Danger Alley
Ajai Kim · 52 chapters · 81,180 words
Prologue
Nagpunta kami ngayon ni Macy sa bahay nila para gumawa ng homework namin sa Science. She’s my friend or should I say “My New Bestfriend”. Nagkakilala kami sa Cafeteria ng school at sobrang palagay na ang loob namin sa isa’t-isa at hindi ko inaasahan na magiging kaklase ko pa pala siya.
Narating na namin ang bahay nila at nagdoorbell na si Macy sa tapat ng gate nila. Kaagad namang bumukas ito at bumungad sa amin ang isang matangkad, mestizo at gwapong lalake na kamukhang-kamukha ni Macy.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang naka-topless lang ang lalake at boxer shorts. Nang mahagip niya ako ng tingin ay tinitigan niya ako ng ilang segundo pagkatapos ay saka siya muling bumaling kay Macy.
“Kuya Maverick, new best friend ko nga pala, si Sarina.” Pagpapakilala sa akin ni Macy sa kuya niya.
Nagbow naman ako bilang sign of respect sa mas nakatatanda sa akin. “Magandang tanghali po.” Sabi ko at tumingin sa kuya ni Macy.
Nakatitig na naman siya sa akin at nakakailang iyon saka ito ngumiti. “Hi. Ako nga pala Maverick. Nice to meet you, Sarina.”
Hindi ko maintindihan pero bigla nalang nanginig ang buong katawan ko sa paraan ng pagtawag niya sa pangalan ko.
Napaiwas ako bigla ng tingin sa kanya.
“N-nice to meet you rin po.” kinakabahan kong sabi at ngumiti nalang ng pilit.
“Kuya, nakapagluto ka na ba ng pagkain? Nagugutom na kasi kami ni Sarina, e,” Tanong ni Macy sa kuya niya.
Tumango at ngumiti naman si Kuya Maverick. “Oo. Halika na, kumain na tayo. Ayoko namang magutom si Sarina. Magbibihis lang ako.” Tumingin siya sa akin saglit at pagkatapos ay naglakad na ito papaalis.
Sa lalim ng boses ng kuya ni Macy at sa paraan ng pagtitig niya sa akin ay hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng kaba at takot doon.
“Tsk. Mukhang type ka pa yata ng kuya ko pero bagay naman kayo e, maganda ka tapos gwapo si Kuya Maverick at pareho ko pa kayong love kaya support ko kayong dalawa!” Biglang panunukso ni Macy sa akin na ikinangiwi ko.
“A-Ano bang pinagsasabi mo diyan Macy? 16 pa lang ako tapos ang sabi mo nga ay 25 years old na ang kuya mo saka ikwinento ko na sa’yo kung sino ang mahal ko ’di ba?” Natahimik naman si Macy sa sinabi ko saka ito napatango at humalukipkip.
“Oo na! Si Trey, ’yung kababata mo.” sabi ni Macy at umirap ito ng pabiro.
Napangiti naman ako doon.
GENRE:
Reverse-harem/Romance/Obsession
WARNING: The characters of this story and their mindsets were not perfect as you think. You don’t need to say offensive things to the story if you don’t like it. Research this story genre first. Constructive criticism is allowed and I appreciate that.
I started writing this story when I was only 13 years old.
Please like my Facebook page:
“Ajai_Kim WP Stories”
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Copyright © 2018 by Ajai_Kim
All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the publisher except for the use of brief
quotations
in a book review.
01
SARINA’S POV
Smile was written all over my face pagkagising ko. I’m finally a 4th year high school student at ito ang unang araw ng pasok ko. Isang taon na lang at gagraduate na ako sa St. Therese Academy.
I’m Sarina Howell Vicencio, half Filipino/British. Ang Mommy ko ay isang British na ipinanganak sa London, England at ang daddy ko naman ay isang Filipino na ipinanganak sa Kalibo, Aklan. Nagkakilala ang mga magulang ko sa parehong university na pinapasukan nila noong college palang sila. My Mommy is an exchanged student at that time from England while my Daddy is her college tutor at dahil sa closeness nilang dalawa ay nagkatuluyan sila at doon ay nabuo ako.
“You’re good mood, huh? My pretty sis,” Pagpuna sa akin ni Ate Annika habang kumakain kami ng breakfast.
Ate Annika is my older sister. She’s 23 years old at nagtatrabaho na siya sa kompanya nila Mommy at Daddy same with my older brother, Kuya Xavier.
Parehong Business Administration ang kinuha nilang course para mahandle at mapatakbo nila ang kompanya namin at makatulong sa future ng kompanya sa oras na mag-retired na pareho sina Mommy at Daddy sa business industry.
“I noticed that, too. What’s up with your good mood, baby sis? Tell us.” Nakangiti namang tanong ni Kuya Xavier.
Kuya Xavier is the eldest. He’s 25 years old at isang gwapo, mabait, matalino at mapagmahal na kuya ko. He’s a heartthrob guy at maraming babaeng nagkakagusto sa kanya pero kahit ni isa sa kanila ay wala man lang siyang ine-entertain. Mas priority raw muna kasi niya ang trabaho niya bago pumasok sa isang relationship. We respect his decision naman at sa oras na mahanap na niya ang babaeng para sa kanya ay susuportahan namin siya doon.
Umiling lang ako sa tanong nila Ate Annika at Kuya Xavier saka ngumiti. “Nothing. Masaya lang ako dahil 4th year high school na ako at isang taon na lang ay ga-graduate na ako ng high school!”
Napangiti naman sila sa sinabi ko.
“Sus! Akala ko naman kung ano na. Balita ko yata ay bibisita dito next week sa Pilipinas si Trey?” Panunukso ni Ate Annika sa akin na ikinangisi naman ni Kuya Xavier.
Namula ako sa sinabi ni Ate at napakagat-labi.
Bibisita dito sa Pilipinas si Trey my loves? Panigurado na kukulitin na naman niya akong makipaglaro ng Nintendo at XBOX pero walang problema doon dahil sasamahan ko siya sa kahit na anong trip niya sa buhay.
Love ko kaya ang kababata kong ’yon! Sayang nga lang at hindi ko siya madalas na nakakasama dahil sa amerika siya nag-aaral. Doon kasi nakabase ang Gaming online business ng pamilya niya kaya kailangan ay nandoon rin sila.
“Nagblush na si Sarina, oh!” Panggagatong pa ni Kuya Xavier kay Ate Annika kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Huwag niyo nga akong asarin!” Kunwaring naiinis na sabi ko.
“Sarina and Trey equals? Love!” Sabay na sabi nila ate at kuya na ikinapula pa lalo ng mukha ko. Pang-asar nila sa akin ’yan dahil obvious na obvious sa pamilya ko na gusto ko si Trey.
Napailing na lang ako at kinikilig na itinuloy ang pagkain ko.
“SARINA!”
Lumingon ako sa tumatawag sa akin mula sa hallway ng campus namin at nakita ko sina Yohan at Jenica na hinihingal nang naglalakad papalapit sa akin.
“Oh, kayo pala? Saan ang klase niyo?” Tanong ko sa dalawa kong kaibigan.
Sina Yohan Suarez at Jenica Lizardo ay matagal ko nang mga kaibigan. Nagkakilala lang kami sa sa St. Therese noong 1st year high school palang ako at nata-tsambahan na nagiging magkaklase kaming tatlo.
Si Yohan ay isang sikat na Basketball Varsity player dito sa St. Therese at si Jenica naman ay Captain ng Volleyball team namin.
Niyakap naman ako ni Jenica tsaka siya kumalas sa akin. “Dyosa, magka-kaklase ulit tayong tatlo kaya tuwang-tuwa naman ’tong si Yohan the boy dahil makakasama ka niya sa buong taon ng klase natin!” Sabi ni Jenica at nginisian si Yohan na biglang namula dahil sa sinabi nito.
“A-Ano bang sinasabi mo diyan? M-masaya lang ako dahil magiging magkaklase ulit tayo nila Sarina. Ayon lang ’yon.” Mautal-utal naman na sabi ni Yohan saka ito napaiwas ng tingin sa akin.
“Okay? Sabi mo e.” Nakangising sabi ni Jenica.
“Sabay-sabay na tayong pumasok sa first class natin?” Tanong ko sa kanila.
“Mauna na kayo ni Yohan. Hihintayin ko pa kasi si Ulysses sa Cafeteria.” Malungkot na sabi ni Jenica at napayuko ito.
Napabuntong-hininga nalang ako.
Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin hinihiwalayan ni Jenica si Ulysses Fernandez. Sikat rin na Basketball Varsity Player iyon sa St. Therese. Kilala siyang playboy at maloko ng Campus.
Naging sila lang ni Jenica 5 days ago at alam ko na any time ay hihiwalayan rin siya nito. Wala kasing nagtatagal na relasyon kay Ulysses dahil pinapalitan niya kaagad ang mga nagiging girlfriend niya.
“Jenica,” Sabi ko at hinawakan ang isang kamay ni Jenica. Tumawa naman siya ng peke.
“Ano ka ba, Sarina? Okay lang ako no! Tsaka alam ko naman na hihiwalayan na ako ni Ulysses pero sa ngayon ay ine-enjoy ko pa na maging kami. Alam mo naman kung gaano ko siya kagusto, ’di ba?”
Natahimik naman ako at tumango.
“Nandito lang kami ni Yohan. Hindi ka namin iiwan.” sabi ko.
Jenica smiled and nodded at pagkatapos ay nagpaalam na itong aalis na.
“Naaawa ako kay Jenica, Yohan. First time niya lang magka boyfriend tapos hihiwalayan pa siya kaagad at hindi naman siya mahal.” Malungkot na sabi ko nang kaming dalawa nalang ni Yohan ang naiwan.
“Its her choice and we know that Jenica is a strong woman so you don’t need to worry about her. Okay?” Sabi ni Yohan at hinawakan ako sa isang balikat.
Tumango naman ako at ngumiti.
Yohan is handsome and kind-hearted guy. Maraming mga estudyanteng babae ang nagkakagusto sa kanya pero hindi niya naman iyon pinapansin. Ayaw muna niyang magkagirlfriend dahil may babaeng hinihintay pa raw siya.
Tinatanong ko naman kung sino iyong babaeng iyon pero ayaw niyang sabihin. Nakakainis nga dahil naglilihim siya sa akin na isang kaibigan niya.
Malalaman ko rin kung sino ang babaeng ’yon at tutuksuhin ko siya ng tutuksuhin bilang ganti kapag nalaman ko kung sino ba iyon.
“Good. Pumunta na tayo sa unang klase natin.”
Naglakad na kami papaalis ni Yohan at bigla ay inakbayan niya ako at nailang ako doon. Nakatingin kasi sa amin ang bawat estudyanteng nadaraanan namin. Kilala at sikat si Yohan sa school namin kaya hindi na nakakapagtaka iyon.
“Sila na ba ni Yohan?”
“Siguro. Magkasama na naman sila, e.”
“Hindi ba’t matagal nang gusto ni Ulysses si Sarina? Paano na si Uly niyan?”
“Alam kong new girlfriend na ni Ulysses si Jenica so paano na si Sarina?”
“Bagay silang dalawa!”
“No! Akin lang si Fafa Yohan!”
At marami pa akong narinig na chismisan pero hindi nalang namin pinansin iyon ni Yohan.
Tsaka, tama ba ang narinig ko na matagal na akong gusto ni Ulysses? Hindi naman siguro dahil hindi naman kami nagkikita at nag-uusap at mahal kaya ni Jenica iyon.
Baka nagkakamali lang ako ng pagkakarinig.
Oo tama. Nagkamali lang ako ng narinig.
-Ajai_Kim
02
SARINA’S POV
Ngayon ay 2nd day na ng pasukan namin. Naging maayos naman ang unang araw ng klase ko at karamihan sa mga kaklase ko ngayon ay naging kaklase ko lang last year including Jenica and Yohan.
Ang napiling Class President ay si Jenica. Matalino kasi ito at magaling sa leadership kaya karamihan sa mga kaklase namin na kasali pati ako ay binoto siya para maging Class President.
Ako naman ay na-nominate ulit na Muse habang si Yohan naman ang Escort. Hindi ko nga maintindihan kung bakit sa tingin ng mga kaklase ko ay ako ang pinakamaganda sa classroom namin samantalang hindi naman ako pala-ayos ng sarili ko. Ni hindi nga ako nagmemake-up at nag-aayos ng buhok hindi katulad ni Lyra na kaklase ko rin na maganda na nga, fashionable at pala-ayos pa.
Hindi naman ako magtataka na pinili ng klase si Yohan as Escort dahil gwapo naman talaga siya. Halos kiligin nga ang mga kaklase kong babae nang malaman nila na magiging kaklase namin si Yohan na isang sikat na Varsity Player ng St. Therese.
Habang naglalakad ako patungo sa unang klase ko ay may humarang sa dinaraanan ko at nagulat ako nang makitang si Ulysses iyon.
Lumapit siya sa akin at pagkatapos ay nginitian ako at may inabot na isang paperbag. “Hi, Sarina! Kahapon ko pa sana gustong ibigay sa’yo ’to kaso wala lang akong time dahil sa practice namin sa basketball. This is my gift for you. Binili ko ’yan nang magbakasyon kami ng parents ko sa Venice. I hope you’ll like it.” Sabi niya.
Nagulat naman ako sa sinabi niya at umiling. Bakit niya ako binibigyan ng regalo? Hindi ba’t dapat ay si Jenica na girlfriend niya ang binibigyan niya nito?
“I’m sorry, Ulysses pero hindi ko matatanggap ’yang regalo mo. Dapat siguro ay ibigay mo ’yan kay Jenica dahil siya ang girlfriend mo. Sige, mauuna na ako sa klase ko.” sabi ko.
Akmang aalis na sana ako nang hinawakan ni Ulysses ang braso ko.
“Wait lang, can’t you just get, Sarina?” Parang naiiritang sabi niya na ikinakunot ng noo ko.
“Ano bang sinasabi mo?” Naguguluhan kong tanong.
Napatigil naman ako nang bigla niya akong iniharap sa kanya at tinitigan sa mga mata ko.
Gwapo si Ulysses kaya hindi na ako magtataka kung bakit napakaraming babae ang nagkakandarapa sa kanya kabilang na doon si Jenica na matagal na siyang gusto pero ngayon ay nalilito ako sa ginagawa niya at hindi ko siya maintindihan.
“I know you wouldn’t believe this but.. I really like you. Noong una palang kitang makita sa Volleyball team niyo ay nagustuhan na kita. Hindi lang kita malapitan dahil palaging nakabuntot sa’yo si Yohan. Ngayon lang ako naglakas ng loob na umamin sa’yo pero Sarina, gusto kita. Please, let me court you,” sabi ni Ulysses at hinawakan ang dalawang kamay ko.
Gulat na gulat ako sa pag-amin niya sa akin.
Hindi ’to tama! Girlfriend niya si Jenica at mahal na mahal siya ng kaibigan ko kaya hindi pwede ’to!
Pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak sa akin ni Ulysses at lumayo ng kaunti sa kanya. “Hindi pwede, Ulysses. Girlfriend mo si Jenica at kaibigan ko siya. Mali ’yang mga pinagsasabi mo!” Sabi ko.
Yayakapin pa sana niya ako nang lumayo ulit ako sa kanya. “C’mon! Sarina. Kung nag-aalala ka kay Jenica, we already broke-up yesterday. Ginamit ko lang naman siya para mapalapit ako sa’yo at malaman ko ang address ng bahay niyo dahil liligawan kita. This time, I will be serious at hindi na ako maghahanap ng ibang babae. I like you so much.” Tila nagpantig ang tenga ko dahil sa mga sinabi niya at hindi ko na napigilang lapitan siya at sampalin.
Napahawak naman siya sa pisngi niyang sinampal ko at nagulat ito sa ginawa ko.
“Anong karapatan mo para saktan si Jenica at gamitin siya? Hindi ka ba nakokonsensya sa ginagawa mo? Sinaktan mo ang kaibigan ko!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na ako.
Hindi ko ginustong magkagusto si Ulysses sa akin at gamitin si Jenica para mapalapit lang sa akin. Alam ko na noon palang ay mahal na mahal na ni Jenica si Ulysses.
“But that’s the truth, Sarina. Ikaw ang gusto ko at hindi si Jenica. You’re better than your friend.”
“Enough!”
Lumingon naman ako sa nagsalita at nakita ko si Jenica na umiiyak.
“Jenica,” Naluluhang sabi ko.
Lalapitan ko na sana siya nang bigla siyang tumakbo paalis. Akmang susundan ko na sana siya nang biglang magsalita ulit si Ulysses.
“I’m really serious to you, Sarina. Remember what I said.” Seryosong sabi niya at naglakad na ito papaalis.
Hindi ko nalang inintindi pa ang sinabi sa akin ni Ulysses at sinundan ko nalang si Jenica. Hinanap ko siya ng hinanap sa iba’t-ibang parte ng school namin pero hindi ko siya mahagilap. Alam kong narinig niya ang mga sinabi sa akin ni Ulysses kanina at nagi-guilty ako dahil hindi ko naman ginusto na saktan siya ng lalakeng ’yon.
Mahigit isang oras ko na ring hinahanap si Jenica pero hindi ko pa rin siya makita. Tinext ko na rin si Yohan at tinanong kung nasa classroom na ba si Jenica pero ang sabi niya ay wala pa raw ito doon. Tinanong rin niya kung bakit wala pa ako sa classroom namin at mag-uumpisa na raw ang klase pero sinabi ko na mamaya na lang ako magpapaliwanag sa kanya. Hindi ko na binasa pa ang sunod niyang text at pinatay na ang phone ko.
Hinihingal akong nagpunta sa Cafeteria para bumili ng tubig dahil napagod ako sa kakatakbo sa buong school mahanap lang si Jenica.
Halos wala nang katao-tao sa Cafeteria dahil malapit nang mag-umpisa ang klase pero napansin ko naman ang isang babaeng nakaupo sa gilid ng mga upuan ng Cafeteria na parang maiiyak na at paulit-ulit na tinitignan ang papel na hawak niya. Dahil naawa ako sa kalagayan niya ay nilapitan ko siya.
“Miss, okay ka lang ba?” Tanong ko sa babae.
Tumingin naman siya sa akin at umiling. She’s a pretty girl at parang ngayon ko lang siya nakita dito sa St. Therese.
“I’m not. Transferee kasi ako at hindi ko mahanap ang klase ko. Ilang oras na akong naghahanap sa klase ko pero hindi ko talaga makita. Sa laki ng school na ’to ay naligaw na rin ako. First day of class ko tapos late pa ako? Huhuhu!” bigla ay humagulgol siya ng iyak kaya nataranta naman ako doon at pinakalma siya.
So, kaya pala parang ngayon ko lang siya nakita dito sa St. Therese ay dahil transferee siya. She’s right, sa sobrang laki ng St. Therese Academy ay siguradong maliligaw ka dito kung hindi mo pa kabisado ang mga pasikot-sikot sa school na ito.
“Hey? Huwag ka nang umiyak. Tutulungan nalang kitang hanapin ang klase mo, okay?” Sabi ko.
Napahinto naman ito sa pag-iyak tsaka siya tumango at nagulat na lang ako nang niyakap niya ako.
“Thank you! You’re pretty na nga tapos ang bait mo pa sa akin. Pwede ba tayong maging magbestfriend nalang? Wala pa kasi akong new friend dito dahil transferee ako.” Nakangiting sabi niya at yumakap pa siya sa isang braso ko.
Kahit naiilang ako sa ginagawa niya ay tumango nalang ako at ngumiti sa kanya. “Sure.” sabi ko.
“Yehey! Ano nga pala ang name mo?” Tanong niya sa akin.
“Sarina Vicencio.” Sagot ko.
“Hello! My new bestfriend Sarina. I’m Mace Ann Eliazar pero call me Macy nalang para cool pakinggan, right?” sabi niya.
Napakamot na lang ako sa ulo ko at ngumiti. “Sure, Mace- I mean Macy.”
Ngumiti siya at mas lalo pang niyakap ang braso ko at ipinakita sa akin ang papel na kanina pa niya tinitignan. Napansin ko na schedule pala iyon ng mga klase niya.
“Ito ’yung schedule ko. Alam mo ba kung saan ’yan, gorgeous Sarina?” Tanong ni Macy.
Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa sa schedule niya na magiging kaklase ko pa pala siya. What a coincidence!
“Oo naman. Sabay na tayong pumasok dahil kaklase pala kita.” Nakangiti kong sabi.
Tumayo naman siya at hinatak ako tsaka niyakap. “OMG! Kaklase pa pala kita my new bestfriend. I’m so lucky naman, yehey!” Tumatalon-talon na sabi niya at napapatalon na rin ako dahil nakayakap siya sa akin.
Napangiti nalang ako dahil sa ginagawa ni Macy.
Bigla ay naalala ko na kailangan ko palang makausap si Jenica mamaya at ipapakilala ko sa kanila ni Yohan si Macy na “New Bestfriend” ko.
Ang timeline ay hindi po sila inabot ng K+12. Hehe sorry. Hindi kasi ako inabot nun kaya hindi ko alam ang timeline nila.
03
SARINA’S POV
Kaagad na naming tinungo ni Macy ang 2nd class na papasukan namin dahil nalate na nga kami sa first subject namin. Masaya siyang kasama at higit sa lahat ay napaka friendly rin niya. Kaya nga tinanggap ko na ako’y isang new bestfriend na niya.
Maganda at masayahing tao si Macy. Sinabi niya rin na isa siyang half German kaya pala mestiza siya at kakaiba ang kulay ng mga mata niya. Siya at ang kuya lang niya ang palaging nasa bahay nila dahil busy ang mga magulang niya sa business ng kompanya nila.
Nagtatrabaho ang kuya niya sa isang sikat na Telecommunications Company bilang isang investors doon. Gwapo at mabait raw ito sabi ni Macy at naniniwala naman ako doon dahil maganda at mabait rin naman si Macy.
Naikwento ko nga rin sa kanya si Trey na kababata ko at matagal ko nang gusto. Kinilig siya nang magkwento ako sa kanya at sinabing baka si Trey na talaga ang magiging future husband ko.
Sana nga ay mangyari iyon at kapag nagkatotoo ’yon ay magpapa-party talaga ako ng bonggang-bongga!
Pagkapasok namin sa 2nd class namin ay tumingin ang lahat ng mga kaklase namin sa amin ni Macy. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang wala pa ang teacher namin para sa 2nd class.
Napagawi ang tingin ko sa upuan ni Jenica at nalungkot ako na hindi rin siya aattend ng 2nd class. Tumingin naman ako kay Yohan na nilapitan kami ni Macy.
“Sarina, bakit ngayon ka lang? Ano ba talagang nangyari?” Nag-aalalang tanong ni Yohan.
Napansin ko naman na natulala si Macy pagkakita niya kay Yohan na hindi pa siya pinapansin.
Bumuntong-hininga ako at sandaling umupo muna sa upuan namin at ikwinento sa kanya ang lahat ng mga nangyari kanina lang. Narinig ko pang napamura si Yohan at kumuyom ang mga kamao niya pagkatapos kong magkuwento sa kanya.
“Shit! Humanda talaga sa akin ’yang Ulysses na ’yan. Hangga’t maaari ay iwasan mo na ang lalakeng ’yon ha?” Tumango naman ako sa sinabi ni Yohan.
Napatingin ako kay Macy na kanina pa nakatitig kay Yohan habang nakangiti ito.
Natawa naman ako ng palihim dahil mukhang may gusto na yata siya kay Yohan.
“Ahm.. Yohan, si Macy nga pala, magiging bago natin siyang kaklase at isa siyang transferee.” Pagpapakilala ko kay Macy sa harap ni Yohan.
Tumingin si Yohan kay Macy na namula nang tinignan ito tsaka siya ngumiti ng tipid. “Nice to meet you. Sige, babalik na ako sa upuan ko.” Pagpapaalam niya sa amin at bumalik na siya sa upuan niya.
Ilang saglit pa ay niyakap ako ni Macy na ikinagulat ko.
“Oh my gosh! Ang gwapo naman ng friend mo! Ang cute pa ng dimples niya. Kyaahhh!” Kinikilig niyang sabi. Natawa naman ako.
“Crush mo na si Yohan nyan?” Panunukso ko.
Walang alinlangan naman siyang tumango. “Oo girl! Nalove at first sight na yata ako kay Yohan my loves!” bulong niya sa akin at saglit na tinignan si Yohan na busy na sa pakikipag-usap sa mga kaklase naming lalake.
Mas lalo pa akong natawa sa sinabi ni Macy pero pagkaraan ay natahimik na kami dahil dumating na ang teacher namin para sa 2nd class namin. Nagpakilala naman si Macy sa mga kaklase namin bilang transferee student. Napatitig pa nga sa kanya ang mga kaklase naming lalake habang nagpapakilala siya sa harap ng klase.
“Pre, ang ganda ni transferee!”
“Oo nga pero mas maganda pa rin talaga si Sarina.”
“Tangina ka! Huwag mo nang pagdiskitahan si Sarina dahil kay Yohan na ’yan!”
“Talaga ba? Langya! Ang swerte nga naman ni Yohan, lahat nalang ng magagandang chicks ay napupunta sa kanya.”
Napailing nalang ako doon. Pati si Yohan ay napagkakamalan na nilang boyfriend ko. Sanay na ako doon kahit noong 1st year high school palang kami.
Kaibigan lang ang tingin ko kay Yohan at hindi na magbabago iyon.
BUONG klase ay hindi nagparamdam o nagpakita man lang si Jenica. Sana ay makausap ko siya bukas at magpapaliwanag ako sa kanya. Ayokong nasasaktan siya nang dahil sa gusto ako ni Ulysses.
Nagpaalam na si Yohan sa amin ni Macy na didiretso na siya sa basketball practice nila at medyo natatakot ako na baka kung anong gawin niya kay Ulysses na kateammates niya rin sa basketball.
Pagkatapos ko kasing ikwento sa kanya ang lahat at sabihin na may gusto sa akin si Ulysses ay hindi na masyadong umimik si Yohan at parang malalim ang iniisip nito. Baka ay naa-apektuhan lang rin siya sa pananakit ni Ulysses kay Jenica.
2nd day of classes palang ay ang dami na naming mga homeworks lalo na sa subject namin sa Science. Siguradong magdudugo na naman ang utak ko nito sa kakaisip ng mga isasagot ko sa homework namin.
“Best friend, doon nalang tayo gumawa ng homework sa bahay namin. Please?” Pag-aanyaya sa akin ni Macy.
“Ha? Baka hanapin ako ng mga kapatid ko mamaya, e.” Alangan kong sabi.
“Problema ba ’yon? I-text mo nalang sila at sabihin na gagawa ka lang ng homework sa bahay namin. Sige na, please? gusto lang kitang makasama, Sarina my best friend!” Pagmamakaawa ni Macy at niyakap niya ang isang braso ko.
Dahil sa pangungulit niya sa akin ay tinext ko na sina Ate Annika at Kuya Xavier at sinabi na gagawa lang ako ng homework kina Macy na bago kong kaklase at pagkatapos ay hinarap ko naman si Macy at tinanguan siya na para bang suko na ako.
“Oo na. Pasalamat ka talaga at new best friend na kita.” Nakangiting sabi ko.
Mas lumawak naman ang ngiti niya sa sinabi ko tsaka ako hinalikan sa pisngi na ikinagulat ko. “Ayiee! Love you best friend!”
Napakamot nalang ako sa ulo ko habang natatawa.
Narating na namin ang bahay nila at nagdoorbell na si Macy sa tapat ng gate nila. Kaagad namang bumukas ito at bumungad sa amin ang isang matangkad, mestizo at gwapong lalake na kamukhang-kamukha ni Macy.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang naka-topless lang ang lalake at boxer shorts. Nang mahagip niya ako ng tingin ay tinitigan niya ako ng ilang segundo pagkatapos ay saka siya muling bumaling kay Macy.
“Kuya Maverick, new best friend ko nga pala, si Sarina.” Pagpapakilala sa akin ni Macy sa kuya niya.
Nagbow naman ako bilang sign of respect sa mas nakatatanda sa akin. “Magandang tanghali po.” Sabi ko at tumingin sa kuya ni Macy.
Nakatitig na naman siya sa akin at nakakailang iyon saka ito ngumiti. “Hi. Ako nga pala Maverick. Nice to meet you, Sarina.”
Hindi ko maintindihan pero bigla nalang nanginig ang buong katawan ko sa paraan ng pagtawag niya sa pangalan ko.
Napaiwas ako bigla ng tingin sa kanya.
“N-nice to meet you rin po.” kinakabahan kong sabi at ngumiti nalang ng pilit.
“Kuya, nakapagluto ka na ba ng pagkain? Nagugutom na kasi kami ni Sarina, e,” Tanong ni Macy sa kuya niya.
Tumango at ngumiti naman si Kuya Maverick. “Oo. Halika na, kumain na tayo. Ayoko namang magutom si Sarina. Magbibihis lang ako.” Tumingin siya sa akin saglit at pagkatapos ay naglakad na ito papaalis.
Sa lalim ng boses ng kuya ni Macy at sa paraan ng pagtitig niya sa akin ay hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng kaba at takot doon.
“Tsk. Mukhang type ka pa yata ng kuya ko pero bagay naman kayo e, maganda ka tapos gwapo si Kuya Maverick at pareho ko pa kayong love kaya support ko kayong dalawa!” Biglang panunukso ni Macy sa akin na ikinangiwi ko.
“A-ano bang pinagsasabi mo dyan, Macy? 16 pa lang ako tapos ang sabi mo nga ay 25 years old na ang kuya mo saka ikwinento ko na sa’yo kung sino ang mahal ko ’di ba?” Natahimik naman si Macy sa sinabi ko saka ito napatango at humalukipkip.
“Oo na! Si Trey, ’yung kababata mo.” sabi ni Macy at umirap ito ng pabiro.
Napangiti naman ako doon.
Kaagad na kaming pumasok ni Macy sa loob ng bahay nila at dumiretso sa dining room nila. Namangha pa ako dahil maganda at malaki ang bahay nila. Malinis at maaliwalas rin itong tignan.
Bumalik rin kaagad si Kuya Maverick na nakasuot na ng itim na t-shirt at jogging pants. Nakahinga naman ako nang maluwag doon dahil kanina ay ilang na ilang ako na half naked siya kahit na macho pa siya.
Sanay na akong makakita ng half naked na lalaki na naka boxer shorts lang nang dahil kay Kuya Xavier pero nakakailang pa rin kapag hindi mo kakilala ang makikita mong lalakeng nakahubad na pang-ibaba lang ang mayroon.
Pinaghanda na kami ni Kuya Maverick ng pagkain at pagkatapos ay bigla akong nailang nang tumabi siya sa akin.
“Kumain ka lang ng marami, Sarina. Masarap akong magluto at sigurado akong magugustuhan mo ang mga niluto ko.” Nakangiting sabi niya habang pinagsasandok ako ng ulam.
Nahihiya naman akong tumango at nagpasalamat. “S-salamat po.”
“Masarap talagang magluto ’yan si kuya. Enjoy our food lang, bestfriend.” Sabi naman sa akin ni Macy.
“Salamat, Macy.” Sabi ko.
“Kain na tayo?” tanong ni Kuya Maverick na tumitig nang ilang segundo sa akin bago ito muling bumaling sa pagkain niya.
Hindi ko alam pero kinakabahan ako na hindi ko maintindihan.
-Ajai_Kim
04
YOHAN’S POV
Pagkatapos ng klase namin ay kaagad akong nagpunta sa mens locker room ng basketball team namin at sinugod si Ulysses na busy sa pakikipagtawanan sa iba pa naming mga kateammates.
Kwinelyuhan ko siya na ikinagulat niya at maging ang mga kateammates namin ay nagulat rin sa ginawa ko.
“Tangina! Ano bang problema mo at bigla mo na lang ako sinusugod?” Galit na galit niyang tanong habang nagpupumiglas ito sa pagkakahawak ko sa kanya.
Pilit naman akong inaawat ng mga kateammates namin pero hindi ako nagpatinag.
Mas lalo pang sumama ang tingin ko kay Ulysses. “Huwag na ’wag mong pinaglalaruan sina Sarina at Jenica kundi ang makakalaban mo.” May diin kong sabi.
Bigla ay unti-unti siyang napangiti sa sinabi ko at nginisian ako na mas lalo pang nagpakulo ng dugo ko.
“Ayon ba ang ikinakagalit mo, Yohan? Totoo naman, ginamit ko lang si Jenica para mas lalo pa akong mapalapit kay Sarina. Matagal ko na ngang gusto si Sarina e, pero kung makabakod ka sa kanya ay para kang boyfriend niya kung umasta. Hindi mo na ako mapipigilan sa gagawin ko. Liligawan ko si Sarina sa ayaw at sa gusto mo.” Nakangiti niyang sabi.
“Walanghiya ka!”
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at sinuntok ko siya sa mukha dahilan ng pagkakabagsak niya sa sahig at kaagad ring nagdugo ang labi niya dahil sa ginawa ko.
Akmang susugurin ko na ulit siya nang napigilan ako nila Walter at Alex na mga kateammates namin sa basketball.
“Pre, huminahon ka nga lang!” Sabi sa akin ni Walter. Hindi ko siya pinansin at tinitigan pa lalo ng masama si Ulysses.
“Bakit ba galit na galit ka sa akin, Yohan? Dahil ba may gusto ka rin kay Sarina at ayaw mong lapitan ko siya at ligawan? Binabakuran mo siya, hindi ba?” Nakangisi niyang tanong.
Mabilis ang paghinga ko at hindi ako makasagot dahil sa tanong niya. Totoo na binabakuran ko si Sarina sa kahit na sinong lalakeng may gusto sa kanya. Sa akin lang siya dapat. Sa akin lang.
Hindi ko sinagot ang tanong niya at padabog nalang na kumalas sa pagkakahawak sa akin nina Walter at Alex.
Ayokong maging masama ang imahe ko sa St. Therese dahil kilala ako ng lahat bilang good and innocent boy student. Hindi ako gagawa ng isang bagay na makakasira sa iniingatan kong magandang imahe kay Sarina.
Gusto kong maging mabait at isang ideal guy para sa kanya kahit hindi naman talaga ganoon ang katauhan ko.
“Layuan mo na si Sarina dahil alam kong sasaktan mo lang rin siya katulad ng ginawa mo kay Jenica. Tandaan mo ’yan, Ulysses kundi ako ang makakalaban mo.” Pagbabanta ko kay Ulysses at pagkatapos ay lumabas na ako ng mens locker room.
Kaagad akong nagtungo sa likod ng school at nagsindi ng sigarilyo.
Lintek! Muntik ko nang patulan kanina ang tinanong sa akin ni Ulysses. Sasabihin ko na sana sa kanya na akin lang si Sarina at layuan niya ang pag-aari ko pero mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko dahil alam kong maririnig iyon ng mga kateammates namin at baka makarating pa kay Sarina na matagal ko na siyang inaako bilang sa akin.
Napasabunot na lang ako sa buhok ko at napakuyom ng kamao.
“Kailangan ko na sigurong gumawa ng paraan para maging akin ka na, Sarina. Hindi ako papayag na maagaw ka ni Ulysses sa akin. Sa akin ka lang..”
SARINA’S POV
Maaga akong pumasok sa school para abangan si Jenica dito sa loob ng classroom namin. Class President kasi siya at kailangang maaga palang ay nasa classroom na siya para magcheck ng attendance namin.
Hindi naman ako nabigo at nakita ko siyang naglalakad na papunta sa upuan niya. Nagulat siya nang makita ako saka ito ngumiti ng tipid.
Napansin ko naman ang pamumugto ng mga mata niya. Kaagad naman akong nakaramdam ng guilt kaya lumapit ako sa kanya at tinabihan siya.
“I’m sorry, Jenica.” Malungkot kong sabi.
“Ha? Bakit ka naman nagso-sorry sa akin? Wala ka namang ginawang masama, ah?” Sagot naman niya.
Napakagat-labi ako at parang maiiyak na. “K-kasi.. alam kong narinig mo ’yung mga sinabi sa akin ni Ulysses kahapon. Nakita kitang umiiyak tapos tumakbo ka pa ng makita mong lalapitan sana kita. G-Galit ka ba sa akin?” Hindi ko na napigilang mapaluha pa.
Dali-dali naman akong niyakap ni Jenica. “Ano ka ba, hindi naman ako galit sa’yo. Nabigla at nasaktan lang ako dahil sa mga sinabi ni Ulysses sa’yo kahapon. M-matagal ka na pala niyang gusto at ginamit lang niya ako para mapalapit sa’yo. Hindi naman kita sinisisi e, maganda ka at mabait tapos may ipagmamalaki ka pa. Alam ko naman na sa noong una palang ay libangan lang ako ni Ulysses at ginagamit lang kaya hindi kita sinisisi. Huwag ka nang umiyak, sige ka at papangit ka niyan,” Natatawa niyang sabi at pinunasan ang mga luha ko.
Mas lalo ko pang niyakap si Jenica dahil sa mga sinabi niya. Napakabuti niyang kaibigan sa akin at naiintindihan niya rin ako.
“S-Salamat, Jenica..” Sabi ko.
“Oo na. Tama na ang drama. Kalimutan na natin ’yung mga nangyari kahapon at kung liligawan ka talaga ni Ulysses ay okay lang ’yon sa akin at least napunta ang taong pinakamamahal ko sa matalik kong kaibigan.” Nakangiti pero malungkot niyang sabi.
Hinawakan ko naman ang isang braso ni Jenica. “Jenica, wala akong gusto kay Ulysses, okay? Hindi rin ako papayag na ligawan niya ako dahil kay Trey my loves lang ang puso ko.”
“Habang na kay Yohan naman ang puso mo..” May sinabi siya pero hindi ko naman masyadong narinig.
“Anong sabi mo, Jenica?” Tanong ko.
Umiling lang siya ng paulit-ulit at awkward na ngumiti. “W-wala, no! Hehe.”
Napangiti na lang ako.
Ang akala ko ay galit siya sa akin pero nabigla lang pala siya dahil sa mga sinabi ni Ulysses.
Sana talaga ay karmahin ang lalakeng iyon dahil sa ginawa niyang pananakit kay Jenica.
“Best friend!”
Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko nang biglang dumating si Macy at nilapitan ako sa pwesto namin ni Jenica.
Sa lakas ng boses niya ay pwede na siyang makabasag ng salamin, e. Mabuti na lang at tatlo pa lang kaming nandito sa loob ng classroom kundi ay baka i-reklamo pa siya mga kaklase namin dahil sa lakas ng boses niya.
“Oh, Macy? Ang aga mo yata ngayon?” Tanong ko sa kanya.
“Of course! Maaga ako para makasama ko ang new best friend ko.” Nakangiting sabi niya at inayos ang hawak niyang mamahaling bag. Fashionista at kikay si Macy na kabaligtaran ko naman.
Napansin ko naman na nakatingin sa amin si Jenica kaya ipinakilala ko na si Macy sa kanya.
“Macy, si Jenica nga pala. Class President natin at matagal ko nang kaibigan at Jenica, si Macy naman, transferee student siya at magiging kaklase na natin.” Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.
Ngumiti si Jenica kay Macy. “Hello, Macy. Nice to meet you!”
Ngumiti naman ng alangan si Macy sa kanya.
“Nice to meet you rin. So, halika na, Sarina? Tabi muna tayo sa upuan mo at may ikukwento ako sa’yo!” Masayang sabi ni Macy at kaagad akong hinila papunta sa upuan ko.
“Teka, kakausapin ko muna si Jenica, Macy.” Sabi ko at akmang babalikan na si Jenica na nakatingin lang sa amin nang pinigilan ako Macy.
“Mamaya mo na nga kasi siyang kausapin! Kaya nga inagahan kong pumasok dito para lang makabonding kita as new bestfriend ko tapos makikipag-usap ka lang pala sa matagal mo nang kaibigan na palagi mo namang nakakausap.” Parang nagtatampo niyang sabi at nagcross arms saka umiwas ng tingin sa akin.
Napabuntong-hininga na lang ako at tumingin kay Jenica. Sumenyas nalang ito na mamaya na kami mag-usap kaya tumango ako sa kanya at hinarap ulit si Macy.
“Sige na nga. Huwag ka nang magtampo, dyan.” Paglalambing ko kay Macy.
Napangiti naman siya sa sinabi ko at niyakap ang isang braso ko.
“Yehey! Sarina, pwede ba tayong mag-overnight sa bahay namin? Gusto lang kitang makabonding pa lalo e.” Bigla niyang tanong.
Napahinto naman ako sa sinabi niya.
Pagkatapos kong ma-meet ang kapatid ni Macy na si Kuya Maverick ay parang ayoko nang bumalik sa bahay nila.
Natatakot ako na kinakabahan sa klase ng mga tingin sa akin ni Kuya Maverick at hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko iyon kahit mabait naman siya sa akin.
“H-ha? Eh, ano kasi…” Hindi ko alam ang isasagot ko dahil ayoko na talagang bumalik sa bahay nila.
“Sige na please? Magmovie marathon lang tayo tapos bibigyan kita ng mga dress and make-up ko. Gusto nga ni Kuya Maverick na nasa bahay ka namin para naman raw may makasama at makausap ako bukod sa kanya. Ikaw lang kasi ang kaibigan ko, Sarina dahil sa’yo lang palagay ang loob ko.” Nakapout niyang sabi.
“A-ako lang ang kaibigan mo?” Gulat kong tanong.
Tumango siya. “Yes. Ikaw lang ang friend ko dahil sa’yo lang ako may tiwala as my friend so please? Mag-overnight na tayo sa amin?” Pangungulit niya.
Nagdadalawang-isip ako dahil una ay kinakabahan at natatakot ako kay Kuya Maverick tapos malalaman ko ngayon na ako palang ang naging kaibigan ni Macy?
Kaya pala ganoon nalang kung itrato niya si Jenica dahil hindi palagay ang loob niya dito at sa akin lang siya may tiwala.
I sighed and nodded dahil ayoko namang maging masamang kaibigan kay Macy na tatanggihan siya. Napangiti naman siya sa akin at niyakap ako.
“Yehey! Pumayag ka na rin, best friend. I’m so excited na sa overnight natin sa bahay namin!” Masaya niyang sabi.
Ngumiti nalang ako ng pilit at nanalangin na sana ay maging maayos lang ang kalagayan ko doon kasama sina Macy at ang nakatatandang kapatid niyang si Kuya Maverick na kinakatakutan ko.
-Ajai_Kim
05
SARINA’S POV
Kanina pa ako nagpa gulong-gulong sa kama ko at ilang beses ng bumuntong-hininga. Pumayag na ako sa gusto ni Macy na mag-overnight kami sa kanila mamayang gabi at hindi ko naman siya pwedeng tanggihan dahil nakapangako na ako sa kanya. Makokonsensya naman kasi ako kung tatanggihan ko siya lalo na’t nalaman ko pa na ako lang pala ang nag-iisa niyang kaibigan.
Isang gabi lang naman iyon at pagkatapos nun ay uuwi na rin ako. Hindi ko nalang muna papansinin ang kaba at takot ko kay Kuya Maverick.
Bakit ba kasi ako natatakot sa kanya? Wala naman siyang ginagawang masama sa akin at sa katunayan nga ay ang bait niya sa akin pero ewan ko ba, natatakot pa rin ako sa presensya niya. Gwapo at maamo ang mukha ni Kuya Maverick pero hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko.
Napa-paranoid na yata ako dahil sa kakapanood ko ng mga horror films kaya pati si Kuya Maverick ay kinakatakutan ko na rin.
Bigla ay nagring ang cellphone ko kaya bumangon ako mula sa kama ko. Sinagot ko ang tawag without looking at my phone.
“Hello?”
(Oh? Parang bad mood ka yata, Sasa?) Sabi ng boses sa kabilang linya.
Bigla ay napaupo ako ng tuwid at pinipigilan ang kilig na nararamdaman ko.
Tumawag sa akin si Trey my loves! I think I’m now the luckiest girl on earth! Tinawagan ako ng aking my loves!
I cleared my throat at huminga muna ng sandali bago siya sagutin. “Ahm.. hindi, ah? B-bakit ka nga pala tumawag?” Mahinhin pero kinikilig kong sagot.
(Bakit? Masama bang tawagan kita? Nakakatampo ka naman,)
Natawa naman ako ng mahina dahil sa tono ng boses ni Trey. Halatang nag-babytalk siya na hindi naman bagay sa kanya.
“Tigilan mo na nga ’yan, Trey. Para kang bata! Anyways, ang balita ko ay uuwi kayo dito sa pilipinas nila Tito at Tita next week?” Tanong ko.
(Oo, Sasa. Uuwi muna kami dyan dahil may aayusin lang sina Mama at Papa tungkol sa online gaming business namin. Naka leave na rin ako ng 2 weeks sa school pero ang kapalit nun ay magsusummer class ako dito.) Sabi ni Trey.
Natuwa naman ako sa sinabi niya. Ibig sabihin ay mas makakasama ko pa siya ng matagal dito sa Pilipinas?
Sana nga lang ay dito na siya mag-aral para naman palagi ko siyang makakasama pero sa ngayon ay napaka-imposible ng hinihiling ko dahil sa amerika nakabase ang business ng pamilya niya at kailangan na doon rin sila tumira. Napangiti ako nang malungkot.
“Ganon ba? Sige, hihintayin kita dito, Trey.” sabi ko.
(Dapat lang dahil maglalaro pa tayo ng Nintendo at XBOX at tignan nalang natin kung matatalo mo na ako.) Nagmamalaki niyang sabi na ikinatawa ko.
“Ang yabang mo, ha? Kapag natalo kita ay kakainin mo lahat ’yang mga sinasabi mo!” Nanghahamon ko namang sagot.
(Let’s see. By the way, excited na talaga akong makita ka. I miss you so much, Sarina…)
Napahinto ako dahil sa sinabi ni Trey at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Hearing him say those words makes my heart melt. He’s the only man I’ll ever love. I’ve loved him since we were kids at hinding-hindi na magbabago iyon.
“I miss you too, Trey…” I said.
Natahimik siya sandali sa kabilang linya at may sinabi siya na hindi ko naman narinig dahil sa sobrang hina.
(You make me more crazy for you, Sarina. Fuck!)
“May sinabi ka ba, Trey?” Tanong ko. Tumawa naman siya na halatang pilit lang sa kabilang linya.
(W-wala. Sige, Sasa. I’ll call you later nalang. Bye.)
Magsasalita pa sana ako nang bigla nang ibinaba ni Trey ang tawag. Napasalampak na lang ako muli sa kama ko at pumikit.
“I can’t wait to see you, Trey.”
NGAYON ay nandito na kami ni Macy sa loob ng bahay nila. Nagdala na rin ako ng damit pamalit at mga kakailanganin ko para sa pag-oovernight ko dito sa kanila.
Mabuti at Biyernes ngayon at wala kaming pasok bukas kaya pwede kaming magpuyat sa panonood ng movies na sina-suggest niya sa akin. Pumayag naman sina Ate Annika at Kuya Xavier na mag-overnight ako kila Macy basta raw ay mag-iingat ako at umuwi ako ng umaga pagkatapos.
“Best friend, ito ang kwarto ko,”
Namangha ako sa laki at ganda ng kwarto ni Macy. She really likes color pink and purple dahil iyon ang motif ng kwarto niya kaysa sa akin na all white lang at simpleng tignan.
Tinignan ko ang mga gamit sa loob ng kwarto niya at nagulat ako dahil marami siyang awards sa mga beauty contest na sinasalihan niya. Maganda at intelligent naman kasi talaga si Macy kaya hindi na rin nakakapagtaka kung nananalo siya sa mga beauty contest.
“Ang dami mo namang mga awards sa beauty contest, Macy. Ang galing mo!” Sabi ko.
“Thanks, best friend. Pwede ka ngang sumali sa beauty contest at sigurado akong matatalo mo ako dahil sa ganda mo.” Sabi naman niya.
“Ha? Hindi, ah. Wala kaya akong interest sa mga ganyan. Mas maganda ka kaya kaysa sa akin.” sagot ko.
Natawa lang siya sa sinabi ko tsaka ako pinaupo sa kama niya. May kinuha siya saglit sa pink na closet niya, its a dresses and some box of shoes at pagkatapos ay binigay niya iyon sa akin.
“I bought this dresses and shoes yesterday. Pinili ko ’yan para sa’yo, Sarina. Its my gift for you dahil napakabait mong kaibigan sa akin.” Sabi niya habang nakangiti.
Umiling naman ako at nginitian rin siya. “Hindi mo naman ako kailangang regaluhan pa, Macy. I’m now your new best friend at tanggap kita sa kung ano ka pa. Salamat dahil napakabait mo ring kaibigan sa akin.” Sabi ko ng sinsero.
Naging teary-eyed naman ang mga mata niya na ikinabahala ko. “No. Take my gifts for you. In my life, I never had a friend that will trust and accept me for who I am. Thank you for being a bestfriend to me, Sarina.” Then she cried and hugged me.
Lumambot naman ang puso ko sa sinabi ni Macy at niyakap rin siya pabalik. “Nako, wala ’yon, Macy. Kaibigan na kita at nandito lang ako sa tabi mo. If you need me ay tawagin lang ako.”
“Pinapaiyak mo naman ako lalo, e!” Kunwaring nagtatampong sabi niya.
Natawa lang ako doon at niyakap pa siya nang mahigpit.
Pagkatapos ng aming moments ay kaagad akong hinila ni Macy pababa ng living room nila. Gusto niya na doon kami manood ng movies para naman raw makapanood rin si Kuya Maverick. Pauwi na raw iyon sa trabaho niya at gusto niya na sabay kaming manonood.
Kinabahan ako dahil makikita at makakasama ko na naman si Kuya Maverick pero kailangan kong labanan ang takot kong ito kung ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin ni Macy.
“Gusto ko na manood tayong tatlo nila kuya ng movie para naman kasama ko ang mga love ng buhay ko!” Masayang sabi ni Macy at niyakap ako sa isang braso ko.
Ngumiti nalang ako ng tipid.
Maya-maya pa ay dumating na si Kuya Maverick na naka business suit attire pa pero nakatanggal na ang suot nitong itim na coat. May hawak rin siyang itim na suitcase.
Natulala ako dahil napakagwapo niyang tignan. Sa kakisigan ni Kuya Maverick ay sigurado akong maraming babaeng nagkakagusto sa kanya. Baka nga’y may girlfriend na siya na kasing edad lang rin niya. Imposible kasing wala siyang girlfriend dahil sobrang gwapo at hot niya.
“Kuya!” Tawag ni Macy kay Kuya Maverick.
Tumingin naman sa amin si Kuya Maverick hanggang sa mapadako ang tingin niya sa akin. Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo bago siya lumapit sa amin ni Macy
Cringe.
“Nandito pala si Sarina. Kumain na ba kayo?” Tanong ni Kuya Maverick.
Umiling naman si Macy. “Hindi pa, kuya. Dali, samahan mo kaming mag-movie marathon! Ipaghanda mo na rin kami ng food para may snack tayo.” Utos ni Macy sa kuya niya.
Magsasalita na sana ako at sasabihing ako nalang ang maghahanda ng snack namin dahil alam kong pagod si Kuya Maverick galing sa trabaho niya nang biglang siyang sumagot.
“Sure.” Nakangiting sabi nito.
“Yes! Teka, wait lang muna, bestfriend. Magpapa-deliver muna ako ng pizza, burger, chicken and fries natin para mas marami pa tayong snacks then I’ll take a bath lang.” Sabi ni Macy.
Tumango na lang ako at ngumiti at pagkatapos ay umalis na siya sa living room.
Bigla ay nakaramdam naman ako ng hiya saka bumaling kay Kuya Maverick. “Kuya Maverick, ako nalang ang maghahanda ng snack natin. Nakakahiyang-”
“Sshhh. Ako na, okay? Bisita ka dito o kung gusto mo naman ay tulungan mo akong maghanda ng snacks.” Nakangiti niyang sabi.
Pumayag na lang rin ako sa sinabi niya para kahit papaano ay matulungan ko siya sa paghahanda.
Nagpaalam muna si Kuya Maverick na magbibihis lang saglit at ilang minuto lang ay dumating na siya. He’s wearing a black sando and white shorts.
Nailang naman ako dahil kitang-kita ko ang mga muscles niya sa kaniyang braso dahil sa suot niya. He’s hot and no doubt about it.
“Let’s go to the kitchen?” He said.
Tumango ako at tinungo na namin ang kitchen area nila. Nag-umpisa na kami kaagad sa paggawa ng snacks. Sinabi naman ni Kuya Maverick na gagawa kami ng sandwhich, cookies, cake and smoothies at sumang-ayon na lang ako doon.
Dahil marunong naman akong gumawa ng sandwhich ay ako na lang ang nagpresinta na gumawa nun habang si Kuya Maverick naman ay busy sa paggawa at pagmamasa ng dough para sa cookies na gagawin niya. Naiilang ako sa pwesto namin dahil sobrang lapit na ng katawan niya sa akin. Hindi ko alam kung sinasadya ba niya iyon o kung talagang magkatabi lang kami at ganon lang ang tamang lapit niya sa akin.
Sandali siyang tumigil sa ginagawa niya saka siya humarap sa akin. Nagulat nalang ako nang kumuha siya ng tissue sa gilid ng cabinet at pinunasan niya ang noo ko.
“Pinagpapawisan ka, Sarina,” Sabi niya habang nakatitig sa akin at pinupunasan ang noo ko.
Kaagad naman akong nailang at lalayo na sana sa kanya nang bigla niya akong isinandal sa pader na mas lalo pang nagpadagdag ng kaba at takot sa akin.
“K-Kuya Maverick, A-ano pong ginagawa niyo?” Nauutal kong tanong.
Ngumiti lang siya at mas lalo pa niyang inilapit ang mukha niya sa akin. “Do you know how beautiful and innocent you are? I’m so dazed by your beauty, Sarina..” Mahina niyang pagkakasabi habang nakatitig sa akin. Nagsitindigan naman ang mga balahibo ko sa takot at kaba dahil sa sinabi niya.
“Kuya Maverick? Sarina? Nasaan na kayo?”
Tinulak ko bigla si Kuya Maverick nang marinig ko ang boses ni Macy at lumayo na sa kanya.
Ngumiti lang siya sa ginawa ko at pinagpatuloy na nito ang pagmamasa niya ng dough.
“Nandito lang pala kayo! Tulungan na kita, bestfriend.” Masayang ani Macy nang makapasok na siya sa loob ng kitchen at tinulungan na ako sa paggawa ng sandwhich.
“S-Salamat, Macy.” Sabi ko at saglit na sinulyapan si Kuya Maverick.
Napatingin naman siya sa akin at mas lalo pa akong kinabahan nang nginitian niya ako.
-Ajai_Kim
06
SARINA’S POV
Pagkatapos naming manood ng movies sa living room nila Macy ay dumiretso na kami sa loob ng kwarto niya. Ipinagpapasalamat ko naman na hindi nanood si Kuya Maverick kasama namin dahil may gagawin pa raw siyang reports tungkol sa trabaho niya.
Hindi ko pa rin makalimutan ang mga sinabi niya kanina sa kitchen bago dumating si Macy. Natatakot at kinakabahan talaga ako sa kanya.
Pagkatapos ng overnight na ’to ay hinding-hindi na ulit ako babalik dito dahil hindi talaga safe ang pakiramdam ko kapag kasama ko si Kuya Maverick.
“Ang saya ko ngayong araw, best friend! Thank you at pumayag kang mag-overnight dito sa house namin, ha?” Malambing na sabi ni Macy habang niyayakap ang isang unan niya. Magkatabi kami sa kama.
Ngumiti ako. “Wala ’yon, Macy. Masaya din ako at kasama kita.”
Dumapa siya mula sa pagkakahiga at nagpahalumbaba na tumingin sa akin.
“May ginawa ba sa’yo si Kuya nung wala ako sa kitchen at kayong dalawa lang ang nandoon?” Seryoso niyang tanong na ikinagulat ko.
Sasabihin ko ba ang totoo na natatakot ako kay Kuya Maverick? Baka kapag sinabi ko iyon ay mag-away pa kami ni Macy at magalit siya sa akin. Hindi ko na muna siguro iyon sasabihin.
Umiling ako. “W-wala naman, Macy. Bakit mo natanong ’yan?” Tanong ko at umiwas ng tingin.
“Napapansin ko lang kasi na iba kung tumingin sa’yo si Kuya Maverick e, more on titig pa nga. I think he likes you, Sarina.” Sabi niya at bigla siyang ngumiti.
Nabigla ako sa sinabi at naalala ang mga sinabi sa akin ni Kuya Maverick sa kitchen area.
“Do you know how beautiful and innocent you are? I’m so dazed by your beauty, Sarina..”
Iwinaksi ko na lang sa utak ko ang mga iyon at umiling ng paulit-ulit sa sinabi ni Macy.
“Hindi naman siguro. Gwapo ’yong Kuya mo kaya baka may girlfriend na rin ’yon.” Parang nasisigurado kong sabi.
Natawa naman siya. “Never pa kayang nagka-girlfriend si Kuya. Ni hindi nga siya pumapansin ng girls na nagpapapansin at may gusto sa kanya. Actually, ikaw pa lang ang unang girl na kinakausap niya nang hindi siya nagsusuplado at hindi ka binabaliwala.”
Napaawang ang bibig ko doon. H-hindi pumapansin ng ibang babae si Kuya Maverick at ako pa lang ang unang babaeng kinakausap niya ng maayos at walang pagsusuplado?
Baka ganoon lang talaga ang trato niya sa akin dahil ako lang ang nag-iisang kaibigan ni Macy.
“Mabait lang siguro si Kuya Maverick sa akin dahil kaibigan kita, Macy.” Paninigurado ko.
Macy just rolled her eyes on me at bumalik na ito mula sa pagkakahiga niya. “I’m 100% sure that my brother likes you at boto ako sa’yo para kay kuya. Forget your Trey at gusto ko na kay kuya ka lang magkakagusto.” Mataray niyang sabi saka niya kinuha ang kumot niya at nagtalukbong.
Hindi ko na pinansin si Macy at bumuntong-hininga. Mahirap yata ang sinasabi niyang kalimutan ko na si Trey dahil si Trey lang ang lalakeng gusto ko.
NAGISING ako ng bandang 2am at nakaramdam ng pagkauhaw. Tumingin ako kay Macy na natutulog pa rin.
Bumangon ako sa kama at saka lumabas sa loob ng kwarto niya at bumaba papunta sa kitchen area.
Nang makarating na ako sa kitchen ay kaagad kong binuksan ang ref at kumuha ng isang bottled water. Ininom ko ito at pagkatapos ay tinapon sa trash can na nasa gilid ng ref ang plastic bottle na pinag-inuman ko.
Aalis na sana ako nang bigla akong napatalon sa gulat nang makita si Kuya Maverick sa harapan ko.
Nailang at biglang nag-init ang mukha ko nang makita ko siyang topless habang nakatapis lang ng towel ang ibaba niya. Halatang kakatapos lang niyang maligo dahil basa ang buhok niya.
“Oh, Sarina. Bakit ka pa gising?” Tanong niya.
Napakagat-labi ako at iniiwasan ang mga malalalim niyang tingin at sa katawan niyang nakabalandra sa akin.
“Nauhaw lang po kasi ako at uminom ng tubig pero aakyat na rin po ako sa kwarto ni Macy. Sige po Kuya, paalam.”
Aalis na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang isang braso ko na nagpatigil sa akin.
“Teka lang, pwede ba tayong mag-usap?” Tanong niya.
Mukhang sincere at may importanteng sasabihin talaga si Kuya Maverick sa akin base sa ekspresyon ng mukha niya kaya pumayag na lang ako sa gusto niya kahit na medyo may kaba at takot pa rin akong nararamdaman sa kanya.
Sandali muna siyang nagpaalam para magbihis at pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik siya. Ang sabi niya ay sa garden area na lang kami mag-usap at pumayag ako doon.
Nang nasa garden area na kami ay umupo kami sa isang bench doon. Malamig ang simoy ng hangin at nakapajama lang ako kaya nilalamig na ako. Maganda rin ang kalangitan dahil sa kumikinang na stars at sa maliwanag at bilog na buwan.
There are 7 billion people on this planet. There is only one person who can make you happy, and this person will see you as beautiful as the stars and the moon.
Nabigla ako nang ipinatong sa akin ni Kuya Maverick ang suot niyang jacket sa balikat ko. “I don’t want you to get cold,” he said, smiling.
Nahihiya akong nagpasalamat. “Salamat po, Kuya Maverick.”
Pagkatapos no’n ay pareho na kaming natahimik. Wala ni isang nagsasalita sa amin.
Tumingin ako kay Kuya Maverick at namangha ako sa angking kagwapuhan niya. His brownish hair, hazelnut brown eyes, pointed nose, thick brows, reddish lips, and white complexion look great on him.
Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakakita nang ganito kagwapong lalake. Gwapo naman sina Trey at Yohan pero ibang-iba pa rin si Kuya Maverick. Based on his appearance, he’s a gorgeous and perfect guy.
Tumingin siya sa akin kaya nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Napaiwas tuloy ako ng tingin hanggang sa marinig ko na lang ang mahinang pagtawa niya.
Namula naman ako sa kahihiyan dahil nahuli niya ako sa ginagawa kong pagwowonder sa itsura niya.
“Ahm… Sarina, salamat nga pala at pinagbibigyan mo si Macy sa mga hinihiling niya sa’yo. Alam kong nagrequest siya na mag-overnight ka dito sa bahay namin at pinagbigyan mo siya. I saw how happy she is dahil nandito ka. Salamat talaga.” he said. I looked at Kuya Maverick at ngumiti.
“Wala po ’yon. Mabait po talaga sa akin si Macy at bagong kaibigan ko na rin siya kaya ayos lang po ’yon sa akin.”
Tumango siya sa sinabi ko at hinawakan ang isang kamay ko na ikinagulat ko.
“It means so much to me. Kaming dalawa lang kasi ni Macy ang nandito sa bahay at wala naman siyang kaibigan na makakausap tungkol sa mga hilig niya. Stay out naman ang mga katulong namin sa bahay at madalas ay wala pa ako dahil sa trabaho ko kaya si Macy lang ang naiiwan dito sa bahay. She transferred at St. Therese dahil sobra siyang nalulungkot sa dati niyang school. She has no friends dahil wala naman siyang makapalayagan ng loob bilang ituturing niyang kaibigan. They believe that those students from her previous school are phony friends kaya nagpapasalamat ako at dumating ka sa buhay niya.”
Natuwa ako sa mga sinabi ni Kuya Maverick at naiintindihan ko na kung bakit parang sabik na sabik si Macy sa isang kaibigan. She is a lonely person who requires the company of another.
I smiled at Kuya Maverick and held his hand na nagpatigil sa kanya.
“Huwag kang mag-alala, Kuya Maverick, hinding-hindi ko iiwan si Macy bilang kaibigan niya. Palagi akong nasa tabi niya at magiging isang mabuting best friend ako sa kanya. Promise!” Sabi ko at itinaas ang isang kamay ko na parang nanunumpa.
Natawa siya sa ginawa ko at biglang tumitig na naman sa akin.
Ang kaninang kaba at takot ko sa kanya ay bigla na lang nawala. Mali lang siguro ang first impression ko kay Kuya Maverick. Nakaka-intimidate lang siguro siya kaya parang kinakabahan at natatakot ako sa klase ng mga tingin niya.
“May boyfriend ka na ba?” Bigla niyang tanong na ikinagulat ko.
“Ha? Wala po. Bakit niyo naman po natanong ’yan?” Nahihiya kong sabi.
Wala pa akong boyfriend dahil hinihintay ko lang si Trey my loves ko!
Naghintay ako ng sagot niya pero wala akong narinig kaya lumingon na ako sa kanya. Nahuli ko naman siyang nakangiti na para bang nanalo sa lotto kaya nagtanong ako.
“Bakit po kayo nakangiti at mukhang masaya, Kuya Maverick?”
Nagulat siya dahil nagsalita ako at nahuli ko siyang nakangiting mag-isa. Umayos siya bigla ng upo at tumikhim.
“W-wala lang. Sige na, bumalik ka na sa kwarto niyo at baka hanapin ka pa ni Macy. Babalik na ako sa kwarto ko. Sa’yo na lang ’yang jacket ko. Bye, Sarinan!” Nagmamadali niyang sabi at umalis na pagkatapos.
Naweirduhan ako sa inasal ni Kuya Maverick pero hindi ko mapigilang mapangiti at hawakan ang jacket niya nang mahigpit dahil ito ang unang pagkakataon na naging palagay ang loob ko sa kanya.
I don’t think he’s all that scary.
07
MACY’S POV
Maganda nga talaga ang desisyon ko na lumipat sa St. Therese dahil nakilala ko si Sarina na new best friend ko. Hindi ko na kasi kayang pumasok sa dati kong school dahil kinakaibigan lang ako ng mga girl students doon para lang mapalapit sa kuya ko.
Ang mga boy students naman ay balak lang na ligawan ako at mas lalong mapalapit sa akin. They are fake people to me at ayoko ng ganoon. Hindi palagay ang loob ko sa ibang tao but when I met Sarina ay ang gaan na kaagad ng loob ko sa kanya.
She’s so pretty and kind and I think my Kuya Maverick likes her.
Naging maayos ang overnight stay ni Sarina sa bahay namin at sobra akong nag-enjoy kasama siya. She’s like a sister to me at natatawa na lang ako nang hindi niya alam kung gaano siya kaganda.
I admitted that she’s prettier than me. Napakasimple niya at walang arte sa katawan unlike me kaya nga natutuwa ako sa kanya. She is true to herself, honest at masayahing tao kaya hindi na ako magtataka na nagkakagusto sa kanya ang Kuya ko.
Its Monday again at maaga akong pumasok para abangan si Best friend Sarina. Habang naglalakad ako sa hallway ay nakasalubong ko si Yohan na kaibigan ni Sarina.
Gosh! He’s hot wearing a jersey habang may nakasabit na sports bag sa balikat niya. Unlike Kuya Maverick na may pagka-foreigner ang itsura na nakuha ko din, si Yohan naman ay mukhang Korean. Matangkad siya, maputi at nakabagsak ang itim na buhok.
Ang cool niyang tignan dahil para siyang si Rukawa ng Slam Dunk. He’s also a silent and mysterious type of guy.
“Hi, Yohan!” Bati ko kay Yohan at sinabayan siya sa paglalakad.
Lumingon siya sa akin at hindi man lang ako nginitian. “Hi din. Sige, aalis na ako dahil may gagawin pa ako.”
Aalis na sana siya nang pinigilan ko ito.
“Wait, Yohan… may gusto lang sana akong sabihin sa’yo.” Nahihiya kong sabi.
Nakita ko naman ang iritable niyang ekspresyon at bumuntong-hininga. “Ano ba kasi ’yon? Bilisan mo na at male-late na ako sa practice namin sa basketball!” Nagpameywang siya at hinihintay ang sagot ko.
I sighed and close my eyes. “Yohan, I-I have a crush on you. Noong una pa lang kitang makita ay nagkacrush na ako sa’yo. I think I like you na nga, e.”
Nagmulat ako at tinignan kung ano ang magiging reaksyon niya sa sinabi ko pero ngumisi lang siya at tumingin sa akin na para bang nababaliw na ako.
“Talaga? Gusto mo ako? Pasensya na, Eliazar pero hindi kita gusto at hinding-hindi kita magugustuhan.”
Nasaktan ako sa sinabi niya at parang maiiyak na. Lumapit naman siya sa akin at may binulong.
“Si Sarina lang ang gusto ko. Sa akin lang siya at hindi rin pwede na maging pagmamay-ari ako ng iba. Hindi kita gusto.”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I slapped him na ikinagulat niya.
I had no idea Yohan was so rude. Ibang-iba siyang magsalita at kumilos kapag kaharap niya si Sarina pero kapag sa akin ay lumalabas ang totoong ugali niya.
Paano nga ba ako nagkacrush sa hambog na lalakeng ’to? Nasaktan ako dahil straight forward niyang sinabi na hindi niya ako gusto at hindi man lang inisip na masasaktan ako sa sinabi niya.
Napaluha na ako. “Ganyan ka ba talaga sa mga babaeng nagkakagusto sa’yo? And you said that Sarina is yours? You’re only her friend, right? At alam mo siguro na may gusto siya sa kababata niyang si Trey.”
Natahimik siya sa sinabi ko at kumuyom ang panga dahil sa galit pero sandali lang ’yon dahil ngumiti siya at pinunasan ang mga luha ko.
Kaagad kong tinabig ang kamay niya na ikinatawa nito.
“Ang dami mo namang sinasabi. Alam ko na gusto niya si Trey pero papayag ba akong malamangan ako ng gagong ’yon? Iisa-iisahin ko sila kasama si Ulysses. Hindi pwedeng maagaw nila sa akin si Sarina.” May diin niyang sabi.
Umiling ako at tinitigan siya ng masama. “So, you’re a fake friend to Sarina dahil ang pakay mo lang pala ay ang makuha siya? You’re jerk and great pretender!” Nanggigigil kong sabi.
He chuckled at umayos ng tayo. “You got it, Eliazar. I’m only pretending that I’m a good guy in front of the people here in St. Therese dahil gusto kong maging isang ideal guy sa paningin niya at gusto ko siyang makuha. Sarina is mine only…”
My jaw clenches. He’s a good imposter.
“I’ll tell Sarina that you’re a liar!”
Tumingin siya sa akin nang sarkastiko at nagpamulsa. “Then go and tell her. Sa tingin mo ba ay mas paniniwalaan ka niya kaysa sa akin na matagal na niyang kaibigan? Kayang-kaya kitang siraan sa kanya kung magsusumbong ka at baka mawalan ka pa ng kaibigan niyan. Gusto mo ba ’yon?” Nakangisi niyang sabi na ikinatahimik ko.
Sa sinabi ni Yohan ay maaaring tama siya, mas paniniwalaan siya ni Sarina sa oras na magsumbong ako tungkol sa tunay niyang ugali at ginagamit lang ang pagkakaibigan nila ni Sarina para makuha ito.
Hindi ko kayang mawalan ng kaibigan dahil si Sarina lang ang nag-iisa kong kaibigan.
“Natahimik ka na yata, Eliazar? Hinding-hindi mawawala sa’yo si Sarina bilang kaibigan niya kung mananahimik ka at hindi ka mangingialam sa mga gagawin ko. Magsusumbong ka o mawawalan ka ng kaibigan? Choose wisely.” Nakangising sabi niya at saka naglakad paalis.
Napatakip ako ng bibig at pinigilan ang paghikbi ko.
I’m sorry, Sarina but I don’t want to lose our friendship kaya mananahimik na lang ako at hahayaang madiskubre mo na ang taong pinagkakatiwalaan mo ay ginagamit ka lang para sa pansarili niyang interes.
You don’t deserve a good pretender and liar like Yohan.
JENICA’S POV
Masakit man sa akin pero kailangan kong tanggapin na gusto ni Ulysses si Sarina. May ideya na ako noon pa na gusto niya si Sarina pero nagbulag-bulagan lang ako dahil sa gusto ko siya.
Ano nga bang magagawa ko kung si Sarina talaga ang gusto niya? Pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot dahil noon pa lang ay may gusto na ako kay Ulysses at tinanggap ang pagiging playboy niya.
Nakikita ko na kaya niyang magbago para kay Sarina. Hindi ko dapat maramdaman ’to pero naiinggit ako kay Sarina. Maraming nagmamahal sa kanya samantalang ako ay hindi ko man lang naranasan iyon simula noong bata pa lang ako.
Hiwalay na pareho ang mga magulang ko at mag-isa na lang akong nakatira sa bahay namin. Wala naman akong kapatid na makakausap at makakasama. Kaya nga nagpapasalamat ako dahil may mga kaibigan akong handa akong damayan sa lahat ng lungkot at problema ko katulad nina Sarina at Yohan.
Hinding-hindi ko sisirain ang pagkakaibigan namin ni Sarina nang dahil sa isang lalake. Bata pa naman ako at sigurado akong darating din ang lalakeng magmamahal sa akin ng totoo.
Pumasok ako sa school na hindi pa nakakapag-breakfast dahil wala akong ganang kumain kanina at ngayon lang ako tinamaan ng gutom kaya dumiretso muna ako sa Cafeteria para bumili ng breakfast.
May kalahating oras pa naman bago magsimula ang klase kaya kakain muna ako. Nag-order ako ng kanin at ulam with drinks at pagkatapos ay naghanap ako ng mauupuan. Nang may makita akong bakanteng pwesto ay umupo ako dito at nag-umpisang kumain.
Habang patuloy ako sa pagkain ay may biglang tumabi sa upuang katapat ko. Napaangat ako ng tingin at nasa harapan ko na si Alex De Silva na may hawak na tray ng pagkain habang nakangiti sa akin.
Nakasuot siya ng jersey at mukhang may practice sila ng basketball. Sikat na Varsity Player siya ng St. Therese at kateammates nila Ulysses at Yohan sa basketball. Gwapo at sikat siya sa mga estudyanteng babae dito sa school.
“Pwede bang makiupo muna ako rito? Nakakalungkot naman kasi kapag mag-isa lang kumain kaya tinabihan na kita.” Sabi niya.
Tumango ako at nginitian siya. “Sure. Okay lang.”
Kumain kami ng tahimik at walang nagsasalita sa amin. Ito ang unang beses na makausap ko siya nang kaming dalawa lang.
“Ahm… Jenica,” Pag-imik ni Alex kaya nilingon ko siya.
“Ano ’yon, Alex?”
Nabigla ako nang hinawakan niya ang kamay ko sa table namin.
“I’d heard on what happened betweeen you and Ulysses. Alam mo na playboy ’yon, ’di ba? But I can’t blame you if you like him. If you need someone to cry on, I’m here. You can talk to me and express your pain and sadness. “I’m here to listen.” Sincere niyang sabi.
Napahinto ako at napatitig sa kanya.
According to my classmates, Alex is a nice guy. He’s carefree, and you can tell he’s a genuine person.
Kung hindi ko nga lang nagustuhan si Ulysses ay baka nagkagusto na ako kay Alex.
Kaagad akong nakabawi sa pagkabigla at nginitian na lang siya. “Thank you, Alex.” Sabi ko at bigla na lang umiyak.
Naalala ko na naman kasi si Ulysses at ang sakit-sakit na ginamit niya lang ako para mapalapit kay Sarina.
Nagpanic si Alex at tinabihan ako sa upuan. Niyakap niya ako at hinaplos ang likod ko para tumahan ako sa pag-iyak.
“Magiging maayos din ang lahat. Ilabas mo lang lahat ang sakit na nararamdaman mo…” Mahina niyang sabi.
Hinarap ko siya at nginitian. “Thank you so much, Alex.”
“You’re always welcome, Jenica.”
I’m hoping that with Alex’s help, I’ll be able to forget about Ulysses quickly.
08
THIRD PERSON’S POV
Pagkarating ni Yohan galing sa paaralan nila at sa kakatapos lang na basketball practice sa Varsity Team nila ay sumalampak siya sa maliit na sofa ng kanilang barong-barong at sumandal doon.
Pagod na pagod siya at nagugutom pa. Hindi siya makabili ng pagkain sa Cafeteria ng paaralan nila dahil mahal ang mga pagkain doon at tinitipid ang kaniyang natitirang pera para sa baon at pamasahe sa mga susunod pang araw.
Nakapasok lang naman siya sa St. Therese dahil sa talino at galing sa basketball. Mas mahirap pa nga siya sa dukha kung tutuusin. Mabuti at walang ibang nakakaalam sa buong paaralan nila na nakatira lang siya sa iskwater at laking kalye pa kundi ay baka tuksuhin lang siya na isang hampaslupa ng mga mayayaman niyang kaibigan sa Varsity Team na pasimple niyang inuuto para lang makalibre at makahingi ng pera.
Tumayo siya sa pagkakaupo sa sofa at pumunta sa kusina na hindi kalayuan sa pwesto ng sofa. Binuksan niya ang isang nakatakip na ulam sa lamesa at isang tuyo at malamig na kanin lang ang nakita niyang nakahain.
Nagngitngit siya sa sobrang galit dahil gutom na gutom na nga siya tapos tuyo at kanin lang ang maaabutan niyang pagkain?
“Ma!” Malakas niyang sigaw na ikinaalarma ng inang nasa kwarto at natutulog nang dahil sa kalasingan.
Kaagad lumapit ang kaniyang ina at nginitian siya. “Ano yon, gwapo kong anak?”
Sinamaan ng tingin ni Yohan ang ina at saka tinuro ang pagkain sa lamesa.
“Gutom na gutom na nga ako galing sa school at pagpapractice ng basketball tapos ganitong pagkain lang ang madadatnan ko? Nasaan na ’yong binigay kong pera sa’yo para sa budget natin ng isang linggo?” Nakasigaw niyang tanong.
Napakamot sa ulo ang ina nito at ngumiti ng alangan. “A-anak kasi… Naipansugal ko na ’yon kanina. ’Yong mga Kuya mo naman ay hindi pa ako binibigyan ng pera dahil hindi pa sila umuuwi kaya tuyo lang ang nabili kong ulam dahil wala na akong pera.”
Dahil sa sobrang inis ni Yohan ay tinabig niya ang pagkain sa lamesa na ikinabigla ng ina nito.
“Bwisit! Ma naman, maliit na nga lang ’yong kinikita ko sa pagwe-waiter sa madaling araw tapos ilulustay mo lang ’yong pera ko sa sugal? Kung mayaman lang talaga ako ay hindi na ako magtitiis sa mabaho at masikip na lugar na ’to at lalayasan ko na kayo!” Iritable niyang sagot at napasabunot sa buhok dahil sa sobrang inis.
Pinameywanganan naman siya ng kaniyang ina at tinaasan ng kilay sabay turo sa kanya. “Aba, Yohan! Huwag na ’wag mo akong sinusumbatan ng ganyan dahil Nanay mo pa rin ako at anak lang kita. Kung ginagamit mo lang sana ’yang utak at kagwapuhan mo para yumaman tayo ’di sana ngayon ay nagpapakasasa na tayo sa pera at teka nga lang… hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin nagiging girlfriend ’yong mayaman mong kaibigan na si Sarina?” Tanong nito.
Natahimik si Yohan at nagtiim-bagang na umiling. “Hindi pa, pero gagawa ako ng paraan para maging akin siya. Hindi ko siya minahal dahil sa yaman ng pamilya nilang gustong-gusto mo. Mahal ko siya dahil sa akin siya.” Paninigurado niya.
Tumawa lang ang kaniyang ina. “Siguraduhin mo lang na mauuto mo ’yang kaibigan mo, Yohan. Hindi na ako makapaghihintay na yumaman tayo hay!” Nangangarap nitong ani at bumalik na sa loob ng kwarto.
Napairap si Yohan dahil sa inis sa mukhang perang ina. Bigla niyang naalala na may bente pesos pa pala siyang natitira sa bulsa kaya lumabas muna siya sa barong-barong nila para bumili ng bente pesos na ulam sa Karinderya.
Habang naglalakad sa masikip nilang eskinita ay napapatingin ang lahat ng mga babae sa paligid samantalang ang mga lalake naman ay ultimo’y papatayin na siya dahil sa tingin ng mga ito.
Kasalanan ba niya kung napakagwapo niya kaya naiinggit ang mga kalalakihan sa itsura niya? Mapabata, dalaga, bakla o matandang babae ay nahuhumaling sa angkin niyang kagwapuhan.
Kung may ipagpapasalamat siya sa sugarol at lasinggerang ina, ayon ay walang iba kundi ang maganda niyang lahi. Maganda ang kaniyang ina na may kabit-kabilang mga lalake habang ang Tatay naman niyang iniwan sila ay isang Koreano.
Nakilala ito ng kaniyang ina sa dating bar na pinapasukan at doon ay nabuntis ng isang Koreano at ang naging bunga ay siya. Nawala naman na parang bula ang Koreanong ama pagkatapos na mabuntis nito ang ina niya. Natatakot na panagutan sila nito.
Wala na siyang pakialam sa tunay niyang ama dahil napakawalang-kwenta nitong lalake na naduduwag na humarap sa isang responsibilidad.
Hindi na lang niya pinansin ang mga nagpapacute na babae sa kanya. Walang-wala ang mga ito sa kalingkingan ng kagandahan ng pinakamamahal niyang si Sarina.
Nakaisip na siya ng mga hakbang para mapasakanya ang dalaga at kapag nakapagtapos na sila ng college at may magandang trabaho na ay papakasalan niya kaagad ito para hindi na ito maagaw ng ibang lalake katulad na lang ni Ulysses na kateammate niya sa basketball at si Trey na kababata nito.
Hinding-hindi siya magpapatalo sa mga lalakeng iyon kahit mayaman pa sila.
“Pabili nga ng Bopis tapos samahan mo na rin ng sabaw.” Naiiritang utos niya sabay abot ng bente pesos na dala sa tagabantay ng Karinderya at kababatang si Julius. Anak ng may-ari ng Karinderya.
Natatawa namang binigyan siya ng isang serving ng bopis at sabaw ni Julius at saka inabot iyon. “Mukhang badtrip ka na naman yata sa inyo, pare. Ano na naman bang problema?” Tanong nito.
“Tsk! Ang magaling kong Nanay ay ginasta na naman ang isang linggong budget namin dahil sa pagsusugal niya. Ang mga batugan ko namang kuya na walang ibang ginawa kundi ang gumimik ay hindi na umuuwi ng bahay kaya hindi na nabibigyan ng pera si Nanay. Pasalamat na lang talaga sila at wala akong ibang matutuluyan kundi matagal ko na silang nilayasan sa impyernong lugar na ’to!” Singhal niya at umupo sa mahabang upuan na nakapwesto sa Karinderya nila Julius.
Napailing si Julius. “Asawahin mo na kasi ’yong kaibigan mong maganda na si Sarina para makaahon na kayo sa hirap ng Nanay mo. Bagay naman kayong dalawa dahil gwapo ka at maganda siya.”
Natuwa si Yohan sa sinabi ni Julius na bagay silang dalawa ni Sarina pero hindi na lang ipinahalata iyon.
“Kahit hindi pa mayaman si Sarina ay aasawahin ko talaga siya. Kaya kong umunlad at yumaman dahil gwapo, matalino at madiskarte ako. Sa ngayon ay aasikasuhin ko muna ang mga plano ko para maging girlfriend ko siya.” Nakangiting sabi niya na ikinangisi ni Julius.
“Good luck na lang sa’yo, pare” at tinapik nito ang balikat niya.
Hindi na umimik si Yohan at iniisip na lang ang mga planong gawin para mapasakanya si Sarina.
Kung hindi man natakot si Macy sa banta niya na kung magsusumbong ito tungkol sa tunay niyang agenda kay Sarina ay sisiguraduhin niyang sisirain at dudungisan niya ang reputasyon nito sa lahat ng tao lalo na sa kaibigan na si Sarina.
Mahirap siyang kalabanin dahil ang isang Yohan Suarez ay hindi matatalo at mapapabagsak nang kahit na sino.
Sa kanya lang si Sarina na kinababaliwan ng mga lalakeng katulad nina Ulysses at Trey.
HALOS hindi makapag-concentrate sa trabaho si Maverick dahil palaging lumilitaw sa kaniyang isipan ang maamo at magandang mukha ng bagong kaibigan ng kapatid niyang si Macy na si Sarina.
He remembered how this innocent and beautiful girl drove him insane the first time he saw her.
Alam niyang malayo ang agwat ng kanilang edad pero hindi niya mapigilang mahumaling sa dalaga. Ito ang unang babaeng nagustuhan niya na hindi siya binibigyan ng motibo na may gusto sa kanya. Karamihan sa mga babaeng napapalapit sa kanya ay wala nang ibang ginawa kundi ang mangulit at magpacute. He despises women like that. It aggravates him even more.
Pero ibang-iba si Sarina. Alam niyang nagagwapuhan sa kanya ang dalaga dahil nahuli niya itong nakatitig sa kanya pero alam niyang hindi siya gusto nito. Para ngang natatakot at kinakabahan pa ito sa tuwing kaharap siya.
When they talked in the middle of the night ay mas lalo siyang nahumaling at nabaliw sa dalaga. The way she talks and smiles at him drives his system insane. Lumalakas at bumibilis ang tibok ng puso niya sa tuwing tinitignan siya nito. Natuwa siya nang malaman na wala pa itong naging nobyo.
He clearly likes his sister’s new bestfriend.
He made his own decision. Gagawin niya ang lahat para mapasakanya si Sarina. He’d never felt this way before. He’s already madly deeply in love with this minor innocent girl.
“You’ll be mine soon, Sarina Vicencio…” he smirked.
09
SARINA’S POV
Excited na ako dahil bukas ay uuwi na si Trey dito sa Pilipinas. Ang tagal ko nang gustong makita ang gwapo at cute niyang mukha. Habang nandito siya sa Pilipinas ay susulitin ko na ang mga araw na magkasama kami dahil pagkatapos no’n ay uuwi na siya pabalik sa Amerika.
Mahirap talaga kapag magkalayo kayo ng taong mahal mo, kalaban n’yo ang distansya pero kung mahal mo talaga siya ay kaya mong magtiis. Mahal ko si Trey at kahit malayo siya sa akin ay patuloy ko pa rin siyang mamahalin.
Nasa field kami ng mga kaklase ko habang may P.E class kami. Tinuturuan kami ng Teacher namin ng self-defense move na kakailanganin kung saan ay magagamit ito sa masasamang tao na balak manakit sa’yo. We were wearing our P.E uniform at pawis na pawis na kami dahil sa init ng sikat ng araw sa labas ng school.
“Ito, tubig. Kailangan mo ’yan dahil mainit ang panahon at baka ma-heatstroke o madehydrate ka pa. Ayokong mangyari ’yon sa’yo.” Concern na sabi ni Yohan at inabutan ako ng isang bottled water.
Napatingin ako kay Macy na yumuko at parang natatakot tumingin kay Yohan.
Pero bakit naman siya matatakot? Mabait si Yohan at alam kong may crush siya dito. Napailing na lang ako sa mga naiisip ko.
Nginitian ko si Yohan at ininom ang bottled water. “Salamat, Yohan.”
Tumitig siya sa akin nang ilang segundo na ikinabahala ko, ilang saglit pa ay tumigil na siya sa pagtitig at tumingin nalang sa iba naming mga kaklase na tinuturuan ng self-defense.
Sa ilang taon naming naging magkaibigan ni Yohan ay ngayon lang ako nakaramdam ng takot dahil sa pagtitig niya.
Ganitong-ganito rin ’yong naramdaman ko sa mga titig ni Kuya Maverick. Kahit matagal ko nang kaibigan si Yohan ay marami pa rin akong hindi alam sa kanya, katulad na lang kung saan siya nakatira. Ni hindi pa nga ako nakakapunta sa bahay nila.
Ang sinasabi niya sa aking dahilan ay baka maligaw lang daw ako sa sobrang laki ng bahay nila at nakakaboring doon. Mayaman daw sila at ang Mommy niya ay isang Doktor habang ang mga kuya niya ay ang mga nagpapatakbo ng business nila. Mas mayaman pa yata sila kaysa sa pamilya namin base sa mga kwento niya sa amin ni Jenica.
Napansin ko si Jenica sa gilid ko na nakangiti habang may katext sa cellphone niya.
Ang akala ko nga ay after ng break-up nila ni Ulysses ay magiging malungkot siya pero nagkakamali ako. Tama nga si Yohan sa sinabi niyang matatag at malakas na babae si Jenica. Masaya ako para sa kanya.
“Hoy! Sino ’yang katext mo at mukhang masaya ka yata?” Kinalabit ko si Jenica at nginisian.
Napangiti siya na patuloy pa rin sa pagtetext. “Si Alex. Nililigawan na niya ako.” Kinikilig niyang sagot.
Nagulat kami ni Yohan sa sinabi ni Jenica.
Kilala ko ang Alex na tinutukoy ni Jenica dahil kateammate lang siya ni Yohan sa basketball at sikat rin ’yon sa buong St. Therese. Gwapo iyon, mabait at wala pang naging girlfriend hindi katulad ni Ulysses na isang babaero at kaya lang magpaiyak ng mga babae.
Hindi naman ako naniniwala sa sinabi niya noong nagkausap kami dahil alam kong gumagawa lang siya ng kwento. Pinagtitripan niya lang ako at kapag nakuha na ang gusto niya sa akin ay saka niya ako iiwan at ipagpapalit sa ibang babae katulad ng ginawa nito kay Jenica.
Sinasabi rin niyang matagal na niya akong gusto? Napakaimposible dahil madalang lang naman kaming magkita.
“Talaga? Kailan pa?” Tanong ni Yohan.
“Kahapon lang. Ewan ko ba pero nagugustuhan ko na yata si Alex kahit kahapon lang kami naging magkaibigan. Ang bait niya kasi tapos nararamdaman ko pa kung gaano niya ako kagusto.” Jenica was smiling.
“Gusto ka pala niya?” Gulat kong tanong.
“Yes. Matagal na raw niya akong gusto pero hindi siya makalapit sa akin dahil alam niyang gusto ko si Ulysses. Nagsisisi nga ako kung bakit hindi na lang siya ’yong una kong minahal. Pero pwede naman na kami, hindi ba?” Nag-aalala niyang tanong.
Tumango ako at ngumiti. “Oo naman, Jenica. Kung saan ka masaya ay susuportahan ka namin ni Yohan sa mga desisyon mo. Masaya kami para sa’yo.”
Napangiti siya sa sinabi at niyakap ako. “Salamat, Sarina!”
Niyakap ko na din siya pabalik samantalang si Yohan ay napansin kong nakatitig na naman sa akin. Kinilabutan ako sa kanya pero hindi ko na lang ipinahalata.
Masyado na ba akong na-trauma sa mga tingin ni Kuya Maverick kaya pati simpleng pagtitig lang ni Yohan sa akin ay gagawan ko pa ng masamang ideya? Napakasama ko naman at dapat ay hindi ko pinag-iisipan ng masama si Yohan na mabuting kaibigan ko.
YOHAN’S POV
Pagkatapos ng P.E class namin ay pinatawag ang Volleyball Team members ng buong school. Isa na doon sina Sarina at Jenica kaya ngayon ay wala sila dito sa classroom.
Ito na ang tamang pagkakataon para maisakatuparan ang mga hakbang ko para tuluyang mapunta sa akin si Sarina.
“Attention everyone!”
Pumwesto ako sa harapan kaya napatingin sa akin ang mga kaklase ko na abala sa kung anu-ano nilang mga ginagawa dito sa loob ng classroom maging si Macy na parang natatakot sa akin ay nakuha ko rin ang atensyon.
Mabuti na lang at nanahimik siya kundi ay sisiraan ko siya kay Sarina at sa lahat ng tao sa St. Therese. Ipalabas ko lang na patay na patay siya sa akin at hina-harass niya ako na parang isang stalker ko ay alam kong maniniwala silang lahat sa sasabihin ko. Member din ako ng Drama Club sa school kaya magaling akong umarte na parang natural lang.
Nang makuha ko ang atensiyon nilang lahat ay nagsalita ulit ako.
“Gusto ko lang naman sabihin sa inyo na kami na ni Sarina, guys. Sinagot niya ako kahapon.” Nakangiting sabi ko.
Nagtilian ang iba naming mga kaklaseng babae samantalang ang iba ay napasimangot na lang. Kinakantyawan naman ako ng mga kaklase kong lalake at binabati.
Nang tumingin ako kay Macy ay nagulat siya sa sinabi ko na wala namang katotohanan. Nang magtama ang mga mata namin ay nginitian ko siya dahilan para sumama ang tingin niya sa akin.
“Talaga, Yohan? Naknang! Ang swerte mo nga naman, oh! Nakuha mo ang napaka Diyosang babae sa St. Therese!”
“Legend ka talaga, tol. Ang galing mo!”
“Turuan mo nga ako kung paano ko magiging girlfriend ’yong Captain ng Tennis na si Lea. Ang ganda at sexy nun e!”
“Sayang naman at kayo na ni Sarina pero bagay naman kayo,”
“Nakakaselos, Fafa Yohan. You broke our heart huhuhu!”
At marami pa akong narinig na sinabi ng mga kaklase ko. Mukhang napaniwala ko sila sa mga sinasabi kong hindi naman totoo. Ginagawa ko lang ’to para malaman ng lahat na sa akin lang si Sarina at hindi siya pwedeng lapitan pa ng ibang lalake.
She’s mine.
Pinalungkot ko ang itsura ko at yumuko ng kaunti para convincing sa ginagawa kong pag-arte. “P-pero… nahihiya lang siyang aminin ’yong relasyon namin kaya ’wag n’yo nang banggitin sa kanya ’to at pati na din kay President. Okay lang ba?” Malungkot kong tanong.
“Ganoon ba? Sige, Yohan. Hindi na namin babanggitin kay Sarina ang relasyon n’yo ngayon. Congratulations ulit!”
“No problem, Fafa Yohan as long na masaya kayo pero broken hearted pa rin ako dahil kayo na huhuhu!”
“Oo ba, basta turuan mo lang kami para maka-damoves ng magandang chick.”
“YoRina forever and ever!”
Napangiti ako sa sinasabi ng mga uto-uto kong kaklase. Mas lalo pa akong napangiti nang makita si Macy na nagpipigil ng galit at sobra kung makatingin na para bang papatayin na ako sa klase ng mga tingin niya.
Tinaasan ko siya ng kilay at ipinakitang sa oras na magsumbong siya kina Sarina at Jenica ay goodbye friendship na sila. Wala siyang ibang nagawa kundi ang titigan lang ako ng masama.
Ayaw niya talagang mawalan ng kaibigan kaya siya nananahimik. Pabor iyon sa akin para hindi na siya humadlang sa mga plano ko.
Hindi ako santo katulad ng pagkakakilala sa akin sa St. Therese. Kabaligtaran iyon ng pag-uugali ko sa lugar namin. Isa akong arogante at maambisyong tao. Ayoko rin na nalalamangan at ginagalit ako.
Ako ang hari sa iskwater na pinagmulan ko dahil sinasamba nila ako sa itsura at sa galing kong makipag-basag ulo sa nagtatangka akong insultuhin o saktan kapareho sa mga kuya kong siga rin sa lugar namin. Takot sila sa aming tatlong magkakapatid dahil hindi nila kami kayang labanan at insultuhin. Nasa akin na ang lahat kahit na mahirap lang ako.
Isa na lang ang hindi ko pa nakukuha nang lubusan, ayon ay ang malaman ni Sarina na sa akin lang siya.
10
SARINA’S POV
Ngayon na ang pinakahihintay kong araw para salubungin at makitang muli ang aking Trey my loves! Mahigit apat na taon ko na rin kasi siyang hindi nakikita at sobrang namiss ko siya.
Trey Delos Santos is my childhood friend. Magbestfriend sina Mommy at si Tita Clay (his mom) kaya mga bata pa lang kami ay pinagsama na nila kaming mga anak nila para maging kalaro namin ang isa’t-isa at maging magkaklase sa school na pinapasukan namin noon.
Noong mag high school kami ay kailangan na nilang tumira ng pamilya niya sa Amerika para doon ituloy ang pag-aaral niya. Ang Online Gaming business ng pamilya nila ang dahilan na ibabase na sa Amerika kaya kailangan nilang tumira doon.
Nalungkot ako noong nalaman ’yon at buong araw kong iniyakan si Trey. Ayaw ko kasing magkalayo kami dahil mga bata pa lang kami ay alam kong mahal ko siya. Hindi ko lang alam kung aware ba siya sa nararamdaman ko para sa kanya pero siguro ay hindi, baka isang kapatid lang ang turing niya sa akin pero hindi pa rin ako susuko na balang araw ay mamahalin niya ako hindi bilang isang kapatid kundi bilang isang babaeng mamahalin niya ng habang-buhay.
Pagkatapos ng klase namin ay kaagad akong umuwi dahil sinabi ni Ate Annika na nasa bahay raw namin sila Trey na dumiretso sa amin para lang makita ako. Wala naman sina Kuya Xavier at ang parents ko dahil busy sila sa pagtatrabaho sa kompanya namin. Sobrang natuwa at naexcite naman ako kaya nagmadali akong umuwi ng bahay.
Kanina sa loob ng classroom namin ay naweweirduhan ako sa mga kaklase ko dahil parang kinikilig sila habang nag-uusap kami ni Yohan tungkol sa assignments na itinatanong niya sa akin. Pati nga si Jenica ay nagtataka rin doon pero sinabi lang ni Yohan na hayaan na lang namin sila dahil kinikilig lang sila na magkasama kaming Muse at Escort.
Ipinagsawalang-bahala ko na lang iyon at naniwala na lang sa sinabi ni Yohan samantalang si Jenica ay may pagdududa pa rin. Napapansin ko naman ang madalas na pagiging tahimik ni Macy na ipinagtaka ko. Alam ko kung gaano siya kadaldal at kasigla kaya nakakapagtaka lang ang pagiging tahimik niya.
Baka may problema lang siya kaya bukas rin ay kakausapin ko siya tungkol doon. Magbestfriend na kami at kailangan na magtulungan kami sa isa’t-isa sa mga ups and downs sa buhay namin.
Nang makarating ako sa bahay ay nakita ko si Ate Annika na kausap ang parents ni Trey hanggang sa unti-unting dumapo ang tingin ko sa lalakeng matagal ko nang gustong makita.
Si Trey ang depenisyon ng lalake na pinaghalo ang pagiging gwapo at cute. Kapag ngumingiti siya ay parang nagliliwanag ang buong paligid. Kayumanggi ang kulay ng balat niya at nasa tama ang sukat ng tangkad niya hindi katulad ni Yohan na matangkad talaga. Bagsak ang may kulay dark brown na buhok nito at tama lang rin ang pagkahulma ng ilong at labi niya. Chinito si Trey at siya ’yong matatawag na Boy Next Door . Mabait at napaka anghel niyang tignan.
Tumingin siya sa akin mula sa pagiging busy sa tablet na hawak niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako at tumitig nang ilang segundo sa akin.
Pabilis ng pabilis ang pagtibok ng puso ko habang papalapit sa kanya. Nang makalapit na ako ay kaagad niya akong hinila sa braso ko at saka ako niyakap nang mahigpit.
“I missed you so much, Sasa…” Sabi niya.
Siya lang ang tumatawag ng Sasa na ginawa niyang nickname para sa akin. Ang cute daw kasi ng nickname katulad ko kaya pumayag na lang ako sa kung ano mang pangalan ang itatawag niya. Basta para kay Trey ay tatanggapin ko.
Napangiti ako at niyakap siya pabalik. “I missed you too, Trey…”
Kumalas siya sa pagkakayakap at niyaya akong maupo sa tabi niya. Binati ko muna sina Tito Timothy at Tita Clay bago umupo sa tabi ni Trey.
“Ang ganda-ganda mo na talaga, Sarina at ang laki mo na rin. Siguro ay maraming mga lalake ang nagkakagusto sa’yo, no?” Nakangiting tanong ni Tita Clay na ikinapula ng mukha ko.
“Nako Tita, wala po.” Nahihiya kong sagot.
“Anong wala? Tita Clara, ang dami ngang nagpupunta dito sa bahay na mga ka-schoolmate ni Sarina na may gusto sa kanya noong 2nd year pa lang siya para ligawan siya. Kung hindi nga sila tinutukan ni Kuya Xavier ng kitchen knife ay hindi pa sila aalis dito sa bahay namin!” Natatawang paliwanag ni Ate Annika na ikinatawa at ikinabigla ng parents ni Trey.
Napayuko na lang ako sa hiya dahil totoo naman iyon. Mabuti na lang at naging maagap si Kuya Xavier para itaboy ang mga ‘manliligaw’ ko.
“Really? Hindi ko naman masisisi ang mga manliligaw mo, Sarina. Napakaganda mong bata at ewan ko na lang kung bakit hindi ka pa nililigawan ng isa dito,” Parinig ni Tito Timothy kay Trey na parang naiinis sa pinag-uusapan nila.
Ibig sabihin ba nun ay boto sina Tito Timothy at Tita Clay sa akin para maging girlfriend ni Trey?
Para na akong hihimatayin sa sinabi ni Tito sa kilig pero pilit ko pa rin na hindi ipinahalata iyon.
Bigla ay hinatak ako ni Trey patayo at humarap kami sa parents niya at kay Ate Annika.
“Pwede ko ba munang masolo ang kaibigan ko? Maglalaro pa kasi kami.” Sarkastiko niyang sabi.
Namula at nahiya ako sa sinabi niya.
Gusto niya akong masolo? Sa tingin ko ay pulang-pula na ang buong mukha ko na parang kamatis.
Natatawang tumango na lang sila at tumingin nang nakakaloko. “Sige, pero ’wag muna kayong gagawa ng baby, ha? Magpakasal muna kayo bago magkaanak.”
Gulat na gulat naman ako sa sinabi ng nakangising si Tita Clay.
Bago pa ako makapagreact ay hinila na ako ni Trey papunta sa loob ng kwarto ko. Alam naman niya kung nasaan ang kwarto ko dahil elementary pa lang kami ay palagi na siyang pumupunta rito sa bahay namin at nag-oovernight dahil sabay kaming gumagawa ng homeworks at projects sa school.
Nang makapasok na kami sa loob ng kwarto ko ay saka niya ako pinaupo sa kama habang nasa harapan ko naman siya na nakatayo.
“P-pasensiya ka na sa mga pinagsasabi nina Mom at Dad.” Nahihiya niyang sabi nang hindi makatingin nang diretso sa akin.
“Okay lang yon, Trey. Alam ko namang nagbibiro lang sina Tito at Tita.” Sabi ko.
Tumingin siya sa akin at umupo sa tabi ko. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko dahil ang lalakeng pinapangarap ko lang ay katabi ko na.
Mas lalo pang gumwapo si Trey mula noong huli naming pagkikita. Hindi pa rin nawawala ang kind aura niya na gustong-gusto ko. Kung titignan kasi ay ang bait-bait talaga niyang tignan.
“Sarina, gusto mo bang ligawan kita?” Hinawakan niya ang mga kamay ko at tumingin sa akin nang malalim.
He used my real name, which indicates that he is serious about what he is asking.
Nabigla ako sa sinabi niya at hindi makapagsalita. May kung anu-ano pang umiikot sa sikmura ko na hindi ko malaman at ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko.
“Trey…” Tanging nasabi ko dahil hindi ko na alam ang sasabihin sa sobrang pagkabigla.
He looked me right in the eyes.
“Mga bata pa lang tayo ay mahal na kita, Sasa. Hindi ko lang maamin ang nararamdaman ko para sa’yo dahil baka mabigla ka at baka layuan mo na ako pagkatapos. Gusto ko na sa akin lang ang atensyon mo dahil ikaw lang ang nag-iisa kong kaibigan. Ngayon na nakauwi na ako dito sa Pilipinas ay naglakas loob na akong umamim ng nararamdaman ko sa’yo. Mahal na mahal kita at sana ay payagan mo akong ligawan kita…” Seryoso niyang sabi.
Nananaginip lang ba ako o totoo ito?
Mahal rin ako ni Trey? Ang buong akala ko ay hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa akin pero katulad ko ay mahal niya ako. Ang saya-saya ko sa nalaman ko.
Niyakap ko siya nang mahigpit. “Oo naman, Trey. Pwede mo akong ligawan dahil gusto naman din kita noon pa.”
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at nanlaki ang mga chinito niyang mata sa sinabi ko.
“G-gusto mo rin ako?” Hindi niya makapaniwalang tanong.
Tumango ako. “Oo. Gusto rin kita simula noong mga bata pa lang tayo. Ang akala ko nga ay hindi mo ako gusto at hanggang kaibigan lang ang tingin mo sa akin pero pareho pala tayo ng nararamdaman, Trey. Kaso, pagkatapos ng dalawang linggo ay babalik ka din sa Amerika, hindi ba? Iiwan mo rin ako.” Malungkot kong sabi.
Kung pwede nga lang ay huwag nang umuwi si Trey sa Amerika at dito na lang sa Pilipinas tumira pero imposible iyon. Doon kasi siya nag-aaral at doon din nakatira ang mga magulang niya. Nalungkot ako nang maisip ’yon.
Nginitian niya ako at inakbayan na ikinapula lalo ng mala-kamatis ko ng mukha. “Problema ba ’yon? Kung ganoon, dito na lang ako mag-aaral sa Pilipinas. May sarili akong condo na matitirhan malapit dito sa inyo. Malaki na rin ako at magco-college na tayo kaya kailangan ko nang maging independent at hindi na umasa kina Mom at Dad. I’m sure na papayag sila na dito na lang ako sa Pilipinas para makasama ka.”
Hinaplos niya ang pisngi ko at inayos ang nagkalat na ilang strands ng buhok ko at inipit sa tenga ko.
“Talaga? Papayag sina Tito Timothy at Tita Clay na dito ka na lang sa Pilipinas titira at mag-aaral?” Umiiyak ko nang tanong. Tears of joy.
Pinunasan niya ang mga luha ko at hinapit ako sa baywang. “Oo. Botong-boto sila sa’yo.” Sabi niya.
Ngumuso na lang ako at hindi mapigilang mapangiti. Sinapo ni Trey ang buong mukha ko at hindi ko na inaasahan ang sumunod na nangyari..
Trey gave me a kiss on the lips. I couldn’t resist any longer, so I kissed him back.
Hindi naman ako mangmang para humalik ng lalake dahil nakakapanood ako ng mga Koreanovelas na kung saan ay naghahalikan ang mga bida ng drama at nakikita ko kung paanong paraan sila hahalik sa taong mahal nila.
Pagkatapos naming maghalikan ay niyakap niya ako.
“I love you, Sasa. Sa wakas at magiging girlfriend na rin kita.”
Napangiti ako sa sinabi ni Trey.
“I love you too, Trey…”
This is the happiest time of my life. Trey and I are both in love.
Patay kay Trey, may Maverick, Yohan at Ulysses ka pang haharapin haha.
11
MAVERICK’S POV
Sarina..
.
Sarina..
.
Sarina..
.
Hanggang sa paggising at pagtulog ko ay ang magandang mukha, ngiti at tawa ni Sarina ang palaging naiisip ko. Kahit sa pagtatrabaho ko ay siya na ang laman ng utak ko.
Damn! She drives me insane. Nababaliw na ako sa kakaisip sa kanya! Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil ngayon ko lang ito naramdaman sa isang babae at sa isang menor de edad pa na bagong kaibigan ng kapatid ko. Ilang araw ko na siyang nakikita at sobrang miss na miss ko na siya. Alam kong mali ang maramdaman kong ito pero hindi ko mapigilan.
I want her to be mine.
Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko ang kapatid kong si Macy na nanonood ng TV sa sala. Hindi ko alam pero napapansin ko na ilang araw na siyang tahimik at parang malalim ang iniisip. Kilala ko ang kapatid ko at hindi ganito ang normal niyang kinikilos.
Lumapit ako sa kanya at tumabi.
Nagulat siya nang makita ako pero unti-unti ring ngumiti. “I-Ikaw pala, kuya.” Sabi niya at binalik ang tingin sa TV.
Napabuntong-hininga ako bago nagsalita. “Macy, ilang araw ko nang napapansin ang pagiging tahimik mo. May problema ka ba? Kapatid mo ako kaya ’wag kang mahihiyang magsabi ng problema sa akin.”
Napahinto siya at tumingin na parang maluluha na.
“Kuya…” Umiiyak niyang sabi.
Nabigla ako kaya dali-dali ko siyang inalo.
“Tell me about your problem, and I’ll listen.” Malumanay kong sabi.
Tumango siya at pilit pinigilan ang paghikbi. “Y-yong matagal nang kaibigan ni Sarina na si Yohan ay obsessed sa kanya. Ginagamit niya ang pagiging magkaibigan nila ni Sarina para makuha ang bestfriend ko. Gusto kong sabihin kay Sarina ang lahat ng ginagawa ni Yohan pero hindi ko magawa dahil binantaan ako ni Yohan na sa oras na isumbong ko kay Sarina ang lahat ng plano niya ay sisiraan niya ako kay Sarina at baka mawala sa akin si Sarina bilang kaibigan ko kapag nangyari ’yon. Pwede niyang paniwalaan si Yohan dahil matagal na silang magkaibigan at may tiwala din si Sarina sa kanya. Natatakot akong mawala ang friendship namin ni Sarina, Kuya Maverick kaya nananahimik ako ngayon…”
Napatiim-bagang at kumuyom ang mga kamao ko sa sinabi ni Macy.
Blinackmail ng lalakeng iyon ang kapatid ko para lang hindi ito magsumbong kay Sarina sa mga plano niya.
“Kailangang malaman ’to ni Sarina. Hindi natin pwedeng hayaan na makasama na lang niya ang mapagpanggap na Yohan na ’yon. Manganganib ang buhay ng kaibigan mo sa lalakeng ’yon, Macy.” Madiin kong sabi.
Hindi ko alam pero gustong-gusto kong saktan ang lalakeng tinutukoy ni Macy.
Umiling siya sa sinabi ko at niyakap ako. “Kuya, ’wag please…? Sa oras na gawin natin ’yon ay baka layuan ako ni Sarina at hindi na ituring na kaibigan. Siya lang ang nag-iisa kong kaibigan kaya ’wag na natin ’tong ipaalam sa kanya. Wala namang ginagawang masama ngayon si Yohan. Mananahimik na lang ako hangga’t kaya ko.”
Hindi ako nakapagsalita.
Hindi ako papayag doon. May gusto na ako kay Sarina at hindi ko hahayaan na mapunta siya sa obsessed na lalakeng iyon.
“Sige, hindi na natin sasabihin ’to pero kailangan mong mag-ingat sa lalakeng ’yon. Bantayan mo ng maigi ’yang bestfriend mo dahil baka may kung anong gawin ang Yohan na ’yon sa kanya.” Sabi ko na lang.
Humarap sa akin si Macy na ngumiti nang malungkot.
“Oo, kuya. Pangako na babantayan at poprotektahan ko si Sarina kay Yohan at mag-iingat rin ako. Alam ko naman na may gusto ka kay Sarina e.” Sabi niya at nginitian ako.
Namula ako sa huli niyang sinabi.
Hindi na ako umimik.
Kailangang maturuan ng leksyon ang Yohan na iyon. Hindi niya pwedeng ipilit ang sarili niya kay Sarina.
Sa akin si Sarina kaya sisiguraduhin ko na sa akin lang siya babagsak.
ULYSSES’ POV
Pasakay na sana ako sa kotse ko pauwi ng bahay nang biglang may sumuntok sa akin dahilan para bumagsak ako sa sahig ng parking lot ng school.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Yohan na nakangisi samantalang ang dalawa niyang kasama na mukhang hindi estudyante ng St. Therese ay hinawakan ang magkabilang braso ko at pilit akong itinayo.
“Ano na naman bang problema mo, Yohan?” Sigaw ko.
Tumawa siya sa sinabi ko at sinipa ang sikmura ko dahilan para dumaing ako sa sakit at napasuka na ng dugo.
“Ikaw lang naman ang problema ko, Ulysses! Masyado ka na kasing sagabal sa mga plano ko para mapasaakin si Sarina kaya tinuturuan lang kita ng leksyon.” Nakangisi niyang sabi at sinuntok naman ang sikmura ko.
Kahit nanghihina na ako dahil sa ginagawa niya ay pilit akong nagsalita.
“S-sinasabi ko na nga ba at mapagpanggap ka! Kunwari ka pang nag-aalala sa kalagayan nina Sarina at Jenica tapos ayon pala ay gusto mo lang magpabango kay Sarina para makuha mo siya? Ang desperado mo pala, Yohan.” Nakangisi kong sagot.
Nainis lang siya sa sinabi ko at bigla akong sinuntok nang paulit-ulit. Napahandusay ako sa sahig na duguan at pilit siyang nilalabanan pero hindi ko magawa dahil sa nanghihina na ako.
“Brother, kailangan mo ba ng tulong para mapuruhan pa lalo ang lampang ’yan?” Nakangising tanong ng isang lalakeng humawak sa isang braso ko. Kahawig niya si Yohan.
“Oo nga. Kailangan mo rin ba ng tulong ko, kapatid? Kanina pa nangangati ang mga kamao ko na makipag-away dim.” Natatawang sabi naman ng isang lalakeng kasama nila.
Walang duda, mga kapatid ni Yohan ang dalawang lalakeng kasama niya. Halatang mahilig silang makipag-away at sanay nang makapanakit ng ibang tao.
Ito siguro ang tunay na pagkatao ni Yohan. Nagpapanggap siyang santo sa St. Therese ayon pala ay mas masahol pa siya sa hayop.
“Sure, gusto ko na nga siyang patayin pero papahirapan muna natin siya para mas exciting.” Nakangising sabi ni Yohan at inumpisahan na nila akong bugbugin.
“Wala pala ’to. Ang lampa!” Sabi ng isang lalake habang pinagtatadyakan ako sa binti at braso.
“Kapag mayayaman talaga ay mahihina. Tsk!” Sabi naman ng isa pang lalake habang pinagsusuntok ako sa mukha.
Sipa, suntok, tadyak at kung anu-ano pa ang ginagawa nila sa akin. Tumatawa pa sila habang binubugbog ako. Mga demonyo sila!
Nanghihina at nanlalabo na ang paningin ko at marami na ring mga sugat at pasa ang natamo ko. Idagdag pa ang mga dugo na nagkalat sa sahig na nasusuka ko.
“Itigil na natin ’to. Gusto ko pang mabuhay ang ungas na ’to at papahirapan ko pa ng todo dahil sa pang-aagaw niya kay Sarina.” Sabi ni Yohan kaya tinigil na nila ang pambubugbog sa akin.
Napasuka na ako ng maraming dugo at hindi ko na maigalaw ang buong katawan ko dahil sa ginawa nila.
Demonyo si Yohan! Hindi siya nararapat sa pagmamahal ni Sarina. Gusto kong magsalita pero nawalan na ako ng lakas para ibuka ang bibig ko.
Pinantayan ako ni Yohan at inangat ang ulo ko. Dinuruan niya ang mukha ko na ikinatawa ng mga kasama niya.
“Nasaan na ang tapang mo ngayon, Ulysses? Naduwag ka na yata sa akin. Hindi ka ba makapaniwala na kaya kitang patayin kung gugustuhin ko? Pasalamat ka at binuhay pa kita kundi ay walang alinlangan kitang patatahimikin. Binalaan na kita, hindi ba? Pero nalaman ko pa sa kateammates natin ang plano mong i-date si Sarina sa Gynnasium. Masyado mo nang sinasagad ang pasensya ko, Ulysses.” May diin niyang sabi at pagkatapos ay padabog akong binitawan at tumayo na ng tuwid.
Totoo ang sinasabi niyang balak kong i-date si Sarina sa harap ng maraming estudyante ng St. Therese. Seryoso ako sa nararamdaman ko para sa kanya.
Mahal ko siya kaya magpapakaseryoso na ako sa isang relasyon kaso mukhang hindi ko na yata magagawa iyon dahil sa ginawa sa akin nila Yohan at ng mga kasama niya.
Patawad, Sarina.
“Ngayon na nakita mo na ang tunay kong pagkatao ay mas mabuti pang manahimik ka na lang at pabayaan mo ako sa mga plano ko. Kung mangangahas ka pa rin na ligawan si Sarina ay hindi ako magdadalawang-isip na pasabugin ’yang bungo mo!” Sabi ni Yohan hanggang sa umalis na sila ng mga kasama niya.
Unti-unting bumibigat ang talukap ng mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong mawalan nang malay.
-Ajai_Kim
12
SARINA’S POV
“Naospital raw si Ulysses at baka isang buwan siyang hindi makapasok?”
“Oo girl! Binugbog siya kahapon ng mga hindi kilalang lalake sa parking lot mismo ng St. Therese!”
“Talaga? Sino ang mga nambugbog sa kanya?”
“Ewan. Hindi daw binanggit ni Ulysses kung sinu-sino sila pero I think na baka ’yong mga lalakeng boyfriend ’yon ng mga babaeng nakarelasyon niya. Alam n’yo naman kung gaano kababaero si Ulysses, ’di ba?”
“Yeah. Karma niya na siguro dahil sa pagiging playboy niya!”
Usap-usapan sa St. Therese si Ulysses. Binugbog daw ito sa parking lot ng St. Therese ng mga naging kaaway niya. Duguan at puro sugat at pasa sa katawan ang natamo niya. Mabuti na lang at kaagad siyang nadala sa ospital ng kateammates niya sa basketball na nakakita sa kanya na nakahandusay at walang malay sa parking lot.
Kahit may nagawa siyang kasalanan kay Jenica at sa iba pang mga babaeng niloko niya ay hindi ko pa rin maiwasan na hindi maawa sa sinapit niya. Kung hindi siguro siya nadala sa ospital ay maaari niya iyong ikamatay. Walang mga puso ang mga lalakeng nambugbog sa kanya.
“Tsk! Kung nakita n’yo lang ’yong itsura ni Ulysses kahapon nang dinala namin siya sa ospital, siguradong maaawa kayo sa kanya.” Naiiling na sabi ni Alex na ngayon ay boyfriend ni Jenica.
Masaya naman ako at nakikita kong okay na si Jenica dahil kay Alex.
“Bakit? Ano bang itsura niya kahapon?” Nag-aalalang tanong ni Macy.
Nagpapasalamat ako at bumabalik na sa dati si Macy na madaldal at masayahin. Tinanong ko kung may problema siya these past few days dahil sa napansin kong tahimik at tulala siya pero ang sinabi niya lang ay namimiss lang ang parents niya na busy sa trabaho nila at ’wag na akong mag-alala.
Nakahinga ako nang maluwag dahil ayon lang pala ang dahilan. Sana ay mas makabonding pa niya ang mga magulang niya para hindi na siya maging malungkot at natutulala katulad ng nangyari sa kanya nitong mga nakaraang araw. Hindi kasi ako sanay sa malungkutin na Macy. Mas sanay kasi ako sa pagiging madaldal at masayahin niya.
Tumawa si Alex sa sinabi ni Macy at tumango. Nandito pala kami sa Cafeteria at pinag-uusapan ang nangyari kay Ulysses sa parking lot ng school. Kasama ko ngayon sila Macy, Jenica, Yohan at Alex. Sinama rin ni Alex si Walter na kateammates nila ni Yohan sa basketball.
Hindi ko pa pala nasasabi sa mga kaibigan ko na nililigawan na ako ni Trey. Masaya ako dahil nalaman ko na mahal niya rin pala ako. I remembered our first kiss yesterday at sobrang kinikilig ako kapag naaalala ko iyon.
Pumayag ang parents niya na dito na muna siya sa Pilipinas tumira at sa St. Therese siya mag-aaral para makasama niya ako kahit sa school. Pumayag din ang pamilya ko at ang pamilya niya na ligawan ako basta ay pag-aaral muna ang una naming priority.
Biniro pa nga nila kami ni Trey na kasal na lang ang kulang sa amin na ikinapula ng buong mukha ko that time. Ngayon ay pinapunta ko siya dito sa St. Therese para tulungan siya sa transferee requirements niya sa school mula sa Amerika at pati na ang ipakilala siya sa mga kaibigan ko.
“Mukha siyang dumaan sa zombie apocalypse kahapon. Sino naman kaya ang mga nambugbog sa kanya? Napakasama nila para gawin ’yon kay Ulysses!” Nakatiim-bagang na sabi ni Walter na pinakaclose na kaibigan ni Ulysses.
“Sa dami ba ng nakaaway ni Ulysses ay magtataka ka pa ba na may gaganti sa kanya? Tama sila, karma niya na ’yon dahil sa dami ng mga babaeng pinaiyak, niloko at sinaktan niya. Isa na doon si Jenica.” Nakangising sagot ni Yohan na ikinatahimik ng lahat.
May punto siya. Siguro ay nakakarma na si Ulysses dahil sa ginagawa niya. Pinaglalaruan niya ang mga babae kaya hindi ako naniniwala na kaya niyang magbago para lang sa akin at seseryosohin ako.
Once a playboy will always be a playboy.
Nakareceived ako ng text mula kay Trey at sinabi niyang nasa loob na siya ng St. Therese. Binigyan ko siya ng mapa ng school namin para hindi siya maligaw dahil sa sobrang laki ng school at para madali niya rin akong mahanap.
Hindi pa alam ng mga kaibigan ko na nakauwi na si Trey dito sa Pilipinas at dito na siya titira at mag-aaral kaya balak ko silang surpresahin doon. Tinext ko naman si Trey at sinabi na nasa Cafeteria ako kasama ang mga kaibigan ko. Kaagad siyang nag-reply at sinabi na on the way na siya.
Tumikhim muna ako para mabaling ang atensyon sa akin ng mga kaibigan ko.
“Ahm… guys? May ipapakilala sana ako sa inyo ngayon,” Sabi ko.
“Talaga? Sino?” Excited na tanong ni Jenica.
Magsasalita pa sana ako nang may tumawag sa pangalan ko.
“Sasa!”
Lumingon kaming lahat sa pinangalingan ng boses na iyon at napangiti ako nang makita si Trey na nagmamadaling lumapit sa amin.
Pinagtitinginan siya ng ilang mga estudyante dahil sa angking kagwapuhan niya. Kitang-kita ko ang pagkabigla sa mukha nila Jenica, Yohan at Macy nang makita na si Trey ng personal at hindi na sa picture na ipinapakita ko sa kanila at ipinagyayabang pa.
Nang makalapit na siya sa amin ay tumayo ako at nagmadaling kinuha ang panyo mula sa bulsa ng palda ko at pinunasan ang pawis niya sa noo at mukha.
Gulat na gulat ang lahat dahil sa nasasaksihan nila sa amin ni Trey.
“Tumakbo ka ba? Bakit pawis na pawis ka?” Nag-aalala kong tanong kay Trey.
Ngumiti siya. “Tumakbo na ako para makita na kita at saka ang init rin sa labas.”
“Ehem! Pwede na ba kayong umupo muna at magpaliwanag sa amin, Sarina?” Nakataas na kilay na tanong ni Jenica na binasag ang sweet moments namin ni Trey.
Nahiya naman kaming pareho ni Trey at kaagad na naupo.
Nang tumingin ako kay Macy ay nakangiti ito sa amin kaya napangiti rin ako samantalang si Yohan naman ay walang ekspresyon ang mukha at hindi makatingin sa amin ng diretso ni Trey.
Si Jenica na ang unang nagtanong. Nagcross-arms pa ito at sinusuri ng mabuti si Trey. Natatawa naman ng palihim si Alex ganoon rin sina Macy at Walter.
Kung titignan lang kasi ang itsura ni Jenica ngayon ay para siyang isang strict na magulang na kinikilatis muna ng maigi ang manliligaw ng anak niya.
“Ikaw si Trey na kababata ni Sarina, ’di ba? Ano nga pa lang ginagawa mo dito sa school namin at pinuntahan mo pa talaga si Sarina?” Tanong niya.
Imbes na si Trey ang kabahan dahil sa pag-iinterrogate ni Jenica ay mukhang ako pa yata ang nakakaramdaman nun.
Ngumiti lang si Trey na parang hindi kinakabahan sa presensiya ng mga kaibigan ko.
“Ako nga si Trey na kababata ni Sarina. Kakauwi ko lang ng Pilipinas at nagdesisyon ako na dito na permanently na manirahan dahil mas gusto kong makasama si Sarina.”
Nagulat silang lahat sa sinabi ni Trey.
“Talaga? Pero bakit naman pumunta ka pa dito sa St. Therese?” Tanong ni Macy.
Trey held my hand at nginitian ako. I smiled back kahit na kinakabahan pa rin sa pagpapakilala niya sa mga kaibigan ko.
“I came here because Sarina will assist me in processing my papers for transferring here to your school, and also… I’m courting her.” Seryoso niyang sabi.
Napahinto at parang hindi sila makapaniwala sa sinabi ni Trey.
“D-dito ka na mag-aaral? At n-nililigawan mo na si Sarina?” Gulat na tanong ni Jenica.
Tumango naman si Trey. “Yes, I want Sarina to always be by my side, and I love her, which is why I’m courting her and want her to be my girlfriend.”
Nagblush ako sa sinabi ni Trey.
Nagulat sila sa pag-amin ni Trey ng nararamdaman at panliligaw niya sa akin pero hindi nagtagal ay natauhan sila at saka kami binati.
“Congratulations sa inyo! Dalaga ka na, Diyosa!” Natatawang sabi ni Jenica at niyakap ako.
“Salamat, Jenica.” Sabi ko at niyakap siya pabalik.
“Welcome sa St. Therese. Ako nga pala si Alex at siya naman si Walter. Congrats sa inyo ni Sarina!” Bati nila Alex kay Trey.
“Salamat sa inyo,” Nakangiting sagot ni Trey.
Niyakap din ako ni Macy. “Congrats best friend! Alam mo namang gusto kita para sa kuya ko pero mas mabuting kay Trey ka na lang mapunta kaysa…” Hindi na niya naituloy ang susunod niyang sasabihin nang biglang tumayo si Yohan.
“Kailangan ko nang umalis. May aasikasuhin pa pala ako.” Hindi makatingin niyang sabi at kaagad naglakad papaalis.
“Anong problema nun?” Tanong ni Walter kila Jenica.
Nagkibit-balikat lang si Jenica habang ako naman ay nagtataka dahil sa biglang pag-alis ni Yohan.
Ayaw ba ni Yohan si Trey para sa akin?
“I think your guy friend dislikes me for you, Sasa, but I will show him that I am deserving of your love.” Nakangiting sabi ni Trey at hinalikan ang kamay ko.
Napangiti ako kasabay ng malakas na pagtibok ng puso ko.
Kung hindi nga gusto ni Yohan si Trey para sa akin ay sana mabigyan niya ng pagkakataon si Trey na mapatunayan ang sarili nito para sa pagmamahal ko. Nag-aalala lang siguro si Yohan dahil hindi pa niya lubos na kilala si Trey para ligawan kaagad ako.
I know how much Yohan values me as a friend.
13
YOHAN’S
POV
Patuloy ako sa pagwawala sa loob ng kwarto ko. Sigaw ako ng sigaw dahil sa matinding galit at halos lahat ng mga gamit ko ay pinagtatapon ko sa sahig.
Napatahimik ko na si Ulysses pero may pumalit naman sa kanya at ang masaklap ay siya ’yong lalakeng kababata at mahal na noon pa man ni Sarina. May balak pa siyang mag-aral sa St. Therese at malalaman ko na lang na nililigawan na niya si Sarina? Sinabi ko pa na girlfriend ko na si Sarina sa harapan ng mga kaklase namin.
Paano na lang kapag nalaman nila na hindi ko naman talaga girlfriend si Sarina at gumawa lang ako ng kwento na hindi totoo? Panigurado na mapapahiya lang ako!
Nakakainis! Bakit ba hindi na lang tumira ng panghabang-buhay sa Amerika ang tarantadong Trey na ’yon? Nang dahil sa kanya ay malaki ang tsansang magkatuluyan sila ni Sarina dahil may gusto ito sa kanya kaya hinding-hindi ako makakapayag doon! Kailangan ko siyang patahimikin sa lalong madaling panahon.
“Oh, bakit ka nagwawala, utol? Nababaliw ka na ba?” Natatawang tanong ni Kuya Aldwin na nakapasok kaagad sa loob ng kwarto ko.
Natatakpan lang ng mga kurtina ang mga kwarto namin kaya madali lang kaming makapasok sa kwarto ng bawat isa. Siya ang panganay sa aming magkakapatid. Anak siya ni Mama sa una nitong naging asawa na binuntis lang at pagkatapos ay iniwan.
“Oo nga. Ang ingay mo, Yohan! Kita mo nang natutulog ako, e. Panira ka ng tulog!” Naiinis namang sabi ni Kuya Ace na nagising dahil sa pagwawala ko. Siya naman ang pangalawang kapatid ko na anak din ni Mama sa ibang lalake.
Nasa sugalan si Mama at nagkaroon na siya ng perang pansugal dahil binigyan siya ng mga kapatid ko na minsan lang umuwi sa bahay dahil mas inuuna pa ang pambababae at manghuthot ng pera sa mga baklang nagkakagusto sa kanila kaysa ang magtrabaho. Katulad ko ay may maipagmamalaki sa itsura ang mga kuya ko.
Sinamaan ko sila ng tingin. “Wala kayong pakialam kung magwala ako dito. Bahay ko rin ’to kaya may karapatan akong gawin ang lahat ng gusto ko!”
Napailing at natawa na lang sila sa sinabi ko at parehas akong inakbayan.
“Tungkol na naman siguro ’to sa maganda mong kaibigan, ano? Bakit? Hindi pa ba nadala sa pambubugbog natin ’yong Ulysses na ’yon at lumalapit pa rin siya sa soon to be sister-in-law ko?” Nakangising tanong ni Kuya Aldwin.
Pilit kong kinalma ang sarili ko bago muling magsalita. “Hindi. Napatahimik ko na si Ulysses. Ang kaso ay may lalake namang pumalit sa kanya. Ayon ay si Trey na kababata ni Sarina. Dito na siya sa Pilipinas titira at mag-aaral. Nililigawan niya si Sarina at malaki ang tsansa na maging sila dahil mahal siya ni Sarina. Ano nang gagawin ko, kuya? Hindi pwedeng mapunta si Sarina sa ibang lalake. Sa akin siya kaya dapat ay ako lang ang magiging boyfriend niya!” Desperado kong sabi at napasabunot sa buhok ko dahil sa frustrations at inis.
“Problema ba ’yan? Alam kong hindi natin madadaan sa bugbog ’yang nanliligaw sa kinababaliwan mong si Sarina dahil kapag binuhay pa natin ’yan ay siya pa rin ang pipiliin. Ang kailangan siguro nating gawin ay ipadala na lang sa impyerno ang lalakeng ’yon para wala ka nang problema, Yohan.” Sabi ni Kuya Ace na nakangisi rin sa akin.
Natahimik ako dahil sa sinabi ng mga kapatid ko. May punto sila. Maaaring ’yong asungot na si Trey ang pipiliin ni Sarina kung simpleng bugbog lang ang gagawin namin sa kanya. Kailangan ko na siyang patahimikin.
Alam kong hindi na tama itong nararamdaman kong obsession kay Sarina pero alang-alang sa pagmamahal ko para sa kanya ay makakaya kong pumatay nang kahit sinong lalake na hahadlang sa landas naming dalawa.
“Good idea, kuya.” Kasabay ng pagngisi ko.
MAVERICK’S POV
“Seriously, Maverick? You’re in love with a 16 year-old girl?” Hindi makapaniwalang tanong ni Bryan. My one and only friend.
Tumango ako at tinungga ang pang pitong bote ko ng beer. Nandito kami sa bar at ako ay nagpapakalasing sa kakaisip kay Sarina.
Gagawa na ako ng paraan para mas mapalapit sa kanya at para na rin makuha ang tiwala niya.
Humalakhak si Bryan sa sinabi ko at tumungga rin ng beer na iniinom nito.
Bryan Jimenez has been a long-time friend of mine. He’s a businessman, the son of the CEO of the telecommunications company where I work, and an eligible bachelor in town. We had been friends for almost 9 years. He is a high school friend of mine at kateammates sa Basketball team na sinalihan namin noon.
Katulad ni Macy ay hirap din akong magtiwala sa isang tao. Kay Bryan lang ako nagtitiwala dahil kahit magkaiba kami ng personalidad ay nagkakasundo kami.
“I didn’t expect that. Sa dami ng magaganda at sexy na babaeng kaedad natin na nagkakandarapa sa’yo ay mapapatumba ka lang pala ng kaklase ng kapatid mo? Sarina must be stunning and extremely attractive.” Sabi niya.
I smile and remember Sarina’s lovely face. “Yeah, she’s gorgeous and extremely pretty, but that’s not the only reason I like her; I also like her because of her innocence,” I explained.
“Her innocence?” Tanong ni Bryan.
Pinaglaruan ko ang hawak kong bote. “I’ve never felt this way before, Bryan. I don’t like a woman who has been chasing me and only likes me because of my wealth and looks. Even high school students the same age as Sarina wants me and wants to have sex with me but she’s really different. She’s attracted by my looks but I can see that she definitely doesn’t like me but more on scared with me. But I won’t give up, I will do everything just to have
Napailing si Bryan at tinapik ang balikat ko. “Its up to you pero sana gawin mong makuha siya sa paraang mamahalin ka rin niya. Maverick, obsession is extremely dangerous. My cousin died as a result of his dangerous obsession with a girl he loves. Don’t ever go down your Danger Alley because it could ruin you and her.” Seryoso niyang sabi.
Napahinto at napaisip ako sa sinabi ni Bryan. Hindi nga malabong mangyari na mabaliw at maobsessed ako ng sobra kay Sarina dahil ngayon pa nga na hindi pa kami ay hinding-hindi ko na siya maialis sa isipan ko.
Iniisip ko na kaagad na mapapasaakin siya kahit walang kasiguraduhan kung kaya ba niya akong mahalin o hindi despite of our age gap pero hindi ako susuko. Mamahalin rin ako ni Sarina at ipapakita ko sa kanya na pwede kaming magmahalan.
But Bryan’s cousin died because of his obsession on a girl?
“He died because of his obsession?”
Bryan nodded. “Oo. Matagal na panahon na rin simula nang mangyari ’yon. Hindi matanggap ng pinsan ko na nagpakasal sa ibang lalake ang babaeng mahal niya na kilala na niya noon pa man. Mas pinili niyang patayin ang sarili kaysa ang makitang masaya sa ibang lalake ang babaeng mahal niya. I warned you Maverick, just do your best to make Sarina love you back and don’t push yourself towards her na parang gusto mo na siyang sunggaban kaagad.” At kinindatan ako ng gago.
Natawa ako at binato siya ng table napkin sa mukha na nasalo niya. “Siraulo! Masyado ka na yatang naiimpluwensiyahan ng mga romance novel na binabasa mo kaya nagiging love guru na ang dating mo. Hindi bagay sa’yo ulol!” Mas lalo siyang tumawa.
“Loko! Sinasabi ko lang ang opinyon ko bilang isang concern na poging nilalang.”
Napailing ako dahil sa pagbibiro ni Bryan at muling napaisip.
Gagawin ko ang lahat para mahalin ako ni Sarina pero hindi ko maipapangako na baka hindi siya matakot sa akin. Kailangan ko munang gumawa ng paraan na mawala sa buhay namin ang obsessed na lalaking nagkakagusto sa kanya at iyon ay…
Si Yohan Suarez.
-Ajai_Kim
14
SARINA’S POV
Pagkatapos ng klase namin ni Macy ay niyaya niya kaming ni Trey na kumain sa labas kasama si Kuya Maverick. Pumayag ako dahil nahihiya akong tanggihan si Macy at isa pa ay medyo palagay na ang loob ko kay Kuya Maverick matapos naming mag-usap nang nag-overnight ako sa bahay nila.
Mabait si Kuya Maverick at iniisip palagi ang kapakanan at kaligayahan ni Macy. Nakikita ko sa kanya na ganoon din sina Ate Annika at Kuya Xavier sa akin. Magkaedad lang rin sila ni Kuya Xavier.
Medyo matagal ang pag-aayos ng transferee requirements ni Trey kaya hindi pa siya nakakapasok sa St. Therese. Isang linggo pa bago maayos iyon kaya sa ngayon ay abala siya sa paghahatid-sundo sa akin sa school.
Masaya ako dahil nakikita ko kung gaano siya nag-eeffort para sa akin. Malapit ko na rin siyang sagutin dahil alam kong deserving siya para sa sagot kong ‘oo’ .
Hinihintay naming tatlo si Kuya Maverick sa labas ng school. Pagkatapos nang ilang minuto ay may dumating na kotse at pumarada ito sa harapan namin. Biglang bumukas ang bintana ng kotse at napasinghap ako nang makita si Kuya Maverick na dumungaw sa bintana ng kotse. He’s wearing sunglasses at ang gwapo at cool niyang tignan.
Natigil lang ako sa pagtitig sa kanya nang bigla siyang nagsalita.
“Hop in,” Tumingin siya sa akin at nginitian ako.
Nang mapadako ang tingin niya sa kasama kong si Trey ay biglang sumeryoso ang mukha niya at kaagad sinara ang bintana ng kotse.
“Sakay na kayo, best friend. Dito na ako sasakay sa front seat,” Nakangiting sabi ni Macy at sumakay na sa front seat. I nodded and smiled.
“Let’s go, Trey?” Nakangiting tanong ko kay Trey. Ngumiti at tumango siya at pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko at saka kami sumakay sa loob ng kotse ni Kuya Maverick.
Nang nasa loob na kami at pinaandar na ang kotse ay napansin ko sa front mirror ni Kuya Maverick na parang tinititigan niya ng masama si Trey na nakadungaw sa labas ng bintana.
Bakit niya tinititigan ng masama si Trey e, wala naman itong ginagawang masama sa kanya? Namalik-mata lang siguro ako dahil imposible ’yon at ngayon lang sila nagkita.
“Sasa, ang dami na talagang nagbago sa daan dito sa Pilipinas pagkatapos ng apat na taon, no? Kaya namiss ko dito dahil sanay ako sa comfort zone na ’to at siyempre, dahil nandito ka.” Nakangiting sabi ni Trey na nakadungaw pa rin sa bintana at tinitignan ang bawat structures na nadadaanan namin pagkatapos ay tumingin siya sa akin.
Nagblush naman ako. “Oo. Marami na ngang nagbago dito sa Pilipinas. Mabuti nga at nakauwi ka na dito after 4 years at syempre… masaya rin ako at nandito ka na.” Nahihiya kong sabi.
“Naks naman, best friend! Lalanggamin na kami ni kuya dahil sa kasweetan n’yo ni Trey. Iba talaga ang nagagawa ng love, hindi ba, kuya?” Nakangising sabi ni Macy at tinanong si Kuya Maverick na abala sa pagmamaneho.
Uminit bigla ang pisngi ko sa sinabi ni Macy.
“Yeah, love can do anything to people, whether good or bad.” Sagot ni Kuya Maverick.
His deep voice give chills to my body.
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng ganitong pakiramdam. Para bang may ipinapahiwatig ito sa sinasabi pero hindi dapat ako mag-isip ng kung anu-ano. He’s a nice guy at nakakaintimidate lang talaga ang bawat salita at kilos niya.
“Tama ka kuya, kaya Trey, kapag naging kayo na ni Sarina ay gawin mo ang lahat para ingatan at mahalin siya, okay? Dahil sa oras na saktan mo ang best friend ko ay ako ang makakalaban mo.” Pagbabanta ni Macy na halatang biro lang.
Natawa si Trey at inakbayan ako. “Of course, I’ll love Sarina until the day I die.” Seryosong sagot nito na ikinatuwa ng puso ko.
Nang magawi ulit ang tingin ko sa front mirror ay nakita ko na nagtangis ang bagang ni Kuya Maverick matapos magsalita ni Trey. May problema kaya siya?
NASA loob na kami ng isang mamahalin na restaurant. Si Kuya Maverick raw ang may ideya na kumain kami sa labas dahil pasasalamat niya ito at naging kaibigan ko si Macy.
Naikwento na ni Macy na may nanliligaw na sa akin at ayon ay si Trey na kababata ko. Gusto raw makilala ni Kuya Maverick si Trey para makilatis nito kung karapat-dapat ba ito para sa akin.
Alam kong concern lang si Kuya Maverick kaya niya ito ginagawa. Parang isang nakababatang kapatid na ang turing niya sa akin na gustong makilatis kung karapat-dapat ba para sa akin ang manliligaw ko.
Nang maka-order at dumating ang mga pagkain namin ay nag-umpisa na kaming kumain. Biglang kinausap ni Kuya Maverick si Trey na ikinagulat ko.
“Trey, right?” Tanong ni Kuya Maverick.
Tumango at ngumiti si Trey. “Opo. Ako nga po si Trey.”
Napangiti si Kuya Maverick. “Ang sabi sa akin ni Macy ay kababata mo raw si Sarina, at dahil nililigawan mo si Sarina kaya nagdesisyon ka na dito na lang sa Pilipinas tumira at ipagpatuloy ang pag-aaral mo. Hindi mo ba naisip na kaya ka dinala sa Amerika ng mga magulang mo ay dahil sa gusto nila na ikaw na ang mamahala ng online gaming business n’yo pagdating ng panahon at ma-train ka sa Amerika dahil doon nakabase ang negosyo ninyo?”
Nagulat ako sa sinabi ni Kuya Maverick. Paano niya nalaman na online gaming vusiness ang negosyo nila Trey?
Maging si Trey ay nabigla rin sa tanong ni Kuya Maverick pero nagawa pa rin nitong ngumiti. “Gusto ko na tumira dito sa Pilipinas dahil gusto kong maging independent at hindi na umasa sa mga magulang ko. Isa na rin sa dahilan ay gusto kong makasama si Sarina. Mahal na mahal ko siya simula mga bata pa lang kami at alam ko rin na balang-araw ay pamamahalaan ko ang negosyo ng mga magulang ko. Hindi ko naman tinatalikuran ang obligasyong ’yon. Babalik pa rin ako sa Amerika at ako ang mamamahala ng negosyo namin pero dapat ay kasama ko na si Sarina.” Sagot ni Trey at nginitian ako.
Natunaw ang puso ko dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin ay gusto niya akong makasama sa mga pangarap niya. Hindi talaga ako nagkamali na siya ang lalakeng nagustuhan ko.
Kitang-kita ko ang sobrang pagmamahal niya para sa pamilya niya at pati na sa akin. Gusto niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Sino bang hindi magkakagusto kay Trey?
Natahimik naman si Kuya Maverick pero pagkaraan ay nagtanong ulit ito. “Okay. Sabihin na nga natin na gusto mong maging independent at babalik ka rin balang-araw sa amerika pero sa tingin mo ba ay magiging independent ka pa rin kung kukuha ka lang rin ng panggatos at pang tuition mo sa school sa mga magulang mo? Para kasi sa akin, ang mga taong independent ay may trabaho katulad ko. Ako ang nagbabayad ng tuition ko noon dahil sa pagpapart time job ko as call center agent noong high school pa lang ako. Mayaman ang pamilya namin pero nagtrabaho pa rin ako dahil gusto kong kumita ng sarili kong pera na hindi aasa sa pera ng mga magulang ko. Kung gusto mong maging independent ay huwag kang umasa sa pera ng mga magulang mo. Find a job, Trey.” Nakangiting sabi ni Kuya Maverick.
Natahimik kaming lahat. Napayuko naman sa hiya si Trey dahil sa narinig kay Kuya Maverick.
Bakit naman kailangan pang sabihin iyon ni Kuya Maverick? Hindi ba niya alam na makakasakit ’yon sa damdamin ni Trey?
“Kuya, bakit mo sinasabi ’yan? Nakakahiya kay Trey!” Rinig kong bulong ni Macy.
Nagkibit-balikat si Kuya Maverick. “Because it’s true that self-sufficient people require employment.”
Hindi na ako nakapagpigil at kinompronta si Kuya Maverick. Nagulat siya nang makitang sobrang sama na ng tingin ko sa kanya.
“Hindi mo naman yata kailangang sabihin ’yan, Kuya Maverick. Magkaiba kayo ni Trey!” Sigaw ko na ikinagulat nila maging pati ang mga taong nasa loob ng restaurant.
“Sasa, may punto naman siya. Stop that, please?” Pagpigil sa akin ni Trey.
Napailing naman si Kuya Maverick dahil sa sinabi ko. “Pero totoo naman ang mga sinabi ko sa manliligaw mo, Sarina. Kung gusto niyang maging independent ay dapat matuto rin siyang magtrabaho. Lalake siya at may paninindigan kaya dapat ay hindi na siya umasa pa sa mga magulang niya. Wala rin naman siyang karapatang maging girlfriend ka dahil wala naman siyang trabaho. Ako, may trabaho ako at pwede kitang maging girlfriend at ibibigay ko ang lahat ng gusto mo for example.” Seryosong sabi nito.
Nagulat ako sa sinabi niya maging sina Macy at Trey din. “A-anong sabi mo? Nababaliw ka na ba, Kuya Maverick?” Hindi makapaniwalang tanong ko
“Hindi ako nababaliw, Sarina. Sinasabi ko lang na-”
Magsasalita pa sana si Kuya Maverick nang bigla akong hinila ni Trey na nakatiim-bagang na at parang nagagalit palabas ng restaurant. Dinala niya ako sa isang parke at kinausap.
“He likes you, Sarina.” He said.
Trey mentions my real name, which indicates that he is serious at this time.
“Sino?” Naguguluhan kong tanong.
Bumuntong-hininga siya at hinawakan ang magkabilang-balikat ko. “Yong kuya ni Macy. He’s provoking me earlier at gusto niya akong ipahiya sa’yo at kay Macy.”
Napahinto ako.
“How can you be so sure, Trey?”
He sighed. “I can feel it. Nararamdaman ko ’yon. Marunong akong kumilatis ng isang tao at sa nakikita ko sa kapatid ni Macy ay gusto ka niya. Please avoid him, Sarina. He’s dangerous and I can see it through his eyes.”
I was taken aback.
-Ajai_Kim
15
MACY’S POV
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi ni Kuya Maverick sa restaurant. Kanina pa nakaalis sina Sarina at Trey kaya umuwi na rin kami ni kuya. Hindi ko na alam ang tumatakbo sa utak niya. Ngayon ko lang siya nakitang umakto ng ganito. Para bang hindi niya nagustuhan na nililigawan si Sarina ng ibang lalake. Pinahiya niya rin si Trey sa harapan namin. Alam kong may gusto si Kuya Maverick kay Sarina pero hindi ko naman akalain na magiging ganito pala ang kalalabasan ng dapat sana ay masaya naming dinner.
“Kuya, bakit mo naman sinabi kay Sarina na hindi siya pwedeng maging girlfriend ni Trey dahil walang trabaho ’yong tao? At bakit mo rin sinabi na pwede kang maging boyfriend niya dahil lang sa may trabaho ka? Are you crazy, Kuya Maverick?” hindi ko makapaniwalang tanong.
Napangisi na parang naiinis si Kuya Maverick at napahawi sa buhok niya. “Eh hindi naman kayang buhayin ng lalakeng ’yon si Sarina dahil wala siyang trabaho. You knew that I like Sarina, right? Hindi sila bagay, Macy because Sarina belongs to me!” sigaw niya na ikinagulat ko.
Hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasabi ni kuya. He’s acting like a weirdo. He looks obsessed too just like Yohan. Umaakto siya na parang boyfriend ni Sarina.
I keep myself calm kahit parang gusto ko nang umiyak. Hindi kasi ako sanay na makitang nagkakaganito si Kuya Maverick. He’s the most calmest and understanding person I knew but he’s starting to act weird lately when he met Sarina.
“Kuya, I know you like Sarina pero si Trey ang mahal niya. If you love her then you need to set her free at hayaan siya sa taong mahal niya-”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla na lang siyang nagwala at pinagtatapon ang lahat ng gamit na makikita niya sa living room namin. Napaiyak ako habang pinagmamasdan siya na parang nawawala na sa sarili niya.
He combed his hair in frustration at tinitigan ako ng masama. “Set her free? Sa tingin mo ba ay papayag ako do’n, Macy? Minahal ko na si Sarina simula nung dinala mo siya dito sa bahay natin. Its your fault kung bakit nagkakaganito ako nang dahil sa kanya. Ngayon lang ako nagkagusto sa isang babae at hindi ako papayag na maagaw pa siya sa akin ng ibang lalake! Gagawin ko ang lahat para lang makuha siya at kung pipigilan mo ako do’n ay hinding-hindi na kita ituturing na kapatid ko kahit kailan!” Sigaw niya sa akin at pagkatapos ay iniwan niya na akong mag-isa.
Napahagulgol ako ng iyak dahil sa huling salitang binitiwan ni Kuya Maverick. Hindi na siya ang Kuya Maverick na kilala ko. Ang laki na ng pinagbago niya nang dahil sa pagkagusto niya kay Sarina. Ang tagal na naming magkasama at siya lang ang taong hinding-hindi ako iiwanan at sasaktan pero sa nakikita ko ngayon ay kaya niya akong talikuran nang dahil sa obsession nito kay Sarina.
Bakit nagkaganito ang kapatid ko? Natatakot ako para sa kanilang dalawa ni Sarina. Hindi maganda ang naidudulot ng obsesyon sa isang tao dahil nagagawa nitong masama ang isang taong nagmamahal katulad na lang ni Yohan.
Naipit na naman ako sa isang sitwasyon na kailangan kong manahimik para sa ikabubuti ng lahat. Hinihiling ko na sana’y maging ligtas ang kaibigan kong si Sarina mula sa mga kamay nina Kuya Maverick at Yohan.
TREY’S POV
Trey, mag-iingat ka palagi, ha? Huwag mo nang isipin ang mga sinabi sa’yo ng kapatid ni Macy. Baliw na yata ’yon! Okay sige, matulog ka na at magpahinga. Kita-kits na lang bukas. I love you! Good night.
Napangiti ako habang binabasa ang text ni Sasa. Nagreply kaagad ako.
Oo naman. Magpahinga at matulog ka na rin.
Susunduin
pa kita bukas sa inyo. Mahal na mahal din kita. Good night, too.
Nang matapos kong itext si Sasa ay humiga ako sa kama ko at pumikit. Halatang ayaw sa akin ng kapatid ni Macy at nahalata ko kanina ang mga malagkit niyang tingin kay Sasa. Pinahiya niya ako sa harapan nila Sasa at lumabas rin na ayaw niyang ligawan ko ito.
Noong unang kita ko pa lang sa lalakeng iyon ay nakikita ko na ang mapanganib at nakakatakot niyang presensya kaya mas lalo akong magpupursige na bantayan pang maigi si Sasa. That guy is obviously likes her.
Napabangon ako sa kama at kinuha ang photo albums namin ni Sasa simula pagkabata hanggang sa magdalaga’t-binata na kami. Inumpishan kong tignan ito isa-isa at napangiti ako nang maalala ko kung kailan ko siya unang nakilala.
Flashback 10 years ago..
.
Habang busy ako sa
paglalaro
ng Superman action figure ko sa ilalim ng puno ng playground ay may isang batang babae akong
natanaw
mula sa ’di
kalayuan
ng pwesto ko. Napansin kong parang binubully siya ng mga batang babae na mukhang kasing edad ko lang. Umiiyak ang batang babae na binubully at naawa naman ako kaya lumapit ako sa kinaroroonan niya para tulungan siya.
“Hoy! Bakit ba ang puti-puti mo? White lady ka siguro, no?” Nang-aasar na sabi ng
matabang
batang babae.
“Oo nga at saka bakit color brown ang kulay ng mga mata mo? ’Di ba dapat ay black ’yan? May lahi siguro ang pamilya mo na aswang kaya iba ang kulay ng mga mata mo!” Sabi naman ng batang babae na maitim.
“Ang lampa-lampa mo pa tapos ang hinhin mong magsalita. Huwag ka ngang pabebe!” Pagtataray ng batang babae na bungi.
Umiyak ang batang babae na
nakaluhod
na sa
damuhan
.
Nang makita ko nang
malapitan
ang batang babaeng
binubully
nila ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko
pagkakita
ko sa kanya.
Sobrang puti ng kulay ng balat nito at kulay brown ang kulay ng mga mata. Matangos ang ilong at may mapulang labi. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng isang
napakagandang
batang babae. Kahit bata pa lang ako ay naramdaman ko na ang mabilis na pagtibok ng puso ko at kakaibang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Napatulala ako dahil nagmukha siyang anghel sa paningin ko.
Kaya pala
binubully
ng tatlong pangit na mga batang babae ito ay dahil naiinggit sila sa
angking
kagandahan
niya.
Nang matauhan ako ay lumapit na ako sa kanila.
“Bakit niyo siya binubully?” Siga-sigaan kong sabi na ikinatakot ng tatlong pangit na mga batang babae.
“H-hindi naman namin siya binubully, e!” Kinakabahan na sagot ng matabang batang babae.
“N-nagpapakilala lang kami s-sa kanya.” Sabi ng batang babaeng maitim.
“G-Gusto lang namin siyang makalaro.” Sabi pa ng batang babaeng bungi.
Natawa na lang ako at tinitigan sila ng masama.
“Mga sinungaling! Narinig ko na binubully niyo siya. Bakit? Naiinggit ba kayo dahil maganda siya kaysa sa inyo na mga pangit na nga tapos masama pa ang mga ugali? Umalis na nga kayo bago ko pa kayo
suntukin
!“ Galit kong sigaw at aamba na sanang susuntukin sila nang bigla silang nagsitakbuhan paalis dahil sa takot.
Nang makaalis ang mga batang babae ay lumingon ako sa batang babaeng maganda na nakatitig sa akin. Ngumiti ako sa kanya at inabot ang isang kamay niya para tulungan siyang makatayo. Tinanggap naman niya iyon.
“S-salamat pala at pinagtanggol mo ako sa kanila.” Mahinhin niyang sabi at napayuko. Siguro ay nahihiya sa akin.
Nginitian ko siya. “Wala ’yon. Sa susunod kapag binully ka nila ay labanan mo sila. Dapat ay hindi ka
nagpapa-api
.“ Sabi ko.
Tumango siya at nginitian ako. Parang biglang huminto ang mundo ko dahil sa pagngiti niya. “Tatandaan ko ’yan. Ako nga pala si Sarina. Ikaw, anong pangalan mo?” Tanong niya.
Nang
matauhan
ako ay nag-iwas l ako ng tingin. Nararamdaman ko na kasi ang pag-init ng pisngi ko nang dahil sa kanya.
“A-ako naman si Trey.” Sabi ko.
Sa gulat ko ay bigla niya akong niyakap.
Bumibilis ng bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya at para bang ayoko nang bitawan niya ako mula sa pagkakayakap sa akin.
“Simula ngayon ay kaibigan na kita, ha? Ikaw na ang new friend ko!” Masaya niyang sabi.
Napangiti ako at niyakap siya pabalik.
“Sige. Magkaibigan na tayo simula ngayon.”
Tadhana talaga na magkita kami ni Sasa dahil nalaman ko pa na matalik na kaibigan ng Mommy ko ang Mommy niya. Noong una ko pa lang siyang makita ay alam na ng puso ko na siya ang babaeng mamahalin ko at masaya akong malaman na pareho lang kami ng nararamdaman.
Biglang tumunog ang cellphone ko kaya natigil ako sa pagbabalik-tanaw sa una naming pagkikita ni Sasa. May nagtext sa akin na hindi kilalang numero at pagkatapos kong mabasa ang pinadala nitong text ay bigla kong nabitawan ang cellphone ko at nakaramdam ng takot.
No one can get Sarina away from me. She’s mine and mine alone. Leave her alone or else you will see yourself in the reflection of your casket soon.
16
XAVIER’S POV
Nandito ako sa Coffee Shop at inaabangan ang Manager ng Telecom Intect na magpoprovide para sa agents na magiging katulong ng kompanya namin. I heard that this manager were at the same age as me pero isa nang successful na lalake sa edad niya. Hindi siya nagtatrabaho sa kompanya ng mga magulang niya na may pinakasikat at pinakamatibay na textile and steel glass products company dahil gusto raw nitong maging independent muna sa larangan na gusto niya. Kahit naikukwento lang siya sa akin ng mga kasamahan ko sa trabaho ay bilib na ako sa kanya.
Sa ilang minuto kong paghihintay, sa wakas at dumating na rin ang Manager ng Telecom Intect at kaagad akong nilapitan sa puwesto ko. Nakipagshakehands siya sa akin at pagkatapos ay umupo na sa katapat ng inuupuan ko.
“Nice meeting you, Mr. Xavier Allen Vicencio. I’m Maverick Eliazar, the Manager of Telecom Intect.” He said. Tumango ako.
Sa itsura niya ay mukha naman siyang mapagkakatiwalaan ng kompanya. He looks intimidating and strict.
“Nice meeting you too, Mr. Eliazar. Kayo ang pinili ng mga empleyado ng CBG Network Incorporation na magpoprovide para sa magiging communication line ng kompanya namin. Tiwalang-tiwala sila sa kakayahan mo at ng mga empleyado na nagtatrabaho doon. Makakaasa ba kami sa serbisyo n’yo?” Seryoso kong tanong.
Ngumiti siya at pagkatapos ay tumango. “Of course Xavier, makakaasa ka na magiging maganda ang performance ng mga empleyado at sisiguraduhin ko na hindi ka madi-disaappoint sa magiging performance namin.” Sabi niya.
“Then good. Mabuti na at nagkakaliwanagan tayo. I’ll go ahead at may meeting pa ako na pupuntahan.” Tumango ako at akmang tatayo at aalis na sana nang pinigilan niya ako.
“Pwede bang mag-usap tayo kahit sandali? May sasabihin lang sana ako sa’yo.” Seryoso niyang sabi.
Mukhang importante ang sasabihin niya kaya pinagbigyan ko siya. “Sige. Ano ba ang pag-uusapan natin?”
“You’re a brother of Sarina Vicencio, right?”
“Yes. I’m his brother. How did you know her?”
Nagulat ako dahil hindi ko akalain na kilala ni Mr. Eliazar si Sarina. Hindi kasi masyadong ine-expose ng pamilya namin si Sarina sa lahat kung may kinalaman sa business ang topic o pag-uusapan namin iyon.
Ngumiti siya. “Ako kasi ’yung older brother ni Mace Ann Eliazar na bagong bestfriend ng kapatid mong si Sarina. Nag-overnight pa nga si Sarina sa bahay namin noong mga nakaraang araw para gumawa ng homeworks nila ni Macy. Natutuwa lang ako na nameet kita bilang kuya ni Sarina.”
Sandali akong nag-isip at naalala na nagpaalam nga noon si Sarina sa akin para mag-overnight muna sa bahay ng bagong bestfriend niya na si Macy dahil sa homeworks nila. Hindi ko akalain na si Mr. Eliazar pala ang kapatid ng bagong bestfriend ni Sarina.
“Nabanggit nga sa akin ni Sarina na mag-oovernight siya sa bahay ng bagong kaibigan niyang si Macy kaya pumayag ako. I didn’t know you are Macy’s older brother.” Nakangiti kong sabi.
Natawa siya ng mahina. “Yes, I am Macy’s older brother. What a coincidence bro!”
“Should we consider ourselves as bestfriends, too?” Nakangisi niyang tanong.
Natawa ako habang napailing. “Oo naman. Bakit hindi?” Sabi ko at nginisian siya.
Napahinto siya at inabot muli ang isa niyang kamay sa akin. “Xavier, because of your sister Sarina, my sister Macy were now happy just because of her. Si Macy ay loner at walang ibang kaibigan dahil lumaki siya na walang masyadong pagtitiwala sa mga taong nasa paligid niya. Nabago lang ’yon simula nang magtransfer siya sa St. Therese at doon niya nakilala si Sarina. Malaki ang utang na loob ko kay Sarina, kung hindi dahil sa kanya ay magiging malungkutin na habangbuhay ang kapatid ko. Alang-alang sa kanila ay sana maging magkaibigan rin tayo?” Sincere niyang sabi.
Natuwa ako dahil kahit papaano ay naging magandang impluwensiya si Sarina sa ibang tao at ayon ay walang iba kundi ang kapatid ni Maverick Eliazar na si Macy. Hindi na ako magtataka dahil si Sarina ay isang napakabuti, friendly, honest, masayahin, at mapagkakatiwalaang bata. Kaya mahal na mahal ko ’yon at sinusuportahan ko siya sa lahat ng gusto niya.
Tinanggap ko ang kamay ni Maverick at tinanguan siya. “I’m glad that my sister is a good influence to your sister. Sarina is a kind, sweet, and caring girl and for the sake of them, I’m glad to be a friend of Macy’s older brother.”
Napangiti siya. “Salamat, Xavier.”
“No problem. I’ll go ahead. I need to hurry, here’s my number, call me if you want to meet Sarina and my family.” Nakangising sabi ko at inabot ang calling card ko. Tinanggap niya iyon at tinanguan ako.
“Thank you. I will call you. Ingat bro!” Tinapik niya ang balikat ko bago ako tuluyang umalis sa loob ng Coffee shop.
Masaya ako dahil naging magkaibigan kami ni Maverick. He seems that he’s a nice guy. I don’t know but I like his personality. Siguro ay dahil may similarities rin kami na sa edad pa lang namin na 25 ay successful na kaming mga tao at parehong pinoprotektahan ang mga nakababata naming kapatid. Sana ay hindi niya sirain ang tiwala ko sa kanya.
Sana totoo ang sinasabi niyang gusto niya akong maging kaibigan alang-ala sa mga kapatid namin. Sana ay wala siyang ibang hidden agenda sa pakikipagkaibigan namin.
WALTER’S
POV
Nakalabas na sa ospital si Ulysses at ang sinabi ng pamilya niya ay ililipat na siya ng ibang school. Hindi na niya binanggit kung sino ang mga lalakeng nambugbog sa kanya dahil ayaw na raw niyang mas lalong palakihin ang gulo. Nagalit ang pamilya niya sa kanya dahil sa naging desisyon nito nung una pero sa huli ay natanggap rin nila kung ano talaga ang gusto ni Ulysses basta raw ay hindi na siya muling babalik sa St. Therese at doon ay mag-aaral.
Matalik na kaibigan ko si Ulysses pero mas makabubuti nga siguro na lumayo na muna siya. Sa dami kasi ng mga taong may galit sa kanya dahil sa pagiging warfreak at babaero niya ay baka tuluyan na siyang mapatay ng taong may matinding galit sa kanya. Sigurado ako na ang mga taong nambugbog sa kanya ay kakilala lang rin niya.
Tapos na ang klase kaya nagpunta muna ako sa field para tumambay. Wala munang practice ng basketball dahil sa insidenteng nangyari kay Ulysses. Naiinis ako dahil wala man lang akong nagawa para maipagtanggol si Ulysses. Siya ang dahilan kung bakit ako nakapasok sa basketball team ng St. Therese. Utang na loob ko sa kanya ang kasikatan ko bilang isang magaling na basketball player sa buong school.
Habang nagmumuni-muni ako ay nakita ko sa ’di kalayuan ’yung bagong babaeng transferee na kaibigan ni Sarina, si Macy. Hindi ko maintindihan pero sa tuwing nakikita ko ang maganda niyang mukha ay nag-iinit ang buong mukha ko. Ang ganda niya kasi.
Lumapit ako sa kinaroroonan niya at sinabayan siya sa paglalakad. Nagulat naman siya nang makita ako.
“Hi Macy!” Nakangiti kong sabi.
Natulala siya nang makita ako pero pagkatapos ay kaagad ring nag-iwas ng tingin. “H-Hi rin. Bakit mo naman ako sinasabayan sa paglalakad?” Nahihiya niyang tanong.
Nakatago ang dalawang kamay ko sa likod habang patuloy pa rin siyang sinasabayan sa paglalakad. “Wala lang. Napansin ko lang na mag-isa ka ngayon. Bakit nga pala hindi ka pa umuuwi at hindi mo kasama si Sarina?” Tanong ko.
Bumuntonghininga siya. “Nagpaiwan lang talaga ako dito. Hindi ko pa kasi kayang umuwi. Nag-away kami ng kuya ko.” Malungkot niyang sabi at bigla na lang itong umiyak.
Tumigil kami sa paglalakad at inupo ko siya sa isang bench. Tinabihan ko siya. “Huwag kang mag-alala, magkakaayos rin kayo ng kuya mo. Mahal ka nun kasi kapatid ka niya.” Sabi ko habang inaalo siya. Kahinaan ko talaga ang mga babaeng umiiyak.
“H-Hindi ko na alam, Walter. Para nang nababaliw ang kuya ko dahil sa pagmamahal niya sa isang babae. He’s obsessed with that girl and I’m so scared on how he might will do. That girl is nice and treating us like a good friend but my brother didn’t accept that fact. Ayaw niyang kaibigan lang ang turing sa kanya ng babaeng nagugustuhan niya.” At humagulgol na ito ng tuluyan.
Hindi ko alam kung paano magcomfort ng isang babae pero niyakap ko na lang siya na ikinatigil niya. I gently rub her back para tumahan siya.
“I don’t know the whole story but please be strong. Ipanalangin mo na lang na magiging maayos ang lahat.” Sabi ko matapos humiwalay ng yakap sa kanya.
“Thank you, Walter.”
Napatitig sa akin si Macy kaya napatitig rin ako sa kanya. May nararamdaman ako na bago para sa akin. Bumibilis ang tibok ng puso ko at para akong hindi mapakali kapag nakikita ko siya. I guess… I already like her.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya hinila ko siya at hinalikan ang mapupulang labi niya. I was surprise when she kissed me back.
I guess, she likes me too.
Chapter 17
SARINA’S POV
Nandito ngayon si Trey sa bahay namin at mayroon kaming family dinner kasama ang parents ko at pati na rin si Ate Annika. Si Kuya Xavier naman ay on the way na at sinabi nitong may kasama siya na sasabay sa aming magdinner. Siguro ay ka-workmate niya lang ’yon sa opisina nila. Nagpapasalamat naman ako dahil nakikita ko kung gaano katanggap ng pamilya ko si Trey bilang manliligaw ko. Palagay na rin kasi ang loob nila Mommy at Daddy sa kanya dahil matagal na rin nilang kilala si Trey. Kulang na nga lang ay ipagkanulo na nila ako sa kanya pero masaya naman ako do’n.
“Kapag sinagot ka na ng anak ko ay pakasalan mo na ’yan kaagad.” Nakangiting sabi ni Daddy kay Trey. Sinapak naman siya ni Mommy sa braso ng mahina.
“Ano ka ba hon, ang babata pa nila para magpakasal. Its better kung magkarelasyon muna sila habang nag-aaral pa sila.” Pangaral naman ni Mommy kay Daddy.
Natatawa namang tumango si Daddy. “I know, hon. Binibiro ko lang naman ang mga batang ’to.”
Natawa na lang sina Trey at Ate Annika dahil sa sinabi ni Daddy habang ako naman ay kanina pa namumula ang buong mukha dahil sa pinag-uuspan nila. Bakit ba kasi napunta kaagad sa kasal ang usapan eh nililigawan pa nga lang ako ni Trey? Pero sa kaloob-looban ko ay siya naman talaga ang gusto kong pakasalan noon pa man.
Nasa dining room na kaming lahat at hinihintay na lang si Kuya Xavier at ang kasama niya. Bakit kaya para akong kinakabahan sa mangyayari ngayon? Napaparanoid na ba ako dahil sa nangyari nung nakasama namin ni Trey si Kuya Maverick? Hindi talaga ako makapaniwala sa mga sinabi ni Kuya Maverick sa restaurant. Ano ang ibig niyang sabihin do’n? Bakit niya nasabi ang mga bagay na iyon?
“Nandito na raw sila. Susunduin ko lang sila sa labas.” Masayang pagbabalita ni Ate Annika habang may hawak na phone at kaagad nang lumabas ng bahay para sunduin sila kuya.
Ilang minuto lang ay dumating na rin si Ate Annika kasama si Kuya Xavier at halos hindi naman ako makapaniwala nang makita ko ulit ang lalakeng naging dahilan para gumulo ang mundo ko.
Si Kuya Maverick.
Napatingin sa amin ni Trey si Kuya Maverick at nginitian niya kami. Naramdaman ko namang hinigpitan ni Trey ang hawak niya sa kamay ko. I knew it, he’s mad.
“Good evening, Mommy and Daddy. Si Maverick Eliazar nga pala. Siya ’yung Manager na magpoprovide ng mga employees para sa Communication Line natin.” Pagpapakilala ni Kuya Xavier kay Kuya Maverick sa parents namin.
Ang ibig sabihin ba nito ay makakatrabaho ni Kuya Xavier si Kuya Maverick? Anong nangyayari? Coincidence lang ba ang lahat ng ito?
Nakipag-kamay naman sina Mommy at Daddy kay Kuya Maverick. “Nice to meet you, hijo. Sa wakas ay nameet na rin kita. Alam mo bang marami akong nababalitaang good feedbacks tungkol sa’yo? Hindi ka lang pala gwapo kundi isa ka ring successful at matalinong lalake. I envy you for that.” Nakangiting sabi ni Mommy.
Ngumiti rin naman si Kuya Maverick at nagbow pa ito. “Salamat po, tita. Makakasigurado po kayo na magiging maayos ang serbisyo namin sa kompanya niyo.” Sabi niya at saglit na tumingin sa akin bago ulit bumaling kay Mommy.
“Tita? He calls your mother like that?” Hindi makapaniwalang bulong sa akin ni Trey.
Hinawakan ko na lang ang kamay ni Trey para kumalma siya. Kung iinsultuhin ulit ni Kuya Maverick si Trey at sa harapan pa talaga mismo ng pamilya ko ay hindi ako magdadalawang-isip na paalisin siya kahit pa magalit si Kuya Xavier sa akin.
“May tiwala naman kami sa’yo, Maverick kaya sabayan mo na kaming kumain dito.” Paanyaya naman ni Daddy sa kanya.
Umupo na sina Kuya Xavier at Kuya Maverick sa dining table at pagkatapos ay nag-umpisa na rin kaming kumain.
“Maverick, ito nga pala si Annika, ang pumangalawa kay Xavier at ito naman si Sarina, ang bunso kong anak. ’Yung kasama naman niyang lalake ay si Trey, manliligaw niya.” Pagpapakilala sa amin ni Daddy kay Kuya Maverick.
Ngumisi lang naman si Kuya Maverick na nagpainit ng ulo ko. “I know them already, tito.” Sabi niya.
“Kilala mo na sila?” Tanong ni Daddy.
Tumango si Kuya Maverick. “Kaklase po kasi ng kapatid kong si Macy si Sarina and I already know, Trey, nameet ko lang po sila the other day.”
Nagsalita naman si Kuya Xavier. “Yes. I didn’t know that Sarina’s friend is Maverick’s younger sister kaya ininvite ko siya dito sa bahay para makilala niyo siya. Sinabi ni Maverick na good influence raw si Sarina sa kapatid niyang si Macy kaya nagpapasalamat ako para d’on.” Nakangiting sabi ni Kuya Xavier habang nakatingin sa akin.
Nagulat at natuwa naman ako dahil sa sinabi ni kuya. Good influence ako para Macy? Pero ginagawa ko lang naman ang lahat para maging isang mabuti at mabait na kaibigan sa kanya dahil ayon naman talaga ang ginagawa ng magbestfriends.
Bumaling naman sa akin si Mommy. “Is that true, Sarina? Bakit hindi mo man lang sinasabi sa amin na kilala mo na pala si Maverick at kaklase mo pa pala ang kapatid niya?” Tanong nito.
Bumuntong-hininga na lang ako. “Sorry po. Wala lang po kasi sa mood magsalita.” Sabi ko na lang.
Nakita ko pa ang pagngisi ni Kuya Maverick dahil sa sinabi ko kaya mas lalo lang akong nagngitngit sa inis dahil sa ginagawa niya.
“Tita, hayaan niyo na lang po si Sarina. Baka nahihiya lang po siyang ipakilala ako sa inyo dahil kasama niya po ang manliligaw niya.” Kunwaring concern na sabi ni Kuya Maverick.
Naramdaman ko naman ang mabilis na paghinga ni Trey.
“Are you okay?” Tanong ko sa kanya na nag-aalala na.
Hindi naman siya sumagot at tumingin na lang sa malayo.
“Kung sa bagay. Baka ngayon ay pinagseselosan ka na ni Trey. I’m just kidding!” Pagbibiro pa ni Ate Annika na ikinatawa nilang lahat.
Laking gulat ko na lang nang biglang tumayo si Trey at kwinelyuhan si Kuya Maverick. Lahat kami ay nagpanic at nabigla sa ginawa niya.
“Alam mo, nagtitimpi lang ako sa’yo at hindi lang kita pinatulan nung ininsulto mo ako sa loob ng restaurant pero nananadya ka ba talaga? Balak mo rin ba akong pahiyain ngayon sa harap mismo ng pamilya ni Sarina? Ganon ba, ha?” Sigaw ni Trey sa mukha ni Kuya Maverick.
Buong buhay ko ay ngayon ko lang nakitang magalit si Trey ng ganito. Kalmado at masayahin kasi siyang tao pero hindi na niya napigilan ang inis niya sa ginagawa ni Kuya Maverick kaya hindi ko siya masisisi kung bakit nagkakaganito siya. Kahit ako rin ay naiinis na sa ginagawang panggugulo ni Kuya Maverick sa amin.
“Ano bang sinasabi mo, Trey? Did I insult you for real? Totoo naman ang sinabi ko sa’yo sa restaurant at ngayon na nagkita ulit tayo ay coincidence lang ’to. Magiging katrabaho ko ang kuya ni Sarina kaya may posibilidad na magpunta ako ngayon dito sa bahay nila para pag-usapan ang tungkol sa business thingy namin. Why are you acting like a kid? Ganyan ba ang pag-uugali ng isang lalake sa harap ng pamilya nang babaeng nililigawan niya?” Nakangisi namang sagot ni Kuya Maverick.
Hindi na nakapagtimpi pa si Trey at sinuntok na sa mukha si Kuya Maverick dahilan para bumagsak ito sa sahig. Inalalayan naman siya nina Kuya Xavier at Daddy na makatayo habang kami naman nila Mommy at Ate Annika ay pinipigilan ulit na sumugod si Trey.
“Sinungaling! May gusto ka kay Sarina kaya ginagawa mo ang lahat ng ’to! Pinapahiya mo ako sa harap ng mga nakakakilala sa kanya dahil isa akong threat para sa’yo. Totoo ’yon, di ba?” Sabi pa ni Trey na ikinagulat ko
“Ano bang sinasabi mo, Trey? Hindi ka ba nahihiya sa bisita ko? He’s our business partner at hindi mo dapat siya pinag-iisipan ng masama!” Sigaw naman ni Kuya Xavier na inaalalayan pa ring tumayo si Kuya Maverick.
“Pero Kuya Xavier-”
“Shut up! Sinira mo ang dinner namin. Nag-aaccuse ka ng kung anu-ano kay Maverick Eliazar? Do you know how successful and respected he is than yours? Patay na patay ka kasi sa kapatid ko kaya sa tingin mo ay inaagaw na niya si Sarina sa’yo. Alam mo Trey, botong-boto pa naman ako sa’yo para sa kapatid ko pero sa ginawa mo ngayong pag-eeskandalo? Hinding-hindi mo na makukuha ang approval ko para ligawan mo ang kapatid ko.” Matigas niyang sabi.
Nagulat naman si Trey dahil sa sinabi ni Kuya Xavier. Nilapitan ko naman si Kuya.
“Kuya, don’t hate Trey. Maniwala ka sa kanya, si-”
“Hindi na, Sarina. Simula ngayon ay hinding-hindi ka na liligawan pa ng lalakeng ’yan!” Singhal niya. Naluluha naman akong napatingin kila Mommy at Daddy. Napailing na umalis na lang bigla si Daddy habang si Mommy naman ay umiiyak lang ng tahimik na pinapatahan ni Ate Annika.
“Mommy..” Naluluha kong sabi. Nagpunas lang siya ng luha at tinitigan ng masama si Trey.
“I didn’t know that you can afford to hurt people and accused him for nothing just because of Sarina. You really dissappoint me, Trey. Let’s leave here, Annika.” Sabi niya at umalis na kasama si Ate Annika na mukha ring nalulungkot sa nangyari.
“Let’s go to the hospital, Maverick. You’re bleeding.” Sabi ni Kuya Xavier kay Kuya Maverick habang nakaalalay pa rin siya dito.
Tumango naman si Kuya Maverick at bago pa sila umalis ay may binulong siya sa tenga ko nang mapadaan siya sa akin.
“I got you, Sarina.” Then after that, they leave.
Nangilabot ako dahil sa ibinulong niya at kinabahan pero ipinagwalang-bahala ko na lang iyon. Lumingon na lang ako kay Trey at nakita ko na nakayuko ito habang umiiyak. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at niyakap siya.
“Trey..” Umiiyak kong sabi.
Kumalas naman siya sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako sa kanya saka pinunasan ang mga luha ko. “Don’t worry, Sasa. I will fight for you no matter what it takes.”
I nodded and kiss him. He respond after that.
I believe in Trey’s words. Now that I already know Kuya Maverick likes me and doing everything to ruin us. Hinding-hindi kami magpapadala at maglalakad sa mapanganib niyang daan para lang makuha ako.
–
Sorry kung ngayon lang ako nakapag-update. Medyo busy lang after nung 20th birthday ko. Tumanda na naman ako jusko.
Chapter 18
MAVERICK’S POV
Hinatid ako ni Xavier sa ospital dahil sa natamo kong sugat at pasa sa pisngi dahil sa pagkakasuntok sa akin ng manliligaw ni Sarina na si Trey. Hindi na nga niya napigilan ang galit niya dahil sa lihim kong pangmamaliit at pang-iinsulto sa kanya sa harapan ng pamilya ni Sarina. Masama na kung masama pero kaya kong gawin ang lahat para lang mapalapit sa akin ang mga mahal sa buhay ng babaeng mahal ko.
“Maayos na ba ang pakiramdam mo? Pasensiya ka na sa ginawa sa’yo ni Trey. Hindi ko nga akalain na magagawa niyang manakit ng tao dahil iba ang pagkakakilala namin sa kanya.” Sabi ni Xavier matapos gamutin ng nurse ang natamo kong sugat at pasa sa bandang pisngi ko.
Ngumiti naman ako. “Ayos na ko, Xavier. Baka talagang nagseselos lang sa akin ’yung manliligaw ng kapatid mo kaya niya ako nagawang suntukin sa mukha.” Kunwaring ayos kong sagot pero sa totoo lang ay nanggigigil ako sa galit dahil sinira niya pa ang gwapo kong mukha. Paano pa ako tititigan ulit ni Sarina kung pumangit na ako sa paningin niya?
Umiling naman si Xavier at nagtiim-bagang. “Mali pa rin ’yung ginawa niya sa’yo. Inakusahan ka pa niyang may gusto kay Sarina dahil lang sa nagseselos siya? Hindi ko na alam ang nangyayari kay Trey. Mabait ang batang ’yon pero baka nga nagbago na pati ang pag-uugali niya simula nung tumira sila sa amerika ng pamilya niya.” At bumuntong-hininga siya.
Mabait naman talaga si Trey pero dahil sa ginagawa kong pangmamaliit sa kanya ay hindi na niya napigilan pa ang galit niya para sa akin. Mas pabor iyon sa akin para madali kong makuha si Sarina.
Tinapik ko ang balikat niya. “Baka nga nagbago na siya. Akala mo na ’yung noon na Trey na kilala niyo ng pamilya niyo ay iba na sa Trey na kilala niyo ngayon. Sa nakikita ko pa sa kanya ay masyado siyang possessive kay Sarina. Hindi ka ba natatakot para sa kapatid mo? Baka masaktan niya si Sarina dahil sa matinding possession niya.” Sabi ko.
Napahinto si Xavier dahil sa sinabi ko at parang nag-iisip ng malalim. Napangisi na lang ako ng palihim. Hindi ko alam na madali lang pala bilugin ang ulo ng kuya ni Sarina. Mukhang paniwalang-paniwala siya sa mga sinasabi ko. Sino ba naman ang hindi maniniwala sa isang Maverick Eliazar na successful at maraming ipagmamalaki sa buhay?
“Tama ka. Kailangan na talagang layuan ni Trey si Sarina. Hindi ko alam ang mga pwede pa niyang gawin sa oras na maging sila na. Baka hindi na simpleng pagsuntok ang gawin ng lalakeng ’yon kundi baka higit pa do’n.” Matigas niyang pagkakasabi.
“Alam mo Xavier, as Macy’s older brother at para na rin sa ating pagkakaibigan, poprotektahan ko si Sarina at hindi ko na siya palalapitin pa sa Trey na ’yon. Its for her safety. Okay lang ba ’yon sa’yo?” Nakangiti kong tanong.
Kaagad naman siyang tumango at nginitian rin ako. “Walang problema, Maverick. Salamat at concern ka para sa kapatid ko. Utang na loob ko sa’yo ’to.”
Tumango na lang ako pagkatapos niyang sabihin iyon. Ngayon na nakuha ko na ang tiwala ni Xavier at ng buong pamilya ni Sarina ay madali na lang para sa akin ang lahat. Nagkamali sila na pinagkatiwalaan nila ang isang katulad ko. I can do cruel things just to get what I want and I want Sarina all by myself. Wala na akong pakialam pa kung may matapakan man akong tao dahil sa ginagawa ko. I can play dirty things to get what I want.
YOHAN’S POV
Kasama ang buong gang nila Kuya Aldwin at Kuya Ace ay inaabangan namin ang pag-uwi ni Trey mula sa condo niya. Ang yaman talaga ng hayop na ’to kaya mas lalo lang siyang nagpapadagdag sa inis ko na bagay sila ni Sarina. Pareho kasi silang mayaman.
“Shit, tol. Ang yaman naman pala ng kababata ni Sarina. Ang laki ng condo ng ptangna! Pwede nating nakawin ’yung mga gamit sa loob ng condo niya at ibenta. Siguradong tiba-tiba tayo niyan.” Nakangising sabi ni Kuya Aldwin na sinang-ayunan naman ng mga ka-gangmates niya.
Naiinis ko naman silang tinignan. “Mga hunghang ba kayo? Ang plano natin ay ang dukutin at patayin si Trey, ’di ba? Hindi tayo magnanakaw. Kung gusto niyo ay pagkatapos ko siyang patayin ay saka niyo lamunin at ibenta ang mga mananakaw niyo sa loob ng condo niya pero gawin muna natin ang nauna kong plano!” Sigaw ko.
Inakbayan naman ako ni Kuya Ace. “Relax lang bro. Sige, dahil mahal na mahal kita bilang utol ko ay gagawin namin ang gusto mo bago kami magnakaw. Okay na ba?” Tanong niya.
Sinamaan ko na lang siya ng tingin. “Gago!” At nagtawanan sila.
Habang nagmamasid pa rin kami sa paligid ng loob ng building kung nasaan ang condo ni Trey ay nakita na namin na naglalakad siya papalapit sa condo unit niya. Kaagad ko naman siyang nilapitan kasama ang anim na gangmates na kasama ng mga kapatid ko. Nagulat naman siya nang makita ako at napatingin rin sa mga kasama ko.
“Y-Yohan? A-anong ginagawa mo dito? Sino ’yang mga kasama mo?” Parang natatakot niyang tanong.
Ngumisi ako sa kanya at kinuha ang inabot sa aking baseball bat ni Rico, isa sa ka-gangmates nila kuya. Napalunok naman si Trey nang makita niya kung paano ko laruin ang baseball bat mula sa mga kamay ko.
“Nandito lang naman ako para pahirapan at patayin ka. Mang-aagaw ka! Inagaw mo sa akin si Sarina kaya papatayin na kitang hayop ka!” Sigaw ko.
Hindi na siya nakapagsalita pa sa sinabi ko dahil kaagad kong pinalo ng baseball bat ang batok niya dahilan para mawalan siya ng malay.
Nang mawalan ng malay si Trey ay hinawakan siya sa magkabilang balikat ng mga ka-gangmates ng mga kapatid ko at dali-dali na kaming lumabas mula sa building ng condo unit niya.
TREY’S POV
Nagising ang diwa ko nang maramdaman ko na may nagsaboy ng tubig sa mukha ko. Napamulat ako nang makita ko si Yohan na nakangisi sa harapan ko. Napansin ko na nakagapos ang mga kamay at paa ko habang nakaupo ako sa isang silya. Madilim ang paligid na para kaming nasa isang abandonadong lugar. Napansin ko rin na hindi lang pala si Yohan ang kasama ko maging pati na rin ’yung mga lalakeng nakita ko sa loob ng building ng condo unit ko na kasama niya.
Ano ang ibig sabihin nito? Bakit ako dinukot nila Yohan?
“Yohan, anong ginagawa ko dito? Bakit niyo ako dinukot?” Sigaw ko.
Tumawa lang siya sa sinabi ko at bigla akong sinipa sa tagiliran dahilan para mapangiwi ako sa sakit.
“Bobo! Nagtatanong ka pa kung bakit ka namin dinukot? Malamang ay papatayin kita.” Tumawa siya dahilan para mas lalo pa akong kabahan. Ibang-iba siya sa Yohan na nakikita ko na kasama palagi nila Sarina at Jenica. Isang demonyo ang kaharap ko ngayon.
“B-Bakit? Ano ba ang naging atraso ko sa’yo?” Nanghihina kong tanong.
Lumapit naman siya sa akin at nagulat ako na may hawak na siyang isang kutsilyo at inakma niyang gigilitan ang leeg ko.
“Ano ang atraso mo sa akin? Hindi mo ba natandaan ang huling sinabi ko sa’yo bago kita paluin ng baseball bat sa building ng condo unit mo? Ang sabi ko ay inagaw mo sa akin si Sarina!” Nanggigigil niyang sigaw at bigla niya na lang akong tinaga ng kutsilyong hawak niya mula sa kamay ko dahilan para humiyaw na ako sa sakit. Kaagad na umagos ang napakaraming dugo mula sa kamay ko.
Ginagawa niya ’to dahil sa tingin niya ay inaagaw ko sa kanya si Sarina? Wala namang nagmamay-ari kay Sarina. Mahal ko si Sarina at mahal niya rin ako kaya wala siyang karapatan na ipilit ang pagmamahal niya sa taong hindi naman siya gusto.
Kahit nanlalabo na ang paningin ko dahil sa dami ng dugo na nawawala sa akin ay pilit pa rin akong nagsalita.
“Hindi ko inagaw sa’yo si Sarina dahil walang nagmamay-ari sa kanya. Nababaliw ka na!” Sigaw ko.
Mukha naman siyang nagalit sa sinabi ko kaya kaagad niya akong hinila mula sa kinauupuan ko at binugbog ng binugbog dahilan para humandusay na ako sa sahig. Hindi pa siya nakuntento at tinawag pa niya ang mga lalakeng kasama niya para pagtulungan akong bugbugin. Umiikot na ang paningin ko dahil sa matinding hilo, sakit at pagod dahil sa pambubugbog nila. Kung ito na ang katapusan ko ay nagpapasalamat ako dahil nakilala ko si Sarina sa buhay ko, ang babaeng mahal na mahal ko.
“Atrebida ka! Bakit hindi ka na lang tumira sa amerika ng pang habangbuhay? At talagang doon ka pa mag-aaral sa St. Therese para masolo mo si Sarina? Hindi ako makakapayag do’n! Mayaman ka lang pero isa kang lampa at walang kwentang nilalang! Hindi kayo bagay ni Sarina!” Sigaw pa niya at saka naman tinaga ang kabila kong kamay.
Napahiyaw na naman ako sa sakit. Pagkatapos nila akong bugbugin ay tumigil na rin sila sa wakas. Nararamdaman ko na ang mabagal kong paghinga at ang papadilim ko nang nakikita. Napakasama ni Yohan. Nagagawa niya ang mga bagay na ’to dahil sa matinding obsesyon niya kay Sarina. Hindi siya deserving para sa pagmamahal ni Sarina, ni Sasa.
Nginisian ako ni Yohan at tinapakan ang mga kamay kong tinaga niya na may umaagos na mga dugo saka ito nagsindi ng sigarilyo.
“Ang sarap talaga sa pakiramdam na pinapahirapan ko ang mga lalakeng nagtatangkang agawin si Sarina mula sa akin. Kawawa ka naman Trey, mamamatay ka na hindi pa nagiging boyfriend ni Sarina? Mabuti nga sa’yo. Sige, para matapos na ’to ay patatahimikin na kita at mamumuhay ka na ng mapayapa sa impyerno.” Nakangisi niyang sabi.
Isa siyang demonyo.
May inabot sa kanya ang isang lalakeng kasamahan niya na isang baril pagkatapos ay itinutok niya ito sa ulo ko at nginisian ako.
“Goodbye, Trey. Live peacefully in hell.”
Hanggang sa nakarinig na lang ako ng isang malakas na putok na tumama mula sa ulo ko at tuluyan nang nilamon ng kadiliman ang buong paningin ko.
I bet this is my last goodbye.
Goodbye, Sasa. I will always love you..
Chapter 19
THIRD PERSON’S POV
Nagising na lamang si Yohan na nakagapos ang kanyang mga kamay at paa habang nakaupo siya sa isang silya. Naalala pa niya na ganito ang ginawa niya sa kababata ni Sarina na si Trey bago niya ito patayin. Ni wala siyang bakas ng pagsisisi dahil sa ginawa niyang pagpatay sa isang inosenteng tao. Basta para sa mga lalakeng umaagaw sa babaeng mahal niya ay hindi siya magdadalawang-isip na burahin kaagad sila sa mundo. Pero, bakit nga ba ultimo’y isa siyang hostage victim sa itsura niya ngayon? Naalala niya kanina na bago siya umuwi mula sa St. Therese ay may mga armadong lalake ang dumukot sa kanya at isinakay siya sa isang puting van at tinakpan nito ang ilong niya ng isang panyo na may kemikal na amoy dahilan para malanghap niya ito at mawalan siya ng malay.
Nilingon niya ang buong paligid ng bodega kung saan siya naroon. Mas madilim dito kumpara sa pinagdalhan niya ng mga kuya niya at kagangmates nito kay Trey sa isang bodega na abandonadong lugar na. Bakit naman siya dinukot ng mga armadong lalake? Akala ba ng mga ito ay mayaman siya dahil mukha naman talaga siyang mayaman kahit na mas masahol pa siya sa daga? Wala naman silang mahihitang ransom money sa kanya dahil dinaig pa niya ang mga palaboy sa daan dahil sa sobrang hirap niya.
Natigil lang ang lihim niyang pagtawa sa kanyang isipan nang bumukas ang pintuan ng bodega kung saan siya dinala ng mga armadong lalake. Pumasok ang isang matangkad at maputing lalake na naka business attire pa saka siya nito nilapitan. Aminin man niya o hindi pero napakagwapo at mukhang mayaman ang lalakeng ito. Mukha rin na mas matanda ito sa kanya ng ilang taon. Ito ba ang nag-utos para ipadukot siya? Pero mukha namang hindi na niya kailangan pa ng ransom money dahil mukha naman siyang mayaman.
“Ikaw si Yohan Suarez, ’di ba?” Tanong ng lalake sa kanya.
Tumaas naman ang isang kilay niya. “Bakit mo ako kilala? Saka bakit mo pa ako pinadukot sa mga alagad mo? Alam mo ba na isa lang akong mahirap na tao na sa iskwater lang nakatira kaya wala kang makukuhang pera sa akin. Mukha lang akong mayaman pero mas mahirap pa ako sa inaakala mo!” Nakangising sabi ni Yohan na wala man lang bakas ng pagkatakot sa lalakeng kaharap niya.
Tumawa lang naman ang lalake sa sinabi niya at saka ito nagpamulsa. “You’re so full of yourself. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit pinatay mo si Trey Delos Santos.”
Kaagad namang nakaramdam ng pagkatakot at pagkagulat si Yohan dahil sa sinabi ng lalake. Papaano nito nalaman na siya ang pumatay kay Trey? Tinitigan pa niya ang mukha ng lalake. Mukhang pamilyar ito at nakita na niya kung saan. Para itong may kamukha na nakita na niya.
“H-Hindi ko alam ang pinagsasabi mo. W-wala akong pinapatay na tao!” Pagtanggi niya kahit sobra na siyang kinakabahan dahil alam nito ang madilim niyang sikreto.
Tinitigan siya ng masama ng lalake at itinuro siya. “Sinungaling! Pinaimbestigahan kita sa Private Investigator ko at nalaman ko na pinatay mo si Trey Delos Santos kasama ang kagangmates ng mga kapatid mo. Masyadong malinis ang ginawa niyong krimen para hindi kayo mahuli at paghinalaan ng mga pulis pero iba ako Mr. Yohan Suarez dahil marami akong paraan para malaman kung sino mismo ang pumatay sa kababata ni Sarina.” Nakangising sabi nito.
Mas lalo pang nadagdagan ang kaba at takot ni Yohan dahil maging si Sarina ay kilala rin nito.
Tumingin naman siya ng masama sa lalake at nag-umpisa siyang sigawan ito. “Sino ka ba talaga? Bakit mo kilala sina Sarina at Trey? Saka ano naman sa’yo kung pumatay ako ng isang tao? Yayaman ka ba dahil do’n? Eh tanga ka pala e!” Pang-aalaska pa niya.
Hinawakan naman siya sa panga ng lalake nang mahigpit. Halatang nangigigil na ito sa galit dahil sa kanya pero sino nga ba ito para katakutan niya? Siya dapat ang katakutan nito dahil kapatid siya ng No. 1 Serial Killer gang sa buong pilipinas, ng kanyang Kuya Aldwin at Kuya Ace.
“Ako lang naman si Maverick Eliazar na nakatatandang kapatid ni Mace Ann Eliazar na tinatakot mo para lang hindi niya mabunyag ang mga sikreto mo. Alam mo rin bang dahil sa ginawa mong pagpatay kay Trey ay ako ang pinaghihinalaan ni Sarina na pumatay sa kababata niya?” Sigaw nito sa kanya at padabog siya nitong binitawan.
Doon lamang luminaw ang lahat kay Yohan. Kaya pala parang pamilyar ang mukha ng lalakeng kaharap niya ngayon ay dahil naaalala niya rito si Macy. Magkamukhang-kamukha kasi sila at hindi niya akalain na kapatid niya pala ang lalakeng ito pero ano naman ang ikinakagalit ng kapatid ni Macy at pinagdududahan pa ito ni Sarina na siya ang pumatay kay Trey?
Napangisi na lang si Yohan. “So, ikaw pala ang kapatid ni Macy. Ginawa ko lang naman siyang takutin dahil ayokong sumama ang imahe sa akin ni Sarina at para na rin hindi masira ang friendship nila kung magsusumbong siya. Pero, teka.. bakit naman pinaghihinalaan ka ni Sarina na ikaw ang pumatay kay Trey? May galit ka rin ba sa kababata niya? Katulad ko ba ay may gusto ka rin kay Sarina kaya ka nagagalit ngayon, tanda?” Panghuhuli ni Yohan na ikinatigil ni Maverick.
Tama ang mga naiisip ni Yohan. Kaya siya pinadukot ng lalakeng ito ay dahil may gusto ito kay Sarina at hindi nito matanggap na may karibal pa pala siya bukod kay Trey. Katulad niya ay mukhang obsessed na rin ito kay Sarina.
Nagtiim-bagang naman si Maverick. “Oo, gusto ko si Sarina. May galit ako sa Trey na ’yon dahil inaagaw niya sa akin si Sarina pero hindi ko matanggap na nagagalit siya sa akin dahil sa kagagawan mo. Pareho lang tayong obsessed sa pagmamahal sa isang babae pero mukhang ikaw pa ang dehado ngayon.”
Napangiti na lang si Yohan. Iba talaga ang nagagawa ng obsesyion sa isang tao. Hindi niya akalain na ang isang katulad ni Maverick Eliazar na mukhang respetado at marami nang naging achievements sa buhay ay ma-iinlove lang sa isang labing-anim na taong gulang na high school student. Mukhang magkakasundo sila at magagamit niya ito para yumaman siya.
“Mr. Eliazar, kung gusto mo ay magtulungan tayo. Kukumbinsihin ko si Sarina na ’wag nang magalit sa’yo pero may kapalit, siyempre.”
Natigilan naman si Maverick do’n at tila nag-isip pero pagkaraan ay pumayag rin ito. “Sige, anong kapalit?” Tanong niya.
Sumandal naman si Yohan sa silyang inuupuan niya habang nakagapos pa rin ang mga kamay at paa niya maipakita lang na isa siyang hari at walang kinatatakutan sa kahit sinong tao.
“Bigyan mo ako ng isang condo unit, kotse at 25 Million cash. Alam ko namang wala lang sa’yo ’yon dahil naalala ko na chineck ko pala ang background ng kapatid mong si Macy at napakayaman naman pala talaga ng Pamilyang Eliazar. Dapat nga ay pipikutin ko sana ang kapatid mo dahil alam kong may gusto siya sa akin at higit sa lahat ay mayaman siya pero si Sarina lang talaga ang mahal ko kaya hindi ko na itinuloy ang balak ko.” Sabi niya na animo’y parang wala lang.
Napailing na lang si Maverick at hindi makapaniwala na sobrang taas pala ng tingin ni Yohan Suarez sa sarili niya at mukha rin itong pera. Mukha siyang inosente kung titigan pero isa pala itong demonyo. Masyado rin itong makasarili at hindi iniisip ang mararamdaman ng iba. Mas masama pa ito kung tutuusin kaysa sa kanya at sigurado siyang mas marami pa itong kayang gawin na masama bukod sa pagpatay sa kababata ni Sarina na si Trey.
Pero kailangan niyang sakyan ang gusto nito dahil may plano rin siya para mawala ito sa landas nila ni Sarina. Sarina is his only.
Pinagkrus naman ni Maverick ang kanyang mga kamay at saka tumango kay Yohan. “Sure. Gawin mo lang ang lahat para hindi na ako paghinalaan ni Sarina sa krimeng ginawa mo at ibibigay ko ang gusto mo.”
Napangisi na lang si Yohan dahil do’n. “Makakaasa ka, Mr. Maverick Eliazar. I won’t break promises.”
Dalawang lalake ang nagmamahal para sa isang babae. Obsession kung matatawag na malayo na sa totoong pagmamahal. Sino kaya ang mananalo sa kanilang dalawa para sa puso ni Sarina? Matatanggap kaya sila ng babaeng minamahal nila dahil sa obsession nila? O, kamumuhian sila nito dahil sa lihim nilang galit at pagpatay sa pinakamamahal nitong si Trey? Will this Danger Alley is going to be a permanently path walk for them?
Chapter 20
ANNIKA’S POV
I’m comforting my sister Sarina na kanina pa iyak ng iyak dahil sa biglaang pagkamatay ng kababata niyang si Trey. Lahat kami ay bigla na lang nagulat at nanlumo sa sinapit ni Trey. Trey is a kind guy at botong-boto ako sa kanya para kay Sarina but things came unexpectedly dahil sa isang iglap lang ay bigla na lang siyang nawala. Hindi pa rin matukoy ng mga pulis kung sino ang mga taong naging dahilan ng pagkamatay ni Trey dahil sa sobrang linis ng paggawa ng mga ito sa krimen, ni walang makitang bakas ng ebidensiya ang mga pulis at ang ibig sabihin lang nito ay hindi lang isang pangkaraniwang tao o grupo ang makakagawa no’n kundi isa nang eksperto sa pagtatago ng ebidensiya sa isang krimen na ginawa nila. Nakita na lang kasi si Trey ng mga nakatira sa condo unit na tinutuluyan niya na nakahandusay na siya sa labas ng condo unit building nila na naliligo na sa sarili nitong dugo, puno ng mga pasa at sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan nito at higit sa lahat ay basag na ang bungo nito. Only a devil people and have no conscience can do that to Trey. Hindi ko akalain na may mga tao pa pa lang halang ang kaluluwa na makakagawa nun sa kanya. Pero, sino at ano nga ba ang dahilan ng mga taong iyon para patayin nila si Trey? Sa pagkakaalam kasi namin ay wala naman siyang naging kaaway o nakaalitan bago siya umuwi dito sa pilipinas except na nakasagutan niya si Maverick Eliazar pero hindi naman magagawa iyon ni Maverick dahil kilala ko siya.
I had a crush on him at matagal ko na siyang kilala simula noong makita ko siya sa mga magazines at newspapers na sa edad niyang 25 ay isa na siyang napaka succesful na tao sa Telecommunications Company. Doon ako nag-umpisang humanga sa kanya dahil mas pinili niyang pasukin muna ang larangan na gusto niya bago i-handle ang business ng mga magulang niya. His being independent is the reason why I admire him. Kaya nga nagulat na lang ako nang makilala ko siya sa bahay kasama sina Kuya Xavier at sa harap ng pamilya namin. Older brother pa siya ng kaklase ni Sarina.
Pagkatapos kong i-comfort si Sarina mula sa pag-iyak niya dito sa burol ni Trey ay kaagad naman siyang nilapitan nila Mommy at Daddy para i-comfort rin siya. Lumayo muna ako sa kanila at tinulungan na lang ang Mommy ni Trey sa pag-aasikaso sa mga bisita. Napansin ko naman si Maverick Eliazar na nakaupo sa isang sulok na para bang malalim ang iniisip nito. Kanina pa nga siya nandito sa burol ni Trey at hindi siya makalapit sa amin dahil nagagalit sa kanya si Sarina at iniisip ng kapatid ko na siya ang may pakana kung bakit namatay si Trey dahil nga sa naging alitan nila noon sa bahay pero alam naman naming hindi totoo iyon. Depressed at malungkot lang si Sarina kaya niya nasasabi iyon at naiintindihan naman ito ni Maverick.
“Hello, Maverick.” Nakangiting bati ko nang makalapit ako sa kanya at umupo rin sa tabi niya.
Ngumiti naman siya sa akin. Ang gwapo talaga niya lalo na kapag ngumingiti. “Hey, Annika.” Bati naman niya.
Pinatong ko naman ang isang kamay ko sa balikat niya. “Pagpasensiyahan mo na kung pinagbibintangan ka ni Sarina dahil sa pagkamatay ni Trey. Nadedepressed lang kasi ’yung kapatid ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin namin matukoy kung sino nga ba ang pumatay kay Trey.” Malungkot kong sabi.
Tumango siya. “I understand. Hindi ko rin naman masisisi si Sarina kung bakit siya nagagalit at pinagbibintangan ako. Nagkaalitan kami ni Trey sa bahay ninyo at iisipin talaga niya ’yung ganon pero ayos lang ’yon sa akin. Magiging okay rin siya balang-araw.” Sabi niya habang nakatingin kay Sarina na kinakausap nila Mommy at Daddy.
From the way he looks at my sister ay kakaiba. Nakikita ko na tinitignan niya si Sarina na may halong admiration and happiness. Napansin ko na ’yon noong bumisita siya kasama si Kuya Xavier sa bahay namin pero hindi ko lang masyadong pinansin. He’s obvious that he likes Sarina.
I smiled bitterly. Nagkagusto na nga lang ako sa isang lalake ay doon pa sa gusto ang kapatid ko. Pero mas matanda si Maverick kaysa kay Sarina. I’m only 2 years younger than him at halos magkasing-edad lang kami at alam kong hindi naman siya gusto ni Sarina.
“Do you like my sister, Sarina?” I asked him na ikinabigla niya.
Natahimik siya sa sinabi ko at hindi makasagot. So, he really likes Sarina.
“What if I say yes?” Sagot niya na ako naman ang nabigla.
Why do I feel that I got hurt on his words?
I fake a laugh at nagkunwari na natatawa sa sinabi niya. “That’s not right. Masyado kang matanda para sa kapatid ko and I think na hindi rin papayag si Kuya Xavier na ligawan mo si Sarina in case na gawin mo nga ’yon. My sister is too young for you, Mr. Maverick.” I said.
He chuckled on what I said at nagcross-arms. “Annika, we’re now in the 20th century when age is doesn’t matter anymore. Nag-aalala ka rin ba na hindi ako papayagan ni Xavier na ligawan ang kapatid mo? He trust me so much at alam niya na aalagaan at poprotektahan ko ang kapatid niyo. I am a successful man at maibibigay ko ang lahat ng gusto ni Sarina.” He said with full of confidence.
Nakakabigla ang mga sinabi ni Maverick at mukha nga siyang seryoso do’n. How come that he likes Sarina that fast? Ang nababalitaan ko kasi sa kanya ay isa siyang Cold Hearted Guy at wala pang nakadate na isang babae na naghahabol sa kanya.
“Why are you saying that? Kamamatay lang ni Trey.” Sabi ko na lang kahit medyo nadissappoint ako sa mga sinabi niya.
I guess I have no chance to him because he likes Sarina. My younger sister.
He sighed. “Okay. I’m sorry for what I said but I really mean it. I like your sister so much, Annika. Hindi ko alam kung paanong bigla ko na lang nagustuhan ang isang menor de edad na babae na wala namang interes sa akin pero hindi ko na napigilan ang sarili ko na magustuhan siya simula nung ipinakilala siya sa akin ng kapatid kong si Macy. I like Sarina’s innocence, being a humble and kind girl. Did age is the only basic reason para hindi ko siya mahalin? I can take care and love her with all my life ngayon pa na nawala ang isa pang importanteng tao sa buhay niya? Trust me Annika, I will do everything para kay Sarina.” He said hopelessly at hinawakan ang dalawang kamay ko na ikinabigla ko.
I hold my breath. I really like this guy in front of me since then. Pinapangarap ko noon na siya ang magiging prinsipe ko at ako naman ang magiging prinsesea niya. He really looks like a prince. The most handsome and georgeous guy that i’ve ever seen in my life. But now he’s confessing that he likes my sister and waiting for my approval. Ano bang gagawin ko? Gusto ko siya e.. pero para sa ikaliligaya niya at sa pagmamahal ko sa kapatid ko ay papayag ako sa mga sinabi niya.
I love him and my sister kaya kahit masakit ay magpapaubaya ako.
I smile at tinapik ang balikat niya. “Okay. You can get my approval para sa kapatid ko pero ’wag na muna ngayon dahil nagluluksa pa siya sa pagkamatay ni Trey. Damayan mo siya sa lahat ng oras na kakailanganin ka niya. Sarina is our princess at gaya nga ng sinabi mo ay siguradong matatanggap ka rin ni Kuya Xavier para sa kanya. She’s only 16 at alam mo na dapat ang mga limits mo.” Sabi ko na pinipigilan na huwag mapaluha.
At nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa.
He hugged me.
“Yes. I will take care of Sarina. Hinding-hindi ko siya pababayaan. I will not break your trust on me, Annika. I love her so much.” Sabi niya pagkatapos akong yakapin.
Tumango na lang ako at bago pa ako umiyak ay tumayo na ako at tumalikod sa kanya. “S-Sige. Aasikasuhin ko pa ’yung ibang mga bisita nila Trey. Maiwan na kita.” Sabi ko.
“Ganon ba? Sige, salamat ulit Annika.” Masayang ani pa niya.
Kaagad na lang akong umalis at nagpunta na muna sa likod ng bahay nila Trey. Doon na ako nagsimulang umiyak at ibinuhos ang sakit na nararamdaman ko. Bakit ba kasi kapag nagmamahal ako ay palagi na lang silang may mahal nang iba? Katulad na lang ni–
“Miss?” Natigil lang ako sa pag-iyak nang may isang gwapo, matangkad at chinitong lalake ang lumapit sa akin. Malamang ay bisita o kamag-anak ito nila Trey.
“B-Bakit?” Sabi ko at nagpunas ng luha gamit ang palad ko.
Tumingin naman siya na parang naaawa sa akin saka ako inabutan ng panyo na kinuha nito mula sa bulsa niya.
“Kailangan mo yata ng panyo ko. Ito oh,” Sabi niya. Tumango naman ako at kinuha ang panyo mula sa kamay niya.
“S-Salamat.” Sabi ko.
Ngumiti naman siya at inabot ang isang kamay niya sa akin. “I’m Ace Suarez. Sinama lang ako ngayon ng kapatid kong si Yohan para makiramay sa pagkamatay ng kaibigan ni Sarina na si Trey. Ikaw ang kapatid ni Sarina, ’di ba?” Nakangiting tanong niya.
“Kapatid ka ni Yohan? Oo, kapatid ako ni Sarina. Nice to meet you, ako nga pala si Annika.” Sabi ko naman.
Ngumiti na naman siya. Medyo magkamukha sila ni Yohan at gwapo rin ito.
“Annika. Beautiful name for a beautiful woman. So, friends na tayo?” Sabi pa niya. Namula na lang akong bigla dahil sa sinabi niya pero tumango na lang rin ako.
I think he’s kind naman katulad ni Yohan na mabait rin sa family namin.
“Sure, friends.”
I accept his hand for a shakehands while he’s still smiling at me.
Chapter 21
SARINA’S POV
I never knew that I can loved a guy who’s my best friend for a longtime. He was my best bud, partners, playmates, elementary classmate and my shoulder to cry on whenever i’m feeling down. Si Trey na yata ang pinakamabait na lalakeng nakilala ko sa buong buhay ko. Nakita ko na isa siyang mapagkumbaba, magalang, maintindihin, mapagbigay, masayahin at puno ng respeto sa kahit sinong taong nakapaligid sa kanya. Maganda ang pagpapalaki ng mga magulang niya sa kanya kahit na only child lang siya. Isa rin siyang matalino at masipag na tao, gifted kumbaga kaya sino ba namang babae ang hindi magkakagusto sa kanya?
Kaya nga sa hindi ko inaasahan ay matagal na rin pala niya akong gusto katulad na lang ng nararamdaman ko para sa kanya. Akalain mo ’yon? Our feelings are mutual. Pero sa hindi ko inaasahan na sa loob ng 16 years ay tatapusin lang rin pala ang buhay niya ng mga demonyong taong pinatay siya ng walang kalaban-laban. Papaano nagagawa ng mga taong ’yon ang patayin si Trey? Wala ba silang kinikilalang Diyos? Hindi ba sila nananampalataya at nagsisimba tuwing linggo para mabawasan ang mga kasalanan nila? Kung may galit sila sa isang tao ay bakit kailangan pang humantong sa punto na tatapusin nila ang isang inosenteng buhay? Sila ang mga taong hindi naniniwala sa Diyos. Masama man sabihin ito pero isa na silang mga demonyo, at kapag nalaman namin kung sino ang mga taong pumatay sa walang kalaban-laban na si Trey ay pagbabayaran at mabubulok sila sa kulungan nang pang habang-buhay.
Matapos mailibing si Trey na dinaluhan ng pamilya, kamag-anak, mga kakilala at naging mga kaklase namin sa dati naming paaralan dito sa pilipinas maging pati na rin ang mga kaklase at kaibigan ko sa St. Therese ay tulala akong napaupo sa bakanteng upuan. Wala na rin akong mailuha dahil palagi na lang ako napapaiyak sa tuwing naaalala kong hindi ko na muli pang makakasama at makakausap si Trey.
Naramdaman ko na lang na may nagpatong ng isang kamay sa balikat ko. Napaangat naman ako ng tingin at nakita ko si Yohan na nakatingin na mukhang nag-aalala para sa akin. Ngumiti siya pagkatapos at umupo sa upuang nasa tabi ko lang.
“Kumain ka na ba?” Tanong niya.
Tumango na lang ako ng walang halong emosyon. Hinawakan naman niya ang isang kamay ko kaya napatingin ulit ako sa kanya. “Makakaya mo rin ang lahat ng ’to, Sarina.” Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at kaagad siyang niyakap kasabay ng malakas kong paghagulgol.
Hinagod-hagod naman niya ang likod ko para kumalma ako sa pag-iyak. “Sige, ilabas mo lang lahat ng sakit na nararamdaman mo. Nandito lang ako sa tabi mo at hinding-hindi kita iiwan.” Sabi pa niya. Tumango na lang ako at umiyak ng umiyak mula sa mga balikat niya.
Yohan is my friend for a long time too. Mabait siya at mapagkakatiwalaan na kaibigan katulad na lang rin ni Jenica. Hindi ko nga akalain na ang isang katulad niyang gwapo at sikat na Varsity Player ng St. Therese ay magiging kaclose ko ng ganito.
Nang mahimasmasan na ako at tumigil sa pag-iyak ay hinarap ko si Yohan. “Salamat, Yohan. Sorry kung nabasa ko pa ’yung t-shirt mo ng luha ko.” Paumanhin ko sa kanya.
Umiling lang siya. “Walang problema basta’t kahit papaano ay gumaan lang ’yang nararamdaman mo.” Nakangiti niyang sabi habang pinupunasan ang mga luha ko.
Sa hindi naman kalayuan ay nakita ko na napatingin sa gawi namin si Kuya Maverick na abala sa pakikipag-usap kila Kuya Xavier at sa mga magulang ni Trey. Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi na siya muli pang tinignan. Ayoko man mambintang pero malakas talaga ang kutob ko na may alam si Kuya Maverick tungkol sa pagkamatay ni Trey. Hindi man siya ang pumatay kay Trey ay baka may alam siya kung sino ang mga taong dahilan ng pagkamatay ni Trey.
“Galit ka ba kay Mr. Eliazar?” Tanong ni Yohan na ikinagulat ko.
Napabuntong-hininga na lang ako. “Alam kong mali ang mang-akusa ng isang tao pero pakiramdam ko ay may alam si Kuya Maverick tungkol sa pagkamatay ni Trey. Hindi man siya ang pumatay kay Trey ay pakiramdam ko talaga na may alam siya sa mga nangyayari.” Bigla naman siyang napahinto dahil sa mga sinabi ko.
“H-Hindi naman siguro, Sarina. Nagkasagutan man sila ni Trey sa bahay ninyo ay baka wala naman talaga siyang alam sa mga nangyayari. Mr. Eliazar seems like a nice guy at baka mali ka lang ng first impression sa kanya. Mali na iniisip mo na may kasalanan si Mr. Eliazar sa pagkamatay ni Trey kahit pa may alitan sila sa kung saan man ’yan. I think you should say sorry to him.” Napaisip at ako naman ang mga napahinto sa sinabi niya.
May punto si Yohan. Wala naman akong sapat na ebidensiya para paghinalaan si Kuya Maverick tungkol sa pagkamatay ni Trey. May alitan man sila noon ay hindi ibig sabihin na kaya na rin niyang pumatay o may alam siya sa pagkamatay ni Trey. Mali ’tong pag-aakusa ko dahil sigurado ako na baka masaktan lang si Macy dahil pinaghihinalaan ko ang kuya niya.
“Tama ka, Yohan. Kailangan kong magsorry kay Kuya Maverick. Hindi nga tama na nambibintang ako sa kasalanang baka hindi naman talaga niya ginawa.” Malungkot kong pagkakasabi.
Ngumiti naman si Yohan sa akin saka niya hinapit ang bewang ko dahilan para mailang ako sa kanya. Ilang taon na kaming magkaibigan ni Yohan pero naiilang at parang hindi pa rin ako kumportable na sobrang lapit niya sa akin. Ewan ko ba kung naiintimidate lang ako dahil sa gwapo siya o talagang kinakabahan lang ako sa kanya.
“That’s right, Sarina. Nandito naman ako para sa’yo, e. Namatay man si Trey ay may kaibigan ka pa rin na aalalay at susuporta para sa’yo. Simula ngayon ay mas aalagaan at poprotektahan kita sa abot ng makakaya ko.” Sabi niya habang titig na titig sa akin.
Tumango na lang ako at umiwas ng tingin sa kanya. Bakit parang ayokong tignan si Yohan nang matagal? Bakit parang natatakot ako sa tingin niya mula sa mga mata ko? Bakit ngayon ko lang napansin na ibang klase ang mga titig niya sa akin? Am I being paranoid again?
“S-Salamat.” Sabi ko na lang at pilit nilalabanan ang tensiyon na nararamdaman ko.
Ngumiti naman siya sa akin at hinagod ang braso ko.
“Sarina, can we talk?”
Napaangat na lang ako ng tingin nang makita ko si Kuya Maverick na nasa harapan namin ngayon ni Yohan. Saglit silang nagkatitigan ni Yohan bago siya ulit bumaling sa akin.
“S-sige.” Sabi ko naman at kaagad nang tumayo. Tumingin naman ako kay Yohan at tumango lang ito.
Sinundan ko na lang si Kuya Maverick hanggang sa huminto kami sa tapat ng graveyard ng isang mayaman na pamilyang chinese.
Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita. “Sarina, I’m-”
Hindi ko na pinatapos pang magsalita si Kuya Maverick nang magsalita kaagad ako. “I’m sorry po kung pinaghihinalaan ko po kayo sa biglaang pagkamatay ni Trey. Alam kong nagkaalitan po kayo noon sa bahay namin pero hindi niyo naman po siguro magagawang pumatay ng tao ’di ba? Naikwento po kasi kayo ni Macy sa akin at mabait po talaga kayong kuya para sa kanya.” Nahihiya kong sabi.
Nagulat naman si Kuya Maverick sa sinabi ko hanggang sa unti-unti siyang napangiti. “I understand, Sarina. Ako ang huling nakausap ni Trey bago pa man siya namatay at medyo nagkasagutan pa kami kaya naiintindihan ko na iisipin mo talaga na baka may kinalaman ako sa pagkamatay ng kababata mo. Hindi biro na mawalan ng isang kaibigan lalo pa’t naging espesyal siya sa buhay mo.” Sincere niyang pagkakasabi.
Dahil sa mga narinig ko mula kay Kuya Maverick ay hindi ko na naman mapigilang mapaluha ulit. Ang hirap tanggapin na sa isang iglap lang ay nawala na si Trey. Parang kanina lang ay nakakausap at kakulitan ko pa siya tungkol sa mga bagong video games niya na lalaruin namin. Mamimiss ko rin ang pagtawag niya sa akin ng Sasa na nickname na tanging siya lang ang tumatawag sa akin nun.
“Mamimiss ko si Trey. Mahal na mahal ko po siya..” Napahinto naman si Kuya Maverick sa sinabi ko saka ito lumapit pa sa akin at ngumiti ng pilit.
“Please don’t cry again. That’s a life. There is always a person that will leave but someone will stay and always by your side.” He said then hugged me suddenly.
This unfamiliar feeling. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko at parang biglang huminto ang oras nang niyakap ako ni Kuya Maverick. Hindi ako kinakabahan o natatakot sa mga ikinikilos niya ngayon at pakiramdam ko ay napapawi ang lahat ng kalungkutan ko dahil sa yakap niya. Ano ba ’tong nararamdaman ko? Bakit nangyayari sa akin ito?
Kumalas naman siya mula sa pagkakayakap sa akin habang nakatitig sa mga mata ko. His eyes is very intimidating na kahit sinong babae ay matutunaw dahil sa klase ng mga tingin niya. Maverick Eliazar is very attractive and intimidating guy.
“I am always here for you, Sarina..” He said while looking straight to my eyes.
And his words makes my heart beats faster.
–
Sorry kung ngayon lang nakapag-update. May problema lang talaga ako pero maayos na ako ngayon. Salamat sa patuloy na nagbabasa, bumoboto at nagcocomment. Nag #195 na siya sa General Fiction. Ayiee salamat po.
Chapter 22
ALEX’S POV
Napangiti na lang ako nang makareceived ako ng text mula kay Jenica at sinasabi niyang pumunta raw ako sa Canteen dahil nandoon siya pati na rin ang mga kaibigan niya. I smiled at that thought na pumayag siyang ligawan ko siya. Simula kasi noong una kong makita si Jenica ay kaagad nang nahulog ang loob ko sa kanya. Nagustuhan ko siya hindi dahil sa maganda siya kundi nakikita ko na isa siyang mabuting tao at kaibigan, nakikitaan ko rin siya ng leadership bilang isang Captain ng Volleyball Team ng St. Therese. Kaya nga noong makita ko siyang umiiyak nang dahil sa break-up nila ni Ulysses ay hindi na ako nag-atubiling damayan at samahan siya. Kung ako na lang sana ang unang minahal ni Jenica ay hindi na siya masasaktan ng ganon.
“Abot langit ang ngiti mo diyan brad, ah?” Puna sa akin ni Wayne na kasalukuyang nag-aayos ng gamit sa loob ng locker niya.
Nginitian ko lang siya. “Pakiramdam ko talaga e, sasagutin na ako ni Jenica.” Full of confidence kong sagot.
“Weh? Ang lakas naman ng bilib mo sa sarili mo na sasagutin ka na ni Captain Jenica. Huwag ka namang magpakampante, brad.” Nakangisi niyang sabi.
Nagkibit-balikat na lang ako at aalis na sana nang pigilan ako ni Wayne. “Brad, kumusta na si Sarina? Hindi ba’t pumunta kayo nila Yohan sa libing ng kababata niya? Okay na ba siya?” Nag-aalala niyang tanong.
Napakunot-noo naman ako dahil sa biglang pagbabago ng mood niya. “I think she’s now okay. Nandiyan naman si Yohan para bantayan at damayan siya. Don’t tell me na may gusto ka kay Sarina?” Nakataas-kilay kong tanong sa kanya.
Umiling lang siya at umiwas ng tingin sa akin. “H-Hindi ah. S-Siyempre tinatanong ko lang naman sa’yo kung maayos ba siya dahil mahirap mawalan ng isang kaibigan lalo na’t kababata niya pa.” Nauutal naman niyang sagot.
Napatawa naman ako ng mahina at tinapik siya sa balikat. “Tama ka naman, Wayne pero halata naman na may gusto ka kay Sarina. Itago mo na lang ’yang nararamdaman mo dahil mahihirapan kang banggain si Yohan.” Napatigil siya sa sinabi ko at akmang magsasalita na nang tuluyan ko na siyang iniwan sa locker room.
Napailing at napangiti na lang ako nang maalala ko na nagkagusto rin ako kay Sarina noon at sobra akong nabaliw sa kanya pero dahil sa alam kong wala naman akong pag-asa sa kanya ay nabaling na lang ang atensyon ko kay Jenica.
Sino ba namang lalake ang hindi magkakagusto kay Sarina?
Pagkarating ko sa Canteen ay nakita ko kaagad si Jenica na kumakaway sa akin. Kasama niya sa table sila Sarina na medyo malungkot ang ekspresiyon, Yohan, Macy at Walter. Napapansin ko na parang napapalapit na si Walter kay Macy na isang transferee. Hindi kaya may gusto siya kay Macy? Hindi naman siguro malabong mangyari ’yon dahil maganda at mabait naman ito.
Nilapitan ko naman sila at tumabi kay Jenica. “Nandito ka pala, Walter.” Nakangiting bati ko kay Walter.
Ngumiti lang naman siya sa akin at inakbayan ang namumulang si Macy. “Kami na ni Macy, bro.” Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya at ultimo’y nagulat.
“Talaga? Tangina. Ang bilis mo naman, bro.” Natatawa kong sagot kaya natawa rin ang iba pa naming mga kasama.
“Nakakagulat nga ang dalawang ’to. Parang noon ay hindi naman sila nagpapansinan tapos ito ngayon, ibabalita na lang nila sa amin na sila na pala.” Natatawa namang sambit ni Jenica nang inakbayan ko siya.
“Wala nang ligaw-ligaw na nangyari? Samantalang ako nga ay nililigawan pa lang si Jenica na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sinasagot.” Kunwari ay malungkot kong sabi kaya nakatikim ako ng isang batok mula kay Jenica.
“Aray naman, honey. Masakit!” Reklamo ko sa part na binatukan niya.
Inirapan lang naman niya ako. “Maghihintay kang sagutin kita o panghabang-buhay na lang kitang hindi sasagutin?” Pagbabanta niya na ikinagulantang ko naman.
Ngumiti na lang ako ng pilit. “Ikaw naman, honey hindi ka mabiro. Sabi ko nga. Hehe. Congrats ulit Macy and Walter.” Sabi ko sa magsyota. Inirapan lang naman ulit ako ni Jenica at humalukipkip na lang.
“S-Salamat.” Nahihiyang sagot ni Macy.
“Hindi ko alam na under na under ka pala ni Jenica, Alex. Ngayon lang kitang nakitang ganyan.” Nakangising sabi ni Yohan.
“Kapag mahal mo talaga ang isang tao e, lahat gagawin mo para sa kanya kahit pa alilain ka niya.” Seryoso kong pagkakasabi na ikinatango na lamang niya.
Sandali naman akong napatingin kay Sarina na nakangiti pero alam ko namang nalulungkot pa rin siya dahil sa pagkamatay ng kababata niyang si Trey. Medyo nalungkot rin ako para sa kanya na hindi ko alam kung bakit. Alam ko na nililigawan siya ng Trey na ’yon base sa mga naikwento sa amin ni Yohan at talagang mahal na mahal raw ni Sarina iyon. Pero ang nakapagtataka lang ay bakit nga ba biglaan ang pagkamatay ng lalakeng iyon? Masyado na ba talagang malaki ang galit ng tao o ng mga taong pumatay sa kanya? May nakaalitan kaya ang Trey na iyon na isang mapanganib at mahirap na banggaing tao? Hindi na nakapagtataka dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy ng mga pulis kung sino nga ba ang taong sangkot sa pagkamatay ni Trey.
**
Pagkatapos naming kumain sa Canteen ay kaagad na kaming dumiretso sa field ng school para panoorin sila Jenica at Sarina kasama ang team nila na maglaro ng Volleyball. Hindi na ako nagulat na maraming mga estudyanteng lalake ang makikinood rin dahil halos lahat ng mga kamiyembro nila Jenica at Sarina ay magaganda at hindi maipagkakaila na mga sexy. Ang suot pa nilang uniform para sa Volleyball Team nila ay isang V-neck na blue green t-shirt at maikling shorts kaya mas lalong nae-expose ang mga balat at legs nila. Aminin ko man o hindi pero ayoko ng klase ng uniform nila dahil maraming mga lalakeng estudyante ang hayok sa laman ng mga babaeng estudyante ng St. Therese.
Humiwalay na sa amin sina Jenica at Sarina na nakapagpalit na ng P.E uniform nila at sumama na sa team nila habang umupo naman kami nila Yohan, Macy at Walter sa bench ng field.
“Grabe. Ang daming lalakeng estudyante ang nanonood ngayon.” Namamanghang sabi ni Macy at nilibot ng buong tingin ang school field. Karamihan nga ay lalake ang mga audience ng Volleyball Team. May mangilan-ngilan ring mga estudyanteng babae pero mas marami pa rin ang mga lalakeng estudyante.
“Alam mo na, nakikinood lang ang mga ’yan para makaboso o makatsansing sa mga Volleyball team members na maglalaro. Especially ay nagpunta pa talaga sila dito para kay Sarina. Kalahati yata ng populasyon ng mga lalakeng estudyante dito sa St. Therese ay may gusto sa kanya.” Sabi naman ni Walter.
Totoo iyon. Kaya nga hindi na ako nagulat na si Wayne ay mukhang interesado rin kay Sarina. Sarina got all the boys here in St. Therese. Sarina is a Goddess-like-girl.
Napatingin naman ako ay Yohan na kanina pang tahimik habang nagmamasid kay Sarina na nagwawarm-up kasama ang iba pa nitong mga kamiyembro. I know that he loves Sarina so much. Kahit hindi man niya sabihin ay nakikita ko iyon sa mga ikinikilos niya kapag kaharap o kausap niya si Sarina. Yohan is a mysterious guy at hindi ko alam kung may mga itinatago pa ba siyang sikreto sa amin kahit mahigit apat na taon ko na siyang kamiyembro sa Basketball Team namin.
Ilang minuto lang ay nag-uumpisa na ang warm-up game. Nakatutok kaming lahat sa team nila Jenica at Sarina. Napapangiti na lang ako dahil ang cute talaga ni Jenica sa paningin ko pero bigla na lang akong napapatingin rin kay Sarina. Lumingon naman si Jenica sa akin at nginitian ako. Kinindatan ko naman siya at nag flying kiss pa. Nakita naman iyon ng mga kasama niya at mukha silang kinilig dahil sa ginawa ko. Napayuko na lang si Jenica dahil sa hiya at nakita ko na namumula na siya marahil sa sobrang hiya.
Nag-umpisa na nga ang laban nila at lahat kami ay natahimik na. Sa Volleyball Team ay talagang sina Jenica at Sarina ang pinakamagagaling. Sa apat na taon na nilang pagiging Volleyball Team members ay nahasa at nag-improve na sila sa paglalaro ng Volleyball.
“Wow. Ang galing naman nina Sarina at Jenica sa pagtira ng bola.” Namamanghang sabi ni Macy habang nanonood.
“Sinabi mo pa. Talagang namaster na nila ang Volleyball simula nang maglaro sila niyan since first year high school pa lang.” Sagot naman ni Walter at inakbayan si Macy.
“Shit! Nakakalibog talaga si Sarina.” Rinig kong sabi ng isang estudyanteng lalake na nasa likuran lang namin na nakikinood rin.
“Ang puti ng mga hita, dude. Ang sarap ikama niyan at halik-halikan.” Sabi pa nung isa.
“Bawing-bawi rin sa mukha. Ang sarap rin niyang ipagyabang sa mga tropa kong inggitero.” Natatawa namang sabi nung isa.
Sa hindi namin inaasahan ay bigla na lang sumugod si Yohan sa pwesto ng mga lalakeng nasa likod lang namin at nag-umpisa nang bugbugin ang lalakeng nag-uusap patungkol kay Sarina. Natigil ang lahat sa kanilang mga ginagawa at maging pati ang Volleyball Team ay napahinto dahil sa biglaang pagwawala ni Yohan. Natakot ako sa aurang pinapakita ni Yohan ngayon. Para bang sanay na sanay na itong manakit ng isang tao. Nanlilisik ang mga mata niya habang patuloy pa ring pinagsusuntok sa mukha ang isang lalakeng estudyante na binabastos lang kanina si Sarina.
Is this the other side of Yohan? Ibang-iba siya ngayon sa Yohan na palaging nakangiti at kalmado.
“Ang kapal ng mukha niyong bastusin si Sarina. Mga hayop kayo!” Galit na galit niyang sigaw habang patuloy pa rin sa pambubugbog sa lalake.
Halos hindi na makakilos ang lalake dahil sa dami ng mga natamo niyang sugat, galos at pasa sa mukha niya. Nakita ko naman ang takot sa mga mata nila Macy maging pati na rin ang iba pang mga estudyante na nanonood sa ginagawang pambubugbog ni Yohan sa lalake. Hindi naman halos makalapit ang iba pang mga lalakeng pinag-uusapan rin si Sarina sa kaibigan nilang binubugbog ngayon ni Yohan. Lumapit na ang buong Volleyball Team sa pwesto nila at halos maiyak na sila Jenica at Sarina sa nasasaksihan nila ngayon. Wala na kaming sinayang na oras ni Walter at inawat na namin si Yohan at inilayo sa lalakeng nakahandusay na ngayon sa sahig.
“Yohan, tama na yan. Baka mapatay mo na siya.” Awat ni Walter.
“Talagang mapapatay ko siya dahil binabastos nila si Sarina!” Sigaw naman ni Yohan at akmang susugod na ulit nang mapigilan namin siya.
“Pre, tumigil ka na.” Sabi ko naman.
Sinenyasan ko naman ang mga lalakeng kasama ng binugbog ni Yohan na ilayo na sa amin ang kaibigan nila at walang alinlangan nilang inalalayan itong tumayo at umalis na sa pwesto namin ng mabilisan.
“Shit! Bubugbugin ko pa sila. Bakit mo sila hinayaang umalis?” Galit na galit na sigaw ni Yohan sa akin.
Nakita ko namang lalapitan na sana kami ni Sarina nang pinigilan ko siya sa gagawin niya sa pagsenyas na ginawa ko. Tumango naman ito habang umiiyak pa ring pinapatahan ni Jenica. Kaagad naman naming hinila ni Walter si Yohan papuntang clinic habang patuloy pa rin siya sa pagwawala.
Napabuntong-hininga na lang ako. Nakakatakot si Yohan ngayon. Totoo ngang hindi pa namin siya lubos na kilala at baka may iba pa siyang side na tinatago.
Chapter 23
SARINA’S POV
Kasama sila Jenica at Macy ay kaagad naming pinuntahan si Yohan sa clinic. Nang dahil sa akin kaya siya napaaway. Nasabi kasi ni Macy na pinag-uusapan at binabastos raw ako ng mga nakaaway ni Yohan na estudyante lang rin dito sa St. Therese. Narinig ni Yohan ang pambabastos nila sa akin kaya hindi na ito nakatiis at sinugod na ang mga lalakeng iyon. Naiintindihan ko naman kung bakit nagawa ni Yohan ang bagay na ’yon pero kanina lang talaga ay hindi ko mapigilan ang takot ko nang makita siyang binubugbog at sinasaktan ’yung lalakeng estudyante na nambastos sa akin. Sa buong buhay ko ay ngayon ko lang nakitang magalit si Yohan nang ganon. Kung hindi pa nga siya napigilan nina Alex at Walter ay baka napatay na niya ’yung lalake.
Nang makarating na kami sa clinic ay naabutan namin si Yohan na tahimik lang habang ginagamot ng isang nurse ang mga sugat niya sa kamay. Nasa tabi naman niya sina Alex at Walter. Lumapit naman kami kaagad sa pwesto nila.
“I think, kailangan na naming umalis. Mas maganda siguro kung mag-usap muna kayong dalawa.” Sabi ni Alex at nilapitan si Jenica. Ganon rin si Walter at nilapitan si Macy saka ito hinapit sa bewang niya.
Tumango na lang ako hanggang sa makaalis na sila. Nang matapos na ang nurse sa paggamot ng sugat ni Yohan ay umalis na rin ito hanggang sa kaming dalawa na lang ni Yohan ang naiwan.
“Yohan..” Panimula ko.
Nakatingin lang siya sa bintana ng clinic at mukhang malalim ang iniisip niya. Napabuntong-hininga na lang ako saka tumabi sa pwesto niya.
“Are you mad at me?” Tanong niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin niya sa bintana.
Umiling naman ako. “Hindi, ah. Naiintindihan ko naman kung bakit mo nagawa ’yon. Binabastos ako nung lalakeng binugbog mo, ’di ba? At alam ko na ayaw mo akong binabastos nang kahit sino kaya siguro hindi ka na nakapagpigil pero Yohan, hindi mo naman sila kailangang saktan pa ng ganon. Ayokong baka masaktan ka rin nila. Importante ka sa akin dahil espesyal kang kaibigan para sa akin.” Puno ng sincerity kong pagkakasabi.
Napatawa naman siya nang mahina sa sinabi ko saka nito hinawi ang buhok niya at humarap sa akin.
“Espesyal akong kaibigan para sa’yo, Sarina? Ni minsan ba ay hindi pa higit doon ang nararamdaman mo para sa akin?” Seryoso niyang tanong.
“Anong ibig mong sabihin, Yohan?” Naguguluhan kong tanong.
Bigla naman niyang hinawakan ang magkabilang kamay ko at tumingin ng diretso sa mga mata ko. Seryosong-seryoso ang dating niya at para bang may sasabihin siya na napakaimportante.
“Sarina, Mahal kita.”
Napatigil naman ako dahil sa sinabi niya at akmang bibitawan na ang kamay niya nang pinigilan niya ako at mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.
“Alam kong nabigla ka dahil sa sinabi ko pero hindi ko na kasi kaya pang itago ang nararamdaman ko para sa’yo. Simula nang magkakilala tayo noong first year pa lang ay minahal na kita. Hindi ko mapigilang magkagusto sa’yo dahil napakabait at maaalalahanin kang kaibigan para sa akin. Natutuwa rin ako kapag tinutukso tayo na bagay daw tayo para sa isa’t-isa dahil gwapo ako at maganda ka. Sarina, mahal na mahal kita. Alam kong kamamatay pa lang ng kababata mong si Trey pero nandito naman ako, kaya kong palitan ang pwesto niya diyan sa puso mo.” Sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
Pilit ko pa rin iniintindi ang mga sinabi niya at nang matauhan na ako ay umiling lang ako at lumayo ng kaunti sa kanya. Pilit ko na rin tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko at nagtagumpay naman ako.
Napapikit ako saka nagmulat ulit. “Yohan, nabigla ako dahil sa pag-amin mo. Hindi ko alam na ganyan na pala ang nararamdaman mo para sa akin.”
“Sarina, Oo at-”
“You know when in the first place ay kaibigan lang ang tingin ko sa’yo, right?” Tumango naman siya dahil sa sinabi ko at magsasalita pa ulit sana siya nang inunahan ko siya.
“I only treated you as my friend, Yohan and I appreciate all of good things you did to me pero kasi, hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa’yo. Alam mo naman siguro at naikukwento ko sa inyo ni Jenica na si Trey lang talaga ang mahal ko noon pa man at ngayon kahit wala na siya.” Mukha naman siyang hindi makapaniwala sa sinabi ko at tinawanan lang ako.
“Patay na nga si Trey, ’di ba? Makakaya mo bang magmahal ng patay? Bakit ba ayaw mo sa akin, Sarina? Mas gwapo naman ako kaysa sa Trey na ’yon, mas matalino, mas sikat, mas matangkad at higit sa lahat ay palaging nandiyan para sa’yo tapos kahit patay na siya ay mamahalin mo pa rin siya?” May pang-aasar niyang pagkakasabi. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at sinampal siya na ikinabigla niya.
Nangilid na rin ang luha ko dahil sa mga sinabi niya. Walang kahit sino man ang pwedeng kumwestiyon ng pagmamahal ko para kay Trey. Hindi nila alam ang mga pinagdaanan at pinagsamahan ng pagkakaibigan namin kaya humantong na ito sa punto na nagmamahalan na kami. Walang kahit sinuman ang pwedeng humusga ng pagmamahal ko para sa kanya. Si Trey lang ang mamahalin ko kahit patay na siya.
“Siguro nga tama ka, Yohan. When it comes to physical appearance at sa pagiging matalino ay mas lamang ka kaysa kay Trey pero hindi ’yon ang basehan kung bakit ko siya minahal. Alam mo kung ano? He had a good heart. Marami siyang ginawang magaganda at masasayang bagay sa akin noon na naging dahilan kung bakit ko siya minahal. Trey is my strength, my savior, my shoulder to cry on and my knight in shining armor. You don’t have any rights to judge my love for him. Hindi siya katulad mo na puro yabang lang ang alam. You’re a good friend to me, Yohan pero ngayon ay napatunayan ko na puro kayabangan lang ang alam mo. Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo at iniisip mo na aayon sa’yo ang lahat.” May hinanakit kong sabi.
Alam kong mali ang mga huling sinabi ko sa kanya dahil naging isang mabuting kaibigan naman talaga si Yohan para akin pero sobra talaga akong nasaktan dahil hinusgahan niya ang pagmamahal ko para kay Trey at ayoko ng ganon.
Napangisi naman si Yohan sa sinabi ko saka ito tumayo at nagcross-arms. “Talaga, Sarina? Puro kayabangan lang ang alam ko? Siguro nga tama ka pero may karapatan naman akong magyabang, ’di ba? I’m almost perfect. Sa mundong ’to ay hindi na uso ang magpakita ng kahinaan at hindi magyabang. Ngayon ay nalaman mo na ganito talaga ako. Mahal kita at alam kong mahal mo si Trey pero hindi ko isusuko ang pagmamahal ko sa’yo. Nasimulan ko na ’to at hindi na ako aatras pa. Ngayong wala na si Trey ay wala ka nang ibang choice kundi ang mahalin ako.” Sabi niya.
Tinignan ko naman siya na parang nahihibang na dahil sa mga sinabi niya at tumayo na rin. “Naririnig mo ba ’yang mga sinasabi mo? Wala akong ibang choice kundi ang mahalin ka? Baliw ka na.”
“Oo, baliw na nga ako sa’yo, Sarina pero akala mo ba ay hindi ko napapansin na nagkakagusto ka na kay Maverick Eliazar? Ayan ba ang sinasabi mong loyal ka sa pagmamahal mo kay Trey?” Nakangisi niyang pagkakasabi na ikinahinto ko naman.
Nagkakagusto na ako kay Kuya Maverick? Paano niya nasabi iyon? Alam kong may hindi ako maipaliwanag na nararamdaman sa tuwing kaharap ko si Kuya Maverick pero hindi ko alam kung dahil lang ba sa takot ko iyon sa kanya o naiintimidate lang talaga ako sa tindig niya.
Umiling lang ako dahil sa sinabi ni Yohan. “Wala akong gusto kay Kuya Maverick. I only treated him as my older brother at dahil ’yon sa kapatid siya ni Macy.” I said.
Tumawa na naman siya sa sinabi ko. “Really? But why you’re so defensive? Aminin mo na, Sarina. May gusto ka sa matandang lalakeng ’yon. I didn’t know na magkakagusto ka lang pala sa isang matandang lalake na kapatid ng bestfriend mo. Nakakatuwa na pinagpalit mo si Trey-”
And I slapped him for a second time. Napahawak lang naman siya sa pisngi niyang sinampal ko at ngumisi lang sa akin.
“You’re crazy, Yohan. Nag-iisip ka na ng kung anu-ano tungkol sa amin ni Kuya Maverick and I will say this to you, Si Trey lang ang mamahalin ko kahit na kailan!” I shouted at him at kaagad nang lumabas sa clinic.
Nang makalabas na ako ng clinic ay napahawak ako sa dibdib ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko ng sobrang bilis lalo pa’t kanina nang binanggit ni Yohan na nagkakagusto na raw ako kay Kuya Maverick. Paano niya nasabi iyon? Nahahalata niya ba ito sa mga ikinikilos ko kapag kaharap ko si Kuya Maverick? Or maybe..
I’m already in love with Maverick Eliazar?
–
Sorry sa matagal na hindi pag-uupdate. Busy na kasi talaga ako sa paghahanap ng work. Naisipan ko na magtrabaho muna para sa family. Madalang na lang ako makakapag-update pero tatapusin ko pa rin ’tong story. Salamat sa mga patuloy na nagbabasa ng Danger Alley. Love you guys.
Chapter 24
ACE’S POV
Nandito ako ngayon sa labas ng building ng kompanya nila Annika habang nakasandal ako sa motor ko at naninigarilyo. Hindi ko inaasahan na magiging malapit kami sa isa’t-isa. Mabuti na lang talaga at naisipan kong sumama kay Yohan sa libing ng pinatay niyang si Trey, nakakatuwa nga lang at kapatid pa ni Sarina na gusto ni Yohan ang natitipuhan kong babae ngayon. Sa maikli rin na panahon ay sisiguraduhin kong magiging akin si Annika.
Maraming mga taong dumadaan ang napapatingin sa akin lalo na ’yung mga babae kaya nginingitian ko naman sila at halata na nagugustuhan nila ang ginagawa ko dahil halos magtatalon na sila sa kilig nang dahil sa akin. Kung sa pagwapuhan lang ay hindi naman ako nalalayo kila Yohan at Kuya Aldwin at may ibubuga rin naman ako. Kaya nga hindi nahahalata ng ibang mga hindi nakakakilala sa amin na mahirap lang kami dahil meztiso at matatangkad rin kami. Namana naming magkakapatid ang magandang lahi ng nanay namin.
Napatayo ako nang tuwid at itinapon sa sahig ang sigarilyong hawak ko nang makita kong papalabas na si Annika mula sa building ng kompanya nila na pinagtatrabauhan niya. Napatunganga na lang ako sa angking kagandahan niya. Maganda rin siya katulad ng kapatid niyang si Sarina. Napakasexy niya at napakaputi rin kaya nababagay lang siya sa isang katulad ko na pinagpala rin sa itsura.
Nang makita niya ako ay kinawayan niya ako at lumapit papunta sa akin pero napakunot-noo na lang ako nang mapansin ko na may kasama pala siyang lalake. Nainis ako dahil sumunod rin ito kay Annika habang papalapit na sa akin.
“Hi, Ace. Sorry kung medyo natagalan kami. May inasikaso pa kasi akong mga files e.” Paumanhin niya.
Umiling at ngumiti naman ako saka kinuha ang hawak niyang bag at ako na mismo ang nagdala. Nakatingin lang sa amin ang lalakeng kasama niya pero hindi ko pa rin ito pinapansin.
“Okay lang, Annika. Hindi naman ako masyadong naghintay ng matagal.” Sabi ko habang nakangiti.
Ngumiti naman siya sa akin at ipinakilala na ang kasama niyang lalake. Hindi ko mapigilang hindi mainsecure sa lalakeng kasama niya. Gwapo rin ito pero mas gwapo pa rin ako. Mukha rin itong mayaman dahil sa suot niyang damit, relo at sapatos. Sigurado akong mayaman ang pamilya niya katulad rin nila Annika. Napakuyom na lang ako ng kamao ko dahil sa naiisip ko.
“Ace, siya nga pala si Bryan Jimenez. Isa siya sa mga investor ng kompanya namin.” Pagpapakilala ni Annika sa lalakeng kasama niya.
Investor ng kompanya nila? Mayaman nga.
Ngumiti naman sa akin ang Bryan Jimenez na ’to at gusto pang makipag-kamay sa akin. “Hello. I’m Bryan Jimenez.”
Kahit kumukulo na ang dugo ko at gusto ko nang suntukin ang lalakeng kasama niya ay nginitian ko pa rin ito at tinanggap ang pakikipagkamay niya sa akin.
“Ako naman si Ace Suarez. Manliligaw ni Annika.” Nginisian ko naman ito na ikinatahimik niya, tinanggal ko na rin ang pakikipag-shake hands niya sa akin habang si Annika naman ay namula dahil sa sinabi ko at napayuko.
Nililigawan ko si Annika. Alam kong hindi naman niya inaasahan ang sinabi ko pero alam naman niyang ayon talaga ang pakay ko sa kanya. Sinabi ko sa kanya na liligawan ko siya sa ayaw at sa gusto niya. Siyempre, noong una ay tinanggihan niya ako pero dahil sa kung anu-anong mga pambobola at pang-uuto ang ginawa ko kaya napapayag ko na rin siya.
“Ah. I see. so, you’re courting Annika, then.” Sabi niya sa parang dissappointed na tono.
Napangisi naman ako at inakbayan si Annika. “Yes. I’m courting her. Right, Annika?” Takte! Napapa-english pa ako dahil sa gunggong na ’to. Pasalamat na lang talaga siya at kahit papaano ay natuto akong mag-english dahil sa mga napapanood kong pelikuha ni Jason Statham. Nakakahiya naman kay Annika na mahirap na nga lang ako e, ang bobo ko pang mag-english.
Nahihiya namang tumango at ngumiti si Annika sa Bryan na ’to. “O-oo Bryan. Nililigawan ako ni Ace.” Tumango lang naman si Bryan.
“Ah, okay. I’ll go ahead. I need to go to my next client. See you tomorrow na lang, Annika. Its nice to meet you too, Ace.” Pagpapaalam nito sa amin.
Tangina. Masyadong pa-cool.
Tumango na lang ako habang si Annika naman ay nagpaalam na rin sa kanya. “Sige, Bryan. Ingat ka.”
“I will.” Sabi niya at umalis na rin sa harapan namin.
Nang kaming dalawa na lang ni Annika ang naiwan ay hinawakan ko ang kamay niya at nginitian siya. Halata naman ang pagkagulat niya dahil sa ginawa ko pero ngumiti na lang ito ng pilit.
“Gusto mo bang ipakilala na kita sa pamilya ko?” Sabi ko na ikinagulat niya.
“H-Ha? Eh, kasi Ace-”
“Sige na. Yung Kuya ko lang naman at si Na- I mean Mommy ang nasa bahay ngayon. Nasa school pa kasi si Yohan. Sigurado akong matutuwa sila kapag ipinakilala na kita sa kanila.” Sabi ko.
Para naman siyang hindi mapakali dahil sa sinabi ko. Nakikita ko rin na mukhang hindi pa siya handang harapin ang pamilya ko pero sinisigurado ko lang na mapapasaakin na si Annika. Baka kasi magkaroon pa ng chance ang Bryan na iyon at ligawan siya. Halata namang interesado siya kay Annika kaya hinding-hindi ko siya uurungan. Papatayin ko muna siya bago niya maagaw sa akin si Annika.
Bumuntong-hininga na lang ito at tumango. “S-Sige.”
Napangiti na lang ako sa tuwa at inaya na siyang sumakay sa motor ko. Mabuti na lang talaga at nakadekwat ng 25 Million si Yohan kay Maverick Eliazar kaya nakabili kami nila nanay at Kuya Aldwin ng magandang bahay. Umalis na rin kami sa iskwater na lugar na kinalakihan namin kaya ngayon ay nagbubuhay hari at reyna kami ng pamilya ko. Mautak talaga si Yohan. Nakakuha siya ng ganoong kalaking pera kay Maverick Eliazar makumbinsi lang nito na huwag paghinalaan ni Sarina ang mayamang businessman na iyon tungkol sa pagkamatay ni Trey kahit si Yohan naman talaga ang gumawa nun? Bilib na talaga ako kahit kailan sa kapatid ko.
Nang marating na namin ang Subdivision kung saan namin nabili ang bagong bahay namin ay hininto ko na ang motor ko sa tapat ng bahay at pinababa na si Annika. Mukha pa rin siyang tensiyonado at kinakabahan kaya hinawakan ko ang kamay niya.
“Huwag kang kabahan. Hindi nangangain ng buhay sina Kuya Aldwin at Mommy, nangangagat lang.” Natatawa kong sagot.
Natawa rin siya sa sinabi ko at hinampas ng mahina ang braso ko. “Puro ka talaga kalokohan, Ace.”
Napatitig na lang ako sa maganda niyang mukha at parang nakuryente pa ako at bigla na lang bumibilis ang tibok ng puso ko nang hinampas niya ng mahina ang braso ko. Ito ba ’yung pakiramdam na na-iinlove ka na sa isang babae? Hindi pa kasi ako nagkakaroon ng serious relationship dahil puro flings and flirting lang naman ang ginagawa ko.
“B-Bakit ganyan ka makatingin? Nakakailang, ah.” Marahil ay napansin niya na kanina pa pala ako nakatitig sa kanya kaya napaubo na lang ako at inayos ang sarili ko at bagong bili kong polo.
“Halika, pasok na tayo sa loob ng bahay namin.” Sabi ko na lang at hinawakan ang kamay niya at hinila na siya papasok sa bahay.
Nang makapasok na kami sa loob ay naabutan namin sina Nanay at Kuya Aldwin na nagtatawanan sa sala. Mabuti na lang at naibalita ko sa kanila na ipapakilala ko na si Annika sa kanila ngayong araw kaya nag-ayos at nagbihis mayaman sila. Baka kasi mahalata pa ni Annika na mahirap lang kami dahil sa mga damit at gamit na meron kami. Nakabili na kami ng mga bagong gamit sa bahay at pati na rin sa mga sarili namin. Mayaman na kami at hindi na kami babalik pa sa nakakasulasok na iskwater na kinalakihan ko.
Lumapit kami ni Annika sa pwesto nila kaya nabaling na sa amin ang atensiyon nila Kuya Aldwin at nanay. Napatulala pa si Kuya Aldwin nang makita si Annika kaya sinamaan ko ito ng tingin. Natawa naman siya ng mahina sa ginawa ko habang si nanay naman ay tumayo at nilapitan si Annika saka niya ito pinaupo sa sofa.
“Jusko! Ikaw ba si Annika Vicencio, hija?” Natutuwang tanong ni nanay kay Annika. Malamang ay natutuwa siya dahil alam niyang mayaman ang pamilya nila Annika at sinabi ko na rin sa kanila ni kuya na nakatatandang babaeng kapatid siya ni Sarina.
Tumango naman si Annika at ngumiti. “Ako nga po. It’s nice to meet you po pala.” Magalang niyang pagkakasabi kay nanay.
“Tawagin mo na lang akong Tita Giselle tutal ay magiging pamilya na rin naman tayo, hija. Napakaganda mo pala at mabuti na lang talaga at kay Ace ka napunta dahil bagay na bagay kayo ng anak ko.” Excited na banggit ni nanay na ikinailang naman ni Annika.
“S-Salamat po.” Nahihiyang sagot niya.
“Halika Annika, pumunta tayo sa kusina at ipagluluto kita ng mga masasarap na pagkain habang nagkukwentuhan tayo. Iwan na muna natin ’yang magkapatid dahil gusto pa kitang makilalang lalo. Ang magiging daughter-in-law ko!” Masayang sabi ni nanay at hinila na nga si Annika na wala nang ibang nagawa kundi ang sumunod kay nanay.
Nang makaalis na sila ay natawa na lang kaming dalawa ni Kuya Aldwin at napaupo sa sofa. Kumuha ulit ako ng sigarilyo at nagsindi ng isa.
“Mukhang gustong-gusto ni nanay si Annika para sa’yo, utol. Nice move dahil kapatid pa ni Sarina ang pinuntirya mo.” Nakangising sabi ni kuya saka ito sumandal sa sofa at umupo na parang hari.
Napangisi na rin ako at nang maalala ko ang Bryan Jimenez na iyon ay napasimangot ako.
“Oh? Bakit bigla na lang naging Biyernes-Santo ’yang mukha mo diyan?” Nagtatakang tanong ni kuya.
Napatiim-bagang naman ako at napakuyom ng kamao. “Bryan Jimenez.”
Napatitig si Kuya Aldwin sa akin hanggang sa unti-unti na niyang nagets ang sinabi ko at ngumisi pa ito.
“Karibal?” Tumango ako.
“Eh, di bigyan ng leksyon.”
Napangiti na lang ako dahil sa sinabi ni Kuya Aldwin.
Bakit nga ba hindi ko kaagad naisip iyon?
Chapter 25
SARINA’S POV
Todo-todo ngayon ang pag-iwas ko kay Yohan dahil sa mga sinabi niya sa akin sa Clinic. Hindi ko rin akalain na matagal na pala siyang may gusto sa akin. I didn’t expect na kaya niyang makapagsalita ng ganong mga bagay sa harapan ko. He even insulted my love for Trey at sa pagiging mayabang niya. I will never forgive him kahit pa naging isang mabuting kaibigan siya sa akin. Mabuti nga ba o ginagawa niya lang iyon para hindi masira ang tiwala ko sa kanya? I doubt it. Mabuti na lang at nasuspend siya ng 2 weeks dahil sa ginawa niyang pambubugbog sa nambastos sa akin kaya hindi ko na muna siya makikita ng pansamantala.
I took up a deep breathe and sigh. Totoo kaya ang sinasabi niyang nagkakagusto na ako kay Kuya Maverick? Aminin ko man o hindi pero nag-iiba talaga ang pakiramdam ko kapag kaharap ko siya. Bumibilis ang pintig ng puso ko hindi dahil sa kaba o takot kundi sa parang admiration at excitement kapag nakikita ko siya. Ibang-iba sa unang araw na nameet ko siya sa bahay nila Macy. Pero, he’s already 25 and i’m only 16 years-old. Alam kong age doesn’t matter naman pero parang mali pa rin dahil parang nakatatandang kapatid ko na rin si Kuya Maverick.
“Okay ka lang ba, Sarina?” Tanong ni Jenica habang kumakain kami sa Canteen.
Tumango na lang ako at ngumiti ng pilit. “O-Oo naman. Okay lang ako, Jenica.” Tinaasan naman niya ako ng kilay sa sinabi ko saka ito napailing.
“Iniisip mo pa rin ba ’yung mga sinabi ni Yohan sa’yo? Alam mo Sarina, matagal ko nang alam na may gusto si Yohan sa’yo pero hindi ko ineexpect na kaya niyang sabihin ang mga ganong bagay kay Trey gaya nga ng ikwinento mo sa akin. At ’yung pagyayabang niya sa looks niya at katalinuhan? Ibang-iba na siya sa Yohan na nakilala natin na humble, o ganon naman talaga siya pero hindi niya sa atin ipinapakita ’yon? Kapag nakapasok na ulit siya dito sa St. Therese ay iwasan mo na siya. He’s our friend pero sa mga sinabi at ipinakita niya sa’yo ay totoo ngang hindi pa natin siya lubos na kilala.” Sabi niya at hinagod ang balikat ko.
“Oo, Jenica. Tama ka. I should avoid Yohan starting from now on.” Ngumiti lang naman siya at pagkatapos ay tinapos na namin kumain para makahabol pa kami sa practice namin ng Volleyball.
**
Nang matapos na kami sa pagpapractice ng Volleyball sa gymnasium ay didiretso na sana kami ni Jenica sa classroom namin nang may humarang sa amin. Laking gulat ko nang makita namin si Yohan kasama ang ibang mga kateammates niya sa basketball na sa pagkakaalam ko ay mga nasa lower section ito. Hindi siya naka uniporme pero ang mga kateammates niya ay nakauniporme naman at halatang nagcutting-class lang.
Lalapit na sana siya sa akin nang hinarangan siya ni Jenica sa harapan ko.
“Anong ginagawa mo dito, Yohan? Di’ ba suspended ka ng dalawang linggo? Paano ka nakapasok dito sa loob ng school?” Pagalit na tanong ni Jenica.
Napangisi naman si Yohan sa sinabi ni Jenica at itinuro ang mga kateammates niya sa basketball. “Tinulungan nila akong makapasok dito sa loob. Gusto ko lang makausap si Sarina kaya umalis ka na sa harapan niya.” Sabi niya.
Tumawa naman ng mapakla si Jenica at hinila ako para mas matago niya ako sa likuran niya. “Ayaw ka na munang makausap ni Sarina kaya pwede bang umalis ka na? Gusto mong tumawag pa ako ng guard para mapaalis ka dito?” Nangigigil niyang sabi. Napahawak naman ako ng mahigpit sa kamay ni Jenica dahil sa totoo lang ay natatakot na akong harapin si Yohan ngayon.
Matapos ang mga sinabi niya sa akin sa Clinic ay tuluyan na rin akong natakot sa kanya. Ito ang unang pagkakataon na natakot ako kay Yohan. Napakaamo ng mukha niya pero totoo nga na hindi pa namin siya lubos na kilala ni Jenica. Baka may lihim pa siyang itinatago na hindi namin alam.
Natawa naman si Yohan sa sinabi ni Jenica at nagpamulsa pa ito. “Teka lang, Jenica. Bakit ka ba nangingialam sa ginagawa ko? Si Sarina ang gusto kong makausap kaya umalis ka na diyan.”
Nagulat na lang ako nang biglang hinila ng mga kateammates ni Yohan si Jenica palayo sa akin at tinakpan ang bibig nito gamit ang panyo habang ako naman ay tuluyan nang nahigit ni Yohan.
“Ano bang hindi mo maintindihan sa sinabi ko, Yohan? Ayaw na muna kitang makausap! Pakawalan niyo si Jenica!” Sigaw ko habang pilit pa rin na nagpupumiglas sa mga hawak niya.
Hinila na ako ni Yohan sa kung saan hanggang sa makalayo na kami kila Jenica. Nakarating kami sa tagong parte ng school at ipinasok niya ako sa isang abandonadong Stock Room. Iyak lang ako ng iyak habang siya naman ay nakangisi lang at isinara na ang pinto ng Stock Room.
“Pakawalan mo ako, Yohan! Parang awa mo na.” Naiiyak kong sigaw.
Nagkibit-balikat lang siya saka niya ako niyakap na para bang takot na takot siyang mawala ako sa kanya.
“Tatlong araw pa lang kitang hindi nakikita, Sarina pero pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa kakaisip sa’yo. Miss na miss na kita kaya hindi ko na napigilan pang hindi ka puntahan dito sa school. I missed you so much, love..” Malambing niyang sabi na ikinatindig ng balahibo ko.
He’s crazy.
Pilit naman akong kumakalas mula sa pagkakayakap niya pero mas lalo pang humigpit ang yakap niya sa akin. Napansin ko naman na nagkaroon na siya ng earrings sa kaliwang tenga niya at nagpakulay siya ng brown sa buhok niya. Nakabrush up rin ito na ibang-iba sa hairstyle niya na palagi kong nakikita. Mukha siyang badboy sa itsura niya ngayon na iba sa image niya sa St. Therese.
“Let me go, Yohan! Hindi kita mapapatawad sa mga sinabi mo kay Trey!” I shouted.
Bigla naman siyang napahinto sa sinabi ko at tinitigan akong bigla ng masama na siya namang nagpakaba sa akin.
“P*nyeta! Trey na naman? Patay na nga siya pero siya na naman ang bukambibig mo? Ganyan ka na ba kabaliw sa gagong ’yon?” Nakasigaw niyang tanong at hinawakan ng mahigpit ang braso ko na ikinangiwi ko naman sa sakit.
Hindi si Yohan ang kaharap ko ngayon na nakilala ko sa matagal na panahon. Ito siguro ang totoong Yohan na hindi na nagpapanggap sa harapan ko. Ito ang totoo niyang kulay. Isang mayabang, nakakatakot at aroganteng lalake.
Tinapangan ko naman ang loob ko at hinarap siya. “Huwag mong matawag-tawag na gago si Trey dahil sa inyong dalawa ay ikaw ang mas gago! Tanggapin mo na lang na kahit patay na si Trey ay siya lang ang magugustuhan ko at hindi ikaw-” Bigla naman niya akong sinampal na mas lalo pang nagpasakit sa kalooban ko.
“Huwag na ’wag mong ipapamukha sa akin kung gaano mo kagusto ang lalakeng iyon. Patay na siya, Sarina kaya wala ka nang magagawa kundi ang magustuhan mo ako. Wala na rin akong pakialam kung nagkakagusto ka na kay Maverick Eliazar. Sa akin ka lang! Naiintindihan mo?” Sabi niya at hinawakan ng mahigpit ang baba ko.
Tanging iyak na lang nagawa ko hanggang sa magflashback sa akin ang unang araw ng pagkikita namin ni Yohan.
Tahimik akong nagbabasa ng libro sa loob ng library nang may isang lalake ang tumabi sa akin na may mga hawak na libro. Nag-init bigla ang mukha ko nang makita ko si Yohan Suarez, isang sikat na Varsity Player ng St. Therese. Isa siyang gwapo, matangkad, matalino at chinito kaya karamihan ng mga estudyanteng babae sa St. Therese ay may gusto sa kanya. Aminado naman ako na nagagwapuhan ako sa kanya pero hindi naman ’yung tipong gusto ko siya dahil may iba nang nilalaman ang puso ko at loyal lang iyon kay Trey my loves ko.
“Hi. Patabi muna ako, ha? Wala na kasing ibang vacant seat kundi dito lang.” Tanong niya.
Tumango na lang ako habang pilit pa rin na pinipigilan ang pamumula ng mukha ko. Sino ba namang babae ang hindi maiintimidate sa ganito kagwapong lalake? Siya na yata ang pinakagwapong estudyante ng St. Therese bukod kay Ulysses Fernandez na isang Casanova at Varsity Player rin katulad niya.
Nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa ng libro hanggang sa napatalon ako sa gulat nang hinawakan ni Yohan Suarez ang isang kamay ko.
“You’re Sarina Vicencio, right?” Nakangiti niyang tanong sa akin.
Even his smile is brighter than my future.
“O-oo. Ako nga. Bakit mo pala ako kilala?” Tanong ko. Nagulat lang rin ako dahil hindi ko akalain na kilala pala ako ng isang Yohan Suarez.
“You’re famous especially sa mga estudyanteng lalake ng St. Therese. We all know you.”
Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya.
“Ha?”
Umiling lang siya at ngumiting ginulo ang buhok ko. “For real? Wala kang ideya d’on? You’re very interesting. Kakaiba ka.” He said.
Hindi ko na naman naintindihan ang sinabi niya at magsasalita pa sana ako nang bigla niyang pinasakan ng lollipop ang bibig ko at inayos na niya ang mga dala niyang libro saka nag-umpisa nang buklatin ito.
“Friends na tayo simula ngayon, Sarina.” Sabi niya habang nakafocus na siya sa libro na binabasa na niya.
Napangiti na lang ako ng unti-unti hanggang sa tumango na lang ako habang nakapasak pa rin ang lollipop na sinubo niya sa bibig ko.
Doon na nag-umpisa ang pagiging magkaibigan namin ni Yohan at sa hindi ko inaasahan ay magagawa niya akong saktan ngayon dahil lang sa hindi niya matanggap na hindi ko siya magugustuhan gaya ng pagkakagusto niya sa akin.
Nang makita niya akong umiiyak mula sa mga mata ko ay bigla na lang siyang napahinto at binitawan ako ng padabog. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at sinipa ang nakita niyang arm chair sa Stock Room kaya natumba ito.
Napasabunot siya ng buhok at umiling ng paulit-ulit.
“Shit!” Sigaw niya pagkatapos ay saka niya binuksan ang pinto ng Stock Room at bigla na lang lumabas.
Namalik-mata lang ba ako nang makita ko siyang umiiyak na?
–
Gulat ka no? Nag-update na si Ajai. Sorry medyo busy lang talaga at maraming problema. Keri lang to haha.
Chapter 26
MAVERICK’S POV
Napabuntong-hininga na lang ako pagkatapos ng mga gawain ko sa trabaho. Sarina doesn’t deserve a friend like that Yohan guy. Pumayag lang naman ako sa agreement ng lalakeng iyon dahil ayokong masira ang imahe ko kay Sarina. I don’t know why pero mahal ko na talaga si Sarina. Call me crazy, pedo or child abused pero hindi ko na talaga mapigilan pa ang nararamdaman ko. Hindi ko rin alam pero pakiramdam ko ay siya na talaga ang babaeng nakalaan para sa akin kaya nga nagpapasalamat ako at nakilala siya ni Macy. Pero hindi naman ako papayag na habangbuhay na lang lokohin ng Yohan na iyon ang babaeng pinakamamahal ko.
Pagkarating ko sa bahay namin ay kaagad akong sumalampak sa sofa saka hinilot ang sentido ko. Wala na akong masyadong tulog idagdag pa na palagi kong iniisip si Sarina. Tinanggal ko ang suot kong coat at kurbata saka pumikit.
Sarina.
Napailing na naman ako. Nababaliw na talaga ako sa palagi kong pag-iisip sa high school student na bestfriend ni Macy. Tsk.
“Kuya..”
Napamulat naman ako ng mata sa pagtawag ni Macy ng pangalan ko. Napakunoot-noo na lang ako dahil may kasama siyang isang matangkad na lalake.
“Nandito ka na pala, Macy.” Sagot ko naman habang inoobserbahan ang lalaking kasama niya na hindi makatingin ng diretso sa akin.
“Ahh, Kuya Maverick si W-Walter pala. B-Boyfriend ko.” Nauutal na sabi ng kapatid ko habang ipinapakilala ang lalakeng kasama niya saka ito napayuko.
“Hello po, Kuya Maverick. I’m Walter, Macy’s boyfriend.” Nahihiya namang sabi ng lalaking kasama ni Macy.
Tumitig lang ako ng ilang segundo kay Macy na hindi pa rin makatingin sa akin. Umayos naman ako ng upo at nagpahalumbaba.
“Kailan lang naging kayo, Macy?” Tanong ko.
“N-nung isang araw lang, kuya..” Sagot naman ni Macy.
Tumango na lang ako saka tumayo at hinarap sila. “Malaki ka na, Mace Ann at hindi na kita masyadong pagbabawalan sa mga gusto mo pero siguraduhin mo lang na hindi ka sasaktan ng lalaking ’to kundi marami akong kayang gawin para masira ang buhay niya.” Seryoso kong sabi saka tinitigan ang Walter na boyfriend na ngayon ni Macy.
Unti-unti namang napatango si Macy saka ako niyakap sandali. “Thank you, kuya.”
“Pangako ko po na hinding-hindi ko sasaktan si Macy.” Sabi naman ni Walter habang nakangiti.
Napailing naman ako at iniwan sila. Nagtungo na lang ako sa kwarto ko at hinubad ang pang-itaas ko at umupo sa kama. Kinuha ko naman ang cellphone sa bulsa ko at may tinawagan.
“Hello Bryan? Nakaplano na ba ang lahat? Good.. Gusto ko na masira ang Yohan Suarez na ’yon sa buong St. Therese.. Salamat.”
And I ended the call.
Nagsisimula na ang lahat. My Danger Alley.
SARINA’S POV
Nagulat na lang ako nang nagkakagulo ang lahat ng mga estudyante ng St. Therese sa buong school. Nagsisitakbuhan ang lahat papuntang Gymnasium maging ang mga kaklase namin. Dahil wala pa namang klase ay na-curious kami ni Jenica kung ano nga ba ang pinagkakaguluhan nila. Hindi ko maintindihan pero kinakabahan ako na ewan.
“Ano ba ang pinagkakaguluhan nila sa Gymnasium? May artista ba dun?” Tanong ni Jenica.
“Puntahan kaya natin para malaman natin.” Sagot ko naman.
Tumango na lang siya saka kami nagtungo sa Gymnasium. Sumasakit ang ulo ko kagabi pa dahil sa dami ng mga iniisip ko. Kay Trey, Kuya Maverick at sa mga sinabi ni Yohan. I never thought that my life will get complicated because of those men. Hindi nga talaga ako pwedeng magstay na lang sa Comfort Zone ko at kailangan kong harapin ang realidad. Hindi na ako bata at may mga pagdadaanan talaga akong struggles and trials sa buhay ko.
Nang makarating kami sa Gymnasium ay napanganga ako at bigla na lang tumulo ang mga luha ko dahil sa nakikita ko sa malaking Monitor Screen ng Gymnasium. Nanlamig at tila nanghina ako na ikinabahala ni Jenica. Niyakap na lang niya ako habang umiiyak na rin.
Hindi ko akalain na magagawa niya ’to. I’ve trusted him for almost 4 years. Totoo nga na kahit gaano mo pa kakilala ang isang tao ay hindi mo siya lubusan na kilala talaga. Maraming mga sikreto at pagpapanggap ang mangyayari na hindi mo aasahan. He had an innocent looks and cool personality outside. Hindi mo talaga akalain na sa maamo niyang mukha ay magagawa niyang gumawa ng isang karumal-dumal na bagay. Gaano ba katagal niya na akong niloloko? Kami na mga taga St. Therese? He known as The Most Calmest and Coolest guy in St. Therese but I never thought that he can be brutal and immoral like this.
“Sarina..” Naiiyak na banggit ni Jenica sa pangalan ko.
Nakita ko naman na tumatakbo papalapit sa akin sila Macy at Walter kasama sina Alex, Wayne at Siegfrid na kateammate nila Alex sa basketball. Macy hugged me habang umiiyak na rin siya.
“I never thought that guy would do such crazy things..” Wayne said habang nakatingin na parang naaawa sa akin. Napailing na lamang sina Walter at Siegfrid.
“Hindi! Hindi totoo ang video na yan. Edited lang yan, ano ba kayo?!” Napalingon naman kami sa sumisigaw at nakita si Yohan na nagwawala na sa loob ng Gymnasium.
“Edited? Halatang totoong-totoo ’yung video tapos i-dedeny mo pa, Yohan? Mamamatay tao ka kaya kailangan mong mabulok sa kulungan!” Sigaw ng isa sa mga estudyante.
“Oo nga. Ang gwapo-gwapo mo tapos mamamatay tao ka pala. Sinungaling ka!” Sigaw pa ng isa.
“Kunwari lang pala ’yang painosenteng image mo tol. Makulong ka na!”
Umiling-iling lang si Yohan at nang makita niya ako ay tumakbo siya papalapit sa akin. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatingin sa kanya. Namatay mula sa mga kamay niya ang kababata kong si Trey. Isa siyang demonyo at hinding-hindi ko siya mapapatawad.
“Sarina-” I slapped him at pinagpapalo siya sa dibdib habang umiiyak at humahagulgol.
“Napakasama mo, Yohan! Pinatay mo si Trey. Hayop ka!” Humahagulgol kong sabi.
Nanghihina ako at hindi na makapag-isip ng maayos. Hindi ko na kaya pang magtiwala ng lubos sa isang tao dahil kayang-kaya nila akong lokohin at saktan ng ganito.
“Ang sama mo, Yohan. Makakaya mong pumatay ng tao? Bakit? Dahil matagal ka nang may gusto kay Sarina at ayaw mo siyang maagaw ni Trey? Hindi na pagmamahal ’yan kundi isang obsession o kabaliwan mo!” Sabi ni Jenica.
Nakatingin sa amin ang lahat ng mga tao na nasa loob ng Gymnasium at pinapanood kami pero hindi ko na inintindi pa ’yon dahil mas masakit ang mga nalaman ko ngayon.
“Paano mo nagawa ’yon, Yohan?” Disappointed na tanong ni Alex.
Umiling naman si Yohan saka ito napangisi.
“Ngayon na nalaman niyo na ako ang pumatay sa kababata ni Sarina na si Trey, may magagawa pa ba kayo? Patay na si Trey at hindi ko na maibabalik pa ang buhay niya. Oo, nagawa ko ’yon dahil mahal ko si Sarina at ayokong maagaw pa siya ng ibang lalake sa akin. Totoo rin na nagpapanggap lang na mayaman, inosente at kalmado ang isang Yohan Suarez na sikat na Varsity Player ng St. Therese. Ano bang pakialam ko sa iisipin niyo ngayon sa akin? Sira na ako ngayon pero hinding-hindi ko pagsisisihan na pinatay ko si Trey para kay Sarina.”
“Gago ka!” Napahiyaw naman ang lahat ng bigla na lang sinugod ni Wayne si Yohan at binugbog ito. Inaawat naman siya nila Walter at Siegfrid habang wala namang nagawa si Alex.
“Huwag niyo nang awatin si Wayne. That evil guy deserves that.” Sabi ni Alex saka ito lumapit sa akin at niyakap ako. Nakita ko naman na umiwas ng tingin si Jenica.
“I think kailangan niyo nang bumalik sa classroom nila Jenica at Macy.” I nodded at Alex habang umiiyak pa rin.
“Tara na bestfriend, lets go to our classroom na.” Sabi naman ni Macy nang humiwalay ako ng yakap kay Alex. Inalalayan na rin ako ni Jenica hanggang sa umalis na kami papunta sa classroom namin.
Habang naglalakad kami papunta sa classroom namin ay nagulat na lang ako nang makita ko si Kuya Maverick na nasa harapan namin ngayon.
“You’re here pala, kuya.” Gulat na tanong ni Macy.
Tumango naman si Kuya Maverick saka ito humarap sa akin.
“Kakausapin ko lang si Sarina saglit.” Tumango naman sina Macy at Jenica.
“Mauna na kami sa classroom, Sarina.” Sabi ni Jenica. Tumango na lang ako hanggang sa makaalis na sila.
Nang kaming dalawa na lang ni Kuya Maverick ang naiwan ay nakatitig lang ito sa akin habang ako naman ay napapahikbi pa rin. Napagitla na lang ako nang bigla niya akong nilapitan at hinawakan ang isang kamay ko.
“Nagugutom ka ba?” Nakangiting tanong niya.
Umiling naman ako.
“Do you want to escape together with me, Sarina?” Tanong niya ulit habang nakangiti pa rin.
And this heartbeat of mine..
Escape . Ayan ang gusto kong mangyari ngayon. Gusto kong umalis ngayon dahil sa dami ng sakit na nasa loob ko at sa mga nalaman ko. Ayon ang gusto ko at nagpapasalamat ako dahil nandito si Maverick Eliazar para itakas ako sa lugar na ito ngayon.
“Yes. I want it, Kuya Maverick.”
He smiled and kissed my forehead na ikinabilis pa lalo ng pintig ng puso ko.
“Your wish is my command, My Princess..”
Chapter 27
SARINA’S POV
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko habang nakahawak sa kamay ko si Kuya Maverick. Nagkakaroon ako ng Adrenaline Rush habang bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi naman niya napapansin na nakatitig lang ako sa gwapo at maamo niyang mukha habang nakapikit siya at nakahiga sa damuhan. Dinala niya kasi ako sa isang matarik at mataas na lugar kung saan ay makikita na namin ang kabuuan ng lugar sa siyudad namin. Sa mga nalaman ko ngayon ay tama lang na dito niya ako dinala. I want a peaceful and breathtaking view. Salamat at dito ako dinala ni Kuya Maverick.
How this man can be so handsome? He’s more like a Greek-God-like man. Naulanan na talaga siya ng magandang physical features at wala ka nang maipipintas pa sa itsura niya. His body was built so perfectly at mapapansin mo na nag-gygym talaga siya. His looks was also very intimidating na kahit kanino pa siya itapat sa mga gwapong lalake diyan ay malalamangan pa rin niya ito. May mga ganitong klaseng lalake pa pala talaga ang nag-eexist sa mundo no? Akala ko ay sa mga Wattpad at Pocketbooks na nababasa ko lang sila nabubuhay.
Nakita ko na unti-unti na siyang napamulat kaya bigla akong umiwas ng tingin sa pagkakatitig sa gwapo niyang mukha. Naramdaman ko naman na bumangon na siya at nilapitan ako saka pinantayan ang mukha ko.
“Do you like this place?” Tanong niya sa akin.
Napangiti naman ako saka tumingin ulit sa magandang tanawin na nasa harapan namin. Nililipad ang buhok ko ng masarap na hangin na sumasalubong sa aming dalawa. Kung pwede nga lang na tumira sa magandang lugar na ito ay ginawa ko na. Napapaligiran pa kami ng mga magagandang bulaklak at mga puno na nasa paligid lang namin.
“Yes. I like it very much Kuya Maverick. This place is so beautiful and relaxing. Thanks for bringing me here.” Nakangiting sabi ko.
Naghintay ako sa sasabihin niya pero nanatili lang siyang walang imik kaya napalingon ako sa kanya then there, I saw him smiling while still looking at me with amusement on his face. Namula naman ako dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin kaya napayuko ako dahil sa hiya. Tumatambol pa lalo ng mabilis ang puso ko at hindi ko alam ang susunod na ikikilos ko.
Maverick Eliazar, why are you doing this to a 16 year-old girl like me?
“W-wag ka ngang ganyan makatingin sa akin, Kuya Maverick. Naiilang ako!” Nauutal at nahihiya kong sabi.
Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa saka nito ginulo ang buhok ko. “You’re so cute, Sarina pero naiilang ka pa rin hanggang ngayon sa akin. Why?” Seryoso niyang tanong.
Napakagat naman ako sa labi ko. “N-nakakaintimidate ka po k-kasi saka.. Ahm, basta! Mahirap pong i-explain e,” I said with shyness.
“But you don’t know how beautiful and intimidating you are, Sarina? I can’t stop staring and looking at you. Kahit yata habang buhay kitang titigan eh hindi ako magsasawa.” He said.
Adrenaline rush, tumatambol ng sobrang bilis na puso, namumula kong pisngi at hindi ko maipaliwanag na nararamdaman sa tuwing kasama ko siya. Maybe I already like Kuya Maverick.
Hindi naman ako makapagsalita dahil sa sinabi niya at napabitaw sa kamay kong hawak-hawak niya. Ano ba ang dapat kong i-react sa sinabi niya? Aaminin ko ba sa kanyang nagugustuhan ko na siya? Pero paano si Trey? Hindi pwede itong nararamdaman ko. Kamamatay pa lang ni Trey dahil sa kagagawan ni Yohan tapos nagkakagusto na kaagad ako sa ibang lalake? This is so wrong and I need to forget that I like Kuya Maverick.
Hindi na lang ako umimik at nanatiling tahimik dahil sa sinabi niya. Napabuntong-hininga na lang siya at napahawi sa nililipad niyang buhok mula sa hangin na sumasalubong sa amin.
“I guess our feelings are not mutual but I won’t stop admiring and liking you, Sarina.”
Gusto kong kiligin pero pinipigilan ko lang dahil ayoko namang bigyan ng false hope si Kuya Maverick. Now that I know he likes me then I need to be quiet and keep my unexplainable feelings to him.
Nanatili pa rin kaming tahimik hanggang sa magsalita na ulit siya. “I will help you and Trey’s family with his case. Yohan, his brothers and their other fraternity friends must need to go in jail. He’s still a minor but he needs to pay for killing your childhood bestfriend. I need to do something for Trey to give his death with some justice.” Sabi niya.
Napatigil ako at hindi ko na namang mapigilang mapaluha dahil sa eksena na nangyari kanina sa St. Therese. Its a CCTV Video na nagplay sa malaking monitor screen ng buong school kung saan ay nakita ko na unti-unting pinapatay ni Yohan si Trey kasama ng mga kapatid niya at ang iba pa nilang kamiyembro na isang fraternity hood. Nangilabot at naawa ako sa sinapit ni Trey mula sa mga kamay ni Yohan sa video. Hindi na tao si Yohan dahil sa ginawa niya. Mali ang manghusga ng isang tao pero isa siyang demonyo na dapat iwasan kasama ang mga kapatid at kasabwat niya. He only did that because of his obsession to me? Baliw na siya kaya dapat lang na mabulok siya sa kulungan ng habangbuhay. Kung sinoman ang nagpadala ng video na iyon ay malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil mabibigyan na ng hustisya ang pagkamatay ni Trey.
“Dapat lang na pagbayaran niya ang ginawa niyang pagpatay kay Trey. He’s a devil and he needs to rot in jail forever!” May hinanakit at galit kong pagkakasabi habang umiiyak.
Niyakap naman ako ni Kuya Maverick habang hinahagod ang likod ko upang kumalma ako.
“Ssshh, don’t worry Sarina. I will make sure na makukulong ang lalakeng ’yon at mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kababata mo. I have many ways just to protect and help you with all your problems, my princess. Trust me, okay?” Sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin.
“T-Thank you Kuya Maverick.” Sabi ko at hindi ko na mapigilang humahulgol.
Maverick Eliazar is now here by my side helping and comforting me with all my problems. He confessed that he likes me but.. why me? I’m just an ordinary high school student with a simple life. Mas nababagay siya sa mga babaeng kasing edad lang niya na successful na sa buhay at marami nang ipagmamalaki pero bakit ako pa ang nagustuhan niya na isang inosente, uto-uto at mangmang na babae?
Kumalas na ako mula sa pagkakayap niya sa akin at tinignan siya. He wipe my tears using his thumb fingers and I didn’t expect what he did next..
He kissed me.
Hindi ako makapagsalita at tila napako sa kinauupuan ko habang magkalapat pa rin ang mga labi namin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Nakamulat ang mga mata ko habang nakapikit siya at patuloy pa rin akong hinahalikan. Hindi ko alam pero kusa na lang pumikit ang mga mata ko at sinabayan ang mga galaw niya sa paghalik sa akin.
Trey.
Nang biglang magflashback sa akin ang mga masasayang alaala namin ni Trey mula noong mga bata pa kami hanggang ngayon ay tila natauhan ako at napamulat saka itinulak si Kuya Maverick papalayo sa akin. Nagulat siya sa ginawa ko pero hindi na siya nagsalita pa at tumingin na lang sa ibang direksyon.
“K-Kuya Maverick.. This is so wrong. D-dapat hindi mo ’yon ginawa.” Sabi ko na nauutal habang mabilis pa rin ang pagtibok ng puso ko.
Tumingin naman siya sa akin at nagulat ako sa ekspresyon ng mukha niya. He looks so annoyed on what I said.
“What’s wrong to kiss the girl I liked? You kissed me too Sarina and I know that you like me too.” Nakangisi niyang sabi na ikinagulat ko.
Umiling naman ako. “N-No. Hindi ’yan totoo. Si Trey lang ang gusto at magugustuhan ko.”
Ngumisi lang ulit siya habang umiiling. “I’m your first kiss, right?” Masaya pa niyang sabi.
Bakit parang natutuwa pa siya sa nangyayari ngayon?
Umiling ulit ako. “Hindi. Si Trey ang f-first kiss ko.” Sagot ko.
Totoo naman na si Trey ang unang humalik sa akin pero hindi pa rin talaga ako marunong humalik.
Bigla naman siyang tumawa ng napakalakas at pumalakpak pa. “C’mon Sarina, just admit that i’m your first kiss. Hindi ka masyadong marunong humalik but for me, you’re a great kisser.” Parang nanunukso niyang ani.
Namula naman ako dahil sa sinabi niya. Kailangan pa ba niyang banggitin iyon?
“You make me embarrased.” Naiilang kong sabi.
Tumawa lang ulit siya at hinawakan ang magkabilang-kamay ko. He look at me straight to my eyes kaya nakikita ko ang nakakaakit niyang mga mata at napakagwapong mukha. He cupped my face and he kissed me again pero smack lang na mas lalo pang nagpapula ng buong mukha ko.
“Don’t worry my princess. From now on, I will take care and protect you. Malakas ang kapit ko sa kuya mo kaya mas mapapabilis ang move ko para mas lalo pang mapalapit pa sa’yo. I like you so much Sarina.. trust me.” May sincere niyang pagkakasabi na kinuntsaba pa si Kuya Xavier.
“P-pero mali ito Kuya Maverick. Kakamatay pa lang-” He stopped me.
“I know but let me allow to take care of your heart. Hindi ko naman hinihingi na maging tayo kaagad e. All I need is to protect and take care of the girl I loved. Sigurado akong matutuwa rin ang bestfriend mong si Macy dahil gusto mo rin ako.” Nakangiti niyang sabi.
Hindi nga ba masamang bigyan ko ng chance si Kuya Maverick? He’s 9 years older than me and he’s very successful person kaysa sa akin na menor de edad at nag-aaral pa lang. Pero ’yung puso ko.. sinasabi na pagbigyan siya at papasukin siya sa buhay ko. Matutuwa naman siguro si Trey dahil kahit namatay na siya ay may magtatanggol at magpoprotekta sa akin ’di ba? Tama si Kuya Maverick.. Gusto ko na nga siya.
Tumango na lang ako at ngumiti na rin.
“Yes, Kuya Maverick because I like you too..”
Chapter 28
THIRD PERSON’S POV
Tahimik at tulala lamang si Yohan habang pinapasok siya ng mga taga DSWD sa isang silid kung saan ay ekslusibong ginawa ito para sa kanya bilang kulungan niya. Dahil sa edad na labing-anim na taong gulang ay hindi pa siya maaaring makulong. Ililipat lamang siya sa isang pampublikong kulungan kung siya ay ganap nang labing-walong taong gulang. Dahil sa ginawa niyang krimen ay makukulong ito ng pang habang-buhay habang ang mga kasama naman niya sa krimen kasama na ang kanyang Kuya Aldwin ay makukulong ng marami pang taon sa bilangguan. Nakatakas naman ang kanyang Kuya Ace na hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad. Ang kanyang ina naman ay sumama muna sa kanyang bagong asawa dahil binawi rin ni Maverick Eliazar ang lahat ng ibinigay nito sa kanila.
Nang iniwan na si Yohan ng mga nangangalaga sa kanya sa DSWD sa silid na pinagdalhan sa kanya ay tahimik lamang itong napaupo sa sulok ng silid habang nakatulala. Maski sa sarili niya ay hindi niya maintindihan kung bakit nagawa niyang makapatay ng tao dahil sa matindi niyang obsession sa pinakamamahal niyang si Sarina pero ni minsan ay hindi niya maramdaman ang konsensyang dapat niyang madama dahil sa pagpatay niya kay Trey. Sa tingin nga niya ay tama ang kanyang ginawa upang wala nang humadlang sa kanila ni Sarina. Natawa at napailing na lamang si Yohan nang maalala niya ang ginawa niyang unti-unting pagpatay kay Trey Delos Santos.
“He really deserves to die.” Sa isip niya habang nakangisi.
Bata pa lamang si Yohan ay lumaki na itong matapang at hindi nagpapatalo sa kahit na sino. Tinuruan siya ng kanyang mga nakatatandang kapatid na maging matapang at masipag na tao. Yung tipong sasambahin sila nang kahit na sino kahit pa ang mga santo. He thinks that he is the most powerful and smartest person on Earth. Hindi nga naman siya lalaking isang masamang tao kung nagabayan lamang sila ng tama ng kanyang ina noon na pinabayaan lang sila ng kanyang mga kapatid na magpalaboy-laboy sa kalsada at mamalimos sa kahit na sinong tao. Napaigting na lamang ang kanyang panga nang maalala niya ang lahat ng hirap at sakit na dinanas niya noong siya ay bata pa lamang. Binaon na lamang niya sa limot iyon ngunit bumabalik pa rin ang lahat ng sakit mula sa pang-aabuso at pagpapahirap sa kanya na ginawa ng mga naging asawa ng ina niya.
“Wala na ba talagang magmamahal sa akin?” Tanong niya ulit sa kanyang sarili at unti-unti nang tumulo ang kanyang mga luha.
Tao rin naman siya at nasasaktan. Kulang lamang siya sa atensyon at pagmamahal na tangi lamang niyang nahanap sa kaibigan niyang si Sarina. Ni minsan ay hindi siya pinabayaan nito at palagi itong sumusuporta sa kanya. Nakita niya rin at nadama ang pagmamahal at pag-aalaga nito sa kanya. Kaya niya siguro itong nagustuhan ay dahil napakabuti nitong tao at kahit na sino naman sigurong lalaki ay magugustuhan ang isang katulad niya. He is selfish when it comes to the girl he loves. Gusto niya ay sa kanya lamang si Sarina katulad rin ng paghahangad ng karibal niyang si Maverick Eliazar sa puso niya.
Napakuyom na lamang siya ng kamao nang maalala niya na unti-unti nang nahuhulog ang babaeng pinakamamahal niya sa lalaking mas matanda pa sa kanya ng siyam na taon. Hindi maaari iyon at kailangan niyang gumawa ng paraan upang makatakas sa silid na pinagdalhan sa kanya at gantihan ang lahat ng mga taong sumira sa buhay niya kasama na doon si Maverick Eliazar. Naalala niya na nakatakas pala ang kanyang kuya na si Ace at gagawa ito ng paraan para tulungan silang makatakas sa kulungan na pinagdalhan sa kanila. Kilala niya ang kanyang Kuya Ace at triple pa ang ugali nito sa mala demonyong ugali niya.
Tumawa na lamang siya ng malakas.
“Humanda kayong lahat. Babawiin ko si Sarina mula sa inyo lalo na sa’yo, Maverick Eliazar.”
BRYAN’S POV
Pinapatahan ko si Annika habang umiiyak ito nang malaman niya na si Yohan Suarez na kapatid ng manliligaw niyang si Ace ay kasama rin sa pagpatay kay Trey Delos Santos na kababata ni Sarina. Hindi ito makapaniwala na magagawa ng mga lalaking iyon ang isang karumal-dumal na krimen nang dahil lang sa isang obsession. Naalala ko lamang bigla ang pinsan kong si Austin na nagpakamatay dahil hindi nito matanggap na hindi siya mahal ng babaeng minahal niya. Obsession is really dangerous dahil makakapatay ka na lang nang hindi mo namamalayan dahil sa matindi mong paghahangad sa isang tao o bagay.
“I can’t really believe this Bryan! I trust Yohan and Ace tapos kaya pala nilang pumatay ng isang tao? And the worst is, kababata pa ni Sarina na si Trey ang pinatay nila nang dahil lang sa matinding paghahangad na makuha ang kapatid ko nang sa kanya lang.” Umiiyak niyang sabi. Niyakap ko na lang siya at pagkatapos ay pinainom ng tubig.
“Don’t worry Annika, makukulong na sila ng pang habang-buhay at pagbabayaran nila ang lahat ng ginawa nila pero meron pa palang isang problema..” Nag-aalangan kong sabi at napabuntong-hininga.
Napahinto naman si Annika dahil sa sinabi ko at tumingin ito sa akin saka ako hinarap.
“What’s the problem, Bryan?” Tanong niya.
I look at her with dissappointment. “Nakataas ang kapatid ni Yohan na si Ace mula sa mga pulis nang huhulihin na siya. Hindi pa rin mahanap ng mga pulis kung saan nagtatago si Ace at nag-aalala lang ako dahil maaaring gumanti ito at gumawa ng paraan para makalaya ang mga kapatid at kasamahan niya sa gang at baka.. kunin ka rin niya, Annika. Alam mo kung gaano kabaliw sa’yo ang Ace na ’yon, pero ’wag kang mag-alala dahil poprotektahan kita mula sa kanya. Nandito lang ako para sa’yo, Annika.” Sabi ko.
Bakas sa mukha niya ang gulat dahil sa mga sinabi ko. Hindi malabong gumanti at kunin ni Ace si Annika dahil katulad ng kanyang kapatid na si Yohan ay obsessed na rin ito kay Annika. Nakita ko na ’yon mula nang makilala ko si Ace kaya nag-aalala lang ako para kay Annika because I like her so much at hindi ako papayag na mapahamak siya.
“N-nakatakas si Ace? Baka saktan niya si Sarina o baka saktan niya tayo!” Sabi niya at bigla na naman itong napahagulgol.
Hinagod ko na lang ang kanyang likuran upang kumalma siya. “Hindi ako papayag na masaktan niya kayo ni Sarina, Annika. Nandito lang ako at tutulungan ko kayo.” Sabi ko at pinunasan ang kanyang mga luha.
Tumango naman ito at unti-unti nang kumalma.
“Maraming salamat, Bryan.” Mahina niyang pagkakasabi.
Napangiti naman ako doon. Basta para kay Annika ay gagawin ko ang lahat ng makakaya ko matulungan ko lang siya. Nagkagusto ako sa kanya simula noong nag-aaral pa kami sa college na pareho naming pinapasukan. She is my schoolmate but she doesn’t know my existence before dahil sa pagiging torpe ko. Ngayon lang ako naglakas ng loob na lapitan siya at gagawin ko ang lahat para matulungan at maprotektahan ang babaeng pinakamamahal ko.
“You’re welcome, Annika.” Nakangiti ko namang sambit.
“Maa’m, may delivery po na galing sa inyo.”
Napakalas naman kami ng yakap ni Annika sa isa’t-isa nang dumating ang katulong nila na may dalang isang kahon na kasing laki ng kahon ng sapatos. Kinuha naman ni Annika ang kahon mula sa katulong nila.
“Thank you, Yaya.” Sabi niya at pagkatapos ay umalis na ang katulong.
“Kanino naman kaya galing ’to?” Sambit niya habang inoobserbahan ang kahon na kulay puti.
Parang may hindi ako magandang kutob tungkol sa laman ng kahon pero bago ko pa man mapigilan si Annika ay binuksan na niya ang kahon at laking gulat ko nang makita na may patay na daga sa loob ng kahon. Napahiyaw sa takot si Annika at nabitawan ang kahon habang ako naman ay nagpanic at niyakap na lang siya nang mahigpit.
Umiyak nang umiyak si Annika sa dibdib ko habang ako naman ay tinititigan ang kahon na may patay na daga sa sahig. Nang mapansin ko na may pulang papel na nakalagay sa kahon ay pinulot ko ito at mas lalo akong nagimbal sa nakasulat sa pulang papel. Hindi naman ito napansin ni Annika dahil umiiyak lang ito sa dibdib ko na hindi napansin ang pulang papel na pinulot ko.
Hi Annika my dear.. I really miss you so much. Hintayin mo lang ako dahil babawiin kita mula sa pesteng Bryan na ’yan. Gaganti rin ako para sa mga kapatid ko. lintik lang ang walang ganti, babe. Wait for me, ha? I love you.. -Ace
Hindi. hindi ako papayag na may mangyaring masama kay Annika.
Chapter 29
SARINA’S POV
Halos hindi ako makatingin kay Kuya Maverick habang nasa loob kami ng sasakyan niya at inihahatid na niya ako nito pauwi. Napa face palm na lang ako sa kahihiyan dahil napaamin na ako sa kanya kanina ng nararamdaman ko. Alam ko naman na noon pa ay may espesyal na akong nararamdaman para sa kanya at hindi ko na napigilan pang magconfess. Hindi ko rin naman akalain na may gusto siya sa akin at pareho kami ng nararamdaman. Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyayari ngayon sa buhay ko. All of the sudden ay biglang na lang nagkaganito.
Napatingin ako sa nagdadrive na si Kuya Maverick. He’s perfect when it comes to all at nandito siya ngayon sa tabi ko para pagaanin at palakasin ang loob ko. Masakit ang pagkawala ni Trey at ang pagtraydor sa akin ni Yohan. Kung wala talaga si Kuya Maverick sa tabi ko ay hindi ko na alam ang gagawin ko.
“Are you okay, My Princess?” Kuya Maverick asked while he’s still driving.
“Ah, yes.” Sagot ko na lang. Bigla naman niyang hinawakan ang isang kamay ko habang nagmamaneho pa rin siya na dahilan ng pagbilis pa lalo ng tibok ng puso ko.
Huminga na lang ako ng malalim dahil may mga nagkakarera na naman na kung ano sa sistema ko. Nararamdaman ko ito kay Trey pero ngayon ay mas lumalim pa ito nang dahil kay Kuya Maverick. Alam kong hindi ko dapat maramdaman ito, na magkagusto ako sa ibang tao dahil sa buong buhay ko ay si Trey lang ang minahal ko pero.. hindi ko mapigilan. Kahit anong pilit o iwas ko sa nararamdaman ko ay hindi ko na magawa nang dahil kay Maverick Eliazar. Napabuntong-hininga na lang ako at napapikit.
Pagkatapos ng ilang minutong biyahe ay narating na rin namin ang bahay namin. Tatanggalin ko na sana ang seatbelt ko nang unahan na ako ni Kuya Maverick at siya ang nagtanggal nito para sa akin. Nailang naman ako dahil nakatingin siya sa akin habang ginagawa ito hanggang sa matapos siya at lumayo na sa akin.
I sighed again.
He’s making me uncomfortable especially with my feelings.
Bumaba na kaming dalawa sa sasakyan niya at hinawakan niya ang isang kamay ko.
“Don’t worry, everything’s gonna be alright. Kami na ang bahala sa kaso ni Trey at sisiguraduhin ko na pagbabayaran nila Yohan at ng mga kapatid niya ang ginawa nila sa kababata mo.” Sabi niya at hinalikan nito ang ulo ko.
Napangiti naman ako. “Thank you-”
“Sarina!”
Napahinto ako at napalingon sa tumawag sa akin. Nakita ko si Kuya Xavier na nakasandal sa gate ng bahay namin habang nakahalukipkip at nakatingin ng masama sa amin ni Kuya Maverick. Bigla naman akong lumayo kay Kuya Maverick at nilapitan si Kuya.
“Kuya,”
“Saan ka nanggaling? Kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot. Saka bakit mo kasama si Maverick Eliazar?” Tanong niya.
Napakagat na lang ako ng labi nang lapitan kami ni Kuya Maverick at hinarap si Kuya.
“Xavier, she needs some air kaya dinala ko siya sa isang lugar kung saan ay makakapagrelax ang isip niya. Your sister is now experiencing too much pain and I did that to make her feel better.” Sabi ni Kuya Maverick.
Kinabahan naman ako nang mas lalong sumama ang tingin ni Kuya Xavier kay Kuya Maverick. “Mr. Eliazar, hindi ibig sabihin na magkaibigan na tayo at magkatrabaho ay may karapatan ka nang dalhin sa kung saan ang kapatid ko. She is my youngest sister at ayoko lang na mapahamak siya. Hindi ko na kayang magtiwala sa mga lalaking nakapaligid sa kanya dahil sa ginawa ng kaibigan niyang si Yohan.”
Napangiti naman si Kuya Maverick. “Your sister is safe with me. You don’t need to worry about that. I will also help sa kaso ni Trey Delos Santos dahil concern ako sa kapatid mo.” Seryosong ani niya.
Tumahimik naman si Kuya Xavier habang masama pa rin ang tingin niya kay Kuya Maverick. Bakit naman parang galit na galit pa si Kuya kay Kuya Maverick? Siguro nga ay dahil ayaw na niyang mapalapit pa ako sa ibang lalaki dahil sa ginawa ni Yohan. Naiintindihan ko si Kuya Xavier dahil kapatid niya ako at nag-aalala siya para sa kalagayan ko.
“Pumasok ka na sa loob ng bahay, Sarina, may pag-uusapan lang kami ni Mr. Eliazar.” Sabi niya.
I sighed at hindi na nagreklamo pa. I took a glance at Kuya Maverick na nakangiti sa akin. I smiled back at pumasok na sa loob ng bahay.
I hope na maging maayos ang pag-uusap nila. Ang daming naganap ngayong araw at kailangan ko munang ipahinga ng sandali ang isip at puso ko
XAVIER’S POV
“May gusto ka ba sa kapatid ko?” Diretsahan kong tanong kay Maverick.
Wala naman siyang pag-aalinlangang tumango.
“Obviously.” Sabi niya.
Napailing naman ako. “Do you know that my sister is still a minor?” Sarkastiko kong tanong.
How the hell did happen na magkagusto siya sa kapatid ko? Sarina is too young for Maverick Eliazar. Alam kong mabuting tao at mapagkakatiwalaan si Maverick pero hindi ko na kayang magtiwala pa sa mga lalaking umaaligid sa kapatid ko. Ayoko na maulit yung ginawa ni Yohan Suarez kay Trey dahil sa pagiging baliw na nito sa kapatid ko. Idagdag pa sa kapatid kong si Annika na nanganganib na ngayon ang buhay dahil naman sa obsessed na kapatid ni Yohan na si Ace Suarez. My family are experiencing danger at bilang nakatatandang kapatid ay kailangan ko silang maprotektahan.
Nagpamulsa naman si Maverick at tinignan ako ng seryoso. “Alam ko naman ’yon Xavier pero hindi ko talaga maiwasan na hindi magkagusto sa kapatid mo. Ganito lang naman ’yon. Safe siya sa akin at hindi ko siya gagawan ng masama. As Macy’s older brother ay ituturing ko na rin na parang pamilya ko si Sarina. You have to trust me, Xavier. I’m harmless.” Sabi niya.
Harmless? Magaan ang loob ko kay Maverick Eliazar simula nang mameet ko siya pero nakikita ko na may iba pa siyang katauhan na hindi niya inilalabas. I can see that he is also a beast at natatakot ako para sa kapatid ko.
“Are you sure na hindi mo masasaktan ang kapatid ko?” Tumango naman siya.
“Yes. I will treat her like a princess. Habang nasa mga kamay ko siya ay magiging safe siya sa lahat.” At ngumiti pa ito.
A Psycho.
Dahil sa alam ko naman na malaki ang maitutulong niya sa kaso ni Trey Delos Santos at makakatulong si Maverick sa pamilya nila ay pumayag na lang ako pero hindi ako lubos na nagtitiwala sa kanya dahil nakikita ko.. nakikita ko na mas malala pa si Maverick Eliazar kay Yohan Suarez at hindi ko hahayaan na mapunta na naman ang kapatid ko sa kamay ng mga lalaking gusto siyang angkinin at kunin
Maverick Eliazar is a Psycho. I can see it through his eyes and gestures.
“Sige. Nagtitiwala ako sa’yo, Maverick.” Sabi ko na lang at nakipag-kamay sa kanya.
Nginitian naman niya ako at tinapik ang balikat ko.
Nang matapos na kaming makapag-usap ni Maverick at umuwi na ito ay pumasok na ako sa loob ng bahay. Pumunta ako sa kwarto ni Sarina at binuksan ang pintuan ng kwarto niya. Naabutan ko siyang natutulog at halata ang pagod sa mga mata niya. Umupo ako sa kama niya at kinumutan siya. She’s only a 16 years old at nararanasan na niya ang lahat ng ’to.
“Gagawin ko ang lahat para lang maprotektahan ko kayo ni Annika. I will do what it takes kahit manganib pa ang buhay ko.” Sabi ko at hinalikan ang noo nito.
Tumayo na ako at umalis ng kwarto ni Sarina. Dumiretso naman ako sa bar counter ng bahay namin at nagbukas ng isang beer at ininom ito. Sana maging maayos na ang lahat ng ito.
Mahal na mahal ko si Sarina.
–
After 5 months ay nakapag-UD na rin. Ang tagal na pala. Sorry sa mga naghintay.
Chapter 30
SARINA’S POV
Maaga akong pumasok ng school na medyo nahimasmasan na sa mga pangyayari na nararanasan ko ngayon. Tinanggap ko na ang pagkawala ni Trey at umaasa na mareresolba ang kaso niya at mabigyan ito ng hustisya. Tutulong si Kuya Maverick tungkol sa kaso ni Trey at natutuwa ako para doon. He will never fail to amuse me. Napangiti ako ng palihim.
“Sarina!” Nakita ko sa ’di kalayuan sina Macy at Jenica na kumakaway sa akin. I smiled at them at patakbong lumapit sa kanila. Niyakap naman nila ako.
“Kumusta ka na? Okay ka na ba?” Tanong ni Jenica pagkatapos akong yakapin.
Tumango naman ako. “Okay na ako, Jenica. Ayoko na lang muna sigurong pag-usapan ’yung mga nangyari nitong mga nakaraang araw.”
Tumango naman siya at inakbayan ako. “Naiintindihan ko.”
Tinignan ko naman si Macy at nagulat na lang ako nang ngumiti ito sa akin ng nakakaloko. Hindi kaya may alam siya tungkol sa amin ni Kuya Maverick? Hindi imposible iyon dahil kilala ko na close sila ng kuya niya.
“B-bakit ka ganyan makangiti sa akin, Macy?” Medyo kinakabahan ko pang tanong.
Nag cross-arms lang siya at umiling. “Wala naman pero wala ka bang ikukwento sa amin ni Jenica?” Tanong niya habang nakangisi.
Napalunok naman ako dahil sa sinabi niya. May alam nga siya at posibleng sinabi iyon ni Kuya Maverick!
“May ikukwento ka nga ba sa amin, babae?” Tanong naman ni Jenica na parang nanghihinala na.
Umiling lang ako. “W-wala ah. Tara na nga at pumasok na tayo sa klase natin. Kayo talaga kung anu-ano na ’yang mga pinag-iisip niyo!” Mabilisan kong sagot at hinila na sila paalis.
Natawa na lang sila dahil sa sinabi ko at nagpatangay na lang sa akin. Habang naglalakad kami papunta sa una naming klase ay nakita ko na papalapit sa amin si Wayne na nakangiti sa akin.
“Hi Sarina at hi na rin sa inyo!” Bati niya sa akin pati na rin kina Jenica at Macy. Nginitian naman siya ni Jenica habang si Macy naman ay tinanguan lang siya at hindi man lang ngumiti ito. May problema ba siya kay Wayne?
“Hi rin, Wayne,” Bati ko naman at nginitian rin siya.
Bigla naman siyang namula dahil sa sinabi ko at napakamot pa ng ulo. Ilang segundo lang ay may inabot siya sa aking isang puting box na may red na ribbon.
“Para nga pala sa’yo.” Sabi niya na parang nahihiya pa.
“Salamat pero ano ’to?” Tanong ko.
“B-buksan mo na lang. Ginawa ko ’yan para sa’yo para kahit papaano ay gumaan ang loob mo.” Sabi niya habang nakangiti.
Tumango naman ako at binuksan ang puting box na inabot niya. Tinanggal ko ang red ribbon na nakasabit dito at binuksan ang laman ng puting box. Pagkabukas ko ay isang chocolate cake na may nakasulat na ‘cheer up, Sarina’ sa ibabaw ng cake. Napangiti naman ako dahil sa ibinigay niya.
“Hindi ka na dapat nag-abala pang gumawa nito Wayne pero salamat. I appreciate your effort.” Sabi ko habang nakangiti.
Mas lalo pa siyang namula dahil sa sinabi ko at halos hindi na makatingin sa akin. “Ah wala ’yon. Marunong lang kasi talaga akong magbake dahil may bake shop ang Mom ko saka ang sabi nga niya ay nakakatulong ang chocolate para kahit papaano ay makabawas ’yun sa bigat ng nararamdaman mo.”
“Talaga ba? Nandito naman kaming mga kaibigan ni Sarina para makabawas sa bigat ng nararamdaman niya. Hindi makakatulong ang present mo sa problema niya ngayon.” Biglang pag-imik ni Macy na ikinagulat ko maging pati si Jenica.
“Macy, nakakahiya naman kay Wayne. Binibigyan lang naman niya ng regalo si Sarina e,” Bulong naman ni Jenica kay Macy na narinig ko.
Napayuko naman si Wayne dahil sa sinabi ni Macy. Para siyang napahiya doon kaya nagsalita na ako.
“Wala namang problema kung bigyan niya ako ng regalo, Macy. Maybe he’s concern about me lang dahil kaibigan ko naman siya.”
Napatawa naman siya ng mahina. “This guy obviously likes you. Hindi mo ba nakikita ’yon? Siguro dahil nakakulong na si Yohan kaya nakakuha na siya ng pagkakataon para pormahan ka. Tsk. I have to go. May dadaanan pa pala ako.” Sinamaan niya muna ng tingin si Wayne bago ito umalis.
Nagulat kaming dalawa ni Jenica dahil sa ginawa ni Macy. Paano naman niya naisip ang bagay na iyon? Si Wayne naman ay napangiti na parang hindi makapaniwala dahil sa sinabi ni Macy.
“Pagpasensyahan mo na si Macy, Wayne. Nasabi niya lang ’yon dahil na misunderstood niya ang ginawa mo para sa akin.” Paghingi ko ng paumanhin kay Wayne.
“Okay lang, Sarina. I just want to give you a gift lang since you are very nice and kind. She’s really misinterpreting it.” Sabi naman ni Wayne.
“Thank you. Sige, sorry ulit ha? Mauuna na kami ni Jenica sa classroom namin.” Paalam ko. Tumango naman siya at pagkatapos ay umalis na rin.
Nang maglakad na kami papaalis ni Jenica ay nagsalita ito. “Bakit parang hindi maganda ang mood ni Macy kay Wayne? May atraso ba sa kanya si Wayne?” Nagtatakang ani niya.
Nagkibit-balikat lang ako dahil pati rin ako ay walang ideya kung bakit ganon na lang si Macy kung tratuhin niya si wayne.
“Wala rin akong alam, Jenica. Hindi ko alam kung bakit parang ayaw niya si Wayne.” Sagot ko naman.
“Hm.. hindi kaya nakaaway ni Wayne si Walter kaya nagkakaganon siya?” Jenica.
“Hindi ko alam Jenica pero sana ay kung may sama siya ng loob kay Wayne ay maayos na ’yon. Mabait naman si Wayne at concern lang siya sa akin kaya niya ako binigyan ng chocolate cake.” Tila para naman siyang nag-isip sa sinabi ko.
“Hindi kaya may gusto talaga sa’yo ’yang si Wayne? Kanina kasi nung kinakausap ka niya ay para siyang nagbablush at hindi makatingin sa’yo ng diretso. Para siyang nahihiya nung makita ka niya.” Sabi pa nito.
Napatawa naman ako. “Ano ba ’yang mga pinagsasabi mo, Jenica? Si Wayne na nga mismo ang nagsabi na binigyan niya lang ako ng regalo dahil mabuti daw akong kaibigan para sa kanya.”
“Mabuting kaibigan? Sa pagkakaalam ko ay hindi naman kayo close ’di ba? Nitong nakalipas na araw lang naman kayo nagkakausap kaya nakakapagtaka.”
Napailing na lang ako dahil sa sinabi ni Jenica at nagpatuloy na lang sa paglalakad papunta sa unang klase namin.
ULLYSES’
POV
Inaabangan ko sa labas ng dati kong school na St. Therese si Wayne. I decided to transfer in other school for my personal reason. Uwian na nila at hinihintay ko siyang lumabas dito sa gate ng school. Sana ay naibigay niya yung chocolate cake na ginawa ko para kay Sarina. Nabalitaan ko kasi ang nangyari tungkol sa kanya pati na rin sa pagkakakulong ni Yohan dahil nalaman na nito ang masamang ginagawa ng lalakeng ’yon para makuha siya pati na rin ang loob niya. Natakot ako sa banta ni Yohan na kapag hindi ko iniwasan si Sarina ay posibleng patayin niya kami ng pamilya ko. Alam ko na magagawa niya ’yon dahil nagawa niya nga iyon sa kaibigan ni Sarina na si Trey. Baliw ang lalakeng iyon kasama ang mga kapatid niya na tumulong sa pambubugbog sa akin. Mabuti nang nalaman ni Sarina ang tunay na kulay ng pinagkakatiwalaan niyang kaibigan. Ngayon na nakakulong na si Yohan ay may pag-asa na ako kay Sarina. Gagawin ko ang lahat para pagaanin ang loob niya at mapasaya siya. Sa ngayon kasi ay hindi pa ako makalapit sa kanya dahil na rin sa seguridad ko. Saka na ako maglalakas na loob na lapitan siya kapag naayos na ang lahat.
Nakita ko na sa di kalayuan si Wayne kasama ang isa naming ka teammate sa basketball na si Jared. Mukhang nag-uusap silang dalawa. Ilang saglit lang ay nagpaalam na si Jared sa kanya at naghiwalay na sila ng dadaaanan. Nagulat naman si Wayne nang makita niya ako at unti-unti itong lumapit sa akin.
“N-nandito ka pala.” Sabi niya.
“Ano, naibigay mo na ba kay Sarina ’yung cake na binake ko para sa kanya?” Nakangiti ko namang tanong sa kanya.
Si Wayne ang pinaka close ko sa buong teammates ko sa basketball sa St. Therese kaya sa kanya ko ipinabigay ang regalo ko para kay Sarina. I know how to bake dahil tinuruan ako ng lola ko na nagpalaki sa akin noong bata pa lang ako.
“A-ah oo naman. Naibigay ko na. Salamat daw sa ibinigay mo sa kanya. Sobrang nagustuhan niya ’yung chocolate cake na binake mo para sa kanya.” Nakangiti namang sagot ni Wayne.
Napangiti naman ako. Mabuti na lang at nagustuhan ni Sarina ang binigay ko. Sa susunod ay gagawa pa ako ng mas marami at ako na mismo ang magbibigay nun sa kanya.
“Salamat sa tulong mo, Wayne.” Sabi ko naman.
“Wala ’yon. Para saan pa ang pagkakaibigan natin kung hindi kita tutulungan, hindi ba?” Sagot naman niya.
“I can always relay on you. Thanks bro.” Ngumiti lang siya.
“Sige Ulysses, uuwi na ako at may kailangan pa akong tapusin. Maiwan na kita.” Paalam niya at inayos ang nakasukbit niyang backpack sa braso niya at umalis na.
Hindi ko naman mapigilan ang pagngiti ko. Nagustuhan ni Sarina ang binigay ko para sa kanya.
–
Hindi pala kakayanin kung hanggang Chapter 30 lang ang Danger Alley. Sige gagawin ko nang hanggang Chapter 50 to. Salamat sa mga patuloy na nagbabasa nito at sorry sa napakatagal na update.
Chapter 31
WAYNE’S POV
Pagkatapos kong malagpasan si Ulysses ay napangiti nalang ako ng palihim. Kahit kailan talaga ay tanga pa rin siya. Did he think na tutulungan ko talaga siya para mas mapalapit pa siyang lalo kay Sarina? Tanga ba ako para gawin iyon? Ni minsan naman ay hindi ko siya itinuring na isang kaibigan dahil sa inis, galit at inggit ko sa kanya. Lahat ng meron ako ay kinuha na niya. The popularity, attention from my parents, my position in our team, mga kaibigan ko tapos pati si Sarina ay aagawin niya rin sa akin? Nakakatawa talaga siya kahit kailan. Hindi naman ako isang alalay niya para maging sunod-sunuran nalang lahat sa gugustuhin niya.
Mabuti nalang talaga at lumipat na siya ng ibang school para hindi ko na araw-araw makita ang pagiging attention seeker niya sa buong school. Mabuti nga sa kanya na nabugbog siya ni Yohan at ng mga kapatid nito dahil masyado siyang kumpiyansa sa sarili niya na pati si Sarina ay makukuha rin niya katulad ng nagagawa niya sa ibang babaeng pinaglalaruan lang niya.
Pagkauwi ko galing ng bahay ay dumiretso na kaagad ako sa kwarto ko at hinubad ang suot kong uniform. Humiga ako sa kama at saka binuksan ang TV ko. Habang nanonood ako ay bigla nalang nag-ring ang phone ko. Sinagot ko naman ang tawag nang hindi tinignan kung sino ang tumatawag.
“Hello?”
(Babe, I miss you so much! Kailan ba tayo ulit magkikita? I’m so bored na kasi. I need you and let’s make some fun.) Nang-aakit niyang sabi.
“I’m busy. Huwag mo nga akong istorbohin.” Humihikab kong pagkakasabi.
(Why? You don’t miss me, Wayne? I’m your girlfriend and I need your attention!) Napaface-palm nalang ako at inis na napabuntong-hininga.
“Sabing ayoko nga ’di ba? And let me tell you something, Denise,” Nakangisi kong sabi.
(What is it?)
“Break na tayo. Nagsawa na ako sa’yo. Hindi ko alam kung ilang lalaki na ang gumalaw sa’yo dahil isa ka namang cheap na babae at hindi pa exciting na makipag-sex sa’yo kaya nagsawa na kaagad ako. Don’t you dare to call and text me again kung ayaw mong malintikan ka sa akin.” Pagbabanta ko.
Narinig ko naman ang biglang pag-iyak niya sa kabilang linya. (How dare you, Wayne! Napakasama mo talaga. I will tell this to Dad!) Sigaw niya.
Tumawa nalang ako at pinatay na ang TV.
“Go ahead, bitch. Hindi ako natatakot sa Dad mo kung magsumbong pa siya sa parents ko. At hindi ba ginalaw ka na rin nila Kuya Axis at ng pinsan naming si Jack?” Natatawa kong sabi.
(T-that’s not true!“) Nauutal niyang sigaw.
Kumuha naman ako ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan ito. “Keep lying whore but don’t bother me again or else I will reap off your throat and kill you slowly.” Pagbabanta ko at pinatay na ang tawag.
Bumuga naman ako ng usok at sumandal sa headboard ng kama ko.
Denise is nothing but a flirty bitch. Pinatulan ko lang naman siya dahil maganda at magaling siya sa kama. Ikinuwento sa akin nina kuya at ng pinsan naming si Jack na inakit sila ni Denise at nagalaw na rin nila ang babaeng iyon. I don’t really care about her anymore dahil malayong-malayo siya kay Sarina.
Napangiti nalang ako nang maalala ko kanina na natuwa siya sa cake na ibinigay ko para sa kanya pero kung hindi lang umeksena at nag-inarte ang Macy na iyon ay mas masaya pa sana ang naging reaksyon ni Sarina. That stupid girl.
Gusto ko si Sarina noon pa. Katulad nila Ulysses at Yohan ay may lihim na pagtingin na talaga ako noon pa sa kanya. Mas pinili ko nalang rin itago ang nararamdaman ko dahil alam ko na wala akong pag-asa sa kanya dahil mas sikat sa St. Therese at mas gwapo sina Ulysses at Yohan kumpara sa akin. Pero dahil ngayon na wala na silang dalawa sa YGA ay may pag-asa na ako kay Sarina at hindi ko hahayaan na bigyan pa ng pagkakataon si Ulysses na mas mapalapit ang loob ni Sarina sa kanya.
“Hindi kita bibigyan ng pagkakataon para maagaw mo sa akin si Sarina. Stupid.” Nakangisi kong bulong at napatawa nalang.
ALDWIN’S POV
“Pst!” Kinalabit ako ng isang matandang lalaki na maraming tattoo na katabi ko lang kasama ang dalawa pang lalaki na mas may edad sa akin.
“Oh ano ’yon?” Bagot kong tanong.
“Ibang klase pala kayo boy! Ang balita dito tungkol sa inyo ay pumatay raw ng isang binata ang nakababata mong kapatid kasama ang isa pang kapatid mo na nakatakas sa mga pulis. Halang pala ang mga kaluluwa ninyong magkakapatid. Sa kagwapuhan at amo ng mukha mo ay isa ka palang nagkukubling demonyo!” Tumatawang sabi ng lalaking matanda na maraming tattoo. Tumatawa rin ang mga kasama niya.
Dahil naiinis ako sa pag-iingay nila ay kinausap ko na sila. “Oo, kriminal na kami. Pwede bang itikom niyo na ’yang mga bibig niyo dahil iniistorbo niyo ako?”
Tumalim bigla ang titig nila sa akin at kwinelyuhan ako nung lalaking mataba at maitim.
“Hoy! ’Wag kang sisiga-siga dito. Gusto mo bang makatikim ng suntok?” Sabi niya at mas lalo pang tumalim ang titig niya sa akin.
“Bitawan mo nga ako. Gago!” Galit kong pagkakasabi at sinamaan rin siya ng tingin.
“Aba’t-” Aambahan na sana niya ako ng suntok nang..
“Bitawan mo na siya, Erwin.” Utos nung lalaking matanda na maraming tattoo sa lalaking mataba at maitim.
Binitawan naman ako ng padabog nung lalaki na masama pa rin ang titig sa akin. Tinitigan ko rin siya ng masama.
“Ikaw ang kapatid ni Ace Suarez, ’di ba?” Tanong niya ng seryoso.
“Teka.. Bakit mo kilala ang kapatid ko?” Nagtataka ko namang tanong.
Ngumiti siya at inakbayan ako. “Boy, kilalang-kilala ko ang kapatid mo dahil nakalaban na rin namin siya noon sa isang Drug transaction dealing at siya ang dahilan kaya kami nakakulong ngayon pero palalagpasin ko nalang ang ginawa ng kapatid mo sa isang kondisyon..”
Napahinto naman ako dahil sa sinabi niya. Talaga palang kilalang-kilala ng mga sindikato si Ace pagdating sa Drug transaction dealing na siya ang namamahala. Nasaan na kaya nagtatago ang ungas na iyon? Kailan ba niya itutuloy ang plano na itakas kami ni Yohan sa impyernong lugar na kinalalagyan namin ngayon?
“Anong kondisyon?” Tanong ko.
“Itatakas ka ng kapatid mo dito ’di ba? Pwede namin kayong matulungan.” Nakangisi niyang sabi na ikinangisi rin ng dalawa niyang kasama.
Sumandal naman ako sa pader at nag-isip. “Hindi ko alam kung kailan balak ni Ace na itakas kami ng isang kapatid ko na nasa DSWD pa pero sa tingin ko ay sa susunod na linggo na niya gagawin ang plano niya.” Sabi ko at napangisi pagkatapos.
Napangisi rin naman sila dahil sa sinabi ko. “Sige, balitaan mo nalang kami sa plano ng kapatid mo. Gusto na rin naming makatakas dito.” Sabi niya at pagkatapos ay umalis na sila ng mga kasama niya.
Napatawa naman ako at napailing. Sa tingin ba nila ay magpapatulong ako sa kanila para makatakas kami dito?
Naramdaman ko na nagvibrate ang cellphone na ilegal na naipuslit ng isa sa mga ka-gangmates namin ni Ace na hindi nahuli ng mga pulis. Lumipat ako sa pinakatagong parte ng selda namin at nagpalinga-linga muna sa paligid bago buksan ang message na natanggap ko mula kay Ace.
Brother, nakaplano na ang lahat. Maghanda-handa na kayo sa gyera na ibibigay natin. -Ace
Napailing nalang ako dahil sa galing ng diskarte ni Ace. Good job kapatid.
– Vote, comment and follow for more updates.
Chapter 32
SARINA’S POV
Inaabangan ko ngayon dito sa labas ng school si Kuya Xavier dahil siya raw ang magsusundo sa akin ngayon pauwi at hindi muna ang driver namin. Hanggang ngayon pa rin kasi ay natatakot siyang iwan akong mag-isa dahil baka raw may masama pang mangyari sa akin dahil sa mga pangyayari nitong mga nakaraang araw. Naiintindihan ko naman si Kuya Xavier dahil noong mga bata pa lang kami ay kapakanan palagi namin ni Ate Annika ang iniisip niya bilang mas nakatatandang kapatid sa amin.
Kasama ko ngayon na nag-aabang sa labas ng school sina Jenica at Alex. Si Macy naman ay maagang umuwi at parang ayaw muna kaming kausapin ngayon. Malamang ay dahil ito kay Wayne. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi maganda ang pakikitungo niya doon sa tao. Mabait naman si Wayne at alam kong kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin. Sana bukas ay makausap ko si Macy at itanong sa kanya kung ano ba talaga ang problema niya.
“Sigurado akong mas gumwapo pa lalo ’yang kuya mo, Sarina! Ilang buwan ko na rin kasing hindi nakikita ang kapatid mo at namimiss ko na ang mala God-of-handsome face niya!” Kinikilig na sabi ni Jenica na hindi man lang maramdaman ang presence ni Alex na masama na ang tingin dahil sa sinabi niya.
“Tama ba ang pagkakarinig ko, Jenica?Nagagwapuhan ka sa kuya ni Sarina at sinasabi mo ’yan habang nasa harapan mo ako?” Sarkastikong sabi ni Alex habang nakataas ang isang kilay.
Natawa naman si Jenica dahil sa sinabi ni Alex. “Gwapo naman kasi talaga at ubod pa ng hot ang kuya ni Sarina kaya bakit nagseselos ka?” Pang-aasar niya.
Tumikhim naman si Alex at umiwas ng tingin. “J-jealous? Who? Pagbubuhulin ko pa kayong dalawa, e!” Parang naiirita niyang sagot na ikinatawa naming dalawa ni Jenica.
He’s obviously jealous but he’s hiding it. She really likes Jenica.
Siniko naman ni Jenica si Alex at niyakap niya ang isang braso nito. “I’m kidding. I just want to see kung paano ka magselos Mr. Alex De Silva!” Natatawang sabi ni Jenica.
“Hindi nga ako nagseselos. Tsk!” Indenial pa rin na sagot ni Alex.
Napangiti naman ako dahil ang sweet nilang dalawa. Ilang minuto lang ay nakita ko na ang sasakyan ni Kuya Xavier na papalapit sa amin. Kumaway naman ako para makita niya kami. Lumapit naman sa amin si kuya at nang makalapit na siya ay hininto na niya ang sasakyan sa gilid at lumabas mula rito. Halatang kakatapos lang niyang magwork dahil nakasuot pa ito ng business attire pero nakatanggal na ang coat niya.
“Baby girl,” Sabi ni Kuya Xavier at hinalikan ako sa pisngi. Ngumiti naman ako pagkatapos.
“Hi Kuya. Kilala mo naman ’tong si Jenica ’di ba? Ito pala si Alex, manliligaw niya or maybe boyfriend?” Pakilala ko kay Kuya Xavier na ikinayuko ng dalawa.
Tumango at ngumiti naman si Kuya Xavier sa kanila. “Of course, I know Jenica. Nice to meet you, Alex.” Sabi ni Kuya Xavier.
“Nice to meet you din po.” Sabi naman ni Alex at ngumiti rin.
“So, I need to pick up my sister. Let’s go Sarina?” Tumango naman ako at nagpaalam na kina Jenica at Alex.
“Bukas na lang ulit. Bye guys!” Paalam ko pagkatapos ay sumakay na kami sa loob ng sasakyan ni Kuya Xavier. Nagwave naman sila sa akin bago patakbuhin ni kuya ang sasakyan niya.
“We will go to the restaurant and I want you to meet my co-workers.” Nakangiting sabi naman ni Kuya Xavier.
Co-workers? Ibig sabihin ba ay nandoon si Kuya Maverick?
“Maverick was not there. Marami siyang inaasikaso ngayon sa Company nila.” Tila nabasa naman ni Kuya Xavier ang nasa isip ko pero nanatili lang akong tahimik. Hindi ko alam pero may konting panghihinayang ako na hindi ko makikita si Kuya Maverick. Dapat hindi ko ito maisip!
Nang nakarating na kami ni Kuya Xavier sa restaurant na tinutukoy niya ay kaagad kaming pumasok doon at naabutan namin sa isang long table ang sinasabi niyang mga co-workers niya. Nang tinignan ko sila ay lahat sila ay parang kasing edad lang rin ni kuya. May dalawang babae at limang lalaki ang nasa table at mukhang hinihintay nila kami.
Lumapit naman kami ni kuya sa pwesto nila at kaagad nila kaming sinalubong.
“Mabuti at nandito na kayo. Is this your little sister, Xavier?” Tanong ng isang magandang babae kay Kuya Xavier habang nakaturo ito sa akin.
“Yes, Georgina. She’s my sister, Sarina.” Pakilala naman ni Kuya sa akin.
“Hello po.” Bati ko doon sa magandang babae. Ngumiti naman siya sa akin at inaya akong maupo sa upuan na katabi lang niya.
“I’m Georgina by the way and I’m your brother’s co-worker and also them.” Pakilala niya sa akin at sa iba pang kasama nila. Nginitian naman nila ako at medyo naiilang pa ako dahil nakatitig silang lahat sa akin.
“Ang ganda naman pala ng kapatid mo, Xavier. Medyo hawig sila ni Annika.” Sabi sa akin nung lalaking co-worker ni kuya at nginitian ako. I smiled back kahit naiilang ako.
“Syempre naman, Cyril. Nasa lahi talaga namin ang maging maganda at gwapo!” Pagbibiro naman ni kuya na ikinatawa nilang lahat.
“May I know how old are you, Sarina?” Tanong naman sa akin nung isang lalaki.
“16 po.” Sagot ko naman.
“Hmm. You’re too young pero hindi kayo nagkakalayo ng edad ni Cyril. Cyril is only 18.” Nagulat naman ako sa sinabi nung lalaki at tinignan si Kuya Cyril. He doesn’t look 18 dahil matured na ang katawan niya but still, he looks young.
“Your Kuya Aidan was right, I’m only 18, Sarina but are you wondering kung bakit nagwowork na ako imbes na nag-aaral pa? I was an accelerated student and at the age of 17 ay graduated na ako ng college.” Nakangiting sagot niya.
Nagulat naman ako dahill doon. So it means na matalino talaga si Kuya Cyril.
“Enough with that. Umorder na muna tayo.” Bigla namang pag-imik ni Kuya Xavier.
Nang matapos na kaming umorder at ma-iserve na ang mga pagkain namin ay nag-umpisa na kaming kumain. Habang kumakain naman kami ay biglang umimik si Ate Georgina.
“Sarina, can I confess to you?” Nakangiti niyang tanong.
“Ano po ’yon, ate?” Tanong ko naman.
Bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko. “I like your brother, Xavier. I like him so much.” She said.
Nagulat naman ako sinabi niya. Tinignan ko si Ate Georgina, maganda siya at bagay talaga sila ni Kuya Xavier pero hindi ko lang alam kung may gusto ba si kuya sa kanya.
“Talaga po?” Tanging nasabi ko na lang.
She nodded. “Yes, I want to be close to his family. You’re his sister so I want to be close with you and they didn’t mention earlier na si Cyril ay little brother ko.” Nagulat na naman ako dahil doon. Tinignan ko si Kuya Cyril na busy sa pagkain nito, hindi niya kamukha si Ate Georgina pero pareho silang matangkad at maputi.
Gusto niyang maging kaclose ako dahil pamilya ko si Kuya Xavier? Wala namang masama kung magkagusto siya kay kuya dahil mabait naman si Ate Georgina pero hindi ko lang alam kung may gusto nga ba talaga si kuya sa kanya. When it comes to girls kasi ay hindi naman nagbabanggit si Kuya Xavier kung may nagugustuhan na nga ba siyang babae o kung may girlfriend na ba siya. Ang nakikita ko lang kasi ay mas focus siya sa pagtatrabaho niya.
“That’s a secret muna, ha? Here’s my contact info. Contact me para minsan naman ay makapagbonding tayo.” She said at inabot sa akin ang calling card niya mula sa purse niya.
Tumango na lang ako at tinignan ang calling card niya. Her fullname is Georgina Ayala.
“Kuya, pupunta lang po ako nang cr.” Paalam ko kay Kuya Xavier na busy sa pakikipag-usap sa mga co-worker niya. Tumango lang siya at sinabi na bumalik ako kaagad.
Nang makarating na ako sa loob ng cr at tapos nang maghugas ng kamay ay laking gulat ko nang nasa labas si Kuya Cyril at mukhang hinihintay yata ako.
“Kuya Cyril? Ano pong ginagawa niyo dito?” Ngumiti naman siya at parang hindi niya alam ang sasabihin niya.
“Ahm kasi.. kung nabanggit ba sa’yo ni Ate Georgina na may gusto siya kay Xavier?” Tanong niya.
Tumango naman ako. “Papaano mo nalaman ’yon?”
Sumandal naman siya sa gilid ng pader. “My sister likes your brother since then pero alam ko naman na walang gusto ang kapatid mo sa kanya kaya kung sakaling kulitin ka man ulit ni Ate Georgina para mas mapalapit pa lalo sa kapatid mo ay hayaan mo na lang siya. Magsasawa rin siya sa ginagawa niya.” He said it seriously.
Nauunawaan ko na ang lahat.
Ngumiti naman ako at tumango. “Oo naman po. Mabait naman po si Ate Georgina e, pero desisyon po talaga ni Kuya Xavier ang masusunod but it doesn’t mean naman po na ayaw ko na magkagusto siya sa kuya ko. Ang sa akin lang po ay ayaw ko pong makialam sa desisyon nila.” Sabi ko.
Napangiti naman siya dahil sa sinabi ko. “You’re so intelligent and kind-”
“And what else, Mr. Ayala?”
Napalingon naman kami ni Kuya Cyril sa nagsalita and I didn’t expect that he was here..
“Kuya Maverick?”
Chapter 33
SARINA’S POV
“And what else, Mr. Ayala?”
Napalingon naman kami ni Kuya Cyril sa nagsalita and I didn’t expect that he was here..
“Kuya Maverick?”
Anong ginagawa niya dito? Ang akala ko ba ay busy siya sa work niya base sa pagkakasabi sa akin ni Kuya Xavier? I look at him again, nakatingin lang siya ng seryoso sa amin ni Kuya Cyril and I don’t think that he’s happy right now.
Napangiti naman si Kuya Cyril at kinamayan si Kuya Maverick. Kinamayan rin naman siya nito pabalik pero mukhang wala siya sa mood para ngumiti. Ano kayang problema niya?
“I’m just praising Sarina dahil mukhang matured na rin siya mag-isip katulad ko. I didn’t expect na makakapunta ka rito. Are you done with your works?” Tanong ni Kuya Cyril.
Tumango lang naman si Kuya Maverick. “Ano bang pinag-uusapan niyo at nasabi mo na matured na si Sarina na mag-isip?” Sabi ni Kuya Maverick.
Ano? Kailangan pa ba niyang malaman ang mga pinag-usapan namin ni Kuya Cyril tungkol kina Kuya Xavier at Ate Georgina? Ganon ba talaga kapag gusto mo ang isang tao? Aalamin mo rin ang lahat ng detalye sa pakikipag-usap mo sa iba?
Tinignan naman ako ni Kuya Cyril at tinitigan ng mariin saka muli siyang bumaling ulit kay Kuya Maverick at tinitigan rin ito ng mariin. Nakakahalata na kaya siya sa ikinikilos ni Kuya Maverick kapag kaharap niya ako? Huwag naman sana.
“It’s only between us, Maverick. A private matters na hindi mo na dapat pang malaman. Hindi rin naman tungkol ’yon sa trabaho natin.” Sabi ni Kuya Cyril at nginitian ako.
Kumunot naman ang noo ni Kuya Maverick dahil sa sinabi ni Kuya Cyril sabay bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.
“I’ll take you home.” Sabi niya.
“Po? Eh kasama ko pa po si Kuya Xav-” Bigla naman ulit siyang nagsalita.
“He’s busy talking to his co-workers kaya ako na lang ang maghahatid sa’yo pauwi. Tatawagan ko na lang siya kapag naiuwi na kita sa inyo.” He said. Wala naman akong nagawa kundi ang sumang-ayon na lang sa sinabi niya.
Lumingon naman ako kay Kuya Cyril at seryoso lang siyang nakatingin sa aming dalawa.
“We need to go.” Paalam niya kay Kuya Cyril. Tumango lang naman siya at nginitian kami.
“Sure. Mas mabuti pa ngang ihatid mo na lang muna si Sarina. It’s nice to meet you, Sarina. Mag-iingat ka.” Nakangiti niyang sabi sa aming dalawa.
“It’s nice to meet you rin po, Kuya Cyril.” Sabi ko at tuluyan na nga akong hinila ni Kuya Maverick papaalis.
Hila-hila niya pa rin ako hanggang sa malagpasan na namin ang table nila Kuya Xavier at naiwan ko pa doon ’yung bag ko!
“Teka, Kuya Maverick! Naiwan sa table namin ’yung bag ko!” Sabi ko nang makalabas na kami sa loob ng restaurant.
“Iuuwi naman ’yan ng kuya mo kapag uuwi na rin siya.” Sabi niya lang hanggang sa makapasok na kami sa loob ng sasakyan niya.
Nang nasa loob na kami nito ay tahimik lang kaming dalawa. Parang nagpapakiramdaman pa. Ngayon ko lang ulit siyang nakita pagkatapos ng ilang araw at sa bawat araw yata na lumilipas ay mas lalo siyang gumagwapo sa paningin ko.
“Bakit ka nakikipag-usap sa hindi mo naman kilala?” Bigla niyang pag-imik at pinaandar na nito ang sasakyan niya.
Bakit pakiramdam ko ay parang nagseselos siya? o assuming lang siguro talaga ako?
“May tinanong lang naman si Kuya Cyril sa akin at saka mabait naman siya e,” Sabi ko.
Napailing lang siya. “Hindi ba’t sinabi ko na sa’yo na huwag ka kaagad nagtitiwala o nakikipag-usap sa ibang tao dahil hindi mo naman alam kung mapagkakatiwalaan ba sila? You need to be careful at this time sa taong pagkakatiwalaan mo dahil baka katulad lang rin ’yan nung Yohan.” Parang naiinis niya pang sabi habang nakatingin lang ang mga mata niya sa daan.
“Nagtanong lang naman po siya sa akin at ang bastos ko naman siguro kung hindi ko siya kakausapin. Alam ko naman ’yon, Kuya Maverick pero hindi ko maiiwasan minsan na kumausap ng ibang tao lalo na’t kung importante ang sasabihin niya sa akin.” Mahabang paliwanag ko.
“You’re clueless, don’t you know that? Obvious naman na may interes sa’yo ’yung Cyril na ’yan. You’re too close to his age kaya natural lang kung magfirst-move kaagad siya sa’yo. I won’t allow that dahil sa akin ka lang!” Sabi niya.
Dahil sa sinabi niya ay namula ako at bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Nag-umpisa na naman siyang magbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam dahil sa mga sinasabi niya sa akin. He’s very expressive when it comes to his feelings to me.
“H-how can you say that? Hindi naman ibig sabihin na kinausap niya ako ay may gusto na siya kaagad sa akin. You’re paranoid, Kuya Maverick and he’s older than me. Baka nga may girlfriend na siya dahil gwapo naman siya.” I said.
Napalingon naman siya sa akin at sinamaan ako ng tingin na ikinagulat ko. “Now, you’re admitting that he’s handsome? Can’t you see? I’m 101% handsome and better than him.” Sabi niya at inirapan ako saka niya ulit itinuon ang atensyon niya sa daan.
Napangiti na lang ako. He sounds so jealous. Ganito pala magselos ang isang Maverick Eliazar. May naisip akong paraan para mas lalo siyang maasar sa akin dahil ang cute niya talagang tignan kapag naaasar na siya.
“Gwapo naman kasi talaga si Kuya Cyril. Matangkad pa at ubod ng cute.” Nakangiting sabi ko.
Parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko dahil bigla na lang niyang hininto ang sasakyan niya at ipinarada sa gilid ng daan sabay harap nito sa akin. Nagulat na lang ako nang nilapitan niya ako at hinawakan niya ang dalawang braso ko at inilagay ito sa balikat niya. Inilapit niya ang mukha niya sa akin kaya ngayon ay nakikita ko nang malapitan ang gwapo at maamo niyang mukha.
Mas lalo pang bumilis ang pintig ng puso ko dahil sa ginawa niya.
“After you admitted that you like me then you’re saying that he’s handsome, tall and cute in front of my face? Can’t you see that I’m so jealous right now, Sarina? bakit kailangan mo pang humanga sa ibang lalaki kung nandito naman ako?” He seriously said while staring to my eyes.
Talaga ngang nagseselos siya at nakikita ko na parang naiinsecure siya kay Kuya Cyril dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam na ganito ang magiging reaksyon. Ang akala ko kay maaasar siya o maiinis sa sinabi ko pero mukhang na-offend pa siya sa ginawa ko. I should say sorry to him.
“I understand. Masyado ka pang bata at hindi mo maiiwasan na humanga sa ibang lalaki na kasing edad o malapit lang rin sa edad mo. It’s okay for me as long as you still like me. Hanggang tingin ka lang naman sa kanila dahil hindi ako makakapayag na mapunta ka pa sa iba.” Sabi niya pagkatapos ay binitawan na niya ako at pinaandar na ulit ang sasakyan niya.
I was stunned by what he said. His words are truly remarkable in my mind. I feel that I’m the luckiest girl in the world because of this man beside me. He likes me a lot and he doesn’t deserved to feel rejected.
“I’m sorry,” Nakayukong sabi ko.
“Why you say sorry? Okay lang sa akin ’yon, Sarina basta ba ay ako pa rin ang gusto mo katulad nga ng sinabi ko pero sa oras na makita ko lang talaga na lapitan ka pa ng lalaking ’yon ay talagang hindi ako magdadalawang-isip na ilayo ka sa kanya.” Sabi niya.
Tumango na lang ako.
Nang makarating na kami sa bahay ay lumabas na kaming dalawa sa sasakyan niya at pumasok na sa loob ng bahay. Walang tao sa bahay bukod sa mga maids at guard na nagbabantay dito. Pinaupo ko muna si Kuya Maverick sa sofa at nagulat na lang ako nang hilahin niya ako at inupo sa lap niya. Namula naman ako sa ginawa niya.
“You’re only 16 but you’re tall enough. Do you join pageants like Beauty Contest na katulad ng sinasalihan ni Macy?” He asked then he starting to caress my hair.
Umiling naman ako. “Hindi po. Hindi ako mahilig sumali sa mga Beauty Contest dahil mahiyain po ako at hindi bagay na sumali ako sa ganon.”
He nodded. “Kung sa bagay, hindi rin naman kita papayagang sumali sa mga ganong events dahil ayokong pagpantasyahan ka pa ng ibang lalaki at masyado ka nang overqualified para sumali pa doon. Ang gusto ko ay ako lang palagi ang makakakita ng maganda mong mukha at katawan.” Sabi niya habang titig na titig sa akin.
Nagblush ako dahil sa sinabi niya. Wala talaga siyang kahihiyan na sabihin niya sa akin iyon samantalang ako pa ang nahihiya sa mga pinagsasabi niya!
“Sarina, are you here na ba-”
Kaagad naman akong tumayo nang makita ni Ate Annika at ng lalaking kasama niya na nakaupo ako sa lap ni Kuya Maverick. Nanlalaki pa ang mga mata niya habang nakatingin sa amin pero ’di kalaunan ay napangiti na lang siya at nilapitan kami.
“Matindi ka talaga bro,” Rinig kong sabi nang lalaking kasama ni Ate Annika habang nakangisi ito kay Kuya Maverick at lumapit na rin ito sa pwesto namin.
Ngumiti lang naman si Kuya Maverick sa kanya habang nananatili pa rin itong prenteng nakaupo sa sofa na parang hari.
“Can you explain what’s happening right now, Sarina?” Tanong ni Ate Annika sa akin.
Napakagat-labi naman ako at tumingin kay Kuya Maverick na parang nanghihingi ng tulong. Natawa lang naman si Kuya Maverick dahil sa ginawa ko at tumayo ito para mag-explain na kila ate.
Sana naman ay ayusin niya ang mga sasabihin niya!
Chapter 34
JENICA’S POV
Papunta ako ngayon sa DSWD kung nasaan ay naroroon si Yohan dahil gusto ko siyang makausap kung bakit niya nagawang pumatay ng tao dahil lang sa pagmamahal niya kay Sarina. Alam kong noon pa man ay may lihim na siyang pagtingin sa kaibigan namin pero hindi ko alam na aabot pa sa ganitong punto na makakasakit siya ng isang tao. Sa pagkakakilala ko kay Yohan ay mabait itong kaibigan sa amin ni Sarina pero sa mga nakikita ko ngayon ay mukhang hindi talaga namin kilala pa ng lubusan ang isang Yohan Suarez.
Hindi ko pinaalam kay Alex na pupuntahan ko si Yohan sa DSWD dahil alam kong hindi siya papayag dun dahil masyado nga raw mapanganib ito at baka may kung anong gawin sa akin pero kaya ko ito, kakausapin ko lang naman si Yohan nang masinsinan.
Nang makarating na ako sa DSWD ay kaagad kong tinanong sa help desk kung nasaan si Yohan Suarez at itinuro naman niya sa akin kung nasaang silid ito. Kumpara sa ibang mga bata at teenagers na nandito ay hindi siya malayang nakakalabas ng silid niya dahil na rin siguro sa kakaibang takbo ng pag-iisip niya at mabigat rin ang kaso niya. Nagpasalamat ako sa nagturo sa akin kung nasaang silid siya at saka na ito umalis. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob ng silid.
Naabutan ko siyang nakaupo sa sulok ng silid niya habang nakayuko. Nang mapansin niya ako ay nagulat siya at sinamaan ako ng tingin.
“Anong ginagawa mo dito?” May galit niyang pagkakasabi.
Huminga ulit ako ng malalim at saka nagsalita. “Gusto lang sana kitang makausap,” Sabi ko.
Ngumiti naman siya at tumayo para lumapit sa akin. “Para saan? Para sermunan ako na isa akong kriminal at baliw na tao? Hindi ko kailangan ng sermon niyo kaya umalis ka na!” Sigaw niya.
Sa nakikita kong Yohan ngayon ay siya ang Yohan na puno ng galit sa puso at hindi ang Yohan na palangiti na nakilala namin noon.
“Yohan, kilala kita at noon pa man ay alam kong mahal na mahal mo na si Sarina pero bakit mo ba nagawa ’yon? Alam mo naman na boto ako sa’yo para kay Sarina ’di ba pero hindi mo naman kailangan na pumatay pa ng tao para lang mapasayo siya. Matutulungan naman kita kung sakali.” Nag-aalala kong tanong.
Sa sinabi kong iyon ay natahimik siya saka ito umupo sa kama ng silid niya.
“Kung hindi ko pinatay ang bwisit na Trey na ’yon malamang ay nagpapakasaya siya ngayon kay Sarina. Sa tingin mo ba talaga na may pag-asa ako kay Sarina? Alam mong wala dahil alam natin na mahal na mahal niya ang gagong ’yon!” May diin niyang pagkakasabi.
Umiling na lang ako at umupo sa tabi niya. “Hindi mo naman kasi mapipilit ang pagmamahal, Yohan. Matagal na niyang kilala si Trey at simula mga bata pa lang sila ay nagkakasundo na sila sa lahat ng bagay. Kung mahal mo si Sarina dapat ay hahayaan mo siya sa taong mahal niya.” Sabi ko na puno ng sinseridad.
Napatawa naman siya ng mahina. “Hindi niyo alam ang pinagdaanan ko, Jenica. Bata pa lang ako ay hindi ko narasanan na mahalin ako ng totoo at si Sarina lang ang nagparamdam nun sa akin. Hindi ko hahayaan na maagaw siya ng kahit sino sa akin. Sa akin lang siya!” Sabi niya at napakuyom ito ng kamao.
Mahal niya si Sarina pero makasarili siya .
“Kaya ba binugbog niyo rin noon si Ulysses dahil alam mong may gusto siya kay Sarina?” Tanong ko.
Tumawa lang siya. “He deserves that. Isa siyang bubuyog na umaaligid sa isang magandang bulaklak. Dapat nga ay pinapatay rin ang isang katulad niya.” Nakangisi niyang sagot.
Medyo kinilabutan ako sa sinabi niya pero hindi ko na lang iyon ipinahalata.
Tumingin naman siya sa akin. “Ikaw ba Jenica, hindi ka ba natatakot na magkagusto rin si Alex kay Sarina? Nung una ay si Ulysses tapos baka ngayon ay si Alex naman. Hindi malabong mangyari ’yon.” Nakangisi niyang sabi.
“Imposible ’yan. Alam ni Alex na magkaibigan kami ni Sarina at alam kong mahal niya ako.”
Mas lalo namang lumapit sa akin si Yohan at inakbayan ako. “Hindi mo alam ang mga posibilidad na mangyayari. Maganda at sexy si Sarina, walang-wala ka sa itsura niya. Nagsasabi lang ako ng totoo, ha? Huwag kang maoffend.” Nang-iinsulto niyang sabi saka ito lumayo sa akin at pumwesto malapit sa bintana.
Napaisip naman ako. Hindi mangyayari iyon dahil mahal na mahal ako ni Alex at may tiwala ako sa kanya. Tumayo na ako at akmang aalis nang biglang magsalita si Yohan.
“Kaibigan kita Jenica kaya pinapaalahanan lang kita. Hindi malabong mangyari ’yon kaya kung ako sa’yo ay ilayo mo na si Alex kay Sarina.” Sabi niya at nginitian ako.
Huminga ako ng malalim at tinignan siya ng seryoso. “May tiwala ako kina Alex at Sarina at imposible ’yang mga sinasabi mo, Yohan. Kung ginagawa mo lang ’to para sirain kaming magkaibigan ay pasensya ka na pero hinding-hindi mangyayari ’yon. Alam mo ba kung ano ang ayaw sa’yo ni Sarina?” Biglang sumama ang tingin niya sa akin pero tinuloy ko pa rin ang sasabihin ko.
“Ayaw ni Sarina ’yang pagiging masama ng puso mo. Kung minahal mo lang sana siya sa paraang hindi makakasakit ng damdamin niya malamang ay may pag-asa ka sa kanya but you chose to be an evil kaya ngayon ay miserable ang buhay mo.” Sabi ko pagkatapos ay umalis na ako sa loob ng kwarto niya.
Alam ko ang ginagawa ni Yohan. Ginagawa niyang kamuhian ko si Sarina para hindi lang siya ang maging miserable ngayon pero nagkakamali siya. Mas mahalaga ang pagkakaibigan namin ni Sarina at hinding-hindi iyon masisira nang dahil lang sa isang lalaki.
THIRD PERSON’S POV
“Where’s my son?!” Sigaw ng isang lalaki kay Giselle. Ang ina ni Yohan.
Bigla namang uminit ang ulo ni Giselle dahil sa sinabi ng lalaking nasa harapan niya. Pagkatapos nitong iwan sila ni Yohan mula nang mabuntis siya ay magpapakita ito muli sa kanya para hanapin ang kanyang bunsong anak?
“Aba at may gana ka pa talagang magpakita sa akin at hahanapin mo ang anak ko? You left us for 15 years, right? So you don’t have any rights to ask where my son is!” Sigaw niya sa lalaki.
“Yohan is my son, Giselle and I will take him away from you, now. Balita ko ay pinapabayaan mo ang anak ko at inuuna mo ang pagsusugal at ’yung bisyo mong pag-iinom. My son adopted your bad behavior and you’re not a good influence to him.” Sabi ng lalaki.
Tumawa lang naman si Giselle at pumalakpak pa. “Wow, Juno! Ako pa talaga ang sinisisi mo kung bakit lumaking tarantado ’yung anak ko? Sino ba dito ang koreanong ama niya na pagkatapos akong mabuntis ay iiwan na lang kami nang basta-basta? Wala kang karapatan sa anak ko dahil ako lang ang magulang niya!” Sabi niya dito.
“Because I thought that he’s not my son dahil sa dami ng lalaking nakarelasyon mo rin noon but I confirmed na anak ko nga talaga siya dahil sa DNA test na pina investigate ko sa mga tauhan ko. Now, tell me where is he and I will take him to Seoul.” Sabi nito.
Natahimik naman si Giselle. Paano niya sasabihin na nakapatay ang anak nila ni Juno at nandoon ito ngayon sa pangangalaga ng DSWD? Alam niyang sobrang malaki ang naging pagkukulang niya kay Yohan pati na rin sa anak niyang sina Ace at Aldwin dahil napabayaan niya ang mga ito mula noong mga bata pa lang sila dahil sa bisyo at pagsusugal niya. Pero kailangan niyang sabihin ang totoo kay Juno at baka sakaling ito ang maging paraan para makalabas ang mga anak niya sa DSWD at kulungan.
Pumikit muna ito bago nagsalita. “Si Yohan, nasa DSWD siya ngayon dahil napatay niya ’yung kaibigan nang matagal na niyang gustong babae. Sina Ace at Aldwin naman ay nakakulong dahil sangkot rin sila sa ginawa ni Yohan at may iba’t-iba rin silang charges dahil involved silang dalawa sa drugs at iba pang patayan.” Sabi niya nang seryoso.
Hindi makapaniwala si Juno sa sinabi ni Giselle. Paano naging kriminal ang anak niya? Ganon na ba ito naging kapabaya para mapunta sa maling landas ang mga anak niyang lalaki?
“My son is a criminal? Napakawalang kwenta mo, Giselle! Hinayaan mong maging mamamatay-tao ang anak ko at ang mga anak mo? Anong klase kang ina? Yohan is only 16 years old!” Sigaw niya kay Giselle.
Hindi naman nagpatalo si Giselle at tinapatan rin ang galit ni Juno. “Ikaw ang walang kwenta, Juno! Pagkatapos mo kaming iwang mag-ina ay basta-basta ka na lang susulpot dito para kuhain ang anak ko? Alam mo ba na naghahangad kami ngayon ni Yohan ng magandang buhay na hindi mo man lang naibigay sa aming dalawa? Maambisyosong tao ang anak mo pero hindi ko sinabi na ang walang kwenta niyang ama ay mayaman naman talaga. Kinamumuhian ka ni Yohan ngayon at kahit mayaman ka pa ngayon ay hinding-hindi siya sasama sa’yo!”
Umiiyak na sabi ni Giselle at kaagad nitong tinulak si Juno palabas ng bahay at sinarado ang pintuan para hindi na ito makapasok.
Natulala na lamang si Juno at bumuntong-hininga. Nakakulong ang anak niya sa DSWD at kailangan niya itong mabawi para dalhin sa Seoul. Naging malaki ang pagkukulang niya kay Yohan kaya kailangan niyang gumawa ng paraan para makalaya ang anak at maisama niya ito pauwi nang Korea.
– Another UD. Thanks for reading and voting to Danger Alley. :)
Chapter 35
SARINA’S POV
“Hinatid ko lang si Sarina dito sa inyo dahil si Xavier ay kausap pa ang mga ka co-workers namin. Baka kasi mabored lang si Sarina doon sa restaurant kaya hinatid ko na siya dito sa inyo pauwi.” Nakangiting sabi ni Kuya Maverick kina Ate Annika at sa lalaking kasama nito.
Sino kaya ’tong lalaking kasama niya? Boyfriend kaya niya ito?
Tumango lang naman si Ate Annika pero may pagkapilya ang ngiti niya. Siguro ay dahil nakita niya na nakaupo ako sa lap ni Kuya Maverick kaya ganyan ngayon ang reaksyon niya at baka mamaya ay magsumbong pa siya kina Mommy at Daddy at lalong-lalo na kay Kuya Xavier. Patay ako nito!
“Okay? By the way, my lil sis si Bryan nga pala, co-worker ko. Bryan, this is my youngest sister, Sarina.” Pakilala ni Ate Annika sa akin sa lalaking kasama niya.
Akala ko naman ay may boyfriend na si ate.
“Ah, hello po sa inyo.” Bati ko sa co-worker niyang si Kuya Bryan.
Ngumiti lang naman sa akin si Kuya Bryan at binati rin ako. “It’s nice to meet you too, Sarina. Kaibigan ko rin ’yang si Kuya Maverick mo.” Nakangising sagot niya at tinignan niya ng nakakaloko si Kuya Maverick na nakangiti lang.
Aba at magkaibigan rin pala sila. Gwapo rin itong si Kuya Bryan at kung hindi ko lang kapatid si Ate Annika ay iisipin ko talagang may relasyon sila dahil aaminin ko na bagay silang tignan na magkasama.
I nodded. “Ah ganon po ba.” Sabi ko na lang.
“Do you want to join us for dinner, Maverick?” Tanong ni Ate Annika kay Kuya Maverick.
“I want to join too pero walang kasama ’yung kapatid ko sa bahay so I need to go home now.” Sabi naman ni Kuya Maverick at ginulo nito ang buhok ko.
“I see. Ihahatid ka na namin sa labas.” Sabi ni ate.
Tumango naman si Kuya Maverick at pagkatapos nun ay lumabas kami at hinatid na namin siya sa labas ng bahay.
“Thank you for this day. Take care, Sarina. See you soon.” Paalam ni Kuya Maverick at sumakay na ito sa loob ng kotse niya hanggang sa makaalis na siya.
Nang makaalis na si Kuya Maverick ay nagulat na lang ako nang bigla akong sundutin ni Ate Annika sa tagiliran ko.
“Aray! Ate naman!” Hiyaw ko.
Tumawa lang naman siya pati na rin si Kuya Bryan.
“Ikaw ha! Kitang-kita namin ’yung kanina. Alam naman namin na may gusto sa’yo si Maverick Eliazar eh.” Nakangising sabi ni Ate Annika.
Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Ate Annika.
Papaano niya nalaman na may gusto sa akin si Kuya Maverick?
“Ha? W-walang gusto sa akin si Kuya Maverick, no! Saan mo naman napulot ang fake news na ’yan?” Indenial kong sagot.
Tumawa lang naman siya sa naging reaksyon ko. “Sus, umamin nga siya sa akin noong burol ni Trey na may gusto siya sa’yo. I think he’s asking for a permission na ligawan ka. Wala naman sa aking problema kung magka-boyfriend ka, lil sis but I think he needs to talk to our parents and especially Kuya Xavier for a permission.” Sabi ni Ate Annika.
So, wala talagang pakialam si Kuya Maverick na malaman nang lahat na may gusto siya sa akin na kahit sa mga kapatid ko pa ay inaamin niya ang nararamdaman niya para sa akin. Napangiti ako ng palihim dahil don.
I really see how he loves me.
“ Don’t worry, Sarina. I know Maverick for a long time. Sa’yo lang nagkagusto ang taong ’yon. He’s older than you but I know that he will take care of you and loves you more than he does. Katulad na lang din ng pagmamahal niya para sa kapatid niyang si Macy.“ Sabi naman ni Kuya Bryan and he tapped my shoulder.
Para namang naantig ang puso ko dahil sa sinabi ni Kuya Bryan. I know that Kuya Maverick is a good guy. He’s very intimidating but he’s very lovable and kind person.
Tumango na lang ako at napangiti. I think I should give him a chance now.
Nakahiga ako ngayon sa kwarto ko habang nakadapa at gumagawa ng homeworks nang may biglang nagtext sa phone ko. Tinignan ko naman ang message ng isang unknown number.
From:
+639*********
Hi Sarina! Ako to si Alex. Can I ask you a favor? Pwede ba tayong magkita ngayon?
Si Alex? Bakit naman kaya gusto niyang makipagkita sa akin ngayon? Alam kaya ’to ni Jenica? Nagreply naman ako.
To: +639*********
Ikaw pala, Alex. Sige okay lang pero ano bang favor mo?
Ilang segundo lang ay nagreply kaagad siya.
From: +639*********
Kukunin sana kitang model ng mga bagong releases na dresses ng ate ko sa boutique shop niya. Busy ngayong gabi si Jenica kaya baka pwedeng ikaw na lang ang kunin kong model? Ako ang magiging photographer mo. Don’t worry, may talent fee ka. ;)
Ako? Magiging model ng mga dresses ng ate niya? Hindi ko pa na-try noon na magmodel ng isang damit pero para sa kaibigan kong si Alex na boyfriend ni Jenica ay papayag ako. Gusto ko rin makatulong kahit papaano.
To: +639*********
Hmm. Ganon ba? Sige. I want to help you naman eh. Saan ba tayo magkikita?
From: +639*********
Thanks! Doon na lang sa Ave’s Coffee shop. Be there in 30 minutes. Thanks again, Sarina. :)
To: +639*********
Welcome. No problem.
Nagsimula na rin akong mag-ayos ng sarili. Nagtoothbrush ako at naghimalos pagkatapos ay nagsuot ako ng isang simple dress na pinatungan ko ng longsleeves sa loob. Malamig ngayon panahon at baka ginawin pa ako. Nagsuot naman ako ng pulang snickers at nagdala ng sling bag kasama ang phone at wallet ko. Nang matapos na akong mag-ayos ay tinext ko si Alex na paalis na ako. Nagreply naman siya na mag-iingat daw ako.
Tulog na ngayon si Kuya Xavier na kakarating lang kanina na hindi na ako tinanong kung bakit ako nakauwi kaagad. Sinabi siguro ni Kuya Maverick na hinatid niya na ako pauwi. Tulog na rin si Ate Annika at kanina pa nakauwi si Kuya Bryan. Nagcommute na lang ako dahil 10 minutes lang naman bago ako makarating sa Coffee Shop na sinasabi ni Alex. Nang makarating na ako ay bumaba na ako sa loob ng Taxi at nagbayad. Pumasok naman ako sa loob ng Coffee Shop at nakita ko kaagad si Alex na nakaupo sa isang table at mukhang hinihintay ako.
In terms of fashion ay napakasimple lang ni Alex. He’s wearing jeans and black polo sleeves na hindi nakabutones ang ilang kwelyo. Medyo naka brush-up rin ang buhok niyang brownish and he’s wearing a silver wrist watch. He’s overall handsome at bagay na bagay talaga sila ng magandang kong kaibigan na si Jenica.
Nilapitan ko siya at nang makita niya ako ay ngumiti siya. Umupo naman ako sa upuan na katapat lang niya.
“I’m glad you’re here. Thanks for doing my favor, Sarina.” Sabi niya.
“No problem, Alex. I want to help you dahil kaibigan kita at boyfriend ka ni Jenica.” He nodded.
“Do you want some drinks?” He asked.
Umiling ako. “I’m fine. Kung pwede magstart na tayo. It’s already 10:00pm at baka gabihin ako. Malalagot ako sa mga kapatid ko kung late na ako makauwi.” Natatawa kong sabi.
Natawa rin naman siya. “Alright. Let’s go? I have my car outside. Didiretso na tayo sa boutique ng ate ko.” He said.
I nodded at lumabas na kami sa loob ng Coffee Shop at sumakay sa dala niyang kotse.
“Jenica is so busy right now. Pagkatapos kang sunduin kanina ng kuya mo sa St. Therese ay dumiretso na kaagad siya doon sa bahay ng mother side niya. I don’t want to bother them and she needs to spend a lot of time to her mother kaya ikaw na lang muna ang ginulo ko.” Sabi niya sabay natawa siya.
Natawa rin naman ako at tumango. “Haha, ganon ba? Okay lang ’yon. Wala rin naman akong ginagawa ngayon.” Sabi ko.
He nodded at pinaandar na niya ang kotse niya. Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa isang Boutique Shop at pumasok sa loob. Binati naman kami ng mga employees and staffs nang makita nila kami. I greeted them back.
“Si Ate Farah?” Tanong ni Alex sa isa sa mga empleyado o staffs ng Boutique Shop.
“Nasa office niya po, Sir Alex. Hinihintay niya kayo.” Hindi na sumagot si Alex at kaagad hinawakan ang isang kamay ko papunta doon yata sa office ng ate niya.
Medyo nailang naman ako dahil sa paghawak niya sa kamay ko at napansin rin niya kaagad iyon.
“Oh. I’m sorry.” Nahihiyang sabi ni Alex at kaagad binitawan ang kamay ko.
“I-It’s okay.” Nahihiya ko namang sabi.
Pumasok na kami sa loob ng office ng ate niya at namangha ako sa laki nito. Nakita ko naman kaagad ang ate ni Alex na tinutukoy niya. Natulala pa ako dahil maganda at mukhang model ang ate niya idagdag pa na sobrang tangkad nito at ang sexy pa.
Lumapit naman sa amin ang ate niya at nginitian ako.
“Hello. I’m Farah. Sister ako ni Alex. You must be Sarina, right?” Tanong niya habang nakangiti.
Tumango naman ako. “Ako nga po.” Sabi ko naman at ngumiti rin.
“Great! You’re very perfect to be a model of my dresses. You’re such a beautiful and tall girl. Ang galing mong pumili Alex, ha!” Nakangising sabi ni Ate Farah kay Alex.
“Syempre naman ate. Ako pa.” Sabi naman ni Alex at nginitian ako.
Ngumiti na lang ako. Medyo awkward pa kasi dahil iba ang dating sa akin ng sinabi ng ate ni Alex pero ipinagsawalang-bahala ko na lang iyon.
Dinala muna nila ako sa isang Make-up Room para make-upan pagkatapos ay sa Studio Room na para magsimula na ang photoshoot. Binigyan ako ng ate ni Alex nang iba’t-ibang dresses para suotin ko ito. Malapit lang naman ang fitting room kaya mabilis akong makakapagpalit. Walang problema sa mga dresses dahil hindi naman ito gaanong mga ka-sexy at ang iba pa nga ay medyo pang conservative. Sinuot ko muna ang isang red fitted dress at pagkatapos ay lumabas na ako sa loob ng fitting room.
Naabutan ko si Alex na nag-aayos ng camera niya at ng stand nito at nang makita niya ako ay napatitig siya sa akin. Umiwas kaagad ako ng tingin sa kanya dahil naging awkward iyon sa paningin ko.
Lumapit naman siya sa akin at nginitian ako. “You’re really beautiful and the dress looks good on you. Shall we start now?” Tanong niya. Tumango na lang ako.
Gusto ko nang matapos ito.
Tumagal rin ng ilang minuto ang photoshoot at pagsusuot ko ng iba’t-ibang dresses. Ginabayan naman ako ni Alex sa kung anong pose ang gagawin ko kaya medyo hindi na rin ako nahirapan. First time kong ginawa ito dahil palagi naman akong nasa loob lang ng bahay at nagbabasa ng libro o di kaya ay nanonood ng mga animes. Pagkatapos ng photoshoot ay nakapagpalit na rin ako ng sinuot kong damit at umupo sa isang upuang mahaba. Tumabi naman sa akin si Alex at inabutan ako ng drinks. Kinuha ko naman ito.
“You can be a model. You did a great job!” Sabi niya sa akin at ininom ang hawak niyang drinks.
“Salamat.” Sabi ko naman at ngumiti.
May inabot naman siya sa akin na isang puting envelope. “This is my talent fee dahil sa favor ko sa’yo. Thanks again, Sarina.”
Umiling naman ako. “Hindi na kailangan, Alex. Masaya naman ako dahil nakatulong ako sa inyo ng ate mo e.” Sabi ko at binalik sa kanya ang puting envelope pero binalik rin niya ito sa akin.
“No. Kunin mo ’yan. Baka kailanganin mo para sa mga future projects natin sa school. ’Wag ka nang tumanggi kundi magagalit ako.” Seryosong sabi niya.
Wala naman akong nagawa kundi tanggapin na lang iyon kaysa magtalo pa kami. “Sige na nga. Mapilit ka e.” Sabi ko at napatawa na lang.
“Akala ko makikipagtalo ka pa,” Sabi niya at napatawa na lang rin.
Tinignan ko naman ang suot kong relo at 11:40pm na.
“Alex. Medyo gabi na. Kailangan ko na palang umuwi.” Sabi ko.
Tumango naman siya. “Okay, then. Ihahatid na kita.” At tumayo na kaming pareho.
Maglalakad na sana ako at hindi ko namalayan na may lumakad na isang staff sa gilid ko at mababangga ko na ito kaya hinatak ako ni Alex at ang nangyari ay napasubsob ako sa dibdib niya. Sobrang bilis ng pangyayari!
Nanlaki ang mga mata ko dahil nang tinignan ko siya ay sobrang magkalapit na ang mga mukha namin!
– Another ud :)
Chapter 36
MAVERICK’S POV
Halos hindi ako makapagfocus sa ginagawa ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nag go-goodmorning sa akin si Sarina. That kid! Bakit kinalimutan niya akong batiin ngayong araw? Ang sabi ko kasi sa kanya ay huwag niya ako kakalimutang batiin lagi para man lang may motivation ako sa pagtatrabaho ko. Alam naman niya at ipinaalam ko na sa kapatid niya na liligawan ko siya kaya dapat lang na magfocus na siya sa akin. Medyo bad mood tuloy ako ngayong araw!
“What’s with that face, Maverick?” Tanong ni Xavier pagkapasok niya sa opisina ko.
I massage my temple. “Nothing.” Hindi na siya muling nagtanong pa at iniabot sa akin ang isang envelope na may laman na mga business proposals.
“Basahin mo ’yan at pirmahan mo na lang. Babalik ako mamaya.” Akmang aalis na siya nang magsalita ulit ako.
“Is that okay with you if I court your little sister?” I asked seriously.
Napahinto naman siya sa sinabi ko at hindi agad nakaimik. I know that he’s still doubting about me at sa pakay ko sa kapatid niya pero mahal ko na talaga si Sarina at gagawin ko ang lahat para sa kanya.
He looked at me with his emotionless expression. “No.” Then he walks out.
I sighed and nodded my head. “Okay, Xavier. You’re testing my patience.”
Sumandal muna ako sa kinauupuan ko at pumikit. Suddenly my telephone rang at sinagot ang tawag habang nakapikit pa rin ako.
“Hello?”
(Hey, Mavy how are you?) A voice of a woman.
“Who are you?” I asked.
(It’s me Farah. How can you forget about me? And I’m the only one who calling you Mavy. Remember?) She said.
Oh. It’s her.
“What do you want? I’m busy right now.” I said in my bored tone.
(You’re still a snob and cold to me. Nothing’s changed for how many years!) She said while laughing on the other line.
She’s annoying.
I was about to end the call nang magsalita ulit siya.
(Are you free tonight? Pwede mo ba akong samahan magbar ngayon? I just want to see you, Mavy.) She asked.
Umiling lang ako. “I’m also busy later. Invite your other friends not me.”
Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at pinatay ko na ang tawag. Farah De Silva is my classmate way back in college. She’s annoying and always bothering me but I don’t really like her.
Naalala ko na naman ang hindi pagbati sa akin ni Sarina kaya natuloy na naman ang bad mood spirit ko. Bakit ba nagkakaganito ako nang dahil lang sa isang teenager? Aish!
“Bro, mukhang bad mood ka yata? Dahil ba ’yan kay Sarina?” Nakangising tanong ni Bryan.
Hindi ko namalayan na nakapasok na pala sa loob ng opisina ko si Bryan at may hawak itong wine at wine glasses. Nilapag naman niya iyon sa lamesa ko at sinalinan ng wine ang glasses na hawak niya.
“That kid! It’s already 10:00am and she’s still not texting me to greet me. Shit!” I said and frustratedly messed my hair.
Natawa lang si Bryan sa ginawa ko at iniabot sa akin ang glasses na may lamang wine. “Relax bro. Maybe she’s busy right now sa school nila. Please stay calm. Hindi naman mawawala sa’yo si Sarina, e.” He said and tapped my shoulder.
I sip from my wine. “I hope so too. Ayokong hadlangan ako ni Xavier sa kapatid niya. He doesn’t like me for his youngest sister.” Sabi ko.
“Hmm. Maybe he’s just being overprotective dahil nga sa nangyari dun sa kaibigan ni Sarina na si Trey. Nabaliw si Yohan Suarez kay Sarina, di ba? Kaya pinatay niya si Trey and you know that bro. He’s the older brother at hindi mo siya masisisi kung hindi kaagad siya magtitiwala sa’yo na ligawan si Sarina.” Nilabas naman niya ang hawak niyang vape at bumuga ng usok.
Napaisip ako. Bryan is right but Xavier can’t stop me to court and love his youngest sister.
“I also want to court Annika but the situation is really hard right now. Nakatakas ’yung Ace na ’yon at anytime ay baka atakihin niya si Annika o ang pamilya nila. I won’t ever let that happen.” Sabi niya ng seryoso.
Tinignan ko si Bryan. I know that he likes Sarina’s sister and he didn’t even know na nalaman ko na kung nasaan ang Ace Suarez na ’yon na kapatid ni Yohan Suarez. I have a plan and I don’t want anyone to know about that.
SARINA’S POV
Pumasok ako sa loob ng classroom ng maaga. Ang awkward nung nangyari kagabi at hindi ko ine-expect na masasabi iyon ni Alex sa akin. Bakit ba bigla na lang siyang nagkaganon? Paano kapag nalaman ni Jenica iyon? Hindi pwede dahil masasaktan lang si Jenica. Sinaktan na siya ni Ulysses kaya hindi ko hahayaan na pati si Alex ay saktan din siya.
“Hello, Sarina!” Mula sa pagkakasubsob ko sa lamesa ay laking gulat ko nang makita ko sa harapan ko si Jenica kasama si Alex na tahimik lang habang nakatingin sa akin. Kaagad naman akong umiwas ng tingin sa kanya at bumaling kay Jenica.
“J-Jenica. Ikaw pala,” Sabi ko at pilit na ngumiti.
“Ang aga mo yata ngayon, ha? Mas maaga ka pang nakarating dito kaysa sa akin. Kulang ka ba sa tulog? Bakit parang puyat ka?” Tanong niya at kaagad akong inobserbahan.
Iniwas ko naman ang tingin sa kanya. “Oo. Medyo napuyat lang ako kagabi. Hehe.” Sagot ko na lang.
Tumango naman siya at may kinuha mula sa bag niya at pagkatapos ay iniabot niya iyon sa akin. Kinuha ko naman ito. Salad ’yon na nakalagay sa isang lunch box.
“Oh ayan, kainin mo para naman mawala ’yang puyat mo at magka energy ka naman. Ginawa ko yan para sa’yo, friend!” Masayang sabi niya at niyakap ang braso ko.
Ngumiti ako at niyakap rin siya. “Thank you, Jenica.” Sabi ko at napatingin ako sa nakatayong si Alex. Ngumiti naman siya sa akin pero umiwas ulit ako ng tingin sa kanya.
“You’re welcome, Sarina.” Sagot naman ni Jenica habang nakangiti pagkatapos ay bumaling siya kay Alex.
“We’re now okay here. See you later na lang.” Sabi niya kay Alex. Tumango lang si Alex at nginitian kami.
“Okay then. Susunduin kita after ng dismissal niyo. See you later Jenica and Sarina.” Sabi ni Alex at tumango pa ito bago umalis.
Napatingin naman ako kay Jenica at nakangiti lang ito habang pinagmamasdan si Alex na naglalakad papalabas ng classroom. Nalungkot akong bigla at parang maiiyak na. Nakikita ko na mahal na mahal niya si Alex pero kapag nalaman kaya niya ang totoo ay magalit kaya siya sa akin at ituring pa rin akong isang kaibigan?
“Hindi ko alam na gusto pa rin kita, Sarina. Akala ko nawala na ’yung nararamdaman ko para sa’yo pero bigla na lang bumalik ulit ngayon and I don’t know why. I like Jenica but I like you more.”
“Alex, girlfriend mo si Jenica. Please don’t break her heart!”
“I know but I just want you to know this-”
“Are you out of your mind? You’re already commited and you know that Jenica really loves you. Please Alex, stop this nonsense!”
“But-”
“Please! Iuwi mo na ako. Ayoko nang marinig ang susunod na sasabihin mo.”
Niyakap ko na lang ulit si Jenica na ikinagulat niya but instead she hugged me back.
“May problema ba, girl?” Tanong niya habang natatawa siyang nakayakap sa akin.
Umiling lang ako. “Wala. I just want to hug you dahil isa kang napakabuting kaibigan para sa akin.” Sabi ko at pilit pinipigilan ang pag-iyak ko.
“Ang drama naman nito. Nagpapasalamat rin ako at isa kang mabuting kaibigan para sa akin, Sarina. Ikaw at si Alex ang mahalaga at importanteng tao sa buhay ko ngayon.” Sabi niya pagkatapos ay hinarap niya ako sa kanya at hinawakan ang mga kamay ko.
I sadly nodded. Sana hindi malaman ni Jenica ang mga sinabi sa akin ni Alex at ang magagawa ko lang ngayon ay pigilan na malaman iyon ni Jenica dahil ayoko na masaktan siya ulit.
She smiled.
– Malapit na magkagulo. Haha
Chapter 37
ACE’S POV
Napangisi na lang ako matapos kong maitapon ang huling baraha ko. Halata naman ang pagkadismaya ng lalaking kaharap ko at labag sa loob niyang binigay sa akin ang lahat ng pinusta niya.
“Sorry ka na lang tol pero game is game. Akin na lahat ng ’to.” Tumatawa kong sabi at kaagad kinuha ang lahat ng pinusta niya sa lamesa namin.
“Aalis na ako. Magpakasaya ka dyan!” Nagagalit pa niyang sagot at dali-daling umalis.
“Ulul! Talo ka lang e,” Sigaw ko pa habang natatawa bago siya makalabas.
Nagsitawanan naman ang mga kasama ko at lumapit sa akin.
“Ibang klase ka talaga pagdating sa sugal, Ace. Bihira lang matalo sa sugal ’yang si Kiko at ikaw pa lang ang unang nakatalo sa kanya.” Sabi ni Erick. Isa sa mga kasama ko sa gang.
“Oo nga, brad. Ang lupet mo talaga kahit kailan. Ikaw na!” Sabi naman ng isa pa naming kasama na si Al.
Napangiti na lang ako at sumandal sa inuupuan ko. Kumuha ako ng stick ng sigarilyo sa lamesa at sinindihan ko ito.
“Yun na ’yon? Magaling na siya? Ang bobo nga niyang kalaro. Hindi man lang ako nahirapan.” Sabi ko sabay buga ng usok.
“Edi ikaw na ang magaling.” Sabat naman ng isa pang kasama namin na si Felix.
Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya kaya kaagad akong tumayo at kwinelyuhan siya. Pilit naman akong inaawat ng mga kasama namin dahil sa ginawa ko.
“Anong sabi mo? Iniinsulto mo ba ako?” Sinamaan ko siya ng tingin. Mukha naman siyang natakot sa sinabi ko at umiling ng paulit-ulit.
“J-joke lang naman ’yon, brad. Ano ka ba? Magaling ka talaga sa kahit ano.” Sabi niya na halatang ninenerbyos dahil sa akin.
“Ace, kumalma ka nga. Huwag na kayong mag-away. Hindi ’yan makakatulong para sa plano natin.” Sabi ni Renz habang inaawat kami.
“Huwag na ’wag mo ulit ako iinsultuhin kundi pasasabugin ko ’yang mukha mo.” Pagbabanta ko at bakas ang takot sa mukha niya dahil sa sinabi ko. Kaagad ko namang binitawan si Felix at bumalik na ulit sa kinauupuan ko.
Ang ayoko sa lahat ay iinsultuhin o mamaliitin ako dahil hindi nila kilala ang isang Ace Suarez. Lahat ay kinatatakutan ako kaya walang sinuman ang kumakalaban sa akin. Hinding-hindi nila ako mapapabagsak.
Napatingin na lang ako sa lockscreen ng phone ko at tinitigan ang picture ni Annika. Namimiss ko na siya pati ang maganda niyang mukha at sexy na katawan. Kumusta na kaya siya? Naaalala pa kaya niya ako? O baka palagi na niyang kasama ang pesteng Bryan na ’yon? Iniisip ko pa lang na kasama siya palagi ni Annika ay parang gusto na siyang durugin ng pinong-pino. Mas higit naman ako kumpara sa Bryan na iyon at hindi sila bagay ni Annika dahil sa akin lang siya.
Napahawak ako ng mahigpit sa iniinom kong beer in can kaya nalukot ito sabay tapon ko sa sahig.
“Brad, chill lang sabi. Mukhang may ibang iniisip ka na naman.” Natatawang sabi ni Renz at lumapit ito sa akin.
Sanay na sila sa ugali ko kaya hindi na sila nagulat sa ginawa ko.
“Renz, gwapo naman ako ’di ba?” Tanong ko sa kanya.
“Oo naman, brad. Gwapo ka, matangkad at habulin pa ng chicks. Lahat ay nasa sa’yo na.” Sabi naman niya at inakbayan ako.
Napangiti ako sa sinabi niya at ipinakita ang picture ni Annika sa phone ko. “Nakikita mo ’tong babaeng ’to? Magiging sa akin din siya brad.” Tumango naman siya at kinuha ang phone ko saka ipinakita sa mga kasama namin ang picture ni Annika.
“Bagay sila ni Brad Ace, ’di ba mga tol? Maganda at gwapo kaya perfect match!” Tumango naman ang mga kasamahan ko at natuwa ako dahil dun.
“Bagay na bagay kayo.”
“Oo nga. Ipakilala mo sa amin ’yan, ha?”
“I-invite niyo na lang kami sa kasal niyo.”
“Gago. Kasal agad? Honeymoon muna bago kasal. Si Ace ’yan e,”
“Tarantado!” Natatawa ko namang sabi na ikinatawa rin nila at natahimik ulit ako.
Nagtatago ako ngayon mula sa mga otoridad at kasama ko ngayon ang iba ko pang kasamahan bukod dun sa mga nakulong kasama si Kuya Aldwin. Ang akala yata nila ay mapapabagsak nila ako pero nagkakamali sila. Gaganti at gaganti ako kasabay nun ay kukunin ko ang lahat na dapat ay para sa akin. Napaghandaan na namin ang lahat at pasensya na lang sila dahil magkakamatayan muna kami bago nila ako mapabagsak. Kailangan kong mailabas sila Kuya Aldwin sa kulungan at si Yohan naman mula sa DSWD. Hindi pwedeng maging miserable kami kaya gagawin ko ang lahat para lang makaganti.
Ang awa ay para lang sa mahihinang tao. Lumaki kaming magkakapatid na kami lang ang bumubuhay sa sarili namin dahil wala namang pakialam sa amin ang ina ko. Ni hindi ko nga nakilala ang tunay kong ama dahil pinabayaan niya na rin kami simula nung ipinanganak ako. Walang magagawa kung awa lang ang paiiralin. Hindi rin ako naniniwala sa salitang pagmamahal dahil kahit kailan ay wala namang nagmahal sa akin. Puro hirap lang din ang naranasan naming magkakapatid simula noon at kami lang din ang nagtutulungan para mabuhay kami.
Para saan pa’t magpapatalo ako? Sa mundong ito kailangan mong lumaban at huwag na magpapatalo sa iba. Wala man akong pinag-aralan at least may maipagmamalaki akong itsura at diskarte.
“Nahanda niyo na ba ang lahat?” Tanong ko sa kanila.
“Handang-handa na, brad. Tayo na lang ang kulang.” Sagot naman nila.
Napangisi naman ako. “Good.” Sagot ko at hinithit ulit ang hawak kong sigarilyo.
“Napatay pala namin kagabi ’yung alagad nila Gideon. Mukhang may iba pang nagmamanman sa atin.” Sabi ni Renz.
Napahinto naman ako. “Hmm. Mukhang may iba pang kumakalaban sa atin. Bantayan niyo buong magdamag ’tong warehouse.” Sabi ko.
Tumango naman si Renz sa sinabi ko at hindi na siya muling nagsalita pa. Sino naman kaya ang gagong kumakalaban sa akin ngayon? Hindi ba niya ako kilala? Sa tingin ba niya ay mapapabagsak niya ang isang katulad ko?
Nang matapos kaming mag-usap ng mga kasamahan ko ay kaagad akong lumabas ng warehouse at nagsuot ako ng jacket, mask at sumbrero para hindi ako makilala ng kahit na sino. Baka mamaya ay maisahan pa ako ng mga pulis.
Naglalakad ako papunta ngayon sa isang customer ko na bibilhan ko ng mga iba pang gagamitin namin sa oras na umatake kami. Hindi ko na ginamit ang motor ko dahil malapit lang naman iyon. Habang naglalakad ako ay may isang pamilyar na babae ang lumabas sa isang restaurant kasama ang isang pang lalaki.
Si Annika ’yung babae.
Napakuyom ako ng kamao nang makita ko kung sino ang kasama ni Annika. Hanggang ngayon ay lapit pa rin siya ng lapit sa future girlfriend ko?
Gusto kong suntukin at patayin ang lalakeng kasama niya pero hindi ko magawa. Kalma Ace, makakaganti ka rin sa lalakeng ’yan at sisiguraduhin ko na hindi na siya muling makakalapit pa kay Annika.
Tinitigan ko lang sila mula sa malayo at nakikita ko kung gaano kasaya si Annika habang kaharap niya si Bryan. May gusto ba siya sa lalakeng iyan? Bakit nung magkasama kami ay hindi niya ako mangitian ng ganyan? Biglang sumikip ang dibdib ko dahil sa naiisip ko. Kaagad akong nagtungo sa ibang direksyon na hindi nila ako makikita bago ko pa masugod ang lalakeng ’yon.
Habang naglalakad ako pakiramdam ko ay natalo ako sa laban na hindi ko napaghandaan. Hindi ko matanggap na nalalamangan ako ngayon ng iba at doon pa sa babaeng nagugustuhan ko. Hindi ko matanggap ang katotohanan at hindi ako papayag na matatalo lang ako ng ganito. Si Ace Suarez ay hindi matatalo ng kahit na sino.
Hindi ako tumatanggap ng pagkatalo. Hindi.
Hindi ako makatulog kaya nag update na lang ako kahit may work pa mamaya hahays. Salamat pa rin sa patuloy na nagbabasa nito :)
Chapter 38
JENICA’S POV
5pm na pero hindi pa rin ako sinusundo ni Alex kaya napagpasyahan kong puntahan na lang siya sa klase nila. Baka kasi may pinagawa pa sa kanila ang Prof nila kaya natagalan siya sa pagsundo sa akin. Nagpaalam na ako kay Sarina na mauuna na akong umalis at tumango lang ito. Simula nang naging kami ni Alex pakiramdam ko ay napakaswerte ko ng babae. Hindi ko akalain na magkakagusto sa akin ang isang Alex De Silva na hinahangaan ng lahat dito sa St. Therese dahil isa siyang sikat at gwapong Varsity Player at alam ko naman na mahal na mahal niya ako dahil sinabi niya na sa akin iyon bago niya ako ligawan. Napangiti naman ako dahil dun.
Habang papalapit na ako sa classroom nila ay nakita ko kaagad si Alex di kalayuan na parang nakikipagtalo sa isa pang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko nang si Wayne ang nakita ko. Hindi ko alam pero nagtago muna ako sa likod ng pader at gusto kong marinig kung ano ba ang pinagtatalunan nila.
“Iba ka rin pala Alex, ano? May girlfriend ka na pero umamin ka pa ng nararamdaman mo para sa kanya?” Parang naghahamon na tono ni Wayne.
Umamin si Alex ng nararamdaman niya? Pero kanino? Akala ko ba ay mahal niya ako? Hindi ako nakahinga kaagad dahil sa sinabi ni Wayne.
“So what If I confessed my feelings to her? I like her ever since at hindi ko kasalanan na nagkagusto ulit ako sa kanya!” Sabi ni Alex at dinuro si Wayne.
Tumawa lang si Wayne dahil sa sinabi niya. “It’s your choice, bro. Niligawan mo si Jenica pero si Sarina naman pala ang gusto mo? What a stupid reason you are.” Sabi pa niya.
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi ni Wayne. Gusto ni Alex si Sarina? Pero paano nangyari iyon? Bigla ay nagflashback sa akin ang mga sinabi ni Yohan noong pinuntahan ko siya sa DSWD.
“Ikaw ba Jenica, hindi ka ba natatakot na magkagusto rin si Alex kay Sarina? Nung una ay si Ulysses tapos baka ngayon ay si Alex naman. Hindi malabong mangyari ’yon.”
“Imposible ’yan. Alam ni Alex na magkaibigan kami ni Sarina at alam kong mahal niya ako.”
“Hindi mo alam ang mga posibilidad na mangyayari. Maganda at sexy si Sarina, walang-wala ka sa itsura niya. Nagsasabi lang ako ng totoo, ha? Huwag kang maoffend.”
“Kaibigan kita Jenica kaya pinapaalahanan lang kita. Hindi malabong mangyari ’yon kaya kung ako sa’yo ay ilayo mo na si Alex kay Sarina.”
Napaluha na lang ako matapos maalala iyon. All this time ay gusto naman pala ni Alex si Sarina? Kaya pala napapansin ko noon pa na sobra siyang nag-aalala para kay Sarina dahil may mas malalim pa na rason doon.
Palagi na lang bang si Sarina ang kukuha nang lahat sa akin? Noong una ay si Ulysses tapos ngayon si Alex naman? Bakit lahat na lang lalaking napapalapit at napapamahal sa akin ay gusto siya?
“Minahal ko si Jenica at totoo ’yon. I don’t know kung bakit nagkaganito at bigla na lang nalito ako sa nararamdaman ko-” Hindi ko na hinintay pang tapusin ni Alex ang sasabihin niya nang lumapit ako sa kanya habang umiiyak na.
Nagulat siya nang makita ako habang si Wayne naman ay natahimik lang.
“J-Jenica…” Gulat na tanong ni Alex at parang hindi alam ang sasabihin niya.
Hindi na ako nakapagpigil pa at sinampal siya. Napatahimik lang siya dahil sa ginawa ko at yumuko.
“Narinig ko na ang lahat ng sinabi mo, Alex. I knew it. Niligawan mo pa ako kung hindi ka pa pala nakakamove-on kay Sarina? You’re using me, right?” Sabi ko na may puno ng hinanakit.
“Jenica, I’m sorry. Sana mapatawad mo ako. Mahal kita pero-”
“Pero ano? Mas mahal mo si Sarina? Ang sakit, Alex. Ang akala ko ay mahal mo talaga ako pero hindi! Oo, alam ko na mas lamang si Sarina sa akin pero sana hindi mo na lang ako ginamit para mas lalo lang mapalapit sa kanya!” Sigaw ko at pinagpapalo siya sa dibdib niya. Hindi siya makapalag sa ginagawa ko at hinahayaan lang niyang gawin ko iyon sa kanya.
“I’m sorry.” Tanging nasabi lang niya at akmang yayakapin na niya ako nang itinulak ko siya at tumakbo na papaalis.
Hindi na niya ako sinundan pa o tinawag ang pangalan ko. I guess our relationship ended already. Lumabas na ako ng school habang umiiyak. Wala akong pakialam kung nakikita man ako ng mga tao na umiiyak dahil mas masakit pa ang ginawa sa akin ni Alex. Nakayuko lang ako habang naglalakad at patuloy pa rin na humahagulgol.
“Jenica?” Napaangat ako ng tingin at hindi ko inaasahan na makikita ko si Ulysses na nasa harapan ko na.
“Ulysses, ikaw pala.” Ngumiti ako ng pilit at nagpahid ng mga luha sa palad ko.
“Why are you crying?” Concern niyang tanong at mas lalo pang lumapit sa akin.
Nakasuot siya ng uniform ng St. Claire at sa tingin ko ay doon na siya nag-aaral ngayon simula nang umalis siya ng St. Therese dahil sa ginawa sa kanya nila Yohan at ng mga kapatid nito.
“W-wala. Napuwing lang.” Sagot ko na lang at napayuko ulit.
Umiling lang siya sa sinabi ko. “Let’s talk at the park.” Sabi niya at hinila na lang akong bigla. Wala na akong ibang nagawa kundi ang magpatangay na lang sa kanya. Wala na kasi akong lakas para tumanggi pa.
Dinala niya ako sa isang park na may playground malapit lang rin sa St. Therese at umupo kami sa isang bench. Binigyan niya ako ng mineral water na kinuha niya galing sa loob ng bag niya. Ininom ko na lang ito dahil nakaramdam rin ako ng uhaw.
Pagkatapos ay nagtanong na siya sa akin. “Pwede mo na bang sabihin sa akin kung bakit ka umiiyak?” Tanong niya.
Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko kay Ulysses ang mga nalaman ko kanina. Nakamove-on na rin naman ako sa kanya at tanggap ko nang si Sarina talaga ang gusto niya at hindi ako.
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. “Si Alex, may gusto siya kay Sarina.” Sabi ko na napayuko ulit at hindi na rin napigilang mapaluha.
Tumango naman siya sa sinabi ko. “I knew that already. He’s my teammate before at alam kong may gusto na siya noon pa kay Sarina but he still remained silent sa nararamdaman niya unlike me na ginamit ka pa para lang mapalapit sa kaibigan mo and that was my fault. I’m so sorry for what I’ve done to you before, Jenica.” Puno ng sincerity niyang pagkakasabi.
I smiled at him. Matagal ko nang napatawad si Ulysses sa kung ano man ang ginawa niya sa akin noon. I still understand that he admires Sarina more than me.
“Matagal na kitang napatawad, Ulysses at tanggap ko naman noon pa na si Sarina talaga ang gusto mo. Kalimutan na natin ’yon ano ka ba.” Sabi ko.
Ngumiti naman siya ng malungkot at hinawakan ang kamay ko na ikinagulat ko. “Hanggang ngayon ay nakokonsensya pa rin ako sa ginawa ko sa’yo noon, Jenica. You’re very kind and caring to me at sinuklian lang kita ng ganon. I know that my sorry is not enough for what damaged I’ve cause to you kaya sana hayaan mo akong makabawi man lang sa nagawa ko sa’yo. Can we be friends now?” He asked.
Tumango naman ako. “Oo naman. Naging isang bahagi ka rin naman ng buhay ko at wala naman sigurong masama kung maging magkaibigan tayo.” Sabi ko.
Niyakap naman niya ako na ikinagulat ko. “Thank you so much, Jenica.” I hugged him back.
“Wala ’yon ano ka ba!” Sabi ko naman. Kumalas naman siya sa pagkakayakap sa akin.
“May gusto rin pala akong sabihin sa’yo since nagshare ka sa akin ng problema mo.” Sabi niya at naging seryoso ang kanyang mukha.
“Ano naman ’yon?”
Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao. “Nagbake kasi ako ng chocolate cake para kay Sarina at pinabilin ko ’yon kay Wayne. Inabot nga ni Wayne ang cake kay Sarina pero ang walanghiya ay sinabing siya daw ang nagbake ng cake na ’yon. Kung hindi pa ikinuwento sa akin nang kateammates namin na pinagsabihan niya nun ay hindi ko pa malalaman. That bastard likes Sarina too.” Nakasimangot niyang sabi.
Bigla ay naalala ko ang tinutukoy ni Ulysses. Nag-abot nga si Wayne ng chocolate cake para kay Sarina at sinabi niyang siya ang nagbake ng cake na iyon. Tama nga pala ang sinabi ni Macy na nagpapa impress lang si Wayne kay Sarina dahil may gusto rin siya dito.
Napatawa na lang ako ng mapait. “Nandun kami ni Macy nang inabot ni Wayne ang chocolate na ’yon para kay sarina. Sarina got all the boys unlike me na…” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil ayoko na ulit umiyak pa.
Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga ni Ulysses. “I know what you feel, Jenica pero hindi naman talaga kasalanan ni Sarina kung bakit kami nagkakagusto sa kanya. It’s our choice that we like her. Wala nga siyang pakialam sa amin e, at alam ko rin na kinoconsider niya ang nararamdaman mo dahil noon ay todo ang pag-iwas niya sa akin para lang hindi ka magselos at masaktan.” Sabi niya at nagpamulsa.
He’s right. Wala naman talagang kasalanan si Sarina kung nagkakagusto man sa kanya sila Alex, Ulysses o Wayne at siguro napakasama ko namang kaibigan kung sisisihin ko siya kung bakit ginamit ako ni Alex para lang mapalapit sa kanya. I love Alex but maybe he’s not the one for me at tatanggapin ko na lang iyon kahit masakit.
I nodded. “You’re right. Kanina ay nasaktan lang talaga ako sa mga narinig ko kina Alex at Wayne pero hindi ko dapat isisisi kay Sarina ang lahat dahil hindi naman niya kasalanan iyon at mabuti siyang kaibigan para sa akin.”
Ngumiti naman siya at inakbayan ako na ikinapula ng pisngi ko. Hindi ko pa ba nasasabi sa inyo na nagbago na rin ang itsura ni Ulysses? Kung noon ay medyo may pagka badboy look siya ngayon ay goodboy image na rin ang datingan niya at bagay iyon sa kanya. Mas lalo rin siyang gumwapo.
“Nandito na rin naman ako, Jenica. Kahit friends lang tayo ngayon ay hindi kita pababayaan at hindi ko hahayaan na masaktan ka pa ulit ng Alex na ’yon.”
Napangiti na lang ako sa sinabi niya.
That’s why I like Ulysses before.
Chapter 39
THIRD PERSON’S POV
Napapikit na lang si Sarina nang mabasa niya ang mga texts at calls ni Maverick sa contact history ng phone niya. Naalala pala niyang hindi niya ito nasagot sa mga texts at tawag nito dahil naging busy siya sa pag-iisip ng mga sinabi sa kanya ni Alex. Natatakot siya na baka siya pa ang maging dahilan ng break-up nilang dalawa ni Jenica. Nakikita niya kasi na sobrang mahal na mahal ni Jenica si Alex at ayaw niya nang dahil lang sa kanya ay masisira iyon katulad na lang nang nangyari noon sa kanila ni Ulysses.
Wala siyang pasok ngayon dahil weekends na at nakahiga lang siya sa kama niya. Tumunog naman ang phone niya at nakita niyang si Maverick ang tumatawag. Napabuntong-hininga na lang siya bago niya sagutin ang tawag.
“Hello?”
(Finally at sinagot mo rin! Bakit ngayon ka lang nagresponse sa mga tawag ko sa’yo? I called you a hundred times already pero nagriring lang ’yung phone mo. Are you busy with something?) Tanong nito sa kabilang linya na may halo pang pagdududa.
“Yeah. I’m sorry. Naging busy lang ako sa mga school projects and other stuffs sa school.” Sabi na lang niya kahit hindi naman siya gaanong naging busy.
Baka kapag nalaman pa ni Maverick na may ibang lalaking nagkakagusto sa kanya ay magkagulo pa.
Natahimik naman sa kabilang linya si Maverick bago ulit ito nagsalita. (Okay. I understand. Let’s date. Susunduin kita diyan sa bahay niyo.) Nagulat naman si Sarina sa sinabi ni Maverick and at the same time ay kinilig rin.
“N-Ngayon na po ba? Hindi ba pwedeng-” Kaagad namang sumagot si Maverick.
(Oo kaya mag-ayos ka na. I will pick you up in 1 hour.) Sabi pa nito bago putulin ang tawag.
Wala namang nagawa si Sarina kundi pumayag na lang. Wala rin naman siyang magagawa dahil alam niyang si Maverick ang masusunod sa kanilang dalawa. She’s dating Maverick Eliazar at alam na iyon ng Ate Annika niya pero hindi pa ito alam ni Xavier at ng parents niya. Medyo natatakot siya dahil baka hindi magustuhan ng parents niya si Maverick dahil sa age gap nila pero mas natatakot siya kay Xavier dahil nakikita niyang hindi ito sang-ayon sa pakikipagrelasyon niya kay Maverick. Napatakip na lang ng mukha si Sarina gamit ang unan niya bago ito nag-ayos para sa date nila ni Maverick.
Pagkatapos ng isang oras ay nagtext na si Maverick na nasa labas na ito ng gate nila. Tapos na rin mag-ayos si Sarina at bumaba na siya mula sa kwarto niya. Pinuntahan niya si Maverick sa labas ng bahay nila at napasinghap na lang siya nang makita niya ito.
Kahit sa simpleng suot nitong puting polo shirt at black jeans ay nagstand-out pa rin ang kakisigan ni Maverick. Medyo magulo rin ang buhok nito na ngayon lang niya nakita pero bumagay pa rin ito sa kanya.
Hindi niya akalain na magkakagusto sa kanya ang isang Maverick Eliazar.
Tinitigan siya ni Maverick na ikinailang niya. Naka white dress rin siya kapareho sa kulay ng suot nito. Hindi naman sila nag-usap tungkol sa color coding ng susuotin nila pero pareho pa rin sila.
Destiny nga ba talaga na mahalin siya ng isang Maverick Eliazar?
“You really look good and pretty.” Sabi ni Maverick at nginitian siya. Para namang natunaw ang puso ni Sarina dahil sa sinabi nito at napayuko na lang sa hiya.
“Salamat.” Mahinang sambit niya.
Iniabot naman ni Maverick ang kamay niya kay Sarina at tinanggap naman iyon ni Sarina.
“Let’s go?” Tanong ni Maverick.
Tumango lang si Sarina at pagkatapos ay pumasok na sila sa dalang kotse nito. Nang nasa loob na sila ng kotse ay katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa.
“Don’t you ever do that again.” Pag-imik bigla ni Maverick na ikinalingon naman ni Sarina.
“Ang alin?” Tanong ni Sarina.
Umiling lang si Maverick at sinimulan na niyang paandarin ang kotse niya. “’Yung hindi mo pagpansin sa mga texts at tawag ko sa’yo. Alam mo bang nag-aalala ako palagi sa’yo tapos kahit isang text o tawag man lang ay wala akong natanggap mula sa’yo? I know you’re busy with your school stuffs pero sana hindi mo rin ako kalimutan.” Seryosong sabi niya.
Tila nakonsensya naman si Sarina sa sinabi ni Maverick. Hindi nga niya naisip na baka nag-aalala lang sa kanya si Maverick kaya siya nito palaging kinocontact.
“Sorry…” Tangi na lang niyang nasabi at dahil na rin sa pagkakonsensya niya.
Tumango lang si Maverick at hindi na muling nagsalita pa. Alam ni Sarina na nagtatampo sa kanya si Maverick kaya kailangan niyang gumawa ng paraan para makabawi dito. Hinawakan niya ang isang kamay ni Maverick na ikinagulat nito.
“I’m sorry talaga, please? Sana ’wag ka nang magtampo.” Paglalambing niya.
Nakita naman niya ang unti-unting pagngiti ni Maverick. “Pasalamat ka talaga at mahal kita.” Sabi nito at mas lalo pang hinigpitan ang magkahawak nilang kamay.
Kinilig na naman si Sarina dahil sa lalaking ito. Wala na siyang pakialam pa kung mas matanda man ito sa kanya ng siyam na taon ang mahalaga ay masaya siya ngayon at ipaglalaban niya si Maverick sa pamilya niya. It’s her final decision because she loves Maverick Eliazar so much.
Nagmamaneho ngayon si Alex kasama ang nakatatandang kapatid niyang si Farah. Kakatapos lang kasi niyang maging photographer sa iba pang mga models ng ate niya sa boutique shop na pagmamay-ari nito at pagkatapos ay dumiretso na sila sa isang restaurant para kumain.
“I thought Sarina is your girlfriend?” Tanong ni Farah habang nagmamaneho pa rin si Alex.
“Hindi, ate. She’s only my schoolmate.” Sagot naman ni Alex.
Ngumisi naman si Farah. “Well, nagustuhan ng mga customers ko ang brochure na ginawa natin dahil maganda magdala ng mga dresses ko si Sarina and she’s really pretty, too. She attracts my customer by her beauty. Do you think na papayag siyang maging regular model ko?” Tanong nito.
Umiling naman si Alex at lihim na napangiti. Hindi iyon mangyayari dahil galit ngayon sa kanya si Sarina. Break na nga rin sila ni Jenica.
“Sa tingin ko ate hindi rin siya papayag. Mas focus si Sarina sa pag-aaral niya kaysa maging model mo.” At napatawa pa ito.
“Fine!” Umirap na lang at napailing si Farah sa sinabi ng kapatid niya. Ilang minuto lang ay narating na rin nila ang restaurant kung saan sila kakain ngayon. Pagkatapos nilang pumasok sa restaurant ay bigla siyang hinila ng kapatid niyang si Farah na para itong kinikilig habang may tinuturo di kalayuan sa kinaroroonan nila.
“Alex, look! That guy was my long time crush before during my college days. His name is Maverick Eliazar! He’s handsome and gorgeous, right?” Kinikilig na sabi ni Farah at nakita nga niya ang lalaking tinutukoy nito.
Nagulat siya dahil pamilyar sa kanya si Maverick Eliazar. Ito ’yung kapatid ni Macy at ito rin ’yung tumulong para mapakulong ang mga kapatid ni Yohan dahil sa pagpatay nila kay Trey. Pero mas nagulat siya nang makita niya ang kasama nito.
Si Sarina.
“Wait! Is that Sarina? Pero bakit niya kasama ngayon si Maverick? Magkakilala na ba sila?” Napansin rin ni Farah na may kasamang babae si Maverick Eliazar sa table nito at iyon nga ay si Sarina.
Napalunok naman si Alex at tinitigan lang sila Maverick at Sarina na masayang nag-uusap sa table nila. Are they dating?
“Lapitan natin sila.” Banggit ni Alex at hinila na ang kapatid niya papunta sa table nila Sarina.
Habang masayang nag-uusap sina Sarina at Maverick ay nagulat na lang silang dalawa nang may lumapit sa kanila. Nanlaki ang mga mata ni Sarina nang makita niya si Alex kasama ang kapatid nitong si Farah. Si Maverick naman ay napatingin lang kay Farah habang nakangiti ito sa kanya.
“It’s you, Sarina and Mavy.” Banggit ni Farah at nginitian sina Sarina at Maverick.
Nagulat pang lalo si Sarina nang malaman niyang kilala pala ng kapatid ni Alex si Maverick.
And she called him Mavy?
Nakatingin lang ng tahimik si Alex habang pinagmamasdan sina Sarina at Maverick. Alam niyang may espesyal na pagtingin ang dalawa sa isa’t-isa kaya nga sila nasa isang restaurant habang masayang nag-uusap. Lihim naman siyang napakuyom ng kamao dahil dun.
“Anong ginagawa niyo dito?” Tanong ni Maverick habang nakataas ang isang kilay niya. Saglit niyang tinignan ang tahimik na si Alex at saka bumaling ulit kay Farah.
“Oh! We’re going to have a dinner with this guy. He’s my younger brother, Mavy.” Pakilala ni Farah sa kapatid niyang si Alex.
Hindi naman umimik si Maverick at nagpatuloy lang ito sa pagkain niya. Hindi rin inaasahan ni Maverick na kilala ng college classmates niyang si Farah si Sarina. Marahil ay kaklase rin ni Sarina ang kapatid nitong lalaki kaya sila magkakilala.
Hindi malaman ni Sarina kung ano ang gagawin niya dahil nandito rin si Alex. Baka kapag nalaman ni Maverick na may gusto sa kanya si Alex ay magkagulo pa dito sa restaurant ngayon. Kinakabahan siya nang dahil doon.
“So, what are you two doing here? Sarina and Mavy?” Tanong ni Farah.
“We’re dating,” Balewalang sagot ni Maverick na ikinagulat ni Farah.
Napailing naman si Farah at tumawa ng mahina. “What? You’re dating Sarina? Nagbibiro ka ba, Mavy? She’s way too young for-” Pinigilan naman ni Maverick si Farah na ituloy pa ang sasabihin nito.
Napayuko na lamang si Sarina.
“Kung nandito lang kayo para guluhin ang date namin it’s better kung umalis na lang kayo at maghanap ng ibang makakainan. You’re ruining our date.” Naiiritang sagot ni Maverick at pinagserve pa si Sarina ng pagkain sa plato niya.
Gulat na gulat si Farah dahil hindi niya akalain na makikipag-date lang pala si Maverick Eliazar sa isang menor de edad samantalang siya na kaedad lang niya ay ilang beses na siyang na turn down at binalewala.
“I can’t believe this! Pumatol ka sa isang teenager, Maverick?” Hindi makapaniwalang sabi ni Farah at tumaas na ang boses nito. Napalingon naman sa kanya ang mga tao sa loob ng restaurant.
“Ate, umalis na tayo dito,” Sabi naman ni Alex at hihilahin na sana si Farah paalis pero hindi ito nagpatinag sa kinatatayuan nila.
Gulat na gulat pa rin si Sarina at sa nakikita niya ngayon ay mukhang may gusto ang kapatid ni Alex kay Maverick.
“And what? Wala ka nang pakialam kung sinuman ang gusto kong i-date kaya umalis na kayo dito. Nag-eeskandalo ka lang dito sa loob ng restaurant, Farah.” Sagot ni Maverick at tinitigan ng masama si Farah.
Hindi niya maintindihan kung bakit ganito kung umasta si Farah ni hindi naman sila naging magkarelasyon noon. Hanggang ngayon ba ay may gusto pa rin ito sa kanya?
Umiling lang si Farah at hindi na napigilan pa nito ang pagluha niya. “I can’t believe this!” Sigaw niya kay Maverick bago ito lumabas ng restaurant. Sinundan naman siya ni Alex.
Iyak ng iyak sa loob ng kotse si Farah habang pilit naman siyang pinapatahan ni Alex.
“I love him, Alex and yet he’s dating that young girl?” Paghagulgol ni Farah at niyakap na lang siya ng kanyang kapatid.
Tahimik lang na nag-iisip si Alex at ina-analyze ang mga nangyayari. Hindi niya alam na may gusto pala ang kapatid niya sa manliligaw ni Sarina na si Maverick Eliazar.
Bakit nakipagdate si Sarina sa mas matanda sa kanya ng ilang taon?
“I know you love Sarina, Alex. If you love me as your sister then gawin mo ang lahat para magkasira sila. Si Maverick lang ang minahal ko sa buong buhay ko at ayokong mapunta siya sa iba. Please, Alex help me to get Maverick…” Pagmamakaawa ni Farah at hinarap siya habang umiiyak pa rin.
“Ate,” Tanging nasabi na lang ni Alex habang nakatingin ng malungkot sa kapatid niya.
“Please, Alex?” Pagmamakaawa ulit ni Farah. Hindi na lang sumagot si Alex at niyakap ang kapatid niya.
Thanks for all the votes and comments. Importante po kasi talaga sa akin ang mga votes niyo at comments dahil nagiging motivation ko yon para mag-update pa.
Chapter 40
SARINA’S POV
Halos hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa mga nangyari noong weekends. Hindi ko akalain na magkakilala pala sina Ate Farah at Kuya Maverick. Naaalala ko pa rin ang mga nangyari sa restaurant at kitang-kita ko ang galit ni Ate Farah nang malaman niyang nililigawan ako ni Kuya Maverick. She likes Kuya Maverick at alam kong galit siya sa akin. Ano bang magagawa niya kung gusto ko rin si Kuya Maverick? Buo na ang desisyon ko at wala nang makakapigil pa nun.
Habang naglalakad ako sa may hallway ng St. Therese ay nakasalubong ko si Alex. Nung nagkita kami sa restaurant kasama ang Ate Farah niya ay tahimik lang siya nun at halos walang masabi nang nakita niya kami ni Kuya Maverick. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya dahil ang hirap niyang basahin. Hindi ko aakalain na magiging ganito ang trato ko sa kanya dahil noon ay alam kong mahal na mahal pa niya si Jenica at parang kapatid lang ang turing niya sa akin pero ngayon ay hindi ko alam kung bakit naging ganito na lang bigla ang sitwasyon namin.
Hindi ko na lang siya pinansin at lalagpasan na sana siya nang hinawakan niya ako sa braso dahilan para mapatigil ako.
“Nililigawan ka ba talaga ni Maverick Eliazar?” Tanong niya.
Bumuntong-hininga muna ako bago siya hinarap. “Kailangan ko ba talagang sagutin ’yang tanong mo? Bitawan mo ako.” Sagot ko at tinignan siya nang masama.
Binitawan naman niya ang braso ko at tinitigan rin ako ng masama na ikinagulat ko. “Oo o hindi lang naman, Sarina pero bakit hindi mo masagot ang tanong ko? Dine-date mo ba talaga ’yung lalaking ’yon?” Hindi makapaniwala niyang sabi.
Natawa ako ng mahina. “Sige, sasagutin ko ’yang tanong mo para matigil ka na. Yes, I’m dating Maverick Eliazar at wala ka nang pakialam kung sinuman ang gusto kong i-date.” Sabi ko.
Natahimik naman siya sa sinabi ko at tumango pagkatapos. “Paano nangyari ’yon? Mas matanda siya sa’yo, Sarina at-”
“Alam mo ba ang kasabihang age doesn’t matter, Alex? I like him so much kaya pumayag akong magdate kami.” Yes, I really like Maverick Eliazar so much.
“Sarina!” Napalingon naman kami sa tumawag sa pangalan ko at nakita ko si Macy na kasama ang boyfriend niyang si Walter.
Hindi ko na masyadong nakakausap si Macy dahil parang busy na rin ito sa buhay niya at hindi niya rin ako masyadong pinapansin lately. Ang akala ko nga ay galit siya sa akin dahil alam kong hindi niya gusto si Wayne na nakakausap ko pero mabuti na lang at okay lang pala kami.
“Macy, ikaw pala.” Sabi ko naman at nginitian siya. Ngumiti rin siya sa akin pabalik pati na rin si Walter.
“Nandito ka pala, Alex. Nasaan si Jenica? Bakit hindi mo siya kasama?” Tanong naman ni Walter kay Alex at inakbayan ito.
“We already broke up.” Sagot ni Alex at tumingin ito sa akin.
Nagulat kaming lahat dahil sa sinabi ni Alex. Nagbreak na sila ni Jenica? Dahil ba ito sa akin? Bigla ay parang nanghina ako sa sinabi niya.
“Totoo? Pero bakit naman?” Tanong ni Walter kay Alex.
Ngumiti naman ng malungkot si Alex. “We have so many priorities in life kaya mas minabuti na lang namin na maghiwalay muna.” Sagot niya.
Maniniwala ba ako sa dahilan niya? Ang alam ko naman ay dahil iyon sa akin kaya hiniwalayan niya si Jenica. Napakawala niyang puso. Sinaktan niya ang kaibigan ko.
“That’s so sad to hear, dude.” Sabi ni Walter at hinagod ang balikat ni Alex.
Tumingin naman sa akin si Macy at hinawakan ang isang kamay ko.
“Are you okay? Namumutla ka girl,” Nag-aalala niyang tanong.
Ngumiti na lang ako ng pilit. “Okay lang ako, Macy.” Ngumiti naman siyang bigla nang nakakaloko at bumulong sa akin.
“I know that you and Kuya Maverick are already dating. Sinabi niya sa akin.” Namutla naman akong lalo dahil sa sinabi niya.
“A-alam mo na pala.” Tanong ko na nauutal.
Tumawa naman siya. “Syempre, kapatid ko ’yon e, at lahat ng nangyayari sa buhay niya ay pinapaalam niya sa akin. Don’t worry, botong-boto ako sa’yo para kay kuya.” She smile and hugged me.
Napangiti rin ako sa sinabi niya at niyakap rin siya. “Thank you, Macy.”
Napatingin naman sa amin sina Walter at Alex.
“Anong meron at bigla na lang kayong nagyayakapan?” Natatawang sabi ni Walter.
“It’s none of your business!” Mataray na pabiro namang sagot ni Jenica na ikinatawa lang ni Walter.
Nakatingin naman ng seryoso sa akin si Alex kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. Kailangan kong makausap si Jenica at tanungin sa kanya ang lahat-lahat. Alam kong nasasaktan siya ngayon dahil sa ginawa sa kanya ni Alex at ang dahilan nun ay ako.
Nagsimula na ang klase at absent si Jenica. Nagparating ito ng mensahe sa mga guro namin na may sakit siya ngayon kaya hindi ito nakapasok. Ang Vice President na lang namin na si Erol ang pumalit muna sa kanya ngayon. Alam kong hindi ito nakapasok dahil sa naging break-up nila ni Alex. Napabuntong-hininga na lang ako dahil hindi ko siya makakausap ngayon.
“Girl, sabay na tayo sa Cafeteria.” Lumapit si Macy sa upuan ko nung magbreak-time na.
Ngumiti naman ako at tumango bago kami lumabas ng classroom namin.
“Kumusta naman ba manligaw si Kuya sa’yo? Okay ba?” Tanong niya habang naglalakad pa rin kami papuntang Cafeteria.
Paano nga ba manligaw si Kuya Maverick? He’s sweet, gentleman, very caring at higit sa lahat ay nirerespeto niya ang gusto ko. I like him because he doesn’t want to force me sa mga bagay na ayoko at ayon rin ang isa kong nagustuhan sa kanya.
“He’s sweet and he always respects my decision.” Sagot ko habang nakangiti.
“That’s great. Alam ko namang hindi ka sasaktan ni Kuya. Baliw na baliw kaya ’yon sa’yo!” She said while laughing. Napailing na lang ako habang nakangiti.
Ina-update ko na rin pala si Kuya Maverick sa mga nangyayari sa akin ngayong araw dahil ayoko nang maulit pa na mag-alala siya sa akin nang dahil lang sa hindi ko nasasagot ang mga texts at tawag niya. From now on, I will always consider his feelings because I don’t want to hurt him.
“Tol! Nag-aaway ngayon sina Wayne at Alex sa Basketball Court. Tara puntahan natin!”
“Bakit sila nag-aaway?”
“Nagkainitan yata sa laro. Inaawat nga sila nila Walter pero hindi pa rin sila nagpapapagil.”
Narinig namin ni Macy ang sinabi ng isang lalaking estudyante sa kasama niya at tumakbo na sila patungo sa Basketball Court.
Nag-aaway ngayon sina Wayne at Alex?
“What? They are fighting? Let’s go to that court at baka mapaano din si Walter.” Sabi ni Macy habang nagpapanic at hinila na niya ako papunta sa Basketball Court.
Nang makarating kami sa Basketball Court ay maraming mga estudyante ng St. Therese ang nakikiusyoso kina Wayne at Alex na nagtatalo at nagsisigawan habang pilit naman silang inaawat nila Walter at nang iba pa nilang teammates.
“Ano bang problema mo? Alam mo kanina ka pa. Namimisikal ka nang gago ka!” Akmang susugurin na ni Wayne si Alex nang napigilan siya nang mga teammates niya.
“Kasalanan ko bang paharang-harang ka? Hindi ko naman sinasadya na matulak ka. Wala ka bang mata at hindi mo nakita na aksidente lang ’yon? Gago ka din e!” Sigaw naman ni Alex habang tinititigan ng masama si Wayne.
Tumawa naman ng malakas si Wayne. “Talaga, Alex? Hindi pa tayo nagpapractice e, alam kong kanina ka pa naiinis sa akin. Bakit, dahil ba ’to kay Sarina? Kasi alam mong gusto ko siya?” Nakangising sabi ni Wayne kay Alex.
Nagulat ang lahat sa sinabi ni Wayne at napatingin naman sa akin ang ibang estudyante na nakakakilala sa akin.
“You fool!” Sigaw ni Alex kay Wayne at dinuro ito.
“Guys si Sarina!” Tinuro naman ako ng isang kateammates nila at napatingin silang lahat sa akin. Nagulat sila nang makita ako habang hinila naman ako ni Macy papunta sa pwesto nila.
“So, may gusto ka nga kay Sarina? May pabigay-bigay ka pa ng cake sa kanya pero dahil kilala ko ang mga lalaking katulad mo ay alam kong sumisimple ka lang sa kaibigan ko. Dinadamay mo pa si Alex sa pagiging warfreak mo? Wow ha?” Sabi ni Macy kay Wayne at tinignan ito ng masama. Lumapit naman sa amin si Walter at pilit niyang pinapakalma si Macy.
Tumawa naman si Wayne nang mapang-asar. “Inaamin ko nga na may gusto ako kay Sarina pero hindi ako katulad ni Alex na kailangan pang gamitin si Jenica para lang mapalapit sa kanya. Hindi mo pa siguro alam na kaya niya hiniwalayan si Jenica ay nang dahil ’yon kay Sarina?” Nang-iinsulto niyang sabi at tumingin ito sa akin.
Natahimik ang lahat nang nasa Basketball Court dahil sa sinabi ni Wayne. Hindi rin nakasagot si Macy dahil sa sinabi nito.
“Tumahimik ka na, Wayne!” Sigaw ulit ni Alex.
“At bakit Alex? Totoo naman ’di ba? Sa tagal na nating magkateammates sa Basketball ay kilalang-kilala na kita. Ikaw ’yung tipo nang lalaki na tatahi-tahimik lang pero bantay salakay rin pala. Mas malala ka pa nga kumpara sa akin. Alam mo ang sinasabi ko, Alexander.” Bumitaw naman si Wayne sa pagkakahawak sa kanya nang mga kateammates niya at umalis na ito palabas nang Court pagkatapos.
Nang matapos na ang eksena ay nagsialisan na rin ang iba pang nakikiusyoso at nanonood sa amin hanggang sa kami na lang ang natira at ang mga kateammates nina Walter at Alex.
“Totoo ba ’yon, Alex? May gusto ka kay Sarina?” Tanong ni Walter kay Alex.
Hindi sinagot ni Alex ang tanong ni Walter at nilagpasan niya lang kami at umalis na rin ito sa Basketball Court.
Napailing na lang si Walter habang nakatingin sa kanya ang mga kateammates nila.
“I didn’t know that he’s such a jerk.” Sabi ni Macy at tinignan ako.
Hindi na ako umimik at napabuntong-hininga na lang.
Sorry if I can’t update as soon as possible. I’m very busy person po kasi.
Chapter 41
THIRD PERSON’S POV
Nakaabang na sa labas ng bilibid ang mga kagangmates ni Ace kung saan ay nakakulong ang kapatid nila ni Yohan na si Aldwin. Matagal na panahon rin bago sila nakapaghanda sa pagsugod at pagtangkang itakas mula sa kulungan si Aldwin. Pinaghandaan at pinag-isipan nilang mabuti kung ano ang mga hakbang na gagawin nila bago dumating ang araw na ito. Gusto nang itakas ni Ace ang mga kapatid niya mula sa kulungan pati na rin sa DSWD kung saan ay naroon si Yohan. Hindi niya hahayaang maging miserable ang buhay ng mga kapatid niya. Lintek lang ang walang ganti sa gumawa nito sa kanila.
“Nangangati na talaga ang mga kamay kong patayin ang Bryan na ’yan. Sakto at nandito pa pala siya sa bilibid.” Nakangising saad ni Ace habang nakatingin kay Bryan mula sa malayo na nasa likod lang ng bilibid.
“Ano pang hinihintay mo, brad? Turuan mo na ng leksyon ’yan bago pa tayo sumugod sa loob.” Sagot naman ni Erick na isa sa mga kasamahan niya.
Tumango lang si Ace at inihanda ang hawak niyang baril kung saan ay ilegal niya iyong naipuslit mula sa mga koneksyon niya sa Drug Transaction Deals na kung saan ay kasapi siya roon.
Kaagad siyang lumapit sa kinaroroonan ni Bryan kasama ang mga kasamahan niya at mukhang kakatapos lang nitong kumausap sa hawak niyang cellphone.
Nagulat si Bryan nang makita niya si Ace at kaagad niyang itinago sa loob ng jacket niya ang hawak niyang cellphone.
“Hindi ko akalain na magkakatagpo pala tayo dito, Mr. Pabibo.” Nang-aasar na saad ni Ace na ikinangisi naman ng mga kasamahan niya.
Tinignan naman siya ni Bryan ng seryoso na hindi mababakasan ng takot sa mukha nang dahil kay Ace. “Alam mo bang pinaghahanap na kayo ng mga pulis? Nandito ka na at ng mga kasamahan mo sa kulungan at anumang oras ay makikita tayo ng mga pulis dito at makukulong na kayo.” Sagot naman niya.
Humakbang pang lalo si Ace papalapit kay Bryan hanggang sa magkatapatan na sila. “Alam ko na ’yan at handa na ako sa mangyayari ngayon pero ikaw na pabibo at feeling cool, nagpapaka knight-in-shining armor ka ba kay Annika para ikaw ang piliin niya?” Tumawa siya at itinulak si Bryan dahilan para mapaatras ito.
Tinignan siya ni Bryan ng masama pero kalaunan ay nginisian siya ito. “Bakit? Sa tingin mo ba ay mas pipiliin ka ni Annika kaysa sa akin? Isa kang mamamatay-tao at adik pa kaya ano bang magugustuhan sa’yo ni Annika?” Sagot niya.
Doon ay sumabog na sa galit si Ace at kaagad niyang sinuntok sa mukha si Bryan dahilan para matumba ito sa sahig. Hinawakan naman siya sa magkabilang braso ng iba pang kasamahan ni Ace. Sinuntok at tinadyakan pa niya ito ng paulit-ulit dahil tila nainsulto siya sa sinabi nito.
Tinulungan naman siya ng iba pang mga kasamahan niya na bugbugin pang lalo si Bryan na pilit iniinda ang sipa at tadyak na natatanggap niya mula sa mga kamay ni Ace. Napasuka na rin ito ng dugo.
“Ang lakas naman ng loob mong insultuhin ako. Hindi mo ba ako kilala? Ako si Ace Suarez at lahat ng tao ay natatakot sa akin. Alam mo bang magiging girlfriend ko na dapat si Annika? Pero ikaw na isang tarantado at paepal ay nagpapa goodshot na ngayon sa kanya kaya ngayon masama na ang tingin niya sa akin!” Sinuntok at muli niyang sinipa si Bryan dahilan para mapaubo pa ito ng maraming dugo.
Walang awa na mababakas ngayon kay Ace dahil nasanay na itong manakit ng tao. Parang normal lang sa kanya kahit pa ang pagpatay ng tao maitatak lang sa kokote ng mga kumakalaban sa kanya na siya ay isang makapangyarihan at kinatatakutang lalaki ng lahat.
“Lantang gulay na ’to, tol. Hindi pa ba tayo titigil?” Tanong ni Felix na nakahawak sa isang braso ni Bryan na nakahandusay sa sahig.
“Hangga’t hindi sinasabi ni Ace na hindi tayo titigil ay hindi tayo titigil. Maliwanag ba?” Inis namang sagot ni Al na nakahawak sa isang braso ni Bryan.
Tumango na lang si Felix at tila parang naaawa na sa itsura ni Bryan. Baka kapag nagtagal pa nila itong bugbugin ay mamatay na ito.
Ilang minuto pa ay huminto na rin si Ace sa pagbugbog kay Bryan kaya napahinto rin ang mga kasamahan niya. Natuwa siya nang makita ang itsura ng karibal niya mula sa puso ni Annika. Naliligo na ito sa sariling dugo at puro pasa at sugat na ang nasa buong katawan nito.
“Nakakaawa ang itsura mo ngayon, Mr. Pabibo. Iinsultuhin mo pa ba ako ulit? Ano?” Sigaw niya at muling binigyan ng isang malakas na sipa sa likuran si Bryan. Napadaing naman ito sa sakit.
Hindi na makagalaw si Bryan at tila namanhid na ang buong katawan niya dahil sa bugbog na natamo niya mula kay Ace at sa mga kasamahan nito. Talagang galit na galit ito sa kanya nang dahil kay Annika pero hindi niya hahayaang mapunta ang babaeng mahal niya sa isang demonyong katulad ni Ace.
Kaagad inilabas ni Ace ang baril mula sa pantalon niya at itinutok niya ito kay Bryan.
“May huli ka bang mensahe bago kita bawian ng buhay?” Nakangising sabi ni Ace at mas lalo pa niyang itinutok ang baril kay Bryan.
Kahit nanghihina na si Bryan at anumang oras ay mawawalan na siya ng malay ay nakapagsalita pa rin ito.
“H-hinding-hindi ka m-magtatagumpay…”
Ipuputok na sana ni Ace ang baril mula kay Bryan nang may isang lalaking nagpaputok ng baril sa kanya at natamaan siya sa braso dahilan para mabitawan niya ang hawak niyang baril. Nagulat na lang siya nang may mga pulis nang nakapalibot sa kanila at nakita niya ang lalaking bumaril sa kanya.
Si Maverick Eliazar.
“Mas mabuti pang sumuko na kayo bago pa mahuli ang lahat.” Sabi ng isang pulis habang tinututukan sila ng baril ng mga kasamahan niya.
Umiling lang si Ace at galit na itinuro si Maverick. “Bakit ka nangingialam dito? Sino ka ba sa akala mo?” Sigaw niya habang pilit iniinda ang braso niyang natamaan ng bala at nagdurugo na rin ito.
Ngumiti lang si Maverick at ibinaba ang hawak niyang baril. “Sa tingin niyo ba ay makakalusot kayo sa krimen na ginagawa niyo? Dahil sumugod na kayo dito ay mas mabuti pang i-surrender niyo na ang mga sarili ninyo sa pulis. May balak kayong itakas ang kapatid mo mula dito, hindi ba? Pero hinding-hindi mangyayari ’yon.” Sagot niya.
“Sumuko na tayo, Ace. Ayoko pang mamatay!” Sabi ni Erick sa kanya na halatang natatakot na kay Maverick Eliazar at sa mga pulis na nakapalibot sa kanila.
Tinignan naman siya ng masama ni Ace. “Anong pinagsasabi mo? Gago!” Sigaw ni Ace sa kanya.
“Sumuko na lang kayo. Wala na kayong kawala.” Sabi ni Maverick at nagpamulsa.
Wala namang nagawa si Ace nang lapitan sila nang mga pulis habang may nakatutok pa rin na baril sa kanila at isa-isa silang pinosasan ng mga kasamahan niya. Nagulat siya nang makita niya si Annika na tumatakbo papalapit sa kinaroroonan nila habang umiiyak. Nang makita siya ni Annika ay kaagad siya nitong sinampal sa mukha.
“Wala kang puso, Ace! Anong ginawa mo kay Bryan?” Umiiyak niyang sabi at kaagad nitong nilapitan si Bryan na walang malay na nakahandusay sa sahig.
Parang pinipiga ang puso niya habang nakikita si Annika na umiiyak at nag-aalala sa lalaking karibal niya dito.
Bakit mas gusto niya pa rin ang Bryan na iyon kaysa sa kanya?
Kaagad na siyang dinala ng mga pulis at ng mga kasamahan niya sa loob ng bilibid at ang huling eksena na nakita na lang niya sa labas ng bilibid ay may dumating na ambulansya kung saan ay dinala doon si Bryan at sumama naman si Annika sa loob.
Nakatayo pa rin sa labas ng bilibid si Maverick at ilang minuto lang ay nagsindi ito ng sigarilyo. Alam na niya ang tangkang pagsugod nila Ace at ng mga kasamahan nito mismo sa kulungan kung saan ay itatakas niya sana ang kapatid niya. Namatay pa ang isang tauhan niya na tauhan rin ni Gideon na nagmamanman nang dahil sa kagagawan ng mga alagad ni Ace. Minanmanan niya ang kilos at galaw ni Ace Suarez at hindi iyon alam ni Bryan.
He controlled everything. Nakita rin niya ang pambubugbog na ginawa nila Ace at ng mga kasamahan nito kay Bryan pero hindi siya sumugod kaagad dahil parte iyon ng plano niya. Gusto niyang maging maganda ang kalalabasan nang nangyaring eksena kanina para makita ito ni Annika at mas lalo pa itong maging boto para sa kanila ni Sarina. Habang binubugbog rin ni Ace si Bryan ay kaagad na niyang tinawagan si Annika para ipaalam ang lahat.
Alam niyang mali ang ginawa niya dahil hindi niya pinigilan si Ace na bugbugin si Bryan at baka sakali pang mamatay ang kaibigan niya pero wala siyang magawa dahil parte iyon ng plano niya. Pagdating sa atensyon at pagpapa-impress niya sa buong pamilya ni Sarina ay gagawin niya ang lahat maging maganda lang ang imahe niya at matanggap lang siya lalo na nila Xavier at ng mga magulang nito.
He’s Maverick Eliazar and he can do whatever he wants to make a good impression to Sarina’s family and to the girl he only loved.
Chapter 42
MACY’S POV
I still can’t believe this! Papaano nangyari na nagkagusto ang jerk na Alex na iyon kay Besty Sarina? Hindi ko lang pinansin si Sarina ng ilang linggo dahil nagtampo ako sa kanya dahil nakikipag-usap siya sa isa pang jerk na si Wayne tapos ngayon malalaman ko na lang na pati si Alex ay may gusto na rin sa kanya? Are they out of their minds? I thought that Alex loves Jenica? May something special talaga kay Sarina kaya pati si Kuya Maverick ay may gusto rin sa kanya. I’m glad that they’re already dating at hindi ako makakapayag na may sumali sa binubuo nilang loveteam.
I was walking around the Campus at sakto pang nakita ko si Alex na nakaupo sa isang bench at nakikipagtawanan sa mga kaklase niya na nandoon rin. After what happened ay may gana pa talaga siyang pumasok at maging masaya?
He’s a total jerk!
“Hoy!” Sabi ko kay Alex nang lumapit ako sa pwesto nila.
Natigil naman ang tawanan nila nang makita nila ako.
“Wow! Ikaw ’yung girlfriend ni Walter ’di ba?” Tanong ng isang kaklase ni Alex habang nakangiti ito sa akin.
Inirapan ko naman siya. “I’m not talking to you, idiot!” Sagot ko.
Natawa naman siya sa sinabi ko at umiling. “Ang sungit mo naman. Chill lang, okay?”
“Shut up!” Sabi ko at muli akong bumaling kay Alex.
“We need to talk.” Malamig kong pagkakasabi.
Tumango naman siya at saka nagpaalam sa mga kaklase niya na mag-uusap lang kami.
Lumayo kami sa pwesto nila and I confront him as fast as I could.
“What do you think are you doing? Paninindigan mo ba talaga ’yang pagiging jerk mo? Ang akala ko ay wala nang tatapat sa Wayne na ’yon when it comes sa pagiging jerk pero nalampasan mo pa pala siya. Are you nuts?” Inis kong sabi.
“Wala ka bang importanteng sasabihin sa akin?” Sabi naman niya ng seryoso.
“Hindi ba importante ang tinatanong ko sa’yo, idiot? What’s your real purpose? As far as I know you really love Jenica so much then now you’re saying that you like Sarina all of the sudden? Pinaplano mo ba talaga na pag-awayin silang magkaibigan nang dahil lang sa’yo?” Sabi ko at tinitigan siya ng masama.
Tinignan naman niya ako na parang naguguluhan siya sa sinasabi ko. “I have no intention to do that, Macy.” Sagot niya.
Umiling lang ako “No, you are. Show me your true colors, Alex. There’s no point of hiding it dahil alam ko kung anong klaseng tao ka. You’re just like Wayne but you are worse than him.” Tinitigan ko siya lalo ng masama.
I want to beat him up dahil parang pinapalabas niyang wala siyang clue sa ginagawa niya ngayon. The nerve of this guy! If gumagana ang ganitong klaseng strategy niya sa ibang taong nakakasalamuha niya then he can’t easily fool me.
I’m just like my brother who can read peoples mind and thoughts.
Natahimik siya ng ilang segundo pero di kalaunan ay tumawa siya na ikinagulat ko.
“I see.” Lumapit siya lalo sa akin and he smiled.
I closed my fist in anger. “You can’t stop me, Macy. You’re nothing but a worthless, stupid, weakling and bland girl. You have no match for me. I used to love Jenica before and that’s true but she’s no use for me now. All I want is her friend and your friend also, Sarina.” He’s mocking me.
“Pathetic!” Sigaw ko sa kanya and he laugh again.
“Hindi ko alam kung anong nagustuhan sa’yo ni Walter, e. Okay, I admit that you’re pretty enough but you’re not that sexy and you’re also short too. He always have a bad taste when it comes to girl. I pity him for that.” Sabi niya na iniinsulto ako.
That’s it. Lumabas na talaga ang tunay niyang ugali and I’m glad na nailabas ko iyon sa pagkatao niya.
“Alam mo bang nililigawan na ng kuya ko si Sarina?” Paglalahad ko at nagulat ako nang tumango siya.
He knows it? But how?
“Alam ko ’yon, Macy. I saw Sarina and your brother Maverick na nagdi-date sa isang restaurant. That’s a smart move of your brother, huh?” He smiled again.
“Then you should stop your games. Wala kang pag-asa kay Sarina dahil may gusto rin siya sa kapatid ko!” I shouted.
“Do you think na matatanggap ng pamilya ni Sarina ang kapatid mo para sa kanya? Your brother is 9 years older than her.” He tease. I gritted my teeth in anger.
“What are you doing to her?” Hindi ko namalayan na nakalapit na pala si Walter sa amin at tinitigan niya ng masama si Alex.
Tumikhim naman si Alex. “Nothing, bro. Pagsabihan mo na lang ’yang girlfriend mo na ’wag niya akong pakialamanan sa ginagawa ko sa buhay ko.” Sabi nito at umalis na pagkatapos.
Nang makaalis na si Alex ay hinarap naman ako ni Walter. “What is he talking about? May ginawa ba si Alex sa’yo?” Nag-aalala niyang tanong.
Umiling lang ako. “N-nothing. It’s already my class time. Babalik na ako sa room ko.” Magsasalita pa sana si Walter nang umalis na ako at nilagpasan siya.
Habang naglalakad ako pabalik sa classroom ay napaisip ako. May punto si Alex na baka hindi magustuhan ng pamilya ni Sarina ang kuya ko dahil sa age gap nila pero hindi dapat ako maging negative. I know that my brother will do everything for Sarina at para matanggap rin siya ng pamilya nito.
I trust you, Kuya.
YOHAN’S POV
“Kailan pa kita naging ama? Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong naging ama simula nung lumaki ako.” Sabi ko habang tinatawanan ang matandang lalaking kinakausap ko ngayon.
Bigla na lang kasi siyang sumulpot at dinalaw ako dito sa lintik na lugar na kinalalagyan ko at idinedeklara niyang siya daw ang tunay kong ama. Wala naman akong naging ama sa pagkakaalam ko.
“Maniwala ka sa akin, Yohan. Ako ang tunay mong ama. Patawad kung inabandona kita kay Giselle simula noong ipinanganak ka niya dahil ang akala ko ay anak ka niya sa ibang lalaki pero nagkakamali pala ako. Patawad, anak…” Naluluha nitong pakiusap sa akin.
Tinitigan ko naman siya. Kamukhang-kamukha ko nga ang matandang lalaking ito. Mukha rin siyang Koreano katulad ko. Siya ba talaga ang tunay kong ama? Kilala rin niya ang ina ko.
Tumango naman ako at may biglang naisip. “Kung totoo man ’yang sinasabi mo. May magagawa ka ba para sa akin? Alam kong gusto mong makabawi man lang sa akin. Tama ba ako?” Tanong ko.
“Oo anak at lahat ay gagawin ko para lang makabawi ako sa lahat ng pagkukulang ko sa’yo.” Sabi naman niya.
Ngumisi naman ako. “Kung ganon, ilayo mo ako sa impyernong lugar na ’to. Alam kong mayaman ka naman base sa mga suot mo kaya magagawa mo ’yon para sa akin. Anak mo ako, hindi ba?”
Tumango siya kaagad. “Oo at kahit anong gusto mo ay gagawin ko para lang sa’yo, anak.” Sabi niya at niyakap ako. Napasinghap na lang ako sa ginawa niya
Hindi ko akalain na mangyayari ang lahat ng ito sa akin. Na susulpot na lang bigla ang tunay kong ama at lahat daw ay ibibigay niya sa akin makabawi man lang sa pagkukulang niya sa akin. Hindi ibig sabihin na babawi siya sa akin ay mapapatawad ko na siya kaagad. Responsibilidad niya iyon dahil inabandona at pinabayaan niya ako sa loob ng 16 years. Hindi ako madaling magpatawad at lalong hinding-hindi ko mapapatawad ang mga taong naging dahilan kung bakit naging miserable ngayon ang buhay ko.
Kaagad ko namang inilayo ang sarili ko sa kanya na ikinayuko niya. “Gawin mo na ’yon kaagad. Baka kasi puro ka lang salita.” Sabi ko.
“Ipinapangako ko sa’yo, Yohan. Makakaalis ka rin dito. Gagawa ako ng paraan para mailayo kita dito. Sasama ka ba sa akin sa Korea at doon na tayo maninirahan kung gusto mo?” Tanong niya.
“Dito lang muna ako sa Pilipinas ngayon at gusto kong pagbayarin lahat ang mga taong gumawa nito sa akin.” Seryoso kong sabi at naikuyom ko ang kamao ko.
Maverick Eliazar. Humanda ka sa akin.
“Kung ayon ang pasya mo, susundin ko.” Sabi nito.
“Mabuti at nagkakalinawagan tayo. Kung gusto mong matanggap kita bilang ama ko. Lahat ng utos ko sa’yo ay gagawin mo. Maliwanag ba?” Tanong ko.
“Maliwanag, anak.” Sagot niya.
Natawa na lang ako. Napakatanga at walang kwenta niyang ama pero kailangan ko siya ngayon para magawa ko lahat ng plano ko.
Magiging sa akin ka pa rin, Sarina. Tandaan mo ’yan.
Chapter 43
SARINA’S POV
Dahil sa ginawang pagtulong ni Kuya Maverick para madakip ang kapatid ni Yohan na si Ace Suarez at ang iba pang mga kasama nito sa gang na kinabibilangan nila ay mas lalo pa akong nagkaroon ng rason para sagutin na siya sa panliligaw niya. Kung hindi dahil sa kanya ay baka napatay na ni Ace Suarez si Kuya Bryan dahil sa malalang bugbog na natamo nito sa kanya. Sobrang laki ng pasasalamat ng buong pamilya ni Trey kay Kuya Maverick dahil nakulong na rin ang mga taong pumatay kay Trey. Kung hindi pa sila nahuli ay baka may mangyari rin na masama kay Ate Annika at bigla na lang siyang atakihin nila Ace Suarez at ng grupo nila.
Bumubuti na ang kalagayan ni Kuya Bryan at palagi rin siyang binabantayan ni Ate Annika sa Ospital. Sa nakikita ko ay sobra ang pag-aalala ng kapatid ko para kay Kuya Bryan. Siguro marahil ay baka may pagtingin na rin si Ate Annika kay Kuya Bryan.
Nalaman rin ni Kuya Xavier ang ginawang pagtulong ni Kuya Maverick para madakip sila Ace Suarez at wala man lang siyang naging reaksyon tungkol doon.
Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin niya matanggap si Kuya Maverick para sa akin?
Nagulat ako nang makita ko si Jenica na pumasok sa classroom namin. Ilang araw na kasi siyang hindi pumapasok dahil nagkasakit daw siya sabi ng mga teachers namin. Hindi ko naman siya macontact sa phone niya dahil palagi itong nakapatay. Nang makita niya ako ay nginitian niya ako ng tipid saka ito umupo sa upuan niya. Malungkot naman akong ngumiti at pumunta sa pwesto niya. Nakita ko pa si Macy at ang mga kaklase namin na nakamasid lang sa aming dalawa.
“Jenica-”
“Don’t worry about me, Sarina. It’s not your fault at saka ayaw ko munang pag-usapan ’yon.” Sabi niya.
Tumango naman ako at tinitigan siya. Alam kong hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya sa ginawa sa kanya ni Alex dahil nakikita ko ang sakit mula sa mga mata niya pero alam kong nagpapakatatag lang siya. She’s been a good friend to me ever since at hindi niya deserve na masaktan ng ganito nang dahil lang sa mga lalaking minahal niya.
“Gusto mo bang ilibre kita ng food mamaya?” Sabi ko na lang.
Ngumiti naman siya. I felt relief dahil sa wakas ay ngumiti na rin siya ng totoo. “Oo ba. Huwag kang magreklamo kung marami akong oorderin, ha? Sabi mo kasi libre mo e,” Nakangising sagot niya.
Tumawa naman ako. “Sure. Friend kita kaya lang dapat na ilibre kita.” Sabi ko.
Bigla namang naging seryoso ang mukha ni Macy. “Sarina, nagkausap kami ni Ulysses nitong mga nakaraang araw. Medyo naguilty ako dahil sinisi kita sa break-up namin ni Alex. Bakit kasi lahat ng lalaking minamahal ko ay nagkakagusto sa’yo?” Malungkot niyang sabi.
Natahimik naman ako at parang maluluha na. “Pero nung sinabi niya na choice naman nila ni Alex na magkagusto sa’yo at wala ka namang kasalanan dun ay natauhan ako. He also said that you’re always considering my feelings noong umamin rin siya ng nararamdaman niya para sa’yo. I’m such a bad friend para pag-isipan ka ng masama.” She said then she hugged me.
I hugged her back. “It’s okay, Jenica. I’m sorry too.” Malungkot kong sabi. Kumalas naman siya sa pagkakayakap niya sa akin at hinarap niya ako sa kanya.
“I don’t want to ruin our friendship nang dahil lang sa lalaki. Alam ko namang may darating rin na tamang tao para sa akin. Baka siguro ngayon ay hindi ko pa siya namemeet.” Tumawa siya kaya natawa na rin ako.
Bigla namang lumapit sa pwesto namin si Macy. “It’s good to see na okay kayo. Ang akala ko ay mag-aaway pa kayo nang dahil lang sa jerk na ’yon!” Sabi niya at inirapan kami ng pabiro.
“Syempre naman. My friendship with Sarina is stronger than the rock.” Jenica said at kinindatan ako.
Tumango naman si Macy at nginisian ako na ipinagtaka ko. “Jenica, alam mo na bang nililigawan na ng kuya ko si Sarina?” Sabi niya na ikinapula ng buong mukha ko.
Nagulat naman si Jenica sa sinabi ni Macy at tinignan ako. “Is that true, Sarina?” Tanong niya.
Nahihiya naman akong tumango at nagkamot na lang ng ulo. “Oo. Hehe.”
Sinundot naman ako ni Jenica sa tagiliran kaya napaatras ako ng kaunti. “Wala akong kaalam-alam na nililigawan ka na pala ng kapatid ni Macy and you like older guys din pala. Kung sa bagay, ang gwapo at super duper hot pa ng kapatid ni Macy kaya hindi ka na rin lugi!” Natatawang sabi niya at sinundot pa ako ng paulit-ulit sa tagiliran.
“Jenica, stop that!” Suway ko habang nakikiliti pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagsundot sa tagiliran ko at tinatawanan lang ako.
Natigil lang kami nang dumating na ang teacher namin at mag-uumpisa na ang klase namin. I’m glad that we’re okay. Ang akala ko ay pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kanila ni Alex ay magagalit siya sa akin at hindi na ako papansinin pero nagkakamali pala ako. She’s a true friend to me and I’m so lucky to have Jenica in my life, too.
Nung magbreak-time na ay inilibre ko nga si Jenica katulad ng ipinangako ko sa kanya. Sumama rin sa amin si Macy sa Cafeteria at kasama nito ang boyfriend niyang si Walter. Nasa iisang table kami at nag-uusap ng kung anu-anong stuffs.
Napa face palm na lang ako sa hiya nang sabihin ni Macy kay Walter na nililigawan ako ng kuya niya. Tumatawa naman si Jenica sa reaksyon ko.
“Really, Sarina? Kailan mo naman balak sagutin ’yung kuya ni Macy?” Nakangising tanong ni Walter sa akin.
Napakagat-labi na lang ako, Anytime naman siguro ay sasagutin ko na si Kuya Maverick dahil marami na siyang napatunayan sa akin pero sa ngayon ay nahihiya pa akong sabihin ang totoo at buo kong nararamdaman para sa kanya.
“Nako, ’wag mo nang patagalin pa ’yan dahil baka masnatch pa ng ibang maganda at sexyng babae si Maverick Eliazar.” Pagbabanta naman ni Jenica.
Nang sinabi niya iyon ay naisip ko si Ate Farah. Alam kong patay na patay iyon kay Kuya Maverick at higit sa lahat ay maganda at sexy rin iyon kaya hindi ako makakapayag dun. Napatango naman ako.
“Tama ka. Hindi ko na dapat patagalin pa na sagutin ko si Kuya Maverick. Malaki rin ang naitulong niya sa pamilya nila Trey at pati na rin sa amin para maipakulong ang mga taong pumatay kay Trey.” Sabi ko naman na ikinangiti nila.
Naikwento ko na rin sa kanila ang ginawang pagtulong ni Kuya Maverick para makulong si Ace Suarez at ang mga kasamahan nito na kasama ni Yohan sa pagpatay kay Trey.
“Ganyan dapat. Hindi ka naman pababayaan ng kuya ko. Safe na safe ka sa kanya.” Macy said.
Ngumiti na lang ako pero napawi rin iyon nang makita ko si Wayne na papalapit sa amin kasama ang tatlong kaklase niya.
“Mukhang nagkakasayahan yata kayo? Pwede bang maki-join?” Nakangiting tanong niya nang makalapit na sila sa amin.
Sumama naman ang tingin ni Macy sa kanya.
“For what? Magpapa-impress ka na naman ba kay Sarina? Pwede bang lumayo ka na sa kanya? You’re just a pest here!” Sagot ni Macy at mas lalo pang sumama ang tingin niya kay Wayne.
Tumawa naman si Wayne. “Bakit ba inis na inis ka sa akin, Macy? Did you like me? Ginagamit mo rin ba si Walter para mapalapit sa akin katulad ng ginawa ni Alex kay Jenica para mapalapit siya kay Sarina?” Sabi ni Wayne at saglit na sumulyap kay Jenica. Napayuko naman si Jenica nang dahil dun.
“You moron! Ikaw magugustuhan ko? In your dreams!” Singhal naman ni Macy at tumayo ito para harapin si Wayne. Tumayo rin si Walter at pilit inaawat si Macy.
“Bakit hindi? Gwapo naman ako at hot pa. Aminin mo na kasing gusto mo ako kaya ka palaging naiinis sa akin dahil hindi kita napapansin.” Pang-aasar pa ni Wayne na ikinatawa naman ng mga kaklase niya.
“Ano bang problema mo, Wayne? Pwede bang umalis ka na dito? Don’t messed up with me.” Pagbabanta naman ni Walter habang nakatitig siya ng masama kay Wayne.
Ngumiti naman si Wayne at nilingon ako. “Wala naman. Gusto ko lang makita si Sarina. See you later na lang, Sarina.” Sagot niya at muli akong nilingon bago ito umalis kasama ang mga kaklase niya.
“What a jerk!” Sigaw ni Macy na inaawat pa rin ni Walter.
Nag-aalala ko namang tinignan si Jenica at hinagod ang balikat niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti ng malungkot.
“I’m okay.” Sabi niya.
I sighed. I know she’s not.
XAVIER’S POV
“Maverick is such a nice guy. He’s helping us and Trey’s family ever since. I like him.” Sabi ni Mommy.
“Your Mom is right, Xavier. Nabanggit rin pala sa amin ni Annika na nanliligaw si Maverick Eliazar kay Sarina. What’s wrong about that?” Sabi naman ni Daddy.
Umiling ako. Even our parents wants that Maverick for my youngest sister?
“Mommy, Daddy, Sarina is only 16 years old samantalang kaedad ko lang ’yang si Maverick. Parang kuya na nga niya ’yan si Maverick, e. Hindi pa siguro tama na magkaboyfriend si Sarina dahil kamamatay lang ni Trey at baka mangyari lang ’yung ginawa ni Yohan Suarez dahil sa pagmamahal niya sa kapatid ko. I’m just being protective to Sarina!” Pagkumbinsi ko naman.
“We know that son but age doesn’t matter and we can see that he’s really taking care of Sarina. I think your sister likes him too so why not?” Sabi ni Mommy at uminom ng hawak niyang tea.
Tumango naman si Daddy bilang pag sang-ayon. Hindi na lang ako umimik pa at lumabas na ng office nila. Ang akala ko ay tututol ang mga magulang ko sa panliligaw ni Maverick kay Sarina dahil sa age gap nila pero nagkamamali pala ako.
Why they really want to trust that guy?
Habang napapag-isip ako ay nakita ko naman si Maverick na naglalakad papunta sa office ng ibang empleyado at nang makita niya ako ay nginisian niya ako at pagkatapos nun ay dumiretso na siya ng lakad.
Napatiim-bagang na lang ako.
I don’t want him for my sister. Never.
Chapter 44
MAVERICK’S POV
Halos hindi na siguro mabura ang ngiti ko dahil palagi na akong ina-update ni Sarina sa mga nangyayari palagi sa kanya. Talagang tinotoo niya nga ang sinabi niya sa akin na i-uupdate niya ako sa mga ginagawa niya o kung nasaan man siya. Gusto ko sanang maghire ng bodyguards para sa kanya for her safety pero sa tingin ko ay hindi niya magugustuhan iyon at baka isipin pa niyang pinaghihigpitan ko siya ng sobra. I don’t want Sarina to think that I’m bad enough to be her soon to be boyfriend at baka ma turn-off pa siya sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag dumating ang araw na mawalan na siya ng interes sa akin. Mababaliw siguro ako ng sobra.
I settled everything according to my plan so I know that I also get her family’s approval. Xavier is still a butthurt but I can do something about it.
Sarina was in their home right now at marami raw siyang ginagawang homeworks sa school nila so I don’t want to bother her. I’m at the bar right now at umiinom. I need to chill my mind so I decided to came here.
Habang umiinom ako ay may lumapit sa akin at napakunot-noo ako nang makita ko kung sino ito.
“Why are you alone? Where’s your girl?” Sabi niya nang nakangisi at umupo sa tabi ko.
It’s Farah.
Hindi ko na lang siya pinansin. Natawa naman siyang bigla. “How stupid I am to asked that? She’s only 16 years old and same age with my brother kaya bawal pala siyang magpunta sa ganitong klaseng lugar.” Then she laugh.
“Why are you bothering me? Can you just leave me alone?” Sabi ko na naiirita. I really hate her presence. She’s very annoying.
Ininom niya muna ang hawak niyang drinks bago siya muling nagsalita. “You’re very rude to me since then and you know that I really like you so much. Bakit ba hindi mo ako magustuhan, Mavy? We’re at the same age. I know you more than your girl and I’m always here for you. Pwede namang ako na lang.” She said desperately at hinawakan ang isang kamay ko.
Tinabig ko kaagad iyon. “It’s simply because I don’t like you. I’m sorry if I can’t return your love. Please respect my decision, Farah. Marami naman siguro nagkakagusto sa’yo.” Napahilot naman ako sa sentido ko.
Sumasakit lang lalo ang ulo ko nang dahil sa kanya. Ilang beses ko na noon sinabi sa kanya na huwag na siyang umasa pa sa akin pero siya itong lapit ng lapit para sirain palagi ang araw ko.
Nakita ko naman na naluluha na siya dahil sa sinabi ko. Here we go again by her annoying cry.
“You don’t really like me that much, Mavy? Alam mo bang may gusto ang kapatid kong si Alex kay Sarina? Pwede bang hayaan mo na silang dalawa at maging tayo na lang?” Sa sinabi niya ay bigla na lang nag-init ang ulo ko.
’Yung kasama niyang lalaki noon sa restaurant na kapatid raw niya ay may gusto kay Sarina? He wouldn’t stand a chance. I closed my first.
I glared at Farah na ikinagulat niya. “Tanga ba ako para gawin ’yon? Your brother doesn’t have a chance to get my girl. Sarina is only mine and tell that to him!” May diin kong pagkakasabi.
Mukha naman siyang natakot sa naging reaksyon ko. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita nang kaagad na akong umalis sa bar na iyon.
Ayoko na may ibang lalaking aaligid sa babaeng mahal ko. Dadaan muna sila sa mga kamay ko bago nila maagaw sa akin si Sarina.
They like my girl? Sorry but Sarina loves me so much and they had no chance to defeat me.
FARAH’S POV
Why Maverick only wants to hurt my feelings? Wala ba talagang chance man lang na mahalin niya rin ako? He really love that teenager girl than me? Walang tigil ang pag-iyak ko nang makauwi na ako ng bahay namin. Naabutan ko naman si Alex sa living room na nagbabasa ng libro. Nang makita niya ako ay kaagad siyang lumapit sa akin at pinaupo ako sa couch.
“Why are you crying, ate? What’s wrong?” Tanong niya habang concern siyang nakatingin sa akin.
Humagulgol ako ng iyak bago ulit magsalita. “Mavy rejected me again because of that girl!” And I cried too loud.
Nakita ko naman na napabuntong-hininga si Alex. “He also rejected you before. He doesn’t really like you, ate and you need to accept that.” He seriously said.
Umiling lang ako. “He’s my first love and I can’t afford to lose him.” I said.
College pa lang kami ay talagang gusto ko na si Maverick Eliazar. Many girls also wants to be with him but it seems that he doesn’t have an interest when it comes to dating. I hate to admit it but we are friends before and I called him Mavy as his nickname. We had a strong bond before as friends kasama si Bryan Jimenez na isa rin sa mga kaibigan niya. Nung umamin akong may gusto ako sa kanya ay doon lang nagulo ang lahat hanggang sa hindi na niya ako muling pinansin pa. Hindi ako nawalan ng pag-asa sa kanya kaya palagi ko pa rin siyang kinukulit noon pero mukhang ayon ang naging dahilan kung bakit lumipat siya sa ibang school noong 3rd year college pa lang kami hanggang sa hindi ko na siya muling nakita pa.
“ Mavy, I-I really like you…“ Sabi ko habang nasa harapan ko siya.
Nakatingin lang siya sa akin habang walang ekspresyon ang buong mukha niya. Hindi ako nagpatinag at muling nagsalita.
“Simula nung nakilala kita alam ko nang gusto kita. Alam kong magkaibigan tayo pero hindi ko na kaya pang itago ang nararamdaman ko para sa’yo. I like you so much, Mavy!”
“I don’t like you, Farah. Please stay away from me from now on.” Sagot niya at maglalakad na sana siya papaalis nang pinigilan ko siya.
“I will prove that I also love you too and I will not give up.” Matapang kong sabi.
Inalis naman niya ang pagkakahawak sa kamay ko at tuluyan na siyang umalis.
“But he doesn’t like you Ate-”
“And you, Alex? You like Sarina, right? But what are you doing? You’re doing nothing.” Natahimik siya sa sinabi ko at halos hindi na alam ang sasabihin.
I know my brother. Hindi siya nagpapatalo sa kahit anong laban. Nagtataka lang ako kung bakit wala siyang ginagawa ngayon para makuha ang gusto niya. This is not the Alexander De Silva that I know.
Nagsalita ulit ako. “Hahayaan mo lang bang makuha ng iba ang babaeng mahal mo? Ito ba ang unang beses na magpapatalo ka, Alex?” Paghahamon ko sa kanya.
Bigla siyang tumawa at ilang saglit lang ay naging seryoso ulit ang mukha niya. “Your dearest first love is a very hard opponent. Kung gagawa ako ngayon ng move ay siguradong matatalo lang ako. I need to think something worthful to get what I really want. I’m not like you na iiyak at magmamakaawa na mahalin lang ng isang lalaki. Hindi ako kasing desperada at talunan katulad mo.” Sabi niya habang nakangiti.
I chuckled. Ganyan ang kilala kong Alex.
Ang totoong Alex.
Tumango ako. “That’s right. Ang akala ko kasi ay magbabago ka na dahil simula nang makilala mo ang mga kaibigan mo sa St. Therese ay hindi ko na masense ang totoong Alex but I’m glad that you didn’t change at all.” Pinunasan ko ang mga luha ko at sumandal sa couch.
Umiyak na naman ako at nasira ang make-up ko!
Nagpamulsa siya at tumayo na. “And one reminder lang ate, please don’t cry again. It breaks my eardrums kasi sa lakas ng hagulgol mo. Bye loser!” Itinuro niya ako at winagayway ang isa niyang kamay bago siya umalis at umakyat na sa kwarto niya.
Umiling lang ako. He’s just like me but he’s very intelligent and worse.
Sinisikap ko nang matapos to at malapit na rin pala ito matapos. Iniisip ko rin kung gagawa pa ba ako ng ibang story o hindi na.
Chapter 45
THIRD PERSON’S POV
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Xavier nang makita niya si Maverick na nasa labas ng bahay nila.
Mukhang gusto nitong makipagkita kay Sarina pero hindi siya papayag doon.
“I just want to see Sarina.” Sabi naman ni Maverick. Napailing na lang si Maverick dahil sobrang sama na ng tingin sa kanya ni Xavier. Tutol talaga ito na makipagrelasyon siya sa kapatid nito.
Mas lalo namang lumapit sa kanya si Xavier habang hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa kanya. “Sasabihin ko na sa’yo to. Tutol ako na ligawan mo si Sarina kaya pwede bang layuan mo na siya?” May diin niyang pagkakasabi.
“And who are you to told me that?” Naiinis namang sagot ni Maverick. Binababaan lamang niya ang kanyang pasensya dahil kapatid ito ng babaeng nililigawan niya.
“Who am I? I’m her brother and I know what’s best for her. Kung ako sa’yo layuan mo na si Sarina at baka kung ano pa ang magawa ko sa’yo. Wala rin akong pakialam kung tinutulungan mo man ang pamilya ni Trey o ang pamilya ko laban sa mga Suarez pero hindi dahilan ’yon para makalapit ka kay Sarina.” Sabi ni Xavier.
Hindi niya kayang lubos na magtiwala kay Maverick Eliazar dahil noon pa lang alam na niyang may kakaiba na sa lalaking ito. Mas tiwala siya kay Trey para kay Sarina noong nabubuhay pa lang ito dahil alam niyang mabuting lalaki ito para sa kapatid niya pero ngayon ay nararamdaman niya kay Maverick Eliazar na hindi magiging mabuti ang lagay ng kapatid niya sa oras man na magkaroon sila ng seryosong relasyon.
Pinoprotektahan niya lang si Sarina dahil baka manganib pa ang buhay nito sa kamay ng lalaking nasa harapan niya. Mas malala pa ito kay Yohan at nakikita niya iyon.
Mahal na mahal niya si Sarina at hindi niya hahayaang mapahamak ulit ito.
Umiling at halos hindi makapaniwala si Maverick sa sinabi ni Xavier. Ang layuan si Sarina? Hinding-hindi niya magagawa iyon.
“Bakit ba tutol na tutol ka sa aming dalawa? Sarina loves me at sinabi niya ’yon sa akin kaya nga siya pumayag na ligawan ko tapos ikaw na wala namang karapatan na panghimasukan kami ay hinahadlangan akong mapalapit sa kanya? Bakit Xavier? Nagseselos ka ba dahil baka mawalan na ng time sa’yo ang kapatid mo kapag naging kami na?” Nakangisi namang sabi ni Maverick.
“Hindi ganon ’yon, Maverick. Una sa lahat ay nakikita ko sa’yo na hindi magiging ligtas ang kapatid ko mula sa mga kamay mo. Pangalawa ay mapagpanggap ka. Pangatlo ay mas matanda ka sa kanya.” Hindi na mapigilang sigaw ni Xavier.
Natawa naman si Maverick. “Paanong hindi magiging ligtas si Sarina sa akin? I want to protect her since then at sinabi ko na ’yan sayo noon pa. Hindi rin ako mapagpanggap at higit sa lahat wala rin akong pakialam kung mas matanda man ako sa kanya ng ilang taon. Hindi ko rin pala nasabi sa’yo na alam kong gusto ako ng mga magulang niyo para sa kanya? Ikaw lang ’tong nagpapalala ng sitwasyon, Xavier. HIndi ko alam kung ano ba talaga ang iniisip mo e,” Seryosong sabi nito.
Hindi makontrol ni Xavier ang galit niya kay Maverick kaya napapikit na ito at napakuyom ng mahigpit sa isang kamao niya. “Umalis ka na dito bago pa magdilim ang paningin ko sa’yo!” Sigaw niya.
“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko nakikita si Sarina.” Sagot ni Maverick pabalik.
Hindi na nakapagpigil pa si Xavier at kaagad niyang sinugod si Maverick at sinuntok ito sa mukha. Hindi na rin nakatiis si Maverick at sinuntok niya rin si Xavier. Pareho silang nagsasakitan ngayon at pareho rin na ayaw tumigil.
“Leave her alone!” Sigaw ni Xavier at sinuntok sa tagiliran si Maverick.
Napaubo naman si Maverick sa lakas ng pagkakasuntok sa kanya ni Xavier pero hindi rin ito nagpatinag at sinuntok rin si Xavier.
“Hindi ko gagawin ’yon!” Sigaw naman ni Maverick at sa wakas nabigyan siya ng pagkakataon para ipagtanggol ang sarili niya kay Xavier.
Tuloy-tuloy ang ginagawa niyang pagsuntok kay Xavier kaya napaluhod na ito sa sahig dahil sa natatamo nito sa kanya. Hindi na rin makalaban sa kanya si Xavier dahil sa lakas ng suntok na ginagawa niya.
“Kuya Xavier!” Narinig niyang sigaw ni Sarina kaya napahinto siya sa ginagawa niyang pagsuntok kay Xavier.
Umiiyak naman na lumapit sa kanila si Sarina at naabutan nito ang ginagawa niya kay Xavier. Hindi na rin maidilat ni Xavier ang mga mata niya dahil sa ginawa sa kanya ni Maverick.
“Anong ginagawa mo sa kuya ko? Bakit mo siya binubugbog?” Naiiyak na tanong ni Sarina at pilit nitong ginigising ang halos wala nang malay na si Xavier.
Nagulat at halos hindi rin alam ni Maverick ang sasabihin niya. Anong nagawa niya? Bakit parang nagagalit ngayon sa kanya si Sarina? Pinagtanggol lang naman niya ang sarili niya kay Xavier. Ito nga ang unang umatake sa kanya.
“S-sinugod niya ako, Sarina! PInagtanggol ko lang-” Hindi niya inaasahan ang sunod na ginawa sa kanya ni Sarina.
Sinampal siya nito.
“Wala kang karapatang saktan ang kuya ko! Tignan mo nga? Halos hindi na siya makagalaw dahil sa pambubugbog na ginawa mo!” Naiiyak na sigaw nito sa kanya.
Napahilamos naman si Maverick sa mukha dahil hindi rin niya nakontrol ang sarili niyang hindi patulan si Xavier. Dapat ay hindi niya ito ginawa.
“I’m sorry. H-hindi ko sinasadya…” Halos maiiyak nang sambit ni Maverick.
“Umalis ka na dito!” May diing pagkakasabi ni Sarina.
“Pero-”
“Umalis ka na. Iwan mo na kami. Ayaw na muna kitang makita!” Lumapit si Sarina sa kanya at Itinulak siya papalabas ng bahay nila.
Para namang nadurog ang puso niya dahil sa sinabi ng babaeng mahal niya. Ayaw na siya nitong makita?
“Sarina, I can explain. Please makinig ka naman sa akin.” Pagmamakaawa ni Maverick at pilit niyayakap si Sarina pero nilalayo lang siya nito mula sa kanya.
“Wala ka nang dapat pang i-explain, Kuya Maverick. Sinaktan mo ang kapatid ko. Umalis ka na!” Huling sabi nito bago siya pagsaraduhan ng gate.
Nagalit sa kanya ang babaeng pinakamamahal niya dahil nasaktan niya ang kapatid nitong si Xavier. HIndi na niya napigilan pang mapahagulgol ng iyak. Ito ang unang beses na umiyak siya at dahil ulit iyon kay Sarina. Hindi niya kayang layuan ito dahil mahal na mahal niya si Sarina.
Sarina…“ Iyak niya habang humahagulgol.
Hindi niya kaya iyon. Ikamamatay niya kapag nawala sa buhay niya si Sarina. Sobrang mahal niya ito at lahat ginawa niya para lang mapalapit dito pero nasira lang iyon dahil sa ginawa niya. Pinatulan niya si Xavier at nagawa nga nitong paglayuin sila ni Sarina.
Napatiim-bagang na lang siya.
Ano bang gustong mangyari ng lalaking iyon?
HIndi siya papayag na tuluyan nang magalit sa kanya si Sarina. Kahit sa maduming paraan pa ay gagawin niya ang lahat para lang makuha ito. Hindi niya hahayaang mawala sa kanya ang babaeng pinakamamahal niya dahil sa kanya lang si Sarina at wala nang iba.
SARINA’S POV
Nasa kwarto ako ngayon ni Kuya Xavier at dinadampian ko ng ice bag ang mga pasa niya sa katawan. Hindi ko alam kung bakit siya binubugbog ni Kuya Maverick pero hindi iyon tama dahil baka sakaling mapatay pa niya ang kuya ko nang dahil sa pambubugbog niya. Wala siyang karapatang saktan ang kapatid ko.
“Kuya, ano bang dahilan kung bakit ka binubugbog ni Kuya Maverick? Nag-away ba kayo?” Hindi ko na mapigilang tanong.
“Basta layuan mo na ang lalaking ’yon. Tigilan mo na rin na magpaligaw sa kanya dahil hindi siya mabuting lalaki para sa’yo.” Sagot niya habang dinadampian ng betadine na may bulak ang mga sugat niya sa mukha at braso.
Napakagat-labi na lang ako. Alam na pala niyang nililigawan na ako ni Kuya Maverick.
“B-Bakit naman? Mabait naman siya sa akin at g-gusto ko rin siya.” Sabi ko at napayuko na lang.
Napabuntong-hininga naman siya at binitawan ang hawak niya. “He’s very dangerous. Maniwala ka sa akin, Sarina. Nagpapakitang-tao lang ang gago na ’yon sa’yo. Tignan mo nga ’tong ginawa niya sa akin, muntik na niya akong mapatay.” Sabi ni kuya at umiwas ng tingin sa akin.
I sighed. I really love Kuya Maverick pero hindi ko nagustuhan na sinaktan at binugbog niya ang kuya ko. If he really loves me dapat ay hindi niya iyon ginawa dahil alam niyang masasaktan ako kapag nasaktan rin ang mga kapatid ko.
“Sarina, alam kong mahal mo si Maverick pero hindi tama na maging kayo. Hindi ka magiging safe kung patuloy ka pa rin na nakikipagkita sa lalaking ’yon. Hindi ko sinasabi sa’yo ’to dahil binugbog niya ako, sinasabi ko lang ’to kasi ’yon ang totoo.” Sabi niya at niyakap ako.
Napaiyak na lang ako. Mahal na mahal ko si Kuya Maverick pero sa ginawa niya ay hindi na ako sigurado kung sasagutin ko pa ba siya o hindi.
Chapter 46
ANNIKA’S POV
Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong unti-unti nang bumubuti ang kalagayan ngayon ni Bryan. Nang makita ko siyang nakahandusay sa sahig at halos wala nang malay ay sobra akong natakot at nag-alala para sa kanya. Hindi ko aakalain na pag-iinitan siya ni Ace at muntikan pa siya nitong mapatay. Katulad lang rin pala ni Yohan ang kapatid niya. Pareho silang mga walang konsensya at kayang-kaya nilang manakit o pumatay ng isang tao.
Bryan is a good friend to me. Kapag kailangan ko siya ay nandoon rin siya and I think that I’m starting to like him. He’s nice, gentleman and very bright person. Sobra rin siyang mag-alala sa akin at iniisip palagi ang kaligtasan ko mula kay Ace.
“Thank you for taking care of me, Annika.” Sabi ni Bryan at ngumiti ito sa akin.
He’s still lying on the hospital bed at marami pa rin nakabenda sa buong katawan niya. Sobrang dami kasi ng sugat at pasang natamo niya dahil sa ginawa nila Ace sa kanya.
“Wala ’yon. You’ve been taking care of me rin naman before kaya dapat give and take lang.” Nakangiti ko namang sagot.
Ngumiti rin siya at hinawakan ang isang kamay ko na ikinagulat ko. Medyo namula rin ang pisngi ko nang dahil doon. “No matter what happens, I will always protect you because I really care for you.”
Dahil sa sinabi niya ay sobrang bumilis ang tibok ng puso ko. Ibang-iba itong nararamdaman ko kumpara noong nagkagusto ako kay Maverick. Hindi ko halos maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon para kay Bryan but I know that he’s always be special to my heart.
Napatigil naman ako nang may biglang nagtext sa phone ko.
Si Kuya Mar. Yung Security Guard ng bahay namin at matagal na rin itong naninilbihan sa amin.
From: Kuya Mar
Maa’m, may nakaaway po si Sir Xavier dito sa bahay ninyo at sa tingin ko ay si Maverick Eliazar iyon. Umiiyak rin kanina si Ma’am Sarina. Ina-update ko lang po kayo dahil mukhang may hindi magandang nangyari.
Natigilan naman ako. Nag-away sina Kuya Xavier at si Maverick? And Sarina is crying too? Bakit kaya? Kailangan kong umuwi ngayon at gusto kong makausap sina Kuya Xavier at Sarina.
“Bryan, I need to go home na muna. Nagtext ’yung Security Guard sa bahay namin at sinasabing nag-away daw sina Kuya Xavier at Maverick. I need to talk to my brother and sister.” Hindi ko mapakaling sabi.
Natigilan rin si Bryan sa sinabi ko at tumango pagkatapos. “Sure. Ilang araw mo na rin naman akong binabantayan dito kaya umuwi ka na muna. Mag-iingat ka, Annika.” Sabi niya.
“Thanks, Bryan.” Tumango ako at pagkatapos ay lumabas na ng Confine Room.
Nagmadali naman akong umuwi ng bahay namin at nagtaxi na lang at pagkatapos ng isang oras ay nakauwi na rin ako. Kaagad akong pumunta sa kwarto kung nasaan si Kuya Xavier na naabutan kong nanonood ng tv at puro sugat at pasa ang nasa katawan niya. May benda rin ang kanang braso niya.
“What happened to you?” Tanong ko nang makalapit ako kay Kuya Xavier at umupo sa kama niya.
“Bakit hindi mo itanong sa ex-crush mo?” Sagot naman niya habang hindi pa rin nito inaalis ang tingin niya sa tv.
“Nag-away daw kayo ni Maverick? Pero bakit, sa anong dahilan?” Tanong ko ulit.
Kinuha niya ang remote control na nasa gilid lang niya at pinatay ang tv bago ito humarap sa akin.
“Sinabi ko lang sa kanya na layuan niya si Sarina dahil hindi siya nararapat para sa kapatid natin tapos ayon, nagalit na siya at bigla na lang akong inambahan ng suntok at binugbog na niya ako. Walanghiya ang gagong ’yon, muntikan pa niyang sirain ang mukha ko!” Sabi niya at hinawakan nito ang panga niyang may pasa.
Napacross-arms na lang ako.
Kaya naman pala.
“Bakit mo naman kasi siya pinapalayo kay Sarina? Alam mo namang mahal niya ang kapatid natin at higit sa lahat ay napakabuti niya sa family natin at pati na rin sa family nila Trey kaya bakit ba ayaw mo si Maverick para kay Sarina?”
Hindi ko masisisi si Maverick kung nagawa man niya ito kay kuya. Paepal rin kasi itong kapatid ko at masyadong nangingialam sa kanilang dalawa.
“Dahil mapanganib si Maverick. Hindi niyo naman kasi kilala ’yung tao kaya kampante lang kayo na umaaligid siyang lagi kay Sarina. Basta ayoko siya para sa kapatid natin.” Seryosong sabi ni kuya.
Napabuntong-hininga ako at inirapan siya. “Masyado mo namang pinaghihigpitan si Sarina niyan. Kakamatay lang ni Trey at nahanap niya kay Maverick ang happiness niya tapos ikaw ’tong kontrabida sa kanilang dalawa. May sister complex ka ba, kuya?” Tanong ko.
“Wala akong sister complex, okay? Kung tanggap niyo nila Mommy at Daddy ang relasyon nilang dalawa pwes ibahin niyo ako. Gagawin ko ang lahat para hindi na sila ulit magkita pa. Tandaan mo ’yan, Annika. Hindi ko pinagkakatiwalaan ang lalaking ’yon para kay Sarina.” Sagot ni Kuya Xavier at lumabas na ito ng kwarto niya.
He’s so stubborn. Hindi ko maintindihan si Kuya Xavier. Bakit niya ba nasasabing mapanganib at hindi mapagkakatiwalaan si Maverick? Kulang pa ba sa kanya ’yung nagawa nung tao para sa amin?
Ang sunod ko namang pinuntahan ay si Sarina. Kumatok muna ako sa kwarto niya pero bukas ito kaya pumasok na ako nang tuluyan. Naabutan ko naman siyang nakaupo lang sa kama niya at mukhang malalim ang iniisip. Nang makita niya ako ay ngumiti siya ng pilit sa akin.
“Ate, anong kailangan mo?” Tanong niya.
Lumapit naman ako sa kanya at umupo sa tabi niya. “Nabalitaan kong nag-away sina Kuya Xavier at Kuya Maverick. Are you okay?” Tanong ko.
Tumango naman siya. “Okay lang ako, ate.” Sagot niya at napayuko ito.
I knew it. She’s not okay.
“Hindi ko alam kung bakit nagkakaganon si kuya but I understand him dahil gusto ka lang niyang protektahan after from what happened sa inyo ni Yohan. Just don’t mind him na lang. Kung pinipigilan ka niyang makipagkita kay Maverick then sabihin mo lang sa akin.” Sabi ko at nginitian siya.
“Pero sinaktan ni Kuya Maverick si Kuya Xavier. Hindi ko ’yon matanggap, ate. Kung mahal niya ako ay hindi niya dapat sinasaktan ang mga taong malapit sa buhay ko. Nakita ko kung paano niya bugbugin si kuya at hindi ko siya agad mapapatawad nang dahil doon.” Sabi niya at napaiyak na.
Niyakap ko naman si Sarina at hinagod ang balikat niya para kumalma siya. “I understand. It’s okay, sis. Don’t force yourself too much.”
Nalulungkot ako para kay Sarina. She’s only 16 years old but she’s experiencing this kind of situation. Dapat ay pag-aaral lang ang inaalala niya pero ngayon ay inaalala niya pa ngayon sina Kuya Xavier at si Maverick.
“Mas importante pa rin kayo sa akin ni Kuya Xavier, Ate Annika. You’re my siblings kaya dapat inaalala ko rin ang nararamdaman niyo and now, I want to respect Kuya Xavier’s decision dahil mahal ko siya bilang nakatatandang kapatid natin.” Sabi niya sa akin.
Napangiti naman ako. She’s such a good sister at inaalala niya kami at ang nararamdaman namin. From a 16 years old ay napaka matured nang mag-isip ni Sarina at namana niya iyon sa parents namin na maaga namang nag-asawa.
Kumalas naman ako ng pagkakayakap sa kanya at ginulo ang buhok niya. “Then what about, Maverick?” Seryoso kong tanong.
Napayuko ulit siya. “Kung mahal niya ako ay maiintindihan niya ang desisyon ko. Bahala na kung ano man ang mangyari sa aming dalawa. Gusto ko lang na sundin si Kuya Xavier dahil kapatid ko siya.”
I shrugged. Grabe talaga ’yang si kuya! Pati kapatid namin ay nahihirapan nang magdesisyon nang dahil sa pakontra-effect niya.
“Ewan ko lang, sis pero ’wag mong pigilan ang puso mong magmahal ulit. Just follow your heart. Don’t mind what other people say.” Tumayo na ako at lumabas ng kwarto ni Sarina.
CYRIL’S POV
“Sasama ka ba sa akin bukas? Dadalawin ko si Xavier sa house nila.” Sabi ni Ate Georgina habang nakangiti.
“Ano namang gagawin mo doon?” Natatawa ko namang tanong habang nanonood ng anime sa cellphone na hawak ko.
“Syempre dadalawin ko doon si Sarina tapos magbobonding kaming dalawa. Way na rin ’yon para mapalapit ako sa kuya niya. What do you think?” Excited niyang tanong.
“Okay. Bahala ka.” Sabi ko na lang habang focus pa rin sa pinapanood ko.
“Hindi ka sasama? Nandoon kaya si Sarina?” Nakangisi niyang tanong,
Namula naman ako sa sinabi niya at napaubo. “A-ano naman kung nandoon siya?” Medyo nauutal kong tanong.
Masyado ba akong obvious? Shit.
“Kunwari ka pa, lil bro. Akala mo ba hindi ko nakita na-” Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay tinakpan ko na ang bibig niya.
“Oo na, sasama na ako. Ang ingay mo talaga, ate!” Sabi ko at napakamot na lang sa batok ko.
“Madali ka naman palang kausap,” Halakhak niya at tinapik-tapik ang balikat ko.
Napailing na lang ako.
Meowmeowmeow
Chapter 47
SARINA’S POV
Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang mag-away sina Kuya Xavier at Kuya Maverick. Talaga ngang pilit na akong inilalayo ni kuya kay Kuya Maverick. Araw-araw pumupunta si Kuya Maverick dito sa bahay namin para lang makausap ako pero hindi ko na muna siya nilalabas dahil ayokong suwayin ang kapatid ko. Nakokonsensya ako dahil parang napapabayaan na rin ni Kuya Maverick ang sarili niya dahil sa araw-araw na pagmamakaawa niya sa akin na labasin ko siya at kausapin.
Kahit anong gawin kong pag-iwas sa kanya ay mahal ko pa rin siya. Tama ba talagang tuluyan ko na siyang layuan dahil lang sa sinaktan niya ang kapatid ko?
“Pupunta ngayon dito si Georgina. You remember her, right Sarina?” Sabi ni Kuya Xavier habang kumakain kami sa dining area.
Tumango naman ako. Siya ’yung kaworkmate na ipinakilala sa akin noon ni Kuya Xavier sa restaurant at alam kong may gusto rin iyon sa kanya.
“Good to know. Gusto ka niyang makita dahil namimiss ka na raw niya.” Sabi pa niya.
Gusto niya akong makita? O baka gusto lang niyang makita ang kuya ko? Hindi na lang ako umimik at nagpatuloy pa rin sa pagkain.
“Hindi talaga tumitigil ang Maverick na ’yan na guluhin ka. Mamaya siguro ay baka maabutan ko na naman na nandyan ’yan sa labas ng bahay natin. Inuubos niya talaga ang pasensya ko.” Tila nagagalit na sabi ni kuya.
Napayuko na lang ako. Kahit papaano ay naaawa na rin ako kay Kuya Maverick at gusto ko na siyang makausap pero alam kong tuluyan nang magagalit sa akin si Kuya Xavier kapag ginawa ko iyon.
Bandang hapon ay sinalubong ko si Ate Georgina nang pumasok ito sa loob ng bahay namin. Utos iyon ni Kuya Xavier sa akin. Nagulat naman ako na kasama niya rin pala ang kapatid niyang si Kuya Cyril.
“Hi, Sarina! It’s nice too see you again.” Nakangiting bungad ni Ate Georgina at sinalubong niya ako ng yakap.
Ngumiti naman ako at niyakap rin siya pabalik. “It’s nice to see you rin po.” Sabi ko.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at may iniabot na isang paperbag. “This is my gift for you. Naisipan kong bilhan ka niyan dahil sigurado akong bagay sa’yo ’yan.” Sabi niya.
“Salamat po.” Sabi ko.
Pinaupo ko muna sila sa sofa at nagpahanda ng makakain nila sa katulong namin. Bumalik naman ako para tignan sila at nakita ko na nag-uusap ang magkapatid. Nang makita nila ako ay ngumiti sila sa akin.
“Nandito na pala kayo,” Napalingon naman kami sa nagsalita at si Kuya Xavier iyon.
Nakita ko naman ang pagpula ng pisngi ni Ate Georgina nang makita niya si kuya habang si Kuya Cyril naman ay nakipag-kamay sa kanya.
“Kadarating lang namin ngayon at sinalubong kami kaagad ng little sister mo.” Nakangiting sabi ni Kuya Cyril kay Kuya Xavier.
“That’s good. By the way, Georgina? Pwede ba tayong mag-usap na tayong dalawa lang? Tungkol lang ’to sa work natin. May itatanong lang sana ako sa’yo.” Baling naman ni Kuya Xavier kay Ate Georgina na kaagad tumayo mula sa pagkakaupo niya at nahihiyang tumango.
“S-sure, Xavier.” Medyo nauutal pa niyang sabi.
“Maiwan muna namin kayong dalawa.” Sabi ni Kuya Xavier at umalis na nga silang dalawa ni Ate Georgina.
Nabigla naman ako nang tumatawa na napapailing si Kuya Cyril.
“Natatawa talaga ako kay Ate George kapag nasa harapan na niya si Xavier. Parang naging modernong Maria Clara ang kilos niya ngayon, ah?” Sabi niya at umupo ulit sa sofa saka ininom ang baso na may juice na nasa table.
Natawa rin naman ako at umupo sa tabi niya. “I can see that she really likes Kuya Xavier.” Sabi ko naman.
“Yeah. Pursigido talaga siyang mapalapit sa kuya mo kaya ginagawa niya ang lahat para lang magpapansin sa kapatid mo at hinahangaan ko siya dahil dun. Hindi siya katuald ko.” Sabi niya naman.
Napatingin naman ako sa kanya. “Bakit, Kuya Cyril? May gusto ka bang babae ngayon at hindi mo maamin na may gusto ka sa kanya?” Tumango naman siya.
“Oo e, hindi ko maamin na may gusto ako sa kanya dahil alam ko namang wala siyang interes sa akin. She’s very sweet, beautiful and matured girl when I first time I saw her. Alam ko naman na kahit sinong lalaki ay magkakagusto sa isang katulad kanya.” Sabi niya habang nakatitig sa akin. Napaiwas naman ako bigla ng tingin sa kanya.
“Sarina, you like Maverick Eliazar. Do you?” Nagulat ako sa sinabi niya pero di kalaunan ay tumango na lang ako.
There’s no point of denying it.
He nodded. “I see and I also know that he likes you, too. Nililigawan ka na ba niya?” Tanong niya.
Tumango ulit ako. “Opo pero ayaw sa kanya ni Kuya Xavier para sa akin.” Malungkot kong banggit.
Nag cross-arms naman siya. “Alam ko. Pero kung ako sa’yo Sarina, ’wag mong pigilan ’yang nararamdaman mo para sa kanya. Maverick is a bit weird and creepy guy but I can see that he really cares for you. Si Xavier naman ay over protective lang ’yon sa’yo dahil nga sa pinagdaanan mo. You know that your brother loves you so much. Just prove to him that Maverick is a good and right guy for you at alam kong maiintindihan ka rin ng kapatid mo.” He smiled at me.
Tila natigilan ako dahil sa mga sinabi sa akin ni Kuya Cyril. He had a point.
Bakit nga ba pinipigilan kong layuan ang lalaking simula pa lang noon ay nandyaan na para sa akin para pagaanin at pasayahin ang loob ko? Bakit nang dahil lang sa isang pagkakamali niya ay kinamumuhian ko siya ngayon? He’s been there for me since then at kailangan kong patunayan sa kapatid ko na sobra kong mahal si Kuya Maverick at ipaglalaban ko siya sa kanya.
Hindi ko na mapigilang yakapin si Kuya Cyril na ikinagulat niya. “Thank you so much, Kuya Cyril. Ngayon, alam ko na ang gagawin ko.” Nakangiti kong sabi at humarap ako sa kanya.
Nakita ko naman na parang pumula ang pisngi niya sa sinabi ko at bigla itong umiwas ng tingin sa akin. “W-wala ’yon, ano ka ba. Sinasabi ko lang kasi ang tama para sa katulad mong nene pa!” Alanganin siyang ngumiti at ginulo ang buhok ko.
“Kuya Cyril, may ipapakita pala ako sa’yo.” Sabi ko nang na-eexcite.
May bigla naman akong naisip kaya hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papunta sa garden. Hindi na siya nakapalag pa dahil sa ginawa ko.
“Anong masasabi mo dito sa flower na ’to?” Sabi ko at ipinakita sa kanya ang inaalagaan kong flower na Blue Iris.

Iris symbolizes wisdom, hope and trust. It also symbolizes royalty, representations of victory and power. Blue iris is a symbol of hope and faith.
Hinawakan naman niya at tinignan ang Blue Iris. “It’s such a beautiful flower, like you. I know that Blue Iris is a symbol of hope kaya ’wag kang mawalan ng pag-asa, Sarina. Maaayos rin ang lahat kung may pagsubok ka man na pinagdaraanan ngayon. Sa katulad mong 16 years old ay marami ka pang pagsubok at hirap na dadaanin sa buhay mo. Wait, namamangha ka ba sa mga pinagsasabi ko? Halos magkasing edad lang tayo pero nasa pang 40 years old na yata ako kung mag-isip!” Natatawa niyang sabi.
“Oo nga kuya e. You really reminds me of myself,” Sabi ko naman.
“See?” Nakangisi niyang sabi.
This guy. He’s a very good looking at hindi na ako magtataka kung marami man babae ang magkakagusto sa kanya. Kuya Cyril knows how to live at napakaswerte siguro nang babaeng makakatuluyan niya balang araw.
“Kuya Cyril, thanks a lot. Alam ko na ’yung babaeng nagugustuhan mo ngayon ay alam kong magugustuhan ka rin. Kung may iba man siyang mahal ay alam kong magugustuhan ka pa rin niya dahil isa kang napakabuting-tao.” Sabi ko na ikinatahimik niya.
Ilang saglit pa ay ngumiti siya ng malungkot at niyakap ako. “Make a good decision for your life, Sarina. Maging totoo ka lang sa sarili mo. Nandito lang ako bilang kaibigan mo.” Mahinang sabi niya.
Napangiti na lang ako at niyakap siya pabalik.
“Thank you.”
THIRD PERSON’S POV
Nakatingin lang si Maverick habang magkayakap si Sarina at ang katrabaho niyang si Cyril. Naikuyom niya ang kanyang mga kamao dahil sa inggit at selos na namumuo sa kanyang sistema.
Bakit nandito si Cyril at kayakap pa niya ang babaeng mahal ko? Sa isip ni Maverick.
Hindi siya makakapayag doon. Alam niyang mahal siya ni Sarina kaya hindi kaagad siya nito ipagpapalit sa iba. Walang sinuman ang makakapalit sa kanya mula sa puso ni Sarina.
“Hindi ko hahayaang mapunta ka sa iba, Sarina. Hindi!” Sigaw niya.
Hindi na niya malaman ang gagawin niya. Tila ba nahihibang na siya kapag hindi niya nakikita at nakakausap ng malapitan si Sarina. Hindi na rin siya nakakapasok sa trabaho niya dahil palagi niyang inaabangan si Sarina mula sa labas ng bahay nila at umaasang kausapin man lang siya nito. Kapag uuwi naman siya ay wala siyang ibang ginawa kundi ang uminom ng uminom.
Sobrang nag-aalala na ang kapatid niyang si Macy. Nalaman na rin nito na tutol si Xavier na ligawan niya si Sarina at naaawa ang kapatid niya sa kanya. Alam na alam ni Macy kung gaano niya kamahal ang kaibigan at kaklase nitong si Sarina kaya ganon na lang ang awa niya para sa kapatid.
But no one can change his mind. Kahit saan pa man magpunta ito ay hahanapin niya pa rin si Sarina. Hahanap at hahanap siya ng paraan para lang magkaayos sila ng babaeng pinakamamahal niya. Umabot na sila sa ganitong punto kaya hindi niya hahayaan na magkalayo pa sila.
Chapter 48
SARINA’S POV
Nagpang-abot na ako ng 7pm dito sa loob ng school at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako umuuwi ng bahay. Gusto ko munang mapag-isa at pag-isipan ang mga bagay na gumugulo sa isipan ko. Tama ang sinabi sa akin ni Kuya Cyril, kailangan kong maging totoo sa sarili ko at huwag kong pigilan ang nararamdaman ko para kay Kuya Maverick. Dapat lang na kausapin ko siya ng maayos at hindi ko siya kailangang iwasan katulad ng sinasabi sa akin ni Kuya Xavier.
My brother keep on saying that Kuya Maverick is very dangerous for me. Kahit sinasabi sa akin ni kuya iyon ay hindi ko iyon maramdaman sa tuwing kasama ko si Kuya Maverick at nakilala ko na siya ng lubusan. At first ay ganon ang naging impression ko sa kanya pero nagkakamali pala ako. He helps me a lot to build myself again. He takes care of me noong namatay si Trey at tinulungan rin niya ang pamilya nito para mapakulong sila Yohan, ang mga kapatid niya pati na rin ang ibang mga kagangmates nila. I owned him a lot.
Kung wala siguro siya ay hindi ko makakaya ang lahat ng pagsubok na dumating sa buhay ko. That’s why I fell in love with him.
Habang nakaupo ako dito mag-isa sa loob ng classroom namin ay may pumasok sa loob at nagulat ako kung sino ang taong iyon.
Si Alex.
“A-anong ginagawa mo dito?” Tanong ko at sinamaan siya ng tingin.
Lumapit naman siya sa akin at umupo sa upuang nasa tabi ko. “Kanina pa talaga kita gustong makausap at inaabangan kita sa labas nitong classroom niyo pero hindi ka pa lumalabas kaya napagpasyahan kong puntahan ka na dito. Dalawang oras na kitang pinagmamasdan diyan sa bintana pero hindi mo pa rin ako napapansin.” Sabi naman niya at sumandal sa upuan.
Dalawang oras na niya akong tinitignan sa labas ng classroom? Hindi ko na nga napansin iyon dahil masyado nang naoccupied ang utak ko sa sitwasyon ko ngayon.
“So? Ano pa bang kailangan nating pag-usapan, Alex? Kung dahil ito sa sasabihin mong gusto mo ako pwes umalis ka na. Galit pa rin ako sa’yo hanggang ngayon dahil sa ginawa mo kay Jenica.” Prangka kong sabi.
“Ayon nga ang gusto kong pag-usapin nating dalawa. Since alam ko naman na hindi mo ako magugustuhan ay okay lang ’yon sa akin. Gusto ko lang na mabalik tayo sa dati na magkaibigan lang.” Napatingin naman ako sa kanya. Mukha nga itong seryoso at hindi nagbibiro.
Pero makakaya ko ba siyang kaibiganin ulit sa kabila ng ginawa niyang paggamit kay Jenica?
Napagitla ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinarap niya ako ng diretso sa mga mata niya. Tama nga ang sinasabi nila na gwapo si Alex lalo na kapag nakita mo ito ng malapitan. “I know that I’ve been jerk and I also hurt Jenica’s feelings pero pinagsisisihan ko na ’yon, Sarina. Kung pwede nga lang maibalik sa dati ang lahat ay ginawa ko na. Mali ang move na nagawa ko kaya sana patawarin mo na ako.” Bigla namang lumungkot ang tono ng boses niya.
Dahil sa ilang na nararamdaman ko sa paghawak niya sa kamay ko ay kaagad kong tinabig iyon at tumingin sa ibang direksyon. Napalunok ako sa tensyon.
“Kapag ba pinatawad kita ay magsosorry ka rin sa ginawa mo kay Jenica?” Tanong ko at hinarap siya ulit.
Ngumiti naman siya sa akin at tumango. “Oo naman. Gusto ko lang na maging magkakaibigan tayo ulit. Kahit papaano naman ay may pinagsamahan tayo nila Jenica.” Sabi niya.
Napakagat-labi na lang ako at bumuntong-hininga. Tama rin naman siguro si Alex. Kailangan ko siyang patawarin para na rin sa ikatatahimik ko at mukha namang tanggap na niyang hindi ko naman talaga siya gusto dahil may mahal na akong iba at iyon ay si Kuya Maverick.
“Sige, pinapatawad na kita.” Sabi ko at ngumiti ng alanganin.
Mukha naman siyang natuwa sa sinabi ko at nilapitan ako para yakapin. Kaagad ko namang tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin at para siyang napahiya dahil dun.
Hindi niya ako masisisi na naiilang pa rin ako sa kanya hanggang ngayon.
“Sorry.” Sabi niya.
Tumango ako at kinuha ang bag ko sa upuan at aalis na sana nang bigla niya akong pinigilan.
“Would you mind if i-treat kita sa labas? Pasasalamat ko na rin ’yon dahil pinatawad mo na ako. Kahit ngayon lang, Sarina. Please?” Pakiusap niya sa akin.
Dahil mukhang sincere naman siya ay pumayag na lang rin ako. Sabay na rin kaming dalawa na lumabas ng classroom. Habang naglalakad kami papalabas ay napalingon ako sa kanya. Para siyang may malalim na iniisip at minsan ay ngumingiti pa ito ng mag-isa. Medyo naweweirduhan naman ako sa ikinikilos niya.
“Are you okay?” Tanong ko.
Lumingon naman siya sa akin at ngumiti. “I’m okay. Oh, I forgot something in my locker. Could you please wait for me here? Is that okay with you?” Tanong niya.
Tumango na lang ako. Nagpasalamat naman siya sa akin at umalis na kaagad. Makalipas ng halos 20 minutes ay hindi pa rin bumabalik si Alex at medyo naiinip na rin ako dahil kanina pa ako nakatayo dito sa labas ng school.
Nasaan na ba siya? Maglalakad na sana ako para sundan siya nang makita ko siyang naglalakad papalapit sa akin na seryoso ang buong mukha.
“Alex, bakit-” Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang bigla niya akong suntukin sa tiyan dahilan para manghina ako at ngumiwi sa sakit.
Niyakap naman niya ako at tinakpan ang bibig ko para hindi ako makasigaw.
“Huwag ka ngang maingay.” Naiinis niyang bulong sa akin.
“Hmppphhhh!” Sigaw ko pero mukhang wala yatang makakarinig sa akin.
Hindi ko alam pero madali na lang sa kanyang hilahin ako at nadala niya ako sa isang madilim na kwarto. Sa tingin ko ay Storage Room iyon ng St. Therese dahil maraming mga nakatambak na mga lumang upuan at iba pang kagamitan na para sa school namin. Tuluyan na niya akong naipasok sa madilim na lugar na ito at isinara ang pintuan pagkatapos.
Hindi ako makapaniwala at naluluhang tinignan siya.
“A-anong balak mo sa akin, Alex? Bakit mo ako dinala dito sa lugar na ’to?” Naiiyak kong sigaw na nauutal habang namimilipit pa rin ang tiyan ko dahil sa sakit ng pagkakasuntok niya.
Lumapit naman siya sa akin at nginitian ako. Isang ngiti na palagi niyang ipinapakita sa aming magkakaibigan pero hindi ko aakalain na matatakot na ako ng husto sa ganong klaseng ngiti niya.
“Obvious naman siguro? Malamang pagsasamantalahan kita.” Malambing niyang sabi at hahawakan na sana niya ang mukha ko nang tinabig ko ulit ang kamay niya. Sumama naman ang tingin niya sa akin pagkatapos nun.
Umiling ako. “I trust you, Alex tapos ganito lang ang igaganti mo sa akin?” Sabi ko at napahikbi na.
Hindi ko akalain na ganito siya kasama at gagawin niya sa akin ito. Pinagkatiwalaan ko siya dahil ang akala ko ay magiging katulad kami nang dati pero nagkakamali pala ako.
Ngumisi siya. “Huwag ka ngang umiyak na parang ikaw pa ang inaapi. Minahal kita, Sarina pero sinaktan mo lang ako. Sino ka ba sa akala mo? Dahil lang sa marami kaming lalaking nahuhumaling sa’yo ay may karapatan ka nang saktan kami at baliwalain? Eh isa ka namang lampa at mahinang babae ’di ba?” Sigaw niya na ikinatakot ko pang lalo.
Parang hindi si Alex na nakilala ko ang kaharap ko ngayon. Ibang-iba siya sa Alex na minahal ni Jenica at naging kaibigan namin.
“Hindi ko magagawang saktan ka-” Natigil ako sa pagsasalita nang bigla niyang sipain ang mga armchair sa tabi namin kaya nahulog itong lahat sa sahig. Nadagdagan pang lalo ang takot ko sa kanya.
“Nasaktan mo na ako, Sarina. Buong lakas akong umamin ng nararamdaman ko para sa’yo pero binaliwala mo lang ako. Hindi ko pa matanggap na may gusto ka dun sa lalaking kinahuhumalingan ng ate ko na mas matanda pa sa atin at nagdi-date na pala kayo. Pinalampas ko lang noon na lapit-lapitan ka nila Yohan, Ulysses at Wayne pero ngayon hindi na ako makakapayag dun. Sa akin ka lang!” Nahihibang na niyang sabi at nilapitan ako para yakapin.
Pilit naman akong kumakalas sa pagkakayakap niya sa akin pero ayaw niya akong bitawan.
“Let me go!” Naiiyak ko pa ring sigaw.
“Ayoko! Kapag binitawan kita ay mapupunta ka lang sa Maverick Eliazar na ’yon at hindi ko hahayaan na mangyari ’yon!” Sabi niya at pwersahan akong inihiga sa sahig at pagkatapos ay dinaganan niya ako at nasa ibabaw ko na siya.
Nakahawak na siya sa magkabilang-braso ko at kahit anong pagpupumiglas ang gawin ko ay wala rin nangyayari.
“Alex, bitawan mo na ako, please. ’Wag mo sa aking gawin ’to. Nagmamakaawa ako sa’yo…” Naluluhang pakiusap ko sa kanya.
Naging seryoso naman ang mukha niya at tinitigan ako. “Ikaw ba? Hindi ka ba naawa sa akin, Sarina? Simula nung tinanggihan mo ’yung pagmamahal ko sa’yo ay halos mabaliw na ako ng sobra nun. Alam mo bang may gusto na ako sa’yo noon pa? Katulad nila Yohan, Ulysses at Wayne ay baliw rin ako sa’yo pero pinigilan ko lang ang nararamdaman ko dahil kahit papaano ay naging kaibigan ko rin sila. Minahal ko si Jenica, totoo ’yon pero narealized ko na hanggang ngayon mahal pa rin kita. Hindi ko intensyon na gamitin siya pero sa isang iglap nung pumayag kang maging model sa Boutique Shop ng ate ko ay doon bumalik lahat ng nararamdaman ko para sa’yo.” Mahinang sabi niya at hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa.
Humagulgol siya sa harapan ko. Napatulala na lang ako dahil sa nakikita ko siyang umiiyak at hindi ko inaasahan iyon.
Mahal niya ba talaga ako para iyakin ng ganito?
“Lumaki ako na lahat ng gusto ko ay nakukuha ko, Sarina. Hindi ako ang Alex na nakilala niyo dahil ibang-iba ’yon sa tunay kong pagkatao. Katulad lang rin ako ni Yohan kaya hindi ako papayag na mapunta ka sa iba!” Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
Nakikita ko sa mga mata niya ang matinding galit, inggit at pagnanasa.
“Alex, please. Itigil mo na ’to…” Pakiusap ko habang umiiyak.
Ngumisi siya sa akin at bigla na niya akong pilit hinahalikan. Nagpupumiglas ako pero mukhang ginagamit niya ang buong lakas niya sa akin para hindi na ako makapalag pa. Nanghihina na rin ako ng sobra sa ginagawa niya.
“Matagal ko nang hinintay ang pagkakataong ’to, Sarina na masolo kita at maangkin. Sisiguraduhin ko na ngayong araw ay makukuha na rin kita. Kung hindi ko man makuha ang puso mo, aangkinin ko na lang ang buong katawan mo.” Bulong niya sa akin at unti-unti na niyang tinatanggal ang suot kong uniform.
Napapikit na lang ako habang umiiyak at nanalangin.
Kuya Maverick, please save me here.
Nako ano na kaya mangyayari next? Abangan.
Chapter 49
MAVERICK’S POV
Dalawang oras na akong nag-aabang dito sa labas ng school nila Sarina pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya lumalabas. Hindi ako titigil hangga’t hindi ko siya nakakausap at wala na rin akong pakialam kung masabihan man niya akong stalker na palaging sumusunod sa kanya kahit saan man siya magpunta. I’m really in love with that girl at hindi ko matitiis na magiging ganito lang ang sitwasyon namin. Kung may iba mang nagpapatibok ng puso niya katulad ni Cyril ay gagawin ko ang lahat para lang maibalik ang nararamdaman niya para sa akin.
I’m not dumb to give her up in this situation like this.
Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla na lang akong kinabahan para kay Sarina kaya napagdesisyunan ko na pumasok na lang sa loob ng school nila. Wala na rin akong pakialam kung ipagtabuyan man niya ako ang mahalaga ay makausap ko lang siya at maipaliwanag ang side ko kung bakit ko nagawang saktan si Xavier.
Nang pumasok ako sa loob ng St. Therese ay sakto pang nakatulog ’yung guard na nagbabantay ng school nila kaya pagkakataon ko na ito para makapasok sa Campus nila Sarina. Nang tuluyan na akong nasa loob ay hinanap ko kaagad kung nasaan na siya.
Nakarinig ako ng sigaw mula sa isang abandonadong kwarto kaya dali-dali akong pumunta doon para makumpirma kung doon nga ba nanggagaling ang ingay.
“K-kuya Maverick…”
Para akong napaso at halo-halong emosyon ang nararamdaman ko nang makumpirma ko kung sino ang tumawag ng pangalan ko. Boses iyon ni Sarina na kahit bulong lang ay narinig ko pa rin. Wala na akong sinayang pang oras at pilit kong binuksan ang abandonadong kwartong ’yon. Mabuti na lang at hindi ito nakasara.
Medyo madilim ang lugar na ito pero hindi ko na iyon inintindi pa. Halos manlumo ako nang makita ko si Sarina na nakahandusay sa sahig habang nasa ibabaw niya ang isang lalaki na sa pagkakatanda ko ay kapatid iyon ni Farah. Lumukob bigla ang galit ko nang makita ko ang ginagawa ng lalaking ito.
Pilit niyang hinahalikan si Sarina sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito at halos matatanggal na ang suot niyang uniform.
“Walanghiya ka!” Sigaw ko para maagaw ang atensyon niya. Lumapit ako sa lalaking iyon at sinuntok siya sa mukha dahilan para mapaatras ito.
Susuntukin ko na sana ulit siya nang bigla itong tumakbo at lumabas na ng abandonang kwarto.
“Shit!” Sigaw ko at muling bumaling kay Sarina.
Nang makita ko ang kalagayan niya ay napamura ako at hindi ko na mapigilang umiyak. Wala na itong malay at bakas sa mga mata niya ang kanyang matinding pag-iyak.
Pagbabayaran ng lalaking iyon ang ginawa niya sa babaeng mahal ko!
“Sarina, wake up please,” Mahinang sambit ko at tinapik-tapik ng mahina ang braso ni Sarina at niyakap siya mula sa mga bisig ko.
Unti-unti naman niyang minulat ang mga mata niya at nang makita niya ako ay bigla na lang siyang lumuha at hinawakan ang mukha ko.
“Y-You save me, again. T-thank you Kuya Maverick…” Mahinang sambit niya at ngumiti ito.
Napangiti ako at bigla ay naalala ko kung paano ko siya unang nakilala.
Kadarating ko lang mula sa bahay namin galing sa trabaho at pagod akong umupo sa kama ko. Kaagad kong tinanggal ang suot kong damit at nagpalit ng boxer shorts at pagkatapos ay pumunta ako sa living room namin at inaabangan ang pagdating ni Macy.
Ilang minuto lang ay nakarinig ako ng doorbell mula sa labas ng bahay namin at alam kong si Macy na iyon kaya lumabas na ako at pinagbuksan ito ng gate. Nagulat ako dahil hindi lang siya mag-isa ang nandito dahil may kasama rin siyang isang napakagandang babae na sa tingin ko ay kaklase niya.
Napatitig naman ako sa mukha niya dahil sa angking kagandahan niya. Sa lahat ng mga babaeng nakilala ko ay kakaiba siya. Maputi ito at medyo matangkad kay Macy. Kulay tsokolate rin ang mga mata niya at pati na rin ang kulay ng kanyang buhok. Napakaamo at inosente ng mukha niya at may mapupula ring labi dahilan para humanga ako sa ganda niya.
Bigla na lang may kung ano ang umiikot sa sistema ko nang makita ko siya at bigla na lang rin bumilis ang tibok ng puso ko.
Nagulat pa siya nang makita ako at bigla itong umiwas ng tingin sa akin.
“Kuya Maverick, bestfriend ko nga pala, Si Sarina.” Pagpapakilala ni Macy sa magandang babaeng kasama niya.
Sarina.
Bigla namang nagbow sa akin si Sarina. “Magandang tanghali po.” Sabi niya at tumingin ulit sa akin. Pati boses niya ay napakaganda rin.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ngayon ko lang kasi ito naramdaman. Napatitig na lang ako sa kanya at nagpakilala. “Ako nga pala si Maverick. Nice to meet you, Sarina.”
“N-Nice to meet you rin po.” Sabi naman niya at ngumiti ito.
At sa araw na iyon ay hindi ko na naalis pa sa isipan ko si Sarina at alam ko rin na sa araw na iyon ay minahal ko na siya. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng babaeng halos gawin ang lahat para lang makuha ang atensyon ko ay kay Sarina lang ako nagkagusto.
Sa babaeng mas bata pa sa akin ng siyam na taon at kaedad lang ng bunso kong kapatid.
“I will save you and hunt you no matter what. Kahit ayaw mo na sa akin ay hahabol-habulin kita mahalin mo lang rin ako.” Seryoso kong sabi at pinunasan ang mga luha niya gamit ang palad ko at inayos ang suot niyang uniform pagkatapos.
“I-Im sorry kung iniwasan man kita. Hindi ko dapat ginawa ’yon. Huwag ka nang umiyak please,” Sabi niya na may halong pagsisisi.
Umiling ako. “Wag mo na ulit gagawin ’yon dahil nung araw na pinagtabuyan mo ako ay halos mabaliw na ako sa kakaisip kung paano tayo magkakabati. Hindi ko kaya, Sarina. Hindi ko kaya na mawala ka sa akin.” Sabi ko at hindi ko na mapigilang umiyak ulit.
Si Sarina ang kahinaan ko. Hindi naman ako ganitong klaseng tao pero pagdating sa kanya ay lumalambot at nanghihina na ako lalo na sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak at nasasaktan dahil parang ako rin ang nasasaktan sa ganoong sitwasyon niya.
Mahal ko talaga siya.
“Hindi na ’yon mauulit. Hindi na tayo magkakahiwalay pa dahil sinasagot na kita, Kuya Maverick.” Ngumti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
Dahil sa sinabi niya ay niyakap ko ulit siya at naluluhang tumawa. Hindi niya alam kung gaano ako kasaya ngayon dahil sa wakas ay sa akin na rin ang babaeng pinakamamahal ko.
“Ang akala ko, may mahal ka nang iba. Ang akala ko, hindi mo na ako mahal kaya iniiwasan mo ako pero salamat at pinagbigyan mo ako ng pagkakataon para mapatunayan ang pagmamahal ko sa’yo. ’Wag kang mag-alala dahil simula ngayon wala nang iba pang lalaking makakalapit sa’yo. Sa akin ka lang, Sarina.” Paninigurado ko sa kanya saka iniharap ko siya at hinalikan ang noo niya.
Napapikit siya sa ginawa ko at ngumiti. “Ikaw ang mahal ko, Kuya Maverick at wala na akong ibang mamahalin pa kundi ikaw lang.”
Bumilis pa lalo ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya at hindi ko na mapigilang halikan siya. Tumugon naman siya sa mga halik ko at pagkatapos ay pinagdikit ko ang mga noo namin.
“I love you, Sarina.” Sambit ko habang nakatitig sa mga mata niya.
“I love you too, Kuya Maverick…” Sabi niya habang nakatitig rin sa akin.
Napangiti naman ako at inalalayan na siyang makatayo. Bigla ay napansin ko na may iilan siyang sugat sa katawan at parang may iniinda itong sakit sa bandang tiyan niya. Napakuyom naman ako ng kamao.
“Humanda sa akin ang lalaking ’yon.” Matigas kong sabi at lumabas na kami sa abandonang kwarto na iyon.
ALEX’S POV
Damnit, Alex! Papaano na nakapasok ang Maverick na iyon sa loob ng school namin? Hindi ko tuloy nagawa ang mga plano ko kay Sarina dahil sa pakialamerong iyon.
“Ang tanga mo, Alex!” Sigaw ko habang naglalakad sa daan na halos wala nang katao-tao.
Dahil sa ginawa ko ay sigurado akong malalaman nang lahat ang ginawa ko kay Sarina at malilintikan ako sa parents ko nito at baka nga sakaling makulong pa ako. Bakit doon ko pa kasi naisipang gawin ang plano ko? Ang tanga-tanga ko talaga!
“Mukha yatang problemado ka, Alex?” Napalingon naman ako sa nagsalita at nakita ko si Wayne na nakangisi sa akin.
“Bakit ka nandito?” Tanong ko habang nakakunot-noo at sinamaan siya ng tingin.
Pumalakpak naman siya sa sinabi ko at tinapik ang balikat ko. “Naglalakad-lakad lang naman ako dito at sakto pa palang nakita kita. Bakit parang mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa diyan? Palpak ba ’yang plano mo?” Sabi niya at ngumisi na naman.
Nagulat naman ako sa sinabi niya.
“Papaano mo-” Bigla agad siyang nagsalita.
“Alex naman, parang wala tayong pinagsamahan niyan. Alam ko na ang tumatakbo sa utak mo kaya hindi ka rin makakalusot sa akin. May ginawa ka siguro kay Sarina kaya nakita kitang tumatakbo at parang may pinagtataguan kanina pa?” Humalukipkip siya at tumawa pagkatapos.
Umiwas naman ako ng tingin sa kanya. Mukha ngang alam niya ang pinaplano ko.
“Wala ka rin palang pinagkaiba kay Yohan. Sa ginawa mong ’yan? Sigurado akong hindi ka na makakalapit pa ulit kay Sarina. See you later na lang bukas kung makakapasok ka pa.” Huling sabi niya at pagkatapos ay naglakad na siya papaalis.
Nasipa ko na lang ang batong nakita ko dahil sa inis at tinitigan ko ng masama si Wayne na naglalakad na papalayo.
Nakakainis! Anong gagawin ko nito? Siguradong kakalbuhin ako nina Mom at Dad kapag nalaman nila ang kalokohang ginawa ko at isa iyong kahihiyan sa pamilya namin. Baka nga ipatapon pa nila ako kung saan.
Laking gulat ko na lang nang may mga armadong lalaki ang biglang sumulpot at lumapit sa akin pagkatapos ay tinakpan ng duck tape ang bibig ko saka hinawakan nila ako sa magkabilang braso ko. May isang itim na kotse naman ang huminto sa tabi ko at halos hindi ako makapaniwala kung sino ang taong lumabas mula sa kotse na iyon.
Papaano nangyari na nandito siya?
“Alex, it’s nice to see you again.” Nakangiting sabi niya sa akin.
“Y-Yohan?” Gulat na gulat kong sabi.
Lumapit siya sa akin at pagkatapos ay bigla niya akong sinuntok sa mukha dahilan para mapaatras ako sa kinatatayuan ko.
“Ano pa bang pwede kong gawin sa’yo? Pwede bang i-pasalvage na lang kita o di kaya ay bugbugin na lang hanggang sa mamatay ka na lang? Ang lakas rin pala ng loob mong gayahin ako sa mga move na ginagawa ko kay Sarina? Lintik lang ang walang ganti sa inyo ni Maverick Eliazar dahil pagbabayaran niyo na ’yon simula ngayon.” Nakangising sabi niya. Napaubo naman ako ng dugo nang tinadyakan niya ako sa tiyan.
Wala pa rin siyang pagbabago.
Pero paano siya nakalabas? Sino ang taong tumulong sa kanya?
Chapter 50
THIRD PERSON’S POV
12 years ago
“Kuya, nagugutom na ako.” Naiiyak na sabi ni Yohan habang nasa tambakan sila ng basurahan kasama ang mga nakatatanda niyang kapatid na sina Ace at Aldwin.
Abala naman sa pangangalakal ang mga kapatid niya para may pera silang pambili ng pagkain. Simula kasi nang mag-asawa na naman ng bago ang kanilang ina ay tila napabayaan na sila nito at nahinto na rin silang lahat sa pag-aaral.
“Konting tiis lang, Yohan. Mamaya ay makakabili na rin tayo ng pagkain. Tatapusin lang namin mangalakal ni Kuya Ace mo.” Nakangiti namang sabi ng nakatatandang kapatid nilang si Aldwin sa kanyang nakababatang kapatid.
“Okay po, kuya.” Huminto naman sa pag-iyak si Yohan at ngumiti ng matamis dahil sa sinabi ng Kuya Aldwin niya.
Tahimik lang si Ace at patuloy lang sa pangangalakal. Gusto man niyang magalit sa kanyang ina ay hindi niya magawa dahil kadugo niya ito at ito rin ang nagluwal sa kanila simula nang ipinanganak silang magkakapatid. Kung masamang ina kasi ito ay sana noong nasa tyan pa lamang sila ay hindi na sila nito binuhay. Kahit napapabayaan na silang magkakapatid ay inisip na lang niyang masyado lang nabaling ang atensyon ng kanyang ina sa bago nitong asawa.
“Tapos na rin sa wakas!” Masayang sabi ni Aldwin pagkatapos niyang makolekta ang mga nakuha nilang plastic, bote at dyaryo sa tambakan ng basurahan.
“Yehey! May pambili na tayo ng pagkain.” Masigla namang sabi ni Yohan kaya napangiti si Ace at ginulo ang buhok ng kanyang kapatid.
“Oo bunso, kaya kapag nakabili na tayo ng pagkain ay magpakabusog ka, ha?” Sabi ni Ace.
Tumango naman si Yohan at nagthumbs-up pa. “Opo, kuya.”
Wala nang sinayang na oras ang magkakapatid at kaagad silang nagtungo sa junk shop para ibenta ang mga nakuha nilang plastic, bote at dyaryo sa tambakan ng basurahan.
Mababait at masiyahin ang magkakapatid na sila Yohan, Ace at Aldwin. Kahit pinapabayaan na sila ng kanilang ina dahil sa bago niyang asawa ay hindi kailanman nagtanim ng sama ng loob ang magkakapatid sa kanilang ina. Ina pa rin kasi nila ito at mahal nila ito. Kahit binubugbog naman sila ng mga bagong nakakarelasyon ng kanilang ina ay hindi iyon naging dahilan para mawala ang respeto at pagmamahal nila sa kanilang ina. Gustong-gusto rin sila ng mga tindero at tindera sa palengke dahil sila ay bibong mga bata at makikisig pa. Paminsan-minsan ay tinutulungan nila ang mga tindero at tindera sa paghahanap-buhay kahit ang kapalit lamang nun ay pagkain o tinapay na mura lamang na nabibili sa tindahan.
Nang matapos na nilang mabenta ang mga nakolekta nilang basura at makuha ang kaunting pera na sapat na para makabili sila ng murang tinapay at softdrinks ay lumakad na sila papaalis. Habang naglalakad sila ay may mga nakasalubong silang mga batang estudyante na mukhang kakalabas lang galing sa eskwelahan nila. Napatitig naman ang tatlong magkakapatid sa kanila.
“Namimiss ko nang mag-aral.” Malungkot na sabi ni Ace at yumuko ito.
“Ako din.” Malungkot rin na sabi ni Aldwin at parang maiiyak na.
Si Yohan naman ay tila nalulungkot para sa mga kapatid niya. Mahilig mag-aral ang mga kuya niya at nakikita niya iyon noon pa. Kahit apat na taong gulang pa lang siya ay tinuturuan na siya ng mga ito na magbasa at magsulat para kapag dumating ang araw ng pasukan at pwede na siyang pumasok sa eskwelahan ay alam na niya kung paanong magbasa at magsulat.
Laking gulat nang magkakapatid nang makasalubong nila ang kanilang tiyuhin na si Roger na bagong asawa ng kanilang ina na may kaakbay na isang babae na maraming kolorete sa mukha. Nambababae na naman ito at kahit sinasabi pa nila iyon sa kanilang ina ay hindi naman sila pinapakinggan nito at tila nagagalit pa.
Sumama naman ang tingin ni Ace sa Tiyuhin niyang si Roger.
“Tapos na ba kayong mangalakal? Akin na ’yang pera niyo.” Sabi ni Roger at kukunin na sana ang pera sa kamay ni Ace nang iniwas naman ng bata ang kamay niya para hindi makuha ito.
“Ipambibili namin ’to ng pagkain.” Sabi ni Ace habang nakatitig pa rin ng masama sa tiyuhin niya.
Tumawa naman si Roger at umalis muna sa pagkakaakbay sa kanya ng babae. Nilapitan niya si Ace at hinawakan ang panga nito dahilan para mamilipit sa sakit si Ace.
“Hoy bata, asawa na ako ng nanay niyo at ako ang masusunod kaya ibigay niyo sa akin ’yang pera niyo!” Galit na galit na sabi nito at pilit inaagaw kay Ace ang hawak nitong pera.
“Hindi ko ibibigay sa’yo ’to!” Sigaw ni Ace pabalik.
“Ayaw mo, ha?” Sabi ni Roger at bigla na lang sinampal si Ace at pagkatapos ay binalibag ito sa sahig ng kalsada.
Napahiyaw na lang sina Aldwin at Yohan sa ginawa ng kanilang tiyuhin at nagmadaling lumapit kay Ace na nakahandusay na sa sahig.
Tumawa naman si Roger at ang kasama nitong babae at pinulot ang perang nabitawan ni Ace.
“Walang magagawa ang awa para sa mga mahihinang katulad niyo. Hindi kayo mabubuhay sa mundong ito kung puro kabaitan at awa lang ang ipapakita niyo. Kung kinakailangan gumamit na kayo ng dahas para lang makuha ang gusto niyo. Hindi ka na sana masasaktan pa, Ace kung binigay mo na sa akin ’tong pera niyo. Makaalis na nga at sinasayang niyo ang oras ko!” Sabi ni Roger at umalis na ito kasama ng babae niya.
Simula nung araw na iyon ay tila tumatak sa isipan ng magkakapatid ang sinabi ng tiyuhin nilang si Roger sa kanila at simula rin nung araw na iyon ay dun na tila nabago ang pananaw ng magkakapatid sa buhay na nararanasan nila.
SARINA’S POV
Habang inaalalayan ako ni Kuya Maverick na makalabas ng school ay may mga nakaiitim na lalaki ang lumapit sa amin at kaagad nila kaming tinalian sa kamay.
“Sino kayo?” Tanong ni Kuya Maverick habang nagpupumiglas mula sa pagkakahawak sa kanya ng mga lalaki.
“Saan niyo kami dadalhin?” Tanong ko naman at bigla ay natakot.
Hindi sumagot ang mga lalaki at kaagad nila kaming ipinasok sa dumating na itim na van.
Kinabahan ako at hindi ko malaman ang gagawin ko. Tinignan naman ako ni Kuya Maverick.
“Sarina, hindi ko alam kung sino ang gumagawa nito ngayon sa atin pero sisiguraduhin kong poprotektahan kita mula sa kanila.” Paninigurado niya sa akin na ikinakalma ko.
Tumango naman ako at naluluhang bumaling sa kanya. “Thank you, Kuya Maverick.” Ngumiti siya at hinalikan ang noo ko pagkatapos.
Makalipas ng ilang minuto ay ibinaba na nila kami sa isang abandonadong bahay at ipinasok sa loob. Nagulat ako nang makitang nasa loob rin si Alex at nakatali ito sa isang upuan na wala nang malay.
“What do you want from us? Money? I can give that so please release us now!” Nagagalit na sabi ni Kuya Maverick sa mga lalaking dumukot bigla sa amin.
“Hindi pera ang kailangan ng amo namin sa inyo.” Sabi naman ng isang lalaking dumukot sa amin.
“Amo? Sino bang amo ang tinutukoy niyo?” Tanong ni Kuya Maverick habang nakatitig ng masama sa lalaki.
Hindi sumagot ang lalaki bagkus ay biglang bumukas ang pintuan ng abandonadong bahay at lumapit sa amin ang isang lalaki na hindi ko aakalain na makikita ko pang muli. Maging si Kuya Maverick ay nagulat rin nang makita siya at bigla na rin sumama ang tingin niya dito.
Lumapit sa amin si Yohan habang may nakasunod pang mga bodyguards sa kanya.
Papaano siya nakalabas mula sa DSWD?
Nang makalapit na sa amin si Yohan ay nginitian niya ako. “It’s good to see you, again Sarina. Gumaganda ka yata lalo? Inspired ka ba dahil kay Maverick Eliazar?” Nakangiti niyang tanong na tila nang-aasar pa.
I glared at him. “Anong kailangan mo, Yohan? Papaano ka nakalabas sa DSWD?” Tanong ko.
Inayos niya muna ang suot niyang puting coat bago niya sinagot ang tanong ko. “Sabihin na lang nating nakalabas ako dahil sa tulong ng walang kwenta kong ama.” He smiled.
Nakalabas siya nang dahil sa ama niya?
Pinaikutan niya kami ni Kuya Maverick at humalukipkip. “Pagkatapos ng ilang taon ay binalikan ako ng ama ko at nagkataon na mayaman pala siya. Ginamit niya ang lahat ng impluwensya niya para lang matulungan akong makalabas mula sa DSWD at nagawa nga niya.” Nakangiti niyang sabi.
Sa sinabi niya ay naliwanagan ako.
“Bakit mo kami pinadukot ni Sarina? Because you want a revenge dahil mas nalamangan kita sa kanya?” Biglang pag-imik ni Kuya Maverick at napangisi ito.
Sumama ang timpla ng mukha ni Yohan sa sinabi ni Kuya Maverick at sinuntok ito dahilan para mapaatras siya.
Tumawa si Yohan. “How did you know that? Oo, pinadukot ko kayo at gusto kong maghiganti dahil nagkataong nalaman ko na magkasama lang pala kayo pati na rin ng mahinang nilalang na ’yan.” At itinuro niya si Alex na walang malay.
Hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. Yohan and I used to be a friend pero bakit kami humahantong sa ganito? Bakit dumating sa punto na pinatay niya si Trey at ngayon naman ay pinadukot niya kami ni Kuya Maverick?
Napaiyak na ako at tinignan ulit siya. “Why are you doing this, Yohan? Sa ano pang dahilan?” Naluluha kong tanong.
Bigla namang sumeryoso ang mukha niya at hinawakan ang pisngi ko. “Bakit ko ’to ginagawa, Sarina? Dahil hindi ko matanggap na nawala ka na sa akin. Hindi ko matanggap na nalamangan ako ng iba at lalong hindi ko matanggap ka magkakagusto ka lang sa lalaking ngayon mo lang nakilala. Mahal kita, Sarina. Noon pa lang mahal na kita at alam kong mamahalin mo rin ako pero simula nang dumating ’yang Trey na ’yan at si Maverick Eliazar sa buhay mo ay doon na ako nawalan ng pag-asa sa’yo. Magkaibigan tayo, Sarina pero bakit hindi mo man lang ako magustuhan?” Nalulungkot niyang sabi.
Natahimik naman ako. I love him before as a friend at aaminin kong marami siyang nagawang kabutihan para sa akin pero noon pa lamang bata ako ay si Trey na talaga ang minahal ko at ngayon ay si Kuya Maverick na ang mahal ko.
Hindi ako mahal ni Yohan kundi obsessed siya sa akin.
“I’m sorry but I can’t love you back dahil-”
“Ako na ang mahal ni Sarina, tanggapin mo na lang ’yon. Kahit ano pang gawin mong pagdukot o paghihiganti sa amin ay hindi magbabago na ako na ang mahal niya!” Sigaw ni Kuya Maverick na ikinagalit ni Yohan kaya sinuntok muli siya ni Yohan.
Napaiyak na lang ako dahil sa nangyayari ngayon kay Kuya Maverick.
“Pwede bang itikom mo na ’yang bibig mo, tanda? Hindi mo na kailangan pang sabihin ’yan dahil alam ko na ’yan pero who cares? Sigurado naman na makakaganti na ako sa’yo. Gusto kong panoorin ka ni Sarina kung paano kita papatayin.” Nakangising sabi ni Yohan na mas lalo ko pang ikinakaba.
“Y-Yohan, anong gagawin mo?” Natatakot kong tanong.
Inayos naman niya ang buhok ko at inilagay ang ilang strands sa tenga ko pagkatapos ay may nilabas siyang baril at kutsilyo na mas lalo pang nagpakaba sa loob ko.
“Papatayin ko na siguro ’tong minamahal mo sa pamamagitan nitong mga hawak ko. Pagkatapos ko siguro siyang barilin ay gusto kong tagain ng kutsilyo ang buong katawan niya? Nabalitaan ko pala na nahuli niya si Kuya Ace at nakulong na rin siya kaya kailangan niya sigurong pagbayaran ang ginawa niya sa mga kapatid ko?” Sabi niya at pinaglaruan mula sa mga kamay niya ang hawak niyang baril at kutsilyo.
Nakakatakot si Yohan ngayon. Hindi mo aakalain na sa amo at kainosentehan ng mukha niya ay makakaya niyang gawin ang bagay na ito, ang pumatay ng tao. Hindi ko alam kung ano ang pinagdaanan niya pero nakikita ko na mukhang malalim iyon at hindi na iyon mababago kung ano na siya ngayon.
“W-wag mong ’gawin ’yan, please Yohan.” Pakiusap ko at lumuhod na sa harapan niya.
“Sarina…” Narinig ko namang malungkot na suway ni Kuya Maverick.
Ngumiti naman si Yohan at lumevel siya para pantayan ako. “Wag kang mag-alala. Pagkatapos kong patayin si Maverick Eliazar ay lalayo na tayo at magsasama ng habangbuhay. Ayon lang naman ang pangarap ko para sa ating dalawa at kapag nangyari ’yon ay alam kong mamahalin mo rin ako.” Nahihibang niyang sabi at hinalikan ang pisngi ko.
Tila nandiri ako sa ginawa niya at umiling ako. “Hindi. Si Kuya Maverick lang ang mahal ko-” Sinampal naman niya ako.
“Walanghiya ka!” Sigaw ni Kuya Maverick kay Yohan.
“Oo na, Sarina! Huwag mo nang ipamukha sa akin.” Matigas niyang sabi sa akin at tumayo na at hinarap muli si Kuya Maverick.
“Katapusan mo na ngayon, Maverick Eliazar.” Nakangising sabi ni Yohan at itinutok ang hawak niyang baril kay Kuya Maverick.
Ngumisi naman si Kuya Maverick at ipuputok na sana ni Yohan ang baril sa kanya nang may pumasok sa abandonang bahay kung saan kami naroroon ngayon at iyon ay si Kuya Cyril na may mga kasamang armadong pulis at pumalibot sila sa amin. Nagulat naman si Yohan at ang mga kasama niyang nakaitim na lalaki dahil sa nangyayari ngayon.
“Paanong nangyari ’to?” Histerikal na sigaw ni Yohan.
“Sumuko ka na lang, Yohan Suarez dahil wala na kayong kawala pa sa mga pulis.” Sabi naman ni Kuya Cyril at nginisian niya si Yohan.
“At sino ka namang pakialamero ka?” Inis na sabi ni Yohan sa kanya.
“Ako lang naman si Cyril Ayala. Tinext ako ni Maverick para iligtas sila ng girlfriend niyang si Sarina.” Sabi niya.
Napatingin ako kay Kuya Maverick at kinindatan niya ako. Ipinakita naman niya sa akin ang kamay niyang wala nang tali at hawak nga niya sa likod nito ang cellphone niya. Papaano niya nagawang matanggal ang tali na nasa kamay niya?
Umiling lang si Yohan at ipuputok na sana niya ang baril niya kay Kuya Cyril nang kaagad na nakalapit sa kanya si Kuya Maverick at naagaw nito ang baril.
Ang mga nakaitim namang lalaki na kasama ni Yohan ay kaagad nalapitan ng mga pulis at isa-isa silang pinosasan.
“Kung mautak ka, Yohan ay mas mautak pa rin ako sa’yo. Kung magpaplano kang mangidnap pwedeng galingan mo naman sa paghire ng mga tauhan mo? Napakaluwag ng pagkakatali nila sa kamay ko at higit sa lahat bakit ikaw lang ang may baril? Dapat meron rin sila para kung sakaling makatakas kami ni Sarina dito ay wala na kaming kawala sa inyo. Tsk.” Naiiling na sabi ni Kuya Maverick at itinali niya sa kamay ni Yohan ang tali na ipinantali rin sa kanya ng mga nakaitim na lalaki.
Napangiti na lang ako. Napaka cool talaga ni Kuya Maverick.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Yohan at pilit na pumapalag. “Magbabayad ka rin sa akin!” Sabi niya at tinitigan ng masama si Kuya Maverick.
Bored namang tumango si Kuya Maverick at pagkatapos nun ay itinulak niya si Yohan papunta sa mga pulis.
“Kayo nang bahala sa batang ’yan. Mas mabuti pang ideretso niyo na siya sa presinto at hindi sa DSWD. Hindi dahilan na menor de edad pa lang siya para hindi na siya makulong. Isama niyo na rin sa kaso ’yung tatay daw niya.” Sabi niya sa mga pulis.
Tumango naman ang mga pulis at kaaagad nilang pinosasan si Yohan. Lumabas na rin ang iba pang mga pulis kasama ang mga lalaking tauhan niya at sa tingin ko ay dadalhin na nila ito sa presinto o kulungan.
“Hindi pa tayo tapos, Maverick Eliazar. Maghihiganti pa rin ako at babawiin ko mula sa’yo si Sarina.” Sabi ni Yohan habang masama pa rin ang titig niya kay Kuya Maverick hanggang sa makalabas na sila ng abandonadong bahay kasama ang mga pulis.
Lumapit naman sa akin si Kuya Maverick at tinanggal niya ang pagkakatali sa kamay ko.
“Are you okay?” Tanong niya at sinapo niya ang buong mukha ko.
Tumango lang ako at niyakap siya. “Hindi ko alam na sobra palang mautak ang boyfriend ko.” Sabi ko.
Natawa siya sa sinabi ko at niyakap rin ako pabalik. “Kailangan pa niya ng training sa pangingidnap pero ang sakit niyang manuntok, ah? Nagdugo nga itong lips ko, princess.” Malambing niyang sabi sa akin saka kumalas mula sa pagkakayakap ko at itinuro niya ang labi niyang may kaunti ngang sugat.
Napasimangot naman ako at mahinang hinawakan ang part ng labi niya na may sugat. “Pagdating sa ospital ay gagamutin ko-”
Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinalikan sa labi. Hindi na rin ako nakapalag pa at hinalikan rin siya pabalik.
“Ehem,” Natigil lang kami sa paghahalikan nang biglang umubo si Kuya Cyril.
“Nandyan ka pa pala.” Sagot ni Kuya Maverick habang nakangisi sa kanya.
Napacross arms naman si Kuya Cyril at ngumisi rin. “In case na hindi kayo inform ay nandito pa po ako, lovebirds.” Natawa naman ako sa sinabi niya at lumapit ako sa kanya.
“Kuya Cyril, thank you for helping us.” Nakangiti kong sabi.
Ngumiti rin naman siya at tinapik ang balikat ko. “Anything para sa inyo ni Maverick. Sige, kukunin ko na muna ’tong batang walang malay at dadalhin ko sa ospital.” Sabi niya at nilapitan si Alex na nakaupo sa isang upuan at hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay.
Mukhang nabugbog siya ni Yohan dahil bakas ang mga sugat at pasa niya sa katawan. Napatahimik nalang ako.
“Thank you, Cyril.” Sabi naman ni Kuya Maverick. Ngumiti lang si Kuya Cyril sa kanya at pagkatapos nun ay umalis na rin siya dala si Alex.
Humarap muli sa akin si Kuya Maverick at hinawakan ang dalawang kamay ko.
“Simula ngayon, wala nang iba pang makakalapit sa’yo kundi ako lang. You’re only mine, Sarina. I love you so much.” Sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.
Ang daming nagbago simula nang dumating si Kuya Maverick sa buhay ko pero hindi ko pinagsisisihan iyon dahil sa panahong halos nakasama ko siya ay doon ko na napatunayan na hindi basehan ang edad para hindi na magmahal pang muli. He always protects me and cares for me kahit noong una ay natatakot ako sa presensiya niya. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng mga babaeng magaganda at sexy na kasing successful at kaedad lang niya ay sa akin pa siya nagkagusto.
Napakaswerte ko dahil may isang Maverick Eliazar ngayon sa buhay ko.
“I love you too, Kuya Maverick…” Sabi ko at hinalikan siya muli.
Nagulat siya sa ginawa ko pero di kalaunan ay hinalikan niya rin ako pabalik.
THE END.
–
Next Chapter, Epilogue.
Epilogue
SARINA’S POV
After 4 years
(Summer)
Sa dami ng pinagdaanan ko ay hindi ko akalaing aabot ako sa ganitong punto. Noon ay naaalala ko na normal lang ang takbo ng buhay ko kasama ang mga kaibigan at ang pamilya ko pero simula noong mag 4th year high school ako ay doon sinubok ng itaas ang tatag at pananalig ko at pati na rin sa mga taong nandiyan para sa akin.
Makalipas ang apat na taon at graduated na ako ng college ay maraming nang nagbago at isa na doon ay ang sarili ko.
Napagtanto ko na hindi ako pwede umikot sa isang sitwasyon na kung saan ay wala akong daranasing hirap at sakit. Lahat ng napagdaanan ko ay ipinagpapasalamat ko dahil doon ako natutong maging matatag at tumayo sa sarili kong mga paa.
Pagkatapos ng insidenteng nangyari 4 years ago ay nakulong si Yohan kasama ang tunay niyang ama na isang korean citizen at tumulong sa kanya para makalabas sa DSWD. Dahil sa ginawa niya ay ikukulong talaga siya dahil sa krimen at pangingidnap na ginawa nito sa amin ni Maverick. Hindi ko akalain na ang dati kong itinuring na kaibigan ay magiging kaaway ko ng dahil sa matinding obsesyon sa akin.
Si Alex ay nasa ibang bansa na at doon naninirahan kasama si Ate Farah. Pinatawad ko siya sa kasalanang nagawa niya sa akin dahil nagmakaawa siya at lubos ang pagsisisi na nagawa ang bagay na iyon at nakita ko iyon. Nagalit pa nga si Maverick dahil dapat raw ay makulong rin si Alex pero hindi ako pumayag. Kahit papaano ay naging kaibigan ko ’yong tao at binigyan ko ng isa pang pagkakataon para magbago.
Si Jenica ay single pa rin pero napapansin ko na palagi niyang kasama si Ulysses at sa tingin ko ay may nararamdaman na silang dalawa para sa isa’t-isa. Naka move-on na sa akin si Ulysses at tanggap ang relasyon naming dalawa ni Maverick.
Si Macy ay boyfriend pa rin si Walter. Recently ay nagbreak sila pero nagkabalikan ulit dahil sa pagiging seloso ni Walter sa mga lalaking nakakasalamuha ni Macy. Hindi ko masisisi si Walter kung bakit niya pinagseselosan ang mga lalaking iyon dahil maganda si Macy at kahit sinong lalaki ay mahuhumaling sa kanya.
Si Ate Annika ay nililigawan ngayon ni Kuya Bryan. Sinasabi ko na nga ba’t may nararamdaman silang dalawa sa isa’i-isa dahil nakikita ko kung paano sila makitungo at kitang-kita rin ang sweetness nila kapag magkasama sila.
Si Kuya Xavier ay tanggap na ang relasyon namin ni Maverick. Sina Mommy at Daddy ay ganoon rin at nagpasalamat sila kay Maverick dahil niligtas niya muli ako kay Yohan.
Simula noong nakidnap kami nila Yohan ay kaagad humingi ng tawad si kuya dahil sa ginawa niyang balak na paghiwalayin kaming dalawa ni Maverick. Nagawa lang daw niya iyon dahil natatakot siyang ipagkatiwala pa ako sa ibang lalaki dahil sa ginawa ni Yohan kay Trey kaya naiintindihan ko ito. Single pa rin si Kuya Xavier at patuloy ang pagpaparamdam sa kanya ni Ate Georgina.
Si Kuya Cyril ay kaibigan ko na at paminsan-minsan ay dinadalaw niya ako sa bahay para tignan ang mga inaalagaan kong flowers. Walang malisya sa akin iyon dahil napakabait ni Kuya Cyril pero minsan ay nagseselos sa kanya si Maverick kaya madalang na lang siyang pumunta sa bahay. Masaya siya para sa aming dalawa ni Maverick at nakatulong siya noong time na kinidnap kami nila Yohan.
Si Wayne ay hindi ko na muling nakita. Pagkatapos ng graduation namin noong high school ay umalis siya at hindi ko alam kung nasaan na ito.
“Princess, ang dami namang nagchachat sa’yong mga lalaki. Pwede bang magpalit ka na lang ng bagong account at ako lang ang i-friend mo do’n? This is irritating!” Naiinis na sabi ni Maverick habang tinitignan ang fb account ko sa cellphone.
“Hindi pwede, no! Nandyan kaya ’yong contacts ko sa ibang relatives namin pati na rin sa mga naging kaklase ko noon.” Sabi ko at saka inilagay ang mga bulaklak sa harap ng puntod ni Trey.
Nandito kaming dalawa sa sementeryo at dinadalaw ang puntod ni Trey. It’s been 4 years since I saw him at sobrang namimiss ko na siya.
He’s my first love and everything.
“I miss you, Trey. Sa lahat ng pinagsamahan natin simula nung nakilala kita noong mga bata pa lang tayo. Sa pagtatanggol mo sa mga bumubully sa akin noon at sa pagpapasaya at pagmamahal na ibinigay mo. I miss you so much…” Naluluha kong sabi.
Lumapit sa akin si Maverick at niyakap ako.
Pagkatapos ay kumalas ako sa pagkakayakap nito at umupo banda sa puntod ni Trey.
“I love you so much, Trey at naaalala ko pa na sinabi mong kung mamamatay ka ay ’wag kong pigilan ang puso kong magmahal ng iba bukod sa’yo dahil magagalit ka. Ang akala ko ay nagbibiro ka lang nun pero nangyari pala talaga. Nandito si Maverick Eliazar, siya na ang nagpapatibok ng puso ko.”
Kung nasaan ka man ngayon, Trey ay alam kong masaya ka na dyan.
Lumapit at tumabi sa akin si Maverick at humarap sa puntod ni Trey.
“Do you still remember me, Trey? Ako ’yong lalaking pilit kang pinapahiya noon sa harap ng mga magulang ni Sarina para magalit sila sa’yo, and I’m sorry for that. Sobrang mahal ko lang si Sarina at nagseselos ako sa’yo pero alam kong ikaw pa rin ang pipiliin niya kahit anong gawin ko noon dahil mahal ka niya.” Malungkot niyang sabi at napayuko.
“Huwag kang mag-alala, napagbayaran na ni Yohan at ng mga kapatid niya ang ginawa nila sa’yo kaya alam kong mabubuhay ka na ng payapa sa kung nasaan ka man. I will also take care of Sarina at mamahalin ko siya ng pang habangbuhay katulad na lang ngayon.” Sabi niya pa.
Humarap si Maverick at itinayo ako mula sa pagkakaupo.
“Where do you want to eat after this?” Nakangiti niyang tanong.
“As usual.” Sabi ko at nginitian rin siya.
“Sarina, Kuya Maverick!”
Napabaling ang atensyon namin sa tumawag sa pangalan ko at iyon ay si Macy kasama sila Jenica, Ulysses, at Walter na naglalakad papalapit sa amin.
“Kayo pala,” Nakangiti kong sabi.
“Dadalawin din namin si Trey at kayong dalawa ni kuya, ah? Mukhang lalanggamin na kayo sa overload sweetness n’yo!” Pang-aasar ni Macy na nagpamula sa buong mukha ko.
“Don’t do that, sis. Sarina is blushing.” Sabi ni Maverick kaya napatakip ako sa mukha dahil sa hiya.
Natawa silang lahat sa reaksyon ko.
“Oo nga naman pero hindi pa rin masanay-sanay si Sarina kahit ilang taon na sila ni Kuya Maverick.” Natatawang sabi ni Jenica katabi si Ulysses na nakangiti sa amin.
“Huwag nga kayong ganyan! Pinagkakaisahan n’yo na si Sarina e,” Kunwari pang concern na sabi ni Walter pero alam kong nang-aasar lang din.
“Ewan ko sa inyo!” Kunwaring galit kong sabi at umiwas ng tingin.
Tama sila. Kahit dalawang taon na kaming magkarelasyon ni Maverick ay palagi pa rin akong kinikilig at nahihiya sa tuwing kasama ko siya. Ang lakas pa rin ng epekto niya sa akin maging pati na sa puso ko.
Inakbayan ako ni Maverick. “Okay, enough. My girlfriend is already mad. By the way, saan n’yo gustong kumain, kids? My treat.” Tanong niya at biglang naghiyawan itong mga kaibigan ko dahil nakarinig sila ng word na ‘treat’.
“Ayon oh! Salamat naman at may grasya na darating!” Parang nagdarasal na sabi ni Walter kaya binatukan siya ni Macy na ikinatawa namin.
“Tumigil ka nga dyan, Walter, para kang sira!” Naiinis na sabi ni Macy pero hindi mapigilang mapangiti.
“Makakatipid na rin ako sa wakas!” Sabi ni Jenica at tinawanan siya ni Ulysses.
Tumingin ako kay Maverick at kanina pa pala siya nakatitig sa akin. Nginitian ko siya at niyakap na ikinabigla niya.
“Thank you so much for everything…”
Napangiti siya at niyakap ako pabalik.
“Anything for you, My princess.”
Alam kong marami pang hirap at pagsubok ang tatahakin ko kasama si Maverick pero sisiguraduhin kong hindi mawawala ang tiwala, pagmamahal at pag-aalaga ko sa kanya.
And I guess, he saved me from Danger Alley.

