DANGEROUS TOUCH: Curse To Crave Him
SeulaGii · 4 chapters · 9,508 words
DISCLAIMER
Disclaimer:
_Dangerous Touch: Cursed to Crave Him _ is a work of fiction inspired by the manhwa Jinx created by Mingwa. While this adaptation draws from the core concept of the original story, it has undergone significant changes in plot, characters, and tone to create a unique narrative. This story includes themes of Mpreg (Male Pregnancy), a fictional element where male characters can conceive, used here as a creative device to explore intimacy, vulnerability, and dark romance. Please be aware that the story may contain minor typographical or grammatical errors. Your patience and understanding are appreciated as we aim to provide an immersive experience.
\---
Notes:
This adaptation is a creative reimagining that honors the original inspiration while offering a different story shaped by new characters, cultural influences, and emotional depths. Dangerous Touch: Cursed to Crave Him explores darker, more complex themes and should be viewed as a standalone work. _Full credit goes to Mingwa, the original creator of Jinx, for the compelling premise that inspired this version. _
\---
Warning:
Readers are advised that Dangerous Touch: Cursed to Crave Him is a fictional story containing mature content, including Mpreg, power imbalance, explicit scenes, and emotionally intense situations. This is not a replica of Jinx but a distinct interpretation with many tweaks and differences. The story is meant for mature audiences and should be approached as a separate fictional work with its own tone and trajectory. No harm or disrespect is intended toward the original creators, but rather a tribute is paid through this transformed narrative.
CHAPTER 1
DANIEL .
Hawak hawak ko ngayon ang cellphone ko habang lulan ang isang sasakyan papunta sa lugar kung saan ko sisimulan ang bagong trabaho ko.
Habang nakatutok ang aking mga mata saking cellphone ay hindi ko mapigilang hindi humanga sa liksi at galing ni Dominic Alcaraz habang binubugbog ang kalaban niya sa arena.
Bukod sa angking kagwapohan ay bantog na bantog ang kanyang pangalan lalo na’t maihahalintulad kay Manny Pacquiao ang kanyang kasikatan. Maraming beses na niyang naiuwi ang tropeyo para sa bansa. Nung nakaraan lang ay nasungkit niya ang karangalan bilang kampeon sa naganap na Mixed Martial Arts Tournament, kung saan halos lahat ng bansa ay may representante at naglaban laban para tanghaling kampeonato.
Ngunit tanging si _Dominic Alcaraz _ , na nag iisang pambato ng bansang Pilipinas ang nakauwi ng karangalan.
Bukod pa dito ay hindi pumapalya ang kanyang mga laban, lalo na’t wala pa siyang laban na napupuntahan na hindi siya ang nagwawagi.
Kaya naman hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na ako ang magiging physical therapist at health consultant niya.
Para akong nasa alapaap habang iniisip na ang isang hinahanggang personalidad sa larangan ng sports ang pagtatrabahuan ko.
Talagang kahanga hanga ang naging ambag niya at ang nabigay niyang karangalan sa bansa lalo na’t sa edad na 28 ay marami na siyang napatunayan na mas higit pa sa kaedaran niya.
Gaya ko, na hindi malayo sa edad niya ngunit patapon parin ang buhay. Nangungupahan sa isang maliit na condominium habang nakaratay sa hospital ang aking bunsong kapatid at nakikipaglaban sakanyang sakit.
Minsan nga ay naiiyak nalang ako habang nagbibilang ng barya para sa pamasahi, makapunta lang sa mga raket na nagpapalamon sakin.
Kahit na ganon ay nananatili akong matatag. Kaya ngayon ay masayang masaya ako nang alokan ako ng isang trabahong mas higit pa at mas triple pa ang matatanggap ko kesa sa araw araw kong makukuha sa mga raket at sideline sideline ko.
Sa totoo lang ay hindi naman dapat ganito ang buhay na mayroon ako, lalo na’t malayong malayo ito sa una kong pamumuhay.
Pagkatapos na pagkatapos kong makagraduate sa kursong nursing ay agad naman akong nakahanap ng trabaho. Sa unang buwan kong pagtatrabaho sa San Lorenzo de Manila Medical Center, ay naging maayos naman ang buong durasyon ng shift ko.
Madalas nga lang akong napapagod lalo na’t halos buong araw akong gising lalo na’t hindi mo pwedeng tulugan ang mga pasyente, ngunit medyo kaya naman ng katawan ko at kahit papaano ay may sahod akong hinihintay sa tuwing darating ang akinse.
Ngunit nagbago iyon nang maramdaman ko ang unti unting paglapit ng presidente na mismong may ari ng hospital saakin. Buong akala ko ay pakikipag kaibigan lang ang nais nito, na labis kong ikinatuwa lalo na’t mas mataas ang kanyang posisyon kesa sa simpleng nurse na kagaya ko.
Ngunit sa mga araw na mas lalo kaming napapalapit sa isa’t isa ay mas nararamdaman ko ang pagiging mainitin ng ulo nito sa tuwing may kausap akong ibang lalake na animo’y kinokontrol niya ako.
Doon nagsimula ang pag iba ng kanyang ugali hanggang sa dumating ang araw na pinagsisihan ko nang husto.
Nang tawagin niya ako sakanyang opisina, na labis ikinapagtaka ng mga kasama ko ding mga resident nurses lalo na’t kahit na ang pinaka head nurse ay hindi pa napapatawag ng presidente ng hospital, samantalang ako na kabago bago lang ay napalapit na sakanya.
Magkaganon paman ay dali dali akong gumayak kahit na naiilang nako sa kung paano siya kumilos na wari’y may kakaiba at siya’y aking nobyo.
Alam kong mali, lalo na’t sa paraan kung paano siya gumalaw. Kung paano siya naiinis at nagagalit sa tuwing kausap ko ang mga katrabaho kong mga lalake at kung paano ko daw hayaang hawak hawakan ako ng mga ito ang mas lalong nagpapataas ng kilay ko sakanya.
Sa katunayan ay hindi naman siya panget, gwapong gwapo nga siya at maganda ang kutis at balat. Ngunit hinding hindi maiiba ang totoong nararamdaman ko para sakanya, at tanging pagkakaibigan lang talaga at wala nang halong iba.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ay dali dali namang napatingin ito saakin. Ngunit buong akala ko ay pag uusap lang ang mangyayari ng dali dali siyang tumayo at kinorner ang buong katawan ko sa pader.
Pilit akong nagpupumiglas ngunit masyado siyang malaki at malakas, walang wala ang maliit at patpatin kong katawan sa malabato at parang kapre niyang laki.
Ngunit ang mas nagpabigay takot saakin ay nang bigla niya akong pwersahang hinalikan, pilit niyang nginungudngod ang kanyang labi sa labi ko na mabilis ko namang iniiwas, kaya naman mabilis siyang nagpokus saking leeg habang marahan itong dinidilaan at hinahalikan.
Tanging hikbi at iyak lang ang nagiging sukli ko sa pambababoy na ginawa niya, lalo na’t wala naman akong kalaban laban sa lakas niya.
Kaya naman ganon nalang ang pasasalamat ko nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto, at doon ay natigil ito sa ginagawa niya. Kaya naman mabilis akong nakakuha ng lakas at pagkakataon para makatakas.
Pagkatapos nang nangyari ay kinabukasan lang ay natanggalan ako ng lisensya, lalo na’t mas kumalat ang kasinungalingang storyang pinagkalat ng hayop nayon laban sakin.
Pinilit kong ipaalam ang katotohanan upang malinawan ang lahat ng tao sa hospital na ako ang kawawa at hindi ako ang may sala. Ngunit mukhang wala na silang papanigan pa, maliban sa may ari nito.
Kaya naman kahit masakit sakin na mawalan ng lisensya at mawala halos lahat ng pinagpaguran ko ay nagsimula akong muli. Nag aral ako ng physical therapy para naman manitiling inclined sa kursong tinapos ko ang bagong trabaho ko.
Natapos ko iyon at iyon na ang ginawa kong hanap buhay at raket. Oil massage sa mga kliyenteng mayayaman na rinerekomenda lang sakin.
Kahit papaano ay malaking tulong na ito saakin, lalo na’t iyon ang pinanghuhugutan ko ng panggastos araw araw at pambili ng gamot sa sakitin kong kapatid.
Kaya naman ng iaalok sakin na maging isang physical therapist ng isang bigating tao at mas malaking sweldo ay hindi nako nagpaligoy ligoy pa at tinanggap na ito.
Bihira lang ako makatanggap at makakita ng 50k salary para lang sa simpleng trabaho kagaya nito.
At ang mas nakakagulat ay ang nagiisang Dominic Alcaraz pa ang pagtatrabahuan ko.
Na idolong idolo ko, simula sa una niyang pagkapanalo. Halos yata lahat ng pilipino ay idolo siya lalo na’t kilalang kilala na ang pangalan niya sa buong bansa.
Kaya naman isang karangalan ang magtrabaho sakanya.
Dahil sa sobrang excitement na nararamdaman ko ay hindi ko na namalayang nakarating na pala ako sa destinasyon na gusto ko. Kaya naman mabilis kong inayos ang aking sarili at bahagyang pinagpagan ang nameplate ko kung saan nakasulat ang pangalan ko.
DANIEL S. DELA CRUZ
**Physical Therapist **
Bago ako gumayak ay dahan dahan ko munang sinipat ang buong lugar at talaga namang nakakamangha ang lugar na ito. Malinis na malinis at disipilinadong disiplinado, malayong malayo sa ibang lugar dito sa Luzon.
Bago pa makagalitan ay dali dali nakong pumasok, pagkasok na pagkapasok ko ay rinig na rinig ko ang kabi kabilang sigawan at ingay ng mga lalake sa loob. Merong mga nagbubuhat ng malalaking dumbbells, may nageensayo para sa bukas na laban at mukhang bagong recruit na MMA fighter na sinasanay ng iba’t ibang coaches.
Habang abala sa panonood ay agad naman ako nagulat ng may biglang lumapit saking lalake na halos kaya akong dambahin sa sobrang laki at brusko ng katawan. Para siyang nagbubuhat ng ilang sako ng bigas sa sobrang bato ng katawan niya.
Hulmang hulma ang mga muscles dito na mas lalong nagpapabrusko sakanya.
**“Ikaw ba si Daniel? Yung bagong physical therapist?” ** Ang takang tanong at seryoso nitong pagkakasabi na ikinatango ko naman sabay ngiti ng malapad.
**“Opo, ako po iyon” ** ang magalang kong turan na ikinatango naman nito.
**“Ako nga pala si Coach Reyes, trainer ni Dominic” ** ang pakilala nito sabay lahad ng kanyang kamay kaya naman agaran ko itong kinuha at nakipagkamay sakanya.
**“Mabuti nalang at narito ka na, kailangan na kailangan kasi na makondisyon na ang katawan niya lalo na’t bukas na bukas ay magaganap ang URCC (Universal Reality Combat Championship)” ** ang sambit ng coach na ikinatango ko lang.
**“Nasan po ba si Mr. Alacaraz?” ** Ang magalang kong tanong na ikinatingin lang naman nito sakin sabay parang inaalala kung nasaan ang alaga niya.
**“Ahhh nandon sa shower area, lagi kasing naliligo ang kumag na yon dahil mabilis mainitan sa katawan. Don din sinasagawa ang physical therapy ng mga therapist niya noon, kaya gumayak ka na at baka hinihintay ka narin niya” ** ang sambit nito na ikinagulat ko ng bahagya.
**“Ngayon na po ba? Akala ko po ay may pag uusapan lang gaya ng sabi ninyo sa telepono” ** ang sambit ko na ikinailing niya naman.
**“Nako pasensya na, hindi ko kasi nasabi kaagad eh. Pero professional kana naman kaya sigurado akong kaya mo yan kahit biglaan, atsaka rinekomenda ka ni Amado. Kaya sigurado akong magaling ka” ** ang sambit nito na ikinalunok ko nalang sa kaba.
**“Halika, sasamahan kita sa shower room” ** ang sambit nito na mas lalong nagpakaba sakin.
Nagdadalawang isip man ay dali dali akong sumunod kay Coach Reyes. Mga ilang hakbang lang ay nakarating na kami sa shower area kung saan nga naliligo ngayon si Dominic.
**“Ohh hintayin mo lang at lalabas rin yan, wag ka nang matakot. Mukhang nabigla kita at nanginginig ka eh. Kalma ka lang, hindi naman nananakit yang si Dominic, basta’t wag ka lang gumawa ng kapalpakan dahil yan ang ayaw na ayaw niya” ** ang sambit nito na ikinatango ko lang sa kaba.
_“Pumasok ka na, nandiyan narin ang oils na kailangan mo. Ikondisyon mo lang ang katawan niya lalo na’t panay ang reklamo niya na baka may hangin daw sa likod niya” _ ang natatawang sambit ni Coach Reyes na ikinatango ko lang.
” **Oh siya, maiwan na kita. Kayanin mo, wag kang magpansindak sa laki” ** ang natatawang sambit nito na animo’y ginagatungan pa ang kaba at takot ko sabay mabilis na iniwan ako sa entrada ng shower room.
Pribado at tanging si Dominic lang ang nakakapasok rito, kabilang na ang kanyang Coach kaya naman nakakasiguradong malinis at nakaangkla ang buong silid para sakanyang kagustuhan.
Kahit na tumatambol ang puso ko sa sobrang kaba ay dali dali akong pumasok habang pinapanatili ang mahihinang hakbang, habang naglalagaslas parin ang tubig mula sa shower.
Mga ilang minuto lang ay agad na namatay ang shower at kasunod nito ay ang mahihinang tunog ng pagkilos, isang palatandaan na tapos na maligo si Dominic.
Mga ilang segundo lang ay agad na dumungaw ang ulo ni Dominic at bahagya kaming nagkatinginan na ikinabigla at ikinakaba ko.
Mabilis rin naman nitong binawi ang kanyang tingin at mabilis na lumabas.
_“Akala ko naman babae” _ ang baritonong sambit nito sabay labas ng shower room na animo’y wala ako sa harapan niya.
Ang mas nagpatigalgal saakin ay kung paano siya maglakad papalapit saakin habang hubo’t hubad.
Oo hubo’t hubad, wala ni isang saplot na magtatakip sa kanyang kahubdan at kaselanan. Binubuyangyang niya na parang walang pakialam ang kanyang malaking pagkakalalaki na tigas na tigas pa.
Hindi ko naman mapigilang mapalunok at matuod saking kinatatayuan habang nakatingin sakanyang katawan na animo’y hinulma ng diyos.
Sobrang perpekto ng kanyang katawan habang dahan dahang nahuhulog ang maliliit na butil ng tubig. Isang palatandaan na katatapos niya lang maligo.
Ang bawat patak nito sa’kanyang balat ay parang bendisyong bumubura ng kasalanan-o, sa kaso ko, ay nagdadagdag pa.
Ang balikat niya’y malapad, na parang pader na kayang salagin ang buong mundo. Sa ilalim noon, ang dibdib niya’y matikas-matigas ngunit malambot sa paningin ko, parang tinapay na hindi mo mapigilan hawakan. Ang mga patak ng tubig ay gumuguhit ng mga landas pababa sa kanyang tiyan - bawat pandesal na linya ng abs niya ay hinugis ng disiplina, ng galit, ng gutom na makuha ang tagumpay.
Ang bewang niya’y makitid, ngunit puno ng kapangyarihan.
Ngunit ang mas nakakapanghina ng tuhod ay kung paano nakatutok bahagya saakin ang kanyang pagkalalaki na sa tansya ko ay nasa dose pulgadas ang haba at parang alaska evaporada ang taba.
Hindi pang karaniwan ang laki ng kanyang pagkalalaki, maihahalintulad ko ito sa kabayo lalo na’t hindi normal ang laki kesa sa normal na lalaking nakikita ko.
_“Ikaw ba yung rinekomenda ni Amado na physical/massage therapist at health consultant?” _ Ang baritonong sambit nito na agad ko namang ikinatingin sakanyang mukha na ngayon ay parang blangko at walang kaekpresyon ekspresyon.
**“A-ahhh o-opo” ** ang nauutal sa kaba kong sambit.
_“N-ngapala, ano bang ginamit mong tubig nong nag shower ka? Warm ba or Cold Water _ ” ang simpleng sambit ko sabay pokus ng mga mata sakanyang mukha.
Hindi ko naman mapigilang hindi mastarstruck sa gwapo niyang mukha lalo na’t hindi parin ako nakakaget over na kaharap ko na siya ngayon, at ang mas nakakabaliw pa ay hubo’t hubad pa nitong binabalandra ang katawan na animo’y walang pake kung may makakakita sakanya.
**“Warm, bakit ba?” ** Ang simple niyang tanong sabay kuha ng towel at mabilis na tinapis sakanyang pang ibaba na ikinatanggal ng kaba ko lalo na’t hindi na magiging awkward kung sakaling napapatingin ako sa ibaba.
” _Ahh wala, siniguro ko lang dahil mas ideal kung warm water ang ginamit lalo na’t mas nakakaimprove ito ng blood flow, mas nagsosoft ang mga tight tissues sa katawan at mas nagiging receptive ang body mo sa massage” _ ang sambit ko na ikinatango lang naman niya ng mahina.
**“Lalake ka naman diba?” ** Ang sambit nito sakin gamit ang seryosong boses na ikinatahimik ko lalo na’t hindi ko alam kung ano bang isasagot ko.
**“Mukhang hindi” ** ang sambit nito sabay pakita ng kanyang ngisi na halos ikatunaw ng tuhod ko sa sobrang gwapo ng pagngisi niya.
**“Jusko” **
Ang nasambit ko nalang lalo na’t hindi ko malaman kung ano bang dapat kong maramdaman sa sobrang dami nang nasaksihan ko ngayon.
” _Simulan na natin.” _
Mababa ang boses ni Dominic, halos parang bulong, pero may kumpiyansa sa bawat salita. Walang bakas ng kaba, pero ramdam ko ang bigat ng sandali.
Ang katahimikan niya ay parang senyales na handa na siya, at ako na ang bahala sa katawan niya ngayong gabi.
Agad naman akong tumango at mabilis na kumilos gaya ng sambit niya. Agad kong kinuha ang malinis na tuwalya mula sa gilid ng massage table at maingat itong ipinatong sa lower half ng katawan niya, tinitiyak na tanging ang likod at balikat niya lang ang naka-expose.
Sinuri ko rin ang posisyon niya na nakadapa, habang ang ay ulo nakapatong sa headrest.
Lalo na’t ang bawat detalye ay mahalaga. Isang maling anggulo, isang hindi napansing tensyon, ay maaaring makaapekto sa performance niya bukas.
**“Sabihan mo lang ako kung may discomfort,” ** paalala ko habang kinukuskos ko ang palad sa therapeutic oil na nasa tabi.
Pinili ko ang blend na may eucalyptus at peppermint. Hindi lang para sa muscle glide, kundi para narin sa calming effect sa sensory nerves niya.
Ininit ko muna ang aking mga kamay, at marahang hinintay na maging pantay ang temperatura ng oil saking palad.
Dahan dahan kong linapat ang aking palad sa kanyang balat at nagsimula sa trapezius muscles, gamit ang effleurage
Long, gliding strokes mula sa base ng batok patungo sa balikat. Controlled ang pressure, sapat lang para ihanda ang tissue nang hindi nagdudulot ng shock. Ramdam ko ang texture ng kalamnan niya sa ilalim ng mga daliri ko na animo’y matigas, na parang lubid na hinila nang paulit-ulit.
“Laging loaded ang traps ng mga strikers,” ang sambit ko sa kalmadong boses.
“Lahat ng suntok, lalo na ‘yung power shots mo, ay dumadaan dito ang tension.”
Hindi siya sumagot, pero napansin ko ang bahagyang pagluwag ng balikat niya. Isang maliit na tanda ng tiwala.
Lumipat ako sa knuckling technique, gamit ang mga buko ng daliri para magbigay ng localized pressure sa mga trigger point sa upper traps. Paikot ang galaw, mabagal pero deliberate, sinusundan ang muscle fibers mula sa occipital bone hanggang sa acromion. Alam ko kung saan nagkukumpol ang stress.
Sa mga strikers tulad ni Dominic, madalas itong nasa junction ng traps at levator scapulae.
Pagdating ko sa rhomboids, gumamit ako ng thumb-and-forefinger pinch, hinintay ang sagot ng kalamnan bago dagdagan ang pressure. Naalala ko ang sparring niya kanina sa pinapanood kong video sa youtube.
Mabilis ang footwork niya, pero may bahagyang resistance sa upper back niya noong nag-scramble siya sa ground. Kaya tama ang hinala ko, at may kaunting adhesion dito.
“Masakit?” tanong ko habang dahan-dahang ini-slide ang siko ko sa gitna ng rhomboids, gamit ang myofascial release technique.
“Hindi,” sagot niya. Mababa pa rin ang boses, walang emosyon, pero sapat na iyon para ipagpatuloy ko ang ginagawa ko.
Lumipat ako sa erector spinae, ang mahabang muscles sa magkabilang gilid ng gulugod. Dito, ginamit ko ang forearm glide, mula sa ribcage pababa sa lumbar area, sinusundan ang natural na contour ng katawan. Dahan-dahan, rhythmic, tuluy-tuloy. Agad ko namang napansin ang slight stiffness nito sa lower back niya, lalo na sa left side.
“Lower back mo may kaunting tightness,” ang sambit ko habang pinipindot ang paraspinal muscles niya.
“Naramdaman mo ba ‘to kanina sa drills mo. Medyo heavy ang pivot mo ngayon, ‘no?”
“Oo. Five rounds. Wrestling halos lahat,” sagot niya, maikli pero direkta.
“Figures,” sabi ko, habang dinadagdagan ng kaunting pressure ang lumbar area.
“Ito ang shock absorber mo, lalo na sa takedowns at clinch. Kailangang ma-decompress ‘to para bukas, maluwag ang galaw mo.”
Nagpatuloy ako sa effleurage, long strokes mula upper back hanggang lower back, para i-connect ang buong posterior chain. Ang katawan niya ay parang mapa.
Alam ko kung saan ang mga punto ng tensyon, at alam ko rin kung paano sila pakikalmahan.
Inayos ko ang tuwalya, at itinupi ito para i-expose ang kanyang kanang hita. Pinahid ko ang oil, at sinigurong pantay ang coverage para maiwasan ang friction burn.
Nagsimula ako sa hamstrings gamit ang petrissage. Pinisil, binitawan, pinisil ulit, na parang dough na inilalabas ang tensyon sa katawan.
Rhythm ang sikreto dito, hindi masyadong mabilis para maiwasan ang muscle guarding, pero hindi rin masyadong mabagal para mapanatili ang flow.
“Medyo tight ang hamstrings mo,” ang litanya ko habang hinahagod ang kanyang biceps femoris.
“Naramdaman mo ba ito kanina sa takedowns? Any pulling sensation?”
“May kaunting stretch… left side,” sagot niya, halos hindi gumagalaw ang ulo niya sa headrest.
Hinawakan ko ang lateral hamstring ng kaliwang binti, gumamit ng cross-fiber friction sa isang specific spot malapit sa knee. Maliit ang galaw, pero precise.
Parang paglilinis ng isang mantsa na hindi mo gustong kumalat. Paulit-ulit hanggang maramdaman ko ang pagluwag ng fibers.
Lumipat ako sa gastrocnemius, ang kalamnan sa binti na madalas napapabayaan ng mga fighters. Ginamit ko ang heel of my hand, pinisil mula sa Achilles tendon pataas sa popliteal fossa. Sinusundan ko ang natural na hugis ng muscle, hinintay ang sagot ng tissue bago dagdagan ang pressure.
“Dito nagsisimula ang explosive power mo,” paliwanag ko. “Lalo na sa clinch at footwork mo. Kung tight ‘to, mabagal ang push-off mo bukas.”
Wala siyang sagot, pero naramdaman ko ang unti-unting paghina ng tensyon sa binti niya. Ang katawan niya ay nagsasalita kahit na siya ay tahimik.
Inulit ko ang proseso sa kabilang binti, gamit ang parehong teknik.
Petrissage, cross-fiber friction, at effleurage para i-seal ang trabaho. Bawat galaw ay may layunin. Walang sobra, at walang kulang.
CHAPTER 2
DANIEL .
Pinunasan ko ang natirang oil sa balikat at leeg niya, maingat na hinintay ang anumang senyales ng discomfort. Ngunit nang mapansing wala naman ay hinayaan ko na.
Ngayon, ang katawan niya ay kalmado na, maluwag na ang kanyang mga kalamnan, at steady narin ang kanyang paghinga.
Isang tanda na epektibo ang masaheng ginawa ko.
Pero habang inaayos ko ang tuwalya para matakpan ang lower half ng katawan niya, ay napansin ko ang isang bagay na hindi ko inaasahan na muli kong masisilayan.
Kitang kita ko ang malaki niyang pagkalalake na tayong tayo at nagbubuga ng paunang katas na ikinatahimik ko habang patuloy parin saking ginagawa. Ang pagkalalaki niya ay kitang-kita, kahit na natatakpan ito ng tuwalya.
Halos wala ngang silbi ang tuwalya sa sobrang erect ng kanyang kaselanan.
Ngunit magkaganon paman ay hindi ko na ito binigyan ng malaking atensyon.
Bilang sports therapist, alam ko na normal ang ganitong reaksyon ng katawan. Ang masahe, lalo na sa mga high-intensity athletes tulad ni Mr. Alacaraz, ay nagdudulot ng increased blood flow, at minsan, ang autonomic nervous system ay nagre-react sa ganoong paraan. Walang kailangang ikahiya o bigyan ng malisya. Sa ilang taon ko na sa propesyong ito, ay nakita ko na ang lahat.
Mula sa muscle cramps hanggang sa mga ganitong natural na tugon ng katawan.
Kahit na napansin ko rin na. At oo inaamin ko, na ito na marahil ang pinakamalaking pagkalalaki na nakita ko sa buong career ko, ngunit hindi iyon ang pokus ko. Kundi ang panatilihing propesyonal ang trabaho ko at hindi pag aksayahan ang bawat sandali.
Kaya naman inaayos ko ang tuwalya nang maingat.
Tinitiyak na mananatiling naaangkop ang coverage. Nang masiguradong okay na ay nagpatuloy na ako sa pag-check sa kondisyon niya.
“Okay ka pa rin ba?” tanong ko, kalmado ang boses, habang kinukuskos ko ang mga kamay ko para alisin ang natirang oil.
“Oo,” sagot niya, wala paring pagbabago sa tono at nakatitig pa rin siya sa kisame, na animo’y parang walang nangyari.
Alam ko na wala siyang balak magbigay ng atensyon dito, at ganoon din ako.
Lumipat ako sa final step ng sesyon, ang light stretching para sa shoulder girdle. Hinawakan ko ang braso niya, at dahan-dahang ini-extend ito para i-release ang anumang natirang tensyon sa deltoids at pectoralis major. Sinusundan ko ang natural na range of motion, maingat na iniiwasan ang overextension.
“Mr. Alcaraz, relax lang ang braso. Hayaan mo akong mag-guide,” ang sambit ko, habang dahan-dahang iniikot ang shoulder joint niya sa isang passive stretch.
Ramdam ko ang katawan niya na sumusunod, at walang resistance.
Ang focus ko ay nanatili sa trabaho, sa texture ng kalamnan, sa alignment ng joints, at sa flow ng session. Ang dambuhalang pagkalalaki niya, na kahit kapansin-pansin, ay bahagi lang ng kanyang katawan, hindi ng intensyon.
Bilang therapist, alam ko kung paano i-compartmentalize ang mga bagay na ganito. Ang layunin ko ay ihanda siya para sa laban bukas, at wala akong balak hayaang ma-distract ako, lalong lalo na siya.
Pagkatapos ng shoulder stretch, ay inilagay ko ang mainit na tuwalya sa balikat at dibdib niya, para i-seal ang relaxation at panatilihin ang muscle warmth.
“Tapos na tayo” ang sambit ko, habang pinupunasan ang kamay ko sa malinis na towel.
“Maganda ang release ng tension mo. Bukas, dapat ay mas magaan ang galaw mo. Hydrate ka na agad, ha? At light stretch lang bago matulog.”
Hindi na siya nagsalita at tumango lang ito, at dahan-dahang umupo sa massage table.
Inayos niya ang tuwalya sa sarili niya, at kahit sa isang saglit, ay nagkatinginan kami.
“Salamat Mr. Alcaraz, sa susunod na kailanganin niyo lang ako ay huwag kayong magdalawang isip na tawagan ako” ang magalang kong sambit at mabilis na inayos ang aking sarili bago napagdesisyonang lumabas ng shower room at iniwan siya sa loob.
__
DOMINIC .
Umupo ako sa massage bed sa gilid habang ang tuwalya ay nakabalot parin sa baywang ko. Ramdam na ramdam ko ang magaang pakiramdam saaking katawan. Ngunit magkaganon man ay ramdam na ramdam ko rin ang kabigatan.
Hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa init na dulot ng amoy niya na parang nakakapit pa rin sa hangin na pumapalibot sa buong shower room.
Ang halimuyak niya ay parang sumusunod sa bawat paghinga ko, habang ninanamnam ko pa rin ang marahang haplos nito sa balat ko.
Agad naman akong napailing, at ang pilyong ngisi sa labi ko ay hindi na nawala.
Hindi ko ugali na magpaapekto ng ganito, pero may iba akong nararamdaman sa lalakeng yon.
Hindi lang basta simpleng pagkagutom, dahil alam kong mas lagpas pa doon. Pakiramdam ko ay siya na ang nararapat at tanging taong tutugon sa kamalasang dala dala ko.
Sa lahat ng lalaking na-encounter ko, wala ni isang umabot sa ganitong klase ng amoy na meron siya.
Hindi lang basta pheromones, kundi isang bagay na mas malalim, mas mapang-akit, na parang hinihila ang kaluluwa ko papalapit sakanya nang hindi ko namamalayan.
Ang amoy niya ay parang usok na naglalaho pero nag-iiwan ng bakas sa isipan ko. Matamis na parang pulot, pero may hapdi rin, parang mint na nagpapagising sa dugo ko, at nagpapabilis ng tibok ng puso ko.
Parang isang haplos ng hangin sa balat ko-mainit, malambot, pero may kuryente. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito ang epekto niya sa akin, pero ramdam ko ang init na dala nito, ang bigat ng pagnanasa na hindi ko inaasahan. At iyon ang dahilan kung bakit ganito pa rin katigas ang pagkalalaki ko, kahit tapos na ang masahe na isinagawa niya ay narito parin ang epekto at ebedensya.
Hindi lang dahil sa haplos ng mga kamay niya-kahit na, oo, magaling siya, propesyunal, at bawat galaw niya ay parang isang tumpak na suntok sa tamang target, walang sobra, walang kulang at tama lang.
Pero ang pheromones niya? Iyon ang tunay na nagpapagalaw ng dugo ko, nagpapainit ng katawan ko, nagpapabaliw sa isipan ko.
Alam kong iba siya. Maganda-halos pambabae ang itsura, pero hindi sa paraang pilit o OA. May lambot at hinhin sa mukha at kilos niya, sa mga mata niyang malalim, na parang laging may iniisip, at may hinihintay.
Ang katawan niya ay maliit at payat, habang makinis at maputi naman ang kanyang kutis, na para bang hindi siya nababagay sa ganitong lugar na puno ng pawis, dugo, at bakal.
Pero ang nakakapagpahanga sakin ay ang katotohanang, hindi siya katulad ng ibang bakla na nakilala ko.
Walang bakas ng pagnanasa sa mga mata niya, kahit kitang-kita ko na napansin niya ang pagkalalaki ko sa ilalim ng tuwalya. Puro trabaho lang, purong kontrol. Walang pag-aalinlangan, walang pagkukunwari. At iyon ang nakakaintriga.
Sa lahat ng lalaking nasubukan ko, karamihan ay agad na natutunaw sa harap ko-lalo na kapag nakita nila ang katawan ko, ang laki ko. Pero si Daniel? Parang wala lang sa kanya. At sa totoo lang, medyo natatameme ako sa pagiging propesyonal niya.
Kinuha ko na ang tuwalya at inayos ito sa baywang ko, tinitiyak na natatakpan ang lahat kahit ramdam ko pa rin ang precum sa ilalim. Hindi ko ugali na magpaapekto ng ganito. Pero may iba sa lalakeng yon. Hindi ko maipaliwanag, pero parang gusto ko ulit siyang makita-isang bagay na hindi ko pa rin lubos na maintindihan.
Ang amoy niya ay parang sumusunod pa rin sa akin, nakakabit sa balat ko, sa isipan ko, na parang isang alaala na hindi ko gustong kalimutan.
“Buwiset,” bulong ko sa sarili ko, habang kinukuha ang phone ko mula sa gilid ng massage table. Pinindot ko ang number ni Coach Park, hinintay ang sagot niya. Habang tumutunog ang linya, napapikit ako saglit, at doon ko ulit naramdaman ang amoy ni Daniel-matamis, mabango, at mapang-akit. Parang isang haplos na hindi ko gustong alisin.
“Dominic, bakit? Okay ka lang ba?” ang sagot ni Coach, na may halong pag-aalala sa boses. Alam niya kung gaano kahalaga ang gabing ito. Ang laban ki bukas ay hindi basta isang laban-ito ang magdedesisyon kung mananatili ako sa tuktok o babagsak sa lusak.
“Oo, okay lang. Pero tawagan mo ulit ‘yung therapist. Sabihin mo kailangan ko siya ulit bukas pagkatapos ng laban.”
“Ha? Si Daniel? Hindi pa ba sapat ‘yung session mo ngayon?” ang tanong ni Coach, na halatang nagulat.
Lalo na’t hindi ko talaga kasi ugali na mag-request ng sunud-sunod na session. Karaniwan, pagkatapos ng laban, ay gusto kong mapag-isa, magpalamig, o kaya’y maghanap ng ibang paraan para i-release ang adrenaline na naipon ko sa laban. Pero ngayon? Alam kong may iba.
“Basta. Ayusin mo nalang at tawagan mo” ang desidido kong sambit, gamit ang malamig na tono.
Pinatay ko na ang tawag bago pa siya makapagtanong ulit.
Bago pa tuluyang lukubin ng kakaibang pagnanasa ang katawan ko ay mabilis kong tinipa ang numero ng taong lagi kong nakakasama upang tugunan ang pangangailangan ko sa tuwing may tournament ako para bukas.
Dali dali kong sinendan ng mensahe para ipaalam na maghanda at pumunta sa condo ko para masimulan na ang dapat masimulan.
__
DANIEL .
Ang pagod ay parang mabigat na kumot na nakabalot sa katawan ko habang naglalakad ako palabas ng gym.
Ang session kay Mr. Alcaraz ay matindi-hindi lang dahil sa pisikal na demand ng sports massage, kundi dahil sa kakaibang enerhiya na dala niya. May bigat sa presensya niya, isang uri ng intensidad na parang laging may hinihintay, isang bagay na hindi ko maipaliwanag. Pero hindi iyon ang oras para mag-isip tungkol sa kanya. Ang isip ko ay nasa iba-sa kapatid ko, na si Ben, na paniguradong kanina pa naghihintay sakin mula sa hospital.
Mula sa gym, dumeretso agad ako sa St. Michael’s Hospital. Alas-otso ng gabi na, at ang pasilyo ng ospital ay tahimik, maliban sa mahinang tunog ng mga monitor at ang paminsan-minsang bulungan ng mga nurse.
Ang bawat hakbang ko papunta sa kwarto ni Ben ay parang may dalang dagdag na bigat-hindi lang ang pagod ng katawan, kundi ang hapdi ng pag-aalala na hindi ko maalis sa dibdib ko. Si Ben ang dahilan kung bakit ako nagtatrabaho nang ganito, kung bakit hindi ako tumitigil kahit pakiramdam ko minsan ay wala na akong lakas.
Pagpasok ko sa kwarto niya, nakita ko siyang nakahiga, maputla pero may ngiti sa labi nang makita ako. Ang mga mata niya, na kahit pagod, ay may bahid pa rin ng pag-asa, isang bagay na pinanghahawakan ko sa bawat araw na lumilipas.
“Kuya, dumating ka,” sabi niya, mahina ang boses pero may init na parang sinusubukang aliwin ako kahit siya ang may sakit.
“Syempre, naman. Hindi ka naman iiwan ng kuya,” ang nakangiting sagot ko, habang inaayos ang manipis na kumot na nakabalot sa kanya. Umupo ako sa tabi ng kama niya, hinawakan ang kamay niya na malamig at payat, at sinuri ang chart sa dulo ng kama.
Kabisado ko na halos ang mga detalye-ang kundisyon ng bato niya ay lumalala, ang dialysis ay pansamantala lang, at kailangan na ng transplant para magkaroon siya ng pag-asa na bumuti. Pero bawat pagbabasa ko ng chart ay parang may bagong suntok sa sikmura-ang realidad ng sakit niya ay hindi kailanman nagiging mas madali.
“Kuya, okay lang ba ‘yung trabaho mo? Parang pagod na pagod ka na ah,” tanong nito, habang sinusubukang ituwid ang katawan niya sa kama.
Ngumiti ako, kahit ramdam ko ang hapdi sa likod ng mga mata ko. “Okay lang ako, Bunso. Mas alalahanin mo ang sarili mo. Magpapagaling ka para makapaglibot tayo ulit, tulad ng dati.”
Nagkwentuhan kami tungkol sa mga bagay na gusto niyang gawin pagkatapos ng operasyon-ang pangarap niyang maging chef, ang plano naming magpunta sa beach sa Batangas, ang mga simpleng bagay na dati ay hindi ko napapansin pero ngayon ay parang ginto sa halaga. Alam ko na kailangan niyang manatiling positibo, kahit ang bigat ng nararamdaman ko ay parang dahan-dahang bumabaon sa dibdib ko.
Lumipas ang oras nang hindi ko namalayan. Mula sa mga kwento ni Ben tungkol sa mga recipe na gusto niyang subukan, hanggang sa mga tahimik na sandali kung saan hinintay ko lang ang paghinga niya, na parang sinisigurado ko na nandyan pa rin siya. Bandang alas-onse ng gabi, pumasok si Doktora Reyes, ang doktor ni Ben. Ang mukha niya ay seryoso, at kahit sanay na ako sa ganoong ekspresyon, ramdam ko agad ang bigat ng sasabihin niya.
“Daniel,” simula niya, habang inaayos ang salamin niya. “Kailangan na nating gawin ang operasyon bukas. Lumalala ang kondisyon ni Ben. Ang transplant ang tanging paraan para ma-stabilize siya. Pero…” Tumigil siya saglit, at ang katahimikan ay parang bigat na dumagan sa balikat ko. “Ang gastos, kasama ang mga bill sa ospital, aabot ng dalawang daang libo.”
Dalawang daang libo. Ang bilang na iyon ay parang pako na tumusok sa dibdib ko. Alam ko na mahal ang operasyon, pero ang bilis ng pagdating ng deadline ay parang hinintay akong maubusan ng oras.
Dalawang daang libo ay hindi biro-higit pa sa kaya ng sahod ko bilang sports therapist, kahit na magtrabaho ako ng sunud-sunod na araw. Tumango ako, kahit hindi niya kita, at sinabi ko na gagawan ko ng paraan. Pero sa totoo lang, wala akong ideya kung paano. Ang sahod ko ay sapat lang para sa dialysis at pang-araw-araw na gastusin, pero dalawang daang libo? Parang bundok na hindi ko alam kung paano aakyatin.
“Salamat, Doktora,” sabi ko, habang sinusubukang panatilihin ang kalmado ng boses ko.
“Siguraduhin ko lang na okay si Ben bago ako umalis.”
Pumunta ako ulit sa tabi ni Ben, pinunasan ang noo niya ng basang bimpo, inayos ang unan niya, at sinigurado na komportable siya.
“Magpapahinga ka, ha? Bukas, magiging maayos ka na,” sabi ko, kahit ang hapdi sa dibdib ko ay parang lalong lumalala.
“Kuya, wag kang mag-alala. Magiging okay ako,” sagot niya, na may ngiti na parang siya pa ang nag-aaliw sa akin na ikinatango ko lang habang marahang hinahaplos ang kanyang ulo.
Ngumiti ako pabalik, pero sa loob-loob ko, ramdam ko ang bigat ng responsibilidad. Hindi ko alam kung paano ko mapapangako ang lahat, pero alam ko na kailangan kong magpatuloy.
Alas-una ng madaling araw na nang magpasya akong umuwi. Paglabas ko ng ospital, ang malamig na hangin ay parang humaplos sa mukha ko, pero hindi nito naalis ang pagod sa katawan ko.
Ang bawat hakbang papunta sa condo ko ay parang laban sa sarili ko-gusto ko na lang humiga, magpahinga, kahit ilang oras lang. Pero pagdating ko sa building, napansin ko ang dalawang lalaki sa labas ng gate. Mga loan shark. Ang mga hinintay na utang ko para sa mga naunang gastusin ni Ben ay lumalaki na, at alam ko na wala na akong atraso na kaya pang iwasan.
Mabilis akong umatras, at nagtago sa likod ng isang poste, habang hinintay na makaalis sila. Ang puso ko ay tumitibok nang mabilis, hindi lang dahil sa takot, kundi dahil sa bigat ng lahat-si Ben, ang operasyon, ang pera, ang mga utang. Pakiramdam ko ay parang sasabog na ang isip ko. Pero bago pa ako makapag-isip ng plano, tumunog ang cellphone ko. Hindi ko kilala ang numero, pero sinagot ko agad, dahil baka tungkol ito kay Ben.
“Daniel?” Isang pamilyar na boses, mababa, may diin. Si Mr. Alcaraz.
Natigilan ako. Hindi ko inaasahan na siya ang tatawag, lalo na ngayong oras. Ang boses niya ay parang may kuryente, na kahit pagod na pagod ako, nagising ang isang bahagi ng isip ko.
“Mr. Alcaraz? Bakit po… bakit kayo tumatawag?” tanong ko, habang sinusubukang panatilihin ang respeto sa tono ko, kahit ramdam ko ang kaba sa dibdib ko.
“Gusto ko ng isa pang massage therapy session. Ngayon na,” ang sambit nito, diretso at walang paligoy-ligoy, pero may urgency na hindi ko maipaliwanag.
Napapikit ako.
Alas-dos na ng madaling araw. Ang katawan ko ay parang latang napiga na, ang mga kalamnan ko ay nangangalay, at ang isip ko ay gulong-gulo sa mga problema na hinaharap ko ngayon. Agad namang nagsulputan saking isip ang mukha ni Ben, ang operasyon na kailangan ganapin sa madaling araw, at ang mga loan shark na naghihintay sa labas ng inuupahan kong condo.
“Mr. Alcaraz, masyado nang gabi. Hindi ko po kaya ngayon. Bukas na lang po, pagkatapos ng laban ninyo,” ang tanging sagot ko, habang sinusubukang panatilihin ang propesyunalismo kahit ramdam ko ang hapdi ng pagod sa walang humpay kung pagkilos simula kaninang umaga pa.
“Hindi nga pwede bukas,” ang sagot niya, gamit ang malamig pero may bigat na tono na parang hindi niya tatanggapin ang ano mang klase ng rejection mula sa ibang tao.
“Titreplihin ko ang bayad mo. Isang daan at limampung libo. Ngayon na.”
Isang daan at limampung libo. Ang bilang na iyon ay parang isang ilaw sa dulo ng madilim na lagusan. Sapat iyon para makapagbayad ng malaking bahagi ng operasyon ni Ben, sapat para makahinga ako kahit pansamantala.
Pero ramdam ko rin ang bigat ng katawan ko, ang hapdi ng mga mata ko na gustong-gusto nang magpahinga. Hindi ko alam kung kaya ko pa, pero ang imahe ng mukha ni Ben, ng ngiti niya kahit nasa ospital, ay parang humila sa akin pabalik.
“Sige po,” sambit ko, gamit ang mahinang boses pero desidido at sigurado.
“Saan po kayo ngayon?”
“Sa condo ko. Ipapadala ko ang address,” sagot niya, at ramdam ko ang bahagyang ngisi sa boses niya, kahit hindi ko siya kita. Parang may alam siyang hindi ko alam, pero wala akong oras para isipin iyon.
Pagkatapos ng tawag, dumating ang text mula kay Mr. Alcaraz-ang pangalan ng condo niya, isang high-end building sa BGC, at ang numero ng unit. Mabilis kong kinuha ang bag ko, tiningnan ang paligid para sigurado na hindi ako makikita ng mga loan shark, at sabay karipas ng takbo papalayo sa aking condo.
Habang tumatakbo, ramdam ko ang bigat ng katawan ko, pero sa isip ko, isang bagay lang ang malinaw.
Kailangan ko ang perang ito. Para kay Ben. Para sa pag-asa na magiging okay siya.
Ang pagtakbo ko papunta sa bus stop ay parang laban na rin. Ang malamig na hangin ng madaling araw ay humaplos sa mukha ko, pero hindi nito naalis ang hapdi ng pagod sa mga kalamnan ko. Ang bag ko, na naglalaman ng massage oils, tuwalya, at iba pang gamit, ay parang mas mabigat kaysa dati. Pero sa bawat hakbang, at iniisip ko si Ben-ang ngiti niya, ang pangako ko na gagawin ko ang lahat para sa kanya.
Pagdating ko sa BGC, ang condo building ni Mr. Alcaraz ay agad na nagpakita ng pagkakaiba sa mundo ko. Mataas, makintab, puno ng ilaw na parang hindi natutulog ang lugar. Pumasok ako sa lobby, ipinakita ang ID ko sa guard, at sinabi na hinintay ako ni Mr. Alcaraz.
Habang nasa elevator, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Banaag na namumutla ang buong mukha ko na natural lang saakin lalo na’t pagod na pagod ako, at kitang kita rin eye bags ko na mas lalo kung ikinahiya.
Kaya naman bahagya kong inayos ang aking sarili pati na ang aking damit dahil doon nalang ako babawi at mas magmumukhang presentable.
Propesyunalismo ang kailangan ko ngayon, kahit pakiramdam ko ay parang sasabog na ang katawan ko sa sobrang kapaguran.
CHAPTER 3
DANIEL.
Ang pag-akyat sa unit niya ay parang pag-akyat sa bundok ng kalbaryo. Hindi sa pagod ng katawan, kundi sa bigat ng damdamin. Ang bawat hakbang ay may karga-takot, pagdududa, at ang desperasyong mahawakan ang hinahanap kong pera.
Ngunit sa dulo ng lahat ng ito ay si Ben. Siya ang rason. Siya ang dahilan.
Pagharap ko sa pintuan ng unit ni Mr. Alcaraz, ay agad akong natigilan. Bahagyang nakabukas ang pinto nito na labis kong ikinapagtataka.
Sa oras na iyon, isang hindi maipaliwanag na kaba ang bumalot sa akin. Isang pakiramdam na tila may mali. Hindi normal para sa isang kagaya niya na isang lalaking kilala sa disiplina at tikas, na iwanang bukas nalang ang sariling pintuan sa gitna ng gabi.
Dahil sa pagkakyuryoso ay dahan-dahan ko itong itinulak. Inaasahan kong babati siya ng malamig na “pasok,” sabay utos kung saan ko dapat ilagay ang gamit.
Pero ang eksenang bumungad sa akin ay parang sampal na walang babala na ikinatigalgal ko sa sobrang gulat.
Sa gitna ng sala, ay may isang lalaking nakatayo, naka-boxer lang, maputi, payat, at may kayumangging buhok. Halos kasing katawan ko. Slim, makinis, at mukhang pagod ang katawan sa kaiiyak.
Ang mga mata niya ay pulang-pula, at ang boses niya’y parang basag na salamin-matinis, desperado, at puno ng sakit.
Samantalang si Mr. Alcaraz ay nakatayo sa gilid, balot lang ng tuwalyang nakapulupot sa baywang. Malamig ang ekspresyon niya. Tense ang katawan, na parang kinokontrol ang sariling damdamin.
“Dominic, ano ‘to?” ang umiiyak na sigaw ng lalaki, habang nanginginig ang boses, na tila sumisid sa kailaliman ng pagkabigo.
“Ang saya lang natin kanina, tapos may tinawagan ka lang at ayaw mo na? Ano bang kasalanang nagawa ko? Sabihin mo please” Walang humpay sa pagtulo ang luha niya, kasabay ng mga salitang puno ng hapdi.
Ang bawat kataga ay nagmamakaawa. Para bang sinusubukang isalba ang isang bagay na matagal nang bitawan ng lalakeng kaharap niya.
Hindi ko alam kung anong unang naramdaman ko-gulat, kaba, o ang kakaibang lamig na gumapang sa likod ko.
Si Mr. Alcaraz.
Ang lalakeng puno ng disiplina at kontrol ay nakikipagtalik sa kapwa niya lalaki? At hindi lang basta lalaki-isang tulad ko. Malambot, maliit, makinis.
Ang imahe niya bilang isang atleta na tinitingala, ay biglang mababalot ng usok ng pagkalito. Lalong lalo na kung lumabas sa media ang pangyayaring ganito.
Totoo ba ‘to? Bakit tila may puwersang mas malalim sa lahat ng ito?
“Hindi na rin ako tinitigasan sayo,” ang malamig na wika ni Mr. Alcaraz.
Diretso. Matigas. Walang paligoy-ligoy.
“Hindi na kita kailangan, Ryan. Tapos na ‘to.”
Ang parang yelong tinusok sa pagitan nila ang mga salitang iyon. Si Ryan, na nanlumo sa kinatatayuan, ay biglang napuno ng apoy ang mga mata at napalitan ang sakit ng galit.
“Hindi ka tinitigasan? Ilang buwan na tayong ganito, Dominic!” halos pasigaw niyang sagot, nanginginig sa galit. “Fubu tayo! At alam mong kailangan mo ‘ko! Hindi ka mananalo kung hindi mo ako kakantutin! Kailangan mo ako!”
Ang bawat salita niya ay parang lason. Lasong dahan-dahang gumagapang sa utak ko. Tournament? May kinalaman sa laban ang… sex?
Ang kabuuan ng pagkatao ko ay natigilan. Hindi ako makagalaw. Hindi makapagsalita.
Ang sakit sa mga mata ni Ryan ay hindi lang tungkol sa rejection-kundi sa pagkawala ng lugar na akala niyang kanya.
“May nakita na akong mas maganda at mas better sayo, ano bang masama doon kung hindi ka na exciting sa paningin ko” ang malamig na sambit ni Mr. Alcaraz.
Diretso. Walang emosyon. Walang pag-aalinlangan. Walang balak balikan pa ang nakaraan.
Parang may kumidlat sa kwarto. Namilog ang mga mata ni Ryan. Humigpit ang panga. At bago ko pa man maunawaan ang susunod na mangyayari, ay napalingon siya sa akin.
“Ito ba?” halos pasigaw niyang tanong. “Ito ba ‘yung mas maganda?!”
Mabilis ang mga sumunod. Lumapit siya. At bago pa ako makailag, hinablot niya ang buhok ko nang marahas.
“Malandi kang gago ka…!” hinila niya ang buhok ko nang malakas, at ramdam ko ang hapdi sa anit ko na parang sinunog.
“Malandi ka, ha! Gagamitin ka lang niya, alam mo ba ‘yon? Ginagamit lang niya ang mga katulad natin! Wala kang kwenta sa kanya pagkatapos nito!” Ang boses niya ay puno ng galit, pero sa ilalim niyon, ramdam ko ang sakit, ang inggit, ang desperasyon na mabawi ang isang bagay na nawala na sa kanya.
Ang mga luha niya ay tumutulo habang hila hila ang buhok ko, at ang bawat salita ay parang punyal, puno ng hapdi ng isang taong nawalan ng kontrol, ng isang taong hinihintay ang isang bagay na hindi na babalik.
Ang sakit ng pagkakahila sa buhok ko ay nagpabalik sa akin sa realidad, pero ang kaguluhan sa isip ko ay mas malakas. Hindi ko alam kung paano tumugon, kung paano ipapaliwanag ang sarili ko.
Ang mga salita ni Ryan ay parang mga punyal, pero ang sakit sa mga mata niya ay parang salamin ng sarili kong hapdi-ang hapdi ng isang taong sinusubukang panatilihin ang isang bagay na mahalaga sa kanya, tulad ng ginagawa ko para kay Ben.
Pero bago pa ako makapagsalita, ay lumapit si Mr. Alcaraz, at mabilis na kumilos na animo’y parang hayop na handang protektahan ang teritoryo niya.
“Bitawan mo siya,” ang malakas at pasigaw niyang sambit gamit ang baritonong boses.
Ang boses niya ay mababa pero puno ng awtoridad, walang bahid ng pag-aalinlangan. Hinila niya ang braso ni Ryan nang malakas, at itinulak siya palayo. Ang lakas ng pagtulak ay nagpabuwal kay Ryan sa sahig, at ang tunog ng katawan niya na tumama sa tiles ay parang sumabog sa katahimikan ng kwarto.
Napatulala ako sa gulat, samantalang ang kamay ko ay nakapatong sa buhok ko na mahapdi pa rin dahil sa pagkakasabunot niya.
Samantalang nakaupo naman si Ryan sa sahig, ang mga mata ay puno ng galit, sakit, at pagkabigla, na parang hindi niya inaasahan ang ginawa ni Mr. Alcaraz. Ang hapdi sa mga mata niya ay parang sumasalamin sa sarili kong nararamdaman-ang takot na mawala ang isang bagay na mahalaga, ang sakit ng pagkabigo.
Pero si Mr. Alcaraz ay hindi nagbago ang ekspresyon-malamig, diretso, walang emosyon.
Dagli niyang kinuha ang wallet mula sa mesa sa gilid, at kinuha ang isang bungkos ng pera-makapal, siguro libo-libong piso-at itinapon ito sa sahig na malapit kay Ryan.
“Lumabas ka na,” ang seryosong sambiti
niya, ang boses ay parang yelo, na walang bahid ng awa.
“Tapos na tayo.” Ang mga salita niya ay diretso, walang paligoy-ligoy, at puno ng finality na parang tinapos na talaga at wala nang balikan.
Si Ryan ay natigilan at natameme dahil sa ginawa ni Mr. Alcaraz sakanya, habang ang mga kamay nito ay nanginginig na kinukuha ang pera. Ang mukha niya ay puno pa rin ng galit, pero may bahid din ng sakit, ng pagtanggap na wala na siyang laban.
Tiningnan niya ako nang masama, na parang ako ang dahilan ng lahat, bago siya dahan-dahang tumayo at lumabas ng pinto, at iniwan kaming dalawa ni Mr. Alcaraz sa katahimikan.
Nang tuluyan nang makaalis ang lalakeng nagngangalang Ryan ay dahan dahan akong napatingin kay Mr. Alcaraz na animo’y wala lang nangyari.
Ni walang bakas ng kahihiyan manlang sakanyang mukha na labis kong ikinapagtataka.
Ang puso ko ay tumitibok nang mabilis habang nakatayo ako sa may pintuan ng condo ni Mr. Alcaraz, ang hapdi sa anit ko mula sa pagkakahila ng buhok ni Ryan ay parang paalala ng kaguluhang nasaksihan ko.
Ang eksenang nangyari lang ay paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko, na parang pelikulang hindi ko gustong panoorin pero hindi ko sinasadyang masaksihan. Ang mga salitang
“Hindi ka mananalo sa tournament mo kung hindi mo ako kakantutin”
Ay parang mga pako na tumusok sa dibdib at isip ko, na nagdudulot ng kaba at kaguluhan na hindi ko maipaliwanag kahit na sa sarili ko.
Ang isip ko ay gulong-gulo, pero ang bigat ng responsibilidad para kay Ben ay nagpapanatili sa akin na magpatuloy nalang at huwag nang pansinin ang mga nangyari kanina lang.
“Daniel,” ang sambit ni Mr. Alcaraz, gamit ang boses niyang mas malambot pwera sa normal niyang baritonong boses, pero may bigat pa rin, na parang sinusubukang pakalmahan ako.
“Pasok ka. Huwag mo nang isipin ‘yon.”
Agad ko namang pinilit ang isang ngiti at tumango, kahit ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. Ang mga imahe ng eksena ay parang nakadikit sa isip ko, pero inaasahan ko parin ang sarili ko na maging propesyunal at balewalain nalang ang mga nasaksihan ko.
Inayos ko muna ang bag ko saaking balikat, sabay pasok sa sala, at sinimulan ang paghahanda ng mga gamit na gagamitin ko.
Pero bago paman ako makapagsimula, ay tiningnan ako ni Mr. Alcaraz, mula ulo hanggang paa habang ang mga mata ay matalim, na parang sinusuri ang buong pagkatapos ko.
“Sundan mo ‘ko,” ang sambit niya, habang ang boses ay diretso, walang bahid ng paliwanag tungkol sa nangyari.
Tinuro niya ang isang pinto sa dulo ng sala, at nagsimulang maglakad papunta roon.
Natigilan ako ng bahagya lalo na’t inaasahan ko na sa massage table kami magsisimula, tulad ng sa gym.
Pero ang kaba sa dibdib ko ay lalong naghuhurumintado habang sinusundan ko siya, ang mga hakbang ko ay mabigat na parang may bahagi sa isip ko na nagsasabing umatras na.
Dahan dahan kaming gumayak sa mismong kwarto niya, isang malaking silid ang bumungad saamin na may malaking kama sa gitna, ang mga puting kumot ay magulo, habang ang sahig ay may mga nakakalat na bagay na lalong nagpapabilis ng tibok ng puso ko.
Lube, condoms, at isang pares ng boxer shorts na malamang ay pagaari ni Mr. Alcaraz o di kaya sa lalakeng kasama niya lang kanina.
Ang mga ito ay parang ebidensya ng eksenang nasaksihan ko.
Pinilit ko ang sarili ko na maging kalmado, kahit ang bawat hibla ng katawan ko ay nagsasabing tumakbo na palayo. Pero ang imahe ni Ben-ang mahinang ngiti niya, ang mga mata niyang puno ng pag-asa-ay nagpapanatili sa akin.
Isang daan at limampung libo. Sapat iyon para mabayaran ang halos buong operasyon niya, para mabigyan siya ng pagkakataong mabuhay. Kaya kahit awkward, kahit ramdam ko ang kaba, inilapag ko ang bag ko sa sahig at inilabas ang mga gamit ko-ang massage oils, ang tuwalya, ang mainit na bimpo.
“Mr. Alcaraz, dito po ba tayo magsisimula?” tanong ko, habang sinusubukang panatilihin ang propesyunalismo sa boses ko, kahit ang mga mata ko ay hindi maiwasang mapatingin sa lube at condoms na nakakalat sa sahig.
“Oo,” ang simple at mahinang sambit niya, habang dahan dahang humihiga sa kama. Samantalang ang tuwalya ay nakabalot pa rin sa kanyang beywang.
“Simulan mo na.”
Ang mautoridad nitong sambit na ikinatango ko, kahit sobrang lakas ng kabang nararamdaman ko.
Inihanda ko na ang oil na gagamitin, sabay inilapat ang kaunting init sa mga kamay ko, at sinimulan ang pagmasahe sa mga binti niya.
Ang mga kalamnan niya ay matigas, puno ng tensyon, pero ang haplos ko ay maingat, tumpak, tulad ng ginagawa ko sa bawat session. Pero habang hinahagod ko ang mga hita niya, napansin ko ang intensidad ng tingin niya sa akin, na parang may sinusuri siya, na parang may inaasahan siyang higit pa sa masaheng ibinibigay ko ngayon sakanya.
“Mr. Alcaraz, sabihan ninyo lang po ako kung may discomfort o sakit kayong nararamdaman” ang paalala ko, habang dinadagdagan ng kaunting pressure ang mga galaw ko, at sinusundan ang muscle fibers mula sa hita patungo sa tuhod.
Pero bago pa siya makasagot, ay bigla siyang nagsalita, gamit ang boses na baritono at mababa pero diretso, na parang sinadya na tapusin ang katahimikang namamayani sa buong kwarto.
“Alam mo ba kung bakit kailangan ko ng lalaki bago ang laban ko bukas?” ang nakangising tanong nito, habang ang mga mata ay nakapako sa kisame, pero ang tono ay puno ng bigat at kaseryosohan.
Bahagya naman akong natigilan, habang ang mga kamay ko ay huminto saglit sa parte ng kanyang binti.
Ang kaba sa dibdib ko ay lalong mas lumakas, at ang mga salitang binitawan ng lalakeng nagngangalang Ryan ay bumalik sa isip ko
“Hindi ka mananalo sa tournament mo kung hindi mo ako kakantutin.”
“Hindi ko alam, Mr. Alcaraz,” ang tanging sagot ko nalang, habang sinusubukang panatilihin ang pagiging kalmado ng boses ko.
“Pero… may kinalaman ba ‘to sa laban ninyo?”
Ang tanong ko na ikinatawa nito, isang uri ng tawa na malamig, pero walang saya.
“May sumpa ako, Daniel. Isang sumpa na kung hindi ako makikipagtalik sa isang lalaki bago ang laban ko ay pihadong matatalo ako sa labanang mangyayari kinabukasan.
Hindi ko maipaliwanag kung bakit, pero ganoon ang nangyayari. Kaya naging ritwal ko na ‘to. Kailangan na mangyari, kahit anong mangyari.”
Ang mga salita niya ay parang bomba na sumabog sa isip ko.
Nagyelo ang mga kamay ko sa binti niya, at ang kaba sa dibdib ko ay naging takot.
Jinx? Sumpa? Ritwal? Nakikipagtalik siya sa mga lalaki para manalo sa laban?
Ang ideya ay parang hindi tumutugma sa imahe ng lalaking kilala ko, pero ang intensidad sa boses niya, ang kumpiyansa sa mga salita niya, ay nagbigay ng bigat sa lahat.
Ang umiiyak at desperadong imahe ni Ryan kanina ay parang nagkakaroon ng kahulugan ng ipaliwang ni Mr. Alacaraz ang kanyang sekreto para manatiling tagumpay sa kanyang mga laban.
Kahit na kinakabahan ako ay pinipilit ko paring maging kalmado, pero traydor ang mga kamay ko sapagkat maging ito ay nanginginig na.
“Mr. Alcaraz, hindi ko po…”
Hindi ko natapos ang sasabihin ko, dahil bigla siyang umupo sa headboard ng kama, habang ang mga mata ay nakapako sa akin, at ang boses niya ay naging mas diretso pa, at mas malamig.
“Kaya ko pinalayas ‘yung malandi kanina,” ang makumanay ngunit baritono niyang sambit, habang ang mga mata ay parang tumutusok sa ikabuturan ng kaluluwa ko.
“Dahil ikaw ang naiisip kong kapalit niya. Hindi ka lang nandito para sa isang simpleng masahe Daniel.
Isang daan at limampung libo? Hindi ba’t masyadong malaki ang halagang iyon para sa isang simpleng masahe lang?”
Ang mga salitang iyon ay parang bomba na sumabog sa dibdib ko. Para akong natuod sa kinatatayuan ko, habang ang mga kamay ko ay napahinto nalang sa parte ng kanyang binti.
Ang kaba sa dibdib ko ay naging purong takot habang pinoproseso parin ang mga salitang binitawan niya.
Ang isang daan at limampung libo ay totoo ngang malaking halaga.
Alam ko at aware ako na masyadong malaki ang halagang ibinibigay niya para lang sa isang masahe, at sa likod ng isip ko, ay may bahagi na nagsasabing may mali, na may kapalit ang ganitong klase ng pera. Pero ang marinig ito mula kay Mr. Alcaraz, sa direktang paraan pa ng pagkakasabi niya, ay para akong mauubusan ng hangin.
“Hindi po, Mr. Alcaraz,” ang puno ng tapang kung tugon at mabilis na tumingin sakanyang mukha ng walang pag aalinlangan.
“Hindi ko po kaya ‘yon. Hindi ko ibinibigay ang katawan ko kapalit ng pera na inaalok niyo.” Kahit ramdam ko ang hapdi ng mga salita ko, ay alam ko na totoo ang sinasabi ko.
Oo, nasa kanya ang tipo ko sa mga lalake. Iyong maskulado, malaki, dominante, perpekto mula sa mukha hanggang sa katawan. Ang mga mata niya, ang paraan ng pagkilos niya, ang lakas na dala niya-lahat ng iyon ay katangian ng taong nagugustuhan ko. At ang lahat ng katangian ring iyon ay nasa kanya.
Pero kahit na gaano ko siya kagusto, sa pisikal na aspeto, ay hindi ko parin kaya ang ideya na ibigay ang katawan ko sa isang taong hindi ko manlang mahal, lalong lalo na sa isang taong gagamitin lang ako para sa isang ritwal, at para sa kanyang jinx.
“Kung ayaw mo, edi umuwi ka na,” ang walang pakialam nitong sambit, habang ang boses ay diretso, at walang emosyon.
“Pero wala kang makukuhang pera mula sakin. Hindi mo makukuha ang 150k na ipinangako ko”
Ang mga salitang iyon ay parang suntok sa sikmura ko. Ang isang daan at limampung libo, ang perang iyon ang magpapalaya kay Ben mula sa ospital, ang magbibigay sa kanya ng pagkakataong mabuhay pa ng walang iniindang sakit.
Pero ang ideya na ibigay ang katawan ko, na gawing bahagi at magpagamit ng dahil lang sa isang ritwal at sumpa na hindi ko maintindihan, ay para bang nakakawala ng dignidad.
Tiningnan ko si Mr. Alcaraz, ang mga mata niya ay may bahid ng pagkabagot, na parang wala siyang pakialam kung ano ang desisyon ko.
Pero sa likod ng malamig na ekspresyon, ay ramdam ko ang intensidad, ang pangangailangan na hindi niya inaamin nang buong lakas.
Ang hapdi at pagkagulo sa dibdib ko ay mas lalong lumakas, at ang kaguluhan sa isip ko ay parang nakikipagdigmaan.
Ang prinsipyo ko na panatilihin ang dignidad ko, laban sa desperasyon na iligtas si Ben.
Hinintay ko ang sarili ko na huminga ng malalim, pero ramdam ko ang luha na gustong tumulo sa mga mata ko. Hindi ko gustong gawin ito. Hindi ito tama.
Pero si Ben, ang kapatid ko, ang tangi at nagiisa kong pamilya na ngayon ay nasa ospital, na naghihintay ng operasyon na magpapabuti sa kanyang kalagayan.
Ang dalawang daang libo ay parang bundok, at ang isang daan at limampung libo mula kay Mr. Alcaraz ay ang tanging paraan para maakyat ko ito.
“Sige po,” ang mahina kong pagsuko habang dahan dahan kong inililibing ang aking prinsipyo at moralidad matanggap ko lang ang parang kailangan ko para sa nalalapit na operasyon ng kapatid ko
