyang kagatin ang kanyang pang-ibabang labi dahil sa tuwa. "Babayaran ko na 'to. I'll be back."
"Nicolaus!"
It was too late to stop him. Sa paglakas kasi ng boses ko ay napansin lang ako ng mga kasama niya. The next thing I knew, I was bombarded by them. Nakilala nila ako kaya tuluyan nang umingay ang payapa kong mundo.
"Venus, but you can call me Vivi." masayang bati ng babaeng isa sa pinakamagaling sumayaw sa grupo nila nang araw na iyon.
Nahihiya kong inabot ang kamay niya. "Roshlin Zabryna or RZ for short." pakilala ko sa kanilang lahat.
"Zabryna na lang gusto ko 'yong long!" anang lalaking Riggwell ang pangalan na sabi ni Venus ay kakambal niya.
Doon ko lang na-realized na hindi nga nagkakalayo ang kanilang mukha. Kung kasing haba lang rin ng buhok ni Venus ang abong buhok ni Riggwell ay baka mapagkamalang iisa lang sila.
"Archi!" hiyaw ng lalaking kahit na nakadamit ay halata pa rin ang malaking tattoo sa braso.
His name was Seidon. Nilapitan niya ang ipinakilalang si Achilles para dalhin sa gawi namin.
I've learned that they were not just friends but cousins, too. Now I understand why they all look almost the same. They have the same angst and aura. Nakipagkwentuhan ako sa kanila habang hinihintay namin si Nicolaus na bumalik.
"Anong binili no'n?" kunot noong tanong ni Riggwell maya-maya nang matagalan ang pinsan niya.
Hindi na ako nakasagot nang makita kong palapit na ito. Nahiya rin ako bigla dahil baka akalain nilang makapal ang mukha ko dahil sa pagpapalibre sa lalaki.
Hindi ko napigilang mapahugot ng isang malalim na paghinga nang muling makalapit si Nicolaus sa amin. He licked his lower lip when his eyes darted on me and then plastered the same smile again. Napalunok ako.
"Ano 'yan? Akala ko ba wala kang bibilhin—"
Itinulak niya si Riggwell sa mukha para mahinto at makadaan palapit sa akin, hindi inintindi ang sinasabi nito.
"Baka may gusto ka pa sabihin mo lang para maihabol ko." he said while handing me the paper bag.
Napangiwi ako at hindi kaagad iyon nakuha dahil para akong binabaon sa lupa dahil sa hiya. Sa lahat talaga ay ayaw ko ang nalilibre. Feeling ko kasi ang kapal ng mukha ko. God, hindi biro ang anim na librong international titles na binili niya para sa akin! Ilang libro rin iyon!
Nanlaki ang mga mata ko nang abutin niya ang aking kamay nang hindi ko kunin ang paper bag. My heart pounded hard in my chest when I felt his warmth. Maayos niyang inilagay sa kamay ko ang paper bag, pero bago pa iyon tuluyang bitiwan ay naramdaman ko ang bahagya niyang pagpisil na parang labag sa loob niyang pakawalan ang kamay ko.
Nakita ko kaagad ang pagngisi ng lahat maliban kay Riggwell na laglag ang pangang nakatitig lang kay Nicolaus nang tabihan siya ulit.
"Tangina ka nagpapalibre ako sa 'yong milk tea kanina sabi mo wala kang pera–" nagmamadali niyang tinakpan ang bibig ni Riggwell na agad pumiglas kaya natawa ang lahat!
Madali akong nilapitan ni Vivi at hinila palayo sa dalawa pero kahit na palabas na kami sa national bookstore ay hindi nawala ang bangayan ng mga ito sa likuran namin.
"Sabi mo wala kang pera! Hayop ka talagang malandi ka!"
"Gago shut up!"
"Huwag mo akong ma-shut up shut up, Kulas! Sinungaling ka! Talipandas! Mandarambong! Awit sa 'yo!"
Lilingunin ko na sana pero agad akong pinigilan ni Venus, mukhang alam niya na rin ang gagawin ko.
"Don't mind them. Masanay ka na sa dalawang 'yan."
I heave a sigh. Kumpara sa dalawang patuloy sa pagbabardagulan, ang usapan naman ni Seidon at Achilles ay seryoso at payapa.
"Ililibre na kitang milk tea! Manahimik ka na!"
Napangiwi ako nang sa wakas ay matigil si Riggwell sa pagwawala at pangongonsensiya sa pinsan.
"I still hate you, but sure why not we can talk about it naman." madrama niyang sagot.
Doon na ako napailing at napangiti. Kahit na may sinasabi si Venus ay hindi ko maintindihan dahil nasa dalawa pa rin ang utak ko.
"Serenitea, Dakasi, Macao Imperial, o Chatime?" tanong ni Nicolaus rito.
"All of the above. Once a day 'yung pinakamalaki, with extra pearl and pudding for a week."
"Ang kapal ng mukha mo–"
"Alam ko lahat ng baho mo at hawak ko ang buong pamilya mo, Kulas. Oh, parang gusto ko rin pala ng burger—Hey guys!"
Nahinto kami ni Vivi dahil sa pagtawag ni Riggwell. Kunot noong napabaling rin si Seidon at Achilles na may sariling mundo sa dalawang nasa hulihan namin. Hinintay namin silang makalapit.
"Manlilibre daw si Kulas today!" Anito sabay akbay sa lalaki.
Pumiglas si Nicolaus pero nang mapunta muli ang titig niya sa akin ay hindi na nagawang pumalag. Hilaw siyang ngumiti kahit pa alam kong nagtitimpi na sa pinsan.
"Talaga ba?" tanong ni Seidon, hindi makapaniwala. Achilles just chuckled and shook his head.
"Oo, sa samgyup pa nga raw! Grabe ang galante talaga ng pinsan kong 'to! Akala ko si Archi lang 'yung ibinalik ng langit sa lupa eh! Ito rin pala hinagis na pataas galing ng impyerno kaya manlilibre!" Mahabang litanya ni Riggwell na hindi na nakayanan ni Nicolaus kaya kumawala na pero natawa lang lalo ang mga pinsan niya.
Umayos siya ng tindig. Isinuklay ang mga daliri sa nagulong hanggang pangang buhok. Akala ko ay tatanggihan niya lahat nang sinabi ng kanyang pinsan pero nang muli niyang mahanap ang mga mata ko ay awtomatiko lang siyang kumalma, bumalik ang sigla sa mukha at pagkatapos ay malawak na nangiti.
"Samgyup?" nakangisi niyang tanong sa akin.
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. 🙂
P.S
Don’t be shy to interact with your fellow readers, but please do respect each other’s opinion. Let’s create a healthy space. Happy reading! Love you all!
—
Follow all my social media accounts to be updated.
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
CengCrdva/Cengseries
Twitter :
CengCrdva
CHAPTER 5
Chapter Five
Playboy
Kahit na ilang beses kong sinabing busog pa ako ay hindi na rin ako nakatangging samahan sila. Paano ko ba naman iiwan si Venus kung buong durasyon ng paglalakad namin ay puro pangongonsensiya ang sinabi niya sa akin.
“Ngayon lang napayapa ang araw ko kasama ’yang mga ’yan dahil sa ’yo, so pretty please? Join us?”
That finally convinced me to join them. Hindi ko napasalamatan kaagad si Nicolaus dahil naiilang ako sa bawat ngisi ni Riggwell sa tabi nito sa bawat sulyap ko sa lalaki.
“Ano ba!”
“This is not for you!” mabilis niyang itinulak palayo ang chopsticks ni Riggwell na handa na sanang kunin ang beef na niluluto niya.
“Napakadamot mo para pahingi lang, sige na kasi!”
Nagmamadali niyang kinuha ang tongs at dinampot lahat ng lutong beef saka inilagay sa plato ko. Nalaglag ang panga ko sa ginawa ni Nicolaus.
Ngumisi siya at agad na napakamot sa ulo dahil hindi ko naman hiniling ’yon.
“I assumed you like beef more kaya nilutuan kita.”
“Gusto ko rin naman ng beef.”
Maagap niyang nahawakan ang kamay ni Riggwell na akmang nanakawin ang beef na inilagay ng pinsan sa plato ko. Napabusangot siya pero ang titig ni Nicolaus ay hindi natanggal sa akin, maging ang malawak niyang ngiti.
“You can have it Riggs.” Nakangiti kong baling rito na ikinalaglag ng panga ni Nicolaus lalo na nang matuloy ang pagkuha ni Riggwell sa ilang beef na inilagay niya sa plato ko.
“Ang sarap talaga! Magluto ka pa, ’di ba bida-bida ka? Sige, ipagluto mo ako.” nang-aasar na utos niya sa pinsan.
Napangisi ako. Nicolaus turned to him and gave a sarcastic smile before giving him a death stare. Venus laughed at that. Ang dalawang lalaking nasa kabilang lamesa naman ay natawa lang rin sa patuloy na pag-aaway ng dalawa.
“So, how come ngayon ka lang yata namin nakita rito? Bagong salta ka ba?” tanong ni Riggs habang ganadong kumakain.
“Yeah… I actually got here yesterday. Noong nakita ko kayo sa parkour, kadarating ko lang dito.”
“Really?” bumagal ang kanyang pagnguya. “Sabi ko na nga ba.”
“Why? How can you tell?”
“Lahat ng mga magaganda rito ay mabilis makilala, Zab. Isa pa, your talent in dancing was amazing. I’ve never seen quite like it. Are you a part of a dance group or something?” si Venus ang sumagot.
Umiling ako. “I’ve never been part of any crew. I flew solo I guess. Hindi rin naman kasi ako madalas sumasayaw.”
“Humble.” bulong ni Nicolaus kaya napabalik ang titig ko sa kanya.
“Paano mo nalamang marunong akong sumayaw? Bakit mo ako hinamon ng dance off?”
Nagkibit siya ng balikat. “I just knew.”
Ngumisi si Riggwell pero kahit na maraming gustong sabihin ay hindi itinuloy bilang respeto sa pinsan.
“So, where do you live?” si Venus ulit.
“Sa Milagros lang.”
“Oh,” her jaw slightly dropped at that. “Really? I knew some people there.” nagkatinginan silang tatlo.
“Mukhang big time pala ’tong si Zabryna…” si Riggs.
“Not me. Si Papa siguro.” nahinto ako sa pagsasalita.
I knew nothing about my father. Ang alam ko lang ay big time ito at mayroong sariling negosyo sa lugar at mga karatig siyudad pero hindi ko alam kung ano.
“What’s his name?” Venus asked after drinking her water.
Uminom rin ako bago sagutin ang tanong niya. “Rucio… Rucio Almanzerano.”
“Sir Rucio Zulian Almanzerano?!” Eksaheradang bulalas ni Riggwell dahilan para matuon sa amin ang atensiyon ng ilang mga kumakain sa restaurant.
I nooded at him. “Y-you know my father?”
“Are you kidding me?! He’s a legend in basketball! Their team dominated every basketball tournament in this town! Wow, really?!”
“But, I thought she only have two daughters?” singit ni Seidon. “And we’ve seen both of them, right?”
Venus agreed. “You mean…”
“Anak ako ni Rucio sa una niyang asawa… My father married my mother first.”
Kahit na mahabang kwento ay nagawa kong sabihin kung paano ako naging anak ng isa sa pinakamayamang negosyante at kilala sa lugar ng Buenavista. They were speechless at first, pero sa kanila ko nalaman ang negosyo ng Papa ko.
My father owned Milagros subdivision and some of the others outside Buenavista. He came from a family of engineers. Almanzerano Holdings Inc. construct wide variety of projects ranging from residences to multi-storey hotels, condominiums, theaters even large commercial complexes. Halos malula ako sa lahat ng sinabi ni Achilles tungkol doon.
“Your father was one of the most humble person we’ve ever met.” aniya sabay kwento na rin ng iba sa mga experiences nila nang makilala ang Papa ko.
Yup, they all knew him. Hindi na ako magtataka kung dadagsain ang party na plano niya para sa akin dahil ngayon pa lang ay wala na akong duda sa kanyang mga koneksiyon.
Hindi naubos ang usapan sa lamesa. Pagkatapos naming kumain ay nagyaya ang mga ito sa parke. Dahil nalibang na ako sa kanila ay hindi na ako tumanggi. Si Mang Diego naman ay nasa sasakyan lang at naghihintay lang raw sa akin. Hindi na ako nagpaalam.
Kinuha nang kambal ang kanilang mga skateboard. Nauna sa paglalakad si Seidon at Achilles kaya nagkaroon ng pagkakataon si Nicolaus na pantayan ako sa paglalakad.
“Thank you sa libro, nakakahiya sa ’yo. Hindi mo na sana binili.”
“Ako nga ang dapat mahiyang nilibre ka eh, kahit buhay ko kaya mo naman pa lang bilhin.”
Napanguso ako’t nailing sa kanyang sagot. “Papa ko lang ang mayaman at hindi ako. I can’t buy you.”
Napatingala ako sa kanya nang hindi siya sumagot. I saw a playful smile on his face, tumaas ang isang kilay ko.
“Hindi naman ako magpapabili… Libre lang basta ikaw.”
Nababaliwan akong umiling. “Galawang playboy.” I spat.
“Sus, don’t judge the book by its cover, Zabryna.” he said my name gently. Napaiwas ako ng tingin.
“I knew a lot of people like you, Nicolaus. Kahit hindi kita i-judge, alam kong ’yon ang totoo.”
Imbes na ma-offend ay natawa lang ito. “Playboy man sa iyong paningin, kayang magmahal ng matindi pa rin.”
I suppressed a laugh. “Daming alam.”
“Oo naman. Gusto mo bang may malaman sa mga alam ko?”
Kunot noo ko siyang binalingan, bumagal ang lakad ko nang bagalan niya ang bawat hakbang. His dark orbs remained on me, nangintab iyon sa tuwa kasabay nang pagbasa niya sa kanyang pang-ibabang labi.
“’Wag na, baka ma-fall ka.”
“Ang kapal mo.” My eyes rolled at him.
“Cute mo.”
“Huwag mo akong bolahin, Nicolaus. Hindi tatalab sa ’kin ’yan.”
“Hindi naman bola ’yon. I only spit facts, baby. Alam mo kung ano pang totoo?”
Inirapan ko siya ulit. Naghalukipkip ako at umiling pero hindi siya natigil sa pangungulit.
“Sobrang ganda mo…”
Inirapan ko ulit.
“Isa pang irap mo mamahalin na kita.”
That made me stop rolling my eyes! Sinapak ko ang braso niya. God his words were making my stomach churn!
“Playboy!”
He laughed harder at that, pero natigil sa pangungulit nang makarating na kami sa parkour.
Tinabihan niya ako nang maupo ako sa gilid habang sila Seidon ay may binating mga kaibigang naroon. Hindi na ako nagsalita. Hinayaan ko siya sa mga pasimpleng sulyap sa akin, hindi rin alam kung ano ang mga sunod na ibibira dahil alam na sigurong babarahin ko.
“Can I borrow your phone?” nilingon ko siya. Inangat niya ang kanyang telepono na hindi umilaw. “Low batt na eh. May load ka naman ’di ba? Okay lang ba?”
May pag-aalinlangan kong ibinigay ang telepono ko. Lumawak ang ngiti niya at kinuha iyon. Maya-maya ay may tinawagan na siya.
“Nandito pa kami sa parke, Ma. Basta uuwi kami bukas diyan…”
Hinayaan ko siyang makipag-usap sa tinawagan hanggang sa matapos. Saktong pagbalik niya ng telepono ko ay nakabalik na ang kambal dala ang kanilang mga skateboard. I watched them skate.
Maraming mga dumating na kakilala nila kaya hinila ako ni Venus at inilayo kay Nicolaus para ipakilala sa mga ito.
I had a fun night. Hindi ko na namalayan ang oras. Ilang beses na ring tumatawag sa akin si Mang Diego pero dahil sa sobrang busy ko’t saya sa mga kasama ay wala akong nasagot.
Mag-a-alas dies na nang mapagpasyahang magsiuwian ng lahat.
“Zab, sabay ka na?” yaya ni Riggs habang kinukuha sa kakambal ang skateboard nito.
“May naghihintay sa akin,” inangat ko ang aking telepono para sabihing hinihintay ko na lang ang tawag nito.
Tumango sila. Lumihis ang tingin ko kay Nicolaus na hindi na yata nagsalita simula nang iwan ko siya kanina. He just kept watching me. His hair was tied in a bun now. Ngumiti siya sa akin. I smiled back. Saktong tumawag si Mang Diego kaya nagpaalam na ako sa kanila pero hindi nila ako iniwan. We all waited for my ride.
“I hope we can hang out again, Zab.” si Vivi.
“Oo naman. I’m free the whole vacation.”
“Really? Dito ka lang?”
“Yeah.”
“So wait, are you staying here? I mean, nakalimutan kong itanong kung magbabakasyon ka lang ba o dito ka na titira?”
Napalunok ako sa tanong na ’yon, pero bago pa makasagot ay huminto na ang sasakyan ni Papa sa aming harapan.
“I-I gotta go. I talk to you soon,” paalam ko sabay baling sa mga lalaki. “Nice to meet you all. Thank you for today. It was fun.”
They all nodded at me. Sa paglihis ng mga mata ko’t pagtuon kay Nicolaus na nasa mga bulsa ang kamay ay napatuwid siya ng tayo.
“Thank you ulit.” sabi ko sabay angat sa hawak na paper bag.
He nodded slowly. “Basta ikaw.”
Napailing na lang ako nang mapangisi ang lahat lalo na si Riggwell na nakita ko pang bahagyang tinapakan ang kanyang sapatos pero hindi niya inintindi. His eyes never left mine as we drove away.
Wala sa sariling napailing at napangiti na lang rin ako nang tuluyan na kaming mapalayo.
Ilang beses akong nagpaumanhin kay Mang Diego pero ako pa ang inalala niya. Hindi ko masyadong naintindihan ang mga sinabi niya dahil nanatiling okupado ang utak ko sa mga bagong kaibigan at nangyari kanina kaya nang makauwi at makita kaagad ang dalawang babaeng nakahalukipkip sa entrance ng bahay ay kumalat na ang kaba sa puso ko.
“Patay tayo…”
“Po?”
Hindi siya nakasagot nang nagkukumahog kaming nilapitan ni Ate Nati at Flor.
“Roshlin, saan ka ba galing? Kanina ka pa hinahanap!” si Ate Flor.
“Ni Papa po?”
“Hindi makakauwi ngayon si Senyor Rucio pero si Madam Myrcelle ay kanina ka pa hinihintay.”
“Hindi ka nakasama sa dinner n’yo.” si Ate Nati naman habang kinukuha ang paper bag na hawak ko.
Mas lalong nalukot ang noo ko sa narinig. “Bakit ano pong kaso? Nasa akin ba ang kaldero? Hindi ba sila makakakain ng wala ako?”
Ate Flor pulled me quickly towards the house. Mas lalong lumakas ang kalampag ng puso ko sa pagmamadali nilang dalawa.
Nalagpasan ko ang mga step sisters kong may malawak na ngisi. Nagbulungan pa ito pero hindi ko na narinig dahil sa paghila ng dalawang mga Ate sa akin. Natigil lang sila nang harangin kami ng bagong mukhang kasambahay.
“Ako na ang maghahatid kay Roshlin.” malamig niyang sabi sa mga kasama ko na agad akong binitiwan kahit na mukhang labag sa kalooban nila.
“Nasa opisina na ba si Madam Myrcelle, Toni?”
“Oo at kanina pa naghihintay.” walang amor na sagot niya kay Ate Flor sabay baling na ulit sa akin.
“Sundan mo na lang ako, Roshlin.” aniya at tumalikod na.
May pag-aalinlangan akong hinawakan ulit ni Ate Nati pero wala nang sinabi.
“Ilalagay ko na lang ito sa kwarto mo, Roshlin.” si Ate Flor tukoy sa mga libro ko bago ako pasundin sa isa pang kasambahay.
Natigil kami sa harapan ng isang silid. Hindi ko pa nato-tour masyado ang bahay pero ang alam ko ay opisina iyon ni Tita Myrcelle.
“Kanina ka pa hinihintay ni Madam Myrcelle,” anang Toni nang balingan ako. “Sa mall ka lang naman nagpunta, hindi ba?”
My eyes squinted at her question. “Do I need to answer you? Hindi ba si Tita Myrcelle ang kakausap sa akin? Ikaw na lang ba dapat ang sagutin ko?”
Wala sa sariling napaawang ang kanyang bibig sa aking sagot. I don’t really want to be rude, but she has this aura that I couldn’t stand. Parang gaya ng aura na nararamdaman ko sa dalawang step sisters ko at sa ina nila. Pakiramdam ko kasi ay iisa lang sila ng hilatsa.
God, when did I became judgemental?
Dahil sa pambabara ko ay hindi na siya nakasagot. She opened the door for me. Tumaas kaagad ang kilay ni Tita Myrcelle nang mabaling sa amin.
“Magandang gabi, Madam. Narito na po si Roshlin, kadarating lang.” diniinan niya ang mga huling salita bago ako hawakan at ilapit sa babae.
Hindi ako nakagalaw dahil sa nagdidilim na titig sa akin ng asawa ni Papa. She looked so mad and annoyed to see me.
“Thanks, Toni.”
Ngumisi ang babae bago ako bitiwan.
“Sit.”
Sinunod ko kaagad. Nanatili si Toni sa gilid namin.
“Do you know what time is it?”
Tamad kong sinulyapan ang wrist watch ko. I told her the time. Mas lalong nagngitngit ang panga niya.
“I know you are still not aware of the rules in this house, but I want you to know that we have a lot,” napatuwid ako ng upo nang hilahin niya ang swivel chair palapit sa kanyang lamesa. “At isa na roon ang oras nang pag-uwi. You are not allowed to stay outside this house beyond nine in the evening. Bago mag alas nuebe ay dapat nasa bahay na ang lahat, naintindihan mo ba?”
Imbes na sang-ayunan siya ay hindi napigilan nang labi kong matawa.
“Sorry,” I said as I suppressed a laugh. “Sorry, continue, please.”
Pakiramdam ko ay nadudurog na ang mga ngipin niya sa galit dahil sa aking reaksiyon.
I knew she hates me the moment we met. Naiintindihan ko naman dahil para nga naman akong kabuteng kung saan lang sumulpot, pero hindi ko sigurado kung sapat ba iyon para magalit siya ng ganito. I mean, being mad at someone was just a waste of good energy. Ako yata ang mapapagod para sa kanya.
“You are my husband’s daughter we all get that, but let me remind you of your place, Roshlin. Nakikitira ka lang sa pamamahay ko kaya wala kang karapatang bastusin ang mga patakaran ko rito.”
That wiped my smirk. Hindi dahil natakot ako kundi dahil baka mangisay na lang siya sa galit. I nodded at her.
“From now on, you will be home before nine pm maliwanag ba?”
“Yes. Anything else, Tita Myrcelle?”
Naningkit ang mga mata niya. “Respect my time and anyone in this house. Huwag kang gumawa ng kahit anong gulong ikasisira ng pangalan ng ama mo, do you understand?”
That was too much and I wanted to give her an argument, but I let it go. Imbes na makipagtalo ay sinang-ayunan ko na lang ang lahat ng mga sinabi niya.
Tita Myrcelle told my father what happened the next day. Kitang-kita ko ang pagbubunyi ng magkapatid dahil akala nila ay pagagalitan ako ni Papa pero nanatili silang bigo.
“Myrcelle, Roshlin is new to this place. Don’t be too hard on her. Isa pa, kasama niya naman si Diego buong araw.”
“Daddy, Toni saw her alone at the mall. Hindi niya kasama si Mang Diego!” singit ni Essa sabay tingin kay Toni na kapapasok lang sa loob ng dining habang dala ang juice namin.
I almost forgot about the other maid. Ngayon pa lang ay alam ko nang isa siya sa magiging balakid sa buhay ko.
“I asked Toni to run errands for me. Nakita niya doon si Roshlin kahapon at tama ang sinabi ni Essa.” Toni silently poured juice on my glass with a smirk on her face.
Papa turned to me. “Is that true, hija? Hindi ba’t ang bilin ko ay kasama mo dapat si Diego sa lakad mo?”
“Pa, Mang Diego is too old to accompany me. Isa pa, hindi naman siya umalis sa mall. He waited for me. Ako ang may sabi no’n at wala siyang kasalanan. Wala namang nangyari sa aking masama. Naawa lang ako sa matanda kung bubuntot siya sa akin buong araw. He doesn’t have the energy for that.”
Papa heave a sigh. I waited for him to scold me, but it did not came. He turned to Tita Myrcelle instead.
“Diego is really too old for that job. Can you call someone from the agency, Myrcelle? Gusto kong kuhaan mo ng personal na bodyguard si Roshlin.”
Their jaw parted at that. Ang akala nilang magiging pagalit ay mas napabuti pa yata para sa akin.
“Papa, hindi naman po kailangan–”
“I want you to be safe. We don’t want to risk it lalo na’t naipadala na ang imbitasyon sa party mo. Everyone will have an eye on you now. I always try to be the kindest person, but there will always be people who are envious. Kailangan mo ng siguridad lalo na kapag aalis ka sa bahay na ito.”
“A personal bodyguard?!” si Fyrcelle, hindi na nakatiis sumingit sa usapan. “Daddy, I asked you to give me a personal bodyguard, but you said one is enough for me and Essa. Bakit kay Roshlin, agad-agad? This is unfair!”
“Fyrcelle!” hiyaw ng ina niya kaya natigil siya sa pagwa-walk out.
“Hija, you and Essa are always on the same place. Ayaw n’yo namang isama si Roshlin sa mga lakad n’yo kaya kailangan niya ng sariling bodyguard.”
“Still unfair, Daddy!” aniya at hindi na napigilan ang sariling umalis!
Iritado akong tinapunan ng tingin ni Essa bago nito sundan ang kapatid. Myrcelle’s eyes darted on me. Kitang-kita ko ang pagpipigil niyang huwag akong sigawan sa harapan ng aking ama.
Bakit parang kasalanan ko?
Again, the dinner was a disaster. Pagod kong inihiga ang katawan sa kama at sandaling pumikit.
Parang mas nakakapagod pang kumain kasama sila kaysa ang maglibot sa mall. Ikinurap-kurap ko ang mga mata. Natulala ako sa ceiling at napukaw lang nang tumunog ang telepono ko dahil sa isang text.
Kunot noo kong binuksan ang message ng isang unknown number.
Unknown number:
Roses are red. Violets are blue. Ako na ang nag-text para hindi ka na mahirapang maging tayo.
Full version of this story is only available on patreon and VIP group. Click the link on my bio or message me for details.
✨
# CHAPTER 6
Chapter Six
Bolero
I knew it was Nicolaus. Nababaliwan nga lang ako kung paano niya nakuha ang number ko gayong wala naman akong pinagbigyan ni isa sa kanila kagabi.
I bit my lip as I start typing my reply.
Ako:
Roses are red. Violets are blue. Hindi ko kailangan ng boyfriend, who you?
Wala pang kalahating minuto ay tumunog na ulit ang telepono ko.
Speed.
Unknown number:
Fine, but if you need one, nasa unahan ako ng pila.
Ako:
I don't need a boyfriend. Mas lalong hindi kita gustong maging boyfriend Nicolaus.
Unknown number:
So you know it's me, huh?
I was entertained by him so I continued replying. Ayos na rin dahil nawawala ang badtrip ko sa mga nangyari kanina sa hapag.
Ako:
Sino pa ba?
Unknown number:
Save my number then.
Ako:
Lol. I-block kaya kita.
Unknown number:
Mawawalan ka ng poging stalker.
Ako:
Stalker lang, you mean?
Unknown number:
Sus haha. Wait, ang bilis mo mag-reply ah? Hindi halatang na-miss mo 'ko.
Wala sa sariling napairap ako. Gaya ng sabi ko, marami na akong nakilalang katulad ni Nicolaus pero siya yata ang bukod tanging nagpangiti sa akin imbes na inis. Yes, he can be irritating sometimes, but I don't know. There was something in him that I just couldn't ignore.
Ako:
Asa ka. I'm just bored. Pampalipas ka lang ng oras.
Unknown number:
Okay na rin 'yan. Time is precious and you're giving me time now. Next time baka iba na ibigay mo. Ready na agad.
Dumapa ako sa kama dahil nangangalay na ang kamay ko kaka-type ng reply sa kanya.
Ako:
Natural ka talagang malandi 'no? Ganito ka mambola ng mga babae?
Unknown number:
First of all, mapagmahal ako at hindi malandi. Second of all, hindi kita binobola. It's not my fault you're my type, Zabryna. Hindi ko kasalanang sobrang ganda mo para hindi magustuhan.
Ako:
Ang sarap mong i-block.
Unknown number:
Mahalin mo na lang. Masarap din naman 'yon.
Nicolaus became my regular text mate. At sa bawat pag-uusap namin ay hindi nawala rito ang mga pangungulit na ikinatutuwa ko. At least he could make me smile. Buong araw na lang kasi akong nakasimangot lalo na kapag kaharap ang mga anak ni Papa.
Isang linggong hindi ko nakita ang magpipinsan. Bukod sa bahay, isang beses lang rin akong nakalabas nang sumama akong mamalengke kasama ang mga Ate. I don't know where else to go.
Nicolaus and his cousins were on their home in San Antonio. Sa kabilang town pa iyon at ilang oras rin simula rito sa Buenavista. Naiilang rin ako sa bago kong bodyguard dahil hindi ako sanay pero ayaw ko namang tanggihan ang hiling ni Daddy. In short, wala akong kaibigan, wala akong alam na puntahan kaya natuto akong manahimik.
Essa's party will be held at Delaney Hotel And Resort. Mauuna iyon sa party ko nang dalawang linggo pero naghahanda na ang lahat. She invited all the students at her university. Lahat ng requests niya ay ibinigay ni Papa.
Halos malula nga ako nang makita ang labing walong pahina na laman ang pangalan ng kanyang mga bisita. Papa rented the whole hotel for that. Oo nga't sanay naman na sila sa yaman at siguro ay barya na lang iyon para kay Papa pero hindi pa rin ako makapaniwala. I would rather spend millions on people who needed it the most rather than invite everyone to a fancy party just so I could impress them. Well, siguro nga ay iba-iba lang ang kasiyahan ng mga tao.
"Napakaganda mo, Roshlin. Tiyak na babagay sa 'yo kahit na anong kulay ng damit." Si Ate Nati habang sinusukatan ako para sa aking gown.
I told Papa that I would just buy my own gown from the mall, but he insisted to make one for me. Essa has eight gowns throughout the evening of her party. Hindi ko alam kung kada isang oras ba siya magpapalit, pero iyon ang plano. Napapailing na lang ako. It was not even her debut.
"Ayaw ko na ngang magpagawa, Ate. Isang gabi lang naman kasing gagamitin... no offense." Sabi ko nang matitigan ang nagsusukat sa akin, ngumiti lang ito.
"Hay naku, ano ka ba! Kailangang maganda ka sa gabing iyon kahit hindi mo pa party! Aba't hindi naman tamang sila lang ang pagagawan ng damit! Given na hindi mo na kailangan dahil kahit ano namang suotin mo ay mahahawa sa ganda mo, pero syempre kailangang kabugin mo pa rin ang mga kapatid mo."
Napapailing akong nangiti. I let the girl get my measurements. Nang matapos ay saka ko lang nabalikan si Ate Nati.
Sumunod siya sa akin sa vanity mirror at nagpresintang suklayin ang mahaba't tuwid kong buhok. I let her. Hindi ko naiwasang ma-miss si Mommy. She loves my hair. Kaya hindi ko iyon nagagawang pagupitan dahil gustong-gusto niya iyong suklayin.
"Hindi naman sa sobrang sama ko sa mga Tita at kapatid mo pero sumaya talaga kaming narito ka Roshlin. Isang linggo pa lang simula ng dumating ka ay mas naging ganado kami sa trabaho. Tuwang-tuwa pati si Tiya Cancia sa 'yo. Oo nga pala, gusto mo raw ba ng cookies? Magbi-bake daw siya ngayong araw."
"She bakes?"
"Oo! Panadera iyan si Tiya! May maliit kaming bakery noon bago siya napunta rito. Minsan ay nagbi-bake talaga 'yan kaso ay para sa amin lang. Gusto mo ba? May gusto ka bang ipagawa? Malupit 'yon!"
Lumiwanag ang mukha ko. "Kahit ano Ate Nati. I can't wait to try that!"
"Sige at sasabihan ko kaagad!"
I thanked her for combing my hair. Nang mawala siya ay ipinagpatuloy ko iyon. My heart felt heavy at the thought of my mom. I missed her so much...
Ipinilig ko ang ulo at imbes na malungkot dahil sa pangungulila sa kanya ay lumabas na lang ako ng kwarto para makisali sa mga Ate.
Dahil wala sila Tita Myrcelle at ang mga anak nito ay malaya akong nakatulong. Nagpaturo ako kay Manang Cancia sa pagbi-bake and she was indeed good at it.
Napuno ng tawanan at kwentuhan ang kusina dahil sa amin. We were just interrupted when Toni entered the room, mukhang tapos na sa trabaho. Her eyes darted immediately at me. Nginitian ko siya. She smiled back pero alam kong hindi iyon bukal sa loob.
"Oh Toni, tapos ka na ba sa pinagagawa ko?"
"Tapos na, Manang." sumulyap lang siya sa ginagawa namin bago nagmamadaling umalis.
"Pangit talaga putang ina."
"Flor!" natatawang suway sa kanya ni Ate Nati na inirapan niya lang.
"Flor, ang bibig mo ha? Hindi iyan maganda."
"Tiya, napakabait mo talaga sa babaeng 'yan! Nakakainis na. Naku, may araw rin 'yan sa 'kin! Titirisin ko talaga siya nang pinong-pino!"
"Flor, hayaan mo na at tapos na iyon," binalingan ako ni Manang Cancia. "Pasensiya ka na kay Toni, hija. Masyado lang iyang loyal kay Myrcelle–"
"Sipsip kamo, Tiya!"
Kinuha sa akin ni Ate Nati ang mga chocolate at siya na ang naglagay sa mixer.
"Basta huwag kang masyadong maglalalapit sa babaeng 'yan, Roshlin. Para 'yang ulol na pitbull na aatake na lang bigla. Huwag kang magtiwala."
Napabuntong-hininga na lang si Manang Cancia dahil nagkasundo na ang dalawa sa pag-wa-warning sa akin tungkol sa babae.
The cookies and other pastries were actually good. Kahit na ayaw nilang isabay ko iyon sa hapag ay wala na ring nagawa ang matanda.
Papa liked it. Tita Myrcelle and her daughters did not even try. Okay lang naman dahil sapat na ang pamumuri ni Papa para matuwa ang matanda. He even urge her to bake every weekends. Sinabihan rin nitong turuan ako na mas lalo kong ikinatuwa.
I knew how to cook, but I was always curious about baking. I kind of love the thought of being in the kitchen. Matagal ko nang pinag-iisipan kung ano ang kukunin ko pagtungtong ko nang kolehiyo and I was considering taking culinary, but then, I had a long way ahead of me. Hindi ko pa alam kung paano at ano ang mangyayari sa susunod na araw. Bahala na...
Sa day off ni Ate Flor ay isinama niya ako sa kanilang bahay. They live near the beach. Bukod sa maliit na palaisdaan, ang pamilya niya ay nagpapalaki rin ng mga baboy at manok at ibinibenta kapag pwede na. Just like Ate Nati and Manang Cancia, they were all bread winners of their family.
Nilibot niya ako sa kanilang lugar. It was nice to meet a lot of people. Tuwang-tuwa ang mga ito sa akin at ayaw pa nga akong paalisin.
Pag-uwi ay parehas pa rin ang sistema. I'm just glad Papa went home early so the dinner wouldn't be a disaster. Noong nakaraan kasing kaming tatlo lang ay kulang na lang gilitan nila ako sa leeg gamit ang kutsilyong panghiwa ng steak.
Playboy:
Heyyy!
Kusang rumolyo ang mga mata ko nang makita ang pangalang iyon sa aking screen.
Katatapos ko lang i-check ang mga e-mails ko. Bukod kasi doon ay wala naman na akong social media accounts na pwedeng tignan. I deleted all my accounts and I'm not planning to create a new one. Good thing I still have my Netflix and spotify account. Iyon na lang ang bumubuhay sa akin.
Ako:
Ano? Bored ka? Wala kang mabola ngayong gabi?
Playboy:
Sus. Alam kong gusto mo rin akong kausap nahihiya ka lang mag-text. I got you, boo.
Ako:
😵💫🤢🤮
Ako:
Ang kapal talaga ng mukha.
Ako:
Actually pinagdarasal ko ngang huwag ka ng mag-text. Panira ka ng gabi.
Playboy:
Talaga ba? Tatlong message agad ah. Miss na miss na miss?
Ako:
🤮🤮🤮🤮🤮🤮🤮🤮🤮🤮🤮
Playboy:
Hahaha. How are you? Lapit na party mo, ah.
Kahit paano ay nakahinga ako ng maayos nang malihis ang mga panglalandi niya sa akin. I told him that once. Kasagsagang wala akong makausap. I actually told him a lot. Gano'n ako ka-bored.
Ako:
Bored. Hmm, wala naman 'yon. Hindi naman importante. Gastos lang.
Playboy:
Don't say that. Pinaghandaan ng Papa mo 'yan meaning gano'n ka kahalaga sa kanya. He is already proud of you for being his daughter. Do you know how rare that is? Enjoy mo lang.
Ako:
I am grateful, alright pero wala akong kilala do'n. I don't even like fancy parties. Paano kung makabasag ako? Paano kung maging clumsy ako? Nakakahiya lang para sa kanya.
Playboy:
Kahit magwala ka do'n, kahit basagin mo lahat bayad ng Papa mo 'yan. Ikaw ang alas, ikaw ang mahalaga. It's your party. Don't stress too much about it. Sayang ganda mo pa naman.
Ako:
Nasingit mo pa 'yon? Malandi ka talagang nilalang.
Playboy:
At least sa 'yo lang.
Ako:
Huwag ako, Kulas.
Playboy:
Nicolaus Aegon, hindi Kulas. Pangit pota.
Napahagikhik ako sa nabasa. Pansin ko ring iritang-irita siya kapag tinatawag na Kulas. I called him that just to piss him off. Nagtipa ako ng reply.
Ako:
Cute kaya ng Kulas.
Playboy:
Jowain mo na, cute pala eh.
I almost choked on my own saliva because of his reply! What the hell! Hindi ako nagpatalo.
Ako:
Pass. Busy ako.
Playboy:
Sulit ka dito, Roshlin Zabryna. Walang tapon, promises. 😏
Ako:
Ewww! And please, stop calling me that. RZ is fine.
He sent a laughing emoji. Napapailing na lang ako.
Playboy:
Ang iksi masyado. Baby na lang. Do'n rin naman papunta.
Ako:
Luh? Asa ka? HAHAHAHA
Playboy:
Sige lang tumawa ka. Kapag niluhuran kita iyak ka.
Hindi ako umubra sa mga birada ni Nicolaus. I had a boyfriend once. May mga nanligaw na rin sa akin at nakatanggap na rin naman ako ng ilang libong pambobola pero iba ang isang ito. Bihasang-bihasa siya sa ginagawa at kung priority ko lang ang pagbo-boyfriend ay baka isang text niya pa lang bumigay na ako.
Nicolaus can be a man whore, but he wasn't that bad. He got the looks, the charm and definitely the talent. Wala pa akong naging boyfriend na dancer, but I think I am into one. Isang beses ko pa lang siyang nakitang sumayaw parang ina-anticipate ko na ang mga susunod. Actually hindi lang naman siya, silang lahat.
I met some of my sisters friends the day before Essa's party. Mababait naman ang mga ito pero halatang gusto akong itaboy ni Essa at huwag sumama sa kanila kaya hindi rin ako nagtagal.
Nasa pool silang lahat at nagpa-party. Pupunta na sana ako sa kwarto ko para manuod na lang ng kung ano sa Netflix nang may mag door bell.
The Ate's were busy with their visitors kaya ako na ang nagbukas no'n. Bumungad sa akin ang isang pamilyar na mukha. Parehas kaming nagkagulatan. He was the guy with the dog. Sa kanya iyong nilaro ko noong araw na napadpad ako sa lugar na ito.
"H-Hi!"
"Hey! Have we met?" Agad niyang tanong, nahinto sa pagpasok.
Tumango ako. "Lola's yours, right?"
Lumawak ang ngiti sa mga labi niya. "Right! I knew it. I'm sorry hindi ako nakapagpakilala sa 'yo. I'm Isaac and you are?"
"Roshlin Zabryna, RZ na lang," namilog ang mga mata niya, mukhang may ideya na kung sino ako. "Yep, that's me."
Kahit na papasok na kami sa loob ay hindi nawala ang titig niya sa aking hindi pa rin makapaniwala. He looked like he has a lot of questions for me, but we were interrupted by Fyrcelle's loud voice.
"Isaac!" may pagmamadali siyang lumapit sa lalaki upang hatakin paalis sa tabi ko.
Napaatras ako nang halikan niya kaagad sa labi ang huli, minamarkahan ito sa aking harapan. Mukhang nagulat rin ang lalaki sa tinuran ni Fyrcelle pero sa huli ay nginitian lang ang babae.
"I'm so glad you came! Nasa labas na sila tara–"
"Wait," Isaac pulled her hand. Bumaling siya sa akin. "Thank you, RZ."
Tumango ako at ngumiti. "You're welcome."
"Aren't you joining us?"
"Zac, she's busy and she's not joining us!" agad na singit ni Fyrcelle.
Nanatili ang titig sa akin ni Isaac, hinihintay ang sagot ko kahit na sinagot na iyon ni Fyrcelle.
"Busy ka? Are you going out?"
I looked at the girl who was glaring at me. Alam ko na ang tinging iyon. Wala naman talaga akong balak makihalubilo sa kanila pero ngayong alam kong masisira ang araw ni Fyrcelle ay agad kong nilawakan ang ngiti kay Isaac.
"You know what, I kind of want to meet new friends. Susunod na lang ako sa pool."
"Great!"
I smiled sweetly at him to pissed Fyrcelle more before I left them. Kahit nakalayo na ako ay naririnig ko pa rin ang boses nila lalo na ang matinding iritasyon ni Fyrcelle.
"Isaac!"
"This is crazy! You didn't tell me she's home. Sana nakapagdala ako ng kahit bulaklak."
"Flowers?! Why would you bring her flowers! Ugh! I hate you!"
Marami pa silang naging sagutan pero dahil lumabas na si Fyrcelle pabalik sa pool ay hindi ko na narinig.
Napapailing na lang ako habang nagpapalit ng swimsuit. Glad I brought some swimwear with me. Kakaunti lang ang damit ko at hindi pa ako nakakapamili. I need to put that on my list. Bukas ay mag-sa-shopping ako, pero sa ngayon ay mang-aasar muna.
Umayos ako ng tindig sa harapan ng salamin matapos magpalit. Hindi ko ugaling mang-away pero mas lalong hindi ko ugaling magpaapi. If they want to have a beef with me, then fine. Hindi ko sila aatrasan.
Bago pa ako lumabas ng kwarto ay napangiti na ako nang makita ang text ni Nicolaus, tuluyan nang lumakas ang loob ko matapos iyong basahin.
Playboy:
Gandang hapon ganda mo sobra. Text?
# CHAPTER 7
Chapter Seven
Date
I ignored Nicolaus' texts. Dumiretso ako sa mga babaeng bumati sa akin sa paglabas ko sa may pool area. Labing dalawa ang naroon kasama ang mga step sisters ko. Walo silang babae at apat lang ang lalaki. Nang makalapit ako sa kanila ay nakita ko kaagad ang pagsisikuhan ni Essa at Fyrcelle na masama ang loob sa pagsali ko.
Their friends were actually nice. Lalo na si Isaac na hindi na nawala ang titig sa akin kaya mas lalong nanggagalaiti si Fyrcelle sa gilid.
"It's so nice to meet you!" anang isang babae na totoong tuwang-tuwang makilala ako.
I smiled at her before saying the same words back.
"So are you going to stay here?"
"Lucille, I told you she was only here for vacation. Pagkatapos ng bakasyon ay uuwi na rin si Roshlin sa pinaggalingan niya." Essa answered without minding her words.
Hinayaan ko lang siyang sumagot para sa akin kahit na hinihintay pa rin ako ng mga kaibigan nilang magsalita.
"Really? Where do you live ba?"
"Outside the country with my mom."
"And she's going back soon." singit ni Fyrcelle.
The boys gave me drinks. Pasimpleng umikot ang mga mata ni Essa nang kunin ko iyon.
"Sayang naman. You know what? Bakit hindi ka sumama sa amin this weekend? Pagkatapos ng party ni Essa ay pupunta kami sa Isla Fontanegra. We'll also visit the fish sanctuary. Masaya 'yon! Come with us!"
Hilaw akong nangiti lalo na't kitang-kita ko sa mga mukha ng babae ang antisipasyon sa sagot ko maliban sa dalawang magkapatid na pinandidilatan ako ng mata.
"I'll think about it. Baka kasi may pupuntahan ako."
Lucille laughed. "Hindi nga? Saan ka naman pupunta? Maybe you can reschedule that? Pwede ka rin naming samahan diyan kung gusto mo? You don't have any friends here, right? Sama ka na, Rosh!"
"I actually have friends here," sagot ko. Napatuwid ng tayo si Essa sa narinig. "But, I'll think about it. Sasabihan ko kayo kapag pwede akong makasama."
"Sana naman you can join us!" singit naman ng isa pa nilang kaibigan.
"Lucille is right, masaya do'n so think about it, Roshlin." dagdag ni Isaac na hindi na nawala ang malawak na ngiti sa akin.
Tinanguan ko lang siya bago siya mahila ulit ni Fyrcelle palayo. Dahil sa mga babae ay kahit paano hindi naman ako na out of place. Bukod sa dalawang magkapatid, maayos naman ang pakikitungo sa akin ng lahat. They were all part of the higher class in this town. Ang ilan ay anak ng mga politiko at mga kilalang negosyante sa lugar. Mabuti at nakasabay naman ako sa kanilang usapan kahit pa halos lahat ay tungkol sa karangyaan.
Nang mapagod sa pakikipag-usap at pang-aasar sa mga step sisters ko ay lumayo na muna ako at nagpasyang maligo.
Nagsimula na silang uminom ng alak. Ilang minuto akong nagbabad sa pool. Pag-ahon ko ay ilang message na ni Nicolaus ang naghihintay sa akin. Kahit paano ay napangiti ako. I read his texts.
Playboy:
Busy? Sige pala. Maghihintay na lang ako.
Playboy:
Sayang miss pa naman kita.
Playboy:
Meryenda ka na.
Playboy:
I have a question. Pwedeng magtanong?
The last text made me smile. Tinutuyo ko ang sarili habang nagtitipa ng text pabalik sa kanya.
Ako:
What?
He replied right away. I'm impressed.
Playboy:
Tae ka ba?
Ako:
Baboy ah.
Playboy:
Haha. De, seryoso, pwede ba kitang ilabas bukas?
I bit my lip and then shook my head. Naupo ako sa lounger at hinayaan ang tuwalya sa katawan.
Ako:
Okay na sana kaso ang baboy ng pick up line.
Playboy:
'Di naman 'yon pick up line. Tatanong lang eh. Kung ayaw mo naman okay lang. Saksakin mo na lang ako.
Pinigilan kong mapahalakhak sa nabasa.
Ako:
Siraulo ka talaga eh, 'no? Bakit nakauwi na ba kayo rito sa Buenavista?
Playboy:
Ako lang. Kanina lang.
Ako:
Bakit? Asan sila? Ba't 'di mo kasama?
I felt my heart jump on my throat when I saw him calling! Napatayo ako't lutang na napalakad hanggang sa dulo ng pool habang pinag-iisipan kung sasagutin ko ba ang tawag niya o hindi! Gusto kong patayin dahil baka nagkamali lang siya pero hindi iyon nawala. He was really calling me!
I gathered all my strength before I finally answer his call.
"Hello?"
"Hey, boo..." malamyos at masayang boses niyang sagot kaagad sa kabilang linya!
Bigla ako lalong hindi napakali! "Bakit ka tumawag?"
"Nakakatamad mag-type. Tsaka, gusto ko rin marinig boses mo hindi ba pwede? Sorry na pala."
I chuckle at that. "Arte."
Siya naman ang natawa. "So, can we uhm, go outside?"
"Are you asking me on a date? Kasama ba si Riggwell?"
"Bakit? Gusto mo bang siya na lang?" Sagot niyang binalewala ang una kong tanong.
"Pwede rin naman."
"Ahh, okay lang 'di naman masakit."
"At bakit ka naman masasaktan, aber?"
"'Di ka magugustuhan no'n. Huwag kang umasa."
Imbes na ma-offend ay mas natawa lang ako lalo na sa boses niyang halatang nagtatampo.
"Bakit? Ano bang mga trip ni Riggs, ha?"
"Simple lang."
"Like what?"
"'Yung hindi akin."
His answer made me swallowed hard! Tingin ko ay maling-mali talagang sinagot ko ang tawag niya nang hindi nakakapaghanda!
"I am not yours."
"Not yet," he rephrased. "Sige na, labas tayo. Mabait naman ako tsaka sabi mo may bodyguard ka naman, 'di ba? Gusto mo magpabugbog pa 'ko diyan makasama ka lang eh."
Pakiramdam ko ay dudugo na ang labi ko kakakagat rito dahil sa mga banat niya.
"You're crazy!"
"Please? Hindi naman ako magpapalibre 'to naman. I just want to see you."
"And?"
"Wala lang. Tangina kasi wala man lang social media na pwedeng ma-stalk. Nangungulila 'yung puso ko sa 'yo, lam mo ba 'yon?"
"Siraulo! Kapag gumawa ba ako hindi mo na ako aayaing lumabas?"
"Sympre, hindi. Labas na tayo? Sige na? Ganda?"
"Roshlin! Come! We're going to play some games! Join us!"
Napabaling ako kay Isaac na palapit na sa akin kaya hindi ako kaagad nakasagot kay Nicolaus.
"What game?"
"Basta, tara na. Masaya 'to!"
"Susunod ako, Isaac. Wait lang." Inangat ko ang aking telepono para sabihing may kausap ako, pero bago ko pa mabalikan si Nicolaus ay nauna na itong magsalita.
"Hindi pa tayo nananakit ka na ah."
"Kapal mo talaga! Hindi magiging tayo huy!"
"Mabubusog ka niyan. Sige ka."
"Ano?!"
"Wala. Sabi ko mas masaya akong kalaro diyan, sus."
I laughed at his tone. Nagsimula na akong maglakad pabalik kina Isaac.
"I'm with my step sisters' friends. May party sila nakisali lang ako. I'll text you later, okay lang?"
"Sige. Have fun, Zab."
"Bakit parang galit?"
"Hindi naman. Sige na. Hihintayin na lang kita."
"Okay. Baka ma-busy rin ako ngayon. See you tomorrow."
"W-what?"
Lumawak ang ngisi ko. "Bye! See you!" I said before I finally drop the call.
Nakipaglaro ako sa mga bisita pero kahit na naroon ako ay nanatili kay Nicolaus ang utak ko lalo na't ilang messages na niya ang dumating pagkatapos kong sumang-ayon sa anyaya niya bukas.
Nagsisimula na kasi akong ma-bored sa bahay. Isa pa, okay lang naman kay Papa na umalis ako at magpapaalam rin naman ako. My bodyguard will be with me, too kaya wala naman magiging problema. Pang huli, it's Nicolaus. Alam kong playboy siya at matinik pagdating sa babae pero alam ko namang safe siyang kasama.
Everyone got drunk. Maswerte ako dahil naging pabor sa akin ang laro kaya hindi ako nalasing.
I called Nicolaus after I got out of the shower. Alas onse na ng gabi pero gising pa rin ito. We talked for a bit. Magkikita kami sa mall tapos siya na raw ang bahala.
Gano'n ang nangyari kinabukasan. I asked Kuya Faun, my bodyguard to give me space. I thought he would not let me do that, but he knew Nicolaus. Turned out, kaibigan ng pamilya nila ang pamilya nila Kuya Faun kaya ipinaubaya na rin ako sa lalaki.
"Okay lang ba?" Tanong niya habang nasa harapan ng kanyang sports bike.
Kinuha ko ang isang helmet sa kamay niya. "Oo naman. I know how to drive and ride this."
Lumiwanag ang mukha niya sa sinabi ko. "Really? Marunong ka?"
Inayos ko ang helmet sa aking ulo saka tumango. "Gusto mo ako pang mag-drive?"
Nagkaroon ng pilyong ngiti sa kanyang mga labi. Inayos niya na rin ang helmet sa ulo bago umiling.
"Ako na. Gusto ko ng yakap mo, eh."
Sinapak ko ang braso niya. I waited for him to ride his bike. Inalalayan niya akong makaupo sa kanyang likuran niya. Dahil masyadong malaki ang kanyang back pack ay nagpresinta akong isuot iyon. Mas naging pabor naman sa kanya dahil sa gusto niyang mangyari.
Wala naman talaga akong balak na yakapin siya pero masyadong mabilis ang kanyang pagpapatakbo kaya hindi na rin ako nakatanggi.
It has been a long time since I rode a motorcycle. Natuto ako noon dahil sa naging boyfriend ng kapatid ni Mama, pero nang maghiwalay sila ay hindi na rin naulit. My mother didn't want to get me a bike. Ilang taon kong inungot iyon pero bigo ako kaya naman ngayon ay napapapikit na lang ako habang patuloy na dinadama ang tuwa sa aking puso.
I felt like flying. Mas lalong napupuno ng kasiyahan ang aking dibdib nang sa aking pagdilat ay sakto ang pag-ibis namin sa harapan ng dagat!
Part of the ocean was sparkling like diamonds because of the sun. Matarik pa ang araw pero dahil pahapon na ay hindi na mainit sa balat. Ang simoy ng hangin ay sariwa rin. Mas lalo akong namangha sa tanawin. Sa haba no'n ay nakuntento ang puso ko. God, I could watch the ocean all day...
Huminto kami sa isang pampublikong beach. Kinuha ni Nicolaus ang bag niya at dinala iyon sa paglalakad namin sa dalampasigan.
Maraming tao roon pero kabisado na ni Nicolaus ang lugar. Magkatabi kaming naglakad hanggang sa maubos ang tao at makarating sa malapit sa batuhan.
"Okay na ba rito?"
Nginitian ko siya. "Dito mo rin dinadala lahat ng mga nabobola mo?"
"Pang labing walo ka na siguro."
Namimilog ang matang napapihit ako paharap sa kanya. Mas lalo siyang nangisi sabay kamot sa kanyang kilay.
"Naniwala ka naman? Ikaw pa lang."
"Sinungaling 'yan?"
"Hindi ka naman kasi naniniwala."
I pouted. Uupo na sana ako sa buhagin pero agad niyang nahawakan ang kamay ko.
"Sandali."
Kunot noo ko siyang pinanuod na kunin ang bag niya. I was surprised to see him get a beach towel inside. Inilapag niya ang bag at inayos ang towel sa buhangin.
"Okay na."
Naiiling akong naupo doon. "Hindi ka prepared?"
"Sakto lang." naupo siya sa tabi ko sabay labas pa ng mga kung ano sa loob ng bag niya.
My jaw dropped at the sight of Shakey's mojos supreme! Parang bigla akong naglaway ng makita pa ang garlic ranch! He did not stop emptying his bag. Bukod sa mojos and chicken, he also bought carbonara and some canned drinks.
"Hindi ako masyadong nakapaghanda. Sana okay na 'to?" Nahihiya niyang sabi sabay sulyap sa mga pagkain.
"I love Shakey's."
"I know..." he murmured.
Napatitig ako sa kanya pero gumalaw na siya't kinunan ako ng pagkain kaya napangiti na lang ako't nailing.
I thanked him for bringing us foods. We talk for a bit. Kumustahan lang. He said his cousins will be back next week. Nauna lang daw siya dahil nabo-bored siya sa San Antonio.
Ilang beses niya akong binanatan habang kumakain kami pero mas nagustohan ko ang katahimikan sa pagitan naming dalawa nang matapos kaming kumain.
We both lay down the sand. Walang nagsasalita. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko, patuloy na pinakikinggan ang along humahampas sa dalampasigan at ang mga tawanan sa hindi kalayuan.
"This is nice..." wala sa sariling bulong ko. "Thank you for bringing me here."
Sa aking pagdilat ay agad akong napalunok nang makitang nakatitig sa akin si Nicolaus. Mukhang kanina pa ako pinapanuod.
Agad niyang inalis ang mga mata at itinuon sa langit. "You're welcome. It's nice to lay here with you."
"Really, huh?"
He chuckle and then turn to me again. "You always doubt me. Sige sabihin na nating maraming babaeng dumaan sa buhay ko pero hindi naman ako sinungaling. Kapag sinabi kong ikaw lang, sa 'yo lang, totoo 'yon."
"Defensive?"
He licked his lips before ripping his gaze off of me again.
"Pasalamat ka maganda ka, hindi ko magawang mapikon."
Napahalakhak ako ng wala sa oras. "Pero thank you for today. It's nice to be outside that house. I'm thankful for this."
"Huwag mo masyadong isipin, baka mahalin mo ako bigla eh."
"Kapal talaga."
Siya naman ang natawa. "You have my number. You can call me anytime you want. Ilalabas kita at ilalayo kapag nababaliw ka na sa mansion n'yo."
"Hindi lang ako sanay pero masasanay rin siguro ako. Maybe I'm really judgemental. Baka marami lang akong trust issues sa buhay kaya ganito ako sa pamilya ni Papa?"
"Normal naman sigurong may trust issues ka dahil weird naman kung basta ka na lang magtitiwala lalo na sa mga hindi mo kilala. May pagka-judgemental ka rin naman lalo na pagdating sa 'kin, but you had your reasons. I think you're a fair person. It's okay not to like everyone. Hindi mo kasalanan iyon. You dislike them for a reason, but as long as you're not doing anything to hurt them then you're good."
Napatitig ako sa kanya. "What if I did something to hurt them? Masama na ba ako no'n?"
"It depends. If that ruined them, then yes. If you're just doing it to piss them off, hindi naman siguro."
I like Nicolaus for taking my side. Kahit na hindi ko pa naipapaliwanag ay ipinararamdam na niyang nasa panig ko siya. He knew about my dillemas lately and he did a great job listening to it.
"Will you come to my party?" Marahas siyang napabaling sa akin. "I mean, kung hindi ka busy. You can bring everyone you like. Siguro naman pwede akong mag-imbita dahil party ko naman 'yon, 'di ba?"
"Are you sure?"
Ipinihit ko ang katawan paharap sa kanya. I almost touched his hair. Mabuti na lang at nakatali iyon. Umangat siya at itinukod ang siko sa buhangin para matitigan rin ako pabalik.
Napatingala ako sa kanya. His face was too close. His brown skin was being complimented by the orange sky. He was like a greek God hovering me, parang nakalimutan ko biglang huminga. Mas lalo pa nang basain niyang muli ang namumulang mga labi.
Bago pa ako tuluyang maligaw sa pagtitig sa kanya ay marahan na akong tumango.
"Come to my party, Nicolaus. I want to see you there."
Mabagal ang naging pagkurap niya habang titig na titig sa akin. My heart pounded loudly inside my chest when his eyes stared on my lips. Pinilit kong huwag mapalunok lalo na sa pagrolyo ng kanyang adams apple habang patuloy na nakatitig sa mga labi ko.
"Okay... Sabi mo, eh..." He muttered under his breath before he rebelliously pulled his eyes back to mine.
~~~~~~~~~~
Full version of this story is only available on Patreon and VIP group. Click the link on my bio to subscribe or message me for details.
# CHAPTER 8
Chapter Eight
Lasang Ikaw
Masaya akong napapayag si Nicolaus na pumunta sa party ko, pero agad rin akong nalugmok nang tawagan niya ako kinabukasan para sabihing hindi niya sure kung makakapunta sila dahil saktong ang araw ng party ko ay araw ng kanilang dance competition sa Esperanza.
I told him it was fine, but I felt his guilt every time we would exchange messages.
Essa's upcoming party gave us some space. Masaya ako dahil nakakausap ko na rin sila Riggwell na ilang beses akong pinilit na gumawa kahit Facebook pero gaya nang paulit-ulit kong sinasabi, hindi ko gagawin.
We all met one night. I enjoyed being with them. Mas na-enjoy ko lalo nang magsimulang umingay ang parke dahil sa amin. Wala namang dance off kasama ang ibang grupo pero trip ng mga itong sumayaw.
Seidon joined the others when next to you by Chris Brown played. Humawi ang mga lalaki para sa kanya. Naupo si Vivi sa tabi ko.
"That's Seidon's favorite song," aniya sabay abot nang root beer sa akin.
Napatitig ako kay Seidon na kasalukuyang sinasayaw ang chorus pero tumigil rin nang matapos iyon. Naghiyawan ang lahat.
"He's good. You all are. Sayang hindi tinapos."
Vivi chuckle at that. "He said he will only dance the whole song to the girl he loves."
Nawala ang titig ko kay Riggwell na kasalukuyang sumasayaw kasama si Achilles.
"Who's the lucky girl then?"
Nagkibit ng balikat si Vivi. "Naghihintay rin ako kung sino."
Magtatanong pa sana ako tungkol doon pero siniko na niya ako para bumalik ang atensiyon namin sa mga lalaki.
Hindi natuloy ang pag-inom ko nang makita si Nicolaus na napapalibutan ng lahat at kasalukuyang nagsa-shuffle habang hinihintay and bagsak ng kantang yummy ni Justin Bieber.
Hinila ako ni Venus palapit sa mga ito kaya hindi na ako nakatanggi.
Nahapit ko ang aking paghinga nang saktong paglapit namin ay nahanap ni Nicolaus ang mata ko.
Awtomatikong sumilay ang pilyong ngisi sa kanyang mga labi kasabay nang paggalaw ng kanyang katawan matapos suklayin ang makintab at hindi nakataling buhok.
Napangiti ako nang magsimula na siyang sumayaw. Sa bawat matalas at malinis na pag-la-lock ng kanyang katawan sa harapan ko ay hindi ko mapigilang mamangha.
Sumabay ang aking ulo sa beat ng kanta at wala sa sariling nakagat na lang ng mariin ang labi nang umikot ang kanyang balakang kasabay nang hiyawan ng lahat sa pagsapit ng chorus. He grinded his hips in circular motion while biting his lips in front of me.
Riggwell joined him. Sinabayan ang kanyang paggiling sa gitna ng lahat. Maya-maya ay sumunod na rin si Achilles at Seidon hanggang sa hilahin na rin ako ni Venus sa gitna at lahat na kami ay sumasayaw!
Seidon went in front. Sa pagdating muli ng chorus ay awtomatiko naming sinundan ang kanyang steps na parang na-rehearsed iyon. Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Nicolaus na kahit sumasayaw ay nasa akin ang mga mata.
Naiiling kong ipinilig ang ulo dahil napupunit na ang bibig ko sa kakangisi sa kanya.
"One more!" Hiyaw ni Riggwell sa huling chorus. "Lower! Giling! Yes! Good job people of the earth!"
Mas naging ganado ang lahat sa pagsigaw niya. Nang matapos ay pare-parehas kaming hiningal.
Seidon proudly turned to us clapping. Umalis naman si Riggwell sa gitna para tignan ang nakunan niyang video. Vivi hugged Achilles while Nicolaus remained beside me. Inabutan siya ni Chaz ng towel pero sa akin niya iyon ibinigay.
"Hindi naman ako pawis. Sa 'yo na lang."
Imbes na bawiin ay napapitlag ako sa paglapit niya't pagdampi ng towel sa aking noo. Hindi ako nakagalaw!
Napapalunok kong hinayaan ang kamay niyang ilang beses na dumampi hanggang sa buong mukha ko pero natigil kahit na mukhang hindi pa siya tapos.
Inangat niya ulit ang towel. "Sa leeg mo."
Dinama ko ang leeg ko. May nakapa akong ilang butil ng pawis kaya hindi ko na natanggihan.
"Thank you," Sabi ko habang naglalakad pabalik sa pwesto namin kanina ni Vivi.
"Ibabalik ko na lang 'to kapag nalabhan—"
Naputol ako nang bigla niyang hablutin sa akin iyon!
"Nicolaus!"
"Anong lalabhan? Baka ipa-frame ko pa 'to. May pawis mo eh."
Napaawang ang bibig ko nang walang arte niyang ipunas ang ginamit kong towel sa kanyang mukha at leeg. Mas lalo akong nabaliwan nang natatawa niya pang amuyin iyon.
"Bango talaga."
Hinambalos ko ang braso niya. "Puro ka kalokohan."
"Mabango nga. Amoy akin."
I punched his arm again. Sinamahan niya akong naupo sa pwesto namin. Riggwell and others continued dancing. Seidon was vaping far away from us while Achilles, Vivi and others were talking.
"Sorry talaga kung hindi kami makakapunta, ah?"
"It's okay. I understand."
"'Hindi ka galit?"
"Bakit naman ako magagalit? Kung pwede nga lang akong manuod na lang sa inyo," I heave a sigh. "Kaso tuloy na kasi ang party at hindi na pwedeng i-move. Hindi naman pwedeng hindi ako um-attend."
Natahimik siya, mukhang nag-iisip nang malalim. Hindi na kami nakapag-usap nang tawagin siya ni Riggwell.
"Zabryna, pahiram muna kay Kulas magti-tiktok lang! Mas maraming likes at follow kapag kasama, eh!"
Napapakamot sa ulong sumunod na lang si Nicolaus bitbit ang towel na hindi na talaga ibinalik sa akin.
I watched them do their thing. Tinabihan ako nila Chaz at sa kanila naubos ang oras ko katatawa.
Kahit busy si Papa sa trabaho, hindi naman niya ako pinapabayaan. Kapag wala siya ay palagi niya akong tinatawagan at tinatanong tungkol sa araw ko at kapag nasa bahay naman ay hindi natatapos ang isang araw nang hindi niya ako nakakausap.
"I like this, Mommy!" napatingin ako kay Essa nang kunin niya ang kwintas na may malalaking diamonds.
We're choosing our jewelries tonight. Kahit na mukhang ayaw nilang naroon ako ay wala na ring magawa dahil nasa kabilang linya si Papa at nanunood via video call. He was still in the office.
"Try it, Essa." Tita Myrcelle happily said to her daughter.
Ang mga tauhan ng Lardizabal Diamonds ay agad inalalayan si Essa sa kanyang napili. Ang sabi ni Ate Nati kanina ay normal na ang ganito. Sa bawat bagong designs ay ang pamilya ni Papa ang palaging nangunguna sa pagpili bago ang iba. Sakto naman sa party ni Essa ang bagong mga disenyo at ang mapipili namin ngayon ang isusuot namin bukas.
Tita Myrcelle loves collecting jewelries at nakakalula dahil sa kwarto raw nila ni Papa ay may sikreto ito at sariling silid na doon nakalagay ang lahat ng kanyang mga koleksiyon hindi lang mga alahas kundi hanggang sa mga gamit na mamahalin.
Fyrcelle chose her necklace. Masaya silang nagsukatan habang ako ay ni hindi makatitig nang maayos sa mga alahas na nasa aking harapan. There were hundreds of them at lahat ay sobrang gaganda.
"Roshlin, how about you? May napili ka na ba?" untag ni Papa kaya bahagyang natigil ang tatlo sa pagsasalita.
Ibinalik ko ang tingin sa mga kwintas at wala sa sariling kinuha ang isa roon na may pinakasimpleng disenyo. I heard Essa chuckled at that.
"Iyan ba ang gusto mo?" Tanong ni Papa.
"How much is this?" I asked one of the employee but she just looked at me with confused eyes, hindi rin alam ang isasagot dahil hindi naman yata iyon dapat itanong.
"Oh, don't mind her. She's just new to this," si Fyrcelle bago ako balingan. "Tell me, nakapagsuot ka na ba ng kwintas na may diamante?" tanong niyang may panunuya.
Inangat ko ang titig sa kanya matapos bitiwan ang simpleng kwintas pero imbes na sagutin ay itinuro ko lang ang isa sa may pinakamaraming diamante.
The girl I asked about the price of the jewelry hurriedly gave me the new piece. Natulala ang tatlo dahil kahit na ilang beses na nila iyong nakita ay hindi nila kinuha, pero ngayong nasa kamay ko na ay parang biglang iyon ang nagustuhan nila.
"Okay lang ba ito, Papa?"
"Of course, kunin mo ang kung anong gusto mo." he answered on the other line.
I let the girl put the diamond necklace on my neck. Kahit na ayaw ko naman talagang paggastusin si Papa ay hindi ko mapigilang inisin ang mga babae. Alam kong huhusgahan kaagad ako ng mga ito kaya mabuti pa ay labanan na lang sila.
"That looks so good on you, Roshlin. I think that's the one." Papa said as I turned to face him with the jewelry.
Ngumiti ako at tumango. Ang mga empleyado ay sumang-ayon rin sa kinuha ko. Hindi ko hinayaan ang sarili kong matakot sa pananahimik ng tatlo.
Kumuha pa ako ng hikaw, bracelet at singsing na puno rin ng diamante. I did everything on purpose to piss them off. Sabi nga ni Nicolaus, wala namang masama kung aasarin sila, hindi ba?
Everyone was excited when we got to the hotel for Essa's party. Halos hindi makausap si Papa sa pagiging abala sa mga kausap niya sa telepono.
I wore a champagne colored dress that was made for me. It has a decent slit on one side and it's showcasing my curves. I liked it.
May mga kaibigan sila Papa na pumunta pero halos lahat ay mga kaklase at schoolmate na ni Essa at Fyrcelle. Good thing I knew some of them kaya hindi naman ako naligaw buong gabi. Marami rin akong mga nakilalang bagong mukha.
"Good choice," Isaac commented when he found me. Bumaba kaagad ang mga mata niya sa suot kong kwintas. "My brother designed that. It looks great on you."
Napahawak ako sa kwintas. "Y-your brother?"
Nangiti lang siya at inalahad ang braso para sa akin. Hinawakan ko iyon at hinayaan siyang igiya ako sa kung saan. Bago pa kami makarating sa mga kaibigan niya ay nadaanan namin ang grupo ng ilang mga matatanda.
I've avoided Tita Myrcelle and the likes because I don't want Essa's party to be all about me kahit pa marami nang naghahanap sa akin kaso nga lang ay hindi na ako nakaligtas lalo na't Mommy pala ni Isaac ang isa sa nadaanan namin. Tita Myrcelle was there, too.
"Who's this beautiful lady, Isaac?" Malawak ang ngiting tanong ng kanyang ina matapos akong tapunan nang tingin.
She was smiling from ear to ear. Unlike Tita Myrcelle, ang babae ay mayroong magaang aura.
Napatingin si Isaac kay Tita Myrcelle na mukhang nagtataka rin at bakit hindi ako kilala ng Mommy niya.
"Mommy, this is—"
"This is Roshlin, Isadora. Rucio's daughter," singit ni Tita Myrcelle at putol kay Isaac.
Umabante siya para makalapit sa akin kaya napabitiw ako sa lalaki. Parang gusto kong mairita sa biglang ganda nang pakikitungo niya sa akin sa harapan ng kanyang mga amiga.
She never touched me because she hated it, pero ngayon ay kung makakapit siya sa akin ay parang stage mother na proud na proud.
"Oh, this is she!" Tita Isadora said with joy in her eyes. "What a beautiful girl!" Ulit niya sabay yakap sa akin.
Hindi na ako nakatangging yakapin siya pabalik at ang iba pang mga tita na naroon. Mabuti na lang at hindi ako iniwan ni Isaac sa kanila.
Pormal na akong nagpakilala sa mga ito. Giliw na giliw sa akin ang mga babae gano'n rin si Tita Myrcelle kahit na alam kong pakitang tao lang ang lahat.
"Isaac, why don't you go and find Fyrcelle?" Narinig kong bulong ni Tita Myrcelle sa lalaki habang kausap ko pa ang mga kaibigan nito.
"I'll wait for Roshlin, Tita."
"Hindi naman maliligaw si Roshlin dito. I'm sure she can find her way back to your circle?"
"I will wait for her, Tita. Fyrcelle is already with our friends. Hindi alam ni Roshlin kung nasaan sila."
Hindi nakasagot ang babae. Ayaw pa sana akong tantanan ng mga Tita pero dahil kay Isaac ay napagtagumpayan niyang ilayo ako sa mga ito.
"Take care of her son." Pahabol pa ng kanyang ina na ikinangiti ko samantalang iyon naman ang ikinasama ng mukha ni Tita Myrcelle.
Nakahinga ako nang maluwag nang makalayo na kami. I've learned that Isaac's family owned the Lardizabal Diamonds. Nakilala rin ng Mommy niya ang suot ko at masaya siyang nakita iyon sa akin.
"Sorry about that." Paumahin nito nang makalayo na kami.
"No, it's okay. It's not your fault."
"I know that made you uncomfortable. I apologize. Excited lang talaga ang mga iyon na makilala ka. My mother couldn't stop asking about you when I told her that we met. Pasensiya na ulit."
"Wala 'yon. It's okay, Isaac. Nakakahiya lang dahil hindi naman dapat sila ma-excite na makilala ako."
"Are you kidding me? You're Tito Rucio's biological daughter and that's a big deal, Roshlin."
I swallowed hard at that. Inayos ko ang kapit sa kanya dahil sa pakikipagsiksikan namin sa mga tao.
"Kahit pa sabihin mong hindi ka titira rito, you're his heiress."
"I am not. My father has his own family now—"
"It doesn't matter. You are his daughter, Roshlin. Pamilya ka niya. Ikaw pa nga ang legal kung tutuusin."
Isaac words really made sense. Kaya nga lang, hindi ko pa rin lubos na maisip ang bagay na 'yon. Unang una dahil narito lang naman ako para kay Papa at hindi dahil sa yaman niya. I don't need it. All I want is to build a relationship with him and make up for the time that we've lost when we were apart.
Hindi nawala sa tabi ko si Isaac. Marami kaming napag-usapan tungkol sa aming mga sarili, pero nahirapan akong sagutin ang isang partikular niyang tanong.
"What happened?" He asked pertaining to the scar on my leg.
Bahagya kasing lumihis ang gown ko kaya lumabas ang ngayo'y mahabang pilat sa aking hita. Hindi naman iyon nakaumbok pero halatang-halata pa rin dahil kulay puti ang pilat.
Ipinagdiin ko ang aking mga labi bago ipakita iyon sa kanya nang buo. "Car accident. Bata pa ako noon kaya hindi ko na masyadong maalala."
"Is it bad?"
I nodded. "Si Mommy ang napuruhan pero nabuhay naman kami. Second life."
Hindi nawala ang pagkamangha sa kanyang mga mata habang nananatiling nakatitig doon. I immediately changed the subject and asked him about his family's business.
The party was great. Everyone was having a great time especially Essa and her friends. Isaac was the only one who I wanted to talk dahil tingin ko ay siya lang ang magtatiyagang pakinggan ako buong gabi kaso nga lang ay hindi na ito binitiwan ni Fyrcelle.
I left the party early. Wala namang nakahalata no'n dahil busy ang lahat pero nauna na ako.
Simula sa balcony ay tanaw ko ang patuloy na pagkislap ng mga ilaw sa ibaba ng hotel tanda na buhay na buhay pa ang kasiyahan.
I should've mingled with these people, but my heart wanted to rest.
I opened my e-mail. Binasa ko ang mga e-mail ni Mommy hanggang sa nakita ko na lang ang sarilo kong nagtitipa ng e-mail pabalik sa kanya.
I told her how much I missed her and how sorry I am for leaving. I knew she would understand. Siguro magtatampo pa rin siya pero alam ko namang hindi niya ako matitiis. She would always have a heart to forgive me.
Napangiti ako nang mai-sent ko na iyon sa kanya. Akala ko ay magiging maayos na ako pagkatapos, but my heart felt heavy when I lay down my bed.
Tahimik ang buong kwarto at bukod sa munting tunog ng aircon ay wala nang ingay sa aking silid. That silence made my mind swamped with heavy thoughts. Napapikit na lang ako at hinayaang dumaloy sa aking sistema ang lungkot.
Ilang beses akong napabuntong-hininga pero bago pa tuluyang malaglag ang luha sa mga mata ko ay bumukas na iyon dahil sa pagtunog ng aking telepono.
Awtomatiko akong napangiti at ang lungkot ko ay sandali kong nakalimutan nang makita ang text ni Nicolaus sa akin.
Playboy:
Nagpa-shakey's si Achilles tapos bigla kitang na-miss. Tanginang mojos 'yon, lasang ikaw. Text?
~~~~~~~~~~
Full version of this story is only available on Patreon and VIP group. Click the link on my bio to subscribe or message me for details.
# CHAPTER 9
Chapter Nine
Happy New Year
I never imagined myself being close to my father because of the time that we had lost, but he made me feel loved and wanted.
Tuluyan nang nabura sa utak ko ang mga salita ni Mommy na hindi namin siya kailangan. Kung noon ay maniniwala ako isang sabi niya lang, now that I've experience being his daughter I realized that I needed him. Hindi man siya kailangan ni Mommy pero ako ay kailangan siya. I don't want to invalidate my mother's feelings, but I have the right to be with him... to be finally with him.
Wala naman talaga akong sama ng loob kay Papa dahil wala naman akong alam sa nangyari sa kanila ni Mommy bukod sa alam kong nagkasakitan silang dalawa ng sobra, pero hindi ko mapigilang magtanong.
I couldn't bare the sight of him being so happy because of me without knowing the reason why he abandoned us. Why he hurt my mom. Pakiramdam ko kasi ay may mali at maraming kulang.
Katatapos lang naming pag-usapan ang mga mangyayari sa party ko. Everything was already settled. He rented another resort for that pero napilit ko naman siyang huwag na masyadong gumastos dahil alam kong ilang milyon na ang nawaldas niya sa party ni Essa. Gayunpaman, engrande pa rin ang magiging party ko at imbitado pa rin ang lahat ng kanyang mga kakilala hindi lang sa buong Buenavista kundi sa buong bansa.
Nang mapansin ni Papa ang pananahimik ko't hindi paggalaw sa aking inuupuan kahit tapos na kami ay hindi na niya napigilang magtanong.
"Do you need anything else, Roshlin?" May pag-aalalang untag niya sa akin.
Wala sa sariling napatitig ako sa kanya. Nahihiya ako sa sarili ko mga salitang gustong kumawala sa labi ko. Talaga ngang sabik ako sa buong pamilya. All my life I've been dreaming of him being with us. Lumaki ako sa inggit dahil wala siya and it's all coming back to me now.
"Bakit mo kami pinabayaan ni Mommy, Papa? Bakit mo kami iniwan?" Hindi ko na napigilang itanong.
My question made him swallow the bile on his throat. Hindi niya iyon inasahan. Nagawa niyang luwagan ang kanyang suot na neck tie na tila nahirapang makalanghap ng hangin. Napainom pa siya ng alak bago ako nagawang sagutin.
"Hindi ko gustong mapalayo sa 'yo Roshlin, but your mother... she took you away from me," panimula ni Papa.
Dama ko ang bigat sa bawat salitang binitiwan niya.
"Maniwala ka at sa hindi ay hinanap ko kayo ng Mama mo, anak. I am nobody when she took you away from me, but I spent every penny I had just to search for the both of you. You're nowhere to be found. Maging ang Tita Heatherly mo na siyang tanging pamilya ng Mama mo ay hindi ko mahanap. I never lose hope... Alam kong isang araw ay magkikita rin tayo. Hindi man ako ang makahanap sa 'yo ay alam kong gagawa ang Diyos ng paraan magkatagpo lang tayo dahil walang araw na hindi iyon laman ng mga dasal ko."
Ilang beses akong napalunok sa kanyang mga sinabi, but I felt like that wasn't enough.
"Mayaman ka na ngayon Papa. Why did you stop searching for us?"
Nanubig ang mga mata niya sa mapait kong tanong. Unti-unti ay nararamdaman ko ang kirot sa puso ko lalo na sa parte ni Mommy.
All those years I knew my mother remained faithful. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong dahilan ng paghihiwalay nila pero alam kong sobrang nasaktan si Mommy. Gayunpaman, hindi niya nagawang palitan si Papa sa puso niya.
"I did not," napaangat ang tingin ko upang titigan ang kanyang nanlalabong mga mata. "Walang araw na hindi ko ginustong makita at mayakap ka pero nawalan na ako nang pag-asa nang mabalitaan ko ang aksidenteng kinasangkutan n'yo ng Mommy mo. Heatherly told me you died at kritikal naman ang Mommy mo."
Nalaglag ang panga ko sa narinig, pero hindi na nakapagsalita nang makita ang pagtulo ng mga luha ni Papa.
"I was in denial, Roshlin. Paulit-ulit kong kinumbinsi ang sarili kong hindi iyon totoo. Na gusto lang akong itaboy ni Heaven sa nagawa kong pagpapabaya sa inyong dalawa pero nang makita ko siya..." humigpit ang kapit ni Papa sa hawak niyang baso.
Naninikip ang dibdib kong makita siyang nahihirapan na parang sariwang-sariwa pa rin sa kanya ang lahat kahit na matagal na panahon na iyong nangyari. Ni hindi ko na nga talaga maalala ang aksidente.
"...sa Macau. I found her at the hospital. She got bruises all over her body. She was in pain, but that was nothing compared to the pain I saw in her eyes when she saw me. Roshlin, I felt like killing her for the second time. Gusto ko siyang aluin dahil sa pagkawala mo... gusto ko siyang alagaan pero alam kong mas masasaktan lang siya kapag nagpumilit ako. There was no chance left for us and forcing something she already ended would only make her miserable. Hindi ko kaya iyon. Hindi ko na kaya pang dagdagan ang lahat ng sama ng loob, sakit at lungkot na idinulot ko sa Mommy mo,"
"Kahit na sinasabi ng utak kong wala ka na, hindi ko iyon pinaniwalaan. Sa puso ko ay nananatili kang buhay at habang buhay kitang aalagaan rito..." I bit my lip when Papa punched his chest. "Kayong dalawa ng Mommy mo, Roshlin."
Doon na ako napayuko. Kahit na mabigat ang naging usapan namin ay nagpasalamat pa rin akong malaman na hindi niya ako binitiwan.
I found myself creating an e-mail for my mother. I told her how I felt about knowing everything that my father told me.
Ang pagsisinungaling niyang patay na ako. Ang paglayo niya sa akin sa ama ko at ang pagiging matigas ng puso niya para rito. I don't want to hate her too much kaya itinigil ko ang lahat nang mapansin kong masama na ang tono ng mga salita ko.
I closed my laptop and forced myself to sleep, hoping for a better tomorrow.
Sa pagdating ng party ko ay nalibang muli ang aking utak. But even though I looked okay and I functioned well, lutang pa rin ako dahil sa mabibigat na emosyong hindi ako nilubayan.
Everyone was delighted to meet me. Nasa akin ang buong atensiyon ng lahat simula nang pumasok ako sa engrandeng bulwagang puno ng mga taong may mataas na antas sa lipunan.
My father proudly introduced me to them. I bet my sisters and Tita Myrcelle still find my party ridiculous, but I couldn't find a heart to care.
Nakisalamuha ako sa kanila. Sa sobrang tuwa pa nga ng ilan ay halos ireto na ako sa mga kasama nilang anak and that includes Isaac.
His father was so happy to finally meet me. Ang kanyang ina na nakilala ko na rin sa party ni Essa ay tuwang-tuwa pa rin na makita ako. Sinabi ni Papa kagabi na kahit na alam niyang patay na ako ay wala siyang pinagsabihan no'n, but Isaac's father was my father's best friend. Siguro marahil nasabi sa kanila ni Papa ang aksidente kaya ganito na lang sila kasaya na sa wakas ay makilala ako.
"Rucio, would you mind if my son will court your daughter?"
Nagkatinginan kaagad kami ni Isaac. He mouthed a sorry. Binalewala namin ang usapan ng aming mga magulang pero hindi pa rin nakaligtas ang tainga ko lalo na sa pagsabat ni Tita Myrcelle.
"Guer, your son is already courting my daughter Fyrcelle. Don't embarass my step daughter."
"Oh!"
Nagtawanan sila. Doon ko lang nalaman na nililigawan pala ni Isaac si Fyrcelle kaya iyon ang naging topic namin nang mailayo niya ako sa mga ito.
"I'm not courting anyone, nililinaw ko lang." he defended himself as we walk towards the bar.
May mga kilalang artists na nagpe-perform sa stage at the oldies were enjoying it. Mabuti at nakawala kami sandali sa mga mata nila.
We sat down at the bar. His friends were on the other side of the room. Sa lawak ay hindi na namin alam.
"Wala namang kaso kung nanliligaw ka sa mga step sisters ko. Okay lang 'yon. Mukhang open naman sa mga parents mong makipagrelasyon ka."
He chuckle and then shook his head. "Basta, wala akong nililigawan. I am ready for a relationship, but not with Fyrcelle."
Ako naman ang natawa dahil sa patuloy niyang pagpapaliwanag. "Kaya pala hinalikan ka niya noong nagkita tayo sa bahay."
"That was unexpected. Hindi ko rin alam kung para saan 'yon."
"Maybe she likes you. Bakit nga ayaw mo sa kanya?"
Nagkibit siya ng balikat. Uminom muna kami ng isang shot bago nagpatuloy sa pag-uusap.
"She's nice, but when you like someone, malalaman mo kaagad 'yon. I don't like her like that."
"Like how?"
Nahinto siya't napatitig sa akin. Sa kung anong dahilan ay naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang hawakan niya ang aking kamay. His touch was so gentle it made me nervous!
"It's too early to tell and I really don't know how, but it's something you can't understand easily either. Basta na lang na mararamdaman mong may iba. May spark," marahan niyang pinisil ang palad ko. "Like when you see that person, it makes your heart swell... parang lumiliwanag ang mundo mo... those good and light feelings..."
Naiilang kong nabawi ang kamay ko nang dahan-dahang umarko ang ngiti sa mga labi niya kasabay nang pagliwanag ng kanyang mukha. Yup, he was hitting on me.
"Shot na lang parang ang bigat eh!" Pagbabago ko at iwas kaagad sa topic.
Kahit na ramdam kong ayaw niya ay wala naman siyang nagawa dahil hindi ko na iyon gusto pang pag-usapan.
Ramdam kong marami pa siyang gustong sabihin pero nahanap na kami ni Fyrcelle. Agad niyang hinila palayo sa akin si Isaac habang si Essa naman ay hinila ako pabalik sa lamesa kung saan naroon ang kanyang ina. She left me there and I was damn confused!
"Here's your beautiful step daughter, Myrcelle!" Anang isang Tita kaya napabaling siya sa akin.
Tinabihan niya ako at ipinakilala sa mga bagong mukha. Pormal kong binati ang lahat.
"Naku, napakaganda pala ng anak ni Rucio! Will she stay here for good, Myrcelle? Siya ang magiging tagapagmana ng mga Almanzerano!"
Nakita ko kaagad ang pagngitngit ng panga ni Tita Myrcelle sa sinabi ng babaeng nasa harapan niya. Pakiramdam ko ay nagsisi siyang pinansin pa ako.
"Don't be silly, Petunia. Why don't we discuss other things? And oh, she will not stay here. Hindi ba, Roshlin?"
Napalunok ako sa kanyang tanong. Sasagot na sana ako pero nauna ulit si Tita Petunia.
"And why is that? His father lives here and so she belongs here."
"She's living with her mother outside the country that's why she can't stay here—"
"Oh Rucio's first wife is still in the picture?!" Bulalas at singit naman ng isa.
Mas lalo kong naitikom ang aking bibig dahil baka bigla na lang akong sampalin ni Tita Myrcelle sa harapan ng maraming tao dahil sa gigil.
Imbes na sagutin ay hinarap ako nito. May diin niyang hinawakan ang braso ko. "Why don't you go and find your friends, Roshlin? I'm sure they wanted to see you." Aniya sabay pilit na ngiti sa akin.
Nagpaalam ako sa mga kasama niya pero kahit palayo na ako ay ako pa rin ang laman ng kanilang usapan.
Imbes na sundin siyang hanapin sila Isaac ay minabuti kong pumirmi sa isang bakanteng lamesa na nasa pinakadulo at hindi masyadong napapansin. Pagod kong tinanggal sa pagkakatali ang aking buhok at hinayaan iyong bumagsak.
Everyone was having a great time except me. Malalim na ang gabi pero ganado pa rin ang lahat. The event also has fireworks display at the end of the party. Kahit na gusto kong ma-excite dahil para sa akin ang lahat nang ito ay hindi ko masyadong maramdaman ang saya.
I wasn't really born for this. Sapat na sa akin ang cake na mayroong welcome home at tahimik na dinner kasama si Papa.
I heave a sigh. Inayos ko ang aking buhok at hinayaan ang sariling matulala sa kasalukuyang nagpe-perform na isang sikat na singer.
Hinayaan kong lumipad and utak ko sa kung saan. My heart started to feel heavy again.
Simula nang mag-usap kami ni Papa two weeks ago, hindi ko na naiwasang itanong muli sa sarili ko ang lahat ng mga
what if's
ko sa buhay.
What if my mother gave Papa a chance? What if she didn't took me away from him? What if she sacrificed just a little more?
Hindi naman kasi lahat ng relasyon ay saya lang na kapag hindi mo na 'yon maramdaman ay bibitiw ka na. Love should always be deeper than that and marriage shouldn't be taken for granted. Sana kapag sumumpa kang hindi bibitiw sa hirap at ginhawa ay paninindigan mo kahit na gumunaw pa ang mundo.
Lugmok akong napasandal sa upuan at wala sa sariling napapikit dahil natatalo na naman ako ng utak ko. I began breathing slowly. Patuloy na kinakalma ang sarili. Patuloy na naghahanap ng dahilan para hindi matalo sa lahat ng negatibong nararamdaman and it wasn't easy. Parang hindi na dinadaluyan ng hangin ang baga ko.
"Lugmok na lugmok naman 'yang bebe na 'yan. Miss na miss ba si Kulas?"
My eyes widened when I saw Nicolaus standing in front of me! Napatuwid kaagad ako ng upo at muntik pang mahulog nang subukan kong tumayo!
He laughed at my reaction. "Gulat na gulat? Sobrang gwapo kasi 'no?"
I rolled my eyes at him! Patuloy na nagwala ang puso ko sa kanyang presensiya! I felt like my tongue got cut off! Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko siya! Nawalan ng saysay ang breathing exercise ko dahil sa kanya! Damn I really hate surprises!
Napalingon siya sa gitna nang silid nang matapos ang kanta at mapalitan nang panibago.
Sa pagbalik ng mukha niya sa akin ay mas matamis na ngiti ang kanyang iginawad. Swabe niyang sinuklay ang kanyang buhok pagkatapos ay naupo sa harapan ko. Doon lang ako nakabawi.
"W-what are you doing here?"
"Uh, sa pagkakatanda ko inimbita mo ako?" Aniya sabay angat ng kanyang invitation.
"I know pero sabi mo hindi kayo makakapunta."
"Pwede ba naman 'yon? Siyempre hahabol ako. Matitis ba naman kita, Zabryna?"
My face heated at that. Nakita ko pa lang siya ay parang kaya ko nang malagpasan ang buong gabi. Damn, he really has this effect on me, huh?
"Ano? 'Wag puro titig lang, kiss rin paminsan."
Doon na ako nakagalaw para sapakin siya, pero agad ko iyong pinagsisihan dahil maagap niyang nahuli ang kamay ko't hindi na nagawang bitiwan.
Pinigilan kong mapalunok nang tumuong muli ang mga mata niya sa akin.
"Napagod ako pero okay lang dahil nanalo naman kami. Pumunta ako rito, makikikain lang sana kaso parang nabusog naman ako bigla nang makita ka."
Sinubukan kong bawiin ang kamay dahil para akong napapaso sa init niya, pero humigpit lang ang kanyang kapit sa akin.
"Kumain ka na do'n. Pagkain lang naman pala ang ipinunta mo."
That made him smirk. "Pakain pala..."
"Nicolaus!" Mas lalong sumilab ang init sa magkabilang pisngi ko dahil sa mga pinagsasasabi niya!
Humalakhak ang gago nang marahas kong bawiin ang kamay ko!
"Joke lang! Kumain na ako tsaka nabusog na nga rin ako dahil nakita na kita. Ikaw lang naman ang ipinunta ko. Mabuti pala talaga humabol ako."
Pinilit kong ngumiti ng pormal sa kanya. I appreciate him for doing that. Kahit na halata sa mukha niya ang pagod ay mukhang fresh na fresh pa rin siya. His hair looks wet. Mukhang naligo pa talaga bago ako puntahan.
"Bakit? Mukha ba talaga akong miserable?"
Nawala ang ngiti niya. "Miserable na 'yan? Ang ganda mo namang maging miserable."
Madrama ko siyang inirapan, bahagya nang nakakabawi sa mga banat niya.
"Hindi ko lang talaga trip ang ganito. I want to get out of here."
"Really?"
Hindi pa ako nakakasagot ay tumayo na siya at inilahad ang kamay sa aking harapan. Malugod ko iyong tinanggap. Kahit na hindi pa ako dapat umalis ay nagpatianod ako kay Nicolaus.
We ended up in the balcony. Ang lungkot at mga iniisip ko kanina ay tuluyan na akong nilubayan nang matanaw ko ang payapang dagat simula sa kinaroroonan namin. Dinig pa rin doon ang kasiyahan sa bulwagan pero mas tahimik na at payapa ang paligid. Nakahinga na ako nang maayos.
Naglakad ako patungo sa simentadong barandilya at doon itinukod ang mga kamay. Tinanaw ko ang dagat at ang maliwag na buwan. Wala sa sariling napapikit ako nang marinig ang mga yapak ni Nicolaus palapit sa akin. Kahit na dama kong nasa tabi ko na siya at nanatili akong nakapikit.
"Thank you sa pagpunta and I'm sorry kung naabutan mo akong pasan ang mundo."
"Walang anuman. I'm here, you know. Sa macho kong 'to, pwede mo nang ipapasan sa 'kin kung ano mang bigat 'yang nasa mundo mo."
Napadilat ako. He was looking intently at me when I turned to face him. Walang ngiti o ngisi sa mga labi niya. His sincerity warmed my heart. Parang gusto kong maiyak bigla sa narinig.
Gumalaw siya nang magbago ang kanta sa lugar na pinanggalingan namin. Nalaglag ang mga mata ko nang ilahad niya ang kamay sa aking harapan.
"Dance with me, Zabryna..."
Dahan-dahan akong lumayo sa aking kinahihiligan para ipihit ang katawan paharap sa kanya. Sa pagbigay ko ng aking kamay ay agad na lumingkis ang kanyang kamay patungo sa aking bewang.
He gently pulled me closer to him. Napapikit ako nang tuluyang maramdaman ang init ng kanyang katawan sa aming pagdidikit. I could feel his hot breath on my ears. Sa bawat dampi no'n sa aking buhok at balat ay nakakagat ko ang aking labi.
"Love, I've been on the road for hours all alone just to get to you Love, oh, I could do this everyday so come my way..."
I focused on the romantic song that was being played inside the hall. Hinayaan kong sumabay ang aking katawan sa mabagal na paggalaw ni Nicolaus.
Ang yakap niya sa aking katawan ay puno ng seguridad at pag-iingat. Sa bawat galaw ng aming mga paa ay para niyang inaangat sa puso ko ang dahilan nang pagbigat nito.
He made my heart feel light again through dancing. Walang palitan ng salita sa amin. Walang kung ano, pero sobrang naging epektibo para tuluyang gumaan ang pakiramdam ko.
"I'm happy with you... I'm happy with you..."
We dance through the whole song. Kahit natapos na ang pagkanta ng artist sa loob ay hindi ako binitiwan ni Nicolaus. Ni hindi natigil siya natigil sa pag-alo at yakap sa akin.
Maingat kong inangat paalis sa kanyang dibdib ang aking mukha. Napatingala ako sa kanya. His glistening dark orbs stare intently at me. He looked at me like I was the only beauty he could see.
Hindi ko napigilang mapalunok nang basain niya pa ang kanyang mga labi matapos matitigan ang akin, pero bago pa siya nakagalaw sa alam kong gustong gawin ay natigil na kami sa pagliwanag ng kalangitan!
I jumped when I saw the fireworks coloring the dark sky. Dahil do'n ay naghiwalay kami. We both chuckle and stare at the display.
"Ahh..." Mahina niyang bulong habang patuloy ang pagkulay ng mga paputok sa langit.
Lito akong napabaling sa kanya. Nanatili ang masuyong ngiti sa kanyang mga labi habang nakatitig lang sa langit.
"Hindi pa bagong taon pero parang gusto ko nang magbago," wala sa sarili niyang sambit sabay baling pabalik sa akin. "Advance happy new year, Zabryna..."
# CHAPTER 10
Chapter Ten
Courage And Braveness
I am still talking to Nicolaus on the phone when Papa called me. Kauuwi lang raw nito galing sa opisina at agad na akong pinapatawag.
Malakas ang kalampag ng puso ko habang papunta roon. I have an idea why he wanted to talk to me. Inihanda ko na ang sarili ko pero hindi ko pa rin talaga naiwasang kabahan.
"Papa..."
Natigil siya sa paggalaw sa kanyang lamesa nang pumasok ako sa loob. Ilang beses kong napansin ang pagbuntonghininga niya nang malalalim bago ko siya malapitan at mahalikan sa pisngi.
He let me sit in front of him. Tahimik lang ako at naghintay sa sasabihin niya. Hindi na ako mapakali.
"Your mother e-mailed me, Roshlin," my breath hitched at that. Tumingala ako para titigan siya.
My vacation is almost over. At natatakot ako sa mga sasabihin niya tungkol sa e-mail ni Mommy.
"And she wanted me to keep you."
My fingers continued twitching. I was so anxious of what will happen next. Hindi ako nakapagsalita, nanatili lang tikom ang bibig ko habang hinihintay siya.
"She wanted you to stay here. Dito niya gustong mag-aral ka. Do you know about this? Did she talk to you?"
Napayuko ako at bigong umiling. I don't know what to say to him. I was out of words. Ilang beses ko pang narinig ang pagbuntonghininga niya.
"Hindi ba pwede, Papa? Ayaw n'yo bang dito ako?" May lungkot sa boses kong tanong dahilan para maalarma siya.
"Of course not, anak! I love that you are here at walang kaso kung dito ka mag-aaral pero naninibago ako sa Mommy mo."
Ibinalik ko sa kanya ang mga mata. I found the courage to answer him.
"Araw-araw akong nagpapadala ng e-mail kay Mommy. She knew everything and maybe she realized that it wasn't a bad idea for me to live with you. Alam kong hindi maganda ang nangyari sa inyo noon pero Papa hindi naman masamang tao si Mommy. Baka na-realized niya ngayon na panahon na para tayo naman. That's why I left her. Gusto ko ring bigyan siya ng space para sa sarili niya. She needed that. All her life wala siyang inatupag kung hindi ako. Ngayong kaya ko naman na at willing naman kayong suportahan ako, bakit hindi natin siya pagbigyan?"
His eyes remained on me for a solid minute. Maya-maya ay Ibinalik niya iyon sa kanyang computer. Probably looking at my mother's e-mail.
"Papa..."
Napapikit siya. I gave him time to process everything.
"Hindi pa rin talaga nagbabago ang Mommy mo..." wala sa sarili niyang sambit. "She really loves to deliver unexpected messages through e-mail. Ilang beses na niya akong nasorpresa sa ganito."
I don't know if that was a good thing, but I found myself holding Papa's hand.
It was indeed my mother's only way to communicate with us. Sa kanya rin ako nasanay. My mother doesn't have any social media accounts. Nang gumawa ako, mas preferred niya pa ring sa e-mail kami nag-uusap. She hardly calls my phone, too. Kaya nakatodo ang notification ko hanggang ngayon dahil doon lang niya gustong makipagpalitan ng mensahe sa kahit na sino.
Mahabang minuto nang katahimikan ang lumipas sa pagitan namin ni Papa. He remained unsure and a bit emotional.
"Kung ayaw n'yo ay pwede naman po akong—"
"You will stay, Roshlin anak... I will talk to your mother pero walang kaso sa akin ang pananatili mo rito," hinawakan niya rin ang kamay ko. "Okay lang ba sa 'yo? Kinabukasan mo ang nakasalalay rito. Kaya kong ibigay lahat nang 'yan, pero siguraduhin mong iyon ang gusto mo, anak. Do you want to live here? With me? Without your mother?"
Marahan akong tumango, pilit na itinago ang lahat nang emosyon. I am happy to know that he was willing to give me an education. Maging ang pagpapatira sa akin rito kahit na alam kong magiging big deal iyon sa kanila ni Tita Myrcelle. Ngayon pa nga lang ay nakikita ko na ang reaksiyon ng mga babae.
"Hindi po ba ako makasisira sa inyo ni Tita Myrcelle?"
"You don't have to worry about that. Ako na ang bahala doon. Gusto kong pag-isipan mong mabuti dahil malaking desisyon ang gagawin mo. If you really want to stay here then you might as well think about what you're going to pursue. May mga unibersidad dito na pwede mong pasukan depende sa kursong gusto mo. Sabihan mo ako kapag nakapagdesisyon ka na. Gusto kong pag-isipan mong mabuti. Hindi dahil magkaaway kayo ng Mommy mo ay iiwan mo na siya. She sacrificed a lot for you anak and you know that so think about it. Give it a day or two then we will talk again."
I agreed with my father. I wanted to give myself some time to take it all in, but I was bombarded by questions the next day.
Nakahalukipkip ang kamay ni Essa sa harapan ko nang maiwan kaming tatlo sa patio matapos kumain ng tanghalian.
"Is it true that you will stay here for good? Anong nangyari sa bakasyon lang?" Nakataas ang isang kilay niyang tanong, mukhang alam na kaagad nila ang lahat nang napag-usapan namin ni Papa kagabi.
Walang pasakalye akong tumango.
"At saan ka naman mag-aaral? Anong course ang kukunin mo?"
I haven't thought about that yet. Hindi ko alam kung saan ako dapat mag-aral. Ayaw ko rin sana talagang kausapin ang dalawa dahil alam ko na kung saan papunta ang lahat pero hindi ko na naawat ang sariling sumagot dahil sa panibagong tanong ni Fyrcelle sa akin.
"Ayaw na ba sa 'yo ng nanay mo kaya itinapon ka na talaga dito?"
"That's not true."
Her eyebrow shot up dramatically. "Or baka naman nalaman na ng nanay mo na sobrang yaman ni Daddy kaya gusto niyang dumito ka?"
Their words were too sharp, but what I didn't like was the way they involved my mother into this.
"Ano ngayon kung mayaman si Papa? Bakit kailangan mong banggitin ang nanay ko?"
They both chuckle at that. Mas lalo akong nairita.
"Alam mo na. Baka akala ng nanay mo may mamanahin ka sa Daddy namin kapag dumito ka nang matagal?" Si Essa na nananatili ang panunuya sa tono.
"Baka nangangarap pa ang nanay mo na maambunan ng pera galing kay Daddy?"
Pakiramdam ko'y may nagpintig sa utak ko kaya marahas akong napatayo!
"How dare you!"
May panunuya nila akong pinantayan. "Bakit ka galit? Totoo ba? Guilty ka?"
"Huwag mong idamay ang Mommy ko rito! I'm warning you!"
"And what, huh? What will you gonna do about it?" Matinis na humalakhak si Fyrcelle na nagtatagumpay dahil parang bigla na akong sasabog sa galit!
"Ano? What will you gonna do, huh? Iiyak ka ba? Magsusumbong ka kay Daddy na hindi totoong gusto ng pera ng nanay mo kaya ka itinapon dito?"
Mabilis kong nakuha ang baso kong puno ng tubig at agad na isinaboy sa mukha niya! Mabilis rin silang napuno sa ginawa ko at agad akong pinagtulungan!
Sunod ko na lang nakita ang sarili kong nasa ibabaw ng lamesa habang hawak ang mga buhok ng dalawa na patuloy sa pagsigaw at pagmumura sa akin!
The bitches doesn't know how to fight! Puro salita lang ang kayang gawin kaya ni hindi nakaganti sa akin maliban sa kalmot ng fake nails ni Essa sa leeg ko.
It was a total chaos. Kahit na para akong nabibingi at namamanhid sa galit ay hindi natigil ang pagdating nang sigawan sa aking tainga.
I became unstoppable. Hindi ako madaling magalit pero kapag si Mommy ang pinag-usapan ay handa akong makipagpatayan para sa kanya. Kahit sino o kahit ano pa ay babanggain ko maipagtanggol lang siya.
The bodyguards pulled us apart. Hindi natigil sa pagsigaw ang mga babae lalo na nang lumabas pabalik sa patio si Tita Myrcelle na halatang nabulabog sa kaguluhan!
"Mommy that fucking bitch started everything! Palengkera! Ganyan siguro pinalaki ng nanay niyang cheap!" Essa shouted while pointing her fingers at me.
Niyakap ako ni Manang Cancia nang akmang susugurin ko na naman ang dalawa. Kuya Faun, my bodyguard held me firmly, too.
"Tama na, Roshlin... Tama na..." si Manang Cancia na alalang-alala para sa akin.
Nagpatuloy sa pagsusumbong ang dalawang demonyo. Toni, the maid who was serving us when the fight ignited attest and sided with the girls. Sinabi nitong ako nga ang nagsimula ng away.
Sa puntong iyon ay galit na lang ang nananalaytay sa buo kong pagkatao. I've never felt this mad my entire life. Talagang ngayon lang at ang galit na iyon ay hindi napalitan nang takot kahit pa nang si Tita Myrcelle na ang humawak sa akin.
Nanggagalaiti niyang hinawakan ang panga ko dahilan para mabuwal ang dalawang nakahawak sa akin.
"How dare you touch my daughters?!" Sigaw niya sa aking mukha.
My teeth gritted at that, but I didn't flinched at her words. If I was only that bad, talagang pati siya ay babastusin ko. Hell, I wouldn't hesitate to hurt her, too, but that would only validate her daughter's words against my mother so I calmed myself down.
Mabuti na lang talaga at hindi ako pinalaki ni Mommy nang gano'n. Ayaw ko siyang ipahiya sa nakatatanda sa akin. Nakipagtitigan ako sa nag-aapoy na mata ni Tita Myrcelle.
"Madam, huwag n'yo namang saktan ang bata—"
"Manahimik ka, Cancia! Umalis ka sa harapan ko dahil baka kapag hindi ako nakapagpigil ay tanggalin ko kayong lahat ng muchacha sa trabaho!"
Pumiglas ako sa pagkakahawak niya dahil alam kong hindi imposibleng madamay nga ang mga ito sa galit dahil sa akin. Umamba siya ng sampal pero hindi ko ipinakita ang pag-iwas.
Mas lalo siyang nagngitngit sa ipinakita kong tapang. Imbes na ituloy ay dinuro-duro niya na lang ako sa noo!
"Wala kang karapatang saktan ang mga anak ko lalo na sa pamamahay ko!" He said before he pushed me. Mabuti na lang at nasalo ako ni Kuya Faun kaya hindi ako nalaglag sa sahig.
"Consider this as a warning, Roshlin. Pumapayag akong patirahin ka rito dahil lang sa ama mo pero kung ganito ang ipapakita mo sa akin ay mabuti pang magbalot-balot ka na at bumalik sa pinanggalingan mo!"
Hinayaan kong sigawan niya ako. Hinayaan kong husgahan niya ako kahit na hindi niya pa alam ang buong nangyari dahil alam ko namang kahit na ang mga anak niya ang mali ay hinding-hindi niya ako kakampihan.
Ang mga Ate ang tumulong sa akin para mailayo sa mga impakto sa buhay ko. Kahit na maliit na kalmot lang ay ginamot nila iyon.
"Roshlin, bakit naman kasi pinatulan mo pa ang mga demonyita mong step sisters? Alam mo namang mapapasama ka lang hindi ba?"
"Nati, tama lang 'yon! Kulang pa nga sa sabunot eh! Aba, hindi tama na bastusin nila si Roshlin at idamay pa ang Mommy niya sa usapan! Mga walang modo talaga! Manang-mana sa pinagmanahan!"
"Kayong dalawa, tama na iyan." Putol ni Nanay Cancia sa mga ito nang makapasok sa silid ko.
Tinapos ni Ate Flor ang pagtatali sa aking buhok bago sundin ang kanyang Tiya. Nang makalabas ang dalawa ay maingat na naupo sa tabi ko sa kama ang matanda.
"Roshlin, anong nararamdaman mo? Maayos ka na ba?"
Tumango ako at payak na ngumiti. "Pasensiya na po sa gulo, Manang."
"Hindi ko sinasabing hindi ka dapat lumaban, pero hija, ayaw ko namang masaktan ka. Alam mo namang mainit sa 'yo ang dugo ng mga iyon at alam nating wala talaga silang masasabing maganda sa 'yo lalo na't ikaw ang totoong anak ni Senyor Rucio pero ang mga ganito ay sana'y matutunan mong palampasin. Umiwas ka sa mga bagay na ikasasakit mo."
Napayuko ako't nalaglag ang titig nang hawakan niya ang aking kamay. I felt like crying, but I don't want to waste my tears. Maayos ako. Magiging maayos lang ako.
Nagpatuloy sa mga pangaral si Manang Cancia hanggang sa tawagan na ako ni Daddy. Gabi na nang malaman niya ang lahat nang nangyari.
I expected him to scold me because I know Tita Myrcelle would surely make me look bad, but Papa remained calm on the other line.
He asked me what happened. Sinabi ko ang lahat ng totoo and surprisingly, he understood.
"Naiintindihan ko ang sitwasyon mo, Roshlin. Alam kong magiging mahirap sa 'yo lalo ang pakisamahan ang mga kapatid mo at ang Tita Myrcelle mo pero hayaan mo't kakausapin ko rin sila. Sa susunod ay sa akin mo na lang sabihin ang lahat para wala nang gulo. Ayaw kong nagkakasakitan kayo dahil iisang pamilya na tayo ngayon. Anak, please don't do it again."
I heave a sigh and nodded as if he was in front of me. Naintindihan ko naman and I admit that I act impulsively at ayaw ko na ring mangyari ulit iyon so I promised him that I'll try.
"Are you disappointed of me? Naiisip mo rin bang gano'n ako pinalaki ni Mommy?" Tanong ko dahil dama ko ang lungkot sa boses niya.
I was surprised to hear him laugh a little. "You remind me of your mother so much, Roshlin... You got her courage and braveness. She was just like you when we were in college. Palagi iyong nasasangkot sa gulo, but one thing is for sure. Your mother was a fair woman. Kung ano ang mga kilos niya ay dahil lamang iyon sa mga pinaniniwalaan niyang tama at mabuti. Naiintindihan ko at hindi lang ikaw ang may mali sa nangyari kanina. I will talk to them when I get back. I'm sorry I wasn't there."
I appreciate my father for talking to me. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko lalo na sa sinabi niya tungkol kay Mommy. Fair enough, pag-uwi niya nga ay ipinatawag niya ang dalawa sa kanyang opisina.
Hindi na ako nakialam pero dahil hirap pa rin akong makatulog sa dami nang nangyari ay nagawa kong replayan si Nicolaus. Kanina pa siya nagti-text pero ngayon ko lang nahawakan ulit ang telepono ko.
Ako:
Are you still up?
Muli ay lumakas ang kalabog ng aking dibdib nang makita ang kanyang pagtawag.
"Ano? Napuruhan mo ba? Nasaktan ba ang bebe ko?" Bungad na tanong niya sa akin matapos kong sagutin ang kanyang tawag!
"Hay, Nicolaus..." tanging naisagot ko.
Kuya Faun probably told him. Kaya siguro kanina pa text nang text sa akin dahil nag-aalala.
"Ano nga? Okay ka lang ba? Susugod na ba ako diyan, ha?"
"Away babae 'yon."
"Oh, eh ano? Kaya kong sapakin lahat 'yan para sa 'yo! Ano sila gold?!"
"Kumalma ka. Buhay pa naman ako."
He '
tsked
' on the other line. Ilang mabibigat na paghinga ang narinig ko pero sinunod naman ako kaya mas naging mahinahon ang boses niya sa muling pagsasalita.
"Okay ka lang ba?"
"I'm okay."
He heave another heavy sigh. "Sabihin mo kapag hindi, itatanan kaagad kita."
"Nicolaus!"
Napahagikhik siya sa naging reaksiyon ko kaya parehas na lang naming tinawanan ang nangyari.
"Akala mo ba nagbibiro ako? Kahit sirain mo pa buhay ko Zabryna, G 'to."
"Nakalimutan mo bang uminom ng gamot mo, ha? Ang lakas na naman ng tama mo, eh!"
"Malakas naman palagi pagdating sa 'yo."
He did not stop making me smile. Eventually, his words made my heart light again. Marami kaming napag-usapan. Nalihis ang utak ko't nalayo kahit paano sa masalimuot na nangyari hanggang sa matapos kami.
I researched about all the universities the next morning. Bago gumabi ay nakapagdesisyon na kaagad ako kung saan ako mag-aaral and Papa eventually agreed to it.
"Unibersidad de Buenavista, good choice, Roshlin."
~~~~~~~~~~
Full version of this story is only available on Patreon and VIP group. Click the link on my bio to subscribe or message me for details.
# CHAPTER 11
Chapter Eleven
First Day
Hindi natigil ang mga regalong padala sa akin galing sa iba't-ibang pamilya matapos ang party ko. Halos araw-araw ay naghahakot ng mga bulaklak sila Ate Nati para gawing dekorasyon sa bahay at ang iba naman ay dinadala sa kwarto ko.
Some were expensive gifts, jewelries, shoes, you name it, but what triggers my step mother and sisters was when I received a special package from the Lardizabal's. It was a special diamond collection that was custom made for me.
Halos madurog ang mga ngipin ni Fyrcelle nang si Isaac pa mismo ang magdala no'n sa bahay. Papa invited him for lunch and the topic was all about the collection.
"My mother also wanted Roshlin to be the face of our new collection, Tito," namilog ang mga mata ko't bahagyang bumagal ang pagnguya dahil sa narinig.
My father was speechless at that, too. Alam kong natutuwa rin siya pero mas lamang ang gulat.
"Isadora told you that?"
Isaac nodded vehemently. "She actually sent me here to convince Roshlin," he said before he turned to me. "I'm sorry if I had to talk about it now. Alam kong tatanggihan mo kaagad kapag sinabi ko nang tayo lang dalawa, eh."
"Oh, Hijo! Talaga bang sinabi iyan ni Isadora? What happened with our brainstorming involving my daughters to be the new face of Lardizabal's Diamond?" Singit ni Tita Myrcelle, halatang pinipigil ang pagsabog ng galit at iritasyon sa lamesa.
"Isaac, you said Tita wanted us to do some projects for that?" Si Fyrcelle naman, dismayado na rin.
"Yeah, it's a different project. My brother saw Roshlin wearing his piece and he has a big upcoming collection. Gusto niyang si Roshlin ang maging mukha no'n."
"Oh that's great!" Papa blurted habang ako naman ay tulala pa rin.
"What do you say?"
"I-I don't know what to say. I haven't done any shoot or something that involves camera in a professional level."
Isaac smiled sweetly at me. "Don't worry. Marami ka pa namang oras na magdesisyon dahil sa pagtatapos pa iyon ng taon kaya take your time. Don't stress about it too much. Kapag hindi ka komportable, you can always say no. Ako nang bahalang magpaliwanag."
"But this is a one time opportunity, anak," singit ni Papa. "Lardizabal's were very picky about choosing people for their brand. They never pick someone base lang sa popularity. They choose people who could really represent their business. This is already an honor. I'm impressed."
Natahimik lalo ang tatlong babae sa naging daloy ng usapan. Papa looked so proud of me. Si Isaac naman ay ayaw akong pilitin pero dama ko rin ang kasiyahan niya at kagustuhang mapapayag ako.
It was too much to take it all in. And I felt like opportunities like this will be the reason why Papa's family would hate me more. As much as I wanted it dahil hindi naman ako ipokritong tao, parang hindi ko pa rin kayang isipin na wala ka namang ginagawa at hindi mo naman hiniling ang lahat ng mga biyayang dumarating sa 'yo pero hindi mo rin kayang kontrolin ang inggit ng mga tao.
I felt like this would be my life now. Na kahit anong gawin ko, people would always see me as their enemy. And it sucks because all I wanted in the first place was to be with my father.
"Where's Lola? Bakit hindi mo man lang siya ni minsan dinala rito?" Tanong ko kay Isaac isang araw nang bumisita ulit siya.
Saktong nasa galaan pa sila Essa kasama ang mga kaibigan kaya nagkaroon kami ng pagkakataong makapag-usap.
"Ayaw ni Tita Myrcelle. Sila Essa rin ay allergic sa pets kaya hindi siya pwede rito."
Nalungkot ako bigla. Kung gano'n ang siste, kahit pala balakin kong mag-alaga ay hindi rin pupwede. That would create another war.
"You're a dog lover. What breed do you love most?"
His question put a smile on my face. "I had a chocolate labrador once and a golden retriever. Kahit ano naman, but my dream dog is a large size labradoodle."
"A combination of the two smartest dog breed. Nice."
Napatango-tango ako. "How about you? And how many dogs do you have aside from Lola?"
"I have five. Two from Lola's litter and two different breeds. A rotty and a Doberman. Lahat dream dog ko."
I was amazed and excited to know Issac's love for dogs. Our conversation went on and on. Ipinangako niya pang ipakikilala niya ako sa mga ito. Doon umikot ang usapan namin hanggang sa makauwi ang magkapatid.
Since the fight, umiwas na ako sa kanila. Good thing Papa allowed me to have the only bedroom on the other side of the second floor, malayo iyon sa kwarto nila ni Tita Myrcelle at sa mga anak nito.
Since it was decided that I will stay and study here, pinalipat na rin ako ng kwarto ni Papa. He wanted to renovate my new room based on what I like, but I told him that I was fine with it.
"Bakit? Naalala n'yo na naman si Mommy?" May pang-aasar kong tanong sa kanya nang bisitahin niya ako sa aking kwarto isang araw matapos kong mag-enroll kasama si Ate Nati sa Unibersidad de Buenavista.
Ayaw sana ni Papa dahil ang gusto niya ay magkakasama kami nila Fyrcelle sa St. Catherine Laboure, ang nag-iisang pribado at mamahaling university sa lugar pero ipinagpilitan kong okay na ako sa UDB.
Papa agreed with me that I would learn more from that school because he and my mother graduated from there. Gusto ko dahil bukod sa mura at posible pang makakuha ako ng scholarship para hindi masyadong maging pabigat, malaki rin ang potential na mas matuto ako dahil sa dekalidad na pagtuturo sa nasabing paaralan. I did my research and most of the board passers were from UDB. No wonder why people from different towns came here to study.
Papa nodded at me. Lumapit siya sa akin at matamang sinipat ang kabuuan ko. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pangingislap ng kanyang mga mata nang haplusin niya ang aking nakalugay na buhok.
"Para sa akin ay kamukha mo ang Mommy mo. You got almost everything from her and I thank God for that."
"Papa, you are not that bad. Kalahati ko ay ikaw. For sure there are a lot of qualities that I got from you, too. Parehas akong maswerte sa inyo ni Mommy."
Sinang-ayunan niya ako bago siya naupo sa isang silyang naroon. Naupo naman ako sa harapan ng aking vanity mirror.
"Sigurado ka na ba sa kursong kukunin mo? Did you ask your mother about it?"
Tumango ako kaagad. "Are you disappointed that I chose culinary instead following your footsteps of becoming an engineer?"
Papa's lips formed a thin line as he shook his head. "I don't want you to follow anyone steps, anak. I want you to create your own. Ngayon pa lang, kahit anong mangyari ay susuportahan kita. I will always be proud of you no matter what you will become."
"What if I don't become someone else in the future?"
"Then at least just be yourself. Wala ng mas hihigit pa sa buhay na ito kung hindi ang mahanap mo ang totoong sarili mo. If you finally find who you truly are, joy, contentment and acceptance will follow you. Lahat ng magagandang biyaya sa buhay ay kusang darating sa 'yo at iyon ang importante."
His words were pinned in my heart. Papa was a genius and he always makes sense. Hindi na nakapagtataka kung marami ang nagkandarapa sa kanya noon.
My mother was a lucky girl for having him as a husband. Kung ano man ang nangyaring mali sa relasyon nila ay parang hindi ko na dapat pang malaman.
I was grateful for my father for accepting me after years of being apart. Kahit na patay na ako sa pagkakaalam niya ay tinanggap niya pa rin ako ng buong buo at hindi siya nagduda.
Simula ng makapasa ako sa UDB ay bumalik na sa utak ko ang lahat ng mga dapat kong gawin sa buhay. This was a once in a lifetime opportunity and I wouldn't fuck it up. That being said, I avoided Nicolaus and his cousins.
Minabuti kong lumayo at manahimik dahil pakiramdam ko ay kapag napalapit ako lalo sa kanya ay madi-disappoint ko si Papa.
Sa pagpunta ko rito ay marami akong isinet na goals sa buhay at ang pakikipagrelasyon ay wala roon. I promised myself that I will never have a relationship until I graduated and became successful. Ipinangako ko rin sa sarili ko na ang taong mamahalin ko ay successful na rin gaya ko. Ngayong alam ko ang estado ng buhay ni Papa at ang reputasyon niya ay mas dapat ko lang iyong panindigan.
There were a lot of new rules set by Tita Myrcelle. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay walang palya ito sa pagpapaalala sa akin sa mga patakaran niyang tingin ko'y mas mahigpit para sa akin kumpara sa kanyang mga anak.
"You have to be at home before eight in the evening, nine at most. You will never entertain someone who will cause trouble for this family. Marami kang makakasalamuhang mahihirap sa paaralang iyan kaya mag-isip ka sa bawat galaw mo. Don't let yourself adapt to how they live their lives. You are an Almanzerano and we expect you to act like one. Huwag kang gagawa ng ikasisira ng pamilyang ito at lalo ng pangalan ng ama mo, do you understand?"
I got bored by her litany, but I still agreed to her terms. Alam kong mainit ang dugo niya sa akin at hindi na iyon huhupa pero ayaw ko nang makipagtalo pa. Mas importante and edukasyon ko kaysa sa pakikipagtalo sa mga ito kaya doon ako mag-fo-focus.
Nicolaus and his cousins did not stop texting me. Isang linggo bago ang pasukan ay nakaya ko pa rin silang tiisin. I badly wanted to hang out with them, but space is all I need to guard my heart.
I like Nicolaus. I adore him for making me happy and appreciated, but I wasn't quite sure about the path that he wanted us to take. He was a playboy. Kahit na paulit-ulit kong sinasabi sa sarili kong mabuti siyang tao ay tama siya, hindi pa rin ako dapat magtiwala sa mga taong bagong kakikilala ko lang.
Good thing Isaac and his friends let me hang out with them. Wala nang nagawa si Essa at Fyrcelle dahil gaya ng sabi ni Papa, ayaw na niyang mabalitaang mag away-away pa kami.
"Sayang naman, Rosh! Bakit hindi ka na lang rin sa SCL pumasok? We love having you around. Mas fun sa university namin and besides, we are already your friends. Sa UDB, wala ka pang kaibigan." Si Saphia na hindi na nakatiis nang sabihin ko ang balita.
"Okay lang 'yon. It's nice to hang out with you, but it's already decided."
"You said you have friends here, right? Naalala kong nabanggit mo noon?" Si Lucille naman.
I sipped on my juice to avoid their questions, but I was surprised to hear Rosalie joined our conversation.
"The guy with the long hair, Rosh! Oh my Gosh I almost forgot about that! She's friends with them, Essa!"
Nalukot ang noo ko't bahagyang kinabahan lalo na nang hilahin ng babae si Essa palapit sa amin nina Lucille. Isaac and the rest followed them.
"Do you remember that amazing dance group who performed and won last fiesta? Iyong may mga members na gwapo?! I saw Roshlin with one of them!"
Essa's eyes darted on me. Napatuwid ako ng upo lalo na't kahit walang nagtanong ay nagpatuloy si Rosalie sa pagkukwento.
"Nakita ko sila noong gabi ng party ni Roshlin na sabay pumasok pabalik sa hall after the fireworks display! You knew them Rosh, right? Sila ba ang friends mo?"
"You're friends with the locals here? How?" Nakahalukipkip na tanong ni Essa.
Fyrcelle and everyone was curious about my answer. Wala na akong nagawa kung hindi ang sumagot.
"Nakilala ko sila noong araw na makarating ako rito. They had some dance off at the parkour."
"That's the day we met, too, right?" Manghang singit na rin ni Isaac.
"You two met there?!" Fyrcelle blurted.
"Yeah. Naalala ko na."
Mas lalong naintriga ang mga babae. "So you knew them? Sila ang friends mo?!"
Lito pa rin akong tumango kahit na hindi na ako sigurado sa bagay na iyon. The girls became more interested of me because of that. Doon umikot ang usapan namin hanggang sa makauwi kami sa bahay.
I was tempted to text Nicolaus the night before the first day of school. Simula nang hindi ko na siya kausapin ay nag-lie low na rin ito sa pangungulit.
Naintindihan ko naman and I like that he gave me space, too, lalo na't ang alam naman niya ay bakasyon lang ako rito at hindi magtatagal, but I felt like my soul left me when he was the one I saw after being dropped off of the campus.
Kapapasok ko pa lang sa gate ng Unibersidad de Buenavista ay siya na kaagad ang nahagip ng mga mata ko!
My heart pumped so hard in my chest! Agad sumilay ang mga ngiti sa labi ko dahil sa excitement, pero bago pa ako makagalaw para malapitan siya at mabati ay naunahan na ako ng isang babae.
My heart thud when the girl joyfully run towards him. Malawak ang ngiti nito na parang biglang lumiwanag at gumaan ang kanyang mundo dahil sa lalaki, pero tuluyan na yatang nahinto ang pagtibok ng puso ko nang malugod siyang salubungin ni Nicolaus ng yakap... at agad na siniil ng marubdob na halik sa mga labi.
Full version of this story is only available on Patreon and VIP group. Click the link on my bio to subscribe or message me for details.
🖤
Don’t be shy to interact with your fellow readers, but please do respect each other’s opinion. Let’s create a healthy space. Happy reading! Love you all!
CHAPTER 12
Chapter Twelve
Flier
I shouldn’t be affected by what I saw earlier, pero nasa unang klase na ako at napapalibutan ng mga kaklaseng gustong makipagkilala ay hindi nawala sa utak ko ang halikan ni Nicolaus at ng babaeng iyon.
Hindi naman na dapat ako magtaka. Knowing Nicolaus’ reputation, normal na iyon, but I was really damn affected. Maybe because I saw all his efforts when he pursued me the whole vacation.
Oo nga’t ang pagkakaalam niya ay aalis rin ako at iyon rin ang dahilan kung bakit pilit ko siyang itinataboy kapag nagpapahayag siya ng pagkagusto sa akin pero kahit paano ay naramdaman ko rin ang kaseryosohan niya… or maybe that’s just him? Maybe I was just a summer fling to him? Maybe he was just challenged of me pero ang totoo, wala lang ’yon sa kanya?
Ipinilig ko ang aking ulo at pilit na itinuon ang atensiyon sa mga babaeng nasa aking harapan.
I’m here not to think of anyone or anything, but my studies. Ngayong pumayag na si Papa at maayos na ang lahat ay iyon ang dapat kong pagtuonan ng pansin. Okay na rin iyong mayroong ibang babae sa buhay ni Nicolaus dahil kahit na ipagpatuloy niya ang panlalandi sa akin ay hindi pa rin naman pwede.
“Bago ka lang rito, ’no?”
Tumango ako kaagad sa babaeng naiwan sa tabi ko matapos batiin ang mga nag-hello sa kanina.
“Gano’n ba talaga ka-obvious?”
She smiled sweetly and then nodded at me. “Medyo. I’m Ivana. Don’t worry, I’m new here, too.”
“Nice to meet you, Ivana.”
“We’re block mates, ibig sabihin buong semester tayong magkasama so let’s make this work, okay lang ba? Friends?”
Magiliw akong tumango. “Sure, friends.”
“Great!”
We both laughed. Nagpatuloy ang pag-uusap namin. She was fun to talk to. Medyo parehas kami ng trip sa buhay, but when she pulled out the Shakey’s paper bag on her back pack, na-in love na yata ako sa kanya.
“Mojos?”
I should say no, but mojos was one of my kryptonite. Mabilis nag-amoy pagkain ang buong classroom dahil sa pagkain namin. Kahit nang dumating ang aming professor ay nagpatuloy kami sa simpleng pagkain dahil hindi pa naman pormal ang klase. Bukod sa pagpapaliwanag ng syllabus ay wala naman nang masyadong ginawa. That went on with the next subjects until lunch time came.
I was amazed with the university’s view. Habang tinatanaw ang malawak at berdeng field na may mga nagkalat na estudyante ay hindi mapigilan ng puso ko ang pagtutumalon dahil sa nag-uumapaw na tuwa.
This was once my mother’s view. Papa told me she was smitten by my mother the first time he saw her here. Kahit na sobrang sikat daw siya noon lalo na’t palaging siyang MVP ng kanilang basketball team ay hindi naman siya kilala ni Mommy.
Ang sabi niya ay wala raw kasing gustong atupagin si Mommy kung hindi ang pag-aaral, but because he was in love the first time he saw her, siya ang gumawa ng daan para makilala si Mommy. He said he did what all creepy stalkers do. He sent her flowers, chocolates and everything anonymously. And one time, nang hindi makuha sa gano’n ay itinodo na niya ang pagiging weirdo. Ang unang beses na nagkausap daw sila ay nang tabihan na niya ito sa isa sa mga bench na ngayo’y natatanaw ko.
Ivana’s curiosity of my sudden happiness while running towards the benches was intense. Gayunpaman, wala siyang nagawa kung hindi ang sundan ako.
“Anong hinahanap mo?”
“My parents were both alumni’s of this university. Naalala ko lang ang kwento ni Papa tungkol sa ilang bahagi ng love story nila.”
“Oh, so how come na bago ka lang dito?”
“My mother left Buenavista when they separated. I was young, hindi ko na maalala.”
Naramdaman ko ang pagtigil niya sa pagsunod sa akin dahil doon. Nilingon ko siya’t nginitian.
“It’s okay, Ivana. Matagal na panahon na ’yon. It’s not a big deal anymore. My father has his own family now.”
She sprinted to keep up on me. “So you’re living with them now? Where’s your mom?”
Napalunok ako’t hindi kaagad nakasagot. Muli ko siyang hinarap.
“She’s in Macau. I was young when she took me away from my father. Mahabang kwento. Oh! Here it is!”
Nawala ang atensiyon ko kay Ivana at agad napaluhod sa bench nang makita ang sinasabi ni Papa na inukit niyang initials nila sa bench kung saan siya sinagot ni Mommy.
Pinagpag ko ang mga alikabok na kumapit doon. I slowly run my fingers through it lalo na sa puso na si Mommy naman ang nag-ukit.
“That’s romantic as fuck. When kaya?”
Sabay kaming natawa. Doon na kami kumain ng tanghalian ni Ivana. She told me something about her. She was from a town hours away from here. Aniya ay gusto raw ng mga magulang niyang dito siya mag-aral dahil sa dekalidad na edukasyon kaya kahit na pwede namang sa kanila ay pumayag na rin siya. She said she wanted to try and be independent, too. May kaya ang pamilya niya kaya suportado siya pero balak niya pa ring maghanap ng trabaho para mas masanay sa buhay. That inspired me to do the same.
“Tingin mo kakayanin ’yon after class?”
“Oo naman! I know someone from this place. Kaibigan ng kapatid ko. She owned a restobar named Wish You Were Beer. Malakas iyon lalo na tuwing gabi at pwede ko siyang kausaping bigyan tayo ng part time kung gusto mo.”
I almost said yes to that. Working was one of the things I was so eager to do. Kahit na may pera naman ako ay gusto ko pa ring pagdaanan iyon lalo na’t ayaw kong dumepende sa suporta ni Papa. I need to earn on my own. Hindi pwedeng aasa lang ako sa hingi, but then I don’t know how.
I have full units this semester. Pwede naman sa gabi kaso nga lang ay may curfew naman ako. I told Ivana that I’ll think about it. Siya naman ay sure na sure na dahil gusto niya rin talagang panindigan ang layang ibinigay sa kanya ng kanyang mga magulang.
Naging maayos ang mga sumunod na araw ko sa unibersidad. People are actually friendly and nice to me. I’m glad no one recognizes me yet. Wala akong nakilala mula sa party ko. Maybe because most of them were studying at SCL like my step sisters. Mabuti na lang rin talaga dahil ayaw kong mag-iba ang tingin nila sa akin. Money could be intimidating sometimes and I don’t want that. Besides, ang Papa lang naman ang mayaman at sikat, hindi ako.
Mabilis kong hinila si Ivana isang araw nang matanaw ko ang magpipinsang pasalubong sa aming direksiyon!
Simula nang hindi ko na kausapin ni isa sa mga Cordova ay nawalan na rin kami ng komunikasyon. They are still not aware that I’m now studying in the same university as them.
“What the heck! Bakit?”
“M-may nakalimutan pala ako sa classroom! Samahan mo na ako hindi pa naman tayo male-late!”
“But, Rosh–”
Hindi na niya naituloy ang mga sasabihin nang kaladkarin ko na siya pabalik sa lumang building. Iyon nga lang, nahirapan kami nang mapadaan sa mga booths na nagre-recruit sa iba’t-ibang club.
Ivana was curious. Halos hintuan niya ang lahat kahit na ilang beses ko siyang hinila pero natalo niya ako nang matapat kami sa bulletin board na kumuha sa kanyang atensiyon.
“Omg Roshlin! Omg!”
I cursed when she pulled me into the crowd to get a flier! Mas lalo akong kinabahan dahil bukod sa alam kong maaabutan na kami ng mga Cordova ay nakita ko na rin ang hawak ni Ivana.
“Elite Dynasty Movement!” Ivana almost screamed with so much happiness!
Yakap niya ang flier. Bago ko pa siya mahigit muli ay lumakas na ang hiyawan!
Napapikit ako nang mariin. Agad kong binitiwan si Ivana dahil alam kong hahatakin niya rin ako palapit sa kinababaliwang grupo ng lahat. Kahit labag sa loob ko ay iniwan ko na siya doon bago pa ako makita ng mga Cordova.
Hinihingal ako nang makarating sa second floor habang sapo ang dibdib! Oo nga’t wala naman akong nagawang kasalanan at wala akong dapat pagtaguan pero nahihiya ako sa hindi ko pagsagot sa kanila. For sure, kapag nakita nila ako ay hindi maiiwasan ang tampo dahil masaya naman ang naging samahan namin nitong bakasyon at ako lang talaga ang umiwas.
I texted Ivana na magkita na lang kami sa next class namin. Nang makabawi ay sa kabila na lang ako dumaan para hindi ko na mabalikan pa ang kaguluhan sa ibaba. I’ve never been in the old building. Lahat kasi ng klase ko nitong mga nakaraan ay nasa bago.
Somehow, my heart felt at peace just by walking down the old hall. Hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin si Mommy at Papa. Hindi ko man alam ang buong kwento kung paano ang naging relasyon nila noon sa loob ng campus, but for sure their relationship made everyone envy.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa dumami na ang mga estudyante sa hall. I was minding my own business when my feet put to halt after I saw a familiar man looking right back at me.
Laglag ang panga niya habang nakatitig sa akin. Sumakto kasing humawi ang mga tao at saktong nagtapat kami. Some of the fliers he was holding fell on the floor.
“Z-Zabryna?” hindi makapaniwalang bulalas ni Riggwell na tila nananaginip habang walang kurap ang titig sa akin.
Nagmamadali niyang inihagis ang lahat ng mga fliers sa hallway nang masigurong ako nga ang nasa harapan.
“Ikaw nga!” mas malakas niyang hiyaw!
Ang ilang mga taong nasa lamesa at nagbabantay sa labas ng auditorium ay walang nagawa kung hindi ang mapailing habang pinupulot ang mga nagkalat na fliers sa sahig.
Mas lumakas ang pagtahip ng puso ko nang agad niyang tapikin ang aking ulo, sinisiguro pa ring ako nga ang nasa harapan!
“Gago lods, ikaw nga!” he said, chuckling this time!
Nangislap kaagad ang mga mata niya sa tuwa. I was relieved by his reaction. Kanina lang kasi ay iniisip kong galit sila dahil sa pang-go-ghost ko pero ngayong masaya naman si Riggwell na makita ako ay hindi ko na rin napigilang mahawa.
“Sorry Riggs… S-sorry hindi ko na kayo kinausap–”
“Wait! Sandali! Huwag kang magmadali!” putol niya sabay sipat sa kabuuan ko. “Dito ka nag-aaral?!”
Marahan akong tumango. Mas lumiwanag ang mukha niya sa tuwa. Magpapatuloy na sana ako sa paghingi ng depensa sa ginawa ko sa kanilang lahat pero hindi na ako nakapagpatuloy nang agad niyang pulutin ang isang flier na hindi pa nadadampot ng kasama.
“We’re having an audition today. You don’t have to apologize, mag-audition ka lang ako pa mag-so-sorry sa ’yo.”
“Riggs–”
“Pero pwede rin namang hindi na. Everyone knew how good you are so I don’t think you need to audition–”
“Ikaw pa lang ang nakakaalam na narito ako at nahihiya akong harapin ang mga pinsan mo so I don’t think I can do it.” putol ko na sa kanya.
Bahagyang nawala ang ngisi sa kanyang mga labi. “Hindi naman matampuhin ’yong mga ’yon. I’m sure you have reasons. Okay lang ’yon, Zab. Huwag mo nang intindihin. Ang isipin mo na lang ngayon ay itong audition. Please, you have to join us.”
Napatitig ako sa flier na ibinigay niya. Dama ko ang panghihinayang habang binabasa ang lahat ng mga nakasulat. Unang linya pa lang kasi ay parang gusto ko nang umiyak dahil iyon lang rin naman ang gusto ko.
I really love dancing and doing what I love with the Cordova’s and their crew was one of the best thing for me right now. Iyon nga lang, hindi pa ako handa na makaharap sila ulit… Lalo na si Nicolaus. I don’t know what to say to him. I didn’t even know if I can face him again after ghosting him.
Riggwell let me read everything on the paper, but my heart told me I wasn’t ready. Hindi sa pagsayaw at pagsunod sa gusto ko kung hindi ang makitang muli si Nicolaus. Iyon ang mas inalala ko. I was about to tell him that, but it was too late.
“Nicolaus!” malakas niyang sigaw na mas lalong nagpasimento sa aking katawan.
Shit! I almost forgot about them!
He waved at someone behind me. Mas lalong nagwala ang puso ko nang maisip na si Nicolaus na nga iyon.
“Look who I found!”
Hindi pa man ako nakakapihit paharap ay parang mahihimatay na ako sa kaba. Tinabihan ako ni Riggwell. Napapikit ako nang mariin. Mabagal kong pinihit ang katawan paharap sa kausap niya. Hindi ko napigilang mapasinghap nang sakto iyon sa paghinto ni Nicolaus sa harapan ko.
Nahihiya ko siyang tiningala. Nakatali ang kanyang buhok. There were strands of hair on his forehead. Bahagyang nakasalubong ang kanyang makakapal na kilay at ang mga mata ay matamang nakatitig lang sa akin.
Sa aking pagkurap ay napalunok siya. There were probably a lot of questions running through his mind. I was so sure of it, but before we could say anything to each other, muli nang nagsalita si Riggwell.
“Ayieehh! Love at one hundred sight! Abunjing bunjing!”
“Roshlin!” Vivi’s hug ripped me off of Nicolaus’ gaze.
Kahit paano ay naibsan ang takot ko na muli silang makaharap dahil parang tuwang-tuwa naman si Vivi sa akin. She let me feel the longing she felt when I ghost them. Achilles and Seidon greeted me, too. Hinintay kong batiin rin ako ni Nicolaus, pero isang tango lang ang iginawad niya sa akin bago walang sabi akong lagpasan. He went inside the auditorium without saying any word.
Ang malakas na tawa ni Riggwell ang sunod na umalingawngaw sa hallway.
“Tangina ang lakas magtampoñeta ni Kulas! Parang hindi bukambibig si Zab at Shakey’s buong bakasyon, ah!”
Natatawang napailing na lang si Seidon at Achilles. Pinagdiin ko ang aking mga labi, hindi na alam ang gagawin o sasabihin pa sa kanila dahil sa pag-wa-walk out ni Nico.
“Pasok na muna kami.” Si Archi sabay sunod na rin kay Seidon na tinanguan ako.
“Pasok na rin ako, Zab. May iko-comfort lang sa loob.” Si Riggwell.
“Don’t mind them!” hinila ako ni Vivi papunta sa lamesa. “Totoo ba? Dito ka talaga nag-aaral? What course?”
I told Vivi everything kahit na ang utak ko ay naiwan kay Nicolaus na hindi na talaga lumabas matapos ang ilang minuto para man lang batiin ako.
I don’t know why, but I felt guilty. Kahit nang maghiwalay kami ni Vivi ay hindi nawala ang pagka-guilty sa puso ko. I felt the need to apologize for ghosting them. Kahit na may girlfriend na siya ay kailangan ko pa ring magpaliwanag bakit ko ’yon ginawa.
Lutang kong inangat at muling binasa ang flier na ibinigay ni Riggs sa akin kanina. Ivana kept talking about it. Natigil lang nang maghiwalay kami ng upuan. She wanted to audition. Doon ko lang nalaman na dancer rin pala ito at sobrang excited nang matapos ang klase dahil aasikasuhin niya na raw iyon kaagad. She said she already has a number at sakto raw iyon sa pagtatapos ng klase namin.
Ang dance crew ang umukopa sa utak ko. Hindi dahil gusto ko rin talagang sumali kung hindi dahil iyon lang ang nakikita kong paraan para makausap ulit si Nicolaus. Bago matapos ang klase namin ay nakapagdesisyon na kaagad ako.
“Mauna na ako. May sundo ka naman, ’di ba?”
I heave a sigh. Inayos niya ang bag sa kanyang balikat saka ako kinunutan ng noo.
I pursed my lips and then shake my head. “I’m not going home, Ivana.”
“Ha?”
“Tingin mo makakahabol pa ako sa audition ng EDM ngayon? Okay lang bang samahan kita? O kaya—”
Ivana didn’t let me finish my sentence. Agad na niya akong hinawakan at patakbong hinila patungo sa lumang building!
Full version of this story is only available on Patreon and VIP group. Click the link on my bio to subscribe or message me for details.
# CHAPTER 13
Chapter Thirteen
Audition
It was already jampacked when we got inside the auditorium. Good thing Ivana convinced someone to switch numbers with me. Hindi pa rin kami magkasunod pero magkalapit na rin kaya ayos na.
I was overwhelmed by the crowd. Simula itaas hanggang sa ibaba patungo sa stage ay puno iyon ng tao.
My eyes automatically scanned for familiar faces. Kahit nakatalikod, alam ko nang ang mga Cordova ang nasa mahabang lamesa sa harapan ng stage. They were the judges for this round.
"Siguro tapos na ang klase nila kaya sila na mismo ang mag-ja-judge at mamimili. We have to really give our best now." Si Ivana habang hila-hila ako sa numero ng upuan namin.
"Akala ko kaunti lang ang mag-a-audition. Parang mas marami pa akong nakitang estudyante rito kaysa sa field."
She chuckled at that. "I'm not from here, but I was familiar with these people. For sure naman hindi lahat ng mga narito ay dancer. Ang iba niyan ay gusto lang makita ang magpipinsan. You know, magpapapansin lang."
"That exists?"
"Yeah, just look around you."
Sinundan ko siya sa upuan nang mahanap niya ang pwesto namin. The auditorium was loud pero kapag may nakasalang sa stage na interesting at magaling ay kusang nahihinto ang usapan ng lahat ng mga naroon.
"It's your first time, 'no?"
Naipilig ko ang ulo pabalik kay Ivana. "What?"
"First time mo kakong mag-audition?"
"Obvious ba ulit?"
Natawa siya bago tumango. "You look tensed. Parang gusto kong kabahan sa kabang nararamdaman mo ngayon. I could feel it and it's intense, RZ."
Napakurap-kurap ako't wala sa sariling napabaling pabalik sa ibaba kung saan naroon ang mga judges.
Ang totoo, wala pa akong piyesa para sa audition ko. And even if I have, hindi rin ako kakabahan doon. Kahit never akong nagka-dance crew o napabilang sa ganito, dancing for me was just natural, a hobby, my passion and I love doing it. Kaya naman ako kinakabahan at hindi mapakali ay dahil kay Nicolaus.
He seemed pissed. Sa kanilang magpipinsan ay siya lang ang hindi pumansin sa akin kanina. I don't know why he hold some grudges for me when his cousins were okay with me ghosting them, pero wala na akong magagawa. All I have to do now is to get closer to him... kausapin siya if pwede at magpaumanhin na rin.
Sa buhay ko kasi ngayon ay ayaw ko na nang maraming diskusyon. I don't want to argue with anyone at mas mabuti na ring walang kaaway para magaan ang puso ko. With that, mas mag-fa-function ako ng mas maayos sa aking pag-aaral.
Habang palapit nang palapit ang numero namin ay mas lalong nanlalamig ang mga kamay ko sa kaba, but I was entertained when a girl did a chicken dance on the stage.
Sumambulat ang tawanan sa audience pero nanatiling tahimik ang mga judges. My heart jumped a bit when I saw someone from the crowd cheering for the girl who was on the verge of breaking down.
"G-go Zoey! Go Zoey! Go go go!" pumalakpak ito ng mas malakas dahilan para magtinginan sa kanya ang mga natitirang estudyanteng naghihintay ng kanilang mga turn.
I was giggling inside. Kahit kasi alam niyang sobrang nakakahiya na ng ginagawa niya ay hindi niya itinigil para lang bigyan ng lakas ng loob ang kaibigang nasa stage.
Ivana and I kept giggling because of her. She was adorable. Nagulat ang lahat nang makapasok ang kaibigan niyang totoo namang hindi magaling sumayaw pero okay na rin dahil sa pagtatalunan nila nang makababa ito sa stage at makabalik sa kaibigan. Seeing them so happy makes everyone at the auditorium happy.
I must admit, some auditionees were really good at dancing at iisa pa lang ang nakapasok na hindi magaling. Gaya ng sabi ni Ivana, nagpapapansin lang talaga ang iba and I totally get why.
Ngayon lang rin lubusang nag-si-sink in sa utak ko kung gaano kasikat ang mga Cordova at ang kanilang dance crew. Everyone adores them because they are really good at what they do. Deserved nila ang kasikatan.
"Good luck, Ivana!" I cheered when it was her turn to audition.
Just like the girl who cheered for her friend, todo bigay rin ang cheer ko kay Ivana pero dahil totoong magaling ang kaibigan ko ay halos lahat ng mga estudyante roon ay dinamayan ako.
I already expected her to get in, but I still jumped when Riggwell gave her her pass.
"Oh my God, Roshlin! This is a gold ticket!" Halos isigaw niya iyon sa aking tainga.
She deserves it. Hindi madali ang freestyle na ginawa niya at malinis ang kanyang galaw kaya dapat lang ang gold pass para rito.
Ibig sabihin, she will not go through another audition. Basta makuha niya lang ang yes ng limang magpipinsan ay diretso nang slot iyon.
Once you got a golden ticket, you automatically become a UDB dance crew member while others will have to go through series of auditions pa to fight for a spot. Once kasi na isa sa mga judges ang mag say no, wala kang gold ticket.
Ivana waited for my turn. She kept cheering me up, pero nang palapit ay doon ko na nadama ang kaba lalo pa nang magtama ang mga mata namin ni Nicolaus matapos niyang pumihit sa kanyang likuran para kumuha ng bottled water.
He stopped moving for a couple of second when our eyes locked. Pinigilan kong mapalunok. I was about to smile at him when he ripped his gaze off of me again. Bumagsak ang balikat ko, bahagyang nanlumo sa pagsusungit niya.
Hindi na bale, I will make your mouth drop later Nicolaus.
I whispered to myself.
Isang malalim na buntong-hininga ang kumawala sa aking bibig nang tawagin na ng isang miyembro ng EDM ang numero ko. Ivana pat my shoulders as if I was going to a boxing ring.
"You got this, Rosh! Make me proud!" She cheered for me.
Tumayo ako at naglakad palapit sa stage. Doon na ako napalunok nang nagsiupuan ng tuwid ang magpipinsan matapos kong sumampa doon.
"Wait, isn't she the girl from the parkour?" A boy asked while using the microphone.
Pinagdiin ko ang aking mga labi at kahit na naiilang kay Nicolaus ay buong tapang ko silang hinarap. Tumango ako.
Riggwell grab his mic. "You don't have to do this, Zabryna."
Achilles, Seidon, Vivi and others agreed to that, but they became speechless when they all turn to Nicolaus who was playing with his pen while looking at me with a poker face.
"I want to audition." Sabi ko na lang.
Riggwell leaned on Nico, but the latter did not even budge. Nanatili lang ang walang emosyon niyang titig sa akin. Sa huli, dahil hindi unanimous ang desisyon ay pinagbigyan nila ako.
I told them to play a random music. Iginalaw ko ang mga kamay, huminga ng malalim at isinantabi na muna ang kaba lalo na't gusto kong patunayan kay Nicolaus na gusto ko talaga ang gagawin... that I wanted to clear things between us, too.
Hinanda ko ang sarili nang umalingawngaw na ang kantang alors on danse. I was familiar with the song and I actually like the beat so I just let my body follow the rhythm.
Sa unang galaw pa lang ng mga kamay ko ay nangisi na si Seidon at Achilles. Vivi began nodding her head when I started following the beat.
I let my body move swiftly and dominate the stage. Sa bawat ikot ng balakang at mabilis na galaw ng katawan ay nangingisi ako. Hinayaan ko ang sariling namnamin ang musika. I danced my heart out through the song. Sa chorus ay umingay ang buong auditorium para i-cheer ako. I bit my lip and winked at Ivana when I heard her loud voice cheering for my name down the stage.
Nagpatuloy ako sa mabilis at malinis na pag-indak sa stage. I restricted myself from looking at Nicolaus, pero hindi ko na napigilan nang matapat ako sa kanya.
Agad nagtama ang aming mga mata. I saw the side of his lips rose a bit, but when I did not stop staring at him, kusa niyang tinanggal iyon. Ipinagdikit niya pa ang mga kilay na tila sinasabing hindi siya kuntento sa galaw ko.
I knew he was impressed and was only playing hard to get. Mas pinag-igi ko na lang ang indak sa gitna ng stage. Napatayo na sila Riggwell. The crowd went wild as the last beat drops just in time for my split.
Hinihingal kong inahon ang sarili nang umugong ang malakas na palakpakan at sigawan.
"Damn! May nanalo na! Uwian na guys! Close na kami!" Natatawang announce ng kaibigan ni Vivi sa mikropono.
Nagtawanan ang lahat. Umibis si Riggwell sa lamesa para lapitan ako sa stage. Nakangisi ang mukha niya't bilib na bilib sa ginawa ko.
"Tangina ang galing talaga lods!" He tap my shoulder, napangiti ako.
"Thank you."
He turned to face his cousins. "Ano? Gold ko na 'to?"
Nagsitanguan ang lahat maliban kay Nicolaus. Kinuha ko kay Riggwell ang inabot niyang bottled water, pero hindi ko agad nabuksan nang lahat ay mapalingon ulit kay Nicolaus. Tamad niyang kinuha ang kanyang mikropono.
"I need more. There's nothing unique to her performance. Let's not give her the gold ticket."
"What?!" Vivi shouted in complete disappointment!
Kahit ako ay nalaglag ang panga sa narinig. He grab his vape and shrug his shoulders. Achilles went to him. Napalapit na rin si Seidon para pag-usapan ang desisyon. Their microphones were off and they were whispering kaya wala akong narinig. Base sa ekspresyon ni Nicolaus ay talagang ayaw niyang ibigay sa akin ang gold ticket! Malinaw iyon!
"Fuck me..." Riggwell whispered beside me.
"W-what?"
Lutang niya akong binalingan, tila hindi na rin alam kung ano ang nasabi. Nang ma-realized ay agad niyang itinaas ang mga kamay.
"Oh! No! That's not what I mean!" Napapakamot sa ulo siyang umatras palayo sa akin. "Ibig kong sabihin pasensiya ka na, mukhang malaki 'yong tampo sa 'yo. Yari ka."
Ininom ko ang tubig at hinayaan silang mag-usap-usap ulit. Nang tumagal ang diskusyon ay bumaba na rin si Riggwell sa stage at iniwan ako. Mas lalo yatang hindi nagkasundo ang magpipinsan pero sa huli ay isang desisyon pa rin ang nabuo.
"We're not giving you a gold ticket, Zab..." Riggs glanced at Nicolaus.
Nanatili pa rin ang poker face ng lalaki sa akin. Kahit na gusto kong mainis sa kanya ay hinayaan ko na lang. His feelings are valid. Fair naman akong tao kaya okay lang.
"But you're going to the next round."
I feel the disappointment of the crowd. Kung hindi lang siguro ang mga Cordova ang nasa harapan ay nag-boo na silang lahat.
Vivi walk towards me. Sinalubong niya ako sa baba ng stage. She gave me a silver pass. I thanked and hug her.
"You'll get in the next round I promise you, so please go back?"
Pinagdiin ko ang aking mga labi sa paglayo niya.
"I'm so sorry about him. Kakausapin ko pag-uwi."
"No, it's okay. Okay lang ako."
"You don't need a second audition, Rosh—"
"That's what he wants, right? Siya lang ang may ayaw?"
Malungkot siyang tumango. "But please come back. We need you. Hindi lang sa UDB kung hindi pati sa EDM. We need more members at unang kita ko pa lang sa 'yo sa parkour alam ko nang sa amin ka. Please don't mind Nico. Kukutusan ko 'yan pag-uwi."
Our conversation made my heart lighter. Tumango ako at muli siyang niyakap. We both walk towards their table. I shook hands with some of them hanggang sa mapunta ako kay Seidon at Achilles.
Naupo ng ayos si Nicolaus nang siya na ang kakamayan ko pero imbes na gawin iyon ay itinukod ko lang ang mga kamay sa kanyang harapan. I smile genuinely at him, dahilan para mapalunok siya.
"I ghosted you and I was at fault kaya ka nagagalit ngayon kaya sorry. Hindi naman talaga ako narito para sa audition. I came here to apologize to you. I had my reasons, Nico. I apologize if I hurt you, but you don't have to do that. Sabihin mo na lang ngayon kung ayaw mo akong sumali sa dance crew para hindi na ako mag-aksaya ng oras sa pangalawang audition. I told you, I'm not really here for that."
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagsiko ni Seidon sa kanya pero nanatili itong tikom ang bibig.
Nilawakan ko na lang ang aking ngiti para hindi na masyado pang mapahiya pagkatapos ay inalis na ang sarili sa harapan niya at binalikan na lang si Ivana na naghihintay na sa akin.
She was shocked when she face me again. Hindi makapaniwala sa nakitang pagiging close ko sa tinitiliang magpipinsan. Sa paglabas nga namin ng auditorium ay iyon ang bukambibig niya.
I told her where I met them. Mas lalong namilog ang mga mata niya sa pagkamangha. She said it was rare for the Cordova's to hang out with someone they barely knew, but after seeing my moves, hindi na rin siya nagtaka.
EDM had the best dancers in Buenavista. Laman sila ng mga kompetisyon sa lugar maging sa buong lalawigan kaya naman palaging bukas ang oportunidad para sa mga magagaling na mananayaw para sa kanilang grupo.
Dati pa man daw ay maugong na ang pangalan ng mga ito kahit sa lugar nila Ivana. She said she was a fan. Sinusundan niya ang bawat kompetisyon ng grupo at minsan na rin siyang nangarap na mapabilang rito kaya naman tuwang-tuwa ng maalala ang kanyang golden ticket.
Imbes na umuwi ay nag-celebrate kami ni Ivana sa coffee shop kung saan siya nagpa-part time. Nagpaalam naman ako kay Papa at pinayagan rin naman ako kaya nagkaroon ako ng oras na makakwentuhan pa siya.
I learned a lot hindi lang tungkol sa pamilya ni Ivana kung hindi maging sa ilan ring pasikot-sikot sa Buenavista. She basically told me the do's and don'ts of the place especially in the university.
I had fun hanging out with her. Madilim na nang makauwi ako. Dahil busog pa ay hindi na ako nakasama sa dinner. Papa was coming home late kaya mas lalo akong nawalan ng energy na kumain kasalo ang pamilya niya.
Pagkatapos mag shower ay doon ko lang nabigyan ng pansin ang telepono ko. I was shock to see my phone blows up from random messages. Ilang mga mensahe galing sa mga unsaved numbers ang natanggap ko.
Napangiti ako ng mabasa ang text ni Vivi.
Unknown Number:
Sorry, I know your phone was blowing up rn. Gusto kang i-congratulate at pilitin pa na bumalik sa second audition ng iba kaya kinuha ang number mo sa form. I hope you don't mind. We really want you, Roshlin. Please come back.
Iyon nga ang mga nabasa ko sa mga sumunod na mensahe pero hindi ko sigurado kung babalik pa nga ba talaga ako.
After the encounter I had with Nico, parang ayaw ko na lang rin dahil ramdam kong ayaw niya rin naman sa akin. I thanked everyone who congratulated me. In-skip ko lang si Vivi dahil hindi ko sure kung ano ang sasabihin sa kanya
I studied and read some books after that. Nang matapos at matutulog na ay muli kong binalikan ang telepono ko.
I already saved the numbers who texted me earlier kaya nangunot ang noo ko sa panibagong unsaved number na nag-text sa akin. Lito kong binuksan ang mensahe.
Unknown Number:
It wasn't nice of me to say no because you were so damn good earlier and you deserved the gold ticket, but you were also right. I am pissed and with that, I'm sorry. Balik ka na, hindi na ako galit. Nico 'to.
Full version of this story is only available on Patreon and VIP group. Click the link on my bio to subscribe or message me for details.
P.S
Don’t be shy to interact with your fellow readers, but please do respect each other’s opinion. Let’s create a healthy space. Happy reading! Love you all!
CHAPTER 14
Chapter Fourteen
Birthday Wish
Nicolaus and I exchanged more messages that night. Kahit nga hindi ko gustong magpuyat at napuyat ako dahil sa kakulitan niya.
I woke up the next day with a huge smile on my face. Ngayon na lang ako nakangisi nang gano’n kaya namula ako nang punahin ako nila Ate Nati.
“Blooming na blooming naman yata ngayon ang Roshlin namin, ah? Mukhang masarap ang tulog?”
Agad kong nakagat ang labi at nahihiyang inalis ang atensiyon sa kanila. Kunwari kong hinalungkat ang mga gamit ko kahit na ang totoo ay hindi naman kailangan.
Katatapos lang naming kumain. I was just waiting for the driver to pull up. Nauna kasing ihatid ang mga step-sisters ko at ang iba namang driver ay kasama ni Papa at Tita Myrcelle. I’ll probably be late for my first class pero ayos lang. Saglit lang rin naman ang biyahe at makakaabot pa ako.
“Palagi naman pong masarap ang tulog ko, Ate.”
Imbes na iwan ako ay nagmamadali siyang umibis patungo sa aking harapan. Natawa ako nang hawakan niya ang mukha ko at sinipat-sipat.
“Hindi eh! Parang sumobra ng ilang guhit ’yong lawak ng ngiti mo ngayon, eh!”
“Ate!”
We both laughed at that. Mas lalo akong nadiin sa usapan nang dumating pa si Ate Flor. Hindi nawala ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa mga pang-aasar nila. I don’t know what’s wrong with me. Siguro nga ay talagang masarap lang ang tulog ko kaya gano’n?
Naiinis ko nang pinisil ang magkabila kong pisngi nang maramdaman ko na naman ang pag-iinit ng mga ito matapos mabasa ang huling text ni Nicolaus kagabi. Nasa kotse na ako at patungo na sa university.
Nicolaus:
Matulog ka na mamahalin pa kita.
Hindi ko na iyon nareplayan kagabi. Akala ko makakapag-isip ako ng matinong reply ngayon pero hindi ko pa rin magawa.
My heart pounded when I saw another text from him! Kagat labi ko iyong binasa.
Nicolaus:
Good morning ganda. Anong oras break mo mamaya?
Kung nasa harapan ko lang siguro ang lalaki ay nasuntok ko na siya. I typed my reply.
Ako:
Before lunch may 1hr break ako, bakit?
Nicolaus:
Sama ka raw sabi ni Vivi eh. Sakto pala sabay-sabay tayo.
Ako:
Saan? Anong meron mamaya?
Nicolaus:
Wala naman. Kakain lang ng lunch tapos baka landiin ka na rin.
His texts should be illegal. Kahit na kasi matagal na panahon kaming hindi nakapag-usap at nagkaroon pa ng hindi pagkakaunawaan ay parang walang nagbago sa lalaki. Kung ano kami bago ko siya ginhost ay gano’n pa rin kami ngayon.
Mag-re-reply na sana ako nang oo pero nang maalala ko ang unang beses na makita ko siya sa unang araw ng klase ay nag-iba ang mood ko.
Ako:
Bakit hindi mo landiin ’yong girlfriend mo?
Hinintay ko ang text niya pero nalaglag na ang magkabila kong balikat nang walang dumating hanggang sa makarating kami university.
Hindi ko na inasahan ang pag-re-reply niya. I knew it. Siguro ay na-realized niyang mayroon na nga pala siyang girlfriend at dapat ay hindi na siya gano’n sa akin.
Inayos ko ang aking mga gamit at bumaba na sa sasakyan pero nakakailang hakbang pa lang ako palayo sa parking lot ay natigil na ako’t napatalon nang marinig ang busina ng motor sa aking likuran!
“Holy mother of dogs!” I blurted! Nasapo pa ang bibig sa gulat!
Humigpit ang kapit ko sa aking bag at inis na nilingon ang may gawa pero naitikom ko lang kaagad ang aking bibig nang makita ang nakangising mukha ni Nicolaus.
He was on his big bike smiling from ear to ear. He wasn’t wearing his helmet and his hair was tied up. Kahit may ilang pulgada ang layo namin ay amoy na amoy ko ang bango ng kanyang katawan. Ipinilig ko ang ulo para hindi na siya sipatin. Inihinto niya ang motor sa gilid ko.
“Magugulatin naman para ako lang ’to. Kalma.”
Naiiling ko siyang inirapan. “Binusinahan mo ako sinong hindi magugulat!”
“Oh, sorry na… puso mo akin na…”
Kinagat ko ang labi para pigilan ang muling pagngisi! Itinaas ko ang isang kilay ko.
“Mag-park ka na do’n. Male-late na ako.”
“Sungit naman. Basta mamaya, ah?”
Kinunutan ko siya ng noo. “Anong mamaya?”
“Lunch nga. Ayaw mo sige na kasi sama ka na?”
“You didn’t read my last text?”
Kumibot ang labi niya, dahan-dahan pa ring inaabante ang motor para sabayan ako sa paglalakad.
Akmang dudukutin na niya ang kanyang telepono kaya mas binilisan ko ang aking mga hakbang!
“Sige na, Nicolaus! Mauna na ako, bye!”
Hindi na niya ako sinundan nang tumakbo ako patungo sa loob ng building. Marami ring estudyante kaya hindi na siya nakasunod. I bit my lip when I saw him looking at his phone. Nakipagsiksikan ako papasok sa lumang building pero tila huminto ang paggalaw ng mundo ko nang sunod na marinig ang malakas na pagsigaw ng lalaking iniwan ko.
“Roshlin Zabryna paano mo nasabing may girlfriend ako, eh hindi pa nga tayo?!”
I heard everyone gasped at that! Kusang tumigil ang mga paa ko nang magsihintuan rin ang mga estudyanteng nakapalibot sa akin! My jaw drop when I realized that they were all looking at me!
Bago pa ako nakagalaw ay narinig ko na ang pag-igikan ng mga babaeng malapit sa akin. Ang mga nasa harapan naman ay lumihis kaagad ang mga titig patungo sa aking likuran. I felt my heart pounded so much more! Ayaw ko mang isipin pero alam ko nang nasa likuran ko ang lalaki!
Bago pa ako nakagalaw ay nahila na niya sa balikat ko ang aking sling bag. I felt my cheeks flushed when the next thing I felt was his hand holding mine.
“Ihahatid na kita sa klase mo baka malandi ka pa ng iba.” aniya sabay hila palayo sa mga taong pare-parehong nangingisay sa kilig dahil sa ginawa ng lalaki.
Hindi ko nagawang pigilan si Nicolaus. Ni hindi ako nakapagsalita habang hawak niya ako at ang gamit ko. I felt like a model on an exclusive runway because of what he did! Habang naglalakad kasi sa hallway ay nagsisihawian ang mga tao at ang mga titig ay hindi naalis sa aming dalawa.
Nakagat ko ulit ng mariin ang aking pang-ibabang labi nang malaglag ang mga mata ko sa kamay niyang nakahawak sa akin. I wanted to pull my hand away, but had no strength to do it.
“Anong room nga ulit?”
“2-232…”
Pinuno ko ng hangin ang aking baga nang sulyapan niya ako. Matamis niya akong nginitian. My mind cursed when I realized how gorgeous he was especially when his hair was tied in a man bun. Kuminang ang dangling earring na krus sa kanyang kanang tainga nang mahagip ng sinag ng araw. His jaw was so defined, bagay na bagay sa kanyang mukha.
“Kinikilig ka ’no?” putol niya sa mga talipandas kong naiisip.
That made me pull my hand away, but he held it tightly! Nanlaki ang mga mata ko!
“Nagtatanong lang. Gusto ko lang siguraduhing the feeling is mutual.”
“Puro ka kalokohan. Bitiwan mo na ako.”
“Ayoko nga. Baka maligaw ka pa.”
I pouted at him. “Alam ko na ang pasikot-sikot rito, hindi na ako maliligaw.”
“Oh, eh ‘di ako na lang. Hawakan mo lang ako baka maligaw ako.”’
“Kapag may umaway sa akin dahil sa ginagawa mo susuntukin na talaga kita.”
He laughed at that. Pinigilan kong huwag mahawa sa kanya.
“Sino ba kasing may sabing may girlfriend ako? Bakit ka ba naniniwala sa fake news?”
Wala na siyang nagawa nang makawala ako sa pagkakahawak niya. Bahagya akong lumayo sa kanya kaya nawala ang kanyang mga ngiti.
“Zab–”
“I saw you kissed someone on the first day of school. Kung hindi mo girlfriend ’yon, ano?”
Bahagyang naningkit ang kanyang mga mata, tinitimbang ang mga emosyon ko, nag-iisip.
“Wala ’yon.”
“Wala lang para sa ’yo pero ayaw ko ng gulo. Lumandi ka na lang ng iba Nicolaus at huwag na ako.” I said before grabbing my bag on his shoulder.
Nagmadali na akong pumasok sa unang silid ng klase bago pa niya ako makulit ulit. Napailing ako nang bumungad sa akin ang laglag pangang si Ivana habang palapit ako sa kanya. Ang mga kaklase rin naman ay sa akin nakatingin at alam ko nang si Nicolaus ang dahilan no’n.
Dahil naramdaman ni Ivana na hindi ako komportableng pag-usapan ay hindi niya ako kinulit. Mabuti na lang rin at late rin ang professor sa una naming subject at halos magkasunod lang kami kaya kaagad ring nawala ang atensiyon ng lahat sa akin.
I forced myself to stop thinking about Nicolaus. Akala ko ay tuluyan na akong makakatakas pero gano’n na lang ang paglaglag ng panga ko nang makita hindi lang ito kung hindi maging ang kanyang mga pinsan sa labas ng silid matapos ang huli naming klase bago ang isang oras kong break!
Nakangisi akong siniko ni Ivana. “Gold na gold ticket talaga, ah…”
Sinamaan ko siya ng tingin kaya natatawa niya na lang na itinikom ang bibig.
“Zabrynaaaaa!” mahabang sigaw ni Riggwell habang nakangisi ng malaki sa akin. Kinawayan ko siya maging sina Seidon.
Venus stopped talking to Chaz and turned to me. Siya ang naunang lumapit. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay hinila na niya ako.
“Tara kain tayo! Libre ni Achilles!”
Lumipad ang mga mata ko kay Nicolaus na tahimik lang habang nakatingin sa akin. Seidon and Achilles were at the back, nakasunod lang sa amin. Wala na kaming nagawa ni Ivana kung hindi ang sumama sa kanila hanggang sa canteen.
The boys ordered our food. Kami namang mga babae ay naghintay lang sa lamesa. Mabilis na nakapagpalagayang loob ni Ivana ang mga ito. Dapat lang rin iyon dahil opisyal na rin naman siyang miyembro ng UDB dance crew. Venus told us that Ivana has a potential of officially becoming an EDM member, too. Though kailangan ko pang sumabak sa second audition, sure na raw na pasok na ako.
“If you want you can join EDM, too.”
“Uy oo nga! We’ve seen your moves, RZ! Sakto kailangan namin ng maraming girls sa susunod na dance competition!” si Chaz naman.
I was overwhelmed by their invitation. Masaya ako at excited rin pero sa ngayon ay hindi ako makapagdesisyon kaagad. Alam ko kasing magkakaroon ng conflict ang pagsasayaw sa pag-aaral ko. I am here only because of my studies and I don’t want to take this opportunity for granted. Ang lahat ng mga extracurricular activities ko ay kailangan kong ipagpaalam kay Papa.
“Pag-iisipan ko, Vivi.”
“No pressure, but I promise you, masaya ’yon! I bet you haven’t tried competing yet. Sabi mo rin first time mong sumali sa ganito, ’di ba?”
Tumango ako. Vivi and others convinced me, but my answer remained the same. Sa pagbalik ng mga lalaki ay natahimik kami. Hindi naman ako masyadong gutom pero dahil sa mga mapanuring mata ni Nicolaus ay nagawa kong pagtuonan ang aking pagkain.
Nagpatuloy ang aming kwentuhan. Maya-maya ay tumayo na si Nicolaus kaya napatingala ako sa kanya.
“Andiyan na?” tanong ni Seidon.
Tumango siya at walang sabing nagpaalam. Tumahimik sandali ang lahat hanggang sa umugong ang malakas na pagtawa ni Riggwell.
“Ang tahimik naman parang walang may birthday, ah!”
Umiling si Seidon. Si Achilles naman ay agad napatitig sa akin, kumunot ang noo ko.
“Sinong may birthday?” I asked but before they could answer me, nakabalik na si Nicolaus dala ang cake at ilang mga paper bag sa kabilang kamay laman ang iba pang pagkain.
“Hindi mo alam?” nalilitong tanong ni Vivi na inilingan ko.
Tinulungan ni Riggwell si Nico sa mga bitbit. Siya ang nagbukas ng cake at inayos sa gitna ng lamesa namin. Imbes na bumalik sa pwesto ay ipinagtulakan niya na sa harapan ko na lang umupo si Nico, palit sa pwesto niya.
Tumayo si Riggwell sa upuan at agad nagseryoso.
“Ipinatawag ko kayong lahat para sa simpleng piging na ito!” bungad niya sa kabuuan ng canteen.
Ang lahat tuloy ay natigil sa pagkain at napaharap sa pwesto namin. Dinampot niya ang bote ng kanyang soda at itinaas sa ere.
“Gusto ko lang batiin ng maligayang kaarawan si Nicolaus Aegon Cordova! Bro, congratulations nabuhay ka’t nakaabot ngayong taon sa birthday mo! Try mo ulit next year para makakain ulit kami. Cheers to more years! You’re my favorite cousin today kaya mabuhay ka hangga’t gusto mo!”
Napapitlag ako sa malakas na pagkalampagan ng lamesa ng lahat pero hindi ko nagawang makisali dahil sa pagtitig kay Nicolaus.
It’s his birthday today, bakit hindi niya sinabi sa akin? Parang gusto ko tuloy makonsensiya dahil kahit na nagpapakatotoo lang ako kanina ay alam kong kahit paano ay nasira ko ang mood niya.
He forced a smile. Umingay ang cafeteria sa pagbati ng lahat sa kanya. Everyone participated when we sing him happy birthday.
“Wish! Wish!” everyone on our table chanted in unison.
Pinilit ko na ring ngumiti para sa kanya pero muling napalitan ang matamis kong ngiti nang kaba nang imbes na pumikit at humiling ito ay awtomatikong lumihis ang titig niya sa akin pagkatapos ay wala nang sabing hinipan ang kandila.
“Yown! Putang ina sure na akong sa inggit talaga ako mamamatay!” hiyaw ni Riggwell na nagpahalakhak sa lahat.
Dama ko ang ilang beses na pagsiko sa akin ni Ivana. Tuwang-tuwa rin sa mga nangyayari. Agad akong napayuko nang hindi naputol ang titig ni Nicolaus sa akin kahit pa patuloy ang mga pagbati sa kanya.
Nakahinga lang ulit ako ng maayos nang bumalik si Riggwell sa pagkakaupo at nagpatuloy na kaming lahat sa pagkain. Nicolaus bought more food. Bukod sa cake ay mayroon pang mga chicken at pizza pero napatuon ang mga mata ko sa mojos na agad niyang inilayo kay Riggwell.
Bago pa makapagreklamo ang pinsan ay inusog na niya iyon sa harapan ko.
“This is yours.”
“Thank you pero pwede namang i-share–”
“Para sa ’yo lang ’yan.” giit niya.
Imbes na makipagtalo ay tumango na lang ako at ngumiti. Ayaw nang bigyan siya ng bad vibes ngayong kaarawan niya.
“Happy birthday, Nico.”
He nodded, bahagyang sumigla sa sinabi ko.
“Thank you.”
“Hindi mo naman sinabi sa ’king birthday mo ngayon.”
“Bakit kapag sinabi ko ba ki-kiss mo ’ko?”
Nagpapasalamat akong busy ang lahat sa kani-kanilang usapan at hindi na napagtuonan ng pansin ang mga sinabi ni Nicolaus dahil kung hindi ay katakot-takot na pang-aasar na naman ang mangyayari!
Sinimangutan ko siya. Nang matawa siya ay doon ko na nasigurong ayos na ulit kami.
“Joke lang! Pero pwede rin naman. Tumatanggap naman ako ng kiss lalo na ’yong sa ’yo.”
I scoffed at that. “Sa ibang babaeng kiss na lang. Mukhang sagana ka naman.”
Nagsalubong ang makakapal niyang kilay. Imbes na magpatuloy ay kumuha na lang ako ng mojo’s at isinubo habang si Nicolaus naman ay muling natigilan, iniisip ang mga sinabi ko. Nakailang mojo’s na ako bago siya nakapagsalitang muli.
“You saw me kissed someone, didn’t you?”
Nagkibit ako ng balikat. I don’t even want to remember every details of that kiss. Mukhang naalala niya naman na ang tinutukoy ko or baka sa dami ay hindi na siya nakapili kung sino doon.
Hindi na nakasagot si Nicolaus nang mapunta ang atensiyon sa kanya ng mga pinsan. Hindi na rin ako nagsalita at nakipagkwentuhan na lang rin sa mga bagong kaibigan.
I thanked everyone after we were all done eating. Nagpaalam na kami ni Ivana dahil may klase pa kami pero hindi ko inasahan ang pagtayo rin ni Nicolaus. He glanced at Ivana, sa sandaling titigang iyon ay agad nakuha ng kaibigan ko ang gustong sabihin ng lalaki kaya nagmamadali akong iniwan.
Umibis si Nico at agad dinampot ang bag ko bago ko pa iyon makuha sa lamesa.
“Usap muna tayo.” aniya sabay hawak muli sa aking kamay at hila palayo sa lahat.
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below.
🙂
P.S
Don't be shy to interact with your fellow readers, but please do respect each other's opinion. Let's create a healthy space. Happy reading! Love you all!
# CHAPTER 15
Chapter Fifteen
Buong Mundo
I didn't know how we managed to get out of the cafeteria while holding hands... again.
Alam kong maraming nakatingin sa amin pero tila ba ang mundo ng mga segundong hawak niya ako ay sa aming dalawa lang. He didn't mind the glares of the people. Parang wala rin talaga siyang pakialam kung awayin siya ng girlfriend niya dahil sa ginagawa niya sa akin.
"Wala akong girlfriend." bungad niya matapos akong bitiwan sa kabilang pasilyo na wala ni isang estudyante. "Describe to me the girl who you saw me kissing at papatunayan kong hindi ko girlfriend 'yon."
"Hindi naman kailangan, Nicolaus. Wala naman akong problema kung may girlfriend ka–"
"Wala nga akong girlfriend, Zabryna." giit niya, bahagyang nag-igting ang panga dahil sa paulit-ulit kong pagsasabi no'n.
Sinubukan kong ngumiti para mawala ang tensiyon sa pagitan namin.
"Bakit ka galit?"
"I am not."
"You look mad for someone who's not mad," biro ko ngunit nanatili siyang seryoso.
Marahan kong sinapak ang dibdib niya.
"It's okay. We don't have to talk about each other's relationship dahil wala ka namang obligasyong sabihin 'yon sa akin. I just don't want any drama. I'm here to study and nothing else. I appreciate you telling me personal things like this but I swear you don't have to."
Alam kong napakarami pa niyang gustong sabihin pero dahil male-late na ako ay nagmamadali na akong nagpaalam sa kanya. Gusto pa sana akong ihatid pero hindi na nagawa sa agaran kong paglayo.
"Happy birthday ulit, Nico! Thank you sa food!"
Nasuklay niya ang buhok at napatango na lang habang pinapanuod akong lumayo.
Ivana teased me the whole day. Hindi ko na pinatulan dahil ayaw ko namang gawing issue iyon.
"Bagay naman kayo. Tsaka mukhang malakas ang tama sa 'yo, RZ."
Natatawa ko siyang inirapan pero hindi ito natigil sa pang-aasar.
"Salamat sa pagsabay! Thank you Mang Diego!"
Magiliw na tumango ang driver namin sa kanya. Humalik naman siya sa aking pisngi matapos akong yakapin bago bumaba ng sasakyan. Kumaway na lang ako habang papasok siya sa WYWB para umpisahan ang shift sa kanyang part time job.
Pagkauwi ay naging abala ako sa mga homeworks. My father was coming home late kaya kahit nang matapos ako sa ginagawa ay nagkunwari pa rin akong busy.
I don't have the energy to share the meal with my step sisters and I also wanted to talk to my father tonight. Kahit kasi gusto ko na talaga ang gagawing pagsali sa dance crew ay hindi ko naman siya pwede i-by pass. I am grateful to my father and I want to build a trust and safe communication with him kaya kung ano ang sasabihin niya ay magiging malaking desisyon para sa akin.
Habang hinihintay siya ay nalibang ako sa mga photos na sinend ni Ivana. She was fangirling over a band's vocalist na kasalukuyang nagpe-perform sa Wish You Were Beer kaya kilig na kilig. Though she love dancers, she said ang mga tipo niya ay mga artistic and adventurous na tao. She's currently single and she wanted to take things slow, but if meron naman daw ay hindi siya tatanggi.
Sa maikling panahon na nakilala ko si Ivana ay masasabi kong marami na kaming napag-usapan lalo na sa pamilya at ilang mga prefences sa buhay. She applaud me for not having a boyfriend even once. Imposible daw iyon lalo na't maganda ako at mukhang prinsesa pero kalaunan ay naniwala na rin siyang iyon ang totoo.
Though hindi naman ako naubusan ng mga lalaking nagpaparamdam ng pagkagusto nila sa akin, I always let them know that I am not ready for that. Bukod doon ay talagang gusto kong makatapos muna ng pag-aaral. Kahit kasi alam kong kaya ko namang pagsabayin ang pag-aaral at love life ay kailangan kong magkaroon ng prioridad sa buhay. I need to choose and prioritize what was best for me and for my betterment so someday I could be someone I would be proud of. That's my goal.
Nagpatuloy ang daloy ng usapan namin hanggang sa sabihin ng mga ate na nakauwi na raw si Papa. It's already late at alam kong masesermonan ako pero hindi ko napigilang puntahan siya.
"Why are you still up, anak?" Magiliw niyang tanong matapos akong yakapin pabalik.
Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi naman siya nagalit na gising pa ako dis oras ng gabi. Kung ang step-mother ko pa iyon ay katakot-takot na sermon na ang maririnig ko.
"I'm waiting for you, Papa."
"Why? I told manang to tell you that I'm going home late. Kumain ka na ba? I already ate Roshlin pero kung hindi ka pa kumakain ay sasabayan kita."
I was happy to hear that. I thank him for dining with me kahit na sinabi niyang kumain na siya.
"Thank you Papa for dining with me. Hindi naman talaga ako gutom at alam kong kumain ka na rin but I have to sit down and talk to you."
Inayos niya ang table cloth na hawak. "About what? Anything wrong? Nag-away na naman ba kayo ng mga kapatid mo?" Bahagya siyang natigil sa pagkuha ng pagkain.
Agad akong umiling para pabulaanan iyon. Hindi nawala ang pangamba sa kanyang mukha.
"It's about some curricular activities. Hear me out first before you say something."
"Okay, I'm listening."
Inabot niya sa akin ang kanin. Kumuha naman ako habang naghahanda sa mga susunod na sasabihin.
"You and Mommy used to dance, right?"
Bumagal ang galaw niya sa aking tanong. Nagpatuloy ako.
"Hindi mo po natatanong but mommy taught me how to dance, too. She enrolled me to a ballet school but even before that marami na akong dance class na in-attend-an because of her."
His face ligthens at that. Bahagya pang nanubig ang mga mata hindi ko alam kung sa tuwa ba o sa kung ano pang emosyon para sa aking ina. He did not say any word. He let me finish talking.
"And since then dancing has become my passion, Papa. Kahit na hindi ako active sa pagsali sa mga dance competition, nasa pagsasayaw ang puso ko. Mom was a good dancer, too."
"She's the best dancer I know, Roshlin."
That made me smile, but I also felt the sadness in Papa's eyes.
"She was a great dancer before we even met. Dahil nga siguro do'n kaya kami mas lalong naging malapit. We share the same passion for dancing and that became one of the core of our relationship. Naalala kong sumali pa kaming dalawa noon sa salsa and we won. Simula no'n ay sumubok pa kaming sumali sa iba, but we didn't made it our priority dahil maraming pangarap ang mommy mo bukod sa pagsasayaw. She had so many dreams and plans for her future..."
Nagpatuloy si Papa sa pagsasalita. Tila ba hinatak siya ng nakaraan para lang maikwento sa akin ang pinakamasayang parte ng buhay niya.
Hindi na niya naitago ang pagiging emosyonal habang natutulala at isinasalaysay ang buhay kasama si Mommy. I was stunned to see him like that. His reaction made me curious about what really went wrong. Sa kanyang pagkukwento kasi ay halatang mahal na mahal niya si Mommy. I felt that his love for my mother didn't go away even if Tita Myrcelle already took her place.
We were both emotional with the flow of our conversation. Nahiya pa akong sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit ko iyon nasabi pero sa huli ay nagawa ko pa rin. I was so happy to hear him say that he approved my decisions on joining a dance crew.
"I trust you Roshlin and I know that you will never disappoint me. Alam kong responsable ka at kaya mong i-balance ang pag-aaral at ang dance crew kaya walang problema sa akin ang pagsali mo diyan."
Hindi ko na napigilang yakapin si Papa dahil sa kanyang pagpayag. I was the happiest. Hindi ko in-expect na walang pag-aalinlangan niya akong papayagan kaya naman kinabukasan ay iyon kaagad ang naging topic namin ni Ivanna.
She was happy for me, too. In fact, sa pangalawang audition ko nga ay sasamahan niya pa rin daw ako.
"Are you ready for the second audition? For sure pasok ka naman na, 'di ba?"
"I still want to go through all that. Ayaw ko namang manlamang sa mga sumali dahil lang kilala ko ang magpipinsan."
Nakangisi niya akong siniko. "Hindi lang kilala! Mukhang babakuran ka na!" Aniya sabay nguso sa harapan namin dahilan para lumipad ang mga mata ko doon.
I immediately swallowed hard when I saw Nicolaus walking towards our direction. Nakapamulsa ito at diretos lang sa paglalakad pero nang matama ang mga mata namin ay agad siyang napangiti ng malawak. Nahawa naman ako at napangiti rin pabalik.
Damn, he looks so good and fresh today. Nakalugay ang hanggang balikat na buhok at mukhang basa pa rin.
"Aalis na ba ako?" Kinikilig na bulong ni Ivana sa akin dahilan para hawakan ko ang braso niya kaya hindi na ito nakagalaw lalo na nang mapunta sa harapan namin ang lalaki.
"Hi, Nicolaus!" Binati rin siya nito pero agad na ibinalik sa akin ang titig.
"Tutuloy ka sa audition?"
"Oo naman. Ayaw mo ba?"
"Sus, 'yun nga lang ang inaabangan ko..."
Mas lalo kong nayakap ang braso ni Ivana dahil sa akma niyang pagkawala sa aking pagkakahawak, alam kong ipagkakanulo na naman ako sa lalaki!
"See you na lang pala bukas—"
"Are you free later?" Putol niya't harang sa aking daraanan. My heart pounded a bit!
"Saan?"
"Nagyayaya si Ino sa parkour. Baka lang gusto mong sumama."
"Si Ino ba talaga?" Singit ni Ivana dahilan para mapakamot siya sa kanyang kilay. Napahagikhik ang kaibigan ko.
"Busy kami mamaya, eh. Tsaka, kailangan naming mag-review ni Ivana para sa quiz bukas—"
"May quiz tayo?!"
Pinandilatan ko ng mata si Ivana! Nalaglag naman ang panga niya matapos maintindihan ang gusto kong sabihin!
"M-may quiz pala kami! Nakalimutan ko! Hehe!"
Nawala ang ngiti ni Nicolaus. Bahagya akong na-guilty nang pagdiinin niya ang kanyang mga labi.
"Alright, see you around then. Ingat." Aniya at wala nang sabing nilagpasan kami.
Bagsak ang mga balikat kong napabitiw kay Ivana matapos sundan ng tingin ang palayong lalaki.
Why do I feel bad about that? Oo nga't tama lang na iwasan ko siya dahil baka kapag nagpadala ako ay makalimutan ko ang mga prioridad ko sa buhay pero bakit mabigat sa loob?
"Ayan! Pakipot pa kasi eh halata namang gusto rin!"
Nanlalaki ang mga mata kong binalingan ang kaibigan. "I don't like him like that! He's just a friend Ivana!"
Humalakhak ito. "Bakit parang bigay na bigay ang emosyon sa pagpapaliwanag? Tsaka, ano ka ba wala namang masama sa pagyayaya no'ng tao! Alam mo bang napakaswerte mo?! It's freaking Nicolaus Cordova! Ni minsan wala pa akong narinig na niyaya niyang sumama kasama ang mga pinsan! Bukod tangi kang may privilege Roshlin kaya ang sarap mong kutusan!"
Napanguso ako at hindi na lang sinagot ang mga sinabi niya dahil ang totoo ay gusto ko rin naman talagang kasama ang mga ito. It's just that... I don't know. Maybe I'm protecting myself from anything that will hurt me in the future. Kahit na kasi sabihin kong hindi ako naghahanap ng boyfriend at ayaw kong payagan si Nicolaus na i-pursue ako ay hindi ko naman maiwasang maramdaman rin iyon pabalik. I'm human and honestly, I'm attracted to him, too. Bonus na lang doon ang galing nito sa pagsasalita. Even without his great looks, I'd still probably be drown to his personality. I like goofy guys and he loves dancing so there's that.
Ang pagtanggi ko ang bumagabag sa akin lalo na't iyon rin ang walang tigil na inungot sa akin ni Ivana buong araw. When I finally stopped thinking about it, saka naman ako nakatanggap ng text galing sa kambal.
Venus:
Rosh busy ka? Parkour tayo?
Riggwell:
Roshlin Zabryna sasama ka ba o sasama ka? Kawawa naman 'yung pinsan ko grabe baka umiyak 'to pag hindi ka sumama. Kawawa sobra.
Napailing ako dahil doon pero agad kong nahapit ang paghinga nang makita rin ang pagdating ng text ni Nicolaus.
Nicolaus:
Heyyy! You still busy?
Siya ang nauna kong replayan dahil muli na naman akong na-guilty sa nangyari kanina.
Ako:
Hindi naman na.
Nicolaus:
Ah good. Anong ginagawa mo?
Ako:
Wala.
Nicolaus:
Wala naman pala eh ba't 'di mo na lang ako mahalin para maging busy ka?
My cheek burned at that! I was worried he was mad at me for turning down his invite. Nakahinga ako nang maluwag dahil sa pagiging makulit niya ngayon.
Ako:
Puro ka talaga kalokohan, Nicolaus.
Nicolaus:
Sus. Kapag ikaw sineryoso ko 'di mo kakayanin 'to. Gusto mo ba?
Ako:
Huwag ako. Iba na lang.
Nicolaus:
'Wag na lang rin kung hindi ikaw. 😏
Hindi na sana ako mag-re-reply dahil nababaliw na naman ako pero mas lalo ko iyong naramdaman nang makitang tumatawag siya sa akin!
I was hesitant to answer it at first pero nang makita ang nagbabantang mukha ni Ivana ay wala na akong nagawa.
"Hello?"
"Ikagagalit ba ni Lord kapag sinamba kita?" Bungad niyang dahilan para makagat ko ang aking pang-ibabang labi.
I almost cursed when I felt Ivana pinched my hand! Nakikinig sa usapan namin!
"Survey lang! Uy sama ka na mamaya. Kahit isama mo pa si Ivana kahit pati Papa mo basta sumama ka lang."
"Busy nga kasi—"
"Akala ko hindi ka na busy at wala ka ng ginagawa?"
"Nicolaus—"
"Are you breaking up with me?"
"What?!"
He laughed on the other line. "Practice lang. Tsaka, hindi rin naman mangyayari 'yon 'no."
Napalunok ako. "Ang maging tayo?"
"Ang mag-break tayo. Kapag napunta ka sa 'kin akala mo pakakawalan pa kita? Luh, asa ka."
"Puro ka talaga kalokohan, Kulas! Wala ka bang klase, ha?!"
"Patapos na. Sige na kasi, ano bang kailangan kong gawin para lang sumama ka, ha? Hindi naman kita itatanan, eh. Para bonding lang."
"Ano ba kasing meron?"
"Wala naman. Gusto lang kitang makasama masama ba 'yon?"
"For sure marami naman kayo—"
"Kahit buong mundo pa kasama ko ikaw lang ang hahanapin ko."
I bit my lip harder this time, hindi na nananalo lalo na't si Ivana ay halos mangisay na rin sa tabi ko! Ilang beses ko pang naramdaman ang pagkurot niya kaya sa huli ay wala na akong nagawa kung hindi ang um-oo.
Full version of this story is only available on PATREON and VIP group. Click the link in my bio to subscribe or message me for details.
CHAPTER 16
Chapter Sixteen
Best Of Your Life
“Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman akong kaibigan mo, Roshlin Zabryna…” nababaliw na bulong sa akin ni Ivana habang palapit kami sa parking lot kung nasaan ang magpipinsang Cordova na naghihintay sa amin.
I don’t want to feel awkward or nervous, but my heart beat faster when Nicolaus sit up straight from his bike and then locked his eyes with mine. I felt my cheeks burn a bit when his white perfect teeth showed after he smiled.
“Tangina, napakaganda talaga…” narinig kong bulong niya sa sarili nang tuluyan na kaming makalapit ni Ivana.
Hindi ko na lang iyon pinansin dahil alam kong mamumula lang ako lalo and I should stop blushing! Hindi ako dapat kiligin sa mga sinasabi at ipinapakita niya sa akin. I don’t want to lead him on and I also don’t have any plans pn putting my guards down. Alam ko na ang hilatsa ni Nicolaus at kailangan kong protektahan ang sarili ko doon.
I greeted everyone. Hindi ako umalis sa tabi ni Riggwell matapos bigyan ng simpleng bati si Nicolaus kaya agad nawala ang malawak na ngiti niya kanina. Maybe he expected me to stand beside him na hindi ko ginawa. I won’t do that. His presence was enough to make my heart beat crazy now, ang pagtabi pa kaya sa kanya?
I listened to Vivi about our agenda, but my focus were divided to her and the man who couldn’t stop staring at me and Riggwell.
“You’re up for a dance showdown, ’di ba? You did it last time with Nicolaus and you did great, RZ! We’re so lucky that you’re here with us now!”
I smiled and nodded at her. “Okay lang naman pero hindi ako pwedeng gabihin masyado.”
“Kasama mo naman si Kuya Faun, ’di ba?”
Napabaling ako kay Nicolaus na sa unang pagkakataon ay nagsalita na rin pero hindi nawawala ang kaseryosohan.
“No shit…” Rigwell trailed, a bit surprised. “Oo nga pala, ’no? Bodyguard mo nga pala si Kuya Faun tapos driver n’yo naman si Mang Diego!”
“You know them?”
“Oo naman! Ano ka ba ilang tumbling lang sa Claveria bahay na nila! Kabalawarte namin ’yang mga ’yan! San Antonio OG’s!”
Natawa ako. “Pero kahit na bawal kasi talaga akong gabihin.”
“Yes, may curfew kasi itong si Roshlin gawa ng evil step-mother niyang hindi naman kagandahan–”
“Ivana!”
Natatawa nitong natakpan ang bibig at wala nang nagawa kung hindi ang mag-peace sign na lang lalo na’t napabaling sa kanya sila Achilles. Natawa ang lahat.
“No offense pero totoo naman kasing pangit ang step-mother mo! Maganda lang ’yon kung walang retoke. Kita mo nga ’yung mga anak eh mukhang mga palakang nakakaligo three times a day!”
“You’re so mean!”
“I’m just telling the truth!” Giit niya.
Panay ang tawa ni Riggwell sa usapan. “I’m a gentlemen so let me stay quiet with this topic.”
“Good for you! Pasensiya ka na sa kaibigan ko Riggs. Pinaglihi kasi sa pagiging pintasera.”
“Roshlin Zabryna, how dare you!” nagbibirong hinila ni Ivana ang braso ko dahilan para mas lalong matuwa si Riggwell sa amin.
Hinihintay pa namin sila Chaz kaya nanatili muna kami sa parking lot at nagpatuloy sa kwentuhan. Bumalik sa pag-upo si Nicolaus sa kanyang sports bike, wala talagang amor na makisali sa usapan dahil libang na libang na kami nila Riggwell. Ang ilan naman ay mayroon ring sariling usapan. Hindi ko na rin siya pinansin lalo na nang mag-vape na lang siya. No one minded the smoke coming out of his mouth kaya hinayaan ko na lang rin kahit na ang totoo ay kanina pa ako nauubo at gusto siyang punahin.
We continued laughing with Riggs. Nakisali na rin si Vivi at dahil sa lakas ng tawa ni Riggwell ay napunta na rin sa amin ang atensiyon nila Achilles, Seidon, at iba pa.
“Maswerte pa rin pala ako dahil kahit na maalat ang ugali ni Venus ay maganda naman.”
“Ang kapal ng mukha mo, Riggwell! Hindi masama ang ugali ko!”
“Choosy ka pa ha?! Sinabihan ka na ngang maganda kahit hindi ako sure!”
Pilit na umiwas si Riggwell nang akmang sasapukin ni Venus.
“Talaga namang maganda ako dahil kapag sinabi mong pangit ako ibig sabihin pangit ka rin!”
“Kaya nga para balanse, Vivi! Hindi ka naman perfect aminin mo na!”
“I am not pero hindi masama ang ugali ko! Sa ating dalawa ikaw ang nakasalo no’n!”
Madramang sinapo ni Riggwell ang kanyang dibdib. “What a freaking liar! Hinulma ako ng mas mabuti kumpara sa ’yo kaya nga mas paborito ako ni Lola Ellen dahil bukod sa almost perfect ako, ako rin ang pinakamabait sa ating lahat! No offense, Chi. Usapang kambal lang.” aniyang ikinukumpas pa ang kamay sa harapan ni Achilles.
Nababaliwan lang napailing ang huli pagkatapos ay inayos ang kanyang suot na salamin. Kami naman ay walang ginawa kung hindi ang tumawa nang tumawa sa alitan ng dalawa.
Ivana was happy and lucky to be with them, too. Masyadong welcoming ang mga ito at walang maitapon sa kanila. I like their vibes. Hindi pilit at talagang hindi ka mauubusan ng topic. Kay Riggwell pa nga lang ay busog na busog na kami.
The conversation went on while we waited for the rest.
“Ayos ka lang, tol?” sa wakas ay puna ni Riggwell sa pinsan na tahimik.
Bahagyang nabawasan ang ngisi ko. Imbes kasi na sagutin nito ang pinsan ay awtomatiko lang lumipad ang titig ni Nico sa akin.
“Hindi. Huwag masyadong dumikit, tol, akin ’yan, ’di ba.”
My lips parted in awe with what Nicolaus said! Pati si Ivana ay napanganga sa bulgarang pagsasabi niya ng mga salita. Imbes naman na ma-offend ay natawa lang si Riggwell at pagkatapos ay hinila ako papunta sa kabilang gilid para matapat ako sa pinsan at malayo sa kanya.
I’m glad Ivana wasn’t on my side dahil kung naroon ang babae ay tiyak na ilang kurot na naman ang natikman ko pero hindi ko rin lubos maipagpasalamat ang sitwasyon dahil ngayon ay nasa harapan ko naman ang tahimik na lalaki.
I gathered all my strength to look in his eyes and ask, “Ayos ka lang?”
“Oo.” he answered coldly and then puffed his vape again.
“Eh, bakit ang tahimik mo?”
Ibinuga niya ang usok sa ere at saka ibinaba ang hawak at muling tumitig sa aking mga mata.
“Wala.”
“Ano nga? Bakit hindi ka nakikipagkulitan?”
He licked his lower lip. Kumibot ang mapupulang labi niya. “Masaya ka na, ano pang gagawin ko?”
“Bakit ikaw? Hindi ka ba masaya?”
“Hindi, pero basta masaya ka okay na ’ko.”
Kusang umangat ang aking kamay para sapakin na siya sa dibdib pero imbes na matinag at bumalik na ang sigla ay maagap niya lang hinawakan ang kamay ko at hindi na iyon binitiwan.
“Hindi na ako nagbibiro, Zabryna. Seryoso na ako.”
Iginalaw ko ang aking kamay pero bago pa mabaliwan sa kanya ay kumawala nang muli ang ngisi niya.
“Nag-aalala ka ba? Gusto mo bang maging masaya lang rin ako? May alam ako kung paano…”
Sa pagkakataong iyon ay mas malakas ang naging pagsapak ko sa kanyang dibdib!
“Baliw ka talaga!”
Nakangisi niyang hinuli ulit iyon. “Baliw naman talaga sa ’yo. Hindi pa ba obvious? Gusto mo bang patunayan ko? Sabihin mo lang luluhod na ako.”
“Baliw!”
“Rekta kasal na lang kaya tayo para habang buhay na akong masaya?”
“Nicolaus!”
He finally laughed at that. “De joke lang!” aniya sabay bitiw ng kamay ko.
My cheeks burned profusely hindi ko na alam kung paano pa itatago sa kanya.
“Pero balang araw seseryosohin ko ’yan kaya huwag mong kalimutan.”
I pouted at him. Lumayo ako sa kanya. Mabuti naman at sumigla na siya sa naging interaksiyon namin at naging makulit na rin sa mga sumunod na minuto.
Akala ko makakaligtas na ako sa mga birada niya at sa asaran para sa aming dalawa pero mas lalo lang iyong umingay nang dumating na sila Chaz at magdesisyon nang umalis ang lahat.
“Ako na lang kay Riggwell, RZ!” hindi na ako nakapalag dahil bago pa ako makapihit kay Riggwell ay nakasampa na sa motor niya si Ivana.
Natatawang nagkibit ng balikat ni Riggs. “Sorry lods, I’m taken.”
“Ako na ’to.” singit ni Nicolaus.
Sa pagbaling ko sa kanya ay nahapit ko ang aking paghinga sa kanyang lapit!
“Helmet, baka mauntog ka pa’t magkagusto sa iba. Hindi puwede ’yon.” aniya pagkatapos ay maingat nang inilagay sa ulo ko ang kanyang hawak na helmet.
“Sus… Ilang babae na ba ang nakasuot nito? Mukhang lagi mong dala eh. Lagi kang may angkas?”
That caught him off guard. Hindi kaagad nakaisip ng sagot. Tinalikuran ko na lang siya at hinintay na ayusin ang kanyang motor dahil baka kapag nagpatuloy pa kami sa diskusyon ay mahimatay na lang ako sa harapan niya. Kahit kailan, alam kong hindi ako mananalo kay Nicolaus. Marami siyang baon na mga salitang tumatagos sa kailaliman ng puso ko kahit na hindi ko naman iyon gusto.
Everyone who doesn’t have a motorcycle was already on Achilles’ black ford ranger. Iba iyon sa usual niyang gamit na sasakyan.
“Sakay na.” aniya sabay tapik sa espasyo sa kanyang likuran. Sumunod naman ako.
“Yakap.” he demanded.
“Dito na lang ako kakapit–”
“Yakap sabi, eh.”
“Nicolaus–”
“Hays, ang damot naman para yakap lang…”
I bit my lip and then put my hands on his shoulders instead. Wala na itong nagawa kung hindi ang magpatuloy dahil kami na lang ang naiwan.
I called my father when we got into the park. Pinayagan niya akong makipag-bonding sa mga kaibigan ko.
Vivi taught me how to use her skate board. Doon ako naging abala sa mga sumunod na minuto hanggang sa magsimula na silang sumayaw. This time, the group were divided into two dahil wala naman silang maka-showdown. Ivana and I were the first one to dance in the middle since we’re new to the group. I still have to go through the second audition, pero kahit wala iyon ay siguradong pasok na ako.
Walang tigil ang hiyawan at kasiyahan sa dance showdown ng nahating grupo. Everyone participated and had fun with that. Naki-practice rin kami ni Ivana sa dance steps ng piyesa nilang nabuo para sa kanilang performance sa darating na regional dance competition. We also did tiktok videos with Riggwell at saka lang nagpahinga nang makuntento ito sa ilang videos na kinunan.
I thought I was going to rest after that but Nicolaus asked me to dance with him again. I was hesitant to give him my hand pero dahil sa hiyawan ay hindi ko na ito natanggihan.
Bago pa ako makapaghanda sa pagsabay sa mabilis na beat ay awtomatiko nang lumipad ang mga mata ko kay Riggwell nang palitan niya iyon ng kantang say you won’t let go by James Arthur.
Bago pa ako makapagreklamo ay sandali nang natigil ang pagtibok ng puso ko nang hapitin ni Nicolaus ang aking bewang palapit sa kanyang katawan. My heart throb relentlessly with what he did!
“Dance with me…” masuyo niyang bulong at walang sabi na akong inikot, wala nang kawala sa gusto niyang gawin.
Pinuno ko ng hangin ang aking baga at pagkatapos ay dinama na lang ang mabagal na tugtog sa parkour.
Natahimik ang lahat nang walang hirap akong nakapag-adjust sa kanta. Moments later, we were both dancing like feathers in the wind. We were in synced. Para siyang anino ng aking katawan na sumasabay at umaalalay sa bawat galaw ko.
Our piece became more intense and passionate for the next minutes. Gaya ng unang nangyari iyon, it felt like our performance was perfectly rehearsed. Hindi ko gustong maapektuhan sa ginagawa, but I lost it when he held my waist and pulled me up from the ground. He spin my body just as the chorus ended but instead of letting go, my legs automatically snaked around his waist, ayaw magpabitiw sa kanya.
“Just say you won’t let go. Just say you won’t let go…”
Naghiyawan ang lahat sa aking ginawa pero pakiramdam ko ay ako ang dapat sumigaw nang imbes putulin niya na ang sayaw ay iniyakap niya lang ang matitipunong braso sa aking katawan at agad akong niyakap nang mahigpit habang patuloy na umiikot kasabay ng pagbagal ng kanta.
I felt like crying at the sudden burst of my emotions. Hindi ko maintindihan ang dapat maramdaman sa kanyang ginawa. What he did made me so emotional for some reason.
Parehas kaming hinihingal nang tuluyang matapos ang kanta kasabay ng kanyang pagtigil sa paggalaw. My feet were back on the ground, but we continued hugging each other. Sandali kaming nawalan ng pakialam sa mga kasama naming nagwawala na dahil sa napanuod.
“You’re so damn good at this, Roshlin. Paano pa ako makakaahon niyan?” Masuyo niyang bulong sa aking tainga.
I chuckled on his chest. Sinapak ko ang likod niya pero nang subukan kong bumitiw ay mas humigpit lang ang yakap niya sa akin.
“Pwede bang dito ka na lang? Tangina, binabaliw mo na talaga ako.”
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi at tuluyan nang walang naisagot. I don’t know what to answer to that. Mabuti na lang at dumating na ang pagkaing in-order ng magpipinsan kaya naghiwalay kami. Kung ako lang, parang ayaw ko na ring bumitiw…
Ivana didn’t stop teasing me again. Buong pagkain namin ay wala itong ginawa kung hindi ang tuksuhin ako kay Nicolaus. Hindi ko na lang siya pinatulan dahil ayaw ko nang pahabain pa iyon.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na kami ni Ivana sa kanila. Hindi na ako nagpasundo dahil kaya ko namang mag-commute. Gusto pa sana nila kaming ihatid pero hindi na nila nagawa nang makapara na kami ni Ivana ng tricycle at agad sumakay.
She teased me the whole ride at hanggang sa makababa ako ng sasakyan.
“Good night, Roshlin! Panigurado namang talagang masarap ang tulog mo!”
“Sira!”
Tumawa na lang ito at kumaway bilang paalam sa kanya. Dahil bawal na ang tricycle sa loob ng village ay naglakad na lang ako. Hindi naman iyon delikado dahil marami rin namang nagrorondang mga gwardiya kaya hindi ako nakaramdam ng takot kahit na alas diyes na ng gabi.
Hindi nawala ang ngiti ko habang palapit sa bahay. Time really flies when you’re living the best of your life. Nanatili akong nakangisi habang papasok ng bahay.
Being with them today was one of the best decision I’ve ever made and I am so excited to spend more days with them. Iyon ang mas nagpapasaya sa puso ko ngayon, pero ang lahat ng tuwang naramdaman ko ay agad napalitan ng kaba nang matanaw ang agarang pagtayo ni Tita Myrcelle matapos akong makitang pumasok sa main door.
“Where the hell have you been?! Uwi pa ba ito ng matinong babae, Roshlin Zabryna?!” her angry voice roared like a blazing thunder, replacing all the happiness in my heart with fear.
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below.
🙂
# CHAPTER 17
Chapter Seventeen
Enchanted
I was scolded hard by Tita Myrcelle like what I did was one of the heinous crimes and was unforgivable. Bukod doon ay nag-away pa sila ni Papa.
"You are tolerating your daughter Rucio! Ang mga anak mo ni minsan ay hindi lumabag 'yan sa curfew at marunong makinig sa akin! You are being unfair to them by allowing Roshlin to do the opposite! Aba't hindi na tama 'yan! You're spoiling your daughter so much since she's moved here! Hindi ako papayag nang ganyan! Disiplina lang ang gusto ko sa pamamahay ko!"
Napayuko ako sa sunod-sunod na malalakas na sigaw ni Tita Myrcelle sa loob ng opisina ni Papa. Kahit na nakasarado ang pintuan ay malinaw iyon sa tainga ko. She was raging and I felt kind of bad. Kung alam ko lang na magagalit siya ng sobra ay hindi na sana ako sumama sa mga kaibigan ko.
They argued more. Sampung minuto pa ang lumipas ay napaalis na ako sa pagkakasandal sa dingding nang lumabas ito. Her sharp eyes looked at me up and down. Hindi ko nagawang gumalaw dahil sa pagbabanta sa kanyang mga mata pero bago pa tuluyang maubos ang pasensiya ay iniwan na ako.
"Roshlin." My father called.
Sumunod ako papasok sa kanyang opisina.
"Papa, I didn't mean it. Kung alam ko lang na mag-aaway kayo ni Tita Myrcelle ay hindi na sana ako–"
"It's not your fault, hija," he cut me off before glancing at the chair in front of his table.
Kahit na ayaw pumirmi ng puso ko dahil nakokonsensiya ako sa nangyari ay ipinaramdam niyang hindi siya galit sa akin at naiintindihan niya ako.
"Kumusta ang pagtambay ninyo sa parkour?"
My throat run dry because of his question. Kahit na alam kong mabigat ang naging pag-aaway nila ay mas iniintindi niya ako. Hindi ko tuloy naiwasang maging emosyonal.
"Papa–"
"Just tell me it went fine and you enjoyed hanging out with your friends so I woulnd't regret letting you go with them. Aba't hindi naman ako papayag na mabulyawan ng gano'n tapos hindi ka naman pala nag-enjoy? Lugi tayong dalawa kung gano'n."
"Papa naman." I pouted, naiiyak na sa mga sinasabi niya.
Awtomatiko kong inabot ang kanyang kamay nang ilahad niya iyon sa lamesa. Marahan niyang pinisil ang aking palad.
"Mukha namang nag-enjoy ka dahil hindi ka naman gagabihin kung hindi, 'di ba?"
"I did, Pa. Thank you po."
"No worries, Roshlin. Huwag mo na ring isipin ang Tita Myrcelle mo. Hindi lang iyon sanay na may lumalabag sa mga patakaran niya. Isa pa kaya gano'n ay dahil siguro nagkakaedad na. Masyado nang nagiging sensitibo."
What he said made us both smile.
"But I wouldn't do it again. Ayaw ko na pong mag-away kayo ni Tita Myrcelle."
"Nah, RZ. Huwag mong intindihin ang Tita mo. Ako ang bahala diyan. Kung ano ang gusto mo ay sabihin mo sa akin. Wala akong pakialam kung ano ang sabihin niya. I trust you. Nananalaytay sa 'yo ang dugo ng mga Almanzerano kaya wala akong karapatang tutulan ang mga bagay na magpapasaya sa 'yo. Besides, I know that you know your limitations. You are a smart girl and I'm pretty sure your mother taught you enough kaya magtitiwala ako. Kung ano man ang problema ay narito lang ako, naintindihan mo? If Myrcelle will scold you again, sabihin mo kaagad sa akin at ako ang haharap sa kanya."
"Kaya tuloy naiisip niyang palagi mo akong pinapaboran."
"Of course I will, Roshlin. Anak kita and I will spoil you with all the things that you want and deserved. Hindi gaya nila Fyrcelle, marami akong utang sa 'yo. I already gave them enough of my time and it's now my turn to make up for the time that we've lost together. Alam mo ba kung gaano kahirap na hindi kita nakitang lumaki?"
I bit my lip, my eyes were starting to betray me.
"Kung kaya ko nga lang bilhin ang mga oras na 'yon ay gagawin ko. I would sacrifice everything just to turn back time and send you to your first day of school. Sa unang pag-aaral mo ng swimming lesson, sa pagtulong sa 'yo sa mga homework sa school. Anak, hindi ko na maibabalik 'yon kaya dito ako ngayon babawi. She doesn't need to teach me how to raise my daughter because I already know how."
"And you're doing great, Papa. Thank you for understanding me."
He nodded gently and then kisses my hand. "Now rest at baka magising pa ang dragon at mabugahan pa tayo ng apoy dito!"
Parehas kaming muling natawa ni Papa sa pagtatapos ng aming usapan. Mas naging magaan ang puso ko pagkatapos no'n at kahit na kinabukasang tahimik ang magkakapatid at ang kanilang ina sa hapag ay hindi ako nailang.
Naninimbang naman si Papa at handa akong segundahan kung sakaling pagalitan na naman ako kaya panatag ang loob ko. Kung may isa mang hindi naka-move on ay si Ivana iyon.
"Ang kapal talaga ng mukha ng step mother mong mukhang palakang kulang sa kain ng insekto! Parang hindi naman siya dumaan sa pagkadalaga!"
"Hayaan na natin. Okay naman na tsaka ang mahalaga naman ay ang opinyon ni Papa."
"Pero paano 'yan? Eh 'di hindi ka na talaga pwedeng lumagpas sa curfew mo?"
"As much as possible ayaw ko nang mag-away sila. Okay lang sa aking pagalitan pero ang makitang nai-stress din si Papa dahil sa pagbubunganga niya ay ayaw ko nang maulit."
"Napakabait mo talagang nilalang, 'no?"
Umiling ako at ipinagpatuloy ang pagkuha ng pagkain sa cafeteria. "Hindi naman. Ayaw ko na lang bigyan ng sakit ng ulo si Papa. He doesn't deserve it."
Isang mahabang buntong-hininga na lang ang pinakawalan ni Ivana dahil sa sinabi ko. Tuluyan nang nahinto ang usapan nang makita namin ang lalaking magpipinsang pumasok sa loob ng kinaroroonan namin. Wala sana kaming balak na saluhan sila pero dahil kay Riggwell ay hindi na kami nakatanggi.
"Ako na." pilit kong bawi nang kunin ni Nicolaus ang tray na laman ang pagkain ko.
Imbes na ibigay sa akin pabalik ay umiling lang ito at hindi na nagsalita. Wala na rin akong nasabi nang ihatid niya ako sa kanilang lamesa.
"May gusto ka pa ba?"
I shake my head. Tumango na lang siya at sinundan si Riggwell at Seidon sa counter. Naiwan kami ni Achilles sa lamesa. He stopped reading his book to greet me.
"Are you going to finish your audition later or bukas ka pa babalik? Last day na tomorrow."
"Hindi ko pa sure. Kapag maagang natapos ang klase ko mamaya hahabol na lang ako. Alanganin kasi."
"It's alright, we'll wait for you."
"Naku hindi na. Ayaw ko namang maging paimportante."
"But you are. Baka hindi na sumayaw si Nico kapag hindi ka pa naging opisyal na parte ng pamilya."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"I mean, ng EDM." Achilles added.
Nababaliwan akong napatango-tango.
"Titignan ko pero huwag n'yo na akong hintayin kung tapos na kayo. Magti-text na lang ako kay Vivi kung aabot pa pero kung hindi bukas na lang."
"Kay Vivi?" his brows furrowed at that. "Bakit hindi pa kay Nicolaus?"
Achilles was one of timid guys I've ever met kaya naman hindi ko maiwasang ma-pressure sa mga sinasabi niya! Kahit na alam kong nang-aasar ay hindi ko magawang mainis o sungitan dahil feeling ko magkakasala ako ng malaki.
Achilles was a saint to everyone in the university. Bukod sa mabait, masipag mag-aral, maka-Diyos at matalino ay hindi rin ito pahuhuli sa mga pinsan pagdating sa pagsasayaw. They were all equal. May kanya-kanya silang forte sa istilo ng pagsasayaw at kapag pinagsama-sama ay parang isang perpektong putahe na naroon na ang lahat ng lasa.
We started eating when everyone settled at the table. Hindi ko naawat ang pagtabi sa akin ni Nicolaus dahil ang Ivana ay ipinagkanulo na naman ako at hindi na pinansin para lang magka-moment kami ng lalaking ibinubugaw niya sa akin.
"Okay ka lang?" maya-maya'y tanong ni Nicolaus nang magkaroon ng tiyansang solohin ako't ilayo sa usapan ng mga pinsan.
"Oo naman. Bakit naman hindi?"
"Hindi ka ba nasaktan kagabi?"
Litong ko siyang tinitigan at matagal bago naisip ang tinutukoy niya.
"Kuya Faun told me what happened. Hindi ka ba sinaktan ng step-mother mo?"
Of course, Roshlin! Kahit ano nga pala ay agad niyang malalaman dahil sa bodyguard mo!
"Hindi ko tuloy alam kung si Papa ba ang boss ni Kuya Faun o ikaw. Updated ka masyado eh." I jokingly answered.
"Hindi naman sa lahat. Sa mga bagay lang na alam kong magpapalungkot sa 'yo."
Ipinagdiin ko ang aking mga labi at pilit siyang nginitian. I appreciate him for saying that. Oo nga't masyado siyang makulit pero ramdam ko ang pagiging totoong concerned niya bilang kaibigan.
"Okay lang ako. Wala namang nangyari bukod sa nasigawan pero wala 'yon. Nando'n naman si Papa kaya hindi ako masasaktan ni Tita Myrcelle."
"Paano pala kung wala ang papa mo?"
Sandali akong natahimik, napaisip rin sa kanyang tanong.
"Then I'm dead," I chuckled, but I realized it was a bad joke when he remained looking at me with his poker face. "Joke lang. Wala namang mamamatay tao sa bahay 'no tsaka kaya ko naman ang sarili ko."
"Call me when you need help. Kahit anong oras darating ako para ilayo ka do'n."
"Hindi na ano ka ba. Tsaka, wala 'yon! Don't think about it. Normal lang na magalit si Tita dahil kay papa lang naman ako nagpaalam. Isa pa, it was her rules so she has the right to be mad and disappointed."
"Basta tawagan mo ako kapag kailangan." Pag-uulit niya na tinanguan ko na lang para matapos na.
We talked a bit more. Ihahatid pa sana nila kami ni Ivana pero hindi na ako pumayag.
"Just call Nico if you're going to make it later or not." pahabol ni Achilles dahilan para mahila ko si Ivana palayo.
She continued teasing me until we had a quiz. Malayo rin ang upuan niya sa akin sa sunod naming klase kaya kahit paano ay napahinga ako. Nang makitang hindi na talaga ako aabot sa audition ay tinext ko na si Vivi.
Ako:
I can't make it, Vi. Pakisabi na lang sa lahat na huwag na akong hintayin. Nagbabalak kasi yata si Achilles na hintayin ako.
Venus replied after five minutes.
Vivi:
Naku wala ako sa theater, RZ. Paki-message na lang si Nico may emergency kasi ako kaya umuwi na kasama sila Chaz.
Iisipin ko sanang pinagtutulakan lang nila ako sa pinsan pero wala pa rin akong nagawa kung hindi ang i-text ito para matapos na.
Ako:
I can't make it later. Baka bukas na lang ako tumuloy, Nico.
He replied right away.
Nicolaus:
We'll wait for you kahit gaano pa katagal.
Ako:
Sira! Umuwi na kayo sobrang late na kasi talaga.
Nicolaus:
Hindi aalis hangga't hindi ka nakikita.
Ako:
Bahala ka! Mamumuti mata mo kahihintay sa wala!
Nicolaus:
Sige ipapadala ko na lang pala mga gamit ko dito kay Mama. Dito na lang ako titira hangga't hindi ka pumupunta.
Hindi ko na napigilang mapangisi. Kahit kailan talaga baliw ang isang 'to. Bago pa ako makapag-reply ay natigil na ako sa pagtitipa nang may dumating na email sa akin.
I bit my lip when I realized it was Nicolaus. Hindi ko na napigilang mabaliwan na naman nang makita ang kanyang email address.
Nicolauskayroshlinlangrurupok@gmail.com:
Hello!
Attached in this email is the photo of the man who will wait patiently for you until your class is done. Please see attachment para tayo naman ang ma-attached.
baka naman,
NicoausKayRoshlinLangRurupok
I couldn't stop giggling after reading his email but my heart flooded with joy when I finally saw his cute selfies inside the theater. His hair wasn't tied up. Nakataas ang angle at ipinakita rin ang stage sa kanyang background. Sa isang photo ay stage lang iyon at may nakasulat lang na text.
"Can't wait to see you dominate this stage again. Impress me."
Kahit na wala talagang balak ay wala na rin akong nagawa dahil sa pangungulit niya.
"Wait, hindi mo ako sasamahan?"
"H-ha? Akala ko ba bukas pa? Naku, hindi ako pwede ngayon, RZ! May absent daw today kaya kailangang maaga ako sa WYWB!" Si Ivana matapos ang klase namin.
I was left with no choice but to go there alone. I texted Nicolaus pero hindi na ito nagre-reply kaya tuloy nagmadali na ako dahil baka totoong namuti na ang mga mata nilang lahat sa pagdating ko! Nakakahiya iyon kahit pa sila naman ang nagpumilit.
I was expecting to see everyone inside pero mas lalo yata akong kinabahan nang makitang si Nicolaus lang ang naro'n! Nang mapansin niya ako ay agad siyang huminto sa pagsasayaw.
Lumapit siya sa speaker at pinatay iyon, hindi na inalis ang tingin sa akin habang palapit ako sa stage.
"Bakit ikaw lang?"
Nagkibit siya ng balikat. "Ino said he'll just buy some food."
Parehas kaming napailing nang matanto ang plano ng kanyang mga pinsang iwan kaming dalawa. Maybe Ivana has something to do with it, too! Talipandas!
He jumped out of the stage to come near me. Kinuha niya ang bag ko at inilapag sa lamesa.
"You know you don't have to do it, right? Pasok ka naman na kahit hindi ka mag-audition."
Imbes na sundin siya ay umakyat ako sa stage.
"Nandito na lang rin ako, I might as well impress you, right?"
His lips curved a smile. Naghalukipkip siya't tumango, hindi na inalis ang namamanghang titig sa akin. Kahit yata hindi ako sumayaw ay bilib na bilib na siya.
"Now give me a beat."
He picked up his phone and chose a song for me. Pinigilan kong mapangisi nang kagatin niya ang pang-ibabang labi matapos kong itali ang aking buhok.
"Anything?"
"Yeah, I'm ready."
Pinuno ko ng hangin ang aking baga nang magsimula nang tumugtog ang kantang Money by Lisa.
I started freestyling. Simula nang umindak ako ay hindi ko binitiwan ang mga mata ni Nicolaus na kalaunan ay nawala na ang ngisi dahil sa pagtutok sa akin. I let myself enjoy the beat of the music.
Sa bawat malinis kong paggalaw ay halos mapaindak na rin siya sa ibaba ng stage. I knew he was already impressed before I dominate the stage again.
Hinayaan kong sumabay sa maangas na beat ang aking katawan. My moves were clean and smooth like a bird flying freely in the blue sky. I bit my lip and then started started feeling the music more when it hits pre-chorus. Sinabayan ng aking ekspresyon ang bagsak ng chorus dahilan para maiangat ni Nicolaus ang kanyang kamay upang palakpakan ako hindi pa man tapos ang ginagawa.
I couldn't stop smiling at what he did, but I still finished the song. Sa pagtatapos ng kanta ay mas lumakas ang palakpak niya sa akin.
I shake my head when he pulled the golden ticket out of his gray pants. Nakasingit lang iyon sa garter ng kanyang suot. Agad kong iniwas ang tingin nang nagmamadali siyang sumampa sa stage without using the stairs. Sabay-sabay kasing nagmura ang mga muscles niya sa braso nang gamitin iyon para makaakyat at lapitan ako.
"Welcome to EDM." malawak ang ngiti niyang sabi.
Magiliw kong kinuha sa kamay niya ang ticket at ang bottled water na ibinigay. Sabay kaming naupo sa dulo ng stage. Binigyan niya ako ng sapat na oras para kumalma pero mas lalo lang yatang bumilis ang pintig ng puso ko nang sunod na maramdaman ang pagpunas niya sa aking noo gamit ang kanyang kulay abong bimpo.
"Madami-dami na rin akong hindi nalalabhan na bimpong may pawis mo."
Naiinis ko siyang sinapak bago kinuha sa kanya ang bagay. Umalingawngaw ang tawa niya sa tahimik na theater.
"Kaya kong magpunas mag-isa!"
"Alam ko pero hindi naman siguro masamang sanayin ka."
"Sanayin?" ismid ko, muling lumawak ang nakakalokong ngisi niya.
"Oo. Kapag naging tayo hindi ako papayag na makakita ni isang butil ng pawis diyan sa noo mo," napatuwid ako nang upo nang sunod kong maramdaman ang pagkapa niya sa aking likod. "Basa rin 'to, punasan mo."
I felt like being enchanted by his voice. Naging sunod-sunuran ako sa gusto niyang gawin ko pero sa huli ay hindi ko siya pinayagang makuha ang bimpo.
"Pahiram muna."
"Hindi na, Nicolaus! Ayan ka naman, eh! Ibabalik ko na lang kapag nalabhan na."
Napakamot na lang ito sa ulo nang wala nang magawa matapos kong isilid sa bag ko ang bimpo niya bago pa kami makalabas sa theater.
It's already dark when we got outside. Kakaunti na lang rin ang tao dahil kanina pa ang uwian pero may iilan pa rin kaming nadaanan.
I watched him wipe his sweat using his arm. Doon ko lang napansin na basa rin pala siya ng pawis. How stupid of me! Dinukot ko na lang ang panyo ko at ibinigay sa kanya.
"Basa rin ang likod mo. Ibalik mo na lang rin kapag nalabhan na."
Muling lumawak ang ngisi niyang parang batang nabigyan ng sandamakmak na ice cream. Kinuha niya sa kamay ko ang panyo pero imbes na ipunas sa sarili ay agad niya lang iyong isinilid sa kanyang bulsa.
"Kahit huwag mo nang ibalik 'yang bimpo ko palit na lang tayo." aniya sabay hawak ng kamay ko at hindi na iyon binitiwan hanggang sa maihatid ako sa aming sasakyan.
Full version of this story is only available on PATREON and VIP group. Click the link in my bio to subscribe or message me for details.
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below.
🙂
CHAPTER 18
Chapter Eighteen
Distansiya
I consulted my father again about the dance crew, but I still heard the same thing he said the first time. Gusto niya pa ring suportahan ako sa hilig ko at walang problema sa kanya ang bagay na ’yon.
I was actually hesitant because that wasn’t part of my plan and I need to adjust my schedule to make it work, but I am now determined. Talagang gusto ko rin at hindi ko iyon palalagpasin lalo na sa nalaman ngayon.
“Really?”
“Oo. That’s Seidon’s first rule. Kay Chaz ko lang nalaman ’yon pero marami pa raw mga rules at ipapaliwanag ’yon this Saturday. Pupunta ka naman, ’di ba? Ilang minuto lang naman ang layo ng building nila sa inyo. Don’t tell me hindi pa buo ang loob mo sa pagsali?”
Umiling ako. My decision was actually finalized after hearing that romantic relationship between EDM members are forbidden. That way, wala nang tiyansa ang pagpupursigi at pagpaparamdam sa akin ni Nicolaus dahil iyon ang unang-unang rule ni Seidon sa grupo.
“Wait, OMG! Tatanggi ka para kay Nicolaus?!” Ivana exclaimed when I didn’t answered her right away.
“W-what?”
“Don’t tell me you’re having second thoughts about EDM because of Nico?! Are you falling in love–”
“Oh my Gosh! No, Ivana!” I cut her off and even put my hand on her mouth! “I am not at dahil sinabi mo ’yan talagang sasali na ako!”
Nalito ako sa pagbagsak ng kanyang balikat matapos tanggalin ang kamay ko.
“Wait, so tatanggapin mo dahil sa rules ni Seidon?”
I nodded. “Yes and because I really want to be part of EDM.”
“Shit! Bakit hindi ko ba ’yon naisip?! Wait, hindi rin naisip ni Kulas ang bagay na ’yon? Kung hindi pwede ang relasyon, bakit pinush ka pa niyang sumali?! Paano magiging kayo?!”
I almost laughed at that. “We’re not going to be together, Ivana. Tsaka isa pa, alam mo ang mga lalaking gaya ni Nicolaus. He has a reputation kaya malabo ang sinasabi mo. Men like him will not settle into a relationship. Like how? He’s one of the most adored man in this city and he has a lot of choice, too. Makulit lang talaga pagdating sa akin pero hindi ibig sabihing gusto niya ako sa ganyang paraan. Hindi rin natin alam kung kanino pa siya makulit. For sure hindi lang rin sa akin.”
“Oh, eh bakit parang ang haba ng explanation?”
I rolled my eyes at her. “Sinasabi ko lang.”
“Oh, eh bakit parang nalungkot ang bebe?”
“I am not. I’m just literally explaining.”
Mas lalo siyang nangisi, kiniliti pa ako. “Hindi mo ba siya trip?”
I shifted my gaze back on my book before answering her. “He’s good and cool, but I am not looking for that right now. Priority ko ang studies ko and you know that.”
“Sus! Pwede naman i-prioritize both, ah!”
“Mas okay kung isa lang.”
She poked my arm twice. “Hindi nga? If kaya mong i-prioritize, hindi talaga? Ayaw mo sa kanya?”
“No,” I said firmly. “He’s a playboy and that’s enough reason for me to say no.”
“Paano kung magbago para sa ’yo?”
“He shouldn’t. He’s young and he has all the right to explore his options. Gano’n rin ako at hindi ako nagmamadali. May tamang oras para diyan.”
“Mga anong oras? Five thirty? Today? Hindi kaya?”
Nababaliwang inilingan ko na lang ang nang-aasar na mukha ni Ivana na wala na yata akong balak na tigilan!
Sa mga sumunod na araw ay mas naging ganado ako lalo na nang dumating ang araw kung saan ang unang meeting namin bilang mga opisyal ng miyembro ng EDM at UDB dance crew.
“You’re dressed up pretty nicely today. Saan ka pupunta?” malamig na tanong ni Tita Myrcelle habang nasa hapag kami.
My father didn’t want me to tell her about the dance crew. Nangako siyang siya na ang magsasabi no’n pero hindi pa nagagawa dahil sa nangyari noong nakaraang araw.
“She’s going out with her friends today, Myrcelle. Hayaan mo ang bata at alam niya naman na ang curfew niya right, Roshlin?”
“Opo, Papa. Uuwi rin naman ako kaagad Tita hindi ako magpapagabi.”
“You better not.” sarkastikong singit ni Fyrcelle habang nakaismid sa akin.
“How about you two? Hindi ba’t aalis rin kayo ngayong araw kasama ang mga kaibigan ninyo?”
My father’s question made her zipped her mouth. Tumango si Essa bilang sagot habang si Fyrcelle naman ay agad na naging Biyernes santo ang mukha.
Marami pang napag-usapan sa hapag pero mas lamang doon ang mga paalala ni Tita Myrcelle at mga parinig sa akin. Bilang respeto na lang kay Papa ay hindi ko na lang inintindi. Sa mga simpleng tingin niya rin sa akin ay alam ko na ang ibig niyang sabihin.
I kissed him before going out of the house. Dinaanan namin ni Mang Diego si Ivana at sabay na kaming pumunta sa building na tinitirhan ng mga Cordova.
Everyone was already there when we got inside the dance studio. Habang sinisipat ang paligid ay hindi ko mapigilang mamangha lalo na’t hindi ko in-expect na ganito kalaki at kaayos ang balawarte nila. Mas lalo akong na-excite dahil bukod sa maraming bagong mukha ay alam kong wala kaming gagawin ngayong araw kung hindi ang mag-practice ng bagong piyesa. Ivana said that they were talking about picking some of us to join the regional dance competition. Hindi ko naman mabasa iyon dahil wala akong messenger.
“You should really make one now para naman maging updated ka.”
“I’ll think about it.”
Natigil kami sa pag-uusap nang lumabas si Nicolaus sa elevator. Everyone was there except for Riggwell. His eyes automatically searched for mine. Nang magkatitigan ay agad siyang napangiti.
Naputol lang iyon nang tumayo si Seidon sa harapan at nagsimula nang magsalita. Sabay-sabay kaming natahimik.
“First of all, I want to congratulate all of you for being officially part of our family! You guys are all amazing and talented. And EDM is really grateful to have you.”
Nagpalakpakan ang lahat. Seidon told us some background of the dance crew. Where it started, its goal and even its milestones so far. Mas lalo akong bumilib sa kanilang lahat.
After that, he asked us to introduced ourselves. Nauna ang mga lalaki. Maging ang mga lumang miyembro ay nagpakilala na rin.
There were six new guys and us five girls. Bukod kasi ang mga pasok sa EDM at sa UDB dance crew. Ngayong araw ay tanging mga EDM members lang ang narito dahil iba naman ang meeting para sa UDB dance crew. Ang mga nakapasok kasi sa UDB ay iyong mga estudyanteng hanggang sa school competitions and other activities lamang while EDM members will have a chance to compete outside the university and even outside the country.
“I’m Janus, freshman and I’m taking up hotel and restaurant management. I was actually seatmates with Vivi even before I knew she was part of the dance crew. Anyway, it’s nice to meet you all. I hope I can get along with everyone.” sabi ng lalaking mala-boy next door ang dating.
He was not tall as the Cordova’s pero matangkad pa rin sa ibang mga miyembro. He looks nice and decent like everyone else, too. Mukhang ismarte rin and he sounded like a dj. Naging interesado tuloy sa kanya ang mga babae.
Kinuha niya ang kanyang EDM jacket at sa pagkuha ng panibago ay sa akin niya iyon ibinigay, tanda na ako ang gustong isunod na magpakilala sa gitna.
Nahihiya siyang napangiti dahil siguro sa gulat ko. I am not ready to introduced myself yet!
“Okay lang?” Nahihiya niyang tanong.
I nodded and grab the jacket on his hand. “May magagawa pa ba ako?”
Napakamot siya sa ulo. All of the new guys teased us both mas lalo ko iyong ikinagulat, pero agad napalitan ng kaba ang aking dibdib nang makitang ang masayang lalaking pumasok kanina sa elevator ay wala na ngayong kangiti-ngiti at matalim nang nakatitig kay Janus.
My heart pounded more when Janus held my hand, inalalayan akong tumayo bago naupo sa tabi ng pwesto ko. I felt like my heart was about to burst inside my chest when I got into the middle of the room.
I cleared my throat to cut the deafening silence. Huminga ako nang malalim at ngumiti nang malawak.
“Hello. I’m Roshlin Zabryna Almanzerano, you can all call me RZ for short. I just moved here a few months ago and it wasn’t really my plan to pursue my love for dancing, but there’s no stopping now,” panimula ko habang pilit na itinatago ang kaba sa dibdib. “It’s an honor to be part of this dance crew and meet amazing people. Wala man sa plano and it’s too cheesy to say this, but I think being able to stand here in front of you was all meant to be. I hope ma-enjoy natin ang journey together at marami pa tayong matutunan sa bawat isa.”
Everyone clapped at my speech except for Nicolaus na hindi na yata tinantanan ng tingin si Janus. Mas lalo pa ngang hindi nawala ang titig nito sa lalaki nang ibigay ko kay Ivana ang kanyang jacket at palitan ang pwesto nito dahil nasa pwesto ko na ang lalaki.
Kahit na dama kong tumutusok na sa balat ko ang titig ni Nicolaus ay hindi ko na lang muna pinansin.
“You’re just new here?” usisa ni Janus nang maupo ako sa tabi niya.
Tumango ako. “Yeah, kaya naninibago pa.”
“Really? Kaya naman pala.”
Hindi ko napigilang matawa. “Kaya ano?”
“Nothing,” lumawak lalo ang ngisi niya. “Now I remember where I first saw you. It wasn’t at the audition. It was at a party, your party.”
Pilit kong inalala kung nakita ko nga siya noon pero hindi ko na lubos maisip.
“I couldn’t remember you.”
He smiled. “It’s okay. Hindi man ako nakapagpakilala sa ’yo that night, but I can still do that now, right?”
Nalaglag ang mga mata ko nang ilahad niya sa aking harapan ang kanyang kamay. Nahihiya ko naman iyong tinanggap.
“Janus Erron.”
“Roshlin Zabryna, RZ na lang.”
“Then call me JE.”
That made us both laugh, but everyone was interrupted by a loud thud!
Pare-parehas kaming napalingon sa gawi nang bumagsak na bagay sa sahig, leading our eyes to a grumpy Nicolaus. Nabawi ko ang kamay kay Janus sa nangyari.
“Please continue.” Salo ni Achilles habang lumalapit sa pinsan.
Ivana continued her speech. Nabalik ang lahat ng atensiyon sa kanya maliban sa akin na nananatili ang mga mata sa magpipinsang nagbubulungan.
Seidon nodded at what Nico told him while Achilles was just listening to the two. Naalis ko lang ang titig sa kanila nang mas lalo yatang ma-stressed si Nicolaus sa kung ano.
Kahit na magiliw ang pagpapakilala ng iba pang sumunod ay hindi nawala ang tensiyon. Lumuwag lang sandali ang paghinga ko nang makita si Riggwell.
“Wow, we’re full.” He greeted.
Dahil nasa harapan na rin ay siya na ang sunod na nagpakilala.
“Hello, I’m Riggwell Lacroix, six foot two inches, single, may six pack abs at pinakapoging Cordova mula sa bayan ng San Antonio na magugustohan ng mama at papa mo para sa ’yo.”
Naaliw ang lahat dahil sa kanyang sinabi pero nang mapadpad ang titig sa kanyang pinsang seryoso ay doon nanatili ang mga mata niya.
“Oh, sinong umayaw sa bebe Kulas ko?” kunot-noo niyang tanong pero agad ring nasagot nang lumipad ang titig sa akin at makita ang lalaking katabi ko.
“’Yon lang…” he murmured.
Seidon shook his head and joined him in front. Sumunod naman si Achilles at nagpakilala rin pero ang huli ay nanatili sa kanyang pwesto kaya wala nang nagawa si Riggwell kung hindi ang lapitan ito.
Achilles explained the competitions that EDM are into. Pagkatapos no’n ay nagsimula naman si Seidon sa pagsasabi ng mga rules dahil ayaw na rin talagang lumapit ni Nicolaus sa harapan at magpakilala. Good thing Janus remained unaware of what was happening. Parang bukod sa magpipinsan ay kami lang ni Ivana ang may idea kung ano talaga ang puno’t dulo ng inis ni Nicolaus.
Napayuko ako nang maramdaman ang pag-vibrate ng aking telepono. I had to take a few seconds before opening Nicolaus’ text pero wala namang laman iyon. Lito akong nag-reply.
Ako:
Why?
Nicolaus:
Wala pinapaalala ko lang na masakit.
Ako:
May sakit ka?
I asked innocently. Ayaw ko rin naman kasing mag-assume. Isa pa, I am not doing anything wrong.
Nicolaus:
Hindi pero baka makasakit ako kapag nagpatuloy pa ’yang manglandi sa ’yo.
Lumipad ang mga mata ko pabalik sa direksiyon niya pero nakatalikod na ito at si Riggwell sa amin, patuloy na nag-uusap.
Magre-reply pa sana ako pero dahil nasabi na ni Seidon ang pinakaunang rule ay muli akong natahimik.
“As in bawal?” si Nadine, nagulat rin sa nalaman.
Seidon nodded. “You are allowed to have a relationship but not with each other. We want to keep everything professional here and we don’t want any drama so if you are against one of our rules, you’re still free to say no. Walang problema.”
“Bawal rin sanang manglandi.” singit ni Nicolaus na nagpabilis lalo ng tibok ng puso ko lalo pa nang walang sabi niyang ibaling ulit ang atensiyon sa pwesto ko.
My breath hitched when his eyes shifted back to Janus and said, “Kahit hindi pwedeng maging karelasyon ’yan, akin ’yan.”
“Oh…” nagpalipat-lipat ang tingin ni Janus sa aming dalawa. “Y-you two…”
“Huwag ka nang magtanong. Dumistansiya ka na lang.” malamig at may pagbabantang dagdag ni Nicolaus.
Ivana’s eyes widened more at that! Hindi na makapaniwala sa bulgarang paglalahad ni Nicolaus ng pag-angkin sa akin kahit na kabaliwan iyon!
“Janus, sige na kung mahal mo pa ang buhay mo. Medyo seloso kasi ’tong manok ko.” segunda naman ni Riggwell na inaakbayan na ang pinsan pero nanatiling seryoso ang huli.
Kung hindi nga lang sa pagsingit ni Venus ay baka doon na lang napunta ang usapan buong araw. Kahit na hindi kami nagpansinan ni Nicolaus hanggang sa kumain kami ng tanghalian sa kanilang rooftop ay naging maayos naman ang lahat.
Kinuha ni Seidon ang mga schedules namin. He also asked us kung sino ang gusto at pwedeng sumali sa darating na dance competition para mapabilang na sa practice pero sa dami ng gustong sumali ay nagpaubaya ako.
Pagkatapos ng meeting ay humupa na rin ang tensiyon maliban sa aming dalawa ni Nicolaus na hindi pa rin nagawang mag-usap. Gustohin ko man, hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya kaya hinayaan ko na lang.
Ivana continued to tease me even after we got to WYWB and grab some drinks. Kahit nang makauwi ay patuloy niya akong inasar sa nangyari.
“Napakahaba naman kasi ng buhok! Okay lang naman pala sa kanya na hindi maging kayo basta alam ng lahat na sa kanya ka!”
“Alam mo? Matulog ka ng maaga tapos magsimba ka bukas para mabawasan ’yang dumi ng utak mo.”
“Hoy Roshlin Zabryna nagsasabi lang ako ng totoo! Kung ako sa ’yo, yes na agad aba! Hindi na pinatatagal ’yang mga ganyang bagay!”
“Too bad you’re not me.”
“Ay bakit may pag-atake?! Hindi mabiro yarn?”
Imbes na patulan ay tinawanan ko na lang ito at pilit na binago ang usapan. Malalim na ang gabi nang matapos kaming magkulitan. Sa pagbaba ko ng tawag ay sakto naman ay muling pagdating ng text ni Nicolaus.
Pinuno ko ng hangin ang aking baga bago iyon buksan.
Nicolaus:
I’m sorry for what I did earlier. Hindi ko lang napigilan.
Ako:
It’s okay.
Nicolaus:
Galit ka?
Ako:
I am not.
Nicolaus:
Usap tayo?
Ako:
Aren’t we already talking?
Nicolaus:
Nasa labas ako ng bahay n’yo. Usap naman tayo kahit saglit lang. Gusto ko lang mag-sorry ng personal.
Nababaliwan akong napaahon sa aking kama at walang pagdadalawang-isip na siyang tinawagan habang naglalakad papunta sa balcony baka sakaling masilip ko siya sa labas!
“Hey…”
“What are you doing outside?!”
“Mag-so-sorry nga.”
“But I already forgave you. Wala ’yon ano ka ba.”
“I insist. Sige na, Zabryna. Two minutes lang and then I’ll go home.”
“Pumunta ka lang dito para diyan?”
“Yeah.”
“Pero baka makita ka ni Tita Myrcelle–”
“I’m not scared of her. Gusto mo pumasok pa ako ng bahay n’yo eh–”
“No! Oh God! Stay where you are!”
Napapikit ako nang marinig ang pagtawa niya dahil sa pagkataranta ko!
“Then come outside. Promise saglit lang, please?” malambing niyang pakiusap dahilan para bumigay na ako.
Damn you, Nico!
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below.
🙂
P.S
Don't be shy to interact with your fellow readers, but please do respect each other's opinion. Let's create a healthy space. Happy reading! Love you all!
# CHAPTER 19
Chapter Nineteen
Sexy Abs
My breath hitched when I saw Nicolaus leaning on his motorcycle while puffing his vape. Nang makita niya akong lumabas sa gate ay agad niyang itinabi ang hawak at inayos ang sarili.
"You shouldn't have come here, Nico." kinakabahan kong bungad habang nililingon ang aking pinanggalingan.
Everyone is in the house. Mabuti na lang at abala ang magkapatid at hindi ako nakitang lumabas dahil kung hindi ay tiyak na malaking issue na naman ito lalo na kapag nakarating kay Tita Myrcelle.
"Sorry na, gusto lang naman kitang makita tsaka... sorry na rin kanina."
Pinuno ko ng hangin ang aking baga para kumalma bago humakbang palapit sa kanya.
"Okay lang 'yon at alam kong gano'n rin kay Janus, but you still need to apologize to him for acting that way."
Napalunok siya at hindi nakasagot sa suhestiyon ko.
"Hmm?"
"I'll try."
"Nico–"
"Oo alam kong hindi tayo at alam ko kung saan ako dapat lumugar pero hindi mo ako masisisi dahil hindi mo naman siniseryoso ang mga sinasabi ko."
My brows furrowed at that. Yes, I never like the idea of someone being possessive over a person they didn't have a relationship with, but my heart kind of understand Nicolaus. Palagi ko siyang gustong intindihin kahit na masyadong komplikado.
"I never like someone like you Zabryna so I will apologize hindi lang ngayon kung hindi sa mga susunod pang magagawa ko kung sakaling makakita ako ng lalaking lalandi sa 'yo."
"You don't have to do that, Nicolaus. Sinabi ko nang wala sa plano ko ang pumasok sa isang relasyon at walang exempted do'n kaya hindi mo kailangang gawin dahil kaya kong i-reject lahat ng mga lalaking magpaparamdam sa 'kin."
Imbes na sumagot ay wala itong ginawa kung hindi ang titigan na lang ako. Nalukot ang aking noo sa pagkailang.
"What?"
Kumibot ang mapupulang labi niya bago sumagot. "Ang ganda mo talaga."
That made me punch his chest! Madrama ngunit nakangisi niyang hinuli ang kamay ko.
"Lambot nito. Kapag naging tayo araw-araw tayong mag-ho-holding hands, ah?"
Pilit kong binawi ang kamay ko kaya napahalakhak siya.
"Tyansing!" I spat!
"Sus, nahawakan ko na 'yan eh. Hayaan mo next time hahanap-hanapin mo rin 'tong kamay ko."
Dahil nababaliw na ako sa mga pinagsasabi niya ay minabuti kong lumayo na.
"Umuwi ka na nga! Gabing-gabi na!"
"Good night pala ganda."
"Stop calling me that!"
"Bakit? Eh ikaw naman talaga ang pinakamaganda sa lugar na 'to. Tsaka bawal magsinungaling sabi ng Lola Ellen ko."
"Mas malabo na yata ang mga mata mo kaysa sa lola mo!" patuloy kong sagot habang umaatras palayo sa kanya.
Hindi nawala ang kanyang ngisi habang nakahalukipkip at tuwang-tuwang nakatitig sa akin.
"Hindi ko lang sure. Puntahan kaya natin para malaman mo? Pwede ring ipakilala na kita sa Mama at Papa ko para makakita rin ng maganda."
"Good bye Nicolaus! Drive safe!"
"Good night ganda! See you on Monday! Huwag magpalandi ah! Bad 'yon!" sigaw niya bago pa ako tuluyang makabalik sa loob ng bahay.
My heart was pounding aggressively when I got into my room. Hindi ko na alam kung bakit walang humpay na lang ang pagwawala ng puso ko. Ilang beses ko mang sabihing hindi ako papasok sa isang relasyon at ayaw kong magpalandi lalo na sa mga tulad niya ay hindi ko naman mapigilang sumaya sa bawat salitang binibitiwan niya.
I never felt something like it. Nicolaus really has the charm that nobody could ever resist. Naiintindihan ko na kung bakit maraming nahuhumaling sa kanya... pero hindi ako kasali do'n. I won't. Hindi pwede.
Kahit na malinaw ang pagtanggi ko sa mga pagpaparamdam niya ay hindi naman ito tumigil sa pangungulit. Nasanay na lang rin ako lalo na't mas lalong lumiit ang mundo namin dahil sa EDM sa mga sumunod na linggo.
My father told Tita Myrcelle about that dance crew three weeks after their argument. Nagkaro'n ng kaunting kumosyon dahil doon pero hindi naman ako kinausap ng babae. My father told me everything was fine and I don't have to worry about it anymore. I trusted him.
"RZ, you're a dancer pala 'no? Kaya naman pala naging close mo ang mga gwapong dancer na 'yon!" si Saphia isang hapon nang maabutan ko silang nasa bahay.
Wala naman sana akong balak na saluhan sila dahil bukod sa hindi ko naman sila gano'n ka-close ay ayaw ko ring magkaro'n na naman kami ng iringan ng magkapatid. Hangga't kaya kong umiwas ay gagawin ko.
"Really?" si Isaac, ang mata ay nagniningning sa nalaman.
Marahan akong tumango at sinabi sa kanila ang lahat ng gusto nilang malaman. Sa lahat ng naroon ay bukod tanging ang magkapatid ang walang amor sa usapan. Sanay naman na akong palaging maalat ang pagtanggap at pakikitungo nila sa akin. Marahil naninibago pa rin ang mga ito na nasa bahay nila ako at nasanay silang nasa kanila lang ang atensiyon lalo na ni Papa kaya ngayong may kahati ay hindi nila iyon nagugustuhan.
"Wow! I can't wait to watch you guys! Sabihin mo lang kung kailan ang dance competition so I can gather all my friends and watch you perform." si Isaac na hindi na yata nawala ang titig sa akin.
"Naku, hindi naman ako kasali sa parating na dance competition ng EDM dahil may limit ang members at masyado na kaming marami pero sa susunod sasabihin ko. Thank you, Isaac."
"And you think Mommy will let you join that lame competition?" si Essa, napabaling ang tingin ng lahat sa kanya.
"For sure that thing consumes a lot of time tsaka regional ibig sabihin sa labas ng lugar na 'to at kailangan ng ilang araw na preparasyon kaya malabo. We are not allowed to stay outside the house beyond nine pm except kung may party at kasama natin sila Mommy so that's impossible."
"For sure Tito Rucio will make way for that. I mean, he approved RZ's passion in the first place at sayang naman kung hindi siya makakasali sa mga competition ng grupo. Para ano pa't sumali siya do'n kung hindi naman iyon ang purpose?" singit ni Lucille na mas lalong nagpasama sa timpla ng magkapatid.
"Tsaka omg! It's the Elite Dynasty Movement! Sinong palalagpasin 'yon?!"
"That's so cheap."
My jaw dropped at what Fyrcelle said. Imbes na bawiin ay walang pakialam lang nitong sinipsip ang straw sa kanyang pineapple shake.
"Uy, it's not! They are great dancers, Fyrcelle! Bukod sa ang gaguwapo ng mga miyembro ng dance crew na 'yon ay talagang sikat, magagaling at tinitilian silang lahat! Maraming nag-aabang!"
Pinihit ni Rosalie ang kanyang cell phone paharap ay Fyrcelle.
"Look, they already have three hundred thousand followers on their Facebook page and each member has almost one million followers on tiktok except itong si Riggwell na halos dalawang milyon na dahil siya ang pinaka-active sa lahat! Imagine, ilang taon pa lang silang exposed pero biglang sikat na kaagad! It's not cheap! Maswerte tayong kasama natin ang isa sa kanila! I bet you had a hard time getting in, RZ! Tell us about it please!"
Inis na hinawi ni Fyrcelle ang telepono ni Rosalie kaya hindi ako nakasagot. Hindi ko na rin ikinagulat iyon.
"Can we not talk about this?" Inis niyang sabi. "Isaac, can we just go to your place now? It's too boring here! I need some fun!"
Kahit na mukhang walang balak umalis ang mga kaibigan nila ay wala na itong nagawa kung hindi ang sumunod sa babae.
"RZ, you coming with us?" Ani Isaac na may pag-aalinlangan akong iwan.
"Isaac, she's busy with her dance crew! Hayaan mo na siya do'n! Let's go!"
Pinagdiin ko na lang ang aking mga labi at tipid siyang nginitian bago sila pinanuod na umalis.
Napabuntong-hininga ako nang tuluyan na silang mawala. Imbes na magpaapekto sa kagaspangan ng ugali ng lahi ni Tita Myrcelle ay inayos ko na lang ang mga nagamit nila.
"Roshlin, ano ba naman ang ginagawa mo? Bakit ikaw ang nagligpit niyan?"
"Nay Canciana, okay lang po. Wala rin naman po akong gagawin. Tapos ko na lahat ng homework ko at nakapag-aral na rin ako para bukas kaya okay lang na tumulong ako."
"Naku, hindi," nagmamadali niyang kinuha sa kamay ko ang tray laman ang mga ginamit ng bisita. "Alam mo namang bawal at pare-parehas tayong pagagalitan ng madrasta mo, hindi ba?"
"Pasensiya na po."
Sinundan ko siya hanggang sa lababo. Nakangiti ako nitong hinarap. Napangiti na rin ako nang haplusin niya ang aking pisngi.
"Ayos lang naman pero kung maaari ay huwag na dahil trabaho namin iyan. Para ano pa't narito kami kung ikaw lang rin naman ang gagawa?"
"Pasensiya na po. Nasanay lang po kasi ako na may ginagawa. Kahit na kaya ni Mommy noon ay magkaro'n ng kasambahay ay hindi niya ginawa dahil gusto niya akong matuto. She taught me how to do house chores and I'm lucky to learn all that pero para hindi na po kayo mapagalitan, patago na lang."
Napahagikhik siya't nailing. "Ikaw talaga. Oh siya, kung ano ang magpapasaya sa 'yo. Basta palagi mong tandaan, ha? Hindi mo ito trabaho at kung maaari ay isipin mo unang-una palagi ang sarili mo kaysa sa amin. Alam mong palaging mainit ang dugo sa iyo ni Myrcelle. Pagpasensiyahan mo na at galit talaga iyan sa magaganda."
"Nanay!"
She put her pointing finger on her lips to shut me up. Parehas kaming natawa.
I enjoy every conversation I had with our house help. Dahil nga rin sa kanila ay hindi ko lubusang maramdaman ang pangungulila ko kay Mommy. I would always email my mom about it. Sinasabi ko rin ang mga ganap sa university at sa dance crew pero ang tungkol sa trato sa akin ng pamilya ni Papa ay hindi ko na ipinaalam. I don't want her to think that I made a wrong choice by living with my father. Gusto kong panatilihing puro magagandang bagay lang ang malalaman niya.
Being part of EDM was the highlight of my first semester. I made a lot of friends because of it, too. Hindi lang ang mga miyembro kung hindi pati na rin ang mga humahanga sa grupo. Dahil rin sa EDM ay mabilis akong nakilala ng ilang mga schoolmates namin. People would always pay me respect gaya ng ibinibigay nila sa lahat ng EDM members and it made my life easy.
Nicolaus and I became closer, too. Lahat naman sila ay close ko na hindi pa man ako opisyal na miyembro ng kanilang dance crew pero habang tumatagal ay mas lalo ko silang nakikilala.
Seidon wasn't really a snob. It was my first impression of him, but he turned out to be one of the good guys. Mukhang intimidating dahil minsan lang ngumiti at hindi kaagad nakikipagkilala but his tough look doesn't represent what was inside his heart and his whole being. He's soft, caring, and a good leader. Kung si Vivi ang parang ilaw ng grupo at magpipinsan, si Seidon naman ang haligi no'n.
Achilles was the shy one. Gaya ni Seidon, hindi rin ito basta nakikihalubilo masyado sa mga hindi kilala. Though they were both good conversationalist, sila iyong mga tipo ng lalaking kapag hindi ikaw ang naunang nakipagkilala ay hindi mo ito makakausap kahit kailan. The two were the opposite of Riggwell at Nicolaus. Sila naman iyong mga maloko at maraming baong humor na nagpapasigla sa lahat.
Speaking of Nicolaus, sa mga nagdaang buwan rin ay mas naging malapit kami sa kabila ng mga pambabara ko sa mga pagpaparamdam niya. We talk on the phone every night. Kahit na malinaw sa kanyang hanggang kaibigan lang ang kaya ko ay hindi ito tumigil sa pagpaparamdam. He was a good listener and we never had a boring conversation, too. Isa iyon sa pinakagusto ko sa kanya dahil madalang na lang ang mga taong kaya kang pakinggan at intindihin. With him, I found comfort.
"What's the real score between you two, huh?"
Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong tubig nang itanong iyon sa akin ni Riggwell isang araw habang nasa dance studio kami.
We're done rehearsing new steps for the upcoming performance in the university. Hinihingal pa ako sa pagod pero mas lalo yata akong nahapo dahil sa tanong niya.
"What do you mean by that?" inosente kong tanong.
Mas lalong lumawak ang nang-aasar niyang ngisi. Hindi ko napigilang sapakin siya sa braso dahil hindi ko na rin maiwasang mahawa.
"Ano nga? Atin-atin lang naman. Promise hindi ko sasabihin kay papi Seidon. Secret lang."
"Wala, Riggwell."
"Sus!" napapitlag ako nang kilitiin niya ang tagiliran ko. Muli ko siyang sinapak, parehas kaming napahalakhak.
He was still laughing when he pick up his water bottle and chugged it. "Akala ko nagsisinungaling na sa 'kin si Kulas eh. Ilang beses na 'yang niyayang lumabas pero palaging tumatanggi dahil wala ka naman daw sa pupuntahan. Tsaka, 'pag uwi niyan diretso na kaagad sa saksakan ng charger kasi mag-uusap daw kayo."
Napaiwas ako ng tingin. Kung sa ibang anggulo nga titignan ay magkakaro'n ng malisya ang ginagawa namin pero totoong wala kaming relasyon bukod sa pagiging magkaibigan.
"We're just friends."
Kumibot ang labi niya. "Marami rin naman akong friends pero hindi ako ganyan sa kanila. Nicolaus has never been this way, too. Since you came, I rarely saw him with someone else. Mukhang seryoso ang manok ko, 'di mo ba talaga trip? Gwapo naman, ah?"
I bit my lip at his last remark. Muli niya akong kinulit.
"'Di nga? Ayaw mo ba sa long hair?"
"His hair suits him."
"Ano pala? Sexy naman 'yan eh. May six pack abs rin. Hey, Nico!"
Nanlaki ang mga mata ko nang walang sabi niyang tawagin ang pinsan dahilan para mahinto ito sa pagsayaw kasama ang ilan.
Hinihingal niyang hinawi ang buhok bago kami nilingon. Parang gusto ko nang sakalin si Riggwell sa mga sunod na salitang lumabas sa kanyang bibig.
"'Di ba may abs ka? Patingin nga! Survey lang!"
Nangunot ang kanyang noo. I felt my cheeks blushed when his eyes shifted on me, but he gladly lifted his wet gray muscle tee before I could even say no.
Pakiramdam ko ay may bumara sa aking lalamunan nang i-flex niya pa ang mga nagmumura at kumikinang sa pawis na abs habang titig na titig sa akin.
"Okay na?" he asked playfully.
I absentmindedly bit the inside of my left cheek when Nicolaus licked his lower lip while still flexing his sexy abs and looking intently at me, sinasakyan ang kabaliwan ng kanyang pinsan.
"Sabi sa 'yo sexy 'yan eh. Hindi ka na lugi diyan, Zab..." bulong sa akin ni Riggwell na aliw na aliw sa nangyayari. "Sexy rin pwet niyan gusto mo bang makita–"
"No!" natataranta akong lumayo sa kanya kaya muli siyang napahagalpak ng tawa.
Narinig ko rin ang pagtawa ni Nicolaus sa successful nilang pang-aasar pero hindi ko na pinansin. Dire-diretso ako sa pwesto ni Seidon na abala sa kanyang tablet. Napatuwid siya ng upo sa aking pagtabi.
"Okay lang ba? Mukhang hindi na naman kasi nakainom ng gamot 'yung dalawa eh."
Lumipad ang tingin ni Ino sa mga pinsang tinutukoy ko. He shook his head when he saw the two having an abs showdown in front of the mirror.
"Now you see what I deal with everyday."
I smiled at him. Everyone was busy polishing the steps. Dahil kuha ko naman na ay nanatili ako sa tabi niya. I watched him draw a tiger head with fangs. I realized it was for a tattoo. Napatitig tuloy ako sa braso niya.
"Masakit ba?"
Sinipat niya iyon saka umiling. "Pain tolerance is different for each person. What's not painful for me could be painful for someone. Sanay na rin ako kaya hindi ko na siguro nararamdaman kung masakit ba o hindi."
"Is that for a client?"
"Nah, it just pop up in my head this morning. It will look good on a girl's portrait, like a crown."
I listened to his insights. Kahit na hindi ko pa nakikita sa balat ang iginuguhit niya ay nai-imagine ko nang magiging maganda iyon. Naging interesado ako kaya nakulit ko siyang ipakita sa akin ang iba pa niyang drafts and he I was mesmerized by it. Nadagdagan ang paghanga ko sa kanya dahil doon.
"How much do you charge per tattoo?"
Napatitig siya sa akin, hindi sigurado ang isasagot dahil mukhang nabasa na ang nasa utak ko.
"It depends kung gaano kalaki, why?"
"Just thinking about it."
His lips curved a smile. "If it's for you, I'll do it for free."
Pakiramdam ko ay lumiwanag ang buong mundo sa narinig. I never really thought of getting a tattoo, but I became instantly curious now that I found the right artist.
"Hindi naman yata pwedeng walang bayad. This is a masterpiece."
Nagkibit siya ng balikat. "Just tell me what you want and I'll do it."
"Magkano nga?"
Imbes na sumagot ay naiiling lang itong tumayo.
"Nicolaus is a good tattoo artist, too. Kung ayaw mo ng libre sa 'kin, sa kanya na lang para siguradong may bayad. Hey Nics!" Seidon called, sa pangalawang pagkakataon ay nagulantang na naman ang puso ko dahilan para masapo ko na ang aking buong mukha.
Shit na malagkit! Bakit ba pakiramdam ko ay ibinubugaw talaga ako ng mga ito?
Full version of this story is only available on PATREON and VIP group. Click the link in my bio to subscribe or message me for details.
✨
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below.
P.S
HAPPY SUNDAY! ❤️
CHAPTER 20
This story is already completed.
You can now read the full version on VIP group and Patreon as this story will no longer be updated here to avoid Wattpad deleting it. Just message our FB page CengCrdva with 244
k followers to read the full story via VIP/Patreon.
–
Chapter Twenty
Damn Serious
Hindi natigil ang mga kulitan at pang-aasar sa amin ni Nicolaus. Kahit nga si Venus ay minsan nakikisali na rin. Si Seidon rin, kahit na iyon ang pinakabawal sa EDM ay wala akong narinig na pagbabawal tungkol dito. I confronted him one day and he said that’s because he trust us.
“I never saw Nicolaus this serious of pursuing someone. He’s behave and everyone likes this side of him.”
“Pero sabi mo bawal, ’di ba?”
Nag-init ang pisngi ko nang makita ang pag-ngisi niya. “Bakit? Malaki ba ang pag-asa sa ’yo?”
Inirapan ko siya kaya natawa ito.
“On a serious note, rules is rules. Someone had to give way kung talagang isang araw gusto n’yong maging kayo.”
“You mean?”
“Kailangang umalis ng isa sa inyo sa EDM.”
Pasimple akong napalunok at wala sa sariling lumihis ang titig kay Nicolaus na abala sa pagpa-practice ng mga bagong steps.
I must admit that I am more attached to him now. Bukod kasi sa talagang siya ang unang-una kong natatawagan lalo na kapag may problema sa bahay ay hindi naman ito nagmintis na iparamdam sa akin na gusto niya ako’t mahalaga ako para sa kanya. I never saw him with other girls, too, since he knew I was studying at the university.
“Clay will visit later.” anunsiyo ni Riggwell habang palapit sa amin kaya hindi na ako nakasagot.
Umayos ako ng upo nang makitang huminto si Nicolaus dahil sa sinabi ng pinsan. He grab his towel and then walks toward us. Awtomatikong may nagpiyestang mga paru-paro sa tiyan ko nang maupo siya sa aking tabi.
“WYWB?”
Ngumisi si Riggwell at tumango.
“Sama ka…” bulong ni Nicolaus sa akin nang magpatuloy sa pakikipag-usap si Riggwell kay Seidon.
Inilapag niya sa gilid ang tinunggang hydro flask. “Kahit saglit lang? Ihahatid naman kita pauwi tsaka para makilala mo rin si Clegane. He’s a vocalist, malupit ’yon pero mas gwapo pa rin ako sympre.”
Napailing ako. “Ang daming sinabi hindi mo na lang sabihing gusto mo akong makasama.”
He smirked at that. “Kailangan pa ba ’yong sabihin? Eh gusto na nga kitang iuwi sa ’min…”
Pinigilan kong mapangisi. Kinuha ko ang water bottle ko at tinungga para hindi niya mapansin ang epekto ng kanyang mga salita sa akin.
“Okay pero saglit lang ako. I still have a curfew.”
Lumawak ang ngisi niya. “Alright, walang problema susulitin natin ’yan.”
Iyon nga ang nangyari pagkatapos ng isa pang round ng aming rehearsal. Everyone was excited to meet Clegane. Turned out, this one was famous, too. May banda ito sa San Antonio at kahit nagsisimula pa lang ay talagang sikat at pinagkakaguluhan na.
I was confused when I finally saw him because I thought he was Seidon. Sa unang tingin talaga ay magkakamali ka dahil magkamukha ang dalawa maging sa pangangatawan, tikas at tangkad. Ang kinaibahan lang ay may tattoo si Seidon sa braso at ang hikaw naman ni Clegane ay hindi lang sa magkabilang tainga kung hindi pati na rin sa gilid ng kanang labi.
He was fun to talk to. Gaya rin ng mga pinsan na madaling pakisamahan gano’n na rin ang mga kabanda niyang kasama. Nicolaus stayed beside me. Walang minuto na hindi niya ako inasikaso.
“How come he’s not in college?” Tanong ko kay Nicolaus habang pinanunuod ang banda nitong tumugtog sa gitna. They call themselves FTB at dalawa raw ang meaning no’n.
Everyone was busy listening to him. He has a wonderful voice. Iyong tipong kapag napakinggan mo ay kusa na lang magtataasan ang mga balahibo mo sa katawan. Kung ano ang ganda ng boses niya ay mas mahuhumaling ka kapag pinanunuod mo pa. He’s good looking and talented. He’s got everything. A full package indeed. Nakakamangha.
“He doesn’t really want to study.” Nicolaus answered.
Nalukot ang noo ko. He heave a sigh and then looked at his cousin who was singing a fun song on the stage.
“Hindi lang talaga niya trip mag-aral. Gusto lang niyang tumulong kay Tito Caloy, his father. Kahit nga ang pagbabanda ay hindi naman niya kina-career noon pero ngayon ay mukhang tuloy-tuloy na.”
“What changed his mind?”
Hindi kaagad nakasagot si Nicolaus nang matapos ang unang kanta ni Clegane sa harapan at pagkatapos ay nagsalita.
Everyone cheered for him. Talaga ngang sikat dahil kahit ang lahat ng mga nasa WYWB ay giliw na giliw sa kanya. Every girl was giggling and blushing while snapping photos of him.
“You’re killing me with your song requests.” Clegane joked in front after reading a paper that the waiter gave him.
Akala ko ay tatanggihan niya ang binasang kanta pero naging propesyunal ito sa ginagawa. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang lungkot na agad lumukob sa kanyang mga mata nang magsimula ang mga kasama niya sa mga nota.
He heave a sigh before strumming his guitar. Inayos niya ang mikropono at saka hinanda ang sarili sa pagkanta.
“Take me as you are push me off the road… The sadness… I need this time to be with you…”
Pakiramdam ko ay nahiwa ang puso ko sa mga unang lyrics na madamdamin at buong puso niyang sinimulan.
“That’s the reason why he wanted to be better.” ani Nicolaus na hindi na kailangan pang sabihin dahil naintindihan ko na kaagad.
He was clearly broken-hearted. Parang gusto ko na lang siyang yakapin dahil sa lungkot na nararamdaman ko sa kanya sa pamamagitan ng kanyang pagkanta. Kung sino man ang babaeng nanakit kay Clegane ay napakaswerte dahil walang dudang mahal na mahal siya nito.
I told Papa where I was. Hindi ako uminom at talagang nakinig lang sa banda kahit na lahat ay umiinom ng alak. Papa didn’t mind me drinking. Though hindi naman ako tino-tolerate, alam ko rin naman sa sarili ko ang aking mga limitasyon. And now, I chose not to.
Nang matapos ang unang set nila Clegane ay dinaluhan kami ng mga ito. We were all having a good time when someone interrupted us.
“Nicolaus! I haven’t seen you in a while! Gosh, why aren’t you replying to my texts?!”
Literal na natigil ang lahat sa pagdating ng isang babae sa aming lamesa na hindi ko alam kung saang sulok nanggaling.
Hindi nakasagot si Nicolaus sa tanong nito dahil hindi pa man niya nakikilala kung sino ang nagsalita ay nayakap na siya nito. Sa gilid ng aking paningin ay kitang-kita ko ang halos pagluwa ng mga mata ni Ivana. Si Riggwell naman ay agad natungga ang beer na hawak. Achilles massages the back of his neck while Venus, Seidon and Clegane looked at me.
“Dito lang pala kita makikita! Sabi mo hindi ka na lumalabas?”
Bahagyang natulala si Nicolaus, tila hindi alam ang gagawin at sasabihin. Gano’n rin ako. The stares of the people made me tense, too!
“Y-yeah. I’m with my cousins and friends. I don’t go out with anyone-”
Natigil siya nang maupo ang babae sa kanyang kabilang gilid.
“Why aren’t you replying to my texts? Iba na ba ang number mo?” Nangisi ang babae nang makita ang telepono niyang nasa lamesa.
Bago pa makapagsalita ay kinuha na niya iyon, itinapat sa mukha ni Nicolaus at walang sabing nagtipa ng kung ano doon.
“I saved my number,” ipinakita niya sa lalaki ang ginawa sabay malawak na ngumiti. “I’m with my friends, wanna join us on our table?”
Gumalaw ako para sa akmang pag-alis sa tabi niya pero parang naubos ang lakas ko nang maramdaman ang maagap na paglingkis ng kamay ni Nicolaus sa aking bewang upang pigilan ako sa gagawin.
“Where are you going, Zabryna?” Nicolaus asked in low voice that made me stay still.
Imbes na hintayin ang sagot ko ay muli lang niyang binalingan ang babae habang humihigpit ang kapit sa aking katawan.
“I’m dead serious with this girl, Korin,” proklama ni Nicolaus sabay higit sa akin palapit pa sa kanyang katawan, doon lang ako napansin ng babae.
Her jaw automatically dropped when our eyes met. Kanina pa gustong sawayin ni Vivi ang babae pero nangisi na lang dahil si Nicolaus na mismo ang gumawa.
“Now please delete your number on my phone because I don’t need it. Don’t ruin my chance because I’m fucking serious about pursuing her… ngayon lang ako naging seryoso.”
“N-Nico…” nauutal kong sambit.
Kung sa babae ay seryoso siya, sa pagbaling sa akin ay agad na lumawak ang kanyang ngiti. Ang mga mata ay bahagya pang nangingislap at namumungay sa tuwa.
Para akong mauubusan ng hangin sa baga nang basain niya ang pang-ibabang labi habang titig na titig sa akin. Our faces were only inches away, too.
“Napakaganda mo talaga, Zabryna…” mabagal niyang sabi dahilan para mag-init ang aking buong pagkatao!
Sa pagkapahiya ay wala nang nagawa ang babae kung hindi ang umalis. Nicolaus chuckled when all I did to escape his irresistible charm was to drink his beer!
I was never put in a position where all I ever wanted was to become invisible! Kahit na madilim ay alam kong halatang-halata ang pamumula ko lalo na’t hindi na rin tinanggal ni Nicolaus ang kamay na nakayakap sa aking katawan.
Mabuti na lang at naroon si Clegane kaya nawala sa amin ang atensiyon ng lahat… maliban kay Riggwell na hindi napipigilang sulyapan ako’t ibaba ang titig sa kamay ng pinsang nanatili sa aking bewang pagkatapos ay ngingising parang baliw kasabay ng paggalaw pataas pababa ng mga kilay.
“Bakit hindi ka pumunta do’n…” maya-maya ay naisatinig ko habang abala na ulit ang lahat.
Sumalang na kasi ulit sila Clegane sa stage pagkatapos ng pumalit na banda sa una nilang set.
Tumagal ang titig sa akin ni Nicolaus. Hindi pa rin nagsasawang titigan ako.
“Bakit ako pupunta do’n kung ikaw ang dahilan kaya ako nandito?”
I pouted. “That’s a lie. Kaya ka nandito dahil rin kay Clegane.”
“You really wanna argue with me?”
Inirapan ko siya bago pa makabanat. “Puro ka ganyan. Mukhang kilalang kilala ka no’n. Komportable sa ’yo. Bakit pinabura mo pa ang number niya?”
He stare at me for the longest. Nagbaba ako ng tingin at muling tinungga ang beer niya.
“Nagtatanong lang…”
“Sa ’yo ko lang gustong maging komportable, Zabryna. Wala na akong pakialam sa kahit na sinong babae bukod sa ’yo.”
“Sus, nasasabi mo lang ’yan kasi ako ang kasama mo ngayon.”
Mabagal siyang umiling at pagkatapos ay inayos ang pihit paharap sa akin. My heart betrayed me when he held my hand. Pinigilan kong mapapikit nang umangat naman iyon para hindi mawala ang mga mata ko sa pagtitig sa kanya.
“Kasi ikaw na talaga…” mabagal at buong puso niyang sambit. “Sure na ako.”
That made me finally shut up. Bakit pa nga ba ako makikipagtalo sa isang ’to eh kahit kailan naman hindi ako umubra sa mga banat niya?
Yes, alam kong may posibilidad na isa lang rin ako sa mga babaeng dadaan sa buhay niya pero kahit na anong gawin ko ay totoong nadadala rin ako. Sino bang hindi? Clearly, Nicolaus knew how to steal anyone’s heart… and that includes mine.
“Ihahatid ko na muna. Baka ma-bad shot ako kay Tito Rucio, eh.”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ngumisi lang ito matapos kong sapakin sa tiyan. Nagpaalam ako sa lahat ng mga kasama namin at hinayaan na lang siya sa mga banat niya.
“Dapat hindi mo na ako hinatid.” sabi ko habang yakap siya’t binabaybay ang daan pauwi gamit ang kanyang sports bike.
“Kapag sinabi kong ihahatid kita, ihahatid kita. Tsaka kailangan kong magpa-good vibes sa Papa mo—Tito Rucio.”
“Puro ka talaga kalokohan.”
He chuckled. “Bakit, mali ba? Dapat ba Papa na rin kaagad ang itawag ko? Hindi ba masyado tayong mabilis niyan?”
I punched his back. Lumakas ang tawa niya.
“Akala mo ba nagbibiro ako? Pumayag ka lang na opisyal kitang ligawan talagang haharapin ko ang Papa mo.”
“No, you wouldn’t.”
“You don’t think I can do it?”
Hindi ako nakasagot, bumagal ang pagpapatakbo niya.
“Seryoso ako, Zabryna. Gusto kita at kung kailangan kong harapin ang Papa mo para ipagpaalam ang panliligaw ko, gagawin ko.”
Walang lumabas sa labi ko upang sagutin ang mga ’yon. Mabuti at hindi naman na siya nangulit.
Iyon ang naging usapan namin matapos niya akong maihatid pauwi.
“Bakit hindi ka na bumalik sa bar?” tanong ko nang tawagan niya ako saktong pagkatapos kong maligo.
“Paano kita makakausap kung babalik ako do’n? Tsaka low batt na ako.”
“Paano sila Clegane? Mga pinsan mo?”
“Malalaki na ’yon, Zabryna. Kaya na nila mga buhay nila.”
Hindi ko napigilang matawa. “You’re really serious about me, huh?”
Nahigit ko ang paghinga nang marinig ang sandali niyang pananahimik bago sumagot ng, “Tangina, sobra…”
I went silent for two minutes.
“B-but you know you can’t, right?”
“Oo, ilang beses mo ng sinabing hindi ka pa handa at hindi mo prioridad ang pakikipagrelasyon pero hindi ibig sabihing titigil na ako, Zab. I am serious at kahit na hindi ko ugaling maghintay, pagdating sa ’yo ay gagawin ko. Kahit gaano katagal basta ikaw, hihintayin ko dahil ngayon lang ako nagseryoso ng ganito. Sa ’yo lang, Zabryna.”
Napapikit ako sa haba ng kanyang litanya. It wasn’t the first time that he told me that, but I really felt it this time.
Damn, the playboy was really into me.
“The dance crew…”
It was all it take for him to understand the reason why he cannot fall in love with me, but I was blown away with his immediate answer.
“I’ll leave EDM for you.”
“Nicolaus—”
“I’ll do everything for you, Zab,” he cut me off, napapikit ako. “Sabihin mo ng baliw ako but I’m damn serious about you. Sobra pa sa seryoso kaya sabihin mo lang na may pag-asang maging tayo, iiwan ko kaagad ang lahat para sa ’yo.”
This story is already completed. You can now read the full version on www.patreon.com/cengcrdva or VIP group as this will not be updated here anymore to avoid wattpad DELETING it.
Just message our FB page Ceng Crdva with 139k followers for full VIP details.
Thank you!
🍀

